Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)
Marthacecilia Phr · 16 chapters · 20,365 words
1
P INANONOOD ni Miranda ang pagbababa mula sa ferry boat ng kanyang Kawasaki 250 motorcycle.
Ginamit niya ang bike mula Maynila hanggang Batangas. Dalawang oras ding mahigit ang biyahe ng ferry boat patungong Mindoro. At ngayon ay ito rin ang gagamitin niya patungong Rancho Alcaraz.
Nakikini-kinita na ni Miranda na maghihisterya ang papa niya. Pero kaya niyang lambingin si Armando Alcaraz.
Nagtapos siya ng Business Management two weeks ago. At dinahilan ng papa niya ang pagtatapos na iyon. Nagtaka pa ang papa niya dahil hindi man lamang siya nakakuha ng karangalan gayong matalino siya.
Ipinagkibit niya ng balikat iyon. Ipaubaya na lang ang honors sa mga estudyanteng kailangan ang ganoong accomplishment para mag-land nang maayos na trabaho.
Bakit naman siya magpapakahirap na magsunog ng kilay gayong maaari namang hindi. Basta ba mataas sa passing grade ay okay na sa kanya. She loves to enjoy life. Disco, party, and some boys!
Kunsabagay, nitong huling taon niya sa kolehiyo ay talagang behaved siya. Medyo nag-matured nang kaunti. Nagdi-disco pa rin siya at nagpupunta sa party pero hindi na tulad ng dati. Bigla ay nagsawa siyang lahat sa mga iyon. The boys bored him to death. Wala man lamang nag-come up sa standard niya.
At twenty-two, siguro nga ay tumatanda na siya.
Pagkatapos maisaayos ang dapat ayusin ay kinuha na niya ang motorsiklo at sinakyan. Mula sa bayan ay thirty minutes hanggang rancho.
Ano kaya ang sasabihin ng papa niya sa pagkakabili niya nito? Kahit ang Tiya Soledad at Tiyo Johnny niya ay naghisterya nang makitang bumili siya ng bike. Tanging ang mga pinsan lamang niyang lalaki ang nakakampi niya.
Ito ang dahilan kaya hindi siya sumabay pauwi sa papa niya pagkatapos ng graduation. Natitiyak kasi niyang hindi ito papayag sa plano niyang bumili ng motorcyle. Sasabihin nitong aksidente lang ang hinahanap niya.
Kaya heto at nag-e-enjoy siya sa bago niyang sasakyan. Ibinenta niya ang kanyang second hand na kotse para may maidagdag sa pambili nito. Sa South Expressway nga ay walang naghinalang babae siya.
Bakit ba, eh ang suot niya’y maong na nakapaloob sa boots ang laylayan, navy blue na T-shirt, at itim na oversized leather jacket. Plus the helmet na nakabalumbon sa loob ang mahaba niyang buhok.
Hindi nagtagal ay sinapit niya ang bukana ng Rancho Alcaraz. Ni hindi siya nagmenor kahit hindi na sementado ang daan. Kaysarap i-drive ang motorsiklo. Kahit makitid ang daan ay kayang-kaya.
Hindi niya inisip na may sasakyang daraan sa rough road na iyon dahil pulos kabayo ang gamit ng mga tauhan sa rancho kaya hindi pa rin siya nagmenor kahit natatanaw niyang malapit na siya sa sharp at blind curve.
Malapit na siya roon nang mula sa kabila ay sumulpot ang isang jeep. At kahit na magmenor ang driver ng jeep ay sasalpok pa rin siya rito dahil mabilis siya.
Kasabay ng dahan-dahang pag-apak sa preno ay kinabig ng dalaga ang motorsiklo pakaliwa sa labas ng daan.
Humagis siya sa makapal na kugon at ang motorsiklo niya ay humapay sa matataas na damo, isang dipa mahigit ang layo mula sa kanya.
Mabilis na inihinto ng driver ng jeep ang sasakyan nito at tinakbo ang kinaroroonan ni Miranda.
Nakadapa sa damo ang dalaga at sa paningin ng driver ay tila hindi siya humihinga. Paluhod na yumuko ito at hindi malaman kung paano siya itatagilid. Hindi nito magawang galawin siya dahil baka may butong nabali at lalo lamang siyang mapahamak.
Pinulsuhan siya nito sa may malapit sa batok. Ikinairita ng dalaga iyon dahil inakala ng driver na patay na siya.
Nagulat ang lalaki sa bigla niyang pagtihaya. Tinabig ni Miranda ang kamay nito.
“Buhay pa ako! Hindi mo kailangang gawin iyan!” sigaw niya. At sinikap na alisin ang helmet mula sa ulo. Kumawala ang mahaba at makapal niyang buhok.
“Miranda!” bulalas ng lalaki nang makilala siya. “For heaven’s sake, hindi ko iniisip na ikaw!”
Na-freeze sa ere ang mga kamay niya na hawak ang helmet. Tinitigan ang lalaking nakatunghay sa harap niya.
“Daniel…” kibot lamang ng mga labi niya iyon. Walang tinig na lumabas.
Kinuha ng lalaki ang helmet mula sa mga kamay niya. “Are you alright? May masakit ba sa iyo? Aling parte ng katawan mo ang nasaktan?” sunod-sunod nitong tanong na hindi maikakaila ang pag-aalala sa tinig.
“Ang motorsiklo ko ang tingnan mo! Damn you, Daniel! Kabibili ko pa lang niyan. Bakit bigla ka na lang sumulpot sa kurbadang iyan nang hindi bumubusina?” aniya nang makabawi sa pagkabigla.
Tumaas ang dulo ng bibig ng lalaki. Tumayo at tinunghayan siya.
“Sa nakikita ko, you’re perfectly all right,” matabang nitong sabi. “Magpasalamat ka sa mga kugon na iyan. Hindi ka pa rin nagbabago, Miranda. Hindi ka nag-alala sa sarili mong kaligtasan. Higit mong pinahahalagahan ang sasakyan mo. Hayop man o makina,”
Hindi sumagot ang dalaga. Nakatingin lang sa lalaking kung tumayo ay tila sinusukat ang lupang tinutuntungan.
Ito man ay wala ring ipinagbago maliban sa nasunog ng araw ang balat. Taglay pa rin nito ang mukhang pinapangarap niyang hagkan at haplusin.
Kaya marahil hinangad niya si Daniel. Kaiba ito sa mga lalaking nakilala niya sa Maynila. Bumaba ang tingin niya sa mga braso at kamay nito. Bahagya siyang kinilabutan. Hindi ba at natikman na niya ang lupit ng mga kamay nito?
Tikhim ng lalaki ang nagpanumbalik sa isip niya. Iniabot nito ang isang kamay upang itayo siya. Hindi tumitinag sa pagkakahiga sa damuhan ang dalaga.
“Ang motorsiklo ko ang tingnan mo.” Sinulyapan niya ang humapay na mga damo patungo sa nakabalandrang makina.
Binawi ng lalaki ang kamay at nagbuntong-hininga, humakbang patungo sa motorsiklo. Naupo sa damuhan si Miranda. Hindi nga siya nasaktan pero hindi naman maiwasan ang panginginig ng tuhod niya sa takot. Kung hindi dahil sa damo at kapal ng jacket ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Pinagulong ni Daniel ang motorcycle sa tabi ng daan. Itinaas ang stand upang tumayo ito nang kusa. Sinuri nito kung ano-ano ang mga napinsala.
“Walang gaanong nabasag at nabali. Nag-crack ang mga ilaw. Itong harapan ay natabingi. You’re lucky to have landed on tall grass.”
Marahan siyang tumayo at pinakiramdaman ang sarili. Mabilis siyang nilapitan ni Daniel. Hinagod ng tingin.
“Huwag ka agad humakbang,” pigil nito. “Are you sure wala kang nararamdamang masakit o anuman na parang tumutusok?”
“I’m fine, Daniel. Kung hindi ay tiyak na hindi ako makakatayo,” paangil niyang sagot. “Isa pa, anuman ang sabihin mo ay hindi mo rin malalaman kung may diperensiya ako. Hindi ka naman doktor.”
Hindi niya napuna ang pag-iba ng ekspresyon ng lalaki.
“Ihahatid kitang pauwi, Miranda,” matigas at awtorisadong wika ni Daniel. Kilala ni Miranda ang tonong iyon.
Sa totoo lang ay hindi niya gustong tumanggi. Kinakabahan pa siya sa nangyari. At baka hindi niya magawang paandarin ang motor dahil nanlalambot ang mga binti niya sa nerbiyos.
“Saan mo ako ihahatid, sa kalawangin mong jeep? Tapos iiwan mo dito ang motorsiklo ko? Hindi bale na lang, Daniel,” aniya sa pagsisikap na huwag mahalata ng lalaking gusto niyang maihatid na talaga.
Hindi siya pinansin nito. Sa halip ay sinakyan ang motorsiklo at pinaandar. Umandar naman.
“Sakay na,” pagdaka’y sabi nito.
Sandali lang siyang nag-atubili. Agad siyang sumampa sa likod ni Daniel.
“Baka mahulog ka. Ikapit mo sa akin ang mga braso mo.” Lumingon ito sa kanya dahil hindi siya humahawak dito.
Hindi sumunod ang dalaga at sinikap na lamang na ibalanse ang sarili upang huwag bumuway.
“Ano ang nangyari sa dating Miranda na kilala ko? Bakit parang gusto mong mapaso sa pagkakadikit mo sa akin?”
“Noon iyon, Daniel,”
Marahang tawa ang narinig niya mula rito. “Bakit Miranda? Nakatagpo ka ba sa Maynila ng bagong mapagtutuunan mo ng mga whim and caprices mo?”
“Wala kang pakialam sa buhay ko, Daniel Aragon!”
“Yeah. You’re nothing but trouble,” marahang wika nito.
Marahan lang ang takbo ng motorsiklo na kung sinasadya ng lalaking huwag bilisan ay ewan ni Miranda. Tila inaantala nito na makarating sila agad.
“Alam ba ng papa mong darating ka ngayon?” tanong nito makalipas ang ilang sandali.
“Alam niyang uuwi ako pero hindi ko sinabi kung kailan.”
“Alam din ba niyang bumili ka nitong motorsiklo?” Alam ni Daniel ang sagot pero gusto pa rin nitong makatiyak.
Narinig nito ang paghugot ng malalim na hininga ng dalaga. “Huwag mong sasabihin sa papa ang nangyari sa kurbada, Daniel. Please…”
“Kung hindi siya magtatanong ay wala akong sasabihin pero hindi ako magsisinungaling.”
Muli ang paghinga ni Miranda nang malalim. Nakikini-kinita na niya ang sasabihin ng ama.
“Kumusta ka na, Miranda?” marahang tanong ni Daniel makalipas ang mahabang katahimikan.
“There’s no need to be polite,” angil niya. “Alam kong hindi ka interesadong malaman ang tungkol sa akin.”
“That is where you’re wrong. I thought about you a lot. At hindi mo ako binigyan ng pagkakataong makahingi ng tawad.”
“Why, thank you!” sarkastikong sagot ng dalaga.
Hindi na nakuhang magsalita pa uli ng lalaki dahil natanaw na nila ang villa. Nasa ibaba si Armando Alcaraz kausap ang isang ranchero at ang tagapangasiwa ng kuwadra.
Nagulat pa si Armando nang sa mismong malapit huminto ang motorsiklo at makilala ang back rider nito.
“Miranda!”
“Hello, Papa. Magandang umaga sa inyo, Mang Pepe.”
“Magandang umaga din sa iyo, Miranda,” sagot ng ranchero. “Mapapraktis na naman ang mga kabayo sa kuwadra nito ngayong narito ka na.”
Nangiti ang dalaga. Alam naman niyang gamit lahat ng mga ranchero ang mga kabayo.
“Hindi ba at galing ka lang dito kanina, Daniel? Bakit kasama mo si Miranda? Saan kayo nagkita?” sunod-sunod na tanong ni Armando na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa .
“Nakasalubong ko si Miranda sa may blind curve, Mr. Alcaraz.” Sinulyapan nito ang dalaga na nagyuko ng ulo.
“O, eh bakit magkasama kayo? Ano’ng sinakyan mo, hija? Umupa ka ba ng sasakyan pauwi dito?”
Ilang sandali muna ang pinalipas ng dalaga bago sumagot. “Sa… akin ang motorsiklong ito, Papa.”
“Ano? Miranda, hindi ba at kabilin-bilinan ko’y…” Hindi nito malaman kung ano ang sasabihin sa anak. Binalingan nito si Pepe. “Pepe, pakikuha mo sa loob ang telepono at tatawagan ko si Soledad!”
“Hindi alam ni Tiya Soledad na binalak kong bumili niyan, Papa,” depensa agad ng dalaga.
“At ano ang nangyari at magkasabay kayo ni Daniel? Sa blind curve ba ’ika mo kayo nagkita, Daniel?” Naghihinalang sinulyapan ng matanda ang lalaki.
Sinulyapan ni Miranda si Daniel upang bigyan ng warning subalit hindi siya nito tinitingnan. At bago pa nakasagot ang huli ay nagtatakbo nang papasok ng bahay si Miranda. Hindi niya gustong marinig ang sasabihin ni Daniel at ang sermon ng ama.
Sinundan siya ng tingin ng tatlong lalaki.
“Mang Pepe, maaari ba ninyo akong pahiramin ng isang kabayo? Babalikan ko ang jeep ko sa kurbada. Ipahahatid ko na lang kay Tonyo mamaya.”
“Aba, oo, Daniel. Teka at ilalabas ko si Pegasus.” Agad na tumalikod ang ranchero.
“Ano ang nangyari, Daniel?”
“Muntik na kaming magkabungguan sa may pagliko, Mr. Alcaraz. Pero kasalanan ko. Hindi kasi ako bumusina. Medyo sumadsad ang anak ninyo sa tabi,” ani Daniel. At inisip na hindi na kailangang malaman ng matanda ang pagkakahagis ng dalaga.
Iiling-iling si Armando. “Kung makakatagpo lamang ako ng lalaking maaaring sumuweto riyan sa anak ko, Daniel, at gugustuhin din naman ni Miranda, maligaya na akong mamamatay. Nang mawala ang mommy niya’y inakala kong ang pagbibigay sa kanya ng lahat ng maibigan ay makapagtatakip sa kalungkutan niya. Nagkamali ako.”
“Forgive me for saying this, pero kung hindi ninyo pahihintulutang paikutin kayo ni Miranda sa palad niya ay hindi niya gagawin ang isang bagay na inaayaw ninyo.” May simpatya ang tinig nito.
Tinitigan ng matanda si Daniel. “Nang umalis si Miranda dito noong nakaraang taon ay may kumalat na usap-usapan sa loob ng rancho, Daniel.”
Nagtaas ng kilay ang lalaki.
“Hindi ko gustong magtanong dahil lalabas na namang wala akong nalalaman sa mga pinaggagawa ng sarili kong anak. May nakarating sa aking balita na hindi naman gaanong malinaw. Totoo bang nilatigo mo si Miranda, Daniel?”
Walang galit sa anyo ni Armando. Sa tingin pa nga ng lalaki ay kumislap ang mga mata nito.
“Bakit hindi si Miranda ang tanungin ninyo sa bagay na iyan, Mr. Alcaraz?”
Umiling si Armando. “Magdadalawang taon ka pa lang sa bayang ito, hijo. Hindi mo kilala ang anak ko.”
Kilala ko si Miranda, Armando. Higit marahil kaysa sa pagkakakilala mo, nais isatinig ng lalaki iyon pero minabuting huwag na.
“Hindi rin kita gaanong kilala, Daniel. Totoong dito sa bayang ito nagugol ang kabataan mo pero hindi sapat iyon para makilala kita. Pero sana’y tulad mo ang magugustuhan ng anak ko.”
Matabang na ngumiti ang lalaki. Itinuon ang pansin sa parating na si Mang Pepe na may hila-hilang kabayo.
“Tutuloy na ako, Mr. Alcaraz.” Kinuha nito ang kabayo mula kay Mang Pepe at sumampa rito.
Nasa azotea si Miranda, at mula roo’y hinabol nito ng tanaw si Daniel.
Kasabay ng unti-unting pagkawala ni Daniel sa paningin niya ay ang paglinaw naman ng nakaraan sa isip niya.
Isang taon at dalawang buwan. Bago siya muling nagbalik sa Maynila…
2
W ALANG hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayang iyon. Nag-iisang anak. Maganda, mayaman, at matalino. At kung mayroon ka pang nais ipakahulugan sa letrang ‘M’ ay si Miranda iyon.
“Ano na naman ang dahilan, Miranda, at ipinatatawag na naman ako ng principal?” tanong ni Armando. Nakapamaywang na hinarap ang anak na nakadapa sa sofa.
“Kinukunsinti mo ba naman ang mga kalokohan niyang anak mo, eh,” sabad ni Aurea, ang babaeng ipinanhik ng kanyang ama bilang kahalili ng mommy niya.
Matalim na sinulyapan ng dalagita ang babae.
“Ano ba ang nangyari, hija?” muling usisa ni Armando.
Bumangon si Miranda. Inihagis sa mesa ang binabasang magazine.
“Sinikmuraan ko iyong bagong instructor ng P.E. namin.”
“Sinikmu… Miranda!”
“Eh, kasi naman, Papa. Pinipilit niya akong turuang lumangoy dahil swimming lesson namin. Ang sabi ko ay mas mahusay pa akong lumangoy sa kanya kaya iyong iba na lang. Hinahawakan niya ako nang pilit sa balikat. Kaya ’ayun, nakatikim siya…”
Napahawak sa noo nito si Armando. “Anak, hindi ka ba naman makapagpasensiya? Umiwas nang maayos kaya o huwag na lang kumibo?”
“Hindi ba at ginawa ko na iyang sinasabi ninyo? Iyong muse ng basketball team namin. ’Di ba, hindi ko pinapansin kahit panay ang pang-iinis sa akin na hindi ako ang nakuhang muse? Wala raw nagawa ang pera ko. Kesyo mataray lang ako dahil mayaman tayo at kung ano-ano pang pinagsasabi.”
“Isa pa iyon. Pagpapasensiya ba iyong pinadugo mo ang bibig noong pobreng bata.”
“Hindi ko na nga siya pinapansin pero ayaw namang tumigil.”
“Alam kasi niyang anak mo na aayusin mo ang mga kalokohang ginagawa niyan, kaya ’ayan, abusada,” si Aurea uli.
Kung nakamamatay ang tinging ipinukol ng dalagita sa babae ay natumba na ito. Kulang pa lamang isang taon ito sa kanila. Dinala ito ng ama niya isang araw. Tagakabilang bayan at guro sa provincial school doon.
