loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)

Marthacecilia Phr · 59 chapters · 66,549 words

CAST

CAST OF UNFAMILIAR CHARACTERS IN THIS THREE-EPISODE SERIES:

Cielo……………… Dana’s distant cousinRustico &Elvira…………….. Cielo’s parents and Joshua’s distant relativeCharles…………… Cielo’s boyfriendDoña Isabelita…. Dana’s grandauntEman……………… Isabelita’s fiancé in 1928Consuelo………… Isabelita’s cousin in 1928 and Cielo’s great grandmother

Henry Lewis Stimson was Governor-General in Manila from 1926 to 1929 during the American occupation in the Philippines. He was sixty-one years old. My research did not extend to knowing whether or not he was married. Using my literary license as a writer, I assumed that Henry Stimson was married.

1

CALIFORNIA

“BERNARD Fortalejo,” marahang pag-ulit ni Joshua sa binanggit na pangalan ni Rustico Galvez. Pagkuwan ay nilingon si Diana na bale-walang umabot ng napkin at nagpunas ng bibig.

“Hindi ko alam na kakilala mo ang mga Fortalejo, Rustico,” kalmanteng wika ni Diana bago sumubong muli ng pagkain.

Malayong kamag-anak na ni Joshua si Rustico Galvez at hindi naman ganoon kalapit ang dalawa. Subalit sa isang bansang tulad ng Amerika ay hindi maiwasang hindi sila magkalapit. At lalong higit ang mga anak nilang babae—si Dana at si Cielo. Ganoon man ay walang alam ang mag-asawang Galvez sa naging buhay ni Diana bago ito pinakasalan ni Joshua. Na minsan ay napaugnay siya sa buhay ni Bernard Fortalejo.

At naroon silang mag-anak sa tahanan ng mga Galvez dahil sa imbitasyon ni Elvira, ang asawa ni Rustico, para sa isang salusalo. Isang anunsiyo sa nalalapit na pakikipagkasundo ng panganay na anak ng mga itong si Cielo sa anak ni Bernard Fortalejo. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Rustico. Inabot ang tubig at uminom bago nagsalita.

“Magkaklase kami ni Bernard sa UT, Diana,” sagot nito na nilinga ang asawa at matabang na ngumiti. “Dahil parehong Pilipino ay madaling nahulog ang loob namin sa isa’t isa at naging magkaibigan. Pareho pa kaming mga bata noon. Minsan ay nakatuwaan naming pag-usapan na kung magkaasawa kami at magkakaanak ay ipagkakasundo namin sa isa’t isa. Way back then, it was one of those things na sinasabi kapag bata ka pa…”

“If he hadn’t become what he is now, then you could forget all about it, honey,” agap ni Elvira sa sinasabi ng asawa. “Kailangan mong maging praktikal sa buhay. At hindi basta-basta ang mga Fortalejo.”

Napailing si Rustico sa sinabi ng asawa. Muling tiningnan si Diana at nagpatuloy, “Nasa party kami ng boss ko na hindi ko alam ay business associate ni Bernard. Nagkagulatan pa kami. At hindi sinasadyang nabanggit ko nang pabiro ang tungkol sa usapang iyon. But Elvira here made it sure na maipasok sa isip ni Bernard na hindi iyon biro at taglay ko sa isip ko.”

“Natural, Rustico!” mariing sabi ni Elvira. “Kung isang Fortalejo ang mapapangasawa ni Cielo ay mapapanatag ako!”

“Deci-nueve años pa lang ang anak mo, Elvira, at hindi gusto ni Cielo ang ginagawa mo,” kontra ni Rustico sa asawa.

“Sa ngayon lang hindi magugustuhan ni Cielo ang mga plano ko, honey. Kapag natikman ng anak mo ang magbuhay-prinsesa’y pasasalamatan pa ako niyan.”

Nagkatinginan sina Joshua at Diana sa pagtatalo ng mag-asawa sa harap ng mesa. Parehong nakita ng mga ito ang pagnanais ni Elvira na mapabilang ang pamilya sa angkan ng mga tinitingalang Fortalejo. At sa wari ay walang magawa si Rustico sa gustong mangyari ng asawa.

“Honorableng tao si Bernard, Elvira. May isang salita, kaya hindi ka niya napahindian. Pero sa nakikita ko’y hindi niya gugustuhing ipilit sa anak niya ang sinasabi mo.”

“Maganda ang anak mo, Rustico. Matalino. Wala kang dapat ikahiya. Tinanggap nila ang photograph ng ating si Cielo upang ipakita sa kanyang binata. At tapos na ang usapan. Hinihintay na lang natin ang overseas call ni Bernard Fortalejo kung kailan pauuwiin sa Pilipinas si Cielo upang magkakilala ang dalawa.”

Tumikhim si Joshua upang putulin ang pagtatalo ng mag-asawa.

“Gusto ba ni Cielo na mapangasawa ang anak ni Bernard, Elvira?”

Nagkibit ng mga balikat si Elvira at nasisiyahang ngumiti. “Masunuring bata si Cielo, Joshua. Kung ano ang gusto ko’y susundin niya. Hindi tanga ang anak ko upang hindi niya ibigin ang isang tulad ni Leonard Fortalejo na kung ang anyo ng ama ang pagbabasehan ay tiyak na magandang lalaki rin ito. Not to mention that they’re one of the richest in the Philippines!”

Nilinga ni Joshua ang asawa. Nagkibit ng mga balikat si Diana. Hindi miminsang ipinaramdam sa kanya ni Elvira ang pagkainggit sa kanila dahil higit silang nakaaangat sa buhay kompara kay Rustico na hanggang sa mga sandaling iyon ay nananatiling empleyado.

Sinulyapan ni Diana si Rustico. Nasa anyo nito ang kawalang-magawa at nakadama siya ng habag dito. Isa si Elvira sa mga manipulative na asawang nakilala niya. At isa rin si Rustico sa mga asawang lalaking hindi magawang ilagay ang asawang babae sa dapat kalagyan.

Nilingon niya si Joshua and she smiled lovingly. Joshua was a gentleman. But he wasn’t the one to be pushed aside. At alam ni Diana kung kailan hihintuan ang provocation sa asawa.

Pagkuwan ay naalala si Bernard Fortalejo. Sa nakalipas na mga taon ay hindi miminsang nakita niya sa mga social column ang mag-asawang Fortalejo. At hindi rin miminsang kinapa niya ang sarili kung pinagsisihan niyang ipa-annul ang kasal kay Bernard may dalawampu’t dalawang taon na ngayon ang nakararaan.

With Joshua, she had never been happier and contented. She had done the right thing. She had made them all happy. Bernard had gone back to Jewel’s arms at sa pagkakaalam niya ay dalawang babae pa ang naging anak ng mag-asawa bukod sa panganay na lalaki.

Joshua might never be as powerful and rich as Bernard. But he made her feel loved, secure and contented. Hindi niya kailanman naramdamang naging kaagaw niya ang kahit na ano o sino sa buhay nito. Para kay Joshua ay sumisikat at lumulubog ang araw sa kanya. Sa kanila ni Dana. Hindi katulad noong panahong magkasama sila ni Bernard, na simula pa lang ay naramdaman na niyang may ibang babaeng nasa tagong bahagi ng puso nito. And Bernard had never realized just how sick and scared she was.

Marahil dahil hindi siya ang sentro ng atensiyon ni Bernard… O marahil dahil sa kompanya na noon ay sinisimulang hawakan at palaguin nito… O marahil, dahil naroon ang mga di-malimot na alaala ng una nitong pag-ibig… O dahil sadyang hindi ganoon kalalim ang pag-ibig niya sa lalaki.

In all fairness to Bernard, simula pa lang nang magtagpo sila ay hindi nito ikinaila na gusto nitong makalimot sa piling niya.

“Go to hell!”

“Believe me, my love, I’ve been there. At gusto kong lumabas sandali at ikaw ang pases ko roon. Tonight.”

Diana sighed at the memories. Maraming kahulugan ang sinabing iyon ni Bernard sa rooftop ng Kristine Hotel and Resort. Pumasok na sa isip niya sandali iyon. But like the next woman, she fell for the charming and gorgeous Bernard Fortalejo. Sinong babae ang hindi? But falling and loving were two different things.

She thought she loved him. He was kind, thoughtful, and everything a woman could ask for. But she was wrong. Later, she had realized that Bernard was her possession. Security blanket sa magulo niyang buhay bago siya natagpuan ng lolo niya at nang mamatay ang matanda. But she had been foolish to think that she could possess the mighty Fortalejo.

Huminga nang malalim si Diana at ginagap ang kamay ng asawa. Niyuko siya ni Joshua and smiled down at her lovingly. Tila nababasa ang laman ng isip niya.

At habang patuloy sa marahang pagtatalo si Rustico at Elvira ay bumulong si Joshua sa asawa.

“I love you…”

“And I love you back, darling.”

*************Hello kay Ihgie  na true frends ng Bookada at 2joints . Thank you sa patuloy na pagsuporta at pagcocollect ng mga books ni Ms. MC . See you soon beshie Ihgie. :) Take care and God bless. :) - Admin A ************************

2

“TITA Elvie couldn’t be that cruel!” galit na bulalas ni Dana habang nasa balkon sila ni Cielo at ang mga magulang naman ay nasa dining room.

“Any day from now ay uuwi ako sa Pilipinas, Dana. At wala akong magagawa,” pahikbing sagot ni Cielo. “Parang hindi mo kilala si Mama…”

Naniningkit ang mga matang napasulyap sa pinto ng balkonahe si Dana. Ipinagkasundo ng mga magulang si Cielo upang ipakasal sa lalaking hindi pa man lang nito nakikita. Ang ama ng lalaking ipinagkasundo sa pinsan ay nakita na niya sa mga magazine. There were a few of those in her parents’ bedroom.

Hindi ipinagkaila sa kanya ng mga magulang na bago naging asawa ng ama ang ina ay naging asawa ito ng prominenteng si Bernard Fortalejo.

“Siya ba ito, Mommy?” minsan ay itinuro niya ang isang babasahin kung saan naka-feature si Bernard Fortalejo sa isang business column.

“Yes, darling. That’s him.”

“Hmm… he looks gorgeous,” aniya nang sipatin ang black-and-white photos ni Bernard sa magazine.

“Breathtakingly gorgeous, Dana,” nakangiting dugtong ni Diana sa dalagitang anak.

“Why did you annul your marriage to him, Mom?” she asked curiously.Huminga nang malalim si Diana at sa simpleng mga salita ay sinabi sa anak ang kuwento nila ni Bernard.

At hindi kayang tanggapin ng kalooban niyang ang isang tulad ng pinsang si Cielo ay sapilitang mapapakasal sa pamilya ng ex-husband ng ina. Ayon sa pagkakaalam niya ay makapangyarihan at masalapi. A family of arrogant and domineering men.

Paano pakikitunguhan ni Cielo ang pamilya Fortalejo? Sinulyapan niya ang pinsan. Pretty and so sweet and gentle. Na kahit sa ina ay hindi magawang tumutol. Paano pa sa isang Leonard Fortalejo?

Gustong maghimagsik ni Dana. Si Cielo ay bata sa kanya nang isang taon at kahit na malayong magpinsan sila ay itinuring na niya itong nakababatang kapatid. Ganoon din naman ang turing ni Cielo sa kanya.

Sa Pilipinas ipinanganak si Dana at nagkaisip. Subalit nag-migrate silang mag-anak sa Amerika anim na buwan matapos mamatay ang Lola Antonia niya, ang ina ng daddy niya. She was fifteen then. Doon sila nagsimulang magkalapit ni Cielo na minsan na niyang nakita nang dumalaw ang mga ito sa Pilipinas.

Dana inherited her mother’s beauty and her father’s diplomatic attitude. She was smart, free- spirited, at may sariling disposisyon. Subalit hindi ganoon si Cielo. Mahiyain ito. Lumaking kontrolado ng ina ang bawat gawin. Masunurin, to a fault.

“At paano na kayo ni Charles?” tanong niya sa pinsang nakayuko at lumong-lumo. “Alam ba niya ang plano ng Tita Elvie?”

“Yes. And he wants me to elope with him. At hindi ko magagawa iyon, Dana.” She raised a helpless face to her. “Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mama. If only Papa would do something to stop her…” Muling napahikbi ang dalaga. At sa gumagaralgal na tinig ay, “I–I love, Charles, Dana. Pero hindi ko magawang sumuway sa mama.”

“At hindi kita mapapayuhang suwayin ang mama mo dahil hindi mo gagawin,” she said in frustration. At saka mariing idinagdag, “Sukdulang mawala sa iyo ang lalaking mahal mo!”“Charles will understand…”

Umikot ang mga mata ni Dana. Magkasamang inis at awa ang nararamdaman para sa nakababatang pinsan.

“M-maybe my mother’s right, Dana. B-baka mapapabuti ang buhay ko sa pagpapakasal sa anak ni Bernard Fortalejo…”

“Baka… baka…” itinaas niya ang mga kamay sa ere. “Paano kung hindi?” Then she sighed at niyuko ang pinsan. “Gusto kitang tulungan, Cielo. But you have to help yourself, too.”

“I—am sorry,” wika nito sa maliit na tinig. “Iniisip ko pa lang na suwayin ang mama’y kinakabahan na ako.” Ginagap nito ang kamay niya. “Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang mismong pagtanggi ng anak ni Mr. Fortalejo. Hindi ang tulad ng pamilya nila ang papayag sa isang arranged marriage. And… and I’ve heard that this Leonard is a notorious playboy. He may not like me…”

“Saan mo narinig iyan?” She frowned at her cousin. “I mean, this playboy thing?”

“May… nabasa akong isang artikulo sa isang magazine about him a couple of months ago when my parents started talking about this arranged meeting with him. It seems this Leonard Fortalejo doesn’t like publicities dahil nakaharang ang kamay niya nang kuhanan siya ng photographer… His date was Alicia Silverstone…”

Nagkibit ng mga balikat si Dana at bahagyang ngumiti. “Perhaps you are right. Pray that you are not his type. Though you are so pretty, ang mga nasa alta sociedad, karaniwan na’y pumipili ng ka-level nila. And maybe this Leonard Fortalejo would stand up to his father…”

3

“’MORNING,” bati ni Dana sa mga magulang pagpasok sa dining room. Humila ng upuan at naupo sa harap ng ama at inabot ang coffee percolator. Nilunod ng tanong niya ang magkapanabay na sagot ng mga magulang. “Kaninong sulat iyang binabasa mo, Dad?” Hawak ni Joshua ang isang sulat at pormal ang anyo nito.

“Sa Pilipinas, Dana. Sa abogado ng Tiya Isabel…”

She frowned thoughtfully. Ang tinutukoy ng ama ay ang nakatatandang tiyahin nitong si Donya Isabel. Pinsang-makalawa ng Lola Antonia niya, ang namayapang ina ng ama. Donya Isabel was more than ten years older kaysa ina ni Joshua. Sa buong buhay niya ay mabibilang sa daliri ang pagkikita nila ng matandang babae.

Donya Isabel was already very old, in her early eighties, nang huli niya itong makita. And that was eight years ago, nang mamatay nga ang Lola Antonia niya. Naroon ito kasama ang dalawang bayarang pribadong nurses. A very eccentric old woman. At isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito madalas na dalawin ng daddy niya ay dahil nagagalit at hindi pa naman daw ito mamamatay.

Sa kanya lamang malambot ang pakikitungo ni Donya Isabel. At ayon pa sa daddy niya, naroon ito mismo sa ospital nang ipanganak siya at mariing isinuhestiyon na tawagin siyang ‘Isabel.’ Sunod sa pangalan nito.

Diana protested strongly. Subalit mapilit ang matandang babae at nakiusap ang ina ni Joshua na pagbigyan na.

Napahinuhod si Diana. Subalit hindi ang mismong isinuhestiyon ng matandang babae. She was christened Dana Isabella. At habang lumalaki siya, at sa bibihirang pagkakataong naroroon silang mag-anak sa bahay nito, ay hindi miminsang sinabi ni Donya Isabel na kahawig siya nito noong kabataan nito.

At upang patunayan sa kanya ang sinasabi nito ay pinakitaan siya ng matanda ng isang lumang photo album kung saan marami itong larawan.

The photographs were black-and-white. Creased and faded. At bagaman nakita ng batang Dana na maganda si Donya Isabel noong kadalagahan nito ay hindi niya makita ang pagkakahawig nilang sinasabi nito. At sa batang isip niya ay hindi niya makuhang tanggapin iyon dahil malaki ang pagkakahawig niya sa ina. Pero hindi niya minsan man sinalungat si Donya Isabel sa sinasabi nito.

Nag-angat siya ng mukha sa ama. “What about her, Dad?”

“She died a week ago,” tahimik na sagot ni Joshua. Then raised a guilty face to his wife. “I should have been there.”

“Huwag mong sisihin ang sarili mo,” ani Diana at naupo sa kanang bahagi ng mesa. “Sa pagkakakilala ko kay Tiya Isabel ay hindi niya gustong naroon tayo at pagmasdan ang anumang nararamdaman niya. She preferred to be with her nurses.”

Agad ang pagkalat ng lungkot sa puso ni Dana. Kahit paano ay alam niyang mahal siya ng matandang tiyahin ng ama.

“Kapag ako’y namatay, Isabella,” wika nito, refusing to use the name ‘Dana.’ Nasa azotea sila at ang matanda ay nakaupo sa isang lumang rocking chair. “…iiwan ko sa iyo ang bahay na ito.” Inikot ng tingin ni Donya Isabel ang buong istruktura ng bahay. Memories in her rheumy eyes.

Sinundan ni Dana ang mga mata ng matandang babae. Walang ipinagkaiba ang bahay na iyon sa lumang bahay ni Juan Luna sa Badoc, Ilocos Norte, na nakita niya minsang nagkaroon ng field trip ang buong klase nila. Maliban sa higit na mas malaki ang bahay ng matandang babae.Muling ibinalik ni Donya Isabel ang tingin sa kanya. Ang kulubot nitong kamay ay ginagap ang palad niya.

“Maraming magaganda at malulungkot na mga kasaysayan mayroon ang bahay na ito, apo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako napilit ng aking nasirang asawa na iwan at ipagbili ito.”

She was very young, only thirteen, at wala pa sa isip ang sinasabi ng matandang babae. Ano ang gagawin ng isang batang tulad niya sa isang lumang bahay?

“Iba na ang panahon ngayon, hija,” patuloy nito. “Masyadong maraming salapi ang kailangan upang mabuhay at magpagamot. Kaya wala marahil akong maiiwan sa iyong salapi maliban sa bahay na ito.”

“Huwag ninyo akong alalahanin, Lola Isabel. Gamitin ninyo ang pera sa pagpapagamot ninyo…”

“Kung ako lamang ang masusunod ay matagal ko nang gustong mamahinga, apo.” Nahahapong sandaling huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. “Matagal na matagal na. Subalit marahil ay kaparusahan sa akin ang mabuhay nang ganito katagal gayong maraming taon nang pumanaw si Eman…” She paused for a while at tumingin sa kawalan.

Hindi matiyak ni Dana kung luha ang kumikislap sa mga mata nito.

The old woman sighed at muli siyang tinitigan. “Alam mo bang sa bawat araw ng aking buhay ay hindi ko siya nakalimutan? At nang mamatay si Eman ay lagi ko siyang hinihintay? Umaasang magbabalik dahil malaya na ako at may katuparan na ang aming pag-ibig…”

“Sino po ang hinihintay ninyo, Lola?” inosenteng tanong ng dalagita.Huminga nang malalim ang matanda. Isang ngiti ang sumilay sa tuyot na mga labi. Subalit sandali lang iyon. Muling humalili ang matinding kalungkutan.

“Ni hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya matapos siyang umalis, Isabel,” wika ng matanda kay Dana. “Nawalan na ako ng balita. Hindi na rin siya nagpatuloy sa pagpasok sa San Juan de Letran.” Pagkatapos ay tumingala sa dalagita. Mahigpit na kumapit sa munting braso niya. At sa tila prantikong tinig ay, “Hindi ko alam kung nagkamali ako, apo.”

“S-saan po kayo nagkamali, Lola Isabel?”

Subalit hindi sumagot ang matandang niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya. Muling tumingin sa kawalan. Pagkuwan ay inuga-uga ang silyang tumba-tumba. Matagal na hindi nagsalita. Kumikislap ang mga mata sa tila luhang namumuo sa bawat sulok.

“Kawawang Eman… minahal ako nang labis sa kabila ng alam niyang sa buong panahong pinagsamahan nami’y nanatiling nasa puso ko ang aking unang pag-ibig…” Lumatay ang matinding kalungkutan at pagkahapo sa mukha nito. “Kung sana’y maibabalik ko lamang ang panahon, hija. Sana’y naging maligaya ako sa aking pag-ibig. At si Consuelo… kawawa naman ang pinsan ko. Sapilitang nagpakasal sa lalaking nagsamantala sa kanya….”

“Huwag po kayong malungkot, Lola Isabel,” aniya sa pinasiglang tinig bagaman walang naiintindihan kahit na ano sa mga sinabi ng matandang babae. “Aalagaan ko ang bahay na ito. Aalisin ko ang lahat ng agiw at sisindihan kong lahat ang mga aranya,” wala sa loob niyang sabi.

Sumilay sa tuyot na mga labi ni Donya Isabel ang isang ngiti. “Tulad noong panahong naririto siya, Isabella?” Kumislap ang mga mata nitong halos hindi na maimulat dahil sa katandaan. 

“Tulad noong panahong sa palagay ko’y walang katapusan ang kaligayahan ko tuwing nasa mga bisig niya ako? Naroon siya sa silong parati at nag-aaral ng leksiyon. Nag-aaral siya sa Colegio de San Juan de Letran. At dito…” Inikot nito ng tingin ang buong azotea na nalililiman ng matandang punong-kaimito. “…dito sa azoteang ito niya ipininta ang aking larawan. Dito niya ako unang hinagkan…”

Inihilig ni Donya Isabel ang ulo sa sandalan ng silyang tumba-tumba. May ngiti sa mga labi na tila inaalala ang mga lumipas.

Nakita ni Dana na wala na sa kanya ang isip ng matandang babae. Tila tahimik na itong muling naglakbay sa nakaraan.

Nilapitan siya ng nurse at inakay palabas. Ang sabi nito ay sa azotea na tiyak palilipasin ng matanda ang maghapon.

Huminga nang malalim si Joshua at muling tiningala ang anak. “Iniwan sa iyo ni Tiya Isabel ang lahat ng kanyang ari-arian, Dana. Not that much dahil naubos na ang mga iyon sa nakalipas na mga taon dahil sa sakit niya. But she left you the house and lot in Binondo.”

“D-did she?” wala sa loob niyang tanong. Humakbang patungo sa sofa at naupo. Tinotoo ng matandang babae ang sinabi nito sa kanya.

“At gusto ng abogado na umuwi ka agad sa Pilipinas upang asikasuhin ang paglilipat sa pangalan mo ng propriedad, Dana.”

“Kailangan pa ba iyon, Josh?” ani Diana sa tonong hindi sumasang-ayon. “Magagawa ng abogado iyon kahit wala si Dana roon, ’di ba?”

She didn’t like the old woman, bagaman wala itong ginawang masama sa kanya. She was kind of weird dahil sa bibihirang pagkakataong nagkakatagpo sila ay titig na titig lagi ang matandang babae sa kanya. And there was that mysterious smile on her cold lips. And she hated her house in Binondo. It gave her the creeps, tulad din ng Villa Kristine. Kaya naman tuwing dumadalaw ang asawa’t anak ay hindi siya sumasama.

Umiling si Joshua. “Ayon dito sa sulat, kailangang tanggapin ni Dana ang mana, darling. At kung sakaling hindi magawa iyon ng ating anak, mauuwi sa national government ang bahay. Iyon ang bilin ng Tiya Isabel.”

“Di ipamigay sa pamahalaan.”

“No, Mommy,” tanggi ni Dana sa sinabi ng ina.

Nilinga ni Diana ang anak. “Pero ano ang gagawin mo sa isang luma at gigiray-giray na bahay, hija? Ni hindi mo iyon mapatibag at gawing moderno. Baka hindi ipahintulot ng pamahalaan, lalo at nasa Binondo area. Sa isang lugar kung saan naka-preserve ang mga ganoong uri ng bahay.”

“Binondo isn’t a tourist spot, darling,” pagtatama ni Joshua.

“Ipinangako ko sa Lola Isabel noong araw, Mommy, na iingatan ko ang bahay. I will have it renovated sa paraang hindi masisira ang sinaunang pagkakayari. I will restore the house to its former grandeur,” determinadong wika ng dalaga sa pagsasalubong ng mga kilay ng mga magulang.

“How are you going to do that?” si Joshua.She smiled sheepishly. “With a little financial help from you, Daddy, at saka medyo marami na rin naman ang savings ko sa part-time job ko tuwing summer vacation.”

“Sa tono ng boses mo’y natitiyak kong hindi ako maaaring tumanggi, ’di ba?” nakangiting sabi ni Joshua.

Lumapad ang ngiti niya. “Thank you, Dad.”

“Pero, Dana, darling. Ano ang gagawin mo sa bahay ng lola mo?” protesta ni Diana.

“It is mine, Mommy,” she said with conviction. “Iniwan niya sa akin. Baka mapagpasyahan kong sa Manila na lang tuluyang manirahan. Ano ang malay natin?”

“Pero hindi mo gugustuhin ang neighborhood mo sa Binondo,” tuloy pa rin sa pagpoprotesta si Diana. “Kung gusto mong sa Pilipinas manirahan, we can afford to buy you a house and lot in one of those modern subdivisions outside Metro Manila. Moderno, bago at—”

“Sweetheart,” putol ni Joshua sa sinasabi ng asawa kasabay ng buntong-hininga. Binalingan ni Joshua ang anak. “Kailan mo gustong umalis, hija, pabalik sa Pilipinas?”

“I wish you’d change your mind, Dana Isabella.” si Diana uli, using her mother tone. Subalit sa anyo at tinig ng anak ay tila hindi nito iyon maaawat. Then she added drily, “Hindi ko alam kung kailan ka pa nagkainteres sa mga lumang bahay…”

Subalit wala sa ina ang pansin ni Dana. Kumislap ang mga mata. “Hindi ba at sa isang linggo na ang alis ni Cielo patungong Pilipinas, Daddy?” aniya. At nagpatuloy bago pa sumagot si Joshua. 

“Sasabay ako sa kanya. At least, hindi boring ang mahabang oras na biyahe sa plane, ’di ba?”

4

“REALLY?” si Cielo sa kabilang linya sa excited na tinig. “Oh, Dana, I am so glad. Kahit paano’y mababawasan ang mga worries ko. Sabi ni Mommy, sasalubungin daw ako ni Leonard Fortalejo sa NAIA. And I am so scared…”

“Oh, well, kasama mo ako kapag humarap ka sa kanya,” pampalakas-loob niya. “Pero ako ma’y sasalubungin ni Attorney Palomares sa airport, Cielo. Iyon ang sabi ni Daddy.”

“Basta,” tila batang sabi nito. “Ang mahalaga’y magkasama tayo sa maraming oras sa eroplano. At higit sa lahat ay iyong kaalamang nasa Pilipinas ka rin.”

BISPERAS ng pag-alis ng magpinsan pauwi sa Pilipinas nang magkaroon ng hindi inaasahang panauhin si Dana.

“Charles? Halika, tuloy ka.” Nagulat siya sa pagdating ng binata sa kanila. “Have a seat.” Itinuro niya ang wicker chair sa balkon.

“Thank you, Dana,” nakangiting wika ng binatang ang ama ay Filipino at ang ina ay American.

“What brought you here? May sadya ka ba sa akin?” deretsang tanong niya at naupo sa katapat na silya.

Tumikhim sandali si Charles bago nagsalita. “I–I don’t want to give her up that easy, Dana.” Ang tinutukoy nito ay ang kasintahang si Cielo. “I am going with you…”

“What!” Napatuwid sa pagkakaupo ang dalaga.

“She told me you are going, too. Though for some other reason. At gusto kong sumama sa inyo pagbalik sa Pilipinas.”

She groaned. “Oh, Charles. Gustuhin ko mang huwag matuloy ang pagpapakasal ni Cielo kay Leonard Fortalejo ay wala rin akong magagawa dahil hindi naman susundin ni Cielo ang payo ko. At hindi rin iyon makikinig sa iyo. Takot ang pinsan ko sa mama niya. At sa sandaling malaman ni Tita Elvie na kasama ka ni Cielo ay idineklara mo ang World War III. At kawawa naman ang pinsan ko…”

“They didn’t have to know, Dana. Mauuna lang kayo ng ilang oras sa Pilipinas. Kukunin ko ang next flight. At may bahay ang papa ko sa Quezon City na tinatauhan ng tiyahin ko. I’ll be staying there at pag-iisipan ko kung paano ko mapapahinuhod si Cielo na magtanan kami roon.”

“I doubt that.”

“Huwag mong alisin ang pag-asa ko.” Isang mabuway na determinasyon ang nasa tinig nito. “Ilang libong milya ang layo ng Pilipinas sa Amerika, baka sakaling hindi na iyon abot ng manipulasyon ng mother ni Cielo.”

“Oh, dear…”

“Please, Dana,” pakiusap ni Charles. “Alam kong mahal ako ni Cielo. At mahal na mahal ko rin siya. Ginawan mo na rin lang ng paraang kami ang magkatagpo at magmahalan, lubusin mo na ang tulong. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagnanais niyang huwag sumuway…”

She took a deep breath. Gusto niyang sabihing hindi ilang beses na sinaktan ng Tita Elvira niya ang anak sa sandaling hindi nito nagustuhan ang ginagawa ni Cielo. Bukod pa sa emotional blackmail na ginagawa nito sa anak—na kung gagamitin lang ng papa nila ang utak ay giginhawa sila. At na sana ay hindi ito nagdo-double job sa Amerika bilang nurse sa isang ospital at nanny sa natitirang ilang oras sa araw hanggang gabi.

“Alam ba ito ni Cielo?”

“Una kong sinabi sa kanya. She was hysterical in saying no. Na papatayin siya ng mama niya ’pag nalamang sumunod ako. But as I said, I just couldn’t give her up that easy. I love her so much, Dana. Kaya ko naman siyang buhayin. May stable job naman ako sa bangko…”

Tumango ang dalaga. Nagkakilala sila ni Charles nang minsang magbukas siya ng savings account sa bangkong pinagtatrabahuhan nito. Ang binata ang nasa new accounts. Nagulat na lang siya nang minsang tawagan siya sa telepono. Kasunod niyon ay ang pagdalaw ng binata sa kanila. At gusto niya si Charles. He had this endearing personality. Hanggang sa magsimula itong magpahayag ng damdamin sa kanya.

She didn’t want to lose a friend sa pamamagitan ng pagsasabing wala siyang gusto sa binata maliban sa pagiging kaibigan. So, tactfully, ipinakilala niya si Cielo rito. Gumawa ng mga dates kung saan sa bandang huli ay hindi siya nakakasama, for various reasons that she made up. At naging instrumento siya sa paglalapit ng dalawa.

At hindi siya nagkamali. Bagay ang pinsan at si Charles. She was too spirited for the gentle Charles. Mas bagay rito si Cielo, who was so submissive and soft-hearted. Everything had been perfect for the two, kung hindi lang muling nakatagpo ng Tito Rustico niya si Bernard Fortalejo. Then her social climber aunt manipulated everything.

Muli ay humugot siya ng malalim na paghinga. “All right, sumunod ka sa amin sa Pilipinas. Pero pag-isipan muna nating mabuti ang lahat, Charles. Ibigay mo sa akin ang address at phone number mo sa Quezon City at tatawagan kita kapag naayos ko na ang dapat kong ayusin sa Manila.”

Agad ang pagsilay ng ngiti at pag-asa sa mukha ni Charles.

5

“PAANO mong makikilala ang sasalubong sa iyo?” tanong ni Dana sa pinsan habang lumalakad sila sa tarmac patungong arrival area ng NAIA.

“I think the man will be waving a placard with my name on it,” sagot ni Cielo na sa pavement nakatingin. Dreading every minute na makatagpo ang lalaking ipinagkasundo rito. “Iyon ang sinabi ni Mama. But I hope he’d never come.”

“Lucky you if he didn’t. Anyway, wala pa akong nakikitang—hey, iyon na ba ang sasalubong sa iyo?” Itinuro ni Dana ang isang lalaking may hawak na maliit na placard na may nakasulat na pangalan ng pinsan. Nasa loob ng tarmac.

“P-pangalan ko yata ang ipinapakita niya… pero bakit nasa loob siya ng tarmac?”

“Come and let’s meet your soon-to-be fiancé,” Hinila niya ang kamay ng pinsan patungo sa lalaking may hawak ng placard. “Your future fiancé must really be something para sa mismong loob ng tarmac ka salubungin.”

Isang tango lang ang isinagot ni Cielo. Nasa anyo nito ang resignation. Nagpaakay sa pinsan patungo sa lalaki, sa likuran nito ay ang nakaparadang Land Cruiser.

“Magandang umaga po,” ang bati ng lalaki na nang malapitan ay natiyak ni Dana na driver. “Ako ho ang driver ni Mr. Fortalejo. Sino ho sa inyo si Miss Cielo?”

“A–ako si Cielo,” mahinang pakilala ng dalaga sa accented na Tagalog. “Siya ang pinsang kong si Dana.”

“Ikaw lang ba ang sumalubong?” tanong ni Dana, nasa tinig ang disappointment na hindi makikilala ang lalaking ipinagkasundo sa pinsan. “Hindi mo kasama si Mr. Leonard Fortalejo?”

“Kasama po, Ma’am,” sagot ng driver. “Subalit nasa loob po siya ng building. May kausap ho kasi siya kanina at ako na lang ang pinaghintay niya…”

Nagkibit ng mga balikat si Dana at nilinga ang pinsan. “So, this is where we say our good-byes? Hindi ko pala makikita ang fiancé mo, eh. Sumakay ka na sa Land Cruiser…”

“W-what about my baggage?” kinakabahang tanong ni Cielo. Hindi gustong mahiwalay sa pinsan.

“Ako na po ang bahala roon, Ma’am,” sagot ng driver. “Sumakay na po kayo at iiikot ko ang sasakyan sa harapang parking. Hintayin na po ninyo ako sa loob ng Land Cruiser habang kinukuha ko ang bagahe ninyo. Doon din lalabas si Sir Lenny.” Binuksan nito ang pinto sa likod.

“’B-bye, Dana,” ani Cielo sa nanginginig na tinig. “How can I see you again?”

“Alam mo ang lumang bahay ni Lola Isabel sa Binondo, ’di ba? Puntahan mo ako roon, magpahatid ka sa fiancé mo, okay?”

Tumango si Cielo na gusto nang maiyak. Mula sa oras na iyon ay bahala na itong makiharap sa lalaking mapapangasawa.

Isang kaway ang ginawa ni Dana nang makitang pumasok na sa sasakyan ang pinsan at pagkatapos ay nagtuloy na sa arrival area habang ang Land Cruiser naman ay umiikot. Napabuntong-hininga ang dalaga. Nagpapasalamat nang malaki na ang mga magulang ay hindi tulad nina Elvira at Rustico. Totoong mabait si Rustico. Subalit sumobra ang bait at wala nang magawa upang ipagtanggol ang anak sa manipulasyon ng asawa.

PALAYO na siya sa baggage area at palabas ng arrival building. Tuloy-tuloy na siya sa labas ng building at umaasang matanaw agad si Attorney Palomares. Habang itinutulak niya ang cart ay palinga-linga ang dalaga. Isang mabilis na pagliko ang ginawa niya at hindi sinasadyang nabunggo niya ng cart ang isang palabas na lalaki mula sa isang pribadong opisina ng PAL.

Kung hindi nakabalanse ay malamang na napabagsak niya ang lalaki na sa tantiya niya’y nagmamadali sa paglabas. At tiyak niyang nasaktan ito sa tama ng cart.

“I–I am s-so—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang marahas na humarap ang lalaki sa kanya kasabay ng pagsinghal.

“Tumingin ka sa daan nang hindi ka makabunggo at makasakit!” Totoong nasaktan ito nang tumama sa may dulong binti nito ang unahan ng cart.

“Ikaw ang basta na lang sumulpot!” she snapped back. Ang binalak na paghingi ng paumanhin ay nabitin sa lalamunan sa ginawang bulyaw ng lalaki.

“Ako na ang nasaktan ay ako pa ang sinisi mo?” he snarled.

She opened her mouth to say something in retaliation. Subalit kung ano man ang sasabihin niya ay hindi na nagawang makalabas sa bibig. She was facing the most attractive man she’d met in her whole life. Ni hindi nakabawas sa atraksiyon nito ang galit na nakabalatay sa mukha.

“O, tumanga ka na riyan!” patuloy ng lalaki sa pagsinghal. Pagkuwan ay umiling at tinalikuran si Dana. “The world is full of morons…” bulong nito habang lumalakad.

“What!” bulalas niya nang maka-recover sa pagkamangha. Subalit paliko na ito sa may gilid ng building patungo sa parking lot. “Bastos!” pahabol niyang sigaw na ewan kung narinig nito.

Padaskol na itinulak ni Dana ang cart. Nagpupuyos ang loob sa inis sa lalaki. She had just met what she considered the most attractive man in the world… and the rudest, too!

Naniningkit ang mga mata niya sa inis. Kung bakit ba naman kasi napatanga siya nakakita lang ng guwapo? Ang dami namang guwapong nagkakandarapa sa kanya sa Amerika!

But he wasn’t just an ordinary handsome man, protesta naman ng kabilang isip niya. There was something about him that she couldn’t explain.

Pero inangilan siya ng lalaking iyon! At isiping sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay may nang-snub sa kanya. Bigla, sa pagkakaisip sa bagay na iyon ay unti-unting nagmaliw ang galit ng dalaga. Napangiti.

You can’t win ’em all, Dana Isabella…

Inihinto niya ang cart sa dulo ng pavement at nagpalinga-linga. Hanggang sa makita niya ang isang middle-aged na lalaking may hawak na maliit na carton at itinataas sa mga nagdaraang tao. Ang naroon ay ang pangalan niya.

“Here, Attorney Palomares!” kaway niya sa lalaking tila init na init sa suot na long-sleeved barong.

6

SI LENNY nang mga sandaling iyon ay padabog na sumakay sa passenger seat sa unahan. Nilinga ang nabiglang si Cielo sa likuran ng Land Cruiser.

“So we’ve met, at last,” wika nito sa tonong hindi naman talaga interesadong makilala ang babaeng ipinagkasundo sa kanya ng ama. Naroon siya sa pang-oobliga ng ama. “Maligayang pagdating,” matabang nitong dagdag.

“H-hi…” mahinang sagot ng dalaga at hindi mapigilan ang bahagyang panlalaki ng mga mata nang matitigan ang binata.

Ito ba ang magiging kasintahan niya kung sakali? Oh, dear! Her future husband was jaw-dropping gorgeous! Ang maiitim na matang lalo pang pinaitim ng makakapal na pilikmata ay tila nanunuot sa buong pagkatao kung makatingin.

At nang maisip na matagal siyang nakatitig sa lalaki ay mabilis na nagyuko ng ulo ang dalaga. Pinamulahan ng mukha. Lenny’s lips twisted in a facsimile of a smile. “Your name’s Cielo.” It was more of a confirmation.

Sinuyod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. She looked sweet and pretty and shy. Napuna agad niya ang pamumula ng mukha nito sa matagal na pagkakatitig sa kanya.

“Yes.” Unti-unting tumingala ang dalaga at nahihiyang sinalubong ang tingin ng binata. “And you’re… Leonard?”

“Call me Lenny,” he said arrogantly. “Iyon ang tawag ng lahat sa akin. Where’s my driver?”

“Claiming my baggage…” mabilis na sagot ni Cielo. Nagsalubong ang mga kilay sa tono ng binata. Subalit bago pa nito ma-entertain sa isip ang unfiancélike na tono ni Lenny ay natanawan na nito ang driver.

Inilagay ng driver sa likod ng sasakyan ang dalawang bagahe ng dalaga. Pagkatapos ay sumakay na. “Ako na po ba ang magmamaneho, Sir?”

Tumango si Lenny. Wala siya sa mood na mag-drive. “Ideretso mo sa Kristine Cement sa Sucat, Arsenio. Sa penthouse muna kami tutuloy bago kami magtungo sa Paso de Blas bukas ng hapon.”

“Yes, Sir.”

Si Cielo ay pinigil ang pagnanais na itanong kung nasaan ang Paso de Blas. Pinili nitong manahimik na lang at sumandal.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay inihilig ni Lenny ang ulo sa sandalan at pumikit. Wala siyang balak kausapin ang babae sa likod. If his father wanted him to get acquainted with this woman, so he would. Subalit tatanggapin ng babaeng ito ang paraan ng pakikitungo niya rito.

At sa nakikita niya ay hindi siya mahihirapang pakisamahan si Cielo. Shy and submissive to the bone. And a virginal beauty. Gusto niyang humalakhak sa bahaging iyon. She was a virgin—that at least was confirmed by her parents to his father. Isa iyon sa mga tradisyon ng pamilya. A virgin wife.

But he didn’t care about traditions. He had stopped counting kung ilang virgins na ang nagdaan sa kanyang mga palad. Virgin, but innocent no more, na wala nang hinangad kundi ang mapaugnay sa kanya for all the same reasons—he was good-looking and very rich. The heir to the Fortalejo empire.

Karamihan sa mga iyon ay sadyang itinutulak ng mga ina na mapalapit sa kanya. Ang karamihan ay galing din naman sa mayayamang pamilya na gustong tiyaking mananatili silang mayaman sa sandaling naidikit ang pangalan sa mga Fortalejo.

“You are very young to be so cynical, Lenny.” si Romano, minsang magkasama silang tatlo ng asawa nito sa bar ng Monique Hotel.

“Can’t blame me, buddy. I haven’t met someone like Bobbie.” Sinulyapan at kinindatan niya si Bobbie.

A proud laugh came out of Romano at inakbayan ang asawa. “She’s one in a million, my dear cousin. Not to mention that she has given me a son.”

“Don’t believe him, Lenny,” ani Bobbie sa seryosong tono. “Maraming tulad ko sa mundong ito. Hanapin mo at kapag natagpuan mo’y huwag mong pakawalan subalit huwag mong ikulong. Don’t let money and power come between you and the woman you love…”

Love? He sneered at the thought.

Perhaps he preferred a woman like Cielo for a wife. Uncomplaining. She would bear him his children. Iyon ang magiging papel ng babaeng ito sa buhay niya. Habang abala siyang pamamahalaan ang kompanya. Side by side with his cousin Romano. Though his was a bigger responsibility. Damned company.

Damned traditions.

Damned Leon.

“You are so disrespectful. Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan sa akin. Soy tu abuelo.”

“¡Damn you! Ya estas muerto.”

“I’m alive, young man. Hanggang buhay ka at ang magiging mga anak mo’y buhay rin ako. Hawak mo ang legacy ko sa iyo. Pag-ingatan mo tulad ng pag-iingat at pagmamahal na ginawa ni Bernard para sa iyo. Now, be responsible, alang-alang sa magiging mga anak mo…”

“I hate your legacy! Itinali mo kaming lahat dito. Lalo na ako. Your legacy is my prison bars!”

“Nasa isip mo lang ang lahat ng iyan, Leonard. Soon, you will come to terms with the company. Higit kaysa kay Bernard. Because you are more like me than your father is.”

“¡Callate… shut up!”

Bahagyang nagpreno ang sasakyan at nagmulat ng mga mata si Lenny. Pula ang ilaw sa intersection. Ipinilig sandali ang ulo bago muling pumikit. Sa sandaling iyon ay biglang pumasok sa isip ang mukha ng babaeng nakabangga niya kanina sa airport.

There’s beautiful and there’s beautiful. But that woman was damn good-looking. She had fiery eyes. And curly shoulder-length copper hair. Hindi lang niya matiyak kung natural o mula sa botelya.

And he was sorry he snarled at her. Nagiging temperamental siya nitong mga huling araw to the point of rudeness. Pati babae ay nasisinghalan niya. At mainit ang ulo niya kanina dahil kausap niya ang ama sa opisina ng general manager at tiniyak na naroon siya at susundo.

Idagdag pang medyo nasaktan siya. And she was gaping at him like any other star-crossed woman. Iyon ang isa pang ikinaiinis niya. Kung hindi ang kaalamang isa siyang Fortalejo heir ay ang pisikal niyang anyo ang ikinamamangha ng mga babae.

He didn’t want to sound ungrateful and conceited. And it was not that he didn’t appreciate what he had. Fact was, he enjoyed being the center of women’s attraction. He enjoyed being rich. Subalit may hangganan ang lahat. Hindi na niya matiyak kung sino ang totoo at tapat at kung sino ang nagkukunwari. Lahat na lang halos ay gusto siyang paluguran.

He envied Romano. Hindi ikinasindak ni Bobbie ang pagiging masalapi nila at gandang-lalaki ng pinsan. At ikinagalak niyang totoo na sa bandang huli ay nagkaunawaan ang mag-asawa. He knew his cousin’s devastation during the separation.

At ngayon nga ay kitang-kita niya sa mga mata ni Bobbie ang pag-ibig nito kay Romano. How he wished he’d meet someone like her. Na mahal siya hindi dahil sa pisikal niyang mga katangian at sa mamanahin niya. Kundi dahil siya ay siya.

Nang bigla ay maisip na nasa likod ang babaeng ipinagkasundo ng ama na maaaring maging asawa niya. Sino ang nakakaalam, baka ang babaeng ito na ang hinahanap niya? Subalit mariing tumatanggi ang isang bahagi ng isip niya. He couldn’t stand the shy and silent type. She’d bore him to death.

Naalala niya nang una siyang kausapin ni Bernard tungkol sa pagpili nito ng mapapangasawa niya.

“Solo tengo beinte cinco años, Papa. Bakit inaapura mo akong mag-asawa?” galit niyang tanong.

“Tamang edad upang pamahalaan mo na ang kompanya, Lenny. I am planning of resigning. Gusto kong maglakbay kami ng mama mo sa buong daigdig. At least, sa pagkakataong ito’y magagawa ko na ang hindi ko nagawa para sa kanya sa nakalipas na mga taon. And you are old enough to take over the company and have a wife.”

“Aidan es mayor… porque no el?”

Huminga nang malalim si Bernard at tinitigang matiim ang anak. “I love your brother just as I love you, hijo. Pero dugo ang pinag-uusapan dito. Ang kompanya’y legacy ng aking ama sa akin, sa direktang mga anak na lalaki, for that matter. At ngayo’y sa iyo, lalong higit. Romano had taken his place on behalf of Emerald. Ganoon din ang pinsan mong si Anton Karl, sa takdang-panahon at gusto nang ipaubaya sa kanya ni Nathaniel ang food processing plant at ang hotel.”

“At ano ang kinalaman ng pag-aasawa ko sa obligasyon ko sa kompanya, Papa? At bakit kailangang kayo ang pumili ng mapapangasawa ko?” Gustong mamula ng mukha ng binata sa galit bagaman naroon pa rin ang pagpipigil. Worse comes to worse, hindi siya mapapapayag ni Bernard sa gusto nito.

“Lo siento mucho, hijo,” ani Bernard na bumaba ang tinig. Huminga nang malalim. Ipinaliwanag ang biruan nila ni Rustico noong sila ay mga batang estudyante sa Texas. “Hindi ko akalaing tinotoo niya. At hindi ko mababawi ang salita ko. Ipinagpilitan sa akin ng mag-asawa na umaasam silang mangyayari iyon sa takdang-panahon.”

“At umaasa kang susunod ako? Na ikaw ang pipili ng babaeng kakasamahin ko sa buong buhay ko? ¡Que va, Papa!”

“Por favor, Lenny. Alam mo kung gaano kahalaga ang palabra sa ating angkan—”

“Hindi dahilan upang isakripisyo ko ang buong buhay ko!”

“Yo se,” mahinahong sagot ni Bernard. “Gusto kong lumigaya ka tulad ng kaligayahan ko sa piling ng mama mo, hijo. But please, nakikiusap ako. Give it a try. Meet her. Get to know her. At ano ang malay natin, baka siya na ang babaeng para sa iyo?”

“Paano kung hindi?” hamon niya.

Muling humugot ng paghinga si Bernard. “Hindi kita pipiliting pakasalan siya kung sa isang buwang magkasama kayo ay wala kang madamang pag-ibig sa kanya. Ako ang makikipag-usap sa kanyang ama. But promise me that you will give yourself and this woman a chance.”

Hindi siya sumagot. What his father said was fair enough. Still, he hated the idea that he was being manipulated into something he didn’t like.

“Porque su es me nieto… ikaw ay ako, Lenny…”

“No! Ikaw at ang Papa ay iisa. Manipulador!”

“And aren’t you, young man?”

“Nunca!”

“Namumunga ba ng santol ang mangga, Leonard?”

“Por favor, hijo?” untag ni Bernard.

He smiled drily. His father used the word “please.” Pero alam niyang sa likod niyon ay naroon ang pag-uutos. Kung hindi nga lang tiniyak ni Bernard sa kanya na maaari siyang tumalikod kung sakaling hindi niya magustuhan ang babae ay hindi siya papayag na sundin ito.

At ngayon ay nasa likod niya ang babae na kung magkamali siya ay mapapangasawa niya.

***************Hello mga beshie, may nakamiss ba sa akin char hahahaha. Masarap talaga mag weekends ng puro pahinga hahahaha. Mga beshie , mag ingat kayo palagi at iwasan n’yo ang mga stress ng dahil sa mga alalahanin dito sa mundo. Masyadong maikli ang buhay natin para mastress, kaya ako nagbabasa na lang ng comments nyo eh para mabawasan stress ko at makita ko lang kayong masaya ay masaya na rin ako eh. Sana all happy lang tayo char. Take care and God bless mga beshie. Kitakits bukas ulit char hahahaha- Admin A **************

7

“BAKIT hindi ninyo itinawag kay Daddy ang tungkol sa kalagayan ng Lola Isabel, Attorney?” tanong ng dalaga habang patungo sila sa Binondo.

“Si Donya Isabel na rin ang may gustong huwag na kayong tawagan pa, hija. She was dying and she wanted to leave quitely. In fact, she wondered why she had lived this long when she had wanted to die a long time ago.”

Hindi siya kumibo. Naalala niya na noong trese años siya ay narinig na niyang sinabi iyon ng matanda. The irony of life.

Wala na silang kibuan hanggang sa makarating sila sa Binondo. Sa isang kalye roon ay lumiko ang sasakyang minamaneho ng abogado. Huminto ito sa tapat ng isang malaking lumang bahay na may puno ng kaimito sa tagiliran, kung saan mula sa kalsada ay matatanaw ang tagiliran ng isang malaking azotea. Ang bakod ay tila magigiba sa isang mahinang ihip ng hangin.

“Here we are,” wika ng abogado. Hindi na hinintay ni Dana na pagbuksan siya ng pinto ng kotse at nauna pang bumaba kaysa sa matandang lalaki.

Sinuyod ng tingin ni Dana ang façade ng bahay. Typical old house in Spanish-style. Luma at sira na ang ilang bahagi.

Nang itulak pabukas ng abogado ang kalawanging gate na bakal at makapasok siya ay tila may malamig na hanging nagdaan na gustong ginawin ni Dana.

Walang ipinagbago ang bahay sa pagkakatanda niya. Brick tiles ang pinakadingding sa ground floor na siyang pinakagarahe ng mga sasakyan at working area. Tuklap na ang ilang Vigan floor tiles.

Ang ikalawang palapag ay yari sa kahoy. Capiz ang mga sliding windows na mga nakabukas lahat. Sa tagiliran ng bahay ay ang malaking sementadong hagdanan na may landing bago ang pagpapatuloy ng mga baitang patungo sa balkon na siyang pinakaentrada sa ikalawang palapag.

“Pumanhik ka, hija,” anyaya ng abogado na huminto sa landing bago nagpatuloy sa pagpanhik.

Sumunod siya rito. Tulad ng inaasahan niya ay umuuga na ang barandilyang kahoy. Bitak-bitak na ang mapulang sementadong baitang. Sa itaas ay itinulak ng abogado pabukas ang dalawang panels na pintong narra. Napuna niyang giba na ang kahoy ng pinto sa may bandang ibaba.

Walang kibong pumasok ang dalaga kasunod ni Attorney Palomares. Natambad ang malaki at maluwang na kabahayan. Malinis sa kabila ng kalumaan. Ang malalaking tablang sahig ay tila salamin sa kintab sa kabila ng may ilang bitak at butas at nasisilip na niya ang silong.

“Tiniyak kong malinis ang bahay pagdating mo,” nakangiting sabi ng abogado. “May binabayaran akong katiwala na siyang nagmimintina sa bahay na ito. Baka umalis sandali si Aling Andeng.”

Nilinga ni Dana ang bulwagan ng bahay. Isang grandfather’s clock ang naroon sa isang sulok. Hindi na umaandar. Antique collectors would have loved to have their hands on that clock. Naroon din sa isa pang sulok ang grand piano. The black varnish was flat and dry. Humakbang siya patungo roon. Binuksan iyon at tinipa ang mga teklado. Tila matandang inuubo ang inilabas na tunog.

She looked up. Dalawang malalaking aranya ang nakasabit sa itaas. Hindi na marahil umiilaw ang mga bombilya ng mga iyon dahil may daylight siyang nakikitang nakasabit sa pagitan ng mga aranya.

Pagkuwan ay dinaanan ng daliri ang isang ponograpong antigo and smiled silently. Napakalayo na ng inilakbay at iniunlad ng teknolohiya mula sa panahon ni Donya Isabel. Hinaplos din niya ng kamay ang mga sandalan ng solihiyang silya. May ilang uway nang humu-hulagpos mula sa frame na narra. Ang bilog na mesa ay tinakasan na rin ng ganda. Solidong narra ang iilang kasangkapan pero nakabakas ang mga tanda ng kalumaan.

Maliban sa mga bagay na nakita niya ay bakante ang napakaluwang na sala. Puwedeng magbisikleta sa loob. She smiled at the thought.

“I wonder why she didn’t even bother to buy new things,” wika niya. More to herself. “Like a small television. O di kaya’y radio. Upang okupahin ang buong maghapon niya.”

Bahagyang natawa ang abogado. “Well, this house has a two-burner gas stove. Iyon ang bukod-tanging bago-bago sa bahay na ito. At sa panahong nagseserbisyo ako sa matanda, hija, I noticed that she preferred sitting by that old rocking chair.” Inginuso nito ang silyang tumba-tumba na nasa sitting room sa kabila ng pasilyo. “Sa azotea. Malimit siya roon. Nakaupo lang na tila may laging malalim na iniisip o hinihintay.”

Ipinako ni Dana ang mga mata sa silyang tumba-tumba.

“Nang mamatay si Eman, walang sandaling hindi ko siya hinihintay… umaasang magbabalik upang bigyang-katuparan ang aming pag-ibig…”

Hindi niya alam kung sino ang hinihintay ng matandang babae. She never had the chance to ask.

Sinusundan niya si Attorney Palomares na humahakbang patungo sa pasilyo patungo sa dako ng mga silid nang matuon ang paningin niya sa isang nakasabit na kuwadro sa dingding sa mismong bungad ng pasilyo. Isang life-size half-body portrait ni Donya Isabel noong kabataan nito.

The artist was unknown dahil walang nakalagay sa ibabang sulok ng canvass tulad ng nakagawian.

Sa pagkakatanda niya ay nakasabit na ang portrait na iyon noon pa mang nagtutungo sila ng daddy niya rito. Pero hindi niya mapigilang hindi lapitan iyon ngayon at titigan—upang bigla ay mangulubot ang noo niya. Dahil kahit medyo malabo na ay hindi maiwasang hindi niya makita—no matter how slight—ang resemblance nito sa isang larawan ni Diana na nasa study room ng daddy niya.

Sa pagkakaalam niya ay ipinagawa ni Bernard Fortalejo ang portrait na iyon upang ihabol sa kanilang kasal. Hindi miminsang gustong ilagay ni Diana iyon sa bodega sa may ibaba ng bahay nila subalit tumatanggi si Joshua.

