Law Of Love (Buenaventura Series #1)
Ineryss · 5 chapters · 5,696 words
Law Of Love
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author. —————
You probably have an idea why I unpublish the chapters of Law of Love. I’ll try to re-write it instead of deleting the whole story. This book is nothing but a poorly written story. It was a mistake to write this without thinking thoroughly with each chapters. Dos deserves a second chance and I know he’s more than what I created him from the past. I am also planning to edit the whole Buenaventura Series so expect them to be unpublish anytime soon. Thank you.
Prologue
Rot
“I dont know what to do with you anymore, Addi!” Ang sigaw ni Daddy ang pumaibabaw sa kabuuan ng aming mansyon sa gabing iyon.
Pagod akong napairap habang nakadekwatro ng upo dito sa couch lalo na’t kakadating ko lang dito sa bahay galing doon sa party na pinuntahan ko.
I sneaked out. Yes. Kaso nahuli ako ng alipores ni Dad kaya heto ako ngayon nakahandcuffs na ang magkabilang kamay. Well it’s loose…
“I locked you in your room at anong ginawa mo? Tumalon ka sa bintana para lang talaga tumakas! Pang-ilang beses mo na ring tinakasan ang mga bodyguards mo! How many times do I have to tell you that this isn’t your field! Gangs are too violent, the reason why I want you to quit on that crap, Addison Kailey Heira!” Halos sumabog ang ugat sa leeg ni Daddy dahil sa matinding galit na nararamdaman para sa akin.
Kung magpapaalam ako, hindi naman ako papayagan! Mabuti pang tumakas nalang!
Napahikab nalang ako lalo na’t paulit ulit din ang ganitong eksena sa aming dalawa. Hindi naman ito ang unang beses na sinuway ko siya kaya bakit pa siya nagtataka kung palagi kong binabali ang kanyang mga rules dito sa bahay? Kailan niya ba marerealize na hindi ko kailangan ang mga iyon at gusto ko lang ay sundin ang gusto ko?
“You done, Dad? Pwede mo na bang alisin ang bagay na ito sa akin?” Itinaas ko ang kamay ko para makita niya ang posas. Damn! Para akong kriminal sa kalagayan ko.
Dad stared at me unbelievably, ang mga mata ay masyado nang matalim sa akin ang tingin, masyado nang nakakatakot. Pang-ilang beses ko na rin ba siyang sinuway? Na pag sinabi niyang bawal ay awtomatikong sinusuway iyon ng buo kong sistema.
I enjoy the thrill of escaping. The rush I get from running away.
“This will be the last time you disobey me, Addi. Wait for your punishment young lady,” he said with so much authority.
Napakurap ako sa sinabi ni Dad. Hindi naman ito bago sa akin pero kinilabutan ako dahil sa ipinukol niyang tingin sa akin. That I’m gonna regret this day.
Sinenyasan ni Dad iyong isa sa mga katulong namin na lumapit agad sa kanya. This is not new to me. Baka isisilid niya na talaga ako niyan sa malaking baul para hindi makalabas ng bahay. Or maybe mas lalo niyang hihigpitan ang bantay sa buong paligid? Who knows? Maraming pumapasok sa isipan ng matandang iyan.
Pero may kaonting kabang tumubo sa puso ko. I don’t know. Lalo na’t he’s up to something!
“Pack Addison’s clothes. Don’t leave anything inside her closet. She’s leaving,” utos niya sa katulong na agarang sumunod.
Naibaling ko kay Dad ang buo kong atensyon. Leaving?
“Pinapalayas mo na ako?” Isang malawak na ngisi ang napakawalan ko.
Kung ang iba ay mahahagulhol na dahil pinapalayas ng kaninang magulang sa bahay, iba ako. Marami naman kasi akong mapupuntahan. Money is not a problem! And I have a lot of connections! Ano pang silbi ng sinalihan kong gangs!
Tinitigan ko ng husto si Daddy na nagawa pang ayusin ang suot na salamin at namulsa sa kanyang suot na slacks. Naka corporate attire pa ito at masyadong nakakaintimidate tingnan kung hindi ko lamang ito kilala.
“Yes. Because starting tomorrow you’ll rot in school. Mabubulok ka doon hangga’t hindi ka nagtitino. Tingnan natin kung hanggang saan ’yang katigasan mo.”
Nalaglag ang panga ko lalo na’t alam na alam niyang iyan ang pinakaayaw ko. Ang eskwelahan! Like what?! He’s gonna send me to school?! Is he fucking serious?! No way!
