Love Trap (COMPLETED) Published by PHR
Marthacecilia Phr · 32 chapters · 31,710 words
1
ILANG araw nang malakas ang hangin at umuulan-ulan dahil may nagbabantang bagyo. Ang mga hanging plants na ilang araw na rin namang napaulanan sa labas ay muling ibinabalik ni Serena sa pagkakasabit sa itaas na rehas ng bintana sa sala.
"Alam mo bang nangako si Robert na uuwi siya, Serena?" wika ni Lola Emilia, nakabakas sa tinig ang matinding pag-asam at galak.
"Paano ho ninyong nalaman? Tumawag ho ba siya sa inyo?" Nilingon niya ito at nakita niya ang pagliliwanag sa mukha ng matandang babae.
"Tatlong araw na ang nakalipas, hija. Hustong nakaalis ka na nang tumawag ang apo ko..." sagot nito. "Kung nagkataong narito ka pa'y tiyak na napakausap ko si Robb sa iyo." Nasisiyahang ngumiti ito at tinitigan siya.
Tumalikod si Serena upang hindi nito makita ang pagkadismaya sa mukha niya. Hindi miminsang ipinahiwatig ng matandang babae na sana'y magkaroon ng pagkakataong magkakilala sila ng apo nito.
"Sa wakas," patuloy nito, bahagyang inuga-uga ang silyang tumbatumba, "bago man lang ako mamatay ay magkikita kaming muli ng apo kong iyon."
Bumaba siya mula sa tinutuntungang silya. "Hindi pa kayo mamamatay, Lola Emilia. Bakit ba lagi ninyong sinasabi iyan?" May halong pagsaway sa tinig niya. Gayon man ay hindi maalis kay Serena ang mag-alala. Matanda na si Lola Emilia, pitumpu't tatlong taong gulang.
Kung dati-rati'y dalawang beses lang sa isang linggo kung dumating siya sa bahay nito, nitong nakalipas na anim na buwan ay ginagawa na niyang apat na beses ngayon. Lumalala ang arthritis nito at paminsan-minsan ay malimit niya itong nakikitang tila hapong-hapo at kinakapos ng hininga. Subalit sa tuwi naman niyang tatanungin kung ano ang dinaramdam nito ay sinasabing napagod lang. At mariing tumatanggi kapag niyayaya niyang magpatingin sa doktor.
"Kailan daw po?"
"Hindi niya sinabi. Pero ayon sa apo ko'y sa pinakamaagang panahon na maaari." Tumayo ito mula sa silyang tumbatumba. Lumakad patungo sa bintana at tumanaw sa labas, tila may binabalikang masasayang alaala. "Alam ko namang napakaabala ng apo kong iyon."
Abala sa pakikipag-date sa kung sino-sinong American movie actress, sabi niya sa sarili. Hindi niya kilala ang apo nito, ni hindi pa niya nakikita nang personal. Pero hindi niya maalis ang hindi magandang opinyon niya kay Robb Orlando kung ang pag-uusapan ay ang kaunting nalalaman niya rito.
Una niyang nakilala si Lola Emilia nang minsang magtungo ito sa shop niya sa Puerto Princesa may tatlong taon na ang nakalipas. Bumibili ito ng imported na pambabaeng magazine. Pagkatapos ay buong pagmamalaking itinuro nito sa kanya ang larawan ng isang lalaki sa pahina sa loob. Ayon dito'y apo nito iyon. At sa caption na nabasa niya ay isa itong sumisikat na Fil-Am writer.
Bukod sa balbas-sarado ito ay may patch pa ito sa isang mata na tila pirata. Napapailing siya nang lihim. Ang ginagawa nga naman ng ilang tao upang makuha ang atensiyon ng publiko.
Gayunma'y magiliw niyang nginitian ang matandang babae bagaman hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. Dahil Orlando ang apelyido ni Lola Emilia, sa isip nito'y kamag-anak nito ang nobelista.
Nalaman din niyang hindi naman gaanong kalayuan sa bahay niya ang bahay nito sa Sta. Fe. Wala pang kinse minutos sa sasakyan niya ay naroon na siya. Naging suki niya ito na bumibili ng magazine na may artikulo at larawan ni Robert Orlando, o Robb sa publiko—na sa bawat pagkakataon ay nauugnay sa ilang Amerikanang aktres. Ang pagkikilalang iyon ay nauwi sa pagiging magkaibigan.
At nang minsang lumipas ang isang buwan na hindi niya ito nakita sa shop niya ay minabuti niyang puntahan si Lola Emilia sa tinitirhan nito. Natunton niya ang bahay ng matanda sa pagtatanong-tanong. May-kalayuan sa mga kapitbahay ang tinitirhan nito. Isang lumang bungalow na may dalawang silid.
Gayon na lamang ang gulat at tuwa ng matanda nang mapagbuksan siya ng pinto. Ayon dito'y sinusumpong ito ng arthritis kung kaya hindi ito nakakatungo sa kabayanan. Iyon ang simula ng pagtungo niya sa bahay nito. Inaasikaso niya ang mga pangangailangan, binibilhan ng gamot kapag may dinaramdam, at kung minsan ay ipinagluluto.
Sa paglipas ng mga araw, ang relasyon nila'y lumalim pa kaysa sa pagiging magkaibigan. Napalapit nang husto ang loob niya rito at ito naman sa kanya. Dahil ulila na rin naman siya, si Lola Emilia ang naging pamilya niya.
At ang pagdududa niyang apong totoo ng matanda ang isang sumisikat na Pilipinong manunulat sa ibang bansa ay naglaho nang ipahiram nito sa kanya ang unang aklat na isinulat ni Robb Orlando at mabasa niya sa unang pahina ang dedikasyon ng manunulat: To my beloved grandmother, Emilia Orlando.
Humalili sa pagdududa ay ang pagkainis. Dahil sa nakalipas na tatlong taon ay nakita niyang namuhay mag-isa ang matandang babae. Maliban sa pagtawag sa telepono minsan sa isang linggo ay hindi umuwi sa Pilipinas si Robb Orlando.
"Hindi mo gusto ang apo ko, ano?" pukaw ni Lola Emilia sa pag-iisip niya. "Kung wariin ko'y tila may ginawang hindi mabuti sa iyo si Robb. Hindi nakakaila sa akin ang disgusto sa mukha mo sa tuwi ko siyang babanggitin, hija."
Napabuntong-hininga siya. "Wala po akong karapatang mainis sa kanya, Lola Emilia."
Muli itong bumalik sa rocking chair. Sumandal at inuga-uga iyon nang marahan. "Naikuwento ko na sa iyong dalawang beses sa isang taon kung umuwi rito sa Palawan si Robb magmula nang mamatay ang mama niya. Ginagawa niya iyon nang regular gaano man siya kaabala," wika nito, nasa tono ang depensa para sa apo sa akusasyong nasa tinig niya.
"Nananatili siya rito sa Sta. Fe sa loob ng isa hanggang dalawang buwan at may pagkakataong inaabot siya ng tatlong buwan dahil hindi niya ako gustong iwan. Gusto ng apo kong isama ako sa 'Merika. Pero ayoko roon. At nang mangyari ang pagdukot na iyon sa kanya..." Nagdilim ang mukha ng matandang babae nang lingunin ito ni Serena. Tulad ng dati, kapag nababanggit ang tungkol sa pagdukot kay Robb ay nakikita niya ang galit sa mga mata nito.
"Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko na muling nakita ang aking apo," patuloy nito, ngayon ay bumahid ang matinding lungkot sa tinig. "Pero naiintindihan ko iyon. Hindi miminsang inasam kong sana'y nasa tabi niya ako at damayan siya sa nangyari sa kanya. Pero malayo ang Amerika... hindi ako sanay magbiyahe. Takot akong sumakay sa eroplano..."
Ang ama ni Robb, si Rodolfo Orlando, ay anak ni Lola Emilia at nagkaasawa ng isang Amerikanang turista na nakatagpo nito sa isa sa mga kilalang resort sa Palawan. Subalit nang mamatay ang anak ni Lola Emilia, tuluyan nang umuwi sa Amerika ang manugang kasama ang doce anyos na si Robb.
Hindi man sabihin, natiyak ni Serena na iyon ang pinakamalungkot na sandali sa buhay ng matandang babae. Gayunman, hindi naman naputol ang ugnayan ng maglola dahil dumadalaw naman sa Pilipinas pana-panahon ang manugang kasama ang apo na nang magbinata ay mas dumalas ang pag-uwi sa Pilipinas.
Isang geodetic engineer si Robb sa isang kilalang kompanya sa Amerika. Nakadestino ito sa Indonesia nang madukot ng mga rebelde may apat na taong mahigit na ang nakalipas. Pagkatapos ay dinala sa kabundukan. Kahit nang magbigay ng ransom ang kompanyang pinagtatrabahuhan nito ay binalak pa rin itong patayin ng mga rebelde.
Subalit isang gabi ay tinulungan ito ng isang babaeng kasamahan ng mga bandido para makatakas. Naisakay sa isang motorboat subalit tinugis din ng mga bandido. Nakatalon ito sa tubig bago sumabog ang motorboat. At kung wala ang mga nagpapatrolyang sasakyang-pandagat ng mga militar ay malamang na tuluyang napahamak si Robb Orlando.
Ayon sa libro nitong nabasa niya ay dalawang buwang semi-comatose sa ospital si Robb. Tinamaan ito ng kung anong debris mula sa sumabog na motorboat.
Walong buwan matapos itong makalaya ay isinulat ni Robb ang karanasang iyon sa tulong na rin ng isang propesyonal na nobelista. Naging international best seller ang aklat at pinag-usapan ng marami, lalo na ng mga Pilipino. Binili ng Universal Studio ang karapatang maisapelikula ang aklat nito. At nitong nakalipas lang na taon ay ipinalabas iyon sa buong mundo.
Napilitan siyang samahan si Lola Emilia na panoorin ang pelikula sa Puerto Princesa. Nasindak siya sa napanood niya dahil hindi lang naman si Robb ang biktima ng mga kidnapping na kasama sa pelikula. Pero naisip niyang talagang ganoon ang sine, pinalalabis upang masiyahan ang mga manonood.
Ang libro ni Robb Orlando ay sinundan pa ng dalawa, sa pagkakataong iyon ay fiction na tumatalakay sa mga rebelde, karahasan, at espionage. Milyong kopya ang nailathala nang mga libro. At mula rin noon ay nalimutan nitong may isa itong abuela sa Pilipinas na naghihintay ng pagdalaw at pagbabalik nito.
Sa paningin ni Serena ay nalunod sa katanyagan at salapi si Robb. Totoong hindi nito nalilimutan ang abuela kung pinansiyal ang pag-uusapan. Malimit itong magpadala ng kung ano-anong bagay. Tulad halimbawa ng malaking television na pumuno sa munting sala ni Lola Emilia. O ng isang microwave oven na nanatili na lang sa kahon dahil hindi naman kabisadong gamitin ng matanda. At kung ano-ano pang mga bagay na nabibili ng salapi.
"Pupunta nga pala ako sa aplaya bukas..." Pag-iiba niya sa usapan at binitbit ang silya pabalik sa dining room. "Pagkatapos ng malakas na hangin at ulan ay marami na namang napapadpad niyan sa dalampasigan. Sinabi ko ba sa inyong dinalhan ako ni Alfred ng order mula sa ibang tourist shops para sa dalawang dosenang shell chime?"
"Aba, mabuti kung ganoon," bulalas ng matanda. Lihim siyang napailing sa kasunod nitong sinabi dahil hindi niya tuluyang nailihis ang paborito nitong topic. "Mabait si Robb ko, Serena. Huwag ka sanang mag-isip ng hindi mabuti tungkol sa kanya."
"Hindi naman po sa ganoon, Lola Emilia..." aniya. "Naisip ko lang na kayo na lang ang pamilya niya, pero bakit parang hindi niya kayo iniintindi," sa wakas ay nasabi niya ang nasa dibdib.
"Tumatawag sa telepono si Robb at nagpapadala ng salaping kailangan ko—"
"Pero hindi naman salapi ang pinakamahalaga!"
Isang nakakaunawang buntong-hininga ang ginawa nito. "Alam ko kung gaano siya kaabala pagkatapos ng nangyari sa kanya sa Indonesia. Isa pa'y iniisip ni Robb na may kasama ako ritong binabayaran para alagaan ako, hija. Pero hindi ko gustong may ibang tao dito sa bahay. Lalong hindi ko gusto ang walang ginagawa dahil lalo lang akong magkakasakit..."
Tinitigan siya nito, kumislap ang mga mata. Masuyo at umaasam ang ngiting sumilay sa mga labi. "Pero ikaw, Serena, gusto kita... mahal kita tulad sa isang tunay na apo. Isa kang mabuti at disenteng babae. Mapalad ang lalaking mamahalin mo."
Masuyo siyang ngumiti. "Salamat po, Lola. Kayo man ay mahalaga sa akin. Para ko na rin kayong totoong lola."
"At sana'y magiging totoong lola nga, hija..."
Napakunot ang noo niya roon. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
Ikinibit nito ang butuhing mga balikat. "Lagi kitang ikinukuwento kay Robb..." Mahinang tumawa ito. "Minsan nga'y nahihimigan ko na ang iritasyon sa tinig niya. Sinasabi ko sa kanyang sana'y ang isang tulad mo ang mapapangasawa niya—"
"Lola!" bulalas niya, biglang pinamulahan ng pisngi.
Nakangiti pa rin ito at binale-wala ang naging reaksiyon niya. Itinaas ang magazine na nasa kandungan. "Nasilip mo na ba itong larawan ni Robb dito sa magazine na ipinadala niya sa koreo? Heto tingnan mo."
Inabot naman niya ang magazine upang pagbigyan ito. Isa iyong magazine na hindi dinadala ng shop niya. Niyuko niya ang larawang itinuturo ng matandang babae.
Black and white iyon. Gayunma'y wala iyong ipinagkaiba sa colored photos ni Robb Orlando sa ibang magazines. Balbas-sarado ito. Ni hindi nga niya madesisyunan kung magandang lalaki ito o hindi dahil tinatakpan ng balbas ang mukha. Sa tabi nito ay isang kilalang aktres at nakaabrisete rito.
Ibinalik niya kay Lola Emilia ang magazine.
"Magandang lalaki ang apo ko, ano?" nagmamalaking sabi nito. "Kamukha siya ng papa niya, si Rodolfo. Sana nga lang ay makatagpo si Robb ng isang matino, disenteng babae, na kakasamahin niya habang-buhay, tulad mo, Serena. Iyon ang malimit kong hilingin sa kanya sa tuwing nag-uusap kami."
Hindi niya pinansin ang pagtukoy nito sa kanya dahil hinding-hindi mangyayari iyon. Pero kung matino at disente ang inaasahan nitong makatagpo ng apo ay mabibigo ito. Paano mangyayari iyon gayong nakalinya ang panlasa ni Robb Orlando sa sexy, daring, at seductive na mga Amerikanang aktres?
"Kunsabagay, pagdating dito ni Robb ay sisikapin kong mahikayat siyang magtagal at nang magkakilala kayo nang husto..."
She almost rolled her eyes. Ang kahuli-hulihan niyang kailangan ay isang kinagigiliwang matandang nagsisikap maging matchmaker.
"Talagang umaasa kayong dadalawin kayo rito ni Robb?" nag-aalala niyang tanong. Hindi niya gustong umasa ito sa pagdating ng apo at pagkatapos ay mabigo.
"Natitiyak kong darating ang aking apo, Serena. Hindi niya iyon sasabihin sa akin kung hindi. Noong bata pa si Robb ay lagi niyang ginagawa anuman ang ipinangako niya. Ganoon ang mga lalaking Orlando... may palabra de honor."
Pero hindi na siya bata ngayon,sabi ng isip niya. Ayon kay Lola Emilia ay treinta y dos na si Robb. At hindi pa nito naranasang maging sentro ng atensiyon ng madla noon, di tulad ngayon...
Ang sumunod na sandali'y ginugol ni Lola Emilia sa pagkukuwento ng paborito nitong paksa—ang apo. Pinakikinggan ni Serena ang paulit-ulit na kuwentong iyon. At hindi marahil iisipin ng matanda na sa bawat paglipas ng mga araw, ang kuwento nitong iyon ang nagtatanim ng binhi ng galit kay Serena para kay Robb.
Sa edad nito ay labis na ang pagiging matampuhin nito, dapat ay isinasaalang-alang na ang emosyonal nitong pangangailangan. At nararamdaman niyang hindi iyon pinahahalagahan ni Robb Orlando.
Nang matapos ang pagkukuwento ni Lola Emilia ay nagpaalam na siya.
"Bakit hindi ka na lang dito maghapunan? May manok akong pinalalambot. Magtitinola ako. Halika't pagsaluhan natin."
"Sa ibang araw na, Lola. Nangako ako sa isang kabataan na bibigyan ko siya ng trabaho sa bahay. Tuturuan ko siyang gumawa ng door chime mula sa mga shell." Hinagkan niya ito sa noo at pagkatapos ay lumabas na ng bahay.
Humampas sa mukha niya ang hangin na may kasamang ambon. Napilitan siyang tiklupin ang payong niyang dala dahil nababaligtad. Nagsusungit ang panahon. Pero sanay na siya roon. Tatlong taon na siya sa Palawan at para sa kanya ay pagpapala ang dala ng bagyo.
Pagkatapos ng bagyo ay kung anu-ano ang tinatangay niyon sa dalampasigan. Mga bagay na pinakikinabangan niya sa tourist shop niya tulad ng driftwood, kabibe, hindi ordinaryong shell, at kung ano-ano pa. Nagagamit niya iyon bilang materyales sa handicrafts niya nang hindi siya namumuhunan. May puwesto siya sa isang kilalang hotel-resort sa Puerto Princesa. Dati iyong pag-aari ng tiyahin niya na nang mamatay ay minana niya.
Kapag panahon ng mga turista ay malakas ang trabaho niya at kumukuha pa siya ng ilang kabataan. Pero kapag ganitong off-season ay sapat lang ang nagagawa niya para dalhin sa ibang shop sa kalapit na resorts. At kapag off-season ay tuwing weekends lang siya nagbubukas ng shop dahil wala namang gaanong tao.
2
ALAS-DIYES na nang magtungo si Serena sa dalampasigan nang araw na iyon. Madilim pa rin ang kalangitan, malamig ang simoy ng hangin at malaki pa rin ang mga alon na humahampas sa buhanginan. Sa nakalipas na tatlong araw mula nang huli silang mag-usap ni Lola Emilia ay walang tigil ang buhos ng ulan.
Nagtungo siya sa bahagi ng dalampasigan na itinuturing niyang kanya dahil walang ibang pumupunta roon dahil mas malalim ang tubig at mabato at hindi angkop paliguan.
At tulad ng inaasahan niya ay kung anu-ano na naman ang napadpad sa buhanginan, kasama ng ilang piraso ng troso, nabaling sanga ng puno at iba pa.
Naglakad-lakad siya, alerto ang mga mata habang sinusuyod ang dalampasigan sa mga kakaibang kabibe at shells. Ilang sandali pa ay pinupulot na niya ang mga ito, kasama ang ilang di-kalakihang driftwood na itinabi niya sa tuyong bahagi ng buhangin. Ang mga shells at kabibe ay inilalagay niya sa dala niyang basket.
Malayo-layo na ang nalalakad niya at kalahati na rin naman ang laman ng basket niya nang may marinig siyang sumisiyap. Nag-angat siya ng paningin at nilinga ang paligid. Nagulat pa siya nang makita ang isang seagull na kakawag-kawag sa ibabaw ng isang bato na nasa gitna.
Hinubad niya ang sandalyas at lumusong sa tubig upang makita kung ano ang nangyari. Noon niya napuna ang isang pinong panaling tanso na pumulupot dito—na marahil ay kasama sa mga inanod dahil ang kabilang dulo niyon ay natatanaw niyang nakapaikot sa isang kahoy sa may tubig.
Marahil, sa panginginain ng ibon ay hindi sinasadyang pumulupot ang isang paa nito sa tanso at nang lumipad ay humigpit ang panaling tanso at napilitang bumaba sa ibabaw ng bato ang ibon.
Ang kahoy kung saan nakatali ang dulo ng tanso ay binabalya-balya ng malaking alon na kaya lang hindi nakalalayo ay nahaharang ng bato. Hindi magtatagal at tatangayin iyon ng alon at naiisip na niya ang mangyayari sa ibon.
Ibinaba niya ang hawak na basket at lumusong sa tubig para tulungan ang pobreng ibon. Tatlong dipa mula sa baybayin ang kinalalagyan ng bato na kung hindi malalim ang tubig ay malamang na nakausli lang iyon sa buhanginan. Malaki at malakas ang pagtaas-baba ng mga alon at bahagya rin siyang nakadama ng kaba pero hindi niya maaaring pabayaan na lang ang ibon.
Unti-unti siyang lumusong sa tubig patungo sa bato. Saka niya natantong napakalalim ng kinaroroonan ng bato dahil hanggang balikat na niya ang tubig. Maging siya ay tinatangay-tangay ng galaw ng alon at malamang na malulubog sa tubig kung hindi siya maagap na nakakapit sa bato.
Patuloy sa pagsiyap ang ibon at natuklasan niyang hindi ganoon kadaling tanggalin ang tali dahil humihigpit iyon sa paa ng ibon habang natatangay ng alon ang kahoy. Inabot niya ang tanso, ipinulupot sa kamay niya at sinikap patirin iyon. Pero bumaon lang sa palad niya ang tali at napadaing siya sa sakit.
Isang malaking alon ang natanaw niyang paparating. Nang abutin niya ang bato upang kumapit doon ay dumulas ang kamay niya. Ibinuwal siya ng alon at nabitiwan niya ang tanso paglubog niya sa tubig.
Buo ang isip, dali-dali siyang lumutang kasabay ng pag-ubo. Nakainom siya ng tubig-dagat. Matapos haplusin sa mukha niya ang tubig ay gayon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang papalapit naman sa kanya ang isang alon—at kasama niyon ang isang putol na troso na tiyak na ikapapahamak niya kung tatama sa kanya.
Sinikap niyang umiwas at lumangoy patungo sa bato upang ipananggalang iyon. Subalit parang kay bigat ng mga paa niya. Napapikit na lamang siya at itinaas ang mga kamay para salagin kahit paano ang dumarating na troso nang mula sa kung saan ay may humatak sa kanya at muli siyang nabuwal palubog sa tubig.
Muli ay nakainom siya ng tubig-dagat. Nagkakawag siya para makalutang. Naramdaman niyang may mga kamay na humahawak sa baywang niya at hinihila siya patungo sa mababaw na bahagi ng baybayin.
Hinahabol niya ang hininga nang pakawalan siya ng humahawak sa kanya. Nag-uubo siya nang makaahon, pagkatapos ay hinarap ang nagligtas sa kanya mula sa troso. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya nito.
"Nagpapakamatay ka ba?" Galit ang abuhing mga matang nakatunghay sa kanya. "Wala ka bang isip para lumusong sa dagat sa ganitong panahon?"
Mataas ang lalaki, ang basang sports shirt ay nakaplaster sa malalapad na balikat, the denims molded to lean thighs. His lips twisted in anger and disgust. Tumutulo ang tubig mula rito. At napuna niyang hindi nito nakuhang hubarin ang rubber shoes nang lumusong sa tubig.
Nagugulumihanang tinitigan ito ni Serena. "S-salamat," usal niya. Nananakit ang lalamunan niya sa tubig na nainom. Nanghahapdi ang mga mata sa tubig-dagat.
Nang marinig niyang muli ang humihina nang pagsiyap ng ibon ay agad na hinanap ito ng paningin niya. Wala na sa bato ang ibon at nasa kahoy na. Nahatak marahil ng alon ang kahoy na kinapupuluputan ng tanso. Kahit papaano ay malapit na sa dalampasigan ang kahoy at madali na niyang mapakakawalan ang ibon.
"You risked your life for that damn bird?" di-makapaniwalang bulalas ng lalaki.
Sa halip na sumagot ay pinuntahan niya ang ibon at hinila ang kahoy sa dalampasigan. Sinimulan niyang kalagin ang buhol sa binti ng ibon.
Mula sa likod niya'y nararamdaman niyang nakatitig sa kanya ang lalaki. Mestiso ito kung ang pagbabasehan ay ang abuhing mga mata nito. Isa marahil itong local tourist. O di kaya ay dayo o bakasyunista.
"Next time, tanggapin mo ang katotohanang minsan ay malupit ang kalikasan..." Kasabay ng tinig nito ang dagundong ng kulog sa di-kalayuan. May gumuhit ding kidlat at nagsimulang umalulong ang hangin.
"Hindi kalikasan ang bumuhol sa binti ng ibon," sagot niya. "Pamingwit ito ng tao." Nahihirapan siyang kalagin ang tali dahil nagkabuhul-buhol nang lalo sa pag-ikut-ikot ng ibon at ng kahoy.
"Ako na ang magkakalag niyan," wika nito at tumalungko sa tabi niya. His arm touched hers. May biglang init na dumaloy sa kalamnan niya at bigla niyang binawi ang braso.
Nilingon siya nito. Disgust in his eyes. "Ano ka ba, conservationist? Hindi naman endangered specie ang mga seagull, ah." Hindi siya sumagot, nakatitig lang sa sumisiyap na ibon. "Kailangang patirin ang tali..." Nagsalubong ang mga kilay nito sa iritasyon. Pagkatapos ay inikot ang tanso sa kahoy habang pigil ng kamay ang bahaging nakapulupot sa ibon. Pagkatapos ay hinatak-hatak nito iyon... tinatantiya. Then he pulled harder. The thin wire snapped.
Nakahinga siya nang maluwag. Mula roon ay madali na nitong natanggal sa pagkakabuhol ang paa ng ibon.
"Now, you're free," anas ng lalaki sa ibon at pinakawalan ito.
Sinundan nilang pareho ng tingin ang sa simula'y mabagal na paglipad nito. "Siguro nama'y maaari ka nang umuwi. Basang-basa ka na," wika ng lalaki habang nakatingala pa rin sa himpapawid.
She didn't fail to notice the American twang. Siguro nga'y turista, isang Fil-American. Ngayon na nawala ang atensiyon niya sa ibon ay natitigan niya ito nang husto. Magandang lalaki ito. Matangos ang ilong, malalim ang mga mata—na alam niyang abuhin.
He had sensual lips. Medyo pangahan at mangasul-ngasul ang paligid niyon na dinaanan ng pang-ahit. Napuna niya ang pilat sa kaliwang kilay nito patungo sa sentido. Dinaanan ng pilat ang dulong bahagi ng kilay at maaaring mas mahaba pa iyon at naitago lang ng buhok.
Sa may puno ng tainga pababa sa panga nito ay may dalawang pulgadang pilat. Dapat ay pinapangit ng mga pilat ang lalaki subalit hindi gayon ang kinalabasan. Hindi binawasan ng mga pilat ang atraksiyon nito. Sa halip ay pinagmukha lang niyong mapanganib at misteryoso ito. Tila isang maninila na handang sumalakay anumang sandali.
Ngayon lang niya ito nakita sa Sta. Fe, pero nakapagtatakang pamilyar sa kanya ito.