Kulang na lang sa mga ito ay kasal. At iyon ang hindi niya mapapayagan. Sinabi niya sa papa niyang lalayas siya oras na pakasalan nito ang babae. Naniniwala si Armando na gagawin nga ng anak iyon. Kakampi ng dalagita pati na si Soledad na kapatid ni Armando.
Kaya naman ganoon kabigat ang loob ni Aurea sa kanya. Hindi na rin ito nagtuturo dahil nga hindi naman kasal sa ama niya. Sa unang mga buwan lamang siya nito pinakitaan ng kabaitan. Nitong huli ay lumabas din ang tunay na kulay.
At magmula nang dumating ang babaeng ito sa villa ay tila reyna na kung magkikilos. Bawat sabihin niya ay kinokontra. Bawat iutos niya ay ipinababago. At kung hindi lang dahil sa papa niya’y pinatulan na niya ito. Tuloy ang galit at sama ng loob niya kay Aurea ay sa ibang tao niya naibubunton.
“Anak, ga-graduate ka na sa taong ito sa high school. Sana naman ay matutuhan mong umiwas sa trouble. Ipangako mo sa aking huling pag-aayos ko na ito sa mga kalokohan mo.”
“I promise…” matabang niyang sagot na sinabayan ng pasok sa silid.
Saka pa lang pumasok uli sa eskuwela si Miranda nang maayos ni Armando ang tungkol sa P.E. instructor.
“Miranda, nasa labas ng gate ang mayabang mong manliligaw. Inaabangan ka yatang sadya,” si Aileen. Classmate at kaibigan niya. Anak ng isa sa mga tauhan ng Rancho Alcaraz.
“Hayaan mo siya. Binasted ko kasi iyan noong isang araw. Akala kasi komo star player at guwapo ay type ko na.”
“Paano naman kasi, ang daming may crush diyan.”
“Sila lang.”
“At ang ama niyan ay bise mayor sa kabilang bayan kaya malakas ang loob.”
“Naku, Aileen, ha. Alam mong pinsang buo ng mommy ang governor sa lalawigang ito pero hindi ko ipinagmamayabang. Katunayan nga, hindi lahat ay nakakaalam noon.”
“Kunsabagay.”
Sa labas ng gate ay humarang sa kanila si Randy Alfonso. Sa likod nito ay ang mga barkada.
“Hi, beautiful!”
“Paraanin mo kami, Randy. Nagmamadali ako.”
“Bakit ba ang sungit mo? O, sige, ibi-breyk ko na si Trixia bukas basta ba magsyota na tayo ngayon.”
Naningkit ang mga mata ng dalagita. “Hindi kita type. Masyado kang mahangin para sa akin.”
“Playing hard to get ka lang, eh. Kung hinahalikan kita dito sa maraming tao di natauhan ka?” Pinitik nito ang hawak na sigarilyo at lumingon sa mga kabarkadang nagtawanan.
“Subukan mo at tinitiyak ko sa iyong pagsisisihan mong naisip mo man lang iyon!”
“Subukan daw, o?” Nilingon nito ang mga barkada na nagkantiyawan. “O, di pagbigyan…” Kasabay niyon ay niyakap si Miranda at pinagha-halikan.
Nagpipiglas ang dalagita ngunit dahil malaki at mataas ang lalaki ay wala siyang nagawa. At nang muli siyang hagkan nito ay kinagat niya sa labi.
“Aray!” sigaw ng binatilyo. “Hayup kang babae ka…” At isang malakas na sampal ang ipinadapo nito sa pisngi ni Miranda.
Biglang nag-atrasan ang mga naroong nanonood pati na ang mga barkada ng lalaki.
Itinaas ni Miranda ang mukha at tinitigan ang lalaki. Nag-aapoy ang galit sa mga mata niya.
“T-tayo na, Miranda…” yakag ni Aileen. Tiningnan ang binatilyong ngingiti-ngiti.
“Pipiliin mo ang tatarayan mo, ha!” pahabol nitong sigaw nang malayo-layo na ang dalawa.
“Huwag mo siyang pansinin, Miranda,” ani Aileen na hawak pa rin sa braso ang kaibigan. Kinakabahan itong may kasunod pa ang nangyari.
“Titiyakin kong hindi na niya mauulit pa ang ginawa niya, Aileen!” May banta sa tinig niya na lalo pang nagpakaba sa kaibigan.
Kinabukasan ay hindi pumasok si Miranda. Itinaon niyang naglalaro ng basketball ang mga player nang patakbuhin niya sa loob ng compound ng eskuwela ang kabayong si Ivory.
Nagpulasan ang mga estudyanteng nadaanan niya. Sa mismong gitna ng basketball court ay pinahinto niya si Ivory. Biglang naghiwalay ang mga nabiglang manlalaro.
Kahit ang coach-teacher na lalaki ay hindi nakakilos sa pagkabigla sa paglitaw ng malaking kabayong puti sa gitna ng court.
Hinarap ng kabayo si Randy na bahagyang nagulat.
“Ikaw, inabangan mo ako sa labas ng school premises para bastusin. Duwag ka kasi. Wala kasing sinabi ang tatay mong vice mayor!” Umaalingawngaw ang tinig ng dalagita. “Ako, kaya kong gawin sa iyo ang anumang gusto kong gawin kahit pa saang impiyerno!”
“Eh, Miranda…” Kahit nabigla ay sinikap pa ring magpakatatag ni Randy.
“Sinabi ko na sa iyo kahapon na pagsisisihan mong naisip mo man lang na bastusin ako. Ngayon, pagsisisihan mong may nakilala kang ‘Miranda Alcaraz!’”
Umigpaw ang kamay ni Miranda na may hawak ng latigo sa katawan ng hindi nakakilos na si Randy. Sunod-sunod na hagupit ang ginawa niya rito.
Punit na ang uniporme nito ay ayaw pang tigilan ni Miranda. Saka pa lang nakabawi sa pagkabigla ang coach nang sumigaw ng tulong si Randy.
Mabilis nitong hinawakan at pinigil ang kamay ni Miranda na may hawak ng latigo.
“Miranda, tama na!”
“Magkita tayo kahit saan mo gusto, Randy Alfonso!” huling salitang binitiwan ng dalagita bago muling pinatakbo palabas ng eskuwelahan si Ivory.
Nagdemanda ang mga magulang ni Randy. Subalit agad ding namatay ang balitang demanda. Kung bakit ay walang makapagsabi. Hindi na rin tinapos ni Randy ang huling taon nito sa high school sa paaralang iyon.
Nasa unang taon na ng kolehiyo si Miranda ay hindi pa rin nakalimutan ng lahat ang pangyayaring iyon. Maliban sa mga trouble na ginagawa ni Miranda ay walang masasabi ang mga professor niya sa kanya. Matalino at behaved siya sa klase.
3
“NANA Epang! Nana Epang!”
Halos magkandarapa sa pagtakbo ang matandang babae sa sigaw na iyon.
“Ano ka ba naman, Miranda? Bakit ba parang nagkakasunog kung makatili ka?” Maliban sa papa niya ay bukod-tanging si Epang lamang ang nakapagsasalita nang ganito sa kanya.
Naniningkit sa galit ang mga mata ng dalagita na itinuro ang kuwadro ni Aurea na nakasabit sa dingding.
“Sino ang nag-alis ng kuwadro ng mommy dito sa library? At bakit nakasabit ang larawan ng bruhang iyan diyan?”
“Bruha pala, ha?” si Aurea na nakasandal sa hamba ng pinto. “Puwes, ang bruhang ito ay ang asawa ng papa mo at wala kang magagawa kahit ano pa ang gawin mo.” Patuyang ngumisi ito.
“Hindi ka asawa ng papa dahil hindi ka niya pinakakasalan at hindi ka pakakasalan hanggang buhay ako!”
“Iyon ay dahil natatakot mo siya. Pero nangako ang papa mo na ’pag nasa Maynila ka na ay pakakasal kami.”
“Wala akong pakialam! Alisin mo ang kuwadrong ito at ibabalik ko ang kay Mommy!”
“Nakita na ni Armando iyan at wala siyang sinasabi. Kaya maaari ba, Miranda, tumahimik ka na lang?” angil ni Aurea.
“Ah ganoon, ha?” Mabilis niyang hinablot ang kuwadro at inihagis sa harapan ni Aurea.
Biglang nanlisik ang mga mata ni Aurea. Nahagip nito ng tingin ang figurine na nasa tabi ng mesa at ibinato kay Miranda. Huli na para umilag siya. Nahagip ang tagilirang ulo niya.
Sindak na tinakbo ni Epang ang alaga at sinapo ang ulo.
“Dugo! Dumudugo ang ulo mo, Miranda!”
Nilingon nito si Aurea na hindi man lang naliligalig. Kampanteng dinampot nito ang kuwadro sa sahig.
“Baka ang akala mo, Miranda, lahat ng tao ay natatakot sa iyo. Puwes, nagkakamali ka. Asawa ako ng ama mo at dapat mong igalang!”
Nagdilim ang paningin ni Miranda sa nakitang dugo sa kamay ni Epang mula sa ulo niya. Inabot niya ang latigong nakasabit sa dingding. At bago pa nakahuma si Aurea ay tumama na sa katawan nito ang latigo.
Nakatatlong hagupit ang dalagita nang dumating si Armando.
“Miranda!” Mabilis nitong dinaluhan si Aurea na nalugmok sa sahig.
Pahisteryang nagtitili si Aurea at hindi malaman kung ano ang gagawin sa mga sugat sa braso.
“Ang walanghiyang anak mo, Armando! Papatayin ako!”
“Hindi ko akalaing magagawa mo kay Aurea ito, Miranda!” pagalit na wika ni Armando sa anak. “Sumosobra ka na!”
Sa halip na sumagot ay patakbong lumabas ng library si Miranda. Nag-iiyak naman nang todo si Aurea.
“Minsan man ay hindi ko pinanghihimasukan ang mga ginagawa mo, Armando!” si Epang. “Subalit hindi ko pahihintulutang sigaw-sigawan mo nang ganoon ang anak mo nang dahil lang sa babaeng iyan!”
“Epang, nawawalan ka na ng galang sa asawa ko!” sigaw ni Aurea.
“Nakita mo naman ang ginawa ng alaga mo, ’di ba, Epang? Bakit hindi mo inawat si Miranda?”
“Itinanong mo ba muna kung bakit ginawa ni Miranda iyon? Nakita mo ba ang basag na piguring ’yan, ha? Bata pa ako ay narito na sa villa ’yang antigong figurine na iyan. Ibinato lang ng babaeng iyan sa anak mo. At ’eto ang dugo sa kamay ko.” Inilahad nito ang palad. “Galing ito sa ulo ni Miranda!” pagkasabi noo’y lumabas ng silid si Epang.
Tinitigan ni Armando si Aurea.
Nang araw ding iyon ay umalis ng villa si Aurea. Totoong pinahalagahan ni Armando ang anak subalit hindi nito napigil si Miranda sa pag-iempake ng mga gamit.
“Doon na muna ako sa mga Tiya Soledad, Papa. Huwag kang mag-alala. Uuwi ako rito tuwing semestral break. Hindi ba at talaga namang balak mong sa Maynila ako mag-aral?” Inalis nito mula sa wardrobe ang mga damit.
“Pero sayang naman ang semester na ito, anak. Isang buwan na lang.”
“Isang buwan na lang pala, eh. Kayang-kaya mo nang gawan ng paraan iyon, Papa. Isa pa, matataas naman ang grades ko.”
“Miranda… I’m sorry,” marahang wika ni Armando.
Hinarap ni Miranda ang ama. “Hindi ako nagagalit sa inyo, Papa. Pinaalis naman ninyo ang babaeng iyon, ’di ba? And I’m sorry, too. Hindi ko gustong maging hadlang sa kaligayahan mo, but you don’t deserve a woman like that.”
“Alam ko, hija. Matagal ko nang na-realize iyon. Hindi ko nga lang alam kung paano sasabihin sa kanya. Afterall, nawalan siya ng trabaho dahil sa pag-asang pakakasalan ko siya.”
“Well, the cash you’ve given her ay sobra-sobra pa para magamit niya sa susunod na mga taon ng kanyang buhay,” sarkastikong sagot ng dalaga.
“I just don’t want you whipping and punching people around, anak. Tulad noong isang taon, kung hindi dahil kay gobernor, tiyak na matatagalan ang kaso mo.”
Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. “Tapos na iyon, ’Pa. Anyway, I guess I need a change of environment. Nag-long distance na ako sa mga Tiya Soledad at Tiyo Johnny.”
Tumango-tango si Armando. Siguro nga ay makabubuting sa Maynila na muna mag-aral ang anak. Matandang kapatid nito si Soledad at military man naman ang asawa nitong si Johnny. Madidisiplina roon si Miranda.
4
S A MAYNILA na nga nagpatuloy ng pag-aaral si Miranda. At tulad ng sinabi niya sa ama ay umuuwi siya tuwing semestral break.
“’Pa, napansin kong may tao sa bahay-bakasyunan ng mga Aragon. Umuwi na ba mula sa Amerika ang dalawang matanda?” tanong niya sa ama nang minsang sunduin siya nito sa daungan.
“Apat na buwan nang may tao riyan, hija. Ang pamangkin ng mag-asawang Aragon ang nandiyan.”
Malayo na ang pickup ay lumilingon pa rin ang dalaga. Dalawang lalaki ang nakita niya sa bakuran ng bahay.
“O, di puwede na ninyo siyang kausapin at aluking tuluyan nang ipagbili ang bahaging iyon ng lupain. Hindi ba at noon pa ninyo planong bilhin iyon dahil nasa gitna mismo ng lupa natin, at saka mukha namang hindi na uuwi ang mag-asawa mula sa Amerika.”
Halos isang ektarya ang lupang iyon na nasa gitna ng Rancho Alcaraz. Binigyan lamang ito ng right of way ayon sa napagkasunduan. Bago nag-migrate sa ibang bansa ang mga Aragon ay ipinagbili sa mga Alcaraz ang lupain ng mga ito. Subalit itinira ang bahaging iyon ng lupain na siya rin namang kinatitirikan ng bahay-bakasyunan ng mga ito.
Ang dahilan ay dahil baka maisipan ng pamangkin ng mga ito na gamitin ang propriyedad, “Unang linggo pa lang ni Daniel dito ay kinausap ko na siya, hija. Wala siyang intensiyong ipagbili ang pag-aari nilang iyon.”
“Ang Daniel bang ito ay ang pamangkin mismo ng mag-asawa, ’Pa?”
“Siya nga. Isang pamangkin ni Aling Caring ang kinuha niyang kasama. Ganoon din si Aling Caring na siyang katiwala ng bahay-bakasyunan. Umuuwi sa kanila ang matandang babae pagdating ng hapon.” Kilala ng dalaga si Aling Caring. Nakatira ito sa may labas ng Rancho Alcaraz at ina ng kaibigan niyang si Aileen. Talagang ito ang katiwala ng mga Aragon noong dito pa naninirahan ang dalawang matanda.
“Ibig bang sabihin, dito na mamimirmihan ang Daniel na iyon?”
“Iyon ang nahihimigan kong sinabi ni Daniel.”
Hindi na kumibo ang dalaga. At least, may kapitbahay nang malapit ang papa niya. Ang bahay ng mga Aragon ang pinakamalapit na bahay mula sa Villa Alcaraz.
5
IKALAWANG araw pa lang ng dalaga mula nang dumating sa rancho ay nagtungo na siya sa paborito niyang lugar. Ang sapa sa dulong bahagi ng lupain ng mga Alcaraz. Mula pa noong maliit siya’y itinuring na niyang pribadong daigdig niya ang lugar na iyon.
Nang mamatay ang mommy niya ay dito niya pinalipas ang lahat ng sama ng loob at kalungkutan. Nang iakyat ng papa niya si Aurea ay halos dito rin niya ginugugol ang buong maghapon.
Maliwanag niyang ipinagbilin sa mga tauhan ng rancho na kailanman ay hindi maaaring magpunta sa lugar na iyon ang mga ito.
“Hiya, Ivory!” sigaw niya sa kabayo. “Mamaya bago tayo umuwi ay ikaw naman ang paliliguan ko sa may dulo ng sapa sa inaagusan ng tubig.”
Subalit nasa bukana pa lang siya ng daan patungo sa sapa ay may nakita na siyang kabayong nakatali sa isang puno. Sa kabila ng makakapal na puno ay ang sapa na.
Agad na bumangon ang galit sa dibdib ng dalaga. Kung may kabayo ay may tao. Sinong taga-rancho ang nangahas na suwayin ang utos niya?
Humigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa latigo. Bumaba siya mula sa kabayo at itinali ito sa isa pang puno sa di-kalayuan.
Nilandas niya ang makipot na daan pababa sa sapa. Iginala ang mga paningin. Napakaganda ng lugar na iyon. Hindi na halos matanaw ang langit sa kapal ng mga nagtataasang puno. Ang paligid naman ay punong-puno ng mga kung ano-anong damo at bulaklak na ligaw.
Kung maganda ang Hidden Valley sa Laguna ay higit ang sapa niya. Mas makapal ang puno at mga damo rito at mas maraming halamang gubat.
Naririnig na niya ang marahang lagaslas ng munting talon na siyang pinanggagalingan ng tubig sa sapa.
Muli niyang nilinga ang paligid. Subalit nasa sapa mismo ang hinahanap niya. Tahimik na lumalangoy. In bare flesh!
Napahugot ng paghinga ang dalaga. Buong buhay niya ay noon lang siya nakakita ng lalaking hubad. At kahit na nga ba nasa ilalim ng tubig ang katawan ng lalaki ay napakalinaw naman ng sapa at hindi nagawang itago ng tubig ang kahubaran nito.
Nag-aalpasan ang mga muscle nito sa braso at likod habang gumagawa ng butterfly strokes. Mahusay lumangoy ang lalaki pero siya man ay mahusay rin.
Naramdaman marahil ng lalaking naglalangoy na may nagmamasid dito. Tumayo ito sa kabilang pampang at tumingala. Iginala ang paningin sa buong paligid.
Nagtama ang mga paningin nila ng lalaki. Hindi nito malaman kung lulubog o hindi nang makitang babae ang nakatayo sa may malaking bato.
“Kanina ka pa ba riyan?” tanong nito kay Miranda.
Wow! Tiyak na hindi epekto ng paligid ang boses na iyon. Baka ito iyong paboritong announcer niya sa isang FM radio station at himalang naliligo sa sapa niya.
“Kanina pa,” sagot niya na bahagyang itinaas ang mukha.
