loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Love Me, Choose Me (BxB, ONGOING)

Love Me, Choose Me (BxB, ONGOING)

deuceiv · 5 chapters · 14,409 words

LOVE ME, CHOOSE ME

LOVE ME, CHOOSE ME: BLURB

Ever since high school, Lyle had always admired Ridge.

Iyon lang, may ibang gusto si Ridge habang siya naman ay habang buhay na lamang na aasa sa ideya ng binata.

But what if in the midst of his desperation to move on from Ridge, fate leads him to a certain hottie café owner near his company, Gian Cyrus Abellardo? And he eventually gets a crush on him?

Will he take his feelings for this café owner seriously, or would he forever clung onto the idea of getting with his high school crush and Gian would remain as a rebound?

**

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.

Simula

SIMULA 

ㅤㅤㅤㅤTHEY SAY ‘first love never dies’ and no matter how long it has been, it would be most difficult to move on from someone who taught one how to love. It would be hard to forget them because they’d help you realize a lot of things about oneself, it would help for growth, and at one point-one would always wish that they could end up with their first love.

An everlasting hope, an eternal ‘what-if’—that was a ‘first

love’ .

Perhaps, it was true. Because Lyle could not find anything to disprove this. Not when he still held onto someone who would never become his-not when in his wildest dreams, he walked hand in hand with the man who he loved since high school.

Nakakatawa lang na ang martyr niya samantalang sa halos sampung taon na lumipas, kahit ilang beses na isampal sa kanya na hinding-hindi niya kayang tapatan ang kasalukuyang boyfriend ni Ridge, hindi pa rin niya magawang bitawan ang binata. Pero kung tutuusin, wala rin namang ginawa si Lyle para mag-move on.

He was stuck. Perhaps like a glue, forever stretching out his hand, reaching for someone who would always be beyond him.

At ilang taon na ba siyang ganito? Huh.

Napangiti si Lyle habang inaalala kung ilang taon na siyang head over heels para kay Ridge.

Nagpahalumbaba siya’t nagbaba ng tingin sa kanyang sketchbook, pinagmamasdan ang unfinished sketch niya. May iilang hibla ng buhok niya na sumabay sa pagbagsak nang bahagya siyang yumuko, pero hindi noon napigil si Lyle na alalahanin kung ilang taon lamang siya nang magkagusto siya kay Ridge.

Then he whispered to himself, “I was… fifteen , huh.”

ㅤㅤㅤㅤGRADE NINE lamang noon si Lyle nang maranasan niyang malait at mahusgahan dahil sa pagiging iba niya-nang dahil sa sekswalidad niya.

Lyle gritted his teeth as he raised his head to look at the three boys who stood straight in front of him.

His stomach stung from the kick he received from them. His palms hurt, he might have accidentally scratched himself, and his skin burnt against the hot surface he sat on.

Athough he was in pain, Lyle did not have the heart to glare at his classmates.

Napalunok lamang siya at inboluntaryong napapikit nang umaktong aamba na naman ng sipa ang mga kaklase niya. Hinintay niya iyon pero wala siyang natanggap kaya iminulat niya ang isang mata para tignan kung ano ang nangyari.

Nang makita niya ang mga kaklase, natagpuan lamang niyang nakangisi ang mga ito sa kanya at nangmamaliit na tinititigan siya.

“Bakla, bakla, bakla!” paulit-ulit na pamimintas ng mga ito sa kanya.

Umismid ang isa sa mga kaklase niya. “Ano ‘yan? Dahil babakla-bakla ka Lyle, lumalambot ka na rin? Ha! ‘Di ka naman pala marunong lumaban, e. Bading! Mahina!”

Napasinghap si Lyle nang tawagin siyang mahina ng mga kaklase at walang anu-ano’y mabilis siyang tumayo. Ang una niyang balak ay lumaban, nang sa ganoo’y tumigil na ang mga kaklase sa pang-aasar at pamimintas sa kanya, pero hindi pa man siya nakakalapit sa mga ito ay mabilis siyang pinaligiran ng mga kaklase’t pinagtutulak sa isa’t isa.

“Yak! Bading!”

“Huwag ka ngang kakapit sa ‘min, baka mahawa pa kami ng virus mo!”

“Nakakadiri ka! Sali-sali ka pa ng basketball team, baka naghahanap ka lang pala ng lalaking malalandi mo ro’n!”

Sinubukan ni Lyle na magpumiglas nang matigil ang mga ito sa kakatulak sa kanya hanggang sa mapansin niya ang ekspresyong nakapinta sa mga mukha ng mga kaklase niya, pati na rin ang emosyong sumasaliw sa mata ng mga ito habang pinagmamasdan siya.

Disgusto. Nakakapanghina—hindi, nakakadismaya.

Iilan lang ito sa mga naririnig niya mula sa mga bibig nila kanina pa. At hindi niya maiwasang magalit-galit siya sa kanila, pero galit din siya sa sarili niya.

Lyle couldn’t understand.

Katulad din naman siya ng mga ito, hilig ang pagba-basketball at iba pang sports. Pero bakit iyong makuha na magkagusto sa babae, hindi niya magawang pagsikapan na gawin?

Bakit kahit na anong pilit niya, nagigising pa rin siya sa katotohanang kapwa lalaki niya ang nagugustuhan niya?

Natahimik ang buong paligid nang ipasa si Lyle sa isa pang kasama ng mga ito. Hindi niya malaman kung sino noong una pero nang mag-angat siya ng tingin, namutla siya nang makita niya ang pinakamatalik niyang kaibigan na disgutadong nakatitig sa kanya.

“Ikaw?” nakabusangot nitong sabi. Lukot ang mukha nito habang minamata siya mula ulo hanggang paa, bago siya itinulak nang mapalayo siya mula rito. “Iyong bakla.”

Then, Lyle’s former best friend scoffed. “Hindi mo man lang ba naisip mandiri sa sarili mo? Magkasama tayo mula noong first year high school pa lang, tapos malaman-laman ko na lalaki rin pala gusto mo. Lumayo ka nga sa ‘min, pakiramdam ko sa tatlong taon nating pagkakaibigan, pinagnasaan mo lang ako!”

“Oooh, tang ina! Nakakadiri!”

Doon nagsimulang masira ang mundo ni Lyle. Hindi lang kung sinu-sino ang humusga sa kanya, maging ang taong pinagkatiwalaan niya ng husto; iniwan siya dahil sa sekswalidad niya.

Pagak na natawa si Lyle habang pinanonood ang mga dati niyang kaibigan na iwan siya. Nang wala na ang mga ito, ‘tsaka marahang nagbaba ng tingin si Lyle at napatitig sa semento.

Unti-unting lumalabo ang paningin niya dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya.

Pero kasi… nakakainis . Nakaka-frustrate.

Isang malaking kasinungalingan lang pala iyong sinabi ng mga ito na sa oras na ibulgar niya kung sino ba talaga siya, tatanggapin pa rin siya ng mga ito.

Mali—dahil ang mga dati pa niyang kaibigan ang pinakahumusga sa buong pagkatao niya.

“Sinungaling kayo,” bulong niya kahit alam niyang hindi na siya maririnig ng mga dating kaibigan. ‘Tsaka rin hinayaan ni Lyle na tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. “Kung alam ko lang na hindi niyo ako kayang tanggapin, edi sana noong una palang e ‘di na lang ako nagsalita.”

Ang tanga-tanga rin niya, e. Bakit ba kasi-bakit ba kasi siya nagtiwala?!

ㅤㅤㅤㅤEVER SINCE that encounter, Lyle understood that he could not do the things he wanted. Napagtanto niyang hindi madali ang daang tinahak niya at hindi na siya makakakilos nang maayos na hindi siya hinihusgahan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Noong kumalat ang balitang bakla siya, nagbago ang buhay niya— and it was all for the worst.

Naintindihan kaagad ni Lyle na hindi na siya makapaglalaro pa ng basketball na hindi pinahihirapan ng dating barkada lalo na’t magkakasama sila sa iisang team noon.

Kaya matapos siyang kumprontahin ng mga ito dahil sa pagiging iba niya, hindi na ulit sumipot si Lyle sa mga practice games. Kahit na hinahanap siya ng captain nila at ng vice-captain, mangangako lamang siya na dadalo pero hindi naman talaga siya pumupunta. Sa halip, dumidiretso na lang siya kaagad sa pag-uwi.

Hindi na rin makakain sa canteen si Lyle na hindi siya nakakarinig ng bulungan tungkol sa kanya.

‘Sayang’ daw kasi siya, lalo na’t gwapo na nga, matalino pa, tapos lalaki rin naman daw pala ang tipo. Nakakatawa.

Ang masaklap, hindi na nakakapag-aral nang maayos si Lyle dahil binu-bully rin siya ng mga dating kabarkada kahit sa gitna ng klase. Pinagti-trip-an, ginagawang katatawanan. Wala ring ginagawa ang mga guro nila sa mga ito dahil siya nga raw ang mali.

Sinira niya raw ang tiwala ng mga ito e, lalo na ngayong naibunyag na ang tungkol sa sekswalidad niya.

Kasalanan niya raw ito lahat. Siya raw ang nagdala ng malas sa sarili niya.

At hindi na lang sumasagot si Lyle. Ngingiti na lang siya’t tatango. Labag sa loob, habang ikinukuyom ang mga kamao dala ng labis na pagkasiphayo.

Lalo na… Sumasabay pa ang mga guro nila sa pangungutya sa kanya.

“Ang gwapo mo pa namang bata, Villariza. Ang tali-talino mo pa. Sayang ka talaga.”—Ang madalas na lintanya ng mga ito tuwing magri-recite siya’t makakasagot sa mga kumplikadong tanong ng mga ito.

Pero tama bang husgahan siya dahil lang sa sekswalidad niya? Na limitahan ang kaya niyang gawin—ang mga kaya niyang abutin dahil iba siya sa nakararami?

Bumuntong hininga si Lyle.

His life… It was the worst. Nawalan ng kulay ang mundo niya’t naging black and white.

Araw-araw na lang ba siyang hihiling na bumalik ang dating sigla ng buhay niya’t… Makahanap siya ng pag-asa na may igaganda pa ito kahit na ganito siya?

Lyle paused in his tracks and heaved a deep sigh. “Itigil ko na ‘tong kahibangan ko. Magsimula na lang ulit ako ‘pag naka-graduate na ako.”

Dahil siguro, kapag naka-graduate na siya, hindi na siya mapipintasan nang dahil lang sa sekswalidad niya.

Sana.

Matapos kausapin ni Lyle ang sarili, iginala niya ang mga mata sa buong canteen para tignan kung mayroon pang libreng upuan—malayo sa mga tao—na pupwede niyang pwestuhan. Kaso sa ilang beses na pag-iikot niya ng tingin, at bahagyang paglalakad para tignan kung may matityempuhan siyang pwesto, sumuko rin kalaunan si Lyle nang mapagtantong wala nang libreng mauupuan.

Nag-isang linya ang mga labi ni Lyle at maglalakad na sana siya palabas ng canteen nang mapatingin siya sa kinauupuan ng mga dating kabarkada. They were all eating while laughing together, it sounded like they were talking about a new game or something. Kumunot ang noo ni Lyle at hindi niya naiwasang mainggit dahil hanggang nitong nakaraang buwan, kasama siya sa tuwing mag-uusap ang mga ito.

Ngayon, hindi na. Outcast na siya.

Napaatras si Lyle nang aksidenteng magtama ang tingin nila ng dati niyang best friend. At para makaiwas sa gulo, dali-daling umalis si Lyle sa canteen.

Sa iba na lang siya uupo. Ayaw niyang… Masakal na naman ng nakaraan.

