Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila
Marthacecilia Phr · 25 chapters · 24,939 words
Part 1
I PINATATAWAG siya ng Big Boss. lyon ang bungad ni Mr. del Prado pagdating niya nang umagang iyon sa pinapasukang opisina.
“Si Don Leon Fortalejo, Sir?” tanong ni Jasmin sa kanyang immediate boss, ang Personnel Manager.
“Siya na nga, Jasmin, kaya tumuloy ka na sa itaas,” wika nito na masusi siyang tiningnan.
“B-bakit daw po?” nagtataka at kinakabahang tanong niya.
Bakit siya ipatatawag ni Don Leon?
Sa loob ng kulang na limang buwan niya sa kompanya ay mabibilang sa mga daliri ang pagkakataong nakikita niya ito. May sariling daan patungo sa opisina nito ang Big Boss. At duda siya kung alam ng lalaki na nagtatrabaho siya sa kompanya nito.
“I was wondering myself. Kung tungkol sa pagiging permanent mo, sa akin manggagaling iyon. Anyway, lumakad ka na,” sagot nito.
Nalilitong lumabas ng pinto ang dalaga. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit siya kakausapin nito.
Kunsabagay ay nakatagpo na niya ito nang harapan sa dalawang pagkakataon. Nang mamatay ang mama niya, may sampung buwan na ang nakararaan at nitong mamatay ang papa niya, four months ago.
Bumungad sa kanya ang sekretarya ni Don Leon. May edad na rin ang babae na kung ituring ng mga taga-opisina ay ang ‘little boss!’ Kung gaano na katagal ang kompanya ay ganoon din marahil ang matandang sekretarya.
“Gusto raw akong makausap ni Mr. Fortalejo, Mrs. de Lara?” May agam-agam sa tinig niya.
“Yes. You may come in.” Nilingon nito ang silid at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa.
Isang mahinang katok muna ang ginawa niya bago marahang itinulak ang pinto pabukas. Mula sa pagkakayuko sa mesa ay nag-angat ng ulo si Don Leon.
“G-good Morning, sir!”
“Miss Cuevo,” acknowledge ng don, itinuro ang silya sa harap ng mesa upang maupo siya. Sumunod siya. Hindi maiwasang hindi niya masulyapan ang folder na nakabukas sa harap ng don at kung hindi siya nagkakamali ng tingin ay file niya iyon.
Bakit? Ito ba ang magdedesisyon kung mapi- permanent siya o hindi? Sa susunod na buwan ay matatapos na ang probationary period niya.
“May… kailangan kayo sa akin, Sir?”
Tumikhim ang matanda at pagkatapos ay sumandal sa highbacked swivel chair nito. “Ano ang gagawin mo, Miss Cuevo, kung bago matapos ang anim na buwan ay ma-terminate ang employment mo?” deretsong tanong nito.
Magkasabay na bumangon ang kaba at pagtataka sa dibdib niya. Kaba dahil higit kailanman ay ngayon niya kailangan ang trabahong ito. Pagtataka dahil mula nang mapasok siya rito sa tulong ng kanyang papa ay masigasig siya’t nagpapakita ng ibayong husay sa mga ginagawa sa kabila ng pagiging undergraduate niya.
“I probably would have to find another job.” mahinang sagot niya.
“And would that be easy, Miss Cuevo? Considering that you are an undergraduate. And besides, malayo ang kurso mo sa iyong trabaho,” muling tanong ng matanda.
Hindi agad siya makasagot. European Languages ang kursong kinukuha niya sa UP at nasa ikatlong taon. Dapat ay natapos na niya ang kurso sa taong ito kung hindi sa mga trahedyang nangyari sa kanilang pamilya. Ang trabaho niya rito ay clerk-typist at kung tutuusin ay hindi naman siya gaanong mahusay mag-type.
Tumingin siya nang deretso sa matanda. “What is it exactly that you want to tell me, Sir?” pormal niyang tanong. Kung ibabagsak nito ang palakol ay mabuting bilisan na.
Mahihirapan siyang maghanap ng trabaho, all right. Pero makakakita rin siguro siya kahit papaano at magsisimula na namang muli. Lamang, hindi magandang reperensiya ang hindi man lang niya natapos ang six months dito.
Muling tumikhim ang don, tila pinipili ang salitang gagamitin. “Sa kasalukuyan ay sumasahod ka ng regular pay na isinasaad ng batas, Miss Cuevo. At nasa probationary period. Pipirmahan ko ngayon din ang pagiging permanent mo at dodoblehin ko ang kasalukuyang suweldong tinatanggap mo…”
Napahugot siya ng paghinga pero alam niyang may kasunod na ’but iyon.
“But…?” siya na ang nagsatinig.
“I’d like to assign you for two months in Paso de Blas, Miss Cuevo. Nag-resign ang receptionist sa hotel-resort ko roon at kailangan ko ng temporary replacement.”
“In Palawan, Sir?” gulat niyang tanong. Tumango ang matanda. “Doon nga, hija. At pagkatapos ng dalawang buwan ay babalik ka na uli rito taglay pa rin ang sahod mo. Plus free tuition fee sa natitirang dalawang semester mo sa UP.”
Nanlaki ang mga mata ni Jasmin. Dobleng suweldo! At pagkatapos ng dalawang buwan ay makapag-aaral siyang muli. Matatapos niya ang kanyang kurso. And chances are, makapag-a- apply siya abroad! The offer was so tempting. “W-why me, Sir?”
“Malayo ang Paso de Blas mula rito sa Maynila, Miss Cuevo. Natitiyak kong walang papayag na mga dalagang empleyado. Maliban pa sa hindi ko maiba-bargain sa kanila ang mga sinabi ko sa iyo.”
Kunsabagay, siya lamang ang may ganoong pangangailangan ng trabaho at benepisyo sa kasalukuyan. Pero hindi pa rin niya maintindihan.
“Natitiyak kong mahihirapan ang mga dalagang narito sa kompanyang ito na magpaalam sa mga magulang nila, Miss Cuevo. Samantalang ikaw lamang ang magpapasiya para sa sarili mo,” patuloy ng don sa nakikitang pag-aalinlangan sa mukha niya.
Tumango siya. Walang mawawala sa kanya bagkus ay makikinabang siya nang husto. Bago niya matanggap ang suweldong inaalok nito ay magbibilang siya ng taon.
“Pero gustuhin ko man ay hindi ko maaring iwan ang kapatid ko,” wika niya rito. Paano niya magagawang iwan na lamang ng ganoon ang sampung buwang gulang na kapatid? May panghihinayang sa tinig niya.
“Huwag mong problemahin ang kapatid mong bunso, Miss Cuevo,” agad na sagot ng don na kung wariin niya’y nakahanda na. “Dalawang buwan ka lang mawawala at mapagkakatiwalaan naman ang matandang kasama n’yo sa bahay, ’di ba? Sa pagkakaalam, bata ka pa’y naroon na ito sa inyo “
“Pero…” Nag-aalangan pa rin siya.
“Think it over, Miss Cuevo,” agap ng don na kinakikitaan na ng pagkabagot.
“Do I have a choice?”
“No. Two months in Paso de Blas or you will have to look for yourself another job,” kalmanteng wika nito.
Part 2
Huminga nang malalim si Jasmin. “K-kailan ako pupunta roon?”
Umaliwalas ang mukha ng matanda, ngumiti ito, nagbukas ng drawer at may inilabas na sobre. Iniabot sa kanya.
“Aalis ka three days from now. Nariyan sa sobreng ’yan ang ticket mo sa eroplano. Nariyan din ang kabuuang suweldo mo para sa buwang ito. An added bonus, Miss Cuevo, unang linggo pa lang ngayon ng buwan pero binuo ko na ang suweldo mo. At sa Kristine Hotel mo tatanggapin ang kaukulang sahod sa paglilingkod mo roon. Maaari ka nang umuwi ngayon upang makapaghanda.”
“Is that all, Sir?”
“I’ll meet you here again sa araw ng pag-alis mo para sa huling briefing. And another thing, Miss Cuevo…” pahabol ng don nang akma siyang tatayo. “Do not—inuulit ko—do not fall in love with my grandson.”
Marahas ang pag-angat ng mukha niya. “Ano ang ibig ninyong sabihin?” aniya na nagsasalubong ang mga kilay.
“Women are swarming around him. ’Yong mga hindi niya gusto, he brushes them off na tila mga langaw. At ’yung gusto naman ni Nathaniel,” nagkibit ito ng mga balikat. “…hindi ko na siguro kailangang sabihin pa. If you will fall for him, Miss Cuevo, alin na lang sa dalawa: you will end up with a broken heart or get yourself pregnant “
Nanlaki ang mga mata niya, nag-init ang mga pisngi. Wala sa loob na napatayo. “Don’t you think you are overrating your grandson, Don Leon?” pagalit niyang sinabi na sandaling nakalimutan kung sino ang kaharap.
Kumislap ang mga mata ng matanda. “Nathaniel is an attractive man, Miss Cuevo. And very rich.”
“Then rest assured, Sir, I will never even consider any feeling of attractions toward your grandson. Lest of all love,” mariing wika niya.
“Calm down, Jasmin. Maupo ka uli. Ang sinasabi ko’y para sa iyo. To warned you about my grandson.”
Pinamulahan ng mukha ang dalaga. She’d lost her temper at sa harap pa mismo ng Big Boss. I’m… sorry.“
“Nagkakaintindihan tayo kung ganoon. Itatawag ko sa Kristine Hotel ang pagdating mo.”
Nang makalabas si Jasmin ay lumabas naman mula sa nakabukas na adjacent door sina Emerald, ang isa sa mga apo ni Don Leon, at ang asawa nitong si Marco. Naupo ang mga ito sa tig-isang silya sa harap ng don. Amusement ang nasa mga mata ni Marco at pag-aalala naman ang kay Emerald.
“That lady has a temper, Leon,” bungad ni Marco sa matanda. Hindi nito magawang tawaging lolo ang agwelo ng asawang si Emerald.
“And little bit like you, darling.” Masuyong sinulyapan nito ang asawa, pagkatapos ay ang matanda uli. “At ang buong akala ko pa naman ay pinangingilagan ka ng mga empleyado mo.” Marahang tumawa ang don. Inilabas ang pipa at sinindihan.
“Hindi ko gusto ang ginawa ninyo, lolo,” ani Emerald. “That’s cruel! Paano kung hindi pumayag si Jasmin? De nawalan pa ng trabaho ’yong tao.” May himig ng galit ang tinig nito.
“Hindi niya gagawin iyon, nieta. Kailangang- kailangan niya ang trabaho sa panahong ito,” may tiwalang sagot ng don pagkatapos magbuga ng usok.
“A face like that, Leon, she could easily find herself another job,” ani Marco.
Nagkibit ng balikat ang don. “Kinagat niya ang bluff ko. Ganoon lang iyon. And besides, she doesn’t seem to be aware of her assets. Very unaffected.”
“But you are manipulating these people!” hindi nakapagpigil na sabi ni Emerald. “Ano ang sasabihin ni Nathaniel ’pag nalaman niya?”
“Nieta, hija, ano ang malalaman ni Nathaniel? Kailangan talaga nila ng receptionist sa hotel ngayon. It is summer time at wala sa oras ang pagre-resign ng dating empleyada,” kalmanteng sagot ng don na napapangiti.
Tanong ni Marco, “Bakit mo ginagawa ito, Leon?”
“Gusto ni Nathaniel na hawakan na ang renda ngbuong hacienda. Alam kong kaya niya. Pero kailangan niya ng asawa para mapanatili ang paggalang ng mga tauhan sa kanya. My goodness, Emerald, your cousin has a reputation of being a rake! Bukod pa sa carefree living. He needs a wife to tone him down.”
“You can tame the wild boar in Paso de Blas, Leon, pero hindi si Nathaniel,” natatawang sambit ni Marco. “Ang apo mo’y tulad ng agila na malayang nakalilipad.”
Amused na sinulyapan ng matanda ang lalaki. “Weren’t you cut from the same cloth, Marco?
Malakas na tumawa si Marco, masuyong sinulyapan si Emerald na hindi mapigil ang pagngiti. “Noon ’yon bago ko nakilala ang isang babaeng naka-miniskirt at high heeled sa gubat.” Kinindatan nito ang asawa.
“Precisely. Si Jasmin ang gusto kong mapangasawa ni Nathaniel, mga apo. Pitong taon kong empleyado ang ama nito, si Dante. At wala akong masasabi sa katapatan at pagkatao. Pinasiyasat ko na ang buhay at pagkatao ng batang iyan. Matalino at masunuring anak. Maraming mga admirer pero hindi nagkaroon ng seryosong relasyon. At ang pinakaimportante sa lahat ay malinis ang pagkababae,” paliwanag nito sa seryosong tinig.
“Paano kung hindi sila magkagustuhan, lolo?” “Saka ko na iisipin ’yon. Kalimutan na muna natin si Jasmin at ang pinsan mo.” Muling sinulyapan si
Marco. “Napag-isipan mo na ba ang inaalok ko sa iyo, Marco?”
“Leon, I am a criminal lawyer, not a corporate one.”
“Don’t give me that bull, Marco. Hindi mo kailangang maglagi rito. You can still work in the farm kung iyon ang gusto mo. Naririyan ang mga katulong na abogado.”
“Sinusubukan mo ba ang technique mo sa akin, Leon?” May halong panunuya ang tinig ni Marco.
“I don’t know why I have to put up with you, Marco. In some ways ay magkatulad kayo ni Nathaniel. Why can’t you agree with this old man. Ang gusto ko lang naman ay pamilya ko ang nasa ilalim ng kompanya ng Kristine.”
Tumayo si Marco. “You’re still strong as a bull, Leon. Anyway, pag-iisipan ko at kung darating ako sa desisyong pagbibigyan kita, ’yon ay dahil gusto ko. Not because you have succeeded in putting a rope around my neck.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda. Tumayo na rin si Emerald at humalik sa pisngi ng agwelo.
“Kailan ang uwi n’yo sa Falcon Farm?”
“Hindi ko matanggihan ang kasong hawak ko ngayon, Leon. Kaya matatagalan muna siguro kami rito.”
“Himukin mo ang asawa mo, Emerald. Si Nathaniel ay walang interes sa kompanyang ito. Nasa hacienda lahat ang atensiyon ng pinsan mo. And what about you, nieta? Sooner or later, you will be one of the owners of Kristine Cement. Can’t you give up that damn job of yours?” May frustration sa tinig ng matanda.
Napatitig sa asawa si Emerald at pagkatapos ay sa lolo. Kahit paano ay nakadama ito ng guilt. Bilang apo ay dapat ngang nasa kompanya ang malasakit nito.
Ngunit kay-hirap pilitin ang sarili lalo pa’t nasa pagsusulat ang puso nito at maligaya sa ginagawa.
“Pag-uusapan namin ng asawa ko, lolo?” pagtatapos ni Emerald sa usapan.
Part 3
“A NG tanging ipinag-aalala ko lang, Manang Denang, ay si Iris,” ani Jasmin habang masuyo niyang hinahaplos ang noo ng bunsong kapatid.
“Ipanatag mo ang iyong loob tungkol sa kapatid mo, Jasmin. Alam mo namang hindi ko siya pababayaan,” paniniyak ng matanda na naglalagay ng mga gamit ng dalaga sa maleta.
“Alam ko po. Kaya lang ay sakitin ang kapatid ko. Alam naman ninyo ang kalagayan niya, ’di ba? Paano kung sumpungin siya sa panahong wala ako rito?”
“Siguro naman ay hindi, Jasmin. Nitong nakaraan ay inabot ng mahigit natatlong buwan na hindi nagbago ang kalusugan ng kapatid mo,” patuloy ni Denang na sinarhan na ang maleta. “At saka, madali namang tumawag sa iyo kung sakali, hindi ba?”
Tumango siya. Iniwan sa matanda ang numero ng telepono sa Paso de Blas. Nakasulat iyon kasama ng brochure ng resort.
Huminga siya nang malalim. Kung sana’y buhay pa ang mga magulang niya. Isang mahapding kirot ang gumuhit sa kanyang dibdib. Bumalik sa isip niya ang mga pangyayari, may dalawang taon na ang lumipas…
Hindi niya malaman kung paano tatanggapin ang balitang sinabi sa kanya ng mga magulang na sina Alicia at Dante.
“May sasabihin kami ng papa mo, Jasmin.” Hindi malaman ni Alicia kung ngingiti o papaano. Nasa mukha nito ang pag-aalangan.
“Ikaw na, darling, ang magsabi sa anak mo,” ani Dante na masuyong nakatingin sa asawa.
Nagsalubong ang mga kilay ni Jasmin sa ikinikilos ng mga magulang.
“Come on, guys, what is it? Masyado naman kayong pa-suspense,” aniya na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang.
Tumingin muna si Alicia sa asawa bago muling humarap sa kanya. “Hija, m-magkakaroon ka na… ng kapatid. Nagdadalang-tao ako,” medyo nahihiya pang wika ni Alicia. Pinisil ni Dante ang kamay ng asawa.
“What?!” nanlaki ang mga matang tanong niya, napatitig sa ina.
Buntis si Alica sa edad na forty! At masusundan na siya makalipas ang labing-siyam na taon. Hindi niya alam kung matutuwa o mag-aalala. Pero sa nakita niyang agam-agam sa mukha ng ina sa pagkakatitig sa kanya ay napilitan siyang ngumiti.
“W-why, I guess, this calls for a celebration!” aniya na pinasigla ang tinig. Kumalma ang mukha ni Alicia at ngumiti.
Sa unang dalawang buwan ng paglilihi ni Alicia ay lipos ng kaligayahan ang pamilya. Siya man ay totoong nagalak na magkakaroon ng kapatid. Subalit hindi pa man natapos ang unang trimester ng ina ay lubha na itong nahirapan sa paglilihi.
Ipinasok nila ito ng ospital nang minsang magkaroon ng bahid ng dugo. Threatened abortion, ayon sa mga doktor. At kung gusto nilang manatiling ligtas ang dinadala nito ay kailangang manatili sa ospital si Alicia hanggang sa ito’y makapanganak.
At ganoon nga ang nangyari. Sa unang mga buwan ay nagsosolo sa silid si Alicia. Subalit nang maglaon ay inilipat na ito sa pantatluhang silid dahil lumalaki ang gastos.
Si Jasmin ay nagboluntaryong hindi na muna mag-aaral sa semester na iyon upang maasikaso ang ina sa ospital.
Hindi sila naghihirap sa buhay dahil maayos naman ang sahod ni Dante sa Kristine Cement bilang comptroller at nag-iisang anak si Jasmin. Subalit lahat ng naipon nito sa banko ay nailabas ng lahat sa pananatili ni Alicia sa ospital sa loob ng pitong buwan.
Nang dumating ang oras ng panganganak nito ay naroon silang mag-ama sa labas at naghihintay sa resulta. Ang babaeng pinakamamahal nilang pareho ay nasa delivery room—fighting for her own life and for the life of her child.
Makalipas ang hindi mabilang na mga sandali ay lumabas ang doktor na halos hindi gustong sabihin sa kanila ang nangyari.
“Ikinalulungkot namin, Mr. Cuevo…‘’ Tumingin din kay Jasmin ang doktor bago muling sumulyap kay Dante na halos mawalan ng kulay ang mukha. “Ginawa namin ang lahat pero…” Umiling ito. “Kung konsolasyon mang masasabi ay buhay ang bata. Isang babae, subalit ito man ay kailangang manatili muna ng ilang linggo rito sa ospital.”
Hindi kailanman malilimutan ni Jasmin ang anyo ng ama nang mga sandaling iyon. At hindi niya ito nakausap sa mga sumunod na araw dahil tila tulala.
Matapos mailibing si Alicia ay muling nagbalik sa gawain si Dante subalit hindi na tulad ng dati.
At siya, dahil sa pinansiyal na pangangailangan ay hindi na muling nakapag-enroll.
Kailangan nila ng pera dahil nasa ospital pa ang kapatid niyang bagong panganak na mukhang nakalimutan na rin ng ama.
Nang sabihin niya sa ama na papasok siya sa kompanyang pinapasukan nito ay wala itong isinagot kung pumapayag o hindi. Bahala siya.
At anim na buwan halos magmula nang mamatay si Alicia ay sumunod si Dante. Isang aksidente sa daan. Nabundol ng malaking trak ang sinasakyan nitong segunda-manong kotse…
“Anong oras ba ang flight mo mamaya, Jasmin?” tanong ni Denang na ikinaputol ng daloy ng isip niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga.
Kung tutuusin ay kailangang-kailangan niya ang trabahong inaalok ni Don Leon. Madodoble ang suweldo niya. Masusustinehan niya ang gamot ni Iris hanggang sa dumating ito sa takdang panahon na maaari nang operahan.
Barado ang isang ugat nito sa puso at sinasabi ng mga doktor na ooperahan ang bata kung dalawang taong gulang na ito.
Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng gagastusin para doon. Ang lupa’t bahay nila ay nakasanla dahil nga sa pagkakaospital ng ina. Pati na rin ang mahigit isang buwang pananatili ni Iris sa ospital.
Kung sakali mang tuluyan niyang ipagbili ang pag-aaring lupa’t bahay upang gamitin para sa operasyon ay mangungupahan silang magkapatid.
At kung hindi niya tatanggapin ang inaalok ni Don Leon ay hindi niya makakayang bayaran iyon.
Napakaraming suliraning pinansiyal. Kung hindi marahil sa life insurance ni Dante ay masahol pa sila sa daga.
“Manang Denang…” Baling niya sa matanda. “H-hindi ko po alam ang gagawin ko kung wala kayo,” pahikbi niyang sinabi.
“Ku, batang ire! Kung ano-ano ’yang sinasabi mo. Kahit na ano ang mangyari ay magkakasama tayong tatlo. Tandaan mo ’yan. At ayoko ng iyakan, Jasmin,” pasaway nitong sinabi. “Hindi pa lumilipas ang taong ito pero marami ng luhang umagos sa atin. Tama na!”
