loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Nothing We Couldn't Fix (University Trans Series #5)

Nothing We Couldn't Fix (University Trans Series #5)

SGVnssa · 1 chapter · 3,867 words

Simula

This story is purely fictional. The characters, places, events, and situations are created for entertainment purposes. Any similarities to real people or events are purely coincidental.

Please remember that this is a work of fiction, and some parts may not reflect real-life experiences or situations.

TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STORY

——————————————————————————

Mabilis akong pumasok sa silid ng patient—he was losing his life, but I remained the absolute picture of composure.

Ang cardiac monitor ay mabilis na nag-aalarma, isang tuluy-tuloy na matataas na tunog na nagpapahiwatig ng coarse ventricular fibrillation. Ang balat ng pasyente ay mabilis na nagbabago ang kulay, nagiging abuhing-mabilis habang nawawalan ng oxygen ang kaniyang katawan.

Ang mag-panic ay para lamang sa mga baguhan. Naglaan ako ng napakaraming taon at sobrang ingat para buuin ang buhay na mayroon ako ngayon, kaya hinding-hindi ko hahayaang kainin ng gulo at takot ang kuwartong ito.

“Call a code! Get the crash cart in Bed 3!” sigaw ko sa hallway. Walang kaba sa boses ko, ngunit may sapat na diin at awtoridad upang agad na pakilusin ang buong ward.

Bago pa man matapos ang galing ng utos ko, naibaba ko na ang headboard ng kama, naialis ang unan, at mabilis na naipuwesto ang mga kamay ko sa gitna ng kaniyang dibdib.

Baon, angat.

Dalawang pulgada ang lalim. 100 hanggang 120 compressions bawat minuto. Ang pamilyar na tunog at pakiramdam ng chest wall sa ilalim ng mga palad ko ay hindi man lang nakapagpabago sa malamig kong ekspresyon.

Pagkalipas ng ilang segundo, mabilis na pumasok si Kelly habang tulak ang red crash cart, kasunod si Dr. Viktor.

“V-fib,” maikling ulat ko habang tuloy-tuloy ang chest compressions nang hindi nagbabago ang bilis ng paghinga ko. “Unresponsive, no pulse. Charge the defibrillator to 200 Joules.”

“Charging!” sigaw ni Kelly.

Kinuha ko ang defib pads at sa mabilis ngunit kalkuladong galaw ay idinikit ko ito—isa sa ilalim ng kanang clavicle at isa sa kaliwang bahagi ng dibdib. Inilayo ko ang aking mga kamay nang ilang pulgada mula sa pasyente.

“Clear,” pahayag ko, sabay mabilis na pagsuyod ng tingin sa paligid upang siguraduhing walang nakahawak sa kama. “Shocking in three, two, one.”

Dinikit ko ’yon. Bahagyang naangat ang katawan ng pasyente mula sa boltahe, ngunit ang linya sa monitor ay mabilis na duminas sa isang patag at walang-buhay na asystole. Isang tuwid na linya…

Apatnapung minuto. Epinephrine, amiodarone, tuloy-tuloy na CPR. Ginawa namin ang lahat ayon sa protocol, ngunit ang katawan niya ay ayaw nang lumaban.

“Time of death: 06:42,” maikling pahayag ni Dr. Viktor.

Huminga ako nang malalim, narinig namin ang iyak ng nagbabantay rito. Ang hagulhol ng pamilya sa gilid ng kama ay yumanig sa buong kuwarto.

I immediately gave comfort. Dahan-dahan kong ipinatong ang aking kamay sa balikat ng umiiyak na kamag-anak. My touch was soft, deliberate, and perfectly measured—warm enough to convey sympathy, but firm enough to project absolute stability.

“I am so sorry for your loss…” bulong ko. Ang boses ko ay banayad, may tamang lalim at lambing na nakalilikha ng agarang pakiramdam ng kaligtasan sa gitna ng kaniyang pagdadalamhati.

Nang kumalma nang bahagya ang silid, dahan-dahan akong lumapit sa kama upang simulan ang post-mortem care. Inalis ko ang mga IV lines at monitor leads nang walang kahit konting pag-aalinlangan, bago maingat na itiniklop ang puting sheet hanggang sa dibdib ng pasyente.

Nang matapos ang lahat, tahimik akong humakbang palabas ng silid at naglakad patungo sa sink ng nurses’ station.