ㅤㅤㅤㅤHINDI NAMALAYAN ni Lyle kung saan siya nabitbit ng mga binti nang makaalis siya sa canteen. One moment, he was there watching his old friends and now, he was in front of the Science and Math faculty; and beside that was the Math garden.

Inilibot ni Lyle ang mga mata sa buong kapaligiran bago niya napansing wala sa faculties ang mga guro, at hindi rin nakasara ang gate ng Math garden. Ibig sabihin, may tsansa siyang makapag-lunch doon. And it was an ideal place either—magaganda ang mga halaman doon at isa pa, tahimik at malawak ang Math garden. Alagang-alaga ng mga guro.

“Pupwede naman siguro ako mag-lunch doon hangga’t ‘di ako nagkakalat, ‘di ba?” pagkausap niya sa sarili bago niya hinayaan ang mga binting dalhin siya sa Math garden.

Because there was no one around to tell him off, Lyle ceased the opportunity to take his lunch in the Math garden. Malawak ang ngiti niyang humakbang papasok pero sa paghakbang na iyon, nagtaka siya nang may narinig siyang mahinang ‘

urk

’ at nang mapansin niyang parang malambot ang inaapakan niyang semento.

Marahang nagbaba ng tingin si Lyle para tignan kung ano o sino ang natapakan niya at nang mapagtanto niyang kapwa estudyante niya, namilog ang mga mata niya kasabay ng malakas na pagsinghap.

Perhaps, it was because this guy’s sudden appearance caused his mind to go haywire, but instead of taking his foot back; Lyle’s reflexes convinced him enough to continue stomping on the guy, unaware of his own body weight, until he got into the Math garden.

At saka na lamang niya napagtantong mali ang nagawa niya nang umaray ang binata dahil tila ba nasaktan ito sa nagawa niya.

“So-Sorry!” natatarangang paghingi niya ng paumanhin, kinakabahan dahil baka madala siya ng guidance nang wala sa oras. “Hindi ko sinasadyang apakan ka!”

Pero hindi ba at medyo kasalanan din nito dahil sino ba ang nasa tamang pag-iisip ang dadapa sa Math garden at magka-camouflage na semento?!

“Ow…” the guy continued to mutter, anyway. Hindi nagtagal, bumangon ito mula sa pagkakadapa habang minamasahe ang likuran. “Fuck, my back hurts…”

Yumukod si Lyle para maging magka-height sila ng binatang naapakan niya.

“So-Sorry ulit.”

Nagu-guilty talaga siya dahil talagang itinulak niyang umapak dito makapasok lang sa Math garden.

Just what was he thinking? Napa-trouble pa tuloy siya.

Papagpagin sana ni Lyle ang likuran ng uniform ng lalaki dahil narumihan sa sapatos niya nang mapasinghap siya dahil saktong humarap din sa kanya ang schoolmate.

The moment their eyes met, and Lyle realized how beautiful the man was, he was speechless, unmoving, and could almost choke just staring at the man.

This guy he was facing was the epitome of those two adjectives which most romance writers used to describe a man. Yes, only two, because this guy seemed to be just about the same height as Lyle—so that leaves dark and handsome.

‘Ang gwapo…’ was what his mind screamed. Most especially when he started seeing that disgusting flowery background and when his head played that cringey romantic soundtrack.

It might be because Lyle was lost in his own little world but once the guy was over with the pain in his back, he had his forehead furrowed in confusion.

“I’m okay…” the guy trailed off before he tilted his head. “You’re not my pursuer? I mean, sorry at nakaharang ako rito. Kasalanan ko rin kaya ako naapakan. May inaabangan ako ta’s… ‘Di ko namalayang nakatulog na pala ako.”

Napamura si Lyle sa isip dahil ang breezy ng boses ng binatang kaharap niya. But at the same time, his reasoning made Lyle’s eyebrow and side lip twitch.

Sino naman ang nakakatulog sa ganitong klaseng lugar at-sa tindi ng init?! Hindi niya maintindihan!

Dahil nakatulala si Lyle sa kaharap, hindi alam kung magagwapuhan o matatangahan, hindi niya napansin ang bahagyang pagpilig ng ulo ng binata pati na rin ang pag-angat nito ng kamay para iharap sa kanya. ‘Tsaka na lamang nakabalik sa huwisyo si Lyle nang mapansing ikinakaway na ng binata ang kamay nito sa tapat ng mukha niya.

“Hello… Earth to you? Okay ka lang ba?” tanong ng binata. May bahid ng pag-aalala sa boses nito sa kabila ng tila ba inaantok nitong tono.

Lyle was tempted to catch his hand and get it off his face, but he didn’t have the heart to be rude. He never did.

O siguro, nasasayangan siya sa interaksyong meron sila ng binata kaya hindi niya magawang magsuplado. Alright, Lyle has a type-and it was this sleepy-looking tanned prince here.

God. Lyle never thought he would find someone in this school to be this attractive.

This guy’s raven hair glimmered beautifully against the roaring sun, those undeniably captivating brown eyes, tan skin tone, tall nose, kissable lips—his round face, which surprisingly went well with all his features. Maybe Lyle found it difficult to reply because who would ever look this good in their school uniform?

Something about this guy made Lyle curious. Something, which he could not pinpoint, was pulling him into this guy.

It was cute how Lyle watched him tilt his head in confusion when he couldn’t respond.

Pero sa totoo lang, baka wala sa pisikal nitong itsura ang dahilan kung bakit tila ba mabaliw-baliw si Lyle, kung bakit hindi makahabol ang sistema niya sa taong ito. Siguro-siguro lang naman—mayroong kung ano sa katawan niya ang nahihila ng binatang ito dahil malaki ang magiging papel nito sa buhay niya, lalo na sa mga pagbabagong mararanasan niya.

“Eh… Bale, nandito ka dahil kung sa canteen ka kakain, iistorbohin o ‘di kaya bubullyin ka lang ng mga dati mong kaibigan? That’s rude,” ito ang naging komento ni Ridge habang abala itong ngumuya matapos makinig sa kwento niya. “Ang ibig kong sabihin, bakit naging rason sa kanila na bakla ka para bullyin ka? Ang isip-bata naman nila.”

Sa hindi malamang dahilan ni Lyle, kasabay niyang mag-lunch ngayon ang binatang naapakan niya kanina. They exchanged introductions and names, and because Lyle heard Ridge’s stomach growl while feeling guilty of stepping on him, Lyle invited Ridge to eat with him. Marami rin naman siyang baon, madalas ay hindi niya rin nauubos kaya ayos din na kasabay niya ang binata.

Plus, Lyle was taking this opportunity to not eat alone. It had been ages since he had someone to eat with, after all. Tapos ang kasabay pa niya, ‘crush’ niya—not that Lyle could distinguish his feelings right away, but with his indescribable attraction to Ridge, Lyle thought that he might be his crush. Edi bawi.

Also, it was cute of Ridge to think that eating in the Math garden would be a hassle. Kaya inaya siya nito sa kubo malapit sa faculty ng home economics. Ang sabi ng binata, ayos lang naman na roon sila kakain, basta hindi lang sila magkakalat. At nataon din namang walang tao roon dahil madalang ang mga estudyanteng umuupo o pumupwesto roon, kaya madali nilang nakuha ang kubo.

Bahagyang ngumuso si Lyle nang makitang kumuha pa ng ulam si Ridge. Mahina rin siyang natawa dahil feel at home kaagad ito sa paligid niya.

Nakakakilig? Oo.

May kung ano sa pagiging kumportable ni Ridge sa kanya na hindi niya maiwasang mapangiti nang malawak o hindi kaya ay bilisan ng tibok ng puso. Ang weird.

“Mabuti na lang talaga at hindi mo na sila kaibigan.” Bumuntong hininga si Ridge at sumandal sa back rest ng kinauupuan nito ‘tsaka siya nito pinagmasdan. “Hindi mo rin naman kailangan ng barkadang huhusgahan ka.”

Lyle’s eyes slightly widened and when he realized what Ridge was trying to imply, he shook his head before he let out a chuckle. “Ang tapang mo naman para sabihin ‘yan. Syempre masakit pa rin sa akin ‘yon lalo na’t naging kaibigan ko pa rin sila.”

“Hindi ko naman ini-invalidate ‘yan. Ang akin lang, palagay mo ba e deserba mong ma-bully ng mga taong pinagkatiwalaan mong tatanggapin ka?”

“Hindi…” mahinang sagot ni Lyle.

His response made Ridge smirk and click his tongue. “Iyan ang sinasabi ko. Kaya kako, mabuti na lang at ‘di mo na sila kaibigan. Makakahanap ka pa riyan.”

Napangiti si Lyle habang pinagmamasdan si Ridge na noon ay pinapaypayan na ang sarili habang nakatingin sa malayo.

Gets na niya—oo, naiintindihan na niya. Kaya siguro attracted siya sa isang ito e dahil alam niyang iba ito mula sa mga dati niyang kaibigan.

Plus points, hindi niya maiwasang mahulog lalo e.

“Mabuti pala, iba iyong mindset mo sa kanila? ‘Di ka ba nandidiring iba ako? Na… bakla ako?” marahang tanong ni Lyle.

Ridge snorted. “Noong una, hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga lalaking iba sa nakararami. I mean, I don’t understand why gay people exist. Kaya lang nalaman kong pati pala iyong kuya ko, nagkakagusto rin sa lalaki.”

There was a moment of silence until Ridge brought his eyes back to Lyle, and the intensity of his gaze had taken Lyle aback.

Ridge had a small smile curved across his lips. “Alam mo bang ‘di ako nadismaya na ganoon ang kuya ko? I didn’t feel the need to judge him. All I needed was someone to make me understand why some are different from the norm. Hindi rin naman pumalya ang kuya ko na ipaintindi sa akin ang tungkol sa LGBT kaya wala rin akong problema.”

“So, hindi ka nandidiri sa akin?” nag-aalangang tanong ni Lyle.

Ipinilig ni Ridge ang ulo. “No. Bakit naman ako mandidiri sa ‘yo? Being gay doesn’t make you less of a human, Lyle. ‘Tsaka sino ba naman kami para diktahan ka kung ano iyong tama? E para sa ‘yo, iyang nararamdaman mo para sa sarili mo ang tama?”

Lyle was speechless. Hindi niya alam kung anong gusto niyang sabihin kay Ridge o kung paano siya magri-react sa sinabi nito. He had his fists clench, and it was not because he was angry at him or anything—in fact, Lyle admired Ridge. Gusto niyang maiyak na ewan.

Sa ilang buwan na tinitiis niyang ma-bully sa klase o hindi kaya ay lunukin ang pangungutya ng mga guro nila, ngayon lang naranasan ulit ni Lyle na hindi… mahusgahan kung ano siya. And something about it was gut-wrenching, it squeezed his heart, Ridge’s words almost made it hard to breathe.

Lyle likes Ridge—no, he fell in love, right at that moment.

“Ayos ka lang ba?”

At saka lamang nahila pabalik sa realidad si Lyle nang marinig ang nag-aalalang tanong ni Ridge. Nang maiproseso na niya ang lahat, napasinghap siya nang matagpuan si Ridge na tila ba dismayado.

Was it a lie? Was Ridge lying?—As Lyle was just about to succumb himself to overthink, Ridge heaved a deep sigh.

“Huwag kang umiyak ngayon, wala akong dalang panyo na pwede kong ibigay sa ‘yo.” Umiling-iling ang binata bago nito kinamot ang pisngi. “Palagay ko rin e walang tissue sa banyo… Masyadong marumi ang banyo natin para roon, e.”

Namilog ang mga mata ni Lyle bago siya tuluyang natawa dahil parang desperado si Ridge maghanap ng tisyu. “Hindi ako iiyak, ‘wag kang mag-alala. Na-touch lang ako kasi wala namang nagsabi sa akin na okay lang ako, na ‘di naman ikinabawas ng pagkatao ko ang pagiging bakla.”