Wika ng daddy niya ay mahusay ang photographer sa pagkaka-blow up ng larawan at hindi dapat sayangin. Bukod pa roon, sa paningin ni Joshua, that was Diana’s loveliest portrait.Sinipat niyang mabuti ang larawan ni Donya Isabel. Kung ang portrait ng mommy niya ay aayusan ng buhok na tulad ng nasa painting ay tiyak na mapapansin ang pagkakahawig.Freak coincidence. Maraming mga tao ang hindi naman magkakamag-anak subalit magkakahawig.

Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi gustong sumama ni Diana sa tuwing dumadalaw silang mag-ama?

“Sa eksperto at mapanuring mga mata’y masasabing bahagyang kahawig mo nga ang larawang iyan,” ani Attorney Palomares mula sa itaas. Tila nababasa ang nasa isip niya. “Ang tanging kaibahan ay ang magandang buhok mo.”

She smiled at him. “Minana ko sa mommy ang buhok ko, Attorney.”

Gustong sabihing hindi siya ang kahawig ni Donya Isabel noong kadalagahan nito kundi ang mommy niya. At dahil anak siya ni Diana ay iyon marahil ang nakita ng matandang babae sa kanya. Na siya ang hawig nito.

Nagkibit siya ng mga balikat. Sinulyapan ang nakabukas na dalawahang pinto patungo sa malaking azotea. Sa pagitan ng napakaluwang na sala at ng mga silid ay ang konkretong azotea. Sa dulo ng azotea ay may malaking hagdang sementado patungo sa likod-bahay at sa silong. Nilampasan niya ng tingin ang pasilyo patungo sa komedor at kusina at humakbang patungo sa silid ng matandang babae.

Naroon pa rin ang four-poster bed na yari sa uway at narra at may ginantsilyong kubrekama. Ang canopy ay napapaligiran ng ginantsilyong kurtina. Medyo may kalabuan na ang salamin sa tokador na luma.

“D-did she… did she die here?”

Umiling ang abogado. “Sa nakalipas na tatlong taon ay sa home for the aged nanirahan ang matanda…”

Nagsalubong ang mga kilay niya roon. “Pero bakit? Hindi ba may mga pribadong nurses siya?”

“Matagal nang naubos ang salapi ng matanda, hija. At hindi na kayang bayaran pa nang tuluyan ang dalawang nurses na sa kalaunan ay naging isa na lamang.”

Nakadama ng matinding guilt ang dalaga. “Bakit hindi niya ipinaalam sa amin, Attorney? Sana’y natulungan namin siya…”

“Hindi niya gustong gawin. She didn’t even care if she had her regular medications. At nang isuhestiyon kong ipagbili ang bahay at lupang ito nang magpasya siyang lumipat sa home for the aged ay nagalit ang matanda sa akin. ‘Ang bahay na ito’y para sa aking apong si Isabella,’ iyon ang sabi niya.”

She suddenly felt like weeping. Ano ang mayroon sa bahay na ito at gustong ipamana sa kanya ng matandang babae? Ganoon ba kahalaga ang mga alaalang iniingatan ng bahay na ito?

Kung tutuusin, para sa mga taong walang interes sa mga antigong bagay, lahat sa bahay na iyon ay maaari nang i-donate sa museum. At isiping alam ng matanda na hindi naman sila naghihirap upang umasa sa pamana nito.

“Ang… ang katiwala, saan kumukuha ng pambayad upang manatili sa bahay na ito?”

“Hindi kailanman pinakikialaman ni Donya Isabel ang para sa bahay, Dana. May nakalaang pondo ang matanda para sa bahay na ito.”

“At mas ginusto pa niyang manirahan at mamatay sa ibang lugar kaysa galawin ang salaping para sa bahay…” Gumagaralgal ang tinig niya. Hindi niya makita ang rason sa ginawa ng matanda maliban sa obsesyon nitong ipamana sa kanya ang bahay.

Tumikhim ang abogado. “Pagod ka, hija. Bukas na natin pag-usapan ang mga dokumentong kailangan mong pirmahan. Saang hotel mo gustong ihatid kita?”

“Dito ako matutulog, Attorney….”

“Dito?” ulit ng abogado na namangha. “You won’t be comfortable here, Dana. Ni walang electric fan at ang mga katre’y lumang kutsong kapok ang nakalagay. Bukod pa sa mag-isa ka lang dito. And the bathroom is too primitive… oh, well, there’s water though.”

Isang ngiti ang pinakawalan niya. “I will be fine here, Attorney. Kakain na lang ako sa labas. Dito na ninyo ako puntahan bukas nang tanghali…”

“Natitiyak mo?”

“Positive,” she said smiling. “Gusto ko ring ipakipag-usap sa inyo ang balak kong pagpapa-renovate sa bahay na ito batay sa original structure.”

Tumingin sa relo sa bisig ang matandang abogado. “Pasado alas-singko na rin lang, I am inviting you to an early dinner. Para matutulog ka na lang pagbalik mo.“Lumapad ang ngiti niya. “I like that.”

8

ALAS-SIYETE na ng gabi nang ihatid siya ng abogado sa bahay. Bukas ang mga ilaw nang dumating sila.

“Nariyan si Aling Andeng,” wika ng abogado na tumango-tango. “Mabuti at nang may makasama ka.”

“Hindi na ninyo kailangang samahan ako sa itaas, Attorney. Goodnight and thank you,” aniya at saka lumabas ng sasakyan. Hinintay niyang makaalis ang kotse nito bago pumasok sa bakuran at pumanhik sa hagdan.

Akma siyang kakatok nang bumukas ang pinto. Isang may kaliitan at matabang babae ang bumungad. Mainit na ngiti ang isinalubong nito sa kanya.

“Magandang gabi sa iyo,” bungad ni Aling Andeng. “Nakita ko ang mga bagahe mo sa silid ni Donya Isabel kaya alam kong narito ka na…”

“Magandang gabi rin po. Kayo si Aling Andeng?”

“At ikaw naman ang apo ng matanda sa pinsan niya. Ano na nga ang ’alan mo, ineng?” Muli nitong isinara ang pinto pagkapasok niya.

“Dana, Aling Andeng. Kumain na po ba kayo?” tanong niya habang tinatawid ang kabahayan patungo sa silid.

“Bumili na lang ako ng lutong ulam diyan sa labas. Gusto mo bang magpabili ng kahit na ano sa labas?”

“Hindi na po. Gusto kong mag-ayos ng mga gamit ko sa aparador. Aling silid po ang inookupa ninyo?” Alam niyang apat ang silid sa itaas ng malaking bahay na iyon. At isang maliit na silid sa may ibaba na sa pagkakatanda niya noong bata pa siya ay laging pinanatiling malinis kahit walang gumagamit.

“Hindi ako rito natutulog, ineng.” Nagsalubong ang mga kilay niya. Nahinto sa paghakbang.

“Ang usapan namin ni Attorney Palomares ay dalawang araw sa isang linggo ay narito ako upang linisin ang bahay,” paliwanag ng matanda. “Lunes at Sabado. At sa gabi’y umuuwi ako sa anak ko sa Quiapo. Ngayo’y Martes. Pero naparito ako sandali upang tiyaking maayos ang daratnan mo. Sa Sabado na uli ako babalik.”

Isang tango ang isinagot niya. “Kung ganoon po’y maaari na kayong umuwi at baka gabihin kayong masyado sa daan.”

“Sadya lang kitang hinintay, ineng. At kung wala ka nang kailangan sa akin ay tutuloy na ako.”

“Wala na ho.”

“Isasara ko na itong pinto sa azotea.” Ipinaglapat nito ang dalawang panels na pinto sa azotea. 

“Ikandado mo ang pinto sa salas paglabas ko. At inalis ko na rin nga pala ang mga gamit ni Donya Isabel sa aparador. Inilagay kong lahat sa baul at nasa kabilang silid.”

“Salamat po at ako na ang bahala sa mga bintana.” Sandali siyang nahinto sa paghakbang. Ngayon niya gustong pag-isipan kung tama ang desisyon niyang doon matulog.

9

NAILAGAY na niyang lahat ang mga damit sa loob ng lumang aparador. Ang malaking maleta ay inilagay niya sa ilalim ng kama. Mabuti ang pagkamintina ni Aling Andeng sa bahay. Ni hindi nangangamoy-luma ang lagayan ng damit. At ang kubrekama ay amoy-bagong laba. Matigas na natitiyak niyang ginamitan ng laundry starch.

Napangiti siya. Alam niya iyon dahil noong narito pa sila sa Pilipinas ay gumagamit ang labandera nila ng gawgaw para sa mga bedsheets at pillow cases.

Nag-inat siya ng katawan at sinulyapan ang wristwatch niyang ipinatong sa may tabi ng kandelabra sa mesita. Alas-nuwebe na ng gabi. Tumayo siya upang isara ang dalawang malalaking bintanang marahil ay binuksan ni Aling Andeng.

Sa pamamagitan ng ilaw mula sa itaas ng building sa kabilang solar ay natanaw niya ang likod-bahay. May dalawang punong-mangga na sa tingin niya ay kay tatanda na. Hindi na niya halos maaninag sa dilim ang firewall ng building sa kabilang solar.

Malamig ang hanging pumapasok habang isinasara niya ang mga bintana. At naisip pa man din niyang bumili ng isang electric fan na pansamantalang magagamit habang nagpaplano siya kung ano ang gagawing renovation sa bahay. Malamig sa gabi, ewan lang niya sa araw. Or maybe tomorrow she would want to stay in a hotel.

Lumabas siya sa silid upang isara na rin ang malalaking bintana sa kabahayan. Nang manungaw siya’y nakitang may mga tao pa sa kalye. Napuna niya kaninang may iilang bahay ring tulad ng bahay ni Donya Isabel sa magkabilang panig ng daan. Ang karamihan ay renovated na at maganda at moderno na ang mga bahay.

Ang magkabilang tagiliran ng bahay ng matanda ay buildings na ang nakatayo. Subalit may ilang nanatiling tulad ng bahay ni Donya Isabel. Marahil ay hindi abot ng budget ang magpa-renovate o sadyang gustong manatiling ganoon ang structure ng bahay.

Ang iba ay ginawang commercial ang ibaba, tulad na lang ng bahay sa tapat sa kabilang panig ng kalye. May maliit na groserya ang ibaba niyon. At may ilan pang istambay ang nasa harapan.

Tiniyak niyang nakasarang lahat ang mga bintana at pinto. Akma niyang papatayin ang flourescent light nang maisip na gagamit pa siya ng banyo na nasa may patungo sa kusina.

Nagbalik siya sa silid at kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Natambad sa kanya ang luma at primitibong banyo. Lahat ng gripo ay nakalabas sa sementadong mga dingding. Maraming mga tiles ang wala na. Ang konsolasyon niya ay malinis ang toilet at ang bowl. May tabo sa isang timbang plastic.

Napailing ang dalaga. She missed her bathtub. And the warm bath.Presko na ang pakiramdam niya nang magbalik sa silid. Nagbihis ng oversized T-shirt na siya niyang gawing gamiting pantulog. Pagkatapos ay binuksan niya ang isang drawer sa chest kung saan inilagay niya ang mga gamit sa mukha.

“Wrong drawer,” kausap niya sa sarili nang ang kanang drawer ang mabuksan niya. Walang laman iyon kundi isang tila aklat na sinlaki ng pocketbook at dalawang lumang photo albums. Isasara na sana niyang muli nang manaig ang kuryosidad kung ano ang librong maliit. Binuksan pa niyang higit ang drawer at inilabas iyon.

“A diary!”

Tinitigan ni Dana ang diary. Halos nababakbak na ang itim na hardbound cover nito. Lumalim ang curiosity niya. Naupo siya sa gilid ng kama, yoga style, at maingat na binuklat ang cover. Nakasulat sa naninilaw na pahina ang pangalan ni Donya Isabel Ramirez.

“Nag-ingat ng diary si Lola Isabel!” excited niyang usal habang muling binuklat ang isa pa uling pahina. “May 13, 1928…” She did a fast mental computation. Kung ninety years old si Lola Isabel nang mamatay then she must be about twenty years old sa date na nakasulat sa diary.About her age.

“Dear diary…” Nagsimula siya sa pagbabasa sa halos nanlalabong sulat-kamay dala ng mga taon. “Nakatakda na akong ikasal kay Eman Ramirez. Isang kababata at magkaibigan ang aming pamilya. Ngayong gabi ang opisyal na anunsiyo para sa aming dalawa kasabay ng despedida ng aking papa patungong Estados Unidos. Lahat ay abala sa paghahanda. Ang aking Yaya Rosa ay hindi malaman kung paano aayusin ang damit na aking isusuot.

Mabait si Eman at magandang lalaki rin naman. At dahil si Eman ang aking unang novio, tiniyak ko sa aking sariling siya’y akin ding mahal. Wala na sana akong mahihiling pa dahil alam kong mahal na mahal ako ni Eman. Subalit nagbago ang lahat sa pagdating ni Leon sa aking buhay. 

Dalawampu’t limang taong gulang at nagpapakadalubhasa sa kursong pagnenegosyo sa Colegio de San Juan de Letran. Isa siyang boarder sa silong ng aming bahay. Ang Papa mismo na isa sa mga naging propesor niya ang tumanggap sa kanya…“

Nahinto si Dana sa pagbabasa nang bigla siyang makadama na tila umiikot ang paningin niya. Napatuwid siya sa pagkakaupo nang makarinig ng tila nagmamadaling katok sa pinto ng silid niya.

Nagsasalubong ang mga kilay na nilinga ng dalaga ang pinto ng silid. “May nakalimutan ba si Aling Andeng?” ang isip niya.

“Isabel, ano ba!” ang tinig mula sa labas ng silid. “Kay tagal mo namang magbihis!” Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hindi boses ni Aling Andeng iyon. Kinakabahang ibinaba niya ang diary sa kama at nag-aalangang lumapit sa pinto. Subalit hindi pa man siya nakararating doon ay bumukas na iyon.

Muntik pa siyang mapasigaw sa takot nang makitang nakatayo sa labas ng pinto ang isang babaeng halos kasing-edad niya. Nakapusod ang mahabang buhok. She was wearing a retro dress. Kung wariin niya ay kasali ito sa isang stage play. Isang version ng Maria Clara outfit.

“O, bakit ganyan ang pagkakatingin mo sa akin, Isabel?” gulat ding tanong ng babae. “At bakit hindi ka pa ayos? Ano ka ba nam—” Nahinto ito sa pagsasalita at naitakip sa bibig ang kamay nang matuon sa suot niya ang mga mata. “Ano iyang suot mo? Kamiseta ba ng Tiyo Jose iyan?” Sinuyod nito ng tingin ang kanyang kabuuan, in a most horrifying manner.

“A-ano’ng—”

Subalit bago pa may makalabas sa bibig niya ay muling nagsalita ang babae kasabay ng pagtaas ng abaniko sa ere. “Por dios, Isabel! Hindi ko akalaing ihahantad mo ang katawan mo sa ganyang kasuotan. Bilisan mong magpalit ng damit at kanina ka pa hinahanap ni Tiyo Jose. 

Dumating na ang mga magulang ni Eman. At ang novio mo’y itinatanong ka na rin sa akin!“

Pagkatapos ng sindak at litanya nito ay mabilis na itong tumalikod. Hanggang sa mawala sa paningin niya ang babae ay nanatiling hindi kumikilos si Dana. Nanatiling namamangha. Saan galing ang babaeng iyon? At saan galing ang tila pag-uusap at halakhakan ng mga tao na naririnig niya?

Nang bigla ay mapatuon ang tingin niya sa mga bintana sa labas. Dahil nakabukas ang pinto ng silid niya ay natanaw niya ang bintanang kani-kanina lang ay isinara niya.

Bukas lahat ang mga iyon. At may kurtinang nakasabit sa itaas ng mga bintana.

“Oh, god!”

10

AT BAGO pa siya maka-recover sa matinding pagkamangha ay may isa na namang babae ang lumitaw sa pinto ng silid niya. A plump woman in her mid-forties. Nakabaro’t saya at nakapamaywang sa kanya.

“Tama nga pala ang sinabi ni Consuelo. Hindi ka pa bihis, Isabel.” Nasa tinig nito ang banayad na galit. Kasabay ng pag-iling ay itinulak nitong pasara ang pinto ng silid. Humakbang patungo sa kanya at bago pa niya maisip ang gagawin nito ay yumuko ang babae at hinawakan ang magkabilang laylayan ng oversized T-shirt at itinaas sa ulo niya. “Ako ang makakagalitan ng papa mo sa ginagawa mong ito.”

Inihagis nito sa gitna ng katre ang nahubad na pantulog niya. Mabilis na itinakip ni Dana ang mga braso sa dibdib, nasa mukha ang matinding panggigilalas.

“Pati camiseta ng iyong ama ay isinuot mo.” Napapailing pa ring lumakad ito patungo sa malaking aparador.

“S-sino kayo?”

Ang akmang pagbubukas ng aparador na matandang babae ay napigil at nilingon siya sa nagsasalubong na mga kilay.

“Ano ba ang pinagsasasabi mong bata ka?” Pagkuwan ay muling hinarap ang aparador at binuksan iyon. Kumuha roon ng damit at inilapag sa ibabaw ng kama. “Tutulungan na kitang magbihis at kanina pa aligaga ang nobyo mo.“Nobyo?

“A-ako na po ang magbibihis.” halos walang tinig na lumabas sa bibig ni Dana habang nakatutok ang tingin sa damit na nakalatag.

Tinitigan siyang mainam ng matandang babae. “May dinaramdam ka ba, Isabel? Bakit ganyan ang anyo mo? Tila ka ba namamanghang kung paano at namumutla—“Isabel!

“Hindi Isabel ang—” ang pangalan ko. Pinigil niya ang sasabihin. In one way or another, iyon ang pangalan niya. Naguguluhang tinitigan niya ang babae. Ano ang nangyayari? Saan galing ang mga taong ito? Bakit tila may nagkakasayahan siyang naririnig sa labas ng silid?

Mula sa matiim na pagkakatitig ay unti-unti ang paglitaw ng isang nakakaunawang ngiti sa mga labi ng matandang babae.

“Kinakabahan ka, Isabel. Oo nga naman. Iaanunsiyo ng iyong papa ang napipinto ninyong pag-iisang-dibdib ni Eman.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, hija,” banayad nitong sabi. Pagkuwan ay dinampot ang kamison at isinuot sa kanya.

Oh, god… oh, god!

Gusto niyang magprotesta pero walang tinig na lumabas sa bibig niya. At may palagay siyang ipinako siya sa pagkakatayo habang inaayusan at binibihisan siya ng matanda. Nang bigla ay mag-angat ito ng tingin.

“Ano itong suot mong panloob, Isabel? Bakit napakaliit yata sa iyo at wala nang tinakpan? At madulas. Saang bazaar mo ito nabili?”

She opened her mouth to say something, the old woman was referring to her silk bikini briefs. Pero walang lumabas na tinig sa bibig niya. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin.

“Kayong mga kabataan, oo,” bubulong-bulong ang matanda at ipinagpatuloy ang pagbibihis sa kanya. “Marahil ay ganito rin ang suot ng mga anak ng Amerikano sa unibersidad. Siguro ay isa sa kanila ang nagbigay sa iyo nito.”

Hindi niya matiyak kung may tinig na lumabas sa bibig niya nang umoo siya. Nang matapos ito sa paggagayak sa kanya ay hinagod siya ng tingin. She saw adoration in the old woman’s eyes.

“Kay bilis na lumipas ng panahon, Isabel. Hindi ko namalayan. Ang munting batang aking inalagaan noon ay isang magandang dalaga na ngayon. Kung sana’y buhay pa ang iyong mama…” Bahagyang nabasag ang tinig nito. At kung hindi nagkakamali si Dana ay tila kislap ng luha ang nasa mga mata ng matandang babae.

“Napakapalad ni Eman sa iyo,” patuloy ng matanda. Tinitigan nito ang repleksiyon ni Dana sa salamin. “At ikaw rin nama’y mapalad sa kanya. Magandang lalaki, edukado, at may sinasabi sa buhay. Higit sa lahat, kilala na ninyong mabuti ang isa’t isa…” Pagkuwan ay inakay siya nito sa harap ng malaking salamin sa tokador.

Dana groaned inwardly nang titigan niya ang sarili sa salamin. Para siyang Barbie doll na binihisan ng centennial dress. Lamang, mas mamahalin at maganda ang materyales ng damit niya kaysa kay Barbie.

“Bakit nagiging mamula-mula yata ang maitim mong buhok, Isabel?” Nakakunot ang noong hinawakan at sinipat ng matandang babae ang buhok niya.

“M-may i-n-nilagay po akong… p-pangkulay…” Sa wakas ay bumalik ang tinig niya.

“Hmm… bumagay sa iyo,” sang-ayon nito. “Teka at ipupusod ko ang buhok mo…” Pinaupo siya nito sa dresser stool. Tila robot na sunod-sunuran si Dana.

Kinuha ng matandang babae ang suklay sa tokador at inayos ang buhok niya. Pagkatapos ay inabot ang isang payneta sa lalo pang pagkamangha ni Dana. Noon lang napansin na may laman ang ibabaw ng tokador. May mga bote ng pabango na hindi niya kilala ang brand. At wala ang mga iyon nang pumasok siya kaninang magkasama sila ni Attorney Palomares.

“Ano pa ba ang kulang? Polvo? Teka—” Akma nitong dadamputin ang isang pulvera nang lumingon si Dana.

“A-ako na lang po.” Pahawak niyang pinigilan ang bisig ng matandang babae.

“O, siya, sige. At lalabas na ako. Madaliin mo, Isabel, at baka muli kang ipasundo ng iyong papa. Isa-isa nang nagsisidatingan ang mga bisita.”

Mula sa salamin ay sinundan niya ng tingin ang paglabas ng matanda sa pinto ng silid. Mabilis siyang tumayo at ikinandado iyon. Pagkatapos ay naguguluhang nagbalik sa katre at naupo roon.

Ano ang nangyayari? Saan galing ang mga taong ito? At saan galing ang mga taong tila nagkakasayahan na naririnig niya sa labas ng silid?

Nananaginip ba siya? Had she fallen asleep while reading her grandmother’s diary?Diary? Nagpalinga-linga siya at hinanap sa kama ang diary subalit hindi niya makita iyon.

Nagugulumihanang tumayo ang dalaga. Kinakabahang binuksan ang pinto ng silid at lumabas. Maliwanag sa dulong-pasilyo sa may bahagi ng bulwagan. Naging malinaw ang mga boses ng nagkakasayahang mga tao. Muling natambad sa kanya ang mga bintana. Kinakabahan at nagmamadali siyang nanungaw. Madilim ang kalye maliban sa mga malamlam na ilaw sa poste.

Nang yumuko siya sa ibaba ay napunang sa gilid ng daan ay ilang vintage cars ang nakaparada. May isang sasakyang kapaparada lang. Hinintay niyang makababa ang sakay nito. Isang babae’t lalaki. Ang lalaki ay naka-coat and tie subalit kakaiba. Ang babae ay halos kapareho ng suot niya ngayon. At pumasok ang mga iyon sa nakabukas na gate ng bahay.

“Oh, god! What is going on? Who are these people?” nanlulumong usal niya. Sinuyod ng mga mata ang abot ng tanaw. Subalit madilim sa dako roon ng kalye maliban sa naaninag niyang nagdaang kalesa sa may di-kalayuan.

What was happening? Nananaginip ba siya? Hindi ba niya naituloy ang pagbabasa sa diary ni Donya Isabel? Nakatulog ba siya sa pagod and must be dreaming?

Nang may maramdaman siyang mga yabag na papalapit. Marahas siyang lumingon. Isang may edad nang lalaki. The old man was wearing a black tuxedo with a silk bow tie.

“Bakit naririto ka pa, Isabel?” bati nito at ngumiti matapos siyang hagurin ng tingin. “Muy hermosa! Mababawi ng mamanugangin ko ang pagkainip sa paghihitay sa iyo, hija…”

This must be her father—but only in this dream. At kung nananaginip siya ay dapat na kumilos siya nang ayon sa nararapat.

“T-tinitingnan ko ang pagdating ng mga bisita, P-Papa…” She forced a smile. Ikinawit ang kamay sa braso nito nang ialok iyon ng matandang lalaki. Humakbang na ito pabalik sa pinanggalingan.

“Pili ang mga bisitang inimbita ko, Isabel. Dalawa o tatlo sa iyong mga malalapit na ka-escuela at ang ilang mga malalapit kong kaibigan. At nasa bulwagan si Henry Stimson, hija. Itinatanong ka ng ating butihing Gobernador Heneral.”

Henry Stimson, gobernador heneral? Gusto niyang paganahin ang isip at alalahanin ang Philippine history, pero hindi magkapuwang iyon.

“Tiyak na pawang pulitika na naman ang inyong pag-uusapan, ’di ba, Papa?” wika niya at masuyong tumingala sa matandang lalaki.

Isang tawa ang pinakawalan ni Don Jose. “Isang abogado ang iyong ama, Isabel. Hindi mo dapat pinagtatakhan iyon. Pero huwag kang mag-aalala, hija. Para sa iyo ang gabing ito… sa inyo ni Eman.”

“Bakit kailangang ipahayag pa ang tungkol sa aming kasal? Bakit hindi mo na lamang hayaang maging pribado sa amin ni Eman ang aming relasyon?” Namamangha siya sa lumalabas sa bibig niya. Hindi niya alam kung bakit tila alam na alam niya ang sinasabi ng matandang lalaki.

“Alam mong ang gabing ito lamang ang aking hinihintay, Isabel, upang matuloy na ang aking pagbibiyahe patungong Estados Unidos. The announcement will both please me and Eman’s parents.”

Huminto sa paglakad si Dana. “Kailangan bang umalis ka, Papa?”

Nagbuntong-hininga ang matandang lalaki. A thoughtful frown on his forehead.

“Isa ako sa hinirang ni Manuel Quezon na kasama sa misyong ipadadala ng pamahalaan upang hingin ang kasarinlan mula sa Estados Unidos, Isabel. Ito ang pampitong misyon at umaasa ang lahat na sana’y maging matagumpay ang lakad na ito. Nagpapasalamat na nga lang tayo at naging mabuti ang pakikitungo sa atin ng gobernador. Ibinalik niya ang Sanggunian ng Estado na tinanggal ng dating Gobernador Wood.”

Hindi na kumibo si Dana. Wala siyang nauunawaan sa sinasabi ng matandang lalaki. Subalit isa ang tiyak, ang panaginip niya ay nasa panahon siya kung saan ang mga Amerikano ang nagpapalakad sa Pilipinas.

Sandali siyang napahinto sa paglakad. Sa harap niya ay ang bulwagan na puno ng mga tao. Suot ang mga panggabing kasuotan na nababagay sa panahong iyon. A mixture of American-and-Spanish party dresses. Nagpapaligsahan sa ganda ang baro’t saya ng mga babae. May ilang kababaihang nakalitaw nang bahagya ang mga sakong. Ang uri ng damit na may impluwensiya ng mga Amerikano.

Ang mga kalalakihan ay pawang mga naka-coat and tie. At nang pumailanlang ang isang malamyos na awitin ay may ilang kabataang pumagitna sa bulwagan. Ilan sa mga iyon ay kinawayan siya na ginantihan naman niya ng alanganing ngiti.“Isabel!”

Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Eman. A handsome man in his early twenties. Sa kulay ng balat at anyo ay purong Pilipino.

“Bahala ka na sa aking unica hija, Eman,” ani Don Jose at humakbang patungo sa mga kaibigan.Agad na ginagap ni Eman ang mga kamay niya. Ang mga mata nito ay kumikislap sa paghanga sa kanya.

“Ilang beses ko bang sasabihing kay palad ko at ikaw ang babaeng nakatakda kong iharap sa altar, Isabel?”

Gustong umikot ng mga mata ni Dana. Ganito ba ang sinasabi ng mga tao noong una? At ganito ba ka-graphic ang kanyang panaginip.

“Mapalad din ako sa iyo, Eman,” she said demurely.

“Halika at magsayaw tayo.” Hinila siya nito sa gitna ng bulawagan bago pa siya makatanggi.

Waltz ang musika at ni hindi niya alam kung paanong isayaw iyon. Subalit hindi niya magawang isatinig iyon sa binata. At tuwing iniikot siya nito’y hindi miminsang naapakan niya ang paa ng lalaki.

“S-sorry…”

Subalit tila hindi iyon napupuna ni Eman na hindi maalis sa mga labi ang masuyong ngiti para sa kanya. Kasalukuyan pa rin silang nagsasayaw nang sa isang pag-ikot ay isang lalaki ang nahagip ng kanyang mga mata sa may entrada ng azotea. Puti ang pantalon at puti rin ang polo shirt na mahaba ang manggas. May suot itong suspender. A young Spaniard with a thin moustache.

Nakatitig ang lalaki sa kanya. His lips twisted upward in what she thought a smile. Nakasandal ito sa may hamba ng pinto at sa kanang kamay ay may hawak na kopita ng alak na sa minsang pag-ikot niya ay itinaas sa kanya ang kopita along with that lopsided grin.

She gasped softly but she smiled back. Eman was handsome in a wholesome and adoring way. 

Pero kakaiba ang lalaking iyon. Something like rugged and daring and unconventional. He wasn’t wearing a formal attire, di tulad ng lahat ng lalaki sa paligid.

Huminto na ang tugtugin but she was still staring at him. Just as his eyes never left hers. Nang may magsalita sa may tagiliran niya.

“My turn now, young man…”

Mabilis na humarap sa nagsalita si Dana. Sa harap niya’y isang may gulang na lalaki. An American. He was smiling down at her.

“Mr. Stimson.” Kung paanong lumabas sa bibig niya iyon ay hindi alam ni Dana. Kung paano niyang natiyak na iyon ang Gobernador-Heneral ay hindi niya alam.

Alanganing ibinigay siya ni Eman sa matandang Amerikano. Ilang sandali pa ay nasa gitna na silang muli ng bulwagan sa saliw ng Blue Danube.

“Lucky young man,” bulong ng Amerikano na sandaling hinabol ng tingin si Eman bago bumalik ang mga mata sa kanya. “If I were ten or fifteen years younger—”

“And not married,” agap niya na sinabayan ng ngiti. Agad niyang nagustuhan ang gobernador. 

Nang ituon niya ang paningin sa kinatatayuan ng lalaki kanina ay wala na ito roon. Hindi niya pinansin ang bahagyang disappointment na naramdaman.

Isang tawa ang pinakawalan ng Amerikano. “Perhaps if I saw you first before I laid my eyes on—”

“Oh, I don’t think I could dream father than this particular time,” birong-totoo niya sa bahagyang pagsasalubong ng mga kilay ng lalaki.

“But maybe we could…” sagot nito at bahagya siyang hinapit, a twinkle in his eyes. Dana liked the man to be irritated by the slight flirtation.

She was about to say something nang huminto ang musika. Kasunod niyon ay ang tinig ni Don Jose na nasa tabi ng mikropono.

Natuon dito ang pansin ng mga panauhin.

“Ikinagagalak ko ang pagdalo ninyong lahat para sa kasayahang ito. At marami ang nagtatanong kung para saan? Bueno…” Sinulyapan nito si Dana. “Isa itong despedida para sa aking paglalakbay patungong Estados Unidos sa makalawa. At gusto kong samantalahin ang kasayahang ito upang ipahayag na rin ang nalalapit na pagpapakasal ng aking unica hija, si Isabel…” Itinuro ni Don Jose ang kinatatayuan niya. Nginitian ni Dana ang mga nakangiti at curious na mga matang nakatuon sa kanya. “…kay Emmanuel Ramirez.” Hinayon din ng mga mata ng matanda ang kinaroroonan ni Eman na kasalukuyang kausap si Consuelo. Sa tagiliran ng binata ay ang mga magulang.

Sumunod ang masigabong palakpakan. Naunang bumati si Henry Stimson. Sinundan iyon ng ibang mga bisita at namalayan na lamang niyang nasa tabi na niya si Eman. Possessively crowding her.

Bahagyang napapitlag si Dana sa huling umabot ng kamay niya. Ang lalaking nakatayo sa may entrada ng azotea.

“Binabati ko kayong dalawa,” wika nitong bahagya lang dinaanan ng tingin si Eman. Itinuloy ng lalaki sa mga labi ang kamay niya na nagpawala sandali sa ngiti ni Eman.

“T-thank you…” she whispered as brown eyes bored into hers. Up close, the man was breathtakingly handsome. And he looked familiar. The timbre of his voice even sounded familiar. Tila narinig na niya.

But of course! Had it not been for the Spanish features, she could easily identify him with Clark Gable in Gone With The Wind. They had similar moustache.

“Maaari ko bang isayaw ang iyong kasintahan, Mr. Ramirez?” bahagyang ikinilig ng lalaki ang ulo pagawi kay Eman. Subalit bago pa makasagot si Eman ay sumang-ayon na si Dana.

“Thank you for asking….” She smiled. Sandali lang nilingon si Eman at nagpaakay na sa lalaki sa gitna ng bulwagan.

Si Eman na nakasunod ang mga mata sa dalawa ay napalingon nang kabigin ni Don Jose ang braso nito.

“Gusto kitang makausap, hijo,” wika ng matandang lalaki. “Bukas na ng hapon ang alis ko patungong Estados Unidos. Napaaga ang schedule, ayon sa ipinaabot sa aking balita ngayon lang.”

Alanganing sumama ang binata at sandali pang nilingon ang dalawa subalit natatakpan na ang mga ito ng mga tao.

11

WHY IT felt heaven in his arms she couldn’t tell. Hindi waltz ang nakapailanlang na musika kundi tango. Mas higit na mahirap isayaw ang tango kaysa waltz. And never in her life had she danced the tango. Subalit nakapagtatakang ni minsan man ay hindi kumabisala ang kanyang mga paa. Mahusay siyang isinasayaw ng lalaki. At may pakiramdam pa nga siyang tila kay gaan niya sa mga bisig ng estranghero.

“Alam mo ba ang pamagat ng ating isinasayaw?” bulong ng lalaki sa kanya nang sa isang pag-ikot ay hapitin siya nito. Ang hininga nito sa tainga niya ay nagdulot ng kakaibang init sa kanyang buong katawan.

“S-so tell me…”

“Kiss of Fire,” he smiled as he twirled her around.

“Oh…” She almost gasped nang kumawala ang buhok niya sa pagkakaipit sa payneta. Inabot iyon ng lalaki bago mahulog at muling inilagay sa buhok niya sa papaanong paraan na lang.

“You have fiery hair, mi dulzura. May apoy din ba ang iyong mga halik?” Ang tinig nito ay nanunukso. At pilyo ang ngiting nasa mga labi nito.

“You are very forward…” she hissed softly. Inikot ang mga mata sa mga nakapaligid. Kinakabahang baka may mga nakarinig sa sinasabi ng lalaki. Her father had just announced her forthcoming marriage to Eman and here she was listening to another man’s flirtation.

“Umalis tayo sa mga mata ng karamihan, Isabel,” anyaya ng lalaki na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. Dahan-dahan siyang isinayaw palayo sa gitna.

At hindi magawang tumanggi ng dalaga nang unti-unti silang humihiwalay sa karamihan. At sa ilang sandali pa ay nasa labas na sila sa may azotea, kung saan hindi gaanong abot ng liwanag mula sa bulwagan.

“H-hindi tayo dapat na lumabas dito,” mabuway niyang protesta. “Baka hanapin ako ni Eman…”

“Hindi ako naniniwalang nag-aalala kang baka hinahanap ka ng iyong novio, Isabel.” His handsome face was shadowed in the low light coming from the hall.

“Paano ka nakapagsasalita nang ganyan?” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. 

“Inanunsiyo lang ni Papa ang aming nalalapit na kasal!”

“Hindi mo siya iniibig,” marahang sabi nito. Subalit naulinigan ni Dana ang diin sa ilalim ng tinig. Pagkuwan ay hinapit siya nito at napasinghap si Dana sa kapangahasan. At napilitan siyang itukod ang dalawang palad sa dibdib ng lalaki. “Tulad ko sa iyo’y alam kong may damdamin ka sa akin, Isabel…”

“B-bitiwan mo ako… ni hindi kita nakikilala!”

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki nang may kung ilang sandali bago muling lumitaw ang ngiti nito.

“Hindi mo ako nakikilala?” ulit nito. “Paano kang nakapagkukunwari nang ganyan, mi amor? Iyan ba ang paraan mo para ako itaboy? Patutunayan ko sa iyong iba ang sinasabi ng iyong mga labi kaysa sa laman ng iyong puso…” Yumuko ito at alam ni Dana na hahagkan siya nito.

She would have waited for his lips to come down on hers with longing nang sa sulok ng mga mata niya ay mahagip ang isang anino sa may entrada ng azotea.

Mabilis niyang iniwas ang mukha, but his lips caught the corner of her lips. Ubod-lakas niyang itinulak ang lalaki at hawak ang saya ay nagmamadaling pumasok sa kabahayan. Nilampasan ang babaeng una niyang nabungaran sa silid niya. Si Consuelo.

Sa silid niya siya balak magtuloy subalit bago siya makarating doon ay nahawakan siya ni Consuelo sa braso.

“Hindi mabuti ang iyong ginagawa,” akusa nito. “Paano kung si Eman ang naroon at hindi ako?”

“W-wala akong ginagawang masama,” depensa niya. Hindi niya gusto ang nangyayari. In her damned dream, she was attracted to a handsome stranger. Bakit kay tagal naman ng kanyang panaginip? Bakit hindi siya magising-gising?

“Hindi pa ba masama sa iyo ang aking dinatnan? Halos hagkan ka niya at marahil ay nagpaubaya ka kung hindi mo ako nakita sa may pinto!”

“Wala kang karapatang—!”

“Narito lang pala kayong dalawa.” si Eman na nakangiti at palapit sa kanila. “Masyado pang maaga para pag-isipan ninyong magpahinga. Hindi pa tapos ang kasayahan. At ikaw, Consuelo, nagdaramdam ang ibang mga kabinataan dahil wala ka roon…”

“Isayaw mo ang nobya mo, Eman,” wika ni Consuelo na makahulugang tinitigan si Dana. “At huwag mong hihiwalayan ng tingin.” Pagkasabi niyon ay ang sariling silid ang mabilis na tinungo ni Consuelo.

“Nagkakagalit ba kayong dalawa, Isabel?”

Umiling siya habang sinusundan ng tanaw si Consuelo. “H- hindi…” Ibinalik niya ang tingin kay Eman. “Tayo na sa bulwagan…”

12

NAPABALIKWAS ng bangon si Dana. Tumatagos sa kuwadra-kuwadradong capiz ang nakasisilaw na liwanag ng araw. Napaupo siya sa kama.It was all a dream.

Mabilis siyang bumangon. Maliligo siya at mag-aayos at hihintayin niya si Attorney Palomares. Nang bigla ay kumawala ang pagsinghap sa bibig niya nang matuon ang pansin sa sahig.

Ang suot niya kagabi! Ang magandang baro’t saya.

“No… no!” usal niya kasabay ng paglipad ng mga mata sa tokador. Naroon ang payneta… ang abaniko. At mula sa repleksiyon niya sa salamin ay nakita niyang suot pa rin niya ang pang-ilalim na kamison at ang bikini briefs niya.

Panggigilalas at panlulumo ang naramdaman ni Dana at napaupong muli sa gilid ng katre. Binalikan sa isip kung ano ang nangyari kagabi. Madaling-araw na halos nang matapos ang kasayahan. Hindi siya hiniwalayan ni Eman at hindi na rin niya muling nakita ang estrangherong lalaki.

Nang makapasok siya sa silid ay agad niyang inalis ang payneta sa buhok at inihagis sa aparador. At pagkatapos ay init na init na hinubad niya ang baro’t saya and left nothing on but the “camison” and her briefs, and hit her pillow. At marahil ay agad siyang nakatulog dahil sa matinding pagod.

Mabilis siyang tumayo at padaskol na binuksan ang aparador. Nakasabit doon ang mga damit na hindi niya kilala!

She pushed them aside angrily. Hinanap ang sariling gamit. Sa dulo ng aparador ay naroon ang mga damit niya at kasama sa mga nakatupi ay ang mga pantalong maong at iba pa niyang gamit.

She sighed in relief and pulled her silk robe.Ni hindi siya nag-abalang suklayin ang buhok. Gusto niyang lumabas at kausapin ang mga taong tinawag siyang Isabel kagabi.

Tahimik ang kabahayan paglabas niya. Subalit naririnig niya ang abalang kalye. Ang tunog ng mga kalesa. Tulad kagabi ay nanungaw siya upang manlumong higit. Wala iyong ipinagkaiba kagabi maliban sa araw ngayon at nakikita niyang maliwanag.

May mga taong naglalakad sa kalye sa kakaibang mga kasuotan. They were all theatre-like. Parang nasa isang period movie. May mga kalesang nagpaparoo’t parito. May isa o dalawang vintage cars ang nagdaan.

Nang tanawin niya ang bahay sa kabilang kalye ay higit siyang namangha dahil wala ang groserya sa ibaba. At kakaiba ang mga lampposts.

What happened to the concrete Meralco posts?

Nananaginip pa rin ba siya?

Umalis siya sa pagkapanungaw at nagtuloy siya sa sala. Malinis na malinis iyon. At may mga tamang kasangkapan at gamit sa bawat lugar. Isang antigong telepono ang nasa ibabaw ng bilog na mesa sa sulok. Then she saw the grand piano na tila bagong-bago. Nilapitan niya iyon, binuksan at tinipa. Nasa tono.

Then the clock on the wall caught her attention. Umaandar ang pendulum. 10:30 ng umaga.

Angrily, tumakbo siya palabas sa azotea and hit the stairs. Kung nananaginip pa rin siya ay kailangan niyang magising! Magpatihulog kaya siya sa hagdan? That probably would wake her up. Subalit may isang bahagi ng isip niya ang tumatanggi. Paano kung hindi siya nananaginip?

Now, that scared her.

Dahan-dahan siyang bumaba. Nasaan ang ama niya? Nasaan ang babaeng nalaman niyang si Yaya Rosa, at si Consuelo, na sa daloy ng usapan nila kagabi ni Eman ay pinsan niya?

Nasa ibaba na siya ng hagdan sa labas ng bahay at naisip na pasukin ang silong. Tagos-tagusan iyon hanggang sa kabilang dulo ng bahay sa may hagdanan sa delantera malapit sa gate.

Humakbang siya patungo sa munting silid na alam niyang laging gusto ng Lola Isabel niya na malinis. Bukas iyon nang bahagya. Itinulak niya ang pinto at pumasok. Maliban sa maliit ay walang ipinagkaiba iyon sa karaniwang silid. May mga gamit.

Humakbang siya sa mesa kung saan may mga nakalagay na mga libro. Akma niyang dadamputin ang isang kuwadernong nasa mesa nang mahagip ng tingin niya ang kalendaryong nakasabit sa dingding sa may mismong tapat niya. An odd calendar for that matter.

Mayo. Buwan ng Mayo ang nasa kalendaryo. Tama iyon. Ang hindi tama ay ang taon!1928!

Gustong umikot ng tingin ni Dana. Halos daklutin niya ang kalendaryo habang inisa-isa ang pagbuklat doon. At pagkuwan ay nanggigipuspos na binitiwan iyon.

Surely dreams were not this vivid and accurate.

Ang nakikita niya sa labas ay Binondo sa taong 1928! She was in the same house. Only she was seventy years back from 1998!

“¡Que sorpresa! A pleasant one for that matter…“Lumipad ang mga mata ni Dana sa pinto. Nakatayo roon ang estranghero kagabi, amusement in his eyes. Walang damit pang-itaas at kumikislap pa ang basang katawan… ganoon din ang buhok. May hawak itong tuwalya.

“Ikaw!”

“Who do you expect?” amused nitong tanong. “Si Eman? Sa akin mismong silid?” nakakalokong dugtong nito.

“Silid mo?” she parroted stupidly.

“Mag-iingat ka sa laro mo, dulzura,” he said with a thoughtful frown on his forehead. Dark brown eyes moved up and down her body. So dark they were almost black. At may pakiramdam si Dana na hubad siya sa paningin nito.

Isang dangkal lamang ang haba ng silk robe mula sa bikini briefs niya. Dahan-dahang humakbang ito palapit sa kanya kasabay ng pag-itsa ng tuwalya sa katre. Something in his eyes made her shiver. Humakbang siya paatras subalit mesa na ang nasa likuran niya. And he was so close she could feel his sweet breath fanning her face.

“Did you come here to play games with me, mi amor?” Muling bumalik sa mukha niya ang mga mata nito at inalis ang anumang distansiya sa pagitan ng kanilang mga katawan. “And the name of the game is seduction?”

“H-hindi ko alam na… na sa silid na ito ka natutulog.” Nakatukod na ang mga kamay niya sa mesa and she was arching her body backward to avoid his face. And yet she had that strange longing to raise her face to feel that rough moustache on her skin.

Ngumisi ito. Nakakalokong ngisi. “So you really want to play games, eh?” Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nito sa ilalim ng laylayan ng bathrobe niya sa likod. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga. Never in her entire life had she allowed any man that intimacy.

“Anything’s possible in dreams, Dana.”

“But am I really dreaming? Couldn’t I possibly dream this year? This time?”

Ipinilig niya ang ulo. Mas lalong imposibleng panghawakan na nasa ganoong panahon siya. Dreaming was more reasonable.

“Hindi ko alam na may ganitong uri ng kasuotan ang mga babae, dulzura. Ano na lang ang sasabihin ni Yaya Rosa kapag nakita niyang ganito ang suot mo at nasa silid kita?” he said huskily. Ang palad nito ay tila apoy sa balat ni Dana. Mabilis niya itong itinulak at lumayo nang ilang hakbang.

“W-wala kang karapatang gawin ang kapangahasang iyon!” she said breathlessly.A grin spread on his face. That maddening lopsided grin. “You just allowed me. May karapatan na ako.”

“N-nasaan sila?” she asked. She wanted to step out of dangerous ground. Though it seemed that everything about this man was dangerous. “Ang… ang P-papa—”

“He left ten minutes ago. Sa unibersidad o kung sa senado siya pupunta’y hindi ko alam.”

“Si… Yaya Rosa? Si Consuelo?” She had to know. Lumalawak na ang kalituhan sa isip niya na dinagdagan pa ng presensiya ng lalaking ito.

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. “Ahora es Domingo. Nakalimutan mo na ba? Araw ng pagtungo ninyong tatlo ni Yaya Rosa at Consuelo sa simbahan. Tulog na tulog ka marahil at hindi ka na nila ginising. Ang dalawang muchacha ay nagsiuwi na matapos maglinis ng buong kabahayan.”

Kung ganoon ay silang dalawa lamang ng estranghero ang nasa bahay na ito. Sa nagmamadaling hakbang ay nilampasan niya ang binata upang lumabas ng silid subalit ni hindi siya nakadalawang hakbang at nahawakan siya nito sa braso.

“B-bitiwan mo ako…” Walang tinig na lumabas sa bibig niya nang halos makulong na siya sa mga bisig nito.

“Why did you exactly come down here, Isabel?” All of a sudden his voice sounded serious. “Isang buwan na ako rito pero pasilip-silip ka lang mula sa hagdanan sa azotea.”

“I–I don’t know…” She raised confused eyes at him. Brown eyes met hers and locked.

“I think I know why,” he whispered. Slowly he bent his head and she knew he was going to kiss her.

Fear and excitement was rushing through her veins. Gusto niyang hagkan siya nito at kasabay niyon ay naroon ang takot sa di-malamang kadahilanan. A fraction before his lips touched hers, umiwas si Dana. She moaned silently as his moustache brushed her cheek.

And, oh, how wrong she was. His moustache wasn’t rough. It brushed her cheek softly like a butterfly’s wing.

He was kissing her cheek… nipped her earlobe and she was moaning helplessly. She was already melting in his arms nang hindi sinasadya ay maraanan ng mga mata niya ang kuwadernong nasa mesa. She closed her eyes submissively nang mag-flash sa isip ang mga letra sa kuwaderno.

She snapped her eyes open and stared down at it.

Leon Fortalejo!

Cielo’s soon-to-be fiancé was Leonard Fortalejo.

Oh, god! She must really be dreaming. Ang nangyayari sa nakalipas na mga araw ay nagsama-sama sa panaginip niya.

And because she was so disappointed that she didn’t meet Cielo’s fiancé, napanaginipan niya ito. At ngayon ay katagpo niya ito sa kanyang panaginip. Akmang-akma ang lumang bahay-Kastila ni Donya Isabel bilang setting. The old house must have triggered her dream.

Hindi niya mapigilan ang marahang tawa. Nananaginip siya!

“Que paso, Isabel?” nagtatakang tanong nito kasabay ng bahagyang pagtulak sa kanya palayo. “Pinagtatawanan mo ba ako?” A hint of anger laced his voice.

Umiling siya. Nasa mga labi pa rin ang ngiti. “I am dreaming… yes! I am dreaming, Leon.” Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito. “And I don’t want to wake up yet. Now, kiss me,” she commanded passionately.

A husky laugh vibrated around the four corners of the wall. “You really intrigue me, Isabel. Every passing minute.”

“Isabel!”

Napalingon ang dalawa sa pinto. Nakatayo roon si Consuelo. Sa mga balikat ay itim na belo at may hawak pang prayer book at rosaryo. Nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa kanila. Lalong higit sa kanya nang makita ang suot niya.

Mabilis na kumawala mula sa mga bisig ni Leon si Dana.

************Hello everyone, kumusta kayong lahat mga beshie? Ano’ng balita sa inyo? Baka nakalimutan n’yo na ako char hahahaha. Like n’yo naman mga beshie yung picture ko char hahahaha ay yung vote at comment pala hahahaha. Mga beshie, baka maguluhan kayo sa kwentong ito ahh, ang maipapayo ko lang sa inyo ay magresearch kayo para di rin kayo maguluhan hahahaa at kumain ng masarap at matamis at bigyan n’yo rin ako char hahahaha para chillax lang tayo. Ang balita ko kasi ang dami raw toxic dito sa wattpad ngayon sana walang isa sa inyo na mapahamak at nag-aaway -away ng dahil lang sa akin char hahahaha. Basta take care and God bless. Admin A is always here to support all you beshies and momshies char hahahha. -Admin A *********

13

“NAGTATAKSIL ka, Isabel?” galit na akusa ni Consuelo nang magkasarilinan silang dalawa sa silid niya. And Dana couldn’t help but notice the hurt in the woman’s voice despite the anger. “Sa isang ikakasal na tulad mo’y hindi mo na dapat pang pinakikitunguhan ang pang-aakit ni Leon sa iyo.”

“H-hindi ko alam kung paano magpapaliwanag, Consuelo,” nalilitong sabi niya. Tuluyang naglaho ang paniniwalang nananaginip lang siya.

“Anong paliwanag ang ibibigay mo?” nagdaramdam nitong sabi. “Tulad kagabi’y nakakulong ka sa mga bisig ng lalaking iyon. At tingnan mo ang ayos mo.” Napaantada ito. “Hubad na kayong pareho at ano ang malay ko kung ano ang ginawa ninyong dalawa ni Leon?“She sighed. Gustong pagaanin ang pangyayari. “Kung ano ang inabutan mo’y iyon lang iyon, Consuelo.”

Sandali siyang tinantiya ni Consuelo bago maluwag na huminga. “Kung ganoon ay mabuti na lang at hindi ako sumama kay Yaya Rosa sa mercado. At iyang suot mo, binili ba sa iyo ni Tiyo Jose iyan?”

“Kalimutan mo itong suot ko.”

“Kalimutan?” Nanlaki ang mga mata nito. “Hindi kita naiintindihan, Isabel. At lalong hindi ko naiintindihan kung saan galing iyang mahalay mong suot. At hindi ko na matiyak kung inaakit ka ni Leon o ikaw ang umaakit sa kanya…”

“Hindi mo maiaalis sa aking maakit kay Leon, Consuelo. He’s gorgeous…” tila nangangarap niyang sabi.

“G-gorgeous?” pag-ulit nito. “Kailan ka pa gumagamit ng ganyang uri ng salita?”

“And irresistible,” patuloy niya at sinamahan iyon ng ngiti. Ikinatutuwang tuksuhin ang babae.

“O-oo nga. H-hindi ko tinatanggihan iyan,” wika ni Consuelo na biglang gumitaw ang kalituhan sa mukha. “Gorgeous… irresistible. Yes. That aptly describes Leon.” Pagkatapos ay muling pumormal. “Huwag kang mamangka sa dalawang ilog, Isabel. Tuwina’y sinusubok mo ang pag-ibig sa iyo ni Eman.”

“H-hindi ko siya iniibig, Consuelo.” Kung paano lumabas sa bibig niya iyon ay hindi niya alam. Ang pumasok sa isip ay si Charles noong nanliligaw pa ito sa kanya.

“Kahit na. Hindi ka maaaring tumalikod sa kasunduan. Hindi papayag si Tiyo Jose. Isang malaking kahihiyan ang ibibigay mo sa iyong papa at higit kay Eman sa sandaling tumanggi kang pakasal sa kanya!” tila nagpa-panic ang tinig nito.

Hindi siya kumibo. Eman. Ang Lolo Eman ba niya ang tinutukoy ni Consuelo? Of course! Ayon sa daddy niya ay hindi pa siya ipinapanganak nang mamatay si Emmanuel Ramirez. Na walang naging anak sina Donya Isabel at Don Emmanuel.

Sino si Leon Fortalejo? Ano ang papel ni Leon sa buhay ng Lola Isabel niya? Bakit tila naaakit siya sa lalaki? Ano ang kaugnayan nito kay Bernard Fortalejo, ang ama ng lalaking ipinagkasundo sa pinsang si Cielo?

Higit sa lahat, why was she in this time?

14

“NAPAPAGOD ka na ba, Isabel?” tanong ni Leon habang ang kamay nito ay patuloy sa pagguhit sa canvass.

Isang ngiti ang pinakawalan niya. “Nakaupo lang ako rito, Leon. Bakit ako mapapagod?”

Gumanti ng ngiti ang binata. “You have an American accent, alam mo ba iyon?”

“Dahil maraming taon akong—” She stopped in midsentence.

“Maraming taon kang ano?” kaswal nitong tanong habang patuloy sa ginagawa. Nagkibit siya ng mga balikat. “Hindi ko alam na nasimulan mo na palang iguhit ang larawan ko?” pag-iba niya sa usapan.

“Lihim kong sinimulang ipinta ang larawan mo mula sa aking alaala pagdating ng gabi… I like that mood… Si. Ganyan nga. Kay ganda mo, Isabel, kapag lumalabi ka nang ganyan,” he said huskily. Sa isang sandali ay nakita ng dalaga ang pagnanasa sa mga mata nito bago ibinalik sa canvass ang paningin.

Hindi siya kumilos at sinunod ang gusto nitong mangyari. Pagkuwan ay, “tagasaan ka, Leon? Sino ang mga magulang mo? Bakit kailangan mong mangupahan dito sa bahay?”

“Don’t move, Isabel,” saway nito. Ilang sandaling hindi kumibo ang binata at seryosong iginuhit siya. “There…” Tumuwid ito ng tayo at ngumiti. Inilapag ang brush sa may easel at humakbang palapit sa kanya.

“Now, to answer your question—Ang ama ko’y isang purong Espanyol. But my mother’s infieles—”“Infieles?”

“Yes.” Sandaling nagkalambong ang mga mata ni Leon. Subalit agad iyong nawala at matabang na ngumiti. “Sa literal na kahulugan ay unfaithful. Subalit iyon ang tawag ng mga Spaniards sa mga katutubo noong araw dahil hindi sila Kristiano…”

“I don’t understand…” naguguluhang sabi niya.

“Ang aking ina’y anak ng isang katutubo sa Palawan. But then, let’s not talk about her. Matagal na siyang wala.”

Hindi matiyak ni Dana kung galit ang nakita niyang sandaling gumuhit sa mga mata nito.

“Sa Palawan nagmula ang pamilya ko, Isabel,” patuloy nito. “Dalawang araw halos ang biyahe sa bapor bago makarating doon at ipinadala ako ng aking ama sa Maynila upang mag-aral. At gusto kitang dalhin doon.” Kumislap ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. “Ipakita sa iyo ang kagandahan ng isla. There’s nothing like it in the whole world.”