Chapter 1
Mission
“Bloody hell…”
Laglag panga akong napatingin sa eskwelahang nasa harap ko na ngayon. Para itong sementeryo na ewan dahil sa sobrang boring tingnan. And it looks old! Mga sinaunang tao ba ang nag-aaral dito?! Pakiramdam ko nga ay dito nag-aaral si Jose Rizal dahil sa kalumaan ng hitsura! No fucking way! Dad is not doing this to me!
“Miss Addi, welcome to our schoo-”
“Shut up! Call my Dad right now and tell him I’m going home. Fucking now,” putol ko sa matigas na boses at maarteng nasapo ang aking noo.
Jesus! Hindi ko kayang manatili rito! Ngayon pa nga lang ay pakiramdam ko unti unti na akong natutunaw sa sobrang opposite ng lugar sa akin! Kulang nalang ay magtirik ako ng kandila sa aking kinatatayuan at talagang magiging libingan na ang tingin ko sa lupaing ito! Mamamatay ako sa loob ng maaga dahil sa sobrang boredom!
Ibinaling ko sa mga bodyguards ni Daddy ang buo kong atensyon dahil sinisimulan na nilang ilabas ang bagahe ko sa kotse at hakutin palabas. I don’t have any of my gadgets! Pinaparusahan talaga ako ni Dad?! Ramdam na ramdam ko iyon dahil pati cellphone ko ay nagawa niyang kunin. He didn’t even bother giving me my cards! Kahit coins ay wala ako! Paano kung nauhaw ako? Malinis ba ang tubig nila rito? Kahit nga ata signal ay hirap hagilapin sa lugar na ito at kailangan pa atang umakyat sa bundok!
“Hey! Ibalik niyo ang mga bagahe ko sa loob ng kotse! I am not gonna stay here!” sigaw ko kahit walang ni isang nakinig.
They’re my Dad’s bodyguards. Not mine. Sinisante niya na silang lahat eh. Di kasi daw ako nababantayan ng maayos. Walang makakabantay sa akin ng maayos yun iyon. I’m expert at escaping.
Nang hindi nila ako pinakinggan, sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang heel na suot ko at itinapon doon sa isa kong bodyguard na tinamaan sa likod pero tiniis lang iyon at nagpatuloy. Now, my words don’t matter to them anymore! Oh just great Addi… Bullshit. Fucking. Bullshit.
“Miss Addi, huminahon po kayo. Gagabayan ko kayo papasok, Miss… Wala ka pong mapapala dito sa labas. Mahirap itong puntahan at mas lalong mahirap itong labasan. Baka ay maligaw ka pa. At lalong magagalit ang Daddy mo pag sinuway mo na naman siya,” ang marahan niyang tinig ay halos ikinagigil ko.
“Bakit? Saan ba ito banda? What province is this?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
Ang narinig ko lang, nasa Mindanao part ako. Wala na ako sa Manila!
I don’t understand why my father is fixing my life when he needs to fix himself first. When my mother died, a piece of my life died with her, but he died on the same day. He changed drastically.
Napabuntong ng hininga ang babae at sinikap na ngumiti ng matamis sa akin.
“This way, Miss…” aniya at nagsimulang maglakad.
Ilang sigundo akong nakatayo dito sa labas suot ang pink pencil skirt at long sleeve all-button shirt, at halos bumaon na ang heel sa lupa sa kagustuhan kong manatili na lamang dito at huwag nang pumasok sa pangit na paaralan.
My beret hat is already tilt to the other side and the natural lazy waves of my long hair is disheveled too. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses kong sinabunutan ang aking buhok sa iritasyon kanina.
Napalingon ako sa likod pero mga kakahuyan lang naman ang malinaw doon sa paningin ko. May dalawa pang daan na naiiba. They left the car but I don’t have the key! ’Tsaka mukhang nakakatakot iyong daan. Ayoko namang matulad doon sa wrong turn. Ayokong mawalan ng parte ng katawan ko.
I know I’ll enjoy the thrill if I escape right now pero mas nakakathrill siguro kung sapilitan akong ikick out ng school na ito dahil sa ugali ko. And Dad has no choice but to take me home. Well, that’s easy.
Naglakad na rin ako at sinundan na lamang iyong babaeng balot na balot sa kanyang suot habang tirik na tirik ang araw. The desire to give her a major makeover is very strong!
Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang malaki nilang field kung saan ay marami nang estudyante ang nagkalat.
Naibaling nila sa akin ang lahat ng atensyon nila. Nagsimula sila sa ulo ko hanggang dahan dahang umakyat ang tingin nila patungo sa mukha ko at sinalubong agad sila ng isa kong kilay na nakataas na.
“Ngayon lang kayo nakakita ng isang tunay na tao?” matabang kong tanong at may halong pang-iinsulto.
Nag-iwas agad sila ng tingin sa akin.