Hinubad ko ang aking nitrile gloves, itinapon ang mga ito sa biohazard bin, at naghugas ng kamay. Humarap ako sa mirror, inayos ang ilang strands ng aking buhok, at pinagpag ang tupi ng aking scrubs.

I have been living here in California for five years, and every single day spent in this state has been a testament to the life I meticulously built from scratch.

Limang taon na rin pala ang nakalipas mula nang iwan ko ang Pilipinas, ang… ex-boyfriend… ko na nabuntis ang kaniyang ex-girlfriend.

He was bitter when she left him, and when our relationship started to bloom, I genuinely thought he had moved on. But toxic cycles have a way of repeating themselves. Returning to his past, leaving me with picking up the broken pieces of a promised future—it was the ultimate betrayal.

Alam kong pipiliin niya ang babaeng ’yon, I have already accepted it long before he even gathered the courage to tell me the truth.

In fact, una kong naka-usap ang babae. Lumapit siya sa akin sa gitna ng kasiyahan namin ng mga kaibigan ko.

Hindi ako nag-atubili. Hindi ako gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao. Lalaki ang anak nila, he was only two years old when I packed my bags and boarded my flight to America.

My friends were furious; they wanted to drag her out of the venue, tear him apart, and make a scene that the whole town would talk about for weeks. Si Reese, handa nang magwala at mag-amok. Si Serena, halos mag-record sa phone niya sa galit, at si Mhojie, handa nang sugurin ang ex-boyfriend ko.

Pero pinigilan ko silang tatlo…

I didn’t want them to meddle.

Hindi dahil sa takot ako, kundi dahil ayokong magmukhang kaawa-awa. The moment you scream and cause a scene, you give them power. You show them where it hurts. And I refused to give either of them the luxury of seeing me bleed.

I was raised by a single parent, at mula bata ako, nakita ko kung paano kami tinitigan at hinusgahan ng mga tao, lalo na si Mama. I learned early on that weakness is an invitation for the world to crush you. Kaya noong gabing ’yon, instincts ko agad ang gumana.

Our love isn’t even that deep…

As much as it hurt, may batang dawit sa gulo nilang dalawa. An innocent soul who didn’t ask to be born into their mess, and I refused to be the reason that child grew up without a father or in an even more fractured world.

Hindi dahil mabait ako, kundi dahil may prinsipyo ako. I wouldn’t trade my pride and peace of mind just to cling onto a half-baked man who couldn’t even make up his mind.

I know how it feels to grow up lacking a whole family. Alam kong may mga single parents na nakakaraos nang maayos at napapalaki nang tama ang mga anak nila—si Mama ang pinakamagandang halimbawa no’n. Pero alam ko rin kung gaano kahirap at kabigat ang dalang sakripisyo. I saw the sleepless nights, the quiet exhaustion, and the silent tears she hid behind closed doors just to give me a decent life.

Why would I willingly let another child walk that same uphill battle if I could simply step aside?

I want them to work it out—hindi para sa kanila, kundi para sa bata. Because if there’s even a small chance that child could grow up with a complete family and avoid the quiet hardships I grew up witnessing, then stepping away was the easiest decision I ever had to make.

“Baka naman tumandang dalaga ka rito?” si Reese habang kumakain kami ng sandwich sa Subway, kasama niya ang kaniyang boyfriend na si Hermideo.

“Gaga!” sagot ko habang maingat na binubuksan ang paper wrapper ng sarili kong sandwich, a smirk playing on my lips. “I’m only twenty-four, Reese. Pinagsasabi mo diyan?”

“Kasi naman ’teh!” depensa niya sabay gigil na kagat sa sandwich niya bago ibinaba ’yon sa mesa. “Parang pader ’yang puso mo pagkatapos ng nangyari! He’s not the only man in the world, you know?”

“Bakit? How sure are you na kayong dalawa—”

Ini-angat niya ang kaniyang kamay, I then saw a ring on her ring finger—a sleek, shimmering solitaire diamond that caught the warm overhead light of the restaurant.

“We’re engaged, ’teh!” impit na tili ni Reese pero punong-puno ng gigil, halos manginig pa ang mga daliri niya habang ipinapakita sa akin ang singsing.

I froze for a split second, my eyes widening before a genuine, soft smile broke across my face. Tumingin ako kay Hermideo, na bakas ang tahimik pero proud na ngiti sa tabi ni Reese habang maingat na nakahawak sa baywang nito.

Who would’ve known that this bitch would fall in love with the man she hates?

Sino nga namang mag-aakala?