"Hindi ka tagarito," pahayag niya kaysa nagtatanong. "At hindi ako naniniwalang namamasyal ka sa ganitong panahon. Ano ang ginagawa mo rito?"
"Kung tutuusin ay ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan," sagot nito, amused. "Pag-aari ng abuela ko ang lupaing natatanaw mo at natural kasama na ang baybayin..."
Napakunot-noo siya. Alam niyang pribado ang beach na iyon pero hindi niya kilala kung sino ang may-ari.
"Sa banda roon..." patuloy ng lalaki at itinuro ang isang pakurbang landas sa kabila ng malalaking bato, "may kuweba roon. Alam mo ba iyon?"
Nalilitong umiling siya habang sinusundan ng tingin ang itinuturo nito. Sa mahigit tatlong taon niya sa Sta. Fe, hindi pa niya nararating ang lugar na tinuturo nito. Malalaki at matalim na ang mga bato sa bahaging iyon. Katunayan ay hindi pa niya nalilibot ang bahagi ng beach sa kabila ng mga malalaking bato.
"Doon ako dapat patungo," wika nito nang hindi siya magsalita. "Balak kong tingnan kung naroroon pa ang mga kayamanang itinago ko sa kuweba noong ako'y bata."
Lumalim ang kunot sa noo niya. "Kayamanan?"
"Mga lumang barya, apat na holen, goma, Superman comics." He laughed softly. "Mga kayamanan ng isang bata. Ibinaon ko sa buhangin ng yungib noong maliit pa ako at tinakpan ko ng malalaking bato..."
"Tagarito ka?" Paanong hindi niya ito nakatagpo sa nakalipas na mga panahon?
"I was born here. At bagaman malayo ang baybaying ito sa amin ay madalas akong maglaro dito noong bata pa ako."
Bigla ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Pero imposible dahil ayon dito'y pag-aari ng pamilya nito ang lupain. "A-ano ang pangalan mo?"
"My name's Robb... Robb Orlando."
HINDI agad nakakilos si Serena. Pilit niyang ikinokompara ang kaharap sa mga imaheng binuo niya sa isip tungkol dito.
Sa nakalipas na tatlong taon ay balbas-sarado ang Robb Orlando na nakikita niya sa mga pahina ng imported na babasahin. Bagaman ang patch sa mata nito'y wala na sa latest issue ng ilang magazine kung saan may artikulo at larawan nito.
Ang kaharap niya ngayon ay bagong ahit. Iyon ang dahilan kaya hindi niya ito namukhaan. Bukod pa sa bumata ito kaysa sa tunay na edad nang mawala ang balbas.
Gumuhit ang kuryusidad sa mga mata nito. "Pamilyar ba sa iyo ang pangalan ko?"
"K-kaibigan ko si Lola Emilia. Lagi ka niyang ikinukuwento sa akin. Nabanggit niyang darating ka pero..." Her voice trailed off. Sapilitang inamin niya sa sariling mali ang nabuong opinyon niya sa lalaking ito. "Hindi ko lang inaasahang darating ka kaagad. Kailan lang nabanggit ni Lola Emilia na uuwi ka at wala siyang tiniyak na araw..."
"Nakahanda na ang ticket ko para sa pag-uwi ng Pilipinas. Tinapos ko lang ang dapat tapusin," sagot nito.
"Magtatagal ka ba rito?"
"Hindi ko alam." Sinabayan nito ng pagkibit ng malalapad na balikat ang sagot. "Depende. Pero gusto kong magpahinga, magliwaliw, at balikan ang ilang lugar na kinalakhan ko. Tulad ng yungib na sinasabi ko."
Sa kabila ng sa ibang bansa ito lumaki at nagkaisip ay mahusay ang Tagalog nito bagaman sinisikap nitong alisin ang twang sa pagbigkas.
Hinubad nito ang pang-itaas na basa pa ring maituturing bagaman unti-unti na iyong natutuyo dala ng hangin. Nahantad sa paningin niya ang malapad nitong dibdib. May pinong balahibong nakalatag sa dibdib nito. Mabilis niyang inilayo ang paningin dito.
"Ikinalulungkot kong nabasa ka sa pagtulong mo sa akin..." Sa pagkakataong iyon ay bukal sa loob niya ang paumanhin.
"Nasa ilalim ako ng mga punong-niyog nang makita kitang lumusong. Nagulat ako sa ginawa mo. Hindi ko iniisip na sinasagip mo ang ibon dahil hindi ko naman iyon nakikita mula sa malayo. Ang nasa isip ko'y nagpapakamatay ka. What you did was dangerous."
"Hindi ko kayang lampasan na lang ang ibon. Maaari iyong mamatay..."
"And you didn't care for your own safety?" May bahagyang galit sa tinig nito nang sabihin iyon. Pagkuwa'y tinitigan siya nang husto sa nakakunot na noo. "You said you're a friend of my grandmother... Don't tell me you're little Serena? The beautiful, kind-hearted, and sensible young woman my grandmother keeps on telling me about?"
Ang ngiting nasisilip niya rito at ang tono ng tinig nito'y nanunuya. Umunat siya ng tayo at tinitigan ito nang tuwid.
"Ako si Serena Cheng..." Kasinlamig ng hanging humahampas sa kanila ang tinig niya. At siguro nga ay little siya sa paningin nito.
Ayon sa nabasa niyang artikulo rito ay may halos anim na talampakan ang taas nito. At sa nakikita niya ay bahagya nang umabot sa balikat nito ang ulo niya.
"Hello, Serena," wika nito at inilahad ang kamay na atubili niyang tinanggap. "I've finally met you." Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Cold hands, warm heart," he said amused.
"What?" nalilitong sabi niya.
He smiled. Lumitaw ang mapuputi at magagandang ngipin nito. Paanong nangyaring sa simpleng ngiting iyon ay tila gusto niyang maakit dito? Lihim niyang kinastigo ang sarili.
"It's an old adage... cold hands but warm heart. At kung ang pagbabasehan ko ay ang mga sinasabi ni Lola Emilia sa iyo, I believe you really have a warm heart."
Pahablot niyang binawi ang kamay mula rito. "Natural na malamig ang kamay ko dahil galing ako sa dagat at malamig ang panahon!" she snapped.
"Gusto nga pala kitang pasalamatan sa pag-aasikaso mo sa grandmother ko. Alam mo bang tuwang-tuwa si Lola sa tulong na ginagawa mo sa kanya?"
Hindi niya matiyak kung nang-uuyam ito. "Mas matutuwa si Lola Emilia kung ang tulong ay manggagaling sa sarili niyang dugo," maanghang niyang sabi.
"Oh, definitely. Pero hulog na hulog ang loob ni Lola sa iyo. You're an angel sent from above." A mocking smile appeared on his lips. At ang kasunod nitong sinabi ang nagpatiyak na tama ang hinala niyang nanunuya ito. "My grandmother is very old. Nag-iisip ka bang pamamanahan ka niya sa sandaling siya'y mamatay?"
Napasinghap si Serena. Tama ba ang narinig niya mula rito? "A-ano ang sinabi mo?"
"Hindi ka bingi, Serena, narinig mo ang sinabi ko."
Humugot siya ng malalim na hininga upang huwag iwala ang kahinahunan. "Ano ang ipamamana sa akin ni Lola Emilia, Mr. Orlando? Hindi ba at sa iyo lang nanggagaling ang ikinabubuhay niya?"
"Did you really believe that?" ganting tanong nito, umangat ang mga kilay.
"A-ano ang ibig mong sabihin?"
"Don't look so innocent, Serena," patuyang sabi nito at inikot ng tingin ang buong baybayin hanggang sa naaabot ng paningin nila. "Surely you know that my grandmother owns this place. It's more or less forty hectares of idle land and beaches..."
Muling napasinghap nang malakas si Serena. Wala siyang ideya sa sinasabi ng lalaking ito. Hindi niya kailanman naisip na ang matandang Orlando na nakatira sa isang lumang bungalow na wala namang mamahaling kasangkapan maliban sa ipinapadala ng lalaking ito, ay nagmamay-ari ng ganito kalawak na lupain.
"At sa sandaling maisip ni Lola Emilia na ipagbili ang bahagi ng lupain niya'y pag-aagawan iyon ng mga negosyante gaano man kataas ang halaga. This place is a tourist spot, my little Serena..." patuloy ito sa panunuya.
"I-I have no idea," she whispered.
"Did you expect me to believe that?"
Bumilang siya ng isa hanggang sampu upang kontrolin ang unti-unting umaahong galit sa dibdib niya. "Wala akong pakialam kung naniniwala ka o hindi, Mr. Orlando. Nang ibigay ko ang tulong ko kay Lola Emilia, iyon ay dahil itinuring ko na siyang sarili kong pamilya at walang kapalit na halaga iyon!"
Pagkasabi niyon ay nagpupuyos ang loob na tinalikuran niya ito. Nagmamadali ang mga hakbang niya para makalayo sa lugar na iyon.
3
HANGGANG sa paghiga niya nang gabing iyon ay hindi maalis sa isip ni Serena si Robb Orlando. Hindi siya makapaniwalang kinasuklaman niya ito sa unang araw pa lang ng pagkikilala nila.
Isa siyang mahinahong tao. Wala siyang natatan-daang tao na pumukaw ng galit niya maliban kay Robb Orlando. At aakalain ba niyang pagbibintangan siya nitong nagkakainteres sa kayamanan ni Lola Emilia? Kayamanang hanggang sa mga sandaling iyon ng pagtatagpo nila ay hindi niya alam!
Nakatulugan na niya ang inis niya rito. Kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang kinabukasang nakahanda na siya sa pagtungo niya sa shop sa Puerto Princesa ay panauhin niya ang lalaking laman ng isip niya ng sinundang gabi.
"Ano ang kailangan mo?" she asked icily.
Hindi na siya magtataka kung paano nitong nalaman kung saan siya nakatira. Ang lupang kinatitirikan ng bahay ng tiyahin niya ay halos nasa boundary na ng lupain ni Lola Emilia.
Ang singkit niyang mga mata ay lalo pang naningkit habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. At wala siyang pakialam kung obvious dito ang ginagawa niyang pagsuri.
Nakasuot ito ng asul na turtle-necked at long-sleeved sweatshirt na angkop naman sa napakalamig na klima ngayon sa Sta. Fe. Ang kupas nitong maong ay hapit at tila babaeng nakayakap sa mga binti nito. The wretched man, she was forced to admit, was oozing with sex appeal.
"What a transformation from the young woman I met yesterday!" mahinang bulalas nito na pumukaw sa pagsusuri niya.
Kunsabagay ay may katwiran namang mamangha ito. Kahapon ay wala siyang ipinagkaiba sa basang seagull na iniligtas nila. Subalit ngayon ay maayos na nakasuklay ang hanggang balikat niyang buhok. May polbo siya at coral lipstick—na siya nang kabuuan ng makeup niya. Ang suot niya'y dilaw na blusa at puting cotton pants at sandalyas.
Hindi marahil siya makapapangalahati man lang kung ihahambing sa mga babaeng napapaugnay rito sa ibang bansa pero hindi niya ikinahihiya ang sarili niya.
Maganda rin naman siya sa sarili niyang paraan. Ang ninuno niya sa bahagi ng ama ay Chinese. Bagaman ikawalong bahagi na lang ang dugong namana niya ay malakas iyon. Maputi siya at makinis. At bagaman nasa slim side siya ay may hugis ang katawan niya sa tamang lugar.
Edukada rin naman siya at mula sa mabuting pamilya. Pero natitiyak niyang hindi nito iniisip iyon. Sa paningin ng lalaking ito ay isa siyang babaeng nagmamagandang-loob sa abuela nito para sa sariling kapakinabangan.
"Ano ang kailangan mo, Mr. Orlando?" muling tanong niya sa tonong kasinlamig ng panahon.
"Hindi mo ba ako papapasukin?"
Magandang asal lamang ang nagtulak kay Serena para papasukin si Robb. Umatras siya mula sa harapan ng pinto upang makapasok ito. "Sampung minuto," she said haughtily. "Kaya kung ano man ang sadya mo'y sabihin mo na kaagad at kailangang nasa shop ako bago dumating ang ibang deliveries ko..." Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib.
Sinuri nito ng tingin ang bahay niya. Kung ihahambing sa bahay ni Lola Emilia, dalawang doble ang laki ng bahay na iyon na minana niya sa namayapang tiyahin. Dalawang palapag na moderno ang kayarian at may tatlong malalaking silid sa itaas. Ang silid niya na siyang dating silid ng tiyahin ay may sariling banyo.
Ang mga kasangkapan sa bahay na iyon ay de-klase at mamahalin. Katunayan, isa sa magagandang bahay na maituturing ang bahay niya sa bayang iyon.
Maalwan sa buhay ang tiyahin niya noong nabubuhay pa ito dahil bukod sa malakas namang kumita ang shop nito ay may dolyar pa itong pensiyon mula sa Amerika. Ang asawa ng tiyahin niya ay isang sundalong Amerikano na namatay sa digmaan sa Middle East.
Kaya naman sino ang mag-iisip na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Sta. Fe ang isang simpleng tulad ni Lola Emilia.
Sa loob ng tatlong taong nakilala niya ang matandang babae ay natanim na sa isip niyang ang ikinabubuhay nito ay ang mga ipinapadala rito ng apo.
"Seven minutes..." she reminded him.
Mula sa pagkakatitig sa mga kasangkapan niya'y humarap si Robb sa kanya. "I'm sorry about yesterday. Sinabi ni Lola na hindi mo alam ang tungkol sa mga lupaing pag-aari niya."
Humihingi ito ng paumanhin pero ni hindi niya mahimigan ang sinseridad sa tinig nito. "Siyempre, hindi mo siya pinaniniwalaan dahil iniisip mong maaari kong malaman iyon sa ibang tao."
Hindi nito kailangang aminin iyon. Lumatay sa mukha nito ang katotohanan ng sinabi niya. She rolled her eyes.
"Anyway, Serena," he said abruptly, "my opinion is of no importance. I came here this morning to ask your help."
Umangat ang mga kilay niya. "Ow. Ang isang tulad mo, hinihingi ang tulong ko? Hindi ka kaya mabilaukan?"
"You can quit the sarcasm. I really need your help."
Sandali niya itong tinitigan bago, "Saan?"
Dinampot nito ang isang knickknack sa shelf ng isang estante, tinitigan na parang interesado at pagkatapos ay muli ring ibinaba at hinarap siya.
"Isa lang ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas, Serena. Si Lola Emilia. Mahabang panahong hindi kami nagkita. Halos limang taon kung tutuusin..." He paused for a second. "Gusto ko siyang isama pabalik sa Amerika. Walang dahilan para manatili siya rito. Naroon ang trabaho ko at hindi ako mapapanatag kung narito siya."
"Really?" Puno ng pang-uyam ang tinig niya. "Hindi ba at sinabi mo lang na limang taon bago kayo muling nagkita? Bakit hindi mo siya dinalaw sa nakalipas na mga taon kung totoo iyang sinasabi mong hindi ka mapapanatag na malayo si Lola Emilia?"
Matalim ang tinging ipinukol ni Robb sa kanya, tumiim ang mga bagang. "I do not have to explain to you my circumstances, Serena. Ang sinasabi ko'y himukin mo si Lola Emilia na sumama sa akin pabalik sa America!"
"Hindi kaya maapektuhan ang lifestyle mo kung mag-aalaga ka ng isang matanda? Ano ba talaga ang tunay na dahilan at isasama mo siya?"
"Because she is my grandmother, damn it! She's my only family! Matitingnan ko siya roon kaysa rito!"
"At iniisip mong isang apartment sa New York, mas malaking color TV, mga maids, at iba pang kaalwanan sa buhay ang talagang kailangan ni Lola Emilia?" she said, angry with his superior attitude.
"At ano ang mungkahi mo?" Hindi ito nagtaas ng tinig, ngunit malinaw niyang narinig iyon.
"Ang ibigay mo sa kanya ang maliit na bahagi ng iyong sarili!" sabi niya sa mataas na tinig. "Ikaw ang kailangan niya, ang iyong pagmamahal at atensiyon. Hindi niya kailangan ng materyal na mga bagay na tulad ng mga ipinadadala mo sa kanya. Ikaw na rin ang maysabing masalapi ang abuela mo. She can buy anything she wants. But she doesn't need all those material things, Mr. Orlando! She needs you!" she cried passionately.
"Kaya naman dapat na kasama ko siya kung saan man ako naroroon," sagot nito. "Sa America ay maibibigay ko ang lahat ng atensiyong kailangan niya."
"Really?" Puno ng sarkasmo ang tinig niya. "O, baka naman hinahabol mo lang ang publicity na makukuha mo?" Biglang lumipad ang mga mata nito sa kanya. Ang babalang bumalatay roon ay dapat sanang nagpahinto sa kanya. But she was unstoppable.
"Maganda nga namang publisidad ang gagawin mo," patuloy niya. "'Isang kilalang writer, bumalik ng Pilipinas upang kupkupin ang matandang Lola.' Lalo kang sisikat, Mr. Orlando. Sayang at wala kang kasamang reporter para maisulat iyong pagliligtas mo sa akin at sa ibon kahapon..."
Biglang namatay ang tinig niya nang matantong lumabis na siya sa nararapat. Lalo at nakita niya ang pagdidilim ng mga mata nito, tulad sa isang kalangitang may namumuong bagyo.
Hindi ito tulad ng ibang lalaking nakilala niya. She cleared her throat. Bahagya siyang napaatras sa galit na nakikita niya sa mga mata nito.
"Wala kang karapatang akusahan ako nang ganyan, Serena. You know nothing about me... Nothing!" he said furiously. "Hindi dahil ginawan mo ng mabuti si Lola Emilia ay iniisip mo nang nakahihigit ang pagtingin mo sa kanya kaysa sa akin. Ang ginawa mo kay Lola Emilia ay ginawa mo dahil sa kung ano mang motibo mayroon ka. In actuality, my grandmother would survive without your help. Maaaring ikaw ang dahilan kung kaya hindi niya sinunod ang sinabi kong kumuha ng permanenteng makakasama!"
Napaatras siya ng isang hakbang. Nasindak sa galit na nasa mga mata nito. "T-that's a cruel thing to say..." pabulong niyang sabi. "Ginawa ko ang mga ginawa ko dahil... dahil totoong napamahal na sa akin si Lola Emilia..."
"Ganoon pa man, hindi ka binigyan ng karapatan ng damdamin mong iyan na husgahan ang pagtingin ko sa abuela ko sa panukat mo!"
She was speechless for a minute. She couldn't even meet the anger in his eyes. Sino nga ba siya para husgahan ang damdamin nito sa abuela. Ni hindi siya kapamilya ng mga Orlando. Nakikiamot lang siya ng pagtingin mula sa matanda.
At sa isang banda'y tama si Robb. Hindi naman ito maaaring manatili sa Sta. Fe dahil nasa ibang bansa ang trabaho nito. Marahil ay naiimpluwensiyahan siya ng negatibong impresyon dito kaya hinahayaan niyang bulagin siya niyon.
"I... I am sorry."
Hindi kumibo si Robb. Tumingala ito at hinagod ng kamay ang batok. Ilang sandali ang pinalipas nito bago muling nagsalita—sa mababa nang tinig.
"Mahihimok mo ba siyang sumama sa akin pabalik sa America?" he asked.
"Nasabi mo na ba sa kanya ang plano mo?" She would miss the old woman. Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang pangungulila.
Una'y ang mga magulang niya. Sumunod ay ang tiyahin niya. At ngayon naman ay nakatakdang malayo sa kanya si Lola Emilia. Lahat ng taong mahalaga sa kanya ay hindi nagtatagal sa piling niya, may kapaitan niyang naisip.
"Noon ko pa siya hinihikayat, sa telepono. May taong mag-aasikaso sa pag-alis niya. Pero tumatanggi siya. Labis ang pagiging sentimental ni Lola Emilia. Hindi niya gustong iwan ang bahay na iyon na itinayo ni Lolo." Tumiim ang mga bagang nito at naging prominente ang pilat sa dulo ng panga nito.
"Paano mong naisip na maiimpluwensiyahan ko ang desisyon ni Lola Emilia?" she asked wearily.
"She likes you. Mula nang dumating ako at ikuwento ko sa kanya ang pagtatagpo natin ay wala na siyang bukambibig kundi ikaw." He turned and looked at her. "He even asked me to... to..." His voice trailed off. Tila ba isang katawa-tawa rito ang sana'y karugtong na sasabihin dahil umiling ito at may anino ng nakakairitang ngiti sa mga labi nito.
"Hiniling niya sa iyong ano?"
He shook his head. "Nothing important. Can you convince her?"
"She's an old woman, Mr. Orlando. Bakit mo siya gustong alisin sa lugar na kinasanayan na niya?" There she goes again. Walang buting idudulot kung ia-antagonize niya ang lalaking ito.
"Tulad ng sinabi mo, matanda na si Lola Emilia. Sa nakalipas na apat na araw ay nakikita ko kung paano niya pilit itinago sa akin ang pagsumpong ng arthritis niya. In America she would have the best treatment. Mabibigyan ko siya roon ng pribadong nurse..."
"At dito ba'y hindi?" She couldn't help being sarcastic.
"Alam mo ang sagot diyan," he said, sneering at her. "I expected her to have an elderly live-in companion... o di kaya ay private nurse dahil iyon ang bilin ko sa kanya nang lumabas ako ng ospital. Pero nakita mo naman na hindi niya gustong magkaroon ng kasama."
"She had a companion before!" imporma niya rito at sa reaksiyon nito'y natiyak niyang hindi iyon sinabi ni Lola Emilia. "Pinaalis niya dahil itinuturing siyang imbalido ng kasama niya. Hindi niya gustong walang ginagawa... iyong maramdamang wala siyang silbi. At iyon ang mangyayari kapag dinala mo siya sa Amerika."
"At paano kung sinumpong siya ng matinding sakit sa gitna ng gabi?" he countered angrily. "Naroon ka ba para makita iyon at maasikaso siya?" He shook his head in disgust.
Hindi agad makasagot si Serena. Hindi niya kaagad naisip iyon. Gayunma'y buo na ang isip ni Robb na ang desisyon nito ang tama. Iniisip nitong maaari nitong bale-walain ang abuela sa loob ng ilang taon at pagkatapos ay bigla na lamang lilitaw at didiktahan ang buhay ng matanda na parang alam na alam nitong iyon ang pinakamabuti.
Wala itong pakialam kung iyon din ba ang gusto ni Lola Emilia o hindi. O kung ano ang maaaring solusyon maliban sa pagsama nito sa matanda sa Amerika.
She had been right all along in her impression of this man—arogante, mayabang, labis ang tiwala sa sarili.
And yet, he was undeniably attractive. He exuded a raw and potent virility. Marami na siyang nakita at nakatagpong magagandang lalaki sa Puerto Princesa; mga foreigners, mga lokal man o mga banyagang lalaking artista. Some even flirted with her, pero natitiyak ni Serena na hindi pahuhuli ang nasa harapan niya kung bighaning taglay nito ang pag-uusapan.
Bigla siyang gininaw, hindi dahil sa malamig na hangin na pumapasok sa mga bintana at sa nakabukas na pinto. Mula iyon sa kaibuturan niya—bilang isang babae. Isang damdaming noon lamang niya naramdaman. But she knew what it was—desire... as primitive as Adam and Eve.
She was alarmed. Pilit niyang iwinaksi ang damdamin at reaksiyon ng katawan niya rito. Hindi pa siya naakit sa isang lalaki sa ganoong paraan. Hindi niya gusto ang mga lalaking pa-macho effect na ipinangangalandakan at ipinagmamalaki ang kanilang sex appeal, tulad ng mga lalaking nakikita niya sa resort sa El Nido.
But Robb was nothing like those men. Hindi nito kailangang ipangalandakan at ipaghambog ang mga katangian. His masculinity radiated from within.
"Sisikapin kong gawin ang gusto mong mangyari, Mr. Orlando," she said, refusing to meet his eyes.
"Oh, do that, please..."
Gumamit ito ng "please" pero nag-uutos ang tinig. Napabuntong-hininga si Serena at tumango. Lumakad siya patungo sa pintuan.
"Aalis na ako," she said without looking at him.
Sumunod sa kanya si Robb sa paglabas. Ikinandado niya ang pinto ng bahay niya at tinungo ang garahe. Nakaparada roon ang Wrangler ng tiyahin na gamit niya sa pagparoo't parito sa bayan.
"Ang sabi ni Lola Emilia ay minana mo ang mga naiwan ng tiyahin mo..." sarkastikong wika nito habang tinititigan ang Wrangler na bago pang tingnan dahil sa maayos na maintenance. Pagkatapos ay tiningala ang buong kabahayan. "How convenient..."
"Wala kang pakialam sa buhay ko, Mr. Orlando. Hindi ko ninakaw ang mga materyal na bagay na taglay ko!" Binuksan niya ang pinto ng Wrangler at pumasok. Paarangkada iyong pinaatras, walang pakialam kung muntik na niyang madagil ang rented vehicle nito. She was sure it was rented. Nakikita niya ang maliit na logo ng kompanya sa tagiliran ng Pajero.
Ilang sandali pa'y palayo na siya sa bahay niya. Nakita niya sa rearview mirror na sumakay na rin sa sasakyan nito si Robb.
4
SA NAKALIPAS na tatlong araw mula nang mag-usap sila ni Robb ay hindi pa nagtutungo sa bahay ni Lola Emilia si Serena. Abala siya sa mga orders na tinanggap mula sa iba’t ibang tourist shops sa Puerto Princesa.
At dahil wala rin namang balita mula sa mga Orlando, naisip niyang maaaring napapayag ni Robb ang abuela sa gusto nitong mangyari.
Mabigat ang dibdib niya sa kaalamang iyon. Pero marahil ay hindi naman aalis kaagad ang maglola. Magkakaroon pa siya ng pagkakataong dalawin ang matanda at magpaalam dito.
"Malimit kong makitang magkasama sa Puerto Princesa ang maglola, ah," komento ni Alfred nang dumaan ito sa bahay niya bago magtungo sa shop niya sa El Nido. Kung wala siya'y ito ang tumatao sa shop dahil may mga paintings itong naka-consigned sa kanya, paintings na ito mismo ang nagpinta.
"Dapat lang," sagot niya. "Kailangang bawiin niya ang mga panahong pinabayaan niya si Lola Emilia..."
"Pinabayaan?" Umangat ang mga kilay ni Alfred. "Balita ko'y nagtagal sa ospital si Robb. At nang makalabas naman ay naging lubhang abala sa pagsusulat ng nangyari sa kanya."
"At sa inani niyang katanyagan," sarkastiko niyang sabi. Inilagay sa estante sa garahe ang natapos niya at pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay. "Gusto mo bang magkape?"
"No, thanks. I had breakfast. Alam mo bang pinag-uusapan si Robb ng ilang kababaihan dito sa atin?" patuloy ni Alfred. "Kunsabagay, talaga namang magandang lalaki, macho, mayaman, at sikat. Ano pa nga ba ang hahanapin mo."
"A broken heart," naiiritang sagot niya, umabot ng mug at tinimplahan ang sarili ng kape. "Kapag may pumatol na tagarito kay Robb Orlando ay sakit ng damdamin lang ang aabutin niya. Bukod sa palikero ay iiwan din siya dahil babalik ito ng Amerika."