Habang naglalakad ay umiikot din ang aking mga mata sa paligid. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan at hindi mabura sa mukha ko ang pagkadisgusto dahil sa nasusulyapan ng mga mata ko. Off-fashion na uniporme, buhok na iisa lang ang kulay, lahat ay itim at akin lang ang naiiba unlike mine.
Are they gonna dye my hair too? But this is natural! It resembled my hazel eyes na namana ko pa kay Mommy dahil sa pagiging half Italian niya.
Isang babae ang namukod tangi sa grupo ng mga estudyante na kumuha ng atensyon ko lalo na’t magkasalubong ang kanyang kilay at bakas sa mukha ang pagkainsulto. Mukhang narinig niya siguro ang sinabi ko. Malamang… Hindi naman siguro sila mga bingi hindi ba? Sa lakas ba naman ng boses ko.
Nanatili ng ilang sigundo ang aking mga mata sa kanya. She’s angelic. Paper white. But I hate how she stares at me kaya inangat ko ang aking kilay para tigil-tigilan niya ako.
“Ihahatid ko nalang muna kayo sa kwarto niyo Miss para makapagpalit kayo ng damit bago natin suyudin ang kabuuan ng eskwelahan-”
“Sementeryo,” putol ko sabay irap.
Napakurap lang siya at ngumiti sa akin. Masyado naman atang tinubuan ng pakpak ang babaeng ito? Baka nga pag inihagis ko siya ay makalipad siya sa ere.
“Miss. Magpalit ka po ng damit…” aniya nang tingnan ang aking suot.
“What’s wrong with my clothes?”
“Ah… masyado pong maiksi ang skirt,” puna niya.
“’Yun na nga. Hindi ko naman sinabing mahaba ito. Maiksi nga,” halos sumasabay sa pag-angat ang aking kilay habang nakahalukipkip.
“May mga school rules ka pong kailangang sundin kung nandito kayo sa school ground, Miss…”
Pinasadahan ko ng tingin ang iilang estudyante. Long skirts. Umismid ako. Oh this is what I hate about school! I can’t wear the clothes I like! Ang dami daming bawal!
“You know what, why don’t you call my father again and tell him to send me somewhere na walang uniform! Like Ateneo!”
Nahihiya siyang ngumiti.
“Sabi po ng Daddy niyo imanage din daw po namin ’yung pagiging magastos niyo, Miss. At zero balance po kayo.”
My eyes slowly widened. Zero?! Nasaan na ang pera ko! Binenta ko ang isang property namin sa Batangas na minana ko kay Mommy at ang bobo ko dahil sa bank account ko rin ipinasok ang pera. I should have store it somewhere unreachable!
I started walking again. Bawat hakbang ko ay sinusundan ako ng tingin ng nakakaramihan. Napapasinghap pa sila pag hinahawi ko ang buhok ko papuntang likod.
Huminga kayo mga kutong lupa. Baka ikamatay niyo na iyan at maging kasalanan ko pa!
Panay explain lang ng nakabuntot sa aking babae doon sa mga pasilidad na nadadaanan namin. May library pala sila? Meron ring cafeteria. Walang basketball court pero may malaking field naman sila sa labas which is the soccer field. Malaki ang eskwelahan nila dahil may dorms rin.
And speaking of dorms, it’s intended for those scholar students, and elite students na may special treatment sa school. Sila iyong anak ng mga nagdodonate sa school. Imposible namang nahelera ako sa scholars eh halos umiyak nga ng dugo ang card ko, which means I’m part of the latter.
Inaamin kong bobo ako. I mean I am not academically inclined kaya nga ayoko sa school. Ayoko sa mga recitations dahil wala akong naisasagot. Noong naghomeschool ako, nakakasagot naman ako pero ’yun nga lang, madalas mali.
At hindi ko naman kailangan mag-aral! I can fund myself! Maraming properties si Mommy! My Lola aren’t strict! Ako lang ang nag-iisang apo!
“At ito naman po ang-”
“Stop. Naririndi na ako sa boses mo at pagod na ako. Ihatid mo na ako sa magiging kwarto ko dito.” Humalukipkip ako.
Maraming pinto ng kwarto ang dinaanan namin hanggang huminto kami sa isa. Binuksan ko agad iyon pero tumaas agad ang kilay ko nang may tatlong babae ang nakaupo sa kanya kanya nilang maliliit na kama. Malaki naman ang space pero ba’t may kasama ako?
“Ba’t nandito kayo sa magiging kwarto ko? Hindi ko kailangan ng mga katulong. Gusto kong mapag-isa.”
Nagulat silang lahat at nagkatinginan, nanatiling tikom ang mga bibig dahil na rin siguro sa aking presensya.