Kahit paano ay nangiti siya. Si Manang Denang ay hindi na iba sa kanila. Pinsang malayo ito ni Alicia na nang mabiyuda ay sa kanila na nanirahan. At totoong napakalaki ng utang-na-loob niya sa matandang ito.
gP����,
Part 4
LUMINGA siya pagkababa ng eroplano. Ang sabi ni Don Leon ay may sasalubong sa kanya sa airport.
Isang puting pick-up ang napuna niya na may nakapintang “Kristine Hotel & Resort” sa may pinto. May nakatayong lalaki roon na palinga-linga rin.
Tinitigan muna niya ng husto ang lalaki bago siya lumapit. Magandang lalaki. Ito ba ang apo ni Don Leon? Nasa late twenties na marahil ang edad. Naka-slacks ng itim at stripes na white and blue na polo shirt.
Marahan siyang humakbang patungo rito. Nang mapuna siya ng lalaki ay alanganing ngumiti.
“Jasmin Cuevo?”
Gumanti siya ng tipid na ngiti at tumango. “Ako nga.”
Inabot ng lalaki ang bitbit niyang maletang de- gulong at inilahad ang kanang kamay.
“Rolly. Rolly Magno.” Mahigpit siyang kinamayan nito kasabay ng ngiti at paghagod sa kanya ng tingin.
So, hindi ito si Nathaniel, anang isip niya.
“I never expected that I will be meeting a very pretty lady!” dagdag nito na ginantihan niya ng ngiti.
Inilagay nito ang maleta niya sa likod at pinapasok siya sa passengers seat at pagkatapos ay pumasok naman ito sa kabila.
“Ako nga pala ang supervisor ng resort” patuloy nito nang tumaktakbo na ang sasakyan. “Ang lakas ng rekomendasyon mo, ah. Ang Big Boss mismo.” “Kailan nag-resign ang papalitan ko?”
Two weeks ago. She got married.“ Pagkatapos ay nilingon siya. “Sana’y mag-enjoy ka rito sa Paso de Blas. Kaiba ito sa Maynila.” Muli ang pagsuyod ng tingin nito sa kanya at kung hindi sa pala-kaibigang ngiti nito ay maiilang siya. “What made you accept the job here?”
Nagkibit siya ng balikat. “Greener pasture, change of environment, what else?” Sinabayan niya ng mahinang tawa.
Sa pagitan ng kuwentuhan at briefing sa trabaho niya ay narating nila ang hotel-resort. Hindi mapigil ni Jasmin ang paghanga sa kagandahan ng paligid.
“Alam kong maganda ang lugar na ito dahil nakita ko na sa colored brochure pero higit palang maganda ’yong nakikita mo mismo.”
“Walang hindi nagagandahan sa lugar na ito. Mga Pilipino man o mga foreigner,” sagot ni Rolly na kinuha mula sa likuran ang gamit niya.
Elevated ang hotel na may dalawang palapag at ang itaas ay isang heliport. Winding stairs ang patungo roon na yari sa malalaking bato at napaliligiran ng mga dwarf coconut at iba pang mga malalagong halaman. May mga kubo na yari sa pinong kawayan at nipa ang nasa paligid ng hotel na marahil ay cottages. May malaking swimming pool sa harap at nakatanaw sa mangasul-ngasul na dagat.
“At may lugar rin dito kung saan ang mga guest ay maaring mangabayo. ’Pag nasa itaas tayo ay makikita mo,” paliwanag ni Rolly na nagpatiunang pumanhik kasunod siya.
Hindi sila sa hotel nagtuloy nang nasa itaas na. “Sasamahan na kita sa apartment para makapagpahinga ka at makapag-settle. Mamaya ay itu-tour kita sa buong resort “
“Thank you, Rolly, pero hindi ka ba maaabala sa gawain mo?”
“Walang problema roon,“nakangiting sagot nito. Sa likod ng hotel ay isa pa uling hagdanang bato pababa naman ang dinaanan nila. At sa likuran ng naglalakihang halaman ay isang hilerang apartment na studio type ang yari. May pader na nakapagitan sa bawat pinto na lampas tao. Marahil bilang privacy.
“Sampung pinto lahat ito para sa mga stay-in employees. Bawat pinto ay tigdalawang empleyado.” Binuksan ni Rolly ang unang pinto at tumambad kay Jasmin ang loob.
Sa tingin niya’y matchbox pero malinis at pinturado ng puti. May bunk bed sa isang sulok na siyang pinakatulugan marahil ng mga umuukopa. May mesita sa tabi. Sa bungad ay isang mahabang sofa na yari sa kawayan na nagsisilbing pinaka-sala. Isang mesang kainan na yari sa formica ang nasa dulo at lababong naka-tiles. May single-burner stove.
“Walang kuwarto?” Hindi niya intensiyong isatinig iyon pero marahang lumabas sa kanyang bibig.
Nasa mukha ni Rolly ang simpatiya. I’m sorry, Jasmin, pero ganito lahat ang yari ng mga apartment dito. Ang masasabi ko lang ay malinis lahat ang mga narito dahil partikular si Nathaniel roon. Pana-panahon ay personal siyang nag-i- inspeksiyon sa kalinisan ng mga naninirahan dito.“
“Hindi ko gustong magreklamo, Rolly. Hindi ko sinasadyang masabi iyon. Thank you sa pagdala mo sa akin dito.” Humihingi ng paumanhin ang tinig niya.
Tumango at ngumiti ang lalaki. “At least, solo mo ang apartment na ito. liwan na muna kita. Makikita mo naman siguro ang daan patungo sa itaas?” Humakbang ito patungo sa pintuan.
Tumango siya at lumabas na si Rolly. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Sa pakiramdam niya’y para siyang nasa isang army barracks. Pero totoong malinis ang kabuuan ng apartment.
Binuksan aniya ang isang maliit na pinto at tama ang hinala niyang iyon ang banyo. Puting-puti ang mga tiles sa sahig at dingding, gayon din ang toilet bowl. Walang shower pero isang timbang pula ang nasa tapat ng gripo. Muli niyang isinara ang pinto.
Binuksan ang isang built-in cabinet. Sa loob ay may mga bakanteng hanger at isang de- kuryenteng plantsa. Kahit paano ay nangiti siya. In one way or another, fully furnished ang apartment sa pinakasimple at kumbinyenteng paraan. At ang importante ay hindi na niya lilinisin.
Sa loob ng dalawang buwan ay ito ang magiging tirahan niya. Inayos niya ang mga gamit sa loob ng kabinet pati na rin ang toiletries niya. Sa munting mesita ay inilapag ang kuwadro ng bunsong kapatid. Sandali niyang tinitigan ang inosenteng mukha at huminga siya ng malalim. Para kay Iris kaya siya narito ngayon.
Nag-brush lamang siya ng buhok at nag-re- touch ng polbo at lipstick bago muling bumalik sa lobby. Hinanap ng mga mata si Rolly. Ang naroon ay dalawang lalaking guests na pawang sa kanya nakatingin. Sanay na siyang makatawag ng pansin.
Lalapitan na sana niya ang bar tender upang itanong kung nasaan si Rolly nang mapuna niya ang isang pinto na may nakalagay na OFFICE. Humakbang siya patungo roon at marahang itinulak ang pinto at pumasok.
Part 5
Nanlaki ang mga mata niya sa nabungaran. A kissing couple! Naghiwalay ang mga ito nang mapunang naroon siya.
“I… well… I…” Nagkakandautal siya at pinamulahan ng mukha. Siya ang napahiya sa halip na ang mga nasa loob na tila bale-wala ang pagkakakita niya sa mga ito.
“Yes, Miss?” ang lalaki na tumaas ang mga kilay at hindi man lamang natigatig. Ang babae ay dinampot ang sigarilyo sa ibabaw ng mesa at nagsindi. Pagkatapos ay naupo sa naroong silya sa harap ng mesa.
“Guest ba siya rito, darling?” wika ng babae pagkatapos magbuga ng usok. One of the prettiest face na nakita na ni Jasmin. Naka-tight fitting nylon jeans na halos sa tingin niya’y kahit ang kaliit-liitang bahagi ng linya ng katawan nito ay nakikita.
“I…I’m sorry…” akma siyang lalabas uli pero muling nagsalita ang lalaki.
“No, wait!” May authority sa tinig nito. Napahinto siya. “May kailangan ka ba sa akin?”
Mabilis siyang umiling. “I… I was looking for Rolly—Mr. Magno. I thought I’d find him here. If you’ll excuse me, I will look somewhere else.” Sa puntong iyon ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang hinahanap niya. Nagulat pa ito nang makita siya roon.
“Nandito ka na pala, Jasmin,” bungad nito na sumulyap sa iba pang naroon. Nakahinga siya ng maluwag pagkakita kay Rolly. Pagkatapos ay napasulyap sa babae na matalim siyang tinititigan.
“Hinahanap ka niya, Rolly. Guest ba siya rito?” Ang lalaki sa pormal na tinig.
“Oh, no. Siya si Miss Cuevo, Nat. She arrived today.” Binalingan si Jasmin. “Jasmin, si Nathaniel Cervantes, ang apo ni Don Leon.”
Muling bumalik kay Nathaniel ang tingin ni Jasmin. Sinuyod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. And who cares kung obvious ang ginagawa niya.
The man is taller by few inches than Rolly. Tall, very dark… and Lord, dangerously attractive! Very masculine sa puting polo shirt na long sleeves na nakarolyo ng bahagya sa dulo ang mga manggas. Open ang mga butones sa dibdib, nakapaloob sa faded blue jeans na ang pagkakahapit ay tila nakayakap na sa mga maskuladong thighs at ang laylayan ay nakapaloob naman sa leather boots.
Muling bumalik sa mukha ni Nathaniel ang mga mata niya. Alam niyang spanish descent si Don Leon at obvious iyon kay Nathaniel. Halos umabot sa balikat nito ang mahabang buhok na nahahati sa gitna. Maiitim na ang mga kilay at mga mata. Hindi niya gusto ang mahabang buhok sa lalaki pero bumagay sa anyo ni Nathaniel.
Gosh! Sino ba sa akala nito ang lalaking ito? si Antonio Banderas? Pagkatapos ay muling bumaba sa mga boots nito ang mga mata niya na halos nakabaon na sa carpet. Uso pa ba ang boots ngayon bilang daily wear? Oh, well, siguro. Dahil this is the outback at may hacienda nga pala ang mga ito.
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang bahagyang tumikhim si Nathaniel.
“I wish I passed…” wika nito na tumaas ang isang sulok ng mga labi. Kung nakangiti o nanunuya ay hindi niya matiyak. Muli siyang pinamulahan ng pisngi.
“At siya naman si Rowan, Jasmin. Sa kabisera siya nakatira” patuloy nf Rolly na lihim niyang naipagpasalamat.
Nailigtas siya nito sa awkward na sitwasyon. Isang tango ang ibinigay niya sa babae na nagkibit lamang ng balikat.
“May sasabihin ka ba kay Jasmin, Nat, tungkol sa trabaho niya rito? Bukas na siguro siya magsisimula,” dagdag ni Rolly.
Doon nag-angat ng ulo si Rowan. “Bakit, Nat, empleyado ba siya rito? Did you hire her? Para saan?” sunod-sunod nitong tanong.
Bigal ang pagbabago ng anyo ni Nathaniel, dumilim ang mukha nito. “Sa Maynila siya galing. Rekumendado ni lolo kapalit ni Liza,” bagot nitong sagot na ang tinutukoy ay ang dating receptionist.
Nagsalubong ang maninipis at magandang kilay ni Rowan. “Akala ko ba’y mahigpit na regulasyon ni Don Leon na ang lahat ng mga empleyado sa hacienda at resort ay rito lahat kukunin sa Paso de Blas o ’di kaya ay sa neighboring towns para na rin bigyan ng pagkakataon at trabaho ang mga tagarito?” At sinulyapan si Jasmin na tila sinusuri.
“We never had a chance to talk. Hindi ko rin alam, Rowan. Hihintayin ko ang pag-uwi ng big boss May bahagyang galit sa tinig ng binata na umikot sa mesa nito.
“That’s strange. And besides, ’di ba’t sabi ko ay ako na lang ang papalit sa puwestong inalisan ng receptionist mo?” May paninisi sa tinig nito.
“I recommended you pero hindi nagbigay ng go-signal si Lolo,” wika ni Nathaniel na halatang nagpipigil ng galit. Sinulyapan si Jasmin. “I will talk to you later, Miss Cuevo,” pormal nitong sinabi.
Iyon lang ang hinihintay ni Jasmin at mabilis na lumabas ng silid kasunod si Rolly.
“Sorry about that,” si Rolly. “Hindi maganda ang mood ng boss ngayon.”
“Naistorbo ko sila,” wala sa loob niyang sinabi. Napatingin sa kanya si Rolly na sinikap intindihin ang sinabi niya, pagkatapos ay natawa. “Dinatnan mo ba sila sa hindi kumportableng sitwasyon?”
“Sort of.”
Umiling si Rolly. “Natitiyak kong hindi iyon ang dahilan ng biglang pagkainis ni Nathaniel. Bale-wala iyon. Rowan kisses him everywhere at kahit sino pa ang audience.”
“Girlfriend niya?”
Nagkibit ng balikat si Rolly. “Kung ganoon ngang matatawag ’yon. Walang siniseryosong babae si Nathaniel. Hindi ko siya sinisiraan pero ang mga babae na rin mismo ang umaaligid sa kanya. Well, with his looks and money…”
Napatitig kay Rolly si Jasmin. Sa conventional na paraan ay di-hamak namang magandang lalaki si Rolly kaysa kay Nathaniel. Pero iba ang tingin niya kay Nathaniel. Hindi niya maipaliwanag ang male attraction nito. Kung tutuusin ay tila ito agila na parang laging sisila ng sisiw kung tumingin.
“Kung looks ang pag-uusapan ay higit kang magandang lalaki, Rolly.”
Natawa ang lalaki. “Thanks for the vote of confidence, Jasmin. But I don’t have his power and money.”
“Well, hindi mo kailangang magbilang ng girlfriend. Kung totoo ang nararamdaman ng babae sa iyo ay hindi mahalaga ang pera.”
Makahulugan siyang tinitigan ni Rolly.
Part 6
P AGKATAPOS siyang i-tour ni Rolly sa buong resort ay ihinatid siya ng lalaki sa apartment. Alas- singko pasado na halos nang maghiwalay sila. Sinabi nito na maliban sa coffee ay hindi libre ang pagkain para sa mga empleyado bagaman may employees price. Ipinayo nito na sa weekend ay mamili siya ng instant and canned foods.
Pagod sa biyahe at pag-iikot sa resort ay gusto nang magpahinga ng maaga ni Jasmin. Pumasok siya ng banyo at naligo. Hindi na siguro niya kailangang maghapunan dahil kaninang umiikot sila ay pina-merienda siya ni Rolly sa restaurant ng hotel.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang paglabas niya ng banyo ay inabutan sa loob si Nathaniel.
“A-ano’ng ginagawa mo rito?” Napahigpit ang hawak niya sa buhol ng tuwalya sa tapat ng kanyang dibdib. Hindi malaman kung aatras pabalik ng banyo. Sa halip ay tila siya ipinako sa kinatatayuan. Tumutulo pa halos ang buhok niya sa mga braso at binti.
Kung paano ang pagsuring ginawa niya rito kanina sa opisina ay ganoon din ang ginawa sa kanya ni Nathaniel ngayon. Nag-init ang mukha niya’t alam na namumula siya sa pagkapahiya. She is at a disadvantage dahil nakatapis lamang siya ng tuwalya.
Pagkatapos ng sa palagay niya ay mahabang sandali ay inihagis ng binata ang plastic na hawak nito sa sofa. Noon lamang niya napansing may dala ito.
“Uniform mo,” walang emosyong sinabi nito. “Hindi ko maintindihan kung bakit ibinigay sa iyo ni Rolly ang kuwartong ito gayung alam niyang dalawahan sa isang pinto. Sa dulo ay ang accounting clerk na babae at doon din nakabahay dati ang receptionist na pinalitan mo.”
Hindi siya makasagot dahil hindi niya alam kung bakit nga ganoon ang ginawa ni Rolly bagaman sinabi na nitong dala-dalawa sa isang pinto.
“So, my grandfather was charmed by a pretty face. Kaya marahil sa unang pagkakataon ay binali niya ang sariling batas na huwag kukuha ng empleyado sa labas ng bayang ito at mga karatig. Ngayon naman, ang supervisor ko,” sarkastikong patuloy ni Nathaniel.
Bumangon ang galit sa dibdib ni Jasmin sa ipinahihiwatig ng mga salita ng binata.
“Hindi ko alam ang batas na sinasabi n’yo, Mr. Cervantes, at hindi ko rin alam kung bakit dito ako dinala ni Rolly.” Bahagyang tumaas ang tinig niya. “And I did not use my face para lang mapunta rito!” paangil niyang dagdag.
Lalong nagdilim ang mukha ni Nathaniel. Minsan man ay wala itong natatandaang pinagtaasan ng tinig ng sinumang empleyado. Dito man o sa hacienda. At lalong higit kung babae.
“Ano ang relasyon mo kay Leon Fortalejo at ganyan ang tono mo sa ’kin?” May malisya ang tinig nito.
Sandaling nalito ang dalaga sa tanong na iyon. Relasyon? Iniisip ba ng lalaking ito na siya at si Don Leon ay…?
Lalong namula ang mukha niya. “You have no right to insinuate like that!” pagalit niyang sagot. “Your grandfather hired me at wala akong relasyon sa kanya maliban sa employer-employee relationship”
Muling napataas ang sulok ng mga labi ni Nathaniel. “Kung ganoon, Miss Cuevo, matuto kang gumalang sa boss mo! Wala kang karapatang pagtaasan ako ng tinig. I could easily throw you out of your job” mariing wika ni Nathaniel sa naniningkit na mga mata, “on your very first day here!”
Hindi kaagad nakakibo si Jasmin. May katwiran ito. Boss niya si Nathaniel at ano ba naman ang nakain niya’t nakawala na naman ng ganoon ang kanyang pagtitimpi?
Paanong sa dalawang pagkakataon ay nagpakita siya ng galit na iisang tao ang dahilan si Nathaniel. Ang una ay noong sabihin ni Don Leon na huwag siyang iibig dito.
Huminga siya nang malalim. “I’m sorry,” marahang wika niya na sinabayan ng yuko ng ulo. “Ililipat ko ang mga damit ko sa pintong sinasabi mo pag… pagkabihis ko.” At muli ay naalalang nakatapis lamang siya ng tuwalya. Nakadama uli siya ng pagkailang.
Isang mahabang katahimikan ang lumipas bago muling nagsalita ang binata. “It doesn’t really matter. You can stay here,” pagkatapos ay inikot ang mga mata sa loob ng silid. Napako ang pansin sa munting kuwadro ni Iris. Marahang humakbang patungo sa mesita at dinampot iyon, bumaling sa kanya.
“Sino ’to?”
“Si Iris… anak ko.” Bakit ganoon ang sinabi niya?
Nagsalubong ang mga kilay ni Nathaniel, Muling dumilim ang mukha. “May asawa ka na?”
Umiling siya at lalo nang nagkapatong-patong ang resulta ng sinabi niya. “Wala kang asawa pero may anak ka?” Muli siyang sinuyod ng tingin ni Nathaniel. “Ilang taon ka na?”
“Twenty one.”
Nagbuka ng bibig ang binata pero muli ring itinikom. Ibinalik ang larawan sa mesita at pagkatapos ay lumabas. Nakahinga nang maluwag si Jasmin.
Nagkamali siya ng sapantaha sa apo ni Don Leon. Noong balaan siya ng matanda tungkol sa apo nito, ang naisip niya ay isa itong gigolo type at spoiled na lalaki and willing to charm all the pretty ladies na makikilala nito, at na mahihirapan siyang itaboy ito tulad ng ibang manliligaw niya.
Oh yes, Nathaniel can charm almost all women and even the sun from the clouds if he wants to. Ang kuwestiyon, even if he doesn’t want to, women are being charmed by him. At kung hindi niya naisip agad ang kasinungalingang anak niya si Iris ay nanganganib na mapasama siya roon.
Part 7
KINABUKASAN ay nagsimula na sa trabaho si Jasmin. Filipiniana ang style ng uniform niya. At nakapagtatakang ang napili ni Nathaniel ay sukat na sukat sa kanya. Isang pencil cut na palda na kulay salmon at jusi ang blusa na may burda sa collar at manggas.
“Beautiful!” ani Rolly nang pumasok siya sa reception area.
“Thank you.”
“Ngayon ay hindi lang ang resort ang atraksiyon kundi pati ikaw” Hindi makaila ang paghanga sa mga mata nito.
Umirap siya. “Wala akong intensiyong maging atraksiyon, Mr. Magno.”
“But you are. At wala kang magagawa roon. Hindi mo ba napapansin na sa iyo nakatingin ang lahat ng male guests?”
Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang may pumasok na mag-asawang foreigner na bagong dating.
llang sandali pa ay kinakausap na ni Jasmin ang mga ito.
Pranses ang mag-asawa at ang babae ay hindi marunong mag-english. Sinamahan niya ang mga ito sa ikalawang palapag kung saan reserbado para sa mag-asawa.
Paglabas niya sa silid ng mga ito ay naroon si Nathaniel.
“So you speak french,” anitong bagaman pormal ang tono ay may kislap ng paghanga sa mga mata.
“Kaunti lang, iyong conversational “ sagot niya na gumanti ng ngiti sa isang guest na dumaan.
“Where did you learn to speak french?” patuloy ni Nathaniel na sinabayan na siya sa paglalakad.
“I took up European Language, French ang major ko “
“Why European languages?” Nagsalubong ang mga kilay nito nang tumingin sa kanya. Nasa bukana na sila ng hagdan at muli ay nginitian ng dalaga ang papanhik na dalawang male guests na nakatingin sa kanya.
“Pinangarap kong magtrabaho sa ibang bansa lalo na sa European countries,” sagot niya habang bumababa.
“And you ended in Paso de Blas, instead. Very ironic,” matabang na wika ni Nathaniel.