"Bakit ganyan ang tono mo?" he asked curiously. "Hindi mo ba gusto ang apo ni Lola Emilia?"
Humigop muna siya ng kape bago sumagot. "Overbearing... arrogant... a law unto himself." Nagkibit siya ng mga balikat, muling humigop ng kape. "Bakit ka nga pala napadaan?" pag-iiba niya sa usapan.
May dinukot ito sa bulsa ng pantalon. "Nakaalis ka na kahapon nang dumating sa shop ang may-ari ng shop sa Plaza World, may repeat order ka..." Iniabot nito sa kanya ang purchase order. "Maraming turista ang nagkagusto sa dalawang huli mong ginawa, iyon bang overhead lamp na yari sa capiz at sigay at lampshade na driftwood ang base."
Nasisiyahang ngumiti siya. "Mabuti naman, dagdag- income din iyon. Hayaan mo at iyon ang uunahin ko. May mga dumating akong deliveries, kasama na roon ang sigay at capiz."
"Bakit kasi hindi ka kumuha ng permanenteng mga tauhan mo para mas marami kang nagagawa? Ano ang malay mo at makapag-export ka. Napaka-creative mo, Serena, at nagagawan mo ng ibang anyo ang mga produkto mo."
"Alam mo namang hindi ko natututukan ang trabaho dahil nga kay Lola Emilia. Kaya naman nitong nakalipas na mga araw ay sinasamantala ko na may ibang nag-aasikaso sa kanya. Kumusta naman iyong mga paintings mo?"
"You'll be glad," sagot nito, nasa mukha ang pagmamalaki. "Sa nakalipas na tatlong araw ay dalawa ang naibenta ko. May kumausap nga sa aking German. Gusto raw niya ang paraan ko ng pagpipinta. Kung magkakasundo kami ay malamang na bilhin niya ang lahat ng mga gawa ko."
Magandang balita iyon para sa kaibigan. Siya man ay pinupuri ang kakaibang istilo nito sa pagpipinta bagaman puro popular na mga tanawin sa Palawan ang subject nito.
"Sana nga at nang makapag-asawa ka na bago ka tuluyang tumandang binata."
Humalakhak ito. "Kung pinapatulan mo ba naman ako," biro nito na may kasamang katotohanan.
Sa nakalipas na tatlong taon ay hindi miminsang nagpahiwatig si Alfred sa kanya. Kung pisikal na anyo ang pag-uusapan ay hindi na rin ito pahuhuli, though eccentric at times. Pero tipikal iyon sa mga artist.
"Wala akong balak alisan ang sarili ko ng mabuting kaibigan, Alfred," aniya at magiliw na ngumiti. "Kaibigan kita at gusto kong manatili tayong magkaibigan. Besides, you don't really love me. You just thought we're good together."
Hindi nito pinasubalian iyon. But he smiled good-naturedly. "Kung magbabago lang naman ang isip mo." Tumingin ito sa relo sa braso. "Anong oras ka pupunta sa shop?"
"Kapag ganyang may ibinigay kang trabaho sa akin ay baka hindi na muna ako pupunta roon. Kakausapin ko 'yong dalawang kabataang dating gumagawa sa akin at nang masimulan ko nang gawin itong mga orders."
Tumango ito. "Gotta go. Magkikita kami ng German na sinasabi ko sa iyo sa shop. Dala ko sa sasakyan ang ilang paintings ko mula sa bahay."
"Good luck." Bitbit ang mug ng kape ay inihatid niya ito hanggang sa labas ng gate.
Nakaalis na ang sasakyan nito ay naroon pa rin siya at nakatanaw sa kawalan. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga at sumandal sa puno ng niyog at dahan-dahang hinigop ang kape. Pinag-iisipan niya ang suhestiyon ni Alfred. Maaari siyang kumuha ng tatlo o apat na permanenteng tauhan.
Hindi pumasok sa isip niya ang magtayo ng cottage industry. Sa shop pa lang ay abala na siya at kahit paano ay kumikita naman siya ng sapat para sa sarili. May minana rin naman siya sa mga magulang niya nang mamatay ang mga ito, at sa tiyahin niya. Kung magiging matalino siya sa paggamit ay hindi niya mauubos iyon hanggang sa pagtanda niya.
Napaangat siya ng tingin nang pumarada ang isang pamilyar na sasakyan sa gilid ng daan. Ilang sandali pa'y lumabas si Robb. Mamasa-masa pa ang buhok na malamang ay bagong paligo. He was wearing a faded red T-shirt and tan cutoffs.
He was ridiculously attractive. Hindi kataka-takang maakit ang ilang kababaehan sa bayang iyon dito. Kahit siya ay iyon ang nararamdaman dito.
He sauntered over to her. "Good morning," bati nito, The amused curve of his mouth drew her gaze like a magnet.
"'Morning," malamig niyang sagot. She didn't want to notice the well-developed biceps, broad shoulders, and the lime-kissed whiff of aftershave.
"Sa nakalipas na tatlong araw ay dalawang beses akong nagtungo rito sa bahay mo. On both occasion, wala ka. Wala ring sumasagot sa telepono mo." Nag-aakusa ang mga matang nakatitig sa kanya, gayundin ang tono nito.
Umiwas siya ng tingin. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sa shop niya ginagawa ang mga trabaho niya—hindi niya gustong magkausap sila nitong muli. Hindi pa siya handang ipakipag-usap kay Lola Emilia ang nais nitong mangyari.
"I've been busy," she said evasively.
Tumango si Robb, umangat ang mga mata patungo sa wrought iron gates. Sa dulong bahagi ng garahe niya ay nasisilip ang estanteng may mga nakasalansang handicrafts, tulad ng ilang driftwoods na kinakabitan ng tanso at bulaklak na yari sa colored shells.
"Sa iyo ba galing ang driftwood lamp sa silid ni Lola Emilia?"
Tumango siya. Ibinigay niya iyon sa matanda noong nakaraang kaarawan nito.
"At iyong picture frame na yari sa capiz, I'm sure," dugtong nito. Larawan nito ang nakalagay sa picture frame at nasa night table din iyon ni Lola Emilia. "Mahusay ang mga gawa mo."
"Thanks..." It was a casual compliment, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit nasisiyahan siya sa papuri nito.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan na ikinailang ni Serena. Pagkuwa'y nilinga ni Robb ang buong paligid hanggang sa abot ng tanaw nito. "Malaki na ang pinagbago ng Sta. Fe. Marami na akong nakikitang malalaking bahay..."
Iyon ang totoo. May mga mayayamang nakabili ng lupa sa Sta. Fe at pinagpatayuan ng malalaking bahay-bakasyunan. "Ano naman ang inaasahan mo sa nakalipas na apat... limang taon?"
Hindi ito sumagot, sa halip ay isinandal ang balikat sa puno ng niyog. His shoulders touched hers. Parang may kuryenteng nanulay sa balikat niya patungo sa katawan niya. Patay-malisya, iniangat niya ang sarili mula sa puno.
"Gumagawa ka ba ng bagong aklat?" She didn't want to start a conversation. Pero mas gusto na niya iyon kaysa sa nakakailang na katahimikan sa pagitan nila.
Umiling ito. "Hindi ako umuwi ng Pilipinas para magsulat ng panibagong nobela. Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko iyon mula nang dumating ako rito..." Then he smiled, and that did something to her senses.
"Siguro ay dahil hindi naman ako talaga writer, Serena," patuloy nito. "Pero naniniwala akong gagawin ko nang tama at maayos ang bawat bagay na ginagawa ko. That must have been the reason why my succeeding second and third novels also made it in the market."
Muli niyang hinigop ang kape niya at napangiwi dahil malamig na iyon. "Nabasa ko ang aklat mo. Ipinahiram sa akin ni Lola Emilia. Hindi ako makapaniwalang... nalagpasan mo iyon. Parang fiction."
"Totoo ang lahat ng isinulat ko," mariin nitong sinabi upang pasubalian ang pagdududa sa tinig niya. "Isinulat ko ang talagang pangyayari mula sa unang araw na dalhin ako ng mga rebels..."
Gumuhit sa isipan niya ang brutal na karanasan nito ayon sa nabasa niya. At isang mapait na alaala ang pilat na iyon sa itaas ng kilay at sa panga nito.
She didn't realize she was staring at him. Nagitla pa siya nang magsalita ito.
"Mukha ba akong si Frankenstein sa paningin mo?" he asked, an amused smile on his lips.
Umirap siya. "I think you're fishing for a compliment, Mr. Orlando. Alam mo ang sagot sa tanong mo kung ang pagbabasehan ay ang mga artistang napapaugnay sa iyo."
Tuluyan itong napangiti. It was a killer smile, at kung hindi niya kokontrolin ang sarili'y tutunawin siya niyon.
"Ah... so you've been reading the gossips. Dapat mong malamang hindi lahat ng nababasa mo ay totoo. Ang ilan doon ay marketing para sa libro ko."
"Maybe the gossips were half-lies, but the photos told their own stories, Mr. Orlando..."
"Robb, Serena. You're too formal, lalo at kung tutuusin ay magkamag-anak na tayong maituturing sa pamamagitan ni Lola Emilia."
"Iyong... babaeng rebelde na tumulong sa iyong makatakas," aniya, "ano ang nangyari sa kanya? Hindi mo iyon isinulat..."
Biglang gumuhit ang galit sa mga mata nito. A muscle in his jaw flicked. "I don't want to talk about it..." His voice was harsh.
"Why, Mr. Orlando? Dahil ba hindi naman totoong may tumulong sa iyong makatakas? That after the rebels received the ransom you were released unharmed? Na hindi naman ganoon karahas ang dinanas mo? You glamorized the story... nakuha mo ang simpatya ng publiko at—"
Bago pa niya natapos ang sasabihin ay nasa mga balikat na niya ang mga kamay nito. Sa pagkabigla'y nabitiwan niya ang mug ng kape at bumagsak iyon sa buhangin.
"Bitch!" he said angrily, shaking her ruthlessly. "Buong buhay mo'y hindi ka nakaranas maghirap o abusuhin. Nabuhay ka sa karangyaan mula sa salaping minana mo sa tiyahin mo at sa mga magulang mo!"
The accusation was unfair. Her parents weren't rich but hardworking people. At nagtatrabaho naman siya kaya siya kumikita. Pero hindi niya makuhang pangatwiranan iyon. Nasisindak siya sa galit nito at nasasaktan siya sa mga daliri nitong bumabaon sa mga balikat niya.
"S-sinasaktan mo ako..." she murmured in a sob.
Natigilan si Robb... naniningkit ang mga matang tinitigan siya. Pagkatapos ay pabalya siyang binitiwan. Napaatras siya ng dalawang hakbang upang ibalanse ang sarili. She felt her knees wouldn't support her. Humakbang siya patungo sa wrought iron gates at nanlalambot na isinandal ang sarili.
Serena was shocked. She had never seen such anger in a man's eyes. Sinikap niyang pigilin ang pagkawala ng hikbi sa lalamunan niya. She covered her mouth with her hand.
Tumingala sa kalangitan si Robb, isinuklay ang mga daliri sa buhok. Nakita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito sa pagsisikap na ibalik sa hinahon ang sarili.
Sa ikalawang pagkakataon ay humakbang siya sa hindi niya dapat hakbangan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang damdamin niya tuwing nagkakaharap sila ng lalaking ito. He always brought out the worst in her.
Napapitlag pa siya nang muli siyang harapin nito. Bagaman nabawasan ay nasa mga mata pa rin nito ang galit. Then he said calmly, dangerously. "You want to know what happened to the girl who had helped me escape? Girl, yes, because she was barely sixteen... and I didn't even know her name. She never told me. And I didn't care to ask."
Bigla ay pinagsisihan niyang nagtanong siya. Natitiyak niyang hindi niya gustong marinig ang sasabihin nito.
Umiling siya. "N-no. I'm sorry I—"
"Hindi siya nagpaiwan sa bundok tulad ng napanood mo sa pelikula," he told her. "Isa iyon sa mga kondisyon ko nang bilhin sa akin ang istorya sa kabila ng pagpipilit ng mga big boss na ilahad ang tunay na pangyayari. But I couldn't allow it...
"Nakalabas na ako ng ospital nang ipaalam ng company branch sa Indonesia ang totoong nangyari..." patuloy nito, nagliliyab ang mga mata bagaman mahinahon ang tinig. "Ipinadala sa kanila ng pinuno ng mga rebels ang ulo niya... nakasilid sa sako..."
Serena closed her eyes tightly. Humigpit ang mga daliri niya sa sariling bibig upang hindi makawala ang ungol niya.
He laughed bitterly. "Tulad din sa mga bida ng ilang pelikulang napapanood mo, except that what happened to me was real, hinabol ng mga bandido ang pagtakas ko. And I almost got caught. Pero literal niya akong ipinagtulakan upang tumakbo sa dagat, sa kinaroroonan ng bangkang de motor na itinago niya sa maraming sanga at dahon. Iniligaw niya sa ibang direksiyon ang mga humahabol... patungo sa makeshift pier ng mga rebels kung saan naroroon ang mga bangkang de-motor ng mga ito. Iisipin ng mga rebeldeng doon niya ako dadalhin..."
Umaagos na ang mga luha sa pisngi niya. She shook her head, wanting him to stop.
Robb paused. He filled his lungs with air. And then softly, he said, "She would have wanted to escape with me. To start life anew in the city that never sleeps. Nakakita siya ng pag-asang makatakas sa buhay na iyon sa bundok sa pamamagitan ko. Ang pinuno ng mga rebelde ay stepbrother niya and he had been raping her since she was ten years old..."
A bile rose to her throat. Oh, god... oh, god!
He laughed without humor. "Tulad din ng nababasa mong kidnapping dito sa atin, Serena, I experienced the nightmare firsthand."
"I'm sorry... I'm sorry..." she whispered in a sob.
"I blamed myself for her death. Kung hindi dahil sa akin ay hindi mangyayari sa kanya iyon," he said grimly. "Kung hindi siya namatay ay may pag-asa pang makatakas siya sa buhay niya sa bundok..."
Ano ang maaari niyang sabihin upang makapagpagaan sa nararamdaman nito? That it wasn't his fault that the girl died? Na kasalanan iyon ng mga walang-pusong rebelde? Would it appease the guilt he was feeling?
"Hindi ko maalis sa isip ang mga nangyari. Every night, I experienced nightmares... isang batang babaeng pugot ang ulo... nagmamakaawa sa akin..." He took a painful breath. "A friend suggested that I write the ordeal, that it might serve as therapy. Sinang-ayunan ng psychiatrist ko ang ideya. He recommended a friend novelist who helped and assisted me. I never thought it would make big in the market. Pero mukhang matindi ang panlasa ng publiko sa karahasan. My agent suggested that I write another book, fiction this time."
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Robb broke the silence. Tinitigan ang mga balikat niya. "I'm sorry I hurt you..." he said, without a trace of sincerity.
Gayunma'y tinanggap niya iyon. Kasalanan niya ang nangyari. She provoked him.
"W-would you care for a cup of coffee?" Hindi niya alam kung paano niyang naialok iyon pero kailangan niyang makakawala sa sitwasyong iyon.
Hindi nito sinagot ang alok niya, sa halip ay, "Galing ako sa Puerto Princesa kahapon, dumaan ako sa shop mo. Isang lalaki ang nakita kong nagsasara ng shop."
"Si Alfred..." She answered the silent question.
"Boyfriend mo?" pasinghal nitong tanong.
Her denial came too fast. "Kaibigan ko si Alfred. Siya ang tumatao sa shop kung wala ako. Naka-consigned ang mga painting niya sa akin." Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magpaliwanag.
Tumango ito. "Yeah, I noticed some paintings." Pagkuwa'y idinugtong nito. "Sabi ni Lola Emilia ay taga-Maynila ka. Paanong ang isang maganda at batang babaeng tulad mo ay nanatili sa isang tahimik na lugar na tulad ng Sta. Fe?"
Kung itinanong nito iyon sa ibang pagkakataon ay natitiyak niyang hindi niya sasagutin. Pero gusto niyang pagtakpan ang ginawa niya kanina tungkol sa naging karanasan nito. Agad niyang isinantabi ang "maganda" na ginamit nito bagaman may kakaibang kasiyahan siyang nadama roon.
"Hindi ito ganito katahimik kapag summer," depensa niya. "Isa pa'y mahilig ako sa kalikasan—sa beach, sa dagat, sa paggawa ng kung ano-ano mula sa shell."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko."
Napabuntong-hininga siya. "Almost four years ago, kasama ang mga magulang kong nalunod sa isang lumubog na barko nang manggaling sila rito mula sa pagbisita sa tiyahin ko. Tiya Magda was my mother's twin. She had terminal breast cancer. It was ironic that my parents, who were both healthy had died earlier than my aunt.
"Nagkataon lang na may seminar ang mga teachers sa Baguio noong mga panahong iyon, kung hindi ay kasama nila ako. I resigned from the school where I worked and came here. Ako na lang ang pamilya ni Tiya Magda. I had to take care of her... She died six months later."
"I'm sorry," wika nito, he managed to sound sympathetic.
Marahan siyang tumango. Nakapagtatakang sa kauna-unahang pagkakataong may pinagkuwentuhan siya sa magkakasunod na pagkawala ng mga mahal niya sa buhay ay walang naramdamang kapaitan si Serena. Ang naroon ay resignation at pagtanggap. Marahil ay malaking bagay ang pagkarinig niya tungkol sa nangyari sa dalagitang tumulong kay Robb na makatakas upang matantong may higit na kapus-palad kaysa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay.
"And now you're taking care of my grandmother. At tagapagligtas ka pa ng mga ibong nasa panganib." Sa pandinig niya ay nang-uuyam ang tono nito.
"I'm sorry if you find me amusing or boring," she said stiffly. "But your grandmother help me coped with my parents' and aunt's death. Siya ang naging pamilya ko sa nakalipas na tatlong taon."
Hindi nito sinagot iyon at muli ay namagitan ang katahimikan. "Mr. Orlando..." she said, breaking the silence. "Hindi mo pa nasasabi kung ano ang sadya mo sa pagtungo rito."
"Robb, Serena. Alam mo ang dahilan ng pagtungo ko rito. Si Lola Emilia. Gusto kong simulan mo nang kausapin siya at himuking makabubuti sa kanyang sumama sa akin pabalik ng Amerika. Kung totoong may pagtingin ka sa kanya'y hahangarin mo ang ikabubuti niya." Iyon lang at tumalikod na ito at bumalik sa sasakyan.
5
DALAWANG araw ang dumaan bago siya nagkalakas ng loob na puntahan si Lola Emilia. Ang pabugso-bugsong ulan sa magdamag ay lumakas kaninang umaga. Kapag tuluyang bumagyo ay mas lalo siyang mahihirapang puntahan si Lola Emilia.
Malayo pa siya'y napuna na niyang wala sa harapang-bahay ang sasakyan ni Robb. The disappointment she felt surprised her. Marahil ay ipinasyal na naman nito ang abuela.
Pero sa ganitong panahon?
Ipinarada pa rin niya ang Wrangler niya sa mismong harapan ng balkon ng bungalow at bumaba dahil bukas naman ang mga bintana. Mula sa pinto ay naririnig niyang nakikipag-agawan sa ingay ng hangin ang ingay mula sa nakabukas na television. Kung ganoon ay nasa loob si Lola Emilia at hindi kasama ni Robb sa kung saan man ito nagpunta.
"Lola Emilia?" tawag niya habang kinakatok ang pinto. Nilakasan niya iyon nang walang sumagot. "Lola Emilia?"
Nang wala pa ring sumasagot ay minabuti niyang buksan na ang pinto at pumasok tulad ng nakagawian niya. Subalit napasinghap siya sa nabungaran. Si Lola Emilia, nakahandusay sa may tapat ng bintana. Sa tabi nito'y nakatumbang silya at hanging plant, ang kalahati ng lupa ay nakakalat sa sahig.
She went out of the house and screamed for help.
6
PAROO’T parito si Serena sa pasilyo ng ospital sa Puerto Princesa, sinisisi ang sarili sa nangyari. Kung inagahan niya ang pagtungo sa bahay ng matanda ay malamang na hindi nangyari dito ang aksidente.
Alin na lang sa dalawa ang nangyari: Ibinabalik ni Lola Emilia ang napaulanan nang halaman sa itaas ng window grill o ibinababa iyon upang maulanan at nadulas ito o maaaring nawalan ng balanse at natumba.
May mga sugat ito sa mga daliri na natitiyak niyang maaaring nakuha nito sa pagsisikap na makakapit sa mga bakal na rehas ng bintana upang hindi mahulog.
Siya talaga ang nag-aasikaso ng mga halaman nito. Subalit nitong mga huling araw ay iniwasan niyang magtungo roon dahil kay Robb. Hindi niya gustong sundin ang mungkahi nitong hikayatin ang matanda sa nais nitong mangyari.
Kasalanan niya kung bakit ito naaksidente.
Pero nasaan si Robb? Alas-otso na ng gabi sa relo niya sa braso. Natitiyak niyang wala pa ito sa Sta. Fe at hindi pa nito alam ang nangyari sa abuela. Mahigit na siyang limang oras sa ospital. Hindi rin naman niya makuhang tawagan ito dahil hindi naman niya alam ang numero ng cellphone nito.
Natitiyak niyang naroon lang sa Puerto Princesa si Robb dahil wala namang ibang pupuntahan sa lugar na iyon kundi doon. At ano ang maaaring gawin nito sa kabayanan nang ganoon katagal? For all she knew she could have been with a woman.
She grimaced at the thought. Hindi niya alam kung paanong napasok sa isip niya iyon.
Lumipas ang mga sandali. Kahit alanganin na ang oras ay hindi niya magawang magpahinga. Walang makapagsabi sa kanya ng magandang balita tungkol sa kondisyon ni Lola Emilia. Hindi pa rin ito nagkakamalay ayon sa doktor na pinagtanungan niya. At hindi sinasabi ng mga ito sa kanila ang findings. Hinahanap ng mga doktor ang kung sino mang kamag-anak nito.
Nagulat pa siya nang sa paglingon niya sa nurse station at matanawan niya si Robb. Ang akma nitong paglapit sa counter ay hindi natuloy nang makita rin siya. Nagmamadali ang mga hakbang nito palapit sa kanya.
Nasa mukha nito ang matinding pag-aalala. "May kapitbahay na nagbalita sa akin... Ano ang nangyari? Nasaan si Lola Emilia?"
"Nasa ER. Hindi pa rin siya nagkakamalay." Pilit niyang pinaglalabanan ang panginginig ng tinig. Ipinaliwanag niya rito ang posibleng nangyari. "Hindi gustong sabihin sa akin ng mga doktor ang prognosis kay Lola Emilia. Ikaw ang hinihintay nila..."
Naihilamos ni Robb ang kamay sa mukha. "Kahapon pa ako umalis ng bahay. I shouldn't have left her..." he said angrily, more to himself. "But I expected you to see her."
"I-I only came this afternoon..." she said guiltily.
"I see." His voice was void of any emotion. Pero sa paano man ay naipahayag ng dalawang salitang iyon ang contempt.
"K-kung alam ko lang na wala ka ay pinuntahan ko siya nang mas maaga."
Napatitig ito sa kanya. "Iniiwasan mo ako?" Gumuhit sa mga mata nito ang kuryusidad sa naisip na maaaring iniiwasan niya ito.
"H-hindi iyon ang intensiyon ko," she half-lied. "Ang iniisip ko ay hindi ko kailangang magtungo roon dahil kasama ka naman ni Lola Emilia. Hindi ko iniisip na aalis ka," pagtatanggol niya sa sarili.
"May inasikaso ako sa Maynila..." he said curtly. Hindi na pinalawak ang sinabi na hantarang naghahayag na hindi nito kailangang magpaliwanag sa kanya.
"H-hindi tayo nakatitiyak kung kailan nangyari ang aksidente o kung gaano na siya katagal na walang malay nang matagpuan ko..." She shivered at the thought. Kung kahapon pa walang malay si Lola Emilia, ikinatatakot niyang hindi nito malampasan ang nangyari.
"Nakita mo na ang panganib na naiiwang nag-iisa si Lola Emilia, Serena?" he accused. "Nakita mo kung gaano kawalang silbi ang pakikipag-argumento mo sa akin na maisama ko siya pabalik ng America?"
"You should have thought of that three years ago, Mr. Orlando! When you have recovered from your nightmares!" she hurled back. "Bakit ngayon mo sa akin sasabihin iyan? Nasaan ka sa nakalipas na mga taon?"
Ang anumang isasagot nito'y naawat ng paglapit ng nurse. Kay Robb nito sinasabi ang balita. "Inilipat na ho si Mrs. Orlando sa ICU. Mamaya ho ay kakausapin kayo ng doktor."
7
“MAHINANG-MAHINA ang puso ng pasyente,” the doctor informed them. “Maaaring inatake siya kaya nahulog siya sa silya.”
"Hindi ko alam na may sakit sa puso si Lola Emilia," ani Robb. "She never told me." Nilinga nito si Serena na umiling.
"W-wala siyang sinasabi sa akin. Bagaman may pagkakataong napupuna kong nahahapo siya. Ilang beses ko siyang hinimok na magpatingin pero ayaw niya."
"Is she going to live?" Robb asked bluntly.
"Tinatapat ko kayo, Mr. Orlando, hindi maganda ang resulta ng mga pagsusuri. Wala kaming maibibigay na katiyakan, I'm sorry."
Serena bit her lip. Napatingin siya kay Robb. Wala pa ring emosyon ang mukha nito, ngunit napuna niya ang pag-igting ng mga bagang nito.
"Kung gayo'y wala kayong ibang magagawa?" patuloy ni Robb, kung ano man ang nadarama nito'y ikinaila ng magaspang na tinig.
"Hindi namin sinasabi ang gayon, Mr. Orlando..."
"Kailangan ba ng heart specialist? O ng paglipat sa kanya sa ibang ospital? Sa Maynila kaya? Kung iyon ang mabuti'y—"
"May espesyalista sa puso ang ospital na ito—si Dr. Romero," sagot ng doktor. "At natingnan na niya ang pasyente. Ginagawa namin ang lahat, Mr. Orlando. Kung kami ni Dr. Romero ang tatanungin mo, hindi namin ipinapayo ang paglipat sa pasyente sa kasalukuyan nitong kalagayan. Baka lalong makasama kaysa makabuti. May sapat na pasilidad ang ospital na ito para sa kalagayan niya."
Muling gumalaw ang muscle sa panga ni Robb, mas naging prominente ang pilat na nakaguhit doon. It made him look more dangerous. "Very well," he said. "Kung may anumang kailangan ang pasyente, kahit ano, please let me know."
"Makakaasa kayong gagawin namin ang lahat."
Tumalikod na ang doktor. Naiwan si Serena na sinusundan ito ng tingin. Higit kailanman, ngayon siya natakot sa kalagayan ni Lola Emilia.
"Ako na ang bahala kay Lola Emilia," ani Robb na nagpapitlag sa kanya. "Umuwi ka na at magpahinga." It was a command. At sa wari ay wala siyang karapatang tumanggi lalo na nang hawakan nito ang braso niya at igiya siya palabas.
