Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR)
Marthacecilia Phr · 16 chapters · 20,983 words
1
M ALAYO pa sina Alexa at Bernard ay napuna na nila ang nakaparadang kotse sa harap ng bahay ng dalaga.
“May bisita ang Daddy mo, Alex?” tanong ni Bernard na hindi hinihiwalayan ng tingin ang naroong kotse habang ipinaparada nito ang pickup.
“Hindi ko alam. Ngayon ko lang nakita ang sasakyang iyan,” sagot niya na binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba. “Halika, tumuloy ka muna.”
“Hindi na, Alex, at baka makaabala pa ako. Susunduin kita bukas at ipapasyal sa farm. Sabado naman at wala kang pasok sa banko;”
Tumango ang dalaga. “Salamat, Bernard.” Ihinatid niya ng tanaw ang pag-alis nito. Pagkatapos ay nagmamadaling pumasok sa bahay upang alamin kung sino ang bisita ng ama.
Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na ang bisitang daratnan ay magpapabago sa simpleng takbo ng buhay niya.
“Alexa, hija…” salubong ni Roberto sa anak. “Mabuti at maaga ang uwi mo ngayon. May bisita tayo.”
Humalik siya sa pisngi ng ama at sinulyapan ang bisitang nakaupo sa sofa. Very poised at elegant ang babae, maganda. Mula ulo hanggang paa ay nagbabadya ng kariwasaan. Hindi niya mahulaan kung ilang taon na ang edad ng panauhin. Pero kung wariin niya’y matanda lamang sa kanya ng mga ilang taon.
Hindi niya maipaliwanag ang biglang pagdaloy ng kaba sa kanyang dibdib. Pamilyar ang mukha ng babae at nakita na niya ito. Hindi lamang agad maapuhap ng isip niya kung saan.
“K-kumusta ka na, Alexa?” wika nito sa maganda at tila musikang tinig, bagaman nahihimigan niya ng bahagyang panginginig. Bahagyang kumibot ang mga labi niya dahil sa ginawang pagtawag ng panauhin sa kanyang pangalan. Buong-buo, katulad ng paraan ng kanyang ama.
Isang tango at simpleng ngiti ang naging tugon niya. Tumikhim si Roberto at inakbayan siya.
“Alexa, gusto kong ipakilalasa iyo si… Eleanor.”
Eleanor?
Dumaloy ang alaala ng kamusmusan sa kanyang isip…
“Eleanor ba ang pangalan ng Mama, Daddy?”
“Tama ka, hija, Eleanor. Alam mo bang magkahawig kayo ng mga mata?”
“De maganda rin ang mga mata ko?” patuloy na tanong ng apat na taong gulang na si Alexa, na nasiyahan sa sinabi ng ama.
“Tulad ng Mama mo, hindi lang mga mata mo ang maganda, Alexa, lahat sa iyo ay maganda.” Lungkot at pagmamalaki ang nasa tinig nito…
Napakurap si Alexa. Mahigpit na napahawak sa sandalan ng sofa. Muling tinitigan ang naroong babae. Bahagya lamang ang ipinagbago ng babae sa larawang nasa album at malimit niyang tingnan noon (kahit man lamang sa larawan ay maibsan ang pananabik niya sa ina) at sa ngayong nakikita niya.
At makalipas ang dalawampu’t isang taon ng buhay niya, heto ang babaeng pinanabikan niyang makita. Nasa harap niya.
Papaano siya kikilos?
“M-maari ba kitang mahawakan at mayakap, Alexa?” Nag-aalangan at puno ng insekyuridad ang tinig nito. May namumuong luha sa mga mata.
Wala sa loob na humakbang patungo kay Eleanor ang dalaga at pumaloob sa nakalahad nitong mga kamay. Pinigil niyang mapaiyak nang yakapin nito nang mahigpit. Narinig niya ang impit nitong pag-iyak. May ilang sandali rin sila sa ganoong ayos. Pagkatapos ay marahan siyang kumawala.
“lisa ang anyo ninyo ni Sandra, Alexa” wika nito makaraan ang ilang segundo.
“S-Sandra? Sinong Sandra?”
Lumipat ang tingin ni Eleanor kay Roberto na sa mahinahong tinig ay muling nagsalita. “Ang… kakambal mo, hija “
Gulat siyang tumingin sa ama. “M-may kakambal ako?!” Hindi makapaniwalang pinaglipat- lipat niya ang tingin sa dalawa na bawat isa’y ayaw salubungin ang kanyang mga mata.
“May kakambal ako! May kapatid ako pero hindi mo ipinagtapat sa akin, Daddy?” May akusasyon sa tinig niya.
“Hindi iilang beses kong binalak na ipagtapat sa iyo, Alexa. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon,” depensa ni Roberto.
“At kailan ang tamang pagkakataong ’yon? Buong buhay ko’y pinaniwala ninyong nag-iisa lang akong anak. Na sanggol pa lang akong bata’y naghiwalay na kayo ng aking ina!” Bahagyang tumaas ang tinig niya na sa unang pagkakataon ay ginamit sa ama.
“A-Alexa….”
Inagapan niya ang sasabihin ng ama. “At ang kakambal ko, alam ba niya ang pag-iral ko sa mundong ito?” Na kay Eleanor ang pansin niya.
“Tulad mo ay hindi rin alam ni Sandra na may kapatid siya.” Halos hindi marinig ni Alexa ang sagot ng noon lamang nakilalang ina.
Tila nahahapong naupo siya sa sofa. Hinawakan siya ni Roberto sa balikat. “Gusto naming magpaliwanag, hija, kung pakikinggan mo.”
Hindi siya kumibo. Ni hindi niya alam kung ano ang iisipin para sa sariling mga magulang na parehong ipinagkait sa kanila ng kapatid ang pag-iral ng bawat isa.
Naupo si Roberto sa katapat na upuan. Tiningnan muna si Eleanor bago nagsimulang magsalita. “Eleanor and I were very young, Alexa, when we fell in love. I was eighteen at siya nama’y seventeen and already three months pregnant. Tutol ang ama niya sa aming dalawa. Parehong mahirap ang aming pamilya at gusto ng ama ni Eleanor na sa mayaman pakasal ang iyong ina.”
Napapikit ang dalaga. Gusto niyang isiping napanood na niya sa isang pelikulang hindi matandaan ang pamagat at mga bida ang sinasabi ng ama.
“Nagtanan kami at dahil parehong mga bata ay hindi makapagpakasal na walang pahintulot ng mga magulang. Ang mga magulang ko’y hindi problema subalit hindi ang ama ni Eleanor.” Saglit na huminto si Roberto at nang magpatuloy sa pagkukuwento ay tumayo at tumapat sa bintana.
“Sa simula’y maayos ang lahat subalit naiba nang ipanganak kayong magkapatid. Dumami ang pangangailangan at wala akong pormal na pinagkakakitaan. Tumutulong lamang ako sa Tatay na gumawa ng mga Capis Lamps sa pinagtatrabahuhan niya. Hindi sapat ang kaunting kita para sa apat na bibig kahit na nga ba tumutulong ang mga magulang ko. Gatas at gamot para sa inyo. Halos walang linggong hindi kayo dinadala sa doktor ng kakambal mo.”
Habang nakikinig ay walang kakurap-kurap ang dalaga.
“Ang pag-ibig namin ay nauwi sa pagtatalo, sa hindi pagkakaunawaan dahil sa kawalan. Sa isang matinding pagtatalo ay umuwi si Eleanor sa mga magulang niya kasama kayo. Hindi ko na siya muling nabawi pa.”
Sa puntong iyon ay huminto sa pagsasalita si Roberto na para bang sinasabing hindi na nito alam ang pangyayari pagkatapos niyon. Nakita niyang sumulyap kay Eleanor ang kanyang ama, ang mga mata ay puno ng hinanakit.
“H-hindi pumayag ang Tatay na bumalik pa kaming mag-iina sa iyo, Bobby”
Napaangat ng ulo si Alexa. No one ever called her father by that name.
Nagpatuloy si Eleanor. “Nang mapag-isip-isip kong hindi ako dapat umalis at iniwan ka’y may ibang plano na ang aking ama. At wala akong magawa. Dalawang araw matapos akong umuwi sa amin ay dinala n’ya kaming mag-ina sa Maynila. Doon ay ipinakilala n’ya ako sa kanyang amo. Isang matandang binata na doble ang edad sa akin. I was young and confused at wala akong nagawa nang ipakasal kami ni Ama.”
“No one could have forced you kung…” Mahina subalit mariing sinabi ni Roberto, hindi rin nagawang tapusin ang mga salita.
“Oh, Bobby” Napahikbi si Eleanor at napayuko.
Napatanga si Alexa. Siya ang nakikinig ng mga paliwanag subalit sa nakikita at naririnig niya’y tila sa isa’t isa nagpapaliwanag ang mga magulang.
“Papa’no ako napunta sa Daddy?” tanong ni Alexa.
“Dalawang buwan na kaming kasal ni Amado nang sulatan ko ang Daddy mo, Alexa. Legally, alam kong hindi na ako makakahiwalay kay Amado dahil mag-asawa na kami. I… I loved your father.” Halos nagbara sa lalamunan nito ang salita. “A-ayokong tuluyang maputol ang ugnayan ko sa kanya, at niya sa aming mga anak. l-it almost killed me, Alexa, when I gave you to your father pero ’yon lang ang paraan para manatiling bukas ang tulay para sa aming dalawa. Umaasa na pagdating ng araw ay kami pa rin.”
Binalingan ni Alexa ang ama. Naghihintay ng sasabihin nito.
Hindi siya nabagot sa paghihintay. “Nasaktan ako,” sabi ni Roberto. “Labis na nasaktan. Ipinasya kong mangibang-bayan. Lumayo. Huwag nang magpakita pa kailanman. Napilit ko ang aking mga magulang.”
“Hindi ko inaasahang gagawin ’yon ng Daddy mo, Alexa. Ni hindi niya ipinahiwatig or else I would have not given you to him. Nang malaman ni Amado ang ginawa ko’y ipinasya nitong magpunta kami sa Amerika kasama si Sandra. Inisip ni Amado na kung hindi niya gagawin ’yon ay posibleng magkita pa kami ng Daddy mo. It was ten years after bago kami muling nagbalik sa Pilipinas. Nang mamatay ang ama ko.”
“Ano ang nangyari at narito kayo ngayon? Paano kayo nagkatagpo ni Daddy kung pareho ninyong hindi alam ang kinaroroonan ng bawat isa?” Huminga nang malalim si Eleanor. “Hindi madali, Alexa. Nang mamatay si Amado, mahigit isang taon na, umupa ako ng private detective para hanapin kayo. Halos nawalan na ako ng pag-asa dahil sa negatibong report ng mga binabayaran ko. Then, nine months ago, hindi inaasahang nakita ko ang larawan mo sa peryodiko—”
“Ako?” hindi makapaniwalang agaw niya. “Paano akong nakunan ng larawan at naiperyodiko pa?”
“Kuha yata ’yon no’ng opening ng branch ng banko sa Paso de Blas. Nakalimutan mo na ba? Hindi sinasadya ang pagkabuklat ko sa diyaryo at naraanan lang ng mga mata ko ang larawan mo. Akala ko’y si Sandra at nagtaka ako kung bakit nasa peryodiko siya.”
Naalala na niya ang kuhang iyon. Actually, sa Maynila siya nagsanay nang matanggap siyang isa sa mga empleyado. Sa main office sa Makati ang training niya at ng iba pang mga empleyado.
“Kumilos agad ang inuupahan kong mga tao nang ipaalam ko sa kanila. Then I wrote to your father and send a picture of Sandra. Ipinadala rin ni Bobby ang larawan mo sa akin—”
“You have been communicating for quite some time pero hindi ninyo sinasabi sa amin?” Namuo na ang mga luha niya sa mata. Pilit sinisikil ang galit na gustong mag-umalpas sa dibdib.
“Please try to understand, Alexa. We’ve been trying to ask ourselves how to tell you both. Matagal ko nang gustong makipagkita sa Daddy mo, sa iyo, pero hindi pinahihintuiutan ni Bobby sa pag-aalalang baka masaktan ka. Ikaw ang inaalala niya, Alexa,” patuloy ni Eleanor na nagpahid ng panyolito sa mga mata. Still very poised sa kabila ng emosyon.
Sinikap ni Alexa na ipasok sa isip at puso ang lahat ng sinasabi ng mga magulang. Sinikap unawain.
Sino siya para hatulan ang dalawa? Ang Papa niya’y naging mabuting ama. At natitiyak niyang gayundin ang ina kay Sandra.
At isiping hindi nag-asawa ang Daddy niya sa panahong nagdaan.Totoong hindi nakaririwasa ang buhay nilang mag-ama, pero hindi rin naman naghihikahos. Bilang guro sa pampublikong paaralan sa bayan ay napagtapos siya ng ama, napag-aral at naipasok na empleyado sa isang kilalang banko.
Tumuwid siya sa pagkakaupo at muling tinitigan ang ina. “Bakit kayo narito? At nasaan ang… kapatid ko? Alam na ba niya ang katotohanan? Alam na ba niyang nagpunta kayo rito?”
“K-kailangan niya ang tulong mo, Alexa.” Sa pagkakataong iyon ay hindi mapigil ni Eleanor ang mapahikbi.
Nagsalubong ang mga kilay ni Alexa. “Tulong? Sa paano’ng paraan?”
Sumulyap si Eleanor kay Roberto. Nagsalita ang lalaki.
“Gusto kong ipauna sa iyo, hija, na pareho ko kayong mga anak ni Sandra at parehong mahalaga sa akin. Subalit hindi ka namin inoobliga ni Eleanor na gawin ang bagay na labag sa iyong kalooban.”
“Ipaliwanag n’yo ang sinasabi ninyo.”
“Apat na araw na ang nakararaan ay naaksidente si Sandra, Alexa. Hindi sinasadyang nadulas siya sa hagdan pagbaba niya at nahulog. Nabagok ang ulo niya sa marmol sa ibaba. Dinala ko siya agad sa ospital p-pero..” Sunud-sunod na paghikbi ang ginawa nito.
Napuna niyang gustong lapitan ng ama ang kanyang ina at aluin ito subalit nagpipigil ang una.
Kinakabahan siya sa maaring nangyari sa kapatid. Marahil ay nakaligtas ito dahil kung hindi ay hindi na kakailanganin ni Eleanor ang tulong na sinasabi nito.
“A-ano’ng nangyari kay… Sandra?”
“Hindi pa siya nagkakamalay hanggang ngayon, Alexa. Nasa ICU, in comatose.”
“Oh!”
Hindi malaman ni Alexa kung papaano tatanggapin sa puso at isip ang lahat ng iyon. After twenty one years ay heto at lumitaw ang kanyang ina, pagkatapos ay nalaman niyang may kakambal siya na ngayon ay comatose.
“P-papaano niya kailangan ang tulong ko?” “Magpanggap kang ikaw si Sandra, Alexa!” si Eleanor.
2
“A NO?” bulalas niya.
“lyon ang tulong na kailangan ng kapatid mo, Alexa. Ang magpanggap ka na siya,” patuloy ni Eleanor.
Napailing siya. Hindi na ba matatapos ang mga kabiglaanang ito? “At bakit ko gagawin ’yon?”
“Isang linggo mula ngayon ay ikakasal na ang kapatid mo. Kay Jake Atienza. Hindi alam ng pamilya nito ang nangyari sa kapatid mo. Si Jake ay kasalukuyang nasa Amerika at maaring dumating bago ang araw ng kasal.”
Halos hindi humihinga ang dalaga. “Sa paanong paraan ako magpapanggap na si Sandra?”
“Ikaw ang magpakasal kay Jake bilang si Sandra.”
“Oh!” Nasapo ng dalaga ng kamay ang mukha niya.
“Alexa, hija…” si Roberto.
“Paano ko gagawin ’yon? This is crazy! Hindi n’yo ibig sabihing magpapakasal ako sa Jake Atienza na ito?” Tumaas ang tinig niya.
“Please, Alexa…” Nagsusumamo ang tinig ni Eleanor.
Napatayo sa kinauupuan si Alexa. “Paano n’yo naisip ang bagay na ito? Bakit kailangang ipagawa ninyo sa akin ’to? Bakit hindi ninyo sabihin sa kasintahan ni Sandra ang nangyari sa kanya? Surely, maiintindihan ng Jake na ’yon, maliban pa sa may karapatan siyang malaman kung ano ang nangyari sa nobya niya.”
“You don’t understand—”
“Talagang hindi ko naiintindihan! At hindi ko gustong maintindihan. Hindi ko makita ang logic sa sinasabi ninyo. Bakit kailangang magpanggap?” Halos gusto na niyang mag-histerya.
“Pakinggan mo muna ako, Alexa,” si Eleanor na nagpunas ng panyo sa ilong. “Si Jake ay panganay na anak ng kasosyo ni Amado sa negosyo. At bagaman mas malaking bahagi ang pag-aari ng mga Atienza ay ipinauubaya nila ang pamamahala sa asawa ko. May sariling kompanya ng paper materials sa Bulacan ang mga Atienza. At nitong huling mga taon ng buhay ni Amado ay hindi birong pera ang ginamit para sa pagpapagamot. He even went back to the States for an operation pero hindi rin nadugtungan ang buhay niya.
And by the time he died, wala ng natirang pera, kahit ang share niya sa kompanya. Tanging ang insurance ang nalabing pantustos naming mag-ina sa nakalipas na mga buwan. Then, two months ago ay namanhikan sa akin si Don Benedicto upang hingin ang kamay ng kapatid mo para sa anak nitong si Jake. And a month after ay itinakda ang petsa ng kasal bago nagtungo sa Amerika ang binata. At iyon ay seven days from now,“ pagtatapos ni Eleanor
“I still can’t see the reason why you should not tell him what happened to his fiancee.” Sa palagay niya’y tumanda siya ng maraming taon sa pag- uusapnaito.
“Labag sa loob ni Jake na mapakasal sila ni Sandra. Kung malalaman nito ang kalagayan ng kapatid mo’y makahahanap ng daan si Jake na huwag nitong pakasalan,” paliwanag ni Eleanor. At nang makitang nagsasalubong pa rin ang mga kilay ni Alexa ay nagpatuloy ito.
“Bilang mapapangasawa nito ay naglaan ng sapat na halaga si Jake para kay Sandra buwan-buwan, Alexa. At lahat ng ito’y mawawala oras na malaman ni Jake na para na ring patay ang kapatid mo. Ang perang iyon ang tumutustos sa kapatid mo sa ospital. Sa apat na araw pa lang ni Sandra roon ay gusto ko nang malula sa halagang nakukunsumo namin.”
Nawalan ng imik si Alexa.
“Sa palagay mo ba’y patuloy na maglalabas ng pera ang mga Atienza sa sandaling malaman nila ang kalagayan ni Sandra? At ako, paano ko susuportahan ang kapatid mo? Pababayaan ko ba siyang mamatay na lang?” Humagulgol na ng iyak si Eleanor.
“S-surely… they still would extend help considering na kasintahan ng Jake na ito ang nangangailangan?”