Bahagyang naningkit ang mga mata ng lalaki. “Ke babae mong tao ay naninilip ka sa lalaki!”
Nagkibit siya ng balikat. Namaywang. “Nag-e-enjoy akong panoorin ka. Isang live specimen ng male specie, Ngayon lang ako nakakita. Masisisi mo ba ako?”
Ngumiti ang lalaki sa sinabi niya. Pinagmasdang mabuti ni Miranda ang mukha ng lalaki. Hindi ito iyong matatawag na guwapo. Pero natitiyak niyang hindi iilang babae ang umiyak sa mukhang iyon.
Hindi naman niya ito kasing-edad. Marahil ay twenty-nine o thirty years old na ang lalaki.
“Join me then…” anyaya nito.
“Nah! I’d rather watch. Naunahan mo na kasi ako, eh.”
“That’s unfair! Nakita mo ang lahat-lahat sa akin. Bakit hindi ako naman?” biro nito.
“That is the price you get when you trespassed. I own this place!”
Tumaas ang kilay ng lalaki. “So! The infamous Miranda Alcaraz!”
Ikiniling ng dalaga ang ulo niya nang bahagya. “I am waiting for your verdict.”
“Lord, you’re just a kid!”
Nagdilim ang mukha ng dalaga sa narinig. A kid at almost twenty-one? This man must be joking.
“Kompara sa iyo ay siguro nga. You must be as old as my father,” alam ng dalagang eksaherado ang sinabi niyang iyon. Pero kung inaakala ng lalaking ito na maiinis siya, puwes nagkakamali ito.
“Maamong mukha pero matalim ang dila,” wika nito na nagsasalubong ang mga kilay.
Lihim na ngumiti si Miranda. Now, we’re even.
“I’m glad to meet you, Daniel Aragon,” sigaw niya uli rito. “Magpasalamat ka at hindi mo kabisado ang batas ko pagdating sa sapang ito. I give allowance to ignorance.”
“Alam ko ang batas mo, Miranda. Pero salamat pa rin sa allowance.”
Ang dalaga naman ang nagsalubong ang mga kilay. “Alam mo? Bakit nandito ka pa rin, kung ganoon?” aniya sa tonong kabisado ng mga taga-rancho.
“I never thought you’ d be here. Alam ng lahat na nasa Maynila ka. Bakit mo ipinagmamaramot ang paraisong ito, Miranda?”
Pumormal ang dalaga. “This is my private world, Daniel. Hindi na kailangang ipaliwanag ko pa sa iyo at sana’y igalang mo. I may not be very friendly as some people may have surely told you. Pero hindi ko ginagawang kaaway ang nakapaligid sa rancho.”
“Turn around. Aahon na ako. Naiilang akong nakikipag-usap sa iyo na nakalubog sa tubig samantalang ikaw ay pinanonood mo ako.”
“I’ve been watching you for minutes at kanina pa rin tayo nag-uusap at malinaw ang tubig. What difference does it make?” marahang tanong ng dalaga na halatang nanunukso.
Nag-igting ang mga bagang ng lalaki. “Hindi ko inuurungan ang mga ganyang uri ng hamon, young lady. But not this time, magpasalamat ka at may paggalang ako sa papa mo. Pakihagis mo ang tuwalya ko sa tubig.” Nilingon nito ang kinaroroonan ng mga gamit.
Gumamit ng “paki” pero mataas ang tono. Wala pang lalaking nag-utos kay Miranda. Pero hindi niya maintindihan kung bakit marahan siyang lumakad patungo sa kinaroroonan ng tuwalya nito at dinampot iyon.
“Hindi ako sanay na inuutusan, Aragon,” aniya na ibinagsak ang tuwalya sa tubig malayo sa kinaroroonan ng lalaki. Pagkatapos ay sinabayan ng talikod.
Mga yabag ng kabayo ang narinig ni Daniel. Nilangoy nito ang tuwalya at umahon.
Miranda Alcaraz! hindi makapaniwalang bulong nito.
Marami na itong narinig tungkol sa anak ni Armando Alcaraz sa loob ng ilang buwang pamamalagi sa bahay-bakasyunan. A very notorious young lady!
Pero ang nakita nito kanina ay parang hindi makapapatay ng lamok. She’s small. Baka wala pang 5’3“. And very slim. Parang hindi nito gustong paniwalaan ang mga kuwento ni Aling Caring na katiwala sa bahay-bakasyunan.
Hindi dahil nagtsismis ito kundi binalaan siyang huwag pumunta sa sapa. Sinabi nito ang dahilan na nauwi na sa mga pinaggagawa ni Miranda mula pa noong bata ito.
At sa tingin ni Daniel sa dalaga kanina ay mas tamang sabihing si Miranda ang dapat protektahan. Sa tingin nito’y isang babasaging kristal ang dalaga na hipuin lang ay baka mabasag.
Hindi nito mapaniwalaang sa likod ng maganda at maamong mukhang iyon ay isang malupit na babae.
Natitigan ni Daniel ang mga labi ni Miranda. Gaano kaya kalambot iyon? May nakahalik na ba roon? Madudurog kaya ito kung ikukulong nito sa mga bisig ang dalaga?
Nang lumakad palayo si Miranda ay sinundan ni Daniel ng tingin. She was so graceful that he wanted to dream about it. She has a certain poise na hindi bagay sa suot niyang maong at polo.
At kaninang nagsasalita si Miranda ay inakala nitong nahawi ang mga dahon sa itaas at lumiwanag ang paligid.
How would she moan and sigh kung paglalandasin ni Daniel ang mga kamay nito sa katawan ng dalaga?
Biglang ipinilig ni Daniel ang ulo. Kailan pa ito nagkaganito? At sa dinami-dami ng babae sa lupa ay bakit sa isang halos walong taon ang agwat ng edad sa binata?
Hanggang sa makauwi si Daniel ay si Miranda ang laman ng isip nito.
6
SI MIRANDA ay sa bahay naman nina Aileen nagtuloy. Malayo pa siya ay natanawan na siya ng kaibigan.
“Miranda!” salubong ni Aileen. “Kailan ka dumating?”
Bumaba ng kabayo ang dalaga at niyakap ang kaibigan.
“Balita ko ay nag-asawa ka na?”
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Aileen. “Pasensiya ka na kung hindi ko natupad ang kasunduan nating ikaw ang abay sa kasal ko. Sa huwes lang kasi sa bayan kami nagpakasal.”
“At tanan kayo kaya ganoon,” tukso niya. “Okay lang iyon. O nasaan ang asawa mo?” Tumingin siya sa bahay.
“Halika nga pala. Doon tayo sa ilalim ng punong sampalok. Doon tayo maupo.” Hinila nito ang dalaga sa upuang kawayang nakapaligid sa malaking puno.
“Kilala ko ba ang napangasawa mo?” ulit na tanong ng dalaga.
“Hindi. Tagakabilang bayan. Sa bangko siya nagtatrabaho. Clerk.”
“Oh well at least maganda naman pala ang hanapbuhay ng mister mo. Pero teka, may itatanong nga pala ako sa iyo.”
“Tungkol saan?”
“Hindi ba ang Nanay Caring ang katiwala sa bahay-bakasyunan ni Daniel?”
Tumango ang babae. “Nagkakilala na ba kayo ni Daniel?”
“Nagkita kami kanina sa sapa. Inabutan ko siyang naliligo roon.”
Biglang namilog ang mga mata ni Aileen. “Sa sapa? O, ano’ng nangyari? Inaway mo ba? Nagpang- abot ba kayo?”
“Relax. Hindi. Nagtaka nga ako kung bakit hindi ako nagalit nang makita ko siya,” nakangiting wika niya.
Napuna ni Aileen ang kakaibang kislap sa mga mata ni Miranda. “Ano ang ibig sabihin niyang kakaibang kislap sa mga mata mo, ha? Huwag kang magsisinungaling, kilala kita ’pag may crush sa isang tao.”
“Naiintriga ako sa lalaking iyon. Maliban pa sa malakas ang dating niya sa akin.”
“Alam mo bang biyudo si Daniel, Miranda?” ani Aileen na nakapagpabigla sa dalaga.
“Biyudo?”
Tumango si Aileen. “Iyon ang sabi ni Nanay. Namatay sa panganganak ang asawa ni Daniel kasama na ang bata, wala pang isang taon ang nakalilipas.”
Hindi agad nakakibo si Miranda.
“But… but he’s young…”
“Iyon ang una nilang anak. At ayon sa kuwento ng inay ay bagong kasal lang ang mga ito.”
Gustong manlumo ni Miranda sa narinig. Hindi para sa sarili niya kundi para sa lalaki. Alam niya kung paano mawalan ng isang minamahal.
Pagdating sa Villa ay kinausap ng dalaga ang ama habang nasa mesa sila at naghahapunan.
“’Pa, alam ba ninyong biyudo si Daniel?”
Tumango si Armando na patuloy sa pagsubo.
“Kilala n’yo ba si Daniel, Papa, bago siya napunta rito?” patuloy ng dalaga.
“Kapatid ni Gelso ang ama ng batang iyan, hija. Taal na taga-rito ang mga Aragon. Ang bahay-bakasyunan na iyan ang talagang bahay nila. Nang magsipag-asawa ang magkapatid ay sa Maynila na nanirahan ang mga magulang ni Daniel. Namatay sa isang hold-up-hostage ang mag-asawa sa isang bangko kasama ng ilan pa. Kinupkop ng mag-asawang Guada at Celso ang apat na taong gulang na si Daniel at pinag-aral dito. Sa mismong paaralang pinasukan mo noong ikaw ay elementarya pa lamang.” Umabot ng pagkain ang matanda at sandaling huminto sa pagkukuwento.
“Ano ang nangyari pagkatapos, Papa?”
“Isang chemist si Celso at nahirapan sa pagparoo’t parito sa atin kaya ipinasyang sa Maynila na manirahan. Pinatapos lang ng mag-asawa ang elementarya ni Daniel bago lumuwas. You were barely four years old then.”
“Hindi na ba nagbalik dito si Daniel mula noon?”
“Kasama itong bumalik ng mag-asawa noong pagpasyahan nilang ipagbili na ang lupain nila sa atin. Ang buong bakasyong iyon ay itinigil ng mag-asawa dito hanggang sa matapos ang bilihan ng lupa. At ang sabi ng mag-asawang Celso at Guada sa akin ay sa ibang bansa na sila maninirahan. Ipinadala ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Celso sa main office.”
Umabot ng tubig ang dalaga at uminom. “How come na hindi ko nakita at natatandaan si Daniel, ’Pa?”
“Graduation mo ang linggong iyon sa elementary at valedictorian ka. Busy kayo ng mommy mo sa paghahanda ng valedictory speech mo pati na rin sa pag-aayos ng birthday mo na natapat sa araw ng graduation.” Biglang nag-iba ang boses ni Armando sa alaalang iyon ng asawa.
“At mula noon ay ngayon na lang may bumalik sa bahay ng mga Aragon,” ani Miranda na tinanguan naman ng ama. “Saan nakapag-asawa si Daniel, ’Pa? Sa Amerika ba?”
Masusing tinitigan ni Armando ang anak. “Maliban sa maaga itong nabiyudo ay wala na akong alam, Miranda. Bakit ba ganoon na lang ang pagnanais mong alamin ang buhay niyong tao?”
Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. “Wala naman, ’Pa. Kapitbahay natin, so interesado ako.” Pagkatapos magpahid ng bibig ay tumayo na siya.
Naghihinalang sinundan ng tanaw ni Armando ang anak na pumanhik sa itaas. Kung hindi pa nito kilala ang dalaga ay baka maniwala itong ganoon nga.
Biglang pumasok sa isip ni Armando ang anyo ni Daniel. Sa iilang buwang ipinanatili rito ng lalaki ay nakuha nito ang paggalang ng mga tao niya sa rancho Alcaraz. At siya man ay gusto niya ang lalaki.
Walang alam sa gawaing pang-rancho si Daniel. Makinis ang kutis na bagaman hindi kaputian ay hindi rin naman kayumanggi. Pero sinikap ng lalaking makibagay sa buhay sa kapaligiran. Sa tulong ni Mang Pepe ay pinag-aralan nitong mangabayo. Madaling natuto si Daniel at ngayon, sa loob ng ilang buwan ay para na rin itong ranchero kung kumilos.
Hindi iilang beses niya itong nakitang tumutulong sa mga tao niya sa pag-aanak ng mga baka. Sumasama rin ito sa burol kung saan nanginginain ang mga baka upang samsamin sa hapon.
At bumagay sa lalaki ang sunog na balat sanhi ng malimit na pagbibilad sa araw. Minsan ay inalok na niya itong pangasiwaan ang buong rancho Alcaraz subalit magalang itong tumanggi. Tutulong ito kung kinakailangan pero hindi bilang empleyado.
At ngayon ay napansin niya ang pagkakainteres ng anak dito tulad din ng ibang mga kadalagahan na kumikislap ang mga mata kapag dumadaan at binabati ni Daniel.
Can Daniel tame her daughter o isa na naman si Daniel na mapapaamo ni Miranda?
7
M ALAYO pa si Miranda ay natanawan na siya ni Daniel. Naitanong ng binata sa sarili kung ano ang kailangan ng dalaga rito?
“Hi,” bati ni Miranda matapos itali sa bakod na kahoy si Ivory. ’
Hindi lumingon si Daniel. Patuloy sa ginagawang paglalagay ng mga pagkain ng manok.
“Hi yourself,” sagot nito na lumalakad patungo sa isa pang plastic na triyangulo na siyang pinagkukulungan ng mga tandang.
“Nag-aalaga ka pala ng mga sasabungin?”
“Ito ang naisip kong maaaring pagkakitaan mula nang matira ako rito. I breed and sell them. May iilan na rin akong customers.”
Palakad-lakad si Miranda. Sinusundan ang bawat paglipat ng kulungan ng lalaki na marahil ay mayroong sampu na nakakalat sa bakuran.
“Bago ka napunta rito, ano ang trabaho mo, Daniel?” kaswal na usisa ng dalaga.
Tumayo nang tuwid si Daniel at hinarap siya sa unang pagkakataon. “Doing some research at ako ang subject?” sarkastikong tanong nito.
“You are not very friendly, are you?”
Nagkibit ng balikat ang lalaki. “Kanino ko utang ang pagdalaw mo?”
“I’m just being neighborly. Do you mind?”
Hindi ito sumagot sa halip ay ibinaba sa isang tabi ang mga patuka ng manok at nagpatiunang lumakad patungo sa likod-bahay.
“Halika, pumasok ka,” anyaya nito na hindi lumingon.
Walang kibong sumunod ang dalaga. Sa may pinto ng kusina ay sumungaw si Aling Caring.
“Kumusta na po kayo, Nanay Caring,” bati niya sa ina ni Aileen. “Galing po ako kay Aileen kahapon.”
Ngumiti ang matandang babae. “Nabanggit nga sa akin ni Aileen pag-uwi ko noong gabi. Mabuti naman at napasyal ka.”
Bago pa nakasagot si Miranda ay nagsalita si Daniel. “Paki-dalhan nga ho ninyo kami ng maiinom, Aling Caring,” wika nito bago tuluyang pumasok sa sala.
Sumunod si Miranda. Wala sa loob na dinadampot ang mga knick-knacks na naka-display. Tinitingnan at muli ring ilalapag. Nakasunod lang ng tingin si Daniel sa kanya.
“Alam mo bang ngayon lang ako nakapunta rito?” aniya habang iginagala ang mga mata sa loob ng kabahayan. Tulad sa villa ay malalaking narra ang wall panelling. Pero moderno ang pagkaka-disenyo ng villa dahil ipinaayos ito ng mommy niya noon.
Ang bahay ng mga Aragon ay nanatiling hindi binago ang ayos. Maliban marahil sa pinalitan ang mga sirang bubong at dingding. Antigo ang mga kasangkapan.
“Siguro nga,” maikling sagot ni Daniel sa sinabi niya.
Nang may mapagtuunan ng pansin ang dalaga sa estante. Dinampot niya ito. “Medical Encyclopedia. Nagbabasa ka ba nito?”
“I read almost everything na makapupukaw sa interest ko.”
“Binili mo ito kung gayon?” patuloy ng dalaga na binubuklat ang aklat.
“Wala bang nakapagsabi sa iyong isang chemical engineer ang Tiyo Celso sa isang malaking drug company?” matabang na sagot ng lalaki.
Tumango-tango siya. Iyon nga pala ang trabaho ng tiyo nito. Lumakad si Daniel patungo sa malaking pinto. Binuksan ito at tumambad ang maluwang na terasa.
Nilingon nito ang papasok na si Aling Caring. “Dito na sa terasa ninyo ilapag iyan, Aling Caring.”
Inilapag ng matanda ang tray ng juice at cookies sa mesang rattan at muling pumasok sa loob.
Naupo ang dalaga. Si Daniel ay nanatiling nakasandal sa barandilya.
“Hindi ka ba naiinip dito sa rancho, Daniel?” Rancho na rin ang sinabi niya dahil ang lupang kinatitirikan ng bahay ng mga Aragon ay napa-paligiran ng rancho.
“Marami akong pinagkakaabalahan,” pormal nitong tugon. Walang ekspresyon ang mukhang nakatitig lang sa dalaga.
“Hindi mo ba nami-miss ang city life lalo na at ang sabi ng papa ay matagal kang nanirahan sa Amerika?”
Nag-alis ng bara ng lalamunan ang lalaki. “Sarili kong desisyon ang dito manirahan.”
“To heal wounds?” banayad niyang tanong.
Noon lang nagbago ang ekspresyon ni Daniel. Nagsalubong ang mga kilay nito. “Hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa personal kong buhay, Miranda,” may himig ng warning ang tinig nito.
“Mas madaling nalilimutan ang mapait na alaala, Daniel, kung ishi-share sa iba.”
“At paano mo nalamang gusto kong kalimutan ang alaala?” patuya at pagalit nitong tanong.
Bahagyang nasaktan ang dalaga roon. Kung bakit, hindi niya alam. Ganoon marahil kamahal ni Daniel ang asawang namayapa at hindi gustong lumimot.
Hindi maunawaan ni Daniel ang nakita sa mukhang iyon ni Miranda na iglap ding nawala. Sinundan nito ang sinabi.
“At paano mong nasasabi iyan. Naranasan mo na bang masaktan?”
Huminga nang malalim si Miranda. “I was very young when my mother died.”
Sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daniel sa lungkot ng tinig at mukha ni Miranda.
“Puwede mong ikuwento ang sakit na nadama mo sa pagkawala ng mommy mo and I will listen.” Naroon ang sympathy sa tinig nito.