Kumawala siya mula rito. "No. Ayokong umuwi. Paano mo naisip na magagawa kong iwan si Lola Emilia sa kalagayan niya ngayon?"
"Wala kang magagawa para sa kanya sa sandaling ito, Serena. Hindi mo siya makakausap."
"At ikaw ay mayroon?" she said hotly. "May pakinabang ba ang mga iniaalok mong kaalwanan sa buhay para kay Lola Emilia sa sandaling siya'y mamatay?" She shook her head. Hindi niya mapigil ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. "Huli na ang lahat para may magawa ka pa! Dapat ay noon ka pa umuwi para sa kanya!"
"Tumigil ka sa mga akusasyon mo!" Robb said harshly. "Pareho nating hindi gusto ang nangyari at walang buting idudulot ang mga akusasyon mo. She's my grandmother... my only family. No matter what you think, I love her."
May ilang segundo siyang hindi kumibo. She took a deep breath and said in a trembling voice. "I-I know you do. I'm sorry I yelled at you. Natatakot ako sa maaaring mangyari at... at..." Her voice trailed off, pinigil ang pagkawala ng hikbi.
"At ano, Serena?" Robb prompted.
"Ang nangyari kay Lola Emilia ay muling nagpa-nariwa sa isip ko ng nangyari sa... sa mga magulang ko at sa tiyahin ko. Mula sa Baguio, nagmamadali akong bumaba ng Manila. I came to the morgue to identify their bodies. And my aunt... she died in this hospital..." Nabasag ang tinig niya.
The harshness in his face was gone instantly. His face softened. Umangat ang kamay nito at inabot siya at dinala sa dibdib nito. "I'm sorry, Serena. I didn't realize..."
Ang iyak na kanina pa niya pinipigil mula nang matagpuan niya si Lola Emilia ay tuluyang kumawala. "She wouldn't die, would she?"
Hindi ito agad sumagot, hinaplos ang buhok niya, as tears after tears rocked her body. "I wish I could give you a positive answer, Serena..."
"Ano ang gagawin natin ngayon, Robb?" aniya, gamit ang pangalan nito sa kauna-unahang pagkakataon. Since her parents' death, no one had comforted her like this. It felt so good in his arms... so safe and so comforting.
"Maghintay ng sasabihin ng mga doktor at umasang gagaling si Lola Emilia," he said with a troubled sigh.
"It's my fault," sabi niya, muling bumukal ang mga luha sa mga mata niya. "Kung sinunod kita at maaga ko siyang pinuntahan ay baka hindi nangyari ito. I wanted to delay the inevitable, Robb. Hindi ko siya gustong sumama sa iyo... for selfish reason. I truly love her, at ayokong mawalay siya sa akin..."
"Don't blame yourself. May sakit sa puso si Lola Emilia at pilit niyang inililihim sa atin. Hindi man ngayon ay aatakehin siya sa ibang pagkakataon." Bahagya siya nitong inilayo at niyuko. "Natitiyak kong hindi ka pa naghahapunan, tara sa canteen o sa alinmang restaurant sa labas."
Umiling siya. "Hindi rin ako makakakain. Mauupo na lang ako sa waiting area sa labas ng ICU at maghintay ng balita ng mga doktor."
Nagbuntong-hininga ito. "Okay," he said with a sigh. "Bibili ako ng kape at susunod ako sa waiting area."
8
MAKALIPAS ang ilang minuto’y bumalik si Robb dala ang dalawang Styrofoam ng kape at babasahin. Mabagal na umusad ang gabi. Nagbasa siya, nagkape, naidlip, at nagising nang maramdamang nakabalabal sa kanya ang jacket nito.
Natilihan siya. Hindi malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman sa ginawa nito. Pagkuwa'y sinamyo niya ang panlalaking amoy nito na naiwan sa jacket, and it felt so warm and heavenly.
Sleepily, she turned to look at him. Nakatayo ito sa tapat ng bintanang salamin, nakapamulsa ang mga kamay. Natitiyak niyang nag-iisip ito sa kalagayan ng abuela. She knew she had been wrong about him. He loved his grandmother.
Muli niyang inihilig ang ulo sa sandalan ng couch at bumalik sa pag-idlip. Sa kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan siya at naramdaman niyang umangat ang ulo niya at may ipinailalim doon. She felt cramped and stiff, pero may kakaibang ginhawa at comfort siyang nadama sa kabila niyon. Ni hindi niya gustong kumilos mula sa pagkakahilig.
She moved slightly, snuggling into the comfortable curve of warmth. Sa kabila ng matinding hila ng antok ay nagmulat siya ng mga mata upang matanto na hindi sa sandalan ng couch nakahilig ang ulo niya kundi sa malapad na balikat ni Robb, at nakapulupot ang isang kamay nito sa baywang niya.
His legs were stretched out. They were both half-sitting, half-lying on the couch. Their bodies pressed together in a tangle of clothing.
She felt a sudden rush of shock. Gaano na katagal silang nasa ganoong ayos na nakahulma ang bawat kurbada ng katawan niya sa katawan nito?
How dare him!
Sinikap niyang makawala sa pagkakayakap nito at maupo nang tuwid. But in some reflex action in his sleep, his arm only tightened around her, irresistibly pulling her back against the lean, hard length of his body.
It was an unconscious movement, meaningless, pero natagpuan ni Serena ang sarili na napasinghap upang maghabol ng hininga. Her heart hammered. Then she looked up at him, caught by conflicting emotions.
His head was thrown back against the couch, his strong throat exposed. Ilang hibla ng itim nitong buhok ang bumagsak sa noo nito. A day-old beard left a bluish shadow across his jaw, a shadow that only emphasized his virility.
Muli niyang napuna ang pilat sa panga nito. Nang hindi na nag-isip, nilakbay ng daliri niya ang kahabaan ng pilat nito.
Parang may kung anong kilabot na gumapang sa kanya sa ginawa niyang iyon. Binawi ang kamay at maingat na ibinalabal niya rito ang jacket na alam niyang ikinumot nito sa kanila dahil malamig ang gabi. His body felt warm, hard, reassuring to her touch.
Pagkatapos mag-ingat na huwag itong magising ay dahan-dahan siyang bumalik sa kurba ng bisig nito, inihimlay ang ulo sa malapad nitong dibdib.
Bakit hindi niya ito ginising at sinita sa ginawa nitong pagyakap sa kanya? she asked herself in annoyance as she listened to the steady, powerful beat of his heart.
Because he was tired, too, and obviously needed some rest, she rationalized. Pero sa kaibuturan ng isipan niya ay alam niyang hindi iyon ang totoong dahilan. She knew there was something else, something new and disturbing she didn't want to face, some desire in her body that had nothing to do with rational thoughts.
Ang pagbaba-taas ng dibdib nito ay may hipnotikong epekto sa kanya. The motion blended with his heartbeat, with the touch of warm breath on her cheek, and the drugging warmth of his body next to hers...
9
SHE DIDN’T intend to sleep again, but she did. Naalimpungatan siya sa maingat na pagkilos ni Robb, at ang banayad na paghaplos nito sa buhok niya. Nang mag-angat siya ng mukha ay nasalubong niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Nakatulog ka ba nang maayos?" he asked almost lazily.
"A-ahm... no... yes!" nauutal niyang sagot, naiilang sa intimacy ng ayos nilang dalawa at sa pagkapahiyang nararamdaman niya, lalo at nakaguhit sa mga mata nito ang kaaliwan.
Parang walang anuman dito na nakayakap ito sa kanya, na magkahulma ang kanilang mga katawan. Marahil ay sanay itong nagigising na nasa bisig ang isang babae kahit hindi nito gaanong kilala—tulad niya. They were near-stranger, she thought angrily. Gayunma'y hindi niya makuhang pangibabawin ang galit.
"I-it's morning..." she stated the obvious. Kumawala mula rito at tumayo. "Hindi kaya dapat nating alamin kung ano na ang nangyari kay Lola Emilia?"
He smiled faintly. Iniunat nito ang katawan, isinuklay ang mga daliri sa buhok at pinagpag ang suot upang tuwirin ang pagkakalukot. He didn't look as if he had just spent the night on a bench in a hospital waiting area. He looked fit and ready.
"I'll check on my grandmother. Pagkatapos ay mag-almusal tayo. We both didn't have supper."
Tumango siya. At nang makatalikod si Robb ay mabilis niyang tinungo ang ladies' room. She was glad to be out of his disturbing presence.
Nang bumalik siya sa waiting area ay naroon na ito at hinihintay siya. Wala pa rin itong balita kay Lola Emilia. Niyaya siya nito sa canteen. Tahimik silang kumakain. Wala namang dapat pag-usapan. Ni walang bagay na nag-uugnay sa kanila maliban kay Lola Emilia.
Ni hindi nga masasabing magkaibigan sila. Ang pinaka-intimate na pangyayaring pinagsaluhan nila ay ang pagtulog na iyon sa magdamag. Na hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang mukha niya kapag sumasagi sa isip.
10
“I WISH we could be more encouraging,” sabi ng cardiologist na tumitingin kay Lola Emilia nang makipagkita sila rito pagkagaling sa canteen. “Though we were surprised she survived the night. But we couldn’t promise you anything. Hanggang ngayon ay mahina pa rin ang puso niya.”
Napaungol si Serena. Sinikap pigilin ang paghikbi.
"May malay ba siya, doktor?" tanong ni Robb.
"She woke up this morning when I came to check on her. Pero duda ako kung may kamalayan siya sa nangyayari sa paligid niya."
"M-maaari ba namin siyang makita?" tanong niya.
Sandaling nag-isip ang doktor bago tumango. "Wala akong nakikitang dahilan para pigilan kayo. Sige, ibibilin ko sa nurse na dalhin kayo sa pasyente ngayong umaga."
Sa himig ng doktor ay ipinahihiwatig nitong binibigyan lang sila nito ng huling pagkakataon na makitang buhay pa si Lola Emilia. Nag-init ang sulok ng mga mata ni Serena.
Sumunod siya sa doktor nang tumalikod ito. Subalit bago siya makadalawang hakbang ay naroon na ang kamay ni Robb sa braso niya at hinila siya pabalik.
"Why?" nagtatakang tanong niya. "Hindi mo ba gustong makita si Lola Emilia?"
"Yes, of course, I do," seryoso nitong sabi, nakakunot ang noo at lumalim ang mga gatla roon.
"Gusto mo ba siyang makita nang mag-isa muna?" nakakaunawang tanong niya.
Umiling ito. "No, Serena. It isn't like that," he said gruffly. "Kagabi pa ako nag-iisip. Alam mo bang mula nang dumating ako'y hindi miminsang sinabi sa akin ni Lola Emilia na... na ligawan kita?"
"W-what?"
Tumango ito kasama ng malalim na paghinga. "Noong umagang umalis ako patungong Maynila ay bahagya kaming nagtalo dahil muli niyang iginiit sa aking ligawan at suyuin kita..." he paused, habang hindi malaman ni Serena kung tama ba ang naririnig niyang sinasabi nito.
"Nakita ko ang paglatay ng sama ng loob sa mukha niya bago ako makalabas ng pinto. So I turned around, kissed her cheek, and promised her that I would talk to you when I come back from Manila..."
"S-saan patungo ang sinasabi mong ito?"
"Gusto kong bumawi, Serena," he said seriously, agonizingly. And Serena's heart went out to him. Hindi nga lang niya alam kung paano ito makababawi. "Ayokong mamatay si Lola na masama ang loob sa akin. Hindi ko gustong dagdagan ang usig ng budhing dinadala ko."
"A-ano ang maaari mong gawin?" nalilitong tanong niya.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Kung may malay si Lola sa pagpasok natin sa ICU ay gusto kong sabihin sa kanyang sinunod ko ang kagustuhan niya... na magkasintahan na tayo at nagpaplanong pakasal..."
"What?!"
"Yes, Serena," patuloy nito na humigpit ang pagkakahawak sa mga balikat niya. "Natitiyak kong ikagagalak ni Lola ang balitang iyon."
She stared at him in openmouthed astonishment. "You can't be serious! We just can't go in there and lie to her!"
"I want to make her last hours happy!" giit nito, almost angrily.
"B-but lying to her—deceiving her—"
"Don't you think making her last hours happy worth the deception?"
"Paano kung hindi naman pala nauunawaan ni Lola Emilia ang sinasabi mo? Paano kung wala naman siyang malay?"
Binitiwan nito ang mga balikat niya. "Kung ganoon, di wala kang aalalahanin. Wala tayong sasabihin. Pero kung may malay siya, naiintindihan man niya o hindi, ipaaalam ko sa kanya. Maaaring sa kaibuturan ng isip niya'y maririnig niya ang katuparan ng mga pangarap niya."
It was wrong to deceive a dying dear old woman. And yet if it would make her happy on her last hours would it not make it right? Pero kaya ba ng budhi niyang dayain ito?
"No, Robb," she said, shaking her head. "Hindi ko magagawa ang gusto mong mangyari."
His eyes narrowed. Anger crossed his eyes. "Alam mo bang walang bukambibig si Lola kundi ikaw sa nakalipas na mga taon? That you're sweet and decent; a nice little girl every mother hopes her son will bring home as a wife. My god, Serena, the way my grandmother described you, you could win The Nicest Girl In Town award..." Puno ng pang-uuyam ang tinig nito.
"Kung magsalita ka'y parang isang kadiri-diring sakit na maging matino ang isang babae!" she snapped.
Nagkibit ito ng mga balikat. "It isn't as if I had been planning to marry you. Gusto ko lang maging maligaya ang mga huling sandali ni Lola. And I thought that is what you want, too. But I guess I was wrong." Tinitigan siya nito, nanunuri ang mga mata... nananantiya.
"My grandmother said your shop's doing well. But money is never enough, Serena." He sneered. "Magkano ang kailangan mo upang matanggap ng konsiyensiya mo ang kapirasong kasinungalingan..."
Nanlalaki ang mga matang napatitig dito si Serena. Shock and fury struggling her effort to speak. "How dare you offer me money! Hindi ko tatanggapin ang salapi mo kahit na ikaw pa—kahit na ikaw na lang ang—" Her words failed her in anger. Ikinuyom niya ang mga palad nang mahigpit. Hindi siya bayolenteng tao pero gusto niyang kalmutin ang mukha nito sa sandaling iyon.
Umangat ang mga kilay ni Robb, undaunted by her anger. "Bagong twist ba iyan sa lumang cliché na: 'I wouldn't marry you if you were the last man on earth?'"
"You're despicable!" singhal niya rito. Saan na napunta ang pagkakasundong namagitan sa kanila sa magdamag? Paano siya nakaramdam ng awa rito sa dinanas nito? Lahat ng magagandang kaisipan niya para kay Robb ay tinangay lahat ng hangin sa matinding galit niya.
"Hindi ang karakter ko ang pinag-uusapan natin dito, Serena," magaspang nitong sabi. "Papayag ka ba sa gusto kong mangyari o hindi?"
Tumigas ang mukha niya, naniningkit ang mga mata. "Wala akong pagpipilian kundi sumang-ayon. Pero pagkatapos nito'y hindi ko na gustong makita pa ang pagmumukha mo!"
11
HANGGANG sa makalabas sila ng ICU ay patuloy pa rin sa malakas na tibok ang dibdib ni Serena. Then she realized she was still holding Robb’s hand tightly as if her very life depended on it.
Mabilis siyang bumitaw, expecting Robb to glare at her. Pero tila bale-wala rito ang ginawa niya, ang mga mata nito'y nakatuon sa kabilang direksiyon na parang hindi nito gustong magpakita ng anumang emosyon.
Nabawasan ang galit niya rito nang kausapin na nito ang abuela kanina. He had been gentle. His voice was soft and soothing as he told his grandmother about them. Na magpapakasal sila sa sandaling gumaling ito. Pagkatapos nitong magsalita ay tinanguan siya upang siya naman ang kumausap dito.
"Sa palagay mo kaya ay naunawaan tayo ni Lola Emilia?" mahina nitong tanong habang naglalakad sila palabas ng ospital.
Hindi siya kaagad sumagot. Iyon din mismo ang tanong na naglalaro sa isip niya. Kaninang pumasok sila sa ICU ay nakapikit si Lola Emilia, maputla at kung anu-anong tubo ang nakakabit sa katawan.
Subalit nang magsimulang magsalita si Robb ay nagsikap itong magmulat ng mga mata. Mahinang kumilos ang yayat at maugat nitong kamay at sinikap abutin ang apo.
Halos magkasabay nilang ginagap ni Robb ang kamay nito at masuyong hinaplos iyon. And then Robb spoke softly; na sinunod nito ang gusto ng abuela; na magkasintahan na sila ni Serena at nagbabalak na magpakasal sa sandaling gumaling ito. Pagkatapos ay nilingon siya ni Robb upang siya naman ang magsalita. A warning glittered in his eyes.
Nakapikit na uli si Lola Emilia nang yumuko siya at masuyo itong hagkan sa pisngi. Sinegundahan niya ang sinabi ni Robb. At bagaman walang reaksiyon mula rito ay nahuli niya ang bahagyang-bahagyang pagkibot ng bibig nito na kung wariin niya'y ngiti.
Nagbuntong-hininga si Serena. "I believed she heard us," mabigat niyang sabi.
"Good," he said unemotionally. "Mission accomplished. Ihahatid na kita sa inyo. Tatawagan kita ano man ang balita."
Gusto niyang umuwing mag-isa at mag-isip pero hindi niya gustong makipagtalo rito. Tumango na lamang siya. Sa kalahating oras na biyahe pauwi sa Sta. Fe ay wala silang kibuan.
"May bisita ka," wika nito nang malapit na sila sa gate ng bahay niya.
"Si Alfred, ang kaibigan kong pintor," she said, her tone defensive. "Malamang ay para kunin ang ilang mga nayari nang overhead lamp."
Bakit nga ba kailangan niyang magpaliwanag dito? Wala siyang pakialam ano man ang isipin nito. She sighed tiredly. Hindi pa niya naihahanda ang mga finished products.
Nang ihinto ni Robb ang sasakyan nito ay mabilis siyang bumaba. Mula sa gate ay agad na sumalubong si Alfred, pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa Pajero.
"Nag-aalala na ako sa iyo," bungad nito at hinawakan siya sa braso. "Wala ka kagabi at hanggang kaninang umaga."
"May... may nangyari," paliwanag niya. "Mamaya ko na sasabihin sa iyo. Gusto kong ipakilala kita kay..." Lumingon siya, inaasahang kasunod si Robb. Subalit ni hindi ito bumaba ng sasakyan at sa halip ay paarangkada nitong pinatakbo ang Pajero palayo roon.
Nagugulumihanang sinundan niya ng tingin ang sasakyan nito.
"Hindi mahirap hulaan kung sino ang driver ng Pajero," ani Alfred. "Si Robb Orlando, hindi ba?" naiiling nitong sabi at tulad niya'y hinabol ng tanaw ang sasakyan. "Saan kayo galing?" May malisya ang tono nito.
Ibinalik ni Serena ang atensiyon dito. "May nangyari kay Lola Emilia, Alfred. At nasa ospital siya ngayon..."
"Oh. Kumusta na siya?"
Iglap na nanumbalik ang pag-aalala niya. "Hindi gustong magbigay ng pag-asa ang mga doktor. Para bang naghihintay na lang kami ng araw... o oras."
"I'm sorry, Serena," paumanhin ni Alfred. "I sounded like a jealous boyfriend."
Hindi siya kumibo, walang kabuhay-buhay na ngumiti at humakbang papasok.
12
KAHIT pagod at puyat ay hindi rin magawang magpahinga ni Serena. Inabot si Alfred ng dilim sa bahay niya dahil may ilang kaibigan at kakilala si Lola Emilia na dumalaw at nangumusta.
Nang nag-iisa na lang siya ay lalong tumindi ang takot niya para sa matandang napamahal na nang husto sa kanya. Lumipas ang magdamag na halos wala siyang itinulog. Naroon ang agam-agam na maaaring tumawag si Robb at hindi maganda ang balita nito.
Kinabukasan ay masakit ang ulo niya nang magising. Inawat niya ang sariling magtungo sa ospital. Ni hindi pa man kumukulo ang tubig na isinalang niya para sa thermos nang may pumaradang sasakyan sa harap ng bahay.
Si Robb. Dali-dali niyang nilabas ito. "A-ano'ng balita?"
"Wala pa ring pagbabago," sagot nito. "Bumalik ako kahapon pero alas-sais na'y nasa harapan pa rin ng bahay mo ang sasakyan ng bisita mo."
Sandali siyang napahinto sa paglakad niya pabalik sa kusina sa narinig na animosity sa tinig nito. Gusto niyang pangatwiranan kung bakit gabi na'y naroon pa rin si Alfred kahapon pero minabuti niyang huwag na lang.
Wala itong pakialam kung inabot man ng gabi sa bahay niya si Alfred. Kung tutuusin ay naging bastos ito kahapon dahil basta na lang pinaharurot ang sasakyan nang hindi nagpapaalam.
"Nagtitimpla ako ng kape nang dumating ka," sa halip ay sabi niya at ipinagpatuloy ang paghakbang pabalik sa kusina. "Ikaw?"
"Coffee's fine, thank you," sagot nito at sumunod sa kanya. Hinila nito ang silya sa dining table at umupo.
Sinulyapan ito ni Serena habang inihahanda ang dalawang mugs. Nangingitim ang paligid ng mukha nito sa dalawang araw nang tubo ng balbas. A few more days without shaving and he would exactly look like the Robb she had seen in the magazines. Except that he looked tired and haggard.
Natitiyak niyang hindi rin ito nakatulog nang maayos. May awang humaplos sa dibdib niya para dito. "Ano ang sabi ng mga doktor?" Inilagay niya sa harapan nito ang mug ng kape.
"Tulad pa rin ng dati. My grandmother's fighting, Serena," wika nito, inabot ang kape at marahang humigop. "Kaninang umaga'y hinahanap ka niya."
Napasinghap siya roon. "Is it a good sign? Nagsalita ba siya?" Naupo siya sa katapat na silya.
Umiling si Robb. "She's too weak to talk but she uttered your name in a slur."
"Kung gayon ay hindi ibig sabihin nito na—"
"Makaka-recover siya? No," matabang nitong sabi. "Ibig sabihin ay kailangan nating patagalin nang kaunti ang pagkukunwari natin."
Hindi niya maunawaan ang sarili, dahil bigla'y parang ikinagagalak niyang magpapatuloy sila sa pagpapanggap.
"S-sa palagay mo kaya ay naaalala niya ang mga sinabi natin sa kanya kahapon?"
"Hindi ko matiyak." He paused, then looked at her. "Bakit, hindi mo ba gustong maalala niya?"
Napabuntong-hininga siya. "Natural na gusto kong maalala ni Lola Emilia ang mga sinabi natin kung makapagdudulot iyon ng kaligayahan at kapayapaan ng isip niya, Robb. Iyon lang ang maaari nating ibigay sa kanya sa kalagayan niya ngayon."
"Nabanggit mo ba sa kaibigan mo ang tungkol sa kasunduan natin?"
"Sinong kaibigan—" Napahinto siya sa pagsasalita nang matanto kung sino ang tinutukoy nito. "Hindi ko kailangang sabihin sa iba ang ginawa natin." Bahagya siyang napasimangot. Ano ba naman ang palagay nito? Na ipamalita niya ang tungkol sa deception nila kay Lola Emilia?
Tumayo siya bitbit ang mug. "Magbibihis lang ako sandali. Hintayin mo ako at sasama ako pabalik sa ospital."
13
“WE ARE supposed to be engaged,” paalala ni Robb bago sila pumasok sa ICU. “Kailangang maging kapani-paniwala ang bawat kilos at salita natin.”
Bukod sa pang-uuyam sa tinig nito ay nahimigan din niya ang pagbabanta. Pinigil niyang makapagsalita ng maanghang. Pinatatag niya ang sarili sa muling pagharap niya kay Lola Emilia. Iyon lang ang mahalaga sa ngayon.
Muntik na siyang mapabulalas ng iyak nang masilayan ang anyo nito. Maputla ito na tila wala nang dugong dumadaloy sa mga ugat. May ilang sandali silang nakatayo sa tabi nito, tahimik habang magkahawak ang mga kamay.
Finally she whispered. "Robb, I think she's sleep—"
Nabitin sa lalamunan niya ang sinasabi. Lola Emilia blinked, then she opened her eyes. Napasinghap siya. Noong una ay walang focus ang mga mata nito, hanggang sa matuon iyon kay Robb, pagkatapos ay sa kanya.
Yumuko si Robb at masuyong ginagap ang kamay ng abuela. "Lola, kasama ko si Serena," wika nito. "Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa inyo kahapon? Magpapakasal kaming dalawa..." Nag-angat ito ng katawan, then he snaked his arm around her waist and pulled her closer against him.
"O-oo nga po, Lola Emilia," she said huskily, conscious of his hand on her waist, ang mga daliri nito'y humahaplos-haplos sa baywang niya.
Umungol si Lola Emilia, kumislap ang mga mata.
"Magpapakasal kami, Lola," patuloy niya. "Isang en grandeng kasal na masasaksihan ng mga taga Sta. Fe. At dapat kayong magpalakas dahil kailangang naroroon kayo. Magkakaroon ng maraming magagandang bulaklak at magsusuot ka ng corsage na gawa sa mga orkidyas..."
What am I saying? she asked herself in bewilderment. Alam niyang imposibleng mangyari iyon pero kusang lumabas ang mga salita sa bibig niya. She was telling Lola Emilia her dream wedding. Sunod-sunod na parang humahabi siya ng isang panaginip.
Lola Emilia closed her eyes. Pero may bahid ng ngiti ang tuyot nitong mga labi na sa wari ay nakikini-kinita nito ang mga sinasabi niya. Pagkatapos ay muli itong nagmulat ng mga mata, bumuka ang bibig na tila nais magsalita.
"Hindi ninyo kailangang magsalita, Lola," banayad na awat ni Robb.
Pero determinado ito kahit sa napakahinang tinig. "N-natu...tuwa...ako... da...lawang taong mahal ko... ay magpa...pakasal..." she slurred, pero nanatili ang bakas ng ngiti.
"Ganoon din kami, Lola," ani Robb na puno ng emosyon ang tinig. Dumiin ang kamay nito sa baywang niya.
"H-hindi... ba...biglaan...?" patuloy na usal ni Lola Emilia.
Napatingin siya kay Robb. Naghahagilap ang isip niya ng isasagot. Sa kabila ng lahat ay gumana ang isip ng matanda; sa kabila ng kasiyahan na matutupad ang pinakamimithi nito ay umahon ang pagtataka.
"It was your idea, Grandma," ani Robb na sinamahan ng masuyong halakhak. "Itinanim mo iyon sa isip ko sa nakalipas na mga taon. Dapat ay kikilalanin ko pa sana si Serena nang husto pero naisip kong hindi mo siya irerekomenda kung hindi mo tiyak na siya ang babae para sa akin," he said smoothly then smiled at Serena lovingly.
Napahugot siya ng hininga habang nagsasalita ito at humahabi pa ng kasinungalingan. Mga matatamis na salita na kay sarap pakinggan. Other times, she would have believed he meant it.