“Hindi na marahil babawiin ni Jake ang anumang nailagay na sa pangalan ni Sandra sa banko pero natitiyak kong mapuputol na ang tulong na iyon sa sandaling malaman nitong wala na’ng dahilan para pakasalan pa ang kapatid mo dahil sa kalagayan nito. Tiniyak sa akin ni Sandra na kinasusuklaman ni Jake ang kasalang ito.”
“Kung gayon, bakit nais niyang pakasal sa isang lalaking walang gusto sa kanya?” Lumalaon ay lumalabo ang kuwentong naririnig niya.
“Naitanong ko na rin iyan sa kapatid mo, Alexa, pero wala siyang isinasagot maliban sa may dapat panagutan si Jake. At… at si Jake ang magiging kasagutan sa nakatakdang paghihirap n-namin.” Halos hindi nito masabi ang huling pangungusap. Pagkatapos ay tumingin ito sa anak. “Pinalayaw nang husto ni Amado si Sandra, Alexa. Walang ginusto ang kapatid mo na hindi nito sinunod at marahil ay hindi gustong maranasan ni Sandra ang nakaambang kahirapan.”
“At gagamitin ninyo ako para patuloy na suportahan ang luho ni Sandra, ganoon ba?” may pait at sarkastikong sinabi niya.
“Kung ako lang, Alexa, nakahanda akong bumaba sa uri ng pamumuhay na mayroon kami. May kaunting pera pa mula sa insurance ni Amado na maaari kong gamitin sa pagsisimula. Pero ang kapatid mo ay kailangan ng malaking halaga sa kalagayan niya ngayon. I just can’t give her up, Alexa. Nararamdaman ko na magkakamalay siya mula sa comatose na kinalalagyan niya. Kung gaano katagal ay ewan ko. At kung hindi na nga siya… m-magkakamalay pang muli, hindi ko rin siya puwedeng pabayaan, ’di ba? Na ipatanggal na lang ang mga nakakabit na instrumento sa katawan niya?” Tuluyan nang nabasag ang tinig ni Eleanor. Si Roberto ay tumingala sa kisame pero hindi nagsasalita.
Kung ilang beses humugot ng buntong-hininga si Alexa ay hindi na niya mabilang. “At paano ako magpapanggap na si Sandra? Tiyak na kilala ng Jake na ito ang kasintahan niya! Imposible iyon,” patuloy niya sa pagsisikap na tumanggi.
Bahagyang lumambot ang mukha ni Eleanor. Hinagod ng tingin ang anak. “You’re very identical, Alex. Ang tanging nakikita kong kaibahan ay ang kulay ng balat mo. Minana mo sa iyong Papa ang morenang kulay. Isa pa, hindi nagkaroon ng pormal na pagsasamahan sina Jake at Sandra. Sa sinasabi sa akin ng kapatid mo, they were not even friends. Magkakilala, oo, pero they have never been close. Nagkataon lang marahil na iisang circa ang ginagalawan nila.
Lumung-lumo si Alexa. Malaking bahagi ng isip at dibdib niya ang naghuhumiyaw sa pagtanggi. This is so unfair! Pero sa isang sulok ng kanyang puso ay naroon ang pagnanais na tulungan ang hindi pa nakikitang kakambal.
Talaga bang magkamukha sila ni Sandra? Kung sabay kaya silang lumaki, would they have been very closed? At naisip niya ang maraming bagay na maaari sana nilang ginawa. Sharing joys and laughters, their tears and pains.
Tears and pains! Sandaling huminto ang pag- iisip niya. Yes! Kung magkasama at magkasabay sana silang lumaki, pagsasaluhan nila ang lahat. Tutulungan niya ito, natitiyak niya. Kaya bakit kailangang mag-atubili siyang tumulong dahil lamang sa hindi sila nagkasama sa paglaki?
At hindi lamang basta kung anong tulong ang hinihingi sa kanya. Ang hinihingi ay pandugtong ng buhay nito. Ang mapagsikapang makabalik muli sa normal na kalagayan.
Financially, natitiyak niyang hindi sasapat ang anumang mayroon silang mag-ama. Walang nakatitiyak kung hanggang kailan mananatili sa ganoong kalagayan si Sandra.
“Gusto kong makita ang… kapatid ko,” aniya makalipas ang mahabang katahimikan.
Nagkatinginan sina Roberto at Eleanor. Ang huli ay nakadama ng pag-asa.
3
T UMULO ang luha ni Alexa nang makita ang kapatid. Hindi sapat ang mask na nakatakip sa mukha niya upang itago ang hikbing umalpas.
Parang ang sarili ang nakita niyang nakahiga, may nakakabit na kung ano-anong plastic tubes at monitoring machine.
Hindi niya matiis na hindi hawakan ang kamay ng kapatid. Gustong ipadaloy roon ang buhay. Yumuko siya at nagsalita sa gumagaralgal na tinig.
“Kung naririnig mo ako, Sandra, gusto kong sabihin sa iyong ako ang kapatid mo. Ang kakambal mo… ako si Alexa. We have so many things to make up for, Sandra. So, please, wake up, love. Don’t give up.” Pagkatapos ay nagsisikip ang dibdib na tumayo siya nang tuwid. Ewan kung guniguni lamang pero nadama niyang gumalaw ang daliring hawak niya. Napatitig siya doon.
Paglabas niya sa ICU ay naroon sina Roberto at Eleanor at hinihintay siya. “She’ll make it. Nararamdaman kong lalabas siya sa coma na ’yan,” humihikbi pa pero determinadong wlka niya.
Tumango si Roberto. I’ll see her now.“
“Hihintayin ka namin sa silid ng… anak mo,” si Eleanor na inakay si Alexa patungo sa nakalaang silid kung sakaling magkamalay si Sandra.
KINUHA ng mag-ama ang huling flight pauwi sa Palawan. Wala silang kibuan sa loob ng eroplano. Iginalang ni Roberto ang pananahimik ng anak.
Kinabukasan, Lunes, ay hindi pumasok sa banko ang dalaga. Bakit pa gayung magre-resign din naman siya? Anim na araw na lamang ang natitira para sa kasal nina Jake at Sandra.
Nang hapong iyon ay sinundo siya ni Bernard sa kanilang bahay. Wala siyang kibo habang tinatahak ng pickup ang daan patungo sa de Silva Farm.
“Gusto kong ipakita sa iyo ang koral ng mga baka at kabayo,” ani Bernard at nilingon siya nito. “Ang corny ko, ’no? Sa halip na sa sine o sa park ay sa bakahan kita dadalhin.” Bahagya pang natawa ang binata.
“Ano ang sasabihin ni Jewel pag nalaman niyang isinama mo ako dito?” Sinikap niyang pagaanin ang tono.
Nagtaas ng mga kilay si Bernard. “Gusto kong maging malinaw ito sa iyo, Alex. And I’m telling you this, just this once. Parang kapatid ko lang si Jewel. All my life, I was made to believe that she and Emerald were my sisters. And I have treated them as such since then.”
Hindi kumibo ang dalaga. Mahigit isang taon pa lamang sa Paso de Blas ang mag-amang Alexa at Roberto. Mula lamang nang ma-assign ang kanyang ama bilang assistant principal sa paaralan sa bayan. At bagaman may kuwento tungkol sa pamilya ng mga de Silva at Fortalejo ay hindi gaanong malinaw sa kanya. At hindi rin naman niya gustong magtanong.
Sa nakalipas na limang buwan ay malimit na dumadalaw sa kanila si Bernard. Malimit rin silang magkasama ng binata sa pamamasyal. Dalawang beses na niyang nakatagpo si Jewel at hindi niya maipaliwanag ang pait sa mga mata nito kapag nakikita silang magkasama ni Bernard.
Ipinarada ng binata ang pickup sa tabi ng koral ng mga baka. Pagkatapos ay bumaba at umikot sa kinalalagyan niya. Binuksan ang bahaging iyon ng sasakyan at bumaba siya.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka nag-enjoy siya sa naghahabulang mga kabayo sa loob ng koral. Ang panginginain ng mga ito. Subalit nanatili siyang walang kibo kahit ipinaliliwanag sa kanya ng binata ang mga bagay-bagay tungkol sa farm.
“Hindi ka kumikibo. Ano ang iniisip mo?” ani Bernard makaraang mapunang matamlay siya.
“I’m leaving, Bernard.”
“Leaving? Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong nito.
Huminga siya nang malalim at sinimulang sabihin dito ang pasya niyang pakasal kay Jake bilang si Sandra.
“Ilang araw na lang ’yon mula ngayon, Bernard. Bukas na ang alis ko paluwas ng Maynila.”
“Hindi mo magagawa ’yon, Alex. Pa’no ako? Tayo?” protesta nito.
“Nagpapasalamat nga ako at wala pang nabubuong relasyon sa ating dalawa, Bernard,” mahinahong sagot niya.
Pagalit siyang hinarap ng binata. “Not in so many words, Alex. Pormalidad na lang kung saka-sakali ang maraming salita. Halos lahat ng tao, at kahit ang Daddy mo, ay iniisip na magkasintahan tayo.”
“And I’m glad we really are not dahil sa pangyayaring ito. At least, hindi masakit sa ating pareho ang gagawin ko.”
“Hindi masakit? Ano’ng palagay mo sa akin, bato?”
“Please, Bernard, huwag mo na sanang pahirapan pang pareho ang ating sarili. Kailangang gawin ko ito para kay Sandra.”
“I’m willing to offer your sister financial help, Alex, kung ’yon lang ang kailangan. May sarili naman akong pera. Huwag mo lamang gawin ito,” patuloy ng binata.
Umiling siya. “Hindi ko magagawa iyon. Masyado nang maraming komplikasyon. Ang kapatid ko’y tumatanggap ng tulong sa fiancé niya sa materyal ding paraan.” At sa moral niyang pamantayan ay hindi dapat.
“Marry me then! Today, tomorrow. Nang sa gayon ay magiging maluwag sa puso mo ang pagtanggap ng tulong ko,” giit ni Bernard.
“Hindi ko tatanggapin ang iniaalok mong kasal nang dahil lang sa kapatid ko. Please, sana’y maunawaan mo ako. Hindi ba, dapat ay magpasalamat tayo na habang maaga ay dumating ang suliraning ito na wala pa tayong commitment sa isa’t isa?”
Nagtiim-bagang ang binata. “Walang commitment? Pinatatawa mo ako diyan sa sinasabi mo! Alam nating dalawa na sa malao’t madali ay doon ang tuloy natin, ’di ba?” Bahagyang tumaas ang tinig nito.
Nagyuko ng ulo si Alexa bilang pag-amin. “This is insane, Alex! Bakit kailangang isakripisyo mo ang iyong sarili na pakasal sa isang lalaking hindi mo pa man lamang nakikita? At ang higit pa ay hindi nito gustong pakasalan si Sandra kung may paraan lang itong magagawa!”
Hinawakan niya ang braso ni Bernard. “You will always be my friend, Bernard. Malaya kang dalawin ako kahit na kasal na ako kay J-Jake.” Ni hindi niya mabigkas-bigkas ang pangalan ng lalaking nakatakdang pakasalan.
“Alam mo bang sinasaktan mo ako?”
“Oh, Bernard… I’m sorry!”
“Paano kung malaman ng Jake na ’yon na hindi ikaw si Sandra sa panahong mag-asawa kayo? Paano kung magkamalay ang kapatid mo at nalamang pinakasalan mo ang kasintahan niya?” sunod-sunod nitong tanong.
“Naisip na naming lahat iyon. Haharapin ko ang problema ng isa-isa. Sa kasalukuyan ay si Sandra ang problema. Kung paano patuloy na matutustusan ang mga kakailanganin niya sa ospital.”
Nakita niya ang galit at panlulumo sa mukha ni Bernard pero wala siyang magawa. Hanggang sa maihatid siya nito ay wala silang kibuan.
4
“ALEXA…” sambit ni Roberto. “Pareho ko kayong anak ni Sandra. Kung paanong gusto mong tulungan siya ay ganoon din ako. Pero hindi ko pa rin matiyak kung tamang isakripisyo mo ang iyong sarili.”
“May ibang paraan ba, Daddy?” ganting tanong niya. “We can sell this house and lot na hanggang ngayon ay hinuhulugan pa ninyo sa gobyerno. Sapat ba iyon? Hindi mumurahin ang ospital na kinalalagyan ni Sandra. Ang halaga ng rights ng bahay at lupang ito, pati na ang mga naipon natin, ay baka isang buwan lang gagamitin. At hindi pa tayo nakatitiyak na sa panahong iyon ay magkakamalay siya. And we just can’t let her die, Dad.”
“Sana’y matapos ang problemang ito nang walang nasasaktan sa inyo ng kapatid mo, Alexa. Lalong higit ikaw.” Hinaplos nito ang buhok ng anak.
KINABUKASAN ay nag-tender ng resignation si Alexa sa trabaho, sa pagkabigla ng mga kasamahan at ng boss niya. At noon din ay lumuwas siya sa Maynila.
“Si Don Benedicto ang kausap ko sa telepono, Alexa. Dumating na si Jake kaninang umaga mula sa Amerika,” balita ni Eleanor na ang kasiyahan ay hindi maitatago.
Tiniklop niya ang album ng kapatid. Agad ang pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib. “M-makikipagkita na ba siya sa akin?”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Eleanor. “Hindi. Abala raw sa trabaho ngayon si Jake. Naipon ang gawain niya nang umalis. Pero ang sabi ni Don Benedicto ay handa na ang lahat sa kasal ninyo. Simple lang naman ang kasal, hija. Sabi ni Don Benedicto ay sa hardin na lang ng mansion gaganapin.”
Naguguluhang napatitig sa ina si Alexa. Talaga bang hindi interesado ang Jake na ito na pakasalan ang kapatid niya? At bakit puro si Don Benedicto ang sinasabi ni Eleanor?
Nagkibit siya ng balikat. Kung hindi magkikita ay mas pabor sa kanya. At dahil si Don Benedicto ang may kagustuhan sa kasal na ito, then she will have a reluctant groom.
Ihinatid ng driver ni Jake ang trahe de boda ni Sandra sa bahay nina Eleanor. Excited na iniladlad ito ni Eleanor at ipinakitasa kanya.
“Kay-ganda, Alexa!”
Totoo naman, kung sa ibang pagkakataon ay baka ma-appreciate niya nang husto ang damit-pangkasal. Walang babaeng hindi mag-uukol ng paghanga sa eleganteng pangkasal na iyon.
“Magkasing-katawan kayo ni Sandra, Alexa. Natitiyak kong kasya ’to sa iyo.”
“Hindi kaya mahalata ni… Jake ang pagkakaiba namin ni Sandra?”
“I don’t think so. Ayon sa kapatid mo, he was never interested with her.” Pagkatapos ay nilapitan ang anak at niyakap. “I’m sorry, Alexa. Pagkalipas ng maraming panahong hindi tayo nagkikita ay eto pa ang napala mo sa amin.”
Biglang nagsikip ang lalamunan niya. “H-hindi ninyo ako pinilit. Bukal sa loob kong gawin ito.” Kumawala siya sa ina. “Paano ako magpapakasal kay Jake? Gagamitin ko ba ang pangalan ni Sandra?”
“Gamitin mo ang totoo mong pangalan, Alexa. Alexandra Montejo. Hindi iisipin ninuman na hindi si Sandra iyon. Hindi ginagamit ni Sandra ang Cassandra sa maraming pagkakataon.”
“Paano kung malaman ni Jake na hindi ako si Sandra?”
“You will be married by then. Wala na siyang magagawa. Personally walang interest si Jake sa kasalang ito. Si Sandra man o si Alexa ang pinakasalan niya, doesn’t really matter. Kung papaano lang niya tatanggapin ang switching ang siya mong haharapin kung sakali.”
Napapikit ang dalaga. Parang ngayon niya gustong mag-back out. How she wished na bumalik sa normal ang buhay niya. May palagay siyang hindi na niya alam ang tama at mali sa sitwasyon. Parang mali lahat.
“Magbihis ka, hija. Dadalawin natin ang kapatid mo at pagkatapos ay magsa-shopping tayo ng mga gamit mo,” yaya ni Eleanor.
“Hindi ko kailangan ng mga gamit, M-mama. Tipirin na lang ninyo ang pera at kakailanganin ni Sandra iyan.” Hindi siya nanunuya pero iyon ang dating kay Eleanor. Napakagat-labi ito.
“W-wala akong ibig sabihin…” pagtutuwid niya.
“Alam ko, hija. But wouldn’t you accept a gift from me? Regalo ko sa kasal mo.”
Tumango siya upang mapanatag ang loob ng ina.
Halos hindi pa sila nakapapasok ng bahay mula sa pamimili at ospital nang mag-ring ang telepono. Dinampot ito ni Eleanor.
“Si Jake, hija, gusto kang makausap.” Tinakpan nito ang mouthpiece. “Kausapin mo.”
Biglang nanginig ang mga tuhod niya sa sinabi ng ina. Gusto niyang tumangging kausapin ang lalaki pero alam niya hindi maaari ang ganoon. Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang telepono.
“H-hello…?”
“Sandra…” anang buo at awtorisadong tinig. Napalunok ang dalaga.
“Speaking.” Sumulyap siya sa ina na nasa di- kalayuan at nakatingin.
“Kaya ako tumawag ay upang alamin kung ayos na ang lahat sa iyo. Pinatitiyak ng Papa kung wala ng problema,” ang tila bagot nitong sinabi. “At nagtataka ako sa iyo. Alam mong nandito ako sa opisina pero hindi ka tumatawag. You used to burn my lines.”
“B-busy ako sa pag-aayos ng mga… kakailanganin, J-Jake.”
“Strange. Parang matamlay ka. Gusto mo bang umurong sa kasal na ito?”
Parang nagising bigla ang dalaga. “No. Bahagya lang masama ang pakiramdam ko.”
“Oh, well… anyway, sa linggo ng alas-tres ang sundo ng driver diyan. Alas kuwatro-media ang ceremony.”
“Yes,” maikling sagot niya na hindi na rin sinagot ng kabilang linya at nagbaba na ng telepono.
Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang ibaba ang telepono sa receiver nito.
Sa kabilang dako ay kausap ni Jake si Don Benedicto.
“Mission accomplished, Papa. Walang problema. Ayos na ang lahat. Sa Linggo ay may asawa na ako. At sa babaeng gusto ninyong pakasalan ko.” May himig ng galit ang tinig nito.
“Maraming salamat, anak. Salamat at pinagbigyan mo ako. It is but honorable that you married her, Jake,” ang matanda na nasa silyang de-gulong.
“Papa, we could have offered them money—”
“Jake!” sansala nito sa sasabihin ng anak. “Hindi ko magagawa sa anak ng kaibigan ang sinasabi mo. Na para bang ang pinsalang ginawa ni Ryan ay mababayaran ng salapi.”
“She deserved it.”
Bahaw na tumawa ang matanda. “Parang gusto kong isipin sinasang-ayunan mo ang ginawa ni Ryan dahil sa sinasabi mo. And that’s strange, hijo!”