Tumayo ang dalaga at ngumiti. “Di huwag na lang tayong mag-usap ng mga malulungkot na bagay.”
Sa tingin ni Daniel ay muling nagliwanag sa ngiting iyon ang paligid. Agad nitong ibinaling sa iba ang tingin.
“Kung gusto mo, samahan mo na lang akong mag-picnic bukas. Maligo tayo sa sapa at doon na rin tayo kumain,” anyaya niya na sumandal sa poste ng barandilya.
“Wala akong panahon sa linggong ito, Miranda. Marami akong inaasikaso.”
Kahit nakadama ng disappointment ang dalaga ay hindi nagpahalata.
“Oh well, siguro sa ibang pagkakataon. I’ll be staying the whole semestral break, Daniel. Gusto ko namang maiba ang bakasyon ko ngayon,” malambing niyang sinabi bago sinabayan ng lakad patungo sa isang baytang na hagdang bato. “Thank you. Dito na ako dadaan. Pakisabi kay Nanay Caring na tutuloy na ako.”
Tumango ang lalaki na sinundan ng tanaw ang dalaga na umikot sa kinalalagyan ng kabayo.
Damn you, Miranda Alcaraz!
Pabagsak na naupo sa upuang rattan si Daniel. Ano ang ginagawa ng babaeng iyon dito? Hindi ba sapat na naligalig siya nito sa sapa? Bakit kailangang may followup?
Ni hindi nga niya gustong aminin sa sariling he ached hard along sa gabing nagdaan habang naiisip niya ito.
Ipagpapalit niya ang lahat if only Miranda could fill that damn empty bed with him. But just the thought of it is pure lunacy!
Halos isang taon nang namamatay si Sally at minsan man ay hindi siya nagkaroon ng interest sa ibang babae. At minsan man, sa loob ng maraming mga taon ng buhay niya ay walang babaeng nakapagpaligalig sa kanya nang ganito. And aching for Miranda wouldn’t do him a bit of good.
Unang pagkakataon pa lamang na marinig niya ang pangalan nito ay bumangon na ang kuryosidad niya sa dibdib. And seeing her twice did not end the curiosity.
Sana’y madaling lumipas ang mga araw at matapos ang bakasyon ng babaeng iyon sa rancho. Marahil kung nasa Maynila na ito’y muling magbabalik sa normal ang takbo ng pag-iisip niya.
8
ISANG araw na galing sa bayan si Miranda ay natanawan niya sa harap ng villa ang Wrangler jeep ni Daniel. Mabilis niyang ipinarada ang pickup at nagmamadaling pumasok sa kabahayan.
“Nandito ba si Daniel, Nana Epang?” bungad niya nang makita si Nana Epang na bumaba ng hagdan.
“Nasa itaas sa silid ng papa mo. Nabuwal sa may koral si Armando kanina. Mabuti na lang at naroon sa may malapit si Daniel.”
Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Miranda. Nabaling sa ama ang buong pag-iisip. Patakbo siyang pumanhik sa itaas sa silid ni Armando.
Nakahiga ko habang nasa gilid ng kama si Daniel at nag-uusap ang dalawa.
“’Pa?”
“Nandito ka na pala, hija. Naideposito mo na ba ang mga tseke?”
Tumango siya. Tumayo mula sa pagkakaupo si Daniel pagkakita sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ni Miranda na tumingin dito.
“Napagod lang ang papa mo, Miranda. He had been overexhausting himself for the past days.”
May namuong luha sa mga mata ng dalaga. May takot na sumibol sa dibdib. May sakit ba ang papa niya? At sa puso kaya? Alam niyang traydor ang sakit na ito. Hindi iilang kakilala’t magulang ng mga kaibigan niya ang alam niyang walang kamukat-mukat ay inatake at namatay.
Hindi pa siya nakaka-recover sa pagkawala ng mommy niya. Mawawala rin ba ang papa niya?
Nilapitan siya ni Daniel nang makita ang sindak sa mukha niya. Tila siya estatwang hindi na nakaalis sa kinatatayuan.
“Miranda.” Hinawakan siya nito sa braso. “Napagod lang ang papa mo. Overfatigue. Calm down,” banayad nitong wika.
Nanunuot sa kalamnan niya ang tinig ni Daniel. Tumingala siya upang ibalik ang mga luha.
“At paano kang nakatitiyak? Doktor ka ba?” bahagyang angil niya rito.
“Tama si Daniel, hija. Wala kang dapat ipag-alala. Napagod nga lang marahil ako. Bago ka pa kasi umuwi dito ay halos dalawang linggo akong katu-katulong ng mga katiwala sa rancho. Ilang baka at kabayo ang nanganak nitong nagdaang mga araw.”
Pinaglipat-lipat ng dalaga ang tingin sa dalawang lalaki. Lumakad si Daniel patungo sa pinto.
“Have an executive checkup, Mr. Alcaraz. Mabuti na iyong nakatitiyak. Tutuloy na ako.” Saglit nitong sinulyapan ang dalaga na hindi lumingon.
“Maraming salamat, Daniel,” pahabol ni Armando bago tuluyang nakalabas ang lalaki.
Nilapitan ni Miranda ang ama. “Papa, sa ayaw at sa gusto ninyo ay luluwas tayo sa Maynila bukas din. Tama si Daniel, kailangan ninyo ang executive checkup. You’re not getting any younger.”
“Alright, para makalma ka. Para kang natuka ng ahas kanina. Pero hindi ka kasama. Maiwan ka dito sa rancho para gawin ang trabaho ko. At hija, habulin mo si Daniel at magpasalamat. You were almost rude sa pagsagot mo kanina.”
Tumango ang dalaga. Lumabas ng silid at nagmamadaling bumaba. Kasalukuyang iniaatras ni Daniel ang jeep nang lumabas siya. Patakbo siyang lumapit dito.
“May kailangan ka pa, Miranda?”
Sandali lang itong tinitigan ng dalaga. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan sa leeg ang lalaki at kinabig. Ginawaran niya ito ng halik sa mga labi.
Tumaas ang dibdib ni Daniel na naningkit ang mga mata.
“Bakit mo ginawa iyon?” pagalit nitong tanong.
“Alam mo Daniel, you really amazed. Ngayon lang ako nakakita at nakatagpo ng lalaking nagagalit na hinalikan ng babae.”
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko!”
Nagkibit ng balikat ang dalaga. “Pasasalamat sa ginawa mo sa papa. And I’m sorry for being rude, nabigla ako kanina sa pag-aalala sa Papa.”
“Miranda.” Mariin ang pagkakabigkas na iyon ni Daniel sa pangalan niya. “You just don’t kiss people around dahil lang sa gusto mong magpasalamat.”
Umikot ang mga mata ng dalaga. “I don’t kiss people around. I kissed you. So what’s the big deal?”
“Hndi ginagawa ng matinong babae iyan.”
Sandaling napatitig ang dalaga rito. Gusto niyang magalit pero nagpigil. Just talking to this man she was able to develop self-control.
“Di hindi ako matinong babae,” patuya niyang sang-ayon sa sinabi nito. “But only with you!” Pagkasabi noo’y tumalikod na siya at lumakad papasok sa villa.
Mabilis na pinaandar ni Daniel ang jeep. Malayo na sa villa ang binata nang bigla itong nagpreno at isinadsad sa tabi ang sasakyan.
Hell that woman!
Tila nahahapong sumandal ito sa upuan. Nang makita nito kanina si Miranda na tila na-shock sa pagkakatayo at anumang sandali ay maaaring pumatak ang luhang pinipigil ay halos matunaw ang puso nito. Gusto ni Daniel na yakapin ang dalaga at dalhin sa dibdib. Give her assurance na walang dapat ikabahala.
At kanina… when her lips touched his… lord! She made him rock-hard. At dampi lang ang halik na iyon, ha? Nagagalit ito at kinabahan dahil baka mapuna ni Miranda iyon.
Huminga nang malalim si Daniel. Gustong ipasok lahat sa baga ang malamig na simoy ng hangin sa paligid.
When was the last time he had a woman in his arms? Mahigit nang isang taon. One year and seven months to be exact. Nang malamang nagdadalantao si Sally ay iniwasan na nitong magtalik sila.
Si Sally. Ginawa nitong bangungot ang buhay niya. Oh well, ang tangi nitong kasalanan ay ibigin at mahalin siya.
Pero siya, may pag-asa pa bang maka-recover?
Nang mamatay si Sally ay sa kanya isinisi ng mga magulang nito ang kamatayan ng kanyang asawa. Tanging si Sally lamang ang pinanghinayangan ng mga in-law niya. Ni hindi naisip ng mga ito na nawala rin ang unang apo ng mga ito.
At siya? Sakim daw siya. Iyon ang hinihiyaw ng mga ito sa kanya.
Mula noon, things had never been the same again. Halos lunurin niya ang sarili sa alak gabi-gabi. Siya ang pumatay sa mag-ina niya!
Hanggang sa sumulat ang Tiyo Celso niya mula sa Amerika, at tuluyan nang ipagbili sa mga Alcaraz ang natitirang lupang kinatitirikan ng bahay matapos magpasyang sa Amerika na manirahan.
Iyon ang balak niya kaya siya nagtungo sa Rancho Alcaraz. Pero nang muli niyang makita ang bahay ng kanyang kamusmusan ay nagbago ang isip niya. Pag-aari ng mga Aragon ang bahay na ito mula pa sa mga lolo at lola niya. At kung tutuusin ay pati na ang kalahati ng lupang ngayo’y nasa pag-aari ng mga Alcaraz. Hindi man niya muling mababawi ang mga iyon ay nasa pag-aari pa niya ang halos isang ektaryang natitira at ang bahay.
Nakatagpo siya ng panandaliang kapayapaan sa kapaligiran. At ang sapa, ang sapa ni Miranda Alcaraz ay balsamo sa damdamin niya.
Habang-buhay na marahil siyang uusigin ng konsiyensiya at panunumbat. Pero dito… at sa paligid ng Rancho Alcaraz ay natutuhan niyang makipagkasundo sa sarili. Nakakatulog na siya sa buong magdamag kahit papaano.
Until Miranda Alcaraz! An added trouble… a pain in his groin. And she is just a kid .
A kid? Sinong binibiro niya. She maybe twenty-one years old but she’s got those curves in all the right places!
At hanggang kailan niya mapaglalabanan ang sarili niya gayong ang dalaga na mismo ang naglalapit ng sarili?
9
G USTO kong makausap si Miranda, Nana Epang!“ si Daniel sa pagalit na tono.
“Teka at titingnan ko kung gising na, Daniel,” sagot ng matanda na nagtaka sa maaga at biglang pagdating ng lalaki sa villa.
Bago pa nakahakbang ang matanda ay natanawan na nitong bumababa ng hagdan ang bagong gising na si Miranda.
“Nana Epang, sinong… Daniel!” nagulat pa ang dalaga. Hindi inaasahang mabubungaran ito sa sala.
Si Daniel man ay sandaling nalimutan ang dahilan ng pagsugod sa villa sa nakitang ayos ng dalaga. Nakalugay ang buhokni Miranda. Nakasuot ng satin na roba na kulay lilac. Hindi umabot sa tuhod ang haba at ang tanging nag-uugpong ay ang tali sa baywang.
Sanay siyang nakikita itong nakamaong at boots. Naka-T-shirt o di kaya ay polo. Mahaba man o maiksi ang manggas.
Ibang Miranda ang nasa harap niya. Soft and fresh like a morning breeze.
The she-devil had no right to torture him like this. And the sight of her made him hot all over!
“Daniel?” nakangiting ulit ng dalaga. “Ang sabi ko ay may kailangan ka ba sa akin at ang aga mo?”
Tumikhim ang lalaki. Inalis ang tingin sa mga labing nakangiti at nasa harap nito.
“Totoo ba ang sinabi ng mga tao sa akin na pinagsabihan mo si Mang Caloy na aalisin sa trabaho?” bumalik sa pormal na tinig ang lalaki.
Nakadama ng dismaya si Miranda. Bahagyang naghikab na naupo sa sofa. Nilingon si Nana Epang sa di-kalayuan.
“Nana Epang pakisabi nga po kay Elsie na bigyan kami ng kape.” Itinuro niya ang upuan sa lalaki. “Maupo ka, Daniel.”
Napapikit ang lalaki nang sa pag-upong iyon ng dalaga ay matanaw nito ang cleavage niya.
Bahagya itong lumayo pero hindi naupo. “Hindi mo ako sinasagot?”
“Oh yes. Iyon ba ang sadya mo sa akin?”
“Alam mo ba na kahapon ng hapon habang nasa bahay kita ay nagkaroon ng mild attack ang matanda?”
“How is he now?” kaswal na tanong ng dalaga. No need to worry. Mild attack daw.
“Nahimasmasan na kagabi rin. Nasa amin ang kalalakihan kagabi upang hiramin ang jeep at nang madala sa bayan ang matanda . Pero nabigyan ko ng first aid at nang umigi ay hindi na rin nagpahatid sa ospitaL “
“Well, thank you, Daniel . It seemed na dependent sa iyo ang mga tao dito sa rancho. At ngayon, ano ang iaabogado mo sa akin para sa kanila?” patuyang tanong ng dalaga.
“Dahil sa labis na pag-aalalang mawawalan ng trabaho ang pobreng matanda kaya siya inatake, Miranda. Iyon din ang ipinangangamba ng matatandang tauhan ng rancho dahil ang sabi mo ay kakausapin mo silang lahat.”
Inabot ng dalaga ang tasa ng kape na inilapag ng katulong. Inialok kay Daniel ang isang tasa pa na hindi kumikilos.
“Matanda na si Mang Caloy, Daniel,” aniya na bahagyang uminom mula sa tasa. “Mahina na at malimit ay napapabayaan na ang mga gawain. Sa ilang araw kong pagmamasid ay nakita ko ang problema dala ng hindi na siya reliable.”
“Buong buhay niya ay inukol niya sa paglilingkod sa inyo!” pagalit na sagot ng lalaki. “Hindi mo ba pinahahalagahan iyon?”
“Huwag kang masyadong sentimental, Daniel. At ang nangyaring ito kay Mang Caloy ay lalo lamang nagpabilis sa desisyon kong huwag na siyang pagtrabahuhin pa. Baka hindi lang iyon ang abutin niya sa oras ng trabaho.”
Hindi makapaniwala si Daniel sa sinasabi ng kaharap. Ang sabi ni Aling Caring, mabait at maawain si Miranda. Huwag lang inaagrabyado at pino-provoked. Pero hindi iyon ang nakikita niya sa ikinikilos at sinasabi nito ngayon.
“Ang sabi ko kay Mang Caloy ay hintayin ang papa mo,” marahan nitong wika na halatang nagpipigil ng galit.
“Hindi na kailangan. Effective today, ay maghahanap ako ng pansamantalang kapalit niya. Pupuntahan ko si Mang Caloy ngayong umaga, Daniel para sabihin sa kanya iyon. By the way, gusto mo bang palitan ang puwesto ni Mang Caloy, Daniel? Ang sabi ng papa, you are very able and reliable?” seryosong tanong ng dalaga.
Kumawala ang galit ng lalaki. “You disgust me, Miranda. Magutom man ako ay hindi ako paiilalim sa kapangyarihan ng isang tulad mo!”
Nagsasalubong ang mga kilay ng dalaga. Hindi niya maunawaan ang mga ikinikilos ng lalaki kanina pa.
“You don’t have to shout at me dahil lang sa inaalok ko sa iyo ang trabaho nina Mang Caloy at Mang Alfon. Madali namang magsabi ng hindi. Hindi kita pipilitin.” Tumayo ang dalaga.
“Wala ka bang damdamin? Wala ka bang puso?” Pinipigil nito ang pagtaas ng tinig.
Bahagyang ngumiti ang dalaga sa tanong na iyon. “My heart aches for you, Daniel. Kung wala akong puso at damdamin ay hindi ako masasaktan sa pagbabale-wala mo sa akin.”
Naningkit ang mga mata ng lalaki. “Ikinalu-lungkot kong hindi ako pumapatol sa isang tulad mo!” mahina pero mariin ang pagkakasabi nito.
Pinamulahan ng mukha si Miranda. Hindi iilang beses siyang nainsulto sa mga sinasabi nito. Pero hindi niya mapalampas ang sinabi nito ngayon. Itinaas niya ang kamay niya para sampalin ito pero bago umabot iyon sa mukha ni Daniel ay nahawakan nito ang braso niya.
“That is an old dusty trick. Sasampalin mo ako para lang makatikim ng halik mula sa akin, ganoon ba?” tuya nito. “No way, kid. Dahil kung sakaling lumapat sa pisngi ko ang kamay mo ay hindi halik ang igagantiko sa iyo. Sampal din!” Ibinagsak nito ang kamay niya at tumalikod.
Matagal nang nawala sa pandinig ni Miranda ang tunog ng jeep nito ay hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. Nanggilalas siya sa inasal ni Daniel. Dumating na galit at umalis na galit. Nainsulto siya at nasaktan. Iyon lang ang malinaw sa isip niya.
Hindi na siya nakapag-almusal. Pumanhik siya sa silid at nagbihis. Gusto niyang maiyak. Tama na ang mga kalokohan niya. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakatikim ng maraming insulto. At lahat ng mga iyon ay galing kay Daniel.
At bakit ba nagpapakababa siya nang ganoon? Titiyakin niyang iyon na ang huling pagtatagpo nila ng lalaki.
Sakay ng kabayong si Ivory ay tinungo ng dalaga ang bahay ni Mang Caloy. Pinapasok siya ng maybahay nito na bagaman sa nagmagandang umaga ay halatang galit.
Ganoon din ang binatilyong nakaupo sa tabi ng nakahigang matanda.
“Maupo ka, Miranda…” si Aling Maria.
“Salamat,” wika ng dalaga pero nanatiling nakatayo. “Kumusta na kayo, Mang Caloy? Naibalita sa akin ni Daniel ang nangyari sa inyo.”
Hindi agad nakapagsalita ang matanda. Tila may bara sa lalamunan. Nagpatuloy ang dalaga.
“Iyan ang nais kong ipunto sa inyo. Matanda na kayo at kailangan na ninyong magpahinga. Baka mamaya ay higit pa riyan ang abutin ninyo.”
“Tama ka, Miranda. Pero paano naman ang pamilya ko? Ang anak kong si Arturo ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo sa bayan.” Sinulyapan nito ang binatilyo. “Hindi naman namin maasahan ang panganay ko dahil may sarili na ring pamilya iyon.”