Nang muling pumikit si Lola Emilia ay muli siyang nilingon. Nawala na ang masuyong titig. Matalim na mga mata ang humalili na tila hinahamon siyang pabulaanan iyon.
"Nasaan... sing...sing...?"
Serena almost groaned. Naghahanap ito ng singsing—bilang tanda ng pangako ng pag-iisang dibdib. An engagement ring. Hindi nga ba at sa kabila ng mga taon ay nanatiling suot nito ang engagement ring mula sa asawang namayapa katabi ng wedding ring nito?
"Iyon ang binabalak naming asikasuhin ngayong araw na ito, Lola," agap ni Robb. "Dumaan lang kami rito upang dalawin ka."
"Tama si Robb, Lola..." Buong pagmamahal niyang hinaplos ang noo nito. "Sa susunod kong pagdalaw sa inyo'y suot ko na ang engagement ring namin."
Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Pagkuwa'y, "Ang... mga halaman..."
"Hindi ko siya pinababayaan, Lola," ani Robb.
Lola Emilia closed her eyes. Nakita ni Serena ang kapayapaan at kasiyahan sa mukha ng matandang babae. May kung anong takot na bumangon sa dibdib niya habang nakatitig dito. Napahilig siya sa balikat ni Robb nang wala sa loob.
Takot na dagli ring naparam nang makita niya ang mabagal na pagtaas-baba ng dibdib nito.
"Time to leave," bulong ni Robb kasabay ng pagpapakawala ng hininga. She could hear the strain in his voice. Tulad niya, natakot din marahil ito.
Hinayaan niyang akayin siya nito palabas ng ICU.
"Salamat sa pag-aasikaso mo sa mga halaman, Robb," aniya nang makalabas na sila. "Bukod sa atin ay mahalaga sa kanya ang mga halaman niya."
Tumiim ang mga bagang nito. "I can get someone to take care of those plants."
Nahinto siya sa paglakad at tumingala rito. "You... you lied to her about the plants, too?"
Umangat ang isa nitong kilay. "Did you expect me to tell my grandmother that I forgot to water her plants?"
Umiling siya. "N-no, of course not. Pero hindi mo kailangang magsinungaling na—"
"At ikaw, Serena?" he countered. "Alin ba sa mga sinabi mo ang hindi kasinungalingan?"
"But—"
"Kunsabagay, parang totoong-totoo, 'di ba?" he taunted. "If I hadn't known, you would have me believed that you're so in love with me." He laughed, an empty laugh. "Pero mahusay ang performance mo, little one," patuloy nito, mocking her. "En grandeng kasal... mga bulaklak, hanggang sa orchid corsage. Mananalo ka ng 'Best Performance' award."
Kung wala ang ilang hospital personnel na paroo't parito ay baka hindi niya napigil ang sarili. She gritted her teeth. Bumilis ang mga hakbang niya palayo rito. "Uuwi na muna ako."
Subalit pinigil nito ang braso niya at iniharap siya. "Hindi ka pa maaaring umuwi, Serena. May ipinangako tayo kay Lola Emilia, 'di ba?"
"W-what—"
His smile was mocking. "We'll buy a ring."
14
ANG PROTESTA ni Serena na huwag na silang bumili pa ng singsing para sa ginagawang pandaraya ay hindi pinakinggan ni Robb. Dinala siya nito sa isang tindahan ng mga alahas sa Puerto Princesa. Kahit pakunwari ay hindi siya nagpakita ng interes na tingnan ang mga singsing na inilabas ng salesclerk.
Habang namimili si Robb ay sunud-sunod naman ang buntong-hininga niya at naiinip na matapos na ang kalokohang iyon. Ang inaasahan niya ay basta magtuturo na lang ito ng kahit na anong magsisilbi sa pagpapanggap nila. Sa halip ay masusi nitong sinuri ang mga naroong singsing.
"May nagustuhan ka ba?" tanong nito sa kanya.
"Anything you choose will do, Robb. Hindi mo kailangang mamili pa para patuloy na makapandaya," she hissed. Nawalan siya ng kontrol, nawala sa isip na kaharap nila ang salesclerk.
Kung nakamamatay ang tinging ipinukol sa kanya ni Robb ay tumumba na siya roon sa sandaling iyon. Ibinalik nito ang pansin sa tray ng mga singsing at pumili ng dalawang pares—engagement and wedding rings. Ipinasukat ng salesclerk ang mga iyon sa daliri niya. Funny but it fitted perfectly.
"Hindi natin kailangang bumili ng wedding band," pabulong niyang protesta. "The engagement ring would suffice our—"
"Shut up," pabulong ding angil nito. "Set ang mga singsing. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng salesclerk, hindi maaaring paghiwalayin ang mga set."
"Then choose another. Iyong hindi bahagi ng set."
Naguguluhang pinaglipat-lipat ng salesclerk ang tingin sa kanilang dalawa. "May iba naman po kaming set na walang kasamang wedding—"
"We'll take this," putol ni Robb sa sinasabi ng tindera sa mariing tono. Pagkatapos ay nilingon siya at patuyang ngumiti. "Magandang investment ang mga alahas, lalo na ang diamonds." Ang tinutukoy nito ay ang malaki at kumikinang na diamond sa engagement ring na napapaligiran ng mumunting brilyante.
She turned away in disgust. Hindi na niya matiyak kung para pa ba sa abuela ang ginagawa nito. O gusto na lang nitong gamitin ang salapi para hagurin ang konsiyensiya nito.
"Kunsabagay, maaari mo rin namang gamitin ang mga iyan kapag talagang ikinasal ka na," naiinis niyang bulalas nang nasa Pajero na sila. Iyon ay kung magpapakasal ito nang totoo. "Kung bale-wala sa fiancee mo na slightly used ang magiging engagement at wedding rings niya," sarkastiko niyang idinugtong.
But her taunt fell on deaf ears. Ni hindi siya nito sinagot at nakatuon ang buong pansin sa pagmamaneho.
15
MAAGA pa kinabukasan ay tumawag si Robb at ibinalitang inilipat na sa pribadong silid si Lola Emilia.
"There's no need for you to come," patuloy nito. "Wala ka rin namang magagawa dahil ipinapayo ng mga doktor na huwag pagurin si Lola."
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay sandali siyang umupo. Pinaghalong pag-aalala at tuwa ang nararamdaman niya. Tuwa dahil inilabas na ito ng ICU na ang kahulugan ay may pag-asa itong gumaling; pag-aalala dahil sa magiging konsekwensiya ng kanilang pagpapanggap. Paano kung malaman iyon ni Lola Emilia? Hindi kaya makasama lang iyong higit?
The day dragged on. Nilibang niya ang sarili sa paggawa ng mga orders niya upang kahit paano'y mawala sa isip ang ginagawa nila ni Robb. Nang bandang hapon ay nagtungo siya sa dagat at naglakad-lakad sa buhanginan, umaasang kahit paano ay makasumpong siya ng kapayapaan ng puso at isipan.
Umaasa rin siyang makakuha ng kahit na anong mapakikinabangan niya. Subalit maramot ang dalampasigan sa araw na iyon.
Sa halip ay nakita niya roon ang kahoy na muntik nang tumama sa kanya noong unang araw na iligtas siya ni Robb. Umupo siya roon at pinanood ang ilang seagulls sa himpapawid. Kasama ba sa grupong iyon ng mga ibon ang iniligtas nila?
She sighed sadly. Walang bahagi ng dalampasigan ang hindi magpapaalala sa kanya kay Robb.
16
NANG sumunod na araw ay ipinasya ni Serena na magtungo sa ospital dahil hindi tumawag si Robb. Itinanong niya sa desk kung saang silid inilipat si Lola Emilia.
Nang nasa harap na siya ng silid ay sandali siyang nag-atubili bago mahinang kumatok kasabay ng dahan-dahang pagpihit ng seradura at pagtulak ng pinto pabukas.
Napahinto siya sa tangkang paghakbang papasok nang makitang masiglang kausap ni Robb ang abuela. Nakahawak ito sa kamay ng matanda na masayang nakikinig sa kung ano mang sinasabi ng apo.
At bagaman may mga kung ano-ano pa ring plastic tubes na nakakabit dito ay malaki na ang ipinagbago ng anyo ni Lola Emilia. May kulay na ang mukha nito at mas naka-focus na ang mga mata.
Hindi niya gustong gambalain ang tagpong iyon. Pero nilingon siya ni Robb na agad tumayo. "Darling," bulalas nito at agad na tumayo upang salubungin siya. "I tried to call you up this morning but your phone's busy."
Alam niyang nagsisinungaling ito pero hindi siya kumibo. Masuyong nginitian si Lola Emilia. Ang paghakbang niya patungo rito'y napigil ng yakap at halik ni Robb sa mga labi niya. Napasinghap siya sa pagkabigla. Then he whispered in her ear.
"Wear this ring," wika nito na mula sa kung saan ay iniabot nang lihim sa kanya ang engagement ring. "Huwag mong kalimutang engaged tayo," mariin nitong anas. "And look happy and in love, for heaven's sake!"
Walang kahirap-hirap na naisuot nito ang engagement ring sa daliri niya nang kunwa ay kamay naman niya ang hinahagkan nito. Pagkatapos ay bumaling ito kay Lola Emilia. "Sorry, Grandma. I just had to have the first kiss."
Nakapaskil na ang ngiti kay Serena nang lumapit sa matandang babae. Yumuko siya at hinagkan ang kulubot nitong pisngi. "Ikinagagalak kong makitang magaling na kayo, Lola Emilia..."
"G-gusto kong... masaksihan... ang kasal ninyo, hija..."
"Of course, Grandma," salo ni Robb. Nakangiting nilingon siya. "Tulad ng sinabi ni Serena, magsusuot kayo ng corsage sa kasal namin na yari sa orchids."
"Serena..." Nagtatanong ang mga mata ni Lola Emilia, na tila ba tinitiyak sa kanya ang sinasabi ni Robb.
"Tama si Robb, Lola," she said smiling. "At hindi lang kasal namin ang masasaksihan ninyo. Makikita n'yo rin ang magiging mga apo ninyo." Muli ay hindi niya alam kung paano niyang nasabi iyon. Gayunma'y labis niyang ikinagagalak na makitang malakas-lakas na ang matandang babae.
Nang lingunin niya si Robb ay umangat ang sulok ng bibig nito sa patuyang pagngiti sa kanya. Panunuyang iglap na naglaho nang harapin ang abuela.
"Ilang apo ang gusto ninyong alagaan, Grandma?" wika nito at inakbayan siya at hinapit. "Ang plano namin ni Serena ay tatlo man lang." Pagkatapos ay dinampian siya ng halik sa pisngi.
Nanayo ang mumunting balahibo niya sa katawan sa ginagawa nito. Nararamdaman niya ang kamay nito na humahaplos sa tagiliran niya hanggang sa may puno ng dibdib niya.
Pinigil niya ang mapasinghap. Alam niyang nagsasamantala na ito pero wala siyang magawa. At sa kabila ng lahat ay hindi niya kayang ignorahin ang mumunting landas ng apoy na iniiwan sa kanya ng paghaplos nito.
The intimate smiles made her knees feel like melted plastic. His eyes burned into hers, suggesting a passion that unexpectedly sent her mind and senses reeling.
Binawi niya ang mga mata rito at muling bumaling kay Lola Emilia. "Tingnan ninyo itong singsing, Lola Emilia, maganda ba?" Noon din lang niya nagawang masdan ang singsing dahil inignora niya iyon noong nasa tindahan sila.
Now that she saw the ring she couldn't control the soft gasp that came out of her lips. Maganda at mamahalin ang singsing at natitiyak niyang hindi biro ang halaga niyon lalo at kasama sa set ang wedding ring nilang dalawa ni Robb.
"Mahusay pumili... ang apo ko, Serena..." Bakas ang kasiyahan kay Lola Emilia.
"Nothing but the best for my love," sang-ayon ni Robb. Nasa baywang pa rin niya ang kamay nito. Natitiyak niyang wala itong balak alisin ang kamay sa pagkakayakap sa kanya at sa halip ay bumaba iyon sa balakang niya, squeezing softly.
Sinikap niyang ignorahin si Robb sa ginagawa nito... sinikap niyang alisin sa isip ang masarap na kilabot na dulot ng haplos nito. Ibinalita niya kay Lola Emilia ang mga kaibigan at mga kakilala nitong nangungumusta.
Ilang sandali pa'y naroon na ang nurse upang sabihing hayaang magpahinga ang pasyente.
Hinagkan ni Robb ang abuela. "You rest, Grandma. Narito lang kami sa labas."
Hinagkan din niya ang matanda. Nakapikit na ito na tila nahapo sa pakikipag-usap sa kanila bagaman nakabakas ang kasiyahan sa mukha nito.
Maingat na isinara ni Robb ang pinto nang lumabas sila.
"You were taking advantage!" singhal niya rito nang makalabas sila. "Hindi kasama sa usapan natin na hawakan mo ako kung saan-saan!"
Robb smiled lazily. "Hindi ko gustong maghinala si Lola. Alam niyang malambing ako sa kanya kaya natural lang na malambing din ako sa iyo."
Nalilito siya. "Hindi tayo maaaring magpatuloy nang ganito! Pinaaasa natin siya, pinaniniwala..."
"Dahil diyan kaya nakabawi ng kaunting lakas si Lola, Serena," seryosong sabi nito. "Hindi makapaniwala ang mga doktor sa nangyari sa kanya. Subalit nang sabihin sa kanila ni Lola Emilia ang dahilan kung bakit gusto nitong gumaling ay napangiti ang doktor at kinamayan ako."
"W-what shall we do now?"
Hindi agad sumagot si Robb. "Sa kabila ng lahat ay hindi nagbigay ang mga doktor ng katiyakang ligtas na sa panganib si Lola, Serena. Her heart is still very weak." He paused for a moment, then he turned and look at her.
"Kaninang wala ka pa'y iminungkahi ni Lola na magpakasal na tayo kahit simpleng kasal lang. Ayon sa kanya'y gusto niyang saksihan ang ating kasal bago man lang siya mamatay."
Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito. "W-what did you tell her?"
"That we will be married in two weeks' time."
"You can't do this!" bulalas niya. "Hindi tayo maaaring magpakasal!"
"Then go back inside and tell that to my grandmother," he commanded angrily, itinuro ang pinto ng silid ni Lola Emilia.
Para siyang tuod na nakatayo lang sa pasilyo at nakatitig sa saradong pinto ni Lola Emilia. Hinila siya ni Robb patabi nang magdaan ang isang cart ng mga gamot na itinutulak ng nurse.
"Y-you can't do this, Robb," usal niya, nababaghan. "Hindi natin maaaring dayain ang kasal sa simbahan!"
"Isang totoong kasal ang magaganap sa pagitan natin, Serena," tahimik nitong sabi. Hinawakan siya sa braso at iginiya palabas ng ospital.
"You're... crazy..." mahinang hiyaw niya. "You're taking this deception too far. We can't be married. We can't!"
Huminto sa paglakad si Robb at hinarap siya. "Then tell me what to do, Serena," he said. "Tiyakin mo lang na hindi magpapabalik kay Lola Emilia sa ICU ang solusyon mo. Dahil kapag hindi kita pinakasalan ay para na ring ako ang kumitil sa buhay niya."
She was speechless. Hindi siya makapaniwalang sa ganoon hahantong ang pagpapanggap nila. Nakikita niya ang patibong sa daraanan subalit wala siyang magawa kundi talunin ang patibong na iyon.
"Don't look so horrified, Serena," pang-uuyam ni Robb. "Walang bagay na hindi nagwawakas sa buhay na ito. Pag-aasawahan man iyon. Ang ilang ikinakasal ay natatapos nang mas maaga pa nga kaysa sa inaasahan ng marami..."
Natigilan siya. Napatitig dito. Naunawaan niya ang sinabi nito. Of course. Maraming paraan para tapusin ang pagsasamang iyon kung sakali. They could have their marriage annulled.
At natiyak niyang sa mga sandaling iyon ay gumagana na ang utak ni Robb Orlando para tiyaking matatapos ang pagsasamang iyon kapag dumating ang sandaling hindi na nila kailangang magkunwari pa...
17
PAKIRAMDAM ni Serena ay tila panaginip na dumaan lamang ang lahat. Tiyak at mabilis kung kumilos si Robb kahit hindi siya nakikipagtulungan. Naihanda ang lahat ng mga kailangan para sa kasal nila at nai-set iyon sa lalong madaling panahon.
At marahil nga ay iyon ang dahilan ng panibagong sigla ni Lola Emilia. Naroon ang determinasyon nitong daluhan ang kasal nila sa simbahan at ayon sa pangarap ni Serena na kasal.
"Akalain ko ba namang dito mauuwi ang lahat," sabi ni Alfred nang puntahan siya nito nang umagang iyon sa araw mismo ng kasal. Ito ang kinuha nilang best man at ito rin ang susundo at maghahatid sa kanya sa simbahan.
"H-hindi ko rin akalaing mangyayari ito, Alfred..."
"Sa ilang araw na magkasama kayo mula nang maospital si Lola Emilia ay nahulog nang husto ang loob mo sa kanya, Serena," patuloy nito. "You have fallen in love with him."
Napatingin siya rito. You have fallen in love with him...
Had she? Bigla, naroon ang pangangailangan na sagutin niya sa sarili ang tanong na iyon dahil tuwina'y iniiwasan niyang komprontahin ang sarili sa katanungang iyon.
Tuwina'y kinakastigo niya ang sarilii sa pagiging susceptible niya sa pisikal na karisma ni Robb. Lagi niyang sinasabi sa sariling hindi siya maaakit dito at na kaya lang niya naiisip ito sa bawat sandali ay dahil kay Lola Emilia.
But now... if she would be honest to herself...
"Yes," she whispered. "I... I have fallen in love with him." Nanginginig ang tinig niya nang sabihin iyon pero hindi maikakailang iyon ang katotohanan.
Kumunot ang noo nito. "Pero bakit parang sa burial ka pupunta kaysa sa sarili mong kasal? You look so unhappy, Serena."
She took a deep breath at sinikap ngumiti. "Minsan... nagkakatotoo ang mga pangarap natin sa maling paraan, Alfred." Yes, that was it. She was hopelessly, helplessly in love. At pakakasalan niya ang lalaking iniibig niya.
But everything that happened was wrong. She bit her lip and struggled for control. Kung siya ang masu-sunod ay hindi niya gustong magpatuloy ang kasal na ito. Pero hindi na niya kontrolado ang pangyayari. Tila siya tuyong dahon na inaanod ng malakas na agos.
May humintong sasakyan sa harap ng bahay niya, at nagulat pa siya nang hawiin niya ang blinds at makita ang sasakyan ni Robb. Agad niyang binuksan ang pinto, agad na nag-isip na baka may nangyari kay Lola Emilia.
"M-may nangyari ba?"
"Kung si Lola ang gusto mong itanong ay ipanatag mo ang loob mo. She's fine at nasa simbahan na." Isang walang emosyong sulyap ang itinuon nito kay Alfred na bumati. "But we need to talk." Hinila siya nito patungo sa kusina kung saan hindi maririnig ni Alfred ang sasabihin.
Sinuyod niya ito ng tingin. Naka-camisa de china ito, ang panloob sa barong-Tagalog na siyang damit-pangkasal nito. Ito man ay sinuri siya ng tingin.
"Hindi ka pa bihis..." he commented, disappointment in his voice.
"Magbibihis na ako nang dumating ka," katwiran niya. "Ano ba ang gusto mong sabihin?" Sinulyapan niya ang relo sa ibabaw ng refrigerator. "Tatlong oras na lang."
Huminga ito nang malalim. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilip niya sa mga mata nito ang kawalang-kasiguruhan."Una'y tiniyak ko lang na darating ka sa simbahan. Ayokong maging panoorin ng buong Sta. Fe habang naghihintay ako sa wala. Pangalawa..." may iniabot itong nakatuping papel sa kanya. "Read and sign this. Ipinagawa ko ito sa isang abogado."
She frowned as she scanned the documents. "Prenuptial agreement? Ano ang ibig sabihin nito?"
"You know what a prenup means, Serena."
She glanced up, surprised and angry. "Iniisip mo bang maaari akong makinabang sa pagpapakasal nating ito?"
"It's a protection for both of us. Napag-alaman ko kay Lola na malaking salapi ang naiwan sa iyo ng tiyahin mo. Huwag nang idagdag pa ang namana mo sa mga magulang mo. Ang dokumentong ito'y magsasanggalang sa iyo na hindi ko pag-iinteresan ang mga ari-arian mo at ganoon din ako sa iyo. Basahin mo bago mo pirmahan." Inabutan din siya nito ng sign pen.
"How considerate," maanghang niyang bulalas. "O baka naman nagawa mo na ang gustong mangyari ni Lola Emilia sa pamamagitan ng pagpapakasal natin at naipamana na niya sa iyo ang buong lupain niya?"
"Magpapakasal tayo sa kadahilanang pareho nating alam," he said dangerously. "Ang lupain ay mamanahin ko mag-asawa man ako o hindi."
"Oh, I don't know about that," she said scathingly. "Baka iyan ang ginawang kondisyon sa iyo ni Lola Emilia. Two birds in one stone. Mapapaligaya mo ang abuela mo at mapapasaiyo pa ang ekta-ektaryang lupain. At ang prenup na ito'y katiyakang hindi ako makikinabang sa lupain mo, hindi ba?"
He gritted his teeth. "I am a rich man, Serena..." There was a warning in his tone. "I don't need my grandmother's property!"
"Bakit hindi, Robb? Ano na nga iyong sinasabi mo? Money is never enough..."
Nakita niya ang paglalabasan ng mga ugat sa leeg nito tanda ng pagpipigil sa sarili. Somehow, nakadama siya ng kasiyahang napapagalit niya ito. Hinablot ang sign pen mula sa kamay nito at inilapag sa ibabaw ng mesa ang dokumento at pinirmahan. Pagkatapos ay ibinigay muli rito.
"Now leave. Your properties are secured. And don't worry, darating ako sa simbahan. Hindi para sa kahihiyan mo kundi para kay Lola Emilia."
Tinitigan siya nang ilang sandali ni Robb at pagkatapos ay tumalikod na. Ilang sandali pa'y narinig niya ang pag-arangkada ng sasakyan nito.
"What was that all about?" naguguluhang tanong ni Alfred.
She sighed. Nag-init ang sulok ng mga mata. "Wala, Alfred... walang anuman..."
18
IT COULD have been a beautiful wedding. Kahit sinong nagmamasid ay iisipin na napakasaya nila ni Robb sa araw na iyon. Lalo na at naroon si Lola Emilia, tila isang donya sa damit nito, habang si Miss Solis, isang temp nurse, ay nasa likod ng wheelchair nito.
Iyon lang ang konsolasyon ni Serena sa lahat ng iyon. Their deception helped the old woman to recover slowly. Taglay ng kasalang iyon ang lahat ng pinangarap niya. At umikot ang usap-usapang sadyang umiiwas si Robb sa publicity kaya nagpakasal sa maliit na bayan ng Sta. Fe.
At na talagang na-in love ito sa kanya dahil di-maitatangging maganda rin naman siya kaya hindi imposibleng nahulog ang loob nito sa kanya sa sandaling panahon. Na pinalalim ng malimit nilang pagsasama nang maaksidente si Lola Emilia.
Para siyang nasa kawalan, tila isang robot na naka-program na sumusunod sa agos ng mga pangyayari. Ni hindi niya matandaan kung paano niya sinambit ang wedding vows. Naramdaman na lamang niyang may nag-angat ng veil niya at natambad sa kanya ang makisig na mukha ni Robb. At tila malulunod siya sa pagkakatitig nito sa kanya.
He swept her into his arms, pulled her close against him as he angled his head to kiss her. Hindi iyon isang dampi o madaliang halik na tulad ng ginawa nito nang nasa silid sa ospital sila, kundi isa iyong mainit at nakatutupok na halik. The passion and desire in that kiss was too obvious to the observer.
Nag-flash ang camera sa pagkuha ng larawan.
Sa wakas ay pinakawalan siya nito. Her mouth felt seared and bruised. Waves of heat coursed through her body. She felt nude, exposed, sa harap ng lahat ng mga taong iyon. Pero sa kabila ng lahat ay naroroon ang matinding pag-asam at pananabik na muli siyang mabilanggo sa mga bisig nito.
She was still trembling when Alfred shook her hand and congratulated them both. Sumunod ang ilang mga kaibigan at kakilala nila ni Lola Emilia. Natapos ang kasal na tila siya lumulutang sa alapaap.
Sa isang restaurant sa kilalang hotel isinagawa ang reception. Ginawa ni Serena ang lahat para magmukhang masaya. Tulad sa isang mahusay na aktres na ginagawa ang papel niya sa paglinlang sa lahat ng naroroon.
At gayundin si Robb. Kung titingnan ay parang ito ang pinakamaligayang lalaki sa balat ng lupa sa pagpapakasal sa kanya. Lagi itong nakaalalay sa kanya, malambing, charming. At hindi iisipin ng sino man na isang pagkukunwari lamang ang lahat kung titigan siya at ngitian nito.
Sa mga sandaling iyon ay nananakit na ang kanyang bibig sa malapad na ngiting nakaplaster doon. She was tired and sick of it all.
Natuon ang mga mata niya kay Lola Emilia na kinakausap ng ilang mga kakilala nito. Then she realized, bagaman nakangiti ito ay nakalatay na ang kapaguran sa mukha nito.
"Napapagod na si Lola Emilia," nag-aalalang bulong niya kay Robb. "Let's end this, please."
Sinulyapan nito si Lola Emilia. Kumunot ang noo nito at pagkuwa'y tumango. Hinawakan siya sa braso at iginiya palapit kay Lola Emilia. Ang mayor sa bayang iyon na siyang kausap ni Lola Emilia ay tumayo at nginitian sila.
"Lalabas ba ng bansa ang mga apo mo para sa honeymoon, Emilia?" tanong nito. "O kasama ka nila sa pagbabalik sa America?"
Si Robb ang sumagot. "Sa kalagayan ni Lola Emilia ay hindi kami maaaring umalis, Mayor..." Masuyo nitong nginitian ang abuela. "At dahil hindi naman gugustuhin ni Lola na iwan ang Sta. Fe, naisip kong baguhin ang mga plano ko at bumili ng bahay rito sa Sta. Fe, kung saan ginugol ko ang ilang taon ng aking kabataan kasama ni Lola... at dito ko rin natagpuan ang babaeng nagpatibok sa aking puso..."
Kung hindi napigil ni Serena ang sarili'y baka napasinghap siya. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Robb sa baywang niya. Then he turned and smiled at her. She was too bewildered to smile back, lalo at ang atensiyon ng maraming bisita—who more looked like adoring fans than visitors—ay natuon na kay Robb.
"Isang magandang pagkakataon na sa pagbabalik ko'y kasalukuyang ipinagbibili ang bahay ni Congressman Perez sa burol at ipinasya kong isang magandang sorpresa iyon para sa aking maybahay kung iyon mismo ang bibilhin ko..." Isa uling masuyong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. At naririnig niya sa paligid ang "ohh" at "ahh." Lalo na at hindi niya naitago ang pagkabigla.