“Because it doesn’t. Makikitid lang talaga utak ng ibang tao kaya ganoon ka trinato. Walang mali sa ‘yo, Lyle.”

God. Lyle could not explain the warmth that welled up in his chest. Words would never be enough to describe how grateful he was to Ridge for helping him get rid of the burden and guilt he had carried for months.

“Palagay mo ba Ridge… Makakapagsimula ulit ako? Na makakahanap ulit ako ng bagong mga kaibigan?” tanong niya kay Ridge.

Tila ba natigilan ang binata sa tanong niya pero kalaunan ay nagkibit balikat ito. “Lahat naman may tsansang makapagsimula ulit, ‘di ba? You just need to work on it.”

“You’re right… Thank you, Ridge.”

“Huh? I barely did anything, Lyle.”

Marahang umiling si Lyle. “Akala mo lang ‘yon pero kung alam mo lang kung gaano mo ako natulungan ngayon, Ridge.”

“Ganoon ba.” Sandaling natahimik si Ridge bago ito ngumiti. “Edi masaya akong nakatulong ako sa ‘yo.”

Matapos na mag-usap, hinayaan nina Lyle at Ridge ang katahimikang mamutawi sa kapaligiran. Lyle also started eating again and he had waited for Ridge to take some of his food, but Ridge only shook his head and said that he was already full.

Seconds had turned to minutes, and the silence still went. Nag-uusap pa rin sina Ridge at Lyle paminsan-minsan, magtatanungan kung anong seksyon nila o ang next subject, pati na rin kung sino ang susunod nilang guro, hanggang sa tumayo si Ridge mula sa kinauupuan nito nang tila ba mayroong makita sa malayo.

Tahimik na sinundan ni Lyle ng tingin si Ridge, pinipigilan ang kagustuhang pigilan ang binata mula sa pagtayo.

“Sa’n ka pupunta…?” tanong niya.

Ridge hummed before he smiled at Lyle. “Aalis na ako, nandiyan na kasi iyong sundo ko.”

Pupwede bang hindi na lang? At sundo—ah, was it the person Ridge pertained to when they met in the Math garden?

“Salamat sa pagkain, Lyle. Salamat din sa kwento mo. I learned a lot from you,” Ridge added.

Hindi mabilang ni Lyle kung ilang beses niyang ibinuka’t isinara ang bibig. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Pipigilan ba niya si Ridge na umalis o hahayaan niya itong sumama na sa sundo nito? Naguguluhan si Lyle lalo na’t gusto pa naman niya itong makasama pa, pero ayaw na istorbohin ang binata.

Noong mayroong kinawayan si Ridge sa malayo, hindi naiwasan ni Lyle na lumingon para tignan kung sino iyon. Then, he saw a tall guy—seemingly foreign—approaching them. Medyo napigil pa ang paghinga ni Lyle dahil kilala niya kung sino ang binatang nasa malayo.

The infamous Zamiel Chastain, known for his good looks and wits, the pride of their school, and almost everyone’s object of adoration.

“Kilala mo siya?” tanong ni Lyle kay Ridge.

Muling humimig si Ridge at sa pagkakataong ito, tila ba kuntento ito at masayang nakita na ito ng ‘pursuer’ nito. Medyo nag-aalala si Lyle lalo na’t nakasimangot ang binatang palapit sa kanila pero tila ba walang reaksyon si Ridge.

“Lyle, iyong sinabi ko…” biglang sabi ni Ridge na siyang nakapukaw ng atensyon niya.

Nang lingunin niya ang binata, natagpuan niyang nakangiti sa kanya si Ridge.

“You’re too cute to be stressed over your former and, well, childish circle. You should be happy instead that the trash took themselves out. Maghanap ka na lang ng ibang circle na kaya kang tanggapin.” Then, Ridge shrugged. “Sayang ang oras at luha mo kung malulungkot ka dahil sa kanila.”

Nang sunduin na si Ridge ng kaibigan nito, nanatili pa ang dalawa sa harap ng kubo upang magtalo. Samantalang si Lyle, tahimik at aliw na pinanood ang mga ito. O sa mas madaling salita, naaaliw siyang panoorin si Ridge na makipagtalo sa kaibigan.

Moreover, he was grateful.

Si Ridge Gonzales ang pinakaunang tumanggap sa sekswalidad at buong pagkatao ni Lyle Villariza. Maliit na bagay pero ang laki ng epekto sa kanya.

Ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya sumuko sa pag-asang makakakilala siya ng mga kaibigang tatanggap sa kanya. Kung bakit hindi siya nanghina sa kabila ng mga insultong natatanggap niya sa mga taong tunay na makitid ang utak.

Ito ang unang lalaking minahal ni Lyle ng buong-buo. Ang naging mundo’t pag-asa niya, inspirasyon at ang humubog sa kanya upang makamit kung sinuman at nasaan siya ngayon.

Ang pagmamahal niya rito, hindi niya masukat.

Kabanata 1

KABANATA 1 

ㅤㅤㅤㅤLYLE BIT his bottom lip as he stared at the screen of his laptop. Hindi niya maiwasang masiphayo sa sarili dahil hindi niya alam kung paano siya magtitipa ng e-mail sa manager ng modelo na inaasahan sana niyang makita sa darating na fashion event sa Manila.

Pinapangunahan siya ng kaba’t anxiety dahil paano na lang kung iba ang kinalabasan ng e-mail na isi-send niya? What if he wouldn’t sound genuine and instead, Lyle would sound desperate just to have this model in his fashion event?

Humugot ng malalim na hininga si Lyle bago siya tuluyang napahilamos ng sariling mukha.

Nang hindi makuntento, inabot ni Lyle ang buhok niya’t bahagyang sinabunutan ang sarili.

Nakakainis kasi, na-rush siya sa paghahanap ng modelo dahil na-move ang date ng fashion event na iyon. Pero hindi naman siya gaanong distraught lalo na’t handa naman na ang lahat. Ayun lang, kung gusto ni Lyle na tumaas ang rate of success niya, kailangan niya rin ng modelong malawak ang koneksyon sa mundo ng fashion at kilala ang pangalan sa pagmumodelo.

Of course, Lyle had already set his eyes on someone…

After all, the model he was looking for happened to be the man he had been admiring since he was in high school, Ridge Gonzales.

Ang problema, wala naman siyang lakas ng loob ng kontakin ang manager ng binata!

“Ah… I wanted to see him there,” nasisiphayong bulong niya sa sarili bago ibinalik ang pagkakahilamos niya sa mukha. “I want to see him wearing the clothes that I designed for him…”

Lyle’s voice was raspy and weak. He sounded like he was gradually losing hope and what was frustrating was that it was because of his cowardice.

Madalas, gusto niya ring awayin ang sarili. Bakit hindi siya mahawa-hawa sa ugali ni Keegan, ganoon? Gusto niya ring lumakas ang loob niya. At saka hindi naman kasalanan na gustuhing makita si Ridge sa fashion event na iyon bilang isa sa mga modelo niya.

He liked Ridge but that didn’t mean that Lyle would do anything to ruin Ridge’s relationship with his now boyfriend, Zamiel. Hindi siya ganoon kababa!

Matapos magpalamon sa mga iniisip, napakagat si Lyle sa pang-ibabang labi. Pinilit niyang iwaglit ang pagwawala sa isipan dahil kailangan na niyang mag-focus ulit sa trabahong nasa harapan.

Habang kinukolekta ang natitirang hiya, ‘tsaka lamang napagtanto ni Lyle na medyo kumalat pala ang mesa niya’t nagulo niya ang mga sketches niya sa tabi dahil sa tahimik niyang pakikipagdigmaan sa sarili.

‘Shit,’ he cussed himself.

Pasimpleng lumunok si Lyle at tumingin sa buong kapaligiran. Nang makita ang disenyo ng lugar na kinaroroonan, pakiramdam ni Lyle ay gusto niyang mapahilamos ng mukha dahil wala nga pala sa opisina niya!

How could he forget? Lyle left his office earlier because he was so stressed and needed a scapegoat! Dinala siya ng mga paa sa paborito niyang café malapit sa SM at bago siya mawala sa sarili at ma-distract, abala nga pala si Lyle sa pag-appreciate ng interior design ng café na ito!

‘Sana walang nakakita sa ‘kin na

umaaktong

parang timang!’ piping dasal niya bago siya magdesisyon na iligpit na ang mga gamit niya.

Tama na! Kailangan nang magseryoso ni Lyle imbes na magpakalamon sa hiya. Kailangan na niyang umayos dahil nakakahiyang nagkaroon siya ng internal conflict sa pampublikong lugar!

But as Lyle organized his unfinished sketches, he paused and heaved a deep sigh.

“Pero ano namang ilalagay ko sa e-mail?” tanong niya ulit sa sarili habang pinagmamasdan ang dress na hindi niya matapus-tapos. “Ayokong mahalata na may gusto ako sa kanya.”

Pero posible ba talagang malaman pa iyon ng manager ni Ridge samantalang professional e-mail naman ang isi-send niya?

“No. The real question is, what if I don’t sound professional?” he asked himself again, sounding more problematic and anxious.

Lyle thought that he could probably play things off by pretending that he only needed to have his brand promoted by one of the best male models in the Philippines.

‘But

wasn’t

it that

the last clothing that I designed was specifically designed and created to suit Ridge’s vibe and aesthetic? Paano kung doon ako

mabuking

?’ his mind suddenly thought.

Lyle felt his heart drop and suddenly, he was more anxious. His hands felt cold and weak, the papers he held almost slipped from his hands, which was why he immediately put these things aside. Then, he clenched his fists and put them atop his lap to help himself calm down.

Breathe in. Breathe out.

Then, another thought came down to his head. “E ano naman kung nakadisenyo iyong damit na iyon para kay Ridge? What? Gusto ko ba talaga ng sales o gusto ko lang ipahiya ang sarili ko?”

Of course, Lyle needed his brand to sell and possibly rocket!

As Lyle felt his burning passion returning to him and his logic coming back, more negative thoughts washed his determination aside. Imbes tuloy na biglang magkaapoy ang mga mata niya tulad ng mga nasa anime, bumagsak pa ang mga balikat niya bago siya napahilamos ng mukha’t napahalumbaba sa mesa niya.

His mind was surprisingly silent for a minute and Lyle thought that it was better off like that. So, he blew a trill and shook his head.

‘Coffee,’ he thought to himself. Lyle knew he needed coffee to calm himself down a bit.

Nang makapagdesisyon si Lyle na kailangan lang talaga niya ng kape, itutulak na sana niya ang sarili patayo mula sa kinauupuan para makapag-order ulit nang mayroong maglapag ng iced coffee sa table niya.

And he, of course, was surprised.

The sudden appearance of that iced coffee took Lyle aback. His eyes slightly widened and danced in confusion, his lips protruding as he held back the urge to tilt his head. Not so long after, Lyle slowly raised his head and in front of him stood a pretty waitress staring at him.

“Miss… Hindi pa ako nag-oorder,” kalauna’y aniya nang sa wakas ay makabalik na sa huwisyo at ma-sink in na ang mga kaganapan.

Sa palagay ni Lyle, may gusto ang waitress na ito sa kanya kaya nito inilapag ang iced coffee sa table niya at ganito tumitig—tipong nahanap nito ang lalaking gusto nitong pakasalan. But sorry to say, Lyle was gay— he liked men .

Pero bukod sa pagiging delusyonal ni Lyle, hindi pa rin naman niya iniekis sa listahan ng mga dahilan kung bakit may iced coffee siya na baka may na-wrong order. Pero pwede ring ibang tao ang nagpapaabot ng iced coffee sa kanya.