“Naiintindihan ko iyon. Kaya nga sinabi ko sa inyong saka na lang tayo mag-usap tungkol doon dahil gusto kong hintayin ang Papa at sabihin ang plano ko. Pero sa nangyari sa inyo ay naisip kong hanggang ngayon na lang ang pagtatrabaho ninyo sa rancho. Tatanggapin ninyo ang kaukulang pensiyon buwan-buwan bilang benepisyo sa matagal na ninyong panunungkulan sa amin.”
Nagkatinginan ang tatlo. Takang-taka ang dalaga sa anyo ng mga ito.
“Ideya ng papa ang tungkol sa pensiyon, Mang Caloy. Siguro ay madadagdagan iyon kung magpa-file kayo ng disability sa ahensiya ng gobyerno kung saan miyembro kayo. Pero balak kong imungkahi sa papa na ang rancho na ang gumasta sa mga huling taon ni Arturo sa kolehiyo.”
“May… may pensiyon ba ’kamo, Miranda? At pag-aaralin mo pa si Arturo ko?”
“Oho. Kahit ang papa ay natitiyak kong iyon din ang imumungkahi sa inyo. Pagdating niya ay imi-meeting ko ang matatanda sa rancho upang malaman ko kung marapat na silang magretiro.”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng matanda. Nagtatakang naiiling si Miranda. Ano ba ang nangyayari sa mga taong ito?
Nilingon niya ang nakangiting si Aling Maria. “Tutuloy na ako, Aling Maria, Mang Caloy…” Tinanguan niya si Arturo na ngumiti.
“Miranda…” tawag ni Mang Caloy nang nasa pinto na ang dalaga.
Nilingon niya ito.
“Maraming salamat, hija. Maraming salamat. Patawarin mo ako kung mali ang naging pang-unawa ko sa mga sinabi mo sa akin kahapon.”
Nagkibit ng mga balikat ang dalaga at tuluyan nang nanaog. Humigit-kumulang ay nahuhulaan na niya kung ano ang naging pagkakaintindi ng matanda rito. Iyon din marahil ang nakarating kay Daniel kaya nagalit ito sa kanya.
Si Daniel! Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo. Gusto niyang makarating sa sapa nang mabilis upang lunurin doon ang sama ng loob niya sa lalaki.
“Hiya, Ivory! Sa short cut tayo dumaan!”
Ang short cut niyang nasasabi ay nasasakop ng lupaing naiwan sa mga Aragon. Bagaman matataas ang damo roon ay mabilis naman niyang mararating ang sapa.
Hindi niya napuna ang tao ni Daniel na nagtatali ng kalabaw sa may puno ng niyog. Natanaw ng binatilyo si Miranda at sa pagnanais na huwag makaharang sa daraanan ng dalaga ay malakas nitong hinapit ang kalabaw.
Subalit sa halip na paiwas ang takbo ng hayop ay pumakabila ito. Nahila ang lubid na tali at humarang sa daanan ng kabayo. Huli na nang makita ni Miranda iyon.
Sumabit ang paa ng kabayo sa lubid at bumagsak ito. Nahulog si Miranda bago bumagsak ang kabayo.
Hindi nasaktan ang dalaga na sindak na tumayo at tiningnan ang kabayong nanatiling nakadapa. Kung titingnan ito ay waring hindi na makatatayo pa.
“Oh, Ivory! Ivory!” hiyaw ng dalaga. Regalo ito sa kanya ng Uncle Ben niya anim na buwan makaraang mamatay ang kanyang ina. Sa kanya na lumaki si Ivory at mahal niya ito.
Umiiyak na napaluhod sa harap ng kabayo si Miranda, hinaplos ang mukha nito.
“Ivory…”
Pagkatapos ay tumigas ang mukha ng dalaga. Binalingan niya ang binatilyong nakatayo rin lang sa sindak sa nangyari. Ni hindi niya nakilalang ito ang pamangkin ni Aling Caring.
“Ikaw ang may kasalanan nito! Tingnan mo ang ginawa mo sa kabayo ko!” Umigkas ang latigo sa kamay ng dalaga at dumapo iyon sa binatilyo. Sa sindak ay hindi nagawang kumilos ng huli.
Sa ganoon sila dinatnan ng parating na si Daniel. Mabilis itong bumaba ng kabayo at tinakbo ang dalawa.
“Miranda!” pagalit na hiyaw ng lalaki.
Mabilis nitong inagaw sa mga kamay niya ang latigo. Sinamantala iyon ng binatilyo na iika-ikang lumayo sa lugar na iyon.
“Ano ang ginawa mo sa batang iyon?” sa galit ay halos maglabasan ang mga ugat nito sa leeg.
Hindi agad makasagot ang dalaga na humihingal pa sa ginawa.
“I guess it’s high time to give you a dose of your own medicine,” wika nito sa mapanganib na tono. “Wala kang karapatang saktan na lamang ang mga tao dito dahil lamang hindi sila makapanlaban sa iyo dahil sa pera ninyong mag-ama at sa takot na mawalan sila ng tirahan at hanapbuhay!”
At bago pa nakakilos ang dalaga ay lumapat sa katawan niya ang sariling latigo. Unang haplit pa lamang ay bumagsak na siya sa damo. Sinundan iyon ni Daniel ng isa pa… at isa pa!
Ang unang dalawang palo ay sa likod ng dalaga tumama at pumunit sa damit niya. Ang ikatlo ay sa maong niya.
Bagama’t nasaktan ay hindi siya dumaing. Sindak na nanatiling nakadapa sa damo. Alam niyang tumagos sa manipis niyang balat ang palo. Alam niyang sumugat iyon sa likod niya dahil halos hindi siya makahinga sa kirot.
Inihagis ni Daniel ang latigo sa damo at mabilis na bumaba sa tabi ng dalaga. Sa punit nitong polo ay naaninag ng binata ang mga latay.
“Miranda…” Halos walang tinig na lumabas sa bibig nito. Gusto nitong kasuklaman ang sarili sa ginawa.
Niyapos ni Daniel si Miranda nang marahan at maingat na itinihaya. Sindak at takot ang nakita ni Daniel sa mukha ng dalaga.
“Miranda… pata…”
Subalit mabilis na kumawala ang dalaga mula sa pagkakahawak niya. Kitang-kita ni Daniel na pumipikit ito sa kirot subalit sinikap nitong tumayo nang matatag.
“Sana’y ito na ang huling pagkakataong magtagpo ang landas natin, Daniel Aragon. At bahala ka na sa kabayo ko.” Nilingon ni Miranda si Ivory. Sinundan ni Daniel ang tingin niya at noon lang nito napuna ang nakadapa pa ring si Ivory. “Tapusin mo ang paghihirap ni Ivory dahil hindi ko kaya!”
Mabilis na humakbang ang dalaga patungo sa kabayo. Sandali niya itong tiningnan. At bago siya mapaiyak ay nagtatakbong paalis ng lugar na iyon.
“Miranda!” tawag ni Daniel na hindi pinansin ng dalaga.
Sinulyapan ng lalaki ang kabayong nakalugmok. Naalala ang sinabi ni Aling Caring. “Hindi mananakit si Miranda kung hindi siya ang unang nasaktan o di kaya ay inagrabiyado mo siya.” Umungol si Daniel. Nagsisikip ang dibdib sa ginawa.
“Miranda… Miranda…”
10
“
M IRANDA!“
Nagbalik sa kasalukuyan ang isip ng dalaga sa pagtawag na iyon ni Armando. Dumungaw siya sa nakatingalang ama.
“Mag-usap tayo, hija…” Pagkuway pumasok na ito sa kabahayan.
Siya naman ay pumasok sa silid niya. Nag-alis ng jacket. Pagkatapos ay ng T-shirt. Pilit niyang inaninaw sa salamin ang dalawang pilat sa kanyang likod.
Kinagabihan nang araw ding iyon matapos ang engkuwentro nila ni Daniel ay nagpunta ito sa villa upang kausapin siya. Subalit anoman ang gawin ng lalaki ay hindi niya ito pinakiharapan.
At hindi pa sumisikat ang araw kinabukasan ay nagpahatid na siya kay Mang Pepe sa pantalan.
Matinding sakit ng katawan, puso, at kahihiyan ang sama-sama niyang nadama noon. Isama na ang pamimighati para sa kabayong si Ivory.
Sa Maynila ay hindi niya maipaliwanag sa doktor na tumingin sa kanya kung paano siyang nagkalatay Hindi rin siya napilit ni Soledad, na pinag-isipang ang papa niya ang may kagagawan niyon.
Hindi niya napigil ang tiyahin nang tawagan nito si Armando at galit na galit na komprontahin ito.
Gumaling ang mga latay subalit nag-iwan ng mga pilat. Maaari niyang ipatanggal ito sa pamamagitan ng plastic surgery pero hindi niya ginawa.
Wala siyang intensiyong alisin sa likod niya iyon.
Sa hapunan nang gabing iyon ay hinimok siya ni Armando na ipagbili na lang ang motorsiklo at bumili ng bagong sasakyan. “I’m sorry, ’Pa. Pinag-ipunan ko nang matagal ang ipinangbili ko diyan mula sa sarili kong allowance.”
“Then if I can’t persuade you, I have to imposed my authority as your father, Miranda. Idispatsa mo ang motorsiklong iyan. Ipagbili mo o di kaya ay ipamigay mo sa mga pinsan mong lalaki,” may katigasang wika ni Armando.
“Pero, Papa…”
“It is final!” Noon lang sa buhay ni Miranda narinig niyang tumaas nang ganoon ang boses ng ama. Nakikita niya ang determinasyon sa tinig nito.
Matiim niyang tiningnan ang ama. “Is Daniel has got something to do with this?”
“Why should you think so? Bakit kailangang impluwensiyahan ng ibang tao ang pakikitungo ko sa sarili kong anak?”
Hindi na sinagot ng dalaga iyon. Ibinuhos niya ang pansin sa pagkain.
“Hindi mo na ako sinagot?”
Huminga nang malalim ang dalaga. “Alright. Pero gagamitin ko muna ang motorsiklong iyon dito sa loob ng rancho. Alam naman ninyong wala na si Ivory.”
Magsasalita sana si Armando tungkol doon pero minabuting huwag nang kumibo.
“I’ll give you one week to dispose that bike, Miranda.” Naroon ang finality sa tinig nito. Nang hindi kumibo ang anak ay lihim na nangiti si Armando. Daniel was right afterall.
Kinabukasan ay dinalaw ni Miranda si Aileen na kabuwanan na ang tiyan.
“Kumusta ka na?” bungad niya sa kaibigan na nagbuburda ng lampin.
“Halika, tuloy ka,” nakangiting sagot ni Aileen. Tila hirap na hirap sa dinadala.
Pumasok ang dalaga. Tinitigan ang tiyan ng kaibigan. “Kailan ba ’yan?”
“Araw na lang ang hinihintay ko. Nahihirapan na nga ako, eh. Panay kasi ang tigas ng tiyan ko.”
Hindi maalis-alis ang tingin ng dalaga sa tiyan ng kaibigan. Pakiramdam niya’y siya ang nahihirapan. Ilang sandali muna ang pinalipas niya bago muling nagsalita. “Gusto ko nga palang humingi ng paumanhin sa ginawa ko noon sa pinsan mo, Aileen.”
Ngumiti ang kaibigan. “Matagal na iyon. Sinabi naman ni Natoy na kasalanan niya. Nahulog ka sa kabayo. Mabuti nga at hindi ka nasaktan.”
Tumango-tango ang dalaga.
“T-totoo ba iyong bali-balitang ginawa ni Daniel sa iyo, Miranda?” alanganing tanong ni Aileen.
Huminga nang malalim ang dalaga. “Bahala kang mag-isip. Hindi ko itatanggi at hindi ko rin aaminin.”
“Kung totoo man iyon ay si Daniel ang higit na naapektuhan. Ayon sa inay ay lagi na lang itong nag-iisip. Laging nakatanaw sa malayo. Minsan nga raw ay naitanong nito sa inay kung may balita sa iyo.”
Mapaklang ngumiti ang dalaga. “Kung totoo man ang sinabi mo, Aileen, pareho lang kami. Hindi ko siya nakalimutan sa loob ng nagdaang mga buwan.”
May simpatya sa mukha ni Aileen para sa kaibigan nang muling magsalita. “You really did fall for him.”
“I’m afraid so. Ang akala ko noon ay crush… infatuation. Pero hindi. Siya ang naging sukatan ko sa mga lalaking nakatagpo ko sa Maynila.”
Sandali lang na nag-isip ang kaibigan. “Alam mo bang minsan ay nabanggit ng inay na may hinala siyang may pagtingin sa iyo si Daniel at sinisikap lamang sikilin?”
Nag-angat ng mukha ang dalaga. “Bakit naman nasabi ng Nanay Caring iyon?”
“Itinanong ko rin iyang tanong mo sa inay pero hindi ako sinagot.”
“Hindi ko maintindihan si Daniel, Aileen. I could see the needs in his eyes ’pag tinitingnan niya ako. Pero iba ang sinasabi niya. He was in fact trying to move heaven and earth to put me off!”
“At nagtagumpay si Daniel sa parteng iyon dahil isang taong mahigit ka ring nawala.”
Temporarily. Gustong sabihin ng dalaga. Pero hindi rin niya tiyak ang sarili. Hindi niya alam kung dapat pa niyang ipagpatuloy ang kahibangan.
11
NANG gabing iyon ay nalaman ni Miranda mula sa ama na katu-katulong si Daniel na nagpapaanak ng kabayo. Alam niyang mahirap na gawain ang pag-aabang at pagtulong sa pagpapaanak sa kabayo o baka. Karaniwan na ay inaabot ng hatinggabi ang mga ito.
Dala ang thermos at mga tasa ay tinungo niya ang kamalig kung saan naroon si Mang Pepe, ang dalawa pang tauhan, at si Daniel.
Si Mang Pepe na nakaharap ay nakita siya kaagad.
“Magandang gabi sa iyo, Miranda,” bati ng matanda na sinundan din ng dalawang tauhan. Si Daniel ay ipinasa sa isang kasama ang hawak na foal nang malingunan siya.
“Dinalhan ko ho kayo ng kape. Timplado na ho ang laman nitong thermos.” Inilapag niya ito sa mahabang bangko kasama ng mga mug.
Nilingon ng matanda ang tatlong lalaking nakatalungko pa rin sa harap ng mare na bagong panganak. “O, mga bata, magkape muna kayo. Daniel…”
Tumayo si Daniel at hinarap si Miranda na tinitigan mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tiningnan ang relo nito sa braso. “Sige ho, Mang Pepe, pero ihahatid ko lang si Miranda pauwi,” lingon nito sa matanda.
“Salamat sa tulong mo, Daniel.”
Tumango lang ito at hinila na ang dalaga palabas ng kamalig.
“Ano ka ba!” marahang angil ng dalaga nang nasa labas na sila.
“Ano ang ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi?” si Daniel na hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko na dinalhan ko kayo ng kape?” Sa bahagyang liwanag ng buwan ay nakikita niyang basa ang suot nitong polo sa pawis and he smells hours of hard work na humalo sa natural nitong amoy. Na ewan niya kung bakit nagdudulot ng di-maipaliwanag na damdamin para sa kanya.
“Alas-diyes na ng gabi at madilim ang patungo rito. Hindi mo ba naiisip na baka may humarang sa iyo habang naglalakad ka?” Marahan lang ang pagsasalita nito pero bindi matiyak ni Miranda kung pag-aalala o galit ang nahihimigan niya sa tinig nito.
“Daniel nasa loob ako ng Rancho Alcaraz at mga tauhan ng papa ang narito. Wala pang limang minutong lakad pauwi.”
“Kaya maraming napapahamak na mga babae ay dahil maraming tulad mo. Bakit kailangang magdala ka ng kape? Dati mo bang ginagawa iyon?”
“Eh, ikaw? Dati mo bang ginagawa ang foaling?”
Hindi kumibo ang lalaki at nakatingin lang sa kanya. Paano nito ipaliliwanag kay Miranda na kailangang pagurin nito ang sarili upang mas madali ang pagtulog. Upang huwag ang anyo ni Miranda ang lagi na lang gumuguhit sa isip nito sa bawat paghiga …her images of soft lips.
Pagkatapos ay heto at mismong sa harap nito ay dumating ang babaeng sinisikap nitong alisin sa isip. Very feminine sa suot na mahabang palda at maiksing blusa.
And just seeing her here under the pale shadow of the moonlight had literally taken his breath away.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Daniel. “Halika na, ihahatid na kita.”
“Daniel Aragon, you are the most complex man I had ever met,” aniya rito. Kapag nakikipaglapit siya rito, pakikipagkaibigan man o hindi ay tila napapaso ito. At pagkatapos ay mag-aalala sa kanya sa mga pagkakataong tulad nito. O, di kaya ay ang nakita niyang takot at pag-aalala sa mga mata nito noong tumilapon siya sa damo mula sa motorsiklo.
“Marami ka bang nakilalang lalaki sa Maynila para masabi mo iyan?”
Nagkibit siya ng balikat. “A few.”
Hindi na sinundan ni Daniel ang tanong. Hindi nito gustong isipin na nagkaroon ng seryosong kaugnayan sa ibang lalaki si Miranda. Nasasaktan ito.
Patuloy silang naglakad nang walang kibuan hanggang sa makarating sila sa villa.
Ilang sandali na silang nakatayo sa labas ng pinto ay wala pa ring kumikilos. Parehong walang gustong magpaalam.
“Miranda…” wika nito makalipas ang ilang saglit. “Hindi ko alam kung paano sasabihin ito pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataong makahingi ng tawad sa iyo sa ginawa ko bago ka umalis patungong Maynila.”
“Matagal na iyon, Daniel. Kung ang pisikal na latay sa likod ko ang pag-uusapan ay matagal nang naghilom…” mahinang sagot niya.
“Pero nasa dibdib mo pa rin ang masasakit na salitang sinabi ko. Patawarin mo ako sa masasakit na salitang binitiwan ko… sa mga maling akala tungkol sa matatanda sa rancho.” May himig ng pagsusumamo ang tinig ng lalaki na nakayuko at nakatitig sa mukha niya.
Kumislap ang mga mata niyang nakatitig din dito. “Alam mo siguro iyong adage na
‘you don’t get anything out of nothing,’
hindi ba?”
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Meaning?”
“What do I get if I forgive you?” nakangiting tanong niya.
“I can’t believe it! May bayad na ba ang forgiveness ngayon?”
“Oh, well.” Sinabayan niya ng lakad patungo sa pinto. “You were asking for something so I asked for something in return,” aniya sa marahan at banayad na tinig.
Akma niyang pipihitin ang seradura subalit mabilis na humakbang papalapit si Daniel at hinila siya pabalik.
Halos hindi humihinga si Miranda. Nakakulong siya sa mga bisig ni Daniel at natatakot siyang agad pakawalan nito.