“Gusto ko ring makita ang lugar na sinasabi mo, Leon,” she whispered breathlessly. Nakatukod sa armrest ng silya niya ang mga bisig ni Leon at nakayuko ito sa kanya. At gusto niyang pagtakhan ang sarili kung bakit nananabik siyang mahagkan nito. At bakit maraming gabing laman ng isip niya ang binata? Bakit pinanabikan niya ang pag-uwi nito mula sa kolehiyong pinapasukan?

“At may di-kalakihang isla sa kalapit ng Palawan, Isabel.” Ang hininga nito ay humahaplos sa pisngi ni Dana. Pinigil niya ang sariling huwag abutin ang leeg ng binata upang ilapit ang mga labi sa mga labi nito. “Pangarap kong maging akin ang islang iyon. Dalhin doon ang babaeng magiging kabiyak ng aking puso…”

She closed her eyes when she felt his lips murmuring against hers. “At ikaw iyon, mi dulzura… ikaw iyon. Te quierro mucho, Isabel….”

She closed her eyes and she had this aching desire to be loved by him. At ang hagkan siya hanggang sa dako pa roon. But she wasn’t Isabel.

She was Dana. And she didn’t belong to his time. May sarili siyang panahon. Though she had no desire to leave his time now, gusto niyang patuloy pang humaba ang panahong magkasama silang dalawa.

“I love you, Leon…” she sobbed as she said those words.

Hindi niya matiyak sa sarili kung bakit may kahalong lungkot ang pagbigkas niya ng pag-ibig dito. Hindi rin niya tiyak kung sino ang nagsabi niyon. Siya bilang si Isabel o siya bilang si Dana?

“I love you, too, Isabel. Alam kong alam mo iyan unang araw pa lang na makita kita rito sa azotea nang ipakilala ako sa iyo ng iyong ama…”

“Wala akong karapatang ibigin ka…”

“Iniibig mo na ako.” He was softly nibbling her lower lip. “Hindi mo nagawang pigilan iyon, amada.”

“I–I am engaged to be married, Leon,” nalilitong sagot niya.

“You are not engaged, Dana!” protesta ng isip niya. “Si Isabel ang nakatakdang pakasal at hindi ikaw.”

“Pero siya ay ako sa panahong ito. Oh, god! Ano ang gagawin ko?”

“Es a mi a quien amas y no a el. Ako ang mahal mo, hindi siya!” he said forcefully.

Bago pa siya makasagot ay hangos na lumabas sa azotea si Consuelo. “Tumayo ka at ayusin ang sarili, Isabel! Nariyan si Eman. Nakita ko ang pagdating ng kanyang coche.” Isang masamang tingin ang ibinigay nito kay Leon at babala naman kay Dana bago ito muling mabilis na tumalikod.

“Iniibig mo ako, Isabel, at ganoon din ako sa iyo. Huwag mong parusahan ang ating mga sarili, por favor…” He almost begged.

Naguguluhang tumayo si Dana. Hindi niya kayang pakitunguhan ang nangyayari. Kumikilos siya sa dalawang katauhan.

“S-saka na lang tayo muling mag-usap. Please….”

Matagal bago sumagot ang binata. Pagkuwan ay tumango. “Si, mi amor. Mag-uusap tayong muli.”

“T-thank you.” Pagkasabi niyon ay mabilis siyang pumasok sa kabahayan tungo sa kanyang silid.

Si Leon ay tumayo rin at humakbang patungo sa canvass. Tinitigan ang nakaguhit na mukha ng babaeng kauna-unahang nagpatibok sa batang puso. Naroon ang walang kasiguruhan sa kanyang dibdib. Tumingala ito sa kalangitan at humugot ng malalim na paghinga. Sa salas ay naririnig niya ang maligayang pagsalubong ni Consuelo sa bagong dating na bisita.

Hindi na niya hinintay na lumabas si Isabel at marinig ang magiliw na pagbati nito sa kasintahan. Sa malaking hagdan sa azotea siya bumaba patungo sa likod-bahay at sa silid niya sa silong.

Kasalukuyang inaayos ni Dana ang sarili nang pumasok si Yaya Rosa sa kanyang silid.

“Gusto kitang makausap, Isabel…”

“Mahaba po ba ang sasabihin ninyo?” nakangiting tanong niya. “Naghihintay po sa labas si Eman…”

“Alam ko. Nakita kong sinalubong siya ni Consuelo.” Huminga nang malalim ang matandang babae. “Isa lamang akong tagapag-alaga mo at katiwala sa bahay na ito, Isabel. Subalit itinuring kitang tunay na anak…”

Nagsasalubong ang mga kilay na binitiwan niya ang suklay sa tokador. “Bakit ganyan ang mga sinasabi ninyo?”

“Dahil ako ang kinakabahan sa ginagawa mo,” wika nito na tumingin nang deretso sa kanya. “Sa akala mo ba’y maililihim mo sa akin ang pagkahumaling mo sa binatang Espanyol?”“Oh.”

Isang nakakaunawang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang babae. “Hindi kita gustong sisihin, hija. Si Leon ay makisig at muy simpatico. Subalit ikakasal ka na…”

Hindi siya makakibo. Ano ba ang dapat niyang sabihin? At kung ang damdamin niya para kay Leon ang pagbabasehan ay may katotohanan ang sinasabi ni Yaya Rosa.

“At hindi natin kilala si Leon maliban sa siya’y naging estudyante ng iyong papa. Si Eman ay kababata mo. Mula pa noong mga bata pa kayo’y hindi na inilihim ni Eman ang pagtatangi sa iyo. Sana’y huwag kang mabubulagan, Isabel.”

Nag-angat siya ng tingin. “P-paano po kung sabihin ko sa inyong iniibig ko si Leon?”

“Madre de dios!” bulalas ng matanda. “Huwag mong sabihin iyan. Mapapahiya si Eman… ang papa mo… ang mga magulang niya!”

“Iyon ang aking nararamdaman, Yaya Rosa…” malungkot niyang pag-amin.

“Hindi ako naniniwalang pag-ibig ang nararamdaman mo sa binatang Espanyol, Isabel,” mariing tanggi ng matandang babae. “Iyo’y paghanga lamang dahil siya’y makisig… dahil siya’y may pagkapilyo at masuyo at kasabay niyon ay ang awtoridad na tila ba nakatatak na sa kanyang katauhan.”

Yes. Leon was all those things.

“L-lalabas na ako, Yaya…”

“Hija,” pahabol na wika ng matandang babae. “Huwag mong hayaang guluhin ni Leon ang iyong pag-iisip. Si Eman ang lalaking nababagay sa iyo.”

15

“ISABEL,” salubong ni Eman at inabot ang kamay ni Dana at hinagkan iyon. “Nakaalis na ba ang papa mo?”

“Kinabukasan din ng gabi matapos ang kasayahan,” sagot niya. Umalis si Don Jose patungong Estados Unidos tulad ng sinabi nito sa kanya.

“Kumusta ka na?”

“Mabuti naman, Eman,” sagot niya at nagpaakay sa binata patungo sa mahabang solihiyang sofa. Nagpaalam sa kanya ang binata nang gabi ng kasayahan na ihahatid sa Laguna ang mga magulang.

“Limang araw kitang pinanabikan, Isabel. Walang laman ang isip ko sa gabi’t araw kundi ikaw…” masuyong sabi nito.

“A-ako ma’y ganoon din, Eman…” Liar! sigaw ng isip niya. Sa nakalipas na mga araw ay wala siyang ginawa kundi lihim na katagpuin si Leon sa sandaling malingat sina Consuelo at Yaya Rosa.

At noong isang araw lang ay sinundo siya ni Leon sa Colegio de Sta. Isabel at ginugol nila ang buong maghapon sa pamamasyal.

“Nagpaplano na ang aking mga magulang, Isabel,” sabik nitong kuwento. “Katunayan ay kumakausap na ang papa ng mga taong gagawa sa araw ng ating kasal. Isang en grandeng kasalan ang gaganapin sa Laguna. Nakahanda na ang lahat, mahal ko…”

Hindi niya alam ang isasagot. Wala sa loob na napalingon siya sa may hagdan. Huling-huli niya ang matinding lungkot at kapaitan sa mukha ni Consuelo bago ito tuluyang bumaba.

Nagsalubong ang mga kilay ni Dana. Ang nakita niyang kapaitan sa mukha ng pinsan ay anyo ng isang umiibig na… na walang katugon. Umiibig ba si Consuelo kay Eman?

Ang babala ba ni Consuelo na huwag niyang pag-ukulan ng pansin si Leon ay upang protektahan si Eman? Yes! Hindi nito gustong masaktan si Eman. At nag-isip pa man din siyang baka kay Leon may pagtingin si Consuelo.

“MAHAL mo si Eman, hindi ba, Consuelo?” aniya sa pinsan na nakadapa sa katre nito.

Napabalikwas ng bangon ang dalaga at nakita ni Dana na lihim itong nagpapahid ng mga luha.

“S-saan mo nakuha ang ideyang iyan, Isabel?” Gumagaralgal ang tinig nito at humarap subalit ang mga mata ay nakatutok sa higaan.

“Nakikita ko iyon sa iyong mga mata. Please don’t lie. Babae rin ako at alam ko ang nararamdaman mo.”

Napahikbi si Consuelo at muling dumapa sa unan nito. “H-huwag mong sasabihin kahit kanino iyan, Isabel,” gumagaralgal nitong sabi. “Ayokong kahabagan ako kahit ni Yaya Rosa. Ikaw ang mahal ni Eman, hindi ako.”

Napabuntong-hininga siya. Humakbang papasok at umupo sa gilid ng kama ni Consuelo. “Hindi ko matiyak sa sarili ko kung may pag-ibig ako kay Eman, Consuelo. What I feel for him must be fondness dahil magkababata kami.” Hindi na niya alam kung siya pa ang nagsasalita o si Isabel. 

“Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko natanggihan si Papa nang ipagkasundo kaming dalawa…”

“Ano… ang gusto mong sabihin?”“I am happy and excited when I am with Leon, Consuelo,” aniya. Kumikislap ang mga mata. 

“Hindi ko kailanman pinanabikan ang muling pagkikita namin ni Eman. Kung dumarating siya ay natural lamang ang aking damdamin na tila ba dinadalaw ako ng isang kaibigan. Subalit hinahanap ko parati ang presensiya ni Leon. I–I think I am in love with him. No. I am in love with him. I truly do.”

Nanlaki ang mga mata ni Consuelo. “Hindi ka maaaring umurong sa kasal ninyo ni Eman, Isabel! Narinig kong nakahanda na ang lahat…”

“Siguro kung tatalikod ako sa usapan nina Papa at ng mga magulang ni Eman ay posibleng mabaling ang tingin ni Eman sa iyo.”

“Hindi mangyayari iyon!” Tuluyan nang napaiyak ang dalaga. “Mula pa noong mga bata kayo’y nariyan na si Eman. Lihim na umiibig sa iyo. Umaasang mapagtutuunan mo siya ng pansin. Ni hindi ginawa ni Eman na tumingin sa ibang babae… o sa akin. Ikaw ang mahal at iniibig niya, Isabel. At nakahanda akong magparaya…”

Gustong mahabag ni Dana sa dalaga. Hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Ano ang dahilan at narito siya sa panahong ito? May dapat bang baguhin sa kasaysayan ni Donya Isabel? At siya, bakit tila totoong nahuhulog ang loob niya kay Leon?

*************Pasensya na sa mga naghihintay at gabi na masyado. Nagsipag lang muna me sa work para kunwari mabait ako char hahahaha. Bawi na lang tayo kapag may free time na. Enjoy reading everyone sana walang naguguluhan sa kwento. Take care and God bless mga beshie - Admin A ******

16

“DEAR diary… naguguluhan ako habang nalalapit ang araw ng kasal namin ni Eman, iyon ay sa pagbabalik ni Papa mula sa Amerika. Iniibig ko si Leon subalit paano ko magagawang saktan si Eman na sa mula’t simula pa’y lubos na naging mabuti sa akin?”

Wala si Yaya Rosa at si Consuelo. Magkasama ang dalawa upang magsimba. Hindi siya sumama at nagdahilang masakit ang ulo. Ang totoo ay hindi niya magawang higit pang makihalubilo sa mga taong may kinalaman sa panahon ni Donya Isabel.

Sa unibersidad, bagaman nag-e-enjoy siya sa paraan ng pagtuturo sa panahong iyon ay nababaghan siya. May mga sandaling kinakabahan at natatakot siya. Iyon ay ang mga sandaling nararamdaman niyang hindi na siya mismo ang kumikilos at nagsasalita kundi si Isabel.

Gusto niyang hanapin ang daan… ang paraan upang makabalik sa sariling panahon. Subalit ano man ang gawin niya ay naroon pa rin siya. Matiyagang isinusulat sa diary ang nangyayari sa buhay niya sa araw-araw. Ang tanging dahilan upang hindi siya maghisterya ay dahil naroon si Leon. Habang tumatagal ay lumalalim ang damdamin niya para dito. At isa iyon sa mga bagay na nagdudulot ng matinding kaba at takot sa kanya.

She was afraid she might not want to leave his time.

“Isabel…”

Nahinto ang dalaga sa pag-aalis ng mga tuyong dahon sa halamanan sa azotea at napalingon. Si Leon. Sa isang kamay ay ang canvass. Pagkamangha ang nasa mga mata.

“I-ikaw pala, Leon.” She smiled nervously. Her heart was pounding violently at the sight of the man.

“Bakit… bakit ganyan ang suot mo?” Bumaba-tumaas ang mga mata nito sa kabuuan niya. At ang pagkamangha ay unti-unting nauwi sa pagnanasa.

Napasinghap ang dalaga. Nang umalis sina Yaya Rosa at Consuelo ay sinamantala niya ang pagkakataon upang hubarin ang mahaba at mainit na baro’t saya. Nakadama siya ng ginhawa nang isuot ang hapit na pedal pusher at midriff blouse.

Ibinaba ni Leon sa tabi ng halaman ang canvass subalit ang mga mata ay hindi inaalis sa kanya. Then he was walking slowly towards her. Ganoon din si Dana, wala sa loob na humakbang pasalubong.

“Dio, Isabel!” bulong nito nang magtagpo sila sa gitna ng azotea at ikulong sa mga bisig ang dalaga. “Te quierro… te quierro….” Then his hungry mouth claimed hers.

“Leon…” she murmured in his mouth. Kissing him back with equal hunger.

“You are mine, dulzura,” humihingal na wika nito nang bitiwan ang mga labi niya. “You are mine…” Hinagkan siya sa noo… sa sentido… sa punong-tenga. “Hindi ako papayag na makasal ka sa iba…”

“Yes, Leon! Yes!” she cried passionately.

Hinawakan ni Leon ang mukha niya. Brown eyes bored into hers. “Sumama ka sa akin sa isla, Isabel. Magtanan tayo. Sumama ka sa akin…”

Tila nagising mula sa mahabang pagtulog ang dalaga. Mabilis na kumawala. Lumakad patungo sa barandilya ng azotea.

“I–I’m worried and scared, Leon…”

Humakbang si Leon patungo sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat mula sa likod. Ginawaran nito ng halik ang ibabaw ng ulo niya.

“You don’t have to feel that way. I’ll take care of you, Isabel. Always… sa anumang paraan…”

Oh, god! Napapikit si Dana at isinandig ang sarili sa dibdib ng binata. Ano ba ang dapat gawin? Ang dapat sabihin? Sino na ba siyang talaga? Sa kanya ba nakasalalay ang kasaysayan nilang lahat sa hinaharap?

It pained her na anumang sandali ay mawawalay siya mula sa binata. Na kung sa ano mang paraan ay hindi niya alam.

“Anuman ang mangyari, Leon… gusto kong malaman mong mahalagang-mahalaga ka sa akin…” And I wish I could go back to the future with you.

Ang sinasabi at ginagawa ba niya ngayon ay siyang sinabi at ginawa ni Isabel noon? Hindi niya alam. Ang mahalaga ay ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Naramdaman niyang inalis ng binata ang isang kamay sa balikat niya.

“May ibibigay ako sa iyo, Isabel,” wika nito at may dinukot sa bulsa. Humarap si Dana. Isang maliit na cajeta ang inilabas ng binata. “Para sa iyo. Tingnan mo.”

Kahit hindi sabihin ay alam ni Dana kung ano ang naroroon. “L-Leon…” bulong niya at inabot ang cajeta. Unti-unting binuksan at tumambad sa kanya ang isang engagement ring. 

Kumikinang ang panggitnang emerald-cut diamond. Contrast sa maliliit na ruby na nasa magkabilang dulo ng singsing. “Oh!”

“Nagustuhan mo ba?” seryosong tanong nito. Ang mga mata ay nag-aantabay sa magiging reaksiyon niya.

“Lovely!” she exclaimed softly.

“You are as twice as much lovelier…”

Tumingala siya rito. Through the mist in her eyes, she saw his eyes sparkle with happiness. And it was tearing her apart. She loved him. Subalit hindi siya para dito.

“B-binili mo ba ito para sa akin, Leon?” Sumasakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na huwag maiyak.

“Si, mi cariño. At tingnan mo ang ilalim. I have your name engraved on it.

Isabel. Ang tahimik niyang basa sa nanlalabong mga mata. Isang mapait na ngiti ang gustong sumilay sa mga labi niya. Isabel. Hindi nga ba’t ang ikalawang pangalan niya ay Isabella? Dana Isabella.

The ring was almost… almost really hers.

“Isusuot ko sa daliri mo.” Kinuha nito ang singsing mula sa kamay niya at isinuot sa kanyang palasingsingan. “Wear that ring and show the world that you’re mine.” Pagkuwan ay humakbang ito pabalik sa pinaglagyan ng canvass. Inalis ang nakabalot na malaking manila paper. “Tingnan mo, Isabel. Ipinakuwadro ko na.”

“Oh, Leon!” bulalas niya.

Hindi pa man siya nakakabawi mula sa sorpresang singsing ay heto naman ang painting. Napatakbo siya patungo sa binata at paluhod na umupo upang matitigang mabuti ang larawan.

“K-kamukha ko ba ito?” she asked excitedly, sinusuring mabuti ang larawan.

“Muy siempre,” nagtawang sabi nito. “Kapag nakatapos ako sa pag-aaral ko sa pagnenegosyo ay mag-aaral naman ako ng pagpipinta sa Pamantasan ng Pilipinas sa ilalim ni Fernando Amorsolo o di kaya ay ni Fabian dela Rosa. Gusto kitang ipintang muli, iyong kamukhang-kamukha mong talaga.”

Tumingala siya. “Sapat na sa akin ang larawang ito, Leon. But I want you to sign your name here.” Itinuro niya ang ibaba ng dulong kanan ng kuwadro.

“Hindi ako ekspertong pintor, Isabel,” nakangiting tanggi ng binata.

“Oh, I insist. Please…”

Nagkibit ito ng mga balikat. “Maghintay ka rito at kukunin ko sa ibaba ang gamit ko.“Halos takbuhin nito ang hagdanan sa azotea. Inilang-hakbang lamang ang mga baitang sa pagbaba. Si Dana ay tinitigan ang larawan. A little bit like her. Pero hindi ba at ganoon namang talaga ang mga painting? Hindi talaga kuhang-kuha ang anyo. That made them so different from photographs.

Wala pang tatlong minuto ay nasa azotea na uli si Leon, dala ang mga gamit.

“Here, hold this,” wika nito. Pinahawakan ang kuwadro at inilagay ang pangalan sa pamamagitan ng pointed brush na isinawsaw sa tila-pinturang itim. “There you are… my signature.”

Napahagikgik si Dana. “Perfect. Pero—” Sinipat niyang muli ang larawan. “Leon, bakit itim ang buhok ko rito?”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. His fingers were running through his moustache lazily.

“Nang simulan kong ipinta ito’y hindi ko napansin ang kakaibang kulay ng buhok mo, Isabel. Pero si, tienes razon. Hindi ikaw iyan kung hindi ko makukuha ang kulay ng buhok mo. I’ll do it tonight, mi cariño.” Yumuko ito, hinawakan siya sa baywang at itinaas at saka muling niyakap. “Tell me again you love me,” he commanded lovingly.

“I love you.” It slipped from her mouth so easily. She raised her hand and ran her fingers through his moustache.

“Hindi ko maintindihan kung bakit tuwing sinasabi mong mahal mo ako’y nasa mga mata mo ang matinding kalungkutan,” usal nito, hinagkan ang ibabaw ng ulo niya at kinabig siyang payakap. “Ang pag-ibig ay nagdadala ng ligaya, Isabel. Hindi ng lungkot. Dahil ba sa hindi ka tiyak sa damdamin mo sa akin? O dahil hindi mo gustong biguin ang iyong papa?”

“I love you,” she said softly. “Iyan ang tinitiyak ko sa iyo…” She swallowed a lump in her throat.

Now she knew what pain and ecstacy meant. It was both being in his arms. Kung sana ay kaya niyang hilinging huminto sa pag-ikot ang orasan… sa pag-inog ang mundo. Kung sana ay walang kahapon at wala ring bukas.

“Ang hindi ko natitiyak ay kung paano ko tatanggapin ang katotohanang mapapahiya si Papa. At paano ko dadalhin sa aking dibdib ang kabiguan ni Eman…”

“Thank you for the honesty. But you don’t love him,” ani Leon sa naghihirap na tinig. “Por favor… we love each other. Maiintindihan nila iyon. Come with me, Isabel, ahora… mañana. Bago pa dumating ang takdang-araw ng iyong kasal.”

Inihilig niya ang mukha sa dibdib ng binata. At banayad na umusal sa kabila ng bigat na tila nakadagan sa mga balikat niya. “Yes.”

“Gracias, Isabel. Hindi mo pagsisisihan ang pasya mong ito…”

Pinag-usapan nilang aalis patungong Palawan dalawang araw makalipas. Sasamantalahing nasa mercado si Yaya Rosa at nasa escuela si Consuelo. May panahon upang maihanda nila ang kanilang mga gamit at upang may panahon si Leon na makakuha ng ticket ng barko patungong isla.

17

“KANINO galing ang singsing na iyan?“Bahagyang napapitlag si Dana. Hindi niya namalayang nasa pinto niya si Consuelo.

“Galing kay Leon iyan, Isabel, hindi ba?” Puno ng akusasyon at hinanakit ang tinig ng dalaga. “At napansin kong hindi mo suot ang engagement ring ninyo ni Eman. Nasaan iyon?”

Was there an engagement ring?

“N-nasa jewelry box ko, Consuelo. Itinago ko.”

“At ang singsing ni Leon ang suot mo. Naglalaro ka ng apoy, Isabel. Sana’y hindi ka mapaso. Sana’y walang maraming taong masasaktan. Sana’y hindi mo pinaasa si Leon.”

Ilang sandali nang nakalabas ng silid si Consuelo ay nanatiling nakatitig sa may pinto si Dana. Pagkuwan ay tumayo at binuksan ang drawer. Naroon ang isang jewelry box. Inilabas niya iyon at binuksan. Mula sa mga naroong alahas ay isang singsing ang dinampot niya. Hindi niya alam kung bakit natitiyak niyang iyon ang engagement ring nila ni Eman. Tulad ng kay Leon ay brilyante ang bato nito, sa orihinal na round cut.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at muling ibinalik sa jewelry box ang singsing.

ARAW ng takdang pag-alis nina Leon at Dana. Hindi mapalagay ang dalaga at palakad-lakad sa kanyang silid. Nagulat pa siya nang isang marahang katok ang narinig kasabay ng pagbukas ng pinto ng silid.

“Hindi ka pa bihis?” si Consuelo. Pagkuwan ay nanlaki ang mga mata sa suot niyang jeans at T-shirt. “Bakit may mga gamit kang kakaiba, Isabel? Saang bazaar mayroon niyan dito?”

“I-ipinagbili sa akin ng… ng classmate kong anak ng Amerikano…”

“I-iyan ba ang uso sa Estados Unidos? Bakit hindi ko kinakitaang nagsuot niyan ang ibang mga dalagang anak ng mga Amerikano?”

“Oh, Consuelo,” she said helplessly. “Huwag mong pansinin ang suot ko.”

Nag-angat ng naguguluhang mukha si Consuelo. “Hindi ka ba papasok?”

“M-masakit ang ulo ko. Hindi marahil ako papasok ngayon. Ikaw na ang bahalang humingi ng paumanhin sa ating mga maestro.”

Hindi nagsalita si Consuelo subalit matiim na nakatitig sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Pagkuwan ay tahimik nitong isinara ang pintuan niya. Dala ang gamit ay tuloy-tuloy na ito sa ibaba.

Sa gate ay napahinto ang dalaga nang makita ang pagparada ng coche ni Eman. Napailing siya. Hindi maintindihan kung bakit nahuhulog ang loob ng pinsan kay Leon gayong wala silang alam sa buhay ng binata, maliban sa naging estudyante ito ni Don Jose sa Colegio de San Juan de Letran bago nagretiro sa pagtuturo ang matandang lalaki. At totoong magandang lalaki at simpatiko. Subalit hindi basehan ang panlabas na anyo ng isang tao upang matiyak na mapagkakatiwalaan.

Si Eman ay galing sa kilalang pamilya. Nakaaangat sa buhay. Higit na kilala ni Isabel kaysa sa estrangherong Espanyol.

“Papasok ka na ba, Consuelo? Bakit hindi kayo sabay ni Isabel?” nakatawang tanong ni Eman. “Nasa itaas pa ba siya?”

“Hindi siya papasok, Eman,” sagot ng dalaga. “Masama ang pakiramdam ng nobya mo.”

“Ganoon ba?”

“Bakit ka nga pala napakaagang naririto?”

“Gusto ko lang mag-abiso na dumating ang nakatatanda kong kapatid galing sa Laguna. Paparito kami mamayang gabi upang anyayahan siyang kumain sa labas. Sumama ka na rin, Consuelo.”

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ng dalaga. “Salamat na lang, Eman. Tutuloy na ako, pumanhik ka na.”

Tuloy-tuloy sa hagdan si Eman. Si Consuelo ay nahinto sa may sidewalk. Kinakabahang di-mawari. Tumingin sa itaas ng bahay. Pagkuwan ay muli itong humakbang pabalik.

Nasalubong ni Eman sa may entrada si Dana. May hawak na malaking maleta na nabitiwan ng dalaga sa malaking gulat nang makita ang binata sa may pinto.

“Eman!”

Hindi ang pagbagsak ng maleta ang ikinagulat ni Eman kundi ang tight jeans at T-shirt na suot ng dalaga.

“A-ano ang suot mong iyan, Isabel?” manghang tanong nito. “C-calzones na kay sikip!”

Nanginginig ang mga kamay ng dalaga na humawak nang mahigpit sa pasimano ng bintana.

“B-bakit ka naparito nang ganito kaaga, Eman?” Kahit ang tinig niya ay nanginginig. She felt so guilty. Huling-huli siya ng binata sa akto bagaman hindi naman nito alam na magtatanan sila ni Leon sa oras na iyon.

“Upang—” Hindi nito naituloy ang sagot. Natuon ang mga mata sa malaking maletang bumagsak. At pagkuwan ay ibinalik ang tingin sa kasintahan. “Aalis ka ba, Isabel? Saan ka patungo?”

Hindi makuhang sumagot ni Dana. Subalit ipinagkanulo siya ng kanyang anyo sa binata.

“Aalis ka nga!” banayad nitong bulalas. “Pero bakit at saan ka pupunta?”

“Handa ka na ba, Isabel?” si Leon na papasok sa loob ng kabahayan galing sa azotea. Bihis na bihis.

Napatingin sa binata si Eman. Nagsalubong ang paningin ng dalawang lalaki. Si Eman ang unang nagbawi at itinuon kay Dana.

“Oh…” usal ni Dana at nagpalipat-lipat ang mga mata sa lalaking nakatakdang pakasalan at sa lalaking iniibig.

“Ano ang ibig sabihin nito, Isabel?” tanong ni Eman bagaman humigit-kumulang ay alam na nito ang kasagutan.

Sinulyapan ni Dana si Leon. Nakikiusap ang mga mata niya. Umaasang manggagaling dito ang sagot subalit nanatiling hindi kumikibo ang binata at nakatitig din lang. Hindi nito inaasahan ang presensiya ni Eman. Subalit tulad ni Eman ay hinihintay nito ang magiging kasagutan niya.

Litong-lito si Dana. Nasa kanya ang pagpapasya sa mga sandaling iyon. And all she wanted to do was run to Leon’s arms and beg him to take her away.

Subalit nang ituon niya ang mga mata kay Eman ay tila pinipiga ang puso niya sa anyo ng binata. Nakalaylay ang mga balikat nito. Takot at pagdaramdam ang nasa mga mata. Nahuhulaan na nito ang gagawin niya… nila ni Leon.

Nang ibaling niya ang paningin kay Leon ay nakatitig ito sa kanya. Na tila ba sa kanya nakasalalay ang buong buhay at kaligayahan nito.

Iyon ang sandaling kaya niyang patunayang mahal niya ito. At iyon ang hinihintay ni Leon na gawin niya.

Napahagulhol siya sa mga palad. Wishing so hard that she’d be taken back to her time.

“Binulag ko ang sarili ko,” wika ni Eman sa basag na tinig. “Umaasa akong dahil magkasama na tayo mula pa noong mga bata pa tayo’y mahal mo ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo…”

“M-mahal kita… Eman…” Gumagaralgal ang tinig niya at huli na upang bawiin ang sinabi. Nakita niya ang pagguhit ng poot sa mga mata ni Leon. Mabilis itong tumalikod pabalik sa azotea at bumaba ng hagdan.

“Leon!” Akma siyang tatakbo patungo sa azotea upang habulin ang binata. Ipaliwanag na pagmamahal bilang kaibigan lamang ang nararamdaman niya para kay Eman.

“Isabel,” pinigilan ni Eman ang braso niya. Umiiyak na tumingala siya rito.

“I love him, Eman… I love him,” pahisteryang sabi niya. “Totoo ring mahal kita. Subalit pagmamahal bilang kaibigan iyon mula’t mula pa…”

“Magpasya ka sa harap ko, Isabel. Gusto kong marinig mula sa iyong mga labing hindi na matutuloy ang ating kasal. Handa akong tanggapin kung ano man ang ipasya mo sa sandaling ito,” buong kapaitang sabi nito. “At kung sakaling hindi ka magiging maligaya sa kanya’y magbalik ka at muli kitang tatanggapin.”

“Oh, god!” Halos hindi siya makahinga sa paninikip ng dibdib at sa sunod-sunod na mga luhang naglalabasan sa mga mata niya.

“M-mapapahiya ka, Eman… pagtatawanan ka ng mga kaibigan natin… mapapahiya ang mga magulang mo…”

Mapait itong ngumiti. “Kaya ko ang kahihiyan subalit ang hindi ko kakayanin ay ang mawala ka…” Humakbang ito patungo sa isang silya at umupo roon dahil may pakiramdam itong gustong bumigay ang mga binti.

Humakbang patungo rito si Dana at napaluhod sa kandungan ng binata. “I–I don’t deserve you, Eman. Hindi ko kayang gantihan ang kadakilaan ng pag-ibig mo…“Ginagap nito ang dalawang palad niya at dinala sa dibdib at saka banayad na humagulhol.

“Mahal kita, Isabel… mahal na mahal… Mamamatay akong ikaw lang ang iibigin…”

18

SA MISMONG sandaling iyon ay nagdesisyon si Dana.

“P-pakakasal ako sa iyo, Eman,” she said in a quivering voice.

No!

Itinaas ni Eman si Dana at niyakap nang mahigpit. Gustong pakawalan si Isabel kay Leon subalit hindi niya kayang mawala ang dalaga. Buong buhay niya ay minahal niya si Isabel. Walang naging ibang babae kundi ang dalaga.

Maramot marahil siya upang itali si Isabel sa kanya sa kabila ng alam niyang ibang lalaki ang iniibig ng dalaga. Subalit ang konsolasyon ay ang dalaga ang nagpasya at marahil ay matututuhan din siyang mahalin ni Isabel.

Makalipas ang mahabang sandali ay kumawala sa mga bisig ni Eman si Dana.

“M-may isasauli ako sa kanya, Eman… s-sandali lang ako..“Tumango ang binata. Nasa dibdib ang matinding kaba na baka magbago siya ng pasya subalit hindi nito mapipigilan ang dalaga sa gustong gawin.

Halos takbuhin ni Dana ang hagdan. Napahinto siya ilang baitang mula sa ibaba nang makita sa puno ng hagdan si Consuelo.

“Hindi mo ako pinakinggan,” wika nito. “Ang sabi ko’y huwag kang maglaro sa pag-ibig dahil ikaw ang masasaktan… At hindi rin ako nagkamali nang sabihin kong hindi lang puso mo ang iyong sasaktan. Silang dalawa, Isabel…”

She smiled bitterly at nagpatuloy sa pagbaba. At halos takbuhin niya ang silong patungo sa silid ni Leon. Nasa mga maleta na nito ang lahat ng mga gamit at paalis na. At gusto niyang mamatay sa galit at hapdi na nasa mga mata nito.

“L-Leon…”

“Bumalik ka na sa itaas, Isabel,” wika nito sa walang-emosyong tinig.

Pinigil niya ang pagbagsak ng mga luha. “H-hindi ako para sa iyo, Leon…“Mapait na tumango ang binata. “Nakita’t narinig ko mismo, ’di ba?”

“Bukod kay Eman ay may iba pang dahilan,” she sobbed. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha. “Tingnan mo akong mabuti, Leon…”

“Paraanin mo ako, Isabel. Walang dahilan upang mag-usap pa tayo…” galit nitong sabi.

“Ako ba ang Isabel na nakilala mo noong una kang dumating sa bahay na ito?”

“Bakit kailangang gusto mong dagdagan ang paghihirap ko? Hindi pa ba sapat ang sakit na idinulot mo sa akin?”

“Leon, h-hindi ako si Isa… ako si—Oh, god!” she sobbed helplessly. “Paano ko bang ipaliliwanag sa iyo ito…”

“Bakit kailangan mong magpaliwanag? Nakapagpasya ka na, hindi ba?” wika nito sa gumagaralgal na tinig.

She sniffed. Muling pinahid ng palad ang mga luha. “Yes,” she whispered.

She felt drained and numbed yet she couldn’t stop the tears from falling. Ano nga bang paliwanag ang kailangan? May sapat bang paliwanag upang maibsan ang sakit na dulot niya sa kanilang lahat?

“Perhaps this was meant to be.” Hinubad niya ang singsing sa daliri. Inabot ang kamay ng binata at inilagay iyon sa palad. “May karapat-dapat pagbigyan ang singsing na iyan, Leon. H-hindi ako… h-hindi sa panahong ito.”

Mahigpit na ikinuyom ni Leon ang kamay. Nakulong doon ang singsing. Tumiim ang mga bagang nito. At nakita ni Dana ang namumuong luha sa mga mata ng binata sa kabila ng galit at matinding pagdaramdam.

“Adios, Isabel…” Mabilis na itong tumalikod.

“Leon…”

He turned. Hope in his eyes. And she fought hard not to reach for him. Kung makukulong siya sa mga bisig nito ay baka magbago ang pasya niya.

“I–I don’t want to say g-good-bye… Not adios, Leon, please…” Her sobs almost choked her.

“Ano ang gusto mong sabihin ko upang maging magaan ang paghihiwalay na ito, Isabel?”

“A-anything but not good-bye, Leon. It hurts so much…”

Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Ang sandaling kalituhan. Pagkuwan ay mapait na ngumiti.

“Hasta la proxima vez…” Leon wondered why he said that. Gayong sa kaibuturan ng puso’y alam nitong iyon na ang huli nilang pagkikita ni Dana.

Tumango ang dalaga. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha.

“No, Isabella, no! Don’t let him go. Please!”

Humihiyaw ang tinig na iyon mula sa kasulok-sulukang bahagi ng isip niya mula pa kanina. Subalit mabilis na tumalikod ang dalaga. Patakbong tinungo ang hagdan papanhik.

“I am sorry, Lola Isabel!” umiiyak niyang sabi. “If you meant to send me here to change history, then I am so sorry. I may have loved him so much but I cannot do it. This is your life… was your life. Ginawa mo ang pasyang ginawa ko ngayon.”

She stopped on the landing. At mula roon ay tinanaw niya ang likod ng papalayong si Leon. Isang kalesa ang huminto at sumakay ito. He didn’t even look back. She was dying inside as he watched him go.

“Would there be next time, my darling?” she was sobbing miserably. Sa nanlalabong mga mata’y nakatanaw siya sa kalesang sinakyan nito hanggang sa tuluyang mawala iyon sa paningin niya.

She dried her tears at ipinagpatuloy ang pagpanhik at pumasok sa kabahayan. Napatayo si Eman nang makita siya. Agad siyang nilapitan at ginagap ang mga kamay niya.

“Salamat, Isabel… salamat… Gusto kong makasal tayo sa huwes kahit wala ang papa mo. Hindi siya magagalit dahil bago siya umalis ay ipinagkatiwala ka niya sa akin. Sa sandaling dumating siya’y muli tayong magpapakasal sa simbahan.”

“Saka na natin pag-usapan iyan, Eman,” wika niya sa nahahapong tinig. Gusto niyang magkulong sa silid at umiyak nang umiyak. “Napapagod ako. Gusto ko na munang magpahi—” Natilihan siya nang mapasok sa isip ang sinabi ni Eman.

Pakakasal siya kay Eman! Sa malaon man o sa madali. At hindi siya si Isabel! What would happen if she married him?

Paano na siya bilang siya?

She would relive Donya Isabel’s life. No!

Mabilis niyang hinarap ang binata. “Eman… m-makinig ka. H-hindi ko gustong magpakasal tayo—”

“Isabel—”

“Makinig ka sa akin, Eman. Nakikiusap ako,” she said frantically. Hinawakan niya ang kamay nito at inakay patungo sa sofa. “Mahalagang maniwala ka sa sasabihin ko sa iyo dahil hindi ako—hindi ako s-si Isabel…”

Mariin ang pagkakadikit ng mga kilay ni Eman sa sinasabi niya. “Ano ba ang pinagsasasabi mo?“Napapikit siya. Paano ba niyang ipaliliwanag ang lahat? Kapagkuwa’y muling nagmulat at tinitigan niya ang lalaki.

“Hindi ako si Isabel, Eman. Ang pangalan ko’y… Dana. Dana Isabella at—” she groaned. Natitiyak niyang ano man ang sasabihin niya’y hindi maniniwala ang binata.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo?” naguguluhang tanong ni Eman. “Natitiyak kong masakit para sa iyo ang nangyari lang ngayon. Pero bakit kailangang sabihin mong hindi ikaw si Isabel?”

Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito. “Eman, nakikiusap ako… maaaring isipin mong nasisiraan ako ng bait subalit mahalagang makinig at maniwala ka…”

“Ano ang pakikinggan at paniniwalaan ko?”

“Eman, you are my grandfather—” nakita niya ang tinging ibinigay nito sa kanya na tila siya wala na sa katinuan. Subalit nagpatuloy sa paglalahad si Dana while watching the disbelief in his eyes.

“Nasisiraan ka ng bait!” hindi makapaniwalang bulalas nito nang matapos ang kuwento niya. Kasabay niyon ay ang simpatya sa mga mata nito para sa kanya.

She took a deep breath. “Tingnan mo akong mabuti, Eman. Isabel’s hair was black. Mine’s copper-like. Ang suot ko’y galing sa aking panahon. At marami pa nito sa aking silid. Halika…” Inakay niya ito patungo sa silid niya.

“Huwag mong gawin ito, Isabel. Sa sandaling makita tayo ninuman ay mapupulaan ka… Hindi ko gustong isipin ng sinuman na hindi ka na malinis sa sandaling iniharap kita sa altar.“She smiled at him tenderly. Pagkatapos ay binuksan ang aparador at ipinakita rito ang mga gamit niya.

“Ang ibang mga gamit ko’y makikita mo sixty to seventy years later, Eman,” aniya habang ang binata’y namamalikmata sa pagtitig sa mga pambabaing kagamitan. “Sa panahon ko’y nauna kang namatay kay Lola Isabel. At hindi ka niya natutuhang mahalin dahil si Leon ang mahal niya. Hindi niya nagawang kalimutan si Leon sa paglipas ng mga taon. Huwag mong parusahan ang sarili mo, Eman…”

Nanghihinang napaupo sa katre si Eman. “Na—nananaginip lamang ako, Isabel…”

“Dana ang pangalan ko, Eman. Si Isabel ay Lola ko sa tiyahin ng Daddy. At sana nga’y panaginip lang ang lahat ng ito. Iyan din ang inisip ko nang una kong makita si Consuelo.” She smiled at him softly. “Huwag mong guluhin ang isip mo. Kung hindi mo kayang paniwalaan ay huwag mong pilitin. Isa lang ang mariin kong ipinakikiusap sa iyo…” Paluhod siyang naupo sa sahig, sa harap nito. “Ipangako mong gagawin mo, please…” Ikinulong niya sa mga palad ang kamay nito.

Puno ng kalituhan ang mga mata ng binata. Bigla ay tila gusto nitong mahapo. “Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin, Isabel… pero sige, ano ang gusto mong ipangako ko sa iyo?”

“Don’t marry me. And when I’m gone… and who knows when… don’t marry Isabel.” Nang akmang magsasalita ang binata’y tinakpan niya ng mga daliri ang bibig nito. “Pakasalan mo si Consuelo, Eman. Iniibig ka niya noon pa man. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong pag-aralang ibigin siya.”

Lalo pang nadagdagan ang pagkamangha ng lalaki. Umiiling na tumayo ito. “Uuwi na muna ako, Isabel… Sinasabi mo marahil ang lahat ng ito dahil wala kang pag-ibig sa akin…”

“Oh, Eman…” Gusto niyang manlumo sa kalungkutan ng tinig at kalituhan sa mukha nito.

Nasa pasilyo na si Eman nang tawagin niya. Nilapitan niya ito at kinuha ang kamay. Inilagay niya sa palad nito ang kanyang relo.

“Iyan ay original CK watch, Eman. Ingatan mo at dalhin mo iyan sa iyong pagtanda. And give it to my dad…” Hoping Calvin Klein didn’t go back as far as this time.

“Mahal kita, Isabel…”

“I know.” Isang masuyong ngiti ang ibinigay niya rito. “Kung nabuhay ka hanggang sa mga panahon ng kabataan ko’y natitiyak kong ikagagalak kong maging lolo ka, Eman.”

“Adios… Isabel…”

Tumalikod na ito. Sa pasilyo’y naroon si Yaya Rosa at si Consuelo. Sandaling sinulyapan ni Eman si Consuelo bago nagpatuloy sa paglabas.

“Hija…” nag-aalalang sabi ni Yaya Rosa na akmang lalapitan siya.

“Ipagpaumanhin ninyo, Yaya Rosa, subalit gusto ko munang magpahinga. Hapong-hapo ako…”

Ang matandang babae’y nalilitong tumango.Pagdating sa silid ay nahiga si Dana. She was staring at the ceiling blankly. Muling bumukal ang luha sa mga mata. Tama ba ang ginawa niya?

Ngayon ay alam na niya kung bakit narito siya sa panahong ito. Upang itama ang maling pasya ni Donya Isabel. Subalit hindi niya kayang baguhin iyon. Bakit niya babaguhin ang buhay ng ibang taong nagpasya para sa sarili nila?

Subalit bakit ginusto niyang baguhin ang buhay ni Eman at ni Consuelo?

Marahil dahil nanghihinayang siya sa pag-ibig ni Consuelo para kay Eman. Mapagsakripisyo. At pinanghihinayangan niya ang naging buhay ni Eman sa piling ni Donya Isabel. Eman at the young age of forty, died of a heart failure, ayon sa daddy niya. He must have lived miserably. Subalit naniniwala siyang tama ang pasyang ginawa ni Donya Isabel. She was honor-bound to marry Eman.

Only, hindi niya kailanman natutuhang mahalin ito. And Donya Isabel wanted to turn back the sands of time to reverse her decision, sa pamamagitan niya.

Pero paano ang bukas kung si Leon ang pinili niya?

Anong buhay ni Leon sa hinaharap ang maaaring mabago niya kung pinili niya ito? Hindi niya gustong malaman.

And yet she couldn’t stop the tears from falling. Paano tinanggap ni Leon ang nangyari? Did he get by? Did he meet another woman? Another love?

Sa kaibuturan ng puso niya’y umaasa siyang naging maligaya si Leon sa kabila ng kabiguan kay Isabel.

“Oh, Leon. We’re almost there… almost..” she sobbed as she whispered his name.

19

“DANA, wake up!” yugyog ni Charles sa dalagang umiiyak habang natutulog. “Dana, wake up. You’re dreaming…”

Napabalikwas ng gising si Dana. Namangha pa ito nang mamulatan si Charles.

“C–Charles?”

“You are crying in your sleep,” wika ng binata at inabot ang tubig na ipinasok lang ni Aling Andeng.

“Charles, it’s you!”

“Of course, it’s me.” Bahagyang nangiti ang binata. Alam na hindi inaasahan ni Dana na matutunan nito ang bahay ng abuela. “Here, uminom ka muna.”

Subalit hindi pinansin ng dalaga ang baso ng tubig bagkus ay mabilis na tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid. Tinakbo niya ang bintana at nanungaw. Abala ang buong paligid sa pang-araw-araw na takbo ng buhay. Ang groserya sa tapat ng bahay ay maraming mamimili. Maingay ang busina ng ilang pampasaherong jeep sa dako pa roon ng main road. May mga taxi siyang natanaw.

She was back!

Muling nagbalik sa silid ang dalaga. Nilampasan ang nagtatakang si Charles at si Aling Andeng. Binuksan niya ang lumang aparador. Naroon ang mga damit niya.

“N-nasaan ang mga damit ng Lola Isabel?”

“Hindi ba at nasabi ko sa iyo noong Martes na inilipat ko sa baul at nasa kabilang kuwarto,” ani Aling Andeng. “Aanhin mo ang damit ng matanda, ineng?”

Hindi siya sumagot. Muling lumabas ng silid at pinasok ang unang silid na nakita. May natanaw na malaki at lumang baul. Binuksan iyon. Ang tumambad sa kanya’y ang mga baro’t saya ng matanda at ang iba pang mga gamit ng isang may edad. Wala na roon ang mga gamit nito noong dalaga. Niluma na marahil ng panahon.

Humihingal na napaupo sa gilid ng katre si Dana.

“Hey, what’s wrong?” si Charles na nakasandal sa hamba ng pinto. Takang-taka sa inaakto ng dalaga.

“N-nothing,” she said.

“It’s almost eleven in the morning, Dana,” patuloy ni Charles. “Pero inabutan kitang tulog pa rin. And you were crying. That must have been some dream…”

Nanaginip nga lang ba siya? Bakit kay bigat-bigat ng dibdib niya? Bakit parang gusto pa rin niyang umiyak? Bakit tila isang mahalagang bahagi ng buhay niya ang nawala?

“Care to tell me what the dream was all about?”

“I–I can’t remember anymore,” sagot niya. Litong-lito. Tumayo at humakbang palabas. Dinadaanan ng tingin ang bawat bahagi ng bahay. Bumalik siya sa sariling silid. Dinampot ang baso ng tubig sa lamesita at inubos iyon. Pagkatapos ay hapong naupo sa gilid ng kama.

“Have I arrived at the wrong time, Dana?”

Tumaas ang tingin niya sa binata. “N-no. I–I am glad you came, Charles. I really am. You couldn’t have arrived at a better time. P-papaano mong nalaman ang bahay na ito?”

“Isang araw lang ang pagitan ng biyahe natin. At nang dalawang araw na at hindi mo pa ako tinatawagan sa bahay namin sa Quezon City ay nag-overseas ako sa daddy mo at itinanong ko ang address dito sa Binondo.”

Tumango siya. “Mabuti naman at natutuhan mo kaagad…” wala sa loob niyang sabi. She was still dazed.

“I was here yesterday and the day before,” ani Charles. “Pero laging saradong lahat ang mga bintana. Kahapon ay gabi na akong pumarito pero madilim ang buong bahay. Naisip ko pa ngang baka sa hotel ka nagtuloy. Kung sa pagbabalik ko ngayon at wala ka pa rin ay tatawag na akong talaga sa Amerika upang itanong sa mommy mo kung saan kita makikita.” Bahagyang nangunot ang noo nito sa pagkamangha sa mukha ni Dana.

“Tama namang pagdating ko kanina’y nakita kong binubuksan ng matandang babae ang bahay,” patuloy nito. “Ang caretaker. Pareho pa kaming nagulat nang marinig naming may umiiyak sa silid. Mabilis niyang binuksan ang pinto at naroon ka’t tulog pa rin pero umiiyak at may tinatawag… Who’s— Leon?”

Maang na nakatitig kay Charles ang dalaga. Sabado ang araw ng balik ni Aling Andeng. At ngayon iyon! Ibig sabihin ay hindi siya umaalis ng bahay sa loob ng apat na araw na nakalipas.

Kung ganoon ay hindi panaginip ang lahat! She really travelled back in time. Sa taong 1928! During the American occupation. And she even… even danced with…

“Henry Lewis Stimson,” she whispered in awe. Nanlalaki ang mga matang napatingala kay Charles na halos magdikit ang mga kilay sa pagkakatingin sa kanya.

“Where have you been in the last four days, Dana?” tanong ni Charles na naguguluhan sa emosyong nagpapalit-palit sa mukha ng dalaga.

“Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo, Charles,” malat niyang anas. Akmang tatayo nang makapa ang diary ni Donya Isabel sa tabi. Napaigkas siya at tila gustong mapaso sa diary. Mabilis niyang tinabig at bumagsak iyon sa sahig.

“What’s that?”

“A–a diary,” halos walang lumabas na tinig sa lalamunan niya.

Humakbang si Charles at dinampot ang diary mula sa sahig.

“Don’t!” awat niya.

Nagsasalubong ang mga kilay na inilapag ng binata sa ibabaw ng chest ang diary. “I know it’s private, Dana,” he said offended. “Dinampot ko lang pero hindi ko binalak na buksan at basahin.”

“H-hindi iyon ang gusto kong sabihin…” she said apprehensively. “B-buksan mo ang diary, Charles. And p-please read to me the first page…”

“Are you sure?” Nagtatakang tinitigan siya nito. Tumango siya. Muling dinampot ni Charles ang diary at binuksan. Binasa ang first page. Iyon din ang unang binasa niya at alam na niya ang kasunod na mga nakatala.

“P-puno ba ang diary?”

“Sa mga ilang unang bahagi. Ang ilang pahina’y may maiikling nakatala. One fourth of the book is empty.” Binuklat nito ang diary sa huling pahinang may nakatala. “Ang huling entry ay 1994. Sa lola mo ito, ’di ba?”

Muli siyang tumango. 1994. That must have been the time when she had moved to the home for the aged. She sighed tiredly.

“Take me out to lunch, Charles. And bring that diary along. I want to read it somewhere far from this house.” tumayo siya at nagbukas ng aparador at kumuha ng tuwalya. “Maliligo lang ako. But I want you to stay right behind me. Don’t leave me, please…”

“You want me to join you in that primitive bathroom?” Nagawa nitong manukso sa kabila ng nagtataka’t hindi pa rin nito maintindihan ang mga ikinikilos ni Dana.

“Hindi ako nagbibiro at hindi ko maipaliwanag. So please stop asking questions. And stay behind the bathroom door…”

NANG makapaligo’y nagbihis na si Dana at nagyayang umalis na. Sa may dingding ay muli niyang tiningala ang portrait ni Donya Isabel. Luma na iyon at marami nang gasgas sanhi ng panahong lumipas subalit natitiyak niyang iyon ang larawang ipininta ni Leon sa kanya.

“Oh!” Tinakpan niya ang bibig upang huwag kumawala ang malakas na pagsinghap. Sa ibabang dulo ng kuwadro ay ang pirma ni Leon!

Wala iyon doon nang una siyang dumating sa bahay na iyon noong Martes. Iyon ay dahil sinabi niya kay Leon na ilagay ang pangalan nito sa dulo ng kuwadro.

No matter how little, she had changed something. But that something didn’t change anything and she was glad about it.

Sadness filled her. Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang pangalan nitong nakasulat sa dulo ng kuwadro.

And she wanted to weep. How she missed him… missed him so much.

“Let’s go, Dana,” naiiling na tawag ni Charles.

Nagpaalam sila kay Aling Andeng na kakain lang sa labas at babalik din. Maaaring dumating si Attorney Palomares.

“WHERE’S Cielo?” tanong ni Charles nang nasa kotse na sila.

“I have no idea. I was expecting her to see me.”

“Maybe she did. Tulad ko. Subalit hindi ka natagpuan sa bahay ng lola mo. Where have you been all along?”

“I’ve been to Binondo in 1928, Charles,” she smiled at the frown of his forehead. Isang ngiti ang ibinigay ni Charles kasabay ng pag-iling. “You’re crazy, Dana. That old house have done that to you…”

“Could be,” sang-ayon ng dalaga na biglang sumeryoso. “Oh, Charles, if you only knew what I’ve been through…” She sighed. Muling lumamlam ang mga mata at nilingon ang lalaki. “Alamin natin kung nasaan si Cielo. And promise me, anuman ang mangyayari, ipaglalaban mo ang pag-ibig mo sa kanya. Promise me, Charles,” she almost begged.

“That is what I intend to do, Dana. I love her so much to let her go. And I don’t want to think that I might fail…” Magkasama ang tatag at lungkot sa tinig nito. Kapagkuwa’y nilingon ang dalaga nang pumasok sa isip ang paraan nito ng pagsasalita. “Why do you sound so frantic?” Mula nang gisingin nito ang dalaga kanina’y tila hindi na gustong maalis ng kunot sa noo nito. She was talking and acting strange.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ng dalaga. “Ayokong habang-buhay ninyong pagsisihan ni Cielo na hindi ninyo ipinaglaban ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa, Charles.”

At kahit hindi pa niya nababasang buo ang nakatala sa diary ay natitiyak niyang kasamang nagdusa si Consuelo nang ikasal si Eman kay Isabel. Pumasok sa isip ang minsan ay pag-uusap nila ni Cielo noong mga dalagita pa lang sila.

“Why do you have a Spanish sounding name gayong dito ka sa Amerika ipinanganak?” minsan ay wala sa loob niyang naitanong kay Cielo.

Nagkibit ng mga balikat ang dalagita. “A variation of my great grandmother’s name—Consuelo. Ang lola ni Papa. She died giving birth to my grandfather.”

“Oh, yes. Nabanggit mo nang minsan iyan. Kawawa naman ang great grandfather mo. Nagkaisip siyang walang ina.”

“Yes. My father said that maybe she didn’t want to live. My great grandmother Consuelo was raped by my great grandfather who was an ardent suitor. She had no choice but to marry him 

though she hated him so much. She was in love with someone else.“

“How did your father know all that?” she asked curiously.Nagkibit ng mga balikat ang dalagita. “According to my father, my great grandmother kept a diary.”

“Nakapagtatakang hindi nakita ng great grandfather mo ang diary ng asawa niya?”

Muli itong nagkibit ng mga balikat. “I guess my great grandmother was able to hide the diary from my great grandfather. Until his death, hindi nito nalaman ang tungkol sa diary. But my grandfather kept it. At ayon sa Papa, hindi miminsang binasa ng Lolo ang diary na iyon ng great grandma Consuelo.”

“Perhaps because he never had the chance na makilala ang ina niya,” Dana assumed.

“Siguro. I was eight years old when he died. My grandmother died a few months later. Those were one of those few times na umuuwi kami sa Pilipinas. At sinunog na ni Papa ang diary na iyon ng great grandmother ko kasama ng ilang mga lumang gamit ng mga matatanda.“SA Via Mare siya dinala ni Charles. Pagkatapos nilang umorder ay hiningi niya ang diary sa binata.

“Huwag mong sabihing babasahin mong lahat ang laman ng diary dito?” amused na komento ni Charles.

“Ang ibang bahagi lamang.”

She started to turn the pages and read the entry. Subalit nagsimula ring mamuo ang luha sa mga mata niya kaya isinara niyang muli at ipinasok sa shoulder bag. She didn’t think that the diary would bring her back again to Doña Isabel’s time. Alam niya at nararamdaman niya na hindi na mangyayari iyon.