“Ah, Miss Addison. Kasama mo po sila dito. Lima po kayo dito eh. Bawat kwarto dito ay may limang estudyanteng umuukupa.” Paliwanag ng babaeng kasama ko.
“Do I care? No. So send them out right now.” diin ko at matalim siyang tiningnan.
“Pero-”
“If my father is desperate then I am desperate too. And I want this room. Mine. Alone.”
Ibinaling ko ang tingin ko sa tatlo na nagulat. They didn’t expect it.
“Hakutin niyo lahat ng mga basura niyo at lumabas na kayo sa kwarto ko.”
Nagkatinginan lang sila ulit.
“I said get the fuck out! Damn it.”
Natataranta silang tumayo at pinagliligpit na ang mga gamit. Humalukipkip ako, pinanood ang kanilang pagmamadali. Ang pinaka ayoko talaga sa lahat ay iyong hindi ako sinusunod.
Pagkaalis nilang lahat ay sumunod din naman ang mga bodyguards na dala dala na ang aking mga gamit.
Tamad akong umupo sa kama ko habang inaayos nila ang magiging kwarto ko. Pinanood silang tanggalin iyong mga naiwang kama ng tatlo. Actually apat iyon. Ewan ko kung sino ang may-ari ng isa. Itong kama ko lang ata ang malaki.
“Free wifi ba dito?” I asked.
“Ah… ipinagbabawal po ang pag access ng wifi lalo na sa mga naka dorm…”
At oo nga naman, aanhin ko ang wifi kung wala akong phone! Wait… For sure ’yung ibang students may phone. Hmm… That’s gonna be my first mission! Ang maghanap ng phone!
Chapter 2
Dos Buenaventura
Nakatulog nga ako ng ilang oras. Doon lang ako nagising nang pasado alas dyes na. Okay. I think I need to take a bath now. Naligo nga ako. I did my morning rituals katulad ng nakasanayan ko sa sarili kong kwarto. Ilang sandali lang ay may kumatok at pumasok iyong babae.
“Miss Addi, buti naman po at gising na kayo. Heto na po ang uniporme ninyo.” Inilapag niya iyon sa kama ko. Katatapos ko lang rin iblower ang buhok ko at maglagay ng make-up kaya tumayo na ako at naglakad doon suot ang aking bathrobe.
“What the fuck is this?” Nandidiri ang mukha ko nang hawakan ko iyong manggas na halos ang liit lang ng parte ang kaya kong hawakan nito at igiya pataas para makita ko ng buo. Inihagis ko rin naman iyong blouse na sinasabi niyang uniporme ko sa sahig. Na kahit iyong palda ay inalis ko rin sa kama ko.
“Gusto mo akong magmukhang manang?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
“Pero Miss Addi. Yan po ang uniporme dito.” Naging malungkot ang boses niya.
“No. I can’t wear that! Magpatahi ka ng bago kong uniporme. Gusto ko ay above the knee iyong palda. Tapos yung blouse ay fit. And I want it well-ironed too.” Tumalikod rin ako sa kanya at nagtungo na doon sa pinagsabitan ng mga nakahanger kong mga damit.
“S-Sige po Miss Addi. Pero kailangan niyo pa ring pumasok. Alam naman ng mga guro dito ang kalagayan niyo kaya maiintindihan nila. Ihahatid ko nalang po kayo sa room niyo pagkatapos niyong magbihis.”
“Whatever. Get out,” wala sa sarili kong sabi dahil tutok na ako sa pamimili ng damit na masusuot ko.
Nagdress nalang ako. I wore a designer chanel dress and smiled at myself in the mirror while spraying some perfume for myself, which is Chanel as well.
Doon lang ako lumabas nang matapos rin ako. May dala dala akong purse kung saan nakalagay ang pinakaimportante kong bestfriend ngayon sa lugar na ito. Si hand sanitizer.
“Miss. Nasa locker niyo na po ang mga librong kakailanganin niyo. Sasamahan ko po kayo doon.”
Nagtungo nga kami doon sa locker room nang tumigil ako bigla kaya nabangga siya sa likod ko.
“Stay here. Hindi ako maliligaw sa loob. Buntot ka nang buntot sakin.” Iritado akong umirap sa kanya at naglakad na sa loob.
Lumiko ako dahil nandoon na ang magiging locker ko nang may nadatnan akong hindi inaasahan. Hindi ko ineexpect na meron palang ganito dito.
I saw all the students yesterday. They looked so well-mannered and prim and proper, but I guess I’m wrong, huh?
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad papunta doon sa nagmimake-out. Rinig na rinig ko ang daing ng babae.