“You’re young…” bulong ni Daniel na nakatitig sa kanya. “Balang-araw, may isang karapat-dapat para sa pagtingin mo.”
At binitiwan na siya nito. And never in her life that she felt so empty. Pinigil ng pride niya ang pagpatak ng mga luhang mabilis na namuo sa mga mata niya.
“Goodnight, Miranda…”
Nang mawala sa dilim si Daniel ay saka pa lang pumasok ang dalaga. Hindi pa niya naisasara nang husto ang pinto ay humulagpos na ang mga luhang pinipigil.
Ilang sandali siya sa ganoong ayos.
“Ikaw ba iyan, Miranda?” si Armando.
Agad niyang pinahid ang mga luha sa mga mata. “P-papanhik na ako, ’Pa.”
“May problema ka ba, anak?” banayad na tanong nito. Alam nitong si Daniel ang kasama ng anak pauwi dahil natanawan nito ang dalawa sa bintana.
Nag-alis ng bara ng lalamunan ang dalaga bago sumagot. “Walang anuman ito, Papa.”
“Heart problems?”
“Sort of.”
“May maitutulong ba ako?”
Umiling ang dalaga. “Goodnight, ’Pa.” Nilampasan niya ang ama at pumanhik. Nasa dulo na siya ng hagdan sa itaas nang muling magsalita si Armando.
“No matter what happened, sweetheart, nandito ako.”
“I know,” bulong niya at tuluyan nang pumasok sa silid.
12
SI DANIEL ay nanatiling nakatitig sa kisame ng silid niya. Hindi niya magawang umiwas kay Miranda. Nitong nakaraang mga araw ay sinikap niyang magtrabaho hanggang sa wala nang matirang lakas pagdating ng gabi. Na-repair na niyang lahat ang mga picket fence sa paligid ng bahay-bakasyunan. Nahawan na niyang lahat halos ng mga damo sa paligid.
At kanina’y tinulungan niya si Mang Pepe na magpaanak ng kabayo. Hindi niya inalintana ang nangangapal na niyang mga palad. Ang tanging nais niya’y mabura sa isipan niya si Miranda.
He ached for her that he wanted to take her right there on the grass. Nasa babaeng iyon ang lahat ng mga pinapangarap niya. And damn her and those inquisitive eyes. Damn those soft lips na wala nang ginawa kundi tuksuhin siya. And damn him too for taking notice always.
Hindi lang iilang beses niya itong sinaktan and she’s tougher than he thought.
Gusto niyang ibigay rito ang lahat-lahat sa kanya pero ano ba ang kaya niyang ibigay? Isang lalaking nagtatago sa anino ng kahapon?
Ibibigay niya ang lahat mapalaya lang ang sarili mula sa usig ng budhi upang ihandog kay Miranda. She doesn’t deserve anything less.
At wala siyang maibibigay.
13
H INDI makapaniwala si Miranda sa nakita niya sa harap ng villa nang dumungaw siya mula sa veranda isang umagang paggising niya.
“Ivory!” bulalas niya sa nanginginaing puting kabayo.
Dali-dali siyang lumabas ng silid at patakbong nanaog. Hindi pa rin makapaniwalang sinuri niya ang hayop.
“Oh, Ivory, ikaw nga!” Niyakap niya ang leeg nito. Tinapik-tapik ang ulo. “Pero papaanong…?”
“Inihatid ni Daniel kaninang umaga ang kabayong iyan, hija,” anang papa niya na nasa pintuan.
“Pero, Papa, hindi ba at… ang ibig kong sabihin ay…” Hindi niya malaman ang sasabihin.
“Hindi grabe ang pinsala ng kabayo mo, Miranda, ayon kay Daniel,” wika nito na iiling-iling. Noong unang makita nitong sinasakyan ni Daniel si Ivory ay hindi nito maunawaan kung bakit iniwan ng anak ang pinakamamahal na kabayo sa lalaki.
“Pinatingnan raw niya iyan sa beterinaryo at hindi naman naging malubha ang pilay. Pina-cast ni Daniel at inalagaan. Makalipas ang ilang panahon ay tumatakbo na tulad ng dati. Bago ka dumating ay ginagamit ni Daniel ang kabayo mo.”
“Oh, Pa!” Nag-uumapaw sa galak ang puso niya na sinakyan ang kabayo at pinaikot-ikot sa paligid. Tuwang-tuwang walang ipinagbago ang bilis ng pagtakbo nito.
“O, Ivory, you still run like a wind! Hiya!”
Ang bahay-bakasyunan ang deneretso ng dalaga. Gusto niyang pasalamatan si Daniel.
Nasa bakuran si Aling Caring at nagwawalis.
“Magandang umaga, Nanay Caring. Nariyan po ba si Daniel?” aniya pero hindi bumababa sa kabayo.
“Naku, eh, wala si Daniel rito, Miranda. Nasa bayan at may kausap na bibili ng mga sasabungin niya.”
“Hindi po bale. Saka na lang ako babalik.”
“Nasa iyo na pala ang kabayo mo, Miranda,” si Aling Caring na hinagod ng tingin ang mag-amo. “Hindi nga pala ako nakahingi ng paumanhin sa iyo sa ginawa ng pamangkin ko. Muntik ka nang madisgrasya.”
Ngumiti ang dalaga. “May kasalanan din po ako sa kanya, Nanay Caring. Pero sige ho, tutuloy na ako.”
Sa sapa nagtuloy ang dalaga at maraming oras ang ginugol niya roon bago umuwi.
Kinabukasan ay muling nagtungo ang dalaga sa bahay ni Daniel subalit malayo pa siya’y hindi na niya natanawan ang jeep nito sa bakuran. Nahinuha niyang wala ang sadya kaya agad nang nagbalik sa villa.
Nang sumunod na araw ay dumating ang anak na lalaki ng Tiya Soledad niya, si Joey, upang kuhanin ang motorsiklo niya.
Itinawag ito ng papa niya sa mga ito upang siyang mag-uli ng bike.
“Alam mo ba, pinsan, na ang tagal kong napahinuhod ang daddy at mommy na sa akin na mapunta ang bike mo?”
Natawa ang dalaga. “Hindi mo na kailangang sabihin, kilala ko ang mga iyon. Parang ang papa, naghisterya nang makita ang motorsiklong iyan. Pero paano mo nakumbinsi ang mga Tiyo at Tiya?”
“Gamit ni Kuya Rene ang isang kotse, ’di ba? Eh, may trabaho na rin ako ngayon kaya nakumbinsi ko silang ang bike mo na lang tutal hindi mo naman pinababayaran ng cash. Payable when able, ’di ba ’insan?” biro nito.
“Okay lang iyon. O, ano, gusto mong subukan natin ngayon?”
“Sure.” Kinuha nito ang helmet at isinuot. “Hop in.”
Pagkatapos magpaalam ay umalis na ang dalawa. Nakaangkas si Miranda sa likod ni Joey.
“Okay, ah. Palitan ko kaya ng pang-tracks ang gulong nito?”
“Hindi na. Gagastos ka pa, eh, wala ka naman dito sa rancho.”
Binilisan ni Joey ang pagpapatakbo kaya humigpit naman ang pagkakayakap ng dalaga rito.
Hindi napuna ng dalaga na malayo pa ay natatanaw na sila ni Daniel na sakay ng Wrangler jeep nito. Nagsasalubong ang mga kilay na sinundan nito ng tanaw ang dalawa.
Si Miranda, nililipad ng hangin ang buhok at nakatawa. Mahigpit na nakayakap sa lalaking nagpapatakbo ng motorsiklo. Sino ang lalaking iyon?
Nang hapon ding iyon ay dala na ni Joey ang motorcycle pabalik sa Maynila. Magaan na rin sa dibdib ng dalaga na ipagbili sa pinsan ang bike dahil sa muling pagbabalik sa kanya ni Ivory. Liban pa roon ay nasunod niya ang gusto ng kanyang papa.
Nang sumunod na araw ay muling naalala ni Miranda na hindi pa siya nakapagpapasalamat kay Daniel. Muli siyang nagpunta sa bahay-bakasyunan nang hapong iyon.
Itinali niya sa bakod si Ivory at kumatok sa pinto sa may likod-bahay. Walang sumasagot at nang itulak niya ang pinto ay hindi ito nakasara.
Pumasok siya. “Nanay Caring… Nanay Caring…”
Nang walang sumasagot ay nagtuluy-tuloy sa loob si Miranda. Tahimik ang buong kabahayan. Isa-isa niyang kinakatok ang mga silid. Isa sa mga ito ay bukas at itinulak niya.
Silid ito ni Daniel kahit na hindi sabihin. Nakakalat sa sahig at sa ibabaw ng kama ang mga gamit nito. Bukas ang chest of drawer sa may ibaba na marahil ay dahil sa nagmadaling kumuha ng gamit at hindi na naisara pa uli.
Hindi ba nililigpit ni Nanay Caring ang silid ng lalaking ito?
Marahan niyang inilapat uli ang pinto. Sa dulo ng sala ay isa pa uling silid ang kanyang nakita. Hindi na sana pupuntahan ng dalaga iyon pero naisip na baka naroon si Nanay Caring o si Daniel. Hindi lamang marahil narinig ang pagtawag niya.
Bukas din ang naturang sihd. Itinulak niya ito at tumambad sa kanya ang library. Walang tao at isasara na sana niya nang may mapansin siya sa mesang sulatan. Lumakad papasok ang dalaga at nilapitan ang mga nakita.
Medical books… medical dictionary… medical bag.
Akma niyang bubuksan ang itim na bag nang marinig ang pagparada sa garahe ng isang sasakyan.
Si Daniel marahil at galing ng bayan.
Mabilis siyang lumabas ng silid upang salubungin ang dumating. Hindi pa man siya nakakarating ng pinto ay bumukas na iyon.
“Daniel!”
Nagulat ang lalaki nang mabungaran siya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“I… I…” Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. “H-hinahanap kita…”
Dere-deretso sa kabahayan ang lalaki. Inilapag ang susi ng jeep sa eskaparate.
“Bakit mo ako hahanapin? Nawawala ba ako?” sarkastikong sagot nito.
Nalito ang dalaga sa tono ng boses nito. Bakit bigla ay muli na namang nagiging unfriendly ito?
“Bakit wala si Nanay Caring?”
“Hindi ba at nanganak si Aileen kahapon? Doon daw muna siya walang kasama ang anak,” matabang nitong sagot. Nang sa pag-angat ng mukha ay natanaw ang nakabukas na pinto ng library.
Nagsalubong ang mga kilay nito at nilingon si Miranda na doon din nakatingin.
“Oh, I’m sorry.” Humakbang siya patungo roon bago pa napigil ni Daniel. Hinilang pasara ang pinto. “Pagbukas ko dito ay siya namang pagpasok ng sasakyan mo sa garahe. Nagmadali akong salubungin ka at nalimutan kong isara uli.”
Matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya na para bang tinatantiya ang sinasabi. Isang nakabibingi at nakaiilang na katahimikan ang sandaling namagitan.
Si Miranda ang unang nagsalita. “G-gusto ko nga palang pasalamatan ka sa… ginawa mo kay Ivory.”
Isang kibit ng balikat ang isinagot ni Daniel. Lumakad ito patungo sa dining room. Binuksan ang ref at kumuha ng juice mula sa pitsel at nagsalin sa baso. Uminom at pagkatapos ay sinulyapan si Miranda.
“Help yourself,” anitong inilapag sa mesa ang pitsel.
“Kung… kung wala ang Nanay Caring, di walang magluluto sa iyo? Gusto mong tulungan kita?”
“Hell, no!” angil nito.
Nagtatanong ang mga mata ng dalaga nang muling tumingin kay Daniel. Dapat ay hindi na siya nagpunta rito. Dapatay hinayaan na lang niyang lumipas ang mga araw nang ganoon lang. Hindi naman niya kailangang magpasalamat kay Daniel sa pag-aalaga nito kay Ivory dahil sa ginawa nito sa kanya.
Pero bakit para siyang gamugamo na naaakit sa apoy? Sa isang mapanganib na apoy.
“Kung iyon lang ang sadya mo sa akin, Miranda, ay maaari ka nang uniuwi. Bale-wala ang ginawa ko kay Ivory. At hindi ko kailangan ang tulong mo dito.”
“Ano ba ang ginawa ko, Daniel, at nagagalit ka sa akin?” tanong niya in a very soft voice.
“Dahil ayokong nandito ka sa bahay ko!” Buong akala ko pa nga ay kasama ka noong lalaking nag-angkas sa iyo pabalik sa Maynila! gusto nitong idagdag.
Hindi sumagot si Miranda na nakatitig lang sa mukha ng lalaki. Napuna niya ang pawis nito sa noo. Gusto niyang lumapit upang pahirin ito.
At ilang butones ng polo ni Daniel ang nakabukas at mula roon ay kitang-kita rin niya ang pawis nito sa dibdib na bumasa sa suot nito.
Bakit ba ultimong pawis ay napagtutuunan niya ng pansin?
Gusto niyang… gusto niyang… Well, inuubos niya ang magdamag sa kaiisip at kapapantasya sa lalaking ito.
“Wala ka bang magawa sa inyo? O di kaya ay sa rancho?” patuloy ni Daniel.
Iginala ni Miranda ang paningin sa kabahayan. Pagkatapos ay nilapitan ang isang painting na medyo natabingi ang pagkakasabit at inayos iyon.
“Maraming katulong sa villa, Daniel. Bata at mahusay ang mga bagong tagapangasiwa ng papa sa rancho. Wala akong karapatan sa sarili naming hardin dahil naroon ang hardinero na ’pag nakita na akong humahawak ng kalaykay ay takot na at baka masisante ng Papa. Gusto ko nang maghisteiya sa pagkabagot.”
“Poor little rich girl, ha?” Patuyang tumawa ang lalaki. “But no way kid, I don’t want you here.”
“Even as a friend?”
“Not even as a friend!”
Napuna ni Daniel ang pait na rumehistro sa mukha ng dalaga. Patalikod itong nagmura.
“Pero bakit?” Her voice very soft in confusion.
Nag-iigting ang mga bagang ni Daniel nang harapin siya. Nag-aapoy ang mga mata. Nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat. At walang sabi-sabing siniil siya ng halik.
Kaytagal na hinintay ni Miranda ang halik na iyon. Kay tagal niyang pinangarap. At ngayon ay halos mapugto ang hininga niya. Wari ay umiikot ang buong paligid.
Bumilis ang pintig ng kanyang puso na sa palagay niya ay naririnig na ni Daniel.
Sandali lang ang halik na iyon at agad din siyang binitiwan ni Daniel.
“Iyan ang dahilan kung bakit, Miranda,” wika nito sa namamalat na tinig. “Because I want you. I wanted you since the very first day I saw you.”
Sandali lang ang pagkabigla ni Miranda. Sa maraming pagkakataon ay nararamdaman niya iyon. He could see the longing hi his eyes tuwing titingin ito sa kanya. Ang ikinalilito niya ay kung bakit sinisikap nitong i-reject siya sa maraming pagkakataon kahit pakikipagkaibigan man lamang.
“Is it so bad, Daniel? Wanting someone?”
“Hindi ako ang lalaking para sa iyo, Miranda,” sagot nito in an agonizing tone “Ang lalaking kasama mo kahapon. Maaaring maibigay niya sa iyo ang hindi ko kaya.”
Napangiti ang dalaga. “Pinsan ko si Joey. Anak ng Tiya Soledad. Kinuha niya ang bike.”
Iglap lang ang pag-aliwalas ng mukha ni Daniel. Naiinis ito sa sarili at nahuli ni Miranda nang ganoon lang.
“Ano ang maaari mong maibigay sa akin, Daniel?”
“Wala. Maliban sa pagmamahal.” At bakit ba nito nailabas sa bibig ang pag-aming iyon?
Hindi nagpahalata si Miranda na nabigla siya at nagalak sa pag-amin na iyon.
“Iyon lang naman ang gusto ko,” banayad niyang wika.
“Damn you, Miranda! Huwag mo akong pahirapan nang ganito. Lahat ng pagsisikap ay giuawa ko, lumayo ka lang.”
“Mahal kita, Daniel. At pinahihirapan mo rin ako.”
Hinawakan ng lalaki ang batok niya at tumingin sa itaas. Tila nahahapo. Pagkatapos ay muling tumingin sa dalaga.
“I have nothing to offer you. Not even myself Lahat ng pinaghirapan ko… buhay ko… ay natapos nang mamatay si Sally at ang sana’y anak namin.”
Parang may humiwa sa dibdib ng dalaga. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya.
“Ganoon mo siya kamahal? Matagal na siyang wala’y nasa puso mo pa rin?” May sumibol na panibugho sa dibdib niya.
Hinawakan ni Daniel ang mukha niya at itinaas. O, lord! Why is he so gentle gayong alam niyang makapal na ang kamay nito sa mga gawain sa loob ng rancho?
Kumislap ang mga nag-aantabay na luha sa mga mata niya.
“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi ko minahal si Sally? Na bukod-tanging ikaw lamang ang kauna-unahang babaeng pinag-ukulan ko ng ganitong damdamin?”
“You’re so unfair…” Halos hindi lumabas sa bibig niya iyon. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha. Ako lamang ang pinag-uukulan mo nang ganitong damdamin pero bakit sinasaktan mo ako? gusto niyang idagdag pero nagsisikip ang lalamunan niya at dibdib.
Kinabig siya payakap ni Daniel. “O, please, darling… don’t cry. You are tearing me apart.”
Kumawala siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakalapit siya kay Daniel kung damdamin ang pag-uusapan. At gusto niyang maging maliwanag.
“Bakit kung ganoon, Daniel?” pahikbing tanong niya. Pinahid ng palad ang luha.
“I love you. Pero ano ang magagawa ng pag-ibig ko? Wala. Kasamang namatay ni Sally ang lahat ng mga pangarap ko. Ang pagpapahalaga at respeto ko sa sarili. Ayokong madamay ka sa buhay ko na hindi ko alam kung paano ko dadamputing isa-isa.” There, nasabi ni Daniel na iniibig nito si Miranda. But it didn’t stop him from aching.
“You are not making sense…”
Pomormal si Daniel. Hinawakan sa kamay ang dalaga. “Halika na at sasamahan kitang umuwi.”
Gustong manlumo ni Miranda. Muling nagsara ng dibdib si Daniel. Ang pagkalito ay nahalinhan ng galit. Tinabig niya ang kamay nito.