Kung tama man o mali ang naging desisyon niya’y hindi niya alam. Ang alam niya’y hindi niya gustong baguhin ang kasaysayan. That was Donya Isabel’s life—not hers.

Si Joshua at si Diana ang mga magulang niya at wala siyang balak na maging iba iyon sa kanyang panahon kung sakaling pinagpasyahan niyang sumama kay Leon.

No matter how painful it had been.Oh, Leon… Leon? “Leon Fortalejo!” nanlalaki ang mga matang malakas niyang naiusal.

“Iyan ang pangalan ng ipinagkasundo kay Cielo, ’di ba?” ani Charles na bahagyang nagulat sa pag-usal niya nang malakas.

Lumukob ang kalituhan sa mukha ng dalaga. “Yes. No. I–I don’t know.” Napatingala siya sa pagkaing kasalukuyang ibinababa ng waiter mula sa tray. “Let’s eat fast, Charles. Gusto kong sumama pauwi sa bahay ninyo. Gusto kong makausap si Mommy.”

Nagkibit ng mga balikat si Charles at nagsimulang damputin ang mga kubyertos.

20

“HOW ARE you, darling?” si Joshua na sa palagay niya’y naghihikab pa.

“Fine, Dad. Puwede kong makausap si Mommy?” Sinulyapan niya si Charles na nakatingin lang at nakatayo sa may tabi ng bar counter.

“Dana…” si Diana sa kabilang linya. Namamalat pa ang tinig mula sa pagtulog. “You’ve been there five days. How have you been doing?”

“Okay lang, Mommy…” aniya. Ilang beses na tumikhim bago muling nagsalita. “Mom, I know this isn’t the fine time to ask you this… pero importanteng malaman ko…”

“What are you talking about, darling?” Napasandal sa headboard si Diana, nilingon ang asawang tumayo at pumasok sa banyo.

“W-who—who is Leon Fortalejo, Mom?” she asked after a while. Sunod-sunod ang kaba sa dibdib.

Nagsalubong ang mga kilay ni Diana pero agad na sumagot. “Bernard’s father…“I should have guessed.

“Bakit naitanong mo si Leon, Dana? Have you met Cielo’s fiancé? Magkasama ba kayo? Nakita mo ba ang tila buhay na larawan ng matanda sa reception ng Kristine Cement building?” sunod-sunod na tanong ni Diana.

Hindi niya sinagot ang mga tanong ng ina at nagpatuloy, “H-have you had the chance of… of meeting him while you were married to Bernard?”

“No. He’s been dead for a couple of years or so when I met Bernard. Did you call us in the wee hour just to ask who Leon Fortalejo is?”

“Mom, this is important.” Nasa tinig niya ang pakiusap. “Hindi lang minsan mong nasabing hindi mo gusto ang mga antigong bahay. Why, Mom?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Diana kasabay ng paghikab. “Nothing except that they give me a creep…”

“Why should they? Have you seen that many old houses?”

“One is Tiya Isabel’s house, Dana. I don’t like that house you inherited. Though Villa Kristine is bigger and grander, it had the same effect on me. Those houses gave me a creep. I don’t know why,” sagot ni Diana. “Darling, what is this? Has this got something to do with Cielo’s forthcoming marriage to Bernard’s son? Inutusan ka ba niyang alamin ang tungkol sa pamilya Fortalejo? That is so unlike her…”

Huminga siya nang malalim. She was satisfied and disappointed at the same time. May mga sinabi si Diana na nasagot ang maraming tanong sa isip niya. She even wondered kung ang naranasan niya’y posible sanang naranasan ni Diana kung hindi lang nito tahasang tinatanggihan ang pagdalaw kay Doña Isabel? Lalo at ito naman talaga ang medyo hawig sa matandang babae.

Subalit tumatanggi ang kabilang isip niya. Mag-asawa na ang mga magulang niya nang makilala ni Diana si Donya Isabel.

“Just plain curiosity, Mommy,” sagot niya. May gusto siyang malaman subalit hindi niya alam kung ano. She was expecting Diana to supply her some answers to questions she didn’t even know what. “Hindi pa kami nagkikita ni Cielo mula nang maghiwalay kami sa airport. At hindi ko alam kung paano siya makakausap.”

“Try Kristine Cement, Dana. May penthouse si Bernard sa building.” Ibinigay niya ang address, ganoon din ang Corinthian mansion ng mag-asawang Marco at Emerald de Silva. “Emerald de Silva’s Bernard’s niece… Iyon lang ang maibibigay ko sa iyo. Malibang sa isla sa Paso de Blas inimbitahan ng anak ni Bernard ang pinsan mo.”

“Paso de Blas, Mom?”

“Yes. Heto ang daddy mo at may gustong sabihin sa iyo.” Iniabot ni Diana ang telepono sa asawa.

“Hi, Dad.”

“Hija, may dumating na telegrama rito kahapon lang galing sa isa pang pinsan ng Lola Antonia at Lola Isabel mo. She was a very distant cousin and equally very old though your Tiya Isabel was much older….”

Unti-unting bumangon ang matinding kaba sa dibdib ni Dana. Umaasang ang nasa likod ng isip niya’y hindi ang sasabihin ng ama.

“Hindi mo pa siya nakikita, Dana,” patuloy ni Joshua. “We weren’t that close either dahil nga hindi naman naglululuwas iyon sa Maynila. But I met her perhaps four times in my life. Sa Laguna siya nakatira dahil tagaroon ang kanyang asawa…”

“S-sino siya, Daddy?” Hinanap ng mga mata niya ang upuan. Hindi kakayanin ng mga binti niya ang maaaring sasabihin ng ama.

“Si Tiya Consuelo, hija,” sagot ni Joshua. Dana closed her eyes tightly at napahigpit ang pagkakahawak sa telepono. “Cielo’s great grandmother. Apo niya ang Tiyo Rustico mo sa kaisa-isang anak na lalaki. Strange, but she didn’t ask for Cielo. And I wonder why she wants to see you instead.”

Oh, God… oh, God!

“I–I t-thought Cielo’s great grandmother died a long time ago, Daddy? T-that she died giving birth to Tiyo Rustico’s father….”

“Dana Isabella!” bulalas ni Joshua sa kabilang linya. “Saan mo naman kinuha ang kaalamang iyan? Maybe she is very old, a couple or so younger than your Lola Isabel, but she’s still living, hija. Baka ang ibig mong sabihing namatay na ay ang asawa niyang si Eman. My very distant Uncle Eman died five years ago with Rustico’s father in a car accident. We never were able to attend his burial. Kararating lang natin noon dito sa Amerika…”

Hindi makaapuhap ng sasabihin si Dana. Nanunuyo ang lalamunan niya at namumuo ang luha sa mga mata.

“Sinasabi ng telegrama na gusto kang makita ni Tiya Consuelo, hija,” muling sabi ni Joshua. “I wonder why she never mentioned Cielo. Visit her, Dana. Kumuha ka ng papel at ibibigay ko sa iyo ang address ng matanda.”

*****************Happy weekends mga beshie. Pasensya na at busy na ako now daming work eh char hahahaha sana all maraming time para magpahinga. Parang nagugutom na nga ako eh kaya lang need mag work at mag update baka magtampo kayo sa akin eh ignore n’yo na ako char hahahaha. PM n’yo ako mga beshie if may time kayo at need ko ng sponsor for my milk tea char hahahaha . Enjoy reading mga beshie. See you on Monday. Take care and God bless. - Admin A ************

21

“IS ANYTHING the matter?” si Charles sa dalaga na nakatitig sa kawalan. Hawak pa rin sa kamay ang telepono na ilang sandali nang naibaba sa kabilang linya. “What is wrong? I hope it isn’t bad news?” Kinuha nito sa kamay niya ang telepono at ibinalik sa cradle.Dana blinked the tears that threatened to fall. Sapilitang ngumiti at tumingala sa binata.

“N-no… it isn’t bad news.” humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng bag at inilagay sa balikat. “Tayo nang bumalik sa Binondo, Charles. Baka naroon na si Attorney Palomares.”

Nagtataka ma’y walang-kibong sumunod sa dalaga si Charles. Nanatiling tahimik si Dana sa loob ng sasakyan. Sa paningin ng binata ay tila kay layo ng iniisip. Napapailing si Charles na nag-

concentrate sa pagmamaneho.

PAGDATING nila sa bahay sa Binondo ay naghihintay na roon si Attorney Palomares. Tulad ni Charles ay hindi miminsang nagbalik ang abogado sa bahay subalit sarado iyon. Ipinagpasalamat ni Dana na hindi na nagtanong ang abogado kung saan siya nagpunta.

“At siyanga pala, hija,” wika ng abogado pagkatapos pirmahan ni Dana ang pagsasalin sa kanya ng bahay at lupa ni Doña Isabelita. “Dala ko rito ang susi sa safety deposit ni Doña Isabelita sa bangko.” Iniabot nito sa kanya ang susi. “You know bank procedures. Identifications and all that…”

“Ano pa ba ang nasa safety deposit, Attorney?” she asked warily. “Kayo na rin mismo ang nagsabing walang pera ang Lola Isabelita…”

Nagkibit ng mga balikat ang abogado. “Para sa mga tulad ni Doña Isabelita, Dana, ang mga alaala’y kasinghalaga ng kayamanan. Maaaring iyon ang laman ng safety box. Memoir.”

She could only agree to that. “Dadaan kami sa bangko, Attorney. At siguro’y may ilang araw din akong mawawala.” sinulyapan niya si Charles na tahimik na nakamasid sa kanila. Bago sila umuwi’y natawagan na niya ang Kristine Cement at sinabing nasa Paso de Blas si Bernard Fortalejo at ang anak nito, kasama ang isang bisitang dalaga. “Saka na lang ho natin pag-usapan ang renovation…”

“Ikaw ang bahala, hija. Magpapaalam na ako.”

“THANK you,” nakangiting sabi niya sa manager ng bangko nang ilagay sa harap niya ang laman ng safety deposit box ni Doña Isabelita.

“You’re welcome, Miss Romulo,” magalang na sabi nito. “Puwede mong suriin ang laman dito, kung gusto mo.”

“It’s unnecessary, thank you.” Tumayo siya at inilahad ang kamay upang kamayan ang manager. Pagkatapos ay tumalikod na siya palabas ng bangko.

“That small box?” si Charles nang nakasakay na siya sa kotse. “Nakita mo na ba ang laman niyan?”

“Ngayon ko pa lang bubuksan,” aniya. But the jewelry box was so familiar, gusto niyang idugtong, but held herself.

May kung ilang sandaling tinitigan niya ang jewelry box bago sinimulan niyang tanggalin ang buhol ng pink ribbon na nakapaikot dito. She was about to lift the lid nang…

“Dyan… dya… rann…!” nakatawang sabi ni Charles.

“Shut up!” nakangiti niyang siko sa binata. Ipinagpatuloy ang pagbubukas. She inhaled softly nang makita ang ilang pirasong mga alahas ni Doña Isabelita. The ones that she’d seen on her chest drawer.

“Your grandmother’s jewelries.” si Charles nang malingunan ang laman ng kahon. “Wow! Look at those stones, Dana. Hindi biro ang halaga ng mga iyan. Malalaki at tiyak na genuine ang mga bato.”

Tumango siya. Muli’y lumukob ang lungkot sa buong pagkatao niya. Hindi ganoon karami ang mga alahas. Subalit ang halaga’y labis-labis upang matustusan ang mga pangangailangan ng matanda sa nakalipas na apat na taon. Doña Isabelita had not died a pauper. Hindi lang gustong galawin ng matanda ang mga bagay na inaakala nitong para sa kanya.

Sinikap niyang huwag lumabas ang mga hikbi sa bibig niya. I don’t deserve this, grandma. Hindi ko nagawa ang gusto ninyong mangyari. I am so sorry…“

She closed her eyes at sumandal. Iginalang ni Charles ang pananahimik niya at may ilang sandali ring nasa ganoong ayos si Dana. Kapagkuwa’y nilinga ang binata.

“Can I ask a favor, Charles?”

“Anytime.”

22

“I THINK that must be the house, Charles!” Excited na itinuro ni Dana ang isang dalawang palapag na bahay na ang itsura’y halos replika ng bahay sa Binondo at ng iba pang mga sinaunang bahay sa bayang iyon sa Laguna. Maliban sa renovated na iyon at maganda ang pagkakamintina.

Ipinara ng binata ang sasakyan sa may tabing-bakod na yari sa isang steel matting. Tila iyon isang makapal na yero na may mga butas. Ang steel matting ay ginagamit noong panahon ng mga Amerikano na inilalagay sa putikang lupa kung saan doon nagla-landing ang mga eroplano ng mga sundalong Amerikano. Makakapal ang halamang nakatanim sa bakod at pawang namumulaklak.

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Dana. Lumapit sa nakabukas na tarangkahan at sumilip. May natanaw siyang matandang babaeng nagdidilig ng halaman.

“Magandang hapon po…” tawag niya, sabay hakbang papasok. Inulit niya ang pagbibigay-galang sa matandang babaeng nakatalikod. Ang puti nang buhok ay nakapusod at may nakasuksok na payneta.

Lumingon ito. May kung ilang sandali siyang sinino. Bahagyang ibinaba sa ilong ang salamin sa mata. Halos magdikit ang mapuputi nang mga kilay nito.

Si Dana ay nahinto sa paghakbang. Muli’y bumangon ang matinding kaba.

“Isa—Isabel? Ikaw nga ba?” Nabitiwan nito ang hose ng tubig sa lupa. At kapagkuwa’y humakbang palapit kay Dana.

Ang dalaga’y sunod-sunod ang agos ng mga luha na hindi mapigil. Ni hindi niya makuhang tuminag sa kinatatayuan.

This can’t be true!Ang matandang babae’y huminto sa paglakad nang halos isang hakbang na lamang ang pagitan nilang dalawa.

“Isabel, ikaw nga?” wika nito sa nanginginig na tinig dala ng katandaan.

“D-Dana ang… ang pangalan ko. H-hindi Isabel…” She sobbed.Isang ngiti ang sumilay sa tuyot na mga labi ng matandang babae. The rheumy eyes sparkled. 

“Dana… Isabel… Mahalaga pa ba iyon?” Tumaas ang dalawang kamay nito at inabot siya at niyakap.

Napahagulhol ng iyak si Dana. “Consuelo…” Pinakawalan siya ng matanda makalipas ang ilang sandali. Ang mga mata’y sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. “Just as I remember you. Walang nabago. Parang kahapon lang…” wika nito.

It was only yesterday, Consuelo… gusto niyang sabihin subalit tila may nakabara sa lalamunan niya.

Hinawakan siya sa braso ng matandang babae at inakay papasok sa loob ng kabahayan.“Halika, Isabel, pumasok ka.”

Sandali muna niyang nilingon si Charles bago walang-kibong sumunod sa matandang babae. Halos maubos na ang pagkamangha at panggigilalas sa dibdib niya.

“Maupo ka, Isabel,” wika nito at itinuro ang solihiyang upuang narra. Naupo ang dalaga, ang mga mata’y hindi humihiwalay sa matandang babae kung paanong ganoon din ito sa kanya. 

“Ano ang gusto mong inumin? Kape… tsaa?”

Pinahid niya ng likod ng palad ang mga luha at hinawakan ang payat na braso ng matandang babae nang akma itong tatalikod upang magtungo sa kusina.

“H-huwag ka nang mag-abala, Consuelo. Hindi ako magtatagal. Sino ang… kasama mo rito?” Inikot niya ang mga mata sa malaking kabahayan. Ang mga kasangkapan na bagaman luma’y maayos ang pagkakamintina. Magkahalo ang mga bago at sinaunang kasangkapan. Mula sa sala’y natatanaw niya ang modernong kusina. Ang paligid ay may bahid ng karangyaan.

Eman was well-off in 1928.Muling ngumiti ang matandang babae. Sa tantiya ng dalaga’y hindi lalampas sa otsenta y siyete ang edad ng babae. Subalit mukhang malakas pa ito sa kabila ng katandaan.

“Dalawang katulong ang kasama ko sa bahay na ito, Isabel,” wika nito. “Nasa kusina ang isa. At isa’y kasama ng aking dalagang apo sa pamangkin ni Eman. Mayamaya lang ay narito na ang mga iyon…”

“D-dinadalaw ka ba ni… ni Tiyo Rustico?” She smiled sadly. “Iba na ang panahon ngayon, hija. Isa pa’y alam kong pinipigilan si Rustico ng napangasawa niya. Si Elvira ang humikayat sa aking apo na manirahan sa ibang bansa.”

“N-narito sa Pilipinas si Cielo…”

Sandaling hinagilap sa isip ng matandang babae kung sino ang tinutukoy niya. Kapagkuwa’y nagbuntong-hininga. “Ang aking apo sa tuhod. Muy probrecita niña. Huli ko siyang nakita nang mamatay si Eman at ang kaisa-isa kong anak…” Umiling-iling ito. “I never liked her mother…” Walang malamang sabihin si Dana kundi ang tumango. Masuyo siyang hinagod ng tingin ni Consuelo. Kapagkuwa’y umangat ang kamay nito at hinaplos ang kanyang pisngi.

“Hindi ka nagbago mula sa huling pagkakita ko sa iyo napakaraming taon na ang nagdaan.”

Muling napahikbi ang dalaga. Ikinulong ang kamay ni Consuelo sa mga palad at idinikit sa pisngi niya.

“Ang Lola Isabel ay dalawang linggo nang namamatay…”

Gumuhit ang kalungkutan sa kulubot na mukha ng matandang babae. Huminga ito nang malalim.

“Alam ko, Isabel,” banayad nitong sabi. “Bumabalik ang mga sulat na ipinadadala ko sa kanya sa nakalipas na apat na taon. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Subalit nitong nakalipas na tatlong linggo’y tumanggap ako ng sulat mula sa kanya.” Inangat nito ang salamin at pinahid ng alampay na nakasabit sa balikat ang mga mata. “Sulat ng pamamaalam. Walang address na nakalagay subalit nararamdaman kong hindi na talaga kami muli pang magkikita…”

Dana bit her lip. Muling ginagap ng payat at kulubot na mga kamay ng matandang babae ang kamay niya. 

“Maraming salamat. Kung hindi dahil sa iyo’y hindi nagkaroon ng katuparan ang pag-ibig ko kay Eman. Iisa lang ang naging anak namin. Subalit naging maligaya kaming dalawa. Natutuhan niya akong mahalin, alam mo ba iyon?” Muli nitong pinahiran ang mga mata ng alampay.

“Minahal ako ni Eman hanggang sa huling sandali ng buhay niya, Isabel,” patuloy ng matanda. 

“Kung mayroon man akong ipinaghihinanakit ay ang pagsasawalang-bahala ng aking apong si Rustico. Subalit iyon ma’y tinakpan ng kaligayahan ko sa piling ng aking asawa sa buong panahong nagsama kami…”

“I–I’m so happy for you…”

Binitiwan ng matandang babae ang kamay niya at pumasok sa silid. Hindi gaanong nagtagal at muling lumabas. May iniabot sa kanya.

“Matagal nang gustong ibigay sa iyo ito ni Eman subalit hindi ipinahintulot ng pagkakataon….“Ang Calvin Klein niyang wristwatch! Ang ibinigay niya kay Eman may pitumpong taon na ang nakalilipas.

“Ayokong mag-isip at ayokong magtanong, Isabel,” patuloy ng matanda. “Kung anumang kababalaghan ang nangyari’y hindi ko gustong guluhin ang aking kaisipan. Ang mahalaga’y naging maligaya ang buhay namin ni Eman. Taliwas sa naging buhay ni Isabelita na tumandang dalaga. Buong panahon niyang hinintay ang pagbabalik ni Leon. Hindi niya gustong ibaling sa iba ang pagtingin niya. But Leon never came back…”

“Pinili ng… ng Lola Isabel ang buhay niya, Consuelo…”

Tumango ang matanda. Kapagkuwa’y may isa pa itong iniabot sa kanya. “Ipinagkakaloob ko sa iyo ito. Gusto kong tanggapin mo.”

Mula sa sinag ng papalubog na araw sa labas ng bintana’y kumislap ang brilyanteng bato sa singsing na isinusuot ng matandang babae sa daliri ni Dana.Iyon ang engagement ring ni Eman para kay Doña Isabelita.

“Isinauli ito ni Isabelita kay Eman. Tinanggap ni Eman subalit itinago. Ibinili niya ako ng bago. Tingnan mo.” Buong pagmamalaking ipinakita sa kanya ang singsing na may katamtamang laki ng bato. Sa tabi niyon, sa panggitnang daliri ay ang wedding ring ng dalawa.

Dana swallowed the lump in her throat. “Bagay sa iyo, Consuelo. Hindi gaanong malaki ang bato. Simple subalit kasingkahulugan ng isang hindi mapapantayang pag-ibig…”

Sandali siyang tinitigan ng matanda. “Hindi mapapantayang pag-ibig… Tama ka. At kakamtin mo iyon, hija. Tinitiyak ko sa iyo.” Muli nitong hinaplos ang pisngi niya. “Anuman ang mangyari, magbabalik sa iyo ang iyong pag-ibig.”

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Then she smiled sadly. “Leon died a long time ago, Consuelo. Besides, si Lola Isabelita ang minahal niya at hindi ako.”

“You will find a new love. Higit kaysa anumang damdaming inukol mo kay Leon. And when you do, don’t ever let him go, Isabel…” Wala sa loob ang pagtangong ginawa ni Dana. “Higit pa sa nararamdaman mo kay Leon ang ipagkakaloob mo sa isang bagong pag-ibig, hija. Higit at tunay at walang kapantay na pag-ibig. Ang kahapon ay karugtong ng ngayon…”

Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Consuelo subalit hindi iyon pinasubalian ng dalaga. Tumayo siya at hinagkan ang pisngi ng matandang babae.

“Hindi na ako magtatagal, Consuelo…” paalam niya. “Sa aking pagbabalik ay muli kitang dadalawin.”

Tumango ang matandang babae. “Sana’y makita pa kitang muli, Isabel. Subalit hapong-hapo na ako. Ikaw lang ang hinihintay ko upang ibalik sa iyo ang iniwan mo sa asawa ko…”

“I–I’ll ask Cielo to come and visit you one of these days. She looks like you, Consuelo…” Gumagaralgal ang tinig niya. Halos hindi na niya maaninag ang mukha ng matandang babae sa luhang biglang pumuno sa kanyang mga mata.

A mixture of happy and sad smile crossed the old woman’s face. “Vaya con dios, Isabel…”

“ANG AKALA ko’y hindi ka na lalabas. Papasok na akong talaga dahil madilim na,” ani Charles nang nasa daan na sila pabalik sa Maynila. “Sino ang pinuntahan mo roon? Sino ang matandang babaeng niyakap mo?”

“Dinalaw ko ang kahapon, Charles,” pabulong niyang sagot. Ang mga mata’y nasa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga puno sa kapaligiran.Nagtawa si Charles. “You confuse me every passing minute, Dana. You’re talking weird…”

She smiled sadly. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. She had changed history. Nabago niya ang kasaysayan ng buhay nina Eman at Consuelo. Sinunod ni Eman ang sinabi niyang huwag pakasalan si Doña Isabel. She wanted to think that it had a better result… a happy ending for Eman and Consuelo. Pero hindi para kay Donya Isabelita. She had a lonely life.

Si Isabelita ay pinili ang buhay na gusto. Nabago man iyon o hindi. Hindi niya kayang paniwalaang may ganoong uri ng pag-ibig. At gusto niyang umiyak nang umiyak para sa abuela.

Then her thoughts wandered to Leon. What could have happened if he went back? Why hadn’t he? Had he found a new love? The pain in her heart was almost unbearable at the thought. 

*****************Goodnights mga beshie. Nakaka-stress ang araw na ito, Monday na monday stress agad hahahahaha, sana mabawasan ang stress n’yo mga beshie. Gusto ko ng matulog at magpahinga at sobrang pagod at stress buti nlng andyan kayo at napapasaya n’yo ako. Thanks mga beshie. Take care mga beshie, God bless. - Admin A ******* Bawi nalng ako kapag nakaluwag-luwag na char hahaha

23

PAGDATING nila sa Puerto Princesa ay nagpahatid ang dalawa sa pier kung saan magmula roon ay may ferry boat na maghahatid sa kanila sa Kristine Hotel and Resort.

“This is paradise, Dana!” bulalas ni Charles habang pinagsawa ang mga mata sa kagandahan ng natatanaw na isla na ilang sandali na lang at dadaong na sila. Kumikislap sa init ng araw ang puting buhangin. Natanaw nito ang restaurant sa dulo ng isang matarik na cliff.

“Yes,” bulong ng dalaga.

May isang isla sa kalapit ng Palawan, Isabel. Pangarap kong maging akin ang islang iyon. Dalhin doon ang babaing magiging kabiyak ng aking puso…

Natupad ang pangarap mo, Leon, ang isip niya. Lamang ay hindi ako ang dinala mo sa isla.Si Isabel ang pinangakuan ni Leon. Hindi ikaw, Dana…

Hindi kayang tanggapin ng puso’t isip niya iyon. She was there at sa kanya mismo sinabi ni Leon iyon. Napailing siya sa sarili. Nasisiraan na marahil siya ng bait.

“Sinong mapalad na babae ang dinala mo sa isla, Leon?” she murmured. And endured the pain in her heart.

Napalakas nang kaunti ang pag-usal niya na nilingon siya ni Charles.

“You’ve been acting strange, Dana. And most of the time, nakikita kitang nakatitig sa kawalan, misty eyed. What is wrong with you? I could see so much sadness in your eyes…”

She forced a smile. “Huwag mo akong pansinin, Charles. Ituon mo ang isip mo sa pagbawi kay Cielo.” May kinuha mula sa bulsa ng pedal pusher niya ang dalaga. Inabot ang palad ni Charles at inilagay roon ang singsing. “Ibigay mo kay Cielo ang singsing na iyan, bilang engagement ring ninyo.”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “You took this from your grandmother’s jewelry box para ibigay sa akin? I–I find this very insulting, Dana. I may not be able to buy a stone this big, but I can surely afford to buy her a ring…”

“Don’t be such a daft, Charles. Of course, I know you can afford to buy Cielo a ring. Pero regalo ko sa inyo iyan. At hindi galing sa Lola Isabelita ang singsing na iyan. And believe me, mas nararapat na para kay Cielo ang singsing na iyan kaysa sa akin.”

“Are you sure?” alanganin pa ring tanong ng binata.

“As sure as I’m standing here.”

Hindi na kumibo si Charles. Inilagay sa bulsa ng pantalon ang singsing. Si Dana ay muling nahulog sa isang malalim na pag-iisip. Umiiling na muling pinagsawa ng binata ang mga mata sa kapaligiran.

Ilang sandali pa’y sumadsad sa wharf ang ferry boat at bahagya silang nauga. Nahawakan ng binata sa braso si Dana bago pa siya nasubsob sa railings.

“Time to get off from this boat, dreamer,” matabang na sabi ni Charles at dinampot ang mga bagahe nilang dalawa.

Kinuha niya mula sa binata ang overnight bag nito. “I’ll take this. Hindi naman mabigat.”

Patungo sa hotel, Dana shared the admirations of the other guests. Karamiha’y mga foreigner. Kahit si Charles ay hindi mapigil ang mapasipol sa kagandahan ng paligid. Sa reception ay kumuha sila ng magkatabing single room. Parehong nasa third floor ang pinili nila.

“Gusto kong mag-shower muna, Charles. Sa ibaba na lang tayo magkita. Give me half an hour,” wika niya sa binata habang binubuksan ng room boy ang mga silid nila.

“Sure.”

Pagkasara sa pinto ng silid ay ibinagsak ng dalaga ang mga gamit sa sahig. Tinungo ang kama at nahiga sandali. Nakatitig sa kisame.

Nasa isla siya ni Leon Fortalejo. Ano ang mangyayari sa kanya rito? May pag-asa ba sina Charles at Cielo na lumigaya? Paano kung nagustuhan ng anak ni Bernard Fortalejo si Cielo? Hindi imposible iyon. Maganda ang pinsan niya. Ang pagiging submissive nito’y nakakaakit sa ibang mga lalaki.

At siya? Bakit siya narito sa isla?

Upang tulungan ba si Charles at si Cielo? O para sa sarili niya? Ano ang gusto niyang patunayan? Ano ang gusto niyang makita? Bakit tila may lakas na humihikayat sa kanyang puntahan ang islang ito?

She sighed. Bumangon at naghubad ng damit at pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis. Her old faded blue jeans and white long-sleeved polo shirt. Lumabas ng silid. Kinatok ang kabila subalit walang sumasagot. Naisip na baka nasa loob ng banyo si Charles. Nagtuloy siyang bumaba.

“Ano ang maaari kong makita sa mismong loob ng hotel?” tanong niya sa babae sa reception. Saka na lang niya itatanong kung saan makikita si Bernard Fortalejo kapag nakababa na si Charles.

“The usual, Ma’am.” Nakapaskil na sa mga labi nito ang professional smile para sa mga guest. “But you might be interested with our mini-museum…”

“Really?” umangat ang mga kilay niya. “Nasaan iyon?“May itinurong pasilyo ang receptionist. “Makikita po ninyo sa dulo ng pasilyo ang isang pintong may nakasulat na museum.”

Tumango siya at tinungo ang itinuro nito. Sa magkabilang paligid ay mga shop. Katulad din ng sa ibang hotel. May nadaanan siyang pintong nakasara na may nakalagay na: OFFICE. Nilampasan niya iyon.

“There you are,” usal niya nang mapaharap sa isang pintong ang ‘Museum’ sign ay yari sa brass. Pinihit niya ang doorknob. Bukas iyon at pumasok siya. Muling isinara ang pinto. Sa loob ay may ilang foreigners ang naroon, browsing.

Sa dulo ng silid ay nakaupo sa likod ng munting mesa ang isang may-gulang na babae. Must be the curator. Dahan-dahan siyang humahakbang habang tumitingin sa mga naroroong luma at antigong kasangkapan. Ang iba’y dinadampot niya at muli ring ibinababa. Nang bigla’y matuon ang pansin niya sa life-size portraits na nasa dingding.

Tila may bumugbog sa dibdib niya nang tumingala siya. The man was older… the grayish moustache was thicker. But the same startlingly handsome man she’d met in 1928.

Don Leon Fortalejo. Iyon ang nakalagay sa may dingding sa ibaba ng kuwadro.

She had that ache to touch the portrait nang sa sulok ng mga mata niya’y mapuna ang katabing kuwadro.

“Oh.”

Nakatingala siya sa isang portrait ng isang magandang babae. Na marahil noong ipinta’y nasa mid-thirties nito. “Beautiful…” usal niya. She was wearing an expensive Spanish outfit. May emerald choker sa leeg nito. Binasa niya ang pangalan sa ibaba ng kuwadro. “Doña Kristine Esmeralda Fortalejo…”

Napigil sa dibdib ang paghinga niya. Hindi niya gustong maramdaman ang hapding dulot niyon. Sinikap niyang pigilin ang pag-alpas ng mga luhang gustong mag-unahan.

“Kristine Cement… Kristine Hotel and Resort… Villa Kristine,” usal niya, in constricted throat. 

“Lahat ay ipinangalan sa iyo ni Leon. Minahal ka ba niya nang higit kaysa sa pag-ibig na inihandog niya sa akin?” Ni hindi niya napunang kusang tumulo ang mga luha niya. “Naalala rin ba niya ako paminsan-minsan?” She couldn’t stop the pain that came rushing through her heart.

“Are you all right?” ang isang babaeng foreigner na banayad siyang hinawakan sa braso.Napalinga siya rito. “O-of course…”

“Are you sure? You are crying…”

“I–I’m fine.” suminghot siya. Dumukot ng panyo mula sa shoulder bag at pinunasan ang basang mga mata. “I… just remembered something sad… thank you.”

Nakakaunawang tumango ang babaeng foreigner. Banayad itong ngumiti at ipinagpatuloy ang pagtingin-tingin. Ganoon din ang ginawa niya bagaman hindi niya mapigil ang sariling lingunin ang life-size portrait ng dalawa.

She had gone mad para maapektuhan nang husto gayong sa sulok ng isip niya’y alam niyang si Doña Isabelita ang inibig ni Leon at hindi siya bilang si Dana Isabella.

Sa pag-ikot niya’y napako ang pansin niya sa isang kuwadro. Hindi kasinlaki ng mga portrait nina Don Leon at Doña Esmeralda. At hindi rin tao ang nakapinta roon kundi bahay. Bahay ang nakapinta. Sa likod ng bahay ay ang dagat na may isang malaking bato. A picturesque. At sa dulo ng kuwadro ay ang pangalan ng gumuhit.

Leon.

Humakbang siya patungo sa mesa ng curator. “Ang nakaguhit bang iyon ay ang Villa Kristine?”

Sinundan ng matandang babae ang itinuro niya. Pagkatapos ay umiling. “Hindi, Ma’am. Sa pagkakaalam ko mula sa mga heir ni Don Leon ay iginuhit niya iyan noong siya’y binata pa. When she first came to this island. That was his first house in fact.”

“S-saan naroroon ang lugar na iyan?”

“I haven’t been there,” sagot ng curator. “Pero sa pagkakaalam ko’y matagal nang wala ang bahay na iyan.”

“Pero naroon pa rin ang lugar… lalo na ang malaking batong iyon sa may baybayin,” giit niya.

Warily, tumango ang curator. “Probably, Ma’am. Dahil wala namang dahilan upang alisin ang malaking batong iyan sa tabing-dagat.”

“Paano ba ang pagpunta roon?”

Doon nagsalubong ang mga kilay ng matandang babae. “Ikinalulungkot ko, Ma’am, pero may mga lugar sa isla na hindi ipinahihintulot na marating ng mga guest. Pribado ang mga iyon at hindi gusto ng mga Fortalejo na lumampas sa hotel and resort boundary ang mga bisita.”

Agad na gumana ang isip ng dalaga. “Isa akong column writer. Hindi naman siguro masamang isulat ko ang magagandang tanawin dito at—”

“Si Mrs. de Silva ay dating writer.” Kumislap ang mga mata ng matandang babae. “Romance writer for that matter…”

“Yes. I’ve read one of her novels,” she lied. “And I’d really love to meet her one of these days. I’d love her to autograph my book. Pero sana’y maibigay mo sa akin ang mga detalye. Kung pribado sa mga Fortalejo ang ibang lugar maliban sa hotel property, igagalang ko iyon. And I’d be doing them free publicity. Gusto ko lamang isulat kung ano ang transportation na ginagamit nila mula rito sa hotel patungo sa kani-kanilang mga bahay?”

“Maliban sa kabayanan na nasa kabilang bahagi ng isla ay mayroon lang tatlong residencia ang pamilya, Ma’am. Ang de Silva farm, na napakalayo mula rito dahil iyon na ang kabilang dulo ng isla. Ang bahay ni Sir Nathaniel at Ma’am Jasmin at ang Villa Kristine. Ang transportation ay sa pamamagitan ng sasakyan, helicopter, at kabayo. Ang mga batang Fortalejo ay karaniwan nang kabayo ang mga ginagamit…”

“Thank you,” aniya at dumukot ng ball pen at notepad sa bag. Kunwa’y isinulat doon ang sinasabi ng curator. She tried to ask some pertinent questions upang hindi mahalata ng curator na sa pagtungo roon lamang siya interesado.

Nilinga niyang muli ang painting bago lumabas ng museum.

24

HAPON na. At tila nagbabadya pa ang ulan. Subalit hindi mapigil si Dana sa binabalak. Kung ipagpabukas niya’y wala siyang maisip na paliwanag kay Charles kung saan siya pupuntang mag-isa. Matagal siyang nag-isip sa loob ng silid ng hotel bago nakapagpasya.

Pupuntahan niya ang lugar na nasa painting. Gusto niyang makita iyon. At kung nasa tabing-dagat lang iyon ay hindi imposibleng makita niya kung babaybayin niya ang dalampasigan. Isa pa’y tiyak na naroroon pa rin ang malaking bato bilang landmark niya.

“Hindi po maaari, Ma’am,” nakatingalang tanggi ng groom nang sabihin niyang gusto niyang sa baybayin patakbuhin ang kabayo. “Hindi po ipinahihintulot ni Sir Nathaniel iyon. Malawak naman po ang tatakbuhan ng kabayo rito. Baka nga po hindi n’yo pa maikot bago pumatak ang ulan.”

Naniniwala si Dana na halos lahat ng bagay sa lupa’y may katapat na salapi. She smiled at the groom sweetly. Kapagkuwa’y dumukot sa bulsa ng blue jeans. Hindi biro ang halagang ipinakita niya.

Yumuko siya sa binatilyong lalaki at pasimpleng isinilid sa bulsa ng polo ang ilang five hundred bills. “Walang makakaalam na dadalhin ko sa baybayin ang kabayo. At narito na ako bago pa tuluyang dumilim. At kung sakali mang makita ako ng mga boss mo. Ni hindi ko mababanggit ang pangalan mo. Wala kang kinalaman.”

Sandali lang nag-isip ang groom. Hindi biro ang halagang isinilid ng magandang dalaga sa bulsa nito.

“Ituturo ko po sa inyo ang gubat kung saan maaari kayong lihim na lumusot patungo sa baybayin,” wika nito. Hindi maisip kung ano ang mayroon sa baybayin at doon gusto ng dalagang panauhin mangabayo. “Sana po’y huwag kayong magpaabot ng hapon. Nagbabadya ng ulan ang kalangitan.”

Ngumiti si Dana at dahan-dahang pinapasok sa kagubatan ang kabayo. Hindi siya mahusay pero marunong siyang sumakay sa kabayo. May dalawang kaibigan siya sa Amerika na may farm at doon siya natutong sumakay ng kabayo. Tuwing summer ay pinahihintulutan siya ng mga magulang na magbakasyon doon nang isang linggo.

Ilang sandali pa’y natatanaw na niya sa siwang ng mga punong-niyog ang dagat.

“I’ll find that place,” determinadong sabi niya. Kung bakit ay hindi niya matiyak sa sarili.

Kung binata pa si Leon nang ipagawa ang bahay na iyon ay tiyak na ginawa nito iyon na ang nasa isip ay siya.

You’re a fool, Dana. Si Isabel ang nasa isip niya, hindi ikaw.

Hindi niya binigyang-pansin ang munting tinig na iyon sa isipan. Nagpatuloy sa marahang pagpapatakbo sa kabayo. Ayon sa curator ay wala na ang bahay na iyon. Bakit kailangang magtungo siya roon?

Hindi niya alam. Siguro’y gusto niyang madama ang presensiya ni Leon. Siguro dahil totoong naapektuhan ang damdamin niya.

And she must be so foolish to entertain such feelings for a man who had been long dead before she was even born.

Malayo na ang tinatakbo ng kabayo at nagsisimula na ang mahinang patak ng ulan subalit hindi niya matanaw sa baybayin ang tanawing kamukha ng nasa painting.

Naturally, she thought. A lifetime had passed since Leon constructed and painted that house. Subalit naroon ang malaking bato bilang palatandaan. At marahil ay malayo pa dahil wala naman siyang naraanang malaking bato. Hinawi niya sa mukha ang mga patak ng lumalakas na ulan.

“Help me, Leon. Help me find that place.”

Lumalakas ang ulan at hangin. At ang anyo ng gubat ay pare-pareho. Pulos mga puno ng niyog sa baybayin at iba’t ibang punong-kahoy sa likod ng mga iyon. At malalago ang mga talahib at damo.

Pero hindi gustong sumuko ni Dana. Ni hindi rin niya napupunang halos dumidilim na. Patuloy siya sa marahang pagpapatakbo sa kabayo. Nang sa pagitan ng malakas na ulan ay matanaw niya ang batong iyon na nakaharang sa baybayin.

“That’s it!”

Bahagya niyang tinapik ang kabayo pabilis. Kapagkuwa’y bumaba nang matapat sa mismong bato. Lampas-tao iyon at marahil kung pagsasalikupin ay tatlong taong magkakalahad na mga braso ang kakasya. Inikot niya ang paningin sa loob ng niyugan. Sa dinaanan niya’y bukod-tangi lamang ang lugar na iyon ang mahawan at patag.

Hila-hila ang renda ng kabayo na pumasok siya sa niyugan. At tama siya. Hindi gubat ang dakong iyon. At kung hindi lang malakas ang ulan ay natitiyak niyang dinadaanan ng tao ang bahaging iyon ng niyugan. Nagpalinga-linga siya. Wala siyang makita kahit labi ng pinagtayuang bahay.

“Oh, please, I must find it. It’s getting dark. Paano ako uuwi ’pag dumilim nang husto?” kausap niya sa sarili dahil halos hindi na niya makita ang dinadaanan sa lakas ng ulan.

Nagpatuloy siya sa pagpasok sa niyugan. At lalo pang dumilim ang paligid dahil wala na siya sa open area. Kung may ilang minuto niyang hila-hila ang kabayo nang walang direksiyon hanggang sa minsang pagkidlat at lumiwanag ay mahagip ng paningin niya ang tila bubong ng isang istraktura sa di-kalayuan.

“That must be it! Oh, thank God!”

Halos takbuhin niya ang pagtungo roon. Muntik-muntikan nang matalisod sa mga nag-uusliang ugat ng punong-niyog at maliliit na hukay. Malalakas at malalaki ang patak ng ulan. Basang-basa na siya.

“A fence!” usal niya nang mahawakan ang mga naroong bakal.

Pagkatapos itali ang kabayo sa bakal ay binaybay niya ang bakod at hinanap ang gate sa pamamagitan ng kaunting natitirang liwanag at sa paminsan-minsang pagkidlat. Hanggang sa makita niya iyon. Lumangitngit ang bakal nang buksan niya.

“W-what is this place?” kinakabahang tanong niya sa sarili.

Bukod sa malalaking patak ng ulan ay madilim na at wala siyang maaninag. Nang muling kumidlat ay may natanawan siyang covered area. Iyon ang natanaw niya kanina mula sa malayo. Maaari siguro siyang sumilong doon hanggang sa tumila ang ulan.

Blindly, she ran to the place. Hanggang sa maramdaman niyang hindi na pumapatak ang ulan sa katawan niya. Napasubsob siya sa baldosa sa may tila pader. Nanginginig sa ginaw siyang nagsiksik doon. Magkahalo ang luha at ang tumutulong ulan mula sa buhok niya. At natatakot na siya. Ni hindi niya alam kung ano ang kinalugmukan niya.

“I’ll take care of you, Isabel. Always… sa anumang paraan.”

Napahagulhol siya sa alaalang iyon. “You can’t do that anymore, Leon… hindi mo na magagawa iyon. At hindi ako si Isabel. She’s dead like you!” She was sobbing hysterically. “I’m Dana. And I am so foolish to have fallen in love with you… a man from the past… a man who was born even before my own father was born!”

Nanatili siyang nakasubsob doon at ang mga luha’y nakikipagpaligsahan sa mga patak ng ulan.

25

MAAGANG nagising si Lenny kinabukasan. Namamanaag pa lang ang araw sa likod ng mga bundok. Nagulat pa ang stable boy nang makita siya roon at ilabas si Fireball.

“Magandang umaga, Sir Lenny,” bati nito.

“Buenos dias, Pedring,” sagot niya. “I-saddle mo si Fireball.“Agad na sumunod ang stable boy. Inilabas ang saddle ng magilas na stallion na nang lapitan ni Lenny ay agad na humalinghing.

“Easy boy,” bulong ng binata at hinaplos ang ulo ng kabayo. “Miss me?”

Apat na araw na mula nang dumating siya sa isla kasama ang babaeng gusto ng amang kilalanin niya pero ngayon lang siya mangangabayo.

Nang malagyan ng saddle ay mabilis na sumampa ang binata at pinatakbo ang kabayo. Nakikita niya ang mga basang damo dahil sa ulan kagabi. Ulang madaling-araw na yatang huminto. And strange, mula nang dumating siya sa isla ay kagabi lang siya hindi makatulog. Kung hindi lang umuulan ay malamang na nangabayo siya at nagtungo sa batis sa loob ng gubat.

Tinalunton niya ang daan patungo sa tabing-dagat. Gusto niyang doon abutan ng paglitaw ng araw mula sa mga bundok. At ang pinakamalapit na daan patungo roon ay sa mausuleo.

“Hiyaa, Fireball!” Hinapit ng paa ang magilas na kabayo na tila ba tuwang-tuwang nasa likod nito ang amo.

Humahaplos sa mukha ni Lenny ang malamig na hangin. Inililipad niyon ang di-kahabaang buhok. And he felt exhilarated. Sa tuwing nasa isla silang magkakapatid at magpipinsan, horse racing ang paborito nilang libangan. Tatlong taon pa lamang siya’y mahusay na siyang mangabayo.

Silang magkakapatid ay halos sa likod na ng kabayo nagkaisip. Lalong higit si Jessica na kung biruin ng matatandang tauhan ay ipinanganak na may kasamang kabayo. Ang nakababatang kapatid lamang niya ang minsa’y tumalo sa kanya sa karera. While Julianne was too classy and snobbish at bagaman mahusay ring mangabayo ay bibihirang gustong magsuot ng pantalon at riding boots.

At sa sandaling mag-resign ang ama’y mabibilang na sa daliri ang ganitong malayang pakiramdam. Mauubos ang panahon niya sa kompanya. Sapat ang kaisipang iyon upang muling bumangon ang galit niya.

Galit sa ama at kay Leon. Lumaki siyang nagtatrabaho. Lahat sila. And he had nothing against it. Everybody had to earn their keeps. Subalit ang itali ang sarili sa isang kompanya dahil obligasyon nila ay ikinagagalit niya. May pakiramdam siyang kahit na patay na si Leon ay extension nito ang kompanya upang patuloy nitong manipulahin ang buhay nilang lahat.

“Damn you!” marahas niyang usal at pinatakbo pa nang matulin ang kabayo.

“I’ll forgive you because you don’t mean that… Alguna dia ay pasasalamatan mo ako, Leonard…”

“¡Nunca! And I’m passing by at your grave, Gran! Ya estas muerto, kaya huwag kang magsiksik sa isip ko!”

“Buhay ako hanggang buhay ka. Hanggang buhay ang magiging mga anak mo at ang magiging mga anak nila’y mananatili ako sa inyo…”

He uttered another curse. Nang mula sa mausuleo’y marinig niya ang halinghing ng kabayo. Kasabay niyon ay natanaw niya ang hayop sa may tabi ng bakod ng mausuleo.

“Ho, Fireball, hoo..!”

Lumigid siya at pinahinto ang stallion sa mismong tapat ng kabayo at nagsalubong ang mga kilay nang mapuna ang tatak nito sa likuran. Isa iyon sa mga kabayo ng hotel na ipinagagamit sa mga guest.

“Sino ang nagdala sa iyo rito at bakit itinali ka riyan? And how long have you been here?” galit niyang sabi.

Natitiyak niyang magdamag na nakatali roon ang kabayo at nabasa ng ulan. Mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng hotel guests na lumampas sa boundary na ibinibigay ng hotel.

Nagpalinga-linga ang binata nang may mahagip ang mga mata sa loob mismo ng mausuleo.

“¡Dio!” usal niya at mabilis na bumaba ng kabayo at pumasok sa loob ng gate. Mula sa malayo’y natanaw niya ang nakalugmok na kung sino man sa baldosa.Paluhod na niyuko ng binata ang walang malay na si Dana. Basang-basa ito sa pagkakalugmok sa mismong tapat ng nitso ni Don Leon Fortalejo.

Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga at itinihaya. Kinalong niya ito sa may binti niya at hinawi ang basang buhok mula sa mukha nito. Mainit ang balat nito. Inaapoy ng lagnat.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang sa tingin niya’y pamilyar ang mukha nito… na nakita na niya ang babae.

Yes. The lady at the airport—ang sininghalan niya.

Lumalim ang gatla sa noo niya. Paanong nakarating ang babaeng ito rito? Ilang sandaling tinitigan niya nang husto ang mukha ni Dana.

She was beautiful despite the circumstances. Her lips were slightly parted. Namumula iyon sanhi marahil ng matinding lagnat.

Binuhat niya ang dalaga at inilabas ng mausuleo. Ipinadapa sa kabayo at pagkatapos ay saka siya muling sumampa. Inayos si Dana at niyakap ng kanang kamay.

“Let’s go back home, Fireball,” utos niya sa kabayo na tila nakakaintindi at marahang umusad pabalik.

26

“TAWAGAN mo sa kabisera si Dr. Caballo, Elsie. Kailangan ko siya rito, ahora!” utos ni Lenny sa dalagitang katuwang sa villa.

“Opo, Sir.”

Sina Bernard at Jewel na pababa ng hagdanan ay parehong nagkatinginan nang makita ang anak at may buhat na babae.

“Sino ang babaeng iyan, Lenny?” si Jewel na sandaling nahinto sa pagbaba.

“No se, Mama.” Tiningala ni Lenny ang pababang ina. “Nakita ko siya sa mausuleo. Sa mismong nitso ng Lolo, soaking wet. And she’s running a high temperature.”

“Take her to the guest room, hijo,” utos ni Jewel sa anak. Pagkatapos ay tinawag ang isang katulong. “Kumuha ka ng cotton robe sa aparador ko, Seling.”

Ipinasok ni Lenny sa guest room si Dana at inihiga sa kama. Kasunod nito ang mga magulang.

“Lumabas kayong mag-ama at tatanggalan ko siya ng basang damit,” utos nito sa dalawa. Kapagkuwa’y muling ibinaling ang tingin sa walang-malay na si Dana. “What could have happened to her?”

“Gamit niya ang kabayo ng hotel. Must be one of the guests,” sagot ni Lenny na sandaling itinuon ang mga mata sa mukha ni Dana bago pumihit patungo sa pinto. “Tatawagan ko ang hotel.”

“She reminded me of someone, darling,” ani Bernard na titig na titig sa mukha ng dalaga. “Anyway, lalabas na muna ako. Do you want your coffee brought here?”

“Yes, please.”

“ANO ang sabi ng reception?” tanong ni Bernard sa anak nang maibaba nito ang telepono.

“She arrived yesterday afternoon, Papa. Her name is Dana Isabella Romulo. At may kasama siya, a certain Charles Arboleda.”

“Dana and Charles!”

Napalingon ang mag-ama kay Cielo na nasa ibaba na ng hagdan.

“Kilala mo sila?” magkapanabay pang tanong ng mag-ama na nagkatinginan.

“D-Dana’s my… my cousin. And… and Charles’—” hindi itinuloy ni Cielo ang akmang pagpapakilala sa boyfriend. “N-nasa hotel ba sila?“Nagsalubong ang mga kilay ni Lenny. “So, tama si Arsenio. Nang dumating ka’y may kasama kang isa pang babae. At ang pinsan mo iyon?”

“Y-yes—” nagyuko ng ulo si Cielo. Ilang araw na mula nang magkita at magkasama sila ni Lenny subalit hindi pa rin nito matutuhang mapalagay sa harap ng binata. The man was too sure of himself… too arrogant. Hindi nito kayang pakibagayan. “I–I want to see her,” wika ng dalaga at nag-angat ng mukha. Sinikap itago ang excitement sa tinig. “If… if someone would take me to the hote—”

“Nasa guest room ang pinsan mo, Cielo,” wika ni Lenny na ang mga mata’y patuloy sa pang-uuri sa dalaga.

“Dana’s here? In this house?”

“Hindi mo pa siya makakausap dahil wala siyang malay at inaapoy ng lagnat. Now, if you are kind enough to tell us about your cousin and this—Charles, then I am very willing to listen,” he said with a hint of sarcasm in his voice.

“Hijo.” si Bernard. “Pag-usapan natin ito sa komedor. Hayaan mong makapagkape si Cielo. Halika, hija…”

Nakahinga nang maluwag si Cielo at sumunod sa nakatatandang Fortalejo.

“KUMUSTA siya, doktor?” tanong ni Lenny nang matapos matingnan ng manggagamot si Dana.

“Tinurukan ko siya ng pampababa ng lagnat, Mr. Fortalejo,” sagot nito habang inililigpit ang mga gamit. “And she might sleep through the day. Pagkalipas ng apat na oras ay ipainom ninyo ang tabletang ito.” Ipinakita nito sa lahat ang ilang tableta na nasa night table kasama ang reseta 

“…and every four hours thereafter. At kung hindi bumaba ang lagnat niya hanggang mamayang hapon ay kailangang mai-confine siya. I’m afraid it could be pneumonia.” Inikot nito ng tingin ang mag-anak na nasa silid, kasama si Cielo na humakbang at naupo sa gilid ng kama ni Dana. “Tutuloy na muna ako.”

“Thank you, Alfred.” Tinapik ni Bernard sa balikat ang doktor at sinamahan sa labas.Si Cielo ay tumingala kay Jewel. “I–I will nurse her, Mrs. Fortalejo.”

“No. I don’t think—” si Lenny na naputol ang sinasabi nang hawakan ng ina sa braso.

“Of course, Cielo. Magugulat ang pinsan mo kung sa pagbabalik ng malay niya’y mamulatan niyang nasa isang estrangherong silid siya. Mabuti na ngang nasa tabi ka niya sa sandaling magkamalay siya, ’di ba, hijo?” isang warning look ang ibinigay ni Jewel sa anak.

Hindi kumibo si Lenny pero lumabas ng silid.

27

“WHAT was that all about, Leonard.” si Jewel nang malabasan ang anak sa portico. 

“Nagmamagandang-loob lamang si Cielo na alagaan ang pinsan niya.”

“Nada, Mama. I just thought that Cielo was here as our guest, not as a nurse,” he lied. Nais sana niyang siya mismo ang magbantay kay Dana hanggang sa magising ito. Hindi niya masasabi sa ina iyon. Magtataka itong tiyak.

Sandaling hindi nagsalita si Jewel. Nasiyahan sa isinagot ng anak. Marahil ay unti-unti nang napapalapit si Lenny kay Cielo. Kapagkuwa’y tumingala sa anak. “Ang—ang pinsan niya?”

“What about her?”

“Paano siyang nakarating sa mausuleo? Surely, she wasn’t lost. Malinaw ang mga palatandaan kung hanggang saan lamang maaaring mangabayo ang mga guest…”

“Natitiyak kong hindi siya naligaw,” sang-ayon ng binata na bahagyang lumiit ang mga mata. 

“She must have wanted to see Cielo. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi na lang siya tumawag dito or asked someone at the reception to contact her.” Hindi nito gustong sabihin sa ina na nang iniuuwi na niya ang dalaga’y nagsalita ito. In her delirium state, she had called ‘Leon’ a couple of times.

She must have reached the mausuleo before dark and have read the name on the tomb. Iyon ang lohikong paliwanag kung bakit inuusal ni Dana ang pangalan ng lolo niya.

“She is very beautiful,” wala sa loob na nasabi ni Jewel. Nasa balintataw ang magandang mukha ng walang-malay na si Dana. Nang maisip na isinatinig ang nasasaisip ay, “Well, both cousins are beautiful in their own ways, aren’t they, hijo?”

Hindi sumagot si Lenny at nagkibit ng mga balikat.

“HOW IS she?”

Napapitlag sa pagkakahilig sa sofa si Cielo nang bumukas ang pinto ng guest room at magsalita si Lenny.

“H-hindi na siya nilalagnat. She even moaned a while ago pero siguro’y hindi pa nawawalan ng bisa ang pampatulog na ibinigay ng doktor.” Sinulyapan nito si Dana na tahimik na natutulog. Nakatuon din doon ang mga mata ng binata. Kapagkuwa’y ibinalik kay Cielo.

“Gusto ng Papa’t Mama na dalhin dito ang hapunan mo. Pero naisip kong gusto mong kumain sa komedor. Kanina ka pa nakaupo riyan sa sofa. Maybe you want to stretch out.” At bago pa muling makapagsalita si Cielo ay idinugtong, “She’s out of fever now so there’s no need to worry anymore. Hinihintay ka nila sa komedor.”

“W-what about you?”

“I’ll eat later.” Tumango si Cielo at agad na lumabas ng silid. Si Lenny ay humakbang palapit sa kama. Matiim na pinagmasdan si Dana.

Alam niyang maganda ang babaeng ibinunggo ang cart sa may sakong niya. Subalit hindi niya akalaing sa malapitan ay hindi lang ito basta maganda. She was very beautiful. With skin so fair and so soft that would bruise with so much as a touch.