Who knows?!

Ngumiti ang waitress na nakatayo sa table ni Lyle. “It’s in the house po! Nagbibigay po talaga kami ng free iced coffee sa mga regular customer namin from time to time.”

Pinasadahan ni Lyle ng mabilis na tingin ang iced coffee na nasa lamesa niya. Damn. It was his favorite too.

“Ganito ba talaga kapag regular customer?” pag-uusisa ni Lyle.

“Opo.” Tipid na tumango ang waitress bago ito tila ba mayroong ituro sa counter kaya sinundan din ni Lyle ng tingin kung ano iyon. “Kung may inquiries po kayo, pupwede po kayong pumunta sa counter kasi nandoon po iyong boss namin.”

‘Bakit ganito ang sagot nito?’ taas-kilay niyang tanong sa isip pero hindi na isinabosea pa iyon. ‘Ang weird na mayroong nagbibigay ngayon ng libreng iced coffee samantalang wala naman akong nakikitang nakakatanggap ng ganito noon.’

Once Lyle’s eyes landed on the counter, his attention was immediately snatched by a tall and seemingly handsome guy with glasses on the counter. Inaabot nito ang plastic ng mga milktea sa customer nito at malawak ang pagkakangiti. Halos maningkit pa nga ang mga mata ng binatang iyon nang pasalamatan ito e, kumaway pa roon sa customer—and Lyle thought that he felt something tingly when he saw that guy.

Medyo malabo ang mata niya, nearsighted din siya, pero base sa porma ng lalaking nandoon, hindi ito isa lamang sa mga kahera o nag-aasikasong crew sa kitchen. He looked different. Imposibleng manager din ang binata dahil kilala naman niya ang manager dito.

“Iyon pong nakasalamin iyong boss namin,” dagdag ng waitress na nasa harap ng table niya pero hindi na ito pinansin pa ni Lyle. Mas nakapokus siya sa binatang nasa likod ng counter.

Pati iyong pag-alis ng waitress, hindi na napansin ni Lyle.

He looks cute —was Lyle’s initial impression.

Kaso natapos ang pag-oobserba niya sa binata nang magtama ang mga mata nila. Hindi alam ni Lyle kung siya ba talaga ang nakatamaan nito ng tingin pero bigla na lamang tumalon ang binatang iyon sa gulat at nagtago sa likod ng counter.

Lyle, of course, was surprised. Narinig niyang may mga tumawa na cashier sa counter pero ang susunod na lamang na alam ni Lyle ay sumilip pa ito mula sa counter pero nang makitang nakatingin pa rin siya ay tumayo, nag-alis ng apron, at may pinuntahang kwarto tapos hindi na ito nakita pa ni Lyle.

‘Ano ‘yon?’ tanong niya sa sarili. ‘Ako ba… Ako ba iyong

nakatamaan

niya ng tingin?’

Lyle looked around the café and didn’t see anyone who was looking at the counter, the other customers were too busy with their lives. Pero siya ba talaga ang nakasalubong noon ng tingin?

Lyle had doubts. But either way, he would let it go since he received a free iced coffee and saw a cute guy from the counter.

‘It’s fine,’ pangungumbinsi pa ni Lyle sa sarili habang sumisimsim sa iced coffee niya at pasimpleng tumatango . ‘He’s cute but definitely not my type. But I’ll thank him next time.’

ㅤㅤㅤㅤSOMEHOW, after receiving a free iced coffee from his favorite café, Lyle seemed to have gathered the courage to finally write an e-mail to Ridge’s manager. Sa totoo lang, hindi umaasa si Lyle na makatatanggap siya ng sagot lalo na’t halos tatlong araw na ang lumilipas pero wala pa rin siyang nari-receive ni hi o ho mula sa manager ni Ridge.

Gradually, Lyle lost hope. Naghahanda na nga siyang maghanap ng ibang modelo na pupwedeng pumalit kay Ridge kahit labag sa loob niya hanggang sa isang umaga… Nakatanggap na siya ng reply.

to: evangelista.wade9@gmail.com

Hello! I hope this email finds you well. I am Lyle Villariza, owner of a newly-built fashion brand named Primivere and I am writing to you in relation to the upcoming Manila Fashion Gala this July.

As a new fashion brand located and originating here in the Philippines, I would like to ask for your assistance and would like to request Ridge Gonzales to be one of our brand’s models. This is to raise our success rate and promote our local brand.

In regards to the package that we could offer, all relevant information could be found in this link.

We are hoping to hear from you!

Sincerely, Lyle Villariza

from: evangelista.wade9@gmail.com

Hi! We are so glad to receive an invitation from Primivere to represent your brand for the upcoming Manila Fashion Gala.

We have already reviewed the offer and after careful consideration, we are accepting your offer! Ridge Gonzales would gladly be a part of your crew.

However, we would also like further information about the schedule and when we can meet with you so our model could fit Primivere’s masterpieces? We would also like to request the theme for this event so that we could represent your brand better!

We are looking forward to working with you.

Kind regards, Wade Evangelista

Kung posible lang na mahulog ang panga ni Lyle sa sahig noong mabasa niya ang reply ng manager ni Ridge sa kanya, baka ganoon na ang nangyari. But it was impossible, yet Lyle still had his mouth gaping. Pakiramdam niya, tumigil ang oras at sandali siyang nabingi.

Hindi niya maiproseso ang reply na natanggap niya.

They approved. They agreed. Ridge would be one of his models for the upcoming fashion gala!

Nang unti-unting mag-sink in ang ideya, hindi napigilan ni Lyle ang dalhin ang kamay sa dibdib, pinapakiramdaman kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Then, he took a deep breath. At noong sa wakas ay kaya na niya, mabilis na itinulak ni Lyle ang sarili mula sa kinauupuan at saka siya nagsimulang magsisisigaw.

His office was not the best at accommodating loud noises so his employees immediately heard him screeching, and when they did, they all immediately knocked on his door with panic evident from the way how quick and loud the knocks were.

“Sir Lyle! Sir Lyle! May problema po ba?!” dinig niyang tanong ng isa sa mga empleyado niya.

Noong marinig ang boses ng mga ito, natigilan si Lyle at saka lang siya napakalma. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa pagsisisigaw pero masisisi ba siya kung abot-langit ang saya niya?

“Wa—walang problema!” pagtanggi niya. Matapos iyon ay tila ba may light bulb na lumitaw sa ibabaw ng ulo niya at dali-dali siyang tumakbo papunta sa pinto at pinagbuksan ang mga empleyado.

They were all lined up there, standing and worried.

“Sir Lyle?” tawag sa kanya ng isa sa mga ito noong mapansing abot-tenga ang ngiti ni Lyle.

Hindi tuloy napigilan ni Lyle ang matawa. “I have good news! You all know Ridge Gonzales, right? The famous model?”

“Oo, Sir. ‘Di ba ilang beses din natin siyang nakatrabaho dati noong nasa Paris pa tayo?” paniniguro ni Kaleb.

Lyle nodded. “Yes, him! He will be one of our models for the upcoming fashion gala! I just received a reply from his manager!”

Nang ianunsyo ni Lyle ang magandang balita, malawak ding ngumiti ang mga empleyado niya’t tumili sa tuwa. Kesyo gwapo raw si Ridge at kailangang makita, na makikilala na raw sa wakas ang brand nila dahil nahakot nila si Ridge, at kung anu-ano pang hindi na nai-sink in ni Lyle sa isipan dahil maging siya e nalunod na rin sa sariling kasiyahan.

God, Lyle loves Ridge so much!

Damn… He would treat him best during the gala!

If Lyle could, he would even give Ridge the entire world to him during that time!

Lyle would not disappoint him!

ㅤㅤㅤㅤTODAY HAS to be the best day ever—that was what Lyle thought as he arranged his papers and put them to the side. Halos katatapos lang niya sa pagsi-settle ng schedule niya’t mga sketches na tinapos. Nag-inat si Lyle para kahit paano ay mabawasan ang stress niya sa katawan nang mapaisip siya kung anong oras na.

Once he was done stretching his arms, Lyle looked at his wristwatch. Nang makitang oras na pala para mag-lunch ay tumayo si Lyle mula sa kinauupuan.

“It’s time to go to that café again,” bulong niya sa sarili bago niya pinagpag ang suot.

Habang iniisip ni Lyle kung ano ang o-order-in niya sa araw na ito, nabigla siya nang biglang lumitaw sa isipan niya ang imahe noong binatang nakita niya noong isang araw. Iyong nagpaabot ng iced coffee sa kanya at biglang nagtago nang magtama ang mga mata nila.

Sa totoo lang, hindi pa rin alam ni Lyle kung siya ba talaga ang nakatamaan noon ng tingin e.

But he was cute. Matangkad at mukhang foreigner. He looked young to be a business owner but Lyle couldn’t really speak against it since he’s also young himself, and already owns a small fashion brand.

“He isn’t that weird,” Lyle added while he walked to the door of his office and tilted his head, thinking about the far image of the guy from the café. “He seems nice. Harmless. Oh, and he’s pretty.”

Definitely could pass as a model with his height and also, Lyle could bet that underneath his polo shirt was a nice body frame (Lyle definitely did not check him out, it was just reasonable for him!). Hindi lang talaga ma-gets ni Lyle kung anong kinatakutan noon.

Noong saktong nabuksan ni Lyle ang pinto ng opisina niya, natigilan siya nang makitang nakatayo roon si Kaleb, isa sa mga empleyado niya, na tila ba kakatok din. Pareho silang nagkatitigan na dalawa hanggang sa basagin ni Lyle ang awkward na katahimikan.

“Anong ginagawa mo riyan? May problema na naman ba sa mga natahi ng mga kasama natin?” pag-uusisa ni Lyle.

Kaleb awkwardly smiled before he shook his head. “Tatawagin na sana kita para mag-lunch, Sir Lyle. Kanina ka pa ‘di lumalabas ng opisina mo matapos mo ianunsyo na makakatrabaho natin si Ridge, e.”

“Oh… Na-busy lang ako sa trabaho. May mga tinapos akong designs tapos merong mga papeles na inasikaso.”

Mainly, iyong pinapasumite ng lokal na gobyerno. Siya pa rin ang nag-aasikaso dahil nahihiya siyang humingi ng tulong sa mga kasama at saka may oras naman siya, e.

“Ganoon ba. ‘Wag mo sabihing tinapos mo na agad lahat, Sir? Pati iyong mga requests na bibilhin iyong designs mo?”

Lyle let out a small chuckle. “Hindi pa naman ako nakarating sa mga iyon. Mamaya ko na aasikasuhin dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.” Then Lyle scratched his cheek. “Ikaw pala, Kaleb? Tapos ka na bang kumain? Sabay na tayo kung ‘di pa.”

Natuwa si Lyle nang tumango si Kaleb. “Iyon din, Sir. Aayain din sana kita mag-lunch dahil nakalimutan ko kaka-rush noong ibang disenyo na tinatahi.”

“Ayos naman na? Kung hindi pa, mamaya mo na i-check. Kumain na muna tayo.”

“Sige, Sir.”

Nang sa wakas ay magkaayaan na, pumayag na rin si Kaleb na sumama kay Lyle na kumain doon sa paboritong café ni Lyle. Ang balak sana nito, sa may tapsilogan sila kakain, pero dahil noong nakaraang nandoon din si Lyle e maraming customer, matagal na dumating ang order niya.

Ayaw naman niyang ulitin iyon. At kahit na pupwede namang lumagpas ng isang oras ang lunch niya dahil siya naman ang nagpapatakbo ng Primivere, ayaw niyang maging ignorante pagdating sa trabaho lalo na ngayong makakasama nila si Ridge sa darating na fashion gala. Kailangan na rin niyang personal na tignan ang mga damit na dinisenyo nila ng buong team.