“I’m sorry, Papa. Alam kong malaking kasalanan ang ginawa ni Ryan sa kanya. Oh, well, huwag na nga nating pag-usapan ito.” Hindi na gustong pahabain ni Jake ang usapan. Dahil rin sa pangyayaring ito kaya na-stroke si Don Benedicto. At hindi gusto ng binata na maulit pa iyon. It might be fatal.
5
D UMATING ang araw ng kasal. Kahit si Alexa ay hindi makapaniwalang ang sarili ang nakikita niya sa salamin.
“Napakaganda mo, Alexa. Sayang at hindi ko makikita ang pakikipag-isang dibdib mo,” si Roberto na buong paghangang hinagod ng tingin ang anak.
Ang matinding kaba niya ay nahalinhan ng lungkot sa sinabi ng ama. “Nakikita ninyo ako ngayon, Daddy. Huwag ninyong panghinayangang hindi ninyo ako maibigay sa groom. Formalities lang lahat ang mga iyon. Isa pa, hindi naman talaga ito ang uri ng kasal na pinapangarap ninyo sa akin, ’di ba?”
“Alexa, I only wished that—”
“Daddy, please, ngayon pa ba naman tayo mag-uusap ng ganyan?‘’
“Siyanga naman, Roberto,” si Eleanor na sumungaw sa pinto. “Nariyan na ang kotseng sundo natin, hija. Handa ka na ba?”
Tumango siya at hinalikan sa pisngi ang ama. “Bye, Dad.”
“Huwag kang mag-aatubiling umuwi sa atin, Alexa, kung anuman ang magiging problema.”
“Yes, Daddy.” At lumabas siya ng silid. Nagpatiuna kay Eleanor na nakatingin kay Roberto.
“Sige na, Ellen,” wika nito sa ina ng anak.
GUSTONG malula ni Alexa sa mansion ng mga Atienza. Matagal nang nakahinto ang sasakyan ay hindi pa rin siya kumikilos kahit na nang lumabas ang ina.
Bahagya pa siyang nagulat nang may magbukas ng pintuan ng kotse.
“Sandra…” ang buong-buong tinig na iyon na narinig niya sa telepono. Iniabot nito ang kamay upang alalayan siya pagbaba.
Natuon ang mga mata niya sa mga kamay na iyon. Slender and lean. Well-manicured fingers. Sa nanginginig na mga kamay ay inabot niya ang kamay nito at lumabas ng kotse.
Tumaas ang mga mata niya sa mukha nito. Blangko ang ekspresyon. His face hard. Frighteningly so. Ang mga maiitim na mga mata’y tila nanunuot sa kalamnan niya sa pagkakatitig sa kanya. Wala siyang maaring sabihin sa ibinabadya niyon kundi matinding disgusto sa kanya.
Parang gusto niyang umatras at bumalik uli sa loob ng kotse pero alam niyang isang malaking kalokohan iyon. Humigpit ang hawak nito sa braso niya at inalalayan siya sa paglakad.
He could have been a very attractive man kung hindi dahil sa grimness ng mukha nito. He has a perfect and sensual mouth na bahagyang nakataas ang isang sulok. Perhaps in distate.
“Nasa oras ba kami, Jake?” si Eleanor na nagpawala ng pansin niya sa lalaki. “Traffic sa dinaanan namin “
“You are just on time, Eleanor. Or shall I say Mama?1’ Hindi nito ikinaila ang panunuya sa tinig. Nakita niya ang sandaling pagkailang ng ina subalit agad din itong bumawi at ngumiti.
“Ten years ako sa Amerika, Jake. And somehow I have adopted this western living. You can call me Eleanor if that is what you want,” bale- walang sinabi nito. “I am only thirty nine, Jake. Only a few years older than you are “
Kung gumaganti ng panunuya ang ina ay hindi niya matiyak. Tumawa ng bahaw si Jake.
“Nakikita naman, Eleanor. Para lamang kayong magkapatid ni Sandra. How old were you nang ipanganak mo si Sandra?”
“Almost eighteen.” Matamis itong ngumiti sa lalaki.
Kung anuman ang sasabihin ni Jake ay hindi na naisatinig dahil mula sa loob ng mansion, ay lumabas ang isang matandang lalaking naka- silyang de gulong na itinutulak ng isang nurse.
“Eleanor! Sandra!” si Don Benedicto. “Narito na pala kayo. Vamos, vamos,” masiglang anyaya ng matanda. “Narito na ang lahat at malapit nang simulan ang seremonyas. Dalhin mo na sila sa hardin, Jake.”
“Patungo na kami roon, Papa.” Nilingon nito si Alexa. “Shall we?” Inabot ang braso niya, at atubiling naikawit ng dalaga ang kamay.
The man is very tall and masculine. She couldn’t help admiring him.
Maganda ang naayusang lawn. Naroon na ang magkakasal sa kanila at ilang bisita na marahil ay hindi na hihigit pa sa sampu. Napaka-elegante ng wedding suit ni Jake at ganoon din ang kanyang trahe para sa simpleng kasalang ito.
Kung paano nagsimula at natapos ang seremonyas ay wala siyang maintindihan. She was conscious of the man beside her.
“You may now kiss the bride,” ang wika ng nagkasal.
Nagulat pa siya nang hawakan sa magkabilang balikat ni Jake at iharap dito. Itinaas nito ang white- veil na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Pagkatapos ay hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha.
Hindi niya gustong huminga nang titigan siya nito. Nang suyurin ng mga mata nito ang mukha niya at tumigil sa kanyang mga labi, sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Jake bago unti-unting bumaba ang mga labi nito sa kanya.
She held her breath when his lips touched hers. Isang obligatory kiss lamang iyon at hindi nagtagal, pero ang pakiramdam ni Alexa ay nanayong lahat ang mga balahibo niya.
Nagpalakpakan ang mga bisita. Pagkatapos ay bumati at kinamayan siya ng mga ito. lilan lamang ang mukhang nagsalimbayan sa paningin niya hindi marahil niya makikilala ang mga ito kung makakasalubong sa daan.
She was in a dazed. Tila lumulutang siya sa hangin at napapatangay saan man umihip.
“You are acting your part very well, Sandra. Like a Victorian virgin bride,” bulong sa kanya ni Jake nang nasa mesa na sila. “Kung hindi kita kilala, I could swear I saw fear in your eyes when I kissed you. I could even felt you tremble,” amused nitong sinabi.
Oh, dear Lord, ano ang sasabihin niya? Ano ang isasagot niya?
“You really surprised me, you know?” patuloy ni Jake sa marahang pagsasalita na siya lamang ang nakaririnig. At may palagay siyang inaakala ng mga nasa mesa na sweet nothings ang ibinubulong nito sa kanya. “Hindi ako makapaniwalang umaarte ka ng ganyan para lang ma-impress ang Papa.
“H-hindi kita naiintindihan…” ang tanging lumabas sa bibig niya.
Bahagyang natawa ang lalaki. “Mula kanina ay iyan ang kauna-unahang sinabi mo sa akin, nag-stammer ka pa. Cut the theatrics, Sandra, hindi bagay sa iyo! Mag-asawa na tayo, hindi mo na kailangang magpa-impress nang husto. I just wonder what would Ryan say pag nalaman niyang tuluyan kitang pinakasalan.”
Ryan? SinongRyan? Bakit walang nabanggit na Ryan si Eleanor?
“Wala akong magagawa kung hindi mo gusto ang mga ikinikilos ko, Jake,” may bahagyang galit sa tinig niya. “I probably wanted to enjoy my wedding the traditional way.” The nerve of this man para insultuhin siya!
“Suit yourself, honey,” sagot ni Jake na patuyang tumawa.
“Kayong mag-asawa, saan ba ninyo balak na gugulin ang inyong honeymoon?” si Don Benedicto. “Saan kayo tutungo pagkatapos ng reception?”
Hindi sinasadyang nabitiwan ni Alexa ang kutsara niya nang marinig ang salitang ‘honeymoon.’
“I’m… sorry,” usal niya nang titigan siya ng asawa.
“You are overdoing it, my dear little wife,” bulong nito na ang mga labi ay napadikit sa tainga niya. May gumuhit na tila kuryente sa pagkakadikit ng mga labi nito sa kanyang tainga kasabay ng init ng paghinga nito.
Tumingin sa ama si Jake. “Napag-usapan na namin ni Sandra, Papa, na i-postpone na lang ang pag-alis namin ng bansa. Alam naman ninyong nagbabantang mag-strike ang mga empleyado natin sa pabrika. Kailangang ayusin ko muna ang union.”
Nagkibit ng balikat si Don Benedicto. “Kung sabagay. At kung maayos mo, Jake, maaari mo nang i-tour sa buong Europe ang asawa mo.”
Asahan mong gagawin namin ’yon, Papa.“
Natapos ang kabagot-bagot na mga sandali hanggang mag-uwian na ang mga bisita. Si Eleanor ang kahuli-hulihang nagpaalam. Kulang na lamang ay pigilan ito ni Alexa.
“Mama…” Hindi niya gustong bitiwan ang kamay ng ina.
Masuyong niyakap ni Eleanor ang anak at hinalikan sa pisngi. “You will be fine, Alexa. Sa nakikita ko sa iyo, you are a very sensible woman. I wished Sandra was like you. Siguro’y mali ang pagpapalayaw ni Amado sa kanya.”
“Oh, Mama, hindi ninyo maalis sa akin na matakot at kabahan.”
“I know you can handle it, Alexa. Sige na, nakatanaw sa atin ang asawa mo.”
Pumasok na sa naghihintay na sasakyan si Eleanor na maghahatid dito sa sariling bahay. Hindi umalis ang dalaga sa gate hanggang hindi mawala sa paningin ang sinasakyan ng ina.
Sa bar ay nagsalin ng alak sa dalawang kopita si Jake, iniabot sa kanya ang isa nang humakbang siya palapit dito.
“Here, Sandra, let’s have a toast! Nangyari ang gusto mong makapag-asawa ng isang Atienza. Nakasandal ka na sa matibay na pader.”
“I just hope, Jake, that we treat each other politely,” aniya na inabot ang kopita.
Ngumisi ang lalaki. “Sure, Sandra. Pero dahil alam mong out of duty kaya kita pinakasalan, nakahanda ka ring tanggapin na maraming mga bagay ang hindi mo dapat asahan sa pagsasamang ito pagdating sa akin?”
“Na…iintindihan ko.”
“Your meekness amazes me. Naninibago ako sa iyo.” Ininom nito ang alak. “Nasaan ang mataray na Sandrang kilala ko?”
“You don’t really know me that much, Jake.” Siya bilang si Alexa ang ibig niyang sabihin. Hindi nga lamang niya matiyak kung hindi nga nito kilala si Sandra.
“Perhaps. But your association with Ryan told me a lot. Huwag nang idagdag pa ang reputasyon mo among your opposite sex, Sandra.” Muli ay bahagyang panunuya sa tinig nito.
Ryan again! Hindi niya alam kung paano magpapain ng salita upang sa bibig mismo ni Jake manggaling kung sino at ano ang relasyon ni Sandra sa Ryan na ito.
“And what has R-Ryan told you about me?”
Tumawa ang lalaki. “Sapat upang kung hindi dahil sa obligasyon ay hindi kita pakasalan, Sandra.” Pagkatapos ay tumigas ang mukha nito.
Nasa ganoon silang ayos nang lumabas si Don Benedicto kasama ang nurse nito.
“Ngayon na rin ang uwi ko ng Batangas, Jake, Sandra.”
“Bakit hindi pa ninyo ipagpabukas ang biyahe, Papa?”
“Ngayon na, hijo. Maaga ang derby bukas at ayokong ipagpaliban iyon,” nakangiting wika nito na tumaas ang mga mata kay Sandra. “Hija, halika. Itulak mo itong silya ko patungo sa library. Gusto kitang makausap bago ako umalis.”
Kinakabahang sumunod si Alexa, pinalitan ang nurse at pinagulong ang wheelchair sa silid na itinuro ng matanda.
“Muli ay hinihingi ko ng tawad ang kasalanang ginawa sa iyo ni Ryan, hija. Kung buhay si Amado ay natitiyak kong malaking sama ng loob ang idudulot niyon sa kanya. At iyon ang hindi ko magagawa, hija. Ang Papa mo’y isang matalik na kaibigan. Ganoon pa man, naibangon ni Jake ang kahihiyan mo, hija, at umaasa akong wala mang pag-ibig na namamagitan sa inyo ng anak ko ay mapag-aaralan rin ninyo ’yon sa pagdaraan ng mga araw,” ang sinabi nito nang maisara niya ang pinto ng silid-aklatan.
Ngayon niya natitiyak na ang Ryan na ito ay maaaring anak rin ni Don Benedicto. Pero nasaan ito?
“Wala kayong alalahanin kung iyan lang ang dahilan ng ipinakikipag-usap ninyo sa akin—”
“Hindi lang iyon, hija.” Pinagulong nito ang upuang de-gulong at lumapit sa mesa. May dinukot na susi sa bulsa at binuksan ang isang drawer. Isang katamtaman ang laking jewelry box ang kinuha mula roon at iniabot sa kanya. “Kunin mo.”
Nag-aalangang inabot ni Alexa ang munting kahon na yari sa pino at antigong kahoy na kulay tsokolate.
“Buksan mo, hija “
Dahan-dahan niyang binuksan ang kaheta. Kumislap sa harapan niya ang laman niyon. “Oh…!” Diamond and emerald set ng mga hikaw, singsing at kuwintas ang tumambad sa kanya.
“Ang lola ni Jake ang may-ari ng mga alahas na ’yan. Ibinigay sa aking asawa at ngayon ay ipinagkakaloob ko sa iyo,” nakangiting wika ng matanda.
Parang napasong binitiwan ni Alexa sa ibabaw ng mesa ang kahon ng mga alahas. Isang family heirloom at bagaman hindi siya sanay ay natitiyak niyang milyon ang halaga ng mga iyon sa panahon ngayon. Wala siyang karapatang tanggapin iyon dahil hindi naman siya si Sandra.
“H-hindi ko po matatanggap.”
Umangat ang kilay ng matanda sa sinabi niya. “Hindi mo tinatanggap? Aba’y bakit, hija? Ibinigay ko ’to sa iyo bilang regalo at pamana. You will be passing it down to your first son.”
“N-no, please. Hindi ko po talaga matatanggap,” pagkatanggi-tanggi niya.
Napangiti ang matanda. “Hija, dapat ay sanayin mo na ang iyong sarili bilang may-bahay ng isang Atienza.”
6
SA labas ay patuloy sa pag-inom nang nag-iisa si Jake. Natitiyak na nito kung ano ang pinag- uusapan ng dalawa sa loob ng library.
“You’re a very lucky woman, Sandra Montejo! I wonder what would Ryan say about this,” bulong nito at inubos ang laman ng kopita.
Hindi nagtagal ay lumabas ang dalawa. “Ikaw na ang bahala dito, Jake. At huwag kong mababalitaang hindi kayo nagkakasundo ni Sandra.”
“Huwag kayong mag-alala, Papa.” Tinawag nito ang nurse at ihinatid ang ama hanggang sa sasakyan. Pagkaalis ng matanda ay muli itong bumalik sa loob.
“Tama ba akong sabihing ipinagkaloob sa iyo ng Papa ang family jewelries?”
“H-hindi ko gustong tanggapin pero ipinilit niya—”
“Hindi gustong tanggapin?” bulalas ni Jake, sinabayan ng malakas na tawa. “Natitiyak kong napunta na naman sa iyo ang puso ng Papa sa ginawa mo. Kinuha ng Papa ang mga alahas na iyan sa vault sa banko kahapon. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga ’yan?” At sinabi ang halaga na may ilang doble sa naisip niya.
Nanlaki ang mga mata ni Alexa at gustong malula.
“At alam mo ba na sa ginawa ni Papa ay lalong maghihimagsik sa ’yo si Ryan?” tiim-bagang nitong tanong.
Sandaling pumasok sa library si Alexa at paglabas ay hawak na ang jewelry box. Inilapag ito sa ibabaw ng bar sa harapan ng asawa. “Please, Jake, anuman ang iniisip mo sa akin ay nasa sa iyo ’yon. But I honestly don’t want these in my possesion. Ibalik mo sa banko o kahit saan mo pa gustong dalhin pero huwag lang sa akin. Hindi ko matanggihan ang Papa mo. But surely, hindi mo ipaggigiitan sa akin iyan?” Naghahamon ang tono niya sahuling sinabi.
Ang panunuya at galit sa mukha ng lalaki ay nahalinhan ng pagtataka.
“You couldn’t really mean that…”
She sighed wearily Tumingala siya sa itaas ng hagdan. “Alin sa napakaraming silid sa itaas ang kuwarto ko? Gusto ko nang magpahinga.” Pagod at tensiyon ang pinaghalong nadarama ni Alexa kaya parang gusto na ring maglaho ang kanyang kamalayan.
Tinawag ni Jake ang isang katulong. “Samahan mo ang Ma’am mo sa master’s bedroom.”
“Opo, sir.”
Walang kibong sumunod si Alexa. Si Jake ay nagsasalubong ang mga kilay na sinundan siya ng tingin. Sa itaas ay natambad sa kanya ang isang malaki at marangyang silid.
“Nailagay ko na po sa closet ang mga gamit ninyo, Ma’am.”
“Salamat. Ano ang pangalan mo?”
“Lucy po.”
“Sige na, Lucy. Salamat uli.” Pagkalabas ng katulong ay binuksan niya ang wardrobe.
Mga gamit ng asawa ang naroon. Muli rin niyang isinara kaagad.
Nakita niyang sa isa pang wardrobe, karamihan sa mga gamit ay hindi kanya. Kung hindi ipinilit ng ina ay hindi siya magdadala ng gamit ni Sandra. Subalit sinabi nitong baka kakailanganin niya ng gown kung sakaling mag-i-entertain ng bisita sa mansiyon si Jake kaya napahinuhod siyang magdala ng dalawang evening gown ng kapatid.
Hinubad niya ang damit pangkasal at nagpalit ng damit pantulog. Kaba at agam-agam ang nasa dibdib niya. Mag-asawa sila ni Jake at anumang sandali ay hihingin nito ang karapatan bilang asawa.
Gumuhit ang matinding takot sa dibdib niya. Ano ang gagawin niya? Paano niya pakikitunguhan ang sandaling iyon? Papayag ba siya?
7
S UBALIT hanggang sa makatulog at magising kinabukasan si Alexa ay hindi pumasok sa master’s bedroom si Jake.
Napausal siya ng pasasalamat. Gayon pa man ay hindi niya maiwasan ang hindi magtaka. Diyata at lumipas ang magdamag na walang consumption ng kanilang pagiging mag-asawa. Ganoon ba katindi ang pag-ayaw nito sa kanyang kapatid at ni hindi siya, bilang si Sandra, pinag-interesan man lamang?
Mabilis siyang pumasok ng banyo. Sa nakita niya ay napagtantong naunang ginamit ito ng asawa. Nasa marmol pa ang nakabukas na aftershave nito at ang razor blade na ginamit. Ganoon rin ang basang tuwalya na nasa tiles.