Nakadalawang baitang pa lamang sila ay may tumawag na naman kay Jasmin sa itaas. Ang isa sa mga male guest na nakasalubong nila. Sinabi nito sa kanya na hindi mabuksan ang pinto ng silid at bago pa nakapagsalita si Nathaniel ay nakapanhik na ang dalaga. Ngumiti at sinamahan ang guest sa silid nito.
Nagulat pa si Jasmin nang paglabas niya ay nasa lobby pa rin sa itaas si Nathaniel at naghihintay.
“What took you so long?” inis na wika nito. Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “Kinausap pa niya ako.”
“You don’t have to be that accomodating.” Nag-angat ng ulo ang dalaga sa tono ng lalaki. “Mr. Cervantes, it is my job.”
“Do not overdo it. Sa mga ganoong pagkakataon na nagrereklamo ang mga guest ng tungkol sa silid nila ay tawagin mo si Rolly. Trabaho n’ya iyon. Maliban na lang kung talagang gusto mong personal na i-entertain ang mga male guest ng resort”
Nanlaki ang mga mata niya sa nais ipahiwatig ni Nathaniel. At bago pa siya makapagsalita ng hindi mabuti ay minabuting tumalikod na lamang. Subalit naagapan ni Nathaniel ang braso niya.
“Kinakausap pa kita, Miss Cuevo! Wala kang karapatang basta na lang ako talikuran!” pagalit nitong sinabi. “Huwag mong gawin ang ganyang kabastusan dahil lang ang lolo ko ang nagpasok sa iyo rito! Madali kitang mate-terminate kahit na sino pang Poncio Pilato ang nagrekomenda sa iyo!”
“Terminate me then!” Ang gusto niyang sabihin pero agad na inawat ang sarili. Malaking bagay na matapos niya ang dalawang buwan sa resort na ito para sa kanilang magkapatid.
“I’m sorry…” mahinang sagot na lamang niya.
Kung anuman ang sasabihin ni Nathaniel ay hindi na niya malalaman pa dahil nasa bungad ng hagdan si Rowan.
“Nathaniel!” magiliw na tawag nito, nakatutok ang mga mata sa braso niyang hindi pa nagagawang bitiwan ng binata nang pigilan siya kanina. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.
Napuna niyang hindi ito nag-iisa. Sa likuran nito ay may isang lalaki’t babaeng nakasunod.
Hahakbang na sana siya pababa sa hagdan nang ngumiti at magsalita ang babaeng kasama ni Rowan. “Hello? Ikaw ba ang bagong receptionist? Ako si Jewel. Pinsan ko si Nathaniel. At ito naman si Bernard.” Nilingon nito ang kasamang binata.
Inabot niya ang kamay na inilahad ni Bernard. “Sana’y mag-enjoy ka rito,” nakangiting wika ng binata.
Ngumiti si Jasmin.
“Balita namin ay ang lolo ang nagrekomenda sa iyo. Paano ka napapayag ng lolo na iwan ang Maynila para sa trabaho mo rito?”
“Two months lang naman ako rito,” wala sa loob niyang naisagot sa palakaibigang tanong ni Jewel. Napansin ni Jasmin ang biglang pagbaling ng tingin ni Nathaniel sa gawi niya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” Kung may nakapuna sa bahagyang pagtaas ng tinig nito ay hindi niya masabi.
Nalito siya. “Ang ibig kong—”
“Bakit dalawang buwan ka lang dito?” nagtatakang putol ni Jewel sa sinasabi niya.
“Really?” Umaliwalas ang mukha ni Rowan na nakakapit na kay Nathaniel.
“This is a summer job” Pinilit niyang ngumiti at iniwasang magkasalubong ang mga mata nila ni Nathaniel. “I’m earning my tuition fee para sa next sem. May natitira pa akong dalawang semester, eh.” At least sa pagkakataong ito ay hindi siya nagsisinungaling.
Nagkibit ng balikat si Jewel. “Pareho pala tayo. After two months, balik escuelahan ako. Anyway, itu- tour ka namin ni Bernard sa buong Paso de Blas sa duration ng stay mo.”
Muli siyang ngumiti sa dalawa. “Salamat.” Humakbang na siya upang bumaba nang tuluyan. “Nice meeting you two!”
Pagkatapos ay natanaw niyang bumaba patungo sa dagat sina Jewel at Bernard para mag- swimming. Parang gusto niyang managhili.
Sana ay narito siya sa magandang resort na ito hindi bilang empleyado.
Noon ay malimit silang mag-out of town ng mama at papa niya tuwing summer. Bigla ang pagkadama niya ng lungkot para sa mga magulang. Pagkatapos ay sa bunsong kapatid. Sana ay narito rin si Iris. Makabubuti para sa bata ang klima.
Lumipas ang maghapon na hindi naging kabagot-bagot para kay Jasmin. At palibhasa’y simula na ng tag-init ay maraming tao ang dumating sa resort. Kalimitan ay mga reservation pa sa Maynila.
Nagpasiya siyang hindi na lamang maghapunan nang hapong iyon dahil pagod na pagod ang pakiramdam niya. Dumeretso na siya sa apartment. Sanay naman siya sa ganoon. Mas gusto niyang magpahinga na lamang kaysa kumain lalo na kung ganitong pagod siya.
Unang araw—she’s dead tired. Kaibang-iba sa trabaho niya sa Kristine Cement bilang clerk-typist.
Hinubad lang niya ang sapatos at stocking pagkatapos ay nahiga na sa ibaba ng bunk bed. Ang balak niya’y magpapahinga lang sandali at saka siya maliligo.
Halos naiidlip na siya nang biglang bumukas ang pinto ng apartment. Si Nathaniel. Napabalikwas siya ng bangon.
Part 8
“Empleyado mo nga lang ako pero siguro naman ay wala kang karapatang basta na lang pumapasok dito nang hindi man lang kumakatok!” pagalit niyang sinabi na ikinataas ng mga kilay ng binata.
“You should learn how to lock your door, Miss Cuevo. Ito ang ikalawang pagkakataong dumating ako rito na bukas ang pinto mo. Sa tingin ko ba’y tila lagi kang may hinihintay na papasok.”
One, two, three. nagsimula siyang magbilang sa isip kasabay ng pagpikit at pagpigil ng galit. The man is insuferrable!
Eight, nine, ten! “What do you want, Mr. Cervantes?” pormal at mahinahon niyang tanong.
“Pinuntahan kita sa dining room ng mga empleyado. Nagpasabi ka raw na hindi maghahapunan. Bakit?” Nakakahimig ba siya ng gentleness sa tinig nito? Imposible. Mula kahapon ay pinag-iisipan na niya kung ano ang hitsura ng lalaking ito kapag ngumiti.
“It’s my off-duty, Sir. Kung anuman ang gusto kong gawin sa oras na ito ay problema ko na,” aniya sa malamig na tinig.
“Miss Cuevo,” mariing wika ni Nathaniel. “Alam mo bang ikaw pa lang ang kauna-unahang empleyadong sumasagot sa akin ng ganyan at kumikilos ng tulad ng mga ginagawa mo? Maaring off-duty mo ngayon pero empleyado pa rin kita at nasa loob ka ng company premises. Isang simpleng tanong lang naman ang itinatanong ko sa iyo.”
Huminga nang malalim si Jasmin. Totoo ang sinabi nito. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at napakadali niyang mag-alma?
Mahinahon at madiplomasya siyang tao pero pagdating sa lalaking ito ay tila hindi niya makontrol ang sarili.
“I’d… rather rest,” mahinang sagot niya.
“Hindi mo kaya ang trabaho mo?” Pormal ang tono ni Nathaniel.
Umiling siya. “Hindi iyon. Hindi mo maitatangging maraming tao ang dumating ngayong araw na ito. I was still at the lobby even after six.”
Ilang sandaling hindi nagsalita si Nathaniel. Nakikita nito ang pagod sa kanyang mukha. Patunay na dinatnan nitong nakahiga ang dalaga nang hindi man lamang nakapagbihis.
“Bakit hindi mo sinabi sa aking dalawang buwan ka lang dito?”
“I didn’t think it would be necessary—”
“Not necessary?” Tumaas ang tinig nito. “Katungkulan mong ipaalam sa akin o kahit man lamang kay Rolly na summer job mo lang ito nang sa ganoon, ngayon pa lang ay makakahanap ng kapalit mo!”
“I’m sorry about that,” mahinahon niyang sagot. “I assumed na nasabi na iyan ni Mr. Fortalejo sa iyo.”
“Really?” tuya ni Nathaniel. “Ni wala kang file. You should have bothered to bring one. Kahit man lang ang bio-data mo. Out of nowhere ay basta ka na lang dumating dito.”
Ano ang sasabihin niya? Nasa main office ang file niya. Surely, alam ni Nathaniel iyon.
“C-can we talk about this tomorrow?” May pagsusumamo sa tinig niya. Hindi na sila nagtagpo ni Nathaniel nang hindi sila nagtatalo. Napapagod siya sa mga sandaling ito at gusto nang matulog.
“I’ll fill up the necessary data tomorrow.”
Tahimik na muling sinulyapan ni Nathaniel ang larawan ni Iris. Pagkatapos ay walang kibong lumabas.
Nag-alis ng damit si Jasmin at naligo. Pagkalabas niya ng banyo ay may kumatok. Si Nathaniel ba at muling bumalik?
“Sino iyan?”
“Si Nancy,” sagot ng nasa labas ng pinto. Nancy?
Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang pang-gabing waitress sa restaurant ng hotel, may hawak na tray na may isang basong gatas at sandwich. Pinapasok niya ito.
“Hindi ako nag-order—”
“Si Boss Nathaniel ang nag-utos na dalhin sa iyo ang pagkaing ito,” agap ng babae na makahulugang ngumiti. “Ang lakas mo, ha! ’Yong receptionist na pinalitan mo, maganda rin at sexy at wala nang ginawa kundi ang magpa-charming kay Sir pero hindi niya pinagkaabalahang pahatiran ng pagkain o pansinin man lang.”
“Thank you, Nancy. Ilagay mo na lang diyan sa mesa.” Hindi niya gustong makipagtsismisan sa babae tungkol kay Nathaniel.
“Mag-iingat ka, Jasmin. Pilyo sa chicks si Sir.” Hindi maawat ang babae.
Tipid siyang ngumiti. Lumakad patungo sa pinto at hinintay na lumabas ito. “Salamat uli, Nancy.”
Nagkibit ng balikat ang waitress at lumabas.
Tinitigan ng dalaga ang pagkain. Gusto na niyang magpahinga pero kung nandito nasa harap niya at nakahanda ay hindi niya sasayangin.
Dinampot niya ang sandwich mula sa platito nang mapuna niya ang papel sa ilalim ng napkin. Hinugot niya ito at binuklat. Ang nakalagay:
Be sure to eat this or you’ll be sorry.
Drat the man! Mabuti ang motibo pero nakakainis ang paraan.
Nagkibit siya ng balikat. Siguro ay may sariling paraan si Nathaniel to charm a woman. At aminin man niya o hindi ay talagang malakas ang atraksiyon ng lalaki.
She just have to be very careful na huwag mahulog sa charm at atraksiyon nito.
Part 9
N ANG sumunod na mga araw ay malimit na magkasabay sa pananghalian sina Jasmin at Rolly. Ayon dito ay umuuwi ng hacienda si Nathaniel kapag tanghali at kadalasa’y hindi na bumabalik dahil ang gawain naman sa hacienda ang inaasikaso.
“Ano’ng binabalak mong gawin sa day-off mo?” tanong ng binata. “Gusto mo bang samahan kita sa pamamasyal sa buong Paso de Blas?”
“Salamat, Rolly, pero hindi ko pa napag-iisipan ang gagawin ko sa Linggo. Ikaw, saan ka nakatira?”
“Sa bayan. Isa sa mga araw na ito ay gusto kitang anyayahan sa amin nang makilala mo naman ang mga magulang ko.” May kislap sa mga mata nito nang tumingin sa kanya.
“Hindi ka ba nag-iisip na pumunta sa Maynila para doon magtrabaho?”
Umiling si Rolly. “Alam mo bang sa bagay na ’yan ay magkasundo kami ni Nathaniel? Parehong walang atraksiyon sa amin ang Maynila. At saka, maayos naman ang kinikita ko rito at sapat para bumuhay ng pamilya.” Huminto ito sa pagsubo at tinitigan siya. Pagkatapos ay ipinatong ang palad sa kamay niyang nasa mesa.
“Sana’y humantong sa higit pa sa magkaibigan ang pagtingin mo sa akin, Jasmin.”
Ngumiti siya. “Salamat, Rolly, pero malayo diyan ang iniisip ko. Isa pa, pagkatapos ng dalawang buwan ay babalik na uli ako sa Maynila.” Gumuhit ang lungkot sa mukha ng binata. “Nasabi nga sa ’kin ni Nathaniel. Maybe I could persuade you to stay, Jas,” makahulugang wika nito.
“Gustuhin ko man ay hindi maari. May ibang dahilan kaya hindi ako maaring magtagal dito, Rolly.” Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom.
“May naghihintay sa iyo sa Maynila?” alanganing tanong nito.
“Mayroon at ang totoo nga niyan ay hindi ko siya gustong iwan. Kung maari nga lang ay isama ko siya rito.”
Nag-ulap ang mga mata ng binata. “May boyfriend ka na?”
Bahagya siyang natawa. “Hindi. Si Iris ang tinutukoy ko. Ang… anak ko. She’ll be one year old next month.” Hindi niya gustong magsinungaling sa lalaking ito na una niyang naging kaibigan kaya kailangang pangatawanan niya ang nasabi nang kasinungalingan kay Nathaniel.
“May anak ka na?” Malinaw na malinaw ang pagkabigla sa mukha ni Rolly. “Pero ’di ba at dalaga ka?”
Gusto niyang matawa sa biglang pag-asim ng mukha ni Rolly.
Si Nathaniel ay kinakitaan lang niya ng bahagyang kalituhan.
Pero si Rolly ay disgust ang nakikita niya sa mukha.
“Unusual pa ba ang gano’ng pangyayari ngayon, Rolly?” aniya na bahagyang ngumiti.
“Napakabata mo pa.” May panghihinayang sa tinig nito. “Maaga kang…” Hindi nito itinuloy ang sasabihin. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nagalit si Jasmin sa gustong ipahiwatig nito, pero sa kasinungalingang sinabi niya, she deserved it.
“Nangangahulugan ba iyon, Rolly, na nabawasan na ang pagtingin mo sa akin bilang kaibigan?”
Eksaheradong umiling ang lalaki. “Aba, hindi! Uso naman ngayon ’yan, ’di ba? Pre-Marital sex.” May malisya na sa mga mata nito nang titigan siya. Ang paggalang sa mga mata nito no’ng una ay nahalinhan ng paghahangad.
Lihim na napailing ang dalalga. Some men are judgemental. Ni hindi man lamang nito tinanong kung paano siyang nagkaanak.
Oh well, mabuti na rin iyon nang hindi maragdagan ang kasinungalingan niya.
“And I’m really wondering now, Jas, kung bakit tinanggap ka ni Don Leon. Mahigpit ang pamantayan ng matandang iyon sa moralidad ng mga empleyado niya. Ganoon din si Nathaniel.” Halatang may malisyang hinala ang nabuo sa isipan nito.
“Really?” sarkastikong tanong niya. “But what about his reputation with women?”
“Ang mga babaeng tinutukoy mo ay hindi ang uri ng babaeng pahihintulutan ni Don Leon na ipanhik ng apo niya sa Villa Kristine. Kung saka- sakaling mag-aasawa si Nathaniel, natitiyak kong sa isang marangal na babae.”
Tumaas ang isang kilay ng dalaga. “May dalawang uri ng pamantayan kung ganoon, ha? He doesn’t mind involving himself with some women as long as these kind do not become his wife,” paismid niyang sinabi.
“Tama lang na ang babaeng bibigyan mo ng iyong pangalan ay malinis, ’di ba?” ani Rolly.
Bahagya lamang siyang tumango pero mas gusto niyang mapailing. The male chauvinist!
Part 10
KINABUKASAN ay muling dumating si Jewel. Ito ang ikatlong pagkakataong nagpunta ang dalagita sa hotel mula nang unang araw na magkita siya.
“Hi! Nag-iisa ka yata ngayon,” salubong niya.
“Yap.” Ikinawit nito ang braso sa kanya. “Halika sa bar. Mag-usap tayo doon.” Inakay siya nito at naupo sa stool. “Castro, bigyan mo kami ng paborito kong punch.” Utos nito sa bartender na agad sumunod.
“Ano ang masasabi mo kay Bernard?” agad na tanong ng dalaga.
Napataas ang isang kilay niya. “Twice ko pa lang siyang nakatagpo kaya hindi ko kayang sagutin ’yan.”
“Kahit na! Kahit papaano ay may mabubuo ka ng opinyon para sa tao,” tila batang pilit nito. “Guwapo at tahimik.”
Huminga nang malalim si Jewel. “Sobrang tahimik na hindi ko na nga maintindihan,” pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Inabot nito ang punch at bahagyang uminom. “Kalimutan natin si Bernard. Si Nathaniel ang pag-usapan natin. Ano ang masasabi mo sa pinsan ko?”
Muntik nang masamid sa punch si Jasmin lalo at matapang ang pagkakatimpla ng gin. “Ano ang masasabi ko, de wala.”
“Don’t you find him attractive?”
“Maybe. Pero hindi ko siya type.” Sinabayan niya ng kibit ng mga balikat. Nagsisinungaling na naman ba siya?
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng dalaga. “Hindi type? Si Nathaniel? You must be kidding, Jas. Ikaw pa lang ang babaeng nagsabing hindi type ang pinsan ko.”
Nagkibit siya ng balikat. Hindi niya gustong makipag-usap sa ibang tao tungkol kay Nathaniel.
“Alam mo bang mayroon akong dalawang paboritong lalaki? Ang isa, ang brother-in-law ko, si Marco. You should meet him, he’s older than Nathaniel. Nasa Maynila sila ngayon ng sister ko, si Emerald.”
“At ang ikalawa ay si Bernard,” dugtong niya. Umiling si Jewel. “Let’s leave Bernard out of this. He’s something special. Ang pangalawang ibig kong tukuyin ay si Nathaniel. He might be very overbearing but really, I like him. So, you see, my most favorite men in the world ay ang pinsan at ang bayaw ko.”
Natawa si Jasmin. “Hindi patas ang laban.” “Maybe, and a lot of people would agree with me. At ikaw lang ang kakaiba ang opinyon. Imagine, hindi mo type si Nat. Talaga ba?” Hindi makapaniwalang ulit ng dalaga.
“Ano’ng ibig sabihin ng hindi ako type, Jewel?” Si Nathaniel na hindi nila namalayan ang paglapit mula sa likod.
Muntik nang matapon ang laman ng baso ng inumin ni Jasmin.
“It is very refreshing to know, Nat, na may isang babaeng hindi ka type, our friend, Jasmin,” nakangiting wika ng dalaga.
“She doesn’t have to. Empleyada siya rito and as such must behave and act like one. Halimbawa, bakit ka narito sa bar, Miss Cuevo? Umiinom during duty hour? Is this on the house?” sunod-sunod na pagsita ni Nathaniel.
“Don’t be a spoilsport, Nat. Punch lang ’yan at ako naman ang nagyaya kay Jasmin dito na samahan akong uminom.”
“Knowing your punch, Jewel, mas gusto kong isiping nakalalasing ’yan. Oras ito ng trabaho. Hindi dapat uminom si Miss Cuevo na tila guest ng hotel.”
“Tama si Mr. Cervantes, Jewel. Oras ng trabaho ko ngayon at hindi naman ako guest. I guess, I have to pay my drinks.” Binalingan niya si Castro. “Magkano ang punch na ito, Castro?”
“Itago mo ang pera mo, Miss Cuevo. Marami ako niyan. Hindi nga ba at pera ko ang ipinasusuweldo sa iyo?” panunudyo ni Nathaniel.
“But I am just an employee, Mr. Cervantes. Kung hindi ko babayaran ang nainom ko ay baka pagmulan ng hindi magandang usapan ng ibang empleyado, ’di ba?” Naghahamon ang tinig niya.
“For goodness sake, Jas, hindi ko binabayaran ang iniinom at kinakain ko rito. Treat ko ’yan. Huwag mong intindihin si Nathaniel,” pamamagitan ni Jewel.
“All right, Miss Cuevo, bayaran mo ang punch na iyan.” Nagbigay ng halaga si Nathaniel na ikinalaki ng mga mata ni Jewel dahil presyong pang-guest talaga ng sinabi ni Nathaniel, na lubhang mahal.
Hindi natigatig si Jasmin. Kalmante siyang bumaba sa stool at lumakad patungo sa reception desk kung saan naroon ang bag niya. Mula roon ay kumuha ng pera at bumalik sa bar.
“Here, Mr. Cervantes.” Inilapag niya ang pera sa tapat ni Nathaniel. “Isinama ko na rin diyan ang halaga ng milk and sandwich na dinala ni Nancy days ago.” Deretsong tinitigan niya ang binata na bigla ang pagtatagis ng mga bagang sa kanyang ginawa.
“Excuse me, Sir, babalik na ako sa lobby.” Alam niyang nakalusot siya kay Nathaniel sa pagkakataong ito dahil naroon si Jewel.
Pagalit na pumasok ng opisina si Nathaniel, kasunod si Jewel.
“Napikon ka dahil sinabi niyang hindi ka niya type?”
“Come off it, Jewel! Who cares kung type ako ng babaeng ’yon o hindi?” Pagalit itong naupo sa swivel chair. “You saw how she mocked me!”
Naupo sa gilid ng mesa ang dalaga. “She’s a challenge, isn’t she, Nat? Ngayon ka lang nakatagpo ng babaeng sa halip na hugis-puso ang itim na mga mata ay hostility ang naroon,” tukso ni Jewel.
“She challenges me much more, Jewel, at mawawalan siya ng trabaho nang wala sa oras.” Umiling-iling ang binata. “She probably thought na dahil rekomendado siya ng lolo, she’s already untouchable.”