“Mukhang masaya ka talaga ngayong araw na ‘to, Sir. Dahil ba iyan sa pagpayag ng manager ni Ridge na makipagtrabaho sa ‘tin?” nakangiting tanong ni Kaleb sa kanya.

Doon naputol ang mga iniisip ni Lyle at mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang kasama. Nang matagpuan itong pinagmamasdan pala siya, hindi niya naiwasan ang mahiya.

Hindi niya alam na inoobserbahan pala siya ni Kaleb.

Kalaunan, mahina siyang humimig. “Sino ba naman ang hindi sasaya kapag gano’n? Si Ridge Gonzales na ‘yon. Big name. Maraming pros lalo na’t kilala siya sa mundo ng fashion at pagmumodelo.”

Kasama sa pros noon ay magkakaroon ng oras si Lyle para makausap si Ridge, at makikita niya ito in action.

“Kung sa bagay. ‘Tsaka marami tayong maa-accumulate na interested buyers o possible collaborators ‘pag si Ridge talaga ang pinang-last show natin. Bibenta ang Primivere at makikilala,” pagsang-ayon naman ni Kaleb.

Marahan siyang tumango. “Hindi ba? Walang tapon. Mabuti na lang talaga’t ‘di pa ako nakapaghanap ng papalit kay Ridge.”

“Bakit, Sir? Nawalan ka ng pag-asa na makukuha natin siya para i-represent ang Primivere?”

“I can’t deny that.” Natigilan si Lyle nang mapansing may mga bato sa dadaanan niya at iniwasan ang mga iyon. “Pareho nating alam kung gaano kasikat si Ridge. He even works with the most famous brands outside the country. Isn’t it that he’s one of Dior’s models until his contract ended recently?”

“… Which means malaki rin ang bayad sa kanya.”

“That’s fine. Nag-allot na ako ng budget. ‘Tsaka hindi naman natin siya araw-araw na aarkilahin bilang modelo, ano.”

Kaleb chuckled. “Basta nag-prepare ka lang talaga ‘no, Sir?”

“Oo naman. We can’t lose the opportunity during the gala since it’s a huge local event.” Kaya nga all-out din si Lyle.

Sa pag-uusap nilang dalawa ni Kaleb, hindi niya napansing nasa harap na pala sila ng paborito niyang café. Kung hindi lang biglang hinablot ni Kaleb ang braso niya dahil lalagpas na siya, hindi pa niya mapapansin.

Natawa pa silang dalawa ng kasama hanggang sa makapasok na sa café. Tapos, nag-usap kung sino ang mag-oorder at maghahanap ng upuan.

Kaleb insisted that he would pay for their lunch, but Lyle refused and said that he would pay since he was in the mood. Ayun, wala tuloy nagawa si Kaleb kung hindi maghanap ng upuan. At hindi maiwasan ni Lyle na tawanan ito dahil tila ba nahihiya ito sa kanya.

Anyway…

“Mocha affogato and smoked fish for Kaleb,” he repeated while he lined up in the counter and looked at the menu in front of him. “And I’ll go for Peri-peri chicken burgers and perhaps… a coffee frappe?”

Noong makapagdesisyon na sa o-order-in, ilang beses na minemorya ni Lyle ang mga pagkaing para sa kanila ni Kaleb.

Until he noticed a familiar guy in front of the counter.

Medyo matagal na napatitig si Lyle sa lalaki hanggang sa wakas ay na-realize niya kung sino iyon.

Of course, how could Lyle forget?

It was the cute guy who gave him free iced coffee last time! The café owner himself!

Kabanata 2

KABANATA 2   

ㅤㅤㅤㅤHABANG NAKALINYA, hindi naiwasan ni Lyle na mapatitig sa binatang may-ari ng madalas niyang puntahan na café.

First of all, it was weird seeing him as a cashier since he totally looked out of place. Sa malayo palang kasi, mukha na itong amoy mabango’t yayamanin. Isa pa, kahit na gwapo naman ang ibang waiter o mga kahero sa café na ito, namumukod-tangi ang itsura ng lalaking ito.

How should Lyle put it? There should be a certain way on how one could describe looks, but Lyle couldn’t put his finger on the right adjective.

But he was handsome.

Noong matapos iyong babaeng sini-serve ng binata, umalis na ito at may panibagong customer na inasikaso. Iyong nasa harap mismo ni Lyle na ang nag-oorder sa mga oras na ito at habang tahimik na naghihintay sa isang tabi, hindi maiwasan ni Lyle na pagmasdan at panoorin ang binata.

This guy got some dimples when he’s smiling. He looked really cute and charismatic.

Pero bakit ngayon nga lang pala niya nakita ang isang ito? Matagal na siyang customer ng café pero ngayon lamang niya nakita ang may-ari. Or was it because he had never paid attention to the people in the café and had always appreciated the ambience more or prioritized his work more? He couldn’t tell.

Lyle continued staring at him for God knows how long until he remembered something. Pasasalamatan nga pala niya ito roon sa iced coffee na natanggap niya nitong nakaraan!

Hindi nagtagal, natapos na mag-order ang nasa harap ni Lyle at siya na  ang mag-oorder. Kaya lang, hindi siya kaagad napansin ng binata dahil mayroon itong kinuha saglit mula sa ilalim ng counter tapos may inabot na drink sa customer na nakaupo sa mga bar stool na nasa gilid ng counter.

“I—Ito na, Zach! Oo nga pala, utang ‘to, a? Buraot ka na,” natatawang anito sa lalaking kausap bago ito napailing. “Ikaw, ang lak—lakas mong mangutang. Parang wala kang tra—baho, a!”

Lyle tilted his head as he observed the man in front of him.

He stuttered a lot. May speech impediment ba ito? Not that Lyle cared since he still sounded like he could keep up with conversations. He was just concerned that someone might make fun of him because he couldn’t speak straight like others do.

Natigilan si Lyle sa pag-iisip nang marinig ang sagot ng kausap nito.

“Grabe ka naman! Kung umasta ka parang ‘di ako nagbabayad nang maayos, a. Nakalimutan ko lang naman wallet ko sa bahay. Uhaw na ‘ko!” anito tapos bumuntong hininga. “P’re, tomguts na rin nga pala ako. Wala ka bang extra riyan?”

The guy at the counter heaved a sigh. “Hi—Hindi ba may sa—rili ka namang restaurant? Ba’t ka—kasi ‘di ka kumain bago ka umalis?”

“P’re, hindi mo gets! Mas masarap kumain ‘pag ‘di ikaw iyong may-ari ng resto!” Ginaya nito iyong nausong sayaw noon ng it really hurts tapos ay tumawa ulit ito. “Pero seryoso nga, nagugutom na rin ako. Dali! Ang bagal kumilos, Gian!”

“A—aba! Ikaw na nga lang ‘tong magbi—business crash tapos nakuha mo pang magreklamo!” Inayos ng binata ang salamin ‘tsaka ito nagpakawala ng marahas na hangin. “O sige, basta ‘di ka magulo riyan… May aasikasuhin pa ‘ko! May—May customer ding kanina pa naghihintay di—dito, o. ‘Pag ikaw nanggulo, marami kaming saging na ibabaril sa—sa ‘yo.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Lyle nang sa wakas ay ma-acknowledge rin ang presensya niya rito. Pero sumayaw ang mga mata niya sa aliw nang marinig na saging ang ibabaril niya sa kausap nito. Hindi niya maiwasan na matawa dahil iba ang kahulugan noon sa kanya.

God. Why was he being dirty? Tanghaling tapat.

“Pa—Pasensya na po!” paghingi ng paumanhin ng binata nang sa wakas ay matapos na itong makipagkulitan sa kausap. “Hindi po namin sinasadyang mag-usap nang mata… matagal ng kaibigan ko. A—ano pong order niyo—”

Nagtatakang pinanood ni Lyle ang binata nang humarap ito sa kanya at tila ba unti-unting tinangay ng hangin ang boses nito at mga salita na dapat ay itatanong nito sa kanya. Pero mayroon ding napagtanto si Lyle habang magkaharap sila ng isang ito.

Napakagwapo naman pala talaga nito. Nakakahigit ng hininga.

‘Tsaka quick question lang. Hindi ba talaga ito modelo? Hindi siya magugulat kung biglang may waiter o waitress na lalapit sa kanya’t magmamalaki na modelo ang may-ari ng café na ito. Because this guy could certainly pass as one.

Kung siguro model scout si Lyle, baka ito ang isa sa mga pinakauna niyang na-scout na mag-model. … And he would like to kind of see him at his fashion galas one of these days to represent his brand.

He just looked so good, so soft, so kind! This guy’s face was pleasing in the eyes!

Matapos makipagtitigan sa binata, nabawi ni Lyle ang tindig at saka siya tumikhim para ngitian ito.

“Ayos lang,” Lyle replied, completely ignoring the fact that the guy in the counter still gawked at him, as he looked at the menu displayed. “Mocha affogato at coffee frappe nga for drinks. Tapos mag-oorder din ako ng smoked fish at peri-peri chicken burgers. Thank you.”

Nang ibalik ni Lyle ang mga mata sa binata, natagpuan niya itong tila ba naestatwa sa kinatatayuan lalo na noong matapos siyang magsalita. Something about it felt weird, but it was not off. Basta, naguguluhan niya tuloy na pinagmasdan ang binata at habang mas tumatagal na hindi ito gumagalaw, mas lalo siyang nag-aalala.

“Ayos ka lang ba?” Because Lyle was becoming certain that something was going on.

ㅤㅤㅤㅤGIAN GENUINELY did not expect this surprise, and now his mind is in chaos.

Halos katatapos lamang niyang makipag-usap noon sa kaibigang si Zachariel at matapos ng mga pinagsasabi nilang kalokohan, inasahan ni Gian na magiging smooth ang pagtulong niya sa counter.

He was just here because he had already finished his paperwork. Na-check na rin niya ang mga delivery na halos kadarating lamang at nang maubusan siya ng gagawin, nag-volunteer siyang tutulong sandali sa café.

Gian often did this because Zachariel once advised him that it would be best if he interacted with his customers from time to time. He said that it would be good for the business. And it worked.

Dahil naging routine rin ni Gian na makipag-interact sa mga customer niya minsan, natural na lamang din na makikilala niya ang mga ito. Either by name or by their face.

And recently, one of the customers that he had been looking forward to see in his café was someone whom he had known since high school— Lyle

Villariza .

Lyle probably didn’t remember him, but Gian did. There was so much history between them but it was all one-sided.

It wasn’t romantic or anything but somehow, Gian had been acquainted to Lyle before. The guy just didn’t know.

Kaya siya nahihiya rito.

Kaya hindi makayanan ni Gian na kaharap niya ang binata ngayon.

Kaya wala siyang lakas ng loob na kausapin ito.

Pinapakiramdaman na lamang ni Gian ang mga tuhod niya’t alam niyang nangangatog ang mga iyon ngayon.

Damn him. But he’s awkward!

Gusto niyang bumalik sa opisina niya’t magkulong!

‘No, no, no! No! What is he doing here? Bakit nasa harap ko siya? Ba’t ‘di siya sa

linya

ni Mark

luminya

?! I—I don’t know what to do!’ aniya sa isipan.

Don’t get him wrong. Gian does not dislike Lyle.

He was actually very curious about him. Kaso umaatras din ang tapang niya sa katawan dahil mayroong kung anong nakakabighani sa binata at umaatras ang dila niya sa tuwing nasa paligid ito.

Pero kung sa bagay, mahiyain naman talaga si Gian. Ang baba na nga ng self-esteem niya, paano pa kaya ang socialization skills niya?

Kaso, nakakahiya nang para siyang estatwang nakatayo sa harap ni Lyle! At mukhang walang kahera ang may balak na pumalit sa kanya. In short, he was left alone in this dilemma!