“Hindi kita naiintindihan, Daniel Aragon! At nakikita kong wala kang balak sabibin sa akin kung anuman iyon. Gusto kong sabihing duwag ka kaya lang ay hindi ko alam kung saan ka naduduwag. Pero hindi ako! Sinabi mong mahal mo ako. Sinabi mong ako lang ang pinag-uukulan mo nang ganoong damdamin. At mahal din kita. You should know me better by now. Hindi ko basta isinusuko ang karapatan ko. Your telling me that you love me, gave me the right!”
Nilapitan siya ni Daniel. “Miranda…”
“I love you so much and all I get from you is heartaches and insults!”
Mahigpit siyang niyakap ng lalaki. And she ached with the comfort his arms gave her. Nararamdaman niya ang kamay nito sa buhok niya… sa likod niya… at sa mukha niya. Humahaplos… nagmamahal.
Unti-unti ay naglalaho ang pait at sakit na nadama niya. Ipinikit niya ang mga mata at ibinigay ang sarili.
Bumilis ang tibok ng pintig ng puso ni Daniel. Inaangkin nito ngayon ang mga labing kaytagal na pinangarap. Naglalakbay ngayon ang mga kamay nito sa katawang kung ilang gabing hindi nagpatulog sa lalaki.
Tunog ba ng orasan ang naririnig nila o ang tambol ng sariling dibdib? Bahagyang lumakas ang ihip ng hangin sa labas. Tila nagpapahiwatig ng isang nagbabantang ulan. Pero walang gustong magbigay-pansin.
Iniwan nito ang mga labi ng dalaga. Itinaas ang kamay ni Miranda at isa-isang hinagkan ang fingertips niya… ang pulso … ang labas at likod ng palad niya. Pagkatapos ay muling inangkin ang mga labi niya.
Kung paanong natanggal pareho ang kanilang mga kasuotan ay hindi na matandaan ni Miranda. She was lost.
Pagkatapos ay payakap siya nitong ibinaba sa rug. Closer and tighter. Upang kahit hangin ay hindi makaraan sa pagitan nila. Humihinto lamang sa paghalik si Daniel upang ibulong ang pangalan niya at tila ito hangin na inihaplos sa pandinig niya.
At nang muli nitong hagkan ang dalaga, he could feel freedom. From pain… from everything.
He had never known that hunger could be delicious. That a woman — this woman could taste so sweet.
Gustong mamangha ng dalaga sa intensidad ng ginagawa ni Daniel pero hindi niya gustong antalahin man lamang ito. Kung mawawala siya, then let her be lost in darkness with him.
Hindi niya alam kung paano gagantihan ang kasidhian ng pangangailangan nito. He kissed… he nipped… he touched… and tenderly bruised. At nagpapaubaya siya. She opened to him…gave herself completely… danced with him in a primitive steps of need and passion.
Ang harsh moan… ang rugged breathing ni Daniel ay tinanggap niyang lahat. At nang tuluyang angkinin siya nito ay alam niyang ang buhay niya ay para lamang sa lalaking ito.
“I wasn’t very gentle…” tila humihingi ng paumanhin ang tinig nito habang nakatunghay sa kanya makalipas ang ilang sandali. Pinahid ng daliri nito ang pawis sa dulo ng kanyang ilong. “You make me crazy. Para akong nasa disyerto nang mahabang panahon na nang makakita ng tubig ay nalimutan na ang lahat.”
Ngumiti siya. “I love you.”
“And I love you, too,” and it’s tearing me apart, bulong nito. Pero hindi ito ang oras para doon. Obligasyon nitong ipagkaloob kay Miranda ang kaligayahang buong layang ibinigay ng dalaga rito. Hindi alam ni Daniel na ganoon ang epekto ng matagal na panahong pagsisikil sa sarili. Nalimutan nitong walang karanasan si Miranda and yet she was so uncomplaining. Wanting only to give him pleasure.
Hindi kumikilos ang dalaga sa pagkakahiga sa rug. Pinipilit pakibagayan ang nangyari sa kanya. Nakatitig lang sa lalaking pinaglaanan niya ng lahat-lahat.
Sinundan niya ito ng tingin nang tumayo ito. Fascinated by his masculinity. Nagulat pa siya nang yumuko ito at buhatin siya.
“H-hey… saan mo ako dadalhin?” Napakapit siya sa leeg nito.
“Sa kuwarto. We never made it there. So, magsimula tayo uli doon,” nakangiting sagot nito.
Pinihit ni Daniel ang doorknob at itinulak ng binti ang pinto. Isinara din ng paa.
“Daniel?” Nagtatanong ang mga mata ng dalaga nang maingat siya nitong inilapag sa kama.
“You are very beautiful!” Buong paghanga at pagsuyong hinagod nito ng tingin ang kabuuan ni Miranda. Pinamulahan ng mukha ang dalaga.
Naupo sa gilid ng kama si Daniel at tinunghayan siya. Nakatukod ang isang kamay sa kama. Ang isang kamay ay pinaglalaro sa buhok niya. Pagkatapos ay inihaplos sa linya ng mukha niya…sa pisngi… sa ilong… at sa mga labi niya. Dinama iyon.
May gumuhit na init sa katawan ng dalaga.
“Gusto kong makita ang pilat ng ginawa ko sa iyo,” bulong ni Daniel. Pinadapa nito ang dalaga. Natambad ang dalawang pilat na kakulay na ng balat ni Miranda.
Yumuko ito at dinampian ng halik ang mga latay na iyon. Nanayong lahat ang mga balahibo ni Miranda sa katawan. Naglakbay ang mga labi ni Daniel sa likod niya pababa habang humahaplos ang isang kamay nito sa ibang bahagi ng katawan niya.
Hindi niya kaya ang sensasyong dulot niyon. Mabilis siyang tumagilid at bumangon. Patalikod siyang niyakap ni Daniel at muling hinagkan sa batok. While his hands are cupping her breasts.
“D-Daniel…” Parang gusto niyang awatin sa ginagawa si Daniel at parang hindi. Hindi niya maunawaan ang damdaming bumabalot sa buong pagkatao niya. May kuryenteng nanunulay sa bawat hawakan at hagkan ng lalaki.
Marahan siyang muling inihiga ni Daniel, inangkin ang mga labi niya, pagkatapos ay bumaba sa leeg niya… sa shoulder blade. Kissing and gently biting. At patuloy pa sa pagbaba ang mga labi nito hanggang sa dibdib niya. Nagtagal doon.
Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa kanya. Kanina ay nagbibigay siya pero alam niyang may kulang. Ang pagliliyab ng apoy sa katawan niya ay hindi nagkaroon ng katuparan. Pero ngayon ay iba. Ni hindi siya makapaniwalang sa bibig niya nanggaling ang ungol na iyon… ang pagsinghap na tila nalulunod.
“Oh, please…” bulong niya sa patuloy na ginagawa ni Daniel.
“Sshh… I am doing it nice and slow, darling. Relax and let it go.”
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Parang may inaabot siyang hindi mawari. She ached for his touch… for his kiss… and for his body… She wanted him!
At ibinigay lahat iyon ni Daniel. Slowly, unselfishly, and completely.
She was lost… in darkness… suspended in time and space…
14
K UMIKISLAP ang mga mata niya nang ihatid siya ni Daniel sa villa makaraan ang ilang oras.
Her face is glowing with love.
“Wala akong inaasahang iba, Daniel,” marahan niyang sabi rito nang nasa tapat na sila ng villa. “As one song goes, my love has no walls, no ceilings, no floors.”
“Nanuyo ang lalamunan ng lalaki. Parang may kutsilyong humiwa nang marahan sa dibdib nito.
“I don’t deserve you.”
“Kung hindi ikaw, then, wala nang iba pa.” Tipid siyang ngumiti. Kaya niyang itago ang insecurities sa dibdib niya. “Take Ivory. Ipahatid mo na lang siya sa akin sa ibang pagkakataon.”
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Daniel. “Ano ang ibig mong sabihin sa sinasabi mong iyan?”
“I surely hope I could be your freedom, Daniel. Pero hindi ko gagawing dahilan ang nangyari sa atin para ipilit iyon.”
“Miranda…” Ano ang sasabihin niya sa babaeng ito?
“Don’t get me wrong. Hindi kita ikinukulong but I’m not giving you up either. Alalahanin mong binigyan mo ako ng karapatan nang sabihin mong mahal mo ako. Take it back, and you’re free.”
“Hindi ko magagawa iyon. Mahal kita at itanim mo sa isip mo iyan.” Pagkatapos ay muling sumampa sa kabayo si Daniel at pinatakbo na ito.
Sa sapa nagtuloy si Daniel. Gusto niyang matawa sa sarili. Ito ang lugar ni Miranda kapag may suliranin. Ito na rin ba ngayon ang lugar niya?
Hinubad niya ang mga kasuotan at tumalon sa malinaw na tubig. Pinagod ang sarili sa pabalik-balik na paglangoy na tila siya nasa Olympic game.
Nang mahapo ay umahon at inilatag ang sarili sa damo. Humihingal na itinuon ang mga paningin sa itaas. Sa makakapal na punong tumatabing sa pagpasok ng sikat ng araw.
Mahal niya si Miranda. Iniibig niya ito. At paano na ngayon? Hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Sa dalawang beses na magkasunod na pagtatalik na iyon ay parang kulang pa rin. He couldn’t get enough of her.
She wanted her forever. Pero sapat na ba ang pagmamahahalan nilang dalawa? Mahal niya ang kanyang trabaho at ipinagmamalaki. Mahusay siya roon at maipagmamalaki nang kahit na sinong babae.
Pero hindi niya iyon maihandog sa kaisa-isang babaeng iniibig niya. Kung magpapakasal sila ni Miranda ay kalilimutan niya ang bahaging iyon ng buhay niya. Ibaon sa limot. Isiping that part of his life did not exist.
Hindi niya maaaring pabayaan si Miranda. Paano kung magbunga ang nangyari sa kanila? Huwag na iyon, hindi niya kayang mabuhay ngayon nang wala ito.
Kanina ay nangarap siyang sa bawat paggising niya sa umaga ay nasa tabi niya ito. At sa pag-uwi niya sa maghapong gawain ay naroon pa rin ito. Standing by him. Sharing the rest of their lives together.
At iyon ang mahalaga. Walang kuwenta ang iba pa.
15
DALAWANG araw na hindi nagpapakita kay Miranda si Daniel. Kailangan niyang makagawa ng kapasiyahan bago siya humarap sa dalaga. Gusto niyang sa sunod na magkaharap sila’y yayakagin na niya itong pakasal.
Paluwas siya sa bayan nang sa isang pagliko ay nagkapanabay sila ni Mang Pepe. Sakay ito ng pickup.
“Saan ho ang punta ninyo?” hiyaw niya mula sa kanyang jeep.
“Bibili ng gamot,” ganting-hiyaw ng matanda. “Umaga pa lang ay sumasakit na ang tiyan ni Miranda.”
Biglang nagpreno si Daniel. May sakit si Miranda? Bigla siyang nagmaniobra. Pabalik patungong Villa Alcaraz.
Nasa sala si Armando nang dumating siya.
“Ano ho ang sakit ni Miranda?” bungad niya rito.
“Sumakit ang tiyan kaninang umaga. Ang sabi ko’y baka hindi natunawan kaya ’ayun at inutusan ko sa bayan si Pepe para bumili ng gamot.”
“Maaari ko ba siyang makita?”
“Sige, Daniel. Pumanhik ka na. Iyong pinto sa kaliwa ang sa kanya,” ani Armando na sinabayan ng tingin sa itaas.
Nang buksan niya ang pinto ay nakadapa si Miranda sa kama. Walang kibo siyang naupo sa tabi ng kama at dinama ang mukha ng dalaga.
Nagmulat ng mga mata si Miranda.
“Daniel!”
Ngumiti siya. “I missed you.”
Lumabi si Miranda na tumihaya. “Kaya pala ngayon ka lang nagpunta dito, ha?”
“Nandito na ako ngayon.” Pinulsuhan ni Daniel ang dalaga. Tiningnan ang mga mata. “Ano ba ang kinain mo?”
Natawa si Miranda. “Talo mo pa ang doktor sa ginagawa mo sa akin.”
“Ano ang nararamdaman mo?” patuloy na tanong ni Daniel. “Wala ka namang lagnat.”
“Sumasakit ang tiyan ko. Bahagya lang naman pero ayaw maalis.”
On instinct ay didiinan sana nito ang puson ng dalaga nang mahagip ni Miranda ang kamay nito. Dinala ito ng dalaga sa mukha niya.
“I miss you too, Daniel.”
“And I love you,” sagot nito. Pagkatapos ay muling hinagod ng tingin si Miranda. “Sumasakit ba ang tiyan mo ngayon?”
“A little. Mamaya lang ’pag nakainom na ako ng gamot ay mawawala na ito.”
“No. Don’t take anything.”
“Yes, doctor,” tukso ng dalaga. Hindi niya napuna ang pag-iigting ng mga bagang ni Daniel. “You are overreacting gayong kaunting sakit lang ng tiyan ito. I’d rather you kiss me.”
Sandali lang na nag-atubili si Daniel. Yumuko ito at siniil ng halik ang dalaga. And lord! How he wished he could do more than just kissing sa mga sandaling iyon.
Sandaling huminto si Daniel but only to whisper her name. Muling inangkin ang mga labi niya. At sa kabila ng bahagyang pagsakit ng tiyan ay nakadama ang dalaga ng sensasyon.
Sa puntong iyon, pumasok si Armando subalit nang makita ang dalawa ay dahan-dahang umatras at maingat na isinara ang pinto.
Narinig pa rin ni Daniel iyon at nag-angat ng ulo. Nilingon nito ang pinto. Pagkatapos ay muling ibinaling sa dalaga ang tingin.
Nagkibit ng mga balikat si Miranda. “Isinara ng hangin.”
Ngumiti ang lalaki. He loved to kiss her. Take her in his arms once more and make love to her tulad ng ginawa nila sa kabilang bahay. Her lips moist and a little swollen from his kisses.
Dinama nito ang mga labi ni Mnanda. “Babalik ako mamayang hapon. Tawagan mo ako ’pag hindi nawala ang sakit, ha?”
“Please stay a little while,” pakiusap niya na hinawakan ang kamay ni Daniel.
“Ang papa mo ang nagsara ng pinto, Miranda. Natitiyak ko. At nakakahiya naman sa kanya. I wanted to stay, really. Gusto kong i-monitor ang nararamdaman mo.”
“Sa tono ng boses mo’y para bang mabigat ang sakit ko.”
“Nag-aalala lang ako. Malayo ang bayan. Dapat ay nagpa-check up ka kanina. Hindi binabale-wala ang mga nararamdamang sakit. Mga body signals iyon to inform us that something is wrong with our body.”
“I’ll remember that, doctor,” biro ng dalaga. Mahigpit na ikinuyom ni Daniel ang mga palad.
Pag-alis ni Daniel ay pumasok si Armando. Naupo sa stool malapit sa kama.
“You are keeping a secret!”
“I love him, ’Pa,” pag-amin niya. “At mahal din niya ako.”
“O, ano ang hinihintay ninyo? Bakit hindi niya ako kausapin para maitakda natin ang kasal ninyo? Si Daniel ang napipisil kong talaga para sa iyo, hija.” Bakas ang excitement sa tinig ni Armando.
“Hayaan ninyo siyang magkusa, Papa. Sa ngayon ay may problema si Daniel. It is some kind of a battle with himself.”
“At ang akala ko pa naman ay mapapadali na ang pagkakaroon ko ng apo.”
“Umaasa ako, ’Pa, na sana’y mas malakas ang pag-ibig namin sa isa’t isa at anuman ang itinatago ni Daniel ay kaya na niyang sabihin sa akin.”
Tumango-tango si Armando. Pagkatapos ay lumabas na rin ng silid.
Hindi tumigil ang sakit ng tiyan ni Miranda sa maghapong iyon. Sa halip ay lalo pang tumindi. Nagsusuka siya at hindi na halos makatayo.
Pinatawagan niya sa papa niya si Daniel na dumating agad makalipas ang ilang minuto.
“Daniel… masakit na masakit…!”
Walang kibong pinisil nang marahan ni Daniel ang tagiliran niya.
“Masakit ba ito?” Daing ang isinagot ni Miranda. Muling pinisil nito ang kabila pa. Namilipit na ang dalaga.
“It hurts all over!”
Pinangko na siya nito pagkasabi niya niyon. “I’ll take you to the hospital darling. Ngayon din. Kung tama ang kutob ko ay appendicitis.”
Sa ibaba ay naghihintay si Armando. Sinabi ni Daniel na dadalhin ang dalaga sa ospital.
“Ako na ang magda-drive, Daniel.”
Pagdating sa provincial hospital ay agad na nailagay sa stretcher si Miranda. Agad ding nag-request ng blood test si Daniel. Balak pa nitong sumama sa loob ng laboratory subalit hindi pumayag ang resident doctor.
“Dito na lang tayo, Daniel. Sasabihin naman nila ang resulta,” si Armando na hinawakan sa braso ang lalaki.
Naupo ang matanda subalit hindi si Daniel. Palakad-lakad ito. Iiling-iling na lang si Armando.
Makalipas ang ilang minuto ay muling lumabas ang resident doctor na may kasamang isa pa.
“Mr. Alcaraz, kailangang maoperahan ang anak ninyo ngayon din,” anang resident doctor kay Armando.
“Ano ang resulta ng lab test sa dugo ng pasyente?” tanong ni Daniel.
“Appendicitis. Puputok ito anumang sandali.”
“Gawin ninyo ang dapat gawin, Dr. Almario,” ani Armando sa resident doctor. Ang isang doctor ay nakamasid lang at pasulyap-sulyap kay Daniel.
Binalingan ni Dr. Almario ang katabing doctor. “Mga resident doctor kami at hindi siruhano. lisang siruhano lamang ang nandito ngayon at kasalukuyang nasa operating room at may inooperahang pasyente. It is a two-hour operation at kauumpisa pa lang.”
“Then what do you suggest us to do?” si Daniel na nagtaas ng boses.
“Itakbo ninyo sa kabilang bayan ang pasyente, Mr. Alcaraz. Itatawag namin.”
“Daniel?” Buong pag-aalalang napatingin si Armando.
“Aabot ba ang pasyente?” tanong nito sa nagngangalit na bagang.
“We will have to take the risk,” sagot ng resident doctor. “Wala pang isang oras ang biyahe mula rito. Mas mahaba ang oras ng paghihintay sa siruhanong nasa operating room.”
Mabilis na tumalikod si Daniel at lumakad patungo sa labas ng ospital. Alam niya sa anyo pa lang ni Miranda na masama ang lagay nito. Ano ang gagawin niya?