And her eyelashes were so dark against the whiteness of her skin. Her curly coppered hair looked so soft and silky that he had the longing to run his fingers on it.

Yuyuko sana ang binata upang hawiin mula sa noo ni Dana ang ilang hibla ng buhok nang umungol ang dalaga. Mabilis na binawi ni Lenny ang kamay at tumuwid ng tayo.

“Hmm…” si Dana, kasabay ng marahang pag-ungol. She felt a slight throbbing in her head. Tumaas ang kamay niya upang hawakan ang noo subalit nadagil na ng braso niya ang sa pakiramdam niya’y unan. It was soft. She wanted to think that she had just come to bed. Pero bakit siya nagising? Dapat bang bumangon na siya?

But she was so tired she could not believe it was morning yet. Nagmulat siya ng mga mata. Unti-unting nagkakahugis ang bultong nasa harap niya. Hanggang sa luminaw iyon sa kanyang mga paningin.

“Leon!” malakas niyang usal kasabay ng akmang pagbangon subalit nahawakan siya ng binata sa magkabilang balikat at muling ibinalik sa pagkakahiga.

“My name’s Leonard, pero hindi Leon ang tawag sa akin,” wika ng binata na sandaling nagsalubong ang mga kilay sa pagkamanghang nasa mukha ng dalaga. “Leon’s my grandfather…”

Si Dana ay titig na titig sa kaharap. May kung ilang beses bumaba-tumaas ang mga mata sa binata. Ang royal blue sports shirt ay nakapailalaim sa kupas na maong. Though of the same height, Leon was lean and fair. This one’s bigger and muscular and had a bronze skin. But those were the same features. Kahit ang paggalaw at facial expression ay pareho. Almost…except for the moustache and the color of the eyes.

“Y-you look like him—no. He looked like y—oh!” Bewildered, mariing ipinikit ni Dana ang mga mata. Subalit nanatiling nasa balintataw ang mukha ni Lenny. Agad ang paggana ng isip. This was the man she met at the airport!

Si Lenny ay yumuko. Itinaas ang kamay at dinama ang pisngi niya. Her eyes flew open. The touch was all too familiar that a shiver ran down her spine. But those were not brown eyes but coal-black eyes were boring into hers as if searching her very soul.

“Hindi ka na nilalagnat,” wika ng binata. “So I don’t think you are still in a delirious state.”

“I-ikaw ang… ang hindi sinasadyang nabunggo ko sa airport…“He twisted his lips upward para sa isang matabang na ngiti. “Now, I’m sure you’re okay…”

“S-saan ako naroroon?”

“Nasa Villa Kristine ka, Miss Romulo. My family’s ancestral home. Natagpuan kita kaninang umaga sa mausuleo ng pamilya. You must have been there since yesterday afternoon…”“M-mausuleo?”

“Yes. At walang malay kang nakasubsob sa mismong paanan ng nitso ni Don Leon Fortalejo.”

Dana groaned. Unti-unting nagbalik sa isip ang nangyari kahapon ng hapon. Inabutan siya ng ulan at dilim. At wala siyang ideya na ang pinasok niya’y isang mausuleo.

“Huwag mong guluhin ang isip mo, Miss Romulo,” ani Lenny. “Lalabas muna ako at magpapakuha ako ng pagkain mo. You must be very hungry. You’ve slept the day out.” Humakbang ang binata patungo sa pinto.

May ilang sandali nang nakalabas si Lenny ay nakatitig pa rin sa pinto si Dana. Nagsasalit-salit sa isip ang anyo ni Leon Fortalejo at ang binatang kaharap niya.

No wonder Leon was so familiar when she first saw him in her time travel. Ang apo nitong nakabangga niya sa airport ang nasa isip niya. Maliban na lamang sa moustache ni Leon.

And he said his name was Leonard. Leonard Fortalejo. Ang lalaking ipinagkasundo kay Cielo!

**************Maraming salamat sa inyong lahat mga beshie. Hoping everything will be okay. Thank you again and take care and God bless. - Admin  A *************

28

KATULONG ang nagdala ng pagkain kay Dana. She was hungry at nasa kalahati na sa pagkain nang pumasok si Cielo.

“Thank God you’re awake now,” bungad ni Cielo na naupo sa gilid ng kama. “Kumusta ang pakiramdam mo?”

Napangiti si Dana. “I am okay. At hindi ko akalaing mapapadali ang pagkikita natin dito sa isla…”

“But what happened to you? Bakit sa mausuleo ka nakita ni Lenny?”

“Lenny?” Nahinto siya sa pagsubo ng pagkain. Nagsalubong ang mga kilay bago muling ngumiti. 

“Oh, yes. Your soon-to-be fiancé. Ang lalaking namulatan ko kanina.”

“That’s him. Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nasa family mausuleo? At nilalagnat ka nang iuwi ni Lenny.”

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Dana. Wala na ang bahay na nasa painting. Ginawa na iyong isang family mausuleo. Ni hindi niya namalayan kung paano siya nakatulog o nawalan kaya ng malay kagabi. At sa mismong tapat ng nitso ni Leon.

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Kapagkuwa’y nag-angat ng ulo. “I wanted to surprise you by coming unannounced but I got lost. Anyway, narito na ako.”

“Yes.” Sinamahan iyon ni Cielo ng pinong ngiti. “I am so glad you’re here now,” sinserong sabi nito at kapagkuwa’y nag-angat ng mga mata sa pinsan. “What do you think of him?”

“Him who?”

“My soon-to-be fiancé, ano ka ba? Ano ang masasabi mo sa kanya?”

“Muy simpatico…” Nahinto siya sa bahaging iyon. She had heard it before. Kapagkuwa’y nagkibit ng mga balikat. “An inbred attitude of poise and arrogance. But of course, it usually emanates from someone born to wealth.” Nagpahid siya ng napkin sa bibig at inabot ang tubig at uminom. 

Kapagkuwa’y ibinalik ang tray sa night table.

Huminga nang malalim si Cielo. “He was reeking from it. And to top it all, he acts and talks as if he owns the world, Dana…”

“Naturally,” matabang niyang sagot kasabay ng pag-angat ng kilay. “Some guys are rich, some are almost perfectly handsome, some have so much sex appeals. But this Lenny has got them all rolled into one. So what do you expect?”

Hindi agad sumagot si Cielo at nagyuko ng ulo.

Tinitigan ni Dana ang pinsan. When together, they never fail to catch the eye of every man. Men who lingered their eyes on them with wistful longing.

Cielo had the more fashionable beauty. She was almost five feet and eight inches tall, yet voluptuous. Kung sa paglalakad nga nilang magkasabay at may mangailangan ng modelo sa araw na iyon, tiyak na si Cielo ang pipiliin. And Dana envied her cousin’s hair. Shimmery black and straight. It was cut short with bangs.

Si Dana sa kabilang banda, had a beauty that ignored the dictates of fashion. She was five feet and four inches tall. More or less, apat na pulgadang kababaan kaysa kay Cielo. She was slim and though with curves at the right places, she thought that Cielo’s breasts were perfect.

Higit sa lahat, her coppered curls defied the most artfully applied pins. Bagaman ang mga mata niya’y lagi nang tumatawag ng pansin. Doe-eyed. Framed by dark and thick lashes.

“And I am gonna marry him…” ani Cielo na bumasag sa katahimikan.

Doon marahas na nag-angat ng ulo si Dana. “No, you can’t! Paano si Charles?“Sandali lang ang lambong sa mga mata ni Cielo. “Hindi ko masusuway ang Mama. She phoned me twice. Itatakwil niya ako sa sandaling sumuway ako. Nalaman niyang sumunod sa atin si Charles and she was upset and angry with me. At kahit ang Papa’y nakiusap na sundin ko ang Mama, Dana.”

Dana groaned.

Tumayo si Cielo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. “You must rest. Ngayon ka lang nawalan ng lagnat.” Yumuko ito sa tabing-mesa at dinampot ang isang tableta at ang baso ng tubig. 

“Here, take this…”

She obediently took the pill. Ang nasa isip ay si Lenny. Hindi ang uri nito ang papayag na sumunod na lang sa gusto ng mga magulang. He couldn’t marry Cielo. He could not…

“I’ll see you tomorrow, Dana,” ani Cielo nang makitang naghihikab ang dalaga. At tahimik na lumabas ng silid.

29

THE NEXT day ay nakilala ni Dana ang mag-asawang Bernard at Jewel. Kasabay siyang nag-almusal ng mga ito. Nalaman niyang maagang umalis ng bahay sina Lenny at Cielo. Ipinasyal ni Lenny ang pinsan niya.

She found Mrs. Fortalejo very pretty in an exotic way despite the age. She must be as old as her mother and couldn’t help to compare both women. At wala siyang itulak-kabigin kung ang pisikal na atraksiyon ang pag-uusapan. But she couldn’t take her eyes off Bernard Fortalejo.

Hindi lang dahil sa kabila ng edad ay naroon pa rin ang hindi maitatwang appeal. But because he was Leon’s son. Lenny definitely got his looks from both his father and grandfather. Maliban sa mga mata na kinuha mula kay Mrs. Fortalejo. She’d trade everything just to have those exotic eyes.

And she wondered what would these couple say kung sasabihin niyang nakita, nakasama, at nayakap at nahagkan siya ni Leon Fortalejo?

Then she had a sudden curiosity sa lalaking pinakasalan at hiniwalayan ng mommy niya. She wondered why. Not that he regretted that Joshua was her father. Far from it. Nothing and no one could replace his father in her heart. She loved him and he loved her.

Bernard cleared his throat sa obvious na pagtitig ng dalaga sa kanya. Jewel smiled silently.

“So, you and Cielo are cousins?” si Bernard at inabot ang tasa ng kape at humigop.“Yes, Sir. Her father’s my Dad’s distant cousin. And oh, I’m Diana’s daughter. Your ex-wife.“Sukat sa sinabi niya’y naubo si Bernard habang hinihigop ang kape. Wala sa oras na naibagsak nito ang tasa pabalik sa platito. Mabilis na inabutan ng cloth napkin ni Jewel ang asawa dahil tumapon sa polo shirt nito ang kape.

“I’m sorry if it surprised you both,” hinging-paumanhin ng dalaga sa mababang tinig. She was sorry she blurted it out like that pero mas mabuti na iyong malaman ng mag-asawa mula sa kanya kung sino ang inaruga nila.

“Surprise is an understatement, young lady,” ani Bernard na babahagya pa lang naka-recover sa pagkabigla. Pinunasan ng napkin ang kapeng tumapon sa damit. Pagkatapos ay hinagod ng tingin ang dalagang nasa harap. She was like Diana in some ways. Very beautiful and straightforward. Yet different altogether. Kapagkuwa’y nilinga ang asawa. “No wonder she looked so familiar…”

Tumango si Jewel na ang pagkabigla’y hindi rin naitago. “Such a small world,” banayad nitong sinabi with a hint of irony in her voice. Pero natakpan iyon ng totoong ngiti. “Looking at you now, para kong nakita ang mommy mo many years ago.” Hindi kailanman lalabo sa alaala ni Jewel ang sandaling nagpaalam si Diana at sabihin sa kanyang malaya na silang dalawa ni Bernard. Para dito, that was the turning point of their lives.

“Magkahawig kayo ni Diana, hija. Hindi ko lang kaagad naiugnay nang una kitang makita kahapon ng umaga.” si Bernard, still couldn’t believe na sa tinagal-tagal ng panahon ay magkakaroon uli ito ng ugnayan kay Diana.

Life really was full of surprises. He should know better.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Dana at tinusok ng tinidor ang melon sa plato. “So they all tell me and unfair to my Dad. I’ve got some of his physical traits.”

“Well, I couldn’t agree to that,” nakangiti nang wika ni Bernard. Humingi ng panibagong tasa sa katulong at muling nagsalin ng kape. “Joshua and I never had the chance to meet properly. How are your parents?”

“They’re fine, Sir. Thank you for asking. They knew I would soon be meeting you because of Cielo.” Binalingan niya si Jewel. “Have you met my Mom?”

“Yes, of course,” sagot ni Jewel. Bahagyang nailang. May ibang pahiwatig sa ilalim ng tanong ng dalaga.

“And just as I thought that nothing in this life would surprise me anymore,” ani Bernard na bahagyang tumawa. And then wisely coursed the conversation to a safer topic. Cielo for one. Kung paano silang naging magpinsan.

Tapos na silang kumain nang magpaalam si Dana. “Gusto kong magpasalamat sa pagtanggap ninyo sa akin dito, Ma’am… Sir,” aniya na pinong ngumiti. “Pero kailangang makabalik na ako sa hotel. Baka nag-aalala na sa akin ang kasama ko.”

“There’s no need for you to go back to the hotel, hija.” si Bernard na pinunasan ng napkin ang bibig. “Tatlo ang guest rooms sa bahay na ito. And we are inviting you to stay…” Nilingon nito si Jewel na tumango rin.

“My husband’s right, Dana.” Tumango si Jewel at tumayo na. Sumunod si Bernard at si Dana. “Malayo ang pagitan ng hotel at ang villa para sa inyo ni Cielo.”

Alanganing pinaglipat-lipat ni Dana ang mga mata sa mag-asawa. “If… if it’s all right with you—”

“You are very much welcome to stay.” si Jewel at hinawakan ang dalaga sa balikat bilang kumpirmasyon ng sinseridad. “Besides, may party na gaganapin dito sa villa sa makalawa ng gabi. Anniversary naming mag-asawa. You are invited.”

“Oh!” marahang bulalas ni Dana. “It is actually a small party, Dana. Two or three close friends and relatives. Yaong naririto lamang sa Pilipinas. Those who could actually come in an instant notice.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard at sinulyapan ang asawa. Tinapos ang pagkain at tumayo.“Magtatampo ang tatlong mga anak naming nasa Amerika. Kagabi lamang namin napagpasyahang mag-asawa na magdaos ng maliit na party sa makalawa. Hindi pa namin nasasabi ito kay Lenny. At ang balak naming mag-asawa ay samantalahin ang pagkakataon upang ianunsiyo ang engagement ni Lenny kay Cielo. Hinihintay lamang namin ang go-signal ng aming binata,” ani Jewel.Sukat sa sinabing iyon ni Jewel ay bumangon ang pag-aalala sa dibdib ni Dana para kay Charles.“Maiiwan ko na kayong dalawa.” Nilapitan ni Bernard ang asawa at hinagkan sa pisngi. “I have to change my shirt fast, darling. Kanina pa sa labas ang pilot at ang chopper. May meeting ako sa KC ng alas-onse. Can you handle the catering service or shall I ask my secretary to—”“Ako na ang bahala roon,” assurance ni Jewel at humakbang kasabay ni Bernard patungo sa hagdan.“In that case, sa mismong gabi ng anniversary natin na ako darating. Sunod-sunod ang mga meetings ko, darling.” Inakbayan nito ang asawa.

30

INIHATID ni Jewel ang asawa sa labas hanggang sa umangat sa lupa ang chopper. Kapagkuwa’y pumasok na uli ito sa villa. Sandali itong nahinto sa paghakbang nang makitang nakatingala sa larawan ni Don Leon si Dana.

She frowned at the loneliness that she saw on Dana’s face. Na lalo pang nagpadikit sa mga kilay nito nang itaas ng dalaga ang kamay at hinaplos ang larawan.

“My grandfather…” marahang sabi ni Jewel at humakbang palapit.Bahagyang napapitlag si Dana. She was too engrossed watching the portrait and talking to him by herself.

“Y-yes.” She cleared the lump in her throat. “My mother said she never had the chance of meeting him…”

Tumango si Jewel. “Dalawa o tatlong taon nang namamatay si Lolo nang magkakilala sila ni Bernard.”

“What was he like?” tanong niya sabay tingala sa portrait.

Jewel smiled. A mixture of sad and happy memories filled her mind. “A tyrant.” Isang tawa ang pinakawalan nito. “But you should meet the men, they all are.” Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha at tumingala sa portrait. “Yes. He was. And he manipulated people’s life. But only because he wanted what is best for them. He was a very good judge of character and he was seldom wrong. Most of all, he loved us all. Even in death, he wanted to protect those he loved…” Jewel swallowed to clear her throat. Muling tumingin kay Dana. “Oh, I loved him. Many times I have wished na sana’y buhay si Señor Leon hanggang ngayon.”

“W-what do you mean when you said he wanted to protect those he loved… even in death?”

Sandaling natigilan si Jewel. Hindi niya namalayang nasabi niya iyon. Naalala niya ang araw na napahamak siya dahil kay King. She thought she heard Leon’s voice not to enter the villa. But of course, no one would believe her. Ni hindi niya sinabi iyon kay Bernard sa mga taong nagdaan. At siguro’y imahinasyon nga lang talaga.

She smiled at the younger girl. “Nothing. Just pure imagination. I sometimes thought I heard him speaking to me.” nagkibit ito ng mga balikat.

Tumango si Dana. “H-how did he meet y-your… grandmother?” She couldn’t contain her curiosity.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jewel sa tanong niya.

“I’m sorry… Plain curiosity, that’s all. M-mahilig akong makinig ng mga kuwento kung paano nagkakakilala ang dalawang tao,” mabilis niyang sabi.

“Oh, well…” She looked up at her grandparents’ portrait thoughtfully. “As a matter of fact, I haven’t given it a thought. Malibang sa dinami-rami ng babaeng napaugnay sa Lolo, si Lola Esmeralda lamang ang minahal at pinakasalan niya.”

You’re wrong. He loved me first! kontra ng bahagi ng isip ni Dana. Kahit ang kabila rin niyon ay naghuhumiyaw sa pagtangging hindi siya kundi si Donya Isabelita ang unang babaing minahal ni Leon.

“Well, if you are really that curious about old stories and romance about my grandfather then perhaps you should talk to Tiya Margarita, his daughter. Tiyak na marami siyang ikukuwento sa iyo.”

“I’d like to meet her one of these days,” seryosong sabi ng dalaga. At muli’y nagsalubong ang mga kilay ni Jewel. She could sense that there was more to it than plain curiosity. Hindi nga lang nito malaman kung ano.

“PARTY?” Kunot ang noong nahinto sa pagbubukas ng aparador si Lenny at nilingon ang ina. “I thought you will celebrate your anniversary by yourselves. What happened to the plans that you will celebrate your anniversary aboard Precious? Then set sail to the Carribean?”

Umiwas ng tingin si Jewel. “Your father’s too busy these days, Lenny. There’s only a trimester left before Christmas and—”

“’Ma, there’s Uncle Zandro and Tito Marco and Papa’s top executives,” agap nito sa sinasabi ng ina. Nawala na sa isip ang balak na pagbibihis at humarap sa ina. “Kaya nga hindi kami tumutol nang sabihin ninyong sa yate kayo magse-celebrate ng anniversary. Julianne even thought it romantic.”

“I thought so, too.” she smiled at her son shyly. “Pero naisip namin ng papa mo na napakaikli ng isang buwang bakasyon para sa amin. Kaya hihintayin na namin ang retirement niya. At inaasahan ng papa mo na handa ka nang hawakan ang pamamahala sa kompanya.”

Pinigil ni Lenny ang anumang sasabihin. Alam na niya ang kasunod na sasabihin ng ina. Isa sa mga addendum ng corporate by-laws na ginawa ni Don Leon Fortalejo ay dapat na may-asawa ang sinumang CEO ng Kristine Group of Companies.

Hindi agad hinawakan ni Bernard ang pamamahala sa KGC nang mamatay si Don Leon. OICs were appointed while he was trained as future KGC president and CEO. Ganoon pa man ay puno ito ng kumpiyansa na wala itong nilalabag sa by-laws ng kompanya dahil lihim itong kasal kay Jewel at naghihintay lamang ng panahon upang ipaalam iyon sa lahat. At iyon ay alam ni Judge Adriano bilang isa sa mga director at abogado ng kompanya. Until Jewel’s accident na nauwi sa pagpapakasal ni Bernard kay Diana.

“I could guess what you will say next, Madre.” He groaned in frustration. “’Ma, wala pa akong balak mag-asawa. Not in a few years to come. Please, don’t you both make me feel guilty na ang hindi ko pag-aasawa ang dahilan kung bakit hindi agad makapagretiro ang Papa. Nariyan si Uncle Zandro. He can act as OIC for a couple of years or so after Padre retired.”

“What have you against marriage, Lenny?” Nagtatakang tumingala si Jewel sa anak. “I don’t believe in perfection dahil wala niyon. Pero wala kang masasabi sa marriages ng pamilya natin. 

Maliban marahil sa ilang hindi pagkakaunawaan na normal lamang sa buhay-pampamilya.“

Nagkibit ng mga balikat si Lenny at isinandal ang ulo sa salamin ng antigong aparador. “A wife is rather difficult to dispose of when one finds oneself in the grips with boredom, Madre.” Humakbang ito patungo sa personal ref at kinuha roon ang isang bote ng champagne at dalawang goblets. Nagsalin at iniabot sa ina ang isa.

Wala sa loob na tinanggap ni Jewel ang kopita at manghang tumingala sa anak. “When is having a family a bore, Lenny? Hindi ako makapaniwalang nasasabi mo iyan. I have never been bored with my duty as wife and mother! And I don’t suppose your father was bored with… with me. With us. Do you?” A little uncertainty laced her voice.

He twisted the corner of his mouth. “No, Madre,” mariing sagot ni Lenny nang makita ang bahagyang alinlangan sa mukha ng ina. “Because you both love each other.”

Jewel sighed. Ilang sandali ang pinalipas nito bago muling nagsalita. “Nang unang sabihin ng ama mo ang tungkol kay Cielo ay ako ang unang nagprotesta, hijo. Bagaman mahirap, pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gustong pakialaman ang suliranin sa puso ng mga anak ko. But I am beginning to like Cielo, hijo. I find her shyness very endearing. Polite, cultured, and of course, very pretty.”

He smiled without humor. “Is she all that? I hardly notice…“Jewel grimaced at the sarcasm in her son’s voice. “Cielo is a nice and respectable lady, Lenny.”

“Nice and respectable women are too damned boring, Mother.” Inisang lagok nito ang champagne at muling nagsalin. Pagkatapos ay pabagsak na naupo sa katapat na settee ng ina.

“Sinasabi mo lang iyan dahil ang papa mo ang pumili kay Cielo. Pero kung hindi ganoon ang situwasyon ay malamang na madaling nahulog ang damdamin mo sa kanya,” ani Jewel na dinala sa bibig ang goblet and took one sip. “At kung papayag ka’y isasabay na namin sa anniversary party namin ng papa mo ang announcement para sa engagement ninyo—”

“Ang party sa makalawa’y pribado para sa inyo ng Papa. Huwag mong sirain ang tradisyon sa pamamagitan ng pag-anunsiyo ng engagement ko sa babaeng hindi ako ang pumili!”

“Hijo…”“Lo siento mucho, Madre. But I refuse to pretend to be enamoured of Padre’s choice. I can only promise civility.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jewel. Naiintindihan niya ang anak. Ang usapan ng mag-ama’y kilalanin muna ni Lenny ang dalaga. Subalit para kay Bernard ay wala itong makitang kapintasan kay Cielo. And she could only agree. Bibihira sa mga kabataan ngayon ang tulad ni Cielo na mabait, mahiyain, at mahinhin. Lalo na at sa Amerika ito ipinanganak at halos doon na rin nagkaisip.

“She wasn’t here very long, hijo. Hindi mo pa siya lubusang nakikilala,” giit ni Jewel sa magaang na tono. “Cielo could be an ideal wife.”

“Mama, pati ba naman ikaw ay nag-aapurang mag-asawa na ako?”

“Oh, well.” nagkibit ng mga balikat si Jewel. “I’m forty-eight, nami-miss ko na ang halakhakan ng mga munting bata at—”

“There’s Troy,” agap ng binata na sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha nang maalala ang pamangkin. Noong isang araw lang ay naparaan sina Marco at Troy sa villa bago umuwi ng farm. And he had to admit that he really had fun playing with Romano and Bobbie’s son.

Napangiti si Jewel sa pagkabanggit sa pamangkin. “Yes. But he wasn’t yours. At halos hindi na mawala sa paningin ng Uncle Marco at Aunt Emerald mo ang bata. He was an added joy to their lives.”

“Hindi dahilan ang pagkasabik mo sa apo upang pakasalan ko si Cielo, gaano man siya kabait, kamahiyain, kaganda, et cetera.” Muling bumalik ang sarkasmo sa tinig niya. “And if you want the truth, this woman will make my hair gray in a couple of years…”

“Lenny!” bulalas ni Jewel.

“’Ma, please,” he said impatiently. “I have no liking for respectable and dull women. Na huwag ka lang di-magtaas ng tinig ay iiyak na kaagad.”

Jewel sighed. “Oh, well… Kakausapin ko ang papa mo. And perhaps it is only fair for you to find a young woman you did not deem dull and marry her.”

****************Maraming salamat mga beshie don’t forget to vote and comment. Hayyst kapagod ang araw na ito char. Sana mabawasan ang stress n’yo mga beshie. Take care and God bless. Thank you mga beshie. - Admin A ***************

31

“THOUGH I am enjoying this place, Dana, importante pa rin sa aking magkita kami ni Cielo. At ni hindi ko alam kung paano mong nagawang magtungo riyan sa villa nang hindi nagpapaalam sa akin…” naghihinanakit na sabi ni Charles sa kabilang linya.

“Hindi ko intensiyong dito magtuloy, Charles. I got lost,” paliwanag niya. “And be patient. Tumawag na si Tita Elvira dito nang dalawang beses at alam na sumunod ka. She was so angry at natakot na naman niya si Cielo. And Cielo’s determined to follow her mother’s wishes now more than ever dahil nakiusap na rin pati si Tito Rustico.”

Napaungol si Charles. “Let me talk to her. I’ll put some sense into her head…” Gustong mag-panic ng binata. “And Dana, apart from being very rich, I’ve heard that this Lenny Fortalejo is so attractive that I think Cielo might have—”

“Nonsense!” awat niya sa sinasabi nito. “Mahal ka ni Cielo. I know that for sure. And you are a good-looking man, too. I’ll talk to her. Give me time.” Pinayapa niya ang loob ni Charles bago niya tuluyang ibinaba ang telepono.

Pabalik na siya sa guest room nang mapunang nakatayo sa may entrada ng bahay si Lenny. The sun from the outside silhouetted his back at hindi agad niya makita ang mukha nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit nagsimula siyang kabahan.

“Kausap mo ang boyfriend mo sa hotel?” The all-so-familiar voice echoed through the hall. Deep and mellow. It ran up her spine like velvet claws.

“L-Leon?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lenny at humakbang papasok sa kabahayan. Ang nagpuputik na riding boots ay gumawa ng bakas sa vigan tiles.

“Alam kong kahawig ko ang Lolo. Many times in my life, hindi nagkukulang sa pagsasabi niyan ang matatanda sa islang ito. I wished I had the chance of meeting my own grandfather. I heard so many tales about him. But he died even before I was born. But for the life of me, I couldn’t understand why everytime you see me, you whispered his name,” he said in supreme annoyance.

Lihim na napaungol si Dana. She couldn’t be this foolish everytime she met the grandson. Sinikap niyang salubungin ang nang-uuring mga mata nito.

“W-where’s Cielo?”

“Forget her!” he said sharply. “Sagutin mo ang gusto kong malaman. Bakit lagi mo akong tinatawag na Leon? Ano ang ginagawa mo sa family mausuleo?”

Naningkit ang mga mata ng dalaga. “Guest ako ng hotel. Nangabayo ako and I got lost and don’t snap at me!”

“Got lost!” he countered. “Nakausap na ng Uncle Nathaniel ang groom na nagbigay sa iyo ng kabayo. Hindi pa man tinatanong iyong tao’y nagsabi na ng totoo. You bribed the poor man. And that really puzzles me.”

Biglang nagbago ang anyo ng dalaga. Sa nag-aalalang mga mata’y tumingala siya sa binata.

“P-please… h-hindi niya gustong ituro sa akin ang daan. Pinilit ko siya. Huwag ninyo siyang tanggalan ng trabaho…”

“Kung nagawa niya sa iyo’y gagawin din niya sa ibang guest na bibigyan siya ng pera. At mawawalan ng privacy ang lugar na ito sa mga katulad mo.”

Nanlumo ang dalaga. Kasalanan pa niyang mawalan ng trabaho ang groom. Hindi niya kayang dalhin sa konsiyensiya iyon.

“W-what do you want me to do para huwag siyang matanggal sa trabaho?”

“Try honesty.” Bumaba ang tinig ni Lenny. And with a conceal amusement, hindi nito maawat ang sariling hindi pag-aralan ang dalaga. A face that launched a thousand ships. She could be Helen of Troy incarnate. And her eyes, surely more than one man had lost himself in them and despaired of ever finding his way out.

And he hadn’t seen her smile yet. Would she be as lovely?You wouldn’t believe me kung sasabihin ko ang totoo, sa isip ni Dana.

“Is… is curiosity sufficient enough?”

“Try harder. Sinabi ng curator na nagkainteres ka sa isang painting ni Señor Leon. Itinanong mo kung naroon pa ang lugar na iyon at kung paano pupunta roon. You even lied about being a writer.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hindi makapaniwalang napaimbestigahan na kaagad siya. “Who are you people? The NBI? CIA…?”

“We have strict rules for our guests, Miss Romulo. And we value the privacy and security of this island so much.”

Huminga nang malalim ang dalaga. “Just plain curiosity, Mr. Fortalejo. That’s all there is to it. Nothing more, nothing less. If you cannot believe that, then that is your problem.”

Muling tinitigan ni Lenny ang dalaga. Nakita nito ang sandaling paniningkit ng mga mata ni Dana, then to weariness.

“Pagdating ko kagabi’y sinabi ni Mama kung sino ka. Kung kanino kang anak. Were you curious why your mother annulled the marriage? O nanghihinayang ka dahil iniwan ng mother mo ang ganitong uri ng kalagayan?”

“Why you—!” Kung ano man ang sasabihin ni Dana’y napigil nang sa sulok ng mga mata’y makita ang pagbaba ni Jewel sa hagdan. Sa nagpupuyos na loob ay mabilis na lumakad patungo sa guest room.

“Ano ba ang pinagsasasabi mong bata ka,” saway ni Jewel sa anak nang makababa.

Nagkibit ng mga balikat si Lenny. Naupo sa sofa at hinubad ang nagpuputik na boots.

“Ano ang nangyayari sa iyo, Leonard? Hindi ba napag-usapan na nating hindi mo na kailangang sitahin pa si Dana kung bakit nasa private premises siya? She is Cielo’s cousin. And Diana’s daughter. Not really a stranger for that matter.”

Hindi sumagot ang binata at inihilig ang ulo sa sandalan at tumingin sa kisame. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangang inisin niya si Dana. Much as he disliked it, nagsisiksik sa isip niya ang mukha ng dalaga parati magmula nang makita niya ito sa mausuleo tatlong araw na ang nakararaan.

Kahapon maghapon ay sila ni Cielo ang magkasama. Subalit ang isip niya’y naglalakbay kay Dana. Tumingin siya sa ina.

“Twice, she called me Leon…”

“The first four letters of your name,” walang-anumang sagot ni Jewel. “What is so unusual about that.”

“’Ma, walang tumatawag sa akin nang ganyan kahit na sino. Alam mo iyan. She was the first. At nang una niyang sabihin sa akin iyon ay nang magkamalay siya at mamulatan niya ako. And she did the same thing today, nang malingunan niya ako sa pinto. Surely, that’s strange.”

“Gusto ka niyang tawaging Leon. Ano ang masama roon?”

“Yeah…” mabuway na sang-ayon ng binata at tumayo. “I’ll take a shower…”

“Nasaan si Cielo?”

“Nasa kabilang farm. Inimbitahan ni Auntie Emerald na doon mananghalian.”

32

“GUSTO kang makausap ni Charles,” ani Dana sa pinsan nang makapagsarilinan sila sa silid niya pagkatapos ng hapunan.

“I don’t want to talk to him, Dana,” determinadong sagot ni Cielo. “It’s over between us. Baka mamaya malaman pa ni Lenny ang tungkol sa kanya’y makasama pa.”

Matagal na tinitigan ni Dana ang pinsan. Pilit na inaarok ang damdamin. Determination was on her cousin’s face. Hindi siya makapaniwala na ang Cielo na halos ipagsigawan ang pag-ibig kay Charles noon ay basta na lang magbabaling ng pansin sa ibang lalaki nang ganoon kadali. Nagbuntong-hininga ang dalaga.

“Alam mong unang nanligaw sa akin si Charles, ’di ba?”

Nag-angat ng paningin si Cielo. “So?”

“Well…” Nagkibit si Dana ng mga balikat. “Lately, nitong magkasama kami sa nakalipas na dalawang araw, nakilala ko nang husto si Charles. I kind of attracted to him…”

Sandali lang ang pagkabigla ni Cielo. Nagyuko ng ulo. “H-he’s a good guy. M-matutuwa ako kung… kung mababaling muli ang pansin niya sa… iyo.” Kapagkuwa’y tumayo ito. Tuloy-tuloy sa pinto. Ni hindi lumingon kahit nang magsalita. “B-babalik na ako sa silid ko.“Naiwang nakangiti si Dana. It wasn’t hopeless afterall.

NANG magising kinabukasan si Dana ay nag-iinat pang nanungaw sa bintana. Nahinto siya sa paghihikab nang matanawan niya si Lenny na nasa kuwadra. Nagmamadaling lumabas siya ng silid. Baka umalis ito at hindi niya abutan. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng villa patungo sa kuwadra. Inaayos na nito ang saddle sa ibabaw ng malaking kabayo.

“G-good morning…“Mula sa paglalagay ng saddle sa stallion ay napalingon si Lenny. Nagsalubong ang mga kilay pagkakita kay Dana. From the bed, literally. Still in her flowery cotton pajama. The sweet warm scent filled his nostrils.

She was smiling. And just as he thought. But Dana wasn’t just lovely. Whoever invented the word enchantment must have her on his mind.

Her hair uncombed. Her face unmade. No lipstick. Not even a trace of powder. But it didn’t make her less pretty. She was a Greek statue came to life. A work from the hands of a master. Praxiteles, perhaps.

“G-going somewhere?” she asked. Her voice still husky from sleep.

Bahagyang ipinilig ni Lenny ang ulo, clearing his mind from strong and unwanted desire. Wala sa loob na tumango. He was literally speechless and was totally mesmerized at the sight of her. Maliban kina Julianne at Jessica ay wala itong natatandaang may babaeng humarap sa kanya nang nakapantulog lang at hindi pa nakaayos. Kasama na roon si Cielo.Bawat isa’y gustong laging maganda at maayos sa harap ng binata. For fear that he might find them lacking.

“Mangangabayo?”

Muling tumango si Lenny.

“H-hindi ko gustong abalahin si Tita Jewel. Puwede mo ba akong ihatid sa hotel?”

Saka lang tila nagising ang binata. Bahagyang naningkit ang mga mata. “Gusto mong magkita kayo ng boyfriend mo?”

“Ikaw ang gusto kong makausap,” ani Dana. Nagtaka sa animosity na biglang nasa tinig nito. She swore she saw admiration in his eyes a while ago.

Nagdikit ang mga kilay ni Lenny. “Ano ang gusto mong ipakipag-usap? At bakit kailangang sa hotel pa?”

“Dahil gusto ko ring magpunta roon upang kausapin si Charles. Please…”

Matagal na humagod ang tingin ni Lenny sa katawan ng dalaga na gusto nang mailang ni Dana. Nawala sa isip na nakapantulog lang siya sa pagmamadaling mahabol ang binata.

“In your pajamas?” wika nito makaraan.

Lumapad ang ngiti ni Dana. “Give me ten minutes.” At saka nagmamadaling bumalik siya sa bahay.

“Take your time!” pahabol na sigaw ng binata na napailing. He couldn’t believe that he was taken by a smile.

33

“I WOULD have preferred the horses,” ani Dana nang nasa daan na sila sakay ng Ford Expedition.

“Matatagalan tayo dahil hindi ka naman makapagpapatakbo nang mabilis. Besides, ang sabi mo’y gusto mo akong makausap.”

“Yes, of course.” Huminga muna siya nang malalim bago inumpisahan ang sasabihin. “Ilang araw nang narito sa isla si Cielo. Siguro’y napagpasyahan mo na kung pakakasalan mo siya o hindi…”

“What has it got to do with you?” Sandali itong lumingon sa dalaga. But she was looking outside the window.

“Just answer me…”

“What if I say yes and might marry her?”

She sighed. “Do you love her?“Umangat ang mga kilay ni Lenny. “Is this what is all about? You want to make sure if I love her?” he mocked.

“Huwag kang magtawa!” inis niyang sabi.

“But you are funny,” patuloy ni Lenny. “Iyan lang ba ang ipakikipag-usap mo sa akin?“Muli siyang humugot ng pagkalalim-lalim na buntong-hininga. “Cielo’s a sweet girl, Mr. Fortalejo—”

“So your cousin’s a sweet girl. I can only agree to that. What now?”

“Wala siyang pag-ibig sa iyo. Sumusunod lamang siya sa mga magulang niya. At hindi ang katulad mo ang iibig sa isang tulad ni Cielo. So, please, sana’y mapagpasyahan mong huwag ituloy ang planong pagpapakasal…” she said passionately.

Umangat ang mga kilay ni Lenny. Inihinto ang sasakyan at humarap sa dalaga. “At ano ang katulad ko, Dana?”

Umiwas ng tingin ang dalaga. Tinawag siya nito sa pangalan niya sa unang pagkakataon. At sa sensuwal na paraan na tila gustong manayo ng mga pinong balahibo niya.

“You know what I mean.”

“Forgive me but I could be cork-witted at times,” he said in self-mockery. “but I don’t know what you mean,” patuloy nito. Ang kamay ay inilagay sa sandalan at umabot hanggang sa may bahagi ng headrest niya. At bahagyang dumukwang ito patungo sa kanya. “Linawin mo sa akin…”

Napapikit ang dalaga sandali. He was too close she could hardly breath. She could even smell the scent of his woodsy aftershave. At ni hindi niya masabi nang deretso ang gustong sabihin kung ganito kalapit ang binata.

“H-hindi ka kayang pakitunguhan ni Cielo. Magkaiba ang mundong nilakihan at ginagalawan 

ninyo…“

“She’d make a very submissive wife,” patuloy ni Lenny. Nasa tinig ang panunuya.

“I–I’ll bet you… you have women by the dozen swooning at your feet so—”

“Hindi ganoon karami.” he was almost grinning. “And don’t you think you could call me Lenny?”“You don’t need Cielo?” patuloy ng dalaga na hindi pinansin ang huling sinabi nito. “You will make her life miserable.”

Umangat ang mga kilay ng binata. “How can you pass judgment?”

“Because I know! She was in—” love with someone else. Muntik na niyang masabi. Kapagkuwa’y bumaba ang tinig niya. “If only you love her and she loves you, then it is another story. But as it is—”

“Is love your standard of making two people happy, Dana?” muling putol ni Lenny sa sinasabi niya. At bago pa siya makasagot ay muling nagsalita ito. “That’s very romantic of you…”

“Don’t mock me!” she snapped. “Take the case of your father and my mother. They had their marriage annulled because they didn’t love each other so much…”

“And have you regretted that they had separated? You could have been born in this family as my father’s daughter. Being a Fortalejo isn’t a joke, dulzura,” he taunted softly.

Si Dana’y muntik nang mawala sa pagtitimpi kung hindi sa ginamit nitong endearment. Napaangat ang mukha niya at tumitig sa binata na tila ba muli siyang nagbalik sa panahon ni Leon.

Si Lenny man ay nasa magandang mukha ng dalaga ang mga mata. There was something in her eyes he couldn’t comprehend. And her lips slightly parted as if waiting to be kissed. Maybe that was what this woman wanted. Like anybody else.

He reached for her nape and caressed it softly. Dana sighed dreamily. Lenny bent his head and touched his lips to hers, half-expecting her to push him. But she remained passive and he could even hear the soft sigh that came out of her. He moaned softly as he tasted the corner of her lips.

Dana was stunned and exhilarated. She closed her eyes at umusal nang wala sa loob. “Leon…”

Natilihan ang binata. Marahas na bumitaw sa paraang bahagyang naitulak ang dalaga. His eyes were in slits as he gazed down at her ashen face.

“You’re sick!” Inabot nito ang susi sa ignition at muling pinaandar ang sasakyan.

Dana was shocked. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Paano siyang nakalimot nang ganoon lang? At bakit nagugulo ang isip niya sa pagitan ni Leon at ng apo nito? And Lenny kissed her. She allowed him to kiss her! Not really kissed kiss. Still it was a kiss.

Gusto niyang pamulahan sa kahihiyan. And here she was, nakikiusap na huwag nitong pakasalan si Cielo. Baka isipin ng lalaking ito na ipinagsisiksikan niya ang sarili sa halip na ang pinsan.

Hanggang sa makarating sila sa hotel ay walang kibuan ang dalawa.

“T-thank you…” wika niya bago bumaba, ni hindi makuhang salubungin ang mga mata nito.

“Hanggang anong oras kayo mag-uusap ng boyfriend mo?” galit nitong tanong. “Tinatawag mo rin ba siyang Leon sa tuwing hinahagkan ka niya?”

This time she really blushed. Mabilis na lumabas siya ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa hotel lobby.

Si Lenny ay iniuntog ang ulo sa headrest. Damn woman for getting into his nerves!

“SHE couldn’t do that, Dana!” protesta ni Charles nang marinig ang sinabi ng dalaga.

Huminga nang malalim si Dana. “Alam kong mahal ka ni Cielo, Charles. Nararamdaman ko iyon. Takot siya sa mama niya at sinabi niyang pati si Tito Rustico ay nakiusap sa kanyang sundin na ang mama niya. And on top of all that, maybe she got infatuated with Leonard Fortalejo at sa karangyaang nakikita niya.”

“I don’t believe Cielo to be that shallow,” wika ng binata sa helpless na tono. “She loves me, Dana…”

Matagal bago kumibo si Dana bago, “I have a plan, Charles…”

“What plan?”

“Gusto kong paniwalain natin ang pinsan kong ibinaling mo sa akin ang pagtingin mo…” Inawat niya ang binata nang tangkain nitong tumutol. “Gusto kong magselos siya at baka sa pamamagitan niyon ay biglang mag-iba ang isip ni Cielo. I saw her face fell nang bigyan ko siya ng pahiwatig tungkol sa atin…”

Napaungol si Charles. “Baka lalo lamang makasama ang gagawin natin, Dana…”

“Got a better idea?”

34

MAHIGIT isang oras na nag-usap ang dalawa sa silid ni Charles bago tumayo si Dana.

“Sisikapin kong magawan ng paraan na imbitahan ka ng mag-asawang Fortalejo sa anniversary party nila bukas ng gabi, Charles. Then we can implement our plan…”

“Thank you, Dana. Kung wala ang tulong mo’y baka nawalan na ako ng pag-asa…”

“Huwag ka munang magpasalamat. Aalis na ako. Tatawagan kita sa sandaling napapayag ko ang mga Fortalejo na maimbita ka sa party.”

Tumango si Charles at humakbang na si Dana patungo sa pinto. Nakabig na niya pasarang muli ang pinto nang sa pagharap niya’y nagulat pa siya. Nakasandal sa may dingding sa pasilyo si Lenny at nag-aabang sa kanya.

“Sated?” wika nito. Ang mga matang humahagod sa kanya’y puno ng malisya.

“W-what do you mean?”

Umismid ang binata. “Your boyfriend must have missed you so much. Kulang dalawang oras kayong—” sadya nitong ibinitin ang salita. “And you’ve got me waiting for almost two hours. That’s wonderful!”

Tumalim ang mga mata ni Dana sa ipinahihiwatig nito. “Hindi ko sinabing hintayin mo ako!” she hissed. Mabilis na lumakad at nilampasan ang binata.

“Tama naman,” patuyang sang-ayon ni Lenny na sa malalaking hakbang ay umagapay sa kanya. 

“Pero paano sa palagay mo ikaw uuwi sa villa? Bribe another groom?”

Nahinto sa paghakbang si Dana. Hinarap ang binata. “Do you have to remind me that always? Humingi na ako ng paumanhin. Ano pa ba ang gusto mo?”

“Iyong kaunting konsiderasyon na naghihintay ako sa ibaba. Considering na ginawa mo akong driver. Ganoon lang naman,” tuloy ito sa panunuya.

“All right, I’m sorry!” she said half-sincerely. “Hindi ko alam na hihintayin mo ako…” Sinabayan niya iyon ng buntong-hininga at humakbang na uli. “Isa pa’y hindi naman kami ganoon katagal nag-usap…”

“Nag-usap?” ulit nito. “Nag-usap nga lang ba kayo?”

Muling huminto si Dana. Sinikap kontrolin ang namumuong bagyo sa dibdib. At sa naghahamong mga mata ay tumingala sa binata.

“Ano ba ang gusto mong sabihin ko? That we made love? And if we did, eh, ano ba sa iyo?”

Sandaling natilihan si Lenny. Eh, ano nga ba?Without a word, he turned his back. Naunang bumaba sa hagdan. Ni hindi na ginamit ang elevator. He was a fool. If he hadn’t known better, gusto niyang isiping nagseselos siya sa Charles na iyon. And she was right. Eh, ano nga ba ang pakialam niya kung ano man ang ginagawa ng dalawa sa loob ng silid sa loob ng mahigit isang oras?

“Porque estas muy enfadado?”

“I am angry because she made me wait na para bang isa akong common driver!”

“La mujer es muy bella.”

“So?”

“You are attracted to her.”

“Get out of my mind, gran!”

“If you think I am only a figment of your imagination, you are very wrong, nieto…”

Pabalyang binuksan ng binata ang pinto ng Ford Expedition at pumasok sa driver’s seat. Sa naguguluhang isip at banayad na galit ay hinintay si Dana. Impatiently tapping his fingers on the steering wheel kasabay ng pagsulyap-sulyap sa hotel entrance.At hindi ito nainip. Lumabas ang dalaga mula sa hotel.

And Lenny almost forgot how to breath. He had never seen a more beautiful woman. She was walking towards him casually yet with a grace of a goddess. Her hair was almost red mula sa repleksiyon ng araw, creating a halo over her head. Her skin like alabaster.

Sa isang sandali’y naisip ng binatang hindi totoo ang lumabas mula sa sliding glass panel ng hotel. No flesh-and-blood woman could be so lovely, could she? A mirage perhaps, a figment of his wild imagination.

And the thought that he might be attracted to her angered him more. And his thoughts kept on coming back to that fleeting kiss, hindi man nito gustuhin.

Bloody hell! he thought. Hindi niya mahiwalayan ng titig ang papalapit na dalaga. She had fascinated him from the moment he craddled her in his arms when he found her at the family mausuleo.

No, kontra ng isip niya. He realized that his fascination had begun the day they met at the airport. And he still did not understand the strange shock of awareness that had gone through him when his lips touched hers, gaano man kasandali ang halik na iyon.

At kanina habang naghihintay siya sa dalaga ay naglalaro sa imahinasyon ang maaaring ginagawa ng dalawa sa loob ng silid ng kasama nitong lalaki. At tila nagpawala iyon sa katinuan ng isip niya sandali. Gusto niyang pasukin ang mga ito. He had wanted to strangle the man.The sensation that had washed through him in that moment had been deep and disturbing, almost savage in its intensity.

It made no sense. There was no logic to his feelings.

He wanted her.

BINUKSAN ng dalaga ang pinto sa may passenger side pero hindi pumasok. Nagbuntong-hininga at tinitigan ang binata.

“What are you waiting for?” ani Lenny sa bahagyang naiiritang tono. “Bakit hindi ka pa sumakay?”

“Why do you dislike me so?” she asked softly.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lenny doon. Hindi inaasahan ang sinabi niya. “I–I don’t dislike you,” he almost stammered.

“So let’s call it then ‘clash of personalities,’” wika niya na sinamahan ng tipid na ngiti. “Let’s have a truce, okay?”

Nagkibit ng mga balikat ang binata. “Sinabi mo, eh.”

“It’s almost lunch time,” patuloy ng dalaga na tumingin sa wristwatch niya. “Inaasahan ba tayo ng Tita Jewel sa villa sa tanghalian?”

“Not really. Why?”

“I’ll buy you lunch.” nilinga nito sandali ang restaurant sa itaas ng cliff bago muling ibinalik ang mga mata sa binata.

“You want to buy me lunch?” He was half-amused.

“Sure. I owe you that. Ipinag-drive mo ako rito.”

“Nakalimutan mo na bang pag-aari ng pamilya ang hotel at resort na ito?“Umarko ang mga kilay ng dalaga. “As if I’ll ever forget.”

“So, food and services are free to us.”

“Tsk… tsk… tsk. That’s bad business. Owners and business are two different things.” Sinisikap ng dalagang huwag ngumiti, but her eyes were sparkling as she teased.And Lenny’s heart plummeted to his stomach, then bounced back to his throat. She was getting lovelier every passing minute.

“Are you trying to lecture me on the subject of management?” he asked.

“I am trying to remind you how it is to be a gentleman,” she said lightly. Kapagkuwa’y idinagdag sa tila banayad na pag-aakusa. “You could have, at least, invited me to lunch first before I did.”

“It’s never too late para magbangong-puri.” He was still grinning at her. While Dana’s heart did a sommersault by the oh-so-familiar grin. “I’ll take you to the cliff restaurant on one condition…” dugtong ng binata.

Napakurap siya. “W-what condition?”

“Call me Lenny.”

35

“NAPAKAGANDA ng islang ito,” wika ng dalaga nang tapos na silang kumain at kasalukuyang umiinom ng kape. Nasa gilid sila ng cliff at nakadukwang siya sa ibaba kung saan malalakas ang hampas ng alon sa mga batuhan.

“You haven’t seen the whole island yet,” ani Lenny. And he was cursing himself silently. He couldn’t take his gaze off her. “One of these days, ipakikita ko sa iyo ang buong isla. Ang gubat… at ang bahagi kung saan naroon ang wild animals, tulad ng Tamaraw, halimbawa. Dadalhin kita sa batis sa gitna ng gubat kung saan makikita mong umiinom ng tubig ang isang batang usa. And if you’re lucky, you might get the chance to see the two of the remaining monkey-eating eagle.”

Ibinalik ni Dana ang tingin sa binata. “How did Leon come to own this island?” Kumunot ang noo ni Lenny. Hindi ang inaasahan nito ang magiging reaction ni Dana. He was expecting her to get pleased and excited. Iniaalok nito sa dalaga ang bagay na para lamang sa iilan at piling mga tao—ang makita ang buong isla.

Ni hindi nito iyon inalok kay Cielo. Gayong isa ang pinsan ni Dana sa nagkapribilehiyong 

maimbitahan sa Villa Kristine. At ni hindi nito naisip na samahan si Cielo sa mga lugar na sinasabi nito kay Dana.

And here she was, ang nasa isip ay si Don Leon. And for the life of him, hindi nito maintindihan kung bakit.

“Bakit ganoon na lamang ang interes mo sa grandfather ko? Bakit sa maraming pagkakataon mula nang dumating ka sa isla ay ilang beses mong binanggit ang pangalan niya?” Pagtataka at bahagyang iritasyon ang nasa tinig nito.

Muling ibinalik ni Dana ang tingin sa karagatan upang iwasan ang nanunuring tingin ni Lenny.

“Y-your grandfather intrigued me…”

“Sa paanong paraan?” Unti-unti ang pagsasalubong ng mga kilay ng binata. “Isang linggo pa lang halos mula nang dumating ka sa Pilipinas. At sa unang araw na dumating ka sa isla’y ang mausuleo na ang pinuntahan mo. At mahirap paniwalaang umalis ka ng hotel na masama ang pakiramdam para lang hanapin ang mausuleo ng Lolo.”

“Nakisilong lang ako roon nang abutan ako ng malakas na ulan. It was so dark I didn’t even know it was a mausuleo.” Then she forced an airy smile. “At maraming mga tao ang interesado sa mga taong matagal nang nangamatay. Tulad na lang halimbawa ng mga bayani. Pinag-aaralan pa nga ang buhay—”

“Mga bayani iyon!” he almost snapped. “We are talking here about my grandfather, a private individual. And when we kissed this—”

“We didn’t!” It was her turn to cut him in midsentence. Agad na namula ang mukha sa pagpapaalalang iyon ng binata.

“Didn’t we?” panunuya nito.

“Oh, please, must we talk about it?” ani Dana na sinamahan ng bahagyang buntong-hininga. “It was a mistake. I hope you will forget about it.”

“You whispered my grandfather’s name while I was kissing you!” He couldn’t be deterred.Napalingon sa paligid si Dana at baka may nakakarinig sa kanila subalit abala ang mga tao sa pagkain kung hindi man sa pagtingin sa paligid.

“At muli mong binanggit ang pangalan niya nang malingunan mo ako kahapon sa pinto,” patuloy ni Lenny. “Na para bang ipinagkamali mong ako si Señor Leon. At ni hindi ka pa nagkakaroon ng pagkakataong makita ang mga larawan ni Señor Leon noong kabataan niya para maipagkamali mo ako sa kanya.”

You’re wrong, Lenny. I have seen your grandfather in person. At kung pinili kong sumama sa lolo mo, we wouldn’t have this conversation now.

She sighed. “I–I have seen his photographs…”

“Where? Ipinakita sa iyo ng Mama?“Umiling siya. Sa nakikita niyang determinasyon sa mukha ni Lenny ay natitiyak niyang hindi ito hihinto hangga’t hindi ito nasisiyahan sa isasagot niya. She decided to tell him half the truth.

“M-may tiyahin si Daddy… Actually, she was my grandmother’s second cousin. S-she was ninety when she d-died three weeks ago…”

“Ano ang koneksiyon ng namatay na tiyahin ng daddy mo sa pinag-uusapan natin?”“I inherited her house in Binondo. S-she left it to me. At doon ako tumuloy pagkagaling ko sa airport.” Sinulyapan niya ang binata. Impatience all over his handsome face. “You may not believe this but s-she… she was Don Leon’s first love.”

“What?!” ang biglang bulalas ni Lenny.

“Her name’s Doña Isabelita. I have her diary. Nakuha ko iyon sa silid niya at nakatala roon ang kasaysayan nila ng lolo mo.”

“Are you sure she was referring to my grandfather? Don Leon Fortalejo?” hindi makapaniwalang tanong ni Lenny. Ang alam niya’y si Doña Esmeralda ang unang minahal ni Leon at pinakasalan.

“Nasa villa ang diary. You can read it, if you want.“Sandaling hindi kumibo si Lenny, bago, “That doesn’t answer my question why you seem to mistook me for my grandfather.”

“M-may mga lumang photo album ang Lola Isabelita sa bahay niya sa Binondo. N-naroon ang larawan ng lolo mo.” Ni hindi tiyak ni Dana na may larawan nga si Leon sa mga naroong lumang album. Hindi niya iyon tiningnan. Pero nakatitiyak siyang hindi maaaring walang larawan si Leon sa mga lumang album ni Doña Isabelita.

“Such a small world,” wika ni Lenny makalipas ang ilang sandali kasabay ng pag-iling. “At buong-akala ng pamilyang ito’y si Doña Esmeralda ang una at tanging pag-ibig ni Señor Leon. Perhaps I’d like to read that diary one of these days.”

Hindi isinatinig ni Lenny na sa basement ng villa ay may diary si Don Leon na natagpuan nito sa drawer ng lumang mesa, kasama ang ilang gamit ng matandang lalaki.

Naroon na iyon noong halos tatlong taong gulang pa lamang siya. Nang manganib ang buhay nilang mag-anak at pinatakbo siya palabas ng villa ni Bernard ay hindi niya maintindihan hanggang sa mga sandaling ito kung paanong sa basement siya nakapagtago. At hanggang sa magkaisip siya’y nalaman niyang hindi alam ng mga magulang ang tungkol sa basement.

But he had the feeling that Bernard knew about it. At alam kung saan niya kinukuha ang inireregalo sa ina sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng kasal ng mga magulang.

Regular niyang nililinis ang basement dahil madalas siya roon. At sa pagkamangha niya’y natuklasan niyang may lihim na daanan patungo sa mismong silid ni Don Leon sa itaas, which he now occupied. He was ten years old nang hindi sinasadyang masandalan niya ang lihim na lagusan.