‘Get yourself together, Gian!’ he told himself as he tried to steel himself to face Lyle. ‘Kukunin mo lang naman ang order niya. E ba’t kung

umasta

ako, para akong

mahihimatay

?!’

Hindi rin nakatulong sa kanya na dama niya ang mga titig mula sa iilang trabahador niya. Pakiramdam niya, sinasaksak siya ng mga ito.

Noong rumehistro kay Gian ang pag-aalala na unti-unting sumasalamin mula sa mga mata ni Lyle, roon siya mabilis na nahimasmasan. Pero hindi pa rin siya nakakabawi kung kaya para siyang tangang inabot ang ballpen at maliit na memo kung saan nila isinusulat ang order ng mga customer.

“So—Sorry about that.” Ngayong nasa sarili na siya, mas nahihiya siya dahil napaka-unprofessional niya kanina. “A—Ano nga kasing order mo? Pasensya ka na, ‘di ko kasi na—narinig e.”

Dahil hindi kaagad sumagot si Lyle nang magdahilan siya, nagsimulang makaramdam ng kaba si Gian. Baka kung ano na kasi ang iniisip nito tungkol sa kanya at baka mag-reflect iyon sa performance ng café niya. Mas nahiya tuloy siya lalo.

Hindi rin niya alam kung anong itsura ng binata ngayon pero dama niyang pinagmamasdan pa rin siya nito. Mas lalo tuloy bumibilis ang tibok ng pusa niya.

At bakit parang hirap na hirap siya na magsulat?! Nanginginig ang mga kamay niya at nagpapawis! Parang dudulas iyong hawak niyang ballpen mula sa mga kamay niya. E hindi naman siya sobrang pasmado!

“Peri-peri chicken burger,” panimula ni Gian dahil bigla niyang naalala na may narinig siyang kaunti sa mga sinabi ni Lyle kanina. “Ta—tapos, mocha affogato?”

Lumunok si Gian nang mag-angat siya ng tingin at maabutan si Lyle na nakangiti sa kanya.

Tumango si Lyle. “Oo ‘yan nga. Tapos coffee frappe at smoked fish.”

“O—okay…” Gian replied, almost breathless. “Peri-peri chicken burger, mocha affogato, coffee frappe, and smoked—” Lumunok si Gian. “Smoked fish, ta—tama ba?”

“Oo, tama.”

Mabilis na isinulat ni Gian ang mga order nito sa memo, pero marahil dala ng sobrang kaba; dumulas ang hawak niyang ballpen sa notebook at aksidente siyang nag-drawing ng mahabang linya!

Natigilan ulit siya at naestatwa mula sa kinakatayuan.

Hanggang sa… narinig niya ang malakas na pagtawa ni Zachariel mula sa kinauupuan nitong stall hindi kalayuan sa kanya.

“Tang ina, Gian! Nakakahiya kang panoorin!” anito sa pagitan ng pagtawa. “Iyong totoo, crush mo ba ‘yang kaharap mo?! Aliw, p’re!”

C—Crush?! Gian’s cheeks turned into a bright red as he faced Zachariel. Balak niya rin sanang dipensahan ang sarili pero dahil naalala niyang naghihintay pa si Lyle sa harap niya’t hindi pa ito nakakapagbayad, ito na muna ang inasikaso niya.

Zachariel also has a point. Damn it. Hindi naman niya crush si Lyle para umasta na ganito!

Kahit si Lyle, napatingin kay Zachariel pero hindi niya alam kung anong naging ekspresyon nito. Wala siyang lakas ng loob na tignan kung ano!

Gian lowered his head and tried to focus on something in front of the counter. Ilang beses siyang lumunok at pinipilit na iwasan ang mga mata ng binata.

“That… That would be four-hundred and seventeen pe—pesos,” mahinang aniya pero sapat para marinig ni Lyle kahit malakas tumawa si Zachariel sa gilid.

Lyle handed him a five-hundred peso bill. Dali-dali naman niya iyong sinuklian.

“Re—Ready na po ito within ten to fif—fifteen minutes. Paki—pakihintay na lang po iyong order. I—ihahatid na lang sa table niyo,” he immediately said and gave Lyle a number standee.

Mahinang tumawa ang binata. “Thank you.”

Naghahanda na siyang talikuran ito para at ibigay ang order nito sa mga kasama tapos… Magtatago siya sa opisina niya’t iti-text si Zachariel na pumunta roon dahil para siyang masisiraan ng bait na nandito ito at inasar pa siya!

Kaya lang, noong paalis na sana si Gian mula sa counter, natigilan siya noong tawagin siya ni Lyle.

“Oo nga pala!” Pukaw nito sa atensyon niya, dahilan para mapapiksi siya’t nag-aalangang humarap dito para tignan ang binata.

Halos matunaw siya nang mamula ang mga pisngi ni Lyle. Kaunti lang at hindi singhalata ng kanya pero naroon. Napahawak din ito aa batok bago ikinunot ang noo, ngunit sa kabila noon, may naglalaro pa ring ngiti sa mga labi nito.

“Maraming salamat nga pala sa libreng iced coffee nitong nakaraan,” sa wakas ay nasabi rin nito.

Gian’s eyes widened and his jaw dropped. When Lyle finally said his piece, Gian completely malfunctioned. Lalo na noong maramdaman niya ang mapanudyong titig sa kanya ni Zachariel.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin mula kay Lyle at lumunok. Hindi alam ni Gian saan siya huhugot ng lakas ng loob para sumagot, ang likot niya, hindi niya alam paano siya babawi ng tindig pero noong mabawi na niya ang sarili ay tumango muna siya bago ibinuka ang bibig.

“You—You’re welcome!” Gian’s eye twitched because he did not plan on shouting his reply, but he accidentally did.

Pero upang itago ang hiya e mabilis niyang inimporma ang mga kasama ukol sa order ni Lyle. Saka… nagtago tulad ng plano niya. Hindi nga lang sa opisina niya kung hindi sa locker room ng mga empleyado niya.

“Ha—Hala! A—anong nangyayari sa ‘kin?!” namamangha niyang tanong sa sarili nang maisara ang pinto ng locker room. Hawak-hawak din niya ang dibdib at pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya.

Gian was also surprised of how he was catching his breathe. Bakit para siyang tumakbo nang ilang kilometro?!

“O—Oo nga! Bakit ba ako ganito mag-react e ‘di naman kami close ni Lyle?!” Mas lalong hindi niya crush ang binata! Mali si Zachariel sa pamimintang nito!

Lunod na lunod siya sa kaiisip nang biglang may mag-trespass sa locker room nila na hindi imbitadong bisita.

And who else would it be if not Zachariel?

“Gian!” malakas at aliw na tawag sa kanya ng barkada. Hinanap siya nito saglit ngunit nang makita, mabilis nitong tinakpan ang bibig, nagpeke ng pagsinghap, bago tuluyang napahagalpak ng tawa.

Samantalang si Gian, nakangiwi lamang na pinanood ito.

Gusto niya biglang i-tape ang bibig ni Zachariel. Pakiramdam kasi ni Gian, kakalat sa barkada nila ang mga nangyari ngayong araw na ito e. Kainis.

ㅤㅤㅤㅤEVER SINCE Lyle’s encounter with that weird but adorable café owner, he realized that he couldn’t get him off his mind. Mixed emotions si Lyle sa binata. Oo, gwapo ito at cute kung umakto, pero nawiwirduhan din siya na palagi na lamang itong nagtatago sa kanya.

Nang makumpirma ni Lyle na siya ang dahilan kung bakit ito nagtatago, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman e. He was conflicted, and Lyle could say that his feelings are valid because he didn’t do anything to that guy.

Sayang lang at cute pa naman ito.

Gusto pa naman sanang makipagkilala ni Lyle. No malice intended. Gusto lang niyang makipagkaibigan.

After all, isn’t it unfair that Lyle knows his name but he does not know Lyle’s? At oo, nakuha niya ang pangalan ng binata nang minsan iyong banggitin ng isa pang pamilyar na mukha. Hindi lang niya maalala kung sino ba iyong kaibigan na iyon ni Gian.

Oh, yes. Gian . His name was Gian.

For some reason, Lyle thought that suited him a lot.

Matapos isipin si Gian, hindi naiwasan ni Lyle ang mapabuntong hininga. Napatanto niyang masyado na siyang distracted at sa pagkakaalala niya, busy siya kanina, hindi lang niya maalala kung para saan.

When Lyle took a deep breath and looked around, the dim environment and busy atmosphere immediately reminded him that today was the fashion gala. Ang bilis na napatayo ni Lyle nang tuwid dahil naalala niya na bago siya higitin ng imahinasyon, abala nga pala siyang chini-check ang mga kasama niya!

‘Oh, shit! Nakalimutan ko!’ he screamed in his head as he almost face palmed in reality.

Magsisimula na sana si Lyle na hanapin ang mga kasama at ang mga modelo na magrirepresenta ng Primivere nang matigilan siya dahil mayroon siyang napansin na taong papalapit sa kanya.

Lyle paused and turned around, thinking that it might be one of his crews or some of the models that needed assistance over their clothes. But when Lyle’s eyes landed on Ridge’s nearing figure, his breathing almost hitched and his heart almost jumped—and blank.

His mind went blank.

Ridge seemed to notice that Lyle was taken aback and amidst the dim environment, Lyle could still distinguish the small smile that curved across Ridge’s lips.

“Ayos ka lang ba, Villariza?” Ridge asked.

Muntik mapatalon mula sa kinatatayuan si Lyle noong marinig ang boses ni Ridge. Tila ba nanindig ang mga balahibo niya at hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang rumehistro sa kanya na kinakausap siya ng binata.

It… This was a life-long dream!

Oo, nakausap na ni Lyle si Ridge noon at muntik pa siya nitong hindi makilala pero iba kasi ngayon. Ridge was aware of his existence now!

Nang makabawi siya, ibinuka niya ang bibig para sana sagutin din si Ridge nang hindi sinasadyang bumaba ang tingin niya sa katawan nito.

Nagulantang siya nang makitang halos hubad si Ridge at tanging boxers lamang ang suot nito.

It would be a lie to say if Lyle did not almost hyperventilate at the scene.

Hindi siya handa! Ni hindi pa nga siya nakababawi talaga mula sa pagkausap sa kanya ni Ridge kanina e!

But damn. Lyle couldn’t help it but to glance over Ridge’s body and intoxicate himself with how well-built the male’s figure was.

Ridge was kind of slim, but he had all the muscles on the right places.

Lyle couldn’t help it but to gulp when he took a short glimpse on Ridge’s torso… and abdomen, gradually losing himself through his wild imagination as he thought of how it sould feel to have the man of his dreams dominate him.

“Lyle,” muling tawag sa kanya ni Ridge na mabilis ding humila sa kanya pabalik sa huwisyo. “Lyle, are you feeling alright?”

Nang marinig ang nag-aalalang boses ni Ridge, roon pa lamang nahimasmasan si Lyle. Mabilis siyang tumayo nang tuwid at napaiwas ng tingin mula rito bago tumikhim para makasagot.

Then, Lyle let out a nervous chuckle. “Oo naman, ayos lang ako.” Tinakpan niya ang kalahati ng mukha para itagi ang pamumula ng mga pisngi kahit sigurado siya na hindi iyon makikita ni Ridge dahil madilim ang paligid. “Bakit ka pala… nandito? May kailangan ka ba?”

Ridge hummed. “Ah, yes. I was trying to look for you because I wanted to talk.”

“Yes?”