“She doesn’t look like it. Imahinasyon mo lang ’yon dahil tumatayo siya sa iyo. I really hope, dear cousin, that you’ve finally met your match. I like her kung kay Rowan din lang na tila tuko kung makakapit sa iyo.”
“You know what, young lady, isa sa mga araw na ito ay padadapain kita!”
Jewel laughed and blew a kiss at pagkatapos ay lumabas ng silid.
Part 11
MAAGANG gumising si Jasmin kinalingguhan. Plano niyang baybayin ang puting buhangin.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. Blue jeans and white T-shirt and rubber shoes. Pagkatapos ay kinuha sa maleta ang malaking drawing pad at colored pencils.
Pinili niya ang daan sa likuran ng resort kung saan walang gaanong tao. Bagaman karamihan sa mga guest ay uuwi ngayong araw na ito ay marami pa rin siyang nakikita sa baybayin. Ang iba ay nagwi-wind surfing.
Mahigit limang minuto na siyang naglalakad at wala na siyang matanaw na mga tao. Malayo na ang kinaroroonan niya mula sa resort bagaman tanaw niya ang hotel.
Paikot ang bahaging iyon ng dagat na puro nagtatayugang niyog at mga malalaking puno at masukal na gubat ang nasa paligid.
Naupo siya sa buhangin at nagsimulang mag- sketch. Lahat ng mga baguhang art student ay nagsisimulang gumuhit ng panoramic view. Sana ay magkaroon siya ng tsansang kumuha ng fine arts. Napailing siya. Kung ang foreign Languages nga niya ay dalawang semester pa ang kulang.
May ilang minuto na siya sa pagguhit nang mula sa opposite side ng baybayin ay gulantangin siya ng mga yabag ng kabayo. Nag-angat siya ng ulo.
Si Nathaniel!
Sunod-sunod ang pagtahip ng dibdlb niya. Kung hindi man niya naiintindihan noon ang kahulugan ng salitang ‘Poetry in motion’ ay alam na niya ngayon.
Nasa ibabaw ng malaki at magilas na kabayo ang binata. The graceful and fluid joining of man and beast na ang pinaka-backdrop ay ang kalikasan almost took her breath away!
Ilang dipa mula sa kinauupuan niya ay huminto ang kabayo. Pagkatapos ay bumaba ang binata. Tulad ng dati, ilang butones ng polo nito ang nakabukas na nagpapaaninag sa matitipunong dibdib nito. Mamasa-masa ang mahabang buhok na marahil ay galing sa shower.
“Hindi ka dapat lumayo. Hindi mo kabisado ang lugar na ito”
“Mapanganib ba ang nasasakupan ng lupain ninyo, Mr. Cervantes?” May bahagyang panunuya ang tinig niya.
Why can’t this man leave her alone?
Marahang humakbang papalapit si Nathaniel habang nagsasalita. “Depende kung aling panganib ang gusto mong tukuyin. Kung sa mga hayop ay hindi. Hindi ka naman naliligo kaya hindi ka nanganganib malunod. Pero may mga taong masahol pa sa hayop kung umasal, Jasmin.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinambit nito ang pangalan niya.
But you’re more dangerous than any man and beast combine, Nathaniel! bulong ng isip niya. The man is dangerously attractive.
“And your joining me here means I’m safe?”
Naroon pa rin ang sarcasm sa tinig niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Gusto lang kitang balaan. Isa ka sa mga empleyado at baguhan sa lugar na ito.” Sinulyapan nito ang ginagawa niya. “You have so many talents, Jasmin.”
Huminga siya nang malalim at itiniklop ang drawing pad. “I don’t want to be rude, Mr. Cervantes, pero babantayan mo ba ako rito?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ng binata. “You were always rude, Jasmin,” deretsong sinabi nito. “And oftentimes, sinasadya mong maging bastos. Maganda ang motibo ko nang padalhan kita ng pagkain no’ng unang gabi ng trabaho mo. Ilang beses ko nang pinag-isipang tanggalin ka sa t trabaho. Kaya lang, binibigyan ko ng timbang na dalawang buwan ka lang naman dito. But if you try to push me to my limit ay baka hindi mo matapos ang dalawang buwang iyan. Tulad ngayon, laging may sarcasm ang tono mo “
Nagyuko siya ng ulo. “I’m sorry…”
“May kabuluhan pa ba ang salitang ’yan sa iyo? Kay-daling lumalabas sa bibig mo ang salitang iyan. Sa loob ng linggong ito ay ilang beses mong ginamit sa akin ’yan?”
Muli siyang tumingala rito. “All right, will you forgive me then?”
Naupo sa tabi niya si Nathaniel. Malapit na malapit. Gusto niyang umusog kung hindi lang siya magmumukhang gaga.
“I’ll forgive you. But only after this…” Napasinghap siya nang itaas ng binata ang isang kamay nito at ihawak sa batok niya.
Nang akma niyang alisin ito ay hinawakan naman ng binata ng isang kamay nito ang braso niya’t mahigpit siyang kinabig. Pagkatapos ay siniil siya ng halik.
Matitinag niya marahil ang China Wall pero hindi ang dibdib ng lalaki.
His lips parting hers. And she could not even struggle dahil tila bakal ang mga braso nito sa kanya. Napakahigpit ng pagkakayakap nito na sa tantiya niya, kung magtatagal pa ay baka mamuo na ang dugo niya sa katawan at hindi makadaloy.
Pagkatapos ay binitiwan siya nito. “Now, you’re forgiven,” he whispered in a ragged breathing.
Hinabol niya ang paghinga. Pagkatapos ay nanlilisik ang mga matang tumingin dito. “Hindi kita maintindihan! You change roles to suit your very moods. Sa nakalipas na mga araw, you were the most formidable employer. Kanina, you approached me as a man, then like a flash of lightning, para kang… para kang…”
“A lover?” dugtong ni Nathaniel sa naaaliw na tinig. Tumayo ito at pinagpag ang buhangin sa pantalon. Inabot ang kamay sa kanya. “Halika, maglakad-lakad tayo sa tabing-dagat “
“Who’s talking now?” Inabot niya ang kamay nito at nagpahila patayo. Siya man ay nagpagpag ng buhangin mula sa pantalon. “Ikaw, bilang boss ko o you’re inviting me as a man?”
“Depende sa ’yo. Kung nagmamatigas ka and again be rude, uutusan kita bilang employer mo. Pero kung magiging maamo ka at masunurin, I’m asking you as a friend.” Ngumiti si Nathaniel.
Pinigil ng dalaga ang mapasinghap. If the man was attractive when he was hostile ay lalong higit kapag nakangiti.
How could any woman resist this man?
Muling ginagap ni Nathaniel ang palad niya. Pinisil at dinala sa mga labi nito at hinagkan. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay.
“Don’t flirt with me, Mr. Cervantes. I’m not one of your women.”
“Nathaniel ang pangalan ko, Jasmin. At ano ang ibig sabihin ng sinabi mong ’yon?” amused nitong tanong habang marahan silang naglalakad.
“I know your reputation when it comes to women, Mr. Cervantes—” Bahagya siyang napatalon at di-sinasadyang napahawak sa braso ng binata nang abutin ng munting alon ang mga paa niya na bahagyang bumasa sa kanyang pantalon.
“Really?” Tumaas ang mga kilay nito. Sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok patalikod. Hindi mapigilan ang mapangiti. “At hindi mo ako type, ganoon ba?”
“W-well… y-yes.” Eh, bakit siya nauutal?
“You are very young pero may anak na. How did it happen?
“Wala kang pakialam sa personal kong buhay!” angil niya.
“Now, you’re rude again. Nakikipag-usap lang ako. Pagdating sa iyo, my grandfather broke all rules and regulations ng kompanya. Partikular siya sa moralidad ng mga emleyado ng Kristine companies.”
“Which is very ironic dahil ang mismong sariling apo ay—”
“Ay ano?” Napahinto sa paglakad si Nathaniel at hinarap siya. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mong ipahiwatig sa sinasabi mo. You’ve been listening to rumors. Ganoon pa man, tinitiyak ko sa iyong hindi ako katulad ng ama ng anak mo. Hindi ako tumatalikod sa responsibilidad!”
“Wala kang karapatang magsalita ng ganiyan sa… sa ama… ni Iris!” pagalit niyang sinabi sa pagtatanggol sa kanyang papa. “Hindi siya tulad mo, tama ka. Dahil marangal siyang tao!”
“Bakit ka niya iniwan kung gano’n? Bakit pinabayaan niyang balikatin mong mag-isa ang pagbuhay sa anak ninyo? At bakit pinatulan ka niya gayong hindi ka pa halos humihiwalay sa kabataan mo?” Nagtatagis ang mga bagang nito.
Marahang tumango ang dalaga. May namuong luha sa mga mata niya. “Yes, iniwan niya ako… kami ni Iris and I missed him so much.” Gumaralgal ang tinig niya. “Pero hindi niya ako iniwan tulad ng iniisip mo. He… died.” Hindi niya mapigil ang mahinang paghikbi. Sariwa pa ang alaala ng pagkamatay ni Dante. Hindi pa man halos siya nakaka-recover sa pagkawala ni Alicia.
Hindi nakakilos sa kinatatayuan si Nathaniel. Hindi makaapuhap ng sasabihin. Inabot nito ang dalaga at kinabig sa dibdib. Subalit umiwas si Jasmin. Hindi niya kailangan ang simpatiya ng lalaking ito.
“Just leave me alone, Mr. Cervantes! Just leave me alone!” At mabilis siyang tumalikod pabalik sa pinag-iwanan ng mga gamit.
Nanatiling nakatayo si Nathaniel habang hatid siya ng tanaw.
Part 12
NANG gabing iyon ay hindi agad umuwi si Rolly at sumama sa kanya sa apartment. Hindi niya maitaboy ang lalaki dahil magalang naman.
“Wala man lang akong maialok sa iyo, Rolly,” aniya na inilahad ang mga kamay. “It’s no use na magbibili ng mga instant good and drinks dahil nakakabili naman tayo n’yon sa hotel “
“Okay lang, Jas. Halika, maupo ka rito sa tabi ko.” Itinuro nito ang sofa. May himig ng intimacy sa tinig nito pero hindi binigyang pansin ni Jasmin. Naupo siya sa tabi nito.
Itinaas ng lalaki ang braso at ipinatong sa sandalan. Sa biglang tingin ay nakaakbay ito sa kanya. Na parang ganoon na nga dahil inaabot nito ang balikat niya at pinisil.
“it was a tiring day, ’di ba?” Pagkatapos ay ibinaba na talaga nito ang braso sa balikat niya. “Come closer” bulong nito.
Inalis niya ang braso ng lalaki. “Please, Rolly…”
“Don’t be coy, Jasmin! Ano ba naman ang masama sa kaunting hawak? We both need it lalo na’t ganitong pagod tayong pareho.” At muling itinaas ang braso subalit sa pagkakataong iyon ay sa baywang niya ikinapit.
“Rolly, ano ba?” Mabilis siyang tumayo upang umiwas subalit nakasunod agad ito na nananatiling nakahawak sa baywang niya.
“Stop behaving like a prudish virgin, Jas. May anak ka na’t lahat ay ganiyan ka pa rin. Let’s make the most of your stay here.” At niyakap siya nito.
Umigkas ang kamay ng dalaga at sinampal ang lalaki.
Gulat na napahawak sa pisngi si Rolly. “Ba’t mo ginawa ’yon?”
“I am sorry but you are going over the line,” pormal niyang sagot.
“Are you playing hard to get, Jasmin?” Nag-igting ang mga bagang nito. “O, baka naman mas type mo si Nathaniel? Napupuna ko ang malimit mong pagsulyap sa kanya. Oh, well, he’s rich at malaking atraksiyon iyon pero hindi ka papansinin n’yon dahil kay Rowan. But i can be a very good substitute. You won’t regret it.” Muii siyang niyakap nito at pilit na hinahalikan.
Nagpumiglas ang dalaga at iniwas ang mukha kaya sa pisngi niya dumapo ang halik ni Rolly.
Noon bumukas ang pinto at sumungaw si Nathaniel. “Ano ang ibig sabihin nito? Am I interrupting something?” Marahas nitong tanong na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Hindi agad nakaapuhap ng sasabihin si Jasmin. Si Rolly ay nagkibit ng balikat at tumingin sa kanya. “Saka nalang tayo mag-usap uli, Jas.” Ipinahiwatig ng tono ng boses nito na may relasyon sila. Sandaling tumango ito kay Nathaniel bago lumabas nang tuluyan.
“Well, well… my supervisor and my receptionist,” tila patalim na humiwa ang tono ni Nathaniel.
“Nagkakamali ka ng iniisip…” mahinang sagot niya.
“Really, Jasmin? Paano mo ipaliliwanag ang nakita ko?” Nakikita niya ang galit na pinipigil ng binata. Ang malisya sa mga mata nito.
“Hindi ko kailangang magpaliwanag!” pagalit niyang sagot. Isipin na nito kung ano ang gustong isipin at wala siyang pakialam. “You can get out, Mr. Cervantes! All right, this is your property but this is my home while I’m working here!”
Subalit hindi siya pinansin nito. “Kung ipagtulakan mo ako sa beach at iwasan nitong mga huling araw ay tila may sakit akong nakakahawa.” Marahas siyang niyakap ni Nathaniel, tila bakal ang mga braso nito sa katawan.
Napangiwi siya dahil sa higpit ng pagkakayakap nito.
“Ito ba ang gusto mo, ha? “ Malupit ang mga labing bumaba sa kanya. Halos sumusugat sa mga labi niya.
Sinikap niyang manlaban subalit habang ginagawa iyon ay lalong humihigpit ang pagkaka-yakap nito at halos hindi na siya makahinga.
From one man to another! At iisa ang iniisip; masama siyang babae. At isiping kaya niya sinabing anak niya si Iris ay para matanim sa isip ng mga ito na hindi na siya available;
At nang inaakala niyang mauubusan na siya ng hininga ay saka bumitaw si Nathaniel.
“You’re a bitch!” bulong nito sa pagalit na paraan.
Napaupo siya sa sofa. “Iwanan mo na ako and you can keep your charming of me to yourself.” Pormal ang tono niya bagama’t bumaba-tumaas ang kanyang dibdb.
Tinitigan siya ng binata pero hindi siya nag-angat ng ulo.
“Ang dahilan kaya ako narito ay dahil gusto kang makausap ni lolo. Nasa villa siya, dumating kaninang bago mag-alas singko.”
Napatingala ang dalaga, nasa mga mata pa ang galit, then confusion na sandaling nawala—and there was only anger.
“Hihintayin kita sa parking area in ten minutes,‘’ sabi ni Nathaniel at mabilis na lumabas ng apartment.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmin. Wala siyang balak sumama kay Nathaniel patungo sa tahanan nito ngunit wala siyang magawa dahil sa kaalamang naroroon na si Don Leon at gusto siyang makausap.
Pumasok siya sa banyo at naglinis ng katawan in record time. Nagsuot ng mahabang paldang hawaiian print na may ganoon ring blusa na hanging style. Sinuklay ang buhok patalikod at itinali ng goma. Maliban sa bahagyang lipstick ay wala na siyang inilagay sa mukha. Dinampot ang shoulder bag at lumabas.
Part 13
Nakabukas ang passenger’s, door ng pick-up at pumasok siya. Tinitigan siya ni Nathaniel.
“Minadali ba kita at hindi mo nakuhang mag-make-up?”
Umiling siya. “Kailangan ko bang mag-make- up sa pupuntahan natin?” Malamig pa sa yelo ang tinig niya.
“I like you better without it. You look like a baby.” Ini-start na nito ang ignition ng sasakyan.
Obviously, it was a compliment. Pero wala siyang balak na sagutin ito. She’s tired and weary sa nangyari kani-kanila lang. Sumandal siya at pumikit. Kung gaano katagal siya sa ganoong ayos ay hindi na niya alam.
Isang damping halik sa mga labi ang nagpagising sa kanya.
“Here we are, sleeping beauty,” bulong ni Nathaniel na ang paghinga’y humaplos sa mukha niya.
“H-have I slept?”
Ngiti ang isinagot ng binata. “Sabi nila, reckless akong driver. I almost believed them. Pero nang makatulog ka’y may palagay akong nagsisinungaling sila.”
“I’m sorry, I slept on you. Gaano tayo katagal nagbiyahe?” Hindi pamilyar ang tanawing nakikita niya sa paligid na naaaninag lamang sa bahagyang ilaw na galing sa balkonahe ng villa.
“Twenty five minutes.” Lumabas ito, umikot sa bahagi niya, binuksan ang pinto at inalalayan siya palabas.
Si Jewel ang sumalubong sa kanila sa may portico. “Mabuti naman at nakarating ka rito. Noon ko pa sinabi kay Nathaniel na imbitahin kang mag- dinner dito sa amin”
Hindi niya gagawin iyon , bulong ng isip niya. Tanging marangal na babae lamang ang nais ipanhik ni Nathaniel sa bahay nito.
“Hello, hija…” nakangiting bati ni Margarita. “Ako si Margarita, ang mama ni Nathaniel. At ito naman ang esposo ko, si Josef.” Nilingon nito ang asawa sa tabi na inabot ang kamay sa dalaga.
Tamang-tama ang dating ninyo. Nakahanda na ang hapunan. Naroon na ang papa sa komedor,“ ani Josef. “Halina kayo.”
Umalis sa pagkakaupo sa kabisera si Don Leon nang pumasok sila.
“Jasmin, hija…” bati nito.
“Magandang gabi po!”
Katabi niya si Jewel habang katapat naman si Nathaniel na pasulyap-sulyap sa kanila ni Don Leon. Maliban sa kaswal na usapan at tanong tungkol sa trabaho niya ay wala nang importanteng sinabi ang matanda. Napalagay ang loob niya sa mama at papa ni Nathaniel. Si Jewel ang malimit gumawa ng mapag-uusapan at malambing sa lolo.
Pagkatapos kumain ay naunang tumayo si Don Leon. “Sumama ka sa akin sa library, Jasmin. May pag-uusapan tayo.”
“’Lo, confidential ba iyan?” Si Jewel na kumapit sa braso ng don.
“Hindi, nieta, pero gusto kong makausap nang sarilinan si Jasmin “
Inilapat ng Don ang pinto ng library at itinuro sa kanya ang sofa. “Maupo ka, hija. Make yourself comfortable.” Naupo rin ito at nagsindi ng tabako.
“M-may sasabihin kayo sa akin?”
Nagbuga ng usok ang don bago nagsalita. “It is about your sister, hija.”
Napatayo ang dalaga. “Si Iris! B-bakit ho? May nangyari ba sa kapatid ko?” nag-aalala niyang tanong.
“Calm down, Jasmin. Naayos ko na ang lahat.” Muli siyang sinenyasan na maupo. “Five days siyang naka-confine sa Makati Medical—”
“Five days! Bakit hindi itinawag ni Manang Denang sa akin? Ano ang—”
“I said calm down,” agap ng matanda sa awtorisadong tinig.
Bumalik sa pagkakaupo si Jasmin.
“Lumabas na siya kahapon. Sadya kong sinabi kay Denang na huwag ipaalam sa iyo upang hindi ka mag-alala. I have taken care of everything.”
Meaning, pati na ang hospital bills. Kung five days na naka-confine sa ospital si Iris, tiyak na hindi biro ang halagang nagastos sa kanyang kapatid. Kulang pa marahil ang dalawang buwang suweldo niya sa hotel.
“K-kumusta na ang kapatid ko?” pahikbi niyang tanong. Gusto niyang umuwi ngayon din para makita ito.
“Mabuti na siya, Jasmin. Ipanatag mo ang iyong loob. Pinagpasiyahan kong huwag ipaalam sa iyo dahil tiniyak naman ng mga doktor na agad ang paggaling niya. May sinabi ang mga doktor na tumingin sa kanya tungkol sa puso ng kapatid mo. Alam mo ba iyon?”
Tumango siya.
“And that she also needs an operation kung hindi ay manganganib ang buhay ng kapatid mo?”
Muli siyang tumango.
“Naitanong ko ang halaga ng magagastos sa operasyon ni Iris, hija. And surely, para sa isang sanggol na tulad ng kapatid mo ay kailangan niya ng isang espesyalista?”
Muli na naman siyang tumango. Bakit ganoon na lamang ang interes ng matanda sa kanilang magkapatid?
“Sinabi rin sa akin ng mga doktor na mula ngayon hanggang sa panahong maari na siyang operahan ay maari siyang maglabas-masok sa ospital—”
Napatingin siya sa matanda “Bakit ninyo sinasabi sa akin ang mga ito? Alam ninyong alam kong lahat ang kondisyones ng kapatid ko,” nalilitong tanong niya.
Nag-alis muna ng bara sa lalamunan ang don bago muling nagsalita. “I have a proposition to make, hija, and I hope you will be wise enough to make a choice. Tumingin ito ng deretso sa kanya. “Mula sa araw na ito ay sasagutin ko ang anumang hospitalization expenses ni Iris pati na ang magagastos sa operasyon sa kanya sa isang taon…”
“On what condition?” kinakabahang agap niya.
“That you marry my grandson, Nathaniel,” kalmanteng sagot nito na para bang ordinaryong bagay lamang ang sinabi.
Hindi makapaniwala sa narinig ang dalaga. “A-ano ho?”
“Pakakasal ka kay Nathaniel, Jasmin “ Kalituhan ang gumuhit sa mukha niya. “P-pero… didn’t you warn me not to fall for him. Hindi ko maintindihan ito. B-bakit ako?”
“Kalimutan mo ang sinabi ko sa iyo noon. Ang sinasabi ko ngayon ang pagtutuunan mo ng pansin.” Sa mahinahong tinig nito ay muling nade-detect ni Jasmin ang katigasan ng desisyon.
“Pero bakit? Alam ba ito ni Nathaniel? Sa pagkakaalam ko, may current girlfriend ngayon ang apo ninyo”
“Mga walang kuwentang babae!” Tumigas ang mukha nito. “That will be stopped once you are married. Walang alam si Nathaniel sa plano ko. Pero kakausapin ko siya pagkatapos nating mag-usap.”
“W-why me?”