Saan natulog ang asawa niya?
Muli siyang lumabas ng banyo at nilinga ang silid. Napuna niya ang connecting door.
So, may silid sa kabila at iisang banyo ang gamit nila.
Pagkapaligo ay humugot siya ng maong, t-shirt at rubber shoes. Ang maong niya ay halos mamuti na sa maraming paggamit. At dahil luma na ay bahagya nang masikip at humapit sa magandang katawan niya. Subalit hindi siya aware sa katangian niyang iyon.
Bumaba siya patungo sa dining room. Nagulat pa siya nang makita roon ang asawa na nagbabasa ng pang-umagang peryodiko, katabi ang kape. Nakabihis na ito at sa katabing upuan ay ang attache case.
“G-good morning,” bati niya nang mag-angat ito ng paningin at titigan siya. That couldn’t be possibly admiration that she saw in his eyes. He disliked her.
Isang tango at tikhim ang isinagot nito bago muling itinuon sa peryodiko ang pansin. Lumapit ang katulong at tinanong si Alexa kung ano ang gusto.
“Kape lang, please.” Sinalinan siya nito habang palihim niyang sinulyapan ang asawa. Hindi niya maiwasang humanga rito. He was wearing a white shirt na nakahapit nang bahagya sa katawan. Ngayon niya napuna ang firm and muscled arms nito, ang magandang pangangatawan.
Ibinaba ni Jake ang peryodiko nang lumabas sa kusina ang maid. “I never thought you’re an early riser. Sa Batangas ay tanghali ka nang lumabas ng silid,” sarkastikong sinabi nito.
“I… I slept early,” ang nasabi niya. Ano ang ginawa nila sa batangas? Alam niyang naroon si Don Benedicto.
“Gawin nating malinaw ang relasyon natin, Sandra,” patuloy ni Jake sa pormal na tono na tila isa siyang empleyado na binibigyan ng instructions. “Bilang asawa ko, you have now free access to all financial matters. Of course, subject to my approval. Pero kung ang luho mo lang ay natitiyak kong hindi ako mamumulubi. Gamitin mo ang Honda Accord na nasa garahe. Pero isang bagay lang ang gusto kong ihinto mong gawin; stop flirting around! May asawa ka na at huwag mo akong bigyan ng kahihiyan.” Hindi maikakaila ang talim sa tono nito na ikinapanlaki ng mga mata ni Alexa.
“I… I will never do that!” Pinaghalong depensa sa sarili at submission sa asawa ang tono niya.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Jake. “Mukhang maamo ang dating mo? Still enjoying your part as a demure virgin and a submissive wife?” patuloy nitong panunuya.
Nag-init ang ulo ni Alexa, mabilis na tumayo.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Jake. I don’t want to hear any of your insults!” Wala siyang pakialam kung marinig ng mga katulong na sa unang araw ng pagsasama nila’y nag-aaway sila. Mabilis siyang lumabas ng dining room.
Sa loob ng silid ay palakad-lakad siya.
Kung ganito ang unang araw nila paano pa ang mga susunod? Maybe when Sandra recovered ay makikipagpalit ito ng katayuan. At muli ay maglalaho siya sa buhay ng mga Atienza kung paanong hindi niya kilala ang mga ito. Muling babalik sa normal ang lahat.
Ang sunod niyang narinig ay ang paglabas ng kotse ni Jake sa garahe. Mabilis niyang,dinampot ang telepono at tinawagan si Eleanor. Nagpasundo siya.
“Sino si Ryan, Mama?” Nang nasa highway na sila.
Nagpreno si Eleanor nang magpalit ng ilaw ang signal light. “Si Ryan? Kapatid siya ni Jake, bakit?”
She thought so. “Ano ang kaugnayan niya kay Sandra?”
“Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan sila ni Sandra. Maraming kaibigan ang kapatid mo, Alexa. Mostly are men. Pero tinitiyak ko sa iyo, anak, hindi ganoon ka promiscuous ang kapatid mo. She’s definitely very outgoing at mayroon siyang sariling apartment, but some people misunderstood her. Pero hindi ako. Kilala ko ang kapatid mo.” Muli nitong pinatakbo ang sasakyan nang maging berde ang ilaw.
“Nasaan si Ryan ngayon?”
“Nasa ibang bansa marahil. The last time I saw him ay sa apartment ni Sandra. Parating ako noon at naabutan kong nag-aaway sila ng kapatid mo. He was so angry at halos mabunggo ako nang lumabas. Your sister never told me anything about it maliban sa may hindi lang sila pinagkakasunduan.”
Hanggang makarating sila sa ospital ay hindi na kumibo si Alexa. Wala pa ring malinaw tungkol sa kaugnayan ng kapatid niya kay Ryan. Kung paanong wala pa ring pagbabago ang kalagayan ni Sandra.
“Kausapin ninyo ang pasyente,” anang doktor. “Baka kahit paano ay maka-penetrate tayo. Sa tuwing dinadalaw n’yo siya’y kausapin n’yo.”
“Gagawin namin ’yon, doktor,” si Eleanor.
Si Alexa sa loob ng ICU ay talagang kinakausap na ang kapatid. Banayad niyang pinipisil ang palad nito.
“How are you, love? I hope you can hear me. Ako si Alex, ang kakambal mo. Hindi mo siguro ako kilala pero siyam na buwan tayong magkasama sa iisang sinapupunan. Somehow, alam kong may nag-uugnay sa ating dalawa. Fight that darkness, Sandra, and wake up, please…” she said softly kasabay ng marahang paghikbi. Ang ibang mga naroong nurses ay hindi maiwasang hindi makisimpatiya.
Si Eleanor sa di-kalayuan ay hindi mapigil ang iyak at muling lumabas ng ICU.
Pagkagaling sa ospital ay inihatid siya ng ina sa mansion, inubos ang natitirang oras sa panonood ng TV sa silid niya bago ito umuwi.
Maghahatinggabi na nang marinig niya ang pagpasok ng kotse ni Jake sa garahe. Isiniksik niya ang mukha sa unan at nagkunwang tulog nang buksan nito ang adjoining door at maingat ring isinara makalipas ang ilang segundo.
Hindi niya alam na nagpipigil siya ng hininga at pinakawalan lamang nang isara ni Jake ang pintuan sa pagitan nila. Subalit muli rin ay bumangon ang pagtataka sa dibdib niya.
Wasn’t she attractive enough para hindi pag- interesan ni Jake? Sub-consciously ay nasaling ng lalaki ang pride niya.
Kung sabagay ay sinabi ng ina na kontra-gusto ang ginawang pagpapakasal ni Jake sa kanya. At marahil ay may kasintahan talaga ito at pinakasalan lamang marahil siya dahil kay Don Benedicto. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hatinggabi na itong umuuwi sa dalawang magkasunod nagabi.
Ano’ng klaseng buhay-may-asawa ang kinasangkutan niya? Hanggang saan at kailan sila ganito?
Madaling araw na siyang nakatulog sa pag-iisip kaya nang magising siya kinabukasan ay wala na si Jake.
Iilang araw pa lamang siya sa mansion pero gusto na niyang masiraan ng bait sa kawalan ng magawa. May mga katulong, may hardinero ang hardin, may tagapagluto. Ano ba ang maaari niyang gawin?
At sa hapunan ay mag-isa siyang kumakain sa mahabang lamesa. Gaano man kasarap ang niluto ng kusinera ay hindi niya ma-appreciate.
Muli ay dinalaw niya ang kapatid sa ospital. Tulad ng dati ay kinakausap niya ito. Pagkatapos ay muling lumabas. Tinawagan si Eleanor at tinanong kung paano siya pupunta sa opisina ni Jake. At bagaman nasa likod lamang halos ng ospital ang Salcedo Street ay kailangan niyang mag-taxi patungo roon.
Tiningala niya ang building na kinaroroonan ng main office ng negosyo ng mga Atienza. Ang sabi ng Mama niya’y may pabrika ito ng papel sa Batangas.
Tiningnan niya sa naroong directory kung anong floor ang Atienza Industries. Okupado nito ang 7th and 8th floors. Sumakay siya ng elevator at humalo sa mga naroon. Sumabay siya sa isang lalaking bumaba sa 7th floor at nagtanong dito.
“Where can I find Mr. Atienza’s office?”
“Please, follow me,” ang sabi ng lalaki na sa tantiya niya’y empleyado. Sinamahan siya nito hanggang sa sekretarya ni Jake. Isang magandang babae na sa palagay niya’y nasa late twenties nito. Tila manikin ang tingin niya rito.
“Bel, may naghahanap kay boss,” ang lalaki na iniwan na rin siya matapos siyang umusal ng ‘thank you’.
Hinagod siya ng tingin ng sekretarya mula ulo hanggang paa na tila sinusuri ang ayos niya. Faded blue jeans at t-shirt na ipinaloob niya sa pantalon at rubber shoes. Walang makeup at naka-pony tail ang mahaba niyang buhok. Tila siya isang teenager.
“Aplikante ka ba?” mataray nitong tanong. “Sa personnel ka dapat magtungo.”
Bago pa siya sumagot ay isa pa uling babae ang lumapit. Tila ito modelo sa suot na high heel at tailored dress. Mapula ang mga labi at pinaghalong pula at brown ang buhok. Gusto niyang maaliw. Parang si Diana sa La Traidora ang nakikita niya. Ang gayak niya’y out of place sa mga kababaihan rito kahit pa mga empleyado lamang.
“Nandiyan pa ba si Jake, Bella?”
“Yes, Luchie. Tumuloy ka na,” sagot ng sekretarya. Muli ay binalingan siya nito. “Miss, kung aplikante ka ay hindi rito ang personnel. Itanong mo na lang sa banda roon kung saan ito.” Inginuso nito ang lugar na malapit sa pinto.
“Hindi ako aplikante at hindi ko kailangang magpunta sa personnel.” Itinaas niya ng kaunti ang mukha at binigyan ng authority ang tinig. “Si Jake ang gusto kong makita at kausapin. Now, if you’ll excuse me,” taas-noong humakbang siya patungo sa pintong pinasukan ng naunang babae at binuksan ito.
“Hey!” Humabol ang sekretarya.
Ang babaeng pumasok ay nakaupo sa armrest ng silya ng asawa at nakayuko sa mga dokumentong hawak ng huli.
Parehong nag-angat ng mga ulo ang dalawa pagpasok niya.
“Miss, ano ka ba?” pagalit na sabi ng sekretarya na hinawakan siya sa braso. “Sir, nagpilit pong pumasok, eh.”
“Kilala mo ba, Jake, ang babaeng iyan?” ang babaeng nasa armrest pa rin.
Sinulyapan ni Alexa ang asawa na hindi niya malaman kung ano ang binabadya ng mukha. Kung pagkabigla o galit ay hindi niya matiyak.
“Sige na, Bella,” wika ni Jake sa sekretarya na alanganing lumabas, pagkatapos ay binalingan si Alexa. “Hindi mo sinabing pupunta ka rito?”
“Who is she, Jake?” ang babae uli na sa pagkakataong iyon ay tumayo mula sa armrest.
“I want you to meet my wife, Luchie,” pagpapakilala nito na ikinabigla ng babae. “Si Sandra. Honey, this is Luchie, my Girl Friday.”
“Your wife?” bulalas nito na nilingon ang lalaki. “My! I never thought you’d picked up a very young wife, Jake.” Binalingan si Sandra at ngumiti. “Well, hello, Mrs. Atienza! Forgive me if I didn’t expect you to be Jake’s wife. Wala siyang inimbita sa kasal ninyo maliban sa mga big boss.”
Isang ngiti lamang ang isinagot niya. Humakbang ang babae patungo sa pinto. “I’ll see you later, Jake. ’Nice to meet you, Mrs. Atienza.” At lumabas ito.
“Ganito bang lahat ang mga empleyado mo?” aniya na lumingon pa sa pinto.
Matabang na ngumiti ang lalaki. “Sorry about that, Mrs. Atienza. Kung sinabi mong darating ka’y sinabihan ko si Bella para nakilala ka agad niya,” tuya nito.
Naningkit ang mga mata ni Alexa sa panunuyang iyon. “I wasn’t expecting recognition! At least politeness dahil ganoon dapat ang mga empleyado, ’di ba? Si Mrs. Atienza man ako o ordi- naryong kliyente.”
Huminga nang malalim si Jake. “Pagsasabihan ko si Bella. Anyway, reliever lang siya dahil maternity leave ang sekretarya ko “
“At ’yong babaeng kalalabas lang? Lahat ba sila ’pag pumapasok dito sa silid mo ay sa armrest nakaupo?” tuya niya.
Natawa si Jake. “Kung hindi kita kilala ay iisipin kong nagseselos ka, Sandra.”
Nagseselos! Biglang parang natauhan si Alexa, napahiya sa sinabi. I’m sorry… hindi ko inaasahang sa isang opisinang ganito ay—“
“Yes. Patawarin mo ako sa parteng iyon. Iba ka nga pala. You conduct business sa tamang lugar at panahon. Luchie has been with me for three years and she’s a friend. At least, hindi siya ipokrita.” Patuloy ito sa pagsasalita ng may kahulugan at sarcasm.
“Damn you, Jake! I never flirt with married men!” O kahit na kaninong lalaki , gusto niyang idagdag.
Pumuno sa silid na iyon ang malakas na halakhak ni Jake. “I can’t believe it! Nagka-amne- sia ka ba, Sandra?”
Hindi niya malaman ang sasabihin at gagawin. Nalilito siya. Ano ba talaga ang pagkakilala ng lalaking ito sa kapatid niya? Ano bang uri ng buhay mayroonsi Sandra?
Nasasaktan siya para sa kapatid at nagagalit siya sa lalaki dahil sa mga insulto nito.
“Alam mo, Jake, hindi ko alam kung sino sa atin ang may diperensiya. You dislike me so very much and yet you married me. Ako, hindi ako pakakasal sa taong hindi ko gusto anuman ang mangyari,” malamig niyang sinabi habang matalim ang mga mata.
Tumaas ang mga kilay nito. “Does that mean you want me, Sandra?”
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya akalaing ibabalik nito ang tanong. Hindi siya dapat nakikipagdigma ng salita sa lalaking ito dahil wala siyang alam sa naging ugnayan ng kapatid sa pamilya nito.
Tumalikod siya at akmang lalabas na nang tawagin nito, matigas ang tinig at sinabayan ng pagtayo. Huminto siya at lumingon dito. “Ano ang sadya mo rito?”
“Hindi na mahalaga!” Gusto na lamang niyang makaalis sa opisinang ito bago patuluyang pukawin ng lalaki ang galit niya. Baka maipagkanulo pa niya nang hindi sinasadyang ang totoo, na hindi siya si Sandra.
“Hindi ka pupunta rito nang walang dahilan. Ano iyon?” ang awtorisadong tanong ni Jake.
Nagkibit siya ng balikat. “N-naiinip ako sa bahay, Jake. Naisip kong pumunta rito para sabihin sa iyong baka maaari akong magtrabaho dito. Marunong akong gumamit ng computer at typewriter. Management graduate ako at nakapag—” she stopped on time. Sa kalituhan ay ibinigay niya ang sariling mga kakayahan.
Amazement ang nakita niya sa mga mata ng asawa. Kinabahan siya. Natitiyak niyang nakatapos ng pag-aaral ang kapatid. Hindi nga lamang niya alam kung ano ang tinapos nito. Kung bakit naman kasi napakaikli ng pagitan ng pagkatagpo sa kanya ng ina at ng panahon ng kasal nila ng lalaking ito?
“Naiinip? Why? Have you gone tired spending my money Sandra? I cannot believe you changed overnight dahil lang nagpakasal ka sa akin. Stop trying to impress me, will you?”
“Hindi ako nagpapa-impress! Itanim mo sa isip mo iyan! At wala akong pakialam kung ano ang tingin at pagkakilala mo sa akin!” Kumawala na ang tinitimping galit niya. “Alexandra Montejo Atienza, wife of the famous businessman Jake Atienza of Atienza Industries. Pangalan ko pa lang, Jake, ay madali na’ng magdadala sa akin ng trabaho sa alinmang kompanya.”
Sa dalawang hakbang ay nasa harapan na niya ang asawa at marahas siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Huwag mong subukan ang pasensiya ko, Sandra. You and Ryan have done enough damage sa Papa!” Dinig na yata niya ang pagtatagis ng mga ngipin nito.
“Bitiwan mo ako!” Sinikap niyang salubungin ang mga mata nito. “Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! Wala kang karapatang ikulong ako sa bahay!”
“Ikulong?” ulit nito sa sinabi niya. “I might as well do that, Sandra. Asawa kita at magagawa ko ang anumang gusto kong gawin sa iyo ’pag hinamon mo ang pasensiya ko,” wika nito sa mapanganib na tono.
“Hindi mo ako asawa! At hindi kita asawa sa tunay na kahulugan nito!” Hindi niya mapigil ang sarili. Sa nerbiyos at pagkalito ay nalimutan niyang hindi siya si Alexa.
“Hindi asawa, ha?” Ngumisi ng patuya si Jake. “Dahil ba hindi ko naipagkaloob sa iyo ang bagay na iyon ?” Iba ang naging pagkaunawa nito sa sinabi niya.
“H-hindi—”
“Ganoon ba talaga ang paghahangad mo sa akin, Sandra?” May kakaibang kislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Kinabahan siya lalo na nang unti-unting humihigpit ang paghawak ni Jake sa mga balikat niya at hinahapit siya.
“J-Jake, please, bitiwan mo ako!” Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ng asawa ngunit tila bakal ang mga kamay nito sa kanyang mga balikat.
“Ito ba ang gusto mo, Sandra?” Hindi niya napaghandaan nang siilin siya ng halik ng lalaki. Kasabay ay ang pagtaas ng kamay nito sa dibdib niya sa marahas na paraan.
Ni hindi siya makakilos sa kabiglaanan kahit nasasaktan siya. Sa buong buhay niya’y ngayon lamang may gumawa ng ganito sa kanya.
Tila siya nalulunod na napasinghap ng hangin nang huminto si Jake. Gilalas siyang nakatitig dito.
“Did you want that?” His voice deep, his breathing ragged habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya. “And this one?” He fondled one nipple and she gasped aloud. Parang may dumikit na nakausling wire ng kuryente sa katawan niya.
Little did she know that her face radiated fire and innocence. Her eyes confused yet wanting. Her lips that parted a little ay tila nag-aanyayang muli nitong hagkan. And Jake did kiss her again.
Sa pagkakataong iyon ay sa pagitan ng marahas at banayad. His lips caressed hers, she responded by gentle touching her tongue with his. He groaned.
When he pressed his lower body against her and she felt the mysterious maleness ay saka pa lamang tila nagising si Alexa mula sa isang tila hypnotic trance. Kumawala sa pagkakayakap ng asawa and tried to catch her breath.
Unti-unti ang ginawang pagbitaw ni Jake sa kanya. Si Alexa ay tila namamalik-mata sa nangyari. Nang titigan niya si Jake, tulad niya ay kalituhan ang kanyang nakita sa mga mata nito.