Alam niyang matagal nang ipinagbibili ang propyedad na tinutukoy nito dahil nag-migrate na sa ibang bansa ang dating mga may-ari. Pero hindi siya makapaniwalang binili ni Robb iyon. Huwag nang sabihing ang bahay at ang lupang kinatitirikan niyon ay nagkakahalaga ng malaking kayamanan.
Niyuko ni Robb si Lola Emilia at ginagap ang kamay. "My grandmother knows this. Kasama siya nang kausapin ko ang abogado noong isang linggo upang ma-finalized at paglilipat sa pangalan ko ng propyedad. And as you can all see it..." He said smiling charmingly, "totoong isang malaking sorpresa ito para sa aking maybahay."
Again some friends were congratulating her but everything went in a blur. Inside, she was trembling. Minsan pa ay nabitag siya! Hindi pa tapos ang ordeal niya. Hindi lang kailangan niyang magpatuloy sa pagkukunwaring iyon kundi kailangan pa niyang tumira kasama ng lalaking responsable sa lahat ng iyon!
At sino ang makapagsasabi kung saan patungo ang lahat ng ito? Sinulyapan niya si Robb, ngunit nakatuon ang pansin nito sa mga panauhin habang nagpapaalam.
19
LIHIM siyang nagpasalamat nang sa wakas ay nakasakay na sila sa sasakyan nito upang magtungo sa bagong bahay sa burol. Isinandal niya ang ulo sa headrest at pumikit.
Ngayon niya naunawaan kung bakit hindi nagtatanong si Lola Emilia kung ano ang plano nila pagkatapos ng kasal. Alam nito ang tungkol sa pagbibili ni Robb ng bahay. If this was a real marriage and Robb loved her, then indeed, it would have been a lovely surprise. Pero mas nararamdaman niyang nadaya siya dahil naiwan siyang walang kaalam-alam.
She opened her eyes and turned to her husband. Nakatuon ang pansin nito sa pagmamaneho. Wala na ang karismatiko nitong ngiti.
"Most brides would be delighted na magkaroon ng bagong bahay sa araw ng kanilang kasal," nang-uuyam nitong sabi. "Pero sa nakikita ko sa iyo'y mukhang sa slaughterhouse ka dadalhin."
She opened her mouth to say something scathing but closed it again. They were on the road. At may mga sasakyang nakasunod sa kanila kasali na roon ang sasakyan ni Dr. Romero kung saan nakasakay si Lola Emilia at ang temp nurse.
Lumiko sila sa isang makitid at paakyat na daan at pumasok sa hilera ng naglalakihang mga puno na siyang daan papasok sa bago nilang bahay. Ilang sandali pa'y natanaw na niya ang dating mansiyon ng mga Perezes. Para iyong hari na nakatayo sa ituktok ng burol.
Bumusina si Robb at ilang sandali pa'y may lalaki nang tumatakbo patungo sa malalaking wrought iron gates at binuksan iyon.
The house was awe-inspiring, a huge structure of angled rooftops, decks, massive stone and wide expanse of glass. Elegante rin ang landscaping; idinisenyo ang mga puno, halaman, mga bato para umangkop sa natural na kapaligiran.
Ipinarada ni Robb ang sasakyan sa harap mismo ng bahay at bumaba. Sumunod siyang bumaba. Hindi niya hinintay na umikot ito upang pagbuksan ng pinto.
"Ano ang masasabi mo?" he asked.
"It's beautiful," she said almost unwillingly. "Sa palagay mo'y iiwan ni Lola Emilia ang bahay niya?"
"This mansion is preferable than going to America." His smile was without humor. "Sa sandaling tuluyan siyang gumaling ay madali na para sa kanya ang magpunta-punta sa dating bahay. Napag-usapan na namin ang bagay na iyan."
May narinig siyang busina sa gate subalit bago niya nalingon iyon ay bigla siyang pinangko ni Robb.Nilapitan siya nito at bigla siyang pinangko.
She looked up into his amused eyes in astonishment. "A-ano'ng ginagawa mo?" manghang bulalas niya.
"Following tradition. Carrying my bride across the threshold."
"There is no tradition in this farce of a marriage, Robb," she hissed. "Put me down!"
He grinned at her. "Shut up, Mrs. Orlando and enjoy this moment."
Napakapit siya sa leeg nito nang humakbang na ito patungo sa portico. Despite everything, she felt a wild surge of excitement. His face was only inches from hers, her body pressed almost painfully against his chest.
At ni hindi lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya nang buksan nito ang malaking pinto. She was breathless. Sila lamang ang naroroon sa napakalaking bahay na iyon. Wala nang dahilan para magkunwari si Robb. Yet he was looking at her with a strangely raw, hungry look.
Nang bigla'y marinig niya ang busina ng sasakyan. Nang lumingon siya'y ipinaparada na ng driver ang kotse ni Dr. Romero sa likod ng Pajero. Naglahong bigla ang excitement niya. Of course, Robb prepared that little scene for his grandmother—the happy groom carrying the blushing bride across the threshold.
Robb never missed a trick.
She held her body stiff and unyielding. Kahit na nang ipanhik siya nito sa tila pamaypay na hagdanan.
"You can put me down now," she said coldly. "Hindi na tayo nakikita ni Lola Emilia, so you can drop the act."
She felt him stiffen but didn't release her. "Sa palagay mo ba'y laging sa kapakanan ng iba ang lahat ng ginagawa ko?"
Hindi nito hinintay ang sagot niya at binilisan ang mga hakbang papanhik patungo sa pasilyo ng mga silid. Nagpumiglas siya para ibaba na siya nito. Kinakabahan siya sa determinadong anyo nito.
Pagpasok sa master's bedroom ay ibinaba siya nito sa king-size bed. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapagprotesta dahil sa isang iglap ay nasa ibabaw na niya ito. His body trapped hers on the bed, holding her breathless beneath him.
"P-pakawalan mo ako!"
Kung narinig man siya nito o hindi ay hindi niya matiyak. His eyes were half-closed as he covered her eyes and temples and throat with kisses.
Nagpumiglas siya. But his lips found hers. Hindi man niya gusto ay natagpuan niya ang sariling tumutugon. His body moved against hers, one hand slipping beneath her back to mold her body against his. His mouth devouring hers hungrily in a kiss that sent her senses spinning dizzily.
When he finally lifted his mouth from hers, their eyes met. Serena's astonished, his, darkened by passion.
Dahan-dahang tumayo si Robb, hinawi ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa mukha nito. Pagkatapos ay itinuwid ang nakusot na barong-Tagalog nito, subalit ang mga mata'y nanatiling nakatitig sa kanya. Pagkuwa'y muli siyang niyuko, ang mga bisig ay nakatukod sa magkabilang tagiliran niya. At ni hindi niya makuhang kumilos.
"Pagkukunwari lang ba iyon?" he demanded harshly.
"H-hindi kita naiintindihan..." usal niya. At malakas siyang napasinghap nang hablutin ni Robb ang kamay niya at ipinadama sa kanya ang pagkalalaki nito.
"Hindi mo ba naiintindihan iyan, my innocent Serena? Nauutusan ko ba ang bahaging iyan ng katawan ko alang-alang sa kapakanan ng iba?"
Napasinghap siya, nanlalaki ang mga mata. She could feel the steel-hard maleness. Marahas niyang binawi ang kamay, not wanting to recognize the spark of need she felt inside.
Tumuwid ito. Huminga nang malalim. His manner once more formally polite. "Lahat ng mga gamit mo'y nasa closet na. Ipinakuha ko kaninang nasa simbahan tayo kay Melba..."
"S-sinong Melba?"
"Anak nina Julio at Aning, ang namamahala sa bahay na ito. Kinuha ko na rin ang serbisyo nila nang bilhin ko ang bahay na ito." Then he darted her one of those humorless smiles, pagkatapos ay lumabas ng silid.
Trembling, Serena touched her bruised lips. She felt numb, unable to move. Then her eyes roamed slowly around the huge bedroom. It was more elegant than anything she had ever seen. Para iyong mga pahina mula sa mga imported magazines na paninda niya sa shop.
Mamahalin ang mga kasangkapan, na natitiyak niyang kasama nang bilhin ang bahay na iyon. Makintab ang malalaking sahig na narra at may mamahaling rug sa gitna, in pale ivory. May built-in bar, television and stereo. Kahit ang quilted bedspread na kinahihigaan niya ay yari sa mamahaling tela, soft, velvety, luxuriously sensuous.
Tumayo siya at lumakad patungo sa sliding doors palabas sa balkonahe. Mula roon ay natatanaw ang dalampasigan. She would learn later that the new acquired property bordered on Lola Emilia's property.
Muli siyang pumasok at tumayo siya at tinungo ang built-in closet at binuksan iyon. Naroroon ang mga gamit niya, maayos na naka-hanger at nakatupi naman sa salansanan ang iba pa. The whole walk-in closet and bathroom was larger than her entire bedroom back home.
Ang pagkamangha niya'y naka-reflect sa mga salaming nakapaligid. Ang ilang toiletries niya'y nasa ibabaw na ng dressing table at nagmukhang bale-wala sa karangyaan ng silid.
Then a shocking thought hit her. Binalingan niyang muli ang closet at binuksan ang isang pinto. Nakita niya roon ang mga damit ni Robb. Lahat.
Nanlaki ang mga mata niya.
How... how dare him!
Lumabas siya at sinusian ang silid bago bumalik sa walk-in closet at basta na lang kumuha ng blouse at walking shorts. Nanginginig ang mga kamay niya habang hinuhubad ang damit-pangkasal, nanginginig siya sa galit sa sarili, sa nakapanlulumo niyang kahinaan nang nasa mga bisig siya ng asawa.
She would have stupidly given herself to him if he hadn't stopped on his own!
Kailangang linawin niya ang ilang bagay sa pagitan nilang dalawa. May mga puntong hindi na dapat pang lumagpas sa pagkukunwaring iyon!
20
AKMANG kukunin ni Serena sa pagkaka-hanger ang mga damit niya nang biglang matigilan. Paano kung may makakita sa kanya habang dala niya ang mga iyon? Paano kung malaman ng mga katulong na inilagay niya iyon sa ibang silid at mabanggit kay Lola Emilia?
Napabuntong-hininga siya at nagmamadaling lumabas ng silid at bumaba. Natanto niya kung gaano kalaki ang buong bahay nang iligid niya ang paningin. Ang mga kasangkapan ay mamahalin subalit hindi labis. Sa isang sulok ay may fireplace at may mga kahoy roon. Angkop naman iyon dahil napakalamig sa lugar na iyon na nasa itaas ng burol, lalo sa panahon ng taglamig.
Natanaw niya ang nakabukas na pinto patungo sa patio. Nagmamadali siyang lumakad patungo roon. There she saw the old woman admiring the pleasant little patio with backdrop of big acacia trees. Tila isang munting paraiso ang buong paligid sa naggagandahang halaman at mga puno.
Namangha pa siya nang mapuna ang nakabukas na sliding door sa may tagiliran ng patio. At nang silipin niya ay ang mismong silid ni Lola Emilia.
It was equipped with a hospital bed. Ang television ay naka-hang sa isang sulok upang makapanood si Lola Emilia kahit na nakahiga. At ang ilan sa pamilyar nitong mga halaman ay nakasabit sa itaas ng mga bintana at sa windowsill. Napuna rin niya ang ilan sa labas ng patio.
"Serena, hija!" bulalas ni Lola Emilia nang maramdaman siya. "Nariyan ka pala. Sabi ni Robb ay nagpapalit ka lang ng damit..."
She smiled. "Nasaan po si Robb?"
"Nasiraan yata sa daan sina Dr. Romero at Miss Solis. Pinuntahan sila ni Robb..."
Kumunot ang noo niya. "Bakit ho kasama si Miss Solis? Hindi ba dapat na naiwan siya rito para sa inyo?"
"Pansamantala lang si Miss Solis, hija, hindi ba? Bukas o sa makalawa'y darating ang nurse na kakilala ni Robb mula sa Maynila."
"M-may kilalang nurse sa Maynila si Robb, Lola?"
"Ayon sa apo ko'y nakilala niya ang nurse sa ospital sa huling operasyon niya. Isang kuwalipikadong nurse na sadyang mas gusto ang pribadong pasyente kaysa mamasukan sa ospital."
"I see..."
Umangat ang kamay ni Lola Emilia at hinawakan ang braso niya. "Hindi mo alam kung gaano ninyo ako pinaligaya, hija..."
"Ako rin, Lola." Kusang lumabas iyon sa bibig niya. She squeezed the frail hand.
"Pero hindi ko gustong nakakaabala ako sa inyong dalawa ng aking apo, Serena. Dahil sa akin ay hindi man lang kayo makaalis para sa inyong honeymoon."
"Huwag kayong mag-isip nang ganyan, Lola. Hindi kayo nakakaabala. At ano pa bang lugar ang maaari naming puntahan na gaganda pa sa lugar na ito?"
Matamis na ngumiti ang matanda. "Tama ka, Serena. Ang Palawan ang pinakamagandang lugar para sa akin. Hanggang ngayon, sa kabila ng maraming turista, may mga lugar pa ritong hindi nararating ng ilang tao. Pero sana ay makapagsarili kayo kahit man lang isang linggo nang kayong dalawa lang."
Bigla niyang naisip kung silang dalawa lang ni Robb sa bahay na iyon. No interruptions, just a romantic fire in the fireplace, ang hipnotikong hampas ng mga alon sa baybayin, ang malambot na kama sa itaas...
Naramdaman niyang pinagpawisan ang mga palad niya at ang kakaibang damdaming muling umahon nang maisip ang eksena nila ni Robb sa itaas kanina. The danger in such a situation sent a shiver throughout her body.
"Natutuwa akong narito kayo, Lola," halos pabulong niyang sabi.
"Nagustuhan mo ang bahay na ito?"
"Sino po ba ang hindi?" Binitiwan niya ang kamay nito at tumanaw sa kakahuyan. Naglalakihan ang matatandang puno sa bahaging iyon. "Totoong alam ninyong binibili ni Robb ang bahay na ito?"
Tumango ito. "Oo, Serena. Natanto ni Robb na hindi niya ako maisasama sa ibang bansa at hindi ako iiwan ng apo ko ritong nag-iisa." Ngumiti ito. "Nakita mo na ang ibig kong sabihin sa iyong mahal ako ng aking apo, Serena?"
Hindi niya makuhang hindi sang-ayunan iyon. Natiyak na niyang mali siya sa impresyon niya rito. "Nagtataka lang po ako kung bakit pinalipas ni Robb ang mahigit dalawang taon bago siya umuwi..."
Huminga nang malalim si Lola Emilia at itinuon ang paningin sa mga halaman. "Alam mo bang muntik nang mabulag ang aking apo?"
She frowned. "H-hindi po."
"Dapat pala'y ipinabasa ko sa iyo ang mga lumang peryodiko at magazine, hija. May tumama sa kanyang kung ano mula sa sumabog na motorboat. Iyon ang dahilan kung bakit matagal na nanatili sa ospital si Robb. At nang makalabas naman ay hindi pa tuluyang magaling ang isang mata niya. Hindi niya gustong umuwi para alagaan ko maliban pa sa nasa Amerika ang mahuhusay na manggagamot at pasilidad na kailangan niya...
"Sa nakalipas na dalawang taon mula nang mangyari ang pagkakaligtas niya ay dalawang operasyon sa mata ang ginawa sa apo ko, hija... Ang huli'y naging matagumpay..."
Lihim na napaungol si Serena. Minsan pa ay napatunayan niyang mali ang ginawa niyang paghusga rito. Gusto niyang mapahiya sa sarili sa mga akusasyong binitiwan niya rito.
She sighed deeply. "Ang bahay na ito, Lola, kailan ito naisipang bilhin ni Robb?"
"Ang transaksiyon ay ginawa ni Robb noong magtungo siya sa Maynila upang kausapin ang abogado ni Congressman Perez. Iyon ang panahong naaksidente ako, hija..."
Kung ganoon ay ang bahay na iyon ang inasikaso nito nang hindi ito umuwi ng dalawang araw. Pero bakit hindi sinabi sa kanya ni Robb iyon? It would have justified his absence. But then again, she thought scornfully, Robb would never feel obligated to justify any of his actions to anyone. Lalo na sa kanya.
"Hiniling ni Robb na huwag kong sabihin sa iyo. Nais ka niyang sorpresahin, apo."
It was the understatement of the year. She sneered silently. "Nabigla ba kayo sa madaliang pagpapakasal namin?" she asked, almost raising her voice.
"Hindi, hija," tugon ng ginang. "Hindi kailangan ng mahabang panahon para malaman ng dalawang taong nagmamahalan sila. Bukod sa mga pagbanggit ko sa kanya tungkol sa iyo ay nag-iwan ka ng magandang impression sa apo ko nang magkita kayo sa dalampasigan. Pag-uwi niya'y hindi na siya lumubay ng katatanong tungkol sa iyo..."
"T-talaga?" Hindi niya inaasahan iyon. When the old woman nodded her head knowingly, Serena changed the topic. Tumingala siya at inikot ang paningin sa paligid. "Natitiyak kong napakamahal ng bahay na ito..."
"Huwag mong alalahanin ang salapi, hija." Iwinasiwas nito ang yayat na kamay. "Bukod sa napakalaking kinita ni Robb sa mga libro niya'y mayaman din naman ang kanyang ina at sa kanya naman ipinamana ang lahat ng mga ari-arian nito dahil nag-iisang anak naman si Robb. Ang mahalaga'y natagpuan ninyo ang isa't isa at magiging maligaya kayo. Mahal ka ng aking apo, Serena..."
Her eyes flew to the old woman. "Sinabi niya iyon sa inyo?" Sa kaibuturan ng puso niya ay may nadama siyang pag-asa.
Ngumiti ito. "Hindi niya kailangang sabihin sa akin. Hindi ako bulag at nakikita ko naman at nararamdaman, apo. Tulad ng nakikita kong may pag-ibig ka rin sa kanya."
Ang anumang isasagot niya'y nabitin sa lalamunan niya sa paglabas sa patio ng isang kabataang babae. She must be around fifteen and she must be Melba.
"Ang sabi po ni sir Robb ay papagpahingahin ko si Lola Emilia nang ganitong oras," nahihiyang sabi nito.
"Sige na po, Lola Emilia," sang-ayon niya. "Sasamahan ko kayo sa silid ninyo." Nilinga niya ang dalagita. "Ikaw si Melba?" Tumango ito. "Sige na, Melba... ako na ang bahala kay Lola Emilia."
Nang muling pumasok sa kabahayan si Melba ay ipinagulong niya papasok sa silid nito ang wheelchair. Inihiga niya ito at hinagkan sa noo pagkatapos. Nang sabihin nitong wala na itong kailangan ay marahan niyang isinara ang pinto at lumabas pabalik sa patio.
Mula roon ay binaybay niya ang cobbled walkway patungo sa makapal na kakahuyan. Alas-sais pa lang pero madilim na dahil sa makakapal na puno. Naririnig na niya ang huni ng panggabing kuliglig.
Nakadama si Serena ng kapayapaan sa kapaligiran at may ilang sandali ring pinagsawa niya ang sarili sa pagtingin sa buong paligid. Subalit ilang sandali pa'y nagsimula nang kumalat ang dilim at hindi na niya maaninag ang paligid. Nangikig na rin siya sa lamig na nanunuot sa buto niya.
Ipinasya niyang bumalik sa loob ng bahay. Walang ilaw sa sala maliban sa mga ilaw na nakasabit sa mga poste sa labas ng bahay. Subalit may kung sinong nagparikit ng apoy sa fireplace.
Isang malaki at ipinasadyang sofa ang nakaharap sa fireplace. Sa paanan ay isang mamahaling rug. Isang magandang seascape painting ang nakasabit sa itaas ng fireplace. Wala sa loob na umupo siya sa sofa at tinitigan ang apoy.
Sa naging pag-uusap nila ni Lola Emilia ay marami siyang naliwanagan tungkol kay Robb. Higit kailanman, ngayon niya natiyak kung gaano nito kamahal ang abuela.
Pero nais niyang pagtawanan ang sarili na umasa siya nang sabihin ni Lola Emilia na may pag-ibig sa kanya si Robb; na nakikita at nararamdaman nito iyon. Naturally. Robb was a good actor. Napaniwala nito nang husto ang abuela. But Lola Emilia was all too correct about her feelings for Robb, she thought sadly.
A noise behind her startled her out of her reverie. Kanina pa siya nakaupo roon at hindi na niya napunang namatay na ang apoy sa fireplace at mga baga na lang ang naiwang tanglaw sa dilim.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka," ani Robb mula sa likuran niya. Nakasuot ito ng puting cutoffs at puti ring kamiseta. Nalalanghap niya ang amoy ng sabong pampaligo mula rito. Ibig sabihin ay nakapaligo na ito.
Serena eyed him warily.
"Sinilip ko si Lola, tulog na siya. Ibinilin ko kay Aning na dalhan tayo ng makakain dito."
Sa pagkabanggit sa pagkain, natanto niyang mula kaninang umaga ay walang laman ang sikmura niya maliban sa isang subo ng wedding cake.
She took a deep breath. Iyon na ang sandali para linawin dito ang ilang bagay. "Bakit nasa silid ko ang mga gamit mo?"
"Noong isang araw pa nailipat doon ang mga damit ko," banayad nitong sagot. Then he added pointedly, "I do believe I recall the marriage celebrant pronouncing us man and wife."
She bit her lip uncertainly. She had no answer to that. At ang mga gamit niya'y sa master bedroom inilagay ng inutusan nito dahil iyon ang nasa isip nitong dapat paglagyan bilang asawa ni Robb. O marahil dahil iyon ang utos nito.
Namagitan ang nakakailang na katahimikan. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang humakbang si Robb patungo sa fireplace at inayos ang mga agipo roon. Ilang sandali pa'y muling nagliyab ang mga kahoy.
Pagkatapos ay umupo ito sa rug ilang dangkal mula sa kanya, nakasandal sa edge ng sofa, nakaunat ang mga paa sa direksiyon ng fireplace. He looked relaxed, comfortable, at home. The flames highlighted his dark hair and made the smile he gave her almost devilish.
"Relax, Serena. You're so tensed," he said lightly.
"W-we cannot share a room, Robb," she persisted. "Gusto kong ilipat ang mga gamit ko sa ibang silid."
"Whatever you say," walang anumang sang-ayon nito. "Gusto mo bang ngayon ko na ipalipat kay Melba ang mga gamit mo sa kabilang silid?"
Hindi agad siya makasagot, nahimigan niya ang paghahamon sa tinig nito. Alam nilang pareho na hindi magandang tingnan iyon sa harap ng mga katulong. Natitiyak niyang magtataka ang mga ito. At muli, ay maaaring makarating kay Lola Emilia.
"Hindi na kailangan. Ako na lang ang gagawa niyon."
"There's plenty of time," sang-ayon nito. "At least wait until we eat. I ordered a light meal, para lang malamnan iyang tiyan mo." Dumukwang ito at umabot ng ilang pirasong kahoy ay inilagay sa siga. Nagsimulang muling lumakas ang apoy.
"Bakit binili mo ang bahay na ito?" she asked.
"Tulad ng sinabi ko kaninang umaga sa reception, dahil hindi gustong iwan ni Lola ang Sta. Fe. At hindi ko rin naman gustong iwan siyang mag-isa rito. At kahit marahil makumbinsi mo si Lola na sumama sa akin—which I very much doubt—I realized my grandmother wouldn't fit in America."
"Sana man lang ay binanggit mo sa aking binili mo ito..."
"Wala akong nakikitang dahilan para sabihin sa iyo," anito. "Walang nag-akalang mabubuhay pa si Lola Emilia."
That was true, she agreed reluctantly. Iyon mismo ang dahilan kung bakit nasa ganoong sitwasyon sila.
"But it wasn't fair. Nagmukha akong walang kaalam-alam sa harap ng mga bisita kanina..."
"You looked surprised—na siyang gusto kong palabasin tulad ng sinabi ko sa mga bisita kanina..." Tumaas ang mga mata nito sa dako ng entryway sa kusina at pagkatapos ay isang nagbababalang tingin ang ibinigay nito sa kanya.
Natanaw niya ang isang babae na may dalang malaking food tray. The woman must be in her late thirties, plump and heavy. Ipinakilala sa kanya ni Robb si Aning na ngumiti at ibinaba sa isang nakaangat na bahagi ng hearth ang tray at pagkatapos ay muling nagbalik sa kusina.
Habang tinititigan niya ang laman ng tray ay parang gustong pangapusan ng hininga ni Serena. The fire was romantically flickering, champagne chilling, Robb so relaxed and looking dangerously attractive half-sitting by the fire.
Tumayo siya at lumakad patungo sa corner lamp. "Bubuksan ko ang ilaw. Kung kakain tayo'y kailangan natin ng liwanag."
"No, don't," awat ni Robb at hinawakan siya sa sakong, napilitan siyang maupong muli. "Just the firelight is pleasant, don't you think?" He paused, then went on. "Look, I realize this is all very inconvenient for you. And I have to admit, hindi ito ang nasa isip ko nang una kong isuhestiyon na sabihin natin kay Lola na magpapakasal tayo. But it's too late now. We're here... married. We might as well make the best of a bad situation. And if it's any consolation, after all, it is only temporary."
Na siyang dapat at siyang gusto niya. Pero hindi maintindihan ni Serena ang sarili kung bakit ikinalulungkot niyang isiping magwawakas ang pagsasamang iyon sa lalong madaling panahon.
Muli'y naroroon ang kalituhan sa puso at isip niya. Natitiyak niyang ang pagpapanggap nilang iyon ang nagdudugtong sa buhay ni Lola Emilia. Subalit mananatili silang nakakulong sa bitag na iyon hangga't buhay ito. And in her hearts of heart, she didn't want her to die.
If only she didn't feel anything about him! At sana'y kaya niyang pakitunguhan ang pangyayari sa paraan kung paano ito pinakikitunguhan ni Robb—walang anuman na tila isa lamang iyong ordinaryong pangyayari sa buhay nito.
"Hey, it's our wedding night," he said lightly. "Can't we at least be friends?"
His tone was disarming that Serena felt confused. He seemed different now. Hindi magaspang at arogante. But gentle, even understanding.
"Friends?" tanong nito, inilahad ang kamay sa kanya.
"Friends," sang-ayon niya at tinanggap ang kamay nito. She tried to ignore the thrill his impersonal touch gave her.
Binuksan ni Robb ang mga takip ng pagkain at hinainan siya. There was only chicken in thick white sauce, corn, carrots and parsley as side dish and bread rolls. Hindi niya iniisip na makakakain siya nang kasalo ito. But she must be hungry because she did. At masarap ang inihain sa kanila.
Pagkatapos ay nagsalin si Robb ng champagne sa isang baso at ibinigay sa kanya. Atubili niyang tinanggap iyon. She'd never tasted champagne and wasn't sure how she would react to it. But to her surprise the champagne was delicious, light and bubbling.
Nagulat pa si Robb nang ubusin niya ang unang isinalin nito. He refilled her glass approvingly.
"The wine will relax you. You've been all tied up in knots for days. In fact, you're sitting there all tense and stiff right now, aren't you?"