Lumambot ang mukha ng don nang tumingin sa kanya. “You’ll make a good wife for my nieto, Jasmin.”
Umiling ang dalaga. “Naguguluhan ako. Hindi ko kayang pag-isipan ang iniaalok ninyo.”
Huminga nang malalim ang don. “I am only telling you these things, hija. But I am not giving you a choice.”
Napaangat siya ng mukha at tumingin dito.
“Huwag na nating ilahad ang mga disadvantage kung hindi mo tatanggapin ang alok. It would be a waste of time. But I’m telling you this, paano mo babayaran sa akin ang halagang ginastos ko sa ospital? Plus the daily medication ng kapatid mo na nabili ko ng lahat?”
“M-maaari kong ipagbili nang tuluyan ang bahay at lupa namin,” mabuway niyang sagot.
“Mahihirapan ka,” maikling sagot ng don na punumpuno ng kahulugan.
Nanlaki ang mga mata niya. Gagamitin ba ng matandang ito ang impluwensiya upang hindi niya magalaw ang bahay at lupa nila?
“This is blackmail!”
“An honorable one. What do you have against my grandson?”
Umiling siya. Kahit na sinong babae ay hindi magdadalawang-isip na maging asawa ni Nathaniel.
“Precisely, hija,” patuloy ng don na tila nahulaan ang iniisip niya. “If and when na gusto mong magpakasal sa ibang lalaki, natitiyak kong mahihirapan kang makatagpo ng isang tatanggapin pati ang responsibilidad mo sa iyong kapatid. Idagdag pa si Denang na natitiyak kong hindi mo basta-basta na lang maisasatabi.”
It was smoothly and shrewdly said. Kung makadarama siya ng panlulumo ay hindi niya matiyak.
“Ano na lang ang sasabihin ng apo n’yo?”
“Ako ang bahala kay Nathaniel, hija. Tulad mo ay hindi siya makatatanggi.”
Itatanong sana ng dalaga kung ano ang ibig nitong sabihin nang may sumagi sa isip niya.
“Ang pagkakaalam ni Nathaniel ay anak ko si Iris.”
Namilog ang mga mata ng don. “Sinabi mong anak mo si Iris?”
“Hindi ko maintindihan kung bakit ko nasabi at pinangangatawanan ko na.”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng matanda. “I think I like this,” wika nito na yumuyugyog ang balikat sa pagtawa. “Hayaan mong iyon ang manatili sa isip ni Nathaniel, hija. Hayaan mong siya ang makatuklas ng totoo sa sandaling makasal kayo.”
Pinamulahan siya ng mukha sa gustong tukuyin ng matanda. “Duda akong papayag si Nathaniel na pakasalan ako. Ang tingin sa akin ng apo ninyo ay… masama akong babae.”
“It would be a pleasant surprise, Jasmin.”
“Hindi ko talaga ’to naiintindihan, Don Leon…” naguguluhang wika niya. “Bakit ako ang napili ninyo? What do I have to offer your son?”
Ngumiti ang matanda. “Hindi mahirap mahalin si Nathaniel, hija, sa kabila ng notoriety ng apo ko. Nakita ko ang mga sulyapan ninyong dalawa kanina. Marahil ay pareho kayong hindi aware do’n. Magandang senyales ’yon. At kung bakit ikaw ang napili ko? I believe in instinct, Jasmin, maliban pa sa mahusay akong tumingin ng karakter ng tao. Magiging maligaya kayo ng apo ko. Kung paanong naging maligaya sina Josef at Margarita.”
Ano pa ang sasabihin niya? Naiplano na yata ng matanda ang lahat. Tumayo ang don.
“Dito ka na magpalipas ng gabi, hija. Masyadong gabi na para umuwi ng resort. Maraming silid ang villa.”
Isang tango lamang ang isinagot niya. Sa sala ay naroon pa sina Jewel at Nathaniel.
“Nieta, hija, samahan mo sa itaas si Jasmin. Ibigay mo sa kanya ang silid sa dulong kanan ng pasilyo,” utos ng matanda kay Jewel.
Sandaling sinulyapan ng dalaga si Nathaniel na nagtatanong ang mga mata pero hindi nagsasalita. Hinawakan siya sa kamay ni Jewel.
“Halika, Jas, magkuwentuhan muna tayo bago ka matulog.”
Part 14
P INAHIRAM siya ni Jewel ng pantulog at ilang minuto rin silang nagkuwentuhan bago siya iniwan nito.
Hindi pa natatagalang umalis si Jewel nang marinig niya ang dalawang malalakas na tinig sa ibaba, tila nagtatalo. Agad ang pagbangon ng kaba sa dibdib niya. Hindi maliwanag sa kanya ang sinasabi subalit alam niyang sumisigaw si Nathaniel. Pagkatapos n’yon ay ang biglang pagbalya ng pinto.
Dumapa sa unan si Jasmin. Kinausap na ba ni Don Leon ang binata at nagalit ito? Gustuhin man niyang matulog ay hindi niya magawa dahil sa sari-saring kaisipan.
Napabalikwas siya ng bangon nang bumalya ang pinto ng silid niya. Hindi ang talagang pinto ng silid kundi isang connecting door. Hindi niya ito napuna kanina. Silid ba ni Nathaniel ang kabila?
“N-Nathaniel…?” Bagaman liwanang lang ng lampshade ang naroon ay kitang-kita niya ang galit sa mukha nito.
“Ngayon ay alam ko na kung bakit ka ipinadala rito ni Leon Fortalejo! Ikaw ang bagong pain sa kanyang laro!”
Hindi siya makaapuhap ng sagot. Maraming beses na niyang nakitang nagalit si Nathaniel sa kanya pero kinatatakutan niya ang anyo ngayon ng binata. Kinakabahan siya sa bayolenteng katahimikan na halos ilabas ng katawan nito.
“Bakit ka pumayag na maging tauhan sa larong ito ni lolo, Jasmin?” patuloy ni Nathaniel na bagaman hindi tumataas ang tinig ay nag-iigting ang mga bagang.
“T-tauhan? Laro?” nauutal niyang ulit sa mahinang tinig.
Tinitigan siya nito. “Kelan mo nalamang nais niyang ipakasal ka sa akin? Kailan?”
“K-kanina lang.”
“Biktima ka rin ba ng manipulasyon niya?” Napahawak sa sariling batok ang binata at tumingala sa kisame. “He succeeded into manipulating my mother’s life. Pero nabigo siya sa Tiyo Romano, ang Papa ni Jewel at Emerald. At hindi ko akalaing gagawin niya sa akin. Thank God, Emerald met Marco first. Nag-aalala ako kay Jewel.” Ang galit sa tinig nito ay nahalinhan ng weariness.
“H-hindi kita maintindihan.. “
“My grandfather is playing God! Ang tagumpay niya sa negosyo ay gusto niyang gawin sa mga tao sa kanyang paligid. Ang buong akala niya ay nagtagumpay siya sa pagpapakasal sa papa at mama kaya gusto niyang gawin din sa akin!” Tumaas ang tinig nito sa pagkakataong iyon.
“Hindi ba… maligaya ang mga magulang mo?” ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya napuna, kung mayroon man, na may namamagitang hidwaan sa mag-asawa kanina.
“Hindi sila nag-aaway kung iyon ang ibig mong sabihin. Masunurin ang mama, ganoon din ang papa. Simpleng tao lang ang mga magulang ko, Jasmin. Hindi sila nagrereklamo kay Leon kahit sukal sa loob nila ang sinasabi nito.”
At ikaw ay hindi ganoon? tanong ng isip niya.
“I am not a puppet on a string, Jasmin!” Marahas itong baling sa kanya na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. “Gusto niyang pamahalaan ko ang Kristine Cement… ayoko! Coat and tie? Shit! I love my boots, my whip and my horses! Ang amoy ng gubat at mga bundok at ng dagat. I love to run free and wild. At ipinain ka niya sa akin para paamuin ako. No way, Miss Cuevo! Mapapaamo niya ang mga toro sa haciendang ito but no one can put a rope around my neck. Not Leon, not you!”
Napapikit si Jasmin sa intensidad ng sinasabi nito. Gusto niyang isiping this man is a savage, looked like a man from a harsher and primitive world. Wild and free to roam in these mountains. Pero gusto rin niyang ihalintulad si Nathaniel sa isang agila who wants to fly swift and high.
Si Leon, si Nathaniel at siya! Tila siya sisiw na napapagitnaan ng dalawang birds of prey, ng lawin at ng agila.
Sandali muna siyang tinitigan ni Nathaniel bago mabilis na humakbang patungo sa pinto at lumabas.
Pabalya nitong isinara ang pinto. Noon lang niya pinakawalan ang pinipigil na paghinga.
Gusto niyang tumakbo palayo sa bahay na ito paro paano niyang gagawin iyon? Magagawa ni Leon ang nais nitong gawin para mahirapan siya.
Kung gaano siya katagal sa pag-iisip ay hindi na niya namalayan. Bahagya siyang naalimpungatan sa muling pagbubukas ng connecting door pero hindi agad nakakilos. She’s half-sleep at iniisip kung nasaan siya.
Nang maramdaman niyang bumaba ang gilid ng kama ay bumaling siya.
Part 15
“N-Nathaniel…?” bulong niya. Sa ayos nito ay hindi pa ito nakakatulog, suot pa rin ang damit mula kanina.
“I’ll marry you, Jasmin.” Pormal nitong sinabi.
Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang dito. Naalimpungatan pa rin siya na tila nananaginip. Her hair disheveled at tumatabing sa inosente niyang mukha. Itinaas ni Nathaniel ang kamay and gently touched her slightly parted lips. Napakurap siya at tuluyang nagising ang diwa.
“You are very beautiful,” patuloy ni Nathaniel na ang forefinger ay pinaglandas mula sa mga labi niya patungo sa pisngi at pababa sa leeg. Hinawakan nito ang leeg niya and gently caressed her throat.
Napalunok ang dalaga.
“Napakaganda mo,” patuloy na anas ng binata. kung konsolasyon mang matatawag ’yon para sa sarili ko.“
“H-hindi kita—” Kung anuman ang sasabihin niya’y napigil ng pagbaba ng mga labi ni Nathaniel sa kanya.
Napasinghap si Jasmin dahil kasabay niyon ang pagbaba ng kamay ni Nathaniel sa dibdib niya. Manipis lamang ang pantulog niya at sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakialam sa pribadong bahaging iyon ng kanyang katawan. Magkahalong takot at sensasyon ang nadama niya.
His lips warm ang possessive, his tongue seeking entrance. His hand on her breast is maddeningly arousing. At gusto ng katawan niya ang ginagawa ni Nathaniel. Pero hindi ng isip niya. Natatakot siya sa maaring kahahantungan niyon dahil hindi siya handa.
Nanaig ang kanyang isip, marahas niyang itinulak ang binata at paupong bumangon at sumiksik sa headbord. “Nathaniel, please…”
“I said I’ll marry,” his voice husky, his eyes are full of passion.
Nang muli siyang aabutin nito ay umiwas siya. “No!” Mabilis siyang nakalipat sa kabilang gilid ng kama at tumayo. “Nathaniel, please, hindi mo alam ang ginagawa mo,” nasabi niya dahil parang may naamoy siyang alak sa mainit na hininga nito.
Agad ang pagbabago ng anyo ng binata. From passion and desire to anger. “My grandfather bought you for me, Jasmin. And I decided to marry you. Surely giving you my name is an honorable gesture para sa isang second hand bride. And what is it with you at pumapalag ka nang ganyan? Nahuli ko kayo ni Rolly sa apartment, ’di ba? And who knows what was going to happen next kung hindi ako dumating?” His eyes glinting with malice.
“Walang mangyayari kahit hindi ka dumating!” pagalit niyang sagot. “Kung mayroon man akong pinagsisihan sa pagkapunta ko rito ay kayong dalawa ng supervisor mo. Both of you are disgusting!” Nanlilisik ang mga mata niya. Kanina pa siya iniinsulto ng lalaking ito.
“Ano’ng ibig mong- sabihin?” tanong ni Nathaniel sa mapanganib na tono.
“Your supervisor invited himself into my apartment. At dahil may anak na ako at wala namang asawa ay malaya niyang inisip that I would be a willing partner in bed. I was trying to resist his overtures nang dumating ka and was even glad of your presence dahil naawat niyon ang balak niyang gawin. Pero hindi…” Mapait siyang umiling. “Sa halip, insults were hurled at me. From one man to another. I’ve been through this twice in one evening!”
“Hindi ’yon ang inabutan ko. Huwag kang magsinungaling, Jasmin!” May babala sa tinig nito.
“Hah! Now, I’m a liar as well as a bitch! Hindi ko kailangan ang mga insulto mo, Mr. Cervantes. Iwanan mo ako!” Ang galit ay nahalinhan ng pagod. Physically and emotionally. Marahan siyang napaupo sa gilid ng kama.
Ilang sandaling katahimikan ang pinalipas ni Nathaniel bago muling nagsalita. “Kinausap ko uli ang lolo. Bakit ka pumayag na pakasal sa akin, Jasmin? Oh, well, that was a stupid question. Sinong babae ang tatangging pakasal sa akin? Your kind has been after me since I went out of my crib. Iyan ang sinabi ng mama. Plus an added bonus na binayaran ka ng lolo ko.”
Gusto niyang panginigan ng laman sa aroganteng lalaking ito.
“You think you’re god’s gift to women, don’t you?” sarkastiko niyang sinabi. “Para sa kaalaman mo, Mr. Cervantes, hindi ako pumayag nang bukal sa loob na pakasal sa iyo!”
Tumaas ang mga kilay ni Nathaniel.
“I was blackmailed!”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“I was assigned here nang hindi ko alam kung bakit at wala akong mapagpilian dahil mawawalan ako ng trabaho. At kailangan ko ang trabahong ito sa ngayon dahil kay… Iris.”
“Your daughter…?”
Tumango siya.
“You worked with Kristine Cement?”
“Under probation yet. Hindi ko gustong iwan si Iris dahil maysakit siya. Isang matandang kasama lang ang naroon ngayon pero wala akong mapagpilian.”
Marahang nagmura si Nathaniel patalikod. “Your parents?” tanong nito nang humarap uli sa kanya.
“They’re… dead.” Nabasag ang tinig niya pagkasabi niyon, huminga nang malalim upang muling ibalikang composure.
“Surely, hindi na ang trabaho mo ngayon ang ginamit sa iyo ng lolo. You have so many talents at maganda ka. Maaring sa unang pakikipag-usap sa iyo ni Leon ay nabigla ka pero hindi sa pagkakataong ito. A second threat on your job will not be as effective as the first time?”
“You’re right. Hindi na ang trabaho ko ang ginamit niya. Kung iyon lang ay hindi siya makalulusot. But my… my daughter is involved. She was hospitalized for five days nang hindi niya ipinaalam sa akin.” At ipinaliwanag niya kay Nathaniel ang kalagayan ni Iris.
“Damn the man!” usal ni Nathaniel. Kilala nito si Leon. Gagamitin ng matanda ang lahat masunod lamang ang gusto.
Ulila si Jasmin, may anak at nangangailangan.
Sama-samang damdamin ang pumuno sa dibdib ni Nathaniel para kay Jasmin. Hindi lamang matukoy ng binata kung ano-ano.
“Pero huwag kang mag-alala, Mr. Cervantes, I also have changed my mind. May palagay akong hindi naman siguro gaanong mabigat ang suliranin ko tungkol sa… anak ko. Pero tuso si Don Leon, ipinamukha niya sa ’king ganoon. He made me feel so helpless. Meeting you both compounded my problems! Siguro ay may mga charitable institution na maaring tumulong kay Iris nang walang hinihinging kapalit. At ’yong ginastos niya sa ospital ay problema na niyan dahil hindi niya ipinaalam sa akin. I’ll pay it back on installment basis. You can tell your grandfather, Mr. Cervantes, na hindi ako magpapakasal sa iyo! Ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar na ito at kalimutang nakilala ko kayong mag-lolo!” matigas niyang sinabi.
Matalim ang mga matang nakatitig sa kanya si Nathaniel. Nasaling ang pride sa pagtanggi niya. Taking his time, marahan itong humakbang patungo sa kanya habang pumapalatak.
“Ikinalulungkot kong sabihing huli na para sa pagbabago mo ng desisyon, my future wife. Pakakasal tayo in one week’s time sa ayaw mo’t sa gusto.”
“Hindi mo ako mapipilit! Ninyong mag-lolo!”
“You must be kidding! Kahit kaladkarin kita patungong simbahan ay gagawin ko. Huwag kang mag-alala dahil sa sandaling mailipat ng lolo sa pangalan ko ang buong hacienda ay magiging malaya ka na.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Buong buhay ko ay pinaniwala niya akong sa akin niya ipauubaya ang hacienda Kristine. Hindi ako interesado sa mga corporation niya sa Maynila. Emerald and Jewel can have them. Pero akin ang haciendang ito. Dito ako ipinanganak at lumaki. Kaninang sabihin niya sa aking gusto niya akong ipakasal sa iyo ay nagalit agad ako at pinanhik kita rito. Pero nang muli ko siyang kausapin para tanggihan ang sinasabi niya ay ginawa n’ya sa akin ang ginawa sa iyo. Ginamit niya ang hacienda para pumayag akong pakasalan ka!” Sa mapusyaw na liwanag ng lampshade ay nakikita niya ang pamumula ng mukha ni Nathaniel sa galit.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” muling ulit ng dalaga.
“Hindi niya ako aalisan ng mana subalit mawawala sa akin ang buong pamamahala sa hacienda. Hahatiin niya sa aming tatlo nina Emerald at Jewel in equal share with a provision na hindi puwedeng ipagbili sa isa’t isa.” Magkahalong galit at pait ang nasa tinig nito.
Hindi malaman ni Jasmin kung ano ang madarama sa lalaking kaharap. Hindi niya lubusang maunawaan si Don Leon sa ginagawa nito. Isang simpleng kapritso at sumpong lamang ba na makitang pakasalan siya ni Nathaniel at makitang sumunod dito ang apo sa unang pagkakataon? She wanted to hate them both for using her.
“P-puwede kang tumanggi dahil may anak na ako…” That was a stupid suggestion. Alam ni Don Leon na dalaga siya.
“Mas mahalaga ang hacienda sa pagkakataong ito. So be ready, mi esposa, pakakasal tayo sa lalong madaling panahon. Pagbibigyan natin si Leon Fortalejo sa nais niyang mangyari at ’pag nasa pangalan ko na ang buong Hacienda Kristine, we can seek annulment.”
“Sa pangalan lamang ang kasal natin?” paniniyak niya.
“Sa pangalan lamang “
“You won’t impose your authority as… as…”
“As your husband?” Patuyang ngumiti ito. “Unless you want me to, my dear. Pero kung hindi, do not expect me to remain faithful. Some women are standing at bay,” brutal nitong sabi.
Pinamulahan ng mukha ang dalaga. “Pero… sa palagay mo ba ay papayag si Don Leon sa nais mong mangyari? I mean, this womanizing around. Kanina ay matigas niyang tiniyak na ihihinto mo iyon sa sandaling makasal tayo.”
Tumaas ang kilay ng binata. Marahan siyang nilapitan at itinaas ang baba niya. “Kung ganoon, you my wife, will fulfill your obligations to me as your husband.”
“Nathaniel…?”
Natawa si Nathaniel. “Kung pamulahan kang mga pisngi’y parang gusto kong isiping wala kang karanasan.” Napailing ito. “Kung nagawa mong ipagkaloob ang iyong sarili sa isang lalaking hindi ka pinakasalan, bakit hindi sa legal mong asawa regardless of the consequences?” Hinigpitan nito ang hawak sa mukha niya at unti-unting inilalapit ang sariling mukha.
“Bitiwan mo ako, Nathaniel…”
“Walang mawawala sa iyo, Jasmin. Tinitiyak ko sa ’yong mahusay akong lover compared to that damned father of your child!” At marahas siyang ibinalya pahiga sa kama. Pagkatapos ay tumayo.
“I hate you, Nathaniel!”
Ngumisi lamang ang lalaki. “Hindi ka na magre- report sa hotel, mi esposa. Ipakukuha ko ang mga gamit mo at ipadadala ko rito.” At akma itong lalabas ng silid nang tawagin niya.
Huminto ito at nilingon siya. “Gusto mong gawin natin ang honeymoon nang mas maaga?” nakangising tuya nito.
“Don’t you think I am entitled to one request?”
“Kahit pa marami, my dear, hanggang kaya kong ibigay.”
“Gusto kong narito si Iris. Iyon lang, Nathaniel.”
Nagdilim ang mukha ng binata. Sandaling nag- isip. “Makikita ng mga tao ko ang anak ng ibang lalaki sa haciendang ito? Araw-araw kong makakasama ang anak ng lalaking nagsamantala sa kabataan mo?” mariin nitong sinabi. “But you can have your wish, Jasmin. I guess your daughter was part of the bargain or else you won’t be marrying me. Dito siya titira sa bahay ko.”
Biglang gumaan ang dibdib niya. “Salamat, Nathaniel”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata bago tuluyang lumabas. Muling ibinagsak ng dalaga ang sarili sa higaan at tumitig sa kisame.
Part 16
K INABUKASAN ay ipinasundo ni Nathaniel si Iris at Manang Denang sa pamamagitan ng helicopter ng Kristine Corporation. Hindi agad makausap nang sarilinan ni Jasmin si Manang Denang dahil pinagkaguluhan sa ibaba si Iris. Nang inaakala ng mga tao na napapagod na ang bata ay saka pa lamang pinayagang pumanhik.
“Pero, Jasmin, bakit ka nagsinungaling? Malalaman din naman ni Nathaniel sa sandaling kayo’y makasal.”
Gusto niyang sabihin sa matanda na hindi naman kasama sa usapan ang pagtatalik. Pero hindi niya gustong marami pang itatanong ang matanda. Hindi na niya gustong magdagdag ng suliranin.
“Ako na ang bahala pagdating sa oras na ’yon, Manang Denang.”