“Ugh, Dos…”
“You like that?” the badboy uttered while his hand cupped her frigging boobs.
Wow. Live porn? I hope I won’t miss the exciting parts! Fully cloth and… hmm… are they dry humping?!
But wait. Is that right? They’re doing it in front of my locker room! Dinungisan nila ng kabastusan ang locker room ko!
Pagkarating ko roon ay mabilis ko agad silang hinawi.
“Tabi nga. Wag dito sa locker ko. Doon kayo oh.” Marahas kong itinulak ang babae paalis sa locker ko nang makarating ako doon kaya ang kinalabasan ay kamuntik na siyang mapaupo sa sahig. Buti nalang at mabilis ang kamay nitong lalake at nahawakan agad siya sa beywang. Hindi na ako nag-abalang sulyapan pa ang dalawa at itinuon lang ang buong atensyon sa loob ng locker ko.
“What the fuck?” Malutong na mura ng lalake na kumuha ng buo kong atensyon.
Tamad akong napalingon sa kanilang dalawa. Iyong babae ay nahihiya nang itinago ang mukha niya sa akin. Habang itong lalake ay bakas sa mukha ang pagkairita at matalim ang titig sakin.
Messy hair. Almost foreign. Thick brows. Dark expression. Deep piercing eyes. Perfect. Satan’s child!
My eyes drifted to the tattoos on his skin. One of his arm is full of tats, which made him hot, and I can also see the other details on his neck. If he’ll strip, I think he has a tattoo on his chest as well.
Thought students aren’t allowed in school if they have piercings and tats? May favoritism? Ano ’to? Special student? Knowing that he’s here kissing a student, which means… he’s a delinquent who only break the rules of the school.
At dito ako ipinatapon ni Daddy! Now I slowly understand why when I saw the badboy itself. Baka naman rehabilitation center ito?
And wow. Did I just find someone who has the same goal as mine? To break the rules of this school! He probably wants to come out as well!
“The fuck are you…” the thick accent of his voice trailed off as he looked at me more.
Hot. He’s fucking hot. But he’s too intense. And I don’t care about it. Ibinalik ko ang atensyon sa loob ng locker para tingnan ang librong tinutukoy noong babae sa akin. Geez. So much for being a student?!
“Let’s continue,” sabi niya na ikinalingon ng babae sa kanya.
“Ah. Sige Dos. Ano… saan mo ba gusto?” tanong ng babae sa kanya na nagpataas lang ng kilay ko.
Talagang gusto pa ah? Ano? Round two? Sa mismong harapan ko? Live show? Ipinatili ko na ang tingin sa loob ng aking locker at ayaw nang magbigay ng interes sa dalawa kung ano man ang maisipan nilang gagawin.
“Not you,” he said in a raspy voice.
Napalingon agad ako sa kanya. Binitiwan niya ang baywang ng babae at mariin akong tiningnan. His piercing eyes locked with mine. I arched my brow to show that I am less interested.
And what did he just said? Ako ang magtutuloy? Kahit gwapo siya ay hindi ko siya susunggaban! Kakalapa niya lang dito sa babae tapos ililipat siya sa akin. Malay ko ba kung yung kahalikan niya ay may sakit pala. Ayoko ring mapasa sa labi ko ang laway ng babaeng ito. Ayokong mapasahan ng bacteria like ew!
Nalaglag ang panga ng babae, halata ang pagkakagulat. Wala itong nagawa kundi magwalk out at sundin agad ang gusto ni Dos. Wait… Sino ba siya rito para umasta siya na akala mo ay isang hari na kailangang luhuran at pagbigyan? Just because he’s scary and intimidating? Anong klaseng gwapong demonyo ba ang kaharap ko sa oras na ito?
“Tsss.” Umirap ako saka tumalikod sa kanya at itinuon ulit ang tingin sa loob ng locker ko.
I heard his footsteps until he stopped behind me. I can feel his intensity and the manly scent that penetrated my nose. Marahas niyang itinulak pasara ang aking locker room at biglaan akong pinihit paharap sa kanya.
I groaned when he pinned my back against it, his piercing eyes looking at me intently.
“What the hell?” I pushed his chest out of irritation ngunit hindi siya natinag.
“Yes. What the fucking hell woman?” he uttered as he put his hand on the side of my head as he crouched a bit so we would level.
Lumingon ako roon ngunit ibinalik din sa kanyang mga mata ang tingin.
“Who the hell are you?” galit na galit parin ang boses niya. Idagdag pa ang sobrang lapit niyang katawan sakin. I can even smell his scent. It’s addicting.
“Fuck you.” I slowly mouthed.
His thick brows knitted. I crossed my hands and tilted my head as I looked at him with the same intensity.
