loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Julian's Gift

Julian's Gift

absurd018 · 72 chapters · 211,686 words

PREVIEW

Twitter : itsnipo

Instagram : iamnipo

+++++++++++

Ang lakas lakas ng ulan, di ko pa alam kung nasaan ako. Ang alam ko, pumunta kami sa Pampanga para mag inuman. Ewan ko rin kung bakit ako sumama sakanila pero di ko talaga matanggihan si Matteo.

Sobrang crush ko kasi si Matteo, ang gwapo gwapo niya kasi tapos ang tangkad. Siya kasi ang model sa school namen, syempre kailangan artistahin para naman naman makaakit ng mga enrolees.

Di ko naman akalain na magiging kaibigan ko siya, normal lang naman ako na bakla. Alam niya naman na bakla ako, at may respeto siya saken.

Pero di ko alam kung bakit niya nagawa saken to.

Kanina pa ako tumatakbo sa matataas na talahib. Lagpas na nga hanggang ulo ko eh, imbis na matakot ako, ang gusto ko na lang, makaalis sa lugar na pinuntahan namen. Dala dala ko pa yung bag ko tapos nakauniform pa ako.

Kahit bakla ako, may respeto ako sa sarili ko. Ganun naman kasi dapat, para di ako napagtitripan pero bakit saken pa nangyari to.

Habang tumatakbo palayo, napansin kong malapit na ako sa hi way na siya namang kinatuwa ko.

Nung makita ko yung mga sasakyan, pumapara ako pero walang humihinto saken. Wala rin akong makitang pwedeng silungan, basta puro talahib lang talaga.

Basang basa na ako at ang lamig lamig.

Nung wala ng dumadaang sasakyan, saka naman ako nakarinig ng parang may umiiyak. Hinanap ko yung tunog at di naman masyadong malayo, may matandang lalaki na umiiyak. Mukhang pulubi at madungis, pero nangibabaw yung awa ko kaya nilapitan ko siya.

“Ahmm.. manong, okay lang po ba kayo?” Tanong ko sakanya. Lumuhod ako para mahawakan ko siya.

“Nagugutom na kasi ako iho…” sagot niya. Sobrang nakakaawa talaga.

Chineck ko bag kong basang basa na kung nadala ko yung pagkain ko, buti na lang may isang lemon square cheesecake dun tapos binigay ko sakanya.

“Ohh, ayan po, kainin niyo po” sabi ko. Pinampayong ko yung bag ko sakanya para makakain ng maayos.

“Maraming Salamat iho” sabi niya.

Malapit kasi loob ko sa mga matatanda. Kaya di ako nagatubiling tulungan siya.

“Anong pangalan mo iho?” Tanong niya.

“Ahhh.. Julian po”

“Maraming Salamat Julian, iho. Napakabait mong bata” sabi niya pa.

Nakakatuwang makita sa labi ng matanda yung ngiti at saya kahit lemon square lang nabigay ko.

“Bakit pala nandito ka sa kalsada ng ganitong panahon, ang lakas lakas ng ulan at gabi na. Mamaya kung mapano ka pa.”

Di ko naman masabi yung totoo sakanya kaya di na lang ako sumagot.

“Iho, pwede mo ba akong ihatid sa may kubo ko??”

“Ahh eh san po ba yung kubo niyo??”

“Sa may talahiban, di naman malayo rito” sabi niya pa.

Medyo na creepyhan ako. Gusto ko sanang umayaw kaso hinawakan niya kamay ko at naglakad na kami sa Talahiban.

Putek, nakakatakot talaga!! Di naman mukhang gagawa ng masama si manong pero kahit na, nakakatakot lang talaga.

Tapos ngayon, sumisipol siya habang naglalakad kami. Mas lalo tuloy akong kinilabutan, ang creepy ni manong!!

Pero sa di kalayuan, may nakita akong kubo na maliit na may ilaw. Siguro ayun nga yung tinutukoy niya.

Sobrang liit lang nung kubo, siguro dalawang dipa lang yung apat na sulok, tapos may lamesang gawa sa kawayan. Yung ilaw, parang lampara lang.

Pero ang nakakagulat, ang daming libro sa may bandang kisame. Di naman sila nababasa sa loob.

“Dito po ba kayo nakatira??” Tanong ko.

“Oo” tangi niyang sagot.

Umupo lang kaming dalawa, magkaharapan sa lamesa.

Nakatitig lang siya saken sa mga mata ko. Di naman ako makatitig kasi natatakot ako sakanya.

“Anong problema mo iho??” Sabi niya bigla.

“Po??”

“Di ka naman siguro tatakbo sa talahiban ng ganitong oras, kung wala lang, isa pa, wala ka pang payong, anong problema mo iho???” Sabi niya.

Aba, si manong medyo chismoso ano?

Bigla siyang ngumiti na parang natawa.

“Gusto ko lang malaman ang istorya mo iho kaya ko tinatanong” sabi niya.

Shit!! Nabasa ba niya nasa isip ko.

Tumatawa pa rin siya! Shit talaga, parang binabasa niya nasa isip ko.

Ang baho niyo po manong. Naligo po ba kayo?? Sabi ko sa isip ko.

“Hahahahaha, nakakatawa kang bata ka, oo naligo ako” sabi niya.

SHIT!!!

“Paano!!!! Sa isip ko lang sinabi…..” nagpapanic na ako ng mga oras na yun. Pero hinawakan niya ako sa kamay at pinakalma.

“Easy lang iho. Huminahon ka!”

“Paano po ako hihinahon kung binabasa niyo yung nasa isip ko?!!”

“Huminahon ka nga!” Sigaw niya saken. Sumeryoso yung mukha niya na parang nagalit na kaya huminahon ako.

“Ayan ganyan nga” sabi niya uli tapos ngumiti uli siya.

Baliw ba to?

Ay shit, nababasa pala niya nasa isip ko, kailangan kong di mag isip ng tungkol sakanya. Sige…. ahm, carrots. Carrots??? Bakit ayun pumasok sa isip ko?

“Ikalma mo yang isip mo. At ikwento mo saken yung problema mo!” Sabi niya.

“Bakit po ba???”

“Tinulungan mo ko sa daan, kaya tutulungan din kita” sabi niya.

Napaisip tuloy ako bigla, anong tulong naman tinutukoy niya? Pero siguro okay na rin to, kasi wala naman mawawala kung sasabihin ko sakanya to.

“Secret lang natin”sabi niya pa.

Interesadong interesado talaga si manong sa sasabihin ko kaya naman kinwento ko na nangyari.

++++

“Julian!!!” Sigaw saken ni Matteo. Bwisit naman Matteo eh, nag deday dream na nga ako about satin tapos bigla kang susulpot.

“Uyyy” sabi ko na lang. Naglalakad kami ngayon papasok ng school,

“Nakagawa ka na ng assignment sa Philo? Pakopya ako!” Sabi ni Matteo.

“Ahh, oo. Gumawa na rin ako para sayo, alam ko naman na di mo gagawin eh” sabi ko naman.

“Wow!! Crush mo talaga ako no? Salamat!!! Lilibre na lang kita mamaya ng lunch okay ba?” Sabi niya.

“Crush ka diyan, libre mo ko!!” Sabi ko. Shit, obvious na obvious naman pala ng may gusto ako sakanya.

“Haha okay lang yan basta dapat ako lang crush mo ha, magseselos talaga ako kapag may iba” sabi niya.

Medyo paasa to sa salita si Matteo, pero sanay na ako. Dalawang taon na rin kaming magkaklase, block section at kami talaga magkasama palagi. Napagkakamalan na ngang kaming dalawa minsan eh.

“Keme mo! Basta lunch!” Sabi ko.

“Hehe yes juju!” Sabi niya.

Juju kasi tawag niya saken palagi, ewan ko bakit niya akong tinawag na Julian kanina.

Pagkatapos ng klase namen, niyaya niya akong pumunta sa Pampanga, mag iinuman daw sila ng mga kabatch niya sa pageant, eh gusto niya kasama ako.

“Sige na juju, nakakatamad kasi sumama kapag di ka kasama eh” sabi niya.

“Ayoko, ni isa wala akong kilala dun sakanila!”

“Ayy, natitiis mo na ako” sabi niya. Shocks, alam ko na next neto, magpapacute para mapapayag ako.

“Juju…. uyyy. Sige na… sumama ka na, promise di ka maOOP! Tsaka andun si Laurence, uyyy di ba crush mo yun??” Sabi niya.

“Hoy di ko crush yun!!”

“Sus, kapag tinitignan mo si Laurence, nagbblush ka. Dali na juju”

“Di ko nga crush yun!”

“Keme neto ni juju, sige na please!” Ay grabe, ang cute niya talaga kapag nag ggay language siya.

“Ayaw….”

“Lilibre kita lunch 1 week. Sige na, please???” Todo na siya sa pagpapa cute. Konti na lang bibigay na ako….

“Pleaseeee???” May pagnguso pa siya. Sht talaga, wala na!! Bumigay na ako.

“Oo na!!! Sige na, pero 2 weeks na lunch ha?” Sabi ko sakanya.

“Yes deal!!!! Hihi, kasama kasi si Maddie dun ehhh”

“Tignan mo!!! Lalandi ka lang pala dun!!”

“Ehhh bawal na humindi umoo kana, alam kong di mo kayang umurong!!”

Nakakainis, kilalang kilala kasi ako netong si Matteo eh.

Kaya wala na akong nagawa. Sumama na ako sakanya, walang palit palit ng damit. Diretso kaagad sa Pampanga. Buti na lang Friday ngayon at okay lang mag overnight.

Pag dating namen ng Pampanga, medyo liblib yung lugar, pero yung bahay ng pupuntahan namen, maganda naman. Yung paligid lang talaga na liblib yung problema ko.

“Matteo naman, nakakatakot naman dito” sabi ko.

“Jusko juju, di kita papabayaan dito, wag kang mag alala.” Sabi niya, pero kanina pa siya tingin ng tingin kay Maddie.

“Nako, kapag talaga pinabayaan mo ko rito ha!”

“Nako, wag kang mag alala diyan, akong bahala sayo!” Sabi niya pa.

Bale walo kaming lahat, ako at Matteo, syempre si Laurence din tapos si Maddie, may isang babae rin na di ko kilala, tapos may dalawang lalaki rin na di ko kilala, pero lahat sila mga gwapo at magaganda.

Habang nasa kalagitnaan ng inuman, napansin kong tumayo si Matteo.

“Saan ka naman pupunta??” Sabi ko.

“Bawal naba umihi ngayon? Kung umiinom ka rin para naman naiihi ka”

“Ayaw ko!” Sabi ko.

“Bahala ka, haha CR muna ako, behave ka diyan juju ahhh” sabi niya. Bigla na lang siyang umalis tapos naiwan ako sa kanilang lahat.

Maya maya, tumayo rin si Laurence at nagulat ako ng tumabi siya saken.

“Julian right?” Sabi niya.

Fvck, bigla tumaas lahat ng balahibo ko! Lahat ng pwedeng tumaas, biglang tumaas nung binanggit niya pangalan ko!

“Ahhh… oo” sabi niya.

Nagpapatugtog kasi sila, yung iba naman nakikikanta kaya wala silang paki.

“Buti sumama ka hehe” fvck! Yung ngiti niya, yung mga mata niya, yung kutis niya, yung ilong niya!! Argh. Ang lapit namen masyado, di ko mapigilan sarili ko, parang gusto kong sunggaban ng halik!

“Mapilit lang kasi si Matteo” sabi ko lang.

“Ahh. Close na close kayo no?”

“Hehe medyo… oo close”

“Ah. Hmm. Bakit di ka pala umiinom?”

Sht!!! Wala akong masabi o matanong sakanya pero siya gumagawa ng topic para makapag usap kami! Sht talaga!

“Eh, di kasi ako umiinom”

“Wow, may mga katulad mo pa pala sa ganitong panahon no?”

“Hehe yeap, one and only!” Sabi ko.

Bigla lang siyang ngumiti saken, as in saken. Grabe talaga!!! Ang gwapo gwapo niya talaga.

“Saan ba yung CR dito? Pwede mo ba ako samahan?”

Nanlamig ako sa sinabi niya. Grabe, ano bang nangyayari dito bakit biglang naging ganito si Laurence.

Di ko rin alam kung saan yung CR, pero sayang yung opportunity na makasama si Laurence, kaya sinundan ko na lang kung saan pumunta si Matteo kanina.

Nagulat akong tama nga yung pinuntahan namen, dun nga yung CR pero wala naman dun si Matteo.

“Salamat Julian ah,” sabi niya sabay pasok sa loob.

Sht. Heaven talaga, ano bang meron, siguro kailangan ko ng palaging sumama sakanila para may ganitong moment kami ni Laurence.

Hinihintay ko namang matapos si Laurence. Nakatayo lang ako sa labas, nasa bandang kusina.

Napansin ko namang palapit yung dalawang lalaki saken na gwapo. Mukhang mga lasing na lasing na.

“Oyy, pre, andito pala yung regalo saten ni Matteo eh!” Sabi nung isang lalaki, nakatingin silang dalawa saken.

“Ayy oo nga, kanina ko pa nga tinitignan eh. Mukhang di papalag tong isang to!” Sabi nung isa.

Hala, mga lasing na lasing na tong mga to.

“Kilala mo na ba ako? Ako pala si Ken!” Lasing siya magsalita. Inabot niya yung kamay niya saken, nakipagkamay naman ako.

Moreno si Ken, at gwapo at makinis. Di naman pwedeng di siya gwapo kasi kasali siya sa pageant sa school.

“Julian” sabi ko.

“Wow, Julian, ang gandang pangalan!” Sabi ni Ken.

Medyo natatakot na ako sakanya kasi ang weird na niya.

“Ako naman si Culver, hawakan mo rin kamay ko” sabi niya saken sabay abot ng kamay niya saken.

Si Culver naman, mestiso tapos mapula labi. Sobrang hot din neto kaya maraming nagkakandarapang babae lalo na mga bakla.

Dun na ako kinilabutan, ang tagal tagal pa ni Laurence sa loob ng banyo.

Kinamayan ko na lang siya para tumigil na.

“Hehe, sige puntahan ko lang si Matteo ah” sabi ko.

“Uyy teka, regalo ka nga samen ni Matteo bakit ka aalis?” Sabi ni Ken.

Hinawakan ako ni Ken sa braso tapos sinandal sa pinto. Lasing na lasing na nga siya, nakakatakot na siya tignan sa mga mata.

“Ano ba!!” Sabi ko.

Bigla silang tumawang dalawa.

“Aba aba, gusto ko to pumapalag!” Sabi naman ni Ken.

Pero pinilit kong makawala sakanila. Kahit na malaki katawan nila, kung lasing na lasing sila, mas may advantage ako.

Kaya nung nakawala ako, dali dali akong pumunta sa sala at kinuha yung gamit ko saka umalis dun.

Sobrang lakas nga lang ng ulan, di ko namamalayang umuulan pala pero bahala na, basta makaalis lang sa lugar na to.

++++

“Tapos po nakita ko po kayo sa kalsada na humihingi ng tulong. Ayun na po” sabi ko sa matanda. Ang haba ng kwento ko sakanya, pero kita kong nakikinig naman siya.

Pero nakatitig lang siya saken.

“May gusto ka kay Matteo?” Tanong ng matanda saken.

“Opo”

“Tapos crush mo yung Laurence?”

“Opo”

“Di kaya malandi ka lang iho?”

Nagulat ako sa sinabi niya at napasigaw!

“HINDI PO!”

“Hehe binibiro lang kita” sabi niya pa.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Pero naiinggit ako sa kanya, nakakabasa siya ng isip ng ibang tao. Sana kaya ko rin yung ganun.

“Gusto mo ba?” Sabi niya saken.

“Po?” Sabi ko.

“Gusto mo bang mabasa iniisip ng mga tao?” Sabi niya.

Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

“Ahhh…. eh. Opo opo” sabi ko.

“So ayun talaga gusto mo? Gusto mong mabasa mo naiisip ng mga tao?” Sabi niya.

“Aba oo naman po! Sino po bang hindi?” Sabi ko.

Ngumiti lang siya tapos tumayo sa may lamesa at may hinanap na libro sa may itaas ng kubo niya.

“Ahhhh, eto!” Sabi niya, sabay hawak sa libro.

Nilapag niya yun at humarap uli saken.

“Ahm…. ano po yan?” Tanong ko.

Ang weird na ni manong, ang bilis magbago ng mood! Tatawa tapos seryoso. Tapos ngayon naman binabasa na niya yung nasa libro.

Kumuha siya ng baso tapos nilagyan ng tubig galing sa ulan na tumutulo sa may gilid ng kubo niya. Kumuha rin siya ng dahon na nakalagay sa garapon at hinalo sa tubig.

May garapon uli siyang kinuha na may laman na parang honey na malagkit at pinatakan ng tatlo yung baso.

Kumuha siya ng hibla ng buhok niya tapos nilagay din sa baso.

Naglagay din siya ng siling green na buo dun.

At huli, parang dinasalan niya yung baso ng mabuti at nung natapos na, inabot niya saken yun.

“Ano pong gagawin ko???” Sabi ko.

“Inumin mo”

“Po?! Eh kung ano ano po nilagay niyo diyan tapos iinumin ko?!”

“Haha, gusto mo bang makabasa ng isip ng ibang tao o ayaw?”

“Eh, nakakadiri po kaya!”

“Wag ka ng maarte, buti nga nagbago na yung ingredients. Dati may lamang loob pa ng pusa to!”

Ano ba tong ginagawa ko, nananaginip lang ba ako? Kung panaginip to, wala namang masama kung iinumin ko to diba.

Pinikit ko na lang yung mata ko habang dahan dahang dumadaloy yung iniinom ko sa lalamunan ko. Nakakadiri isipin pero panaginip lang to, kaya okay lang!

Nung naubos ko na, tinignan ko si manong tapos nakangiti lang siya saken na parang manyak, nakakaramdam naman ako ng hilo.

“Ano iho? Umeepekto na ba? Ganyan talaga, nakakahilo” sabi niya.

Pero di ako makasagot, parang gusto ko na lang matulog.

Di ko na alam sunod na nangyari basta ang alam ko nakatulog ako sa kubo niya.

+++++

“Juju!!! Juju!!!!” Ang sarap ng tulog ko pero naririnig ko yung boses ni Matteo.

“Hay salamat nagising din. Ano ba, uminom ka ba?” Sabi niya.

Tinignan ko kung nasaan ako, nagulat ako ng nasa bahay na ako! Sa bahay namen. Nasa kwarto ko pa.

“Hoy anong ginagawa ko rito!!!” Sigaw ko sakanya.

“Ha? Baliw ka ba? Kwarto mo to diba?”

“Oo pero…. akala ko nasa Pampanga tayo??” Sabi ko.

“Ano ba juju? Lasing ka ba? Naka drugs ka ba? Diba sabi mo kagabi gusto mo ng umuwi? Oh, edi umuwi na tayong dalawa” sabi niya.

“Paano? Eh nasa kubo ako?”

“KUBO? Ano ba juju, ano bang pinagsasasabi mo?!!”

“Umalis ako diba?”

“Oo nga, lumabas ka dala mo gamit mo tapos bumalik ka, basang basa tapos nakatulala ka lang, ang weird mo nga eh akala ko nga uminom ka kagabi eh”

Ang sakit sa ulo ng nangyayari. Ano ba to???

“Hoy juju ano ba!!! Nakakainis ka bakit para kang naka tira ng ano! Okay ka lang ba??”

“Teka, bakit ka nandito pala?” Tanong ko nalang.

“Eh sarado na bahay namen kagabi, kaya dito ko natulog. Pumayag naman mama mo haha syempre mahal na mahal ako nun eh” sabi niya.

Tinignan ko lang siya, hindi ko naman nababasa yung nasa isip niya, so baka panaginip ko lang lahat yun.

“Tara na nga ju,”

“Saan naman tayo pupunta? Sabado ngayon diba?”

“Oo aalis lang tayo, dalian mo na, samahan mo na ako” sabi niya.

Feeling ko kailangan ko lang maligo ng mabuti para naman mahimasmasan ako ng mabuti.

++

Pumunta kaming dalawa sa mall at dun kami nag lunch.

As usual, pinagtitinginan si Matteo ng mga babae habang naglalakad, medyo pa cute din kasi tong lokong to eh.

“Ju, san mo gustong kumain?” Tanong niya saken.

“Chowking na lang, libre mo ah?”

“Haha oo naman! Sabi ko diba? 2 weeks”

“Haha mabuti naman marunong kang sumunod sa usapan” sabi ko.

Pagpunta namen sa Chowking, sabay kaming umorder.

Bigla naman akong may narinig na boses ng babae.

“Ang sarap sarap naman neto ni Kuya” hinanap ko yung boses pero kami lang naman ni Matteo yung umoorder.

Tinignan ko naman si Matteo, nagpapacute na naman habang umoorder. Ang hilig niyang kagatin labi niya kapag umoorder to.

“ Sht! Ang hot mo kuya, isa pa, susunggaban na kita!“ Narinig ko na naman.

Saan ba nanggagaling yung boses na yun!!!

Bigla namang nagsalita yung babae sa cashier. “Sir, are you ready to order???” Sabi nung babae.

“Sir, orderin mo rin ako” narinig kong sabi niya pero di naman bumuka bibig niya.

SHT!!! SHT!! SHT!!! Naririnig ko yung sinasabi ng babae sa isip niya sht!!!

“Uhm, ju, ikaw ba, anong gusto mo,??”

“Ahhh. Eh maghahanap na lang ako ng upuan, ikaw na bahala umorder saken” sabi ko.

Di ko na hinintay sagot niya tapos naghanap na ako.

Sht talaga!! Totoo palang nangyari lahat ng yun! Pero paano? Bakit di ko mabasa nasa isip ni Matteo???

Nakahanap ako ng bakanteng couch at dun ako pumwesto.

“ Ano ba tong lalaking to, nakipagunahan pa saken“ sabi nung babae na nasa harap ko. Di naman siya nagsasalita, nakasimangot lang kaya alam kong sa isip niya lang sinabi.

Sht talaga!!!

Sinubukan kong tumingin sa kabilang table, may mag jowa, kasing edaran ko lang din siguro.

“ Nakakainis, di ko masabing buntis ako. Paano ba to. Lord Help me!“ Sabi ng babae sa isip niya.

Sinubukan ko naman basahin yung sa lalaki.

“ Lord Help me, paano ako makikipaghiwalay sakanya? Di ko masabi??“

Sht!! Bakit ko pa binasa nasa isip nila, nmomroblema pa ako tuloy.

Pero di talaga ako mapakali. Akala ko panaginip lang talaga lahat.

“Hoy, bakit ka nakatingin sa magsyota ha? Nagbabalik loob ka na ba? Haha.” Sabi ni Matteo saken. May dala dala siyang number para sa order nmen.

“Ahhh eh. Wala wala.” Sabi ko.

“Ano bang problema mo juju? Bakit parang natatameme ka. Kagabi ka pa ganyan! Ano bang nangyari????”

Tinignan ko si Matteo, pero di ko mabasa kung anong nasa isip niya.

Tinignan ko lahat ng kumakain, mukhang kaya kong basahin lahat pero kay Matteo hindi talaga.

“Wala nga, ano ba!” Sabi ko.

“Oh tignan mo, iritable ka pa, daig mo pa babae!” Sabi niya pa.

“Gutom na kasi ako!” Sabi ko na lang sakanya.

Maya maya dumating na yung order namen, di ko na muna siya pinansin, basta kumain na lang muna ako.

++++

“Bakit tayo pupunta ng Pampanga? Ano na namang gagawin natin dun???” Sabi ni Matteo saken. Piniplit ko kasi siya na samahan ako dun sa kubo ni manong.

“Basta, please?”

“Sagot mo pamashe???” Sabi niya.

“Sagot ko pang gas, gamitin mo sasakyan ng papa mo” sabi ko.

“Gusto mo pang itakas sasakyan ni dad, ano ba yan, minsan napapaisip na ako kung dapat pa akong sumama sayo eh!”

“Hahaha, wag ka na maarte, sige na please???” Pakiusap ko.

“Tsk, full tank ha?!”

“Haha sige sige!!” Sabi ko.

Buti na lang pumayag siya.

Agad agad naman kaming umalis at pumunta ng Pampanga. Dumiretso kami sa kalsada kung saan nandun yung kubo ni Manong.

“Saan ka pupunta Ju? Ano ba yan, ang weird mo na talaga!!”

“Wag ka na maingay, samahan mo na lang ako!” Sabi ko.

Wala naman siyang nagawa at bumaba na kami ng sasakyan, at pumasok sa may talahiban.

Hapon naman at maliwanag, kaya okay lang.

“Ju, may binabalak ka ba sken??? Ju naman, kaya mong irisk pagkakaibigan natin para lang matikman ako sa talahiban?”

“Hahaha, in your dreams!!!”

Mahigpit hawak niya sa braso ko. Sanay naman ako sakanya na ganito, walang malisya. Pero di niya alam na may gusto nga ako sakanya.

“Ju, ano bang hinahanap mo???” Sabi niya.

“Kubo! Pag may nakita kang Kubo, sabihin mo saken.”

“Ayun ba?” Turo niya.

Nakita ko na yung Kubo ni manong. Ang liit lang pala talaga nun.

Inaasahan kong nandun si Manong kaso wala, tanging yung Kubo lang talaga nandun at yung lamesa.

“Ju, tignan mo to, may libro dito pero blanko” sabi ni Matteo.

Lumapit ako at inabot saken yung libro.

“Anong blanko? May nakasulat oh!!” Sabi ko.

“Ano ba? Blankong blanko oh, bulag ka ba juju?”

Pero hindi. May nakasulat talaga sa libro.

“Blanko!! Walang title, tapos buksan mo, wala ring nakasulat!” Sabi pa niya.

Nung binuksan ko yung libro, marami namang nakasulat. Punong puno nga yung libro eh.

Kaso pumukaw sakeng atensyon yung title ng libro.

“Julian’s guide to mind reading”

Weird. Sobrang weird.

+++++++++++

IF NAGUSTUHAN NIYO, ADD NIYO NA SA READING LIST NIYO HEHE.

Some parts are private at bago niyo siya mabasa eh kailangan niyo kong ifollow at ilagay yung story sa reading list hehe. Thank you :))

Diba kakaibang story naman? Haha, tutuloy ko to no matter what. Sana subaybayan niyo rin to hehe.

No Sex Scenes.

Wholesome naman to hehe.

NEXT UPDATE will be on March 17! So keep in touch hehe.

Matteo :)))

Part 1: The Rules

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!! :)

ADD NIYO SA READING LIST OR LIBRARY NIYO IF NAGUSTUHAN NIYO YUNG STORY :))))

++++++++++

Di pa rin ako sanay na nakakabasa ng isip. Ang nakakainis, ang dami kong nalalaman sa mga taong di ko naman kilala.

Habang nakatulala ako’t naglalakad, bigla akong hinawakan ni Matteo sa balikat ko at sinandal sa pader.

Papasok na kasi kaming dalawa sa school, asusual, sabay na naman kaming dalawa.

“Ju, ano bang problema mo? Simula nung sinama kita sa Pampanga nung Biyernes, palagi ka ng nakatulala, isang linggo na nakalipas, ganyan ka pa rin, ano bang problema mo? May nangyari ba dun na di ko alam???”

Di masyadong nag sink in sinabi saken ni Matteo, kasi nakatingin lang ako sa mga mata niya, ang gwapo niya kasi talaga, kaso bestfriend lang talaga tinginan nameng dalawa.

“Wala nga, may naiisip lang ako” sabi ko

“About ba yan sa librong walang laman pero pinaglalaban mong may laman??”

“Walang laman, niloloko lang kita nun haha” sabi ko, pero may nakasulat talaga, di ko pa siya nabubuksan simula nung nakuha ko yun.

“Nag aalala na ako sayo Julian ah!”

“Bakit naman Julian tawag mo saken? Nakakapanibago ah haha”

“Ewan ko sayo, di ka na nagsheshare saken!” Sabi niya tapos naglakad na uli kami.

Tinignan ko siya at di ko talaga mabasa yung nasa isip niya! Nakakainis talaga, halos lahat nababasa ko iniisip maliban sakanya.

Habang, naglalakad, napansin ko sa malayong papalapit si Laurence samen ni Matteo.

“Naks Ju, crush mo oh!” Asar ni matteo.

“Sus, nagseselos ka naman?” Asar ko rin.

“Hahaha, hindi kaya, mas pogi naman ako diyan no! Mas yummy pa, tsaka alam ko naman na crush mo rin ako kaya okay lang hahaha”

“Kapal talaga ng mukha mo! Tse” sabi ko.

“Tse ka rin!” Sabi ko.

Nakangiti na si Laurence samen nung malapit na siya samen.

“Hi Julian, hi pre” bati niya samen.

Tinignan ko rin si Laurence pero sht, di ko rin mabasa yung nasa isip niya! Nakakainis ng sobra. Bakit sakanila pa yung di ko nababasa, kung saan ako mas interesado!

“Hi pre!” Bati ni Matteo.

“Wala bang hi diyan Julian?” Sabi ni Laurence.

Dun ko lang napagtanto na nakatingin pala ako sa kanya.

“Ayyy sorry, hello” sabi ko.

“Hehe, bakit ka pala umalis nun? Akala ko naman dun ka matutulog” sabi niya

Pero si Matteo yung sumagot.

“Ahhh, ewan ko diyan kay Juju, biglang nagyayang umuwi, nakakainis nga eh!” Sabi niya.

“Ah ganun ba? May party ako sa sabado sa bahay, gusto mo bang sumama?” Tanong niya.

Pero si Matteo uli sumagot.

“May gagawin kasi yan, maglalaba pa yan tapos gagawa pa ng assignment, busy na tao yan”

“Ahhh, I see. Hmm, sige next time nalang Julian hehe, sige bye!” Sabi niya.

“Sige pre!” Singit ni Matteo.

Umalis na si Laurence tapos naglakad na uli kami papunta sa room.

“Ikaw ba si Julian? Ikaw ba kinakausap? Bakit sagot ka ng sagot????” Sabi ko sakanya.

“Nako, feeling ko kasi nilalandi ka ni Laurence!” Sabi niya.

Ewan ko pero natuwa ako sa sinabi niya.

“Talaga? Paano mo naman nalaman??” Nakangiti kong sabi.

“Bakit parang kinikilig ka? Niloloko lang kita na crush mo yun, yun pala crush mo talaga? Seryoso ju????” Medyo pasigaw niyang sabi.

“Eh ano naman kung crush ko talaga?!”

“Hindi pwede!!! Malandi yun, baka isa ka lang sa mga lalandiin nun, tsaka straight yun! Mamaya gamitin lang niya yang virgin mong katawan tapos iiwan ka na rin!”

“Aba grabe siya oh. Keme neto, okay lang na gamitin niya ako basta siya!” Medyo pilyo kong sabi.

“Hay nako!! Bahala ka nga diyan!” Sabi niya tapos nagmamadali siyang maglakad. Hindi na niya ako hinintay hanggang sa makarating kami sa room.

Natapos yung klase na di ako pinapansin ni Matteo, ang weird talaga ng lalaking to. Pero at the same time natutuwa ako kasi concern siya saken.

“Julian!” Boses yun ni Laurence, paglingon ko siya nga!

“Uy” bati ko naman.

“Hmmm, bakit di mo kasama si Matteo?”

“Ewan ko dun, baliw yun eh hehe”

“Haha, kayo ba?” Sabi niya.

Nagulat ako sa diretso niyang tanong.

“Ha?”

“I mean, uso naman yan ngayon diba, same sex relationship hehe, kayo ba?” Tanong niya uli.

Sht!!!! Gusto ko mabasa nasa isip niya kaso di ko talaga mabasa!!!!

“Ahhh, hindi kami. Talagang tropa lang!”

“Ahh mabuti naman hehe, so may gagawin ka talaga sa sabado? Sige na, konti lang naman invited dun eh.”

Nakakainis, medyo mapilit ka ah pero gusto ko yan. Ang hirap magtago ng kilig.

“Hehe, nakakahiya kasi eh”

Sht!! Ang pabebe ko dun!

“Hindi yan, promise akong bahala sayo hehe” sabi niya.

Ngumiti lang siya saken. Argh, ano ba to! Bakit ganito, kinikilig ako, kung nilalandi mo ko sige lang, willing ako!!

“Hehe sige na nga, pero di ako iinom ha?” Sabi ko.

“Sure, okay ng nandun ka hehe. See you? Sunduin nalang kita sainyo?” Sabi niya pa.

“Alam mo ba samen???”

“Hindi pa nga eh, hatid na lang kita mamayang gabi para alam ko na? Hehe”

Iba rin moves netong si Laurence, pero kung mababasa niya lang nasa isip ko, siguradong matuturn off siya saken, sobrang kinikilig ako eh

“Hehe sige sige!” Sabi ko na lang.

“Good, see you sa parking lot ah?” Sabi niya sabay alis. Di na niya ako hinintay na makasagot. Pero ako, sobrang kinikilig!

Lalabas na sana ako para kumain mag isa, ng lumapit saken si Maddie.

Crush na crush talaga to ni Matteo, nakakainis nga eh, sobrang ganda kasi talaga. Mestisa, makinis, matangos ilong at mapula mga labi. At sobrang bait pa!

“Julian! Julian right?” Tawag niya saken.

“Ahh, hello. Uhm, Maddi diba?” Sabi ko, kunwari lang na di ko alam.

“Yes! Hehe, nakita mo ba si Matteo? Kanina ko pa hinahanap kaso di ko makita” sabi niya.

“Ahh hindi eh, kanina ko pa di kasama”

“Talaga? Sabi niya kasi saken kapag di ko daw siya makita, sayo ko lang daw tanungin” sabi niya.

Sinabi niya yun???

“Ahhh, hindi talaga eh, sorry hehe, may sasabihin ka ba?” Sabi ko.

Medyo kinikilig siya, kaya tinry kong mabasa kung anong nasa isip niya.

“Pakisabi naman na gusto ko siya”

“Hehe, wala, ako na lang magsasabi” sabi niya.

Sht. Gusto niya rin si Matteo!

“Ahhh, hmmm. May tatanong lang ako sayo, okay lang?” Sabi ko.

“Ahhhh sige, ano yun???”

“Single ka ba??” Sabi ko.

Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya binasa ko nasa isip niya.

“Sht, bakit bigla naman siyang nagtanong ng ganun, alam kong close sila ni Matteo, so baka si Matteo nagpapatanong!”

“Ahhh, oo hehe bakit??” Sabi niya.

“Ahh wala lang hehe natanong lang” sabi ko.

“Don’t tell me, etong Julian na to pa may gusto saken!”

Ay medyo nainis ako sa sinabi niya sa isip niya. Ang hirap pala kapag nababasa mo iniisip ng tao, mas okay na rin pala minsan na di mo alam.

“Sige Maddie, una na ako!” Sabi ko na lang.

“Hehe sige Julian!” Sabi niya pa.

Nakakainis lang kapag di ko kasama si Matteo, feeling ko kasi may kulang, walang nang aasar saken.

Di niya pa rin ako pinapansin nung last subject namen, kaya di ko rin siya pinansin.

Nakatunganga lang ako sa labas ng room at napansin kong dumaan si Ken at Culver. At naalala ko na naman yung nangyari sa Pampanga. Naalala ko yung sinabi nilang dalawa na “regalo ni Matteo!”

Kaya napatingin ako kay Matteo ng masama! Kailangan ko malaman tinutukoy nila!

Kaya pagkatapos ng klase, lumapit ako sa kanya at hinila ko siya palabas.

“Kung gusto mo hawakan kamay ko, sabihin mo. Hindi yung gagawa ka ng eksena diyan” sabi niya saken.

“Hoy ikaw, kaya mo ba ako sinama sa Pampanga para ibenta kina Ken at Culver?” Medyo inis kong sabi.

“Ohhh ano naman yang pinagsasasabi mo?”

“Sabi nila saken! Parang gusto pa nila akong galawin nung gabing yun, kaya nga niyaya kitang umuwi nun mamaya kung ano pa nangyari saken dun!!!” Sabi ko.

“Ha? Anong sinasabi mo??? Bakit di ko alam yan?!!”

Ay sht, di pala niya alam yun. Ayokong sabihin kasi ang alam ko, iba magalit tong si Matteo, na kahit ako hindi ko kayang pigilan.

“Hmmm. Wala, bakit di mo ko pinapansin …..”

“Sagutin mo, anong ginawa sayo nung dalawang yun?!” Hala shocks, galit na siya!

“Wala, pabayaan mo na yun”

“Hindi Julian! Umuwi kana, di na ako sasabay!” Sabi niya tapos umalis na siya kaagad ng di ako hinihintay.

Galit si Matteo, at alam kong galit talaga siya. Yung totoong galit! Pangalawang beses ko pa lang siyang nakitang ganun.

“Julian” tawag saken ni Laurence.

“Uy, bakit?”

“Hmm, tara na, hatid na kita pauwi” sabi niya.

Pumunta na kami sa parking lot kung saan naka park yung sasakyan niya.

“Hindi ba nakakahiya?” Sabi ko sakanya.

“Ano ka ba, hindi yan hehe. Tara!” Sabi niya.

Sumakay na ako ng sasakyan niya at hinatid na ako hanggang samen.

Pagkarating sa tapat ng bahay….

“Sorry maliit lang bahay namen ha? Hehe, ayan. Diyan kami nakatira” sabi ko.

Maliit lang bahay namen, pero may sarili akong kwarto sa taas. Wala kasi akong kapatid, simula nung nakunan si mama, ayaw na niya ulit mag anak.

“So, dito na ako?” Sabi ko.

“Hindi mo ba ako papapasukin??” Sabi niya.

“Ahhh, eh, wag na, magulo bahay tsaka gabi na ohh, baka hanapin ka sainyo” sabi ko.

“Hindi yan, tsaka para ipagpaalam na rin kita sa magulang mo sa sabado diba???”

Sht, ano bang nangyayari. Parang ang laking pagbabago ng buhay ko simula nung pumunta ako ng Pampanga.

“Ahh, eh. Sige, pero baka walang pagkain ah?”

“Ayos lang, tubig lang pwede na” sabi niya sabay ngiti. Nakakainis, ang cute ni Laurence.

Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa bahay.

“Julian, kasama mo ba si Matteo, nagluto ako ng dinner….” di natuloy ni mama sinasabi niya ng makita niyang may kasama akong iba.

Lumapit muna ako kay mama at nagmano.

“Ang gwapo neto ahhhh!” Sabi ni mama sa isip niya.

“Ah, ma, si Laurence pala.” Sabi ko.

Lumapit lang si mama sakanya at tinignan ng mabuti.

“Nanliligaw ka ba sa anak ko?” Biglang sabi ni mama.

“MAMA!!!!” napasigaw tuloy ako.

Tinignan ko si Laurence, nakangiti lang siya pero di sumagot.

“Bakit mo naman sinisigawan nanay mo anak??” Sht, nandito na rin pala si papa kaya nagmano ako kaagad.

“Ah, si mama kasi pa,”

“Tignan mo may bisita anak mong lalaki, at hindi si Matteo!” Sabi ni mama.

Napatingin din si papa kay Laurence ng masama.

“Nililigawan mo ba anak ko?!!” Sabi naman ni pa.

“PAPA!!!” isa pa tong si papa nakakainis.

“Hehe, hindi po, makikiinom lang po sana ng tubig” sabi naman ni Laurence.

“Hindi, dito ka na magdinner, sana kumakain ka ng gulay!” Sabi naman ni papa.

“Pa, kailangan na niyang umuwi”

“Hindi, dito siya kakain”sabi naman ni papa tapos naupo siya sa sala at nanuod ng TV.

Sumenyas naman si Laurence saken ng okay lang kaya medyo gumaan loob ko.

++++

“So, ilang taon ka na?” Tanong ni papa kay Laurence.

Di ako makasingit sa usapan kasi feel na feel ni papa pag interrogate kay Laurence. Nasanay kasi siyang si Matteo yung kasama ko.

“19 po” sabi niya.

“Oh, 18 lang yang Julian ko ah!”

“Hehe, oo nga po”

“Nasaan mga magulang mo?”

“Nasa abroad po pareho”

“Pa, personal na masyado” sabi ko.

“Aba, kung liligawan ka neto dapat alam namen yan!” Sabi ni papa.

“Pa! Di nga ako nililigawan!” Sabi ko naman.

Sinubukan kong basahin nasa isip ni papa.

“Parang walang bahid naman sa katawan ng pagkabinabae tong si Laurence. Parehas sila ni Matteo pero di dapat pakampante”

“Hehe okay lang Julian, nandito po kasi ako para ipaalam po si Julian sa sabado. May handaan po kasi sa bahay” sabi ni Laurence.

“Sino may birthday?”

“Ahm, wala po handaan lang. Hehe”

“Hmmm. Anong oras mo iuuwi anak ko?” Sabi ni papa.

“Pa naman, nakakahiya na talaga!” Sabi ko sakanya.

Pero sumagot pa rin si Laurence. “Mga 12 po, ihahatid ko siya pauwi” sabi niya.

“Hmmm. Walang inom inom ha?” Sabi ni papa.

“Opo, so pwede po?” Sabi ni Laurence.

“Pa suspense muna para kunwari nakakatakot akong tatay”

Ewan ko pero natawa ako sa sinabi ni papa sa isip niya.

“Sige sige, pumapayag ako!” Sabi na lang ni papa.

Kung ano ano pa pinagkwentuhan nila, inenjoy ko na lang kinakain ko.

++++

“Ang kulit din ng tatay mo no?” Sabi ni Laurence paglabas namen ng bahay.

“Nako, palaging ganun yun!” Sabi ko.

“So…. paano ba yan, pumayag si papa mo, kaya susunduin kita sa sabado ah?”

“Hehe ano pa ba magagawa ko?”

“Oh, akin na phone mo, lagay ko number ko. Text text tayo!”

Yung crush ko yung nanghingi ng number ko!!!!

“Ayan, sige Julian. Salamat sa masarap na pagkain, hehe first time ko yun”

“First time mong ano?”

“Kumain ng gulay”

“Ha? Talaga????”

“Oo, palagi ko kasing pinapaluto ng karne yung katulong namen hehe, masarap naman pala hehe. Salamat sayo!” Sabi niya.

Grabe, rich kid pala talaga tong si Laurence.

“Ahhhh, walang anuman hehe”

“Looking forward pa ako sa mga 1st na mangyayari saken kasama ka hehe. Goodnight!!!”

HolyshtNaoqpdkdlsllal!!!! Parang mamamatay na ako sa kilig nung sumakay siya sa sasakyan niya.

Medyo nailang ako ng may nakita akong babae na naglilinis ng kalsada na nakatingin saken.

Pero bakit gabi siya nagwawalis, diba malas yun???

Napatingin lang din ako sa babaeng nagwawalis.

Di siya nagpatalo, nakatitig pa rin siya saken.

“Bakit po?” Ako na yung kumausap.

“Wala, nakatitig ka saken eh!”

“Ay, di po, kayo po nakatitig kanina bago ako tumitig!”

“Pero tumitig lang ako nung nakita kong tumitig ka saken, kaya magkatitigan tayo ngayon!” Sabi niya.

Aba ang gulo. Di ko na lang pinansin, bakit ko ba kinakausap yung babaeng yun. Kaya tumalikod na ako at pumasok sa bahay, pero may sinabi yung babae na napalingon ako.

“Ano po uli yun?” Sabi ko.

“Di ka ba kako nagtataka?” Sabi niya.

“Saan naman po?”

“Na hindi mo nababasa yung iniisip nung lalaki kanina” sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Tapos bigla siyang ngumiti. Sht!! Para siya yung mtanda noon sa Pampanga.

Dahan dahan akong lumapit sakanya.

“Paano mo po nalaman?” Sabi ko.

“Alam ko, binabantayan ka namen.”

“Namen po?”

“Basta, marami kaming nagbabantay sayo”

Shete naman, nakakatakot naman yung sinabi nung babae.

“Ah, eh sige po, papasok na po ako” sabi ko.

“Pero di mo pa binubuksan yung libro diba? Bakit?” Sabi niya.

Sht, alam niya rin yung about sa libro.

“Sino po ba talaga kayo???”

“Tawagin mo nalang kaming ’ taga bigay’ “

Taga bigay? Ang korny naman nun!

“Alam kong korny, pero ganun talaga” sabi nung babae.

Pati pala siya nakakabasa ng isip, medyo di na ako nagulat dun

“Basahin mo yung libro, nandun yung mga tanong mong di mo masagot” sabi nung babae.

Tapos tumalikod na siya at umalis palayo, sobrang weird talaga ng nangyayari saken pero gusto ko malaman kung bakit di ko mabasa iniisip ni Laurence, o kahit ni Matteo.

Pag akyat ko sa kwarto ko, kinuha ko kaagad yung libro at binasa yung unang page.

“Mababasa mo lahat ng iniisip ng mga tao maliban sa mga taong may malaking parte ng kinabukasan mo”

Si Laurence? Si Matteo? Paano?

Pero nilipat ko na sa kabilang page.

“Welcome Julian! Isa ka sa mga napiling may mababait na puso na nabigyan ng kakaibang regalo mula sa amin.

Sa una lang siya weird, pero habang tumatagal, makakasanayan mo yan.“

Nakakainis, ano ba tong binabasa ko. Parang nananaginip pa rin ako.

“May mga piling tao kang di mo mababasa ang iniisip, at dahil ito sa:

  1. May malaking part sila sa future mo na di mo dapat malaman. Maliban na lang kapag nagkaroon ka ng 10pts. (Malalalaman ang puntos sa mga susunod na pahina)

  2. Maaaring sila ay nabigyan din ng mga ‘taga bigay’ ng ibang regalo na sensitibo at di dapat malaman.

  3. Kung nais mo ng bumalik sa dati mong buhay na -di ka nakakabasa ng iniisip ng ibang tao-, maaaring makipag ugnayan sa mga ‘taga bigay’ na malapit sainyo.

  4. Hindi dapat malaman ng sino ang regalong meron ka, automatic na mawawala lahat ng alaala mo simula ng natanggap mo ang regalo.

  5. Patuloy pang madadagdagan ang rules na ito sa paglipas ng araw na ginagamit mo ang iyong regalo“

Medyo clear na saken lahat pero kung iispin, bakit kaya ako pa nabigyan ng ganitong pagkakataon.

Nilipat ko na sa kabilang page.

PUNTO

S

Ang puntos ay makukuha mo sa tuwing gagawa ka ng mabuti gamit ang iyong regalo.

Kada mabuting gawain, katumbas nito ay isang puntos.

Kada puntos ay may kaukulang regalo na pwedeng iconvert sa panibagong regalo.

Pwedeng palawakain ang iyong regalo gamit ang mga puntos na ito. Maaari kang:

  1. Makabasa ng iniisip ng mga tao.

  2. Makabasa ng iniisip ng ibang lahi at naka convert na siya sa tagalog or english.

  3. Makapagsalita sa isip ng ibang tao.

  4. Makapasok sa isip ng ibang tao.

  5. Mabasa ang iniisip ng mga taong hindi mo kayang basahin ang isip.

Note: Maaari pa tong madagdagan sa paglipas ng panahon na ginagamit mo ang regalo mo.“

Sht!!! So ganun pala! Parang gusto ko na lang igive up tong regalong to kasi minsan ang sakit sa ulo makarinig ng sinasabi ng ibang to.

Ang dami pang nakasulat sa libro pero di ko na muna binasa lahat. Medyo pagod na rin kasi ako sa nangyari maghapon.

Di rin nag message si Matteo ngayon, galit siguro talaga yung mokong. Kaya di ko na rin kinulit.

Nahiga na ako at natulog..

++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS PLEASE?!!! HEHEHE.

SHARE NIYO RIN YUNG STORY! Nakakapanibago yung votes and comments eh hahaha.

Ano masasabi niyo sa medyo magic themed na story ko? Hahaha share niyo naman. Comment niyo. Thank you!!!!

Part 2: Matteo Acosta

Dapat sa thursday pa daily updates diba pero nag uupdate nako, hahahha ganyan ko kayo kamahal hahhaa.

Kaya sana tadtarin niyo VOTES at syempre COMMENTS din! Hehe.

+++++++++

Bago kami naging magkaibigan ni

Matteo, nagsimula kami as magkaaway.

First day sa school nun, dapat quiet muna ako at saka na ako mag bibida bida kapag tumagal. Naniniwala kasi ako sa “first impression, lasts”

Sa Mendiola ako pumasok, Business Ad course ko. Para 4years lang at maka graduate at makapag abroad. Gusto ko kasing yumaman ng todo tsaka gusto nila mama at papa sa ibang bansa manirahan.

Pagpasok ko ng classroom, una kong napansin yung isa kong kaklase kasi gwapo siya. As in gwapo! Well, sa paningin ko kasi gwapo siya.

Kaya nung magpapakilala na kami sa harap, talagang inabangan ko na siya para malaman ko yung pangalan niya.

Nung siya na yung tumayo, nakinig akong mabuti.

“Good Morning….” sht, ang hot pa ng boses niya!

“I’m Matteo Acosta, 17 years old.”

Umupo na siya kaagad at wala ng sinabi pa.

Nakatitig lang ako sakanya. Nasa 4th row siya sa bungad tapos ako naman nasa 3rd row sa may bandang gitna.

Maya maya, napalihis yung tingin niya saken na siya naman kinataranta ko!

Buti na lang ako na yung susunod na magpapaliwanag.

“Uhm. Hello, Good Morning, I’m Julian James Valdez, 16 years old.” Paupo na sana ako ng may itanong pa yung teacher namen.

“Hobbies? Favorites?” Tanong saken.

“Ahm, I love surfing the net, and just sitting inside our house watching TV. Uhm”

“Movies? Books???”

Bakit ako lang tinanong ng ganito ng teacher namen. Nakakainis naman.

“I love ROM COM and Sci Fi movies hmmm. Books, Hunger Games, Percy Jackson, I am number four, Divergent, Fifty Shades of Grey”

Bigla silang tumawa sa FSOG, bakit ko pa kasi sinabi yun eh.

Umupo na lang ako, buti naman di na nagtanong yung teacher ko.

+++++

“Oy pre!” Bati saken ng lalaki sa likod.

Sht, si Matteo Acosta to!

“Oy” sabi ko na lang.

“Anong next klase mo? Classmate ba kita?” Tanong niya.

Nilabas ko schedule ko, magkaklase nga kami sa lahat.

“Uy, ako pala si Matteo” pakilala niya.

“Julian” sabi ko. Sht talaga, bakit siya nagpakilala saken.

“Sorry ha, ikaw lang kasi yung trip ko kasama, ikaw lang kasi mahilig magbasa ng libro sa mga nagpakilala kanina” sabi niya.

“Ohh, book lover ka rin?” Tanong ko.

“Yeap, hehe, nabasa ko na rin lahat ng nabanggit mo, hehe, Harry Potter, ayaw mo???” Tanong niya.

“Harry Potter makes you gay hahahahah” expression ko kasi yun, nabanggit kasi yun sa Friends with Benefits.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinulak, di naman ako natumba pero mukhang nagalit siya sa sinabi ko.

Lumipas yung mga araw na di niya ako pinapansin. Nagalit ata sa mga sinabi ko sakanya about Harry Potter.

Lumipas din yung mga araw na magkakakilala na kaming lahat na magkakaklase, may mga nakakasama naman ako palagi, pero si Matteo tahimik lang sa room.

Kaya one time, sinubukan ko siyang kausapin pero iniwasan niya ako. Seryoso ba siya na galit siya about kay Harry Potter?!

Kaya nung lumabas siya ng room, hinabol ko siya. Sakto naman na nakabangga ako ng lalaki, mukhang siga at maton. Nakakainis, uso pa pala sa college tong ganito.

“Hoy, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” Sabi niya.

“Ahhh eh sorry”

“Aba sumasagot ka pa ah!!” Tinulak niya ako, at dun ako natumba.

“Hoyy!!!!!” Sigaw yun ni Matteo, sabay sapak sa lalaking tumumba saken.

Dali dali naman niya akong tinayo at tumakbo palayo.

“Hehe, salamat!” Sabi ko paglayo.

“Gay pa rin ba???” Maangas niyang sabi.

“Seryoso, nagalit ka dahil sinabihan kita nun??”

“Oo, nakakainis kaya. Akala ko magiging magkaibigan tayo kasi book lover ka rin!”

“Oy, nasabi ko yun kasi linya yun sa Friends with Benefits. Sorry, napanuod ko rin lahat ng movies nun kaya wag ka mag alala” sabi ko.

“Hehe, ayos lang. Sorry din sa reaksyon ko, ganun talaga kapag fan hehe”

Ayan, nakita ko na naman yung ngiti niya na nagpapagwapo sakanya.

“Kumain ka na pre?” Sabi niya.

“Maglulunch pa lang” sabi ko.

“Tara kain tayo hehe” yaya niya.

Sino bang di makakatanggi. Ang first crush ko sa first day ng klase ko. Syempre oo kaagad!!!

++++

Natapos yung sem na kami na ni Matteo magkasama, at sa tinagal tagal nun, napapalitan na ng pagka inlove yung nararamdaman ko sakanya.

“Uy Ju, magkaklase pa rin tayo next sem! Hehe, buti na lang sabay tayo nag enroll!” Sabi niya.

“Oo nga eh!”

“Nako, babyahe na naman ako neto pauwi. Pwede patambay muna ako sainyo?” Sabi ko.

“Andun si mama at papa eh”

“Okay lang yan hehe, nahihiya ka ba?”

Kung paano niya ako tignan sa mga mata, parang iba, may iba. Ewan ko, feeling ko assumera lang ako pero ewan ko.

“Hindi naman…”

“Sige na, patingin na rin ng mga libro mo hehe”

“Kasi….”

“Yehey, hehe sige na ahhh!”

Wala na akong nagawa kaya dumiretso na kami sa bahay. Isang sakay lang kasi ng jeep yung bahay namen.

Tinext ko naman kaagad si mama at papa na may kasama ako kaya nagluto rin sila ng pagkain.

Pagdating sa bahay, parang ewan na naghihintay sila mama at papa sa labas ng pinto.

Paglapit ko sakanila, nagmano ako tapos pinakilala ko si Matteo.

Pagpasok sa loob, amoy spaghetti. Masarap pa naman spaghetti ni mama, may atay ng manok na nilalagay.

Sa lamesa kami kumaing lahat.

“Anong pangalan mo uli?” Tanong ni papa.

“Matteo po” ang badboy ng datingan ni Matteo sa boses niya.

“Ahh, taga saan ka?”

“Cavite po”

“Uwian ka???”

“Opo, hehe kaya nga po sabi ko dito muna ako kina Julian, kasi nga po traffic pa”

“Ahhh okay okay.”

Salamat naman, natahimik din si papa.

“Nanliligaw ka ba sa anak ko?” Biglang sabi ni papa.

“PAPA!!!!“sigaw ko sakanya.

Narinig ko naman tumawa si mama, tapos ngumiti lang naman si Matteo.

“Hindi po, magkaibigan lang po kami hehe” sabi ni Matteo.

Sht, di naman kasi alam ni Matteo na bakla ako. Nakakahiya tuloy!

“Aba, kung liligawan mo to dapat dito sa bahay ah, ayokong lumalayo kayo!”

“Papa naman!!” Sabi ko,

Sinenyasan ko siya na tumigil na, buti naman nakaramdam si papa kaya tumigil na siya.

Ang awkward talaga ng moment na yun pero tumatawa lang si Matteo.

Pagkatapos ng dinner namen, hinatid ko na si Matteo sa sakayan niya.

“Haha, siguro maka Harry Potter ka no? Harry Potter makes you gay right? Hahhahahahahah” asar niya saken

Nahihiya na tuloy ako sakanya kaya natahimik na lang ako.

“Uyy Harry Potter hahahah!” Asar niya, buti na lang nasa may sakayan na kami.

“Sige, sumakay ka na diyan!” Sabi ko sakanya.

“Haha, ikaw pala ang legit na ano ah. Hmmm. Ikaw ahhh!”

“Oo na bakla na!!! Masaya ka na ba???” Medyo nainis na ako sakanya.

Pero mukhang nag alala siya kaya inakbayan niya ako.

“Haha, binibiro lang naman kita. Okay lang naman saken na bakla ka, atleast nga di ka yung tipong pabigay eh, haha”

“Bahala ka, sumakay ka na!!”

“Friends pa rin tayo? Wala naman saken na bakla ka eh, cool ka kaya kasama. Okay lang naman ehhh.” Sabi niya.

“Sumakay ka na!”

“Basta magkaibigan tayo ahhh?!”

“Oo na!!” Sabi ko.

“Good, walang bawian ah. Hehe” sabi niya tapos sumakay na siya ng sasakyan.

Ayun na yung araw na nalaman niya na bakla ako at simula nun, mas lalo kaming naging close. Di niya ako tinratong parang iba, basta kaibigan niya ako at kaibigan ko siya.

+++++

Kasalukuyan…..

Pagdating ko sa school, mabilis na lumapit saken si Ken at Culver tapos lumuhod at humingi ng patawad.

“Julian sorry! Lasing lang ako nun!” Sabi ni Ken.

“Ako rin Julian, sorry talaga!” Sabi naman ni Culver.

Di ko lam kung anong nngyayari, bakit eto bumungad saken pag pasok ko.

Sinubukan ko naman basahin nasa isip nila.

“Lagot ako neto kay Matteo. Nakakainis, iba kasi kapag lasing ako eh!” Sabi ni Ken sa isip niya.

“ Bwisit, ang sakit ng panga ko dahil sa sapak ni Matteo. Malakas pala kapit netong si Julian!“ Sabi naman ni Culver.

“Julian ano na? Sorry na!” Pakiusap uli ni Ken.

Maya maya biglang lumapit samen si Matteo na naka school uniform at syempre sobrang hot.

“Hangga’t di kayo pinapatayo ni Julian, manatili lang kayong nakaluhod!” Sabi naman ni Matteo, sht! Galit parin siya.

“Julian naman, nakakahiya, ang dami ng tumitingin” sabi ni Ken.

“Tumayo na kayo sige,” sabi ko.

“Ju, ano ba, papahirapan pa nga natin eh!” Bulong saken ni Matteo.

“Hayaan mo na sila, sayang lang oras natin diyan, pasok na tayo” sabi ko sabay lakad palayo.

Humabol naman sken si Matteo.

“Alam mo ikaw, dapat di ka masyadong mabait eh. Kung may nanyari sayo nun? Edi lagot ako sa tatay mo?!” Panenermon saken ni Matteo.

“Nako, may nangyari ba? Wala naman diba?”

“Paano kung meron?”

“Eh wala nga!” Sabi ko.

“Paano nga kung meron? Edi wala na akong bestfriend na virgin?”

Bestfriend? Bestfriendzoned. First time niya akong tawagin na bestfriend.

“Keme mo, diyan ka na!” Sabi ko.

“Teka, di ka pa nga nagpapasalamat!”

Lumingon ako sabay ngiti sakanya at sabi ng “salamat”

+++++

Pag pasok ng room, pumukaw ng atensyon ko yung bago nameng kaklase na nakaupo sa dulo. Tahimik lang siya na nakatingin sa phone niya.

Kinalabit ko si Rose, kaklase ko.

“Sino yun?” Tanong ko.

“Ewan ko, dito ata yun eh. Late enrollee lang”

“Ahh, nandito na ba si Matteo?”

“Ay, napansin ko kasama niya si Maddie kanina eh”

“Ah ganun ba, sige hintayin ko na lang siya rito”sabi ko nalang.

Umupo nako sa pwesto ko pero tinitignan ko pa rin si new classmate. Nakangiti kasi siya habang hawak phone niya.

Medyo cutie rin siya talaga.

Tinignan ko isa isa mga classmate ko, para malaman kung anong nasa isip nila about sa new classmate namen.

“Shit. Ang gwapo ng bago nameng classmate”

“Alam ko finofollow ko yan sa twitter eh, nakalimutan ko lang”

“Shocks, ang sarap!!!”

Di ko naman mapigilan matawa kapag nababasa ko nasa isip nila kaya minsan, pinagtatawanan nila ako, di nila alam, sila pinagtatawanan ko.

“Hoy ju, baliw ka na naman diyan!” Sabi ni Matteo, nandito na pala siya.

“Wala, may naiisip lang ako!”

Napatingin siya sa pwesto ng new classmate namen.

“Crush mo yan? Ang liit kaya niyan, di naman ganyan mga type mo ah?”

“Crush ka diyan, lahat na lang crush ko. Ewan ko sayo, keme mo!”

“Haha, good. Tama ng si Laurence lang crush mo! Hehe, oy Ju, alis tayo sa sabado, samahan mo kong bumili ng damit, may date kami ni Maddie sa sabado”

Nakakainis naman, kailangan pang magpasama para sa date nila. Nakakainis.

“Aba, may date rin ako sa sabado no!” Sabi ko.

Napatingin na lang siya saken na parang nagtataka.

“Sino naman?!”

“Si Laurence” medyo payabang kong sabi.

“Bakit kay Laurence? Ju naman eh, mamaya galawin ka lang nun. Malibog yung hayop na yun”

“Oy mapanira ka! Tsaka marami kami” sabi ko.

“Don’t tell me, sabi niya may handaan sa kanila sa sabado, tapos medyo maraming iimbitahin, tapos susunduin ka niya para sabay kayo? Jusko Ju, lumang luma na yung style niya!”

Aw. Medyo totoo nga yung sinabi niya.

“Nako ju, sinasabi ko sayo, kapag ikaw nagalaw nun, iiwan ka rin nun! Virgin lang nilalandi nun!” Pahabol pa niya.

“Tama na nga!! Mapanira ka, ewan ko sayo!”

“Wag ka makipag date dun!! Sinasabi ko sayo ju, tsaka lagot ka sa papa mo, susumbong kita!”

“Nagkakilala na sila. Blehh!”

“Inuwi mo kaagad? Jusko naman, akala ko ako lang dadalhin mo sainyo?!”

“Ano ba yang pinagsasasabi mo? Tigilan mo ko sa paglalandi mo saken ah!”

“Hoy ang kapal ng mukha mo, nag aalala lang ako sayo pero bahala ka, kapag nakuha na ni Laurence gusto niya, di mo na mababalik yun!”

Buti na lang dumating na yung prof namen, kaya natahimik na si Matteo sa pangungulit.

“I believe may late enrollee tayo sa klase, kakapasok lang sa list ko. Nasaan siya?” Sabi ni sir.

Nagtinginan kaming lahat kay New Classmate. Tapos tumayo lang siya at inabot yung reg form niya.

“Ohhh I see, magpakilala ka na sa klase” utos ni sir.

Mukhang di naman siya kinakabahan, humarap siya samen at nagpakilala.

“Good Morning, I’m Greco Martinez, 17years old, transferee from FEU.” Pakilala niya.

Nagbulungan mga kaklase kong babae at ayon sa naiisip nila, crush nila si Greco!

Sinubukan ko namang basahin iniisip ni Greco pero di ko rin mabasa. Nakakainis naman, bakit sa mga katulad pa nila yung di ko mabasa basang isip.

Nagulat naman ako ng tumingin sa pwesto ko si Greco tapos ngumiti na parang ewan.

“Okay thank you Mr. Martinez” sabi ni sir,

Pero hanggang sa pag upo, nakatingin saken si Greco na parang magkakilala kami.

“Close ba kayo nun ju? Bakit ganun makatingin sayo?” Sabi ni Matteo.

“Hindi nga eh, “

“Nako, basta yung sinabi ko sayo, virgin getter yang si Laurence,.,.”

“Tama na nga sa Laurence, Laurence na yan! Makinig ka kay sir para di ka na kumokopya saken”

“Wow harsh, kinekeme mo na naman ako ju ah!”

Sht, ang cute talaga niya kapag nagsasalita ng bakla. Ang hot niya.

Di nalang ako sumagot, pero sumilip uli ako kay Greco tapos nakatingin pa rin siya saken. Medyo weird na nga eh, pero okay lang, cutie naman siya eh.

++++

Sumakay na si Matteo ng bus, tapos ako naglakad na sa sakayan. Ganun kasi kami, hihintayin ko siya makasakay sa bus bago ako umalis.

Saktong pagsakay ni Matteo, biglang sumulpot si Greco sa gilid ko, ewan ko kung paano!

“Hi Classmate!” Bati niya saken. Ang cute din ng boses niya, nakakainlove.

“Hi” bati ko.

Tinignan niya lang ako sa mata na parang binabasa niya rin nasa isip ko.

“Magkakilala ba tayo?” Tanong ko.

“No… hindi, ang weird lang kasi kapag nakikita kita…,. Hmm, nevermind hehe, saan ka umuuwi?” Tanong niya.

“Pedro Gil lang” sabi ko.

“Ahhh parehas tayo ng way! Hehe, sabay na tayo?” Sabi niya.

Sinubukan ko rin basahin nasa isip niya, pero di ko talaga mabasa.

Ano naman kaya ang parte niya sa future ko kung sakali? O hindi kaya may regalo rin siya katulad ko kaya ganun na lang siya makatingin?

“Hey, ano pala pangalan mo?” Sabi niya.

“Julian” sabi ko nalang.

“Ah, nice to meet you. Ako si Greco” pakilala niya.

“Hehe, alam ko” sabi ko.

Ngumiti lang siya at sabay na kaming sumakay ng jeep pauwi.

++++++++++++

Vote and Comments guys!!!!

Hihi, ang dami kong naiisip sa story na to hahha sana subaybayan niyo to ah?????

Add niyo rin sa Reading List niyo hihi. :)

Part 3: Date

BAKA WALANG UPDATE BUKAS AHHH? PAALALA LANG, FINALS WEEK EH!!! HAHAHA

VOTE AND COMMENTS AHH?!!!

+++++++

“Kapag talaga pumunta ka sa date niyong yan di kita kakausapin ng matagal!” Banta saken ni Matteo, binigyan kasi ako ni mama ng pambili ng damit para naman daw bago isuot ko sa date ko.

Supportive parents talaga sila.

“Bahala ka nga, buti pa nga sila mama supportive saken, dapat ikaw rin!” Sabi ko na lang.

Nasa mall kasi kami ngayon, nagpasama ako sakanyang mamili ng damit.

“Kasi di nila kilala si Laurence, ako kilala ko na yun. Ganun lang gagawin sayo nun!”

“Bakit ba galit na galit ka kay Laurence? Siguro may past kayong dalawa no?!”

“Hala si juju, kumekeme na naman. Hindi no kadiri ka, kilala ko lang talaga yun, at bilang bestfriend mo, dapat protektahan kita!”

Ayan na naman yung keme niya, ang cute talaga pero nabanggit na naman niya yung bestfriend kaya medyo nainis ako.

“Bahala ka, basta tutuloy ko date ko sa sabado, tapos ituloy mo date mo kay Maddie!!”

“Osige, ganito nalang juju, di ko na itutuloy date ko kay Maddie, wag ka lang tumuloy diyan. Okay ba?”

Tinignan ko siya, hala. Seryoso nga siya, ano ba problema neto kay Laurence.

Pero ang gwapo talaga ni Matteo, kung hindi lang talaga to straight, iisipin ko may gusto saken to. Medyo feeling lang.

“How about, ituloy mo yung date mo tapps itutuloy ko yung akin, para masaya tayo pareho, okay? Okay! End of convo!” Sabi ko na lang.

“Basta, kapag tinuloy mo yan, di kita papansinin. Tignan mo, kaya ko yun!”

“Edi wag!” Sabi ko.

“Edi sige!!” Sabi naman niya.

Di na niya ako sinamahan dun at umalis na siya, ewan ko ba sa lalaking yun, napaka moody rin minsan.

Tinignan ko yung sales lady na nakatingin pala samen.

“Ang dami na talagang baklang gwapo ngayon”

Natawa ako sa sinabi sa isip ni ate.

“Hindi po siya bakla ate” sabi ko sakanya.

Nagulat naman si ate sa sinabi ko.

“Buray ni ama neto, paano niya nalaman yung iniisip ko”

Tumawa lang ako sa sinabi niya.

“Ate, hindi po bakla yung kaibigan ko, ako medyo medyo lang” sabi ko.

“Uhm, sir di ko po alam sinasabi niyo hehe” sabi ni ate.

“Mga bakla talaga ngayon, di mo na kilala kung sino!”

Tawang tawa ako kay ate, kung alam lang niya na nababasa ko nasa isip niya.

“Julian?” Tawag saken nung nasa likod.

Si Greco.

Marunong pala pumorma to, ang cute niya tignan, pero di ko talaga siya type.

“Uy Greco” sabi ko.

“LQ kayo ni Matteo ha?” Sabi niya.

“Huh? Anong LQ….”

“Easy, nagbibiro lang ako hehe”

Nakakainis, kapag ba pogi di ko mababasa nasa isip nila?

“Saan ka? Kain tayo gusto mo?” Yaya niya.

“Ahhh, namimili pa kasi ako…”

“Sige, samahan na muna kita tapos kain tayo pag tapos hehe” sabi niya.

Bakit kaya saken nakikipagkaibigan tong si Greco, pero okay na rin, masyado kong palaging kasama si Matteo, baka mas lalo akong ma fall sakanya.

+++++

Kumain kami ni Greco sa KFC, natawa siya kasi akala niya sa mamahalin kami kakain.

“Akala ko rich kid ka haha” sabi ni Greco.

“Rich kid ka diyan hehe”

“Sorry hehe, hmmm. Napansin ko, ang sweet niyo ni Matteo no?”

“Ah yun? Bestfriend ko lang yun.”

“Bestfriend lang ba talaga?” Sabi niya.

“Huh?”

Ang weird kasi makatingin ni Greco, parang marami siyang nalalaman.

“Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya na gusto mo siya? Kitang kita naman sa mga mata mo!”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Dude! You’re inlove with your bestfriend!”

Nagulat ako lalo sa sinabi niya. Paano niya nalaman lahat ng to.

“Admit it, come on, mapagkakatiwalaan mo ko. Sa tingin ko masyado kang nag focus sa kanya, kaya wala kang masyadong kaibigan. Diba?”

“Teka, paano mo…..”

“Sa tingin ko lang naman Julian, di ko naman talaga alam. Hinuhuli lang kita, nagpapahuli ka naman haha”

Jeskelerd, ang weird pala netong si Greco.

“Nakakatuwa lang yung lovestory niyo, nagsimula kayo as mag bestfriend.” Kwento niya.

Ewan ko pero sa kwento ni Greco natutuwa ako, nakakatuwang isipin na naiisip niyang magiging kami ni Matteo.

“Ohh tignan mo, nakangiti ka, so gusto mo nga siya?” Sabi pa niya.

Sa tingin saken ni Greco, parang ang gaan ng loob ko sakanya.

“Oo, gusto ko siya kaso kasi…..”

“Ang problema kasi sayo, di mo sinasabi, try mo kayang sabihin sakanya”

“NO!!!!” Sabi ko “Isa pa, masisira lang friendship namen, straight yun, mamaya mag iba pa tingin nun saken. At saka sinusubukan kong tanggalin nararamdaman ko” pahabol ko pa.

“Well, you can’t play with destiny” sabi niya.

“Destiny?”

“Hehe nothing. So, can we hang out? Wala kasi akong friends dito eh.” Sabi niya.

“Oo nga, saan ka ba nanggaling?”

“Taga Zambales pa ako, lumipat lang kami rito sa Manila kasi nandito na work ni papa” kwento ni Greco.

“I see, hmm. Kumusta naman yung Manila?” Tanong ko.

“Okay naman, wala nga lang akong kaibigan, kaya nga kung pwede sana, tropa tayo?”

“Sure sure, ayun lang pala eh!”

“Thank you Julian!” Sabi niya sabay ngiti.

Di ko alam, basta magaan loob ko rito kay Greco at okay siyang maging kaibigan.

+++++

“Ayan ang gwapo ng anak ko!!”

Napakasupportive nila mama at papa na kahit pag bihis eh ginagawa nila saken.

“Ayan, gwapo kaso gwapo rin yung hanap. Paano ako neto magkaka apo?!” Singit naman ni papa.

“Pa, nako , wag na kayo umasa, ako lang ang anak at apo niyo in one!”

“Nako, sana makayari ka ng babae tapos iiwan sayo yung anak, okay na saken yun!” Sabi uli ni papa.

“Papa naman!!”

“Bukas pag uwi mo, may babae na sa kama mo tapos aakitin ka niya tapos magiging lalaki ka na uli”

“Papa, nakakadiri to, pupunta ako ng date kasama ang lalaki tapos sisingit ka ng babae sa topic. Pa!!”

“Hahaha, ang arte naman ng anak kong to, oo na sige na sorry na” sabi naman ni papa.

Binasa ko isip nilang dalawa para malaman kung anong nasa isip nila nung mga oras na yun.

“Loko loko talaga tong mag tatay na to” sabi ni mama.

“Hay nako, sana safe tong mga batang to! Ay oo yung condom pala”

“Anak oh, regalo ko sayo!” Sabi pa ni papa.

Inabutan ako ni papa ng isang condom at nilagay sa bulsa ko.

“Pa para saan yan?!!!!”

“Gusto mo bang ielaborate ko pa anak?”

“Hindi yun pa, bakit mo ko binigyan niyan?!” Sabi ko.

“Aba, syempre, mahirap na anak. Mapupusok pa naman mga kabataan ngayon, alam ko na yang mga ganyan. At mas okay na safe ka palagi, nung panahon namen ng mama mo, never kaming gumamit, marunong lang ako ng withdrawal…..”

“Pa!!! Nakakadiri, di ko kailangan malaman yan!” Sigaw ko.

Narinig ko naman na tumatawa si mama at papa.

“Hahaha, sige sorry na anak, haha” sabi naman ni mama.

Narinig namen na may kumakatok sa pinto namen.

“Ohh ayan na date mo!” Sabi ni papa.

Nagngitian kami ni mama at nagmadali akong bumaba para salubungin siya.

Nakasuot ako ng white na polo tapos fit pants at white shoes, nakaayos din ako ng buhok para naman new look.

Pagbukas ko ng pinto, sobrang nakakamangha kagwapuhan ni Laurence.

Nakasuot siya ng longsleeve na white din tapos skinny jeans at white shoes. Halos parehas lang kami ng suot.

“Wow, destiny hehe” sabi niya.

Sht, ewan ko ba, napaka cute ni Laurence ngayon.

“Lord, bantayan niyo sana anak ko” narinig kong sabi ni papa sa isip niya.

Niyakap ko lang si papa at si mama saka nagpaalam.

“In case of emergency, meron ka sa bulsa mo ha?” Bulong saken ni papa.

“Papa naman, di namen kailangan nun” sabi ko.

“In case lang naman, hehe sige, magingat ka anak!” Sabi pa ni papa.

Nagulat ako ng akbayan ako ni Laurence papunta sa sasakyan niya, sht, ang bango bango niya.

“Ahhh, baka marami ng tao sainyo ah” sabi ko pa.

“Hehe, don’t worry konti lang” sabi niya pa.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Sht, ang gentleman. Argh, nakakainis, ano ba to.

“Tara na?” Sabi niya.

“Tara!”

Pag dating namen sa kanila, nagulat ako sa laki ng bahay niya. Grabe, mayaman pala talaga sila Laurence.

Pinagbuksan kami ng gate ng isang lalaki, pati pala katulong meron sila.

“Umiinom ka ba?” Tanong niya.

“Ayy sorry, hindi”

“Wine? Di naman siya nakakalasing, gusto mo itry?” Sabi niya.

Nakatitig siya saken na parang niyayaya niya ako, grabe, parang ang hirap tumanggi.

“Sure” sabi ko na lang.

Pagbaba namen ng sasakyan, pumasok kami sa bahay niya at mas lalo akong nagulat sa ganda. Sobrang yaman nila talaga, napakaganda kasi ng bahay nila, maaliwas at napakalinis, sobrang bango pa.

“Nasaan na yung mga bisita?” Sabi ko.

“Sa tingin ko umalis na sila”

“Huh? 7 pa lang ah” sabi ko.

Naupo kami sa sala tsaka may lumapit na babae samen, katulong siguro nila.

“Nasaan po mga bisita?” Tanong ko.

“Ay, wala naman po, sabi naman po ni Sir Laurence isa lang po bisita niya”

Napansin kong tinignan ni Laurence yung katulong niya tapos napangiti na lang si ate.

“Lalaki pala ang gusto ni sir Laurence” sabi ng babae sa isip niya.

Natawa naman ako bigla sa nabasa ko.

“Bakit ka natatawa? Hehe nalaman mo tuloy sikreto ko” sabi ni Laurence saken.

“Hehe, bakit mo ba ako niyaya rito?”

“Wala lang, hehe. Kung ayaw mo, uwi na kita”

“Syempre gusto” sabi ko.

Nagngitian kaming dalawa na parang baliw. Shtttt, kinikilig din kaya siya saken? Feeling ko oo!

“Sir?” Tawag ng lalaki naman kay Laurence, matanda na rin to at mukhang katulong nila.

“Ohhh??”

“Ready na po” sabi niya pa.

Tumingin saken si Laurence.

“Ano? Tara?”

“Saan naman???”

“Edi kakain na, I hope gutom ka” sabi niya sabay ngiti uli.

Pwede ba, wag mo ko pakiligin ng ganito Laurence. Please lang!!!

Inakbayan niya ako palabas sa may likod ng bahay nila.

Napakaganda ng likod ng bahay nila, may garden at fountain at may pool pa! Tapos may lamesa dun at kandila na nakahain. Sobrang ganda talaga.

“Okay lang ba?” tanong niya saken.

“Okay na okay!” Sabi ko sakanya.

Hinatid niya ako sa upuan ko at umupo siya sa harap ko.

Lumapit uli yung matandang lalaki na may dalang pagkain.

“Bago na naman dala ni sir Laurence, at lalaki pa” sabi sa isip ng matanda.

Sht, totoo kaya sinasabi saken ni Matteo.

Naghain siya ng steak at mashed potato saken.

“Kumakain ka ba niyan?” Tanong saken ni Laurence.

“Oo naman!”

“Good, hehe”

Nagsalin pa ng wine yung matanda sabay alis. Naiwan na kami ni Laurence na dalawa dun.

“So, what’s your story?” Panimula ni Laurence.

“Story? Hmmmm. Well, I’m single hahaha”

Sht, single? Ayun talaga una kong sinabi.

Napansin kong natawa si Laurence sa sinabi ko kaya naman binawi ko kaagad.

“I mean, ahhhh… single pero di ko pinapamukha….”

“Haha easy easy, don’t worry it’s okay” sbi niya.

Tumingin siya saken at ngumiti.

“It’s good to know that you’re single by the way” sabi niya pa sabay kain uli ng steak, pero kita ko sakanyang nakangiti siya.

Sht, mamamatay na ako sa kilig neto.

“Uhm, ikaw ba?” Sabi ko sakanya.

“Hulaan mo”

“Hmmm, well, pogi ka tapos ang yaman, I guess, taken?”

“Taken? Come on, tayong dalawa lang, sa garden namen, and sasabihin mong taken ako?” Sabi niya.

“Well…..”

“I’m single Julian. Very much single” sabi niya pa.

“Ohhh…” kumain uli ako ng steak. “Good to know” pahabol ko pa.

Sinilip ko rin siya saka ko napansin ngumiti siya.

Sht talaga, parang nilalamon yung tyan ko sa kaba at kilig.

“What’s with you and Matteo though? Parang bakod na bakod ka sakanya?” Sabi niya.

“Ahhh, overprotective lang”

“Ohh, akala ko talaga kayo”

“Straight yun!” Sabi ko.

“Haha, I know, kaya nga nagulat ako ehhh”

“Hehe, ikaw ba straight ka?” Tanong ko.

Natahimik naman siya sa tanong ko, at mukhang naoffend ko siya.

“Sorry sorry….”

“Ano sa tingin mo?” Seryoso niyang tanong.

Fvck, kahit seryoso, ang gwapo gwapo niya. Lalo na’t magkatitigan kami ngayon.

“I…. don’t know” sabi ko.

“You’ll figure it out” sabi niya pa.

Ininom niya yung wine niya ng straight sabay tumayo.

“Halika” inabot niya yung kamay niya saken.

“Huh? Saan tayo pupunta?”

“Sa taas, may papakita ako” sabi niya.

Inabot ko kamay niya tapos sht, hinawakan niya ako ng mahigpit. Sht, ang lambot ng kamay niya!!! Nakakahiya sa kamay ko, medyo pawisin.

Umakyat kami sa kwarto niya pero nakasalubong ko pa yung dalawang katulong niya na nagbubulungan, aba pwede ko rin pala mabasa yung pinaguusapan nila kahit nagbubulungan sila.

“ Sabi sayo bayot si Sir Laurence eh!“

“Oo nga eh, sayang ka gwapo pa naman”

“O kaya gagalawin lang niya yan, alam mo naman, ilang babae na nauwi ni Sir Laurence, baka gusto lang ng iba”

“Totoo, pero sana galawin din ako ni Sir Laurence”

“Mandiri ka nga diyan, may anak ka oh. Tse, dyan ka na nga”

Matatawa na sana ako sa usapan nila pero mas nangibabaw yung kaba ko.

Kinapa ko yung bulsa ko, nandun pa rin yung condom na nilagay ni papa.

This is it. Kung gagawin saken ni Laurence, ready ako. May basbas ni papa eh!

Pag akyat sa kwarto niya, nakakamangha sa laki at ganda.

Lalaking lalaki yung kwarto niya, kulay blue halos lahat ng makikita mo, tapos may mga playboy pa na poster na nakadikit sa pader.

“Sht, sorry sa poster hehe” sabi niya.

“Hehe, ayos lang” sabi ko.

Tinignan ko pang mabuti yung kwarto niya.

May nakita akong picture frame na mukhang kasama yung girlfriend niya.

“Oh akala ko ba single ka?” Tanong ko.

“Hahahaha, akala mo girlfriend ko yan?”

“Eh ano mo to? Nanay?”

“Oo, si mommy yan!” Sabi niya.

Wow, nagulat ako kasi sobrang bata tignan ng mommy niya na halos kasing edad niya lang.

“Wow!”

“I know, sobrang ganda diba, pinagkakamalan talaga kaming mag jowa o kaya magkapatid palagi hehe”

“Nasaan na siya?”

“Ibang bansa, dun siya nagwowork.”

“Ehh yung daddy mo?” Tanong ko.

“Kasama niya, hehe”

“Ikaw lang talaga dito no?” Sabi ko.

“Oo, ako lang hehe, kasama ko sila manang, mababait naman sila, natutulog na eh, gusto ko sana pakilala sayo” sabi niya.

“Hehe, sige wag na, next time na” sabi ko.

“So may next time pa to?” Tanong niya, nakaupo siya sa kama niya ngayon.

“Kung magyayaya ka uli” sabi ko.

“Sure, bukas uli?”

“Haha adik!”

“Hehe joke lang”

Nabaling yung tingin niya sa may pantalon ko. Sht, ano kaya tinitignan niya dun.

Tumalikod ako uli at nagtingin tingin sa lamesa niya.

Tumayo naman siya at halos yumakap sa likod ko.

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa hita ko at may kinapa sa bulsa ko.

Sht!!!! Yung binigay ni papa!!

“Oh god, hahahahhahaha bakit may ganito ka Julian?! Hahahaha”

“Waaa, sorry, si papa naglagay….”

“Your dad gave you this? Wow! Hahahhahaha”

Sht, nakakahiya, tawa siya ng tawa.

Bakit kasi ako nagfit na pantalon eh, bumakat tuloy.

“Hahahaha, napaka supportive ng daddy mo no? Hahaha nakakatuwa” sabi niya.

Sobrang nahihiya talaga ako ng mga oras na yun sakanya kaya natahimik ako.

“Hahaha sorry for laughing hahaha, I don’t really use this stuff hahhaa”

“Sorry, nahihiya talaga ako” sabi ko.

Nilapag ko yung picture tapos lalabas na sana ako ng pinto.

Pero pinigilan niya ako. Ni lock niya yung pinto at sinandal niya ako.

“Not unless, gusto mo” sabi niya sabay tingin sa mga mata ko.

Eto na, kukunin na niya virginity ko, sht. Kinakabahan ako. Napapikit na ako at hinihintay gagawin niya.

“Pero kung gusto mo next time na lang, hehe” sabi niya. Sabay umalis na siya at bumalik sa kama niya.

Muntikan ng mawala virginity ko.

“Hehe, you’re funny, really. I like that” sabi niya pa.

Nanatili ako dun nakatayo, pero siya naman tumatawa lang sa kama niya.

++++

Hinatid na ako ni Laurence sa bahay.

“Ayan, mag 12 palang ha, may ilang minuto pa tayo” sabi niya. Nakatayo kami sa tapat ng pinto, habang magkatitigan.

“Hehe, salamat sa masarap na pagkain” sabi ko.

“Sure, sana maulit uli yun” sabi niya.

“Hehe, sure” sabi ko.

Nakangiti lang kami pareho sa isa’t isa, naghihintay sa kung anong mangyayari.

Hinihintay kong halikan niya ako, yes Laurence, kahit nakawan mo ko ng halik okay na okay na, ikaw pa first kiss ko.

“Uhm, so uuwi na ako? Hehe salamat uli ah?” Sabi niya.

“Salamat!”

“Hehe, Goodnight Julian”

“Goodnight Laurence” sabi ko uli.

Di pa rin siya umaalis, magkatitigan pa rin kami. Hinihintay ko kung anong gagawin niya.

Maya maya, yung moment namen nasira ng sumingit si papa.

“Kung maghahalikan kayo, maghalikan na kayo” sigaw ni papa samen sa loob ng bahay. Nakasilip pala siya sa bintana.

“Papa naman!!!!!!” Sigaw ko sakanya.

Tumawa lang si Laurence sa sinabi ni papa.

“Hehe, Goodnight Julian, alis na talaga ako, hehe. Salamat talaga” sabi niya, niyakap niya ako sabay bulong “I like you Julian” tinignan niya ako sa mata tapos ngumiti.

Umalis na kaagad siya tapos nagpaalam din kay mama at papa.

Sumakay na siya ng sasakyan at naiwan akong kinikilig sa tapat ng pinto namen.

Bumukas naman yung pinto at hinila ako ni papa papasok.

“So kumusta first date ng anak ko?” Tanong ni papa.

“Ano kayang kalokohang ginawa netong batang to” sabi ni papa sa isip niya.

“Pa, kailangan ko bang ikwento???”

“Oo, lahat lahat!” Nakakainis, interesado talaga si papa.

Bigla niyang kinapa yung bulsa ko.

“Oh bakit di niyo ginamit to? Nako anak, dapat palaging may proteksyon!”

“Pa, ano ba, di namen ginawa yun.”

“We?”

“Ma, ano ba to si papa!”

“Haha pabayaan mo na anak, excited lang talaga papa mo” sabi ni mama.

“Well, ako naman pagod, kaya matutulog na ako”

“Ohhh bakit ka pagod?!”

“Pa naman, matutulog na ako!”

Narinig kong tumatawa silang dalawa. Di ko rin mapigilang hindi matawa.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan.

Paghiga ko, tumawag pa si Laurence saken.

“Hello?” Sagot ko.

“Kakauwi ko lang” sabi niya.

“Ahhh, kakatapos ko lang magshower” sabi ko.

“Ahh, ang bango mo kanina, alam mo ba”

“Ikaw rin kaya”

“Hehe, pero mas masarap kang amuyin” sabi niya pa.

Mamamatay na ako sa kilig dito sa higaan ko.

“Uhmmm, inaantok ka na ba?” Tanong niya.

“Medyo”

“Ako rin eh. Hmm, goodnight” sabi niya.

“Goodnight din”

“Hehe, baba mo na yung call” sabi niya.

“Hindi ikaw na ,hehe , di ako nagbababa ng tawag eh”

“Ay, parehas tayo ehhh. Edi hintayin na lang natin maputol” sabi niya.

“Ayy ganun, sige sige hehe”

“Thank you uli ah???”

Ang kulit ni Laurence pero sobra akong kinikilig talaga.

+++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!! :)))

Part 4: 1st point

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

++++++

Unang tao na bumati saken sa room ay si Greco, tumabi siya saken at tinanong kung anong nangyari sa date ko.

“Para kang papa ko!” Sabi ko.

“Haha, sorry, kung ayaw mo okay lang”

“Basta, lumabas lang kami. Then ayun hinatid niya ako pauwi” kwento ko.

“Ahh, okay okay. Hinahanap ka pala kanina ni Matteo, tapos tinanong niya ako kung natuloy daw ba kayo nung sabado?”

“Oh sht, ano sinabi mo?” Tanong ko.

“Ahh, eh. Oo, dapat ba hindi ko sinabi?”

Di ako papansinin netong si Matteo sigurado ako.

Nung pumasok nga sa room si Matteo, di niya ako pinansin. Di siya tumabi saken, pumwesto siya sa likod at naglaro lang sa cellphone niya.

Bakit ba ako magpapa apekto sakanya? Eh masaya naman ako tsaka wala naman kaming ginawa kaya okay lang.

“LQ again?” Sabi ni Greco.

“Tigilan mo ko diyan sa kaka LQ mo ah! Haha” sabi ko na lang.

Tumawa lang siya at dumating na yung prof namen.

++++++

“Di pa rin ba kayo magpapansinan ni Matteo?” Tanong ni Greco habang kumakain kaming dalawa sa McDo sa Mendiola.

“Pabayaan mo siya, nakakainis siya!” Sabi ko.

“Hahaha, I see, may gusto ka talaga sakanya no?” Pangungulit ni Greco.

“Ang kulit neto, haha.”

“Di mo ko maloloko Julian, I know everything”

I know everything?

“I mean, diba sabi mo mahal mo siya? Kaya hindi mo matatanggal sa isip kong mahal mo talaga siya” sabi niya.

Ang weird neto ni Greco pero okay naman kasi siya kasama kapag hindi si Matteo yung topic namen.

Maya maya, nagkaroon ng ingay dun sa may kabilang dulo mula sa table namen, mukhang may nagtatalo.

“No, natapunan mo yung pagkain namen kaya palitan mo to!!” Sumisigaw yung estudyante sa isang crew.

“Sir, hindi po ako nakatapon” sagot ng crew.

“So, sinungaling ako ganun?”

Sinubukan kong basahin yung nasa isip nila.

“Gosh, para sa libreng fries to!!!” Sabi nung.estudyante sa isip niya.

May mga kasama pala yung student na tropa niya na mukhang nagtatawanan sa gilid, binasa ko rin nasa isip nila.

“Haha ang galing talagang umarte netong si Robin hahaha”

“Sige lang bin, para sa bff fries!!”

“Di ko na kaya hahahhahahahahahahhahaha”

Sht, awang awa naman ako sa crew. Sinubukan kong basahin yung kanya.

“Lagot na naman ako neto kay Manager”

Di ko alam pero naawa talaga ako lalo sa crew, kaya tumayo ako para lumapit sakanila.

“Uy, wala namang ginagawa si ateng crew sainyo ah? Tigilan niyo nga siya” sabi ko.

Puro lalaki yung mga estudyante at kita sa mukha nilang mga bully sila.

“Ano bang paki mo? Nakita mo ba nangyari ha?!” Sigaw niya saken.

Di naman ako nakasagot. Di ko naman kasi nakita.

“Sa susunod kasi wag kang makikialam!” Sigaw pa niya saken.

“Bwisit na lalaking to, humahadlang pa sa libreng fries ko!” Sabi nung lalaki sa isip niya.

Sht, dahil sa fries, handa siyang mag ganito.

“Ano na miss? Kapag walang fries na bago sa lamesa namen sa loob ng limang minuto, magrereklamo kami!” Sabi uli ng estudyante sa crew.

Wala na akong magawa, wala naman akong ebidensiya eh.

“Hoy Robin tumigil ka diyan!!” Rinig kong sabi ni Greco sa likuran ko.

Sht, anong ginagawa ni Greco.

“Hoy, sino ka ? Paano mo nalaman pangalan ko?!” Sigaw nung Robin kay Greco.

 

“Kilala ka naman ng lahat eh! Lahat kayong magtotropa, ikaw, si Lester, Si Mark at si John. Kayong mga hampaslupang magtotropa ng namamahiya ng crew para lang sa fries!!” Sabi ni Greco.

Tinignan ko yung apat at kung ano ano tumatakbo sa isip nila.

“Sht, sino naman tong lalaking to”

“Sikat na pala kami!”

“Sarap sapakin neto ah##”

“Patay, anong alibi ko neto!”

“Tapos diba Robin? Hindi ka nagbabayad ng pamasahe sa jeep?” Sabi ni Greco.

Halos lahat ng katabi namen, nakatingin na samen at nakikichismis.

“Hoy, ano bang pinagsasasabi mo diyan!!!” Sabi ni Robin. “Sino ba tong lalaking to” sabi naman niya sa isip niya

“Ohhh, hahahhaha meron pa. Diba, ikaw yung tumae sa CR nila Lester nung nag inuman kayo nun tapos di mo binuhusan? Nagalit pa nga yung nanay ni Lester sakanya!!” Sabi pa ni Greco.

“Hoy pare, totoo ba yun? Ilang araw din akong utusan sa bahay dahil sa ginawa mo!!!!” Sigaw ni Lester kay Robin.

“Hoy, di totoo yun!! Saan mo nalaman yang mga yan!!!” Sigaw ni Robin. “ Putek, nakakahiya, kailangan ko ng umalis!“ Sabi niya uli sa isip niya.

“Hahaha at meron pa, diba ikaw yung kumuha ng pera ni John sa wallet niya kahapon? Tapos pinambili mo pang merienda mo? Tapos di mo pa siya binigyan diba? Hahahahha” saan ba nakukuha ni Greco tong mga impormasyong to.

Naririnig kong nagtatawanan na yung mga tao sa paligid namen sa pagpapahiya ni Greco kay Robin.

“Ano pare, talo talo ba tayo rito?#!!” Sigaw naman ni John kay Robin“

“Hala pare hindi!” Sabi ni Robin. “Arghhhhh nakakagigil tong lalaking to!!!” Galit na galit na si Robin sa isip niya.

Bigla niyang sinugod si Greco at hinawakan ng mahigpit sa polo niya.

“Sino ka ba at bakit mo alam yung mga ganung bagay tungkol saken ha?!!!!!” Gigil niyang sabi.

Tumawa lang si Greco tapos naging seryoso uli sa pagtingin kay Robin.

“Baka gusto mo pang malaman yung tungkol sa girlfriend ni Mark? Diba hinalikan mo yun sa labi tapos tinakot mo na kapag sinabi niya kay Mark, sisiraan mo siya?”

Nagulat naman talaga si Robin sa sinabi ni Greco.

“Ang weirdo netong lalaking to, paano niya nalaman lahat ng yun!!!” Sabi sa isip ni Robin.

“Kapag di ka pa umalis sa harapan ko at dito, ipagsisigawan ko pa lahat ng baho mo!” Babala naman ni Greco.

Di narinig nung Mark yung tungkol sa girlfriend niya kaya hindi siya masyadong nag react.

“May araw ka rin saken!” Sabi ni Robin sa isip niya.

Iniwan niya na si Greco tapos umalis na silang apat na magtotropa. Naririnig ko pa silang nagtatalo palabas.

Naupo na uli kami sa pwesto namen tapos lumapit yung crew na babae samen.

“Maraming Salamat po sa pagtatanggol saken” sabi niya. Ma cute din tong si ate.

“No prob, penge na lang kaming bff fries hahahhahaha” biro ni Greco.

“Hehe joke lang yun” sabi ko.

“Hehe, salamat po talaga!” Sabi nung crew tapos umalis na siya.

Patuloy naman sa pagkain si Greco na parang walang nangyari.

“Paano mo nagawa yun Greco?” Tanong ko sakanya.

“Ano yun?” Parang di siya aware sa ginawa niya.

“Anong ano yun? Paano mo nalaman yung mga yun?? Grabe!!”

“Ahhh yun? Haha, wala, hula ko lang” sabi niya.

“Anong hula ka diyan, eh totoo kaya lahat ng sinabi mo!”

“Eh paano mo naman nalaman na totoo yung sinabi ko?, nabasa mo ba iniisip nila?” Sabi niya.

Yung way ng pagtanong ni Greco saken parang kakaiba, may laman.

Pero di ko pwede sabihin sakanya kaya humindi ako.

“Ohh diba, hula lang yun at saka ganun dapat. Takutin mo para umalis!” Sabi niya pa.

Pero ang weird talaga, paano kaya niya nalaman…..

At bigla akong natulala.

What if may ‘regalo’ rin siya katulad ko? Kaya di ko mabasa iniisip niya, kasi katulad ko rin siya. Nasa rules kasi yun na bawal ko malaman eh, pero siguro alam niya na yung tungkol saken!

“Hmmmm…. mamaya, alam mo na rin sikreto ko ah” bigla kong sinabi.

Napatingin lang siya saken na parang binabasa niya nasa isip ko.

“Trust me Julian, I’m trying. Pero di kita mabasa hehe napaka unpredictable mo” ayun na lang sabi niya.

Kumain uli siya pagkasabi niya nun.

Pero di ko pa rin mawari kung ano talaga pinopoint out netong si Greco.

Maya maya, lumapit samen yung babaeng crew kanina na may dalang bff fries.

“Sir, pinapabigay po ng manager” sabi ng crew.

“Ay, binibiro ka lang namen kanina” sabi ni Greco.

“Hehe alam ko po, pero si Manager po nagpapabigay” sabi ng babae.

Wala na kaming nagawa ni Greco kundi tanggapin yung binigay na fries.

“Salamat ha?” Sabi nameng dalawa.

“Hehe, walang anuman sir” sabi nung crew.

Binasa ko iniisip ng babae.

“Nakakatuwa at may mga katulad nila. Cutie na nga, ipaglalaban ka pa”

“Wag ka mag alala, ganun talaga kami” sabi ni Greco bigla sa crew.

“Po??” Sabi ng babae.

“Ahhh wala, wala hehe” sabi ni Greco.

Nagtaka ng bahagya yung crew tapos umalis na siya.

Di pa rin ako sure pero….

Nakakabasa rin ng isip si Greco.

  

+++++

Pagkauwi ko, dumiretso na ako sa kwarto ko at may napansin kaagad akong kakaiba.

Umiilaw yung drawer ko!

Eh tanging nandun lang naman yung libro na “Julian’s Guide to Mind Reading” na libro na nakuha ko nun sa Kubo.

Pagkabukas ko ng drawer, biglang nawala yung ilaw.

Kinuha ko yung libro at naupo sa kama.

Pagkabukas ko ng libro, may bagong nakasulat sa bandang likuran.

“1 point”

Di ko naman kung para saan yun pero ayun lang yung bagong nakasulat dun.

Di pa rin ako maka getover sa kapangyarihan na meron ako, di ko nga mamaximize kasi may mga tao akong di ko mabasa basa yung isip.

Maya maya, may kumatok sa kwarto ko.

“Julian!” Boses ni papa yun.

“Po?”

“Pwede bang pumasok?” Sabi niya.

“Sige po”

Pagpasok ni papa tumabi kaagad siya saken.

“May problema ba pa?”

“Wala naman, pero galing dito si Matteo kanina”

“Ay bakit daw pa?”

“Wala naman, hinahanap ka lang” sabi niya.

“Ahhh, ayun lang ba sasabihin mo pa?”

“Sana tinext na lang kita kung yun lang diba?”

Napakapilosopong kausap neto ni papa, pero natatawa naman ako sa banat niya.

“Nako si papa”

“Haha biro lang anak”

“So, ano nga pa?”

 

Nakatitig lang siya saken, na parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi.

“Ang laki laki mo na. Dati, umamin ka lang samen na bakla ka tapos ngayon may nanliligaw na sayo. Ayoko pang tumanda ka anak”

Ayun tlaga sinabi ni papa sa isip niya!

Nalungkot naman ako bigla kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Ganun din naman ginawa niya.

 

“Hay, buti na lang sweet tong anak ko” sabi niya uli sa isip niya.

“Hoy anong drama tong pagyakap mo!” Bigla niyang sinabi.

Natawa na lang ako kasi alam ko kung ano iniisip niya.

“Ang gusto ko lang sabihin sayo, kung si Laurence, si Laurence lang. Kung si Matteo, si Matteo lang okay?”

“Pa, ano ba, bestfriend ko lang si Matteo” sabi ko.

 

“Pero kung paano mo tignan si Laurence, ganun mo rin tignan si Matteo. Alam mo anak, wala kang matatago saken. Tatay mo ko eh, kaya ngayon pa lang umamin ka na saken”

“Sabihin mo na kung sino gusto mo” sabi niya sa isip.

“Pa, ang focus ko ngayon mag aral at makapagtapos,”

“Sus, ang landi ng sagot mo!”

Nakakatawa si papa talaga, ang laking tao tapos ganito magsalita.

“Basta mahal na mahal kita anak, ikaw ang nag iisa kong kayamanan.” Sabi niya sa isip niya.  

Parang tumagos naman sa puso ko yung sinabi niya, kahit di niya sinabi, ramdam ko naman.

“Sige na, ayaw mo naman magkwento eh, bahala ka diyan!”

“Haha next time na papa ha?”

“Hha, sige, kapag nagkwento kang una sa mama mo, magtatampo rin ako bahala ka!”

“sabay akong magkekwento sainyong dalawa okay?”

“Good. Goodnight!”

“Goodnight pa, I love you” sabi ko.

“Bleh!” Sabi niya.  Pero ang sabi ng isip niya “I love you too anak”

Lumabas na si papa at natulog na ako.

++++++++++

VOTE AND COMMENT GUYS!!!!!

Pic? Eto pala si Greco. Greco talaga namw niya sa totoong buhay hehe.

Part 5: Tracy

VOTE AND COMMENTS NA GUYS!!!!!! HIHI

+++++

Nakita ko si Maddie na nakatambay sa labas ng room namen pag pasok ko. Mukhang hinihintay niya si Matteo.

“Uhm, Matteo, pwede ba tayo mag lunch mamaya? Gosh Maddie ano ba, wag ka masyadong pa obvious!” sabi ni Maddie sa isip niya.

Aba, mukang malakas na tama neto kay Matteo ahh.

“Uhm, gusto ko sana magpasalamat sa kagabi. Gosh!! Ano bang sasabihin ko!!”

Mukha ngang di mapakali si Maddie sa kinatatayuan niya.

“I just hope na hindi lang one night stand yung nngyari. Uhm, I wanna know you more. Tama, tama, ganun na nga!”

Wait, what?!

May nangyari sakanila, agad agad?!!!

Di pa ako nakakamove on sa narinig ko sa isip niya, bigla niya kong tinawag nung mapansin ako.

“Uy Julian, nakita mo ba si Matteo?” Tanong niya saken.

Kung makatingin siya saken, akala niya close na close kaming dalawa.

“Hindi” sagot ko.

“Ay, bakla nga” sabi niya sa isip.

“Anong sabi mo?!” Sigaw ko sakanya.

“I’m not saying anything, wag mo ko sigawan” mukang nainis din siya sa pag sigaw ko.

“Totoo ngang bakla to, mamaya may gusto pa to kay Matteo eh!”

Nakakapanggigil nababasa ko sa isip niya kaya nagtimpi na lang muna ako at pumasok na sa loob ng room.

Pero di pa rin ako makamove on, alam kong playboy si Matteo pero di naman siya nakikipag ano lang kung gusto niya.

“Okay ka lang Julian?” Tanong saken ni Greco.

“Ahhh, oo oo”

“Matteo na naman no?”

“Haha, wala yun hayaan mo na” sab ko na lang.

Pero sobrang naiinis ako talaga, galit ako kay Matteo ngayon!

++++++

Pagkatapos ng klase, nagkatinginan kami ni Matteo.

Fvck, ano ba kasi!! Bakit di ko mabasa iniisip niya!!

Palapit sana siya saken ng biglang may tumawag saken.

Si Laurence.

“Hi Laurence!!” Medyo nilakasan ko boses ko para marinig ni Matteo.

“Wow, look who’s in a good mood” sabi niya.

“Hehe, di naman”

“Tingin ka sa labas” sabi niya.

“Huh?”

“Sa likod”

Paglingon ko, nandun siya! At may dalang paper bag. Fvck, ang gwapo ni Laurence, lalo na kapag nakangiti.

“Merienda?” Sabi niya.

Tinignan ko si Matteo pero wala na siya sa room.

Lumapit ako kay Laurence.

“Sure” sabi ko.

“Tara! Kainin natin tong dala ko hehe”

“Tara!”

++++

May dala siyang spaghetti na nakalagay sa styro.

“Wag kang mag alala, bagong luto yan” sabi ni Laurence.

Nakakainis naman, ang gwapo gwapo kasi ni Laurence eh. Kahit maraming tao at babaeng tumitingin sakanya, nakatingin lang siya sa kinakain niya at saken.

“Uy Julian, nga pala, baka gusto mo sumama sa resthouse namen sa Zambales sa sembreak. Alam ko matagal pa pero baka lang gusto mo hehe”

“Zambales? Di ba malayo yun?”

“Hindi ah, 3hrs lang yun from Manila, tsaka ipapaalam uli kita hehe”

Napaka sweet talaga ni Matteo tignan.

“Sige sige, para naman makaalis ako sa Manila” sabi ko.

“Good good, hehe”

Tinignan ko lang yung paligid, medyo maingay pa sa mga estudyante.

Maya maya, napansin ko sa malayo si Matteo na nakatingin sa pwesto namen.

Di naman lumalapit, basta nakatingin lang din siya saken.

Napalingon tuloy si Laurence sa pwesto niya.

“Magkaaway ba kayo?” Tanong saken ni Laurence.

“Ahh, hayaan mo, kakausapin niya rin ako hehe” sabi ko.

Habang kumakain kami ng spaghetti, biglang tumawa si Laurence saken.

“Ohh bakit?” Sabi ko.

“May dumi ka kasi sa pisngi hehe”

Sht, nakakahiya!!

“Ako na magtatanggal” sabi niya.

Nilapit niya kamay niya sa pisngi ko tapos tinanggal niya yung dumi.

Magkalapit tuloy ng kaunti yung mga mukha namen, kaya naman di ko maiwasang mahiya.

Siya naman nakatingin lang sa mata ko habang nakangiti.

“Ayan okay na uli” sabi niya.

Pero ako, nakatulala lang dun sa upuan ko.

Maya maya, niyaya na niya akong umuwi, Ihahatid daw niya ako samen. Ayoko pa sana kaso mapilit siya, kaya wala na rin akong nagawa.

+++

“Aba, hinahatid ka pa ngayon anak ah! Ano na ba? Kayo na ba???” Bungad saken ni papa pagkauwing pagkauwi ko, ang mang chismis!

“Pa, napaka chismoso mo po!”

“Haha, ang damot mo! Umakyat ka na nga sa kwarto mo!”

“Hala, galit ka pa?”

“Hindi, hahaha joke lang yun, hindi bagay saken diba?”

Baliw na naman tatay ko. Ewan ko ba.

“Mamaya na ako kakain ah? Akyat muna ako sa kwarto!” Sabi ko.

“Ayun nga sabi ko, nako.”

Di ko na pinansin si papa, basta umakyat na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko, nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko.

“Ay buray mo!!!!” Sigaw ko.

“Ahahahhahaha, ano yung buray juju???”

Si Matteo yun!! Nasa kwarto ko!

“Teka, bakit ka nandito?!”

“Aba, bawal ko na bang bisitahin bestfriend ko,??”

“Bestfriend ka diyan, wala ka ngang suporta saken!! Bigla bigla kang di namamansin diyan!”

“Hahaha, pinanindigan ko lang sinabi ko pero gustong gusto na kitang kausapin!” Sabi niya.

Ang gwapo ni Matteo ngayon, nakasando lang siya na black tapos labas pa mga muscles niya. Adik din kasi sa gym tong si Matteo eh, kaya talagang nakakainlove, tapos yung ugali pa niyang ang sarap kasama, dun ka lalong maiinlove.

“Keme mo!!” Sabi ko.

“Sus, if I know, namiss mo rin ako, hay nako ju, alam ko naman yun eh, yakapin mo nga ako!” Bigla niya akong niyakap.

Grabe, ang bango bango pa niya, tapos ang init init ng katawan.

“Ohhh, mamaya mag enjoy ka naman!!” Sabi niya pa.

Baliw din tong si Matteo eh, pero nag enjoy ako ng konti sa yakap niya.

“Tara, kain na tayo nagugutom na ako eh!” Sabi niya pa.

“Anong kain,”

“Oo, para makauwi na rin ako! Anong oras na oh”

“Nako, ginagawa mong tambayan bahay namen! Ayyy teka!!!!! Paano ka pala nakapasok dito?!!”

“Aba syempre si papa nagsabi saken na dito na ako tumambay, mainit daw kasi sa baba nagluluto sila!”

“Papa ka diyan, ang gulo mo rin talaga no?”

“Haha wag ka na kasi magalit, ilang araw ko ring kasama si Maddie, mas nakakamiss ka kaya!”

Ay speaking of Maddie, never naman naging mali yung pagbasa ko ng isip.

“Meron ka bang hindi kinekwento saken?” Tanong ko sakanya.

“Huh?”

Tinignan ko lang siya ng masama, hinihintay ko yung sasabihin niya saken.

“Ano ba tinutukoy mo ju?” Tanong niya.

“Ahhh, kapag hindi mo sinabi, ako ang hindi mamanansin sayo!” Sabi ko.

“Ano nga kasi yun, clue?”

“Maddie”

Bigla siyang natahimik.

“So totoo nga?????” Sabi ko.

“Teka, paano mo nalaman yun?!!”

“Narinig ko lang, so totoo nga?” Sabi ko.

Umoo lang siya.

“Nakakainis to, akala ko ba di mo gagawin sa kung sino lang yun?!!”

“Ehhh, nadala kasi kaming dalawa eh!”

“Nadala?!”

“Oo, teka, bakit ka ba nagagalit diyan?” Sabi niya.

“Di ako galit, nakakainis ka lang!”

“Sus, baka nagseselos ka lang ahh?”

“Kapal mo! Hindi kaya!”

Pero siguro ayun nga yung nararamdaman ko, selos.

“Baka nga kayo ni Laurence, ginawa niyo na yun eh. Mamaya nagpapahalik ka na dun!”

“Ehhh ano naman sayo?”

“So ginawa niyo na nga?!!!!”

“Secret!” Sabi ko lang.

“Hala ka ju, wala na akong virgin na kaibigan!!”

“Hahaha, ewan ko, hulaan mo!”

“Alam ko naman di mo kaya gawin yun eh.” Sabi niya.

“Ohhh alam mo naman pala eh”

“Ahh, good. Buti na lang, kasi sasapakin talaga kita”

“Kaya mo kong saktan??” Sabi ko.

“Aba syempre joke yun haha, tara na nga bumaba na tayo, gutom na ako!”

Inakbayan niya na lang ako, tapos bumaba. So, totoo nga yung sakanila ni Maddie.

Nag assume lang pala akong may gusto siya saken, talagang bestfriend lang tingin saken ni Matteo.

+++++

Ilang linggo na rin nakalipas, walang nagbago sa rules ko. Walang nadagdag, di na rin nadagdagan puntos ko, pero halos alam ko na lahat ng iniisip ng mga tao sa paligid ko.

Asusual, ganun pa rin kami ni Matteo, ang bago lang eh si Laurence, parang mas lumalalim pagkakaibigan namen.

Palagi kaming magkasama, nanlilibre siya, minsan sweet, pero ayokong tanungin yung status namen kasi baka nag aassume lang ako. Ayokong masaktan.

“Julian, mukhang malalim iniisip mo ah?” Sabi ni Greco, magkasama kasi kaming dalawa pauwi.

“Alam mo naman ako, palaging may iniisip hehe”

“Oo nga, sana nga mabasa ko iniisip mo eh” sabi niya.

Tumingin ako sakanya. “Sana nababasa ko rin nasa isip mo” sabi ko naman.

Medyo literal naman yung akin, pero duda ko literal din yung ibig niyang sabihin.

Pagkauwi ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ako napansin ko na naman na umiilaw yung magic book ko!

Pag tingin ko.

May nakasulat na bago!!!!

“Bonus points kapag natulungan mo ang babaeng mayaman na naghahanap ng kalabaw sa Maynila”

Ano daw?! Binasa ko uli, “ naghahanap ng kalabaw sa Maynila!“

Anong ibig sabihin nun? Bugtong ba to na dapat sagutin?

Di ko na inistress sarili ko, at nagpahinga na lang ako. Medyo nakakapagod din kasi sa school ngayon.

+++

Pag dating ko sa school, una kong napansin na may pinagttripan na magandang babae yung mga lalaki sa labas lang ng gate.

Di ko naman ugali ang mangialam pero dahil sa kapangyarihan kong makabasa ng isip ng tao, nalalaman ko kasi yung totoong nangangailangan ng tulong.

“Bwisit naman tong mga lalaking to eh!” Sabi nung babae sa isip niya.

“Hahaha miss, alam ko nga kung nasaan si Julian, ako na magtuturo sayo sakanya” sabi nung isang lalaki.

Ako ba yung tinutukoy nila?

“Oo nga miss, kilalang kilala namen si Julian!” Sabi nung isa.

“Ako, tropa ko si Julian!” Sabi naman nung isa.

Tatlo silang nanttrip sa magandang babae, maaga naman pero bakit parang tumutulong.

“Hoy anong ginagawa niyo diyan?!” Medyo matapang ako ng mga oras na yun, kapag nanlambot ako yari.

“Aba, sino ka ba?!” Sabi saken nung isa.

“Ako si Julian!”

Bigla naman akong nagulat nung biglang niyakap ako nung babae sa di ko alam na dahilan.

“Hoy, narinig mo lang na hinahanap niya si Julian eh tapos biglang ikaw si Julian, ano ka ba, kilala kok aya si Julian, dun siya nakatira sa dorm ko!” Sabi nung lalaki.

“Epal din tong lalaking to eh!” Sabi niya sa isip niya.

“Epal din tong lalaking to eh!” Sabi ko sakanya.

Nagulat naman siya nung inulit ko yung sinabi niya sa isip niya.

“Putek, paano niya nalaman sinasabi ko sa isip ko?!!” Sabi uli niya.

“Putek, paano niya nalaman sinasabi ko sa isip ko?!!” Sabi ko naman sakanya.

Yung itsura ko yung naka poker face lang, na nang aasar. At mukhang naaasar siya.

“Anong problema pre?!” Bulong naman nung isa. Isa rin sa gift ko yung marinig yung bulungan ng iba eh.

“Anong problema pre?!” Sabi ko sakanya.

Nagulat pa lalo yung dalawa sa ginagawa ko.

“Putek talaga, may sademonyo ata tong taong to.”

“Kuya, wala akong sademonyo!” Sabi ko sakanya.

Di na mapinta itsura nung isa, yung isa naman di rin makapaniwala, tapos yung isa matapang pa rin itsura.

“Kaya ko pang balikan lahat ng nakaraan mo tapos ibubuking kita kapag hindi pa kayo umalis.” Pananakot ko.

Kita kong takot na takot na siya sa sinasabi ko.

“Pagbilang ko ng lima dapat wala na kayo! 1….. 2…..”

“Pre tara na, baliw yang lalaking yan!!!!” Sabi nung isa, hinatak niya yung mga kasama niya sabay takbo paalis.

Nagfocus naman ako ng tingin sa babae.

Ang ganda niya talaga, mukhang inosente pa, maputi tapos maliit, sexy, makinis, matangos ilong, ahhhhh basta sobrang ganda.

Kung magiging lalaki ako, siguradong magugustuhan ko talaga to.

“Ikaw ba talaga si Julian?” Sabi niya.

Di man lang siya nag react about sa mind reading na ginawa ko kanina.

“Ahhh, oo!”

“Kanina pa kita hinahanap, nako, kumusta ka na?!” Tanong niya.

Teka, sino ba talaga tong babaeng to at bakit parang kilalang kilala niya ako.

“Mukha ata akong shunga shunga sa pagpapakilala ko. Ay teka, di pa pala ako nagpapakilala!” Sabi niya sa isip niya.

“Sorry, feeling close ako hahaha. Ako pala si Tracy!” Pakilala niya.

“Ahhh, hmm. Hi, ako pala si Julian” sabi ko naman.

Bago pa siya makapagsalita, narinig ko naman na tinatawag ako ni Matteo sa likod.

“Oh hi Juju!!” Bigla niya akong inakbayan tapos napatitig siya sa kagandahan ni Tracy.

Nakakainis, may Maddie na, may Tracy pa, sana sa susunod, Julian na lang.

Pero syempre imposible kasi bestfriend lang ako.

“Ipakilala mo naman ako diyan sa magandang dilag na yan!” Sabi ni Matteo.

“Ahhh infairness, cutie pie!” Sabi ni Tracy sa isip niya.

Sigurado kung sinabi niya yun, nasabunutan ko na siya.

“Ahhh sorry, uhm, Tracy si Matteo, Matteo, si Tracy” pakilala ko.

Nagkamayan sila pero iba yung expression ng mukha ni Tracy.

“Hello Tracy, I’m Matteo, Julian’s bestfriend!” Pakilala niya.

“Matteo? As in si Matteo ka?” Sabi niya.

“Oh yes, nag meet na ba tayo?” Tanong ni Matteo.

“Hindi pa!”

“Ohh, akala ko kasi nameet ko na yung future ko eh!”

Wala kaming reaksyon ni Tracy sa banat niyang nakakabwisit, kaya natahimik na rin siya.

“Ikaw si Matteo, tapos magkasama kayong dalawa ni Julian? Tapos…. argh!!!!!” Sabi ni Tracy

“Nasaan na ba yung lalaking yun?!!!” Sabi ni Tracy sa isip niya

“Ah, teka, bakit mo pala kami kilala? May hinahanap ka ba?” Tanong ko.

“Shocks, binabasa ni Julian nasa isip ko, kailangan kong kumalma” sabi niya sa isip niya.

Shtt. paano niya nalaman?!

“Ahhh oo, hmm. Di ko kasi alam kung anong pangalan niya rito pero hinahanap ko si Jasper?” Sabi niya.

“Ahhhh, wala akong kilalang Jasper eh!” Sabi ko.

“Ako, Jasper pangalan ko dati kaso pinapalitan ko lang ng Matteo, baka ako talaga hinahanap mo?” Singit naman ni Matteo.

Tinignan lang namen siyang dalawa ng masama at natahimik na uli siya.

“Jasper? Maliit, cutie, maputi, uhm kissable lips. Argh…. ang hirap idescribe, pero meron siyang kalabaw!!!” Bigla niyang sinabi.

Siya ba yung babaeng kalabaw nat tinutukoy sa libro ko?!

“Walang kalabaw sa Maynila” sabi ko.

“Duh, I know, keychain yun na kalabaw yung tinutukoy ko!” Sabi niya.

Nag iisip ako kung sino at naalala kong may ganun si Greco!

One time, tinanong ko siya nun kung bakit kalabaw yung nakasabit sa bag niya, ang sabi niya favorite animal niya raw. Sobrang weird nga ni Greco eh.

“Hmmm, may kilala akong may kalabaw pero, Greco name niya” sabi ko.

“Bakit may kalabaw si Greco? Ang weird naman talaga nun” sabi naman ni Matteo.

Bago uli makasagot si Tracy, napansin kong palapit si Maddie samen.

“Sino yung babaeng yun?!” Sabi ni Maddie sa isip niya.

Ngumiti siya paglapit samen tapos humawak sa braso ni Matteo.

“Hi!” Bati niya.

“Hello!” Bati naman namen.

“Uhm, sino ka?” Sabi ni Maddie kay Tracy,

Mukhang di nagustuhan nj Tracy yung pagkakatanong ni Maddie.

“I’m tracy, future ni Matteo” sabi niya.

“What?!!!!” Sigaw niya.

“Napakalanding babae!!!!” Sigaw ni maddie sa isip niya.

“Hahaha, ayun kasi sabi ni Matteo saken kaya, I dunno, siguro past ka na haha” sabi ni Tracy.

Hinawakan ni Tracy kamay ko tapos lumayo kaming dalawa sakanila, nabasa ko pang galit na galit si Maddie.

“Ahahaha, sorry, ayoko kasi ng tinatarayan ako eh!” Sabi ni Tracy.

Sinubukan kong basahin nasa isip niya pero di ko na magawa, wala akong mabasa.

Nakokontrol niya isip niya!

“So, Greco? Uhm, may picture ka ba nun?” Sabi ni Tracy.

Alam ko meron ako sa phone nun eh, pero di ko na nilabas kasi nakita ko si Greco na papasok na sa school, ang cute niya talaga kahit maliit siya.

“Greco!!” Sigaw ko sakanya.

Tumingin siya sa pwesto namen at mukha siyang nagulat nung nakita niya si Tracy.

Nagmamadaling lumapit si Greco samen pero nung paglapit niya, bigla siyang sinampal ni Tracy ng malakas!

“Araaay!!!!” Sigaw ni Greco.

“Ano bang ginagawa mo rito? Bakit di mo kasama si Julian palagi? Iniwan iwan mo ko dun para lang di gawin trabaho mo…..”

Di na natuloy ni Tracy sinasabi niya ng bigla siyang halikan ni Greco sa labi.

Nagulat ako sa ginawa niya. Di ko naman kasi ineexpect na straight siya!

“I miss you too” sabi naman ni Greco sakanya.

“I miss you too ka dyan!!” Sigaw ni Tracy.

“Haha, wag mo naman ako ipahiya kay Julian hehe”

“Dapat ka lang ipahiya no!!”

“Sorry na ha ,may topak na naman girlfriend ko!” Sabi ni Greco.

Girlfriend?!!!! Sht.

“Tara pasok ka sa loob, dun tayo magkwentuhan, kanina kapa ba?” Tanong ni Greco kay Tracy.

Di ko na masyadong pinakinggan yung kwentuhan nila, basta naglakad na lang ako papasok.

Sino naman kaya si Tracy? At paano niya nalaman na nakakabasa ako ng isip?

Ang sakit sa ulo ng nangyayari.

+++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS AHHH!!!!!! HIHI TADTARIN NIYO :)))))

Part 6: Taguan

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

+++++

Di ako makasabay sa harutan ni Tracy at Greco, kaya umalis na lang ako at tumambay sa library maghapon ng wala akong kasama, inenjoy ko yung sarili ko sa tahimik na lugar na yun.

Pag uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nanatiling mag isa.

Wala naman akong problema pero bakit parang feeling ko meron?

Gusto ko maghanap ng kausap.

Tatawagan ko sana si Matteo kaso baka magkasama sila ni Maddie, kaya si Laurence muna tinawagan ko.

Di naman niya sinasagot, si Greco sana kaso baka kasama rin si Tracy, kaya naman si Matteo na talaga tinawagan ko.

“Wow, bago to, tumatawag ka” sagot niya sa tawag ko.

“20mins lang to hehe”

“Ahhh, okay, bakit napatawag ka?” Tanong niya.

“Wala naman, parang maghapon lang akong mag isa tapos bigla akong nalungkot ngayon ng walang dahilan” sabi ko.

“Nako, di mo lang ako nakasama ganyan ka na, tsk tsk, sabi ko sayo dapat dumikit ka saken palagi eh.”

“Hehe, siguro nga” sabi ko.

Narinig ko lang siyang tumawa.

“Kwento ka naman, about kay Maddie, bakit parang binabakuran ka ata?” Tanong ko.

“Oh, selos ka ba?” Tanong niya.

“Keme mo, bakit nga? Di ka na nagkekwento saken!!”

“Hehe, hmmmm. Wala naman, alam mo ba yung nangyari samen, di ko naman ginusto yun, parang bigla na lang nangyari”

“Eh bakit kasi di ka nakapagtimpi?” Sabi ko.

“Basta, biglang ganun eh. Wag ka ng matanong, baka mamaya ikwento ko pa sayo yung exact details ng ginawa namen eh!”

“Yak, kadiri ka!!!”

“Haha makakadiri ka, sigurado naman akong pinagpapantasyahan mo ko minsan!” Asar niya pa.

Ewan ko ba, kahit sobrang nakakaasar mang asar to, natatawa pa rin ako.

“Oh, may joke na lang ako!” Sabi niya.

“Siguraduhin mong matatawa ako ah?”

“Haha, sige, anong aso ang maagang nanganganak?”

Pagkasabi pa lang niyang ganun, natatawa na ako.

“Hahaha, sige ano?!”

“Edi tutang ina!”

Tinakpan ko muna yung phone ko para makatawa. Hahhahaha, ewan ko ba, bentang benta naman kasi talaga ni Matteo saken!

“Hahahaha, oh alam ko tumatawa ka diyan!!!”

“Nakakatawa kasi kakornyhan mo!” Sabi ko.

“Haha, meron pa akong tatlong joke!” Sabi niya.

“Sige sige, siguraduhin mong matatawa ako ah!!” Sabi ko.

“Joke. Joke, joke” sabi niya.

Natahimik ako bigla, di masyadong nag sink in sinabi niya saken.

“Ayun na yun, tatlong joke, joke, joke, joke!”

“Tama na, naglolokohan na tayo!” Sabi ko. Medyo nakakainis kasi yung joke niya, lalo na yung tono ng boses niya.

“Hahahahaha, sige sorry na!” Sabi niya.

Natahimik kami bigla, pero nakangiti ako, ewan ko kung bakit.

“Ikaw naman magkwento, ano status niyo ni Laurence ngayon?” Tanong niya saken.

“Hmmm, di ko rin alam eh. Alam mo yung, nandun ako sa stage na ‘ayokong mag assume at ayokong magtanong’, mahirap kasi eh” sabi ko.

“Bakit naman? Mukha namang gusto ka niya ah?”

“Mukha lang, pero baka kasi nabibigla lang siya, ano bang nangyari dun bakit biglang nagkaganun saken?”

“Hehe, di ko kasi nasabi sayo, kaya talaga kita sinama nun sa Pampanga kasi nagpapasuyo si Laurence, gusto ka niya kasing makilala”

“Hala, bakit naman ako?!!”

“Ewan ko, type ka raw niya eh, nagulat nga ako eh, napa ‘keme’ tuloy ako sakanya, tignan mo, kakasabi mo ng keme nahahawa na ako!”

“Haha, sinisi mo pa ako!”

“Hehe, tapos ayun na nga, pumayag ako, kasi alam ko naman na crush mo rin yun eh, nung pageant namen nun mas malakas sigaw mo sakanya kesa saken, rinig na rinig ko pa!!” Sabi niya,

“Haha, so, di niya ako pinagttripan?” Tanong ko.

“Bakit ka naman niya pagttripan? Edi sinaktan ko na ng todo yun.”

“We???? Kaya mo??”

“Oo naman, ayoko kayang nasasaktan bestfriend ko!!” Sabi niya.

Bestfriendzoned na naman.

“Bakit naman ako? Ayun kasi yung akin, parang out of nowhere biglang, magic na nagkagusto siya saken”

“Hindi ko alam ju, tsaka kung ako rin naman, kung okay lang saken mainlove sa lalaki, baka ganun din ako sayo, type kaya kita!” Sabi niya.

Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Fvck!!!!

Type ako ni Matteo!!!!

“Type kita kung babae ka, kaso may lawit ka rin eh hhahaha” bigla naman niyang bawi.

Pero walang epek yung joke niya, mas nangibabaw yung sinabi niya.

“Matteo” tawag ko.

“Bakit biglang seryoso ju?”

“Bakit ayaw mo saken?” Tanong ko.

“Ha? Anong klaseng tanong yan??”

“Hindi, I mean, wala ka ba talagang chance na magkagusto ka saken?”

“Hoy Julian, saan nanggagaling yan?”

“Sagutin mo please?”

Sht, ewan ko kung saan nanggagaling yung lakas ng loob ko sa pagsabi ko ng ganun.

“May Laurence naman na nagpapasaya sayo eh, tsaka kaibigan mo naman ako diba? Mas okay yun”

Bigla akong natauhan sa mga pinagtatatanong ko.

“Sorry, haha, nabigla lang ako!” Sabi ko.

“Pero kung gusto mo…..”

SHT!!!!! NAPUTOL NA YUNG CALL!!!! Ubos na yung C20 ko!!!!!! Argh, may sasabihin pa siya eh.

Tinext ko si Matteo kung ano yung sasabihin niya, pero hindi siya nagrereply, kilala ko to eh, di talaga nagloload to unless important.

Nainis na lang ako at natulog.

Ayokong mainlove sa bestfriend ko.

+++++

Di ko alam kung paano ko kakausapin si Matteo dahil sa pinag usapan namen kagabi. Nakakainis lang baka kasi mailang na siya saken simula ngayon.

“Hoy Ju!!! Bakit ka nagmamadaling maglakad, hintayin mo ko!!!” Sigaw saken ni Matteo habang paakyat ako sa room.

Sht, eto na siya. Ano kayang sasabihin ko?!

“Hoy, malungkot ka pa ba? Bakit ang tahimik mo ngayon?!” Sabi niya.

“Ahhh… wala…” parang wala lang sakanya yung pinagusapan namen kagabi.

“Ju, pag nakita mo si Maddie, tago mo ko ah?”

“Ayan, tignan mo kalokohan mo, gagawa ka ng masama tapos kapag ayaw mo na, tataguan mo lang!”

“Hoy, wag ka ngang judgemental diyan, pinrovoke niya ako no, di naman ako basta bibigay!”

“Kahit na, may nangyari pa rin!” Sabi ko.

“Di ka talaga supportive no?”

“Hindi!! Kasi dapat di ginagawa yun basta basta!” Sabi ko.

“Heto na naman tayo”

“Haha, oo di ko na sisimulan yan, basta kapag nakita ko si Maddie, ituturo kita!”

Ang cute ni Matteo kapag ngumingiti, ayoko talagang tinitignan to eh, bumabalik kasi yung feelings na dapat wala naman.

“Julian!” Boses ni Laurence yun.

Nasa tapat siya ng room at mukhang hinihintay ako.

“Uy pre” bati naman ni Matteo sakanya.

“Pre”

Pumasok na si Matteo sa room, tapos naiwan kami ni Laurence.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko.

“Wala, gusto lang kitang makita” sabay ngiti ng malaki.

Fvck, napaka gwapong nilalang. Nakakainis, bakit kasi ganito siya saken, umaasa tuloy ako.

“Ohh bakit ka nakangiti diyan?” Tanong niya saken.

“Wala lang hehe”

“Miss ka na sa bahay hehe, gusto mo bang pumunta mamaya?” Tanong niya.

Sht, niyayaya na naman niya ako sakanila.

“Ah, ewan ko lang, di ba nakakahiya?”

“Sus, parang yun lang eh. Hehe, ano? Wala ka ng magagawa, sunduin na lang kita mamaya ha?”

“After school?”

“Yeap, nakapagpaalam na ako sa papa mo, pero ayaw niya overnight kaya uuwi rin kita kaagad, okay?”

Seryoso nga siya!!!!

“Ahhh, sige….”

“Good, see you later Julian!” Ngumiti na naman siya na pamatay saken. Grabe! Ang gwapo niya talaga.

Ang bilis mag shift ng nararamdaman ko, ewan ko kung bakit.

++

“So, ano gusto mong kainin? Pasta? Rice or pizza?” Tanong saken ni Laurence, pagdating namen sa bahay nila.

Naka suot pa rin kaming dalawa ng uniform.

“Ang dami namang choices!”

“Hehe, ano ba gusto mo?”

“Hmmm. Pizza na lang” sabi ko.

“Pizza it is, manang, order naman kayo ng pizza then paakyat na lang sa kwarto ko!” Sigaw ni Laurence.

Tumingin saken si Laurence tapos hinawakan kamay ko paakyat sa kwarto niya. Shttt talaga!!! Ang lambot ng kamay ni Laurence.

Eksena pa yung mga katulong nilang chismosa.

“Wow, naka dalawang beses na siyang pinunta ni Sir Laurence. Siguro may gusto talaga siya diyan!”

“Ang swerte ni bakla! Sir Laurence pa may hawak ng kamay niya”

Nakakainis na ewan yung naririnig kong sinasabi nila sa isip nila, kaya minabuti kong di na lang sila pansinin.

Pagdating namen sa kwarto niya, dumiretso kaagad siya sa kama niya at naupo.

“Wala ka namang dalang condom diyan diba?” Sabi niya.

“Ahh, wala wala!” Nakakahiya!! Naaalala niya pa yung condom.

“Haha good, baka mamaya matemp na akong gamitin yun”

Namula naman ako sa sinabi niya, nakakahiya talaga.

“Tabihan mo naman ako rito, mangangalay ka diyan” sabi niya.

Para naman akong kaladkarin pero di ko siya mahindian! Talagang napapasabay niya ako sa mga sinasabi niya.

Umupo ako sa kama niya, tapos may kinuha siyang board game at nilapag niya sa pagitan namen.

“Marunong ka naman mag scrabble diba?”

“Oo naman!”

Naglaro kami ng scrabble habang nagkekwentuhan.

“Julian, nagkaroon ka na ba ng karelasyon?” Tanong saken bigla ni Laurence sa gitna ng paglalaro namen.

“Hmm, wala pa”

“Talaga? Ever since wala pa?”

“Wala pa talaga”

“Wow, sa ganitong generation pala may mga katulad mo pa”

“Haha oo naman no!”

“Tell me atleast may nahalikan ka na?”

“Sila mama”

“Oh, as in, wala ka pa talagang alam sa mga ganung bagay???” Mukhang gulat na gulat siya sa mga sinasabi ko.

“Oo nga, haha grabe ka!”

“Haha, sorry Julian, sorry”

“Hehe ayos lang, ganyan din reaksyon ni Matteo nung tinanong niya saken yan eh” sabi ko.

“Ohh, so tinanong ka rin ni Matteo about sa ganitong bagay?”

“Uhm, napagusapan namen noon”

“And you’re telling me na hindi talaga siya interesado sayo? Mamaya may hidden feeling siya sayo”

“Haha ang kulit mo, wala nga talaga, kaibigan ko lang yun, tsaka siya yung tipong di naman….. alam mo, pumapatol” sabi ko pa.

“Sabagay, kilala ko rin yan, machicks din yan, buti nga nagbago na eh!”

“Hehe sinabi mo pa!” Sabi ko.

Natahimik kami, ayoko talagang pinaguusapan si Matteo eh.

Maya maya dumating na yung pizza na dala ni manang tapos dinala ni Laurence saken.

“Sorry ang tagal ah?” Sabi niya.

“Sus yun lang ehhh hehe”

Ako naman yung nagtanong sakanya.

“Ikaw ba? May nakarelasyon ka na ba?” Tanong ko.

“Yeap, isa lang hehe, yung iba naman fling fling lang hehe”

Gusto ko sana itanong kung lalaki o babae kaso di na baka maoffend.

“Ohh, ano nangyari? Bakit hind kayo nagkatuluyan?”

“May mga bagay talaga na di para sayo, parang siya, di siya para saken”

Nagkatinginan lang kaming dalawa na parang may sinasabi siya.

Argh!!!! Gusto ko malaman nasa isip niya!!!!!

“Malay mo may ibang nakalaan para saken?” Bigla niyang sabi.

Sht!! Eto na naman ko sa mga salita niyang nakakadala!

“Ahhh, eh hehe. Malay mo nga” sabi ko na lang.

“Malay mo nasa paligid lang, kumakain ng pizza”nung mga oras na yun, kumakan ako ng pizza. Sht talaga!!!!

Bigla naman siya ngingiti ng malaki, shtt naman Laurence!!!!

“Eh friends ba kayong dalawa?” Binago ko na agad yung topic.

“Ofcourse not!!!” Bigla niyang sabi.

“Ohh, sorry, hindi ko intensyon”

“It’s okay hehe”

“Bakit parang galit ka?” Tanong ko.

“No I’m not, asking someone if they’re friends with their ex is just wrong. You can never be friends with your ex. Maling mali”

Wow, iba ang hugot neto sa ex niya.

“Naniniwala rin ako na ang taong nkikipagfriends sa ex niya, dalawa lang ang dahilan. It’s either di nila minahal isa’t isa or mahal pa nila isa’t isa. Ayun lang yun” pahabol niya

Parang malakas ang tama ni Laurence sa ex niya, gusto ko sana tanungin kung sino kaso nahihiya ako.

“Sorry, bigla akong nag drama haha” sabi niya pa.

“Ayy hindi okay lang hehe”

“Wag kang mag alala, I’m okay. May nagpapasaya na kasi saken ngayon eh, someone special ikanga” sabay tingn saken.

Nung nagkatinginan kami sa mga mata, bigla siyang umiwas tapos ngumiti.

Bkit sobra akong kinikilig kay Laurence. Bakit?!!!!

++++

“Salamat sa masayang gabi, uli. Kotang kota ka na sa pagpapasaya saken ah” sabi ni Laurence, nasa kotse niya kami sa tapat ng bahay namen.

“Aw, hindi kaya, ako kaya yung masaya” sabi ko.

“Ohh, doblehin mo yan, tapos plus 4 times 2 uli, ganun naman ako kasaya!”

Fvck Laurence, can you not?!!!

Lumapit siya saken para tanggalin yung seatbelt na suot ko.

Ngayon, mas naamoy ko pa siya ng todo. Ang bango bango niya!!

Magkaharap kami ngayon, magkatitigan sa mata. Sht, anong gagawin niya?????

“Thank you uli” sabi niya saken.

Bakit ang perfect niya, lalo na kapag magkaharap kaming dalawa. Ang fresh pa ng hininga niya.

“Thank you rin” sbi ko.

Ngumiti lang siya uli.

Sht sht!!!dahan dahan niya nilalapit yung mukha niya saken.

Bigla siyang pumikit at napakagat ng labi.

No!!! Sht, hahalikan niya ako!!!

“Uhm…. Goodnight” bigla kong sinabi.

Napadilat siya bigla tapos umayos ng upo.

“Ahh, hmmm.. sorry, Goodnight Julian” sabi niya saken.

Sht ,ang tanga tanga ko naman, first kiss na yun ehh!!!!

“Ahhh sorry….”

“No, okay lang, ako dapat mag sorry, masyadong mabilis eh” sabi niya.

No, hindi!!! Isa pa, dali!! Para mahalikn na kita!!!!

“Hatid na kita sa tapat niyo hehe”

Hihindi pa sana ako kaso lumabas na siya ng pinto, pinagbuksan ako at hinatid sa may tapat namen.

“Salamat talaga” sabi niya.

“Hehe, salamat din!!”

Please halikan mo pa ako uli, bibigay na ako!!!

Pero lumapit lang siya para yakapin ako.

“Goodnight julian”

“Goodnight Laurence”

++++

“Bakit di mo hinalikan?!!” Sabi ni Matteo. Makausap kami sa phone ngayon, iniisip ko yung nangyari kanina.

“Ehhh ang weird, pero parang ang sarap sa feeling, ewan ko”

“Aba, hahalikan ka sa kotse, akala ko ba gusto mo yung ‘kiss me under the light of a thousand stars’ ?”

“Hhaha nakakainis ka! Naalala mo pa yun!!”

“Hahaa oo, ang romantic nga ng gusto mo eh, ayan tignan mo, single ka pa rin ahhaaha” asar niya saken.

“Ewan ko sayo!! Sasabihin ko skanya na ganun gusto ko para paghandaan niya sa susunod!!”

“Haha, wag ka na umasa hahaha”

“Ang sama mo!!!”

“Hehe, joke lang ju, matulog ka na lang para di ka nag iisip ng kung ano ano”

“Yeap, matutulog na ako, ikaw din”

“Yes yes, antok na ako eh bigla ka lang tumawag!”

“Hhaha sorry”

“Don’t worry, para sa bestfriend ko” sabi niya.

Sht, bestfriend na naman!

“Sige, Goodnight ju!”

“Goodnight Matty”

“Wow, bago yang Matty ah hehe”

“Hahaha bye!”

“Ohhh wait Ju” sbi niya.

“Ow?”

“Buti na lang hindi mo binigay first kiss mo” sabi niya.

Para naman akong baliw na napangiti sa sinabi niya. Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko.

“Okay bye Ju!!” Sabi niya uli sabay baba na ng tawag.

Masyadong maraming kakiligan na nangyari ngayong gabi, gusto ko na lang magpahinga.

Pero bigla kong napansin na umiilaw na naman pala yung magic book ko sa drawer.

Kinuha ko yun at may napansin na naman akong bagong nakasulat.

“Congratulations! You are now level 2 with 5 points. Continue to help others to gain more points”

Nakakabaliw tong librong to! Ano naman kung level 2 na ako, at bakit biglang 5 points, ano bang ginawa ko para maging ganun.

Masyadong maraming iniisip, gusto ko na lang magpahinga.

+++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!!

Part 7:

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

+++++++

“Anak, kumusta ni Laurence?” Tanong ni papa saken habang nag aalmusal kaming tatlo nila mama.

“Okay naman po, magkaibigan naman kami” sabi ko.

“Utut mo, nakita ko kayong magkahalikan sa kotse niya kagabi!”

Jusko, eto na naman si papa, umaatake pagiging baliw.

“Ma, ano ba to si papa! Wala akong privacy!” Sabi ko.

Tumawa lang si mama sameng mag ama.

“Privacy ka diyan, nasa tapat kayo ng bahay. Ohh, ano naman pakiramdam ng first kiss mo?”

“Ang sarap talagang asarin netong si Julian” sabi ni papa sa isip niya.

“Pa, di kami nagkiss kagabi!”

“We? Kita ko kaya!”

“Pauso ka pa, hindi kaya, hindi natuloy!”

“Nako, buti naman kung ganun, kung hindi baka hanap hanapin mo na yun! Tapos sa susunod iba na hahanapin mo, tapos makikita ko na lang marami ka ng bibilhin ng condom kasi hinahanap hanap mo na…”

“Pa!!!! Ano ba yang pinagsasasabi mo”

“Hahahahhaahhaa, hinahanda ko lang sarili ko sa mga possibilities” sabi ni papa.

“Baliw na naman ang mag ama!” Sabi ni mama sa isip niya.

“Ewan ko sayo pa!”

“Haha biro lang anak, ayoko lang ng nagtatago ka samen, share mo samen lahat, makikinig kami ng mama mo, diba honey?”

“Oo naman, excited na nga ako sa mga kwento niya eh” sabi ni mama.

Kahit baliw mga magulang ko, sobrang swerte ko sakanila at tanggap nila ako at saka nagmamahalan kaming lahat.

“Pinagbaunan kita ng pagkain ha?” Sabi ni mama.

“Salamat naman less gastos ako today!”

“Sus, ang konyo mo magsalita today, di bagay!” Singit ni papa.

Mababaliw na ako rito kay papa eh. Pati iniisip niya puro kalokohan.

Maya maya, may kumatok sa pinto namen na pinagbuksan naman ni mama.

Nagulat naman ako ng hawakan ni papa kamay ko tapos lumapit siya saken para bumulong.

“Anak, kung gusto mo maging lalaki, tutulungan kita, gusto mo punta tayo ng bar kung saan maraming nakahubad na babae”

“Papa! Nakakadiri to, hindi mo na naisip si mama”

“Hoy, ikaw lang papapasukin ko dun tapos hintayin kita sa labas hahaha, joke lang yun ah wag mo ko sumbong sa mama mo!”

Bago pa ako makasagot, narinig kong sinigaw ni mama pangalan ko.

“Julian anak, may naghahanap sayo” sabi ni mama.

“Sino daw po?”

Nakita kong palapit sila mama samen at kasama si Tracy.

Sht, anong ginagawa niya rito!

“Hi Julian” bati ni Tracy.

Ang ganda ganda talaga ni Tracy, cute cute. Naka Tshirt lang siya at pants, simple pero pansinin.

Yung reaksyon naman ni papa yung kakaiba, natulala siya kay Tracy.

“Aba! Napakagandang bata naman neto!” Sabi ni papa sa isip niya.

“Uy Tracy bakit ka nandito?”

“Wala naman, yayain lang sana kitang lumabas?”

“Ahh. May klase pa ako eh”

“Okay lang, sabay na tayo papunta ng school” sabi niya.

“Wag ka na lang kaya pumasok tapos dito na lang kayong dalawa, ang ganda ng kaibigan mo anak” singit ni papa samen.

Bumalik na naman sa kabaliwan si papa.

“Nako pa, yan ka na naman, aakyat nako uli at magbibihis,” sabi ko.

“Sige, iwan mo muna rito yung kaibigan mo para mainterrogate namen!”

“Nako, sumama ka na lang saken sa taas Tracy” sabi ko.

Tumawa lang silang lahat saken, nakakainis kasi si papa, pero okay naman na ganun siya, basta ang alam ko okay siya na ganito ako.

“Hehe, sige po akyat na po kami” sabi ni Tracy kina mama at papa.

“Ayan, may pag asa pa anak ko!” Sabi ni papa sa isip niya.

Nako, umakyat na lang kami para di ko na sila marinig.

+++

“Paano mo nalaman bahay namen?” Tanong ko kay Tracy. Nakabihis na ako.

“Tinuro ni Greco, hehe cool ng parents mo ah?”

“Hehe, mga baliw nga eh!”

“Well, magpasalamat ka kasi meron ka pa” sabi niya.

“Hehe, pero bakit ka pala nandito?”

“Ahm, wala lang. Gusto lang sana kitang makita hehe,”

Ang weird din ni Tracy eh pero okay lang, maganda naman siya.

Maya maya, nagulat naman ako ng umilaw yung libro ko sa drawer.

Bigla rin napatingin si Tracy dun.

Sht!!! Mukhang mahuhuli ata ako.

“Uyy ano meron diyan sa drawer mo?” Tanong niya

Sa sobrang kaba ko, hinawakan ko siya sa braso at niyaya ko palabas.

“Wala yun, laruan ko lang hehe tara na pasok na ako male late na ako eh” sabi ko.

Buti na lang di siya nagtanong tungkol sa libro at sumama na siya saken.

++++

“Di ko naman alam na may girlfriend pala si Greco” sabi ko kay Tracy habang naglalakad kami papuntang school.

“Ahhh, hindi naman kami talagang dalawa”

“Huh?!!”

“Haha, bakit? Akala mo kami?”

“Hinalikan ka kaya niya!”

“Kapag ba hinalikan ka ng isang tao, kayo na kaagad?” Tanong niya.

May point naman siya, pero akala ko eh silang dalawa talaga.

“We were together, pero naghiwalay dahil sa isang tao hehe, I really don’t like to talk about it, hehe ikaw ang bida rito, balita ko may nanliligaw sayo ah?”

Sht, kalat na kalat na pala talaga.

“Naririnig ko lang, usap usapan, hehe. Laurence daw?”

Napangiti naman ako bigla nung sinabi niya si Laurence.

“Ohmygosh, you’re blushing Julian, you like him???”

Di naman ako sumagot sa tanong niya pero ngumiti lang ako.

“Well, mukhang bagay naman kayo hehe. “

Nahihiya ako kapag inaasar ako kay Laurence eh, kaya binago ko kaagad yung topic.

“Pero bakit di kayo nagkatuluyan ni Greco?” Bigla kong tanong.

“Ahhhhh, binabago ang topic para di mapagusapan, I like that, I like that!” Sabi niya pa.

“Hehe, no, just curious, gusto ko lang malaman, kahit hindi detailed” sabi ko.

Tumingin siya saken na parang gusto niyang ishare yung nangyari sakanilang dalawa.

“Well, yung importante lang naman, naghiwalay kami kasi gusto niya. Ayun lang, alam ko naman na di niya ako mahal kasi may iba siyang mahal, ang gusto ko lang nun, lumayo sakanya. Kaso kasi di pwede eh, di kami pwedeng maghiwalay, kailangan magkasama lang kami. Kaya sinundan ko siya rito”

“Parang medyo magulo ata?”

“Hmmmm, basta hindi kaming dalawa, pero mahal ko pa rin siya, may mahal siyang iba kaso ayaw lang niyang aminin sa sarili niya” kwento niya.

Medyo mysterious nga tong si Greco. Gusto ko sanang si Greco nalang kausapin ko mamaya para malaman ko lahat.

Nakarating na kami sa school, pero syempre di siya pwedeng pumasok kasi hindi naman siya estudyante dito.

Umakyat na ako sa room, saka ko naman nakasalubong si Matteo, mukhang masaya gising niya ngayon dahil sa napakaaliwalas niyang mukha.

“Ju!!! Hahhahha, andiyan na ‘bestfriend’ mo hahaha” bungad niya saken.

“Bestfriend?”

“Hahaha, yung pinaka bestfriend mo haha”

Mukhang kilala ko na tinutukoy niya.

Si Jerick, ang baklang may crush na crush kay Matteo pero dahil saken sumasama si Matteo, dun siya nagsimulang magalit saken.

Kaklase din namen si Jerick kaso nga lang pinadala siya ng school namen sa ibang bansa para sa isang conference, akala ko next week pa siya makakarating eh.

“Hahahaha, nag iba na naman itsura mo ju, hahaha ang saya na naman sa classroom neto, magpaparinigan na naman kayo!” Sabi ni Matteo.

“Keme mo, basta ako behave!”

“Hahahah wag ka mag alala ju, asusual, sayo ako kakampi para mas mainis siya sayo hahahha”

“Wag na kasi Matteo, wag mo na iprovoke” sabi ko.

“Wag ka mag alala, akong bahala sayo!” Sabi niya.

Inakbayan niya ako sabay pasok nameng dalawa sa room.

Nakita ko siya, naka uniform at mukha paring nakakairita. Yung baklang makapal mag lagay ng blush on at lipstick at may makapal na eyeliner, jusko nakakairita talaga. Hindi kasi bagay sakanya.

“Yeah, I was like, no stop that kuya, and he was like , what’s kuya? Hahahha americans, so nakakainis minsan” putek, ilang araw lang nag ibang bansa, umarte pa lalo pananalita.

“Hahaha ang saya ng bestfriend mo ju ah” bulong ni Matteo saken.

Saktong nakita ni baklang Jerick yung pagbulong saken ni Matteo.

Nakita kong lumapit siya samen, habang kami naman nakaupo na sa pwesto namen.

“Hi Julian, how are you?” Plastikada niyang tanong saken.

“Bakla ka, kung makabulong sayo si Matteo akala mo kung sino kang maganda!” Sabi niya sa isip niya.

“Okay na okay naman, masaya, si Matteo kasi eh ang hilig mag joke” sabi ko sabay kurot kay Matteo, buti na lang sumakay si Matteo sa ginawa ko tapos kinurot din ako sa braso ko.

“Hinahighblood talaga ako ng baklang Julian na to ah!!!” Sabi sa isip ni Jerick.

“Well, I’ve missed you, wala kasi akong friend dun eh” sabi niya saken.

Friend?!

“Yeah, I’ve missed you too, wala na kasing clown sa room eh hehehe.” Sabi ko.

Naginit naman dugo niya saken sa sinabi ko.

“Just kidding hehe,” pahabol ko.

“Hahaha, patawa ka talaga Julian, wala akong pasalubong sayo, sorry, di ko naman nakalimutan, di ko lang kasi alam kung ano yung gusto ng mga linta, alam mo na, yung dikit ng dikit sa kung sino sino” pataray niyang sabi.

Nameke ako ng ngiti sa sinabi niya.

“Ooops, just kidding hehe, di ka na mabiro friend” pahabol niya pa.

“Hehe that’s okay friend, wala naman talagang bearing lahat ng sinasabi mo kaya okay lang hehe” sabi ko naman.

“Nakakatuwa naman palaban pa rin tong baklang to, hehe” sabi niya sa isip niya.

“Ohhh, andiyan na si mam, friend, balik ka na sa lungga, este sa seat mo hehe” sabi ko sakanya.

Tinarayan niya lang ako pagbalik niya sa upuan saka naman ako pinisil ng malakas ni Matteo sa hita ko habang pinipigilan yung tawa niya.

“Hahahhahah, infairness ju, ang galing mo ng lumaban!” Sabi ni Matteo.

“Haha tuwang tuwa ka eh no? Ayan, kasi may gusto sayo, kaya tuwang tuwa ka?”

“Haha, nakakatawa kaya kayo, dalawang baklang nag aaway!”

“Maka bakla ka naman!”

“Haha sorry ju, pero wag ka mag alala, mas cute ka sakanya ng sobra sobra hehe”

Fvck naman, bigla naman akong kinilig sa sinabi niya, kaya napangiti lang ako.

Tumitingin tingin pa si Jerick sa pwesto namen ni Matteo tapos mang aasar si Matteo sa pagkurot kurot sa pisngi ko.

Medyo natutuwa rin ako sa ginagawa ni Matteo kaso kailangan kong pigilan sarili ko dahil bestfriend lang niya ako.

+++++

Nakita ko naman na nag uusap si Jerick at saka si Greco, hindi pa pala sila nagmemeet kaya naman iba kung makalapit si bakla kay Greco.

Mukhang hindi komportable si Greco kay Jerick kaya lumapit ako sakanilang dalawa.

“Uy Greco” bati ko.

“Bwisit kang bakla ka, lumayo ka!!!” Sabi ni Jerick saken sa isip niya.

“Hi Julian” bati ni Jerick. Peste, napaka plastik!!

“Uy Julian, kain na tayo hehe” sabi ni Greco saken.

“Ahhh, close kayong dalawa?” Tanong ni Jerick.

“Yeap, siya kasi kasama ko simula ng lumipat ako rito” sabi ni Greco.

“Una si Matteo, ngayon naman si Greco, sino naman kaya isusunod mong bakla ka?!” Galit na galit saken si Jerick sa isip niya pero sa itsura niya ngayon, nakangiti siya na parang walang problema.

“Ah ganun ba, gusto mo ako na lang sumama sayo?” Alok ni Jerick.

“Nope, okay na ako kay Julian hehe, sige!” Paalam ni Greco kay Jerick.

Tinaasan ako ng kilay ni Jerick pero gumanti lang ako ng ngiti sakanya.

“Grabe, sobrang annoying niya!” Sabi ni Greco.

“Hahaha sobra!”

“Pero mukhang mainit dugo sayo nun ah?”

“Ahh oo, eh paano may gusto kay Matteo yun!”

“Ahhh, tapos gusto mo rin si Matteo kaso sayo sumasama si Matteo kaya siya galit sayo ganun ba?”

“Haha, oo parang ganun na nga”

“Masaya siguro sa classroom kapag nagsasagutan kayo no?”

“Haha, tignan mo nalang sa mga susunod na araw hehe” sabi ko.

Naglakad lakad kami hanggang sa nakararing kami sa McDo Mendiola katabi ng school.

Palagi na kaming tumatambay ni Greco dito.

“Nasaan pala si Matteo?” Nakaupo na kami at nanlibre uli siya ng bff fries.

“Baka kasama si Maddie” sabi ko.

“Sila na ba?”

“Hindi pa ata, wala pa naman nakekwento saken si Matteo” sabi ko.

“Ahh buti naman”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Huh??”

“Ahhh wala….”

“Ay teka, may gusto ka siguro kay Maddie ano?” Tanong ko.

“Hala wala, haha syempre, masasaktan ka kapag naging sila, syempre may gusto ka sa bestfriend mo diba?”

“Haha, ipamukha mo pa saken!!” Sabi ko.

“Haha sorry sorry”

Natahimik kaming dalawa habang kumakain. At naalala ko si Tracy.

“Di pala kayo ni Tracy no?” Bigla kong sabi.

“Huh?”

“Sorry kung personal masyado, I mean, magkasama kasi kami kanina…..”

“What? Magkasama kayo? Anong mga sinabi niya sayo?”

Mukhang big deal sakanya na magkasama kami kaninang dalawa.

“Ahhh eh wala, sabi niya di naman daw kayo….”

“Wala siyang sinabi about saken maliban dun?” Tanong niya.

“Ahhh, wala naman….”

“About kay Laurence???”

“Huh? Bakit naman mapapasok si Laurence? Magkakilala ba kayo?” Tanong ko sakanya.

Natahimik siya bigla tapos kumain ng fries.

“Hindi yung Laurence mo, ibang Laurence hehe, wala siyang ibang nabanggit talaga?” Tanong niya.

“Wala nga! To naman, masyado kang defensive, nahahalata ko tuloy na may tinatago ka!”

“Haha, sorry, maingay lang kasi yan si Tracy eh” kwento niya.

“Nakwento lang naman niya na hindi pala kayong dalawa, pero mag ex kayo, pero bakit mo siya hinalikan nun?” Tanong ko.

“Wala lang, namiss ko lang kasi siya”

“Pero bakit hinalikan mo? Kapag ba namimiss mo ex mo dapat mong halikan?” Tanong ko.

“Good point haha, basta magulong kwento hehe” sabi niya.

“Tapos may nasabi pa siya na may iba ka raw na gusto kaya kayo naghiwalay?”

“Aw, akala ko ba wala na siyang nabanggit?”

“Ayy sorry, ayun lang talaga yun” sabi ko.

Natahimik lang siya at patuloy na kumakain, mukha atang di niya kayang sagutin yung tanong ko sakanya kaya di ko na siya kinulit.

Pero bigla siyang nagkwento.

“Masaya kami ni Tracy nun, sobrang saya. Siya yung source of happiness ko nun, kaso isang araw, umalis siya, di ko alam kung saan siya pumunta basta umalis lang siya. Syempre, ako naghihintay kaso di ko alam kung babalik siya.” Kwento niya.

Naging seryoso yung usapan namen.

“Taga Zambales kasi ako Julian, medyo malayo kami sa siyudad pero di naman ako mangmang, mas okay lang talaga saken dun kasi tahimik.”

“Mas gusto ko nga ng ganun eh” sabi ko.

Sumangayon siya sa sinabi ko.

“Tapos ayun, biglang may nakilala akong iba dun sa lugar namen, mukhang taga Maynila at nagbabakasyon lang, napadpad kasi siya sa lugar namen, tapos nakipagkaibigan naman siya saken” kwento niya.

Eto na siguro yung sinasabi ni Tracy na nagustuhan ni Greco.

“Alam mo na siguro sunod na nangyari? Nainlove ako sakanya, tapos nung nainlove na ako, saka naman dumating si Tracy uli.”

Napatingin lang saken si Greco at mukhang pinipigilan niyang umiyak.

“Alam mo yung feeling na okay na ako, yung naka move on na ako kaso bigla siyang babalik na parang walang nangyari”

Di ko naman alam tinutukoy niya kasi never pa akong nagkaroon ng karelasyon.

“Pero mahal ko rin si Tracy, mahal ko rin yung isa, pero yung isa, umalis din, iniwan din ako….”

“Kaya si Tracy yung pinili mo.?” Sabi ko.

Umoo lang siya at bumalik siya sa pagkain ng rice.

Wow, may ganitong back story pala si Greco, di ko alam. Pero ramdam ko naman yung lungkot niya kaya pinasaya ko siya ng konti.

“Oh, nandiyan naman si Jerick, mukhang type ka niya!” Sabi ko.

Tumawa lang siya ng malakas.

“Nakakatakot nga eh, ang kapal ng make up niya, haha”

Buti naman napatawa ko si Greco kahit papano.

Ayokong isipin yung storya ni Greco, nakakalungkot kasi kaya nagkwentuhan kami ng ibang topic na masaya.

Habang nasa kalagitnaan ng kwentuhan, napansin kong tumatawag si Laurence saken.

“Julian?”

“Oyy”

“Busy ka? Pwede ba kitang makita?”

Tumingin ako kay Greco at sumenyas ng tanong kung sino kausap ko at sinabi kong si Laurence.

“Hello?” Sabi ni Laurence.

“May lakad kayo? Sige okay lang, magkikita rin kami ni Tracy” sabi niya.

Bumalik ako kay Laurence.

“Ah sige sige, nasaan ka ba?”

“Ako na punta sayo, sunduin kita nasaan ka ba?”

“Sa McDo lang” sabi ko.

“Sige see you, ready mo sarili mo ha, may ibibigay kasi ako sayo” sabi niya.

“Huh? Ano naman yun?”

“Edi yung sarili ko ibibigay ko” sabi niya.

Sht! Parang baliw ako na nakangiti sa pagsabi niya nun!!

“Hehe sorry, iba pala ibibigay ko sayo!” Sabi niya.

“Eh ano pala?” Sht, ang pabebe ng boses ko nun!!

“Yung puso ko pala”

Bskwpwkflalqpejfjkfl!!!! Kinikilig ako kay Laurence, nakakainis siya! Para akong baliw na nakangiti!

“Sige, palabas na ako ng school, see you later” sabi niya pa.

Di pa rin ako makamove on sa banat niya.

“See you” sabi ko.

+++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!!!!!

Say hi kay Laurence. Siya kasi naiisip ko hehe.

Part 8:

Umalis na si Greco sa McDo pero naiwan ako para hintayin si Laurence na di pa naglulunch.

Pagdating niya sa McDo, ang ganda ganda ng ngiti niya pagkakita ko sakanya. Naka school uniform pa rin siya pero ang hot niya tignan, lalo na yung mga mata niyang ngumingiti kapag ngumingiti siya.

“Sorry, dumaan pa ko sa faculty eh, nasaan na yung kasama mo?” Tanong niya saken.

Tumabi siya saken at umupo sa bandang kanan ko.

“Umalis na eh. May dadaanan pa daw” sabi ko.

“Ahhh, kumain ka na ba?”

“Oo eh, sige kain ka lang, samahan kita”

“Promise? Di mo ko iiwan?” Tanong niya.

Iba yung tono ng boses niya nung tinanong niya yun, parang may hugot.

Tinignan ko siya, tapos nakatingin siya saken na nakangiti. Putek, ang lakas talaga magpa cute netong si Laurence. Effective na effective.

“Oo nga, dito lang ako di kita iiwan” sabi ko.

Ngumiti naman siya na parang natuwa sa sinabi ko.

“Hehe, Ganyan nga. Order lang ako ah,” sabi niya.

Tumayo siya tapos umorder ng kakainin.

Maya maya, nasanggi ng mop ng naglilinis na crew yung shoes ko na kinagulat ko.

Akala ko magsosorry si Kuya kaso nakatingin lang siya saken na nakangiti, di ko pa alam kung ano iniisip niya.

“Pwede bang makiupo?” Sabi niya lang.

Since di ko mabasa iniisip niya, alam kong isa siya sa may kinalaman sa nangyayari at mangyayari saken kaya pumayag na lang ako.

“Sige” sabi ko.

Di naman siya mukhang matanda, siguro nasa early 30’s lang. First time ko rin siya makita rito sa McDo.

Basta nakasuot siya ng uniform ng McDo, medyo maliit, moreno at mukhang mabait naman.

“Kumusta ka naman?” Tanong niya saken.

“Ah, magkakilala po ba tayo?” Tanong ko.

“Oo, kasi ako nagbigay ng regalo mo” sabi niya sa isip ko.

Sht! Si Lolo to!

“Ay bakit po ganyan itsura niyo?!” Nagulat kong tanong.

“Hehe, nakakasawa kasi maging matanda eh, kaya ganito naman ako” sabi niya.

“Hala, kaya niyo pong magbago bago ng itsura?”

“Hehe, aba oo naman. Nako, hindi mo pa nga ako kilala”

“Eh hindi naman po kayo nagpapakilala, tapos kapag hinahanap ko kayo bigla kayong nawawala”

“Sorry, ganun talaga. Dapat pa mysterious tayo” sabi niya.

Tawa na lang nasagot ko sa sinabi niya.

“Eh bakit po kayo nagpakita saken?” Tanong ko.

“Aba syempre kinakamusta lang kita”

“Hehe. Hmmm. Okay naman po ako, nasasanay na ako na nakakabasa ako ng isip” sabi ko.

“Good good. Mabuting nag eenjoy ka!”

“Ay bakit po? Meron po ba kayong nabigyan ng regalo na di nila kinatuwa?” Tanong ko pa.

“Marami. Sobrang dami. Akala nila sumpa yung regalo ko sakanila” kwento niya.

Medyo naintriga naman ako sa sinabi niya kaya kinulit ko pa siya.

“Ehh ano naman pong masama sa makabasa ng isip? Ang cool naman po nun ah?”

“Kapag kailangan mo ng tanong, hawakan mo lang yung libro mo at tawagin mo ko, siguradong darating ako, okay?” Sabi niya.

Hindi naman nasagot yung tanong ko eh bigla na siyang tumayo at kinuha yung mop saka naglampaso uli.

Tatawagin ko sana siya kaso nakita ko ng palapit si Laurence sa pwesto namen.

“Sorry ang tagal, ang daming tao eh” sabi niya, may hawak siyang tray na maraming foods.

Pero di ko siya pinansin masyado, kasi hinanap ko si Kuya na bigla nalang nawala sa paningin ko.

“Ohh, sino hinahanap mo?” Tanong niya.

“Ahhh, yung naglilinis kanina….”

“Wala namang naglilinis ahhhh?”

Hinanap kong mabuti pero wala na si Kuya.

Bigla na lang siyang nawala na parang bula.

+++++

Pag uwing pag uwi ko sa bahay, una kong plano ang kunin ang libro para tawagin si Kuya o lolo o kung sino man siya.

Pero hinarangan ako ni papa bago pa ako makaakyat.

“Oops oops, bakit nagmamadali kang umakyat?” Sabi ni papa.

“Hala ano kaya yun si papa, nag bless na ako ahh” sabi ko.

“Alam ko, eh hindi ka na nagkekwento samen eh, ano ba nangayayari sa lovelife mo?” Sabi pa ni papa.

“Nako, sana magsalita na tong batang to!” Sabi ni papa sa isip niya.

“Pa naman, secret muna yun!”

“Anong secret secret, hindi, halika sa sala at ikwento mo samen! Mamaya kung ano ano na ginagawa mo eh” hila saken ni papa papunta sa sala.

Nako talaga tong mga magulang ko oh!

Umupo kaming tatlo sa sala. Ako yung nasa kabilang dulo, at parang iniinterogate nila ako na parang may kaso ako.

“Sino ba talaga ang gusto mo? Si Laurence o si Matteo?” Si mama naman yun.

“Hala, ma naman pati ikaw?”

“Aba oo, interesado rin ako no!”

“Kaya umamin ka na samen!” Si papa naman yun.

Nakakahigh blood silang dalawa, pero yung itsura nila mukhang naghihintay talaga ng sagot.

Okay rin to na may pakielam ang magulang ko saken.

“Ma, si Matteo, kaibigan ko lang siya. Si Laurence naman po, di ko alam kung anong ginagawa namen, basta palagi kaming magkasama” sabi ko.

“Denial!!!” Sabi ni mama sa isip niya.

“Safe answer. Nakakainis!” Sabi ni papa sa isip niya.

Pero yung itsura nilang dalawa, nakangiti lang at mukhang plastik.

Heto yung mahirap kapag alam mo binabasa isip eh, alam mo kung natutuwa sila sayo o hindi eh.

“Ma, Pa, alam ko excited.kayo. Pero excited din ako sa una kong lovelife, kaso wala pa talaga, ayoko lang madaliin baka matapos kaagad. Kung bibigay na saken, edi ibibigay. Basta kapag meron na, kayo una kong sasabihan, pangako yun” sabi ko naman.

Natuwa naman sila sa sinabi ko, kita ko sa expression ng mukha nila.

“So, pwede na po ba ako umakyat?” Tanong ko sakanila.

“Ops, di pa pwede!” Sabi ni papa.

“Hala, ano pa po yun???”

“Halika, kiss mo kami ng mama mo!” Sabi niya.

Hehe, nakakatuwa talaga to sila papa at mama. Palagi ko naman sila kinikiss kaya di na bago to, pero yung sila magdedemand, parang ang cute lang.

Lumapit ako sakanila at hinalikan ko sila sa pisngi.

“Make good choices anak ah, tandaan mo yan. Bata ka pa, marami ka pang pagdadaanan kaya tama yan hinay hinay muna ah?” Sabi ni mama saken.

“Opo ma, hehe” sabi ko.

“Sige na, umakyat ka na. Kanina kapa kating kati eh!” Sabi ni mama.

Naalala ko, yung libro! Kailangan ko makausap si Lolo o Kuya o kung ano pa yun about sa ibang katulad ko.

Kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko pero sobrang nagulat ako ng makita ko si Matteo dun sa kwarto ko, nakahiga nagtetext.

Napalunok ako ng laway ng makita ko siya, naka sando lang siya at boxer shorts. Ang laki ng braso ni Matteo, ang sarap!

Pero teka. Shhhh shhh, bestfriend. Okay, bestfriend.

“Pag bestfriend, bawal pagnasaan okay. Behave Julian!” Sabi ko sa isip ko.

“Ju, kanina pa kita tinatawagan pero di kita macontact, ang tagal mo naman!” Sabi ni Matteo.

Aba, hindi siya nagbago ng pwesto, nakahiga pa rin siya at nakatingin sa phone niya.

“Aba, teka, bakit ka nandito?!!” Sabi ko.

“Eh, kinausap ko lang parents mo, sabi ko kung pwede bang makitulog dito, pumayag naman sila, kaya dito ako matutulog ah?”

“Aba, ako ba pumayag?!”

Bigla siyang umupo sa kama ko at tumingin saken.

“Ju, ang sexy ko. Ang yummy ko, ako na tatabi sayo, lugi ka pa?”

Ang yabang din neto eh pero totoo, sobrang yummy niya. Grabe, batak na batak sa gym, grabe talaga!!

“Eh sa sahig ka matulog!” Sabi ko.

“Nako naman, ang damot magpatabi!”

“Take it or leave it?”

“Hmp. Daya, sige na nga, basta penge unan!”

“Tse!” Sabi ko.

Naisip ko yung libro, hindi ko pala makakausap yung nagbigay saken ng regalo dahil nandito si Matteo. Bahala na, bukas na lang.

“Magbibihis ako, wag kang tumingin!” Sabi ko.

“Jusko kadiri mo ju, kahit sa harapan ko pa kaw magbihis, hindi kita gagalawin.”

Tumalikod ako para magbihis ng damit.

Pagkabihis, naupo ako sa kama katabi siya.

“Bakit ba nandito ka ha?” Tanong ko.

“Nako, wala kasing tao sa bahay, naiwan ko pa susi ko. Hassle lang pauwi sa Cavite tapos Mendiola, may pasok pa bukas. Hehe”

“Eh araw araw ka naman ganun, bakit nagrereklamo ka ngayon?”

“Wag ka na nga maraming tanong!” Bigla siyang humiga at nakatingin sa phone niya.

Ang bango ni Matteo, nakakainis. Yung kahit galing sa school eh mabango, yung amoy na nakakaadik. Ganun si Matteo, plus pa yung magandang katawan niya.

“Ju, nagugutom ako, pwede bang makikain?” Bigla niyang sabi.

“Nako, dapat bayaran mo ko rito eh!” Sabi ko.

“Hehe, kuha mo ko foods, nahihiya ako bumaba eh”

“Nako, may bayad talaga to ah!!! Hmp”

Bumaba ako at kumuha ng pagkain sakanya, sakto pakbet ulam namen, alam kong favorite to ni Matteo kaya kumuha ako ng marami pati ng kanin.

Pag akyat ko, nagulat ako ng hawak niya phone ko at may kausap siya.

“Hoy, sino yan?!!” Sabi ko.

“Ah, si Laurence!” Sabi niya.

Dali dali kong kinuha yung phone ko para kausapin si Laurence.

“Hello?” Sabi ko.

“Bakit si Matteo sumagot, magkasama ba kayo?”

“Ahh eh oo nasa bahay siya”

“Alas nwebe na ah, bakit nandiyan pa siya?”

Sht, ayokong sabihin na dito siya matutulog eh pero bigla akong nadulas.

“Dito kasi siya matutulog, pumayag sila mama” sabi ko.

“Hala bakit diyan??!”

“Hmm, di ko rin alam eh, basta dito siya matutulog”

“Ehhh….”

“Wag ka mag alala, di naman to gagawa ng kalokohan eh” sabi ko.

Kung makasagot ako, akala mo kami eh.

“Ganun ba? Sige sige, wait lang ah?” Sabi niya.

Pero bigla niyang binaba yung tawag.

“Ohh ano daw sabi?” Tanong ni Matteo habang ang sarap ng kain niya.

“Bakit mo kasi sinagot? Nakakainis to, mamaya kung ano isipin niya!”

“Ay bakit? Bestfriend mo naman ako….”

“Kahit na!! Privacy na lang diba?” Medyo nasigawan ko siya dun.

“Uy ju, sorry. Wala naman akong intensyon” sabi niya.

Medyo naawa ako sa expression niya at medyo nainis din ako sa pagsigaw ko sakanya.

“Sorry, nabigla lang ako, kasi naman ikaw ehhh!!” Bumalik na sa masayahin yung tono ng boses ko.

Bumalik na rin yung ngiti ni Matteo.

“Sus, baka nagtatago ka na saken ah. Mamaya kayo na di mo pa sinasabi saken!”

“Baliw! Di pa nga nanliligaw eh” sabi ko naman.

“Sus, ayaw mo lang sabihin eh!” Patuloy lang siya sa pagkain.

Di na ako sumagot para makapag focus siya sa kinakain niya, tinext ko naman si Laurence kung ano nangyari, pero di siya nagrereply saken.

Pagkatapos kumain ni Matteo, kinuha ko pinagkainan niya at bumaba. Sinabay ko na paglinis ng katawan ko bago ako umakyat.

May CR naman sa kwarto ko pero nasa baba yung toothbrush ko kaya sa baba ko na ginawa yun.

“Matutulog na ba kayo?” Tanong ni mama saken.

“Opo”

“Okay lang ba na diyan sa matulog?” Tanong ni mama.

“Ahh opo naman, tsaka pumayag naman kayo eh!”

“Hehe, magaan kasi loob namen ng papa mo kay Matteo kaya sige lang kami. Mukha naman di kayo gagawa ng kalokohan eh”

“Ma naman!”

“Hehe biro lang, sige anak oh….” inabutan niya ako ng tatlo pang unan. “…. para kay Matteo” sabi niya pa.

“Hehe, salamat po!” Sabi ko.

Umakyat na ako uli pero bago ko mabuksan yung pinto, may narinig akong kausap niya sa phone. Iba yung tono ni Matteo, parang malungkot at pinipigilang umiyak.

“Nandito ako kina Julian, ayokong umuwi Kuya, di ko na kaya dun”

“Basta dito lang ako, bukas bahala na kung saan ako.”

“Nakakahiya kay Julian, maghahanap ako ng ibang matutuluyan, ayoko talaga sa bahay”

“Wala!! Inubos lahat ni papa. Si mama naman wala ring ginagawa!”

“Kuya, kailan ka ba uuwi? Miss na kita. Wala akong kakampi dito”

“Alam ko po, sige Kuya.”

“Okay lang ako, mamaya maabutan pa ako ni Julian na ganito, sige na po”

“Opo Kuya, sige po.”

Binaba na niya yung tawag tapos nakita ko siyang umupo sa higaan at nagpunas ng mga luha niya.

First time kong makita si Matteo na ganito, parang ang hina hina niya. Nasanay ako na palagi kaming nagtatawanan at walang problema.

Sinadya kong iparinig sakanya na paakyat ako, nagmadali naman siyang mag ayos ng sarili niya at humiga uli sa kama.

“Saan ka ba galing? Ang tagal tagal mo, nakakatakot sa kwarto mo feeling ko may nakatingin saken eh!!” Sabi niya.

Ang galing magtago ng feelings ni Matteo, di halatang umiyak siya.

“Tse, ewan ko sayo, oh…” inabot ko yung unan sakanya. “…. si mama nagbigay!”

“Tignan mo nga naman, mahal talaga ako ng mama mo!”

“Assuming ka na naman!”

Naglatag na siya sa sahig, ako naman dumiretso sa kama ko at nahiga. Pinatay na namen yung ilaw.

++++

“Matty?” Tawag ko sakanya. Di ako mapakali, parang gusto ko siyang kausapin ng masinsinan.

“Yes juju”

Maliwanag naman yung buwan kaya kita ko siya sa sahig.

“Kapag may gusto kang ikwento saken, ishare mo na, makikinig ako” sabi ko sakanya.

Bigla siyang napangiti. Kahit medyo madilim, ang gwapo niya pa rin.

“Narinig mo pinagusapan namen ni Kuya?” Tanong niya.

“Uhm, oo” sabi ko.

“Nakakahiya, hehe”

“Ano ka ba ,bakit ka naman mahihiya saken? Akala ko ba bestfriends? Bakit di mo sinasabi saken yan??” Tanong ko.

“Kasi nakakahiya….”

“Dito ka nga sa kama, nahihirapan akong yumuko!”

Kinuha naman niya yung mga unan niya at tumabi siya saken sa kama. Kasyang kasya naman kaming dalawa dito.

“Oh, dali na magkwento ka na!” Sabi ko.

“Hmmmm. Ano ba?, Hmmm. Si kuya yung kausap ko kanina, nasa ibang bansa siya, siya yung source of income namen sa bahay. Siya rin nagbabayad ng tuition ko.”

Ang seryoso ni Matteo! Sobra, ngayon ko lang talaga siya nakitang ganito.

“Tapos syempre, andun sila mama at papa sa bahay. Si papa, sugarol si mama naman paiba iba ng lalaki. Ewan ko, nakakadiri talaga dun sa bahay. Si papa, maglalasing tapos magsusugal. Si mama, paiba iba ng inuuwing lalaki.”

Medyo utal na magsalita si Matteo, alam kong pinipigilan niya lang umiyak.

“Ilang taon ko ng tinitiis yun. Nung nag college ako, sakto naman may offer kay Kuya sa ibang bansa, si Kuya lang yung kakampi ko sa bahay. Kami lang magkasama sa bahay palagi, tapos bigla pa siyang umalis, kaya sobrang laki ng nabagi sa buhay ko”

May nakita na akong luha sa mga mata niya.

“Pinag aral niya ako rito sa Mendiola para naman daw lumawak yung mundo ko. Para magkaroon ako ng bagong kaibigan. Natuwa naman ako sa environment dito”

Bigla siyang tumingin saken tapos ngumiti habang naluluha. Grabe yung lungkot na nararamdaman ko habang nagkekwento siya.

“Nagpadala daw si Kuya ng 30K, para pang tuition ko, kaso ginastos nilang dalawa, kagabi pa nga ako di kumakain eh, kaya gutom na gutom ako kanina.”

Mas lalo naman akong naawa sa kwento niya. Ibang iba talaga si Matteo.

“Sorry Julian, nakikita mo kong ganito ah. Hehe” sabay punas sa luha niya.

Tinawag niya ako ng Julian, ibig sabihin malaki talaga dinaramdam niya.

“Hehe ,ano ba okay lang yan.”

“Nakakahiya talaga hehe”

“Saken ka pa nahiya, kilalang kilala mo na ako!”

“Ayun nga eh, kilalang kilala na kita. Sobrang natutuwa nga ako sa pamilya mo, lalo na sa parents mo, mahal na mahal ka nila, kapag nakikita ko kayo, minsan naiiyak ako. Nakakainggit kasi kayo”

“Hala, baliw ka!”

“Hehe, nakakainis ka Ju, pinaiyak mo ko!” Sabi niya.

“Hahaha, hindi kaya….. hmmm. Kaya pala di mo nakekwento saken about sa bahay niyo dahil pala diyan”

“Oo, ayoko talaga silang pinaguusapan”

“Sa sobrang masayahin mo at mapang asar, di ko talaga maiisip na may ganyan kang pinagdadaanan”

“Kaya nga nagpapasalamat ako sa talent kong to, talent kong magtago ng tunay na nararamdaman haha”

“Haha. Loko loko ka talaga!!”

Buti naman tumawa na uli siya kahit papano.

“Narinig ko, namomroblema ka kung saan ka matutulog bukas. Gusto mo dito ka na lang uli? Ako na magpapaalam kay mama at papa!”

“Hala wag na….”

“Di bagay, wag ka na mag inarte, dito ka na hanggang sa maging okay ka.” Sabi ko.

Tumawa lang siya sabay kurot sa braso ko ng malakas.

Ang lakas ng tawanan namen ng mga oras na yun.

Ang hirap na tuloy pagkatiwalaan ng ngiti ni Matteo, hindi ko alam kung totoo o hindi.

“Masaya ka ba talaga o pilit lang yan?”

“Masaya kaya ako, lalo pa’t kasama kita!” Sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Bigla naman niyang hinawakan mga kamay ko at tumitig siya saken.

“Salamat Julian ha? Pinaka dabest kang kaibigan” sabi niya.

“Ayan, bestfriend lang daw. Kaya wag kang mag assume ha!” Sabi ko sa isip ko.

“Oo naman,”

“Hehe, secret lang natin to ah?”

“Yeap yeap”

Pero di niya binibitawan kamay ko. Nakatitig pa rin siya sa mata ko.

Bigla naman siyang bumitaw at hinawi yung buhok ko.

Sht, anong ginagawa ni Matteo

“Julian……” sabi niya.

Dahan dahan niyang nilalapit mukha niya saken habang nakatitig siya sa labi ko.

Sht!!!! Hahalikan ba ako ni Matteo.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Sht, palapit na kami ng palapit.

Di ako makagalaw. Gusto kong tumayo pero parang naka glue katawan ko sa higaan ko.

Buti na lang biglang may kumatok sa pinto na kinagulat din ni Matteo. Napaayos tuloy siya ng higa samantalang tumayo naman ako para pagbuksan kung sino man kumakatok.

“Ma!” Sabi ko.

“Tulog na ba kayo?”

“Hindi pa naman, 11 palang naman eh”

“Good, oh may bisita ka uli” sabi ni mama.

“Sino po?”

Bigla kong nakita si Laurence na may dalang bag. Nakapambahay lang siya pero mukha pa rin siyang sosyalin.

“Nagpaalam ako sa mama at papa mo, dito rin ako matutulog ngayong gabi” sabi niya.

Tumingin ako kay mama.

“Kung gusto mo lang naman”

Tumingin uli ako kay Laurence.

“Ahh eh sige sige!” Sabi ko.

“Oh sige, matulog na kayong tatlo ha? Goodnight na, matutulog na kami ng papa mo” sabi ni mama.

“Sige po, goodnight po” sabi ni Laurence.

Nasa kwarto ko si Matteo at Laurence!

+++++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!

SORRY WALA KAMING WIFI EH, SISIHIN NIYO SKYBROADBRAND HAHAHA.

NAKAKAMISS MAGBASA NG COMMENTS NA MARAMI, COMMENTS NAMAN KAYO!!!hihi thanksssss :)

Part 9: TB

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! SENSYA NA, BUSY PAG HOLY WEEK EH.

++++++++++++++

“Pwede bang sumali sa sleepover niyo?” Tanong ni Laurence samen.

“Sure pre, jusko, ikaw lang naman hinihintay namen!!” Sabi naman ni Matteo.

Ano bang ibig sabihin ung bigla na lang akong hahalikan ni Matteo!! Ang gulo!

“Hehe, gusto ko lang makasama si Julian pre, buti pumayag magulang niya” sabi ni Laurence.

“Oo, nakakahiya nga eh hehe”

“Sobra… hmm…. so, san tayo matutulog?” Tanong ni Laurence.

“Ahhh, gusto mo sa kama ka na lang, tapos sa sahig nalng ako” sabi ko.

“Hala, edi sana sa bahay na lang ko natulog, hmmm.. okay lang ba kung.mag tabi tayo?” Sabi ni Laurence.

Tumingin naman ako kay Matteo, tapos bigla siyang umalis sa kama.

“Oo, dito ka na pre, nagkekwentuhan lang kami ni Julian kanina” sabi niya. Bumaba uli siya at humiga sa sahig. Sapin niya yung kumot ko.

“Ayun, good hehe. Salamat pre!”

Magkatabi naman kami ni Laurence ngayon. Ang bango bango niya, amoy sabon. Naka pajama siya at Tshirt na puti.

“Sorry ha, naligo pa kasi ako tapos nagpaalam kina mommy, umaga pa naman dun kaya nagalit hehe”

Di ako makapag focus. Gusto ko sana kausapin si Matteo about dun sa nangyari kaninang muntikang kiss.

“Ohh, bakit ang tahimik niyo bigla?” Sabi ni Laurence.

“Ah hindi, patulog na kasi kami kanina eh. Hehe” sabi ko.

“Ahhh ganun ba, hmmm. Sige tara matulog na tayo”

Di naman nagsasalita si Matteo, alam ko naman na hindi pa siya tulog at nakikinig lang sa usapan namen.

“Julian, nasabi kong kausap ko sila mama kanina diba? Sabi din nila, gusto ka nila mameet pag balik nila”

Sht, meet the parents kaagad!

“Ay bakit naman daw?”

“Palagi kasi kitang nakekwento sakanila lately eh, kaya ayun. Palagi daw kitang bukambibig”

Humarap saken si Laurence at nagkatinginan kaming dalawa. Nagugulo tuloy isip ko, hindi ko alam ano bang meron samen.

Ano bang meron samen ni Matteo? Ano rin ba meron samen ni Laurence.

Ang hirap mag isip!!

“So, ano? Okay lang ba?” Tanong niya.

“Eh, kailan ba sila uuwi?”

“Matagal pa yun, baka sa Pasko pa hehe”

“Eh kung ganon, edi sige” sabi ko.

“Nice, good good!”

Medyo tumahimik sa loob ng kwarto ko, pero biglang umubo si Matteo. Hindi ko alam kung sinadya o talagang naubo siya.

“Uy pre, gising ka pa ba diyan?” Tanong ni Laurence.

“Ahhh… hmmmm, inaantok na ako” sabi niya.

“Nako, ikaw ha, hinahanap ka saken ni Maddie, bakit di ka raw nagtetext sakanya”

“Nakalimutan ko lang” maikling sagot ni Matteo.

“Ganun ba, text mo yun ah. Iba rin kasi kamandag mo pre eh, patay na patay tuloy sayo pinsan ko haha”

Ay di ko alam yun ah! Na mag pinsan si Laurence at Maddie.

“Hehe, sige, papaload din ako bukas”

“Sige pre”

Ang taas pa ng energy ni Laurence, mukhang gusto pa niyang makipagkwentuhan samen, kaso mas gusto ko talagang kausapin si Matteo ngayon.

“Mukhang inaantok ka na Julian ah, hmmm. Sige, matulog na tayo” sabi ni Laurence.

“Hehe, sige antok na ako eh” sabi ko na lang.

Inayos ko yung kumot tapos humiga akong nakatingin sa kisame.

Si Laurence naman, nakatingin pa rin saken.

“Ang cute mo pala lalo pag naka side view no?” Bulong ni Laurence saken.

Di ko naman maiwasan mapangiti sa binulong niya. Sinilip ko tuloy siya tapos nakita kong pumikit siya pero nakangiti, ang cute niya.

Binuksan niya yung isa niyang mata tapos nung nakita niya akong nakatingin pa rin sakanya, pumikit uli siya.

Bigla ko na lang naramdaman na hinahawakan niya yung kamay ko.

“Okay lang ba?” Bulong niya uli.

Di naman ako makasagot.

“Tingin ka nga saken” bulong niya uli.

Tumingin naman ako kaagad habang hawak niya kamay ko.

“Ang sarap pala sa feeling ng may kahawak ng kamay no?” Sabi niya.

“As if naman na di mo pa naeexperience yan” sabi ko.

“Iba kasi yung feeling kapag gusto mo yung taong kahawak mo ng kamay” sabi niya.

Gusto niya ako!!

Naramdaman ko pang humigpit yung hawak niya saken ng kamay.

“Ano bang nararamdaman mo para saken Julian?” Sabi niya.

Sht, ang bilis mag change ng topic. Di tuloy ako makasagot sa tanong niya.

“Ano palang naiisip ng magulang mo saken?” Tanong niya pa.

Di pa rin ako makasagot sakanya.

“Nabigla ba kita? Sorry. Alam ko di ka pa ready sa mga ganito kasi di mo pa naeexperience yung pakikipagrelasyon. Gusto ko lang kasi talaga yung feeling kapag kasama kita.” Sabi niya saken.

Ano ba tong nararamdaman ko, parang mababaliw ako.

Feeling ko ang ganda ganda ko.

“Uhm, sige next time na lang natin pag usapan to, pero pwede bang wag mo tanggalin yung pagkakahawak ng kamay natin? Sobrang kinikilig kasi ako eh”

Ibang iba yung itsura ni Laurence kapag ngumingiti siya, sobrang gwapo niya.

“Ahh, oo sige” sabi ko na lang.

“Goodnight” sabi niya.

“Sige goodnight din” sabi ko.

Pumikit na siya at kita ko yung ngiti niya sa labi niya habang natutulog.

Somehow, natutuwa ako kay Laurence. Kasi sobrang crush na crush ko to tapos biglang ganito rin pala nararamdaman niya saken.

Di ko namalayang, nakatulog na rin pala ako.

++++

Nagising ako ng marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko. Nakita kong lumabas si Matteo.

Si Laurence naman, ang sarap pa rin ng tulog sa tabi ko. Di na kami magkahawak ngayon kaya dahan dahan akong tumayo para di siya magising.

Pumunta ako sa CR para umihi. Bakit kaya di na lang dito nag CR si Matteo sa kwarto ko.

Maya maya, pumasok na uli si Matteo sa kwarto ko at nagulat siya nung makita niya akong lumabas ng CR.

“Bwisit ka naman ju!! Ginulat mo ko!!” Pabulong niyang sigaw saken.

“Eh bakit kasi sa labas ka pa nag CR, meron naman dito”

Nagbubulungan kaming mag usap para hindi magising si Laurence.

“Uminom ako ng tubig no, alam ko naman may CR ka diyan!”

“Ahhh”

Natahimik kami pareho, babalik na sana ako sa higaan kaso pinigilan ako ni Matteo.

“Siguro kinikilig ka kasi katabi mo crush mo no?” Pabulong niyang sabi saken.

“Keme mo! Hindi kaya”

“Sus, sinabihan ka ngang ‘cute mo pag naka sideview’ eh”

“Eto, nakikinig ka sa usapan namen!!”

“Hehe, ayun lang naman narinig ko” sabi niya pa.

“Promise?”

“Hehe, uy salamat pala ju sa pagpatuloy saken dito ah? Di na ko dito tutuloy mamaya. Uuwi na lang ako samen”

“Akala ko ba ayaw mong umuwi sainyo?”

“Hmmm, eh, ayaw din ni Laurence na nandito ako, tignan mo sinundan ka pa niya rito.”

Iba na naman tono ni Matteo. Hindi to si Matteo na palabiro eh, parang may problema rin siya sa pagpunta ni Laurence dito.

“Hindi yan, maiintindihan niya rin bakit dito kita pinapatuloy”

“Sabi mo di mo sasabihin about sa family problems ko diba?”

“Oo nga pala. Pero dito ka na matulog, okay lang….”

“Shhh, promise Julian, okay lang ako. Lock ko na lang kwarto ko sa bahay pag uwi, para di ko na marinig sila mama”

“Kaso sabi mo….”

“Promise, okay lang ako!”

Pero yung tinawag niya akong Julian, alam kong hindi yun okay.

“Hmmm. Sige, matutulog na ako uli” sabi ko sakanya.

“Sige ako rin, kulang pa yung handsome rest ko” sabi niya pa.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

Humiga na uli siya habang nakatingin saken.

“Goodnight uli Ju” sabi niya.

Nung nakita ko yung labi ni Matteo, saka ko naalala yung muntikan niya akong halikan kagabi.

“Uy teka!” Sabi ko.

“Oh bakit?”

“Hmmm. Bakit mo ko…. hahalikan dapat kagabi?” Sabi ko sakanya.

“Hahalikan ka diyan, binibiro lang kita eh haha matulog ka na nga!” Sabi niya pa.

Binibiro lang pala. Buti na lang at sinabi niya yun atleast ngayon di na ako mag iisip kung para saan yung ‘muntik na halik’ na yon.

++++++++++++

Pagdating namen ni Matteo sa classroom, nagtinginan lahat ng kaklase ko samen na parang may ginawa kaming masama ni Matteo.

Kahit si Greco nakatingin samen kaya siya yung tinanong ko.

“Bakit ganyan kayo makatingin?” Tanong ko.

“Eh si Jerick kasi kanina pa nagwawala dito hinahanap ka, ang sabi, magkasama daw kayo ni Matteo kagabi matulog sa kwarto mo” sabi niya.

“Eh paano niyo nalaman yun?”

“SO TOTOO NGA?!” Boses ni Jerick yun sa likuran ko.