“Ewan ko basa iyo’ng bata ka, kung bakit hindi ka nagsabi ng totoo. Tatanggapin din naman ng pamilya ni Nathaniel si Iris sa nakita kong pagtanggap nila kanina.” Umiling ito at sinimulang ayusin ang mga gamit nila.
Dumapa sa kama si Jasmin at nilaro-laro ang kapatid na tumatawa.
“Jas…” pabulol na bigkas ng mag-iisang taong gulang nabata.
“Yes, darling, it’s Jas.” Masuyo niyang dinampian ng halik sa noo si Iris. “Alam mo bang kamukhang-kamukha kita?”
“Yes. You looked alike,” ani Nathaniel na nakatayo sa may hamba ng pinto. Kanina pa ba ito roon? “At hindi ko mapagdesisyunan kung sino ang mas maganda without making the other less pretty. And both of you have pretty names, one from Persia and one from Greece.” Lumakad ito patungo sa kama. Mataktikang lumabas si Denang na isinara ang pinto.
Wala sa loob na napahiga ang dalaga sa tabi ni Iris nang maupo sa gilid ng kama si Nathaniel.
“Gusto kitang patawarin sa kasalanan mong hindi ka na dalaga sa pagpapakasal sa akin kung dahil din lang kay Iris. She’s adorable at tuwang- tuwa ang mama sa kanya. I have never seen my mother so very happy nang kargahin niya si Iris kanina. At hindi nagpatalo ang papa.” Nakangiting umiling si Nathaniel. “Would you believe, even the formidable Leon Fortalejo! Ginulo ng munting batang ’yan ang bahay na ito. Wait till Jewel sees her.”
Gustong magbara ng lalamunan ni Jasmin. Walang salitang lumabas sa mga labi niya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang emosyong nakikita sa mukha ng binata.
Nang tumingin ito kay Iris ay ngumiti ang bata. Lumambot ang mukha ni Nathaniel at gumanti ng ngiti, hinahawakan ang kamay ng bata.
“I really deserved that smile, Iris. Hindi ko natatandaang nginitian ako nang ganyan ng mother mo mula nang dumating siya rito sa Paso de Blas.” Nilingon siya ni Nathaniel at hindi niya napigil ang pagyuko ng ulo.
Pabalandrang bumukas ang pintong isinara ni Manang Denang nang pagpasok si Jewel. “Ang sabi nila ay dumating na ang baby mo, Jas. Oh my…!” Mabilis na naupo ito sa kama at tinitigan ang bata. Si Iris na sa tantiya ay maraming gustong mag-pamper ay humahagikgik ng tawa. Tuwang- tuwa si Jewel.
“Alam niyang may audience siya.” Amuse na sabi ni Nathaniel. “At least, this particular member of my family knows how to appreciate when she’s being adored,” makahulugang sinabi nito. ’Member of my family ang sinabi ng binata. Tinanggap nito si Iris sa unang araw pa lamang?
“Jas, kakargahin ko, ha?” hinging-pahintulot ni Jewel. “Ang sabi ni Tiya Margarita ay ibaba ko sa garden kung hindi tulog.” Hindi pa man siya nakatatango ay dinampot na ang bata at dinala sa labas.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmin at tumitig sa kisame.
“Ano ang ibig sabihin ng buntong-hininga mo?” Nathaniel softly asked.
Bumaling ang mga mata niya sa mukha ng binata. Gusto na niyang sabihin na hindi niya anak si Iris. Pero paano niyang uumpisahan?
“Maraming salamat, Nathaniel. Ganoon din sa pamilya mo sa pagtanggap ninyo kay Iris—.”
“I want to kiss you, Jasmin.”
Namilog ang mga mata niya. “Nathaniel…?”
“If you want to show your gratitude, make it a kiss. You are so irresistible lying there and I can’t help myself.” Bago pa siya makakilos ay ikinulong na siya sa mga bisig nito’t siniil ng halik. Bumaon ang katawan niya sa malambot na kama dahil sa pagkakayakap na iyon ng binata.
He was kissing her for ages bago ito huminto subalit hindi inilayo ang mga labi sa mukha niya. His hand cupping the back of her head na tila siya makakawala. His tongue tasting the contour of her slightly parted lips.
“Are you going to deny me these, Jasmin, after we’re married?” pabulong na tanong ni Nathaniel.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot. She’s melting under his touch and kisses na tila cotton candy sa ulanan. Alam ba ng lalaking ito kung ano ang epekto nito sa kanya?
Isang tikhim ang parehong nagpalingon sa kanila sa pinto. Si Don Leon. His eyes glinting with pleasure sa dinatnang eksena.
“Next time, close the door, mga apo. I’m sorry to interrupt pero kailangang makausap kita, Nathaniel, para sa gaganaping kasal ninyo.” At muling tumalikod, kinabig nang marahan pasaraang pinto.
Pinamulahan ng mukha si Jasmin. Si Nathaniel ay hindi inalis ang pagkakayakap sa kanya. His eyes still filled with desire.
“Alam mo ba kung gaanong control ang ginagawa ko sa sarili ko ngayon, Jas?” wika nito sa tinig na puno ng passion. His breath fanning her face.
“I’m glad you can control your lust, Nathaniel.” Hindi niya gustong bahiran ng panunuya ang tinig pero iyon ang lumabas sa kanyang bibig. “Pakawalan mo ako at kausapin mo na si Don Leon.”
From desire to anger, then confussion, and was it… pain? Pero sandali lamang iyon. Muling bumalik sa anger ang hali-haliling nakita ni Jasmin sa mga mata ng binata.
“Hindi ko alam kung ano ang itatawag at iisipin ko sa iyo, Jasmin. Sa mga pagkakataong hinahalikan kita ay hindi ka gumaganti. Hindi dahil you wanted to remain passive and unresponsive. I can feel you shiver under me. I can feel the fire I kindled in you. It’s more on inexperience pero imposible ’yon. Didn’t your lover teach you the acts of love? Or did he just took your innocence without so much consideration and lead you into motherhood?”
Naningkit ang mga mata niya sa galit. “With your broad experience when it comes to your so-called acts of love, Mr. Cervantes, hindi ako nagtataka kung sa tuwing hahawakan at hahalikan mo ako ay nasa ilalim ako ng pagsusuri. Do you have methods, senior, everytime you have sex with your women? And do you rate them afterwards?” Mabilis siyang tumayo. “Saan ako naka-categorize? Inexperience? Sabi mo, imposible. Wanton? Definitely not.”
“Marahil ay isa kang mahusay na artista, Jasmin. And this is one of your acts. To intrigue me. To make me desire you more. Pero tinitiyak ko sa iyo na ilalabas mo ang apoy na itinatago mo sa iyong katawan. At hindi na magtatagal iyon!” Pagalit nitong sinabi bago siya iniwan at lumabas.
Bakit ba hindi na lamang siya maging submissive? Bakit kailangang hinahamon niya ang pasensiya ni Nathaniel? He was gentle and loving pero ginalit niya. At kapag ginalit niya ito ay insulto ang lumalabas sa bibig nito.
Hindi pa ba sapat na pinahihirapan niya ito sa pag-iisip na hindi na siya dalaga? Sa isang tulad ni Nathaniel ay isang kaparusahan iyon lalo at malaki ang pagpapahalaga nito sa kalinisan ng inakyat na maybahay sa villa.
Bagaman mahigit isang linggo lamang ang preparasyon sa kasalan ay nagawang makapagsuot ng trahe de boda si Jasmin. Ang nagagawa nga naman ng salapi.
Sa hardin ng villa ang kasal. Isang araw bago ang kasal ay dumating si Marco at Emerald galing ng Maynila kasama ang ina ng magkapatid na si Anna.
Nakilala niya ang mama ni Marco na si Julia. Si Judge Adriano na sa ikalawang pagkakataon ay tumayong sponsor.
Ang una ay noong ikasal sina Marco at Emerald. Tulad din ng kasal ng mga ito, si Bernard ang best man at si Jewel ang maid of honor.
“You are very lovely!” ani Margarita na tinulungan siya sa pag-aayos. Isang ngiti ang isinagot niya sa mama ni Nathaniel. “Sana’y maging maligaya kayo ni Nathaniel ano man ang dahilan ng madaling pagpapakasal na ito.”
Malungkot na tinitigan niya ang babae. “Hindi kaila sa inyo ang dahilan kung bakit kami pakakasal ni Nathaniel?”
Tumango si Margarita. “Ang kaligayahan ay nasa tumitingin at nagdadala. We cannot have the best of both worlds, hija. Kung aabutin natin ang isang bagay na mahirap abutin, then that would make us lonely and discontented.”
“Forgive me for asking but were you happy knowing na si Don Leon ang pumili ng mapapa-ngasawa ninyo, ngayon nama’y kay Nathaniel?”
“In someways, yes. Kung maghahanap ako ng iba pang paraan ng kaligayahan, then that would be unfair para kay Josef. Hindi marahil kami ang showy type like some of you young people pero we love each other sa aming sari-sariling paraan.”
Part 17
Huminga siya nang malalim. Nakuha niya ang mensahe. Count the blessings. Ang mairaos niya ang financial na suliranin ni Iris ay sapat-sapat na. Ang pakasalan siya ni Nathaniel at tanggapin ng pamilya nito ang kanyang kapatid ay sobra- sobrang bonus. Ano pa ba dapat ang hihilingin niya? That would be selfishness. You cannot have your cake and eat it too.
“Mas higit ang pagiging Fortalejo ni Nathaniel, Jasmin, kaysa sa pagiging Cervantes. Kung kayang timbangin at hatiin ang dugong nasa mga ugat ng anak ko ay nubenta por siyento siyang Fortalejo sa lahat ng bagay. The Fortalejo men are wild, stubborn, and sometimes savage. I wonder why women find those traits attractive.” Ngumiti ito. “Along the way, they leave a trail of broken hearts. But once they tied the knots, they are also well known for being faithful husbands. You have tied the wildest of the Fortalejos, darling, and that is my son. But please, do not try to change and tame him. Mabibigo ka lang. Some women are foolish enough to mold their men into their own ideals and fantasies. Huwag mong gawin kay Nathaniel iyon, hija.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmin. Ni hindi niya susubukang gawin iyon.
“Hello there!” Si Emerald na may bitbit na malaking regalo. “What a beautiful day for a beautiful bride!”
“Hihintayin ko kayo sa labas, Jasmin, Emerald,” ani Margarita bago tumalikod.
Isang halik ang ibinigay ni Emerald kay Jasmin. “I’m so happy for you, Jasmin. But what made you lie para sabihin kay Nathaniel na anak mo si Iris?”
Nagulat siya. “Alam mo? Sinabi ni Don Leon sa iyo?”
Umiling si Emerald. “Naroon kaming mag- asawa sa conference room nang una kang kausapin ni lolo. I really opposed his manipulations, Jasmin, pero siguro sa mga sandaling ito ay kilala mo na ang lolo.”
“Sino pa ang nakakaalam?”
“Just Marco and I. I’m sorry, Jas, but if it’s any consolation ay mabuting tao ang pinsan ko. Sometimes, annoyingly protective. More or less, tulad siya ng asawa ko except that Marco is tamer and mellower. Siguro, dahil bata si Nathaniel. He’s spoiled and carefree “
Bumuntong-hininga siya. Sina Margarita at Emerald ay may parehong description para sa binata. Pero iisa ang napansin niya, hindi maikakaila ang adoration sa tinig ng mga ito kay Nathaniel.
“Ano ang sinabi ni Nathaniel nang malamang anak mo si Iris sa ibang lalaki? Was he insulting?” patuloy ni Emerald.
“Was he insulting?” gagad niya. “It was like asking if the grass is green, or if the blood is red and if the sky is blue”
Isang marahang tawa ng simpatiya ang pinakawalan ni Emerald. “How stupid of me to ask knowing my cousin. He is a bit old fashioned, Jasmin. Kahit ang lolo. Mahalaga ang virginity sa kanila lalo na sa lady ng villa na ito. Well, I guess most men are.”
“Ganoon din ba si Marco?”
Sandaling lumarawan sa isip ni Emerald ang nakaraan. “I don’t know. Hindi n’ya binigyang-diin ang bagay na ’yon. He had his own ways. Within one week, he kidnapped me, literally, ha? Took me to bed and proposed. In that order.” Natatawa ito sa alaala. “And he said he was in love with me the first time we met.”
“My! At sinabi mong mas wild si Nathaniel?” Nahalinhan ng tawa ang inis niya.
“Yeah! These men are savages in more ways than one. But I guess, I fell in love with my husband, also the first time I saw him. Isa sa mga araw na ito ay ikukuwento ko kung paano kami nagkatagpo.”
“At least, pareho ninyong mahal ang isa’t isa,” malungkot niya sinabi.
“We didn’t realize it first. At minsan, ang tunay na damdamin ay natatakpan ng pride at pagpipilit na makasakit sa isa’t isa dahil gustong makaganti. Naalala mo ba ang linya ng isang kanta? ’ Yes, I hurt you but did you have to hurt me, too ? Ganoon karaniwan ang nangyayari. Kahapon ay napuna namin ni Marco ang lihim ninyong sulyapan sa isa’t isa ni Nathaniel ’pag hindi nakatingin ang bawat isa. It is a good start. If you don’t hate my cousin, then you must love him “
“Nathaniel is attractive, Emerald. The rough and careless way with his long wind-tossed hair. Puwede mo ngang ilagay sa dibdib niya ang karatulang ‘rebelde.’ And I am attracted to him. Pero iba ang atraksiyon sa pag-ibig, Emerald. I can be very attracted to Antonio Banderas but definitely hindi ko siya iniibig.”
Makahulugang ngumiti si Emerald. “Love is a very strange emotion, darling. Bahala kayo ni Nathaniel na hanapin ’yon sa isa’t isa kung wala pa man.”
Mula sa pinto ay sumungaw si Marco. “Hey ladies, hindi pa ba tapos ang briefing? Naghihintay nasi Leon.”
Nginitian siya ni Marco at gumanti siya ng ngiti.
Ito ba ang lalaking k-um-idnap kay Emerald? Napailing siya. Sa loob ng ilang sandali mula ngayon ay magiging miyembro siya ng pamilyang kinabibilangan ng mga arogante at diktador na mga lalaki.
Mga lalaking nakatitiyak sa kanilang mga sarili.
Mga lalaking ang nasa isip ay sila ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa mga babae.
Sumpa ba iyon o pagpapala?
Iniwan siya ng mag-asawa sa ibaba kasama ni Don Leon. Inabutan niya ang don na nakatingin sa malaking life-size portrait ni Kristine Esmeralda. Nilingon siya nito at may dinukot sa bulsa.
“Tanggapin mo ito, hija, bilang regalo ko sa kasal ninyo.”
Nanlaki ang mga mata ni Jasmin. Isang choker na yari sa gold at may mga emerald sa harap.
Hindi makaapuhap ng sasabihin ang dalaga. Inalis ng don ang lock at inilagay sa leeg niya.
“Pag-aari ito ng aking si Esmeralda. Isinuot niya ito noong araw na kami ay ikasal.”
“H-hindi ninyo ’to ibinigay kay Emerald noong siya ang ikasal?”
“Si Nathaniel ang magmamana ng Hacienda Kristine, hija. At siya rin ang may karapatan nito bilang panganay na apong lalaki. You will grace this house bilang asawa niya. Natitiyak kong hindi mananaghili si Emerald. Nasa kanya ang lahat ng yaman sa mundo sa katauhan ni Marco.” Nakangiting paniniyak nito.
“Labis na po ito. Ang pagpapahintulot ninyo na makasama ko si Iris dito ay sapat ng kabayaran.”
Nagsalubong ang mga kilay ng don. “Regalo ito, Jasmin, hindi bayad. Walang katumbas na halaga ang choker na ito ng aking esposa.”
“I’m sorry, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Maraming salamat sa inyo, Don Leon.” Apologetic ang tinig niya.
“Lolo na ang itatawag mo sa ’kin ngayon, hija. At huwag mong alalahanin ang kapatid mo. She brought happiness and sunshine in this house.” May affection ang tono nito sa pagtukoy kay Iris.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Kung hindi siya mag-iingat ay lalaking spoiled ang kapatid niya.
“Tayo na sa labas, hija, oras na.” Sinulyapan nito ang grandfather’s clock sa sulok ng sala. “At gusto kong pasalamatan ang pagkakataong ito na tayuan ang paghahatid sa iyo bilang kahalili ni Dante.”
Bahagyang kumirot ang dibidib niya sa pagkakabanggit sa pangalan ng ama. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata subalit sinikap niyang pigilin.
Part 18
K ASABAY ng pagtugtog ng organ na pinatutugtog ni Margarita ay lumakad si Jasmin patungo sa naghihintay na si Nathaniel.
Walang kumuwestiyon na puting-puti ang trahe de boda niya at mahaba ang veil na ayon sa tradisyon ay para lamang sa ikakasal na birhen.
Lahat ay nananabik na masilayan ang mapapangasawa ng susunod na boss ng Hacienda Kristine. Jasmin justified them all. Beautiful and elegant. Walking down the aisle like a dreams. Tila siya lumulutang sa ere. Hindi niya napapansin ang mga tao na nakapaligid sa kanya.
Ang mga mata niya ay na kay Nathaniel na makisig sa suot nitong magandang barong tagalog. Ni hindi nito binalak na ipaputol ang buhok.
“Thank you,” bulong niya sa matanda at dinampian ng halik ang pisngi nito matapos siyang maihatid sa altar.
She was calm and composed habang pinakikinggan ang sinabi ng nagkakasal.
Nang bigkasin ni Nathaniel sa buong-buong tinig ang vows nito ay gustong tumingala ni Jasmin at tumingin dito, subalit kinakabahan siyang baka panunuya ang makikita niya sa mga mata nito.
This is her wedding day kahit na nga ba hindi naman talaga ayon sa totoong kahulugan nito. At hindi niya gustong sirain ang araw na ito.
“ …I
will love you as I love my own self…. cherish and protect you… and only death will do us part …“
Hindi sinasadyang napatingala siya kay Nathaniel dahil sa pagbibigay nito ng diin sa huling bahagi ng vows.
Wala ang inaasahan niyang panunuya nang magkasalubong ang mga mata nila. His face unreadable. Ganoon din nang isuot nito sa daliri niya ang singsing.
Ang ownership ng Hacienda Kristine made him a good actor, iyon ang nasa isip niya.
When he kissed her, it was longer than necessary. Humiwalay lamang si Nathaniel nang magkantiyawan at magtuksuhan ang mga nasa audience.
Nang tumingala siyang muli ay naroon ang nanunudyong amusement sa mga mata nito.
Damn him!
Hindi na niya matandaan ang sumunod na mga pangyayari.
May naghagis ng maraming talulot ng bulaklak. Hindi niya matandaan ang mukha ng mga bumabati at humahalik.
Ang tanging alam niya’y hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa kanya si Nathaniel.
Subalit isang hindi inaasahang well-wisher ang nakisiksik sa karamihan at lumapit. Si Rowan.
“Congratulations, Nathaniel!” Ikinawit nito ang braso sa leeg ng lalaki at humalik sa labi. Sandaling humina ang pagkakaingay. Tila napigil ang paghinga ng mga naroroon. Hindi alam ni Jasmin kung paano magre-react.
“Thank you, Rowan,” nangibabaw ang tinig ni Nathaniel na tumawa at inalis ang mga braso ng babae.
Kay Jasmin naman tumingin ang babae. Lungkot, galit at pait ang pinagsama-samang naaninag niya sa mukha nito.
“Binabati kita!” Kinamayan siya ni Rowan, mahigpit. “Nahuli mo ang pinakamailap na agila sa bahaging ito ng lupa. Paano mo ginawa ’yon sa sandaling panahon?”
Hindi niya gustong sumagot pero hindi binibitiwan ni Rowan ang kanyang kamay, sadyang hinihintay ang sagot niya.
“I didn’t use rifles and bullets, neither knife. I climbed the eagle’s nest. That’s how,” malamig niyang tugon bagaman gusto niyang maawa rito.
Muling tumawa si Nathaniel na para bang ang usapan ay pangkaraniwan lamang. “And mind you, she was effective, Rowan, my wife.” At nagpatuloy sa paglakad si Nathaniel kasama siya.
Muling bumalikang pagkakaingay
“Mahusay kang sumagot,” bulong ni Nathaniel habang patungo sila sa mahabang mesa na kinaroroonan ng mga panauhing pandangal.
“Kailangan ko ’yon when meeting one of your women.” Halos kagatin niya ang kanyang dila para pigilin ang anumang gusto pang sabihin.
Muling bumulong si Nathaniel na sa paningin ng iba ay tila siya hinahalikan. “Kung nag-aalala ka sa kanila, ipanatag mo ang loob mo. I’m giving you my promise today that they are now the things of the past.”
Muling nagsigawan ang mga tauhan ng hacienda sa inaakalang lihim na paghalik ni Nathaniel sa bride. “Kiss her, Nathaniel! Kiss her!”
Natawa si Nathaniel at tumitig sa kanya. “Sorry, chiquita, but they wanted blood.” Hinapit siya nito at siniil ng halik. A very passionate kiss. Isang malakas na palakpakan at hiyawan ang sumunod.
Walang nasabi si Jasmin nang binitiwan siya ni Nathaniel. Maraming mga taong makakarinig kapag nagalit siya. Sa halip ay nakisakay siya at nginitian ang mga nakapaligid.
“They love you, chiquita,” wika ni Nathaniel at hinila ang upuan niya sa mahabang dulang.
Nang igala niya ang paningin sa mga nasa mesa, lahat ay nakangiti na tila nanunukso. Lalong pinamulahan ang dalaga.
Part 19
HINDI na hinintay ni Nathaniel na maubos ang mga tao. Hinila nito ang asawa patungo sa nakaparadang sasakyan, binuksan ang passenger’s seat at pinapasok si Jasmin.
“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong niya.
“Halos alas-siete na ng gabi. Aabutin ng hatinggabi bago maubos ang mga taong ’yan. Sa hotel tayo tutuloy.” Pinaandar nito ang ignition.
“A-ano’ng gagawin natin sa hotel, Nathaniel?”