He scoffed. “You think I’m playin’ here?”
“You think I’m playin’ here?” I mimicked it in the most dramatic way, moving my head and shoulders to mock him while arching my brow.
Binasa niya ang pang-ibabang labi, mas lalong nairita.
“Sino ka?”
“Sino ba ako?” I taunted more.
He shut his eyes, his jaw clenching as he bowed his head. Ngumisi ako at iyon ang naabutan niya nang muli akong tingnan.
“Magsalita ka ng maayos,” he ordered.
I stuck my tongue out to piss him off more. He thinks he can boss me around. Then let’s see who’s the boss here!
His cheek bubbled as I saw how his tongue pushed it inside and glanced from the right side, losing his temper. Oh, how I love getting on someone’s nerve!
My eyes drifted on the uniform he’s wearing. Bukas lahat ang butones at kita ang inner black t-shirt niya. I looked at the side pocket of the uniform and saw some cigarettes.
I took one and put it between my lips.
“Lighter?” I showed my hand.
His other hand slipped into his pocket and took his lighter out. Kinuha ko iyon at kinalabit hanggang umusok ang dulo. But before I could inhale it, he took it out of my lips and transferred it to his lips instead.
“No cigarettes for you until you tell me what’s your name,” he said in a slurry voice and puffed the cigarette.
The smoke scattered in front of his face making him more dangerous and hot.
“Why? Am I your type now?” I smirked confidently and traced my fingers on his jaw.
“Miss Addison…” tawag ng babae.
Ni isa sa amin ay walang nagpatinag sa titigang nangyayari. Dos remained his eyes at me with so much intensity and curiosity. Inangatan ko siya ng kilay.
I pushed him out of my way. “If you’re horny, then find someone else. I don’t fuck someone who’s not my type.”
His eyes narrowed. Naglakad ako palapit sa babae habang nanunuya na ang ngiti sa aking labi.
“We’re not yet done, badass,” he said meaningfully.
I glanced at him and showed my middle finger while smirking.
“Done my ass…”
Naiwan siya roon habang umukit naman sa aking isip ang dilim sa kanyang mga mata. For the longest time on the street, I could tell pretty well who was the bad boy and who was the wannabe. But that man is effortlessly dangerous. Someone whom good girls must avoid.
And it’s a good thing I’m not a good girl…
“Miss Addi? Okay lang po ba kayo? Wala po bang ginawa si Sir Dos sa inyo?” Bakas sa mukha niya ang takot.
“Buo naman ako. May nakikita ka bang dumudugo sa akin?” Tamad kong kinuha ang natipuhan kong libro sa loob.
“Ah, hindi po iyan ang tinutukoy ko. Bale ano po, ahh… b-binastos ka ba niya?”
“Hindi naman. Kahit mukha siyang batos,” ngisi ko.
“Ah kasi po, yung si Sir Dos ay maldito. Siya ang pinakamatigas ang ulo sa magkapatid na Buenaventura. Hindi kagaya sa isa niyang kapatid na si Sir Uno na matino naman kahit papaano pero may pagkapilyo parin. At si Sir Tres na suplado at tahimik lamang. Si Sir Dos po kasi…” Hindi niya iyon madugtungan. Parang wala siyang mahanap na salita para ilarawan ang lalaking iyon.
“He’s rough.” Napangiti ako ng makahulugan.
Ibig sabihin ay may dalawa pang kagaya ng lalaking iyon? Isang pilyo at isang suplado? Oh damn it… Now I’m interested. Pag usapang lalake talaga…
Saan ko kaya makikita ang dalawa pa? I bet they’re like Dos too. Gosh. Buenaventura! Dos Buenaventura! Tapos may Uno at Tres!
“Ahh, Miss Addi. Wag po sana kayong maglalapit sa lalaking iyon. Mag-ingat po kayo sa kanya.” Pahabol niya sakin na nagpangisi sa akin lalo.
“Siya ang mag-ingat sa akin.” Humalakhak ako na ikinagulantang niya. Damn Dos Buenaventura…
Chapter 3
Buenaventura brothers
Naglalakad ako sa hallway at maarteng hinawi ang aking buhok patungong likuran at taas noong naglakad. Kulang nalang ata ay tumirik ang mga mata nila kakatitig.
Napansin ko na bigla nalang nagkaroon ng espasyo sa gitna dahil sa mabilis na pag-alis ng mga estudyante roon. Akala ko ay ako ang dahilan para bigyan nila ako ng mas malaking daan pero iyon pala ay dahil sa lalaking naglalakad at supladong suplado ang mukha.