Dahan-dahan siyang humakbang paatras, patungo sa pinto at walang salitang binuksan iyon at lumabas.
Hanggang sa taxi ay binabalik-balikan niya sa isip ang nangyari. Sa loob ng maraming taon ng kanyang buhay ay hindi niya pinahintulutan ang sariling makadama at makaranas ng ganoon.
Konserbatibo siya dahil ganoon siya pinalaki ni Roberto. Itinanim nito sa isip niyang hindi dapat mag-asawa kung hindi financially and emotionally stable. Hindi gusto ng Daddy niyang maulit sa kanya ang nangyari dito at kay Eleanor.
Ganoon din ba pinalaki ng ina at Amado si Sandra? Bakit sa mga salitang binibitawan ni Jake ay tila hindi mabuting babae ang kanyang kapatid?
Pumikit siya at sumandal. Sinikap burahin sa isip ang ginawa ng asawa.
Si Jake ng mga sandaling iyon ay patuloy rin sa pag-iisip. He has never been attracted to Sandra. Physically, walang maipipintas itong maipipinta sa ‘asawa’. Sandra is a beautiful lady. Pero hindi maramdaman ni Jake na type nito ang babae. And the fact na may relasyon noon kay Ryan ang naging ‘asawa’ ay lalong nagpalayo ng loob nito kay Sandra.
But that was before they got married. Hindi kayang ipaliwanag ni Jake, but Sandra seemed different. He is starting to like her. In fact, he liked her. Lalo na no’ng araw mismong kasal. Her eyes and facial expressions intrigued him.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jake.
8
N ANG sumunod na mga araw ay sinisikap iwasan ni Alexa ang asawa. Tinitiyak niyang nakaalis naito bago siya bumaba. Walang problema sa gabi dahil alam niyang batid ni Jake na tulog na siya kapag dumarating ito.
At sa loob rin ng dalawang araw na nagdaan ay patuloy siya sa pagdalaw sa kapatid.
Paglabas niya nang hapong iyon sa ospital ay nagulat pa siya sa paghinto ng kotse ni Jake sa tabing-daan. Inabot nito ang passenger door at binuksan.
“Sakay na”
Bumangon ang matinding kaba sa dibdib ni Alexa. Nakita ba siya ni Jake na galing sa ospital? Walang kibong sumakay siya.
“Nagpa-check up ka ba?”
“H-ha? Ah, eh… oo! Oo nga.”
“Ano ang sabi ng doktor?”
“W-wala naman. Pagod lang.” Lihim siyang napangiti at nakahinga nang maluwag.
“Bakit ka nag-aabang ng taxi? May diperensiya ba ang Accord?”
“Hindi ako marunong mag—‘’ Napigil niya ang sarili sa huling sandali. Subalit nilingon na siya ng asawa sa nanunuring mga mata. “H-hindi kasi umi-start kanina. Hindi ako marunong mag-mekaniko. Yes, that’s it!” Ni hindi na niya napansin na eksaherado ang pagdadahilan niya sa pagbawi sa unang pagkakamali.
“Kung gusto mong magpa-check-up uli, tawagan mo ako sa opisina para masamahan kita.”
“How thoughtful,” tuya niya. “Considering your dislike of me.”
Tumiim ang mga bagang ng lalaki. “Alang-alang sa Papa, Sandra. Kailangang matiyak kong nasa mabuti kang kalagayan. At tama ka, hindi ko gusto ang pagpapakasal sa iyo, pero para sa akin ay sagrado ang pag-aasawa. Bagaman may mga bagay na hindi kayang tanggapin ng isip ko ay pinangangatawanan ko ang anumang bagay na pinasok ko. Gusto ko man o hindi. Nagkataong sa parteng iyan malaki ang kaibahan namin ni Ryan.”
Hindi niya alam kung ano ang ipapaing salita para mismong bibig ni Jake manggaling kung ano ang kaugnayan ni Sandra sa kapatid nitong si Ryan.
Nahalungkat na niya ang maaaring halungkatin sa mansion pero wala siyang makitang larawan ng Ryan na ito. Hindi naman niya magawang magtanong sa mga katulong dahil iisipin ng mga itong wala siyang alam sa pamilya ng asawa niya.
“Ano ang pangalan ng doktor mo?” tanong ni Jake makalipas ang ilang mahahabang sandali.
“D-doctor Resureccion,” nabiglang sagot niya. Ang doctor ng kapatid ang naibigay niya. Sino pa nga ba ang maaari niyang sabihin?
Hindi kumibo si Jake. Pagdating sa mansion ay agad na sanang tutuloy sa itaas si Alexa pero pinigil siya ng asawa.
“Nasaan ang susi ng Accord?”
“H-ha? Ah, eh… baka nasa loob,” nauutal niyang sinabi. “Nalimutan ko kung saan nailagay. Ipahanap mo na lang sa maid.”
Sinundan siya ng asawa nang magtuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay. Sa library nagtuloy si Jake. Pagkatapos ay muli siyang tinawag nang nasa dulo na siya ng hagdan.
“Bakit?”
“Bumaba ka at kailangan ko ang tulong mo,” wika nito.
Napilitan siyang muling bumaba at sumunod sa asawa sa garahe. Itinaas nito ang hood ng Accord. Iniabot nito sa kanya ang susi ng kotse. “Paandarin mo at titingnan ko ang diperensiya.” Namutla si Alexa. Ano ang malay niyang magpaandar ng kotse? “B-bakit hindi ka na lang magpatawag ng mekaniko?”
“Kaunting bagay lang ito, Sandra, at kaya ko. Sige na.”
Napilitan siyang pumasok sa loob ng kotse at nanginginig ang mga kamay na ipinasok sa susian ang susi.
“Start the ignition now.”
Sa nanginginig na mga kamay ay pinihit niya ito. Agad namang umandar.
Muling sumigaw si Jake. “Apakan mo ang selinyador!”
Doon hindi makakilos si Alexa na pinanigasan ng mga binti. Paano kung magkamali siya kung alin ang aapakan at umandar paabante ang kotse? Nasa harapan ang asawa niya.
“A-ayaw, Jake “ aniya na sinabayan ng labas ng kotse. “Itawag mo na lang kasi ng mekaniko iyan.” At sa mabilis na mga hakbang ay pumasok siyang muli sa bahay.
Kung anuman ang iniisip ni Jake sa pagkakatitig sa kanya ay ito lamang ang nakakaalam.
Makalipas ang kalahating oras ay pumanhik si Jake sa silid at naligo. Pagkatapos ay nagsuot ng silk robe. Binuksan ang adjoining door sa pagitan ng dalawang silid upang yakagin siyang sabay na silang bumaba at maghapunan. Narinig nito ang lagaslas ng tubig sa banyo. Naisip na naliligo siya.
Wala sa loob na inilibot ni Jake ang mga paningin sa loob ng silid. Pagkatapos ay binuksan ang wardrobe ni Alexa. Nagsalubong ang mga kilay nito sa nakita.
Ito lamang ba ang laman ng wardrobe ni Sandra? takang-tanong ng isip nito, at napalingon sa banyong kinaroroonan ni Alexa na ang gripo ay tahimik na.
Balak sanang sitahin ni Jake ang asawa nang makitang lumabas na ng banyo ngunit napigil sa lalamunan nito ang sasabihin nang makitang nakatapis lamang ng maigsing tuwalya si Alexa, bahagya pang tumutulo ang buhok.
Nagulat rin si Alexa nang makita ang asawa. “J-Jake! A-ano’ng ginagawa mo dito?”
Hindi sumagot si Jake. Sa halip ay hinagod ng tingin ang asawa. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Alexa sa buhol ng tuwalya.
Dumako ang paningin niya sa mukha ng asawa. She could see a fevered look in his eyes, the sensuousness of his mouth. As if Jake casted a spell on her.
“M-magbibihis muna ako—”
“Do you have to?” he said softly. Humakbang papalapit sa kanya si Jake.
Gusto niyang tumakbo palabas o pabalik sa banyo at mag-lock ng pinto. Pero tila namanhid ang mga binti niya.
Huminto si Jake sa harap niya. Itinaas ang mga kamay at inalis mula sa mahigpit niyang pagkakahawak ang tuwalya at ibinagsak sa sahig. Napapikit si Alexa. Gustong matunaw sa kahihiyan. Tila siya estatwa sa pagkakatayo.
Kumislap ang mga mata ni Jake sa pagkakatitig sa kabuuan niya. He moved closer. Hinaplos ng likod ng palad ang mamasa-masa pa niyang pisngi. Halos hindi siya humihinga. Pagkatapos ay pinagapang nito ang daliri sa leeg niya, sa balikat.
“Such pretty shoulder,” he whispered. “I never realized it before. I have never desired you, Sandra. Even when I saw you almost in nothing sa swimming pool noong birthday ni Papa. And even when you tried to seduce me later that night.” Patuloy na naglalaro ang kamay nito sa balikat niya, at pababa sa kanyang dibdib.
“T-then walang dahilan para…” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang banayad na damhin ni Jake ang isang dibdib niya. Napasinghap siya kasabay ng panlalaki ng mga mata.
“I don’t know what happened but you intrigued me since the day we married,” patuloy nito. Ang isang kamay ay inihapit sa beywang niya. “Hindi ko alam kung paano mo ito nagagawa. The naive and innocent look. I never thought your eyes could be so expressive.” Naglalandas sa katawan niya ang kamay nito habang nagsasalita. Sari-saring damdamin ang nararamdaman ni Alexa. Takot, pagkalito at sensasyon.
“Jake, please, tigilan mo ito,” pakiusap niya. Gusto niyang mag-panic. She felt him growing hard.
“I’ll play your game, Sandra, kung diyan ka nakakadama ng satisfaction. But right now, I want you so damned much!” Mapusok nitong inangkin ang mga labi niya. Ang mga kamay nitong nakayakap sa kanya’y parang steel bands. Halos magbara ang kanyang paghinga sa lalamunan when his hand closed possessively over her bare breast.
He was breathless nang iwan nito ang mga labi niya at buhatin siya’t ihiga sa kama. “You’re beautiful, Sandra,” wika nito habang hinahagod ng tingin ang kahubaran niya. “Bumagay sa iyo ang sun-tanning mo. Did you sun bathe nang nakahubad at pantay-pantay ang kulay mo? Where? In Boracay? In Puerto Azul?” Inalis nito ang buhol ng sariling roba, hinubad at ibinagsak sa carpet.
Marahang natawa si Jake nang iiwas niya ang mga mata sa kahubaran nito. “Pretending to be shy? I’m beginning to like your kind of game, my dear wife.” Bumaba ito sa kanya. Right on top of her at muli siyang siniil ng halik. His tongue sensually brushing hers. Probing her mouth in a very erotic expertise.
Ang takot ay unti-unting nahalinhan ng ibang damdamin. There was a wild ache between her thighs na hindi niya maunawaan kung ano.
Ang kamay nito ay tila apoy sa kanyang dibdib. “Lovely. Small, firm and perfectly shaped,” bulong nito then lowered his lips to her nipple.
She couldn’t supressed a moan.
His hands and mouth giving her alternative pleasure that took her breath away.
“Now.” His voice think with desire. “I want you now!”
“Jake, I… I…” Gusto niyang sabihing she had never been with a man before, pero hindi natapos ang sasabihin niya dahil halos huminto sa pagtibok ang kanyang puso when he covered her body with his.
He pressed hard but just enough as not to shove her towards the headboard. He kissed her mouth to suppress her little cry.
She was aching yet longing for something na hindi niya alam kung ano.
Banayad ang mga kilos ni Jake na tila hindi gustong madaliin ang mga sandaling iyon. He was moving slowly at first, pressing harder and gradually increasing force.
Then he was bringing her closer and… deeper.
9
MATAGAL nang tulog si Alexa ay nanatili pa ring gising si Jake. Pinagmamasdan ang asawang natutulog. Lito ang isip nito.
She couldn’t have possibly faked it, anang isip ni Jake. Hindi naman ito gaanon ka-novice para hindi malaman. Tonight was the first time his wife had a man in her life.
Paanong nangyari iyon? Nagsinungaling ba si ‘Sandra’ para lamang mapakasalan ninuman sa kanila ni Ryan? Pero paano naman ang mga sinabi ni Ryan tungkol kay ‘Sandra’? tanong pa ng isip ni Jake, nagsinungaling ba ang kapatid nito?
Pagkatapos ay naisip ng lalaki ang pagpunta ng asawa sa ospital.
Ano’ng uri ng checkup ang ginawa ni Sandra? Ginawan ba ng paraan ni Sandra, tulad ng palasak na ginagawa ng mga kababaihan ngayon, upang maging virgin sa unang gabi ng pagtatalik namin?
Napailing si Jake. No amount of medical restoration could produce that blood na nakikita nito sa kama. She couldn’t faked the pain and fear. Nakita iyon ni Jake sa mga mata ng asawa.
Kumilos si Alexa sa pagkakahiga at natanggal ang kumot na nakatakip sa katawan. Inihantad nito ang dibdib and part of her thighs.
She looks innocent like a child and yet seductive as a siren. And watching his wife makes his blood boil. He never thought ‘Sandra’ would affect him so much that he ached.
Naalala ni Jake ang nangyari sa opisina nang hagkan nito ang asawa. He could swear she didn’t know how to kiss. Pero tinakpan ng galit ang mga ganoong kaisipan. At ngayon ay lalo pang nagulo ang isipan nito.
Nilapitan ni Jake ang asawa at maingat na inalis ang kumot na bahagya na lamang tumatakip sa katawan ni Alexa. Yumuko and gently kissed her mouth while his hand travelled over her body.
“Hmnn…“si Alexa na tila nanaginip. Gumalaw siya. Each move unconsciously seductive. His hand found her breast na tuluyang nakapagpagising sa kanya. “Jake…?”
“Tell me you want me,” he urged in a thick voice.
“I… want you so badly.” Her untutored flesh started to respond. She feverishly caress the hard strength of his back and chest.
And Jake lost all control.
10
S AMANTALA’Y kausap ni Bernard si Marco nang mga sandaling iyon.
“Hindi ko gustong panghimasukan ang suliranin ng puso mo, Bernard. Pero gusto kong tiyakin kung ano ang relasyon mo kay Jewel?” simula ni Marco.
“Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?” ang binata na nagdikit ang mga kilay.
“Malimit kayong magkasama, halos sa maraming pagkakataon. Pagkatapos, nitong huli’y nabalitaan kong nakikipag-date ka sa ibang babae. Baka nakakalimutan mo, Bernard, na kapatid ni Emerald si Jewel. Hindi natin gustong magkaroon ng ’di pagkakaunawaan sa loob ng pamilya. Galing na tayo diyan sa mahabang panahon,” patuloy ni Marco na itinaas ang mga binti sa ibabaw ng center table.
“Hindi ko gustong magpaliwanag sa iyo tungkol sa mga affairs ko, Marco. Ganoon pa man, para sa ikatatahimik ng loob mo ay sasagutin kong lahat ang mga sinasabi mo,” naiiritang wika ng binata. “Jewel and I are friends kung hindi man matawag na mag-kamag-anak. Never—uulitin ko—never na nagpahiwatig ako sa kanya na maliban sa pagiging magkaibigan ay mayroon pang hihigit doon.
I escorted her sa lahat ng mga lakad niya because she asked me to. No more, no less.“
“And what about this other woman?”
“That other woman is my business, Marco. Nilinaw ko na sa iyo ang tungkol sa amin ni Jewel, siguro naman ay sapat na iyon.”
Huminga nang malalim si Marco, tinitigan ang pamangkin. “Iba ang naging pakahulugan ni Jewel sa mga ipinakikita mo sa kanya, Bernard.”
“Hindi ko siya gustong saktan, Marco, pero para sa akin, isa lamang siyang nakababatang kapatid. All my life, I was made to believe na ang mga anak ni Romano ay mga kapatid ko. At iyon ang nararamdaman ko. Kahit nang malaman kong mali ang paniniwalang iyon ay walang nabago sa damdamin ko para sa asawa mo at kay Jewel.”
“Then talk to her. Linawin mo ’yon sa kanya. Sa nakikita ko’y hindi maiiwasang hindi siya masaktan pero mabuti nang hangga’t maaga ay magkaunawaan kayo.”
Bahagyang tumango si Bernard habang isang mukha ang lumalarawan sa isip. Mukhang pilit nitong inaalis sa isip subalit nagpupumilit na gumiit roon. At nararamdaman niyang gustong manikip ng dibdib.
11
PAGKATAPOS ng pangyayarlng iyon kina Sandra at Jake ay sinikap ng huli na iwasan muna ang asawa. Nahihiya ito sa sarili sa ginawa kay ‘Sandra’.
At si Alexa ay hindi huminto sa pagdalaw sa kapatid sa kabila ng pagkaalam ni Jake na umaalis siya sa hapon. Hindi niya maaring pabayaan ang kapatid.
Maliban pa sa ang ginagawa niya’y paraan upang hindi mapagtuunan ng isip ang nangyari sa kanila ni Jake.
Gusto niyang masaktan sa ginagawang pag- iwas nito pero wala siyang magawa. Simula pa’y ganoon na ang trato sa kanya ng asawa and sex didn’t change their relationship.
Halos sumabog ang dibdib niya sa matinding takot at kaba nang datnan, isang hapon, na bakante ang kinalalagyan ng kapatid sa ICU.
“A-ang kapatid ko?” aniya sa nurse na lumapit.
Ngumiti ang nurse. “Nasa kuwarto na ang kapatid mo, Miss. She regained consciousness two hour ago.”
“Oh!” Gusto niyang himatayin sa kaligayahan. “P-paano’ng nangyari?”
“Ang binatang kasama ninyo no’ng isang linggo ay dalawang beses pa uling nagbalik dito, kasama minsan ang Mama ninyo. At kanina’y laking gulat niya nang magmulat ng mga mata ang pasyente.”
“Si Bernard!” Hindi siya makapaniwaia. Nag- uumapaw ang damdamin sa tuwa na nagmadaling lumabas ng ICU si Alexa at patakbong pinanhik ang fourth floor kung saan naroon ang silid ng kapatid.
Sa pasilyo ay nakasalubong niya si Eleanor. “Mama!”
“Alexa, anak!” Niyakap siya nito kasabay ng marahang pag-iyak. “Nagkamalay na ang kapatid mo, Alex. Nagkamalay na siya!”
“Gusto ko siyang makita, Mama “
“Tara sa silid niya. Naroon din si Bernard. I’ve tried to call you pero nakaalis ka na raw.” Binuksan nito ang pinto ng suite ni Sandra.
Magkasabay na lumingon sa kanila ang dalawang nasa loob. Amazement ang rumehistro sa mukha ng kapatid at pagkailang naman ang kay Bernard. Ano man ang gusto niyang itanong sa binata’y hindi mangibabaw sa isip niya.
“K-kamukhang-kamukha kita…” si Sandra.
“We’re… twins.”
Sinulyapan ni Sandra ang ina. “How?”