Nilingon ko siya.

“Oo, eh ano naman?” Sabi ko.

“Gosh Julian, ganyan ka na ba kalandi?” Sabi niya saken.

“Anong sabi mo?!!” Sigaw ko sakanya.

“Gosh Julian, ang landi mo, alam naman ng lahat na may gusto ka kay Matteo. Anong ginawa mo? Ginapang mo? Gosh!!!!”

“Hoy ikaw, kung ano ano pinagsasasabi mo sa klase!!!” Sabi ko naman.

“Next time kasi, wag kang malandi!”

Nabibwisit na ako sa pinagsasasabi netong baklang to ah!

“Tse, diyan ka na nga!” Sabi niya nalang.

Tinarayan niya pa ako na parang ang laki ng kasalanan ko sakanya.

Susugurin ko pa sana siya kaso pinigilan na ako ni Matteo.

“Hayaan mo na ju, baka kasi madulas mo pang sabihin yung problema ko kapag nakipag away ka” sabi niya.

“Eh nakakainis…”

“Hayaan mo siyang mamatay sa selos kakaisip saten haha. Ikaw pa rin naman panalo, sa susunod saktan mo pa siya, okay lang haha, pero ngayon, maniwala ka ikaw panalo”

“Hindi naman ako nakikipagtalo eh…”

“Hayaan mo na kasi ju, okay na rin yun atleast iniisip niya na tayo haha.”

So ibig sabihin, gusto ni Matteo na pinagiisipan kaming dalawa na, kami?!

“Pabayaan mo na siya Ju ah? Makakaganti ka rin sakanya sa susunod!” Sabi pa ni Matteo.

Napakalma ako ni Matteo sa sinabi niya kaya naupo na ako. Sakto naman dumating na yung prof namen.

++++++++++

“Nakakainis talaga yang Jerick na yan jusko!!!”

“Haha, ang dami pa niyang sinabi kanina, ang isip bata naman nung Jerick na yun” sabi naman ni Greco.

Kapag after class talaga, kaming dalawa magkasama. Magkasama kasi ata si Matteo at si Maddie ng ganitong oras.

“Ano pa sinabi ng baklang yun?!”

“Hahaha, easy lang. Basta kung ano ano lang, wag mo ng isipin” sabi niya.

Ang lumanay talaga magsalita ni Greco, nakakadala siya ng emosyon.

Palagi kong sinusubukang basahin yung isip ni Greco pero di ko magawa, gusto ko malaman talaga iniisip niya.

“Palagi mo kong tinitignan ng ganyan Julian, haha. Konti na lang iisipin kong crush mo ko haha” biro niya.

“Haha, sorry. You’re just so…..”

“Unreadable?” Sabi niya.

“Unpredictable” sabi ko.

“Haha, may mga secrets talaga na dapat manatiling sikreto hehe. Maybe soon, you’ll find out. But now, let’s be friends okay?”

May kakaiba sa sinabi niya pero di ko na lang pinansin. Nakakaramdam ako na may regalo rin tong si Greco pero dahil sa rules, di ko siya matanong about dun.

And bigla kong naalala yung book ko.

Sht, kailangan ko pala makausap yung nagbigay saken ng regalo!!!!

“Ah, Greco uuwi na pala ako ah. Sige sige” paalam ko sakanya.

“Sige, alam kong in a hurry ka hehe” sabi niya.

Di ko napinansin yung kaweirduhan ni Greco at nagmadali na akong umuwi at umakyat sa kwarto ko, kinuha ko yung libro at lumabas ako ng bahay.

Niyakap ko yung libro, pumikit at binulungan ko. Ang weird ko ng mga oras na yun pero di ko na pinansin sarili ko.

Pag mulat ng mga mata ko, wala naman akong nakitang tao sa paligid ko.

“Kuya kuya,” kalabit saken ng batang babae. Siguro mga 12 years old lang siya, morena at gusgusin.

“Oh bakit gutom ka ba?” Tanong ko sakanya.

“Diyos ko naman Kuya Julian, nagpapanggap lang akong pulubi, tinanong mo kaagad kung gutom ako, ano po ba ako, mukhang patay gutom?” Sabi nung bata.

Medyo naguluhan ako sakanya kaya napatitig lang ako sakanya. At kilala niya ako!!

“Ako to, si Lolo, yung Janitor sa McDo. At ngayon, ang munting pulubi ng kanto niyo!”

“Eh bakit naman kasi ganyan disguise mo?”

“Eh bakit? Bawal ba? Bigla mo kasi akong tinawag eh, eto na yung anyo ko nung tinawag mo ko, kaya di nako nagpalit. Tutal, wala ka namang mabibigay na puntos saken!” Sabi niya pa.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Sa kada tawag mo saken, mababawasan ka ng 10 puntos” sabi niya.

“Ha? Grabe naman, 10 kaagad?!”

“Oo ganun talaga, kaya wag mo ko tatawagin, busy akong tao!”

“Eh bat nagpakita ka ngayon?”

“Kasi first time mo to, sa second time may bayad na okay. Kaya hit me with your questions!” Sabi niya.

Since mukha siyang batang babae na gusgusin, naglakad kaming dalawa na parang nagkekwentuhan lang na magkuya.

“Eh kasi ganito….”

“Kada tanong, isang puntos!”

“Ay grabe naman oh”

“Haha joke lang, sige ano ba yun?”

“Nako, nakakainis ka naman eh. Hmmm kasi ganito, gusto ko malaman kung bakit bigla akong naka 5 pts? Diba sabi sa rule, sa kada taong matutulungan ko, may 1pt. Bakit biglang 4pts yung dagdag saken nung natulungan ko si Tracy?” Tanong ko.

“Hmmmm. Interesting….”

Mukhang nag iisip lang siya pero di pa niya sinasagot yung tanong ko.

“Nakikita mo yang lalaking yun?” Turo niya sa lalaki na makakasalubong namen.

“Oh? Ano meron?”

“Try mong basahin yung isip niya” sabi niya.

Tinignan ko si Kuya ng maigi habang palapit samen. May itsura naman si Kuya, cutie nga eh kaso mga nasa 25 pataas na, out of my league na yan.

“Ayos makatingin tong twink na to ah. Mukhang trip ako!” Sabi nung lalaki sa isip niya nung nagkasalubong kami.

“Tignan mo, napagkamalan pa akong bakla!” Sabi ko sakanya.

“Haha hindi ba?” Sabi niya.

“Ay grabe naman oh!”

“Hahaha, biro lang, ang point ko, nabasa mo ba isip niya?”

“Oo! Sinabihan pa akong twink!!”

“Ehhh si Tracy? Nababasa mo ba isip niya??”

“Nung una oo, pero nung bigla niya sinabi sa isip niya na ‘binabasa ko daw isip niya’ bigla ko ng di nabasa”

“Exactly! Iba yung points na nakukuha mo sa normal na tao at sa taong may regalo rin katulad mo!” Sabi niya.

“So ibig sabihin…..”

“Ooops, bawal yan, bawal banggitin yang gusto mong sabihin, instant mawawala kaagad yang regalo mo!” Sabi niya.

Oo nga, nasa rules. Bawal sabihin yung about dun.

“Ahhh okay okay. So ganun pala yun, eh ano naman yung level level keme? Sabi sa book level 2 na ako?”

“Nice nice, level 2 ka na? Sa kada puntos kasi, tumataas ang level. Iba iba kasi kayo, check mo pa yung libro mo about diyan, kung paano ka maglelevel 3 o 4 o pataas pa”

“Ehh ano naman kung level 2 ako?”

“Let’s say na madadagdagan yung gift mo”

“Ang sabi sa libro, in exhange yung points na nakukuha ko sa special gifts ko ah?”

“Yes, kaso may certain levels yung mga yun para magamit mo ng unlimited. Pero since level 2 ka pa lang, ieexchange mo yung points para magamit mo yun, gets mo ba Kuya?”

“Ang dami ko namang nalalaman sayo”

“Syempre, ako may bigay niyan sayo eh!”

“Haha, sabagay, pero meron pa….”

“Hay nako, ano pa??”

Sa kakalakad namen, nakarating na kami sa Luneta at napagpasyahan nameng maupo muna kay Lapu Lapu.

“Ehh kasi ganito, di ko nababasa isip ng iba, si Greco, Laurence at Matteo. Kapag cute boys ba di ko nababasa???”

“Ay, malanding bata ire talaga!”

Yung galing sa mukhang 12yrs old na bata yung salitang yun, jusko, kung di lang siya bata nabatukan ko na siya.

“Grabe naman! Nagkataon lang ba na talagang di ko nababasa naiisip nila??”

“Hmmm. No, You can read everyone’s mind. Guaranteed yun, except nga sa mga taong may regalo rin, o kaya may malaking part ng future mo”

“So ibig sabihin, pwedeng yung future partner ko na forever yung di ko nababasa yung isip?” Tanong ko.

“Yeap, yeap, ganun na nga.”

So, isa kina Laurence o Matteo yun? O kaya naman, may regalo rin sila katulad ko, either way, gusto ko pa rin malaman kung ano ba sila sa buhay ko.

“I really need to earn points, paano ba yun???”

“Oh diba, ineenglish mo na ako. Hmmmm. Just help others, kung paano mo ko tinulungan sa gubat nun nung nagugutom ako, ganun. Alam ko naman malaki yung puso mo sa kabaitan kaya di mahirap sayo ang tumulong”

Ang sweet ng batang to.

“O kaya malaki puso mo kaya kasya tatlong lalaki diyan, pwe, malandi.”

Biglang ang sarap niyang konyatan.

“Ooops, di mo ko pwedeng konyatan, bata ako. Child abuse remember”

“Hay nakoooo!!!!”

“Hehe, ayun lang ba tanong mo?”

“Ano ba pangalan mo, para naman alam ko”

“TB na lang, short for Taga Bigay haha”

“Korny, parang sakit lang haha”

“Okay na yan, wag ka na maarte. So, wala ng tanong?”

“Hmmmm, what if may idea ako na may regalo rin siya kaso sabi nga sa rules, bawal sabihin yung about dun, pero malakas talaga kutob ko na meron din siya, paano ko sasabihin sakanya na magkaprehas kami???”

Tumingin siya sa paligid na parang may sasabihing sikreto.

“Wala pa akong sinasabihan neto, pero pwede mo yun masabi sakanya!” Medyo pabulong niyang sabi.

“Ohh talaga? Paano?”

“Kailangan mong ipahawak sakanya yung libro mo, at pag nahawakan niya yun, mababasa mo na isip niya. Ganun lang kasimple yun, may mga tricks talaga sa libro na maraming di nakakaalam” sabi niya pa.

“Ay grabe! Ganun lang pala, di ko kasi dinadala yung book ko eh”

“NO!!!!Dalhin mo palagi yan, umiilaw yan kapag may ginagawa ka, kaya dapat dala dala mo, kapag nakuha yan ng iba, lagot ka”

“Ehh paano kapag nakuha ng iba???”

“Teka, pumikit ka muna” sabi niya.

Tinakpan ng kamay niya yung mga mata ko para mapapikit ako.

“Para saan naman to?” Sabi ko.

Pero di siya sumagot.

Di ko pa rin binuka mata ko, at kinakausap ko siya, pero di pa rin siya sumasagot.

Pag dilat ko, wala na siya sa tabi ko. Ako na lang nandun!

Parang magic na nawala siya.

Di ko tuloy nalaman kung paano kapag mawala ko yung libro, anong mangyayari.

Ang dami kong natutunan sakanya, sa powers ko. Ganun pala yun. So alam ko na.

++++++

Bagong Paalala Regarding sa Powers ko:

  1. Mas malaki ang points na makukuha kapag may ‘regalo’ rin yung natulungan.

  2. Pwede mong ipahawak ang libro mo sa iba para mabasa mo naiisip nila.

  3. Di ko pwedeng iwala ang libro.

Ano pa kaya ang madadagdag sa paglipas ng panahon? Ano pang malalaman ko?

Basta ang alam ko, ipapahawak ko yung libro ko kay Greco para malaman ko kung may regalo rin siya.

+++++++++++++

Oh diba ang Magic haha.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

Part 10

“Ju, sino bang hinahanap mo? Bakit hindi ka mapakali?”

“Wag ka ngang magulo diyan Matty, hanapin mo na lang si Greco”

“Paano mo siya mahahanap sa ganitong lugar aber? Ang y ibaba, nagkukumpulan kasi may event. Dami rin kasing freebies kaya ganun.

“Bakit mo ba kasi siya hinahanap? Alam mo minsan nagseselos nako, palagi na nga kayong magkasama tapos hinahanap hanap mo pa siya!”

“Hala, baliw ka na naman. Syempre, sa tuwing iniiwan mo ko kapag kasama mo si Maddie, siya kasama ko!”

“Hoy grabe ka, ikaw kaya lumalayo kapag kasama ko si Maddie, okay lang naman na kasama ka eh”

Okay lang naman talaga kay Matteo pero kay Maddie hindi, ang dami kong nababasa sa isip niya na negative.

“Ano ba tong baklang to, nakasunod na naman samen ni Matteo.”

“Walang Matteo kapag walang Julian, kairita”

“Di marunong makiramdam tong Julian na to nakakainis”

Ganyan sinasabi ni Maddie sa isip niya. Nakakairita, maganda naman siya pero nakakairita.

“Basta ramdam ko ayaw niya akong kasama” sabi ko na lang.

“Sus, nag iinarte ka lang eh. “

“Ako pa ah, baka yang girlfriend mo!”

“Haha, hindi ko pa girlfriend si Maddie, medyo pakipot pa siya eh”

“Pakipot pa, eh nagchurvahan na kayo!!”

“Hahhaa grabe ka magsalita,”

“Totoo naman ehhh!” Sabi ko.

Tumawa lang siya ng tumawa. Grabe, ang gwapo talaga ni Matteo. Sa kada ngiti niya, gustong gusto kong basahin kung anong nasa isip niya, kaso di ko talaga magawa.

Ang sarap pa niya pagmasdan, kasi yung tipo niya yung suplado look pero baliw, tapos ang bango bango niya, ang laki pa ng braso kasi adik sa gym.

“Nako Ju, ayan na si Laurence mo” sabi ni Matteo.

Nakita kong palapit siya samen, isa pa tong si Laurence, ang gwapo gwapo rin. May killer smile na talagang mapapangiti ka.

Kapag dadaan din siya, talagang pinagtitinginan din siya, ang gwapo kasi talaga at adik din sa gym.

“Walang klase! Haha, nakakatuwa,” sabi niya paglapit samen.

“Oo nga pre eh hehe. Tara gym?” Yaya ni Matteo.

“Tara tara! Di ako nakapagbuhat kanina eh” sabi ni Laurence.

“Ngayon na talaga?” Sabi ko sakanila.

“Oo, ganyan talaga. Wala ka namang pupumtahan eh kaya sumama ka na lang” sabi ni Matteo.

Medyo gusto ko rin kasi atleast makikita ko silang nagbabanat ng katawan habang pawisan. Medyo malandi yung intention ko pero minsan lang naman yun.

+++++++

May hawak din akong barbel, pero 2kgs lang, di ko kasi feel mag gym masyado. Pero yung dalawa, grabe sa gym. Mga beastmode.

Nakahiga si Matteo, nagbubuhat, habang si Laurence, naka alalay sa binubuhat niya.

“Kumusta kayo ng pinsan ko pre?” Tanong ni Laurence kay Matteo.

“Okay… naman… pre…” nagbubuhat kasi siya kaya di siya makasagot ng maayos.

“Nanliligaw ka na ba? Nako pre, mamaya paasahin mo lang yun ah hahaha. Lagot ka saken!” Biro ni Laurence.

Binaba na ni Matteo yung binubuhat niya at naupo sa bench, sht, ang hot niya lalo. Naka sando lang at pawis na pawis, namumula pa mga braso niya.

“Hahaha, hindi naman namen minamadali eh, hayaan mo muna yung panahon hehe” sabi naman ni Matteo.

Aware naman sila na nakikinig ako sa usapan nila.

“Eh ikaw, ano bang plano mo kay Juju ko? Mamaya kung ano lang balak mo ha!” Parang kuya yung datingan ni Matteo nung tinanong niya si Laurence.

“Katulad niyo, gusto ko lang din enjoyin yung moment.” Biglang tumingin si Laurence saken at kumindat.

Sht, ang gwapo!!!

Siya naman yung humiga at nagbuhat habang nakaalalay si Matteo.

Ang sarap nilang pagmasdan na dalawa, su Matteo at Laurence, gym buddies. Habang ako nag sa-sight seeing lang.

“Nako, kapag niloloko mo lang juju ko, lagot ka saken! Haha” biro ni Matteo.

“Hindi niloloko ang mga katulad ni Julian” sabi ni Laurence.

Sht, bakit kinikilig naman ako sa sinasabi ni Laurence saken.

Napatingin tuloy si Matteo saken at mukhang inaasar ako kay Laurence.

Di ko rin kasi talaga makuha yung ugali ni Matteo, minsan okay kami tapos minsan naman aasarin niya ako kay Laurence tapos minsan parang inlove siya saken,

“Dahan dahan lang, kinikilig si Juju sa sinasabi mo! Haha” sabi ni Matteo kay Laurence.

“Haha, wag ka mag alala, di naman ako magsasawang sabihin yun sakanya”

Sht, Laurence!!! Stop!!

“Haha, kinikilig na yan sigurado” asar uli ni Matteo saken.

Tumawa lang si Laurence sa pang aasar ni Matteo kaya lumayo ako sakanila para uminom ng tubig.

Pagka inom ko ng tubig, biglang may lumapit sakeng lalaki, pawis na pawis din. May itsura naman, pero kasi iba yung level ng itsura ni Matteo at Laurence eh, kaya di ko masabing gwapong gwapo siya.

“Grabe, ang sarap mag gym pre!” Sabi niya saken.

Di ko sure kung ako ba talaga kausap niya oh hindi, pero ako lang naman umiinom ng tubig dito

“Hehe oo nga eh” sabi ko na lang.

“Justin pala pre” pakilala niya sabay abot ng kamay.

“Julian” sabi ko.

“Diba taga CEU ka rin?” Sabi niya.

“Ah, oo, paano mo nalaman?”

“Namumukaan lang kita hehe, palagi mo kasing kasama si Matteo”

“Kilala mo si Matteo?”

“Oo, magkaklase kami nung high school, pero di kami masyadong close”

“Oh talaga, edi kausapin mo siya, kasama ko siya rito ngayon….”

“Nako wag na, pabayaan mo na hehe. Next time na lang siguro”

Bakit parang iba siya kapag si Matteo pinag uusapan?

Nakalimutan ko, pwede ko pa lang mabasa yung naiisip niya.

“Are you ready for, ready for. A perfect storm, perfect storm, cause once you’re mine, once you’re mine…..” kumakanta siya sa isip niya.

Dark Horse kasi kanta sa gym ngayon.

“Uy sige na pre, magbbuhat pa ako hehe” paalam ni Justin.

“Ah sige sige, ingat” sabi ko nalang.

“Sige pre, paki kumusta na lang ako kay Matteo” sabi niya sabay alis. Ako naman bumalik na kina Matteo at Laurence.

Nagbubuhat pa rin silang dalawa at nagtatawanan.

“Oy ju, nag uusap kami ni Laurence about sa sembreak!” Sabi ni Matteo.

“Oo, diba pumayag ka ng sumama samen sa Zambales?” Sabi ni Laurence.

“Oh, yun naman pala eh, edi sasama rin ako. Niyaya ako ni Maddie eh, para happy happy” sabi ni Matteo.

“Ah, eh kayong bahala, kayo naman sasagot ng lahat diba?” Biro ko.

“Kapal ng mukha mo Ju, mag ambag ka kahit magkano!”

“Haha hayaan mo na Matteo, ako ng bahala kay Julian, ikaw ang mag ambag kasi di ka sagutin ni Maddie sigurado”

“Haha, kapag di ko sinagot ni Maddie, edi di ako sasama. Sus, ganun lang yun”

Eto yung mood ni Matteo na mayabang siya. Pero sanay na ako sakanya kapag ganyan siya kaya di na bago para saken yun.

++++++++

“Nag enjoy ka ba sa view kanina Ju?” Asar ni Matteo, pabalik kami sa school ngayon kasi may klase daw kami sa isang subject namen.

“Tse, mas nag enjoy pa ako kay Laurence, ang hot niya kaya magbuhat”

“Sus, saken ka nga nakatingin kanina ehhh”

Nakakahiya, totoo naman na si Matteo talaga tinitignan ko.

“Nako Ju, kung di lang talaga kita bestfriend, inisip ko ng may gusto ka saken!”

Nakakainis talaga mang asar tong lalaking to, naaasar ako!

“ Lucky I’m inlove with my bestfriend“ bigla siyang kumanta.

Argh!!!

“Sino kaya yung sinubukan akong halikan nung magkatabi kami sa kama?!!!” Bigla kong sigaw sakanya.

Natahimik naman siya nung sinigawan ko siya. Pero patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Di naman ako sanay na biglang tatahimik tong si Matteo, feeling ko nasaktan siya nung sinigawan ko siya.

“Uhm… Matty, umuwi ka ba kagabi?” Tanong ko.

“Hindi” ang tipid ng sagot niya.

“Galit ka ba kasi sinigawan…..”

“Sa tuwing may sumisigaw kasi saken, naaalala ko yung bahay namen. Kung pano mag away sila mama at papa, ayoko kasing sinisigawan ako Ju.” Hala, ang seryoso ni Matteo ngayon.

“Uy, joke lang sorry. Ikaw kasi eh, mapang asar ka!”

“Hehe, sorry Ju. Ang sarap mo lang asarin eh.”

“Tse, kapag ikaw inasar ko, pikon ka naman!”

“Haha, eh kasi, totoo naman ako tinitignan mo eh” sani niya pa.

Bumalik na uli yung ngiti niya.

“Bahala ka nga.”

Inakbayan na lang niya ako hanggang makarating sa school.

“Ano palang balita sainyo?” Bigla kong tanong.

“Di ko alam, di naman ako umuwi eh”

“Hala, saan ka natulog kagabi?!”

“Kina Maddie”

“Hala? Bakit naman dun?”

“Wala na akong matakbuhan eh, hehe. “

“Sabi ko naman, samen ka na lang eh, okay lang naman yun”

“Sus, wag na Ju, okay lang, susunod lang si Laurence dun. Okay lang naman ako kina Maddie eh, pinagsamantalahan lang niya katawan ko hahaha”

“Tuwang tuwa ka naman????” Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya saken.

“Oh bakit ka na naman nagagalit Ju?”

“Eh kasi… tuwang tuwa kang nakikipag anuhan sa ibang tao.”

“Eh ano naman Ju?”

Iba yung nararamdaman ko, nagseselos ba ako? Bakit parang galit ako kay Matteo.

“Kasi ginagawa mo lang yun sa kung sino sino!”

“Hindi naman kung sino sino si Maddie ha? Matagal mo ng alam na gusto ko siya diba?”

Dun ako mas nasaktan sa sinabi niya. Dun ko talaga narealize na mahal ko pala talaga si Matteo.

Pinilit kong ngumiti sa sinabi niya.

“Oo nga pala, hehe. Sorry” sabi ko na lang.

“Oh, nag iba yung tono mo? Ano bang problema?”

“Wala, siguro nasanay lang ako na tayong dalawa lang palagi magkasama, na nagseselos ako kapag may kahati sayo haha” biro ko na lang.

Nakarating na kaming dalawa sa room, pero kami lang yung tao dun. Wala pa mga kaklase namen.

“Sabi sayo dapat di na tayo pumasok eh, di naman papasok yung mga yun eh” sabi niya saken.

Pero parang, wala ako sa mood ngayon. Sa lahat ng sinabi ni Matteo, nawala ako sa mood.

“Seryoso ka ba kay Maddie?” Tanong ko sakanya.

“Oo naman.”

“Eh bakit hindi mo pa siya ligawan?”

Ngumiti lang siya tapos tinignan ako. Since dalawa lang kaming tao sa room, okay lang gawin namen yun.

“Gusto ko kasi maging masaya ka muna bago ako, kaya kapag naging kayo na ni Laurence, saka ko siya liligawan”

“Eh bakit naghihintay ka pa ng ganung katagal?”

“Syempre, ayokong maging masaya tapos iiwan lang kita ng bigla bigla diba”

“So kapag naging kayo ni Maddie, iiwan mo ako?”

“Hahahaha, hindi sa ganun, gusto ko lang na kapag masaya ako, dapat masaya ka rin. Kaya dapat masaya ka muna, bago ako magpapakasaya” kwento pa niya.

Ngayon ko lang narealize na talagang kaibigan lang tingin saken ni Matteo.

“Isa pa Ju, mahal kita.”

Bigla nanlaki mata ko sa sinabi niya. Parang kinilabutan ako, pero ang ganda sa pandinig ko ng mga salitang yun. ‘Mahal kita’. Ang sarap sa feeling.

“Mahal kita bilang kapatid, kaibigan, lahat Ju. Sabi ko naman sayo, next sa Kuya ko, ikaw pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Kaya sana wag ka mawala saken”

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa sinabi niya.

“Ayoko lang kasing dumating yung point na, magkagusto ka saken tapos bigla tayong mag iiwasan. Ayoko kasi nun, may ganyan akong kaibigan dati, natalik kaming magkaibigan, kaso nagkagusto siya saken. Wala naman akong ginagawa, bigla na lang siyang nagkagusto. Kaya in the end, nasira friendship namen”

Sino kaya yung tinutukoy niyang yun. Di pa niya nakekwento saken.

“Ayokong masira yung friendship natin dahil lang sa nainlove ka saken, o nainlove ako sayo.”

Parang di ko na kaya yung sinasabi niya. Yung pinapamukha niya saken na gusto niya ako bilang kaibigan lang.

“Hehe, oo naman. Bestfriend nga diba?” Sabi ko.

Pero fvck. Sht!! Parang sinisira loob ko nung sinabi ko yun. Na bestfriend lang ako.

“Hehe, bestfriend!” Sabi niya sabay akbay saken.

Lahat ng pinapakita niyang ka sweetan saken nun, wala pala talagang ibig sabihin. Ganun lang talaga siya.

“May kilala ka bang Justin?” Bigla ko na lang tinanong para masira na yung moment.

“Justin? Paano mo siya nakilala?” Tanong niya.

Bago ako makasagot, biglang may pumasok sa room.

“Aba magaling!! Nandito pala ang future ko at ang malanding aligid ng aligid sakanya!” Si Jerick yun. Nakakainis talaga tong baklang to, panira ng moment.

Napatawa lang tuloy si Matteo tapos tinanggal yung pagkakaakbay saken.

“Ha! Anong ibig sabihin niyang akbay na yan?!!” Sigaw ni Jerick samen.

“Pwede ba, wag kang OA” sabi ko.

“OA your face, malandi kang bakla ka!!”

“Tigilan mo ko sa kakatawag saken ng malandi ah, tignan mo yang itsura mo, wala ka namang ganda, kung makapag react ka diyan akala mo kung sino ka!” Sabi ko.

Nagulat siya sa sinabi ko kaya napahawak siya sa dibdib niya na akala mo naman meron.

“How… how dare you! Una sa lahat, etong beauty kong to pinag aagawan sa States. Kaya ikaw, wag mong masabi sabing wala akong ganda!”

“Edi dun ka sa States, ng maappreciate ka dun.” Sabi ko.

Natatawa naman si Matteo sa awayan nameng dalawa ni Jerick.

“Nakakarindi tong Julian na to, una si Matteo, tapos si Greco, tapos nababalitaan ko pa si papa Laurence!!!” Sabi niya sa isip niya.

Bigla naman nagsalita si Matteo at tinanong si Jerick.

“Nasaan na ba yung iba nating kaklase?”

Aba, si bakla, tuwang tuwa.

“Ah, neg attendance ne leng shila. Eto ows, hewek ko yung bend paper”

Biglang naging ngewe magsalita si Jerick nung kinausap ni Matteo.

“Bend paper, tse. Ang arte mo!!” Sabi ko.

“Inggit ka lang, kasi ako kinakausap ni Matteo!” Sabi ni Jerick.

Bigla naman hinawakan ni Matteo kamay ko at sabay kaming tumayo palapit kay Jerick.

Malakas mang asar tong si Matteo eh.

“Ouch. Aray! Bakit may pag holding hands sila” sabi ni Jerick sa isip niya.

Tinignan ni Matteo si Jerick sa mga mata.

“Pwedeng pahiram ng ballpen?” Sabi niya.

Nanginginig sa kaba na inabot ni Jerick yung ballpen kay Matteo.

“Thanks”

“Lord, please. Sulitin niyo na po yung regalo niyo saken, sunggaban sana ako ni papa Matteo!!” Sabi ni Jerick sa isip niya.

Natatawa na lang ako kay Jerick, napaka desperada.

Pagkatapos magsulat ni Matteo, bigla na lang hinablot ni Jerick yung papel.

“Ibibigay ko na to kay Mam, tutal mukhang wala ng darating” sabi niya sabay talikod at labas.

“Teka ako pa!!!”

Pinigilan na ako ni Matteo at bumulong saken “nilagay ko na pangalan mo” sabi niya.

“Haha, talagang ang lakas mo mang asar no?”

“Ganun talaga haha, ako lang kailangan mo para manalo ka sa kanya palagi haha”

“Haha, dapat saken ka lang kakampi at never kang kakampi sakanya ah?”

“Oo naman!”

Lumabas na uli kaming dalawa at naghanap ng matatambayan.

+++++++++++

“Sorry pala ah, umalis ako, sabi kasi samen may klase kami eh yun pala wala rin” sabi ni Laurence.

Magkausap kami ngayon sa phone, nakahiga ako sa kama.

“Okay lang, ganyan din kami, wala din palang klase” sabi ko.

“Hehe, saan naman kayo pumunta ni Matteo?”

“Naglakad lakad lang kami hehe, ikaw?”

“Wala, umuwi na lang din ako. Hehe”

Grabe, iba rin yung nararamdaman ko kay Laurence eh, di ko namamalayang nakangiti na pala ako habang kausap siya.

“Narinig mo ba yung pinag usapan namen ni Matteo kanina?”

“Yung iba.”

“Eh yung part na sinabi kong ano…”

“Na ano?”

“Na ano, na gu…”

“Gu…?”

“Na gusto kita” sabi niya.

Para akong baliw na nakangiti habang naghihintay ng sasabihin niya.

“Uy Julian, ano? Ayaw mo ba?”

“Ahh…. anong ayaw ko?”

“Na may gusto ako sayo, di ka ba komportable?”

“Hmmmm, hindi naman. Okay nga eh, kasi crush kita noon pa”

Narinig ko naman yung pigil na tawa niya sa phone na ginagawa ko rin. Kinikilig din siya saken.

“Panagutan mo tong nararamdaman kong kilig ngayon” sabi niya saken.

Parang baliw naman ako na ngumingiti sa banat niya.

“Ikaw nga eh, bigla bigla mo na lang akong pinapakilig” sabi ko.

“We, haha. Ako nga pinapakilig mo eh” sabi niya.

“Eh bakit kasi ayaw mong sabihin saken ng harapan yan?”

“Nahihiya kasi ako kay Matteo minsan, gusto ko yung tayong dalawa lang.”

“Eh, paano kung tayong dalawa lang magkasama bukas?” Sabi ko.

“Sige, sasabihin ko sayo ng harapan. Kaso mamaya makornyhan ka saken”

Natawa nalang ako.

“ baka himatayin ako sa kilig nun haha“ biro niya.

“Haha wag kang magalala, sasaluhin kita kapag nahulog ka” sabi ko.

Ano ba to, landian tru phone. Nakakainis, sobra akong kinikilig. Di ako mapakali sa higaan ko.

“Eh paano kapag ako yung himatayin?” Sabi ko.

“Edi sasaluhin din kita kapag nahulog ka.”

“Eh paano kung di mo ko nasalo?”

“Hindi ko hahayaang mahulog ka sa iba”

Kinagat ko yung unan ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

“Paano kung halikan kita?” Sabi niya.

“Ang bilis naman! Wag muna kiss,”

“Gusto mo ba special?”

“Oo, gusto ko kasi yung mala thinking out loud, ‘kiss me under the light of a thousand stars’,”

“Ganun pala gusto mo, sige hayaan mo, gagawin natin yan”

“Hala, talaga?”

“Oo, pero sa ngayon, holding hands lang. Pwede ba yun?”

“Oo, navirginan mo na nga kamay ko eh” sabi ko.

Narinig ko naman yung tawa niyang malakas dahil sa sinabi ko. Nakakainis, ang korny ata nun.

“Hahahaha, well, sana pala ginamit natin yung pabaon sayong condom hahahahhaha”

“Hahahaha, nakakainis ka. Kalimutan mo na yun!”

“Haha, no, one of the best moments natin yun eh.”

Bigla kaming tumahimik na parang may dumaang anghel.

“Sht, alas dos na pala ng madaling araw haha” sabi niya.

“Ay oo, di ko nga napansin yung oras!”

“Haha, ganun talaga kapag masaya ka, hindi mo namamalayan yung oras.”

“Hehe, ang saya ko talaga. Salamat”

“Mas lalo ako Julian, ang saya saya ko”

Kung nakikita niya lang ako, nakikita niya yung sobrang laking ngiti ko ng dahil sakanya.

“Good night na Julian, maaga pa pasok natin bukas”

“Oo nga, sige Goodnight Laurence.”

“Sana sa susunod may endearment na tayo” sabi niya.

“Hehe. Sige sige, soon.” Sabi ko.

“Excited na ako sa panahong yun”

“Ako rin”

“Tulog na ah? Wag ng mag check ng FB o twitter” sabi niya.

“Haha, opo, ikaw rin, diretso tulog na!”

“Yes boss” sabi niya.

Mamamatay na talaga ako sa kilig. Lalo na nung tinawag niya akong boss.

“Bakit ang tagal sumagot?” Sabi niya.

“Eh kasi ikawww…..”

“Haha, sige na matulog na tayo”

“Oo, at baka sumabog na ako rito” sabi ko.

“Huwag, paano na ako kung sasabog ka?”

Siguro halos mapunit ko na yung punda sa sobrang higpit ng hawak ko.

“Sige na, tama na to, tulog na tayo”

“Hehe, sige sige. Goodnight na talaga” sabi ko.

“Goodnight. Sweetdreams. See you in my dreams.”

“Hehe, sana. Goodnight”

May dead air ng konti at maya maya pinatay ko na rin yung tawag saken.

Halos matulog ako na umaabot sa tenga yung ngiti ko.

++++++

Ang ganda ganda ng gising ko, sobrang ganda na nakangiti ako pag gising ko.

Hindi naman nagtext si Laurence, pero ang ganda ganda pa rin talaga ng gising ko.

Pagpasok ko sa school, biglang tumawag si Laurence saken.

“Good Morning boss” sabi niya.

“Good Morning idol”

“Bakit idol???”

“Haha, wala lang, hehe ayaw mo ba?”

“Gusto syempre, basta galing sayo!” Sabi niya.

Nakangiti na naman ako sa school ng mga oras na yun.

Pero nawala yung ngiti ko ng makita ko si Greco.

“Nasa school ka na boss?” Sabi niya.

“Ahhh eh oo. Uy teka lang po ah? Hehe.”

“Ah sige, ang aga mo naman pumasok. Kita tayo later ah?”

“Sige sige, bye!”

“Bye”

Dali dali akong nagmadali para kausapin si Greco. Nakauniform siya at mukhang naninibago kasi wala ngang mga klase.

“Uy Julian, bakit walang tao sa room?”

Nasa hallway kami ngayon.

“Ah, foundation week kasi hehe. Hmmm, teka….” nilabas ko yung libro ko sa bag kung saan ang sabi ni TB, dapat ipahawak ko sa iba kung gusto ko malaman na may kapangyarihan sila.

“Ano yan?” Sabi niya.

“Hawakan mo!”

Nagulat siya nung nakita niya yung book ko.

“Alam ko yan” sabi niya.

“Oh? Edi hawakan mo”

“No, hindi mo pwedeng hawakan ang libro ng iba…”

“Trust me, pwede. Try mo lang” sabi ko.

“Ayokong mag take ng risk. Malaki mawawala saken”

“Please. Please” sabi ko.

Nakukulitan na siya saken kaya bigla niyang hinawakan yung libro ko.

Dali dali ko namang sinubukan basahin yung nasa isip niya.

“Julian.” Sabi niya sa isip niya.

Nice, nababasa ko na nasa isip niya!

“Nababasa mo na nasa isip ko?” Sabi ni Greco.

“Oo!”

Naguguluhan siya. Di siya siguro aware na pwede yun.

“Paano… bawal yun ah?”

“Pwede, pwede. Ngayon alam na natin, alam ko na rin. Nice!!!” Sabi ko.

“Kaya mo bang gawin to Julian?” Kinakausap niya ako gamit ang isip niya.

“Hala, paano mo nagawa yun?!!” Sabi ko.

“ Haha so tama nga ako, mababa pa level mo“ sabi niya uli sa isip ko.

“Tigilan mo yang pakikipag usap sa isip ko, haha ang weird!”

“Haha, gosh, I can’t believe na pwede to!” Sabi niya.

Magkatitigan kami at parehas kaming.naexcite sa natuklasan namen.

“Anong level mo na?” Tanong niya.

“Kaka level 2 ko lang last week haha, ikaw?”

“Haha, not bad. Level 13”

“Grabe!!! Ano pang kaya mong gawin?”

“Hehe, gusto mo malaman? Tara dun tayo sa walang tao” sabi niya.

+++++++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

Part 11:

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!! :)

+++++++

“Nung una pa lang alam ko ng may kapangyarihan ka” sabi ni Greco. Sa room kami tumambay na dalawa, wala naman kasing klase at tao dun.

“Paano mo naman nalaman?”

“Di ko kasi magamit sayo yung kapangyarihan ko, kaya ganun.”

“Hmmm. Ako rin eh, ang dami kong di nababasang isip”

“Hehe, ganun talaga. Ako rin marami eh.”

“Eh si Laurence? O Matteo nababasa mo ba?” Tanong ko.

Ngumiti lang siya at humindi.

Ano ibig sabihin nun? Meron din silang dalawa? Ano naman papel nilang dalawa sa buhay ni Greco para di niya rin mabasa naiisip niya.

“Nako, akala ko di pwedeng mangyari to” sabi niya.

“Oo, sabi rin saken bawal to eh”

“Well, apparently, pwede hehe.”

Nagkwentuhan pa kami about sa story niya, mas matagal na siyang may kapangyarihan saken.

Feeling ko rin may iba siyang di sinasabi saken, pero naiintindihan ko naman.

“Kanina pa may tumatawag sa phone mo ah? Di mo ba kakausapin yan?” Tanong ni Greco.

Di ko naman kasi napapansin na tumatawag pala si Matteo.

Sinagot ko muna yun.

“Hoy Ju, nasan ka ba, kanina pa kita tinatawagan ah?”

“Nasa room lang ako! Maka hoy ka naman”

“Haha, sorry na. Sige puntahan kita diyan, wala ka naman kasama diba?”

“Kasama ko si Greco” sabi ko.

“Ano ba yan, kasama mo na naman yang payatot na yan!”

“Hala grabe ka naman!”

Buti na lang di naririnig ni Greco pinaguusapan namen.

“Saken ka sumama, kain tayo! Libre kita!” Sabi niya.

“We, promise? Kaso si Laurence pala makikipagkita saken”

“Mamaya na ang landi, saken ka muna!”

Buti na lang di na ako masyadong naapektuhan sa sinabi niyang yun. Ayokong masaktan sa bestfriend ko kaya di na ako umaasa sakanya.

“Sige, puntahan mo ko rito sa room”

“Nako, pa chix ka talaga. Sige papunta na ako!”

Binaba na niya yung tawag tapos nag usap na uli kami ni Greco.

“I wish I can read his mind too, di ko rin alam kung bakit di ko mabasa isip ni Matteo eh” biglang sabi ni Greco.

“Nako, ang hirap pala pag may nakakaalam ng totoo kong feelings”

“Haha, don’t worry, saten saten lang”

“Dapat lang, kasi nakakahiya talaga ahha. Inlove ako sa bestfriend ko”

“Nah, di nakakahiya yan. Normal yan hehe.”

“Pero bakit pati si Laurence, di mo nababasa?”

“I really don’t know. Normally kapag di ko nababasa naiisip nila, wala na lang akong paki.”

“You’re not even curious?”

“Well, medyo pero sa case ni Matteo at Laurence, not really. I’m not interested”

“Don’t try to read my mind Julian, I can sense na binabasa mo iniisip ko” sabi niya sa isip niya.

“Ang daya, nakokontrol mo na isip mo eh!” Sabi ko.

“Haha, darating ka rin diyan, for the mean time, enjoyin mo yan. Naglevel up yang kapangyarihan mo, try mo lang hanapin kung saan banda” sabi niya.

Di pa ako nakasagot, narinig ko ng bumukas yung pinto ng room at pumasok su Matteo.

Maangas kasi talaga datingan ni Matteo, kaya bad boy yung look niya.

“Ju, tara na!” Sabi niya.

“Okay ka lang ba rito?” Sabi ko kay Greco.,

“Oo, wag kang mag alala, magkikita pa kami ni Tracy maya maya” sabi niya.

“Sige pala” sabi ko.

“Ingat kayo. Matteo, ingat kayo” sabi ni Greco.

“Sige payat!” Sagot ni Matteo.

Tumawa lang si Greco.

“Hoy, grabe ka!” Sigaw ko sakanya.

“okay lang yan, mag tropa na kami niyan diba pre?” Sabi ni Matteo.

“Hehe oo. Sige,” sabi ni Greco.

Inakbayan na uli ako ni Matteo palabas. Ano ba to, ang bango bango ni Matteo habang naglalakad kami.

+++++++

Pumunta kami ng SM Manila at nilibre niya akong kumain sa Chatime.

“Nagpadala kasi ng pera si Kuya, saken na diniretso. Sabi niya libre daw kita” sabi ni Matteo.

Parehas kaming naka uniform ng all white.

“Nako, buti pa Kuya mo!”

“Oo na tumahimik ka na, ohh…” naglabas siya ng phone niya at nagpicture kami. “Picture daw tayo sabi ni Kuya. Send ko sakanya” sabi niya.

Siguro naka 10 picture kaming dalawa dun, at sinend niya lahat sa Kuya niya.

“Haha, ang gwapo mo Ju kapag nakangiti, ayaw mo ba talaga maging lalaki? Pwede pa naman eh. Mahahabol pa yan!” Sabi niya

“Nako, naiinlove ka na ata saken” biro ko.

“Hahaha, nangangarap ka na naman diyan haha. Dali na, gawin kitang lalaki gusto mo?”

“Ano ba? Akala mo sa isang iglap mawawala kabaklaan ko ganun?”

“Haha, sayang kasi kagwapuhan mo eh”

Ano bang gwapo saken. Mas maliit ako kay Matteo kaya naaakbayan niya ako. Medyo matangos lang ilong ko, di naman ako tigyawatin pero di smooth mukha ko. Mapula lang labi ko, pero ang pinaka asset ko talaga yung pilik mata ko na mahaba.

“Tigilan mo ko, bakit ako mag aadjust sayo? Ikaw na lang magpaka bakla!” Sabi ko.

“Haha kung magiging bakla ako, gusto ko ikaw lang makakatuluyan ko” sabi niya.

Sht, nagsisimula na naman si Matteo sa mga paasa lines niya.

“Eh wala ka naman kasing matres, di mo ko mabibigyan ng anak. Haha”

Biglang bawi.

“Tigilan mo na nga ako sa ganyang salita mo” sabi ko sakanya.

“Haha, sorry Ju.”

Medyo natahimik kaming dalawa, habang kumakain ako ng Nachos.

“Nagtext si Laurence saken, tinatanong kung magkasama tayo.” Biglang sabi ni Matteo.

“Bakit saken hindi nagtext?”

“Tignan mo kaya phone mo, kanina ka pa saken nakatingin eh” sabi niya.

Di ko na pinansin yung pang aasar ni Matteo, at nakita ko na lang na ang dami ng text ni Laurence saken.

“Boss?” “Busy?” “School na ako, saan ka na?” “Walang klase, huhu. Nasaan ka?”

Kanina pa pala siya nagtetext, di ko napansin.

“Oh, pupuntahan mo ba siya?” Tanong ni Matteo saken.

“Kung okay lang sayo,”

“Sus, wala naman akong magagawa haha. Sige na puntahan mo na, second option mo lang naman ako”

“Tse, nagdrama ka na naman! Hahaha”

“Haha, sige na Ju. O kaya papuntahin mo na lang siya rito”

“Sige pala”

Tinext ko na lang si Laurence na pumunta na rito sa Chatime. Umoo naman siya.

“Hoy, ikwento mo na saken kung sino si Justin!” Bigla kong sabi sakanya.

“Paano mo ba siya nakilala?”

“Eh biglang lumapit saken sa gym kahapon, tapos tinanong kung kilala kita. Tapos ayun, kilala mo daw siya”

“Haha chismoso ka talaga!” Sabi niya pa.

“Dali na, kwento mo na. Curious ako, haha”

Tumingin lang siya saken habang umiinom ng inumin niya.

“Naalala mo nung kinwento ko sayo na kaibigan ko na nagkagusto saken?”

“Ay shit, siya yun?!”

“Hindi, siya yung kapatid” sabi niya.

“Ay, akala ko siya na”

“Shunga neto ni Ju, oo siya yun! Jusko, kailangan mo pang itanong”

Nag pipilosopo na naman si Matteo kausap.

“Seryoso kasi” sabi ko.

“Hehe, sorry. Kasi ganito yun, close friend ko rin siya nung high school, parang kayo lang. Kaso bigla siyang nagtapat saken na may gusto siya…..”

Natigil siya bigla sa pagkwento.

“Tapos ayun, bigla na lang akong nailang sakanya. Ayoko kasi ng ganun, kaibigan lang naman kami tapos biglang magkakagusto siya.”

“Baka naman kasi pinaasa mo? O binigyan mo ng motibo?” Sabi ko.

“Hala, kung ano ako sayo ngayon, ganun din ako sakanya, sa tingin mo may motibo akong binibigay”

Jusko, kahit sino maiinlove sayo Matteo. Inlove nga ako sayo eh kaso mas lalo kong pipigilan dahil sa mga sinasabi mo saken.

“Ang sweet mo kasi, tapos ang sincere mo. Tapos pogi ka pa, baka di kinaya hahaha” biro ko.

“Eh bakit ikaw? Di ka nainlove saken?” Iba yung tono ng boses niya nung sinabi niya yun.

Tinignan niya akong mabuti sa mga mata ko. Sht, seryoso tong si Matteo. As in.

“Ahhhh…”

“Di nga Ju, di ka ba nainlove saken?” Sabi niya.

Sht, oo Matteo. Mahal kita, kaso ayokong masira pagkakaibigan natin!

“Wag ka ngang feeling diyan, akala mo naman….”

“Seryoso ako Julian,” di niya pinatapos yung sinasabi ko.

Ano ba to, ang bilis mag shift ng mood ni Matteo.

“Bakit ba ganyan tanong….”

“Sagutin mo lang, nainlove ka ba saken? O inlove ka saken ngayon?”

Sht, Matteo. Stop! Di ko kaya, baka bumigay ako sayo.

“Julian!” Alam kong seryoso siya, dahil Julian tawag niya saken.

“Bakit ba kasi ganyan ka ngayon?”

“May gusto ka ba saken o wala?!” Pangungulit niya.

“Wala!” Sabi ko sakanya.

Natahimik siya nung sinabi kong wala. Tapos bumalik siya sa pagkain at pag inom.

“Good, hahaha. Bestfriend mo lang ako ha? Mas tatagal tayo sa ganung set up eh” bigla niyang sinabi.

Sht, buti nalang nakapag timpi ako kay Matteo. Kundi baka lumayo na rin siya saken.

“Basta Ju kapag nainlove ka saken, sabihin mo. Mag aadjust ako sa ginagawa ko sayo ha?” Paalala niya pa.

“Mas gusto ko kung ano ka ngayon” sabi ko naman.

Ngumiti lang siya. Ang gwapo niya talaga lalo kapag ngumingiti.

Di ko pa rin mawari yung nararamdaman ko kay Matteo, pero isa lang ang sigurado.

Di ako pwedeng mainlove sa bestfriend ko.

Habang nasa kalagitnaan ng libre ni Matteo, napansin ko naman si Laurence na palapit samen, ang laki ng ngiti at ang aliwalas ng itsura.

“Oh, ayan na future mo Ju haha” bulong niya.

“Sorry, naharang pa ako ng prof ko kanina eh, hehe. Pwede ba tumabi?” Sabi ni Laurence, kahit di pa siya tumatabi, naaamoy ko na yung bango niya.

“De sige, aalis daw kayong dalawa sabi ni Juju, sige na. Dito lang ako, hintayin ko si Maddie,” sabi naman ni Matteo.

“Sure ka pre?” tanong ni Laurence.

“Oo pre. Haha sige na, ingatan mo lang yang juju ko ah. Virgin pa yan, in and out” sabi ni Matteo.

Tumawa lang ng malakas si Laurence ako naman hinampas ko siya sa braso.

“Ewan ko sayo! Alis na kami!” Sabi ko.

“Haha, loveyou Ju. Ingat kayo”

Pinilit kong di magreact sa sinabi niya. Sht talaga, nag I love you saken si Matteo.

Sht. Sht. Sht. Sht. Sht.

Inakbayan ako ni Laurence palabas ng store pero nag eecho pa rin saken yung “loveyou Ju” ni Matteo.

Sht!

+++++++

“Saan naman tayo pupunta?” Tanong ko kay Laurence, pagsakay ko sa sasakyan niya.

“Sa bahay. Okay lang ba sayo?”

“Ah, sige okay lang” sabi ko.

“Hmmm,may iba ka bang gustong puntahan?”

“Kahit saan naman okay lang eh” sabi ko.

“Ahhh, ako may gusto akong puntahan eh” sabi niya.

“Saan naman?”

“Sa puso mo”

Sht. Fvck. Ano to! Kinilig ako bigla sa sinabi niya. Di ko napigilan yung ngiti ko, nakakahiya.

“Ang cute mo pag naka smile, smile ka lang palagi” sabi niya pa.

Titingin siya saken tapos titingin sa daan. Di tuloy ako mapakali sa upuan ko.

“Malapit na mag sembreak, punta tayo samen ah?” Sabi niya.

“Di pa ako nakakapag paalam samen eh.”

“Wag ka mag alala, ako bahala hehe”

Nakarating kami sa bahay nila at yung sinasabi ng mga katulong niya tungkol saken, ganun pa rin.

Di ko naman maiwasan na marinig sa isip ko yung pinaguusapan nung dalawang katulong pag pasok ko.

“Pangatlong beses na siya nandito day!”

“Baka jowa na ni Sir yan.”

“Ayyyy oo nga baka nga!”

“Naalala mo ba si Sir Lucas? Diba palagi din nandito yun?”

“Naging jowa ba ni sir yun?”

“Nako, bago ka lang kasi nung nakikita mo si Sir Lucas, pero dati halos araw araw din nandito yun”

“Eh, palagi ko kasing nakikita na babae inuuwi ni Sir eh”

“Nagbreak na ata kasi sila ni Sir Lucas, kaya nagbalik loob sa mga babae. Kaso nakilala niya pa si Sir Julian, baka bumalik na naman yung kabaklaan”

“Haha loko ka talaga day!”

“Haha, pero gwapo si Sir Laurence, aminin mo”

“Jusko, kahit silahis, magpapa anak ako kay Sir hahaha”

Di ko namalayang nag eenjoy na pala ako sa chismisan ng dalawa.

“Okay ka lang Julian?” Sabi ni Laurence.

“Ah oo, may naisip lang”

“Oh, sana ako yan” sabi niya.

“Haha, oo ikaw” sabi ko.

“Hehe, halika na nga” hinawakan niya ako sa bewang ko at umakyat kami sa kwarto niya.

“Ate, yung pagkain paakyat na lang ah?” Sigaw ni Laurence sa dalawang nagchichismisan kanina.

“Opo sir” sabi nilang dalawa.

Di naman nagbago yung kwarto niya, ganun pa rin yung ayos, pero ngayon mas komportable na ako.

“Gutom ka na ba?” Tanong niya.

“Hindi pa, nilibre ako ni Matteo diba”

“Oo nga pala hehe.”

Medyo nagkakahiyaan pa kaming dalawa, ramdam ko yun pero yung hiya na kinikilig yung nararamdaman ko.

“Hmmm, tabihan mo ko rito Julian,” nakaupo kasi siya sa kama niya.

Lumapit naman ako at naupo sa harap niya.

“Akin na kamay mo” sabi niya.

“Bakit?”

“Basta…”

Inabot ko kanang kamay ko sakanya tapos hinilot niya.

“Oh sht, ang sarap!” Sabi ko.

“Haha, talaga?”

“Oo, hehe. Saan mo natutunan yan?”

“Sa kaibigan lang hehe,”

Naalala ko naman yung pinagchichismisan ng mga katulong kanina about kay Sir Lucas.

“Nakwento mo saken na may ex ka na….” sabi ko.

“Eeeeeeeeeeee, bakit gusto mo pagusapan yun? Haha”

“Hehe, wala, sige kung ayaw mo wag na lang”

“De sige ayus lang, magtanong ka. Para wala na akong tinatago sayo” sabi niya.

Bigla namang kumatok yung katulong niya at inabot yung pagkain.

Carbonara yun.

Isang plato lang kami pero dalawang tinidor.

“Sana di ka nagsasawa sa pasta” sabi niya.

“Hehe hindi” sabi ko.

Bigla na lang niya akong sinubuan ng carbonara na kinagulat ko.

“Sarap ba?” Tanong niya.

“Uhmmm… oo sobra!!”

“Hehe buti nagustuhan mo”

Habang kumakain, inopen niya uli yung topic about sa ex niya.

“Itanong mo na gusto mong itanong” sabi niya pa.

Ang cute cute niya kapag nakangiti, lalo na kapag titingin siya saken.

“Ehh…. wag ka maoffend” sabi ko.

“Hahaha, alam ko na itatanong mo, sige, itanong mo na?”

“Hehe, hmmm. Lalaki o babae yung ex mo?”

“Sabi na eh hehe. Hmmmm, lalaki” sabi niya.

Di naman na ako nagulat, Lucas kasi pangalan eh, pang lalaki lang naman Lucas.

“Oh, anong nangyari sainyong dalawa?” Tanong ko.

“Hmmmmm, ewan ko. Bigla na lang kaming naghiwalay, parehas naman nameng ginusto…”

“Bakit parang bitter ka pa?” Sabi ko.

“Haha, hindi! Hindi naman sa bitter, kasi pagka break namen, meron na kaagad siyang iba. Dun ako nagalit sakanya, di ako bitter promise hehe”

“Ahh. Hmmm, ano pangalan niya?” Kunwari na lang hindi ko alam.

“Lucas. Hehe, diba pangalan pa lang manloloko na? Iiwan ka na?”

“Haha loko ka!”

“Hehe, sobra kasi ako magmahal Julian. Promise, kapag ako nainlove, lahat kaya kong ibigay”

Mukha naman kasing ganun si Laurence.

Ngayon pa nga lang parang ganun na nakikita ko sakanya.

“Di ko alam kung matutuwa ka sa ganun, pero ganun talaga ako. Sobra magmahal, kaya kapag nasasaktan, sobra rin” sabi niya.

Ramdam ko bawat salitang sinasabi ni Laurence.

“Sorry kung madrama haha, ikaw? Ano bang ineexpect mo kapag nasa relasyon?”

“Hmmm, syempre masaya. Napapanuod ko kasi sa movies masaya, grabe naeexcite na nga ako eh” sabi ko.

Tumawa siya.

“So gusto mo na?” Sabi niya saken habang nakangiti.

“Ahh, oo naman” sabi ko ng nakangiti rin.

“Baka naman may kaagaw ako sayo?”

“Hala, saan nanggaling yan? Haha”

“Hehe, nakakatuwa ka Julian. Parang ang sarap mong mahalin” sabi niya

Sht, kung paano yung itsura nung magkausap kami sa phone, ganun yung itsura ko ngayon

“Pwede ba kitang mahalin?”

Sht. First time na may nagsabi saken neto.

Nakatingin siya saken, hinihintay yung sagot ko.

“Hmmm, pwede ba kitang ligawan?” Ni rephrase niya. Pero nakakakilig pa rin.

“Ahhhh….”

“Julian, gusto kita. Smula nung nakasama kita sa Pampanga, ewan ko, di ka na maalis sa isip ko nun. Lalo pa ngayon na nakikilala kita.”

Mamamatay na siguro ako sa kilig sa mga oras na yun.

“Di mo kailangan sumagot ngayon”

Anong hindi, ngayon na ako sasagot!!

“Oo naman! Pwedeng pwede!” Sabi ko.

Ngumiti siya ng malaki, siguro kinikilig din siya ng sobra!

“Talaga? I mean, seryoso? Sht, hahaha. I’ll be the best suitor Julian!!”

Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Buti na lang ubos na yung pagkain namen.

“Julian di ako mapakali hahaha gusto ko magwala!” Sabi niya.

Ang higpit higpit tuloy ng hawak niya sa kamay ko

“Haha, ako lang dapat ah?” Sabi ko sakanya.

“Hala oo naman, ikaw lang promise. Walang iba!” Sabi niya.

Gusto ko siyang yakapin kasi di ko magawa, di rin siya mapakali sa higaan niya.

Bigla siyang tumayo tapos pinatayo niya rin ako at siya na yung yumakap saken.

Ang init ng yakap niya, pero ang sarap sa pakiramdam. Ibang iba yung yakap na to sa yakap nila mama.

+++++++

Pag uwi ko ng bahay, napansin kaagad nila papa at mama yung ngiti ko.

“Aba, mukhang masaya ang anak ko ngayon ah? Ano kayang meron?” Sabi ni papa saken.

“Hehe si papa talaga! Hehe, akyat na po ako” sabi ko.

Pero hinarangan niya ako at inalalayan papunta sa sofa.

“Iba ang ngiti, iba ang kilig, anong nangyari?” Tanong ni papa.

“Share mo naman samen anak” sabi ni mama.

“Kapag di to umamin saken lagot to” sabi ni papa sa isip niya.

“Ano ba gusto niyo malaman pa? Ma?”

“Edi yung dapat nameng malaman” sabi naman ni papa.

Di ako makaramdam ng hiya kina mama at papa, kaya kinwento ko naman yung nangyari kanina.

“Nanliligaw na po si Laurence.” Sabi ko.

Aba, yung reaksyon nila mama at papa, mas masaya pa saken, tuwang tuwa sila at niyakap nila akong dalawa.

“Aba, dalaga na anak ko!” Biro ni papa.

“Hala ang baliw na naman ni papa!” Sabi ko.

“Haha, masaya lang anak.” Sabi ni mama.

“Oo nga, KJ mo anak” sabi ni papa.

Baliw talaga tong mga magulang ko.

Maya maya, may kumatok naman sa pinto namen.

“Oh baka si Laurence yan haha, namiss ka kaagad” sabi ni papa.

Ako na yung tumakbo sa pinto at nagbukas.

Pero hindi si Laurence yun, si Tracy!

“Oh, Tracy bakit nandito ka? Anong oras na ah”

“Totoo bang alam na ni Greco na may kapangyarihan ka?” Bigla niyang tanong.

Di naman ako makasagot sa tanong niya, bawal yun ayon sa rules.

“Julian, wrong move. Very wrong move!”

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

“Dapat hindi mo pinaalam sakanya. Very wrong move talaga” sabi niya.

“Ano bang sinasabi mo?”

“Wag mo pagkatiwalaan si Greco!” Sabi niya.

“Bakit mo ba sinisiraan si Greco saken?”

“Basta wag mo sya pagkatiwalaan Julian, ako na nagsasabi sayo”

Bigla na lang siyang lumayo at umalis.

Di ko naman alam kung anong tinutukoy niya.

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko.

++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

Part 12

Di ko masyadong pinansin yung sinabi ni Tracy saken kagabi, masaya naman akong natulog dahil nakapag usap kami ni Laurence. Mas lalo siyang nakakakilig, mas lalo niya akong napapasaya.

Di muna ako nag ayos ng itsura at bumaba na ako, alam ko kasi kumakain na sila mama sa baba.

Pero pagbaba ko, may naririnig akong boses, nagtatawanan. Di lang basta boses nila mama at papa, meron pang iba.

Pag tingin ko….

Si Matteo.

Naka uniform na siya at nakikipagtawanan kina mama at papa.

“Hahahaha, ay gising na pala siya!!” Biglang sabi ni Matteo pagkakita saken.

Tumingin lang din sila mama saken.

“Oh, sumabay ka na rito samen” sabi ni mama saken.

Anong ginagawa rito ni Matteo?

“Ju, ihiin ka pala nung bata ka eh! Haha” asar ni Matteo saken.

Nagtatawanan silang tatlo, at ako ang topic nila!

“Ma, ano ba yan bakit mo sinabi lahat kay Matteo!!” Sabi ko.

“Haha, ang tagal mo kasing magising eh, ikaw tuloy pinagkekwentuhan namen” sabi naman ni papa.

“Haha, halika na rito, kumain ka na!” Yaya naman ni Matteo.

Inis naman ako sakanilang lahat kaya umakyat uli ako sa kwarto ko at nahiga.

Maya maya, pumasok na lang si Matteo sa loob ng kwarto ko.

Lumapit siya saken at dumagan sa likod ko.

“Aray ko naman!!” Sabi ko.

“Haha, bakit ka ba nagiinarte diyan?”

Nakadapa ako tapos nakadapa rin siya saken. Nakahawak siya sa balikat ko.

Iba naman nararamdaman ko ng mga oras na yun, pero pinilit kong itago yun, palagi kong iniisip everytime na naiinlove ako sakanya, “bestfriend ka lang, bestfriend”

“Bumaba ka na, kumain at maligo!” Sabi niya.

“Dun ka na, mauna ka na, di na ako papasok. Wala naman klase eh” sabi ko.

“Ay, edi di na rin ako papasok”

Naupo na kaming dalawa sa kama ngayon.

“Baliw ka rin eh no?”

“Haha, wala ka naman dun Ju. Wala rin ako makakausap” sabi niya,

“Edi papasok na lang ako, nakakainis to”

“Haha, wag ka na mainis Ju hehe. Saten saten lang yun hehe”

Di ko naman matiis tong lalaking to kaya ngumiti ako para malaman niyang okay na ako.

“Ju” bigla niyang sabi.

“Oh?”

“Nililigawan ko na pala si Maddie, nagsabi na ako sakanya. Pumayag naman siya, syempre lugi pa ba siya? Matteo na to oh” sabi niya.

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya, pero ngumiti lang uli ako para malaman niyang okay ako.

“Kinuha mo muna Virginity bago ka nanligaw, grabe ka!” Asar ko.

“Hoy, di na siya virgin nun no. Parehas lang kami, wag ka nga”

“Pero kahit na!”

“Sus, aminin mo na kasi sakeng may gusto ka kaya nagseselos ka lang”

Ayoko talagang nagbibiro siya ng ganito eh, di ko alam nararamdaman ko, parang naiiyak ako na ewan.

“Kapal mo tse, maliligo na nga ako!” Sabi ko na lang, tumayo na ako at kinuha yung tuwalya ko saka dumiretso sa banyo.

Kinalma ko sarili ko pagpasok ng banyo.

Ayokong maging malandi pero kapag andiyan si Matteo, naaaalala ko kung paano ko siya nagustuhan.

Pero kapag nandiyan si Laurence, pinapakita niya saken kung ano ang kagusto gusto saken.

May gusto naman ako kay Laurence, crush ko nga siya eh, naiinlove na rin ako sakanya, pero ganun din nararamdaman ko kay Matteo.

Naiinis na ako sa sarili ko!!!

+++

Natapos na ang foundation week, back to normal na ulit yung mga klase. Wala akong ginawa noon kundi sumama kay Matteo at Laurence, sakanila lang dalawa halos umikot yung buhay ko nung nakaraang linggo.

Kung back to normal na rin, back to pambibwisit na rin kay Jerick. Sobrang inis na inis siya saken dahil nakikita niya ako palaging kasama si Laurence at Matteo.

Kaya nung nagkataon, kinompronta niya ako, sakto mag isa lang ako nun sa room kaya malakas loob niya

“Bakit ba ang landi mo? Alam ko naman may gusto ka sakanilang dalawa, bakit pinagsasabay mo pa sila?!” Sabi niya saken.

Medyo mahina boses niya, hindi rinig sa room kaya parang nag uusap lang kami.

“Insecure ka rin eh, wala naman akong ginagawa….”

“Stop with that, ‘wala naman akong ginagawang masama’ line mo, nakakabwisit ka!”

“Mas nakakabwisit ka, kasi ‘wala naman akong ginagawa sayo’ yung sasabihin ko!” Sabi ko.

“Nakakainis ka talaga Julian, sinasabi ko sayo, may araw ka rin saken!!!” Sabi niya sa isip niya.

Ngumiti na lang ako sakanya para mas lalo siyang maasar.

Buti na lang dumating na si Matteo, as usual, sobrang gwapo niya pa rin.

“Uhm, diyan ako nakaupo” sabi ni Matteo kay Jerick na nakatingin sakanya na parang kakainin na niya ng buhay.

“Matteo, kahit ilang taon mo ako alilain, matikman lang kita, please!!” Sabi ni Jerick sa isip niya.

“Uhm, Jerick?” Sabi ni Matteo.

“Ay, oo titikman kita, este, aalis na ako! Hehe” tayo niya tapos balik sa upuan niya, pasulyap sulyap pa rin siya kay Matteo kahit obvious siya.

“Ang lakas ng tama sayo niyan no?” Sabi ko.

“Haha, buti nga siya open sa feelings para saken, ikaw nagtatago ka!” Sabi niya.

Tinignan ko tuloy kung seryoso itsura niya, di siya nakangiti pero nagtetext lang siya.

Nakakainis talaga mga biro niya saken.

“Ang kapal mo talaga nakakainis ka na!” Sabi ko. Pero mas naiinis ako kasi di ko pa rin matago feelings ko sakanya, inaasar pa rin niya ako eh.

“Haha, umamin ka na kasi Ju,” sabi niya pero di pa rin siya nakatingin saken.

“Tumigil ka na nga”

“Haha, naaasar ka na naman haha, ang cute mo talaga kapag naaasar ka”

Paano ko ba lalabanan tong ganito ni Matteo? Talong talo talaga ako.

O better, layuan ko na lang kaya siya?

“Ju, nangangati yung pisngi ko, kamutin mo please, naglalaro ako Piano Tiles eh!”

“He!! Ayoko nga”

“Nako, di mo ko love, sige na please. Ang kati, madededs ako rito sa nilalaro ko!!”

Nakakainis man, pero kinamot ko yung pisngi niya.

“Ayan, ayan, ang sarap!!” Sabi niya.

“Ohh, saan pa?”

“Okay na Ju hehe, nangangati naman labi ko pero gusto ko sana kiss eh” sabi niya.

“Hala, mag isa ka!!” Sabi ko,

“Akala mo naman sayo, hahaha assuming ka rin eh!” Bigla niyang sabi.

Nainis na talaga ako sakanya kaya di ko na siya kinausap at naglaro na lang ako ng POU sa phone ko.

Maya maya, biglang tumawag si Laurence habang naglalaro ako.

“Uy” sagot ko.

“Labas ka” sabi niya.

Sumilip ako, at nandun siya. Nakauniform rin siya at syempre, sobrang gwapo niya!

Lumabas ako kaagad.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko.

“Wala lang, namiss kasi kita eh”

Iba naman yung sayang hatid ni Laurence saken, yung ngiti ko, ngiting pang langit everytime na kausap ko siya.

“Bakit mo kinakamot yung pisngi ni Matteo? Nagseselos ako ah”

“Hala, hindi, naglalaro kasi, ayaw paistorbo kaya saken pinakamot” sabi ko.

“Oh, ako rin nangangati pisngi ko, dali na pakikamot” sabi niya.

Tumawa lang ako pero sinunod ko naman siya.

Nakahawak ako sa pisngi niya ng bigla niya ring hawakan yung kamay ko. Tumingin siya saken tapos ngumiti.

Fvck, ang gwapo ni Laurence.

“Ang lambot talaga ng kamay mo” sabi niya.

Maraming nakakakita samen sa hallway na dumadaan na estudyante. Di ko naman maiwasang mabasa mga nasa isip nila.

“Oh My Gosh, tama talaga kutob ko! Bi si Laurence!”

“Sht, si Laurence ba to? OMG, don’t tell me bakla siya!”

“Ang gwapo!!!!”

“Ang hilig sa bakla neto ni Laurence”

Ang daming sinasabi ng mga tao sa paligid, nakaka inis na rin kaya nag focus ako kay Laurence.

“Alam mo ba, habang nagtuturo kanina sa room, ikaw lang naiisip ko” sabi niya pa.

Kapag talaga ganito si Laurence, di ako makapagsalita.

“Malapit na matapos yung Sem, makakasama na kita sa Zambales mag isa” sabi niya pa.

“Hehe, akala ko ba kasama sila Maddie at Matteo?”

“Dun sila sa bahay nila, dun tayo samen haha”

“Ahh ganun ba, hehe”

“Excited na ako” sabi niya pa.

Di niya binitawan kamay ko. Di niya rin tinanggal pagkakatingin saken.

“Uhm, Laurence, ang dami ng nakatingin….”

“Wala akong paki Julian, hehe. Gusto ko na malaman nila na nililigawan kita”

Di niya pa ako kinakahiya. Sobrang nakakakilig talaga si Laurence.

Bigla naman akong may narinig na sinabi sa isip ng isang estudyante na pumukaw ng atensyon ko.

“OMG, break na pala si Laurence at Lucas”

Hinanap ko kung sino nagsabi nun, at may nakita akong babae sa di kalayuan na mukhang pinipicturan kami ni Laurence.

“Ayan na prof niyo Julian, hehe pasok ka na. Kita uli tayo later ah? Talagang hinahanap hanap kita eh” sabi niya.

“Hehe sure, nandito lang ako” sabi ko naman.

Binitawan niya kamay ko. Hinalikan naman niya yung palad niya at dinikit niya sa pisngit ko.

Sobrang.akodowkfndlellwlwpwkdk nakakakilig talaga!!!!!

Umalis na siya kasi pumasok na sa loob si Maam, at pumasok na rin ako.

Sa kalagitnaan ng klase, nagkaroon kami ng graded recitation.

Etong si Jerick ang bida bida pagdating sa ganito.

Pero ang sabi ng prof namen, parang quiz show ang dating, kaya naman nagbida bida na naman si baklang Jerick.

“Okay, si Jerick uli, sino ang gustong makalaban si Jerick class?” Sabi ni maam.

“Ju, ikaw dali, pakitaan mo ng kakaiba yang Jerick na yan!” Bulong ni Matteo.

“Ehhhhh, wag na, pabida bida pa ako ganun?”

“Wag ka na magpabebe dali na, matatalo mo naman yan, yakang yaka mo naman yan!” Sabi ni Matteo.

Bago ako makasagot, narinig kong nagsalita si Jerick.

“Ah maam, since wala naman pong may gustong mag volunteer, can I pick someone else nalang?” Sabi ni Jerick.

“Ohh, good idea!”

“Yeah, si Julian po sana” sabi niya sabay ngiti saken na parang nantataray.

“Ohh yes, Mr. Valdez?“tawag saken ni maam.

“Sige na ju, kaya mo yan, suportahan kita, guguluhin ko si Jerick para makasagot ka” sabi niya pa.

“Ewan ko sayo, bahala na!” Sabi ko sabay tayo.

“Yes! And we have a match now” sabi ni maam.

Nasa kabilang side si Jerick, tapos nasa kabila naman ako. Parang may kuryente sa pagitan nameng dalawa kapag magtitinginan kami.

“Simple lang ang rules, race to 3 pts then kung sino mauna, exempted sa next quiz okay?” Sabi ni maam.

Nagreact naman lahat ng mga kaklase ko, dapat daw kasi sila na lang.

Pero tuloy ang laban.

World History yung subject namen ngayon, siguradong mananalo nga si Jerick kasi kaya nga siya yung pinadala sa ibang bansa kasi siya yung magaling sa subject na to.

“Paunahan lang sa pagsagot okay, so eto na yung first question”

Aba, naka game face on si bakla, mukhang sineseryoso yung laban nameng dalawa.

“Who discovered USA?”

“Christopher Columbus!” Sagot agad ni Jerick.

“That’s correct!” Sabi ni maam.

Sht, ang bagal ko, alam ko naman si Columbus yun kaso ang bagal ko sumagot!

Maya maya, nagtanong na uli si maam.

“Which year, Alexander the Great became the King of Macedonia?”

“336BC!” Sabi ni Jerick.

“That’s corect!”

Sht naman, napapahiya ako rito eh, tinignan ko si Matteo, full support pa rin saken kaso isang point na lang mananalo na si Jerick.

“Hey Julian, andiyan ka pa ba? Paunahan to ha hindi patagalan” sabi ni Jerick saken.

Tumawa lang yung mag kaklase ko, akala nila biruan namen yun pero di nila alam, personalan na nangyayari samen.

“Last question” sabi ni maam.

Kailangan ko naman makasagot kaagad!

Kaso teka, ano tong ginagawa ko, kaya kong magbasa ng isip, siguradong kaya ko rin basahin iniisip ni maam para matalo ko si Jerick.

Tinignan kong mabuti si maam at nagulat ako ng makita ko rin yung binabasa niya sa papel!

Sht! Nakikita ko yung nakikita ni maam!!!!

“In which year America got Independence?” Ayan yung nakasulat sa papel ni maam.

“Next question, In which year America……” di ko na pinatapos si maam saka ko sinagot yung tanong niya.

“1776!!!!” Sigaw ko.

Nagulat naman silang lahat kasi di pa tapos yung tanong pero may sagot na ako.

“Ano? Hula hula na lang Julian?” Sabi ni Jerick.

“That’s correct!!” Sabi ni maam.

Nagulat lalo si Jerick, pero nagbalik sa pagtataray yung itsura niya.

“Well, lucky guess, Independence na America yung tanong right? Alam ng lahat yan” sabi pa niya, tumawa na lang ako kasi natatakot na si Jerick saken.

Eto pala yung level 2 na kapangyarihan, kapag titignan ko yung isang tao, di ko lang basta mababasa nasa isip niya, makikita ko rin yung nakikita niya.

Next question na raw sabi ni maam.

“Who is the father of Modern Medicine?”

“Who is the father of Modern….”

“Hippocrates!” Di pa uli tapos yung tanong ng makasagot ako.

Nagkatinginan uli lahat saken dahil sa ginawa ko.

“Maam, that’s cheating!!! Dapat patapusin muna yung tanong!” Sabi ni Jerick.

“Well, talasan mo kasi instinct mo, common sense na ‘father of modern medicine’ itatanong. Kakalecture lang natin niyan eh” sabi ko na lang.

Tumawa lang si maam pati mga kaklase ko, natahimik na lang si Jerick sa ginawa ko.

“I need to win this one#!!!! Kailangan ako, kailangan mapasaken si Matteo!!” Sabi ni Jerick sa isip niya.

Di ko naman pala alam na si Matteo pala ang prize.

Last question na raw sabi ni maam kaya tinignan ko uli siya sa mga mata.

“Who is known as the man of blood and iron?” Ayan yung next na tanong na nabasa ni maam.

Alam na alam ko naman yung sagot kaya hinintay ko lang magsalita si maam.

“Who is known as the man of blood and..,,,”

“Bismarck!!” Bigla kong sabi.

Sumagot din si Jerick pero nauna talaga ako.

“Waaaaa. Ang daya mo!!!!” Sigaw saken ni Jerick.

“Shhhhhh, settle down Jerick!” Sabi ni maam.

“No! Ang daya niya!” Sabi ni Jerick habang umiiyak. Natatawa lahat ng kaklase ko sakanya.

Bigla naman siya nag walk out sa klase na mas lalong tinawanan ng klase.

“Good Job Mr. Valdez” sabi ni maam.

“Thank you Maam” sabi ko sabay upo.

“Ang galing mo Ju!!!!”

“Haha, chamba lang na alam ko mga tanong” sabi ko.

“Ang galing mo nga eh haha, at natalo mo pa si Jerick!”

“Ayun lang naman yung gusto ko eh” sabi ko.

“Haha, edi nakuha mo!” Sabi ni Matteo.

Nagpatuloy yung ganung mala quiz show sa klase.

++

Paglabas ko ng school, saka ko naalala. Di ko pala nakita maghapon si Greco. Medyo nacurious kasi ako sa sinabi ni Tracy saken about sakanya.

Sakto naman, nakita ko si Tracy na nasa labas ng school, kumakain ng footlong.

Kaya nilapitan ko siya para kausapin.

“Uy Tracy, ano yung sinasabi mo saken about kay Greco nung isang linggo?” Sabi ko.

“Ha?”

Para siyang ewan kung mag react. Kaya inulit ko yung tanong ko.

“No, I mean, do I know you?” Sabi ni Tracy.

“Huh? Naka drugs ka ba?” Tanong ko.

“How dare you! Lalapit ka saken tapos sasabihin mong naka drugs ako?!!!”

“Huy, teka Tracy….”

“At kilala mo pa ako, sino ka? Stalker ka ba?!!”

“Ano ba, ako to, si Julian”sabi ko.

“Julian? Wala akong kilalang Julian. Tse!! Diyan ka na!!” Bigla na lang siyang umalis at naiwan akong nakatulala sa nangyari.

++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! TADTARIN NIYO!!!! HIHI

Part 13

“Akala ko tropa mo yun?” Nasa likod ko pala si Matteo, mukhang kanina pa siya. Napansin niya kasi na di ako kinausap ni Tracy.

“Oo nga eh, ang weird nga eh” sabi ko na lang.

“Baka di ka niya tinuring na tropa”

“Haha, eh kahit na hindi sana man lang kilala niya ako diba? Pero teka, kanina ka pa ba nandiyan?”

“Oo, sinusundan kasi kita eh haha”

“Bakit naman?”

“Wala lang, bawal ba?”

“Hmmm, hindi naman haha”

“Yun naman pala eh, gusto mo bang kumain muna?” Tanong niya,

“Hindi na, magkikita kasi kami ni Laurence eh”

“Laurence na naman! Paano naman ako?”

Nagsisimula na naman siya sa mga paasa moves niya.

“Edi kay Maddie ka.”

“Eh, nakakainis kasi ang pabebe eh. Tapos palagi pang nagyayaya. Alam mo na, nakakainis din pala yung ganun”

“Eto, masyado kang kiss and tell!!” Sabi ko.

“Sayo ko lang naman sinasabi lahat eh, wala kaya akong sinisikreto sayo”

Di ko mawari kung saan papunta yung usapan namen.

“Sige, dun ka na kay Laurence mo. Siya lang naman gusto mo eh!”

“Haha, oo gusto ko siya. Tse!” Sabi ko sakanya.

Natahimik na lang siya sa sinabi ko at naglakad na kami papunta uli sa McDo.

++++++++

Kinabukasan….

Habang naghihintay ng klase, biglang lumapit saken si Jerick.

“Julian, pinapatawag ka ni Maam Suzy” mataray niyang sabi. Si Maam Suzy yung Department chair namen.

“Bakit daw?”

“Aba malay ko, puntahan mo na lang kaya”

“Eto naman, nagtatanong lang”

“Friends ba tayo?” Sabi niya.

Tumawa na lang ako sa kasupladahan niya kaya tumayo na ako at pumunta sa faculty room.

Napansin ako ni Maam Suzy kaya pinapasok niya na ako sa office niya.

“Pinapatawag niyo daw ako Maam?”

“Yes Julian, hmm. Mag eenroll ka naman next sem diba?”

“Ah, opo mam. Bakit po?”

“I want you to be one of the volunteers sa pagpapakain sa mga kababayan natin sa bundok.”

“Hala maam, bakit po ako?” Tanong ko.

“Well, kailangan kasi namen ng volunteers and since active ka sa ibang school org, isa ka sa napili, at nagsabi na ako sa org niyo na isasama ka kaya walang problema sakanila”

Shocks, paano naman kaya yun.

“Saan naman po?” Tanong ko.

“Sa Ilocos”

“Ilocos? Ang layo naman po”

“Hmmm. Well, kung di ka pwede, it’s okay.” Sabi ni maam. Yung expression niya parang nangongonsensiya.

“Ayan sige Suzy, kunwari okay lang para mahiya si Julian sayo” sabi ni maam sa isip niya.

Natawa ako sa sinabi ni maam.

“May benefits po ba saken yung pagsama dito?” Bigla kong tanong.

“Ofcourse meron, sobrang dami!”

“Like what?”

“Lahat ng faculty na maghahandle sayo next sem, pwede kong pakiusapan na dagdagan grades mo. And think of this like a vacation. Ilocos, kayo lang with other volunteers na nandito rin sa school”

Medyo tempting yung offer, pero di pa kasi ako nakakapunta ng Ilocos, kaya ang gandang opportunity nun.

“Ilang araw po?”

“5 days. Sagot ng lahat ng bayarin”

“Wow, ang sarap ng 5 days. Eh bakit po si Jerick di kasama?”

“Well, siya na pinadala natin non sa US, ang gastos nga niya eh haha wag mo sabihing sinabi ko yun ah, at saka para maiba naman”

“Hmmm, ganon ba maam”

“So, asahan ba kita?”

“Magpapaalam muna ako sa parents ko maam…”

“Okay na, nagpadala na kami ng letter sainyo.”

“Mukhang di na pala ako makakatanggi sainyo maam eh”

“Haha, ikaw na lang talaga. So, is it a yes?”

Masaya yun. Bakasyon, at the same time makakatulong pa ako.

“Yes maam” sabi ko.

“Yes!!” Sabi ni maam sa isip niya.

Ngumiti na lang ako, nakakatuwang isipin na gusto ako makasama ni maam.

++

“Eh bakit ikaw lang ininvite ni maam?” Sabi ni Matteo pagkasabi ko sakanya about sa Ilocos.

“Eh ano naman?”

“Gusto ko rin! Ilocos kaya yun!”

“Edi magsabi ka kay maam!”

“Magsasabi talaga ako hahaha. Baka kailangan ng pogi dun, ako lang kasi qualified dun”

“Haha ang lakas mo talaga!”

“Haha, wag kang kokontra!”

“Di naman ako kumokontra sayo eh”

“Haha alam ko, kaya nga love kita eh haha”

Okay Julian, kalma. Pinapahopia ka lang niya, ganyan siya. Pina fall nga niya yung Justin diba? Wag ka mahuhulog sakanya.

“Oh, parang nagmemeditate ka na naman diyan!” Bigla niyang sabi.

“Ah, wala to haha.”

“Sus, baliw ka na naman ah.”

Sa McDo na naman kami pupunta. Dun naman kami palagi kumakain eh.

Habang kumakain, bigla kong napansin si Justin, yung tinutukoy ni Matteo na kaibigan niya na nilayuan niya rati.

“Uy, si Justin oh. Yung bff mo dati” sabi ko.

Napatingin siya sa pwesto ni Justin, may kasama siyang lalaki na taga school din. Ang medyo sweet, sinubukan kong basahin yung pinag uusapan nilang dalawa.

“Busog pa ako babe, mamaya na lang ako kakain sa bahay”

“sana pala hindi na lang tayo kumain, sayang pera”

“Haha, okay lang yan babe. Uwi nalang tayo, tapos nuod tayo ng movie”

Mag syota nga sila!

Tinignan ko si Matteo, di ko naman mawari kung ano yung nasa isip niya pero parang iba yung reaksyon niya.

“Nakakainis ka naman Ju eh, bakit pinakita mo pa saken na may kalandian siya!” Sabi ni Matteo.

“Ha?”

“Kung nang aasar ka, sige panalo ka. Naasar ako!”

Bigla naman siyang nagalit ng di ko alam dahilan.

“Uy, di ako nang aasar….”

“Hindi, sige okay na. Naasar na ako” sabi pa niya.

“Hoy, ano ba yang sinasabi mo?!”

“Tara uwi na tayo, baka magkikita pa kayo ni Laurence” sabi niya.

“Matty, okay ka lang?”

“Syempre hindi!”

“Bakit ba?”

“Wag ka ng matanong. Uuwi na lang ako kung di ka pa uuwi” sabi niya.

Di ko naman maintindihan kung bakit bigla siyang nagalit saken.

“Ay di pala pwede, ihahatid na lang kita sainyo saka ako uuwi”

“Bakit ba nawala ka bigla sa mood?”

Tumayo na kami pareho lumabas.

“Basta!” Sabi niya.

Di niya ako kinausap hanggang sa makarating kami sa bahay.

“Sorry Ju ah, may naalala lang kasi ako hehe. Bukas okay na ako, alam mo naman ako. Isang araw lang problema ko haha”

“Sure ka?”

“Oo nga hehe. Sige na, bye. Di ba kayo magkikita ni Laurence?”

“Hindi eh”

“Ganun? Sige bye Ju.”

“Ingat ka” sabi ko na lang.

Bakit kaya siya nainis nung tinawag ko si Justin? Siguro naoffend ko siya, pero di ko na lang pinansin muna yun.

Habang nasa gitna ng pag iisip about kay Matteo, nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko. Isang batang lalaki.

“LQ kayo te?”

Make that, batang lalaking bakla.

“Ay, sino ka?” Ayun agad natanong ko.

“Hello, this is me. TB!”

Taga bigay?

“Ohh, bakit naman ganyan itsura mo?”

“Equality te, una babae ako, dapat ngayon bakla naman, next time tomboy naman ako” sabi niya

Ang kulit niya, siguro mga 12 years old siya tapos ang iksi ng short at naka tshirt na hapit sakanya.

“Hindi naman kita tinawag ah? Mamaya bawasan mo points ko!”

“Ay te, bawas na. 3 pts ka na lang uli!” Sabi niya.

“Ha? Bakit?!”

“Duh, di ko naman binigay yang points sayo para gamitin sa masama.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Naglakad lakad uli kami palayo.

“Purkit level 2 ka na, ginamit mo sa masama. Since kaya mong makita yung nakikita ng prof mo sa recitation niyo, ginamit mo kapangyarihan mo para mandaya!”

Totoo! Oo nga.

“Pero wala sa rules….”

“Eh diba sabi sa libro, madadagdagan yung rules sa kada bagay na ginagawa mo sa kapangyarihan mo? Eh kailan mo ba binisita yung libro mo?”

Di ko siya maseryoso kasi ang bata niya tapos tinataray tarayan niya pa ako.

“Last week pa”

“Kitam, jusko. Ano na?!”

“Sorry, edi sige titignan ko na pauwi”

“Good!”

Akala ko tatahimik na pero bigla naman siyang nagsalita uli.

“So I see nalaman mo na about kay Greco” panimula niya.

“Yes. Ang cool niya nga eh, level 13 na.”

“Well, kaya mo rin yun te, kung di mo na uulitin yung ginawa mong pandaraya!”

“Nako oo na nga!” Sabi ko na lang.

Bigla ko namang naalaa si Tracy at yung kaweirduhan niya. Feeling ko kasi si Greco may gawa nun eh, kaya tinanong ko siya.

“Kilala mo ba si Tracy?”

“Uhm,….” nag isip siya saglit. “Ayy oo!! Kilala ko, why?”

“Hmmm. Posible bang meron din siyang kapangyarihan?”

“Hmmm, Di kasi ako allowed magkwento about diyan eh. Pero, since wala na siyang kpangyarihan I think pwede naman”

“So meron nga siya….”

“Meron, pero wala na”

“OMG, bakit???”

“Nako, di ka talaga nagbabasa. Tinanong ka niya ng diretso diba about sa kapangyarihan, diba bawal yun? Jusko naman”

“Eh bakit alam mo lahat ng yan? Di ko namn sinabi syo?”

“Alam ko lahat yan Julian, ako pa ba, chismosa ako eh” sabi niya.

“Sa tingin mo ba na aware siya na bawal sabihin yun?” Tanong ko.

“I think so”

“Pero bakit pa rin niya sinacrifice yung kpangyarihan niya para saken?” Tanong ko.

“Well, siguro special ka sakanya.” Sabi niya.

Nagsacrifice siya para sabihin saken na wag kong pagkatiwalaan si Greco. Mabait naman siya saken, bakit ganun?

“TB, may tanong pa ako” sabi ko.

“Sige, last na yan ah. Namumuro ka saken sa libreng tanong”

“Haha, hmmmm. Alam mo na ba future ko?” Tanong ko.

“Oo naman, alam ko na mangyayari sayo!”

“OMG talaga? Happy Ending ba?” Nauuna akong maglakad sakanya,mas malaki kasi hakbang ko.

“Nako te, aalis na ako. May tumatawag saken eh” sabi ni TB.

“Wait.”

Nilingon ko siya pero wala na siya kaagad. Na parang magic.

Gusto ko pa rin malaman yung about kay Tracy at Greco, di pa malinaw sken ang lahat.

+++

Si Greco kaagad hinanap ko pag pasok ko sa school, agad ko naman siyang nakita na magisang nakaupo. Lumapit ako kaagad.

“Emo ah” sabi ko.

“Haha, hindi naman.”

“Parang may mali kay Stacy, bigla niya akong di naalala” di na ako nagpaligoy pa.

“oh talaga ikaw din? Nagulat nga ako eh, bigla niya akong sinampal nung hinalikan ko siya”

Si Greco din pala. So wala pala siyang kasalanan sa nangyari kay Tracy.

“Ang weird talaga, tapos balita ko pabalik na siya sa probinsiya.” Sabi pa ni Greco.

“Ganun ba? Hmm, hayaan na nga natin” sabi ko.

Wala namang mali kay Greco eh. Pero kailangan ko na rin mag ingat. Di naman isasakripisyo ni Tracy yung kapangyarihan niya sa wala.

“ Hoy, anong iniisip mo?“ Sabi saken ni Greco sa isip ko.

“Baka isipin ng mga tao na baliw akong nagsasalita pero ikaw di naman nagsasalita” sabi ko.

“Haha, sorry, ngayon ko lang nagagamit to eh”

“Gusto ko nga rin niyan eh”

“Haha, ang saya siguro kapag nakuha mo na tong regalong to, di na natin kailangan ng cellphone haha”

“Long distance din ba yan?”

“Hahaha di ko rin alam eh” sabi niya.

Habang nagkekwentuhan kami sa loob ng room, nagtataka naman kami kung bakit nagsisilabasan yung mga kaklase ko sa room at nakasilip sa labas.

“Anong meron?” Tanong ko sakanya.

“Tara silipin natin” sabi pa ni Greco.

Wala pa si Matteo sa room.

Pag silip namen sa labas. Nakkamangha lang na mukhang may estudyante na naman na magsusurprise sa jowa niya.

May mga flower petals kasi sa sahig na naka shape ng heart, tapos may upuan sa gitna nun at may nakalagay na chocolates.

“Grabe, ang swerte ng makakatanggap niyan” sabi ko kay Greco.

“Oo nga” sagot na lang niya.

Maya maya, may humatak saken na dlawang lalaki mula sa pinto at hinihila ako papunta sa gitna.

“Huy, bakit!!” Natataranta ako habang hinihila nila ako.

“Para sayo po to Sir Julian” sabi nung isa.

“Ha?”

Pero di ko makalaban, mas malakas silang dalawa kaya napunta nila ako sa upuan.

Nakatingin naman lahat saken. May konting katahimikan, may konting awkwardness. Sobrang dami nilang sinasabi sa isip nila.

“OMG, lucky guy!”

“Si Julian yan diba? Wow ng swerte niya”

“Lucky gay!”

“Ayyy para sa lalaki din pala!”

“Kailangan ko na talagang masanay na marami ng same sex relationships ngayon!”

Puro bulungan pero naririnig ko sa isip ko. Ang ingay nilang lahat. Ako ang pinag uusapan nila.

Pero nawala yung ingay na naririnig ko sa isip ko ng makita ko si Matteo.

Si Matteo na biglang sumulpot, at may hawak na gitara.

Di ko alam na marunong pala siyang mag gitara.

Nakangiti siya saken, at syempre sobrang gwapo niya talaga.

Nagsimula siyang mag strum at nakarinig ako ng familiar na tunog.

“Para sayo to Ju” sabi ni Matteo.

Naghiyawan naman yung mga estudyante sa gilid, at syempre lalo na ako,

Si Matteo, may surprise saken!!!!

“Time, I’ve been passing time, watching trains go by….”

It Might Be You!!!!

OMG, alam niyang favorite ko tong kantang to!!!!!

Bigla akong kinilabutan, ang ganda rin pla ng boses ni Matteo, sobrang nakakainlove.

Bakit ginagawa saken ni Matteo to?

“….Something’s telling me It might be you.,,”

Di nawala yung tingin niya sa mga mata ko.

Palapit pa ng palapit si Matteo hanggang sa magkaharap na kami.

Pero bigla siyang gumilid, tapos nakarinig ako ng hiyawan pa na malakas.

Tumingin ako sa gilid ko, nandun naman si Laurence! May hawak ng bulaklak, naka uniform at sobrang gwapo rin.

Nagpagupit pa siya kaya ang linis niya tignan.

Kumakanta pa rin si Matteo sa gilid ko habang palapit saken si Laurence.

“Ikaw ba may pakana neto?” Tanong ko.

Ngumiti siya saken at umoo.

“So pre, ayos na ba?” Sabi ni Matteo, tpos na kasi yung kanta.

“Oo pre, salamat!”

Umalis na si Matteo.

“Julian” sabi ni Laurence

Hinawakan niya yung kamay ko habang nakatingin saken.

Mas lumakas pa yung hiyawan ng mga tao dun at napansin kong mas marami pang tao ng nandun ngyon.

“Ano to?” Tanong ko.

“Shhhhh…. para sayo to Julian.”

Sht, bakit naman ako naiiyak sa ginagawa ni Laurence.

“You deserve to be happy Julian, and I wanna be the main reason to your happiness”

Asusual, di na naman ako makapagsalita.

“Gusto ko malaman ng lahat ng nandito, sa lahat ng kakilala ko, kaklase ko at mga Escolarians..,.” Medyo pasigaw yung boses niya ngayon.

“Gusto ko malaman niyong lahat, na Mahal ko si Julian.” Sinigaw niya pa sa lahat yung nararamdaman niya para saken.

Nandun lang ako, umiiyak sa kanya habang pinagsisigawan niya nararamdaman niya.

Di ko alam na ganito pala kasarap yung feeling. Sobrang sarap.

Feeling ko tuloy kami lang ni Laurence yung tao sa mga oras na yun.

“Handa akong pasayahin ka sa araw araw Julian. I’m gonna be the best boyfriend for you” sabi niya.

Nakakahiya, sinisinghot ko sipon ko.

“I wanna be your first and last Julian” sabi niya.

Naglabas siya ng singsing sa bulsa niya.

“Promise ring.”

Bumwelo lang siya ng paurong pero hawak niya pa rin yung mga kamay ko.

“Let me be your first Julian. Let me be your partner. Will you be my partner?”

Tinanong niya ako sa harap ng maraming tao

Biglang tumahimik. Nawala yung ingay ng hiyawan nung tinanong ako ni Laurence.

Bigla ko naman napansin si Matteo sa gilid, nakangiti lang siya habang hawak yung gitara niya.

Sumenyas siya ng ‘oo’ saken.

Tumingin uli ako kay Laurence.

“Oo” sabi ko.

Naghiyawan naman lahat ng tao sa sinabi ko.

Bigla naman akong hinila ni Laurence at niyakap ng mahigpit.

Sobrang sarap sa pakiramdam talaga. Parang nasa heaven.

Alam kong di ako papabayaan ni Laurence. At simula ngayon, taken na ako.

September 25. Araw na sinagot ko si Laurence sa harap ng maraming tao.

+++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!!!

Part 14

Pinag uusapan sa room yung ginawa saken ni Laurence. Medyo nakakailang lang kasi lahat sila nakatingin saken. Di naman masasama yung sinasabi nila, pero ayoko lang sa feeling ng pinag uusapan.

“Masaya ka ba Ju?” Tanong ni Matteo saken pag pasok sa room.

“Oo, grabe. Nakakainis, ganito pala pakiramdam, parang nasa heaven ka” sabi ko.

“Aba buti naman masaya ka hehe. Hindi na kita pwedeng asarin, kasi taken ka na”

“Sus, ikaw pa ba, kahit naman anong gawin mo aasarin at aasarin mo ko eh”

“Haha, buti naman alam mo” sabi niya.

Di ko na pinansin masyado si Matteo kasi busy siya sa paglalaro niya sa phone. Di naman sumasama saken si Greco, di ko rin alam kung bakit pero mabuti na rin yun.

Pagkatapos ng klase, di ko na nakita si Matteo, si Greco na uli kasa kasama ko.

“Wow, sikat ka na sa school. Alam mo ba ikaw pinag uusapan ng lahat” sabi ni Greco habang naglalakad kami palabas.

“Oo nga eh, tignan mo halos pinagtitinginan ako ng lahat”

“Hehe, baka wala na akong makasama niyan palagi!”

“Haha adik, syempre hindi naman”

Napansin ko naman na palapit si Jerick samen ni Greco. Alam kong inis si Greco kay Jerick kaya umalis muna siya at iniwan niya kaming dalawa.

“Hoy Julian!” Tawag niya saken.

“Please, kung makikipag tarayan ka, wala ako sa mood….”

Pero bigla niya akong niyakap na talagang kinagulat ko.

“Ahh, anong problema mo?” Tanong ko.

“Duh, kaya lang naman ako galit sayo kasi feeling ko may gusto ka kay Matteo, pero iba pala yung gusto mo, di na ako galit sayo!”

“Ganun lang yun?”

“Hindi naman talaga ako galit sayo eh, galit lang ako kapag kasama mo si Matteo, kaya peace peace na tayo. Nakaka stress kaya kapag may kaaway” sabi niya pa.

Hinawakan niya ako sa braso at sinamahang maglakad.

“Teka, seryoso ka ba?” Tanong ko.

Oh wait, kaya ko palang basahin isip niya.

“Buti nalang talaga hindi si Matteo. Gosh, thank you.” Sabi niya sa isip niya.

“Oo, at isa pa, tayo lang naman yung open na bakla sa klase, sino sino pa ba magiging magkaibigan kundi ang kapwa bakla diba?”

Di ko alam pero natawa ako sa sinabi niya.

“So, anong tawagan niyo ni Laurence?” bigla niyang tanong.

“Anong tawagan?”

“Endearment, gosh, Julian, ano ka ba? First timer?”

“Ah ehh oo eh.”

Tinignan niya lang ako na parang gulat na gulat.

“OMG, first relationship mo to?!”

“Ah, oo. Bakit parang gulat na gulat ka?”

“Wala naman. Hmmm, so you’re telling me na virgin ka pa?”

“Oo naman!”

“Holy fvck! Ikaw lang kilala kong baklang virgin”

“Hoy tigilan mo na nga yang ganyang tanong mo!”

“Ay ehehe sorry. Di lang ako makapaniwala” sabi niya.

Medyo weird pa rin na kinakausap ako ni Jerick na parang wala kaming rivalry noon.

“Eh bakit ba tuwang tuwa kang di si Matteo gusto ko? Eh straight naman si Matteo”

“Eh wala lang, ayoko lang. Haha. Wag ka ng matanong diyan haha”

Pero tama siya, mas okay na walang kaaway sa school para walang pinoproblema.

“Pero alam mo sis….” ayan, nay tawag na saken bigla si Jerick, sis. “Feeling ko magbabago yung pakikipagkaibigan mo kay Matteo dahil sa taken ka na”

“Eh bakit naman, si Laurence naman boyfriend ko ah”

Sht, boyfriend. Ang sarap sabihin.

“May feeling lang ako, hehe, and speaking of boyfriend. Tignan mo kung sino palapit saten”

Tinignan ko kung saan nakatingin si Jerick at nakita ko si Laurence na nakangiti habang palapit ako.

“So pano ba yan sis, see you na lang. Hehe” sabi ni Jerick.

“Ah sige sige” sabi ko.

Lumapit naman si Jerick saken tapos bigla akong hinalikan sa noo.

Bigla akong nagulat sa ginawa niya. Pero ang lambot ng labi ni Laurence nung hinalikan niya ako sa noo.

“Wala ka ng klase diba?” Tanong niya.

Di ako nakapagsalita, di ako maka move on sa halik niya sa noo ko.

“Ohh bakit?” Nakangiti siya saken.

“Wala…. wala, di lang ako…. nanibago lang ako sa kiss mo” sabi ko.

“Ay sorry, hehe. Ayaw mo ba?”

“Hindi…. okay nga eh”

“Pwede ba kita ikiss uli?”

“Hala, maraming tao dito….”

“Sa noo lang naman eh, dali na”

Bakit ang cute ni Laurence. Ang laki ng pisngi niya kapag ngumingiti eh.

“Mabilis lang ah” sabi ko.

“Sige sige sige”

Tumingin siya sa paligid tapos bigla niya akong hinalikan uli sa noo.

“Hehe nakakabitin naman” sabi niya.

“Ehhh, tama na yun hehe”

“Oo naman, saan mo gusto pumunta?”

“Bakit tayo aalis?”

“First daysarry natin, dapat special”

“Hala, required ba yun?”

“Hindi naman, gusto ko lang maging special yung araw na to”

“Bakit….”

“Wag ka na kumontra please? Halika na, alis na tayo”

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko, at naglakad papunta sa kotse niya.

Ang lambot ng kamay niya, halata tlagang mayaman. Tapos kwento siya ng kwento sa nangyari sakanya ngayong araw.

Wala siyang paki kahit marami talagang nakatingin sameng dalawa.

“Coffee muna tayo gusto mo?”

“Sige kahit saan” sabi ko.

Pagkasakay namen ng sasakyan, dumiretso kami kaagad sa Starbucks sa MOA.

+++

“Ang layo naman ng pinuntahan natin” sabi ko sakanya habang kumakain ako ng cheesecake.

“Hehe, sorry. Gusto ko lang ma watch yung sunset ng kasama ka”

“Ang dami ng nangyari ngayong araw. Baka di mag sink in saken lahat”

“Wag ka mag alala, araw araw ko ipapaalala sayo kung paano mo ko napasaya nung unang araw natin”

Iba talaga kapag tumitingin si Laurence sa mata ko tapos biglang ngingiti.

Gustong gusto ko malaman iniisip ni Laurence, bakit kasi di ko mabasa naiisip nya.

“Ano palang gusto ng parents mo? Pizza or Burger? Or pasta? Bilhan ko sila pag hatid ko sayo pauwi”

“Hala, wag na Laurence. Baka hanap hanapin nila yun, tsaka ayaw nila nun, masyadong praktikal sila mama at papa”

“Edi mag grocery na lang tayo, ayun na lang ibibigay ko”

“Ano ba yan, sagip kapamilya lang?”

“Hehe sorry, Di kasi ako magfunction ng maayos ngayong kaharap na kita bilang saken”

Hinawakan niya yung kamay ko habang nakatitig saken.

“Siguro kung nababasa mo lang naiisip ko, siguradong sasaya ka. Palagi kitang naiisip Julian.”

Hindi ako prepared sa biglang sweetness ni Laurence.

“Alam ko naninibago ka, you don’t have to answer naman. Gusto ko lang sabihin to” sabi niya pa.

“Sorry, di pa ako sanay eh. Pero ang sarap sa feeling, lalo na ng ganito,”

“Talaga? Hindi ba ako OA masyado?”

“Hindi ah, hehe ang sweet mo nga eh”

“Sabihin mo saken, ano bang gusto mo?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“I mean, anong gusto mong itawag ko sayo? Mahal? Honey? Ano?” Habang sinasabi niya yun, ang laki ng ngiti niya.

Ewan ko ba pero sobrang kinikilig din ako nung tinanong niya ako nun.

“Ano bang gusto mo?” Tanong ko.

“Babe?”

“Ehhh bakit naman babe?”

“Wala lang, ayaw mo ba nun babe?” Sabi niya.

Sht, parang baliw naman ako na nakangiti nung tinawag niya akong babe.

“Gusto mo ba nun? Babe?”

“Sige… babe” sabi ko.

Yung ngiti niya rin nung tinawag ko siyang babe, iba. Feeling ko kinikilig din siya.

“Okay, babe”

“Okay din, babe”

“Ohhh bakit ka nakangiti babe?” Sabi niya.

Ano ba to. Di ko na kaya.

“Wala, masama ba?”

“Hindi naman, buti nga ako dahilan ng pagngiti mo ngayon eh”

“Ehh syempre, ikaw lang kasama ko”

“Haha, oo na! Pero paano kapag matutulog ka na? Maiisip mo pa rin ako babe?”

Sht, di ako sanay sa babe pero sobra akong kinikilig.

“Pagtulog, pag gising, siguro sa lahat” sabi ko sakanya.

“Babe, sobrang kinikilig ako promise.” Bgla niyang sinabi.

“Ahaha, ako rin babe”

“Lalo na kapag tinatawag mo kong ‘babe’”

“Babe. Babe. Babe, babe”

“Hala, babe, stop!” Ang cute magpabebe ni Laurence.

Wala kaming ginawa sa Starbucks kundi magtawanan at matawagan ng babe. Sobrang nakakakilig, sobrang sarap sa pakiramdam.

Pagkatapos namen sa SB, dumiretso na kaming dalawa sa sea side para manuod ng sunset. Kahit di gaanong kita, okay lang din naman.

Nakaupo kami pareho at nakatitig sa dagat, magkahawak din kamay namen pareho.

Bigla niya akong inakbayan kaya napasandal ako sa balikat niya.

“Ano iniisip mo ngayon?” Tanong niya saken.

Actually wala naman akong iniisp, nakatingin lang ako sa magandang view tapos ineenjoy yung malambot niyang kmay.

“Ang lambot ng kamay mo” sabi ko.

“Haha ayun talaga?”

“Oo haha. Ineenjoy ko kasi yung moment eh”

“Don’t worry babe, gagawa tayo ng maraming moments together” sabi niya.

“Hehe, sige, gusto ko yan” sabi ko.

Ang bango bango rin ni Laurence, nakaka adik amuyin.

“Tara, bili tayo ng pizza para kina mama at papa mo”

“Sabi ko sayo wag mo silang ispoilin”

“Okay lang yan, hehe. Dali na, gusto ko rin magpakitang gilas eh.”

“Nako, bahala ka ha. Kapag hinanap hanap nila yan, nako ka”

“Hayaan mo, kapag gusto nila, ibibigay ko rin” sabi naman niya.

Tumayo na kami at bumili ng pizza sa yellowcab at hinatid na niya ako pauwi.

Kumatok kami sa bahay at kaagad naman kaming pinagbuksan ni mama.

Nagulat naman si mama na magkahawak kamay kami ni Laurence at dala dala niya yung pizza.

Agad akong nagmano kay mama.

“Si Julian na ba yan? Nasabi mo ba…..“di rin natuloy ni papa sasabihin niya ng nakita nya kaming magkahawak kamay.

“Ah, Pa, Ma, si Laurence. Boyfriend ko po” pakilala ko.

Ngumiti si Laurence sa kanila.

“Kailan mo pa siya sinagot anak?” Biglang tanong ni mama.

“Kanina lang po” sabi ko.

“Aba, bakit ba diyan kayo nag uusap, pumasok nga kayo” sabi ni papa.

Pagpasok namen pare pareho, dumiretso kami sa sala.

“Ohhh, kumain na ba kayo?” Tanong ni papa.

“Opo, pizza pa oh, bigay ni Laurence”

“Nagpapapogi ka pa samen Laurence eh, alam mo namang kilala ka na namen!” Sbi ni papa.

“Hehe, gusto ko lang po kayo bilhan”

“Aba, dapat pinang date niyo na lang ni Julian yan”

“Nag date na po kami kanina. Hhe, para sainyo po talaga yan”

“Haha. Salmat ha?” Sabi ni papa sabay kuha ng pizza.

Biglang tumahimik sa loob dahil busy na sila mama at papa sa pagkain.

“Ohhh, kayo ng dalawa ha. Alam ko mga kabataan ngayon, mapupusok. Kaya dapat kapag mag aanuhan kayo palaging safe ah?” Sabi ni papa.

“Pa, no ba yan! Ayan ka na naman”

“Nako Julian tigilan mo ko, pinapaalalahanan lang kita”

“Di pa namen gagawin yun no!”

“We? Wag ako anak”

Hirap talaga makipag usap kapag baliw si Papa.

Bigla naman bumulong si Laurence saken.

“Ayan babe, may basbas na ng papa mo”

“Haha isa ka pa eh” bulong ko rin skanya.

“Oh, kapag nawawala si Julian, ikaw na una kong tatawagan ha?” Sabi ni papa kay Laurence.

“Ah sige po”

“Oh, i save mo number mo sa phone ko” inabot ni papa yung phone niya.

“Okay na po” sabi ni Laurence.

Ang saya tignan na okay si papa at mama kay Laurence.

“Gusto ko palagi kayong mag papaalam saken ha? At gusto ko once a week nandito ka sa bahay namen Laurence, gusto kita makilala lalo kung tlagang mahal mo anak ko” sabi ni papa.

“Mahal ko po si Julian”

Yung feeling na pinagsigawan niya kanina sa lahat na Mahal niya ako tapos sinabihan niya pa parents ko na mahal niya ako, grabe. Sobrang sarap sa pakiramdam.

“Mabuti ng nagkakalinawan tayo” sabi pa ni papa.

“Pa, uuwi na si Laurence, baka gabihin pa siya sa daan eh”

“Sige sige anak.” Tumayo sila mama at papa at nakipagkamay kay Laurence, di ko alam kung para saan yun.

Hinatid nila hanggang sa pinto si Laurence at naglakad na kming dalawa papunta sa sasakyan niya.

“Sobrang saya talaga kasama ng parents mo”

“Haha baliw nga eh”

“Kaya nga ang sarap kasama eh” sabi niya pa.

Tumahimik kami pareho at nagkatitigan saglit.

“Salamat babe” sabi niya saken.

“Salamat din, di mo alam kung paano mo ko napasya ngayon”

“Maniwala ka, ako talaga pinakamasaya ngayon” sbi niya.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

“I love you babe” sabi niya saken ng harapan.

Grabe!! Yung moment na yun, sobrang sarap sa pakiramdam.

“I love you too babe” sabi ko naman.

Parang first time ko ata sabihin yun sakanya kaya naman napangiti siya ng sobra.

Niyakap niya ako uli at sumakay na siya sa sasakyan at umalis.

Pagpasok ko sa bahay, naghihintay pa pala sila mama at papa saken sa sala.

“Ohhh, kamusta naman ang nag iisa nameng prinsesa na may lovelife na?” Tanong ni papa saken.

“Hala si papa talaga chismoso”

“KJ naman neto, dali na”

“Nako, wag mo na kulitin yang anak mo. Sige na magpahinga ka na Julian, kwento mo na lang samen bukas ng papa mo ha?” Sabi naman ni mama.

“Hehe Salamat Ma!” Sabi ko.

Niyakap ko lang silang dalawa ng mahigpit.

“Basta po sobrang saya ko ngayon. As in sobrang saya! Ayun lang po masasabi ko” sabi ko nalang sakanilang dalawa.

“Alam namen anak” sabi ni mama.

Hinalikan ko sila at saka ko umakyat ng kwarto ko.

Napahiga ako sa kama at naiisip ko na naman lahat ng nangyari. Di ko maiwasang mapangiti sa nangyari, feeling ko ang ganda ganda ko.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko, narinig kong kumakatok si mama sa pinto at tinatawag ako.

Pinagbuksan ko naman kaagad si mama at pinapasok.

“Oh bakit po?” Sabi ko.

“Di kasi namen nasabi ng papa mo kanina habang nandito si Laurence, dumaan si Matteo dito” sabi ni mama.

Umupo kaming dalawa sa kama ko.

“Oh bakit daw po?”

“Wala lang, araw araw naman dumadaan dito yun tapos makikipag kwentuhan lang samen sandali.”

“Eh bakit di ko alam yun ma?”

“Di ko rin alam kung bakit nakakalimutan namen sabihin syo eh”

“So, araw araw po nandito si Matteo?” Tanong ko.

“Hindi naman araw araw, madalas lang. Simula ata nung nagliligawan kayo ni Laurence, nandito siya palagi” sabi ni mama.

Eh bakit nandito si Matteo palagi?

“Eh bakit bigla niyo pong nasabi saken ngayon yan?”

“Wala lang, kasi kanina ang lungkot niya. Parang may problema, akala ko nga mag kasama kayo eh. Nagulat ko, si Laurence pala kasama mo”

“Eh kanina okay naman siya ah?”

“Di ko alam anak, mukhang may problema.”

“Ahh sige po, tawagan ko na lang” sabi ko.

“Kaso tandaan mo anak, boyfriend mo na si Laurence. Dapat bawas bawasan niyo na kasweetan niyo ni Matteo ah?”

“Sweet? Eh palagi ngang nang aasar yun anong sweet dun”

“Exactly, ganung klase kasi si Matteo. Sweet.”

“Pero ma ,straight siya”

“Walang straight, gay, bi, lesbian kapag nagmamahal. Tandaan mo yan anak. It’s all about the feelings.”

Bakit kaya biglang nasasabi to ni mama.

“Akala ko lang talaga si Matteo ang gusto mo, iba kasi yung glow ng mata mo kapag si Matteo ang kasama mo” sabi pa ni mama.

“Ma, hindi sa ganun….”

“No, naiintindihan ko Julian. You don’t have to explain.”

“Iba si Laurence ma, napagsisigawan niya sa lahat yung feelings niya saken. Sinasabi rin niya ng harapan, pinapakita niya pa saken at pinaparamdam. Si Matteo ma, walang pag asa sakanya. At saka bestfriend ko lang siya, kaya imposible talaga”

“Alam ko, sabi ko wag ka na mag explain diba? Hehe. Ang mahalaga masaya ka okay?”

“Opo ma, masaya talaga ako” sabi ko naman.

“Oh siya, kamustahin mo na lang si Matteo ah. Matulog ka na rin, anong oras na”

“Opo ma. Goodnight”

“Goodnight din”

Paglabas ni mama, saka namang pasok ni papa sa kwarto ko.

Binigyan niya ako ng isang box ng condom.

“Gamitin niyo yan ah!! Sige na goodnight na” bigla ring alis ni papa kaagad.

Nakakabaliw tong si papa.

Bigla ko namang tinext si Matteo kung kamusta na siya, sinubukan ko ring tawagan kaso walang sagot.

Tatawagan ko pa sana uli kaso biglang tumawag si Laurence.

“Nasa bahay na ko babe” sabi niya.

“Ahh good good”

“Nakabihis ka na ng pangtulog?”

“Opo.”

“Ah, sige, isipin mo na lang katabi mo ko ngayon” sabi niya.

Bigla naman akong nag daydream sa sinabi niya. Inisip kong kayakap ko siya sa tabi ko habang natutulog.

“Iniisip kong kahawak ko kamay mo habang natutulog” sabi niya.

“Oo, ganun ginawa mo nung natulog ka rito eh”

“Hehe, gusto nga kitang halikan babe eh”

“Hala, mapusok ako babe” biro ko.

“Edi sabay tayong mag pusukan” sabi niya.

“Haha wala namang ganung word”

“Pero may word na TIKOY” sabi niya.

“Ohh anong kinalaman ng tikoy?”

“Kasi I TIKOYm inlove with you”

The way ng pagdeliver niya ng banat, sobrang nakakatuwa at nakakakilig.

Tumawa lang ako sa kilig nung sinabi niya.

“Hala, dapat di ko na sinabi yun babe haha nakakahiya” sabi niya.

“Haha okay nga eh nakakakilig”

“Mag cutting tayo bukas babe ha?” Sabi niya.

“Eh bkit babe? Major ko bukas di pwede”

“Gusto ko lang babe na mag CUTTINGinan tayong dalawa”

Ayoko na baliw na naman ako sa pagngiti habang kausap siya.

“Tama na babe, di ko na kaya hha” sabi ko.

“Haha don’t worry, wala na akong maisip na banat”

“Hehe good”

“Kasi ikaw na lang naiisip ko eh”

Akala ko tapos na! Pero bumanat pa siya.

“Haha last na yun, goodnight Julian. I’ll see you in my dream”

“Hehe Goodnight din babe.”

“I love you”

“Eh, sinabi ko na yun ngayon eh, bukas na uli para isa isa lang.”

“Ayyy ganun,. Hmmmm sige edi… yun na yun, alam mo na yun hehe”

“Hehe alam mo na rin yun”

Binaba na namen yung tawag, ako naman nakayakap sa phone ko at talagang kinikilig sa kama ko.

Maya maya, napapansin ko na naman na umiilaw yung libro ko.

Kinuha ko yun at binuksan.

“Congratulations to your first relationship!”

Pati yung libro ko chismoso na rin.

Tinago ko na yun at natulog na.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!

Part 15

Pag gising na pag gising ko, nakatanggap ako ng message galing kay Laurence na pagkahaba haba.

“Good Morning babe. Sana masaya tulog mo, kasi ako natulog ng nakangiti at nagising ng nakapikit. See you later, and I miss you already. Hugs and kisses to you, more like hugs muna kasi bawal pa hehe. I love you babe 😘😍 “

Ay grabe naman talaga yung sweet message na yun. Parang buo na kaagad araw ko.

Para naman akong baliw na nakangiti sa kama ko.

Bumangon na ako at nag asikaso para pumasok.

Pag labas ko ng bahay, may lumapit sakeng buntis na namamalimos. Mukhang okay naman siya, naka damit ng maayos pero nakakapagtaka lang eh namamalimos siya.

“Ah teka lang po….” naglabas ako ng bente at binigay sakanya. “Wait lang po diyan lang kayo, kuha lang ako ng pagkain sa loob” sabi ko.

Pero pinigilan niya ako.

“Joke lang te, ako to. Si TB!”

“Hala! Bakit ka naman buntis ngayon?”

“Eh syempre, nagamit ko na si lolo, tapos janitor, si crew, si street sweeper, si baklang bata, si babaeng bata. Ngayon, ako naman si buntis!” Sabi niya pa.

“Ay teka, gutom ka ba talaga?”

“Syempre hindi no, nang aasar lang ako sayo haha”

“Nako baliw ka, male late na ako eh”

“Tara sabay na tayo habang naglalakad”

Sinabayan naman niya ako hanggang sa sakayan.

“Eh bakit ka na naman nagpakita?” Sabi ko.

“Eh kasi gusto lang kitang iCongrats sa first ever…… BOYFRIEND mo!!! Yay. Congrats Julian!” Sabi niya pa.

“Ay nako, salamat salamat”

“Hehe oh diba, ang bilis ng chismis hehe”

“Nagpakita ka para lang batiin ako?”

“Hmmm. Oo” sabi niya.

“Nako, mamaya may kasalanan na naman ako sayo”

“Don’t worry libre to, hehe. Ano? Nabasa mo ba yung libro mo???”

“Oo! Pati yung libro nag congrats saken!”

“Hay nako, hindi yun. Bago yun! Jusko naman, dalian mo tignan mo, dala mo ba?”

“Ay oo teka…” nilabas ko yung libro at binuksan.

Ang sabi….

“Kapag hindi nagamit ang kapangyarihan in 7 days. Automatic na tataas kaagad ang level mo”

“Eh bakit naman pala tataas yung level ko kung di ko ginagamit?” Tanong ko kay TB,

“Syempre, less use of powers, less mistakes. Tignan mo, ginamit mo kapangyarihan mo to cheat, nabawasan yung points mo. If you will not use it, parang na aaccumulate siya thru points. Gets?”

“We? Talaga?”

“Yesssss. Yesss.”

“Eh palagi kong ginagamit kapangyarihan ko ah?”

“You’re using your level 1 power. Since level 2 ka na at di mo pa nagagamit yun, counted yun as ‘di mo pa nagamit’ gets?”

“Wow, ang galing galing naman!!”

“Yes, I know. I’m such a magaling na TB” sabi niya pa.

Sumakay na kaming dalawa ng jeep.

“Bakit di ka pa nawawala?” Tanong ko.

“Kasi feeling ko may sasabihin ako eh kaso nakalimutan ko”

“Importante ba yan?”

“Medyo…. hmmmm. Bahala na nga sabihin ko na lang sayo next time pag naalala ko na” sabi niya.

Medyo magulo rin tong kausap si TB pero okay na rin na nagpapakita siya saken ng libre.

+++

Pag dating ko sa room, wala pa si Matteo sa upuan niya, kaya lumapit muna ako kay Greco.

“Level 14 na ako!” Sabi ni Greco sa isip ko.

“Awww! Congrats!”

“I know, I know. Thankie hehe.”

“Bakit ang bilis mo mag level up?”

“Haha, eh kasi eto talaga purpose ko lol. Eh ikaw, accidental lang ata pagkakabigay sayo ng kapangyarihan eh, saken kasi hiningi ko to”

“What do you mean?”

“Nako, long story Julian, wag mo ng tanungin haha.”

“Nakakainis naman haha, sige sige. Pero gusto ko na rin mag level up para magkaroon naman ako ng bagong ability”

“Well, pagtrabauhan mo kasi. Isa pa, mukhang gusto mo lang nagbabasa ng iniisip ng iba” sabi ni Greco.

Mukhang marami na talaga siyang alam dahil sa kapangyarihan niya.

“Mag sample ka nga ng mataas na level na kapangyarihan mo” sabi ko sakanya.

“Hmmmm. Let’s see….” tumingin tingin siya sa classroom namen tapos tinuro niya yung isa kong kaklaseng lalaki na si Ryan.

“Tignan mo, tatayo yan si Ryan tapos lalapitan si Kat ang tapos kukurutin niya”

“OMG, kaya mong mag utos ng ibang tao?!”

“Haha yes, yes. Tignan mo”

Tinignan niyang mabuti si Ryan habang nagsusulat tapos bigla siyang tumayo at kinurot nga si Kat.

Maya maya parang natauhan si Ryan at nagulat sa ginawa niya.

“OMG, ang cool nun!!!” Sabi ko kay Greco.

“Haha, saglit ko lang nagagawa yun Julian. Kaya di rin masyadong maganda”

“But still…. ang cool!!!”

“Haha, darating ka rin diyan, eh in fact mukhang parehas tayo ng gift” sabi pa ni Greco.

“So, may mga ibang tao na iba ang gift?”

Di naman nakasagot si Greco kasi dumating na si Maam.

Bumulong lang siya saken.

“Sobrang daming may ibang gift Julian, di lang basta nakakabasa ng isip” sabi niya saken.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

What if, hindi lang pala makabasa ng isip ang merong regalo.

What if, meron pang iba?

++++

Hindi pumasok si Matteo maghapon na siya namang kinabahala ko. Tatawagan ko sana siya kaso bigla naman dumating si Laurence, na sobrang gwapo sa uniform niya. Ang hot hot pa at syempre, ang gwapo gwapo.

“Sorry babe, ang dami ng ginagawa eh” sabi ni Laurence pagkalapit saken.

Inakbayan niya na ako at naglakad kami palabas.

Di pa rin ako sanay na pinagtitinginan ako ng mga tao dahil samen ni Laurence pero sa tuwing di pinapansin ni Laurence yung mga tao, di ko na rin pinapansin yun.

“Babe, samahan mo naman ako. Bili ako ng trunks pang swimming, hehe para looking good ako pag nag Zambales tayo”

“Ay, bakit kaya kailangan bago pa?”

“Nako, para poging pogi ako sa paningin mo” sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

“Haha, pogi ka naman babe kahit anong suot mo eh”

“Pogi rin ako kapag walang suot. Just saying” tinignan ko siya sabay kumindat saken.

Nakakainis, kinikilig naman ako kay Laurence.

“Okay lang ba babe?” Sabi niya.

“Huh?”

“Na samahan mo ko hehe”

“Ahhh oo naman.”

Pagkarating namen sa kotse niya, siya yung nag buckle ng seat belt ko.

“Safety First” sabi niya saken ng harapan. Masyadong malapit yung mukha namen.

Di ako mapakali pero siya nakangiti lang.

“One day, I’m gonna kiss that lips so hard. Pero for now….” hinalikan niya ako sa pisngi. “Cheeks muna”

Shete naman to si Laurence eh. Halos di ako makahinga sa kilig.

“Okay na babe?” Sabi niya.

“Yes babe”

“Let’s go!”

Nagpaandar na si Laurence ng sasakyan.

“Babe,” bigla niyang tawag saken.

“Yes?”

“Nagtatampo kaya ako sayo” sabi niya. Napatingin tuloy ako sakanya.

“Hala, bakit babe?”

“Wala. Di ka nagreply sa good morning message ko. Nakakatampo”

Ang cute niya magpa cute. Nakanguso tapos parang luging lugi.

“Ayy sorry.”

“Akala ko tuloy di mo ko love” sabi niya pa.

“Hala, hindi ahhh. Mahal kaya kita, promise.”

Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko pero nagpacute uli siya.

“Sige nga, sabihin mo saken yung good morning message mo” sabi niya.

“Now na? Mag gagabi na oh”

“Huhu, nagtatampo ako.”

Ang cute talaga ni Laurence. Nakakainis.

“Sige na nga….”

“Yehey! Teka, teka” bigla niyang ginilid yung sasakyan niya tapos tinanggal niya seatbelt niya at tumingin saken.

“Dali, sabihin mo saken ng harapan” sabi niya. Hinawakan niya pa yung kamay ko.

“Hala, nakakahiya…”

“Nagtatampo ako”

“Haha, eto na nga…”

Nag isip lang muna ako ng sasabihin ko sakanya. Tinignan ko siya sa mata niya.

“Good Morning babe, alam mo bang natulog akong iniisip kita…. tapo nagising ako iniisip din kita. Hmmmm, kumain ka pag gising mo….. don’t skip, hihi…. mamaya yayakapin kita pag nagkita tayo hehe.”

“Ohhh, parang may kulang”

“Hala, ano?”

“Yung ano, yung ay…. ay…..”

“Ay ano?”

“Ayy laaa…. ay laaaa.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“I love you babe” sabi ko.

Aba, ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti ng todo. Ang taba taba ng cheeks!

“I love you too babe” sabi niya saken sabay halik sa kamay ko.

Nagkatinginan lang kami habang pinipisil pisil niya yung kamay ko.

“Eh nasaan na yung yakap ko? Akala ko yayakapin mo ko?” Sabi niya.

“Ayy, kanina kasi umakbay ka na kaagad eh. Yayakapin nga sana kita eh”

“Dito na lang”

“Ehhh, hindi kita mayayakap ng mahigpit.”

“Edi bumaba tayo tapos yakapin mo ko”

“Haha, wag na babe, tara na. Bumili na tayo ng damit mo” sabi niya pa.

“Ehhhh, sige na nga ehehe” naglagay na uli siya ng seatbelt at pinaandar yung sasakyan niya.

Habang nasa daan, may tumawag naman kay Laurence at agad niyang sinagot.

“Yow!”

“Uhm, papuntang mall”

“Ha? Si tita?!”

“Kanina pa?!”

“Hinahanap ako?”

“Oh sht, sige sige”

“Sige, pasabi papunta na ako.”

“No, pauwi na ako sabihin mo!”

“Okay”

Mukhang may mali naman sa nangyari, biglang nagbago yung mood ni Laurence, nakakunot na yung ulo niya.

“Babe?” Tawag ko.

“Yes?”

Hinawakan ko kamay niya pero di pa rin nagbabago itsura niya.

“May problema ba?”

“Wala babe”

“Okay lang kung di na tayo tuloy”

“Hindi, pabayaan mo si tita dun” sabi niya.

Hindi ko alam kung paano ko papakalmahin tong si Laurence.

“Babe…”

“Please babe, okay lang ako!” Medyo pasigaw yung boses niya nun kaya naman natahimik ako.

Di ko kasi alam yung storya sa tita niya kaya naman di ko alam pinagdadaanan niya.

“Sorry babe, sorry. Di ko sinasadyang masigawan ka” bigla naman niyang binawi.

“Okay lang, mukhang malaki yung problema mo sa tita mo ah?”

“Nako babe, sobra. Hehe, sorry talaga. Sorry, di ko sinasadya. Sorry” paulit ulit niyang sabi.

“Opo, okay lang”

“Next time ko na lang ikwento ha?”

“Sure. Hehe”

Maya maya, may tumatawag na naman sakanya pero pinatay na niya yung cellphone niya.

“Ikaw lang naman kausap ko sa phone palagi eh, kasama naman kita ngayon kaya hayaan mo na lang na nakapatay yan” sabi pa niya.

Kahit medyo wala sa mood si Laurence, nakakakilig pa rin siya magsalita.

++++++

Kinabukasan, hindi pa rin pumapasok si Matteo.

Hindi naman ganito si Matteo eh. Magsasabi naman siya saken ng problema niya, pero ngayon wala akong ka ide-idea kung nasan siya, di ko pa siya macontact.

“Hoy, kanina ka pa hindi mapakali diyan ah.” Sabi ni Greco sa isip ko.

Ang daya, kaya niya akong kausapin sa isip ko.

Kaya lumapit ako sa kanya.

“Gusto ko rin makausap ka sa isip mo para naman kahit malayo magkausap tayo”

“Haha pa level ka na kasi.”

Hindi ko talaga maintindhan kung bakit nasabi ni Tracy saken na wag kong pagkatiwalaan si Greco, mabait naman siya saken.

Pero iniiwasan kong isipin lahat ng about kay Greco kasi alam kong nababasa niya isip ko.

“Bakit wala bff mo?” Tanong ni Greco.

“Si Matteo?”

“Oo, di pumapasok ah?”

“Di ko rin alam eh”

“Nako, baka nagseselos kasi may lovelife ka na”

“Hala, bakit nman magseselos yun?”

“Malay mo may gusto pala siya sayo diba, we’ll never know”

“Haha, baliw ka talaga. Wala yun, tsaka okay na ako. Mahal ko si Laurence, napapasaya niya ako tapos proud na proud pa siya saken”

“Promise?”

“Yeap, promise!”

Totoo naman. Mahal ko talaga si Laurence. Mahal ko si Matteo pero noon yun, at bilang best friend na lang. Special friend, ganun.

“Okay, sabi mo eh hehe”

“Aba, bakit parang ayaw mo maniwala?”

“Eh kasi…. basta haha”

Di ko na lang kinulit. Ayoko na kasing naaasar kay Matteo eh.

“Lalapit si Jerick, balik ka na sa upuan mo” sabi ni Greco.

Alam ko kasi na ayaw ni Greco sakanya. Kaya bumalik na ako sa upuan ko.

Saken naman na lumapit si Jerick.

“Sis, ano balita kay Matteo ko? Bakit di pumapasok?” Tanong niya.

“Hindi ko nga rin alam eh. Di naman nagpaparamdam”

“OMG, bakit? Akala ko pa naman sanggang dikit kayo?”

“Di ko rin alam kung bakit eh”

“Baka siya na nag aadjust. Eh kasi diba may boyfriend ka na?”

Nakkagulat talaga tong biglang bait ni Jerick saken.

“Di naman siguro”

“Well, malay mo lang sis, balitaan mo ko please?” Sabi niya pa.

“Sige sige” sagot ko na lang.

Di kasi talaga siya pumapasok.

++

Finals week na namen next week pero wala pa rin si Matteo. 5 days na siyang absent na talaga kinakabahala ko. Wala talagang text text, o kahit ano.

Nag uumagahan na sila mama at papa kaya sumabay na muna ako.

“Ma, pumunta ba si Matteo dito?” Tanong ko.

“Hindi na nga eh, matagal tagal na rin” sabi naman ni mama.

“Syempre, may boyfriend ka na, alangan na dumalaw dalaw pa rito!” Sabi namn ni papa.

“5 days kasi siyang di pumasok eh. Dumaan pa weekends, di man lang nagpaparamdam o nagtetext.”,

“Namimiss mo?” Tanong ni papa.

“Nag aalala lang po. Syempre nasanay akong plagi kaming magkasama”

“Eh palagi na rin naman kayong magkasama ni Laurence ah?”

“Anong ibig niyong sabihin pa?”

“May boyfriend ka na, pero si Matteo pa rin hinahanap mo?” Sabi niya.

“Pa! Hindi, nag aalala lang talaga ako. Mamaya kung ano na nangyari sakanya, may problema pa naman sa pamilya niya yun.”

Pero napka mapang asar ng ngiti nila mama at papa.

“Nako yung prinsesa namen naguguluhan” sabi ni mama.

“Ma…. argh! Aalis na ako ma. Love you!”

Sa sobrang inis ko sa pang aasar nila, umalis na ako ng bahay at pumasok sa school.

++

Habang naglalakad ako, parang napapansin kong may sumusunod sakeng lalaki.

Kapag lilingon ako sakanya, bigla siyang iiwas ng tingin kaya feeling ko ako talaga sinusundan neto.

Kung makikita ko lang siya, baka mabasa ko inisip niya.

Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa makasakay. Napansin ko ring sumakay siya.

Sa dulo ako naupo sa likod ng driver at siya naman sa kabilang side pero bandang gitna.

Mukhang okay naman siya, feeling ko lang siguro na sinusundan niya ako.

Medyo matangkad, tapos moreno, may itsura rin infairness at mukhang 20 plus lang edad.

Pero laking gulat ko ng di ko mabasa iniisip niya!!

Sinubukan kong basahin yung isip ng katabi niya.

Basang basa ko isip ng katabi niya at lahat ng tao sa jeep maliban sa kanya.

Omg, anong ibig sabihin neto.

Mas lalo akong nagulat ng bigla siyang tumingin saken tapos ngumiti.

Fvck, ang weird!!! Kaya di ko na siya pinansin at kunwari nagtetext na lang ako.

++

Pag dating ko sa room, nakta ko si Matteo sa labas ng room at kumakain ng tinapay.

Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko, galit, tuwa, kaya naman dali dali ko siyang nilapitan.

“Ju o kain….” alok niya saken pero di ko pinatapos sinasabi niya kasi tinulak ko siya.

Napasandal naman siya sa pader at mukhang nagulat sa ginawa ko.

“Hoy ano problema mo!” Sabi niya.

“Anong ano problema ko? Ikaw! Ano problema mo, di ka nagtetext saken tapos di ka tumatawag, di ka papasok ng limang araw tapos aalukin mo ko ng pagkain mo!!”

Napatingin lang siya saken at biglang tumawa.

“Ayaw mo ba ng pagkain ko?”

“Argh! Nag aalala kasi ako sayo!” Sabi ko skanya.

“Uyyy concern siya.”

“Tse, bahala ka nga!!” Papasok na sana ako ng room kaso pinigilan niya ako.

“Sorry na Ju, umalis kasi kami ni Maddie” sabi pa niya.

“Ohh, yun, bakit di ka nagsabi saken?”

“Ay, kailangan ba?”

“Dati palagi kang nagkekwento saken, tapos ngayon hindi ka na marunong magtext!”

“Hahahaha, ang cute mo Ju. Syempre may boyfriend ka na, di na tayo dapat katulad ng dati” sbi niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Kung umasta tayo noon, daig pa natin magsyota, since may syota ka na talaga, ako na lang mag aadjust” sabi niya.

Di ko alam problema neto ni Matteo eh, pero ayoko naman na may magbago samen. Gusto ko katulad pa rin kami ng dati.

“Bakit kailangan natin magbago?” Tanong ko.

“Syempre, para wala ng masaktan” sabi niya.

“Ha?!!”

“Hehe wala. Umalis lang talaga kami ni Maddie, nag date din kami. ikaw lang ba pwede?” Sabi niya.

“Sana man lang nagsabi ka diba, nag aalala kasi ako sayo, best friend mo ko tapos kinwento mo pa about sa family mo, di ko tuloy alam kung ano nangyayari sayo”

“Hehe best friend. Hmmm, okay lang ako Ju. Masaya naman ako eh, hayaan mo na ako haha”

“Bakit ba ganyan ka? Ano bang problema?” Tanong ko.

“Walang problema Ju” sabi niya.

Di ko talaga mawari yung mood niya ngayon. Nakangiti naman siya saken at mukhang okay.

Maya maya, may tumawag ng “babe” sa likuran ko, akla ko si Laurence pero boses babae.

Pag lingon ko, si Maddie. As usual, ang ganda ganda niya at mukhang blooming.

“Babe” sabi naman ni Matteo.

Lumapit siya kay Maddie at niyakap niya ng mahigpit.

Ngayon lang nag sink in saken na nasa school pala kami at maraming estudyante sa paligid

“Wala kaming prof babe kaasar” sabi ni maddie kay Matteo.

“Naghihintay pa ako kung meron kami” sabi naman ni Matteo

Napansin naman ako ni Maddie.

“Hi Julian!” Bati niya.

“Hi Maddie!”

“Nasabi mo na babe?” Tanong ni Maddie kay Matteo.

“Sasabihin ko pa lang po”

“Ano yun?” Tanong ko.

Maya maya , napansin ko naman si Laurence na palapit samen.

“Babe!” Tawag saken ni Laurence. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.

Umakbay saken si Laurence.

“Ohh cous” sabi ni Laurence kay Maddie.

Umakbay din si Matteo kay Maddie.

“Hi cous,”

“Ano na balita sainyo cous?”

Nagkatinginan lang si Matteo at Maddie. Tapos si Maddie na sumagot.

“Kami na ni Matteo hehe, kahapon lang. Sinagot ko na siya” sabi ni Maddie.

++++++++

VOTE AND COMMENTS!!!!!!!!!!

Part 16

Medyo awkward yung nangyari kanina sa labas ng room, buti na lang tapos na.

Magkasama na kami ni Matteo sa room, di naman ako makatingin sa kanya ng maayos kaya nagsulat na lang ako habang nag lelecture.

“Ju, antok na antok ako. Ano ba to, kausapin mo nga ako” bulong ni Matteo saken.

“Shhhh, makinig ka”

“Suplado mo naman”

“Makinig ka nga!”

“Oh bakit ka nagagalit diyan?“bulong pa rin niya.

“Di ako nagagalit, nakikinig kasi ako eh.”

“Sus, kung di lang kayo ni Laurence, feeling ko nagseselos ka diyan” pang aasar ni Matteo.

“Nagseselos ka diyan, para malaman mo, masaya ako kay Laurence, sobrang saya ko. Kaya wag kang mag feeling diyan!”

Buti na lang natahimik siya.

“Okay” sabi niya na lang.

Di na niya ako kinulit uli.

Maya maya, kinausap ko siya kasi feeling ko naoffend ko siya.

“Matty, magsulat ka nga” sabi ko.

“Sus, tapos kakausapin mo ko ngayon, ewan ko sayo. Nagbago ka na, nagka boyfriend ka lang”

“Anong sinasabi mo diyan?”

Mukhang narinig ni maam na nag uusap kami ni Matteo.

“Acosta, Valdez! Gusto niyo kayo na lang dito?” Sigaw samen ni Sir.

“Sorry sir” sabi ko.

Natahimik na lang kami ni Matteo sa upuan.

++

Minsan iniisip ko kung paano di ako nakatanggap ng regalo. Kung paano, di ko kaya magbasa ng isip ng tao. Ano kaya mangyayari saken?

Parang simula nung binigay saken tong regalo na to, wala na akong ibang maisip kundi mabasa ang iniisip ng mga taong di ko nababasa ang isip.

Si Laurence.

Si Matteo.

Ang iniisip ko palagi, ano ba ang papel ni Matteo sa buhay ko, kung si Laurence makakatuluyan ko, eh bakit si Matteo di ko mabasa iniisip niya?

Long lost brother ko ba?

Oh baka may powers din siya?

O kaya nagkaroon na kaso nawala rin?

Di tuloy ako makapag focus dito sa exam namen. Departmental exam pa naman namen ngayon.

Tinignan ko si Matteo sa upuan niya, nakatingin ang siya sa test paper niya at nagsasagot.

Nakita naman niya akong nkatingin sakanya tapos ngumiti siya.

Sino ka ba sa buhay ko Matteo Acosta?! Nakkainis. Di talaga ako makapag focus sa exam ko.

“Bakit nakatulala ka kanina Ju? Wala ka bang masagot?” Tanong ni Matteo saken pag labas namen ng room.

“Ha? Wala, may naiisip lang ako” sabi ko.

“Parang malalim nga eh, okay ka lang ba? Nag aaway ba kayo ni Laurence?”

“Hala hindi ah! Saan naman nanggaling yan?”

“Aba malay ko, di ka naman nagkekwento saken eh. Mukhang iniiwasan mo nga ako eh”

Pero di totoo yun! Siya yung umiiwas saken!

“Ang galing mo talaga mambliktad hano?”

“Haha, ako ba umiiwas?” Tanong niya.

“Oo. Nakakainis ka na nga eh”

“Sorry na Ju haha nag aaral kasi kami ni Maddie eh. Tapos syempre, alam mo na…”

“Nakakainis ka talaga! Bakit kailangan mo pang sbihin saken yun?!”

“Haha, eh baka magalit ka kapag di ako nagkwento eh!”

“Mas okay ng di ka magkwento kung tungkol lang sa sex life mo! Nakakadiri!” Sabi ko.

“Nakakadiri pala pero feeling ko naman pinagpaantasyahan mo katawan ko noon!”

“Ang kapal mo talaga!!!”

“Hahaha, sorry, alam ko naman kasi na mas yummy ako kay Laurence no! Di mo naman matatago yun!”

Kahit nagmamayabang na naman siya ngayon, okay na rin to kasi bumabalik na kami sa dati nameng asaran.

“Oooops, boyfriend alert!” Sabi ni Matteo at nakita ko si Laurence na may kausap sa phone habang palapit samen.

“Uyyy, may kausap siyang iba Ju. Haha,” asar ni Matteo.

“Ano naman?”

“Baka may iba ng kinakausap yan bahala ka”

“Sus, gawain mo kasi yun!”

Nasa harap na namen si Laurence pero kausap pa rin niya yung nasa phone.

Hinawakan na ni Laurence kamay ko at hnalikan ako sa pisngi.

“Kasama ko na si Julian pre, sige na!” Sabi ni Laurence sa kausap niya at binaba na yung tawag.

“Sino yung kausap mo babe?” Tanong ko.

“Si Kennard babe, tropa ko”

“Ahhhh okay”

Gusto ko sanang tanungin kung sino yun pero di na lang. Kapag kaming dalawa na lang.

“Ju, una na ako, hanapin ko pa si Maddie eh. Sige pre, ingatan mo juju ko ah”sabi ni Matteo, pero di na niya kami pinasagot at umalis na siya.

Kami naman, as usual. Diretso sa kotse niya.

Tumambay muna kami sa kotse niya, habang bukas lahat ng pinto.

“Kumusta exam babe?” Tanong niya.

“Okay naman po. Medyo na blanko lang kanina pero naka survive naman”

“Haha, ako rin eh. Na blanko ako kakaisip sayo” sabi niya.

Inalok niya ako ng chichiriya sabay hawak sa mga kamay ko.

“Babe, tara bili uli tayo ng damit, para pag alis natin nextweek, okay na okay na ako” sbi niya.

“Linggo linggo ka naman bumibili ng damit”

“Hehe, dali na samahan mo na ako.”

“May choice ba ako?haha”

“Hehe kaya love kita eh. Tara tara”

Sinara na name yung pinto at nag buckle up.

“Ay babe teka, may nakalimutan ako” sabi niya.

“Ohhh ano yun?”

“I love you” bigla niyang sabi.

Sa tuwing nagsasabi siya ng I love you, palaging unexpected kaya naman di ko talagang mapigilang hindi kiligin.

“Nakakainis ka, bakit biglaan naman”

“Haha, gusto ko lang sabihin. Tara na!” Sabi niya pa at pumunta na uli kami ng mall.

++

Di pa rin ako sanay sa puro gastos ni Laurence, kahit na palagi kaming magkasama. Minsan, gusto ko lang mag tuhog tuhog pero di ko masabi kasi alam kong ayaw niya.

Ngayon, gusto niya rin akong bilhan ng damit.

Nahihiya kasi ako kahit papano. Pero talagang mapilit siya eh.

“Sukatin mo babe dali” inabutan niya ako ng shorts at sando.

Ang kulit din kasi neto eh kaya di ako tumatanggi.

Lumabas ako para ipakita sakanya yung sinuot kong damit.

“Wow, ang gwapo nama ng babe ko!”

“Hala, ang ikli ikli ng short ohh”

“Ayan nga ang nagpapa sexy sayo eh” kakaiba rin tlaga mga banat netong si Laurence eh.

Pero sa di kalayuan, nakita ko yung lalaki na feeling ko sumusunod saken nung isang linggo. Yung lalaki na nakasabay ko rin sa jeep pero di ko mabasa yung iniisip niya.

Bigla siyang napatingin saken sabay ngumiti uli.

Ang weird. Sobrang weird.

“Bihis ka na babe, bilhin na natin yan” sabi ni Laurence.

“Akala ko sukat lang?”

“Ehh, bilhin na natin para terno tayo pag alis papuntang Zambales” sabi niya.

“Babe naman.,..”

“Don’t worry, my treat babe” sabi niya.

Aangal sana ako pero bigla siyang tumayo at niyakap ako.

“Babe, wag ka na makulit. Gusto lang kita ispoilin hehe” sabi niya.

“Di naman kasi natin kailangan eh”

“Ehhhh babe, wag ka na umangal hehe” bulont niya saken habang nakayakap.

“Oo na po”

“Haha yey, buti na lang talaga love mo ko hehe”

Binili na namen yung damit na sinuot ko pero nandun pa rin yung lalaki, feeling ko sinusundan niya ako.

Pero di ko talaga mabasa nasa isip niya.

Habang nasa cashier at nakapila si Laurence, nag ikot ikot muna ako sa loob ng store.

Napansin kong lumapit saken yung lalaki at bigla siyang nagsalita.

“You know what’s frustating? Yung akala mong kaya mo pero hindi pala” sabi niya.

“Uhm excuse me?”

“Akala ko kaya ko na lahat, pero di pala”

Ako lang naman tao dun kaya sure akong ako kinakausap niya.

“Sorry, I’m Gab pala” pakilala niya saken.

Di naman ako sumagot at nagpakilala kasi all of a sudden bigla nya akong kakausapin, parang ang weird lang.

“Well, that’s…… awkward.” Sabi niya pa.

“Babe?” Tawag ni Laurence sa likod ko.

“Babe”

“Uhm, sino siya?” Tanong saken ni Laurence.

Si Gab yung sumagot sa tanong ni Laurence.

“I’m just a friend hehe. Sige I’ll go ahead. Nice seeing you Julian” sabi niya sabay alis

OMG!! Bakit nya ako kilala?

“Uhm sige pre” paalam naman ni Laurence.

Tinignan ko lang siya hanggang sa makalayo.

“Bakit ganyan reaksyon mo babe? Di mo ba siya kilala?”

“Ahh, kilala ko hehe. Tara na, saan na tayo punta?” Di ko na lang sinabi totoo para di siya magtanong.

“Edi uuwi na!” Sabi niya.

Di na kami bumili ng pagkain, hinatid na niya ako kaagad sa bahay.

“Every moment talaga na kasama kita, sobrang magical babe. Thank you, kahit simpleng shopping lang yun” sabi ni Laurence saken, nasa tapat kami ng pinto ngayon.

“Hehe, thank you rin sa regalo babe”

“Hehe don’t worry. Uhm, mag impake ka na ah.”

“Excited lang?”

“Ehehe wala naman ng exams eh, bakasyon na. So, gusto mo alis na tayo bukas agad agad?”

“Agad agad?”

“Oo, ayaw mo ba?”

“Hindi pa alam nila mama….”

“Alam na nila ehehe, gusto mo ipaalam kita uli?”

“Ay talaga?”

“Nagtext na ako sakanila kanina haha. Sorry babe, gusto na kasi kita masolo eh” sabi niya pa.

“Hehe, sige babe. Gusto ko rin yun, bukas na kung bukas” sabi ko nman.

“Yes! Yes!! Sige babe, uwi na ako para makapag impake na ako hehe. I love you!” Sabi niya sabay halik sa noo ko.

“I love you too babe” sabi ko na lang.

Di na siya pumasok at umuwi na.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagulat ako ng makita ko si Matteo! Nakaupo sa kama ko at kumakain ng halo halo.

“Hoy!! Anong ginagawa mo rito?!” Sabi ko.

“Ay, edi kumakain ng halo halo Ju. Gusto mo ba?”

“Hind, I mean anong gnagawa mo sa kwarto ko?”

“Ay grabe, nagka lovelife lang, ganyan na?” Sabi niya.

Di ko naman kasi alam kung bakit siya nandito.

“Ayaw mo bang nandito ko Ju?” Tanong niya.

Mukhang may problema na naman tong si Matteo, naging seryoso na naman kasi itsura niya eh.

“Hmm, hindi naman Matty, nagulat lang ako. Alam mo naman na welcome ka rito samen diba?” Sbi ko na lang.

Bumalik naman yung ngiti niya sa sinabi ko.

“Wala naman Ju. Gusto ko lang ng kausap” sabi niya.

“Eh si Maddie?” Tanong ko.

“Wala yun hehe, di naman niya alam yung tungkol sa pamilya ko eh” kwento nya.

“Bakit di mo kasi sabihin?”

“Sinubukan ko, pero in the end nag sex lang kami. Ayaw niya kasi ng drama moments, kapag gusto ko magkwento sakanya bigla ganun.”

“Ay, himala umayaw ka ah”

“Nakkasawa din kasi yun Ju. Jusko, tsaka parang sasabog na ako kapag di ko to nalabas e” sabi niya.

“Oh dali, saken mo ikwento.”

Huminga siya ng malalim bago nagkwento.

“Nakikipag ayos kasi si mama at papa saken.” Panimula niya. Naubos na niya yung halo halo na kinakain niya.

“Ayaw mo ba nun?”

“Ngek, hello Ju. Alam mo naman yung storya ko diba? Tapos ano? Bigla lang sila makikipag ayos na parang walang nangyari?”

“Matty, pamlya mo pa rin yang mga yan. Sooner or later, kailangan mong makipag ayos, bakit di mo subukan ngayon?”

“Well, ayoko Ju. Ayoko.”

Matigas din ulo netong lalaking to eh.

“Eh kung ayaw mo at yun nararamdman mo, bakit mo pa ko kailangan?” Sabi ko.

“Wala lang, gusto ko lang kasi sayo ko sabihin to. Since di naman nakikinig si Maddie” sabi niya.

Inakbayan ko naman siya para damayan. Alam ko kailangan niya yun eh.

“Buti na lang talaga may Julian akong bestfriend hehe. Salamat nandiyan ka” sabi niya.

Tumayo ako para magimpake na ng gamit ko para bukas.

“Saan ka pupunta Ju?”

“Bukas na gusto ni Laurence na mag Zambales kami eh” sabi ko.

“Ay ganun? Hmmm, sige uuwi na lang pala ako”

“Sus, nagdrama pa ahha dito ka na matulog. Alam kong gusto mo yun.” Sabi ko.

“Hahahahha, kilala mo na talaga ako Ju haha Salamat!”

“Wala yun hehe. Kahit umiiwas ka na saken” sabi ko.

“Hahaha, halata mo bang umiiwas ako?“tanong niya.

Nag indian sit siya sa kama ko. Ganun din ginawa ko at magkatapat kaming dalawa.

“Oo, ng korny mo nga eh, may pag iwas ka pang nalalaman!”

“Ehhh, paano nagseselos ako sainyong dalawa ni Laurence!”

Natahimik ako sa sinabi niya.

Nagseselos siya?!

“Palagi na kasi kayong dalawang magkasama eh”

Oh sht. Seryoso siya ngayon!

“Di lang siguro ako sanay na may nagpapasaya na sayong iba. Tapos di pa kita naaasar, parang ang laki laki ng nagbago” sabi niya pa.

Sht, ano to Matteo? Bakit ganyan na naman sinasabi mo?!!

“Minsan naiisip ko nga kung nahalikan ka na ni Laurence eh” sabi niya.

Napatingin siya saken sandali.

“Nagkiss na ba kayo?” Tanong niya.

“Ahhh eh. Hndi pa, kiniss niya lang ako sa noo at pisngi” sabi ko.

“Wala pa sa lips?”

“Wala pa Matty” sabi ko.

“Ahhh buti nman hehe, baka di ko kayanin” sabi niya pa.

Sht, ano ba tong sinasabi ni Matteo.

“What if kaya kung niligawan kita no?”

OMG nagsisimula na naman siya sa mga tanong niya at salitang paasa.

“Hahaha wag ka ngang assuming diyan, akala mo naman sasagutin kita” biro ko sakanya sabay tawa ng mahaba.

Pero di siya tumatawa. Ang seryoso ng itsura niya na nakatingin saken.

“Seryoso ako Julian”

Na Julianzoned na naman ako, ibig sabihin seryoso nga siya.

“Matty ano ba yang tinatanong mo”

“Sagutin mo, kapag ba niligawan kita sasagutin mo ko?”

Sht, seryoso nga siya!

“Julian, ano? Sumagot ka!”

“Ano bang problema mo Matteo!”

“Julian ano ba! Manhid ka ba o ano? Di mo ba napapansin? Mahal Kita!!!”

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Sht, ano tong pinagsasasabi ni Matteo. Bakit niya sinasabi to ngayon. Alam niyang kami ni Laurence.

“Julian ano, sumagot ka!”

Imbis na sumagot ako, tumayo para makalayo pero hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako.

Napahiga ako sa kama at pumatong siya sken.

Hawak niya yung dalawang kamay ko na nakalapat sa kama. Ang bigat ng katawan niya, wala akong kalaban laban.

“Matteo ano ba tong ginagawa mo!”

“Julian sumagot ka please. Sabihin mo lang na mahal mo rin ako, gagawin ko lahat para mapasaya ka lang!”

Fvxk, halos maluha luha si Matteo na nakatingin saken.

Di na ako lumalaban, basta magkatitigan lang kami ngayon.

Di pa rin ako makasagot sakanya.

Basta magkatitigan lang kami.

Parang ayaw kong lumaban skanya.

“Hahalikan kita Julian, kapag pumalag ka, ibig sbihin ayaw mo saken. Pero kapag di ka pumalag, mahal mo ko” sabi niya.

Pumikit lang siya at dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya saken.

OMG!!!! Anong gagawin ko. Kinakabahan ako. Pero parang gusto ko rin, pero mali to. Mali to, sobrang mali.

Si Laurence!

Kaso di ako makapalag.

Ayan na.

Sobrang lapit na.

Ramdam ko na paghinga niya bibig ko.

Fvck.

Sht.

Ayan na.

Wala na akong nagawa.

Dumikit na yung labi niya saken.

Tanginaaaa. Ang sarap. Ang lambot. Ang basa.

Ganito pala pakiramdam.

Grabe, sobrang nakakaadik.

Pinilit kong alisin pagkakahawak niya sa kamay ko para hawakan yung mukha niya.

Nagpaubaya naman siya sa ginawa ko.

Halos lamutakin ko yung mukha niya sa sobrang sarap ng labi ni Matteo.

Naramdaman kong parang pinapasok niya yung dila niya sa loob ng bibig ko.

“Uhm, Matteo!” Sabi ko.

“Julian”

“Ahhh, Matteo”

“Julian”

“Ju!!!!!!!! Ju!!” Minulat ko mga mata ko, tapos ginigising ako ni Matteo.

“Jusko Ju ano na? Binabangungot ka ba? Kanina ka pa nagsasalita diyan!” Sabi ni Matteo.

“Ha?”

“Ano ba yan Ju, kinakabahan ako sayo! Kanina ka pa nagsasalita habang tulog!” Sabi pa ni Matteo.

Bumangon ako ng naguguluhan.

“Alasyete na Ju” sabi niya.

Sht oo nga!!! Ang liwanag na.

“Nakapag impake na ba ako?” Tanong ko sakanya.

“Huh? Saan ka naman pupunta?”

Sht, so panaginip lang lahat?

Maya maya tumatawag si Laurence sa phone ko.

Masyadong mabilis mga pangyayari.

“Hello babe?” Sabi ko.

“Ready ka na ba babe? Ppunta na ako diyan sainyo” sabi ni Laurence.

“Ahh sige babe, see you”

“Sige sige. I love you” sabi niya sabay baba ng tawag.

Naguguluhan pa rin ako. Feeling ko totoo yung mga pangyayari.

“Matty, anong oras ako natulog kagabi?” Tanong ko.

“Eh, nakatulog ka na habang nagkekwento ako sayo about sa bahay ehehe. Mukhang pagod na pagod ka eh. Kaya hinayaan na lang kita” sabi niya pa.

So lahat ng yun…..

Panaginip lang. Panaginip lang lahat.

+++++++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!

Part 17

“Sasabihin mo ba kay Laurence na dito ako natulog kagabi?” Tanong ni Matteo habang nag iimpake ako.

“Hindi ba niya alam?”

“Aba malay ko, ang aga mo kaya natulog kagabi”

Nakakainis naman. Ang gulo gulo, bakit kasi maaga ako natulog kagabi eh.

“Sht. Paano ba to….”

“Sabihin mo na lang Ju, wala naman masama eh. Tsaka wala naman tayong ginawang masama eh” sabi niya.

Sa tingin mo, wala tayong masamang ginawa Matteo, pero sa panaginip ko, halos mapanaginipan na kitang nag sesex tayo.

Naghahalikan tayo sa panaginip ko. May ginawa tayong masama!

“Sabagay, pero maiintindihan niya kaya?“tanong ko.

“Ewan ko, kung seloso siya baka mag away lang kayo. Sabihin mo na lang kapag nasa good mood siya. Mahirap kapag nagtatago ka ng sikreto”

“Aba, ang seryso mo ata ngyon” biro ko.

“Haha, di ba bagay? Bilisan mo na mag impake, malapit na yun si Laurence” sabi niya pa.

Hindi ko alam kung ano problema niya, nakwento nman niya saken kagabi yung problema niya pero parang di pa siya okay.

“Diba sasama rin kayo ni Maddie sa Zambales? Bakit di ka pa nagiimpake?”

“Hindi na nga kami matutuloy eh, naiinis nga ako eh” sabi niya.

“Hala bakit daw?”

“Ayaw daw niya kasi wala daw kaming privacy dun.”

“Diba sakanila din naman yun?”

“Hindi, kina Laurence lang daw tlaga yun. Request kasi ni Laurence sa kabilang bahay daw kami matulog dun, eh ayaw niya kasi may ibang tao”

“Haha, di kasi kayo makakapag ano haha” biro ko na lang.

“Haha loko, gusto ko nga sumama kasi nandun ka eh. Kung wala ka naman dun, wala rin akong paki” sabi niya.

Iisipin ko na lang na talagang kapatid lang turing niya saken para naman di ako maapektuhan sa sinasabi niya.

At lalong lalo na, para di ko siya mapanaginipan.

“Hehe, pilitin mo na lang si Maddie” sabi ko.

Pero bago makasagot si Matteo, biglang kumatok sa kwarto ko si mama.

“Anak, nasa baba na si Laurence, paakyatin ko ba?” Tanong ni mama.

“Hndi ma! Bababa na muna ako” sabi ko naman.

Nagmadali ako mag impake, para bumaba, iniwan ko muna sa kwarto ko si Matteo.

Pagbaba ko naman, kasama na ni papa si Laurence na nag aalmusal. Ang simple lang ng porma niya, pero ang gwapo niya.

Black Shirt at Black Shorts lang, pero ang ganda ng shoes.

“Good Morning babe” sabi ni Laurence.

Natawa naman si papa sa tawag saken ni Laurence.,

“Babe?” Asar ni papa.

“Nako pa, ang aga aga ah wag ka mang asar haha” sabi ko.

Tumabi ako sakanila para kumain pero nagulat ako ng bigla akong halikan ni Laurence sa pisngi ko sa harap ni papa.

Tumawa lang uli si papa sa ginawa ni Laurence.

“Babe naman.” Sabi ko.

“Sorry, hehe.” Sabi niya.

Di nagsalita si papa pero binasa ko nasa isip niya.

“Hay nako, mga bata nga naman!” Sabi ni papa isip niya.

Bigla naman nagsalita si mama.

“Oh bakit si Matteo hindi pa bumaba?” Tanong niya.

Sht. Ang ingay ni mama!

Tinignan ko lang si mama tapos tumingin ko kay Laurence.

“Nandito si Matteo babe?” Tanong niya.

Di ko tuloy alam isasagot ko sakanya pero ayokong magsnungaling sa harap nila mama.

“Dito kasi siya natulog kagabi eh” sabi ko.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, kaya naman natahimik siya.

Sht. Bakit dito pa kami nag tampuhan.

“Ahh, babe, sama ka muna saken sa taas” yaya ko kay Laurence.

Tumayo lang siya at sumunod saken pero alam kong galit siya saken.

Pagpasok namen sa kwarto, naka hubad si Matteo at mukhang kakatapos lang maligo.

Sht, ang laki ng katawan ni Matteo. Bihira ko lang talaga siyang makitang nakahubad, pero ngayon, ang yummy niya.

Oh sht, ano ba tong iniisip ko.

No, hindi ka yummy Matteo.

Parang kung may kapatid akong lalaki, sinabihan kong yummy?

Yuck. No. No. No.

“Pre, bakit dito ka natulog kina Julian?” Biglang sabi ni Laurence kay Matteo, sht, mukhang mag aaway pa.

“Nako pre, sorry. Wala kasi kong mapuntahan kagabi eh.”

“Eh bakit di ka tumuloy kina Maddie? Bakit dito pa? At di pa kayo nagsabing dalawa?”

“Uy pre, wag ka magalit kay Julian, kasalanan ko, komportable na kasi ako rito sakanila kaya pinapayagan ako ng parents niya…”

“Pre, may boyfriend si Julian, ako yun, kapag ba nalaman mong may kasamang ibang lalaki si Maddie sa kwarto niya ng di mo alam, matutuwa ka?”

“Hindi, pero pre….”

“Wala sanang talo talo pre, kami na ni Julian!”

Hinawakan ko lang si Laurence, kasi medyo nag iinit na yung salitaan nila.

“Pre, wag kang ma threatened saken pre, kahit magsama kami sa isang kwarto ng kaming dalawa lang, sigurado akong walang mangyayari samen. Alam mo nman na kapatid lang tingin ko kay Julian eh, di kami talo pre” sabi niya pa.

“Mabuti ng alam ko at sayo nanggaling yan” sabi naman ni Laurence.

Inabot ni Matteo yung kamay niya kay Laurence at nakipagkamay namn siya.

Nag tawanan na silang dalawa uli at nagyakapan pa. Close din naman kasi silang dalawa kaya madali naman silang nag ayos.

++++

Bumaba na silang dalawa samantalang naiwan ako para mag impake pa ng gamit ko. Di ko kasi alam mga dadalhin ko eh,

Pero habang nag aayos, napansin kong umiilaw na naman yung libro ko.

Sht.

Dali dali kong ni lock yung pinto. At binuksan ko yung book.

“Hi Julian!”
Sabi sa libro.

Ayun lang yung nakasulat sa isang page na yun.

“Ano to?” Bigla kong sabi.

Sa gulat ko, biglang may nag appear na naman na message sa libro na tila ba sumasagot sa tanong ko.

“Kinakausap kita Julian” sagot niya.

Medyo kinilabutan ako sa nangyayari.

“Teka, sino ka?” Tanong ko.

“Si Gab” nag appear uli yung sagot sa libro.

Si Gab?

Parang narinig ko na yun.

Gab.

Gab.

Ay oo! Yung nasa mall kahapon!

“OMG! Paano mo ko nahanap? Paanong…. posible ba to?” Tanong ko.

“Wag ka matakot. Oo posible to lalo na kapag mataas na level mo, pumunta ka ngayon sa LRT, UN Station. Makikita mo ko dun, kung gusto mo lang naman tumaas ang level mo” sagot naman sa libro.

OMG medyo, tempting yung offer.

“Sorry, may lakad ako ngayon eh”

“Sandali lang tayo Julian,”

Naalala ko tuloy yung sa Harry Potter, parang ganito yung eksena. Magtatanong ako tapos yung sagot biglang lalabas sa libro.

“Di kita kilala, mamaya kung ano pang gawin mo. Sorry, bye”

Sabi ko sabay sara ng libro.

Shocks, ang weird ng nangyari sakeng yun. Ang dami palang ibang regalo, di lang pala magbasa ng isip ng tao, marami pa pala.

Maya maya, biglang kumatok si Laurence.

“Babe? Matagal ka pa dyan?” Sabi niya.

“Ahhh sorry babe, eto malapit na” sabi ko. Binuksan ko yung pinto at pumasok siya.

Bigla naman niya akong niyakap sa likod.

“Hala babe, di pa ko naliligo” sabi ko.

“Uhm, ang bango mo nga eh” bulong niya sa tenga ko. May ibang kiliti naman yung pa bulong niya sa tenga ko.

“Babe…”

Bigla niya akong pinaharap sakanya.

Naglalakad siya paharap, kaya naman yung lakad ko paurong hanggang sa mapaupo ako sa kama ko.

Sht!

Hiniga niya ako sa kama ko at hinalikan sa leeg.

OMG. Sht,

Ang sarap sa pakiramdam.

Hinalikan niya ako sa tenga ko at mas lalo akong kinilabutan sa sarap.

“Babe…. baka….” di ko matapos yung sinasabi ko, kasi ang higpit ng hawak ko sakanya sa sobrang sarap.

Bigla namang pasok ni Matteo sa kwarto.

“Ju! Tawag ka ng mama…..” di niya natuloy sinasabi niya nung makita niyang nakapatong saken si Laurence.

Napatayo kami pareho nung pumasok si Matteo.

“Sorry, sorry. Tinatawag ka lang ng mama mo,” sabi ni Matteo.

“Ahh, sige bababa na ako” sabi ko.

Lumabas na uli si Matteo tapos ngtawanan na lang kami ni Laurence.

“Haha, ikaw kasi eh!” Sabi ko.

“Haha, sorry nadala lang ako, tapos ka na ba babe?”

“Opo opo”

Binuhat na niya yung gamit ko at sabay na kaming bumaba.

++++++

Habang nasa daan kami ni Laurence papuntang NLEX, napadaan kami sa UN Station sa LRT.

At bigla kong naalala si Gab!

Nakikipagkita siya saken pero di ko siya sinipot.

Sakto, nahinto kami sa tapat mismo ng UN Station dahil sa stoplight at nakita ko nga si Gab dun!

Namumukaan ko lang siya pero alam kong siya yun.

“Babe, bili muna tayo sa McDo, sanay kasi akong kumakain habang nasa byahe eh” sabi niya pa.

Kaya gumilid muna kami at bumili siya sa McDo, di na ako sumama.

Maya maya, napansin kong lumapit si Gab sa sasakyan.

Medyo kinkabahan ako kasi di ko naman alam kung anong ugali meron tong taong to, pero isa lang sure ko, may kapangyarihan din siya.

Binaba ko yung bintana para makausap siya.

“Akala ko ba di ka makikipagkita?” Tanong niya, aba may itsura pala siya kapag malapitan.

“Di naman ako nakipagkita, nagkataon lang” sabi ko.

“Haha well, andito ka na, ano?”

“Teka nga, bakit ang feeling close mo saken?” Sabi ko.

“Haha sorry Julian. Gusto ko lang talaga tulungan yung mga katulad mong mababa ang level para naman mamaximize mo yung kapangyarihan mo”

“Di ko kailangan.” Sabi ko.

“Well, I’ve seen your gift. You have the power to read minds right? To tell you frankly, ayan ang pinaka mababaw na gift, ever. Bakit naman ayan ang hiniling mo?” Sabi niya.

Shocks, mukhang marami siyang alam.

“Ahhh, eto kasi… eto kasi inoffer saken” sabi ko.

Totoo yun, naalala ko nung nasa Pampanga kami, tinanong saken ni TB kung ‘gusto ko bang makabasa ng isip’ kaya ayun sinabi kong gusto ko.

“Sabagay you can use it naman. Alam kong wala sa libro mo yang skills mo kada level right?” Sabi niya.

Sinilip ko si Laurence, mamaya pabalik na siya at makita niya akong may kausap na ibang tao.

“Don’t worry about him, hindi pa siya babalik. I know, hehe” sabi niya.

“Paano?….”

“Basta, I know hehe. So, di mo alam yung skills mo right?” Sabi niya.

“No, hindi ko alam.”

“So, you wanna know?” Sabi niya.

Di ko alam kung mapagkakatiwalaan ba tong taong to pero wala naman mawawala kung malalaman ko diba.

“Sige, ano ano ba yun?”

Ngumiti siya at nilabas niya yung libro niya. Iba yung kulay ng libro niya, kulay blue at medyo makapal. Mukhang marami ng nakasulat.

“wait, wait, di ko ba kailangan hawakan libro mo para makapag usap tayo ng ganito? Baka mawala yung kapangyarihan natin pareho” sabi ko.

“Don’t worry, being me has a privelage haha, but wait. Sabi mo hahawakan mo yung libro ko para makapag usap tayo? Ganun ba yun?”

“Alam mo na, para di mawala kapangyarihan natin. Kasi diba bawl sabihin sa iba na may kapangyarihan ka?”

“Oh? Di ko alam yun ah? Ahhaha you gave me an idea”

So, parang ako lang pala may alam nun. Salamat kay TB at sinabi niya yun saken.

“Teka uli, paano tayo nakakapag usap ng ganito? Anong ginawa mo?” Tanong niya.

“Well, kapag na reach mo na yung certain level, privelage na yun na pwede kang makipag usap ng direkta sa may kapangyarihan without losing their powers.”

“Ohh, wow. Ang galing, anong level naman yun?” Tanong ko.

“Level 20”

“Wow, so level 20 ka na?”

“Nope, 23”

“Wow talaga!!!”

“Ano ba? Gusto mo pa ba malaman to?“tanong niya.

Oo nga pala yung skills ko.

“Sige sige, tuloy mo na” sabi ko.

Naglilipat siya ng page sa libro niya.

“Okay eto nakita ko na….”

“Level 1: Mababasa mo isip ng normal na tao. Level 2: Makikita mo yung nakikita ng ibang tao…..”

Ganun yung ginawa ko kay Maam nung nakaraan kaya nakasagot ako sa recitation.

“Level 3: Makakausap mo yung ibang gamit ang isip mo.”

“Ay ang galing naman nun!” Singit ko.

“Yeap, and syempre creepy yun para sa normal na tao!” Sabi niya.

“Oo nga haha ano next?”

“Level 4; mababasa mo iniisip ng mga hayop.”

“Gusto ko rin yan!”

“Level 5…. ay gusto ko to…: makakabasa ka ng isip ng taong foreigner at maiintindihan mo sila”

Parehas lang halos nung mga nasa RULES na nasa libro.

“Level 6: lalayo yung visibility ng pagbabasa mo ng isip”

“Level 7: Di mo lang mababasa yung nasa isip ng isang tao, malalaman mo pa yung pangalan niya, edad, at kung ano ano pang info”

“Level 8: Makakapasok ka sa panaginip ng isang tao.

“Level 9: Malalaman mo yung sexuality ng isang tao, kung straight, bi, gay, lesbian o trans.”

“Level 10: Makakapasok ka sa isip ng isang tao at kaya mong kontrolin yung magiging action niya”

Bigla naman siyang huminto habang sinasabi lahat ng yun.

“Nakakabitin naman! Hanggang level 25 ang maximum diba?” Tanong ko.

“Yeah, kaso wala ng nakasulat eh”

“Sayang naman”

“Ohh, ngayon nalaman mo na, natuwa ka ba?” Tanong niya.

Sobra!!! Parang gusto ko tuloy magpalevel up para naman mamaximize ko yung kapangyarihan ko. Wala kasi akong paki eh.

“Gusto ko na tuloy magpalevel up”

“Haha. Edi sige, samahan mo ko. Tulungan mo ko, aware ka naman siguro na kapag nakakatulong ka, nadadagdgan points mo?”

“Oo! At level 23 ka pa.”

“Oh diba, mas malaki makukuha mong points”

Gosh, sobrang nakaka tempt talaga!

“Sige! Gusto ko yan kaso wag muna talaga ngayon, kasi aalis kami ng boyfriend ko, magbabakasyon….”

“Teka, boyfriend? May boyfriend ka?” Sabi niya.

“Oh, bakit nagulat ka, akala ko alam mo na kasi level 23 ka na.”

“Magkaiba tayo ng gift, di ko kayang magbasa ng isip ng iba” sabi niya.

“Ahhh, ayun nga. Aalis kami, pwede pagbalik ko na lang?” Sabi ko.

Natahimik lang siya at mukhang namroblema.

“Okay ka lang?” Tanong ko.

“Ahh, oo sorry. Hhe, sige pagbalik mo” sabi niya pa.

“Hehe, salamat!!” Sabi ko.

“Imemessage kita uli ah?”

“Okay okay hehe. Bakit ang tagal naman nun bumili?” Sabi ko.

Parang isang oras na ata kami magkausap ni Gab, pero di pa rin siya bumabalik.

“Sige Julian, ingat kayo ha?” Sabi niya.

“Sure sure, thank you din pala!” Sabi ko.

“Hehe sige…”

“Teka, may tanong pa pala ako!” Sabi ko.

“Oh, ano?”

“Sa tingin mo, bakit tayo binigyan ng kapangyarihan?”

Ngumiti siya saken.

“Nung una rin di ko alam eh, akala ko laro laro lang. Bigay lang saken kasi naging mabait ako. Pero trust me Julian, may matututunan ka diyan sa regalo mo. Di mo lang alam ngayon pero sure akong meron yan” paliwanag niya.

Masyado siyang seryoso, di ko naman alam purpose nung saken kaya di ko na muna pinroblema.

“Teka isa pa!” Sabi ko.

“Haha, sige ano?”

“Kung di mo kaya magbasa ng isip ng tao, ano kapangyarihan mo?”

“Hehe, malalaman mo yan mamaya. Hehe. Sige na Julian, alis na ako” sabi niya. Sabay alis na.

Ang dami kong nalaman dahil sakanya kaya natuwa naman ako.

Sakto pag alis niya, nakita ko ng lumabas si Laurence sa McDo at pabalik dito.

“Oh, babe fries oh. BFF Fries, pero syempre dahil saken, Boy Friend Forever.”

Jusko, eto na naman yung mga banat niya saken na nakakapagpangiti saken.

“BFF Fries lang pala binili mo babe, bakit ang tagal mo” sabi ko.

“Namiss mo naman ako kaagad, parang 5mins lang ako nawala” sabi niya.

“5mins ka diyan parang….” sasabihin ko sana ’ parang isang oras’ pero di ko tinuloy. Napaisip ako bigla,

Ang tagal nameng magkausap ni Gab, sigurado akong hindi lang 5mins yun.,

Napansin ko naman si Gab sa di kalayuan, nakatingin saken at ngumiti.

Sumenyas siyang ilabas ko yung libro ko na siya namang ginawa ko.

Dun, may message na naman siya saken.

“If you have the power to read minds, I have the power to control time hehe. Ingat ka Julian!”

Ang ganda ng sakanya!!!

“Uhm babe, okay ka lang?” Tanong ni Laurence.

“Ahhh, yes babe” tinago ko na uli yung libro ko, tapos di ko na nakita si Gab sa pwesto niya.

“Nice! Off to Zambales na ituu!!” Sabi ni Laurence at humarurot na ng takbo yung sasakyan.

+++++++++++ ++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!

Part 18

Ang lakas ng day dreaming ko. Naiisip ko kung naging level 25 na ako, ano kaya mangyayari?

Ang sarap siguro mamaximize yung ganung kapangyarihan.

Malalaman ko ng isipin lahat ng tao, malaaman ko nararamdaman nila, at malalaman ko lahat ng gusto kong malaman about sakanila.

Gusto ko rin kasi malaman tong iniisip ni Laurence.

Tinignan ko siya habang nagmamaneho, nakangiti lang siya habang nagmumuni muni.

Ang gwapo naman kasi talaga ni Laurence.

Ang tangos ng ilong oh, tapos yung smile niya na lumalabas yung ganda ng ngipin niya.

Yung mata niya na mapungay.

At lalo na yung matabang pisngi niya. Ang taba pero ang ganda ng katawan niya, kasi nag gygym siya.

Ang laki ng braso.

Grabe, mas naaappreciate ko ngayon boyfriend ko. Feeling ko ang swerte swerte ko sakanya.

“Why are you looking at me like that my babe?” Bigla niyang sabi.

Shocks, nakakahiya, di ko namalayan nakatingin na pala ako sakanya.

“Ah, wala….”

“Nako naman, umamin ka na babe, tinitignan mo ko, kasi nagagwapuhan ka sa boyfriend mo, dali na sabihin mo.”

“Wag ka makulit diyan, mag drive ka lang diyan”

“Haha, nakooo, nakakagigil ka babe hehe”

“Mag drive sabi!”

Nakatingin kasi siya saken. Pero deep inside kinikilig ako.

“Ang tahimik mo nga diyan babe eh, ano ba iniisip mo?” Tanong niya saken.

Kung pwede ko lang sabihin sakanya about sa kapangyarihan ko, sinabi ko na.

“Wala babe, iniisip ko lang tong bakasyon natin together. Hehe”

“Wag ka mag alala loves, pasisiyahin kita ngayong bakasyon. Pangako yan”

Di naman kasi talaga matatago yung ka sweetan ni Laurence. Ibang iba talaga.

++++

Nakarating na kami ng Zambales.

Alas kwatro pa lang ng hapon kaya maliwanag pa lahat.

Puro buhangin nakikita ko, pero ng stand out talaga ay yung napakagandang bahay na nag iisang nakatayo.

“Woah. Woah, sainyo yan?” Tanong ko kay Laurence.

“Hehe, yes babe”

“Wow babe! Sobrang ganda!”

Grabe talaga sa ganda. Ang OA.

Or dahil kasi ayun lang yung bahay dun tapos puro buhangin nasa paligid.

Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng bahay at lumabas kaming dalawa.

Wow talaga. May pool pa sa tapat ng bahay nila.

“Sinong tao diyan?” Tanong ko.

“Tayong dalawa lang!” Sabi niya.

Inakbayan niya na ako at pumasok kami sa loob.

Ang ganda rin ng loob nila! Wala masyadong gamit kaya nakikita mo yung ganda ng bahay.

“Grabe, ang ganda talaga” paulit ulit sinasabi ko kasi ang ganda talaga.

“Hehe, dito lang tayo for as long as you want”

“Hehe, thank you babe!” Sabi ko sabay yakap sakanya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit na mahigpit at hinalikan sa noo.

“Gusto mo bang kumain muna?” Sabi niya.

“Hindi pa naman ako antok, gala muna tayo please. Habang maaga pa!” Sabi ko sakanya.

“Haha, excited ang babe ko, sige babe!”

Nagulat naman ako ng bigla siyang naghubad ng damit niya sa harapan ko.

Fvck, Laurence. Sht!

Naninibago pa rin ako sa katawan niya. Ang ganda kasi talaga, plus pa yung buhok sa kili kili. Argh, nakaka….

Napalunok ako habang pinagmamasdan siya.

Kumuha siya ng sando sa bag niya at sinuot niya.

Ang hot ni Laurence.

Ang hot ng boyfriend ko.

“Tara babe, di ka ba magpapalit?” Tanong niya.

“Ahhh, mag shoshorts lang ako” sabi ko.

Kinuha ko yung bag ko at pumunta sa CR. Obvious kasi na CR yun kaya dun ako dumiretso.

Humarap ako sa salamin at kinausap ko sarili ko.

“Please. Mag timpi ka Julian. Alam ko mapusok ka pero ilang taon mo inalagaan virginity mo. Wag kang magpadala. Naghubad lang siya ng damit, di ka niya gagalawin. Okay?”

Sumagot din ako sa sarili ko.

“Sige na Julian. Boyfriend mo naman siya. Ibigay mo na sakanya yan!”

Para naman akong tanga na sumasagot sa sarili ko.

“No!”

Sumagot uli ako.

“Masarap yun. Promise”

Kakakausap ko sa sarili ko, bigla naman kumatok si Laurence.

“Babe, anong ginagawa mo? Matagal ka pa?”

“Ahhh, hindi babe nagbibihis lang ako.”

Nagpalit ako kaagad ng short at lumabas.

“Bakit di ka pa nagbihis sa harap ko?” Tanong niya.

“Eh nahihiya ako babe eh, hehe di pa ako sanay”

“Hehe, sige sige, masasanay ka rin. Tara na?”

“Tara po”

Hinawakan niya uli yung kamay ko at lumabas na kami.

++

Sobrang ganda at sobrang lapit lang ng beach. At sobrang romantic ng dating.

Ewan ko, iba yung nararamdaman kong kilig dito ngayong kasama ko si Laurence.

“Amin yung dalawang bahay dun, pati yung pool pero syempre tong beach, para sa lahat hehe”

May mga tao kasing nagsswimming at mukhang may resort sa di kalayuan.

“Bihira lang ako umuwi dito, kasi ano naman gagawin ko kung ako lang mag isa diba? Mukha naman akong tanga” kwento niya.

“Siguro kung nandito sila mama at papa, matutuwa sila. Di pa kasi kami nakakapag bakasyon ng ganito eh”

“Ohh, bakit hindi mo sinama?”

“Hala, nakakahiya haha date natin to diba?” Sabi ko.

“Hehe, hayaan mo sa susunod, isasama natin sila” sabi niya pa.

Ngumiti ako at patuloy na naglalakad sa gilid ng beach.

Huminto kami at naupo para panuorin yung sunset. Di pa rin niya tinatanggal pagkakahawak sa kamay ko.

“Babe alam mo ang swerte mo, may ganitong lugar kayo na pwede niyong bisitahin para bakasyunan” sabi ko.

Bigla siyang natawa tapos umiling.

“Minsan nga, mas okay na lang na wala to basta kasama ko sila mama at papa” sabi niya.

Ramdam ko naman yung lungkot sa pagkakasabi niya nun. Naalala ko tuloy si Matteo, parehas silang dalawa na may problema sa magulang.

“Naiinggit nga ako sayo babe. Close na close ka sa parents mo, ang saya siguro ng buhay mo no?” Sabi niya pa.

“Hala, wag ka mag isip ng ganyan.”

“Kasi, alam mo, minsan umiiyak ako sa gai tuwing naiisip ko sila mama. May mga problema kasi ako na wala akong masabihan, kaso wala sila”

Sht, naaawa ako kay Laurence. Di ko alam na may ganito pala siyang problema.

“Buti nga nandiyan ka na eh. Kausap kita palagi, pati gabi. Tapos nakakalimutan ko yung issue ko kina mama dahil sayo” sabi niya pa.

“Bakit kasi di mo na lang sila pauwiin?” Tanong ko.

“Hehe, umuuwi naman sila kaso madalang talaga. Di ko pa sila nakakausap araw araw.”

Tumingin siya saken tapos ngumiti.

Ang aliwalas ng itsura ni Laurence. Nakakatuwa talaga.

“Wala ka bang kaibigan?”

“Wala naman akong tunay na kaibigan. Kung tutuusin, si Matteo lang pinakamalapit kong kaibigan, tsaka si Kennard. Di mo pa namemeet si Kennard, mabait yun. Siya lang din nakakaintindi saken” sabi niya.

Nabanggit na niya dati yung Kennard pero di ko pa rin siya namemeet.

“Ang hirap kaya ng walang kaibigan, buti nga si Matteo nandiyan eh” bigla kong sabi.

“Oo, si Matteo. Hehe. Alam mo babe, nagseselos talaga ako kay Matteo” tinanggal niya yung pagkakahawak sa kamay ko tapos ginawa niyang sandalan yung kamay niya sa likod.

Ang hot ni Laurence sa ganung posisyon.

“Bakit naman?” Tanong ko.

“Kasi ang sweet niyo. Yung di kayo aware na sweet kayong dalawa, parang ganun. Napaka effortless para sainyo na mag mukhang sweet” sabi niya.

“Ano ba yang sinasabi mo, ganun ka kaya saken”

“Hindi babe, alam ko mas malamang si Matteo saken at tanggap ko naman yun, bestfriend mo siya eh. Siguro kung bi din yun si Matteo, di ko hahayaang magkasama kayong dalawa haha”

“Hehe, wag ka mag alala. Straight yun hehe”

“Hehe alam ko. Kaya nga di ako natatakot eh, pero minsan nagseselos lang ako….”

“Wag. Wag babe….” hinawakan ko yung dalawa niyang pisngi. “Napapasaya mo rin ako, sobra sobra pa. Kaya wag mo isipin yan”

“Alam ko, siguro kaya ako nagkakaganito dahil kay Lucas”

“Lucas? Yung ex mo babe?”

“Hehe opo.”

“Bakit naman?”

“Eh kasi bestfriend ko rin siya bago naging kami. Kaya natatakot ako na baka maging ganun din kayo”

Bestfriend niya. Nakatuluyan niya.

Umayos siya ng upo tapos nagkaharapan kaming dalawa. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at nakipagtitigan siya saken.

“Promise mo saken Julian. Promise mo na gagawin natin ang lahat para magtagal tayong dalawa”

Nakakatuwa naman tong ganito, nag papangakuan kaming dalawa.

“Pangako, gagawin natin ang lahat para mag tagal tayo!” Sabi ko naman.

“Good hehe. Payakap nga sa babe ko”

Bigla ko siyang sinunggaban ng yakap at napahiga naman siya.

Parang ang ganda ng set up namen. Nakapatong ako sakanya habang palubog yung araw, magkatinginan kami sa mata.

“I love you so much babe” sabi niya saken.

“I love you too babe” sagot ko.

Mas lalo kong nakilala si Laurence, at mas lalo ko rin siyang minahal dahil dito.

+++

Matutulog na kaming dalawa, at eto na.

Eto na yung hinihintay ko. Or kinatatakutan ko.

Kaming dalawa lang dito at siguradong walang makakarinig samen kaya pwede niyang gawin lahat saken dito ng walang kalaban laban.

Nakahiga na ako sa kama at hinihintay siyang lumabas ng banyo.

“Easy Julian, kapag gusto niya, ibigay mo na. Sige na, alam mo naman mahal mo siya at mahal ka niya, go!” Sabi ko sa isip ko.

Maya maya, lumabas na siya sa banyo ng nakasando at boxer shorts.

OMG.

Ang laki ng bakat ng ano niya.

Nkakatakot, makakayanan ko ba yan?

Tumabi siya saken at yumakap kaagad saken.

“Grabe, nakakapagod tong araw na to babe. Gusto ko na matulog” bulong niya sa tenga ko.

Ramdam ko yung pagod niya sa pag bulong niya saken.

Akala ko pa naman may mangyayari na samen.

“Gusto mo na ba matulog?” Tanong ko.

“Opo, pero kung may gusto ka pang gawin okay lang” bulong niya pa rin.

Pagod na pagod talaga siya, nakapikit na siya habang kausap ako.

“Ano kaya yun haha tulog ka na babe” sabi ko.

Pero hinahalikan niya ako sa leeg ko.

Iba talaga yung sensation kapag hinahalikan ako sa leeg.

“Uhm.. ang bango mo babe” bulong niya saken.

“Ikaw din…. uhm po”

“Hehe, gusto mo ba?” Tanong niya.

“Ng ano po?”

“Ng ginagawa ko sayo”

Oo gustong gusto ko, grabe ang sarap sa pakiramdam.

“Matulog ka na babe! Mamaya kung saan pa mapunta to” sabi ko sakanya.

Tumawa lang siya tapos nagyakapan pa kaming dalawa.

OMG, ang laki talaga ng ano niya, ramdam na ramdam ko nakakainis.

“Goodnight babe” sabi niya.

Di ako mapakali sa ano niya, ramdam ko talaga.

“Goodnight din babe” sabi ko naman.

Sa sobrang antok niya nakatulog na siya kaagad.

Pero pinagmamasdan ko pa rin siya, total package na si Laurence.

Gwapo, mabait, sweet, mapagmahal. Unfair sakanya kung naiisip ko pa si Matteo kaya talaga simula ngayon, wala na akong ibang iisipin kundi si Laurence.

+++

Di siguro ako sanay sa lamig kaya naalimpungatan ako.

Di na kami magkayakap ni Laurence. Ang sarap sarap ng tulog niya, nakabuka pa bunganga niya.

Kinuha ko phone niya sa gilid at pinicturan siya. Grabe ang cute cute.

Pagkatingin ko ng oras, 6AM na pala.

Ang bilis ng oras, pero parang gusto ko makita yung sunrise. Di pa naman maliwanag eh, kaya lumabas ako dala yung phone ni Laurence para makapag selfie.

Pero bago ako lumabas, nakita kong umiilaw yung libro ko pero ibang kulay, kulay blue yung ilaw niya!

Ang weird, first time ko lang to makita.

Dinala ko na lang yung libro ko sa paglabas ko ng bahay.

Dumiretso ako sa beach at nag selfie ng nagselfie. Nakakatuwa kasi kapag iPhone camera, feeling ko ang pogi pogi ko.

Sa di kalayuan, may nakita akong babae na nakaupo at mukhang nag ddrawing siya.

Ewan ko pero nilapitan ko siya kasi nacucurious ako sa ginagawa niya.

“Hi” sabi ko.

“Oh hi.” Sagot niya.

“So, nag ddrawing ka ng…. dagat?” Sabi ko.

“Hehe, yeah. Ang ganda kasi oh, tapos yung sunrise pa. Wow!”

“Hehe, totoo, pwedeng patingin?” Sabi ko.

“Sure sure.”

Pagkatingin ko, halos kopya niya nga yung dagat pati yung pagsikat ng araw, ang galing kasi may color din.

“Ang galing mo!” Bigla kong sabi.

“Hehe, thank you”

“Julian pala” pakilala ko.

“Sarah” sabi niya.

Isang tanong isang sagot siya, kaya feeling ko naman busy siya.

“Nice meeting you Sarah” sabi ko sabay alis.

“Oh, Julian wait!” Sabi niya.

Nahinto ako at lumapit uli sakanya.

“Ano yang nasa likuran mo? Bakit parang may umiilaw?” Tanong niya.

OMG, yung libro ko! Umiilaw pala siya!!

“Ahh, eh wala to” sabi ko.

“Uhm, no no, I insist, pwede patingin?” Tanong niya.

“No no, laruan lang to” sabi ko.

Shocks. Paano niya kaya nakikita yung libro ko eh…..

Oh sht!

Oh sht!

Hindi kaya….

Sinubukan kong basahin nasa isip niya.

OMG!

Di ko mabasa!!!

“Bakit ganyan ka makatitig?” Tanong niya saken

OMG. Di kaya may powers din siya?

“Ahhh wala wala” sabi ko.

“No, ano yun?”

“Wala nga…” paalis na sana ako pero piniglan niya ako.

“Please, diyan ka lang. Wait lang, upo ka muna. Please” sabi niya.

Ewan ko pero sumunod naman ako sakanya.

Tinignan niya ako at mukhang dinodrawing niya ako.

Pinagmamasdan ko siya pero di ko talaga mabasa nasa isip niya.

Bigla siyang huminto at nabitawan niya yung lapis niya.

“Oh My Goodness!” Bigla niyang sabi.

Sht, siguro alam niya na rin tungkol saken.

Gusto ko malaman!

Wala naman siguro mawawala kung ipapahawak ko sakanya yung libro ko diba.

Nilabas ko yung book ko at bigla nalang nawala yung ilaw.

“Pwede mo bang hawakan to?” Sabi ko.

Tinignan niya lang ako at hinawakan niya yung libro ko.

And then suddenly. Nabasa ko na iniisip niya.

“Shit!!! Totoo ngang may ibang katulad ko! May iba nga!!” Sabi niya sa isip niya.

Pagkabasang pagkabasa ko sa isip niya, bigla ko namang sinampal sarili ko.

As in, sinampal ko sarili ko!

“Anong nangyari?!!” Sabi ko.

“OMG, bakit kanina hindi gumana….” sabi niya.

“Anong gift mo?” Tanong ko sakanya.

“No!!! You’re not allowed to ask right?!!” Sigaw niya saken.

“No no no. Nung nahawakan mo yung book ko, okay na yun. I can ask questions like that already” sabi ko.

“Shut up!”

“Haha, okay na nga. Trust me, I’m not gonna risk my gift just to know yours” sabi niya.

Natahimik pa rin siya at mukhang ayaw sabihin.