Sandali akong natigilan dahil sa imahe niyang kumuha ng atensyon ko. Masyadong suplado tingnan habang nakapamulsa, naka earphones at ang mga mata ay kagaya ng kay Dos. But Dos’ screams dominance while itong isa naman ay masyadong snob tingnan.
Nakarating rin siya ng tuluyan sa harapan ko. At dahil nandito lang ako sa gitna at nakatayo lang ay humaharang nga ako sa dinadaanan niya. Pwede naman siyang lumiko. Kaso napakurap ako nang huminto siya sa harapan ko.
“You’re blocking my way young lady,” aniya sa husky na boses.
“Am I? Masyado na bang masikip ang daan at nakakaharang na talaga ako?” Humalukipkip ako, inangatan siya ng kilay.
“Bago nga lang talaga siya.” May narinig akong nagsabi noon.
Who’s this guy, anyway? Ba’t parang naghahariharian ito dito? Siya ba ang prinsepe ng mga taong gubat na ito?
“Step aside.” Malamig niyang sabi sa akin.
“May sinusunod ka bang Pedestrian line at kahit lumiko ay ayaw mo?” Mas lalo nang tumaas ang kilay ko.
Ako pa ba ang mag-aadjust sa kanya?
Gumalaw ang panga niya, ang mga mata ay mas lalong naging madilim.
“Tsss…” Umismid siya.
Ang buong akala ko ay liliko siya pero nagulat ako nang derideritso na ang lakad niya hanggang binangga niya ako sa aking balikat na halos matumba ako.
Nalaglag ang panga ko. What the fucking hell! In my entire life I’ve never been treated like this! Ang lakas ng loob niyang banggain ako!
Sa sobrang galit at pagkairita ay hinubad ko ang ang suot kong heel at mabilis na itinapon sa likod niyang hindi pa nakakalayo nang tuluyan sa akin. Lumagapak agad iyon sanhi para mapahinto siya, dahan dahan akong nilingon sa nagbabaga niya nang tingin.
Kung galit siya, mas galit ako sa kanya. Ano… Masakit ba? Akala mo naman hindi kita papatulan purket ang gwapo mo? Hah! My fucking ass!
“Fuck you!” sigaw ko sa matinding galit at ipinakita sa kanya ang aking middle finger.
Gulat na gulat ang mga estudyanteng nanonood, ang iilan ay napasinghap pa. Naglakad patungo sa akin ang lalake, dala dala narin ang aking heel at ang galit niyang mukha.
“Anong problema mo?” matigas niyang sabi at mas mariin akong tiningnan.
“Ikaw anong problema mo?!” Itinulak ko siya palayo sa akin.
Hindi siya natinag doon. Kapwa kami nagsukatan ng tingin. The intensity of his eyes is just too much.
Hinawakan niya ang lace ng aking heel kaya nalaglag ang aking tingin doon. Ganoon nalang ang pamimilog ng aking mga mata nang marahas niya iyong hinila sanhi para masira iyon ng husto.
He almost smirk, ngunit masyado ring sarkastiko iyon. Inihulog niya ito sa sahig.
Umusok ang ilong ko. Parang yung sungay ko ay umabot na sa sukdulan. Damn him!
“You’re a fucking dick!” Sa sobrang pagkairita, marahas kong hinila ang kanyang polo sanhi para matanggal ang mga botones noon, revealing his chest and half of his stomach.
Maraming nagsinghapan, kahit ako ay palihim na napasinghap nang makita ko ang kanyang nakakapanglaway na kamay.
“Tangina?” Napaatras siya sa pagkagulat, hindi makapaniwala sa aking ginawa.
He glared at me darkly. Bago pa ako makaatras ay hinawakan niya na agad ang aking braso.
“You!” Marahas niya akong hinila na halos ikinatapilok ko. Nasubsob agad ako sa kanyang dibdib lalo na’t hindi ko magawang balansehin ng maayos ang tindig ko dahil isang heel lamang ang suot ko.
Para pa yata kaming magsasabunutan dahil sa galit namin sa isa’t isa. Napahawak ako sa balikat niya para panatilihing nakatayo at hindi tuluyang matumba. Ikinairita niya iyon lalo, na hinawakan ko siya.
“Ouch! Ano ba?! Let go of me!” Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang idiniin ang pagkakahawak sa akin.
“Tres.” May malamig na boses ang pumaibabaw.
Nagkasalubong ang aking kilay. Tres? This guy is Tres? Iyong sinasabi ng birhen kong alalay na kapatid ni Dos? Kaya pala may kung ano rin siyang awra na katulad kay Dos.
Dahan dahang huminahon ang ekspresyon ng mukha niya lalo na ang pagkakahawak niya sa braso ko. Binasa niya ang labi at nilingon ang kung sinong tumawag.