“Gusto ko lang magpasalamat dahil inimbita mo ako na maging modelo para sa brand mo,” Ridge began before his smile grew wider, his eyes almost narrowed at the same time. “I was actually waiting if you’d invite me since I heard that you would be attending the fashion gala. I almost gave it up too because it seemed like you weren’t planning on asking me to model for your company.”

Napanganga si Lyle. Nang malamang hinihintay pala ni Ridge ang email niya, parang gustong sumabog ng dibdib niya sa tuwa.

“No—no! Ako nga dapat ang magpasalamat sa ‘yo at sa kumpanya mo dahil tinanggap ninyo iyong alok ko, e! I know that my offer wasn’t that good and you have received better opportunities, but I’m glad to know that you were also waiting for me,” nahihiyang sagot niya.

Hindi sigurado si Lyle kung may saysay ba ang sinabi niya pero pasimple siyang nag-cross fingers sa likod niya, umaasang naintindihan ni Ridge ang gusto niyang sabihin.

“Your offer was more than enough. ‘Tsaka, wala rin naman talaga akong plano kunin iyong mga naunang offer na natanggap ko dahil umaasa akong mag-eemail ka.” Ridge shrugged. “We’ve known each other since high school and as much as possible, I would like to help you in any way that I can.”

“Ta—talaga?” nauutal niyang paniniguro.

“Oo naman.” Ridge nodded but right after he said that, the man suddenly sneezed.

Nang suminghot si Ridge at tila ba may punasang sipon, doon pa lamang din naalala ni Lyle na wala pa ring suot ang binata.

“Oo nga pala,” Lyle carefully began as he tried to look at Ridge’s body again, forcing himself to never think of anything malicious. “Kanina pa kita gustong tanungin kung bakit ka nakahubad…”

Ridge sneezed again. “You should have asked that first, actually. Iyan din dahilan ba’t ako lumapit sa ‘yo, e.”

“What?”

“Kanina ko pa sana gustong magbihis kaso biglang nagkagulo iyong mga mag-a-assist sa ‘kin,” sumbong ni Ridge bago nito niyakap ang sarili. “The clothes are fine, by the way. It was still there, hanging. Just… I couldn’t wear it because they were fighting over something I was too lazy to understand.”

Halos mahulog ang panga ni Lyle nang marinig ang mga sinabi ni Ridge.

At ano na namang sumapi sa mga empleyado niya para mag-away?! This was a crucial and important event for Primivere!

Kabanata 3

KABANATA 3 

ㅤㅤㅤㅤNOONG MARINIG ni Lyle na kaya hindi pa rin nabibihisan ng mga empleyado si Ridge, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sa kaloob-looban ni Lyle, natataranta siya dahil ang daming implications ang pupwedeng mangyari lalo na’t si Ridge pa naman ang pang-finale ng Primivere!

Gusto niyang magalit—kaso ayaw naman niyang magalit ngayon lalo na at nasa harap niya si Ridge.

“Anong pinagkakaguluhan nila?”

Hindi sinasadya ni Lyle na medyo mapalakas ang boses niya pero hindi niya naiwasan dahil kung anu-ano ang ginagawa ng mga empleyado niya.

Noon namang mapansin ni Ridge ang pag-iiba ng ihip ng hangin sa paligid ni Lyle, bahagyang namilog ang mga mata nito.

“Hey, don’t be mad. Hindi ko alam kung ano… ‘Di ko narinig.”

“Hi—hindi ako galit.”

“It’s fine if you were, though. Importante itong event na ito, ‘di ba? Come on, we could go there so that you could ask your employees. Nandito lang naman talaga ako para sabihing na-disorient sila kanina. I wasn’t sure why.”

Siguro may mahika ang boses ni Ridge dahil noong marinig ni Lyle kung gaano kalumanay ang boses ng binata, awtomatiko rin ang pagkalma niya.

He could think straight now, and Lyle could actually come up with reasons why his crew was unable to assist Ridge right away.

“They were being unprofessional,” Lyle said with a hint of embarrassment in his voice. “Pasensya ka na Ridge, mukhang natuwa sila nang makita ka. You’re a celebrity, after all.”

“I am?” tila ba gulat na tanong ng binata bago ito umiling. “I’m not.”

Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Nagkatitigan din sina Ridge at Lyle hanggang sa sandali na naman siyang ma-distract.

The place was dim but Lyle could see Ridge’s features clearly. He looks too great to be human. In fact, Ridge should be a prince. With that silky jet-black hair, long lashes, beauteous brown eyes, tall nose, luscious lips, sharp jaw, and refined body? He should be the epitome of being princely!

Idagdag pa ang ugali nito!

“Anyway, ayos lang ba kung ikaw na lang ang mag-assist sa ‘kin?” Ridge soon said to break the silence that was growing between them. “Ayoko na sa kanila dahil ang ingay nila kanina. ‘Tsaka… Tutal ikaw ang designer, it would be of great honor if you would assist me, no?”

Parang batang napatanga si Lyle sa harapan ni Ridge pero mabilis din niyang nabawi ang tindig.

Despite having the opportunity to assist Ridge again, this was not really a good time to space out. After all, it was almost Primivere’s turn to impress everyone… if he has to act quickly, then so be it.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Ridge. Kumunot din ang noo niya bago nginitian ang binata.

“Diyan ka lang Ridge, kukunin ko lang iyong damit.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis niyang hinanap ang mga assistant na siyang dapat na tutulong kay Ridge sa pagbibihis.

Hindi sapat na dahilan na panghuli si Ridge sa mga modelo niya para bigla na lang magkagulo ang mga ito. Tumatakbo ang oras at kung madi-delay pa nang kaunti ang pagbibihis ni Ridge, posibleng makulelat ang Primivere sa event na ito. Hindi rin afford ni Lyle na magpahuli o pumalya lalo na’t hindi naman siya ganoon na-nurture ng dati niyang boss.

With that, Lyle made a mental note to scold his employees. Hindi porket sikat at gwapo si Ridge ay magiging dahilan na iyon upang mawala ang mga ito sa pokus. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari ngayon.

Bago pa man makarating doon sa kinaroroonan ng mga assistant si Lyle, natanaw na niya si Kaleb na abalang sinisermunan ang mga ito. Porket ang bilis daw na nawala ng isip ng mga ito sa orihinal nilang agenda at nauubos na ang oras lalo na at nawala na rin si Ridge, tapos nakuha pang magtalo ng mga ito.

Lyle heaved a sigh of relief. It was good that he brought someone reliable.

Noong makalapit sa mga ito, pinasalamatan kaagad ni Lyle si Kaleb bago niya ipinaliwanag na kausap niya si Ridge at naroon siya para kunin ang damit na dapat ay isusuot ng modelo. Lyle also didn’t forget to remind his employees that he would talk to them after the event, then he went back to Ridge.

“Ah… These clothes are comfortable. I want to sleep wearing this. The fabric feels nice to the skin,” Ridge commented as he felt the fabric against his skin before he heaved a yawn “Para akong nakasuot ng pajama… Kama na lang ang kulang.”

Bumilis ang pintig ng puso ni Lyle nang marinig ang sinabi ni Ridge. He felt his heart leap, felt warm and fuzzy on the inside as he silently watched the model feel comfortable with the clothes that he was wearing. Ang saya-saya niya.

Mahinang tumawa si Lyle. “Ridge, ‘wag kang matulog habang rumarampa.”

Nakangiti siyang nilingon ng binata bago ito tumango. “H’wag kang mag-alala, ‘di naman ako natutulog ‘pag oras ng trabaho.”

“Pero nagtatago ka? Naalala ko noon sa Paris, noong una kitang nakatrabaho, kailangan ka pa naming hanapin ng manager mo dahil tumakas ka.”

Actually, Lyle was surprised that he didn’t suspect Ridge to be escaping from the scene today.

Siguro dahil lumapit ito sa kanya at tila problemado naman talaga kanina. Or maybe he trusted Ridge too much that he didn’t think that he would hide again.

“Nagbagong buhay na ‘ko. Napilitan.” Parang batang ngumuso si Ridge bago ito nagpamulsa. “Sinumbong ako ng mga kasama ko kay Zamiel, nasermonan ako. And the last thing that I wanted to do is to listen to Zamiel nagging. Hindi kasi siya tumitigil hangga’t ‘di ako nagtatanda. So I stopped being naughty during work.”

Fuck. Necessary bang isama sa usapan si Zamiel—ang boyfriend ni Ridge—kahit hindi naman tungkol dito ang usapan?

Hindi alam ni Lyle kung ano ang magiging reaksyon niya noong banggitin ng binata ang kasintahan nito. Parang gusto niya biglang mabingi. Ang sikip din ng dibdib niya kaya pasimple siyang napahawak doon.

Wala siyang masabi. Natameme siya’t tila ba nalunok niya ang dila.

Hindi siguro napansin ni Ridge pero bumagsak ang mga balikat ni Lyle. Hindi niya maiwasang madismaya dahil nag-eenjoy na nga siyang kasama niya ang binata pero isiningit nito ang pangalan ni Zamiel.

Not that Lyle could stop Ridge from talking about his boyfriend. Boyfriend niya iyon, e. Side character lang naman si Lyle sa buhay ni Ridge.

Hindi rin ito aware na may gusto siya rito—but it was not Ridge’s responsibility to know or avoid talking about Zamiel whenever he was around because Lyle knew where he was at in Ridge’s life.

Nakakalungkot lang na nasira ang mood niya. Ayaw niya ring puriin—ayaw niyang magkomento nang tungkol sa relasyon ni Ridge dahil alam niyang hindi henuwino ang mga salitang lalabas sa bibig niya.

Mabuti na lang at tinawag na ang mga modelo ng Primivere na pumila. At that moment, Lyle thanked the Heavens for saving his lonely ass.

Nakahinga nang maluwang si Lyle dahil sa wakas ay mada-divert ang atensyon niya sa ibang bagay at makakapag-isip isip siya kapag wala na si Ridge.

“Tinatawag na kami.” Tinapik ni Ridge ang balikat niya bago ito lumapit sa kanya, dahilan para mahigit ang hininga niya, at bumulong, “I swear that I’m not disappointing you here.”

Iyong pagkadismaya at lungkot na naramdaman ni Lyle, para bang bulang bigla na lang naglaho. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman! Kung matutuwa ba siya, mapapanatag, o mas malulungkot dahil pakiramdam niya ay mixed signal si Ridge kahit hindi naman.

Nang lumayo si Ridge sa kanya, pinilit niyang ngitian ang binata. “Inaasahan ko ‘yang hindi mo pagtulog sa kalagitnaan ng pagrampa.”

Napahalakhak si Ridge. “Don’t be absurd. Ayokong mapahiya ang Primivere. Isn’t this your brand’s debut? Trust me, you’d get a lot of sales after this event.”

“I know. I trust you.”

Nang humalakhak si Ridge at noong talikuran na siya nito, pinanood ni Lyle ng tingin ang likuran nitong unti-unting nilulukob ng liwanag mula sa stage habang lumilinya ito kasama ang iba pang modelo.

And as Ridge disappears from his sight, he felt a tight clutch on his heart.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lyle.

Right . His conversation earlier with Ridge was a huge slap from reality, an eye-opener.

Halos malimutan ni Lyle na wala nga pala siyang pag-asa sa binata.

ㅤㅤㅤㅤ“ARE YOU okay, Sir Lyle?”

Natigilan si Lyle noong marinig ang boses ni Kaleb mula sa likuran niya. He did not notice that the man was following him as he went back with the whole crew, probably because he was too occupied to notice his surroundings.

Nang hindi ipinagpatuloy ni Lyle kaagad ang paglalakad, kinuha iyong oportunidad ni Kaleb para lumapit sa kanya. Noong nasa tabi na niya ito, ‘tsaka pa lamang nahimasmasan si Lyle at nagsimulang maglakad ulit nang mapansing minuwestrahan siya ni Kaleb na naghihintay na ang mga kasama nila.