“Okay just do this, hmmm. Sing your favorite song, kaso…. kaso, sa isip mo lang” sabi ko sakanya.

Nakatingin pa rin siya saken na parang di siya makapaniwala, pero sinubukan kong basahin nasa isip niya.

“Holy sht, ano to. Totoo kayang may gift siya?” Sabi niya sa isip niya.

“Holy sht, ano to. Totoo kayang may gift siya?” Inulit ko sinabi niya.

“OMG paano!” Sabi uli niya sa isip niya.

“OMG paano!” Ulit ko uli.

“Ho… how are you doing that?” Sabi niya saken.

“That’s my gift.” Sabi ko.

“Seriously? Kaya mong basahin iniisip ko? OMG. So cool!”

“Hehe, di naman”

“What. How, totoo palang may ibang may gift. Gosh!”

“Why? Akala mo ikaw lang?”

“Oo, kasi ang tagal ko ng sinusubukan makahanap pero gumagana lahat ng powers ko sa mga tao, so that means, wala silang gift!” Sabi niya.

“Teka, ano bang gift mo?” Tanong ko.

Tumawa lang siya at pinakita niya saken yung drawing.

Yung naka drawing eh, picture ng isang lalaki na sinampal ang sarili niya.

“Holy sht, ayan ang gift mo?! Nagkakatotoo lahat ng dinadrawing mo?!!”

Sobrang ganda ng regalo niya! As in!

“Oo. Nung dinrawing ko to kanina, hindi umepekto. First time yun, kaya nagtaka ako. Tapos nakita ko pang may nag gglow sa likuran mo. Ganun kasi yung libro ko minsan, nag gglow kapag may announcement” paliwanag niya.

“Wow, ang cool talaga!”

“No, mas cool sayo. Kaya mong basahin isip ko!

“Well, pwede kang magdrawing ng kahit ano tapos biglang mangyayari. Mas maganda sayo!” Sabi ko.

“Hindi pa, kailangan pa kitang mahawakan para gumana yung gift ko.”

“Eh baka kasi low level ka pa, anong level mo na ba?”

“Level 1” sabi niya.

“Ako nga level 2 pa lang haha. Okay lang yan!”

“Di ko kasi magamit to eh. Sobrang hirap kasi hehe, pero marami kang kakilalang may gift?” Tanong niya.

“Meron naman”

“Ang cool naman,”

“Hehe,taga saan ka?” Tanong ko.

“Manila, nag babakasyon lang ako kasama friends ko.”

Ang ganda ni Sarah, mestisahin at mukhang mabait.

“Wow, taga Manila rin ako. Sana magkita tayo dun minsan”

“OMG sure, sure. Now na may nakilala na akong katulad ko, dapat lang na magsama tayo!” Sabi niya.

Bago ako makasagot, napansin kong may tumatawag kay Laurence sa phone niya.

Ako.

Gamit siguro niya yung phone ko.

“Excuse lang ah? Sagutin ko lang” sabi ko.

“Sure”

Lumayo ako ng kaunti.

“Babe, nasaan ka?” Sabi niya.

“Nasa beach babe, nagseselfie kasi ako eh hehe”

“Ganun ba? Uwi ka muna please, di kita nakiss eh” sabi niya.

“Hehe, sige babe, sorry”

Binaba ko na yung tawag.

“Uhm, Sarah, babalik na ako sa tinutuluyan ko, uhm kunin ko number mo?” Tanong ko.

“Yes! Yes, please text me!”

“Sure sure”

Nagbigayan kaming dalawa ng number at bumalik na ako sa bahay.

++

“Bakit umalis ka naman kaagad” bigla akong niyakap ni Laurence pagpasok ko ng kwarto. Nakahubad na siya at naka boxer na lang.

“Sorry babe, ang sarap kasi ng tulog mo eh, di na kita ginising”

“Huhu, gusto ko pa naman yung magigising ako tapos katabi kita”

“Hehe sorry talaga babe”

“Higa muna tayo babe, gusto pa kita makatabi eh” sabi niya.

Ang clingy ni Laurence, nakakatuwa. Sumunod naman ako at humiga kaming dalawa.

Nakapatong ako sakanya habang pinagmamasdan ko siya.

Grabe, ang gwapo talaga.

“Inaantok ako babe, ang aga ko kasi nagising eh” sabi ko.

“Tulog ka lang sige, kaya naman kita eh”

“Hehe higa na lang ako babe”

“Eh, diyan ka na sa ibabaw ko.” Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

“Hehe oo na nga po, di ka ba nilalamig babe? Lakas ng aircon oh tapos nakahubad ka”

“Nako, nag iinit na nga ako eh. Hehe if you know what I mean haha”

Nako, eto na naman siya.

“Ewan ko sayo, matutulog na muna ako babe” sabi ko.

“Sige babe, ako rin po.”

Niyakap niya ako ng mahigpit at sa sobrang sarap at init ng yakap niya, nakatulog ako sa ganung pwesto.

Naalimpungatan ako ng marinig kong nagsasalita si Laurence, nakahiga na ako sa gilid niya pero nakayakap pa rin siya saken.

“Nasa kwarto kami sa taas” sabi niya.

“Uhmm…. babe, sino yan?” Tanong ko sakanya.

Pero nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto!

At nakita ko si Maddie na pumasok.

Shocks, nakakahiya, nakahubad si Matteo tapos ganito pa nadatnan niya.

“Hi Insan!” Sabi ni Maddie.

Napaupo tuloy ako sa kama dahil sa hiya.

Palapit si Maddie samen tapos may pumasok pa sa kwarto.

Sht.

Si Mama at Papa!!

Nakahubad si Laurence sa tabi ko tapos nakaupo ako.

Pero bumangon ako kaagad at niyakap silang dalawa.

“Hala ma, pa, bakit kayo nandito?!” Sabi ko.

“Aba, bakasyon to eh aayaw pa ba kami?” Sabi nila

Tumingin ako kay Laurence.

“Nasurprise ka ba babe? Sabi mo kasi kahapon gusto mo sila kasama kaya ayan na sila hehe.”

Napangiti ako, grabe sobrang sweet ni Laurence.

Tumakbo ako papunta sakanya at hinalikan ko siya sa pisngi at sa noo at sa ilong.

“Thank you, thank you, thank you babe. Thank you!” Sabi ko.

“Ay ang sarap naman. Hehe” hinawakan niya yung pisngi ko at buhok. “Para sayo babe,” sabi niya pa.

Nagmomoment kami ni Laurence eh, magkatitigan kami tapos biglang umepal na naman si papa.

“Ehem, ehem!!” Sabi niya.

Natauhan kaming dalawa at bumangon na ako uli.

“Mamaya na ako babangon, naka underwear lang ako eh hehe sige na baba na kayo” sabi ni Laurence.

Hinalikan ko uli siya ng marami bago kami bumabang lahat.

Pagbaba namen, may narinig naman akong nagluluto sa kusina.

“Sino pa yung kasama niyo?” Tanong ko.

“Eh sino pa ba sa tingin mo?” Sabi ni papa.

Naisip ko si Matteo pero alam ko di siya sasama, kaso bigla kong narinig yung boses niya.

“Ju! Magbihis ka na magswimming tayo please!”

Si Matteo nga.

++++++++++

VOTE AND COMMENTS ULI!!!!! HIHI

Part 19

Nakakatuwa at marami kami ngayon dito.

Nandito si mama at papa.

Si Maddie at Matteo.

At syempre kaming dalawa ni Laurence.

Nag insist na si mama na siya na magluluto, samantalang si papa naman busy sa labas at nag sswimming sa pool.

Lumapit ako kay papa.

“Ano ba yan pa, busy ka na kaagad sa paglangoy!” Sabi ko sakanya.

“Aba, anak, minsan lang tayo makapag bakasyon ng ganito ano, susulitin ko na” sabi pa ni papa.

Nakakatawa talaga magsalita si papa, parang tropa tropa lang kami.

“Kailan pala kayo tinawagan ni Laurence pa?” Tanong ko.

“Kahapon lang, nung nandun pa lang siya sa bahay tinanong na niya kami kung gusto niya kami kasama pero umayaw kami. Nakakahiya kasi date niyong dalawa, eh pinilit niya kaming sumama ngayon, kaya pumayag na kami”

“Eh sinong tao sa bahay?”

“Edi wala! Haha. Nako anak, mag enjoy ka na nga lang. 2 days lang kami ng mama mo dito, may pasok pa kami kaya di kami pwede magtagal”

“Ay oo nga pala. Nako, pa sige mag enjoy ka lang diyan,“sabi ko.

Pagpasok ko sa loob, lumapit saken si Laurence.

“Babe, wag mo ng pagasikasuhin mama mo, tinawagan ko na yung mga caretaker ng bahay, sabi ko pumunta na sila rito para asikasuhin tayo” sabi niya.

Alam ko kasi na ayaw niyang may ibang tao rito.

“Bakit mo pa tinawagan? Akala mo gusto mo tayo tayo lang?”

“Eh ayoko naman gawing tagaluto mama mo dito, nagbabakasyon sila dapat wala silang gagawin kundi magsaya”

Shet. Ang lakas maka pogi points ni Laurence, nakakainis, sobrang sweet lalo na kina mama at papa.

“Halika nga babe!” Niyakap ko siya ng mahigpit at binuhat naman niya ako.

“Thank you babe” bulong ko sakanya.

“Para sayo babe, hehe.” Bulong niya rin.

Binaba niya na ako at sinabihan si mama na samahan si papa na mag swimming sa labas.

+++++

“Ano naiisip mo ngayon babe?” Tanong saken ni Laurence.

Umakyat kasi ako sa kwarto para magbihis, pero nung napahiga ako, nasarapan na ako.

“Wala babe, ang aga ko lang siguro nagising” sabi ko.

Umupo siya sa kama at pinaglalaruan yung tyan ko.

“Masaya lang talaga ako na nandito rin sila mama. Hehe” sabi ko.

“Basta masaya ka babe, ayun lang mahalaga saken” sabi niya.

Nakakatuwa talaga si Laurence. Sobrang naiinlove ako sakanya kapag ganito siya.

Pinasok niya yung dalawang kamay niya sa loob ng damit ko at pumatong siya saken para yakapin ako.

“Uhmmmm. Dito muna tayo babe,” bulong niya saken.

“Baba na tayo babe….”

“Eeehhhhh, dito na muna.” Niyakap niya pa ako ng mahigpit.

Nagharutan muna kaming dalawa bago kami bumaba.

+++++

Pag dating ng hapon.

Naglakad lakad uli ako sa beach, wala kasi si Laurence, nag grocery. Pang amin lang daw kasi yung pagkain dun sa bahay niya.

Sakto naman, nakita ko si Sarah! Yung katulad kong may kapangyarihan.

Naglalakad lakad din siya at magkakasalubong kami.

Nangiti siya nung nakita niya ako.

“Uy, Julian!” Tawag niya saken.

“Uyyy”

“Anong balita?”

“Hehe, kanina lang tayo magkasama eh hehe” sabi ko.

“Ay oo nga hehe, uy, nadagdagan pala point ko kanina hehe” kwento niya.

“Oh talaga??? Paano?”

Naupo kami sa may buhanginan habang nababasa ng alon ng dagat.

“Hehe, well kanina kasi may malikot na bata na lumulusong sa dagat, eh mukhang di marunong lumangoy. Nagagalit na mama niya kasi ang kulit kulit, kaya ang ginawa ko, dinrawing ko siya para bumalik sa mama niya haha”

Ang cute magsalita neto ni Sarah. Ang ang ganda pa, simpleng simple pero ang sexy.

“Tapos ayun, biglang sabi nadagdagan daw ako ng point haha”

“Well, ang tagal tagal na simula ng nadagdagan point ko hehe”

“next time, sabay tayo magpa level para masaya hehe”

Natahimik kaming pareho. Buti na lang di na mainit sa balat nung araw.

“Saan ka pala nag aaral?” Tanong niya.

“Sa CEU, Mendiola. Ikaw?” Sabi ko.

“Gosh, seryoso? Sa TIP lang ako”

“Wow, kapit bahay lang pala!”

“Haha, I know. Dentistry?”

“Nope, Business hehe. Engineering?”

“Yeap yeap” sagot niya.

“Nakakatuwa, small world talaga” sabi ko.

“Kaya nga, sana pagbalik natin ng Manila, mag keep in touch tayo okay?”

“Yes, sure hehe.”

Natahimik uli kami saglit.

“Parang ang hirap ng gift mo no? I mean, mag ddrawing ka pa”

“No no, hobby ko talaga pag ddrawing. One time, nasa Luneta lang ako, nag ddrawing. Tapos may lumapit sakeng matanda, nanghihingi ng pangkain, binigyan ko naman. Tapos naupo siya sa tabi ko ng di nagsasalita, naisip kong idrawing siya. Tapos binigay ko sakanya, natuwa siya tapos ayun, binigyan niya ako ng gift” kwento niya.

“Wow…”

“Yeap, ehhh ikaw? Paano mo nakuha yung gift mo?” Tanong niya.

Kinwento ko yung sa Pampanga, kung paano ko tinulungan din yung matanda.

“Wow, matanda rin pala sayo, sa tingin mo iisa lang nagbigay saten?”

“Hmmm, di ko alam eh. Siguro hindi” sabi ko.

Pero bago siya makasagot, tinawag ako ni Matteo.

“Ju!” Sigaw niya.

Napalingon kami pareho ni Sarah.

“Aba, aba, nanchichix ka dito ah!” Sabi ni Matteo, tumabi saken si Matteo at napatingin kay Sarah.

“Hi miss,” sabi ni Matteo.

“Uh, hi” sagot ni Sarah.

“Di mo man lang ba ako papakilala Ju?” Sabi ni Matteo.

“Ano ba, may girlfriend ka dun oh!” Inis kong sabi.

“Uhm, sige Julian, alis na ako hehe. Text text na lang ah, aalis na rin kasi kami bukas eh” sabi ni Sarah.

Tumayo na siya at mas lalong napanganga si Matteo, ang sexy kasi ni Sarah.

“Sige sige, kita kits na lang pagbalik” sabi ko.

Naglakad na palayo si Sarah, pero yung tingin ni Matteo sa pwet niya, di maalis.

“Umayos ka nga!” Sabi ko kay Matteo.

“Bakit ka nagagalit? Haha.”

“May girlfriend ka sa loob, pero kung umasta ka ang landi landi!”

“Ay grabe naman, binibiro lang kita eh”

“Pwes di nakakatuwa, sumbong kita kay Maddie eh”

“Wag, joke lang. Nako, away na naman yun sigurado” sabi niya.

Di ako sumagot.

“Parang di kasi ako masaya Ju. Alam mo ba yung feeling?” Bigla niyang sabi.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ang seryoso niyang nakatingin sa dagat.

“Wala kasing….. basta. Di ko magets, crush ko siya Ju, oo, pero parang hanggang crush lang ako” sabi niya.

“Hala Matty, bakit ganyan ka. Bakit mo pa pinagpapatuloy?”

“Okay naman kami Ju. I mean….. di ko maexplain. Okay kami, pero di ko ganun kasaya” sabi niya.

Ang gulo ni Matteo, di ko makuha gusto niyang iparating.

“Di kasi ako makapag open up sakanya. Ako palagi yung nakikinig, tapos di siya mabiro, ang bilis mapikon. Tapos minsan gusto ko lang mag usap pero gusto niya ng anuhan. Basta..,”

“Bakit di mo kasi kausapin?”

“Ayoko, siguro masasanay din ako.”

Napayuko siya at medyo ramdam ko yung kalungkutan niya.

“Mas masaya ka pa nga kasama eh” bigla niyang sabi.

Eto na naman siya.

“Sa totoo lang, mas masaya pa ako kapag kasama kita eh. Di ko lang mabalik yung dati nating asaran kasi may boyfriend ka na”

Bigla siyang napatingin saken at dun ko mas nakita sa mga mata niya yung lungkot.

“Miss na kita Ju.” Sabi niya pa.

“Hala ka, nandito lang naman ako eh”

“Nasanay kasi akong, ako lang yung takbuhan mo hehe.” Bakit ba ganito si Matteo ngayon.

“Dati mas gusto kong makahanap ka ng boyfriend para maging masaya ka, pero sa pagkahanap mo pala ng ibang tao, siya namang nagpalungkot saken. Ikaw lang pala talaga nagpapasaya saken” sabi niya pa.

Sht, ano ba to si Matteo. Bakit naman ganito magsalita.

“Sana pala niligawan….”

di niya tinuloy yung sinasabi niya kasi narinig kong tinawag ako ni Laurence.

“Babe!” Palapit siya samen ngayon.

Huminga ng malalim si Matteo, napansin ko kasing naiiyak na siya eh.

“Bakit kayong dalawa lang magkasama dito?” Tanong ni Laurence. Inakbayan niya ako kaagad at naupo rin.

“Huy hindi ah. May chix siyang kausap dito kanina pre haha baka nagbabalik loob na si Juju” ang bilis mag shift ng mood ni Matteo, ang saya na naman niya ngayon.

“Hala babe, totoo ba yun?” Tanong ni Laurence.

“Ehh babe, kakilala ko kasi yun hehe” sabi ko na lang.

“Ahh ganun ba hehe”

Bigla naman tumayo si Matteo at nag unat.

“Pre, may pagkain ba sa loob? Hehe” tanong ni Matteo.

“Oo, meron akong binili para ihawin.” Sabi ni Laurence.

“Nice! Sige pre, pasok na ako. Ju, pasok na ako” sabi ni Matteo. Umalis na siya ng di lumilingon.

Kahit ganun si Matteo, alam kong malungkot siya.

“Sino naman yung ‘chix’ daw na kausap mo kanina babe?” Tanong ni Laurence saken.

“Si Sarah babe, pakilala ko sayo pagbalik natin ng Manila”

“Ahhh sige babe hehe. May problema ba si Matteo? Parang iba ata tono ng boses niya?”

Kahit pala si Laurence napansin niya.

“Hehe, wala, may problema lang sakanila hehe.”

“Ganun ba? Hmmm. Sige, tara babe, pasok na tayo. Bumili ako ng alak hehe”

“Ehhh, nakakahiyang mag inom. Nandiyan sila mama”

“Nako babe, papa mo pa nagpabili ng alak hehe kaya tara na” sabi niya pa.

Si papa talaga oh.

“Kakatuwa talaga papa mo babe, ano tara na?” Sabi niya.

Tumayo na kami pareho, magkahawak kamay at bumalik na sa loob.

+++++++

Nag set up ng bonfire sila papa sa may beach.

9PM na at medyo may tama na kaming lahat.

Partner partner kami syempre, Ako at Laurence. Maddie at Matteo, at si mama at papa.

“Sa inuman po kami nagkakilalang dalawa ni Julian hehe” sabi ni Laurence. Tinanong kasi kami nila Mama at Papa.

“Nako, inuman. Mamaya kung ano nangyari dun!” Sabi ni papa.

“Ayy wala po, hehe.” Sabi ni Laurence.

“Ay kami rin po, sa inuman din kami nagkakilala ni Matteo, same inuman din po kung saan nagkakilala si Laurence at Julian hihi” singit naman ni Maddie.

“Ano bang meron sa inuman? Juskopo, kami nga ng mama mo eh sa simbahan nagkakilala!” Singit pa ni papa.

“Haha, ehhhh okay na rin po yan haha” sabi ni Maddie.

Ang sarap ng timplang alak ni Laurence kaya okay lang kung inom kami ng inom.

“Laro tayo, meron ako ritong cards kung saan may naglalaman ng random questions, syempre sasagot lang tayo. At dapat yung totoo! Honest answer dapat ah?!” Sabi ni Laurence.

Sumangayon naman kaming lahat.

Nilapag niya yung card at bumunot siya ng isa.

Nakatingin kaming lahat sakanya.

“Favorite Movie” sabi ni Laurence.

“Ohh ohhh, Mean Girls!” Sabi ni Maddie.

Aba bagay sakanya yun.

“Alam ni Juju to haha Harry Potter” sabi naman ni Matteo.,

“Hahaha so gay” sabi ni Laurence.

Ewan ko, bigla kaming nagtinginan ni Matteo at nagtawanan. Naalala ko kasi na sinabihan ko siya nun.

“Titanic!” Sagot ni mama at papa.

Jusko, ilang beses na nilang pinanuod yun kaya alam ko.

“Ikaw naman babe?” Tanong ni Matteo.

“Harry Potter din babe!” Sabi ko.

“Haha, ano ba yan. Sige na nga okay na” sagot ni Laurence.

“Duh, maganda kaya yun babe.” Sabi ko.

“Opo na, basta sabi mo” sabi ni Laurence sabay kurot sa pisngi ko.

Nagtawanan naman sila mama at papa.

Medyo naiilang ako kapag hinaharot ako ni Laurence, kasi nandito sila mama.

Si Maddie naman next na bumunot ng tanong.

“Biggest regret in your life!” Sabi niya.

“Ohhh, nung nag inom ako ng maraming marami, tapos nawalan ako ng pera. Di ko tuloy napanuod yung concert ng The Script!!” Biglang sabi ni Laurence.

Sobrang fan siya ng The Script, alam ko.

“Well, siguro ako, yung hindi ako pumunta nun sa isang event. Sayang yung pera sana haha” sabi ko.

Wala naman daw regret sila mama at papa.

“Well, ako wala naman masyado.” Sabi naman ni Maddie.

Si Matteo na yung sasagot at medyo natahimik siya.

“Well, siguro saken yung di ako nagsabi ng totoo kong nararamdaman sa isang tao”

Lahat kami nakatingin sakanya dun sa sinabi niya at medyo tumahimik.

Bigla naman lumamig yung pakiramdam ko.

“Buti na lang nasabi ko kay Maddie hehe” pahabol pa niya.

Tuwang tuwa naman si Maddie sa sinabi ni Matteo.

“Babe, nilalamig ka ba?” Bulong ni Laurence.

“Uhm medyo po” sabi ko.

Pumwesto naman siya sa likuran ko at niyakap niya ako. Pinasandal niya ako sa katawan niya at sobrang sarap ng nararamdaman ko.

“Ako naman next na bubunot” sabi ni Matteo.

“Name the person you really love, except your family”

Unang sumagot sila mama at papa.

“Di naman dapat sagutin yan!” Sabi ni papa sabay halik kay mama sa pisngi.

Aba, nagfefeeling teenager pa yung dalawa.

Bigla naman sumagot si Laurence.

“Aba syempre, si Julian James Valdez!” Sabi naman ni Laurence. Sabay kiss saken sa pisngi.

Si Maddie naman sumagot.

“Syempre, si Matteo ko!!!” Sabay yakap ng mahigpit kay Matteo at halik.

Busy sila mama at papa sa paglalandian, tapos busy rin si Laurence sa pagyakap saken. Tapos si Maddie, busy rin kay Matteo.

Pero napansin kong napatingin saken si Matteo at ngumiti.

Iba yung awra niya, di ko maexplain.

Iba yung ngiti niya saken.

“Dali baby, sabihin mo saken na ako yung mahal mo” sabi naman ni Maddie.

Di naman inalis ni Matteo yung tingin saken.

Bago pa makasagot si Matteo, naramdaman kong parang umuulan.

“Shet, wrong timing! Tara pasok na tayo!” Sabi naman ni Laurence.

Kanya kanya kaming tayo at buhat ng mga gamit bago pumasok.

Inabot naman saken ni Matteo yung card na may tanong na “Name the person you really love” sabay ngiti.

Ano ba to si Matteo!

Nagmadali na kaming pumasok sa loob.

+++++

Nasa kwarto na kaming dalawa ni Laurence, pero iniisip ko pa rin si Matteo.

Sanay naman ako sa mga paasa moves at salita niya pero iba talaga yung lungkot niya ngayon eh. Alam ko, kasi bestfriend ko siya.

Maya maya, may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko, si Matteo.

“Ju, natutulog na ba kayo?” Tanong niya.,

“Hindi, lumabas pa si Laurence eh” sabi ko.

“Samahan mo naman ako, ewan ko pero nalulungkot ako eh, di ko alam dahilan” sabi niya.

Di na ako nagdalawang isip at sumama ako sakanya. Naglakad lakad kaming dalawa sa beach. Buti na lang talaga saglit lang yung ulan.

“Di ka sumagot kanina ah?” Bigla niyang sabi.

“Sagot saan?”

“Dun sa last question” sabi niya.

“Ahhh yun ba”

“Oo, ano ba sagot mo dun?” Tanong niya.

Medyo madilim yung nilalakaran namen. Tanging liwanag lang ng moon yung at stars yung ilaw namen.

“Ikaw din di ka kaya sumagot!” Sabi ko.

“Ehh, alam mo naman isasagot ko dun eh” sabi niya.,

“Si Maddie?” Tanong ko.

“Bakit ikaw? Si Laurence ba?”

“Oo” sagot ko kaagad.

“Hehe, mahal mo na talaga siya no?”

“Mahal ko naman talaga siya eh, ang sweet pa niya, tapos proud na proud pa siya saken, ang sarap kaya sa feeling.” Sabi ko.

“Hehe, ang swerte ni Laurence sayo Ju”

“Si Maddie din, swerte sayo hehe” sabi ko.

“Ehhh hindi naman si Maddie yung sagot ko sa tanong na yun eh” sabi niya.

“Huh? Eh sino?” Tanong ko.

“Ikaw” sabi niya.

Nahinto ako sa paglalakad namen pareho.

Ako? Ako talaga?

“Ohh bakit huminto ka Ju?” Tanong niya.

Duh!! Alangan! Nagulat ako sa sinabi mo!

“Ano uli sabi mo?” Tanong ko.

“Ikaw. Ikaw naman talaga mahal ko Ju” sabi niya pa.

Sht. Ano ba to Matteo, bakit ka ganyan?!

“Mahal kita bilang kapatid, kaibigan at bestfriend, mas mahal kita kay Maddie at kahit na sino. Mas mahal pa kita kesa sa mga magulang ko.” Sabi niya

Pero di pa rin ako makapagsalita sa sinabi niya.

“At ayan yung taong nagmamahal sayo oh. Tignan mo” sabi ni Matteo.

Tinuturo niya sa malayo yung isang lalaki na nakatayo at mukhang may hinihintay.

“Si Laurence yan Ju, pinasuyo niya lang saken na papuntahin ka sakanya”

Pero di ko maintindihan si Matteo.

“Sige na Ju, lapitan mo na siya. Mahal na Mahal ka niya, Mahal na Mahal mo siya, bagay kayong dalawa. Sige na, tsaka wag mong kalimutan, monthsarry niyo na kasi malapit na mag 12” paalala niya pa.

Di na niya ako hinintay makasalita at tumakbo na siya palayo.

Nakita ko naman si Laurence na palapit saken.

“Sorry babe, dito pa kita pinapunta sa madilim ah” sabi niya.

Pero kahit madilim, nakikita ko kagwapuhan niya.

“Naalala mo diba, ang sabi mo saken, gusto mo memorable ang first kiss mo. Sa ilalim ng maraming bituin, diba?” Sabi niya.

“Ahh, oo…”

“Tingin ka sa taas” sabi niya.

Pag tingin ko, sobrang daming stars. As in sobra. Mas kitang kita yung mga stars sa madilim. At sobrang ganda nila.

“Kaya kong maghintay ng isang buwan para lang mahalikan ka babe.”

Napatingin ako sakanya, nakangiti siya habang nakatingin saken.

“Almost 12 na, at isang buwan na tayo babe.”

Hinawakan niya ako sa may likod ko at pinalapit sa kanya. Magkadikit na katawan namen.

OMG eto na.

Eto na.

Totoo na to.

“I wanna make you happy babe. And I will do everything to make you happy” sabi niya pa.

Magkaharap mukha nameng dalawa.

Nakita kong nagbasa siya ng labi niya.

Kinagat niya pa.

Tapos nakatingin siya sa labi ko.

“I love you so much babe”

OH Shit.

Pumikit na siya at dahan dahan niyang nilalapit yung mukha niya saken.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

First kiss ko ever.

Ayan na.

Naramdaman ko na paghinga niya.

At dun, napapikit ako ng maramdaman ko yung malambot niyang labi saken.

Sht, ang sarap.

Magkadikit lang yung labi namen. Ineenjoy ko yung moment.

Naramdaman kong biglang bumuka labi niya at gumalaw.

Grabe, ang sarap. Ang galing niya humalik.

Sumasabay lang ako sakanya.

Hinawakan niya yung pisngi ko at parang madiin na madiin na yung labi nameng pareho.

Napayakap naman ako sa katawan niya.

Maya maya tinanggal niya yung paghahalikan namen at tinignan ako.

“I love you babe, happy 1st month” sabi niya.

“I love you too babe, Happy 1st month”

At hinalikan niya ako uli ng madiin na madiin.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! HEHE WHAT CAN YOU SAY???

Part 20

Happy Birthday Cassidy Fortaleza Malik!!! @WillULoveMeh 👊👊

++++

Simula nung hinalikan ako ni Laurence sa labi, parang palagi ko na siyang hinahanap hanap.

Ang sarap halikan yung taong mahal mo.

Pagbalik namen sa kwarto, niyakap ko siya kaagad tapos hinalikan sa labi.

Grabe, nakaka adik talaga.

“Uhmm. Kotang kota na ako babe” sabi niya.

“Hehe, sige bukas na lang uli” sabi ko.

Pero niyakap niya pa ako ng mahigpit at binuhat saka hiniga sa kama.

Magkatitigan kami habang nakangiti, grabe. Ang saya saya ko talaga.

“I love you so much” sabi niya habang nakahawak siya sa buhok ko.

Kahit paulit ulit niya tong sabihin saken, hinding hindi ako magsasawa.

“I love you too babe.” Sabi ko.

At syempre, nauwi na naman sa halikan pero this time parang wild si Laurence.

Bumibilis yung paggalaw ng ulo niya.

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko kaya wala akong laban.

Naramdaman ko na lang bigla yung dila niya na loob ng bunganga ko na siya naman kinagulat ko.

“Uhm babe!!” Medyo sigaw ko.

“Sht, sorry babe. Na carried away lang”sabi niya.

Di ko maexplain yung feeling pero gusto ko naman. Kaso nga lang di pa ako ready, mamaya bumigay ako.

Mamaya mag sex pa kami.

“No no, it’s okay babe, di lang ako prepared na french kiss na gusto mo” sabi ko.

“Ahahaha, baliw ka talaga babe, hehe. Sorry talaga, sorry” sabay halik uli sa labi ko.

“Haha, uhm tama na. Mamaya ulitin mo na naman hehe” sabi ko pa.

Umayos na kami ng higa pareho pero naka gilid kami ng higa at magkausap ng magkaharap.

Wala kaming sinasabi pareho, basta parehas lang kaming nakangiti.

“Babe, ibang iba ka talaga sa lahat” bigla niyang sabi pero di nawawala yung ngiti niya sa labi niya.

“Alien ba ako? Haha”

“Haha, no, di lang ako sanay sa…. hard to get haha”

“Hard to get? Eh nahalikan mo na nga ako, gusto mo pa ako laplapin diyan”

“Hahahahahaha, grabe yung words!”

“Eh totoo naman babe, hahah”

“Well, normally kasi nakukuha ko yung kiss sa 1st date then after a month, alam mo na hehe”

Nako, parang si Matteo rin pala tong si Laurence.

“Tignan mo, di mo pala ako first. Hmp”

Bigla niyang hinawakan yung pisngi ko tapos hinalikan ako sa noo.

Hinalikan ako pababa sa ilong.

Hinalikan ako pababa sa labi ko.

“Di man ikaw yung first ko, sigurado akong ikaw na yung last ko”

Sht Laurence! Ang bilis mo talaga akong mapasaya.

Di ko mapigilan yung kilig na nararamdaman ko.

“Tsaka babe, mas masarap yung labi mo sa kanila, ikaw pinaka dabest” pahabol pa niya.

“Aba dapat lang haha. Good answer!” Sabi ko naman.

“Hehe, may tanong pala ako sayo babe” sabi bigla ni Laurence.

“Ano yun babe?”

“Hmmm, never mind hehe.”

Nakakainis yung ganun kaya kinulit ko siya kung ano yun.

“Ehh, gusto ko lang tanungin kung anong experience mo sa 1st kiss mo??” Sabi niya.

Akala ko naman kung ano na.

“Hehe, syempre. Uhm. Basa, tapos malagkit. Pero ang cool nung tunog kapag nagshishift yung labi natin.”

“Hahaha, nakakatuwa naman yung ‘basa’ na comment mo!”

Tinitigan na naman niya ako na parang mahal na mahal niya talaga ako. Ewan ko ba sa lalaking to, talagang mahal na mahal ko to.

Palagi kong sinusubukang basahin yung nasa isip ni Laurence, pero di ko talaga magawa.

“Napapansin ko sayo babe, titignan mo kong mabuti sa mata tapos bigla kang sisimangot na parang may problema ka. Ano ba yun?” Bigla niyang sabi.

Tinutukoy niya siguro kapag di ko nababasa nasa isip niya.

“Gustong gusto ko kasi malaman nasa isip mo babe, sabihin mo naman saken” tanong ko.

“Hahaha, bakit babe? Eh puro ikaw lang naman to!” Sabi niya.

“Hindi babe, ngayon mismo. Ano bang naiisip mo???” Pilit kong tanong.

Natahimik siya pero nakatitig pa rin siya saken.

“Iniisip ko ngayon kung gaano ako ka swerte sayo.

Kung gaano kaganda yung mga mata mo.

Kung gaano kalambot mga labi mo.

Kung paano mo ko tignan tapos nakikita ko kung gaano mo ko kamahal.

Basta babe, naiisip ko kung anong nakikita ko sayo ngayon. Ganun lang“

Every word.

Every stare.

Ramdam na ramdam ko.

Kaya wala na akong nagawa kundi halikan uli siya ng madiin sa kama.

Pumatong ako sakanya at niyakap ng mahigpit.

Sobrang swerte ko kay Laurence. Wala na talaga akong hahanapin pa.

++++++++++++

“ Anak, mag enjoy ka lang dito ha? Nako, balita ko naghalikan na kayo ni Laurence kagabi ah?“ Bulong saken ni papa.

“Pa, ayan ka na naman!”

“Hehe, one step closer na yan anak sa pakikipag sex, kaya dapay palaging safe. Nag singit ako ng condom sa bag mo. Keep safe anak”

“Pa, nako! Sige na alis na po kayo!”

“Ahaha grabe ka naman saken anak, hehe. Sige na mag enjoy kayo rito ha?” Paalala niya pa.

Si mama naman lumapit saken at niyakap ako.

“Nako, pabayaan mo na yang papa mo anak hehe. Oh basta uwi rin kaagad ah, mag eenroll pa kayo hehe”

“Opo opo hehe” sabi ko.

Ihahatid naman silang dalawa ni Laurence at Maddie, may dadaanan din daw kasi silang mag pinsan muna kaya sila na naghatid kina mama at papa.

Naiwan kaming dalawa ni Matteo sa bahay, tinulungan ko siya magluto sa kusina.

Nakasuot lang siya ng sando at shorts at naka cap pa.

Sobrang busy niya sa pagluluto, halos di na niya ako pansinin.

“Matty, anong tulong gusto mo diyan?” Tanong ko sakanya.

“Ah? De kaya ko na to Julian, ihaw ka na lang sa labas para pag dating nila Laurence kakain na tayo” sabi niya pa.

“Aba, teka kailan ka pa natutong magluto aber?”

“Ngayon lang, tsaka prito lang naman to jusko, di naman siguro masusunog to Julian. Dun ka na sa labas, mag ihaw ka” sabi niya.

Aba, parang cold siya saken ngayon.

“Hoy, nakakailang tawag ka na saken ng Julian ah!”

“Eh bakit? Ano bang pangalan mo?”

“Julian!”

“Oh, anong problema mo? Julian naman pangalan mo?”

Hala, galit si Matteo saken ngayon.

Hinawakan ko siya sa braso niya pero pinigilan niya ako.

“Ano ba Julian, dun ka na sa labas!” Medyo pasigaw niyang sabi saken.

“Ano bang problema mo?!!!” Sigaw ko naman sakanya.

“Pucha naman oh, sige na, dito ka na, ako na lang sa labas!” Nag walk out siya at lumabas.

Shit, galit nga talaga siya, di ko alam kung bakit.

Pinatay ko muna yung nakasalang sa kalan at sinundan ko siya.

“Ano bang problema mo ha?!” Sabi ko sakanya.

“Alam mo kung anong nararamdaman ko kapag sinisigawan ako diba?”

Medyo hininaan ko boses ko.

“Hindi yun tinutukoy ko, bakit parang galit ka saken? Ano bang nagawa ko sayo?” Sabi ko.

“Kasi namimiss na talaga kita! Miss na miss na kita Ju!”

Di ako nakasagot sa sinabi niya. Di ko alam kung anong problema niya. Ayaw naman niyang sabihin saken yung totoo.

“Anong miss? E di naman ako nawala ah!”

“Hindi yun Ju, namimiss lang kita kausap palagi, kaharutan. Parang nabawasan pagkakaibigan natin, miss na miss lang kita” sabi niya.

Di ko naman alam talaga isasagot ko sakanya.

“Matty, nandito lang ako….”

“Kailangang kailangan kita Ju, nag aaway na naman sila mama at papa. Ayaw umuwi ni Kuya kasi ayaw niyang makita sila mama at papa na ganun. Ikaw lang talaga meron ako”

Nagulat naman ako ng bigla siyang umiyak.

Nasa gilid kami ng pool ngayon, magkaharap tapos nagpupunas ng luha.

“Parang sasabog na ako, wala akong masabihan Julian. Wala talaga. Yung girlfriend ko, di ko rin masabihan. Wala akong matakbuhan. Alam mo ba yun? Di ko na kaya Julian!”

Sa sobrang awa ko sa kanya, nilapitan ko siya at niyakap. Alam ko yung pinagdadaanan niya. Ramdam na ramdam ko yung lungkot niya.

“Ano ba Matteo, pwedeng pwede mo ko lapitan. Alam mo naman na nandito lang ako diba?”

“Ju, di ko na talaga kaya sa bahay. Di ko na sila kaya, gusto ko ng umalis talaga”

“Mag dorm ka na lang, sabihin mo sa kuya mo” sabi ko.

“Ayan din plano ko eh, kaso baka di ko kaya”

“Sus kaya mo Matteo, ikaw pa. Siguradong nandun din si Maddie sainyo palagi!”

“Ayan ka na naman eh!” Buti na lang medyo tumawa na siya.

Grabe, nakakaiyak talaga kapag may kaibigan kang umiiyak.

Medyo nakakabothered lang kasi ang laki ng katawan niya.

“Hehe, sorry Juju. Umabot pa sa sigawan at habulan dito sa pool” sabi niya pa.

“Baliw ka talaga haha”

“Bestfriend na uli?” Sabi niya.

Inabot niya kamay niya saken.

“Bestfriend naman talaga kita ah” sabi ko sabay yakap sakanya ng mahigpit.

“Oh, kumusta naman first kiss mo Ju? Eh may first anuhan ka na rin ba?” Tanong niya habang papasok na uli kami sa loob.

“Tse, ayan ka na naman sa kalibugan mo!”

“Haha sorry, eh yung kiss na lang? Kumusta?”

“Okay naman, medyo basa. Ganun.”

“Hahaha, ang sarap diba?” Sabi niya.

“Oo, nakakaadik nga eh, halos halikan ko siya ng halikan”

“Yak kadiri ka Ju, mamaya maumay sayo yun tapos hanapin naman niya sex, easy lang sa pakikipaglaplapan”

Aba, grabe naman yung mga salita ni Matteo pero okay na rin to, atleast medyo okay na siya at nakangiti pa.

+++++++

Pagbalik namen sa Manila, balik na rin sa lahat.

Mas naging okay kami ni Laurence, at kapag walang nkatingin, palagi ko siyang kinikiss.

Si Matteo, balik na naman sa pang aasar, at mukhang okay na talaga kami.

Basta balik ng okay sa lahat.

Nasa school ako ngayon at kakatapos lang ng enrollment.

Mag isa ko lang ngayon at nakatambay sa McDo, may inaasikaso pa kasi si Laurence, samantalang si Matteo, bukas pa daw mag eenroll.

Habang kumakain, naisipan kong itext si Sarah, yung nameet ko sa beach na may power din, at nagbakasakali akong nasa TIP siya para makipagkita saken.

“OMG, yes Julian. Sige, puntahan kita diyan sa McDo okay? Kakatapos ko lang mag enroll” reply naman niya saken.

Habang hinihintay ko si Sarah, napansin ko na naman na umiilaw yung libro ko sa bag ko.

Palagi ko na kasing dala yung libro ko.

Dahan dahan kong kinuha yung libro at napansin kong may message na naman galing kay Gab.

“Balita ko nakauwi ka na Julian, nasaan ka?” Sulat sa libro.

Sinabi kong nasa McDo ako.

“Sige, sige, puntahan kita diyan.” Sagot naman niya.

Ang weird kasi nakikipag usap ako sa libro kaya tinago ko na kaagad yun.

Maya maya, dumating na si Sarah.

Iba itsura niya kapag naka uniform. Mas mukha siyang batang tignan at mukhang mabait.

“OMG Julian!” Niyakap niya ako pagkakita niya saken.

“Hehe, hi!” Sabi ko.

“I’m level 2 na Julian!” Naupo siya sa harapan ko.

“Nice nice!! Ano naman nadagdag sayo?” Tanong ko.

“Hmmmm. Di ko pa nasubukan ehh, kagabi lang. Feel na feel ko yung pag gamit ng powers ko eh!”

“Hahaha, good for you, nako kapag siguro nagpalevel na tayo, maaadik tayong dalawa”

“Hahaha yes, well tulungan tayo! Hehe,” sabi niya.

Maya maya, nakita ko na si Gab na palapit samen.

Si Gab kasi yung simpleng lalaki na mukhang bad boy na palaging itim yung suot tapos naka cap pa. Malakas appeal niya pero di ko kasi siya feel.

“Oh, di ko alam na may kasama ka pala Julian” sabi ni Gab.

“Hehe, hmmm. This is Sarah, Sarah, si Gab” pakilala ko namn, nagkamayan silang dalawa.

“There’s something wrong Julian…” sabi ni Gab.

Nilabas naman bigla ni Gab yung libro niya at napansin kong nagulat si Sarah.

“OMG, OMG.” Sabi ni Sarah.

Ngumiti si Gab.

Inabot ni Gab yung libro niya kay Sarah at hinawakan niya yun.

“OMG, grabe!! Another one!” Sabi ni Sarah.

“Hehe, yeah I know. How are you?” Tanong ni Gab.

“I’m okay. More than okay! Grabe, ang dami na natin” sabi ni Sarah.

“Haha, di ko nga alam kung ilan tayo eh” sabi ni Gab.

“Sa tingin niyo, ilan kaya?” Tanong ko naman.

“I don’t know, pero gusto ko malaman yung gift mo Kuya Gab” sabi ni Sarah.

Di naman mukhang matanda si Gab pero siguro ganun talaga kapag babae, kuya tawag sa mga lalaki.

“Hehe, di mo pa ba napapansin?” Tanong ni Gab.

Ako kanina ko pa napansin, ang bagal ng takbo ng mga tao. Parang naka slow mo silang lahat.

“What???? Di ko alam!” Sabi ni Sarah.

Ngumiti lang kami ni Gab.

“Tingin ka kasi sa paligid mo” sabi naman ni Gab.

Dahan dahang tumingin si Sarah sa paligid. Nung una di pa niya napansin pero nung nag adjust mga mata niya.

Sobra siyang namangha sa nakita niya, ang bagal ng takbo ng mga tao.

“Holy.!!! Nakokontrol mo yung oras!!!” Sigaw niya.

“Shhh shhh lower down your voice hehe.” Sabi ni Gab.

“Why so cool ng gifts niyo?! Nakakainggit!” Sabi ni Sarah.

“Haha, what’s yours ba?” Tanong ni Gab.

“Sobrang ganda ng gift niya promise. Pakita mo nga Sarah” sabi ko sakanya.

Nilabas niya yung libro niya at nagsimula siyang mag drawing.

“Woa wait, are we allowed to write something in our book?” Sabi ni Gab.

Pero di sumagot si Sarah.

Tapos maya maya, nagulat naman ako ng bigla akong sinubuan ng fries ni Gab.

“Woah, anong nangyari?!” Biglang sabi ni Gab.,

Nakangiti lang si Sarah.

“What did you do? Anong gift mo?”

Pinakita ni Sarah yung drawing niya na sinusubuan ako ni Gab ng fries.

“Wow, so really??? Lahat ng dinadrawing mo, nangyayari??? Seriously?!!!” Halos sigaw niya.,

“Anong nangyari sa ‘lower down your voice’ mo Kuya Gab? Hha” biro ni Sarah.

“No, it’s really amazing! Nakilala ko si Julian, and nakilala kita Sarah.” Sabi ni Gab.

Napansin kong bumalik sa normal yung takbo ng mga tao.

“Hehe, ang baba lang ng level namen. Ikaw, malapit mo ng mamaximize yung level!” Sabi ko.

“Really? Anong level na niya?“tanong ni Sarah.

“23” sabi ko.

“Wow wow wow!!!!”

Parehas kami ng reaksyon ni Sarah.

“Haha, wag nga kayo magulat diyan” sabi ni Gab.

“Ano ba, kumbaga sa laro, ang lakas lakas mo na” sabi ko pa.

“Trust me Julian, walang wala ako sa powers niyong dalawa ni Sarah” sabi ni Gab.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

“Haha, hmmmm. Next time na siguro basta trust me, you’re one of the most valuable person na may gift” sabi niya samen.

Di naman namen maisip ni Sarah kung ano tinutukoy niya, kaya kinulit namen siyang dalawa.

“Okay okay, eto na sasabihin ko na”sabi ni Gab.,

Medyo naexcite tuloy kami sa sasabihin ni Gab.

“Yung nagbigay saken ng gift ko? May sinabi siya saken” panimula ni Gab.

Si TB siguro tinutukoy.

“Marami raw tayong may special gift, alam niyo na rin siguro yung about sa rules at special features diba? Tapos kapag tinulingan mo kapwa mo may gift, additional points yun?” Sabi ni Gab.

Umoo kami ni Sarah kasi alam na nameng dalawa yun eh.

“Pero iba ang points kapag tinulungan namen yung katulad niyo!” Sabi ni Gab.

“Katulad namen?” Tanong ni Sarah.

“May specific na gift na sinabi yung nagbigay saken neto, may tatlong special na tao na may gift ang mangingibabaw. Ibg sabihin, mas malaking points ang makukuha kapag natulungan namen yung katulad niyo”

Di ko pa rin makuha yung pinupunto ni Gab.

“Explain further please” sabi naman ni Sarah.

“Iba ang makukuhang points sa taong may gift na….. una, power to read minds…. ikaw yung Julian. Pangalawa, power to draw what he/she wants and will happen immediately, sayo naman yun Sarah. At yung pangatlo, power of Illusion.”

OMG, so special pala ako, kami ni Sarah.

“So naiitindihan niyo na? Mas malakas kayo promise. At mas marami kayong matutulungan.” Sabi pa ni Gab.

Nakkatuwang isipin na special ako, kami ni Sarah.

“Eh kayo? Normal lang kayo?” Tanong ko.

“Technically may gift kami so di kami normal haha tama na ang tanong. Tanungin niyo yung nagbigy sainyo ng gift niyo, sigurado akong alam nila yan”

Kaya sinabi ko sa sarili ko, pag uwi ko mamaya kakausapin ko si TB.

“Parang ang cool ng Illusion no?” Biglang sabi ni Sarah.

“Totoo, kaya mong ibahin yung nkikita at naiisip ng isang tao” sabi ni Gab.

Ang ganda ng ganung gift pero parang ang sama mong tao lalo na kapag nagamit mo yun sa mali.

Pero sino kaya yung may power of Illusion? Gusto ko siya makilala.

++++++++++++

TADTARIN NIYO KO NG VOTE AND COMMENTS PLEASE!!!! HHAHHAA

More Magic, More Kilig at More eksena pa. Pero fantasy theme to kaya may magic magic talaga haha, ayos lang ba?

Normally hanggang part30 lang to, extend ko ba? Hehe.

Part 21

Di na kami magkasama ng matagal nila Sarah at Gab. Pagkatapos namen magkwentuhan nun sa McDo, nagkanya kanya na kaming lahat.

First day na ng second sem at wala si Laurence, walang paramdam. Naiinis na ko sakanya, kanina pa ako tawag ng tawag, pero wala. Wala talaga!

“Ano ba namang itsura yan, naka busangot ka!” Sabay kami ni Matteo pumasok ngayon, asusual dun din siya nakikain sa bahay.

“Paano ba naman, walang pagpaparamdam tong si Laurence! Naiinis na ako”

“Aba aba, napaka OA na boyfriend ano po? Haha malay mo naman kasi tanghali pa pasok”

“Alam ko pasok niya, 10 ng umaga! Dpat gising na yun ngayon!”

Bigla naman natahimik si Matteo.

“Ano ba yan Ju, alas otso pa lang. Baka tulog pa yun, napaka OA mo!”

“Eh bahala siya, gusto ko na siyang makita eh!” Sabi ko sakanya.

Kaya inakbyan niya na lang ako at kinonyatan.

Naalala ko tuloy, palagi niya tong ginagawa saken.

“Ang over protective naman ng Juju ko. Nako, sgurado mamaya kayong dalawa na magkasama kaya wag ka na mag inarte dyan okay?” Paalala saken ni Matteo.

Tinulak ko siya para makawala sakanya tapos tumawa lang siya.

“Haha, oo na!” Sagot ko.

Bigla naman kaming natahimik ni Matteo.

Walang araw na di ko sinubukang malaman yung iniisip ni Matteo.

Bigla tuloy akong napatitig sakanya habang naglalakad.

Ang angas kasi ng itsura niya, matapang at di talaga makakailang gwapo siya, di matatago. Tapos ang ganda pa ng katawan.

Alam kong wala na akong nararamdaman kay Matteo pero gusto ko pa rin mabasa naiisip niya.

“Hoy ayan ka na naman sa pagtingin tingin mo saken Ju!”

“Ahhh, eh wala. Wala, haha, naiisip ko lang palagi, ‘ano kayang tumatakbo sa isip ng lalaking to’ haha”

“Aba, nag mimind reading ka ba? Sige nga….” bigla siyang huminto tapos humarap siya saken, hinawakan niya ako sa braso at tinignan sa mga mata.

“Go, basahin mo iniisip ko ngayon” sabi niya.

Tinignan ko siyang mabuti sa mata pero wala, wala talaga. As in, wala!

“Leche ano kala mo saken? May mind reading powers?” Biro ko na lang.

“Haha, sabagay tara na nga!”

Naglakad na uli kami, pero di pa pala siya tapos about sa topic ng mind reading.

“Kung mababasa mo lang nasa isip ko, puro day dreaming laman neto” ayan na naman siya sa seryosong tono ng boses niya.

“Alam mo naman ako, walang matinong pamilya, palagi ko lang iniimagine yung masayang pamilya niyo. Hehe sna may ganun din ako”

Ayaw kong nagiging ganito si Matteo, kasi ako nadadamay.

“Nako Matteo, Welcome ka naman sa pamilya namen no! Haha wag ka na malungkot diyan okay?”

Ngumiti na uli siya

“Oo na, haha. Kasi, tinanong tanong mo pa kung ano nasa isip ko eh haha yan tuloy!” Sabi niya pa.

Nakarating na kami sa sakayan, sumakay na kaming dalawa papuntang school.

++++

“Umay, wala na namang klase!” Sabi ko kay Greco habang nagiintay ng prof, halos kaklase ko pa rin siya sa lahat.

“Haha, oo nga eh. Kumusta sembreak? Balita ko nag Zambales ka ah? Bakit di ka man lang dumaan samen?” Tanong ni Greco.

“Ayy oo, taga Zambales ka pala no?”

“Oo, nandun din ako eh hehe. Kumusta yung gala?”

“Okay namn haha, masaya” sabi ko.

Pero tinignan niya ako. Shocks, ang daya!! Binabasa niya yung nasa isip ko.

“First Kiss? Wow! Congrats!” Bigla niyang sabi.

“Ang daya daya mo!!!” Sabi ko.

“Hahha, sorry, bakit kasi ayaw mo magpalevel?”

“Wala akong oras eh, pero nakakainis ka, nababasa mo iniisip ko!”

“Haha, ikaw rin naman, nababasa mo nasa isip ko ah?”

Sinubukan kong basahin nasa isip niya.

“Hahahahaha, binabasa mo nga nasa isip ko. Hi Julian ahaaha” sabi niya sa isip niya.

“Hahaha ang daya mo nakakainis ka” sabi ko.

“Wag ka kasi magmadali, tsaka magpalevel ka na haha, di ka siguro matulungin kaya di ka nagpapalevel haha”

“Hindi ah, hayaan mo sa susunod. Kasi may kasama na ako!” Sabi ko sakanya.

“Oh??? May nameet kang iba?” Tanong niya.

“Secret, hehe.”

“Ay ang daya, haha. Sige, kapag ako nakakita, di ko rin sasabihin sayo!” Sabi niya pa.

“Okay lang, haha”

Sa sinabi kasi ni Gab saken, feeling ko okay ng kaming dalawa lang ni Sarah. Importante daw kasi kaming dalawa.

Pero di ko pa rin maimagine kung bakit kailangan kong lumayo kay Greco. Bakit nagsakripisyo si Tracy para lang saken, to think na naging silang dalawa.

“Nasaan ka ba? Bakit di ka nagtetext?!” Magkausap kami ni Laurence sa phone ngayon, wala na kasi kaming klase.

“Babe, di ako pumasok, wala naman kasing klase sigurado!”

“Eh bakit di ka nagtetext?”

“Babe sorry, nandito kasi si tita sa bahay.”

“So, pag nandiyan tita mo di ka na magtetext?!”

“Babe, kapag nandito si tita, di ko talaga mahawakan cellphone ko”

“Alas tres na, kahit isang minuto wala?!” Ewan ko pero inis na inis talaga ako ngayon.

“Babe sorry, sunduin na lang kita”

“Wag na, diyan ka na. Uuwi na ako!”

“Babe….”

“Tse!!”

Di ko na siya pinasagot at binabaan ko na siya ng tawag.

Argh, nakakainis talaga! Di man lang magawang magtext.

“Galit na galit ka Ju ah?”

“Nakakainis, di kasi marunong magtext!”

“Haaha, ganyan ka pala magalit, nakakatawa ka”

“Anong nakakatawa diyan? Gusto mo ibuhos ko sayo yang buko juice na iniinom mo?”

Naglalakad na kasi kami pauwi. Hahatid ko na siya sa sakayan. Routine na namen yun dati pa.

“Ay grabe, dinadamay pa ako sa away nila oh” sabi niya.

Kinalma ko muna sarili ko, ganito pala yung stress sa jowa, nakakainis.

“Sorry, di lang ako sanay na di kami magkasama” sabi ko.

“Nako, ganyan talaga sa simula Ju. Haha, pero masasanay ka rin!”

“Nako sana nga” sabi ko na lang.

May dumating na na bus para kay Matteo, pinasakay ko na siya at umuwi na ako.

Pag dating ko sa tapat ng bahay, may nakita akong police nakatayo at pinagmamasdan yung bahay namen.

Medyo natakot ako kasi mmaya bigla kaming hulihin neto.

“Uhm officer may problema po ba?” Tanong ko.

“Wag mo kong ina uhm uhm diyan ahh!!!”

Ang laki ng boses niya! Nakakatakot.

“Ahh ehh sorry po” tangi kong nasabi.

“Hahahaa biro lang Julian!” Bigla niyang sabi.

“Ha?pa… paano niyo po ako nkilala?”

“Duh, ako eto, si TB!” sabi niya.

Shocks!! Siya lang pala.

“Ano ba yan, bakit ka naman nakasuot ng ganyan?”

“Syempre para maiba naman haaha. So kumusta ang first kiss?” Tanong niya.

“Ha?! Pano mo nalaman yun?”

“Nako, wag ka ng magulat diyan haha. So ano? Masarap no?”

Ang weird lang kasi pulis yung kausap ko pero maligalig magsalita.

“Tigilan mo ko TB!” sabi ko.

“Okay, edi aalis na lang ako” sabi niya.

Gusto ko na sana siyang paalisin kaso gusto ko malaman yung about sa sinabi ni Gab.

“Mamaya na wait!!” Pigil ko skanya.

“Ohhh, tapos ngayon may itatanong ka saken?”

Magugulat sana ako kung paano niya nalaman eh kaso naalala ko, kaya niya palang magbasa ng isip.

“Uhm, about dun sa sinabi ni Gab..,,”

“Ooops oopps, libre na nga pakikipagkita ko sayo tapos pati yan itatanong mo? Bawal ko talaga sabihin yung about diyan, not unless level 10 ka na.”

“Pero gusto ko malaman”

“Edi magpalevel ka, jusko tong batang to!”

“Nako nako, eh eto na lang. Ilan ba talaga kaming may ganito?” Tanong ko.

“Hayyyy nako Julian. Tara, maglakad lakad muna tayo!” Sabi niya.

Mag aalasais pa lang naman kaya sumama ako, tsaka isa pa, pulis siya, siguradong walang mang aaway.

“Kasi ganito yun….” panimula niya.

“Di ko talaga pwedeng sabihin eh, hinarangan yung dila ko para sabihin Julian”

“Ehhh ano bang pwede mong masabi saken???”

“Uhmm. Sige, yung mga powers powers na lang, okay ba?”

“Osige sige!!”

“Ganito kasi, nahahati kayo sa dalawang klase ng gift. Defensive at offensive.”

“…..”

“Ayun, defensive at offensive!” Sabi niya pa.

“Ayun lang?!”

“Haha, masyado pang mababa level mo para malaman eh!”

“Dali na!! Pwede mo naman sabihin eh, nararamdaman ko!”

“Pwede nga kaso ayoko!”

“Ang daya! Promise magpapalevel na ako simula bukas!”

Mukhang napaisip siya sa sinabi ko.

“Promise????” Tanong niya.

“Yeap. Promise!” Sabi ko.

“Hmmmm. Sige na nga, okay..,,”

Buti na lang napapayag ko.

“Defensive gifts, yung mga katulad mo, power to read minds, tapos yung katulad ng bago mong kaibigan, yung drawing drawing. Ayan, mga defensive gifts yan!”

Ayy, mas lalo kong nagustuhan yung mga nalalaman ko.

“Marami pa yan Julian hmmm, yung sayo kasi more on sa utak, sa friend mo naman more on creativity, may iba, more on sight. Namamaximize nila gamit ng mata. Nkakakita sila through walls, mga ganun. Tapos meron naman yung sa ilong, namamaximize nila gamit ng ilong, basta ganun. Nakukuha mo nman pinupunto ko right?” Sabi niya.

Grabe, ang galing galing pala.

“Oo, kuhang kuha ko!”

“Good, kayo yung mga defensive, di ko kasi pwedeng sabihin yung iba eh kaya kapag nag level 10 kana okay?”

“Okay okay, ehhh yung mga offensive naman??”

“Well, sila yung talagang may special ability. Siguro isa lang pwede kong sabihin sayo, power of fire, kaya niyang kontrolin yung apoy. Ayun, nakuha mo na siguro pinupunto ko diba?”

“OMG!!!!”

“Don’t worry, di sila nakaka create, nakokontrol lang” sabi pa ni TB.

Parang ang dami kong nalalaman ngayon, so marami pala talaga kami, at tinatago lang ni TB saken lahat.

“Nako yari na naman ako neto, sige na alis na ako Julian. Mamaya kung ano pa masabi ko”

“Teka, sabihin mo na kung paano ako naging special????” Tanong ko.

“Hayyy nako, basta eto lang Julian, wag ka masyadong magtitiwala ha? Babantayan naman kita wag ka mag alala. Basta importante ka, ayun lang dapat mong malaman” paalala saken ni TB.

Maya maya, may tumawag sa likod ko, di ko naman kilala kaya napalingon ako, pero wala naman pala.

Pag tingin ko kay TB, wala na siya!

Bigla na naman siyang nawala, at marami na naman akong nalaman.

Importante ako, paano naman kaya?

++++

Nagising ako kinaumagahan ng di ko pa rin pinapansin si Laurence. Marami na siyang texts ngayon pero di ko pa rin pinapansin.

“Ju, bumangon ka na diyan ng makakain na tayo!”

Sobrang nagulat ako ng biglang may nagsalita ng ganun sa kwarto ko.

Fvck, si Matteo pala!!

Nakaupo sa study table ko at mukhang naglalaro sa cellphone niya, nakaayos na rin siya at ready to go na sa school.

“Punyemas ka namang lalaki ka, umagang umaga ginugulat mo ko!!”

“Hahahaha, jusko di ka na nasanay saken!”

“Ewan ko sayo, ano bang ginagawa mo rito?”

“Edi sabay tayo papasok haha! Oyy, uuwi pala si Kuya sa Birthday ko!”

Malapit na pala Birthday ni Matteo, sa November 23.

“Ohhh talaga??”

“Oo! At gusto ka niya makilala! Haha, pumunta ka ah, no excuses!”

“Hehe, oo naman!”

“Wag ka talaga mawawala nako, sinasabi ko sayo!”

“Sige sige, ng masumbong naman kita!” Sabi ko.

“Haha, susumbong mo lang kagwapuhan ko, sige na itext mo na jowa mo. Mukhang kanina ka pa niya tinetext eh.”

“Bahala siya! Mag aasikaso na ako at baka ma late pa tayo”

“Wala naman klase yan eh, sigurado” sabi niya

“Kahit na ano, haha diyan ka na, mag aasikaso na ako hehe.”

Iniwan ko na siya dun para makaligo na ako.

++

Pagkatapos uli ng klase, nakita ko si Laurence sa tapat ng classroom at may dalang paper bag.

Parang nagmamakaawa yung mukha niya.

Nakakainis lang kasi ang gwapo gwapo niya pa rin, ang cute talaga ng pisngi niya ang taba taba pero ang ganda ng katawan.

Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

“Babe sorry na. Pansinin mo na ako” sabi niya.

Tumawa lang si Matteo at nagpaalam na siya.

“Babe naman, kausapin mo na ako”

Pero naglalakad ako palayo.

“Babe, pinaglutuan kita sa bahay. Punta ka, please wag ka na magalit”

Pero syempre kahit gusto ko na makipagbati, nagpapabebe pa ako.

“Babe luluhod ako patawarin mo lang ako!” Sabi niya.

“Loko loko ka ba??”

Pero bigla siyang huminto sa paglalakad.

Nilingon ko siya tapos nakatayo lang siya dun na nakatingin.

“Babe sorry na.”

Tapos dahan dahan siyang lumuhod. Fvck# masyadong maraming tao kaya nagmadali ako para pigilan siya.

“Ano ba yan, wag mo ngang gawin yan!!”

“Eh kasi ayaw mo ako kausapin eh”

“Ehh natiis mo rin ako eh!”

“Babe promise, mahirap magtext kapag nandun si tita, nakakairita kasi yun eh kaya ayoko palagi sa bahay. Tanong mo pa si Kennard, nandun siya samen!”

“Oh kitam, buti pa si Kennard!”

“Babe, sorry na talaga. Halika na, sumama ka na saken, miss na kita. Nagluto ako sa bahay”

“Natitiis mo ko….”

“Babe naman, di kita natitiis promise! Please, punta ka na samen.”

Nakakainis, miss ko na rin kasi kaagad tong boyfriend ko eh.

Ngumiti ako bilang sagot.

“Talaga? Okay na??yes yes, sorry talaga babe! Bati na tayo, wag ka na magalit”

“Nako, sa susunod talaga..,”

“Wala ng susunod na ganun, papakilala pa kita kay tita para pwede na kita papuntahin kapag nandun siya” sabi niya pa.

Namemesmerize din ako sa kagwapuhan ni Laurence, sobrang gwapo talaga.

Hinawakan na niya uli kamay ko habang naglalakad sa school. Feel ko talaga ang ganda ganda ko kapag ginagawa niya yun.

Pagdating namen sa loob sasakyan niya, sinunggaban niya ako ng halik sa labi ng madiin.

Niyakap pa niya ako ng mahigpit.

Fvck, sobrang namiss ko to.

Ang sarap talaga sa feeling ng may kahalikan.

Medyo nagiging wild si Laurence, at dahan dahan siyang pumatong saken

Nagulat pa ako ng biglang nahulog yung sandalan ng upuan ko at napahiga ako ng bahagya.

“Uhm babe…..” sabi ko, pero di niya pa rin inaalis pagkakahalik saken.

Bigla niyang tinanggal butones ng polo ko na siya talagang kinagulat ko kaya pinigilan ko siya.

“Babe ano ba!!” Pigil ko sakanya.

Hinihingal kaming dalawa dahil sa ginawa namen.

“Sorry… sorry babe, na carried away lang haha”

“Nasa school tayo oh!”

Bumalik na siya sa upuan niya at inayos yung upuan ko.

Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan uli sa labi.

“Maghihintay ako babe hehe.” Sabi niya saken.

Nakakainis, siguro kung wala kami sa kotse ngayon, bumigay na ako. Ayoko lang, kasi ang panget ng lugar. Ayokong sa kotse yung first time ko.

Gusto ko katulad din ng first kiss ko, kung may “kiss me.under the light of a thousand stars”

Gusto ko may “make love with me under the light of a thousand stars” din.

Ngumiti nalang ako kay Laurence at hinalikan ko rin siya sa labi uli bago siya magpatakbo papunta sa bahay nila.

Pagpasok sa bahay nila, nakaamoy na ako ng mabangong pagkain.

“Ang bango nun babe!”

“Hehe, creamy pesto carbonara babe hehe. Sorry na talaga” sabi niya pa.

“Nako paulit ulit….”

Pero bago ko matapos sasabihin ko, may nagsalita galing sa kusina.

“Pre nandiyan na ba kayo?”

Di familar yung boses.

Maya maya, lumabas na siya galing kusina.

Naka suot ng apron pero wala siyang kahit anong suot na damit maliban sa boxer shorts niya.

At isa pa, ang gwapo rin niya!!

Moreno at malaki katawan, halata kasi sa braso niya at sa dibdib. Magkasing tangkad sila ni Laurence, mapungay din yung mata, matangos ilong at mapula labi.

“Ano? Bati na ba kayo pre? Hahaha” sabi pa nung lalaki.

“Haha oo pre,” sagot ni Laurence.

“Haha, di mo man lang ba ako papakilala sa babe mo?” Sabi niya.

“Ayy oo pala. Babe, si Kennard pala, tropa ko yan since high school haha. Pre, love of life ko, babe ko at lahat lahat ko, si Julian” pakilala niya saken.

“Aba pucha gumaganun ka pa ahhh hahha!”

Inabot niya yung kamay niya saken at nakipagkamay ako.

“Julian” pakilala ko.

“Kennard pre. Hehe” pakilala naman niya.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

Siya yung iniiip kong Kennard sa story hahaha!! 👊👊👊👊

Part 22

First time kong kumain sa dining table nila Laurence. Naghain kasi ng maayos si Kennard kaya dito kami kumain.

“Show off masyado, nag aaral kasi ng Culinary yan!” Sabi ni Laurence.

“Haha, epal ka talaga pre. First impression lasts pre tandaan mo yan” sabi naman ni Kennard.

Feeling ko sobrang close nilang dalawa na halos magkapatid na turingan nila.

“Ikaw ba Julian? Ano bang program mo?” Tanong saken ni Kennard, habang kumakain ng niluto nilang creamy pesto.

“Business” sagot ko.

“Wow wow, mahilig ka talaga sa mga business ad student ah!” Asar ni Kennard kay Laurence.

Napansin kong sinipa ni Laurence si Kennard na tinawanan lang ni Kennard.

Siguro business ad din si Lucas kaya ganun.

“Basta siya na yung huling business ad student sa buhay ko” sabi naman ni Laurence saken sabay halik sa pisngi ko.

“Pucha naman, ano ba yan pre. Pwede ba kung maghaharutan kayo, dun na lang kayo sa kwarto mo haha” inis na sabi ni Kennard.

The way siyang magsalita, parang super close nilang dalawa talaga.

“Hahaha, bwisit ka kasi eh, pinakawalan mo pa si Maddie. Ayan tuloy, nakuha na ng iba” sabi ni Laurence.

Fvck, pati pala tong si Kennard may gusto kay Maddie.

“Nako, nako, sinasabi ko sayo kapag talaga nakilala ko yang boyfriend ni Maddie nako makakatikim yan ng combo saken!”

Bigla naman tumawa si Laurence. Alam ko dahil yun kay Matteo, di siguro alam ni Kennard na bestfriend ko si Matteo.

“Balita ko nga di naman daw kagwapuhan eh, pucha. Ganun lang pala hilig ni Maddie eh, sana nagpapanget na lang ako!” Maangas na sabi ni Kennard.

Aba aba, oo gwapo si Kennard pero para saken mas gwapo pa rin si Matteo.

“Maputi lang ata yun eh, ano ba uli pangalan nun pre? Hmmm. Matthew??” Sabi ni Laurence.

“Matteo pre hahahahha” pagtatama ni Laurence.

“Ayun! Matteo!! Pangalan pa lang ang baho na pucha!”

Aba aba, sumosobra na tong lalaking to ah.

Pero si Laurence, tawa lang ng tawa sa sinasabi ni Kennard.

“Haha babe, kilala mo ba si Matteo?” Pang asar na tanong saken ni Laurence.

“Babe naman”

“Haha bakit? Magkakilala ba sila?” Tanong ni Kennard.

“Hahahha bestfriend ni Julian yun pre nako yari ka hahhaa nasabi mo na lahat! Isusumbong ka niya kay Matteo” sabi ni Laurence.

Aba, mukhang kinabahan si Kennard sa sinabi ni Laurence.

“Ay putek hahaha uyyy joke lang yun Julian ah? Hahaha sorry sorry joke lang yun. Balita ko nga gwapo daw, si Laurence kasi eh”

“Ahahha damay mo pa ako pre, hahaha”

Napansin ko namang napahiya si Kennard sa inasal ka kaya di ko na lang pinansin masyado.

“Don’t worry, di ko sasabihin kay Matteo, secret lang natin haha” biro ko pero hello, sasabihin ko kay Matteo yun no!

“Hahaha salamat Julian, iba ka talaga hehe”

“Syempre, babe ko yata to.” Sagot ni Laurence sabay halik saken sa pisngi.

Okay naman yung pagbisita ko kina Laurence, masaya, puro asaran yung dalawa.

Ngayon, alam kong sobrang close nilang dalawa na parang closeness nameng dalawa ni Matteo.

++++++

“Ayyy punyeta totoo Ju?!!! Sinabi niya yun? Aba aba, akala mo kung sino yang Kennard na yan ah! Bakit gwapo ba siya? Nako Ju nag iinit dugo ko ngayon! Nako talaga!!”

Sobrang natatawa ako kay Matteo, dahil nga mestiso siya, namumula siya sa galit ngayon.

Nasa room na kami ngayon at kinwento ko sakanya lahat ng nangyari samen kahapon.

“Sige nga Ju, sabihin mo, sino mas gwapo samen ng kupal na Kennard na yun”

Tawang tawa ako kay Matteo, lalo na sa reaksyon niya.

Pero nagulat ako ng halos malamutak niya yung mukha ko at tinignan ako ng harap harapan para lang sagutin ko yung tanong niya.

“Dali Ju! Sino mas gwapo sameng dalawa” putek naman si Matteo, eto na naman siya,

Jusko para saken pinakagwapo syempre si Laurence kasi boyfriend ko siya tapos syempre si Matteo.

“Syempre ikaw!” Sabi ko na lang.

“Haha buti naman!” Binitawan na niya yung mukha ko uli at bumalik sa pagmamaktol.

Nababaliw na naman ako, bakit kasi ang clingy ni Matteo minsan, talagang madadala ka sa mga ginagawa niya ehhh.

“Wag mo lang ipapakita saken yan Ju, nako talaga. Tapos trip pa niya girlfriend ko? Aba aba talaga!!”

Okay, may girlfriend siya hehe. Buti na lang at proud na siya kay Maddie ngayon.

“Tama na nga yan haha. Mas gwapo ka talaga sakanya. Period, okay na!” Sabi ko na lang para tumahimik na siya.

Ang gwapo ni Matteo. Totoo, di ko makakaila yun.

How I wish….

++

“Oh My Gosh!!!! Level 5 Julian Congrats!!!!!” Sabi ni Sarah saken, kanina pa kaming magkasamang dalawa at nagtutulungan para magpa level.

“Ikaw rin Level 5 na!!! Congrats!” Sabi ko.

“Hahaha, eh halos lahat ng dumadaan dito sa mall tinutulungan natin eh”

Nakatambay kasi kaming dalawa sa mall, halos lahat ng tao, binabasa ko yung isip tapos idadrawing naman ni Sarah yung dapat idrawing para masatisfy yung tutulungan namen.

“Ang galing, galing! Ano kaya nadagdag saken no?“tanong ni Sarah.

“Oh yes, tignan mo check mo dali!!” Sabi ko.

“Uhmm… wala naman nagbago eh, nagddrawing lang ako tapos mangyayari, eh ikaw?” Tanong niya.

Alam ko kasi kaya ko na makipag usap kay Sarah gamit isip ko.

“ Hi Sarah!“ Kinakausap ko siya sa isip niya.

“Grabe!!!!! Pwede mong gawin yan?!!”

“Haha level 3 ko yan eh. Ikaw? Ano nadagdag sayo?”

“Wala talaga akong idea”

“Nako, madidiscover mo rin yan. Pero for now, pahinga muna tayo, nakakapagod kasi eh, kain muna tayo?” Sabi ko.

“Sure tara tara”

Habang naglalakad kami papuntang McDo, nagulat ako ng bigla akong iapproach ng mukhang japanese na lalaki.

“ Kon’nichiwa!“ Bati samen ng japanese.

Ang cute ng japanese guy na to. Pero mukang di marunong mag english eh.

“Kon’nichiwa!” Bati ko rin, alam ko naman ibig sabihin nun eh, “hi”

“ Anata wa Nihon no hanasu koto ga dekimasu ka?“ Sabi niya samen.

Natunganga kaming dalawa ni Sarah sa sinabi niya.

“ Anata wa watashi o rikai dekimasu ka?“ Sabi niya pa

Pero punyemas, wala kaming idea ni Sarah sa sinasabi niya.

Pero nagulat ako na parang may lumabas na subtitle sa may uluhan niya at parang na translate sa english yung sinasabi niya.

“You can understand me?” Ayan yung sinabi niya in english.

Magsasalita sana ako pero parang may subtitle na lumabas sa harapan ko. Sasabihin ko sana “yes” kaso natranslate yung sasabihin ko sa “hai!”

“Hai!” Sabi ko sakanya.

Nagulat si Sarah na nakasagot ako sakanya.

“ Yoi yoidesu! Watashi wa anata ga watashi o tasukeru koto ga dekiru ushinatta nodeshou ka?“

Omg, ang cool!!! Fluent yung japanese niya pero naiintindihan ko dahil sa subtitle sa uluhan niya. Ang sabi niya.

“Good good, i am lost can you help me?”

Sumagot naman ako.

“Kanarazu, doko ni iku ni katej sa rete imasu ka?” (Sure, where are you suppose to go?“)”

“Watashi wa koko de tomodachi i mitasu tame ni katei shite imasuga, watashi wa watashi ga machigatte iru shoppingumoru ni iru to omoimasu (i am suppose to meet a friend here but i think i am in the wrong mall)”

Nakatulala lang si Sarah habang nkikipag usap ako.

“Kono SM Manira wa arimasu ka? (Is this SM Manila?” Pahabol na tanong niya.

“Hai!”

“ A, kare wa firipin hitoda to watashi wa, anata ga Firipin hito de “watashi wa mcdo 4-kai SM Manira de sudeni koko ni iru yo” henkan suru koto ga dekiru eigi ga fusoke shite imasu ka (oh, he’s filipino and i am running out of english, can you translate “im already here in mcdo 4th floor SM Manila” in filipino?)“

Feeling ko ang expert expert ko.

Kinuha ko phone niya at tinype yung pinapasabi niya.

“Arigato! Arigato!!” Sabi niya.

“Doitashimashite!!” Sabi ko naman.

Mukhang satisfied naman siya sa tulong ko.

Umalis na siyang nakangiti samantalang si Sarah, di pa rin makapaniwala.

“Uhm, level 5 power ko hehe” paliwanag ko.

“Gosh Julian, sobra akong naiiggit sayo!!!!”

“Nako, mukhang mas maganda nga sayo eh, di mo lang alam kung ano yung sayo” sabi ko naman.

“Well, sana naman malaman ko! Ang special mo talaga, tama si Kuya Gab”

“Nako, special ka rin remember?”

“Well, jelly pa rin ako sayo huhu.”

Ang cute ni Sarah, hehe pero feeling ko mas maganda yung sakanya eh. Di lang talaga siya aware.

Maya maya habang kumakain kami, bigla naman tumawag saken si Laurence.

“Babe” sagot ko.

“Babe! Kanina pa ako nagtetext sayo ah, nasan ka?”

“Nasa McDo babe,”

“SM? Sige puntahan kita, wag ka na umalis diyan ah” sabi niya sabay baba ng tawag.

Ang dami na pala niyang text, di ko pa nababasa.

“Babe?” Sabi ni Sarah saken.

Shocks, oo nga. Di pala niya alam na may boyfriend ako.

“Uhm yes hehe.”

“Ano ba yan, taken ka na pala hehe. Well, okay lang. Gaano na kayo katagal?”

“Ay bago palang, kaka isang buwan lang namen”

“Ay taray! Hehe. Maganda ba siya?“tanong niya.

Fvck, ang awkward ng tanong niya.

“Ah hehe. Hintayin mo na lang mamaya, parating na siya rito hhe” paliwanag ko

“Sure, I can’t wait” sabi ko pa.

At ewan ko kung bakit bigla na lang nakita ko si Matteo na mag isang umoorder sa counter.

Tinext ko siya na tumingin sa pwesto ko, napansin ko namang nakatingin siya sa phone niya at mukhang nabasa niya yung text ko kasi hanap siya ng hanap.

Agad naman niya akong nakita kasi nagtaas ako ng kamay.

Lumapit siya samen ni Sarah.

“Ano Ju? Bakit nandito ka?” Tanong ni Matteo.

“Eh sinamahan ko lang si Sarah hehe. Ikaw?”

Napatingin siya kay Sarah.

“Ohhh, eto yung chix sa Zambales ah haha. Ano Ju? Lalaki ka na ba?” Tanong bigla ni Matteo.

Nakkahiya, hindi pa alam ni Sarah yung tungkol saken pero ang ingay niya.

“Ewan ko sayo, bakit ka ba nandito?”

“Eh magkikita kasi kami ni Maddie ngayon kaso ang tagal kakaalis palang, mga babae nga naman. Kaya bibili muna sana ko kasi gutom na ako kaso nandito ka nman kaya mmbuburaot na lang ako” sabi niya.

Busy siya sa pag ubos ng fries ko habang nakita ko naman si Sarah na nag ddrawing.

Ano naman kaya iddrawing niya.

“Ju, nga pala. Sabi ni Kuya, mag overnight daw tayong tatlo sa Laguna kapag uuwi na siya. Magpaalam ka na kay Laurence para di hassle. Nako, next week na yun” paalala ni Matteo.

“Eh baka di pumayag sila mama.”

“Papayag yun akong bahala!”

Di pa ako nakakasagot sakanya ng biglang may tumawag sakanya.

“Yes baby, opo. Opo. Sige, sige, baba na ako. Sige, loveyou too”

Mukhang nandito na si Maddie.

“So paano ba to?aalis na ako. Sarah, alis na ako” sabi ni Matteo.

“Oh wait wait, please. Just stay there” pigil ni Sarah.

“Hala, bakit?” Sabi ni Matteo.

Nagddrawing pa si Sarah, nakatitig siya kay Matteo na parang seryoso siya.

Maya maya binaba niya yung lapis niya at mukhang tapos na siya.

“Uhm, so? Ano na? Pwede na ba akong umalis?” Tanong ni Matteo.

“ Anong ginagawa mo Sarah?“ Sabi ko sa isip ni Sarah.

“Weird, sobrang weird. Hmmm. Sige, makakaalis ka na” sabi ni Sarah.

“Ako pa ngayon ang weird ah? Nako, sige na Ju, mag enjoy ka rito ah?”

“Ah sige Matty. Ingat!” Sabi ko.

Nakaalis na Matteo kaya tinanong ko na si Sarah kung ano ginawa niya.

“Dinrawing ko lang si Matteo” sabi ni Sarah.

“Oh tapos?”

“Tapos dinrawing din kita”

“Kaming dalawa?”

“Yeap”

“Oh, drawing lang? Walang action?” Tanong ko.

“Meron, look mo” inabot niya saken yung drawing niya.

Nakita kong nakahalik sa pisngi ko si Matteo!

“Omg, bakit naman ganito dinrawing mo” sabi ko.

“Trip ko lang hehe!”

“Shocks, buti na lang di gumana yung drawing mo”

“Exactly!! That’s why I find it weird! Di gumana yung powers ko. Di gumagana yung powers ko kay Matteo”

Shocks. Anong ibig sabihin nun?

“Wait, anong sabi sa rule mo kapag di umeepekto yung powers mo sa isang tao?”

“Ang sabi lang, it’s either may important role siya sa buhay ko o kaya may powers din siya” paliwanag ni Sarah.

Oh my gosh! Hindi kaya may powers din si Matteo kaya di ko mabasa nasa isip niya?

Imposibleng may malaking part siya sa buhay ni Sarah, kasi di naman sila magkakilala, baka naman talaga may kapangyarihan si Matteo.

Pero ano yun? Ano kaya?

Habang busy kami na nagdidiskusyon about kay Matteo, nakita ko na si Laurence na palapit samen ni Sarah.

Bigla niya akong hinalikan sa labi na talagang kinagulat ko.

“Kanina pa ako nagtetext babe, di ka nagrereply” sabi niya sabay tabi saken.

“Ahhh eh kasama ko kasi si Sarah”

Napatingin siya kay Sarah.

“Ohh familiar ka…”

“Sa Zambales, hehe” sabi ni Sarah.

“Oh yes, hi hi!”

“Hi din hehe pero aalis na ako. May lakad pa kasi ko eh. Hehe, thank you Julian. Sobra akong naenjoy, next time uli” paalam niya saken.

“Hehe sure, next time uli ah?” Sabi ko.

Nakaalis na si Sarah at naging touchy na naman si Laurence. Kahit saang lugar talaga, ang touchy niya.

“Namiss kita babe” bulong niya saken.

“Magkasama lang tayo kahapon ah?”

“Eh syempre, alam mo naman na gusto kita palaging kasama”

“Sus bola”

“Hehe, alis na tayo babe. Punta tayo samen, gusto kitang makayakap ng matagal eh, nagagawa ko lang yun kapag solo kita”

Ang hot niya talaga lalo na ng boses niya kapag bumubulong siya sa tenga ko.

“Uhm, kiss mo muna ako” sabi ko sakanya.

“Ayyy grabe, ngayon ka lang nag ganyan babe. Halika ritoo…” inabot niya mukha ko at hinalikan ako sa labi.

Bigla ko naman siyang natulak agad agad sa ginawa niya.

“Sa cheeks lang babe, grabe ka naman!”

“Haha, sorry. Halika na babe, para di ka na nahihiya kapag hinahalikan kita”

Tumayo na siya at hinila na niya ako, sumama na ako sakanya at dumiretso sa bahay nila.

++++

Minsan, nagtataka ako kung bakit virgin pa ako.

Lalo na kanina, halos gawin na namen pareho yun pero napipigilan pa rin namen.

Siguro kung sinabi kong gusto ko na kanina, baka nakuha na niya yung matagal ko ng tinatago.

“Mukhang masaya ka anak ah?” Tanong saken ni mama nung pagpasok ko sa bahay.

“Hehe, si Laurence kasi ma”

“Aba, hehe. Mabuti naman at masaya ka anak.”

“Opo, sobrang bait ni Laurence hehe tapos sobrang sweet pa”

“Di naman nakakagulat yun. Nakita ko naman nung nandito siya hehe”

“Diba hehe. Ay ma, magpapaalam sana ako mag overnight” bigla ko kasi naalala yung kay Matteo.

“O sige anak, si Laurence nman kasma mo diba?”

“Ahhh hindi po, si Matteo po” sabi ko.

Nakaupo na kaming dalawa sa sofa. Wala pa si papa kaya naman walang maingay samen

“Hmmmm. Saken okay lang anak, samen ng papa mo okay lang, pero kay Laurence kaya okay?”

“Okay lang naman siguro..,,”

“Siguro…. nako, anak isipin mo, boyfriend mo na si Laurence tapos mkikipag overnight ka sa ibang lalaki. At di lang yon, sa bestfriend mo pa”

“Bestfriend ko nman talaga si Matteo”

“Alam ko anak, pero kung ako si Laurence, tapos ngpaalam ka na makikipag overnight ka kahit sa bestfriend mo pa, aba hindi ako papayag nun”

“Wala naman kaming gagawing masama ma”

“Alam ko namang wala anak. Pero human nature yun, di mo maiiwasan yung iisipin ng partner mo. Pero ikaw sige kung gusto mo talaga, edi mag paalam ka ng maayos”

Siguro tama si mama. Mali talaga na makipagovernight ako kasama si Matteo.

“Tapatin mo nga ako Julian, nagkagusto ka ba kay Matteo?”

“Hala ma wala po!” Bigla kong sagot.

Pero parang di convince si mama, nakatingin siya saken na parang binabasa niya naiisip ko.

“Gusto mo bang maging honest ako sayo?” Sabi ni mama bigla habang hinawakan buhok ko.

“Hmm, sige po ma”

“Alam mo ba yung tingin mo kay Laurence everytime na magkasama kayo? Sobrang iba, parang nagniningning mga mata mo. Tapos parang ngumingiti yung mata mo saya”

The way kung paano sabihin ni mama yun, sobrang natuwa ako.

“Talaga ma??”

“Oo. Pero may isang mali.” Sabi ni mama.

“Ha? Ano po yun?”

“Kung paano mo tignan si Laurence, ganun mo rin tignan si Matteo”

Nakangiti lang si mama na parang may laman yung sinasabi niya.

“Masarap magmahal kapag mahal mo yung isang tao anak. Pero mas masarap kapag mahal mo yung isang tao at bestfriend mo pa siya at the same time”

Grabe, ano ba gustong iparating ni mama saken.

“Just saying hehe. Akala ko nga anak, si Matteo sasagutin mo eh”

“Ma, ano ba yan. Straight yun si Matteo!” Sabi ko.

Tumawa lang si mama at nag sorry saka tumayo.

“Kung paano mo tignan si Matteo anak, ganun din yung tingin niya sayo” sabi pa ni mama sabay kindat at diretso sa kusina.

Gusto ko ng isipin na mas gusto ni mama si Matteo para saken.

+++++

Nakatambay kami sa Angel’s Burger sa tapat ng school, kumakain, kasama ko si Matteo.

“Ano ba yan Ju, napaka dumi mong kumain!!” Pinunasan ni Matteo yung ketchup sa may labi ko.

“Ayan, kissable ka na uli haha” sabi niya.

Fvck, naalala ko na naman yung panaginip ko sakanya.

“Hey, Julian?” Narinig kong tawag sa likod.

Si Kennard pala.

Taga FEU pala siya, batay sa uniform niya.

“Uy Kennard” sabi ko.

“Kennard?” Singit naman ni Matteo.

“Ahhh oo si Kennard. Uhm, Kennard, si Matteo pala” pakilala ko.

Parang may kuryente sa pagitan ng mga mata nila. Grabe kung magkatitigan.

Inabot nila kamay nila sa isa’t isa.

“Ikaw pala yun” sabi ni Matteo.

“Ikaw din pala yun” sagot ni Kennard.

Fvck, ano ba to. Ang awkward ng pwesto ko.

“Kayo ni Maddie di ba?” Tanong ni Kennard.

“Oo pre,”

“Ahh, tapos kayo ni Julian?…”

“Bestfriend ko siya pre” sagot ni Matteo.

Ang hirap kapag straight na lalaki nag aaway. Feeling ko sapkan agad mangyayari.

“Ahhh, kami rin pre, bestfriend ko naman si Laurence” sabi ni Kennard.

“Oh tapos?” Ang angas din kasi ni Matteo eh.

“Bestfriend ko yn pero di ko pupunasan kapag may dumi sa labi yun” banat ni Kennard.

Mukhang nakita niya yung ginawa ni Matteo saken.

“Julian, bestfriend ko yun si Laurence, parang kapatid ba, kaya sana di mo siya niloloko” biglang sbi ni Kennard.

Fvck, ano ba to.

“Wag ka mag alala pre, ganyan lang kming dalawa. Masanay ka na, kami nga sanay na eh” banat ni Matteo.

Ngumiti lang si Kennard at mukhang di na sasagot.

Tinitigan ko lang si Kennard saglit para mabasa ko iniisip niya pero nagulat ako ng di ko mabasa.

Tinitigan ko pa siya, sinubukan ko pa siyang kausapin sa isip ko pero….

Di ko mabasa nasa isip niya.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!! HEHE SORRY SA UPDATE KAGABI, ALAM KONG BITIN KAYA AYAN BAWI AKO NGAYON HAHA.

Matteo ( taas -siya iniisip kong matteo) vs Kennard (baba - siya iniisip kong kennard)

Part 23

A/N:

CONGRATS ATENEO!!!!!! WOOOOO!!!!

AT CONGRATS SA ATE KO NA IKAKASAL MAMAYA (APRIL 11)!

ENJOY!!!!!

PAFOLLOW NGA SA IG HAHA

IG: iamnipo

(

Nagfofollowback ako, message niyo lang ako hihi)

++++++++++++

“May pagtatalo daw si Matteo at Kennard kanina ah? Haha nag sapakan ba?” Tanong saken ni Laurence.

Nakahiga ako sa kama niya habang siya naman nagbibihis ng pambahay na damit.

“Oo babe, grabe. Iba yung tinginan ng mga mata nila eh” sabi ko.

“Haha, eh kasi patay na patay talaga yun si Kennard kay Maddie, tapos nameet pa niya yung boyfriend nun. Talagang magagalit yun”

“Ehh wala naman kasalanan si Matteo ah”

“Sus, babe. Hayaan mo na sila, haha problema na nila yun…” bigla siyang tumabi saken at parang inaamoy niya yung leeg ko.

“Babe, nakikiliti ako”

“Hehe, talaga? Ehh paano kung ganito…” fvck, hinahalikan niya ako sa leeg. Napakasarap sa pakiramdam.

“Uhm, babe” medyo napapaungol ako.

“Gusto mo ba?” Tanong niya saken.

Fvck, niyayaya niya ba ako? OMG, parang di pa ako ready.

“Babe….”

“Uhm. Sige na babe, dadahan dahanin ko lang” bulong niya saken.

Sht, nasasarapan ako sa ginagawa niyang paghalik saken, di ako makasagot sakanya.

Gusto kong sabihin na ayoko kasi yung katawan ko gumugusto.

“Baka kasi masakit babe” sabi ko.

“Hindi talaga yan babe, promise. Tsaka, I’ll make to you. Romantic sex ika nga”

Tumigil na siya sa paghalik tapos humarap saken.

Nakangiti siya habang nakatingin saken.

Bigla niya akong hinalikan sa mga labi ko.

Sobrang lambot.

Sobrang sarap.

Dahan dahan, hanggang sa maramdaman kong parang nababasa na ng laway.

Hinawakan niya yung ulo ko at kinokontrol yung halikan namen.

Ang sarap talaga ng lasa ni Laurence, sobrang nakakadala.

Parang umuungol din siya ng bahagya habang hinahalikan ako.

Ang sarap sa pandinig nun.

Maya maya, nararamdaman kong parang may tumutusok sa bandang hita ko at nagulat ako ng malaman kong…,

Fvck, ang laki talaga, nararamdaman ko sa hita ko.

“Uhm babe, wait!” Tulak ko sakanya

“Bakit babe?”

“Parang ayoko pa babe”

“Ha? Bakit naman babe?”

“Ehhh, basta. Natatakot ako babe, tsaka tignan mo. Di special, naka uniform pa ako, tapos ikaw naka shorts at sando lang.”

Parang nalungkot naman siya sa sinabi ko kaya napahiga siya sa kama.

Nakaka bothered pa rin yung naka bukol sa kanya, nakatihaya kasi siya.

“Babe, galit ka?” Tanong ko sakanya.

“No no, babe.” Pero sa tono niya, parang nagtatampo siya or what.

“Ehhhh. Di pa kasi ako ready”

“Naiintindihan ko babe” tangi niyang sagot.

Parang ang awkward tuloy ng feeling sa kama ngayon.

“Babe.” Yakap ko sakanya.

Buti na lang gumanti rin siya ng yakap.

Di naman siya nagsasalita, basta nakayakap lang siya saken.

Ang bango bango pa niya at ang init init sa pakiramdam.

“Hatid na kita babe?” Bulong niya saken.

“Uhm sige po, ikaw bahala”

Bigla na lang siyang tumayo at nagbihis ng pantalon at TShirt.

Bumangon na rin ako sa kama at nag ayos.

Ang awkward talaga ng feeling ko ngayon kaya di na lang muna ako nagsalita, hanggang sa pagbaba namen at pagsakay sa sasakyan, di kami nag usap ni Laurence.

++++

“Bakit ka napatuwag Ju?” Sagot ni Matteo. Nakadapa kasi ako sa kama ko at kakatapos ko lang maligo.

“Parang magkaaway kasi kami ni Laurence eh” sabi ko.

“Ohhh bakit? Ano nangyari?” Ramdam ko yung pag aalala ng boses niya.

“Uhm, medyo nakakahiya ehhh”

“Sus, pabebe ka pa. Bakit ka pa tumawag kung di mo sasabihin???” Sabi niya.

“Ang suplado mo naman!”

“Arte mo kasi Ju! Sabihin mo na!”

“Aba, wag na nga, tse. Bahala ka diyan”

“Ahahhaha uy joke lang binibiro ka lang ahaha, dali na Ju, kwento mo na”

“Promise, wag kang tatawa?” Sabi ko sakanya.

“Oo, promise. Dali, nakahiga na ako ngayon.”

Huminga muna ako ng malalim.

“Kasi ganito yun, muntikan na kaming mag ano kanina….”

“Mag ano?”

“Ano ka kinder? Basta ano, yung ano…”

“Putek naman Ju, ano nga?!”

“Mag sex!”

Natahimik lang siya sa sinabi ko.

Di ko alam kung tumatawa siya ng malakas o talagang di siya nagsasalita.

“Hoy, nandiyan ka pa?” Tanong ko.

“Ayyy oo, hahahahha. Oh?? So di ka na virgin?”

“Nakikinig ka ba? Hindi nga natuloy. Muntikan lang” sabi ko.

“Ohhh, eh ano problema mo?”

“Wala, parang nagalit siya nung tumanggi ako. Kasi nandun na eh, tapos bigla akong umayaw” sabi ko.

“Alam mo Ju, okay lang yan. Kilala kita, pabebe ka eh pero dapat kaya niyang maghintay kung kailan ka ready” sabi niya.

“Pabebe talaga?”

“Oo kaya, jusko. Pero siguro kung tayo rin dalawa, di naman kita pipilitin”

Ha? Kung kaming dalawa??

“Ehhh buti na lang hindi tayo, ang hirap kaya ng walang sex no!hahaha” bigla niyang bawi.

Buti na lang medyo nakakayanan ko na yung mga paganyan ni Matteo.

“Pero masakit kaya yun?” Tanong ko sakanya.

“Ayy oo masakit yun Ju. Haha nako, wag mo ng subukan. Mamaya di ka na makatae hahahaah”

“Hoy nakakadiri naman yang sinasabi mo!”

“Tatanong tanong ka tapos ano, nako. Basta masakit yun, wag mo na gawin!”

Natatakot naman ako sa sinabi ni Matteo. Masakit daw, medyo naniniwala ako kasi may alam na siya eh.

“Haha pero alam Ju, okay lang yan. Wag mo muna ibigay bataan mo. Okay? Precious yan. Dapat special!” Sabi niya pa.

Natawa ako sa sinabi niya, at the same time natahimik din ako bigla. Di ko alam kung bakit.

“Andiyan ka pa ba?” Medyo malumanay pagkakasabi niya, ang hot ng boses niya.

“Uhm, oo”

“Ano ng ginagawa mo diyan ngayon?” Again, sobrang malumanay, yung akala mo nagliligawan kami dahil ganun yung boses niya.

“Nakahiga lang, nakayakap sa unan ko. Ikaw?”

“Hmmm, ganun din hehe. Bakit di ka pa natutulog diyan?”

“Hindi ako makatulog kapag naaalala ko yung itsura ni Laurence eh, parang nadisappoint kasi siya eh”

“Ahhh..,.. hmmm. Ju, may tatanong lanh ako sayo ah”

“Oh sige, ano yun? Bakit parang ang seryoso mo bigla?”

“Hehe, wala lang. Hmmmm. Mahal mo na talaga si Laurence no?” Tanong niya.

Di ko alam bakit bigla niyang natanong yun, medyo naguluhan lang ako.

“Ah, oo naman. Mahal na Mahal ko talaga si Laurence promise.” Sabi ko.

“Hehe, naniniwala ako, may promise eh”

“Teka, bakit ba ganyan ka kaseryoso? May problema ka na naman ba?”

“Hindi, wala Ju. Medyo maingay lang sa baba pero kaya naman tiisin hehe”

“Sugal na naman?” Tanong ko.

“Oo eh hehe”

Kaya pala ganun na lang si Matteo. Naaawa talaga ako sakanya, di ko naman alam kung anong gagawin ko.

“Sige na Ju, matutulog na ako” paalam niya.

“Teka” sabi ko.

Di ko alam kung bakit bigla kong gustong tanungin yung tinanong niya saken.

“Bakit?”

Pinipigilan ko sarili ko pero bigla ko nalang nasabi.

“Mahal mo ba si Maddie?”

Tumahimik lang siya bigla, at may moment of silence.

“Oo naman Ju, mahal na mahal din. Kahit papano, napapasaya na niya ako” kwento niya pa.

Kung sinabi niya saken yan noon na patay na patay ako sakanya, sigurado nagwala na ako sa iyak sa sakit.

Pero ngayon, parang wala na.

“Good to know, hehe. Sige na Matty, Goodnight!”

“Sige Juju, Goodnight. Mwa mwa.”

Binaba na namen pareho yung tawag, nagtext naman ng goodnight message si Laurence para saken.

“Hi babe. Goodnight! Sorry kanina ha? Sana di ka mailang saken. Kaya ko naman maghintay eh hehe. Pero ngayon, hahalikan kita ng hahalikan kasi di ako magsasawa sa labi mo hehe. I love you babe, super duper. I’ll wait for your goodnight message bago ako matulog to know that we’re okay. 😉 “

Akala ko talaga hindi na siya okay, buti na lang nagtext siya ng ganito. Kaya nagsend din ako ng message sakanya.

“Sorry din kanina babe, sana maintindihan mo. I love you too so much, kung alam mo lang po. Di rin ako magsasawa sa lips mong malambot at basa basa hehe. I love you, please sleep na! 😉 “

Niyakap ko yung phone ko habang naiisip ko si Laurence, grabe kinikilig ako kapag naaalala kong nagkikiss kaming dalawa.

++++

“Te, naiirita na naman ako sayo ah, bati bati na naman kayo ng Matteo ko!” Sabi ni Jerick, magkasama kasi kaming dalawa sa room, bigla na lang tumabi, wala pa kasi si Matteo.

“Haha, sorry na”

“Keme lang haha medyo natanggap ko na rin Te, haha. Pero penge naman pictures niya na topless, jusko be, ang sarap sarap talaga!”

“Haha, syempre mas masarap si Matteo te!”

“Dun ako sa boyfriend ko no, Laurence ako” sabi ko

“Basta ako team Matteo all the way kaya wag kang ano diyan haha”

Nagtawanan na lang kaming dalawa sa pinagtatalunan namen.

“Julian!” Sabi ni Greco sa isip ko. Eto kami, nag uusap na dalawa sa isip.

“Greco” sabi ko naman sa isip niya.

“Sht kaya mo na rin makipagusap sa isip!!! Nice congrats!”

“Haha oo, oh bakit pala?”

“Wala, wala kasi akong kasama eh. Ayoko naman lumapit sayo diyan”

“Hehe, gusto mo ba lumapit ako?”

“Oo, may sasabihin kasi ako sayo”

Sa isip lang kami nag uusap kaya di aware si Jerick na magkausap kami.

“Uy Jerick, punta lang ako kay Greco ah”

“Ay te, isa pa yang masarap na yan!”

“Ahaha tigilan mo nga, hehe sige”

“Oy te, saglit lang. Pinapaalala ni maam ah, yung Ilocos tour niyo, bago mag pasko yun!”

Muntikan ko ng makalimutan yung Ilocos!

“Oo nga pala, sige salamat sa paalala” sabi ko.

Tumayo na siya at bumalik sa upuan niya, ako naman lumapit kay Greco.

“Anong level mo na?” Tanong niya saken.

“Level 5 palang hehe”

“Wow, okay na yan. Hehe. Nakita mo na ba yung libro mo?” Tanong niya.

“Anong meron?”

“Nako ka talaga, check mo kasi regularly yan. May sobrang malaking announcement!!”

“Ano naman yun?”

“Tignan mo na lang, ewan ko kung matutuwa ka basta ako excited na ako!” Sabi niya.

Naiwan ko kasi yung libro ko kaya di ko matignan ngayon.

“Ohh and by the way, may nakilala rin akong may gift. Haha at ang cool ng gift niya!” Biglang sabi ni Greco.

“Ohh talaga? Sino naman?”

“Secret, haha. Naglihim ka eh, secret din saken”

“Haha ang daya mo, pero ano na lang yung gift niya?” Tanong ko.

“Hmmmm, secret din haha. Kapag nagkita kami, sama kita minsan” sabi niya.

“Hehe, sige ako rin ako rin.” Sabi ko.

Nakakaintriga yung nakilala ni Greco na may gift at mas nakakaintriga yung announcement sa libro. Ano naman kaya yun?

+++

Nagtext si Laurence saken na wala siyang load at sa Viber na lang daw kami mag chat.

“Babe, nasaan ka ngayon?” Chat niya saken.

“Papuntang tuhugan.”

“You mean streetfoods? No babe. Wag ka kumain diyan, madumi yan!”

“Arte naman babe! 😒”

“Huhu, please?”

Nakakaaasar, rich kid din kasi tong si Laurence eh.,

“Sino yan Ju?” Tanong ni Matteo sa gilid ko.

“Si Laurence, ayaw niya akong pakainin ng streetfood”

“Hahaha edi wag mo sabihin, jusko, parang streetfood lang eh!” Singit naman niya.

Chinat ko na uli si Laurence.

“Nasan ka ba babe?”

“Nasa bahay babe, kakatapos ko lang magbuhat” sabi niya.

“Ohhh? Edi ang macho mo na lalo babe? 😉👊💪”

“Haha, oo babe. Para yummy ako at di mo ko iwan 😂”

“Hala, di naman kita iiwan eh kahit chubby ka😍😗😗”

Kinikilig ako sa landian nameng dalawa.

“Ang taba ko na nga babe eh. Look…..

Halos di ko nakaya yung sinend niyang pic! Sobrang hot niya talaga!!!!!

Ang taba taba kasi ng pisngi niya kapag ngumingiti pero ang ganda ng katawan.

Sobrang sarap pang yakapin niyan.

“Babe naman, ang hot 😍😍😍!!!!!!” Reply ko.

“Haha iyong iyo lahat yan babe, wag kang mag alala” sabi niya.

Para akong baliw na nakangiti habang kausap ko si Laurence.

“Babe, may sasabihin pala ako sayo” chat niya.

“Ano?”

“Promise mo muna di ka magagalit”

“Ano muna ginawa mo?”

“Promise ka muna 😔”

“Depende yun! 😔😔😔😔”

“Kasi si Kennard…..”

Putek, mukhang di ko magugustuhan to ah.

“Anong meron sakanya?!!!”

“Nandito kasi siya babe”

“Ohh tapos?!”

“Tapos..,,”

“Sabihin mo na!!😡😡😡😡”

“Tapos palagi kong sinasabi sakanya na mahal na mahal kita. 😃😜”

Yung inis ko napalitan ng ngiti. Putek, sobra akong kinikilig kay Laurence.

“Bwisit ka!!!!😠😠😠😡😡😡” pero pabebe lang yan, deep inside kinikilig ako.

“Ahahaha I love you too so much. Haha 😝😝”

Sobrang sarap talaga mainlove, lalo na kapag ganito boyfriend mo.

“Hoy Ju, para kang baliw diyan nakangiti ngiti ka pa!” Saway ni Matteo saken.

“Hahaha, paepal to, panira moment!”

“Hahaha di ka na kakain kwek kwek?”

“Hindi na, baka magalit si Laurence eh”

“Ano ba yan. Ilibre mo na lang saken yung kakainin mo!” Sabi niya pa.

Sinamahan ko na lang siya kumain ng kwek kwek habang naglalandian kami ni Laurence sa chat.

+++++

Pag uwing pag uwi ko sa bahay, una kong chineck yung libro ko sa kwarto.

Di ko napansin na umiilaw pala siya.

Pagkakuha ko, may mga announcement nga.

“Congratulations, you are now level four!”

“Congratulations, you are now level five!”

About dun lang pala yun.

Pero nung nilipat ko yung page, may isa pang announcement.

GREETINGS!

Kumpleto na ang bilang ng mga nakatanggap ng gift.

Dahil diyan, magkakaroon kayo ng “battle of the gifted!”

Ang battle of the gifted ay isang friendly fight ng mga taong may gift.

Ang makikipag participate ay makakatanggap ng points o ng mga points na maaaring makapagpataas ng level.

Kung nais sumali, maaari lang magsabi sa nagbigay ng inyong regalo at sasabihin nila sainyo ang lugar at petsa ng event na ito.

NOTE:

KUNG IKAW AY LEVEL 10 OR BELOW AT KAPAG NAG SIGN UP AY AUTOMATIC NA TATAAS ANG LEVEL MO NG ISANG BESES.

Thank you and have a nice day!“

Battle of the gifted?

Kailangan ko pa ba nun?

Pero mukhang exciting at mukhang okay.

Kumpleto na kami? Pero ilan kami? At sino sino naman kaya?

++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

Wanna know who’s Laurence?

Eto yung IG account niya.

IG:jhosephllorente

👊👊👊

Part 24

“Pupunta ka sa event?” Tanong saken ni Sarah, tinext ko kasi siya kung nasaan siya, gusto ko siya makita. Nasa may Malacañang kami ngayon, naglalakad lakad.

“I don’t know. Kung battle yun, hello, ano naman gagawin natin dun? Babasahin mo nasa isip nila tapos ako iddrawing ko sila? Parang di para saten yun”

Sabagay may point siya, hindi naman siguro kami para dun. Pang defensive criteria lang kaming dalawa.

“Sayang naman kasi yun, sayang points, sayang level”

“Sayang nga, pero anong gagawin natin haha” sabi niya pa.

Mukhang ayaw niya talaga, pero gusto ko makausap si TB about dito.

“Di ko pa rin nadidiscover yung bagong gift ko Julian huhu. Tulungan mo naman ako”

“Ha? Eh paano? Di ka ba nagtry mag explore?”

“Hindi pa ehhh”

“Osige. Try natin ngayon.” Sabi ko sakanya.

Naupo kami sa gilid, since safe naman dito sa may Malacañang at naka uniform naman kami, di kami pinapaalis ng guards.

“Drawing mo yang kalsada sa harapan natin” sabi ko sakanya.

Di naman siya nagdalawang isip na idrawing yun.

Sobrang effortless para sakanya yung mag drawing, ang galing galing din ni Sarah, siguro ang swerte ng magiging boyfriend neto.

“Ohhh ayan na, paano ko makokontrol yang kalsada aber?” Tanong niya.

“Hahaha, teka, hmmmm. Try mo ngayong sulatan yung nasa drawing mo” sabi ko.

Mukhang napaisip siya sa sinabi ko, marahil di pa niya nasusubukan yun,

Nagsulat lang siya ng isang heart sa gitna ng drawing niya tapos nagulat kaming dalawa ng biglang may na ddrawing na heart sa mismong kalsada!

“OMG JULIAN!!!“halos napasigaw siya sa nakita niya.

“Grabe!!! Ang ganda ng gift mo!”

“Waa, di ako makapaniwala”

Nilapitan namen yung drawing habang walang dumadaan na sasakyan.

Parehas na parehas yung kulay at yung pagkakadrawing sa libro, sa pagkaka drawing sa kalsada mismo.

“Grabe, ang galing talaga” sabi ko uli sakanya.

“Wow, sobrang….. wow. What if yung mukha mo Julian”sabi niya.

“Hoy, wag mong babuyin mukha ko!”

“Haha promise, hindi. Eto, may sketch na ako ng mukha mo”

“Hala!!”

“Hehe, sorry, freetime lang hehe”

Umupo uli kaming dalawa sa gilid at napansin kong naglagay siya ng bilog sa bandang pisngi ko.

Nararamdaman ko na lang na parang may gumuguhit sa mukha ko na pabilog.

“Omg, pwede siya Julian!!!”

Hinawakan ko yung pisngi ko at naramdaman kong parang may nakasulat nga.

“Ohh wait, tanggaling ko na” sabi niya.

Buti na lang naka pencil lang siya at nararamdaman ko ring nawawala yung sulat sa pisngi ko.

“OMG, pwede ka sa battle!!!“sabi ko.

Nagulat naman siya sa pag OMG ko.

“Anong sinasabi mo Julian?”

“I mean, pwede kang mag drawing ng maraming daga, or something panakot. Diba diba diba?”

Mukhang napaisip siya sa sinabi ko.

“Offensive ang gift mo Sarah”

“Talaga? Sht, oo nga!”

“Diba? Gosh, eh ako sure na pang defense lang, di ako makaka atake”

“No no no, that’s the thing. Siguro you can help me!”

“Paano naman?” Tanong ko.

“Well, you can read our opponent’s minds tapos you’ll know their secrets, then icoconvert ko yun sa offense. OMG diba? I think unbeatable tayo nun!”

Medyo kinilabutan ako sa sinabi ni Sarah. Tama nga siya, pwede kaming magtulungan.

“Ohh oh oh, and sama natin si Gab. Kung tatlo tayo, you can read minds, I’ll convert it to offense, then iffreeze ni Gab yung time. Boom! Sure win!!”

Grabe, ang gaganda ng suggestions ni Sarah, parang naeexcite tuloy ako sa mangyayari.

“Tara, mag sign up tayo Julian! Para mamaximize natin tong gift natin!”

“Tara tara!! Pero kailangan na natin magpalevel pa sa mga susunod na araw para magkaroon pa ako ng ibang gifts, at syempre ikaw din”

“Oo oo, gosh, sobrang excited ako!”

“Mas lalo na ako” sabi ko.

Ang bilis pa ng tibok ng puso ko ngayon.

Sobrang naeexite na ako sa battle.

+++++++++

Back to normal na ang klase. Busy na uli sa mga pinapagawa ng mga prof., wala na masyadong free time.

Pero yung pang aasar saken ni Matteo, di pa rin nawawala.

Naglalaro lang siya sa phone niya ng bigla kong narinig si Greco sa isip ko.

“Julian. Julian!” Kausap saken sa isip ni Greco habang naglelecture yung prof.

“Oyy” sagot ko rin sa isip niya.

Ang sarap kapag may kausap ka sa isip mo. Dati, naiisip ko lang to eh. Pwedeng pwede kapag may exam.

Kaso bawal gamitin sa masama ang kapangyarihan kaya binura ko na sa isip ko yun.

“Ano nabasa mo na ba yung announcement?” Sabi niya pa rin sa isip ko.

“Oo, last week pa no haha”

“Haha, di kasi kita nakakakwentuhan eh. So ano? Mag sign up ka ba?”

“Oo, gusto ko. Kaso di ko pa nakakausap nagbigay saken ehhh”

“Ganun ba? Naka sign up na ako kanina at ready na ako!”

“Aba competitive!”

“Dapat lang no, haha. Malaking regalo ang mananalo sa journey na to!”

Medyo natahimik na naman ako sa sinabi niya. Ano ba to, ang daming alam ni Greco.

“Ano naman yung regalo?”

“Nako ka Julian, kausapin ko na kasi yung taga bigay mo.”

“Hmp, damot haha”

“Bawal kasi sabihin Julian haha!”

Di ko napapansin, nakatawa na pala ako habang kausap si Greco sa isip niya.

“Hoy ano na Ju, bakit ka natatawa diyan? Baliw ka na naman?”

“Ay, maglaro ka nga lang diyan”

“Sus, ewan ko sayo. Ano na? Malapit na birthday ko Ju! Ano regalo mo saken?” Tanong niya,

Buti na lang di masyadong mahigpit tong prof ko kahit nag iingay kaming dalawa.

“Ayyy oo nga pala!” Biro ko.

“Nakalimutan mo?”

“Hahaha sorry, oo. Wala pa akong nabibili” sabi ko.

Pero syempre meron na, di ko naman makakalimutan birthday neto.

“Ah sige”

Ay. Bigla na naman siyang tinopak.

Nagulat ako ng tumayo siya at lumipat ng upuan.

Hala nagalit nga siya!!

“Anong problema ni Matteo?” Sabi ni Greco sa isip ko.

“Ay ewan ko, biglang nag walk out”

Natapos yung klase namen ng di niya ako kinakausap.

Dahil ba sa biro ko?

Kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase, nilapitan ko siya.

“Bakit may pag walk out ka?”

“De sige, hayaan mo okay lang”

“Haha, ang arti naman neto….”

“De sige na Julian.” Shet, galit nga siya saken kasi tinawag niya akong Julian.

Lumabas na siya ng school na mukhang nagmamadali.

Hahabulin ko pa sana siya kaso napansin ko si Laurence sa labas ng room at hinihintay ako.

Dali dali niya akong niyakap nung makita niya ako.

“Good Afternoon babe. Lunch?” Tanong niya saken.

Tinignan ko kung nasaan na si Matteo pero di ko na siya makita.

“Uhm, sure” sabi ko.

Dumiretso na uli kami sa kotse niya.

“Sa bahay niyo tayo babe?” Tanong ko.

“Ay, gusto mo ba? Di ako nakabili ng pagkain babe”

“Ay eh saan tayo kakain?”

“Sa mall na babe”

“Bakit ba kasi ayaw mong kumain sa carinderia?”

“Haha no babe. Di masyadong malinis, atleast sa mall, masarap and comfy pa. Hehe”

Hirap din kapag rich kid boyfriend mo eh.

Pero masyado niya akong iniispoil. Minsan natutuwa ako minsan naman nahihiya na ako.

Pagkarating sa mall, sa Pizza Hut na kami nag lunch.

Hinintay lang namen yung order.

Siya naman, nakaakbay lang saken habang nagkekwento.

“Ikaw babe? Kumusta araw mo?”

Araw araw niya akong tinatanong ng ganito, natutuwa ako kasi nararamdaman kong may paki siya.

“Okay naman po,”

“Oh bakit parang hindi?”

Naalala ko kasi yung pagtatampo ni Matteo eh.

“Ah wala babe”

“Hmmmm. Meron talaga babe ehh, hmmmm, si Matteo ba?” Tanong niya.

Nagulat naman ako na bakit niya alam na si Matteo.

Di tuloy ako nakapagsalita at mukhang nahalata niya.

“So si Matteo nga?”

“Hindi babe, nagtampo lang saken, biniro ko kasi” sabi ko.

“Ehhh bakit ka naaapektuhan ng ganyan? Alam mo minsan, nagseselos na talaga ako sakanya” sabi niya pa.

Medyo seryoso pagkakasabi niya nun. Tinanggal pa niya pagkakaakbay saken.

“Hala babe, wala yun. Syempre nasanay lang ako na palagi kaming okay” paliwanag ko.

“Hmmm. Okay, I believe you babe. Pero ramdam ko naman na mas mahal mo si Matteo saken eh”

Sht, ano yung sinabi niya?!

“Babe?…” sabi ko.

“I mean, mas importante pa rin siya sayo. Na mas naaapektuhan ka sakanya, tignan mo, tampuhan lang yan oh pero nadadamay mood mo kapag kasama mo ako, edi malaki talaga impact niya sa buhay mo” paliwanag niya pa.

Medyo nahihiya tuloy ako. Naaawa rin kay Laurence.

“Julian, babe, alam mo mahal na mahal kita. Kahit na di ko maexplain nararamdaman ko kapag kasama kita, ang alam ko lang mahal na mahal kita.”

“Hala babe, mahal din kita….”

“Alam ko yan babe. Pero siguro kailangan ko pa mag try harder para mas mahalin mo ko hehe”

Grabe, di ko maexplain yung nararamdaman ko.

Medyo guilty ako, palagi ko kasing sinasabi na wala na akong feelings kay Matteo, pero yung pag aalala ko sakanya at yung mood ko, parang nakadepende pa rin sakanya.

Pero eto si Laurence, wala namang ibang ginawa saken kundi pasayahin ako.

Dumating na yung inorder nameng pizza at lasagna.

“Sige, kain na tayo babe!” Sabi niya.

Pero ramdam ko na parang malungkot din si Laurence.

Alam ko may kailangan akong gawin kaya naman kumuha ako ng isang slice ng pizza at sinubuan ko siya.

“Uhm babe, bakit?” Tanong niya.

“Ehhh, basta kain ka lang oh dali” napangiti naman siya tapos kumagat din.

“Sarap diba?” Sabi ko pa.

“Yeap, pero mas masarap labi mo” bigla niya akong hinalikan sa labi ko ng mabilis.

“Mmmmmm. Sarap!” Sabi niya.

Natuwa naman ako sa ginawa ni Laurence.

Habang kumakain naman siya, bigla ko siyang niyakap sa gilid niya.

“Oh? Bakit ang clingy ng babe ko?” Tanong niya.

“Ehhh, kasi yung iniisip mo about kay Matteo….”

“Babe, promise. I totally understand. I know masyado kayong dependent sa isa’t isa. At nung nililigawan kita, alam kong kasama sa package na may bestfriend kang lalaki, tanggap ko yan sa simula pa lang babe”

Di ko talaga alam kung bakit pa ako nag iisip ng ibang tao, eh si Laurence, sobrang perfect.

Gwapo na, tapos sobrang mapagmahal pa. At lalo na, gwapo uli.

“Babe.” Tawag ko sakanya.

“Yes ?”

“Mahal na Mahal din kita. Sorry,”

“Wag ka magsorry babe, okay lang. Mahal din kita kaya nakakaya ko yan” sabi niya pa.

Mas lalo ko talagang minamahal tong si Laurence sa paglipas ng panahon. Parang wala na talagang hahanapin pa sakanya.

“Uhm, babe. Nga pala, gusto mo ba mameet si tita?” Tanong niya.

“Ohh, akala ko ba naiinis ka sakanya?”

“Wala, gusto ko lang makilala mo siya. Gusto ko rin makilala ka niya hehe. Okay lang ba?”

“Uhm, nakakahiya kasi babe”

“Hindi yan babe, tsaka di naman kita iiwan dun eh hehe. Ano babe?”

Mukhang gusto niya rin akong ipakilala sa tita niya. Tsaka, pinakilala ko naman siya sa bahay kaya dapat siguro okay lang na magpakilala ako sakanila.

“Osige babe” bigla kong sabi.

“Oh talaga? Yes. Sige, sunduin kita mamaya ah. Sabay na tayo” sabi niya.

“Ha?”

“Mamaya na agad?”

“Oo babe hehe. Nasa bahay daw siya eh. Ayoko sana umuwi eh kaso baka magalit ka. Kaya papakilala kita sakanya hehe. Para maging legal na rin tayo sa bahay”

Mukhang naeexcite si Laurence sa planong to, kita ko sa mukha niya.

Kaya pumayag na akong makipagkita sa tita niya.

+++++++

Pagdating namen sa bahay niya, mukhang wala pa yung tita niya kasi tanging mga katulong lang nila yung nandito.

Napansin ko rin si Kennard sa may sala na nanunuod ng TV.

“Uy pre!” Bati ni Laurence.

“Uy!”

Di uso damit dito kay Kennard eh, pero okay naman kasi maganda naman katawan niya.

“Nandito na ba si tita?” Tanong ni Laurence.

“Oo, nasa labas lang may kausap ata. Hi Julian” sabay tingin niya saken.

“Ah, hi” sagot ko.

“Sorry pala sa nangyari nung nakaraang linggo ah? Mainit lang talaga ulo ko nun. Kayo pa napaglabasan ko ng galit”

“Hehe ayos lang yun” sagot ko na lang kahit medyo di okay.

“Papakilala mo si na syota mo pre?” Tanong ni Kennard.

“Oo pre, para matahimik na si tita kakatanong kung sino ba si Julian”

“Nako, sige. Kapag nagkainitan, aalis na ako ah haha” biro ni Kennard.

Natakot naman ako sa sinabi niya.

Ganun kaya talagang nakakatakot yung tita niya?

Maya maya, may pumasok sa pinto galing sa may garden nila.

Medyo matangkad na babae, nakahills. Morena, pero pulang pula yung labi. Yung mata niya, sobrang pungay at oo, talagang nakakatakot. Parang kontrabida sa pelikula.

“Kennard, magdamit ka nga.” Sabi nung babae. Natawa lang si Kennard at nagsuot siya ng damit.

Medyo kinakabahan ako sa paglapit nung babae samen ni Laurence, eto siguro yung tita niya.

“Laurence…. sino yang friend mo?” Sht, nakataas yung kilay ng tita niya, nakakatakot.

“Si Julian tita”

“Ohh, siya ba yun? Well… you look..,., hmmmm. Okay” sabi niya.

Napalunok ako ng laway sa sobrang tense, kinakabahan ako sa mangyayari, mukhang bad idea na gawin ko to ah.

“You look nice po” bigla kong sabi.

“Nice?!” Bigla niyang sinabi na kinagulat ko.

Di ba compliment yung sinabi ko?

“Nice? Nice lang?! How rude of you to say that” sabi niya pa.

Sht, sobrang nakakatakot talaga.

“Uhm tita, dun na lang muna kami sa kwarto ko” sabi ni Laurence.

“Go, just go!” Sabi niya pa.

Hawak hawak ni Laurence kamay ko habang paakyat kami sa kwarto niya.

Pagpasok na pagpasok, saka ako nakahinga ng maluwag.

Bigla naman akong niyakap ni Laurence ng mahigpit na mahigpit na nagpagaan ng pakiramdam ko.

“Babe, sorry about kay tita ah? Tsk, sana pala di ko na lang pinilit na ipakilala ka ngayon”

Di naman ako makapagsalita, natatakot pa rin ako. Ewan ko ba, parang killer kasi siya, maganda naman yung tita niya pero parang kontra bida talaga dating.

“Babe, okay ka lang?” Tanong niya.

“Ahhh, opo babe, okay na okay po” sabi ko.

“Promise?”

“Promise babe, hehe. Gusto ko lang ng tubig?” Sabi ko.

“Sige, kukuha ako sa baba, diyan ka lang ah?” Sabi niya pa.

Iniwan niya ako sa kwarto at naupo muna ako sa kama niya.

Nakakakaba talaga nangyari sa baba.

Sana pala binasa ko iniisip ng tita niya para malaman ko yung sasabihin ko sakanya.

Habang nag iisip, napansin ko na lang na may pumasok sa kwarto, pero hindi si Laurence yun.

Si Kennard.

Naka damit na siya at shorts pagpasok.

“Sorry, nagtatago rin ako sa tita niya haha.” Biglang sabi ni Kennard.

“Hehe, nakakatakot nga eh”

“Okay lang naman yung tita niya, okay lang naman yun na nandito ako eh. Wag mo lang kausapin hehe” paliwanag ni Kennard.

Naupo siya sa may study table ni Laurence.

“Si Laurence?” Tanong ko.

“Nako may pinapapirmahan pa si tita sa baba sakanya”

Sht, gusto ko nandito siya sa tabi ko.

“Close na close kayo ni Laurence no?” Tanong ko sakanya.

“Ay nako, sobra! Haha. Palagi akong nandito sakanila eh, dito kasi libre lahat haha, pero childhood friend ko yan si Laurence, kasama si Lucas.”

Fvck, Lucas. Yung ex boyfriend ni Laurence.

“Alam mo naman siguro yung issue kay Lucas no?” Sabi ni Kennard.

“Ayy, hindi pa. Ayaw kasi magkwento ni Laurence eh”

“Ahh ganun ba?” Sht, nakakabitin.

Gusto ko malaman yung kwento pero parang ayaw niya sabihin.

Sinusubukan ko naman na basahin nasa isip ni Kennard pero di ko mabasa nasa isip niya.

May gift din kaya tong si Kennard?

“Why are you staring at me like that?” Bigla niyang sabi.

“Ohhh, wala. Hehe, sinusubukan ko lang na basahin isip mo about dun kay Lucas” biro ko, pero di naman biro yun, ayun talaga ginagawa ko.

“Hahaha, better ask Laurence about that. Ayokong saken manggaling hehe” sabi niya.

Maya maya, nagulat naman ako ng biglang tumingin saken si Kennard kung paano ko siya tignan kanina.

“Bakit ganyan ka naman makatitig ngayon?” Tanong ko.

Di siya makapagsalita.

Yung reaksyon ng mukha niya eh katulad ng reaksyon ni Sarah nung nalaman niyang may gift ako.

Hindi kaya…..

“Wow, wow. 1st time kong maka encounter ng ganito” sabi ni Kennard.

Sht, mukhang meron nga siya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

“Hmmm, I know what I’m talking about Julian”

Dahil sa sinabi niyang yun, confirmed na may power nga din si Kennard.

“Trust me, ang dami kong tanong ngayon but I can’t hahaha. Argh, uhm. Pupunta ka ba?” Tanong niya.

Pumasok sa isip ko yung event.

“Ahh… hmmm, ikaw ba?”

“Oo naman!”

“Hehe, ako rin” sagot ko.

Bawal namen pag usapan yung tungkol sa gift namen kaya ganun kami mag usap.

“See you there para malaman ko kung anong nagagawa mo hehe” sabi niya pa.

“See you din”

“Hehe, I can’t wait” sabi pa ni Kennard.

Maya maya, narinig ko ng pumasok si Laurence sa kwarto na may dalang tubig.

“Eto na babe!” Sabi ni Laurence

Kinuha ko lang yung inabot niyang tubig pero nakatingin pa rin ako kay Kennard.

Totoo ngang may gift din si Kennard, pero ano kaya yun?

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

MAGICAL MUNA BAGO YUNG KILIGAN AH? HIHI.

Part 25

TAPOS CONGRATS SA UE WVT SA KAUNA UNAHAN NILANG PANALO SINCE SEASON 74 HUHU. LABLAB.

CONGRATS DIN SA SINUSUPORTAHAN KONG TEAM, UP WVT DAHIL SURE NA SILA SA FINAL FOUR!

SOOOOO. HAPPY READING!!!!!

Vote and Comments ahhh!!!!

++++

Ang dami na nameng natulungan ni Sarah kakalakad sa mall.

Since dalawa kaming nagpapalevel, dalawa kaming nadadagdagan ng points.

“Level 8 na ba tayo?” Tanong ko kay Sarah.

“Oo Julian. Level 8 na ako! Grabe! Ang saya!”

“Haha, oo nga kaso medyo nakakapagod”

Parang ang sakit din sa ulo ng ginagawa namen. Lalo na saken, gamit na gamit kasi talaga yung utak ko.

“Sobra. Akala ko ako lang eh, kain muna tayo uli?” Yaya niya.

“Osige tara” sagot ko.

Habang naglalakad kami, iniisip ko pa rin yung kay Kennard.

Ano kayang gift meron siya?

“Alam mo Julian, sana mabasa ko naiisip mo. Hehe parati kang natulala eh” sabi ni Sarah.

Sa foodcourt lang kami kumakain na dalawa.

“Oo hehe. Naiisip ko kasi yung sinabi sa announcement na ‘kumpleto na tayo’, ano kayang ibig sabihin nun? Ilan na kaya tayo?”

“Hmm, naisip ko rin yan eh kaso mas naiisip ko talaga kung paano tayo naging special na dalawa, at may isa pa. Yung illusionist”

Totoo yun. Ano kayang kinalaman namen, bakit kami special. At siguro, napakalakas kung sino man yung illusionist na yun.

“Well, as long na magkakampi tayo Sarah, feeling ko walang tatalo sateng dalawa” sabi ko sakanya.

“True that! Hehe” sagot niya.

Busy ako sa pagkain, ng bigla akong tanungin ni Sarah.

“Uy, Julian. Di ka ba nagtataka about kay Matteo? I mean, di gumagana gift mo sakanya, sa tingin mo meron din siyang gift?”

Palagi kong iniisip yun pero di ko sure. Mas gusto ko na lang isipin na may gift siya, kesa isipin ko na may malaking kinalaman siya sa future ko.

“Or what if, siya yung forever mo. Remember? Di talaga eepekto gift mo sa taong may kinalaman sa future mo?” Sabi niya pa.

“Hmmmm. Adik, bestfriend ko lang yun”

“Sus, bestfriend mo mukha mo. Siguro, bestfriend mo siya pero may gusto ka sakanya. Kaso iniiwasan mo siya kasi ayaw mong masira friendship mo kaya pumayag kang magpaligaw sa iba, kaya sinagot mo yung iba. Pero ang totoo, si Matteo talaga gusto mo”

Di ko alam kung saan nanggaling yung sinabi niyang yun. Pero di ako nakapagsalita.

Medyo totoo yung part na yun pero natutunan ko namang mahalin si Laurence, in fact, mahal na mahal ko nga siya.

“Ohhh, di ka makasagot! So totoo pala yun no?” Asar pa niya.

“Oyy hindi ahhh, Iba si Laurence. Sobrang sweet, at wala siyang paki sa sasabihin ng iba kapag magkasama kami. Proud na proud pa siya saken. Ano pang hahanapin ko diba?”

Ngumiti lang si Sarah at mukhang natuwa siya sa sinabi ko about kay Laurence.

“Ay sabagay hehe. Pero infernes ah, di halata kay Laurence na ganun siya, ang taray!”

“Haha, oo nga eh. Kaya nga, wala na akong hahanapin pang iba. Sobrang perfect ni Laurence na boyfriend. Sobrang sweet at sobrang proud saken”

Nakakatuwa lang isipin na may mga katulad pa ni Laurence na handang magmahal na mga katulad ko.

“AYY MAY IDEA AKO JULIAN!” halos mabilaukan ako sa bigla niyang pagsigaw. Napatingin din yung mga katabi namen.

“Ano ba, bakit kailangan mong sumigaw!” Sagot ko.

“Sorry sorry. Pero may idea ako, diba kapag hinawakan ng isang may gift yung libro natin, magagamit natin kapangyarihan natin sakanila?”

“Oo, tapos?”

“Bakit di mo subukang ipahawak kina Matteo o Laurence yan! Oh diba?”

Shet, napaisip ako ng bahagya dun. Bakit di ko naisip yun.

“Atleast malalaman mo kung may gift sila o wala. Diba diba?” Pahabol pa niya.

Di ako makasalita sa sinasabi niya.

Bakit ba hindi ko naisip yun?

Tama. Ayun nga gagawin ko!!

++++

Pagkauwi ko sa bahay, as usual. Nagluluto si mama at mukhang kakarating lang ni papa.

“Ohhh, nandito na pala siya, ako na kakausap sakanya” narinig kong sabi ni papa pagpasok ko.

Pagka bless ko kay papa, inakbayan niya ako at dumiretso kami sa sala.

“Oh, bakit parang ang seryoso mo pa?” Tanong ko.

Nakauniform pa ako’t lahat lahat. Nakasuot pa nga bag ko eh.

“Anak, may sasabihin kami sayo ng mama mo” hala, nakakatakot naman yung pagiging seryoso ni papa.

“Hala, bakit naman ganyan kaseryoso pa?”

Pero di siya sumagot, ang seryoso talaga niya.

“Nasabi mo na ba?” Narinig kong sigaw ni mama na palapit samen.

“Oh bakit ganyan ka kaseryoso?” Pahabol pa ni mama.

“Eh si papa kasi, mukhang sira, ang seryoso!” Sagot ko.

“Hahahaha, binibiro lang kita anak. Hahhaa masyado ka namang seryoso eh!” Biglang sabi ni papa.

Nababaliw na naman yung pamilya ko. Lalo na tong si papa.

“Nako ikaw talaga….” biglang lumapit si mama saken “galing kasi rito si Matteo kanina anak” sabi pa ni mama.

“Ayy, bakit daw po?”

“Eh sabi niya kasi nagtatampuhan kayong dalawa kaya di ka niya kinakausap, pinapaalala niya lang daw yung lakad niyo ng kuya niya?” Sabi ni mama.

Oo, uuwi pala Kuya niya.

“Ahh oo naman Ma. Alam ko yun” sagot ko.

“Ahh sige sige” bumalik na si mama sa kusina tapos si papa naman yung nang asar uli.

“Hahaha, ayos ba acting ko Julian?” Tanong ni papa saken.

“Nakakainis ka Pa haha”

“Haha, alam mo anak, kung di mo sinabing boyfriend mo si Laurence, iisipin ko, kayong dalawa ni Matteo” biglang sabi ni papa.

Medyo bumalik siya sa pagiging seryoso nung sinabi niya yun.

“Ay, di po… nasanay na lang kami na ganun po” sagot ko na lang.

“Ahhh okay okay. Hmmm. Pero bakit nga ba hindi naging kayo?” Tanong uli ni papa

“Hindi naman po kami nagligawan eh”

“Ahh so ikaw lang may gusto sakanya anak?”

“Po??”

“Haha, wag ako anak. Alam ko mga tinginan mo kay Matteo noon lalo na kapag nandito siya sa bahay”

Shet, parehas sila ni mama na nakapansin about kay Matteo.

“Eh….”

“Hehe, ayos lang yan anak. Bata ka pa naman. At saka ayoko ang yung lalandi ka ano? May boyfriend ka na tapos may gusto ka pang iba” sabi ni papa.

“Hala, opo naman!”

“Good Good. Gusto ko kasi si Laurence para sayo. Mukhang mabait at mukhang mahal ka talaga.”

“Hehe, alam ko po”

“Sige na anak. Magbihis ka na at ang bao mo na! Haha” ayan, bumalik na naman si papa sa kabaliwan niya.

Niyakap ko lang siya ng mabilis at umakyat na ako sa kwarto ko.

++

Di pa rin ako pinapansin ni Matteo sa school, grabe naman kasi talaga magtampo tong lalaking to.

Pero magkatabi kami ngayon sa room habang naghihintay ng prof.

“Grabe ka magtampo ah! Di mo pa rin ko pinapansin!” Sabi ko sakanya.

“De, busy lang ako” pero ang cold niya.

Kaya kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa pansinin niya ako pero ayaw pa rin.

Pipisilin ko yung pisngi niya pero di pa rin niya ako kakausapin.

“Papansinin na niya ako!” Sabi ko sakanya.

Pero wala pa rin.

Tinakpan ko yung ilong niya hanggang sa di siya makahinga, pero napansin kong sa bibig naman siya humihinga. Kaya tinakpan ko rin bibig niya.

“Kakausapin mo na ba ako?” Sabi ko.

Umiling lang siya.

“Edi di ko to tatanggalin” sabi ko.

Natatawa tawa pa ako, pero nung tumagal, namumula na siya at unti unting pumipikit.

Dali dali kong tinanggal yung kamay ko sakanya at bigla siyang huminga ng napakalalim.

“Uyyy ayos ka lang??? Sorry na. Pansinin mo na kasi ako” sabi ko naman.

Pero di pa rin siya sumasagot.

“Ano ba kasing problema mo? Bigla bigla kang di mamamansin diyan?! Bahala ka na nga!” Medyo nainis na kasi ako sakanya.

Kaya naman, tumungo na lang ako.

Pero bigla naman niya akong kinalabit.

Tinignan ko siya pero nag mamaang maangan siyang di niya ako kinalabit.

“Nagpapapansin ka pa!!” Inis kong sabi tapos tumungo ako uli.

Maya maya, kinalabit na naman niya ako ng maraming beses, this time, nahuli ko siya pero nagpapanggap pa siyang di siya yun.

“Ikaw yun! Nakita ko!” Sabi ko.

“Oh, bakit di ka umilag?”

Kinkausap na niya ako at nakikipagbiruan pero di ko alam kung tooo na.

“Ewan ko sayo talaga!”

Nagkibit balikat nalag ako sa upuan ko.

Tinitignan ko siya sa pwesto niya pero nakatingin lang siya sa unahan. Wala naman siyang exact na tinitignan.

Pero nahuli ko siyang nakatingin saken tapos umiwas nung nakita niya akong nakatingin sakanya.

“Aha! Huli kita!” Sabi ko.

“Ano na naman sinasabi mo diyan?”

“Ano ba kasing problema mo? Bakit di mo ko kinakausap???” Sabi ko.

“Kinakalimutan mo na kasi birthday ko, dati rati naman hindi”

“Hala, joke lang yun syempre. May regalo na nga ako sayo eh. Tapos nag iinarte ka pa!”

“Woooo, talaga?” Mukhang umokay na siya ng mga panahong yun.

“Oo nga promise” sabi ko.

“Hmmmm, sige, pinapansin na kita!” Nakakatawa yung pagkakasabi niya ng ganun.

“Haha, kanina mo pa naman ako pinapansin!”

“Edi i will un-pansin you!”

“Hhahhaahahha un-pansin? Pauso ka na naman!”

“Nako, may natutunan ka na naman saken!”

Nakakatawa kasi pinipigilan niyang ngumiti. Yung gustong lumabas ng ngipin niya sa ngiti pero pinipigilan niya.

Ang cute ni Matteo kapag ganito.

“Oh bati na tayo ah?” Sabi ko sabay abot ng kamay ko.

Tumingin siya saken tapos inabot kamay ko at nagkamay kami.

“Okay!” Tangi niya lang sagot.

“Talagang nagalit ka saken dahil biniro kita???” Tanong ko saknya.

“Hehe baliw, syempre hindi. May problema lang din ako nun”

Tinignan ko siya at hinintay kung magkekwento siya.

“Tinatamad daw kasi si Kuya umuwi nung biniro mo ko dahil kina mama at papa, tapos kagabi sabi niya uuwi na talaga siya. Tapos ngayon naman sabi niya baka di daw siya makauwi”

Kapag pamilya talaga pinaguusapan, mahina si Matteo at sobrang lungkot.

“Wala na naman akong kasama sa birthday ko nun” sabi niya.

“Ayy, diyan naman ako magagalit. Ano sa tingin mo ako? Di kita sasamahan?”

Natahimik siya at napatingin uli saken.

“Promise?” Tanong niya.

“Promise! Kaya wag ka na malungkot diyan!”

“Hehe, okay sabi mo yan ah?” Ngumiti na uli siya at mukhang okay na siya.

“Pero Ju namiss kita hhaha” sngit niya.

“Parang dalawang araw lang tayong di nag usap?”

“Aba, syempre, feeling ko ang tagal tagal na nun haha”

“Hehe, ikaw kasi di namansin”

“Di mo ba ako namiss???” Tanong niya saken.

Tatawa sana ako pero mukhang seryoso siya.

“Hmm. Namiss” sagot ko.

Bigla siyang ngumiti habang nkatingin sa mga labi ko.

“Buti naman hehe” sagot niya na lang.

Sakto naman, dumating na si Sir kaya di na kami nagkwentuhan.

++++

Habang hinihintay ko si Laurence sa McDo, nagulat ako ng biglang lumapit saken yung guard.

“Uhm sir, bawal po yung bag sa ibabaw ng lamesa” sabi niya.

“Ha?!”

“Bawal po, pwede pong pakibaba na lang?”

“Ayyy, seryoso ka kuya?!!”

“Ahaha easy lang Julian, binibiro lang kita. Ako to, si TB!” pakilala niya.

“Bwisit naman, bakit ganyan porma mo?”

“Ehhh kasi eto naisip ko eh haha….” tumabi siya saken. “bakit mo ko tinatawag?”

“Huh? Di naman kita tinatawag ah?”

“Ayy hindi ba? Osige aalis na pala ako” tumayo siya pero pinigilan ko siya.

“Teka, teka, teka.” Sbi ko.

Naupo na uli siya.

“About sa tournament…..” panimula ko.

“Ohh yes! Akala ko di mo na ako tatanungin about diyan eh, hehe. So sasali ka ba?” Tanong niya.

“Oo sana.”

“Ayy good. Dati nung panahon ko, sumali rin ako sa tournament na yan!”

“Hmmmm. Mahirap ba dun?”

“Hmmm, medyo hindi naman, siguro yung final stage lang yung mahirap”

“Final Stage?” Tanong ko.

“Yeap, nahahati kasi yan sa 3 stages. Una, yung screening. Kung paano mo gagamitin yung powers mo sa gitna ng pressure. Actually, maraming bumabagsak diyan eh”

“Woah, so may bumabagsak dito”

“Aba oo naman! Battle of the gifted nga yan diba? Syempre matira matibay”

“Ahhhh. Eh yung stage 2?”

“Ayan naman yung by pair. May iaassign sayong makkasama mo, ofcourse may gift din, tapos sabay niyong tatapusn yung pinapagawa sainyo”

“Ayy, sana si Sarah yung kapartner ko!” Sabi ko.

“Random yun, kaya wag ka ng umasa.”

“Sayang naman”

“At sympre, yung stage 3. Lahat ng pumasa sa stage 1 at 2, ilalagay kayo sa isang special place para magpatayan kayo!”

“HA?! PATAYAN AGAD,!”

Di ko maiwasang mapasigaw sa sinabi ni TB.

“Eskandaloso siya oh, syempre joke lang yun haha! Mag lalaban kayo dun gamit gift niyo, advantage talaga ang mataas ang level dun kaya wag mo ng hintayin na dun ka maglevel!”

“Hmmmm. Gnun pala yun” sabi ko na lang.

“Yeap! At least dun mamemeet mo na lahat ng may gift. At balita ko, halos lahat estudyante! Lablab talaga” ang weird kausap ng guard ng McDo tapos ganun magsalita.

“Haha, oo nga. Atleast marami akong kakilala na”

“Oo alam ko nga. Napansin ko hehe. At saka level 8 ka na pala ah! Nice, so nagagamit mo naman ba yung gift mo ng tama?”

“Yes naman TB hehe”

“Good good. So…, mag sisign up ka ba? Sabihin mo na saken para maready ko na yun papers mo!”

“Matagal ba yung proseso?”

“Nope, baka 3 days lang haha. Tsaka hanggang January 1 pa naman yung last regstration kaya wag ka mag alala. Kalagitnaan alang ng November!”

Sabagay, marami pang oras pero parang di na rin ako makapaghinatay sa battle.

“Oo sasama ako!” Sabi ko sakanya.

“Good, magppakita ako uli in 3 days ah? Sa ngayon, aalis na muna ako” sabi niya.

“Pero ang dami ko ang tanong”

“Parating na si Laurence, kaya sa susunod na lang Julian hano? Hehe. Sige, bye!” Sakto naman napansin ko si Laurence na palapit saken.

Nagdaanan lang silang dalawa ni TB.

Pagkalapit ni Laurence saken, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

“Umorder ka na babe?” Tanong niya saken.

Okay, so ang gwapo ng boyfriend ko today! Grabe, parang ibang iba yung aura niya.

“Ohh? Bakit ganyan ka makatingin saken?” Tanong niya habang nakangiti.

“Ang gwapo gwapo mo kasi ngayon!”

“Ay, ngayon lang ba?”

“Syempre, every day pero iba talaga aura mo ngayon ehhh” sabi ko sakanya.

“Obvious ba ako?”

“Huh? Ano ibig mong sabihin?”

“Hehe, may bibigay kasi ako sayo later” sabi niya.

“Ehhh ano yun?”

“Basta hehe mamaya po. So, order muna tayo?” Sabi niya.

“Sige po” sabi ko naman.

Di talagang nakakasawa yung tinginan ni Laurence.

++

Sinusubuan niya ko ng fries habang naglalaro ako sa phone niya.

Salita ako ng salita, pero di ko namamalayan na nakatingin na pala siya saken.

“Uhm, bakit ganyan ka makatingin saken babe??” Sabi ko sakanya.

“Wala lang hehe. Sige maglaro ka lang diyan” sabi niya.

Pero nahihiya na ako.

“Ehhh, nakakainis naman to bakit kaya siya tumigil…. sige na, ang sarap mo kasing pagmasdan” sabi niya pa.

Gwapo? Oo.

Sweet? Oo.

Mapagmahal? Oo.

Palagi niyang sinasabi na mahal niya ako? Oo.

Ano pa bang hahanapin ko sa iba. Sobrang swerte ko kay Laurence.

“To be honest babe, ngayon lang ako nainlove ng ganito. Hehe, sobrang patay na patay ako sayo”

Nakakatuwa talaga lahat ng sinasabi ni Laurence saken.

“Please, sabihin mo naman saken na mahal mo rin ako?” Sabi niya.

Binitawan ko yung phone niya tapos hinawakan ko mga kamay niya.

Nasa McDo pa rin kami at wala namang paki yung mga tao samen.

“Babe, mahal na mahal kita. First kita sa lahat. First kiss, first relationship, lahat yan babe.”

“Ayoko lang kasi one day marealize mo na iba pala yung mahal mo. Kasi ako mahal na mahal na kita.”

Shet, tagos sa puso talaga lahat ng sinasabi ni Laurence ngayon.

“Promise babe, ikaw lang talaga. Mahal na Mahal kita” sabi ko ng harapan sakanya para ramdam na ramdam niya.

Parang kami lang yung tao sa McDo kasi ang touchy talaga namen.

Pagkatapos namen kumain, dumiretso kami sa kotse niya.

Pero pagbukas ko ng pinto sa harapan, may nakalagay dun na box na nakabalot ng kulay blue na pambalot.

Pumasok na si Laurence sa kotse.

Kinuha niya yung box at pinapasok niya ako sa kotse niya.

“Halika babe” yaya niya saken.

Pagkaupo ko, bigla niya akong sinunggaban ng halik.

Sobrang damang dama ko talaga yung halik ni Laurence saken. Ang sarap sa pakiramdam.

“This is my lola’s necklace. Bago siya mamatay, ang sabi niya saken, “ibigay mo to sa taong sa tingin mo ay yung makkatuluyan mo na hanggang dulo”

Binuksan niya yung box at pinakita yung napakagandang necklace na white gold tapos may diamond na pendant.

“Hala babe….” di niya ako pinatapos magsalita.

“Babe, please. Di naman ako papasok sa isang relasyon kung di naman pang matagalan diba?”

Grabe, kitang kita ko talaga sa mata niya na mahal na mahal niya ako.

“Natatakot ako baka mawala ko…”

“Di mo yan mawawala babe kung iingatan mo hehe. Symbol yan ng pagmamahal ko sayo.”

Niyakap niya ako at naramdaman kong sinusuot niya yung necklace saken.

“Ayan, isang importanteng bagay para saken, nasayo na. Kaya wag mong iisipin na di kita mahal ah? Kasi imposible yun babe. Sobrang imposible”

Naiiyak naman ako kay Laurence, lalo na sa mga efforts niya para saken.

“Wala naman akong mabibigay na katumbas neto” sabi ko.

“Isang kiss lang, sobra sobra pang katumbas ng kwintas na yan yung isang kiss mo babe”

Corny pero sobrang sweet.

Ganito siguro kapag inlove talaga, mapapangiti ka sa mga maliliit na bagay na sinasabi niya.

Hinawakan ko na yung matabang pisngi niya at hinalikan ko siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit nun at bumulong ng “I love you”

Mahigpit na yakap lang naman yung ganti niya saken.

+++++++++

Nasa kwarto ako ngayon at nandito na naman si Matteo.

Palagi na lang siyang lumilitaw.

“Aba, ang ganda naman ng necklace mo Ju!” Sabi niya saken.

“Ano ba yan, nakakagulat ka naman eh!”

“Hehe, sorry. Dito lang ako matutulog, okay lang ba?”

“Magkaaway na namn kayo sainyo?” Tanong ko.

Umoo lang siya.

“Hmmm, sorry” sagot ko.

“Hehe. Okay lang, so sino nagbigay niyan?” Tanong ni Matteo.

“Ahhh, si Laurence. Hehe, sabi niya symbol of love niya daw saken hehe”

Lumapit siya ng mabuti para makita yung necklace. Hinawakan niya yung pendant at namangha.

“Totoong diamond to Ju?” Tanong niya.

“Oo daw hehe. Ang ganda no?”

“Wow, siguradong mamahalin to!!!”

“Hehe, sinabi mo pa. Kaya nga di ko to huhubarin eh, ayokong mawala hhe” sabi ko pa.

Magkatabi kami ni Matteo sa kama ngayon.

“Wait lang, ngayon ko lang napansin, may nunal ka palang maliit sa gilid ng labi mo” sabi niya saken habang tinitignan nga yung labi ko.

“Ahhh, eh.. oo hehe” sagot ko naman.

Fvck, ang lapit ng mukha namen sa isa’t isa, ano ba to!!

“Hmmm. Well, I’m happy for you Ju. Mukhang kayo na talaga ni Laurence” sabi niya saken. Ngayon, medyo lumayo na yung mukha niya saken.

“Hehe, oo nga eh. Mukhang seryoso na…..”

Pero di niya pinatapos sasabihin ko, bigla niya akong hinalikan ng madiin sa labi ko.

Sa sobrang gulat ko, natulak ko siya.

“Ma….matty, anong ginagawa mo?!” Sabi ko.

“Di ko alam Ju. Naguguluhan na ako!” Sabi niya.

Fvck, hinalikan ako ni Matteo! Ang lambot din ng labi niya.

Ano ba to, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakayuko lang siya at mukhang pinagsisisihan yung ginawa niya.

Samantalang ako, nakatayo sa gilid niya at nagulat pa rin.

Bigla naman siyang tumingin saken at medyo naiiyak.

“Ang sakit Ju, ang sakit. Sana ako na lanh si Laurence Ju. Sana ako na lang nagpapasaya sayo,” halos naiiyak na naman si Matteo.

Fvck

Sht

Ano ba tong sinasabi niya.

“Mahal kita Ju” sabi niya pa saken.

Bakit ramdam na ramdam ko yun? Yung sakit niya. Yung emosyon. Damang dama ko talaga.

Tumayo siya at dahan dahan na lumapit saken.

“Julian…. isang kiss na lang uli, tapos ako na yung lalayo”

Halos mabato ako sa kinatatayuan ko nun pero wala akong magawa.

Hinawakan niya uli yung mukha ko at dahan dahan niyang nilapit mukha niya saken.

“I love you” mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko at naramdaman ko na lang na nagdikit na naman labi namen.

At bigla na lang namulat yung mga mata ko.

Nakahiga ako at nakakumot.

Nanaginip na naman ba ako?

Nag adjust yung mata ko sa liwanag tapos nakita kong palabas si Matteo sa CR ko.

“Ay sorry, nagising ba kita Ju?” Tanong niya.

Nakauniform na siya at ready na papasok.

“Uhm, kanina ka pa ba?” Ayun ung natanong ko.

“Kakarating ko lang din Ju. Gigisingin na sana kita kaso ang sarap ng tulog mo eh” sabi niya.

Bakit ganun? Ramdam na ramdm ko yung panaginip ko.

“Okay ka lang ba Ju? May problema ba?” Tanong niya sabay lapit sken.

Hinawakan niya ako kung mainit ako.

“Wala ka namang sakit. Okay ka lang ba talaga?” Tanong niya uli.

Pero mas napapansin ko labi niya ngayon, mapula at sobrang kissable.

Napakagat labi tuloy ko.

“Wala. Walang problema hehe” sagot ko na lang.

+++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS. TADTARIN NIYO PLEASE HEHE.

Part 26

Hi sa mga UP FANS (katulad ko), DAPAT SILA MANALO SA SABADO KUNG HINDI, WALANG UPDATE SA SABADO AHAHHAHAHA JOKE.

VOTE AND COMMENTS NAMAN GUYS!! #13 na yung Julian’s Gift sa Fantasy Themed story. Maraming Maraming Salamat! 👊

VOTE AND COMMENTS PA PARA MAS TUMAAS HIHI.

++++++++++++

“Hoy, okay ka lang ba talaga? Bakit wala ka sa sarili mo Ju?”

Naglalakad na kami ni Matteo papunta sa sakayan, pero naiisip ko pa rin yung panaginip ko tungkol sakanya.

Ramdam na ramdam ko talaga eh, hindi naman yun yung gusto ko.

Oo, di yun yung gusto ko.

Teka, hindi nga ba?

Sht. Hindi, focus. Laurence remember? Binigyan ka na niya ng kwintas, mahal mo siya Julian at dapat wala kang nararamdamang iba kay Matteo.

Tapos na yung feelings mo sakanya. Oo, tapos na. Moved on ka na, may Laurence ka na. Happy happy na.

“Nako ka talaga Ju, minsan ang weird mo!” Sabi pa ni Matteo.

Iniba ko na lang yung topic kaagad para naman di siya magtaka.

“Teka, nasaan na ba yung sasakyan niyo?” Tanong ko sakanya.

“Ah, nasa bahay pa. Pero mukhang di na magagamit yun. Ayoko na, hehe. Naalala mo ba nung ginamit natin yun papuntang Pampanga? Parang ayun na yung last time na ginamit ko yun” kwento niya.

At bigla akong napaisip.

Sht!!!

Pumunta nga kami ng Pampanga noon, sinamahan niya akong pumunta sa Kubo kung saan ko nakuha yung gift ko at syempre, alam ko, NAHAWAKAN NIYA YUNG LIBRO KO NOON.

“Oh. Sht!!” Bigla kong sabi.

“Oyyy bakit!” Nagulat siya.

Tama! Nahawakan ni Matteo yung libro sa Kubo. Siya pa nga unang nakakita nung libro, at siya pa yung nag abot saken nun. Kaya dapat, kung may kapangyarihan siya, mababasa ko na nasa isip niya.

Hinawakan ko tuloy mukha niya na halos mapipi na yun. Tinignan ko siya sa mata ng mabuti at sinubukang basahin nasa isip niya.

Pero wala…

Wala talaga…

“Ju, pucha naman ang weird mo eh!” Halos di siya makasalita dahil hawak ko pisngi niya at halos nakanguso na yung mga labi niya saken.

Naalala ko na naman yung panaginip ko, argh.

Yung labi ni Matteo, sobrang pula.

Kapag mestiso talaga tapos mapula yung labi, sobrang nakaka attract eh.

“Sorry Matty” sabi ko tapos naglakad na kami pareho.

Palaisipan talaga saken kung bakit hindi ko mabasa iniisip ni Matteo, tsaka ni Laurence.

Siguro, wala talaga silang gift katulad ko. Siguro, may purpose silang dalawa.

Oh sht, baka kapatid ko sila?!

Ay teka teka, masyado naman atang OA yun.

O kaya, galing sila sa future tapos binabantayan nila ako?!

Ay teka, mas lalong OA naman yun. Imposible.

O kaya naman baka silang dalawa yung magkakatuluyan tapos ginamit lang nila akong tulay sa pag mamahalan nila!!

Ay grabe, parang hindi naman siguro.

Kung ano ano na tumatakbo sa isip ko, nababaliw na ako.

Gusto ko na malaman naiisip ni Matteo at Laurence.

“…. kaya ayun, dapat di ka na nag iisip ng kung ano ano” narinig kong sabi ni Matteo.

Sht, kanina pa pala siya nagsasalita, di ko man lang napapansin.

“Ha?” Sabi ko.

“Hay nako, wala ka sa ulirat kausap ngayon Ju. Mag eearphone na nga lang ako!” Mukhang naiirita na siya sa kakaisip ko.

Mabuti na yun para naman patuloy na pag iisip ko rito.

Isa lang ang solusyon, kailangan ko na talagang magpalevel para malaman ko iniisip nila.

++++++

Tinext ko si Sarah na kung pwede kaming magpalevel today kaso busy daw siya kaya hindi siya pwede.

“Babe, sino kausap mo?” Tanong saken ni Laurence, kumakain kaming tatlo nila Kennard sa restaurant sa SM.

“Ah, si Sarah babe, remember?” Sagot ko.

“Aba aba, babae pre! Nako, mag ingat ka, mamaya baka magbalik loob si Julian! Haha” singit naman ni Kennard.

“Ayy, babe?” Biglang nagpasweet na naman si Laurence.

Magkatabi kasi kami ni Laurence tapos katapat namen si Kennard.

“Syempre hindi babe.” Sabi ko sakanya sabay yakap sa gilid niya at halik sa may leeg niya.

“Tsk, sana pala di ko kayo pinrovoke, ano ba yan uy! Kumakain ako rito!” Sabi ni Kennard.

Tumawa na lang kaming dalawa ni Laurence.

Medyo may pagka weird din tong si Kennard eh. Parang gusto ko malaman yung gift niya, para if ever, pwede ko siyang gawing kakampi.

“Alam mo na ba yung nangyari kay Lucas?” Biglang sabi ni Kennard.

Ewan ko pero may iba akong naramdaman nung sinabi niya yung pangalan ni Lucas.

Ex kasi yun ni Laurence na halos di ko pa alam yung storya.

Napansin ko namang tinignan lang ng masama ni Laurence si Kennard.

“Ay sorry pre” biglang sabi ni Kennard.

“Hehe, ano ba. Okay lang yun, hayaan niyo na. Ano ba meron?” Sabi ko na lang.

“Eh kasi….” mukhang sinipa ni Laurence si Kennard.

“Ako na magsasabi pre.” Sabi na lang ni Laurence.

Mukhang naging seryoso si Laurence nung mga oras na yun. Siguro nainis kay Kennard kaya hinawakan ko na lang kamay niya para mawala yung inis niya.

Ngumiti na lang siya bilang sagot.

Habang busy kami sa pagkaing tatlo, napansin kong may tumawag kay Laurence sa phone.

“Uhm, wait babe. International call” sabi niya.

“Wooo, baka si Lucas lang yan eh haha” biro ni Kennard.

“Hahhaa loko. Babe, baka sila mama at papa to, sagutin ko lang ah?” Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at tumayo palabas.

May saglit na katahimikan sa pagitan namen ni Kennard pero pinutol niya yun.

“Uhm, so alam ba ni Laurence about sayo?” Tanong ni Kennard.

“Huh?” Siguro tinutukoy niya yung sa gift.

“Well, ofcourse not kung hindi edi nawala sayo yun diba? Hehe, Damn, I really wanna know you!” Again, siguro tinutukoy niya yung sa gift.

Medyo curious din kasi ako about kay Kennard kaya gusto ko rin malaman gift niya.

Since palagi ko namang dala yung libro ko, kinuha ko yun sa bag ko at pinakita sakanya.

“Woah, woah, woah, wait!” Bigla niyang tinakpan yung mga mata niya.

“Hahaha, okay lang makita!” Sabi ko.

“Sure ka?”

“Oo naman!”

Tinignan niya uli yung libro ko.

Nakatulala lang siya sa libro at mukhang nag iisip.

“Hawakan mo” sabi ko.

“Ayoko nga! Mamaya kunin mo pa yung akin”

“Hahaha hindi ganun, basta hawakan mo. Promise, walang mangyayari” sabi ko.

Tumingin lang siya saken na parang nagdududa pero hinawakan niya pa rin yung libro.

“Oh? Tapos?” Sabi niya.

Ngayon ko pinasok yung isip niya.

“So anong gift mo?” Tanong ko sa isip niya.

Halos magulat siya sa ginawa ko. Natapon pa nga yung tubig sa gilid niya sa sobrang gulat.

“Sht!!! Sht!!! Paano mo nagawa yun!” Excited niyang sabi.

“Hehe, well, ayun gift ko” sabi ko.

“What exactly is your gift?” Tanong niya.

“Power to read minds” sabi ko.

Mukhang nagulat siya sinabi ko lalo, napaka priceless ng reaksyon ni Kennard. Ang cute tapos gulat na gulat talaga.

“Oh sht! Grabe, so ikaw yung pinakagifted sa lahat?” Bigla niyang sabi.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

Pinaka gifted?

“Ha?” Yun na lang nasabi ko.

“Oh, di mo alam? Well ang alam ko tatlo kayo. Power to read mind, power to control everything through drawing, and The Illusionist”

Nabanggit na kasi saken to eh, pero bakit ako lang ata di nakakaalam neto.

“Nasabi na saken yan noon, pero di ko pa rin ma gets”

“Ohh, well you should ask the one who gave your gift hehe. Wow! Just wow, first time kong makakilala ng may gift, at yung pinaka da best pa!” Papuri niya.

“Uy, tigilan mo, di ko alam isasagot sa compliment mo hehe”

“Well, you can team up with me sa darating…… oh wait, paano pala natin napag uusapan to? I thought it’s against the rules?”

“Someone told me na kapag pinahawak mo yung libro mo sa iba, then ayun, pwede na, magagamit mo na yung gift mo” sabi ko.

“Ahhh I see, pero bakit black yung kulay ng iyo?” Tanong niya.

“Huh? Bakit? Sayo ba?”

“Red”

“Ay, mukhang cool! Patingin ako” sabi ko.

Mukhang dala niya ata yung libro niya, kinuha niya sa bag at pinakita saken.

“Wow, mas maganda nga sayo!” Sabi ko.

Iba kasi yung kanya, iba iba siguro design kapag iba yung gift, sakanya maraming details.

“Hehe, e ikaw naman pinaka gifted” sabi niya pa.

“Ano ba yang pinaka gifted na yan? Bakit palagi mong sinasabi?”

“Ehhh totoo naman. Kaya nga saken ka sumama kapag tournament. Tandem tayo, perfect tandem tayo sigurado sure win tayo!”

Medyo na curious tuloy ako sa kung ano ba yung gift ni Kennard.

“Teka, ano ba yung gift mo?” Tanong ko.

Pero bago siya makasagot, napansin kong palapit na si Laurence sa pwesto namen.

“Mahirap iexplain verbally eh, next time sabihin ko sayo ha?” Sabi niya saken.

“Ano yung mahirap iexplain?” Biglang sabi ni Laurence.

“Ahaha secret pre, yung ano yun haahha” sabi naman ni Kennard.

“Hala, bakit kayo nag uusap ng ganun?” Sabi ni Laurence, naupo na uli siya sa tabi ko.

“Ano yun babe?” Tanong ko.

“Hahahaha, wala yun Julian, wag mo ng pansinin”

“Hmmm. Ano nga pinag uusapan niyo?” Pilit ni Laurence.

“Bahala ka, ikaw magbigay ng palusot!” Sabi ko sa isip niya.

Napakamot lang ng ulo si Kennard.

“Si Lucas yun pre, tinanong lang ako ni Julian” sabi ni Kennard.

Nandamay pa siya!

“Nababasa mo naman nasa isip ko diba?haha oh ikaw na magbigay ng palusot diyan haha” sabi ni Kennard sa isip niya.

Tumingin lang si Laurence saken.

“Ahhh. Medyo curious lang ako babe, hehe gusto ko na kasi malaman about sa ex mo, di mo pa kinekwento saken eh”

“Hehe, sige babe promise, ikekwento ko sayo!” Sabi niya.

Hinalikan niya lang ako sa pisngi.

“Sige babe, pag tayong dalawa na lang magakasama ikekwento ko sayo ha?” Sabi niya.

Tumawa lang si Kennard sa tapat ko.

“Oh, edi lusot na tayo haha” sabi niya sa isip niya.

“Ohhh sino pala kausap mo babe?” Tanong ko.

“Ahh oo, sila mama nga yung tumawag!”

“Oh? Ano daw sabi?”

“Malapit na daw silang umuwi”.

+++++

“Parang mababaliw na ako Matty! Di pa ako ready makilala parents ni Laurence!”

Magkausap kami sa phone ni Matteo, parang di pa nag sisink in saken yung sinabi ni Laurence kanina.

“Oh, sige, sabihin mo nga uli yung sinabi ni Laurence kanina” sabi ni Matteo.

“Ang sabi niya, uuwi daw parents niya within this week at gusto niyang makilala daw nila ako”

“Oh? Papakilala ka lang naman. Ikaw nga pinakilala mo siya sa inyo diba?”

“Oo alam ko, pero syempre iba yung dito. Alam naman nila mama na ano ko. Malay ko ba kung katulad siya ng tita niya na suplada”

“Ay napaka judgemental mo Ju hahhaa”

“Eh tita niya nga ganun eh, paano pa kaya yung kapatid diba?”

“Hahahhaha easy ka lang naman oy! Haha

“Ehh kinakabahan ako, within this week daw kasi baka uuwi na. Paano na ako neto”

“Nako, goodluck diyan basta yung Birthday ko, sa sabado na ah, dapat di ka mawala!”

“Oh, saan ba tayo nun?”

“Hmmm, kain na lang tayo sa labas Ju. Katulad ng dati” sabi niya.

“Oo, sige, kasama ba si Maddie nun?”

“Oo syempre, girlfriend ko yun haha” nakakatuwang isipin na proud na siya kay Maddie.

Pero bumalik na naman sa isip ko yung panaginip ko.

Kung paano ako halikan ni Matteo.

Argh!! Eto na naman ako.

No, no no.

“Hoy Ju, may sasabihin pala ako sayo” sabi ni Matteo.

“Oh?”

“Napanaginipan pala kita kagabi” sabi niya.

Shet, panaginip din.

“Ohhh? Ano naman nangyari sa panaginip mo?”

“Haha first time ko nga mapanaginipan yun eh, hinalikan daw kita hahaha”

Oh sht, parehas pa kami ng panaginip.

Bakit ba bigla ko nalang maiisip yun! Nagkikiss kaming dalawa.

Hindi, No talaga

“Haha ang weird no? Haha” pahabol pa niya.

Ayoko sanang sabihin na parehas kami ng panaginip na dalawa pero bigla akong nadulas.

“Napanaginipan din kita tapos nagkiss din tayo” sabi ko

“Oh?” Ayun lang nasagot niya.

Medyo natahimik naman kami pareho.

Ewan ko, pero di ako mapakali sa higaan ko.

“Ohh, ano naman feeling?” Tanong niya.

Sht!

Bakit nman ganyan tanong mo saken Matteo!

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

Ang seryoso ng boses namen pareho.

“I mean, sa panaginip mo….. nagustuhan mo ba?” Sabi niya.

Parang mamamatay na ako sa mga tanungan ni Matteo! Bakit niya ginagawa to!!

“Hmm, sa panaginip ko kasi ikaw yung humahalik eh”

“Ahhh…. so nagustuhan mo nga yung halik ko?”

Fvck. Ang higpit na ng hawak ko sa unan ko. Bakit ganito nararamdaman ko?

“Uhm. Medyo” sabi ko.

“Ahhhh….”

Awkward silence.

Please, mag change ka na ng topic. Please.

“Ako rin” sabi niya.

“Ha?anong ibig mong sabihin?”

“Nagustuhan ko ring halikan ka sa panaginip ko”

Parang tumigil yung oras!

Bakit ganito si Matteo.

Akala ko okay na kaming dalawa?

Pinapaasa na naman niya ako.

Oh wait, bakit ako umaasa?

Sht! Ang gulo sa pakiramdam.

“Parang gusto ko ngang gawin ng totoo eh” pahabol pa niya.

Parang gusto kong sumigaw ng sumigaw ng sumigaw.

Sa kilig ba to? OMG di pwede!!!

“Tigilan mo na nga ako sa kakaganyan mo!” Sabi ko sakanya.

“No, seryoso ako Ju. Dati kaya naisip ko talagang halikan ka hehe, try lang. Ano kayang pakiramdam kapag nkahalik ako ng lalaki.”

Oh sht. Ayoko na talaga ng ganitong topic.

“Please, stop na.” Sabi ko.

“Oh, sorry sorry. Oo nga pala, taken ka na sorry Ju. Hehe”

Again sa awkward silence.

“Ohh…..” back to maingay na boses na uli siya “…. so balak mo pa rin makipagkita sa parents ni Laurence?”

Buti na lang nag change topic na.

“Sa tingin mo, okay lang ba? Di ba ako kahiya hiya?”

“Ay, bakit ganyan ka naman mag isip? Hidi ah. Jusko kung tayong dalawa lang din, ipagsisigawan ko sa lahat na tayong dalawa haha.”

Okay, kalma Julian. Kalma.

“Hehe salamat!” Sabi ko.

“Haha kaya wag ka na mag isip diyan ano? Matulog ka na para maging okay ka na” sabi pa ni Matteo.

“Tama ka, hehe ikaw matutulog ka na?” Tanong ko.

“Oo, matutulog ka na eh”

Bakit ganito na naman si Matteo?! Di ko maintindihan.

“Ahhh sige, sige, goodnight” sabi ko.

“Goodnight Ju!” Sabi naman niya.

+++++

Lumipas yung mga araw, pero di pa rin umuuwi yung parents ni Laurence.

Nakatambay kami sa garden nila Laurence, kasama namen si Kennard.

Ngayon ko nalaman na sobrang close talaga nilang dalawa.

Nag iinuman kaming tatlo at mukhang malakas na tama ni Laurence.

“Iihi lang ako babe! Haha, dito ka lang…. wag kang aalis!” Palasing niyang sabi sabay pasok sa loob.

Ako naman kasi hindi umiinom ng marami, yung tama lang. Si kennard naman mukhang malakas uminom.

“Haha mahina talagang uminom yun si Laurence eh. Hehe, tignan mo, tulog na sa sofa yun haha” sabi pa ni Kennard.

“Hehe, iaakyat ko na lang siya sa kwarto mamaya” sabi ko pa.

Medyo natahimik kami bigla nung nawala si Laurence.

“Anong kwento ng gift mo Julian?” Bigla niyang tanong.

“Ano??”

“I mean, anong storya, paano mo nakuha. Kasi sabi saken binibigay tong gift na to saten kasi may purpose.” Sabi niya.

“Di ko maintindihan, ikaw muna magkwento ng iyo”

Medyo mapula na si Kennard sa alak, at medyo nakapikit na siyang magsalita sa lasing

“Hehe, siguro hindi mo na tatanungin pero ulila na ako Julian” panimula niya.

May kurot sa puso yung pagkwento niya.

“Namatay silang lahat sa sunog. Ako lang nabuhay samen”

Parang di niya kayang ikwento yung buong nangyari, kaya di ko na siya pinilit.

“Wag mo ng ituloy, okay lang saken, fast forward mo na sa part na nakuha mo yung gift mo” sabi ko naman.

Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa kwento.

“Kasalanan ko kasi yun eh, naglaro ako ng apoy, eh hindi ko naman alam na di ko pala napatay, kaya ayun. Nasunog, walang natira.”

Medyo emosyonal siya ng mga oras nyun.

“Hehe, sorry. Sa tuwing naaalala ko kasi naiiyak ako hehe….. so ayun, palagi kong sinisisi sarili ko nun, bata pa kasi ako nun, 10years old, pero hanggang ngayon naaalala ko pa. Kinupkop ako ng mga tita ko at sila nagpalaki saken”

“Sorry” sabi ko na lang.

“Hayaan mo na nangyari na eh hehe…. tapos ayun, one time napadaan ako sa Quiapo nun, tapos may nasusunog ng bahay. Parang naaalala ko yung nangyari saken. Pero kasi nag iiyakan pa yung mga tao kasi may naiwan daw na bata sa loob……”

Di pa tapos kinekwento ni Kennard pero humahanga na ako sakanya.

“Alam ko yung feeling ng nawalan, kaya ewan ko, instinct lang, binuhusan ko yung katawan ko ng tubig tapos tumakbo sa loob ng bahay. Luckily, naligtas ko yung bata” sabi niya

“Grabe!!!!! Nagugulat ka sa gift ko pero mas maganda yung sayo, may tapang ka at lakas ng loob!”

“Hehe, salamat. Ewan ko rin kung pano ko nagawa yun, basta ang alam ko after nun May lumapit sakeng matandang lalaki at kinausap niya ako ng masinsinan”

“Dun mo nakuha yung gift mo?”

“Yeap. Hehe, nung una, ayokong maniwala pero nung pinakita niya saken, wow!! Posible pala”

“Eh ano bang gift mo pala? Di mo ba sinasabi saken?”

“Fire Julian. Kaya kong kontrolin yung fire.”

Fvck. Offensive gift!!!

“Diba? Ultimate defensive gift, plus ultimate offensive gift, sure win na tayong dalawa!” Sabi niya pa.

“Haha, wow. Grabe, ang cool ng iyo!! Ako nga level 8 palang eh!”

“Ahhh okay lang yan, palevel ka pa bago mag tournament!”

“Hehe oo nga eh, anong level mo na ba?” Tanong ko.

“Level 15 pa lang”

Panibagong may gift na naman na mataas ang level ang nakilala ko.

++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

Part 27

CONGRATS FEU!!!! LABAN SA WEDNESDAY.

VOTE AND COMMENTS LANG AH?! PARA LABLAB!!!

++++++

“Hala babe, lagot ako neto kina mama at papa!”

“Sorry babe, kasalanan ko to. Sabi ko iuuwi kita eh. Sorry, sorry”

Pauwi na ako ngayon, hinahatid ako ni Laurence.

Di ko rin kasi namalayan na umaga na pala, ang dami ng missed calls ni mama at papa saken.

“Lagot talaga ako neto” sabi ko pa.

“Babe, sorry talaga” paulit ulit niyang sabi.

Medyo kinakabahan pa ako kasi first time lang ako naging ganito.

Pero pag dating namen sa bahay, narinig kong tumatawa si mama at papa.

Medyo na curious tuloy ako sa nangyayari, kasi kanina tawag sila ng tawag tapos ngayon, tawa naman sila ng tawa.

Pag silip ko sa sala, nagulat ako ng makita ko rin si Matteo.

“Aba, sabi ko sainyo tita okay lang yan eh, baka nalasing lang kakainom haha” biglang sabi ni Matteo.

“Hay nako Julian, kung di pumunta si Matteo rito baka di kita palabasin ng bahay tuwing weekends!” Sabi naman ni papa.

“Hala tito, grounded?” Singit ni Matteo.

“Oh diba, kunwari rich kami. Pa grounded grounded na lang hahahaha” sabi pa ni papa.

At nagtawanan na naman silang tatlo.

“Uhm, sorry po talaga, kasalanan ko po kung bakit di nakauwi si Julian, naparami po kasi inom ko, di ko na kinaya” paliwanag naman ni Laurence.

“Nako, last na to Laurence ah? Ayokong inuumaga ng di nagpapaalam tong unica ija namen!” Sabi pa ni papa.

Mag rereact sana ako sa unica ija kaso may kasalanan ako kaya kinimkim ko na lang.

“Oh kumain na ba kayo?” Tanong naman ni mama.

Nakakagulat yung biglang bait nila mama at papa saken, siguro dahil kay Matteo yun. Sabagay, malakas talaga magpasaya tong si Matteo.

“Ah, hindi pa po” sabi ko na lang.

“Oh kumain na kayo, at baka ma late pa kayo!” Sabi pa ni mama.

Ang weird talaga ng nangyayari pero salamat na rin kay Matteo at naging okay sila.

++

“Oh? May utang ka saken Ju ah!” Sabi ni Matteo habang nasa sasakyan kaming tatlo papuntang school.

“Ewan ko sayo!” Sagot ko na lang.

“Oh bakit galit ka? Tinulungan na nga kita eh!”

“Edi salamat!”

“Ayy suplado!”

Sumingit naman sa usapan si Laurence.

“Pre, bakit ka pala nandun kina Julian ng ganon kaaga?” Tanong ni Laurence kay Matteo.

“Eh kasi tawag ng tawag parents ni Juju saken, tapos pinapunta niya ako sakanila. Sobrang nag aalala kaya” paliwanag ni Matteo.

“Tsk, dami ko kasing nainom kagabi eh”

“Nako, dapat di ka umiinom ng marami kapag kasama mo tong si Julian. Baka di mo mabantayan”

“Hehe oo nga pre eh. Tropa ko kasi eh, lakas uminom”

“Nako, sa susunod ah?”

“Haha, oo pre!”

Buti naman in good terms yung dalawa.

Nahihiya ako maging clingy kay Laurence kapag kasama si Matteo eh kaya behave ako sa kotse.

+++++

Pagdating sa classroom, dali dali akong nilapitan ni Jerick at mukhang excited siya sa sasabihin niya.

“Ay ate, yung sa Ilocos outreach program niyo daw sa next next week na. Bago mag Christmas pala yun!” Sabi kaagad ni Jerick.

Nasa labas pa si Matteo, kausap si Maddie.

“Akala ko nextyear pa yun?”

“Hinahanap ka kasi kanina, tapos saken sinabi, kaasar, gusto ko nga ako kasama dun eh!” Sabi pa ni Jerick.

“Ganun ba? Sige salamat!”

“No prob sis, basta kay Matteo ah?” Pahabol pa niya.

“Matteo na naman?”

“Matteo forever ako no!”

“Haha, ang harot mo talaga!”

“Nako, as if naman. Feeling ko pumapatol din yan, look mo oh, ang lagkit kaya ng tingin niya sayo!”

Nagulat ako sa sinabi ni Jerick, so sinasabi niyang, may gusto saken si Matteo?

“Nako siguro kung single ka talaga at nilandi mo si Matteo, papatulan ka niyan!”

“Nako tigilan mo na nga ako sa kakaganyan mo!”

“Haha keme lang te, sige na alis na ako” sabi niya pa.

Napansin ko naman na pabalik na rin si Matteo sa tabi ko.

++

Magkasama kami ni Sarah ngayon at sabay na nagpapalevel.

Promise, mas maganda yung kapangyarihan ni Sarah.

“Sabi ni JD saken, sobrang lakas daw talaga ng level 25 gift natin!” Sabi ni Sarah.

Naka TIP Uniform siya at ako rin naka uniform, samantalang nakatambay naman kami sa may tapat ng City Hall kasi dito kami tutulong ng kapwa namen.

“Sino si JD?” tanong ko.

“Yung nagbigay saken, haha sabi kasi JD daw pangalan niya”

“Ahhhh, okay okay. So ano yung level 25 gift mo?”

“Wala siyang sinabi pero ang sabi talaga niya sobrang lakas, lalo na daw yung sayo. Grabe, excited na ako malaman yun”

“Totoo nga eh, gusto ko na rin malaman yung saken!”

“Well, tara, magpalevel na tayo, wala ka bang nakikitang kahina hinala?” Tanong niya.

Ganun kasi kaming dalawa.

Since, mas malawak na yung mind reading ko, mas nakikita ko na lahat ng mga gagawa ng masama.

Tapos, sasabihin ko kay Sarah yung napansin ko, at iddrawing niya para makatulong kami.

Same kami ng points na nakukuha, everytime na tumutulong kami.

About naman sa powers ni Sarah, sobrang nakakabilib.

Parang combination siya ng powers niya at powers ng iba.

Like eto…

May napansin akong lalaking kakaiba ang kilos, sinubukan kong tignan yung mga mata niya at nakita ko yung tinitignan niya.

Yung bag ng babae sa harapan niya!

Tinry ko naman tignan yung babae para makita rin nakikita niya, at shet, maraming pera sa bag niya!!

“Sarah, ayun, yung lalaki na nakatingin sa bag ng babae, nanakawin niya yun!” Bigla kong sabi kay Sarah.

Nakita ko naman si Sarah na nagmamadaling mag drawing.

“Anong pangalan Julian?” Tanong niya

Dahil level 7 powers ko ang malaman ang pangalan, edad ng tao. Ginamit ko yun para makatulong kay Sarah.

“Ricardo Ramirez, 39, taga Sampaloc, June 28 birthday niya!” Dali dali kong sabi.

Nag drawing lang kasi si Sarah ng picture ng lalaki sa notepad niya.

Tapos nilagyan niya ng pangalan sa ilalim,at lahat ng info na binigay ko sakanya.

“Okay na Julian! Hawak na natin si Pareng Ricardo!” Sabi ko naman.

Nagulat si Kuya Ricardo dahil di siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

Ganun kasi ginagawa ni Sarah, dinadrawingan niya na nakadikit sa sahig yung mga suspect namen kaya ganun nga nangyayari.

Nakipag high five lang saken si Sarah.

Trabaho ko naman ang pasukin ang isip ni Ricardo para kausapin siya.

“Manong Ricardo, wag niyo ng ituloy binabalak niyo!” Sabi ko sa isip ni Kuya Ricardo.

Medyo maraming tao dun kaya hinahanap niya yung boses na naririnig niya.

“Sino ka?!” Sigaw ni Manong Ricardo.

Nagtinginan naman yung mga katabi niya sakanya kasi wala naman siyang kausap pero sumisigaw siya.

“Manong Ricardo, mapapahamak lang po kayo sa gagawin niyo kapag kinuha niyo yung pera ng babae!”

“Puchaaaa. Sino ka?!!!” Sigaw uli niya.

Sanay naman ako na ganito yung nagiging reaksyon kapag pumapasok ako sa isip ng isang tao.

“Sarah, patahimikin mo na si manong” sabi ko.

Ngumiti lang si Sarah at nag drawing siya na may takip sa bibig si Manong, kaya di siya makapagsalita.

Nag drawing uli si Sarah at pinaupo si Manong Ricardo sa gilid at nilagyan niya na magigising lamang si Manong kapag nakaalis na yung babae na gusto niyang nakawan.

Diba? Ang lakas ni Sarah.

Para siyang deathnote pero sakanya, deathdraw.

Super offensive gift!

At after nameng gawin yun, napansin namen yung announcement sa libro nameng pareho na nagsasabing tumaas na yung level namen.

“Nice!!! Level 9!” Sabi ko.

“Oo nga! Congrats, grabe pahirapan na sa paglevel, pang lima na siya ngayong araw saka lang tayo naglevel up!”

Pahirapan na pala talaga mag level.

“Oo nga eh, tara kain na lang tayo uli!” Yaya ko.

“Aba, routine na natin yun no haha tara sa SM” sabi ko.

Masarap talaga ang kwentuhan kapag may powers din yung kausap mo tapos baliw baliw din.

“Let’s talk about Matteo naman Julian!” Bigla niyang singit.

“Ano na naman meron sakanya?”

“I find it weird na di gumagana yung powers ko sakanya eh. Di ka ba nabobother about dun?”

Hindi naman ganun nararamdaman ko pero iniisip ko lang na baka malaki talaga factor niya sa buhay ko.

“Hindi naman,”

“Well I bet may gift din talaga siya”

“Wala talaga siya, promise!”

“Well, di naman kasi pwedeng sabihin yung about dun, secret lang kaya di niya pwedeng sabihin sayo!”

“Wala talaga Sarah, promise. Kasi nahawakan na niya yung book ko and yet di ko mabasa nasa isip niya, baka talaga may role lang siya sa future ko!” Sabi ko.

“Or sa past? Baka may kailangan kang baguhin sa past kaya di mo mabasa nasa isip niya” bigla niyang sabi.

“Ang kulit mo rin eh haha”

“Ohh ohh ohh, oh kaya baka naman kailangan mo baguhin yung buhay niya!”

Ang kulit talaga mag isip ni Sarah.

“Ayyy Julian!!!! Baka nanggaling siya sa past tapos tatay mo pala siya!”

“Ayyy, ang OA na niyan” sabi ko.

“Hahaha, eto naman di na mabiro, o baka naman siya talaga forever mo?” Sabi niya.

Parang ilang beses ko ng narinig yun pero napapatahimik talaga ako.

Paano kaya kung forever ko talaga si Matteo?

Paano naman si Laurence? Si Laurence ang mahal ko.

Si Matteo mahal ko kasi kaibigan ko.

Pero di ko naman makakaila na may maliit na pagtingin pa ako kay Matteo dahil sa mga pinapakita niya.

“Oh baka naman magkapatid talaga kayo?”

Napalalim na naman pag iisip ko, nagising lang ako sa sinabi ni Sarah.

“Hahaha dami mong naiisip, tara na nga’t kumain!” Sabi ko naman.

Pero nagulat ako ng makita ko si Kennard na nakapila rin.

Sa Greenwich kasi namen napagpasyahang kumain ni Sarah.

“Uyy” kalabit ko sakanya.

Napangiti din si Kennard nung mapansin niya ako.

“Uyy Julian!” Sabi niya.

“Hehe, lasing na lasing ka nung isang araw ah” sabi ko.

“Hehe, mas lasing kayo ni Laurence nun hehe”

Para namang natulala si Kennard ng makita niya si Sarah na kasama ko.

“Uhm, di mo man lang ba ako papakilala sa kaibigan mo?” Tanong ni Kennard.

Aba, si Sarah mukhang kinikilig din.

“Ahhh sorry, Kennard, si Sarah pala. Sarah, Kennard” pakilala ko.

Nagkamayan silang pareho na tuwang tuwa.

“Hi” sabi nila sa isa’t isa.

Iba yung tinginan nilang dalawa habang magkahawak kamay nila.

Nakakatuwa lang at mukhang may sparks silang dalawa.

“Ehem eheem.” Papansin ko sakanilang dalawa.

Gustong gusto nga sabihin sakanila na may powers din sila kaso baka ako ang mayari.

“Sino ba kasama mo rito?” Tanong ko kay Kennard.

“Ahh, mga tropa ko lang haha. Ako lanh umorder sakanila, kayong dalawa lang ba magkasama?” Tanong niya.

“Oo, hehe kakatapos lang……” muntik ko ng masabi. “…namen mag gala ehhe”

“Ganun ba?”

Nagpaalam naman bigla si Sarah.

“Hanap lang ako table Julian ah?” Sabi ni Sarah.

“Sure, sige” sagot ko.

“Uhm, baka mawala ka diyan hehe, samahan na kita” singit ni Kennard.

Natawa na lang ako sa mga damoves ni Kennard at pinabayaan ko na lang silang dalawa.

Pagka order ko, hinanap ko kaagad si Sarah at nakita ko siyang kasama si Kennard.

Pagkaupong pagkaupo ko, halos sabay nila akong sigawan.

“May gift din siya?!”

Natawa ako sa mga reaksyon nilang dalawa.

“Gosh, small world!” Sabi ni Sarah.

“Hehe, alam niyo na ba gift ng isat isa?” Tanong ko sakanila.

“Well, ang alam ako. For keeps tong si Sarah” sabi ni Kennard.

Aba si babae, kilig na kilig. Pa cute din kasi tong si Kennard.

“Ano ba, Kennard. Ang hot mo” biglang sabi ni Sarah.

“Wow! Thank you!”

“I mean, literally, kasi may fire power ka eh.” Biglang bawi ni Sarah na may pa dila effect pa.

Grabe, ang sweet nila tignan. Pwede din sila.

“Akala ko ba kasama mo mga tropa mo?” Tanong ko kay Kennard.,

“Hayaan mo na sila, binigay ko na yung number sa pagkain nila, balak ko na lang kunin yung number ni Sarah” banat pa ni Kennard.

Aba, di ko maiwasang hindi kiligin sa kanilang dalawa.

“Hehe, mamaya na. Nakakahiya kay Julian eh” pabebe din neto ni Sarah eh, buti na lang maganda siya.

“Hehe sige sige,” kita rin sa mga mata ni Kennard na kinikilig siya.

Okay din pala to eh, atleast dalawa silang may gift at parehas pang cool yung gift nila.

“Oh, Julian, bakit di mo pala kasama si Laurence?“bigla namang tanong ni Kennard.

“Ahh, nagpalevel kasi kami ni Sarah eh”

“Wow nice! Totoo bang mas mabilis kayong magpalevel?” Tanong ni Laurence.

“Anong ibig mong sabihin? Jusko, naka lima nga kami kanina bago kami naglevel 9!” Sabi naman ni Sarah.,

“Wow, so totoo nga?” Sabi ni Kennard.

“Ang alin? Ang tagal kaya!” Singit ko.

“Ang alam ko kasi, para maglevel, kailangan mo makatulong equivalent sa number ng level mo. Example, sainyo, level 9 kayo, kailangan niyong maka 9 na tulong para mag level. Tapos kapag 10, kailangang maka 10… and so on”

Wow, akalain mo yun, ang galing naman pala talaga.

“Wow, ang dami mo namang alam!” Sabi ni Sarah na may halong pag flirt.

Nakakatuwa talaga silang dalawa, naniniwala na ako sa love at first sight.

“Hehe, oo. Palagi kasi kaming nagkikita ni TL” sabi ni Kennard.

“TL?”

“Eh, ayun daw itawag ko sa nagbigay saken ng gift eh hehe” ani pa ni Kennard.

Nakakatuwa talaga, feeling ko abbreviation yang mga yan eh, kailangan ko lang malaman!

“So, kilala niyo na ba yung illusionist?” Tanong ni Kennard samen.

“Uhm, hindi pa eh” sabi namen ni Sarah.

“Well, together with the 3 of you, walang makakatalo sainyo hehe. Sure win na kayo sa battle!”

“Hindi pa naman, at saka mas mataas level mo, mas malakas ka” sabi ko.

Ngumiti lang siya at naglabas ng lighter.

Sinindihan niya yun at napansin kong pinaglalaruan niya.

Ang cute!!! Gumawa siya ng shape na heart na apoy gamit yung apoy sa lighter tapos pinakita niya kay Sarah.

“Kahit mataas yung level ko, hindi ko kayang mag create ng malaking apoy, not unless, merong malaking apoy sa harap ko pero as far as I know, hanggang dito lang kaya kong gawin”

Natuwa naman si Sarah at hinawakan yung kamay ni Kennard.

“Okay lang yan, ang cool pa rin sa paningin ko niyang powers mo” sabi niya kay Kennard.

Naglalandian talaga silang dalawa sa harapan ko.

“Pwede bang maglandian kayo kapag wala na ako sa harapan niyo?!” Sabi ko sa mga isip nila.

Tumawa na lang silang dalawa, at dumating na yung pagkain namen.

+++

2 days na lang, at Birthday na ni Matteo.

Susurprise ko sana siya sa bahay, magluluto ako kaso kasama pala si Maddie, at mukhang libre niya pa kaya di na lang.

Bibigyan ko na lang siya ng gift na damit, nakabalot na to eh at ready to bigay na lang.

Pero may mas gusto kong gawin ngayon.

Gusto kong makausap si TB!

Kaya tinawag ko siya gamit ang libro ko at hinintay ko siyang magpakita.

Lumabas labas ako ng bahay at may nakita akong babae na buntis na naglalakad palapit saken.

“Hoy TB!” Sigaw ko sakanya.

Akala ko kasi si TB pero….

“Hoy leche ka wala akong TB! Buntis ako oh!” Sigaw saken ng babae na halatang nainis sa sinabi ko.

“Ayyy sorry po. Sorry po”

“Sorry ka diyan, magka TB ka sana leche!”

Aba, galit si ate na umalis. Nag sorry na nga ako eh pero di ko na lang pinansin.

Sa kakahintay ko kay TB sa labas ng bahay, napaupo muna ako sa tapat.

Habang nag sisight seeing sa mga dumadaang sasakyan at nahuhulog na dahon sa mga puno, may napansin kong jogger na nadapa halos mismo sa tapat ng bahay namen.

Dali dali kong nilapitan si Kuya, aba may itsura siya.

“Kuya okay lang po kayo?” Tanong ko.

“HOPIA!!!Ako to si TB. hahahhaa” bigla niyang sabi.

“Ayyy jusko, haha Anong HOPIA ka diyan!”

“Sus, alam ko namang nainlove ka sa disguise ko haha”

“Haha inlove na ako sa iba eh” sabi ko.

“Kanino? Sa bestfriend mo? Haha!”

Ang gwapo talaga ng disguise ni TB. Pawisan at hot ,

“Di ahhh. Kay Laurence!!” Sabi ko.

“Ohhh, well. Bakit mo ko pinatawag??” Tanong niya

“Ehhhh kasi gusto ko ng malaman about saken… sayo… ano ba tayo bakit parang ang lakas lakas ng tingin saten??”

“Level 10 na ba?” Tanong niya.

“Hindi pa pero…”

“Sorry talaga Julian, kapag level 10 ka na talaga!”