Tumingala siya sa langit na dumidilim na. Pababayaan ba niya si Miranda? Pababayaan ba niyang isugal ang buhay nito at itakbo sa kabilang provincial hospital?
It is now or never, Daniel!
Mahalaga ang bawat sandali. Kahit hindi sabihin ng mga doctor na iyon ay alam mo ang kalagayan ni Miranda.
Hindi ko magagawa! Muling hiyaw ng isip niya. Namatay ang mag-ina ko sa mga kamay na ito! Paano kung maulit iyon kay Miranda? Paano kung hindi na pala niya alam ang pag-oopera! Paano kung manginig ang mga kamay niya?
Tumakbo ka, Daniel, kung ganoon! Hayaan mong manganib at maaaring mamatay ang kaisa-isang babaeng mahalaga pa kaysa sa sarili mong buhay.
Isang dantay sa balikat ang nagpalingon kay Daniel. Si Armando.
“Tayo na, Daniel. Dalhin natin sa Occidental si Miranda.” May bakas ng takot ang mukha nito.
Walang kibong muling bumalik sa loob si Daniel. Naroon pa rin ang dalawang doctor.
“Ako ang oopera sa pasyente!”
Tatlong pares na mga mata ang natuon sa kanya.
“Daniel? Ano ang sinasabi mo?”
“Anyone of you can check with Medical Doctors. Inquire about me. Daniel Aragon!‘’ May authority ang tinig niya.
Umaliwalas ang mukha ng isang doctor na katabi ni Dr. Almario. Ngumiti ito at lumapit kay Daniel. Iniabot ang kamay.
“Ako si Dr. Felipe. There’s no need for inquiry, Dr. Jonathan Daniel Aragon; I thought you’re familiar. Isa ako sa mga bagong graduates noong 1993 when you delivered a lecture in PICC. It is my privilege to assist you, doctor. Isa akong anaesthesiologist.”
Tumango si Daniel at tinanggap ang kamay ng doktor. Sumunod din si Dr. Almario. Ipinahanda niya ang isa pang OR.
Bago siya pumasok ay nilingon si Armando. Ngumiti ito.
“Alam kong nasa mabuting mga kamay ang anak ko, Dr. Daniel Aragon.”
Alanganing tumango si Daniel at pumasok na sa loob.
Nakasuot na ng hospital robe si Daniel. Ganoon din sina Dr. Almario at Dr. Felipe. Sinusuotan siya ng guwantes ng isang nurse.
Tumatalab na ang anaesthesia kay Miranda nang lapitan niya ito.
“Miranda, ako ang mag-oopera sa iyo. Nagtitiwala ka ba sa akin?” marahan niyang tanong dito.
Ewan ng dalaga kung nananaginip siya o hindi. Unti-unting namamanhid ang kalahati ng katawan niya.“
“Nang walang alinlangan, Daniel…” mahina niyang sagot. Pagkatapos ay nakita niya nang itaas na ni Daniel ang mask nito.
16
N ASA veranda siya at tinatanaw ang malawak na lupain. Ang mga burol at bundok kung saan doon nanginginain ang mga baka. She has always loved the mountains. Dito siya lumaki at nagkaisip. At sa kabila ng mga bundok na iyon ay ang dagat. Naroroon ang magagandang beach resort na dinadayo ng mga turista.
At itong naaabot ng tanaw niya ay pag-aari lahat ng mga Alcaraz. At hindi magtatagal ay mapapasakanya bilang kaisa-isang tagapagmana.
Pero aanhin niyang lahat ang mga iyon kung hindi naman niya makakasama ang kaisa-isang lalaking iniibig niya.
Tatlong linggo nang mahigit mula nang lumabas siya ng hospital. Subalit mula noong araw na operahan siya ni Daniel ay hindi pa niya ito nakikita magpahanggang ngayon.
Umuwi sa Maynila si Daniel. Iyon ang paalam nito sa papa niya. Marami daw itong aayusin at aasikasuhin. Pero bakit hindi ito tumatawag?
At ngayon nga ay halos gusto na niyang mawalan ng pag-asang babalik pa si Daniel
Hindi niya namalayan ang pag-agos ng mga luha niya at ang marahan niyang paghikbi.
“Miranda…”
Nilingon niya ang ama. Nasa likod niya at kanina pa marahil siya pinagmamasdan.
“P-Papa…”
“Umiiyak ka na naman, hija.”
Pinahid ng mga palad niya ang mga luha. “Huwag kang mag-alala, Papa. I’ll get by.”
“Nangako si Daniel na babalik siya, anak.”
“Kulang isang buwan na mula nang lumuwas siya sa Maynila at hindi rin siya tumatawag. Kung anuman ang inayos niya ay marahil matagal nang natapos. Marahil ay dapat ko nang tanggapin sa sariling hindi na siya babalik.”
“May tiwala ako sa taong iyon, Miranda. Alam kong babalik siya.”
“Sa simula pa lang, ’Pa, ay walang ipinangako si Daniel sa akin. At ngayong natagpuan na niya ang sarili niya’y hindi na niya ako kailangan.”
“Mahal ka niya. Ipinagtapat niya sa akin.”
Tumango ang dalaga. “I’ll be fine, Papa. Hindi ako si Miranda Alcaraz kung hindi ko kaya ito, hindi ba? Everybody knows I’m tough.”
Walang kibong iniwan siya ni Armando.
Tumingala sa langit si Miranda upang ibalik ang mga luha. Tama na iyon. Hindi na siya dapat pang umiyak. Malilimot din niya si Daniel Lahat naman ng sakit ay nawawala sa paglipas ng panahon.
Dalawang linggo pa ang matuling lumipas. Nagagawa na niyang sakyang mufi si Ivory at mamasyal paikot-ikot sa rancho.
Nadalaw na niya si Aileen dahil mula nang manganak ito ay hindi pa niya napupuntahan pero siya ay dinalaw nito sa ospital.
Nakapamasyal na rin siya sa dating mga kakilala at kaibigan sa bayan. Kailangan niyang libangin ang sarili kung hindi ay igugupo siya ng kalungkutan.
Hindi iilang beses niyang ginugol ang maghapon sa sapa upang palipasin ang lungkot, Tulad ngayon.
May ilang minuto na siyang nakatingin sa tubig pero wala namang tinatanaw. Nagulat pa siya sa biglang pagbagsak ng kung ano sa malalim na bahagi ng sapa.
May tumalon mula sa kabilang bahagi ng pampang. Bigla ang pagsibol ng kaha sa kanyang dibdib. Walang maaaring mangahas gamitin ang sapa maliban sa iisang tao.
Tumayo siya at tumingin sa nalabusaw na tubig. Hinihintay niya ang paglutang ng sumisid kasabay ng mabilis na pagsasal ng kaba.
Sa mismong tapat niya lumutang ang hinihintay niya.
“Mawalang-galang na nga po, diwatang may-ari ng sapang ito!”
“Daniel!” bulalas niya na kung hindi siya nakakapit sa bato ay malamang na nahulog siya sa pagkabigla.
Mula sa tubig ay umahon ang lalaki. Tumutulo ang tubig sa matipunong katawan na nakasuot ng bikini trunks na kulay itim.
Gusto niyang mangiti. Para niyang nakita ang isang god statue sa Pergamon Museum sa East Berlin na nagkabuhay at lumakad patungo sa kanya.
Nakatayo at nakangiti sa harap niya si Daniel pero wala pa rin siyang maapuhap sabihin.
“Strange… ngayon ka lang yata walang masabi? Ang appendecitis mo ang inopera ko hindi ang dila mo,” nakangiting biro nito.
“Kailan… ka pa… dumating?”
“Siguro twenty minutes ago. Dumeretso ako sa villa pero wala ka.” Lumapit pa ito sa kanya nang malapit na malapit
“L-lagi ako rito,” aniya na titig na titig sa mukha ng lalaki. Fascinated by the droplets of water na bumabagsak mula sa basang buhok nito.
“Kanina pa ako nakatitig sa iyo mula sa kabila pero hindi mo ako napapansin. Why are you so lonely that I could almost feel the pain?” wika nito sa tinig na halos hangin lang ang nagdala sa pandinig niya.
Nararamdaman niya sa pisngi niya ang hininga nito and yet they were not touching.
Kung hindi niya pipigilin ang sarili ay yayakapin niya si Daniel. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at naupong muli sa malaking bato.
“Bakit ka narito, Daniel?”
“What a strange way of welcoming a man you professed to be in love with!”
“Be serious, Daniel. Bakit ka narito? Bakit ngayon ka lang? And what now?” Punong-puno ng insekyuridad ang tinig niya.
Naupo sa harap niya si Daniel sa may damo. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.
“First thing first. Ano ang una mong gustong malaman?”
“Hindi mo sinabing isa kang surgeon-doctor.” May himig ng akusasyon ang tinig niya.
“Sa ibang bansa ako nagtapos ng pagkadoktor tulad ng alam ng lahat. Doon din ako nagpraktis bilang isang siruhano. At a very young age, I became a surgeon. Gusto kong dito sa Pilipinas magtrabaho. Nang umuwi ako more than two years ago nakilala ko si Sally. Isa siyang nurse. We agreed to a relationship basta ba walang serious commitment. Moderno siya sa lahat ng bagay so iniisip ko na okay lang sa kanya. Then she tricked me into marrying her by becoming pregnant.
Alam niyang wala akong pag-ibig sa kanya. Pero hindi ko naman maaaring pabayaan ang magiging anak ko. So I married her barely two months mula nang magkakilala kami. Okay na sana dahil mabait at maasikaso si Sally. Sabi ko, siguro ilusyon lang talaga ang pag-ibig.“ Sandali itong huminto at tumitig kay Miranda. Hinawakan nang mahigpit ang kamay ng dalaga. “Until I met you, darling. Doon ko lamang nalaman kung ano ang nawala sa akin.”
“Ano ang nangyari pagkatapos, Daniel?”
Nagbuntong-hininga ang lalaki. “Hanggang sa malaman ng family doctor nila na buntis siya. Kinausap ako at sinabing hindi maaaring magdalantao si Sally dahil manganganib ang buhay nito at maging ang sa bata. Nagalit ako at nagkaroon kami ng pagtatalo. Mahal lang daw niya ako kaya nagawa niya iyon. I called it selfishness. Isinapanganib niya ang buhay nilang mag-ina. Iniwasan ko ang magtalik kami mula noon. Hindi ko rin magagawa kahit pilitin ko. Pumapasok sa isip kong niloko niya ako hindi lang sa pagpapakasal ko sa kanya kundi alam pala niyang hindi siya maaaring magbuntis ay ginawa pa rin niya.
“Dinamdam ni Sally iyon na lalong nagpalala sa kalagayan niya. At isa pa iyon sa malaking dalahin ko. Ilang beses kong sinikap na ibigay sa kanya ang obligasyon ko, sexually. Pero katawan ko ang umaayaw. Hanggang sa dumating ang araw na manganganak siya. Hindi ko siya maipagkatiwala sa ibang doktor dahil sa kalagayan niya. Malaki ang tiwala ko sa kakayahan ko plus the feet na malaki ang kalamangan ng medisina sa ibang bansa.” Pumutol ng damo si Daniel at nilaru-laro ng daliri.
Hindi kumikibo si Miranda. Ni hindi niya alam na nagpipigil na pala siya ng paghinga.
“Tulad ng dapat asahan ay nanganib ang mag-ina ko. Maraming komplikasyon. Hanggang sa dumating sa puntong isa lamang ang maaaring iligtas. Si Sally o ang bata. Kailangan ko raw mamili. At ayokong mamili, Miranda!’’Damang-dama ng dalaga ang bigat sa dibdib nito. Parang naroon siya nang mga sandaling napapaharap si Daniel sa suliranin.
“Gusto ko silang parehong iligtas sa abot ng aking kakayahan at kaalaman sa medisina! Ginawa ko’ng lahat ang magagawa ko mailigtas lamang silang mag-ina!” Tumayo si Daniel at inihagis sa tubig ang damong binunot.
“And in the” process, naiwala mo silang pareho…“ mahinang dugtong ni Miranda.
Tumango si Daniel. “And my life has never been the same again. Sinisisi ako ng mga magulang niya sa harap ng marami sa pagkamatay ni Sally. Tanging si Sally ang mahalaga na para bang hindi nila dugo ang munting batang kasamang namatay ng ina. Pinabayaan ko raw mamatay si Sally dahil wala akong pag-ibig dito. Kung pinili ko ang anak nila ay maaaring buhay pa ito ngayon. Professionally, naiintindihan ako ng mga kapwa ko doktor. Pero alam kong kung sa kanila dumating ang pangyayaring iyon ay mamimili sila. Tuloy, tuwing titingnan nila ako ay iniisip kong gusto nilang sabihing pinatay ko si Sally!”
Ginagap ni Miranda ang isang kamay ni Daniel. Ikinulong sa mga palad niya. At dinala sa dibdib.
“Bakit hindi ka namili, Daniel?” Kinakabahan siya sa tanong na iyon. Nakapaloob doon ang pinakamahalagang bahagi ng pagkatao ng lalaking iniibig niya.
“Dahil wala akong karapatang gawin iyon! Hindi ako Diyos, Miranda, para pagpasiyahan kung sino ang dapat buhay mo kung sino ang dapat mamatay! Naiintindihan mo ba ako, ha?” Mahalaga para kay Daniel ang sagot ng dalaga. Kalayaan o pagkakulong sa habampanahong pag-uusig ng budhi ang kahulugan ng isasagot ni Miranda.
Tumango ang dalaga. “Nauunawaan kita, Daniel At ipinagmamalaki kita. Tama ang kapasiyahan mo. Walang karapatan ang taong mamili kung sino ang dapat mabuhay o mamatay gaano man kamahal sa kanila ang taong iyon. Tamang ang Diyos lamang ang maaaring magpasiya niyon. May hangganan ang kakayahan ng bawat tao. Both morally and spiritually ay tama ang ginawa mo. You tried to save them both. At kung sakaling pinili mo si Sally, hindi ka ba uusigin ng budhi mo dahil pinabayaan mong mamatay ang anak mo?”
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Daniel si Miranda. Nagsisikip ang dibdib nito sa kaligayahan at pagmamahal sa dalaga. So young and yet so full of wisdom..
“Hindi mo sinasabi iyan dahil iniibig mo ako?” Hinawakan nito sa magkabilang balikat ang dalaga at itinayo.
“Higit kitang minahal dahil sa ginawa mo. Doctors are supposed to save lives sa lahat ng paraang alam ninyo. lyon ang sinumpaan ninyong tungkulin. Hindi mo puwedeng pagpasiyahan kung sino ang ililigtas at kung sino ang hindi.”
“Alam mo ba kung ano ang kahulugan niyan para sa akin, ha, Miranda?”
“Care to tell me?” biro niya.
“Malaking dagan ang nawala sa dibdib ko. Freedom! lyon ang kahulugan niyon. And I love you so very much, Miranda Alcaraz! At alam mo ba noong operahan kita ay ibinigay mo sa akin ang pinakamalaking takot sa buhay ko?”
Tumaas ang kilay ng dalaga. “Hindi ko alam na kaya kong gawin sa iyo iyon, Daniel.”
“Oh yes. You are making me feel all kinds of emotions na hindi ko alam na kaya kong madama. Simpleng operasyon lang iyon pero halos manginig ang mga kamay ko. Matagal ding hindi ko nahawakan ang mga instrumentong iyon. I was scared na magkamali at baka mailagay ko sa panganib ang buhay mo. Pero tuwing sinusulyapan kita ay nginingitian mo ako. You help me made it thru.”
“Ano ang ginawa mo sa Maynila, Daniel? Bakit ka matagal doon at bakit hindi mo man lang ako tinawagan?”
“Sa unang tanong, dahil may bahay at lupa ako sa Quezon City at pinaupahan ko iyon doon sa isang kaibigang doktor pati na ang kotse ko. Inasikaso ko ang tuluyang pagbibili nito, kaya ako matagal. At nagpunta pa ako sa ospital to renewed everything. Pinuntahan ko rin ang mga magulang ni Sally.”
“Really? Ano ang nangyari?”
“Galit pa rin sila pero hindi na tulad ng dati. ipinaliwanag ko sa kanila ang katayuan ko. Marahil ay matatanggap din nila sa paglipas ng panahon. Hindi ako tumawag sa iyo dahil baka ’pag narinig ko ang boses mo ay magmadali akong umuwi nang hindi ko natapos lahat ang gusto kong gawin.”
“Ang akala ko’y hindi ka na babalik. The thought almost killed me.”
“I’m sorry, darling, I love you so much to do that. Pagkatapos ay nag-overseas ako sa mga Tiyo Celso at Tiya Guada. Inimbitahan ko sila sa kasal ko.”
Muling tumaas ang kilay ng dalaga. “Kasal mo?” Bumilis ang pintig ng puso niya. “Kanino?”
Natawa si Daniel. Nag-echo iyon sa buong paligid. “All right, gawin nating pormal. Will you marry me, Miranda Alcaraz?”
“Bakit?”
“Because who will marry you if I don’t?” wika nito sa amused na tinig.
“You are kidding, Aragon! I am quite a catch!”
“Believe me, darling. Walang ibang lalaking maaaring makapagtiyaga sa isang tulad mo maliban sa akin. A bullheaded, rotten spoiled, stubborn, persistent… and…”
“Very much in love with you,” agap ng dalaga.
“Iyan din.” Sinabayan nito ng tango at kibit ng balikat.
Isang marahang tawa ang pinakawalan ni Miranda.
Pumormal si Daniel at hinawakan sa dalawang kamay ang mukha ng dalaga.
“Salamat sa pagtitiwala at pagtitiis mo sa akin. Higit sa lahat, thank you for loving me.” Siniil nito ng halik ang dalaga.
Itinaas ni Miranda ang mga kamay sa leeg nito at gumanti ng halik.
Walang tanging maririnig sa mga sumunod na sandali kundi ang mahinang lagaslas ng tubig sa sapa. Ang mga huni ng nag-aawitang mga ibon. Ang tila musikang tunog ng mga dahon na hinihipan ng hangin.
And the sound of silence.
Ikinasal sina Miranda at Daniel sa rancho Alcaraz mismo. Isang clinic ang ipinatayo ni Daniel sa bayan. Hanggang tanghali lang ang clinic time niya at ang natitirang oras sa maghapon kung walang pasyente ay ginugugol sa rancho kasama ng mag-ina niya.
Kambal ang unang anak ng mag-asawa. Pawang lalaki.
•••WAKAS•••
Maraming salamat gals & guys sa patuloy na pagsuporta sa mga gawa ni Ms. MC. Stay safe all and God bless. <3 <3 <3 - Admin A :)*********