“My grandfather married Doña Esmeralda when he was almost twenty-eight. At may mga luma siyang larawan sa villa. I could show them to you one of these days.” Magaan na ang tinig nito nang muling magsalita subalit tila nahahagip pa rin ni Dana ang pagdududa sa mga mata nito.

Dinampot ni Dana ang malamig nang kape at ininom.

“WOULD you mind, Ma’am, kung… kung iimbitahin ko si Charles sa party bukas ng gabi?” si Dana kay Jewel kinagabihan sa harap ng hapunan.

Nakita ni Dana sa sulok ng mga mata ang marahas na pag-angat ng ulo ni Lenny. Gayundin si Cielo na nasa kaliwang bahagi niya.

“No, I wouldn’t mind, Dana,” nakangiting sagot ni Jewel. “That was very remiss of me. Nalimutan kong may kasama kang naiwan sa hotel. Do invite him for me, hija.”

“Sa nakalipas na mga taon,” ani Lenny na nagsalubong ang mga kilay, “ang anniversary party ninyo ni Papa ay pribado kung hindi man pampamilya.”

“Maraming nababago habang lumilipas ang mga taon, hijo.” Jewel smiled sweetly at her son. “It has been a long time since your father and I last entertain. Sa nakalipas na walong taon ay lagi nang isine-celebrate naming dalawa lang ng papa mo ang aming anibersaryo. So we don’t really mind if we have three guests sa party bukas.” Nilinga ni Jewel si Dana. “Anyayahan mo siyang dumating maaga pa lang, hija. Tatawagan ko ang hotel upang ihatid ng service pickup si Charles.”

“Thank you, Ma’am.” Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilang hindi sulyapan si Lenny. His face grim.

36

UMAGA pa lang ay abala na ang mga tao sa paghahanda sa party kinagabihan. Ang catering service ay paroo’t parito sa malawak na hardin. Inakay ni Dana si Charles na maglakad-lakad.

“This place is even more beautiful, Dana!” bulalas ni Charles habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang sama ng loob na hindi agad nito makakausap si Cielo ay sandaling nahalinhan ng paghanga sa kapaligiran.

He pointed to the fields beyond the stream and to the rolling hills beyond. Green and verdant. 

“Look at this place, Dana. Pulsing with beauty and promises of an undemanding life. Napakalaking kaibahan sa buhay sa Amerika…”

Ibinaling naman nito ang mga mata sa kabilang bahagi ng lupain kung saan napakaraming puno ng niyog at iba pang mga punong-kahoy at mga bulaklak.

“Why, I could live here all my life!”

“Yes,” sang-ayon ng dalaga na sinundan ng tingin ang bawat hinahayon ng mga mata ni Charles. 

“Ang sabi ni Mrs. Fortalejo, ang nearest neighbor ay ang de Silva Farm, which is miles away. At ganoon din ang pinakabayan ng islang ito kung saan doon naninirahan ang ibang mga tauhan.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Charles. Lumukob ang kalungkutan sa mukha. Huminto sa may ilalim ng matandang punong-sampalok at sumandal doon.

“I have never felt so insecure in my whole life, Dana,” wika nito. “Sa palagay mo ba’y ganoon kalaki ang pag-ibig ni Cielo sa akin upang ipagpalit ang lahat ng ito? Sooner or later, sa kanya na rin ang karangyaan at kagandahang nasa paligid sa sandaling pangatawanan niyang pakasal kay Lenny.”

“Oh, Charles.” Dana was so affected by the loneliness in his voice that she reached him. Inabot ang kamay at mahigpit na hinawakan, unknowingly brought his hand to her chest. Sa ginawang iyon ng dalaga’y nagkalakas-loob si Charles na abutin siya at yakapin. Taking any comfort that he could from a friend.

“Mula nang umalis ka sa hotel at dito na nagtuloy ay walang sandaling hindi ko inisip si Cielo, Dana. The pain is unbearable knowing that I am going to lose her anytime soon.”

Mula sa itaas ng villa ay dalawang pares ng mga mata ang lihim na nagmamasid sa dalawa. Isang hindi maunawaan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang galit na nadarama sa nakikita. At isang nanlulumo at humuhulagpos ang mga hikbing lumayo sa bintana at dumapa sa kama.

“Huwag mong sabihin iyan, Charles. Wala pang definite na plano si Lenny. At hanggang walang announcement sa kanilang kasal ay huwag kang mawalan ng pag-asa. At huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraang makausap mo nang sarilinan si Cielo.”

Hindi matiyak ng dalaga kung ang katatagan ng tinig niya’y para sa pinsan at kay Charles o para sa sarili. Somehow, sa kaibuturan ng puso niya’y naroroon ang hindi maunawaang damdaming hindi niya rin gustong pakasalan ni Lenny si Cielo, but somehow, for some personal reason.

37

SA tanghalian ay monopolado nina Jewel at Dana ang usapan. Katabi ni Dana si Charles na paminsan-minsang nagkokomento. And Dana tried her best to flirt with Charles. Si Lenny ay nanatiling tahimik na nakikiramdam. Si Cielo ay halos hindi galawin ang pagkain at nanatiling nakayuko.

“Are you ill, Cielo?” si Jewel sa nag-aalalang tono. “Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo…”

Napilitang mag-angat ng ulo ang dalaga. “Ka-kanina pa… m-masakit ang ulo ko, Tita. K-kaya marahil wala akong ganang kumain…”

“Uminom ka na ba ng gamot?” agad na sabi ni Charles. Napaangat nang bahagya sa upuan. Si Dana ay malakas na sinipa sa ilalim ng mesa ang paa ng binata na bahagyang napaungol.

“C’mon, Charles,” malambing na wika ni Dana sa binata. “Natural, uminom na ng gamot ang pinsan ko. Hindi na bata iyan.”

“I–if you’ll… excuse me…” Tumayo si Cielo at humingi ng paumanhin kay Jewel at kay Lenny. Sandali lang dinaanan ng tingin ang pinsan at si Charles.

“Sige na, hija,” ani Jewel. “Magpapahatid ako ng mainit na sopas sa silid mo.“Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni Dana kay Charles bago niya ipinagpatuloy ang pagkain.

GABI ng party. Isa-isang nagsidating ang mga kapamilya. Ganoon din ang ilang malalapit na kaibigan.

Si Dana ay banayad na kumatok sa silid ni Cielo bago itinulak pabukas ang pinto. She greeted her cousin with a smile. “Hi. Tapos ka na bang mag-ayos?”

“Kanina pa,” sagot nito na bahagyang gumanti ng ngiti. “You’re stunning.” Hinagod nito ng tingin si Dana sa simpleng ankle length semi-formal black and off-white combination dress. Sleeveless and straight-cut. May isang slit sa tagiliran na umabot hanggang sa kalahati ng hita niya. At dahil silk, humulma ang damit sa katawan ng dalaga. “But you always are,” idinagdag nito. Kapagkuwa’y humarap sa salamin. “Do I look all right? I feel so tall na baka makapantay ko na si Lenny.”

“Don’t be silly. Lenny’s almost six feet tall. And you are so pretty, Cielo,” sinserong wika niya. 

“Alam mong kinaiinggitan ko ang height mo… and of course, your chest.” She surveyed her cousin’s off-shouldered cream gown na bahagyang mababanaag ang cleavage nito. Cielo’s shy and submissive but she knew when to flaunt her best asset.

Sa kabila ng tensiyon at insekyuridad ay natawa si Cielo. “And I you. I wish I weren’t so tall.“Dana rolled her eyes and laughed. Isang sulyap sa salamin at niyaya na niyang lumabas si Cielo. 

“Natitiyak kong naghihintay na si Charles sa akin.”

Hindi sumagot si Cielo pero nahagip ni Dana ang hapdi sa mga mata nito bago ito nagpatiuna sa paglabas.

Paglabas nila’y nakita kaagad sila ni Jewel at inakay sa bulwagan upang ipakilala sa mga miyembro ng pamilya. Both women were greeted cordially. Subalit tulad ng dapat asahan ay nakuha ni Dana ang atensiyon ng pamilya nang malamang anak siya ni Diana. Ganoon pa man, maliban sa bahagyang pagkabigla na mahusay na naitatago, all were polite and friendly. She almost didn’t notice when Charles tactfully excused Cielo from the group.

LENNY looked around the large hall. Puno iyon ng mga kamag-anak at mga piling kaibigan. Nakita niya rin ang paglabas ng dalawang babae mula sa silid ng mga ito at nang ipakilala ng ina sa mga naroong kamag-anak at kaibigan. Sandali lamang niyang sinulyapan si Cielo, who in fairness, was a beauty in her own right. She handled herself well, too.

Subalit ang mga mata’y hindi niya magawang alisin sa pagkakatitig kay Dana. Noticing her every move. The striking looks were combined with a sharp wit. She was so at ease with his family.

“Maling babae ba ang ipinakilala ko sa iyo, Lenny?” Bahagya nang naitago ni Bernard ang kaaliwan sa tinig. He was surprised to see his son’s face rapt. Ang atensiyon ay nakatutok lamang sa iisang babae. His ex-wife’s daughter!

“De que estas hablando?”

Hindi pinansin ni Bernard ang sinabi ng anak. He turned his own eyes to the striking figure of the woman who caught his son’s total attention.

“Lovely, isn’t she?” ani Bernard. Mula sa nagdaang waiter ay umabot ito ng dalawang goblets at ibinigay sa anak ang isa. “The very image of her mother… That’s what I thought when she first introduced herself. But she was different altogether…”

“What are you trying to say?” naiiritang tanong nito. Nagkibit ng mga balikat si Bernard. Took one swallow. And, “You are attracted to her…. Huwag kang magkaila,” mabilis na idinugtong ni Bernard ang huling sinabi nang akmang magpoprotesta ang anak. “Ang nakapagtataka, you don’t usually let the grass grow on your feet bago mo nilalapitan ang isang babae, Lenny,” he said with a superior grin on his lips. Na lalong ikinairita ng binata.

“I don’t believe this!” Bahagyang tumaas ang tono ng binata. “Narito sa bulwagan ang babaeng gusto mong mapangasawa ko pero kasabay niyon ay gusto mong lapitan ko si Dana at—”

“Calma, hijo,” amused na tapik ni Bernard sa balikat ng anak. “You always have excellent taste, Leonard. You are my son. How could I ever think that you would be attracted to Cielo? You’re off the hook, son.” At sinabayan iyon ng talikod ni Bernard.

“Your father has come to his senses, nieto.”

“Damn,” usal ng binata.

38

TUMATAWA si Dana sa biro ng dalawang kabinataang mga anak ng kaibigan ng pamilya nang tumikhim si Lenny mula sa likuran niya. She turned and had to look up to find his grim face.

“Shall we dance?”

“O-of course…” She held her hand out to him, smiling.Without a word, Lenny put his arm around her and swept her onto the dance floor. Binale-wala ang nasusuyang mga mata ng mga kaibigang lalaking sinusundan sila ng tingin.

They danced wordlessly. But Dana didn’t mind. She enjoyed the sensation of being held in his strong arms and looking up into his handsome face. There was something very familiar about being held in his arms easily.

Lenny looked down at her. She had a dreamy look. At kontento na ang binatang magsayaw sila nang tahimik. At damhin siya sa kanyang mga bisig, and look down into those wonderful eyes.Nang matapos ang sayaw ay nanatili silang nakatayo sa gitna ng dance floor. Still staring at each other. Dana unwilling to end the dream. Lenny was the first to speak.

“One more dance, dulzura,” he whispered when the music began again. Once more she allowed him to take her in his arms.

We’re almost there where we will shareA warm caress, tenderness, a dream come trueFor me, for you…Love has waited such a long time…Now we’ll kiss apart. Darling, this isThe right time to let the kisses start…

Lenny’s lips moved to the top of his head, then he whispered. “You have fiery hair, dulzura. Are your kisses just as fiery?”

Strange, pero iyon halos ang sinabi ni Leon nang isayaw siya nito. But she didn’t want to think that she was in another man’s arms but Lenny’s. And it was him talking, walang iba.

She wanted to indulge herself in a romantic fantasy. That she was being swept by this man and she rode in his arms easily… silently.

Unwilling to end the dream, inihilig niya ang ulo sa dibdib ni Lenny and was about to close her eyes nang mahagip ng mga mata si Cielo na sapilitang hinihila ni Charles na pumasok sa kabilang pasilyo patungo sa guest room na gamit ni Cielo.

She faltered her steps. She wasn’t expecting Charles to make a drastic move. Ang ilan sa mga bisita, lalo na ang mga kamag-anak ay alam na ipinagkakasundo si Lenny sa pinsan. At kung magiging mapusok si Charles at may makakita ay mapapahiya si Lenny. Ganoon din ang mga magulang nito.

Bahagya siyang kumawala at muling tumingala sa binata.

“I–if you’ll excuse me. B-biglang sumakit ang ulo ko. Gusto kong kumuha ng gamot sa silid ko…”

Sandaling kumunot ang noo ng binata bago, “Of course.” Inakay nito ang dalaga paalis sa bulwagan. At bago pa muling makapagsalita si Lenny ay nagmamadaling kumawala mula rito si Dana.

39

TULOY-TULOY ang dalaga sa silid ng pinsan at binuksan iyon nang walang pasubali. Subalit wala roon ang mga hinahanap niya. Binuksan din niya ang isa pang guest room but it was empty. Binaybay niya ang pasilyo. Ang dulo niyon ay labasan patungo sa back garden.

Hindi gaanong maliwanag ang bahaging iyon ng hardin. And she was expecting to find Charles and Cielo outside. Subalit sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at ang samyo ng mga bulaklak sa ere. Hinanap ng mga mata sa paligid ang pinsan at si Charles subalit wala rin doon ang dalawa.

She groaned. Then filled her lungs with air. She would have loved to stay a little while at damhin ang katahimikan ng paligid subalit kailangang makita niya ang dalawa.

She was about to go back inside nang mapatda siya sa kinatatayuan. Nasa entrada si Lenny. Nakahilig sa nakatuping French doors. Ang mga kamay ay nakapasok sa bulsa ng pantalon.

“Hinahanap mo ba ang pinsan mo at ang… lover mo?“The soft light from afar silhouetted one side of his face. And it made him look like a phantom.

“He is not my—” she stopped in midsentence.

“He is not your what?” he mocked. “Not your lover?”

“Wala kang pakialam kung ano man ang relasyon ko kay Charles…” she hissed.

“I am making it my business,” wika nito sa superyor na tono. “Because I cannot allow people clandestining in my home.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Did you think that Charles and I were—” Hindi niya mabigkas ang gustong sabihin.

“No. Hindi ko iniisip na may ginagawa kayong milagro ni Charles sa pamamahay ko. Dahil bukod sa hindi mangyayari iyon ay natitiyak kong wala kayong kaugnayang dalawa.” Knowing it to be true sent relief to his tortured mind.

Napahinga nang malalim si Dana. “Why, you’re very inconsistent, Mr. Fortalejo. Kahapon lang sa hotel ay inakusahan mo akong may ginagawa kami ni Charles sa loob ng silid. What made you change your opinion of me?” sarkastikong sabi niya.

“Relax, Dana. I am not picking a fight,” he said lazily. Lumakad patungo sa wicker chair na nasa malapit sa dalaga at umupo roon. Itinaas ang dalawang binti sa wicker table. “I am sorry if I misjudged you yesterday… and even this morning, nang makita ko kayong nag-uusap sa labas.”

Namangha ang dalaga, mula sa sinabi ng binata na lihim sila nitong pinagmasdan ni Charles at sa paghingi nito ng paumanhin. “Humihingi ka ng paumanhin? Tama ba ang narinig ko?”

Hindi pinansin ni Lenny ang panunuya niya. “Kahit wala pa marahil si Cielo na tila gustong umiyak sa tuwing nakikita ang malalagkit mong titig kay Charles ay hindi pa rin ako maniniwalang may relasyon ka sa lalaking iyon. Oh, well… not until I met him this morning at harapang makita kayong dalawa.”

Kumunot ang noo niya. “At ano ang ibig mong sabihin?”

“Charles is too mild for you, querida. You practically treated him as if he were your younger brother. I couldn’t be fooled by the intended flirtations,” he said in an amused tone.She sighed. Hindi niya akalaing ang charade nila ni Charles ay agad na nahalata ng lalaking ito. Muli niyang itinuon ang mga mata sa dilim na para bang anumang sandali’y lilitaw sa likod ng mga halaman ang dalawa.

“I–I am trying to make my cousin jealous so she’d come to her senses. And I–I couldn’t find them…”

“You took the wrong turn.” Hindi itinago ni Lenny ang ngiti. Lumakad si Dana patungo sa naroroong mga wicker chairs at umupo sa katabing sofa.

“Mahal nila ang isa’t isa. Hindi lang magawang sumuway ni Cielo sa mga magulang niya. Pero kung sa iyo manggagaling ang pag-ayaw ay—”

“Perhaps that can be remedied…”

“Oh, thank you!” marahang bulalas niya.

“Don’t thank me yet. Hindi mo pa naririnig ang kondisyon ko kung sakaling ako mismo ang tatanggi sa usapan ng Papa at ng mga magulang niya.”

“M-may kondisyon?”

“Why, you don’t get anything in this world out of nothing, querida.” Amused na umangat ang mga kilay nito habang nakatitig sa kanya.

“Will you stop calling me those. I am not your darling, your sweetheart, or whatever,” she said. Her tone was more on weariness than irritation. Ginagamit din ba nito ang mga ganoong endearment kay Cielo kapag kausap nito ang pinsan niya? O di kaya ay sa ibang mga babae? Paanong nagdadala ng panibugho ang ganoong kaisipan sa kanya?

“Does it bother you? Would you rather be my sweetheart first?” tuloy si Lenny sa panunukso. His eyes never left hers. Pinagmamasdan ang pagpapalit-palit ng emosyon sa mukha niya.

“Oh, please, don’t tease. It is just that you reminded me of—” Leon. She was glad she stopped on time.

“I reminded you of whom, Dana?” he asked sharply.Now there was danger in his voice. Dana sighed wearily at mabilis na sinabi; “C-Clark Gable. W-well, you don’t have moustache.” She really didn’t mean it. He was far from a Clark Gable look-a-like.

“Clark—!” Pinutol nito ang sinasabi at matiim siyang tinitigan. Then slowly, a grin broke his lips. A pure Fortalejo grin. That for generations never failed to take many a woman’s breath away.

Then the grin turned to laughter. Ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang tumawa ang binata. His white teeth flashed in the dark. And Dana’s heart did a sommersault by the oh-so-

familiar laughter. And she couldn’t believe that any man could be so startlingly good-looking.

“You really amaze me. No woman has ever compared me to another man,” wika ng binata, laughter in his voice. “I should get offended. But I am not, sweetheart, dahil hindi ako naniniwalang iyon ang gusto mong sabihin.” Pagkatapos ay pomormal ito. “But you intrigued me, dulzura…” he added.

And I have heard that before.

Dumukwang si Lenny at inabot ang baba niya at itinaas. Then looked straight into her eyes. “At sasabihin mo sa akin kung kanino mo ako inihahalintulad isa sa mga araw na ito,” he promised huskily.

Dana blinked because she almost wished for him to kiss her. At bago pa siya muling madala sa emosyon ay mabilis na ibinalik ang usapan sa pasimula.

“A-ano ang kondisyon?”

Bumalik sa pagkakasandal si Lenny. Studied her face with that lazy smile on his lips.

Dana wanted to be coy. Wala siyang natatandaang naiilang siya sa titig ng isang lalaki. Nor had any man’s gaze made her knees feel like jelly. But she was now. Ilang sandali ang pinalipas ni Lenny bago muling nagsalita.

“It was my father’s idea that I should pick a fiancée… eventually to become my wife, sa sandaling ipagkaloob niya sa akin ang pamamahala sa kompanya. At gusto mong pakawalan ko si Cielo para kay Charles? Well, fine. You’re right, I don’t love her. Point is, inalisan mo ako ng mapapangasawa kaya angkop lamang na palitan mo…”

“P-palitan ko?” manghang nanlaki ang mga mata ng dalaga. “S-sino ang ipapalit ko? Mas marami kang kilalang mga babae kaysa sa akin. You could easily pick one of them.”

“Don’t be so naive, Dana,” he said in a mocking amusement. “Really, if I want any of those women you were referring to then we wouldn’t have this conversation.”

“B-but… w-what do—” she stammered. At hindi niya gustong ipasok sa isip ang ibig sabihin ng lalaki. It was preposterous!

“You take Cielo’s place as my fiancée.”

“Oh, Lenny!” she breathed. “You’ve got to be kidding.“He sat still. “Say that again,” he commanded.

“S-say again what? That you’re kidding me?”

“Not that.” Umalis sa pagkakasandal ang binata. “Iyong pagbigkas mo sa pangalan ko. I’ve heard it all my life but I swear it has never sounded so sweet coming from any other lips.”

May pakiramdam si Dana na huminto sa pagtibok ang puso niya. May ilang sandali siyang manghang nakatitig lang sa binata. Shock was an understatement. From a preposterous proposal—if you could call it a proposal—to flirtation. A little poetic at that.

“Say it again,” he whispered. He was inching closer.May dalawang beses siyang lumunok bago, “Lenny…” Kung may tinig na lumabas sa bibig niya’y 

hindi niya matiyak.

“Dana,” he murmured, gazing down at the wonderment on her face. His eyes dropped to her lips then back to her eyes again.

She was sure he was going to kiss her. And her lips parted on a sigh as she waited for his lips to come down to hers. Nang mula sa loob ng kabahayan ay lumabas si Charles.

“Kanina pa kita hinahanap, nariyan ka lang pala,” wika nito na sandaling nagsalubong ang mga kilay sa dinatnang eksena. “Hello, Lenny…”

Mabilis na tumayo si Dana. Guilt written all over her face. Ipinagpasalamat na hindi gaanong maliwanag ang ilaw na tumatanglaw sa verandah, kung hindi’y makikita ni Charles ang pamumula ng mukha niya.

Isang tango ang ibinigay ni Lenny kay Charles kasabay ng pagtayo. Tinitigan si Dana. Then deliberately brushed his arms against hers.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap…” Nilampasan nito si Charles at tuluyang pumasok sa loob.

“Ano ang inabutan ko rito ngayon lang?” dudang tanong ni Charles. Itinuon ang paningin sa palayong si Lenny at saka muling ibinalik sa dalaga.

“Nothing,” kaila niya. “Nag-uusap lang kami. Ano ang nangyari sa inyo ni Cielo? Napapayag mo ba siyang sumama sa iyo?”

Umaliwalas ang mukha ni Charles. “Yes, Dana. At gusto kong magpasalamat sa iyo. Babalik na ako sa hotel bukas ng umaga. At sa hapon ay isama mo siya sa hotel. We will spend the night there. Natitiyak kong hindi na gugustuhing ituloy ng mga Fortalejo ang usapan kapag nangyari iyon. At magalit na kung magalit ang mama niya. Hindi na kami babalik sa Amerika.”

Muli siyang huminga nang malalim at saka tumango. Hindi kailangang ilihim sa mga Fortalejo ang pag-alis ng dalawa kung totoo sa loob ni Lenny na pakawalan si Cielo kay Charles. Umaasang ang kondisyong sinabi nito ay biro lang.

Pero paanong hanggang sa sandaling iyon ay tuloy sa mabilis na pagpintig ang puso niya?Tiningala niya si Charles. “Let’s go back to the party, Charles.” Ikinawit niya ang kamay sa braso nito at lumakad pabalik sa bulwagan.

And for the life of her, ang hinanap ng mga mata niya kaagad ay si Lenny nang bumungad siya sa bulwagan. Her eyes searched through the crowd. Naroon ito at kausap ang mga pinsan at mga kaibigang lalaki.

Marahil ay naramdaman ni Lenny ang presensiya niya, nag-angat ito ng ulo at tumingin sa direksiyon niya. She stopped on her tracks when their eyes met. Hindi na namalayan ang paglayo ni Charles sa tabi niya.

He was staring at her meaningfully. Natitiyak niyang may ibig sabihin ang mga titig nito subalit hindi niya matiyak o maisip man lang kung ano.

And she couldn’t even move even if her life depended on it. Para bang ipinako siya ng mga titig nito sa kinatatayuan. Then his eyes left hers slowly, hesitantly. And she saw him walked to where the music system was. Binulungan ang isang pinsan who acted the spinner. Pinatay nito ang musika. Lenny reached for the microphone.

“Ladies and gentlemen… may I have your attention, please. I have an important announcement to make…”

The deep and resonant voice echoed through the four corners of the room. Ang mga nagsasayaw ay huminto na sa gitna dahil sa pagkawala ng musika. Lahat ay nakatitig sa binata. Ang curiosity sa mga mukha’y nababanaag sa anumang sasabihin nito.

Si Dana man ay nahinto sa tangkang paglapit sa pinsan na nasa isang sulok at kausap ni Charles. What would Lenny announce?

“Traditionally,” muling wika ni Lenny. Nilingon ang mga magulang na nakatingala rito. “Ang anibersaryo ng mga magulang nami’y nakatuon lamang sa kanila. Maging iyon ma’y ginanap nang sarilinan o nang may kasayahang tulad nito. As everybody knows, this party is unexpected na siyang dahilan kung bakit wala rito ang mga kapatid ko. They wouldn’t have missed an important occasion such as my parents’ anniversary.

“Anyway, I’m breaking tradition, but of course, with my parents’ consent.” Muli nitong nilingon sina Bernard at Jewel na unti-unting nagsasalubong ang mga kilay.

“What is he going to announce?” si Jewel sa asawa. “Kasasabi mo lang na pinakawalan mo na ang anak mo sa usapan ninyo ni—”

“I don’t know what your son is up to,” ani Bernard. “Let’s wait and listen.”

Si Lenny ay tumikhim bago muling nagsalita. “I’d like to formally announce my engagement. My engagement to—” nahinto ito sa pagsasalita dahil sa biglang pag-ugong ng excitement at bulong-bulungan ng mga tao.

Pawang mga nakangiti at nasisiyahang lahat at nakatingala sa binata. Maliban sa tatlong nilalang: sina Dana, Charles, at Cielo, na halos hindi gustong huminga.

Nilingon ni Dana si Cielo na nakatitig din sa kanya. She saw horror in her cousin’s eyes. Ganoon din si Charles na humigpit ang hawak sa kamay ni Cielo. He was tensed.Dana groaned silently. Hindi magagawa ni Lenny ito!

And she had this feeling na ang nagaganap ay tila replay ng nangyari sa mismong kasayahan sa 1928. Ang kaibahan lang ay ang mga taong nagsisiganap, maliban lang sa kanya.

“Who’s the fiancée, Lenny?” nakatawang sigaw ng isang kaibigan nito. “Paanong hindi mo ipinakilala sa amin mula pa kanina? Or should we guess among the two lovely ladies?“Lenny grinned. “Don’t preempt my announcement, buddy. Shut up!” Then his eyes searched across the crowded room. Huminto ang mga mata nito kay Dana na ang matinding kaba’y tila gustong magpabiyak sa dibdib ng dalaga. “I am announcing my formal engagement to… to Dana Isabella Romulo!”

Kasabay ng panlalaki ng mga mata, isang malakas na pagsinghap ang kumawala kay Dana. And she didn’t know what happened next. Maliban sa naramdaman niya ay ang paghawak ng mga matitipunong bisig sa katawan niya. 

********Enjoy reading mga beshie. Happy weekends. Take care and God bless . Pasensya na at ngayon lang medyo stress na ako at need ko na mag unwind char hahahaha. Thanks mga beshie. - Admin A ************

40

“ARE YOU all right?”

Tiningala ni Dana ang nagsalita. A smoky blue eyed Adonis was staring down at her with concern.

“You must have fainted there for a second,” patuloy nito. Still holding her.

“I–I am fine,” she said. Still gazing at the tall and attractive man before her. Wala siyang natatandaang naipakilala sa kanya ang binatang ito kanina. Marahil ay late na itong dumating sa party. “T-thank you.”

“Anytime. Do you want to get out—” hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin nang dumantay sa balikat nito ang palad ni Lenny na nakalapit na kaagad.

“Thank you, Renz,” wika ng binata at kinuha mula kay Renz si Dana. Possessively inakbayan nito si Dana. “Ako na ang bahala sa fiancée ko.”

Not wanting to create a scene ay nagpaubaya ang dalaga sa kabila ng nagngingitngit ang loob.

“Congratulations, pare,” nakangising sabi ni Renz Navarro, deep dimples appeared on both cheeks.

Iniabot nito ang kamay kay Lenny at pagkatapos ng mahigpit na pakikipagkamay sa kaibigan ay muling binalingan si Dana at inabot din ang kamay ng dalaga at dinala sa mga labi.

“Where have you been all my life? How could fate be so unfair?” he said in dramatic humor. The smoky blue eyes were sparkling as he stared down at her with obvious admiration.

She was speechless. His lips were warm on her skin. At ni hindi pa man lang siya nakaka-recover sa matinding pagkabigla. Yet she smiled at Renz gratefully. Pagkatapos ay tiningala si Lenny. Nawala ang ngiti.

“Get me out of here,” bulong niya sa pagalit na tono. Alam niyang maraming tao ang nagnanais na batiin sila. She was thankful na hinila siya ni Renz sa may pasilyo nang may ilang segundong nagdilim ang paningin niya.

Tinapik ni Lenny ang balikat ng kaibigan. “Bahala ka nang magpaliwanag, pare. Lalabas kami mamaya lang.”

“No problemo,” nakangiti pa ring sabi nito, at saka idinagdag, “I can’t believe you’ve got all the luck, pare. Huwag mo nang pakawalan or else…” ibinitin nito ang pabirong threat.

“Find your own woman, Renz. I don’t share what’s mine,” tonong-pabiro ang sagot ni Lenny subalit sa ilalim ng tinig ay naroon ang paniniyak.

“Shut up, you two!” hindi nakapagpigil na singhal ni Dana. “Kung mag-usap kayo’y parang wala ako rito… parang hindi ako ang pinag-uusapan ninyo. And I am not yours!” nanlilisik ang mga matang wika nito kay Lenny.

“Whew!” si Renz na itinaas ang mga kamay sa ere. “You’ve got a handful, pare. Ako na ang bahala sa mga kaibigan natin.” He gave Dana a gentle smile at saka tumalikod.

Si Dana ay mabilis na tumalikod, nagmamadaling humakbang pabalik sa pinanggalingan nila kanina. Sa verandah. Subalit nahawakan ni Lenny ang braso niya at hinila siya nito papasok sa guest room.

“Bitiwan mo ako, ano ba!” Akma siyang lalabas subalit isinara ni Lenny ang pinto.

“Calma, por favor?”

“No!” singhal niya. “You expect me to calm down pagkatapos ng ginawa mo? Wala kang karapatang ianunsiyo ang walang katotohanang engagement na iyon!”

Ni hindi natigatig ang binata. Sumandal sa may pinto. “Would you rather me announced my engagement to your cousin?”

“Yes! No!” Then she groaned in frustration.Lenny smiled faintly at the anger and confusion in her face. She was beautiful beyond description, even in anger.

“See?”

“See what? Wala akong nakikitang mabuti sa ginawa mo!” she said. “Paano ko ipaliliwanag sa lahat ang ginawa mo? Sa mga magulang mo? Sa mga magulang ko?”

“Wala akong problema sa mga magulang ko, querida—”

“Shut up… shut up! Hindi mo ako querida!“He chuckled. “You made the endearment sound malicious, sweetheart…” His Texan drawl was thick and sweet.

“You rotten, despicable, son of a—” She stopped in midsentence as Lenny reached out and caught her arm before she could dodge, and pulled her toward him. And Dana found herself trapped against his chest.

“I have a better way to keep you quiet, Dana,” wika nito. He bent his head and kissed her.Napasinghap nang malakas si Dana. The unexpected impact of his kiss startled her that for a breathless second she stood perfectly still and had time to acknowledge the heat of his mouth.

Banayad ang mga halik nito. Hindi nagmamadali, as he was learning the feel and taste of her. As if what he was doing was the most natural thing to do; na para bang hindi siya nagagalit; na para bang hindi nito inanunsiyo ang walang-katotohanang engagement nila kanina lang…

Sa biglang pagbabalik sa isip ng mga pangyayari’y marahas na nagpumiglas si Dana. But she could barely move inside the hard, unyielding circle of his arms. Humigpit pang lalo ang pagkakayakap nito sa kanya and pinned her against his chest. Nagpupumiglas siya upang makawala.

“Stop struggling, you little wild cat,” he said into her mouth habang patuloy siya sa pagpupumiglas. “I am only kissing you, not beating you. Pagkatapos mo akong sigawan at pagsalitaan ng kung ano-ano, mapalad ka’t ito lang ang inabot mo…”

She noticed the indulgent humor in his voice na lalo lang nagpagalit nang higit sa kanya. Marahas siyang nagpumiglas. Ni hindi makalabas ang tinig niya sa sariling mga labing angkin ng binata.

“Calm down, Dana. I am not hurting you,” he muttered against her lips. His hands moved soothingly, sensually, on her back.

Sinisikap ng dalagang paglabanan ang emosyon. Tried to ignore the rush of heat sweeping through her and turned her face sideways.

“Oh, please, stop this!” Her voice was a mixture of panic and pleading that he loosened his arms a little and raised his face a little enough to gaze down at her.

“Should I take that as an insult?” he asked in half-amused, half-mocked tone.

“The hell I care kung ano man ang isipin mo!” she said hotly. Pilit na itinataboy sa isip ang damdamin na umaahon sa pagkakakulong na iyon sa mga bisig ng binata. “I am so angry with you. I am confused. I don’t know what to think. Pagkatapos ay dadagdagan mo pa ng halik! Dear lord, you are driving me crazy!”

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng binata. It was a tender laugh as he gazed down at her lovely face.

“I want you to go crazy for me, querida,” he almost whispered. His voice husky.

“Oh, Lenny, plea—”

He again bent his head and drowned her complaints with his mouth as he tasted her with small and compelling kisses.

“It’s only fair because I’ve been out of my mind these past few days wondering what it would be to kiss you… how you would feel in my arms…”

“Oh, stop it!” Hindi na maintindihan ng dalaga ang nararamdaman. And she was more wary now than angry.

“Don’t fight, querida. It’s going to be all right,” he coaxed sensually. Ang tinig nito’y tila maliliit na diamante na kumakalat sa buong katawan ni Dana. Para siyang nasa loob ng sapot ng gagamba na pilit kumakawala. Nararamdaman niya ang panganib. His hands on her spine were numbing her senses. The slow and deliberate manner in which he was kissing her was a torment.

But she wanted to remain passive. She wanted to ignore Lenny’s intriguing caress. Kung paglalabanan niya ang sariling katawan at hindi tutugon ay pakakawalan siya ng binata. But she could feel something was flaring up inside her. Something like an aching emotion. And she had never felt this before.

She could not even compare the feelings with what she felt for Leon in 1928.With Lenny, it was something potentially devastating. And that scared her so.

Itinaas niya ang dalawang kamay sa dibdib nito upang itulak ang binata at pakawalan ang sarili. Subalit nang lumapat ang mga palad niya sa dibdib nito’y inakala ni Lenny na tumutugon siya.

He groaned and she felt it reverberate through her, and she savored the flavor of it in her mouth. Instantly, he was inside her mouth. It was because Dana parted her lips for him. Dahil sa halip na itulak niya ang binata’y kusang pumaloob ang mga kamay niya sa polo shirt nito mula sa ilang butones na nakabukas, feeling him.

Kanina pa siya hinahagkan ni Lenny. Teasing and tasting and coaxing. But he waited for her to voluntarily part her lips for him. Everything about him was impacting her senses now. Nararamdaman niya ang bawat galaw ng muscles nito sa ilalim ng mga palad niya.

Then one hand moved downward to curve around her buttocks and pulled her into the heat of his thighs. His body had grown hard with desire.

Dana was stunned. She was pressed intimately against him. Wala siyang natatandaan sa buong buhay niya na nasa ganoong sitwasyon. Lenny’s hands were even more intimate as it moved against her hips. Her heart was racing… nanlalambot ang mga tuhod niya.

Yet she found herself kissing him back. Played her tongue with his. Moaned in her throat when he sucked it lightly. Her hands sunk into his hair, pulling him close.Slowly and hesitantly, pinakawalan nito ang mga labi niya. Bahagyang inilayo ang mukha upang titigan siya.

“Dana?” Her name was both a soft, urgent command and a question. His voice hoarse with desire. His eyes so dark like the devil himself.

Hindi siya humihinga habang sinasalubong ang titig nito. Lenny wanted her. It was shadowed in his eyes. At kung pahihintulutan niya, he’d take her right here and now. At ang kaalamang iyon ay gustong magpalabo sa isip ng dalaga.

At kinatatakutan niya ang sariling damdamin. Part of her screamed warning. But another part wanted him, too! There was that unfamiliar soft and aching longing within her that was clamoring for fulfillment.

Nagyuko ng ulo si Lenny upang muling angkinin ang mga labi niya nang isang warning knock ang narinig nila sa labas ng pinto kasabay ng pagbukas niyon.

“What happened?”

41

NI HINDI nakuhang kumawala ni Dana mula sa mga bisig ni Lenny; na sa palagay niya’y wala rin namang intensiyong pakawalan siya sa kabila ng pagpasok ng mga magulang.

“Oh!” banayad na bulalas ni Jewel nang abutan sila sa ganoong ayos. At akma itong aatras kasabay ng paghila sa braso ng asawa subalit pinigil ni Lenny ang ina.

“It is all right, Mama… Papa,” wika ng binata. Ang isang kamay ay bumaba sa baywang ni Dana. Bahagya lang lumuwag ang pagkakahawak nito, but still she couldn’t set herself free from his hold. “There’s no need to leave the room.”

“Que paso?” usisa ni Bernard na matapos sulyapan ang anak ay ibinaling kay Dana ang paningin na agad na nagyuko ng ulo. “Sinabi ni Renz na nahilo ka, hija…”

Hindi malaman ng dalaga kung saan ibabaling ang paningin. Hindi niya magawang salubungin ang tingin ni Jewel at Bernard. Alam niyang namumula siya sa kahihiyan subalit ang hindi niya matiyak ay kung nakabakas pa sa mukha niya ang telltale ng lovemakings ni Lenny.And damn him for putting her in this predicament!

“Y-yes. B-but—”

“It must be the heat…” agap ni Jewel sa mabuway na tinig nang makitang hindi malaman ni Dana ang sasabihin. Kunot ang noo at nagdududang tinitigan ang anak. Pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Dana. “or it could be from the unexpected announcement,” matabang nitong idinagdag. “Are you all right, Dana?”

“I–I’m fine, ma’am. T-thank you…” How she wished na sana’y bumuka ang sahig at lamunin siya. O di kaya’y maglaho siyang parang bula sa matinding kahihiyan.

Sa disimuladong paraan ay kumawala siya at sa nanginginig na mga binti’y humakbang patungo sa settee at umupo.

“What was that announcement all about, Leonard?” sita ni Jewel sa anak. “Was it for real?”

“Naturalmente, Mama,” mabilis na sagot ni Lenny. Sandaling nilingon ang dalaga na ang akmang pagpoprotesta’y napigil. “An important announcement such that couldn’t be a joke. Could it?”

“Claro que si,” sagot ni Bernard. A mysterious smile was lurking behind the formal tone. “Sa harap ng mga kamag-anak at mga kaibigan natin, hindi biro iyon, darling,” wika nito kay Jewel.

“Then you both owe us an explanation.” si Jewel na umiiling. “Bakit nagkabaliktad yata ang mga pangyayari? Cielo was supposed to be your fiancée, Lenny?”

“I–I can explain—”

“Allow me the explaining, sweetheart,” agap ni Lenny sa sinasabi ni Dana, in a voice that was a little too sweet. May emphasis ang endearment bilang warning. Binalingan ang mga magulang at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito.

“Mama, Papa, Cielo tiene un novio. Si Charles, who followed her here from America. Hindi niya talagang gusto na magtungo rito subalit napilitan siya dahil sa udyok ng mga magulang niya at dahil sa usapan ninyo, Papa…”

“That was obvious,” ani Jewel na bumuntong-hininga. “Naghihinala na nga ba ako sa lihim na tinginan ng dalawang iyon. Subalit paanong sa maikling sandali’y kayo ni Dana ang—”

“Darling,” putol ni Bernard sa sasabihin ng asawa. “Must you ask all the smallest details? Ang importante’y ang anak mo na mismo ang nagpahayag ng engagement nila ni Dana. Tulad ng gusto ng anak mo, siya ang pumili ng kanyang mapapangasawa…”

“Mapapangasawa!” bulalas ni Dana na halos mapatayo sa kinauupuan. Her fist clutched the armrest.

“Sweetheart,” Lenny said indulgently. “It isn’t as if we are going to be married tomorrow. So calm down, querida…” Humakbang ito patungo sa settee at umupo sa tabi niya. Inabot ang kamay niya at pinisil. Ang pisil na iyo’y alam niyang nagbabadya ng babala.

Dana groaned inwardly.

“But what about your parents, Dana? Natitiyak kong hindi nila alam ito…” Niyuko ni Jewel ang dalaga who seemed to be at a lost.

“We will inform them, Mama.” muli’y si Lenny ang sumagot. “Bukas din marahil.“Bumaba ang tingin ni Jewel sa anak and gave him a suspicious look. Pagkuwa’y inilipat ang tingin kay Dana. Nagdududa man sa kalituhan sa mukha ng dalaga at sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na isinatinig iyon. Nginitian nito ang dalaga; yumuko at hinagkan sa pisngi.

“Welcome to the family, hija…” she said sincerely though a little bit worried.

“T-thank you,” nauutal niyang sagot. Hindi magawang linawin ni Dana ang magulong kaisipan. She couldn’t believe that this was happening. That suddenly, she was officially engaged to one of the most famous bachelors in the world.

“Mabibigla ang mga magulang mo, Dana,” ani Bernard. “Walang press people sa okasyong ito subalit natitiyak kong bukas o sa makalawa’y nasa peryodiko na ang announcement ng inyong engagement. How they do that, beat me. Kaya kung ako sa inyo’y ipaalam na ninyo kaagad kina Joshua at Diana ito.” Nagkibit ito ng mga balikat.

Niyaya nang lumabas ni Jewel ang asawa. Sa may pinto ay binalingan ang dalawa.

“Sumunod na kayong lumabas at harapin ang mga gustong bumati at makilala ang fiancée mo, Leonard. Ang Auntie Emerald mo’y gustong makaharap si Dana.”

Nang makalabas ang mag-asawa’y tinangkang pakawalan ni Dana ang kamay mula sa pagkakahawak ng binata. Subalit nanatiling hawak iyon ni Lenny.

“I could kill you for this!”

He smiled at her, kasabay ng pagdala ng kamay niya sa mga labi nito at hinagkan ang palad niya. “You don’t mean that.”

“Hindi ako makapaniwalang nagawa mo ito,” she said furiously. Marahas na binawi ang palad. Hindi gustong i-entertain sa isip ang sensasyong nararamdaman mula sa mainit na mga labi ng binata sa palad niya.

“Sinunod ko lang ang payo mo, querida. Pinakawalan ko ang pinsan mo para kay Charles. Iyon ang gusto mo, hindi ba?”

“Pero bakit kailangang ianunsiyo mong magkasintahan tayo? Alam mong walang katotohanan iyon!”

Umangat ang mga kilay ni Lenny. “Wala pa bang katotohanan ngayon iyon? Sa harap ng mga magulang at mga kamag-anak ko’y magkasintahan na tayo, formally. And I’ve forewarned you, haven’t I? You will take Cielo’s place…”

Bago pa makuhang makasagot ni Dana ay umangat ang kamay ni Lenny sa batok niya. Then pulled her to him and claimed her mouth in a tongue-kiss. Then hesitantly released her. His thumb finger brushed the wetness on her lips.

“You won’t be as lucky next time, mi alma.” Naghahayag ng pangako ang tinig at mga mata nito that a shiver ran down her spine.

Hindi kailangang mag-isip ni Dana kung ano ang ibig nitong sabihin. She almost gave herself to him kung hindi pumasok sa silid sina Bernard at Jewel. Na sa mga sandaling iyon ay labis niyang ipinagpapasalamat.

Tumayo si Lenny. Inabot ang kamay sa kanya. “Vamos, querida. Let’s face them together.”

42

SA MAY pasilyo ay hinarap ni Bernard ang asawa. “Does it bother you that your son chose Diana’s daughter as his future wife?”

“Wary is the right word, Bernard,” sagot ni Jewel. “Hindi alam ng mga magulang ni Dana ang nangyayari at hindi natin kayang hulaan kung paano nila tatanggapin iyon. Isa pa’y hindi ko naiintindihan ang anak mo sa bilis ng mga pangyayari.” Sinabayan nito ng iling ang buntong-hininga.

Iniharap ni Bernard ang asawa at itinaas ang mukha. “Hindi nangangailangan ng mahabang panahon ang pag-ibig, darling. I fell in love with you when you first came to the farm. That feeling hasn’t changed… I love you more in every passing day… Happy anniversary, sweetheart.” He planted a soft kiss on her lips.

“Happy anniversary, too, Bernard. And thank you so much for loving me,” she said, her heart swelled with love. “You talked of loving, sa palagay mo ba’y nagkakagustuhan ang dalawang iyon?”

Bernard smiled knowingly. “I bet my life on it.”

HAPON na nang magising si Dana ng sumunod na araw. Madaling-araw na nang matapos ang party. At nakilala na yata niyang lahat ang mga Fortalejo at ang malalapit na kaibigan ng pamilya.

Nang makapag-ayos ay lalabas na sana siya nang masulyapan ang telepono sa mesa. Naisip na tawagan ang mga magulang upang maibalita ang nangyari nang nagdaang gabi.

“Well, it’s about time.” si Joshua sa kabilang linya sa tonong bahagyang ikinapitlag ng dalaga. 

“Tatawagan kitang talaga, naunahan mo lang ako. Katatawag lang ng Tita Elvira mo. She was so angry. Bernard Fortalejo has called off Lenny and Cielo’s engagement. Ipinahiwatig ni Bernard na ang anak niya’y engaged sa mismong pinsan ni Cielo and that the engagement was formally announced. What does it mean, Dana?”

“Daddy,” simula niya, clearing her throat at the same time. “Narito si Charles. Sumunod siya sa amin ni Cielo. You know they love each other and…”

Sinabi niya ang pangyayari sa ama. Wala siyang ibang maidadahilan sa bilis ng mga pangyayari. Isa pa’y hindi niya gustong magsinungaling. She was expecting him to understand, kung hindi man matuwa na fiancé na niya ang isa sa mga Fortalejo na kung tutuusin ay hindi naman na mga estranghero para sa mga magulang.

“No!”

Napasinghap si Dana. Startled by the vehemence in his father’s voice. Minsan ma’y hindi siya ginamitan ng ganoong tono ng ama.

“Bale-wala para sa akin ang engagement ninyo, Dana. And I couldn’t care less kung naanunsiyo na iyon sa buong lupa,” ani Joshua. Nanginginig ang tinig sa galit. “I want you to pack your bags, Dana Isabella, and take the first flight back home immediately!”

“But, Dad—”

“That bastard can’t use you. I can’t allow this…”

“M-maybe I have missed telling you something, Daddy,” aniya. She had to lie. “I… I won’t be conned into this engagement kung… kung wala akong p-pagtingin kay Lenny.” Then she immediately checked herself if it really was a lie. And to her horror, natagpuan niya ang sariling idinagdag, “I love him, Dad.”

“No, Dana! No.”

Dana couldn’t imagine his father’s face. Wala siyang natatandaang nagalit ito nang matindi sa kahit na kaninong tao. Ang ama niya ang pinakadiplomatikong taong nakilala niya. Anger was his father’s last resort to dealing things.

“That bastard can’t take you away from me. Hindi ako papayag na ang mag-ina ko’y parehong nadawit sa pamilyang iyan! The hell I care if they own the world but not my daughter!”

“Daddy!”

“And I don’t believe for one moment that you love that man, Dana,” patuloy nito. Tumaas-baba ang dibdib sa galit.

Si Diana ay walang-kibong nanatiling nakamasid sa asawa. Hindi alam ang sasabihin at iisipin. Tulad ng anak, she had never seen her husband this angry, and it puzzled her so much.

“He is a very good-looking man,” patuloy ni Joshua. “And of course, very rich. Iyon marahil ang naka-attract sa iyo just like any girl next door. But you don’t definitely love him!”

“But—”

“Not another word, Dana Isabella,” babala ni Joshua. “Get out of that place and fly back home right away. It is an order.”

At bago pa siya makasagot ay nawala na sa linya ang ama. Nanlulumong ibinalik ng dalaga ang telepono sa cradle nito. At wala sa loob na umupo sa gilid ng kama.

Gulong-gulo ang buong isip kung bakit ganoon na lang ang galit ng ama.

“Hi. I didn’t have the chance to congratulate you last night…”

***************Kamusta ang lahat char hahahaha , isang nakakapagod na naman na araw ang lumipas char hahahaha. Sana ayos lang lahat. Take care at God bless mga beshie. :) - Admin A ***************

43

NAG-ANGAT ng paningin ang dalaga. Si Cielo na sumungaw mula sa may pinto ng silid niya.Nawala ang ngiti sa mga labi ni Cielo. Nagsasalubong ang mga kilay at tuluyang pumasok sa loob ng silid.

“Hindi kayang ipinta ng kahit na sinong mahusay na pintor ang mukha mo. What’s wrong?”

“I just talked to Dad. He was so angry. H-he wanted me to fly back home right away. Hindi niya gusto ang pangyayaring officially engaged ako kay Lenny…” Napabuntong-hininga si Cielo at umupo sa gilid ng kama niya.

“Alam kong sa malaon at madali’y haharapin ko ang galit ng mga magulang ko, Dana,” wika nito sa nagugulumihanang tono. “Lalo na ang Mama. But it has been done. And though I am so glad na nakawala ako sa usapan ng mga magulang ko at ng mga magulang ni Lenny, naguguluhan pa rin akong isiping inihayag ni Lenny na ikaw ang kanyang fiancée. Paanong nangyari iyon?”

“P-pinakiusapan ko siyang hayaan na kayo ni Charles. That it was Charles you love at napipilitan ka lang dahil sa udyok ng mga magulang mo.” Sumandal siya sa headboard at niyakap ang isang unan. “Pumayag si Lenny, on condition na—”

“Ikaw ang pumalit sa akin bilang fiancée niya,” dugtong ni Cielo na napailing. “I am so sorry, Dana, dahil sa akin ay nadawit ka sa suliraning ito…”

Hinarap ni Dana ang pinsan at hinawakan sa magkabilang kamay. “Huwag mo akong alalahanin, Cielo. Ang mahalaga’y malaya ka na mula sa manipulasyon ng Tita Elvira. Magiging maligaya ang buhay mo sa piling ni Charles, tulad din—” nina Eman at Consuelo, sana’y sasabihin niya. But she stopped on time. “Tulad ng siyang dapat mangyari.”

“Pero bakit kailangang isakripisyo mo ang sarili mo?”

Dana smiled at her cousin. “Do you think having Lenny as a fiancé is a sacrifice? You’ve got to be kidding…”

Napaangat ang mga kilay ni Cielo. Bahagyang nanlaki ang mga mata. “Y-you’re attracted to him!”

Nagkibit siya ng mga balikat kasabay ng buntong-hininga at alanganing ngiti.

“Sort of.” She frowned at hinigpitan ang pagkakayakap sa unan. Naalala ang nangyari sa kanila sa guest room. “Oh, honestly, it’s more than just a mere attraction. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya, Cielo. Words seem so inadequate to explain what I feel for him. Pero huwag mong isiping kaya kita tinulungang makawala sa usapan dahil sa pansarili kong damdamin,” she added worriedly at tinitigan ang pinsan niya.

Ngumiti si Cielo. “Silly you. Bakit ko iisipin iyon? Besides, nakikita ko naman sa simula pa lamang nang idating ka ni Lenny dito’y may kakaiba na siyang atensiyon na ibinibigay sa iyo. At napuna ko rin kung paano ka niya tingnan kapag hindi ka nakatingin. Ganoon ka rin sa kanya. Sa maikling salita, my dear cousin, pareho kayong attracted sa isa’t isa.”

“Inaamin ko ang kakaibang damdaming pinupukaw ni Lenny sa akin. I’ve never felt like this before, Cielo… But he puzzles me. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya ang announcement na iyon…”

“I am positive that he was attracted to you, too. Ang inaalala ko lang ay kung seryoso si Lenny sa pag-aanunsiyong iyon ng engagement ninyo. It could mean nothing, you know. And I am worried about you, kung saka-sakali. Baka masaktan ka kung—”

“Huwag mo akong problemahin. I can handle my feelings for him,” aniya at sandaling nag-isip pagkatapos. Kaya nga ba niyang hawakan ang sariling damdamin para sa binata?

She sighed at tinitigan ang pinsan. “Ikaw, ano ang plano ninyo ni Charles?” pag-iiba niya ng usapan.

“We want to leave the island soon, Dana.” Nasa tinig nito ang pasasalamat sa pinsan. “Gusto ni Charles na lumayo na kaagad kami upang hindi maabot ng mga magulang ko. We can’t be married hangga’t wala ako sa hustong edad. And my mother was so set that I marry Lenny. At ngayong hindi nangyari ang gusto niya’y hindi natin parehong alam kung ano ang maaari niyang gawin…” Naroon ang pag-aalala sa tinig ni Cielo.

Napatango si Dana bilang pagsang-ayon. Cielo would be twenty in a couple of months just as she would be twenty one soon. Parehong menor-de-edad. At tama ang pinsan niya, kung babawiin ito ng mga magulang ay walang magagawa ang kahit na sino.Kung magkaganoon ay sayang lang ang mga pinaghirapan nila.

“Kakausapin ko si Lenny ngayon, Cielo. Sasabihin kong gusto na ninyong umalis. Sa makalawa’y babalik sa Maynila si Tito Bernard. Maaari kayong sumabay sa chopper.”

“Kung wala ka’y hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin… sa amin ni Charles.“She smiled. Ni hindi niya makuhang sabihin sa pinsan na hindi rin marahil ito mapapakasal kay Lenny. Inamin ng binatang wala itong pag-ibig kay Cielo. At nararamdaman niyang hindi ang uri ni Lenny ang napipilit ng kahit na sino sa bagay na hindi nito gusto.

Napahugot siya ng hininga sa kaisipang iyon. Kung hindi gusto ni Lenny si Cielo, then there could be no announcement on his engagement with her cousin!

At hindi kailangang halinhan niya si Cielo. But why did Lenny make the announcement? Ginamit ba siya ni Lenny para makaiwas sa engagement nila ni Cielo o paniniwalaan niya ang pinsan na attracted din sa kanya ang binata?

She sighed. “Bumalik ka na sa silid mo, Cielo. Hahanapin ko si Lenny at mag-uusap kami…”

“Thank you but couldn’t we raid the kitchen first? It’s almost two in the afternoon. What about a late lunch?” wika nito, sabay sulyap sa relo sa night table.

“Magbihis ka na at maunang kumain. Gusto kong makausap si Lenny kaagad.”

44

PALABAS si Dana sa silid nang masalubong niya sa pasilyo ang isang katulong.

“Magandang umaga po, ma’am,” bati nito. “Kakain na po ba kayo?”

“Nasa dining room ba ang mag-asawa?”

“Maaga pong umalis si Señor Bernard kasama si Señora patungo sa lawa, Ma’am. Mamimingwit marahil,” sagot ng katulong.

“Ang… Sir Lenny mo?”

“Hindi ko pa ho nakitang bumaba. Baka nasa silid pa niya…”

“Aling silid ang okupado niya sa itaas?” Kasabay ng tanong niya’y ang pagtingala sa ikalawang palapag. Ang ikalawang palapag ng villa ay nakapaikot sa malaking sala. Ang pinakagitna ng bulwagan ay isang malaking aranya na nakasabit mula sa mismong kisame ng bahay.

“Iyon pong dating ginagamit ni Señor Leon.” Tumingala rin ang katulong.