Naglakad lakad naman kaming dalawa habang nagkekwentuhan.,

“Ang daya naman talaga huhu”

“Ganun talaga Julian! So ayun lang ba?” Tanong niya

“Oo sana kaso sayang naman ang puntos ko kapag pinaalis na kita kaagad!”

“Ay jusko siya, o sige ano ba?!”

“Eeehhh. Di ko kasi talaga mabasa iniisip ni Matteo at Laurence eh! Hindi kaya Illusionist sila at kaya nilang iblock yung naiisip ko?” Tanong ko.

“Ay pwede naman yan. Kaso di naman gagana powers niyo sa isa’t isa kapag di nahahawakan ang libro remember?”

“Nahawakan na ni Matteo yung saken at wala pa rin akong magawa, si Laurence naman hindi pa” sabi ko.

“Okay then punta tayo kina Laurence ngayon para matigil na yang kahibangan mo!” Sabi pa ni TB.

“Kahibangan agad?”

“Haha, joke lang, tara na!”

Sinamahan niya ako papunta kina Laurence, medyo lumayo siya sa gate para di siya makita.

“Babe?” Pagbukas saken ni Laurence.

“Hi babe” sagot ko.

Hinalikan niya ako sa noo at pisngi.

“Bakit ka nandito babe? Halika pasok ka”

“Hindi na babe, sandali lang hehe, may papakita lang ako” sabi ko at inabot ko sakanya yung libro.

“Uhm, ano yan babe?” Sa reaksyon ng mukha niya, parang di niya talaga alam,

“Hawakan mo nga babe” sabi ko.

“Okay ka lang ba babe?”

“Hehe oo babe. Hawakan mo lang po” sabi ko.

Sumunod naman siya at hinawakan saka ko siya tinignan sa mga mata niya at sinubukan kong basahin nasa isip niya.

Pero……

Wala talaga.

“Babe?“tawag niya.

“Ahhh… ehh…. sorry babe hehe, sige sige. Alis na ako” paalam ko.

“Hala babe, ayun lang yun?” Tanong niya.

“Opo babe, dumaan lang talaga ako para makita ka”

“Tara muna sa kwarto ko, gusto kita maka cuddle”

Nakakatemp naman yung offer niya pero….

“Sorry babe, bukas na lang talaga hehe”

“Huhu, dumayo ka lang talaga para ipahawak yan saken?“tanong niya.

“Hehe, para nga makita ka babe. Nako, sige na. Matulog ka na diyan at baka marami ka pang kausap!”

“Hala, naglalaro lang ako Xbox babe hehe.”

“Ahhh, nasa loob ba si Kennard?”

“Yeap babe, pumasok ka na kasi!!” Pilit ni Laurence.

“No talaga babe, I’m good. Sige na, kiss mo na ako”sabi ko sakanya.

Ngumiti lang siya at hinalikan niya ako sa labi kahit nasa labas kami ng gate nila

“Hmm. Weird mo babe hehe pero gusto ko yan!” Sabi niya habang nakayakap saken.

“Hehe, I love you!”

“I love you too so much babe!” Sabi naman niya.

Naglakad na uli ako palayo at napansin kong dumikit saken si TB.

“So, wala talaga?” Tanong niya.

“Wala talaga eh”

“Okay, now, si Matteo naman. Tara na!” Sabi niya.

“Sa Cavite?!ang layo!”

“Adik, nasa bahay niyo siya ngayon. Kakarating lang niya, diba parating nasa inyo yun?”

“Ayyy alam mo yun?!!”

“Haha oo naman! Ako pa.”

“I mean, na nasa bahay siya. Kasama ba sa gift yun?” Tanong ko.

Ngumiti lang siya at mukhang proud.

“Yes! Kaya magpalevel ka na kaagad haha” sabi niya pa.

Habang naglalakad kami pauwi, na open ko sakanya si Kennard.

“May nakita akong elementor, fire” sabi ko.

Bigla siyang napahinto habang naglalakad…

“Nakilala…. mo na siya?” Tanong niya na parang seryoso.

“Ahhh…. ehhh… oo, bakit? May problem ba?”

“Wala… wala naman hehe. Sige hayaan mo na hehe, so ayun lang ba?” Tanong niya pa.

May mali talaga about sa sinabi kong fire element eh.

Ano kayang meron dun?

Pero di ko na kinulit at mukhang ayaw niyang pag usapan namen.

“Teka pala TB, naalala ko sabi mo iba’t ibang gift kada user diba? Ehhh bakit kapareha ko si Greco ng gift?” Tanong ko.

“Ohhh, hindi kayo magkapareha hehe. Trust me, I know!”

“Pero kaya niyang isipin naiisip ko, halos parehas kami ng gift na dalawa, baka naman parehas kami” pagpipilit ko.

“Iba iba yung gift ng mga tao. Maniwala ka saken Julian, nag iisa ka lang mind reading” paliwanag ni TB.

Pero bakit magkapareha kaming dalawa?,

Ang dami kong tanong ngayon, at bigla kong naisip si Matteo

“Bakit ganun? Nahawakan na ni Matteo libro ko nun eh pero di ko pa rin mabasa nasa isip niya” sabi ko.

“Baka kasi di ka pa aware na may gift ka nun? Diba nahawakan niya naman yung book, di mo pinahawak?” Sabi niya.

OMG, kinikilabutan ako.

Tama, hinawakan ni Matteo yun, hindi ko pinahawak.

“So magkaiba yun? Ibang effect??”

“Ofcourse. Kaya nga ipapahawak mo sa iba yung book, kasi you’re letting them to know who you are. Pero kung hawak hawak lang ng di ka aware, aba di counted yun!” Paliwanag niya.

Medyo kinikilabutan talaga ako.

Feeling ko, malalaman ko na iniisip ni Matteo ,

Habang palapit na kami sa bahay at mabilis yung lakad, biglang may sinabi saken si TB.

“Kausapin mo ko kapag level 10 ka na, at malalaman mo na lahat” sabi niya saken.

Ang weird lang kasi pag lingon ko, wala na siya.

Sanay na ako kay TB ng ganun, kaya dali dali akong pumunta sa bahay at nakita ko si Matteo na nakaupo sa tapat ng bahay namen.

“Oh, Ju saan ka ba galing?” Tanong niya saken.

Pero di ko siya pinansin at pinahawak ko uli yung libro ko sakanya

“Ohhh, para saan naman to?” Sabi niya.

Pero di ako sumagot, nag focus ako baka mabasa ko iniisip niya.

Ayun na…..

Ayan na….

Wala pa rin akong mabasa.

“Ju?” Tawag niya.

“Ow?”

“Okay ka lang?”

“Ahhh, ehhh oo..” pero hindi, hindi ako okay.

Sino ba talaga si Matteo at Laurence sa buhay ko!!!

++++++++++

VOTE AND COMMENTS!!!!!

Part 28

Palagi kong naiisip dati na baka di ako sasaya kasi bakla ako, at sa tingin ko wala naman akong makikita na magpapatunay saken ng forever.

Naisip ko rin na baka kailangan kong magkapamilya, yung akin talaga para sa future ko.

Pero simula talaga ng dumating sa buhay ko si Laurence, nagbago lahat ng yun at palagi niyang pinapakita saken kung gaano niya ako kamahal.

Ang sarap niya panuorin ngayon.

Nasa kusina siya dito sa bahay nila at nagluluto ng kakainin namen.

Ang gwapo niya.

Ang kinis.

Ang ganda ng katawan.

At maliban sa lahat ng yun, yung ugali niya talaga, walang wala kang masasabi.

“Alam mo bang gustong gusto ko kapag nakatitig ka saken?” Bigla niyang tanong.

Di ko naman namalayan na nakatitig ako sakanya.

“Hehe, ang sarap mo lang kasi pagmasdan” sabi ko.

Nakatayo ako at nakasandal sa may lababo.

Lumapit naman siya at niyakap niya ako.

Grabe, ang bango bango niya pa.

“Gusto mo ba ng kiss galing sa gwapo mong boyfriend?”

Napapangiti niya talaga ako kaagad sa mga banat niya.

“Gustong gusto ko, syempre” sabi ko naman.

Hinalikan niya ako sa labi ko ng madiin at dahan dahan, sobrang sarap talaga sa feeling kapag nahahalikan. Lalo na sa taong mahal mo.

“Babe, ganyan ka ba talaga ka sweet? O saken lang?” Bigla kong tanong.

“Anong ibig mong sabihin?”

“I mean, ganito ka rin ba kay Lucas?” Tanong ko.

Natahimik siya bigla at bumalik sa pagluluto niya.

“Bakit mo naman natanong yan babe?”

“Wala lang, ayaw mo bang sagutin yung tanong ko?”

“Hmm. Wala lang, di lang talaga ako komportable.” Sabi ko pa

“Hala, affected ka pa ba?”

“Hindi na!”

Natahimik ako bigla.

“I mean, hindi na babe. Wala na yun, kaya wag mo ng isipin yun” bigla niya uling sabi.

Lumapit ako sakanya para pilitin.

“Sige na babe, sabi mo saken sasabihin mo kapag tayong dalawa na lang, oh dali. Tayong dalawa naman nandito eh” sabi ko.

Di naman siya makasagot pero pinipilit ko pa rin siya.

“Babe, please?” Sabi ko habang may pahimas himas sa likod niya.

“Okay sige.” Bigla niyang sabi.

Tinakpan niya muna niluluto niya at naupo kami sa may kainan.

Medyo excited din kasi akong malaman about kay Lucas kasi di ko pa alam totoo niyang pagkatao.

“Uhm. Paano ko ba sisimulan?” Sabi niya.

Di ako sumagot at hinintay ko siyang magkwento.

“Hmmm. Magsimula tayo sa…. bestfriend kaming dalawa ni Lucas. Tatlo kami actually, ako, Lucas at Kennard….”

Nakatingin lang ako sakanya.

“Pero may weird feeling akong nararamdaman kapag kasama ko siya, yung mas hinahanap ko siya kaysa kay Kennard. At nalaman kong ganun din pala siya saken….”

“One time, nasa kwarto kaming tatlo pareho. Nag CR lang si Kennard tapos nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Una, tinulak ko pa siya pero nung hinalikan niya ako uli, di na ako nakalaban. Gusto ko rin kasi….”

“Tapos, nahuli kami ni Kennard nun na naghahalikan. Sobrang nahihiya kami pareho pero si Kennard, tawa lang ng tawa. Wala lang sa kanya yung ginagawa namen….”

“Siya pa nga nag push na maging kaming dalawa eh….”

“So ayun, naging kami. Kasama pa rin namen si Kennard, di naman siya lumayo samen…”

Mukhang okay naman ang kwento ng lovestory nilang dalawa.

“Ganyan ka rin ba ka sweet sakanya katulad saken?” Tanong ko.

“To be honest hindi, first ko kasi si Lucas, ganun din siya. Kaya tago kaming dalawa, sweet lang kami kapag solo namen isa’t isa. Ganun lang….”

So ang swerte ko pala kahit papano dahil saken, proud na proud si Laurence.

“Eh bakit naman kayo naghiwalay babe?” Tanong ko.

“Hmmmm. Kasi pupunta siya ng Europe para mag aral.”

Ayoko sanang isipin pero parang naiiyak si Laurence habang nagkekwento siya. Pinipigilan niya lang.

“Naghiwalay kayo kasi pupunta lang siya ng Europe?” Tanong ko.

“Siya yung nakipaghiwalay, kaya ko naman sana yung LDR kasi ganun talaga ako mag mahal eh, gagawin ko lahat. Parang sayo ngayon.”

Biglang kurot sa mga pisngi ko.

“Aray!”

“Hehe, ang cute mo talaga babe” sabi niya pa.

Pero may gusto pa akong tanungin sa kanya about kay Lucas.

“Galit ka ba sakanya? Kasi dati nung tinanong kita about sa kanya, parang galit ka eh”

“Hmmm, oo syempre. Alam mo naman diba kapag may karelasyon ka, may napaguusapan kayo about sa future, tapos sisirain niya lang. Ganun kasi naramdaman ko nun eh”

“Pero sure ka na ba na naka move on ka?” Bigla kong tanong.

“Ofcourse babe. Ofcourse. Di kita gagawing panakip butas. At saka mahal na mahal kita, wala nga akong paki sa sasabihin ng iba saten eh kasi proud ako sayo” sabi niya pa.

Grabe talaga si Laurence. Ang sarap sa feeling kapag pinapakita niyang mahal na mahal niya ako.

“Naisip ko kasi baka kaya niya ako iniwan kasi baka di ako proud sakanya non. Na baka kulang siya sa ka sweetan ko. Na baka di ko nasasabi sakanya noon na mahal na mahal ko siya, kaya ganun yung ginagawa ko sayo ngayon. Natuto na ako sa nakaraan ko kaya pinagbubuti ko ngayon sayo.”

Parang sobra sobra na ata yung sinasabi ni Laurence. Sobrang naiiyak na ako, grabe. Sobrang swerte ko talaga sakanya.

Hinalikan ko kaagad siya sa labi niya para sumagot sa lahat ng sinabi niya.

“First time ko lang magmahal ng ganito babe. At maraming salamat! Mahal na Mahal din kita, wag kang mag alala.” Bigla kong sabi sakanya.

“Alam ko babe. Alam ko.” Niyakap ko siya ng mahigpit at bumalik na siya sa pagluluto.

++++

Bukas na birthday ni Matteo at pinaghahandaan ko na yun.

Pero bago ang birthday ni Matteo, birthday muna ng namatay kong kapatid ngayon at papunta kami nila mama at papa ngayon sa sementeryo.

Simula kasi ng nakunan si mama noon, ayaw na niya uli magka anak, kaya ako lang mag isa at walang kapatid.

Pagkatapos namen bumisita, syempre umiyak na naman si mama, at kinocomfort siya ni papa.

“Sabi ko naman sayo eh, gawa na lang tayo uli” sabi ni papa kay mama.

Natawa lang si mama sa sinabi ni papa.

“Ewan ko sayo! Ayoko na nga ehh!”

“Haha, eh try lang natin”

“Ma, Pa, seryoso? Ganyan topic niyo sa harap ni baby?” Sabi ko.

“Haha, ayaw mo bang magkaroon ng kapatid?” Tanong ni papa.

Di ko kasi alam feeling ng may kapatid, kaya di ko rin sure.

Pero deep inside parang gusto ko.

“Kaya pa ba ni mama?” Tanong ko.

“Tigilan niyo kong mag ama ah! Tara na nga!” Yaya ni mama.

Lakas talaga mang asar netong si papa kaya naghanda na kami pauwi.

“Oh, diba birthday ni Matteo bukas? Aalis pa ba kayo?” Tanong ni papa habang naglalakad pauwi.

“Opo, may regalo nga po ako eh tapos baka kumain daw kami sa labas” sabi ko.

“Nako gastos pa, wag na. Sa bahay na kayo magluto para tipid. Alam mo naman na hindi na bago si Matteo samen eh”

“Ehhh gusto ko rin yun Pa kaso kasama girlfriend niya. Nako, di ko kasi feel yun eh haha” sabi ko.

“Sus, baka nagseselos ka lang kamo” singit ni papa

“Pa, ano ba, hindi no!”

“Haha okay sabi mo eh.” Asar uli ni papa.

Lakas talaga mang asar neto!

++

Pagkauwi namen, nakita ko si Matteo sa tapat ng bahay namen, naka uniform pa siya.

Nilapitan naman niya kami kaagad.

“Oy Ju” tawag niya. “Magandang Hapon po” bati niya kina papa at mama.

“Oh, kanina ka pa diyan?” Tanong ni mama.

“Halos kakarating ko lang din po” sagot niya habang binubuksan nila papa yung pinto.

Lumapit naman saken si Matteo.

“Last year absent ka rin bago birthday ko, pinaghahandaan mo ba talaga tong araw ko?” Tanong niya saken.

“Hala haha dinalaw nga namen si baby!”

“Ayy oo nga pala. Bakit ba ayaw mo pakilala saken si baby?”

“Ehh, ayaw ko. Hehe. Next time na lang”

Ayoko kasi magpakilala ng bago kay baby, gusto ko yung sure na ako sa taong yun. At so far, si Laurence lang gusto kong ipakilala kay baby.

“Nako mamaya dalawin ka nun sa pagtulog”

Tumambay lang kami sa labas ng bahay.

“Baliw ka!”

“Haha joke lang, Ano plano natin bukas?” Tanong niya saken.

“Ewan ko, diba ikaw naman manlilibre?”

“Haha, oo. Nagpadala na si Kuya, sayang nga eh di siya makakapunta talaga”

“Hehe, wag mo na isipin yun, pupunta ako bukas. Wag kang mag alala.”

“Alam ko naman eh hehe. Kaya nga bukas… ang plano ko eh tayong dalawa lang!”

“Huh??? Paano na si Maddie?”

“Nako, sa susunod na siya. Magkaaway kasi kami ngayon ehh!”

“Hala, eh baka magalit naman yun?”

“Sus, di niya nga alam kung kailan birthday ko eh. Hayaan mo na, galit naman kami eh. Kaya tayong dalawa lang. Okay ba yun?” Sabi niya.

“Hmmm. Sige, okay lang. Pwede ko ba isama si Laurence?”

“Huwag na yun oy!! Tayong dalawa nga lang eh. Sabihin mo bestfriend’s day! Ibigay naman niya ako sayo kahit isang araw lang!”

Natawa ako sa pagkakasabi ni Matteo nun, ang cute niya ngumiti.

“Haha, sorry. Sige, sabihan ko siya!” Sabi ko.

“Good. Good.”

“So bukas ha? Wag kang mawawala. World War III tayo makikita mo!” Sabi niya sabay tayo at pagpag ng pwetan.

“Haha oo na!” Sabi ko.

Umalis na kaagad si Matteo at saka ako nagpaalam kay Laurence about dito.

Dali dali ko siyang tinawagan.

“Babe? Nakauwi na kayo?” Bungad niya.

“Opo babe, halos kakauwi lang din”

“Ohhh good, nandyan na ako sa labas ng bahay niyo in 2mins.”

“Huh? Ang bilis naman….”

“Yeap. See you babe,” sabi niya sabay baba ng tawag.

Magpapaalam na lang ako pagkakita nameng dalawa.

Di naman nagtagal, nakita ko na yung sasakyan niya na palapit.

Nagparada lang siya kaagad, hinawakan niya yung kamay ko at pumasok kami sa loob na nagmamadali.

“Hi po…” bati ni Laurence kina mama at papa. “… pwede po bang pahiram kay Julian?” Tanong niya pa.

“Ayy, ibabalik mo ba?” Sagot ni papa.

“Hehe opo opo, pwede bukas na rin po?” Sabi niya.

“Anong meron Laurence?” Sabi naman ni mama.

“Ipapakilala ko lang po siya samen”

“Oh? Akala ko nandun siya palagi sainyo?”

“Ahhh. Hindi po, may dumating po kasi samen eh”

“Sino naman?”

“Sila mommy at daddy po”

++++

Sobra akong kinakabahan habang nasa sasakyan ako.

Normal lang naman suot ko, pants at shirt. Pero syempre, first time ko mamemeet parents ni Laurence.

“Sabi ko sayo diba, anyday this week uuwi sila mom at dad”

“Babe, kinakabahan ako”

“Nako babe, wag. They will love you. I promise!”

Sobrang kinakabahan talaga ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Sobrang confident siya saken.

Ramdam na ramdam ko.

Hawak niya kamay ko habang papasok sa bahay nila.

“Ready babe?” Sabi niya.

Huminga lang ako ng malalim.

“Ready” sabi ko.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi at sabay na pumasok.

++

Pagpasok sa loob, napansin ko kaagad si Kennard sa sofa at may hawak ng baso na may wine.

At mukhang kausap niya yung parents ni Laurence.

Sobrang gwapo at ganda ng papa at mama niya!

Kamukha ni Laurence yung papa niya! Mukhang early 30’s lang yung itsura nila, sobrang bata tignan.

“Eto na pala sila!” Biglang sabi ni Kennard.

Napatingin lang saken yung parents ni Laurence, nawala din yung ngiti sa mga labi nila nung nakita nila akong hawak hawak yung kamay ni Laurence.

“So that’s Julian?”

“Well, he’s cute”

Buti na lang talaga nababasa ko iniisip ng parents niya.

“Ma, Pa, si Julian po.” Pakilala niya saken.

Tumayo yung mama niya at nakipagbeso saken

“Hi Julian” sabi ng mama niya. “Infairness, mabango” sabi naman niya sa isip niya.

“Hi Maam” sagot ko.

Fvck, maam? Ano siya teacher?

“Did he just called me maam?” Sabi niya sa isip niya. Fvck, mukhang nagalit ata.

Yung papa naman niya lumapit at nakipagkamay saken.

“Nice to meet you, finally!” Sabi ng papa niya.

Ganun din yung sinabi niya sa isip niya.

Fvck, kinakabahan pa rin ako kahit nasa tabi ko lang si Laurence.

Humarap naman yung papa niya kay Kennard.

“Akala ko ba isasama mo yung date mo?” Sabi ni Kennard.

“oh yeah, I forgot hehe. Wait, tawagan ko lang po” sabi niya.

Nung makita ko yung phone ni Kennard, saka ko naalalang naiwan ko pala yung phone ko sa lamesa kanina!!!

“Babe, yung phone ko, naiwan ko” bulong ko.

“Ohhh, hmmm. Bukas na lang natin balikan babe, okay lang?” Tanong niya.

“Hmmm. Sige babe”

Kinausap uli ako ng papa ni Laurence.

“Umiinom ka ba…, Julian?” Tanong niya saken.

“Minsan po, hehe”

“Good. Tara, let’s drink. Kumain ka na ba?” Tanong niya pa. Mukhang okay yung papa niya, at parang kinakausap ko lang yung matandang version ni Laurence.

“Ah ehhh…”

“May pagkain diyan, kain ka muna. Lau, samahan mo siya!”

“Sige po” sabi naman ni Laurence.

Pumunta kami sa kusina ni Laurence.

“Babe, paano yan, birthday ni Matteo bukas” sabi ko.

“Ay oo nga pala. Hmm. Sige, hatid na lang kita pauwi mamaya, okay?”

“Sige babe hehe”

Buti na lang nasabi ko na sakanya.

+++++

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.

Malamig din dahil sa aircon.

Teka, wala namang aircon kwarto ko ah?

Dun ko narealize, nasa kwarto pala ako ni Laurence.

“Sht!!! Ang dami ko sigurong nainom kagabi!” Sabi ko sa sarili ko.

Maya maya, lumabas ng CR si Laurence ng nakatapis lang ng tuwalya.

Ang ganda naman ng bungad ng umaga ko dahil sakanya.

“Gising na pala ang napakaraming uminom kong babe” lapit niya saken sabay halik sa noo.

“Anong nangyari kagabi babe???”

“Di mo alam? Haha. Ang saya mo kagabi babe, ang dami mong ininom, haha tuwang tuwa sayo si dad promise!”

Sht, wala naman akong matandaan masyado.

Medyo alam kong marami akong nainom.

Sobrang nakakahiya!

“Mamaya kung ano isipin nila saken….”

“Babe, trust me, gusto ka ni dad haha. Tuwang tuwa siya sayo. Di ka umaayaw. Nakahanap na daw siya ng kainuman niya haha.”

“Eh si mama mo?”

“Hmmm. Natulog na kasi siya eh. Mamaya, kausapin mo hehe”

Medyo okay naman pala tong parents ni Laurence. Nawala na yung kaba ko sa pagharap sakanila.

Maya maya, biglang bumukas yung pinto at pumasok yung papa niya.

“Ohh good! Nakaligo ka na anak, o ikaw Julian? Ligo na dali. Aalis pa tayo!” Sabi ng papa niya na mukhang nakabihis.

“Saan tayo pupunta dad?”

“Lunch tayo sa Batangas. Tara na, namiss namen dun ng mommy mo eh!”

“Ahhh sige. Go kami diyan, ano babe? Tara?” Tanong ni Laurence saken.

Nakaka pressure naman to, nag aabang silang dalawa ng sagot ko.

“Wala pala akong damit….”

“Don’t worry, marami akong padalang damit kay Laurence, pili ka na lang. Oh, wala ka ng kawala ah? Ligo ka na!” Sabi ng papa niya.

Aba, parang si papa tong papa ni Laurence, nakakatuwa.

“Sige po, sige po hehe” sabi ko sakanila.

Tuwang tuwa naman si Laurence at sasama ako.

++++++++++

Sobra akong nag enjoy sa Batangas trip namen!!

Sobrang unexpected ng lahat.

Sobrang baliw din ng papa ni Laurence, parang si papa lang.

“Haha, nag enjoy ka ba Julian?” Tanong ng papa niya saken habang nagdadrive siya.

Nasa unahan yung mama niya, nasa likod kami ni Laurence.

“Good. Buti naman! Hehe, sama ka uli next week. Birthday naman netong mahal ko” tinutukoy niya yung mama ni Laurence.

Pero sht.

Sht talaga!!

Nakalimutan ko!!

Birthday pala ni Matteo ngayon!!

Masyado akong nagenjoy sa mga nangyari.

Fvck. Alasingko na!

Anong oras pa ako makakauwi neto.

Traffic pa sa EDSA sigurado!

“Babe, may number ka ba ni Matteo?” Bulong ko kay Laurence.

“Nabura ko na ata babe. Bakit?”

“Birthday niya ngayon babe. Nawala sa isip ko!”

“Ayy oo nga pala! Sorry babe, nawala sa isip ko. Sige, tawagan ko si Maddie” sabi niya.

Sht.

Baka magalit saken si Matteo.

Mas kinakabahan tuloy ako ngayon.

“Babe, di sinasagot eh. Baka magkasama silang dalawa ,gusto mo ihatid na kita diretso sainyo?” Tanong niya.

“Sige babe, please” sabi ko.

Tama nga, traffic sa EDSA at alasyete na kami nakauwi.

Binaba na nila ako sa bahay namen.

“Julian ah, nextweek uli!” Sabi ng papa niya.

“Hehe opo, maraming salamat po!” Sabi ko.

Hinatid lang ako ni Laurence sa labas ng bahay namen.

“Salamat babe. Ang saya ko kasi kilala mo na parents ko”

“Hehe, walang anuman babe. Sige na, tawagan ko pa si Matteo baka magtampo na yun”

“Hehe sige babe.” Sabay halik saken sa labi.

Dali dali naman akong pumasok sa loob at kinuha yung phone ko.

Fvck talaga.

189 missed calls. 107 texts

Lahat kay Matteo!!

Dali dali ko naman siyang tinawagan at buti na lang sinagot niya.

“Matty!!” Sabi ko.

“Oh?” Sht, mukhang galit yung tono ng boses niya.

“Sorry talaga Matteo….” pero di niya pinatapos sinasabi ko, basta binaba niya lang yung tawag ko.

Hala, galit nga siya talaga.

Sinubukan ko siyang tawagan pero unattended na siya.

Nakalimutan ko talaga yung Birthday niya.

++

Pagdating ng lunes, una ko kaagad siyang hinanap sa room. Nakaupo siya sa may dulo, nilapitan ko siya pero galit talaga siya.

Iba yung galit ng itsura niya.

“Matteo, sorry….”

“Kapag kinausap mo pa ako, mas lalo kitang hindi papansinin” yung tono niya, madiin. May galit, at halos maiiyak na siya.

Di ko naman alam na ganito pala siya magagalit ng todo.

Tumayo siya at lumabas ng room.

Pero hinabol ko kaagad siya.

“Matteo…”

Pero wala pa rin siyang sinasabi.

Naglakad siya hanggang dulo ng hallway.

“Matteo naman…”

“Julian, sana sinabi mo na makikipagkita ka sa magulang ng boyfriend mo para di ako asa ng asa na darating ka nung sabado!!”

Hala, naiiyak talaga si Matteo.

“Sorry…”

“Bvllsht ng sorry mo Ju! Nangako ka pa! Mas lalo mong pinapakita saken na talagang di na ako mahalaga sayo!!”

“Ano ba yang sinasabi mo Matteo, hindi ganun yun….”

“Ganun yun Ju. Masyado lang akong nasanay sayo, pero siguro kailangan ko na talagang masanay na second option na lang ako”

Di ko alam kung anong pinaghuhugutan ni Matteo ngayon.

“Ngayon alam ko na kung saan ako lulugar sayo. Alam ko na yung halaga ko sayo, akala ko pa naman…..”

Naiyak na lang siya talaga sa harap ko, di ko alam kung anong gagawin ko para makabawi ako sakanya.

“Ayokong isumbat pero ginawa kong perfect yung araw ko para sateng dalawa, para sayo. Pero wala ka. Tama na siguro pagpapakatanga ko sayo Ju, tama na yun. Alam ko na talaga yung totoo. Di na lang ako aasa.”

Ano yung sinasabi niya?

“Lalayo na lang ako sayo Ju. Di ko na kaya eh”

Umiiyak pa rin siya habang palayo saken.

Anong ibig niyang sabihin sa ‘di na ako aasa’?

Ano ba to!!

Alam kong galit siya ngayon pero mas desperado na ako sa kung anong totoong nararamdaman niya.

Kailangan ko ng magpalevel talaga para malaman ko lahat.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

ETOOOO NA, MAGLELEVEL UP NA SI JULIAN, MALALAMAN NA ANG MGA SIKRETO AT FEELINGS(?)

VOTE VOTE VOTE PLEASE.

COMMENT. COMMENT. COMMENT DIN!!!!

☺☺☺☺☺

Part 29

At GOODLUCK SA FEU WVT MAMAYA!!!! 😁😁😁

VOTE AND COMMENTS NA AGAD#!!!!

+++++++

Di ako sanay ng ganito, di ako kinakausap ni Matteo, at ang matindi pa, kay Jerrick siya sumasama ngayon.

Mukhang nang aasar pa.

Nung mag isa si Matteo sa upuan, tinabihan ko siya.

“Di mo pa rin ba ako papansinin?” Pangungulit ko.

Pero di siya sumasagot.

Tumayo naman siya agad at lumipat ng upuan.

“Mukhang LQ kayo ng bff mo ah?” Kausap saken ni Greco sa isip ko.

“Hehe, oo nga eh. Nagtatampo kasi” sagot ko sa isip niya.

“Sige, ako muna bff mo. Lika dali, wala akong kausap eh”

“Hehe, sige sige”

Pagkalapit ko kay Greco, naalala ko yung sinabi saken ni TB na magkakaiba kami ng gift, pero bakit sobrang magkapareha kami ng gift ni Greco?

“Hey, alam ko iniisip mo” biglang sabi ni Greco.

Sht, oo nga pala. Nababasa niya nasa isip ko.

“Haha, it takes one to know one diba?” Sabi ko.

“Hehe, I know.”

“So, nababasa mo pala, ano naman sagot mo sa tanong ko? Kung magkakaiba ng gift bakit naman halos magkaparehas yung sateng dalawa?” Tanong ko sakanya.

Mukhang napaisip lang si Greco sandali sabay tawa.

“Bago ko sagutin, tignan mo si Matteo mo, nakatingin dito saten” sabi niya.

Pag silip ko kay Matteo, bigla siyang umiwas ng tingin.

Loko talaga, pero ang cute niya pa rin. Bagong gupit din kasi si Matteo kaya mas lalong ang linis niya tignan.

“Hehe, hayaan mo na siya, so ano na sagot mo?” Tanong ko.

Tumingin lang siya saken ng seryoso.

“I’ve got the gift to copy someone else’s gift”

Natahimik naman ako bigla sa sinabi niya.

Copy someone else’s gift? So ibig sabihin kaya niyang kopyahin lahat ng may power of gift?

“Wait. Wait. Wait. So kung kinopya mo yung gift ko, that means….. kasama ka rin sa Big 3? Edi Big 4 na tayo?” Tinutukoy ko yung power namen ni Sarah at Illusionist.

“Hahaha. Hindi, I wish sana ganun na lang eh kaya ko nga kinopya yung gift mo dahil akala ko ganun nga mangyayari”

“So ? Paano nga?”

“Kinwento kasi saken yung about sa tatlo ngang gift niyo. Kaya ayun, pinapili ako kung anong gusto ko. E mas mukhang cool yung gift mo kaya ayun yung kinuha ko” sabi niya pa.

“So magkasing…. uhm, lakas tayo?”

“No, mas malakas ka pa rin haha. Ang nakopya ko lang sayo, hanggang level 15, hindi lahat.”

Wow, ang galing galing talaga.

“Hanggang level 15 lang?”

“Oo, yung level 16 pataas na powers mo, di ko na makokopya. Kaya mas malakas ka pa rin hehe”

Nakakatuwa naman yung revelation na to.

“Paano naman si Tracy?”

Since wala ng gift ni Tracy, pwede ko ng tanungin yung about sakanya.

“Hindi ko alam Julian eh, nagulat nga ako ng bigla na lang siyang mawalan ng gift”

Kinalma ko sarili ko para di ko maisip yung sinabi saken ni Tracy noon about kay Greco.

“Kilala niya ako pero di niya matandaan na naging kami. Hay, nakakainis nga eh”

Sht, ano ba talagang totoo? Di ko na maintindihan kung sino dapat kong paniwalaan.

Ang dami ko pang gustong itanong kay Greco kaso dumating na yung prof namen at bumalik na ako sa upuan ko.

Samantalang si Matteo naman, lumalayo pa rin saken at sumasama kay Jerick.

Atleast alam ko na yung gift ni Greco ngayon, kinopya niya lang yung gift ko.

Di ko alam kung masama ba siya o hindi basta ang alam ko okay siya saken ngayon.

++++

“Babe, balita ko galit sayo si Matteo. Kasalanan ko ba yun?” Tanong saken ni Laurence habang naglulunch kami sa mall.

“Kasalanan ko yun babe, kasi nagpakalasing ako nun kaya ako dapat sisihin”

“Naguguilty tuloy ako babe, alam ko naman kung gaano kaimportante sainyo yung araw na yun eh.”

Naaawa naman ako kay Laurence, ayokong isipin niya na kasalanan niya yun kasi ginusto ko naman yung mga nangyari.

“Hala babe, hindi. Ikaw naman boyfriend ko eh at saka parents mo yun. Mali ko lang kay Matteo, sana di ako nangako. Pero wag mo sisihin sarili mo” paliwanag ko.

Mukhang umokay naman siya dahil sa mga sinabi ko.

Ayoko naman isipin ni Laurence na mas mahalaga si Matteo saken kasi ang totoo, mas mahalaga talaga si Laurence saken.

Maya maya, may nagtext kay Laurence at bigla siyang ngumiti.

“Sino yang katext mo babe?” Tanong ko.

“Babe, si Kennard daw pupunta kasama yung date niya hehe. Okay lang ba?”

“Sige sige babe, okay lang” sagot ko.

Hinintay namen sandali si Kennard at maya maya dumating na siya kasama si Sarah.

Omg. Nagde date silang dalawa.

“Hoy anong ibig sabihin niyan ha? Haha!!”
Sabi ko sa isip nilang dalawa.

Ngumiti lang sila bilang sagot.

“Sorry ngayon lang kami” sabi ni Kennard.

“Teka babe, diba si… Sarah yan?” Sabi ni Laurence.

“Yes babe, ako pa nagpakilala sa dalawang yan haha” sagot ko.

Nauwi sa kwentuhan na mahaba yung lunch namen.

Pabalik na kami ng school ng bigla akong kausapin ni Sarah.

“Nareceive mo na ba yung invitation para sa Battle?” Bulong niya saken.

“Invitation?”

“Yeap, nakuha na namen ni Kennard. Check mo na rin sayo kung meron na.”

“Saan ko titignan?”

“Edi sa libro mo. Hay nako Julian, di mo talaga tinitignan yang librong yan no?”

“Haha, hindi talaga eh. Minsan lang” sagot ko.

“Pwes, tignan mo na. May details na dun about sa event.”

Na curious tuloy ako dun kaya una kong gagawin kapag uwi ko sa bahay eh, chechekin ko yung book ko.

Pagkauwi ng bahay, sinalubong ako ng sermon nila mama at papa.

“Bakit di ka pala sumipot nung sabado kay Matteo anak? Saan ka ba nanggaling nun?” Tanong saken ni mama.

“Paano niyo nalaman Ma?”

“Galing dito si Matteo kanina eh”

Bakit kaya palagi kong di naaabutan si Matteo kapag pumupunta siya rito.

“Ahhh… yung parents kasi ni Laurence Ma, sinama ako sa Batangas. Kumain lang kami dun”

“Ehh paano naman si Matteo niyan? Tapos di mo pa daw siya pinapansin?”

Ay ibang storya ata yung sinasabi ni Matteo!

“Nako ma, ako nga di pinapansin nun!” Sagot ko.

“Aba pwes dapat lang, bumawi ka kay Matteo anak!”

Favorite talaga ni mama si Matteo eh kaya ganito na lang siya mag react.

Pag akyat ko sa kwarto, agad ko siyang chinat.

Alas otso na ng gabi kaya sigurado akong nasa bahay na to ngayon.

“Hoy!” Chat ko.

Pero seen lang.

“Bakit sinabi mo dito sa bahay na di kita pinapansin, eh ikaw naman tong di namamansin?!”

Pero seen na naman.

“Nag iinarte ka pa kasi tapos dadalaw dalaw ka pa rito sa bahay!”

This time, nagttype na siya.

Typing….

Typing….

Biglang seen.

“Argh!!! Bahala ka nga. Nag sorry na ako, bahala ka na kung ayaw mo kong patawarin. Tse!”

Pero seen na naman.

Ayoko na sana mag reply pero nakakainis kasi kapag nasi-seenzoned ka.

“Matty, galit ka pa ba?” Di na ako galit ngayon.

Seen.

“Alam ko naman nababasa mo eh, pero sorry na talaga. Di ko naman talaga sinasadya.”

Seen.

“Sige, good night na” sabi ko.

At bigla naman siyang nagreply.

“Ang panget mo.”

Aba aba! Mag rereply na lang, nang aasar pa!!

“Hoy, tigilan mo nga ako. Mas panget ka!!”

“😌😌😌😌” reply niya.

Ay jusko, sobrang naaasar ako sakanya ngayon.

Kaya ako naman ang nang seen.

“Seen?” Reply niya.

“Hahaha nakaganti rin ako” reply ko naman.

Pero seen zoned lang din.,

Argh!!! Nasa kanya pa rin yung huling halakhak!

Sa sobrang inis ko, pinatay ko na yung phone ko at natulog.

++

Kung dati, dalawa lang kami ni Sarah na nagpapalevel, ngayon, kasama na namen si Kennard.

Sobrang humahanga siya kung paano yung combination ng powers nameng dalawa, talagang partner kami.

“Akala ko nung una ang cool ng gift ko, pero nung nakita ko yung sainyo, grabe, sobrang namamangha ako!” Sabi ni Kennard samen,

Pare parehas kaming naka uniform pa. CEU, TIP at FEU.

“Haha, sa event naman siguradong mangingibabaw kayong mga may gift of elements!” Sabi ko naman.

“Hehe oo nga eh, dun na lang ako mag bibida bida”

Inakbayan ni Kennard si Sarah at mukhang kinilig si Sarah.

Nasa tapat kasi kami ng TIP, maraming estudyante at dito namen ginagamit yung gift namen.

“Basta sa event, kampi kampi tayo ah?” Sabi ko sakanila.

“Ano ba? Di mo pa siguro talaga nababasa yung book mo no? Nandun na yung details eh! Kainis naman to si Julian oh” sabi ni Sarah.

“Haha sorry nakalimutan ko”

“Dala mo ba ngayon?”

“Oo.”

“Tignan mo na ngayon na dali!” Sabi ni Sarah.

Ilalabas ko sana yung libro sa bag ko kaso may napansin akong lalaki na parang kanina pa nakatingin samen.

Nakauniform siya pero di ako familiar masyado sa uniform niya.

“Tignan mo nga yung lalaking naka blue uniform na nkaupo sa motor. Yung nakatingin saten.” Sabi ko sa isip nila Sarah at Kennard.

Napatingin naman sila dun.

“Oo nga, at mukhang hinihintay niyang pansinin natin siya” sabi ni Sarah.

Sinubukan ko naman na basahin isip niya.

At sa gulat ko.

Hindi ko magawa.

Sht. Panibagong may gift.

Bigla naman siyang tumayo at naglakad palapit samen.

“OMG, okay, behave. Palapit siya” sabi ni Sarah samen.

Di naman ako kinakabahan eh. Simula kasi ng nagkaroon ako ng gift, talagang lumakas yung loob ko.

Pagkalapit niya samen, mas lalo ko siyang nadescribe.

Mestisuhin siya, matangos ilong, makinis, di naman siya mukhang nag gygym pero malakas appeal niya.

“Hi” bati niya samen.

“Hi” sagot ko naman.

Kalmado lang naman kami, mukha naman kasing wala siyang gagawing masama.

Nakangiti lang siya samen. Infairness, ma cute siya pero di naman siya nagsasalita.

“May problema ba?” Tanong naman ni Kennard.

“Wala naman. Nakakatuwa lang kasi kayong panuorin, parang inoobserbahan niyo lahat ng nangyayari hehe” sabi niya.

Di ko talaga mabasa nasa isip niya.

Nagkatitigan kaming dalawa na parang may kuryente sa mga mata naman. Parang magkaaway kami na ewan.

“By the way, I’m Spencer hehe” pakilala niya sabay abot ng kamay.

To be honest, mukha siyang mabait. Pero dahil di ko mabasa nasa isip niya, di ko pa masabi talaga.

“Julian” pakilala ko.

Nagpakilala rin sila Sarah at Kennard.

“I’m sorry if I interrupted something hehe. It’s just that…. hmmmm, wala naman kayong napapansing kakaiba no?” Sabi niya pa.

“What do you mean na kakaiba?” Singit ni Sarah na mukhang nagddrawing habang nakikipag usap.

Ngumiti lang si Spencer habang pinagmamasdan si Sarah.

“I mean, you’re not seeing some weird stuff right? Like, butterflies everywhere? No? No?”

Anong ibig sabihin niya?

“Wala ehhh. Ikaw? Okay ka lang ba today?” Tanong ni Sarah.

“Yes, very good hehe. Thanks for asking”

Di ko naman masasabi na nag aaway kami kasi casual lang pag uusap namen pero parang may awkardness talaga.

“I hope to see you again, I think I interrupted something hehe. Aalis na lang ako” sabi ni Spencer sabay abot saken ng parang calling card.

“Spencer Pullido”

“See you guys. Feeling ko magkikita kita pa tayo eh hehe.”

Di na niya kami pinagsalita at umalis na siya, umupo na uli siya sa motor at mukhang may hinihintay siyang iba.

“Ang weird nun no?” Sabi ko saknila.

“Yes. And guess what, hindi rin gumana gift ko sa kanya. Look” pinakita saken ni Sarah drawing niya.

Nagdrawing ba naman na sumuka si Spencer.

“Bakit naman ganyan nilagay mo haha!” Sabi ko.

“Haha, ang weird kasi eh. Pero atleast hindi gumana. And one thing is for sure, may gift din siya” sabi ni Sarah.

Totoo. May gift din si Spencer, pero ano naman kaya yun?

+++

Succesful ang pagpapa level namen nila Sarah kanina. Naka kuha rin ng puntos si Kennard samen.

Ang galing lang kasi tatlo na kami at sa wakas, level 10 na ako!

Pero bago ko buksan yung libro, naisip ko na naman si Matteo.

Parang 3 days pa lang kaming di nag uusap pero di niya pa rin ako pinapansin.

Sinubukan ko naman na tawagan siya pero di niya talaga sinasagot.

Sobrang miss ko na si Matteo.

Iba pala talaga kapag yung bestfriend mo nakaaway mo, parang ang laki ng nawala sayo.

Checheck ko sana kung online siya kaso nakita kong nag floodlikes siya saken sa facebook.

Kaya chinat ko siya.

“Nagpapapansin siya saken oh 😉” chat ko.

Aba, nang seseen na naman siya!

Kaya tinadtad ko siya ng kung ano anong message.

“Napaka pabebe mo!! Nag sorry na ako eh!! 😡😡😡!

Seen.

“Kapag ito sineen mo magkaka pigsa ka sa pwet!!!”

Seen.

“Hahaha. Humanda ka na sa pigsa sa pwet bwahahahaha!”

Seen.

“Kapag di ka nagreply, babagsak ka sa lahat!!”

“…”

“Hahaha takot ka pala bumagsak eh!”

Seen.

Ayaw ko talaga siyang tigilan. Gusto ko na kasi siyang makausap.

“Mali ako Matty. Sorry talaga,”

Seen.

“Dapat hindi ako nagpakalasing ng todo.”

Seen

“Minsan ko lang kasi makilala yung parents ni Laurence, kailangan maganda yung first impression ko.”

Seeen.

“Gusto na kitang kausap”

Medyo matagal bago niya ako iseen.

pero nagulat ako ng nagttype siya.

“Ako rin” reply niya.

Bakit parang may butterfly sa mga tyan ko sa reply niya.

Siguro dahil ang tagal nameng hindi nagkausap tapos ngayon niya ako kinakausap.

“Talaga?” Reply ko.

Seen.

Ayan na naman siya.

“Seen na naman?”

Seen

“Pero okay lang, nagreply ka na eh hehe. Goodnight na”

Seen

“I miss you” reply ko.

“I miss you too” reply niya agad.

Sobrang natuwa ako sa sinabi niya at ayoko ng maseen kaya di na ako nagreply sakanya.

Tinabi ko na yung phone ko at chineck ko na uli yung libro ko.

Pero bago ko mabuksan, biglang kumatok si mama sa kwarto ko.

“Yes ma?” Agad kong sabi pagbukas ko.

“Uhm, may naghahanap sayo sa baba.” Sabi ni mama.

Alas nwebe na, sino pang maghahanap saken ng ganitong oras.

Pagbaba ko may nakita akong babae na di ko pa nakikita sa tanan ng buhay ko.

Napakapresentable ng itsura niya, nakasalamin, naka palda at blouse na puti tapos yung kutis, aba yayamanin.

“Are you Mr. Julian?” Sabi nung babae.

“Uhm, yes po?”

“May warrant po kami para hulihin kayo”

Fvck, sobrang kinakabahan ako. Sisigaw na sana ako kina mama kaso bigla siyang tumawa.

“Ahahaha joke lang Julian, ako to. Si TB hha!”

Jusko, baliw na naman si TB pero totoo, kinabahan ako ng konti.

“Congrats at level 10 ka na. Kunin mo libro mo dali, tapos lakad lakad uli tayo” sabi niya.

Di na ako nagsayang ng oras, umakyat ako kaagad at kinuha yung libro. Nagpaalam ako sandali kina mama at pumayag naman.

Naglalakad na kami ni TB sa madilim na lugar namen.

“Ohhh. Ayan, level 10 na ako! Sabihin mo na mga dapat kong malaman!” Sabi ko sakanya.

“Hmmmm. Let’s see. Saan ba ako magsisimula?”

“Ewan ko sayo pero ang ganda mo today TB hehe. Sana ganyan ka nalang palagi”

“Ayy thank you haha. So etooo na, sasabihin ko na.”

Gusto ko lang naman malaman kung paano ako naging pinakamalakas sa lahat.

“Una, dapat mong malaman na marami kayo at may iba iba kayong gift” panimula niya.

“At pangalawa, competition talaga to. Di naman kayo mamamatay dito or what, basta friendly competition to”

“Bago kayo makipag compete, aattend muna kayo sa assembly kung saan makikita mo lahat ng nag sign up sa event. At makikita mo yung mga taong may gift”

“Normally, binibigay namen sa mga teenagers to. Kasi bata, fresh, at nung time din kasi na nakuha ko tong gift ko, teenager din ako”

Huminto muna kami sa paglalakad at di ko namalayan nasa Paco Park na pala kami. Naupo muna kami dun saglit.

“Yung schedule, lugar at place ng event, malalaman mo sa libro pero yung details ng event namen noon, ishashare ko sayo”

“Technically, isang buong klase kayo. 40 kayong may gift. Lahat kayo iba iba okay? Lahat special”

“Since isang klase kayo, dapat may top ten, top 5 at top sa class. Mga ganun ba”

Mukang alam ko na kung saan papunta yung kwento ni TB.

“Sa case namen, top 3 yung kinuha” sabi ni TB.

Tinignan ko siya at sa tingin ko kasama siya.

“Yes Julian. Kasama ako sa top 3. Ako nga yung nasa top 1 eh hehe”

“Wow!” Parang ayun palang nasasabi ko simula nung nagkwento siya.

“I know, Wow talaga ako! Ako yung top 1, tapos top 2 yung power of Illusion, then top 3 yung power ni Sarah”

“So…..”

“So, since kami yung top 3, kami yung may privelage na wala sa iba.”

“Ano ano naman yun?” Tanong ko.

“Well, technically, isa lang dapat itsura ko pero kaya kong magbago bago kasi kaya kong gayahin yung gift ng iba”

“Wow! Wow!”

“I know! Wow talaga ako haha”

“So, ano ba talaga totoong itsura mo?”

“Ayy secret haha pero sige, lalaki talaga ako” sabi niya.

“Wow, ang dami kong nalalaman”

“Yes, at dapat mong malaman na ex namen pareho ni PJ si JD”

“Sino si PJ at JD?”

“Ako kasi si TB right? Yung Illusionist si PJ tapos yung drawing si JD”

Nabanggit nga ni Sarah na JD pangalan ng nagbigay sakanya.

“Love triangle?” Tanong ko.

“No, ako naman talaga gusto ni JD eh haha”

“Pero bakit nakisali si PJ?”

“Oooops. Personal life na yan haha, pero okay lang na pagkatiwalaan mo si Sarah, wag lang yung napili ni PJ. Iba rin kasi ugali nun eh!”

“Ehh dko pa naman nakikilala yung Illusionist”

“Oh? Di mo lang alam pero nakilala mo na”

Nagulat ako sa sinabi ni TB. Nakilala ko na? Pero sino naman kaya???

“Ayun lang ba tanong mo?”

“Hindi pa!! Yung about sa event!”

“Ahhh event. Yes, yung amin kasi noon nahati sa tatlo.

Una, basic usage of gift. Kailangan mo lang makasurvive sa lugar na ibibigay sayo. Ayun lang, super dali lalo na sa case natin, parang alam natin iniisip ng lahat.

Second naman yung tricky, advantage kasi dito yung offensive yung gift. Yung nangyari kasi saken, may kailangan akong sirain pero di ko alam kung paano. Logic din yun, basta kaya mo haha.

Pangatlo naman yung battle. Syempre lahat kayo magkakasama na sa isang lugar at syempre, battle. Walang mamamatay dun, sobrang saya pa nga nun eh nagtatawanan lang lahat.

Then base sa performance mo sa tatlong stages, saka ka irarank.

At sa batch namen, ako ang number 1 kaya ma pressure ka!“

Wow talaga si TB.

Parang nakakaexcite tong event na to.

“Kita ko sa mata mo na natutuwa ka hehe. Excited ka na ba?” Tanong niya saken.

“Super!!!”

“Good, buti naman. Isang tip lang” sabi niya.

“Ano yun?”

“Kilalanin mo na kung sino yung Illusionist habang maaga”

+++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! WOOOOOOO. SO ANO MASASABI NIYO???? 😁😁😁😁😁

Part 30

Mas marami akong nalaman sa mga sinabi ni TB pero mas iniisip ko talaga ngayon kung sino ang Illusionist.

Erase erase na sa pagpipilian si Matteo at Laurence, kasi sure akong wala silang gift dahil sa paghawak nila sa libro ko.

Greco? Hindi rin, kasi ang power niya ay gayahin yung saken. So hindi rin siya.

Obvious naman na hindi si Sarah at Kennard.

Si Gab? Eh gift of time meron siya.

Si Jerick? Imposible, kasi gumagana yung gift ko sakanya ibig sabihin wala siyang gift.

Sino??? Sino kaya???

Kakaisip ko, muntikan na akong maka bangga.

Nasa school kasi ako ngayon at pauwi na. Di ko muna kasama si Laurence kasi kasama niya parents niya.

Gusto niya ako isama kaso ako na nahihiya. Sabit lang naman ako.

Di pa rin ako pinapansin ni Matteo at infairnes, mukhang tuwang tuwa naman si Jerick.

Nakita ko silang dalawa na magkasama, tapos biglang humiwalay na si Matteo, lumapit naman saken si Jerick.

“Hay nako Julian, salamat talaga at magkaaway kayong dalawa!! Saken tuloy dumidikit si Matteo!!” Kinikilig niyang sabi.

Naupo muna kaming dalawa sa canteen.

“Ginagamit ka lang naman niya hahha” biro ko.

“Gamitin niya ako, pagsawaan niya ako, go. Push, willing ako.”

“Haha, baklang bakla ka diyan”

“Haha eh ayun naman talaga ako eh hhaha So teka te, bakit ba kasi kayo nag away?” Tanong niya.

So kinwento ko yung storya kung bakit.

“Pakarat ka rin kasi te” bigla niyang sabi pagkatapos ko magkwento.

“Pakarat kaagad?”

“Haha keme lang, eh parang wala ka namang ginawang masama. Boyfriend mo naman si Laurence, ganun talaga kapag boyfriend, dapat inuuna”

“Ehhh ang hirap kasi explain ng side ko…”

“Te, may gusto talaga sayo si Matteo, ramdam ko. Okay lang naman saken ehh, mas happy kasi siya sayo kesa sa babaitang Maddie na yun na dadaan sa harapan natin!”

Tinignan ko kung saan nakatingin si Jerick at nakita kong dadaan siya samen.

Huminto siya at binati ako.

“Uy Julian!” Bati niya.

Bumubulong bulong si Jerick sa gilid ko, nababasa ko nman yung sinasabi niya.

“Nako Julian, plastikin mo. Plastikin mo!” Bulong ni Jerick pero natatawa ako sakanya.

“Hi Maddie!

“Uyy, sorry pala sa away niyo ni Matteo ah?”

“Ahh, hehe. Hayaan mo, magbabati rin kami nun” sabi ko.

“Hmmm. Sana, kasi palagi niyang sinasabi saken kung gaano siya nagtatampo sayo.”

“Ganun talaga siya kagalit saken?”

“Oo Julian. Promise, minsan nga nagagalit siya saken ng walang dahilan eh. Simula nung nag away talaga kayong dalawa, ang bilis na niyang mainis” kwento niya.

Binasa ko naman nasa isip ni Maddie at nagsasabi siya ng totoo.

Galit nga talaga saken si Matteo.

Ang hirap suyuin ng lalaking yun.

“Pero blessing din yung di niyo pagkita nung Birthday niya kasi kaming dalawa magkasama nun hehe” sabi niya pa.

Aba, binasa ko uli nasa isip niya.

Tuwang tuwa, aba!! May nangyari pa pala sakanila!!

“Sabi niya kasi special daw yung celebration niyong dalawa palagi kaya pumayag ako. Pero bigla niya akong tinawagan. Atleast, nakapagcelebrate kaming dalawa”

Okay na rin pala yun atleast may kasama si Matteo nung birthday niya.

“Palagi kong sinasabi kay Matteo na makipagayos na sayo para umokay na uli siya. Mag bati na kayo please?” Pakiusap pa ni Maddie.

“Hehe, gusto ko rin eh. Kaso ayaw talaga niya” sagot ko naman.

“Sige, kausapin ko na lang siya uli ha? Sige alis na ako”

“Sige Maddie, salamat!” Sagot ko naman.

Pag alis ni Maddie, saka naman singit ni Jerick saken.

“Nako yang babaeng yun, kinekeme ka lang nun, wala talagang ganung eksena na nangyari!” Bulong saken ni Jerick.

Pero nabasa ko isip ni Maddie, at alam kong concern siya saken, at samen ni Matteo.

“Hayaan mo na siya hehe.” Sabi ko na lang.

“Nako te, ramdam ko rin na iba yung level ng tampo sayo ni Matteo eh, di mo man lang ba siya namimiss?”

Napaisip ako.

Wala na nga ako masyadong makakwentuhan.

Wala na akong kabaliwan.

Wala na akong maka asaran.

“Sobrang miss ko na siya” sabi ko kay Jerick.

+++

Masyado kaming natutuwa nila Sarah at Kennard sa pagpapalevel. Level 12 na kami pareho ni Sarah, si Kennard naman kasi support lang samen.

“Pagod na ako Julian! Tama na! Haha” sabi ni Sarah.

“Haha, ako rin naman eh”

“Oo tama na yan, magiging mamaw na kayo pareho niyan sa event!” Sabi naman ni Kennard.

“Ehhhh, bakit kasi ayaw mo sumali samen?” Tanong ko.

“Wala naman akong matutulong ehh. Hehe, hayaan mo na. Okay na ako saken haha” sabi naman niya.

Habang nagkekwentuhan, napansin ko naman na parang huminto na naman yung kapaligiran.

Napansin din ni Sarah yun, si Kennard parang nakahinto rin.

Isa lang naman kilala kong kayang kontrolin yung oras.

Si Gab.

“Julian! Sarah!” Tawag samen ni Gab sa likod.

Asusual, naka mysterious all black outfit na naman siya.

“Uyyy” bati namen pareho.

Di pa naman alam ni Gab na may gift din si Kennard.

“I sense something about your friend ha? Hehe. Wait nga….” sabi ni Gab sabay labas ng libro niya at pinahawak kay Kennard.

Mukha namang nakalabas sa tunay na mundo si Gab at bumalik sa normal yung kilos niya.

Napatingin lang kaming tatlo sakanya.

“Bakit ganyan kayo makatingin at sino siya??? Kanina naman wala ka rito ah?” Sabi ni Kennard.

Tumawa lang kami ni Sarah at pinakilala siya kay Gab.

“Control the time? Pucha, napaka panget talaga ng gift ko kapak katabi ko kayo!” Sabi ni Kennard.

“Haha, eh ano bang gift mo pre?” Tanong ni Gab.

“Wag na pre, walang kalaban laban sayo” sagot niya.

“Haha, kaysa naman sa normal na taong walang gift no? Hehe. Sige na pre, ano na?” Pangungulit uli ni Gab.

“Hmmm. Sige na nga, hehe. Fire gift pre” sagot ni Kennard.

Natahimik bigla si Gab na parang nag isip muna saka sumagot.

“Wow, elementor! First time ko makakita ng ganyan ahhh. Nice nice,” sabi ni Gab.

“Nice ba talaga? You’re just being nice. Compare to you, power to control time! Parang lahat pwede mong gawin” sabi naman ni Kennard.

“Haha. Trust me, sa event, mangingibabaw ka. Hehe” sabi ni Gab.

Nakikinig lang kami ni Sarah sa kwentuhan nilang dalawa.

“I sense na tumaas na level niyo ahh? Wow nice!” Sabi ni Gab samen.

“Hehe thanks, kayo po ba?” Tanong ni Sarah.

“Well, ganun pa rin. Mahirap na when you reach 20 kaya kung ako sainyo sulitin niyo na hehe” sabi ni Gab.

“Hehe sige po Kuya!”

“Ehhh ikaw Julian? Mukhang ang lakas lakas mo na ahh”

“Hindi naman po kuya” sabi ko sa isip ni Gab.

“Ahhhh. Kaya mo ng gawin yan ngayon ah haha, dati hindi. Nice, nice. Yung mga special na katulad niyo ang magpapa excite ng event.”

Parang ang daming alam ni Gab about sa event. Ang dami niya kasing nasasabi eh.

“Hmmm. So I guess, aalis na ako. Napadaan lang ako and na track ko kayo kaya nakipagkita lang ako hehe” sabi ni Gab.

“Sige po”sabay sabay nameng sabing tatlo.

Pagalis naman ni Gab, saka nagsalita si Kennard.

“Ang cool nun!! Hindi ko alam na may ganung gift, sobrang special!”

“Sinabi mo pa. Ang galing galing!” Sabi ko.

“Pero ang nakakapagtaka, paano kaya gumana kay Kennard yung power niya? Ehhh diba dapat di siya maaapektuhan kanina nung ginamit ni Kuya Gab yung gift niya?” Tanong saken ni Sarah.

“Hmmm. Sa tingin ko hindi talaga gumana. Gumana sateng dalawa, pero yung point of view ni Kennard, nasa real world. Parang di siya aware na ginagamitan tayo ng gift ni Gab then nung nahawakan ni Kennard yung book, then nakapasok siya sa gift ni Gab. Siguro ganun yung explanation” sabi ko kay Sarah.

“Oo, kanina kasi normal lang kayo. Then suddenly bigla siyang lumitaw out of nowhere, kaya siguro ganun” paliwanag ni Kennard.

Nakakamangha yung power ni Gab. Ang lakas.

Sana maging kakampi namen siya sa event.

++++

Halos dalawang linggo na ang nakalipas nung birthday ni Matteo pero wala pa rin kaming pansinang dalawa.

Aalis na rin ako papuntang Ilocos pero di niya pa rin ako pinapansin.

Nung una, medyo nagpapapansin pa siya, pero kahit text o chat, wala na talaga siyang pagreply.

Sa school, talagang hindi na siya tumitingin saken, mas close na talaga siya kay Jerick.

Sinasabi din ni mama na ilang araw ng hindi pumupunta si Matteo.

Sobrang namimiss ko lang talaga siya na napapatulala na lang ako kapag hindi niya ako pinapansin.

“Babe, nakatulala ka na naman.” Sabi ni Laurence.

Magkasama kasi kami ngayon sa bahay. Nasa kwarto ko kaming dalawa.

Gusto kasi ni papa na dito naman daw kami sa bahay at wag palagi kina Laurence.

“Sorry babe.” Sagot ko.

Niyakap niya ako sa likuran ko at hinalikan sa pisngi.

“Si Matteo ba yan?” Tanong niya.

Ayoko naman magsinungaling kaya nagsabi ako sakanya ng totoo.

“Oo babe,”

“Tsk. Kasalanan ko kasi talaga eh, kinausap ko naman siya kanina pero sabi niya nagtatampo lang daw siya sayo”

“Kinausap ka niya?”

“Oo babe, kanina.”

Nakakainis. Bakit ba ayaw niya akong kausapin? Kailan ba niya akong balak kausapin?

“Babe, alam ko namimiss mo bestfriend mo pero nandito naman ako eh, pwede akong maging bestfriend mo at boyfriend at the same time” bulong niya saken.

Hinarap niya ako sakanya para mahalikan niya ako sa mga labi ko.

“Andito lang ako babe. Wag ka na mag isip masyado diyan ha?” Sabi niya.

Mabuti na lang talaga nandito si Laurence para pasayahin ako.

Nagmomoment pa kaming dalawa ni Laurence ng biglang pumasok si papa sa kwarto.

Pangatlong beses na niyang ginawa to simula kanina.

“Aha!!!! Nahuli ko rin kayo! Hahahaha” kitang kita kasi ni papa na naghahalikan kami ni Laurence.

“Pa naman!!!”

Tumatawa lang si Laurence.

“Ehh kasi kanina pa sumisigaw ang mama mo, kakain na tayo!” Sabi ni papa.

“Pero bakit kailangan na biglaang pumasok?”

“Ganun talaga, para mahuli kita hahaha”

Nang aasar na naman si papa. Pero si Laurence, tuwang tuwa pa rin kay papa.

“Ayos ba Laurence?” Sabi ni papa.

“Haha ayos na ayos po” sagot niya.

“Babe naman!”

“Haha, nakakatawa kaya papa mo babe”

“Tuwang tuwa ka pa ahhh?”

“Aba syempre!” Sabay akbay saken at halik sa pisngi, “…ayos po ba?” Tanong naman ni Laurence kay papa.

“Haha ayos na ayos! Siguradong kinikilig na yang Julian na yan. Pabebe lang!”

“Papa naman, ano ba, sige na bababa na kaming dalawa. Alis kana, alis alis.”

“Ay grabe siya oh! Sige na, bumaba na kayo at kumain na! Kanina pa kayo nandito eh, mamaya kung ano na….”

“Pa!! Sige na po! Bababa na po kami” medyo inis kong sabi kay papa.

“Ahaha okay okay. Bye.” Sabay ngiti ni papa samen.

Tawa naman ng tawa si Laurence paglabas ni papa.

“Ahaha, ang cool ng dad mo talaga!”

“Cool ka dun, mapang asar siya kamo!”

“Haha, tara na babe. Baka bumalik pa yun dito at mambwisit” sabi ko sakanya.

Kaya bumaba na kaming dalawa at nakahain na para sa dinner.

“So kumusta kayo? Parang ang tagal mong di tumambay dito Laurence ah?” Tanong ni mama.

Nasa table kaming apat at kakatapos lang mag asaran ni Laurence at Papa.

“Ahhh sorry po, palagi po kasi kami nasa bahay eh. Sige po, dito naman po kami palagi hehe” sabi naman ni Laurence.

Ang nakakatuwa kasi kay Laurence, sobrang galang niya at sweet din kina mama at papa. Kaya mas nakakainlove talaga siya.

“Aba dapat lang, nag iisang anak namen yan. Dapat dito naman kayo.” Pahabol ni mama.

“Hehe sorry po talaga”

“Ayos lang ayos lang hehe.”

Natahimik kami sandali tapos nagsalita uli si mama.

“Bakit si Matteo hindi na pumupunta rito?” Tanong saken.

Naisip ko na naman yung away nameng dalawa.

“Eh, di po kasi nakasipot si Julian nung Birthday niya kaya nagtampo po si Matteo” si Laurence na nagpaliwanag.

“Ayy oo nga pala. Hehe palagi pa naman nandito yun, nakakamiss din kakulitan!” Sabi ni mama.

Nagtaka tuloy bigla si Laurence sa sinabi ni mama.

Kaya natahimik siya hanggang sa matapos yung dinner namen.

Hanggang sa ihatid ko siya sa labas para umuwi, tahimik pa rin siya.

“Babe, okay ka lang?” Tanong ko sakanya.

“Bakit di mo sinasabi na nandito palagi si Matteo sainyo?”

Hala, pati si Laurence galit saken.

“Babe, hindi ko naman siya naaabutan palagi eh”

“Pero palagi nga siyang nandito? Ano ba talaga kayong dalawa babe?”

“Anong ibig mong sabihin??”

“Mag best friend lang ba kayong dalawa?!!” Galit na talaga si Laurence ngayon.

“Babe…..”

“Babe naman! Gusto mo ba talaga ako? O napilitan ka lang sagutin ako?#”

Hindi totoo yun. Mahal ko talaga si Laurence.

“Babe, wala naman akong paki kung maging close pa rin kayo ni Matteo eh! Ang sa akin lang, magsabi ka. Sabihin mo lang saken lahat. Kasi ako, wala akong ginagawang masama!”

Halos maiyak na siya sa mga sinasabi niya saken ngayon.

“Aalis ka na lang lahat lahat, ganito pa tayong dalawa!”

Aalis na pala kami sa susunod na araw papunta sa Ilocos. Halos isang linggo din akong mawawala dito.

“Babe, sorry….” di ko alam yung sasabihin ko sakanya.

“Sige na babe, uuwi na ako, salamat sa dinner.” Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at sakay sa sasakyan.

Di na niya ako hinintay makapagsalita at umalis na siya kaagad.

++

Pag akyat ko sa kwarto ko, hindi ko maiwasang maiyak.

Ayoko kasi ng nag aaway kami ni Laurence, ang masakit pa, pinagbintangan niya ako ng masama about kay Matteo.

Wala naman akong ginagawang masama pero ganun siya magsalita.

Eto yung mga panahong gusto ko makausap si Matteo kaso wala, di niya ako pinapansin.

Pero nagbakasakali ako na ichat siya baka sakaling magreply.

“Matty” chat ko. Online siya kaya nababasa niya to.

Seen.

“Matteo, kailangan kita :((”

Seen.

“Please?”

Pero seen pa rin.

Naiiyak na ako talaga kasi wala akong masabihan ng problema kong to. Si Matteo lang kasi mapagkakatiwalaan ko eh.

Pero nagulat ako ng biglang tumawag saken si Matteo.

Inayos ko sarili ko at di ko pinahalatang umiiyak ako.

“Hello?” Sagot ko.

Pero hindi siya nagsasalita.

“Naririnig mo ba ako?”

Pero di pa rin sumasagot.

“Umubo ka nga kung talagang nandiyan ka!” Alam ko kasing ayaw niya magsalita kaya ganun na lang sinabi ko.

Umubo naman siya agad.

Good. Naririnig niya ako.

“Nag away kasi kami ni Laurence eh. Parang first time namen to”

Wala pa ring sagot.

“Nalaman niya na palagi kang nandito sa bahay, eh di naman kita naaabutan palagi eh kaya di ko na sinasabi sakanya. Di ko na tuloy alam gagawin ko, ayoko pa naman na nag aaway kami” sabi ko.

Pero wala pa rin siyang sinasabi.

Di ko alam pero bigla na lang tumulo luha ko

Siguro dahil samen ni Laurence, tapos pati yung di pagpansin ni Matteo saken.

“Sana naman kausapin mo na ako. Sorry na talaga Matteo.”

Pero di pa rin siya nagsasalita.

“Miss na Miss na Miss na kita.”

Wala pa rin talagang sagot.

“Sige na, Goodnight na Matty, miss na talaga kita. Sorry na uli…”

Binaba ko na yung tawag at natulog na lang akong umiiyak.

+++++

Naka impake na ako’t lahat lahat.

Maaga ako sa school ngayon kasi maaga ang alis namen papunta sa Ilocos.

Sa totoo lang, medyo excited ako kasi makakapagbakasyon ako at the same time, makakatulong pa ako sa mga taong walang wala.

Dumating na yung bus na sasakyan namen pero bago ako makasakay, nakita kong palapit saken si Maddie at umiiyak.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

“Ohhh, anong problema?” Tanong ko.

“Si Matteo….. nakipagbreak na siya saken!!!!” Iyak ng todo ni Maddie.

Sobrang nakakaawa si Maddie ngayon sa hagulgol niya.

“Julian… please, kausapin mo siya! Ayokong maghiwalay kami. Please……” halos nagmamakaawa na saken si Maddie.

“Ehhh…. di na kami naguusap…”

“Please, alam ko ikaw lang makakakumbinsi sakanya….”

Halos lumuhod na saken si Maddie.

Sa sobrang hiya, tinayo ko siya at nangako sakanya na kakausapin ko si Matteo pag balik ko.

“Julian… please, kausapin mo. Kumbinsihin mo. Mahal na mahal ko talaga si Matteo”

Kung dati inis na inis ako sa babaeng to, ngayon naman awang awa ako sakanya.

Nababasa ko kasi nasa isip niya at talagang alam ko na mahal na mahal niya si Matteo

“Oo na sige na Maddie. Wag ka ng umiyak diyan” sabi ko naman

Pinunasan ko na yung luha niya at inabot yung panyo ko sakanya.

“Salamat Julian. Salamat talaga!”

Kinalma niya muna sarili niya bago siya umalis.

Ako naman, sumakay na sa sasakyan at nagulat ako sa dami ng dala ng bus. Di ko tuloy alam kung paano magkakasya yung ibang volunteers.

“Julian!” Tawag saken ni Dean pagsakay ko ng bus.

“Maam. Ang dami naman po nating dala” sabi ko.

“Ofcourse, donation ng school yan. At saka dalawang bus to. Mauuna lang tayo sandali para maayos na natin dun sa lugar. Okay ba?” Tanong ni Maam.

“Okay na okay po maam hehe.”

Naeexcite ako kasi Ilocos to at bakasyon at exempted sa lahat ng activities sa school.

Di naman nagtagal, umalis na yung bus.

Ako lang yung student volunteer sa loob at lahat puro faculty.

Medyo OP pero inaantok pa ako kaya natulog na muna ako sa byahe.

Pero may text galing kay Laurence. Nasa NLEX na kami ngayon.

“Babe! Di pala kita naabutan sa school, akala ko nandito pa kayo. Hmmm. Mag enjoy ka diyan ah? Mamimiss kita ng one week. Update mo ko palagi para alam ko. Sorry pala sa away natin, gusto kitang makausap. Mas mahalaga ka kesa sa away natin. Hmm. I love you so much. Please. Please .update mo ko ah? Di na ako galit. Miss na miss na kita! Text mo ko please”

Medyo natuwa ako kasi nagtext na si Laurence saken.

Nagreply din ako ng mahabang text galing sakanya, at natulog na ako sa byahe.

+++

“Julian, malapit na tayo. Tingin ka dali, maganda yung view” gising saken ni maam.

Ang taas ng sikat ng araw pero ang ganda ganda ng view.

Yung windmill!!!! Grabe. Sa picture ko lang nakikita to tapos ngayon dinadaanan na namen.

Ang ganda ganda talaga!!

Sana nandito si Matteo para makita to, siguradong magugustuhan niya to.

Nagising na ako ng tuluyan dahil sa sobrang gandang view hanggang sa makarating kami sa isang liblib na lugar.

Parang pang team building yung itsura ng lugar.

Maraming maliliit na kwarto. tapos sobrang daming puno sa paligid.

Napaka fresh din ng hangin. Probinsiyang probinsiya.

Binaba na namen lahat ng dala dala namen sa bus. Sobrang dami talaga, mga pagkain at tubig. Nakakaexcite tuloy makatulong.

Halos isang oras din kami ngbaba ng gamit at hinatid na ako ni maam sa tutulugan ko.

Yung kwartong tutuluyan ko pala gawa sa kahoy at kahit walang electric fan, malamig naman kasi December na.

“Nasa byahe na raw yung mga ibang volunteers. Parating na sila, pwede ka muna magpahinga Julian.” Sabi ni dean saken.

Di na ako tumanggi kasi antok na antok na rin ako.

++

Nagising lang ako dahil sa ingay sa labas.

Mukhang dumating na yung iba.

Tinignan ko yung oras, alasingko na pala ng hapon. Nag ayos muna ako ng itsura bago ako lumabas.

Pagkakita ko sa volunteers, wala man lang akong kilala kahit isa. Kahit si Jerick man lang para may kausap ako kahit papano.

Pero laking gulat ko ng may bumaba sa bus.

Aba, bakit nandito siya?

Nagulat din siya nung makita niya ako dun.

Para siyang tanga na nagtakip ng mata para kunwari di ako makita.

Nilapitan ko siya para kausapin.

“Anong ginagawa mo rito???” Tanong ko.

Pero di niya pa rin ako pinapansin. Tinakpan pa niya yung mga mata niya para talagang di ako makita.

“Hoy Matteo!” Sabi ko.

Pero di pa rin niya ako pinansin. Lumapit siya sa ibang volunteers at dun siya nakipag usap.

Kasama ko si Matteo sa Ilocos!

+++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!

Part 31

Di pa rin ako pinapansin ni Matteo simula ng dumating siya. Wala talaga akong kilalang volunteer kahit isa kaya naiinis ako.

Si Matteo naman nakikipaglandian sa mga babae, nagpapa cute pa. Nakakainis talaga.

Nakatayo lang ako sa gilid at naghihintay ng may mag uutos saken kung anong gagawin.

Habang inis na inis akong pinagmamasdan si Matteo, bigla naman nagtext saken si Laurence.

“Babe?” Sabi niya.

“Yes babe?”

“Update please?”

“Ay sorry po. Nasa Ilocos na po kami. 😄”

“Good. Good. Nag dinner na kayo?”

“Hindi pa babe. Gutom na nga ako eh”

“Awwww. Kain ka na muna, wala ka bang baon?”

Pero bago ako makareply, nakita ko yung isang volunteer na lalaki na nagbubuhat ng mabigat na box kaya nilapitan ko siya.

“Tulungan na kita diyan” sabi ko skanya.

“Yun, salamat! Hehe” sabi niya.

Dahil sa level 8 gift ko na malalaman ko lahat ng basic info sa isang tao, ginamit ko yun sakanya at natuklasan ko lahat sakanya.

Paul Jansen Lopez 19 years old. taga Manila.

Minsan, nakakatuwa tong gift ko sa ganitong pagkakataon eh.

Nilapag na namen yung box kasama ng ibang mga box.

“Yun. Salamat ahh. Jansen pala!” Pakilala niya.

“Julian” sabi ko sabay abot ng kamay.

“Teka, ikaw yung boyfriend ni Laurence diba?” Bigla niyang sabi.

Siguro nandun siya nung nagtapat saken si Laurence.

“Ahhh hehe. Oo” sagot ko.

“Wow! Idol ko kaya kayo, lalo na si Laurence. Grabe, buti may lakas ng loob siyang ipagsigawan sa lahat yung nararamdaman niya sayo”

Natutuwa naman ako sa kanya.

Kung titignan siya, di sya mukhang gay. Matikas na matikas kasi talaga siya, actually, gwapo pa nga eh. Di ko nga lang siya type masyado.

“Hehe, kaya mo yan” sabi ko na lang.

“Pwede po ba sayo ako sumama? Wala kasi akong kakilala rito kahit isa ehh”

“Talaga? Sige tara! Wala rin akong makausap dito ehhhh” sabi ko na lang.

Tinignan ko si Matteo pero di pa rin niya ako pinapansin.

++++

Ang swerte ko kasi kasama ko si Jansen sa kwarto, atleast hindi talaga ako mabuburyo.

Dalawa yung double deck sa kama kaya hinihintay ko pa yung dalawang kasama namen sa kwarto.

“Dentistry ka?“tanong ko sakanya.

“Opo hehe”

“Tigilan mo nga ako sa kaka opo mo haha”

“Sorry po.,. Este, sorry. Idol ko kasi talaga kayo eh hehe”

“Nako wag, simple lang naman ako,” sagot ko.

“Pwede po ba tayong mag selfie” ang awkward kasi, di naman ako kagwapuhan, mas may itsura pa nga siya saken tapos ganito.

Pero wala na akong nagawa, kasi naglabas na siya ng phone at umakbay saken.

Sakto naman habang nag seselfie kami, pumasok na yung dalawa pa nameng ka kwarto.

At nagulat ako at isa sakanila si Matteo.

“Ayy baka mali yung kwarto naten pre!” Sabi ni Matteo sa kasama niya nung nakita ako niya ako“

“Paanong mali pre eh eto na lang yung kwarto” sabi nman nung lalaki.

“Ahhh. Wala lang, baka lang naman.” Nang aasar si Matteo!!

Alam ko ganyan yung boses niya kapag nang aasar siya! Yung nagpaparinig, tapos kunwari di ako yung pinapatamaan.

Nakaharang pa pala yung gamit ko sa dadaanan.

“Kanino kayang gamit tong nakaharang, bakit di niya tanggalin. Daanan kasi to eh” pagpaparinig niya na naman.

Sa inis ko, kinuha ko yung bag ko at nilapag sa kama.

“Ayun, buti na lang nawala” pahabol niya.

Argh, nakakaasar talaga, ang lakas mang asar.

Natatawa naman si Jansen at yung isang lalaki sameng dalawa ni Matteo.

Pumwesto si Matteo sa itaas ng double deck kung saan ako nakahiga.

Nagpahinga na kaming lahat sa kwarto at natulog.

++++

Maaga kaming nagising para maghanda ng mga packages na ipamimigay namen sa ibat ibang pamilya rito.

Ngayon ko lang napansin na 10 lang kaming student volunteers tapos 6 na faculty members. Konti lang pala talaga.

Pare parehas kami ng suot lahat, plain white TShirt lang.

Asusual, nilalandi pa rin ng mga babae si Matteo at gustong gusto naman niya.

“Ang aga aga naman nakasimangot ka” sabi saken ni Jansen habang nag papack kami ng mga pagkain.

Pinilit kong ngumiti.

“Sorry, hehe”

“Alam ko magkakilala kayo ni Matteo eh, nakikita ko kasi kayong magkasama palagi nun” sabi ni Jansen.

“Oo, hehe pero magkaaway kami ngayon eh”

“Ahh okay okay. Ang hirap siguro magkaroon ng straight na tropa no? Hehe”

Hindi naman mahirap. Mahirap lang talaga kapag nainlove ka.

“Sakto lang, sanay naman na ako at saka alam naman niya yung tungkol saken kaya di naman nakakailang hehe” sagot ko.

“Ahhh buti naman”

Masaya naman kausap tong si Jansen kaso kasi iba kapag si Matteo, wala talagang dull moments.

Umalis na kaming lahat sakay ang bus namen.

Naiirita talaga ako, bakit ba kasi kasama si Matteo dito? Ang alam ko kasi hindi siya kasama!

Nasa harapan sila banda, at kami naman ni Jansen nasa likod.

Dala dalawa lang kada hilera yung upuan.

Nasa left side sila Matteo.

Nakaupo yung babae sa window side at Matteo. Then sa kabilang side, nakikipagdaldalan din yung ibang babae.

Sinubukan kong pumasok sa isip nung babae para makausap ko si Matteo.

Since level 12 na ako nag upgrade na rin yung gift ko.

Level 10 kasi, kaya kong makontrol yung action ng mga tao.

Pero ang level 11, Kaya kong kontrolin yung action, at the same time, kaya kong kontrolin yung sasabihin nila.

So it’s time para makausap ko si Matteo.

Pinasok ko yung isip ng babae at AYUN!!! Feeling ko katabi ko na si Matteo pero ang totoo, nasa loob ako ng katawan ng ibang tao.

Tinignan ko si Matteo at hinawakan sa may hita niya

“Woah, woah, woah. Ang bilis mo miss hehe” sabi niya saken, pero technically yung babae yung nakikita niya.

Sinubukan ko kung talagang kaya kong kontrolin pati sinasabi niya.

“Hi” sabi ko.

OMG! Pwede nga!!

“Hi, kanina pa tayo magkausap diba? Hehe” ang gwapo gwapo ni Matteo. Sobrang namiss ko talaga to.

“Hehe, may kakilala ka ba rito?” Tanong ko uli.

“Sabi ko nga kanina diba, si Julian. Yung lalaki na payat na ewan na talkshit na manloloko. Yung nasa likod!” Sabi ni Matteo.

Ay grabe naman yung pagpapakilala niya saken.

“OA mo naman, nagsorry na yung tao eh!” Sabi ko.

Pero sht, nakalimutan ko na nasa ibang katawan pala ako. Kaya napatingin si Matteo at yung katabi niya saken.

“I mean…. nakausap ko na siya kanina, sabi niya nag sorry na daw siya sayo” pahabol ko na lang.

“Nagkausap kayo? May sinabi ba siya tungkol saken?” Tanong ni Matteo.

“Hmmm. Wala naman, sabi niya lang namimiss ka na daw niya” sabi ko naman.

Napansin ko namang ngumiti siya sa sinabi ko at sobrang namiss ko rin yung ngiting yun.

“Talaga? Miss ko na rin yung lokong yun eh!” Sagot niya.

“Haha bromance? Diba ayan yung boyfriend ni Laurence? Gosh, patay na patay pa naman ako kay Laurence tapos gay pala siya” sabi naman nung katabi niya.

“Hehe, ganun talaga. Di mo alam kung kailan ka tatamaan ni kupido” sagot naman ni Matteo.

Grabe, pwede ko lang titigan si Matteo maghapon. Halos dalawang linggo na walang usap usap, sobrang namiss ko talaga siya.

May itatanong pa sana ako kaso narinig namen na may nangyayaring gulo sa likod ng bus.

Nagulat ako ng makita ko sarili ko na nahulog sa kinauupuan ko.

“Sht!” Sigaw ng lahat.

Pagkatingin ni Matteo, dali dali siyang lumapit sa katawan ko.

Sa sobrang taranta ko. Tinignan ko uli yung sarili ko para makabalik na ako sa katawan ko.

“Ju!! Gising ano ba!!” Boses ni Matteo yun na pinapalo pisngi ko.

Pagmulat ng mga mata ko, nakita kong nakasandal ako sa hita niya at mukha niya yung bumungad saken.

“Pucha naman ano bang nangyayari sayo?#” halos galit na si Matteo saken nun.

Nagkukumpulan na rin lahat sa pwesto naman.

Pero tumayo ako at agad na nag ayos.

“Sorry po. Sorry po, sobrang antok lang talaga” sabi ko naman.

Ngumiti naman lahat at bumalik na sa kani kanilang upuan.

Naiwan naman si Matteo sa gilid ko.

“Okay ka lang ba talaga?” Medyo maayos na uli yung pagtatanong niya saken.

“Oo, salamat” sagot ko naman.

“Good” sabay talikod at balik sa upuan.

Back to normal na naman yung di niya pagpansin saken at dun ko napatunayan na nagtatampo lang talaga siya at hindi siya totally na galit.

At isa ko pang nalaman, kapag nasa ibang katawan ako, wala namang nagbabantay sa katawan ko.

+++

Mainit, maputik pero napakaganda ng mga ngiti ng mga taga rito nung makita nila kaming may mga dala para sakanila.

May lilim naman ng mga puno pero mas nangingibabaw yung init.

May mga puno sa paligid tapos malaking bakante naman yung nasa gitna.

Lahat ng mga tao, bata, matanda, nakaupo silang lahat at nakangiti sa paglapit namen.

Hindi naman mawala sa paningin ko yung isang bata na saken mismo nakatingin at ang laki ng ngiti.

Tinignan ko kung anong pangalan niya at nalaman kong Matteo rin! 7 yeard old.

Hinanap ko si Matteo at busy siya sa mga babae niya. Imbis na mabwisit ako, nagfocus na lang ako dito.

Pagkatapos magbigay ng speech ng dean namen at ng representative ng mga Ilocano, pinamigay na namen yung mga pagkain nila para sa darating na pasko.

Di talaga mapinta yung mga ngiti sa mga mata at labi nila, nakakatuwa lang.

Maya maya, biglang lumapit yung batang si Matteo saken at niyakap ako sa mga binti.

Ewan ko ba pero natuwa ako sakanya.

“Anong pangalan mo?” Tanong ko sakanya kahit alam ko na.

“Ako po si Makmak, pero Matteo po totoo kong pangalan” ang cute niyang bata. Moreno siya at payat, pero ang ganda ng mata.

“Hello Matteo, alam mo ba yung bestfriend ko pangalan din Matteo?”

“Talaga po? Siguro po gwapo rin po yun katulad ko” sabi niya.

“Hindi, mas gwapo ka sakanya! Hehe”sabi ko.

Nakakatuwa talagang kausap yung mga bata.

“Kuya maraming salamat po at pumunta po kayo rito samen! Sigurado pong may handa na ako sa birthday ko po!” Kwento ni makmak.

“Talaga? Kailan ba birthday mo?”

“Sa Disyembre 24 po”

“Wow. Buti naman at makakapaghanda ka!”

“Opo. At salamat po sainyo!”

“Walang anuman makmak”

Ang cute talaga. Ang cute. Ang sarap sa pakiramdam ng nakakatulong.

Umalis si Makmak at lumapit saken si Jansen.

“Julian, laro daw tayo kasama mga bata hehe tara, gustong gusto ko talaga mga bata eh!” Sabi ni Jansen saken na may halong excitement.

“Tara! Pero anong prize natin?”

“May bibigay tayong bag ng candies hehe. Kami nag pack kanina nun eh”

“Wow, sige tara!”

Ang dami dami kasing mga bata, siguro nasa 20+. Kaya habang nakikipagkwentuhan yung mga faculty sa mga parents, kami naman nakikipaglaro sa mga bata.

Nabasa ko naman sa isip ng ibang student volunteers na ayaw nila sumama samen ni Jansen.

Tsk, kairita!

++

2nd day, at wala pa rin kaming pansinan ni Matteo.

Tumawag naman sila mama para kamustahin ako.

“Okay lang ako dito Ma. Sobrang saya, lalo na yung mga bata! Nako, sana nandito kayo!” Sabi ko.

“Nako, wag na. Okay na yan ng maexperience mo yung ganyan at hindi ka na hingi ng hingi samen ng mama mo!” Sagot ni papa.

“Hala si papa, haha”

“Sige na mag enjoy ka diyan, nakuha mo ba kay Matteo yung binigay kong pagkain? Nakalimutan ko kasi ibigay sayo eh umalis ka na kaagad” sabi ni mama.

“Paano niyo naman nabigay kay Matteo aber?”

“Maaga rin siyang pumunta rito sa bahay nun. Nauna ka lang umalis”

So galing na naman pala si Matteo samen, after ilang araw ng hindi pagpunta.

“Ahhh ganun ba. Sige kunin ko na po. Tsaka bye na rin kasi aalis na kami”

“Ganun ba, sige anak. Mag ingat ka!” Sabi ni mama.

“Pasalubong anak, bagnet lang haha!” Sigas naman ni papa.

“Haha sige po pagbalik hehe. Love you po!”

“Love you anak!” Bati nila mama.

Saka naman ako pumasok uli ng kwarto para kausapin si Matteo.

“Hoy!” Tawag ko sakanya.

Nakatalikod siya habang nagbibihis.

“Bakit?” Sabi niya ng di humaharap saken.

“May binigay daw na pagkain sayo sila mama ah? Bakit di mo pa binibigay saken?”

“Edi kunin mo na sa bag ko. Napaka PG mo naman! Parang pagkain lang!” Di pa rin siya humaharap saken.

“Ano ba, humarap ka nga”

“Ayoko nga. Ayaw kitang makita! Galit pa rin ako sayo!”

“Para kang bata!”

“Atleast di ako sinungaling”

Ramdam na ramdam ko yung pagsabi niya saken ng sinungaling.

“Tse, akina yung pagkain ko!!” Kinuha ko yung bag niya sa may higaan niya pero kinukuha niya yun.

“Teka, ako na kukuha! Mamaya kung ano pa kunin mo rito eh!” Inis niyang sabi saken.

Atleast nakita ko siyang nakatawa pero pinipilit sumimangot. Ang cute talaga.

“Oh, para sa Lays nagkakaganyan ka!” Abot niya saken ng Lays.

“We? Feeling ko meron pa diyan eh!”

“Wala na. Eto, paka patay gutom. Kumain ka sa labas, at may pagkain dun!”

“Ayaw, patingin!” Hinablot ko yung bag niya at tumilapon lahat ng laman. Mga gamit niya pato undies niya.

Tumatawa lang si Jansen sa kakulitan nameng dalawa, tapos na siyang mag ayos kaya lumabas na siya at naiwan na lang kaming dalawa ni Matteo sa kwarto.

“Tignan mo yang ginawa mo! Pulutin mo yan!” Utos niya.

Pero may nakita pa akong isang box ng Stick O at puro tinapay. Alam ko kay mama galing yun!

“Aha! Sigurado akong di sayo yang mga pagkain na yan!”

“Hala siya, ano kala mo saken di marunong mag prepare?!”

“Prepare prepare ka diyan, ganyang ganyan gawa ng mama ko no!”

“Edi kunin mo. Parang tinapay lang eh. Kunin mo yang gamit ko ha. Ayusin mo tapos ibalik mo na sa kama. Lalabas na ako, naiirita na ako sayo!”

“Edi sige mairita ka! Tse!”

“Tse ka rin!” Sagot naman niya.

Pero wala pa siyang suot na damit.

“Hoy lalabas kang naka ganyan?”

“Hindi, joke lang…” sabay kuha ng damit niya at suot “….masaya ka na?”

“Tse!”

“Tse ka rin ulit!” Sagot naman niya.

Imbis na mainis ako, natutuwa ako kasi kinakausap na niya ako kahit papano.

Inayos ko naman yung gamit niya na natapon pero may nakita akong sulat na nakatago sa blue envelope. Naka dikit kasi yung envelope kaya di ko mabuksan eh.

Tinago ko na lang uli sa bag niya yun at binalik sa kama niya saka ako lumabas.

+++

Pag dating ng hapon, may isang bata na nagpapasama saken na umihi sa mga puno.

Nahihiya kasi siyang mag banyo, at dahil bata naman, sinamahan ko na siya.

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa malayo na talaga kami.

“Saan ka ba iihi? Ang layo naman neto” sabi ko sakanya.

“Secreeeeet.” Sabi nung bata.

Nagulat ako sa sinabi niya, natakot pa nga eh. Ang creepy niya magsalita. Hawak hawak pa niya kamay ko.

“Uy, dito ka na lang umihi. Masyado na tayong malayo”

“Hahaha surprise!! Ako ito, si TB!”

“Fvck!! Sht. Ano ba TB!!!Bakit kailangan mong manggulat ng ganito?!!”

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba dahil sa batang to tapos si TB lang pala to!

“Hahaha sorry, binisita lang kita haha. Infairness ang layo ng byahe ah” sabi niya.

“Teka, bakit ka ba nandito?” Tanong ko.

“Wala naman, bibigay ko lang sayo tong invitation mo para sa event!” Sabay abot saken ng letter.

“Talagang ayun lang pinunta mo rito?”

Ang awkward kausap ng bata kasi nakayuko ako. Akala ko naman tropa ni makmak to.

“Oo, kailangan kasi binibigay kaagad pagka abot saken. Bakit kasi late ka na nagpasign up eh, edi sana last week ko pa nabigay sayo yan!”

“Teka, marami bang kasali?”

“Oo sobrang dami! Kaya kung ako sayo galingan mo.”

“Oo gagalingan ko talaga para sayo” sagot ko naman.

“Good good. At by the way, January 2 ang start niyan so malapit lapit na ah?”

“Eh paano naman yung klase ko sa school?” Tanong ko.

“Ehh bahala ka na dun haha.”

Ang awkward talaga kausap ng bata tapos ganito pa siya sumagot saken.

Habang nagkekwentuhan pa kami ni TB, naririnig kong sinisigaw ni Matteo ang pangalan ko.

“Ju! Nasaan ka na?!”

“Uy andito na yung ‘bestfriend’ mo haha. So paano ba yan Julian, aalis na ako?” Sabi ni TB.

“Teka sabay na tayo!”

“Ehhh, mahihirapan ako sa pag alis kapag nandito na si Matteo. Sige na, bye na!” Paalam niya.

Bago ko pa siya mapigilan, nakita ko na si Matteo na palapit saken.

“Hoy, ano bang ginagawa mo rito!” Sermon niya saken.

Tinignan ko si TB sa tabi ko pero wala na siya.

“Hoy, ano ba!” Sabi niya uli.

“Bakit ka ba nagagalit diyan?!”

“Di ako nagagalit, nakita kitang bigla na lang naglakad dito tapos pagdating ko nakatayo ka lang naman dito. Ano ba ginagawa mo?”

“Wala ka na dun.”

Paalis na ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

Parang first time ko ata uling mahawakan yung kamay ni Matteo.

Di ko alam mararamdaman ko.

Wala naman siyang sinasabi, basta nakahawak lang siya saken.

“Bakit?” Tanong ko sakanya.

Bigla niya na lang binitawan yung kamay ko at naglakad pabalik.

“Bilisan mo na, mamaya magdidinner na tayo!” Sabi niya na lang.

Ang weird ng hawak niya sa kamay ko… pero….

Pero….

Gusto ko yung feeling.

++++

Ayokong nagsisinungaling kay Laurence, kaya naman nung tumawag siya saken, kinwento ko lahat.

“Mukhang nageenjoy ka diyan babe ah?” Sabi niya.

“Hehe opo. Sobrang pagod lang babe, nasa kama na ako ngayon matutulog na” sabi ko sakanya.

“Ahhh, sige babe. Magpahinga ka na, sa kwento mo mukhang pagod na pagod ka eh hehe”

“Sobra, ikaw ba babe? Kumusta ka diyan?”

“Okay naman, namimiss lang kita ngayon hehe.”

“3 days na lang naman, babalik na kami hehe”

“Oo nga, konting tiis. Hehe”

“Tama, goodnight babe!”

“Goodnight din babe, I love you so much!”

“I love you too babe” sagot ko.

Binaba na yung tawag at natulog na ako.

+++++

Napansin ko si Matteo sa sahig na kumakain ng tinapay ko. Mukhang madaling araw pa at sobrang dilim. Ilaw lang ng cellphone niya yung nakikita ko.

“Hoy, bakit gising ka pa?” Tanong ko sakanya ng pabulong para naman hindi marinig nung dalawa pang nasa kwarto.

“Nagutom ako bigla eh, kinuha ko lang pagkain mo sa bag” pabulong din siya.

“Tsk, matulog ka na. Patayin mo na yang ilaw cellphone mo, ang liwanag eh” sabi ko sabay higa uli ng maayos.

“Julian…” iba yung tono ng boses niya nung mga oras na yun.

“Bakit Julian tawag mo saken?” Tanong ko.

Napansin ko naman na tumayo siya at naupo sa may kama ko. Nakakumot pa rin ako sa lamig, samantalang siya naman, naka tshirt at short lang.

Tinitigan niya lang ako at di nagsasalita.

“Uy Matty, bumalik ka na sa….” di niya pinatapos sinasabi ko ng bigla niya akong halikan.

Di ko makita yung itsura niya pero sobrang damang dama ko yung labi niya.

Gusto ko talagang kumawala pero wala akong magawa.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit na mahigpit kaya mas lalo akong walang laban.

“Uhm…. matty….” di ako makapagsalita ng maayos dahil sa halik niya.

Pero bigla niya akong binitawan at nawala yung paghalik niya saken.

Parang nagising ako sa katotohanan.

In fact, nagising na naman ako!

Pucha!! Panginip na naman pala yun!!!

Ang dilim dilim pa naman sa kwarto,

Chineck ko phone ko kung anong oras na, alas tres palang ng umaga.

Nakakainis.

Palagi ko na lang napapanaginipan yung ganun kay Matteo.

Dahan dahan akong bumangon para tignan siya sa taas ng kama, pero nung inilawan ko yung phone ko, di ko siya nakita.

Wala siya sa higaan niya.

Napansin ko rin na bukas yung pinto kaya lumabas ako.

Ang ganda ganda ng stars sa langit, sobrang liwanag at yung moon, buong buo!

Naglakad lakad ako at napansin ko naman si Matteo na nakahiga sa may damuhan di kalayuan sa pwesto namen

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

“Pshh, bakit ka nandito?” Medyo inis niyang sabi.

“Hanggang ngayon ba galit ka saken?”

“Obvious ba? Ayun nga ginagawa ko diba? Iniiwasan ka!”

“Ohh bakit ka naiinis diyan?!” Sabi ko.

“Umalis ka na dito please. Nauna ko rito, maghanap ka ng ibang pwesto!”

Ramdam na ramdam ko yung inis niya saken ng mga oras na to.

“Ano bang gusto mong gawin ko para di ka na magalit saken?? Miss na miss na kita”

Hinawakan ko yung kamay niya.

Akala ko bibitawan niya yun pero mas lalo niyang hinigpitan yung hawak.

Umupo siya uli magkaharap na kaming dalawa.

“Matteo… ano ba? Sorry na??? Ano pa bang gusto mo???!”

“Bakit? Gagawin mo ba?!” Tanong niya.

“Oo, dali na. Kahit ano. Basta mapatawad mo lang ako”

Nakatitig siya sa mga mata ko ng seryoso. Di ko alam yung naiisip niya. Hindi ko talaga mabasa kahit level 12 na ako.

“Hiwalayan mo na si Laurence.”

Di ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya.

“Uh…. bakit? Ayaw mo ba sakanya?”

Mas lalo naman humigpit yung hawak niya sa kamay ko.

“Tayo na lang Ju”

Parang tumigil mundo ko sa sinabi niya.

Di naman maalis yung tingin ko sa mga mata niya, ganun din yung kanya.

Di ko alam kung mali ako ng dinig.

“Mahal kita Julian.”

Tulala.

Ayun lang talaga reaksyon ko ngayon.

“Alam mo ba kung bakit di kita pinapansin? Di ko na kaya Ju. Parang sasabog na ako. Kung paano mo ipakita saken kung gaano mo kamahal si Laurence na dapat sana, ako yun! Napuno lang ako dahil mas pinili mo siya kesa sa Birthday ko.”

Di nag sisink in saken yung mga sinasabi niya.

“Mabait si Maddie Ju, ayoko na siyang lokohin. Ikaw talaga mahal ko. Mahal na mahal kita.”

Ano ba tong nararamdaman ko.

Ang tibok ng puso ko.

Yung higpit ng hawak niya sa kamay ko.

“Tangna naman Ju kakasabi ko lang na mahal kita! Magsalita ka naman!!”

Pero mali to.

Maling mali.

Si Laurence.

Ayoko siyang saktan.

“Sorry Matty….” tatayo na sana ako pero hinila niya ako palapit sakanya at hinalikan ako ng madiin sa labi.

Ano ba Julian lumaban ka!!

Umalis ka na!

Pero dun ko napagtanto, na di na niya hawak kamay ko.

Hawak ko na yung mga pisngi niya.

Yung pakiramdam ng labi niya ngayon, sa ilalim ng napakaraming stars, sa lamig ng panahon. Ang sarap. Sobrang sarap.

Nanaginip ba ako?

Hindi.

Totoong nangyayari ito.

++++++++++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

WHAT CAN YOU SAY???? 😃😃😃😃😃😃😃😃😃

Part 32

Hi kay

AlleaTan

😁😁

VOTE AND COMMENTS NA!!!!

+++++

Halos di ako nakatulog sa nangyaring pag amin ni Matteo.

Aaminin ko, parang gusto ko yung halik ni Matteo saken. Ako pa nga humawak sa mga pisngi niya para mas maramdaman ko eh.

Pero mali.

Sobrang mali.

Taken ako, kaka break lang niya. Hindi pwede to. Hinding hindi.

Sinilip ko si Matteo sa taas pero tulog siya.

Ang himbing pa ng tulog niya.

Sht.

Buti pa siya. Samantalang ako, mababaliw na ako kakaisip sa mga nangyari.

Hanggang sa pagluluto namen para sa iba’t ibang pamilya, di ako makapag concentrate. Ako pa naman nagluluto ng pansit para sa lahat.

“Julian, okay ka lang ba?? Masusunog na niluluto mo oh” si Jansen yun, kinuha niya yung panghalo saka hinalo yung pansit.

“Sorry Sorry.” Sagot ko.

“Kanina ka pa nakatulala, okay ka lang ba talaga?” Tanong niya uli.

Hindi!! Hindi ako okay!!

“Oo, okay lang hehe”

Tinulungan na ako ni Jansen sa pagluto, buti na lang at marunong siya.

Pero napansin kong palapit samen si Matteo.

“Uy pre, ako na tutulong dito kay Julian hehe. Pinapatawag ka ni maam” sabi ni Matteo kay Jansen.

“Hala lagot ako, nagtatago nga ako sakanya eh haha. Sige pre, salamat!” Sagot lang ni Jansen.

Di naman ako mapakali sa nangyayari,

Kunwari nagtatadtad na lang ako ng gulay para kunwari may ginagawa.

“Hmmm… kumain ka na ba Ju?” Tanong niya.

May awkardness talaga sameng dalawa ngayon.

Sht.

Bakit kasi di ko siya tinulak tapos pumasok na lang ako sa loob ng kwarto eh.

Pero hindi!! Ginusto mo to Julian!

“Hala, hinalikan lang kita kaninang madaling araw, nabingi ka na rin. Ganun ba kalakas yung epekto ko sayo?”

Fvck. Matteo naman!!!

Pero deep inside, kinikilig ako.

No.

No.

Bawal.

Laurence.

Yes, Laurence. Isipin mo si Laurence.

“Alam mo wala ng makakain diyan sa gulay, parang giniling na gulay na yan” sabi ni Matteo tinutukoy niya yung ‘kunwaring’ ginagawa ko.

Di ako makaharap sakanya.

“Kapag di ka tumingin saken, gusto mo rin ako.”

Nang tetease yung boses niya.

Pero ayokong lumingon.

Ayoko.

“Yiehhh. Lilingon na yan. Alam ko naman na gusto mo na akong makita ehhh”

Argh. Parang sasabog na ako!!

“3….. 2….. 1…..”

“Pwede ba! Tumigil ka na Matteo!” Humarap na ako sakanya para matigil na siya.

Pero laking gulat ko na may dala siyang isang sunflower para saken.

Simple lang suot niya ngayon pero bakit ang gwapo gwapo ng tingin ko sakanya.

“Ohh, para sa’yo yan!” Sabay abot saken ng sunflower.

Pinipigilan niya yung ngiti niya pero lumalabas pa rin.

Ako naman, eto, kinikilig din.

Mali kasi to eh.

Maling mali.

“Kunin mo na! Parang bulaklak lang naman yan!” Sabi niya pa.

“Matteo ano ba… please naman, wag kang ganito…”

“Ju… alam kong mali tong ginagawa ko pero di ko na kaya talaga, gusto ko ng malaman mo na gusto kita”

Ayoko talagang sumagot sa mga sinasabi niya kasi mali talaga tong gingawa niya.

“Bahala ka, basta sa’yo yan. Wag ka ng magpabebe” kinuha niya kamay ko at sapilitang binigay yung bulaklak.

“Sige na, aalis na ako baka masunog mo pa yang niluluto mo diyan dahil saken eh hehe”

Bigla na lang siyang umalis pero naiwan pa rin saken yung kilig na nararamdaman ko.

++++

Sa sobrang stress ko hanggang tanghali, tinawagan ko si Laurence.

“Babe, kasama ko si Kennard, maglulunch kami sa SM.” Bungad ni Laurence.

“I love you” bigla kong sabi.

“Hala, hehe kinilig naman ako bigla. I love you too babe, miss na kita. Sana saturday na”

Wala pa rin akong masabi, feeling ko kasi niloloko ko si Laurence.

“I love you babe.” Sabi ko pa.

“May problema ka ba babe????”

“Hehe, wala po. Miss lang siguro kita hehe”

“Hehe, nako. Miss na miss na rin kita. Naglunch ka na ba?”

Bago ako makasagot, bigla naman akong tinawag ni Jansen kasi kakain na daw.

“Eto na babe, kakain na kami, sige na po. Alis na ko, ingat kayo ni Kennard.”

“Sige babe, kain marami. I love you”

“I love you too”

Sumama na ako sa pagkain nilang lahat.

Pero yung bakanteng upuan na lang eh yung sa tabi ni Matteo.

Nakangisi lang siya nung nakita niyang palapit ako sa kanya.

“Saken ka rin pala tatabi” bulong niya saken.

Kalma Julian!

Kalma.

Dati naman ganyan na sa’yo si Matteo kaya dapat sanay ka na.

Okay.

Yes.

Nag training ka na non kung paano iwasan ang pa fall na linya ni Matteo. Ngayon mo gamitin ang training mong yun para maiwasan mo siya.

Go me! Kaya ko to!

+++++

Naglalaro ako kasama yung mga batang kalaro ni Makmak.

Lahat sila nasa edad 6-9yrs old kaya talagang nakakatuwa.

Gusto ko kasi magkaroon ng kapatid kaya natutuwa ako sa mga bata.

Maya maya, may lumapit sakeng batang babae at inabutan ako ng tubig na malamig.

“Ohhh, salamat!” Sabi ko sakanya.

“Pinapabigay po yan ni Kuya pogi” sagot niya.

“Sinong Kuya Pogi?”

Sabay turo niya kay Matteo na kumakaway saken galing sa pwesto niya.

Sumimangot ako sakanya.

Pero nakangiti pa rin siya at nagpapacute,

Argh. Kalma, Julian. Kalma.

“Kuya. Kuya…” lapit naman ng isa pang bata saken sabay abot ng banana Q.

“Pinapabigay po ni Kuya pogi dun oh” sabay turo na naman ng bata kay Matteo.

Ngumiti naman si Matteo sabay kindat sa pwesto niya.

Argh. Nakakainis, pero deep inside kinikilig ako.

Bakit ganito si Matteo?

Maya maya, tumayo siya sa pwesto niya at lumapit saken.

“Lumayo ka. Tutusukin kita ng stick ng banana Q!!” Banta ko sakanya.

“Hala, feeling siya oh. Tinatawag ako ni maam sa likod oh” sabi niya.

Lumingon ako kay Maam at nanghihingi nga ng tulong kay Matteo.

“Sus, wag mo naman pahalata na naka focus ka saken Ju” bulong niya sa tenga ko sabay alis.

Naglakad siya palayo saken pero di ko namalayang nakangiti na pala ako sa sinabi niya.

Focus Julian. Focus.

Nakipaglaro na uli ako sa mga bata. Nag try akong mag magic sakanila gamit ang gift ko.

Kumuha si Makmak ng tatlong baso na styro at bato.

Ang sabi ko, itago nila sa ilalim ng baso yung bato at huhulaan ko naman kung saan nila nilagay.

Kasama ko si Jansen na nakikipaglaro sa mga bata, at game na game naman siya.

“Sure ka Julian? Kaya mo yun?” Tanong ni Jansen.

“Eh may 33.33% chance naman ako na mahuhulaan ko yun eh.” Sagot ko.

Tinakpan ni Jansen yung mga mata ko at pinatalikod ako.

Naririnig kong nagbubulungan yung mga bata pero di ko alam kung saan nila ilalagay yung bato.

Tinawag na nila ako at pinahanap sa akin yung bato.

“Teka, sino nagtago?” Tanong ko.

“Ako po Kuya!” Sagot ni makmak.

So binasa ko yung nasa isip ni Makmak at nalaman kong nasa gitnang baso yung bato.

“Hmmmm. Hula ko lang to ah, nandito ba?” Sabi ko sabay turo sa gitnang baso.

Nagpalakpakan naman yung mga bata kasi ang galing galing ko daw.

Hindi naman mababawasan yung puntos ko dito dahil di naman ako nandadaya, ginagamit ko yung gift ko para maentertain yung mga bata.

“Wow, ang galing galing naman!” Boses ni Matteo yun habang papalapit samen.

“Hehe, lucky guess.” Sabi ko.

“Hmmm. Sige nga, ako naman magtatago ng bato, dapat mahulaan mo ah!” Sabi ni Matteo.

“Ayoko nga, sige na bata laro na uli tayo!”

“Woooo, takot ka lang matalo eh haha”

“Hindi ako takot matalo no!”

“Edi sige, tayong dalawa maglalaro”

Ang tahimik lang ng mga bata pati si Jansen habang nag uusap kami ni Matteo.

“Fine, ikaw magtago” sabi ko.

“Good. Good. Pero may consequence sa matatalo”

“Osige, ano gusto mo?”

“1 wish. Bawal tumanggi, okay?” Sabi niya.

“Deal, sige. Okay”sagot ko.

Tuwang tuwa naman silang lahat sa deal namen ni Matteo.

Kaya tumalikod na uli ako at tinakpan ni Jansen mga mata ko.

“Okay na Ju” sabi ni Matteo.

Nakangiti lang si Matteo habang nakatingin sa mga baso.

Fvck. Di ko nga pala nababasa nasa isip ni Matteo.

Di ko nakikita yung nakita niya.

Tinignan ko naman yung mga bata pero di nila nakita kung saan nilagay ni Matteo yung bato

Si Jansen din, di rin niya alam.

Sht.

Ano ba to, mayayari ata ako rito ah.

“Ju, ano na?” Mapang asar na tanong ni Matteo.

“Teka, teka. Nag iisip ako” sabi ko.

“Nako, wag ka na mag isip, sumagot ka na kaagad!”

“Sige sige! Yung nasa gitna!” Sabi ko.

Ngumiti siya na para bang siya yung nanalo.

Kinakabahan tuloy ako, mamaya mali yung sagot ko.

Binuksan ni Matteo yung baso.

Pagkabukas niya….

Wala dun yung bato.

Nagpalakpakan yung mga bata pati si Jansen sa nangyari.

“So…. paano ba yan? May utang ka talaga saken?” Sabi ni Matteo

Hindi na lang ako sumagot at umoo.

Bumalik na uli kami sa paglalaro at kulitan.

+++

Tinawagan ko kaagad si Sarah kasi parang siya lang yung mapagsasabihan ko ng problema ko.

“Teka, teka, bago ko magkwento, magkasama ba kayo ni Kennard?”

“Hindi Julian, nasa school ako ngayon”

“Ahhh good good. Ehhh kasi….” di ko madiretso kay Sarah yung sasabihin ko kasi di naman niya exactly alam yung istorya.

Kaya nag dalawang isip ako sabihin sakanya.

“Nagpapalevel ka ba diyan?” Ayun na lang tinanong ko.

“Hindi ehhh. Mahirap kasi kapag wala ka hehe. Ikaw ba diyan?”

“Mas lalo namang hindi hehe.”

“Good. So tinawagan mo ko para sabihin yan?”

“Hehe, oo. Oo, sorry sa istorbo!” Sabi ko.

“Nako, akala ko pa naman kung ano. Sige na, sige. Bye Julian”

“Bye Sarah”

Argh…. sobrang hirap kasi talaga ng sitwasyon ko.

Malandi ba ako?

Hind naman. Kasi hindi ko naman ineentertain si Matteo pero kasi….

Parang biglang bumalik lahat ng feelings.

“Hoy Ju!” Kalabit saken ni Matteo sa likod.

“Ay bwisit!!” Sigaw ko sa gulat.

“Ano bang ginagawa mo diyan? Hinahanap ka ng mga kalaro mong bata oh!”

Nasa may mga puno kasi ako at iniisip ko kung ano na nangyayari sa buhay ko.

“Ah, sige susunod na ako” sabi ko.

“Okay ka lang ba?” Seryoso nyang tanong.

“Oo naman”

“Ehhh bakit parang iniiwasan mo ko?”

Aba?!

Matapos mo kong halikan at sabihan ng mahal mo ko, magtataka ka pa?!

“Seryosong tanong yan?” Medyo inis kong tanong.

“Hehe, sorry.”

Natahimik kaming dalawa dun.

Gusto ko na sanang umalis kaso parang di ako makagalaw. Gusto ko kasi yung moment namen dun.

“Bakit ka nakipaghiwalay kay Maddie?” Bigla kong tanong.

Napangiti lang siya at napayuko, saka siya tumingin saken.

“Ooops. Mamaya na yan. May date tayo mamaya” sabi niya pa.

“Anong date?”

“Ah huh. May utang ka saken diba? Isang wish. At ang wish ko, date. Midnight date to be exact”

“Pero….”

“A deal is a deal Juju. Wag ka ng mag inarte diyan. Alam ko naman gusto mo maulit yung halik ko”

“Tse!! Ewan ko sayo, nakakainis ka!!”

Tinulal ko siya at mag wawalk out na sana ako, kaso hinawakan niya yung kamay ko at hinila palapit sakanya.

Napayakap tuloy ako sa dibdib niyang malaki. Mahigpit na rin yung pagkakayakap niya saken.

“Matteo!” Sigaw ko sakanya.

Pero di niya inaalis yung yakap niya saken.

“Matty….”

“Ju, please. Pumayag ka na mamaya. Sasabihin ko na sayo lahat” sabi niya.

“Please. Ayokong lokohin si Laurence.”

“Isang date lang Ju. Then, titigil na ako promise. Lalayo na ako ng tuluyan sayo”

Convincing yung boses niya. Seryoso, at ang sarap sa pandinig.

“Please Ju. Please?”

“Sige sige. Pero isa lang ah?”

“Isa lang. Then, lalayo na ako” sabi niya.

“Sige, pero tama na tong yakap na to. Bumalik na tayo dun”

“Hehe sige.”

++

Kinagabihan, kumakain na kaming lahat. Pinili kong hindi tumabi kay Matteo, pero magkaharap kaming dalawa.

Yung mga katabi niya eh yung mga babaeng humaharot sakanya.

Ang sarap pag sasampalin!

“Matty, try this liempo. So sarap” sabi nung babae sa kanan niya.

“No, Matthew, try this bagnet. Super delicious”

Aba, may pa nickname yung dalawa.

Mukhang si Matteo talaga yung pinunta nila rito sa sobrang kalandian.

Tumitingin naman si Matteo saken habang nilalandi siya ng dalawa.

Aba, gustong gusto rin ni lalaki!!

“Sarap diba?” Sabi nung babae sa kanan.

“Oo, hehe penge pa nga” sabi ni Matteo.

Nananadya talaga siya. Pinapakita pa saken.

Akala naman niya nagseselos ko, di niya lang alam. Matagal na akong nagttraining para di maapektuhan sa mga ginagawa niya saken.

“Try mo tong talong oh” si Matteo naman nagsubo ng pagkain sa babae.

“Hehe ang sarap ng talong mo Matteo”

Putek, ang pabebe ng boses nung babae.

“Ang serep ng teleng me!” Sabi ko sa isip ko, bwisit. Bwisit. Nakakainis!!

Sa sobrang inis ko, kinuha ko yung liempo ko at tumayo saka pumunta sa kwarto.

Nakakainis, nakakainis talaga ng sobra!!

Pero parang nawala yung inis ko ng mapansin kong umiilaw yung libro ko sa bag ko.

May announcement kaya?

Tinignan ko yung libro at sinabing nag level up ako.

Level 13 na ako?

Pero anong ginawa ko?

Siguro dahil sa mga batang napasaya ko kanina gamit yung gift ko.

Bigla namang bumukas yung pinto at dali dali kong binalik yung book sa bag ko.

“Ju, bakit ka umalis?” Tanong ni Matteo saken.

“Wala, may tumawag lang hehe”

“Dala dala mo liempo mo? Siguro nagseselos ka sa….”

“Pwede ba?! Wag ka ngang mahangin diyan. Di naman ako tanga Matteo, alam ko sinasadya mo yun. Para saan? Para inisin ako? Sige naiinis na ako. Masaya ka na? Ganyan ka naman eh. Hilig mong paglaruan feelings ko eh!!”

Woah. Di ko alam kung saan nanggaling yung panenermon kong yun kay Matteo.

“Ju, wala akong intensyon….”

“Bwisit! Walang intensyon?! Ewan ko sayo. Bahala ka na diyan!!” Tulak ko sakanya saka ko lumabas ng kwarto.

Sobrang nakakainis na kasi pero di ko pa rin alam kung saan nanggaling yung panenermon ko.

++

Alas onse na ako bumalik sa kwarto. Naabutan kong nakaupo si Matteo sa higaan ko.

“Ju. Tara na” yaya niya kaagad saken.

“Anong tara na? Matutulog na ako!”

“Ay, nag promise ka eh.”

“Ayoko Matteo. Please.”

“Nung birthday ko nag promise ka tapos di mo tinupad, tapos ngayon di mo na naman tutuparin”

Nakakainis, ang cute kasi magpa cute ni Laurence. Parang sira pero ang cute talaga

“Ohhh. Ngumingiti ka oh. Tara na, dali” sabay hila kaagad saken palabas ng kwarto, may dala dala pa siyang basket.

Naglakad kami sa mga puno at talahiban hanggang sa makarating kami sa isang napakatahimik na lugar.

Puro damo lang tapos may mga halaman sa gilid.

Napaka peaceful ng lugar na yun to the point na ayaw mo ng umalis.

“Tinuro ni makmak saken tong lugar na to kanina hehe.” Sabi ni Matteo habang naglalatag ng sapin para samen.

Yung dala niyang basket, may lamang mga pagkain.

“Oh ayan, puro tinapay yan. Di ka nakakain masyado kanina ehh.”

Umupo siya dun at niyayaya niya ako.

“Ju, please. Bilang bestfriend mo. Tabihan mo ko”

Wala naman akong magawa kaya tumabi na rin ako sakanya.

Eto na.

Parang kinakabahan ako sa mangyayari.

Ang tahimik lang nameng dalawa.

1min.

2mins.

3mins.

Walang nagsasalita samen pareho, basta nakatitig lang ako sa mga stars sa taas.

“Galit ka ba saken Ju?” Tanong niya bigla saken.

“Galit saan?”

“Sa ginawa ko kagabi sayo”

Galit ba ako? Hindi ako galit sakanya.

“Galit ako sa sarili ko, bakit ko hinayaang mangyari yun.”

“Hmmm. Okay.”

Natahimik na naman kami pareho.

“Bakit ka na nakipaghiwalay kay Maddie?” Tanong ko sakanya.

“Hehe. Ayan talaga tanong mo?”

“Oo, hehe.”

“Hehe sige. Hmmm. Kasi di ko na siya mahal eh, mabait si Maddie Ju. Kaso may kulang ehh. May iba kasi akong mahal. At alam mo naman na siguro sagot dun?” Sabay tingin saken at ngiti.

Fvck. Killer smile talaga. Nakakainis.

Feeling ko kasi pinagttripan lang ako ni Matteo eh.

Ewan ko, parang naiiyak talaga ako ngayon. Gusto ko lang pigilan pero ayaw eh, tumutulo talaga.

“Ohhh bakit ka umiiyak???” Lapit niya saken sabay punas sa luha ko.

“Please Matteo, wag na. Kung gumaganti ka saken ngayon kasi di ako sumipot sa birthday mo, please tama na. Di ko na kaya. Ang sakit na sa dibdib!”

“Ano bang sinasabi mo Ju. Mahal ki….”

“Ayan!!! Wag na wag mong sasabihin yan saken please! Wag na wag.”

“Sinasabi ko lang nararamdaman ko Ju.”

“Bakit ngayon mo lang sinabi? Nasaan yan nung panahong hindi pa kami ni Laurence ha? Ano? Bigla ka na lang nagising na mahal mo ko ganun?!”

“Wag ka naman magalit saken Ju”

“Ipaliwanag mo kasi saken Matteo! Ano ba tong ginagawa mo?!”

Umupo siya sa harapan ko at pinunasan yung mga luha ko.

“Makinig ka sa mga sasabihin ko ah! Sabi mo nun nung nasa class room tayo, masaya ka kay Laurence.

Naalala mo? Sabi mo nung gabi na natutulog ako sa kama mo, wala kang gusto saken.

Sinubukan kitang halikan nun, kasi akala ko gusto mo rin, kasi di mo alam kung gaano ko kagustong halikan ka

Inaasar lang kita kung may gusto ka saken, kasi kung umoo ka kahit isang beses, tatalikuran ko lahat para sayo.

Nagseselos akonun nung pumunta tayo ng Zambales tapos kayong dalawa magkasama!

Halos mamatay ako nung hinatid kita kay Laurence para sa first kiss mo. Tangina Ju, gusto ko ako yun!

Di ko na kaya yung nararamdaman ko sayo kaya talagang pinilit ko na lang na kalimutan ka, kaya nung nag sagutan tayong dalawa sa Zambales, tinanggap ko na lahat ng yun. Na mahal mo na talaga si Laurence!

Kaso di ko talaga kaya, sa tuwing hinahanap hanap mo siya, sa tuwing kinekwento mo kung gaano mo kagusto na halikan siya ng halikan, sa tuwing naririnig ko kung paano mo siya sabian ng I love you.

Put@ngina Ju! Ako sana yun. Ako sana yun!“

Umiiyak naman ngayon si Matteo saken habang hawak ako sa mga balikat ko.

“Mahal kita Ju. Mahal ko bestfriend ko. Mahal ko lahat ng sayo. Ano pa bang gusto mong sabihin ko?!”

“Naniniwala ako sayo Matteo!!”

“Ehhh bakit nagagalit ka pa rin?”

“Kasi mahal din kita Matteo. Mahal na Mahal. Sobrang mahal. Pinaka mahal. Mahal na mahal.”

Halos masigawan ko na siya ng mga oras na yun.

Napalitan naman ng ngiti yung malungkot niyang labi kanina.

“Matagal na kitang mahal pero di ko masabi kasi ayokong masira pagkakaibigan natin!” Pahabol ko pa.

Pero nakangiti lang siya saken.

“Sige, ilabas mo pa lahat Ju. Ilabas mo na lahat”

Natawa naman ako sa sinabi niya.

“Baliw hehe”

“Dali na, gusto ko pa marinig kung gaano ka kabaliw saken”

“Tse!” Sabi ko sabay ngiti.

Nagkatitigan lang kaming dalawa, walang sinasabi.

Ang nakaka frustrate talaga, hindi ko talaga mabasa nasa isip niya ngayon, gustong gusto ko talagang malaman.

Pero naalala ko si Laurence.

“Si Laurence, Matty….”

“Please, wag muna yan? May dalawang araw pa akong kasama ka. Pwede bang kalimutan muna natin lahat tapos maging masaya lang tayo parehas. Kahit dalawang araw lang?”

Hinawakan niya kamay ko ng mahigpit. At dahan dahang lumapit yung mukha niya saken.

Hahalikan na naman niya ako at this time, willing na willing ako.

Pinikit ko na yung mga mata ko hanggang sa maramdaman ko yung malambot niyang labi saken.

Naramdaman ko rin na may tumulong luha sa mata niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

Napahiga kaming dalawa at nanatiling magkadikit ang labi namen.

Mahal ko si Matteo.

Mahal na Mahal ko bestfriend ko.

++++++++++++++

HANGGANG CHAPTER 40 LANG OR EXTEND???

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!! 😁😁😁😁😁😁

Part 33

First of all, Maraming Salamat sa Vote and Comments!

#7 na yung Julian’s Gift sa FANTASY THEMED story sa wattpad. Gosh. Super thank you! Goal ko lang hanggang 10 ehhh pero super duper thank you talaga! 😁

VOTE AND COMMENTS PA DIN AHHH?!

+++++

As much as gusto ko makasama si Matteo ng matagal sa pwesto namen, pumunta kami rito para makatulong at maging volunteers kaya bumalik na kami sa kwarto nun para makapagpahinga.

Kinabukasan, parang ang ganda ganda ng gising ko. Di ko pa naranasan to ever.

Nakangiti ako habang bumabangon.

And naalala ko si Matteo kagabi. Grabe, may kilig akong nararamdaman to the point na para talaga akong baliw na ngumingiti mag isa.

Naramdaman ko na lang bigla na may tumabi saken.

Si Matteo.

Inabutan niya ako ng tinapay at juice.

“Oh, breakfast in bed. Hehe”

Fvck, ang cutie niya ngayon. Nakaligo na siya at nakabihis at ang bango bango pa.

“Hehe, salamat” bwisit, ang pabebe ng boses ko nun.

“Sus. Ikaw pa!” Sagot niya.

Gising na rin yung dalawang kasama namen sa kwarto at nag aasikaso na.

“Bakit ang aga mo naman magising?” Tanong ko.

“Paano naman ako makakatulog kung kinikilig ako ng sobra” sabay ngiti saken.

Fvck, ang gwapo!! Super gwapo! Tapos nagpapakilig pa!!

“Maligo ka na nga dun. Amoy lupa ka na ehhh” sabi niya.

Inamoy ko tuloy sarili ko, pero di naman.

“Baka iba yun, di ako yun!” Sagot ko.

“We? Paamoy nga?” Nagulat ako ng bigla siyang lumapit saken at inamoy ako sa leeg papunta sa katawan ko, paakyat sa leeg ko uli.

“Ang bango mo naman” bulong niya sa tenga ko.

Grabe goosebumps ko sa pagbulong niya saken.

“Hmmmmm. Alam na alam ko talaga yang amoy mo eh”bulong niya pa uli.

Bahagya akong lumayo baka kasi makita ako ng mga nasa kwarto nun.

“Baliw ka talaga” sabi ko.

“Hehe, sorry Ju. Kumain ka na diyan tapos mag asikaso ka na. Dami na naman mga bubuhatin dun, alam ko naman di mo kaya yun kaya ako na gagawa para sayo”

“Ano akala mo saken? Lampa?”

“Di naman. LAMPAke ka nga saken ehhh” bigla siyang nalungkot na parang nag iinarte.

Pero sa paningin ko, sobrang cute niya talaga.

“Hala, tigilan mo nga yan!”

“Haha. Sige na Ju, kilos na. Labas ka na kaagad ah?” Di na niya ako hinintay sumagot, basta lumabas na siya kaagad.

Nag asikaso naman na ako kaagad.

++

Pagkatapos ko maligo, parang ngayon lang nag sink in saken yung mga pinag gagagawa ko.

Mali to, alam ko. Si Laurence, nasa Manila, naghihintay saken.

Pero yung bestfriend ko, na matagal ko ng mahal, nag confess na gusto niya ako.

Parang kailangan ko ng taong makakausap dito, kaya tinawagan ko kaagad si mama.

“Oh, anak, bakit ka tumatawag, may problema ka ba? Anong nangyari sayo?!!” Boses ni papa yun na mukhang nag aalala.

“Pa, uy, ano ba, wala man lang bang hello?” Sabi ko.

“Aba, ewan ko. Di ka tumawag samen kahapon eh akala ko naman kung ano nagyari sayo”

“Hala, si papa, nagtatampo”

“De sige, tapos si mama mo pa yung tinawagan mo. Tse, bala ka na”

Nakakatuwa talaga kabaliwan ng tatay ko.

“Si papa naman. Busy lang talaga rito” sabi ko.

“Kausapin mo tong mama mo” sabi ni papa at narinig ko na boses ni mama.

“Hehe, baliw na naman tatay mo anak. Oh, ang aga ata ng tawag mo?” Sabi ni mama.

“Wala lang po….”

“Anong problema mo anak? Bakit ganyan boses mo?”

“Hala, wala po…”

“Okay naman kayo ni Laurence diba? Kakadaan niya lang dito kagabi, nagdala ng pagkain. Buti nga eh, di na ako nagluto hehe”

“Si Laurence po?…”

“Oo anak, may iba ka pa bang kilalang Laurence?”

Galing si Laurence sa bahay? Dahil ba yun sa nalaman niya na palaging nagpupunta si Matteo kaya siya naman nagpapapogi kina mama at papa?

Parang nag aalinlangan tuloy ako kung sasabihin ko pa kina mama.

“Anak?” Sabi ni mama.

“Ay ma, hehe. Wala po, tumawag lang talaga ako, Miss ko na po kasi kayo eh” totoo, ang tagal ko ng di nakakasama sila mama, parang nakakapanibago.

“Sus, miss ka na rin namen anak” sagot ni mama.

“Miss na kita anak, ako kasi naghuhuhas ngayon kasi wala ka eh, umuwi ka na nga!“boses naman ni papa yun.

“Haha, sige po pa. Malapit na po”

“Good! Hehe, miss you nak!” Sigaw ni papa na mukhang naka loudspeaker yung phone.

“Sige anak, mag ingat ka diyan, magtext ka naman ano?”

“Hehe sige po, sorry po ma”

Pagkababa ko ng tawag, saka biglang tumawag saken si Laurence.

Ayoko pa sanang sagutin pero parang unfair naman sakanya lahat ng nangyayari.

“Hi babe” bungad ko.

“Bakit di ka na nagtext saken kagabi? Nagpapamiss ka ba? Miss na nga kita ehh” naiimagine ko yung itsura ni Laurence ngayon siguro ang cute cute niya.

“Hala babe hindi po….” eto yung unang beses na magsisinungaling ako kay Laurence. “…. nakatulog na po kasi ako”

“Ahh okay okay. Busy ka pa rin ata ngayon eh. Kaya sige, mag ingat ka mamaya ah, tumawag lang naman ako para marinig boses mo eh”

Fvck, ano ba to. Parang nakokonsensya ako sa nangyayari.

“Uy babe, send ka naman pic mo, hehe may send akong pic ko sayo kahapon, feeling ko kasi ang pogi ko dun eh haha.

“Hala, pogi ka naman babe”sabi ko.

“I know, haha. Sige na babe, baka may gagawin ka na”

“Ahh hehe. Sige babe, lalabas na ko ng kwarto hehe. Kanina pa sila nandun eh”

“Ganun ba? Sige babe. Ingat, enjoy and tandaan mo, Miss na Miss na kita. I love you babe”

“Hmmm. I love you babe”

Niloloko ko si Laurence at dun ako naiinis sa sarili ko.

“Send ka rin picture mo babe 😊😊😊😊”

Pagkatapos ko makita yung pic, di ko namalayang nakatulala na pala ako. Iba rin kasi si Laurence eh. Ibang iba talaga kay Matteo.

+++++

Aalis pala talaga kami ngayon, kakatapos lang nila maghakot ng mga dadalhin namen sa ibang pamilya.

“Ako na gumawa ng pagbubuhat. Sabi ko naman sayo eh, di ka mapapagod haha” sabi ni Matteo pagkakita niya saken paglabas ng kwarto.

“Hala, di mo naman ako tinawag…”

“Wag ka ng magpabebe, sumakay ka na ng bus. May kukunin lang ako, tabi tayo ah?” Sabi niya sabay pasok sa kwarto.

Pumwesto naman ako sa bandang gitna ng bus kasi sa dulo puro mga pagkain at boxes nandun.

Maya maya,dumating na si Matteo at tumabi saken sa bus.

Nasa left side kami, ako yung nasa window side.

“Ohh.” Sabay abot niya saken ng envelope, kulay blue. Katulad nung nakita ko sa bag niya kahapon.

“Ano to?”

“Letter ko sa’yo haha. Wag ka ng kiligin, basahin mo na lang yan mamaya kapag mag isa ka, wag ngayon nahihiya ako eh hehe”

Ang cute naman kasi ni Matteo ngayon, lalo na kapag ngingiti, ibang iba yung aura niya.

“Sige sige, hehe. Tumawag pala si Laurence saken kanina, kaya medyo natagalan paglabas ko ng kwarto” paliwanag ko.

“Ahhh”

Alam ko naman na parang nalungkot siya dahil sa expression niya.

“Ano naman sabi niya?” Bigla niya pang sabi.

“Wala, tumatawag naman siya palagi eh”

“Ay oo nga pala hehe.”

Natahimik na naman siya.

This time, medyo matagal na siyang tahimik.

Di umiimik.

Nakasandal sa bus at natutulog.

Napaka inosente niya kapag tulog, nakakatuwa talaga.

Hinayaan ko na lang muna siya at dumungaw ako sa bintana.

Pero nararadaman ko yung kamay niya hinawakan yung kamay ko.

Dali dali akong tumingin sakanya at nakapikit pa rin siya pero this time, hawak na niya kamay ko.

“Uy Matteo…”

“Shhhh. Kung ayaw mo, edi tanggalin mo” sabi niya pero nakapikit pa rin siya.

Pinipilit ko naman tanggalin pero ang higpit ng hawak nya.

“Sorry, yokong tanggalin” sabi niya.

“Matteo….”

“Ju, hayaan mo na yan please? Pag uwi natin bukas, wala na to. Baka layuan na kita, pero this time, please? Pumayag ka na?”

“Wait, lalayuan mo ako?”

This time, dumilat na siya para makipag usap saken.

“Oo, eh… ang dating kasi nilalandi kita eh, hehe. Ayoko naman ng ganun. Kung ano man tong ginagawa ko sayo ngayon, pagbigyan mo na lang ako. Please?”

Alam mo yung feeling na hindi pwede pero gusto mo?

Ganun yung nararamdaman ko ngayon kay Matteo.

“At saka isa pa, matagal ko ng ginagawa to sayo, ngayon lang kasi alam mo na yung totoo kong nararamdaman kaya may ilang ng konti haha” sabi niya.

Di naman ako makasagot at hinayaan ko na lang, malambot naman kamay niya eh at gusto ko rin.

Back to duty na kami at magkahiwalay na kami ng ginagawa ni Matteo at ayun na yung eksena ng mga babaeng lumalandi kay Matteo.

Tumitingin nman saken si Matteo, ewan ko kung nang aasar o ayaw niyang makita ko na nilalandi siya ng dalawang babae.

Nagseselos ako?

Hindi!

Naiinis ako kasi pumunta sila rito para tumulong at hindi para lumandi.

Pero bakit si Matteo pa hinaharot nila?

Aba, gusto ata makatikim saken ng mga babaeng to ah.

Pwes, sige.

Yung bagong lugar kasi parang center. Nasa isang kwartong malaki kami at nandun yung mga pamilya na bibigayan namen ng pagkain.

Nung napansin kong humiwalay yung dalawang babae kay Matteo, saka ko binasa isip nung isang babae para malaman ko pinag uusapan

“Beh no na? Naka iscore ka na kay Matteo?”

“Ano na te, mukhang bakla rin tong isang to”

“Gaga, kilala mo si Maddie? Yung magandang candidate ng pagent saten? Ex niya yun!”

“Ayy true ba? Gosh, edi mapusok pala tong si Matteo. Knowing Maddie tho”

“Oh talaga? Gosh. Kahit kiss? Wala ka pa te?”

“Wala talaga. Baka gusto niya sabay tayo. If you know what I mean hahahha”

“OMG girl, sabay tayo you want? Go tara!”

“Tara! Hehe. It’ll be fun!”

Halos mang gigil ako sa convo nilang dalawa.

Balak pa tikman si Matteo ng sabay sila. Nkakadiri sila.

Kapag talaga pumayag si Matteo, ewan ko na lang.

Pinagmasdan ko yung kilos nung dalawang babae kay Matteo.

Eagle eye.

Matanglawin.

Di ko inalis paningin ko sakanila.

Kumuha ng juice si isang babae.

Anong gagawin niya sa juice? Itatapos kunwari kay Matteo tapos dadalhin niya sa CR tapos dun niya lalandiin? Omg.

Subukan mo lang.

Pero mali ako, uminom lang siya ng juice.

Mapanghusga lang pala ako.

Pero yung isang babae naman palapit kay Matteo.

Aba, mukhang nakikipagkwentuhan.

“Matteo, busy ka ba?tapos naman na magdistribute diba? You make sama naman to me there sa labas oh”

Conyo magsalita punyemas. Nakakainis!!!!!

Aba, si Matteo sumama!!

Aba!!

Aba!!

Napansin ko naman na nginitian niya yung isang babae.

Teka, ano bang pangalan ng dalawang to.

Ginamit ko gift ko para malaman.

Rica and Sheila pala.

So lumabas silang tatlo.

Sa labas kasi may magandang garden na tambayan, wala naman tao kaya super tahimik tapos nakita ko sa may bandang dulo yung tatlo.

Nakahawak sila sa dibdib ni Matteo.

Argh. Nakakainis.

Buti napansin ako ni Matteo na nakatingin kaya dali dali siyang umalis at lumapit saken.

“Ju….”

“So ganun pala pinunta mo rito?!”

“Hala Ju, nagpasama lang dun saken tapos biglang ganun na kaagad. Grabe”

“Tuwang tuwa ka nga eh!”

Bago pa siya makasagot, napansin ko naman na lumapit yung dalawa samen.

Aba, at tatarayan pa ako.

“Anong problema mo bakla?”

Omg!

Omg.

Talagang ganun tinawag niya saken?

Fine!

“Rica name mo diba?” Sabi ko.

“Oo, bakit?” May pag taas siya ng kilay saken.

Aba talaga. Sinusubukan ako neto ah.

Sige!

Time to use my gift against these btches.

“Diba boyfriend ka ni Laurence na apparently gay din? Gosh. And pati si Matteo gusto mong kunin?!” Sabi ni Sheila.

Diko alam kung paano ko sisimulan ng pakikipagaway pero, sinumulan ko sa pagkontrol ng sinasabi nila.

Kaso, bigla akong pinigilan ni Matteo.

“Ju, wag mo ng patulan. Tara na sa loob” sabi ni Matteo.

“Nako, pasalamat ka at niligtas ka ng friend mo pero kung wala siya baka kung ano na nagawa ko sayo!” Inis na sabi ni Rica saken.

Tumatawa lang si Matteo pero di na niya ako hinayaang makasagot at hinila niya na ako papasok sa loob.

“Ano ba yun, gusto kong lumaban!”

“Hahaha. Wag na Ju, panalo ka na. Ako naman premyo eh, sayo lang naman ako”

Yung inis ko, napalitan kaagad ng kilig.

“Hayaan mo na sila. Di nman ako papatol sa mga yun.” Pahabol niya pa.

“Tse, eh bakit ka kasi sumama sakanila?”

“Hala…” bigla niyang sabi habang nakangiti.

“Anong hala?”

“Hala talaga?”

“Anong hala ka ng hala diyan?” Inis kong tanong.

“Nagseselos ka ba Ju?” Bigla niyang tanog.

“Selos ka diyan!”

“Hala!”

“Isa pang hala mo!”

“Hala!”

“Argh!!”

“Pero nagseselos ka talaga Ju? Haha. Wag ka ngang ganyan. Kinikilig ako eh haha”

“Tigilan mo ko!”

“Ayieee. Ju, nag bblush ka!”

Na concious ako bigla sa sinabi niya, napatakip tuloy ako ng mukha.

“Haha, Ju. Namumula ka na! Haha. Ang cute mo.”

“Ayoko na!! Lalabas na ako!”

“Yie, nagseselos siya. May feelings talaga siya hahaha”

Di na natapos yung asar niya.

Mas lalo namang di rin natapos yung asar ko kay Rica at Sheila.

Pero kinalma ako sarili ko kasi alam kong di worth it.

+++

Pauwi na kami, alasyete na ng gabi at medyo pagod na ako.

“Nagselos ka talaga kanina Ju?“bulong niya saken sa bus.

“Matty, please. Tama na sa asar, pagod na ako eh”

“Hehe, how about serious talk?” Sabi niya.

“Sige.”

“So, ano ba tayo?” Bigla niyang tanong.

Natameme ako ng konti sa tanong niya.

“Akala ko serious talk? Bakit no talk ka diyan?” Bigla niyang tanong.

“Ahhh. Biglaan kasi”

“Hehe, so ano nga Ju?”

“Hmmmm. Di ko alam ehh” sabi ko.

“Bestfriend?” Sabi niya.

“Ofcourse! Bestfriend tayo, di naman mawawala yun”

“Ehhh mahal ko bestfriend ko? Paano yun?” Tanong niya.

Seryoso talaga siya.

Kita ko sa mata.

Sa kilos.

Sa galaw.

Seryoso siya.

“Matty….”

“Alam ko complicated. Pero….”

“Mahirap Matty. Please, wag mo ko pressurin” sabi ko.

Ngumiti lang siya ng bahagya at umoo.

“Sorry, sorry. Hehe. Pero Love mo ko?” Tanong nya.

Para naman akong ewan na biglang napangiti.

“Ju.. love mo ba ako?”

Pangungulit niya pa.

“Yieh, silence means yes?”

Ngumiti lang uli ako.

“Love mo ko?”

“Oo nga!” Sabi ko.

Siya naman yung ngumiti ngyon.

“Love din kita” bulong niya naman saken.

Mali? Pero gusto ko to.

Gusto ko si Matteo.

+++

Kakadating lang ng bus sa lugar namen.

Mas naramdaman ko yung pagod at parang gusto ko na lang matulog.

“Ju, basahin mo na yung letter ko pag punta mo sa kwarto. Mag CR lang ako sandali hehe” sabi ni Matteo.

“Ahh sige sige. Bilisan mo hehe”

“Saglit lang naman ako, mamimiss mo ko kaagad no?”

“Haha mag CR ka na!!”

Dumiretso na ako sa kwarto ko at ako lang nandun.

Pagdating ko sa kwarto, may nakita akong bulaklak sa higaan ko.

Wow! Si matteo ba nagbigay neto? Bouquet of roses. Napakaganda.

Kinuha ko nman yung letter ni Matteo saka binasa.

“Hi Julian.

Happy Birthday! Kung nababasa mo to, edi siguradong alam mo na na…. alam mo na, may gusto ako sayo haha.

Nung una palang tayong nagkita, iba na dating mo saken.

Ikaw lang nagsabi saken na Harry Potter makes you gay hha hnding hindi ko makakalimutan yun.

Pero salamat kay HarryPotter at dahil dun mas naging close tayo.

Hindi ko lang naman ineexpect na maiinlove ako sayo.

Ang bait mo, ang sipag, palagi mo pa ginagawa assignment ko haha. At syempre, sobrang mapagkakatiwalaan ka.

Hindi ko akalain na yung katulad mo pala ang magpapaseryoso sa napakaloko loko kong buhay.

Sinulat ko tong letter na to kasi alam kong di ko to masasabi sayo ng personal.

Pero kahit ganun, gusto ko malaman mo na totoo nararamdaman ko sayo.

Happy Birthday!

I love you Ju. Yes, I’m inlove with my bestfriend haha! 😍😍❤ “

Birthday? So matagal na pala tong letter na to.

So totoo ngang matagal na akong mahal ni Matteo.

Bakit kasi di ako umoo noon sakanya?

Bakit kasi di ako umamin sakanya?

Bakit kailangan pang may masaktan?

Nag momoment pa ako sa letter ni Matteo pero biglang bumukas yung pinto.

At nagulat ako sa nakita ko.

“Nagustuhan mo ba yung flowers?”

Nakatitig lang ako sakanya ng diretso habang palapit siya saken.

“I think nagustuhan mo hehe”

Pasimple kong tinago yung sulat.

“Oh babe? Bakit nagulat ka?hehe”

“Ahhhh… ehhh”

“Sorry babe, di ko na kaya. Miss na miss na kasi kita eh hehe”

Si Laurence yun! Nasa Ilocos din siya.

Tumabi saken sa kama si Laurence at hinalikan ako sa labi.

“I miss you babe!”

Pero di ako makapagsalita.

Di talaga.

Bumukas uli yung pinto at nkita kong pumasok si Matteo.

Napatingin si Laurence kay Matteo.

“Oh nandito ka rin pala pre?“sabi ni Laurence.

May dalang bulaklak si Matteo, bouquet din ng roses katulad ng kay Laurence.

“Ahh ehhh… oo pre, may kukunin lang ako sa bag ko hehe”sabi ni Matteo.

Habang palapit siya sa kama, di namn naalis tinginan nameng dalawa.

“Pagod ka na ba babe? Tara labas muna tayo. Pahangin tayo hehe” yaya ni Laurence.

Iniwas ko na tingin ko kay Matteo at tumingin na lang ako kay Laurence.

Tumayo na kami at lumabas pero kunwari may nkalimutan ako sa kwarto ko kaya pinauna ko na siya.

Nakita ko si Matteo sa taas ng kama at parang umiiyak.

Nilapitan ko siya.

“Matty….”

Dali dali siyang nagpunas ng luha.

“Hoy, dun ka. Nandun na boyfriend mo”napaka casual ng boses niya.

“Matty..”

“Please Ju, tapos na yung masasayang araw ko sayo. Dun ka na sa tama hehe. Dun ka na sa boyfriend mo”

“Matty….”

“Ju, wag mo ng dagdagan yung sakit please. Lumabas ka na, puntahan mo siya tapos kausapin mo siya. Sige na Ju.”

Di na niya ako pinagsalita at dumapa siya at nagtakip ng unan.

Tinignan ko yung flowers na dala niya sa kama niya at may note pa dun.

“ To my bestfriend that I love and will always love, Julian :)“

++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

LAST 10 CHAPTERS NA LANG PO TAYO!!!! HEHE

Part 34

Araw na ng pag balik namen sa Manila, at kasabay namen si Laurence.

Si Matteo naman, nasa loob na kaagad ng bus at naka impake.

Pero bago ako umalis, nagpaalam muna ako kay Makmak na pansin kong umiiyak sa may bus.

Nilapitan ko siya.

“Wag ka ng umiyak Makmak, dadalaw na lang ako uli dito pagka may time ako, okay?” Sabi ko sakanya.

“Mamimiss po kita Kuya. Kayong dalawa ni Kuya Pogi.” Niyakap niya naman ako ng mahigpit.

Si Matteo yung tinutukoy niyang Kuya Pogi.

“Babalik na lang kami dito uli ah? Pangako yan hehe”

“Pangako po ah?”

“Pangako. Kaya wag ka ng umiyak diyan” sabi ko pa.

Napansin ko naman na palapit si Laurence sameng dalawa.

“Oh, bakit mo naman pinaiyak babe?” Sabi niya.

“Loko, di ko pinaiyak.”

“Hehe, may chocolate ako sa bag, gusto mo ba?” Sabi ni Laurence sa bata.

Napalitan ng ngiti yung labi ni Makmak na umoo sa chocolates.

“Sige, teka, kunin ko lang sa kotse ah” paalam niya.

“Ohhh basta wag kang pasaway ah? Magpakabait ka rito palagi” sabi ko pa.

“Opo Kuya Julian!”

Sobrang mamimiss ko tong batang to.

Maya maya, dumating na si Laurence na may dalang chocolate kay Makmak.

“Oh, share mo yan sa lahat ng friends mo ah?” Sabi ni Laurence, puro cadburry yung binigay niya siguro mga 10 piraso.

“Maraming salamat po Kuya!”

“Hehe. Pakabait ka rito ah?”

Natutuwa naman ako kay Laurence, mabait din pala siya sa mga bata.

Napansin ko rin si Matteo na nakadungaw sa bintana at nakatingin samen ni Laurence.

+++++

Sumabay ako sa sasakyan ni Laurence pauwi, pumayag kasi si ma’am, pero nakasunod lang kami sa bus kasi dapat sa school pa rin yung baba nameng lahat.

Pero nakatulala lang ako sa bus, gusto ko malaman yung ginagawa ni Matteo.

Galit kaya siya saken?

Nagtatampo?

Or, Umiiyak kaya?

Di ko alam. Gusto ko malaman talaga.

Pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko bigla.

“Babe okay ka lang? Nakatulala ka na naman.” Sabi ni Laurence.

“Ahhh eh.. oo”

“So, kanina pa kita tinatanong, kumusta yung pinuntahan niyo?”

“Okay naman babe, nakakapagod nga lang”

“Ahhh I see…. pero….” napatingin ako sakanya bigla. “…. bakit di mo sinabi saken na kasama pala si Matteo?”

Sabi ko na tatanungin niya ako neto eh. Pero di ko alam isasagot ko.

“Nakapagusap na ba kayong dalawa?” Pahabol niya pa.

“Ah… opo babe”

“Ahh. Good, so bati na kayong dalawa?”

“Opo babe”

“Ohh Good. Atleast, okay na kayo hehe, baka nahihiya ka lang sabihin saken na nandito si Matteo haha”

“He he. Oo babe, ayun nga”

Hawak pa rin niya yung kamay ko at this time, may nararamdaman akong iba. Parang may mali na.

Siguro dahil lahat kay Matteo to.

“Di na ako makapaghintay babe e, Miss na Miss na kasi kita kaya pumunta na akong Ilocos” sabi pa niya.

Di ko talaga alam sasabihin ko sakanya, puro ngiti lang yung sagot ko. At di naman pwede to, unfair na unfair kay Laurence.

“Baka antok ka babe? Sige tulog ka muna, malayo layo pa tong byahe natin”

“Hindi babe, malayo pa yung byahe, kwentuhan muna tayo hehe” sabi ko.

“Para kasing wala ka sa mood eh, may problema ba?”

Sabihin mo na Julian!!

Sabihin mo.

Oo meron!

“Wala” sabi ko.

Fvck!

“Hehe, okay. Good good.”

Boyfriend ko pa rin si Laurence kaya di ko siya pwedeng talikuran na lang basta basta.

++++

Pagdating ng Lunes, back to normal na yung schedule ko. Namimiss ko yung Ilocos dahil sa hangin, sobrang fresh unlike dito sa Manila.

Pero di ko pa rin matakbuhan yung issue ko kay Matteo.

Pagdating sa room, di na uli tumatabi saken si Matteo, na kay Jerick na uli siya.

Gusto ko siyang lapitan kaso tinawag ako ni Greco.

“Julian, lika rito” sabi saken ni Laurence sa isip ko.

Lumapit naman ako sa kanya.

“LQ pa rin?” Tanong ni Greco.

“Hehe, oo eh”

“Ay hehe. Sorry, ohh. Malapit na event, ready ka na ba?” Tanong ni Greco.

Oo nga pala, event! Medyo nakalimutan ko yung part na yun.

“Medyo lang hehe. Siguro back to palevel na uli ako for the meantime”

“Good yan! Hehe”

Looking at Greco, wala talaga siyang mukhang gagawing masama. Ano kaya yung sinasabi ni Tracy nun.

“Diba nasa Zambales na si Tracy?” Tanong ko.

“Ay oo. Bakit?”

“Wala lang… hehe. Sayang no? Wala siya?”

“Oo nga, ewan ko nga kung anong nangyari dun…”

“Di mo ba siya tinanong?”

“Wala naman siyang naalala, remember?”

Tama. Wala siyang naaalala. Siguro, hindi niya rin alam kung paano nawala yung memory niya.

“Pero okay na kami, bumalik na kami sa dati namen. Kami na uli, hehe official na” kita ko sa mata niya yung saya habang sinasabi yun.

“Wow, Congrats hehe!”

“Hehe, Salamat. May pinag awayan kasi kami nun eh, pero okay naman na kami” paliwanag ni Greco.

Parang interesado ako sa storya nilang dalawa.

“Bakit nga ba kayo naghiwalay?” Tanong ko.

Ngumiti siya.

“Nabasa ko inisip mo hehe, interesado kang malaman sa kwento namen”

“Hehe sorry, okay lang ba malaman Greco?” Tanong ko.

“Hmmm. Sige, sure. Sure.”

++++

GRECO’s POV

++++

Congratulations, Greco. You are now Level 13!

“Wow. Wow, Congrats B!” Masayang bati saken ni Tracy.

“Congrats ka diyan, salamat din sa’yo kasi natulungan natin yung mag jowa! Hehe”

“Haha. Salamat sa gift ko!”

“Haha, oo nga ehh, Naglevel up ka ba B?” Tanong ko.

“Yes. Level 13 na rin B”

“Wow, hehe. Syempre, Congrats din B!”

Taga Zambales ako, medyo malayo sa siyudad pero maganda naman dito. Maganda yung school, maganda yung facility, pero yung paligid, puro bukid.

Yung bahay naman namen medyo modern na, pero yung mga kapitbahay namen, hindi. Kami lang yung may kaya sa lugar namen.

Pag dating ko sa kwarto, napansin kong umilaw yung libro ko.

Ang sabi dun, kung gusto ko makilala yung totoong may power to read minds. Yung original.

May nakalagay dun na address at school, at details, maliban sa pangalan at picture.

Kailangan ko lang mahanap yung taong may hawak ng “dice”

Agad agad kong sinabi kay Tracy yung nabasa ko sa libro.

“NO!!! A big NO!” Medyo galit siya nung oras na yun.

“Bakit naman B?”

“Manila yun! Ang layo! Gusto mong tumira sa Manila para lang makita yang kinokopyahan mo ng gift? Para ano? Makuha mo ng tuluyan yung gift niya?”

“Ano ba yang sinasabi mo?”

“Alam mo tinutukoy ko! Kapag nanalo ka sa event, makakakuha ka ng gift ng iba at gusto mo mamaximize yang gift mo!”

Ni minsan hindi nasagi sa isip ko yun!

“Ano ba yang naiisip mo?”

“Ayoko. Ayoko Greco!”

Di ako sanay ng tinatawag niya ako sa pangalan ko.

“Ayoko talaga! Kung gusto mo, ikaw na lang pumunta dun!” Matigas niya pang sabi.

Ewan ko kung bakit hindi ko siya pinigilan, kasi deep inside, gusto ko rin pumunta sa Manila.

So, pag punta ko sa Manila, nag enroll agad ako sa school kung saan nag aaral yung tunay na may gift na ginagayahan ko.

Ang malungkot lang, nakipaghiwalay saken si Tracy.

Isa pang naisip ko yung Dice.

Dice? Dice? Paano ko naman malalaman yung Dice?

Masyadong easy yung pag punta ko rito, kung kasama ko si Tracy. Sobrang mapapadali, pero wala siya.

Pag dating ko sa school at kausap yung dean, may pinatawag siyang estudyante.

Pag dating nung estudyante, agad kong ginamit yung gift ko sakanya, halos lahat kasi ng nadaanan ko, nababasa ko isip pero sakanya…hindi.

“Julian, bago mong kaklase, ihatid mo na sa classroom” sabi ni Dean.

“Ahhh opo ma’am. Sige po” sabi nung Julian.

Julian. Julian. Julian.

Bakit di ko mabasa nasa isip mo?

“I’m Julian” pakilala niya.

“I’m Greco.”

“Ahhh. Okay okay”

Bakit ganyan siya makatingin? Binabasa niya ba nasa isip ko? Okay. Casual lang, hindi pa natin alam.

Pag dating sa room, may napansin akong tropa ni Julian na lalaki, mukhang close na close sila ni Julian kasi nag bibiruan sila.

Pero, sinubukan kong basahin isip niya, pero wala rin! Di ko mabasa.

Dalawa kaya silang may gift? Napakaliit naman ng mundo para sa may mga gift dito.

Sinubukan ko pang makilala si Julian.

++

Papasok na ako pero nagulat ako ng makita ko si Tracy na kausap si Julian!!

Sobra ko siyang namiss kaya hinalikan ko kaagad siya nung nakita ko siya.

Nung kami na lang dalawa magkasama, nag usap kami ng masinsinan.

“Magkasama na pala kayo ni Julian eh, bakit di mo pa ginagawa yung misyon mo?”

“Julian? Paano mo nakilala si Julian?” Tanong ko.

“Kailangan ko rin pala siyang makilala, nasa libro ko rin siya.” Sabi ni Tracy.

Natuwa ako dahil nandito na si Tracy at syempre, mas natuwa ako kasi parehas kami ng tutulungan, instant level up to kung sakali.

“Ahm. Greco?” Bigla niyang singit.

“Oh?”

“Nakipagkita ako sa ex ko” sabi niya.

“Ex mo?! Bakit?”

“Ehh, nandito siya sa Manila eh, tapos nalaman niya. So nakipagkita ako….”

Yung ex niya kasi yung palagi nameng pinag aawayan. Matagal kasi naging sila kesa samen ni Tracy.

“Wag ka magalit, tsaka isa pa. Hindi naman tayo diba?” Sabi ni Tracy.

Ang sakit naman nun. Ipamukha sayo.

“Oo nga pala. Sige.” Ewan ko pero nawala ako sa mood bigla.

“Greco…. please, wag ka umalis, tutulungan pa natin si Julian” sabi niya.

Tama siya, ayokong masayang yung pag punta ko rito sa Manila.

“Sige, alam mo na gagawin mo?” Tanong ko.

“Teka, sino ba yung isa? Hindi pwedeng si Julian lang. Kailangan natin mahanap yung isa!”

“Di ko pa kilala. May dalawa akong hindi mabasa ang isip sa room, baka dalawa sila.” Paliwanag ko.

“Hindi! Baka nagkataon lang, malay mo naman iba. Baka may iba pa” sabi niya.

Medyo magulo yung sitwasyon, normally yung tinutulungan namen ni Tracy, walang gift kaya madali nameng nagagamit yung gift namen sakanila.

“Teka, ayan si Julian. Dun ka muna B” sabi ni Tracy.

Tinawag niya akong B. Natuwa ako ng mga panahong yun, kaya lumayo muna ako at nakita kong nag uusap silang dalawa.

Maya maya, umalis na rin si Julian at nilapitan ko si Tracy.

“Confirm. Binabasa niya isip ko, Siya nga talaga yung original” sabi ni Tracy!

“Yes!! Yes!! Konti na lang, kailangan natin mahanap yung isa” sabi ko.

“Yes!” Ngumiti lang siya saken.

Hayst. Sobrang ganda talaga ni Tracy. Buti na lang at medyo okay na kami ngayon.

Pero nagulat na lang ako bigla na nawala na yung gift niya.

Di na niya maalala lahat ng memories na ginawa namen together habang nagpapalevel, pero yung iba, okay naman.

Di ko alam kung bakit nawala.

Ano kaya yung ginawa niyang violation kung bakit.

Kaya sinamahan ko siya pabalik ng Zambales nun at kinalimutan na lahat ng memories namen nung panahong may gift pa siya.

++++++++++++++++++++

JULIAN’s POV

May ibang kurot sa puso yung pag kwento ni Greco. Pero malaking palaisipan rin pala sakanya kung paano nawala yung gift ni Tracy.

“So, natulungan na ba kita?” Ayun na lang yung tinanong ko.

“Haha, hindi pa rin pero that’s okay. Don’t worry, matutulungan din kita” sabi niya.

“Ano ba talaga yung dapat niyong gawin saken ni Tracy?”

“Ayan naman ang di ko pwedeng sabihin haha”

“Ang daya naman!”

“Haha sorry, Julian”

“Hmmm. Sige, ano na lang gift ni Tracy?”

Pero bago makasagot si Greco, tinuro niya si Matteo na palapit sa pwesto namen.

“Ju” tawag niya saken.

Casual lang. Kunwari walang nangyaring kakaiba sa Ilocos. Kunwari, di niya ako hinalikan. Kunwari, di ko sinabi nararamdaman ko.

“Matty…. okay ka….”

“Hinahanap ka ni Laurence sa labas” pahabol niya pa.

Di ko talaga mabasa nasa isip ni Matteo!!! Gustong gusto ko na malaman!!!

“Ahhh, sige sige. Ikaw ba di mo…..” sasabihin ko sana kung ‘di ba niya ako kakamustahin’ pero umalis na siya kaagad na parang nasasaktan siya.

Ayoko talaga ng ganung feeling na may nasasaktan ako.

Lumabas na ako kaagad ng room at nandun si Laurence, may kausap sa phone.

Sumenyas siya ng ‘wait lang babe’ saken.

Pagkatapos niya dun, niyakap niya ako kaagad at hinalikan sa noo.

“Babe, lunch tayo maya?” Tanong niya saken.

“Oo naman. Sure.”

“Babe, okay ka lang ba talaga? Ever since nung nag Ilocos ka, palagi ka na lang nakatulala diyan”

“Sorry talaga babe.”

“Ano bang nangyari sa Ilocos babe? May dapat ba akong malaman?” Tanong niya saken.

Sasabihin ko ba? Sige, sasabihin ko na. Pero wag dito, wag ngayon. Gusto ko yung kaming dalawa lang.

“Wala babe hehe. Pero pwede ba tayong umalis mamaya? Yung tayong dalawa lang?” Tanong ko.

“Ofcourse. Gusto mo sa bahay na lang? Or sa ibang lugar pa?”

“Pwede ba sa ibang lugar? Luneta?”

“Luneta? Korny hehe pero sige kung saan mo gusto” sabi niya.

“Thanks babe”

Hinawakan niya yung kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

“Okay ba tayo babe?” Bigla niyang sabi.

Sobrang naguguilty ako sa ginawa ko sa Ilocos.

Kita ko kasi sa mata ni Laurence na mahal niya talaga ako.

“Yes babe. Later ah?” Sabi ko na lang.

“Hehe sige po”

Pagbalik ko uli sa room, nasa dulo na naman ng room si Matteo at naka tungo. Ayoko sanang isipin na umiiyak siya pero mukhang umiiyak nga siya.

Pagkalapit ko sakanya at hawak sa likod, bigla na lang siyang tumayo at lumabas ng room.

At oo, umiiyak siya.

++++

Di ko alam yung tamang sasabihin ko kay Laurence.

Tatawagin ko ba siyang babe? Or Laurence?

Makikipaghiwalay ba ako or ano?

Mahal ko si Laurence oo. Pero ang panget pakinggan na mahal ko rin si Matteo.

Mahal ko o Mahal ako?

Sht. Ang sakit sa ulo.

“Babe, nagdala ako ng panlatag para sa damuhan tayo hehe. First time ko tong gagawin babe ah. Hehe”

Panlatag sa damuhan? Ginawa namen ni Matteo to sa Ilocos tapos hinalikan niya ako.

“Ohh, nandito na tayo babe. Hehe, ano ba sasabihin mo saken?”

Nakaayos na kami sa damuhan at may mga pagkain pa.

“Babe, alam mo ba na gusto ka isama nila dad sa Japan trip namen sa Pasko. Hehe, okay lang ba sayo?” Tanong niya.

Sht. Ano ba to. Sana ako lang nagsasalita.

“Babe….”

“Ay babe, teka lang hehe. Nasabi ko na rin pala kina mama at papa na gusto ko mag Singapore tayong dalawa sa Christmas Vacation din hehe. Para naman tayong dalawa lang hehe”

Masyado siyang maeffort. Sobra. Isa sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan si Laurence.

“Okay lang ba sayo babe?” Tanong niya uli.

Pero habang tinitignan ko siya, nakikita ko kung paano ko siya niloko kay Matteo.

Di niya deserve yung ginawa ko sakanya.

“Babe?” Tawag niya uli.

Pero naiiyak ako ng mga oras na yun.

“Uy babe, bakit ka umiiyak???”

Di ako makapagsalita.

“Babe. Babe, ano ba…. uy!”

Niyakap niya ako bigla. Pero umiiyak pa rin ako.

“Anong problema babe???”

“Sorry….” ayun lang nasabi ko.

“Bakit nga babe???”

“Sorry….”

“Nagsosorry ka ba saken or ano? Ano babe??”

“Hinalikan ako ni Matteo sa Ilocos!”

Nakatitig siya saken na parang di siya makapaniwala.

“Ha?” Sabi niya.

Kinalma ko muna sarili ko para makapagsalifa ng maayos.

“Hinalikan niya ako.” Sabi ko.

Binitawan niya ako tapos tinakpan niya mukha niya.

Di talaga deserve ni Laurence to.

“Nagustuhan mo ba?” Tanong niya, pero ramdam ko sa boses niya na naiiyak siya.

Di ako sumagot.

“Ano pa? Ano pang nangyari?” Tanong niya pero di pa rin siya makatingin saken.

“Mahal niya daw ako” sabi ko.

At mas napansin ko na nga na umiiyak siya. Pinupunasan niya yung luha niya, pero hinawakan ko kamay niya. Pero binitawan niya yun at tumingin saken.

Sht, ayoko ng ganito na umiiyak siya. Ang sakit makita na umiiyak si Laurence.

“Anong sagot mo nung sinabi niya yun?” Tanong niya.

Mas naiyak na lang ako ng oras na yun.

“Sabi ko, mahal ko rin siya.”

Mas narinig ko yung pag iyak ni Laurence ngayon, humahagulgol siya sa pag iyak.

Parang di ko kaya nakikita ko.

“Minahal mo man lang ba ako?” Tanong niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Mahal kita Laurence. Totoo yun, mahal kita babe.”

Pero umiiyak pa rin siya. Sobrang sakit talaga makita na ganito si Laurence.

Maya maya, pinunasan ni Laurence mga luha niya at tumingin siya saken.

Namamaga mata niya at patuloy pa rin sa pagtulo mga luha niya.

“Mahirap kalaban ang bestfriend, Julian.” Sabi niya.

Di ako makapagsalita.

“Tinanong kita eh, ang sabi mo hindi mo siya mahal pero ano to?”

Di pa rin ako makapagsalita. May karapatan siyang magalit.

“Simula pa lang alam ko na na kasama si Matteo sa Ilocos, kunwari lang di ko alam para di ako masaktan. At saka gusto ko magkaayos kayong dalawa, kasi nakita kita kung paano ka nung panahong hindi kayo okay…. pero, higit pa pala sa pag aayos yung nangyari sainyo”

Pinunasan niya uli yung luha niya,

“Wala akong ginawa Julian kundi pasayahin ka, at mahalin ka. Tinanong kita kung anong kulang ko, pero ganito lang pala mararamdaman ko.” Sabi niya sabay tayo at alis.

Di ko na siya pinigilan, at hinayaan ko na lang siya umalis.

Naiwan ako mag isa sa Luneta saka ko na lang napagpasyahang umuwi.

+++

Habang naglalakad, iniisip ko pa rin si Laurence, kung paano siya.

Iniisip ko rin si Matteo kung kumusta siya.

Pero ako? Kumusta ba ako?

Parang sobrang stress na stress ng pakiramdam ko ngayon.

Habang palapit naman sa bahay, may napansin akong nakaupo sa tapat ng bahay namen.

Paglapit ko, mas lalo ko siyang nakita.

“Uhm, Hello?” Sabi ko.

Tumayo siya at nagpagpag ng pwetan.

Kasing tangkad ko siya, mas matangkad pa nga ata ako ng konti.

Mestisuhin siya at mukhang maamo yung mukha.

At sa paningin ko, gwapo siya. Malinis tignan at mukhang may kaya.

“Hi, Ikaw ba si Julian?” Tanong niya.

Ma cute din yung boses niya. Parang ang bait bait.

“Hi, oo ako nga. Sino ka?” Tanong ko.

“Hi, ako si Lucas. Pwede ba kitang makausap?”

++++

VOTE AND COMMENTS!!!!!!

SIGE, EXTEND KO HANGGANG CHAPTER 50!!! HIHI. SO LAST 16 CHAPTERS NA LANG HA?!!!!

VOTE VOTE VOTE PLEASE!!!! 😁

Part 35

KAPAG NATALO ATENEO MAMAYA, WAG NA KAYONG UMASA SA UPDATE. BITTER KUNG BITTER HAHAHAHAAJK.

VOTE AND COMMENTS PLEASE?!!!!! GO! VOTE AGAD!!!

+++++++++

Pinapasok ko siya sa loob pero tumanggi siya.

“Dito na lang, nakakahiya naman sainyo” sabi niya saken.

Ang sweet at bait ng boses ni Lucas. Plus factor pa yung face niya.

“Uhm. Malamok…. I insist”

“No, sandali lang naman. At saka aalis din ako kaagad. May gusto lang akong sabihin”

“Ahh sige, ano yun”

“Nagbalik na ko ng Pilipinas for good. Mahirap kasi kapag hindi ko nakakasama si Laurence and I know, ganun din siya saken.”

Nag iba bigla yung aura niya na parang nagtataray siya saken.

“I heard niligawan ka daw niya? Right? And boyfriend mo siya? Right?”

Wow, nakataas pa yung kilay niya ngayon. Medyo nagulat at natakot ako kasi ang bait bait niya nung una tapos biglang ganito.

Di naman ako makasagot sa tanong niya kung kami pa ba or hindi.

“Well, I want my boyfriend back. And hindi ako titigil hangga’t di ko siya nakukuha” medyo palaban niyang sabi.

“Ahhh….hmmmm….” hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko, hindi ko nga alam kung kami pa ni Laurence.

“You look nice naman and all, pero I know, deel inside, mahal pa rin ako ni Laurence. Nag uusap kami palagi, nakekwento niya ba sa’yo?”

Umiling ako kasi wala naman nababanggit saken si Laurence.

“See? Please. Mas masarap magmahal kapag bestfriend ang minamahal mo. Bestfriend ko si Laurence, Julian kaya sana maintindihan mo”

Wala pa rin talaga akong masabi.

“Ayun lang sasabihin ko Julian. You look good, at feeling ko kung walang ganitong issue, magiging magkaibigan tayo.”

Nag ayos na siya ng sarili niya at mukhang magpapaalam na.

“Sorry sa istorbo Julian. Aalis na ako” paalam niya.

Ngumiti naman siya saka umalis pero hindi na lumingon.

Isa pang weird sa nangyari ngayong gabi ay…,

Hindi ko mabasa nasa isip ni Lucas.

++++

Parang di masyadong nag sink in saken na nagkita kami ni Lucas dahil mas tumatak saken yung nangyaring pag amin ko kay Laurence.

Di nagtext o tumawag saken si Laurence.

Di pa rin ako pinapansin ni Matteo sa school.

Technically, lumungkot talaga buhay ko dahil sa nagiging desisyon ko.

Kaya habang naglalakad ako palabas ng school para kumain ng lunch, nakatulala lang ako. Walang paki sa kung anong nangyayari.

“Julian” tawag saken ng lalaking mukhang naka detective outfit at may hawak pang magnifying glass.

“Ahm, Yes po?” Medyo creepy itsura niya.

Tumingin tingin siya sa paligid, eh marami namang tao.

“Sumama ka saken, ako si Detective Conan.” Bulong niya saken.

As in yung anime?

Parang baliw naman tong isang to, kaya di ko na lang siya pinansin.

“Julian.” Tawag niya uli.

“Nasa panganib ka, kailangan mong sumama saken.“sabi niya pa.

“Hala, baliw po ata kayo. Iba na lang po pagtripan niyo”

“Grabe, baliw kaagad. Haha ako to Julian, si TB!” sabi niya

Tumatawa siya habang nagpapakilala.

“Haha, effective talaga mga disguise ko sa’yo no? Haha”

Kahit papano napangiti naman niya ako sa ginawa niya.

“Ano ba? Okay ka lang ba? Baka kailangan mo ng kausap, nandito ako, si TB mo, kakausapin kita. Alam ko naman may pinagdadaanan ka eh”

Alam pala lahat ni TB.

“Hehe, wala….”

“Wag mo kong pagsisinungalingan haha. Alam ko naman lahat eh, pwede ka namang mag share saken ehh” singit pa ni TB.

Parang aside sa parents ko, si TB talaga mapagkakatiwalaan ko eh.

“Sige, kung ayaw mo, gusto mo mag training na lang tayo para sa event?” Sabi niya.

“Training?”

“Yeap. Sabihin ko sa’yo lahat ng ginawa ko nung ako yung sumali sa event na yan!” Kwento niya.

“Talaga?”

“Yeap. So ano? Tara na?” Sabi niya.

Parang kailangan ko to para kahit papano, makalimot ako.

Di naman kami lumayo at sa mall kami pumunta.

“Bakit tayo nandito?” Tanong ko.

“Mainit kasi eh, ang init ng outfit ko kaya tayo nandito” pinagtitinginan nga si TB kasi nakapamg detective outfit siya eh ang init pa naman.

“Ano ba yan, akala ko ba training?”

“Yes. Training. Eto kasi yung stage 1 ko nun. Crowded people, ang goal, makahanap ako ng limang may gift sa isang crowded place” sabi ni TB.

“Oh, bakit ganun yung stage 1? Parang madali?” Tanong ko.

“Ofcourse sa’yo madali. Malalaman mo agad kapag di mo nabasa isip, malaking chance na may gift yun eh. Kaya nga ako number 1 diba? Kasi nadalian talaga ako sa lahat” kwento niya pa.

“So, ganun gagawin natin dito?”

“Kung may makita ka, edi okay. Kung wala, edi okay din. Sigurado naman akong iibahin yung setting ngayon ng battle eh”

“Paano mo naman nalaman?”

“Eh kasi siguradong kinekwento din ng ibang nakasama ko sa mga alaga nila yung naging experience nila sa event namen nun!”

“Eh bakit saken di ka nagkekwento?!”

“Eh kasi sobrang dali. Pabor na pabor talaga saten yung event na yun.”

Tama. Parang feeling ko talaga pabor saken lahat ng nangyayari.

“Tip ko lang sa’yo, kapag nasa stage 3 ka na at nakikipaglaban ka na sa lahat, makipag alyansa ka. Kasi di mo kakayanin ng isa, or better, makipag kampi ka sa isang elementor. Kasi magandang offensive yun” kwento ni TB.

“Eh, alam ko na yang mga yan ehhh”sabi ko pa.

“Hmmmm. Edi ang kailangan mo na lang eh magpalevel Julian, ienjoy mo lang talaga yang battle.”

“Ano ba naman yan, akala ko pa naman mag ttraining tayo!”

“Hehe, gusto lang kita samahan Julian. Kita ko kasi lungkot mo eh, pwede naman akong maging kaibigan mo hehe”

Medyo natuwa naman ako ng konti kay TB,

“May palapit na may gift Julian, aalis na ako….” biglang sabi ni TB.

Hinanap ko naman sa paligid kung sino at nakita ko si Sarah at Kennard na magkasama.

“Julian? Julian!” Lapit saken ni Sarah.

Medyo awkward para saken si Kennard ngayon kasi sigurado akong alam na niya yung nangyari samen ni Laurence.

“Okay ka lang ba?” Tanong saken ni Sarah.

“Huh? Okay naman hehe. Bakit?”

“Hmmm. Nakwento kasi saken ni Kennard” sabi ni Sarah.

Hinanap ko naman si TB sa paligid pero wala na siya!

“Ahh ganun ba…. hmm, Kennard?” Sabay tingin ko sakanya “… si Laurence?” Tanong ko.

“Dapat hindi kita kinakausap ngayon eh, dapat mas kampihan ko si Laurence kasi tropa ko yun eh kaso….”

“Kaso ano?” Sabi ko.

“Si Lucas kasi, dumating na.”

“Ahh oo, nameet ko na si Lucas.” Sabi ko.

Nagulat naman si Kennard.

“Talaga? Si Lucas? Na tropa namen?”

“Oo. Pumunta siya sa bahay kagabi” sabi ko.

“Paano niya nalaman yung bahay niyo?”

“Hmmm. Di ko alam, basta nasa bahay siya eh”

“Teka, teka, etong Lucas ba to yung tinutukoy mo….” nilabas niya phone niya at pinakita saken yung picture.

“Oo. Siya nga, bakit?”

“Ahh. Wala. Wala, hehe. Kakagulat lang at pinuntahan ka niya, ano bang sabi niya sa’yo?”

Kinwento ko naman lahat ng sinabi ni Lucas saken.

“Wow. Palaban pa rin talaga si Lucas hehe. Ayun nga, so sabi niya rin saken gusto na niya bawiin si Laurence. Ano naman masasabi mo dun?” Tanong ni Kennard.

Ano bang masasabi ko dun?

Di ko talaga alam. Di ko alam kung anong masasabi ko dun eh.

Di ko na lang muna sinagot yung tanong ni Kennard.

Gusto ko rin sana sabihin sakanila na di ko mabasa isip ni Lucas, kaya baka may gift din siya.

+++

Pag uwi ko sa bahay…

Nandun si Matteo sa labas ng bahay namen, nakaupo at nakatingin sa cellphone niya.

Ano bang sasabihin ko sakanya? Ano bang sasabihin niya saken?

“Eheeem. Eeheeeemm….” sabi ko paglapit ko sakanya.

Tumingin siya saken tapos ngumiti.

Wow, ngumiti siya.

Ang gwapo niya talaga.

“Kumusta?” Tanong niya saken.

“Ahhh…. sa totoo lang, di ko alam hehe”

“Kasalanan ko ba? Hehe. Sorry, ginulo ko buhay mo Ju ah” sabi niya saken.

“Hala, hindi mo ginulo Matty. Hindi talaga, promise” sabi ko.

Tumabi naman ako sakanya.

“Wala kasing tao sa bahay niyo eh hehe kaya di ako makapasok” sabi niya.

“Ha??? Wala sila mama at papa? Tsk .wala pa naman akong susi”

“Hayaan mo na. Okay naman na dito eh hehe.”

Medyo malamig na yung hangin nun. Kaya nakayakap ako sa sarili ko.

“Nilalamig ka ba?” Tanong niya.

“Hehe, medyo….”

Bigla naman niya akong inakbayan at pinasandal sa kanya.

“Matty…”

“Shhhhh. Hehe, malandi na kung malandi ako, pero gusto talaga kita Ju.”

Iba talaga yung feeling kapag kasama ko si Matteo at iba rin yung feeling kapag si Laurence yung kasama ko

“Sinabi ko na pala kay Laurence, Matty. Yung about sa Ilocos” sabi ko.

“Ohhh? Talaga? Ano naman sabi niya?”

“Syempre nagalit. Di ko naman maiiwasan yun”

“Sabagay. Hehe. Atleast alam na niya” sabi niya.

Bakit gustong gusto ko yung eksena namen sa labas ng bahay.

Nakaakbay siya tapos nakasandal ako sakanya. Feel ko talaga yung kilig.

“Ju?”

“Yes?”

“Mahal mo pa rin ba ako?” Tanong niya saken.

“Matty… wag muna ngayon…”

“Please, oo o hindi lang?”

Ayoko talagang sagutin pero kinukuror niya yung braso ko.

“Ju…. ano?”

“Matteo naman…”

“Kasi ako mahal kita Ju.”

Eto na naman siya, mga salitaang nagpapagaan ng loob ko.

“Matteo naman…”

“Dali na kasi! Wag ka ng mag pabebe! Hehe” nandun yung tono niya ng pagpapatawa kaya napatawa ako.

Nagkatitigan kaming dalawa at tinignan niya ako sa mata na parang ako lang yung nag iisang tao sa mundo.

“Alam mo bang everytime na tinitignan mo ko, sobrang naiinlove ako. Nung mga nakaraang linggo na bigla bigla mo na lang akong titignan bigla, grabe Ju. Halos manapak na ako sa kilig nun”

Yung tinutukoy niya kasi yung panahong gustong gusto ko malaman yung nasa isip niya pero di ko mabasa.

“Haha baka kasi sakaling mabasa ko naiisip mo kung titignan kita ng maigi” sabi ko naman sakanya.

Natawa siya, siguro hindi niya alam na ganun talaga yung ginagawa ko.

“Haha, edi baka di mo na pinansin si Laurence nun. Nalaman mo na na mahal na mahal kita”

“Pwede ba wag mo munang sabihin yan?“sabi ko.

“Alin?”

“Yang letter ‘M’ na yan” sabi ko.

“Anong ‘M’? Maraming M na word Ju” sabi niya sabay ngiti.

Di ko rin maiwasang di mapangiti sa kanya.

“Sabihin mo na kasi Ju” sabi niya pa uli.

“Alin? Yung mahal ba?” Sabi ko.

“Ewan ko, ano ba tinutukoy mo?”

Para kaming baliw na nakangiting dalawa.

Maya maya, narinig ko yung boses ni Mama.

“Julian anak?” Sabi ni mama.

Dali dali naman kaming tumayo ni Matteo at humarap kina mama.

“Good Evening po” bati ni Matteo.

Tumingin sila mama at papa samen ni Matteo na parang iba.

“Bakit di pa kayo pumasok?” Tanong ni mama.

“Wala akong susi eh”

“Nako, bakit di mo kami tinext kaagad, edi sana umuwi na kami agad agad ng papa mo”

Pumasok na kami sa bahay at mas na feel ko bahay namen dahil sa init.

Umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis.

Pero sumunod si papa saken sa kwarto.

“Pa!” Medyo napasigaw ako.

“Julian!” Medyo sumigaw din si papa.

“Eeeeeh. Si papa naman eh hehe”

“Hehe sorry anak. Kumusta ka ba?” Tanong ni papa.

“Po?”

“Nako, sabi ko sa’yo dati diba, kapag may problema, magsabi ka saken”

“Hehe. Wala naman po eh”

“Talaga? Wala? Paano kung sabihin ko sayo na nagusap kami ni Laurence kanina?” Sabi ni papa.

Sht. Si Laurence?

Binasa ko isip ni papa at nakita ko ngang magkasama silang dalawa kanina.

“Oh, edi nagulat ka diba?” Sabi pa ni papa.

“Ehhhhhh kasi papa….”

“Ohh, halika rito. Sabihin mo saken, sino ba talagang gusto mo?”

“Pa naman ehhhh…. nahihirapan na nga ako tapos tatanungin mo ko ng ganyan” sabi ko pa.

“Haha, sorry anak. Pero, meron akong sasabihin sayo.”

“Ano yun pa?”

“Alam mo bang ganyan na ganyan sitwasyon ko nung ganyang edad ko?” Kwento ni papa.

“So ibig sabihin pa….”

“Teka, hindi pa tapos kwento ko, pagkwentuhin mo muna ako haha!”

“Haha sorry po hehe sige, ano po bang nangyari?”,

“Hehe kasi ganito naman yun. Mama mo kasi pinaka chicks nung kapanahunan namen hehe. Aba, syempre dapat maligawan ko siya kahit papano diba? Hehe”

Nakakatuwa naman ako nagkekwento si papa ng ganito

“Hiningan ko ng payo bestfriend ko, si Linda. Kung tama ba gagawin ko, ang sabi niya, sige daw, Go ako! Pero ang totoo nun, si Linda talaga mahal ko” sabi ni papa.

“So hindi si mama ang true love mo?”

“Hindi naman siguro, hindi lang siya yung first love ko. Parang ginawa kong sign yung pagtanong ko sakanya about sa pagligaw sa mama mo, kapag pumayag siyang ligawan ko, kakalimutan ko na si Linda, pero kapag umamin siya saken, edi si Linda na liligawan ko” kwento niya

Wow. Masyadong pang teleserye.

“So niligawan ko na ang pinakamamahal na Lily ng buhay ko, ang mama mo, at syempre sinagot niya ako.”

“Ohhh. Ano nangyari kay Linda Pa?”

“Teka, hindi pa tapos… one time, naginuman kaming lahat, Birthday ko nun, tapos out of nowhere, nagulat ako ng bigla akong halikan ni Linda. At di lang yun, may nangyari pa samen. Alam mo na yung details…”

Same na same samen ni Matteo except sa part na may nangyari.

“Nagulat ako, kasi alam ko sa sarili ko mahal ko pa si Linda na bestfriend ko nun, tapos may nangyari pa samen.”

“Di lang dun natapos, nalaman din ng mama mo yun. Syempre nagalit siya at lumayo saken”

“Naging kami ni Linda nun, pero naaalala ko mama mo, nainlove na pala ako ng tuluyan sakanya at parang feeling ko masisira yung pagkakaibigan namen ni Linda kaya di ako nag take ng chance masira yun, nakipaghiwalay ako kay Linda at mukhang okay naman siya. At naging kami uli ng mama mo, until now naging kami pa rin”

Sa kwento ni papa, parang ang lumalabas, ako si papa. Si Matteo si Linda, tapos si Laurence si mama.

“Hindi ka ba nagsisi nun pa? Di mo ba naisip na mas masarap karelasyon ang bestfriend?”

“Masarap anak, oo. Kaso may babae kasi na binebestfriend at may babaeng ginigirlfriend.”

“So, walang araw na di ka nagsisi na pinili mo yung iba over bestfriend mo?”

“Hinding hindi anak. Kita mo naman na sobrang saya namen ng mama mo, tapos nabigyan pa kami ng tulad mo. Ano pang hahanapin namen, kahit pasaway ka okay lang. Di ako nag sisisi”

“Ehhhh. Papa naman eh!”

“Hehe, biro lang anak.”

Parang history repeats itself yung storya namen ni papa.

“Same situation tayo anak, sobrang same pero nasayo pa rin ang desisyon. At kahit anong gawin mo, okay lang saken!” Sabi ni papa.

Niyakap niya ako ng mahigpit at sa sandaling yun, feeling ko ayun ang pinaka kailangan ko sa lahat.

“Ohhh, okay ka na ba?” Tanong saken ni papa.

“Opo, hehe. Medyo, salamat po”

“Hehe no prob anak, basta bilisan mo mag decide kasi pag pinatagal mo pa, mas lalong masasaktan yung iiwanan mo”

“Hehe. Salamat talaga pa”

“Sus, ganda ganda mo rin eh no, daig mo pa nanay mo sa haba ng buhok mo!” Sabi ni papa saken.

Natawa na lang ako at bumaba na.

Pero pagbaba ko, nagulat ako ng makita ko si Laurence.

Naka uniform pa siya at may dalang bulaklak.

Magkatabi sila ni Matteo sa sofa, at nakaupo.

“Babe” sabi ni Laurence.

Tumayo silang dalawa.

Nakatingin lang si mama saken at nakangiti.

“Oh diba, ang ganda mo!“bulong pa ni papa saken.

Bigla naman nagsalita si Laurence.

“Alam ko lahat, Masakit yung ginawa mo babe. Pero mas masakit kapag nawala ka saken. Let’s start again. Promise, kaya kong kalimutan lahat for you” sabi ni Laurence sa harap ng parents ko.

Seryoso si Laurence. Kita ko sa mga mata niya.

Tinignan ko naman si Matteo, tahimik lang siya at nakatingin saken.

“Ju….” sabi ni Matteo.

“Ju.., wala akong kayang ibigay sa’yo kundi pagmamahal lang. Di kita pinaglaban nun pero ngayon handa na akong ipagsabi sa lahat na mahal na mahal kita” sabi naman ni Matteo.

“Babe, mahal na mahal din kita.” Singit ni Laurence.

“Mas mahal ko siya pre.” Sabi ni Matteo.

“Atleast ako, hindi ko siya kinakahiya. Kaya kong pagsigawan sa lahat ng mahal ko siya”

“Hindi ko kailangan ipagsigawan na mahal ko siya, mabuti na yung nararamdaman niya yun at nakikita. Private lovelife is happy life”

“Pero kasi pre, kami ni Julian eh. Tapos bigla kang sisingit ng ganun?”

Medyo nagkakainitan na sa sofa kaya pinigilan ko na silang dalawa.

“Please. Wag niyo ko pressurin, pwede bang magpahinga na ako? Sobrang naiistress na kasi ako eh” sabi ko sakanila.

Umoo naman silang dalawa.

“Sige babe.” Paalam ni Laurence.

“Sige Ju” paalam naman ni Matteo.

Paglabas nilang dalawa, si mama at papa namen nakatingin lang saken.

“Daig ko pa nagkaroon ng anak na babae eh haha!” Biro ni papa.

“Hehe, kumain ka muna anak. Bago ka mapahinga” yaya ni mama.

At sa oras na yun, ang kailangan ko lang ay family bonding.

+++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

Pinagiisipan ko pa yung Battle ng mabuti eh! Haha Don’t worry, mahaba habang battle yun promise!!

VOTE AND COMMENTS AHH? 😃😃😃😃😃

Part 36

CONGRATS ATENEO!!! 💙💙

VOTE AND COMMENTS!!!

++++++

Iniiwasan ko muna si Matteo at Laurence para di ako makasakit. Ang sabi ko, wala muna akong kakausapin sa kanilang dalawa.

Sa ngayon, si Sarah at Kennard muna yung kasama ko at kumakain kaming tatlo sa mall.

“Alam mo Julian, ayoko sa’yo para kay Laurence eh, kasi, gusto ko si Lucas para sakanya. Pero syempre, as bagong kaibigan at kaibigan ng labs ko, susuportahan ko pa rin magiging desisyon mo hehe” sabi ni Kennard saken.

Pare parehas kaming naka uniform, CEU, TIP at FEU.

“Labs naman, wag ka ng magsabi ng ganyan, pinapahirapan mo pa isip ni Julian eh haha. Hayaan mo na lang muna siya” sabi naman ni Sarah.

“Kapag tropa, tropa lang kasi. Walang taluhan, sabihan mo nga si Matteo niyan, Julian!” Sabi ni Kennard.

“Ano ba? Akala ko ba di natin sila pag uusapan?” Sabi ko sakanila.

“Hehe, sorry sorry.”

Nasa McDo kasi kami ngayon, at nakikita ko lahat ng mga tao sa labas na dumadaan, at nakita ko ang familiar na mukha.

Si Spencer!

“Uy, naalala niyo siya?” Turo ko kay Spencer na nakapila sa counter.

“Ayyy oo. Yung weird na lalaki”sabi ni Sarah.

“Nako, isang pitik ko lang ng apoy diyan, siguradong sunog yan haha!” Sabi ni Kennard.

“Haha, edi ikaw na ang may gift of fire!” Sabi ni Sarah.

“Pero syempre, mas hot ka pa rin” bulong ni Kennard kay Sarah.

Infairness sa dalawang to, kinikilig ako sakanila.

Di naman nawala yung tingin ko kay Spencer at napansin kong may nilabas siya sa bag niya.

Sht!!!

Yung libro!

Katulad ng saken. Katulad ng samen. Pero sakanya, kulay Grey.

“Tignan niyo!” Sabi ko kaagad sakanilang dalawa.

Nagulat sila nung nakita nilang hawak ni Spencer yun.

So ibig sabihin….

May gift din si Spencer.

“Teka, eh bakit ibang kulay sakanya?” Tanong ko.

“Depende siguro sa gift mo” sagot ni Kennard.

Napansin ko rin na umiilaw yung libro ko sa bag ko.

“Ano yan Julian? May announcement ka?” Tanong ni Sarah.

“Hindi, hindi, naalala ko lang kasi na….” hindi ko natapos yung sasabihin ko.

Sasabihin ko sana na umilaw yung libro kong nung nakita ko sa beach si Sarah na parang….. tracker…. tracker yung libro ko.

Natulala lang sila sa sinabi ko.

Bakit di ko napansin yun? Oo! Pwedeng maging tracker yung libro ko kasi umilaw to nung nakita ko si Sarah.

Si Kennard naman, naiwan ko nun sa bahay yung libro ko habang nag iinuman kami sa bahay ni Laurence, kaya hindi ko alam kung umilaw yung libro ko.

Si Gab? Si Gab naka discover about sa gift ko kaya hindi talaga iilaw yung libro ko.

Si Greco? Si Greco, hindi ko naman dala palagi yung libro ko kaya nung pinahawak ko sakanya yung libro, hindi na siya nagsilbing tracker kasi meron na akong kutob na may gift siya.

Tama!!

Tama!!

Si Lucas naman kasi hindi ko hawak libro ko kaya hindi ko alam kung may gift siya o wala.

Oh My Gosh.

So, tracker din pala yung libro ko ng mga may gift?

“Uy, dala niyo ba yung libro niyo?” Tanong ko sakanila.

“Oo naman, palagi” sabi nila.

“Patingin nga, now na” sabi ko kaagad.

Medyo sa dulo kami nakaupo kaya siguradong di pa kami napapansin ni Spencer.

Pagkalabas nila ng libro nila, hindi naman umiilaw yun.

Nung pinakita ko sakanila yung libro ko, nawala bigla yung ilaw.

Ano ba yun?

Anong ibig sabihin nun?