At bago niya maipagkailang hindi siya ganoon ay umangat sa kinauupuan nito si Robb at gumawi sa likuran niya. Then he massaged her back and shoulders. He was right, she thought dreamily as the champagne and the warmth of his moving fingers flowed through her.
She was tense and stiff. Nararamdaman niyang unti-unting nalulusaw ang lahat ng tensiyon sa ilalim ng ekspertong mga kamay nito.
"Bakit kailangang palitan si Miss Solis?" she asked, sipping another glass of champagne. "At kailan darating ang kahalili niya?"
"Understaffed ang ospital sa bayan, Serena..." His fingers worked the taut, sore muscles along her shoulders. "At iyong kahalili'y inaasahan kong darating kanina. Naatraso marahil. Pero natitiyak kong naririto siya bukas ng umaga."
"Ang sabi ni Lola Emilia ay nakilala mo siya sa ospital sa America..."
"She's a private nurse. Dahil Pilipino ay nagkahulihan kami ng loob. Isinama siya ng pamilya ng pasyente niya sa America nang magpa-bypass operation ito. Her patient died a week after the operation. Naging nurse ko rin siya sa loob ng anim na buwan bago siya bumalik ng Maynila."
Yes, she thought, noong operahan ito sa mata.
His hand on her spine felt heavenly. His voice was softly soothing, almost hypnotic.
"Yvette's capable and very experienced..."
"Of course..." Nararamdaman niyang kailangan nilang magpatuloy sa pag-uusap. Napakaraming maaari nilang pag-usapan tungkol sa kanila. Tulad ng kung paano nila ipagpapatuloy ang pagpapanggap na ito... ang shop at ang trabaho niya....
Pero tila kay layo na ng lahat ng iyon at hindi na mahalaga sa mga sandaling iyon.
Dreamily, she realized Robb was no longer just massaging her back and shoulders. His lips trailed a whisper of kisses along the back of her neck...
21
SOFT gasps came out of Serena’s lips. His hands deftly loosened her blouse and exposed a shoulder, creamy in the firelight. He gave them another rain of warm kisses. Unwittingly, she arched her body… closed her eyes…
May kampanilyang kumalembang sa likod ng isip niya... nagbababala. She must stop him. This was dangerously too far. Lalo at nararamdaman niya ang isang kahinaang unti-unting lumulukob sa kanya. She could feel a languid feeling that made her soft and yielding to his touch.
Sinikap niyang magprotesta. But all that came out was a husky, helpless, "Robb..."
He didn't speak. Ang mga daliri nito'y banayad na humaplos sa leeg niya, sa linya ng mukha niya... Then his fingers roamed in wild exploration over her body as she twisted and turned, hardly knowing whether she was trying to escape the exquisite pain of his touch or bring it closer.
"R-Robb... please don't—"
His hands caressed the smooth skin beneath the blouse that was now open to her waist. His lips found the gentle swell of her breasts and lingered in the hollow between them.
Pakiramdam ni Serena ay isa siyang instrumento sa kamay ng isang batikang musikero, at kay tamis at kay ganda ng musika para patigilin niya iyon.
Then his hand turned her mouth to his and her lips parted of their own accord to meet his. Malalim ang halik na iyon, matamis, mainit, nakalalango.
She was dimly aware when he pushed her back against the carpet, kalahati ng katawan nito'y nasa carpet at ang kalahati'y nakadagan sa kanya.
Hindi totoo ang nangyayari, bulong ng isip niya. Bahagi lamang iyon ng mga pantasya niya kung saan malaya niyang gawin ang anumang gusto niyang mangyari.
Tumaas ang kamay niya at dinama ng mga daliri ang mukha ni Robb. She traced the chiseled curve of his lips, ran her hand through his thick hair, pulled his head down to meet her lips again in a wild, abandoned kiss. Then her body moved wantonly against his.
"I want you so much, Serena," he whispered hoarsely.
Bigla siyang natilihan. Nanlaki ang mga mata sa pagkamangha. Napatitig siya kay Robb. Naglalaro sa mukha nito ang anino ng liyab mula sa fireplace.
This wasn't a fantasy!
The body beside her was real, lean and hard against hers. Nararamdaman niya sa ibaba ng tiyan niya ang pagkalalaki nito. Thrusting teasingly. Ni hindi niya namalayan kung kailan nito hinubad ang kamiseta. The firelight gleamed on naked, bronzed skin.
His bare skin pressed against hers with only the lacy wisp of her bra between them. At patuloy ito sa pagmamadaling matanggal iyon mula sa likod niya.
She must stop him before it was too late, she thought wildly. But some primitive force within her told her it was already too late, an animal desire seemed to have taken control of her body.
Maaaring humihiyaw sa pagtutol ang isipan niya upang tumigil, subalit mabilis iyong nadaraig ng sigaw ng pagnanasa ng katawan niya na isakatuparan ang pangangailangang iyon.
Serena caught her breath as Robb found the obstinate hook of her bra. Ni hindi niya magawang tumutol na alisin nito iyon. He hurriedly bent his head and took one nipple in his mouth. Serena almost cried in ecstacy.
It was too late... she couldn't stop him now... and she wouldn't stop him now...
Nang biglang tumunog ang telepono sa di-kalayuan sa ulunan nila... sa tagilirang mesa. Malakas ang ring niyon, nakatutulig sa katahimikang iyon. Natigilan siya. "Ang... telepono..."
Robb cursed under his breath. "Forget the damned phone," he murmured against the softness of her skin. "It will stop in a minute," he said roughly. His fingers were trying to unzip her walking shorts.
Pero hindi iyon tumigil. Patuloy at patuloy na tumutunog ang telepono. "K-kailangang sagutin natin..." she said uneasily.
"May extension sa kusina. Sasagutin ng mag-asawa ang telepono."
Bigla siyang natigilan dahil doon. Kung sasagutin man iyon ni Aning o ni Julio ay malamang na para kay Robb ang tawag na iyon at dahil alam nitong naroon lang sila sa fireplace ay aabutan sila nito sa ganoong ayos. Siya, sa halos hubad na ayos at ganoon din si Robb.
She pushed him... half-sitting she reached for the phone.
"Hello?" she said breathlessly.
There was a moment of silence, na para bang nagulat ang nasa kabilang linya na isang babae ang sumagot dito. Then, "May I speak to Robb, please?" The voice was young, feminine, somehow suggestive in saying even that simple line.
"Who's calling, please?" she asked crisply. Hindi niya matiyak kung bakit hindi kaagad niya iniabot kay Robb ang telepono.
"Tell Robb it's Yvette..."
"Yvette," she repeated dumbly. Bumagay ang pangalan sa mapang-akit na tinig ng may-ari.
Inabot ni Robb ang telepono. Sinamantala niya iyon para lumayo, clutching her blouse around her. Nagmamadali siyang tumalikod para ikabit ang bra niya.
She was shocked. Ano ang nangyayari sa kanya? She had acted cheap and wanton. But was making love to the man you love cheap and wanton? a part of her asked. Isang bahagi niya ang sumagot sa tanong niyang iyon: Yes, because he doesn't love you!
Halos takbuhin niya ang patungo sa direksiyon ng hagdan.
22
“SERENA, wait!” tawag ni Robb matapos ibaba ang telepono. Nagmamadaling hinabol siya nito. Nasa unang baitang na siya nang mahawakan siya nito sa baywang. “Saan ka pupunta?”
"Sa itaas. Pero hindi sa silid mo kung iyon ang iniisip mo." Sandali siyang nag-atubili. Hindi niya gustong ipakita ang kuryosidad pero hindi niya maawat ang sarili. "Iyon ba ang private nurse na kahalili ni Miss Solis?"
Tumango ito. "Nasa bayan siya sa isang hotel doon. Bukas na siya makararating dito."
"She sounded... young. I expected her to be of middle-aged, base sa sinasabi mong description." Capable and experienced... Gusto niya ngayong pagdudahan kung saan ba mahusay at makaranasan ang Yvette na ito, she thought wildly.
"Yvette's thirty. Hindi ganoon kabata. Private nurse na siya sa nakalipas na walong taon."
Biglang gumuhit sa isip niya na "Robb" ang itinawag nito rito at hindi "Mr. Orlando."
"And you are on first-name basis?"
"Hindi kailangang maging pormal, Serena. Ang sabi ko sa iyo'y naging nurse ko siya ng anim na buwan..." he said impatiently. "At may utang-na-loob ako sa kanya. Sa kanya nanggaling ang ideya na isulat ko ang nangyari sa akin..." Humigpit ang braso nito sa baywang niya at hinapit siya. "Look, I'm really not that interested in talking about my grandmother's nurse right now."
Naisara na niya ang mga butones ng blusa niya pero nanunuot pa rin ang init ng hubad nitong katawan sa balat niya. She steeled herself to ignore the wild response that threatened to rise and engulf her again.
"A-alam ba niya na kasal ka na—tayo?"
Nag-atubili ito, nangunot ang noo. "No, I suppose not." Pagkatapos ay muli siya nitong hinagkan sa leeg, gently biting her earlobe. "Bumalik tayo sa sofa, Serena..."
Stars danced dizzily inside her head. She wanted to go with him, ached to abandon everything in a wild ecstacy of lovemaking. She loved him—he wanted her.
At natitiyak niyang hindi iyon pagkukunwari lamang sa bahagi ni Robb para sa kapakanan ni Lola Emilia. He wanted her. Nararamdaman niya iyon sa bawat himaymay ng katawan nito.
But that was just it, she thought in despair. She loved him, but he only wanted her.
"Papanhik na ako," determinadong sabi niya, "sa sarili kong silid."
Umangat ang ulo nito. "What is this? A few minutes ago you were as eager as I am." Half-angrily he added, "At huwag mong kalimutang legal tayong mag-asawa."
"No, hindi totoong mag-asawa."
His lips twisted. "Hindi mo ba taglay ang hinahangad ng kahit sinong matinong babae? Ang lisensiya sa kasal, seremonya, ang mga singsing sa iyong daliri. At hindi biro ang halaga niyan."
Napasinghap siya sa ipinahihiwatig nito—na isa siyang bagay na binili at binayaran. She struggled to free herself from his grip that had changed from caressing to cruel.
"Hindi ko naiintindihan ito, Serena," marahas nitong sabi. "I know you wanted me as much as I want you." Upang patunayan ang sinabi'y itinaas nito ang kamay at dinama ang dibdib niya. Napasinghap si Serena. Unwittingly, her traitor body arched towards him.
"See what I mean?" he said mockingly. "Kusang tumutugon ang katawan mo sa akin, Serena. It's pointless to fight it." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Loosen up," magaspang nitong sabi. "Gusto mo rin ako tulad ng paghahangad ko sa iyo. We might as well get something out of this marriage trap."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nag-iisip ito kung paano makikinabang sa "marriage trap" na iyon! At siya ang "something" na gustong pakinabangan nito na tila alipin na susunod sa bawat maibigan nito!
"How... how could you be so calculating?" she said, trembling in anger. "First, you emotionally blackmailed me into marrying you. Pangalawa, inilahad mo sa akin ang prenuptial agreement upang tiyaking hindi ako makikinabang sa pagsasamang ito—na para bang ako ang may pakana nito at para din bang hahangarin ko ang anumang pag-aari mo! Third, you want to turn this farce of a marriage into a real wedding night! You want to take all the gains by taking advantage of me. You... you son of a—"
"Watch out, Serena," mapanganib nitong babala bago pa niya matapos ang sasabihin. "Kanina, hindi kita pinilit... higit ka pang masigasig kaysa sa akin," he said ruthlessly. "Had it not been for that phone call, you would have given yourself to me so willingly. Kaya ipagpaumanhin mo, I must really be so cork-witted tonight, dahil hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit...
"At kung ang pagtugon mo sa akin ay itinuturing mong pananamantala sa bahagi ko..." He paused, raked his eyes through her body maliciously. "Then, darling, you're the biggest hypocrite I have ever known!"
Nagpupuyos na umangat ang kamay niya at malakas na dumapo iyon sa pisngi ni Robb. Napaatras siya papanhik sa ikalawang baitang sa ginawa. Hindi siya makapaniwalang may sinaktan siyang tao.
Nag-isang linya ang mga mata ni Robb. Tumaas-bumaba ang dibdib sa pinipigil na galit. Somehow, may nadama siyang takot sa anyo nito. Mabilis siyang tumalikod at patakbong pumanhik sa itaas pero hindi sa master bedroom kundi sa kabilang silid at mabilis iyong sinusian. Huli na nang matantong ang mga gamit niya'y nasa kabilang silid pa.
Humiga sa kama si Serena at niyakap ang isang unan. How could she have fallen in love with such a calculating, arrogant man? she thought agonizingly.
Gayunman, sa kabila ng lahat, ay hindi niya maalis sa isip ang nangyari sa ibaba. Hindi niya maiwasang isiping sana'y hindi na lang niya sinagot ang telepono...
Napaungol siya. She must really be mad!
23
DAHIL napuyat siya sa pag-iisip ng sinundang gabi, tanghali na nang magising si Serena. Alas-diyes ng umaga’y magkasalo sila ni Lola Emilia sa patio sa brunch nang dumating ang bagong private nurse ng huli.
Mula sa patio ay narinig niya ang malambing nitong halakhak. Pagkatapos ay ang anasang pag-uusap nito at ni Robb na tila hindi gustong marinig ninuman at pagkatapos ay ang muling tawanan.
Ilang sandali pa'y bumungad na sa entrada ng patio sina Robb at ang bagong private nurse. Halos manlaki ang mga mata niya nang matitigan ito. Mas angkop itong artista sa pelikula kaysa sa nurse. Napakaganda nito. Mestisa. Walnut-blonde ang mahaba nitong buhok, artfully tousled—na tila yaong sa modelo ng buhok sa magazine.
Maganda ang hubog ng katawan na binigyang-diin ng hapit na damit. Mamula-mula ang makinis na kutis. Ang sabi ni Robb ay treinta na ang edad nito. Pero sa nakikita niya rito ay siya ang mas mukhang treinta kaysa rito.
Robb made introductions. Marahil ay nasabi na ni Robb kay Yvette ang tungkol sa kanila ni Robb. Pero sa paraan ng mapanuri nitong tingin sa kanya, Serena wondered angrily if Robb had revealed to this woman the circumstances of their marriage.
24
NANG hapong iyon habang umiidlip si Lola Emilia ay natanawan ni Serena na binibigyan ni Robb ng grand tour sa kabahayan si Yvette. Nagtatawanan ang mga ito na tila ba hindi employer-employee ang relasyon.
Masiglang nagkukuwento si Yvette ng tungkol sa mga naging employer nito sa Maynila. At habang nagkukuwento ito ay napuna ni Serena ang intimate na paraan ng paghawak ni Yvette sa braso ni Robb.
Hanggang sa hapunan ay walang kasawaan sa kuwentuhan ang dalawa. Paminsan-minsan ay isinasali siya ni Robb sa usapan na patamad niyang sinasagot sa isa o dalawang salita.
Pagkagaling sa silid ni Lola Emilia nang gabing iyon ay pumanhik na sa silid niya si Serena nang matanawan sa fireplace ang dalawa. Then the reality of the sickening situation hit her. Determinadong ituloy ni Robb ang anumang relasyong mayroon ito kay Yvette at sa mismong bahay na iyon habang tahimik lamang siyang nagmamasid.
Alam ni Robb na nasa isang bitag siya, na hindi niya makuhang kumawala roon at bigyan ng sama ng loob si Lola Emilia na maaari nitong ikamatay.
Malalim na ang gabi nang marinig niya ang mga yabag na dumaan sa kanyang silid. At sa kabila ng pagsisikap niyang maulinigan, hindi pa rin niya matiyak kung isa o dalawang tao ang may-ari ng mga yabag.
Natulog siyang napakabigat ng dibdib.
25
“SAAN ka galing?” bungad ni Robb sa silid niya.
Bigla niyang hinablot ang hinubad na damit at itinakip sa katawan niya. "Hindi ka ba marunong kumatok?" singhal niya rito.
Nang magising siya kaninang umaga ay wala ito at si Lola Emilia at si Yvette. Ayon kay Aning ay nagpahatid si Lola Emilia sa kabilang bahay at kasama ang nurse ay ipinagmaneho ito ni Robb.
Sinamantala niya ang pagkakataong wala si Lola Emilia at minabuti niyang sumaglit sandali sa shop niya. Dalawang oras lang siya roon at may mga ipinagbilin lang kay Alfred at agad na siyang umuwi.
Subalit sa nakikita niyang anyo ni Robb ay tila tatlong araw siyang umalis nang walang paalam. Pabagsak nitong isinara ang pinto. "Sagutin mo ang tanong ko, Serena."
"Sumaglit ako sa shop. Nagbilin ako kay Alfred ng mga dapat gawin," mabigat niyang sagot. Ang mga kamay niya'y mahigpit ang hawak sa hinubad na damit na itinakip sa katawan.
"Nag-aalala si Lola sa iyo dahil masama ang panahon at ni hindi ka nagpaalam!" Ang naniningkit na mga mata nito'y nang-uuri. "Sandali lang kaming nawala pero sinamantala mo kaagad upang makipagkita sa kaibigan mo."
"Dalawang oras lang akong nawala, Robb," depensa niya. "And for heaven's sake, hindi mo kailangang ipagdiinan ang salitang "kaibigan" na tila hindi ka naniniwalang magkaibigan kami ni Alfred!"
"Guilty, Serena?" he taunted.
"Huwag mo akong baligtarin, Robb," aniya, nagtagis ang mga ngipin.
"Baligtarin? Ano ang ibig mong sabihin?"
"Hindi ako bulag!" she snarled. "Nakikita ko kung gaano kayo kalapit ng nurse ni Lola Emilia. At ano ang malay ko kung hindi mo lang siya basta nurse!" Hindi niya naawat ang sarili sa akusasyon at huli na para bawiin ito.
"Nagseselos ka ba, Serena?" His scowl was instantly gone. Nahalinhan iyon ng kaaliwan.
"Walang dahilan para magselos ako, Robb," she said coldly. "You can do whatever you want to do. Pero tiyakin mong maikakapit ninyo ang kahulugan ng "discreet" lalo na sa pamamahay na ito. Hindi mo gustong maghinala at mag-alala si Lola Emilia. She only has a very weak heart but she's not dumb," sarkastikong balik niya, na sinamahan ng maasim na ngiti. "Hindi natin pinasok ang pagpapanggap na ito upang mauwi lang sa wala, 'di ba?"
Nagdilim ang mga mata ni Robb. Hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik. Pagkatapos ay huminga nang malalim. "Hindi kita binabawalang magtungo sa shop mo, Serena, pero magpaalam ka."
"Oh, yes, master," she taunted angrily.
Hindi kumibo si Robb at binuksan ang pinto at lumabas.
26
NAGING routine ang buhay ni Serena nang sumunod na mga araw. Sa nakalipas na isang linggo ay araw-araw siyang nagtutungo sa shop. Inaaliw niya ang sarili sa pagiging abala at pag-aasikaso sa dati niyang bahay at paglalakad-lakad sa baybayin upang mamulot ng shell at kabibe.
Wala namang kaibahan ang mga araw niya noong hindi pa sila magkakilala ni Robb. Ang kaibahan lang ngayon ay kailangan niyang bumalik sa malaking bahay sa hapon. Back to the torment of being near the man she loved who only scornfully tolerated her. Back to Yvette's knowing eyes and possessive attitude toward Robb.
Hindi niya miminsang nakikita ang dalawa na nag-uusap sa isang intimate na paraan kahit saang bahagi na lang ng bahay sa tuwing natutulog na si Lola Emilia. At bagaman nakauniporme si Yvette ng puti sa araw ay nagpapalit ito ng maganda at mapang-akit na damit sa gabi.
And it was agony for her to see the possessive way Yvette monopolized conversations with Robb at mealtimes. Pahawak-hawak ito sa braso ni Robb upang idiin ang isang punto at pinipili ang usapan sa mga topic sa nakalipas kung saan walang masabi si Serena.
Sinikap niyang ignorahin ang pait at sakit na nararamdaman dahil kahit paano'y tama si Robb—mahusay na nurse si Yvette. Alam nito kung ano ang gagawin, mula sa diet hanggang sa hygiene. Malambing din ito sa matanda na kahit si Lola Emilia ay natutuwa rito.
"Huwag ka nang pumasok sa silid ni Lola Emilia, Serena," ani Yvette mula sa likod niya nang akma niyang kakatukin ang pinto ng silid ni Lola Emilia upang magpaalam na patungo na siya sa shop nang umagang iyon.
Kunot-noong napalingon siya rito. "Natutulog ba siya?"
"Nilagyan ko ng oxygen mask dahil nahihirapan siyang huminga kanina. At kapag pumasok ka'y hindi maiwasang hindi kayo mag-usap..."
"I-is she all right?" nag-aalala niyang tanong. Ngayon lang uli gagamit ng oxygen si Lola Emilia mula nang lumabas ito sa ospital. "Nasaan si Robb?" Nitong nakalipas na mga araw ay alam niyang malimit magkulong sa study nito si Robb.
"Nasa study, nasa second chapter na siya ng nobela niya..." Ang tinging ipinukol nito sa kanya ay nagpapahiwatig na siya itong asawa at dapat niyang alam kung ano ang ginagawa ni Robb. "At alam niyang kinabitan ko ng oxygen si Lola Emilia. Sige na, Serena, maaari ka nang magtungo sa shop mo. Ako na ang magsasabi kay Lola Emilia mamaya."
Ang huling sinabi nito'y sa tonong propesyonal. Na lalo lang nagpatindi ng pag-aalala niya. Sa nakalipas na isang linggo'y dalawang beses ding dumalaw si Dr. Romero. At sa parehong pagkakataon ay hindi ito nagbigay ng pag-asa. Bagaman ikinatutuwa nitong stable naman ang lagay ni Lola Emilia.
Hindi niya gustong umalis ng bahay dahil nag-aalala siya pero hindi naman niya gustong magmukhang sunod-sunuran kay Yvette. At ngayon din lang siya lumabas ng bahay na hindi siya pakunwaring inihahatid ni Robb sa pinto.
But she didn't care. She was sick and tired of all their pretenses. Hindi na muling tinangka ni Robb na magkalapit sila matapos ang gabing iyon na muntik na siyang makalimot sa sarili.
27
NALAMAN ni Serena mula sa mga katulong na maghapong nagkulong sa den si Robb. Lumabas lamang nang tingnan ang abuela. Kahit sa hapunan ay hindi ito sumalo at pinahatiran na lang ng pagkain sa den.
"Hay, naku..." Yvette said. "Ganyan talaga si Robb kapag nagtatrabaho, hindi mo maaabala. Duda pa nga ako kung mapapansin niya ang pagkaing inihatid sa den."
Muli ay gumuhit ang matinding panibugho sa dibdib niya. Lumalabas na mas wala siyang alam sa asawa niya. At sa inis niya'y hindi niya napigilan ang lumabas sa bibig niya.
"Were you lovers before?" Lihim siyang napaungol sa tanong na iyon.
Pero ni hindi nagkunwaring nagulat si Yvette. Puno ng kahulugan ang ngiti nito. "Why don't you ask your husband?"
Hindi siya kumibo. Bigla'y nawalan ng lasa ang lahat ng pagkain sa harap niya.
"I don't mean to be insulting, Serena," wika nito. "Oh, you're pretty in your own way. Simple and..." Nagkibit ito ng mga balikat "... domesticated, for the lack of right word. And I was surprised when Robb introduced you as his wife. You don't seem the type Robb would fall into."
"Oh, I know what you mean," Serena muttered sweetly. "Pero ang type na sinasabi mo ay iyong uri ng mga babaeng kinaaaliwan ng mga lalaki sa kanilang kabinataan. Pero hindi ang uring pinakakasalan." That was bitchy of her yet for the first time since Yvette arrived Serena was pleased with herself. Lalo na nang biglang naglaho ang ngiti sa mga labi nito.
"Isang linggo na akong mahigit dito pero napupuna kong para kayong hindi mag-asawa ni Robb," komento nito, nang-iinis ang ngiti. "Ang isa ko pang napupuna ay malambing kayo sa isa't isa sa tuwing kaharap ninyo si Lola Emilia. Hindi ko tuloy maiwasang pag-isipan ang dahilan ng biglaang pagpapakasal ni Robb..."
Ikinagagalak ni Serena na sila lamang ni Robb ang umookupa sa ikalawang palapag. At kung napuna man ng mag-anak na Julio, Aning, at Melba, na magkaiba sila ng silid ni Robb ay nanatiling walang komento mula sa mga ito.
"Mayaman ang imahinasyon mo, Yvette. Hindi lahat ng tao ay hantarang nagpapakita ng kanilang mga emosyon..."
Yvette shrugged her shoulders. Tinapos na rin niya ang pagkain. Ipinasya ni Serena na kausapin si Robb nang gabing iyon. Kung tungkol saan ay hindi niya matiyak. Hinintay niyang pumanhik ito sa silid nito.
Naupo siya sa settee sa silid niya at inabala ang sarili sa pagbabasa ng paperbacks na hindi naman niya naiintindihan. Hinihila na siya ng antok nang marinig ang mga yabag nito patungo sa master bedroom.
Nagmadali siyang bumangon at lumabas ng silid patungo sa silid nito. Marahan siyang kumatok at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Ang malamlam lang na ilaw sa corner lamp ang nakasindi at nakita niyang naghuhubad ito ng damit.
Bahagya pa itong nagulat nang malingunan siya pero nagpatuloy sa paghuhubad. Serena watched, mesmerized. He was a bronzed god in the dim light.
"Gising ka pa?" wika nito, inihagis sa silya ang polo shirt.
"Gusto kitang makausap..." Tinitigan niya ito. He looked tired. At noon lang niya napuna na ilang araw na itong hindi nag-aahit. "Kumusta ang... ang sinusulat mo?"
Umangat ang mga kilay nito. "Hinintay mo ako nang ganitong oras para lang kumustahin ang sinusulat ko?" Disbelief and amusement laced his voice.
She sighed. Sumandal siya sa hamba ng pinto. Gusto niyang sabihin dito ang obserbasyon ni Yvette sa kanila. Pero sa halip ay, "Actually, si Lola ang gusto kong kumustahin."
"Bakit hindi mo siya pinuntahan kanina?"
"Ipinagbawal ni Yvette. Hindi niya gustong mahapo si Lola kung mag-uusap pa kami. At kaninang dumating ako'y tulog na siya at may nakakabit pa ring oxygen. What's wrong with her, Robb?"
Hindi agad ito sumagot. Lumakad patungo sa kama at naupo sa gilid niyon. "She's getting worse, Serena..."
"Oh..." Pinigil niya ang pagpapakawala ng hikbi.
"Kinausap namin ni Yvette si Dr. Romero tungkol sa pagdadala namin kay Lola Emilia sa Maynila..."
Bigla ang pagbugso ng galit sa kanya na malamang ito at si Yvette lang ang nag-uusap tungkol doon.
"Hindi gustong umalis ni Lola, malibang sapilitan natin siyang dalhin..."
"Gusto mong kausapin ko si Lola Emilia at subukan ko kung makukumbinsi ko siya?" Natakpan ng pag-aalala ang galit niya.