“Uno…” sambit niya sa baritonong boses.
Naririnig ko na ang yapak nitong papalapit na sa amin kaya kinuha ko ang atensyon na iyon para bawiin ang aking braso ng marahas. Nabitiwan iyon ni Tres, iritado ulit akong binalingan.
“Anong nangyayari dito? And what’s with your uniform?” Nakarating sa aming harapan ang nagngangalang Uno.
“Kasalanan niya,” ani Tres sa nadidisgustong boses nang tingnan ako.
“Yes… I did it to him because he’s being an ass,” puno ng sarkastiko kong sagot at pasimple kong nilingon itong si Uno.
Nang makarating ang tingin ko sa kanya ay napasinghap ako, ang aking mga mata ay bahagya pang namilog. Kulang nalang ay malaglag ang panga ko sa sahig.
A Greek god. He got that air in him that screams territorial. God’s favorite. A perfect description of men written by women! Calm yet superior!
Binalingan niya ako. Doon ko napagtantong hindi na pala ako humihinga sa kakatitig sa kanya. Ang nakaawang kong bibig ay agarang natutop. Tumikhim ako at pasimpleng pinasadahan ng haplos ang aking buhok.
Pinasadahan niya ako ng tingin. Tumigil naman iyon sa paa ko saka ito lumipat sa kinaroroonan ng heel ko. Nagsimula siyang humakbang doon sa magaang paraan at pinulot iyon saka siya bumalik sa akin.
Napakurap ako nang lumuhod siya.
“It’s broken. Why are you wearing heels inside the classroom, miss? Tapos hindi ka pa nakauniporme. Are you the rumored transferee girl?” Tumingala siya sa akin, hawak hawak na ang heel ko.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Parang nagniningning na ang aking mga mata dahil lamang kinakausap niya ako.
“Your brother did that to my heel. Sinira niya!” Napaismid ako kay Tres.
“Dahil tinapon mo sakin,” giit niya.
“Dahil binangga mo ako!”
“Eh sino bang paharang harang?” Umangat ang isa niyang kilay sa nang-iinsultong paraan.
“Malaki ang daan. Use your common sense.” Umirap ako ng husto.
“Common sense? Alam mo pala ang bagay na iyan?”
“Tres. Enough.” putol ni Uno sa kanya.
Natutop agad ang bibig ni Tres at tamad na namulsa, tinapunan pa ako ng matalim na tingin. Tumayo si Uno at inilahad sa kapatid ang aking heel.
“Ayusin mo ito total sinira mo,” aniya.
Umismid si Tres, nagkasalubong pa ang kilay. Palihim akong ngumisi nang magtama ang aming tingin.
“It’s her fault–” Nang makita ni Tres na nagkasalubong na ang kilay ni Uno ay napabusangot agad ang mukha niya. Mahina siyang napamura at kinuha ang heel na inilahad ni Uno.
Oh? Masunurin?
Binalingan ako ni Uno. Mabilis kong ikinalma ang aking ekspresyon.
“Where’s your dorm?” tanong niya na ikinatitig ko sa gwapo niyang mukha.
“Doon lang.” I said calmly.
Tiningnan niya ang aking paa.
“You can’t walk with that.”
“I really can’t…” I answered submissively.
Sa ilang sigundo, bigla na lamang akong umangat sa ere. Uno carried me like I’m a lost princess he finally found!
“You don’t have to carry her! Ihagis mo nga iyan palabas.” Iritadong sabi ni Tres.
Tiningnan niya ang kanyang kapatid. Umismid naman ako kay Tres.
“Find Dos. Ihahatid ko lang siya,” ani Uno at tumalikod din.
Nagsimula ring maglakad si Uno. Napatitig ako ng husto sa kanya. Alright… He’s just too damn attractive! Sobra pang gentleman hindi kagaya noong dalawa na kulang nalang ibalibag ang babae.
Pasimple kong nakagat ang labi ko para pigilang mapangiti kaso sakto ring nahulog ang tingin niya sa akin kaya nahuli niya ang ginawa ko.
“That’s illegal… You don’t want to turn me on right now, do you? Lalaki lang rin ako, natutukso…”
Oh… Pilyo…
Tumikhim siya, nag-iba agad ang ekspresyon at namumungay ang mga matang tiningnan ako.
“Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ng kapatid ko. Ganoon lang talaga iyon sa mga babae.” Naiiling niyang sabi.
“Well. I should thank him. Nang dahil sa away namin ay kinakarga mo ako ngayon.” Humagikhik ako.
“You’re naughty.” Napangiti siya sakin na ikinatulala ko lalo sa kanya.
Oh, I could really tell who among the Buenaventura brothers I wanted to flirt with. I like him!