“Mahabang kuwento, Sandra, at huwag kang mag-alala dahil malalaman mo rin. Ang mahalaga’y nalaman mong may kakambal ka, anak. Si Alexa. Halos araw-araw ay dinadalaw ka niya at kinakausap.”
“I heard voices… ng babae tapos lalaki.” Sumulyap ito kay Bernard na nasa isang tabi.
“Magpapaalam na muna ako, Alexa, Tita Eleanor.” Sinulyapan nito si Sandra.
“Will you be back? Dadalawin mo uli ako bukas?” si Sandra.
Tumango ang binata, nahihiyang tumingin kay Alexa.
“Sasamahan kita sa labas, Bernard. Sandali lang ako, Mama, Sandra.” Sumabay siya sa binata paglabas nito.
“Gusto kong pasalamatan ka, Bernard, sa pag- uukol mo ng pansin kay Sandra,” aniya nang nasa pasilyo na sila.
“Maliit na bagay, Alexa. Ang totoo ay nahihiya ako sa iyo. Noong una ko siyang makita ay hindi ko maipaliwanag ang sarili ko. Naaawa ako sa kanya. Sa isip ko ay ikaw ang naroroon at walang malay. Technically alive and yet dead. She was so helpless. So I was compelled to come back. Na sa palagay ko ay magkakaroon ng kaugnayan si Sandra sa mga buhay kung patuloy akong babalik at kausapin siya,” paliwanag ng binata.
“Naiintindihan ko. Iyon din ang naramdaman ko nang una ko siyang makita.”
“Do you mind if I’ll visit her again?” alanganing tanong nito.
Mabilis na umiling si Alexa. “Dalawin mo siyang muli, Bernard, please. Sa nakita ko’y mukhang nagkahulihan kayo ng loob ni Sandra.” May bahid ng panunukso ang tinig niya na hindi nakaligtas sa pandinig ng binata.
“Alexa…?”
“Masyado kang seryoso, Bernard. Gusto lang kitang patawanin,” depensa niya.
Nang makaalis ang binata ay bumalik sa silid ng kapatid si Alexa.
“Mom partly told me about us,” salubong ni Sandra. “But no matter what happened, Alexa, I’m glad, that I have a sister.”
Inabot ni Alexa ang palad ng kapatid at ikinulong sa mga palad niya. “Ako rin, Sandra.” Pagkatapos ay nilingon si Eleanor. “Mama, ano raw ang sabi ng doktor sa kalagayan niya? Hindi ba dapat na magpahinga siya?”
“Oh, please, huwag n’yo akong patuluging muli protesta nito. “Talk to me, Alexa.Tell me everything about yourself.”
“She will make it, Alexa. Iyon ang sinabi ng mga doktor na sabay-sabay tumingin sa kanya kanina. Magkakaroon siya ng series of test bukas at malaking pag-asa ang sinabi ng doktor na nilampasan na ng kapatid mo ang krisis,” nakangiting sinabi ni Eleanor.
“Kung uuwi agad si Bernard ay malalaman ng Daddy ang pangyayaring ito and I hope luluwas siya agad.” Bumaba ang tingin niya sa kapatid. “Ano ang magiging reaksiyon mo sa Daddy, Sandra?”
“Tulad mo, Alexa, gusto kong makilalaang tunay kong ama,” paniniyak ni Sandra. “At tayo, marami tayong babawiin. I have always wanted to have a sister.”
Hindi makasagot si Alexa. Nagbabara ang lalamunan sa emosyon.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay nagpaalam na siya upang umuwi. Bagaman hindi pa sana siya gustong pakawalan ng kapatid ay napahinuhod niya ito nang mangakong babalik kinabukasan.
Habang nasa daan ay abala ang isip niya kung paano na ngayong nagkamalay na si Sandra? Hindi pa nila sinasabi ni Eleanor ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Jake. Pero pasasaan ba at darating ang oras na kailangan na nitong malaman ang totoo. O, baka, mamayang gabi lang ay magkalakas-loob na si Eleanor na sabihin dito ang katotohanan.
Nakahinga siya nang maluwag nang mapunang wala pa ang kotse ng asawa sa garahe kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin ang isang kotseng bahagyang nakahalang sa driveway.
Tinanguan lamang niya ang hardinero at boy na nasa labas at dere-deretso na sa loob. Nahahapo siyang naupo sa sofa. Pasado alas-sais na at ipinagpapasalamat niyang hindi siya naunahang umuwi ng asawa. Inihilig niya ang ulo sa sandalan at pumikit.
Isang halik sa labi ang nagpamulat sa mga mata niya. Isang hindi-kilalang lalaki ang nasa harap niya. “Sino ka?” gulat na tanong niya.
Mula sa pagkakayuko sa kanya ay tumuwid ang lalaki. Mataas ito at mestisuhin. Magandang lalaki.
“Sino ako?” amused nitong gagad kasabay ng malakas na tawa. “Mahigit dalawang buwan lang akong nawala ay hindi mo na ako kilala? Nagka- amnesia ka ba?”
Litong-lito siya. Si Ryan ba ang lalaking ito o isa sa mga kaibigan ng pamilya? Hindi niya malaman kung paano makatitiyak dahil kung kapatid ito ni Jake ay malaking-malaki ang kaibahan ng dalawa.
“At talaga palang pinakasalan kang tuluyan ni Jake, Sandra. Hindi ko akalaing para lamang makasipsip nang husto sa Papa ay gagawin niyang pakasalan ka,” patuloy ng lalaki at doon niya natiyak na si Ryan nga ito.
“W-wala pa si Jake, Ryan “
“There. And I thought you don’t remember even my name. Kung sabagay ay pabor sa akin na nandito ka sa mansion, Sandra. Magiging madali para sa akin na puntahan ka dito, ’di ba, honey?” Nilapitan siya nito at akmang yayakapin subalit mabilis siyang umiwas at tumayo.
“Wala kang karapatang gawin sa akin iyan, Ryan. May asawa na ako!”
“Well, well… naging asawa mo lang si Jake ay nagkaganyan ka na? Ano’ng akala mo, Sandra, nakasandal ka sa pader? Nagkamali ka, my dear.” At mabilis siyang nahawakan nito sa braso at hinatak.
“B-bitiwan mo ako!” Nagpumiglas si Alexa.
“Stop this foolishness, Sandra, and kiss me like you used to.” He was urging her seductively. Dumapo ang mga labi nito sa leeg niya. Nasindak si Alexa at marahas na itinulak ang lalaki sa pagkabigla nito.
“Shit! Ano’ng gusto mong palabasin? Playing hard to get?”
“M-may asawa na ako, Ryan—”
“Walang gusto sa iyo si Jake! Ako ang may gusto sa iyo, Sandra. Ako ang nagmamahal sa iyo at alam kong ako rin ang mahal mo.” Lumalakad ito papalapit sa kanya habang nagsasalita.
Nalito si Alexa. Kung mahal nito si Sandra at mahal din ito ng kapatid tulad ng sinasabi nito, bakit hindi ang dalawa ang nagtakdang magpakasal?
“H-huwag kang lalapit!” aniya na humakbang paatras. Nahawakan niya ang isang ashtray sa likod ng chest na naatrasan niya. H-hindi ko gustong ibato sa iyo ito.“
Ngumisi lamang ang lalaki bagaman kinakitaan ng bahagyang pagkabigla. “You won’t do that, Sandra. Kaya ka pumayag na mapakasal kay Jake ay upang mapalapit sa akin.”
“Huwag kang lalapit.” Akma niyang ibabato ang ashtray sa lalaki nang mula sa likuran ay nagsalita si Jake.
“ibaba mo ’yan, Sandra,” utos nito at binalingan ang kapatid. “Layuan mo ang asawa ko, Ryan.” Bagaman hindi nagtaas ng tinig si Jake ay may bahid ng panganib sa tono nito.
Sabay na napalingon ang dalawa sa malaking pinto. Nakatayo roon si Jake at humakbang papalapit sa kanila. ibinalik ni Alexa ang ashtray sa kinalalagyan niyon, nakahinga na’ng maluwag.
“Well—well… the high and mighty Jake Atienza!” bulalas ni Ryan, inilahad ang isang kamay. “Congratulations, Jake! Ngayon ako naniniwala na ang tunguhin mosa buhay ay paluguran ang Papa. Kung sabagay, kung ako rin ikaw ay ganoon din ang gagawin ko. With my father’s millions na gusto mong mapasaiyo, bakit nga ba hindi?”
Nagtagis ang mga bagang ni Jake. “Kung hindi mo gustong bisitahin ang dentista mo bukas, Ryan, at mabasag ang mukhang malimit mong ipagmalaki ay aalis ka ngayon din.” May banta sa tinig nito.
Nagkibit ng balikat si Ryan. “Relax, Jake! Hindi ako magtatagal. Tiniyak ko lang na totoo ang balitang pinakasalan mo si Sandra.” Nilingon nito si Alexa, ngumisi. “Welcome to the family, Sandra! I’ll see you, again.” Pagkatapos ay humakbang palabas at bahagyang tinapik ng kamao ang braso ni Jake.
Naupo sa sofa si Alexa nang mawala sa paningin si Ryan.
“Are you all right?”
Marahan siyang tumango. Concern ba ang nakita niya sa mga mata ng asawa o imahinasyon lamang niya?
“Magbihis ka at sa labas tayo kakain wika nito na ikinatitig niya kay Jake.
“M-magbibihis?” ulit niya. “S-saan tayo kakain?”
Nagkibit ito ng balikat. “Kung saan mo gusto?” “A-ano’ng isusuot ko?” Lumarawan sa isip niya ang laman ng kanyang wardrobe.
Natawa si Jake. “Anything. Huwag lang ’yang kupas na maong at t-shirt na suot mo ngayon. Hindi ako makapaniwalang I’ve been seeing you in those denims mula nang makasal tayo, Sandra. Where’s the sophisticated, elegant and classy Sandra Montejo na kilala ko?”
Umiwas siya ng tingin at tumayo. Hindi ako si Sandra , Jake! gusto niyang sabihin pero sa halip ay dumeretso sa hagdan.
Sinundan siya ng tingin ni Jake.
Sa itaas ay hindi malaman ni Alexa kung alin sa sariling mga damit ang isusuot. Anuman ang gawin niya’y walang akma sa mga ito sa suot ni Jake na evening suit. Maliban sa hindi na mamahalin ay binili niya ang mga damit on practicality purposes.
Sinulyapan niya ang hiniram na dalawang gown na ipinilit ni Eleanor. Masyadong pormal sa tingin niya para sa pagkain lamang sa labas bukod pa sa pagkaseksi-seksi ang yari.
Napagtuunan niya ng pansin ang isa sa mga regalo sa kanya ng ina. Isang simpleng itim na damit. Walang manggas at tatlong pulgada ang layo bago dumating sa tuhod niya. Isa itong straight-fitting dress na pinakatanggi-tanggi niyang bilhin ng ina dahil napakamahal para sa isang simpleng damit lang. Kung wariin niya, ang halaga nito’y ilang damit na niya ang katumbas.
Kinuha niya ito sa hanger. Naghubad at isinuot ang damit. Tulad ng una niyang isinuot sa department store ang naturang damit, na pinagbilhan nito ay bagay sa kanya, naiilang lamang siyang magsuot ng ganitong uri ng damit na nakalitaw ang bahagi ng hita niya.
Pagkatapos maglagay ng polbo at lipstick, inalisan niya ng tali ang buhok at hinayaang nakalugay. Kinuha ang tatlong pulgadang high heeled shoes na kasama ring binili ni Eleanor at isinuot.
Napangiti siya sa kanyang anyo sa salamin. “Hmm… fine feathers make beautiful bird,” aniya sa sarili. Pagkatapos ay bumaba. Kinabahan. Ano ang sasabihin ni Jake sa gayak niya? Hindi kaya siya alangan?
Nasa ibaba ng hagdan ang asawa at pinanonood ang pagbaba niya. Sa kaba niya’y baka nadulas na siya sa hagdan dahil sa taas ng takong ng kanyang sapatos kung hindi lamang ito carpeted.
“D-do I look all right?” kinakabahang tanong niya.
Nakita niya ang kislap sa mga mata nito nang hagurin siya ng tingin.
“Now, there’s the Sandra that I used to know. And yet… so different and so unlike.”
“Meaning, okey na sa iyo itong suot ko?” Gusto niyang makatiyak.
“You’re beautiful…” marahang usal ng lalaki.
“Thank you, kung hindi ka nang-iinsulto,” sagot niya na inabot ang kamay nitong inilahad sa kanya sa huling baitang ng hagdan.
Tumaas ang mga kilay ni Jake sa sinabi niya. “I mean it, Sandra. But was I always very insulting?” amused nitong tanong.
“Are you asking if the color of blood is red or the sky is blue?”
Bumulalas ng tawa si Jake. Manghang napatitig sa asawa si Alexa. Noon lamang niya nakitang tumawa ng may pagkaaliw ang lalaki. lyong totoong tawa. Somehow, sa tingin niya’y nabawasan ng ilang taon ang edad nito.
Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa braso at inakay sa library. Dinukot ang susi sa bulsa at isang vault ang binuksan. Mula roon ay kinuha ang jewelry box na ibinigay sa kanya ni Don Benedicto.
Binuksan ni Jake ang kahon at kinuha mula roon ang isang ternong hikaw at choker chain na may mga batong emerald. Ikinabit nito sa leeg niya ang choker at ganoon din ang hikaw.
“Perfect,” wika nito.
“B-baka mahold-up tayo nitong ginagawa mo.”
Muling natawa si Jake. “Let’s go, Sandra!”
Sa isang five-star hotel nagtuloy ang dalawa. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Alexa ay naranasan niya ang mga bagay na kinasanayan ng kapatid.
Pinakikiramdaman siya ni Jake, habang siya’y hindi malaman kung paano magre-react sa ganoong luxury.
“You’re strangely silent, Sandra.”
“Ano ang inaasahan mong sasabihin ko, Jake?”
“Like why did you really wanted this marriage,” kaswal nasabi ng lalaki habang hinihiwa ang steak.
“H-hindi ba at alam mo kung bakit?” nailang niyang sagot.
“Alam ko nga ba, Sandra?” makahulugang tanong nito.
Iniwas niya ang mga mata sa asawa at ipinagpatuloy ang pagkaing gustong magbara sa kanyang lalamunan.
“Well, aakalain ko bang magkatagpo tayo rito, Jake, Sandra?” si Ryan na hindi nila namalayang lumapit. Isang magandang babae ang kaakbay nito.
“Hello, Ryan, Marcie!” kaswal na bati ni Jake sa mga ito.
“Hello, Jake,” ang babaeng tinawag na Marcie. “Hindi mo ba ako ipakikilala sa asawa mo?”
“Sandra, I want you to meet Ryan’s wife, Marcie. My wife Sandra, Marcie,” pagpapakilala ni Jake. “Join us,” anyaya nito sa dalawa. Hinila ang isang upuan para sa babae na umupo naman.
“I’m pleased to meet you, Sandra.”
Asawa? May asawa ang Ryan na ito? Hindi ma-absorbed ng isip ni Alexa ang natuklasan.
Ang babaeng hindi pa halos nakakaupo ay agad ring tumayo at napahawak sa braso ni Ryan. “Honey, suot niya ang mga alahas ng Mama mo!” Napatitig din sa leeg ni Sandra si Ryan.
“Ano ang ibig sabihin nito, Jake?” wika nito sa nagtatagis na mga bagang. “Bakit nasa asawa mo ang family heirloom?”
“Nasa public place tayo, Ryan, baka nakakalimutan mo. Huwag kang gumawa ng eksena,” matabang na sagot ni Jake na patuloy sa pagkain.
Pahablot na hinila ni Ryan ang silya at naupo. Tinitigan si Sandra. “Paanong napunta sa iyo ang mga alahas ng Mama, Sandra?”
12
“O H, RYAN, hindi ako makapaniwalang nasa kanya ang mga alahas ng Mama!” si Marcie na pigil na pigil ang paghi-histerya.
Pinaglipat-lipat ni Ryan ang paningin sa mag- asawa. “Sagutin mo ang tinatanong ko, Jake! Bakit napunta kay Sandra ang mga alahas na iyan?” Nagkibit ng balikat si Jake, inabot ang tubig at uminom, nagpunas ng napkin sa bibig. “Iyan ang iniregalo ni Papa sa kanya, Ryan, noong araw na kami’y ikasal.”
“No!” si Marcie. Hinawakan sa mga balikat ang asawa. “Ako ang dapat na magmay-ari ng mga alahas na iyan, Ryan. Ako! Dahil ikaw ang tunay na anak ni Papa.”
Si Alexa na nanatiling nakamasid at nakikinig ay walang masabi. Lalong nagulo ang isip niya sa narinig. Si Ryan ang tunay na anak ni Don Benedicto! At paano si Jake?
“Hindi ako naniniwalang magagawa ng Papa ito, Jake!” Napukpok ni Ryan ang mesa. Natuon ang pansin sa kanila ng kalapit na mga kumakain. “Nilason mo ang isip ni Papa upang ibigay kay Sandra ang mga alahas na iyan! Pupuntahan ko ang Papa ngayon din!” Mabilis itong tumayo kasabay si Marcie na ang mga mata’y nasa leeg at tainga pa rin ni Sandra.
Wala na ang dalawa’y hindi pa rin makaapuhap ng sasabihin si Alexa.
“Tapusin mo ang pagkain, Sandra, at huwag mong intindihin ang dalawang iyon,” utos ni Jake.
“Umuwi na tayo, Jake, tapos na akong kumain.”
“Ipagpaumanhin mong nasira ng mag-asawang iyon ang gabing ito,” sagot ng lalaki na sinenyasan ang maitre’d para sa bill nila.
Nasa daan na sila’y hindi pa rin malaman ni Alexa ang iisipin. Alam ba ni Sandra kung anak o ampon ni Don Benedicto si Jake? Gusto niyang manlumo. Para siyang nasa loob ng isang maze at hindi alam kung saan susuot para lumabas.
Hanggang sa makauwi sila’y nanatiling walang kibuan ang dalawa. Pumasok sa silid si Alexa at si Jake naman ay sa library nagtuloy.
13
NANG sumunod na araw ay pinuntahan ni Alexa si Eleanor pagkaalis ni Jake patungong opisina.
“Mama, naguguluhan na ako sa takbo ng pangyayari. Sa nakikita ko ay nagkaroon ng relasyon si Sandra kay Ryan. At ang Ryan na ito ay may-asawa. At kung bakit pinakasalan ‘ako’ ni Jake ay hindi ko pa rin lubusang maisip hanggang ngayon.” Palakad-lakad siya sa harapan ng ina. “Si Jake ay walang sinasabi at ipinaliliwanag. Marahil ay inaasahan niyang alam ko ang mga pangyayari bilang si Sandra. And I just can’t keep silent and pretend to be so innocent.”
“Hindi ko pa masabi kay Sandra ang pangyayari, Alexa, at baka hindi pa siya lubusang magaling. Bagaman kagabi ay nagsimula na siyang magtanong tungkol kay Jake at kung bakit hindi man lang ito dumalaw sa kanya. Alam na raw ba nitong nagkamalay na siya?”