“Everybody is expecting us to have our honeymoon, Jasmin. Kailangang makita nilang ganoon ang gagawin natin.”
“Hindi ba natin ’yon magagawa sa villa?”
“Malalaman ng mga katulong na magkahiwalay ang kuwarto natin. Kahit na nga ba extension iyon ng silid ko. Isa pa, gusto kong patunayan sa lolo na mabuti ang resulta ng ginawa niya para madaliin niya ang paglilipat sa pangalan ko ng buong hacienda. Sinabi niya kanina na ipinatawag na niya ang kanyang mga abogado.”
“I-ilang araw tayo sa resort at paano ang mga gamit ko?”
“Nasa likod ang mga gamit mo. Ipinahanda ko ’yan kanina kay Manang Denang. Maaari tayong tumagal ng ilang araw sa resort,” kalmanteng wika nito na ang pansin ay nasa daan. “Behave, Jasmin, ’pag kaharap natin ang mga empleyado.”
Patuyang tumawa si Jasmin. “The high and mighty, Nathaniel Cervantes, ayaw mapagtawanan! Ano sa palagay mo ang iniisip ng maraming tao sa pagpapakasal mo sa isang tulad kong may… anak?”
Mapait na ngumiti ang lalaki. “Do not worry about it, my dear. Alam ng maraming tao na pinakasalan kita upang tuparin ang isang honorableng obligasyon na matagal ko nang dapat ginawa.”
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. “l-iniisip ng mga tao na… anak mo si Iris sa akin?
“Unfortunately,” matabang nitong sagot. “kaya sa puntong iyo’y medyo nasalba ang pride at pagkalalaki ko.”
Ilang sandaling katahimikan ang pinalipas ni Jasmin bago muling nagsalita. “Did it really matter so much na anak ko si Iris?” mahinang tanong niya.
Malakas na nagpreno si Nathaniel at napahawak siya sa dashboard ng pick-up.
“Like hell!” wika nito sa nanlilisik na mga mata. Pagkatapos ay nagpakawala ng buntong-hininga. “I have nothing against Iris…”
“Ang nakakasakit isipin ay ang may ibang lalaking nauna sa asawa mo, ganoon ba?”
“Huwag na nating pag-usapan! Sinikap kong kalimutan at alisin sa isip ko ’yon!” Muli nitong pinatakbo ang sasakyan.
Makalipas ang beinte minutos na walang kibuan ay sinapit nila ang resort. Pagkababa niya’y inilabas naman ni Nathaniel ang maleta niya mula sa likod. Iniitsa ni Nathaniel sa guwardiyang bumati sa kanila ang susi ng sasakyan. Sa loob ay marami pang empleyado ang bumati.
Sa ibaba ng hagdan ay binuhat siya ni Nathaniel papanhik sa katuwaan ng mga naroroon.
“Hindi mo kailangang gawin ito,” aniya.
“Gusto kong gawin, Mrs. Cervantes,” nakangiting sagot nito.
lyon ang unang pagkakataong napasok niya ang pribadong silid ni Nathaniel. Mas malaki at mas maaliwalas kaysa sa mga ordinaryong silid ng hotel-resort.
Ibinaba siya nito pagkapasok nila. Nilingon ang empleyadong isinunod ang maleta ni Jasmin. Kinuha ito mula sa tauhan at isinara ang pinto.
“Don’t just stand there, Jasmin, na tila ka tuod. Tinalo mo pa sa ikinikilos mo ang isang tunay na virgin bride sa unang pagkakataong magkasarilinan sila ng groom,” tudyo nito. Tinungo ang aircon at binuksan.
Naningkit ang mga mata niya. “Ano ang gusto mong gawin ko; Nathaniel, yakapin at hagkan ka tulad ng ginawajpi Rowan?”
“Leave Rowan out of this! Pero ang yakapin at hagkan ako ay hindi masama considering that you are now my wife.” Dinampot nito ang interphone, dumayal sa ibaba at nagpa-reserve.
“You have been taking advantage of me mula pa kanina sa reception. Hindi kasali sa usapan ’yon!” pagalit niyang sabi habang tinatanggal ang veil sa ulo at ibinagsak sa sahig.
Tumaas ang mga kilay ni Nathaniel. “Really, Jasmin? Inaasahan ng mga tauhan ko na maging romantiko ako sa araw ng aking kasal. At anong usapan ang sinasabi mo? I never agreed to any agreement or bargain. You married me and so you are now my wife “
“Hindi ko gustong magpakasal sa iyo. You asked me to marry you.”
Isang nang-uuyam na ngiti ang ibinigay ni Nathaniel. “I did not ask, I demand!” wika nito na binigyang distansiya ang bawat salita. Pagkatapos ay humakbang papalapit sa kanya. Kinawit nito ng daliri ang choker na suot niya.
“My grandfather’s precious emeralds. Talagang ipinagkaloob sa iyo ng lolo ang lahat ng karapatang maging reyna ng Villa Kristine, ha?”
Pinalis niya ang kamay ni Nathaniel. “Hindi ko hiningi ito. Hindi ko gustong tanggapin.”
“Nah! Hindi ako nagrereklamo. It suits you at bilang asawa ko ay dapat lamang na ibigay ito sa ’yo ni Leon.”
“liwan ko ito sa iyo once our marriage is… annuled.” Napansin niyang parang napakabigat bigkasin ng salitang iyon.
Napatitig sa kanya si Nathaniel, kasinlamig ng yelo ang mga mata.
“This is our wedding day, chiquita. Huwag nating pag-usapan ang annulment.” Nahihimigan niya ang galit sa tinig nito.
“It was your idea, anyway. You suggested it.”
“Out of anger! Oh, damn… shall I break all traditions? Walang broken marriages sa pamiiya, Jasmin. Masasaktan ang mga magulang ko.” Magkahalong galit and weariness ang nasa tono nito. Isa-isang hinubad ang mga kasuotan.
Tumalikod si Jasmin. Pero nakita na niya ang bitterness and pain sa mukha ng asawa.
Gusto niya itong lapitan at yakapin. Sabihin ditong hindi niya anak si Iris at hindi naman niya gustong makipaghiwalay kung sakali, pero napipigil siya ng mga pananakit ng loob at insultong sinasabi sa kanya ni Nathaniel.
“Can… we be friends?” suhestiyon niya in a very soft voice. “We have never been that, you know.”
Nilingon siya ng asawa na nahinto sa pagtatanggal ng sinturon. Sandali siyang sinuri ng tingin na para bang tinitiyak kung totoo ang iniaalok niya. Pagkatapos ay ngumiti ito, totoong ngiti. Kauna-unahan mula nang makilala niya si Nathaniel. Totoong tumatawa ito kanina sa harap ng maraming tao pero alam niyang pakitang-tao lamang iyon.
Nilapitan siya nito, hinawakan sa baba at itinaas. “lyan ang pinakamagandang sinabi mo mula kanina, querida. And yes, we’ve never been friends. You were always rude.”
“You’re hostile and a domineering brute!” ganting-akusa niya.
Napailing ang lalaki. “Hindi pa lumilipas ang kalahating minuto, and again, you are starting a fight,” natatawang wika nito na ikinabulalas din niya ng tawa. Pagkatapos ay parehong pumormal at nagtitigan. Nauna siyang nagyuko ng ulo.
“Let’s dine and dance sa ibaba. Nagpa-reserve ako ng mesa.”
Tumango siya at napatalikod nang tuluyang hubarin ni Nathaniel ang suot na pantalon.
Binuksan nito closet at kumuha roon ng maong at poloshirt.
“Mas komportable ako rito,” wika nito habang isini-zipper ang jeans. “Magbihis ka at hihintayin kita sa ibaba.” Hindi pa nito naibababa nang husto ang poloshirt pero lumabas na. Marahil ay alam nitong hindi siya makapagbibihis kung naroon ang lalaki.
Bahagyang napanatag ang dibdib ni Jasmin. Hinubad niya ang damit pangkasal, pagkatapos ay pumasok ng banyo at nag-shower. Pagkatapos ay nag-ayos ng sarili at lumabas ng suite.
Nasa bungad na siya ng hagdan nang makitanghindi nag-iisa si Nathaniel. Naroon si Rowan at intimate na nag-uusap angdalawa. Hindi niya mapagpasiyahan kung bababa siya o babalik sa silid nangbiglang may humawak sa braso niya.
Part 20
“Rolly!” lingon niya rito.
“Binabati kita, Jasmin,” seryosong sabi nito na inilahad ang kamay. “Binigla mo talaga ’ko! No wonder galit na galit ang anyo ni Nathaniel noong abutan tayo sa apartment. Kaya marahil napadali ang kasal ninyo. Bakit hindi mo sinabi sa ’kin ang tungkol sa inyong dalawa? Bakit ka naglihim?”
“Ah, eh…”
“Ngayon ko naiintindihan ang biglaang pagdating mo. Gusto mong panagutan ni Nathaniel ang nangyari sa inyo. Bakit kailangang ilihim mong siya ang ama ng anak mo? Kabisado na namin ang bilis sa babae ni Boss at tiyak na noong nag-master siya sa Maynila ay doon nangyaring nagkakilala kayo, ’di ba?” patuloy ni Rolly.
“I’m sorry, Rolly, hindi ko gustong magpa-liwanag.” Muli siyang lumingon sa ibaba. Naroon pa rin ang dalawa. Si Rowan ay nakasabit na ang mga braso sa leeg ni Nathaniel.
“Huwag mong intindihin si Rowan. She’s a sore loser. Isa pa, hindi naman talaga seryoso sa kanya si Nathaniel,” kunsola ni Rolly sa nakikitang inis sa mukha niya.
“Salamat, Rolly.” Hinawakan niya sa braso ang binata. Noon tumingala si Nathaniel at nakita ang ginawa niya. “Halika, samahan mo akong bumaba,” yaya niya.
“Sige na, Jasmin. Nahihiya akong lapitan ngayon si Boss dahil sa nangyari sa apartment. And seeing his face now won’t do me good.” Bumitaw ito mula sa pagkakahawak niya at tumalikod.
Paglingon niyang muli sa ibaba’y paalis na si Rowan. Nagtuloy siyang bumaba.
“Ano ang kailangan ng supervisor ko sa ’yo?” ani Nathaniel kasabay ng mariing paghawak sa braso niya.
“Binati lang ako. Si Rowan, ano ang ginagawa niya rito sa resort? Sinusundan ka ba niya?” ganting-tanong niya in an equal tone.
Tumaas ang isang sulok ng bibig ng lalaki, pagkatapos ay inakbayan siya. “Halika na nga! Huwag nating sirain ang truce nating dalawa.”
Pumasok sila sa disco house ng hotel at naupo sa mesang nakalaan sa kanilang dalawa. May champagne na roon at dalawang kopita. Binuksan ni Nathaniel ang wine at nagsalin sa mga kristal na baso.
“Cheers, Mrs. Cervantes!” Itinaas nito ang kopita at idinikit sa kanya. Isang ngiti lamang ang sinagot niya.
Tahimik na uminom si Jasmin habang itinuon ang mga mata sa paligid. Alam niyang pinagmamasdan siya ng asawa at sinisikap niyang huwag mailang.
“Let’s dance.” Tumayo ito at niyaya siya nang pumailanlang ang isang soft music. Nagpahinuhod siya.
My love, there so many ways I want to say I love you.
Let me hold you in my arms forever more…
Nathaniel was holding her so close. Sinasabayan nito ang musika na tila nagma-minus one. He was becoming romantic the way he hold and brushed a light kiss across her forehead.
Lady, for so many years I thought I’d never find you.
You have come into my life and made me whole. Forever
Let me wake to see you each and every morning…
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sari- saring emosyon ang dulot ni Nathaniel. She faltered her steps.
“Relax and hold me,” bulong nito.
Sinikap niyang mag-relax at inihilig ang ulo sa dibdib ng asawa. Kung kaninong pintig ng puso ang naririnig niya ay hindi niya alam. Nagpatuloy si Nathaniel sa marahang pagkanta kasabay ng musika.
Let me hear you whisper softly in my ear.
In my eyes I see no one else but you….
I’ll always want you near me.
I’ve waited for you for so long.
Lady, your love is the only love I need…
You’re the love of my life…. lady
Pinanghihinayangan niya ang pagtatapos ng tugtugin. Pakiramdam niya’y malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nawala nang humiwalay si Nathaniel. Inakay siya nito pabalik sa upuan.
Walang kibong dinampot niya ang kopita ng champagne at tahimik na uminom.
“Why are you so tense?” He asked softly.
“G-ganoon ba ako?”
Marahang tumawa si Nathaniel. “Never in my wildest dreams that I will be confused and intrigue with a woman at asawa ko pa. But then, hindi naman normal ang paraan ng pagkakakilala natin, ’di ba?”
“I agree with you,” mahinang sagot niya.
“Ang buong akala ko’y kabisado ko ang mga babae sa pangkalahatan. Pero mula nang makilala kita’y marami na akong hindi naiintindihan. Kung hindi dahil sa presensiya ni Iris ay gusto kong isiping wala kang karanasan. You are a mixture of everything, chiquita “ Dinala nito sa bibig ang kristal at habang umiinom ay nakatitig sa kanya.
Isang maharot na tugtog ang pumailanlang. Hindi pa man niya naiisip kung yayakagin siyang sumayaw ng asawa ay dumating sa mesa si Rowan.
“Puwede ba kaming magsayaw ng asawa mo, Jasmin? For old time’s sake,” wika nito sa kanya na ang braso ay ikinapit na kay Nathaniel.
“S-sure…”
Hindi niya maintindihan ang titig na ibinigay ni Nathaniel sa kanya. Was he reluctant to dance with Rowan? Bago pa niya nasagot ang sariling tanong ay pumagitna nasa bulwagan ang dalawa.
Nag-iinit ang mukha niya sa ginagawang pagsasayaw ng dalawa. Lalo na ang ginagawang pag-indak ni Rowan. She could even label their kind of dancing as lovemaking in the middle of the dance floor. Kung ganito si Rowan na kasayaw pa lamang ni Nathaniel, paano ang mga nagdaang panahon na kapiling nito ang asawa niya sa kama?
Ang ibang nagsasayaw ay nagbigay ng espasyo sa dalawa. Umiikot, umiindak na tila naggigirian sa maharot na tugtog. Naroon ang seduction sa mukha ni Rowan.
Ang asawa niya’y nakangiti at sinasabayan ang paraan nito. Lumingon si Nathaniel sa kanya at kinindatan siya. Kung hindi malamlam ang ilaw ay nakita na nito ang pamumula ng kanyang mukha.
They were dancing so close and yet they were not touching. Nakikita niya ang mata ng mga lalaking nanonood. Paghanga at pagnanasa kay Rowan. She was provocative, alluring and sexy.
At nagalit si Jasmin. Kung dahil sa dalawa o sa sarili niya ay ewan.
Hindi niya kayang tingnan pa ng matagal ang dalawa. They can dance to their hearts content for all she cares! And to hell with them if they choose to end up in bed!
Walang nakapansin sa pagtayo niya at paglabas sa disco house. Tinalunton niya ang daan pagtungo sa suite nila. Ibinagsak ang clutch bag sa tokador at naghubad. Kinuha mula sa maleta ang pantulog.
Bigla siyang natilihan nang makitang manipis ang night dress na inilagay ni Manang Denang. Pagkuwa’y nagkibit ng balikat. Natitiyak niyang hindi na papanhik ang kanyang asawa. Hindi na nito aaksayahin ang oras sa kanya kung naroon si Rowan.
Pagkatapos mag-alis ng makeup at maglinis ng katawan ay pinatay niya ang ilaw at binuksan ang lampshade. Hindi niya gustong isaksak sa isip ang gagawin ng dalawa pagkatapos.
Narinig niya ang pagtunog ng doorknob. Ini-lock niya iyon. Bigla siyang napabangon nang bumukas ang pinto at pumasok si Nathaniel.
Walang kibong muli nitong isinara ang pinto at inihagis sa sofa ang susing hawak.
Part 21
“Rolly!” lingon niya rito.
“Binabati kita, Jasmin,” seryosong sabi nito na inilahad ang kamay. “Binigla mo talaga ’ko! No wonder galit na galit ang anyo ni Nathaniel noong abutan tayo sa apartment. Kaya marahil napadali ang kasal ninyo. Bakit hindi mo sinabi sa ’kin ang tungkol sa inyong dalawa? Bakit ka naglihim?”
“Ah, eh…”
“Ngayon ko naiintindihan ang biglaang pagdating mo. Gusto mong panagutan ni Nathaniel ang nangyari sa inyo. Bakit kailangang ilihim mong siya ang ama ng anak mo? Kabisado na namin ang bilis sa babae ni Boss at tiyak na noong nag-master siya sa Maynila ay doon nangyaring nagkakilala kayo, ’di ba?” patuloy ni Rolly.
“I’m sorry, Rolly, hindi ko gustong magpa-liwanag.” Muli siyang lumingon sa ibaba. Naroon pa rin ang dalawa. Si Rowan ay nakasabit na ang mga braso sa leeg ni Nathaniel.
“Huwag mong intindihin si Rowan. She’s a sore loser. Isa pa, hindi naman talaga seryoso sa kanya si Nathaniel,” kunsola ni Rolly sa nakikitang inis sa mukha niya.
“Salamat, Rolly.” Hinawakan niya sa braso ang binata. Noon tumingala si Nathaniel at nakita ang ginawa niya. “Halika, samahan mo akong bumaba,” yaya niya.
“Sige na, Jasmin. Nahihiya akong lapitan ngayon si Boss dahil sa nangyari sa apartment. And seeing his face now won’t do me good.” Bumitaw ito mula sa pagkakahawak niya at tumalikod.
Paglingon niyang muli sa ibaba’y paalis na si Rowan. Nagtuloy siyang bumaba.
“Ano ang kailangan ng supervisor ko sa ’yo?” ani Nathaniel kasabay ng mariing paghawak sa braso niya.
“Binati lang ako. Si Rowan, ano ang ginagawa niya rito sa resort? Sinusundan ka ba niya?” ganting-tanong niya in an equal tone.
Tumaas ang isang sulok ng bibig ng lalaki, pagkatapos ay inakbayan siya. “Halika na nga! Huwag nating sirain ang truce nating dalawa.”
Pumasok sila sa disco house ng hotel at naupo sa mesang nakalaan sa kanilang dalawa. May champagne na roon at dalawang kopita. Binuksan ni Nathaniel ang wine at nagsalin sa mga kristal na baso.
“Cheers, Mrs. Cervantes!” Itinaas nito ang kopita at idinikit sa kanya. Isang ngiti lamang ang sinagot niya.
Tahimik na uminom si Jasmin habang itinuon ang mga mata sa paligid. Alam niyang pinagmamasdan siya ng asawa at sinisikap niyang huwag mailang.
“Let’s dance.” Tumayo ito at niyaya siya nang pumailanlang ang isang soft music. Nagpahinuhod siya.
My love, there so many ways I want to say I love you.
Let me hold you in my arms forever more…
Nathaniel was holding her so close. Sinasabayan nito ang musika na tila nagma-minus one. He was becoming romantic the way he hold and brushed a light kiss across her forehead.
Lady, for so many years I thought I’d never find you.
You have come into my life and made me whole. Forever
Let me wake to see you each and every morning…
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sari- saring emosyon ang dulot ni Nathaniel. She faltered her steps.
“Relax and hold me,” bulong nito.
Sinikap niyang mag-relax at inihilig ang ulo sa dibdib ng asawa. Kung kaninong pintig ng puso ang naririnig niya ay hindi niya alam. Nagpatuloy si Nathaniel sa marahang pagkanta kasabay ng musika.
Let me hear you whisper softly in my ear.
In my eyes I see no one else but you….
I’ll always want you near me.
I’ve waited for you for so long.
Lady, your love is the only love I need…
You’re the love of my life…. lady
Pinanghihinayangan niya ang pagtatapos ng tugtugin. Pakiramdam niya’y malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nawala nang humiwalay si Nathaniel. Inakay siya nito pabalik sa upuan.
Walang kibong dinampot niya ang kopita ng champagne at tahimik na uminom.
“Why are you so tense?” He asked softly.
“G-ganoon ba ako?”
Marahang tumawa si Nathaniel. “Never in my wildest dreams that I will be confused and intrigue with a woman at asawa ko pa. But then, hindi naman normal ang paraan ng pagkakakilala natin, ’di ba?”
“I agree with you,” mahinang sagot niya.
“Ang buong akala ko’y kabisado ko ang mga babae sa pangkalahatan. Pero mula nang makilala kita’y marami na akong hindi naiintindihan. Kung hindi dahil sa presensiya ni Iris ay gusto kong isiping wala kang karanasan. You are a mixture of everything, chiquita “ Dinala nito sa bibig ang kristal at habang umiinom ay nakatitig sa kanya.
Isang maharot na tugtog ang pumailanlang. Hindi pa man niya naiisip kung yayakagin siyang sumayaw ng asawa ay dumating sa mesa si Rowan.
“Puwede ba kaming magsayaw ng asawa mo, Jasmin? For old time’s sake,” wika nito sa kanya na ang braso ay ikinapit na kay Nathaniel.
“S-sure…”
Hindi niya maintindihan ang titig na ibinigay ni Nathaniel sa kanya. Was he reluctant to dance with Rowan? Bago pa niya nasagot ang sariling tanong ay pumagitna nasa bulwagan ang dalawa.
Nag-iinit ang mukha niya sa ginagawang pagsasayaw ng dalawa. Lalo na ang ginagawang pag-indak ni Rowan. She could even label their kind of dancing as lovemaking in the middle of the dance floor. Kung ganito si Rowan na kasayaw pa lamang ni Nathaniel, paano ang mga nagdaang panahon na kapiling nito ang asawa niya sa kama?
Ang ibang nagsasayaw ay nagbigay ng espasyo sa dalawa. Umiikot, umiindak na tila naggigirian sa maharot na tugtog. Naroon ang seduction sa mukha ni Rowan.
Ang asawa niya’y nakangiti at sinasabayan ang paraan nito. Lumingon si Nathaniel sa kanya at kinindatan siya. Kung hindi malamlam ang ilaw ay nakita na nito ang pamumula ng kanyang mukha.