“Did something happen?” Kaleb sounded genuinely worried.

But yes, something did happen.

Muntik na kasing makalimutan ni Lyle na extra lang siya sa istorya ni Ridge. He almost had his hopes up because he was able to interact with Ridge and his crush was the one to strike a conversation between them.

Kung hindi lang talaga dinala ni Ridge ang pangalan ni Zamiel sa usapan nila, baka nadala na siya sa pantasya niya.

Lyle let out a low hum. “Wala naman. Pagod lang ako siguro lalo na’t ang tagal nating pinaghandaan ‘tong fashion gala na ‘to.” Then he stretched both of his arms and blew a trill. “Concerned lang din ako sa mga kasama natin. Not that I am trying to say that they almost ruined the show but… They almost did.”

Hindi lingid sa kaalaman ni Lyle ang matamang pagtitig ni Kaleb sa kanya. Alam niyang hindi naniniwala ang binata sa pagdadahilan niya pero dahil hindi rin naman nito alam na may gusto siya kay Ridge, hahayaan niya ang binata kung saan lilipad ang isipan nito.

Fortunately, Kaleb didn’t pry about his problems anymore and decided to let him go by agreeing to what he just mentioned.

“Mabuti rin at napansin kong nagtatalo sila’t nagpa-panic.” Kaleb heaved a sigh as he shook his head. “They were being irresponsible earlier. Kung ‘di lang nila napansin na nawawala na si Ridge, baka ‘di na talaga sila kumilos kanina.”

Imbes na sumagot ay ngumiti lamang si Lyle at mahinang humimig. He was not in the mood to engage in long conversations right now since his heart felt heavy, he felt weary .

Mabuti na lamang at pagkatapos niyang i-acknowledge si Kaleb ay hindi na rin nagsalita ang binata kaya na-enjoy ni Lyle ang panandaliang katahimikan.

Hindi nagtagal, nakarating sina Lyle at Kaleb sa lugar kung saan naka-stand by ang crew nila. Nagkukumpulan ang mga ito sa maliit na telebisyong naka-display sa isa sa mga pillar at panay ang pagchi-cheer sa mga modelo nila. Ang iba pa nga ay pabirong nagsisikuhan dahil maganda raw ang performance ng Primivere.

Lyle paused for a moment, unsure of how to react or feel. He did want to feel proud and confident but his mind drifted, until Kaleb pulled him back from his little world.

“Advance congratulations pala sa ‘tin, Sir Lyle,” anito bago nito tinapik ang balikat niya.

Nagugulugang napatingin si Lyle sa binata pero hindi niya rin naiwasan ang mapangiti sa bati nito. “Bakit naman?”

“Base kasi sa reaksyon ng mga kasama natin, mukhang Primivere ang magdu-dominate sa fashion gala na ‘to e.”

“Siguro… But we can’t say for sure.”

Magaganda rin naman ang designs ng ibang local brand na kasabayan nila—iyon ang nasa isip ni Lyle.

Perhaps, Lyle sounded so down and lonely that it made Kaleb feel conflicted.

Syempre, hindi napansin ni Lyle ang pagkatigil ng binata dahil mas focused siya sa kaiisip kung paano siya aakto mamaya kapag natapos na ang unang round ng runway nina Ridge.

He would be damned . Lyle knew he wouldn’t be able to look into Ridge’s eyes without remembering how Ridge casually brought his boyfriend’s name earlier in the conversation.

“Sir Lyle,” muling tawag ni Kaleb sa kanya na siyang dahilan para mag-angat siya ng tingin sa binata.

Nang magtama ang mga mata nila, ‘tsaka niya napansing minumuwestrahan siya nitong tumingin sa maliit na telebisyon na malapit sa kanila kaya napatingin din siya roon.

“Malapit na iyong turn ni Sir Ridge,” kalauna’y dagdag ni Kaleb.

Oh. Oh . Lyle was unsure of what to feel, but a huge part of him urged him to watch Ridge because he was simply smitten—still in love although he was hurt.

“O—Oo nga pala!” medyo panicked niyang tugon bago siya nagmamadaling lumapit sa telebisyon at nakinood kasama ng crew niya.

Bago pa man makalapit sina Lyle at Kaleb sa isa sa mga telebisyong naka-display sa backstage, mahina na lamang na natawa si Lyle nang mapansing nagkukumpulan doon ang karamihan ng mga empleyado niya.

Hindi naman iyon problema dahil marami talagang umiidolo sa mga modelong naimbita sa programang ito, maraming kilalang pangalan ang dumalo, kaya normal lamang na ganyan ang reaksyon ng mga ito.

Mabuti na lamang at kahit nagkukumpulan ang mga empleyado ni Lyle sa may telebisyon, nang mapansing lumapit siya sa mga ito e binigyan siya ng espasyo ng mga empleyado niya nang maayos na makita ang nagaganap sa labas.

Most of them even complimented him, but Lyle’s attention was easily snatched by Ridge who had just shown up on the screen.

Halos mabingi si Lyle noong marinig ang tilian ng mga empleyado niya, ang kilig ng mga ito, pati na rin ang pagsuporta. Ngunit si Lyle, halos malunod lamang sa panonood sa binata na maglakad sa entablado.

In every movement Ridge made, Lyle was captivated. He was beyond speechless and his heart fluttered in happiness as his mind carved this event in him, making sure that he’d forever remember that Ridge once wore the clothes he designed.

Lyle clenched his fists and his lips tugged upwards.

He’s so happy right now, words would never be enough to describe how he felt.

ㅤㅤㅤㅤNOONG MATAPOS ANG unang round ng fashion show, mabilis na kumilos ang mga empleyado ni Lyle para asikasuhin ang mga modelo nila.

Pati na rin siya na personal na ina-assist si Ridge sa pagbibihis. Kahit medyo hirap siyang mag-focus dahil ang bilis niyang ma-distract sa katawan ng binata at tila ba nakukuryente siya sa t’wing aksidenteng maglalandas ang mga daliri niya sa balat nito.

In the middle of silence, pressure, and the urgency that Lyle felt during the entire time, he was taken aback when Ridge cleared his throat.

Noong hanapin niya ang mga mata nito, kaagad na nagtama ang mga tingin nila ngunit hindi kinaya ni Lyle na mag-maintain ng eye contact kaya mabilis din siyang nag-iwas ng tingin.

Pero syempre, kahit na ganoo’y hindi pa rin nagmintis sa kanya na tila ba mayroong bumabagabag sa binata.

“May iniisip ka ba?” tanong niya, bagamat nag-aalangan e tinapangan pa rin niya ang pagtatanong.

Ridge seemed to not tear his gaze away from him. Halos maghabol na ng hininga si Lyle dahil natataranta siya’t napi-pressure na hindi pa rin inaalis ni Ridge ang mga mata nito sa kanya.

“There’s just something that I’ve been thinking about…” Ridge trailed off after what seemed like forever.

Humimig si Lyle at pinasadahan ng tingin ang binata. “Care to share?”

“Have you ever been into a relationship, Lyle?”

Isusuot sana ni Lyle kay Ridge ang coat na katerno ng suot nito ngayon ngunit natigilan siya’t muntik mahulog ang piraso ng damit na iyon dahil sa pagkagulat sa tanong ng binata. Mabuti na lamang at mabilis niyang nabawi ang tindig at mabilis ding kumilos si Ridge para saluhin ang kabilang dulo ng coat kaya hindi iyon nahulog nang tuluyan sa sahig.

Then, Lyle began to cough. Uncontrollably. Dramatically —before he stared at Ridge incredulously, as if he said something absurd.

“Anong klaseng tanong ‘yan?!” he asked back.

Tinaasan siya ng isang kilay ni Ridge bago nito isinuot ang coat. “You make it sound like I asked something absurd when it’s nowhere near stupid.”

“Hindi nga… Pero nakakabigla. Dapat nagpasintabi ka muna o siguro, trigger warning?”

“Ba’t kailangan mo ng trigger warning?”

Imbes na sumagot ay nanatiling tahimik si Lyle. Alangan naman kasing sabihin niya kay Ridge na para maihanda niya ang puso niya dahil hindi niya inaasahang magiging interesado pala ito sa lovelife niya?

Alangan namang sabihin ni Lyle na dahil kinakabahan siya sa tanong nito? Basta, ang dami niyang dahilan para makuha ang trigger warning sa ganoong klase ng tanong kung galing kay Ridge!

“A—anyway,” Lyle stammered as he brought a hand to his mouth and cleared his throat. “Ba’t mo nga ulit naitanong?”

Mataman siyang pinagmasdan ni Ridge bago ito nagkibit balikat. “Wala, curious lang ako kung pa’no tumakbo iyong relasyon ng iba… At kung pareho lang ba ng sa ‘min ni Zamiel.”

Lyle pressed his lips together. Shit. He called it. Ibi-bring up na naman ni Ridge ang pangalan ng kasintahan nito.

Kung sa bagay, ano pa nga ba ang aasahan niya? Pero hindi talaga gusto ni Lyle na parang laging isinasampal sa kanya ng binata na tama na ang pagiging delusyonal niya para rito.

“Well…” Lyle trailed off before he crossed his arms and avoided Ridge’s gaze. “Oo naman. I’ve been into relationships before—”

“Anong pakiramdam?” putol ni Ridge sa kanya bago pa man niya matapos ang pagsasalita.

Napapitlag si Lyle nang putulin ni Ridge ang sinasabi niya kasabay ng panlalaki ng mga mata niya.

Then, he sweat dropped. Why was Ridge curious about these things?

“Bakit mo naitanong? May nangyari ba sa inyo ng boyfriend mo? Nag-away ba kayong dalawa?” he asked, genuinely concerned.

Umiling si Ridge. “No. I’m just curious, that’s all. Aware kasi akong iba-iba ang takbo ng relasyon ng ibang tao. Ang dami ko ring nakikitang sweet na magjowa sa social media tapos ‘yong sa amin ni Zamiel… unique.”

“Um, e ano naman kung unique iyong sa inyo? ‘Wag mo sabihing balak mo na makipag-break sa kanya dahil doon?”

Ridge snorted. “Of course not.”

Then, Ridge looked away and stared into something far. Hindi alam ni Lyle kung saan dahil madilim ang paligid pero gusto niyang mag-assume na sa kawalan nakatitig ang binata.

Then, in a small voice, Ridge added, “gusto ko lang i-improve iyong relasyon namin ni Zamiel kaya tatanungin sana kita ng tips kung paano.”

Ah. Ah . Napalunok si Lyle ar napahawak sa isang braso niya. He silently hoped that Ridge didn’t notice how his shoulders fell the second he heard what he said.

This day really gave him a lot of mixed emotions, huh.

“Pasensya ka na… Mukhang wala rin akong maibibigay na tip sa ‘yo. Kasi ‘di ko naman alam pa’no ‘yang relasyon niyo, baka ‘pag may sinabi ako, masira lang kayong dalawa,” he said in a small voice.

Although Lyle seemed not to want to help Ridge, it also felt like Ridge appreciated his response.

Nagpakawala ng marahas na hininga ang binata at tumango. “You’re right. Thanks for that, Lyle. I’ll try to figure things out on my own.”

“No problem… Good luck.” Sorry, Ridge.

Ayaw talagang tumulong ni Lyle dahil nasasaktan siya. Papasaan ba kung ipipilit niya ang pagtulong kung para bang madudurog din ang puso niya? Magiging half-assed lang ang advice na maibibigay niya sa binata at ayaw niya iyon. Ayaw niyang magpakaplastik kaya mas mainam na umiwas.

Yeah. Mas mainam na umiwas kahit na tila para siyang gamu-gamo na laging naaakit sa liwanag ni Ridge.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.