“Oh, Mama!” Naupo siya sa tabi nito. “Hindi sa habang panahon ay maitatago natin kay Jake ang lahat ng ito. Ngayon pa lang ay pinagdududahan na ni Jake ang palagian kong pag-alis upang dalawin si Sandra. Nalaman niya ito mula sa mga katulong minsang umuwi siya.”
Sinapo ni Eleanor ang mukha. “Hayaan mong magpalipas muna tayo ng ilang araw, Alexa, bago ko sabihin ang lahat kay Sandra. Hayaan mo munang makauwi siya dito. Hindi na magtatagal iyon,” pakiusap nito sa anak.
Biglang napatingin sa ina si Alexa. “Mama, paano kung tawagan ni Sandra si Jake at kausapin ito? Ang sabi ninyo’y nagsisimula na siyang mag- usisa?” kinabahang tanong niya.
“Naisip ko na iyan, Alexa, kaya mahigpit ang bilin ko sa ospital na huwag magpahintulot ng outside call mula sa silid niya. Pansamantala ay disconnected ang linya sa silid niya.”
Nakahinga nang maluwag si Alexa. “Sino ang kasama niya ngayon doon?”
“Si Bernard.”
Si Bernard. Gusto niyang mag-isip tungkol sa layunin ng binata. Pero muli, ang sariling suliranin ang laging nangingibabaw sa isip niya. Minabuti niyang huwag na munang dalawin si Sandra at umuwi na lamang.
Hindi pa siya gaanong natatagalang nakauwi nang tumawag si Jake.
“Sandra, gusto kong sabihin sa iyong uuwi ako ng Batangas ngayong gabing ito. May pampamilyang bagay akong aayusin. Tumawag ang Papa. Bukod pa sa kailangan ako sa pabrika. Tatlong araw ako roon,” ang sabi nito sa kabilang linya.
Balak niyang sabihing gusto niyang sumama pero minabuting hindi na. Pagkakataon na niyang madalaw si Sandra nang hindi niya kailangang magmadali.
Isa pa, kung totoo ang sinabi ni Ryan kahapon sa pagkikita nilang apat ay tiyak niyang nasa Batangas din itong kasama ng asawa. Hindi niya gustong magkita-kita sila roon at manatili siyang walang kibo sa mga pinag-uusapan.
Sa ikalawang araw na wala si Jake ay na-discharge si Sandra mula sa ospital. Muli ay kasama si Bernard nang ihatid ang dalaga sa bahay ni Eleanor.
“Mama, gusto kong tawagan si Jake,” si Sandra makalipas ang isang oras na makauwi. “Gusto kong malaman niyang nakalabas na ako ng ospital.”
Nagkatinginan sina Eleanor, Bernard at Alexa.
“Bakit hindi mo muna ipagpaliban ang pagtawag sa kanya, hija?” salo ni Eleanor. “Bagaman hindi ka personal na nakakausap ni Jake ay tumatawag naman siya sa akin upang kumustahin ka, hija.”
“Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa planong pagpapakasal. Alam kong hindi gusto ni Jake na magpakasal sa akin at ayokong tuluyan siyang makakita ng dahilang iwasan ito,” patuloy ng dalaga na lumakad patungo sa kinaroroonan ng telepono.
Mabilis na humabol si Eleanor at hinawakan ang anak sa dalawang braso at muling inakay sa sofa. “Please, Sandra… saka mo nalang tawagan si Jake.”
Pinaglipat-lipat ng dalaga ang tingin sa tatlo. Bumangon ang hinala sa dibdib. “May ipinaglilihim ba kayo sa akin, Mama? Umurong ba sa kasal namin si Jake?”
“Hija…”
“Kailangang makausap ko si Jake,” mariing wika nito. Muling tumayo upang damputin ang telepono subalit inawat ni Eleanor.
“M-may ipagtatapat ako sa iyo, Sandra…” Halos hindi lumabas sa bibig ni Eleanor ang mga salita. Napabalik sa upuan si Sandra.
“Hindi ako naniniwalang hindi ipatutuloy ni Don Benedicto ang kasal namin ng anak niya.”
Huminga nang malalim si Eleanor. “Maupo ka, Sandra. Pakinggan mo ang sasabihin ko at sana’y maunawaan mo kung bakit ko ginawa ito.” Sinulyapan nito si Alexa na naupo sa tabi ni Bernard.
“Itinuloy ni Don Benedicto ang kasal… ninyo ni Jake, hija. Sa katauhan ni Alexa bilang ikaw—”
“Ano?!” si Sandra na nagsalubong ang mga kilay. “Hindi ko kayo naiintindihan!”
“Ang pagkakaalam ni Jake na ang pinakasalan niya noong araw na nakatakda kayong pakasal ay ikaw, Sandra.” Sa marahang salita ay unti-unting ipinagtapat ni Eleanor sa anak ang buong pangyayari.
Nanlumo si Sandra matapos magsalita si Eleanor. “Oh, Mama, bakit ninyo ginawa iyon?”
“Dahil sa iyo, Sandra. Sa palagay mo ba’y patuloy na dadaloy ang pinansiyal na suporta ni Jake sa sandaling nalaman niyang maaari siyang umiwas na pakasalan ka?”
“Si Jake, Mama, pero hindi si Don Benedicto! Natitiyak ko iyon. Anuman ang nangyari sa akin ay tutulungan ako ni Don Benedicto. Kaibigan siya ni Papa at isa siyang marangal na tao!” pagalit nitong sinabi.
“Sandra,” nalilitong wika ni Eleanor. “Bakit ganoon na lang ang katiyakan mong pakakasalan ka ni Jake dahil kay Don Benedicto?”
“Sapagkat pinaniwala ko siyang nagdadalang- tao ako at si Ryan ang ama!” Napasulyap ang dalaga kay Bernard na nanlaki ang mga mata sa sinabi nito. Kung bakit bigla ay gustong bawiin ni Sandra ang tingin mula kay Bernard ay hindi maintindihan ng una. Mabilis itong nagyuko ng ulo at tumalikod.
Si Eleanor at Alexa ay hindi makapaniwalang nagkatinginan.
“Nasaan si Jake ngayon, Alexa?” baling nito sa kapatid.
“N-nasa Batangas, Sandra. Bukas ang balik niya.”
“Then, starting today, tapos na ang, pagpapanggap mong ako,” matigas nitong sinabi.
Napatayo si Bernard. “You don’t mean that, Sandra. Mag-asawa na sina Jake at Alexa!” protesta ng binata.
Binalingan ng dalaga si Alexa na bagaman nabigla ay inaasahan na ang pangyayari. “Was your one month marriage consummated, Alexa?” walang pasubali nitong tanong.
Napanganga si Alexa sa tanong na iyon ng kapatid. Si Eleanor ay napa ‘oh’.
“Sandra, please… dapat bang itanong ang ganyang mga bagay?” si Bernard. Sa kanilang lahat ay tila ito lamang ang nakapagpapanatili ng mabuting pangmalas.
Pagalit na tinitigan ni Sandra si Bernard. “Wala kang pakialam sa usapang ito, Bernard!”
“Sandra! Nagmamalasakit lang si Bernard,” si Eleanor na hindi makapaniwala sa inasal ng anak.
Hindi nito kabisado ang bahaging ito ng pag-uugali ni Sandra. Ang Sandra na kilala nito’y masayahin, galawgaw at palakaibigan.
Walang natatandaan si Eleanor na nagalit o sumigaw sa kapwa ang anak. Naapektuhan ba ng pangyayaring na-comatose si Sandra? Magaling na ba itong tuluyan?
“Nagpapasalamat ako at kahit na sa panahong hindi mo ako kilala ay pinagmalasakitan mo ako, Bernard. Pero may hinala akong kaya mo ginawa iyon ay dahil kay Alexa. Magkababayan at magkaibigan kayo. Hindi ko alam kung ano ang relasyon ninyong dalawa bago siya nagpakasal kay Jake. Pero hanggang doon na lamang. Problemang pampamilya ito kaya wala kang karapatang manghimasok,” patuloy ng dalaga.
“You’re right,” tiim-bagang na sagot ng binata na tumayo. “Magpapaalam na ako Tita Eleanor, Alexa.”
“Bernard…?” Hindi malaman ni Alexa kung ano ang sasabihin niya sa binata. Hinawakan ito sa braso.
“I’m all right,” assurance nito sa kanya. “Kung kailangan mo ng tulong ko’y alam mo kung saan ako hahanapin “ Tinanguan nito si Eleanor na walang masabi at tuloy ng lumabas.
Sinundan ito ng tingin ni Sandra na hindi mawari kung ano ang isinasaloob. Pagkalabas nito’y muling binalingan si Alexa.
“Sagutin mo ang tinatanong ko, Alex. Was your marriage consummated?”
Itinaas ni Alexa ang mukha. Kailangan niyang magsinungaling upang mapanatili ang pride. Iyon na lamang ang natitira sa kanya.
“No.”
Ngumiti at tumango-tango si Sandra. “ I thought so. Jake disliked me to the point of hatred. Isa pa, bago pa man ipinasya ni Don Benedicto na ipakasal ako sa kanya ay hindi na kami magkaibigan bagaman hindi rin naman magkaaway. Hindi niya ako marahil type.“ Sinabayan nito ng kibit ng balikat.
“Bakit ginusto mong pakasalan ka ni Jake, Sandra, gayung sa nahihinuha ko’y kayo ni Ryan ang may relasyon?” patuloy ni Alexa na bagaman hindi na mahalaga’y gusto pa ring malinawan ang lahat bago siya tuluyang mawala sa buhay ni Jake. “At bakit ka nagkaroon ng relasyon sa isang lalaking may-asawa?”
“Hindi ko alam na may-asawa si Ryan. I mean, ang pagkakaalam ko’y divorced sila ng asawa niya. They married in the States two years ago and got a divorce a year later. Iyon ang mahigpit niyang ipinaniwala sa akin. I believed him since he proposed marriage,” nilingon nito ang ina at kapatid.
“Sa kabila ng reputasyon ko sa mga taong nakakikilala sa akin ay hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataong makipagtalik nang tuluyan sa isang lalaki. I allowed heavy petting and necking and enjoyed it. I enjoyed slight flirtations—”
“Ano ang nangyari sa inyo ni Ryan?” si Eleanor na hindi nakatiis na hindi magtanong.
“Nothing!” pagalit nitong sagot. “Birthday ni Don Benedicto noon, sa Batangas ginanap ang maliit na party. Pagkaalis ng mga bisita ng bandang hatinggabi’y nag-swimming kami ni Ryan sa pool. Mag-boyfriend kami at okey lang sa akin ang mga ginagawa niya. Subalit nakainom na si Ryan nang mga sandaling iyon dahil maaga pang nagsimula ang party ay umiinom na siya. He wanted us to have sex at marahas na niyang natanggal ang bikini top ko. Tumakbo ako papasok sa loob ng silid na nakatoka sa akin. Hinabol ako ni Ryan at nakapasok siya bago ko naisara ang pinto.”
“Oh, Sandra.. “si Alexa na hinulaan sa isip ang sumunod na nangyari.
Nagpatuloy ang dalaga na tila hindi narinig ang kapatid. “He was so drunk at hindi ko na siya maawat halos. Sinasabi kong magagawa namin ang lahat ng gusto niya kung kasal na kami although at that time ay nakahanda na ako sa anumang mangyari. He was so drunk na hindi alam ang sinasabi. He told me he was still very much married to Marcie. Na hindi niya ako maaaring pakasalan but I could be his woman anyway. Ibabahay niya ako, etc… etc..” Nakita nina Alexa at Eleanor ang pananalim ng mga mata ng dalaga habang sinasabi nito ang mga bagay na iyon.
“I was horrified! I maybe a flirt, a tease…. pero hindi ako papatol sa isang may-asawang tao. I struggled. Pinilit kong makalabas ng silid pero naging marahas na si Ryan to the point na sinaktan na niya ako. I had bruises everywhere. Hindi ko na inaasahang makakaalpas pa ako sa oras na iyon.” Tapos umismid ang dalaga.
“Funny but when I thought I would be raped ay saka naman hindi nangyari. He was so drunk that he could not even make it! He collapsed right on top of me. Hindi nagawa ang nilalayong gawin.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Alexa na hindi niya alam na pinipigil niya.
“Galit na galit ako nang mga sandaling iyon. Niloko niya ako. Pinaniwalang pakakasalan, pinaniwalang matagal na silang divorced ng asawa niya. Tumayo ako at sinikap kong punasan si Ryan upang bahagyang magkamalay. Paulit-ulit ko siyang pinupunasan ng maligamgam na tubig mula sa banyo. Kung gaano katagal ay hindi ko alam. When he started to get sober, I opened the door. Pagkatapos ay tumili ako nang tumili.” Tumawa ng bahaw ang dalaga. “You can guess what happened. Si Don Benedicto ay inatake sa puso na natakot din naman ako. Mabilis na dumating ang pampamilyang doktor nito. Really, I created chaos. Kung nakamamatay ang tingin nina Jake at Ryan ay namatay na ako sa oras na iyon. Punit ang bikini ko at nakabakas pa sa katawan ko ang karahasan niya. At ang gulo sa silid ay lalo na’ng nakadagdag sa pangyayaring gusto kong iparating sa kanila.”
“At dahil hindi ka maaaring pakasalan ni Ryan dahil may-asawa ito ay si Jake ang nag-alok ng kasal?” si Eleanor.
“Hindi sa Simula. Ang gusto ko lang naman ay magulo sila. Dati na’ng magkagalit ang magkapatid na Ryan at Jake at alam kong pinaboran ni Don Benedicto si Jake dahil sa pagiging responsable nito. Pero isang araw ay muling nagpunta sa apartment ko si Ryan. Gusto niyang matiyak kung totoong may nangyari sa amin and started to make a pass. I was so angry na sinabi ko sa kanya ang talagang nangyari and laughed at his face.” Nilingon nito ang ina. “Iyon ang inabutan mo, Mama, ang pag-alis ni Ryan na galit na galit. Ang hindi mo nakita ay nang sampalin niya ako. Kinabukasan ay tinawagan ko si Don Benedicto at sinabi kong hindi dumating ang buwanang dalaw ko.
“Oh, Sandra, anak…”
Nagkibit ng balikat si Sandra. “So you see, nataranta ang matanda. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano niyang napakiusapan si Jake na pakasalan ako.”
Walang masabi sina Alexa at Eleanor.
“Kaya alam kong hindi ako pababayaan ni Don Benedicto, Mama, kahit pa nalaman nito ang nangyari sa akin. They’re so rich. At balewala dito ang perang maaring gastahin nila sa hospital.” Nagpalakad-lakad ito at muling binalingan si Alexa. “Maraming salamat sa ginawa mo, Alexa. No harm done. Bukas, pag-uwi ni Jake ay ako na ang madadatnan niya sa mansion.”
“Sandra, hindi mo magagawa ito. Tunay na mag-asawa sina Jake at Alexa. Ang tanging magagawa natin ay ipaalam kay Jake ang totoo at bahala siyang pagpasiyahan ang lahat. At dahil marangal na tao si Jake ay natitiyak kong hindi nito hihiwalayan ang kapatid mo,” sansala ni Eleanor sa balak ng anak.
“No, Mama. Sa piling ni Jake ay patuloy nating tatamasahin ang karangyaan sa buhay. Who cares kung wala siyang gusto sa akin. Ang mahalaga’y masusunod kong lahat ang mga gusto ko.”
“Hindi ako makapaniwalang sinasabi mo iyan, Sandra.”
Napapikit ang dalaga. “Alexa?”
Tumayo si Alexa, tumango. “H-hindi na ako babalik sa mansion ngayon, Sandra. Ikaw na ang bumalik roon,” marahang wika niya. Bagaman nagsisikip ang dibdib ay hindi nagpahalata.
Ngumiti ang dalaga. “Don’t worry, darling. Bilang kapatid ko’y tutulungan kita sa anumang pinansiyal mong pangangailangan.”
“Hindi na kailangan, Sandra. Ang mahalaga’y nagampanan ko ang tulong na kinakailangan sa akin. Bukas din ay uuwi ako sa Paso de Blas.”
“Pag naayos ko ang problemang ito, Alexa, magbabakasyon ako sa inyo ng Daddy. We could be together. Tatanggapin mo ba ako?”
Sinikap niyang ngumiti. Naramdaman niya ang sinseridad sa sinasabi ng kapatid. Kung anuman ang mga nagawa at naging pagkukulang nito’y maaaring hindi niya mapatawad. Nasaktan ito at tama lang naman talaga na ito ang asawa ni Jake.
“Sa lahat ng sandali, Sandra. Matutuwa ang Daddy na naroon ka.”
Niyakap ni Sandra ang kapatid. “Kailan lang tayo nagkakilala, Alexa. Sana’y hindi maapektuhan ng pangyayaring ito ang pagnanais kong makasama ka. Kayo ng Daddy.”
Gustong manakit ng lalamunan niya sa luhang pinipigil. Masuyong tinapik ang mukha ng kapatid. “I’m all right, Sandra.”
Malungkot na ngumiti ang dalaga. “Si Bernard… m-magkasintahan ba kayo?”
Umiling siya. “No. We’re friends. Good friends.” “Sana, nagkakilala kami bago nasabit ang buhay ko kay Ryan, Alexa, I kind of… like him.”
“Wala akong makitang dahilan para hindi kayo maging mabuti ring magkaibigan ni Bernard, Sandra. May palagay akong may pagtingin din siya sa iyo.”
Umiling ang dalaga. Pagkatapos ay lumingon kay Eleanor na hanggang sa oras na iyon ay hindi malaman kung ano ang tamang gawin at sabihin para sa dalawang anak.
“Samahan na ninyo sa silid si Alexa, Mama. Uuwi ako sa mansion ngayon.”
“Hindi mo pa kaya, Sandra. Ihahatid kita roon,” si Eleanor.
“Kayo ang masusunod.”
14
U NANG biyahe patungong Palawan ang sinakyan ni Alexa. Sa kabila ng pagpigil ni Eleanor na manatili muna siya sa Maynila ay hindi napahinuhod ang dalaga.
Mabigat ang dibdib na tinanaw niya ang dagat. Sana’y maging maligaya sina Jake at Sandra.
Gusto niyang mangilabot nang maisip na posibleng magtatalik sina Jake at Sandra. Iyon ang isang posibilidad na malamang na mangyari. Silang magkapatid sa iisang lalaki. Gusto niyang umiyak nang umiyak. Dalawang magkaibang emosyon ang nasa dibdib niya. Paninibugho para sa kapatid at decency. Pero hindi iyon alam ni Jake maliban na lamang kung totoo ang sinasabi ni Sandra na wala talagang nangyari between her sister and Ryan noong gabing iyon.
His wife couldn’t be a virgin the second time around! Paano ’yon ipaliliwanag ni Sandra kung sakali?
Tuluyan na siyang napaiyak. Ano itong nagawa niya? Nagkamaii ba si Eleanor na hingin ang tulong niya? At nagkamali rin ba siya sa pagsang-ayon?