Kung nag-aalangan siyang panhikin ito’y nawala nang marinig ang pangalan ni Leon. “Alin doon?”

“Pangatlo po mula sa kaliwa, iyong dulo.”

Nagpasalamat siya sa katulong. At nang lumakad ito pabalik sa dining room ay atubili niyang tinungo ang malaking hagdan at pumanhik. Muli niyang natingala ang malaking larawan ni Don Leon sa dingding.

“I missed you, Leon, kahit hindi ko na maaninag sa larawan mo ang Leon na nakilala ko back in time,” she whispered softly. “At hindi ko iisiping kagagawan mong lahat ito… No. Because you are dead. And dead people are conscious of nothing at all. So you have nothing to do with my life… my meeting with your grandson. Nangyayari ang lahat ng ito dahil ito ang daloy ng buhay ko… ng buhay namin. Kung ano man ang mangyayari sa amin sa susunod na mga araw ay dahil iyon ang gusto naming mangyari… Ang tao ang gumagawa ng sarili nilang buhay…”

Humugot siya ng malalim na paghinga at ipinagpatuloy ang pagpanhik. Sa sitting room sa itaas ay kumaliwa ang dalaga. Binaybay ang pasilyong ang tanging pagitan sa ibabang bahay ay ang barandilya.

Huminto siya sa paghakbang sa ikatlong pinto. Alanganing itinaas ang kamay at marahang kumatok. Naghintay ng ilang sandali bago muling kumatok nang wala siyang marinig na kumikilos mula sa loob.

Pinihit niya ang seradura nang wala pa ring sumagot sa katok niya. Naroon ang kuryosidad na iyon ay dating silid ni Don Leon, pinihit niya ang seradura. Bukas iyon.

Itinulak niya at sumilip. Sinalubong siya ng banayad na musika. Soft jazz.

Nilakihan niya ang awang ng pinto. Natambad sa kanya ang malaking silid. Sa malaking four-poster bed ay naroon ang magulo pang higaang hindi pa naililigpit. The imprint of Lenny’s head was still visible on his pillow. Sa paanan niyon ay isang malaking chest. Must be more than a hundred-year-old antique chest.

Sa isang antigong mesa’y naroon ang isang modernong computer. Walang TV set at component sa loob ng silid but she saw CDs and VCD. So the computer served all the purpose. Nakabukas iyon at doon nanggagaling ang musikang naririnig niya. Beside the antique table was a personal ref.

Maliban sa mga iyon ay wala nang ibang modernong kasangkapan sa loob ng silid. Ganoon ma’y higit iyong marangya kaysa sa silid ni Doña Isabel. Mula sa ibabaw ng isang bureau ay naka-display roon ang ilang picture frames ni Lenny. Lenny with that big stallion… Lenny with friends na sa tantiya niya’y kuha sa Texas. Lenny with his sisters and brother… with his parents; and Lenny on skating board. She could guess it was taken in Lake Tahoe in Nevada.

Humakbang siya patungo sa luma at magkadikit na malalaking aparador. Nakita niya ang repleksiyon ng sarili sa malaking salamin. Bahagya pa siyang nagulat. Tila siya magnanakaw sa ginagawa. Sa gilid ng aparador ay bookshelves na kapantay rin ng aparador ang taas.

Lumakad si Dana patungo sa bookshelves. Dalawang shelves lamang ang may nakahilerang libro. At sa tingin ng dalaga’y ang mga gamit ni Lenny noong ito’y nag-aaral pa.

Electrical engineering. Iyon ang tinapos ng binata sa ibang bansa. She saw the diploma gayundin ang certificate ng pagkapasa sa board.

Then something caught her eye. Sa dulo ng estante. Tumingala siya. Isa iyong lumang kuwadro…

“Leon…”

She moved closer and tried to reach the picture frame. Subalit hindi iyon abot ng kamay niya. She tiptoed at muling sinikap na abutin ang kuwadro. Subalit ni hindi niya naabot iyon dahil bukod sa mataas na para sa kanya ang huling shelf ay nasa bandang gitna pa ang kuwadro. Dumulas ang kamay niya at nawalan siya ng panimbang. At sa takot na matumba’y napakapit siya sa ilalim ng tabla ng panghuling estante.

Sa pagkabigla ng dalaga’y gumalaw ang buong bookshelves at umikot iyon kasama siya dahil nakahawak siya sa upper shelf.

Napatili nang wala sa oras si Dana. Nakabitaw sa pagkakahawak sa estante. Bumagsak siya at napalugmok sa sahig. 

*************Kamusta ang lahat, nakatulog ako kagabi , grabe ang pagod much ko nitong mga nagdaang araw at patuloy pa. :( Enjoy sa pagbabasa mga beshie. Take care and God bless. - Admin A 

If may comments kayo at free time please feel free to comments and votes char hahahaha - Admin A *****************************

45

NAPADAING si Dana sa nasaktang balakang. Nang tumingala siya’y madilim ang buong paligid maliban sa mumunting sinag ng liwanag na nanggagaling sa silid na lumulusot sa maliliit na siwang ng bookshelves.

“W-where am I?” kinakabahang tanong niya sa sarili.

Hindi siya kumikilos mula sa kinalulugmukan nang may kung ilang sandali. Sinasanay niya ang mga mata sa dilim.

Makalipas ang ilang saglit ay natanto niyang nasa likod niya ang bookshelves. Kung gayo’y umikot lamang siya at nasa isang lihim na lagusan. Amazed, dahan-dahan siyang tumayo. Still, she didn’t want to move from where she was. Nang maaninag niya ang makipot na hagdanan pababa.

“Oh!” bulalas ng dalaga.

Ang hagdanan ay isang hakbang lamang mula sa kinatatayuan niya. Kung lumakad pa siya’y baka nahulog siya pababa.

Kung susundin niya ang dikta ng kanyang isip, dapat ay hanapin niya ang paraan para makabalik sa loob ng silid ni Lenny. Though not that easy, she could easily shout for help, kung hindi niya mahanap ang paraan pabalik sa silid ng binata. Pero natitiyak niyang hindi lahat ng tao’y alam ang lihim na lagusang iyon.

At ang kabilang bahagi ng isip niya’y nagdidiktang alamin kung saan patungo ang makipot na hagdanang nasa harap niya.

Nanaig ang curiosity. Slowly… carefully, humakbang siya patungo sa hagdan. Not wanting to trip, kinapa niya ang dingding upang alalayan ang sarili sa pagbaba sa madilim na hagdan. Nang maramdaman niyang bumaba siya sa isang landing. Huminto sandali si Dana.

“There must be a lamp switch somewhere. Hindi maaaring walang ilaw ang hagdanang ito. Lenny must have known this secret place.” She was talking to herself loudly.

Kinapa niya ang gilid ng dingding nang may kung ilang sandali rin bago niya nahagip ang isang switch ng ilaw. Binuksan niya iyon at nagliwanag ang buong paligid. Tiningala niya ang pinanggalingan. Pitong baitang mula sa itaas. At pagkatapos ng landing ay limang baitang pa uli pakanan.

She walked to where the stairs were. Subalit mula sa landing ay nakita na niya ang ibaba. Isang hindi kalakihang silid na ang dingding ay adobe. It was varnished, dahil makintab.

Nakita niya rin ang maliit na bintana sa bandang tagiliran. Bagaman may bahagyang liwanag na nanggagaling doon ay hindi sapat upang magbigay liwanag sa buong silid dahil natatakpan iyon ng mga halaman. Malalagong halaman.

Sa sulok ay isang airconditioner. Iyong uring panloob, hindi window type. At isang antigong bench that served as a bed, too, dahil sa kutsong nasa ibabaw nito. May ilang throw pillows doon.

At sa gilid ay isang antigong mesa. Sa ibabaw niyon ay study lamp. Fascinated and intrigued, ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbaba sa natitirang limang baitang. Nagtuloy sa mesa. Umupo sa upuang nasa likod niyon. May mga kung ano-anong papel ang nasa ibabaw ng mesa. Ang crystal penholders ay puno ng kung ano-anong pens and ball points.

“This room must be in constant use,” wika niya.

Wala sa loob na binuksan ang drawer sa harapan ng mesa. Then closed it again nang makitang kung ano-anong papel lang ang laman. Isinunod na binuksan ang malaking drawer sa tagiliran.Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Ang naroroo’y isang antigong jewelry box. Sa tabi niyon ay isang lumang librong kulay itim. Nababakbak na ang paligid ng libro sa katandaan.

Gusto niyang buksan ang jewelry box subalit mas nanaig ang curiosity niya sa lumang libro. She took it, at inilapag sa mesa at binuksan.

“Leon Fortalejo…” She closed her eyes and groaned softly nang matiyak na diary iyon ni Leon.Puno ng pananabik ang dibdib na binuksan ng dalaga ang mga pahina sa nanginginig na mga kamay.

“Palawan, July 1928…” she started reading. “Isang buwang mahigit mula nang umalis ako sa Maynila…”

Lalong tumindi ang pananabik at kaba sa dibdib ni Dana. Sinimulan ni Leon ang diary matapos na umalis ito ng Binondo. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

…isang buwang mahigit mula nang magkawalay kami ni Isabelita. Hindi ko alam kung paano papawiin ang sakit sa aking puso. Hindi ko sinisisi si Isabelita sa pagpili kay Eman. Kung ako ang pinili niya’y habang-buhay naming tataglayin sa aming konsiyensiya ang kahihiyang idudulot niyon sa pamilya niya at sa pamilya ni Eman. Mula kay Isabelita ay natutuhan ko ang kahalagahan at dangal ng salita…

Walang hindi napaghihilom ang panahon. Malilimutan ko marahil ang aking unang pag-ibig. 

Kung paano’y hindi ko alam…

46

“ISANG buwan na mula nang dumating ka subalit wala kang ginawa kundi ang magkulong sa silid mo!” singhal ni Don Genaro sa anak sa salitang Kastila nang buksan nito ang silid ng una at makita si Leon na nakapanungaw sa bintana. “Ni hindi ko alam kung ano ang dahilan ng bigla mong pag-uwi. Hindi ko na aalamin, ang mahalaga’y naririto ka na.”

Hindi sumagot ang binata. Ang mga braso’y nakatukod sa pasimano ng malaking bintana. Nanatiling nakatanaw sa malawak at walang hanggang kagubatang nakapalibot sa bahay nila. Sa ibayo niyon ay ang dagat.

“Sinabi sa akin ni Clemencia na hindi mo siya sinipot sa usapan ninyong magkikita sa kapilya.” Bagaman naroon ang akusasyon sa tinig ay bumaba nang bahagya ang tono ng matandang lalaki.

“Hindi ako ang nakipagtipan sa kanya. Ikaw ang nagsabing darating ako. Ni hindi mo tinanong kung gusto ko siyang kausapin,” sagot ng binata sa walang-emosyong tinig. Ni hindi nilingon ang ama.

“Leon hijo, bakit hindi mo pakitunguhan nang mabuti si Clemencia. Kung ganda ang pag-uusapan ay hindi pahuhuli si Clemencia sa mga dalagang Española na nakikita mo sa Maynila.”

“I am not attracted to her, Papa.” mariin ang pagkakasabi ng binata sa mga kataga at hinarap ang ama. “Huwag mo akong piliting pakitunguhan siyang nang higit pa sa isang kaibigan lamang.”

Tumiim ang mukha ng matandang lalaki. “Naipagkasundo na kita sa kanya, Leon. Sa susunod na buwan ang usapan namin ng kanyang mga magulang na ipakakasal kayo. Kaya ngayon pa lang ay ihanda mo na ang iyong sariling maging asawa siya!”

“Lo siento, Papa. Pero hindi kita maaaring sundin. Hindi ang babaeng iyon ang pangarap kong paghandugan ng aking pangalan.” Mariin at tiyak ang pagkakasagot na iyon ni Leon sa ama, sapat upang gumuhit ang matinding galit sa mukha ni Genaro.

“Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan, Leon!” Halos sumigaw na ito. Kanina pa nito ipinaliliwanag sa anak ang gustong mangyari subalit matigas ang binata. “Kailangang makasal kayo ni Clemencia. At kung hindi ka susunod sa aking kagustuhan ay—”

“Hindi kita naiintindihan, Papa,” agap ng binata sa sinasabi ng matandang lalaki. Nagtatagis na mga bagang. “Kinasusuklaman mo ang mga Infieles. Subalit pilit mo akong ipinapakasal sa isang Infieles. Ang Mama’y isa ring katutubo. Bakit, Papa?”

Hindi agad nakasagot si Genaro. Ang galit sa mukha’y sandaling nahalinhan ng sandaling pagkalito.

“Pinagsamantalahan mo ba si Clemencia?” akusa at paniniyak ang tono ng binata. Nasa mukha ang matinding pagkadismaya sa matandang lalaki na biglang umilap ang mga mata.

“Ano ba ang pinagsasasabi mo?!” singhal nito sa anak. Pilit na pinagtatakpan ang guilt na gumuhit sa mukha.

“Tulad din ba ng ginawa mo sa Mama?” patuloy ni Leon na unti-unting tumigas ang mukha. 

“Napilitang magpakasal sa iyo ang Mama dahil pinagsamantalahan mo siya, hindi ba?” usig ng binata sa nagtatagis na mga bagang.

“P-paanong—” Nanlaki ang mga mata ng matandang lalaki. Unti-unting sumungaw ang mga butil ng pawis sa noo.

“Iniisip mo bang wala akong alam sa tunay na mga pangyayari?” Umismid ang binata. 

“Bagaman hindi ipinakikita sa iyo ng Mama sa takot na saktan mo siya’y kinasusuklaman ka niya hanggang sa kanyang kamatayan. Sinabi niya sa akin ang buong katotohanan kung paano mo siya inagaw mula sa kanyang kasintahan… ang sarili mong kapatid, si Carlos Antonio.”

Napasinghap ang matandang lalaki kasabay ng pag-atras ng isang hakbang. Noon lamang nito nakita ang poot sa mga mata ni Leon.

“Tama ka, Leon,” ani Genaro na bahagyang nakabawi sa pagkabigla. “Kinasusuklaman ako ng ina mo kaya kung ano-anong kalokohan ang inilagay niya riyan sa ulo mo upang pasamain ako sa mga mata mo.”

Tila hindi narinig ni Leon ang sinasabi nito. “Alam mo bang pinagdududahan ng Mama kung totoo ang sinabi mong napatay si Carlos Antonio sa kamay ng mga rebeldeng Pilipino?”

“Kalokohan!” singhal ni Genaro. “Bakit ko ipagsisinungaling ang dahilan ng kamatayan ng sarili kong kapatid?”

“Dahil hindi mo siya tunay na kapatid.” isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mga labi ng binata. 

“Anak ka ng iyong ina sa ibang lalaki at isang taong gulang ka na nang mapangasawa ng iyong ina ang ama ni Carlos Antonio. Tinaglay mo ang pangalang Fortalejo. Pangalang wala kang karapatang taglayin!”

“Tama na ang walang-kabuluhang pag-uusap na ito!” Muling nanumbalik ang awtoridad sa tinig ng matandang lalaki. “Walang kinalaman ang kasaysayan ng aking mga magulang sa pinag-uusapan natin. Pakakasalan mo si Clemencia at iyan ang masusunod. Kapag hindi mo ginawa’y aalisan kita ng mana, Leon. Ni isang sentimo ay wala kang tatanggapin sa akin!”

Bahaw na tumawa si Leon. “Ano’ng mamanahin ko mula sa iyo, Papa? Kahit ang lupa’t bahay na ito’y hindi sa iyo. Pag-aari ito ni Carlos Antonio. Nang mamatay siya’y inari mong iyo. Nang matapos ang digmaan ay nilustay mo sa sugal sa Maynila ang kanyang salapi. Hindi mo napilit ang Mama na ibigay sa iyo ang salaping inihabilin sa kanya ni Carlos Antonio bago ito namatay. Dahil doon kaya ako nakapag-aaral sa Maynila.”

“Sa maraming pagkakataon ay ilang beses kong pinagdududahan kung anak nga ba kita?” Naniningkit ang mga matang nakatitig ito sa binata. Tumaas-baba ang dibdib sa galit. “Kahit patayin ko ang ina mo’y hindi niya inamin sa akin kung sino sa amin ni Carlos Antonio ang iyong ama. Ngayo’y natitiyak kong hindi kita anak, Leon…” Isang imbing ngiti ang sumilay sa mga labi ng matandang lalaki.

“Subalit pakakasalan mo si Clemencia sukdulang igapos kita patungo sa kapilya!” Pagkasabi niyo’y mabilis na lumabas ng silid ang matandang lalaki.

Ilang minuto nang nakalabas si Genaro’y nanatiling nakamasid sa pintong nilabasan nito si Leon. Nagpupuyos ang dibdib sa pinipigil na galit. Ipinagtapat sa kanya ng ina bago ito namatay na si Carlos Antonio ang tunay niyang ama. Na pinakiusapan nito ang komadronang sabihin kay Genaro na kulang siya sa buwan nang ipanganak.

“Ibubuhos niya sa iyo ang galit at poot kapag inamin kong hindi ka niya anak, Leon…” wika ni Marita sa pagitan ng pag-ubo. Ginagap nito ang kamay ng anak. “Ikaw na lang ang natitirang Fortalejo, anak. Pinangarap ng ama mong magkaroon ng maraming anak na lalaki. Kung sakaling magkapamilya ka’y alagaan mo sila… ingatan… ipangako mo…”

“Ipinangangako ko, Mama…

Muling humarap sa bintana si Leon. Pilit inaaninag ang karagatan sa likod ng makapal na gubat. Sa dako pa roon… sa isang islang di-kalayuan sa Palawan. Minsan na siyang nakarating sa isla. Sa pagkakaalam niya’y walang taong nakatira doon. Binalak niyang doon simulan ang pagpapamilya. Binalak niyang dalhin doon si Isabelita.

Sa muling pagkaalaala kay Isabelita’y muli ring gumuhit ang matinding sakit sa damdamin niya. Mula kay Isabelita ay natutuhan niya ang kahulugan ng karangalan… ng kahalagahan ng pangako at salita. Tataglayin niya ang pagpapahalagang iyon. Sa kabila ng sakit at kabiguan ay wala siyang makapang galit sa dalaga nang piliin nito si Eman. She was honor-bound to marry Eman, forsaking him and their love.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Luluwas siyang muli sa Maynila bukas ng umaga. Titiyakin niya kung ano ang nangyari kay Isabelita. Kahit sa huling pagkakataon ay gusto niya itong makita at makausap kahit pa gaano iyon kasakit para sa kanya… at sa dalaga. Pagkatapos ay saka pa lamang niya magawang magsimulang muli. Doon sa Maynila. Hindi rito sa Palawan. Hindi sa panahong ito kung saan alam niyang nagigipit si Genaro.

May nakapagsabi sa kanyang pinagbabantaan ni Clemencia si Genaro na isusumbong sa mga magulang at mga kapatid na lalaki ang ginawa nitong pagsamantala sa dalaga kung hindi itatayo ni Genaro ang dangal. At natitiyak niyang hindi na muling itatali ni Genaro ang sarili sa isang katutubo, lalo at wala namang salapi ang mga ito. Kaya siya ang nais ni Genaro na magsalba sa sarili nito.

ALAS-SIYETE ng gabi nang bumaba ng bahay si Leon at tunguhin ang kamalig sa di-kalayuan. Hindi niya kailangan ng liwanag. Kahit nakapikit siya’y alam niya kung saan naroroon ang kukuhanin niya. Sa loob ng kamalig ay bahagya nang naggiikan ang mga manok at ang bahagyang paghalinghing ng kabayo. Pagkatapos ay muli ring tumahimik ang mga hayop. Sa dilim ay tinunton ng binata ang kinalalagyan ng piko at pala.

Ilang sandali pa’y sinisimulan na niyang maghukay. Nag-iingat na hindi makagawa ng ingay. Malaki ang pasasalamat niyang wala si Genaro. Tiyak na kasama na naman nito ang mga kapwa manginginom.

Tatlong dangkal mahigit na ang nahuhukay niya nang maramdamang may tinamaan ang piko. Ibinagsak niya ang piko sa lupa at lumuhod sa tapat ng hinuhukay. Hindi niya kailangan ng liwanag upang malaman kung ano ang natamaan niya. Kinahig ng kanyang mga kamay ang nakapaibabaw na lupa. Pagkatapos ay inahon mula sa pagkakabaon ang isang di-kalakihang cajetang kahoy.

Pinapagpagan niya ito ng lupa nang mula sa pinto’y isang liwanag ang tumama sa kanya. Napapikit ang binata sa pagkakasilaw.

“Hah! Sinasabi ko na nga ba!” si Genaro na palipat-lipat na itinuon sa jewelry box at sa mukha ni Leon ang malaking flashlight.

“Papa!”

47

“IBIGAY mo sa akin ang heirloom ng pamilya Fortalejo, Leon,” wika ni Don Genaro sa nagbabantang tinig at humakbang palapit.

“Hindi ka isang Fortalejo, Papa, kaya wala kang karapatan sa habiling ito,” aniya sa determinadong tinig. “At hanggang diyan ka na lang!”

Dalawang dipa mula kay Leon ay huminto sa paglakad si Genaro. Isang malademonyong tawa ang umalingawngaw sa loob ng kamalig.

“Alam mo bang kaya ko pinakasalan ang iyong ina ay dahil sa mga alahas na iyan? Hindi inamin sa akin ni Carlos Antonio kung nasaan iyan kahit na mamatay siya. At naghihinala akong nasa pag-iingat iyan ni Marita. Ibigay mo sa akin iyan, Leon. Ako ang dapat magmay-ari ng mga ginto at brilyanteng naririyan sa kahong iyan.”

“Ingatan mo ang mga alahas, Leon. Ayon sa iyong papa’y pag-aari pa ng mga ninuno niya ang mga alahas na naroroon. Mamanahin iyon ng kaapo-apuhan at muling ibabalik sa kahon sa takdang panahon. Ang mga mamahaling bato’y maaari mong gawing pasimula para sa pagpapamilya…”

Sa liwanag ng flashlight na nakatama sa mukha ng binata’y nakita ni Genaro ang pagtiim ng mukha ni Leon.

“Huwag mo akong piliting labanan ka, Papa.” nakikiusap ang tinig ng binata. Hindi tiyak kung kaya nga niyang lapastanganin ang taong sa kabila ng lahat ay siyang nakilala niyang ama hanggang sa kamatayan ng ina. “Hindi ko ibibigay sa iyo ang kahong ito anuman ang mangyari.“Mula sa sukbit ng pantalon ay hinugot ni Genaro ang isang revolver. Itinuon iyon kay Leon.

“Hindi ako mangingiming patayin ka, Leon.” Narinig ng binata ang tunog ng ikinasang baril. “Ibigay mo sa akin ang kahong iyan!”

Natilihan ang binata. Sa himig ng matandang lalaki’y natitiyak niyang papatayin siya nito. Maliban sa ilaw na nagmumula sa flashlight ay madilim na ang buong paligid. Ang liwanag ay sa mukha niya nakatutok.

Maingat na kumilos ang kanyang paa at sinamantala ang dilim. Nahagip niyon ang piko. Isinabit niya sa paa ang dulong kawit ng piko. Huminga nang malalim at inubos ang lakas sa binti upang maitaas ang piko at sipain iyon paitaas patungo kay Genaro.

Napahiyaw sa sakit si Genaro nang tumama sa dibdib nito ang piko. Nawalan ito ng panimbang at nabitiwan ang flashlight at bumagsak sa lupa. Sinamantala iyon ni Leon at tinakbo ang kinaroroonan ng kabayo.

“Papatayin kita, Leon!”

Hustong naalis ng binata ang tali ng kabayo sa may poste ng kamalig nang isang putok ang umalingawngaw sa kadiliman. Nasadsad sa kabayo si Leon kasabay ng pagdaing. Ang kabayo’y malakas na humalinghing sa takot sa putok ng baril. Dumamba at tumakbo palabas. Hindi bumitiw sa kabayo ang binata at pigil ang paghinga sanhi ng sakit ng tama ng baril. Hirap na sumampa ang binata sa kabayo, muntik-muntikanang makabitiw. Tanging determinasyong makalayo ang nagpangyari upang huwag mahulog.

“Ibalik mo ang kahon, Leon!”

Mabilis na tumayo si Genaro at humabol palabas. Iwinasiwas nito ang flashlight sa lahat ng panig subalit hindi na nito nasinagan ang binata. Nag-ulol sa galit ang matandang lalaki at nagpatuloy sa paghabol at paghahanap.

“Hindi ka makalalayo, may mga tama ka, Leon!”

NAHIHILO na siya. Alam niyang may tama siya. Subalit nag-uumigting sa utak ng binata na kahit mamatay siya’y hindi mapapasakamay ni Genaro ang mga alahas. Hinubad niya ang suot na kamiseta at pinunit pahaba. Itinali nang mahigpit sa kahon at ang kabilang dulo’y itinali niya sa sinturera ng pantalon niya.

Ang kabayo’y patuloy sa walang direksiyon at mabilis na pagtakbo. Naroong halos mahulog na ang binata dahil sa mga sanga ng punong tumatama sa mukha’t katawan niya.

Nang bigla’y humalinghing ang kabayo kasabay ng pagtagilid nito. At bago pa maisip ni Leon ang nangyari’y nahulog silang pareho sa bangin.

48

“NAGKAKAMALAY na siya, Impong Sela,” wika ng dalaga na hindi lumilingon sa kausap. Naramdaman niya ang pagpasok ng matandang babae sa silid. Ang mga mata niya’y titig na titig sa mukha ng lalaking nakahiga sa papag na kawayan. Banayad itong umuungol bagaman hindi pa nagmumulat ng mga mata.

Napahinga nang maluwag ang matandang babae. “Mabuti naman kung gayon, Esmeralda.” Sandaling kumibot ang bibig nito na tila umuusal ng panalangin. Ibinaba sa mesitang kawayan sa tabi ng papag ang dala-dalang umuusok na sabaw na sana’y para sa dalaga. “Ipainom mo sa kanya ito sa sandaling tuluyan siyang magising.”

Nauulinigan ni Leon ang mga tinig bagaman hindi niya mawawaan ang mga sinasabi. Sinisikap ng binatang imulat agad ang mga mata subalit tila kay bigat ng mga talukap niya. Agad niyang naramdaman ang pananakit ng ulo nang tangkain niyang ibiling iyon. At may kirot din siyang nararamdaman sa kanang balikat, sanhi upang hindi niya mapigilan ang mapaungol. Then he heard again that soft and soothing voice that spoke first awhile ago.

“Huwag mong piliting kumilos. Baka magdugo ang sugat mo sa ulo…”

Slowly and with so much effort, he tried to open his eyes. Unti-unting nagkakahugis ang anyong nasa harap niya. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay hindi makuhang bale-walain ni Leon ang magandang mukhang namulatan niya. A soft and musical voice and a lovely face.

“Sa… saan ako naroroon?” ang unang namutawi sa bibig niya. “Sino ka…?” dugtong niya kasabay ng pagtitig sa mga mata ng babae sa harap niya.

Brown eyes gazed back at him. Pagkuwa’y isang pinong ngiti ang lumitaw sa mga labi nito. He couldn’t tell what made him gasp. Dahil ba sa patuloy na pagkirot ng ulo niya o dahil sa pinong ngiti mula sa babae. Anuman ang dahilan, hindi niya maitatangging ang magandang mukha’y 

tila lalo pang gumanda sa pagkakangiti.

“Doon sa unang tanong mo, nasa isang isla ka,” sagot ng babae, sabay sulyap sa mainit na mangkok na nasa mesita. Inabot iyon. “At ako si Esmeralda. Ikaw, ano ang pangalan mo? Paano kang nagkaroon ng sugat sa ulo at sa balikat?”

Natilihan si Leon. May kung ilang sandaling may hinahagilap sa isip upang muling mapapikit nang maramdaman ang pananakit ng ulo.

“S-sumasakit ba ang ulo mo?” nag-aalalang tanong ni Esmeralda. Ibinabang muli ang mainit na sabaw sa mesita. Tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng papag at humakbang palabas ng silid.

“Huwag… kang umalis!” pigil ni Leon. Pilit na kinakalma ang sarili.

“Hindi ako magtatagal,” ani Esmeralda at lumabas na mula sa silid na tanging kurtina ang tumatabing.

He was staring blankly at the ceiling. Sa sala-salabat na tahilang kawayan. Pawid ang bubong. Sawali ang dingding ng buong silid na di-kalakihan. Tumatagos sa maninipis na siwang niyon ang sikat ng araw mula sa labas. Sa tagiliran niya’y isang di-kalakihang bintana na may kurtinang bulaklakin.

Ilang sandali pa’y naroon na muli si Esmeralda. May dalang isang basong tubig. Umupong muli sa gilid ng papag at may iniabot sa kanya.

“Inumin mo itong tableta. Pampapawi ng kirot.”

Meekly, he obeyed her, dahil totoong makirot ang ulo niya. Bahagya siyang nag-angat ng ulo upang makainom.

“Salamat,” halos bulong niyang sabi nang mainom ang maliit na tableta. Ibinalik kay Esmeralda ang baso ng tubig na halos maubos ang laman.

Tumayo si Esmeralda at tinulungan siyang makasandal sa ulunan ng papag. Pagkatapos ay muling kinuha sa mesita ang mainit na sabaw.

“Kailangan mong lagyan ng laman ang tiyan mo. Sa loob ng apat na araw na wala kang malay ay pilit naming kinukutsara ang sabaw sa bibig mo upang kahit paano’y may—”

“Apat na araw!”

“Apat na araw na wala kang malay,” ulit ni Esmeralda. Kumutsara ng sabaw at akmang isusubo iyon sa lalaki. Subalit umiling si Leon at inabot mula sa kanya ang mangkok.

“Salamat. Ako na…” wika ng binata. Wala siyang ideya kung anong sabaw iyon. Subalit ang nalalanghap niyang amoy mula rito’y sapat na upang kumalam ang sikmura niya. Nagsimula siyang kutsarahin iyon at tahimik na isinusubo. Paminsan-minsan ay sumusulyap sa dalagang tahimik na nakamasid at tila nasisiyahang makitang magana niyang inuubos ang sabaw.Wala nang laman ang mangkok nang ibaba niya sa mesita. Muli siyang nagpasalamat.

“Hindi mo sinasagot ang tanong ko,” ani Esmeralda mayamaya. “Sino ka at paano kang napadpad sa isla?”

He stared blankly at the woman in front of him. Nagsimulang bumangon ang panic sa dibdib.

“W-wala… wala akong maalala! Kahit… kahit ang pangalan ko!”

49

KANINA pa pinagmamasdan nang lihim ni Esmeralda ang lalaking natagpuan nilang walang-malay sa tabi ng dagat halos apat na linggo na ang nakararaan. Naroroon ito sa tabing-dagat at nakatanaw sa malawak na karagatan.

Wala pa rin itong maalala sa sarili. Bagaman natitiyak niyang Leon Fortalejo ang pangalan ng lalaki. Iyon ang nakasulat sa identification card na nakuha niya sa portamoneda ng lalaki mula sa bulsa ng pantalon nito.

Nag-aaral ito sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila. Alam niyang baril ang sanhi ng sugat nito sa balikat. Ang sugat sa noo nito’y hindi sanhi ng bala kundi ng kung anong matulis na bagay na tumama sa ulo nito.

May hinala si Nana Miling na baka magnanakaw si Leon at nabaril ito sa pagtakas. Iyon ay dahil sa isang malaking jewelry box na nakatali sa baywang ng lalaki.

“Napakalaking kayamanan nito, Esmeralda!” bulalas ng matandang babae. “Hindi lang mga alahas kundi may mga batong brilyante pa! Tiyak na magnanakaw ang inaalagaan at inaaruga natin!” nag-aalalang sabi ng matandang babae.

“Huwag ho natin siyang husgahan, Nana,” mahinahon niyang sabi. “Hintayin nating magbalik ang isip niya.”

“Paano kung masama siyang tao? Pawang babae tayo rito, ineng. Ikaw ang inaalala ko. Ang pinakamalapit nating kapitbahay ay sa kabilang dulo pa ng isla. Isang araw na lakad bago natin iyon marating…”

Subalit sa kaibuturan ng puso ni Esmeralda ay hindi niya pinaniniwalaang masamang tao si Leon. Ibinubulong ng puso niyang nagkakamali ng hinala si Nana Miling. Itinago nila ang mga bato at alahas at hindi ipinaaalam sa lalaki. Isasauli nila iyon sa sandaling magbalik ang memorya nito.

Ang tanging ibinigay niya rito’y ang portamoneda. Subalit kahit nang makita at mabasa ni Leon ang sariling pangalan ay wala itong maalala.

LUMINGON si Leon nang maramdamang hindi siya nag-iisa. Nakita niyang nakatayo sa tabi ng punong-niyog si Esmeralda. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito na ginantihan naman ng dalaga ng tipid na ngiti.

Humakbang ang dalaga palapit.

“Nakapaikot ang dagat sa islang ito, Leon,” ani Esmeralda at umupo sa isang troso na nakahapay sa buhanginan. “Bakit ang bahaging ito ang malimit mong pasyalan?”

Huminga nang malalim ang binata. “Hindi ko maipaliwanag.” Nilinga nito ang lampas-tao at malaking batong nasa harap. “Natitiyak kong nakarating na akong minsan sa islang ito. Pamilyar sa akin ang malaking batong ito at ang kapaligiran.” Niligid nito ng tingin ang baybayin. “Gaano na kayo katagal na naninirahan sa islang ito?”

“May isang taong mahigit na,” sagot ng dalaga na nagyuko ng ulo.

“Saan kayo nanggaling? Ang mga magulang mo?“Nagkalambong ang mga mata ng dalaga. “T-taga-Mindoro ang aking ina, Leon. Matagal na siyang wala.” A little sob came out of her. “Ang Papa’y hindi na muling nagbalik mula nang umalis sa islang ito may walong buwan na ngayon.” Hindi na mapigilan ng dalaga ang mapaiyak.

Nilapitan ng binata ang dalaga at umupo sa tabi nito. Kinabig patungo sa dibdib. “Huwag kang umiyak. Hindi ko gustong nakakakita ng babaeng umiiyak,” banayad nitong sabi. Hinahaplos ang mahabang buhok sa likod. “Ano ang nangyari sa papa mo?”

Marahil dahil sa loob ng mahabang panahon ay tanging si Impong Sela ang kasa-kasama niya sa islang iyon kaya hindi naawat ni Esmeralda ang sariling maghayag ng buhay niya sa estranghero.

“Isang Amerikano ang aking ama,” pagsisimula niya at kumawala mula sa mga braso nito. 

“Magtatapos na siya sa pagiging doktor nang magpatala bilang sundalo. Kasama siya ng mga Amerikanong dumaong sa Pilipinas. Sa pasasalamat niya’y nakasama siya sa lupon ng mga medics at hindi sa mga nakikipagdigma. Nagkakilala sila ni Mama at nagkapangasawahan. Nang huminto ang unang digmaang pandaigdig ay nanirahan sila sa Mindoro… sa bayan ni Mama. Doon ako ipinanganak. Nag-aral ng high school subalit hindi nakatapos…

“Pangarap ng Papa na maging isang lisensiyadong doktor. Subalit hindi na niya magawang ipagpatuloy iyon. Ano ba ang maaari niyang maging hanapbuhay sa Mindoro upang maipagpatuloy ang pagdodoktor? Mahirap din lang ang pamilya ng aking ina. Ang ama ng Papa’y namatay sa atake sa puso maliit pa akong bata. At ang anumang salaping nanggagaling sa pensiyon ng Papa’y nauuwi sa aking pag-aaral…

“Dahil totoong may nalalaman na sa pagdodoktor ay nagsimulang magpayo ang Papa sa ilang mga kaibigan at kakilala kung ano ang gagawin sa ganito at ganoong sakit. Nagbabala kaming mag-ina na baka hindi mabuti ang ginagawa niya. Subalit hindi nakinig ang Papa lalo at karamihan sa mga napayuhan niya’y totoong gumaling.” Huminto siya sa pagsasalita sa bahaging iyon. Tila nagsisikip ang dibdib niya.

“So people came and asked for prescriptions,” ani Leon na nahihinuha na ang sumunod na pangyayari. “Ano ang nangyari?”

Lumunok muna ang dalaga. “Isa sa mga naging pasyente ng Papa ay anak ng isang makapangyarihang tao sa aming bayan. Dumating siya at humingi ng tulong sa Papa na gawan ng paraan na mawala ang… ang dinadala niya. Hindi… alam ng mga magulang niya ang pagdadalang-tao niya…”

Leon grimaced.

“M-malaking halaga ang inaalok ng babae at… natukso si Papa.”

“Binigyan niya ng gamot ang babae?”

Nagyuko ng ulo si Esmeralda kasabay ng pag-iling. “L-lakas-loob na g-ginawa niya ang aborsiyon sa mismong silid ng bahay namin…”

Napaungol si Leon sa narinig. At bago siya may masabi’y nagpatuloy si Esmeralda.

“H-hindi huminto sa pagdurugo ang babae. Nag-panic ang Papa at hindi malaman ang gagawin. Mabilis siyang tumawag ng kalesa at ipinahatid ang babae sa kanila.”

“Ano ang nangyari?”

“Namatay ang babae bago pa man nadala ng mga magulang nito sa klinika sa kabilang bayan…”

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Si Leon ay itinuon ang mga mata sa karagatan. Si Esmeralda ay marahang humihikbi. Makalipas ang mahabang sandali’y muling nagpatuloy.

“Isang hapon habang nasa escuelahan ako’y sinundo ako ng isang kaibigan ng Papa. Dinala ako sa kanila at dinatnan ko roon ang Papa. Umiiyak. Tila wala sa sarili. P-pinag… pinagsamantalahan at p-pinatay ang aking ina…” Nabasag ang tinig nito sa bahaging iyon.

Hindi kumibo si Leon. Tumiim ang mga bagang. Humigit-kumulang ay nahuhulaan niya kung sino ang nagsamantala at pumatay sa ina ni Esmeralda.

Muling nagpatuloy ang dalaga. “T-tinulungan kami ng… ng kaibigan ni Papa na makaalis sa bayang iyon hindi sa pamamagitan ng alinmang sasakyang panlupa kundi sa dagat. Papatayin din kami sa sandaling makita nila. Ang sabi sa ami’y lumuwas muna kami sa Maynila…”

“Paano kayong napunta rito?”

“D-dito ako dinala ni Papa…” Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng dalaga. Pinunasan ng likod ng palad ang luhang nagbabadyang bumagsak.

“Ang… matandang babae? Si Impong Sela…”

“Malayong kamag-anak ng aking ina,” sagot ni Esmeralda kasabay ng pagsinghot. “Lihim siyang dinala ng Papa rito upang may makasama ako.” Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga. Malungkot na tinanaw ang karagatan. “Isang umaga’y umalis ang Papa para kumuha ng mga supply namin dito. Pagkain, damit, at kung ano-ano pa… hindi na siya nakabalik.” Muli’y nabasag ang tinig ni Esmeralda. Tumingala upang pigilin ang pag-iyak. “N-ni hindi ko matiyak kung… kung buhay pa siya…”

Nilingon ni Leon ang dalaga. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok. Ang mga mata’y tila laging gustong umiyak. Ang mga labi’y nag-aanyayang hagkan. At hindi nito maisip kung ano ang magiging buhay ng dalaga sa islang ito kasama ng isang matandang babae.

And something inside him stirred everytime he looked at her. Subalit may bahagi rin ng katauhan niya ang tila nagsasabing isang pagtataksil ang ginagawa nitong pag-ukol ng paghanga kay Esmeralda.

Nagbuntong-hininga ito at ibinalik sa sarili ang usapan. “Natitiyak kong nakarating na ako sa lugar na ito. I remembered this rock…” Tinanaw nito ang isa pang malaking isla na halos hindi makita dahil sa fogs. “Alam mo ba kung anong isla iyon?”

“Ang sabi ng Papa’y Palawan.”

“Palawan…” Mariing napapikit si Leon. Pamilyar ang lugar, natatandaan niya.

“Huwag mong piliting makaalala at baka makasama sa iyo. Babalik ding kusa ang memorya mo…” banayad na wika ni Esmeralda.

Butil-butil na pawis ang lumabas sa noo ni Leon sa pagsisikap na alalahanin ang lahat tungkol sa kanya.

Palawan… Palawan…

Bato… baybayin….

Isabel!

50

“KUMAIN ka muna,” anyaya ni Esmeralda sa binatang nasa ibabaw ng ginagawang bahay. Nagbububong ito ng pawid.

Ngumiti si Leon at nangunyapit sa mga tahilan at patalong bumaba. Inabot ang kamisetang nakasabit sa kahoy at pinunasan ang pawis sa mukha. Ipinagamit sa kanya ni Esmeralda ang mga damit ng ama.

“Hmm… mabango. Ano ba ang niluto ni Impong Sela?”

“Ako ang nagluto nito,” kiming sabi ng dalaga. “Ginataang gabi…”

“Di lalong mas masarap iyan,” nakangiting sabi nito, watching Esmeralda blushed. Agad na nagyuko ng ulo ang dalaga. Hindi maintindihan kung bakit ngiti lang at kapirasong papuri ay nagpapakislot na sa puso niya.

Inabot ni Leon mula sa dalaga ang basket at inilabas ang mga laman niyon. “Saluhan mo ako,” anyaya nito.

“Kumain na ako, Leon, bago ako nagtungo rito. Panonoorin na lang kita…” aniya. Umupo ang dalaga sa isang nakahalang na kahoy. Pinagmamasdan ang pagsubo ng binata. Matagal na niyang napunang hindi ito sanay magkamay. Tuwina’y may nalalaglag na pagkain sa tuwing susubo ito. At ganoon na lamang ang pag-asam niyang sana’y may mga kubyertos sila. 

Ang sandok nga nila’y yari sa bao ng niyog na ginawa ni Impong Sela. At tin can ang ginagamit nilang baso na alam niyang gamit ng mga Amerikano noong panahon ng digmaan.

“Parati ka sa lugar na ito na malapit sa malaking batong iyon,” wika ng dalaga makalipas ang ilang sandali. Tinanaw ang malaking batong nasa dalampasigan bago muling ibinalik sa binata ang mga mata. “At dito mo rin itinatayo ang bahay mo? Napakalayo nito mula sa kubo namin? Bakit hindi ka roon nagtayo ng bahay?”

Nahinto sa akmang pagsubo ang binata at tinitigan ang dalaga. Matagal nang nanauli ang memorya niya at naisauli na ni Esmeralda sa kanya ang mga alahas. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa kanya at kung paano siya napadpad sa isla maliban kay Isabelita.

Pinuno ni Leon ng hangin ang dibdib. Inabot ang tin can at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tinanaw rin ang malaking bato sa may dalampasigan at ang buong baybayin. Minabuting ipagtapat ang totoo sa dalaga.

“May… may isang babae akong pinangakuang dadalhin sa islang ito, Esmeralda. Pinangarap na dito magsimulang magpamilya…” he said with pain and bitterness in his voice.

Nagyuko ng ulo si Esmeralda. Hindi niya kayang tingnan ang kalungkutan at kapaitang nasa mga mata ng binata. Hindi rin niya gustong makita ni Leon ang nasa mga mata niya. Halos dalawang buwan nang mahigit ang binata sa isla at natitiyak niya sa sariling nahuhulog ang loob niya rito. At ang pagbanggit nito tungkol sa ibang babae’y nagdudulot ng di-maipaliwanag na sakit sa dibdib niya.

“Si… Isabelita. Ang aking unang pag-ibig…”

“N-nasaan na siya?” hindi niya mapigilan ang magtanong subalit nanatiling nakayuko sa damuhan.

His lips twisted in a bitter smile. “Marahil sa sandaling ito’y may asawa na siya…”

Nilingon ng binata si Esmeralda na nag-angat ng ulo at tumitig sa kanya. Sinabi niya ang buong pangyayari tungkol sa kanila ni Isabelita.

“Nararamdaman ko pa ang sakit, Esmeralda… kailan lang iyon. Bago ako nabaril ng kinikilala kong ama’y binalak kong magtungo sa Maynila upang makipagkita sa kanya sa huling pagkakataon. Upang tiyaking maligaya siya sa piling ni Eman. Hindi mahirap para sa kanyang mahalin din ito. Magkababata sila.”

Isang marahang tango ang ginawa ng dalaga. Tumayo. “B-babalik na ako sa kubo…” Hindi niya gustong marinig ang iba pang mga bagay tungkol sa babaeng iniibig ni Leon. Tila pinipiga niyon ang puso niya.Nakakailang hakbang na ang dalaga nang tawagin siya ng binata. Lumingon siya.

“Huwag mo akong tulungang kalimutan si Isabel, Esmeralda. Ayokong piliting kalimutan siya dahil nariyan ka. It wouldn’t be fair—” hindi nito naituloy ang sinasabi dahil sa nakitang biglang paniningkit ng mga mata ni Esmeralda.

Bahagyang napasinghap ang dalaga. At sa naniningkit na mga mata’y, “Hindi ko alam na may itinatago kang kahambugan sa iyong sarili, Leon. Hindi ko inilalapit ang sarili ko sa iyo! At hindi ko sinabi sa iyong kalimutan mo siya sa pamamagitan ko!” she hissed. “Tayo lang dalawa ang tao sa islang ito maliban kay Impong Sela, natural lang na magkausap tayong parati! At huwag kang mag-aalala, ito na ang huling pakikipag-usap ko sa iyo!” Pagkasabi niyo’y nagmamadaling tumalikod ang dalaga.

Isang marahang tawa ang pinakawalan ni Leon habang sinusundan ng tingin ang dalaga. Kristine Esmeralda was beautiful beyond words.

And maybe… just maybe, he would fall in love again. Pero titiyakin niyang sa sandaling mangyari iyon ay tuluyan nang naglaho sa dibdib niya ang mga alaala ni Isabel…

*********************Hello mga beshie :) Kumusta ang lahat, inform ko lang kayo mga beshie baka umasa kayo ng update tom eh, kaso wala akong update bukas, wala kasi ako sa office kaya wala ring update so sad. :( ma-mi-miss ko tuloy kayo. :(  Ingat kayo palagi mga beshie, at sana may dumating na milk tea char hahahaha . Take care and God bless us all. Huwag na kayo tumulad sa akin na always stress char. Happy - happy lang muna tayo mga beshie. Love you all char hahahaha - Admin A ********************

Enjoy reading mga beshie at huwag kalimutang mag comment at mag vote. :)

51

“NOT EVEN my parents knew this place!”

Sa gulat ay nabitiwan ni Dana ang diary at bumagsak iyon sa mesa. She turned guiltily to where the voice came from.

Nakatayo si Lenny sa may landing ng hagdanang pinanggalingan niya. His face grim.

“This is a very private place, Dana,” he said furiously habang hinakbang pababa ang tatlong natitirang baitang.

Dana opened her mouth to speak, then closed it again when nothing came out of her throat. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. She was invading. At huling-huli siya ng binata roon. At nakabalatay sa mukha ni Lenny ang galit.

Napasinghap siya nang marahas siyang hawakan ng binata sa braso. At sa naniningkit na mga mata’y: “So I announced to the public that you are now my fiancée. But it didn’t give you the right to find this place!”

Niyuko niya ang braso nito. Kumikintab iyon sa pinong pawis at lihim siyang napangiwi dahil sa tila bakal nitong mga daliri na halos bumaon sa braso niya. Mula sa pawisang sports shirt ni Lenny ay unti-unting tumaas ang paningin niya.

“Y-you’re h-hurting me…” Nahagilap niya ang tinig niya sa wakas.

“You deserve more than this,” galit nitong sabi subalit niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya. “Paano mong natutuhan ang lugar na ito?”

Sinikap niyang pakawalan ang braso mula sa pagkakahawak nito at nagtagumpay naman siya dahil binitiwan siya ng binata. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dana. At wala sa loob na umupo sa stool na nasa likod lang niya.

“I–I am sorry. H-hindi ko sinasadyang matagpuan ang…” Inikot niya ang paningin sa buong silid. “ang basement na ito.” Tumingala siya sa binata na hindi kumikibo subalit nanatiling nakatunghay sa kanya sa mga matang naniningkit.

She cleared her throat at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “H-hindi ko alam kung paanong pumakabila ako mula sa estanteng nasa itaas. Basta na lang umikot—”

“You entered my room!” singhal ni Lenny.

He was still angry. All his life, walang ibang tao ang nakarating sa silid na iyon sa basement. He even thought na sa lihim na lagusan sa may likod ng villa dumaan si Dana at hindi sinasadyang naitulak ang pintuang bato. Tulad ng kung paano niya natutuhan iyon noong munti pa siyang bata. He was so scared at umupo sa bahaging iyon ng bato nang bumigay iyon. Bagaman habang nagkakaisip siya’y hindi niya matiyak kung paanong bumukas iyon gayong kailangan ng lakas ng higit sa lakas ng isang bata bago iyon mabuksan.

At sa likod ng isip niya ngayon ay okay lang sana kung pumasok si Dana sa silid niya, if only she had not found this place. He would have welcomed her anytime in his room… more specifically in his bed. Pero hindi sa basement na ito.

“I–I was looking for you…”

“And you got curious because you learned it was Señor Leon’s room? And I could guess, inabot mo ang larawan niya sa itaas ng estante.” May sarcasm sa tinig nito kasabay ng pag-iling. Hindi makuhang makapangatwiran ni Dana. Nasa tinig pa rin ni Lenny ang galit nang muling magsalita.

“Nagugulat ako sa mga bagay na ginagawa mo nang dahil lang sa curiosity mo sa grandfather ko, Dana. Mula sa panunuhol mo sa stable boy hanggang—”

“Babalik na naman ba tayo riyan?” putol niya sa sasabihin nito.

“Dahil hindi ko naiintindihan kung bakit ganito na lang ang interest mo sa Lolo!” muling singhal nito. “And I caught you reading his diary. At isiping ni hindi ko man lang nabasa iyan. That diary and this place has been kept secret to anyone for many years! At kahit ang mga magulang ko’y hindi ko matiyak kung alam ang lugar na ito!”

Pinamulahan ng mukha si Dana. Nasa mukha ang paghingi ng paumanhin. “I am sorry… I really am,” she said softly, sincerely. “Hindi ko intensiyong matutuhan ang lugar na ito.” tumingala siya. “At alam kong hindi ko dapat na binasa ang diary ng lolo mo. But I’m so glad I did, Lenny. Nagkaroon ng kasagutan ang mga katanungan sa isip ko…”

“What are you talking about?” he snarled.

“S-sinabi ko na sa iyong hindi si Doña Esmeralda ang unang pag-ibig ni Don Leon. Si Lola Isabelita.” Sa kabila ng galit sa mga mata ni Lenny ay hindi niya mapigilan ang excitement sa tinig niya. Then she added softly, “All I wanted to know was what happened to him after he left—the Binondo house…”

Yumuko siya at dinampot ang diary. Held it in her chest. “I am so happy your grandfather found a new love,” she said with a catch in her voice na nagpalalim sa kunot ng noo ni Lenny. “Hindi ko pa tapos basahin ang diary but I am sure Esmeralda made him happy… made him forget m—” she would have said ‘me’ kung hindi niya napigil ang sarili. “my grandmother.”

Hindi sumagot si Lenny. Bahagya lang sa mga sinasabi ng dalaga ang naiintindihan nito. Nakagugulo sa isip nito ang napakalalim na interes ni Dana sa buhay at pag-ibig ni Don Leon.And he was trying to get hold of his temper. Hindi ito handa na may ibang makaalam sa silid na iyon sa basement.

Maliban sa marahas na buntong-hiningang pinakakawalan ng binata’y tahimik ang buong paligid.

Makalipas ang ilang segundo’y tumayo si Dana at humakbang patungo sa hagdanan. “I–I’m going back…”

“Oh no, you don’t,” ani Lenny at mabilis siyang inabot at hinatak pabalik.

She was enfolded by muscular arms. A heady, musky smell filled her nostrils.

“L-let me go!”

“Damn you,” he said through clenched teeth. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo,” he admitted angrily. Sa matagal na sandali’y nakatunghay ito sa dalaga. Glaring at her.

Umiwas ng tingin si Dana. Ang galit sa mga mata ng binata’y unti-unting naglalaho. Nahahalinhan iyon ng kakaibang damdamin na hindi niya gustong isipin. Subalit marahas na hinawakan ni Lenny ang baba niya, ang mga daliri nito’y halos bumaon sa magkabilang pisngi niya.

A muscle flexed in his jaw. “I don’t know whether to kill you or kiss you.” His eyes lingered on her lips.

Dana swallowed painfully, suddenly aware of the granite hardness of his body.

“P-please, I–I didn’t mean to… to intrude. Hindi ko sinasadya ang pagkakababa rito… at ipinaliwanag ko na sa iyo kung bakit natukso akong basahin ang diary ni Don Leon…”

“I refuse to understand your reason, Dana,” he said roughly. “Ang ginagawa mo’y labis pa sa simpleng curiosity…”

“M-my grandmother died l-loving your grandfather,” she said breathlessly. Nasa sentido na niya ang mga labi ni Lenny. His breathing fanned her face. And she felt a certain warmth that flowed her body. “Kahit noong bata pa ako’y nasa veranda lagi si Lola Isabel… umaasang babalik si Le—si Don Leon…”

Subalit tila siya nagsasalita sa hangin. Dahil bumaba ang mga labi ng binata sa pisngi niya. Lihim na napasinghap si Dana.

“Ang sabi mo’y hinahanap mo ako…” he murmured, his voice thick and sensual. All anger was gone from his voice. Ang mga labi’y naglakbay patungo sa sulok ng mga labi ng dalaga at hinahagkan-hagkan iyon. “Narito ako…”

“Lenny, stop this!” she said sternly, but her heart leaped to her throat.

“We’re alone here, querida,” usal nito, his mouth traced the shape of her lips, then softly bit her lower lip.

“Just stop, please,” ani Dana sa nakikiusap na tinig. Iniiwas ang mukha at sinisikap na ignorahin ang init na lumulukob sa katawan niya. Hindi niya kayang pahintulutan ang sariling tangayin na namang muli tulad ng nangyari noong gabi ng party. She was waging war within herself.

“I need to talk to you!”

“I didn’t invite you here, sweetheart. Ngayon lang tayo nagkasarilinan nang husto and I know you feel what I feel. Don’t you dare deny it. Sa pagkakataong ito’y walang gagambala sa atin sa silid na ito. And nothing’s more important than having you in my arms right now.” Patuloy ang binata sa pagbibigay ng mumunting halik sa bawat bahagi ng mukha niya. Ang kamay nito’y gumagawa ng masarap ng landas sa kanyang likod, caressing her spine.

Like any girl next door, Dana had fantasies of being held by her prince charming, being kissed by her imaginary lover. But fantasies were nothing compared to what she was feeling right now. Ni hindi niya naisip na ang makulong sa bisig ng isang lalaki—no, hindi basta lalaki—ang makulong sa mga bisig ni Lenny at mahagkan nito’y magpapawala ng lahat ng matitinong kaisipan niya.

Slowly, his hand settled over her breast and she felt her whole body reacted to his touch. Ang init mula sa mga palad nito’y tumatagos sa suot niyang T-shirt.

“Dana…” He groaned against her lips. “I’ve been waiting for this…” His desire went out raging out of control.

Dana was drowning. Subalit pinipilit pa ring pairalin ang katinuan ng isip. Sinisikap paglabanan ang dikta ng katawan. She couldn’t just submit herself to him, gustuhin man ng katawan niya. She used all her strength and determination to push him away.

“Stop and listen, Lenny! W-we can’t do this. Gusto ng Daddy na umalis na ako ngayon din at bumalik sa Amerika!”

That stopped him. Bahagyang inilayo ang dalaga at tinitigan. “What?”

She sighed. Kumawala at umupo sa naroong wooden bench. Tumingala sa binata. She could see in his eyes embers of his desire. At marahil ay iyon din ang nasa mga mata niya. Nagyuko siya ng ulo.

“I–I talked to him over the phone. Hindi niya gusto ang pag-aanunsiyo mong magkasintahan tayo. Kung paano niyang nalaman nang ganoon kabilis ay hindi ko maintindihan. At kailangan ko nang bumalik sa Maynila upang ayusin ang dapat ayusin at makabalik ng Amerika.”