Hinagod ng mga daliri ni Robb ang sentido. "Pinag-usapan na namin ni Yvette ang bagay na iyan. I don't think there's any point mentioning it to my grandmother any further. It only upsets her."
May pakiramdam si Serena na binabale-wala nito ang anumang opinion niya; na ito at si Yvette lang aang nagpapasya ng mga bagay-bagay. "Well, it appears everything is being discussed and decided without me. Sorry, I bothered you..." Tumalikod siya upang bumalik na sa sariling silid.
"Lagi kang wala," akusa ni Robb na nagpahinto sa paglabas niya. "You seem more concerned about that damn shop than about Grandma!"
"Alam mong hindi totoo iyan!" she turned and protested indignantly.
Namagitan ang katahimikan. Pagkuwa'y ikinulong ni Robb ang mukha sa mga palad. "My grandmother continued to weaken, Serena. Alam mo ba kung gaano kahirap iyon para sa akin? Ang makitang unti-unting nawawala sa harap mo ang taong mahal mo at wala kang magawa?"
Hindi napigil ni Serena ang damdamin at lumapit dito. Hinawakan sa balikat ang asawa. "I... I love her, too, Robb. Hindi ko rin siya gustong mawala."
Ginagap ni Robb ang kamay niya at ikinulong sa mga palad nito. Serena's heart went out to this man she loved. Kung mayroon mang taling nag-uugnay sa kanila ay walang iba kundi ang pagmamahal nila sa matandang babae.
"You're tired, Robb," she whispered. Binawi ang kamay at dinala sa mga balikat nito. "I'll rub your back..." Slowly, she massaged the sinewy cords along his neck and shoulders.
Narinig niya ang maginhawang pag-ungol nito. Encouraged, ipinagpatuloy niya ang ginagawa. She lightly kneaded the long muscles along the either side of his spine.
Then softly, hardly believing her own daring, she bent and touched her lips lightly to the back of his neck.
Naramdaman niya ang biglang paninigas ng kalamnan nito. Subalit hindi ito lumingon upang harapin siya. His voice was strangely muffled when he spoke.
"Bakit mo ginawa iyon? Bakit ka kumikilos nang ganito?"
Dahil mahal kita... dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong dalawa ni Yvette. And because it's all I can ever have of you and I'm desperate enough to settle for anything.
Pero hindi niya magawang sabihin ang mga iyon. What she was doing was bad enough without adding the agony of admitting she loved a man who did not love her.
"Napagpasyahan kong tama ka, Robb," aniya. "We might as well get something for ourselves out of this marriage we're trapped in..."
Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Inaasahan niyang yayakapin siya nito. Sa halip ay galit at pagkasuklam ang nakita niya sa mga mata nito.
"Now, this is calculating," he said contemptuously. "Huwag mong ihambing ang nangyari sa atin sa ibaba sa gusto mong mangyari ngayon, Serena. What happened that night of our wedding wasn't premeditated. Kusa iyong nangyari."
Shock and humiliation flooded over her like ice water. She had thrown herself at him and he had turned her down. He didn't want her.
Walang salitang tumalikod si Robb at pumasok sa walk-in closet. Naiwan siyang parang tuod na nakatayo roon. Ang poot at pagkasuklam sa mga mata nito'y mananatili na sa isip niya. Nang marinig niya ang lagaslas ng tubig sa shower ay saka pa lang siya tila natauhan at patakbong lumabas ng silid nito at nagbalik sa kabilang silid.
Doon ay inubos niya ang luha niya sa pag-iyak sa buong magdamag. Sa labas ay nakikiramay ang panahon na lumalakas ang ulan at hangin.
Gustuhin man niyang umalis ay hindi niya magawa lalo at hindi bumubuti ang kalagayan ni Lola Emilia. Tuluyan na siyang nabaon sa patibong na pinahintulutan niyang bitagin siya.
28
INGAY ng pagbubukas ng venetian blinds ang nagpagising kay Serena. Tinakpan niya ang mga mata nang masilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana.
"M-magandang umaga po, ma'am," bati ni Melba sa nanginginig na tinig. "Ipinagigising po kayo ni sir Robb..."
Ibinaon niya ang mukha sa unan. May pakiramdam siyang wala pang isang oras mula nang matulog siya. "Anong oras na ba? Kung gusto niyang bumaba ako sa almusal—"
"Wala na po si Lola Emilia, ma'am..." putol ni Melba sa sinasabi niya.
She went still. Pagkuwa'y bumalikwas ng bangon. "Ano ang sinasabi mo, Melba?" Gustong mabasag ng dibdib niya sa kaba. Nang hindi sumagot si Melba ay halos madapa siya sa pagbaba sa kama at patakbong lumabas ng silid.
Sa ibaba, sa silid ni Lola Emilia ay hinarang siya ni Robb nang magtangka siyang pumasok. "Bitiwan mo ako! Gusto ko siyang makita!"
"Sshh..." alo nito, niyakap siya. "She died in her sleep, Serena," wika nito sa gumagaralgal na tinig. "If it's of any consolation, she looked peaceful and happy."
Napasubsob siya sa dibdib nito at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya. Ang nag-iisang taong nagmamahal sa kanya ay wala na. Tuluyan nang nawala ang kaisa-isang dahilan ng pananatili niya sa bahay na iyon... sa piling ni Robb.
29
SA MISMONG araw ng libing ay tumindi nang husto ang pagsusungit ng panahon. Wari ay nakikiramay sa malungkot na araw na iyon. Gayunma’y naroroon ang halos lahat ng mga kakilala at kaibigan ni Lola Emilia. At si Alfred.
At sa kabila ng kapanglawan niya ay isang katotohanan ang naghuhumiyaw sa isip niya: tapos na ang pagkukunwari nila at malaya na siya.
Then she realized she wouldn't be totally free of him. Kahit ang rejection nito sa kanya'y hindi sapat upang maalis si Robb sa puso at isip niya. She loved him. Panahon lang ang makapagsasabi kung kailan niya ito malilimot.
Inilipad ng malakas na hangin ang payong niya. But she didn't mind. Ang mga luha niya'y humalo sa ulan na tumatama sa mukha niya. Hindi lamang ang pagkawala ni Lola Emilia ang iniyakan niya kundi ang kamatayan ng pag-ibig niya.
Hinayaan niyang yakapin siya ni Robb bilang pagdamay. Sa nakalipas na tatlong araw na burol ay hindi umaalis si Robb sa tabi niya. Nanatiling nakaalalay at pinipilit na kumain siya. Pakitang-tao man iyon o hindi ay hindi na mahalaga.
"Halika na sa sasakyan," wika nito. "Baka magkapulmonya ka..." Hindi siya tumutol nang ipasok siya nito sa Pajero.
Nakabibingi ang katahimikan nang umuwi sila. Pagdating sa bahay ay dumeretso siya sa banyo at itinapat ang sarili sa dutsa. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon. Kailangan na niyang umalis sa oras na iyon.
Hindi kailangang makita pa niya sina Robb at Yvette. Hindi niya gustong ipamukha mismo sa kanya ni Robb na tapos na ang pagpapanggap nila sa mismong harap ni Yvette.
Nagmamadali niyang inilagay sa maleta ang ilang gamit niya. Ang iba'y saka na lang niya babalikan. Marahas niyang isinara ang pinto ng silid niya. Nasa bungad na siya ng hagdan nang lingunin ang silid ni Robb. She bit her lip to keep from crying.
Bumaba siya ng hagdan at nagpasalamat na walang tao roon. Tuloy-tuloy siya sa garahe at inilagay sa Wrangler ang maleta. Halos hawiin siya sa malakas na balya ng hangin. Agad na bumasa sa mukha niya ang ulan. Alas-tres y medya pa lang ng hapon pero parang gabi na.
Nagmamadali siyang pumanhik sa driver seat at ipinapasok na niya sa ignition hole ang susi nang mapuna ang mga singsing sa daliri niya—ang set ng engagement at wedding ring.
Sandali siyang natilihan. Hindi niya maaaring dalhin ang mga iyon. Muli siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay at pumanhik sa silid niya. She found herself strangely reluctant to remove the rings. Na para bang kapag ginawa niya iyon ay tuluyan nang naputol ang anumang ugnayan nila ni Robb.
But that was ridiculous. Wala silang ugnayan nito. Hindi sila nagkaroon kailanman. Only the trap that had somehow closed around them. Hinubad niya ang mga singsing at inilagay sa tokador.
Nasa pasilyo na siya nang makita si Robb na pumapanhik sa hagdanan. Hindi pa ito nagpapalit ng damit. Basa pa rin ang suot nito mula sa ulan kanina. Kausap ba nito mula kanina si Yvette sa guest room?
She dismissed the pain in her heart. Nagpatuloy sa paghakbang.
Hinagod ng tingin nito ang suot niya. "Naka-jacket ka. Saan ka pupunta?"
"M-may aayusin lang ako sa shop." Nanginginig ang tinig niya. Hindi siya mahusay magsinungaling sa kabila ng pagpapanggap na ginawa nila kay Lola Emilia.
"Hindi mo ba maipagpapaliban iyan?" wika nito, nagsalubong ang mga kilay. "May bagyo, Serena, kagabi pa."
Umiling siya. "D-dahil mismo sa bagyo kaya kailangang magtungo ako sa shop, Robb..."
"I could take you there. But first, there are some things we have to talk about," sabi nito.
Nag-angat siya ng mukha rito. "Oh, yes. Ang tungkol sa prenuptial agreement..." Iyon ang unang pumasok sa isip niya. "Walang pag-uusapan tungkol doon. Nasabi na ng contract ang gusto mong mangyari."
"Damn the prenup, Serena!" he exploded.
Serena suddenly felt dizzy. Hindi niya kayang ipakipag-usap ang annulment dito. "Please, Robb," pakiusap niya. "Pagod ako at ilang araw din akong puyat. Wala ako sa kondisyong makipag-usap ngayon..."
He hesitated for a moment, then, "Of course. I'm sorry. I suppose it isn't the right time." Pagkuwa'y tinitigan siya, nagsalubong ang mga kilay. "Pero hindi mo ba maipagpapaliban ang pagtungo sa shop? Napakasama ng panahon, Serena."
"Importante ang sadya ko roon," aniya.
"Okay, I'll drive you there—"
"No!" maagap niyang sagot na lalong nagpalalim sa kunot ng noo nito. "I—I mean, tingnan mo ikaw, basang-basa pa rin hanggang ngayon. Baka ikaw ang magkasakit, Robb, kung hindi ka magbibihis kaagad. Anyway, sandali lang naman ako."
"Serena, it's dangerous. I can't allow you to—"
"Please, Robb," determinadong sabi niya. "Wala pang sampung minuto ang pagtungo sa shop. Don't worry." At bago pa siya mapigilan nito'y nagmadali na siyang bumaba ng hagdanan.
Inilabas na niya ng garahe ang Wrangler niya. Kahit paano'y kinabahan siya nang kumislap ang kidlat sa kalangitan, sinundan iyon ng kulog. Nang tumingin siya sa mga puno ay halos humalik sa lupa ang malalaking sanga sa lakas ng hangin. Naririnig niya ang langitngit ng mga iyon na tila mababali ano mang oras. She knew it was dangerous to travel but she had to leave before she made a fool of herself.
Sa dulo ng mahabang driveway ay bumaba siya at binuksan ang gate at saka muling bumalik sa sasakyan. Napakagat-labi siya, nagdadalamhati sa pag-alis na iyon. Tapos na ang lahat. Ni wala siyang dalang magandang alaala sa pinagsamahan nila—just his cruel rejection when she had foolishly offered herself to him.
Bago niya muling napaandar ang sasakyan ay tila may narinig siyang tinig na tinatawag ang pangalan niya. Nakikipag-agawan sa alulong ng hangin. Sinundan iyon ng ingay ng kung ano mula sa likuran niya. Pagkatapos ay ang pagbagsak ng kung ano sa lupa na yumanig sa sasakyan niya. Nahintakutang napakapit siya sa manibela. Lumindol ba?
Nang lumipas ang ilang sandali at wala na siyang naririnig maliban sa ulan at alulong ng hangin ay inilabas niya ang ulo sa Wrangler at lumingon. Napasinghap siya sa takot nang makita ang isang malaking puno di-kalayuan sa garahe ang bumagsak sa lupa!
She fought against hysteria. Kung nahuli siya ng isang minuto, marahil ay sa Wrangler bumagsak ang puno at tiyak na napahamak siya!
May ilang sandali muna siyang nanatiling nakaupo roon bago muling pinaandar ang sasakyan niya palayo. Sa pagkakaharang ng puno sa driveway, matatagalan bago may makapasok o makalabas sa mansiyon na gamit ang sasakyan.
30
SAMPUNG araw ang lumipas bago nagpasya si Serena na umuwi ng Sta. Fe. Nawala na ang lahat sa kanya, hindi maaaring pati ang shop niya’y mapabayaan niya. Doon nanggagaling ang ikinabubuhay niya.
Nang umalis siya sa mansiyon ay sa hotel siya nagtuloy kung saan naroroon ang shop niya. Sinikap niyang iparada ang Wrangler sa lugar na hindi iyon makikita. Doon siya nagpalipas ng gabi. Bagaman malakas pa rin ang ulan kinabukasan ay humupa na ang hangin. Nagbiyahe siya sa pinakamalapit na bayan, ang San Rafael.
Nanatili siya roon bilang turista. Nilibang ang sarili upang mawaglit sa isip si Robb. Subalit walang sandaling hindi ito laman ng isip niya. May mga gabing iniiyakan niya ito. Gayunma'y natanto niyang hindi siya maaaring manatiling ganoon. Isa pa, marahil ay bumalik na si Robb sa America.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman nang lumalakad siya patungo sa shop niya. Iyon ang magiging santuwaryo niya habang pinagagaling ng panahon ang sugat ng puso niya.
"Serena!" bulalas ni Alfred nang matanawan siya. "My god, salamat naman at naisipan mong dalawin itong shop. Hindi ko na kayang pakiharapan ang mga order na dumarating. Ang sabi ko'y nasa honeymoon kayo ni Robb."
Tila may bumayo sa dibdib niya sa pagkarinig sa pangalan ni Robb. Pinilit niya ang ngumiti. "Well, I'm back. Dito ako unang tumuloy kaysa sa bahay."
"Kumusta ang asawa mo? Magaling na ba?"
Kumunot ang noo niya. "A-ano ang ibig mong sabihing magaling na ba?"
"Ano ka ba naman, Serena. Tinalo mo pa ang na-amnesia."
"Ano ba ang itinatanong mo? Linawin mo nga?" She played safe.
"Tinawagan kita sa mansiyon pagkalipas ng bagyo. Ang sagot sa akin ng kausap ko'y wala kayong mag-asawa. At si Robb ay dinala sa ospital dahil nabagsakan ng sanga ng bumagsak na puno. I've been trying to contact you since then. The next thing your maid told, nasa Maynila kayo..."
Parang binalot ng yelo si Serena sa narinig. "Alfred, please..." she said in trembling voice, nagpipigil na huwag mag-panic. "Pagtakpan mo pa ako sa mga customers. May aayusin lang ako." Mabilis siyang bumalik sa pinagparadahan ng Wrangler niya.
31
TUMAWAG siya sa mansiyon. At napag-alaman niya sa mag-asawang Julio at Aning na tinamaan ng malaking sanga ng bumagsak na puno si Robb. Dalawang araw ito sa ospital sa Puerto Princesa at nang humupa ang bagyo ay nagpadala ito sa Maynila. Sa pamamagitan ni Dr. Romero ay napag-alaman niya ang ospital na pinagdalhan dito sa Maynila.
"I am not an orthopedic surgeon, hija, pero naniniwala akong hindi ganoon kadali upang makalabas ng ospital si Robb..." ani Dr. Romero na bagaman nasa mga mata ang kuryusidad ay hindi nagtatanong kung bakit hindi niya alam ang nangyari sa asawa. "Ayon sa kasamahan kong doktor dito, baka mangailangan ng operasyon ang binti ng asawa mo..."
Nagpasalamat siya sa doktor at sa oras ding iyon ay sumakay ng barko patungo sa Maynila.
32
SA ISANG kilalang ospital sa Maynila ay kinakabahang nakatayo sa may pinto ng pribadong silid si Serena. Natatakot siya sa maaaring makita. Kasama na roon ang pangamba na baka nasa loob si Yvette. Pero tinakpan ng pangangailangang makita si Robb ang takot niya.
Pinihit niya ang seradura at itinulak pabukas ang pinto. Nag-iisa lang si Robb sa kama, patamad na nonoood ng TV. Her heart beat erratically. She wanted to run and throw herself on him and yet her legs felt frozen.
He looked almost achingly familiar—lean, angular face, with the thin scar along the jawline...
Mula sa television ay nag-angat ng paningin si Robb sa dako niya. May ilang beses itong kumurap nang makita siyang nakatayo roon. His look of shocked surprise was quickly replaced by a carefully guarded expression.
Dahan-dahang humakbang palapit si Serena. Huminto siya sa mismong paanan nito. "You know my mobile number..." Her voice was trembling. "Bakit hindi mo ako tinawagan?"
"Dahil hindi ko gustong malaman mo," he said. Serena grimaced inwardly.
"Paano mong nalaman?" dugtong nito.
"It isn't important," she said. Sinulyapan niya ang naka-cast nitong kaliwang binti, mula sa ibaba ng tuhod hanggang sa kalahati ng hita. "W-what happened, Robb?"
Sandali itong nag-atubili bago sumagot. "Pinagtakhan ko ang pagmamadali mong makaalis sa kabila ng masamang panahon. Nang bumaba ka'y pumasok ako sa silid mo at nakita ko sa dressing table ang mga singsing..."
Serena thought she saw pain cross his eyes. But it was gone instantly.
"I knew then you weren't planning to come back. I ran after you, thinking I could catch up with you and stop you..." Sandali itong huminto na tila nahapo sa pagsasalita.
Serena watched Robb with growing horror. The scar stood out like a ragged white line on his tensed jaw.
"Nakita ko nang mabunot ang puno mula sa lupa. Umiwas ako, but one of the branches caught me when it fell. It injured my leg." He laughed, a harsh, humorless sound. "It's ironic, isn't it? Naligtasan ko ang mapanganib na kagubatan sa Indonesia upang mapahamak lamang sa isang sanga sa mismong bakuran ko."
Kung ganoon ay kay Robb ang tinig na narinig niya. Tinatawag siya. And she drove away, leaving him lying there helpless!
"Dapat pa rin akong magpasalamat," Robb added grimly. "Ilang hakbang pa at nasa ilalim sana ako ng punong iyon."
"I'm sorry..." she whispered. May pakiramdam siyang nawalan ng kulay ang mukha niya. Robb could have been dead. "H-hindi ko alam..."
Nagkibit ito ng mga balikat. "Mabuti na lamang at hindi pa rin nakaalis si Yvette. Binigyan niya ako ng first aid at nag-utos kay Julio na lagyan ng improvised splint ang binti ko."
Si Yvette. Sandali niya itong nakalimutan sa pag-aalala niya. Of course, the good old capable and experienced Yvette, she thought painfully.
"Sana'y pinaalam mo sa akin..." Puno ng pagdaramdam ang tinig niya. "Kahit paano'y may karapatan akong malaman."
"Para agad mo akong puntahan at alagaan? Tulad ng lagi mong ginagawa? Tiyahin mo man... o isang may sakit na lola ng ibang tao, o isang nabitag na ibon?" He sneered. "You're always trapped by your own softheartedness, Serena. And I won't have a wife on those terms!"
Serena lifted anguished eyes to him. "On... on what terms will you have a wife?" tanong niya. Wala siyang pakialam kahit na ano pang kondisyon ang ibigay ni Robb, tatanggapin niya iyon.
Pero hindi ito sumagot. Nakatitig lang sa screen ng TV, a familiar scowl on his face.
"N-nandito ba sa ospital si Yvette?" tanong niya.
"No."
"Ibig mong sabihin ay wala lang siya rito ngayon pero dadalawin ka niya ano mang oras?" she asked uncertainly.
"May nakilala siyang pasyente rito sa ospital na taga- Negros, an old sugar baron. Agad niyang tinanggap ang alok na maging private nurse nito. So, she must be in Negros now." His voice was cold and without emotion. "Nang mamatay si Lola ay natapos ang trabaho niya."
"I was under the impression that Yvette's talents were not only limited to her nursing abilities," panunuya niya.
"Si Yvette ba ang dahilan kaya ka umalis, Serena? Iniisip mo bang may namamagitan sa amin habang inaalagaan niya si Lola?"
"I'm not blind. I could see what was going on!"
"And what exactly did you see?" he asked sarcastically.
"The night before Lola Emilia died, she insulted me." She was more wary than angry. Hindi siya makapaniwalang nagtatalo na naman sila. She should be comforting him instead of antagonizing him. "She said I wasn't your type... ipinahihiwatig niyang may alam siya tungkol sa ating dalawa... At para na rin niyang inaming may relasyon kayo."
"Damn!" he muttered angrily. "Kung ano man ang namagitan sa amin ay matagal nang nangyari iyon at naghiwalay kaming magkaibigan. If there's one thing that turns me off, it is a possessive woman who presumes a lot of things that aren't true."
Hindi matiyak ni Serena kung siya ba ang tinutukoy ni Robb o si Yvette. "It's all right, Robb," she said in a resigned and bitter tone. "Kung wala na siya'y walang dahilan para pag-usapan pa ito."
"Gusto kong pag-usapan!" he snapped. "It's my fault. Dapat ay inawat ko si Yvette sa pagpipilit niyang muli kaming magkalapit. Pero hinayaan ko siyang mag-isip na wala akong pagtingin sa iyo, na kaya kita pinakasalan ay dahil sa kung anong kapakinabangan mula sa pagpapakasal natin..."
"I-iyon naman talaga ang totoo," usal niya, nag-init ang sulok ng mga mata.
"But she didn't know that. She just presumed! Dahil naki-kita niyang tuwing magkakalapit tayo'y tila may sakit akong nakakahawa sa paningin mo. Ginamit ko ang maling paniniwala niyang iyon. Gusto kong magselos ka..."
Napasinghap siya kasabay ng panlalaki ng mga mata niya.
"Oh, it was a cheap trick, inaamin ko," patuloy nito.
"But you were so damned untouchable."
"And you enjoyed making me miserable letting me think you were making love to another woman under my nose!" Magkasamang galit at sama ng loob ang nararamdaman niya.
"Miserable? Why, you certainly hid it well," he was sarcastic. "Anyway..." He sighed irritably, "bakit ka naririto, Serena?"
She swallowed a lump in her throat. "I came because I...I love you, Robb."
Sandali lang na natilihan ito. Pagkatapos ay umiling. "No. You don't love me. You think I'm helpless and you want to take care of me. Tulad ng pag-aalaga mo sa tiyahin mo... kay Lola... sa ibon! Nakadarama ka ng awa at guilt sa akin dahil iniisip mong hindi mangyayari ito kung hindi kita hinabol."
She gasped. "H-hindi totoo iyan!"
"Iyan mismo ang dahilan kung bakit hindi ko ipinaalam sa iyo ang nangyari sa akin, Serena. I won't have a wife who says she loves me just because she feels sorry for me."
Serena felt so helpless. Tumalikod siya at lumapit sa bintana. Tinanaw ang mga tao sa parking lot sa ibaba. In a way, tama ito. Hindi siya pupunta roon kung hindi ito napahamak. But his accident had nothing to do with the depth of her love. Iniibig niya ito may sakit man ito o wala.
Pero hindi naniniwala si Robb sa kanya. At mula pa kaninang dumating siya'y ipinahihiwatig nitong hindi nito ikinatutuwa ang pagdalaw niya. Unbearable pain sliced through her heart. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at muling humarap dito.
"Ikinalulungkot kong nakabagabag sa iyo ang pag-amin kong mahal kita, Robb. Hindi ko hinihiling na paniwalaan mo iyon. Hindi rin ako humihiling ng katugon..." She sniffed. "Gusto ko lang na malaman mo. Hindi ko nga matiyak kung bakit kailangan kong sabihin sa iyo gayong nang umalis ako'y ipinagpasalamat kong hindi mo nalamang mahal kita. At least, I had my pride intact."
He eyed her, a frown on his forehead. Ni hindi niya matiyak kung ano ang nararamdaman at iniisip nito. Humakbang siya patungo sa pinto bago pa siya umiyak sa harap nito.
"Sisikapin kong madalaw kang muli bago ka lumabas. At kung kailangan ang pirma ko sa annulment papers..." Pinigil niyang huwag kumawala ang hikbi "...tawagan mo ako."
Nasa pinto na siya nang magsalita ito. "I never wanted an annulment, Serena. I only said that to protect my pride," he said. "At matagal ko nang pinunit ang prenup contract. Noon mismong araw na pinirmahan mo iyon..."
Naguguluhang nilingon niya ito. "W-why?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "Just a wild idea. Nang araw na umalis ka'y balak kong sabihin sa iyong magsimula tayong muli. That I'll make it right this time. Liligawan kita... susuyuin. And my arrogance led me to believe I could make you love me..."
Napahakbang siya pabalik. Her eyes were wide and uncertain. Robb reached for her hand and pulled her closer. "Totoong gusto kong paluguran si Lola kaya sinabi kong magpanggap tayong magkasintahan, Serena. But marrying you was never part of my plan. Subalit bigla'y naramdaman kong hindi ko gustong pakawalan ka. Kaya ginamit ko ang pagmamahal mo kay Lola at sinabi kong pakakasal tayo. Alam ko na ano man ang mangyari'y hindi mo gugustuhing sumama ang loob niya...
"Hindi ko alam kung kailan kita unang minahal, Serena," patuloy nito. "Kung noong una tayong magkita sa dalampasigan nang sinisikap mong iligtas ang ibon... o nang matulog tayong magkayakap sa ospital... o noong bumalik ako sa bahay mo nang gabing iyon at makitang naroon pa rin ang sasakyan ni Alfred. I was really shaken up. I'd never felt anything like that to a woman before."
Speechless, Serena stared at him dazedly. Hindi niya matiyak kung naiintindihan niya ang mga sinasabi nito.
“I love you, Serena,” he whispered. Ikinulong ni Robb ang kamay niya sa mga palad nito at hinagkan iyon.
"Then... why did you reject me that night?" naguguluhang tanong niya.
"Forgive me, my love. But I realized I wanted more from you than purely male instinct. Just sex wasn't enough... I wanted your love. At nang gabing iyon ay may pakiramdam akong iyon mismo ang gusto mong mangyari—to get something out of this marriage..."
"Oh." Serena sighed happily. "I love you, Robb. Nang gabing iyon ay alam ko nang mahal kita."
Kinabig ni Robb ang mukha niya at masuyo siyang hinagkan. "And this time, we will have a real wedding night, darling."
Serena smiled. She knew she was again trapped. Trapped in Robb's love.
••• WAKAS •••
****Maraming salamat sa inyong lahat sa patuloy na pagsuporta. Pasensya na pala kung di ko kayo narereplayan lahat at yung ibang nagpapadedic di ko pa naisama, sa next stories na lang kayo guys and gals. Don’t forget to follow pala si kuya_jun (publisher ni Ms. Martha) dahil pinahintulutan niya ako na ipost dito ang mga stories ni Ms. MC. - Admin A *****