Ibig sabihin, ako lang nakakaalam about sa tracker kong gift?

“Bakit ba Julian? Ano bang problema?” Tanong ni Sarah.

“Ahhh, eh wala wala. Hehe” baka kailangang lihim lang din yung about dun.

“Weird mo Julian ah haha. Ano? Tirahin naba natin yang Spencer na yan? Haha” sabi ni Kennard naman.

“Uy, wala namang ginagawa yung tao saten hehe.” Sabi ko.

Napansin ko naman na palapit si Spencer sa pwesto namen, nasa tray niya yung libro.

May bakante kasing lugar sa tabi namen kaya dun siya. Nakangiti siya habang palapit samen.

Maya maya, biglang nahulog yung libro niya bago pa siya makaupo.

Pagkakataon ko na para mahawakan yung libro niya.

Pagka abot ko sakanya….

Nagulat ako.

Nasa ibang lugar na ako.

Parang isang gubat, puro puno.

Mataas yung sikat ng araw.

Puro damuhan din sa lupa.

At napakadaming butterflies.

Wow. As in wow, sobrang ganda.

Ang tahimik ng lugar, ang payapa. Ang fresh ng hangin, ang sarap sa pakiramdam.

At for a moment, nakita ko si Spencer na nakatingin saken ng mga oras na yun.

Bigla siyang ngumiti.

“Wow, ang ganda…” sabi ko.

“So…. nakikita mo ko?” Tanong ni Spencer.

Nasa magandang lugar pa rin kaming dalawa at kami lang tao dun.

“Oo naman” sabi ko.

Nagbago yung expression ng mukha niya at unti unti ng nawawala yung magandang lugar, unti unti ng bumabalik sa paningin ko yung lugar ng McDo.

“Julian? Ano nangyari?” Tanong ni Sarah sa harapan ko.

Gusto kong sabihin sakanila yung kapangyarihan ni Spencer pero baka mayari ako.

Kaya inabot ko naman sakanilang dalawa yung libro ni Spencer.

Tumingin si Spencer kina Sarah at Kennard at nakita kong nakatulala sila.

Mukhang pinapakita ni Spencer yung kapangyarihan niya.

Nakakamangha, ano kaya yung exact gift niya? Sobrang nakakabilib.

“Hey stop” sabi ko kay Spencer.

Tumingin uli siya saken at ngumiti.

“Paano mo nagagawa yun?” tanong ko kay Spencer.

Naupo siya sa tabi namen at nagkwento.

“Mas nagtaka ako kung bakit hindi gumana sainyo yung una kong attempt” sagot niya

“Well, since nahawakan na namen yung libro mo, edi umeepekto na yung gift mo” sabi ni Sarah.

“Woah, so, kayo?….”

Ngumiti lang kaming tatlo.

“Wow! Ang swerte ko, tatlo kaagad nakilala ko!” Sabi uli ni Spencer.

“Your gift is amazing!!” Sabi ni Sarah.

“Hehe thanks, SO..,. Ano yung sainyo?” Tanong samen ni Spencer.

“Hehe. Maybe next time, kapag nagkita kita na tayo sa event” sagot naman ni Kennard.

“Why? Hehe. I’m completely harmless” sagot ni Spencer.

“No. Actually you’re pretty lethal. Haha” silang dalawa lang nag uusap.

“Knowing na mababa pa level ko, I think, hindi naman siguro”

“Anong level mo na ba?”

“Level 8” sagot ni Spencer.

“Ahhh. Okay okay hehe”sago ni Kennard.

Pero mas nacucurious ako sa gift ni Spencer.

“Ano ba talaga yung exactly na gift mo?” Tanong ko kay Spencer.

Ngumiti lang siya at binalik yung libro niya sa bag niya.

“Illusionist.” Sabi ni Spencer.

++++++

Parang di ako makapaniwalang si Spencer ang illusionist. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, umalis din kasi siya kaagad at may pupuntahan pa daw siya.

Nasa bahay na ako ngayon at nakadapa sa kama.

Naiisip ko pa rin si Matteo at Laurence.

Sakto naman, biglang tumawag saken si Matteo, ayoko sanang sagutin kaso mukhang importante eh.

“Hello?” Sagot ko

Pero di siya nagsasalita. Pero nakakarinig ako ng malalim na pag hinga.

“Uy Matty” sabi ko.

“Ju” sa tono ng boses niya, alam kong umiiyak siya

“Uyy Matty! Bakit ka umiiyak?” Tanong ko.

“Ju…. kausapin mo ko, mababaliw na ako dito sa bahay” talagang naakaawa yung tono ng boses ni Matty ngayon. Parang kanina pa siya umiiyak.

“Anong nangyari diyan Matty?”

“Wag natin pag usapan Ju, ibang topic tayo please”

Sobrang naaawa talaga ako sa tono ng boses niya.

“Ahhh sige sige. Hmmmm…. ano ba.”

“Ju, kantahan mo naman ako” sabi niya pa.

“Pero…”

“Dali na Ju. Kahit ano lang…” sabi niya.

Nagpapatugtog kasi ako sa radyo ngayon at yung kanta eh, hanap hanap ng JaDine.

Favorite ko rin tong kantang to eh kaya ayun na lang kinanta ko.

“ Ikaw pa rin pala ng hanap hanap, parapa….“

Bigla naman siya sumingit.

“Ano ba yan, pinapaasa mo talaga ako no? Hehe” may konting ngiti sa boses niya nun.

“Haha, eto kasi yung tugtog sa radyo ehh” sabi ko.

“Hehe, wag ka na kumanta. Papaasahin mo lang ako”

Di naman ako sumagot sa sinabi niya,kasi ayoko naman paasahin siya.

“Anong ginagawa mo ngayon Ju?” Medyo pabulong pa rin boses niya.

“Nakadapa lang ako, tapos kausap ka hehe. Ikaw?”

“Nakaupo lang sa kama, kausap ka rin”

Natahimik uli kaming dalawa.

“I love you Ju. Sorry lang at masyado akong duwag non…”

Nagulat ako sa sinabi niya ng ganun out of nowhere.

“Matty….”

“Nako kinilig ka na naman hehe. Hayaan mo na yun, kalimutan mo na lang na sinabi ko yun hehe” basta pabulong lang boses niya at naiimagine ko siya.

Siguro topless siya, hilig niya kasi mag topless eh, tapos naka boxer siya.

“Gusto mo bang ako naman ng kumanta?” Sabi niya pa.

“Ay, panget boses eh hehe pero sige” sabi ko.

“Hehe, wala ka naman magagawa ehhh.”

Natahimik siya bigla at narinig ko na lang na nag gigitara siya at yung kanta?

Yung super favorite kong It Might Be You!!

“Matty!!! Bakit naman yan?….”

“Shhhh. Wag ka maingay, ako lang kakanta hehe”

“Time…. I’ve been passing time, watching trains go by…. all of my life….”

Iba talaga yung feeling na kinakantahan ka ng favorite song mo, medyo kinikilabutan talaga ako ng mga oras na to

Parang….

Parang…

Naiinlove ako.

“ And it’s telling me It might be you…. all of my life“

Argh. Nanghihina talaga ako sa kantang to. At maganda naman boses ni Matteo pero kasi yung may gitara, sobrang naiimagine ko talaga siya ngayon at naiinlove talaga ako.

“Matty tama na…” sabi ko.

“Hala, F na F ko na kumanta rito ohh”

“De, matutulog na kasi ako” sabi ko pa.

“Matutulog ka kasi naiinlove ka na sa kinakanta ko sa’yo? Hehe alam ko naman na sobrang favorite mo to eh”

“Ang daya mo….”

“Hehe, kilalang kilala na kasi kita. At ayun talaga ang lalong nakakainlove sa’yo, kilala kita ng todo kaya ako inlove sa’yo. Hindi dahil sa cuteness mo, pero syempre sa ugali mo”

“Matteo..”

“Alam ko deep inside, mahal mo rin ako Ju. Kaya sana mamili ka na samen.”

“Nako, ewan ko sa’yo Matty. Matutulog na talaga ako.”

“Sige, sige, at sana mabisita kita sa panaginip ko.” Sabi niya pa.

Ayoko na talagang magsalita, mamaya kung ano pa masabi ko sakanya.

Kaya nag bye lang ako at binaba ko na yung tawag.

+++

Feeling ko panaginip lang to kasi bigla kaming nasa beach ni Matteo at kaming dalawa lang.

“Sabi ko na nga ba magkikita tayo sa panaginip ko eh” sabi naman ni Matteo.

Nakahubad lang siya at kitang kita ko yung maganda niyang katawan. Batak na batak talaga.

“Bakit mo ko nakakausap kung panaginip to?” Tanong ko

Ewan ko pero parehas kaming good mood non. Naglalakad kami sa beach at parang gusto namen yung nangyayari.

“Julian, hahalikan kita ngayon ah” sabi niya.

“Hala, huwag!”

“Dali na, panaginip lang naman to,” pahabol niya pa.

“Ayoko, bakit parang kontrolado mo tong panaginip na to?”

“Hala, hindi kaya. Nananaginip ba talaga tayo?” Tanong niya.

“Kurutin mo ko” sabi ko.

Bigla niya akong kinurot pero di ko alam kung may naramdaman ko.

“Wala effect yan, halikan na lang kita Ju” sabi niya pa.

“Ayoko! Ayoko”

“Wag ka ng magpabebe, dali na!” Pilit niya pa.

Pero ayoko talaga.

“Sige, fast forward na natin sa gabi kasi mas gusto mo yung romantic eh”

Nagulat ako ng bigla na lang naging gabi, at nkahiga kami sa buhangin at nakatingin sa langit.

“Ju, ano bang favorite mong part ng katawan ko?” Bigla niyang tanong.

Sa pagbago ng setting ,parang nagbago rin yung kausap ko. I mean, si Matteo pa rin kaso wala siyang maalala na siya yung nagbago ng oras.

“Ju, bakit bigla kang natahimik?” Tanong niya.

“Ahhh. Wala….” parang iba talaga si Matteo.

Tumingin naman siya saken tapos hinawakan pisngi ko.

“Sana tayo na lang talaga Julian” bigla niyang sabi uli.

Nananaginip talaga ako, para akong ewan!!

Napapikit lang ako sandali, biglang bago na naman yung setting.

Nasa tuktok kami ng bundok at sobrang taas ng sikat ng araw.

“Woooo. Naakyat din natin Ju!!” Sabi ni Matteo.

Pero ang init sa pakiramdam.

“Ju! Ang saya!! Di ka ba masaya??? Sabi mo kanina kapag nakaakyat tayo sa tuktok, may kiss ako sa’yo” sabi niya.

Halos naka short na lang si Matteo ngayon. Ang init na nga sa pakiramdam, ang hot pa ni Matteo.

“Kiss mo na ko Ju!” Pilit niya uli.

Pero bakit ganito panaginip ko? Ang weird talaga.

“Okay ka lang ba Ju? Mainit ba masyado?” Tanong niya.

“Mainit Matty….” sabi ko.

At bigla na lang, namulat na yung mga mata ko!!

Umaga na pala at yung sinag ng araw galing sa bintana, tumatama na saken kaya pala mainit.

Magdamag na yun? Ganun lang kabilis yung oras?

Parang kulang pa yung tulog ko.

Pero yung panaginip na yun ang pinakaweird sa lahat ng naging panaginip ko.

Parang kontrolado talaga, pero di ko na lang pinansin yun. Baka ganun lang talaga yung panaginip na yun.

+++

Di pa ako nakakapasok ng school pero parang iba yung tingin ng mga tao saken. Masama yung mga tingin nila.

Isa isa kong binasa nasa isip nila.

“So nakipagbreak siya dahil sa bestfriend niya?”

“Gosh, bakla din si Matteo? Sino na lang ba straight dito?!”

“Malandi rin pala yang Julian na yan no?”

Halos lahat ng madadaanan ko, ganyan sinasabi nila saken.

Paano ba nila nalaman yung about sa storya ko?

Sino naman magsasabi ng ganun?!

Bigla ko naman nakasalubong si Laurence at bigla niya akong nilapitan.

“Babe? Nag usap na daw kayo ni Lucas?” Ayun kaagad bungad niya.

“Ha? Ehhh. Oo”

“Babe, please. Baka sinisiraan niya lang ako sa’yo, ano na yung mga sinabi niya sa’yo?”

Masyado akong napepressue…

Una yung mga tao, tapos ngayon naman si Laurence.

“Please… wag muna ngayon” sabi ko kay Laurence.

Di pa ko nakakalayo sa kanya ng makasalubong ko si Maddie at mukhang galit na galit.

Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin ng malakas na malakas sa magkabilang pisngi ko.

“Hayop kang bakla ka!!! Ang sabi ko tulungan mo kong makipabalikan kay Matteo, hindi yung gagamitin mo yung problema namen para landiin siya!!!” Halos sigawan niya ako.

May iilan na nakiki usyoso pero nakahawak lang ako sa pisngi ko kasi sobrang sakit talaga ng pagkakasampal niya.

“Ano pang ginawa niyo ni Matteo? Siguradong may ginawa pa kayong iba no? Umamin ka na!! Ganyan ka naman diba? Ganun lang gusto mo, katawan lang!!!” Sigaw niya uli saken.

Halos hampasin niya braso at dibdib ko sa galit pero di ako makalaban kasi babae siya.

“Bwisit ka!!! Mga bwisit kayong mga bakla!!” Gigil na gigil siya saken.

Napansin ko naman na palapit saken si Lucas.

Di ko alam kung saan siya nanggaling.

“Ano bang meron ka Julian?! Bakit baliw na baliw sa’yo lahat ha?!”

Masyado na akong nacorner. Parang wala akong kalaban laban.

Pero napansin ko nalang na biglang may tumulak kay Lucas!

Si Matteo!

Niyakap ako ng mahigpit ni Matteo.

“Okay ka lang Ju?” Tanong niya saken.

Pero mas naiyak lang ako lalo sa yakap ni Matteo.

“Matteo ano ba yang ginagawa mo?! Ipagpapalit mo ko sa bakla?!!” Sigaw ni Maddie samen.

Tumayo na si Lucas at nagpagpag ng dumi sa katawan.

Napansin ko rin si Laurence na palapit sa pwesto namen.

Mas marami pang naki usyoso sa paligid dahil sa boses ni Maddie!

“Matteo, bakla ka? Matapos ng lahat bakla ka?” Sigaw ni Maddie.

“Kung si Julian lang ang mamahalin ko, sige bakla ako. Bakla na ako!” Sigaw ni Matteo sakanya.

Sinampal din ng malakas ni Maddie si Matteo.

“Matapos ng lahat!!! So lahat ng ginawa naten, iba pala hanap mo!!”

Di lang nagsalita si Matteo basta nakayakap lang siya saken.

“Di ko kayo titigilang dalawa!! Mga bwisit kayo!!!” Sigaw samen ni maddie sabay alis.

Natira naman si Lucas at Laurence.

Mas marami na yung estudyante ngayon.

“Harap harapan ka ng niloloko Laurence. Magising ka na! Hindi ikaw ang mahal ni Julian!!” Sabi naman ni Lucas.

Akala ko tapos na, pero may moment pa pala si Lucas.

“Bumalik ako para sa’yo Laurence.” Mangiyak ngiyak na sabi ni Lucas.

Pero si Laurence nakatingin lang samen ni Matteo.

Wala siyang sinabing iba, basta tumalikod lang siya at umalis.

Aalis na rin sana kami ni Matteo pero nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Lucas sa braso.

Ang lamig ng kamay niya. Sobrang lamig.

“Di pa tayo tapos Julian! Sinasabi ko sa’yo!” Babala niya saken.

Yung kamay niya talaga, sobrang lamig. Parang may hawak siyang yelo sa sobrang lamig.

Tumakbo na rin paalis si Lucas at mukhang hinabol si Laurence.

Nakayakap pa rin ako kay Matteo habang naglalakad palayo sa lahat.

“Sorry kung di kita napaglaban noon Ju, pero ngayon di ko na hahayaang masaktan ka” bulong saken ni Matteo.

++++++++++×++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

PUSH SA VOTES AT COMMENTS GUYS!!!! HAHAHA. GO!

Part 37

“Saan ba tayo pupunta Matty?”

Di nawala yung pagkaakbay niya saken habang nag lalakad ng mabilis.

“Matteo Acosta ano ba!” Medyo pasigaw ko sakanya.

“Aba, full name ah? Galit ka na niyan?” Pabiro niya pang sabi.

“Saan ba kasi talaga tayo pupunta?”

“Eto na, dito lang tayo sa Park”

Nasa freedom park kami ngayon sa may Malacañang. Tahimik lang at wala gaanong tao.

Pinaupo niya ako sa may bench tapos tinignan niyang mabuti yung mukha ko.

“Masakit ba yung sampal Ju?” Tanong niya.

“Oo! Di nga ako sinasampal nila mama eh tapos sasampalin lang ako ng ex mo!”

“Hala, bakit ka nagagalit saken?”

“Di ako nagagalit sa’yo. Nagagalit ako sa nangyari. Sobra. Parang ang hina hina ko” sabi ko naman.

Natawa lang si Matteo tapos niyakap niya ako.

Since nakaupo ako at siya naman nakatayo, nandun ako sa may bandang abs niya.

“Ayan, damhin mo yang abs ko para naman mawala kahit papano yung sakit” sabi naman ni Matteo.

“Ano kayang kinalaman nung abs niya?”

“Aabsorbin ng abs ko yung sakit ng sampal haha. Oh diba, wala na masyado?” Sabi niya pa.

Kahit ang korny ni Matteo ngayon, di naman mawala sa isip ko yung mga sinabi at ginawa niya kanina.

May konting kilig… sige, super kilig talaga lalo na nung nakayakap siya saken.

“Okay ka na ba diyan?” Tanong uli niya.

“Oo!”

“Ay iritable siya oh.”

Natawa ako sa expression niya, napaka cute kasi niya talaga.

“Oh ayan, tumawa ka na rin sa wakas hehe”

Tumabi na siya saken ngayon.

“Gusto mo bang dito muna o papasok na tayo?” Tanong niya.

“Mamaya na konti. Parang ayoko nga pumasok ngayon eh”sabi ko.

“Yessss!!!! Tinatamad kang pumasok! Sige tara, umalis na lang tayo ngayon!”

Tumayo siya at hinatak niya ako.

“Teka, saan ba tayo pupunta?”

“Aba, kahit saan. Minsan ka lang tamarin pumasok, kaya sasamantalahin ko na to. Kahit ikaw yung gusto kong pagsamantalahan, hehe biro lang”

“Tigilan mo ko sa ganyang biro ah! Inakusahan ako ng ex mo na ganyan lang gusto ko sa’yo!”

“Pwede bang wag mo ng mabanggit pangalan nun Ju? Haha. Eh ayaw mo man lang ba ako pagsamantalahan??” Medyo pilyo boses niya nun.

“Hoy kapal ng mukha mo, nagustuhan kita kasi mabait ka at palabiro, hindi dahil sa katawan mo no! Tse!”

Pero kahit na ganun, di siya sumagot at nakatingin lang siya saken at nakangiti na parang loko loko.

“Oh bakit ka ganyan makangiti?”

Pero nakatingin lang siya saken.

“Hoy!”

“Nagustuhan mo ko kasi mabait at palabiro ako? Edi gusto mo talaga ako?” Tanong niya

Aba, feeling ko namumula ako. Hindi ko ineexpect na masasabi ko yun sakanya.

“Nako, tara na nga! Saan mo ba ako dadalhin?” Sabi ko na lang.

“Yieeee, nahihiya ka lang umamin eh. Well, sinabi mo na so okay na ako dun kaya tara na! Alam ko na kung saan tayo pupunta!” Sabi niya pa.

Di nako nagsalita at sumama na lang ako sakanya. Nakaakbay lang siya saken, parang normal lang na araw para samen.

++

“Saan ba tayo pupunta?!” Tanong ko sakanya. Mukhang nasa Recto kami ngayon.

“Syempre, maaga pa at nakakasawa naman sa mall, kaya kain muna tayo ng almusal. Ang sarap kaya ng pares dito!” Sabi niya.

Nasa tapat kami ng Isetann, malapit sa FEU at maraming mga estudyante ng FEU ang dumadaan.

“Ohh, wag kang tumingin sa iba ah! Dinala kita rito para kumain, kung gusto mo ng ulam, tingin ka lang saken, wag na sa iba” paalala pa ni Matteo.

Natawa na lang ako sakanya.

Pero sobrang namiss ko talaga kumain sa mga ganito, ilang buwan din kasi akong puro mall

“Miss mo to diba? Hehe, yayamanin kasi ni Laurence eh, kaya di ka na nakakakain uli sa ganito” sabi niya pa

Eto kasi yung okay kay Matteo, alam na alam niya talaga yung gusto ko.

Pinagmamasdan ko siya habang kumakain, ang gwapo talaga. Super, kahit palagi ko siyang makita, hindi ako magsasawa sakanya.

Pero,nakatingin siya sa likuran ko.

Pag lingon ko, puro mga babae pala tinitignan niya.

Tinaasan ko siya ng kilay sakanya.

“Bakit mo ko tinatarayan bigla?” Tanong niya.

“Magsama kayo ng mga babae!!” Inis kong sabi.

“Ha?”

“Diba? Tinitignan mo yung mga babae! Ayan sige, mag enjoy ka!!” Inis kong sabi

Pero tumawa lang siya bigla.

“Alam mo Ju, di mo alam kung paano mo ko napapasaya ngayon. Haha, ang cute mo magselos”

“Di ako nagseselos!”

“Hahaha ang cute mo lang talaga, tinitignan ko yung lalaking yun, familiar kasi siya eh. Diba tropa ni Laurence yun?” Sabi niya.

Nilingon ko uli yung tinutukoy niya at nakita ko si Kennard! Kasama mga kaklase niya.

“Sht. Paano kung makita niya tayo?” Sabi ko. “Tara, alis na tayo..” yaya ko saknya.

“Easy ka lang Ju, di pa ubos pagkain natin tsaka huli na, nakita na niya tayo!”

Paglingon ko, palapit na siya sa pwesto namen.

“Julian! Anong nangyari kanina?bakit tumawag saken si Laurence ng umiiyak? Si Lucas naman galit na galit. Ano bang nangayri?” Bungad ni Kennard.

Ayoko sanang sagutin kasi nandito si Matteo pero kinausap ko na lang siya sa isip niya.

“Alam ko mas kampi ka sa kanilang dalawa pero please.next time na ako magsasabi sa’yo okay?” Sabi ko sa isip niya.

Tumango na lang si Kennard at sumangayon.

“Pre” bati ni ni Matteo.

“Pre” bati naman ni Kennard.

“Sige Julian, kwentuhan na lang tayo sa susunod” sabi ni Kennard.

Pero iba tingin ni Kennard kay Matteo, parang nag aaway sila sa tinginan nila.

Pag alis ni Kennard,

“Bakit parang may tiwala ka sa lalaking yun? Parang may gagawing masama eh” sabi ni Matteo.

“Kilala ko na kasi siya at mukhang sila na rin ni Sarah, eh dahil saken kaya sila nagkakilala. Kaya okay lang siya saken”

“Tropa niya yung ex mo at ex ng ex mo, hindi ba weird sayo yun?”

“Haha, pwede ba. Okay lang ako sakanya Matty. Kaya wag ka mag alala.”

“Nako sinasabi ko sakanila, kapag may ginawa lang yan masama sa’yo baka gamitin ko super powers ko sakanila hahaha”

Napatingin tuloy ko sakanya.

Hindi na kasi biro saken yung mga ganung biro lalo na’t nag eexist sa buhay ko yung super powers.

“Oh bakit ka nakatingin?” Sabi niya.

“Hmmmm. Wala, wala… hehe, sige saan na tayo pupunta? Parang gusto ko ng pumasok” sabi ko.

“NO!! A big NO! Aalis tayo, FriDate tayo today! Haha”

“Ehhh hindi naman friday ngayon?”

“Masingit ko lang haha. Tara na Ju?” Yaya niya.

+++

“Divisoria?!” Sabi ko.

“Oo, mag shopping tayo haha. Mas mura dito at mas okay, tsaka para mabilhan naman kita kahit papano. Di nga lang to Laurence version, pero atleast… meron diba?” Sabi niya,

“Di mo naman kailangan….”

“Ooops! Wag magreklamo, wag ka mag alala, nagpadala si Kuya. Ang sabi, gamitin ko daw at mag enjoy, eh mageenjoy ako kapag kasama ka kaya hayaan mo na ako” sabi niya pa.

Ibang iba na si Matteo ngayon, mas sweet at vocal na siya.

Parang dati, iniimagine ko lang to noon, pero ngayon, eto na. Eto na talaga.

Pero dahil sa malapit na Pasko, napakaraming tao ngayon.

Mukhang may bibilhin din kasi si Matteo kaya sinamahan ko na rin siya.

Iba rin kapag nakakabasa ako ng isip, nagagamit ko sa tawaran.

“Infairness sayo Ju ah, marunong ka ng tumawad ngayon.” Sabi ni Matteo.

“Haha, alam ko lang kiliti nila hehe, bakit ba ang dami mong pinapamili??”

“Para sa mga pinsan ko to hehe.”

“Ahh talaga? Taga Cavite rin?”

“Oo, kapitbahay lang namen hehe”

“Eh bakit hindi ka dun pumupunta kapag…. alam mo na, malungkot ka” sabi ko.

“Mga bata pa yun, wala namang alam mga yun sa ganun at saka hayaan mo na haha nandiyan ka naman para pasayahin ako diba?” Sabi niya.

Bago ako makasagot, natulak ako sa likod ko kaya nasubsob ako sa katawan niya.

“Dumidiskarte ka na naman saken ahh!” Sabi niya pa.

Napayakap kasi ako nun sakanya.

“Ewan ko sa’yo, marami kasing tao! Tara kain tayo uli nagugutom ako eh hehe” sabi ko naman.

Umoo naman siya at pumunta kami sa 168 Mall.

Atleast dito de aircon. Kaso mas mahal nga lang ng mga bente hanggang 50 yung mga tinda pero natatawaran pa rin.

Umakyat kami sa foodcourt at kumain ng Lomi. Super sarap kasi ng Lomi rito eh.

“Ako na magbabayad,” sabi ko.

“Hala, ako na Ju!”

“De ako na…” pagkatingin ko ng wallet sa bag ko, nagulat ako ng mapansin kong umiilaw na naman yung libro ko.

Oh sht. Merong malapit na may gift dito!

“Aha! Naunahan kita magbayad Ju haha tara na…. okay ka lang ba?” Tanong ni Matteo saken habang nakatulala sa loob ng bag ko.

“Nawawala wallet mo ju?” Tanong niya.

“Ayy hindi hindi hehe. Tara pala” sabi ko na lang.

Naghanap kami ng upuan pero mas hinahanap ko yung may gift.

Pagkaupo namen, pilit kong binabasa lahat ng isip ng nasa paligid ko.

Ang dami kong nababasa.

“Pera, Pera, Pera, Aso. Lovelife.”

Lahat ng isip nababasa ko.

Sinilip ko pa rin yung libro ko, umiilaw pa rin siya.

“Nasaan ka na ba” sabi ko sa isip ko.

Pilit ko pa rin hinahanap.

“Ju, okay ka lang?” Tanong ni Matteo, napapansin niya kasing parang may hinahanap ako.

“Okay lang, okay lang ako” sabi ko.

Pero may napansin akong babae na maganda na katapat lang ng table namen.

Mukhang may pinulot siya sa ilalim ng lamesa kaya di ko siya napansin kanina.

Ngayon, sinubukan ko naman na basahin isip nung babaeng yun.

Wala.

Confirmed. Meron ngang may gift dito!

Tinitigan ko siyang mabuti, mestisa siya at maganda. Parang kulay red yung buhok niya, naka suot siya ng eye glasses at maganda siya. Mukhang yayamanin pero nasa Divisoria.

Mukhang napansin nung babae na nakatingin ako sakanya kasi nagka eye to eye kami at medyo tumaas yung kilay niya.

Sa hiya ko, bigla akong napayuko.

“Ang sarap ng Lomi Ju! Sulit pagod!” Sabi ni Matteo, pero di ako mapakali sa babae, nakatingin pa rin siya sa pwesto ko at nakita kong lumingon din yung dalawa niyang kasamang babae.

Mas nagulat ako ng tumayo siya.

Sht. Lagot ako neto, sana wag sa pwesto namen.

Pero dahan dahan siyang naglalakad papunta samen.

Sht.

Sht talaga.

Pagdating sa pwesto namen, mas napansin kong mas maganda siya, mukhang siyang barbie.

“Excuse me, Kilala ba kita?” Sabi niya saken.

Di ko makasagot, medyo natatakot ako. Tapos yung dalawang kasama niyang babae, tumatawa.

Sht. Nakakahiya talaga.

“You’re stating at me like I did something wrong.” Medyo pataray niyang sabi.

Bigla naman nagsalita si Matteo.

“Gel?” Sabi ni Matteo.

Napatingin yung babae kay Matteo. Nung una tinitigan niya lang to pero mukhang namukhaan niya na to.

“Matt?!” Sabi niya.

Magkakilala sila?

“Anong ginagawa mo rito?” Di ko mapinta mukha ni Matteo, mukhang naaasar siya.

“Anong ginagawa ko? Divisoria to, sa’yo ba tong Divisoria?!”

Sa way ng pag uusap nila, mukhang super close silang dalawa.

“Ako unang nagtanong!” Sabi ni Matteo.

“Aba, di ka pa rin nagbabago. Katulad ka pa rin ng dati,”

“Aba, nagbago na ako oh, tignan mo, ang yummy ko na kaya maglaway ka na ngayon!”

“Ay ang kapal ng mukha mo, sige, sumarap ka nga ng konti pero nakakainis ka pa rin!”

“Hala! Ikaw, ikaw nga….” napatingin siya sa may hinaharap nung babae.

“Ohh, malaki na yan no. Wala ka ng maaasar!” Sabi nung babae.

Sinusubukan ko pa rin basahin nasa isip ng babae, pero hindi ko magawa.

Sure akong may gift siya.

“At eto, kaya pala tumitingin saken tong tropa mo kasi kinekwento mo ko! Anong sinasabi niya sayo Kuya?” Biglang tingin saken ng babae.

“Hoy Angelica Marie Bagoma, hinding hindi kita ikekwento sakanya no!” Inis na sabi ni Matteo.

Para silang aso’t pusa kung mag away

“Aba, aba. Aba ,tignan mo nga naman, dati nagkakandarapa ka saken tapos….”

“Hoy! Ikaw may gusto saken Gel! Tigilan mo ko!” Sabi ni Matteo.

Sobrang nkaka OP nung mga panahong yun.

“Nako, pasalamat ka at bawal ko gamitin sayo…. nako talaga!!!” Sabi nung babae.

Sa sobrang inis ni Matteo, tumayo na siya at hinila ako paalis.

“Diyan ka na nga!” Sabi ni Matteo sa babae at hinatak niya ako paalis.

“Panget ka pa rin!” Sigaw ng babae.

“Mas panget ka!” Sigaw din ni Matteo.

Ayaw ko pa sana umalis kaso wala akong magawa, hawak pa ni Matteo braso ko.

Nung medyo makalayo kami, huminto kami.

“Nako, sayang pagkain natin dun!” Sabi ni Matteo.

“Ehh bakit kasi umalis tayo?”

“Wag tayo dun. Maiinis lang tayo parehas!”

“Ehh bakit ka ba naiinis dun? Sino ba yun?” Tanong ko.

“Wala yun, teka bakit mo pala siya tinitignan? Nagagandahan ka ba sakanya?”

“Hindi, hindi. Familiar lang..” sabi ko na lang, di ko sinabi yung totoong dahilan

“Nako, tara na Ju!” Yaya niya.

“Teka, sino ba yun?” Tanong ko uli sakanya.

Natahimik lang siya bigla, at tumingin saken.

“Ex ko”

+++++

Hinatid ako ni Matteo pauwi sa bahay, ginabi rin kaming dalawa sa pag gagala, at sobrang pagod ko na

“Salamat sa masayang araw Ju” sabi ni Matteo pagkarating namen sa tapat ng bahay.

Medyo nakalimutan ko yung part na nakita namen yung ex niya kanina dahil sa sobrang kabaliwan niya para patawanin ako.

“Sobrang salamat din” sabi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa sandali.

“Napanaginipan pala kita kagabi Ju” sabi niya.

Sht. Oo, naalala ko panaginip ko sakanya.

“Nako, ang clingy mo sa panaginip ko, gustong gusto mo kong ikiss. Sana sa totoo, ganun din” kwento niya.

“Ha?ako?” Tanong ko.

“Oo. Pinunta mo ko sa beach, sa bundok, nag star gazing pa tayo. Haha ang sarap talaga ng panaginip ko” sabi niya.

Pero bakit sa panaginip ko, iba?

So, ako pala nagkokontrol ng panaginip na yun?

Natulala lang ako saglit at napaisip.

“Nkatulala ka na naman diyan!” Sabi niya pa.

“Ahh? Sorry. May naisip lang.” Sabi ko.

Natahimik uli kami.

“Wala man lang ba akong kiss diyan?” Sabi niya pa.

Ngumiti lang ako at humindi.

“Sa cheeks lang naman eh” sabi niya.

Tumingin ako sa paligid at mukhng wala namang tao.

Kaya hinalikan ko kaagad siya sa cheeks.

“Ayan. Kung ganyan naman araw araw eh okay ng di tayo papasok hehe” sabi niya pa.

“Umuwi ka na ah?” Sabi ko.

“Yes boss hehe”

Di na siya nagtagal pa at umuwi na siya.

Nung di ko na matanaw si Matteo, napansin ko naman na may sumisitsit saken.

“Pst!”

Hinahanap ko pero kinakabahan na ko kaya papasok na sana ako ng bahay, pero ngayon, pangalan ko na yung tawag niya.

“Julian!” Boses ng babae yun.

Hinanap ko uli at nakita ko siya sa gilid ko mismo, nakatayo lang na parang multo

“Bwisit ka!!!” Napasigaw ako sakanya at natulak ko pa.

Parehas kaming natumba.

“Ano ba yan, bakit mo ko tinulak?!” Sabi nung babae, mukha siyang teacher ngayon dahil sa uniform niya.

“Ehh nasa gilid po kayo eh tapos bigla kayong susulpot. Sino po ba kayo?”

“Korny mo naman. Si TB to, wala na. Sinira mo na yung moment!” Sabi niya pa.

“Bakit kasi kailangan mong manggulat?!”

“Ehh bakit kasi magugulatin ka?”

“Nako, ehhh bakit ka ba nandito?” Tanong ko.

“Wala naman, napansin ko kasi na mukhang naghahanap ka ng mga taong may gift!”

“Hala, hindi… natuklasan ko lang kasi yung libro….”

“Na ano? Umiilaw kapag may malapit na taong may gift?”

“Oo… bakit di mo sinabi saken?”

“Well, kailangan mong matuklasan yun at hindi saken manggagaling” sabi niya pa

“Nako, nako talaga” sabi ko.

“Haha, so ano naman natuklasan mo?” Tanong niya.

“Teka pala, bakit ganun? Napanaginipan ko si Matteo kagabi tapos ang clingy niya saken, tapos sa panaginip ko, siya yung kumikilos at gumagalaw, pero sabi niya saken kanina, ako daw yung kumikilos at gumagalaw”

“Ahhh. The power to enter someone’s dream. Yan ang tricky sa gift mo, kahit ako di ko maperfect yan eh”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ikaw ang nagkokontrol ng panaginip mo Julian. Yung napanaginipan mong sweetness sayo ni Matteo? Ikaw talaga yun. Ikaw nagkokontrol” sabi niya pa.

“Hala, pero sa isip ko, siya yung nagkokontrol”

“Well, kasi ayun yung bagay na gusto mong mangyari sa panaginip, kaya mo napapanaginipan si Matteo ng ganun. Na ang sweet niya sayo, kasi yun ang gusto mong mangyari. Kinokontrol mo yung panaginip mo” paliwanag saken ni TB.

“So dati, napanaginipan kong hinahalikan ako ni Matteo…”

“Gusto mo lang na halikan ka ni Matteo kaya ayun yung napapanaginipan mo. Pumapasok ka sa panaginip ng iba at kinokontrol ng isip mo yung panaginip nila base sa kung ano yung tunay mong nararamdaman”

So ganun pala! Kaya ganun yung panaginip ko kasi lumalabas yung pagkagusto ko kay Matteo.

“Nako, kahit ako di ko makontrol yan ng maayos” sabi niya pa.

“Ahhh okay. Now I know, at teka pala. Parang may nameet akong bagong elementor.” Sabi ko.

“Ano namang element?”

“Ice? May ganun ba?” Sabi ko.

“Ice? Oo. Merong ganun. So okay, may advantage ka kasi nakikilala mo na sila at napaghahandaan”

“Kaso di kami…. okay na dalawa” sabi ko.

“Ayun lang, well sa battlefield naman kayo maglalaban laban so baka dun ka niya patayin haha”

“Patayin?!!”

“Biro lang, grabe ka naman haha.”

“Akala ko eh hahaha. Nameet ko na rin pala si Illusionist haha akala mo ah” sabi ko.

“Oh, good for you. Mukhang mabait naman siya diba? Kaya okay lang. Di siya nagmana sa nagbigay sakanya ng gift!”

“Haha bitter pa rin? Tsaka mababa pa level niya. Mas mataas pa ako!”

“Ha? Eh mas mataas level niya sa’yo ah?”

“Level 8 lang si Spencer ah?”

“Spencer? Yung copycat ng totoong Illusionist?” Sabi ni TB.

“Copycat?”

“Hay nako Julian. Tatlo kayong top diba? Ikaw, yung drawing at Illusionist. At kayong tatlo, may copycat. Kopya lang ng gift niyo pero di maximize ng gift niyo ang kopya niya” sabi ni TB.

Sht! Sht! Sht!

Bago ako makasagot, narinig kong bumukas yung pinto at lumabas si mama.

“Ohh? Kanina ka pa diyan?” Sabi ni mama.

Nilingon ko si TB, wala na siya!

“Ahhh kararating lang po, hehe” nagmano ako at pumasok sa loob.

Kung di si Spencer ang totoo, sino?

At ano yung gift ng ex ni Matteo?

++++++++

VOTE AND COMMENT!!!!

FEELING KO MAEEXTEND TONG STORY AHAHHAA. DAMI PA MANGYAYARI E. LOL.

Part 38

ALAM NA KAPAG TALO ATENEO MAMAYA, WALA ULIT UPDATE AH HAHAHAHAHAJK ✌

VOTE AND COMMENTS NA!!! 😄

++++

Ngayon ko lang napansin na ilang araw na lang, Christmas vacation na.

Okay na rin yun para di ko makita mga tao sa school at ng maka move on na silang lahat sa nangyari.

Di ko alam kung bakit hinahayaan kong samahan ako ni Matteo palagi, eh ang sabi ko pa naman, pag iisipan ko kung sino pipiliin ko.

Pagkatapos kong magbihis at mag asikaso, bumaba na ako para pumasok.

Di na sana ako kakain kaso nakita kong may bisita pala ako.

Si Laurence.

Nasa sofa siya at mukhang hinihintay ako.

“Laurence.” Tawag ko sakanya.

Pagkatingin niya saken, bigla siyang ngumiti. Eto yung smile ni Laurence na masaya at mukhang okay na.

Tumayo siya at hahalikan sana ako sa pisngi pero huminto siya at hinawakan na lang ako sa braso.

“Ku…kumusta ka?” Tanong ko.

“Hmm. Okay naman hehe, pwede ba kita ihatid ngayon sa school?” Sabi niya.

Hinanap ko sila mama at papa, at nakita ko silang kumakain sa lamesa.

“Kain muna tayo, gusto mo?” Tanong ko.

“Hmmm. Yayain sana kitang kumain sa labas eh, kung okay lang sa’yo”

Mukhang narinig nila mama yung sinabi ni Laurence at sumenyas sila na sumama na ako.

Ngumiti lang ako kay Laurence at saka pumayag na sumama.

++

Asusual, sa mall na naman kami nag almusal. 7 pa naman, kaya sa Jollibee muna kami.

Parehas kaming nakauniform.

“Balita ko di ka daw pumasok nung isang araw tapos umalis lang kayo ni Matteo ah?” Tanong niya.

Casual na usapan lang kaming dalawa.

“Ahh, eh… oo”sagot ko.

Ngumiti lang siya ng konti.

“Pwede bang magtanong?” Sabi ko.

“Sure! Ano yun??”

“Alam mo nung una kaming nagkita ni Lucas, ang sabi niya saken palagi daw kayong magkausap. Pero…. bakit wala kang nabanggit saken?” Sabi ko.

“Di totoo yun” mabilis niyang sagot.

Naghihintay naman ako ng paliwanag.

“Tumawag siya isang beses, akala ko si daddy kasi international call, pero nung narinig ko yung boses, alam kong siya yun, kaya binaba ko kaagad. Ikaw kasi naalala ko bigla, ayoko kasing makipag usap sa ex ko.”

Wow. Bigla akong nahiya sa ginawa ko sakanya.

“Tumawag naman uli siya pero local number na, ang bungad niya “Nasa Pilipinas na ako”, again, boses niya uli yun kaya binaba ko kaagad,“

Siya, tawag lang ng ex niya, di niya pinapansin. Ako naman, bumigay kaagad kay Matteo.

At, nagsisinungaling pala si Lucas. Medyo nagalit pa naman ako kay Laurence nun.

“Ohh, anong iniisip mo ngayon?” Sabi niya saken.

“Hehe, wala… parang ang sama lang talaga ng ginawa ko sa’yo”

“Hala, don’t blame yourself babe…. Julian pala hehe.”

Parang di ako matignan sa mata ni Laurence, di ko rin maexplain nararamdaman ko about sakanya eh.

“Julian?” Ayan! Nakatingin na siya saken.

Di nagbabago itsura niya para saken nung simula ko siyang nakita, gwapo pa rin at alam kong napakabait.

“Laurence.” Sabi ko

“Di pa rin ako susuko sa’yo kahit nararamdaman kong mas gusto mo si Matteo” sabi niya.

Di naman ako sumagot.

“Kung sasagutin mo siya, at siya pipiliin mo, okay lang saken, hihintayin pa rin kita. Malay mo hindi tayo para sa isa’t isa ngayon, pero sa future, tayong dalawa pala. Kailangan lang natin matuto sa ngayon”

Nakangiti naman si Laurence ngayon kaya sigurado akong okay sakanya lahat.

“Salamat.” Sabi ko na lang sabay ngiti.

Medyo binalikan lang namen yung panahong kaming dalawa pa at nagtawanan saka kami pumasok sa school.

++

“Dumaan ko sainyo kanina ah? Umalis ka na daw?” Bungad ni Matteo saken pagpasok ko sa school.

“Ah, oo. Magkasama kasi kami ni Laurence kanina”

“Ah ganun ba?”

“Oo hehe”

Nagsusulat ako ng lectures ngayon kaya di ko masyadong napapansin si Matteo.

“Anong ginawa niyo?” Tanong niya bigla. Akala ko naman tapos na siya.

“Kumain lang kamin” sagot ko.

“Ahhhh”

Akala ko naman tapos na siya, pero di pa pala.

“Anong pinag usapan niyong dalawa?” Tanong nya uli.

“Wala naman. Kung ano ano lang”

“Ano yung kung ano ano lang???”

Pagtingin ko sakanya, nakatitig siya saken na parang naghihintay ng sagot ko.

“teka, interrogation ba to?”

“Haha, gusto ko lang naman malaman ehh” sabi niya.

“Basta, kung ano ano nga lang.”

“Ano nga kasi yung kung ano ano na yun.”

“Ang kulit mo Matteo!”

“Eh kung sinasabi mo na lang kasi kung ano yun, edi sana tumitigil na ako” sabi niya.

Tumawa na lang ako.

“Secret.” Sabi ko na medyo pabebe.

Pero hinawakan niya ako sa braso ko at pilit hinarap sakanya.

“Kapag di mo sinabi, hahalikan kita ngayon!” medyo malakas pagkakasabi ni Matteo nun kaya napalingon yung iba nameng kaklase samen.

“Ang lakas ng boses mo!”

“Oh, dali na, sabihin mo na!”

“Ayoko, secret nga!”

Pero hinawakan niya mukha ko at mukhang hahalikan nga ako. Buti napigilan ko siya.

“Ano bang problema mo!”

“Hahahaha. Ayaw mo kasi sabihin saken eh” sabi niya pa.

“Nagkamustahan lang kami! Okay na?”

Binitawan na niya ko.

“Ayun lang pala eh, di mo pa kasi sabihin! Haha”

“Di mo naman kailangan malaman lahat no!”

“Aba, dapat alam ko no. Syempre, future boyfriend mo na ako kaya.,..”

“Teka, teka, future boyfriend?!” Sabi ko.

“Oo. Diba mahal mo naman ako, tapos mahal kita. Oh, anong prolema? Diba wala? Haha”

“Teka, hindi ganun yun…”

“Sinabi mo pang, ‘kaya kita nagustuhan kasi palabiro at mabait ka’, oh diba?”

“Pero….”

“Shhhh Ju..” tinakpan ng daliri niya yung labi ko. “…. alam naman natin na naghihintay lang tayo ng tamang panahon eh”

Masyado siyang confident sa itsura niya pero ewan ko, natatawa ako na medyo kinikilig sakanya.

“Ohh.. look at that smile ohhhh…” turo niya sa ngiti ko. “… sino bang hindi maiinlove sa ganyang ngiti. Nako Ju, wag kang mag pa cute saken please lang. Mapusok ako!”

Tawang tawa talaga ako kay Matteo ngayon.

Hanggang sa dumating ang prof at sinira yung moment namen ni Matteo pareho.

++

Sinabihan ko si Matteo na wag muna sumama saken kapag break, ayoko na kasi madagdagan pa yung tingin saken ng mga tao.

Mahirap kasi kapag public ang relationship mo, maraming nakikisawsaw.

Parang samen ni Laurence, kaya ngayong ‘break’ na kami, parang lahat gusto makisali kahit wala namang alam sa nangyayari.

Sumabay ako kay Sarah kumain at sa McDo Mendiola namen napagpasyahan.

“Wala si Kennard?” Tanong ko.

“Wala eh. May klase, hehe.”

“Ahhh okay okay.”

“Nakita daw niya kayo ni Matteo nung isang araw ahh?”

“Ahh. Oo, wala yun hehe. Kumain lang kami”

“Ahh. Alam mo ba, may ibang nararamdaman yan si Kennard kay Matteo… parang…. may something” sabi ni Sarah.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Naiisip ko rin dati, bakit kaya di gumana yung gift ko sakanya? OMG baka kaming dalawa talaga para sa future!”

“Ha?”

“Joke lang Julian haha. Sabi mo di mo rin mabasa yung nasa isip niya, ehhh malay mo diba… meron din siya”

“Parang wala…”

“Oh malay mo, protector siya. OMG Julian, malay mo siya yung nagbigay ng gift mo!”

“Teka, teka, pwede hinay hinay muna? Hinay lang.” Kalma ko kay Sarah.

Natatawa nalang kami pareho sa pinagsasasabi niya.

Habang kumakain namen, may kumalabit sa likod ko. Babaeng taga San Beda.

At di ako pwedeng magkamali.

Ex to ni Matteo!

“Hi!” Bati niya saken.

“Uh… hi!”

“Sorry, di tayo nagkakilala last time, I’m Angelica” sabi niya sbay abot ng kamay.

“Uhm. Julian” pakilala ko “… at friend ko, si Sarah” pakilala ko kay Sarah.

Nag hi silang dalawa.

“How are you? Sorry pala sa medyo skandalo ko sainyo ni Matteo nun, ang init init, ang daming tao hehe. Sorry talaga” sabi niya pa.

“Hehe okay lang, wag ka mag alala” sabi ko.

“Pwede makiupo? Hirap talaga kumain dito kapag lunch time, masyadong maramimg estudyante” sabi niya.

Tingnan ko si Sarah at mukhang okay naman.

“ Drawing mo nga siya Sarah“
sabi ko sa isip ni Sarah.

Umoo naman siya kaagad at nilabas niya yung drawingan niya.

“So…. tropa mo pala si Matt?” Sabi niya.

“Ahhh opo.”

“Wag mo nako i opo, magka edad lang tayo hehe. How’s Matt?” Tanong niya.

“Uhm. Okay naman hehe”

“I see, infairness sakanya ang laki na ng katawan niya, dati patpatin lang yan eh hehe”

Di ko alam bakit parang feeling close kaagad siya samen, hindi naman siya nakakairita, pero ako kasi naaawkwardan. Lalo na siguro kapag nalaman niyang may gusto saken yung ex niya.

“Sorry… feeling close ba ako? Hehe I’m sorry. Ang tagal ko lang kasing di nakita si Matt tapos ganun pa convo namen. Hehe,”

“Di kasi kami magkasama ngayon eh. Gusto mo ba sabihin ko sakanya na magkita kayo?”

Sht. Bakit naman ganun yung sinabi ko sakanya?! Talagang ako pa nag offer?!

“Sure. Pwede ba? Hehe. Here’s my number!….“sabay abot ng number niya saken.

“Hehe, bigay ko na lang sakanya to” sabi ko.

“Yehey. Hehe. Uhm, gusto niyo treat ko kayo?” Alok niya.

“Ahh. No, no, kumain na rin kami eh”

“I see, so sige. Lipat na ako, may bakante na dun eh, nakakahiya na ehh hehe. Salamat.,, Julian.” Sabi niya, ngumiti din siya kay Sarah.

Pagka alis niya, tinignan ko naman si Sarah

“Ano balita?” Tanong ko.

“I think, meron din siya” pinakita niya saken yung drawing niya kay Angelica na kumuha ng fries sa lamesa.

“Bakit naman ganyan dinrawing mo hehe”

“Wala, nagpanic na ako eh hehe. Kaso di niya ginawa. So, what do you think?” Sabi niya.

Tumingin kami sa pwesto ni Angelica.

“Dapat alam natin para pwede natin siya maging kakampi”

+++

Pumunta pa kami ni Sarah sa mall pagkatapos ng klase kasi may bibilhin daw siya.

Pero sa dinami rami ng pwede nameng makasalubong.

Si Lucas pa. Kasama si Laurence

Iiwas sana ako ng tingin kaso nakita na niya ako.

Bigla naman siyang humawak sa braso ni Laurence nung nakita niya ako.

“Hi, Julian” bati saken ni Lucas pero sa tono ng boses niya, nang aasar siya.

“Hi.” Bati ko rin sakanya. Casual lang.

“Hi babe… Julian pala. Hehe sorry nasanay na kasi ako” bati naman ni Laurence.

Mukhang nainis si Lucas sa pgtawag saken ng ganun ni Laurence, natawa na lang ako.

“Saan kayo pupunta ni Sarah?” Tanong ni Laurence.

“Nagpapasama lang siya hehe” sabi ko.

“Ahhh okay hehe.” Di naman nawala yung ngiti ni Laurence. “…. nagpapasama lang din si Lucas. May klase pa kasi si Kennard eh.” Pahabol niya pa.

“Yes, at baka lumabas kami mamaya after neto hehe” sabi ni Lucas.

“Hindi na Lucas, uuwi na ako. Pagod na ako eh” sabi ni Laurence.

Napansin kong bumulong si Lucas kay Laurence kasi naaasar si Lucas sa nangyaayri.

Sumenyas lang si Sarah na umalis na daw kami para wala ng gulo.

“Ahm… Laurence, aalis na kami baka gabihin pa kami eh.” Paalam ko.

“Ahh gusto mo ihatid ko kayo pauwi?” Sabi niya.

“Uhm. Sa tingin ko kaya na namen hehe” sabi ko.

“Sure ka?”

“Sure na sure hehe”

“Okay. Okay. Ingat kayo ah?” Sabi niya.

Pag alis namen, hinabol ako ni Lucas at sinabi kung pwede kami mag usap ng kaming dalawa lang.

Pumayag ako, at lumayo kami ng konti.

“Di ko talaga alam kung anong ginawa mo kay Laurence para mabaliw siya ng ganun sa’yo!”

Tinatarayan niya ako ngayon.

“Di ko rin alam sinasabi mo!”

“Ohh come on. Alam natin na may ginawa ka, Di ko lang alam kung ano yun!”

“So baliw ka, ganun?” Sabi ko.

Natawa lang siya.

“Well, palaban ka pala. Let’s see, tignan natin sa event kung anong mangyayari sa’yo” bigla niyang sabi.

Nagulat naman ako nung sabihin niyang event.

“Oh, bakit ganyan reaksyon mo? Haha. Akala mo ba kakampi mo si Kennard? No. He’s my friend and he’s on my side kaya wag ka ng umasa.”

“Okay” sabi ko.

“Scared?”

“Nope. Not at all. Goodluck tho” sabi ko pa sakanya.

Aalis na sana ako pero hinawakan na naman niya ako ng mahigpit.

Ang lamig talaga ng kamay niya, parang ginagamitan niya ako ng gift niya ngayon pero di tumatalab kasi di pa namen nahahawakan yung libro ng isa’t isa,

“Let go.” Sabi ko sakanya na medyo pataray din.

“Wish mo na lang na sana magkakampi tayo. Kundi, lagot ka talaga saken”

To think na ako yung ‘pinaka special’ sa lahat, di ako natatakot sakanya.

“Okay, now, Let go. Okay” sabi ko sakanya.

Dahan dahan niya lang tinanggal yung kamay niya at ngumiti ng kaunti sabay umalis.

Ready na ready na talaga ako sa event na yan!

++

Medyo gabi na at feeling ko lagot na ako kina mama at papa kasi lobat phone ko kaya di ako nakakatext.

Pero pagpasok ko sa bahay, naririnig kong nagtatawanan sila mama at papa at may isa pa silang kasama.

Pag tingin ko sa may lamesa, nandun si Matteo!

“Ayan na po siya!” Sabi ni Matteo pagkakita niya saken.

“Hay nako! Saan ka na naman nanggaling bata ka?” Tanong ni papa.

“Sorry po. Nagpasama lang si Sarah”

“Nagpasama. Nagpasama ka diyan. Kumain ka na ba?”

Natawa nalang ako kay papa at alam kong di na siya galit.

“Opo” sagot ko.

“Ohh. Sige pala” sabi ni papa.

Tumayo naman si Matteo at lumapit saken.

“Nagtetext ako ah, bakit di ka nagrereply?”

“Aba, lobat po kasi ako kaya ganun po.”

“Hehe. Over protective lang no?”

“Sobra hehe. Bakit ka ba nandito?” Tanong ko.

Napansin ko naman nakiki usyoso si mama at papa samen.

“Haha, tara nga sa kwarto!” Sabi ko sakanya.

Sumama naman siya saken.

“Bakit ka ba nandito, gabi na ah?” Sabi ko.

“Ang tagal mo kasi eh. Kanina pa ko nandito, may papakita kasi ako sa’yo” sabi niya pa.

“Ano naman yun?” Sabi ko.

Pero di siya sumagot.

Pagbukas ko ng kwarto ko, nagulat ako sa nakita ko.

May nakadikit na kartolina sa pader na. “I love you ❤” tapos ang daming flower petals sa higaan ko

Tapos may heart shape din na unan.

Yung maliit na table naman, may nakalagay na picture namen sa picture frame.

May mga notepads din sa kisame.

“Ano.. ano to?” Tanong ko.

“Ang korny ba?”

Di ko naman napansin na nakangiti na pala ako sa surprise niya.

“Kailan mo to ginawa?” Tanong ko.

“Kanina lang, pagkatapos ng klase dumiretso na ako rito” ,

“Sila mama at papa? Pinapunta ka lang dito?”

“Pumunta daw kasi si Laurence dito kanina. Tanggap na daw niya na ako daw yung mahal mo, pero maghihintay pa rin daw siya sa’yo”

“Ohh…tapos?”

“Edi umepal na ako. Sinamantala ko na yung pagkakataon. Since, ayun lang naman hinihintay ko, wala na akong kalaban diba?” Sabi niya pa.

Ibang iba yung aura ni Matteo ngayon. Parang ang saya saya niya at nasa good mood.

“Di pa ako ready….”

“Di kita pinepressure Ju. Promise, di ako nageexpect ng kung ano. Gusto ko lang talaga sabihin sa’yo na special ka saken at seryoso ako sa’yo. Okay?”

This time niyakap niya ako sa likuran ko habang nakatingin ako sa mga nilagay niya sa kwarto ko.

“Nagustuhan mo ba?” Bulong niya saken.

Labanan mo Julian. Please. Kahit konti, magpakipot ka naman!

Pero….

Pero….

Di ko talaga kaya.

Parang kahinaan ko si Matteo lalo na yung mga bulong niya.

“Korny ko talaga no hehe. Ganyan siguro talaga kapag nagmamahal hehe” bulong niya uli.

“Gusto ko, okay na yung lahat bago kita payagan sa mga ganitong bagay.”

“Di mo mapipigilan ang nararamdaman ko para sa’yo Ju. Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay tong gawin sa’yo”

Hinarap niya ako sakanya.

Naiiyak siya!

Kita ko sa mga mata niya ,pero nakangiti pa rin siya.

Oh Matteo… sobrang gwapo mo lalo na sa malapitan.

“I love you Ju. I love you.” Sabi niya ng harapan. Walang kurapan.

Naiiyak na naman ako. Dahil sa moment na ganito. Parang ang special special.

Pinunasan niya yung luha ko.

Pumikit siya at dahan dahang nilalapit yung mukha niya saken.

Ayoko….

Ayoko talaa….

Pero ewan ko, napapikit na lang ako bigla na parang nakokontrol niya ako.

Gusto ko na.

Gustong gusto.

Hinalikan niya uli ako sa mga labi ko sa ikatlong pagkakataon.

This time, parang mas ramdam ko.

Nakapikit pa rin ako.

Ang sarap sa pakiramdam.

Sobrang sarap.

Pagkatanggal niya ng labi niya, parang gusto ko pa kaya ako naman humalik ngayon.

“Uhm…. bakit palaban ka… ata…. ngayon” sabi ni Matteo.

Medyo nahiya ako kaya tumigil ako. Pero natawa rin ako sa ginawa ko.

Nagkatitigan lang kaming dalawa at naglapat mga noo namen.

“Love mo ko?” Tanung niya.

Ngumiti lang ako at umoo.

Ngumiti rin siya.

“Love din kita” sabi niya sabay yakap saken ng mahigpit.

+++++++

VOTE AND COMMENTS!!!!!

HAHA SORRY MEDYO MASABAW. LATE NAKO NAG DRAFT EH HIHI.

EXTNDED TALAGA TO PROMISE SANA OKAY LANG SAINYO HAHA ✌

Part 39

CONGRATS DLSU!!! 💚💚

VOTE AND COMMENTS!!!!!

+++++

Last Day ng klase bago may Christmas break.

At almost 2 weeks na lang para sa event.

Mas excited pa ako sa event kesa sa bakasyon, kasi feeling ko magiging isa sa highlights ng buhay ko yun.

To think na ang gawin ko lang, tumulong sa isang matanda na di ko inaakalang magbibigay saken ng kapangyarihan para makapagbasa ng isip ng ibang tao.

Ang gusto ko lang naman, mabasa iniisip ni Matteo para malaman ko kung ano yung iniisip niya tungkol saken. Pero may mga limit pala kapag may ganung power ka.

Ano kaya yung papel ni Matteo sa buhay ko at bakit hanggang ngayon, hindi ko mabasa iniisip niya?

Si Laurence din, hindi ko mabasa iniisip niya. Sigurado akong malaki din papel niya sa buhay ko.

Ngayon, eto ako, kasama ko si Sarah at tumutulong ng ibang tao. Pero sa pag tulong namen, kaakibat neto ang puntos para tumaas yung ‘level’ namen para mamaximize yung gift namen.

Minsan naisip kong pumunta sa korte tapos sabihin yung totoong nangyari sa krimen.

Gusto ko rin magtayo ng tent sa Quiapo tapos ang customer ko, mga magjowang sa tingin nila ay niloloko sila, para basahin ko iniisip nila at masabi ang totoo.

Pero sa totoo lang, simula ng nagka gift ako, naging maganda yung buhay ko.

Buti na lang talaga naging mabait ako nun sa matanda at binigyan ako ng ganitong gift.

“Julian! May nag aaway na magjowa!” Sabi saken ni Sarah.

Hilig namen tumambay sa Luneta kasi marami talaga kami ritong natutulungan.

Tinignan ko yung magjowang nag aaway at binasa ko nasa isip nila.

“Gusto ko lang mag sorry ka saken ng maayos!”
Sabi nung babae sa isip niya.

Yung lalaki naman, umiiyak din.

“Ano bang dapat kong gawin!” Sabi naman nung lalaki.

“Ang easy naman neto Sarah” sabi ko.

Ngumiti lang si Sarah, saka kami lumapit sa magjowa.

Pero nag walk out na si ate. Kaya kinausap ko muna si Kuya sandali.

“Kuya, ang gusto niya lang mag sorry ka!” Sabi ko sa lalaki.

“Teka, sino ka?!” Inis niyang sabi.

Tinignan ko si Sarah at mukhang alam nan niya gagawin niya.

Bigla na lang natahimik si Kuya at umayos ng tayo.

“Hahabulin mo yung girlfriend mo, at magsosorry ka. Bibilhan mo pa siya ng bulaklak na binebenta ng bata. Ayos ba?” Sabi ko kay Kuya.

Pero alam kong nakuha na ni Sarah yung katawan ni Kuya sa drawing niya.

“Okay na ba Sarah?” Sabi ko.

“Wait…. wait…. okay na!” Sabi niya.

Pinakita saken ni Sarah yung drawing niya na nakaluhod si Kuya sa harap ni ate at humihingi ng tawad.

Ginawa na ni Kuya yung naka drawing at ako naman bahala sa sasabihin niya.

Kinontrol ko si Kuya para humingi ng tawad kay ate at in the end…, nagkabati na sila.

“Wooooh. Easy talaga kapag magjowa tinutulungan natin! Haha” sabi ni Sarah.

“Haha Oo nga eh. What if big time sindikato kaya ipahuli natin? Haha edi okay diba?”

“Nako Julian. Wag na sa ganun. Masyado ng malaki yun”

“Haha biro lang naman.”

At sa kwentuhan namen, napansin nameng umilaw yung libro namen.

“Level 17” sabi ko sakanya.

“Ang daya, ahead ka na talaga saken haha Level 16 palang ako” sabi ko.

“Nakom unexpected kasi yung sa Ilocos, bigla akong naglevel hehe”

“Hayaan mo na. Magkakampi naman tayo diba?”

“Oo naman! Kaso nga lang si Kennard siguradong di kakampi yun saken, tropa nun si Lucas eh” sabi ko.

“Ako ang girlfriend. Saken siya kakampi. Tapos kakampi kita. Edi okay na, diba? Haha”

“Haha yan naman gusto ko sa’yo eh! Hehe okay yan” sabi ko .

Buti na lang may ganito akong kaibigan.

“Ooops. Speaking of boyfie, tumatawag na saken hehe.” Sabi niya. Mukhang si Kennard nga yung kausap niya.

Tumingin tingin muna ako sa paligid.

Pero biglang humangin ng malakas.

Nakakabigla, nagtakip tuloy ako ng mata baka mapuwing ako.

Pero ang bilis lang nun.

Mga limang segundo lang tapos biglang wala.

Pati yung mga tao sa paligid, nagtaka pero bumalik na sila sa kanya kanya nilang ginagawa.

“Okay ka lang Julian?” Sabi ni Sarah na kausap pa rin sa phone si Kennard.

“Oo. Kaasar, biglang hangin ng malakas eh haha” sabi ko.

Napansin ko namang may tinitignan si Sarah sa likuran ko.

“Diba si McDo Girl yun?” Sabi niya.

Paglingon ko, nakita ko si Angelica! May kausap rin sa phone at mukhang galit.

Napahinto siya saglit.

At biglang sumigaw sa sobrang inis.

Sa pagsigaw niya, saka naman humangin uli ng malakas!

Sht!

Takip mata na naman!

Nung nawala yung malakas na hangin, napansin kong dadaan siya sa harapan namen.

Una niya akong napansin at kinausap.

“Julian…. Julian right?” Sabi niya saken. Medyo nagbago yung mood niya nung nakita niya ako

“Ahhh. Oo hehe. Gel right?”

“Ohh please stop calling me Gel haha. Si Matt lang naaalala ko diyan haha” sabi niya.

“Ayy sorry hehe.”

“That’s okay hehe. Ikaw lang mag isa?”

“Nope. Kasama ko si Sarah, may kausap lang siya sa phone”

“Ahh I see. Hehe,”

“Hmmm. Di ko sana papansinin pero ang lakas kasi ng sigaw mo kanina hehe parang inis na inis ka”

“Ay talaga? Malakas? Nakakahiya naman!”

Ang ganda ng personality neto ni Angelica at maganda rin siya. Ex to ni Matteo eh, talagang maganda to.

“Narinig mo pa. Ehh kasi tong friend ko, nag iinarte pa. Dapat magkikita kami dito, kaso ayun. Di ako sinipot” kwento niya.

Tinititigan ko na naman siya baka sakaling mabasa ko na iniisip niya, pero hindi pa rin!

“Alam mo Julian, nakakarami ka na sa patingin tingin mong yan ah haha.” Sabi niya.

“Sorry. Mannearism ko na”

“Haha buti na lang cute ka. Hehe,”

Di ko talaga alam, isasagot ko kapag kinocompliment ako.

“Hay nako, una na ako sainyo ah. Uuwi na lang ako, baka sakaling mawala yung inis ko.” Sabi niya

“Ay sige sige. Don’t worry, ingat ka!”

“No. Mag ingat sila saken haha. Bye Julian, pakisabi rin kay Sarah na aalis na ako ah. Busy pa eh”

“Hehe sure. Sure” sabi ko.

Pagkaalis niya, parang sinusundan pa rin siya ng malakas na hangin.

Di kaya?……

“Julian! Invited tayo kina Kennard. Birthday daw tito niya, may inuman! Pero syempre, di ako iinom” sabi bigla ni Sarah.

“Ayoko!” Mabilis kong sabi.

“Ay bakit?”

“Andun si Lucas sigurado!”

Kinausap niya sandali si Kennard.

“Wala. Walang Lucas dun, umalis daw sila ni Laurence”

Pero wala ako sa mood umalis. Parang gusto ko na lang umuwi sa bahay.

“Next time na lang ako sasama hehe. Tsaka siguradong susunod yun si Lucas. Mamaya, kung ano pa magawa ko dun haha”

“Wow, ang tapang!”

“Haha, subukan lang niya ko awayin, makikita niya ang batas ng lumalaban na ex! Haha”

“Loko ka talaga Julian. So, paano ba yan? Una na ako” paalam ni Sarah.

“Sure sure, dito muna siguro ako. Ang sarap ng hangin dito eh” sabi ko.

“I know, biglang hangin no?”

“Totoo. Sige na, baka hinahanap ka na ni Kennard”

“Sige Julian bye bye!”

Nakipagbeso siya saken saka siya umalis.

Ako naman, naupo sa may gilid ng monumento ni Rizal.

Medyo maliwanag pa pero siguradong malapit na magdilim. Mag aalasingko na rin kasi.

Habang nakatunganga, bigla na namang humangin ng malakas.

Ang sarap lang sa pakiramdam kasi ang lamig lamig.

Tumawag naman bigla si Matteo saken.

“Ju, nasaan ka?” Sagot ko sa tawag niya.

“Nasa Luneta”

“Hala bakit ka nandiyan? Sinong kasama mo? Bakit di mo ko kasama?”

“Easy lang, kasama ko si Sarah kanina, pero ngayon mag isa na lang ako rito” sabi ko.

“Ahhh. Ganun, buti naman. Gusto mo ba samahan kita diyan?”

“Wag na, gusto ko muna mapag isa ngayon” sabi ko.

“Sure ka? Eh miss na kita eh. Di ba pwedeng puntahan kita saglit diyan?” Sabi niya pa.

Aaminin ko, medyo kinilig ako sa sinabi niya.

“Ayaw. Bukas na lang”

“Kahit isang sulyap lang?”

“Bawal nga!”

“Ehh wala ka naman ng magagawa, nandito na ako. Lingon ka” sabi niya.

Akala ko nagbibiro lang siya pero pag lingon ko, nadun nga siya. Nakatayo at nakauniform pa.

Binaba ko na yung phone, saka naman siya lumapit saken.

“Bakit ka naman pumunta? Nagmomoment nga ako rito eh!” Sabi ko sakanya.

“Edi magmoment tayong dalawa!” Sabi naman niya.

Naupo na uli kami pareho.

Tahimik lang kami pareho, pero nakaakbay siya saken ngayon.

Feeling ko lang, nakatingin siya saken, pero ayoko siyang tignan mamaya, magkalapit mukha namen.

Pero ramdam ko talaga nakatingin siya, natatawa tuloy ako pero pinipigilan ko.

“Wag ka ngang tumingin!” Sabi ko sakanya pero di ko siya tinitignan.

“Oh, di ka nga nakatingin eh, paano mo naman nasabing nakatingin ako?” Sabi niya.

Tumingin naman ako sa kanya at bigla siyang umiwas ng tingin.

Sabay ngiti.

“Oh, ikaw nga yung nakatingin saken eh” sabi niya pa.

Sobrang nakakagoodvibes talaga si Matteo, alam niya kung paano ako pasayahin.

“Ayaw mo pa bang umuwi Ju?” Tanong niya.

“Ayoko pa. Dito muna ako”

“Hmm. May kainan kasi yung tropa ko sa Navotas, niyayaya ako. Eh pwede naman daw ako magsama, gusto mo ba sumama?” Sabi niya.

“Wala kasi ako sa mood eh”

“Ganun ba? Hmmm. Kakain lang naman tayo tapos alis na tayo haha”

“Eat and run? Haha”

“Oo! Tsaka wala naman ng pasok eh, siguradong tengga lang tayo pareha sa bahay natin. Para naman makaalis tayo kahit papano hehe”

Medyo gusto ko rin talaga, kaso baka ma OP lang ako.

“Baka ma OP lang ako” sabi ko pa.

“Hindi yan, kapag ayaw mo na, alis na tayo. Okay ba?”

“Hmmm…”

“Kasama mo ko, di naman kita papabayaan dun. Promise”

Mapilit ngayon si Matteo, parang isang sabi na lang, ooo na ako.

“Please Ju?”

Ayun na nga yung sign.

“Oo na!” Sabi ko.

“Yes!!!”

“Pero kapag OP ako, aalis na ako kaagad ah?” Sabi ko.

“Oo, samahan pa kita eh”

“Hehe, good. Tara!” Sabi ko.

Tumayo na kami pareho at naglakad papuntang sakayan.

Medyo mahangin pa rin talaga, nakakatuwa lang.

Habang naglalakad, napansin ko si Angelica sa may damuhan at mukhang may kausap sa phone niya.

Akala ko naman umalis na siya, nandun pa pala siya.

“Ex mo oh” sabi ko kay Matteo sabay turo ko kay Angelica.

“Ano ba yan! Ang dami nating makikta, siya pa!”

“Bakit ba inis ka sakanya?”

“Wala. Basta nakakainis lang yan nako. Haha”

“Hmmm. Alam mo ba, nagkita kami one time sa McDo tapos ang sabi niya gusto ka niya makausap”

“Ako? Makausap? Eh….. hmmmm. Hayaan mo na Ju, wag mo na lang siyang pansinin” sabi niya.

“Hindi, gusto ko malaman.”

“Haha, basta issue lang sameng dalawa nung kami pa, pero nakalimutan ko na yun. Hayaan mo na!” Sabi niya.

Mukhang iritable siya dahil sa topic kaya di ko na siya kinulit pa.

Di naman kami napansin ni Angelica kaya dumiretso na kaming makasakay papuntang Navotas.

Pagkarating namen dun, medyo marami ngang tao, mga kaedaran lang namen at nag iinuman din.

Maganda naman yung lugar, may maliit na space sa tapat ng bahay nila, siguro mga 10 silang nag iinuman, tapos dumating pa kami ni Matteo kaya nadagdagan.

“Pre!” Bati ni Matteo sa isang lalaki.

Required bang may itsura sa mga kaibigan ni Matteo? Ang gwapo ng tropa niyang to, mestisuhin at malakas appeal.

“Pabebe ka pa, pupunta ka rin palang hayup ka hahahha” sabi nung lalaki.

Nagyakapan silang dalawa.

“Haha, pre, Julian pala. Ju, si Ricardo! Hahahaha”

“Pucha naman pre, hahha JayR na lang haha”

“Hahaha korny ng JayR!”

“Hhaha wag ka ng paepal haha. Ano pre? Tumatagay ba to?” Tanong ni JayR kay Matteo tungkol saken.

“Ayy di yan pwede, kakain lang yan haha” sagot ni Matteo.

“Bawal di tatagay dito pre! Haha,” sabi ni JayR saken.

“Pre, pakain muna. Ayun lang talaga pnunta namen dito eh haha!” Sabi ni Matteo.

“Haha sige, tara muna sa loob” sabi niya pa.

Pumasok kami sa loob at may mga bata dun, siguro kapamilya ni JayR.

“Oh, eat all you can ah! Tapos labas kayo para tumagay haha, wag ng mag inarte, haha. Kaya niyo na dito ah?” Sabi ni JayR.

“Oo naman pre, sige sige!” Sabi ni Matteo.

“Bakit naman kailangan mo pang sabihin na pagkain lang pinunta natin rito?”

“Haha hayaan mo. Tropa ko naman talaga yun eh haha” sabi ko.

Kumain na lang kaming dalawa kasi ang dami talagang handang pagkain.

Pagkatapos kumain, lumabas na kami pareho ni Matteo para makisama.

“Julian?” Tawag saken ng babae.

Pag lingon ko.

Si Angelica.

“Uy, Angelica!” Sabi ko.

Narinig ni Matteo yung pangalan ni Angelica kaya napatingin din siya.

“Gel?!” Sabi ni Matteo.

“Oh Gosh, Matt! Anong ginagawa mo rito?!”

“Aba, ikaw ang anong ginagawa mo rito?!”

“Ako kaya unang nagtanong!” Sabi ni Angelica.

Bigla namang sumingin si JayR.

“Aba akalain mo yun, magkakilala pala kayong dalawa!” Sabi ni JayR

“Pre, pano mo naman nakilala to?” Inis na sabi ni Angelica.

“Hoy, matagal na kaming magkakilala ni JayR no! Wag ka nga diyan!“sabi ni Matteo.

“Hahahaha, nakkatuwa kayo, mamaya magkadevelopan kayo diyan ah!” Sabi ni JayR.

“NO!!!” Sabay nilang sabi.

“Okay, okay. Mamaya, kayo na magkaanuhan diyan ah!” Pahabol ni JayR.

“Pre, tigilan mo nga!!” Sabi naman ni Angelica.

Natatawa lang ako sakanilang dalawa, pero medyo may konting selos lang din.

“Naghaharutan kayo ng ex mo ah” bulong ko kay Matteo

“Ju! Ikaw lang haharutin ko! Kaya wag kang ano!” Ewan ko kung narinig nila yung sinabi ni Matteo.

Naupo na kami ni Matteo sa mga nag iinuman at ganun din si Angelica.

Nakakatuwa, one of the boys si Angelica.

Pero si Matteo, nakasimangot pa rin at mukhang naaalibadbaran sa presensiya ni Angelica.

Sa aura naman ni Angelica, parng ganun din siya kay Matteo!

“Shot naman diyan! Oh beerpong na lang! Sino may gusto lumaban?” Biglang sabi ni Angelica.

Promise, ang cool ng personality ni Angelica. Boyish na maganda at mukhang marunong makisama.

“Si Matteo na lang, para magkasubukan yang inis niyong dalawa haha” singit ni JayR.

Mukhang gusto naman ng mga tropa ni JayR yung sinabi niya at mukhng hinahamon si Matteo.

Napatingin lang si Matteo saken…

“Sige, go. Bahala ka, hehe” sabi ko.

“Papakitaan ko lang ng tamang pagbebeer pong tong si Gel!” Sabi ni Matteo saka siya tumayo.

Naglatag sila ng mahabang lamesa.

May 10 na baso sa harapan ni Matteo na naka pyramid shape, ganun din kay Angelica.

Ang rule. Kailangan mashoot yung pingpong ball sa baso at kapag na shoot, iinumin ng straight yung alak.

Nagpalibot yung mga tao sa lamesa, kabilang na ako, at unang magshoshoot, si Angelica.

“Sana lang makayanan mo pang umuwi after neto, di ako sasablay, sigurado!” Sabi ni Angelica.

“Tignan lang natin!” Sagot ni Matteo.

Unang tira ni Angelica.

Pasok!

Shot kaagad si Matteo.

Pangalawang tira, shoot na naman!

“Lucky shot!” Sabi naman ni Matteo.

“Well, lucky ba? Tignan natin” sagot ni Angelica.

Pangatlong tira, lumayo ng kaunti si Angelica at tinira yung pingpong ball, akala ko nung una, dadaplis..

Pero biglang humangin at nashoot!!!

“Lucky pa ba?!” Sabi ni Angelica.

“Mahangin lang!” Sagot ni Matteo.

Nagshot na agad si Matteo.

Napatingin ako kay Angelica, feeling ko ginagamit niya yung gift niya ngayon.

Sumenyas ako kay Matteo kung okay pa siya.

Nag thumbs up naman siya.

Tinira naman ng mataas ni Angelica yung bola at sa sobrang taas, akala namen di papasok pero hinangin na naman!

Shoot!!

Medyo naiinis na si Matteo at mukhang tinatamaan na sa iniinom niya kahit beer lang.

“Oh? Okay ka pa ba?” Tanong ni Angelica.

Naghihiyawan naman yung mga tao sa nangyayari.

“Okay na okay!!” Sabi naman ni Matteo.

Pero kailangan kong tulungan si Matteo. Alam ko na kung ano yung gift ni Angelica, pero di ko pa sure kung tama ako.

Level 15 gift ko, kaya ko magpagalaw ng mga bagay!

Kaya ganun ginawa ko.

Pagkahagis niya ng bola, alam ko ng shoshoot pero iniwas ko sa baso para di mashoot.

Naghiyawan naman silang lahat nung nagmiss si Angelica.

Mukhang di rin makapaniwala si Angelica.

Nung si Matteo na yung tumira, tinulungan ko rin siya para mashoot yung tira niya.

Una, panglawa, pangatlo hanggang sa matapos. Walang palya yung tira niya na kinainis lalo ni Angelica.

Mukhang may tama na si Angelica sa ininom niya.

Naghiyawan naman lahat sa pagkapanalo ni Matteo.

Pansin ko rin na medyo hilo na si Angelica kaya inalalayan siya kaagad ni Matteo para makaupo.

Di ko alam pero parang nagseselos ako habang nakikita kong nakaakbay siya kay Angelica para paupuin.

Lumapit din ako sakanila, tapos bumalik na sa pag shot lahat.

“Ayan, lalaban laban pa kasi ng beerpong. Kailan ka pa natutong uminom?” Sabi ni Matteo kay Angelica.

“Hindi, kaya ko pa naman hehe. Swerte ka lang Matt!” Sabi ni Angelica.

Napangiti naman bigla si Matteo.

“Sus, magaling talaga ako. Parang di mo naman ako kilala”

“Haha kilala nga kita eh. Kaya masasabi kong swerte ka talaga haha”

“Anong ibig mong sabihin ah? Haha”

“Di ka naman marunong mag beerpong eh, haha akala mo ah!”

Medyo naOOP ako sa usapan nilang dalawa kaya lumayo muna ako at bumalik sa upuan ko.

“Ohh Julian, shot ka muna. Birthday ko naman eh!” Lapit naman saken ni JayR.

“Ahh, mahina ako uminom eh” sabi ko.

“Dali na, birthday ko naman eh hehe, sige na Julian” sabi nia.

Tnignan ko si Matteo, nagtatawanan pa rin sila ni Angelica. Mukhang okay na sila at nag uusap.

“Julian. Dali na” pilit pa ni JayR.

“Hehe sige na nga, konti lang ah” sabi ko naman.

“Sabay ka na sa inuman, mababa lang tagay ko sa’yo, ano? Hehe”

Medyo namumula na si JayR, siguro dahil nakainom na siya ng marami.

Pero mas iniinis ako kay Matteo.

Parang nagseselos talaga ako!

“Sure” sabi ko na lang kay JayR.

“Ayun!!! Hehe. Oh pre, sabay si Julian sa ikot ah? Babaan niyo lang konti hehe” sabi ni JayR sa lahat.

Sinilip ko pa rin si Matteo at mukhang nag uusap pa rin sila ni Angelica.

Maya maya, biglang bumukas yung gate nila JayR at may mga dumating na bisita.

Pero nagulat ako.

Sobra!

“Bakit ngayon lang kayo?!“sigaw ni JayR.

“Sorry sorry, dumaan pa kami sa isang birthdayan eh!”

“Nako, humabol kayo sa tagay ah!” Sabi ni JayR.

Masyadong maliit ang mundo para samen!

Dumating si Sarah at Kennard, kasama si Laurence at Lucas.

++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

AYAN UPDATE KAHIT TALO ATENEO HAHHAHA.

Part 40

Happy 500K reads sa story ni Anjo, OMG, First time ko yun huhu. Thank you! Sana ganito rin kay Julian haha.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

++++++++

Tinignan ko kaagad si Matteo pero nakikipag usap pa rin siya kay Angelica.

Dali dali ko namang kinausap sa isip niya si Sarah.

“Sarah!!!” Halos sigawan ko siya,

Mukha naman siyang nagulat at mukhang hinahanap niya ako sa mga nag iinuman.

Nagkita mga mata namen at biglang nanlaki yung mata niya.

“Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ko pa rin sa isip niya.

Nagkakamustahan pa si JayR pati sila Kennard, Lucas at Laurence, kaya lumapit muna saken si Sarah.

“Anong ginagawa mo rito Julian?” Tanong ni Sarah, pero this time, mukhang masaya na siya.

“Sumama lang ako kay Matteo!” Sabi ko.

“Ahhh talaga, nasaan naman siya?”

Tinuro ko siya sa pwesto niya kanina pero wala na siya! Wala na silang dalawa ni Angelica!

“Baka umalis lang sila ni Angelica” sabi ko na lang.

“Buti na lang kasama ka, nako, sobrang close pala talaga ng tatlong yan! Di mo aakalain na naging mag jowa yung dalawa” kwento ni Sarah.

Tinutukoy niyang tatlo ay sina Laurence, Kennard at Lucas.

Nung mukhang tapos na magkwentuhan yung apat, pinaupo na sila nj JayR sa may inuman at kita kong nagbago yung mga reaksyon nila.

Si Kennard, nagulat.

Si Lucas, nabwisit.

Si Laurence, natuwa.

“Julian! Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Kennard.

“Ahhh… kasi tropa ni Matteo si JayR, eh sinama niya ako…”

“Kita mo nga naman, ang liit ng mundo ano?” Sagot ni Kennard.

“Hehe, super.”

“Well, nabored kami sa birthday ni tito eh, buti na lang nagyaya tong si JayR at may inuman dito haha” sabi uli ni Kennard.

Si Lucas naman, nakatingin lang saken.

Si Laurence, parang gusto magsalita pero di siya makasingit.

“Ano ba, tropa ko na rin tong si Julian!” Singit naman ni JayR sabay akbay saken.

Okay na rin pala na wala si Matteo, di na ako masyadong OP pero nasaan ba sila ni Angelica?

“Julian.” Narinig ko na yung boses ni Laurence.

Kahit medyo maingay yung lahat, narinig ko pa rin yung pagtawag saken ni Laurence.

“Oy?” Sagot ko.

“Kumain ka na?”

“Uhm. Oo, hehe.”

“Ahhh. Okay okay, umiinom ka?”

“Hmmm. Oo, konti. Pinilit lang ako ni JayR hehe”

“Hehe, wag ka uminom ng madami ah?” Sabi niya pa.

Napangiti ako kasi naalala ko yung uminom kami sakanila at sobrang lasing niya.

“Sabihin mo sa sarili mo yan, baka makatulog ka na naman haha” sabi ko.

Nagtawanan kami ni Laurence.

“Lau, samahan mo ko, kain tayo sa loob” biglang singit ni Lucas samen ni Laurence.

May paghawak pa si Lucas sa hita ni Laurence nun.

“Ah sige, gutom din ako eh hehe” sabi ni Laurence. “….babe…. Julian? May gusto ka ba?” Tanong pa uli ni Laurence.

Tinaasan tuloy ako ng kilay ni Lucas nung nadulas si Laurence sa babe.

“Ah, wala. Okay na ako hehe” sabi ko pa.

“Sige sige, excuse us” paalam ni Laurence.

Nasa kaliwa ko si Sarah at Kennard. Tapos sa kanan ko si JayR.

Di ko pa rin makita kung nasaan si Matteo.

“Ohh, ikaw na shoshot” sabi ni JayR sa tabi ko.

“Ang bilis naman!”

“Haha, hindi ah. Ang tagal nga ng tagay ngayon eh. Nakaka tatlo palang na bote oh!”

“Hehe, di naman kasi ako palainom”sabi ko pa.

“Ramdam ko nga hehe”

Ang bait bait ng aura ni JayR, parang walang gagawing masama.

Sinubukan ko naman basahin isip niya, mamaya may gift din tong isa to, pero nababasa ko.

Kumakanta siya sa isip niya, sinasabayan niya yung tugtog.

Tumagay na muna ako ng isa saka ko inabot sakanya.

“Okay ka pala eh, hehe. Game na game ka!” Sabi ni JayR.

“Hehe, nakakahiya naman kasi sa may Birthday!”

“Ayan, good answer haha” sagot niya.

Nagtawanan naman kaming dalawa.

Napansin ni Sarah yun kaya pasimple niya akong binulungan.

“Cute yan Julian ah? Hehe”

“Hehe, oo nga. Mukhang mabait pa” bulong uli niya.

“Oo, mukha nga.”

“Mukha ring type ka”

“Hala, haha. Sttaight yan haha” sabi ko pa.

“May nakita ka bang girlfriend? Nako, kung ganyan ka gwapo na walang girlfriend, magtaka ka na. Haha”

“Hehe, baliw ka talaga” sabi ko.

Napansin kong tumayo si JayR at pumasok sa loob.

“Ayan, narinig ka ata! Nakakahiya!” Sabi ko.

“Haha, lagot ako neto haha”

Habang nagkekwentuhan kami ni Sarah, bumalik na sila Lucas at Laurence at umupo uli sa tapat namen.

Bumalik na rin si JayR na may dalang ice cream para saken.

Nagreklamo naman yung mga tropa niya.

“Bakit siya may ice cream pre? Kanina pa namen hinhintay na buksan mo yung ice cream mo sa freezer niyo eh!!” Reklamo nung isa niyang tropa.

Nahiya naman ako sa alok ni JayR.

“Pumasok na kayo sa loob! Ubusin niyo na!” Sabi naman ni JayR.

“Hahhaha ayon!!” Sigaw nilang lahat, sabay sabay silang tumayo at pumasok sa loob.

“Nakakahiya naman” sabi ko sakanya.

“Ano ba, bisita ka dito eh. Hehe”

Natutuwa naman ako kay JayR kasi ang gentleman niya.

“Salamat salamat!” Sabi ko.

Bigla naman bumulong uli saken si Sarah,

“Naniniwala ka na saken?” Sabi niya.

Tumawa na lang kaming dalawa sa nangyari.

+++

Alas dose na, at unti unti ng nawawala mga bisita ni JayR.

Kasama ko na si Matteo pero di ko siya pinapansin, ewan ko, naiirita kasi ako sakanya ngayon.

O kaya nagseselos ako?

Either way, ayoko pa rin siyang pansinin ngayon.

Si Lucas naman, kanina pa nagtataray saken. Na kinaiirita ko na.

Sumimple ako ng pagkausap sa isip ni Sarah.

“Alam ba neto yung gift nating dalawa?” Tanong ko.

Bumulong naman si Sarah.

“Bawal pag usapan yan diba? Kaya sa tingin ko hindi siya aware kung sino kinakalaban niya”

Natawa naman kami pareho.

Napansin ko naman na tumatawag saken si mama kaya lumabas muna ako para kausapin siya.

“Di ka pa ba uuwi?” Bungad ni mama.

“Hindi pa po Ma, kasama ko po si Kennard,Sarah, Matteo at Laurence” sabi ko, kilala kasi sila ni mama, nakekwento ko.

“Ahhh. Talagang kasama mo si Matteo at Laurence no? Nako, okay naman ba diyan?” Tanong pa ni mama.

“Opo, okay naman po Ma”

“Sige, di muna kami matutulog na papa mo, hintayin ka namen”

“Hala, Ma, tulog na po….”

“Nanunuod pa kami ng movie, trip namen eh hehe. Sige na mag enjoy ka diyan!” Sabi pa ni mama.

“Hehe, sige po. Salamat Ma!” Sabi ko sabay baba ng tawag.

Papasok na sana ako sa loob pero nakita ko si Laurence na nakaupo sa gilid.

Medyo madilim na sa labas, at kami lang dalawa yung tao dun.

“Okay ka lang?” Tanong ko kay Laurence, at tumabi ako sakanya.

“Oo, medyo lasing lang hehe”

“Bakit lumabas ka?”

“Eh, gusto kita makausap eh” sabi niya.

“Tungkol naman saan” sabi ko.

“Tungkol saten”

Natahimik ako bigla nung sinabi niya yung word na ‘saten’.

“Sinusubukan ko kasing ayusin yung samen ni Lucas pero di ka talaga mawala sa isip ko eh”

Kita ko sa itsura niyang lasing na siya.

“Lau….”

“Sabi ko naman sa’yo eh, okay lang na hindi tayo ngayon, basta hihintayin kita. Pangako yan”

Ang bilis mag swift ng mood, kanina lang kausap ko si mama tapos biglang ganito kaagad.

“Baka lasing ka lang Lau..,”

“Nakainom ako pero alam ko naman sinasabi ko, hehe. Wag kang mag alala. Okay lang ako” sabi niya pa.

“Tara na sa loob Laurence.”

“Dito muna tayo, mamaya diskartehan ka na naman nung may birthday eh.”

“Ano ba, di ako dinidiskartehan nun”

“Nako Julian, ganun ako dumiskarte sa’yo nun nung nasa Pampanga tayo, remember? Ganun na ganun, kaya alam ko intensyon niya”

Binasa ko naman isip ni JayR kaya alam kong wala siyang masamang balak saken. Ewan ko lang sa part na didiskartehan niya ako.

“Sa bagay, sino bang di magkakagusto sa’yo, hehe. Ako nga oh, hanggang ngayon” sabi niya pa.

Di talaga ako makapagsalita.

Pero nagulat ako ng bigla siyang humiga! Parang wala kasi sa kanya na hihiga siya sa gilid at sa sahig. Maarte kasi to si Laurence eh.

“Ang daming stars oh, naalala mo ba nung first kiss natin? Hehe,”

“Gusto mo bang magpahinga muna?” Sabi ko. Pero, binabalikan niya pa rin yung memories namen together.

“Ang saya saya ko talaga sa’yo Julian. Di ko talaga alam kung saan ako nagkulang sa’yo”

Eto na, medyo nakokonsensya na naman ako.

Medyo lumapit ako sakanya.

“Wala ka naman kasalanan eh, kasalanan ko yun. Nung una palang may gusto na talaga ako kay Matteo, tapos simula nung nagsabi ka ng feelings mo saken, saka ko siya pilit na kinalimutan. Pero talaga…..”

“Wag ka na magpaliwanag Julian. Okay lang promise. Basta, sabi ko sa’yo hihintayin kita. Magpakasaya ka muna, okay lang. Kapag pagod ka na sa iba at narealize mo na mahal mo talaga ako, nandito pa rin ako para sa’yo”

Parang ang martyr ni Laurence dun pero kita ko sakanya at ramdam kong sincere na sincere siya.

Di na lang ako sumagot sakanya at hinayaan ko siya.

Di ko naman namalayan na nakatulog na pala siya sa gilid, pilit ko siyang ginigising pero nakatulog na talaga siya.

“Diyan ka muna Laurence, tawagin ko lang si Kennard ha?” Sabi ko.

Pagtayo ko at bago ako makapasok sa gate, nakita kong lumabas si Lucas.

At galit na galit.

“Kanina pa kayo diyan?” Sabi niya na halatang galit na galit.

“Ahhh…”

“Ano? Naglalandian kayo dito ganun?!”

“Hoy, tumigil ka ah. Mamaya kung anong magawa ko sa’yo!” Banta ko sakanya.

“Oh? Ano bang gagawin mo?!”

Bwisit kasi eh, di ko mabasa iniisip niya!

Kailangan kong mapahawak sakanya yung libro ko bago ko magamit sakanya gift ko.

Ayoko na lang sana siya pansinin pero nung papasok na ako sa loob hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit.

Ang lamig na naman ng kamay niya na parang nagyeyelo.

“Pasalamat ka, di gumagana!” Sabi niya saken.

Sa sobrang inis ko, bumitaw ako sakanya at dali daling pumasok sa loob para kunin yung gamit ko.

Si Angelica, Kennard at Sarah lang nandun nung mga oras na yun at nakita nilang mukhang galit ako.

“Julian, okay ka lang?” Tanong ni Sarah saken pero di ko siya pinansin.

Pagkakuha ko ng libro, lumabas uli ako.

Ginigising na niya si Laurence ngayon, pero tumayo uli siya nung nakita niya ako.

Bigla kong binato sakanya yung libro ko at tinamaan naman siya sa mukha ng malakas.

“Pucha!!!” Sigaw niya saken.

Pinulot niya yung libro ko at binato niya kaagad saken ng malakas.

Pero bago makalapit saken yung libro, ginamit ko yung gift ko, yung level 15. Tinitigan ko yung libro ko at nanatili lang siyang nakalutang sa ere.

Hindi ako tinamaan ng pagbato niya.

Nagulat siya sa nakita niya.

“So ayan ang gift mo? Umilag sa bato ng iba?!” Sabi niya saken.

Kinuha ko yung libro ko na nakalutang sa ere.

“Scared?” Maangas kong sabi.

“Well, I don’t know kung paano biglang gumana yung gift mo saken pero siguro kaya ko rin gamitin yung akin?” Sabi niya.

Hinintay ko kung anong gagawin niya, pero kinuha niya yung boteng may laman ng tubig at saka binuhos niya saken.

“Sht!!! Ayan na ba yang gift mo?! Mantapon ng tubig?!!” Inis kong sabi.

Basang basa na kasi ako ng mga oras na yun.

Pero, nararamdaman kong nilalamig ako, tumitigas yung tubig at nagiging yelo.

Sht.

Sht.

Ice elementor nga talaga si Lucas.

“Oh? Bakit ang tahimik mo na?!” Sabi ko.

Sht, ang lamig. Di ko masyadong magalaw yung kamay ko.

Ngayon ko napatunayan na mahina pala talaga ako, di ko kayang lumaban sa katulad niyang offensive ang gift.

“Nasaan na tapang mo?!” Sabi ni Lucas.

Ang lamig lamig na talaga ng pakiramdam ko.

“Julian!!! Lucas!” Sigaw ni Sarah sa likod.

Lumapit kaagad si Kennard saken. Nagsindi siya ng lighter sa kamay niya at bigla na lang yun umapoy!!

Fvck, ang cool ng ginagawa ni Kennard ngayon.

Hinawakan niya buong katawan ko para mainitan.

“Anong ginagawa mo Kennard? Bakit mo siya kinakampihan?” Sabi ni Lucas.

“Lucas, wag. Di mo siya kaya.” Sabi ni Kennard.

Unti unti ng nawawala yung yelo sa katawan ko.

“Anong hindi? Tignan mo, hindi nga niya ako kaya!” Sabi naman ni Lucas.

Bigla namang lumabas si Angelica at lima na kaming magkakatapat.

Lumapit si Kennard kay Lucas .

“Tama na Lucas.” Sabi ni Kennard.

“No!! Hindi ako titigil hanggat di ako nakakahiganti diyan sa umagaw saken kay Laurence!!” Sigaw ni Lucas saken.

Pero biglang pumagitna si Angelica samen, at nakatingin siya sa libro ko.

“Paano…. saan mo nakuha yan?” Sabi ni Angelica.

Napatingin naman si Sarah sakanya.

“Bakit? Meron ka rin niyan?” Tanong ni Sarah.

“Oo, meron din!” Sabi niya.

“So ibig sabihin…,” singit ni Kennard.

Dali dali naman pumasok si Angelica sa loob at kinuha yung libro niya.

Oo nga! Parehas ng saken, kaso ibang kulay lang yung sakanya.

Nilabas din ni Sarah yung sakanya.

“Lahat kayo meron?!” Singit ni Lucas.

Nagkatinginan lang silang lahat.

Aware naman ako na lahat sila meron, pero nagulat sila kay Angelica.

Hinawakan ko libro ni Angelica, ganun din si Sarah, pinahawak din ni Sarah kay Lucas. Hinawakan din ni Kennard kay Angelica.

Nilabas din ni Lucas yung sakanya.

Sapilitan ko namang kinuha yung libro ni Lucas para mahawakan ni Sarah at Angelica.

“Teka, ano ba tong ginagawa natin?!” Sabi ni Lucas.

“Kapag nahawakan mo libro ng mga taong may gift, magagamit mo yung gift niyo sa isa’t isa” sabi ko.

“Hindi ko alam yun ah!” Sabi ni Angelica.

“Hehe, ngayon alam mo na. At ngayon, magagamit na natin yung gift nating lahat” sabi ko.

“Oh talaga? Edi maganda!” Singit ni Lucas.

May gripo sa labas ng bahay nila JayR, biglang binuksan ni Lucas yun at saka niya ginamit saken.

Ako talaga punterya netong si Lucas.

Nakita kong nanigas yung tubig at naging yelo saka niya pinagbabato saken.

Nagkagulo kaming lahat, si Kennard pinipigilan si Lucas pero wala siyang magawa.

“Sarah! Tulong!” Sigaw ko.

“Sige, magsama pa kayo!” Sabi ni Lucas.

Nilabas ni Sarah yung libro niya.

“Go, Sarah. Patigilin mo si Lucas” sabi ko.

Ang bilis na nagdrawing ni Sarah ng itsura ni Lucas ngayon, nakakamangha.

Pero mas nagwala si Lucas ngayon. Parang mag iisnow pero hindi snowflakes yung papaulanin niya, kundi matutulis na ice.

“Lucas tumigil ka na!!!” Sigaw ni Kennard, at napansin ko na lang na naghagis ng apoy si Kennard sa mga yelo ni Lucas at naging tubig na lang na bumagsak.

“Kennard ano ba ginagawa mo?! Bakit mo siya tinutulungan?!”

“Madadamay mo si Sarah, tigilan mo na!” Sigaw ni Kennard.,

“Edi si Julian lang ang aatakihin ko!”

Akala ko tapos na siya, nabasa na naman ako ng husto at unti unti kong nararamdaman na nagiging yelo katawan ko.

“Sarah……” sabi ko.

Then, bigla na lang nalusaw yung yelo sa katawan ko.

Tinignan ko si Lucas, nakasteady lang siya at walang ginagawa.

“Okay na Julian, sorry medyo late!” Sabi ni Sarah.

Tinginan ko yung drawing ni Sarah, at nakita kong nakatayo si Lucas, may semento sa paa at nakazipper yung bibig.

“Nako, akala ko pa naman malakas siya” inis na sabi ni Sarah.

Napangiti ako.

Nilapitan ko si Lucas.,

“Sarah, pagsalitain mo na uli.” Sabi ko.

“Sure sure”

Biglang gumalaw katawan ni Lucas pero naka steady pa rin paa niya.

“Anong nangyayari?!” Sabi niya.

“Bitch! Eto ang nangyayari, di ka makakagalaw ,hanggat di ka humihingi ng sorry saken” sabi ko.

“Aba, anong akala mo, ganun lang yun kadali? Bahala ka. At isa pa, hindi naman ikaw ang kumokontrol saken, kundi si Sarah. Mahina ka pa rin! Wala kang binatbat sa tropa mo!” Sabi niya.

Natawa lang ako, kasi di ko pa pinapakita kung sino talaga ako.

Pinasok ko isip niya.

“Alam mo naman siguro yung gift na to diba?” Kinakausap ko siya sa isip niya.

Ramdam kong kinakabahan siya nung ginagawa ko yun.

“So…. ikaw?…. ikaw ang may gift na ganyan?” Sabi ni Lucas.

“Oh bakit ka kinakabahan ngayon?“sabi ko pa.

Hindi ko alam na ganito pala impact ko sakanya, takot talaga siya sa nangyayari.

“Ikaw ang may gift to read minds.” Sabi niya pa.

“Yeap. So, nasaan na yung tapang mo kanina?” Sabi ko.

“Okay, okay. Sorry na!” Sabi niya pa.

Masunurin naman pala.,

“So sa susunod, alam mo na kung sino makakalaban mo diba?” Sabi ko pa.

Di na siya makapagsalita.

“Okay na Sarah, pagalawin mo na siya uli” sabi ko.

Nagdrawing na uli si Sarah at napansin kong palapit na uli siya samen.

“Ano naman kung ikaw ang may gift na ganyan?!!!!” Sigaw niya uli.

At saka nagkaroon na naman ng maraming yelo sa ere na nakatutok saken at mukhang aatakihin niya ako.

“Wala akong paki !!!!” Sigaw niya uli.

Pero bago niya magamit yung gift niya, biglang humangin ng napakalakas. Sobrang lakas na halos makalbo yung mga dahon sa puno.

Alam ko si Angelica yung gumagawa neto.

Hinawakan ko lang kamay ni Sarah dahil nakatakip mukha namen pareho sa lakas ng hangin.,

Maya maya, naging okay na uli at bumalik sa dati yung ihip ng hangin.

“Masyado kayong show off! Bakit di niyo na lang ilabas yan sa event!!!” Singit ni Angelica na mukhang galit sa nangyari.

“Wind?” Sabi ni Lucas.

“Oo! At kaya kong kontrolin yang mga munti mong yelo para tumama sa’yo kaya tumigil ka na pwede?” Sabi pa ni Angelica.

Tatlong elements. Fire, Ice at Wind. Nandito.

“Julian at Sarah, malakas kayo, walang makakatalo sa tandem niyo kaya wag niyong pagtulungan tong yelo man na to!” Sabi pa ni Angelica.

Natawa na lang kaming tatlo sa sinabi niya.

Sakto naman, biglang labas ni Matteo at JayR.

“Anong nangyayari? May ipo ipo ba?” Tanong ni Matteo.

Poker face lang kaming lahat sa nangyari.

“Huy, ano nangyari sa isang yan?” Sabi naman ni JayR.

Tinuro niya si Laurence na natutulog pa rin sa gilid.

Saka ko narealize na nandun pa pala siya.

Tinulungan namen siyang makatayo at saka pinasok sa loob.

Lumapit naman si Angelica saken habang inaalalayan ng iba si Laurence.

“So I guess alam ko na kung bakit mo ko tinitignan non?” Sabi niya.

“Hehe. Oo, di ko mabasa nasa isip mo eh. Kaya alam kong may gift ka rin” sabi ko.

“Well, may mind is not safe anymore haha”

“Don’t worry, di ko papakialamanan unless, kailangan” sabi ko.

“So, nababasa mo nasa isip ko ngayon?” Sabi niya sabay tingin saken.

Tinignan ko siyang mabuti, pero di ko mabasa iniisip niya.

Tinignan ko yung nangyari sakanya kanina, sakanila ni Matteo.

Level 14 gift, pwede kong makita sa isip ng tao yung nangyari sakanya sa nakalipas na isang oras.

“Hindi ba gumagana?” Tanong niya.

“Hehe, wait” sabi ko.

Naguusap lang sila ni Matteo. Nagtatawanan. Kumakain sa loob… at…,

Naghalikan.

Natigil ko kaagad yung pagpasok ko sa isip niya nung nakita ko silang naghalikan.

“Uhm. Natutuwa ka na nakilala mo ko” ayun na lang sinabi ko kasi ayun naman naiisip niya ngayon.

“OMG, totoo nga! Yay. Salamat nakilala kita. Oh please, kampi tayo sa event ah???” Sabi niya.

Umoo na lang ako habang hawak niya ako sa braso at papasok sa loob.

Pero di mawala sa isip ko yung nakita kong magkahalikan silang dalawa ni Matteo.

++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

AYAN, PREVIEW YANG BATTLE SCENE NA YAN LOL, MAS MAGANDA YUNG SA EVENT PROMISE HAHA.

Part 41

Kina JayR na kami natulog kagabi dahil pare parehas kaming mga lasing, buti na lang gising pa sila mama kaya nakapagpaalam ako.

Kinaumagahan, nakikain na naman kami sa kanila, medyo nakakahiya pero nakakagutom kapag gumising kang lasing.

Kami kami na lang natira sa bisita niya, ako, Laurence, Lucas, Matteo, Angelica, Kennard at Sarah.

Tumabi saken si Matteo sa kainan pero umiwas ako at tumabi kina Sarah.

Ayoko kasing isipin yung nangyari sakanila ni Angelica pero parang di ko maiwasan. Lalo na kapag nakikita ko siya, di ko maimagine.

“LQ?” Bulong ni Sarah saken.

Ngumiti lang ako.

Pagkatapos namen kumain, nagpasya na rin kaming umuwi lahat.

“Salamat sa pagkain, tsaka sa lahat!” Sabi ko kay JayR.

“Sus, okay lang yun, wala yun hehe. Dalaw ka uli dito minsan ah?” Sagot niya.

“Hehe, kakahiya na. Bonding na lang minsan”

“Ayan, mas gusto ko yan hehe.”

Nagulat ako ng niyakap niya ako, at mas naamoy ko siya, kahit bagong gising ang bango niya at ang init pa ng katawan niya.

“Thank you” bulong niya pa saken.

Napangiti na lang ako sa binulong niya.

Lumabas na ako sa gate nila habang nagpapaalamanan pa sila.

“Julian!” Tawag saken ni Laurence sa likod.

“Oh? Okay ka na ah? Di ka na matutulog sa sahig? Hehe”

“Ayun ba? Haha nakakahiya nga eh. Hehe. Nalasing na naman ako”

“Mabilis ka naman talaga malasing, wag ka na magpaliwanag haha” sabi ko.

“Edi ikaw na malakas hehe”

Ang cute ni Laurence, kaya kahit ngayon, crush ko pa rin siya eh.

“Magcocommute ka lang?” Tanong ni Laurence.

“Ah, oo. Nagcommute lang kami ni Matteo”

“Gusto mo ihatid na kita sainyo?”

“Nako, wag na. Okay na kami, kaya na namen to.”

Bago naman makasagot si Laurence, biglang lumabas si Lucas at sumingit sa usapan namen.

“Tara na?” Sabi niya kay Laurence.

Ni hindi makatingin saken si Lucas na siya namang kinatuwa ko.

“Sasabay ko sana sila Julian..,”

“Hindi na Lau, promise. Okay lang, at saka, feeling ko ayaw din ako kasabay ng iba mong kasama eh” sabi ko.

Ramdam ko yung pagtataray saken ni Lucas ngayon pero di pa rin niya ako tinitignan.

“Lau… tara na” sabi pa ni Lucas.

Ngumiti lang si Laurence saken.

“Una na kami Julian,”

“Sige, ingat kayo” sabi ko.

Sunod naman na lumabas si Kennard at Sarah saka sumabay din kina Laurence.

Ayoko sanang kasabay si Matteo pauwi kaya naglakad na ako papunta sa sakayan.

Malinaw na Malinaw yung nakita ko, naghalikan sila. Okay sana kung kiss tapos biglang umiwas si Matteo, pero hindi, halikan talaga eh.

“Ju!” Sigaw saken sa likod at alam kong si Matteo yun, pero di ko siya nililingon,

“Hoy Julian!” Sigaw niya uli pero ayoko pa rin siyang pansinin.

Nakahabol siya saken at sabay na kaming naglalakad.

“Bingi ka na ba Ju?” Sabi niya pero di ako sumasagot.

“Huy ano ba, bakit di mo ko pinapansin?” Medyo seryoso na siya.

“Inaantok lang ako siguro” sabi ko pa

“Teka, teka lang.” Pinahinto niya ako at humarap siya saken, hawak hawak yung braso ko.

“Ju, anong problema?” Tanong niya saken.

“Wala nga, antok lang ako. Di ako masyadong nakatulog.” Sabi ko sabay iwas, pero hinila niya pa rin ako at pinaharap niya ako sakanya.

“Ano bang problema Ju? Alam ko meron, sabihin mo na” pakiusap niya pa.

“Alam mo naman palang meron, bakit tinatanong mo pa,”

“Gusto kong malaman kung ano? Ano bang ginawa ko?” This time, ang seryoso na niya.

“Alam mo yung ginawa mo, pero hindi naman ako dapat magalit diba, kasi una, wala naman tayong label. Kaya ako na lang iiwas” sabi ko.

“Pucha naman, ano ba kasi yun Julian?!”

“Diba naghalikan kayo ni Angelica? Oo alam ko. Pero hayaan na lang natin, okay na. Tapos na, alam ko na ngayon yung totoo kaya stop na. Okay? Gusto ko na lang umuwi at matulog” sabi ko.

Hindi siya nakapagsalita.

So guilty talaga siya sa nangyari, ewan ko, mas lalo akong nasaktan sa reaksyon niya.

Parang mas gusto ko na lang na nagsinungaling siya at magpaka tanga ako pero kita ko talagang guilty siya,

“Uuwi na ako, gusto ko na magpahinga.” Sabi ko, binitawan na niya ako at naglakad na uli.

Hinabol niya uli ako at humingi ng tawad.

“Wag kang mag sorry Matteo, hindi naman tayo at alam ko ng may mga bagay kang gusto na di ko kayang ibigay sa’yo kaya kahit papano naiintindihan kita.”

“Ju naman.”

“Pagkakita niyong dalawa ni Angelica kagabi, halos di na kita nakita, ang sabi mo di mo hahayaang ma OP ako dun, buti na lang may mga kumausap saken.”

“Sorry na, hindi ko sinasadya….”

“Di mo nga kailangan magpaliwanag. Okay na. Tapos na, maglalakad na ako pauwi, wag ka na lang sumabay.”

“Ihahatid kita….”

“Kung talagang humihingi ka ng tawad, pababayaan mo ko. Sige na, andun pa ata si Angelica kina JayR, puntahan mo na”

“Julian naman!”

“Maling mali na binalewala ko si Laurence sa’yo. Maling mali na sinabi ko sa’yo nararamdaman ko. At mas lalong maling mali nung pinili kita. Huwag ka ng sumunod, kapag hinawakan mo pa ako hinding hindi na kita papansinin”

Tinignan ko lang siya ng masama, pero deep inside naiiyak na talaga ako.

Umalis na ako nun at hindi na niya ako hinabol.

++++

Maghapon lang ako natulog pagkauwi ko, di na ako masyadong ginisa nila mama kasi ramdam nilang pagod ako, pero ang nararamdaman ko talaga yung disappointment kay Matteo.

Alas otso na ng gabi ako nagising, tumingin lang ako sa kisame habang nakahiha, chineck ko rin yung phone ko at sobrang daming text at call ni Matteo.

Iniwan ko nalang yung phone ko sa kwarto at saka bumaba.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pagkain.

Pagkaupo ko sa kainan, nagulat ako ng bigla ring tumabi sila mama at papa saken, nakatingin sila pareho na parang may gusto silang tanungin.

“So…. kumain na po ba kayo?” Tanong ko sakanila.

“Bakit umiiyak si Matteo dito nung pumunta siya?“biglang sabi ni papa.

“Bakit sabi niya, sorry daw sa ginawa niya, ano bang ginawa niya?” Tanong naman ni mama.

“Bakit wala ka sa mood kanina?” Sabi ni papa.

“Bakit ang konti lang ng kinakain mo?” Sabi ni mama.

Ang bibilis nila magsalita.

“Easy. Easy, wait.” Sabi ko.

Tumahimik silang dalawa at hinintay akong sumagot.

“Kakain na muna ako bago ang kwento”

“Nooooo!” Sabi nila pareho. “…. ngayon na dapat magkwento!” Sabi pa ni mama,

Argh, nakakainis tong mag asawang to, buti na lang love ko sila, kaso di pa ako ready magkwento talaga.

Di ko akalain na kokontrolin ko isip nila mama at papa para di na mangulit saken.

Pinasok ko isip ni mama, at tinignan ko si papa gamit yung katawan ni mama.

Level 10 gift: Kaya kong kontrolin ang sasabihin ng isang tao.

Level 11: kaya kong kontrolin yung gagawin ng isang tao.

Pagkatingin ko kay papa gamit si mama.

“Mamaya na natin kulitin pag tapos niyang kumain”

Nagulat naman si papa kay mama.

“Akala ko ba di natin siya tatantanan hanggat hindi nagkekwento?” Sabi ni papa.

“Hayaan mo na muna, mamaya na lang” pinatayo ko na si mama at pinadiretso sa sala.

Napakamot lang ng ulo si papa sa nangyari.

“Mamaya anak ah?” Sabi ni papa.

“Hehe opo pa!” Sagot ko, umalis na rin si papa at pumunta sa sala.

Inalis ko na pagkokontrol ko kay mama at narinig ko silang nagdidiskusyon.

Nakakatuwa rin tong gift ko eh at nagagamit ko talaga.

Habang kumakain naman, narinig kong may kumatok sa pinto namen.

Pagkabukas ni mama ng pinto, bigla niya akong tinawag.

“Para sa’yo Julian”

“Ma, ayoko makipagkita kay Matteo!”

“Hindi si Matteo to anak, wait tanungin ko….”

Si Laurence kaya yun?

“JayR daw anak” sabi niya.

JayR?! Paano niya nalaman yung bahay namen? Sht, ano ba tong itsura ko ngayon, nakakahiya naman.

Narinig ko pinapasok ni mama si JayR at dumiretso saken.

“Hi Julian” sabi ni JayR.

Simple lang suot niya, naka white TShirt tapos shorts at slip on.

“Hi, anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman bahay namen?”

“Ahh, naiwan mo kasi tong wallet mo at ID sa bahay, kaya naisip kong ihatid sa’yo”

Sa sobrang sama ng loob ko kay Matteo, nawala sa isip ko tong mga gamit ko.

“Grabe, nakakahiya. Salamat Salamat!”

“Hehe okay lang Julian”

“Hmmm, kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain muna?”

“Hindi na. Dinaan ko lang talaga yan, may mga kasama kasi ako sa labas,”

Narinig kong may bumubusina sa tapat ng bahay namen.

“Ayan, tinatawag na nga nila ako eh hehe” sabi niya pa.

“Ah ganun ba, sige, hatid na lang kita sa labas” sabi ko.

“Sige tara”

Tumayo ako at hinatid ko lang siya hanggang pinto, dalawang sasakyan kasi nag aabang sakanya sa labas at puro mga tropa niya.

“Mga nasa inuman yan kahapon haha” sabi ni JayR.

“Oo nga, familiar lahat! Hehe,”

“Sige Julian, kapag may time, dadaan uli ako rito bukas, okay ba?”

“Bakit naman?”

“Wala lang, gusto lang kita makita. Hehe, okay lang ba?”

Sht. Kalma Julian. Wala siyang gusto sa’yo. Wag mo ng gawing komplikado yung buhay mo.

“Ahm…”

“Aalis na talaga ako Julian hehe, sana magkita tayo bukas. Sige, bye!” Tinapik niya lang ako sa braso saka siya umalis.

Nagtawanan mga tropa niya at mukhang inaasar saken, nabasa ko kasi naisip nila kahit malayo sila.

Ang layo na pala talaga ng range ng gift ko, siguradong magagamit ko to sa event.

Pagsara ko naman ng pinto nakita ko sila mama at papa na nakatalikod at nakakibit balikat at nakatingin ng masama saken.

“Sino yun?” Tanong ni papa.

“Bagong friend po. Siya yung may Birthday kagabi”

“Bakit pinuntahan ka rito?” Si papa uli.

“Pa, binigay lang yung ID ko, naiwan ko sakanila” sabi ko.

“May gusto rin ba sa’yo yun?”

“Pa naman!”

“Hindi pupunta yun kung walang gusto sa’yo yun!”

“Pa, baka straight yun!”

“Baka?di ka nga sure eh. Kung ako straight tapos naiwan mo yung ID mo samen, itetext kita para puntahan mo samen, hindi yung ako pupunta sa’yo para ihatid yun, hindi ganun ang straight anak!”

“Si papa naman, lahat issue. Ma oh!”

“Makinig ka sa tatay mo!” Sabi pa ni mama.

Pinagtutulungan nila akong dalawa at wala akong kalaban laban.

Lumapit saken si papa at inakbayan ako papunta sa sala.

“Ano ba talagang status ng lovelife mo ngayon anak? Hindi ba masyadong mabilis nangyayari sa’yo? Ilang buwan palang nakakalipas nung sinabi mong kayo na ni Laurence tapos ngayon tatlo na silang nalilink sa’yo. Artista ka ba anak?” Sabi ni papa.

Kahit seryoso si papa, nasisingit niya pa yung kakornyhan niya eh.

“Pa, wala naman akong ginagawang masama eh”

“Alam ko naman na wala anak, may tiwala ako sa’yo. Kaso, hindi pa rin maganda tignan yung ganyan, kaka break mo lang sa boyfriend mo tapos nalilink ka sa bestfriend mo tapos may isa pang lalaki. Wag ganun anak”

Nakukuha ko naman yung pinopoint out ni papa. Ayaw niya lang na mag iba yung tingin saken ng ibang tao.

“Okay na po Pa.”

“Anong okay na? Magkekwento ka pa kay Matteo, bakit may pag sorry siya rito kagabi?!”

“Pa, sa susunod na kasi haha. Napaka chismoso talaga”

“Haha korny kasi eh, tagal magkwento, sige anak. Kapag wala kang kinwento, lagot ka saken. Grounded ka!”

“Ay mayaman ba tayo?”

“Haha, umakyat ka na ngang bata ka!” Sabi pa ni papa.

“Haha, yey. Love you po!” Sabi ko.

Kiniss ako ni papa sa noo non bago pa ako umakyat. Hinalikan din ako ni mama sa pisngi bago ako umakyat.

Baliw man yung parents ko, alam ko naman mahal na mahal nila ako at tanggap nila ako.

+++

Alas dyis na pero di pa rin ako makatulog, lumabas muna ako para bumili ng makakain.

Pagpunta ko sa tindahan para bumili, tinitigan lang ako ng masama nung tindera.

“Ate, pabili po ng Piattos!” Sabi ko.

Pero di pa rin siya nagsasalita.

Medyo creepy, kasi madilim na tapos ganun pa siya umasta.

“Ate.” Medyo pasigaw na.

Sa takot ko kay Ate, umalis na lang ako sakanya kasi parang papatayin niya ako.

Pero nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay at tinignan ako ng masama uli.

“Ate ano ba!!” Takot na takot na ako sakanya, kita na sa mukha ko.

Tapos bigla siyang tumawa ng malakas.

“Ate baliw ka ba?” Sabi ko.

“Baliw ka diyan, ako to, si TB!”

PUCHA. di pa ako nasanay sa pagpapakita saken ni TB, palagi naman siyang ganun pero palagi talagang unexpected.

“Ano ba yan!! Bakit ka naman ganyan! Papatayin mo ko sa kaba!”

“OA mo, di ka pa mamamatay!”

“Mamamatay ako promise!”

“Wag kang OA Julian haha, anong bago sa’yo?!” Sabi ni TB, ang weird niya talaga, bilis magbago ng mood.

Naisip ko bigla yung munting labanan namen kagabi.

“Kasi kagabi..,,”

“Oo!!! Nakipaglaban ka kaagad! Alam mo bang bawal yun? Pinagalitan ako ng leaders! Alam mo ba yun?” Bigla talagang nagbago yung mood ni TB, medyo galit na siya ngayon.

“Alam mo?”

“As long na dala dala mo libro mo, alam ko ginagawa mo. Nako Julian, pwede kang bawian sa event niyan. Mamaya mabawasan benefits mo, marami ka ngang benefits kasi number 1 ka eh!” Sabi pa ni TB

“Sorry na…”

“Sorry. Sorry ka diyan. Lagot ka talaga saken kapag naulit yan!”

“We? Hehe. Sorry na talaga!”

“Sorry. Sorry…. oh kumusta naman yung battle? Ikaw ba nanalo?” Tanong ni TB.

“Hmmm. Oo, kaso kailangan ko ng tulong gamit kay Sarah, kapag wala siya, wala rin ako” sabi ko.

“Ahhh oo naiintindihan ko. Pero level 15 ka na diba? Kaya mo ng magpagalaw ng gamit? Maximize mo lang yan, magiging lethal ka rin!”

“Lethal talaga?”

“Joke lang haha. Magiging effective ka rin sa offense. Wag kang magalala hehe.”

“Kung wala nga si Sarah baka nanigas na ako sa yelo ehh”

“Ayan kasi pasaway ka! Nakikipag away ka sa iba nako. May sasabihin pa naman akong sikreto sa’yo”

“Sikreto?”

Lumapit si TB saken at binulungan ako.

“Oo, sikreto”

“Ano naman yun?”

“Hmmm. Wag kang maingay sa iba, kahit sa mga tropa mong may gift.”

“Ano ba kasi yan?”

Tumingin tingin si TB sa paligi.

“About sa magical thing na meron ako noon” sabi niya.

“Ano yung magical thing na yun?”

“Dice”

“Dice??”

“Oo Dice.”

Tinignan ko lang siya.

“Yung Dice na iniikot? Ganun?”

“Oo Julian. Yung Dice na ganun!”

“Anong meron sa Dice?!”

Naglakad kami palayo sa lugar at pabalik sa bahay.

“Magical Dice yun na kapag nahawakan ng isang taong may gift, papasok dun yung gift nila at pwede mong magamit sa pansarili mo”

Ewan ko pero sobrang cool ng sinabi ni TB about sa Dice.

“OMG!!! Saan ko naman makukuha yan?”

“Sa Pampanga”

“Pampanga pa?!!!”

“Kailangan manigaw Julian?” Sabi ni TB.

“Ay sorry. Sorry, bakit dun pa?”

“Dun mo kasi makukuha yun. Kailangan mong kunin sa taong nangngangalang Kenji Alfonso” kwento ni TB.

“Kenji Alfonso?”

“Oo Julian. Ibibigay ko sa’yo yung details about kung paano mo mahhanap si Kenji”

“Bakit di mo na lang ako isama?”

“Hmmmm. Hindi kasi kami magkasundo…..”

“Eh bakit mo ko papupuntahin skanya?!”

“Ano ba, wag mong sabihin na si ‘TB’ nagbigay ng gift mo, okay lang yan. Sayang yun”

Minsan ewan ko kung pinapahamak ko ni TB eh.

“Osige, sbihin na natin makukuha ko yung dice, so isa lang? Isang gift lang pwede kong mabulsa?”

“That’s the thing about magical dice. Kailangan mo siyang i-roll tapos kung ilan lalabas dun, ayun yung magiging bilang ng dice mo”

“So kapag isa lang lumabas?”

“May extrang isang dice ka. So dalawa makukuha mo…. kapag anim lumabas, magiging pito dice mo!”

“Wow!”

“Ang galing diba?”

Nasa tapat na pala kami ng bahay ngayon

“Super galing!” Sagot ko.

“One thing lang, mawawalan ng bisa yung dice kapag nahawakan ng normal na tao. Magiging black lang yung dice tapos wala ng silbi. Kaya malinaw na dapat ipahawak mo sa may gift lang”

“Pano kapag si Sarah?” Sabi ko.

“That’s the trick. Di gumagana yung dice sa kapangyarihan niyong tatlo ni Sarah at Illusionist. Sa iba lang”

Wow, super dami kong nalalman about sa magic dice.

Eto rin siguro yung sinasabi ni Greco saken nun na “kailangan niyang matulungan yung may dice”…, ako talaga siguro yung tinutukoy niya.

“Julian tingin ka sa likod mo” sabi bigla ni TB.

Tumingin naman ako at nakita kong bumukas yung pinto at lumabas si mama.

“Ang tagal mo namang bumili!” Sabi ni mama.

“Ahh sorry po ma, sarado na kasi tindahan ehh”

“Pumasok ka na at gabi na. Mamaya mapano ka pa diyan” sabi niya.

Nilingon ko si TB at sa inaasahan ko, wala na siya.

Pumasok na ako sa loob at umakyat sa kwarto.

+++

Maaga akong nagising para pumuntang Pampanga, nasabi na ni TB saken lahat ng details kaya ready to go na ako.

Alas otso ako natapos mag asikaso.

“Oops oops, saan ka pupunta?” Sabi ni papa pagbaba ko.

Magsinungaling ka Julian, wag mong sabihin na pupunta ka sa Pampanga. Hindi ka papayagan ni Papa.

“Sa Pampanga po!”

Sht. Vovo mo Julian.

“Pampanga?! Anong gagawin mo dun?”

“May pupuntahan lang po” sabi ko.

“Ano naman pupuntahan mo!”

Sht, vovo kasi Julian eh, bakit mo sinabi.

Buti na lang may kumatok sa pinto, nasa tapat kami ng pinto at si papa na nagbukas.

Pagkabukas niya,nagulat ako ng makita ko si JayR na naka shades at TShirt at shorts.

Ma cute talaga tong si JayR eh, parang bata lalo na sa dimples niya kapag ngumingiti siya.

At tama!!!!

Sakto yung dating niya para magpanggap na kasama ko siya.

“Ayan na si JayR pa! Aalis kami, kasama namen yung iba, pupunta kami ng Pampanga.” Sabi ko.

Tinanggal ni JayR yung shades niya at mukhang gulat.

Sumenyas ako na sumakay na lang siya.

“Ahhh ehhh opo. Hmmm, ready ka na pala Julian” sabi ni JayR, buti na lang magaling sumakay.

“Hmmm kayong dalawa lang ba?” Tanong ni papa.

“Dadaanan pa namen si Laurence pa at Sarah at Kennard hehe. Kami kami po uli” sabi ko.

“Si Matteo?”

“Nako wag na yun Pa. Haha, sige pa, alis na kami!” Sabi ko sabay kiss kay papa sa pisngi.

“Pera? Ayaw mo?” Sigaw ni papa.

“Okay na ako Pa.”

“Julian wait!” Sigaw nman ni mama.

Inabutan niya ako ng tinapay na baon, wow, ang bilis ni mama ah.

“Di ka pa nag aalmusal eh. Ayan kainin mo yan sa byahe hehe. Mag ingat kayo” sabi ni mama.

“Opo opo hehe. Bye ma!”

Di na ako lumingon at sumama na ako kay JayR, buti na lang may dala siyang kotse at sumakay na ako kaagad sakanya.

“Okay, anong ibig sbihin nun?” Biglang sabi ni JayR

“Haha, sorry. Baba mo na lang ako sa kabilang kanto”

“Wait, so pupunta ka talaga sa Pampanga? Magisa ??”

“Uhm oo, ayun talaga balak hehe. Right timing ka nga eh hehe. Salamat”

“No no, wait. Since ayan naman paalam mo sa parents mo, samahan na lang kita sa Pampanga!”

“Ha? Wag na!”

“Well, babalik ako dun at isusumbong kita na aalis ka mag isa.”

“Uyyy wag naman”

“Dali na. Ikaw naman talaga pinunta ko diyan sainyo eh. I think destiny tong naglapit saten haha, joke lang” sabi niya pa.

“Wag na talaga, nakkahiya”

“Kung nahihiya ka, bigay mo na lang pamasahe mo saken tapos ipang gas natin. Para di ka na hassle diba? Dali na. Gusto ko rin umalis eh”

Mukhang hindi naman magpapatalo si JayR.

Binasa ko isip niya, gusto niya talagang umalis at gusto niya ako kasama.

Buti na lang nababasa ko isip niya.

“Okay na ba Julian?” Sabi niya.

Umoo ako.

“Nice! Seatbelt, then tara na!” Sabi ni JayR.

Kahit ano pang mangyari, ang goal ko ay mahanap si Kenji at makuha ang dice sa pampanga.

+++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!

Part 42

“So, anong gagawin mo sa Pampanga?” Tanong ni JayR, kakadaan lang namen ng drive tru sa McDo bago kami umalis ng tuluyan.

“May pupuntahan lang, medyo importante hehe”

“Medyo lang?”

“Hehe, osige, importante na hehe” sabi ko.

Natahimik kami pareho.

Weird sa iba na sumasama kaagad ako sa taong kakakilala ko lang, pero nababasa ko isip ni JayR at alam kong napakabait niyang tao.

“Bakit ka pala pumunta samen?” Tanong ko para may pag usapan kami.

“Ah, sabi ko sa’yo diba dadaan ako sainyo”

“Oo nga, pero bakit?”

“Wala lang, gusto lang kita makasama hehe. Ang cool mo kasi, galing mo makisama”

“Hala, nag shot lang ako nung Birthday mo, alam mo na kaagad na cool ako? Haha”

“Siguro ganun na nga hehe”

Natahimik uli ako, ang cute magdrive ni JayR, may pag galaw ng ulo siguro may kinakanta siya sa isip niya.

“Magkaaway ba kayo ni Matteo?” Tanong niya.

“Ha?”

“Narinig ko kasi sabi mo sa papa mo na ‘wag ng isama si Matteo’ ba yun? So…. akala ko magkaaway kayo”

“Ahh, hindi hindi.” Pagsisinungaling ko.

“Akala ko nga nahawa na si Matteo eh haha,” kwento niya pa.

“What do you mean nahawa?”

“Well akala ko kasi… kayong dalawa. Hehe” sabi niya.

Natahimik ako lalo sa sinabi niya.

“Na offend ba kita?” Tanong niya.

“Hindi, hindi. Okay lang hehe”

“Hehe, Well mali naman ako. I saw him hitting on Angelica kaya sabi ko imposible hehe”

Sht, eto na naman sa issue kay Angelica.

“Sobrang sweet, at mag ex pala sila no? Whatta small world para sakanila, siguro destiny!”

“Ah hehe. Wag na natin sila pag usapan” bigla kong sabi, di kasi ako komportable.

“Oh, sorry. Seems like you’re irritated hehe, I’ll stop na”

Feeling ko may nasabi kong masama sakanya kaya kailangan ko kaagad makaisip ng bagong topic.

“Paano pala kayo nagkakilala ni Matteo?” Tanong ko bigla para masira yung awkward silence.

“Ahh, taga Cavite kasi kami before, tropa kami dun. Buti nga nung lumipat kami rito, tropa pa rin kami eh”

“Pero akalain mo yun no? Ang liit ng mundo, tropa mo rin pala sila Kennard?”

“Hehe sobrang liit ng mundo, oh kaya malay mo pinagtagpo talaga tayo hehe”

“Hala,”

“Hehe joke lang Julian. Sorry kung ganito ako sa’yo ah”

Ayoko na magsalita mamaya kung saan pa mapunta yung usapan, change topic na lang ulit.

“Alam mo ba kung saan yung pupuntahan nating address?” Tanong ko sakanya.

“Pwede naman tayong magtanong eh, hayaan mo di naman tayo maliligaw. Pampanga lang yun, super lapit lang hehe”

At syempre, may kapangyarihan akong makabasa ng isip ng ibang tao, kaya talagang hindi kami maliligaw.

+++

Alas dose na kami nakarating sa address na binigay saken ni TB.

Maganda yung bahay na napuntahan namen, mukhang yayamanin tong Kenji Alfonso na to ah. Kaso yung bahay nila nasa looban ng isang subdivision,

Yung bahay nila hanggang 3rd floor, malaki yung space sa labas.

Mataas din yung gate ng bahay nila.

“Wow, kakilala mo ba nakatira diyan?” Tanong ni JayR.

“Ay, hindi nga eh hehe.”

“Hala, mamaya nakakatakot yung mga nakatira diyan. Ano ba talaga gagawin mo diyan? Drugs ba kukunin mo?”

“Uy, ang dami mo ng sinabi diyan! Basta nga, may kukunin lang akong importante.” Sabi ko pa.

“Hehe, eto naman, biro lang naman Julian” sagot niya.

Medyo kinakabahan ako sa mangyayari pero nag doorbell na ako agad agad.

Pagkapindot ko pa lang ng doorbell, biglang may nagtatatahol na dalawang Bulldog, pucha! Ang laki nila, sobrang nakakatakot.

Nagwawalang makalabas ng gate.

Napaurong naman kaming dalawa.

Jusko, siguro kung nakawala tong dalawang asong to, nalapa na kami ng buhay.

Di pa rin lumalabas yung tao sa loob kaya di tumitigil yung dalawa.

Naalala ko!

Level 4 gift: Kaya kong makausap akong mga hayop.

“Julian! Tara na, alis na tayo. Feeling ko makakawala na sila ehhh” medyo takot na sabi ni JayR.

Pero di ko siya pinansin, lumapit ako ng dahan dahan sa mga aso.

“Julian!!”

Pero di ko talaga siya pinansin.

Tinignan ko lang mabuti yung mga aso at bahagyang naupo.

“Wala kaming gagawing masama” para akong baliw na nakikipagusap sa aso.

“Gusto ko lang makita si Kenji Alfonso” sabi ko sa mga aso.

Nawala ng bahagya yung pagtahol nila at nakatingin na lang sila saken.

“Tawagin mo naman yung amo niyo.” Sabi ko pa.

Aba, nagulat naman ako at biglang umalis yung dalawang aso.

“Pucha Julian anong klase ka? Paano mo nagawa yun?!” Gulat na sabi ni JayR.

“Kinausap ko lang, nagbakasakali ako haha”

“Grabe, pwede pala yun no?”

“Haha, oo, try mo rin minsan”sabi ko.

“Nako, andiyan ka naman eh. Ikaw na lang! nakakatakot kaya yung aso!” Sabi niya pa.

Ang cute ng pagkakasabi ni JayR nun.

Maya maya, may lumapit na tao samen, siguro mga nasa 30’s na lalaki, matangkad! Bigotilyo, matangos ilong at mukhang batak katawan dahil sa gym.

“Bakit?!” Sabi niya bigla. Nakakatakot yung boses niya ang laki laki.

“Ahhh… ehh.”

“Ayoko ng uutal utal! Ang sarap ng tulog ko sa loob, ginising ako ng mga aso ko!ano yun?!” Inis niyang sabi.

“Ahhh, hinahanap ko po kasi si Kenji Alfonso”sabi ko.

Tinignan niya kaming dalawa mula ulo hanggang paa.

“Sino kayo?” Sabi niya.

“Ako po si Julian, siya naman po si JayR”

“Julian? Hmmm.” Nag isip lang siya ng kaunti.

Nagkatinginan kami ni JayR na medyo takot na sa nangyayari.

“Sige, pumasok kayo” sabi niya.

Pagkabukas niya ng gate, tinignan niya lang kami hanggang sa makapasok.

Nung nakatapak na kami sa loob ng bahay niya, bigla na lang siyang ngumiti at nawala yung takot namen sa kanya.

“Wow! Welcome Welcome!” Sabi niya samen.

Pumasok kami sa loob ng bahay niya na super ganda, kasama yung dalawang aso niya na sumusunod na samen.

“Julian, sure ka ba rito?“bulong ni JayR saken.

“Oo, wag ka ng maingay diyan” sabi ko.

Super lawak ng bahay niya, malaki talaga lalo na pag nasa loob kana. Maaliwalas, at alam mong mayaman talaga.

“Siya ba yung hinahanap mo?” Bulong uli ni JayR.

“Hindi ko rin sure talaga”

“Nako mamaya kunin laman loob natin dito!”

“Haha, quiet ka nga diyan”sabi ko pa.

“Oh, feel at home. May kukunin lang ako sa taas ah?” Paalam nung lalaki.

Naupo kaming dalawa sa sofa, kasama yung dalawang aso na super close na kaagad saken.

“Pati aso napapamahal sa’yo Julian, grabe” biglang sabi ni JayR.

“Haha, ewan ko sa’yo!”

“Pero ano ba talagang kailangan mo rito?”

“May kukunin lang ako, pinapakuha ng kaibigan ko” sabi ko.

“Ahhh, okay okay.”

Habang naghihintay sa lalaki, biglang may sumulpot na babae at mukhang may lakad.

Maganda yung babae, chinita at matangkad. Kahit si JayR napatingin sakanya.

“Dad!!! Aalis na ako!” Sigaw niya.

Natigil siya ng bigla niya kaming nakita.

“Ohh hi, sorry di ko napansin may bisita pala si dad” sabi niya.

“Ahh hehe. Hi” sabi ko

“Hi, and, bye! Pakisabi na lang na umalis na ako ah?” Sabi niya. Di na siya naghintay ng sagot at umalis na kaagad.

“Grabe talaga mga anak mayaman eh no?” Sabi ni JayR.

“Hehe hayaan mo na sila” sabi ko.

Maya maya pa, bumaba na uli yung lalaki.

“Sorry, sorry. Gusto niyo ng maiinom?” Tanong niya.

“Ahh sige po” si JayR sumagot.

“Sige, sige.” Sabi niya.

Pero di siya tumayo para kumuha, kinausap niya lang uli kami na parang tinanong lang yung about sa inumin at walang balak gawin.

“So anong kailangan niyo saken?” Sabi niya.

“Uhm,,, kayo po si Kenji Alfonso?” Tanong ko.

“Yeap yeap! So…. sabihin mo na agad.” Sabi niya pa.

Parang naiilang ako na nandito si JayR.

“Uhm… sir, pwede po bang maki CR?“biglang sabi ni JayR.

Yun!!! Perfect talaga timing mo palagi Jayr.

“Sigesige, diretsuhin mo lang yang kusina, makikita mo na yung CR” sabi ni Kenji.

“Yun, salamat po” sabi niya sabay tayo.

“Ohh, ano na kailangan mo saken?” Sabi niya.

“Uhm, about po sa dice?” Sabi ko.

“Dice?”

“Yung….. hmmm….. magical dice po” sabi ko.

Bigla siyang ngumiti.

At saka may dumating na katulong na may dalang juice para samen.

Uminom muna siya bago siya sumagot saken.

“You know, hindi ko basta bastang binibigay yun” sabi niya pa.

“I understand po, ano po bang pwede kong gawin para makuha yun?” Tanong ko.

Ngumiti lang uli siya at may kinuha sa bulsa niya.

Yung Dice!!!

Parang normal na maliit lang na dice na ginagamit sa mga laro. As in, ganun na ganun lang itsura niya.

“So… ano pong gagawin ko?” Sabi ko.

“Good.. kunin mo lang siya ngayon” sabi niya.

Ang weird niya ngayon. Pero nung sinubukan kong basahin yung isip niya, di ko mabasa!

May gift din kaya siya?

Pero parang ang tanda niya masyado para magkaroon ng gift.

Tinignan ko siya habang unti unti kong kinukuha yung dice.

Nung nahawakan ko na, bigla ko kaagad ni lock sa kamay ko para di mawala.

Ganun lang kasimple? Ganun lang kadali?

“Congrats! Nasa’yo na yung dice!” Sabi niya.

“Ganun lang po kadali?”

“Syempre hindi, paano kita palalabasin dito samen kung nasayo na yung dice?” Sabi niya.

Tatakbo na sana ako kaso naalala ko si JayR nasa CR pa.

Bigla na lang siyang tumayo at lumapit saken pero bigla akong umiwas sakanya.

Binulsa ko kaagad yung dice para di mawala.

“Saan ka pupunta Julian?” Tanong niya.

“Uhm… aalis na po kami”sabi ko.

“Hindi, hindi ka aalis. Maglalaro pa tayo” sabi niya.

May statue kasi sa gilid ng pinto nila na gawa sa bato.

Nagulat ako ng bigla na lang bumiyak yun at nasira.

“Sige na, maglalaro lang tayo. Kapag nanalo ka, paalisin na kita rito ng ligtas. Kapag hindi…. edi sorry na lang” sabi ko pa.

Biglang lumutang yung nasirang statue at mabilis na pumunta saken!!

Buti na lang naka ilag ako!

“Ohhh.. ano bang gift mo Julian?” Sabi niya.

Sinubukan ko rin na buhatin yung nasirang statue gamit isip ko, at sa gulat ko, nagawa ko naman.

Nagulat din si Kenji sa ginawa ko at mabilis kong binato sakanya yun.

Pero bago makarating sakanya, naging buhangin na lang lahat.

Sht, anong klaseng gift to?

“Paano mo nagawa yun?” Sabi niya.

“Please, wag na lang tayo mag away. Babalik ko na yung dice, aalis na lang kami”

“Hindi! Nahawakan mo na yung dice ibig sabihin sa’yo na yan! At may 10mins ka lang para i-roll yan, kung hindi, hindi na magiging effective yan!”

Sht. Sht. 10mins? 12:20 na, kailangan ko tong ma roll bago mag 12:30.

Bigla namang sumulpot bigla si JayR sa likuran ko.

“Woah, woah, anong nangyayari?!” Sabi niya habang nakita yung mga kalat sa sahig.

“So, dalawa kayo? Hmmmm… sige!” Sabi ni Kenji.

Bigla na lang nagshake yung bahay niya na parang lumilindol at napakaraming nabasag sa loob ng bahay niya.

“JayR, lumabas ka na! Start mo na yung sasakyan!!” Sigaw ko sakanya.

Sa sobrang taranta ni JayR, wala na siyang nagawa kundi sumunod sa sinabi ko.

Pero bago siya makarating sa pinto, babatuhin sana siya ng mga gamit ni Kenji, buti na lang napigilan ko!

Level 15: kaya kong kontrolin yung gamit sa paligid gamit isip ko.

Madali namang nakalabas si JayR sa ginawa ko pero sa sobrang inis ni Kenji, halos masira na niya yung bahay.

“Nagagamit mo yung gift mo gamit isip mo, so ibig sabihin…… power to read mind?!!!!” Sigaw niya. “…. nagbigay ba sa’yo niyang gift mo ay si Timothy Brian?!!!” Inis niya uling sabi.

Timothy Brian? TB!

“Argh!!! Humanda ka saken!!”

Sobrang nag shake na yung bahay to the point na lahat ng gamit nasira na at humarang na sa may pinto.

Dahan dahan siyang lumapit saken.

Nakita ko yung aso.

Level 4: Kaya kong makausap yung mga hayop.

“Tulungan niyo ko” sabi ko sa mga aso.

Ewan ko pero sumunod sila saken at inatake nila si Kenji.

Pero saglit lang yun, dahil nasaktan yung mga aso sa ginawa ni Kenji na pagbago ng mga gamit sakanila.

12:25 na, 5mins na lang.

Sht. Sht.

Tinginan kong mabuti yung mga nakakalat na gamit.

Inisip ko na sana maging anyong tao sila at atakihin nila si Kenji.

At sa gulat ko, ganun nga nangyari.

Unti unting nagfoform ng parang tao yung mga gamit.

Lima yung nagawa kong ganun.

Oh sht.

Anong level na gift ko to?!

“Wow. Level 16 ka na pala” sabi bigla ni kenji nung nakita niya yung ginawa ko.

So Level 16 gift to?

“Tulungan niyo ko!” Sabi ko sa mga nagawa kong statue.

Madali naman silang lumapit kay Kenji.

Tumakbo si Kenji pataas, ako naman tumakbo palabas. Sinira ko yung bintana niya para makalabas.

12:29 sht!!

Nilabas ko yung dice at binato ko kaagad at napunta sa may kotse ni JayR.

“Julian bilisan mo!!” Sabi ni JayR habang tumatakbo ako palapit sakanya.

Pagdating ko sa may dice ang lumabas na number.

Biglang nag multiply yung dice at naging anim! Pero malalayo sa isa’t isa yung pagtalsik ng dice.

Wow. Sobrang nakakatuwa! 6 yung dice!!!

Pinulot ni JayR yung isa.

“Julian tara na!!” Sigaw ni JayR.

“Wag mong hahawakan yan JayR!!!” Sigaw ko sakanya, pero huli na. Nahawakan na niya.

Lima na lang magagamit ko.

Napulot ko na yung apat at hinahanap ko pa yung isa.

Masyadong malayo yung talsik nung isa at napansin kong napulot yun ng isang babae.

Yung babae sa bahay ni Kenji kanina!!

“Wag!!!!” Sigaw ko uli, pero hawak na niya.

Hinablot ko sakanya yung dice.

“Paano napunta sa’yo yang dice?!” Sigaw ng babae saken.

Sht. Paano niya alam.

“Julian, ano na!! Tara na!!” Sigaw uli ni JayR.

Di ko na pinansin yung babae at tumakbo na ako para sumakay sa sasakyan.

Pinaghiwalay ko yung nahawakan nung babae at ni JayR.

Dali dali namang nagpaandar si JayR ng sasakyan at umalis.

+++++

“Wow Julian! Wow! Papatayin ba tayo nun?!” Paulit ulit na si JayR sa kakasabi pero di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

“Di ko alam, ang weird nga eh” sabi ko na lang.

“Pumunta tayo dun para kumuha ng dice? Sana sinabi mo! May monopoly kami sa bahay! May dalawang dice dun!”

“Haha, wag na kasi makulit. Ang okay, ligtas na tayo” sabi ko.

“Oo! First date natin, tapos papatayin pa tayo…. literally”

“Date?” Bigla kong sabi.

“Ay… no, sorry. Hehe”

“Akala ko ehh…”

“Pero okay ka naman ba? Nakuha mo ba yung gusto mo?” Sabi niya.

“Oo, salamat salamat”

“Nako talaga, isa sa pinaka di ko makakalimutan yang nangyari kanina!”

“Haha, oo na. Pero, salamat talaga sa pagsama. Baka kung wala ka, napano na ako hehe”

“Well, dahil diyan, you owe me a meal!”

“Hay, wala na akong pera…”

“No, my treat, pero dapat sasama ka!” Sabi niya.

Napansin kong okay na okay siya, wala man lang siyang sugat sa nangyari kanina, samantalang ako ang dami kong sugat na maliliit sa braso.

“Ano Julian? Kundi, ibabalik kita dun!” Sabi niya.

“Ay grabe siya”

“Haha, wala ka ng magagawa. Tara na!” Sabi niya.

+++

Alas tres na, at di ko alam kung nasaan kaming dalawa.

“Kung nagtataka ka kung nasaan tayo, nasa Bataan tayo hehe. Kakain tayo ng Pancit na puro tinapa dito! Masarap yun, nakakain ka na ba nun?” Tanong niya.

“Hindi pa….”

“Good! Magugustuhan mo yun! Promise” sabi niya.

Nasa looban kami at malubak yung daan.

Bigla siyang huminto sa tapat ng isang kainan, nag iisang kainan sa lugar na yun. Tapos yung nasa likuran, puro talahiban na.

“Nakakatakot naman dito pag gabi” sabi ko.

“Kaya nga hapon tayo pumunta diba?”

Lumabas na kaming pareho at pumasok dun.

Kubo lang yun, at mukhang kami lang yung customer.

“Paano mo nalaman to? Siguro dito mo dinadala mga babae mo no?” Sabi ko sakanya.

Kinapa ko muna yung dice sa bulsa ko at nandun pa naman sila.

“Hehe loko…..” sabi niya sabay tawag sa lalaking nagseserve “…. kuya yung dati” sabi niya.

Napatingin ako sakanya.

“So, dito ka nga palagi?“tanong ko

“Hehe oo”

“Wow. Ang layo ng napupuntahan mo ah?”

“Hehe, ganun talalaga kapag nakikipag date ako hehe”

Date? Kanina lang halos patayin kami ng Kenji Alfonso na yan tapos biglang date na kaagad kami.

Di ako sumagot hanggang sa dumating na yung pancit namen at puro tinapa nga. Mukhang masarap nga to kaya di na ako nag atubiling kumain at gutom na ako, ganun din yung ginawa niya.

++

“Sobrang sarap!”

“Diba? Buti nagustuhan mo!”

“Hehe, paano mo ba natuklasan tong lugar na to?”

“Di ko rin alam eh, bigla na lang kami napadpad dito noon hehe.”

“Ng girlfriend mo? Yiehhh” sabi ko,

“Boyfriend” bigla niya sabi.

Akala ko nung una, nagbibiro siya pero seryoso yung expression niya.

“Ha?”

“Hehe, di ba halata?” Tanong niya.

Alisin mo yung fact na ang clingy niya saken, yung kilos at salita, hindi mo talaga malalaman na ganun siya.

“Dito ko siya dinala nun nung sinabi kong liligawan ko siya” kwento niya.

Di naman ako sumagot, parang alam ko na sasabihin niya.

“Kaya dito rin kita dinala Julian, alam ko parang ang bilis pero….. pwede ba kitang ligawan?” Sabi niya.

Hinawakan niya pa yung kamay ko nung mga oras na yun.

Nakatingin siya saken ng diretso.

“Uhm… kasi…. ang bilis masyado…. at saka, kaka break ko pa lang kasi sa ex ko” sabi ko.

“Ahhh ganun ba?? Hmmm…”

“At saka kasi….”

“Kasi ano?”

“Si Matteo….” sabi ko.

Medyo nagulat siya nung nabanggit ko si Matteo.

“Siya kasi yung…. uhm… nanliligaw ngayon” sabi ko pa.

“Matteo? So ibig sabihin….”

“Oo, ganun na nga. Magkaaway lang kami dahil nga sa issue niya kay Angelica” sabi ko.

Binitawan naman niya yung kamay ko.

“Hehe, sorry sorry.” Sabi niya .

“No… sorry,” sabi ko.

“Haha, ang bilis kasi ng pangyayari eh no, ligawan kaagad hehe. Sorry talaga Julian” sabi niya.

“De, okay lang talaga hehe”

“Parang I’m so desperate to fall inlove again…. sorry, ano ba tong ginagawa ko haha” parang nagsisisi siya sa sinabi niya about saken.

“No, don’t worry. Okay lang talaga…”

“I really wanna be your friend, after ng sinabi ko, mukhang imposible na”

“No, we can. Promise, kakalimutan ko sinabi mo today.” Sabi niya.

Ngumiti lang siya.

“Promise?” Sabi niya.

“Promise” sabi ko.

“So…. si Matteo talaga?” Sabi niya.

“Oo eh hehe. Hinihintay ko lang palamigin bago ko siya kausapin uli”

“Mahal mo talaga?”

Ngumiti lang ako.

“Oo, kahit ganun yun.” Sabi ko pa.

“Nako, gusto mong itagay na lang natin yan?” Sabi niya.

“Haha sige, basta konti lang ah?”

“Nice. Sure sure!”

Nauwi rin sa inuman yung usapan nameng dalawa

+++

Alas otso na ako nahatid ni JayR sa bahay, dahan dahan lang kasi siya magdrive kasi nakainom.

“Salamat Julian! Unexpected yung lakad natin, papatayin pa tayo, tapos nag food trip pa tayo, over all, napakasayang araw” sabi ni JayR.

“Hehe ,maraming salamat din sa pagsama”

Bumaba na ako at sumunod naman si JayR.

“Ju?!” Nandun pala si Matteo sa tapat ng bahay, at nakita niyang magkasama kami ni JayR.

“Pre!” Bati ni JayR sakanya, pero nagulat ako ng bigla niyang sapakin si JayR!

“Matteo!!!” Sigaw ko.

“Kanina pa ako naghihintay sa’yo dito! Ang sabi ng mama mo, kasama mo sila Sarah at Kennard tapos eto, siya pala kasama mo! Ano Ju?! Gumaganti ka ba?!” Sigaw niya saken.

“Ano bang sinasabi mo?!”

Tumayo naman si JayR at hindi na gumanti.

“Tangna pre! Anong problema mo?!” Sigaw sakanya ni JayR.

“Mahal ko tong si Julian eh!! Tapos ano? Kayong dalawa lang magkasama?siguradong nilandi mo to!!”

Napatawa lang si JayR. Pero ako naiiyak ako sa nangyayari.

“Pre, balak ko ngang landiin kaso anong sabi niya saken? Mahal ka daw niya. Hinihintay ka lang niyang magsorry.” Sabi ni JayR.

Natahimik si Matteo at napatingin saken.

“Julian, salamat uli. Aalis na ako, mag usap na kayong dalawa para maging okay na kayo!“sabi ni JayR sabay sakay sa sasakyan at alis.

Naiwan na lang kami ni Matteo dun.

“Ju….”

“Ano ba kasing problema mo? Ganun ba tingin mo saken? Lumalandi?”

“Hindi….”

“Palibhasa kasi gawain mo yun kaya yun yung naiisip mo.“sabi ko sakanya.

Naglakad na ako papunta sa pinto pero hinila niya ako at niyakap ng mahigpit na mahigpit.

“Sorry na Ju…. Sorry talaga….. sa lahat”

Kumakawala ako pero masyadong mahigpit pagkakayakap niya.

“Tanga ko. Ang tanga tanga ko sa ginawa ko. Ayokong sabihin na ‘di ko sinasadya’ yung nangyari kasi luma na yun eh. Tatanggapin ko na lang yung kasalanan ko. Kaya sorry na talaga” sabi niya pa.

Para na naman akong tanga at naiiyak.

“Bakit mo kasi nagawa yun?” Tanong ko.

“Di ko rin alam. Di ko talaga alam Ju.”

“Naiisip ko tuloy na baka babae talaga gusto mo…”

“Hindi Ju, ikaw talaga gusto ko. Promise, ikaw talaga!”

“Gusto rin kita Matty, mahal kita pero di ko kayang gawin yung ginawa mo saken. Pero bakit ikaw ang dali dali mo lang gawin nun?”

“Sige magalit ka saken, okay lang. Ayokong mangako pero gagawin ko lahat para hindi na maulit yun, hinding hindi na mauulit yun!”

“Hay, di ko alam….”

“Wag ka mag second thoughts please? Promise, hindi ka na uli iiyak ng ganyan. Pangako, please. Wag ka mawawala saken Julian, di ko kaya mawala ka saken”

Naiiyak na rin siya habang nagpapaliwanag.

Bakit kasi mahal na mahal ko tong taong to eh ,ayan tuloy! Bumibigay na naman ako.

Napangiti lang ako sa sinabi niya.

“Sorry na Ju. Sorry talaga. Kahit ilang beses ko sabihin to, mapatawad mo lang ako”

Ngumiti lang uli ako.

At ngumiti rin siya.

Hinawakan niya mga pisngi ko at mukhang hahalikan ako.

“Hindi! Walang kiss!” Sabi ko.

“Hala bakit?”

“Hindi naman tayo eh. Wala tayong gagawin na pang mag jowa hanggat di tayo magjowa” sabi ko.

“Edi maging tayo na…”

“Ganito lang? Ayoko! Mag effort ka, pag hirapan mo ko!“bumitaw na ako sakanya at medyo nagpabebe.

Ngumiti lang siya uli at hinawakan kamay ko pero iniwasan ko.

“Bawal!” Sabi ko sabay irap ng konti.

Natatawa lang siya sa ginagawa ko.

“Sige na, pumasok ka na Ju! Bukas na kita liligawan ng todo” sabi niya.

Napangiti lang ako at pumasok sa loob.

“I love you oy!” Sigaw niya pa.

Lumingon lang ako at dumila sakanya, pero deep inside kinikilig ako.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko.

++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

3650 words ahh!!!! Baka bitin pa rin?hahhahahaha.

Part 43

Umagang Umaga, nakipagkita kaagad ako kina Sarah at Kennard. Gusto ko kasi ipahawak kay Kennard yung dice para may fire element akong power na pwedeng ibulsa.

Di ko na sinama yung dalawang dice dahil nahawakan na ni JayR yun at nung babae, pero ang pinagtataka ko, bakit hindi nag kulay itim yung dice kung normal na tao lang sila?

Yung sa babae, feeling ko meron siyang gift kasi nagulat siya nung nahawakan ko yung dice. Ang problema lang, di ko alam yung gift.

Pero si JayR, nung nahawakan niya, hindi naman nagkulay itim.

May gift kaya si jayR?

Imposible! Nababasa ko kasi nasa isip niya, kaya imposibleng may gift siya.

Pero paano?

Di ko na lang masyadong inisip yung about dun at pumunta na sa meeting place namen sa mall.

Una ko kaagad napansin si Kennard magisa.

Naka Black TShirt siya at shorts.

“Julian, sorry, di ko alam, pupunta daw si Lucas dito.” Bungad saken ni Kennard.

“Lucas?”

“Oo, ewan ko ba dun, gusto talaga ng gulo eh. Pero kapag kami kami naman magkakasama, hindi naman yun ganun, ewan ko ba bakit ang init ng dugo sa’yo nun!”

“Hehe hayaan mo na”

“Ice pa naman gift niya tapos mainit dugo niya sa’yo hahaha okay ang korny ko”

Nakakatawa rin banat netong si Kennard eh.

Buti na lang si Kennard lang nandito, pagkakataon ko na para ipahawak sakanya yung dice.

“Kennard tignan mo nga to” sabi ko sakanya sabay abot ng dice.

Sakto, nahawakan niya saka niya tinignan ng maigi.

“Dice ba to?” Sabi niya.

“Oo.”

“Anong meron dito?”

Nice. Buti na lang hindi niya alam yung about sa dice.

“Ahhh wala wala hehe, akin na uli” sabi ko.

Inabot niya saken at nung nahawakan ko na, naging kulay pula yung dice.

Buti di niya napansin yung pagpula.

“Para saan yun Julian?” Tanong niya.

“Ahh… wala, wala. Hehe”

“Ahh, nagiging weird ka na naman ah hehe. Nako, mamaya kapag nandito na si Lucas, aawatin ko kayo. Mamaya mag round 2 yung away niyong dalawa eh haha” sabi niya pa.

Nakaupo lang kami sa may bench sa loob ng mall habang hinihintay si Sarah.

“Sa tingin mo sa event ganun talaga mangyayari? Sa totoo lang nakakamatay yung laban natin nung isang gabi” sabi ko.

“Totoo, baka naman virtual world lang yung paglalabanan natin?”

“Hindi naman siguro, sabi saken ni TB, hindi daw ganun eh. Maglalaban laban talaga”

“Ahhh. Well, hintayin na lang natin, 2 weeks na lang naman, after new year, event na!”

“Oo nga! Excited ka na ba?” Tanong ko sakanya.

“Medyo, wala kasi akong idea kung anong mangyayari sa event eh.”

“Parehas tayo, ayaw din naman magkwento ni TB”

“Ayaw din magkwento saken eh, hehe hayaan mo na nga” sabi niya pa.

Natahimik lang kami bigla.

Sa di kalayuan, napansin ko naman na palapit samen si Lucas.

Nakaputi siya at black shorts, siguro dahil sa gift niya kaya ang fresh fresh niya tignan, hindi kasi pinagpapawisan eh.

Napansin niya kami kaagad, infairness, good mood siya kahit nakita na niya ako.

Plastikan?

Pero okay na to basta walang tarayan, good mood lahat. Good mood ako.

“Hi!” Bati niya samen, nagyakapan pa silang dalawa ni Kennard.

“Hi Julian” sabi niya saken. Walang halong pagtataray. Walang pag iirap.

“Hi.” Sabi ko.

“Nasaan na ba si Sarah?” Sabi niya pa.

Sakto pagkasabi niya nun, biglang dumating si Sarah na nagmamadali samen.

“Sorry, hehe. Ano bang gagawin natin? Papalevel ba?” Tanong ni Sarah.

“OMG, ginagawa niyo yan dito?” Tanong ni Lucas.

“Yes….” sabi ni Sarah na mukhang nagtataka kung bakit nandito si Lucas.

“OMG yes, let’s try!” Medyo pasigaw ni Lucas.

Hindi ko talaga alam kung anong nakain ni Lucas at bakit ganito siya ngayon.

Napatingin lang tuloy si Sarah saken, pero okay na rin talaga to.

Magkasama si Sarah at Kennard, tapos kami naman ni Lucas ang magkasama. Di ko rin alam bakit talaga bumait tong si Lucas bigla.

“Julian” biglang sabi ni Lucas habang naglalakad kami palabas.

“Oh?”

“Hmmmm. Sana…. kalimutan na natin mga nangyari? Hehe I mean, si Laurence lang naman pinag aawayan natin eh diba?”

“Huh??”

“Okay…. sige, I’m sorry. Sorry talaga sa pagtataray ko sa’yo. Sana… mapatawad mo ko???” Patanong yung sabi niya. At mukhang hinihintay niya sagot ko.

Ako naman, di pa rin makapaniwala sa nangyayari.

“Ahhh… ehhh… oo, sige” sabi ko pa.

“Yey! Hehe. Salamat!”

Weird. Weird. Weird.

“Nasaan pala si Matteo? Bakit hindi natin kasama?” Tanong ni Lucas.

“Ahhh, wala. Para lang sa gifted hehe”

“Oh, I see..,” medyo awkward kasi sa feeling tong ginagawa ni Lucas saken eh kaya di ako mapakali.

++++

“Bakit ganyan mukha mo Julian? Problemado mo?” Biglang tanong ni Sarah saken habang naglalakad papuntang Luneta.

“Madali sainyong maging masaya! Di niyo kasi alam pinagdadaanan ng mga taong nadadaanan natin!” Sabi ko.

Parang ang bibigat kasi ng dinadala nila. Ang hirap din pala kapag nababasa mo yung isip ng mga tao.

“Ayan nga yung point kung bakit tayo nandito eh, para tulungan sila”

“Wala tayong matutulong. Halos lahat pera at lovelife problema nila, oh sige nga. Paano mo matutulungan yun”sabi ko pa

Di naman nakasagot si Sarah.

“Nararamdaman mo ba yung nararamdaman nila?” Tanong bigla ni Lucas.

“Hindi pa naman. Pero kasi kapag nalalaman ko, naaapektuhan din ako ng sobra”

“Ang hirap siguro ng gift mo no?”

“Hindi naman. Medyo cool nga eh” sabi ko na lang.

Medyo nasanay na ako kay Lucas kaya nakakausap ko na rin siya.

“Eh yung isip ko? Nababasa mo ba?” Tanong niya pa.

“Hmmm, hindi ko binabasa hehe.”

“Nako, sabihan mo ko ah. Minsan nag dedaydream ako sameng dalawa ni Laurence eh hehe”

Sa pagkakasabi nun ni Lucas, parang may hugot siya na di ko maexplain.

Ayoko naman basahin isip niya, ayoko rin mamroblema sa problema niya.

Pero naisip ko bigla yung dice. May tatlo pa ako at okay kung makukuha ko rin yung gift ni Lucas. Magagamit ko rin to.

“Uhm, alam mo ba to?” Tanong ko kay Lucas sabay abot ng dice ko.

Nagtaka naman siya kung ano yun. Katulad ni Kennard, tinignan niyang maigi yung dice.

“Para saan to?” Tanong niya.

“Wala… napulot ko lang”sabi ko.

“Tuwang tuwa ka na ng nakapulot ka ng dice? Haha. Okay, bilhan na lang kita ng marami niyan gusto mo?hehe”

Inabot na niya uli saken yung dice at napansin kong naging transparent yung dice.

Wow! Depende pala sa nagiging power nung dice, yung magiging kulay niya.

Kay Kennard, fire kaya naging pula. Kay Lucas naman ice, kaya naging transparent.

Buti, hindi napansin ni Lucas yung pag iba ng kulay ng dice.

“Julian? Ano na? Wala pa rin bang pwedeng matulungan?” Tanong ni Sarah.

“Teka teka….” sabi ko.

Level 6: Ginamit ko yung gift na kung saan mas malawak yung range ng mababasa kong isip.

Halos lahat ng tao tinignan ko. Binasa ko. Pero wala talagang mangyayaring masama. Walang may balak na gawing masama.

“Sure ka Julian? Magpapasko kaya. Mas maraming gagawa ng masama” sabi pa ni Sarah.,

“Grabe ka naman haha. Ehhh wala nga….”

Kaso sa pag gamit ko ng malawakang range ng pagbabasa ng isip, may isang babae akong di mabasa ang isip.

Panibagong may gift na naman ba to?!

“Teka teka…” sabi ko.

Lumapit kami dun sa may babae na nakatayo malapit sa may fountain sa Luneta.

“Simula kay Lapu Lapu hanggang dito Julian, kaya mong magbasa ng isip ng tao?!” Gulat na sabi ni Lucas.

“Hehe, oo” medyo pahumble ako nun.

Malayo kasi talaga yun.

“Julian.. anong ginagawa natin dito?” Tanong ni Sarah.

“Nakikita niyo yung babae?” Sabi ko sabay turo sa babaeng naka salamin at naka jacket. Siguro halos ka edad lang namen to.

“Anong meron sakanya?” Tanong naman ni Lucas.

Tumingin lang ako kay Sarah.

“Meron din siya????” Tanong niya.

Ngumiti lang ako.

Di ko pa kasi sure kung meron siya oh wala pero ang alam ko, di ko mabasa nasa isip niya.

“Lapitan mo Julian!” Utos ni Sarah saken.

Curious din ako malaman kung meron kaya dumiskarte ako.

Paglapit ko, nagmumuni muni siya doon na parang may hinihintay.

“Hi” sabi ko.

Napatingin siya saken at ngumiti.

“Hi” sagot niya.

Mukhang mabait at okay naman siya, kaso talaga di ko mabasa nasa isip niya eh.

“Hi uli” sabi ko.

“Hi din uli hehe”

“Uhm. Mag isa ka lang?” Tanong ko.

Parang nilalandi ko siya sa mga tanungan ko which is nakakadiri kasi babae to.

“May hinihintay lang hehe”

“Oh I see. Hehe….”

Fvck Julian. Ano ba, paano mo malalaman kung may gift.

Di ko pa naman dala yung book ko.

“Julian pala” pakilala ko.

“Pauline” sabi niya.

Medyo malamig din yung kamay niya kaya feeling ko talaga meron din siyang gift.

Siguro kailangan kong sumugal at ipahawak sakanya yung dice para malaman ko!

“Ano to?” Sabi niya, at katulad ni Kennard at Lucas, tinignan lang nilang maigi.

“Uhm. Dice” sabi ko.

“Okay….. so, anong gagawin ko rito?” Tanong niya.

“Hehe sorry. Wala, wala.” Kinuha ko na uli yung dice sakanya.

Maya maya, may lumapit sakanya na lalaki, siguro yung boyfriend niya.

“Babe…” sabi nung lalaki kay Pauline.

Boyfriend nga.

“Ahh. Sige, mauna na ako Pauline hehe”paalam ko.

“Ahh sige Julian, see you soon” sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya at nung tinignan ko siya, nakangiti lang siya saken na parang kilala niya ako.

Di na ako nakipagkilala sa boyfriend niya at umalis.

Tinignan ko yung dice na hinawakan niya.

Nag iba yung kulay!!

Naging kulay blue!!

OMG. Water element?

Wow! Ang swerte ko naman ata.

“So? Confirmed?” Tanong ni Sarah paglapit ko sakanila.

Di ako sumagot at ngumiti lang.

Nagets naman ni Sarah yung sinabi ko.

Umalis na uli kaming apat at naglakad lakad.

++++

Wala kaming napala sa lakad nameng apat, pero ako meron. Nakakuha ako ng gift ng isang tao, pero di ko pa sure kung ano yun, pero kulay blue, kaya baka water.

Pag uwi ko pa lang ng bahay ng hapon, nakita ko na si Matteo sa tapat ng bahay.

Malaki yung ngiti niya nung nakita niya ako.

“Hindi ako magpapaka OA ngayon, hindi ko tatanungin kung saan ka nanggaling, baka kasi isipin mong patay na patay na talaga ako sa’yo” bungad niya saken.

Napangiti ako kaagad.

“Ahhh okay.”

“Pero, saan ka nanggaling Ju? Nagtetext ako ah. Bakit di ka nagrereply?”

Mas natawa ako sa sinabi niya,

Natawa rin siya sa ginawa niya.

“Secret” sabi ko.

“Sus, alam ko naman kasama mo sila Sarah eh. Hehe, nandun ba si Laurence?”

Tumingin ako sakanya na parang nang aasar.

“Oo. Magka date kami kanina” sabi ko.

“Ayyy.”

“Atleast, hindi kami naghalikan” sabi ko sakanya.

Akala mo bibigay ako kaagad sa’yo ah. Hindi ko pa rin nakaklimutan ginawa mo saken Matteo. Hindi mo ko makukuha kaagad.

“Ahh okay lang” sabi niya.

Hala, di siya nagselos?

“Okay lang?” Sabi ko.

“Oo naman. Alam ko naman wala kayong ginawa eh, kaya okay lang” sabi niya.

“Ahhh ehhh. Kiniss ko siya sa lips kanina” pahabol ko pa.

Pero nagtetext lang siya sa phone niya.

“Ah talaga ba? Sabi mo kanina wala kang ginawang masama…. so ibig sabihin, nagsisinungaling ka”

“Hala. Paano mo naman nasabi? Syempre, di ko sasabihin na ginawa ko yun no” sabi ko.

“Okay. Feeling ko pinagseselos mo lang ako eh”sabi niya pa, pero nakangiti lang siya.

“Hindi kaya! Hindi!”

“We?”

Sht. Ang lakas talaga mang asar ni Matteo!

“Oo. Kaya papasok na ako at magpapahinga!” Sabi ko.

“Hala, paano naman yung Matteo time?” Sabi niya.

“Walang Matteo time. Ang sabi ko sa’yo paghirapan mo ko diba? Kung ayaw mo edi sige, okay lang” sabi ko.

Pero pinigilan niya ako at hinawakan sa kamay.

“Kasama mo ba talaga si Laurence kanina?” Seryoso na yung mood niya habang nakatingin saken.

“Ahhh…. oo” pagsisinungaling ko.

“Hinalikan mo talaga siya?” Tanong niya pa uli.

Watery eyes siya ngayon habang nakatingin saken.

“Ahhh… oo” sabi ko.

Paninindigan ko tong pang aasar sakanya.

Ngumiti siya ng pilit saka ako binitawan.

Medyo na guilty tuloy ako sa ginawa kong pagsisinungaling.

“Sige na Ju. Pasok ka na” sabi niya pa.

Mukhang nawala sa mood si Matteo.

“Matty….”

“Sige na Ju….” sabi niya pa.

“Joke lang yun. Di siya kasama kanina, kami kami lang nila Sarah, Kennard at Lucas”sabi ko.

Bigla kaagad nagbago yung ngiti niya at bigla siyang tumawa ng malakas na malakas.

“Bakit?!” Sabi ko.

“Ehhh alam ko naman yan eh hahaha. Ayieeeh, nag worry ka saken nung nalungkot ako bigla no?” Sabi niya.

“Huh?”

“Ehhh katext ko si Sarah, ang sabi niya di daw kasama si Laurence hahhahahahhaa. Ayieeee, concern!!” Pang aasar niya.

Napahiya naman ako sa ginawa niya.

“Love ako ng Juju ko. Ayaw niyang sad ako. Ayeeeeee” pang aasar niya pa.

“Nakakainis ka talaga!”

“Okay lang na nakakainis ako, basta alam kong love mo ko! Haha”

“Tse, papasok na ako!!” Sabi ko sakanya.

“Wait Ju!” Sabi niya.

“Oh?”

“Love mo talaga ako no? Haha”

Kahit nang aasar siya ng todo, di ko naman maiwasang di mapangiti.

“Umuwi ka na!” Sabi ko.

“O sige, I love you too” sabi niya at nag flying kiss pa.

Sht talaga. Para kaming bata ng mga oras na yun.

Pero tumalikod na siya at umalis. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palayo.

Lumingon pa siya uli saken tapos ngumiti nung nakita niya akong nakatingin sakanya.

Dumila lang ako sakanya at ganun din ginawa niya.

Maya maya, pumasok na ako uli sa loob at dumiretso sa kwarto.

++++

Umagang umaga, naririnig kong may kumakatok sa bahay namen.

Walang nagbubukas baka wala sila mama at papa.

Pagbaba ko, isang lalaki na mukhang taga Meralco yung kumakatok.

“Mapuputulan po kayo ng kuryente. Taga Meralco po kami” sabi nung lalaki.

Kakagising ko lang, gulo gulo pa itsura ko tapos ganun yung bubungad saken.

“Po? Wait lang po…. tawagan ko po sila mama…”

“Hahahah nako Julian, di ka pa rin nasanay. Ako to si TB!!”

“TB naman ehh!!”

“Haha sorry Julian… pwede ba akong pumasok?” Sabi niya.

“Sige sige…”

Pinapasok ko siya sa sala.

“Sana man lang yung disguise mo, bata. Para kapag naabutan ka ni mama dito, di mahirap magpaliwanag” sabi ko pa.

“Hahaha sige, next time haha. Soooo, kamusta yung adventure mo sa Pampanga?”

“Muntikan na akong mamatay dun!!! Di mo man lang sinabi na malaki talaga galit sa’yo nung Kenji!” Sabi ko.

“Haha. Hindi naman kasi talaga kami mag kaaway. Naiwan ko kasi siya sa event nun kaya siya natalo. Pang apat lang tuloy siya. Di siya kasama sa magic 3” kwento niya.

“Nako, bakit mo kasi iniwan?”

“Hehe secret! So nakuha mo yung dice?” Sabi niya.

“Teka! Ano bang gift nung Kenji na yun? Muntikan na akong mamatay dun!”

“Earth element Julian. At wag kang OA di ka mamamatay dun!”

“Anong hindi! Eh halos masira bahay niya para lang di ako makauwi ng ligtas!”

“Ay talaga? Haha sorry na Julian. Anong ginawa mo?”

“Inisip ko lang na magkaroon ako ng kakampi nung mga oras na yun, tapos biglang naging korteng sundalo yung mga bato dun sakanila tapos tinulungan ako. Ganun.”

“Wow! Ang galing mo na Julian! Kaya mo ng kontrolin yung earth element!”

“Ha?”

“Nakalaban mo si Kenji diba? At ginamit niya yung earth power niya sa’yo? Lahat ng nagamit niyang earth element, kaya mo rin gamitin.” Sabi niya.

Natulala lang ako sa sinabi niya.

“Paki explain uli?” Sabi ko.

“Hay nako ang slow….”

“Sorry ah!”

“Hehe, joke lang. Ganito Julian, alam mo kung bakit takot sa’yo yung ibang gifted? Kasi aside sa mental ability mo, kaya mo rin makontrol yung ibang element!”

“Wow!”

“Yeap! Kaso magagamit mo lang yung elements na yun, kapag ginamit nila sa’yo. Example, yung kay Kenji, ginamitan ka niya ng earth element niya, kaya sa ginawa niya, nagamit mo yung element niya laban sakanya.”

“Pwede kong gawin yun?!”

“Yeap. Kaya sabi ko sa’yo, lethal ka eh!”

“So, kapag ginamitan ako ni Lucas, o Kennard ng gift nila, pwede kong ipanglaban sakanila yun?”

“Yeap. Pwedeng pwede! Ganun ka kalakas Julian!”

Parang habang iniisip ko, mas naeexcite ako sa event. Parang ang dami kong pwedeng gawin.

“Okay na? So… nakuha mo ba yung dice?” Tanong niya.

“Oo! At anim yung dice ko ngayon!”

“Wow! Swerte!”

“Sobra! Nako. Alam mo ba, muntikan pang madamay si JayR sa nangyari kahapon!”

“Teka, sino si JayR?”

“Yung friend ko na sumama saken..,,”

“Teka!! May kasama kang kumuha ng dice?!!” Sabi niya.

“Oo! Pero wag ka magalit… wala naman siyang gift..”

“Ahhh.. okay, wala pala siyang gift… pero bakit sabi mo muntik na siyang madamay?”

“Oo. Kasama ko siya sa loob ehh….”

“Kasama mo siya sa loob ng bahay ni Kenji? Edi ibig sabihin gifted rin yun!”

Nagtaka ako sa sinabi niya.

“Isang malaking tracker yung bahay ni Kenji at malalaman niya kung may gift yung taong pumapasok sa loob ng bahay niya.”

“Wait… si JayR…. wala siya… nababasa ko nasa isip niya.”

“At alam kong di ka makakapasok kina Kenji kapag wala kang gift. Sure na sure ako dun” sabi pa ni TB.

Napaisip tuloy ako.

Kung may gift si JayR at nahawakan niya yung dice? Ibig sabihin nasa loob ng dice yung gift niya.

Pero, anong gift ni JayR?

++++ +++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

MALAPIT NA TALAGA YUNG EVENT PROMISE. OKAY NA SA ISIP KO ANG LAHAT HAHAHHAHA!

Part 44

GOAL FOR THE DAY: Alamin ang gift ni JayR.

Masyadong nakakagulat ang mga pangyayari. Imposibleng mabasa ko nasa isip ni JayR tapos may gift siya?

Baka may special gift lang siya.

Pero ano pa rin yun? Kailangan ko pa rin malaman.

Tinawagan ko si JayR at tinanong kung nasaan siya, kaso ang sabi niya nagbabakasyon siya kasama family niya.

Argh. Nakakaasar.

Palapit na yung event at parang mas gusto ko na lang mag focus dun.

Bigla namang may tumawag saken na number lang. Baka si Matteo lang to kaya sinagot ko na rin.

“Julian!” Boses babae yun at medyo familiar.

“Sino to?”

“Si Angelica to”

Pagkasabi pa lang ng pangalan, parang naalala ko na naman kaagad yung ginawa nilang dalawa ni Matteo.

“Julian! Andiyan ka pa?” Sabi niya.

“Ahhh…. oo hehe”

“Halika, alis tayo today. Gusto kita makakwentuhan. Please?” Pakiusap niya.

Parang di ko ata kaya makipagkita kay Angelica ngayon.

“About to kay Matteo.” Pahabol pa niya.

Putek naman, bakit kapag may Matteo sa salita, oo kaagad ako,

“Sige pala” sabi ko.

“Sige!! Good good. Uhm, Rob. Faura tayo?” Sabi niya.

“Sige sure, malapit lang hehe”

“Sige see you!” Sabi niya pa.

Ano naman kaya yung pag uusapan nameng dalawa about kay Matteo?

++

Pag dating ko naman sa mall, wala pa si Angelica, kaya naglakad lakad muna ako.

Sakto naman habang naglalakad, napansin ko yung isang lalaki na makakasalubong ko.

Talaga bang ganito kaliit ang mundo para sa aming may mga gift? Iba iba nakikita ko araw araw.

Si Spencer yun!

Mukhang nagmumuni muni lang siya rito.

Gusto ko sana magtago kaso napansin na niya ako.

“Hi Julian” tawag niya saken.

“Hi!”

“Ibang iba aura mo simula nung huli tayong nagkita ah? Hehe. Mukhang ready ka na talaga sa event!”

“Hehe grabe, hindi naman, Ikaw nga yun eh” sabi ko.

“We? Parang hindi naman haha, gusto mo try natin? Friendly fight lang hehe”

Nagulat ako sa sinabi niya, pero mukhang seryoso siya.

Ano ba tong ginagawa ni Spencer? Parang gusto na niya akong matalo kaagad.

“Sure ka ba?”

“Oo, friendly fight lang naman eh hehe, game?“sabi niya.

“Next time na lang, sa event mismo hehe”

“Waa. No, sa event kasi baka di tayo magkaharap hehe. And gusto ko lang masubukan yung bago kong technique, kasi wala naman akong ibang kilala ehh” sabi niya pa.

Mukhang di ako tatantanan neto ah?

“Sige na nga. Pero…. saan?” Sabi ko.

“Hmmm. Sa may parking lot, okay lang?“sabi niya.

“Uhm. Sige. Sige” sabi ko.

Lumabas na kaming dalawa, tahimik at walang sinasabi. Okay na rin to, para aware ako sa mga kayang gawin ng isang Illusionist.

Paglabas ng parking lot. Kami lang yung tao dun, wala pa masyadong naka park kasi mag tatanghali pa lang.

“Paano malalaman kung panalo na?” Tanong ko

“Edi kapag sumuko yung isa”

“Aabot tayo sa physicalan?”

“Hahaha hindi. Tamang disarm lang. Okay?” Sabi niya.

“Okay okay”

“Ready?” Tanong niya

“Ready!”

“Then game na!” Sagot niya.

Napansin kong parang biglang lumayo yung tingin ko sakanya. Literal. Pero parang nandiyan lang siya sa harapan ko.

Di nagbabago yung posisyon niya kung saan nakatayo pa rin siya.

“Akala ko game na?” Sabi ko.

Pero wala siyang sagot.

“Spencer?” Tawag ko.

Dahan dahan akong lumapit sakanya. At nung hahawakan ko na siya.

Bigla siyang nawala na parang bula.

Nagulat ako!

Pag lingon ko naman, nandun siya sa liko ko at nakangiti.

“Problem?” Sabi niya saken,

Sht. Paano to!

Sinubukan kong pasukin isip niya pero di ko magawa.

Bakit?! Akala ko pwede kong pasukin yung isip niya.

Maya maya, napansin kong parang lumilindol! Kasi sabay sabay gumagalaw yung sasakyan sa mga tabi ko.

Sht. Sht.

Wala si Spencer ngayon.

Biglang nabasag yung mga salamin ng sasakyan!

Fvck!! Nakakatakot!!

Tinignan ko yung mga nabasag na glass para gawin ko ulit ng ibang anyo para maging taga atake ko pero di ko magawa,

Sht talaga. Anong nangyayari.

Maya maya, biglang nagsalita si Spencer sa likuran ko at bigla akong kinilabutan.

“Sorry Julian…” nakayakap siya sa likod ko at may hawak na kutsilyo sa leeg ko.

Ginilitan niya yung leeg ko at naramdaman ko yung sakit.

“Sht!!!!” Sigaw ko.

Napaluhod ako sa sakit ng leeg ko.

Patay na ba ako?

Nagdudugo ba?

Tinginan ko, pero hindi!

Tumingin uli ako sa paligid, at nakita kong okay na uli yung mga sasakyan. Wala namang nasira.

Nakaluhod lang ako dun at naguguluhan sa mga nangyayari.

Bigla kong napansin si Spencer sa harapan ko at inabot yung kamay niya saken.

“Sorry about that hehe” sabi niya.

Ang gulo ng mga nangyayari.

Pero kinuha ko pa rin yung kamay niya saka ako tumayo.

“Nakita kong sinubukan mong kontrolin yung mga nabasag na glass ng sasakyan? Kaya mong gawin yun?” Tanong niya.

“Ahhh eh.. oo” sabi ko pa.

“Wow. Okay, I think I just got lucky!”

“Lucky?! Eh halos patayin mo na ako!” Medyo inis kong sabi.

“Haha, sorry about that!” Sabi niya pa sabay tawa.

“Ano bang nakakatawa?! May balak ka bang patayin ako?!”

“Uy Julian. Wala akong balak patayin ka, tignan mo, okay ka naman eh” sabi niya.

“Ehhh ano yung ginawa mo kanina?!”

Nakangiti lang siya.

“Nasa loob ka ng Illusion ko Julian. Wala kang magagawa kapag nasa loob ka ng Illusion ko” sabi niya.

Hindi totoo yung lahat. Nasa mundo ako kung saan si Spencer ang nag kokontrol. Si Spencer ang gumagawa ng paraan. Kung virtual world yun….

Walang wala akong laban sakanya.

At walang wala akong laban sa totong Illusionist.

++++

Di pa rin ako maka move on sa nangyari kanina.

Ano pa kaya ang kayang gawin ng totoong Illusionist if ever?

Ni hindi ko man lang siya nabawian oh di ko man lang nagamit yung gift ko sakanya.

Paano pa kaya sa totoong event? Mukhang mabibigo si TB sa akin ah.

Kanina pa ako nag iisip, di ko namamalayan na kaya pala ako nandito kasi makikipagkita ako kay Angelica.

Pagka check ko ng phone ko, ang dami na pala niyang text.

Sakto bigla rin siyang tumawag.

“Julian, nandito kami Starbucks, ground floor” sabi niya.

“Ahh sige, papunta na ako”sabi ko.

Kaso pagbaba ng tawag, sabi niya.. kami? Sino naman kaya yung kasama niya,

Pagka punta ko sa Starbucks, napansin ko kaagad si Angelica kaya nilapitan ko siya.

“Sorry..,” sabi ko.

“Okay lang hehe. Nag order na ako sa’yo ah?” Sabi niya.

“Ahhh sure sure, sino palang nagoorder….” bago ko matapos sinasabi ko, nakita ko na si Matteo na palapit kasama yung order namen.

“Ju!” Bati ni Matteo saken sabay yakap.

Nagulat ako sa pagyakap niya, kasi nandun si Angelica. Di ko alam kung alam na ni Angelica yung tungkol kay Matteo at samen.

“So…. saan ka galing Julian?” Tanong ni Angelica saken.

“Ahhh.. wala, may nakasalubong lang ako na kakilala ko” sabi ko.

“Ahhh okay. Sinama ko pala si Matteo kasi gusto ko nandito siya habang nagkekwentuhan tayo eh” sabi niya pa.

Di ko talaga alam kung ano bang pag uusapan namen.

Pero mukhang wala ring idea si Matteo.

Buti na rin pala at dala ko yung isang dice para mapahawak ko kay Angelica. Gusto ko kasi makuha yung wind gift niya.

“Angelica, alam mo ba to?” Tanong ko sakanya sabay abot nung dice.

Nice! Nahawakan na niya!!

Ibig sabihin meron na ako ng ice, fire at wind.

“Para saan to Julian?” Tanong niya pa.

Bigla namang kinuha ni Matteo yung dice at tinignan niya rin.

“Ano to Ju?!” Tanong niya.

Bigla ko namang kinuha kay Matteo yung dice!

Sht.

“Anong problema mo Ju? Dice lang yan!”

Pero binulsa ko na kaagad. Nakakaasar! Sana walang epekto kapag nahawakan ni Matteo yung dice.

“Parang dice lang Ju, magagalit ka na saken?”

“Hala, hindi ako galit baliw haha”sabi ko.

“Haha, ang kulit niyong dalawa no? Hehe” sabi naman ni Angelica.

“Teka, bakit ba kasi tayo nandito?” Tanong ko sakanya.

Ngumiti lang si Angelica.

Binasa ko na lang nasa isip niya para naman alam ko na.

Nung nabasa ko na, ang iniisip pala niya yung pakikipagbalikan kay Matteo.

Balak niyang makipagbalikan kay Matteo!

“About ba to sa nangyari sainyo nung birthday ni JayR?” Ako na nagsabi kasi alam kong di kayang mag open ng topic ni Angelica.

“Ju!” Biglang sabi ni Matteo.

“Bakit Matteo? Ayaw mo bang pag usapan yun?” Tanong ni Angelica.

Sila lang dalawa yung nag uusap.

“Hindi, ayoko!” Sabi ni Matteo.

“Akala ko ba namiss mo yung ganun natin?”

“Mali ako nun Gel, maling mali!”

“Teka, ano ba? Bakit ganyan ka magsalita?”

“Gel, tumigil ka. Wala lang yung ginawa natin. Halik lang yun!”

“Oh pwes saken di lang yun basta halik! Tumagos sa puso ko, bumalik feelings ko!”

Ako naaawkwardan sa pinag uusapan nila. At sa usapan nila, mukhang walang kaalam alam si Angelica tungkol samen ni Matteo.

“Matteo…. akala ko okay tayo..,”

“Walang tayo Gel. Maling mali yung ginawa ko nun!”

“Meron ka bang iba?!” Tanong ni Angelica,

“Oo meron akong iba Gel. At mahal na mahal ko siya!” Sabi ni Matteo, sabay hawak sa kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Feeling ko napapahiya si Angelica sa nangyayari.

“Isang pagkakamali yun. Isang pagkakamali yung nangyari, walang ibig sabihin yun saken kaya wag ka na umasa. Ako na nagsasabi sa’yo, may mahal akong iba at mahal na mahal ko siya!” Sabi ni Matteo.

Natahimik lang si Angelica at mukhang naiiyak.

“Please Gel, di ako makakabuti sa’yo. High school pa tayo nung naging tayo, di pa natin alam ginagawa natin.” Paliwanag ni Matteo.

“Hindi!”

“Oo Gel! Kaya kung di ka titigil, aalis na lang kami ni Julian!” Sabi pa ni Matteo.

Napatingin lang saken si Angelica, pero di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

“Matt, please?“pakiusap ni Angelica pero biglang tumayo si Matteo at sinama niya ako palabas ng walang sinasabi kay Angelica.,

Grabe, iniwan lang namen si Angelica dun mag isa.

“Matteo, ano ba!” Bitaw ko sakanya habang nagmamadali kaming maglakad.

“Bakit Ju?!”

“Iniwan lang natin dun si Angelica, tapos ganun pa sinasabi mo sakanya?”

“Ju, ayoko lang kasi na masaktan na naman kita. Ang sabi ni Angelica kaya niya ako sinama kasi mag gagala daw tayong tatlo, di ko naman alam na ganun pala plano niya!”

“Pero iniwan natin yung tao dun ng umiiyak. Hindi maganda yun!” Sabi ko.

“Gusto mo bang balikan natin?”

“Oo! Hindi ganun mag trato ng babae, babae pa rin yun at ex mo!”

“Ikaw lang naman inaalala ko Ju eh, alam ko galit ka sakanya….”

“Una, di ako galit sakanya, galit ako sa’yo at sa ginawa mo sakanya. Di naman niya alam yung tungkol saten eh.,,, ikaw, aware ka saten pero ginawa mo pa rin yun!”

“Hala, saken na naman?”

“Eto yung consequence ng ginawa mo! Kaya kung di natin siya babalikan, edi ako babalik!” Inis kong sabi.

“Ju, wait lang….” sabi niya pa. “… sasama na ako, tara. Sorry, wag ka ng magalit saken” sabi niya pa.

“Harapin mo kasi ng maayos yung problema mo!”

“Opo boss Julian. Sorry na po” sabi niya pa sabay akbay saken.

“Bawal akbay!” Sabi ko pa.

Ngumiti lang siya saka tumawa.

“Okay po, sorry uli” sabi niya.

Binalikan namen si Angelica sa store pero nagulat ako ng may kasama na siyang lalaki.

Umiiyak pa rin Angelica habang kausap yung lalaki.

“Ohh tignan mo, wag na natin lapitan. May kausap na siyang iba eh” sabi ni Matteo.

Tama siya, okay na rin yun. May kasama na siyang iba.

Kaso, parang kilala ko yung kausap ni Angelica, parang…..

Si Spencer!

Tumingin ako sa ibang anggulo.

“Oo nga!! Si Spencer nga!”

“Bakit Ju? Kilala mo ba?” tanong ni Matteo.

“Huh? Ehh…. oo hehe, tara na alis na tayo” sabi ko pa.

“Hindi na natin lalapitan?”

“Wag na. Okay na siguro silang dalawa hehe “

“Hehe, saan mo na gustong pumunta? Medyo maaga pa naman eh.”

“Uhm… gusto ko na lang umuwi”

“Uwi? Huhu gusto pa kita makasama…”

“Sabi ko sa’yo paghirapan mo ko diba?” Sabi ko.

“Oo naman syempre. Edi sige, dun tayo sa bahay niyo”

“Ayan good!”

Habang naglalakad naman kami, di pa rin mawala sa isip ko.

Magkakilala kaya si Spencer at Angelica? O nagkataon lang na nakita ni Spencer na may umiiyak na babae kaya nilapitan niya si Angelica?

Aware kaya sila na parehas silang may gift?

++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!

SORRY Kung medyo maiksi, babawi ako bukas uli! Hahaha.

😄😃😀😊😉

Part 45

Hi sa mga SILENT READERS na palaging nag PPM 😉

VOTE AND COMMENTS GUYS!! 😉

++++++

Christmas Dinner.

Asusual, nakahanda kami ng spaghetti, HAM, tinapay at cake.

Tatlo lang naman kaming kumakain ng sabay sabay kaya di na namen kailangan ng maraming pagkain,

At yung pagkain namen ng pasko, tumatagal ng apat na araw.

Masaya kaming nagkekwentuhan nila mama at papa.

“So, sino ang pupuntahan mo bukas sa mga lalaki mo?” Biglang tanong saken ni papa.

Taon taon pala may theme yung Christmas namen, ngayon taon, nakasuot kami ng kulay green.

“Pa! Ayan ka na naman. Paskong Pasko!”