Natiyak niya ang kamalian ng lahat ng mga pagpapasiya at huli na para sa pagsisisi. Tanging siya ang naiwang sugatan sa mga pangyayari. Kung kailan maghihilom ang sugat ay hindi niya matiyak.
Sa loob ng maikling panahon ay minahal niya si Jake. Pero batid niyang sa simula pa lamang ay problema na ang pinasok niyang relasyon. Hindi siya dapat masaktan dahil alam niya ang kahihinatnan sa una pa man.
Dumating at umalis siya sa buhay nito na tila bula. Walang sariling identity. Umiyak siya nang umiyak at hindi pinansin ang ilang matang nakatingin sa kanya.
ALAS-TRES ng hapon nang dumating si Jake sa mansion.
“Nasaan si Ma’am Sandra mo?‘’ tanong nito sa katulong.
“Nasa likod, Sir. Sa swimming pool.”
Mabilis na lumakad patungo roon si Jake. Mula sa pinto sa bukana ay tahimik nitong pinanood si Sandra sa marahang paglangoy. Makalipas ang ilang sandali ay napuna ng babae ang presensiya ng ‘asawa’.
Mabilis na umahon si Sandra. Dinampot ang tuwalyang nakasabit sa silyang bakal at nilapitan si Jake habang tinutuyo ang buhok.
“Hello, Jake!” nakangiting salubong ng dalaga. “Kumusta ang Papa?”
“Mabuti, Sandra,” sagot nito na nagsalubong ang mga kilay. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. “Bakit sa tingin ko ay malaki ang nabawas sa timbang mo?’
Umiwas ng tingin ang dalaga. Nagpatiunang pumasok sa loob. “I’ve been doing some swimming exercise sa loob ng tatlong araw. Gano’n ba kaepektibo ang slimming program na iyon? Well, I’m glad. I can recommend it to some friends.” Nilingon ang katulong. “Lucy, dalhin mo sa itaas ang gatas ko.”
“Opo, Ma’am.”
“Iniwan ko sa Batangas si Ryan,” patuloy ni Jake sa pagsasalita habang nakasunod sa kanya papanhik sa itaas.
“Ow? What made your brother stay longer?” Tuloy-tuloy ang dalaga sa silid kasunod pa rin si Jake. “I know Ryan hated country life.”
“Pansamantala ay doon na muna siya kasama ng asawang si Marcie. Pangangasiwaan niya ang planta.” Patuloy na pinanonood ng lalaki ang pagbubukas ni Sandra ng wardrobe at ang pagkuha ng ibibihis.
“Magbibihis ako, Jake, iwan mo muna ako. I’ll see you downstairs,” ani Sandra.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. “You’re almost naked diyan sa suot mong string bikini. What difference does it make?”
“A lot, Jake, so please…?” naiiritang sabi. Humakbang papalapit si Jake at inalis mula sa mga balikat ni Sandra ang tuwalya. “Nakita ko ng lahat iyan, di ba?” he said softly.
Bigla ang pagbaling ng tingin ng dalaga. Hindi ang uri ni Alexa ang maghuhubad sa harapan ni Jake. She is too conservative. Baka ang sinasabi ni Jake ay ang pangyayari sa Batangas when Ryan tried to make pass on her and she cried ‘rape’. Kumot lang ang itinabing ni Sandra sa katawan noon.
Hinaplos ni Jake ang mga balikat ng ‘asawa’. “I missed you, Sandra.”
Umiwas ang dalaga. “What are you talking about?” naiiritang sabi. “Gusto kong magbihis kaya maaari bang lumabas ka muna?”
Ilang sandali munang tumitig ang lalaki bago binuksan ang connecting door at pumasok sa sariling silid. Nakahinga nang maluwag si Sandra.
Isang body hugger na mini-skirt ang napili ng dalaga. Pinatuyo ng blower ang buhok. Naglagay ng light make-up at nag-spray ng paboritong pabango.
Pagkatapos magsuot ng flat sandals ay binuksan ang pinto at nakasalubong ang maid na may dalang isang baso ng gatas.
“Dalhin mo na sa ibaba ’yan, Lucy, sa terrace.” Sa terasa’y abalang-abala ang isip ni Sandra. Hindi nito mapaniwalaang nasa Batangas na si Ryan. Paano mapupuntahan ng dalaga ang lalaki nang walang dahilan?
Napapitlag si Sandra nang maramdaman ang pagdantay ng kamay ni Jake sa kanyang mga balikat. Pagkatapos ay yumuko ang lalaki at hinalikan ang batok ng dalaga bago pa nakaiwas ang huli.
Nanlisik ang mga matang hinarap nito ang lalaki. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mong palabasin! Pareho nating alam kung para saan ang pagpapakasal na ito. I know you hate me, Jake, dahil inaakala mong kagagawan ko kung bakit ako pinagsamantalahan ni Ryan. Na hindi gagawin ni Ryan iyon kung hindi ako nagbigay ng motibo.”
Halos magdikit na ang mga kilay ng lalaki. “Hindi ba, Sandra?”
“Magkasintahan kami, Jake! He promised to marry me. He told me he loved me!”
“Hindi ko akalaing ganoon ka ka-naive, Sandra. Men are men.”
“Kung ikawsi Ryan, Jake,gagawin mo ba ang ginawa niya?”
Nalito ang lalaki. Pumasok sa isip ang huling pagtatalik nito at ng ‘asawa’. Didn’t he almost raped her kung hindi lamang ito tumugon? Pero iba ang sitwasyon nila. He was consumed by anger and jealousy.
Kung hindi gumanti ng init ang asawa at nanlaban, itutuloy din ba ni Jake ang balak gawin? Hindi maisip ng lalaki ang sagot. Ang tanging masasabi nito ay nagsindi ng higit pang damdamin ang ginawang pagtugon ng asawa.
Nilapitan ni Jake si Sandra. Hinapit at niyakap sa pagkabigla ng dalaga. “Let’s forget about it, Sandra.” He was kissing her temple. Pagkatapos ay pinagapang ang mga labi sa pisngi ng babae. “Nakaraan na iyon.” Patuloy nito sa pagitan ng paghalik.
Sari-sari ang nasa isip ni Sandra sa mga sandaling iyon. She wanted to welcome the peace offering na iniaalok ni Jake. Pikit-matang tinanggap ng dalaga ang halik and kissed him back.
Pagkatapos ay pumasok naman sa isip ang kapatid. Minsan man ay hindi nangyaring lumapit si Jake noong araw para hawakan ang dalaga o yakapin tulad ng ginawa nito ngayon.
Nagsinungaling ba si Alexa tungkol kay Jake o ang lalaki mismo ang nagbago? Kung anuman ang sagot sa mga iniisip ni Sandra ay hindi na makuhang makapangibabaw dahil sa biglang paghinto ni Jake.
Bahagya nitong inilayo ang ‘asawa’ at tinitigan. “I’m… sorry,” ang mahinang sabi nito sabay bitaw.
“Sorry? You were sorry that you kissed me?”
“Yes. No.” Bahagya nitong ipinilig ang ulo. “Damn! Hindi ko alam. Siguro ay nasisira na ang ulo ko. Now I like you, now I don’t.”
“Did you like me when you left for Batangas, Jake?”
“Yes. And even though I loved you already,” gulo ang isip na sabi nito. “Pagkatapos ng nangyari sa atin… I wanted to…”
“And now, Jake?” patuloy ng dalaga na nagugulumihanan din.
Inilahad ni Jake ang dalawang kamay. “I don’t really hate you, Sandra, tulad ng alam mo. Hindi lang ako makapaniwalang ang isang matinong babaeng tulad mo ay papatol sa isang may-asawa then cried rape. Intense dislike, iyon ang maaari kong itawag sa damdamin ko sa iyo. Pero nauwi iyon sa pagkasuklam nang pilitin ako ng Papa na pakasalan ka. Pero napatunayan ko na malinis ka—”
“Napatunayan mong malinis ako?” agap ni Sandra sa sasabihin pa nito.
Napailing si Jake. “Kalimutan na natin ang usapang ito, Sandra. Bigyan natin ng tsansa ang pagsasamang ito. Magsimula tayong muli. It might work.” Pagkasabi noo’y tumalikod ang lalaki.
15
TULOG na si Sandra nang dumating si Jake. Binuksan nito ang connecting door at pinagmasdan sa liwanag ng lampshade ang ‘asawa’.
Imposible ang iniisip ko, anito sa sarili. There couldn’t be two Sandra!
Tapos ay marahang isinara uli ang pinto.
HINDI inaasahan ni Sandra ang bisitang dinatnan pagbaba.
“Bernard! Ano ng ginagawa mo rito?”
“Nasa Paso de Blas na si Alexa—”
“Alam ko.”
“Sandra, this is insane!” si Bernard na pilit nagpapakahinahon. “Si Alexa ang asawa ni Jake. In all decency, hindi mo magagawa ito. Nakikiusap ako sa iyo, sasabihin mo kay Jake ang totoo. Iyan ay kung hindi pa niya napupuna ang kaibahan ninyo ni Alexa.”
Kalmanteng naupo ang dalaga sa malaking sofa. “Bakit mo ito ginagawa, Bernard?”
“Siguro dahil sa pakialamero ako! Hindi ko alam!”
Ngumiti si Sandra. “Ikaw, Bernard, malalaman mo ba kung sino ang sino sa amin ni Alexa?”
“Yes! Malaki nga lang ang kalamangan ko kay Jake dahil alam ko ang existence ng bawat isa sa inyo.” Binalingan nito ang dalaga. Nakikiusap ang tinig. “Sandra, please, paano kung may nangyari na kina Alexa at Jake? Sinira mo ang buhay ng iyong kapatid.”
“Are you doing this for her?” May bahagyang talim sa tinig ng dalaga.
“For her, for you. For morality and decency. For what is right,” pagalit nitong sagot. “Alexa used to live a very simple life. Nang malaman niyang may kapatid pala siyang nangangailangan ng tulong, hindi siya nag-atubiling tulungan ka. Mali man o tama. Huwag mong gawin ito sa kanya, Sandra. Huwag mong gawin ito sa iyong sarili dahil lamang sa pera.”
Hindi kumibo si Sandra, nanatiling nakatingin kay Bernard. Pagkatapos ay tumayo.
“Thank you for coming, Bernard. At maraming salamat uli sa mga pagmamalasakit mo. Gusto ko nang mapag-isa.” At tinalikuran nito ang binata upang pumanhik sa itaas.
“Sandra!” nanlulumong tawag ni Bernard subalit tuloy-tuloy sa pagpanhik ang dalaga.
16
“A LEXA, lumabas ka nga rito!” tawag ni Roberto sa anak habang nakatanaw sa itaas ng bintana.
“Bakit, Daddy?”
“Hindi ba’t helikopter ng mga Fortalejo ang bumababa sa kapatagang iyon?” itinuro ni Roberto ang bumababang helikopter may kuwarenta metros ang layo mula sa kanila.
“Oho, Daddy. Ayun at nakatatak ang logo sa YieTikopter, eh. Pero bakit kaya nandito?”
“Hayun at may bumabang sakay. At mukhang ditosaatinangtungo.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Alexa. Sunod- sunod ang tambol ng dibdib niya habang nakikita ang papalapit na lalaking halos ay natitiyak na niya kung sino. Kung bakit at paano niyang nalaman… ewan, marahil ay puso niya ang nagsasabi.
“D-Dad, kung hindi ako nagkakamali ay si Jake ang papuntang iyan dito sa atin.”
“Si Jake? Ang asawa mo? Pero bakit? Ang akala ko ba’y…”
Umalis mula sa bintana si Alexa. Natitiyak niyang si Jake ang papalapit sa kanila. Halos sumabog ang dibdib niya sa kaba. Nahahapong naupo sa sofa.
“Bakit siya naparito, Daddy? Alam kaya niya ang tungkol sa amin ni Sandra?”
“Malalaman natin pagdating dito,” sagot ni Roberto na nakatanaw sa papalapit na lalaki. “Daddy, ano ang gagawin ko?”
“Aba’y di mag-usap kayo at nang malinawan mo. Baka nakapag-isip ng matino ang kapatid mo at sinabi ang katotohanan sa kanya.”
“Baka nagagalit si Jake, Daddy, at… at…”
“Nandito ako, Alexa, wala kang dapat ikatakot. Ayusin mo ang iyong sarili at maputla ka pa sa suka.” Lumakad ito patungo sa pinto at inabangan ang paparating na si ake.
“Good morning,” si Jake pagkakita kay Roberto. “Ako si Jake Atienza—”
“Alam koagap ni Roberto. “Ako ang ama nina Sandra at Alexa.”
“Ikinalulungkot ko ang paraang ito ng pagkilala natin, Mr. Montejo. Pero maaari ko bang makausap ang asawa ko?”
“Kung ang intensiyon mo’y—”
“Wala ho akong intensiyong masama,” agap ni Jake na itinuon ang mga mata sa loob. “Gusto ko lang siyang makausap, please…”
“Nasa loob ang anak ko.”
Pumasok sa loob ng bahay si Jake matapos magpasalamat. Sa dulo ng sala ay naroon si Alexa at palakad-lakad. Lumingon siya nang marinig ang mga yabag papasok.
“J-Jake…?”
“Hindi ko alam ang mga sasabihin ko. Kagabi at kanina ko pa prinaktis lahat, but I’ve lost them all,” he said gently.
“W-we just can’t stand here… staring at each other—”
“Why not? In fact that’s a very good idea. And never again will I confused you with anyone. Gusto kitang titigan. Memorize each and every line. Every freckles and every mole and every birthmarks.” Humakbang ito papalapit sa kanya.
“B-bakit ka narito, Jake?”
“To reclaim fny wife.”
“Si… Sandra?”
“Sinabi niya sa akin ang lahat.” Hinawakan nito ang mukha niya at itinaas. “Sa unang araw pa lang ng pagsasama natin ay gusto ko nang maniwalang hindi si Sandra ang pinakasalan ko. Ibang-iba ang babaeng pinakasalan ko sa Sandra na kilala ko. You’re not wearing any perfume, you don’t know how to drive gayung alam na alam kong marunong si Sandra. Mahiyain ka at si Sandra ay hindi. I have never seen Sandra in faded jeans and t-shirt at marami pang maliliit na bagay na hindi kayo magkatulad. Kaya nga lamang ay wala akong matukoy na iba. When we made love the first time ay lalong tumining ang hinala ko—”
“Hindi masamang babae ang kapatid ko, Jake,” pagtatanggol niya.
“Marahil. I just probably never had the chance of knowing her. Hinusgahan ko kaagad siya dahil sa pakikitungo niya kay Ryan. Hind talaga niya alam na may asawa ito. Marahil ay minahal niya si Ryan at nasaktan siya sa panloloko nito bukod pa sa sinaktan siya nito sa pisikal na paraan sa Batangas. Gusto niyang gantihan si Ryan sa pamamagitan ko. At binalak din niyang sirain ang pagsasama nito at ni Marcie.”
“lyong sinabi ni Marcie sa restaurant na si Ryan ang tunay na anak ng Papa? Ano ang ibig sabihin ni Marcie?”
“Hindi kami magkapatid ni Ryan, Alexa, bagaman iyon ang paniniwala ng marami. Kapatid ni Papa ang tunay kong ama. Nang mamatay ang mga magulang ko’y inampon ako ni Papa. Hindi na kami nagkasundo ni Ryan. Ipinaninibugho niya ang pagtinging iniuukol sa akin ni Papa. Nang magsilaki kami’y sa akin ipinamana ng Papa ang negosyo ng pamilya. Ryan didn’t prove himself worthy of our father’s trust. Lagi siya sa abroad at sa mga walang kabuluhang paggasta. Babae at casino and always in trouble.”
“Ang mga alahas, tama lang pala na kay Marcie mapunta iyon.”
“Pero hindi gusto ni Papa na ibigay ang mga iyon kay Marcie. Had he married the right woman, tiyak na sa asawa niya mapupunta iyon. Huwag nating pag-usapan si Ryan, Alexa. Nasa Batangas siya at kung hindi niya pagbubutihin ang pamamalakad sa planta ay aalisan siya ng mana ng Papa.”
Nawalan ng sasabihin si Alexa. Binawi ang mukha subalit niyakap naman siya ng asawa. “Come back home with me, Alexa…”
“Hindi mo gustong pakasalan si Sandra, Jake. Sa nangyari ay madali mong maipapa-annul ang kasal natin.”
“Totoo iyon. Pero hindi si Sandra ang pinakasalan ko kundi ikaw. And I want you and I miss you like hell.” Pagkatapos ay umiling-iling ito. “No. No. To tell you that I want you and miss you are the biggest understatement. I love you, Alexa, dahil ikaw ay ikaw. Dalawang araw sa mansion si Sandra pero hindi lumulukso ang puso ko sa kanya. I knew it when I kissed her—”
“You kissed her?” Nag-iba ang ekspresyon ng mga mata niya..
“Only because I thought she was you. Maliban sa maraming kaibahan ay hindi ko malalamang dalawa kayo. Only my heart told me so. And my heart rejected her.”
Funny, pero naniniwala siya sa sinasabi nito. Umaawit ang puso niya sa kaligayahan.
“I… may not grace your table elegantly with my blue jeans—”
“Who cares! You’re gorgeous sa kupas mong maong at rubber shoes. Now, hurry up, lady at baka naiinip na ang piloto ni Tito Leon .”
“Kilala mo ang mga Fortalejo?”
Amused na napatingala sa itaas si Jake. “My father’s friend. Nang sabihin ng Mama Eleanor na tagarito ka ay naging madali para sa akin ang pumarito kaagad.” Pagkatapos ay mabills siyang binuhat ng asawa at inilabas.
“Ibaba mo ako, Jake at magpaalam ka na’ng maayos sa Daddy,” piglas niya nang makita ang ama na nakatayo roon. Ibinaba naman siya ni Jake at hinarap si Roberto.
Iwinasiwas ni Roberto ang kamay. “Sige na kayong dalawa. Sa nakikita ko sa asawa mo, Alexa, harangan ko man ng sibat ay isasama’t isasama ka.”
“Thank’s, Dad.” Tinapik ni Jake ang balikat ni Roberto. “We’ll be back pagkagaling namin sa Europe.” Inakbayan nito ang asawa at inakay patungo sa chopper.
“Hey, Jake, hintay!” Huminto siya sa paghakbang.
“Na naman?” Natatawang tinitigan siya ng asawa.
“Hindi mo ba ako tatanungin kung… kung… mahal kita?”
Umiling ang lalaki. “No. Mahal mo ako o hindi, I’m taking you back home,” determinadong wika nito.
Marahang natawa si Alexa at ikinapit ang braso sa beywang ng asawa. Mamaya ay sasabihin niya kay Jake kung gaano niya ito kamahal.
•• WAKAS •••
Available on
Also available on e-book format: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/662/Kristine-Series-03--Dahil-Ikaw
***************Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa mga akda ni Ms. MC. Huwag sana kayong magsawa. Don’t forget to comment and share your suggestions. - ADMIN A. <3 *******************