They were dancing so close and yet they were not touching. Nakikita niya ang mata ng mga lalaking nanonood. Paghanga at pagnanasa kay Rowan. She was provocative, alluring and sexy.
At nagalit si Jasmin. Kung dahil sa dalawa o sa sarili niya ay ewan.
Hindi niya kayang tingnan pa ng matagal ang dalawa. They can dance to their hearts content for all she cares! And to hell with them if they choose to end up in bed!
Walang nakapansin sa pagtayo niya at paglabas sa disco house. Tinalunton niya ang daan pagtungo sa suite nila. Ibinagsak ang clutch bag sa tokador at naghubad. Kinuha mula sa maleta ang pantulog.
Bigla siyang natilihan nang makitang manipis ang night dress na inilagay ni Manang Denang. Pagkuwa’y nagkibit ng balikat. Natitiyak niyang hindi na papanhik ang kanyang asawa. Hindi na nito aaksayahin ang oras sa kanya kung naroon si Rowan.
Pagkatapos mag-alis ng makeup at maglinis ng katawan ay pinatay niya ang ilaw at binuksan ang lampshade. Hindi niya gustong isaksak sa isip ang gagawin ng dalawa pagkatapos.
Narinig niya ang pagtunog ng doorknob. Ini-lock niya iyon. Bigla siyang napabangon nang bumukas ang pinto at pumasok si Nathaniel.
Walang kibong muli nitong isinara ang pinto at inihagis sa sofa ang susing hawak.
Part 22
“B AKIT ka umalis?” His tone cutting like a whip.
“H-hindi mo na ako kailangan doon.” Halos pabulong lang iyon.
“Ako ang magdedesisyon no’n,” pagalit ding sabi nito. “Hindi pa tayo naghahapunan. Gusto mong magpadala ako ng pagkain dito?”
“I’d rather rest—”
“Then rest it is.” At nagsimula itong magtanggal ng kasuutan sa harap niya. Sunod-sunod ang tambol ng dibdib niya.
“S-saan ka matutulog?”
“Saan ba dapat? This is my suite and this is our wedding night.” Inihagis nito ang jeans sa ibabaw ng polo shirt sa may sofa. Napapikit si Jasmin.
“Hindi maaari, Nathaniel!” Tuluyan na siyang napabangon. Nalimutan niyang manipis ang kanyang suot. “All right, puwede ko sigurong gamitin ang apartment ko sa ibaba.” Alam niyang she’s acting stupid. Pero ano ang maaari niyang gawin at sabihin?
Akma siyang tatayo upang magbihis nang mahagip ni Nathaniel ang braso niya at ibinalik siya sa kama.
“Tigilan na natin ang larong ito, Jasmin! It bores me. Hindi mo inaasahang hiwalay tayo ng tutulugan sa gabing ito?”
“I was expecting that considering—”
“Considering what?” agap ng lalaki. “Asawa kita. Legal. Ikinasal tayo kaninang alas-tres ng hapon. Tungkulin mong ipagkaloob sa akin ang obligasyon mo bilang asawa ko.”
“Kung sex ang gusto mo, hindi mo dapat iniwan si Rowan!” angil niya sa pagsisikap na galitin ang asawa at iwan siya.
“What?” Humigpit ang hawak ni Nathaniel sa braso niya.
Nasasaktan siya dahil tila bakal na bumaon sa laman niya ang mga daliri nito.
“Ikaw ang asawa ko tapos gusto mong sa ibang babae ako magpalipas ng magdamag?”
“Eh, ano? Halos ganoon na rin naman ang ginagawa ninyo kanina, ah!”
“Nagseselos ka ba kaya umalis ka sa mesa natin?” Marahas siyang inihiga nito pinning her arms over her head.
Napapikit at napangiwi siya sa pagbalya na iyon ni Nathaniel. Sinasaktan siya nito.
“Magsabi ka ng totoo, Jasmin, nagseselos ka ba kay Rowan?” Matigas ang tinig nito na tila siya nasa ilalim ng third degree.
“Nathaniel, please… nasasaktan ako.” ’
“Nagseselos ka ba kay Rowan?” ulit nito na lalo pang hinigpitan ang pagkakapisil sa braso niya. Gusto na niyang umiyak.
“Ewan ko!” aniya na litong-iito. “Hindi ko alam! Hindi ko naiintindihan! Nalilito at natatakot ako sa iyo!” tila pa-hysteria niyang sinabi.
Lumambot ang mukha ni Nathaniel at binitiwan siya. “Poor, darling,” masuyong wika nito na hinawi mula sa mukha niya patalikod ang kanyang buhok. Tinitigan siya, mayamaya’y bumaba ang mga kamay nito sa strap ng nightgown niya’t ibinaba mula sa mga balikat.
“N-Nathaniel, please…” pakiusap niya na gumaralgal ang tinig.
Hindi malaman ni Nathaniel kung matatawa o maiinis sa kanya.
Ano’ng klaseng lalaki ang unang nakatagpo ni Jasmin? Nag-iigting ang mga bagang nito sa naisip na iyon, na mabilis ring pinalis sa isip.
“Sshh—relax, chiquita. Ipaubaya mo sa akin,” he whispered. Tuluyang ibinaba ang pantulog niya. Napahugot ng hininga si Nathaniel sa kagandahang nasa harapan nito. Hindi malaman ni Jasmin kung papaano tatakpan ang sarili.
Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Nakalimutan nang isiping pinaniwala niya si Nathaniel na may anak siya. Init ng mga labi ni Nathaniel ang bumaba sa kanya, tasting her lips with his tongue from one corner to another.
His kisses are gentle at first, then possesively, then withdraw his lips as if teasing her. “Kiss me back, love…,” bulong nito kasabay ng pagbibigay ng gentle bite sa earlobe niya.
Napasinghap si Jasmin sa ginagawa ng asawa. Lalo na nang maramdaman niya ang kamay ni Nathaniel sa dibdib niya. Softly cupping her breast. Malamig ang airconditioner pero pakiramdam niya’y nag-aapoy ang paligid at nasusunog siya. May mga sparks ng kuryente sa bawat daanan ng mga kamay ni Nathaniel.
His lips travelled down to her breast and tenderly nipped. She moaned softly. His hands seemed to burn across her body as they touched and caressed her. His tongue and lips tantalizing. His hands tormenting. She gasped aloud in pure pleasure. On her own accord, she was responding. Kissing him, touching him, wanting him, loving him.
Sa ginawa niyang pagtugon, Nathaniel became wilder and a little bit savage. Subalit lalo lang itong nagdagdag sa sensasyong nararamdaman ni Jasmin. His fire matches hers.
He wasn’t gentle when he took her, not expecting her innocence. Jasmin felt the sharp of pain pero pinilit na huwag mapasigaw.
Tinitigan ni Nathaniel ang asawa. He could see the small searing of pain across her lovely face. He stilled his movements and allowed her to adjust. He wanted her to give all the time to accept his masculinity and not wanting to cause more pain.
Pero hindi nito kayang magpigil pa ng matagal nang maramdamang gumalaw nang marahan si Jasmin, it was an aching pleasure. He was gentle this time. And he had never felt so complete. Sa sarili’y inaming walang ibang babaeng nagpadama ng ganito, so close to this trembling peak of ecstacy.
Part 23
NAGMULAT ng mga mata si Jasmin. Hindi siya makakilos. Nakayakap sa kanya ng mahigpit si Nathaniel at tulog na ito. Nilingon niya ang alarm clock sa tabi ng night lamp. Alas cuatro y media ng madaling araw. Sa pagsikat ng araw, paano niyang haharapin si Nathaniel?
Gusto niyang mag-isip. Maingat niyang inalis ang kamay ng asawa. Pagkatapos ay marahang bumangon at nagbihis. Pinagmasdan sandali ang natutulog na asawa. Hindi niya matingnan ang katawan nito kanina. Ngayon ay malaya niyang pinagsawa ang paningin sa hubad nitong katawan.
He was beautiful and magnificent! Ang pantay- balikat na buhok ang kulay-bukayong balat down the corded muscled neck and the expanse of hard powerful body. Bumaba pa ang mga mata niya to the long and muscle-rippling thighs and legs.
She loved him!
Huminga siya nang malalim at maingat na binuksan ang pinto. Gusto niyang abangan ang pagsikat ng araw sa tabi ng dagat. Baka sakaling magdala ito ng bagong pag-asa.
NANG magising kinaumagahan si Nathaniel ay nag-iisa na lang ito.
“Jasmin,” tawag nito. Nang walang sumagot ay mabilis na bumangon at sumilip sa banyo. Wala rin ang asawa. Tutop ang noo na pilit ibinabalik sa isip ang pangyayari kagabi. Napasulyap ito sa beddings. Naroon ang katunayang hindi ito nananaginip. Ang bahid ng dugo sa kumot.
Mabilis na nagbihis si Nathaniel at lumabas ng silid. Panic tightened his chest.
“Have you seen my wife?” tanong nito sa empleyado sa reception.
“Kaninang mag-a-alas singko po, sir, ay may tawag sa kanya galing sa hacienda. Ililipat ko na po sana sa silid ninyo ang tawag nang makita kong bumababa sa hagdan si Ma’am. Pagkatapos po ay nagpahatid siya sa driver natin patungong hacienda.”
Hiningi ni Nathaniel ang susi ng sariling sasakyan sa empleyado at madaling lumabas patungo sa parking area. Wala pang kinse minutos ay narating na nito ang Villa Kristine.
Halos umuga ang pinto sa lakas ng pagbalya ni Nathaniel. Si Margarita ang nabungaran nito sa sala.
“Nasaan ang asawa ko?”
“Nathaniel…?”
“Nasaan si Jasmin, Mama?”
“May sampung minuto na silang nakakaalis, anak. Kasama ang lolo mo at si Denang. Sakay sila ng helicopter. Hindi mo ba alam?
“Ano’ng hindi ko alam, Mama?” Galit na ang tono ni Nathaniel.
“Magdamag na nagligalig si Iris, hijo. Hindi na kami tumawag sa inyo kagabi dahil baka naman ordinaryong pamimerwisyo lang dahil sa pagod. Pero nitong madaling araw na ay nahihirapan nang huminga ang bata.” Puno ng pag-aalala si Margarita. “Gusto kong sisihin ang sarili ko. Napagod nang husto si Iris kahapon. Dahil sa kasiyahan ay nalimutan naming lahat na may sakit ang bata.”
Niyakap ni Nathaniel ang ina. “She will be all right, Mama,” alo nito sa ina ngunit nasa asawa ang isip. “I’m taking todays flight patungong Maynila, ’Ma.”
ALAS-DIYES ng umaga ay nasa Manila Airport na si Nathaniel. Nag-taxi ito patungong Kristine Cement. Tumuloy sa opisina ng lolo.
“Nathaniel!” Si Mrs. de Lara. “Katatawag lang ng lolo mo at patungo na siya rito.”
“Hindi niya sinabi kung saan siya galing?” Umiling si Mrs. de Lara. “I’ve heard you have just gotten married yesterday. Ano ang ginagawa mo rito? Sabi ng security guard ay dumating kaninang umaga ang helicopter.”
“Be sweet, Andrea, and call Makati Med. Itanong mo kung doon dinala si Iris Cuevo,” utos ni Nathaniel.
“Ang kapatid ni Jasmin?” Ibinigay ng sekretarya ang kumpirmasyon.
Napahugot ng malalim na paghinga si Nathaniel. “Yes. My wife’s sister. Sila ang sakay ng chopper.” Pagkatapos ay pumasok sa loob ng opisina at tila nahahapong naupo sa swivel chair at pumikit.
Hindi naglipat sandali ay isang warning knock ang narinig nito bago sumungaw si Mrs. de Lara. Inilapag sa harap ni Nathaniel ang papel.
“Nakasulat diyan ang room ng bata, Nat. Anything else?”
“Yes, please. Dalhin mo sa akin ang file ng asawa ko. Wala ba siyang kamag-anak dito, Andrea?” Kung hindi pinagkakatiwalaan ni Leon ang babaeng ito ay hindi gagawing magtanong ni Nathaniel.
“Her father worked for us for more than seven years until his death five months ago,“sagot ni Mrs. de Lara at pagkatapos ay ngumiti. “Use the computer, Nat, nandiyan ang gusto mong malaman.”
“Kung kabayo at baka ’yan, Andrea, kanina ko pa pinakialaman. How the hell do I know how to operate that damn machine?”
“May isa ka pang nalimutang isama maliban sa baka at kabayo, dear, babae.” Natatawang nilapitan nito ang computer at pinindot ang mga keys. “’Ayan ang kailangan mo.”
Tumayo si Nathaniel at binasa ang mga nakalagay sa screen. “Ano ito, Andrea? Bakit ganito ka-rigid ang file ng asawa ko?”
“Pinaimbestigahan siya ng lolo mo bago ipinadala sa Paso de Blas. This file is confidential, Nat. Kahit ang personnel ay wala nito.”
“Damn the old man! I can not decide whether to despise or love him.”
“He choosed your wife, Nathaniel, for all the good reasons. At ang nakikita ko sa mukha mo kaninang dumating ka ay patunay na tama ang ginawa ni Senior Leon.”
“Damn you, Andrea! Lagi ka na lang nakakampi sa lolo. Hindi ako magtataka kung isa sa mga araw na ito ay mabalitaan kong nagpakasal ka sa matandang iyon.”
Malungkot na ngumiti ang matandang babae na umiwas ng tingin.
“Did I hit home?” natatawang tanong ni Nathaniel.
“Mind your own business, Nathaniel!”
“Matagal ka nang biyuda, Andrea. Binatilyo pa lang ako. Bakit hindi ka nag-asawa uli?”
“Back-off, Nathaniel!” At humakbang na ito para lumabas.
liling-iling si Nathaniel, muling tinitigan ang nasa screen. Pagkatapos ay lumabas ng silid.
Part 24
NAKAUPO sa gilid ng hospital bed si Jasmin at pinagmamasdan ang kapatid. Kalmante itong natutulog gayong kaninang madaling araw ay hirap na hirap huminga.
Lumingon siya nang maramdamang bumukas ang pinto.
“Nathaniel…” Napatayo siya, sunod-sunod ang tahip ng dibdib. Gusto niyang takbuhin ito at yakapin pero naunahan siya nito.
Niyakap siya nang mahigpit ni Nathaniel, halos malansag ang mga buto niya.
“Kung hindi dahil kay Iris ay mapapatay kita sa ginawa mong pag-alis nang walang paalam.” Naroon ang intensidad sa sinasabi nito.
“Nathaniel…?” Tumingala siya at sinalubong ang mga labi ng asawa nang hagkan nito. Marahas at masidhi ang halik na iyon. Tila taon ang katumbas ng ilang oras na pagkakahiwalay.
Pinukaw ng halik na iyon ang sensasyong dulot ng nagdaang gabi. Nalimutan ni Jasmin kung nasaan sila. Gumanti ng mas masidhing yakap at halik. Bantulot siyang inilayo ni Nathaniel.
“You witch! Don’t do that to me. Baka malimutan kong nandito tayo sa ospital,” ani Nathaniel at hinagkan siya sa ibaba ng ulo.
“You started it” nahihiyang sagot niya.
“I love it, darling, when you kiss me like that. I love the way you responded to my lovemaking last night, when you wantonly desired me.” Masuyong itinaas nito ang mukha niya. “Why all the lies, chiquita?”
Pumormal si Jasmin. “Hindi ko alam kung ano ang motibo ni Senior Leon nang ipadala niya ako sa Paso de Blas pero nagawa niyang mapapayag ako. Kailangan namin ni Iris ang dagdag na suweldo ko. Then he warned me about you. Telling me not to fall in love with you or I will end up with a broken heart or getting myself pregnant. Nagalit ako. I said he was overrating you.”
“Wasn’t he?” amused na tanong ni Nathaniel. “You were so attractive that even when you were so arrogant I can’t help myself thinking about you.” “And presented Iris as your daughter to put off unwanted admirers,” dugtong ni Nathaniel.
“It didn’t serve the purpose. I received insults instead.”
“I didn’t mean to insult you, querida. Nagagalit ako sa prebilihiyong ibinigay sa iyo ni Rolly nang bigyan ka niya ng solong pinto dahil nagseselos ako. Nagseselos ako sa unang lalaking sa palagay ko’y unang umangkin sa iyo. Nagagalit ako sa rudeness mo sa akin gayong boss mo ako. Dahil doon ay nag-isip ako ng masama na baka mayroon kang relasyon sa lolo ko.”
“Pero hindi mo gustong magpakasal sa akin dahil sa akala mo’y hindi ako malinis—”
“I hated my grandfather’s manipulation. Nahahati ako sa maraming damdaming dulot mo sa akin no’ng una pa lang na makita kita. Idagdag pa ang tradisyon ng pamilya. Pero tinanggap kita, tinanggap ko si Iris.”
“Dahil lamang sa hacienda,” mapait niyang sagot.
“Marahil. At naging paraan iyon para pakasalan kita. But I love you, Jasmin. Walang ibang babaeng gumulo sa isip at pagkatao ko nang ganoon kundi ikaw.” Puno ng emosyon ang tinig nito.
Mapait siyang umiling. “Don’t lie, Nathaniel. It hurts terribly.”
“Damn you, Jasmin! Nagsasabi ako ng totoo. Paniwalaan mo ako.” Halos yugyugin na nito ang mga balikat niya.
“Dahil ba sa napatunayan mong malinis ako at mapapasaiyo pa ang Hacienda Kristine? Mag- asawa na tayo, ’di ba? Naipagkaloob ko na ang sarili ko bilang asawa sa iyo. You don’t have to sugar coat it by telling me you love me, Nathaniel.” Napahikbi siya sa bahaging iyon subalit sinikap na hindi mapaiyak.
Nanlulumong binitiwan siya ng asawa. “Hindi ko alam pakitunguhan ang damdamin ko sa iyo, Jasmin. At lalong hindi ko alam pakitunguhan ang isang tulad mo. I’m completely at a lost pagdating sa iyo. I couldn’t even express myself well. Ang masasabi ko lang sa iyo ngayon ay nasasaktan ako dahil hindi kita mapaniwalang mahal kita, na iniibig kita. When you talked of annulment yesterday ay gusto kong magalit sa iyo. When I spoke our vows that only death will do us part ay binigyan ko ng diin upang iparating sa iyo ang nasa dibidib ko.”
So, hindi lamang pala niya imahinasyon ang mariing pagbigkas ni Nathaniel sa vows nito. Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay humakbang papalabas si Nathaniel.
“Uuwi ako ng hacienda ngayon. At kahit na ano pa ang sabihin mo ay hindi ako papayag na mawala ka sa akin, Jasmin. Hihintayin ko kayo doon ni Iris. And I’m warning you, uuwi ka ng hacienda!”
Wala na ang asawa ay nakatitig pa rin sa pinto si Jasmin. Nakadama ng pag-asa.
Tatlong araw pang nanatili sa ospital si Iris bago ito pinayagang ilabas ng ospital. Nasa opisina rin si Don Leon nang araw na ihahatid sila ng helicopter pabalik sa hacienda.
“Mag-usap kayong mag-asawa, hija,” si DonLeon. “Nagpapahanap ng bahay na bibilhin ang asawa mo rito sa Maynila. And he is giving up the hacienda. Hindi ako makapaniwalang gagawin ng apo ko ’yon.”
“Do you really want to hand him over the hacienda, senior?”
“Of course, hija! Naihanda na ng mga abogado ko ang mga papeles subalit ipina-hold ni Nathaniel. Ano ang problema, Jasmin?” nag-aalalang tanong nito.
“Walang problema, senior.” Tumayo siya. “Sasama ba kayo, pabalik sa hacienda?”
“Hindi muna, hija. Maraming nabinbing trabaho rito. Sige na kayo.”
Ginawaran niya ng halik sa pisngi ang matanda.
Part 25
NAPALINGON sa itaas ng hotel si Nathaniel nang marinig ang chopper.
Sakay ba nito ang asawa ko? tanong ng isip nito. Abot-abot ang agam-agam sa dibdib, muli nitong ibinalik ang tingin sa dagat. Hinayaang papaglamin ng munting mga alon ang kanyang paa. “Nathaniel…!”
Lumingon ito at nakita si Jasmin na nagmamadaling bumaba mula sa hagdanang bato papalapit. Ngumiti si Nathaniel at inilahad ang mga kamay. Patakbong yumakap sa asawa si Jasmin. Iniangat siya nito mula sa buhanginan at inikot.
“I love you and I missed you, Nathaniel!”
Siniil siya nito ng halik. Hindi alintana ang ilang guests ng hotel resort na naroon din sa bahagi ng dagat. It was ages bago pinakawalan ni Nathaniel ang mga labi niya.
“Bakit pinigil mo ang lolo sa gagawing paglilipat sa pangalan mo ng Hacienda Kristine?”
“Gusto kong paniwalaan mong iniibig kita nang walang alinlangan, querida.” His heart in his eyes. “Maaari, tayong magsimulang muli. Makapaninirahan sa Maynila at malalapit pa sa ospital si Iris. Mabibigyan ko pa ng kasiyahan si lolo dahil mapapamahalaan ko ang Kristine Cement.”
Buong pagmamahal natinitigan ni Jasmin ang asawa. Inabot ang buhok nito na bahagyang nililipad ng hangin, masuyong hinawi ng mga daliri niya patalikod.
“I love you, Nathaniel. Naniniwala akong mahal mo ako. At hindi ikatutuwa ni Senior Leon na tanggihan mo ang hacienda. Kailangan mo ang Hacienda Kristine,” she said softly.
“You don’t doubts my love?”
Umiling siya. “At isa pa, Nathaniel, kailangan ng agila ang mga puno at bundok at ang himpapawid ng Paso de Blas sa kanyang paglipad. Wala nito sa Maynila. Hindi makalilipad doon nang malaya. Hindi rin ito makapamumugad sa itaas ng mga nagtatayugang building.”
“Oh, Jasmin!”
“Fly high and fly swirf, if you must, my love and my eagle!”
••• WAKAS •••