“Hala, nahiya pa siya oh. Oh sila pupunta rito? Wag mo na silang papuntahin rito! Mababawasan yung pagkain natin, ikaw na lang pumunta sakanila!” Sabi pa ni papa.

“Ahahaha si papa talaga!”

“Pero sino nga pupuntahan mo o papupuntahin mo dito anak?” Singit naman ni mama.

“Ma, pati ba kayo?”

“Ano ba, gusto ko rin malaman yung nangyayari sa lovelife mo no!” Singit pa ni mama.

“Ehhhh…”

“Dali na anak. Sabihin mo na….”

Ang kulit nilang dalawa, di nila ako pinapagsalita.

“Di ko pa alam Ma, Pa. Kung sino na lang unang pumunta rito, siya na lang!” Sabi ko.

“Sign ba yan?” Sabi ni mama.

“Opo! Hehe.”

At salamat, natahimik din sila!

“Pero, sino yung JayR, anak?” Tanong ni papa.

“Akala ko ba, okay na Pa? Tama na po. Haha” sabi ko.

“Yie. Showbiz ng sagot mo. Akala mo naman maganda!”

Natawa kami pareho ni mama sa sinabi ni papa.

“Bakit Pa? Hindi ba?” Sabi ko sabay beautiful eyes sa kanya.

“Nakakairita yang mata mo baka dukutin ko yan!” Sabi ni papa.

Nagtawanan na naman kaming dalawa ni mama.

“Syempre joke lang. Ikaw pinakamagandang anak ko. At syempre, pinakapogi rin!”

“No choice ka naman! Ako lang anak mo!”

“Ayun nga yun eh kung bakit ikaw lang. No choice kasi ako hahaha”

Wala talagang dull moment sa bahay kapag nandiyan si papa at mama.

Maswerte talaga ako sa mga magulang ko kasi baliw sila at tanggap din nila yung baliw na katulad ko.

Tapos na kaming lahat kumain at nagkekwentuhan na lang kami dun.

“Sige na, sa sala na kayo, maghuhugas na ako!” Sabi ni mama samen.

Nagmadali naman kami ni papa kasi naghihintayan lang naman kami kung sino maghuhugas eh.

Pagdating namen sa sala, nanuod muna kami ni papa ng TV, Sakto naman Home Alone palabas sa Star Movies.

Habang nanunuod, may kumakatok sa bahay namen at si mama na nagbukas.

“Julian… anak… si Laurence!” Sigaw ni mama.

Napatingin si papa saken.

“1 down! 2 to go haha!”

“Pa, ano ba…” tumayo ako at lumabas ng bahay at nakita ko si Laurence na may dalang regalo.

“Hi Julian. Merry Christmas!” Ang fresh tignan ngayon ni Laurence, ang gwapo at mukhang masaya.

“Hi, Merry Christmas!” Sabi ko.

Nagkatinginan lang kami sandali at nagkangitian.

“Sorry… sorry… pasok ka!” Sabi ko.

“Akala ko hindi mo ko papapasukin eh hehe” sabi niya.

“Parehas pa tayong naka green ah?”

“Haha oo nga no. Sa bahay kasi naka green kaming lahat”

“Kami rin dito haha.”

Napansin kong lumapit si papa samen.

“Merry Christmas po!” Sabi ni Laurence kay papa.

“Aba, pare parehas tayong naka green ah haha Merry Christmas!” Sagot ni papa at nakipagkamay siya.

“Si tita po?”

“Naghuhugas dun sa kusina hehe. Para samen ba yang regalo?” Sabi ni papa.

“Pa! Ano ba yan nakakahiya to!”

“Hehe, Julian hayaan mo na. Para sakanila naman talaga to” sabi ni Laurence sabay abot ng regalo

“Ohh kitam mo na! Haha Maraming Salamat!” Sabi ni papa.

Lumabas naman si mama at binati rin si Laurence.

Medyo awkward na para samen yung moment na yun.

“Ma, akyat lang kami sa kwarto!” Sabi ko,

“Sige sige. Dala ba akong pagkain?”

Tinanong ko si Laurence kaso busog pa daw siya. Kaya umakyat na kami pareho.

++

“Nasaan si Matteo?” Tanong ni Laurence saken habang nakaupo kami pareho sa kama.

“Umalis silang magpipinsan eh. Minsan lang makapag moment sa pamilya niya yun kaya di kami nagkita ngayon hehe”

“Ahhh okay… Kayo na ba?” Bigla niyang tanong.

“Hala, hindi pa hehe.”

“So malapit na?” Tanong niya pero nakangiti siya.

Ngumiti lang din yung naging sagot ko.

Naglabas siya ng maliit na box at binigay saken.

“Ano to?”

“Buksan mo na lang hehe. Sana magustuhan mo”

Medyo excited akong buksan at nakita kong….

Deathly Hallows na necklace!!

“Saan mo to nabili?!” Sabi ko.

“Nagustuhan mo ba???”

“Oo sobra!!!! Saan mo to nabili?!!”

“Hehe, inorder ko sa ibang bansa hehe, alam ko gusto mo kay Harry Potter hehe. Pinanuod ko nga yun lahat eh, maganda pala talaga!”

Eto yung issue ko sakanya noon eh. Di kasi ako komportable sa ibang ginagawa namen, parang di niya kayang makipagsabayan sa gusto ko.

“Sabi ko sa’yo eh!”

“Oo nga eh!! Avada Kedavra!!” Bigla niyang sabi saken.

Spell yun sa Harry Potter.

“Hala, bakit gusto mo na akong patayin?!”

Death spell kasi yun eh.

“Haha ayun lang kasi natandaan kong spell hehe”

“ Expelliarmus!“ Sabi ko naman.

Nagpanggap naman siyang namatay nung ginawa ko yun.

Ewan ko, nung moment na yun parang ang saya saya nameng dalawa.

Iba yung saya namen ngayon, sa saya namen noon. Mas masaya ngayon.

“Nasaan mama at papa mo?” Tanong ko.

“Hindi nga umuwi eh, hehe. Sanay naman ako eh.”

“Akala ko ba uuwi sila?”

“Hindi, gusto nila sumama tayong dalawa sakanila sa ibang bansa. Diba? Sinabi ko sa’yo.”

Ayun pala yung araw na sinabi ko yung about samen ni Matteo.

“Hmmm…. alam na ba nila?” Tanong ko.

Ngumiti siya.

“Hindi ko masabi eh hehe. Dati hindi naman sila tumatawag, pero lately, tawag sila ng tawag tapos gusto ka makausap. Tinatanong nga tayo eh, di ko talaga masabi hehe”

Natahimik naman ako ng mga oras na yun.,

“Umaasa pa rin ako eh hehe. Kahit malabo na. Pero wag ka mag alala, okay naman ako.”

Eto na naman siya. Sana mabasa ko iniisip niya kasi matagal ko na ring gustong malaman kung ano naiisip niya about saken.

“Ayoko naman mag away kayo ni Matteo dahil saken, uuwi na ako Julian, hinatid ko lang yung regalo ko sa inyo”

“Hala, nakakahiya. Wala akong regalo….”

“Nung naging tayo, sinagot mo ko, at minahal mo ko, napakagandang regalo na nun Julian.”

Tinignan niya lang ako sa mga mata ko. Parang hahalikan niya ako sa labi pero umakyat yung halik niya papunta sa noo ko.

“Merry Christmas. Enjoy kayo ni Matteo bukas, siguradong aalis kayong dalawa hehe” sabi niya.

Tumayo na siya at nag ayos.

Di naman ako nakasagot at tumayo na rin ako.

Nagpaalam na siya kina mama at papa pagbaba at umalis na.

++++

Umagang Umaga, wala pa ring text si Matteo.

Siguro nalasing na naman ng sobra yung lalaking yun.

Bumaba na uli ako para kumain, nagyaya rin sila Sarah na umalis kaso di ko pa alam kung makikipagkita si Matteo kaya di muna ako sumagot.

Akala ko naman pagbaba ko, nandun si Matteo pero wala pa rin pala talaga.

Hintay ako ng hintay ng surprise pero mukhang ako ata masusurprise kasi wala siyang surprise.

Lumabas muna ako ng bahay at may lumapit sakeng lalaki na mukhang may gagawing masama saken.

“Wala ng entrance! Ako to, si TB!” Sabi niya bigla saken.

Nakakatakot kasi yung lalaki, buka yung mata tapos ang laki ng tyan. Akala ko pa sasapakin ako.

“Ang panget naman ng entrance mo ngayon!” Sabi ko.

“Haha, wala na akong maisip na entrance sa’yo eh!” Sagot niya.

Tumambay muna kami sa tapat ng bahay.

“Merry Christmas pala”bati ni TB.

“Merry Christmas din!”

“Anong balita sa dice? Okay na ba?” Tanong niya.

“Oo. Napahawak ko na” sabi ko.

“Patingin nga” sabi niya pa.

Nagmadali akong kunin sa kwarto ko at pinakita ko sakanya.

“Yung last dice ko nahawakan ni Matteo. Pero bago niya mahawakan, nahawakan muna ni Angelica. Bawal ba yun?” Tanong ko bigla.

“Wala naman. Kung naunang hawakan ni Angelica yun, gift na ni Angelica yung nandun”

“Ahhh okay, kinabahan ako ng konti dun ah”

“Ano ba to! Bakit puro elemental gift naman kinuha mo!” Sabi ni TB.

“Eh…..”

“Di ka man lang kumuha ng shape shifter katulad ko, tapos di ka kumuha ng levitation gift. Hay nako Julian!”

“Ehhhh wala naman kasi akong kilalang iba maliban sakanila” sabi ko pa.

“Sabagay…. pero infairness ahhh, may Fire, Ice, Water, Wind at Earth ka sa dice!” Sabi ni TB.

“Earth? Water?”

“Oo. Eto oh…” tinuro niya yung brown at blue na dice.

So Water pala yung nakahawak ng dice ko sa Luneta tapos Earth yung babae dun sa Pampanga.

“Ehhh etong nahawakan ni JayR, ano to?” Tanong ko.

Tinignan ni TB. Di kasi nagbago yung kulay ng dice nung nahawakan niya.

“Di ko sure ehh. Maraming pwede maging gift yan”

“Katulad ng?….”

“Pwedeng healing gift” sabi ni TB.

Oh sht. Healing gift? Kayang magpagaling ng sakit?

“Well papaliwanag ko lang yang healing gift na yan. Di yan nagpapagaling ng cancer or what. Isa yan sa gift na tumatalab sa lahat. Masyado silang vulnerable kaya gagana yung gift niyo sakanila.”

“So…. kaya gumagana yung gift ko kasi… mahina sila? Parang ganun?”

“Hmmm. Pwede. Ang kaya lang naman niyang pagalingin eh yung mga naapektuhan ng gift. Hindi yung mga may sakit ng natural”

“So…. kung may healing siya, edi maganda pala na kakampi ko siya?” Tanong ko.

“Nakalaban ko kasi noon yung may healing gift eh, pero siguro nga, mas okay na kakampi mo siya ngayon!” Kwento ni TB.

Tinignan kong mabuti yung dice, baka nga healing gift to.

“Hindi lang naman yun yung pwede, marami pang pwede maging gift ni JayR. Example lang naman yung healing!”

“Nakakaasar naman eh! Ano pa bang pwedeng maging gift ni JayR?!”

Bigla namang bumukas yung pinto at lumabas si mama.

“Ohhh, bakit nakaupo ka diyan mag isa?” Tanong ni mama saken.

Pagtingin ko kay TB, wala na rin siya kaagad.

Ang bilis mawala ni TB. Ang dami ko pang gustong itanong sakanya eh, kaso si mama kasi nagpakita na.

“Ahhh, naghihintay lang po ng text hehe”

“Ganun ba? Sige, mainit na yung pagkain. Pasok ka na”

“Ah sige po”

Tumayo na ako kaagad at pumasok.

Medyo inisip ko pa yung sinabi ni TB saken.

Paano kaya kung may healing power si JayR? Sana maging kakampi ko siya.

+++++

“Ang sabi saken, yung may Healing daw ang unang tinatarget sa event” kwento ni Sarah.

Nasa bahay kami nila Sarah ngayon, walang tao sakanila kaya pinapunta niya kami.

Kasama si Kennard.

“Paano mo nalaman?” Tanong ko.

“Well, ang sabi saken, kapag may healing gift ka, malamang sa malamang ikaw na mananalo sa event”

“So papatayin ka kaagad ganun?”

“Haha wala naman daw namamatay sa event. Di ko pa rin alam kung paano yang event na yan basta ayun lang sabi saken haha”

“Bakit bigla ka bang naging interesado sa healing gift Julian?” Biglang tanong ni Kennard.

“Oo nga, anong alam mo na hindi namen alam?” Biglang sabi ni Sarah.

Kinorner nila akong dalawa sabay hawak sa mga kamay ko.

“Julian pwede kitang idrawing hanggang sa sabihin mo saken, sinasabi ko sa’yo hahhaa” banta ni Sarah saken.

“Ikaw ba gusto mong matusta sa apoy ko? Haha” banta naman ni Kennard.

“Sige na. Sige na! Sasabihin ko na” sabi ko sakanila.

Nilabas ko yung dice at pinakita sakanila.

“Ayan na naman?” Tanong ni Kennard.

“Anong ayan na naman? Paano mo nakuha yan Julian?!” Sabi ni Sarah.

“Alam mo ba kung ano to?” Tanong ko.

“Magic dice yan diba? Nag aabsorb ng gift tapos pwede mong magamit for one hour?” Paliwanag ni Sarah.

“Talaga?!!” Nagulat si Kennard sa narinig niya.

“Wow. Julian, ang lakas mo na if ever!”

“Ano ba! Magkakampi naman tayo diba?“sabi ko sakanila.

“Nako, talagang magkakampi tayo niyan sigurado ngayong may magic dice ka. At kinuha mo pa kay Kennard?” Tanong ni Sarah.

“Talaga Julian? Meron ka na ring fire gift?!”

“Oo, nung nahawakan mo to, naabsorb niya yung gift mo kaya may fire gift na rin tong dice ko” kwento ko pa.

Sobrang namangha si Kennard sa nalaman niya. Si Sarah kasi alam niya rin tong tungkol dito.

“Ang sabi saken Julian, tayong tatlo lang may alam niyang magic dice. Tayong tatlo ng illusionist” kwento pa ni Sarah.

“Sorry kayo, apat na tayong may alam haha” singit naman ni Kennard.

“Pero, hindi namen alam kung saan makikita yang magic dice. Paano mo nakita yung iyo?” Tanong ni Sarah.

“Sinabi lang saken ni TB. Kilala kasi niya yung may hawak neto”

“Well…. ang swerte mo. Haha.” Sabi ni Sarah.

Tinitignan pa rin ni Kennard yung dice at sobrang namamangha pa rin.

Nag iba na kami ng topic at tinanong ni Sarah yung tungkol samen ni Matteo.

“Di pa rin nagtetext! Bahala siya. Buti pa nga si Laurence pumunta sa bahay namen eh!” Sabi ko sakanya.

“Haha, sa tingin mo meron kayang love gift?” Tanong ni Sarah.

Si Kennard pumunta ng kusina muna at kumain.

“Love gift?” Tanong ko.

“Alam mo yun, yung mag mamatch pairing. Yung alam niya kung sino yung makakatuluyan mo”

“Sa tingin mo merong ganun?”

“Hindi naman siguro imposible. Diba? Akala ko nga nung una ako lang may gift ng ganito eh, tapos nakilala kita, tapos meron pang iba. Tapos may event. Diba? Parang everything is possible talaga!”

“Well, kung merong ganun. Sana makilala ko siya, haha” sabi ko.

“Hay nako, paano kapag nakilala mo siya tapos ang sasabihin niya si Laurence yung para sa’yo at hindi si Matteo?” Tanong ni Sarah.

Bago pa ako makasagot, dumating na si Kennard at tumabi samen.

“Narinig ko pangalan ng tropa ko ah. Anong meron kay Laurence?” Singit ni Kennard.

“Haha wala po.”

Di na lang namen pinansin ni Sarah.

Pero ang cool siguro kung may ganun, alam niya kung sino makakatuluyan mo.

++++

Hapon na ako nakauwi sa bahay at meron ng text at tawag si Matteo saken, pero di ko siya pinapansin. Naiinis kasi ako sakanya.

Pero pag dating ko sa bahay, nandun siya sa loob at nakikipagkwentuhan kina mama at papa.

“Ohh ayan na!” Sabi ni papa pag dating ko.

Lumapit si Matteo saken at niyakap ako.

“Tse. Dun ka!” Sabi ko sakanya.

“Uyyyy. LQ sila!” Sabi ni papa.

Sinundan ako ni Matteo sa hanggang sa kwarto ko.

“Ju… sorry na, nalasing kasi ako kagabi… tapos wala pa akong load. Alam mo naman kapag pasko, sira yung network”

“Ewan ko sa’yo!”

“Wag ka ng magtampo. Nagpaalam na ako kina mama at papa mo na pupunta ka samen ngayon….”

“Aba, teka sino nagsabing sasama ako?”

“Ehhh kasi love mo ko. Diba love mo ko?” Bulong niya saken.

“Di ka pa rin nagparamdam maghapon!”

“Ju naman, wag ka na magtampo….”

Ang kulit na naman ni Matteo kaya umoo na ako sakanya.

“Ju, tara na. Bihis ka na, punta tayo samen. Ready na ako ipakilala ka samen”

“Ayoko.”

“Akala ko ba hindi ka na galit?”

“Hindi na nga…. kaso, tinatamad kasi ako eh” sabi ko pa.

“Ganun ba? Hmmm. Sige naman na. Promise, iuuwi kita bukas” sabi niya pa.

“Bakit ba kasi?”

“Ehh kasi gusto ka na nila makilala…,”

“Alam ba nila yung tungkol saten?” Tanong ko.

“Ipapaalam ko pa lang. Hehe, ano?”

Hindi ko alam, nahihiya kasi ako. First time ko pa lang pupunta sakanila.

“Gusto ko lang naman patunayan sa’yo na hindi ako nahihiya sa’yo. Na kaya kong pagsigawan sa lahat na mahal kita.” Ngayon naman seryoso na siya.

“Matt…”

“Julian. Sige naman na…. kapag ayaw mo na, sige, uuwi na rin tayo mamaya, ipapakilala lang kita.”

Di naman ako nakapagsalita at mukhang gusto niya talagang isama ako sakanila.

“Sige, pero uuwi na tayo bukas ah?” Sabi ko sakanya.

“Yes!!!! Oo sige sige. Ju!! Salamat salamat!!!”

Tuwang tuwa naman si Matteo ngayon at nag asikaso na rin ako papunta sakanila.

+++

Pagpasok namen ng gate nila, may isang malaking space at may dalawang bahay sa kanan, dalawang bahay sa kaliwa at dalawang bahay sa unahan.

“Isang compound lang kami lahat dito magkaka mag anak hehe” sabi ni matteo saken.

May mga bata na naglalaro sa tapat ng mga bahay.

“Lahat ng makikita mo, kamag anak ko hehe” sabi niya pa.

Pumasok kami sa unang bahay sa may kanan. May taas din yung bahay nila.

At pag pasok namen, bumungad saken yung mga nagmamahjong.

“Wag mo na lang pansinin mga yan” bulong niya.

Alam ko kasi yung relasyon niya sa parents niya hindi maganda kaya umoo na lang ako.

Paakyat na sana kami sa kwarto niya kaso biglang may humawak sa kamay ko.

At nung nilingon ko siya, nagulat ako.

Si Pauline. Yung water element.

“Julian…. right?” Sabi niya saken.

Natulala lang ako.

“Magkakilala kayo Ju?” Tanong ni Matteo saken.

“Uhm…. nagkakilala kami sa Luneta, Kuya” sabi ni Pauline.

“Ahh… okay okay” sagot ni Matteo.

“Magkakilala pala kayo ni Kuya” sabi ni Pauline.

“Ahh, alam ko isa lang kapatid niya..,,”

“Pinsan niya ako Julian hehe.”

“Ahhh, sorry hehe”

“Paupau, mamaya na kayo mag usap. Aakyat lang kami ni Julian” sabi naman ni Matteo.

“Sige Kuya! Kakausapin ko talaga yan si Julian haha” sabi ni Pauline.

Umakyat na kami ni Matteo sa kwarto niya.

Halos kasing laki lang ng kwarto ko pero sakanya, mas magulo.

“Di mo man lang nilinis tong kwarto mo!” Biro kong sabi.

“Hala, naglinis na kaya ako!”

“Nilinis mo na yan ng lagay na yan ah?!”

“Haha sorry na Ju. Maglilinis uli ako” sabi naman ni Matteo.

Maya maya, may kumatok sa kwarto niya.

“Andiyan na kayo?” Boses ng lalaki.

“Ay opo Kuya!”

Kuya? Nandito kuya niya?

Pumasok naman bigla yung lalaki na halos kamukha ni Matteo kaso mukhang mas matanda sakanya.

Carbon copy na carbon copy.

“Siya na ba yun?” Tanong ng Kuya niya.

“Opo hehe. Ju, si Kuya.,,, Kuya, si Julian… nililigawan ko” sabi ni Matteo.

Mukhang nagulat yung Kuya niya sa pagpapakilala saken.

Pero nakipagkamay lang siya saken.

“Nice meeting you po” sabi ko naman.

Pero di siya sumagot at nakipagkamay lang siya saken.

++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!

Part 46

HI SA MGA READERS. SALAMAT SA SUPORTA SA STORY.

ABANGAN NIYO PO ANG LAST 14 CHAPTERS. TOTOO NA TO. HANGGANG 60 LANG :)

VOTE AND COMMENTS!!!!!

++++

“Parang ang suplado naman ng Kuya mo” sabi ko kay Matteo pagkalabas ng kuya niya,

“Nahihiya lang yun hehe.”

“Hmmm. Nasaan pala parents mo?” Tanong ko bigla.

“Gusto mo ba talaga sila makilala?”

“Ehhh kaya mo naman ako pinunta rito diba?”

“Pinunta kita rito para mameet mo na si Kuya. Hindi yung mga yun” medyo inis niya pang sabi.

“Bakit ka ba ganun sa parents….”

“Ju! Alam mo naman yung kalagayan ko diba? Galit ako sa mga yun, ni hindi nga tayo pinansin kanina diba?!”

“Ehhh kasi hindi naman natin sila pinansin.”

“Basta Ju. Wag na. Dito na lang muna tayo, gusto kita masolo ngayon eh” sabi niya pa sabay yakap saken.

Ramdam na ramdam ko yung inis ni Matteo ngayon sa mga parents niya kaya hinayaan ko na lang siya.

“Alam mo, sooner or later dapat makipag usap ka na rin sakanila”sabi ko.

Medyo kalmado na siya kasi nakayakap siya saken.

“Parang ayoko talaga Ju. Ayoko talaga. Gusto ko man kaso parang di worth it…”

“Ano ka ba, magulang mo yung mga yun, worth it lahat yun!”

“Hindi katulad ng kwento ng buhay ko! Nako, basta ayoko Ju, ayoko.”

“Kahit sabi ko? Ayaw mo pa rin?”

Di naman siya nakasagot.

“Kahit makiusap ako sa’yo na kausapin mo sila, ayaw mo pa rin?” Tanong ko.

“Ehhh. Wag naman ganun Ju…”

“Akala ko ba love mo ko?” Sabi ko pa.

“Oo naman… love kita…”

“Oh, edi tara. Kausapin natin sila sa baba”

“Eeeehhhh. Ayoko Ju….”

“Ay di mo ko love. Sige, uuwi na lang ako” sabi ko at pilit akong umaalis sa pagkakayakap niya.

“Hatid mo na ako sa sakayan” sabi ko pa.

“Ehhh,… gabi na….”

“Ayaw mo naman kasi makipag usap ehhh. Paskong Pasko”

“Ayaw ko.,,,”

“Edi di mo ko love. Uuwi na talaga ako” tumayo ako at nag suot uli ng sapatos.

“Oo na sige na! Tara na sa baba!” Sabi pa ni Matteo na mukhang napilitan lang,

Gusto ko lang naman ayusin yung relasyon niya sa parents niya kaya ko to ginagawa.

“Tara na?” Sabi ko.

Pero di siya sumagot. Sumimangot lang.

“Sige, hatid mo na lang ako sa labas kung hindi ka ngingiti diyan” sabi ko.

“Ohh eto na, eto na…” ngumiti siya ng pilit at mas lalo akong nacute-an sakanya,

“Kiss kita diyan eh” sabi ko.

“Ayyy gusto ko yan!”

“Pero bawal. No kissing. Kapag kinausap mo na parents mo” sabi ko pa.

“Ayy ano ba yan. Tara na, kapag nag usap pwede kiss with dila?”

“Yak. Tara na! Ayan ka na naman sa kaanuhan mo”

“Hahaha. Sorry Ju. Tara!”

Nakaakbay lang siya saken habang pababa at ramdam kong kinakabahan siya.

+++

“Nasaan sila PauPau?” Tanong ni Matteo kay Pauline nung maabutan nameng wala na yung mga nagsusugal.

“Alam mo naman Kuya, lipat na sila sa ibang bahay” sagot ni Pauline.

Mukhang natuwa naman si Matteo sa narinig niya.

“Gutom ka ba Ju?” Tanong niya na lang saken.

“Hindi pa naman. Gusto ko lang talaga mameet parents mo”

“Nako, wag mo na hanapin ang wala. Pabayaan mo na sila”

“Oo nga po. Wag mo na pong hanapin, di naman umuuwi yun palagi eh” singit naman ni Pauline.

Mukhang alam din niya yung problema ni Matteo tungkol sa pamilya niya.

“Ju, tara na ulit sa taas. Mag loving loving na lang tayo dun” sabi ni Matteo.

Mukhang narinig naman ni Pauline yung sinabi niya kaya medyo napahiya ako.

“Wag ka na mahiya. Okay lang yan, alam na ng pinsan ko yung tungkol saten!” Sabi niya pa.

Sumama na lang ako sakanya sa taas kaagad.

++

Nagising ako ng madaling araw para mag CR. Tulog na tulog pa rin si Matteo sa tabi ko,

Mahimbing at walang kalaban laban.

Nakayakap siya saken at malapit yung bibig niya sa tenga ko kaya naririnig ko yung mahinang paghinga niya.

Bago kami matulog, nag usap pa kami ng masinsinan about sa mangyayari samen sa future. Ramdam ko kasi na seryoso na talaga siya.

“Ju, nakikita mo na ba ako na makakasama mo sa future?” Bigla niyang tanong habang nakahiga kami pareho at ready na matulog.

“Ha? Eh hindi pa nga tayo eh”

“Hehe, oo. Alam ko…”

Natahimik siya.

“What if, naging tayo palang nung una tayong magkakilala no?” Bigla niyang sabi.

“Hindi ka naman bi.”

“Hindi rin naman kita type simula pa lang no”

“Ay ang kapal!”

“Haha totoo Ju. Nakakainis kaya nung binaboy mo si Harry Potter, alam mo yun? Mahal na mahal ko yung movie na yun tapos sasabihin mo lang na ‘Harry Potter makes you gay’. Nakakainis kaya talaga!”

“Haha galit na galit? Naaalala mo pa rin yun no?”

“Oo. Dahil dun nakilala kita eh. Haha. Tapos naging close na tayo.”

“Kailan mo ba talaga ako nagustuhan?” Tanong ko sakanya.

“Siguro matagal na kitang gusto, ayaw ko lang tanggapin kasi lalaki ka. Ayaw kong tanggapin kasi di naman ako bakla. Pero nung makita kita sa ibang lalaki, di ko pala kaya.”

Medyo seryoso na naman yung topic namen.

“Wala naman akong paki sa sasabihin ng magulang ko eh, kay Kuya lang ako makikinig. Alam naman niya na palagi kitang kasama at ngayon, pinakilala pa kita as mahal ko diba? Sana lang matanggap niya tayo.”

“Wag kang magsalita ng ganyan about sa parents mo.” Bigla kong sabi sakanya.

“Hay nako Ju, di mo kasi nararamdaman yung nararamdaman ko towards them kaya di mo alam yung feeling bilang anak nila.”

“Ang akin lang kasi, kung paano mo tratuhin yung magulang mo, dun nakikita totoo mong pagkatao” sabi ko.

Natahimik siya ng konti.

“Matanda ka na, be matured enough to confront them. Wag mong ikimkim lahat. Kasi in the end, sila lang din matatakbuhan mo kapag sobrang gipit ka”

Natawa lang siya ng kaunti.

“Kaya mahal na mahal kita eh. Napakabait mo kasi. Ewan ko nga kung paano mo ako nagustuhan eh.”

“Hoy, nagustuhan nga kita kasi funny ka”

“Funny lang? Diba gwapong gwapo ka pa saken?”

“Hala! Tsk. Slight lang” sabi ko.

Humarap tuloy siya saken.

“Humarap ka saken Ju” sabi niya Nakatingin pa kasi ako sa kisame.

“Ayaw.”

“Harap na dali, para makakita ka naman ng anghel!”

Natawa ako sa sinabi niya. Bentang benta kasi talaga saken mga punchline niya.

“Sige na Ju. Harap na…” utos niya.

Sinilip ng mga mata ko yung itsura niya bago ako humarap sakanya.

Nakangiti siya saken at ramdam na ramdam ko talaga yung saya niya,

“Ohhh, happy?” Sabi ko.

“Super” sagot niya.

Hinawakan niya yung kamay ko sabay dikit ng noo niya sa noo ko.

“Bawal kiss….” sabi ko.

“Alam ko, gusto ko lang malapit ka saken ngayon hehe”

Nagkatitigan lang kami.

“Antok na ako Ju. Sobra. Pwedeng ganito muna tayo hanggang sa makatulog tayo?”

“Sure ka?”

“Opo. Ang sarap sa pakiramdam kapag katabi kita eh…..”

Dinamdam ko rin yung moment na yun kay Matteo.

Ang hirap din kasi itago ng nararamdaman ko kay Matteo, alam ko naman mahal na mahal ko siya talaga. Kaya okay na rin saken yung moment na to.

“Ju?” Sabi niya habang nakapikit.

“Matty?”

“I love you”

Iba yung sapul sa puso ko ng sinabi niya yun, napahigpit tuloy hawak ko ng kamay sakanya.

“Wala bang I love you too?” Sabi niya.

Napangiti ako at bumulong.

“Matulog ka na” sabi ko.

Ngumiti naman siya.

“Okay po.” Sabi niya.

Pero di rin ako nakatiis.

“I love you too” sabi ko sakanya.

Mas lumaki yung ngiti niya nun. At niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa makatulog kami.

Lumabas na ako ng kwarto niya para mag CR.

Siguro alas dos na ng madaling araw yun.

Pagbaba ko, may nakita akong babae na kamukha ni Matteo, siguro mama niya to, nagkakape at mukhang malalim iniisip.

Nagulat siya ng makita niya ako.

“Sorry po. Hindi ko po sinasadyang gulatin kayo.” Sabi ko.

“Sino ka?”

“Ahhh. Kaibigan po ni Matteo”sabi ko.

Nawala yung galit sa mukha niya nung sinabi ko yun.

“Ahh. Okay.” Tanging sagot niya.

“Mag CCR lang po ako”

“Sige, diretso ka lang” maikli niyang sabi.

Siguro naistorbo ko siya sa pag iisip kaya ganun.

Pagkatapos ko umihi, nagulat ako ng nakita ko siya na parang inaabangan niya akong matapos mag CR.

“Ahmm… bakit po?” Sabi ko.

Lumapit siya saken at tinitigan akong mabuti mula ulo hanggang paa.

Hinawakan pa niya yung mga pisngi ko at chineck yung mga mata ko.

“Uhm…. bakit po?” Sabi ko uli.

Di naman siya nagsalita.

Nakatitig pa rin siya saken na parang kilala niya ako.

“Ahm. Sige po, aakyat na po ako”sabi ko pa.

Di talaga siya sumagot.

Di naman siya mukhang nakainom kaya medyo na creepyhan ako.

Nagmadali na akong umakyat at sa pagmamadali ko, nabunggo ko yung kuya ni Matteo.

“Ayy sorry po. Sorry po” sabi ko.

“Okay lang. Narinig ko kasi si mama sa baba eh kaya nagising ako” paliwanag niya.

“Ay sige po” sabi ko.

Pabalik na ako sa kwarto ni Matteo pero pinigilan niya ako.

“Wait lang Julian” sabi niya.

Medyo kinakabahan ako sa kanya.

“Ahh bakit po?”

Huminga siya ng malalim.

“Kayo na ba ni Matteo?” Tanong niya.

“Ayy ehhh… hindi pa po…”

“Good. Pwede bang wag mo ng ituloy yung relasyon niyo together?” Sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi ng Kuya niya. Out of nowhere, makakasalubong ko siya tapos ganito yung sasabihin niya.

“Po?” Sabi ko.

“Wag mo ng sagutin kapatid ko.”

Di naman ako nakasagot sa sinabi niya. Naguguluhan ako.

“Sorry, I have nothing against you. Kilala mo naman siguro si Maddie right? Yung ex niya? I promised her na pag aayusin ko silang dalawa.”

Di naman ako makapagsalita lalo.

“Pinakilala niya saken si Maddie noon as girlfriend niya, at nung nalaman kong naghiwalay sila, naguluhan ako. Ang alam ko kasi okay na okay sila.”

Di pa rin ako makapagsalita.

“I love my brother so much, Julian. I can’t afford to see him suffer”

“Di ko po talaga kayo naiintindihan….”

“Di saken issue ang same sex relationship. Susuportahan ko pa rin siya kahit anong mangyari, kapatid ko yan eh… kaso…. ako na nagsasabi, walang nagkakatuluyan ng pangmatagalan sa same sex relationship” sabi niya pa.

Parang gusto kong umiyak ng mga oras na yun sa sinasabi ng Kuya niya.

Pero wala talaga akong masabi, kaya binasa ko na lang isip niya.

Tinignan ko yung kailaliman ng memory niya.

At nalaman kong…

Bi din kuya niya.

“Julian… please. Sana maintindihan mo pinupunto ko. Gusto ko lang ng pangmatagalang kasiyahan para sa kapatid ko” sabi niya pa.

Pinigilan ko na lang yung luha ko sa pagpatak.

“Di ako galit sa’yo. Pangako. Kita ko namang mabait ka, pero sana…. maconsider mo yung sinabi ko” sabi niya pa.

At di na niya hinintay yung sasabihin ko, bumaba na siya at naiwan akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Matteo.

+++

“Ju, bakit hindi mo ba ako pinapansin?” Kanina pa ako kinukulit ni Matteo.

Nasa tapat na kami ng bahay ngayon.

“Ju, may nagawa ba ako?” Sabi niya pa.

“Wala nga.”

“Eh bakit ganyan ka saken?”

Di naman ako makasagot.

“Kasi ba hindi ko pinakilala parents ko? Sige, gusto mo papuntahin ko sila rito para makilala mo?”

“Hindi yun…”

“Eh ano? Kagabi lang okay tayo. Sabi mo, mahal mo ko. Tapos ganito ka ngayon.”

Di pa rin ako makasagot.

“Julian ano ba!”

“Yung Kuya mo!!” Sigaw ko sakanya.

Alam kong ayaw niyang sinisigawan kaya kinalma ko muna yung sarili ko.

“Yung Kuya mo. Ayaw niya saken, para sa’yo” sabi ko.

Ayaw ko sanang sirain relasyon nilang dalawa pero gusto kong malaman niya yung totoo.

“Kagabi, nag CR ako, nagkausap kami. Sinabi niya saken na gusto niyang ipag ayos kayo ni Maddie. At sabi niya wala daw tayong mapapala sa relasyon natin”

Natahimik siya. At di makapagsalita.

“Matteo. Kakasabi mo lang saken, mahalaga opinyon ng Kuya mo. Ayan yung opinyon niya saten!”

Di pa rin siya makapagsalita.

Pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

“Kakausapin ko si Kuya, papakita ko sakanya kung gaano ka kaimportante saken. Okay? Wag ka muna sumuko saken Ju. Gagawan ko to ng paraan”

“Pero ang sabi…”

“Julian James! Please, wag kang sumuko. Kakausapin ko si Kuya. Ipaglalaban kita. Pangako!” Sabi niya.

Bwisit nman eh. Naiiyak ako sa sinasabi niya ngayon saken.

“Ju… uuwi na ako. Please, mahal kita, tandaan mo yan. Pagkapunta sa bahay, kakausapin ko kaagad si Kuya tapos magiging okay na tayo ahhh.”

Hawak niya yung mukha ko.

“Promise Ju. Ipaglalaban kita! Pangako yan!”

Hinalikan niya ako sa noo ko non at niyakap niya ako ng matagal na matagal.

++++

Ilang araw na hindi nagtext saken si Matteo.

Bagong taon na maya maya, pero ang huli niyang text saken.

“Ju, nasa bahay si Maddie. Kakausapin ko lang sila tapos magiging okay na. Promise, magiging okay tayo.”

Pero limang araw, wala siyang text sakeng iba.

Siguro utos ng Kuya niya, pinutol yung expenses niya. Either way, hindi ko pa rin siya nakausap.

Di ko masabi kina mama at papa yung nararamdaman ko kaya sobrang bigat na sa pakiramdam.

Wala akong ganang lumabas ng kwarto ko.

Kapag kakatok sila mama, magpapanggap akong tulog para di nila ako mkausap.

Mahirap kasi kalaban yung pamilya kaya wala akong magagawa.

Isang araw, nagising ako sa katok sa pinto ko.

Di ko siya pinagbuksan pero kusa na lang siyang pumasok.

“Julian?”

Hindi si mama at papa yun.

“Julian? Okay ka lang?”

Boses ni Laurence.

Pagtingin ko, si Laurence nga.

“Anong ginagawa mo rito?” Sabi ko.

“Tumawag kasi mama mo saken, di ka daw okay….”

Di naman ako sumagot.

Hinawakan niya ako sa likod.

“Makikinig ako Julian. Sabihin mo na saken” malumanay niyang sabi.

Nung hinawakan ko ni Laurence, parang naiyak ko bigla. Parang kailangan ko na talagang ilabas lahat lahat.

Niyakap ko siya habang umiiyak at inalalayan niya lang likod ko.

Kinwento ko sakanya lahat lahat.

Di naman siya nakapagsalita at niyakap niya lang ako.

“Hindi kita iiwan ngayon. Dito lang ako.” Bulong niya saken.

“Huwag mong isipin na ginagamit ko to para mapalapit sa’yo. Ayoko lang nakikita kang ganyan Julian”

Ayoko naman maglabas ng ganito kina mama kaya pumayag ako na nandito sa tabi ko si Laurence.

+++

Nakayanan ko naman mag celebrate ng New Year. Pinilit kong maging masaya kasi ayokong maging malungkot ng isang taon.

Di nga umalis si Laurence. Wala naman daw tao sakanila kaya dito na lang siya naki New Year samen.

“Nag wish ka ba?” Sabi ni Laurence saken habang nanunuod kami ng fireworks.

“Ganun ba yun?”

“Hindi naman. Pero wala namang masama kung mag wiwish ka diba?”

“Hmm. Ikaw ano bang winish mo?”

“Winish ko lang na maging masaya ka.”

Di ko matignan sa mata si Laurence, dahil na rin sa nagawa ko sakanya noon tapos ganito pa rin siya saken.

Nanuod na lang kami ng fireworks at kumain sa loob.

Pag dating sa kwarto, sa sahig natulog si Laurence.

Ayaw pa rin niya kasing pagsamantalahan yung sitwasyon ko.

Malalim na yung gabi, at kahit medyo maingay pa yung mga tao sa labas, mahimbing na tulog ni Laurence.

Saka ko naman napansin yung libro ko na umiilaw.

Pagkatingin ko, mukhang may announcement.

“ Happy New Year, Julian!

Ang unang araw ng battle of the gifted ay mangyayari na bukas.

Ibibigay sa’yo ni TB ang instruction sa stage 1.

Note: Ang top 3 na mananalo sa stage 1 ay makakatanggap ng automatic level up.

Goodluck tomorrow! prepare your gift and use it well!“

Saka ko nalaman na start na pala ng event bukas.

Kailangan ko na lang magfocus sa event para mawala yung lungkot ko.

++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

AYAN!!! BATTLE OF THE GIFTED NA BUKAS, WAHAHA. PURO MAGIC MAGIC NA TO AT REVELATIONS! 😉

AGAIN, LAST 14 CHAPTERS NA TO KAYA TUTOK NA. :)

Part 47

VOTE FOR THE RIGHT CANDIDATE,

AND VOTE FOR MY STORY NOW. HAHA PLUS ADD COMMENTS 😉

HAPPY 100K READS SA JULIAN’S GIFT!!!!!! THANK YOU SO MUCH!!!!!!

+++++++

Pagka gising ko, napansin kong wala na si Laurence sa sahig at nakatiklop na rin yung higaan niya.

Nandito pa naman yung phone niya at gamit niya kaya siguradong di pa siya umaalis.

Napansin ko namang umilaw yung phone niya, siguro may nagtext sakanya, pero nakita ko yung wallpaper niya.

Picture ko.

Alam ko picture ko to nung nasa Zambales kaming dalawa.

Candid shot ko yun. Feeling ko nga ang cute cute ko sa picture na yun eh. Pero ayun pa rin yung wallpaper niya. Hindi nabago.

Kukunin ko sana phone niya kaso biglang bumukas yung pinto ng CR at nakita ko siyang naka brief lang.

Napalunok ako ng laway sa nakita ko. Di pa rin nagbabago si Laurence, hot at macho pa rin.

Nakakainis, ang laki talaga ng ano niya eh. Bakat na bakat.

Napatakip tuloy siya nung nakita niya akong gising.

“Sorry Julian. Akala ko tulog ka pa. Ang sarap kasi ng tulog mo… sorry… sorry” sabi niya habang nagmamadaling magbihis.

Natatawa naman ako sakanya habang nagbibihis.

“Okay na. Pwede ka ng tumingin” sabi niya pa. Pero nakatingin talaga ako althroughout sa pagbihis niya.

“Okay. Bakit ka kasi naligo?” Tanong ko.

“Haha ganun talaga. Kapag Bagong taon, maliligo ka kapag bagong gising para new start yung buong taon mo” paliwanag niya.

“Ay iba paniniwala ko, dapat kapag New Year, di ka maliligo para di maalis yung swerte sa katawan mo ng isang linggo.”

“Ay, parang kadiri naman yun”

Ewan ko pero natawa ako sa pagkakasabi niya nun. Ang cute kasi ng expression ng mukha niya, ang taba taba ng pisngi tapos parang gulat na gulat.

“Haha pero syempre kapag ikaw, okay lang.” Pahabol pa niya

“Sus. Hehe”

Bahagya kong nakalimutan yung problema ko kay Matteo dahil katabi ko si Laurence. Siya yung nagpapasaya saken ngayon.

“Julian, gusto mo bang umalis bukas? Alam ko bawal umalis ngayon eh.”

“Bakit? Kasi isang taon kang aalis ganun?”

“Haha, mga pamahiin eh no?”

“Oo nga eh. Pero baka di ako pwede bukas” sabi ko.

Event na kasi bukas! Hindi talaga ako pwede.

“Ay ganun ba. Sa isang araw kaya, o sa susunod? Kailan ka ba pwede?”

“Hmmm. Di ko pa kasi talaga sure. Pero kapag pwede, sige, alis tayo” sabi ko.

Ngumiti na lang siya. Siguro iniisip niya na ayaw ko pa siyang kasama sa ngayon, kaso ang totoo, naiisip ko yung sa event.

Paano kaya yung schooling ko nun kung sakali? Hindi ako papasok para umattend sa event?

Paano ko magpapaalam kina mama neto?

“Julian, Julian, Julian” biglang sabi ni Laurence.

“Huh?”

“May knock knock ako sa pangalan mo” sabi niya.

“Hala? Kailan ka pa natutong mag joke?”

“Hahaha. Syempre pinapasaya ko lang sarili ko nung naghiwalay tayo. Haha.”

Natawa siya pero parang ang lalim ng hugot niya dun.

“Haha sige na nga. Julian who?”

“Eheeem. Eheeeem….

Juliaaaaaann…. julian mo ba mapapansin, ang aking lihim? Kahit anong aking gawin. Di mo pinapansin… Juliaaaaaaan.. (julian) julian hahaplusin ang pusong bitin na bitin….“

Nauuna yung tawa niya habang kumakanta pero infairnes, nakakatawa naman talaga yung knock knock niya.

“Haha medyo havey!”

“Medyo lang?”

“Oo. Tawa ka ng tawa ehhh!”

“Ahaha. Gusto lang naman kitang pasayahin. Sabi nila, kapag masaya ka sa umaga. Masaya ka buong araw. Eh masaya ka ngayong New Year, ibig sabihin magiging masaya ka buong taon!”

Hindi ko alam kung bakit hindi ko minahal ng ganito si Laurence. I mean, mahal ko naman siya pero mas mahal ko si Matteo.

Pero kung effort lang, mas ma effort talaga si Laurence eh. At talagang di siya nagsasawang ipakita saken.

“Ikain na lang natin sa baba yan” sabi ko.

“Hahaha di ka talaga maliligo?”

“Haha hindi talaga, tara na!” At Niyaya ko na siyang bumaba.

+++++

Hapon na pero ayaw pa rin umuwi ni Laurence. Di ko na rin siya pinigilan kasi mas masaya kapag nandito siya.

Nagkekwentuhan silang dalawa ni papa ng biglang magtext saken si Sarah.

“ OMG Julian! Nakuha mo na yung bonus stage?“ Text saken ni Sarah.

“Bonus stage?” Reply ko.

“ Di ka pa pinupuntahan ni TB?!“

At saka ko naalala yung note kagabi sa libro. Manggagaling pala kay TB yung instruction saken.

Kaya pasimple muna akong lumabas ng bahay baka sakaling nandun si TB.

Napansin ko naman yung tinderang babae na ginaya ni TB noon na nakatambay malapit sa bahay.

Kaya lumapit ako at kinalabit ko.

“TB?” Tawag ko.

“TB ka diyan! Wala akong sakit ah! Nako sinasabi ko sa’yo!!”

Hala, nagalit bigla si ate saken. Ibig sabihin hindi siya si TB.

Pahamak naman kasi yung disguise niya eh, akala ko tuloy siya.

Umalis tuloy yung babae na galit na galit.

Gusto ko sana habulin para mag sorry kaso may kumalabit saken at palingon ko, isang lalaki!

Siguro mga mid 20’s yung edad. Iba kasi yung facial hair niya eh, matured na. Tapos ang fit pa ng suot niya.

Bilugan mga mata niya tapos ang tangos ng ilong. Parang ang perfect ng korte ng mukha. Ang cute pa ng smile niya. Ang kapal ng kilay at may pagka mahaba yung pilik mata.

Gwapo! As in.

“Hi” sabi niya.

“Uhm… hi?” Sabi ko.

“Ang gwapo ko ba?” Bigla niyang tanong.

Nagulat ako sa tanong niya at natulala na lang.

“Ahahaha ko to Julian. Si TB hahaha” pakilala niya.

Nawala yung daydreaming ko sakanya nung nagpakilala siya.

“Ano ba yan, bakit ba ang gwapo ng disguise mo ngayon?!” Sabi ko.

Tumawa lang siya.

“Kanina pa kita hinihintay!” Sabi ko,

“Ako ang kanina pa! Hindi nga kita makitang solo eh. Kayo ba uli ni Laurence?”

“Ay grabe, chismis siya oh”

“Haha pwede ko naman basahin nasa isip mo eh”

“Ay wag!!!” Pigil ko sakanya.

“Oops. Too late. Alam ko na nangyari sainyo ni Matteo hahaha. Okay quiet na lang ako.”

Nakkainis si TB. Ang cute niya talaga ngayon! Parang di ko siya maseryoso.

“Ano ba? Bakit ba kasi ngayon ka lang?” Tanong ko uli.

“Sige kasalanan ko na! Ohhh!….” sabay abot ng envelope saken na kulay white.

Tinignan ko lang.

“Ano to?”

“Para yan sa may mga gift. Map papunta sa lugar kung saan mangyayari yung event”

“Ay talaga?”

“Yeap. Ayan ang bonus stage, ang top 3 na unang makakakuha ng bonus stage na yan, may prize daw. Hindi ko sure kung ano, nung kami kasi dati walang ganyan eh”

“Ahhhh. I see…”

“Oh yeah, ready ka na ba? Physically, oo ata. Emotionally, sa tingin ko hindi. Gusto mo ba mag back out?”

“Hala back out? OA naman neto. Sabi mo walang mamamatay dito”

“Wala nga. Hehe. Sorry. O sige, gawin mo na yan bukas na bukas. 8AM!”

“Ang aga naman!”

“Please agahan mo. Para saken yan! Hahah wag mo ko ipahiya!” Sabi niya pa.

“Sige Timothy Brian!”

“Stop! Wag mo ko tawagin sa pangalan ko hahaha”

“Haha, any tip TB?” tanong ko.

“Stage 1 is easy. Stage 2 eh battle. Stage 3 is overall battle. Just… gamitin mo lang yung gift mo. And have fun! Bihira lang kayong may gift na tao. Akala mo di nag eexist yang ganyan pero hindi…. pili lang kayo. Basta enjoyin mo lang. Magkikita pa naman tayo sigurado” sabi niya.

Di ko siya maseryoso, ang gwapo kasi talaga ni TB.

“At saka…. talunin mo yung Illusionist please?” Pakiusap niya pa.

“Hehe. Sige TB. Para sa’yo!”

“Good. Good. Lalabas si Laurence at hinahanap ka, may gusto ka pang malaman?”

“Teka. Gusto ko makita yung totoo mong itsura. Palagi ka na lang nagdidisguise eh!” Sabi ko.

Kumindat saken si TB.

Pero tinawag ako ni Laurence.

“Julian?” Lumingon ako.

“Wait lang. Hehe”

“Sino kausap mo diyan?” Tanong niya.

Tinignan ko si TB pero wala na siya.

Feeling ko talaga tatlo ang gift ni TB.

Mind reading.

Shape shifting.

Invisibility.

Siguro ayun yung reward niya dahil siya ang top 1 sa batch nila.

“Ahhh wala. Hehe, papasok na rin ako” sabi ko.

Pero iniisip ko pa rin kung sino ba talaga si TB? Habang humahaba yung journey ko, hindi lang niya binigay saken yung gift na ito accidentally. Siguradong alam niyang saken nararapat tong gift na to.

++++

Ang purpose ng bonus stage na ’to ay paunahan. Paunahang mahanap ang venue ng event.

At sa oras na buksan ko ang envelope, magsisimula na yung oras.

Kaya nung ready na ako, saka ko binuksan yung envelope.

Ang nakalagay lang.

   "

QUIAPO CHURCH.

     WOMAN IN RED.

     UNDER PASS"

Unang nag sink in saken yung Underpass sa Quiapo. Syempre isa lang naman yun!

Kaya nagmadali akong sumakay ng jeep at pumuntang Quiapo.

Di ko alam kung kasama yung oras sa pagbyahe pero di ko na lang pinansin.

Pagkarating ko sa Quiapo, underpass…

Wala pang bukas na stall.

Maaga pa masyado.

Pero ang problema, ang daming naka red na babae.

Level 6 Gift: Long Range of Mind Reading.

Halos lahat ng tao nababasa ko yung isip.

Pero may namumukod tanging babae na nakaupo sa gilid ang di ko mabasa ang isip.

Nilapitan ko siya.

Tinignan niya lang ako at inabot niya kamay niya saken na parang may hinihingi siya.

Binigyan ko ng bariya. Pero naka abot pa rin yung kamay niya.

Binigyan ko ng pagkain pero nakaabot pa rin.

Inabot ko yung envelope na binigay saken ni TB.

Ngumiti siya at may kinuhang panibagong envelope.

Kulay black naman yun.

Di na ako nagdalawang isip na buksan.

      " 

LUNETA PARK

        MAN IN WHITE T SHIRT.

        DINOSAUR"

Natawa ako sa Dinosaur pero alam ko na kung saan ako pupunta.

May part kasi sa Luneta kung saan may mga dinosaur na slides.

Dun ako kaagad pumunta at naghanap ng lalaking naka puti.

Nag iisa lang siya at di ko rin magamit yung gift ko sakanya.

Lumapit ako at katulad ng babae sa Quiapo, wla rin siyang sinasabi

Inabot ko kaagad yung black envelope sakanya at nag abot ng panibagong envelope saken.

Pagkabukas ko ng envelope, walang laman na papel kundi susi lang. Tapos may nakalagay na….

“ ABANDONED BUILDING, RECTO “

Madalin na lang to, alam ko na kung saan to sa Recto, may abandoned building dun na tinutulugan lang ng street persons sa labas kaya dun ako pumunta.

Pagdating ko dun sa abandonadong building, hinanap ko kaagad yung pintong may susi.

“Iho….” lapit saken ng isang lalaki.

Tinginan ko siya, medyo matanda na itsura niya pero kagalang galang naman.

“Po?” Sabi ko.

“Okay na. Ikaw ang nauna” sabi niya pa.

Nakangiti siya saken at mukhang ang bait bait niyang tao.

“Pwede ka ng pumasok kung gusto mo pero hanggang 12 pa naman ang limit ng bonus stage. Pwede ka munang umalis.” Sabi niya pa.

Nakakahiya naman kung papasok na ako kaya naghintay na ako ng 12, 10 pa lang naman. Baka umuwi muna ako at kumain saka ko babalik.

++++

Pagbalik ko ng mga 11:30, ang dami ng tong dumadaan at ang dami na ring nakatambay sa tapat ng building.

Nandun na rin si Sarah!!

Siya una kong nilapitan.

“Julian!!! Happy New Year!” Bati niya saken.

“Happy New Year din!” Sabi ko.

“OMG, ngayon ka lang? Pang ilan ka?” Tanong niya.

“Ikaw? Pang ilan?” Tanong ko.

Sumenyas siya ng pangatlo.

“Wow!!! Nice!” Sabi ko.

“Eh ikaw?”

Sumenyas ako ng pang una.

“Waaaa hahha ang daya!! Pero ineexpect ko na yun, parang designed ata tong event para sa gift mo eh haha”

“Hala, hindi naman. Si Kennard?”

“Wala pa eh. Bawal phone, bawal kumontact ng iba kaya di ko masasabi sakanya kung nasaan tayo ngayon”

Pinansin ko muna yung mga tao sa labas, lahat ata kami mga estudyante. Yung iba nagtetext, yung iba kumakain.

Wala akong kilala ni isa sa kanila, at mukhang hindi rin sila magkakakilala.

“Ang sabi kapag hindi pa nadiscover ng iba tong lugar, automatic ng ibibigay yung adress dito sakanila” paliwanag ni Sarah.

“Ahh buti naman.”

Pero may hinahanap ako eh. Gusto ko malaman kung nandito si Matteo o Laurence, tutal baka di ko mabasa nasa isip nila kasi may gift sila at mataas na level nila kaya di ko magawa yun.

“Julian, pasok na tayo. May mga tao na sa loob eh!” Sabi ni Sarah.

“Ahhh sige sige” sagot ko

Abandoned building to so ineexpect kong madumi talaga yung loob. Di na ako nag eexpect ng magandang kwarto o de aircon.

“Bakit naman kasi dito pa, pwede naman condo o hotel diba?” Bulong ni Sarah sken habang papasok kami.

“Haha oo nga eh. Nag aalangan nga ako kanina kung papasok ako eh”

“Haha, tara!” Sabay nameng binuksan yung pinto at sobrang nagulat kami sa nakita namen.

Puti! Puro puti. Pure white. White tiles, ceiling, pader. Upuan, lamesa sa harapan. Puro puti.

Sobrang linis! Akala mo nasa. 7 star hotel ka. Sobrang ganda at ang linis pa ng amoy.

Sobrang speechless kami ni Sarah! As in sobra.

Nagkatinginan lang kming dalawa.

Pumwesto kami sa may bandang gitna at sa may dulong part naupo.

Nung alas dose na, napansin na nameng napupuno na yung kwarto.

Ginamit ko gift ko sakanila pero di gumagana.

Lahat nga sila may gift.

Nandun din si Gab, Spencer, Greco. Napansin din namen si Kennard at Lucas at nagmadaling tumabi samen.

Andun din si Angelica at mukhang di niya kami napansin.

Saktong alas dose na at may babaeng nagsalita sa harapan.

Nakaputi rin siya at mukhang yayamanin.

“Magandang Umaga sa lahat!” Sabi niya.

Napukaw atensyon namen sa kanyang lahat.

“Pasensiya na sa mala ‘easter egg hunt’ na paghahanap ng venue natin hehe. Bonus stage para sa mga bagong batch ng mga gifted” sabi niya.

Walang nagsasalita at mukhang nakikinig talaga lahat sakanya.

“For starters, ang room na ’to ay gift proof. Meaning, hindi gagana yung mga gift niyo rito. Hehe para maiwasan ang pagkakakilanlan hehe.

I heard din na may mga nagkakilala bago pa ang event, that’s okay. Pero for now, hindi niyo pwedeng ireveal ang gift niyo sa iba. Automatic disqualiication yun, not unless nasa battle scene na kayo.“

“And about sa bonus stage. Congrats sa mga nakakuha ng venue within the time limit, sa ibang nakapunta dito dahil naubusan ng time limit, don’t worry, walang bearing sa standing yan.”

“Para sa nakakuhang top 5 sa bonus stage na ’to, makakatanggap sila ng additional life ball”

Life ball?

“Each gifted ay may tatlong life ball. At kapag naubos ang life ball niyo, automatic na wala na kayong makukuhang points.”

Di ko pa rin maintindihan kung para saan ang life ball.

“At sa top 3 naman, automatice level up!”

Wow. Wow. So level 17 na ako!!

“I know marami pa kayong questions na gustong masagot pero simulan natin sa stage 1 ng event.

Ang battle of the gifted.

Pipili kami randomly kung sino ang makakalaban niyo ng harap harapan.

Don’t worry, walang namamatay rito hehe.

Diyan papasok ang life balls niyo.

Kapag natalo kayo, mababawasan kayo ng isang life ball. At kapag nanalo kayo, makukuha niyo yung life ball ng natalo niyong kalaban.“

Kita ko sa expression nilang naexcite sila at namangha.

May lumabas naman na lalaki sa likod na may dalang papel.

Siya yung lalaking nakita ko sa labas ng building kanina.

“Fill up-an niyo tong ibibigay sainyo. Personal info lang naman. Wag kayong mag leleave ng blank. Sagutan niyo lahat.

And by the way, madedetect namen kung nagsisinungaling kayo sa sagot niyo so be honest okay?“

Nagkatinginan lang kami ni Sarah.

Parang di pa kami nagsasalita simula ng dumating kami rito.

Pagkaabot samen ng papel, nag fill up na kami.

Sobrang tahimik talaga sa kwarto ngayon at parang bawal magsalita. Kaya nahiya na rin akong magsalita.

Pagkatapos namen mag fill up, kinuha na yung papel namen.

Alas tres na pala ng tanghali. Tatlong oras na pala kaming nandito.

“We’ll contact you again soon via your different giver.” Siguro sila TB yung tinutukoy niya.

“Have a nice day gifteds!” Sabi niya pa.

Nagsitayuan na kaming lahat dun.

Marami pala kami dito sa kwarto at dumiretso kaagad kami nila Sarah sa labas.

“Grabe!!! Nanggigil ako bigla hahaha” sabi ni Sarah.

“Haha bakit?”

“Naexcite ako bigla sa event natin haha.” Sabi niya pa.

“Haha oo nga eh!”

Pero di ko maiwasang mapatingin sa tindero sa labas ng building. Nakatingin sameng lahat ng masama.

May kausap siyang isang tindero rin kaya sinubukan kong basahin isip nila.

“Pre, sabay sabay silang pumasok. Tapos sabay sabay silang umalis. Ano ba yun!“sabi nung isang tindero.

“Oo nga. Halos isang minuto lang ata silang pumasok, nagtataka din ako kung bakit nakatambay silang lahat sa labas, tapos nung pumasok sila, mas nagulat ako, wala namang kwarto diyan sa loob. Tapos ngayon, isang minuto lang din lumabas sila!”

Chismisan sila ng chismisang dalawa about sameng lahat.

Pero ano yung sinasabi nilang isang minuto?

Tinignan ko yung oras.

12:03PM!

3mins lang kami nasa loob?!!

Hindi!! Alam ko tatlong oras kaming nasa loob!! Imposible yun!

“Julian okay ka lang?” Tanong ni Sarah.

“Check mo yung oras!” Sabi ko sakanya.

Nagulat din si Sarah nung nakita niya.

“No! Imposible!” Sabi niya.

Pero mas imposible yung nakita ko.

Iniisip ko pa lang na kung isa kina Laurence at Matteo ang nandito, ibig sabihin, hindi sila ang para sa future ko kasi kaya ko lang di nababasa isip nila dahil may gift sila.

Pero nakalabas na ang lahat at pinakahuling lumabas….

“Ju?” Tawag niya saken.

Napatingin din si Sarah sakanya at nagulat din siya.

“Bakit ka nandito?” Sabi niya pa.

Pero di ako makasagot.

Nagkatitigan lang kaming dalawa.

Si Matteo yun!

May gift si Matteo!

+++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!!!!

TADTARIN NIYO NA HAHHAHA!!!!

LAST 13 CHAPTERS 😉😉😉😉😉

Part 48

VOTE AND COMMENTS GUYS#!!!

++++

Hinawakan ni Matteo yung kamay ko at nilayo niya ako ng bahagya sa tapat ng building na yun.

“Ju…”

“Wag mo kong Jinu Ju, Ju diyan!”

“Wait, magpapaliwanag ako”

“Anong sasabihin mo?!” Medyo inis kong sabi.

Hindi naman ako naiinis kung bakit andito si Matteo ngayon, naiinis ko kasi ilang araw siyang di nagtext saken tapos hihilahin niya ako para makipag usap sakanya.

Ni text nga hindi niya magawa!

“Kinausap ko si Kuya….”

“Ayaw saken ng Kuya mo! Alam ko na yan, hindi ka naman lalayo saken kung hindi diba?!”

“Oo, pero kinakausap ko pa rin siya about saten.”

“Pero ako? Kinausap mo ba ako?! Sige nga. Naghihintay ako sa’yo kasi ang sabi mo ipaglalaban mo ko sa Kuya mo, tapos biglang ganito?!”

Di naman siya makapagsalita.

“Sinusunod ko lang yung gusto ni Kuya, pero kinakausap ko pa rin siya.”

“Ang panget ng rason mo. Kung ayaw, edi wag. Hindi yung pinapaasa mo ko! Mabuti pa si Laurence, nandiyan lang sa tabi ko. Pinapasaya ako at never niya akong hinahayaang maging malungkot!”

Bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko.

“Maniwala ka saken, mahal kita…”

“Mahal mo ko pero di mo ko kayang ipaglaban!” Bitaw ko sa kamay niya sabay layo sakanya.

“Julian naman!”

“Please lang Matteo… tigilan mo na ako. Wag mo na akong paasahin sa wala” sabi ko pa sakanya.

Tumakbo na ako palapit kina Sarah at di na siya sumunod saken.

+++

“Ano daw gift niya?” Tanong saken ni Sarah habang kumakain kami sa mall nila Kennard at Lucas.

“Hindi ko natanong… nawala sa isip ko”

“Pero okay na yun, diba as of now, bawal ng tanungin yung gift ng mga tao dun at automatic na madidisqualify na?” Sabi pa ni Kennard.

“Ay oo nga, buti na lang pala Julian hindi mo natanong” sabi naman ni Sarah.

Tahimik lang si Lucas sa tabi ko habang kumakain kami.

“Julian, totoo bang sainyo nag Bagong Taon si Laurence?” Biglang tanong saken ni Lucas.

Napatingin ako sakanya.

Ayoko sanang sumagot pero naaawa ako sa reaksyon niya.

“Alam ko, sinabi saken ng mga katulong niya. Gusto ko lang din sa’yo manggaling pero mukhang ‘oo’ rin yung sagot mo”

“Pre, sabi ko naman kasi sa’yo, wag ka ng umasa kay Laurence. Iiwan iwan mo siya non tapos babalik ka sakanya, Ehh may Julian na siya eh!” Sabi ni Kennard sakanya.

“Alam mo naman yung storya ko diba? Di ko naman ginustong umalis. Wala naman akong magagawa, ayun yung gusto nila mama eh”

“Alam ko yun pre, pero wag mo rin sisihin si Laurence kung bakit siya naghanap ng iba. At lalong, wag mo sisihin si Julian, kasi wala naman siyang kasalanan”

Silang dalawa lang ni Kennard yung nag uusap.

“Kaya nga di na ako nagtataray kay Julian diba?”

Natawa ako dun sa sinabi niya,

“Tsaka nakakatakot kaya si Julian, mamaya siya pa makalaban ko sa event tapos mag personalan kaming dalawa haha” sabi ni Lucas.

Di na lang din ako sumagot dun.

Okay na rin na may mga ganito akong kaibigan at kakampi.

+++

Pagkauwi ko sa bahay, may nakatambay na lalaki sa harap ng bahay namen. Mukhang gwapo dahil sa tindig.

At nung humarap saken, nakita ko si TB! Kung ano yung itsura niya nung huli kaming nagkita, ayun pa rin yung gamit niya.

Napangiti siya nung nakita niya ako.

“Bakit hindi ka pa nagpapalit ng disguise mo?” Tanong ko.

“Baka gusto mo kasi ang gwapo netong disguise ko diba?”

“Hala, yung disguise mo yung gwapo, hindi ikaw!” Sabi ko pa.

Naka white tshirt lang siya at pants. Ang gwapo talaga ng ganitong disguise ni TB, kaya nakakatuwa.

“Kumusta ang meeting mo sa mga gifted, Julian?” Tanong niya.

“HOY! Bakit di mo sinabi na merong gift si Matteo?!” Medyo napasigaw ako non.

“Ay grabe, meron siya?”

“Wag ka na mag maang maangan diyan!”

“Hindi ko nga kasi pwedeng sabihin kung sino, bakit ang kulit mong bata ka?!”

“Ehh ang sabi mo kapag hinawakan nila libro ko, magagamit ko na yung gift ko sakanila? Nahawakan na ni Matteo pero di pa rin gumana?”

“Shhhh. Bawal na magtanong diba about diyan? Nakinig ka ba talaga kanina?”

Oo nga pala. Buti na lang pinaalala niya.

“Wag kang mag alala. Okay lang yan…. ohhh, eto pala!” May inabot siya sakeng tatlong babasagin na bola na halos kasing laki ng golfball. Kulay white yun.

“Ano to?”

“Life balls. Napaliwanag naman sa’yo to kanina diba?”

Ahhh, so eto yung tinutukoy nila kanina.

“Ang galing mo ah. Number 1 ka raw sa bonus stage ah? Kaya apat sa’yo haha. Good job”

“Hehe salamat. Para saan ba yang life balls na yan?”

“Parang virtual games, parang tatlong buhay mo, sa kaso mo naman, apat yan. Kapag naubos yan, out ka na!”

“Ayun lang talaga purpose niyan?”

Ngumiti lang siya at di sinagot yung tanong ko, siguro may iba pang gamit tong lifeballs na ’to.

“Pinapabigay lang naman yan sa’yo, tapos okay na. Aalis na ako” sabi ni TB.

“Wait!”

“Oh? Bakit?”

Nung nagkatitigan kami ni TB, wala naman akong masabi pero ayoko pang umalis siya.

“Julian, bakit?” Tanong niya uli.

Pero tinignan ko lang si TB, ang gwapo talaga ng disguise niya, nakakainis.

“Hoy, parang kuya mo na ako Julian, wag mo kong tignan na parang inlove ka saken haha”

“Hoy ang kapal mo haha ang cute mo lang kasi talaga. Haha sige na TB, bye!”

“Haha, Bye. Goodluck sa round 1 bukas” sabi niya pa.

Nung nawala na sa paningin ko si TB, pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto.

+++

Dumating na ako sa abandoned building sa Recto uli para sa stage 1.

Di ko alam kung anong mangyayari, wala naman akong kasama. Hindi ko alam kung nasaan yung mga tao.

Basta ang alam ko, yung building na ’to ay magical

Panget sa labas, pero sobrang ganda sa loob.

Akala mo maliit, pero mas malaki pa ata sa inaasahan.

Hindi rin gumagana ang gift namen sa kwartong to.

Bigla naman lumabas yung babae na nagsalita samen kahapon.

“Hi… Julian right?” Sabi niya.

Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya. Siguro parang nasa 25 yung edad niya, malinis tignan at makinis.

“Ahh… opo” sabi ko.

Naka Black shirt lang ako at pants.

“Since ikaw ang number 1 sa bonus stage, ikaw ang bubunot kung sino ang gusto mong makalaban” sabi niya.

May dala siyang bowl na may mga papel sa loob. Simple lang yun, mukhang walang halong magic.

Tinignan ko muna siya at sinubukang basahin yung nasa isip niya.

“I told you, gift proof tong room na ’to Julian, kaya di mo magagamit yung gift mo saken” nakangiti niyang sabi.

Ang ganda niya talaga.

Medyo napahiya din ako ng konti kaya bumunot na ako sa bowl nun.

“Number 17” sabi niya.

“Ano pong ibig sabihin nun?”

“Makakalaban mo yung pang number 17 sa last bonus stage”

Napaisip ako, siguro madadalian lang ako kasi pang 17 siya, ako naman pang number 1.

Sumama ako sakanya at pumasok kami sa isang pinto.

Sobrang magical talaga ng lugar. Ang laki laki ng space. As in.

Parang pinagsama yung tatlong classroom tapos walang kalaman laman. Tanging puti lang na tiles yung nandun, puti yung dingding at kisme. Maliwanag din dahil sa mga ilaw.

“Okay. I know na nabigay na sa’yo yung life balls mo right?” Tanong niya.

“Yeap. Nabigay na ni TB”

Natahimik lang siya bigla.

“Okay. Just wait for your opponent here” sabi niya sabay labas na ng kwarto.

Naglakad lakad muna ako sa loob, dahil nakakamagha talaga sa laki at ganda.

“Helloooooo!” Sigaw ko at nag echo.

Para akong baliw dun sa loob.

Pero nawala yung excitement ko nung may pumasok sa loob ng kwarto.

Babae.

At sobrang familiar!

Siya yung babae sa Pampanga kung saan ko nakuha yung dice!

“Ikaw?!” Sigaw niya.

“Ikaw rin?!” Sagot ko.

Sasagot sana siya kaso may parang speaker kung saan nakalagay sa kwarto at narinig ko uli yung boses nung babae kanina.

“Stage 1. Battle of number 1 vs number 17. Since si Julian ang namili ng makakalaban, Si Julia ang pipili ng lugar kung saan kayo maglalaban”

Sht. Halos kapangalan ko pa siya!

“Paano ako mamimili?” Parang invisible lang kinakausap nameng dalawa.

“Sabihin mo lang kung “stop”.“ Sabi nung babae.

Napaisip lang si Julia.

“Uhm…. stop?” Sabi niya.

“Battle starts in 1 minute” sabi uli ng boses nung babae.

Wala kaming idea kung anong nagyari.

“Paano mo nakuha yung dice ng papa ko?!” Tanong niya saken.

“Hmmm…”

“Alam kong hindi niya basta basta binibigay yun! Ikaw ba yung Illus…..” di niya tinapos kasi baka madisqualify siya at alam kong Illusionist yung sasbihin niya.

“Hindi.” Sabi ko.

“Wag mo kong niloloko. Malalaman ko naman na maya maya eh, tignan na lang natin”

Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang nagbago yung setting ng kwarto.

NASA IBANG LUGAR NA KAMI!

Parang nasa isang abandoned city kami.

Ang daming sirang sasakyan at building sa paligid. Ang daming nakakakalat sasahig. Mataas yung sikat ng araw at mukhang kami lang yung tao dito.

Bigla ulit nagsalita yung babae.

“Rules are simple. First one to eliminate the opponent, wins.”

Akala ko ba walang namamatay dito?! Bakit eliminate kaagad?! Ano ’to!

“Goodluck!” Sabi uli ng boses

At mukhang ready na kaagad yung battle.

Napansin kong naka ‘game face on’ na siya ngayon.

Biglang parang lumindol.

Sht. Naalala ko, earth element nga pala to!

Nagmadali akong tumakbo patago sa sirang kotse.

Sinilip ko siya at ang daming bato na nakalutang sa paligid niya.

Yung isang malaking bato, binato niya papunta sa sasakyan na pinagtataguan ko!

“Teka, teka! Papatayin mo ba ako!” Sigaw ko sakanya.

“Haha, lumaban ka! Gusto ko makita kung paano mo natalo papa ko!” Sigaw niya rin.

Di pa rin ako lumalabas sa pinagtataguan ko.

Level 15 na gift: kayo kong magpagalaw ng bagay gamit ang isip.

Lahat ng basag na salamin sa sahig, pinalutang ko rin saken at tinutok sakanya.

Nakasilip lang ako sa sasakyat at nagtatago.

Napansin niya yung mga salamin na sira at gumawa rin siya ng kanya pero mga bato

Sabay nameng binato sa isa’t isa yun pero walang nangyari.

“Hindi tayo matatapos neto, Julian! Lumabas ka na diyan!” Sigaw niya pa.

Kakasabi niya lang ng ganun, tapos bigla ulit lumindol ng malakas.

Pucha, sakanya ata nagsisimula yung lindol eh!

Pero ngayon iba na! Parang sa pwesto ko lang lumilindol at umaalog ung lupa.

Tumakbo ako palayo!! Buti na lang! Kasi biglang nasira yung lupa sa pwesto ko kanina.

“Ayan ka pala eh!” Sigaw niya.

“Teka, ano bang mangyayari saten dito? Mamamatay ba tayo?!”

Natawa siya sa sinabi ko.

“Haha virtual world lang to, Julian. Dala mo ba yung life balls mo?!” Nagsisigawan kami kasi malayo kami sa isa’t isa at ang laki ng lugar namen.

“Oo”

“Tignan mo ngayon!” Sabi niya.

Kinuha ko yung isang lifeball at may nakalagay na ‘100’.

“Ohh, kita mo na? Let’s just say buhay mo yan. Kada tama ko sa’yo, nababawasan yan! Kapag naubos yan, edi talo ka!”

Ganun pala to, hindi ko naman alam.

“Di ba pinaliwanag sa’yo ng nagbigay sa’yo ng gift?!”

Kasalanan pala to ni TB!!!

“Tama na usapan, tapusin na natin ’to Julian!” Sigaw niya saken.

Kailangan ko ng maka atake.

Level 6 gift: Binasa ko isip niya from here.

“Di ko pa rin alam kung anong gift niya. Kaya niya ring magpalutang ng mga bagay. Pero ano yung gift niya?!”

Wala pa siyang idea kung ano yung saken. Pagkakataon ko na ’to!

Level 10: Makakapasok ako sa isip ng tao at makokontrol ko action niya.

Ganun nga ginawa ko.

Tinignan ko siya hanggang sa makapasok ako sa katawan niya.

YES!!!!

Napasok ko yung isip niya.

“Ano kayang ginagawa niya at nagpapanggap siyang nahimatay?!” Sabi niya sa isip niya.

Oh sht, oo nga pala. Wala palang nagbabantay sa katawan ko ngayon.

Tinaas ko yung kamay niya at napansin kong sumusunod yung lupa sa action ko.

“Anong nangyayari?!” Sigaw niya.

“Surprised?!” Sabi ko sa isip niya.

“Sht!!! Paano mo nagagawa yan?!”

“Hhaha secret!”

Kinontrol ko yung batong naitapon na niya kanina at hinagis ko sa katawan niya.

Tumagos lang yung bato sa katawan niya!

Kaya pala walang namamatay dito kasi di ka tatamaan.

Umalis na uli ako sa katawan niya at bumalik saken.

“Pa…paano mo nagawa yun?!” Sabi niya.

Tumayo ako ng dahan dahan.

Napansin kong tinignan niya yung life ball niya.

Level 2 gift: Kaya kong makita yung nakikita niya.

Kaya pag gamit ko nun, nakita kong ‘79’ na lang yung buhay niya.

Nabawasan nga! Pagtingin ko naman saken, ‘100’ pa rin.

So ganun pala yun!

“79 nalang ba yang iyo?” Sigaw ko.

“Paano mo nalaman?!!”

Pero di ako sumagot.

Naisip ko kung di naman siya masasaktan sa atake sakanya, pwede ko siyang sugurin gamit ang mga nagamit niyang element against saken.

Level 16: Kaya kong gamitin yung earth element na nagamit against saken

Tinitigan ko yung mga nagamit niyang bato against saken at ginawa kong parang golemn.

Yung katulad sa frozen, pero eto nga lang gawa sa bato.

Nakakabilib talaga yung nangyayari. Ang galing galing ng nagagawa ko.

Nakikita kong nag foform yung bato na parang isang malaking monster.

Tinignan ko si Julia, nagulat siya sa ginagawa ko.

Mukhang makakagawa pa ako ng isang golemn, kaya naman gumawa ko ng isa pa. At mas lalo ng natakot si Julia.

Nung tapos na yung dalawang golemn sa gilid ko, tumakbo ako palapit sakanya.

Yung dalawa naman sa gilid ko, mabagal lang yung galaw dahil sa mabigat pero di ko na pinansin yun.

Natakot si Julia kaya gumawa siya ng shield sakanya.

Wow. Ang galing.

Nasa loob siya ng isang box na gawa sa bato.

Pero di ko pinansin yun.

Sumakay ako sa isang golemn ko at sinira ko yung shield niya!

Matibay yun kaya gumawa pa ako ng isang golemn.

Tatlo na kaming sumisira sa shield niya.

Nung masira na. Nakita kong nakahiga siya sa sahig at nagtatago.

Di ko na napigilan yung ibang golemn at inatake nila si Julia.

Hindi naman siya masasaktan kaya okay lang.

Medyo naawa na rin ako skanya kaya pinatigil ko na yung pag atake sakanya.

Bumaba ako sa golemn at napansin kong nagbabago na rin yung lugar.

Bumalik na sa normal na kwarto kaninang maputi at malinis.

Nakahiga pa rin si Julia at nakatakip pa rin yung katawan niya, akala niya inaatake pa rin siya.

Tutulungan ko sana siya kaso natakot siya.

“Waaaaaaa… ayoko na!!!” Sigaw niya.

“Shhhh. Tama na, okay na. Tapos na!” Sabi ko pa.

“Si…. sino ka ba?!” Tanong niya pa saken.

Pero biglang pumasok yung babae sa kwarto at pumapalakpak.

“One of the best battle so far. Hehe,” sabi niya.

“Nanunuod kayo?” Tanong ko.

“Ofcourse, paano ko kayo mararank kung di ako manunuod diba?? Hehe…. so, Julia, you lost. Pwede mo ng ibigay ang isang lifeball mo kay Julian” sabi niya.

Wala ng nagawa si Julia at binigay na yung lifeball niya.

“Tara?” Yaya niya sameng dalawa.

Habang naglalakad palabas, nakatulala pa rin si Julia. Di ko mawari kung ano yung reaksyon niya ngayon, parang na shock lang siya.

“Okay Julia, pwede ka na munang magpahinga. And as for you Julian…. ready ka na ba sa round 2?” Tanong niya.

Umalis na si Julia.

“Anong round 2?”

“Seriously, hindi mo ba alam? Hindi ba sinabi ni TB?”

“Hindi ehh!!” Sabi ko.

“Haha, well. Baliw talga yun hehe”

Habang nababanggit niya si TB, iba yung ngiti niya.

“Magkakilala ba kayong dalawa?” Tanong ko.

“Bawal magtanong…. “ sabi niya sabay ngiti.

Maganda talaga siya.

“Ang daya, ehhh ano nalang pangalan mo?” Sabi ko.

“Secret din. Hehe bawal,.,,, sige na, diyan ka lang. Babalikan kita mamaya ahh?”

Di na niya ako pinasagot at umalis na siya kaagad.

Parang may something skanila ni TB eh, kailangan kong malaman lahat lahat yun.

++++

Nkatulog na ako sa pwesto ko nun at nagising na lang ako kasi ginigising ako nung babae.

“Julian…” sabi niya.

Nagpunas muna ako ng nukha.

“Hehe, sorry. Ready ka na ba?” Tanong niya, hawak niya uli yung pinagbunutan ko kanina.

“Hehe opo. Sorry,” bumunot na ako.

Inabot ko sakanya at napangiti siya.

“Magandang laban to” sabi niya sabay pakita ng nabunot ko.

Number 2.

“Siya yung pangalawang nakatapos ng bonus stage! Hehe, magandang laban to…. I think hehe. Tara?” Sbi nya.

Sumama na ako sakanya uli.

“Ano na nga kasi pangalan mo?” Pangungulit ko sakanya habang naglalakad.

“Hehe, di kami pwedeng magbigay ng pangalan.”

“Secret lang natin”

“Haha, parehas kayo ni TB haha. Quiet ka na Julian. Baka ipareport kita” sabi niya pero alam kong biro lang.

“Hehe okay po”

Pagdating namen sa kwarto, iniwan na niya ako uli.

Alam ko na yung gagawin ko, basta gamit lang ako ng gift.

Kontrolin siya at gamitin sariling gift niya skanya.

Since gumagana naman yung gift sa kwarto, siguradong gagana din yung gift ko sa Illusionist if ever siya yung pangalawa.

Narinig ko ng bumukas yung pinto at pumasok na yung makakalaban.

Medyo excited ako kasi battle of number 1 and number 2 to.

Pero nawala yung excitement ko sa nakita ko.

Si Matteo yung number 2.

Si Matteo makakalaban ko.

++++++++

WAHHAHAHH BITIN BA? GANUN TALAGA PARA ABANGAN NIYO YUNG SUSUNOD HAHA.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!! 😉

Part 49

Trending kanina yung “Go Julian” haaha. Akala ko kasi dahil nagsimula na yung battle hahaha.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

++++

Nagkatinginan lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong mangyayari samen.

Habang palapit siya saken, unti unti naman akong umuurong sakanya.

“Same rules apply okay?” Sabi nung babae.

Ang arte kasi ayaw sabihin ng pangalan niya eh.

Pero di kami nagsalita ni Matteo, nakatayo lang kami sa loob ng kwarto hanggang sa lumabas yung babae.

Nagkatinginan lang kaming dalawa. Nakatayo lang kami pareho sa pwesto namen.

“Matteo? Sabihin mo kung stop na” sabi uli dun sa speaker sa loob ng kwarto.

“Stop” sabi niya.

Hinintay ko kung anong klaseng field ang paglalabanan nameng dalawa.

Mahirap.

Hindi ko alam kung ano pa gift niya.

Number 2 siya so malakas siya, si Sarah pang 3 eh. Hindi kaya siya talaga yung Illusionist?

Maya maya, nagbabago na uli yung kwarto.

Nasa isang bridge kaming dalawa. Tapos dagat yung nasa ilalim.

Mukhang abandoned bridge din to, maraming sasakyan ng sira sira sa daanan. Makulimlim pa at mukhang uulan.

Walang ibang tao, maliban sameng dalawa.

“Ano pa hinihintay mo? Gamitin mo na gift mo saken!” Sigaw ko sakanya.

Pero hindi pa rin siya umaatake. Nakatingin lang siya saken.

Medyo mahangin pa naman nung oras na yun.

“Matteo ano ba!” Sinigawan ko pa siya.

Pero nakatayo pa rin siya.

Sa inis ko, sinubukan kong pagalawi yung sasakyan sa tabi niya.

Akala ko hindi ko kaya pero unti unti siyang umuuga at gumagalaw.

Napatingin siya sa sasakyan.

Hinawakan niya yun, tapos biglang huminto yung pag uga.

Sht!

Paano niya nagawa yun?!

Anong gift ni Matteo?

Naglakad siya palapit saken, hindi niya inaalis yung tingin niya.

Di ako mapakali. Punyemas, Julian!!mag isip ka! Wag ka mabother sa itsura niyang maamo, tapos nakatingin sa’yo na parang hahalikan ka.

Wag Julian! Tama na ang landi, unahin mo ang battle!

Pero palapit na siya ng palapit saken.

Hanggang sa nasa harapan ko na siya.

“Hindi kita kayang labanan” sabi niya saken.

Hahawakan sana niya ako sa balikat ko pero hindi niya nagawa. Di kasi tumatama yung hawak namen sa isa’t isa. Parang holographic image lang kami.

“Anong ginagawa mo?!” Sabi ko.

Pero unti unti niya lang nilalapit yung labi niya saken hanggang sa halikan niya ako!

Di ko maramdaman labi niya pero yung facial expression niya, nakapikit lang siya at mukhang ninanmnam yung pangyayari.

“Mahal na Mahal Kita Ju.” Sabi niya pa.

Fvck. Ano ba Matteo! Nasa battle tayo tapos gaganyanin mo ko!

Pero di na niya hinintay yung pag sagot ko at bigla bigla na lang siyang tumalon sa bridge at nagpalunod.

“Matteo!!!!!” Sigaw ko sakanya.

Ewan ko pero bigla rin akong tumalon para sundan siya.

Paglubog ko sa tubig, hinanap ko kaagad siya. Lumulutang naman ako sa tubig pero di ko pa rin siya mahanap.

“Julian!!” Sigaw niya sa bandang likod ko.

Lumalangoy pa rin ako para makalutang.

Hinarap ko siya, pero di ko siya mahawakan.

Maya maya, nawawala na uli yung setting ng lugar namen at bumalik na uli yung kwartong malinis.

Pero nakakapagtaka na nakaupo kami sa sahig at magkayakapan.

Dali dali naman akong umalis sa pagkakayakap!

“Bakit ka rin tumalon?!” Medyo galit niyang sabi.

“Ehhh bakit ka kasi tumalon?!” Sabi ko rin.

“Para manalo ka! Kapag nahulog dun, panalo na yung kalaban!”

“Ehh bakit ka nga kasi tumalon?!”

“Ang tanga tanga! Nakakainis ka Ju. Sinayang mo lang!” Medyo inis niyang sabi.

Natahimik ako kaagad sa sinabi niya at ramdam ko yung galit niya.

“Ohh tapos tatahimik ka diyan na parang kasalanan ko pa?!” Sabi niya uli.

Pero di ko makasagot, nasisigawan na niya ako ngayon.

Narinig ko naman na huminga siya ng malalim at niyakap niya ako ng maigi.

Ngayon, nararamdaman ko na siya pati yung init ng katawan niya.

“Sorry na Ju. Bakit ka kasi tumalon? Patay na patay ka rin ba saken?” Bulong niya sabay ngiti.

Di pa rin ako sumasagot.

“Ju.,, sorry na. Wag ka na magalit.” Bulong niya uli habang nakayakap.

Pero biglang pumasok yung babae uli at di ko rin mapinta yung reaksyon niya.

“Uhm….” sabi niya, bigla namang inalis ni Matteo yung yakap niya saken.

“Well, apprently dalawa kayong tumalon so, parehas kayong natalo.” Sabi niya.

“Pero nauna akong tumalon, dapat binalik niyo na uli yung setting ng lugar bago siya tumalon!” Inis na sabi ni Matteo.

“Pero hindi pa naubos life mo nun, nagkasabay lang naubos yung sainyo bago namen mabalik sa dati”

“Tsk!” Inis na si Matteo.

Tumingin lang samen yung babae na parang natutuwa siya sameng dalawa.

“Sorry, well… I guess, you both have each other naman diba? Hehe”

Napangiti lang ako.

“Okay, sorry hindi na kayo aabot sa round 3. You may take a rest now” sabi pa nung babae.

+++

“Saan ka pupunta?!” Sabi ko kay Matteo pagkalabas namen sa building na yun.

Asusual, tanghali pa rin, hindi gumagalaw yung oras sa loob ng building na yan.

“Uuwi na” sabi niya.

“Bakit ba kasi ganyan ka? Kanina sabi mo mahal….” di ko natuloy sinasabi ko.

“Totoo yun Ju. Lahat ng ginagawa ko para saten.”

“Lumalayo ka?! Ganyan ba yung para saten?!”

“Maiintindihan mo rin ako!”

“Nakakainis ka talaga!!”

“Sige, magalit ka lang saken, okay lang. Basta, wag ka lang mapupunta sa iba.”

Bwisit, ang gulo din ng isip netong si Matteo eh.

“Bahala ka na!” Inis kong sabi sakanya at nagpasya ng lang akong umuwi.

Di na niya ako pinigilan pa, pero nung nilingon ko siya, nakatayo lang siya at nakatingin saken.

Ano ba kasi pinaplano mo Matteo? Para ba manalo ka kaya mo to ginagawa?!

Hindi ko pa alam ang gift mo, hindi ko alam kung paano kita malalabanan.

Kinagabihan, nagkita uli kami ni TB sa tapat ng bahay, at nagkwentuhan.

This time, naka sando lang siya at shorts. At hindi pa siya nagpapalit ng disguise.

Ang hot talaga ni TB punyemas, bakit ganito ginagamit niyang disguise.

“Aba, first time mo ata akong tawagin Julian ah? Sige, ano yun?”

Fvck, ang hot mo talaga TB. Eto kaya totoo niyang itsura? O kaya nagpapanggap lang din to?

“Aware ka naman na nababasa ko nasa isip mo diba? Tigilan mo pagpapantasya mo saken, disguise lang to haha” sabi ni TB.

“Ahhh, haha. Buti naman”

“Ohh kumusta naman yung eksena niyo ni Matteo kanina? Hahaha natatawa ako habang kinekwento ni Jai, parang ewan lang haha…”

“Jai?” Sabi ko.

Natahimik siya, siguro dapat hindi niya sabihin yung pangalan.

So Jai pala pangalan nun.

“Pero TB, hindi ko pa rin alam gift ni Matteo, iniisip ko kasi number 2 siya ibig sabihin, hindi biro gift niya”

“Hmmm. Totoo, hindi talaga biro… hehe, basta malalaman mo rin yan sa tamang panahon. Matagal tagal pa yang battle niyo” sabi niya.

Pero parang iba yung ngiti ni TB ngayon, siguro dahil gwapo siya da paningin ko kaya ganun, pero hindi.. may iba talaga, ramdam ko.

“TB?”

“Ohh?”

“Kaano ano mo yung Jai?” Sabi ko.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

Binasa ko isip niya.

“ Ang ingay kasi ng bunganga ko eh“ sabi niya sa isip niya.

“Aware ka naman siguro na nababasa ko nasa isip mo diba?” Sabi ko sakanya sabay ngiti, ginaya ko kasi sinabi niya.

“Hehe loko loko ka.”

“Ano nga TB?Ikaw naman magkwento, updated na updated ka sa kwento ko pero sa kwento mo wala akong alam”

“Haha…. hmmm, si Jai? Sabihin natin special friend ko siya” panimula niya.

“Ang pabebe ng special friend ah?! Haha”

“Haha, special naman talaga…. basta, naudlot na pag iibigan. Ganun” kwento niya pa

Siguro, siya yung nagbigay ng gift kay Sarah at naging girlfriend niya.

“Ayun lang masasabi mo?!”

“Haha ano pa ba gusto mong sabihin ko Julian?”

“Lahat! Sabihin mo lahat!! Hindi mo nga sinabi saken yung about sa round 2 eh! Akala ko isang round lang!”

“Ayy? Hindi ba, hahaha sorry sorry. Sige, sasabihin ko na lahat” kwento niya.

Gusto ko sana malaman yung about kay Jai kaso kekwento niya yung about sa event.

“Naiba na kasi yung event ngayon Julian, basta ang alam ko sa stage 2, partner partner. Random uli yung bunutan, kaya wish mo na sana malakas magiging kakampi mo.

Tapos, about sa life balls mo, hindi lang yan basta life balls… ilan na ba yang hawak mo ngayon?“ Tanong niya.

“4…”

“Oh diba, dapat lima yan eh kaso inuna mo yung landi kanina”

“Haha oo na, anong meron sa life balls?” Sabi ko.

“Hindi ko lang alam kung applicable pa yan this year pero samen dati, pwede mong iconvert yang lifeball na yan sa isang instrument.”

“Instrument?”

“Oo, like…. siguro sa case ng elementors, pwede nilang iconvert sa isang “elementor gun” yun, pwede nilang ilagay yung gift nila sa loob ng gun na yun tapos pwede ng offensive weapon.“

“Ang daya naman nun!!!”

“Haha hindi Julian, wala naman gumawa nun. Sayang kasi yung life balls, siguradong mauubos yan sa last stage. Kaya walang gumamit nun. Ikaw ang swerte kasi may dice ka, magagamit mo yan ng libre at walang bayad!”

“Ahhh… okay, ano pang dapat kong malaman?!” Tanong ko pa.

“Ang daya, ako nga sarili ko lang nalaman yung mga natuklasan ko dun eh”

“Ehhh dali na, sabihin mo na!” Pamimilit ko pa.

“Hay nako, sige eto pa….”

Nakinig uli ako ng mabuti.

“Moon balls at sun balls”

“???????”

“Ahaha nakakatawa reaksyon mo haha. Moon balls at sun balls”

“Ano nga yun?!”

“Haha, aware ka naman na di niyo nahahawakan yung isa’t isa diba? Well… meron tayong moon balls, lumalabas lang yun kapag gabi yung setting ng lugar ng battle. Kapag gabi, makikita mong may nahuhulog na balls galing moon. Ayun yung moon balls. Kapag binasag mo sa harapan mo yun, mahahawakan mo na yung isa’t isa.”

Nakatulala lang ako.

“Ang galing diba? Pero ang disadvantage lang nun, kapag inatake ka, mararamdaman mo talaga yung sakit. Di naman nakakamatay, pero mararamdaman mo yung actual na sakit” sabi niya.

“Ayy ang daya!! Paano kung ayoko ng mahawakan uli?!”

“Syempre, diyan na papasok yung sun balls. Nahuhulog din galing sun, at kapag binasag mo sa harapan mo, babalik ka na uli sa holographic image mo.”

“Wow…”

“Yeap, risky yun masyado Julian. Kaya ang tip ko sa’yo, gumamit ka ng moon balls kapag malapit na sumikat yung araw”

“Bakit naman?”

“Lumalabas lang yung moon balls, sa gabi. Yung sun balls naman pag may araw. Hindi ka pwede magtago ng sun balls sa gabi kasi masisira lang yun.”

Nakaka bilib naman yun.

“Ohh. Ano? Galit ka pa rin? Ano pang gusto mong malaman?!”

“Haha, may dapat pa ba akong malaman?”

“Hmmm. Simula bukas, dun na kayo matutulog sa building na yun” kwento ni TB.

“Ha?!! Kailan mo balak sabihin saken yan?!”

“Hala, ang bilis mo magalit Julian….”

“Bakit kami matutulog dun? Edi hinanap ako nila mama nun?!”

“Hala nako, yung isang buwan dun sa building na yun katumbas lang ng isang araw dito. Magical building yun Julian. Remember?”

Ayy oo nga pala. Kaya pala tanghali ako pupunta dun, tapos tanghali din akong lalabas.

“Julian, ayun lang ba tatanungin mo?”

“Si Jai TB, Gusto ko malaman” sabi ko.

Pero iwas talaga siya sa issue with Jai kaya di ko na pinilit. Siguro tatanungin ko na lang si Jai mismo.

“Gusto ko sana magkwento kaso lalabas papa mo Julian. Bye, goodluck sa laban mo Julian!” Sabi niya pa.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Ang bango ni TB, punyemas ang landi ko kay TB, pero parang kuya ko na talaga to.

“Goodluck uli” sabi niya pa.

“Thank you…”

“Oh oh oh, one more thing…”

“Ano yun?”

“Lahat ng kaya kong gawin, kaya mo rin gawin. Please, di mo pa alam kung ano yung kaya mong gawin. I know level 18 ka na right? Explore. Just, explore.”

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at lumabas si papa.

“Anong ginagawa mo diyan?!”

“Ahhhh… nagpapalamig lang po” tinignan ko uli si TB pero wala na siya.

“Ahh sige, tabi ako sa’yo anak.” Sabi niya pa.

Nakakagulat naman, parang ang seryoso ni papa ngayon.

“May problema ka ba Pa?” Tanong ko.

“Hehe, wala naman. Magkaaway lang kami ng mama mo”

“Hala, bakit po?”

“Naalala mo yung kinwento ko sa’yo? About kay Linda?” Sabi ni papa.

Linda. Linda. Linda.

Oo, yung bestfriend ni papa na may gusto sakanya, at the same time gusto rin siya.

“Ayyy opo! Anong meron kay Linda Pa?”

“Nag chat kasi saken sa FB, eh nabasa ng mama mo. Akala mo teenager kami no? Hehe”

“Dahil dun? Baka naman nireplayan mo Pa?!”

“Hala, hindi ah. Syempre, may asawa na ako at anak no. Hindi ko na siya kailangan, at mahal na mahal ko mama mo hindi ko siya kayang saktan” sabi ni papa.

Binasa ko isip ni papa at nagsasabi siya ng totoo.

“Hay nako anak, kausapin mo nga mama mo anak baka makinig sa’yo eh hehe” parang mga bata naman tong mga to.

Pero pumasok ako sa loob at hinanap ko kaagad si mama, wala siya sa sala kaya dumiretso muna ako sa kwarto ko.

Pero nagulat ako ng nandun si mama at mukhang nagsesenti sa kama ko.

Nako, mas pabebe pa to sa story ko!

“Ma…. anong nangyari sainyo ni papa?” Tanong ko skanya sabay tabi sa kama.

“Yung ex niya, nagchat sakanya!”

“Hindi naman daw niya nireplayan eh!”

“Kahit na no!”

Hala, ang pabebe talaga.

Inakbayan ko si mama at kinomfort.

“Tuwing naiisip ko kasi yung nakaraan, palaging pumapasok saken na, paano kaya kung naging sila ng bestfriend niya? Mas masaya kaya sila?” Biglang seryoso si mama.

Di nman ako nakasagot sa sinabi niya.

“May tanong ako sa’yo anak. Sino mas matimbang sa puso mo? Si Matteo o Laurence?” Tanong ni mama.

Napaisip lang ako ng kaunti.

“Diba si Matteo?” Sabi niya.

Ngumiti ako at umoo.

“Ganun din siguro papa mo, mas gusto niya talaga si Linda. Late ko na kasi nalaman at saka wala akong nagawa….”

“Ma. Stop. Wait, alam mo ramdam ko naman si papa eh, ramdam ko na mahal ka niya. Kaya wag ka na magalit dahil sa isang chat lang.”

“Hindi mo ko naiintindihan…”

“Ma, intinding intindi kita. Promise, maniwala ka saken. Diba ganyan sitwasyon ko ngayon? Kaya alam ko. Si Matteo malabo kami ngayon, kahit mahal ko siya ma, mas pinapakita ni Laurence yung pagmamahal niya saken. Siguro konting moments ko lang kay Laurence, babalik yung feelings ko sakanya at makakalimutan ko si Matteo.”

Natahimik lang si mama.

“At saka, ang sabi ni papa saken, si Linda daw yung binebestfriend, tapos ikaw daw yung pinapakasalanan!”

“Talaga? Sabi niya yun?”

Aba, biglang ngiti ni mama. Pabebe talaga.

“Opo Ma. Kaya magbati na kayo dun!” Sabi ko pa.

Hinalikan lang ako ni mama sa pisngi at excited na bumaba.

Again, baliw na parents pero mahal na mahal ako, at mahal na mahal ko.

+++++

Nasa building na uli kami ngayon at nandito pa rin lahat ng may gift.

Nandun din si Matteo sa gilid pero di pa rin kami nagpapansinan.

Nagkekwentuhan naman kami ni Sarah dun, at katabi pa rin si Kennard.

“Anong nangyari sa’yo sa stage 1?” Tanong niya.

“Ehhh….”

“Nako, na maintain mo ba yung lead mo?” Tanong niya.

Di pa rin ako sumagot, buti na lang lumabas na si Jai, ang pormal niya pa ring tignan at ang ganda ganda.

“Hi everyone, as you know, na rank na kayo uli according to stage 1, so maraming umangat. Marami ding bumaba. May nag maintain pero okay naman so far yung standing…. don’t worry, malayo layo pa tayo okay?” Sabi niya.

Naglabas uli siya ng box at mukhang bunutan na naman.

“Stage 2 na tayo! This stage naman ay kampihan! Yay!” Siya lang natuwa sa sinabi niya pero tumawa na lang din kmi para di nakakahiya.

Pinakalat niya yung box na kasing laki ng shoe box, at pinabunot kami.

“Wag niyo muna buksan kapag nakabunot kayo ah? Wait for further announcement” sabi niya.

Nung napaikot na sa lahat at nakabunot na lahat, inutusan kaming sabay sabay na buksan yung papel.

“Number 4” nakalagay saken.

“Makikita niyong number yung nakalagay diyan, hanapin niyo yung same number na nabunot niyo at yun yung magiging partner niyo”

Kanya kanya naman kming tayo para mahanap yung partner namen.

Di ko kagrupo si Sarah o Kennard o Lucas. Hindi din si Lucas.

Pero may kumalabit saken sa likod.

“Kuya, kuya.. number 4 po?” Sabi niya.

Lalaki siya, naka salamin. At mukhang nerd, pero may pagka cute siya. Kasing laki ko lang siya at kasing katawan.

“Opo”sabi ko.

“Hehe, number 4 din po” sabi niya.

“Julian” pakilala ko.

“Blue po” pakilala naman niya.

“As in color Blue?”

“Hehe opo”

Halos magkaedad lang naman kami.

“Since nahanap niyo na yung kakampi niyo explain ko na sainyo yung next level….. Tandem kayo to find the life balls of your opponent…. basically, same lang nung stage 1 kaso nga lang ngayon may kakampi na kayo.”

Napatingin ako kay Blue, ano naman kayang gift neto?

“Lahat kayo nasa isang field at maghhanapan ng lifeballs. Easy as that”

Nagkaroon ng konting Bulungan sa kwarto.

Bumulong naman si Blue saken.

“Kuya, anong gift mo?” Tanong niya saken.

Siguro naman mapagkakatiwalaan ko siya.

“Ako pala hmmmm…. di ko alam magandang term eh, pero I’m good with strategies and traps” sabi niya.

“Strategies?”

“Hehe, yeap. I can think ahead sa mangyayari. I can improvise things. And I can build traps”

Wow. Okay din pala to eh.

“Ako, power to read minds” sabi ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

“Ikaw talaga?!” Tanong niya.

“Hehe, oo”

“Wow!!! Sure win na tayo!”

“Hala, hindi pa…”

“Yung strategies ko mas mag wowork kapag ka team kita. And kaya mong magpalit ng itsura, kaya mong maging invisible. Ano pa, nasayo na lahat!”

“Huh?? Teka ano uli??”

“Diba ang gift mo is all about utak? Napaka broad niyan, kaya mong magpalit ng itsura kapag naisip mo lang, at kaya mong maging invisible kapag naisip mo lang. Alam ko kaya mong gawin yun” sabi niya.

Ang dami kong natutunan sakanya, pero siguro kaya ganun si TB, nagagawa niya yung mga yun.

Pero biglang nagsalita si Jai.

“Okay guys, ready na ba kayo?” Tanong niya.

Ramdam ko yung excitement ni Blue sa tabi ko.

Kaya tumayo na kaming lahat at naglakad papunta sa kwarto kung saan kami maglalaban laban. GUYS

++++++

BITIN BA? HHAHA GANYAN TALAGA!!!

VOTE AND COMMENTS !!!!!!

Part 50

Gusto ko malaman niyo na nababasa ko comments niyo at sobrang naaappreciate ko lahat!!

Maraming Salamat! Lalo na nag 9.5K Votes na si Julian. Ang saya!! Haha.

VOTE AND COMMENTS LANG AHHH? :)

++++++

“May idea ka ba sa mangyayari?” Tanong ko kay Blue.

Mukhang confident kasi siya eh, siguro dahil na rin sa gift niya.

“Wala din eh” sagot niya.

“Eh bakit parang excited ka?”

“Ano ba, kakampi kita eh. Hehe, para kasing di mo pa alam yung kaya mong gawin. Kaya ilalabas natin lahat yan sa stage na to.”

Nakakatuwa naman yung pagka positive vibes netong si Blue.

Pumasok kaming dalawa ni Blue sa kwarto kung saan ginanap yung stage 1.

Bumukas din yung pinto sa kabilang dulo at may pumasok na dalawa ring may gift.

Tapos pumasok na uli si Jai.

“Well, ang battle na to’ ay para sa lahat. Maglalaban yung dalawang grupo, at kung sino mananalo, aabante kaagad at makakalaban ang susunod na grupong nanalo.”

Akala ko ba sabay sabay kaming maglalaban laban at paramihan kami ng life balls na makukuha?

“Change of rules, you have to defeat your opponents in order to get their life balls” sabi pa ni Jai.

“Hala, akala ko ba kukunin lang?” Singit ko.

“Well, that’s actually my idea, but some of the organizers didn’t agree to what I suggest. Kaya back to this format tayo okay?”

Hindi naman nagbabago yung reaction ni Blue at mukhang excited pa rin siya.

Yung makakalaban namen eh dalawang babae. Minsan ang hirap isipin kung paano ko lalabanan yung babae eh.

Pero mukha naman silang okay, parang gusto lang din nilang makipaglaban, ang di ko lang alam eh kung ano yung gift nila.

“Same format as stage 1, say stop when you’re ready” sabi ni Jai sabay labas ng pinto.

Nagkatinginan lang kaming lahat sa loob at parang gusto na nilang magsimula.

Tahimik lang kami pare pareho, pero biglang nagsalita yung isang babae ng “stop” at unti unti ng nawawala yung image ng kwarto at nagbabago na uli yung setting ng room.

Nasa gubat kami ngayon at maaraw.

Napakaraming puno sa paligid, may mga napansin din akong hayop.

Tahimik at mukhang presko.

Maraming mga tuyong dahon sa lupa.

“Di ko ineexpect yung ganitong lugar” sabi bigla ni Blue habang pinagmamasdan ko pa yung magandang tanawin.

“Hala? Bakit naman?”

“Akala ko kasi sa last round mangyayari tong ganitong lugar” sabi niya pa.

“Bakit? Mahirap ba makawala dito?”

“Hindi naman. Feeling ko kasi mahirap na tong stage na ’to eh. Pero kung hindi pa ’to mahirap, ibig sabihin mas may mahirap pa”

Iba mag isip tong si Blue kaya naniniwala ako sakanya. Pero medyo may pagka weird din siya eh.

“Ohh, ano ng gagawin natin?” Bigla kong tanong sakanya.

“Una, kailangan nating malaman kung ano yung gift nilang dalawa. Pangalawa, kailangan natin malaman kung nasaan sila. Pangatlo, dapat sila ang lumapit saten para makapag set tayo ng trap”

“Hmmmm…. sige, paano natin gagawin yun?”

“Hindi ko rin alam!”

Tinignan ko lang siya ng masama.

“Aba syempre joke lang. Hmmmm. Hanapin mo muna sila” sabi niya pa.

Hay nako. Ako rin pala yung maghahanap.

Pero paano ko sila mahahanap? Paano ko mababasa nasa isip nila kung di ko sila nakikita? Kahit gamitin ko level 6 gift ko, kung hindi ko naman sila nakikita, wala ring epekto.

“Julian… hello? Gising?” Sabi ni Blue habang nag iisip ako.

May pagka comedy rin pala tong si Blue eh no.

Tumingin na lang ako sa itaas.

“Nagdadasal?” Sabi ni Blue.

“Hindi, naghahanap ako ng ibon” sabi ko.

“Ano gagawin mo sa ibon?” Tanong niya.

Pero sa daming tanong ni Blue, pinasok ko yung isip niya.

“ Ganito gagawin ko! Para matigil ka na diyan!“ Sabi ko sa isip niya.

Gulat na gulat naman siya sa ginawa ko at halos mapaupo sa lupa.

“Kaya mo ng gawin yan?! Nice! Nice, oo eepekto yan sa kahit anong hayop. Kaya mo naman na silang makausap diba? Kaya mo rin bang kontrolin yung ginagawa nila?”

“Oo kaya kong kumontrol ng tao, pero di ko pa nasusubukan sa hayop!”

Naghanap siya ng bato at binato niya sa mga puno.

“Anong ginagawa mo?!” Tanong ko.

“Edi baka may lumipad na ibon, saka mo pasukin yung ibon para mahanap mo sila”

Masyado kasing malaki yung gubat. Parang nasa totoong gubat talaga kami.

Kaya ako na ang gumawa, pinalutang ko sabay sabay yung mga bato at saka pinagbabato sa mga puno.

Marami namang naglipadan na ibon.

“Ayan na Julian!!” Sigaw ni Blue.

Naghanap lang ako ng pwede kong pasukin at nung nakakita ako ng ibon na pababa yung lipad, agad ko kaagad pinasok yun.

Nakikita ko si Blue sa ibaba habang ako naman nakahiga sa lupa.

Eto naman ako, ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

Tumingin ako sa paligid.

Sht, lumilipad ako!

Iniiwasan ko yung mga puno na nadadaanan ko.

Grabe, ang hirap pala maging ibon.

“Julian… Julian… gumising ka!” Sabi ni Blue sa katawan ko.

Sht. Di niya pala ako naririnig kapag ibon ako.

Kaya lumipad na lang ako ng mas mataas para makita ko kung nasaan na yung dalawa.

Sa itaas na view, mas malawak yung nakikita ko. Mas napatunayan kong malaki nga yung venue.

Kaya hinanap ko na yung dalawa.

Habang lumilipad ako, nakapansin ako ng puno na parang bumagsak sa ibaba.

Mukhang may nangyayari dung masama.

Sinubukan kong tignan kaya bumaba ako ng lipad.

Dun ko nga nakita yung dalawang babae at mukhang nag uusap sila.

Pumwesto ako sa punong malapit sakanila at tinignan ko yung punong sinira nila.

Wait…. sinira nila?!

“Wow, Lyca, ang lakas mo!” Sabi nung isang babae.

“Hehe, ayan gift ko Sandie. Ikaw? Ano na gift mo?” Tanong niya.

Tumingin tingin siya sa paligid.

“Eto…” sabi niya.

Tinaas niya yung kamay niya.

“Ohh? Magtaas ng kamay yung gift mo?” Medyo sarcastic niyang tanong.

Tumawa lang yung babae at nagulat na lang ako ng biglang humaba yung kamay niya.

Sht. Sht. Sht.

Ano bang klaseng gift yan?! Kaya niyang mag stretch ng katawan! Fvck.

“Wow! Te, ayos ah!” Sabi nung isa.

So, yung Lyca yung may gift na strength.

Tapos yung Sandie yung may gift na pagstretch.

“Hehe, thanks. Mas okay yung sayo” sabi ni Sandie.

“No, gusto ko yan! Mas gusto ko sa’yo!”

“Haha, tara. Hanapin na natin yung mga lalaking yun”

“Haha tara! Sa tingin mo, ano kayang gift nila?”

“Wala akong idea eh. Hanapin na lang natin” sabi ni Sandie.

Habang naglalakad naman sila palayo, sinisira ni Lyca yung mga punong nadadaanan niya.

Dahil dun, bumalik na ako kung saan nandun si Blue.

Pag dating ko dun, pinasok ko kaagad katawan ko.

At pag mulat na pag mulat ng mga mata ko, may pinapakain saken si Blue.

“Hoy! Ano yan?!” Sabi ko sabay tayo.

Kapag pumapasok kasi ako sa ibang tao, sa kaso kanina, sa isang ibon, nawawalan ng malay yung katawan ko at parang natutulog ako ng mahimbing.

“Oh…. okay ka na! Anong nangyari?” Tanong ni Blue.

“Ano muna yang pinapakain mo saken?!”

“Life drops to”

“Ano naman yan?!”

Medyo bumulong siya saken.

“Kapag may bawas yung buhay mo, inumin mo lang to tapos mapupuno uli. Di ko alam kung cheat to pero binigay saken to’ ng nagbigay saken ng gift ko”

Life drops? So meron din palang ibang hawak na special na gamit yung iba.

Yung saken naman yung dice.

“Ahhh… akala ko kung ano na pinapakain mo saken!”

“Isang patak lang naman to, at saka bigla ka kasing nahimatay. Di ako mapakali eh”

“Nakapasok kasi ako sa isang ibon! Tapos nahanap ko na kung nasaan sila”

“Ohh? Nasaan naman sila?”

“Basta palapit na sila. Yung isa, Lyca pangalan, ang gift niya, super strength. Tapos yung isa, si Sandie, flexible naman siya”

Napaisip ng bahagya si Blue.

“Kung parating na sila rito, wala tayong panlaban. Kailangan natin ng self defense” sabi niya.

Biglang nagbago yung mood niya at naging seryoso.

“Julian, ganito gagawin natin. Since ikaw ang may kakayahan saten lumaban, ako na lang gagawa ng strategy natin”

Tumayo siya at mukhang nag isip.

Pinabayaan ko muna siya saglit.

Pero narinig ko na yung parang may sinisira.

Ramdam ko na rin na malapit na yung dalawa.

“Uhm…. pwedeng magmadali ka na? Nararamdaman ko na kasi sila eh” sabi ko.

“Oo!!! Alam ko na!” Bigla niyang sabi.

“Lahat yan may weakness. Lahat ng gift may weakness. At ang weakness ng pagiging flexible ay heat. Imagine mo yung goma, diba kapag nainitan, nalulusaw? Same lang yun sa ability niya.

Pero yung strength ang di ko sure pero kailangan natin labanan yung lakas niya, gamit yung lakas niya“

Parang ang talino na bigla magsalita ni Blue pero susunod lang ako sa sasabihin niya.

“Julian, kalbuhin mo yung punong to…” turo niya sa puno na sa harap namen… “….hindi ko lang alam kung paano natin susunugin.” Sabi niya.

Naisip ko bigla yung dice ko.

“Alam ko na kung paano tayo makakagawa ng apoy” sabi ko.

“Paano naman? Wag mong sabihin kaya mo rin gumawa ng apoy?”

Pero kinuha ko yung dice ko sa bulsa at pinakita ko sakanya yung kulay pula kung saan nandun yung gift ni Kennard.,

“Meron kang magical dice?!” Nagulat niyang sabi.

“Hehe… uhm isa lang” sabi ko. Ayoko munang sabihin na marami akong ganito.

“Tsk. Sayang. Pero okay na yan!” Sabi niya pa.

Binulong niya saken kung ano yung gagawin namen at sobrang nakakamangha siya mag isip. Di ko naisip na pwede pala yun. I mean, kaya kong gawin, pero di ko naisip na gawin.

May napansin din kami sa pwesto namen na talagang mas kinatuwa ni Blue, at kinatuwa ko na rin.

“Okay na ba?” Tanong niya saken.

“Okay na okay” sagot ko.

+++

Narinig na namen na palapit yung dalawa at sa paglapit nila, napansin kong kinakabahan si Blue.

“Eepekto yang plano natin, plano mo, maniwala ka saken” bulong ko sakanya.

“Bakit kasi wala ka pang invisibility eh!”

“Ehh hindi ko pa alam gamitin tsaka baka kulang pa ako sa level”

“Nako , ayan na sila. Nakikita ko na!” Sabi pa ni Blue.

Halos 10 feet yung pagitan namen at tinanggal ni Lyca yung puno na namamagitan samen.

Pucha. Kababaeng tao, napakalakas!!!

“Kanina pa namen kayo hinahanap. Nandito lang pala kayo” sabi ni Lyca samen.

Nakatayo lang kami pare pareho.

“Seryoso boys, ano bang gift niyong dalawa?” Tanong naman ni Sandie.

Nagkatinginan lang kami ni Blue.

“Ngayon na Julian!!!” Sigaw ni Blue.

Nagset up kami ng trap, naglagay kami ng malaking bato sa taas ng puno sa gilid, nakatali sa isang lubid at siguradong maiipit sila.

Pinagalaw ko yung bato gamit isip ko at nakikita na namen na palapit na sakanila yung napakalaking bato.

Pero halos pitikin lang ni Lyca yung bato at nasira na!

Pucha. Napakalakas talaga!

“Ayun na ba yun boys?” Tanong ni Lyca.

Si Sandie naman yung gumamit ng gift niya, inistretch niya yung kamay niya papunta samen at saka kami sinapak na dalawa.

Syempre, parang holographic image lang kami kaya tumagos lang yung sapak niya samen pero alam kong nabawasan na yung buhay nameng dalawa.

“Ano ba boys, ayan lang ba yung plano niyo?” Sabi ni Lyca.

“Well, mukhang defensive gift yung gift ng dalawang yan kaya sure na tayong dalawa te,” sabi naman ni sandie.

At balak nilang maglakad palapit samen.

Bigla na lang napangiti si Blue.

“Huli kayo!” Sabi niya.

Napahinto yung dalawang babae at napatingin sa lupa.

Nasa kumunoy na silang dalawa at dahan dahang lumulubog.

“Sht. Ano to?!!!” Sigaw ni Lyca.

Sinusubukan nilang makaalis pero di nila magawa.

Kahit si Lyca na malakas, hindi siya makawala.

Si Sandie tuloy ang umatake at nagstretch uli ng kamay at sinubukan kaming sapakin ni Blue.

Pero tumakbo na kaming pareho at tinuloy ang sunod na plano.

Nilabas ko yung dice kung saan nandun yung gift ni Kennard at hinulog ko sa lupa at tinapakan ko.

Pagkatapak ko, nakakaramdam ako ng init. Init pero tolerable naman.

Init dahil sa apoy.

Unti unting nababalutan ng apoy yung paa ko, pataas ng katawan ko.

Sht. Ang cool!!!

Natulala yung dalawang babae samen pero patuloy pa rin si Lyca sa pag alis sa kumunoy.

Si Sandie naman, si Blue inaatake

Tinulungan ko si Blue.

Nagkontrol ako ng apoy sa kamay ko at binato ko kay Sandie.

Nagulat siya at naramdaman kong nabawasan yung buhay niya.

Ang galing, hindi lang pala kaya kong makakontrol ng apoy, kaya ko rin palang maka create.

“Julian! Game na!!” Sigaw ni Blue.

Gumawa kasi si Blue ng mga bolang lupa. Ang sabi niya saken, kapag nainitan yun, nagiging matigas at nagiging bato.

Kaya sunod sunod yung pag bato ni Blue ng nga lupa sakanila, ako naman binabato ko yung lupa para maging bato.

Inis na inis na yung dalawang babae at sa sobrang inis, nakawala na si Lyca sa kumunoy at galit na galit na siya.

“Julian! Yung isa pang bato!!” Sigaw ni Blue.

Hindi lang kasi isang malaking bato yung nilagay namen sa taas ng puno, kundi apat.

Sabay sabay kong pinabagsak sakanila yun, yung isa, nasira ni Lyca pero yung dalawa, inilagan niya na lang.

“Julian! Yung mga dahon!” Sigaw pa uli ni Blue.

Pinakalbo saken ni Blue yung mga dahon sa puno at sabay sabay ko silang pinalutang.

Parang ang bagal ng mundo, nakatayo ako habang si Blue nasa gilid naman. Si Sandie, pilit pa ring kumakawala sa kumunoy tapos si Lyca, galit na galit na nakatingin saken.

“Julian ngayon na!!” Sigaw ni Blue.

Kaya yung mga dahon na nakalutang sa paligid namen, inapuyan ko lahat!

Natulala yung dalawa sa nakita nila.

Siguro kung may wind element din ako ngayon, mas maganda. Pero di ko muna ginamit sakanila yun.

Saka ko binato sakanila yung mga dahon na nagliliyab at pinaikot ko lang sakanila.

Pilit nilang nilalabanan yung.

Parang nasa loob sila ng ipo ipo ng nagliliyab ng apoy.

Napatingin lang si Blue saken at nag thumb up sign.

Maya maya, napapansin nalang namen na nawawala na yung image ng forest at bumabalik na uli sa kwarto.

Wow!!! Panalo na kami ni Blue!!!

Pero si Lyca at Sandie, feeling nila nasa battle pa rin sila at pilit nilalabanan yung ginawa ko.

Nagmadali kaming lumapit ni Blue at tinulungan namen sila.

“Okay na…. okay na…” sabi ko kay Lyca. Si Blue naman si Sandie yung kinocomfort.

Napatingin saken si Lyca at niyakap niya ako ng mahigpit.

“Grabe ka!!!” Sabi niya saken.

“Hehe. Sorry. Sorry” sabi ko.

“Ano bang laban ko sa fire element!”

Di ko na lang sinabi yung tungkol sa dice at umoo na lang sa sinabi niya.

Saka namang pasok ni Jai sa kwarto at pumapalakpak.

Akala ko mapapahamak ako dahil gumamit ako ng dice eh.

“Another great battle! Thank you!” Sabi ni Jai.

Tahimik lang kaming apat.

“Okay, I know na shock kayo. You can leave this room for the meantime. Congrats Julian and Blue. You make a great team. Apparently sainyong dalawa, bawi na lang sa stage 3 okay?” Sabi ni Jai.

Di sila nakasagot.

Di rin kami sumagot ni Blue at lumabas na kami ng kwarto.

++

Tatambay na sana kami ni Blue sa may kabilang kwarto kung saan ako pumunta after nung stage 1, pero nakita ko dun si Matteo!

Iiwas sana ako, pero hinabol niya ako at hinawakan sa kamay.

“Ju, wait lang…“sabi niya.

Si Blue naman naupo lang dun, wala naman siyang paki samen ni Matteo.

Yung kapartner naman ni Matteo na isang lalaki, mukhang tulog kasi nakatungo.

“Kayo nanalo?“tanong ni Matteo.

Gusto ko lang maging casual sakanya.

“Oo” sabi ko.

“Nice. Kami rin nanalo hehe”

“Hehe good”

“Labas muna tayo dito. May sasabihin ako sa’yo” sabi niya pa.

Sumunod na lang ako at nandun kami sa hallway, nkatayo. Kaming dalawa lang.

Super puti talaga dun. Napakalinis din.

“Bakit?” Tanong ko.

Di siya nagsasalita. Tinignan niya lang ako na parang pinipilit niyang hindi mapangiti.

“Bakit ba Matteo?“sabi ko.

“Wala na kong paki sa sasabihin ni Kuya. Di na ako maka tiis. Wala na akong paki sa sasabihin nila mama. Ikaw na yung gusto ko. Ikaw gusto ko makasama Julian”

Nagulat ako sa sinabi niya.

Out of nowhere, bigla siyang nagsabi ng ganun.

“Mahal mo pa ba ako? O nagbago na?” Tanong niya pa.

“Ha? Ano ba yan….”

“Ju, sagutin mo. Mahal mo pa ba ako?”

“Tumahimik ka nga, nasa battle pa tayo eh.”

Ngumiti lang siya.

“Tabi tayo matulog mamaya, okay lang?” Sabi niya.

“Anong tabi?”

“Dito na tayo matutulog diba? Magkakwarto ata tayo eh? Or kapag hindi, lilipat ako sa kwarto mo…

“Matteo.. teka! Ano ba tong sinasabi mo?!”

Pero bago siya makasagot, tinawag kami ni Jai sa likod.

“Hey, bakit kayo magkasama? Hindi pa tapos ang battle. Kaya hindi pa muna kayo pwedeng mag usap”sabi ni Jai.

“Ayy.. sorry po maam” sabi ni Matteo.

Tinignan lang kami ni Jai at bigla siyang napatingin kay Matteo.

“Matteo right? Naglaban na kayo ni Julian sa stage 1 right?”

“Ahh opo maam”

Ang pormal ni Matteo.

“Ohhh I see…. and.,. Kumusta na si…”

“Sino po maam?”

Mukhang nag alangan itanong ni Jai kung sino yun kaya di na niya tinuloy.

“Ohhh… sige na, mamaya na kayo mag usap” paalala pa ni Jai.

Tinawag ko na si Blue sa loob at sinabihan na maghanap kami ng ibang kwarto.

+++

Habang naghihintay kami ni Blue, pumasok naman si Jai sa kwarto.

“Ready na ba kayo?” Tanong ni Jai.

Halos nakatulog na kami ni Blue kaya nakarecover na kami ng lakas.

“Yes po” sagot namen ni Blue.

“Good… round 2 ng stage 2, tara!” Yaya ni Jai.

Pumunta na uli kami ni Blue sa battle room at hinintay kung sino makakalaban namen.

“Infairness, ang galing mo” sabi ko kay Blue habang nag aantay kami.

“Hehe, support lang nman ako. Hindi ko pa rin kayang lumaban mag isa” sabi niya.

“Ano ba, kaya mo yan! Ikaw pa, iba ka mag isip!”

“Hehe salmat Julian!”

Okay kakampi to si Blue kasi alam niya yung weakness ng ibang may gift.

Kaso nagamit ko na yung isa kong dice.

Ayoko pa sanang gamitin kaso ang cool pala nun!!

Maya maya pumasok na uli si Jai kasama yung makakalaban namen ni Blue.

Nagulat ako at the same time napangiti.

“Akalain mo naman! Ikaw na pala makakalaban ko haha”

“Haha, di ko rin ineexpect. Well, ineexpect ko naman na mananalo ka sa round 1”sabi ko.

“Hahaha, ang bait mo talaga Julian, pero di ako magpapatalo sa’yo”

Ginanahan ako sa sinabi niya.

Gusto ko rin galingan tong laban nameng to.

“Okay, then goodluck ahaha”

“Haha goodluck din!” Sabi ko.

Si Sarah yun.

Si Sarah na makakalaban ko.

++++++++

VOTE AND COMMENTS NA ULI!!!!!!!

Part 51

Sa mga nagtatanong po, hanggang 60 lang po yung Julian’s Gift.

Wala na pong Book 2. Haha hirap gumawa ng battle scene eh lol!

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

++++++

Nakangiti lang kami ni Sarah habang magkatitigan.

Si Blue naman at yung kapartner ni Sarah na lalaki, mukhang di mapakali.

“Julian, magkakilala kayo?” Bulong saken ni Blue.

“Hehe oo, siya yung Illustrator” sabi ko naman.

“Wow! Makakalaban natin siya! Baka di natin kayanin”

“Ano ka ba, kaya natin yan”

Di ko na papakielamanan yung dice ko, ayoko na kasi gamitin. Gusto ko sa final stage ko na siya magagamit.

“Julian! Ready ka na ba?” Tanong ni Sarah.

“Kanina pa, ikaw na bahala kung gusto mo na magsimula” sagot ko.

Ngumiti siya.

“Walang personalan ah. Tropa, tropa lang” sabi ni Sarah.

“Haha, oo ba!”

“Sigee……STOP!” sabi ni Sarah.

At unti unti na uli silang nawawala sa paningin namen, kasama na rin yung pagkawala ng image ng kwarto. Nagbabago na at para kaming nasa isang barkong napakalaki.

Gabi na yun kaya medyo madilim.

Yung ilaw lang ng buwan yung tanging ilaw namen.

Hindi naman umaalon yung barko kaya naman alam kong wala kami sa dagat.

Nasa dulo kami ni Blue tapos nasa kabilang dulo naman sila Sarah.

Siguro yung pagitan namen eh mga 50 meters.

May mga boxes dun, at maraming mga gamit.

Parang abandoned ship din to.

Kahit malaki yung barkong to, masyado namang maliit para sameng dalawa.

“Okay lang kayo diyan Julian?!” Sigaw ni Sarah samen.

“Oo kayo ba?!“sigaw ko rin.

“Oo naman!”

Wala pa silang balak umatake. Habang si Blue naman, tinitignan yung buong barko, baka sakaling makahanap siya ng tamang strategy.

Sumilip bahagya si Blue sa ilalim.

“Anong meron diyan Blue?” Tanong ko.

“Wala, masyadong madilim eh”

“May idea ka ba kung paano to?” Tanong ko.

“Di ko pa sure, di ko alam yung gift nung kasama niyang lalaki eh”

“Di ka kilala ni Sarah, kaya di niya masyadong magagamit yung gift niya sa’yo. Kailangan ka niyang idrawing talaga bago mapagana sa’yo. Unlike saken, alam niya pangalan ko at ibang information, kaya kahit stick lang picture ko sakanya, eepekto yung gift niya saken”

“Ganun ba? Salamat sa info”

Napansin ko naman na may lumilipad na ibon sa itaas sa itaas ng barko,

Sumenyas ako kay Blue non tungkol sa ibon at alam na niya yung tinutukoy ko.

Naupo ako saglit hanggang sa mapasok ko yung ibon.

+++

Nasa loob na naman ako ng ibon!

At tumambay ako malapit kina Sarah para marinig pinag uusapan nila.

“Bakit naupo si Julian dun? Anong ginagawa niya?” Sabi ni Sarah sa kasama niyang babae.

“Umatake na tayo! Kaya naman natin sila eh”

“Wag muna tayo magmadali, kilala ko yan si Julian, alam ko kaya niyang gawin”

“Pero kung dito lang tayo, makakaisip sila ng plano laban saten.”

“Edi mag isip din tayo ng plano natin, wag kang mag alala Ian, kaya nating dalawa si Julian” sabi ni Sarah.

Napaka competitive ni Sarah ngayon at nakakatuwa yun.

“Gawin natin yung ginawa natin nung una, sa likod lang ako habang poprotektahan kita. Ikaw na bahalang umatake” sabi ni Sarah.

“Okay okay, so sugod na ba tayo?” Tanong ni Ian.

Tumingin si Sarah sa pwesto namen.

“Bakit nakaupo sila…. at anong ginagawa nung kasama ni Julian dun?” Sabi ni Sarah.

Nacurious tuloy ako sa sinabi niya kaya bumalik na ako kay Blue para macheck yung ginagawa niya.

++++

“Blue!” Kalabit ko sakanya.

“Pucha ka!! Ano ba, wag ka ngang manggulat diyan!” Inis niyang sabi saken.

Kakabalik ko lang sa katawan ko at may ginagawa nga si Blue dito.

“Ano ba yang ginagawa mo diyan? Bakit sinisira mo tong barko?”

Gawa lang kasi sa kahoy yung sahig ng barko at mukhang binubutasan niya.

“Kung nasa barko talaga tayo, ibig sabihin merong nasa baba neto.”

Pero nung nabutasan ni Blue yun at sinilip namen, wala namang nandun.

Ibig sabihin, sa taas lang kami maglalaban laban talaga.

Napansin namen sila Sarah at Ian na naghahanda na.

Narinig namen na tumatakbo si Ian palapit samen. Di ko pa sure kung ano yung gift niya.

Pero habang palapit siya samen, napansin nameng gumalaw yung barko at parang mahuhulog.

Napahinto si Ian sa paglapit samen.

At dun ko na realize, kaya pala wala kami sa dagat, kasi nasa tuktok lang kami ng di ko malamang bagay, at kapag may gumalaw samen, siguradong hindi magiging equal yung balance at mahuhulog yung barko.

“Ian!! Bumalik ka muna!!” Sigaw ni Sarah. Mukhang napansin din niya yung pinaglalaban namen.

“Julian, sa tingin ko kapag lumapit sila saten, mahuhulog yung barko. Ganun din naman kapag lumapit tayo sa kanila” sabi ni Blue.

“Oo nga. Mukhang mahirap to, pare parehas tayong matatalo” sabi ko.

Pero biglang ngumiti si Blue na parang may naisip siyang plano.

“Sabihin mo nga saken lahat ng kaya mong gawin” sabi ni Blue.

Di na ako nag alangan sabihin sakanya lahat ng gift ko.

“Good. Kaya na natin talaga to Julian, ready ka na?” Tanong ni Blue.

Sinabi niya saken lahat ng plano.

Grabe, gifted.talaga yung ganung pag iisip ni Blue. Nakakainis, ang galing niya mag isip.

Paano pa kaya kapag meron siyang ibang gift na matuklasan? Balita ko kasi level 10 pa lang to.

Pero hinayaan ko na muna.

“Baka mahulog tayo niyan?” Sabi ko kay Blue.

“Wag ka mag alala Julian, kaya natin ’to”

++++

Maraming mga nakakakalat sa sahig ng barko kaya pumulot kami ng kung ano ano at saka namen sila pinagbababato ni Blue.

“Julian, ano ba! Walang magagawa yan!” Sigaw ni Sarah.

Pero patuloy lang kami sa pang aasar sakanila. Bato lang kami ng bato ni Blue.

Naramdaman nameng mabigat na yung side nila at dahan dahan na namang gumagalaw yung barko.

Nakita kong nag drawing na si Sarah at sa moment na yun, di na ako makagalaw.

Alam kong dahil sakanya yun.

“Blue, di na ako makagalaw” sabi ko.

“Good. Tignan natin kung effective yung plano natin” sabi niya.

Napansin na nameng tumatakbo si Ian palapit samen para mabalance uli yung barko, saka naman din takbo ni Blue papunta sa may box malapit samen .

Hinila niya yun palapit samen at nasa side na uli namen yung bigat at sa paglapit ni Ian, siguradong mahuhulog yung barko kaya di siya tumuloy sa paglapit samen.

Sa sobrang inis ni Ian, may kinuha siya sa bulsa niya at hinagis niya samen.

Napatingin kami ni Blue.

“PUMIKIT KA JULIAN!!!” sigaw ni Blue.

Sakto sa pagpikit ko, sumabog yung binato ni Ian at parang nagkaroon ng liwanag.

Parang light bomb yun. Nagsasabog ng liwanag. At tila nagkaroon ng ilaw sa pwesto namen kasi dumikit sa barko yung liwanag.

“Meron din siyang special na gamit Julian. Light bomb yung binato niya, kung nakadilat tayo nun siguradong wala na tayo kasi di natin sila makikita”

“Ang galing mo Blue!” Sabi ko.

Pero wala pa rin kaming laban.

Di ako makagalaw.

Si Ian namen napansin nameng kumukuha rin ng box palapit sakanila para bumigat yung pwesto nila at makapunta si Ian samen!

Si Blue din lumapit palapit kay Sarah!

At dahil di niya masyadong kilala si Blue, di siya nakapagdrawing. Inatake niya si Sarah at di siya nakalaban.

Si Ian naman malapit na saken kaya pinagalaw ko lahat ng kalat sa sahig at pinalipad ko gamit isip ko. Nahinto si Ian at balak atang umurong.

Pero nakita ko si Blue habang tulak tulak niya yung mga box palapit uli samen.

Since pabigat na uli sa pwesto namen, lumapit na uli si Ian sa pwesto nila.

“Julian! Totoo nga, nagddrawing siya saken pero di niya matapos nung sinugod ko siya, sa’yo naman, stick figure lang nandun saka nakalagay dun na di ka makakagalaw sa pwesto mo” sabi ni Blue.

Nagddrawing na naman si Sarah sa pwesto nila at this time, naramdaman namen yung drawing niya.

Bigla kasing humangin ng malakas to the point na umuuga na yung barko ng todo.

“Gawin na natin Julian!” Sigaw ni Blue habang malakas yung hangin.

Tinulak uli ni Blue yung box papunta kina Sarah at nung nasa kanila na yung bigat, tumakbo uli si Ian palapit samen.

This time, pinasok ko na yung katawan ni Ian at wala na siyang nagawa.

“Blue!” Sigaw ko gamit yung katawan ni Ian.

Alam na niyang nasa loob na ako ng katawan ni Ian kaya bumalik na uli siya sa pwesto namen.

Dumikit na ako kay Sarah.

Di niya alam na nasa loob ako ng katawan ni Ian.

“Anong balita dun? Bakit di mo pa inatake si Julian?” Sabi ni Sarah.

Di ako sumagot.

Kinapa ko yung bulsa at meron akong napansing bato.

Pinakita ko kay Sarah yun.

“Kapag binato mo yan, sasabog sila. Sige maganda yan! Gagawa ako ng shield natin” sabi ni Sarah

Pero di ko siya pinansin at tinignan ko lang siya sabay ngiti.

“Ian?” Sabi ni Sarah.

Hinulog ko yung bato at saka ko tinignan yung katawan ko sa kabilang side para bumalik.

“Okay na!” Sabi ko kay Blue.

Maya maya nakarinig na lang kami ng pagsabog sa kabilang side!

Hindi naman nasira yung buong side ng barko nila, kundi yung itaas lang na part.

Mausok pa at naghihintay pa kami ng mangyayari.

Nawala na rin yung hangin at nakakagalaw na rin ako.

Nagtataka kami kung bakit hindi pa bumabalik sa dati yung lugar.

Yun naman pala, mabilis na nakagawa si Sarah ng shield niya!!

Napansin kong nasa loob siya ng isang barrier, pero si Ian ang wala na sa paningin namen.

“Julian, tara na!” Sabi ni Blue.

Kumapit kami sa may dulong part ng barko at saka ko tinulak lahat ng gamit papunta sa pwesto nila Sarah.

Nararamdaman nameng unti unti ng gumagalaw yung barko at mahuhulog na sa part nila.

Nasa 45 degrees na halos yung pagkaslant ng barko pero di pa rin nakakalabas ng barrier si Sarah.

“Ano ba, hindi pa rin ba masisira yan?” Tanong ko kay Blue.

“May hangganan lang yang ganyang barrier, mga 1 min pa Julian.” Sabi ni Blue

Sa sobrang bigat na sa side nila, mahuhulog na talaga yung barko.

At sakto nun, nasira na yung barrier ni Sarah at nakita na namen siyang nakahawak.

Nahulog na yung pang drawing niya kaya wala na siyang magagawa.

Maya maya, napansin na lang namen na nahulog na si Sarah.

Kasabay nun, nagbago na uli yung setting ng kwarto at bumalik na uli sa normal.

++

Nakangiti lang si Sarah saken nung nakabalik na kami sa kwarto.

“Malakas ka talaga Julian hehe” sabi ni Sarah sabay yakap saken.

“Bakit kasi di ka gumawa ng isa pang barrier?”

“Nabitawan ko na yung pang drawing ko, wala na akong panlaban hehe” sabi niya.

Nagkamayan din si Ian at Blue.

“Nice Game! Haha” sabi pa ni Sarah.

“Nice game din. See you sa stage 3?” Sabi ko.

“Sure. Panalunin mo tong stage na ’to ah?”

“Hehe para sa’yo” niyakap niya uli ako ng mahigpit.

Pumasok naman na si Jai sa loob ng kwarto at pumapalakpak.

“Nice guys! What a match!” Sabi pa ni jai pagpasok.

“Thank you” sabi ni Sarah.

“But unfortunately, natalo kayo so pwede niyo ng ibigay uli yung lifeballs niyo sakanila” sabi pa ni Jai

Wala ng nagawa si Sarah at inabot na samen yung lifeball nila

+++

Alas dyis na ng gabi dito, at ramdam ko na yung pagod. Kahit magkaiba yung oras dito at oras sa labas, ramdam na ramdam pa rin namen yung pagod.

Pumasok uli si Jai sa kwarto.

“Hi, di pa kasi tapos yung battle ngayon kaya advise namen na matulog na kayo rito para makapagpahinga” sabi niya samen.

“Di ba talaga kami uuwi?”

“Don’t worry, yung 1week dito katumbas sa labas ng isang oras lang. Kaya di ka mawawala sa paningin ng parents niyo”paalala ni Jai.

“Pero mamimiss ko sila mama kahit hindi nila ako mamiss”

“Hehe you can call them naman. Walang kaso yun” sabi pa ni Jai.

Medyo okay naman siguro to’.

“Don’t tell me hindi sinabi ni TB yung about sa pag stay niyo dito?”

“Hehe sinabi naman niya”

“Good. May kwarto kang special Julian, lahat kayo actually. Don’t worry” sabi ni Jai.

Sumang ayon naman si Blue sa tabi ko at pumunta na kami sa kwarto namen.

Nagkakwentuhan kami ni Blue saglit sa kwarto, ayoko rin ng walang kasama sa magandang kwarto na ’to.

Kung gaano ka puti yung hallway, ganun naman din kaputi ng kwarto namen, may dalawang kama sa magkabilang side at mukhang hi-tech yung kwartong to’.

“Julian, naglevel up ako!” Sabi ni Blue pagkaupo sa kama.

“Oh talaga?”

“Oo! Ang saya saya!”

“May matututunan ka bang bagong gift?”

“Meron Julian!”

“Pwede mo bang sabihin?”

“Haha surprise ko na lang sa’yo sa next battle okay?”

“Hehe, ikaw ah. Malihim ka!” Sabi ko pa.

Ngumiti lang siya.

“Alam mo ba palaging nakekwento ni Sir Paul si Sir Timothy?” Biglang sabi ni Blue.

Sir Timothy? Siguro si TB tinutukoy niya, at yung Sir Paul na sinasabi niya, siguro yun yung nagbigay ng gift niya sakanya.

“Oh?? Ano naman nakekwento niya?”

“Sila daw magkakampi noon. Parang tayo ngayon. Kaya super friends sila”

“Ano naman nakekwento niya?” Tanong ko sakanya.

“Haha. Ang alam ko friend sila talaga….”

“Gusto ko malaman lovelife… ayaw kasi ikwento saken ni TB eh”

“Hehe, sige… ang alam ko lang hanggang ngayon si TB mo pa rin at yung girlfriend niya. Siguro yung nagbigay din ng gift sa friend mong si Sarah. Kasi Illustrator din daw yung partner ni TB mo eh”

Aha!! So tama nga! Pero hindi ko kilala yung nagbigay ng gift kay Sarah.

“Wala akong idea kung sino siya, pero ang isa pang alam ko, nagtulungan silang dalawa para matalo yung Illusionist. Kasi yung Illusionist daw, halos gamitin niya gift niya para malinlang yung Illustrator kaya nagalit siya. Nagtulungan sila para mapabagsak yun”

“Alam ko na yan eh, pero kilala mo ba Illusionist?”

“Wala akong idea, at bawal magtanong diba?”

“Kaya nga eh. Ano pa masasabi mo kay TB?”

“Alam ko sabi ni Sir Paul, pasaway yang si Sir Timothy. Pero okay lang daw kasi magaling daw talaga siya sa event.”

Mukhang wala na akong mapipiga sa storya ni Blue.

“Ahh Blue, CR muna ako ah?” Sabi ko sakanya

“Sure sure”

Paglabas ko, naghanap ako ng CR, Halos lahat ng kwarto binuksan ko para makita yung CR pero may isang kwarto dun na bago ko mabuksan, naririnig ko pinaguusapan nila sa loob.

“Ang galing ni Julian, halos kasing galing mo rin” boses ni Jai yun.

“We? Di ako naniniwala. Mabilis ma fall yung taong yun eh!” Boses naman ni TB yun!!

Si TB at Jai, nag uusap!

“Haha, ikaw din naman ah? Madali kang ma fall!” Sabi naman ni Jai.

“Hehe, kaya nga sakanya ko binigay yung gift ko eh, kasi marami kaming pagkakatulad”

“Ohh, parehas ba naman ng nangyari sa buhay mo yung nangyari sa buhay niya?”

“Ayy nako Jai!! Sobrang parehas, dalawa rin yung sakanya! Dalawa!! Parehas na parehas punyemas. At isa pa, nabalitaan ko rin na ganyan din nangyari sa parents niya! Grabe, buti sakanya ko nabigay yung gift ko”

“Hehe. Tama ba naman naging desisyon mo?” Tanong ni Jai.

“Tamang tama. At alam mo yan Jai” sabi ni TB.

Teka, silang dalawa ba talaga? O magkaibigan lang sila?

Kung si Jai yung Illustrator, edi sana nagreact na si Sarah nung una palang nakita pero di siya nag react.

Naguguluhan tuloy ako.

At sino yung isang taong nalink kay TB? Kung parehas kami ng sitwasyon, edi torn between bestfriend and lover din siya katulad din ng kay papa?

Habang nag iisip ako, bigla naman bumukas yung pinto at saka lumabas si TB!!!

Same disguise siya dun sa gwapong itsura niya.

“Julian!! Anong ginagawa mo diyan?” Sabi ni TB.

“Ahhh ehhh… naghahanap ako ng CR eh”

Tinignan niya ako at mukhang binabasa niya isip ko.

“Gift proof to diba? Hindi mo mababasa nasa isip ko” sabi ko sakanya.

“Haha pasalamat ka gift proof to kundi nakonyatan na kita kapag nalaman kong nakikinig ka sa usapan sa loob” sabi niya.

“Naghahanap nga lang ng CR!”

“Hehe tara samahan na kita, punta rin akong CR eh” sabi niya pa.

Inakbayan ako ni gwapong TB at pumunta na kami ng CR.

+++

Kinabukasan, nag asikaso na kami ni Blue para sa battle nameng dalawa.

Dumiretso na kami sa battle room kasama si Jai at naghintay ng makakalaban namen

Ang alam ko, 5 groups na lang kami at kung sino mananalo dito, lalaban na sa final round ng stage 2.

Pagpasok ng makakalaban namen, nagulat na naman ako.

Bakit parang saken lang umiikot tong laro.

Si Matteo na naman makakalaban ko!!

At ang ka team pa niya eh yung ex niyang si Angelica!!

Nagkatinginan kaming lahat at napangiti si Angelica.

“Grabe!” Sabi niya saken.

“Haha, kayo talaga magkapartner ah?”

“Oo nga eh. Sa dinami rami diba?” Sabi ni Angelica.

Ang lakas ng kapit ni Angelica kay Matteo nun na sobrang kinakainis ko.

Lumabas na uli si Jai at sa paglabas niya, nagsabi kaagad si Angelica ng stop!

Wala na kaming nagawa kaya nagbago na uli yung setting ng kwarto.

Parang nasa loob kami ng zoo!

May nakita akong elepante sa gilid, tapos may giraffe, tapos nakakarinig pa ako ng ibon at kung ano anong hayop.

Umaga yung setting ng lugar kaya maliwanag.

Madali ko namang nakita si Matteo at Angelica.

Since wind element si Angelica, alam kong sakanya nanggagaling yung malakas na hangin na to.

Sa sobrang lakas ng hangin, nalalagas yung mga dahon sa puno at pmupunta samen ni Blue.

Ang ligalig ni Angelica! Parang galit na galit siya saken.

Sinubukan kong pasukin isip ni Angelica para makontrol siya.

Natigil ko naman kaagad yung ginagawa niya.

Pero nagulat ako ng nakawala ako sa katawan niya at bumalik ako sa katawan ko.

“Di gumagana yung gift ko kay Angelica!! Bakit?!” Sabi ko dun.

Nagtataka si Angelica kung bakit siya nahinto bigla at nagtataka rin ako kung bakit ako nakaalis sa katawan niya.

“Julian, malakas yung kasama niyang lalaki” sabi ni Blue.

“Si Matteo? Siya ba yung Illusionist?!”

“Nakalaban ko na siya sa stage 1 eh” sabi ni Blue.

“So siya nga?”

“Hindi siya yung Illusionist”

Sht. Hindi si Matteo!

“Alam mo ba kung anong gift niya?”

“Habang magkalaban kami sa stage 1, napansin ko na kaagad yung gift niya”

Sinabi saken ni Blue ang lahat.

Kaya pala hindi gumagana yung gift ko sakanya. Kaya pala hindi ko nababasa isip niya.

Kaya rin ko nakaalis sa katawan ni Angelica kasi magkatabi sila.

Siya ang ultimate shield ng lahat.

Walang kahit anong gift ang gumagana sakanya.

+++++

VOTE AND COMMENTS!!!!!

LAST 9 CHAPTERS GUYS!!!!!! HIHI

Part 52

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

++++

“Eh paano tayo niyan kung hindi tatalab yung gift ko kay Matteo? Hindi natin siya magagamit” sabi ko kay Blue.

“Wala rin akong idea kung paano Julian. Di ko talaga na anticipate na makakalaban natin siya” sabi pa ni Blue.

Medyo kinakabahan na rin ako kasi mukhang ayaw magpatalo ni Angelica.

“Unless…. mapaghihiwalay natin sila” sabi bigla ni Blue.

“Ano Blue?”

“Kaya mo si Angelica, Julian. Pero si Matteo, hindi talaga gagana yung gift mo sakanya. Pero kapag hindi katabi ni Matteo si Angelica, mananalo tayo”

“Paano natin gagawin yun Blue?!”

Habang nag uusap kami, napansin din nameng nag uusap si Matteo at Angelica.

Sinubukan ko uling basahin yung nasa isip ni Angelica.

“Bakit ang bagal natin ngayon? Nung mga naunang laban natin, isang atake lang tayo ah?”

Nung sumagot si Matteo, hindi ko mabasa yung nasa isip niya.

Ngayon may sense na lahat ng nangyayari.

Ever since, kaya hindi ko mabasa nasa isip ni Matteo kasi may gift din siya.

Pinahawak ko man yung libro ko sakanya, tapos kahit ganun, di ko pa rin mababasa gift niya.

Nung magkalaban kami sa stage 1, Hinawakan niya yung sasakyan na pinapagalaw ko gamit ang isip ko at bigla na lang bumalik sa dati yung sasakyan.

Ang tanong ko na lang, paano ko matatalo si Matteo ngayon?

“Julian, may naisip na akong pwede nating gawin” sabi ni Blue.

“Wow ang bilis naman?”

“Oo, kaso plan A lang ’to eh. Wala pa akong plan B. Kailangan natin makaisip hanggang plan C.”

Iba talaga mag isip tong si Blue. Naghanap muna ako ng pwedeng ipanglaban sakanila habang nag iisip si Blue.

Tumakbo ako palapit sakanila habang busy sila sa pag uusap.

Nagulat si Blue sa ginawa ko pero di na niya ako napigilan.

Nakita ni Angelica bigla yung paglapit ko kaya naman bigla niya akong binatuhan ng isang napakalakas na hangin na siyang tumilapon saken.

Halos makabalik ako sa pwesto namen ni Blue sa lakas ng hangin.

“Julian!!!” Sigaw ni Matteo.

“Ano ba Matteo! Alam ko kaibigan mo yan si Julian pero nasa battle tayong dalawa!” Sabi ni Angelica.

Kailangan ko talagang makaisip ng pwedeng gawin.

Lumapit saken si Blue.

“Julian, sa tingin mo kapag may nangyari sa’yo, lalapit sa’yo si Matteo?” Bulong niya.

“Hmmm. Di ko alam…”

“Julian, alam ko hindi lang pagkakaibigan meron sainyo. Kaya sigurado akong lalapitan ka niya kapag may nangyari sa’yong masama”

“Anong gagawin mo Blue?!”

“Wala akong gagawin sa’yo! Nakaisip na ako ng plan B natin. Kaso kailangan ko pang makaisip ng plan C….”

Pinagmamasdan niyang mabuti si Angelica.

“Alam ko ang mga elementor may duration sa pag gamit ng gift nila eh. Kumbaga ngayon, inatake ka ni Angelica, pwede ka naman niya atakihin uli kaso hindi niya ginagawa….”

“Ibig sabihin? Parang nag iipon uli siya ng lakas?” Sabi ko.

“Hindi ko pa sure Julian. Pero tignan uli natin” sabi ni Blue.

May pinulot si Blue na tubo sa gilid. Siguro panlinis yun, nasa loob kasi kami ng zoo eh.

Bigla naman siyang sumugod ng walang kalaban laban at bigla rin siyang binato ng napakalakas na hangin ni Angelica.

Tumilapon uli siya pabalik samen, pero bumangon kaagad siya at sumugod uli.

This time, walang ginagawa si Angelica.

Pinrotektahan ni Matteo si Angelica at saka siya sinapak!

Sa takot ni Blue, bumalik siya sa pwesto namen.

“Ayus ka lang Blue?!”

“Oo, di naman tayo nasasaktan dito diba?” Sabi niya.

Pero tinignan ko si Matteo at Angelica, medyo sweet silang dalawa na siyang kinairita ko.

“Pero alam ko ikaw nasasaktan hehe. Hayaan mo, babawi tayo Julian” sabi ni Blue.

May nilabas siya sa bulsa niya na isang pearl.

“Para saan yan?” Tanong ko.

“Eto ang counter attack sa mga elementor. Kapag inatake ka nila, sirain mo to sa kamay mo tapos maaabsorb mo yung pinang atake nila sa’yo.”

“Hmmm. Huh?” Medyo hindi ko naintindihan.

“Nakita mo yung ginawa ni Angelica saten? Kapag ginawa niya saken yun tapos sinira ko yung pearl na to sa kamay, makukuha ng pearl ko yung pinang atake ni Angelica, tapos pwede kong magamit against sakanya. Sa ganung paraan, malalabanan natin siya”

Grabe, ano pa kayang meron sa bulsa ni Blue? Ang galing niya.

“Ang problema lang talaga ay yang si Matteo, sigurado akong kahit pumasok ka sa kahit anong hayop dito, hinding hindi mo siya magagalaw” sabi ni Blue.

Tinignan ko si Matteo, hindi ko akalain na ganito siya ka lakas. Akala ko sa totoong buhay lang sasakit ulo ko sakanya, pati pala rito.

“Kapag natalo natin si Angelica, si Matteo na lang maiiwan. At pwede na natin siyang pagtulungan na dalawa” sabi ni Blue.

At sa mga oras na yun, nakaisip ako ng gagawin para matalo si Matteo.

Sinabi ko kay Blue yung naisip ko.

“Sa tingin mo gagana?” Tanong ni Blue.

“Ayun muna unahin natin” sabi ko pa.

++++

“Ano ba? Ganyan na lang ba kayong dalawa?” Sigaw ni Angelica,

Sumenyas si Blue.

1….2…3…. Go!

Tumakbo ako palapit sakanila habang si Blue naiwan dun.

Lahat ng nakikita kong bagay, pinagalaw ko gamit isip ko habang tumatakbo at saka ko binato sakanila.

Walang tumatama kay Matteo pero kay Angelica may iilan.

Nararamdaman ko naman na lumalakas na yung hangin bago ako makalapit sakanila.

Aatake na si Angelica saken…….

Pero tumakbo ako pakanan at lumayo sakanila.

Lumingon si Angelica saken at hinabol ako ng tingin. Oras na ni Blue para umatake!!!!

Since walang gift si Blue sa pag atake at tanging sapak lang talaga magagawa niya, alam kong maaapektuhan si Matteo.

Nararamdaman kong binabato ako ng parang bolang hangin ni Angelica.

Nababawasan na yung life balls ko pero kailangan kong tumakbo.

Nakita kong humabol si Matteo saken at si Angelica ang nakipaglaban kay Blue.

YES!!! Nagawa namen ang plano.

Kailangan lang talaga na may matirang buhay kay Blue bago ako makabalik.

“Julian!! Wait lang!” Sigaw ni Matteo habang palayo kami ng palayo. Infairness sa setting ng battle na ’to, ang daming hayop. Wild man o hindi.

“Julian!!” Sigaw niya uli.

At may nakita akong cage! Napakalaking cage, kung saan ang nasa loob eh mga agila.

Sa gilid naman, merong mga tiger na halos walang bakod.

Huminto ako sa may tapat nun cage ng agila at hinintay kong makalapit si Matteo.

“Julian, ano ba! Talaga bang seryoso ka sa battle na ’to?!” Sabi niya nung nakahabol siya.

Parehas kaming hinihingal na dalawa.

“Wag kang korny Matteo, lumaban ka!”

“Gusto kita makausap”

“Sa labas na yan. Gusto ko magkalaban tayo ngayon! Kung pwede lang kitang saktan sa lahat ng mga ginawa mo saken, ganun gagawin ko! Lumaban ka!!” Sigaw ko sakanya.

Nagkatitigan lang kaming dalawa.

Dahan dahan siyang lumalapit saken.

“Lumaban ka!!” Naiiyak na ako sakanya pero wala pa rin siyang sinasabi.

Nung magkaharap na kaming dalawa at sinubukan niya akong hawakan, di niya nagawa. Magkalaban kasi kami at tumatagos lahat ng hawak ng magkakalaban samen.

At sa mga oras na yun.

Nahulog na siya sa patibong.

Tinignan ko yung mga tiger sa gilid at pinasok ko yung katawan nila.

Swak!!! Nasa loob na ako ng tiger.

Nakikita ko sa pwestong to si Matteo na nakatalikod, habang ako naman nahimatay.

Kinakabahan si Matteo sa pagbagsak ko pero hindi niya alam, nasa ibang katawan na ako ng hayop.

May tatlo pang tigre sa loob ng kulungan ko at konting talon lang, makakalabas na kami rito.

Sinubukan ko silang kontrolin din gamit ang level 10 gift ko at sa gulat ko.

Napasunod ko sila!!!

Sht. May natuklasan na naman ako sa gift ko.

Nakontrol ko yung mga hayop habang nasa loob ako ng katawan ng ibang hayop.

Apat na kaming tigre ang lumabas sa kulungan namen at dahan dahan nameng tinignan si Matteo.

Nakatalikod pa rin siya at naririnig ko yung kaba niya habang ginigising yung katawan ko.

“Julian, please. Kung naririnig mo ko, dito ka lang. Wag kang aalis” sabi niya.

At nung tumalikod siya, nakita niya yung apat na tigre na nakatingin sakanya.

Napahinto siya.

Alam kong takot si Matteo sa mga ganitong hayop.

Since nasa may tapat kami ng pinto ng cage ng agila, ginamit ko rin yung isip ko para mabuksan yung cage ng dahan dahan.

Si Matteo, takot na takot na.

Inutusan ko yung tatlong tigre na sugurin si Matteo.

Habang tumatakbo yung tatlo, pinarinig ko sa kanya yung pagbukas ko ng cage para maging taguan niya.

Pumasok naman siya dun ng mabilis at sinara yung cage.

Swak!!!

Pumasok na ako uli sa katawan ko at dahan dahan na tumayo.

“Ju!! Mag ingat ka! May mga tiger diyan!” Sabi ni Matteo.

Kontrolado ko pa rin yung mga hayop at sobrang amo nila saken.

Hinawakan ko pa yung dalawa sa ulo habang naglalambing saken.

“Friends kaya kami” sabi ko kay Matteo.

“So…. trap lahat ng ito?” Tanong ni Matteo.

Nilock ko naman yung cage gamit isip ko at kumindat sakanya.

“See you later” sabi ko naman.

Sabay takbo kasama ng mga bago kong pet na tiger para tulungan si Blue.

Nagmamadali akong bumalik at baka kung ano nang nangyayari sakanya.

Nakita ko naman si Angelica na hinihingal habang si Blue naman, nasa itaas ng puno.

Paano naman nakataas ng puno si Blue?!

“Julian!!! Tulong!!” Sigaw ni Blue.

Napatingin si Angelica saken.

“Nasaan na si Matteo?!” Sabi ni Angelica.

“Kinulong ko na siya.”

Mukhang nainis si Angelica kaya naghahanda na naman siya sa pag atake.

Sht, ang lakas ng hangin. Sobrang lakas.

Tinakpan ko yung mata ko sa sobrang lakas.

Sinilip ko si Angelica, sht!!! Gumagawa siya ng ipo ipo!

Ang laki! Nakakatakot!!

“Blue!!!” Sigaw ko.

Nagmamadaling bumaba si Blue.

Yung mga tiger sa gilid ko nagtakip din ng mata.

Napansin ko na lang si Blue sa tabi ko.

“Nagamit mo na yung pearl?” Tanong ko.

“Hindi pa Julian. Perfect timing na ’to”sabi ko.

Naghanda kami ni Blue sa pag atake ni Angelica.

Grabe din yung kaya niyang gawin! Sobrang lakas niya.

“Ahhhhhhhhhh!!!!!! Tapusin na natin to!!!!” Sigaw ni Angelica at nakita ko na lang yung ipo ipo na palapit samen ni Blue.

Umabante naman si Blue at napansin kong sinira na niya yung pearl niya sa kamay at habang palapit yung ipo ipo samen, napupunta naman sa kamay niya yung hangin.

Hanggang sa higupin na ng buong kamay niya yung ipo ipo at wala ng natira.

Natulala si Angelica.

“Pero…. pa…paano?” Sabi niya.

Ngumiti si Blue. Alam kong kaya na niya ’to.

“Tapusin na natin to” sabi ni Blue.

Parang pelikula lang yung datingan niya.

At bigla niyang binuka yung mga kamay niya at tinutok niya kay Angelica.

Grabe!!! Direct impact kay Angelica yung atake ni Blue.

Wala ng laban si Angelica neto.

Tuwang tuwa si Blue habang lumalabas yung mga hangin sa kamay niya!!!

“Ahhhhhh!!!!!!” Sigaw niya pa.

Nung paubos na yung hangin at okay na yung paligid.

Nakita pa rin namen si Angelica na nakahiga at mukhang may natitira pa sa life balls niya.

“Ayun lang ang panget sa pearl, syempre same element yung pinangatake natin sakanya kaya hindi masyadong malaki bawas sakanya” sabi ni Blue.

“Pero siguradong talo na yan kung ganun kalakas yung ginamit natin diba?!”

“Hindi, wind pa rin yun. Kulang pa rin”

Nalungkot bigla si Blue, at unti unti ng tumatayo si Angelica.

Oras na para maghiganti sa paglalandi niya kay Matteo.

“Blue, alalayan mo katawan ko. May gagawin ako” sabi ko.

Pero di ko na hinintay sagot ni Blue.

Pinasok ko kaagad yung isip ng isang tiger at nagmadali akong tumakbo palibot sa zoo.

Kinontrol ko halos lahat ng hayop na makita ko.

Elepante, Giraffe, Mga Unggoy, Ahas, Crocodiles, Hippo, Lion, Lahat ng ibon. Basta lahat ng makita kong hayop kinontrol ko.

Ganito pala ako kalakas.

Ganito pala kaya kong gawin.

Bumalik na ako kasama ang army of animals!

Tinignan ko reaksyon ni Blue, halos matakot siya.

Bumalik na uli ako sa katawan ko at dahan dahan na tumayo.

“Julian!!” Sigaw ni Blue.

“Wag kang mag alala. Saten yan” sabi ko.

Ang ganda tignan ng mga hayop sa likod ko.

Tinignan ko si Angelica, at malapit na siyang makatayo.

Tinignan niya kami at nagulat din siya sa nakita niya

Di na ako nagdalawang isip at pinalapa ko siya sa lahat ng klaseng hayop na nakuha ko!

Nag high five kami ni Blue!

Iniwan namen si Angelica dun habang kinakain ng mga hayop at pumunta na kami kay Matteo.

“Talo na si Angelica, Matteo.” Sabi ko.

Natawa na lang siya.

“Okay okay. I concede, talo na ako” tinaas narin niya yung kamay niya.

Nagkangitian kami ni Blue at bumalik na sa dati yung lugar.

Nasa battle room na uli kaming lahat.

Si Angelica naman, nakahiga pa rin at tila iniiwasan yung mga hayop.

Nagmadali akong lumapit para tulungan siya.

“Okay na..,. Okay na” sabi ko sakanya.

Nadilat na niya yung mata niya tumayo na.

Sa pagpasok ni Jai sa loob ng kwarto, saka namang takbo ni Angelica palabas.

Wala namang humabol sakanya.

“Grabe, that was one of the best. Sorry, palagi kong sinasabi pero grabe Julian. Great Job, Nice strategy Blue. Great Job.” Puri ni Jai samen.

“Ehhh ako miss?” Singit ni Matteo.

“Hehe, you did great too. Kahit palagi kang sumusuko over Julian” sabi niya.

“Hehe, ganun talaga miss.” Sabay akbay saken ni Matteo,

“Hehe, Congrats Julian and Blue. Pwede niyo ng kunin yung life ball nila”

Inabot samen ni Matteo yung sakanila.

“Okay, you may now take a rest. Great fight!” Sabi uli ni Jai.

++++++

“San ka natutulog Ju?” Tanong ni Matteo saken.

“Kasama ko si Blue”

“Hala, gusto ko ako kasama mo”

“Ayaw ko. Kay Blue ako sasama. May laban pa kami bukas”

Tinignan ni Matteo si Blue.

“Wag mo siyang takutin! Tara na Blue!”

Lumipat na ako kay Blue para di na siya guluhin ni Matteo.

“Kailan ba kita makakausap? Kanina lang nag ddrama ka sa laban natin tapos ayaw mo na ako makausap?” Pahabol ni Matteo.

“Haha, trap lang yun. Wag ka nga diyan!” Natatawa kong sabi.

“Sinaktan mo naman ako! Akala ko totoo na mga sinabi mo!”

“Hehe, totoo lahat yun. Sinasaktan mo ko kaya mag tiis ka diyan!”

“Hehe, wala na nga akong paki sa sinabi ni Kuya, ipaglalaban na kita. Promise”

Ayaw ko muna bumigay kay Matteo kaya di ako pumayag na magkatabi kaming dalawa.

“Tara na Blue!” Sabi ko pa.

Di na nakasunod si Matteo sameng dalawa at dumiretso na kami sa kwarto namen.

++

Lumabas muna ako sandali sa kwarto at nakita ko uli si Jai sa hallway. Nakabihis ng maayos at sobrang ganda.

“Julian… bakit gising ka pa?” Tanong niya saken.

“Uhm.. gusto ko sana lumabas para tawagan sila mama at papa”

“Julian, kapag lumabas ka, pag pasok mo dito sa loob, baka kinabukasan na kaagad. Wag na, dito ka na tumawag.”

“Pwede po ba?”

“Nakakalimutan mo bang magical room to? Hehe. Okay lang yan. Walang time difference kapag tumawag ka thru phone” sabi pa ni Jai.

Akala ko kasi magkaiba pa eh, kaya tumawag na ako sa phone.

“Julian, wait…” sabi ni Jai.

“Uhm. Bakit po?”

“Ahhhh…. nakita mo ba si Tim?” Tanong niya.

Tim. Tim. Tim…. baka si TB tinutukoy niya.

“Ayy hindi po eh, nandito po ba siya palagi?” Tanong ko.

“Ahh ganun ba? Hmmm. Sige, nevermind hehe”

Mukhang nandito na rin si TB palagi ah, pero bakit di man lang niya ako binibisita? Nakakainis din yun ah.

Nung umalis na si Jai, tinawagan ko na si mama at papa.

“Hello anak!” Sagot ni papa.

“Pa…. kumusta kayo diyan?”

“Kumusta? Kakalabas mo lang ng bahay ah? Nasaan ka ba?”

“Wala po, nasa bahay lang ng kaibigan ko” sabi ko na lang.

“Ahhhh…. sige…”

Di naman sila aware kung nasaan ako kaya di ko na masyadong pinahaba yung usapan namen.

Pagkababa ko ng tawag, bigla naman tumawag si Laurence.

Marami na rin siyang missed calls at texts.

“Hi Julian!” Sagot niya.

“Hello!”

“Kagabi pa kita tinetext ah? Bakit di ka nagrereply? Busy ka ba?”

Kagabi? Hmmm… yung last gabi na nasa bahay ako eh yung araw na magkausap kami ni TB sa labas ng bahay.

Oo nga, di pala ako masyadong nag cellphone nun gawa ng daming naiisip.

“Hehe, sorry sorry.”

“Nasaan ka ngayon? Puntahan kita diyan sainyo gusto mo?” Sabi niya.

“Ahhh, wala ako sa bahay eh. Umalis kasi ako” sabi ko.

“Ahh ganun ba? Hmmmm…. paano kung bukas kaya?”

“Tignan ko Laurence ah?hehe”

“Okay sige Julian…. ahm… magkasama ba kayo ni Matteo?” Tanong pa ni Laurence.

“Ahhh…. hindi hehe,” hindi naman kami magkasama talaga at saka lumalayo ako ng konti sakanya.

“Hehe, just tell me that you’re okay at magiging okay na ako rito” sabi niya pa.

“Hehe, I’m okay. Don’t worry”

“Kumakain ka na?”

“Yeap”

“Lumalabas ng bahay?”

“Oo nga Laurence hehe.”

“Gusto ko lang makasigurado hehe. Sige na, mag ingat ka kung nasan ka man hehe. Bye!”

“Okay okay, hehe bye!” Sabi ko naman.

+++

Another Day, Another Laban.

Eto na yung last round ng stage 2. At so far, okay yung tandem namen ni Blue, okay rin yung nakakalaban namen.

Hinatid na uli kami ni Jai sa battle room.

Kami uli yung nauna at hinintay pa namen ni Blue yung makakalaban namen.

“Sana natalo na yung Illusionist no? Siguradong wala tayong kalaban laban dun” sabi bigla ni Blue.

“Hehe tiwala lang. Makakayanan natin yan if ever”

“Nako, sana nga hehe. Naglevel up ka ba Julian?”

“Ahhh. Hindi ko pa napapansin eh, check ko mamaya libro ko hehe”

“Oo sana, para may panlaban ka sa Illusionist, pwede ka magtago eh”

“Invisible?”

“Oo. Hehe”

Buti pa si Blue maraming alam tungkol saken, samantalang nag focus lang ako kung paano makakabasa ng isip ng tao, ayun naman kasi talaga gusto ko.

Maya maya, pumasok na yung makakalaban namen.

Si Lucas!

Napangiti siya nung nakita niya ako at kumaway pa.

Pero yung kasama niya yung kinagulat ko.

Si Gab.

Sht! Yari kami neto.

Pwedeng gamitin ni Gab yung gift niya sa oras tapos si Lucas ang aatake. Kailangan namen makaisip kaagad ng gagawin.

Gusto kong kausapin si Blue sa isip niya kaso di ko magawa, kailangan munang magbago yung setting ng kwarto bago ko magamit.

“Hi Julian!” Bati ni Lucas

“Haha. Lakas niyo ah. Hi!” Sabi ko naman.

“Goodluck saten”

“Goodluck!”

Nagsabi na sila Lucas ng stop at bigla na ulit nagbago yung kwarto.

Eto na yung last round.

At yung setting ng paglalabanan namen eh sa isang napakagandang isla. Ang daming puno na maraming bunga. May swimming pool pa. Ang dami ring butterflies na lumilipad.

Grabe, ang ganda ng battlefield namen. Parang ayoko ng umalis.

Wala naman sa paningin namen si Lucas at si Gab.

“Wait, anong gift nung dalawang yun?” Tanong ni Blue saken.

“Yung unang pumasok, si Lucas, Ice Element. Yung isa naman, time controller”

Tinignan ako ni Blue at sa pagtingin niya, nakaramdam ako bigla ng lamig sa katawan ko.

Mataas naman yung sikat ng araw sa event kaya nakakapagtaka yung biglang lamig.

“Julian, time controller kamo?” Tanong ni Blue.

“Oo.”

“Teka, imposible. Kilala ko yung totoong time controller, babae yun. Nakalaban ko na rin sa stage 1 yun eh” sabi pa ni Blue.

Naguluhan naman ako ng konti sa sinabi niya.

“Teka, pinatunayan ni Gab saken yun….”

Pero di ko matapos sinasabi ko, kasi halos naninigas yung katawan ko.

“Julian!” Sigaw ni Blue.

Kahit pala siya naninigas yung katawan.

At nagulat na lang kami bigla ng nawala na yung image ng magandang paradise at bumalik na uli sa battle room yung image.

Ang gulo.

Nag restart ba?

May nangyari ba?

Pero si Lucas at Gab nakatayo sa harap namen ni Blue.

Saka naman pumasok sa kwarto si Jai.

Teka…. anong nangyayari?

“Congrats Lucas and Gab!” Sabi ni Jai.

Natulala kami ni Blue.

Panalo na sila? Paano?!

“Pwede niyo na kunin lifeballs nila.” Sabi pa ni Jai.

“Teka…. paano?” Sabi ko bigla.

Di naman nakasagot si Blue at inabot na lang yung lifeball nameng dalawa.

Hanggang sa paglabas, tahimik lang si Blue.

“Blue, anong nangyari?” Tanong ko sakanya.

“Di mo ba nagets? Natalo tayo ng ganun ganun lang” sabi niya.

Since nauuna sa paglalakad si Lucas at Gab, tinanong namen si Jai kung anong nangyari?

“Di namen maintindihan kung paano kami natalo?” Sabi ko.

“Ano yung nakita mong lugar kung saan kayo naglaban?” Tanong ni Jai.

“Nasa isang paradise ,magandang isla.”

“Tsk tsk. Mali ka” sagot ni Jai.

“Huh?”

“Nasa sementeryo kayo at gabi yung setting” sabi ni Jai.

Paano nangyari yun?

Tinignan ko si Blue at mukhang naiintindihan niya lahat.

“Di mo ba naintindihan Julian? Nasa isang ilusyon tayo kanina. At habang nag uusap tayo, umaatake na yung isa. Kaya tayo natalo” paliwanag ni Blue.

Nagpahabol pa siya ng sinabi.

“Hindi siya time controller Julian, si Gab yung Illusionist”

++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

ABANGAN ANG LAST 8 CHAPTERS!!!!!! :)

Part 53

Hanggang sa makarating kami sa kwarto, hindi pa rin ako makapaniwala na si Gab ang Illusionist.

Ang bait bait ni Gab saken eh. Siya pa tumulong sakeng ishare kung ano yung magiging gift ko kapag naglevel up ako.

Siya rin yung una kong nakausap na mataas ang level pero imbis na di ako pansinin, siya pa pumilit saken na magpa level.

Pero bakit sabi ni TB na masama daw yung Illusionist? Siguro dahil na rin sa nakaraan niya na masama yung Illusionist, pero si Gab? Anong kinalaman ni Gab saken para sabihin ni TB lahat ng mga yun?

Siguro mabait naman talaga si Gab. Pero kung mabait si Gab, ibig sabihin, nagsisinungaling saken si TB.

So si TB ba ang kalaban dito?

O si Gab?

Either way, sino yung nagsasabi ng totoo?

Gusto kong makausap si TB!ASAP.

Kaya lumabas ako ng kwarto ko at hinanap ko siya, kaso si Matteo ang nakasalubong ko. Ngumiti pa siya nung nakita niya ako.

“Ju, kumain ka na? Tara….”

“Busy ako Matteo” sabi ko.

“Ay ang taray mo naman”

“Sorry, may hinahanap lang kasi ako. Mamaya na lang tayo mag usap ah?”

“Hmmmm… sige,” sabi niya.

Alam kong nagtatampo si Matteo, pero kailangan kong malaman lahat lahat kay TB ngayon.

Pumunta ako sa kwarto kung saan ko sila nakita ni Jai at swerte ngang nandun si TB.

“Julian!” Sigaw ni TB.

Gusto ko ng maniwala na eto talaga yung totoong itsura ni TB, gwapo at makinis. Kaso kailangan ko magfocus, wag ako magpalinlang sa kagwapuhan niya.

“Bawal ka rito Julian….”

“May gusto lang akong malaman. Pwede ba tayo mag usap?” Diretso yung pagkakasabi ko, ni hindi man lang ako ngumiti.

“Tungkol saan?”

“Tungkol kay Gab” sabi ko.

Tinigil niya yung ginagawa niya at tumayo siya saka lumapit saken at sinamahan ako palabas.

+++

Nasa isang kwarto kami ngayon, tahimik at mukhang walang ibang tao.

Isa lang kulay ng kwarto, kulay puti at sobrang linis. Naupo kaming dalawa habang magkatapat.

“Anong gusto mo malaman?”

“Bakit gustong gusto mong talunin ko si Gab? Ano bang ginawa niya sa’yo? Naging mabait naman siya saken, pero bakit parang gusto mong matalo ko siya?”

“Julian, sinasabi ko lang naman yung nakaraan ko sa’yo. Wala akong ibang ibig sabihin dun. Gusto ko lang manalo ka para ma keep mo yung gift mo” paliwanag ni TB.

Ayoko sanang mag isip ng kung ano, pero parang may tinatago si TB saken.

Sana lang talaga wala.

“Julian, ano bang naiisip mo?? Bakit parang… iba ka ngayon?” Tanong ni TB.

Medyo nagaalala yung itsura niya ngayon. Sana lang kasi hindi gift proof tong lugar na ’to para nababasa ko yung nasa isip niya.

“Wala naman, ang bait lang kasi ni Gab saken, tapos naalala kong, gusto mo pang talunin ko siya. Napapaisip lang ako.”

“Hala siya, wag ka magisip ng kung ano ano Julian. Kung gusto mo, maglaro ka na lang sa event, kalimutan mo na lahat ng sinabi ko sa’yo. Okay?”

Mabait si TB, kaya di ko siya pag iisipan ng masama.

Ngumiti ako at nagpaalam na. Bumalik na ako sa kwarto ko at naabutan ko naman si Matteo dun.

“Teka! Nasaan si Blue?!” Sabi ko habang nakahiga siya sa higaan ko.

“Ahhh, di na daw siya makikikwarto sa’yo. Halika na rito, tumabi ka na saken, hinihintay ka na ng asawa mo. Halika na”

Pinipigilan kong hindi kiligin sa sinabi niya pero di ko maiwasang di mapangiti.

“Hoy, asawa ko. Halika na rito, wag mo kong pinag hihintay. Kanina pa ako nandito” sabi ni Matteo pero nakangiti siya.

“Ayoko na rito, aalis na ako…”

Pero nagmadali siyang tumayo at niyakap ako.

“Matteo!”

“Hehe, joke lang yun Ju… halika na rito sa tabi ko”

“Ayoko nga!”

“Sus, dali na… sasama na yan!”

“Ayaw!”

Pero binuhat niya ako at dinala sa kama.

“Matteo ano ba!!!!” Sigaw ko sakanya.

“Ehhh, di mo man lang ba ako namiss? Ilang araw na tayong magkasama dito pero di pa kita nasosolo?”

“Sinong makakamiss sa’yo? Matapos ng ginawa mo saken?!” Medyo inis kong sabi sakanya.

Binitawan niya ako pero di niya binitawan yung kamay ko.

“Magpapaliwanag na ako sa’yo ngayon.” Sabi niya pa.

Paano ko ba mareresist yung katulad niya? Masyado siyang gwapo at saka mahal ko talaga tong taong to. Nakakapanghina talaga.

“Ano? Magpapaliwanag na ba ako, o kukusot lang noo mo diyan magdamag?” Tanong niya pa.

Tinitigan niya ako sa mata na parang kinakausap niya ako sa mga tingin niya.

“Oo na! Sige na magpaliwanag ka na!!” Sabi ko.

“Hehe, okay okay. Makinig kang mabuti ah, sisimulan ko to nung araw na pumunta tayo saten”

Gustong gusto ko na to malaman.

“Bumalik ako nun sa bahay para nga sabihin ko kay Kuya na tanggapin niya tayong dalawa.

Wala naman daw sakanya kung lalaki magustuhan ko, kilala ka naman daw niya. Kasi diba palagi naman kitang nakekwento sakanya? Di problema yun sakanya.

Ang ayaw niya lang kasi, nalaman niya nga na may gift ka. The moment na tumungtong ka sa bahay, napansin niyang may kakaiba sayo at yun nga, kasi may gift ka“

“So, dahil lang dun?!” Tanong ko pa.

“Teka, hindi pa tapos….

Nalaman niya pa yung gift mo eh, mind reading… unang pumasok sakanya si Timothy….“

Si TB?

“Dati daw kasi nainlove siya sa nagbigay ng gift mo sa’yo, sobrang patay na patay siya dun to the point na sinacrifice daw niya yung gift niya para sa Timothy na yun”

“For the record, straight si TB”

“Ayun nga, straight siya. Pero di mo naman maiiwasang mainlove sa same sex eh, tignan mo ko sa’yo…” sabay kindat saken.

Bwisit! Kinilig talaga ako dun, pero umiwas ako ng tingin para di niya mapansin.

“Kaya ayaw niya na lumalapit ako sa’yo. Tapos isa pa tong si Maddie, ang kulit kulit, tinatawagan pa si Kuya, tapos pumupunta sa bahay. Edi sabi ni Kuya, kay Maddie na lang daw ako….”

“So, sinunod mo siya?!”

“Alam mo naman si Kuya lang kakampi ko diba?”

“Kahit text wala?”

“Kinuha niya phone ko, sa bahay lang ako maghapon nun. At saka nag ttraining kami sa bahay para sa event”

“Teka teka, isa pa yan… Paano ka nagkagift?”

“Gifted talaga ako Ju, di mo pa kasi nakikita eh, pero gifted ’to”

“Hala, hindi yan yung tinutukoy ko!!”

“Hahaha, sorry sorry, si Kuya nagbigay saken, matagal tagal na rin, kaso di naman ako naniniwala kasi magic? Sa totoong buhay? Pero nung pinakita niya saken yung libro, ayun. Nagbago paningin ko.”

“Pinahawak ko sa’yo yung libro ko ah? Bakit sabi mo di mo alam yun?!”

“Ehh kasi sabi ni Kuya wag ko daw sabihin. Di mo daw kasi kilala kung sino yung tunay mong kakampi sa event.”

“Ehhh, ikaw? Alam mo bang may gift ako sa simula pa lang?”

“Nung pinahawak mo lang saken yung libro mo, saka ko napansin. Kaso di ko lang alam kung ano” sabi niya pa.

Medyo umookay na tuloy saken ang lahat.

“Anong level mo?” Tanong ko.

“Maximum. Level 25” sabi niya.

“Ha?! Talaga?!!”

“Haha, oo nga. Gulat ka ba?”

“Ano pang kaya mong gawin?!”

“Haha secret. Dapat kapag sasabihin ko, may kiss ako galing sa’yo!”

“Umalis ka na ng kwarto ngayon na!”

“Ahaha joke lang Ju. Basta, sa event. Sasamahan kita, ako ang protector mo sa kahit na anong mangyari” sabi niya pa.

Niyakap na niya ako uli.

“Satisfied ka na ba sa kwento ko?” Bulong niya saken.

“Ano gusto mong maramdaman ko? Iniwan mo ko tapos bigla kang magpaparamdam kasi takot ka lang sa Kuya mo?!”

“Wag ka na magalit Ju, basta mahal kita. Tandaan mo yan ha?” Kinikilabutan ako sa bulong niya.

Gusto ko kasi to, eto talaga yung gusto ko. Si Matteo lang talaga, at nandito na siya sa tabi ko.

“Ju, patawarin mo na ako. Di naman na ako mawawala sa’yo. Maniwala ka na saken, parang mas gusto ko na lang mawala kesa ikaw ang mawala saken.”

Matteo stop!

Mas hinigpitan niya yakap saken at hinahalikan niya ako sa leeg ko.

“Ju… sige na, maniwala ka. Please?”

Ayokong sumagot kasi baka bumigay na ako lalo, pero di ko mapigilan.

“I love you” bulong niya uli. Tapos bigla siyang tumingin sa mata ko.

“Mahal mo pa ba ako?” Tanong niya uli saken.

“Ahh….”

Hinalikan niya ako sa noo ko.

Pababa sa ilong ko.

Papunta sa cheeks ko.

Pababa sa may baba ko.

At paakayat sa labi ko pero pinigilan ko siya.

“Mahal kita, di naman nagbago yun” sabi ko pa.

Yung ngiti niya, abot tenga. Eto yung mga totoong expression na mababaon mo. Alam mong totoo ang hindi kasinungalingan.

Tinakpan ko labi ko.

“No kissing. Bawal, parusa mo yan”

“Hala, kahit isa lang?”

“Nako, parusa yan!” Sabi ko pa sabay tulak sakanya sa kama. Umupo ako habang siya naman nakahiga.

“Nako yung asawa ko, pabebe pa! Alam ko namang gusto niya!”

“Bakit asawa ko? Ano ba!”

“Haha di ka ba kinikilig? Kasi ako kilig na kilig eh. Asawa ko, asawa ko…”

Putek yung ngiti ko sobrang laki na ng mga oras na yun.

“Tama na! Magpahinga ka na diyan, at di ko alam kung anong mangyayari saten bukas!”

“Teka, nanalo ka ba Ju sa laban mo kanina?” Tanong pa ni Matteo.

“Hindi eh, ang bilis ng pangyayari parang 5mins lang, talo na kaagad kami” sabi ko pa.

“Hay okay lang yan hehe. Bawi tayo next stage” sabi pa ni Matteo.

Umoo na lang ako at napagpasyahan na lang namen magpahinga muna.

+++

Magkakasama na uli kaming lahat sa kwarto. Lahat ng may gift.

Dun ko lang din napansin si JayR! Totoo ngang may gift din siya kaso di ko pa siya nakakalaban.

Si Greco naman, katabi niya si Spencer. Sabagay, parehas silang copycat lang ang gift kaya siguro nagkakilala na lang din sila.

Si Gab din nandun, nakangiti pa siya saken nung napansin niya ako.

Nagkekwentuhan na halos lahat ng mga tao rito, kesa nung una kaming napunta dito, kahit kami ni Sarah di makapagsalita.

Tumabi ako kay Sarah nun na katabi din si Kennard at Lucas.

“Julian, no hard feelings ah?” Sabi ni Lucas saken.

“Hehe don’t worry, di lang kami prepared. Babawi ako sa last stage hehe”

“Hehe sige! Bahala na tayo sa last stage!” Sabi pa ni Lucas.

Humawak naman sa braso ko si Sarah.

“So….. anong balita sainyo ni Matteo?” Bulong ni Sarah.

Napangiti lang ako at naalala yung mga harutan namen kagabi.

“Wala kaya” sabi ko pa.

“Sus, pabebe ka pa haha!”

“Haha wag ka ngang magulo, e kayo ni Kennard?”

“Di pa nga kami naglalaban eh, baka ngayon pa lang haha”

Napatingin tuloy si Kennard.

“Ang sabi niya, walang pabebe, dapat laban kung laban haha” singit ni Kennard.

Pero bago kami makasagot, lumabas na uli si Jai, looking good asusual at mukhang may iaannounce.

“Hello! As you know, kakatapos lang ng last round sa stage 2 kahapon, so Congrats sa lahat ng mga umabot ng ganung katagal!”

Nagpalakpakan silang lahat.

Gusto ko malaman yung current standing namen eh kaso mukhang hindi sasabihin.

“So today, sisimulan natin ang stage 3 ng battle!”

Naexcite silang lahat sa sinabi ni Jai.

“This last stage is really the highlight of the event, dito niyo talaga magagamit ng husto yung gift niyo.

May pagkakaiba nga lang sa rules natin ngayon“

Natahimik lahat.

“Dapat ang lifeballs ang magsisilbing buhay niyo sa last stage, pero this time, isang lifeball lang pwede niyong gamitin.

Meaning, lahat ng lifeballs niyo, wala ng silbi. Isa lang ang gagamitin niyo sa stage na to.

Pero…. nakadepende yung standing niyo sa bilang ng lifeballs niyo, maaapektuhan lang yung last stage pero yung performance niyo althroughout stages 1 and 2 ay nakarecord na“

Sht. Sayang! Bawal na pala magkamali sa stage na to.

“In short, kapag naubos yung buhay ng lifeball niyo, out na kayo sa stage na ’to. Okay ba?”

Tumungo naman kaming lahat.

“Okay, Sa Stage na ’to, ilalagay namen kayong lahat sa isang lugar at dun niyo na ipapakita yung gift niyo. In short, matira matibay”

Hala! Medyo ineexpect ko na na ganito yung mangyayari pero dahil sa reaksyon ng iba, medyo kinabahan na ako.

Bumulong naman si Matteo saken.

“Hanapin mo ko kaagad Ju, hahanapin din kita. Di kita iiwan” sabi niya pa.

Hinawakan niya uli yung kamay ko.

“Sa kada 10 na mawawala sa event, magbabago ang arena niyo kaya di kayo pwede makampante sa lugar.”

Mukhang tapos na magpaliwanag si Jai.

Di ba niya sasabihin samen yung about sa moon balls at sun balls? Siguro exclusive lang din saken yung dahil kay TB.

Kanya kanya na kaming tayo at punta sa battle room.

Nakahawak pa rin kamay ni Matteo saken.

“Baka may makakita saten…” sabi ko.

“Nakikita na nila, tsaka kailangan kong pag ipunan yung kiss mo diba?” Sabi niya pa.

Napangiti na lang ako.

Pero biglang may humawak sa likod ko.

Si Angelica.

“Seriously Julian? Kayo ni Matteo?!” Medyo galit niyang sabi.

Gusto ko sanang sumagot kasi biglang umakbay si Matteo saken at hinalikan ako sa ulo. Sinadya niya para ipakita mismo kay Angelica.

“Sht. Humanda kayo mamaya saken!” Sabi pa ni Angelica, sabay lakad ng mabilis sa harap namen ni Matteo.

“Bakit mo naman ginawa yun?” Tanong ko.

“Aba, si Angelica lang yun Ju, wag ka matakot dun. Haha tsaka dapat na niyang malaman na ikaw talaga mahal ko”

“Hindi naman yun….”

“Ayyy shhhhh…. hayaan mo na siya, basta sa stage na ’to, di ko hahayaang may mangyari sa’yo. Ikaw mananalo, hehe”

Nakarating na kami sa battle room.

Alam kong once na magbago na yung setting, mawawala na rin silang lahat sa paningin ko, kasama na rin si Matteo.

“Basta hanapin mo ko, hahanapin din kita okay?” Sabi niya uli saken.

Nag gooduck naman si Sarah, Kennard at Lucas saken.

Bigla ng nagbabago yung setting ng lugar, dumidilim na at nawala na sa paningin ko lahat.

Nakaramdam ako ng pader sa gilid ko, akala ko kung sino.

Sementado rin yung sahig.

Nasa pagitan ako ng dalawang mataas na pader na may nga konting sanga ng puno.

Ang laki ng moon sa lugar na ’to at may napansin akong parang bola na nahulog galing dun.

Ayun kaya yung moonballs?

Pero di ko pinansin yun.

Naglakad ako ng paunti unti at kumanan.

Naglakad uli ako ng naglakad, kumanan, kumaliwa, dumiretso…

At saka ko lang na realize, nasa loob pala kami ng isang malaking maze.

+++++

Level 6 gift: Sinubukan kong tignan yung area kung saan may madedetect akong may gift kahit may harang.

Nagawa ko naman!

May nababasa akong isip ng mga may gift, di kalayuan sa pwesto ko.

Tumingin ako sa taas kung may makikita kong ibon.

Swerte naman, parang uwak yung nakita ko.

Kinontrol ko muna yung ibon para bumaba na lipad.

Pumwesto ako sa dulo at sumandal sa pader bago ko pasukin yung ibon.

At swak!!! Isa na naman akong ibon.

Lumipad ko sa pagkataas taas na pader at nakita ko pa lalo yung view.

Wow! Sobrang laki!! At hindi lang yun, may malaking bilog sa gitna.

Nilapitan ko yun at nakakita ako ng iba’t ibang gamit. May mga bato bato din tapos may pearl, katulad nung kay Blue!

Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko yung dalawang pearl gamit bibig ko, saka lumipad uli.

Naghanap ako ng mga user, may mga nakikita akong naglalakad at mukhang naghahanap din ng iba.

At dun ko napansin si Sarah, naglalakad, di kalayuan sa pwesto ko.

Bumaba ako para kausapin siya.

“Sarah!” Sabi ko sa isip niya.

Hawak niya yung pang drawing niya at mukhang ready siya sa battle.

“Sundan mo tong ibon na to, pupunta ka niyan saken” sabi ko pa.

Di na siya nag isip at sinundan niya ako.

Pumasok na ako sa katawan ko at nagkita na kami ni Sarah.

“Julian!!!” Sabi ni Sarah.

“Hello!!”

“Grabe, ayoko talaga kapag gabi yung setting, nakakatakot”

“Haha, ready ka na bang makipaglaban?”

“Haha ready na. Sa last stage na tayo maglaban ah? Kampi muna tayo” sabi niya pa

“Sure, sure” sagot ko.

Habang naglalakad, may napansin kaming isa na mukhang naghahanap din ng kasamahan niya, lalaki, medyo familar din sa itsura.

“Sarah, 1st victim” sabi ko.

“Haha, okay I”m ready“

Nagpakita muna ako sakanya at mukhang nagulat siya.

Level 7 gift: Malalaman ko personal info niya.

“Paul Mark, 20,” sabi ko kay Sarah.

“Paano mo ko nakilala?!” Tanong niya.

Pero mukhang galit siya.

Nagulat ako na bigla siyang tumingala tapos parang nakukuryente yung katawan niya.

Tinignan niya ako ng masama at biglang may kuryente siyang inatake saken.

Sht!!! Elementor din at kuryente pa!!

Sumugod siya para sapakin ko pero umilag ako at tumakbo.

Bahagyang nasira yung pader at nagkaroon ng malalaking bato sa sahig.

Ayun naman ginamit ko pang atake.

Inangat ko lahat ng bato at binato sakanya!

Pero umatake na naman siya ng kuryente niya at sinira niya lang yun!

“So ganyan pala gift mo!” Sabi niya pa.