“You can’t,” Lenny said in a little above whisper. Subalit naroon ang pagdiriin… ang matinding pagtutol.

“Por supuesto. You can’t let her go, nieto…”

May kung anong bahagi sa damdamin ng binata ang tila nakadama ng takot sa sinabing iyon ng dalaga. Hindi nito matiyak kung bakit. Subalit hindi nito mapapayagang umalis ng isla si Dana.Muling tumayo ang dalaga. Humakbang patungo sa hagdanan. “Bukas ay aalis na sina Cielo at Charles. Sasabay ako sa kanila. Gusto kong makausap ang mga magulang mo upang makapagpaalam.” Tuloy-tuloy siya sa pagpanhik sa lihim na hagdanan. Nasa itaas na siya nang mahinto dahil nakasara iyon.

Si Lenny ay dinalawang hakbang ang pagpanhik. Itinulak ang estanteng nakaharang at dumaan si Dana papasok sa silid ng binata.

“You can’t leave this island, Dana,” mariing sabi ng binata, subalit sa ilalim ng tinig nito’y naroon ang tila pagsusumamo.

Napigil ang dalaga sa pagbubukas ng pinto. Nilingon ang binata. There was something in his eyes that reminded her of Leon when they said good-bye. And pain sliced through her heart. Nag-init ang sulok ng mga mata.

“I–I—” don’t want to leave, too. I want to stay here with you… but the words lodged in her throat. “Dumating ka rito upang awatin ang takdang pagpapakasal ko sa pinsan mo.” si Lenny nang hindi niya madugtungan ang sasabihin. “We… we have this arrangement that you will…” Ibinitin ng binata ang sinabi. It was such a small blackmail na wala namang epekto kung tutuusin sa dalaga. And he had never felt so stupid all his life up until that moment.

At sa kawalan ng malamang sabihin, he added angrily: “You are my fiancée. I announced that to the world the other night. And you will marry me!”

Dana gasped. Just as Lenny was stunned at what he had just said. Saan nanggaling ang sinabi lang niyang iyon? He just asked her to marry him. And what amazed him, ay wala itong maramdamang pagsisisi sa sinabi. Na para bang iyon ang talagang nararapat sabihin. Na matagal nang dapat sabihin…

Si Dana man ay namangha. Sa ilang sandali’y nanatili silang nakatitig sa isa’t isa. Then a smile slowly broke Dana’s lips.

“Was that a proposal?” she asked teasingly. Ang anunsiyong ginawa ni Lenny noong anniversary ng mga magulang tungkol sa kanila’y madaling kalagin. He didn’t want to marry Cielo, and she was his way out. Walang usapan ang mga magulang nito sa mga magulang niya.

“Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, Leonard Fortalejo. Baka nga tanggapin ko iyan,” patuloy niya sa pabirong tono.

Subalit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binata. He was staring at her seriously. “It was a statement, Dana. You will marry me. You will be my wife,” he said arrogantly, determinedly. “Kakausapin ko ang Papa’t Mama…”

Biglang nawalan ng sasabihin si Dana. Sa nakikita niya sa mukha ng binata’y hindi ito nagbibiro. She opened her mouth to say something then closed it again. Nang bahagya siyang mapaurong mula sa pinto nang marinig ang isang warning knock. Nabitiwan niya ang doorknob nang maramdamang may umiikot niyon mula sa labas ng silid.

Si Jewel ang sumungaw sa pinto. Still in her jogging pants na bahagya pang basa. Napasinghap ito nang makita si Dana sa loob ng silid ng anak.

“What does this mean?” sita nito at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

“Nada, Mama.” si Lenny sa matabang na tono. “Kung titigan mo kami’y para bang nahuli mo kami sa isang hindi magandang tagpo. As a matter of fact, we were discussing the details of our wedding when you came in…”

“Wedding!” magkapanabay na sabi ng dalawang babae.

************Sorry sa nangyari kanina mga beshie, akala ko chapter 45 pa lang eh hahahaha sorry na, nag error ata sa akin si wattpad eh pero hayaan n’yo, di ko rin kasi napansin at stress na me Monday pa lang paano pa kaya bukas OMG hahahahaha. Huwag na kayong magalit , dito naman na ako eh, usap na lang tayo char hahahaha . Take care and God bless mga beshie. :) Wala na akong alam sa mundo sapagkat na stress na ako sa mundong kinagagalawan ko, kaya nga dito ko napansin na nagkamali ako kanina, sorry sa mga umasa kanina, bawi na lang me today charh hahaha. - Admin A ******************

52

INIHATID ng tanaw nina Dana at Lenny ang pribadong speedboat na maghahatid kina Charles at Cielo sa mainland nang hapong iyon. Hindi pumayag ang magkasintahan na ihatid ng chopper patungong Maynila. Gusto ng mga itong sa barko sumakay pabalik sa Maynila.

Nang malaman ni Bernard ang plano ng anak ay agad nitong tinawagan ng overseas call ang mga magulang ni Dana kinabukasan ng umaga. Subalit ayon sa katiwala’y inaasikaso ng mag-asawa ang mga papeles pabalik sa Pilipinas. Naging dahilan iyon upang mapabilis ang alis nina Charles at Cielo.

“Malayo na sila. Let’s go,” ani Lenny na inakbayan si Dana at inakay patungo sa baybayin.“Hindi nag-aksaya ng panahon ang Daddy, Lenny,” wika ng dalaga. “Darating sila anumang oras mula ngayon.”

Hinigpitan ng binata ang pagkakaakbay sa kanya. “Good. Mapapabilis niyong lalo ang ating kasal.” He planted a soft kiss on her temple.

Marahang kumawala si Dana at umupo sa buhangin. Niyakap ang mga binti at tumanaw sa karagatan. Ilang sandali pa’y palubog na ang araw. Nagsasabog ito ng malamlam na pulang liwanag sa asul na dagat. Ang mumunting alon ay banayad na humahalik sa dalampasigan. Muling lalayo at muli ring magbabalik. Ang kapayapaang nakikita niya’y kabaliktaran ng naguguluhang puso’t isip niya.

Nagtungo siya sa Paso de Blas sa dalawang kadahilanan. Una’y upang tulungan si Cielo na huwag matuloy ang engagement nito kay Lenny alang-alang kay Charles. Pangalawa, ay ang kuryosidad niya kay Don Leon Fortalejo.

Now, she ended up being Lenny’s fiancée. Kung paanong doon nauwi ang lahat sa napakabilis na pangyayari’y hindi niya maisip nang lubusan. Though in her heart of hearts, wala siyang nararamdamang pagtutol.

“Hindi na biro ang ginawa mong pagsasabi sa mga magulang mong pakakasal tayo, Lenny…” wika niya sa mahinang tinig.

“Sa palagay mo ba’y nagbibiro ako nang sabihin ko sa iyong gusto kitang pakasalan?“Hindi kumibo si Dana. She inhaled softly and filled her lungs with air. “I–I had a boyfriend once…” marahang wika niya makalipas ang ilang sandali. Ang mga mata’y nanatiling nakatuon sa dagat. “A couple of years back…”

“It doesn’t matter,” ani Lenny sa matigas na tinig. “I had my share of women, too…”

A soft sigh came out of her lips. “I’ve heard the traditions… that—that Fortalejos married virgins. Paano kung sabihin ko sa iyong hindi na ako—”

“Shut up!” he cut her angrily. “I said it doesn’t matter. Virgin or not, I’ll marry you!”

Tumingala siya rito. Nakatunghay ito sa kanya. The handsome face was etched with controlled anger.

“There’s no need to be angry,” wika ni Dana sa bahagyang naiiritang tinig.

“Ayokong pag-usapan ang bagay na iyan. Ang tungkol sa ibang lalaki! My parents assumed that you are a virgin. Tama na iyon.”

“Don’t you want to know if their assumption was right?” banayad niyang tanong sa naghahamong tinig. May gusto siyang malaman kung bakit pakakasalan siya ng lalaking ito. May gusto siyang marinig mula rito.

Huminga nang malalim si Lenny. Sinipa ang isang di-kalakihang bato sa paanan.“I would know…” Bumaba ang mga mata nito sa kanya, meaningfully. “Kung hindi sa isa sa mga araw na ito ay sa gabi ng ating kasal.” Pagkuwa’y tumigas ang mukha nito. “But I wish to hell that this would be the last time that we talk about this!”

Again, she let out a sigh. “Pumayag ako sa alok mong magpakasal tayo, yet I don’t know why…” Perhaps because I do love you. Tumingala siya at tumitig sa mukha nito. “And I never had a man in my life.”

For a while, nanatiling nakatitig sa kanya si Lenny. His eyes glinted with pleasure. Pumuwesto ito sa tabi niya at pagkuwa’y inilatag ang katawan sa buhangin. Iniunan ang mga braso.“I offered to marry you, yet I don’t know why …” he countered softly. Ang mga mata’y nasa mukha ng dalagang nakayuko sa buhangin.

“Because you love her, nieto… you never proposed to anyone before. Never thought about any woman before…”

He groaned and closed his eyes tightly. He would have uttered an oath kung wala si Dana sa tabi niya.

“Something’s wrong?” nag-aalalang niyuko ni Dana ang binata.

Agad ang pagmulat ng mga mata ni Lenny. A smiled formed his lips. “Nada… nada. Certain thoughts just wouldn’t go away.” Inalis nito ang isang braso mula sa pagkakaunan at pinaglaro ang mga daliri sa braso ng dalaga.

“Beautiful…” he murmured, ang mga mata’y nakatuon sa magandang mukha ni Dana. Ang mamula-mulang buhok ay nilalaro ng hanging amihan. His one hand reaching up and caressed her cheek. “So beautiful.”

Dana resisted the urge to close her eyes at damhin ang haplos ng likod ng palad ni Lenny sa pisngi niya. Kung nakakailang buntong-hininga na siya’y hindi mabilang ng dalaga.

“Hindi ko alam kung bakit napapayag mo akong magpakasal sa iyo,” marahang sabi niya. “Wala tayong alam sa isa’t isa. How could our marriage work?” Sa tagong bahagi ng puso niya’y naroon ang pangambang baka ang pagpapakasal nila’y matulad lamang sa nangyari sa mommy niya at sa papa ng binata.

Bago makapagsalita si Lenny, mabilis niyang idinagdag ang nasa isip. “Your father and my mother married in haste… married each other for all the wrong reasons…”

“We will make it work, querida,” ani Lenny sa determinadong tinig, ginagap ang kamay niya at dinala sa mga labi. He kissed the insides of her palms that a shiver travelled up her spine. “Sa bahagi ko, I promise that it will work…”

“Napakadaling mangako subalit paano natin gagawin iyon? Ni wala tayong pundasyon. N-not even… love,” she said the last word hesitantly.

“You’re so lovely I could die, I like the sexy way you sway your hips when you walk, I could drown in your eyes I’m afraid I’d never find my way out,” he said flippantly. Sinisikap na idaan sa biro ang kaseryosuhang nasa mukha ng dalaga.

“Purely physical,” ani Dana na napailing. Tipid na ngumiti. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng binata at gumanti ng biro. “I like your body, too. Actually, it was your butt in those tight old faded jeans…”

He chuckled. “You’d like me better with my jeans off…”

“Lenny!” She turned red.Inabot ni Lenny ang buhok niya. Nilaro iyon ng mga daliri. “There’s chemistry between us, querida. There’s spark everytime you’re near… And I do not just feel sexual about you. Since I met you, you fill up my mind… my senses,” he admitted. He cupped her nape and pulled her gently towards him. “Let’s kiss. Don’t trouble your mind with nonsense…”

Dana helplessly submitted to him. Felt his mouth on hers. Felt the power of his arms and the heat from his body. Mahigpit niyang iniyakap ang mga braso sa binata. Meeting his kiss and giving herself to its magic. She felt wild and reckless.

Lenny brushed his thighs against her. Making her aware how he felt at the moment. “Lenny!” she gasped in horror as she felt the indisputable evidence of his arousal against her. Bahagya niyang itinulak ang binata.“Dana… Dana…” usal ni Lenny at sapilitang pinakawalan ang mga labi niya. Itinukod ni Lenny ang braso sa buhangin at tinitigan siya. He couldn’t help smiling at the deep color filling her cheeks. Her skin flawless. To him, she was perfect. Like fantasy came to life. He had never felt anything like this. Never held any woman like this.“Kasingkulay ng sunset ang buhok mo, alam mo ba iyon?” he said breathlessly. He ran his fingers through her copper hair. Contrast ang buhok niya sa maputing buhangin.Marahan ang pagbaba-taas ng dibdib ng dalaga. She didn’t want to meet his eyes. Hindi niya gustong mabasa ng binata ang anumang damdaming nakapaloob doon. That she had never wanted any thing else in this world as much as she had wanted him now. Alam niyang sinisikap ni Lenny na pigilan ang sarili. She could still feel his arousal on her body. “I wish I could make you mine now,” he murmured. His thumb finger touched her well-kissed lips.“Oh, lord. Me, too…” She opened her mouth and boldly licked his finger with her tongue. He groaned. Something like an agony.Pagkuwa’y mabilis na tumayo at inabot ang kamay sa kanya. “Tayo na. Baka hinahanap na tayo sa villa,” he said in a rough voice.She frowned at the sudden rejection. Hurt in her eyes. Napaungol si Lenny at hinatak siya patayo at niyakap nang mahigpit.“Huwag mo akong tingnan nang ganyan. I want you… so much that I feel like bursting like now. A man could just take so much…”“Tell me you love me, please… tell me, Lenny…” she prayed silently.

53

SA SASAKYAN ay walang-kibuan ang dalawa. She could feel the sexual tension between them. Gusto niyang mapahiya sa ginawa subalit hindi naman kumikibo si Lenny kaya nanatiling panatag ang loob niya.

Inihatid siya ng binata sa puno ng hagdan.

“If it were possible that we marry today, I would have done so…” wika nito sa pabulong na paraan.

“Para magawa mo ang gusto mong gawin sa akin, ganoon ba?” she teased.

“I could easily do that without the sanctity of marriage,” he said arrogantly. “Tulad kanina, ’di ba?”

Pinamulahan si Dana roon at agad na naningkit ang mga mata upang pagtakpan ang embarassment. “You concei—” Hindi niya nakuhang tapusin ang sinasabi dahil tinakpan ng daliri ni Lenny ang mga labi niya.

“Don’t be embarrased. Alam mong totoo ang sinasabi ko dahil pareho tayo ng nararamdaman. But I want to do the right thing, mi alma. I want to make slow and sweet love to you aboard Precious. On our honeymoon. We will set sail to the Carribean…” wika nito kasabay ng pagkibit ng mga balikat. “I don’t know why I suddenly feel so honorable when days ago I would have wanted to make you mine anywhere and anytime. Maybe you’re a witch. You cast your magic spell on me.” He grinned.

She smiled at him. Her heart swelled with love. “I–I’m taking a shower…” The words she wanted to hear left unspoken. Subalit ang sinasabi at ginagawa nito’y nakasisiya na sa kanya. Higit sa lahat he was marrying her.

“Hurry up. Hihintayin kita sa dining room.”

Patalikod na si Lenny sa hagdan upang magtungo sa kusina nang madaanan ng mga mata niya ang mga portrait na nakasabit sa dingding.

He thought of Dana’s portrait hanging on the wall next to him. The thought pleased him so and smiled.

GALING sila ni Lenny sa de Silva farm nang araw na iyon. Nakilala na siya ng mag-asawang de Silva noong anniversary party nina Bernard at Jewel. Naipakilala na siya bilang ang fiancée ni Lenny. Subalit hindi ang katotohanang anak siya ni Diana.

Maliban sa initial surprise ng mag-asawa ay malugod siyang tinanggap ng mga ito. Nauwi ang usapan sa pagkumusta sa mga magulang ng dalaga.

Pagkatapos nilang mananghalian ay ipinasyal siya ng binata sa ilang bahagi ng isla. It would take more days bago niya maikot at makitang lahat ang kabuuan ng Paso de Blas. She was sure hotel guests would pay a king’s ransom makita lamang ang makapigil-hiningang tanawing ipinakita sa kanya ni Lenny. Ang huling pinagdalhan sa kanya’y ang batis sa gitna ng gubat.

“This lake is private, too,” ani Lenny na inalalayan siyang bumaba mula sa kabayo. Pumitas ng isang ligaw na bulaklak at inilagay sa buhok niya. “This place is so special for my Uncle Zandro and Auntie Jenny. Some of their wedding anniversaries were spent in this place.”

“Why?” she asked curiously, pinagsawa ang mga mata sa kagandahan ng lugar. Maliban sa lagaslas ng munting waterfall at awitan ng mga ibon ay wala nang maririnig. There were wild flowers everywhere sa iba’t ibang naggagandahang kulay.

Nagkibit ng mga balikat ang binata. “They never told us why… but we could guess.” He grinned. A malicious boyish grin. “Want us to duplicate whatever it was that happened here many years ago? We could make it better…”

“Lenny!” Mabilis siyang tumalikod subalit nahagip ni Lenny ang braso niya.

“You’re blushing, querida…” He chuckled. Yumuko at dinampian ng halik ang mga labi niya. But the kiss became long, and sweet. And when it ended, Lenny’s breathing was shallow and uneven. “You’re a temptation…”

Inihilig niya ang noo sa dibdib ng binata. Ang mga oras na kasama ito’y ang pinakamaliligayang sandali sa buhay ni Dana. Now she was positive that she loved him.

“I–I don’t know whether to hate you or thank you for being so… so honorable,” she half-teased. Her eyes glinted with love and desire.

Napahugot ng malalim na paghinga si Lenny. His eyes were like coal with passion. Pagkuwa’y unti-unti ang paglitaw ng ngiti sa mga labi.

“Beat it, querida. I won’t succumb to your teasing. You will have your fill with my body once we’re married,” nakangising wika nito sa kanya.

Dana rolled her eyes sa bahagyang iritasyon sa birong pinasimulan. At bago pa siya makaganti’y hinawakan siya ni Lenny sa baywang at itinaas sa ibabaw ng stallion.

“Let’s go home. Bago ko pa masira ang pangako ko…”

TINUTULUNGAN siya ni Lenny na ibaba mula sa kabayo nang mapansin ng binata ang service vehicle ng hotel sa harap ng villa.

Nang kuhanin ng stable boy ang mga kabayo nila’y magkahawak-kamay na pumasok sa villa ang dalawa. Ganoon na lang ang gulat ni Dana nang makita roon ang mga magulang kausap sina Bernard at Jewel.

“Mom… Dad!”

“Dana.” si Diana na agad tumayo at sinalubong ang anak. Si Joshua ay nanatili sa kinauupuan at matiim ang pagkakatitig sa dalawang bagong dating.

“Mom. Kailan kayo dumating?” tanong niya sa ina matapos na hagkan ito sa pisngi. Hindi na niya hinintay ang sagot ng ina at nilapitan si Joshua at niyuko at hinagkan din. “Hi, Dad…” Pagkatapos ay nilinga si Lenny at ipinakilala sa mga magulang.

“How are you, sir… ma’am,” wika ng binata kasabay ng pag-abot ng kamay. Subalit ni hindi nakuhang tanggapin iyon ni Joshua. Sa halip ay isang malamig na titig ang ibinigay sa binata. Diana frowned in surprise. Her husband was the epitome of politeness. At hindi nito akalain ang ganoong pakikipagharap sa anak ni Bernard.

“I am so pleased to meet you, young man,” salo ni Diana sa ginawi ng asawa. Nilapitan ang binata at dinampian ng pinong halik sa pisngi. “It’s nice to be back, sabi ko nga sa papa at mama mo.”

“The pleasure is mine, ma’am,” ani Lenny.

“Pack you things, Dana, at sa hotel tayo tutuloy.” si Joshua sa pormal at malamig na tinig na ikinabigla ni Dana at Lenny. “Bukas din ng umaga’y babalik tayo ng Maynila.”

“May mga guest room kami rito, Mr. Romulo.” si Lenny. “There’s no need for you to rush back…”

“I preferred that we stay at the hotel, Mr. Fortalejo, as paying guests.” binigyang-diin nito ang huling sinabi. “Nakausap ko na ang papa mo at nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Now, Dana, go and pack.”

“D-Dad…” Hindi malaman ni Dana kung saan ibabaling ang tingin. Kung sa ama, sa ina, o kay Lenny.

Lenny tried to reason out. “Mr. Romulo, natitiyak kong alam na ninyo na magpapakasal kami ng—”

“Walang kasalang mangyayari!” wika nito, his voice raised a fraction. “Hindi ako papayag na magpakasal ang anak ko sa iyo. Napakabata pa niya at ni wala sa plano niya ang pag-aasawa. She must have succumbed to your charm, Mr. Fortalejo, like my—”

“Josh,” putol ni Diana sa sasabihin ng asawa. Nilingon nito si Lenny. “This is so sudden, hijo. Hindi mo maiaalis sa amin ang mabigla at magtaka. I hope you understand.” Ang anak naman ang binalingan ni Diana. “Sundin mo ang ama mo, Dana…”

Unti-unti nang namumuo ang mga luha sa mga mata ni Dana. Sinulyapan si Lenny na tila ba may magagawa ito para pigilan ang pag-alis niya kasama ng mga magulang.

“Mr. Romulo…” Hinarap ni Lenny si Joshua. “Hindi ho ba maaaring pag-usapan natin ang mga bagay na ito? I can explain. Dana and I—”

“There’s nothing to explain,” putol ni Joshua. Nilingon si Bernard na nanatiling tahimik, ganoon din si Jewel. “Napag-usapan na namin ng mga magulang mo ang dapat pag-usapan…”

“Pero ako ang concern dito. Hindi ang Papa,” giit ng binata sa tinig na sinisikap na huwag tumaas. “Kami ni Dana. Bakit hindi ang opinyon ko o ng anak ninyo ang inyong pakinggan?”

“Underage ang anak ko. Hindi niya kayang desisyunan ang kanyang sarili. And if you’ll excuse us, sa sasakyan na kami maghihintay.” Tinanguan nito ang mag-asawang Fortalejo. “I do not mean to be rude. Pero nagpasya ang anak ko nang wala man lang pasabi sa akin.” Pagkuwa’y tinitigan ang anak nang makahulugan bago nagtuloy-tuloy na lumabas.

Si Diana ay umusal ng paumanhin sa mag-asawang Bernard at Jewel. “Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon sa ating muling pagkikita, Bernard… Jewel. Pagpaumanhinan ninyo si Joshua…” Binalingan nito ang anak. “Sa labas na kami maghihintay, Dana.”

“Oh.” Patakbong tinungo ni Dana ang hagdan bago pa siya mapaiyak sa harap ng lahat.

“Dana!” Akmang hahabulin ni Lenny ang dalaga subalit hinawakan ni Jewel sa braso ang anak.

“Let it be for now, hijo…“Binalingan ni Lenny ang ina at ama. Nagsasalubong ang mga kilay sa magkahalong galit, pag-aalala, at kalituhan.

“Que paso, Papa… Mama? Bakit hindi ninyo kinausap ang mga magulang ni Dana?”

“Did you think we haven’t tried to talk to him? We even asked them to spend the night here, hijo.” Si Bernard. “Pero nakita mo naman ang ama ni Dana, ’di ba? Narinig mo ang sinabi niya.”“Damn!” usal ng binata at mabilis na tumalikod palabas ng bahay. Muling tinungo ang kuwadra at sinakyan ang kabayo kahit walang saddle at galit na pinatakbo.

Sa itaas ay natanaw ni Dana ang papalayong binata at lalo nang lumakas ang iyak niya.

“Don’t let her go, nieto… do something…”

“Go away gran, go away!” hiyaw ng binata sa hangin habang mabilis na pinatatakbo ang kabayo. “Hindi ko kayo kailangan sa sandaling ito para guluhing lalo ang pag-iisip ko!”

He was so angry and so afraid. Naroong maisip na bumalik at kuhanin si Dana at itakas. But it would be foolish to do so. Tama ang ama nito. Menor-de-edad ang dalaga. Besides, hindi siya papayagan ng mga magulang na gawin ang bagay na iyon.

Let it be for now, hijo… Iyon ang sabi ni Jewel.

And yes. He’d be damned kung papayagan niyang mawala sa kanya si Dana.

************Mukhang malapit na itong matapos, ano’ng story kaya ang magandang kasunod char hahahhaa. Iba ang feeling ko ngayon parang ang dami kong maling nagawa hahahaha kakaloka char. Enjoy mga beshie at magpahinga kayo ng maaga. Take care and God bless mga beshie. - Admin A ********

54

“BILISAN mo, Dana Isabella,” ani Joshua sa anak na nanatiling nakatayo sa munting pantalan. 

“Ano pa ang hinihintay mo?”

Hindi sumagot ang dalaga. Nilingon ang hotel at ang dalampasigan. Umaasang makikita roon si Lenny. Kanina pa niya pinipigil ang sariling umiyak. Hindi siya makapaniwalang aalis siya nang hindi sila nagkikita at nagkakausap.

Ganoon lang ba siya kadaling pinakawalan nito? Wala bang kabuluhan ang mga sinabi nito sa kanya? Ang mga pangako? Hindi sinabi sa kanya ni Lenny na iniibig siya nito… na mahal siya. But he promised her so many things. Na kung sakaling makasal sila’y gagawin nito ang lahat upang maging matagumpay ang pagsasama nila.

Kagabi’y inaasahan niyang pupuntahan siya nito sa hotel. It would be easy for him to do so. Pero hanggang sa magmadaling-araw ay hindi dumating ang binata.

“Dana, ano ba?” muling tawag ni Joshua na nasa loob na ng ferry boat.

Mabigat ang dibdib na humakbang ang dalaga patungo sa lantsa. Her hand on her mouth to keep her from bursting into tears. Ilang hakbang na lang at sasampa na siya sa andamyo ng ferry boat nang marinig ang tawag.

“Dana!”

Mabilis ang ginawang paglingon ng dalaga. Si Lenny ay tumalon mula sa kabayo. Ang akmang pagtakbo ni Dana upang salubungin ang binata’y napigil ng malakas na hiyaw ng ama.

“Dana, I’m warning you! Sumakay ka na.”

“Please, Josh,” pigil ni Diana sa asawa nang akma itong bababa ng ferry. “Hayaan mo sila sandali…”

Tumiim ang mga bagang ni Joshua. Humigpit ang pagkakakapit sa barandilya ng lantsa.

Ang driver ng ferry boat na naiinis na ay napakamot ng ulo nang makita kung sino ang dumarating.Tumingala si Dana kay Lenny. Nanlalabo ang mga mata sa pinipigil na luha.

“I thought you won’t see me go,” she said in a broken voice.

Inabot ni Lenny ang dalaga at hinapit. Mahigpit na ikinulong sa mga bisig.

“Lord, Te quierro… te quierro mucho…”

Tuluyan nang napahagulhol si Dana sa dibdib ng binata. Sinabi ni Lenny ang salitang gusto niyang marinig. It washed away all the pains and insecurities. Ngayong alam niyang mahal siya nito’y nakahanda siyang ipaglaban ang damdamin nila sa isa’t isa.

“Take me with you.” she was sobbing unabashedly. “Ayokong sumama sa kanila. Dalhin mo ako kahit saan, Lenny…”

Hinagkan ni Lenny ang ibabaw ng ulo niya. Sinisikap pigilin ang emosyon. Ilang beses itong tumingala upang punuin ng hangin ang dibdib. Bahagyang inilayo ang dalaga at niyuko and cupped her face.

“Do you think I haven’t thought of that?” he said in a constricted throat. “Iyan ang gusto kong gawin kagabi pa. Pero ikaw ang inaalala ko. I know you love your parents and they love you, too. Hindi natin parehong gugustuhing magkasama at patuloy na tumatakas mula sa mga magulang mo…”

“Ilalayo ako ng Daddy sa iyo…” her voice frantic, her fingers clutching at his shirt, her tears unstoppable.

A faint, tender smile formed his lips. “Saang bahagi ng mundo ka nila maitatago sa akin?” Pinahid nito ng mga daliri ang luha sa pisngi niya. “And don’t you cry, my darling. We will see each other sooner than you expect.”

“Paano kung hindi ko mapahinuhod si Daddy?” pahikbing tanong niya.“Sshh…” He kissed her lips softly. “Let us reason it out with them, at kung walang mangyari’y…” he took a deep breath, at sa determinadong tinig ay, “Love has waited for such a long time, Dana. Nothing and no one will take you away from me. You are mine, mi alma. And I’ll get you back. Promise.”

Suminghot ang dalaga at tumango. Itinaas ni Lenny ang mukha niya, and whispered: “Tell me you love me… tell me so…”

“Oh, I love you so. You know I do,” she whispered back. Maybe I have always loved you. In another time, another place. Maybe when we first met at the airport I subconsciously took your 

image with me back in time.

Atubiling pinakawalan na ni Lenny ang dalaga. “Adios, querida…“She shook her head frantically. “No! Anything but good-bye, Lenny…“Again, a little smile broke his lips. “Hasta la proxima vez, my darling…“She gasped softly. Suddenly she felt cold. She felt a certain deja vu. Tumalikod siya at humakbang patungo sa ferry boat. Ilang metro na ang layo niyon mula sa pantalan nang sumigaw ang binata.

“You can date… you can party and dance. But please don’t fall in love!”

“I won’t even dare look another man, I promise!” ganting sigaw ni Dana. Hindi umaalis sa barandilya ng ferry boat. Hindi niya gustong isiping nauulit ang paghihiwalay nila ni Leon noong 1928.

Ganoon din si Lenny na nanatili sa pantalan hanggang sa tila tuldok na lang sa karagatan ang ferry boat. 

**********Pasensya na mga beshie , ngayon lang. Medyo busy na kasi sa work kaya wala na me gaanong time sa inyo at medyo pagod na rin kasi ako pero don’t worry,  kapag may time naman ay mag uupdate ako, tiwala lang. Thanks mga beshie. Enjoy reading. - Admin A ************

55

“NO, HINDI ako sasama sa inyo pabalik ng Amerika, Daddy,” matigas na tanggi ng dalaga. Nasa lumang bahay sila sa Binondo.

“And you can’t make me. Itinapon ko ang passport ko sa dagat. And I won’t cooperate to get a new one no matter what you do!”

Manghang tinunghayan ni Joshua ang anak. “Itinapon mo ang passport mo sa dagat!” hindi makapaniwalang sabi ni Joshua. “I can’t believe you are defying me nang dahil lang sa lalaking iyon, Dana Isabella.”

Inikot ni Dana ang paningin sa buong bahay. “Kailangang asikasuhin ko ang pagpapaayos sa bahay na ito. Alam ninyong iyon ang dahilan kung bakit ako narito sa Pilipinas.”

“Subalit hindi na ngayon iyan ang dahilan mo. Hindi mo gustong lumayo sa lalaking iyon!” ani Joshua na sinisikap magpakahinahon.

Matabang na ngumiti ang dalaga. “Lalayo, Daddy? Sa palagay ba ninyo’y hindi ako kayang puntahan ni Lenny sa Amerika?”

“He couldn’t even come near you! I am warning you, Dana Isabella. Huwag mo akong piliting gawin ang hindi nararapat.”

“Josh, please.” si Diana na nagsalita sa unang pagkakataon. “Hindi ba natin ito mapag-uusapan nang mahinahon? Isa pa’y tama ang anak mo. Napakadali para sa anak ni Bernard na puntahan si Dana sa Amerika.”

“Sa palagay mo ba’y kailangan ng kahinahunan diyan sa anak mo sa pagkakataong ito?” baling nito sa asawa. “And have you gone mad?” disbelief in his eyes habang nakayuko sa asawa. 

“Ikaw… Ikaw, higit kanino man ang dapat na magpayo diyan sa anak mong kalimutan na niya ang lalaking iyon!” Pagkasabi niyo’y mabilis na bumaba ng bahay si Joshua.

Si Diana ay tiningala ang anak. “You should understand your father, Dana. I was Bernard’s wife for more than two years bago niya ako napangasawa. Hindi marahil kayang tanggapin ng ama mo na ang pamilyang sinikap kong kalimutan sa unang panahon ng pagsasama namin ay kasasangkutan mo ngayon.”

“So what?” Dana said in frustration. “Napakababaw na dahilan niyon, Mommy. Lenny and I love each other. Iba naman ang kaso namin sa inyo. Matagal nang nangyari iyon and you have a happy life with my father now. So I don’t understand why he doesn’t want me to be happy, too.”

“Sa ngayon ay hindi iyan madaling maunawaan ng daddy mo, anak. Give him time…“Hindi sumagot si Dana. Wala sa loob na natitigan ang larawan ni Doña Isabelita sa may hagdan. No, she thought frantically. I won’t spend my life alone. Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya, Lola Isabel. No matter what happens…

DALAWANG linggo na mula nang makabalik sila sa Maynila. Una niyang inayos ang pagpapakabit ng linya ng telepono sa lumang bahay. At siya mismo ang nagpaalam kay Lenny na nasa Maynila pa sila at walang balak na bumalik ng Amerika ang mga magulang niya nang hindi siya kasama.

“I missed you so, my darling…” si Lenny sa kabilang linya. Palakad-lakad sa loob ng silid. “Bukas ay babalik na ang Mama’t Papa sa Maynila. Sasama ako sa kanila. I want to see you…”

“Me, too. Pero hindi—” Hindi natapos ni Dana ang sasabihin nang hablutin ni Joshua mula sa kamay niya ang telepono at ibalik sa receiver.

“Daddy!”

“Tigilan mo na ang kalokohang ito, Dana!” galit na sabi ni Joshua. “Hindi ako papayag na magkaroon ka ng kaugnayan sa lalaking iyon.”

“I don’t understand you anymore, Daddy!” she said back. Sinisikap na huwag umiyak. “Bakit kahit sa telepono’y ayaw mong magkausap kami?”

“He doesn’t love you and you don’t love him!”

“Bakit kailangang pangunahan mo ang damdamin namin sa isa’t isa?” she sobbed softly.“Ano ang alam mo sa pag-ibig, Dana? Tulad din ng mommy mo nang una niyang makatagpo si Bernard Fortalejo. She thought she loved him. Subalit ano ang nangyari? Her marriage with Bernard was a total disaster. Kung wala ako ay baka tuluyang sinira ng mommy mo ang sarili niya…” patuloy ni Joshua. Nasa tinig ang pagsisikap na ipaintindi sa anak ang gustong mangyari.

“And like his father, Lenny was handsome, debonaire, irresistible. You didn’t stand a chance and fell for him…” dagdag nito.

“Kung ang gusto ninyong tukuyin ay ang mga pisikal na katangian ni Lenny, then why didn’t Cielo fall for him!”

“Good for her,” matabang na sabi ni Joshua. “It seemed that your cousin was more sensible than you are…”

“Oh, Dad,” she said helplessly. “I don’t want to hate you for doing this to me…“Napaangat ng tingin si Joshua at tinitigan ang anak. Hindi makapaniwalang marinig iyon mula sa kanya. Pain crossed his eyes.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dana. “Dad, I love you. At alam kong wala kang hangad kundi ang kaligayahan ko. But I want you to understand that he is my happiness.”

“No.” Muling bumalik ang galit at determinasyon sa tinig ni Joshua. Mabilis na umiwas ng tingin upang hindi makita ng anak ang takot at kalungkutang nasa mukha. “Ayoko nang pag-usapan pa ang bagay na ito, Dana Isabella. Forget him. Dahil kahit ano ang mangyari’y hindi ako papayag na mapangasawa mo ang anak ni Bernard.” Tumalikod na ito pagkasabi niyon.

“I hate you, Daddy!”

Joshua flinched. Sandaling nahinto sa paghakbang, masidhi ang kirot na gumuhit sa dibdib. He squared his shoulders at nagpatuloy sa paglabas.

Si Diana ay lihim na nakamasid sa mag-ama. Naaawa sa anak. Subalit hindi nito magawang kontrahin ang asawa. Una pa lang na malaman nilang inanunsiyo ni Leonard Fortalejo ang engagement nito at ni Dana ay nagpakita na ng matinding pagtutol si Joshua.

Walang maipipintas si Diana kay Joshua bilang asawa. Nakasentro sa kanilang mag-ina ang buong buhay nito. He loved her, loved them both to a fault.

And she loved him… truly loved him. Wala silang ginusto ng anak na hindi ibinigay ni Joshua. Nalulungkot man siya sa nangyayari ngayon sa mag-ama’y hindi niya magawang salungatin ang asawa.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nila’y ngayon lamang may tinanggihan ang asawa. At hindi niya magawang kontrahin ito.

**********Kung ayaw n’yong mabitin ay pwede kayong bumili ng libro mga beshie hahahaha. Kung ako lang may maraming time pinost ko na ito ng isang buo eh kaya lang work is life ako sa panahon ngayon. Kaya sorry na agad sa mga nagsasabing palaging bitin at magaling daw ako mambitin, hindi po totoo iyon nagkakataon lang na sakto lagi char hahahaha - Admin A ***************

56

“I DO NOT have a choice,” ani Joshua sa asawa habang nagbibihis. “Hindi gustong umalis ng Pilipinas ang anak mo. Nakausap ko kahapon ang director ng Makati Medical. I can start my private clinic anytime,” umiiling nitong sabi.

“Matagal ko na ring gustong sabihin sa iyong mamirmihan na tayo rito, Josh,” ani Diana. Tinutulungan ang asawang ayusin ang kurbata nito. “Sa loob ng mahabang panahon, si Bernard ang nagpapalakad sa pabrika. Ang tanging komunikasyon natin sa kanya’y through the lawyers na siyang namamahala sa finances. Yes, I hated it nang malaman kong sariling pera niya ang nagsalba sa textile mills. But I guess, it’s time to bend and swallow my pride a little. At kumikita na ang pabrika, nasa pangalan ko pa rin. Maybe we could pay him back now…”

Wala sa loob na tumango si Joshua. Muli ay nararamdaman nito ang pagsalakay ng takot at pangamba.

“And I missed my job terribly, darling…” patuloy ni Diana. “I’ll talk to Bernard one of these days and set a meeting with the board.”

“Hindi kita mapipigil doon, ’di ba?” wika nito sa nagbabarang lalamunan.Nagsalubong ang mga kilay na napatingala sa asawa si Diana. “Why would you do that?“Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ni Joshua. “No. Hindi kita pipigilan. Inheritance mo sa lolo mo ang kompanya at bagaman utang natin kay Bernard ang muling pagbangon ng pabrika’y sa iyo pa rin iyon. He didn’t take over, Diana. Yes, I guess I owe him that…” he said bitterly. 

Hinagkan ang asawa sa pisngi at dinampot ang susi ng bagong biling kotse.

Inihatid ni Diana ang asawa sa ibaba ng bahay. Nasa kotse na ito nang muli siyang magsalita.“Josh…” Mula sa manibela’y nag-angat ng tingin si Joshua. Sa tingin ni Diana’y tila tumanda ang asawa. “I-it’s silly of me to ask you this, pero nag—nagseselos ka ba sa muli naming pagkikita ni Bernard?”

Joshua reached his wife’s nape and planted a soft kiss on her mouth. “No, honey. I know you love me. Hindi ako nagdududa roon, kahit minsan sa loob ng maraming taon. At kahit nang magkita kayong muli sa isla…”

“Then what is it? Bakit nitong ilang mga araw ay balisa ka? Of course, alam kong may problema ka sa anak mo. Pero may iba akong nararamdaman mula sa iyo…”

“Nothing. We’ll talk about it one of these days. Pansamantala’y bantayan mo iyang anak mo. Huwag mong papayagang umalis nang hindi ka kasama…”

“Josh, aren’t you overre—”

“Diana, alam mo ang dahilan, higit kanino man,” mariing putol nito sa sinasabi ng asawa. Tumiim ang mukha. “Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka kaluwag pagdating sa kahibangan niya kay Lenny.” Binuhay na nito ang makina ng sasakyan. “Bantayan mo ang anak mo!”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana habang sinusundan ng tanaw ang papalayong kotse ng asawa. Pagkatapos ay pumanhik na muli sa hagdan.Nakasalubong nito ang anak na papalabas ng banyo at nagpupunas ng basang buhok.

“Akala ko’y tulog ka pa, hija…”

“’Ma, aalis ako,” wika ni Dana habang papasok sa silid. Sumunod si Diana.“Puwede ko bang malaman kung saan ka pupunta?”

“Lenny’s coming today, Mom, nandito man o wala si Daddy,” sagot nito habang nagsisimulang magbihis. Nasa kilos at tinig ang determinasyon. “Well, I’m glad he left bago pa dumating si Lenny. I don’t like scenes. Alam kong magagalit siya and I don’t want to hurt him, too.”

Huminga nang malalim si Diana. “Do you really love him, sweetheart?“Nilingon ni Dana ang ina. “Mom, I do. I love him so. And I am sure of my feelings. What happened between you and Lenny’s father has got nothing to do with us. You said it yourself, you were pressured, you were scared, you had no one to turn to but Lenny’s father. Hindi ganoon ang nangyayari sa akin. We love each other, Mom. And we are going to marry whether Dad likes it or not!”

“You can’t marry without his blessings…”

Nagkalambong ang mukha ni Dana. “Mommy, I have always dreamt of my wedding to be perfect. With you and Dad… Please ask Dad not to do this to me. I want you both when I marry…” pakiusap niya.

Kasabay ng buntong-hininga’y tumango si Diana. “I promise to talk to your father…”

Niyakap ni Dana ang ina. “Thank you, Mom.”

57

“HI,” nakangiting bati ni Lenny nang pagbuksan siya ni Dana ng pinto. Mahigit tatlong linggo silang hindi nagkita. At nasa mukha nito ang pag-asam… at pananabik.

“Hi yourself,” ganti ng dalaga. Alanganing ngumiti, pinipigil ang sariling yakapin ang binata. May pananabik na hinagod ito ng tingin. “C-come on in…”

Humakbang ang binata papasok. Inikot ang tingin sa buong kabahayan upang alisin ang tensiyon sa katawan. He had never been this tensed all his life. So unsure of what would happen next.

“So this is your grandmother’s house…” wika nito kasabay ng pag-alis ng bara ng lalamunan. Nadaanan ng tingin ang portrait ni Doña Isabel sa may dingding. Matagal na natuon doon ang paningin.

“T-that’s Lola Isabel…“Bumaba ang tingin ni Lenny sa pangalang nakasulat sa ibaba ng kuwadro. Humakbang ito palapit. “Leon…”

“Yes,” she said breathlessly. “Don Leon painted that portrait in 1928…” Humakbang si Dana patungo sa entrada ng veranda.

Sumunod si Lenny. Ang mga mata’y hindi humihiwalay sa mukha ng dalaga. He felt a warmth spread through his body. A warmth that had nothing to do with the hot morning sun na kumakalat sa veranda. It had something to do with Dana. That last three weeks was like a death sentence. Now that he had seen her again, it was as if she breathed life into him again, revived and rejuvenated him in a way he would have thought impossible.

“Dito… dito sa verandang ito ipininta ni Leon si Lola Isabel, Lenny,” she said excitedly. Tila binubuhay sa isip ang nangyari may pitumpung taon na ang nakararaan. “There,” itinuro niya ang bahagi ng barandilya na nalililiman ng punong kaimito. “Diyan nakaupo si Lola Isabel nang ipinta siya ni Le—ng lolo mo…”

“Come here, sweetheart,” he urged huskily.

Dana stopped bubbling. Nawala ang excitement sa mukha. Nahalinhan ng ibang emosyon. Ng pananabik… ng pag-ibig. She walked towards him as if she was walking on air.

Lenny encircled her in his arms. Held her tightly for a long while. Then placed a finger on her chin and raised her face.

“I can paint better than my grandfather, mi alma,” he murmured. “I have painted you in my heart… in my dream… etched every line of you in my mind. Hindi iyon mapaglalabo ng panahon tulad ng portrait ni Doña Isabel. Hindi iyon mawawalan ng kulay sa loob ng puso ko…”

“Oh, I love you so…” She sobbed.

“Just as I love you…” May dinukot sa bulsa ng pantalon si Lenny. Isang nakalukot na tissue paper at ibinigay sa kanya. “Para sa iyo, wala akong panahong bumili ng jeweller’s box. Gusto kong makarating kaagad dito nang mabilis.”

She smiled at him. “Wedding ring?”

Umiling ang binata. “Gagamitin mo ang singsing pangkasal na ginamit ni Doña Esmeralda nang magpakasal sila ni Don Leon. Iyan ang engagement ring mo. Dapat ay ibinigay ko sa iyo iyan noong gabing ianunsiyo ko ang engagement natin…”

She delicately fingered the tissue paper at inilabas ang nakabalot doong singsing upang manlaki ang mga mata at mamangha lamang.

“Oh, god!”

Lenny mistook her amazement as appreciation. “Nakita ko iyan sa heirloom box ni Don Leon, Dana. May naka-engrave na ‘Isabel.’ That must have been intended for your grandmother. And you are Dana Isabella. Pinadugtungan ko ng ‘l’ at ‘a’ ang dulo.”

Kinuha nito ang singsing sa kamay niya at isinuot sa daliri niya. “I had this feeling na iyan ang dapat kong ibigay sa iyo mula sa mga naroong alahas. Do you mind?”

“M-mind?” ulit ni Dana na tila natutulala pa rin. “W-why should I when this ring belongs to me, Lenny.” Tumingala siya sa binata. Her eyes misty. Your grandfather gave me this ring… ibinalik mo lang sa akin.

“May karapat-dapat pagbigyan ng singsing na iyan, Leon… Hindi ako… hindi sa panahong ito…”

She sobbed and whispered: “This ring is rightfully mine…”

“Of course, darling… of course.” Lenny bent and kissed her. The kiss was different. It was gentle and achingly tender. Nakapaloob doon ang maraming damdaming hindi kayang sabihin ng mga salita.

Isang tikhim ang nagpahiwalay sa dalawa. Si Diana.It was another deja vu in Dana’s mind. She could almost picture Consuelo standing on the same spot, the veranda’s entrance.

“Joshua couldn’t stop you two, could he?”

“Yes, ma’am, no one and nothing can stop us.” naunang sumagot si Lenny bago pa makapagsalita si Dana. Possessively holding her tightly. “I love your daughter and she will be my wife. I am asking your permission now… I am taking Dana back to Paso de Blas. We will be married there in two weeks time.”

“Mom, please…” si Dana nang matagal bago sumagot si Diana.

“How your father and I have lost you so soon, my darling…” Diana said somewhat sadly.

“No, ma’am.” si Lenny uli. “You didn’t lost your daughter yet you’ve gain a son.”

Diana had to smile at that.

HINDI kayang ipaliwanag ni Diana ang emosyon sa mukha ng asawa nang sabihin niyang sumama si Dana kay Lenny pabalik ng Paso de Blas.

“Ikaw mismo ang nagpahintulot na isama ng lalaking iyon ang anak mo?” On his face was anger, shock, fear, and the urgency to get Dana back. “Oh, god! Habulin natin sila bago pa mahuli ang lahat.”

“What is it with you, Joshua? Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pag-ayaw mo kay Lenny?” kasama ng pagtataka’y naroon na ang galit sa tinig ni Diana.

“You must be out of your mind, Diana! Papaano mo napayagang magpakasal ang dalawang iyon? Nakalimutan mo na bang anak mo kay Bernard si Dana?”

Nanlaki ang mga mata ni Diana sa matinding pagkabigla. “What?”

“Huwag mo akong titigan nang ganyan na tila ba nagka-amnesia ka sa mahabang panahon!” he shouted at her angrily. “Magkapatid sa ama ang dalawang iyon!”

“W-where did you get that idea, Josh?” Diana asked softly… confused.

“You were pregnant with Bernard’s child when I married you, you told me so!“Diana was shocked and stunned for a moment. Tinitigan ang asawa na sa tingin niya’y nagkaroon ng maraming gatla sa noo. Pagkatapos ay biglang tumawa nang malakas.

“Oh, dear me!” aniya, still laughing to Joshua’s consternation.

“What is going on, Diana? Have you really gone mad?“Pumormal si Diana bagaman nasa mga mata pa rin ang amusement. Ikinawit ang mga braso sa leeg ng asawa.

“Dana’s your daughter, darling. Our daughter. You idiot, hindi ka ba marunong bumilang ng buwan? You’re a doctor, Josh!” she was still smiling.

“I am a neuro-psychiatrist, Diana, not an OB-GYN,” depensa ni Joshua na bagaman naguguluhan pa rin ay unti-unti nang nakadama ng matinding relief. “I guess a twenty-one-year old explanation is in order,” matabang nitong sabi. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Inakay ni Diana ang asawa sa gilid ng kama at umupo sila roon. “Of course, Dana’s your daughter. Your own flesh and blood, ano ka ba? How could you have thought otherwise?”

“Nang ialok ko sa iyo ang pangalan ko ay sinabi mo sa aking hindi mo gustong magpakasal sa akin dahil nagdadalang-tao ka,” ani Josh. Ang mga mata’y nang-uuri sa pagkakatingin sa asawa.

“Matagal na iyon, Josh, but I’ll rephrase what I said, kung tama ang pagkaalala ko dahil nakalimutan ko na iyon. I said I might be… might be pregnant with Bernard’s child. I only said that to ward you off dahil gusto mo akong pakasalan kaagad. Hindi ko gustong mag-asawang muli noon pagkatapos ng annulment namin ni Bernard. But my statement made you more persistent to marry me. Dahil sabi mo’y mas dapat na pakasalan mo ako…”

“Diana—”

“Josh, darling.” she cupped his husband’s confused face. “Bago pa man ang annulment, Bernard and I haven’t shared bed for almost a year.”

“Oh, god,” nanlulupaypay na usal ni Joshua. “At heto ako, natatakot na baka malaman ni Dana na hindi ako ang kanyang ama. Na baka mawala sa akin ang anak ko sa sandaling malaman niyang si Bernard ang tunay niyang ama. I could kill you for this, Diana!”

Muling tumawa si Diana. “I am sorry, honey. Akalain ko bang nasa isip mo iyon sa napakahabang panahon…”

“I never bothered to count the months,” nagbubuntong-hiningang wika nito. “Nang nasa clinic ka’y hindi ko sinasadyang maulinigan ang sinabi ng doktor mo na dapat ay fifteen days earlier ka pa dapat nanganak…”

“Caesarian ako, Josh. Hindi ko kailangang hintayin ang talagang aktuwal na paghilab ng tiyan ko. Besides, first babies usually ay lalabas ng fifteen days earlier or later…”

Ibinagsak ni Joshua ang katawan sa kama. Relief flooded through him.

“Alam mo ba ang anxieties na naramdaman ko sa nakalipas na mga linggo, huh, honey?”

She smiled teasingly. Unbuckled her husband’s belt. “And I guess you want me to pay for it, huh?”

“I only wish you could get pregnant again…”

Nanlaki ang mga mata ni Diana. “Josh! I’m over forty!”

********Good night mga beshie, easy lang sa pagbabasa, huwag masyadong magpupuyat, masama sa health yan. Enjoy reading guys and sweet dreams sa inyo. Bukas na lang yung ending para makapagpahinga pa kayo. Take care and God bless mga beshie. - Admin A **********

58

I love thee with the breath, smile, tears of my life! And if God chose, I shall but love thee better after death…

ISANG ngiti ang ipinukol ni Julianne sa mga ikinakasal matapos nitong sabihin sa mikropono ang sulat na iyon mula kay Elizabeth Barret Browning.

The wedding was so simple. Walang entourage ng mga abay o best man o ng mga flower girl and boy.

Just the two of them, sa harap ng magkakasal.

“I love you, Dana Isabella. Perhaps loved you since the beginning of time,” bulong ni Lenny. “I wonder why those words sound so inadequate?”

“They sound adequate enough for me, Lenny,” she said breathlessly. “This is the happiest moment of my life…” Niyuko nito ang wedding ring sa daliri niya.

“That is your ‘something old,’ querida,” he whispered huskily. “That wedding ring is yours for life. When time comes, and I hope I’ll be the first, dahil hindi ko kayang isiping mawawala ka, muling ibabalik sa heirloom box para sa susunod na karapat-dapat na magsusuot niyang muli. But that engagement ring will never be removed from your finger at anytime…”

“Oh, Len…”

Isang halik ang ibinigay ni Lenny sa bride niya sa gitna ng palakpakan ng mga piling panauhin.“Congratulations, nieto… nieta…”

Napasinghap si Dana. Napatingin sa asawa. Another of her imaginations? “D-did you say something?”

Lenny grinned. Hinapit sa baywang ang asawa. “I said congratulations, wife…” Inakay na nito ang asawa patungo sa mga nagnanais bumati.

HINDI napansin ni Joshua na nawala sa tabi niya ang asawa. Lumakad si Diana papasok sa villa hanggang sa loob ng library. Tiningala ang larawan ni Don Leon na nakasabit sa dingding.

“You tyrant old man, nangyari din ang gusto mo…” she said smiling. “I am only sorry I haven’t met you…” she added a little sadly. Nagbuntong-hininga. She gave the old portrait a long look bago banayad na tumalikod.

Palabas na siya sa library subalit imahinasyon man o hindi, she could hear a familiar gurgle of laughter. Umiiling si Diana sa sarili. Mga taon na ang lumipas mula nang nakakarinig siya ng mga tinig.

“I want to get out of this place, old man. This house makes me feel sick!” wika niya, yet she was smiling.

“SINO ang hinihintay natin?” si Lenny sa asawa. “At bakit hindi mo inihagis iyang bouquet mo sa mga dalaga?”

“May ipinasundo ako, Len. Lola Isabel’s cousin. Na-late lang siya. Hindi niya nakita ang kasal natin. I hope she’s still—” Hindi niya gustong isiping wala na si Consuelo. Itinuon niya ang mga mata sa driveway. Mula sa road bend ay nakita niya ang pagdating ng pickup na inutusan niyang magtungo ng Laguna.

“She’s here!”

“She’s here who?” nagtatakang wika ni Lenny.

Hawak sa tagiliran ang wedding dress ay patakbong sinalubong ni Dana ang sasakyan. Nagsasalubong ang mga kilay na sumunod si Lenny sa asawa.

Si Dana na ang nagbukas ng pinto sa passenger seat ng pickup. Inalalayan sa pagbaba si Consuelo.

“You’re late,” nakangiting akusa niya. Puno ng kasiyahan ang dibdib. Hindi mapigilang yakapin ang matandang babae.

“Binabati kita, Isabel,” wika ng matandang babae. “Nang makita kitang muli’y alam kong matatagpuan mong muli ang pag-ibig. Pag-ibig na talagang para sa iyo. Hangad ko ang kaligayahan mo….”

“Alam ko, Consuelo… alam ko.” nilingon niya si Lenny na lumapit. “Ang aking asawa, Consuelo, si Lenny…”

“Leon!” banayad na usal ni Consuelo, kasabay ng ngiti.

Iniabot ni Lenny ang kamay sa matandang babae at hinagkan iyon. “Ako po ang apo ni Señor Leon, ma’am. Nakilala po ba ninyo ang Lolo?”

Mula sa tuyot na mga labi’y ngumiti ang matanda. “Si, hijo… si.” Makahulugang nilingon nito si Dana. “Muy simpatico, tulad mo rin…“Lenny wondered why he blushed. He smiled. “Halika at ipakikilala ko kayo sa mga magulang ko…”

“Pero tila nakagayak na kayo sa pag-alis, hindi ba, hijo?”

“That can wait, ma’am. Gusto kong marinig mula sa inyo, first hand, ang tungkol kay Señor Leon…”

Nilingon ni Consuelo si Dana na kumindat. Pagkuwa’y lumapit. Ibinigay sa matanda ang sariwang kumpon ng mga bulaklak pangkasal niya.

“Para sa iyo, Consuelo… sa inyo ni Eman…” pabulong niyang sabi.Makahulugang ngumiti si Consuelo. Sinamyo ang mga bulaklak. Si Lenny ay inakbayan ang asawa sa kanan at inakay sa kaliwa ang matandang babae.

“Muchos gracias, gran, for such happiness…”

“De nada, nieto… de nada…”

WAKAS

******************Thanks sa walang sawang pagsuporta mga beshie. Enjoy reading mga beshie. Hanggang sa susunod na kuwento ulit. Matutulog muna ako at masakit na talaga ang ulo ko. Happy weekends in advance everyone.  Take care and God bless. - Admin A ***********


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.