Sarah! Ang tagal mo!!

Nagiipon siya ng malaking kuryente sa kamay niya at wala akong magawa kundi magtago.

Nakapa ko yung pearl na kinuha ko sa gitna.

Gagamitin ko sana bago umatake si Paul kaso nagkaroon ng malaking shield sa harapan ko!

“Julian, sorry! Shield muna, patapos na to” sigaw ni Sarah.

Nagulat din si Paul na may ibang tao.

Kaya binato ko uli siya ng malaking bato.

Sa sobrang inis niya, hinanap niya si Sarah.

Pero sinundan ko siya.

Pinasok ko isip nya! Pero kaya niyang labanan yun! Kaya di ko rin nagawang kontrolin.

Bigla na lang siyang huminto at parang na stuck siya sa kinatatyuan niya.

“Ano to? Bakit di ako makagalaw?” Sabi niya.

Bigla namn lumabas si Sarah.

“Sorry, madilim kaya di ko siya masyado makita” sabi ni Sarah.

“Salamat naman!” Sabi ko.

Pinaikot ko sa kanya lahat ng nasirang bato sa paligid at tinignan lang namen siya ni Sarah.

Maya maya, gumagawa siya ng kuryente sa katawan niya. Pero bumuka yung lupa at naipit si Paul!

“Ako na tumapos Julian, ang tagal eh!” Sabi pa ni Sarah.

Ipit na ipit si Paul at siguradong wala na siya.

“Grabe! Di mo man lang ako pinaatake” sbi ko pa.

“Haha sa susunod ikaw naman”

“Hehe, dun tayo sa gitna. Maraming gamit dun na pwede nating magamit” sabi ko pa.

Pero bago makasagot si Sarah, may narinig kaming boses.

“Wow! Ang galing ng tandem niyong dalawa ahh”

Familiar yung boses. Medyo madilim kasi sa pwesto niya kaya di ko pa mamukaan.

“Pwede bang sumama sa grupo niyong dalawa?” Sabi pa niya.

At nung lumapit siya, unti unti ko na siyang nkikilala.

“Sabi mo may mga gamit sa gitna? Pwede bang sumama? Siguradong maraming tao dun na kukuha din ng gamit. Mag tulungan muna tayo ngayon okay ba?”

Pumayag naman kaagad si Sarah.

“Ikaw Julian? Okay lang ba?” Tanong niya pa.

“Oo naman Gab.“sabi ko na lang “….halika na?” Yaya ko pa sakanila.

++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

LAST 7 CHAPTERS!!! :)

Part 54

“Kuya Gab, diba time controller ka?” Sabi ni Sarah.

Natawa naman si Gab sa sinabi niya.

“Sorry, kailangan kong magsinungaling sa’yo about dun” sabi niya.

Naglalakad kaming tatlo papunta sa gitna, ewan ko, feeling ko di ako natatakot. Magkakasama kaming tatlo eh, top 3 na gift users.

“Ayy, bakit po kuya?” Tanong ni Sarah.

“Hehe, kaya ko lang gumawa ng Illusion na parang nakatigil lahat ng tao”

“So kuya….”

“Oo, ako yung Illusionist hehe”

Napaka pleasant ni Gab. Di ko talaga siya makitaan ng masamang balak.

Binasa ko naman isip niya at pinasok ng maigi.

Wala naman akong masamang makita, parang mabait talaga siya. Siguro, kailangan ko ng tanggalin sa isip ko na masama si Gab.

“Julian, ang lakas mo na pala no? Nung una kitang nakita, parang nagsisimula ka pa lang, pero ngayon…. kaya mo ng magkontrol ng bagay gamit isip mo”

“Hehe, salamat po sainyo hehe”

“Nako, ngayon ko lang po napansin, magkakasama pala tayong tatlo!” Sabi ni Sarah bigla.

“Hehe, kanina nga takot na takot ako maglakad eh, mamaya kung anong mangyari saken, pero nakita ko kayo. Wow. Medyo lumakas loob ko” sabi ni Gab.

Ang humble niya masyado, nakakatuwa.

Nagdetect muna ako kung merong taong malapit samen.

Pero wala naman.

“Nice, kaya mo rin mag track?” Tanong ni Gab.

Ngumiti lang ako.

“Kailangan ko palang mag ingat sainyong dalawa, masyado kayong malakas” sabi ni Gab.

“Nako, 5 mins mo nga lang akong tinalo sa laban natin” sabi ko.

“Meron kasi akong elementor nun, kung wala akong kasama tapos tayong dalawa lang, walang wala ako sa’yo”

Nahinto bigla si Sarah.

“May naririnig ba kayo” sabi niya.

Nung natahimik kami, may naririnig kaming parang lindol galing sa likuran namen.

Maya maya, lumakas bigla yung hangin.

Si Angelica kaya to?

Sa malakas na hangin, parang tinutulak kami palayo. Kaya tumakbo kaming tatlo kaagad ng mabilis para maiwasan yung hangin.

“Si Angelica siguro yun!!” Sabi ko.

“Kailangan natin siyang matalo para mawala na tong hangin!!” Sigaw din ni Sarah.

“Sa tingin ko hindi ’to wind element, kasi kung walang na detect si Julian kanina, ibig sabihin wala talagang tao sa paligid natin. Baka pinapapunta talaga tayong lahat sa gitna!!” Sigaw naman ni Gab.

Tama siya, nung dinetect ko yung lugar, walang tao. Hindi ako pwedeng magkamali.

Takbo kami ng takbong tatlo hanggang sa mawala na yung malakas na hangin.

Parang narating na namen yung gitna kasi nawala na yung maze at isang napakalaking bilog na nga yung nandito.

dito ko kinuha yung pearl kanina.

Nagtago muna kaming tatlo at naghintay ng mga lalabas.

Sinubukan kong magdetect uli kung merong tao na malapit samen.

Meron nga! Siguro.. 1.. 2… 3.. lagpas pa 10 ung malapit samen.

Alerto kaming tatlo sa pwedeng mangyari.

“Bakit parang naghihintayan lahat na lumabas? Ang dami kong nararamdamang malapit sa pwesto natin eh”bulong ko sakanila.

“Maghintay na lang tayo” sagot ni Gab.

Habang naghihintay, may napansin kaming papalapit papunta sa mga special na gamit sa gitna.

Si Blue yun!

Nagmamadali siyang tumakbo at mukhang may balak siyang kunin.

Pero habang pinagmamasdan namen si Blue, nagulat kami ng biglang bumuka yung lupa at nahulog siya.

Kitang kita namen kung paano siya lamunin ng lupa.

“Sht!!!” Napasigaw tuloy ako.

Maya maya, nagkaroon na naman ng napakalakas na hangin pero nanggagaling na sa gitna.

Nung moment na yun, alam kong wala na si Blue.

“Si Angelica kaya may gawa nun?” Tanong ni Sarah.

“Hindi ko alam, kaso sigurado kong di gawa ni Angelica yung pagbuka ng lupa”

“Ano ba kasi yung nandun sa gitna at gustong gusto nilang kunin yun? Nawala tuloy yung kakampi mo nung stage 2 Julian, sorry”

“Oo nga eh. Sayang di ko naprotektahan si Blue” sabi ko pa.

“Bwisit talaga. Ano ba yang nandun? Di mo ba pwedeng palapitin yung mga yun gamit gift mo Julian?” Tanong uli ni Sarah.

Oo nga. Pwede ko naman pala yun makuha gamit isip ko.

Susubukan ko na sana kaso di ko magawa.

“Hindi pwede yun, kailangan mong lapitan bago mo makuha, hindi tatalab yung gift mo” sabi bigla ni Gab.

Ngayon, nararamdaman namen yung tensyon, kasi nag iba yung aura ng lugar. Parang anytime may mag lalaban.

“Labas kaya ako dun? Tignan natin kung anong mangyayari saken?” Sabi ni Sarah.

“Baliw! Nakita mo nangyari kay Blue?! Nawala na, wag ka na pumunta dun!”

“OA naman sa nawala Julian, nawala lang sa event pero buhay pa naman siguro yun” sabi bigla ni Sarah.

Natawa kami pareha sa sinabi niya.

Pero nagulat kaming tatlo ng may sumigaw sa likuran namen.

“Nandito sila!!” Boses ng babae yun, at nakita ko bigla si Julia!

Yung nakalaban ko nung stage 1 na earth element na si Julia

Napalingon kami, at mukhang may kasama siya.

“Talaga?” Sabi uli ng babae at lumabas naman si Angelica.

Nagprepare kaagad kaming tatlo sa pwedeng mangyari pero bigla na lang din na nasira yung lupa at mahahati!

Napatalon kaming tatlo.

Kasabay nun eh ang paglakas ng hangin ni Angelica.

Mukhang nagalit si Gab at nakita ko sa expression ng mukha niya.

Tinignan niya yung dalawa pero namumuo na yung mga lupang nasira sa ere na ready ng umatake samen.

Di umalis yung masamang tingin ni Gab at bigla na lang nahinto yung oras!

Mabagal na yung pag atake ni Julia samen, kasama na rin yung hangin ni Angelica na parang naka slow mo.

Eto talaga yung tunay na gift ni Gab. Malakas nga talaga.

Tumulong naman ako at inangat ko rin yung mga bato sa lupa para iatake sakanila.

Si Sarah naman, nakita ko na ring nag ddrawing ng mabilis.

Nagulat ako sa nakita kong drawing.

Si Julia at Angelica, nasa loob ng isang ipo ipo.

Habang pinapaikot ikot ni Sarah yung drawing ng ipo ipo sa libro niya, ganun din yung nangyayari sa kanilang dalawa.

Wow!! Sobrang lakas din ni Sarah.

Level 19 gift ko: yung level 16 gift ko, kung kaya kong ipa counterattack yung earth element laban saken, kaya ko naman icounterattack yung air element na nilaban saken.

Nagfocus ako.

Tinignan kong mabuti yung ipo ipo habang nasa loob silang dalawa.

Iniisip kong iniipit ko silang dalawa.

Iniisip kong, mawawala na sila sa event na to!

At ganun nga nangyayari, parang naiipit sila sa loob ng ipo ipo.

Pero biglang sumigaw si Angelica at nawala bigla yung ipo ipo! Sht! Mas kaya pa rin niya talagang kontrolin yung hangin.

Dahil dun, tumalsik kaming tatlo sa gitna ng field, at alam kong maraming makakakita samen dito.

Akala namen natalo na namen silang dalawa pero hindi pa pala!

Habang nagsstruggle pa kaming makatayo, napansin kong malalaglagan kami ng napakalaking bato!

Sinubukan kong buhatin gamit isip ko pero hindi ko kaya.

Siguradong matatalo na kami kapag nabagsakan neto

Pero buti na lang si Sarah handa!!

Nakagawa kaagad ng shield para sameng tatlo gamit ang isang salamin.

Ang bilis mag isip ni Sarah.

“Masyado kayong mahirap kalabang tatlo!” Sabi ni Angelica.

Nakatayo na kami pero nasa loob pa rin ng shield ni Sarah.

“Wag mo kaming minamaliit” sabi ni Sarah.

Pero mas lumakas yung hangin! Mukhang hindi natuwa si Angelica sa sinabi netong si Sarah.

Si Gab naman yung gumalaw uli.

Ang sama na lalo ng tingin niya kay Angelica, tapos nagulat na lang ako ng biglang humiga si Angelica habang hawak yung ulo niya.

Mukhang binibigyan niya ng Ilusyon si Angelica ng malala.

Umiiyak na siya sa sahig, pero si Gab nakatingin lang ng masama.

Sinubukan kong pasukin isip ni Angelica para naman makita ko yung ginagawa sakanya ni Gab.

Pagkapasok ko, halos nasaktan din ako sa nakita ko!

Para akong nasa impyerno, na masusunog. Puro apoy lang! Wala akong nakikitang iba maliban sa apoy lang!

Di ko kinaya yung nakita ko kaya lumabas kaagad ako sa isip niya.

“Tapusin mo na Julian!” Sabi ni Gab.

Since makalat na sa lugar at enough na yun para matalo silang dalawa, pinalipad ko lahat ng yun.

Pero bago ko sila maatake, biglang bumuka yung lupa at nilamon uli si Angelica pero kasama na si Julia. Mukhang tumakas na silang dalawa at alam nilang di nila kami makakaya.

“Sayang!!! Nakatakas!!” Sabi bigla ni Sarah.

“Oo nga eh”

“Ganda mo kasi Julian eh, ayan tuloy, dito gumaganti haha” sabi pa ni Sarah.

Napansin ko namang kumalma na si Gab at nakangiti na uli.

“Hehe, tara, tignan na natin tong mga nandito” sabi niya pa.

“Nako, kanina pa ako nacucurious” sabi ni Sarah.

Tinanggal na niya yung shield namen at sinilip namen yung mga gamit na nandun.

“Wow, ano ano yang mga yan?” Sabi ni Sarah.

Tinuro samen ni Gab lahat, kahit yung iba na, alam ko, sinabi niya pa rin kay Sarah.

Pero habang ineexplain ni Gab kay Sarah, may napansin akong ipis sa sahig.

Tinapakan ko kaagad sa gulat.

“Bakit Julian?” Sabi ni Sarah.

“Ipis kasi hehe”

“Paanong magkaka ipis dito….” sabi ni Gab sabay tingin sa likod.

Yung itsura ni Gab, gulat na gulat.

Tinignan namen yung tinitignan niya at ganun din naging reaksyon ko.

PURO IPIS!!! As in puro ipis!!! Mga daan daang ipis ata nandun.

Tapos may lalaki sa gitna na nakasuot ng maskara sa mata.

“Anong klaseng gift naman to! Nakakadiri!!!” Sabi ni Sarah.

“Hahha pwes, yang nakakadiring yan ang tatalo sa’yo miss!” Sabi niya.

Nakakadiri na may formation pa yung mga ipis.

Tapos biglang nagpatong patong sila at gumawa ng isang taong gawa sa ipis!!!

“Yuck! Nakakadiri yang gift mo, ipis!!” Sabi pa ni Sarah.

Di naman nagsalita yung lalaki tapos bigla na lang tumakbo samen yung taong ipis.

Yuck!! Napatakbo rin kaming apat! Hindi ko alam kung paano ko to lalabanan, hindi ko mapasok isip nung lalaki kasi di ko makita yung itsura niya.

Habang lumalayo ako, nakatago ako bigla sa may loob ng maze.

Sinilip ko sila Sarah at naghahanap ng pwedeng gawin.

Pero biglang may humila sa paa ko at sa kamay ko!

Yung mga sanga ng halaman sa may maze!! Nakatali ako dun!!

“Wow! Nahuli ko ang mind reader!” Sabi ng isang babae.

“Teka sino yan?!” Sabi ko.

Lumabas siya at siya nga yung kmokontrol ng mga halaman.

“I have control over plants, kaya wala kang laban sa mga yan!” Sabi niya saken.

Since kitang kita ko naman siya, pinasok ko kaagad yung katawan niya.

“Teka!!! Anong nangyayari!!!” Sabi niya sa isip niya, nilalabanan niya yung ginagawa ko pero mas malakas ako.

Sinenyasan ko yung mga halaman gamit yung katawan niya na tanggalin na sa katawan ko.

Unti unti namang nag loloose yung pagkakakuha sa mga binti at kamay ko.

Walang malay yung katawan ko, kaya inalalayan ko gamit yung katawan ng babae.

Pumasok na uli ko sa katawan ko.

“Anong nangyari?!!” Sabi niya saken.

Pero ako naman kumontrol ng mga halaman niya at pinanglaban sakanya.

Hinawakan niya naman yung mga halaman at biglang nalanta.

Nagkatinginan kaming dalawa at parang gusto niya ng sumuko.

“Adrian!!! Tulong!!” Sigaw niya bigla!

At sa pagsigaw niya, biglang may lumabas sa gilid na isang lalaki na mukhang close na close sila.

“Bakit kasi siya yung inatake mo Beth? Alam mo namang hindi mo siya kaya!” Sabi nung Adrian.

“Sinubukan ko lang naman! Tara, para makapagpalevel na tayo!” Sabi nung babae.

Nagulat ako ng biglang lumapit saken si Adrian ng pagkabilis bilis at sinapak niya ako!!!

Kahit wala akong naramdaman alam kong nabawasan yung life ball ko!

Super speed yung gift ni Adrian.

Paulit ulit niya akong inaatake!!

Kukuha sana ako ng dice sa bulsa ko kaso kailangan ko muna siyang maiwasan.

Isa… dalawa…. tatlo…. pito…. sampu…. ang dami na niyang atake.

Lahat ng bato sa gilid, ginamit ko kaagad para naman ipangatake sakanya!

Buti na lang tinamaan siya!

Kaso humigpit na naman yung hawak saken ng mga halaman sa binti ko at kamay!

Walang walang akong kalaban laban sa mga oras na to!

Tatanggapin ko na sana yung pagkatalo pero bigla kong narinig boses ni Matteo

“Ju!!!!!” Halos maiyak siya ng makita niya akong nakatali.

Una niyang sinugod si Beth at bigla na lang akong nahulog sa sahig.

Ganun yung gift ni Matteo, walang eepektong gift sa paligid niya kaya hindi magamit ni Beth yung kanya.

Una kong chineck yung lifeball ko.

Sht, 18 na lang buhay ko!!

Si Adrian naman, normal na yung kilos niya sa paningin ko dahil kay Matteo.

“Aba! Eto yung nakita nating lover kanina ahh??” Sabi ni Adrian.

“Ohh bakit, inggit ka pre?” Maangas na sabi ni Matteo.

“Aba!!! Sumasagot ka pa!” Ang bilis ni Adrian pero nung palapit na siya samen bigla siyang bumagal, tapos sinuntok siya ni Matteo!!

Sinipa pa! Tapos sinuntok uli!!

Nakita kong aatake si Beth, pero habang palapit kay Matteo yung mga halaman, bigla na lang nahulog at parang nalanta.

Grabe si Matteo! Ang lakas lakas.

“Ano?! Lalaban ka pa?!” Sabi ni Matteo.

Tumayo uli si Matteo at dumikit saken.

“Beth, tara na muna!” Sabi ni Adrian,

Hindi na nagdalawang isip si Beth at umalis na silang dalawa.

“Bakit pinatakas mo naman?” Sabi ko, pero mukhang hindi niya ako narinig kasi niyakap niya ako ng mahigpit.

Gustong gusto ko maramdaman yung yakap niya! Gusto ko, kaso hindi ko talaga maramdman dito.

Gusto ko ng moon ball ngayon!!

“Okay ka lang? Sorry. Kanina pa kita hinahanap, bwisit tong maze na to!!” Sabi ni Matteo.

“Okay lang ako….”

Tinignan niya yung lifeball ko.

“Ju! 18 na lang, matatalo ka na!” Sabi pa ni Matteo.

“Okay lang, tara tulungan natin sila Sarah”

“Wag kang aalis sa tabi ko ah!! Dito ka lang!! Ayokong matalo ka!” Sabi niya pa.

“Opo…” sabi ko.

Nawala yung tensyon sa mukha niya at ngumiti siya saken.

“Pakiss nga isa.” Sabi niya bigla.

“Ngayon ka pa nag ganyan!!”

“Haha sorry, mamaya fench kiss na to!”

“Matteo!! Ano ba!”

“Haha sorry, tara! Sarah time!” Sabi niya pa.

Kinilig din ako ng bahagya dun at tumakbo na kami palapit kay Sarah.

Nakikipaglaban parin siya sa ipis man! Pero nasa loob silang dalawa ni Gab ng isang shield.

Nakita kami ni ipis man na palapit kaya samen niya binato yung mga alaga niyang ipis.

Pero dahil kay Matteo, walang tumatama sameng kahit isang ipis. Parang may invisible shield kaming dalawa ngayon.

“Oh diba ayos? Wag kang lalayo saken Ju!!” Sabi niya pa.

Nakakakilig tong moment na to kahit inaatake kami ng ipis.

Lumapit kami ni Matteo kay ipis man at sinubukan nameng tanggalin yung maskara niya.

Binasa ko kaagad yung info niya para kay Sarah.

“Sarah!! Paulo name niya!” Sigaw ko,

Mabilis na na nagddrawing si Sarah at mukhang natakot na si Ipis man samen kaya umurong siya.

Pero imbis na tumakbo si Paulo, nag slowmo yung galaw niya.

Kinokontrol na pala ni Gab.

Grabe, iba rin tong si Gab, napakalakas

“Bwisit kang ipis man ka!!!! Eto bagay sayo!!!!” Inis na inis si Sarah

tapos may biglang malaking tsinelas na bumaba sa itaas at dinaganan ng malaki si ipis man!

“Ayan!!!! Mamatay kang ipis ka!!!” Inis na sabi ni Sarah.

Natatawa na lang kami ni Matteo pero sa ngayon, natahimik na uli yung lugar na yun.

“Ju, paano yan? Malapit ka ng matalo” sabi bigla ni Matteo saken.

“Okay lang….”

“Ayy sht, ang bobo ko!! Si JayR!!! Hanapin natin si JayR! Magkasama kami kanina eh!.”

“Si JayR? Bakit si JayR?” Sabi ko.

Sa pagtanong kong yun, narinig namen yung boses ni JayR na humihingi ng tulong!

Nagmadali kami ni Matteo pumasok sa maze kasama si Sarah at Gab.

Nandun siya!! Inaatake nila Beth at Adrian!

“Kayo na naman?!” Inis na sabi ni Matteo.

“Ano bang alyansa yan!!! Tara na Beth!! Masyadong malalakas yang mga yan!” Sabi ni Adrian sabay takbo uli nila ni Beth.

Si JayR naman nakapulupot sa mga halaman.

Binaba naman namen siya at saka niya nilabas yung lifeball niya.

“Hala JayR! 7 ka nalang!!” Sabi ko.

“Hehe, wag kang mag alala Julian” sabi niya pa.

May biglang liwanag na lumabas sa kamay ni JayR at tinutok niya sa katawan niya.

Habang ginagawa niya yun, napapansin kong tumataas uli yung buhay niya at naging 100 na!

“Wow!!! Paano mo nagawa yun?!” Sabi ko.

“Healing gift niya Ju” sabi bigla ni Matteo.

Ngumiti lang si JayR saken.

“Magpapa dagdag ka rin ba saken?” Tanong niya.

“Easy brad. Alam kong type mo Julian ko, pero dagdagan mo lang yung lifeball nya!” Sabi bigla ni Matteo.

“Hahaha, oo naman pre. Halika dito Julian” sabi ni JayR,

Pinaupo niya ako at parang pinapagaling. Grabe din, gumagaan yung pakiramdam ko at parang lumalakas din ako.

Tinignan ko lifeball ko, naging 100 na uli.

“Wow !! Salamat JayR!!” Sabi ko.

“Sure ,walang anuman, basta ikaw hehe”

“Hoy, anong basta ikaw, basta ikaw. Sabi ko sayo akin lang si Julian ehhh” sabi ni Matteo.

“Haha iyong iyo pre,”

Nagpadagdag din si Sarah at Gab kay JayR, at laha kami back to 100 na yung lifeball.

Bumalik na uli kami sa may gitna para kumuha ng mga special na gamit.

At natuwa kami ng makita namen si Kennard dun! Na mukhang kinukuha yung parang baril.

“Kennard!” Sigaw ko.

Napangiti siya nung nakita niya kami pero nawala yung ngiti niya ng bigla niyang makita si Gab.

“Bakit niyo kasama yan?!” Sigaw ni Kennard kay Gab.

Di pa kami nakakasagot pero biglang nag apoy yung kamay ni Kennard at binato kay Gab!

Napalayo kaming lahat!

Biglang umikot sa katawan ni Kennard yung apoy at parang nagkakaroon ng ipo ipong gawa sa apoy yung nasa harapan niya!

Bigla niyang binato si Gab nun!!

Akala ko naman matatalo na si Gab pero may hawak siyang pearl at inabsorb lang ni Gab yung apoy ni Kennard.

“Tulungan mo sila Matteo!” Sabi ko.

“Anong gagawin ko? Baka may galit sila sa isa’t isa?!”

“Dali na! Humarang ka!!” Tulak ko kay Matteo.

Bigla naman inatake ni Gab si Kennard gamit yung apoy niya!!! Buti na lang nakaharang si Matteo at hindi natamaan si Kennard.

“ANONG NANGYAYARI?!” sigaw ni Sarah.

“Ano?! Etong Gab lang naman na to!! Sinira buhay ni Laurence!! Anong ginawa sa’yo ni Laurence ha? Matagal mo na siyang niloloko!!” Sabi ni Kennard.

Di ko alam kung anong sinasabi ni Kennard, pero parang guilty si Gab sa sinabi niya dahil sa expression ng mukha niya.

“Anong sinasabi mo Kennard?” Tanong ko.

“Nasa loob ng Illusion ni Gab si Laurence! At hindi ko alam kung anong dahilan niya!” Madiin na sabi ni Kennard.

Galit na galit si Kennard at ramdam na ramdam ko yun, alam ko kasi na sobra silang close pero di ko pa rin maintindihan.

Pero may kinuha si Gab sa bulsa niya at sinira niya sa sahig.

At bigla na lang siyang nawala.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

LAST 6 CHAPTERS!!!! :)

Part 55

Natahimik kaming lahat sa nangyari. Ngayon ko lang nakita si Kennard na ganun.

Wala pa kaming idea kung anong nangyayari at bakit niya ginawa yun.

“Bakit ka ba nagwala ng ganun? Anong nangyari?” Si Sarah yung kumausap kay Kennard at nakita naman namen na kumalma siya ng kaunti.

Parang problemado si Kennard ngayon kaya naupo muna kaming lahat sa gilid.

“Dahil sa’yo Julian” sabi ni Kennard.

Napatingin silang lahat saken. Pati si Matteo.

“Anong ibig mong sabihin na dahil saken?” Tanong ko.

“Sa simula pa lang ikaw na target niya Julian, ikaw talaga gusto niyang kalabanin.”

“Ano yung sabi mo na kinokontrol niya si Laurence?”

Mag eexplain na sana si Kennard pero bigla na namang may umatake samen, at this time, iba na naman.

Lalaki siya at may hawak na latigong itim.

Sa kabilang side naman, may lalaki rin na mukhang kami ang puntirya, di ko alam kung ano naman yung gift niya.

Sa kabilang side din uli, may dalawang babae naman na parang ngumunguya at mukhang matapang din sila sa paglapit samen.

“Kayo ba yung dream team nilang sinasabi?!” Sabi nung lalaking may hawak ng latigo.

Binasa ko na muna yung nasa isip nila.

Yung may hawak ng latigo, si Jaden.

Yung lalaking isa, si Larry.

Yung isang babae naman si Macy.

Yung isang babae rin ay si Bea.

“Anong dreamteam kayo diyan!? Wala kaming ginagawa sainyo ah” maangas na sabi ni Matteo.

“Pre, walang personalan, laro laro lang” sabi naman ni Jaden.,

“Di ba kayo natatakot? Mas marami kami kesa sainyo”sabi ni Kennard.

Sabagay, ako, si Sarah, si Kennard, si Matteo at si JayR yung nandito.

“Edi kapag natalo namen kayo mas malaking puntos yung makukuha namen!” Sigaw naman ni Larry.

Nagreready na si Sarah at Kennard sa mangyayari. Si Matteo naman, mukhang naghahanda din.

Nakita ko naman yung Bea na may dinukot sa bulsa niya.

Libro at panulat din.

Sht. Hindi kaya…..

Tinignan ko si Sarah at kinausap ko siya sa isip niya.

“Nakilala mo na ba copycat mo?” Sabi ko sa isip niya.

“Hindi pa” sabi niya.

Bigla siyang nagdrawing.

Level 2 gift: pinasok ko isip ni Bea para makita yung nakikita niya.

At nagddrawing siya, limang tao, isang babae at apat na lalaki.

KAMI YUN!!

“Kennard! Parehas ng gift ni Bea yung gift ni Sarah!!!” Sigaw ko kaagad.

Nagulat si Bea sa sinabi ko at maya maya bigla na lang inatake ni Kennard si Bea!

Nabitawan niya yung pang drawing niya.

At nagsimula na yung panibagong laban!

Si Jaden, yung may hawak ng latigo, biglang sumugod papunta samen. Kasabay naman niya si Larry.

Nagulat ako ng biglang umilaw yung latigo ni Jaden at parang naging kidlat na latigo.

Si Larry naman lumalaki, literal na lumalaki! Habang humahakbang siya, lumalaki yung paa niya at katawan. Anong klaseng gift to.

“Wag kang aalis sa tabi ko Ju!!” Mahigpit na bilin ni Matteo.

Bigla na lang nag liyab si Kennard at napalibutan ng apoy! Grabe, nakakatakot si Kennard ngayon. Parang kaya niyang talunin lahat!

Sumugod si Kennard sa pasugod na sila Larry at Jaden.

Hinampas lang ni Jaden si Kennard pero nahawakan kaagad ni Kennard.

Akala ko okay na, pero hindi!! Nagbago yung kidlat na latigo ni Jaden at naging apoy ng latigo na! Inabsorb ng weapon niya yung power ni Kennard!

Ngumiti si Jaden at hinila niya uli yung latigo niya at nag iba na naman yung latigo niya!! Naging tubig naman!!

Si Larry naman biglang lumaki yung kamay! Sobrang laki na kaya ng matalo si Kennard!,

Pero bago madaganan ng malaking kamay si Kennard, bigla namang nagkaroon ng shield si Kennard! Drawing ni Sarah yun na isang shield na gawa sa cactus!

Umaray sa sakit si Larry.

Inatake naman ni Kennard sunod si Jaden! Kahit gawa sa tubig yung latigo niya, walang nagawa si Jaden sa malaking apoy na binato ni Kennard! Tumalsik siya ng napakalakas.

Kahit balot na balot ng apoy si Kennard, nakita kong hinihingal siya.

Napatingin siya sa dalawang babae, sumugod uli si Kennard sa dalawang babae. Grabe! Beastmode si Kennard.

“Kailangan natin siyang tulungan!!” Sabi ko.

“Kapag lumapit ako sakanya, di na siya mababalot ng apoy. Walang epekto, kailangan may distance kaming dalawa, wala akong magagawa” sagot ni Matteo.

“Wala akong magagawa Julian, support lang ako.“sagot naman ni JayR.

“Akong bahala sa baby ko Julian, di ko hahayaang may mangyari sakanya” sabi naman ni Sarah.

Wala talaga silang magagawa dito, pero ako, meron! Ako lang pwedeng umatake.

“Matty, di kaya mag isa ni Kennard yun, kailangan ko siyang tulungan!”

“Hindi! Paano kapag natalo ka dun?!”

“Edi back up-an mo ko! Maximum level ka na diba?! Ano pang kaya mong gawin?!” Tanong ko.

Di naman siya sumagot.

“Alam kong may kaya kang gawin! Gawin mo na ngayon! Kailangan ako ni Kennard dun!”

Napatingin lang siya sa paligid, ganun din ako. Mukhang makakalaban na sila Larry at Jaden.

“Sarah! Jaden pangalan nung may latigo, tapos Larry naman yung sa lumalaking lalaki! Ikaw na bahala!” Sabi ko.

Di ko na hinintay sasabihin ni Matteo kaya tumakbo na ako palapit kay Kennard.

Pasugod na rin uli si Larry at Jaden kaya naman habang tumatakbo ako, binabato ko lahat ng pwedeng mabato sakanila!

Sumugod ako kay Larry at siya una kong nilabanan.

Lahat ng maliliit na bato sa paligid pinalutang ko at pinaikot ikot sa paligid ko at saka ko inatake lahat kay Larry!

Mukhang walang epekto sa kanya yung ginawa ko kaya sinugod niya ako!

Akala ko lalaki na yung mga kamay at paa niya para tapakan ako pero mukhang di niya ginagamit yung gift niya saken!

“Anong nangyayari?!” Sabi niya.

Mukhang nagtataka siya kung bakit hindi gumagana yung gift niya.

Tinignan ko sarili ko at napansin kong parang meron akong puting aura na nakapalupot sa katawan ko.

Nilingon ko kung saan nanggagaling yung puting aura na yun at nakita ko si Matteo!!! Sakanya nanggagaling yun!

Ngumiti siya saken sabay kindat!

Kahit nasa gitna ng laban, bigla na lang siyang nagpapakilig!

Napatingin uli ako kay Larry at ngayon, may confidence na ako dahil pinoprotektahan ako ni Matteo!

Sinugod ko siya at sinapak.

Sinira ko yung pader ng maze gamit isip ko at siya ko namang dinagan kay Larry!

Natalo ko ba si Larry?! Oo siguro!

Di muna ako nagsaya kasi may Jaden pa!

Nakatingin si Jaden sa mga special na gamit sa gitna.

Fvck!!! Oo nga!! Ang bobo ko, may mga gamit dun katulad nung ginamit nung ka team ni Sarah nung stage 2.

Nagmadali akong tumakbo dun at ganun din yung ginawa ni Jaden pero pinatalsik ko siya gamit isip ko.

Wow!!! Kaya po palang gawin yun! Isang kamay lang ginamit ko at tumalsik siya ng napakalayo!

Di na ako lumingon at kumuha ng mga bato dun!

Kumuha ako ng dalawang bato, kulay yellow at kulay dilaw.

Binalikan ko si Jaden, tapos nagulat na lang ako ng bigla siyang nagkaroon ng pakpak!!!

Saan nanggaling yang pakpak na yan?!

“Salamat Bea!!” Sigaw ni Jaden.

Bea?! So si Bea may kagagawan nun?!

Napatingin ako kay Sarah.

“Sarah! Penge rin akong pakpak!!” Sigaw ko sakanya.

“Pakpak?!”

“Oo, drawingan mo rin ako!” Sabi ko sakanya.

Lumipad na ng mataas si Jaden at mukhang hinahamon niya ako.

“Sarah ano ba?!” Sigaw ko.

“Teka lang Julian!!”

Bigla na lang may dumikit sa likuran ko at naramdaman ko ngang nagkaroon ako ng pakpak!

Putek, ang cool!!

“Sarah gusto ko kulay Blue!!” Sigaw ko.

“Leche ka, labanan mo na yun! Ang arte mo!!” Sigaw niya.

Natawa rin ako sa sinabi ko pero ang cool ng itsura ko.

May pakpak ako tapos may puting aura na nanggagaling sa shield ni Matteo!

Lumipad ako hanggang sa magkasing taas na kami ni Jaden.

“Hindi ko alam kung anong gift mo pero sigurado akong di ka mananalo saken”sabi ni Jaden saken.

“Talaga? Tignan natin!”

Lumipad kaming pareho palapit sa isat isa, pero di ko pa makontrol yung pakpak. Medyo mahirap pa, pero si Jaden, malakas na at mukhang gamay na gamay na yung pakpak na yun.

Nakita ko na naman yung latigo niya at naging kuryenteng latigo uli. Hinampas niya ako ng malakas at sa gulat ko, mukhang tinamaan ako!!

Nawala na yung puting aura saken! Hindi pala abot ni Matteo yung ganitong kataas.

“So…. siya pala ang ultimate shield na tinatawag nila” sabi ni Jaden.

Tinutukoy niya si Matteo nung nakita niyang nawala yung puting aura ko.

“Matagal na namen siyang hinahanap. Kaso di namen malaman kung sino. Napansin ko na kanina na siya nung di nagamit ni Larry yung gift niya!”

“Tsk, atleast natalo ko si Larry!” Sabi ko.

Tumawa lang siya.

“Natalo? Hahahaha, nagpapatawa ka ba? Hindi mo ganung matatalo si Larry!” Sabi ni Jaden.

At sa pagsabi niyang yun, nagulat ako na may naririnig akong paglindol sa ilalim.

Tinignan ko at nakita ko ngang lumalaki si Larry!! Palaki ng palaki hanggang sa makaabot siya sa taas namen ni Jaden!

“Nagipon lang siya ng lakas para magawa niya yan haha!” Sigaw ni Jaden.

Ngumiti naman si Larry, sht! Nakakatakot siya!

Dahil napakalaki ni Larry, parang slowmo sakanya lahat ng atake saken kaya naiiwasan ko naman.

“Nakakalimutan mo atang dalawa kaming kalaban mo!” Sigaw ni Jaden at sabay hampas saken ng latigo niya.

Wala akong nararamdamang sakit pero parang yung virtual self ko, meron, kasi naaapektuhan yung paglipad ko. Inaatake niya kasi yung pakpak ko.

“Julian!!!!!” Sigaw ni Matteo sa ibaba.

“Uuuuyyyy…. pagbaba mo, talo ka na!” Sigaw ni Jaden at hampas uli saken ng latigo.

Kapag nag stay pa ako dito sa taas siguradong matatalo na ako! Kaya nagmadali akong bumaba!

Sinalubong naman ako ni Matteo pagbaba ko at bumalik na uli kami sa pwesto namen.

“Julian! Nabawasan na lifeball mo! Halika!” Sabi ni JayR.

Pinapagaling niya ako, at ramdam kong lumalakas na naman ako.

“Di sila makakalapit dito hanggat nandito si Matteo” sabi ni Sarah.

Pansin ko nga… pero di pa rin nagbabago yung anyo ni Larry, malaki pa rin siya at nasa taas pa rin si Jaden!

“Ju, wag ka ng lumayo saken please!” Sabi ni Matteo.

“Ano ba! Kailangan kong tumulong!”

“Kaya kitang protektahan Ju! Kahit matalo ako okay lang!! Pero kapag ginagawa ko yung ginawa ko sa’yo kanina? Yung pinapasa ko sa’yo panandali yung kapangyarihan ko? Nawawala saken yung gift ko, at nawawalan din ng depensa sila Sarah at JayR. Mahalaga ngayon na magsama sama muna tayo!”

Habang natatanggap ko yung puting aura na nanggagaling kay Matteo, nawawala yung gift niya?

“Kailangan din ako nila Sarah at JayR dito” sabi niya pa.

So kanina pala, hindi sila safe habang pinoprotektahan ako ni Matteo.

Kung nandito lang sana si Blue, alam niya yung gagawin niya

Di ko naman basta magamit tong mga bato sa kamay ko, kapag binato ko kasi sa taas to, baka maapektuhan naman sila dito sa baba.

Napansin ko naman na lumiit na si Larry at kasama niya si Jaden.

“Oh? Suko na ba kayo?” Sabi ni Jaden.

Lumapit ako ng bahagya sakanila, di ko na alam kung tama pa gagawin ko pero kailangan ko lang umatake.

Kinuha ko yung batong blue at di na ako nag dalawang isip na ibato sakanila!

Tubig! Puro tubig! Pinapaikutan sila ng tubig na dalawa!!

Binato ko pa yung isang bato na dilaw! At kuryente pala yun!!

Nice nice!!! Mukhang matatalo na sila rito!

Kaso….

Nawawala yung tubig at kidlat at mukhang iniipon ni Jaden sa kamay niya!!!

Biglang nagbago yung latigo ni Jaden at naging pana!

Kulay blue yung bow at kulay yellow yung arrow!

Inabsorb lang ng weapon niya yung inatake ko at mukhang ipang aatake niya samen ngayon!

“Kanina ko pa hinihintay na gawin mo yan!!“sabi ni Jaden.

Bigla niyang pinakawalan yung pana niya at direktang tatama samen yung arrow na tubig na kumikidlat kidlat pa.

Natatakot na ako pero nakapa ko sa bulsa ko yung pearl! Yung pearl na ginamit ni Blue noon!!

tama!!

Hihigupin lang din neto yun!

“Julian!!!” Sigaw ni Matteo.

“Wag kang lumapit, may plano ako!!” Sigaw ko.

Sinira ko yung pearl sa kamay ko at nung palapit na yung arrow, naramdaman kong hinigop ng kamay ko yung lakas!

Nagulat si Jaden at akala niya di ko kayang gawin yun!

Tinignan ko si Larry at sakanya ko binato yung naabsorb kong lakas!

Di siya nakaiwas sa atake ko! At bigla na lang siyang tumilapon ng malayo!

Alam kong talo na siya ngayon kaya nagfocus na ako kay Jaden.

“Putulin mo na yung pakpak niya Sarah!” Sabi ko pa.

Di ko alam nangyayari kay Kennard pero mukhang okay naman siya ngayon.

Takot na takot na si Larry ngayon, pero bigla na lang siyang lumipad ng pagkataas taas at mukhang nagtago na!

“Ju!!! Halika na rito!!” Sigaw ni matteo.

Tinignan ko muna si Kennard, pero mukhang nakikipag laban pa rin siya.

Lumapit na ako uli kina Matteo.

“Ju, alam mo bang sobrang nakakainlove ka habang nakikipaglaban?! Galit na galit ka eh haha” sabi ni Matteo.

“Tigilan mo ko, kamusta na si Kennard?”

“Taray mo naman. Ayan, nakikipaglaban pa!”

Pagkatingin ko, mukhang battle between original Sarah at copycat to, nakafocus kasi si Kennard dun sa isang babae na si Macy.

“Anong gift ni Macy?” Tanong ko.

“Tignan mo” sabi ni JayR.

Dumudura si Macy pero sumasabo yung dura niya!

Nakakadiri pero ang cool.

“Wag ka ngang mamangha diyan! Tulungan mo!” Sabi ni JayR.

“Hindi, dito lang si Julian!” Sabi ni Matteo.

“Nako, tutulungan ko siya!” Sabi ko at tumakbo na ako palapit kay Kennard.

Binuka ko mga kamay ko para makontrol lahat ng kalat sa paligid at mabato kay Macy!

Napailag siya at medyo napaurong.

“Julian!” Sabi ni Kennard habang puro apoy pa rin katawan niya.

“Sorry late ako” sabi ko.

“Hehe, okay lang. Kanina pa to eh, di ko matapos tapos!” Sabi niya pa.

“Teka boys, parang outnumbered naman ako!” Sabi ni Macy.

“Haha, walang personalan diba? Laro lang” sagot ni Kennard.

Mukhang nagiisip ng tumakbo ni Macy.

Tinignan ko rin si Bea at mukhang gusto ng umalis.

Pero balak ng tapusin ni Kennard.

Sumigaw siya ng malakas at tinaas kamay niya.

Lumalaki yung apoy niya sa kamay niya. Palaking bilog. Halos 10x na laki ng katawan niya.

Takot na talaga si Macy!

At binato niya direkta kay Macy! Tumakbo ako palayo baka kasi matamaan din ako!

Nagkaroon ng malaking pagsabog dahil sa nangyari.

Natahimik bigla, makapal yung usok at mukhang natalo na nga ni Kennard si Macy.

Isa na lang, si Bea na lang yung nandun at nasa loob siya ng isang shield.

“Teka!!! Lugi na ako!” Sigaw ni Bea!

“Baby akin yan!” Sabi ni Sarah kay Kennard.

Natawa si Kennard at umurong ng kaunti.

Lumapit si Sarah kay Bea at mukhang beastmode din siya.

Pero….

Pero….

Biglang lumindol ng malakas.

Medyo malayo ako sa pwesto nila Matteo.

Parang nawawala yung setting ng maze! Nawawala yung lugar!

“Juliaaaaaan!!!!” Sigaw ni Matteo.

Pagkatingin ko… wala na sila.

Wala na rin yung lugar.

Nagbago na uli yung setting.

Ang sabi ni Jai, kapag may sampung natalo sa event, magbabago na yung setting!

At ganun nga nangyari, wala na kami sa loob ng maze.

Gabi pa rin yung setting ng lugar, sa sobrang dilim, wala akong makita.

Hindi ko pa sure kung nasaan ako.

Hindi ko rin alam kung nasaan na sila Matteo.

Mag isa na naman ako.

+++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

LAKAS KO TALAGA MAMBITIN NO? HAHA

LAST 5 CHAPTERS? HAHA SIGURO MGA LAST 7 o 8 CHAPTERS PA. HAHAHA ANG DAMI KO PANG GUSTONG GAWIN KAYA EXTEND KO NG KONTI HA?

Part 56

#6 na yung Julian’s Gift sa FANTASY THEMED STORY!!! HEHE, SALAMAT! Alam ko bukas magbabago na uli pero naka reach na tayo ng 6 hihi.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

++++

Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako dahil sa liwanag na nakikita ko.

Umaga na pero mag isa pa rin ako.

Ngayon ko mas napansin kung nasaan ako ngayon!

Sobrang lakas ng hangin, at hindi pantay yung lupa, mukhang pababa. Makapal din yung mga puno.

Akala ko nung una parehas lang nung stage 1, na nasa forest kami pero hindi eh, pababa yung lupa.

Nasa bundok ako,

Nasa gitnang part ng bundok.

Since maliwanag naman at nakikita ko dinadaanan ko, nagpasya akong bumaba ng bundok.

Hindi ko lang pala nararamdaman yung atake saken pero yung nature eh ramdam na ramdam ko, medyo mainit na at nakakairita na sa feeling.

Pero pinagpatuloy ko yung paglakad ko pababa, kahit mahirap, naglakad lang ako ng naglakad.

Halos isang oras na akong naglalakad pero di ko pa rin nararating yung ibaba, grabe! Nasaang bundok ba ako at ang taas taas na ng pwesto ko!

Pinagpatuloy ko lang yung pagbaba ko hanggang sa makarinig ako ng pagsigaw.

Boses ng babae yun at hinahanap ko kung saan nanggagaling.

Dahan dahan akong naglakad at pinuntahan ko yun, saka ko nakita ang isang falls! Napakagandang falls tapos yung binabagsakan ng tubig ay naiipon lang sa isang malaking sapa.

Ang ganda ganda ng lugar na’to.

Gusto ko sana maligo kaso narinig ko na naman yung sigaw!

“Tama na!!!” Sigaw ng babae.

“Sorry, para na rin matapos na tong event!” Sabi rin ng isang babae.

Hinanap ko kung nasaan sila, at napansin ko sila sa gilid ng tubig, nakaahon at mukhang naglalaban.

Yung isang babae, may hawak na kahoy.

At yung isang babae naman, nakatalikod saken.

Binasa ko yung nasa isip nila para naman makilala ko sila.

Yung babaeng may hawak ng kahoy ay si Majoy, at yung nakatalikod naman ay si Pauline.

Teka…. Pauline?

“Ate, patakasin mo na lang ako!” Sigaw pa ni Majoy.

Pero tinaas ni Pauline yung kamay niya at parang sumunod naman yung tubig sakanya. Pinaikot ikot niya yung kamay niya at nagpaikot ikot din yung tubig sa paligid niya.

Tatakbo sana si Majoy kaso pinigilan siya at na stuck sa tubig ni Pauline.

“Sorry!” Sabi ni Pauline at bigla na lang niyang pinasok sa loob ng malaking tubig si Majoy hanggang sa matalo na niya to.

Sa totoo lang, di pa ako sanay sa nakikita kong magic magic sa event na to, parang naninibago pa rin ako at namamangha.

Huminga ng malalim si Pauline at nung humarap na siya saken, nakilala ko na siya.

Siya nga yung pinsan ni Matteo!

Gusto ko sana siyang lapitan kaso baka atakihin niya rin ako, kaya dahan dahan akong tumayo at umalis pero napasigaw ako ng malakas ng makakita ako ng ahas!!!

“Sheeeeeeeet!!!!”

Nakatingin lang saken yung ahas na parang kinakausap niya ako.

Teka, bakit ba ako natatakot? Kaya ko naman siyang kontrolin.

Kaya ganun yung ginawa ko at pinaalis ko siya sa harapan ko.

“Hi!” Tawag naman saken ng babae sa likod.

Dun din ako nagulat!

Si Pauline lang pala.

“Hello”

Ngumiti lang siya saken na parang bata. Since pinsan siya ni Matteo, malalaman mo talaga na maganda lahi nila, kasi magandang bata talaga tong si Pauline.

Di siya nagsalita.

“Uhm.. tatalunin mo ba ako?” Sabi ko.

“Ano ka ba, hindi po. Alam ko naman na jowa jowa mo si Kuya Matteo ko eh”

Okay. Medyo awkward.

“Nako Kuya wag ka mag alala. Boto ko sa’yo. Ayoko kasi sa malanding Maddie na yun. Alam mo naman na sex lang habol nun kay Kuya!”

“Ahh ehhhh… hehe”

“Nakita mo ba yung ginawa ko dun sa babae kanina? Grabe, feeling ko mamamatay tao ako eh”

“Wala namang namamatay sa event na ’to diba?”

“I know, sayang nga eh. Sarap ngang ipasok ng malalandi dito tapos papatayin mo eh”

“Ayy. May hugot ka diyan ah?”

“Hehe, biro lang po. Bakit di mo kasama si Kuya? Ang sabi niya saken protektahan kita kapag nakita kita rito sa event eh”

“Eh kasi biglang nagbago yung lugar. Siguro may nawala ng sampu” sabi ko.

Katulad ng sabi ni Jai, magbabago yung arena kapag may natalo ng sampung users.

“Oo, pang sampu ata yung natalo ko sa maze. Pagkawala niya kasi, biglang nagbago na yung setting”

Bumaba kami sa may tubig at saka kami naligong dalawa.

“Grabe!! Ang sarap sa pakiramdam!” Sabi ko sakanya.

“Haha enjoyin mo yan Kuya. Wag kang mag alala, hangga’t nasa tubig tayo, wala silang laban saten”

Binasa ko isip niya at kinausap nga siya ni Matteo na wag akong atakihin, hayaan na lang daw sa final stage yung mga mangyayari.

“So, ikaw pala yung successor dun sa taong mahal na mahal ni Kuya Lenard ko?”

Kuya Lenard, yung kuya ni Matteo.

“Ahhh….”

“Nako, mahal na mahal ng Kuya ko yun. Ano nga pala yung name? Timothy???”

“Oo.”

“Nako, alam mo ba may istorya yan. Kinwento saken ni Cray… yung nagbigay ng gift ko, Cray pangalan”

Wow, sakanya pa ata ako makakakuha ng info about kina TB.

“Chismis dati na naging si Timothy at si Kuya Lenard, alam mo ba yun?!”

Yung itsura ni Pauline, yung parang chismosang excited mang chismis, pero interesado talaga ako sa kwentong to at nagulat ako sa sinabi niya.

“Talaga?!”

“Oo! Pero ang alam ko kasi nainlove si Timothy kay Kuya dahil sa gift niya. Baka ginamit niya lang si Kuya non”

“Parang di naman ganun si TB”

“Siguro nga pero syempre mas paniniwalaan ko yung Kuya ko diba?”

“Sabagay” sabi ko pa.

“Ayun na nga, sobrang close at nagkainlove-an kaso hiniwalayan dahil sa isang babae. Hmm…. Jaiho yung pangalan…”

“Jai?” Sabi ko.

“Ayy oo Jai!! Tama tama! Ayun. Syempre. Kailangan nila ng shield, effective kaya si Kuya Lenard, tignan mo si Kuya Matteo, ang lakas diba???”

“Oo, pero di pa rin ako makapaniwala na ginamit lang ni TB si Kuya mo”

“Well, ganun ang kwento saken ni Cray. Kasi magkaka alyansa daw sila nun, palagi daw silang nagtutulungan…”

“Kailan sila nagbreak?”

“Nung nasa kalagitnaan ng event, nalaman na kasi ni Kuya Lenard eh”

Kaya pala galit na galit si Kuya Lenard sa relasyon namen ni Matteo, aside sa ginawa sakanya ni TB, ako pa yung binigyan niya ng gift kaya mas lalo niya akong di nagustuhan.

“Alam mo ba, nagtataka ako kung paano natatalo yung katulad ni Kuya Lenard, eh pwede siyang tumayo sa gitna kasama lahat ng may gift at kahit atakihin siya di siya matatalo eh, pero pwede pala….”

“Paano naman?” Tanong ko.

“Natalo siya habang pinorotektahan niya si Timothy. Nung pinapasa niya kasi yung shield kay Timothy, inatake siya at wala na siyang nagawa. Natalo siya ng ganun ganun lang”

So ayun yung sakripisyo na sinasabi ni Matteo saken nun. Ganun pala yung nangyari.

“After nun, umalis na si Kuya at nag ibang bansa. Magulo din kasi pamilya ng mga yan eh. Kaya di ko rin masisi”

Nakakatuwa rin tong si Pauline, atleast kahit papano may nalaman ako uli about kay TB na ayaw mismo ikwento saken ni TB.

“Nako Kuya, sana ikaw, wag kang sumuko kay Kuya Matteo, kasi alam ko mahal na mahal ka nun” sabi pa ni Pauline.

Ngumiti naman ako kaagad sa sinabi niya, ganun talaga ako kapag si Matteo na pinag uusapan.

“Oo naman.” Sagot ko na lang.

“Good. Tara na Kuya, siguro may nagmamasid saten ngayon, mahirap na ma ambush pa tayo haha” sabi niya pa.

“Teka, tignan ko” sabi ko pa.

Tinignan ko yung paligid kung may tao at parang may isa kong napansin na nakatingin samen, sa di kalayuan.

“Teka, may tao dun” sabi ko.

“Woah? Kaya mong mag scan?! Wow! Nasaan po?!” Sabi niya.

Napansin ko naman na nagtago siya at tumakbo ng mabilis.

“Wala na, nakatakbo na” sabi ko.

“Ay sayang, gusto ko pa naman umatake”

“Hehe, palaban ah? Tara na” sabi ko.

Umahon na kaming dalawa at naglakad.

“Ayun sila!!!” Sigaw ng lalaki.

Siya yung kaninang nakatingin samen ni Pauline.

Pero may kasama siyang dalawang babae!

Tsk, mukhang mapapalaban na naman kami ahh.

“Sila ba yung tumalo kay Larry?” Tanong nung babaeng isa.

“Opo, yung lalaki daw po sabi ni Jaden”

“Hmmm…. sige, umalis ka na” sabi nung babae sa nagsumbong na lalaki.

“Anong kailangan niyo?” Si Pauline ang sumagot.

“Gusto lang namen yung lalaki” sabi nung isang babae.

Katrina at Steph ang pangalan nilang dalawa, pero di ko pa sure kung ano yung gift nila.

“Hindi pwede yun, kasama ko rin to!” Sagot ni Pauline.

“Well, okay sige” sabi ni Katrina.

Si Katrina yung mukhang mas malakas saknila tapos si Steph yung sunud sunuran.

May dinukot nga si Steph sa bulsa niya at parang casual lang na binato samen ng malakas ni Steph.

Since nasa kabilang side sila ng tubig, malakas talaga yung pagkabato ni Steph.

Pero inangat ni Pauline yung tubig para maging shield nameng dalawa.

Yung binato pala ni Steph eh pampasabog!!! Katulad ng nakuha ko kahapon.

Para tuloy umulan nung nagsama yung tubig at yung pagsabog.

“Wow! Water Element” sabi ni Katrina.

Pero no chill si Pauline at parang may ginagawang ritwal.

Nakapikit siya at nakataas yung kamay. Napapansin ko naman na gumagalaw yung tubig, parang may balak siyang gawin.

Pinaikot ikot niya yung kamay niya at biglang umangat yung tubig!!

Katulad ng ginawa ni Pauline kay Majoy kanina, pinaikutan niya ng napakalakas na tubig yung dalawa.

Sobrang nakakamangha tong si Pauline.

Alam kong talo na yung dalawa pero nagkamali ako.

Nung nawala yung tubig, napansin kong parang may shield silang dalawa

Shield na….

Shield na gawa sa buhok!!!

Oo! Sa buhok mismo ni Katrina!!!

“Anak ng!!!!” Sigaw ni Pauline.

Nung bumalik sa normal yung buhok niya, nalaman kong ayun pala gift niya! Kaya niyang gawing shield yung buhok niya!!

“Not bad!” Sabi ni Katrina.

Pero si Steph, may ginagawa.

Kumuha siya ng lupa at ginawa niyang bola sa kamay niya.

“Ano namang ginagawa nung isa?“bulong ni Pauline.

“Hindi ko rin alam” sagot ko.

Hinipan niya lang yung ginawa niyang bolang lupa at saka binato uli samen.

This time, mabils yung reaksyon ni Pauline at ginawa nya ulit shield yung tubig!!

Pero nagbago yung kulay ng tubig!! Nahaluan ng kulay ng lupa!!

Wow!!! So ganun gift niya? Kaya niyang gumawa ng bomba na naaayon sa finorm niya sa kamay niya.

“Nagpakitaan lang naman tayo ng gift diba? So alam niyo na yung level 1 ng gift namen?” Sabi ni Katrina.

Level 1?! Level 1 lang yun?!

Samantalang ako, ang level 1 ko, makabasa ng isip!!

“Okay, well tignan natin yung lakas niyo!” Sagot naman ni Pauline.

Parang ang hina hina ko! Wala akong laban!

Dahon naman ngayon yung pinaikot ikot ni Steph sa kamay niya.

Hinipan niya uli at ayun yung tinapon niya samen.

This time, sumabog naman siya ng libo lbong dahon!!

Madumi na yung tubig at puro dahon pa.

Pero kinontrol pa rin ni Pauline yung tubig at binato uli niya sa kanilang dalawa, gumawa lang uli si Katrina na shield gamit buhok niya.

Mukhang namomroblema na si Pauline sa pwedeng mangyari kaya nag isip ako ng pwedeng gawin.

Pero ano?!! Ano pa ba kaya kong gawin?! Pwede naman akong pumasok sa katawan ni Steph kaso maiiwan lang yung totoo kong katawan na walang malay at walang kalaban laban.

Kumuha naman si Steph ng tubig sa kamay niya at hinipan niya yun at binato samen! Nagpasabog siya ng isang napakalakas na tubig sameng dalawa.

Di pa rin sumuko si Pauline at this time, mas malaki na yung ginawa niyang tubig.

Pero wala pa rin, ganun lang yung nangyari.

Si Steph uli nagpasabog samen ng malakas na tubig!!! Napapikit ako!

Akala ko tatamaan na kami…

Pero biglang lumamig at di man lang kami natalsikan ng kahit isang tubig.

Pagmulat ng mata ko, UMUULAN NG SNOW!!

Alam ko kung sinong may gawa neto.

“Julian! Sirain mo yang puno gamit isip mo! Wag kang tumayo lang diyan!”

Si Lucas yun!

“Water element ka?” Tanong ni Lucas kay Pauline.

“Ahhh… opo Kuya” sagot ko.

“Good, gawin mo lang yung ginagawa mo kanina!” Sabi ni Lucas.

Inulit ni Pauline yung pag atake sakanilang dalawa at nung palapit na yung tubig sakanila, ginawang yelo yun ni Lucas!!!

Nasa loob sila ngayon ng isang yelo!

“Wow Kuya!” Sabi ni Pauline.

Pero seryoso si Lucas, may hinihintay siyang gawin nung dalawang babae.

At ganun nga, bigla na lang nasira yung yelo ni Lucas at nagulat ko na naging patusok tusok na yung buhok ni Katrina.

“Di ko ineexpect na gagamitin ko sainyo yung ulimate shield ko” sabi ni Katrina.

Sobrang nakakatakot si Katrina ngayon.

At di lang yun, naconvert yung kada hibla ng buhok niya into maliliit na matutulis na bagay!

Ginawa ulit ni Pauline na shield yung tubig at pinatigas ni Lucas.

May muntik ng makalusot na atake samen! Buti na lang nndito si Lucas.

“Julian! Ano ba? Kaya mo yan!! Mag focus ka lang!” Sigaw ni Lucas saken.

Sinusubukan kong pagalawin yung puno pero wala… di ko talaga kaya.

Nung nalusaw na yung shield namen na gawa sa yelo, nagulat ako ng may isa na silang kasama dun!

Si Jaden.

Yung nakalaban ko sa maze!

“Aha!!! Nandito ka nga Julian waah. Meron pa tayong unfinished business!” Sabi ni Jaden, halatang galit siya saken dahil sa labanan namen kagabi.

“Julian, maniwala ka. Kaya mo yan!” Sabi ni Lucas, sinubukan ko ulit yung sinasbi niya.

Pero wala talaga.

Napansin ko naman na naging bow and arrow yung gamit ni Jaden.

Pwede niyang iconvert sa kahit anong weapon yung hawak niya kaya talagang malakas siya.

Si Steph naman nagpabilog uli ng lupa sakamay niya pero this time, may nilagay siya sa binibilog niya tapos sinindihan niya yun.

Nagaapoy na bolang lupa hawak niya.

“Delikado to!” Sabi ni Lucas.

Napepressure na ako sa mangyayari kaya nagfocus na ako sa puno. Kailangan ko lang kahit mapagalaw to ng konti!!

Hinawakan ko na rin yung puno pero wala talaga.

“Wala kang support kaya wala kang lakas? Ganun ba yun? Haha” sigaw saken ni Jaden.

Nung pag tingin ko, ibabato na samen ni Steph yung hawak hawak niya at sigurado akong sasabog to

Kinontrol ni Pauline yung tubig at pinasok sa loob ng isang napakalaking bolang tubig yung binato niya.

Sumabog ng malakas yung binato ni Steph at nabasa kaming lahat!

Kayang gumawa ng bomba ni Steph ayon sa kanyang hinuhulma sa kamaya.

Si Jaden naman yung umaatake.

Nagpalipad siya ng arrow… isa.. dalawa…. hanggang sa sampu!

Pero inilagan lang lahat namen yun at ginawan lang ng shield ni Lucas at Pauline.

Mukhang pagod na silang dalawa. Wala kasi akong ginagawang matino.

At si Katrina naman yung aatake.

Di ko alam kung mapoprotektahan pa ako nila Lucas at Pauline kaya ako na yung kumilos.

Sa pag atake ni Katrina, sinubukan kong patigilin yung mga matutulis niyang buhok sa paglapit samen!

Buti na lang at nagawa ko!

Bumulong naman si Jaden kay Katrina.

“So ikaw pala yung mind reader? Bakit parang wala kang silbi diyan sa grupo niyo?!” Sigaw ni Katrina.

Totoo. Wala akong silbi at naiinis ako! Parang di ko kaya kapag wala sila Sarah o Matteo o Kennard.

Umatake na naman silang tatlo!! Sabay na umatake si Jaden at Steph samen.

Ginawan ng shield ni pauline at Lucas.

Pero mabilis nawala yung epekto ng yelo ni Lucas, siguro dahil sa pagod. At bigla namang umatake si Katrina!!

Alam kong wala ng magagawa yung dalawa, pati ako, masyado ng malapit.

Pero….

Biglang may sumulpot na tao sa harapan namen at nagsilbing shield namen.

Si Blue!!

Di ako pwedeng magkamali! Si Blue yun

At hindi lang yun, limang Blue yung nkashield samen.

“Julian!! Pagalawin mo yung mga puno mula sa itaas para masira mo!! “

Tama! Kapag nagsimula ako sa itaas, kaya kong pagewang gewangin yun hanggang sa maputol ko ng tuluyan!!

Nagfocus na talaga akong mabuti.

At pinagewang ko yung malaking puno!! Nagagawa ko naman.

Sumasayaw siya ayon sa galaw ko.

Kaya ko pala talaga!

Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko at pinapanuod si Blue.

Ang dami ni Blue sa paligid!!! Sobra!

Medyo kinabahan na tuloy yung tatlo.

Ginanahan pa si Lucas at Pauline nung makita nila si Blue.

Lahat ng tubig pati yung sa falls, kinontrol na mabuti ni Pauline. Sobrang focus na makikita mong gumagalaw yung tubig.

Sumigaw ng malakas si Pauline kasama nun ang pag angat ng tubig pati na rin yung sa falls!!!

Sobrang lakas ni Pauline!

Sa galit niya, inatake niya lahat ng tubig sa tatlo, tapos ginawa pang yelo ni Lucas!!

Kahit siguro gaano kalakas shield ni Katrina, walang palag yun sa lakas ni Pauline.

Nawawala yung tubig na parang hinihigop nila!

Saka ko lang na realize, kaya palang higupin ng weapon ni Jaden yung inaatake sakanya.

“Tigilan niyo yan!!!!” Sigaw ko.

Pero huli na yung lahat!! Nahigop na lahat ni Jaden at nasa arrow niya na.

Ready na rin niyang ipana samen yung atake ni Pauline at Lucas.

Napressure ako lalo para sa ginagawa ko.

Kailangan ko na tong mapagalaw!!! Lahat ng puno dito!!,

“Bye, Julian!” Sigaw ni Jaden.

At nirelease na niya yung arrow papunta samen.

Please!!! Gumalaw ka na!

Gumalaw ka na!!

Wala ng tubig para gawing shield, wala ng tubig para gawing yelo.

Malapit na!!

Ayan na yung arrow.

Napasigaw na ako ng malakas!!!!

At nung nkalapit na yung arrow samen, sumabog yun na halos kasing rami dun sa inatake ni Pauline.

Napapikit na lang ako at walang nagawa. Ang hina ko, ang hina hina ko talaga.

Pero habang sumasabog yung arrow ni Jaden, napansin kong nasa loob kami ng isang shield na hindi tinatablan ng atake ni Jaden

“Sorry ngayon lang ako Ju,”

Oo.

Si Matteo yun!!

Nasa loob kami ng shield ni Matteo.

“Paano…..”

“Si Blue, tinawag ako at sinabing nanditok kayo” sabi niya pa.

Ang gwapo niya ngayon, dahil sa tubig sa paligid namen, tapos nakangiti pa siya.

“Siguro naman, pwede na tong ginawa ko para ikiss mo ko?” Sabi niya pa

Ngumiti lang ako hanggang sa natapos na yung atake ni Jaden!

Napuno na uli ng tubig at bumalik na yung falls.

Kaso nawala na si Blue! Hindi tatalab yung gift ni Blue dito kaya siya nawala.

“Matty si Blue..”

“Wag kang mag alala, siya na tatapos neto” sabi niya pa

“Anong ibig mong sabihin?”

Tinignan ko silang tatlo sa kabila at nagulat sa nangyari.

Natakot sila bigla kay Matteo.

Tatakas na sana sila kaso nakita ko si Blue sa likuran nila.

Tatlong Blue to be exact.

So ganito gift ni Blue? Magparami ng sarili.

“Hi!” Sabi ni Blue sakanila.

Nagulat yung tatlo at lalabanan sana nila kaso pinasabog ni Blue yung pwesto nila.

Nakatalon naman yung tatlo kaagad sa tubig pero si Pauline, mukhang beastmode na.

Kinontrol uli ni Pauline yung tubig at pinaikot ikot.

Parang ipo ipong tubig yun at wala ng kalaban laba yung tatlo hanggang sa lamunin na sila ng tubig.

+++

Nilapitan ako ni Blue na tuwang tuwa!

“Blue!! Akala ko natalo ka na”sabi ko.

“Disguise lang yung sa maze hehe, ako talaga original” sabi niya pa.

“Grabe ang lakas mo, kaya mong magparami!”

“Hehe, mas malakas ka pa rin”

Pero sumingit si Lucas.

“Ano bang ginagawa mo Julian?!! Bakit di mo man lang mapagalaw yang pesteng puno na yan?!” Sigaw ni Lucas saken pagkatapos mismo ng laban.

Sinugod niya ako hanggang sa mapasandal ako sa puno.

Pinigilan siya ni Matteo.

“Lumayo ka rito!!“sigaw ni Lucas at mukhang ginagamitan niya ng gift si Matteo.

“Hindi mo ko masasaktan!” Sabi ni Matteo.

Kaya dumiretso uli saken si Lucas.

“Magpagalaw lang ng puno hindi mo kaya!! Paano mo ngayon matatalo si Gab ha?!!”

Galit na galit talaga siya ngayon.

At feeling ko may hugot si Lucas ngayon dahil kay Gab.

“Sinira niya si Laurence. Sinira niya ako kay Laurence. Hindi ko siya mapapatawad. Personalan na to!!” Inis niyang sabi.

At ngayon, umiiyak na siya.

“Julian….. talunin natin si Gab…. nagmamakaawa ako… para kay Laurence. Please lang?” Pakiusap niya.

Iyak lang ng iyak si Lucas ngayon kaya dinamayan ko na lang muna siya.

++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

Part 57

Sisihin niyo si JULIAN. Huwag ako, mahina siya!! Inuna kasi Landi! Hahahajk.

HI SA MGA READERS KONG POGI AT MAGANDA! 😙

Since sobrang affected kayo at galit na galit, ibig sabihin effective writer ako and I’ll take that as a compliment. WAHAHAHA

VOTE AND COMMENTS!!!

++++++++

Habang naglalakad kaming lima, ako, si Blue, Matteo, Lucas at Pauline, di ko pa rin maiwasang maisip kung ano yung nangyari kanina.

Nag eecho pa rin sa isip ko yung sigaw ni Lucas na pagalawin ko yung puno pero di ko magawa.

Iniisip ko kung bakit nagawa ni TB noon na maging top sa batch nila kung parehas lang kami ng gift.

Bakit hindi niya kasi sinabi saken lahat ng sikreto about sa gift kong to?

Ang hina ko talaga. Ang hina hina ko.

“Uyyy….” biglang kausap saken ni Blue.

“Ay… oh?”

“Wala naman. Kanina ka pa kasi nakatulala diyan eh” sabi niya pa.

“Naisip ko lang kasi lahat ng nangyari kanina. Grabe ang lakas mo”

“Hehe, sorry pala kung di ko nasabi sa’yo na kaya kong gawin to ha?ang totoo kasi yung gift ko eh mag multiply ng sarili”

“Okay lang, ano ka ba. Wala naman akong magagawa, strategy mo yun eh” sagot ko.

“Don’t worry, kakampi mo talaga ako haha. Ang lakas mo kaya!”

Parang ang laki ng tiwala saken ni Blue, na palagi niyang sinasabi na malakas ako.

“Nakita mo ba kanina? Wala akong nagawa. Kung wala kayo dun siguradong kanina pa ako natalo, malakas sila, ako hindi….”

“Marami ka lang sigurong iniisip kaya di ka nakapag focus. Syempre ang gift mo, required yung matinding focus at kapag nagawa mo yun, maniwala ka, susuko na lahat para sa’yo!”

Yung mga salita ni Blue na ang lakas mag motivate. Nakakatuwa na kakampi ko siya.

“Opps opps opps, ano yan? Bakit kayo magkasamang dalawa imbis na kami??” Singit ni Matteo samen ni Blue.

“Ayy, sorry po boss” sagot ni Blue.

“Nagkekwentuhan pa kami!” Sabi ko.

“Nako, saken ka makipagkwentuhan dali, ano yung sasabihin mo sakanya?”

Natatawa lang si Blue samen.

Si Lucas naman nakayuko lang at mukhang malungkot talaga sa nangyayari.

“Naaawa ako kay Lucas.” Sabi ko kay Matteo.

“Kahit galit ako sakanya nung una Ju, naaawa rin ako sakanya.”

“Di ko pa rin kasi maintindihan kung ano yung ginawa ni Gab kay Laurence? At bakit konektado ako?” Tanong ko.

Mukhang narinig ni Lucas yung kwentuhan namen kaya sumingit siya.

“Kinontrol ni Gab si Laurence para mainlove sa’yo.”

Napahinto ako sa sinabi ni Lucas.

“Lahat ng pinakita sa’yo ni Laurence, hindi totoo. Simula pa lang, hindi ikaw yung nakikita niya sa paningin niya.”

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko.

Bakit ako? Bakit kailangan niyang gawin kay Laurence yun?

Ngayon, umiiyak na naman si Lucas.

Damang dama ko yung pag iyak niya, yung sakit na nararamdaman niya. Yung lungkot niya at yung pangungulila niya kay Laurence.

“Kung pwede ko lang siyang patayin sa event na ’to, gagawin ko!!” Inis na sabi ni Lucas. Gigil na gigil siya ngayon.

Pinakalma naman siya ni Pauline.

“Bakit kailangang gawin ni Gab yun? Masyadong personal naman ata?!” Sabi ko kay Matteo.

“Hindi ko alam, pero kung totoo yan, mas nanggigigil ako sa Gab na yan! Dahil sa ginawa niya, nawala ka saken!”

Hala, si Matteo, mukhang gigil na rin.

“Ju, mangako ka saken na tayo tayo maglalaban laban hanggang dulo. Kapag nakita natin yung Gab na yun! Wag na natin pakawalan, talunin na kaagad natin!!” Inis na sabi ni Matteo.

Parang gusto ko siyang yakapin, para naman mawala yung inis niya kaso di ko naman nararamdaman yung yakap niya.

“Pangako, lalaban tayo. Lalaban ako, gagalingan ko na sa susunod na may makakalaban tayo, para naman may silbi na ako!”

Napangiti naman si Matteo.

Tumingin ako kay Lucas.

“Pangako, lalabanan natin si Gab! Tatalunin natin siya!” Sabi ko sakanya.

Ngumiti lang ng konti si Lucas at naglakad na uli kaming lima.

++++

Di ko ineexpect na ganito pala kalaki tong venue na ’to. Walang katapusan sa paglalakad, ang hirap hanapin kung nasaan yung iba.

Inabot na kami ng gabi nun kaya napagpasyahan nameng magpahinga muna.

Kanya kanya kami ng punong masasandalan para matulugan, pero si Matteo, tumabi muna saken.

“Bakit parang kanina ka pa nag iisip ng malalim? May problema ka ba Ju?” Tanong ni Matteo saken. Nakasandal kami sa isang puno ngayon.

Kinwento ko sakanya yung nararamdaman ko kanina.

“Ano ba yan, parang ayun lang!” Bigla niyang sabi saken.

“Anong parang ayun lang? Nakakahiya kaya yung parang pabigat ako….”

“Hay nako! Event lang to, wala naman tayong binayaran. Wala naman mamamatay dito, laro laro lang to. Wag mo masyadong seryosohin to. Di naman dito nakadepende yung magiging buhay mo eh! Wag mo ng isipin masyado yan!”

Parang naiinis siya saken sa pagkwento niya.

“Nako, dito ka lang sa tabi ko, tignan mo di ka matatalo!” Sabi niya pa.

Natawa na lang ako at alam kong pinapagaan niya lang yung pakiramdam ko.

At nakatulog na ako sa tabi niya.

Naalimpungatan ako ng mapansin kong bumangon si Blue.

Tulog na tulog pa rin yung iba, at mukhang di pa sumisikat yung araw.

“Blue” tinawag ko siyang pabulong.

“Julian.”

“Saan ka pupunta?”

“Magpapractice ako. Gusto mo ba sumama?” Tanong niya.

Parang kailangan ko nga ata tong practice na ’to.

“Sige, teka lang…” bumangon na ako at nagpagpag saka sumama sakanya.

“Saan tayo magpapractice?” Tanong ko habang naglalakad kami.

“May nakita akong open field dun eh, tara”

Tinignan ko si Blue, napakamasayahin ng itsura niya.

“Nako, binabasa mo ba nasa isip ko Julian?” Tanong ni Blue.

“Hehe, hindi. Nakakatuwa ka lang kasi tignan”

“Nako, salamat haha! Dahil diyan, double training gagawin natin ha?” Sabi niya pa.

Nakarating kami sa part ng bundok kung saan patag yung sahig. Di ko makita yung lupa kasi puro dahon na bumagsak yung nandun.

Tapos napapaligiran ng matataas na puno, pero sa gitnang part eh makikita mo yung langit. Mas visible yung stars sa ganitong oras.

“Ikaw muna Julian, kailangan mong mafocus yung isip mo para marami kang nagagawa” sabi ni Blue.

“Focus naman ako ah?”

“Kung talagang naka focus ka, madali mong mahuhugot yung puno sa lupa ng walang ka effort effort”

“Posible ba yun?”

“Oo naman!”

“Pero….”

“Wag ka ng pero ng pero! Gawin mo na Julian!” Sabi ni Blue na madiin.

Medyo natakot ako sakanya kaya sinimulan ko na dun sa puno sa likod niya.

Mataas yung puno at makapal yung dahon.

Bumulong sa likod ko si Blue.

“Magfocus ka Julian. Isipin mo, ikaw yung puno, para magawa mo”

Huminga ako ng malalim at pumikit. Inimagine ko sa isip ko yung puno sa harap ko na nasisira.

Pero…. ang hirap!

Dumilat ako at nilingon ko si Blue, nasa likod ko pa rin siya at sinusuportahan ako pero nakita ko pa na may lima pang clone ni Blue na nagpapractice sa likod.

“Oh, ako nga kaya ko yan eh. Kaya mo rin yan sa gift mo, magtiwala ka lang” sabi ni Blue.

Nakakainspire talaga si Blue kaya sinubukan ko uli.

This time, nakadilat na ako. At tinignan kong mabuti yung puno sa harap ko.

Napansin kong humahangin at parang nag ssway yung puno.

Sht. Nagagawa ko na!!

“Nice, Julian! Sige pa. Konti pa!”

Nagfocus pa akong mabuti.

Inisip kong mabuti.

Tinitigan kong mabuti.

Nararamdaman kong parang gumagalaw yung lupa.

Ayan na!! Nararamdaman ko na!

Gumagalaw na yung puno, parang lumalabas na rin yung mga ugat ugat ko sa leeg at kamay.

Nagagawa ko na!!

“Julian!!! Kaya mo yan!” Sigaw ni Blue.

At sa pagsigaw ni Blue! Napansin ko na lang naiangat ko na yung puno gamit ang isip ko. Ang kapal ng ugat kaya pala parang gumagalaw yung lupa.

Kontrolado ko na yung puno ngayon at parang ang gaan na lang niya sa pakiramdam ko.

“Grabe!! Nagawa mo sa unang try lang!” Sabi ni Blue.

Nilapag ko na yung puno at bumagsak na siya na parang naputol lang.

“Oopsss. Sorry”muntik na kasing matamaan si Blue.

“Ayus lang!! Grabe! So next time, pwede mo ng gamitin yan as weapon, di mo alam kung ano yung mga kaya mong gawin Julian. Maniwala ka saken, malakas ka!” Paulit na sabi ni Blue.

“Nako, salamat talaga sa tiwala Blue” sabi ko pa.

Bago siya makasagot, nagulat kami ng biglang may bumagsak na parang bolang krystal na umiilaw, kulay blue yun at nalapag mismo sa malapit samen.

“Julian tignan mo!!” Sabi ni Blue.

“Ano yan?”

Nilapitan ni Blue yun at inabot saken.

“Moon balls” sabi niya.

Hinawakan kong mabuti yun, so eto pala yung moon balls.

“Alam mo ba kung ano yan?” Tanong niya saken.

“Oo”

“Delikado yan Julian. Itapon na natin yan, mamaya kung mapano pa tayo”

Bago ako makasagot, narinig kong sumisigaw si Matteo ng pangalan ko.

“Julian!!!!!” Di talaga ako sanay sa full name na tawag niya saken.

Napansin ko na siya at napansin na niya rin ako kaya tinawag ko siya.

“Ano yun?! Bakit lumindol? Anong nangyari?okay ka lang? May masakit ba?” Ayan yung sinabi niya nung pagkalapit niya saken.

“Okay lang ako, nagpapractice lang kami ni Blue!”

“Nako! Bakit kasi umaalis ka ng di nagsasabi?!”

“Ay, gigisingin pa kita para sabihin na magpapractice kami ni Blue? Ganun?”

“Aba oo! Pasalamat ka at di kita mayayakap ng mahigpit ngayon kundi lalamugin talaga kita!!” Natatawa siya sa sinasabi niya.

“Eto oh, try mo to!” Abot ni Blue kay Matteo ng moonball.

“Ano naman ’to?”

“Kapag sinira mo yan, magiging normal na yung pakiramdam mo. Mararamdaman mo na yung hawak, yung yakap. Lahat!” Sabi ni Blue.

Tuwang tuwa si Matteo.

“Teka!!” Sabi ko pero di ko na siya napigilan.

Hinulog niya sa sahig yun at tinapakan!

Naramdaman ko yung kulay blue na usok na umakyat sa katawan namen ni Matteo hanggang ulo.

Iba nga yung pakiramdam ko, parang nararamdaman ko na lalo yung lamig dahil sa hamog.

Pinisil pisil ni Matteo yung pisngi ko.

“Ano ba!” Sabi ko.

“Shet!!! Oo nga totoo nga!! Halika nga rito Julian!!!!!” Bigla niya akong niyakap at pinagbubuhat ng todo.

Oo ramdam na ramdam ko nga talaga yung yakap niya.

Medyo natutuwa na rin ako kahit papano kasi gusto ko rin maramdaman yung yakap niya.

Hinalikan niya pa ako sa pisngi ko ng maraming beses.

“Oy! Sobra na yan!!” Sabi ko.

“Bakit ngayon mo lang sinabi saken na may ganyan pa lang bato?!”

“Oh?masaya ka na nahahawakan mo ko?! Paano kapag may umatake saten? Edi nararamdaman mo na yung sakit?!”

Nahinto si Matteo.

“Ganun ba yun?”

“Oo! Pasaway ka talaga!! Paano tayo niyan?!” Tanong ko.

“Malapit na sumikat yung araw Julian, hintayin na lang natin para bumalik na kayo sa dati” sabi naman ni Blue.

“Ano bang kinakatakot mo diyan? Katabi mo naman ako, wala naman didikit sateng kahit ano, basta magtiwala ka saken!” Sabi naman ni Matteo.

Sabagay, tama siya. Wala talagang eepektong kahit ano sakanya.

Hinawakan niya yung kamay ko at ngayon, mas naramdaman ko talaga ng tuluyan yun. At ang sarap sa pakiramdam.

“Uhm, balik na tayo sa kanila hehe” sabi naman ni Blue.

“Sure! Tara!”

Habang naglalakad, hinaharot pa rin ako ni Matteo.

“Feeling ko ang tagal tagal kitang di nayakap” sabi niya.

“Oh tapos?”

“Payakap naman isa. Alam ko naman gusto mo rin eh, sige na” pilit niya saken.

“Ayoko, hawak mo na nga kamay ko eh”

“Nako talaga, pa hard to get. Hayaan mo, kapag natikman mo ’to, ako naman magpapa hard to get!”

“Ay ang kapal mo! Edi hindi ko titikman yan, bahala ka!”

“Hala! Biro lang Ju. Eto naman hehe. Pero masaya ako at nararamdaman na kita ngayon, literally” sagot niya.

Ngumiti ako ng konti.

“Ako rin” sabi ko.

“Pag labas natin dito, sana matuloy na natin yung naudlot nating…. alam mo na hehe” sabi niya.

“Wag muna tayo makasarili, si Laurence pa oh? Kailangan ko malaman kung ano yung nangyari sakanya”

“Ayy oo. Sana maayos na yun.”

“Oh, kaya Laurence muna tayo ah? Bago yung ‘tayo’. “

“Yes, Juju” sabi niya.

Pagbalik namen dun, tulog pa rin sila pero nakikita ko na yung pagsikat ng araw.

At napansin namen na parang may mga bolang tumalsik sa araw.

Ayun na nga yung sunballs.

Nakita ko kung saan pumunta yun at parang pabalik dun sa pinag trainingan namen kanina.

“Mamaya mo na kunin yun! Dito muna tayo, tsaka tulog pa naman sila eh. Mamaya na natin kunin yun” sabi niya.

Umupo kami sa may puno pero naka akbay siya saken at nakasandal ako sa braso niya.

“Ju….” seryoso na uli yung boses niya.

“Po?”

“Pagtapos neto, liligawan na kita ng totoo. Yung papakilala kita sa lahat. Di ako mahihiya. Alam kong ganun yung gusto mo kaya ganun yung gagawin ko”

“Matteo, wala pa yan sa isip ko. Tapusin muna natin ’to…”

“Alam mo sa tingin ko kung bakit di mo nalalabas yung gift mo? Ang dami mo kasing iniisip eh. Di ka makapag focus”

“Nakafocus kaya ako!”

“Hindi! Naiisip mo si Laurence, tapos naiisip mo sila TB mo, naiisip mo yung ginawa ko sa’yo. Maraming gumugulo sa isip mo kaya di mo makontrol ng maayos gift mo”

Napaisip ako.

Humarap siya saken habang naka sandal pa rin ako sa puno.

“Kahit ngayon lang, isipin mo na lang muna yung nandito. Isipin mo muna na kasama mo ko at di ako mawawala sa tabi mo. Di kita iiwan dito. Wag mo muna problemahin yung nasa labas, dito muna. Okay?”

Seryoso si Matteo at nadadala niya ako.

Kinurot niya ng konti yung pisngi ko at alam kong hahalikan niya ako.

Nilalapit niya yung labi niya.

“Teka Matte….” pero di niya ako pinatapos, hinalikan niya ako ng todo sa labi ko.

Nung stage 1 na magkalaban kami, hinalikan niya rin ako pero di ko naramdaman yun, pero this time, ramdam na ramdam ko.

Basa. Malambot. Masarap.

Di ako makaalis, nakasandal lang kasi ako pero gumalaw yung kamay ko sa katawan niya.

“Uhm…” konting bulong niya.

Ang sarap sa pandinig ko.

Medyo passionate na yung halikan nameng dalawa na hawak ko na yung buhok niya.

“Julian… gising na…..” boses ni Blue yun at natigil siya nung nakita niya kaming naghahalikan ni Matteo. “…. ay sorry!. Pahabol niya pa.

Lumayo si Matteo at nagpunas ng labi. Ganun din ginawa ko.

“Ahhh ehhh…. dun na muna ako” sabi ni Blue sabay alis.

Natawa lang si Matteo nun.

“Akala ko ba, ayaw mo?” Sabi niya.

Medyo nahiya ako pero natawa rin.

“Dun na nga tayo! Kunin na natin yung sunball, baka mamaya kung ano pang magawa mo saken dito!”

“Haha, pwede isa pa?”

“Tigilan mo ko! Tara na!” Ako na humawak sa kamay niya at bumalik dun.

Nagpaalam kami kay Blue kasi siya lang yung gising dun. Mukhang nahiya rin si Blue sa nangyari.

++

Madali nameng nakita yung sunball dun. Nasa gitna lang.

Pero may lumabas din na isang tao at mukhang gusto makuha yung sunball.

Si Angelica.

Parang nagbago yung itsura niya nung nakita niya kami ni Matteo na magkahawak kamay.

Nagmadali siyang kunin yung sunball pero tumakbo rin kami.

Pinahangin niya yung sunball palayo samen.

“Kailangan ko yun!” Sabi ni Angelica.

“Kailangan din namen yun!” Sabi ko pa

“Teka, di naman ako aabot sa point na gusto ko kayong mawala sa mundo, sabay na lang natin gamitin saka tayo maglabanan uli, ayos ba?” Sabi ni Angelica.

Pumayag kami ni Matteo at sinira na namen yung sunball para naman bumalik na kami sa normal.

Lumayo kami ni Matteo pati si Angelica.

“Nasaan yung tropa mong earth element?” Tanong ko.

“Wala na.” Maikli niyang sagot.

“Ahh…”

“Pero may bago akong kasama.” Pahabol ni Angelica.

At biglang lumabas.

Yung copycat ni Sarah na si Bea.

Pati na.

Yung copycat ni Gab na si Spencer.

Bumulong saken si Matteo.

“Familiar yung lalaki” sabi ni Matteo.

“Siya yung kasama ni Angelica sa starbucks nung binasted mo siya. Naalala mo?” Bulong ko.

“Ahhh okay okay” sagot ni Matteo.

“Scared Julian?” Sabi ni Angelica.

“Bakit siya matatakot? Eh kasama niya ako?” Singit naman ni Matteo.

“How cute Matteo, alam naman natin na wala kang magagawa diyan!” Sabi ni Angelica.

“Ohh talaga? Eh bakit may ginawa kami ni Julian kanina?”

Napatingin ko kay Matteo at mukhang inaasar niya si Angelica.

Asar na asar naman si Angelica sa sinabi niya kaya parang nag levitate si Angelica sa galit at bigla siyang nagpakawala ng napakalakas na hangin!

At dahil katabi ko si Matteo, di kami tinablan ng kahit isang dapo lang ng hangin niya.

Mukhang nag isip ng bahagya si Spencer at Bea.

“Sabi ko sa’yo di mo kami kaya eh!” Sabi ni Matteo.

May dinrawing naman si Bea at biglang may lumabas na dalawang tao na gawa sa lupa. May hawak na weapon na malaki rin at mukhang aatakihin kami ni Matteo.

Kumawala ako ng kaunti kay Matteo para magamit ko yung gift ko.

Focus julian. Focus.

Lumuhod ako ng kaunti para makagawa rin ng katulad ng ginawa ni Bea.

Pumikit ako at nagfocus.

Wala kang iisiping iba Julian. Wala. Focus. Focus. Focus.

Dinilat ko mata ko.

At may nabuo ring katulad ng ginawa ni Bea sa tabi ko. Nilagyan ko rin ng weapon yung ginawa ko para pang atake sakanila.

Tuwang tuwa ako sa nagawa ko!

Pero ngumiti si Angelica at biglang naglevitate uli.

Inatake niya yung mga monster ko pero di sila natinag!

Lalapit sana si Matteo.

“Wag!! Mawawala yung ginawa ko kapag lumapit ka!” Sabi ko pa.

Pinaatake ko yung dalawang monster ko sakanila at umatake rin yung monster ni Bea.

Gumawa pa ako ng dalawa uli at pinang atake ko sakanila.

Pero malakas si Angelice, nadala niya sa ipo ipo niya yung dalawa.

Gumawa uli ako ng dalawa pero parang napatingin ako kay Spencer bigla.

Mata sa mata.

Nakita ko yung mata niyang kulay itim at parang pumasok ako sa isip niya!

Madilim. Sobrang dilim! Para akong nasa isang box na walang kailaw ilaw.

Biglang gumalaw yung box.

Sht! Unti unti niya akong iniipit.

Unti unting lumiliit yung box.

Illusion to ni Spencer!

Ang lakas!

Di ako makawala.

Kailangan kong magfocus.

Concentrate para makaalis ako rito.

Kaya mo ’to Julian.

Kaya mo!

Kaya mo!!!!!!

Pagdilat ko ng mata nasa may setting na uli ako ng event! Naglalaban yung monster ko sa monster ni Bea.

Nagawa ko?!

Nakaalis ako sa Illusion?!

“Illusionist siya Julian. Kailangan mo ko para di ka mapasok sa isip niya” nasa likod ko pala si Matteo.

“Bakit mo ko tinulungan?!”

“Di to oras para makipagtalo. Sige, lalayo ako pero kapag nasa loob ka ni Spencer lalapit uli ako!”

Busy pa rin monsters ko sa pakikipaglaban.

“Di mawawala yung mga monsters mo kapag malayo ako! Wag kang mag alala”sabi ni Matteo.

Lumayo na uli siya at nararamdaman kong nagagamit ko na yung gift ko.

Nasira na uli mga monsters ko dahil gumawa ng ng army si Bea!

Dala-dalawa lang kaya kong gawin. Kaya kailangan kong makaisip ng bago.

Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko yung nasira kong puno kanina.

Naisip ko, kung pwede akong pumasok sa isip ng ibang tao, kaya ko kayang pumasok sa isang bagay?

Sinubukan ko yun at tumakbo ako sa punong yun.

Hinawakan ko at inisip ko kung anong pwedeng mangyari.

Nakagawa ako ng monsters gamit ang lupa, kaya ginawa kong buhay din yung punong to!

Maya maya, bumangon yung puno at nagkaroon ng parang kamay.

Inararo niya ng todo lahat nung ginawang army ni Bea!!

“Wow Ju! Ang galing!!” Sabi ni Matteo.

Natuwa rin ako sa ginawa ko.

Binasa ko isip ni Bea para malaman yung pinag uusapan nila ni Angelica.

“Hindi ko kaya makagawa ng ganyang kalaki! Kailangan ko ng magic seed! Di ako ang original na illustrator!” Sabi ni Bea kay Angelica.

Si Spencer naman ang nagsalita.

“Hangga’t nandiyan yang lalaking yan, di ko magagamit ng tuluyan yung gift ko. Kailangan natin silang mapaghiwalay!”

Si Angelica naman mukhang nag iisip.

“Sige, tara. Takas! Alam mo na gagawin mo Bea!” Sabi ni Angelica.

Pero inutusan kong umatake yung puno ko para sakanila.

Ginamit ni Angelica yung napakalakas na hangin para mapatumba yung puno ko.

Bigla na lang may lumabas sa ilalim ng lupa na parang malaking daga at sumakay si Angelica, Bea at Spencer doon!

Masama lang tingin saken ni Angelica bago siya umalis.

“Pucha Ju!! Saan nanggaling yun? Ayos ah!!” Sabi ni Matteo pagkatapos ng laban.

Narinig naman namen na tumatakbo palapit samen sila Pauline, Lucas at Blue.

“Anong nangyari?!” Sabi ni Blue

Pero tinignan niya yung magulong paligid.

“Si Julian may gawa ng lahat ng yan!” Sabi ni Matteo.

Mukhang natuwa silang tatlo lalo na si Lucas.

Lumapit siya saken at niyakap niya ako.

“Konti pa Julian. Matatalo din natin si Gab” sabi niya.

“Oo, tatalunin natin siya. Para kay Laurence” sabi ko.

“Salamat!”

Kinwento ni Matteo lahat ng nangyari kanina habang naglalakad na uli kami para mahanap naman sila Sarah at Kennard.

+++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

LAST 8 CHAPTERS NA ’TO!! HANGGANG 65 LANG TALAGA. 😙

Part 58

HAPPY 12K VOTES! Salamat GUYS! 😊

VOTE AND COMMENTS!!!!

++++++

Inakbayan ako ni Matteo habang naglalakad kami, Although wala akong maramdaman, iniisip ko na lang na nararamdaman ko.

“Ju, alam mo ba kanina, nakakainlove ka lalo nung nakikipaglaban ka” bulong saken ni Matteo.

Tumingin siya bigla sa nilalakaran namen pero nakangiti siya. Alam kong ganito siya magpa cute.

“Salamat!” Sabi ko sabay ngiti.

“Nakakatakot ka galitin, mamaya ako itapon mo kapag magkaaway tayo haha”

“Bakit? Aawayin mo ba ako?”

“Hindi, syempre kapag mag asawa hindi naman maiiwasan yun. Lalo na’t maraming nagkakagusto sa’yo!”

“Hala asawa kaagad?” Tanong ko.

“Ayaw mo ba?” Sabay kindat saken.

Di naman ako nakasagot.

“Anong asa-asawa narrinig ko diyan. Mag tigil kayo, naiinis ako!” Sabi ni Lucas pero deep inside natatawa siya sameng dalawa.

Lumapit naman si Lucas saken, hindi pa rin tinatanggal ni Matteo pagkakaakbay saken.

“Ganyan din kami ni Laurence dati, Julian. Alam kong alam mo kasi ganun din siya sa’yo”

Iba talaga hugot ni Lucas lalo na kapag si Laurence pinag uusapan.

“Teka, Lucas, matanong ko lang, paano mo pala nalaman yung tungkol kay Gab? I mean, diba kayo pa nga tumalo samen ni Blue non?” Sabi ko.

“Si Kennard nagsabi saken.”

“Kennard?”

“Oo pagkatapos namen kayo matalo, nagkita kami ni Kennard. Sinabi niya saken kung gaano siya kagalit kay Gab sa ginawa niya kay Laurence”

“Bakit ba kasi tayo…. kami ni Laurence yung ginamit ni Gab?”

“Sorry Julian, pero di ko rin talaga alam. Ang alam ko lang, kinontrol ni Gab si Laurence at nilagay sa isang Illusion na inlove na inlove sa’yo si Laurence. Ayun lang alam ko”

“Sino nagsabi kay Kennard nun?” Tanong ko pa.

“Di ko kasi alam kung kilala mo eh… pero, G nagsisimula yung pangalan eh”

“Greco?”

“Oo! Greco! Greco yung name!”

Paano naman nalaman ni Greco?! Paano niya nalaman yung about kay Gab?

O magkakampi silang dalawa?

Naalala ko yung sinabi saken ni Tracy “huwag mong pagkatiwalaan si Greco!”

So eto yun? Eto ba yung tinutukoy niya?

“Bakit Julian? Ano naiisip mo?” Tanong ni Lucas.

“Ahh… wala… wala…. oo, kilala ko yung Greco na yun. Parehas kami ng gift eh”

“Woah, so kaya niya rin gawin yung ginagawa mo?!”

“Oo.”

“Kailangan pala nating mag ingat sakanya”

“Bakit ba parang bilib na bilib kayo saken? Ni hindi ko nga kayo mapantayan sa kung anong kaya niyong gawin eh!” Sabi ko.

“Nako, empty your mind Julian. Kailangan mo yun bago mo magamit ng lubusan yung gift mo!” Sabi ni Lucas.

“Oo nga. Wag ka mapressure asawa ko, magagawa mo rin yan!” Sabi naman ni Matteo.

“Basta kapag ikaw kakampi ko, siguradong ligtas ako!” Sabi naman ni Blue.

“Well, sabi naman saken malakas ka, so go na rin ako sa’yo!” Sabi naman ni Pauline.

Bilib na bilib talaga sila saken. At kung paano sia kabilib saken, ganun naman kadali mawala yung tiwala ko sa sarili ko.

+++

Napagpasyahan nameng magpahinga at magpractice na lang muna.

Kakatapos lang namen mag practice ni Blue at parang feeling ko mas lumakas ako.

Ang dami kong natutunan sakanyang tips.

“Pero Blue sandali lang, sabi ni Bea kanina, kailangan daw niya ng magic seed? Para saan naman yun?” Tanong ko.

“Pampalaki yun. Kaya niyang gumawa ng monsters na life size. Pero kapag ginamit niya ng magic seed, lalaki yun.”

“Ahhh. Ganun pala yun, pwede bang gamitin sa sarili yun?”

“Hindi! Hindi pwede!” Mabilis niyang sabi.

“Ah, ang galing mo talaga Blue!”

Bago siya makasagot, tinawag naman ako ni Matteo na nakaupo sa may puno. Busy si Lucas at Pauline sa pag gamit ng gift nila, habang sumama naman si Blue sakanila.

“Inaantok ka na ba?” Tanong ni Matteo.

“Hindi pa naman, mataas pa sikat ng araw eh”

“Haha, Gusto lang naman kita makatabi rito eh”

“Ehhh pwede mo naman sabihin yun eh!” Sabi ko sabay yakap sakanya.

Ewan ko bakit ako naging clingy bigla kay Matteo.

“Anong nakain mo Ju?”

“Ayaw mo?”

“Syempre gusto ko!! Hehe halika nga rito. Hanap tayo moonball!!”

“Haha loko, wag na”

“Gusto kasi kita maramdaman eh!”

“Wag na. Mapusok ka, mamaya kung ano pang magawa mo saken!”

“Hehe, sorry na. Pero matanong lang kita Ju….”

Natigil siya bigla.

“Ano yun?”

“Galit ka pa rin ba saken? Yung totoo ah?”

“Hmmm… di ko rin alam eh. Sa isip ko kasi pinagmukha mo kong tanga kaso deep inside naman…. gusto ko yung ganito tayo” sabi ko pa.

“Mali ako eh. Maling mali ako. Ang dami nating nasayang na oras, at panahon. Siguro sana matagal ko na palang sinabi sa’yo no?”

“Ganun talaga. Ganyan din nararamdaman ko sa’yo eh”

“Basta pangako, pag labas natin dito, mag iiba na ang lahat. Mag iiba na tayo. Pero hindi mag iiba yung nararamdaman ko sa’yo!”

Sa mga oras na yun, gusto ko ng moonball. Para maramdaman ko bawat hawak niya.

Niyakap ko siya sa dibdib habang nakaakbay siya saken hanggang sa makatulog ako.

++++

Nasa loob ako ng kwarto kung saan ko nakita yung lahat ng taong may iba’t ibang gift.

Hindi nagbabago yung itsura niya pero lahat ng tao iba, as in iba!

Parang hindi eto yung mga kasamahan ko.

Parang ibang tao tong mga to.

Pero nakita ko si TB at si Jai na magkasama at magkatabi.

So ayun nga talaga yung totoong itsura ni TB, gwapo talaga siya. Pero mas bata siyang tignan ngayon. Si Jai din naman, sobrang ganda pero bata tignan.

Naalala ko nung unang araw namen ni Sarah dito, dun din kami nakaupong dalawa.

At saka ko lang napagtanto.

Baka nasa panaginip ko. Nasa panaginip ako ni TB. At eto yung nangyari sakanya nung nagsimula yung event.

Lumapit ako sa pwesto ni TB para tawagin siya pero mukhang di niya ako naririnig. At hindi niya ako nakikita.

Sht.

Ibang lugar nga ’to.

Maya maya, may lumabas sa pinto na lalaki.

Nagsalita yung lalaki katulad ng mga sinabi ni Jai samen.

Kung si Jai ay isa sa mga top user sa batch nila at siya yung nagsasalita samen, ibig sabihin, tong lalaki na to yung isa sa top sakanilang batch.

Natapos na yung announcement at nagsimula na yung labanan.

Nandun ako sa kada laban ni TB, at grabe siya mag isip. Ang lakas lakas niya nga. Parang lahat ng nakakalaban niya, sandali niya lang natatalo.

Nakalaban niya yung fire element, at ang ginawa niya, gumawa rin siya ng apoy na army laban dun.

Ganun din ginawa niya nung nakalaban niya yung earth element.

Halos counterattack lahat yung ginagawa ni TB sa mga nakakalaban niya.

Maya maya, nung natapos yung laban niya, sinundan ko rin siya sa kwarto niya, pagpasok ko may kasama.

Yung Kuya ni Matteo!

“Okay ka lang ba?” Tanong ni Kuya Lennard kay TB.

“Okay lang Lenn. Panalo pa rin, alam mo na!” Ganito pala talaga si TB, medyo confident.

“Hehe, mabuti naman”

“Ikaw Lenn? Kumusta laban mo?”

“Okay lang din, panalo! Hehe”

“Nice, dapat i claim natin yung top 3 ha? Tayong talo nila Jai dapat makakuha nun!” Sabi ni TB.

Si TB kwento ng kwento pero si Kuya Lennard naman, mukhang tuwang tuwa lang na pagmasdan si TB.

Nung natulog na si TB, napansin ko naman na lumapit si Kuya Lennard kay TB at pinagmasdan niyang matulog.

“Okay lang, maiintindihan ko kung bakit ayaw mo pang makipagrelasyon. Basta ang sabi mo paglabas natin, itutuloy natin to ha?”

Masarap tulog ni TB, kaya di niya naririnig sinasabi ni Kuya Lennard.

So totoo ngang naging sila ni TB kung ganun?

Bigla namang nawala yung image at napunta ako sa loob ng event, mukhang parehas lang to sa lugar ng event namen ngayon, nasa gubat din kami ngayon.

“Timothy! Scan mo muna lugar!” Sabi nung isang lalaki na kasama niya kay TB.

“Korny talaga ng Timothy, TB na lang Paul!” Sabi niya.

Paul? Eto yung nagbigay ng gift kay Blue! Paul pangalan nun!

“Haha sorry na Timo, haha!” Asar ni Paul.

Bakit parang required ata na may itsura kapag sumasali dito sa event? Gwapo din kasi tong si Paul.

Tatlo silang magkakasama, at mukhang mattropa na sila.

“Maiba tayo pre, nasabi mo na ba kay Lennard?” Tanong nung isa.

“Hindi pa pre, di ko nga alam kung paano sasabihin eh”

“Tsk, wag ganun. Tropa ko rin naman yun”

“Sorry Cray, sasabihin ko na lang kaagad kapag nagkita kami rito” sabi ko pa.

Cray? So eto yung nagbigay ng gift kay Pauline?

Magtotropa nga silang lahat.

Habang sinasabayan ko sila sa paglalakad, biglang may bumaba sa puno, tatlo sila, dalawang babae at lalaki.

“Woot, pre yung mga chicks na tinitignan niyo kanina oh!” Sabi bigla ni Paul,

“Oy, kayo lang. Wag niyo ko idamay diyan” sabi ni TB.

Mukhang di natuwa yung lalaki sa sinabi nilang tatlo. At nagulat ako ng lumaki siya! As in naging giant!

Kaparehas ng gift ni Larry!

Tatapakan sana sila nung naging giant pero pinigilan ni TB.

Wow!!! Tinaas niya lang dalawang kamay at pinigilan niya.

Sumigaw si TB at parang binato yung giant!

Sht. Pwede ko pa lang gawin yun?!

Natumba yung lalaki at lumindol ng bahagya.

Nakarinig naman ako ng tunog ng mga insekto, may mga insektong lumalapit dun sa isang babae, halos lahat ng klase ng insekto, kadiri man o hindi.

Sa paglapit nung insekto, nakagawa siya ng sampung army na gawa sa insekto.

Ang lakas!!!

Pero si Cray, yung water element. Biglang gumalaw at pinaikot yung kamay niya.

Bigla namang kumulimlim at parang uulan. Pero dun lang yun sa pwesto namen.

Wow!! Kaya niyang gawin yun?“

Biglang umulan ng malakas!! Ang maganda dito, hindi affected sila TB! Yung tatlo lang!

Umatake naman yung insect army nung babae ng sabay sabay.

Si Paul yung humarang at nag multiply ng sarili niya! Nakagawa rin siya ng sampung clone niya at sumugod din siya!

Si TB naman eh pumikit at mukhang nagcoconcentrate, sa sobrang concentration niya, halos maglevitate na siya!

Kasabay nun eh ang paglindol ng lupa!

Umuuga yung mga puno sa paligid!

At bigla na lang lumabas yung mga ugat ng puno sa ilalim ng lupa!! At parang naging army of trees!

Wow TB!!

Nakakamangha!

Anim na puno yun na sabay sabay lumalakad at nakikipaglaban.

Lumaban naman uli yung isang lalaki at naging malaki uli, mas malaki pa siya sa puno ngayon!

Tinapak tapakan lang ng lalaking yun yung puno army na gawa ni TB.

Iniisip ko kung ano yung gift nung isang babae pero bigla na siyang umatake.

Mabilis pala siya!! Parang yung nakalaban ko sa maze! Inaatake niya si TB

Pero bumaba sa pagkakalevitate si TB at bigla na lang nawala!!!

Kayang maging invisible ni TB!!

Nagulat yung babae kaya nalipat yung pag atake niya kay Paul! Ang problema niya, ang dami niyang inaatake, pero hindi niya alam kung sino yung totoong Paul!

Maya maya ,natigil yung babae!

Tumayo sa gitna habang nakikipaglaban yung iba.

Bigla niyang inatake yung mga kasamahan niya! Yung babae! Yung lalaki! Inaatake niya!

“Anong ginagawa mo?!“sigaw nung babae.

Pero inaatake lang siya ng inaatake! Ang bilis nung babae, halos paikutan niya yung dalawa! Hanggang sa magkaroon ng ipo ipo sa bilis ng takbo niya.

May mga dahon pang sumasama sa loob ng ipo ipo.

Nasa loob din yung insect army nung babae kaya di na sila makalaban.

“Cray! Ikaw na bahala!” Sabi ni Paul.

At bigla na lang pinasukan ng napakaraming tubig yung ipo ipo.

Nagpakarami pa si Paul uli at pinalibutan niya yung paligid ng ipo ipo at may kinuha sa bulsa niya.

Pampasabog yun!

Huminto ng kaunti ung pagtakbo ng babae at pumasok lahat ng Paul sa loob ng ipo ipo.

Tapos bumilis uli yung pagtakbo para ala ng makalabas!

Lumayo ng kaunti si Paul at Cray at biglang nagkaroon ng pagsabog sa loob!

Sure na talo na yung tatlong yun!!

Maya maya sumulpot na uli si TB.

“Sayang pre, chicks sana eh!” Sabi ni Paul.

“Haha, lakas mo talaga Timo pucha ka, kinontrol mo pa yung babae!” Sabi ni Cray.

“Haha, teamwork yun pre! Hehe nice job!” Sabi ni TB.

Parang walang nangyari, at umalis na silang tatlo uli at naglakad.

Kung kayang gawin ni TB yun, siguradong kaya ko rin gawin yung mga yun!

Nagbago na uli yung setting ng lugar, at gabi na. Nandun si TB, Jai, isang lalaki at Kuya Lennard, yung lalaking nakalaban ko sa Pampanga para kunin yung Dice…. sht, nandito rin pala siya! Tapos may ibang naglalaban sa malayo.

Umiiyak si Kuya Lennard nung mga oras na yun.

“Bakit di mo sinabi saken Timo? Pwede mo namang sabihin saken na di mo gusto yung ganitong relasyon!” Sabi ni Kuya Lennard kay TB.

Si Jai naman umiiyak, habang si TB mukhang guilty sa lahat

Nakikipaglaban sila sa dalawang lalaki, ayun nga yung lalaking earth element na nakalaban ko sa Pampanga tapos isang lalaking nakatungo.

“Lennard, di ko alam…” sabi ni Jai.

“Wala kang kasalanan dito Jai,” sagot niya.

Mukhang nalaman na ni Kuya Lennard na niloloko lang siya ni TB.

“Sabi ko sa’yo Lennard, parehas lang tayong niloko!” Sabi nung lalaking isa.

“Tumigil ka!” Sigaw ni Kuya Lennard.

“Niloloko ka na, siya pa rin gusto mong panigan? Binago nila kapalaran nila? Kitang kita mo na kayo dapat ni Timo ang dapat magkatuluyan diba? Tapos kaming dalawa ni Jai yung dapat!!” Sigaw nung lalaki.

At nung mga oras na yun, sure akong siya yung Illusionist ng grupo nila.

“Grey! Alam mong hindi yun ang totoo!” Sabi ni TB.

So pangalan nung Illusionist ay Grey.

“Timothy, ang punto ko inagaw mo saken si Jai!”

“Wala akong inaagaw sa’yo! Kami talaga ni Jai ang nagmamahalan!!”

“Eh ako Timo? Ano ko sa’yo?” Biglang singit ni Kuya Lennard.

Di naman nakasagot si TB.

“Sumama ka na saken Lennard, kaya natin silang talunin. Para rin saten to!” Sigaw ni Grey

At nung mga oras na yun! Mukhang pinasok na ng Illusion ni Grey si TB! Nakatulala lang siya at parang kinokontrol niya si TB.

Bigla namang may lumabas sa ilalim ng lupa na tiger na gawa sa bato!

Siguro yung earth element na lalaki may gawa nun.

Pero bigla ring may lumabas sa ilalim ng lupa na ganun, at mukhang si Jai may gawa.

Pinoprotektahan ni Jai si TB!

Pero si TB, parang kinakain na ng sistema ng ilusyon ni Grey! Mukhang matatalo na si TB, pero….

Biglang shinare ni Kuya Lennard yung gift niya kay TB!! Katulad ng ginawa ni Matteo saken! Nagkaroon ng puting aura si TB at mukhang nakawala na siya sa sistema ng Ilusyon ni Grey!

“Hindi!!!!!!!!” Sigaw ni Grey.

Mabilis naman na inatake ng batong tiger si Kuya Lennard!!

“Wag!!!” Sigaw ni TB! Pero huli na yung lahat.

Wala na si Kuya Lennard.

Sa sobrang galit niya, nagshake na naman yung lupa! Parang galit na galit si TB, to the point na halos tumaas lahat ng buhok sa katawan niya. Naglelevitate siya nun habang lumilindol.

Biglang may malaking kamay na bato ang lumabas malapit dun sa earth element at para siyang dinurog ni TB!

Hindi pa siya nakuntento! At pinakawalan pa niya.

Mukhang di pa siya natatalo kaya ang ginawa ni TB eh kinontrol yung mismong ginawa nung earth element na tiger para atakihin siya!

At dun niya natalo yung earth element.

Ngayon, si Grey at TB na magkaharap!

“Kinuha mo na lahat saken Timo, alam mong si Jai ang gusto ko.”

“Pero hindi ikaw ang gusto niya!”

At lumapit si TB kay Grey saka niya hinawakan yung mukha neto.

Sumisigaw sa sakit si Grey! Di ko alam kung anong ginagawa ni TB! Siguro pinapasok niya yung isip neto at may ginagawang iba.

Hanggang sa nawala sa paningin ko si Grey at mukhang natalo na ni TB yun.

Anong ginawa ni TB?!

Nagyakapan silang dalawa ni Jai, may natitira pa sa battle field na naglalaban, pero nagbago na naman yung lugar!

Nasa normal world na uli kami at magkausap si TB at si Kuya Lennard!

“Lenn, sorry. Gusto ko talagang sabihin sa’yo….”

“Pero di mo sinabi Timo! Asang asa ako!”

“Sorry…”

“Ano ba ako sa’yo? Ano ba yung saten noon?!”

“Bestfriend kita, isa ka sa mahalagang tao sa buhay ko, pero….. hindi kita kayang mahalin katulad ng pagmamahal na binibigay mo saken”

Ramdam ko yung sakit sa nararamdaman ni Kuya Lennard.

“Lenn….”

Pero di na sumagot si Kuya Lennard at umalis na lang siya.

Nagbago na naman yung lugar at nasa Pampanga naman kami ngayon!! Eto yung lugar kung saan ko unang nakita si TB!!

Nakita ko yung sarili kong tumatakbo sa napakalakas na ulan!

Eto yung panahong tumatakbo ako kasi feeling ko pagsasamantalahan ako ng mga lalaki dun sa party na yun,

Nakasalubong ko yung matandang humihingi ng tulong at nilapitan ko.

At dun ko na nakuha yung gift ko kay TB.

Nagbago na uli yung setting at magkausap na si TB at Jai.

“May napagbigyan ka na ba?” Tanong ni TB kay Jai.

“Yeap babe, hehe. Ikaw?”

“Oo, sa isang lalaking hindi marunong umamin ng nararamdaman!”

“Ay, hehe. Parehas lang tayo, binigay ko sa magaling mag drawing hehe”

“Nako, sana maging okay na tagapagmana yung mga yun!”

“Oo nga eh, sana mag top 3 din sila!” Sabi pa ni Jai.

Nagbago uli yung lugar at magkasama naman si TB at Kuya Lennard.

“Nabigay mo na ba?” Tanong ni TB

“Matagal ko ng binigay, sa kapatid ko” sabi naman niya.

“May kapatid ka pala?”

“Tssss. Wag ka na makipag usap saken”

“Galit ka pa rin Lennard?”

“Ang sabi ko wag mo na ako kausapin!”

Nagbago uli yung lugar at magkasama uli si Jai at TB.

Mukhang nasa mall sila at may ineespiya.

Sa malayo, nakita ko nga si Grey! Kasama si… Gab!

“Ayan na ba yung tagapagmana ni Grey?” Tanong ni Jai.

“Baka.”

“Tsk, sana hindi maging katulad ni Grey!”

“Oo nga eh. Hindi niya sinabi kay Lennard yung totoo na tayo talaga ang magkakatuluyan at hindi kayo”

“Hayst, di pa rin kayo nagkakausap ng maayos ni Lennard?”

“Hindi pa rin eh.” Sabi nman ni TB.

Maya maya, dumating naman na si Laurence!!!

Oo si Laurence!!

“Teka sino naman yun?” Tanong ni TB.

“Hmmm, baka gumagawa na sila kaagad ng grupo grupo”

“Kailangan na natin masabihan mga bata natin”

“Oo nga”

Nagbago na uli yung setting at this time, madilim yung lugar! Tanging sarili ko lang nakikita ko at si… TB!

Parang may spotlight na nakatutok sameng dalawa.

“TB?!” Tawag ko.

“Buti naisipan mong pumasok sa panaginip ko?” Sabi niya

So, ginamit ko yung gift ko para makapasok sa panaginip niya?

“TB! Bakit ganun? Hindi mo sinabi yung tungkol kay Laurence?!”

“Maniwala ka Ju, hindi ko pwedeng sabihin. At wala rin akong idea nun kung anong plano nila!”

“Ayokong maniwala!” Sabi ko.

“Maniwala ka Julian. Hindi ko talaga alam!”

“Pero bakit mo naman niloko Kuya ni Matteo?!”

“Hindi ko siya niloko Julian. Masyado lang kaming close, parang kayo ni Matteo!”

“Ehh bakit mo saken binagay yung gift mo?!” Tanong ko pa.

“Ayokong may masirang relasyon dahil sa di sila marunong magaabi ng nararamdaman niya!”

“Eh anong nangyayari saken? Nasira na TB! Akala ko si Matteo yung future ko kasi diko mabasa nasa isip niya pero yun pala may gift din siya! Akala ko naman si Laurence pero ang sabi nila nasa Illusion daw si Laurence kaya siya nagkagusto saken!! Simula nung binigay mo saken yung gift mo, nagkagulo na buhay ko!”

Lumapit naman si TB saken at niyakap ako.

“Wala akong intensyon Julian. Gusto ko lang maging okay ka, pero siguro karma ko to. Karma ko kay Lennard sa ginawa ko sakanya at Karma ko kay Grey kaya ikaw ang nagsusuffer.”

“TB!!!!! Ibalik mo na lang yung dati kong buhay!”

“Julian ,please. Lumaban ka! Ipanalo mo tong event na ’to at may malaking prize to na babago sa buhay mo, magtiwala ka saken!”

Niyakap ko lang din siyang mabuti.

Parang ngayon lang pumasok sa isip ko lahat ng nangyayari. Ngayon ako naiiyak.

“Julian, pinakita ko sa’yo mga kaya kong gawin, kayang kaya mo rin gawin yun, magtiwala ka lang” sabi pa ni TB.

Di naman ako nakasagot.

“Hanapin mo si Leia sa event niyo.” Sabi niya.

“Sino si Leia?”

Pero biglang nawala sa paningin ko si TB! At naririnig ko yung boses ni Matteo.

“Ju!!! Gising anong nangyayari? Bakit sumisigaw ka ng TB?!“sabi niya.

Nagising ako at bumalik sa event.

“Sinamahan ko lang sila sa pagpractice habang tulog ka” sabi pa ni Matteo.

Kaya ko nagamit yung pagpasok sa panaginip ni TB eh dahil di ko katabi si Matteo, nung tumabi uli saken si Matteo eh na null yung gift ko at bumalik sa dati.

“Okay ka lang ba Ju?” Tanong ni Matteo.

Bumangon ako at umoo.

++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

LAST 7 CHAPTERS NA TALAGA!!!! HIHI, (kung may typo sa names pasabihan ako haha)

Part 59

ABANGAN ANG LAST 6 CHAPTERS NG STORY!

VISIT NIYO SI

aljjuuur18

PAKIBASA DAW STORY NIYA 😗

HI SA MGA HINDI BUMITAW HANGGANG DULO! 😙

SAGAD NA. VOTE AND COMMENTS!!!!!

+++++++

Halos di na ako nakatulog nung pumasok ako sa panaginip ni TB.

Malalim na naman yung gabi, at tulog na tulog na silang lahat dito, pati si Matteo.

Magkatabi kami ngayon at dahan dahan akong bumangon.

Mukhang naramdaman ni Matteo pagbangon ko at nagising din siya.

“Okay ka lang ba talaga Ju?” Tanong ni Matteo saken.

“Ahh… oo”

“Ano ba talaga kasi yung napanaginipan mo? Bakit ayaw mo sabihin?”

Ayoko kasing sabihin sakanila, parang feeling ko dapat sarilihin ko lang, kaso involve din kasi yung kuya ni Matteo.

“Alam mo Ju, paano tayo magsisimula niyan kung hindi mo saken sinasabi problema mo?” Tanong niya pa.

Sa mga oras na ’to, parang gusto kong maramdaman yung yakap ni Matteo.

So kinwento ko sakanya lahat hanggang sa maliwanagan siya.

“So…. totoo yung panaginip na yun?” Tanong niya.

“Oo. Diba, may gift nga ako na kaya kong pumasok sa panaginip ng ibang tao. Nagkausap kami ni TB ’don”

“Ganun pala ginawa niya kay Kuya. Di ko alam” mukhang nalungkot si Matteo sa nakwento ko sakanya.

“Uy.. okay ka lang?”

“Hindi ko alam Ju eh. Parang ang bigat naman nun, kasi diba ganun yung nangyari sateng tatlo nila Laurence? I mean, halos kaparehas lang.”

“Eh bakit ka nag aalala?”

“Eh paano kasi kung hindi naman pala nasa Illusion si Laurence? At saka paano kung mahal ka talaga niya? Paano kung kayo talaga sa isa’t isa?”

“Hala seryoso ka ba diyan?”

“Oo Ju. Parang parati ko kasing pinapakita sa’yo kung gaano kita kamahal pero ikaw nagdadalawang isip ka pa rin”

Hindi naman totoo yun. Si Matteo naman na talaga mahal ko, pero si Laurence, parang special lang kasi siya yung una kong nakarelasyon. Pero si Matteo talaga mahal ko.

“Sana kaya kong bumalik sa oras, tapos di na ako matatakot na sabihin sa’yo na mahal na kita noon pa”

Nakakaiyak naman tong sinasabi ni Matteo.

“Ano ba, wag ka ngang mag isip ng ganyan. Ikaw naman talaga mahal ko. Sinabi ko naman sa’yo yan diba? Wag ka mag alala. Matapos lang ’tong event na’to, babalik tayo sa normal ha?”

Ngumiti naman siya ng kaunti.

“Promise mo yan?” Sabi niya.

“Promise po.”

“Sabihin mo na kasi saken. Para nababawasan yung lungkot ko”

“Seryoso ka ba?”

“Oo nga Ju. Dali na, bulong mo na lang muna saken kung nahihiya ka”

“Pagkatapos….”

“Hindi ngayon na…. ay nalungkot ako bigla”

Bigla siyang nag inarte na nalulungkot. Nababaliw na naman siya pero natatawa ako.

“Ohh. Eto na… I love you” bulong ko sakanya.

Ngumiti siya at tumingin saken.

“Promise yan ah?”

“Oo nga. Hehe”

“Ako lang?”

“Yeap.”

“Hmmm… mahal mo talaga ako?”

“Oo nga Matteo Acosta! Ano pang gusto mong marinig? Haha”

“Hehe, okay na ako. Happy na ako, basta alam kong okay na tayong dalawa ngayon”

“Sus. Gusto mo lang sabihin ko sa’yo yung I love you eh”

“Ayan!!! Sinabi mo uli hehehe. I love you too!”

“Haha. I love you more” sabi ko.

Di ko na mapinta yung facial expression niya, ang cute ng ngiti niya ngayon na parang tuwang tuwa.

“Ehhh…, paano pala kapag ano Ju…”

“Kapag ano?”

“Alam mo na…. kapag… yung ano….”

“Yung ano?”

“Yung…. kapag tayong dalawa lang… tapos bigla tayong nag init….”

“Tigilan mo ko diyan sa naiisip mo ah!! Ayoko nga! Bahala ka, maghanap ka ng iba!”

Bigla naman siyang tumawa ng malakas.

“Hahahha. Joke lang Ju. Eto naman. Di na mabiro”

“Lib0g kasi eh!”

“Hahaha biro nga lang. Wag ka na magalit”

“Tse. Matulog ka na.” Sabi ko pero nakangiti ako at kinikilig sa usapan namen.

++

Pagkagising namen, nagpatuloy na naman yung paglalakad namen.

Ang goal talaga namen eh mahanap namen sila Sarah at Kennard para sama sama kaming lalaban.

Habang naglalakad kaming lahat, nakadaan kami sa isang napakagandang lugar.

Oo, nasa gubat pa rin kami pero this time, sobrang daming bulaklak sa gilid. Iba’t ibang kulay at nag iba talaga yung aura bigla.

Humawak ako kay Matteo baka nasa Illusion lang ako pero hind, napakaganda talaga ng lugar na ’to.

Bigla kasing pumatag yung daan, to think na pababa talaga yung daan, biglang patag naman neto.

“Putek, pang selfie tong lugar na ’to, ang ganda!!” Sabi ni Pauline habang naglalakad.

“Grabe Ju, ang ganda dito” bulong naman ni Matteo

Pero biglang sumigaw si Blue.

“Wag kayong lumayo kay Matteo!” Sigaw niya,

Pero si Pauline, nauuna samen at nasa gitna na.

Biglang nagsilakihan yung mga bulaklak at nagkaroon ng parang matutulis na ngipin

Lumambot naman yung lupa na kinatatayuan ni Pauline at bahagya siyang lumubog.

Mabilis naman na kinain ng bulaklak si Pauline!

Sht.

“Hindi!!!” Napasigaw si Matteo

Tumakbo kami palapit dun sa bulaklak pero wala na si Pauline.

Ganun ganun na lang siyang nawala ng walang kalaban laban.

“Ohhh…. sayang naman, pretty pa naman siya” boses yun ni Angelica!

Lumabas siya uli kasama si Spencer at Bea, at may isa pang babae.

“Meet our new friend, si Matilda. Gusto niya ayun yung tawag namen sakanya eh” sabi ni Angelica.

Bagay kay Matilda yung pangalan niya, mukhang talaga siyang maldita! Mataray at masungit.

Pumunta siya sa gitna kung saan naman kinain ng bulaklak si Pauline.

Mukhang may ginagawa siya samen pero di tumatalab.

Oo, kasi nakadikit kami kay Matteo.

“Paano naman kayo niyan kung puro asa kayo sa lalaking yan?” Sabi ni Angelica.

“Ehh wala ka kasing ganitong gift kaya wlang sumasama sa’yo!” Mapang asar na sabi ni Matteo.

“Oh talaga Matteo? Eh dati gustong gusto mo ko kasama diba?”

“Hala siya, dati yun oy. Di ko nga alam kung anong nakain ko nun bakit kita niligawan!”

“Alam mo kung ano yung kinain mo at parehas tayong natuwa.” Sabi pa ni Angelica.

Mukhang alam ko yung sinabi niya.

“Mag move on ka na oy! Labi lang ni Julian gusto kong kainin ngayon!” Sigaw pa niya.

Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya pero medyo napahiya rin ako.

Mukhang nagalit si Angelica at nagpakawala na naman ng malakas na hangin.

“Ayan lang ba kaya mong gawin? Ano bang part na hindi kami tatablan niyan ang di mo maintindihan?” Sabi ni Matteo.

“Oh edi sige! Tara sugod!!” Sigaw ni Angelica.

Oo nga, kapag normal na atake like sapak lang at sipa, pwede yun kay Matteo kaya sumugod silang lahat.

Since tatlo silang babae at isa lang si Spencer, madali lang para umatake.

Pero ang sinugod ni Angelica ay ako!

Napahiga ako sa lupa habang sinasampal samapal niya!

Lumaban ako kasi mas malakas ako sakanya at tinulak ko siya at sinampal ko rin!

“Bwisit kang bakla ka!!!” Sigaw niya saken habang halos sabunutan ko na siya at pagsasampal sampalin.

“Mas bwisit kang babae ka!!!” Sigaw ko skanya.

Tumayo ako at hinila ko siya sa sahig gamit buhok niya.

Busy rin sa pakikipaglaban yung iba pero nagfocus ako kay Angelica.

Sinandal ko siya sa puno at pinagpatuloy sa pagsasampal!

Maya maya nakaramdam ako ng malakas na hangin na parang nililipad ako.

Lumalaban ako pero pinapalutang niya ako sa ere.

“Tsk tsk tsk. Paano ka ngayon, walang Matteo, walang friends!” Sabi niya.

Sinenyasan ko si Matteo na wag akong tulungan at magfocus muna siya sa iba, alam ko kasing kaya ko tong babaeng to!

“Alam mo bang malapit na tayo sa pinakababa ng bundok, at alam mo bang ibig sabihin nun?” Sabi ni Angelica.

Di ako sumagot, nagcoconcentrate muna ako sa gagawin ko.

“Mag teteleport ka kaagad diretso sa tuktok ng bundok kung saan may battlefield dun. Katulad nung nasa maze natin? At alam mo ba sinong naghihintay sa’yo dun?”

“Sino?!”

“Secret, malalaman mo rin!”

“Oh talaga? Sayang di mo na malalaman!” Sabi ko.

Mabilis ko ng nabunot sa lupa yung puno at hinampas ko si Angelica!

Tumalsik siya ng malayong malayo nung ginawa ko yun.

Bumagsak ko sa lupa pagkatapos nun.

“Ju okay ka lang?!” Tanong ni Matteo.

“Oo, yung iba?”

“Kayang kaya na nila yun!”

Nakita kong marami na naman si Blue at nakikipaglaban, samantalang si Lucas, nakikipaglaban din, marami na ngang nanigas na yelo halaman eh.

Kalaban ng clones ni Blue si Spencer, dahil clone lang naman ni Blue yun, di gumagana yung Illusion ni Spencer.

Si Bea naman, patuloy sa pag gawa ng kakaibang nilalang sa drawing niya.

Sinugod ko si Bea na nasa gitna, pero bago ako makalapit, nakuha yung kamay at paa ko ng halaman at bulaklak.

Kakaiba yung gift ni Matilda, kaya niyang bigyan ng masamang buhay yung mga halaman.

Lumaban ko at nagpumiglas.

Hinawakan ko naman yung lupa at sunod sunod yung pagtayo ng mga army ko na gawa sa lupa!

Easy na lang para saken na gawin yun.

Si Bea naman nagsimula na ring magpalabas ng napakaraming version niya.

Pero this time, di ko na pinatagal, sinugod ko si Bea at pinasok yung isip niya!

Di ko pa magawa yung invisibility kaya nilapit ko katawan ko kay Bea nung pinasok ko katawan niya.

Nararamdaman kong lumalaban si Bea pero mas malakas ako! Kaya wala siyang nagawa.

Binura ko yung dinrawing niya at saka ko hinagis kay Matteo.

Sinalo naman niya kaagad.

Bumalik ako sa katawan ko nun at dali daling tumakbo kay Matteo.

Wala ng magawa si Bea nun at inutusan kong atakihin siya ng mga ginawa kong army!

Pero nag shield bigla yung bulaklak at mukhang pinoprotektahan siya.

“Hindi maubos yung mga halaman!” Sabi ko kay Matteo.

“Hindi talaga, hangga’t nandiyan yang Matilda na yan!”

Di ko na kasi makita si Matilda, mukhang nagblend na siya sa mga halaman niya.

This time umurong muna kaming lahat habang pinagmmasdan yung napakaraming bumabangon sa lupa na halaman at nagkakaroon ng buhay.

“Di kasi natin alam kung nasaan yung tunay na Matilda eh! Ayan, di tuloy natin matalo!” Sabi ni Blue.

Mukhang nag iisip pa rin siya ng mabuti.

“Alam ko na!! Matteo! Ikaw! Sumugod ka diyan, walang eepektong atake sa’yo kaya lalabas yung tunay na Matilda, tapos Julian ikaw na bahala! Pasukin mo isip tapos kontrolin mo sila, kami bahala sa katawan mo. Pag wala na si Matteo, makakapag clone na ako ng marami uli para protektahan ka!” Sabi ni Blue.

“Eh ako?” Tanong ni Lucas.

“Pag napasok na ni Julian yung katawan ni Matilda, ikaw na mag freeze ng mga nagawa niya. Julian, ikaw naman, atakihin mo na si Angelica!”

“Angelica? Natalo ko na siya!”

“Hindi pa Julian, nandiyan pa siya!” Sagot ni Blue.

Napatingin ako sa paligid at mukhang iba nga yung aura.

Humahangin ng todo at mukhang may binabalak si Angelica.

“Sige na Matteo! Takbo na!” Sigaw ni Blue.

Hinalikan muna ako ni Matteo sa noo bago siya umalis.

“Galingan mo Ju!” Sabi ni Matteo.

At nagsimula na siyang tumakbo sa napakagandang bulaklakin na pumapatay na yun!

Hinahawakan niya at nalalanta.

Akala ko shield lang si Matteo pero hindi lang siya basta shield, kaya niya rin talunin yung mga ganito.

Nag clone na uli ng marami si Blue at pinaligiran niya kaming dalawa ni Lucas.

Nung halos mahawakan na ni Matteo lahat, lumabas na si Bea at Matilda sa isang bulaklak at yun na ang signal ko!

Dali dali kong pinasok yung katawan ni Matilda!

Nice!!!

“Be, ano ng gagawin natin?!” Tanong saken ni Bea, hindi niya alam na nasa loob ako ng katawan ni Matilda.

Kinontrol ko sa isip ko yung mga halaman ni Matilda at inatake ko si Bea.

“Be! Anong ginagawa mo!”

Nakakatawa pala yung ganito, ginagamit ko ngayon yung gift ni Matilda laban kay Bea!

Halos lahat ng halaman inatake si Bea.

“Ju..Julian?!!!”

“Hehe, tama ka diyan Be!” Sabi ko sakanya.

At bigla na lang siyang nawala ng tuluyan at nilamon ng lupa.

Bigla naman lumabas si Angelica sa harapan ko at nagpalabas ng napakalakas na hangin.

Tumilapon ako sa puno at nabangga ng todo!!

Nagmadali na akong bumalik sa katawan ko at hinayaan ko si Matilda dun na nakahiga.

Iba na aura ni Angelica ngayon, parang nakakatakot at ready na siya makipaglaban ng todo saken.

Halos lumipad na siya dahil sa lakas ng hangin sa lugar niya.

“Mukhang gamit na gamit na ni Angelica yung gift niya” sabi naman ni Blue.

Hindi kami lumalayo kay Matteo kasi pinapag aralan pa ni Blue yung gagawin namen.

Pero si Angelica, atake na ng atake!!

“Bwisit naman tong babaeng ’to oh! Akala mo naman napakalakas!” Inis na sabi ni Lucas.

“Haha, mag isa na lang siya, sugurin na natin!” Pahabol pa ni Lucas.

“Haha sigurado ka?” Tanong ko.

“Oo! Ano Blue? Sa tingin mo kaya?” Tanong niya.

“Oo kaya naman natin. So, ano na?”

“Tara!”

“Tara!”

“Tara!”

“Eh ako?” Singit ni Matteo.

“Support ka lang kapag may matatalo na” sabi ko pa.

“Haha sige, kiss ko”

“Mamaya!” Sabi ko.

Humarap na kaming tatlo kay Angelica.

Wala ng sabi sabi, biglang nag clone ng marami si Blue at pinalibutan si Angelica.

Umatake naman kaagad si Lucas at finreeze si Angelica.

Ako naman, papasukin ko isip niya pero parang biglang lumakas si Angelica at tumalsik kaming lahat ng malayong malayo.

Pero yung pagtalsik ko, pababa ng bundok.

Kumapit ako sa puno para di malaglag.

Pero nagulat ako ng nasa harapan ko na kaagad si Angelica, gagawin ko sanang shield yung puno sa gilid ko pero bigla naman niya akong pinatalsik ng malayo pa!

Nagpagulong gulong ako sa bundok pababa.

“Paano ba yan Julian!” Sigaw niya saken.

Pero bago ako makasagot, nagbago kaagad yung setting ng lugar!

Bato bato na at mukhang may battlefield nga. Katulad nung sa maze, may mga special na gamit dito, yung bato, yung pearl, lahat meron dito.

“Julian!!” Napatingin ako kung sino yun.

Si Greco!

Parang ngayon ko lang siya nakita simula ng nagsimula yung event.

“Woah, wait. Di kita lalabanan muna, hehe, kapag nakaabot tayo sa final round saka tayo maglaban!” Sabi niya.

“Hindi kita lalabanan, gusto kong malaman kung anong alam mo kay Gab at kay Laurence!!” Sabi ko.

“Alam kong gusto mong malaman ’to”

“Sabihin mo na!”

“Gusto mo ako na magsabi?” Boses ng babae yun.

Tinignan ko kung sino, babaeng naka salamin at mukhang malakas din, pero maganda at sexy rin.

“Hi, diba ikaw si Julian?” Tanong niya.

“Ahhh… opo, sino kayo?”

“Hi, ako si Leia” sabi niya.

Leia? So eto yung sinasabi ni TB.

“Mukhang nagulat ka, kilala mo ba ako?” Tanong niya.

“Ahh.. hindi pa po”

“Ah akala ko eh,”

Tahimik dito sa taas. Akala ko naman may mga maglalaban dito at maingay pero kaming tatlo lang yung nandito.

“Ano palang alam niyo?” Tanong ko.

“I heard, ikaw yung mind reader, so technically, ikaw yung target ni Gab” sabi niya.

Narinig ko na naman pangalan ni Gab.

“Kasabwat ka niya?!”

“Woah, easy there. Don’t get me wrong, magkaibigan kami ni Gab kaya ginawan ko siya ng favor.”

“Anong klaseng favor naman yan?”

“Hmmm… for starter, yung gift ko eh hindi pang atake or defensive, yung gift ko eh magtago dito sa event na ’to to stay alive” sabi niya.

“Ano pong gift niyo?”

“I can tell the past and story of a person just by looking at them” sabi niya.

Napamangha naman ako ng tuluyan sa sinabi niya.

“So…. ako po yung ginamit niyo?” Tanong ko.

“Ang panget ng term na ginamit ah! Meron lang akong nalaman na secrets about sa’yo.”

“Bakit parang tinatalikuran niyo po si Gab?”

“Hindi naman sa ganun, after naman ng event na ’to sigurado akong magkaibigan parin kami, pero kasi yung sikreto mo eh importante sa pagkatao mo, more than sa event na ’to” sabi niya pa.

Kinakabahan ako sa sinasabi niya.

Napapikit siya sandali.

“Ooops. Magbabago na yung setting ng event, may matatalong isang babae at pagkatalo niya, magbabago na yung lugar.”

“So ano po yung natuklasan niyo saken?!” Pagmamadali ko.

“Yung kapatid mo.” Sabi niya.

“Huh? Wala po akong kapatid, patay na!”

“Hindi yung patay na kapatid tinutukoy ko, yung buhay”

“Only child lang po ako”

“See, ayun yung alam mo. May kapatid ka sa ama.” Kwento niya.

Ano tong nararamdaman ko, ang sakit sa dibdib.

“Ano pa pong alam niyo?!” Tanong ko pa.

Pero huli na ang lahat, nagbabago na naman yung setting ng lugar at nawawala na sila sa paningin ko.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS!!!!!

ABANGAN ANG LAST 6 CHAPTERS!!!!!

MAJOR IN PABITIN AKO EH NO? 😗😗

Part 60

Naiiyak na naman ako ngayon, siguro dahil nag iisa na naman ako. May 10 na naman natalo sa event, at paunti na kami ng paunti.

At siguro, mas naiiyak ako sa nalaman ko about kay Leia.

Paano nalaman ni TB yung tungkol kay Leia? Bakit gusto niyang mahanap ko siya? Alam na kaya niya simula pa lang na may kapatid ako?

Imposible, kasi kung alam niya, sinabi na niya saken yun ng matagal na. Gusto kong malaman kung sino yung kapatid ko.

Masyado na akong nababaliw.

Kinakain na ako ng sistema sa event na ’to. Masyadong maraming nangyayari. Hindi lang ’to basta event lang sa gifted, parang ako ang pinaka affected sa lahat.

Nag aadjust pa yung mata ko sa bagong lugar. Medyo madilim pa kasi at mukhang bago na naman talaga tong stage na ’to.

Tinignan ko yung sahig kung nasaan yung lugar at naramdaman ko yung aligasgas ng buhangin.

Medyo mahangin din.

May mga napapansin din akong matataas na bagay, siguro building yun, di ko pa sure kasi gabi.

Naglakad ako ng kaunti at dun ko napansin na nasa isang disyerto ako!

Oo, katulad nung sa stage 1 kaso this time, mukhang mas malaki yung lugar.

Pinagpatuloy ko yung paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa parang building na nakita ko kanina, hindi nga ako nagkamali, building yun.

Pumasok muna ako dun at ginamit ko gift ko kung may tao dun sa loob, kaso wala akong na detect kaya dun muna ako nagpalipas ng gabi.

Sure akong sira yung building na ’to at abandunado, pero may sofa dun at dun muna ako nagpahinga.

Nahiga ako dun habang iniisip yung nangyayari saken.

+++

Nagising ako dahil narinig kong may pumasok sa building.

Umaga na at maaraw, saka ko napansin yung loob ng building, sobrang dumi at kalat, kahit yung sofa na hinihigaan ko eh sira sira, pero di ko na napansin sa sobrang lungkot ko.

Sinilip ko kung sino yun.

“Sarah!!!” Sigaw ko.

Napatingin siya saken at dali dali siyang tumakbo at niyakap ako.

“Julian!!!!! Gosh! Ang tagal kitang di nakita!!”

“Alam ko! Nag aalala ako mamaya wala ka na.”

“Duh, ako pa ba?”

“Hehe sabagay. Ikaw lang mag isa?”

“Oo, may nakalaban pa ako nung pag punta ko rito, buti natalo ko hehe”

“Nako, ang lakas talaga hehe.”

“Umiyak ka ba? Bakit namamaga yang mata mo?” Sabay lapit ng mukha ni Sarah saken.

“Huy, wala ’to hehe”

“Nako Julian, wag ako. Sabihin mo na yan, may nawala ba na dapat kong malaman, si Matteo okay lang ba?”

“Oo, okay naman siya. Kaso…, hindi yun yung problema ko”

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kay Sarah lahat pero kaibigan ko naman siya at may tiwala ako sakanya, kaya sinabi ko rin lahat.

“Woah. Seryoso?! May kapatid ka?!”

“Di ko rin alam kung sino, kaya nga nag iisip ako ngayong mabuti eh”

“Nako, kung meron man, aba dapat tanungin mo yung babaeng yun para naman maliwanagan ka!” Mukhang concern si Sarah saken.

“Gusto ko rin malaman kaso, wala na. Biglang nagbago yung lugar nung nalaman ko. Hindi ko na alam kung nasan siya!” Sabi ko.

“Uhm, may nakalaban ako kanina eh, babae, nakasalamin tapos di siya lumalaban kaya natalo ko siya, sana naman hindi siya yun no?” Aniya.

Nakasalamin, babae, hindi lumalaban.

Bigla ko kaagad binasa yung isip ni Sarah para malaman kung sino yung nakalaban niya kanina, at siya nga.

Si Leia nga.

“Sarah! Siya yun! Paano ako niyan?” Sabi ko.

“Seryoso? Aw. Sorry, hindi ko alam Julian”

“Hays, oo, wala kang kasalanan”

Pero bago siya makasagot, nakarinig kami ng pag atake sa labas.

“May kalaban” sabi kaagad ni Sarah.

Paano naman ako makakaconcentrate neto kung marami akong naiisip.

Lumabas kami ni Sarah at tinignan kung sino, at nakita namen eh dalawang lalaki.

“Sabi na may tao sa loob eh!” Sabi nung isang lalaki.

Joseph at Jacob name nilang dalawa, agad kong sinabihan si Sarah at agad agad naman siyang nag drawing.

Mainit sa labas, mataas sikat ng araw at hindi gaanong mahangin, kahit di ko nararamdaman eh parang ganun yung feeling dahil sa nakikita ko.

Di ko pa sure kung ano yung gift nila pero biglang nilamon ng buhangin yung dalawa, siguro dahil kay Sarah yun.

Di ko tuloy alam kung natalo na sila, pero naramdaman nameng umuuga yung lupa.

Kasabay nun eh ang paglitaw nila sa ilalim ng lupa na halos sa harapan namen.

Agad ko silang hinagis palayo gamit isip ko, mabuti na lang nakaatake ako kaagad.

Pagkabagsak nila sa lupa nagdrawing na si Sarah na hawakan yung paa nila at kamay gamit yung buhangin.

Grabe, ang bilis mag isip ni Sarah.

“Julian, pasukin mo na!” Sabi ni Sarah.

Pero bago ko pasukin isip nila, nakita kong nakatingala si Joseph at nakatingin mismo sa araw.

“Sht, paano niya nagagawa yan!” Bulong ni Sarah.

At yung sinag ng araw eh nakafocus na sakanilang dalawa.

Parang may laser na nanggagaling sa araw na kinokontrol ni Joseph.

“Sht, kaya niyang kontrolin yung araw?!” Sabi ni Sarah.

Siguro ganun nga yung gift niya.

Nasira na yung ginawa ni Sarah sa buhangin at nagsimula ng umatake si Joseph gamit yung araw. Pero this time, ang dami ng laser na umaatake samen.

Mabilis na nagdrawing si Sarah ng shield namen.

Nagkaroon ako ng time nun para gumawa ng kakampi namen ni Sarah na gawa sa buhangin.

Isang malaking monster! At ready na lumaban sakanilang dalawa.

“Nice Julian!” Biglang nagdrawing ng mabilis uli si Sarah at may lumabas din sa ilalim ng lupa katulad ng ginawa ko.

Nag high five kami ni Sarah at inatake na silang dalawa.

Nilagyan ng shield ni Sarah yung dalawa nameng monster para hindi kaagad matalo.

Lahat naman ng kalat sa loob ng building ay pinalipad ko rin papunta sakanila.

Akala namen okay na, pero biglang sumigaw yung isa, si Jacob at tumalsik na lang lahat ng pinang atake namen sakanila.

May biglang lumitaw na shield sa harapan namen na gawa sa buhangin at sigurado akong gawa ito ni Sarah.

“Malakas silang dalawa Julian” sabi ni Sarah.

“Oo nga eh”

“Pero kaya natin yan!” Sigaw ni Sarah sabay sugod sakanilang dalawa.

Anong gagawin netong si Sarah?!

Sumigaw uli ng malakas si Jacob at parang nagkaroon ng malakas na shock wave na nagpaurong saken ng bahagya. Pero si Sarah eh tumalon habang nagddrawing.

Sht, ang galing ni Sarah.

Biglang nagkaroon si Sarah ng pampasabog sa kamay niya at binato niya sa dalawa.

May beam naman ng araw na aatake sakanya pero nakagawa kaagad siya ng shield niya.

Grabe si Sarah, ang lakas! Sobrang lakas!

Napaghiwalay ni Sarah yung dalawa dahil sa pasabog na yun.

Dali dali kong pinasok yung katawan ni Joseph para makontrol ko siya.

Success!!

Nasa loob ako ng katawan ni Joseph pero nakita ko yung katawan ko sa malayo na nakahandusay sa sahig.

Dali dali namang tumakbo si Jacob papunta saken pero pinigilan ko siya!

“Kunin na natin yung lalaki pre!” Sabi niya saken, hindi siya aware na nasa loob ako ng katawan ni Joseph.

Kinontrol ko yung araw at gumawa ng malaking laser saka ko pinang atake kay Jacob.

“Anong ginagawa mo pre!”

Di ako sumasagot, inaatake ko lang siya at nakakailag siya!

Bigla naman niyang sinapak yung sahig at parang may lindol na palapit saken na nakapagpatalsik saken.

Di ako tumigil sa pag atake sakanya.

Mayamaya, si Sarah din, umaatake kay Jacob gamit yung mga drawing niya. Ang daming lumalabas na buhangin na hayop na umaatake sakanya.

“Julian?” Tawag saken ni Sarah sa katawan ni Joseph.

“Oo!”

“Nice, alam mo na gagawin!” Sabi niya.

Di ko alam kung paano pa kontrolin tong gift na ’to kaya pinagpatuloy ko lang sa pag atake si Jacob.

Sumapak naman si Jacob sa malayo at parang may shockwave na sumapak ng malakas kay Sarah!

Tumilapon siya sa malayo.

Maya maya, naramdaman ko rin na tumalsik ako ng napakalayo. Tinamaan din ako!

Bigla ko na lang napansin na nasa loob na ako ng katawan ko at dahan dahan na bumangon.

Nakita kong nakahilata pa rin si Sarah at Joseph sa sahig, samantalang si Jacob mukhang napagod sa ginawa niya.

“ Sarah! Hawakan mo uli yung dalawang yan. Wag mong hayaang makagalaw!“ Kausap ko si Sarah sa isip niya.

Mukhang nagets naman niya at may humawak uli sa katawan nilang dalawa, mga buhangin yun.

Nice!

Lumipat ako ng tingin sa building.

Pumikit ako at kinalma ko sarili ko.

Ang daming pumapasok sa isip ko, yung mukha ni papa, mukha ni mama, ni Matteo, ni Laurence, ni Gab, ni TB, lahat sila, naiisip ko ngayon.

Nagfocus pa ako.

Tinanggal ko sila sa isip ko.

Nararamdaman kong lumulutang ako sa ere, pero nakapikit pa rin ako at nagcoconcentrate.

Gusto ko ng matapos tong event na ’to para maharap ko na yung katotohanan sa buhay ko.

Pagkadilat ko sa mata ko, unti unti kong pinapagalaw yung building!

Siguro mga 50 floors yung taas neto!

Umuuga na siya, napapagalaw ko na.

Lumapit si Sarah sa tabi ko pero di siya nagsalita.

Hanggang sa nabunot ko sa ilalim ng lupa yung building na ’to!

Hawak hawak ko siya gamit ang isip ko.

Parang lahat ng lakas ko, napupunta sa utak ko.

Napatingin ako sa dalawa at nakatali pa rin sila sa ginawa ni Sarah.

Inangat ko pa ng todo yung building na yun hanggang sa makayanan ko.

Saka ko binagsak ng napakalakas sa dalawang yun!

Ang lakas ng hangin sa paligid at ang daming debris na tatalsik papunta samen!

Pero si Sarah, gumawa kaagad ng isang matibay na shield para sameng dalawa!

Naririnig ko yung mga pagsabog sa labas ng shield pero feeling ko safe ako sa loob.

Napahiga ako sa sobrang pagod na ginawa ko.

“Ang galing mo Julian, ang lakas mo!” Sabi ni Sarah.

Ngumiti lang ako, pero sa sobrang pagod ko, napapikit ako ng mata.

+++++

Bigla akong nasa school, hindi sa CEU, kundi sa ibang school, mukhang college din ’to dahil di naman mukhang mga High School yung nandito.

Ano ’to? Bagong setting ng lugar?

Hindi, imposible, wala dapat ibang tao.

“Ricky!” Sigaw ng isang babae sa likod ko, tumakbo siya palapit dun sa lalaki at tumagos lang siya saken.

Woah.

“Hi bes!” Sabi nung Ricky.

Tinignan kong mabuti kung sino yung Ricky, akala ko nagkataon lang na kapangalan ni Papa yung Ricky pero hindi.

Si papa nga yun nung kabataan niya!!

“Ano? Si Lily na naman hinahanap mo?!” Tanong nung babae.

Lily? Si Mama?

“Bakit ba bes, ano naman, gusto ko makita eh!” Sabi ni papa.

Bes?baka eto si Linda.

Tinignan kong mabuti, alam ko familiar siya kaso di ko mawari kung sino. Basta ang alam ko nakita ko na siya.

“Oh ayan na Lily mo!” Sabi nung Linda at biglang nagliwanag mga mata ni papa na parang tuwang tuwa sa nakita niya.

“Salamat Bes!” Sabi namn ni Papa sabay sugod kay Mama.

Naiwan si Linda na nakatayo dun at kita ko sa mata niya na parang nalungkot siya.

At saka ko napagtanto, kwento to ng buhay ni papa.

Bigla namang nagbago yung lugar at si papa at Mama lang magkasama sa mall, grabe, ang awkward tignan ng parents ko nung kabataan nila.

“Nasaan si Linda?” Tanong ni Mama.

“Ah, baka nasa school”

“Sure ka bang wala lang kayong dalawa?”

Ang korny talaga kapag parents mo yung naglalambingan.

“Wala po talaga. Magkaibigan lang kami” sabi pa ni papa.

Aba si Mama, kinikilig na naman!

Nasa isang inuman naman kami ngayon, si Linda at Papa lang yung nandito at mga tropa nila, wala si mama.

“Bes, ano ba? Bakit di mo ko pinapansin? May problema ba tayo?!” Tanong ni papa

“Hala, syempre umiiwas lang ako sa’yo kasi may iba ka na.”

Saka ko naalala si Matteo, ganitong ganito nangyari samen noon.

“Hala, ang arti arti niya oh. Pansinin mo na ako” suyo ni papa.

“Oh masaya ka na!?” Nagkatinginan silang dalawa.

Wapakels yung mga kasama nila sa inuman sa ginagawa nilang dalawa.

“Mahal mo ba ako bes?” Tanong ni Papa.

Hindi naman nakasagot yung Linda at parang ‘oo’ yung sagot.

Tumayo si Linda at tumakbo papasok sa loob ng kwarto, sumunod naman si papa.

Pagpasok ko ng kwarto, nakita ko na silang naghahalikang dalawa!

Kadiri.

Pumikit ako at umasang magbabago na uli yung lugar.

Nasa school na uli ako, at magkahawak kamay na si Mama at Papa.

Iba rin alindog netong si papa eh.

“Happy 1st month mahal” sabi ni papa.

“Happy 1st month din”

Again, ang korny kapag parents mo naghaharutan.

Pagka akyat sa classroom, hinahanap ni papa si Linda pero wala siya.

Parang lumipas ang buwan, hindi nagpakita si Linda.

Na kina Linda naman ako ngayon at nag iimpake siya.

May kausap siyang babae na umiiyak.

“Wag mo naman akong iwan, tiniis ko naman na mahal mo yung Ricky mo diba? Nagpaka tanga ako sa’yo! Please naman, wag mo akong iwan!” Sabi nung babae.

“Ano ba, buntis ako! Sa taong may mahal na iba. Malaking pagkakamali ko yun!”

“Eh ako? Sabi mo mahal mo ako?!”

Sht. Lesbian pala tong si Linda.

“Hindi mo ba naiintindhan na buntis ako?! Wag na ako!!”

“Tutulungan kita sa pagpapalaki ng bata!”

Di nman nakasagot si Linda.

“May anak ka rin….”

“Pero gusto kita makasama Linda!” Sabi niya pa.

Ngumiti lang si Linda nun.

“Happy 1st Anniv Mahal!” Sabi ni papa.

Niyakap lang siya ni mama sabay bulong.

“Buntis ako mahal”

Natahimik si papa. Di ko alam kung natutuwa siya o hindi.

“Talaga?” Sabi niya.

“Oo. Di ko alam kung anong gagawin ko, siguradong magagalit sila mama…,”

Nag aalala si mama pero hinalikan lang siya ni papa at sinabing hindi siya neto iiwan.

Si Julian na ako! Kita ko kung paano ako tinuturuan nila mama at papa maglakad.

Saglit lang yung moment ko nun at napunta na naman ako kay Linda.

This time, familiar na talaga siya! At sigurado akong nakita ko na siya at nakausap.

Mas matanda yung anak niya saken ng halos dalawang taon.

May kalaro yung kapatid ko na isang lalaki na mas matanda sakanya.

Si Linda at yung babae naman kanina eh nag aaway.

“Ayoko na, gusto ko na ng sariling pamilya! Gusto kong lumaki yung anak ko na may pamilyang buo at si Alex ang bubuo nun!” Sabi ni Linda

Di makapaniwala yung babae sa nangyari kaya umalis siya kasama yung anak niya.

Biglang nagdilim at nawala yung panaginip ko.

Nung mga oras na yun, nakita ko yung kapatid ko, kapatid ko sa ama na buhay na buhay.

“Ayos ba sa flashback?” Biglang may nagsalita nun at alam kong familiar yung boses na yun.

Si Gab.

Magkaharap kami ngayon, at kaming dalawa lang yung tao. May liwanag lang na nakatutok mismo sameng dalawa.

“Ayos ba?” Sabi niya.

“Ano bang ginawa ko sa’yo Gab?! Ano? Sabihin mo! Akala ko mabait ka….”

“Akala mo lang yun Julian.”

“Anong ginawa mo kay Laurence?!” Ayan kaagad tanong ko.

“Woah, Laurence kaagad? Sa tingin mo si Laurence lang yung plano ko?!” Tanong niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Ngumiti lang siya at biglang nagkaroon ng parang pangyayari sa gilid ko, biglang lumiwanag at pinapanuod ko yung continuation ng nangyari kanina

Umalis yung babae ni Linda kasama yung anak niya.

Yung babaeng yun eh naging pariwara, na halos di na niya bantayan yung anak niya dahil lang sa broken hearted siya.

Siguro mga 10 to 12 years old na yung bata at nakita kong namatay yung mama niya.

At dun ko namukaan yung bata.

Si Gab pala yun!

“Ikaw yun?” Tanong ko.

“Oo Julian! Ako yun, at simula niyan naging miserable na buhay ko!” Sabi niya.

“Oh, bakit ako sinisisi mo?!”

“Kasalanan mo lahat, kasalanan ng tatay mo!”

“Walang kasalanan si papa!”

“Kung sa tingin mo wala, sa paningin ko siya may kasalanan ng lahat!”

“So saken ka gumaganti?! Ganun ba yun?!”

“Syempre, sino pa ba gagantihan ko?!”

“Sana diniretso mo na saken! Hindi yung ginamit mo pa si Laurence!” Sabi ko.

Ngumiti lang siya at may pinakita.

Si Greco at Tracy naman yun. Nasa probinsiya sila at may nabasa sila sa libro nila.

Naalala ko tong kwento ni Greco, may hinahanap nila ako dito sa Manila.

“Anong kinalaman nila?” Tanong ko kay Gab.

“Ang slow mo Julian, yung nabasa nila sa libro nila, ako may gawa nun. Ako yung nagpapunta sakanila rito!” Sabi ni Gab.

Si Greco at Tracy?

“Bakit?!”

“Ex ko si Tracy Julian, at alam kong may gift siyang makakatulong sa paghiganti ko”

Naalala kong kwento ni Greco na sinabi ni Tracy na nakipagkita siya sa ex niya dito sa Manila.

“Si Tracy ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa future”

Naguguluhan pa ako pero kinikilabutan ako habang nagpapaliwanag si Gab.

“Nakipagkita ako nun kay Tracy, tinanong ko siya kung ano yung nakita niya about sa’yo, at sinabi niya nga saken lahat lahat.”

“Bakit ang sama sama mo!”

“Wait there’s more. Inutusan ko siyang sabihin sa’yo na ’wag pagkatiwalaan si Greco”

Naalala ko nung kumatok si Tracy sa bahay ng gabing gabi at bigla niyang sinabi yun, kinabukasan naman eh nawala na kaagad yung gift niya.

“Ikaw pala may gawa ng lahat!” Nanggigigil ako ngayon kay Gab.

“At oo, ako nagsabi naman dun kay Greco yung about kay Laurence at sinabi niya kay Kennard at Lucas na kaibigan niya. Ako rin nag utos kay Angelica na itulak ko sa baba ng bundok para ma teleport ka sa itaas ng bundok para makita mo si Leia, at masabi niya sa’yo yung tungkol sa kapatid mo!”

Konektado lahat. Planadong planado lahat ni Gab.

“Nakuha ko yung gift ko kay Kuya Grey, at small world talaga, yung taong sumira rin sa pagibig na Kuya Grey eh yung taong nagbigay ng gift mo!”

Di ako makapagsalita.

“Naiintindihan mo na ba lahat ngayon?”

“Paano papasok si Laurence dito?!” Tanong ko.

“Aha tama ka diyan! Hmmm…. naalala mo nung nakita kami ni TB mo at ni Jai sa SM kasama si Laurence? Alam kong alam mo kasi nakita mo sa panaginip mo kay TB yun diba?”

“Oo naaalala ko”

“Sinadya nameng ipakita kay TB at Jai yun, alam namen na nandun sila para na rin mapag isip sila!”

“So kaya mo pinasok sa Illusion mo si Laurence?!”

“Oo, pinasok ko sa isang Illusion si Laurence kung saan inlove na inlove siya sa’yo!”

Tumatawa lang si Gab ngayon.

“Pasalamat talaga ako kay Leia at nasabi niya saken lahat tungkol sa nakaraan, habang si Tracy naman, nasabi niya saken lahat ng mangyayari sa future.”

“Hindi mo na mababago yung future!”

“Actually nabago ko na, after mong mainlove sa iba, nabago na yung future mo at hindi na yun naaayon sa future na nakita ni Tracy na kayo ni Matteo ang magkakatuluyan!”

Si Matteo ang makakatuluyan ko sa future?!

Pero kung si Matteo ang future ko, bakit di ko mabasa nasa isip ni Laurence.

“May ipapakita pa ako sayo Julian!” Sabi ni Gab.

At nakita ko na naman si Linda kasama yung anak niya.

May pumasok na lalaki at hinalikan si Linda sa noo.

Sht. Sht. Sht.

Di ako pwedeng magkamali!

Papa to ni Laurence!

Tinignan kong mabuti si Linda, sht, naaala ko na siya!! Siya yung mama ni Laurence.

Natulala lang ako at di makapaniwala sa nangyayari.

Tawa lang ng tawa si Gab habang pinapanuod yung reaksyon ko.

“So… kaya di ko mabasa isip ni Laurence, kasi mahalaga talaga parte niya sa buhay ko kasi…..”

“Kapatid mo si Laurence!”

Tawa ng tawa si Gab pero di pa rin ako makapagreact.

+++++

LAST 5 CHAPTERS!!!!!!!

VOTE AND COMMENTS NA!!!

Part 61

VOTE AND COMMENTS NA KAAGAD!!!!!

+++

Kapatid ko yung una kong naging boyfriend.

Kapatid ko yung first romantic kiss ko.

Kapatid ko yung crush ko.

Kapatid ko yung pinagpapantasyahan ko.

Kapatid ko si Laurence.

Ayoko pa rin maniwala sa nalaman ko, hindi dahil kapatid ko siya, kundi dahil ang hirap paniwalaan.

Parang mababaw masyado yung pangyayari, to think na wala naman akong kasalanan. Wala naman akong ginawa para mangyari saken ’to.

Madilim pa rin, at mukhang hindi pa ako nakakalabas sa panaginip ko.

Bigla namang nagliwanag yung paligid at nakita ko si Laurence na palapit saken.

Nasa school kami ngayon, habang may hawak siya na bulaklak. Maraming mga tao sa paligid namen, habang may hawak ng gitara si Matteo.

Eto yung panahong hinarana ako ni Matteo kaso si Laurence yung lumabas. Eto yung araw na sinagot ko si Laurence.

Niyakap ako ni Laurence ng mahigpit at hinalikan sa noo.

“I love you Julian. I love you babe” sabi pa ni Laurence, at dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya saken.

Alam ko na yung gagawin niya, hahalikan niya ako sa labi ko.

Napapikit ako ng todo, habang nagsisigawan yung mga estudyante sa paligid ko.

“JULIAN!” Biglang sigaw ng boses na babae.

At napadilat ako ng mata.

Puro buhangin na naman at isang gumuhong building yung bumungad saken.

Bumangon ako.

“Okay ka na ba?” Tanong ni Sarah saken.

Oo nga pala, kakatapos ko lang buhatin yung building.

“Grabe Julian! Building? Seryoso? Nakaya mo yun!”

Napakamot lang ako ng ulo.

“Siguro sobrang pagod ka na kaya ka nahimatay”

“Kanina pa ba ako natutulog?” Tanong ko.

“Hindi naman, mga 20mins lang”

20mins? Pero ang dami ko na kaagad nalaman.

Sumasakit na lalo yung ulo ko.

“Okay ka lang ba Julian?” Tanong pa ni Sarah.

“Ah, oo oo.”

“Okay ka na maglakad? O gusto mo dito muna tayo?”

Pumayag na ako maglakad, para mahanap na rin namen yung iba at para di ako mabaliw kapag nakaupo lang ako sa isang tabi at nag iisip.

+++

“Hay nako Julian, may problema ka! Ano yun? Sabihin mo na!” Sabi ni Sarah habang naglalakad kaming dalawa sa disyerto.

Kanina ko pa iniisip yung panaginip ko about kay Gab.

Parang di kasi ako makapaniwala.

“Wala…”

“Tigilan mo ko Julian, kilala na kita. Miss mo na si Matteo?”

“Hindi yun…”

“Nako, miss mo na siya, ako na bahala sa’yo” nilabas niya yung pang drawing niya at mukhang may ginuguhit siya.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ko.

“Shhh…. wag ka maingay”

Bigla niyang tinago yung drawing niya at may lumabas na insekto na gawa sa buhangin. May mga parang aso din na gawa sa buhangin ang nabuhay.

At bigla silang umalis bigla.

“Para saan yun?”

“Inutusan ko silang hanapin si Matteo!”

“Kaya mong gawin yun?”

“Nagawa ko na diba? Ano ba Julian, may problema ka ba? Bakit parang ang slow mo ngayon?”

“Wala nga Sarah….”

“Bahala ka kung ayaw mo sabihin!” Mukhang nag tampo na si Sarah pero ayoko munang sabihin sakanya yung natuklasan ko.

Mukhang nananaginip na naman ako at this time, si Matteo na kasama ko.

Naalala ko, eto yung araw na nasa school kami at magkatabi.

Kahit nagsasalita yung prof namen, walang tunog na lumalabas.

Kay Matteo lang ako nakatingin habang natutulog siya, napakasarap niya talagang pagmasdan.

Tapos bigla siyang tumingin saken at ngumiti. Eto yung Matteo na minahal ko talaga noon hanggang ngayon. Yung bigla na lang magpapaganda ng panget kong mood.

Bigla niyang kinurot yung pisngi ko at pinanggigigilan ako.

May sinasabi siya pero wala akong naririnig, basta pinagmamasdan ko lang siya.

Tapos biglang nagbago yung setting, nandun kami sa beach ngayon, gabi na at magkahawak kami ng kamay. Di ko alam kung anong moment ’to, pero nung nakita ko si Laurence sa dulo ng nilalakaran namen, naalala ko na.

Eto pala yung hinatid ako ni Matteo ni Matteo para sa first kiss namen ni Laurence.

Pero this time di niya ako binitawan.

“Bakit Matteo?” Sabi ko sakanya.

“Huwag ka ng tumuloy” sabi niya.

Alam ko nasa loob ako ng event at hindi totoo ’to, pero katulad ’to nung mga nauna kong panaginip na parang ramdam na ramdam ko yung moment.

“Bakit?“tanong ko.

Sabay niyakap niya ako ng mahigpit.

“Akin ka na lang Ju. Huwag ka ng tumuloy kay Laurence.” Bulong niya saken.

Bwisit. Bakit ba ako naiiyak ng ganito?

Ang higpit lang ng yakap niya at parang totoo. Siguro dahil gusto ko ’to kaya ganito yung pakiramdam ko.

Tinanggal niya yung pagkakayakap saken at biglang nawala na naman si Matteo sa paningin ko.

Nawala mismo lahat at isang blankong puti lang yung nandun.

Mag isa na naman ako.

Narinig ko naman boses ni Laurence sa malayo at tumatakbo siya palapit saken.

“Sandali!!” Sigaw niya.

Habang palapit ng palapit si Laurence saken, bigla na lang siyang tumagos sa katawan ko na para bang hindi ako nag eexist.

“Andiyan ka lang pala!” Sabi niya pa pero hindi ako kausap niya.

Pag lingon ko…

Si Lucas kasama niya!

Nagyakapan sila at naghalikan dun.

Tapos bigla ko naman nakita si Matteo sa tabi ko at may hawak siyang bata na sobrang cute at maputi.

“Ayos ba Ju?” Sabi niya saken.

Hindi pa rin nagbabago yung lugar, tanging puti lang makikita mo sa paligid at si Matteo lang yung nandun.

“Kaninong baby yan?” Tanong ko.

“Saten, ano bang problema mo? Stress ka pa ba?” Tanong niya sabay yakap saken.

Pero nung yumakap siya saken, naramdaman kong sumakit yung tyan ko.

“Aray!” Sabi ko.

“Ohh… sorry Ju… naipit ko ba yung baby natin?” Tanong niya.

“Baby?”

Tinignan ko yung tyan ko, putek, Buntis nga ako! Oo!

Ang laki ng tyan ko at ang daming stretchmarks!!

“Ohh, bakit ka nagugulat???” Tanong niya saken sabay halik sa noo ko.

“Paano…. teka…”

“Paano? Gusto mo bang gawin uli natin step by step kung paano natin ginawa si Baby Luigi?” Bulong niya saken na parang nang aakit.

Sumasakit ulo ko.

Napasigaw ako at napapikit.

Pag dilat ko, wala na naman sila sa harapan ko.

Ang gulo ng panaginip ko, ano ba ’tong naiisip ko.

Ano ba tong panaginip na ’to!

Gusto ko ng gumising. Gusto ko na maalis dito pero bigla kong nakita si Laurence.

At this time, magkaharap na kaming dalawa, Sobrang naiilang na ako sakanya pero di ko magalaw katawan ko sakanya.

Lumapit lang siya saken at niyakap ako uli.

Iba na yung nararamdaman kong yakap sakanya, parang big brother.

Sabagay, mas matanda talaga ng halos dalawang taon saken si Laurence. Si Matteo, isang taon. Pero never naman sumagi sa isip ko na kapatid ko siya!

“Julian?” Boses ng babae yun.

Tinanggal ni Laurence pagkakayakap niya saken at nawala siya sa paningin ko.

Wala na namang tao. Blankong puti na naman nakikita ko, pero may nagsalita na naman na babae.

“Julian”

Lumingon ako at nakita ko si Tracy!

Kung paano ko siya nakita no’n, ganun pa rin yung itsura niya.

“Tracy!” Nasabi ko sakanya.

Ngumiti siya.

“Kumusta ka Julian?”

“Ah… hindi ko alam isasagot ko”

“Hehe nararamdaman ko nga.”

Natahimik kami saglit, pero ako na yung nagsalita para tanungin siya.

“Alam mo pa ba yung mangyayari saken? I mean, sa future ko?”

“Oo naman!”

“Akala ko ba nawala na yung gift mo?” Tanong ko pa.

Naupo kaming dalawa. At ganun pa rin yung setting, puti lang, as in puti lang makikita mo sa paligid.

“Oo nga. Pero pinasok mo yung panaginip ko, at isa sa mga panaginip ko ’to. Sigurado ako pag gising ko, hindi ko matatandaan ’to pero ngayong nasa loob tayo ng panaginip ko, mauunawaan ko ng lubusan ’to” sagot niya.

“So yung mga nakita ko kanina? Tungkol samen ni Laurence at Matteo….”

“Tama ka ng naiisip. Totoong mangyayari yung mga yun.”

Totoo? Na kami ni Matteo? Yung anak?

“Totoong mabubuntis ako?” Tanong ko pa.

Tumawa lang siya ng malakas.

“Ahaha. Medyo OA lang yung panaginip mo about diyan”

“Akala ko ba nasa loob tayo ng panaginip mo?”

“Oo nga. Pero nakikita mo rin yung mga bagay na gusto mong makita. In short, panaginip ko ’to at panaginip mo rin.”

Di ako nakapagsalita.

“Yung nangyari sa buhay mo nung sinagot mo si Laurence, ganun yung mangyayari. Samantalang kung pinili mo si Matteo, ganun naman yung mangyayari sa’yo. Magkakapamilya kayong dalawa”

“So totoo nga na kami talaga ni Matteo ang magkakatuluyan?”

Ngumiti siya na parang sinasabi niyang oo.

“Sasabihin ko naman sa’yo Julian. Kaso naunahan lang ako ni Gab” pahabol pa niya.

“So, naging kayo talaga ni Gab?”

“Oo Julian, kaso matagal na rin yun. Ang sabi niya tutulungan ka niya kasi friend mo siya, kaso nga ayun, di ko alam na gagawin niya saken yun”

“Eh bakit di mo siya komprontahin? Ngayong alam mo na!” Sabi ko

“Nako Julian, pag gising ko, di ko na matatandaan ’to. Kumbaga tong memories na ’to eh recorded na lang sa isip ko. Parang ganun”

“Pero… kapatid ko talaga si Laurence?”

Yung expression niya, sinasabi niyang oo.

“Bakit parang ang hirap na harapin yung totoong buhay ko pagkatapos netong event na ’to?” Sabi ko kay Tracy, mukhang naawa siya saken kaya niyakap niya ako.

“Malalampasan mo yan, harapin mo na lang yan. Di ko rin kasi alam kung bakit ganun si Gab pero kung alam mo lang nangyari sa pamilya niya, maaawa ka rin sakanya. Pero di ko rin naman sinasabi na tama ginawa niya sa’yo, maling mali talaga”

“Gusto ko na lang sumuko rito”

“Wag Julian! Wag. Lumaban ka, nakita kong may laban ka rito, may lakas ka na di mo pa nalalabas. Na siguradong magpapanalo sa’yo rito!”

“Bakit di ko malabas? Hindi ko alam kung ano yun!!!”

“Malalaman mo rin yun Julian. Hindi ko masabi sa’yo kasi nakita ko lang, ikaw ang mananalo”

“Nabago ko na yung future ko, dahil sa ginawa ni Gab sa buhay ko! At alam kong alam mo yun!”

Napansin kong lumalayo na si Tracy saken pero may sinasabi pa siya.

“Huwag kang maniwala sa destiny na sinasabi sa’yo. Make your own, you create your own. And make it a good one”

At yung moment na yun, nawala na siya sa paningin ko at bumungad na saken si Matteo!

++

“Ju! Tayo na! May umaatake saten!” Gising saken ni Matteo.

Kanina pa ba ako tulog?

Hapon na nun at napansin kong pababa na yung araw.

Pag gising ko nandun na si Matteo at Blue! Pero paano? Parang ang bilis naman. Kanina lang wala sila.

Bigla akong nakakita ng Yelo!

Si Lucas din nandito?

Teka, nasaan na ba kami?

Tinignan ko yung lugar, disyerto pa rin kami at nasa labas ng building, pero ibang lugar na ’to at mukhang busy na lahat sa paglaban.

May mga sirang kotse at mga ligaw na damo, may cactus at isa pa, mahangin.

“Ju! Kanina ka pa namen ginigising!” Sigaw pa ni Matteo saken.

Bumangon na ako para tignan yung makakalaban namen.

May dalawang lalaki na di ko pa alam kung ano yung gift nila. Nakadikit lang si Matteo saken at di niya ako iniiwan.

Nakaready si Sarah, Blue at Lucas sa laban.

Nagulat ako ng bigla silang bumagsak ng walang kalaban laban.

“Delikado yan Ju, kaya niyang paatakihin yung anino niya!” Sabi ni Matteo.

Oo nga! Ganun nga yung ginawa nung lalaki. Nawala kasi yung anino niya at parang inatake yung anino nilang tatlo na siya nakakaapekto sakanila.

Gumawa si Lucas ng yelo! Pero dahil disyerto ’to eh maliit lang nagawa niya. Pang shield lang sa sarili niya.

Pero sinira ng anino nung kalaban yung anino ng yelo kaya nasira na rin yun!

At dahil katabi ko si Matteo, di ako naaapektuhan ng gift nila.

“Makakatalo lang sa aninong yan eh liwanag!” Bulong ni Matteo

“Julian! Tulong naman!” Sigaw ni Lucas.

Pero ayaw ako paalisin ni Matteo.

Hindi ko rin alam kung anong tulong magagawa ko dahil sa nangyayari saken.

Nagparami na naman si Blue, this time mga 20 na nagawa niya.

Ang galing na sana ni Blue kaso ng problema,

Walang anino yung mga clone niya.

Kaya kitang kita kung sino yung totoong Blue.

Umaatake yung mga clones ni Blue sa dalawa.

Pero biglang nagsilakihan yung mga cactus sa gilid namen at umatake sa clones ni Blue at madaling tinapos lahat ng clones niya ng isang saglit lang.

At nakita ko yung nakalaban namen nung sa kabilang stage, yung babaeng kayang kumontrol ng paglaki ng mga halaman, si Matilda.

“Akala ko natalo na natin siya?” Sabi ko kay Matteo.

“Hindi pa si Ju, si Angelica yung natalo namen!”

“Mabuti naman!”

Pero wala silang laban.

Umalis ako sa tabi ni Matteo para tumulong.

Sumugod ako kaagad pero nakaabang yung anino ng kalaban at saka tumalsik ako ng malayo!

Lumapit naman si Matteo saken para tulungan ako.

“Ano ba!! Pwede ba Matteo, kailangan kong tumulong. Alam ko nag aalala ka pero marami akong bagay na iniisip at isa yung manalo dito sa pesteng event na ’to at hindi ko magagamit yung gift ko hanggang nandiyan ka sa tabi ko!!”

Di ko alam kung saan nanggaling yung galit kong yun.

Napaurong naman si Matteo at alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, pero kailangan ko talaga manalo dito.

Kaya tumakbo uli ako palapit kina Sarah.

“4 vs 3, lamang pa rin tayo!” Sabi ni Blue.

Pero yung anino boy eh may ginawa.

Biglang naging tao yung anino niya, tapos nagkaroon yung anino niya ng anino at naging tao rin, hanggang sa dumami na sila sa paningin namen.

Di nagpatalo si Blue at gumawa rin ng halos kasing rami ng kay anino boy.

“Wow, ang galing mo Blue!” Sabi ni Sarah.

Pero nagsilakihan na naman yung cactus sa paligid namen at mukhang ready na umatake.

“ANG TANGA KO!” biglang napasigaw si Sarah.

“Huy! Bakit?” Tanong ko.

“Anino? Eh kaya siya may anino kasi may araw!!” Sabi ni Sarah kaya nilabas niya yung pang guhit niya at nakita kong dnrawing niya yung araw…. tapos bigla niyang binura.

At maya maya, napansin namen na mabilis na lumulubog yung araw.

“Nice!”

Kinakabahan na si anino boy pero nawala yung ng biglang gumalaw yung isang lalaki.

At parang inaangat niya yung araw!

Sht! Oo nga ayun yung ginagawa niya!

“Pwede niya bang gawin yun!” Sabi ni Lucas.

“Well, nagawa na niya!” Sagot naman ni Blue.

Maya maya, sumugod na yung mga anino at sumugod na rin si Blue.

Sabay sa pagsugod ni Blue eh ang pag gawa ni Sarah ng sarili niyang army, at ganun na rin ginawa ko.

Riot kung riot!

Pero kailangan mawala ni Matilda! Kasi siya talaga pasakit sa ulo.

Ang ginawa ni Lucas eh ginawa niyang yelo yung mga cactus.

Pero nakakawala lang din yung yelo at nababasag.

Mahina talaga si Lucas sa ganitong panahon.

Maya maya, di na kaya ni Blue yung mga anino at malinaw na mas mlakas yung anino kesa sakanya.

Sabay sabay naman kaming inatake nung anino sa mga anino namen at sabay sabay din silang tumalsik, maliban saken.

At nung tinignan ko sa likod ko, pinoprotektahan pala ako ni Matteo.

Kahit sinigawan ko siya kanina, nandiyan pa siya sa tabi ko para tumulong.

“Julian, dapa!” Sabi ni Sarah.

“Huh?”

“Basta dapa!” Sigaw niya.

Sumunod naman ako at may apoy na nanggagaling sa loob ng building. Isang mlaking bolang apoy. Palaki ng palaki hanggang sa umabot na ng halos 20feet sa taas yung bolang apoy!

At nakita ko si Kennard.

Binato niya kaagad sa tatlong kalaban namen yun at si Matilda ang nagshield sakanilang tatlo!!

Di ko alam kung natalo na ni Kennard yung tatlo pero dali dali siyang lumapit samen.

“Sorry baby, ang tagal ng mga alaga mo eh” sabi ni Kennard kay Sarah sabay halik sakanya.

“Tse!“sagot niya pero alam kong kinilig siya.

Tumayo na ulit kaming lima at napansin nameng nawawala na yung shield na cactus ni Matilda, pero nandun pa rin sila at buhay na buhay.

“Kasama ko si JayR!” Sabi pa ni Kennard.

At nkita ko siya na kausap niya si Matteo.

Lumapit siya samen at dali dali kaming pinagaling.

Parang ang sarap sa feeling nung ginagawa ni JayR samen.

“Sorry late kami” pahabol pa ni JayR.

Feeling ko ang lakas lakas na namen nung mga panahong yun at bumangon na kami.

Nakita ko na naman na gumawa ng anino army yung anino boy, tapos biglang nagkaroon ng buhay yung mga cactus at parang ready na rin lumaban.

May nilabas naman si Blue sa bulsa niya.

“Ano yan?” Tanong ko.

“Magic device, pwede ko kayong madamay sa gift ko”

“Madamay?”

“Gagamitin ko sana ’to sa last stage eh, kaso kailangan na natin ’to.” Sabi pa ni Blue.

“Paano yan gumagana?” Tanong ni Kennard.

Di siya sumagot at sinabi niyang magsilapit kami sakanya.

Binasag niya kaagad yung hawak nya sa kamay niya at may konting pagsabog na nakagawa ng malaking fog.

Di ko alam kung anong nangyari, basta hinintay ko mawala yung fog.

Maya maya, nakita ko sarili namen sa harapan ko.

Teka, nasa kanan ko rin.

Nasa kaliwa ko rin.

At dun ko napansin, pinalibutan namen silang tatlo!

Yung pag clone ni Blue, nadamay kami at nagkaroon din kami ng sarili nameng clones!!!!

“Kung anong gagawin ng original niyong katawan, ganun din gagawin nung clones niyo!” Sabi ni Blue na halos lahat ng clones niya sabay sabay nagsalita.

Nakakamangha si Blue, ang galing galing niya talaga.

Natuwa nman yung tatlo, syempre pati ako.

Gumawa ng apoy sa kamay si Kennard, gumawa rin yung clones nya ng apoy sa kamay!

Wow!

Halos palibutan namen sila!

Binato ni Kennard ng apoy yun pero lumaban sila at sumugod!

Si Sarah naman gumawa ng napakaraming golemn!

Ewan ko kung anong ginagawa ni Kennard at inaatake niya yung golemn ni Sarah, yun pala para manigas yung mga golemns at makalaban ng maayos!

Wow! Parang lava na yung golemns ni Sarah!

Inararo ng mga yun yung mga anino!

Samantalang si Lucas, yung mga cactus inatake!!

Sa panigas ng cactus, saka namang atake nung golemn ni Sarah! At yun! Sira na ng tuluyan!

Gusto ko ng tapusin ’to at gawin yung ginawa ko sa building kanina. Madali na lang to sigurado dahil sa marami akong clone.

Nagfocus na ako sa building habang nakikipaglaban sila pero bago ako makalapit, nakita ko si Gab!

Nakangiti siya dun nung nakita niya ako.

Bigla akong nawala sa focus. Nagflashback saken lahat ng nangyari.

Lahat ng nalaman ko at ewan ko, bigla akong natakot sakanya.

Napansin ko naman na gumuho yung building sa harapan ko at mukhang mahuhulugan ako.

Nasisira yung mga bintana, nababasag at mukhang ako talaga yung punterya!

Maya maya, may mga lumabas na hayop sa loob ng building, kasama na rin yung mga natalo kong gift user!

Sabay sabay nila akong inatake, at wala na akong nagawa! Napapikit ako sa takot at nawalan na lang ako ng malay.

++

Nagising ako na nakahiga ako sa isang kama, medyo magulo yung kwarto pero may kama naman na medyo maayos kahit lumalabas na yung cotton sa loob.

“Gising ka na pala” sabi bigla ni Matteo na nkaupo sa tabi ko.

Gabi na yun at mukhang nasa mataas na lugar kami.

Nasa loob kami ng building nun

“Teka, akala ko nasira ’to….”

“Hindi Julian, nasa Illusion ka lang ni Gab kanina” sabi pa ni Matteo.

Di ko mawari kung ano yung mood niya, ang seryoso kasi ng dating niya.

“Paano niyo pala kami nahanap?” Tanong ko.

“Si Sarah, may mga ginawa siya para mahanap kami tapos pinapunta kami sainyo”

Di ako sumagot. Nakaharap ko na pala si Gab, pero wala akong nagawa.

Katulad ni Spencer nung una, wala man lang akong nagawa, mas lalo pa dito kay Gab.

“May problema ka ba? Una, palagi kang tulala tapos palaging tulog, tapos kanina sinigawan mo pa ako! Alam mo pakiramdam ko kapag sinisigawan diba?”

So ayun pala kung bkit siya galit.

“Ganun ba kahalaga sa’yo tong event na ’to?!!”

“Bakit ka ba nagagalit? Alam mo ba pinagdadaanan ko?!”

“Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin? Wala na si JayR at Lucas! Natalo na sila kanina!”

JayR at Lucas? Natalo na sila kaagad?

“Si Gab tumalo, pinoprotektahan kasi kita kaya di ko sila napansin”

Pero naiisip ko si Lucas kung gaano niya gstong matalo si Gab.

“Ano ng problema mo Julian?!! Sabhin mo na!!!”

Galit na rin si Matteo saken ngayon.

“Putaa naman Julian, ano ba!”

Galit na si Matteo talaga,

“Kanina may magagawa ka pa eh! Kaya mo naman labanan si Gab pero tinignan mo lang siya!”

Pero imbis na sagutin ko yung tanong niya, sinabi ko sakanya yung natuklasan ko.

“Kapatid ko si Laurence!!” Sigaw ko sakanya.

Natahimik siya bigla.

Kinwento ko skanya lahat, simula kay Tracy, kay Greco, at sa lahat ng nalaman ko.

“Ngayon alam mo na?! Di ko alamk kung anong nararamdaman ko eh ,natatakot ko na ewan! Tapos kapatid ko yung una kong boyfriend?!!”

Di siya nagsalita pero nakatungo lang siya.

“Alam mo na ngayon!!” Sigaw ko pa sakanya.

Tinignan niya lang ako saglit nun at may nilabas siya sa bulsa niya.

Moon ball.

Lumapit siya saken at sinira yun

Bumalot samen yung usok na nanggaling sa moon ball at naramdaman ko yung hawak niya saken.

Bigla niya akong hinalikan.

Madiin kaagad at parang gigil na gigil na siya.

“Ano ba Matteo….” nagpupumiglas ako pero mas mlakas talaga siya saken.

Bnuhat niya ako at hiniga sa kama!

Hinawakan niya kamay ko at kamay at sa oras na yun wala talaga akong laban.

Di siya tumigil sa paghalik.

“Ano ba!!!” Sigaw ko.

Tinignan niya ako sa mata.

“Alam mo bang kaya mong basahin yung nasa isip ko kapag magkahalikan tayo?” Malumanay na si Matteo nun pero di niya pa rin binibitawan pagkkahawak niya saken.

“Subukan mo” pahabol niya pa.

At nilapit niya uli labi niya saken.

At sa mga oras na yun, may narinig ako sa isip ko.

“Mahal kita Julian” boses ni Matteo yun pero dahil magkahalikan kami, galing sa isip niya yun.

Nababasa ko na nasa isip niya.

Halos lahat ng tungkol saken nababasa ko na at naririnig ko.

“Ikaw lang Ju”

“Ang sarap ng labi mo”

“Please Julian, tayo na lang”

“Mahal na Mahal kita”

“Make love with me”

Boses lahat ni Matteo yun at sa mga oras na yun, binitawan na niya mga kamay ko pero di na ako nag pumiglas.

++

Nagising ako sa sikat ng araw, nakatapis ng kumot at walang suot.

Nakita ko si Matteo sa tabi ko, wala ring suot at naalala ko yung ginawa namen.

Totoong totoo yun, ramdam na ramdam ko. Bawat pag hagod niya sa loob ko, rinig na rinig ko sa isip niya yung pagmamahal niya.

Masakit pero kinaya ko.

Pero above all, sobrang saya ko at si Matteo ang una ko.

Panandalian kong nakalimutan ang lahat at niyakap ko pa siyang maigi, naramdaman niya yun kaya yumakap din siya saken at bumulong ng ….

“Mahal na mahal kita Ju, tatapusin nating dalawa ’to”

++++++++

BAWI NA AKO.

3763 WORDS.

VOTE AND COMMENTS NA KAAGAD!!!!!! :)

Part 62

Saglit lang yung pag idlip ko at nagising uli ako. Pagdilat ng mga mata ko, nakayakap pa rin si Matteo saken.

Mestiso talaga si Matteo, pati katawan ang puti puti, ang kinis, hanggang mukha, actually pati sa ano niya.

Ang laki ng dibdib niya, tapos ang pula pula pa ng labi. Physically talaga maiinlove ka sakanya, lalo na kapag makikilala mo siya.

Ang bango bango pa niya, amoy lalaki na talagang nakaka adik. Inamoy ko ng pahapyaw yung leeg niya at mukhang nakiliti siya ng tumama yung labi ko.

“Uhm…. kung may balak ka ng round 5 sabihin mo lang” sabi niya pero nakapikit pa rin siya at nakangiti.

Medyo nahiya ako. Oo nga pala, naalala ko kagabi.

Bumangon ako pero hinila niya ako pabalik at niyakap ng maigi kasama ng hita niya.

“Dito ka lang” bulong niya sa tenga ko.

Ramdam ko. Oo nararamdaman ko yung ano niya.

“Magdamit ka muna!”

“Ehhhh, enjoy na enjoy ka nga diyan kagabi eh”

Medyo namula ako at tinulak ko siya sa sahig.

Bumangon naman ako para magbihis.

Tumayo siya at lalo ko siyang nakita ng buo at by buo, yung buo mismo.

“Ano ba!” Sigaw ko.

Pero tumatawa siya.

“Ano kaya yun? Akala mo naman..,”

“Magdamit ka na!!” Sigaw ko pa. Habang nagsusuot ako ng underwear ko.

Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si Sarah!

“Dito lang ba kayong dalawa….” di niya natuloy yung sinasabi niya at napasigaw siya ng malakas at nagmadaling tumakbo palabas.

++

“Baliw ka kasi eh!” Sabi ko kay Matteo habang palabas kami ng kwarto.

Magulo talaga yung building, yung kama lang yung maayos, ang daming babasagin at sirang gamit.

Nakita ko si Sarah na nakayakap kay Kennard habang nasa dulo ng hallway.

“Uy, sorry talaga..,” paliwanag ko sakanila.

Pero tumatawa lang si Matteo, at sa gulat ko, pati si Kennard tumatawa.

“Kasalanan mo kasi by, di ka kumakatok eh! Haha” sabi ni Kennard.

May inabot naman si Sarah samen pero di pa rin niya kami hinaharap.

Sun balls.

Tapos hinila niya si Kennard at umalis na sa harapan namen.

Hawak ni Matteo yung sunball.

“Di na naman kita mararamdaman” sabi niya saken.

“Konting tiis na lang, pagkatapos natin dito, di na tayo titigil” sabi ko.

“Promise? Araw araw talaga? Oras oras? Gusto ko yan!”

“Baliw ka, ayun na naman nasa isip mo!”

“Ehh, sa’yo lang ako pinaka nag enjoy, tsaka….” bumulong siya “…ang sarap mo kaya”

Nahihiya talaga ako sa sinasabi niya, kaya kinuha ko na yung sun balls at sisirain na pero pinigilan niya ako.

Tinignan niya muna akong mabuti sa mata ko sabay halik sa labi ko ng madiin.

Nababasa ko na naman naiisip niya, at ang sinabi niya eh…

“Papakasalan kita Ju. Maniwala ka sakin. Tayo magsasamang dalawa”

At nung mga oras na yun hindi ko na inalis pagkakadikit ng labi nameng dalawa.

“Uhm… alam kong… gigil ka.. saken.. Ju… pero kailangan…. mo na…. bumitaw” sabi ni Matteo ng di tinatanggal labi niya saken.

“Sorry sorry….” sagot ko na lang.

At sinira na namen yung sun ball at bumalik na uli kami at di ko na naman maramdaman yung hawak niya.

++

Seryoso na uli kami habang naglalakad, ako, Matteo, Sarah, Kennard at si Blue.

Habang kinekwento naman ni Matteo saken kung paano natalo si Lucas at JayR.

“Di rin namen inexpect yun eh. Basta silang dalawa talaga yung punterya ni Gab.”

“Eh yung tatlo? Yung anino, Matilda at yung isang lalaki?” Tanong ko pa.

“Oo, natalo natin yun.”

“Buti naman!”

“Pero ready ka na ba? I mean, marami kasing gumugulo sa isip mo eh, okay ka na ba ngayon?”

Di ko alam. Oo siguro, kasi hindi ko sila kaharap at saka ang saya ko ngayon. Pero hindi ko kasi maexplain kung bakit kapag nakikita ko si Gab eh natatakot ako.

Alam niyo yung feeling na binully kayo ng isang tao tapos ayaw niyo siyang makita kahit kailan kasi natatakot ka? Ganun kasi nararamdaman ko kay Gab.

“Huwag mo ng isipin yun, pagtapos na pagtapos natin dito, hindi ko muna iisipin yung saten, ayusin muna natin yung pamilya mo, yung kay Laurence din. Okay ba?” Sabi ni Matteo.

Matatapos na ’to, sabi ko sa sarili ko. Magiging okay na rin ako.

Bigla naman lumapit saken si Blue.

“Pwede ba mahiram muna si Julian?” Sabi niya kay Matteo.

“Sure. Pakibalik ha?” Sabi ni Matteo sabay kurot sa pwet ko.

Natawa na lang si Blue at medyo nagpahuli kaming dalawa sa paglalakad.

“Kinakain ka ng isip mo Julian, marami kang naiisip. Nawawala ka sa focus kaya di mo nagagamit yung gift mo. Nagamit mo na nung nasa forest tayo eh, wag mong hayaan na masira ka, malapit na ’tong matapos”

Nakwento ko na kasi sakanilang yung nalaman ko.

“Okay, para mawala yan. Sabihin ko sa’yo lahat ng pwede mong gawin sa gift mo” sabi ni Blue.

“Talaga? Paano mo ba nalaman yan?”

“Sabi ko naman sa’yo, alam ko lahat ng about sa gift mo, kasi ikaw pinakamalakas sa lahat…”

“Ayan ka na naman sa pinakamalakas sa lahat eh, nakakainis na. Hindi Blue, hindi!”

“Tsk. Kung iniisip mo si Gab, nako, walang wala siya sa pwede mong gawin. Natalo lang naman niya si Lucas at JayR kahapon kasi may kasama siya. Pag nasa loob ka ng Illusion niya, ano na? Wala na siyang magagawa.”

“Ganun lang din naman ko…”

“Hindi Julian! Ang kulit mo, sapakin kita diyan eh haha. Halika, diba kaya mong maging invisible? Kaya mo ring kumontrol ng elements!”

“Pero kaya ko lang kontrolin yung elements na pinanglaban saken diba? On the spot, hindi ko kayang kumontrol na lang bigla. Not unless, inatake ako” sabi ko.

“I know, pero in reality, simula nung nagsimula yung event, siguro sa totoong mundo eh gabi pa lang. Ilang araw na tayo dito tapos sa labas, ilang oras lang…,”

“Aware ako diyan!”

“Since inatake ka ng earth element sa event, wind, nabasa ka ng tubig ni Pauline, nakalaban mo rin yung enery element, yung light element, na apektuhan ka rin ng ice ni Lucas, at pwede nating sabihin kay Kennard na sunugin ka ng konti. Julian! Kaya mong kontrolin lahat ng yun. Ilang oras lang nakalipas sa labas, dun ka nagbabase, sa labas!”

Medyo kinilabutan ako sa sinabi ni Blue, at parang gustong gusto niya akong tulungan

“Sa tingin mo paano mo nagagawa yung mga monsters mo? Nagawa mo yun kasi inatake ka ng ibang elements, nakokontrol mo na yung mga yun!” Pahabol pa ni Blue.

“So ibig sabihin…. halos lahat kaya kong gawin?”

Ngumiti lang si Blue.

“Alam mo bang naka link lahat ng utak ng tao, na may tendency na kapag naisip mo sila, eh baka dahil naiisip ka rin nila. Magkakkonekta yung utak ng lahat in a way na hindi sila aware.”

Nakakamangha talaga si Blue. At sobrang nakakaexcite yung sinabi niya.

“Focus lang okay? Tanggalin mo lahat sa isip mo yung mga bagay na makakagulo sa’yo!”

“Teka Blue, bakit mo ba ako tinutulungan dito?” Sabi ko sakanya.

“Gusto ko kasi tayo magkalaban sa dulo, syempre papakita ko rin kaya kong gawin. Diba? Yung rank number 17 kalaban yung rank number 1? Edi malaking boost saken yun haha”

“Haha eh paano naman sila Sarah?”

“Isipin mo Julian, may natalo tayong tatlo kanina, plus si Lucas at JayR…,”

“May natalo pa kami ni Sarah na dalawa bago niyo kami makita.” Pahabol ko.

“Oh,.. tignan mo, 7 na natatalo sa stage na ’to at sa tingin ko, may naglalaban pa ng ibang gift user at anytime magpapalit na naman yung arena at sa pag dating nun, siguradong 10 na lang tayo.”

Tama si Blue. Una sa maze, then sa forest, then sa dessert, sa last na setting eh sampu na lang kami.

“Basta sa dulo, tayo maglalaban Julian ah? Sigurado ako diyan, sure ako!” Sabi pa ni Blue.

“Sige ba!” Sagot ko na lang.

++

Napagpasyahan nameng magpahinga muna at naglaro kami.

Nag drawing si Sarah at may lumabas na tiger na buhangin sa harapan namen. Pare parehas kaming nakaupo at pinagmasdan yung ginawa ni Sarah

Si Blue kasi nag uutos samen ng gagawin.

“Ohh. Ngayon Kennard, liyaban mo yung tiger ni Sarah” sabi ni Blue.

Hinarap naman ni Kennard yung kamay niya at may lumabas sa kamay niya na apoy at imbis na matalo yung tiger ni Sarah, parang naninigas ’to at parang nagiging lava.

Katulad ng ginawa ni Kennard sa golemn ni Sarah kahapon.

This time, kulay itim at pula na yung tiger niya. Yung lava na gawa sa tiger. Ganun na ganun nga.

“Okay… tapos pasukin mo Julian yung isip niyan para makontrol mo”

“May isip ba yan?” Sabi ko.

“Wala. Pero kaya mo yang kontrolin” sagot niya.

Ginawa ko naman at pinasok ko yung katawan ng tiger.

Kaya pala niyang bumuga ng apoy na may halong buhangin!!

Bumalik ako sa katawan ko at hinayaan namen yung tiger na nandun at naglalakad lang.

“Kita niyo, ganun pag naghalo yung buhangin at apoy. Makakagawa ka ng ganun. Ang sarap nga paglaruan niyang elements eh. Katulad kahapon, nung naghalo yung yelo at apoy, nagkaroon ng steam. Kapag nilagyan mo ng kuryente yun, pwede ng maging ulan.” Paliwanag ni Blue.

“Wow oo nga!” Sabi naman ni Kennard.

Pero tumayo si Matteo at hinawakan niya lang yung tiger saka nawala at naging itim na abo.

Umupo uli siya at ngumiti samen.

“Ayan, wala na!” Sabi ni Matteo.

“Diyan lang ako walang panlaban haha. Ang daya, ultimate shield ka talaga” sabi ni Blue.

Tumayo naman si Kennard at niyaya ng one on one si Matteo.

Di naman siya inurungan ni Matteo at tumayo rin siya.

Nanuod lang kaming tatlo sa kung anong mangyayari.

Magkaharap silang dalawa at nag aabang ng gagawin.

Nag eenjoy naman si Blue at Sarah sa ginagawa nila.

Biglang naglabas ng apoy si Kennard sa kamay niya at inatake niya si Matteo. Pero walang nangyari, nalusaw lang yung apoy bago makalapit sakanya.

Gumawa rin si Kennard ng napakalaking apoy naman at tinaas niya kamay niya! Kahit sino matamaan neto siguradong walang palag, talo kaagad!

Pero katulad ng nangyari kanina, nalusaw lang bago makalapit sakanya.

“Teka, Matteo” biglang sabi ni Blue.

“Yeap?”

“Kung kaya mong iwasan lahat, kaya mo kayang kunin yung atake sa’yo at gawin mong pang counterattack?” Tanong niya.

“Hmmm…. hindi ko alam eh”

“So, mag shield lang talaga kaya mo?”

“Hoy, kahit anong atake, hindi tatalab saken. Wag mong nilalang lang yun, haha”

“Sorry…. sorry… haha”

Habang naglalaban naman sila, bigla na lang lumindol na siyang napa out of balance kina Matteo at Kennard.

“Ano yun?” Sabi ni Blue.

Napatayo kami pareho at napansin nameng may kalaban na naman kami.

Naghanda kaming lima nun sa mangyayari at napansin namen sa malayo na may parating… marami… parang mga sundalo na buhangin.

“Nakakaumay na yung buhangin!” Sabi ni Matteo.

Habang palapit sila, may nakita kaming dalawang user na nangunguna sa pagmartsa sa army na yun.

Sure akong si Greco yung isa.

May kasama siyang babae sa tabi niya na ngayon ko lang napansin.

Nung makalapit sila, di na sila nagsalita at umatake na lang sila kaagad!

Tinignan ko si Matteo at mukhang alam na niya yung gusto kong mangyari. Lumayo siya ng konti para magamit ko yung gift ko.

Pinasok ko kaagad isip ni Greco pero napansin kong pumasok rin siya sa isip ko.

“Greco!”

“Hi Julian. Akalain mo yun, tayo pa magkakalaban!”

Mukhang friendly fight lang din naman ’tong samen.

“Haha. Good, may the best mind reader win!”

Lumabas ako sa isip ni Greco at nagsimulang magkontrol ng buhangin sa paligid. Pinaikot ikot ko sa katawan ko yun at inatake ko kina Greco.

Pero hinangin ng napakalakas yung bato ko sakanila.

Hangin? Si Angelica ba ’to? Hindi. Natalo na nila Matteo yun!

Ibang babae ’to eh. Tapos maya maya, bigla namang kumulimlim at dumilim. Mukhang uulan bigla.

Pero umulan lang sa side nila Greco! Tapos kumidlat ng napalakas na kitang kita namen yung kidlat na dumaloy sa katawan ng mga army na buhangin nila.

Katulad ng nangyari kanina samen, ganun din ginawa nila Greco. Pinaghalo nila yung tubig at yung buhangin at kuryente. Nakakatakot yung army nila, napakarami at mukhang aabot ng isang daan, nagpoproduce din ng kidlat yung mga yun.

Nagkatinginan naman si Sarah at Kennard at mukhang alam ko na gagawin nila.

Nagsisilabasan na yung drawing ni Sarah sa lupa at gumagawa na rin ako ng version ko. Napansin kong dumami na rin si Blue!

Army of 100 nila na may kuryente vs Army of 100 namen na may apoy.

Sumugod kami kasama yung army namen at ganun din sila. Gumawa ako sa kamay ko ng malaking bolang buhangin bago ko inatake sakanila!

Nagkaharap naman kami ng babae at mukhang ako lang gusto niyang makalaban

Gumawa siya ng ipo ipo sa kamay niya!

“Paano mo nagagawa yan? Natalo na namn yung wind element!” Sabi ko.

“Di naman yun gift ko, ang gift ko eh makontrol yung weather” sabi niya.

Lumapit saken yung ipo ipo, pero hinarangan ko ng buhangin kaya naging sand storm naman!

Vovo mo Julian!

Palapit na ng palapit saken pero bigla lang nawala yun na parang bula paglapit sa harapan ko.

Napatingin ako sa katawan ko at nakita ko yung puting aura saken.

Si Matteo!

Shield ni Matteo ’to.

Napansin nung babae yung ginagawa ni Matteo at sumugod naman siya kay Matteo at binuka niya yung lupa sa pwesto ni Matteo!

Gumana yung gift niya!!

Oo nga pala, kapag may puting aura ako sa paligid ko, ibig sabihin vulnerble si Matteo sa kahit na nong atake.

Kaya bago siya mahulog, binuhat ko siya gamit isip ko. Ewan ko pero ang gaan gaan niya nung binuhat ko siya!

Ngumiti naman siya at nilapag ko siya sa safe na lugar pero sinugod pa rin siya ng babae.

Nawala na yung aura saken kaya alam kong di na eepekto yung gift niya kay Matteo, pero bigla na lang niyang sinapak si Matteo ng malakas!

Nanggigil ako bigla sa babaeng ’to!!

Tumakbo ako palapit sakanya, at alam kong di gaganti si Matteo dito kasi babae siya!

Pero ako, lalabanan ko ’to!!

Lumulutang yung buhangin malapit saken, siguro dahil sa galit ko!

“Bitawan mo boyfriend ko! !!!” Sigaw ko at hinawakan ko siya sa balikat niya at hinagis ko siya.

Di ko alam kung saan nanggaling yung lakas ko nun.

“Wow, tayo na ba talaga Ju?” Bigla niyang sabi.

“Seryoso ka sa tanong mo?!”

“Oo. Akala ko…. seryoso? Tayo na talaga?!!!” Sigaw niya.

Pero bago siya makasagot eh biglang kumulimlim na naman at kumikidlat.

Mukhang tatamaan ata ako neto.

Lumayo ako kay Matteo, pinigilan niya ako pero tumakbo ako.

Tinignan ko yung palapit na kidlat saken. At nagfocus ako.

Pagbagsak ng kidlat eh ang pagsalo ko naman dun sa kamay ko! Nagulat yung babae at binato ko sakanya yun! Buti na lang nakailag siya.

Marami pa ring naglalaban na army sa likod namen.

“Gawa sa apoy yung sainyo, konting ulan lang, babalik na naman yan sa pagiging clay!” Sabi nung babae samen.

Kaya gumawa siya ng ulan, sobrang dilim at unulan ng malakas dun sa mga army.

Inaabsorb lang nung army nila yung ulan pero ung samen, nagkakaroon ng steam at parang nalulusaw.

“Hindi!!!!” Tumakbo ako palapit sakanila.

“Wag Julian! Hayaan mo!” Sabi ni Blue.

“Anong hayaan? Matatalo tayo!” Sabi ko.

“Hindi tayo matatalo. Gawa na sa lava yung army natin, at alam mo kapag nabasa yung lava? Nagiging obsidian siya, nanigas na lava yun na crystalic at sobrang tibay!” Sabi ni Blue.

Akala nila natalo na nila kami, pero nung nawala yung steam, naging kulay itim yung army namen at mukhang matibay!

Totoo nga sinabi ni Blue!

“Nice!!” Sabi ko.

Ngayon, ang dali ng natatalo ng army nmen yung sakanila, kahit gumagawa pa si Greco sa likod, wala na siyang nagagawa, madali lang namen natatapos.

Alam na nameng panalo kami ng mga oras na yun!

Nawala na sa paningin ko yung babae, pati na rin si Greco.

Tumigil yung setting at feeling ko, mag iiba na yung lugar pero nagkamali ako. Tumigil lang yung moment na yun pero nandun pa rin ako.

Bigla kong nakita si Laurence.

Oo si Laurence!

Nakatayo siya at nakatingin saken na parang hinihintay niya ako.

“Babe….” tawag niya saken.

Lumapit siya saken pero lumalayo ako.

Nabunggo ko naman sa likod si Papa at Mama.

Inatake sila bigla nung army namen na kinamatay nila.

Ma!!!! Pa!!!!!

Wala akong nagawa nun.

Ang sakit sa puso.

Pero si Laurence palapit na saken at may hawak siyang kutsilyo.

“Babe…” sabi niya uli.

Pero bigla siyang nawala sa paningin ko at naramdaman kong bumagsak ako sa sahig.

Yumakap si Matteo saken.

“Ju!!!! Gising!!” Sabi niya saken.

Nakita kong naglalaban na uli lahat, at bumalk na yung oras.

“Nandito si Gab!” Sabi pa ni Matteo.

Tumayo ako at nakita ko siyang nandun, mukhang nanghihinayang siya sa pagsugod saken ni Matteo.

Bigla siyang tumingin kay Blue na nakikipaglaban.

Biglang nahinto si Blue.

Tumingala.

Humarap siya sa pwesto namen at kita kong nakatirik mata niya.

Nasa loob siya ng Illusion ni Gab.

“Matteo!! Tulungan mo si Blue!!” Sigaw ko.

Kinontrol ko yung army kong gawa sa obsidian para atakihin si Gab pero huli na yung lahat.

Inatake siya ng army nila Greco at bumagsak na lang siya sa sahig

Sa mga oras na yun, alam kong wala na si Blue.

Biglang humangin ng malakas, dumilim at napapikit ako. Umiikot yung pakiramdam ko at alam ko na nangyayari….

Nagbabago na yung setting ng lugar.

Naramdaman kong parang bumgsak ako sa mataas na lugar nung mga oras na yun at dumilat mata ko.

Nagbago na nga yung lugar at gabi na yung setting. Sementado na yung sahig.

Napatingin ako sa paligid ko.

Kasing laki lang ng basketball court to. May hanggang bewang na harang na sementado rin, pero ganun lang kalaki.

Nndun ako nakatayo, nakita ko rin si Kennard, Sarah, Matteo pati si Gab.

Eto na yung final stage, at magkakaharap na kami. Magkakaharap kami sa maliit na stage na ’to.

++++++

VOTE AND COMMENTS NA!!!!!!

MALAPIT NA SIYA MATAPOS!!!!

Part 63

YAY. 14k VOTES. Thankie!!!! :) at ilang araw na sa #6 FANTASY category hihi.

BINALAAN KO NA KAYO NA WHOLESOME ’TO KAYA WAG NA KAYO UMASA SA DETAILED BED SCENE! HAHA

Well…. VOTE AND COMMENTS NA!!!!

+++++

Ang liit ng battlefield namen. Talagang kitang kita ko silang lahat kahit gabi. Mukhang ready na silang lahat makipaglaban, samantalang ako, hinahanda ko na rin sarili ko.

Sumigaw si Matteo sa gilid ko at mukhang gustong lumapit saken kaso di siya makagalaw. Dun ko lang din napansin na parang di rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Bigla naman kaming may narinig na parang announcement.

“Final Stage. Nasa loob kayo ng isang special arena ngayon. Lahat ng special na gamit na nakukuha niyo sa nakaraang mga stage o kahit anong special ng gamit na meron kayo ay hindi na maaaring gamitin sa stage na ’to.

Goodluck Gifteds!“

At biglang lumuwag yung paa ko at nakakagalaw na uli ako.

Saka ko naisip yung dice ko!!! Plano ko pa namang gamitin dito sa last stage yung dice na ’to, kaso wala na siyang silbi!

Nakita ko namang lumapit saken si Matteo.

“Last stage na, konti na lang Ju!” Sabi ni Matteo.

Pero di ko muna siya pinansin, tinignan ko si Sarah at Kennard. Tapos sa bandang dulo, meron pang iba, napansin ko dun yung babaeng nakalaban namen ni Blue sa stage 2, yung malakas na babae na kayang magbuhat ng napakabigat.

Tapos naalala ko si Blue. Sayang. Di ko siya natulungan nung huli, gusto pa naman niya na magkalaban kami.

Bigla ko namang naramdaman yung pag alog ng lupa at napansin kong may naglalaban na dun sa dulo.

“Kailan ba tayo maglalaban Julian?” Sabi bigla ni Gab na unti unting lumalapit saken.

Umuurong paa ko pero hinawakan ako ni Matteo.

“’Wag kang mag alala, nandito ako” sabi niya pa.

Nilakasan ko loob ko.

“Nice, alam mo kilala ko Kuya mo” sabi ni Gab habang nakatingin kay Matteo.

“Oh?” Maangas na sagot ni Matteo.

“Oo. Alam mo bang tinulungan niya ako sa lahat ng mga plano ko? Kuya mo yun pero nandiyan ka sa tabi…”

“Ano bang paki mo? Bwisit ka din eh no, ang laki laki mo na tapos ganyan ka pa umasta. Para kang tanga! Di ka marunong mag let go! Bobo mo, ganun lang gagawin mo, mag move on. Idadamay mo pa mga inosenteng tao diyan sa kabobohan mo. Para saan? Para manalo dito? Wala ka bang buhay sa labas at dito ka nag fofocus? Gago kang bwisit ka!!”

Nagulat ako sa sinabi ni Matteo, sobrang unexpected, kahit si Gab nagulat at di nakasagot.

“Kalalaki mo pang tao ganyan ka umasta, bakla ka bang hayop ka?!” Sabi pa niya.

“Wala kang alam sa storya….”

“Oh, may gusto nanay mo sa nanay ni Laurence. Parehas silang tibo, tapos nung naging miserbale buhay mo, sinisi mo nanay ni Laurence. Kaya nung namatay nanay mo, gumanti ka kay Julian. Kasi sa tingin mo, puno’t dulo ng lahat neto tatay niya!”

Hinawakan ko si Matteo kasi totoong nanggigigil nga siya.

Di ko naman malaman yung expression ni Gab ngayon.

“Wala. Kang. Alam.” Yun na lang nasabi ni Gab.

“Bakla ka pa ring hayop ka, tigilan mo ko sa ganyan mo!”

Tapos biglang sumugod si Matteo sakanya at pinagsasasapak siya! Natumba si Gab at nasa ibabaw si Matteo, walang ginawa si Matteo kundi sapakin ng sapakin si Gab.

Hindi gumagana yung gift ni Gab sakanya, alam ko yun at hindi niya magagamit yung gift niya hanggang nandun si Matteo.

Pero nakaganti si Gab at sinapak niya si Matteo ng malakas!

Tumayo si Gab pero di pa rin siya tinatantanan ni Matteo. Tinulak niya si Gab palapit dun sa harang ng event at sinusubukang itulak.

Lumapit ako at tumulong. Sinubukan ko rin itulak si Gab!

Ngumiti naman si Matteo saken.

Pero nung malapit na sa hulugan si Gab eh biglang nag extend yung lugar at parang humaba.

Literal ng humaba.

Tinulak uli namen si Gab pero mas lalong humaba yung battlefield.

At dun ko natuklasan na walang mahuhulog sa battlefield na ’to. Matatalo ka lang kapag naubos life ball mo.

Sinapak ako ni Gab sa mukha, kahit wala akong naramdaman, eh napatalsik ako sa malayo!

Narinig kong sumigaw si Matteo ng malakas at nung tinignan ko, nakita ko gigil na gigil siya kay Gab nun.

Pero biglang may lumapit saken at tinayo ako hawak hawak paa ko. At sa mga oras na yun, nakita ko yung babaeng nakalaban namen ni Blue non.

Tinulak niya ako ng malayong malayo! Pero nung makita kong mahuhulog na ako, nag extend na naman yung battlefield at bumagsak ako sa sahig.

Tumatakbo yung babae saken at lumilindol habang palapit siya.

Sasapakin niya sana ako habang nakahiga buti na lang nakailag ako. Bumiyak yung lupa at nagkaroon ng kalat kalat na bato.

“Sorry, di ako galit sa’yo pero tinalo mo kasi ako nun eh!”

“Naiintindihan ko”

“Saan na yung isa?” Tanong niya.

“Wala na”

“Aw sad” sa pagsabi niya yun, sinapak niya yung sahig at biglang nasira yung lupa. Habang nasisira yun, palapit ng palapit saken kaya tumalsik na naman ako sa malayo.

Nakangiti siya habang dahan dahang lumalapit saken.

Pero ginamit ko yung mga nasirang bato para makagawa ng isang malaking golemn pang laban sakanya!

Nagulat siya pero sinapak pa rin niya yung paa nung golemn ko kaya napilay yun at natumba.

Inayos ko naman kaagad yun habang tumatakbo saken yung babae, at pagkatayo ng golemn ko, sinapak siya ng ng malakas nun at tumalsik siya sa malayo. Again, nag extend na naman yung battlefield nun.

Sumugod na naman yung babae na galit na galit kaya habang palapit siya, nagfocus akong mabuti. Tinignan ko siya sa mga mata. Hanggang sa mapasok ko isip niya.

Nakita ko yung katawan kong nakahiga sa sahig. At sa mga oras na yun, nasa loob na ako ng katawan ng babaeng ’to.

Kinuha ko katawan ko at sinandal ko muna sa gilid. Tinakpan ko ng mga bato para hindi makita, pero nilabas ko yung ulong part para kapag babalik ako eh madalian lang ako.

Pinuntahan ko si Matteo at nung mga oras na yun, dalawa na kalaban niya. Dalawa na kasuntukan niya.

May isa pang lalaki na nakikipaglaban sakanya. At sinasapak siya. Hindi ko naman alam kung ano pa gift neto pero lumapit ako para tulungan si Matteo.

Sinapak ko ng malakas si Gab pero di ganun kalakas yung impact sakanya, andito pala si Matteo kaya di gumagana yung gift.

“Lyca anong ginagawa mo?!” Sabi ni Gab saken.

Sinapak ko rin yung isang lalaki. Saka ko tinulak si Matteo sa malayo at bumalik ako kina Gab. Sinira ko yung lupa sa kinatatayuan niya. Sinasapak ko ng malakas!

Pero lumaban yung lalaki at naramdaman kong nagkaroon ng kumunoy sa kinatatayuan ko!

Sht. Eto gift nung lalaki!

Si Gab naman ang umatake at pinasok isip ko. Ramdam kong pumasok siya kasi nagbago yung nakita kong lugar.

Para akong nasa impyerno, puro pula nakikita ko tapos parang may mga lava. Ewan ko pero parang nararamdaman ko yung init. Ang sakit. Pero wala naman talaga!

Unti unting lumulubog yung kinatatayuan ko at feeling ko malalaglag na ako sa mainit na lava.

Pero biglang bumalik sa normal lahat at nawala yung kumunoy sa sahig.

Nandun si Matteo sa tabi ko!

“Matteo, ako ’to” bulong ko kay Matteo nung mga oras na yun.

“Ju?” Sabi ni Matteo.

Mukhang narinig ni Gab yun.

“Hanapin mo yung katawan ni Julian!!” Sabi ni Gab sa lalaki.

At nung mga oras na yun, bigla niyang binungkal yung sementadong battlfield at naghanap siya sa ilalim ng lupa. Grabe, ang ganda ng gift niya.

Nagmadali naman akong pumunta dun sa katawan ko bago niya pa makita.

Pagpasok ko sa katawan ko, iniwan ko dun yung katawan ni Lyca at tumakbo uli ako palapit kay Matteo.

Bigla namang lumitaw yung lalaki sa ilalim ng lupa dun sa pwesto ni Lyca at inatake niya ng todo.

“Ang lalakas nila” sabi ni Matteo.

“Hayaan mo muna ako Matteo, hindi ko magagamit gift ko hanggang nandiyan ka”

Di siya nakasagot.

“Huwag mo rin akong tulungan. Para safe ka pa rin” sabi ko pa.

Di rin siya sumagot tumungo lang.

“I love you” sabi ko pa sakanya.

Napangiti naman siya nun at hinalikan niya ako sa pisngi.

“I love you too” sagot niya na lang.

Umalis na ako at pumunta kay Gab nun. Kasama niya yung lalaki, binasa ko kung anong pangalan niya at nalaman kong Freddie.

Wala na rin si Lyca, kaya ibig sabihin natalo na siya ni Freddie.

Nandun pa si Sarah at Kennard, nakikipaglaban nung mga oras na yun.

Nakatingin lang si Gab saken ng masama, ganun din si Freddie.

Ako nagsimulang sumugod sakanila, tumakbo ako palapit sakanila, kasabay nun eh ang pagbato ng mga bato sakanila. Sumugod din sila saken, sa ilalim ng lupa dumaan si Freddie samantalang si Gab, palapit na saken.

Napansin ko na lang yung puting aura sa katawan ko at alam kong galing kay Matteo ’to.

Ngumiti bigla si Gab.

Sinapak ko siya at sinapak niya rin ako!

Narinig ko naman yung pagbuka ng lupa, pero wala sa pwesto ko, kundi… sa pwesto ni Matteo.

Hawak ni Freddie si Matteo, at dahil nagpapasa ng gift saken si Matteo, vulnerable si Matteo sa kahit anong gift. Kasama na dun ang kay Freddie.

Lumapit si Gab sakanilang dalawa.

May puting aura pa rin sa katawan ko,

Lumapit ako kaagad sakanila pero nung makita ko si Matteo, nakatulala lang siya at mukhang nasa loob na ng Illusion ni Gab.

Maya maya, bumungkal na naman si Freddie sa ilalim ng lupa, kasama si Matteo.

Nakatulala lang ako nun.

Bigla namang lumabas sa ilalim ng lupa si Freddie kaso hindi na niya kasama si Matteo.

Sumenyas ng thumb up sign si Freddie kay Gab at sa oras na yun, alam kong wala na si Matteo.

“Paano ba yan? Wala ka ng protector?” Sabi ni Gab.

Pero di pa rin ako makapaniwala, natalo si Matteo. Wala na siya.

Nakaluhod lang ako nun at sinusubukan kong basahin kung nandun pa si Matteo sa ilalim, pero wala na akong maramdaman na tao dun.

Tinayo ako ni Freddie nun habang nasa likod yung mga kamay ko. Palapit naman si Gab saken nun, dahan dahan at kita kong tuwang tuwa siya.

Hinawakan ni Gab yung noo ko at parang pumasok ako sa isang lugar na hindi ko maexplain kung nasaan. Parang nasa nahyhypnotis ng mga oras na yun, yung umikot na black and white na ang sakit sa ulo.

Ang sakit talaga!! Napapasigaw ako nun!

Bigla naman akong napunta sa isang sementeryo, kung saan bumangon yung mga patay. Buto buto sila at palapit saken. Gusto kong tumakbo kaso wala akong mapuntahan. Nacocorner ako!

Hnugot nila yung buto nila sa kamay na matulis at sabay sabay kong pinagsasaksak!

Akala ko mamamatay na ako kaso biglang nagbago yung lugar at napunta na ako sa isang bahay. Simpleng bahay kung saan nakikita ko yung babaeng medyo matanda na na may kausap sa phone.

Nagsalita yung babae.

“Ano ba yung gusto ng baby Gab ko?” Sabi niya, sabay harap saken.

Mama ni Gab ’to! At mukhang sa oras na ’to, ako si Gab.

“Love na love ka ni mommy. Kahit tayong dalawa lang magkasama okay lang!” Binuhat niya ako at mukha ring isa akong baby ng mga oras na ’to.

Ramdam ko yung pagmamahal ng mama ni Gab. Ang dami kong nakita, birthday, christmas, new year, silang dalawa magkasama at tuwang tuwa sila.

Lumaki si Gab sa piling ng isang masayang nanay.

Pero isang araw, may pumasok sa bahay, at mama to ni Laurence, si Linda.

Sinabi niya sakeng patay na yung mama ni Gab.

Nasa loob ako ng katawan ni Gab at kaya ramdam na ramdam ko yung sakit niya.

Totoo nga, sobra siyang nasaktan. At sinisisi niya talaga si Papa sa nangyari sa lahat.

Pero nawala yung itsura nilang lahat at naging puti na naman yung lugar. Akala ko naman si Gab yung makikita ko, kaso mali ako…. si Matteo yun.

“Ju. Labanan mo siya, kaya mo siyang labanan!” Sabi ni Matteo.

“Paano ka nandito sa isip ko? Talaga bang talo ka na?”

“Bakit nawala ba ako sa isip mo?” Tanong niya sabay hawak sa pisngi ko.

This time, nararamdaman ko na naman yung hawak niya. Parang yung panaginip ko nun na hinalikan niya ako.

“Mag focus ka Ju. Wag mong hayaang natalo ako sa wala” sabi niya pa.

“Paano ka nakapasok sa isip ko?”

“Pinapasok mo kasi ako sa’yo diba? Ang sabi ko sayo habang ginagawa natin yung ginawa natin sa building nun, pinasok na kitang literal pati sa isip mo”

Kahit dito pasaway pa rin siya magsalita.

“Pero habang gumagana yung gift mo saken, nabibigay ko naman sa’yo yung gift ko.”

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

“Hindi ka masasaktan. Walang tatalab sa’yo. Nasayo yung gift ko ngayon.”

Lumapit siya saken at hinalikan ko sa noo.

“Pumikit ka muna. Burahin mo na sa isip mo lahat lahat. Laha ng nalaman mo, lahat ng gumugulo sa’yo, lalo na yung nagpapahirap sa’yo. Tapos isipin mo lahat ng masasayang bagay na nangyari sa’yo.”

Pinagdikit niya noo nameng dalawa.

“Wag ka munang didilat hangga’t di ka okay” sabi niya pa.

Nagfocus ako, tinanggal ko sa isip ko lahat. As in lahat!

Nung feeling ko wala na lahat, bigla kong naisip si Matteo, lahat ng masasyang nangyari samen. Kahit yung nangyari samen, si Matteo lang talaga magpapasaya saken.

Dumilat ako at nakapikit parin siya. Hinawakan ko pisngi niya at dumilat siya.

“Tapusin mo na kaagad para magkita na tayo. Miss na kita kaagad” sabi niya pa uli

Hinalikan niya ako sa labi nun at napapikit ako. Feeling ko nararamdaman ko na naman siya ng mga oras na yun, pero pag dilat ko ng mga mata, nasa battlefield na namn ako at nasa harap ko na si Gab.

“Anong nangyari?” Sabi ni Gab na mukhang nagtataka.

Tinulak ko si Freddie sa likod ko at sinapak ng malakas si Gab!

Nakatayo ako nun sa harap ni Gab pero parang iba nararamdaman ko, parang ang gaan ng pakiramdam ko.

“Nasaan na siya? Hanapin mo Freddie!!” Sigaw ni Gab.

Nasaan ako eh nasa harapan lang naman ako ni Gab.

Naghahanap nga si Freddie.

Tinignan ko kamay ko pero nawawala. Pati yung paa at katawan ko!

Invisible na ako.

Oras na para maghiganti!

Lahat ng sirang bato, binagon ko uli. Katulad ng ginawa ni Kennard kahapon, gumawa rin ako ng napakalaking bolang bato nun.

“Anong nangyayari!!!” Sabi ni Gab.

Pero kay Freddie ko muna binato yun ng malakas!

Naghahanap naman si Gab kung nasaan ako, at inisip kong magpakita sa kanya.

“Ikaw!!” Sabi ni Gab.

Pinasok ko isip niya!

This time, sa loob kami ng isip niya naglaban.

Magkaharap kami at kaming dalawa lang!

Gumawa ako ng mga iba’t ibang bagay sa isip niya at inatake ko sakanya! Wala siyang magawa sa ginagawa ko nun.

Pinasok ko uli yung isip niya non, at this time, nasa lugar na kami kung saan nandun yung batang Gab. Mukhang binubully siya ng mga kaklase niya nun.

“Ano ’to!!! Tigilan mo na Julian!!!!” Sigaw ni Gab.

Pero pinasok ko pa yung isip ni Gab uli at this time, nakita ko si Tracy, nung sila pang dalawa.

Mahal na mahal pala niya si Tracy kaso hiniwalayan siya ni Tracy para kay Greco.

“Julian!!!!! TAMA NA!!!” sigaw niya pa.

Pinasok ko pa yung isip niya.

At ngayon, yung mama na niya yung nandito.

“SINABI KONG TAMA NA!!!!!!” sa pagsigaw ni Gab ng malakas, nakawala ako sa isip niya at bumalik na kami sa battlefield at sabay kaming tumalsik na dalawa.

Hinihingal si Gab sa nangyari at mukhang natatakot, pero ramdam ko yung gaan sa pakiramdam ko at lumapit ako sakanya.

“Patawarin mo na ako Julian. Nakita mo paghihirap ko….”

“Pero kasalanan mong lahat yun, kung pinilo mong maging masya edi sana di naging ganyan kapalaran mo!”

Pero sinugod niya ako uli at pinagsasapak!!

Madali ko siyang napatalsik gamit isip ko.

At mukhang wala ng laban si Gab saken.

Lumabas na yung galit ko sakanya, parang nanggigigil ko ng mga oras na yun. Sakanya lang ako nakatingin.

Dahan dahan akong lumalapit sakanya habang tumatayo siya.

Pero sa bawat hakbang ko, lumulutang ako. Nararamdaman ko yun hanggang sa nakalutang ako sa ibabaw niya.

Mukhang nagmamakaawa pa rin si Gab saken pero naisip ko si Blue, siya may kasalanan kung bakit nawala si Blue, pati na rin si Matteo.

Unti unting nasisira yung battlefield, ginagawa ko yun sa isip ko.

Sa isip ko para lang siyang isang papel na madaling lukutin, at ganun nga yung nangyari, nilukot ko yung malaking battlefield habang nasa gitna si Gab!

Lumalakas din yung hangin at biglang umulan ng apoy! Eto yung sinasabi ni Blue saken, kaya kong kontrolin lahat. At nagagawa ko naman.

Lahat yun diretso kay Gab!

Alam kong talo na si Gab nun pero di ko pa rn siya tinigilan at tinuloy ko yung pagsira sa battlefield hanggang sa parang papel na nga siya na nilukot.

Habang ako, lumulutang pa rin sa ibabaw.

At sa mga oras na yun, bumalik na sa dati yung lugar. Nasa battle room na uli kami, puting puti yung paligid at lahat sila nakahiga sa sahig.

Lumabas si Jai sa kwarto ng nakangiti at niyakap ako.

“Congrats Julian!”

Saka ko lang narealize kung anong nagawa ko.

“Tapos na?” Sabi ko.

“Oo. Nagamit mo yung maximum level ng gift mo kaya ganun. Ang galing mo, mas magaling nagawa mo nun kesa kay Timo” sabi pa ni Jai.

Bigla namang pumasok si Matteo sa kwarto at niyakap ako ng mahigpit.

“Ang galing mo Ju!!!” Sabi niya saken.

Pero parang naramdaman kong mabuti yung pagod nung mga oras na yun kaya yumakap ako kay Matteo nun at nawalan na ako ng malay.

++

“Okay ka na?” Rinig kong sabi ni Matteo pag dilat ng mata ko.

“Anong nangyari?”

“Napanuod ko lahat! Sinira mo yung battlefield habang nakikipaglaban ka ng invisible, kawawang kawawa si Gab sa’yo!”

“Sila Sarah?”

“Actually apat na lang kayo nun, si Sarah at Kennard tapos kayo ni Gab. Nadamay din silang dalawa sa ginawa mo”

“okay lang ba sila?”

“Oo naman! Tuwang tuwa nga sila ikaw nanalo eh”

“So ako nanalo?”

“Oo! Sa event pati sa puso ko!”

Bumangon ako nun at ramdam ko yung sakit ng ulo ko.

“Ganyan daw talaga, gamit na gamit daw kasi kaya ka nahilo pero okay lang yan”

Tapos na yung event, ako nanalo. Pero di pa tapos yung sa totoong buhay ko.

“Paglabas natin dito sa lumang building na ’to babalik na tayo sa real world. Tapos aayusin na natin mga problema mo ha?” Sabi pa ni Matteo.

Ngumiti ako.

Hinawakan niya kamay ko at hinalikan sa pisngi.

“Salamat” sabi ko sakanya.

Humiga uli ako sa kama at tumabi na siya saken.

+++++++++++

VOTE AND COMMENTS NA!!!!!!

Part 64

Ewan ko ba pero feeling ko may nahahawakan akong kakaiba, pag dilat ko ng mata ko, nakita ko si Matteo na nakatingin saken, nakahiga kami pareho at nakangiti siya.

Di siya nagsabi ng Good Morning, nakangiti lang talaga siya.

“Gusto mo ba?” Tanong niya bigla.

“Anong gusto ko?”

“Nakahawak ka kaya sa ano ko” sabi niya sabay kindat.

Putek, kaya pala ang tigas at weird ng feeling!

Dali dali kong inalis kamay ko at tinago ko kamay ko sa kahihiyan.

“Hahahahahahahahaha nananaginip ka na naman siguro saken! Haha”

Bakit ko ba hawak hawak yun?!

Bumangon ako ng mabilis pero niyakap niya ako sa tyan ko at hinila papunta sa kanya. Nakapatong na tuloy ako sakanya at dun ko napansin na nakahubad pala siya.

“Bakit ka naman nakahubad!! Mamaya kung anong isipin nila pag may pumasok dito!”

“Ngayon ka pa nag ganyan, eh ginawa nga natin sa battlefield yun siguradong mas marami pang nakakita nun!” Sabi niya pa saken.

Saka ko naalala. Oo nga pala! Siguradong nakita talaga lahat ng nandun yun!! Natahimik lang ako saglit at inisip yung nangyari, naisip ko rin yung mga nakapanuod nun. Sht talaga.

“Hala, bakit kaya ganyan ka magreact ngayon? Haha” mukhang nang aasar si Matteo, nako, ganitong ganito pa naman ’to kapag nang aasar.

“Ewan ko sa’yo!” Sabi ko pa pero hindi niya hinayaang makaalis ako sa pagkakapatong sakanya.

“Nagsisisi ka ba?” Bigla niyang tanong, at this time, seryoso siya at walang reaksyon.

Ang gwapo talaga ni Matteo kahit bagong gising, ang puti puti, ang kinis, mapula yung pisngi at labi tapos ang hilig pa niyang kagatin labi niya sa harapan ko.

“Ah….”

“Nagsisisi ka ata eh. Sana di na lang natin ginawa”

Bigla niya akong hiniga ng maayos sa kama nun at tumagilid siya, ang bilis naman magtampo neto.

“Uy Matty, hindi, humarap ka rito” sabi ko.

Pero di niya ako pinapansin.

“Humarap ka na rito, uy. Di ako nagsisisi, nagenjoy nga ako eh” sabi ko pa.

Tapos bigla siyang humarap saken at nakangiti ng todo.

“Talaga? Nag enjoy ka?”

Medyo nahihiya ako sumagot pero sumenyas ako ng oo sakanya.

“Tara gawin natin uli, this time, may bago na akong technique! Nakita ko kasing binuhat ka tapos binagsak sa event eh, gagawin ko sa’yo yun!”

Excited na excited siyang sabihin yun.

“Ayan ka na naman sa kaanuhan mo ha!”

“Sus, nagsisisi ka lang eh” sabi niya uli sabay tagilid.

“Alam ko na yang technique mo na ’yan! ’Wag ako, haha” sabi ko sabay bangon sa kama ko at tayo, medyo mataas yung kama namen kasi nakadikit sa dingding yun.

Nung nakatayo na ako sa sahig, hinawakan ni Matteo yung kamay ko nun at hinila palapit sakanya. Nakaupo na siya sa kama, at dahil mataas yung kama, nagpantay yung mukha ko sa mukha niya.

Bigla niya akong hinalikan sa labi nun. Gusto ko sana alisin kaso nakapikit siya at mukhang dinadamdam niya. Bumuka yung labi niya at medyo intimate na yung mga oras na yun.

“I love you.” Hawak niya yung pisngi ko habang sinasabi niya yun saken. Ewan ko, sobrang nakakainlove talaga tong lalaking ’to.

Di ako sumagot, basta hinalikan ko uli siya ng madiin. Ako naman yung agrressive ngayon. Nilapit niya katawan ko sa kanya, at dahil nakaupo siya, pinang lock niya yung binti niya saken at nakipaglaban rin siya ng halikan.

Humiga siya nun kaya napahiga rin ako. Gusto ko kasi mabasa iniisip niya, pero di ko magawa.

Bigla namang may pumasok sa kwarto at may narinig akong sumabog na confetti.

“Congratulations!!!!” Sigaw nila, pero nahuli nila yung ginagawa namen ni Matteo!

Si TB yun, may hawak na cake, tapos si Jai naman yung nagpasabog ng confetti, plus nadun din si Sarah at Kennard at Blue.

“Okay, wrong timing ata tayo ng pasok!” Sabi ni TB.

Dali dali naman kaming tumayo ni Matteo at nag ayos. Gulo gulo na yung damit nameng dalawa dahil sa gigil.

“Ahhh…. hindi, binabasa ko lang nasa isip niya” paliwanag ko.

“Ahhh… basahin mo nga rin nasa isip ko?” Sabi ni TB.

“Ako lang pwede!” Singit ni Matteo.

“Baliw kayo, gift proof nga ’to diba? At ako lang babasa sa isip ni Timo!” Singit ni Jai.

“Basahin mo nga isip ko baby” sagot ni Kennard.

“Kayo ng meron na mababasa ang isip!” Sabi bigla ni Blue.

Nahihiya ako nung mga oras na yun at mukhang si Matteo, wala lang sakanya. Nakayakap pa saken nung mga oras na yun.

“Well, nandito kami para icongratulate ka pero mukhang binibigay na ni Matteo yung prize niya sa’yo!” Sabi bigla ni TB.

“TB naman!”

“Hehe, pero congrats. Nakakaproud na ikaw ang nanalo dun sa last stage, at mas maganda pa yung ginawa mo kesa sa ginawa ko ah!” Sabi ni TB sabay lapit saken at niyakap din ako.

Maya maya inalis na kaagad ni Matteo yun.

“Bakod na bakod ah?”

“Hehe, okay lang. Gusto ko naman eh” sabi ko pa.

Si Sarah naman yung lumapit.

“Nakakainis ka, di ko kinaya gift mo. Sinira mo lahat! Pero Congrats, alam ko naman na ikaw mananalo eh.”

“Haha sorry…”

“Well, hintayin na lang natin yung result kung ikaw pa rin number 1 haha pero sa tingin ko naman ikaw pa rin”

Bigla uli sumingit si Jai.

“Malalaman niyo naman yung official rankings niyo next week, paglabas niyo rito, sasabihin na lang namen kayo kung kailan kayo babalik, okay?”

“Sana kasama pa tayo sa top 3!” Sabi ni Sarah saken.

“Si Gab?” Tanong ko kay TB.

“Umalis na kaagad eh” sabi niya.

“Totoo bang alam mo yung tungkol kay Laurence?” Tanong ko kay TB.

Tumingin lang siya sakanilang lahat tapos lumabas kaming dalawa.

“Wala akong idea, maniwala ka saken. Nakita ko mga nakita mo nung sa event, wala talaga akong alam Julian.” Paliwanag saken ni TB.

“Naniniwala ako….”

“Kung gusto mo maliwanagan, kausapin mo na kaagad parents mo about dun. Gusto ko ng malaman, gusto kong malaman yung about dun pero may respeto ako sa’yo, kaya gusto kong ikaw na ang tumuklas”

Di naman ako nakasagot.

“Sana maliwanagan ka na, pag alis mo dito, puntahan mo kaagad sila!”

“Oo naman”

Niyakap ako ni TB nun.

“Ang galing mo sa event! Nakaka proud ka”

“Hehe, salamat!”

“Enjoyin mo muna gift mo at kapag ready ka ng ipamana yan, maghanap ka na pwede mong bigyan ng gift mo”

Ngumiti lang ako.

Maya maya, sumigaw naman si Matteo sa loob.

“CAKE!! Kainin na yan!” Sigaw ni Matteo nun at sa pagsabi niya nun, pinagsaluhan namen yung dala nilang cake.

+++

Paglabas namen ng event, gabi na nun at madilim. Ang weird, kasi totoong totoo yung nararamdaman ko, yung hangin, yung nkakabunggo sakeng tao, ramdam na ramdam ko sila.

Tinanong ko si manong na nagtitinda ng sigarilyo sa gilid.

“Anong date na po?”

Tumingin lang siya saken ng masama, akala siguro mamamatay tao ako.

“2 ngayon, january!” Sagot niya.

Feeling ko ilang linggo na kaming nasa loob pero parang 6hours lang dito sa totoong buhay.

Inakbayan ako ni Matteo.

“Tara na sa bahay niyo?” Sabi niya.

“Tara”

Nung makarating na kami sa bahay, nandun si papa sa sala at nanunuod, samantalang si mama naman eh nagluluto.

“Oh, nandito na pala siya”

Di ko pinansin yung sinabi ni papa nun at niyakap ko siya ng mahigpit.

“Oh? Anong ginawa mong bata ka?” Sabi niya saken.

“Bawal ba yumakap? Namiss lang kita!”

“Namiss? Eh saan ka ba nanggaling?”

Di ko sinagot yun at lumabas naman si mama sa kusina, niyakap ko rin siya ng mahigpit.

“May ginawang kalokohan ’to” sagot naman ni mama.

“Haha grabe nman kayo!”

“Oh, Matteo!” Sabi ni papa.

“Magandang gabi po” sagot niya.

“Oh, kayo ba magkasamang dalawa maghapon? Akala ko ba iniiwasan mo anak ko? Nako, kayo talagang mga bata kayo!” Sabi ni papa.

“Pa, ano ba…. kami na ni Matteo” sabi ko.

Nakita kong nagulat sila mama at papa.

“Talaga?!” Sigaw ni papa.

Alam ko kasing boto siya kay Matteo noon pa kaya ganun na lang yung reaksyon niya.

“Totoo na ba yan? Wala ng mga paasa moments?” Sabi ni mama.

“Wala na po, totoo na po ’to” si Matteo naman sumagot.

Nabasa ko isip nila mama at papa at alam kong nagustuhan nila yung sinabi ko.

“Good, dito ka na kumain Matteo ha?” Sabi ni mama sabay balik niya sa kusina.

“Akyat muna kami sa kwarto pa” sabi ko naman.

“Teka” may dinukot si papa sa bulsa at naglabas ng condom.

“Be safe palagi” sabay abot niya saken.

“Papa naman!! Hindi kami mag gaganun!” Sabi ko sabay hila kay Matteo paakyat sa kwarto, narinig ko pang sumigaw si papa nun pero di ko naintindihan.

Pagdating sa kwarto, tawa ng tawa si Matteo

“Bakit di mo kinuha? Malay mo magamit natin yun ngayon” sabi niya sabay yakap saken.

Muntik na akong madala sa pang aakit ni Matteo pero napigilan ko sarili ko.

“No! Kailangan ko silang makausap about kay Laurence diba? Ayun naman purpose natin dito diba?”

“Alam ko, sorry asawa ko”

Automatic akong napangiti sa kanya,

“Uyy… gusto niya yung ganung tawag”

“Hindi kaya” pabebe ko ng konti.

“Sus, diba kapag mag asawa, gumagawa ng baby, gusto mo bang gawa tayo?”

Pero di niya ko hinintay makasagot at hinalikan na niya ako sa labi ko, niyakap niya akong mahigpit kaya di ako nkatakas.

Hanggang sa mapaupo kami sa kama, at habang magkahalikan kami, may naririnig ako sa isip ko.

“Ang tagal ko ng hinintay ’to Ju. Maniwala ka saken”

Humiwalay ako ng konti,

“May sinabi ka?” Sabi ko.

“Nababasa mo isip ko diba? Dali basahin mo nasa isip ko ngayon” sabi niya sabay halik uli saken.

“Gamitin natin yung binigay ng papa mo sa’yo”

Tinanggal ko uli yung pagkakahalik.

“Ewan ko sa’yo!!”

Tumawa lang sya pero hinalikan niya ako uli, at may sinasabi na naman siya sa isip niya.

“Joke lang”

Tinanggal ko uli.

“Pwede mo namang sabihin saken yan, bakit sa isip mo pa?” Sabi ko.

Tapos hinalikan niya ako uli.

“Para sweet, di’ba?”

Tinanggal ko uli.

“Sweet. Puro ka nga ano eh!”

Hinalikan niya ko uli.

“Mahal na Mahal Kita. Sa’yo lang ako, sa’yo lang lahat ng makikita mo saken. Sa’yo lang ’to. Di mo alam kung gaano ako kasaya sa piling mo. Ju, mahal na mahal kita”

Habang naririnig ko yun sa isip niya, di ko maiwasang mapatulo luha ko.

This time, magkaharap na uli kaming dalawa.

“Mahal na Mahal kita. Sinasabi ng puso’t isip ko yan. Mahal na Mahal” sabi niya na saken ng harapan yun.

Hinalikan ko naman siya at sinabi ko sa isip niya yung sagot.

“Mahal na Mahal din kita! Matagal na, at sobra sobra pa!”

Umalis siya sa pagkakahalik.

“Woah, kaya mo rin makipag usap sa isip?”

“Oo. Hehe”

“Nakakainis naman tong gift ko! Hadlang saten!”

“Okay lang, sabihin mo lang kung gusto mong basahin ko nasa isip mo, ako ng bahala” sabi ko sabay kindat

“Ohh… playful Juju, I love it. Love it. Read my mind now!” Sabi niya.

Hinalikan ko siya uli nun pero this time bumukas na naman yung pinto

“Akala ko ba hindi mo kailangan?” Si papa yun.

“Pa naman, hindi ba uso katok?!”

“Hehe sorry anak, may bibigay lang kasi ako sainyong pagkain,” dinalhan lang kami ni papa ng prutas nun.

“Ohh… sige na pagpatuloy niyo na uli yan” sabi pa ni papa pero kinurot ako ni Matteo at sinenyasan yung about kay papa kaya tinawag ko muna si papa.

“Yes?” Sagot niya.

Hindi ko talaga alam itatanong ko sakanya, paano ko ba sisimulan ’to?

“Uhm… bababa po muna ako, hayaan ko po muna kayong dalawa” sabi ni Matteo.

“Bakit? Anong meron?” Tanong ni papa.

“Gusto lang po niya ng father and son moment hehe” sinabihan ako ni Matteo na kaya ko ’to, bago siya umalis.

Lumapit naman si papa saken at naging seryoso siya.

“May problema ba anak?” Tanong niya.

Di ko alam kung paano ko sisimulan ’to, kaya naman una kong sinabi yung pangalan ng mama ni Laurence.

“Linda!” Sabi ko sabay pikit.

“Anong meron sakanya anak?”

Tinignan ko lang si papa at sa isip niya, nagtataka rin siya kung bakit ako ganito.

“May kapatid ba ako sa labas?” Sabi ko sakanya.

“Huh?!”

Okay, Julian. Kalma. Kalma.

“Pa, anak ni Linda si Laurence” sabi ko.

At dun siya mas lalong nagulat sa sinabi ko. Parang may takot na kaba na ewan sakanya.

“Pa, mas matanda si Laurence saken ng 2 years” sabi ko pa sakanya.

Hindi siya makasagot at parang naiiyak si papa.

Guilty?

Di ko alam, pero naiiyak siya at niyakap niya ako.

Wala siyang sinasabi nun.

“Pa?” Tawag ko.

“Sorry anak….” ayun lang sinabi ni papa at lumabas na siya ng kwarto ko.

Pumasok naman si Matteo nun.

“Anong nangyari?”

Pero di ako nakasagot, hindi ko rin alam kung anong nangyari.

“Baba tayo” sabi ko kay Matteo.

Sabay kaming bumaba at nakarinig ako bigla ng pagbasag ng pinggan at sigaw galing kay mama!

Nakita ko si mama na galit na galit, siguro sinabi na ni papa lahat kay mama.

Bumalik ako sa kwarto ko, sumunod naman si Matteo.

“Ju, okay lang yan….” pinapakalma niya ako pero dahil sa away nila mama, mas lalo akong naiyak. Di kasi ako sanay sakanila na ganun, yung baliw baliw na parents tapos biglang magsisigawan ng ganun.

“Sige, okay lang yan Ju, iyak ka lang. Di ako aalis sa tabi mo” sabi ni Matteo.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit nun hanggang sa mapagod ako sa kakaiyak at makatulog ng mahimbing.

++

VOTE AND COMMENTS!!!

KILIGAN AT MOMENTS MUNA HAHA.

OKAY EXTENDED NG DALAWA PANG CHAPTERS ULI PARA SAINYO!!! :)

Part 65

HAPPY 15K VOTES! YEHEY 😊😊😊😊

VOTE AND COMMENTS NA!!!

+++

“1…..2….3….4…. ahhhh….” ayan ang gumising saken, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong tulog, ang sarap sa pakiramdam. Parang isang buwan akong gising tapos natulog ako, ganun kasarap sa feeling.

Pag mulat ko, wala sa tabi ko si Matteo, pero nandun siya sa sahig at nagsisit ups.

Okay, ang hot niya. Ang hot ng boyfriend ko sa sahig.

Nagkunwari akong natutulog, pero umayos ako ng pwesto para makita ko siyang maigi. Pawis na pawis na siya, basang basa buhok niya, pati yung abs niya. Nakahubad kasi siya at tanging boxer lang suot niya.

Tumayo naman siya at nagstretch, nagpanggap pa rin akong tulog pero may konting dilat ng mata at nagpush up naman siya ng nakatalikod saken, kahit likod niya ang sarap, ang tambok pa ng pwet.

Nakangiti lang ako habang pinapanuod siya. Paano kaya ako nagkaroon ng ganitong ka yummy na boyfriend.

Tumayo siya uli at nagpanggap uli akong tulog. Pero this time, nakatingin siya saken.

Nahuli kaya niya ako?

Lumapit pa siya sa mukha ko at this time, ramdam ko yung paghinga niya saken.

“Cute mo talaga Juju” bulong niya saken.

Sht. Ang hirap magpanggap na tulog.

Kiniss pa niya ako sa pisngi ko.

“I love you” sabi niya tapos kiniss ako sa noo at nag I love you uli siya saka tumayo at dumiretso sa banyo.

Huminga na ako ng malalim nun at kumalma. Bumangon ako at nakita ko yung damit ni Matteo sa sahig. Pinulot ko yun para ilabahan pero ewan ko kung bakit ko inamoy yun.

Shet, ano ’tong ginagawa ko. Pero ayokong tumigil, ang bango, yung amoy pawis plus amoy ng pabango, sobrang nakakaadik. Dinadamdam ko pa yung pag amoy ko, napapapikit pa ako ng mata.

Naupo muna ako sa kama at pinagpatuloy ko yung pag amoy. Kulay Blue yung TShirt niyang yun at medyo basa ng pawis niya pero shet, ang bango bango talaga.

Para na akong nababaliw sa amoy.

Pero mas nabaliw ako nung nakita ko siya sa tapat ng CR, Nakatayo habang pinagmamasdan ako sa gnagawa ko sa TShirt niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya ko at nakangiti.

“Hmmm…. ano kayang ginagawa ng asawa ko sa TShirt ko? Hmmm” dahan dahan siyang lumapit saken.

Pero tinapon ko kaagad yung TShirt niya sa gilid.

“Bakit ka magttyaga sa TShirt ko kung pwede namang fresh from my beautiful body yung aamuyin mo” ginapang niya ako sa kama at napapaurong ako.

Di pa rin siya nakakaligo, at kung ano yung amoy ng TShirt niya, ganun din amoy niya ngayon.

“Bakit mo ko pinagpapantasyahan habang wala ako? Pwede naman natin gawin together yun eh” bulong niya pa saken.

“Ahh…. Maligo ka na! Ang baho mo na!”

“Mabaho? Eh nilalanghap mo nga yung amoy ko kanina?”

Bakit ba ang perfect netong taong ’to! Sobra na. Ang OA na, pero totoo, ang hot talaga tapos nasa harap ko pa at inaakit ako.

“Wag kang ganyan….. mapusok ako pagdating sa’yo” sabi ko pa.

Mapusok?! Sa dami ng pwede mong sabihin Julian mapusok talaga?!

“Ohhh… ehhh mapusok din ako eh, lalo na sa’yo. How about gamitin natin yung ‘kapusukan’ natin ngayong umaga para naman…. alam mo na…. mabasa mo uli yung nasa isip ko”

Totoo yun, yung ginawa namen yun sa battlefield, nababasa ko lahat. Pati yung mga dati pa niyang gustong sabihin, nababasa ko.

Sumagot ka Julian! Wag kang pabigay, humindi ka!

“Ahhh….”

“So gusto mo talaga? Hehe sige, this time I’ll be gentle. For you” sabi niya.

Gusto ko pero ayoko! Pero wala akong ginagawa nung nagtanggal na siya ng tuwalya. Nakita ko na naman buong pagkatao niya. Yung napakalaking pagkatao.

At wala na talaga akong nagawa at may nangyari na naman samen.

++

“Bakit ka ganyan?”

“Anong bakit ako ganito?” Tanong ko.

“Ganyan!”

“Ano ngang ganyan?”

“Yung pagkatapos natin gawin ’to, parang nahihiya ka na nagsisisi”

“Hindi ako nagsisisi…”

Di naman siya galit, mukhang gusto lang niyang mang asar.

“Nahihiya lang ako” sabi ko pa.

“Bakit ka naman nahihiya?”

“Wala lang…”

“Kasi maingay ka kapag….”

“Tama na!” Pinigilan ko siya sa sasabihin niya.

“Haha. Bakit kasi maingay?”

“Ehhh…. lumalabas ng kusa eh” sabi ko, pero tumatawa pa rin siya.

“Hay nako, okay lang yun.” Niyakap niya ako nun sa gilid ko at hinalikan sa leeg.

“Mahal kita Ju. Di ako magsasawa sa’yo at sa ingay mo” bulong niya.

Nahihiya talaga ako kapag inaasar niya ako ng ganun.

“Ewan ko sa’yo!”

“Haha. I love you”

“I love you too”

“Wala man lang feelings?”

“Ohhh….” sabay halik ko sa labi niya. “… I love you too”

“Ayan ayan.” Pumatong na naman siya saken at mukhang may binabalak pang gawin pero biglang may tumawag sa phone ko.

“Save by the ring!” Sabi ko, bumangon ako at kinuha ko phone ko at tumatawag si Laurence.

“Sasagutin mo?” Tanong ni Matteo.

“Oo, kapatid ko ’to diba?”

“Ayy oo nga pala hehe. Sige”

Sinagot ko yung tawag niya at may naririnig akong maingay sa background niya.

“Julian…. Hello!”

“Ohh… Hello”

“Nasaan ka? Nandito sila mama at papa sa bahay, gusto mo pumunta?”

Sht. Eto na. Tadhana na tumutulong sa Pamilya namen.

“Sorry, hinahanap ka rin kasi nila papa eh. Kung gusto mo lang naman” pahabol niya.

“Ahh. Sure, sige sige. Gusto rin sana kita makausap about….something eh.”

“Talaga ba? Osige, gusto mo bang pumunta ako diyan?”

“Sige, sige” sagot ko.

“Okay. see you Julian!” Sabi niya sabay baba ng phone. Narinig naman ni Matteo lahat ng pinagusapan namen.

“Wag mag buckle, diretsuhin mo na kaagad okay?” Sabi ni Matteo saken.

“Opo”

“Eh, parents mo? Kausapin mo na kaya muna. Tara na nga maligo na tayo, para may nagagawa pa tayong iba maliban dito”

“Hehe, baliw ka talaga” pero deep inside parang nagbago bigla mood ko at natatakot na naman ako.

Tumayo na kami ni Matteo at naligo, nagbihis saka bumaba.

++

Tahimik sila mama at papa sa baba, hindi nagpapansinan. Di rin nila ako halos pinansin pagbaba ko, di na ako nakipag usap at baka saan pa mapunta yung usapan.

Kumain kami ni Matteo, tahimik pa rin at nag aabang ng mangyayari.

Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa sala.

“Ang awkward Ju” bulong saken ni Matteo.

Tumayo ako nun at lumapit kay papa. Si mama naman eh wala na sa kusina.

“Anong sabi ni mama?” Tanong ko.

“Nagulat lang siya, alam mo naman mga babae….”

“Pero kasi sana sinabi mo na kay mama moon pa diba?”

“Pati ba naman ikaw aawayin ako?”

“Syempre hindi po, gusto ko lang ma settle niyo ’to kaagad ng maayos…”

“Ayun naman eh, hindi ko naman alam na may anak ako diba? Sinabi ko lang sakanya yun. At di ko rin sure kung anak ko si Laurence. At ayun ba gusto mong isipin? Na..,, nakipag anuhan ka sa kapatid mo…”

“Hay nako si papa! Bakit napunta saken yung issue?”

“Eh kasi isipin mo diba? Nkipag anuhan ka sa kapatid mo, di ka ba nabothered dun?”

“Pa! Nabothered na ako, nabothered uli ako dahil pinaalala mo pa!”

Hanggang sa ganitong sitwasyon, napaka baliw ng tatay ko.

“Let’s just hope na hindi totoo. At teka nga pala, saan mo pala nalaman yan?!” Tanong ni papa.

Gusto ko sanang sabihin na nalaman ko po sa event na sinalihan ko pero syempre di ko sinabi.

“Nabanggit lang po ni Laurence na Linda pangalan ng mama niya at saka ko naisip na baka yung Linda mo yun!”

“Teka, di mo naman kilala si Linda ah? Alam mo ba itsura niya?”

Sht. Ineenterrogate ako ni papa. Kung pwede ko lang sabihin na nakita ko yung nakaraan nilang dalawa at saka ko nalaman. Pero di ko makaisip ng lusot.

“Nako, sana lang talaga eh hindi” sabi pa ni papa. Di na siya interesado sa magiging sagot ko nun.

Lumapit naman si Matteo samen.

“Parating na po si Laurence dito,” sabi niya.

“Ha? Bakit mo naman pinapunta?”

“Hindi pa, pupunta daw siya talaga rito. Wala rin siyang alam sa issue na ’to,”

“Bakit naman siya pupunta aber?”

“Uhm…. kasi umuwi daw parents niya at gusto daw ako makita…”

Natahimik si papa

“Pa, oras na para harapin ’to. Gusto mo, sabay sabay tayong pumunta dun para matapos na tong issue na ’to”

Pumayag naman kaagad si papa at dali dali niyang pinuntahan si mama sa taas.

“Kinakabahan ka ba Ju?”

“Medyo… hehe, pero kaya natin ’to, wag ka lang aalis sa tabi ko ha?”

“Oo naman. Dito lang ako” sabay yakap saken.

Napapapayag naman ni papa si mama at nag aasikaso pa sila sa taas habang nanunuod kami ni Matteo.

May kumatok naman sa pinto nun at ako na nagbukas.

Bumungad si Laurence saken, oo ang pogi niya, macho, cute ng pisnging mataba, tapos ang saya saya pa ng itsura niya.

“Hi Julian!” Bati niya saken.

Pero sa tuwing iisipin ko na magkapatid kami, medyo naaawkwardan ako sa mga pangyayari.

“Hi, pasok ka muna” sabi ko.

Dumiretso siya sa sala at nagulat siya na nandun si Matteo, komportbleng komportable na nakaupo sa sofa.

“Oh… nandito…. okay na kayo?” Tanong ni Laurence. Nawala yung excitement niya sa mukha niya at mukhang nalungkot.

Feeling ko kasi halos ilang linggo kaming di nagkita, pero para sakanya, isang araw pa lang nakalipas. Para saken, sobrang dami ng nangyari nung mga panahong yun.

“Pwede ba kita makausap saglit lang? Sa labas?”

“Uhm… okay sige…”

Di nakumontra si Matteo kasi alam niyang magkapatid naman kaming dalawa.

Paglabas namen, malamig yung hangin at mapresko, pero yung itsura niya…. di pa rin mapinta.

“Alam mo ba yung ilang araw na kasama kita, akala ko may chance ng magkabalikan tayong dalawa” bungad niya saken.

“Laurence.,.,”

“Nung halos wala si Matteo sa’yo nun, akala ko pagkakataon ko ng makasingit sa’yo, akala ko okay tayo….”

Nakakaawa si Laurence. Sa totoo lang, yung reaksyon niya, yung namumuong luha sa mata niya.

“Laurence, pinilit ko naman talaga, pero… si Matteo talaga eh… siya talaga…. at sa magandang rason na rin kung bakit siya yung gusto ko”

“Sige nga, ano pang kulang? Ano pang gusto mong ibigay ko? Sabihin mo lang…”

Gusto niya akong yakapin pero pinigilan ko siya.

“Hindi tayo pwede… hinding hindi… kahit saang anggulo tignan, sobrang mali!”

“Anong mali Julian?! Sabihin mo!”

“Magkapatid tayo!”

“Ha?!!”

Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko, pero seryoso pa rin ako nun at pinaliwanag ko sakanya lahat ng alam ko, simula nung bata sila, kung paano umalis mama niya… lahat, maliban syempre sa event, lahat sinabi ko sakanya.

“Di ako naniniwala sa sinasabi mo! Gumagawa ka lang ng kasinungalingan!”

“Hindi ko rin alam, kaya gusto rin nameng malaman nila mama at papa yung totoo”

“Talaga? Halika, tanungin natin magulang ko! Para mawala sa isip niyo yang kasinungalingan na yan!!”

“Wag ka naman magalit saken…”

“Nagagalit ako sa kasinungalingan mo Julian! Magkapatid…. sus, sinong maniniwala diyan?!”

Bigla naman lumabas si Matteo at sumingit.

“Kasi yun ang totoo pre, wag ka ngang mukhang nagulat diyan, nauna na kaming nagulat kaya tama na sa arte!”

“Sumisingit ka pa eh!”

“Oo, kami na ni Julian eh!”

Dun mas lalong naiyak si Laurence, gusto pa niyang magsalita pero di na niya tinuloy at umalis na siya sakay ng sasakyan niya.

“Bakit naman kailangan mo pang sabihin yun?”

“Sorry Ju, gusto ko lang asarin eh.”

“Well, di magandang asar, alam mong may pinagdadaanan kami eh!”

“Sorry na…. gusto mo punta na tayo sakanila eh”

Di ako sumagot at pumasok na ako sa bahay nun. Nakita ko naman na nakaayos sila mama at papa pero di pa rin nagpapansinan.

“Dumating na si Laurence at sinabi ko na rin po lahat”

“Anong sabi?!” Sagot ni papa.

“Umalis na po eh. Gusto niyo puntahan na lang natin sila sa bahay nila” sabi ko.

Bigla naman pumasok si Matteo.

“Nakatawag na ako ng taxi” sabi niya.

Tumayo lang kaagad si mama at lumabas ng walang sinasabi. Sumunod si papa saken at inakbayan din ako palabas. Ramdam ko rin yung tensyon sa kanilang dalawa.

++

Nakarating na kami sa bahay nila Laurence, pero wala yung sasakyan niya. Baka di pa siya bumabalik.

Nag doorbell kami at pinagbuksan ng katulong nila. Nakilala naman ako at pinapasok sa loob.

Kinausap ko muna si Matteo.

“Please, wag muna tayo…. PDA dito? Ano lang… respeto lang sa parents ni Laurence. Okay ba?”

Kita na namen yung daddy ni Laurence.

“Oo naman Ju.. pero yan ba tatay ni Laurence? Kamukha naman niya ah? Paanong magiging anak ng papa mo yan. Ikaw kamukha ka ng papa mo, pero si Laurence kamukha siya ng papa niya!”

“Shhhh…. wag ka muna maingay” sabi ko.

Lumapit yung papa ni Laurence saken.

“Parents mo Julian? Wow meet the parents na pala kaagad. I like that!!” Sabi ng papa ni Laurence.

“Hehe hindi po…” nag mano din ko sakanya nun.

Lumabas naman yung mama ni Laurence nun, nakangiti at masayang masaya pero nawala nung makita niya si mama at papa na magkasama.

Nagulat siya. At bigla siyang may sinabing mahina sa papa ni Laurence. At nanlaki rin yung mata niya.

++

Awkward moment sa sala, nandun ako nakaupo, tapos si mama at papa, parents ni Laurence, pero si Matteo nasa labas lang, sabi niya family moment ’to.

“Kumusta na kayo? Kumusta ka bes…” sabi ni Linda kay papa.

Bes pala tawagan nila pero naganuhan.

“Okay naman”

Ramdam na ramdam ko yung awkwardness sa loob ng bahay nila Laurence. Di ko alam kung saan pupunta tong usapan na ’to.

“Uhm…. so anak niyo pala si Julian? Small world ano?” Sabi pa ni Linda.

Bago pa makasagot si Papa, saka naman sumingit si mama.

“Magkapatid ba silang dalawa?” Medyo mataray na sabi ni mama.

“Ha? Hindi ah!”

“Umamin ka na!” Medyo mataray talaga si mama.

“Anong ibig sabihin neto?” Tanong ng papa ni Laurence.

“Umamin na saken tong ‘asawa’ ko, may nangyari sainyong dalawa kaya sabihin mo na kung anak niya si Laurence!!”

“Aba teka lang, nasa pamamahay kita at wag mo kong sinisigawan… at isa pa, anak namen si Laurence. Anak namen siya! Hindi siya anak ng asawa mo! Ano akala mo saken kaladkarin?!”

Medyo umiinit na yung tagpo sa bahay namen.

Bigla namang pumasok sa sala si Laurence at mukhang galit, pero nawala yung galit at napalitan ng pagtataka kung bakit nandito kami.

Hinila ni Linda si Laurence at pinagtabi silang dalawa ng daddy niya.

“Sa tingin mo hindi sakanya yan? Eh parang pinagbiyak na buko yang dalawa oh!”

Natahimik si mama nun at mukhang naconvince.

“Ano ’to Julian? Talagang gusto mong patunayan to?! Ano ba! Kung ayaw mo, diretsuhin mo na lang ako!!”

Nalipat yung tingin saken ng lahat at for a moment, naisip ko kasalanan ko ngang lahat ’to. Ako nga yung pasimuno!

Nandun pa rin kami at nakatambay ako sa may garden nila, mag isa at nag iisip. Paano kung plano pa rin ’to ni Gab? Na sirain pa rin yung buhay ko hanggang dito?

Maya maya, lumapit saken yung daddy ni Laurence.

“Sorry po…” ayun lang nasabi ko.

“Hehe, di naman ako galit. Alam ko nman na may gusto yang asawa ko sa papa mo noon pa lang”

“Talaga po?”

“Oo, di lang kita namukaan at yung papa mo, pero nung tinignan kong mabuti, tama nga ako, siya nga yun”

“So kilala mo rin po si papa?”

“Hmm.., sa mukha lang pero personally hindi….”

Natahimik naman ako at naghintay pa ako ng kwento niya.

“Naaala ko na naman tuloy, hehe. Isang pagkakamali para sakanya yan si Laurence eh, pagkakamali ko sakanya”

Mukhang nag dedaydream yung papa niya at mukhang naiisip niya yung kabataan nila.

“Matagal ko ng gusto yan si Linda, sobrang tagal na. Pero iba yung gusto niya, yung papa mo. Tapos may issue pa yan ng pagiging tibo para lang makalimutan yung papa mo eh.

One time, nakasalubong ko siya, naglalakad pauwi at umiiyak. Syempre ako naman eh todo comfort, dun ko nalaman na pinili nga daw ng papa mo yung mama mo.“

Binasa ko isip ng papa ni Laurence at nakita kong eto yung araw na nag sex si Linda at si Papa.

“Nagkwentuhan kami sa bahay.., ako lang kasi mag isa nun, tapos nag inuman kaming dalawa….. tapos sa di inaasahang pagkakataon… may nangyari samen

Totoong nangyari yun. At sobrang saya ko nun. Ang sabi pa niya saken, muntikan na daw may mangyari sakanila ng papa mo, buti napigilan nilang dalawa“

At ayun na nga yun! Naalala kong kwento saken ni papa, may nangyari sakanilang dalawa. Tapos nung nasa panaginip ako nun, nakita ko rin na pumasok si Linda at papa sa kwarto pero di ko na pinanuod yung nangyari.

“Umalis siya nun at nag ibang bansa, pero nung nalaman kong buntis siya, sinundan ko siya. Alam ko kasing saken yun! Nakita kong nandun din yung babae niya, pero ayaw niya na dun.

Pinamukha ko sakanya kung gaano ko siya kamahal at eventually, ako naman yung pinili niya. Bestfriend niya papa mo kaya alam kong sa labas ng pagkakagusto niya sa papa mo, eh may iba pa silang pinagsamahan na malalim na hindi ko kayang tanggalin sakanila“

Wow. Sobrang understanding ng papa ni Laurence. Talagang mahal niya si Linda.

“Maniwala ka, nung una nagdoubt din ako kung saken si Laurence pero kita mo naman, magkamukhang magkamukha kami diba? Hehe.”

“Oo nga po” sagot ko naman.

“Pero… wala na ba talaga kayong pag asa ng anak ko?” Sabi niya pa.

Ang awkward ng tanong.

“Mas magiging okay po kung naging sila ni Lucas. Kasi mas mahal po ni Lucas si Laurence, ako po kasi inlove din sa bestfriend ko” sabi ko.

“Argh. Bestfriend na naman haha. Pero I understand, Kilala ko si Lucas pero I think magkaibigan lang sila?”

“Hehe, di na lang po ako magsasalita haha”

Lumabas naman bigla sila mama at papa, pati si Linda, nakangiti na sila at mukhang okay na ang lahat.

Isa isa kong binasa nasa isip nila, okay na nga silang lahat.

Mukhang may balak pa silang mag inuman nung mga panahong yun kasi naglabas sila ng alak.

“Julian!” Tawag saken ni Laurence.

Sumunod naman ako sakanya.

“Sorry kung nasigawan kita kanina ah?“sabi niya.

“Ahhh… wala yun hehe, atleast okay na…”

“Well, sila okay.., ako kasi hindi. Ikaw talaga mahal ko eh”

Nakakainis. Nasa loob pa rin ba ng Illusion ni Gab tong si Laurence?

“Si Lucas, Laurence. Kung alam mo lang kung gaano ka niya kamahal….”

“Lumipas na yung panahon Julian…. ikaw talaga mahal ko at walang makakaalis saken nun”

Makakaalis.

Makakaalis….

Tama!! Si Matteo!!

Kung nasa Ilusion ni Gab si Laurence, pwede niyang matanggal ’to gamit yung gift niya.

“Wait lang ah!“sabi ko habang nagmomoment siya.

Lumabas ako at tinawag ko si matteo na nakaupo lang.

“Kung nasa loob ng Illusion si laurence, tanggalin mo gamit gift mo!!”

Mukhang pumayag si Matteo sa plano ko at pumasok kami uli sa loob.

Pumwesto sa likod si Matteo at nakita kong pinapasa ni Matteo yung shield niya kay Laurence.

“Hindi mo talaga ako mahal….” sabi ko pa.

Naghihintay ako ng sagot. Walang kahit anong gift ang tatalab kapag may shield ni Matteo.

Hinintay ko sagot ni Laurence na parang humihinto siya.

“Mahal kita Julian”

Natulala lang ako ng mga oras na yun. Hindi pwedeng hindi tumalab yung gift ni Matteo, ang ibig sabihin lang nun, mahal talaga ako ni Laurence.

+++

Nauna na kaming umuwi ni Matteo at nagpaiwan pa sila mama dun.

“Anong iniisip ng asawa ko r?” Bulong niya saken habang nakaupo kami sa sofa.

Actually ang dami. Sobrang dami,

“Hmmm… wala” sabi ko.

“Eh bakit ang tahimik mo?”

“Hmm… wala”

“We? Basahin mo nga nasa isip ko” sabi niya pa, at di na siya naghintay ng gagawin, hinalikan niya ako sa labi at sinabi niyang….

“Okay na problema mo, Nasabi mo na at hindi mo kapatid si Laurence. Ano pang naiisip mo?”

Gusto ko pa sanang halikan si Matteo kaso wala talaga ako sa mood.

“Naiisip ko lang, mas okay kung magkapatid kami ni Laurence eh” sabi ko.

“Bakit naman?”

“Wala…. kasi ibig sabihin, kaya hindi ko talaga nababasa nasa isip niya kasi magkapatid kami diba?”

“Di ko pa rin makuha”

“Isipin mo diba, ginamitan mo siya ng gift mo pero di pa rin nawala yung Illusion at hindi ko pa rin mabasa nasa isip niya, what if, may kinalaman talaga siya sa future ko? Ang sabi saken ni Leia non, nabago na yung future ko, what if siya na yun?”

“Ay… wag ka ngang masyadong magpaniwala sa ganun! Wag ka maniwala sa ganun! Tayo gumagawa ng destiny natin, tayo lang at pag ginusto mo talaga na ako makasama mo, edi ako makakasama mo! Period”

Sa sandling moment na yun, natuwa ako kay Matteo, kasi ramdam ko yung pagkagusto niya na mkasama ako.

“Mahal mo ba ako?” Tanong niya ng diretso.

“Oo naman. Mahal kita”

“Oh, basahin mo nasa isip ko!” Sabi niya sabay halik saken.

Ang dami niyang naiisip samen, nakikita kong gusto niyang ikasal kami, tapos mag ttravel kaming dalawa .tapos magkakababy pa kaming dalawa.

“Nakita mo?” Sabi niya saken.

“Oo, nakita ko lahat”

“Plano ko yan saten. Ayan lang naiisip kong mangyayari saten. Ayan lang gusto kong mangyari kasi Mahal na Mahal kita tandaan mo yan Ju. Ikaw lang talaga yung minahal ko ng ganito”

Di ako nakasagot, niyakap niya lang ako ng mahigpit nung mga oras na yun.

+++++++

VOTE AND COMMENTS!!!!!!

LAST 2 CHAPTERS NA TALAGA AHHAAHA

Part 66

First, Maraming Salamat sa pagtutok sa story ni Julian, simula sa simula hanggang dulo. Eto na ang last chapter bago mag finale kaya salamat ng Marami.

VOTE AND COMMENTS!!!!

++++

Back to school na at syempre parang ang daming nagbago. Ang tagal ko rin sa event kaya medyo nawala focus ko rito sa school.

Ewan ko rin kung paano, pero feeling ko ang dami ring nagbago sa buhay ko simula ng nakuha ko yung gift na yun. Nasanay na akong nababasa ko isip ng mga taong nakakasalubong ko, yung kahit tapos na yung event, tumutulong pa rin ako.

One time, may nakasalubong ako namomroblema at di niya masabi kaya lumapit ako para makipag usap. Mga maliliit na bagay na alam kong makakagaan ng loob ng ibang tao.

Ang mantra pa naman palagi kapag New Year eh “New Year, New Me”, taon taon na lang, pero sa unang linggo lang naman nagbabago then back to normal na naman sila.

Di ko rin alam buti na lang at nakalimutan na ng mga tao yung issue samen ni Laurence at di na nila ako pinag uusapan.

Pagpasok ko sa room, una kong napansin si Greco, ngumiti rin siya nung nakita niya ako.

“Hi Julian” sabi niya sa isip ko.

“Hi!” Sagot ko rin sa isip niya.

Tumabi ako sakanya at nagkwentuhan kami.

“Parang nakakapanibago no? Ang tagal tagal nating nagbakasyon” sabi niya pa.

“Hehe, tapos yung mga nangyari pa sa events. Grabe, parang ang sarap ikwento sa iba no?”

“Bawal Julian. Masasayang lahat ng pinaghirapan natin kung mawawala lang yun hehe”

“Oo nga eh, buti nandito ka!”

“Nasaan naman si Matteo?”

“Ewan ko dun late na naman!”

“Edi sabay kayo pupunta mamaya? Diba ngayon natin malalaman kung sino yung top sa batch natin?”

“Ngayon ba ’yon?”

“Hay nako, di ka talaga marunong tumingin sa libro mo no?”

Bakit kasi di ko nakasanayan yun eh.

“Pero ang lakas mo nung nagkaharap tayo ah? Sayang, limited lang yung gift ko eh”

“Oo nga, paano pala mamamaximize yang gift mo?” Tanong ko pa.

“Hay nako, siguro talaga sumali ka lang sa events without even knowing what you’ll get before, during and after no?”

“Haha sorry na. Dali, paano mo ba makukuha yung pagkamaximize ng gift mo?”

“Kapag nalamangan kita sa event. Kapag mas mataas yung ranking ko sa’yo”

Medyo natahimik ako, kasi natalo ako nung stage 1 sa pangalawang laban lang, tapos natalo ako nung stage 2, pero ako naman panalo sa stage 3 kaya sa tingin ko mas may laban ako.

“Di purkit ikaw ang nanalo eh ikaw na ang top 1. May instances lang talaga na kaya nanalo yung nagbigay ng gift sa’yo kasi talagang maganda yung pinakita niya sa event”

Shocks. Oo nga pala, nakita ko kung paano lumaban si TB sa event, sobrang nakakamangha. Gamay na gamay niya yung gift niya. Pero ako, kailangan ko pa ng katulong para lang magamit ko yung gift ko, pero si Greco mukhang maganda yung naging performance niya.

“May balak ka bang kunin yung gift ko?” Tanong ko.

“Hala siya oh… syempre, ipapasa natin yung gift, ayoko naman na limited lang yung ipapasa ko diba?”

Okay, binasa ko isip ni Greco at wala siyang balak na masama saken. Buti naman.

“May gusto pala akong malaman…. about kay Tracy?” Sabi ko.

“Oh… gusto mo ba malaman?”

Mukhang alam niya yung tinutukoy ko.

“Ang ganda ng tag team nameng dalawa, kaya kong makabasa ng isip samantalang siya alam niya kung sino makakatuluyan ng tao sa future”

“So siya talaga yung parang cupid?”

“Yes. Siya nga yung ganun.”

May naalala akong sinabi ni Tracy non na bakit hinahayaan ni Greco na kasama ko si Laurence.

“So….. alam mo ng si Matteo ang makakatuluyan ko?”

“Oo”

“Eh bakit pinush mo pa rin na maging kami ni Laurence?”

“Hala, no hard feelings pero syempre nung nalaman kong ikaw pala yung pinag gagayahan ko ng gift at alam kong mapapadali lahat kung di magiging okay yung isip mo para sa battle!”

“Ay grabe siya!!!!”

“Hehe peace tayo Julian?” Sabi ni greco sabay peace sign saken.

Wala naman na akong galit about dun, kasi okay naman na kami ni Matteo ngayon.

At sakto, dumating na si Matteo at tumabi sameng dalawa ni Greco.

“Uy pre, nice battle pala ah?” Sabi ni Matteo.

“Oo nga eh. Hehe”

Di na nakipagkwentuhan si Matteo at hinila na ako ni Matteo papunta sa upuan nameng dalawa.

“Ano ba kaya yun? Bakit kaya siya ganyan? Nakikipag usap pa ako sakanya eh” sabi ko kay Matteo na sobrang gwapo talaga ngayon at namiss ko itsura niya ng nakauniform.

“Bakit? Sino gusto mong makausap? Ako na boyfriend mo o yung copycat na gusto kang mawala sa event na yun?”

Promise, ang cute ni Matteo kapag ganito siya. Parang patay na patay talaga siya saken.

“Syempre boyfriend ko” sabi ko.

“Basahin mo nga nasa isip ko?”

Parang yung phrase na ‘basahin mo nga nasa isip ko’ eh may meaning na ‘halikan mo nga ako’.

“Ay nasa school oh?”

“Edi punta tayo sa CR”

“Ayoko! Etong malibog na ’to!”

Bigla siyang tumawa ng malakas sa sinabi ko.

“Hahahahaa ngayon mo lang ako tinawag ng ganyan ah? Haha”

“Eh kasi napaka…. mamaya ayan lang gusto mo saken eh!”

“Ay hindi naman yun. Sige na… sorry na, wag mo ng basahin nasa isip ko, mamaya na lang kapag nasa bahay na tayo hehe”

“Wala. Walang ganyang mangyayari!”

“Sus, sigurado naman hahanap hanapin mo rin eto eh hehe. Sorry na…” sabi niya pa.

Pero di ko siya pinapansin, tumalikod ako ng konti para magtago sakanya pero pinapagapang niya yung daliri niya sa likod ko pataas sa batok ko.

“Sorry na Ju” bulong niya sa tenga ko.

“Pwede ba, nasa room tayo! Maraming nakakakita”

“Galit ka ba talaga?”

“Hindi”

“Promise?”

Pero nagpapabebe lang ako, ewan ko ba kung bakit inatake ako ng kaartehan ko.

“Juju” sabi niya pa, pero humarap na ako sa may harap pero di pa rin siya pinapansin. Nakikita ko siya sa gilid ko na kinukulit ako pero di ko pa rin pinapansin.

“Asawa ko…” sabi niya.

Di nakayanan ng labi ko na di ngumiti sa sinabi niya. Ewan ko ba, tuwang tuwa talaga ako kapag tinatawag niya ako ng ganun.

“Ayieeehh tumawa na yung asawa ko ohhh”

Pero di pa rin ako sumasagot.

“Asawa kowssss…. I love you” sabi niya pa saken.

“I love love love love youuuu.”

Gumapang naman yung kamay niya sa braso ko pababa sa mga kamay ko at hinawakan niya yun ng mahigpit at hinalikan.

“Asawa kowsssss… kausapin mo na ako” sabi niya pa.

Tumingin ako sakanya ng nakangiti at sobrang kinikilig.

“Yes asawa kows? Nakatingin ka ng ganyan saken?” Sabi niya saken.

“Pabasa nga ng nasa isip mo” sabi ko.

“Sige sige!” Di siya nagdalawang isip nun at hinalikan ako kahit nasa room kami. Ewan ko kung may makakakita samen basta hinalikan niya ako nun.

Sobrang saya ko talaga ngayon kay Matteo at sana wala ng mangyaring masama sa relasyon nameng dalawa.

+++

Sabay na kaming pumunta ni Matteo sa lugar namen sa event. Syempre, malapit lang sa school kaya nilakad na namen.

Hindi pa rin nagbabago yung lugar, malinis pa rin at syempre, yung oras namen dun, ganun pa rin mabagal kumpara sa normal na world.

Ang pinaka awkward sa lahat eh ang makasalubong si Angelica sa hallway bago kami makapunta sa kwarto.

Di namen siya pinansin ni Matteo pero tinawag niya kaming dalawa.

“Congrats pala Julian. Ikaw daw nanalo sa final stage” sabi ni Angelica.

“Ahh… salamat” sagot ko.

Aalis na sana uli kami pero tinawag niya pa kami.

“Uhm… sorry pala? Sa lahat hehe. I mean, sorry din sa ginawa namen ni Matteo nun sa Birthday ni JayR?”

Tinutukoy niya yung halikan nilang dalawa.

“Ahh… wala yun okay na yun” sabi ko.

“So… okay na tayo? I mean, ang cool kaya makasama ng mga taong may gift kaya sana makahang out tayo paminsan minsan”

Ayoko naman na may kaaway pa ako after netong event na’to kaya naman pumayag na ako.

“Oo naman sure!” Sabi ko pa.

“Yay!” Niyakap niya ako nun ng mahigpit.

At naglakad na uli kami ni Matteo.

“Alam mo ang bait bait mo talaga no?“sabi ni Matteo.

“Sus, parang ayun lang. Para matahimik tayo at wala tayong nakakaaway diba?”

“Basta ako, kung anong gusto mo susuportahan kita. At saka walang aatake sa’yo kasi di gagana at nasa tabi mo ko!”

“Haha tapos na po yung event!”

“Haha I know, pero mahal pa rin kita” sabi niya.

Nakakainis, kinikilig na naman ako sakanya.

Pag pasok namen sa kwarto, nandun na lahat ng mga gifted, at mas maingay na kami ngayon kumpara nung unang nagkita kita kami, at during event. Ngayon, talagang tawanan at hiyawan silang lahat.

Nagpalakpakan naman sila nung nakita nila ako.

“Andito na pala yung winner eh!!” Sigaw nung isang lalaki, siya yung lalaking mabilis, nakalaban ko ’to sa maze kaso nakalimutan ko na yung pangalan.

Lumapit si Sarah saken at niyakap ako.

“Bakit ngayon lang kayo? Pinanuod samen yung battle!! Ang ganda!! Parang XMen mga ganun!”

“Pinanuod sainyo?” Sabi ko kaagad.

“Oo, kanina, bakit kasi ngayon lang kayo?”

Late kasi kami ng 10minutes ni Matteo sa totoong buhay pero dito sa loob, siguradong ilang oras na yun!!

“Lahat lahat?!!“sabi ko.

“Oo, from stage 1 hanggang matapos!”

Tumingin ako kay Matteo at tumatawa siya, alam niya siguro yung naiisip ko!

Yung nangyari sameng dalawa!

“Kung iniisip mo yung nangyari sainyo, oo pinakita pero pahapyaw lang, hahhaha” pahabol ni Sarah.

Sobra akong nahihiya ng mga oras na yun! As in pero si Matteo wala siyang paki. Proud na proud pa.

Pero biglang pumasok si Jai at si TB sa kwarto. Sobrang bagay silang dalawa! Si Jai ang ganda at si TB naman sobrang gwapo.

Nagsiupuan naman kaming lahat sa pwesto namen, at napansin ko si Gab sa dulo na tahimik at walang kausap. Sa totoo lang, naaawa rin ako kay Gab sa nangyari sakanya pero di ko na lang muna siya pinansin.

“Hello, Kumusta kayo?” Bati ni TB sa lahat at di naman maiwasang kiligin ng mga babae dahil sa sobrang gwapo ni TB.

“Ang cute niya Julian!!” Sabi ni Sarah sa tabi ko.

“Cute ba yan Ju? Eh mas pogi pa ako diyan eh” sabi ni Matteo.

Di ko alam kung pwede kong sabihin yung tungkol kay TB na siya nagbigay ng gift ko kaya tumahimik na lang ako.

“Kumusta yung event? Ang saya diba? One of the best event so far. Ang ganda ng mga laban!” Sabi pa ni Jai.

“As you can see, napanuod niyo naman yung event at nakita niyo rin yung mga lovebirds natin….” sabay tingin saken ni TB “….sa battlefield. Pero syempre di lang yun, yung quality na laban niyo, maganda talaga compare sa laban namen noon” sabi ni TB nun.

“As you know, siya, si Timo ang nanguna non sa batch namen at ako naman yung pangatlo. Unfortunately, wala si Grey, yung second.” Walang reason kung bakit hindi makapunta si Grey at wala ring reaksyon si Gab sa likod.

“Inevaluate namen yung laro niyo, hindi lang kaming dalawa, kundi pati yung top 10 sa batch namen” sabi ni TB.

“So… sa mananalo, Congrats, sa hindi naman, bawi nalang yung successor niyo hehe”

“And sa mga walang may alam, katulad ng pinagbigyan ko sigurado….” sabay tingin ni TB saken “…. Ang top 10 sa event na to ay makakatanggap ng privelage na makuha pa rin yung gift niya hanggang sa pagtanda.

Top 10 gifted: mamamaintain yung gift pero hindi na maximize.

Top 5 gifted: mamamaintain yung gift with slight maximize of gift.

Top 3 gifted: mamamaintain yung gift at mamamaximize niya yun.

Yung top 11 hanggang 40, nasainyo pa rin yung gift niyo pero mawawala kapag pinasa niyo na. Nagkakaintindihan ba?“

Bakit kasi hindi sinasabi saken ni TB ’to?

“So… Goodluck to all. Here’s your rankings” sabi ni Jai.

Tinawag from top 40 isa isa, hanggang sa top 30, hanggang top 20, hanggang sa 10 na lang kaming hindi natatawag.

“Top 10…. Greco - Copycat Mind reader” sabi ni TB.

Medyo okay na rin saken na naunang tawagin saken si Greco, at least ibibigay ko pa rin ng buo yung gift ko sa iba

“Top 9…. Gab - Illusionist”

Tumayo si Gab at nakipagkamay lang.

“Top 8…. Pauline - Water Element” tuwang tuwa si Pauline nung mga oras na yun.

“Proud kamag anak here” sabi ni Matteo saken.

“Haha di pa tayo natatawag” sabi ko.

“Nako, okay lang kahit pang ilan ako haha”

“Top 7….. Lucas - Ice Element” medyo malungkot pa rin si Lucas dahil kay Laurence pero masaya niyang tinanggap yung rank niya.

“Top 6…,, Kennard - Fire Element” proud girlfriend naman si Sarah sa tabi niya at napahawak ng kamay saken si Matteo.

“Wow, top 5 Ju! Top 5” sabi ni Matteo.

“Medyo kinakabahan na ako”

“Promise Ju ako rin…” sabi niya.

“Top 5…… Leia - Future Seeker”

Sht, oo nga pala. Si Leia pa!

“Alam mo ba Julian, ang galing niyan sa event, lahat nakikita niya. Alam niya yung mangyayari” bulong saken ni Sarah.

“Oh talaga? Sayang di ko napanuod”

“Oo pero tinalo ko lang haha”

Natawa ako kay Sarah nun.

“Top 4……” medyo matagal yung pagka announce ni TB sa top 4 at mahigpit na yung hawak namen ni Matteo sa isa’t isa.

“Top 4 is Julian - Mind Reader”

Lumuwag hawak sa kamay ni Matteo saken. Tumayo ako pero meron akong nararamdaman na kakaiba, siguro dahil number 1 si TB at sobrang dami kong benefits na nasayang tapos bababa sa top 4 yung ranking niya.

“Okay lang yan Julian…. nakikita kong nadisappoint ka pero you did your best.” Sabi ni TB saken.

“Sorry TB”

“No no no. Okay lang yan.” Paalala pa ni TB.

Nakangiti lang si Jai saken at bumalik na ako sa upuan ko

“Okay ka lang Ju?” Tanong ni Matteo.

“Hehe okay lang”

“Down with our final 3, inyong inyo na yan gift na yan hanggang matapos ang buhay niyo, ganyan ka special ang top 3 at this time.”

At syempre yung makakatanggap ng gift na yun eh kakatakutan din at kakabiliban.

“Top 3…… Matteo - Nullificator!”

Syempre, natutuwa ako na nasa top 3 si Matteo, maganda yung pinakita niya sa event.

“Top 2….. Sarah - Illustrator!!”

Tumaas yung ranking ni Sarah this time! At natutuwa siya kahit papano.

Pero sino yung top 1? Sino pa ba yung hindi natatawag?

“At ang ating top gifted this batch…. from ranking niyang number 17….”

“Top 1….. Blue - Cloner and Strategist!”

Oo nga pala si Blue pa!!! Sobrang nakkaproud si Blue, alam kong deserve na deserve niya yung pagiging number 1.

Natutuwa siya at naiiyak at kahit hindi siya nakaabot sa final stage eh siya pa rin yung nanalo.

Nagpalakpakan kaming lahat habang nasa harapan si Blue.

Niyakap ako ni Sarah.

“Congrats saten!!” Sabi niya.

“Hehe. Congrats din sa’yo. Top 2 oh!”

“Hehe, salamat Julian!!”

Lumapit naman si Blue samen at nakiyakap din.

Okay naman yung rankings, tanggap ko kaso medyo disappointed lang at nasayang ko yung legacy ni TB.

+++

Di muna kami umalis sa kwarto at merong kainan at paparty, since ang isang araw sa loob na yun eh parang kalahating minuto lang sa labas, nagpaiwan na rin kami ni Matteo.

Lumapit si TB saken at niyakap ako.

“Ang galing mo pa rin!!” Sigaw niya kasi medyo malakas yung patugtog.

“Hindi ka ba disappointed?”

“Bakit naman ako madidisappoint? Ang ganda ng pinakita mo! Kahit humarot ka sa loob eh okay lang!”

“Haha si TB naman!”

“Pero Congrats talaga Julian. Siguro kung sinanay kita ng husto edi sana mas gumaling ka pa diba?”

“Hehe kasalanan mo ’to!”

“Haha oo na sige kasalanan ko na, pero Congrats! Maghanap ka na ngayon ng pagpapasahan mo niyan!”

“Agad agad ba yun?”

“Hindi, mga ilang taon din yun hehe.”

Niyakap uli ako ni TB nun saka umalis.

Si Matteo naman lumapit saken.

“Okay ka lang ba? Masaya ka ba?” Sigaw ni Matteo.

“Masayang masaya!”

“Basahin mo nga nasa isip ko?”

“Gift proof tong kwartong ’to. Di ko mababasa!”

“Edi halikan mo na lang ako!” Hinila niya yung katawan ko palapit sakanya at hinalikan niya ako sa labi ko.

Kahit pang party party yung tugtog sa loob, para kaming nagsslow dance habang naghahalikan.

++++

Kinabukasan, nagkita kami ni Laurence sa tapat ng room, asusual, late na naman si Matteo.

“Kumusta ka na?” Medyo mahina yung boses ni Laurence, pero sinubukan ko pa ring basahin nasa isip niya pero di ko pa rin magawa.

“Ahhh… okay naman…”

“Good. Uhm… kayo ni Matteo?”

“Masaya…. masaya kami” sabi ko pa.

Medyo nalugkot siya kaso ngumiti naman.

“Maghihintay pa rin ako sa’yo Julian, Maghihintay kahit gaano pa katagal”

“Laurence, Huwag na please? Mahal ko si Matteo. At alam mo kung sino yung magmamahal sa’yo ng todo? Si Lucas. Siya yun Laurence. Bakit hindi niyo subukan uli?”

“Sakit ko ’to Julian eh. Lumaki akong wala akong parents na nagbabantay kaya lahat ng taong malapit saken, talagang minamahal ko ng todo. Si Lucas, mahal ko siya pero noon yun. Ikaw na mahal ko ngayon Julian.”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Laurence sa mga oras na yun pero di na lang ako nagsalita.

“Di naman ako manggugulo sainyong dalawa eh, basta nandito lang ako para sa’yo”

Di na niya ako hinintay na makasagot at umalis na lang siya ng walang paalam. Gusto ko sanang sabihin sakanya na ’wag na niya akong hintayin kaso mukhang desidido talaga siya.

“Julian!!! Julian!!!!” Si Jerick yun! Feeling ko ang tagal tagal din nameng di nagkita ng baklang ’to!

“Ohh???”

“Bwisit ka! Nandito ka, nagkakagulo na sa labas!!”

“Bakit? Anong meron?!”

“Si Matteo!!! Nadisgrasya!!”

Wala na akong sinabing salita at dali dali kaming bumaba ni Jerick para tignan si Matteo.

Ang daming tao, mga estudyanteng nakaharang sa daanan palabas kaya di ako makalabas. Sinisiksik ko pa sila para lang makita ko yung nangyayari.

Kinakabahan na ako, sobra. Nakakainis naman kasi yung reaksyon ni Jerick eh!

Pero paglabas ko, maingay nga yung estudyante at may nangyayari ngang masama dun, mas lalo tuloy akong kinabahan sa nangyayari.

May nakaparadang jeep sa labas at parang may nasagasaan nga. Putek naman ang liit liit na nga lang ng kalsada dito sa tapat ng CEU may masasagasaan pa!

“ANDITO NA SIYA!” may sumigaw na isang lalaki biglang nawala yung kaguluhan. Natahimik silang lahat at gumilid.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng mga tao na walang idea sa kung ano yung mangyayari.

Biglang tumugtog yung kanta sa jeep. “It Might Be You” at parang alam ko na mangyayari.

Binasa ko isip ng lahat ng tao sa paligid ko, pero diko magawa. Kaya alam kong kagagawan lahat ’to ni Matteo.

Bigla nga siyang lumabas sa jeep na may dalang bulaklak, nakasuot pa siya ng longsleeve at slacks, naka brush up yung buhok at may hawak na mic.

“Ju!” Sabi niya, habang lumalapit saken.

“Something’s telling me, It might be you… all of my life”

Nakakainis talaga ’tong lalaking ’to! Bakit kailangan mag fake accident para lang bumaba ako.

“Makinig kayong lahat!!” Sigaw ni Matteo, jusko may malakas pang speaker na kasama!

“Ako, si Matteo Acosta!! At yang lalaki sa harapan niyo….” sabay turo saken. “…. Siya yung asawa ko ngayon, bukas at magpakailanman!”

Ang korny. Sobrang korny pero may kurot sa puso ko eh!

“Alam ko hindi ako naging matapang sa’yo nun para sabihin na gusto kita. Sobrang gusto kita Ju! Siguro kung naging mas matapang lang ako ’non para sabihin na gusto kita, matagal na tayong masaya ngayon!”

Nagkiligan yung mga tao sa paligid ko, tapos nakarepeat pa yung kanta sa jeep.

“Handa akong ipagsigawan sa lahat ng tao rito na mahal na mahal kita!!!”

Lumalapit pa siya saken ng paunti unti.

“I want our relationship to be official. Yung may maayos na pagsagot mo, yung makikita ng lahat ng tao. Alam kong gusto mong romantic palagi!”

Pagkapunta niya sa harap ko lumuhod siya sabay abot ng bulaklak saken.

“Ju, I will be forever yours, I just wanna ask you right now, Will you be my partner?”

Bwisit tong lalaking to, naiiyak na ako ng sobra sa kinatatayuan ko!

“Ano? NO ba?” Sabi niya.

Pero tinayo ko siya at niyakap ng mahigpit.

“Alam mo naman sagot eh” sabi ko.

“Sabihin mo pa rin”

Kinuha ko yung mic at sinabi kong YES!!!

Naghiyawan yung mga tao sa paligid namen pero nakatingin lang ako kay Matteo nun.

“Bakit kailangan mo tong gawin?” Tanong ko.

“Gusto ko lang na may maayos akong pagtatanong sa’yo. Hindi yung bigla na lang naging tayo.”

“Nakakainis ka pa rin!” Yumakap ako sakanya.

“Masaya ka ba?” Bulong niya sa tenga ko.

“Oo naman”

“Promise?”

“Promise.”

“Mahal na Mahal Kita,” kinurot niya pa pisngi ko habang magkatitigan kami.

“Mahal na Mahal din kita!” Sabi ko habang nakanguso.

“Gusto mo siguro ng kiss?”

“Pinipisil mo kaya yung pisngi ko!”

“So ayaw mo ng kiss?”

“Gusto ko!”

“Love mo ko?”

“Sobrang Love. Ikaw Love mo ko?”

“Super Love ko asawa ko! Sabihin mo nga yun, asawa ko.” Sabi niya.

“Asawa ko.”

“Oh kiss mo na yung asawa mo,”

“Dapat yung lalaki yung kumikiss diba?”

“Ay oo nga pala! Ginusto mo ’to ah!”

Akala ko matutumba ako nung hinila niya ako kaya napahawak ako sa may batok niya habang nakaalalay yung kamay niya sa likod ko.

“Hinding hindi ako magsasawa sa’yo Julian. Mahal na Mahal talaga kita” hinalikan niya ako nun at sa oras na yun, wala na akong gusto pang maramdaman kundi ang mga labi niya.

+++++++++

MATTEO’s POV then FINALE na!

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!! 😗

MATTEO’s POV

Ang sarap ng higa ko sa kama ko nun, kausap ko si Tricia sa phone ng bigla namang pumasok sa kwarto ko si Kuya, may hawak siyang libro na itim nun.

“Pwede kang makausap?” Medyo seryoso yung tono ni Kuya ngayon, kaya binaba ko muna yung phone ko.

“Ano po yun Kuya?”

“Halika, may bibigay ako sa’yo”

Inabot niya saken yung hawak niyang libro.

“Ano ’to Kuya?”

“Shield mo”

“Shield?”

“Basta, ’Wag ng maraming tanong! Hehe, pamana ko sa’yo yan. Promise, matutuwa ka rin diyan. Ipapaliwanag ko sa’yo kapag malapit mo ng magamit yan!”

Ang weird ni Kuya, pero ’di naman siya mukhang nagbibiro kaya kinuha ko yung libro. Pagkahawak ko ng libro niya, nakaramdam ako bigla ng pagka antok. Na parang may something sa libro na iyon kaya sinabi ko kay Kuya at nagpahinga na uli ako.

Lumipas yung buwan na nasaken yung libro pero di ko pa rin alam ibig sabihin ni Kuya hanggang sa umalis na siya at nag ibang bansa uli.

Buti na lang may kotse kami na pwede kong gamitin pagpasok sa school kahit na nakakabwisit sila mama at papa rito.

Pag dating ko ng school, bumunga saken si Tricia at gusto akong kausapin pero parang nawala yung gana ko sakanya ng makita ko siya. Bwisit, eto na naman ako eh. Ang bilis magsawa sa babae.

Buti na lang nandito ang bestfriend kong si Julian! Sinimulan niya ako nung sinabi niyang “Harry Potter makes you gay” pero in reality siya naman pala ’tong bakla hahaha. Pero okay na rin, maganda naman kasama eh at sa lahat ng taong kilala ko, siya lang yung gusto kong kasama. As in siya lang.

“Hi Matteo!” Bati ni Tricia saken.

“Ju, halika rito!” Sabi ko kay Julian at nagmadali siyang lumapit saken.

“Yes?” Ang inosente ng itsura ni Julian, parang walang kamuwang muwang.

“Diba sinamahan mo ko sa hospital kahapon? Ang sabi ng doctor may Herpes ako”

Mukhang nagulat naman si Julian sa sinabi ko at kinurot ko siya para makisakay siya.

“Ahhh oo oo” sagot niya.

Humarap naman ako kay Tricia.

“Diba nakakahawa yun? Ayoko sanang mahawaan ka Tricia eh. It’s not you Tricia, It’s me and my herpes.”

Mukhang nandiri si Tricia sa sinabi ko kaya umalis na lang siya kaagad.

“Para saan naman yun?” Tanong ni Julian.

“Wag ka ng matanong diyan!”

“Sus tinamad ka lang eh”

“Tinamad, gusto ko kasi katulad mo Ju! Yung hindi maarte at kayang sabayan trip ko!”

Kapag inaasar ko si Julian ng ganito, palagi siyang natatahimik eh, di ko tuloy alam kung may gusto saken ’to eh.

Si Julian yung kasama ko palagi, siya pa yung gumagawa ng assignments ko minsan, nagpapakopya rin yan pero syempre ang kapalit, lilibre ko siya.

Simula talaga ’non, sakanya ko lang gusto sumama. Siya lang hinahanap ko palagi, minsan pinagkakamalan na kami pero okay lang din naman saken.

Isang araw, bigla na lang sinabi ni Juju na may crush siya kay Laurence. Yung nakalaban ko sa pageant.

“Bakit yun pa?!” Tanong ko sakanya.

“Bakit ba? Ang cute kaya niya!”

“Sus, cute ka diyan!”

“Eh bakit ka ba naiirita?”

“Wala!”

“Hoy Matty!”

“Wag mo kong kausapin!” Sabi ko sakanya at umalis na ako. Sakto naman nung nagmamadali ako, nakasalubong ko si Laurence.

Ewan ko pero nairita ako nung nakita ko siya.

“Uy pre!” Bati niya saken.

“Pre” plastik kong sabi.

“Inuman daw, Pampanga, nextweek, lahat tayong magkakalaban hehe. G ka?”

“Pati si Maddie?”

“Oo pre nandun hehe, ano?”

“Hmmm. Ewan ko eh, aalis kasi ata kami ni Julian nun….”

“Ahhh Julian, yung palagi mong kasamang lalaki na ma cute na maliit?”

“Ma cute?!”

“Oo, hehe. Isama mo pre, sige na!” Pilit niya saken.

May binulong ako kay Laurence, at ewan ko rin kung bakit ko binulong yun.

“May crush sa’yo yun pre” sabi ko pero imbis na magulat siya mukhang natuwa pa siya.

“Talaga? Sige pre, sama mo siya!!”

Ang weird din neto ni Laurence eh kaya sabi ko pipilitin ko siya at male late na ako kaya umalis na ako kaagad.

Pero nandun si Maddie. Ang tagal ko ng crush yun! Kaya pinilit ko na lang si Julian na sumama at pumayag naman siya.

Pagdating namen sa Pampanga, iniwan ko muna si Julian nun para makipagkwentuhan kay Maddie sa labas.

Pero di ko maiwasang mag alala kay Julian sa loob, kahit si Maddie na dumidikit saken. Kaya chineck ko muna siya sa loob at nakita ko si Laurence na nakaupo sa sofa at umiinom.

“Si Juju?” Tanong ko.

“Di ko alam ehh. Nag CR lang ako eh pero nawala na bigla”

Mas lalo kong nag alala nun kaya hinanap ko siya. Pero wala talaga siya sa loob ng bahay, kaya lumabas ako kahit umuulan ng malakas at nakita ko siya, basang basa at tulala.

“Ju!!!” Pero di siya sumasagot, nakatulala lang siya.

Pinapasok ko siya pero nakatulala pa rin, di ko alam mamaya na engkanto na ’to rito, kaya inuwi ko na muna siya.

Simula nung araw na yun, naging weird na si Julian, biglang titingin saken na parang weird at mukhang may binabalak na masama.

Pero ang kina weird sa lahat ng pangyayari, dahil sa pagiging ganun ni Julian, mas nakikita ko yung itsura niya, ano ba ’tong nararamdaman ko.

Bakit parang sa paningin ko ang ganda ni Julian, I mean, lalaki siya pero ang ganda ganda niya sa paningin ko. Naalala ko dati, siguro 1st year 2nd semester kami, nahuli ko sarili kong nakatingin sakanya ng matagal. Inaadmire ko siya nun, at sa sobrang titig ko sakanya, naiimagine ko tong weird na pangyayari na kasama siya.

Sht. Matteo, hindi. Lalaki ka, lalaki si Julian. Umayos ka!!

Buti na lang nagdedate kami ni Maddie.

One time, naiwan kami sa bahay ni Maddie at syempre may nangyari samen, gustong gusto niya eh, sino ba naman tatanggi saken tsk.

Pero kinabukasan sa school, nakita ko na naman si Julian at ang weird talaga ng pakiramdam ko sakanya. Ang cute niya talaga.

“Matty, may sasabihin ako” sabi niya saken.

“Ano yun?” Pero sinabi ko lang yun, hindi ako nkafocus sa sinabi niya kasi iaadmire ko lang talaga siya.

Tangna Ju, ano ba ’to? Nalilibugan ba ako sa’yo?

“Huy Matty!!” Sabi niya.

“Ano uli? Sorry”

“Sabi ko…. si Laurence… niyayaya niya akong makipag date!”

Putek, ano tong inis na nararamdman ko sa pagkabanggit niya kay Laurence?

“Ahhh.. bahala ka, crush mo naman yun eh. Yieeehh, syempre kinikilig ka!” Asar ko pa sakanya pero pucha ako ata naaasar eh.

Pero ang masakit pa, di ko talaga maiwasan. Feeling ko nagseselos ako kay Laurence, siguro dahil hati na yung atensyon niya sameng dalawa, pero hindi. Ibang selos ’to eh.

Buti na lang kami na ni Maddie na nun at may dahilan ako para itago yung nararamdaman ko kay Juju.

Pucha, sige, sex lang kami ni Maddie pero kapag tinitignan ko si Maddie, si Julian pa nakikita ko.

Argh. Nakakainis, ganito ba talaga ’to?

Kinwento ko kay Kuya lahat lahat about kay Julian pero di ko sinabi na naiinlove na ako sakanya.

Nanghingi si Kuya ng picture namen ni Julian, nagpadala pa ng pera para lang mailibre ko si Julian.

Sa tuwing makikita ko talaga si Julian, sobrang saya ko na parang gusto ko kaagad siyang halikan bigla.

Ano kaya lasa ng labi ni Julian? Parang ang sarap sarap tapos ang sarap kagatin. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag ginawa ko yun? Alam ko virgin pa ’to eh, pero bakit eto iniisip ko?! Hindi… hindi. Mali mali.

Dumating yung Birthday ko, putek, wala na akong paki kay Maddie. Si Julian gusto kong makasama, wala akong paki kung sila na ni Laurence, sasabihin ko na sakanya na mahal ko siya.

Pero pagpunta ko sakanila, wala siya at yung parents niya lang yung nagluto ng pagkain para saken, kaya tinawagan ko na lang si Maddie para siya makasama ko.

Di ko pinansin nun si Julian, nakakainis siya pero paano ko ba maiiwasan ’to? Tangna ang cute niya talaga kapag nagsosorry siya saken, gusto ko na siyang sunggaban kaagad ng halik. Nag iinit talaga ako kay Julian, ano ba tong nararamdaman ko!

Kaya nung nalaman kong aalis na siya ng Ilocos, kinausap ko si Dean nun para makasama ako, binugbog ko pa yung isang lalaki para di siya makasama at ako ipalit!

Dun na ako nagkaroon ng lakas kay Julian na sabihin nararamdaman ko.

Ang ganda ng mata niya tapos ang cute ng ilong, yung labi niya na ang sarap kagatin.

Hindi ko makakalimutan yun, gabi na yun at nakaupo kami sa may damuhan. Wala akong paki sa kung anong status niya basta ang gusto ko lang, mahalikan siya nung mga oras na yun at sa sobrang saya ko nun, hindi ko tinantanan labi niya, parang nagawa ko sakanya lahat ng pwedeng gawin kapag naghahalikan.

Pero above all that, Mahal na Mahal ko talaga si Julian, hindi ko lang nakikita noon pero Mahal na Mahal ko talaga siya.

+++

Eto yung araw na iniwan ko si Julian at di ko pinansin ng isang linggo dahil kay Kuya Lennard.

“Ano bang ginawa ni Julian Kuya? Hindi ko maintindihan?” Sabi ko sakanya habang nag uusap kami sa kwarto.

“Ang liit ng mundo Matteo, may gift si Julian, at siya yung isa sa makakalaban mo sa darating niyong event!”

“Ano naman Kuya?!”

“Basta pag sinabi kong bawal, Bawal!”

“Kuya naman….”

“Matteo, kung nababasa mo lang nasa isip ko ngayon maiintindihan mo ko. Para sa’yo rin yun. Hindi kayo pwede ni Julian, kasi hindi na kayo ang para sa isa’t isa!”

“Anong hindi na?! Anong ibig sabihin nun?!”

“May mga ginawa ako na hindi ko sinasadya, kaya patawarin mo ko. Eto ang mas makakabuti para sa’yo.”

Hindi ko alam pero may tiwala ako kay Kuya, kahit ganito siya pinaniwalaan ko siyang para sa tama yung gagawin ko para kay Julian.

Pinatawag pa niya si Maddie para ayusin yung sameng dalawa pero hindi ko talaga mahal si Maddie, hindi talaga.

Kailangan ko pang magpanggap na hindi ko alam na may gift si Julian para daw hindi makahalata si Julian sa nangyari pero sinabi ko pa rin sakanya.

+++

++

“Gusto kong kausapin natin si Kuya, Ju. Gusto kong nandun ka para naman malaman mo yung nararamdaman ni Kuya” sabi ko kay Julian, marami pa ring tao sa paligid dahil sa ginawa kong surprise saknya

“Nahihiya ako Matty…”

“Promise, kapag hindi pa rin sang ayon si Kuya, wala na akong magagawa. Sira naman na buhay ko sakanila, Mas masaya ako sa’yo kaya ikaw ang pipiliin ko” yung sinasabi ko kay Julian ngayon, totoo lahat. Mahal na Mahal ko talaga tong taong to.

“Papayag ako, pero promise mong hindi mo sila tatalikuran kahit na anong mangyari. Pamilya mo sila kaya ayokong gawin mo yun!” Sabi niya pa saken.

Napakabait din kasi ng taong ’to eh kaya nakakainis, buti talaga mahal na mahal ko ’to kaya pumayag ako.

Gabi na kami nakarating samen, nakatulog na si Julian sa balikat ko, ayoko pa sanang gisingin kasi ang cute niya matulog eh kaso kailangan na eh.

“Sure ka ba talaga rito?” Tanong ni Julian pagbaba namen.

“Oo naman! Andiyan naman si Kuya sa loob eh. Tara!”

Hinawakan ko kamay niya, medyo basa at mukhang kinakabahan kaya pinisil pisil ko na lang yun para mawala.

“Ano naiisip mo ngayon?” Tanong ko sakanya.

“Hindi ko maexplain ehh”

“Tara halikan muna tayo sa gilid, basahin ko nasa isip mo!”

“Ano ba! Kinakabahan na nga ako… ganyan ka pa magsalita!”

“Inaalis ko lang yung kaba mo Ju, hehe. Sorry na” sabi ko pa, inakbayan ko na siya papasok ng bahay namen.

Asusual, nagsusugal na naman sila rito, punyeta talaga. Umakyat na kaagad kami sa kwarto para hanapin si Kuya pero wala siya dun, kaya tumambay muna kami sa kwarto ko.

Kaming dalawa lang tapos yung inosente niyang mukha nandito, nakakagigil talaga.

Umupo pa siya sa kama ko at nahiga, okay chance ko na ’to. Pumatong ako kaagad sakanya.

“Anong ginagawa mo?!” Nagulat siya.

“Ehhh…. nang aakit ka kasi”

“Nang aakit ka diyan! Napagod lang ako sa byahe! Traffic at ang layo!”

“Ahhh… so ayaw mo?”

“Ayoko! Tsk. Di ka man lang ba kinakabahan?”

“Hindi ehhh… sure na ako sa’yo Julian, wala ng makakapigil sa nararamdaman ko”

Ngumiti siya at mas lalo akong nainlove sakanya.

“Osige, halika na muna rito. Cuddle muna, namimiss kasi kita ehh”

“Cuddle! Tapos mamaya maghuhubad ka na naman!”

“Haha, kilala mo na ako Ju. Pero sige, dapa ka muna, hihilutin kita” sabi ko pa.

Pero bago pa siya makadapa, biglang bumukas yung pinto at nandun si Kuya, nakatayo at mukhang gusto ng makipag usap samen.

Pumasok siya samen na seryoso at mukhang may sasabihin na seryoso.

“Kumusta kayo?” Nagmadaling umupo si Julian sa kama at tumabi naman si Kuya.

“Ahhh… okay lang po” si Julian sumagot.

Umakbay ako kay Julian para mawala yung tensyon sa katawan niya.

“Congrats pala sa event, sorry din kung nawala ka sa top 3 Julian,”

“Ahhh okay lang po, hehe. Atleast makekeep ko po gift ko”

“Hehe ayan, dapat ganyan nga! Pero alam mo nakapag usap na kami ni Timo at Jai”

“Talaga Kuya?” Ako sumagot.

“Oo, hehe. Okay na kami, parang maayos na pakikipag usap lang pala kailangan ko para mawala yung galit ko sakanila”

“Kuya, please. Alam kong hindi ka sang ayon samen ni Julian pero malaki na ako, alam ko na yung gusto ko, at si Julian yun” ako naman nagsalita.

Huminga lang ng malalim si Kuya.

“Oo, tanggap ko na yung gusto mong mangyari….”

“Talaga Kuya?! So di ka na tutol samen ni Julian?!!”

“Hindi naman talaga ako tutol, pero kasi…. maraming bagay na akong ginawa para hindi kayo magkatuluyan. Marami na akong sinakripisyo at sa totoo lang, nagawa ko yung gusto kong mangyari.”

“Anong sinasabi mo Kuya?” Tanong ko pa, di ko siya maintindihan.

“Lahat ’to planado, yung kay Laurence na nasa Illusion, planado yun. Alam mo naman yun diba?” Sabi ni Kuya.

Si Julian yung sumagot.

“Opo, alam na po namen yan. Pero ang gusto ko po malaman eh bakit hanggang ngayon hindi ko po mabasa yung nasa isip ni Laurence?”

Mukhang lalabas na yung sikreto ni Kuya.

“Nung batch namen, ako yung pang top 5. Kapag top 5 ka, di naman mawawala yung gift mo eh….”

Pero di pinatapos ni Julian yung sinasabi ni Kuya at sumingit siya.

“Kuya, nung nagkita po tayo, nabasa ko po isip niyo. Kung na keep niyo po yung gift niyo, bakit po nababasa ko yung nasa isip niyo?” Tanong niya.

“Kasi…. binigay ko kay Laurence yung gift ko”

Natahimik lang kami ni Julian nung mga oras na yun at hinihintay namen yung sasabihin niya.

“Kung nasa loob po ni Laurence yung gift niyo, paano po na nasa illusion pa rin siya? Diba ibig sabihin nun mawawala na yung Illusion kasi walang umeepektong gift sa gift niyo?” Si Julian uli yun.

“In nature, wala naman talagang gift si Laurence eh. May storya kasi na pwede mong pasahan ng gift yung taong walang gift ng kahit ilang beses na hindi maaapektuhan yung mga pinasa niyong gift sakanya”

“Kuya medyo magulo,”

“Example, diba kapag pinaghalo mo yung apoy at tubig, magkakaroon ng steam? Pero kapag naglagay ka ng fire and water nag gift sa isang tao, hindi naman magiging steam yung gift niya. Magiging dalawa yung gift niya, fire and water.”

“So sa nangyari po kay Laurence, nasa inyo po yung gift niya habang nasa loob din siya ng gift ni Gab? Ganun po ba?”

“Oo ganun nga.”

Mukhang nag iisip ng malalim si Julian.

“Anong iniisip mo Ju?” Tanong ko.

“Parang… ang sama lang ng gagawa ng ganun. Na paglalaruan niyo yung feelings ng isang tao para lang sa pansariling interes” di naman mukhang galit si Julian, pero nung sinabi niya yun mukhang natamaan si Kuya.

“Alam ko. Mali na lahat ng ginawa ko. Patawarin niyo ko.”

Di ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na yun, kasi mas affected talaga si Julian sa nangyayari.

“Sorry Julian… sana mapatawad mo pa ako. Alam ko huli na ang lahat, pero sana mapatawad mo pa ako.” Sabi ni Kuya kay Julian.

Niyakap siya ni Kuya at ayun ang pinakamagandang view na nakita ko, dalawang lalaki sa buhay ko na pinakamamahal ko, nagkaayos na at nagkapatawaran.

“Nice nice!!! Okay na lahat!! So okay ka na sameng dalawa Kuya?” Tanong ko pa.

“Oo. Okay na Okay na!”

Buti naman at masaya si Julian sa nangyari, kaya niyakap ko siya ng mahigpit nun. Lumabas na si Kuya non.

“Naaawa ako kay Laurence,” sabi niya.

“Ang gawin na lang natin, tulungan nating mainlove si Lucas uli kay Laurence. Ganun na lang”

“Hays…”

“Shhhh.. wag ka na muna mag isip ng ganyan. Ang gawin natin, kausapin natin si Gab. Hindi pa natin siya nakakausap eh, linawin natin sakanya lahat, okay?”

Mukhang pumayag naman siya sa sinabi ko.

“Wag ka na umiyak Ju. Maaayos din natin lahat okay?”

“Okay po. Okay po…”

Pero sa isip ko, ang saya saya ko. Wala na akong iisipin pang iba, maliban sa future namen ni Julian.

Niyakap ko siya kaagad at hinalikan sa labi, ewan ko kung bakit ko ginawa yun pero ayun yung naramdaman ko. Pero hindi niya inalis yung paghalik ko sakanya. Aba aba, swerte….

Sinubukan kong hawakan yung damit niya at hubarin…. aba, wala palag!

Mas naramdaman ko si Julian ngayon at di ko namalayan, wala na kaming suot pareho.

“Sure ka Ju?” Tanong ko, pero di siya sumagot at hinalikan uli ako. Mas naging mainit na yung pangyayari sameng dalawa.

++

Kinabukasan ko na hinatid si Julian sakanila, ang ganda ng gising namen pareho.

“Ang galing mo kagabi Ju ah?” Asar ko, nahihiya na naman yung itsura niya! Totoo kasi, ang wild ni Julian kagabi! Nakakapanibago.

“Kapag di ka pa kumilos diyan, aalis na ako magisa!”

“Sus talaga tong asawa ko! Haha”

“Kumilos ka na!!”

Medyo under din ako netong taong to kaya kumilos na ako nun at bumaba na kaming dalawa.

Nakasalubong pa namen si mama nun at tumingin siya kay Julian.

Bigla ko naman narinig si Kuya.

“Oo ma! Siya yung nakita mong picture sa kwarto ko!” Sabi ni Kuya, bumulong naman si Kuya samen “…. ayun yung araw na nakita ni mama yung picture ni Julian kasi nga diba, gagawan ko ng masama haha”

Tumango lang kami ni Julian.

“Sabi na familiar eh, nung nakita ko kasi siya nung isang gabi na nandito siya halos lamutakin ko mukha niya!” Sabi ni mama.

Tumingin lang ako kay Julian at nakangiti lang siya.

“Sorry iho… kaibigan mo ba yan, Matteo?” Tanong ni mama.

“Asawa ko yan, papakasalan ko yan pagka graduate namen.” Sabi ko.

Nagulat si mama nun pero di ko na pinansin at lumabas na kami ni Julian.

“Kina Gab na tayo?” Sabi niya.

“Opo. Love mo ko?” Tanong ko.

“Super love. Love mo ko?” Tanong niya.

“Mahal na Mahal!” Sagot ko.

+++

Pumunta kami ni Julian sa school.

Tinanong namen si TB kung saan namen makikita si Gab pero nakipagkita siya sameng dalawa at inabutan kami ng sulat.

“Galing kay Gab” sabi ni TB, sabay abot ng letter kay Julian.

Umalis din kaagad si TB nun kasi may pupuntahan pa raw siya.

Binuksan ni Julian yung sulat at binasa muna mag isa.

May tumawag naman saken nun, si Maddie. Tinatanong kung nasaan ako, sinabi ko naman kasi may ibibigay daw siya saken.

Maya maya, inabot saken ni Julian yung letter at binasa ko.

“Hi Julian! Sorry, wala na akong mukhang mahaharap sa’yo kaya dinaan ko na lang sa sulat. Sana mapatawad mo ko sa ginawa ko, sobrang babaw talaga pero nabasa at nakita mo naman lahat ng nangyari sa buhay ko, sana maintindihan mo na lang kung bakit ko nagawa yun.

About kay Laurence, tinanggal ko na yung Illusion ko sakanya pagkatapos na pagkatapos nung event. Kaya normal na uli yung nararamdaman niya. Sana maayos niyo pa rin yung relasyon niyo ni Matteo,

Patawarin mo sana ako Julian at sana sa future, magkausap tayo. Pero for now, aayusin ko muna yung ibang gulo na nagawa ko.“

“Wala na sa Illusion si Laurence. Ibig sabihin, totoo talaga yung nararamdaman niya saken” sabi ni Julian

“Wag mo ng isipin yan, may isa pa tayong chance, si Lucas!”

“Minsan naiisip ko talaga kung ano ba mangyayari saten”

Pero bago ako makasagot, biglang dumating si Maddie, parang ang payat payat na niya lalo, tapos problemado.

“Ano bang ibibigay mo?” Tanong ko sakanya.

“Hindi ako nakikipag away, may gusto lang ako na malaman mo” may nilapag siya sa lamesa na di ko malaman kung ano.

“Ano yan?” Tanong ko.

“Pregnancy test” sagot niya.

“Anong gagawin ko diyan?”

Tumungo si Maddie at parang naiyak.

“Magiging tatay ka na. Buntis ako Matteo.”

+++++++++

VOTE AND COMMENTS!!!! FINALE NA TALAGA!!!!!!!

POST KO YUNG FINALE SA SABADO, 11:50PM 😊😊

FINALE

#JuliansGiftFinale

Salamat sa lahat ng sumuporta sa akin, simula nung My Marine Lover, The Martin Brothers, A Gay Cinderella Twisted Story at ngayon naman tong Julian’s Gift. ..

Maraming Salamat po!

VOTE AND COMMENTS NA LAST NA EH :)

++++++++

JULIAN’s POV

Di ko nakayanan yung sinabi ni Maddie kaya tumayo ako at umalis sandali. Hinabol naman ako ni Matteo at hinawakan sa mga kamay.

“Ju, wag kang maniwala. Mamaya hindi naman saken yung batang yun!” Inis na sabi ni Matteo pero alam kong naiiyak siya.

Pinigilan ko sarili ko na umiyak.

“Wag kang lumapit samen, titignan ko isip niya kung sa’yo nga yung bata!” Sabi ko pa.

Naghintay siya dun at binalikan ko si Maddie na nakaupo pa rin at mukhang problemado.

“Julian, wala na akong paki kung kayo ni Matteo. Wala akong balak manggulo sainyo maniwala ka, pero hindi ako nagsisinungaling. Hindi naman ako kaladkaring babae, Si Matteo lang naman yung lalaki sa buhay ko! Maniwala ka saken” paliwanag ni Maddie saken.

Hinawakan ko kamay niya para damayan siya at the same time, binabasa ko isip niya.

Ilang linggo na siyang di mapakali dahil delayed siya, tapos suka pa siya ng suka. Hindi rin alam sakanila na buntis siya, at totoo nga. Tinignan kong mabuti at wala siyang ibang lalaki.

Anak nga ni Matteo yun.

“Julian…” sabi niya habang umiiyak.

Yumakap ako sakanya para damayan siya.

“Shhh… wag kang mag alala. Magiging okay din ang lahat” sabi ko.

“Alam kong mahal na mahal mo si Matteo, at mahal ka rin niya…. pero ayokong lumaki na walang magulang yung magiging anak ko”

At sa mga oras na ’to, napaisip ako ng malalim.

What if yung nakita kong panaginip ko na buntis ako eh eto yun? Kaso sa panaginip ko, imbis na sarili ko ang nakikita ko eh si Maddie pala? What if story pala ni Maddie at Matteo yung nakita ko imbis na saken?

Isa lang masasabi ko, nagtagumpay talaga sila Gab na sirain yung future ko. Dahil dito, peo ayokong sisihin si Maddie. Ayoko siyang sisihin kasi wala siyang kasalanan. Biktima lang din siya rito.

Bigla naman lumapit si Matteo samen at hinila ako palayo… wala siyang sinasabi basta mabilis kaming naglalakad na dalawa palayo.

“Ano ba!” Sigaw ko sakanya. Wala masyadong tao dun sa may gilid ng school,

“Wag kang maniwala dun, hindi totoo yun!”

“Nakita ko Matteo!! Nakita kong sa’yo yun! Wala siyang ibang lalaki, ikaw lang!”

“Oh ano naman kung may anak ako sakanya?! Edi ipalaglag niya na lang!”

Di ko akalain na kaya niyang sabihin yun. Naalala ko bigla yung kapatid ko, nalaglag yun kay mama kaya hindi ko matanggap na sinabi ni Matteo yun.

Sabagay, hindi naman niya alam yung tungkol sa kapatid ko, kaya sinama ko siya papunta sa puntod ng kapatid ko.

“Anong ginagawa natin dito?” Tanong niya saken.

“Tuwing bago mag Birthday mo diba palagi kaming wala sa bahay? Nandito kasi kami. Binibisita ko yung kapatid ko”

Di niya alam, hindi ko pa kasi sinasabi sakanya yung tungkol dito.

“Nalaglag siya sa sinapupunan ni mama. Kaya simula nun, hindi na sinubukan uli nila mama na magkaananak. Tapos sasabihin mo lang na ipalaglag niya yung bata?!”

Natahimik siya.

“Hindi naman ganun yung intensyon ko, hindi ko lang maisip na mawawala ka saken.” Sabi niya.

“Kailangan mong panindigan yan! Nangyari na Matteo, hindi na natin maibabalik yan.”

Niyakap niya ako ng mahigpit, gusto kong kumawala pero hindi niya ako pinapakawalan.

“Ikaw mahal ko Ju…”

Alam ko yun, nararamdaman ko at nakikita ko pero ibang usapin na kapag ganitong issue.

“Hindi na pwede. Siguro…. eto talaga yung future nating dalawa….”

Naririnig kong umiiyak si Matteo, hindi ko rin mapigilan pagtulo ng luha ko.

“Pwede naman tayo magsama eh, sige aakuin ko yung anak, pero ’di naman tayo dapat maghiwalay!”

Gusto ko yung ganung set up pero unfair sa anak at kay Maddie, kailangan niya si Matteo.

“Hindi mo ba ako mahal?” Tanong niya saken.

Gusto kong magalit sakanya dahil sa nagawa niya kasi mahal na mahal ko siya pero hindi yun yung nasabi ko.

“Minsan kasi hindi sapat na mahal mo lang yung isang tao. Kailangan mo rin tignan kung may masasaktan kang ibang tao sa paligid mo”

Ayoko sanang umiyak pero ayun kasi yung nararamdaman ko eh. Umiyak ako ng umiyak sa harap ni Matteo.

+++++++++

MATTEO’s POV

Ala una na ako ngmadaling araw nakauwi, ang sakit ng uli ko. Kanina pa ako umiinom. Kung di lang ako pinaalis sa pinag iinuman ko eh baka nakainom pa ako ng marami.

Nakita kong sinalubong ako ni Kuya sa gate, may kausap siya sa phone nun at dali daling sumugod saken.

“Saan ka ba galing Matteo?! Kanina pa ako nag aalala. Tumawag si Julian saken, kinwento niya saken lahat!”

Pero ano ba tong nararamdaman ko, galit!

“Masaya ka na ha?!! Di’ba eto yung plano niyo simula pa lang?! Di’ba?! Oh eto na! Sira na buhay ko, sirang sira na!!!”

Dahil sa alak, mas nalalabas ko yung nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang umiyak. Mamatay.

Di naman nakasagot si Kuya, at pinabayaan niya akong pumasok sa loob pero nakasalubong ko si mama habang paakyat ako sa kwarto.

“Ano yung naririnig kong sinisigawan mo Kuya mo? Ikaw pa tong may balak magalit matapos ng nagawa mo?!”

Mukhang alam na rin ni mama yung nangyari, pero di ko na siya pinansin.

“Aba, ikaw pa talaga nagagalit!” Nasa kwarto na ako nun at gusto ko na lang magpahinga, pero nanenermon pa rin si mama.

“TUMIGIL NA KAYO!!”

Natahimik si mama sa sigaw ko.

“Hindi ko kailangan niyan ngayon eh!! Ang gusto ko sana marinig sa’yo, ‘Kumusta ka anak? Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba?’ Pero hindi eh!! Narinig mo lang akong sumigaw, akala mo napakasama ko ng tao!!”

Hindi pa rin siya makasagot.

“Bakit ba kinakampihan niyo si Kuya? Purkit siya may pera? Akala mo siya magaling palagi? Ano bang alam mo saken? Wala naman di’ba!?”

“Uuwi ka rito ng lasing tapos sasabihin saken ng kapatid mo nakayari ka ng babae, ano gusto mong maramdaman ko nun?”

“Wala. Wala ka dapat maramdaman!! Kasi kung may paki ka talaga saken, matagal ka ng nagpakita ng pake! Ni hindi mo nga tinanong kung kumain na ba ako, kung may pang gastos pa ako, kung okay lang ba ako, wala kang ganun!! Palagi kang nagsusugal tapos naguuwi kapa ng ibang lalaki, Tapos sa nagawa kong ’to bigla kang nagkaroon ng pake?!”

“Oo guilty ako sa lahat ng yun….”

“Guilty ka talaga!! Parehas kayo ni Papa! Kaya ayokong umuuwi sa bahay na ’to eh. Kaya lang naman ako nandito dahil kay Kuya, pero wala rin siyang kwenta. Lahat kayo rito!!”

Pero sinampal ako ng malakas ni mama. Di ko inaasahan yun. Hawak ko pa yung pisngi ko pero sinampal pa niya ako sa kabilang pisngi ko. At hinahampas niya ako sa katawan ko pati sa mukha ko.

“Walang kwenta?! Walang kwenta?! Matapos ng lahat ng ginawa namen wala kaming kwenta?!”

“Oo! Wala talaga!!”

“Di na namen mahal ng tatay mo ang isa’t isa, hindi ka lang namen maiwan kasi alam kong hindi mo pa kayang mag isa. Nagsasama pa rin kaming dalawa para sa’yo! Pinipilit nameng maging okay para sa’yo! Tapos sasabihin mo lang na wala kaming kwenta?!”

Mali talaga yung sinabi ko, pero matagal ko ng gustong sabihin yun kaso ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Huminga ng malalim si mama at nagpunas ng luha.

“Sana yung anak mo hindi maging bastos na katulad mo!” Sabi niya saken,

Pero ang sakit pa rin ng dibdib ko at naiiyak ako lalo.

“Hindi talaga kasi hinding hindi ako magiging katulad niyong dalawa ni Papa!”

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Kuya na nakikinig sa labas ng kwarto, di ko siya pinansin at unalis ako dun. Di ko alam kung saan ako mapapadpad, basta ang alam ko, gusto ko ng umalis dun!

+++++++

JULIAN’s POV

“Okay ka lang anak?” Tanong ni papa saken, nasa kwarto kasi ako at umiiyak. Di ako nagdinner kaya dinalhan niya pa ako ng pagkain.

“Okay lang po.”

“Sus, ’Wag ako anak. Anong problema mo?”

Ang sakit kasi sa dibdib ng nararamdaman ko kaya kinwento ko na lahat kay papa.

Wala naman siyang sinabi basta niyakap niya lang ako ng mahigpit. Ang sarap ng yakap ng isang tatay.

Pumasok rin si mama sa loob ng kwarto ko at niyakap din ako ng mahigpit. Narinig niya rin yung kwento ko sa labas.

“Bata ka pa Julian. Hindi naman katapusan ng mundo dahil lang sa nakabuntis si Matteo diba?”

Tama naman si mama pero masakit pa rin kasi talaga.

“At saka, malay mo bibigyan mo kami ng apo diba? Baka babae pala talaga ang para sa’yo!” Sabi pa ni papa.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

“Oh diba, natawa ka rin kasi imposible? Huwag ka ng malungkot.”

“At saka, wag kang gagawa ng kalokohan ah? Kung gusto mo magpakalasing kasama tropa mo, dito na lang kayo sa bahay para mabantayan ka namen ng papa mo”

“Oh kung gusto mo, umalis na lang tayo, out of town sa sabado, ano?”

Ang sarap sa feeling ng may ganitong klaseng parents. Wala man akong masayang lovelife, basta ang alam ko, hinding hindi ako iiwan nila mama at papa.

++

Pagkapasok ko kinabukasan, wala si Matteo, hindi pumasok. Tinanong ko naman si Greco kung dumating na pero ang sabi niya wala pa rin.

“Ahhh., Julian.. babalik na pala ako ng Zambales” sabi ni Greco.

“Ahh bakit?”

“Eh diba ang purpose lang naman namen dito ni Tracy eh mahanap ka at matulungan. Kaso…. trap lang pala lahat. Hehe. Babalik na ako dun mas masaya kasi dun eh”

Naiintindihan ko naman siya.

“Pwede kang dumalaw dun hehe. At syempre walang gagawa ng masama dun hehe”

“Sige sa susunod na lang hehe” sagot ko naman.

Balak niyang umalis kaagad at di na niya tatapusin yung semester.

Pero ang inaalala ko talaga si Matteo, hindi kasi pumasok eh.

Tapos kinabukasan, hindi pa rin siya pumasok.

Hanggang sa mag Friday, hindi pa rin siya pumasok.

Hindi ko naman macontact si Kuya Lennard, pero ayoko naman siyang puntahan sakanila.

Kakain na sana ako ng lunch mag isa ng makasalubong ko si Laurence at parang gusto niya akong makausap.

Pumayag naman ako, wala kasi akong makausap at feeling ko mababaliw na ako. Kumain kami sa McDo.

“Hmmm… nakikipagkita pala ako kay Lucas uli, sinusubukan nameng dalawa” bungad niya.

“Ohh talaga?? Wow! Nice. Okay yan, okay yan!”

“Hehe. Pero ikaw pa rin naman talaga mahal ko, alam naman niya yun, pinipilit ko naman at medyo bumabalik naman yung feelings ko sakanya. Naaalala ko kasi kung paano kami nagsimula noon eh”

Ang saya tignan ni Laurence ngayon at ang aliwalas ng itsura niya.

“Kayo ni Matteo? Okay ba kayo?” Tanong niya.

Ayoko ng sabihin sakanya yung nangyari, baka kasi magiba na naman yung paningin niya eh. Okay na yung mabuti silang dalawa ni Lucas, ayun lang naman gusto ko mangyari sakanilang dalawa eh.

Maya maya, may tumawag kay Laurence.

“Hello…”

“Oo. Kasama ko si Julian…”

Kinausap ako ni Laurence “tinatawagan ka daw ni JayR?”

Chineck ko phone ko at may 4 na missedcalls nga.

“Emergency?!” Sabi pa ni Laurence, sabay tingin saken.

“Sige sige, papunta na kami diyan!” Tumayo si Laurence at hinila ako patayo.

“Nasa ospital daw si Matteo kagabi pa! Tara puntahan natin!”

Para akong nabingi sa narinig ko at nagmadali kami ni Laurence na pumunta ng ospital.

++

Nagpark muna si Laurence at ako naman pumunta sa sinabi niyang kwarto, room417 daw.

Dali dali akong umakyat, ni hindi na ako kumatok at binuksan ko na kaagad yung pinto pero nakita ko si Maddie dun na nakatayo at nakikipagkwentuhan kay Matteo, nagtatawanan silang dalawa. Sinara ko kaagad yung pinto at mukhang hindi nila ako napansin.

Hinawakan pa ni Matteo yung tyan ni Maddie at nakangiti siya. Sa mga oras na yun, alam kong masaya si Matteo dahil sa magiging anak nila ni Maddie.

Sa mga oras na yun, naging masaya na lang din ako para kay Matteo. Iba yung ngiti niya eh.

Ayun yung isang bagay na hindi ko kayang ibigay sakanya.

Sinara ko na yung pinto at umalis, nakasalubong ko pa si Laurence na tumatakbo palapit saken.

“Okay na ako, tara na hehe” sabi ko. Pero di ako marunong magsinungaling, naiiyak talaga ako ng mga oras na yun. Niyakap niya ako at yumakap din ako.

“Julian?” Tawag saken sa likod ko, boses ni Maddie yun.

Lumapit siya samen at sinabihan si Laurence kung pwede niya ako makausap mag isa. Umalis naman siya at pumunta sa kwarto ni Matteo.

“Bakit di ka pumasok sa loob?” Sabi niya.

“Ahh.., hehe hindi na, akala ko kasi walang tao eh”

“Kararating ko lang din halos. Ilang araw daw siyang naglakad lakad, dehydration at gutom yung cause kaya siya naospital. 3 days daw siyang walang ginawa kundi maglakad eh”

“Ahhh…. hmmm…. Eh kayo?” Tanong ko.

“Kahit anong pilit naman gawin ko ikaw talaga gusto niya eh. Pero natuwa siya sa baby kanina, hinawakan pa nga niya eh.” Sabi niya pa.

Masaya din si Maddie. Nararamdaman ko at binasa ko rin isip niya, masaya siya kaso hindi pa siya ready.

“Hmm.. ready ka na ba magkababy? Hehe” biro ko kahit alam ko na yung sagot.

“Actually hindi pa, syempre natatakot ako sa sasabihin ng iba, di pa naman ako gumagraduate. Tapos natatakot din ako sa parents ko, tapos yung tatay pa neto hindi pa ako mahal haha, disaster diba?”

Medyo naawa naman ako kay Maddie.

“Pero kung papanindigan ’to ni Matteo, siguro baka ituloy ko”

Binasa ko isip niya, may balak siyang ipalaglag yung bata dahil sa takot.

“Ano ba, kasalanan yun! Wag mong gawin yun, ituloy mo yan, yung ibang tao nga gustong gusto magkaanak tapos ikaw ipapalaglag mo lang diba?”

“Iniisip ko rin naman si Matteo, tsaka ikaw?”

“Ano ka ba, bata pa kami at saka marami pang mangyayari saken. Gusto ko maging masaya kayong dalawa.”

Binasa ko isip niya at natuwa siya sa sinabi ko, iniisip din pala niya yung nararamdaman ko, kasi ayaw na niya talaga ituloy, pero dahil sa sinabi ko, nagbago lahat yun.

“Wag mo na lang din sabihin na pumunta ako ha? Please?” Pakiusap ko sakanya.

Ayaw niya sana kaso napilit ko rin siya. Niyakap ko siya at saka bumaba. Hindi ko na rin hinintay si Laurence at umuwi na lang ako mag isa.

+++++++

MATTEO’s POV

Si Julian una kong hinanap sa school pagpasok ko. Nandun siya, nakaupo at nagsusulat.

Tumabi ako kaagad sakanya.

“Hi!” Bati ko.

Mukhang nagulat siya nung nakita niya ako.

“Hello” bati niya.

“Hmmm.. bakit di mo naman ako dinalaw sa ospital?”

Di siya nakasagot.

“Nagtatampo ako sa’yo, di mo na ako mahal” pinipilit kong maging casual sakanya.

“Matty….”

“Opppss.. kakagaling ko lang sa ospital, di dapat ako malungkot!”

“Hays….” tumayo siya nun at mukhang lilipat ng upuan pero pinigilan ko siya.

“Please, Ju. Usap muna tayo sa labas. Pwede ba?” Pakiusap ko.

Mahirap din para saken na tong nangyayari, kaso gusto ko makausap si Julian.

Gusto ko marinig na sabihin niyang mahal niya ako at tatalikuran ko talaga lahat para sakanya.

Lumabas muna kami ng room at naglakad lakad sa Malacañang, tahimik kasi dito at may pwede pa kaming pagtambayan.

Umupo kami pareho pero hinalikan ko kaagad siya ng walang sabi. Hindi naman siya lumaban, pero ang gusto kong gawin eh basahin niya yung nasa isip ko para malaman niyang ayaw ko siyang mawala.

Ayoko talaga siyang mawala saken. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito kaya hindi ako papayag na hindi maging kami hanggang uli.

“Nabasa mo ba? Nakita mo ba lahat?” Tanong ko.

Pero umiyak siya. Tangina, ayokong umiiyak si Julian eh, nasasaktan ako lalo na’t ako yung dahilan ng pag iyak niya.

“Ju… wag kang umiyak. Sabihin mo, nakita mo naman kung gaano ko kagusto na makasama ka diba? Uyy… Ju…”

Pinunasan ko luha niya. Tangina ko talaga. Nakakabwisit, sising sisi ako sa mga nangyari!

“Isipin mo, galit ka sa mga magulang mo kasi di ka nila nabantayan. Gusto mo ba na ganun din mangyari sa anak mo? Gusto mo bang lumalaki siyang may galit sa’yo?”

Napaisip ako. Hindi ko naisip yung part na yun, oo, ayokong matulad saken yung bata na galit saken paglaki.

“Sabay natin siyang papalakihin Ju… ayoko lang mawala ka saken!”

“Nabasa ko rin isip ni Maddie, hindi mo alam kung gaano siya kasaya. Ayokong sirain yun. Baka talaga hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”

“Hindi!!!! Hindi totoo yan Ju! Ikaw mahal ko at ikaw lang gusto ko!!”

“Bata pa tayo, baka magbago pa isip mo sa nangyayari!”

“Putaaa naman Ju! Sabihin mo lang na mahal mo ko at gusto mo ko makasama, hindi na ako magdadalawang isip na piliin ka! Please, sabihin mo lang saken!”

Lumuhod ako sakanya at nagmakaawa, ayoko talaga kapag hindi siya makakatuluyan ko.

Iniisip ko na magiging buhay nameng dalawa, tatayo kami ng bahay, mag aampon kami ng bata, kahit ilan pa gusto niya. Gusto ko ako lang magtatrabaho, tapos uuwi ako sa bahay, hihilutin niya ako. Yayakapin ko siya magdamag, hinding hindi ako magsasawa sa ganung set up namen.

Pero pinipilit niya lang ako tumayo at walang sinasabi. Umiiyak lang siya ng umiiyak hanggang sa niyakap na lang niya ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa labi at kinausap niya ako gamit ang isip niya.

“Ikaw lang minahal ko ng ganito. Mahal na Mahal kita, matagal na. Sana sinabi ko na sa’yo noon pa para hindi na tayo umabot sa ganito”

Naghahalo yung luha nameng dalawa sa mga pisngi namen nung mga oras na yun.

Si Julian na rin ang nagdesisyon na itigil na namen yung relasyon namen at magfocus na lang ako sa magiging anak namen ni Maddie.

+++++++

JULIAN’s POV

Simula nung pag uusap namen ni Matteo sa Park sa Malacañang, hindi ko na siya nakita pang pumasok sa school. Nagpa drop na daw siya sabi ng Kuya niya at nasa bahay lang daw sila, kasama si Maddie.

Nagpatuloy lang yung buhay ko, syempre, masakit pa rin saken. Parang hindi ko pa rin matanggap yung lahat, mahal na mahal ko kasi si Matteo.

Si Sarah at Kennard naman, sila pa ring dalawa, Thank God. Masaya at okay naman.

Si Laurence naman hindi na nakipagbalikan kay Lucas. Ang sabi ni Laurence, kung hindi daw niya ako nakilala, baka daw maayos niya pa yung kay Lucas, in the end, bumalik na naman si Lucas sa ibang bansa.

Si Blue naman, tuwang tuwa pa rin sa pagkapanalo sa event, siya naman mag oorganize ng next event at dahil sa galing niyang mag isip, sigurado akong mas magiging maganda yun.

Si JayR, nakakasama pa rin naman namen, ang saya lang dahil lahat kaming gifteds eh magkakasama at nagkikita pa rin.

Habang naglalakad ako palabas ng school, may nakasalubong akong familiar na mukha.

Si TB.

Niyakap niya ako kaagad at kinamusta, mas gumwapo si TB ngayon dahil sa bigote niya. Ang lakas pa rin ng appeal niya.

“Okay naman ako TB hehe, ikaw? Ang tagal mong di nagpakita ah?”

“Syempre, nagbakasyon naman kami ni Jai hehe”

“Halos dalawang taon kayo nagbakasyon?”

“Haha 2 years na ba simula nung matapos yung event?”

“Oo, graduating na nga ako eh haha” sabi ko.

“Hehe, so okay ka na?”

Alam ko tinutukoy niya kaya tumungo lang ako at ngumiti ng pilit.

“Ang tagal na nun ah? Wala pa ring bago?”

“Wala , tsaka di naman ako naghahanap”

“Pwes, maghahanap tayo. Jusko, hindi pwedeng ganyan ang Julian ko oh! Halika, akong bahala sa’yo!” Sabi niya.

Wala akong nagawa nun at hinila lang ako ni TB papunta ng mall.

Naghanap hanap siya ng pwede ireto saken, hanggang sa may nahanap siyang lalaki na sobrang gwapo rin at matangkad. Matangos ilong, moreno at sigurado akog estudyante rin ’to.

“Nabasa ko na isip niya at buong pagkatao niya, sigurado akong type ka niya!” Sabi ni TB sa gilid ko.

Umiinom siya ng Float habang tumitingin sa mga stall.

“Ayoko TB, nahihiya ako!” Sabi ko.

Pero nawala siya sa tabi ko at naging invisible, naramdaman ko na lang na hinihila niya ako palapit dun sa guy,

“TB ano ba!” Sabi ko.

Ang dulas ng shoes ko, nakauniform pa kasi ako kaya ang dali niya lang akong natutulak.

Bigla naman niya akong tinulak ng malakas kaya napasubsob ako sakanya, natapunan yung puti niyang uniform ng iniinom niyang float.

“Holyy shiit!!” Sigaw niya saken.

Nakakatakot yung boses, ang laki.

“Sorry… sorryy!” Nilabas ko yung panyo ko at pinunas ko sa polo niya.

Natatakot ako sakanya pero nung nakita ko siyang nakatitig saken, nawala yun. Parang ang inosente ng itsura niya bigla

“Uhm… don’t worry, may dala naman akong extra na damit sa bag ko” sabi niya pa.

Ang ganda rin ng ngiti niya, sigurado ba si TB dito?

“I’m Luis by the way” pkilala niya.

“Julian” sagot ko, sht. Ang lambot pa ng kamay.

Medyo awkward yung silence nung mga oras na yun, pero bigla siyang nagsalita.

“Technically, this is your fault so I suggest na samahan mo kong magpalit sa CR then you’ll treat me for lunch. Okay?”

Wow, di ko inexpect na sasabihin niya yun. Pero pumayag naman ako sa gusto niya.

+++++++

MATTEO’s POV

Pag gising sa umaga, panibagong bwisit na naman.

Nakakasawa yung buhay na ’to, ang ingay ng bata, ng dumi ng bahay tapos wala pa palagi si Maddie.

Tumira kami malapit lang samen para nakakakuha ako ng pagkain. Wala na talaga akong paki sa buhay ko, wala na rin akong paki kay Maddie, pero pag nakikita ko si baby Luigi, nagbabago lahat ng mood ko. Siya lang nagpapasaya saken ngayon.

Umuwi si Maddie na may dalang pagkain.

“Di ka man lang naglinis ng bahay? Tignan mo! Nung isang linggo pa tong basurang to oh!” Sermon niya saken.

“Ehhh kung ikaw na lang sana naglinis para di ka nag iingay diyan!”

“Ako nagtatrabaho Matteo para sa anak natin! Sana kumilos ka naman kahit konti!”

“Ako nag ggrocery diba?”

Bigla namang umiyak si Luigi sa pagtatalo namen ni Maddie.

“Nakakabwisit na buhay ’to!!”

“Nabibwisit ka kasi hindi ako yung gusto mong kasama. Nabibwisit ka kasi hindi eto yung ginusto mong buhay. Paano kaya kung si Julian yung nandito…..”

Di ko na siya pinatapos magsalita at umalis na ako ng bahay at pumunta kay Kuya,

Narinig ko na naman pangalan ni Julian. Dalawang taon na kaming di nagkikita, pero naiwan pa rin saken yung sakit ng paghihiwalay namen.

“Kuya, pahingi akong pera, wala ng gatas si Luigi!”

Tinignan lang ako ni Kuya pero siya pa rin sinisisi ko sa lahat.

“Edi sana naisip niyo na ganito mangyayari kung di ko nakasama si Julian diba?!” Sabi ko sakanya.

Di na siya sumagot at binigya niya akong isang libo.

Bibili sana ako sa may bayan kaso nabanggit ni Maddie si Julian, kaya naisip kong pumunta ng Manila para makita siya.

Uminom muna ako pampalakas ng loob at Pumunta muna ako ng school para icheck si Julian, hinintay ko siyang lumabas ng school. Nagbabakasakali ako na makita ko siya.

Pero wala pa rin siya, hanggang sa inabot na ako ng hapon, naghihintay pa rin ako. Ngayon ko lang siya naisipang dalawin sa loob ng dalawang taon.

Ang panget pa ng suot ko, white TShirt lang at shorts tapos tsinelas. Pero wala akong paki, gusto ko siya makita.

At hindi nga ako nagsayang ng oras, nakita ko siyang palabas ng building, nakawhite uniform tapos ganun pa rin backpack niya, yung kulay blue. Tapos may hawaks siyang libro na nakayakap sa kanya, pucha, sana ako na lang yung libro.

Nakangiti siya nun, at ang sarap pagmasdan ng itsura niya habang palabas. Parang ang bagal ng oras nung mga panahong yun.

Gusto ko siyang lapitan, oo gusto ko! Pero anong sasabihin ko? Hi? Hello? Kumusta?

Biglang may bumati sakanyang kaklase namen at ngumiti siya. Grabe talaga, hindi pa rin siya nagbabago. Ang ganda niya pa rin sa paningin ko.

Pero may lumapit sakanyang lalaki, at binuhat yung dala niyang mga libro, iba yung uniform neto kaya siguradong hindi yan kaklase, hindi rin siya familiar sa event kaya siguradong walang gift niya.

Pero inakbayan niya si Julian at dun na ako nagtaka.

Lumapit ako sakanila at kinalabit ko yung lalaki, sa sobrang inis ko, sinapak ko siya ng malakas hanggang sa matumba siya!

Tinignan lang ako ni Julian nung mga oras na yun.

++++++

JULIAN’s POV

Dahil kay TB, naging magkakilala kami ni Luis, mabait si Luis at halos dalawang buwan na kaming lumalabas na dalawa. Alam niya yung issue ko kay Matteo kaya hindi niya ako minamadali.

Isang araw, nagsabi siyang susunduin niya raw ako para kumain kami sa labas, di naman ako humindi, at pumayag ako.

Nung nasa labas na ako ng school, nakita ko siya. Kinuha niya pa yung gamit ko, kahit nahihiya ako eh binigay ko na, mapilit din kasi eh.

Hanggang sa biglang tumumba siya sa sahig at napasigaw sa sakit.

May sumapak sakanya!

Paglingon ko.

Si Matteo.

Oo si Matteo ’to, anong nangyari sakanya? Sobrang payat na niya at hindi ko na siya halos makilala, ang dami niya pang tattoo sa katawan.

Nagbago man yung katawan niya, hindi pa rin nagbabago yung mata niya, ganun na ganun pa rin. Maganda kaso ng lungkot, sobrang lungkot ng mga mata niya.

Tumayo naman si Luis at sinugod din si Matteo, sinapak niya rin ng malakas si Matteo at dahil mas malaki si Luis, walang nagawa si Matteo.

Pinipigilan ko si Luis pero ang dami na niyang sapak kay Matteo, nagdudugo na yung labi at ilong niya.

“Tama na Luis!!!! Siya si Matteo!!” Sigaw ko sakanya. Natauhan si Luis nun at tumigil. Tumayo siya at inakbayan ako palayo.

Nilingon ko si Matteo pero nakahiga pa rin siya at di niya nakayanan yung mga sapak ni Luis.

“Wait lang please?” Sabi ko.

“Para saan pa? Iniwan ka niya ng matagal tapos babalik siya ng ganun ganun na lang?”

“Oo pero gusto ko pa rin siya makausap” sagot ko.

Pinayagan niya naman ako at binalikan ko siya. May mga estudyante na sa paligid niya pero umalis sila nung paglapit ko, umupo kami sa may pinakagilid para walang makakita samen.

“Pinagpalit mo na ako?” Bungad niya, duguan talaga ilong niya at may pasa kaagad siya sa pisngi, pumutok din labi niya.

Pinunasan ko muna yung mga dugo sakanya pero pinigilan niya ako.

“Pinagpalit mo na ako Ju? Sabi mo saken diba ako lang mahal mo?” Sabi niya ulit. Naamoy ko naman na nakainom siya.

“Halika na, hatid na kita sainyo.” Sabi ko.

Pero bigla siyang umiyak

Umiyak na parang nasaktan.

“Ju…,. Sabi mo ako lang…..”

Di ko rin kinakaya yung pagiyak niya.

“Mahal Kita Julian, hindi mo na ba ako mahal?”

Gusto kong sabihin sakanya na may anak na siya at pamilya pero walang lumalabas sa bibig ko.

“Walang araw na hindi kita inisip Julian! Di ako nagpakita sa’yo ng ilang taon kasi pinipilit kitang kalimutan pero tanginaa Ikaw pa rin talaga Ju. Hindi maayos buhay ko, pariwara na ako!”

“Matteo.. please lasing ka”

Tumingin siya saken bigla.

“Binanggit mo pangalan ko….” sabay ngiti at yakap saken.

“Miss na Miss na kita. Bumalik ka na saken please. Tayo na lang Julian. Sayo ako sasaya please. Wala na akong gustong makasama maliban sa’yo!”

“Nagbago na lahat Matteo….”

Hinalikan niya ako bigla. Pinipilit niya ako nun pero di ako makalaban, ang higpit ng hawak niya saken at dun ko nalaman yung kalagayan niya, nakita ko yung buhay niya, sobrang kawawa siya. Naiiyak ako sa nangyari kay Matteo.

Pero bigla kong naramdaman si Luis sa tabi ko at sinapak na naman niya si Matteo.

“Tara na Julian!” Sabi niya. At hinila na ako palayo ni Luis.

Naririnig kong sumisigaw si Matteo ng pangalan ko paulit ulit. Pero mas mabuti na lang siguro na umalis ako.

Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko. Iba yung kirot na parang bumalik lahat ng sakit nung mga oras na yun.

Isang linggo na nakalipas nung nakita ko si Matteo at mas lalong sumasakit yung pakiramdam ko. Ganito pala talaga kapag true love, akala ko bata pa ako at makakahanap pa ako ng iba, pero hindi pala, si Matteo pala talaga gusto kong makasama.

Kahit si Luis, pinatigil ko na rin sa panliligaw, naintindihan naman niya.

Saturday night yun ng may tumawag sakeng number na hindi naka save. Sinagot ko naman kaagad.

“Hello?” Sabi ko.

“Hello? Si Julian ba ’to?” Boses babae. At medyo familiar.

“Oo, sino ’to?”

“Si Maddie ’to, natatandaan mo pa?” Pano ko naman makkalimutan.

“Oo naman. Kumusta ka na?”

“Hindi okay eh, pwede ka bang dumalaw dito samen?”

“Ahh… Bakit naman? Birthday ba ng anak niyo?”

Pero di siya sumagot at narinig ko siyang umiiyak.

“Hindi… huling araw na kasi ng lamay ni Matteo, ililibing na siya bukas”

Natulala ako at nabitawan ko yung cellphone ko. Hindi ako makahinga. Ang bilis ng tibok ng puso ko,

Tumayo ako para lumabas pero di ko nagawa, sinisigawan ko sila mama at dali dali naman silang pumunta ng kwarto ko.

“Anong nangyari?!!”

Di ako makahinga pero niyakap ko si Papa.

“Wa….. wala…. wala na si Matteo pa!” Saka ako umiyak ng malakas, ang sakit, hindi ko maexplain yung sakit. Lahat ng pwedeng itusok sa katawan ko, parang natusok na sa sakit.

Dumalaw kami nila mama at papa sa bahay nila Matteo, at oo nga, may lamay at hindi lang yun, may malaking picture ni Matteo dun na nakalagay sa tabi ng kabaong niya.

Totoo nga ang lahat.

Hinigpitan ko hawak ko kay Papa at Mama dahil baka di ko kayanin yung makikita ko.

Tumutulo na yung luha ko habang palapit ako sakanya.

At nung nandun na ako, nakita ko siyang nakahiga at sobrang namumutla.

Di ko maexplain yung nararamdman ko, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Di ko natago yung lungkot at napaiyak ako ng malakas. Wala akong paki sa ibang tao pero ayun yung nararamdman ko, ang sakit ng dibdib ko pero wala na kong magagawa.

Wala na siya. Yung taong pinakamamahal ko! Wala na!

Hindi ko kinaya yung nakita ko at nawalan na ako ng malay.

Pag gising ko, inisip ko na sana panaginip lang lahat ng yun, pero hindi. Nasa loob ako ng kwarto ni Matteo, hindi pa rin nagbabago, madumi pa rin pero eto yun, sakanya to.

Pumasok naman si Maddie sa loob at inabutan ako ng sulat.

“Suicide Julian.” Simula niya.

Kung nasasaktan ako, mas nasasaktan din si Maddie.

“Pinilit ko Julian, pinilit kong mahalin niya ako pero ikaw talaga gusto niya. Sana hinayaan ko na lang kayong dalawa, baka sakaling hindi nangyari ’to”

Niyakap niya ako, at yumakap din ako. Mas nawalan siya saken sigurado.

“Sulat niya yan para sa’yo. Hindi ko binasa, para sa’yo kasi. Alam ko masakit din para sa’yo pero kung may nagawa man ako, patawarin mo sana ako” sabi niya at iniwan na niya ako mag isa dun.

Binuksan ko yung sulat niya.

“Alam mob ba yung unang beses na natuklasan kong may gusto ako sa’yo? Nung pageant. Nung pinapanuod mo ko sa crowd tapos may hawak ka pang banner. Ikaw pa yung nag aayos ng susuotin ko nun kasi takot akong mahipuan ng mga bakla kaya ikaw yung naging katulong ko nun.

Simula talaga nun, hinahanap hanap na kita. Siguro inaasar lang kita na may gusto ka sa akin pero ang totoo, ako talaga may gusto sa’yo.

Gusto ko dapat sabihin sa’yo kaso natatakot ako. Oo, tinangka ko talagang sabihin kaso naunahan lang ako ng takot.

Naalala mo yung nasa canteen tayo, binigyan mo ko ng candy, maxx, di ko kinain yun, nilagay ko lang sa wallet.

Pinipilit ko sarili ko na hindi kita gusto kasi yung idea na may gusto ako sa lalaki, maling mali eh.

Pero di ko kinaya eh, naging tayo. Inagaw pa kita kay Laurence, pero tanginaa uli eh, nakabuntis ako. Gago ko rin eh, pilit kong itago nararamdaman ko sa’yo, ayan ang pangit tuloy ng kinalabasan.

Luigi pangalan nung anak ko kasi alam kong ayun yung gusto mong pangalan ng anak mo eh.

Kinaya ko lahat Julian, pero di ko talaga kinaya na makita ka sa ibang lalaki. Ang saya saya mo kasi nung nakita kita tapos ibang tao pa may dahilan nun,

Dun ko napatunayan na wala ng kwenta buhay ko kung hindi ka lang din mapapasaken.

Buhay pa ko Julian nung nakita kita pero parang pinatay mo kaagad ako dahil may iba kana.

Ang sakit. Sobrang sakit talaga.

Sana lang maging masaya ka. Kasi kung magiging masaya ka, magiging masaya rin ako habang pagmamasdan kita sa langit, o kaya sa impyerno, basta either way, maging masaya ka.

Mahal na Mahal Kita, Hinding hindi nawala yun. Hinding hindi ko nakalimutan at hinding hindi ko makakalimutan. Ikaw lang ang taong nagpasaya saken ng ganito.

I love you so much,

Your Matty.“

Ang daming patak ng luha na galing sakanya at ngayon, galing saken.

Niyakap ko yung sulat niya at nahiga sa kama niya habang inaalala ko yung masasayang nangyari sameng dalawa.

+++

++++

+++

+++

+++

+++

“So nakita mo na yung future mo?” Sabi saken ni Lea, sobrang namamaga na yung mata ko kakaiyak. Pinakita niya saken yung future ko.

Nasa agency kami ngayon at this time, may isang kwarto dun kung saan pwede namen magamit yung gift namen, thanks kay Blue dahil siya namamahala dito.

“Ayun talaga mangyayari saken?” Sabi ko.

“Oo” sagot ni Leia. Pinatawag niya ako kasi nga sobra daw siyang nabobothered sa future ko kaya pinatawag niya ako.

“Alam mo ba kung bakit ako top 5 Julian?” Tanong ni Leia.

“Bakit?”

“Kasi hindi naman nila ako natatalo eh, nakikita ko yung future at bumabalik lang ako sa past para baguhin yun”

“Kaya mo bang bumalik sa nakaraan?!”

“Ofcourse! Ayun yung maximum gift ko!” Sabi niya.

“So….. kaya mo ko pinatawag dahil gusto mong baguhin yung future ko?” Tanong ko.

Ngumiti siya at nagsabi ng oo.

Natuwa ako, sobrang natuwa ako. Walang mamamatay, walang mabubuntis.

“Kaso may problema….” sabi niya.

“Ano naman?”

“Top 5 lang ako sa event, kailangan kong magamit yung maximun gift ko para magawa ko yun sa ibang tao” sabi niya.

Nawalan ako bigla ng pag asa.

“Kung meron lang sana tayong magical dice na pwedeng isacrifice kaso parang legend lang yun, hindi nag eexist”

“Magical dice?”

“May legend kasi sa history ng mga gifted, may isang tao na nagsacrifice ng gift niya, ang pangalan niya ay JK para maging isang magical dice, inaabsorb nun yung gift ng makakahawak na gifted nun at pwede mong magamit sa sarili mo”

Kinilabutan ako, ayun yung magical dice na nakuha ko.

Dala dala ko pa gamit ko at kinuha ko yung dice ko sa bag.

“Ano yan?” Tanong ni Leia.

“Magical Dice!“sabi ko.

Biglang pumasok si Blue sa kwarto at mukhang nakikinig sa usapan namen.

“Nagulat din ako nung una, pero totoo yan, Leia. Magical Dice talaga yan,” sabi ni Blue.

Tinignan ni Leia yun at mukhang namangha.

“Fire, Water, Ice at Healing gift yung nasa loob niyan” sabi ko.

Hindi ko kasi nagamit yung mga dice na yan sa event.

“Wow Julian, pero kailangan ko ng lima” sabi ni Leia.

Nawalan na naman ako ng pag asa.

“Kailangan may magsakripisyo ng gift para makakuha tayo ng dice na isa” sabi ni Leia.

“Ako!! Ako! Yung akin ang kunin niyo akin!” Di na ako nagdalawang isip pa.

“Kailangan isa sa top 3 ang magsacrifice, kaya tayo may rankings na ganyan para dun” sabi pa ni Leia.

Bigla namang pumasok si Matteo sa kwarto at mukhang si Blue ang nagpatawag sakanya.

“Ako! Yung gift ko kunin niyo na! Inyo na, ibalik niyo lang yung oras para makasama ko si Julian!”

Di mawala sa isip ko yung nakita ko na patay na si Matteo, hindi ko kayang mangyari yun.

Kahit kakakausap lang namen pareho sa Park sa Malacañang kanina, niyakap niya ako. Alam ko na kasi mngyayari after nun.

“Sure ka ba?” Tanong ni Leia.

“Oo”

“Sandali!” May pumasok uli sa kwarto nun, yung totoo, naririnig ba ng lahat ng tao rito pinaguusapan namen.

Familiar siya at nung lumapit siya, nkilala ko siya.

Si Grey. Yung nagbigay ng gift kay Gab. Yung kaagaw ni TB kay Jai.

“Kasalanan ko lahat ng ’to kaya kunin niyo yung akin” sabi niya.

Tahimik lang kami lahat at nag abot siya ng dice.

“Ayan na yung akin. After a day, makakalimutan ko na lahat ng nangyari saken, sana makalimutan niyo na rin yung nagawa ko” sabi pa ni Grey.

Hindi na lang kami sumagot ni Matteo at hinayaan namen si Leia sa mga dice.

“Isa ako sa may kasalanan sainyo kaya kahit anong kaya kong gagawin, gagawin ko mabalik lang kayo sa dati. Okay? Sorry sa nagawa ko sainyo, sana mapatawad niyo ako” sabi ni Leia samen.

Ngumiti lang kami ni Matteo.

“Si Julian ang magbabago ng past. Kailangan ko ng trigger bago mawala yung bisa ng magic.” Sabi ni Leia

“Trigger?”

“Uhm…. dapat wala kang idea sa future, kailangan mong masure na magawa yung mission mo saka mawawala yung gift para di maapektuhan ang future ng lahat”

Si Matteo sumagot.

“Kapag hinalikan mo na ako” sabay tingin saken.

Ngumti si Leia.

“Okay, so kapag nahalikan mo si Matteo, wala ka ng idea sa nangyari. Bigyan kita ng instructions, meron ka lang 1hour bago mo magawa yun at dapat magawa mo kaagad yun okay? Kapag hindi mo nagawa yun, makakalimutan mo lahat pati na rin yung nagpunta ka ng past…. Para naman sainyong dalawa, kayong dalawa lang mawawalan ng memory pero kaming lahat na gifted eh alam namen yung ginawa niyong pagbabalik ng oras.”

“Edi parang sumabay kayo sa pag time travel nmen?“sabi ko.

“Nope, parang hmmmm.., parang deja vu lang, yung masasabi niyo na ’parang nangyari na ‘to?’ Yes, nangyari na nga yun, mag nagaayos lang ng past kaya may ganung feeling”

Mukhang okay na lahat. Magkahawak kami ni Matteo.

“Mahal na Mahal kita, alam mo na yung gagawin”

“Mahal na Mahal din kita” sabi ko.

Hinalikan niya ako at kinagat niya labi ko.

“Gawin mo saken yan kapag hahalikan mo ko, siguradong mababaliw ako nun” sabi niya sabay ngiti saken.

Dinurog ni Leia yung mga dice at naging powder na yun,

“Isipin mo Julian yung lugar kung saan mo sasabihin yung feelings mo okay?” Sabi ni Leia

Pumikit ako at inisip ko yun, tama nga. Doon na lang.

“Okay na” sabi ko pa.

At narinig ko yung pag ihip ni Leia, binuka ko mata ko at napapalibutan kami ng parang ipo ipo na glitters samen ni Matteo, parang pumapasok kami sa isang dimension na di ko alam.

Nawala si Matteo sa paningin ko at magisa na lang akong nahuhulog sa walang katapusang kadiliman na ’to.

Ang ingay at ang daming estudyante sa paligid. Naghihiyawan at parang may event na nangyayari.

Oo nga, eto yung pageant. Pageant ni Matteo.

Eto yung naisip ko dahil sa binigay niyang sulat saken nong….. ayokong maalala. Nandito ako para baguhin yung future ko.

Nakahiga ako sa gilid at may nag aassist sakeng estudyante.

“Okay na po kayo?“tanong niya saken

May napansin akong relo na nakasuot saken. Pero parang timer siya, at nakalagay na 27:38 at pababa ng pababa yung bilang.

“Kanina pa ba ako nakahiga?” Tanong ko.

“Ay opo, mga kalahating oras na”

Sht. May nasyang na na oras, nagsisimula na yung pageant at kailangan ko ng masabi kay Matteo lahat.

Kaso di ako pwede sa backstage, di ako makasingit.

Tumatakbo yung oras, parang ang bilis, 20 minutes na lang kaagad.

Pumunta muna ako sa crowd at si Matteo na rarampa. Ang gwapo niya pa rin talaga, eto yung gusto kong Matteo, yung malusog at mukhang masaya.

Nakita niya ako sa crowd at kinindatan niya ako, oo kinindatan niya ako!

Lumipas yung oras at hindi pa rin ako nakakalapit kay Matteo.

Q&A na, at 7 minutes na lang bago ko masabi sakanya lahat.

Desperado na akong mahalikan siya nun.

3 minutes…..

2minutes….

1 minute….

Nung siya na yung sasagot sa stage ,kinapalan ko na yung mukha ko. Tumakbo ako papunta sa stage, bago siya makapunta sa mic, hinarangan ko siya.

“Ju! Anong ginagawa mo?” Tanong niya

15secs….

“Mahal na Mahal Kita, Matagal na ,nung una kitang nakita napatunayan ko yung love at first sight. Ikaw na hinahanap hanap ko simula nun. Matteo, Mahal kita. Sana maging tayo na lang!” Palapit na ako sakanya ng makarinig ako ng tunog ng nagaalarm na relo.

Pumikit ako sandali at nakita ko si Matteo sa harapan ko, mukhang gulat siya. Naka pormal siya na damit at tinignan ko kung nasaan ako….

Nasa stage ako! Nasa gitna mismo kaharap ni Matteo!

Nakakarinig ako ng bulungan galing sa mga estudyante pero nahihiya ako. Bakit ako nandoon sa stage?

Kaya tumakbo ako kaagad, palayo. Lumabas ng school at tumakbo lang ng tumakbo.

+++

Umuwi ako sa bahay ng nakatulala, feeling ko may sinabi ako kay Matteo eh, kaso di ko maalala! Ano bang nangyayari saken?!

Dumiretso ako sa kwarto ko nun, pero napansin kong bukas yung ilaw dun, at pagpasok ko sa loob, nagulat akong nandun si Matteo.

Suot niya pa rin yung formal dress niya sa pageant.

“Ano uli yung sinabi mo?” Tanong niya saken.

“Sinabi saan?” Tanong ko, sanay naman akong nandito si Matteo sa kwarto ko palagi.

“Sa stage?”

“May sinabi ba ako? Wala akong maalala”

“Kakasabi mo lang kanina na Mahal mo ako tapos sasabihin mong nakalimutan mo kaagad?”

Sht. Sinabi ko ba yun?!

“Wala akong matandaan! Wala ako sa sarili ko kanina!”

“Ahhh ganun ba” sagot niya.

Pero lumapit siya saken, sinara niya yung pinto at sinandal niya at dun.

“Di mo ko mahal?” Tanong niya, kinakabahan ako sa gagawin niya. Pero ano ba to, bakit siya ganito.

“Bitawan mo ko” sabi ko.

Pero hinalikan niya ako sa mga labi ko, madiin kaagad!

“Ngayon, mahal mo na ko?!” Sabi niya.

Di ako makapagsalita.

“Sinabi mo sa stage kanina na mahal mo ko Ju. Sabihin mo saken ngayo!” Medyo galit siya nung mga oras na yun.

Hinalikan niya ako kaya sinabi ko na rin sakanya yung totoo.

“Oo Matteo! Mahal na mahal kita!!” Sabi ko pa.

Hindi naman siya sumagot, tinignan niya lang ako at niyakap ng mahigpit,

Naririnig kong umiiyak siya

“Gusto ko ng umamin sa’yo kanina pero buti na lang nauna ka!” Sabi niya.

Nagulat ako sa pag amin niya saken.

May gusto rin siya saken?

“Mahal Kita Julian!” Oo, may gusto siya saken.

Di ako makapaniwala, totoo to! Hindi ako nananaginip!

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at totoo nga! Kasi ang lambot ng labi niya.

Binuhat niya ako papunta sa kama at hinalikan uli.

Nanligaw si Matteo saken ng ilang buwan at sinagot ko siya. Pinaalam niya rin sa lahat ng tao sa school na mahal niya ako.

Lumipas ang ilang buwan pa, hindi nagbabago si Matteo saken, araw araw niya pa ring pinapakita saken kung gaano niya ako kamahal.

Hanggang sa dumating ang January 2, 2013, may kakaibang nangyari samen ni Matteo.

Naglalakad kami sa Grocery Store, hawak kamay habang nang aasar, (malakas kasi siya mang asar), may lumapit sameng dalawang babae at lalaki.

“Hi, ako pala si Leia, at sila si Jai at Timo” pakilala nila.

Medyo familiar sila, parang nakita ko na sa panaginip.

Nakipagkamay samen si Leia at nagulat ako! Parang may pumapasok na memories saken!

Event, battle, mind reading, moments ko with matteo, lahat. Lahat naaalala ko na!

Tumingin si Matteo saken at ganun din ata naramdaman niya

“TB?!” Sabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit, kasama si Jai at Leia.

Ganun din si Matteo sakanilang tatlo.

“Nabago niyo na at sobrang ganda ng future niyo, epitome of same sex relationship! Ayoko ng sabihin para masurpise kayo!“sabi ni Leia.

“Well, ang naaala niyo lang naman eh yung nangyari after event ,pero yung revalations, wala na, wala na sa memories niyo kasi hindi na siya nangyari sa present” sabi pa ni TB.

“Hindi naman nila maiisip yun eh, di naman nila alam yun kasi bumalik sila ng past” sabi pa ni Leia.

Nagkatinginan kami ni Matteo pero nakangiti siya.

Naglakad na kaming lima pero may binulong saken si Matteo.

“Ang sarap ulitin nung sa Battlefield scene natin ah?” Sabi ni Matteo.

Yung nagsexx kami yung tinutukoy niya,

“Ayan talaga naalala mo?!”

“Hindi, mas naalala ko kung gaano kita kamahal noon, at ngayon. Mahal na Mahal na Mahal kita kahit anong panahon pa yan” sabi niya, hinalikan ko naman siya ng madiin kahit nasa grocery kami at maraming nakakakita

“I love you so much!” Sabi ko sakanya.

“Mas Mahal na Mahal kita Ju, forever until my last breath” sabi naman niya.

“Hay nako lovebirds, tama na nga yan, maghahanap pa tayo eh!” Sabi ni TB.

“Maghahanap ng ano?” Tanong namen ni Matteo.

“Edi tagapagmana ng gift niyo!” Sagot naman ni TB.

++++++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!

It is never too late to tell someone how you feel about them. 😙😙😙

SALAMAT SA PAGSUBAYBAY!!

++++\

Hi. So eto, tinry ko yung

TAP WATTPA

D na pinopromote sa home page? Lol yung parang chat stories. Haha

Anyway, gumawa ako ng acc. at story don. Sana mabasa niyo lol.

absurd018 pa rin ang username ko don tapos ‘Falling with David Licauco’ title hahahaha! Enjoy

😊

https://taptap.app.link/dr4VifAJsD <–– ayan yunf link kung macclick siya. Haha

GREG’S DIARY

Hi. So eto, tinry ko yung

TAP WATTPA

D na pinopromote sa home page? Lol yung parang chat stories. Haha

Anyway, gumawa ako ng acc. at story don. Sana mabasa niyo lol.

absurd018 pa rin ang username ko don tapos ‘Falling with David Licauco’ title hahahaha! Enjoy

😊

https://taptap.app.link/dr4VifAJsD <–– ayan yunf link kung macclick siya. Haha

Thank you po sa pagsuporta sa JULIAN’s GIFT!! Seryoso, di ko akalain na magiging ganito yung comments niyo sa story ko!! Kasi Fantasy themed story siya eh.

I admit, may ideas ako na inspire sa ibang movies haha, pero natutuwa pa rin kayo kahit na ganun haha.

Again, Salamat! Super thank you talaga! I really wanna retire (akala mo matanda na eh no) haha sa pagsusulat kaso everytime na nakakabasa talaga ako ng comments, I feel appreciated.

next story will be Greg’s Diary!!!! :)))

THANKYOU TALAGA SA PAG SUPORTA SAKEN. LOVEYOUALL! 😙😙

LUIGI’S GIFT

Hi guys. I’m so excited to write the story of Luigi! Iniba ko siya sa nauna kong draft na pinost dito pero magiging magical din ’to at kakikiligan niyo lol.

Si Luigi ang anak ni Julian at Matteo! With a twist haha.

Pinost ko na sa profile ko yung first 3 chapters. Ayun lang!

PS: If maging matagumpay ang Luigi’s Gift katulad ng Julian’s Gift, ngayon pa lang sasabihin ko nang may book 2! Haha.

BOOK 2: 1/5

“Matteo Acosta! Saan mo ba ako dadalhin?!”

Alam ko namang nasa bahay nila kami. Alam ko ’yung amoy ng bahay nila. Nakatakip ’yung kamay niya sa mga mata ko habang papasok.

Pagkatanggal niya ng kamay niya, wala pa rin akong nakita kasi,

plot twist: naka blindfold rin ako.

Parang sira lang talaga ’tong si Matteo. Pero nang tanggalin niya ’yung blindfold, nakita ko si Mama at Papa, pati na rin si TB. Tatlo lang sila nakatayo doon. Nakangiti sa’kin tapos umiiyak si Mama.

Lumingon ako kay Matteo tapos nakaluhod siya. May hawak na singsing. Nakatingin sa’kin. Umiiyak.

“Ju. Happy 5th Anniversary. Ikaw lang talaga gusto ko makasama habang buhay. Will you marry me?”

Baklang bakla ko sa pag-iyak ko pero umoo rin ako. Tumayo siya at hinalikan niya ako.

I wish nababasa ko pa rin nasa isip niya.

“I love you, Ju” sabi niya.

“I love you more.”

+++

Ofcourse keme keme lang ’yung kasal. I mean, hindi naman legal dito pero ’yung idea lang na may ceremony sa pagmamahalan namin, ayun lang habol namin.

Sa surprise ko, bumili pala si Matteo ng bahay. Palagi kaming nag aaway kasi feel ko may babae siyang iba. Tinitipid tipid niya kasi ako sa date namin lol pero sabi niya kasi nag iipon siya dahil bibili siyang sasakyan.

Pero eto, nasa harap ko na. Sariling bahay namin. Wala pa nga lang mga design, wala ring gamit pero sa aming dalawa.

Sa isang bagong tayong subdivision kami lumipat so wala pa rin kaming masyadong kapitbahay, marami pa ngang bakanteng lote eh.

Nagtatrabaho kami ni Matteo. Magkahiwalay syempre para hindi naman palagi kami magkasama.

Ayaw pa niyang magtrabaho ako pero marami pang aayusin sa bahay kaya napapayag ko siya.

Isang taon na pag tatrabaho, medyo gumanda na rin bahay namin. Ginamit ko kasi ’yung sa ipon ko, ngayon, decorated na siya. Naka tiles na, may pintura na, may gamit na at higit sa lahat, nakabili na kami ng kamang malaki.

Gusto raw niya ng malaking kama kasi gagamitin daw namin lahat ng sulok ng kama kapag… alam mo na 😉

The thing I really love about Matteo, hindi siya nagsasawa sa’kin. Palaging may bago, palaging may gagawin. Walang dull moment. Nahahanapan niya ng paraan para hindi boring pagsasama namin.

Ofcourse, nag aaway din kami palagi. 6 years ng kami, hindi pa kasali nung panahong “bestfriend” pa kami, so matagal na kaming magkasama, kaya normal na away namin.

Nagseselos ako sa mga babae na naka tag sa facebook niya. Minsan nga iuunfriend ko na lang tapos kapag nalaman niya, magagalit siya.

Ganon din siya sa mga lalaki kong katrabaho, siya nga ichachat niya pa. Magsesend siya ng picture niyang hubo’t hubad siya tapos ang nakalagay “subukan mo lang pre!”

Ofcourse magagalit din ako pero kinikilig din ako. Imagine, ang tagal na namin pero kung paano niya ako mahalin nung unang araw, parehas na parehas pa rin hanggang ngayon.

Okay na kami sa lahat. Sa bahay, pag magkasama kami, sila Mama minsan dumadalaw, okay na talaga maliban sa isa.

Gusto niya ng anak.

Nabanggit niya sa’kin before na gusto niya ng sariling anak. Sabi ko nga baka may gustong magpabuntis sa kanya, nagalit siya. Hindi raw siya gagawa ng ganon kasi ayaw niya akong masaktan.

Again, kilig.

Sabi ko naman painject na lang pero mahal tapos ayaw niya rin. Ang gusto niya talaga sa’kin manggaling ’yung anak.

Everytime nga na nagsesex kami tapos kapag malapit na siya, bubulong siya na “Sana mabuntis kita”

Natatawa ako pati siya pero deep inside alam kong gusto niyang magkaanak. Minsan, nahuli ko ’yan nanunuod ng baby videos sa twitter, tuwang tuwa talaga siya.

Kaya kong ibigay sa kanya lahat. Maliban lang diyan.

+++

Off ko today. Nakatambay lang ako sa bahay, linis linis, hindi naman pinayagan si Matteo kaya ako lang mag isa sa bahay.

Nang biglang dumating si TB sa bahay.

“Oy oy oy. Kumusta married life?” Bati niya sa’kin.

“Eto, hindi pa rin buntis haha” biro ko. “Kumusta paghahanap?” Sabi ko pa.

“Nako, walang nagbigay ng lemon square sa’kin! Haha wala pa rin akong mahanap eh.”

“Sabi ko naman sa’yo, tigilan mo na ’yang paghahanap tapos iwanan mo na ’yang mundong ’yan”

“Ayaw! At isa pa, kumikita rin naman ako rito. Sabi ko nga sainyo, dito na lang kayo magtrabaho eh.”

“Wala na kaming gift. Kinalimutan na namin ’yun”

“Ugh. Dapat pinanuod mo man lang battle of the gifted last year, ang korny. Walang wala sa ginawa mo. The best talaga batch niyo!”

“Haha well….”

“Pero sorry Julian, may kailangan kasi akong sabihin sa’yo eh.” Biglang seryoso ng mood ni TB.

“Ano?”

“I need your help.”

“Huwag ka nang pa-suspense TB! Sabihin mo na!”

“Haha okay sorry. Kausapin mo naman sila for me.” Naglabas siya ng dalawang picture ng lalaki

“Sino sila?”

“Pangalan nila, Tristan at Tommy.”

Mga early 40’s na mukha nilang dalawa.

“Wait. Sila ba ’yung?????”

“Yes, Julian. Nahanap ko na sila”

+++

Lumabas kami ni TB, naglakad lakad, pumuntang mall. Pagkauwi ko, nakita ko si Matteo, nakahubad, nagluluto ng ulam. Nagulat siya nang makita niya ako. Agad niyang sinara ’yung pinto sa banyo, magkalapit lang kasi, tapos agad niya akong niyakap.

Ugh, ang bango talaga ni Matteo lalo na kapag umuuwi siya galing trabaho.

“Ju, akala ko mamaya ka pa?” Sabi niya sabay halik sa labi ko.

“Anong tinatago mo sa banyo?!” Sabi ko. May naririnig kasi ako doon.

“Wala, akyat ka na muna”

“Babae ba ’yan?!” Sabi ko.

“Ay jusko. Babae? Anong gagawin ko sa babae kung nandiyan ka naman?!”

Pinigilan kong ngumiti.

“Eh bakit mo tinatago sa’kin?!”

“Wala nga. Hindi pa tapos. Nagluluto ako. Surprise nga kasi!”

“Hindi ’yan babae ah?!”

“Ikaw lang babae ko. Sige na akyat ka na muna, sinisira mo surprise ko eh!”

Umakyat na nga muna ako at nagbihis. Bumaba rin ako kaagad tapos non nakita ko siyang may hawak na puppy!

“Oh my God!!! Akala ko ba ayaw mo ng aso?!” Sabi ko sabay yakap sa puppy.

“Eh, gusto mo eh.”

“Promise ’to? Walang bawian ah?!”

“Yes. Happy ka?”

“Super!! Thankyou!”

“Oh kiss mo na ko” sabay turo sa pisngi niya. Pero nung hahalikan ko na siya, sa labi ko siya nahalikan.

“I love you. I love you. I love you!” Sabi ko paulit ulit.

“Hays! Bukas kukuhanan kita uli ng puppy para sabihin mo uli sa’kin ’yang mga ’yan!”

“Haha Mahal na Mahal Kita.” Sabi ko.

“Mahal na Mahal din kita. Lahat, para sa’yo.”

Ngumiti lang ako. Hays, ang tagal ko ng gustong magka aso pero ayaw niya kasi mabaho raw.

“Ano pala ’yung sinabi ni TB sa’yo?” Tanong ni Matteo.

“Uhm, alam mo naman na kinalimutan na natin ’yung gifts di’ba? Pero nahanap na raw ni TB”

“Talaga?!”

“Yes. So??? Gusto mo pa rin?”

“Oo naman! Gustong gusto!!”

“Okay. Kikitain natin sila bukas”

“Pumayag?”

“Yeap.”

“Ugh!! Magkaka anak na tayo sa wakas!”

“Sorry kung hindi kita mabigyan ng anak ah”

“Ay, Ju. Alam ko naman kung ano ’yung pinasok ko. Alam mo rin di’ba? Ramdam na ramdam mo nga eh, napapaungol ka pa”

“Loko!!”

“Haha, I mean, alam mo naman na hindi talaga tayo makakabuo. At eto, may chance na talaga”

“I know.”

Natahimik kami habang pinagmamasdan si puppy.

“Anong ipapangalan natin sa kanya?” Tanong ni Matteo.

“Jake para Jake the dog”

“Haha naisip ko nang sasabihin mo ’yan haha”

“Hala ikaw ba mind reader? Haha”

“Haha baliw!”



Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.