Noong college pa lang kami, halos isumpa ni Reese ang pangalan ni Hermideo. I still vividly remember her ranting at our favorite corner table in the campus cafeteria—pumutok pa nga ang ugat niya sa leeg sa matinding gigil habang ikinukuwento sa amin ni Serena kung paano naging dating basag-ulo, nagdaan sa bisyo, at kukuha pa ng Criminology ang kapre na titira sa bahay nila.

She even wrote a literal conspiracy plan on her iPad and made a fake grocery list just to spy on his room.

“Oh my god!” mahinang usal ko habang inilalapag ang baso ng tubig. Dahan-dahan kong inabot ang kamay ni Reese para tingnan nang malapitan ang kumikislap na solitaire diamond sa kaniyang daliri.

“Congratulations!” I said, smiling. Kitang-kita ko na mahal na mahal ni Hermideo ang kaibigan ko.

Hermideo gave me a small smile. He’s not that expressive, and he rarely speaks unless spoken to, but the way he looked at Reese said everything he couldn’t put into words.

“Thanks! Nandito rin kami para sabihin na dapat ay umuwi ka ng Pilipinas kasi inaasikaso na rin namin ang kasal namin,”

“Bakla!” natatawa kong ganti sabay iling habang hawak pa rin ang kamay niya. “At siyempre, uuwi ako. As if naman palalampasin ko ’yang kasal mo pagkatapos ng lahat ng kuda mo tungkol sa kaniya no’ng college?”

“Dapat lang ’no!” gigil na hirit ni Reese sabay irap nang pabiro. “You’re going to be my Maid of Honor, Vienne. Non-negotiable ’yon. Kahit gaano ka pa ka-busy rito sa California, lilipad ka pabalik sa Manila para sa akin.”

“Kailan ba ang kasal niyo?”

She told me the month, but they’re still thinking the specific date.

“Sa hacienda gaganapin,” imporma ni Reese, her eyes softening into a nostalgic glow. “We’re still locking down the exact date with the parish church near the estate, pero sure na ’yong buwan, ’teh. That place holds so much history for us anyway. Kaya mag-file ka na agad ng leave, lock your schedule, and do not make any excuses!”

Tumango sa akin si Hermideo, seryoso pa rin ang kaniyang mukha ngunit bakas ang matinding respeto at tahimik na paninindigan sa kaniyang mga mata.

After seeing the couple, inihatid ako ng dalawa sa hospital na pinagtatrabahuhan ko bago ang night shift ko.

Habang nakatitig ako sa daan mula sa passenger seat, naririnig ko ang mababang usapan at pasimpleng palitan ng lambing ng dalawa sa harapan.

A quiet sense of closure settled over me. Reese found her home in the man she once mistrusted, and Hermideo proved that devotion is shown through actions, not loud words.

“Mag-iingat ka sa shift mo, Vienne,” bilin ni Reese nang makarating kami sa drop-off zone. “And remember—file that leave!”

“I will!” nakangiti kong sagot bago lumabas ng sasakyan at kumatok nang mahina sa bintana para kumaway. “Thank you sa paghatid! Mag-iingat kayo! Have fun with your stay here!” dagdag ko habang nakatungo sa bintana ng rented car na sasakyan nila.

Hermideo gave me a respectful nod, while Reese blew me a dramatic kiss from the passenger seat.

I stood at the drop-off zone for a brief moment, watching their car fade into the distance.

Turning my back on the cool evening air, I walked through the sliding glass doors of the medical center.

Inangat ko ang tingin ko sa salamin sa loob ng nurses’ station. Maingat kong inayos ang aking stethoscope sa ibabaw ng aking fitted scrubs, pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon.

Umuwi ako sa apartment ko pagkatapos ng shift. Pagod na pagod ako pero hindi pa ako inaantok, I always have to wind down properly after an intense shift in the ICU, where every single second is a high-stakes balance between life and death.

“Ako dapat ang Maid of Honor! But then, I didn’t want to see her brother!” reklamo ni Serena habang naghahanda ako ng makakain ko.

Natawa ako nang mahina habang nagbubuhos ng hot water sa mug ko para sa tea.

“Like, hello?! I love Reese, but staying in the same place with her brother for an entire wedding planning process? Absolute nightmare! High-stress, negative impact on my mental health, total risk!” dagdag pa niya, complete with her signature heavy sigh and dramatic hand gestures on the screen.

Umiiling-iling kong inilapag ang kutsara at sumandal sa counter ng aking kitchen island.

“Bakit ba kasi hindi mo na lang patawarin? I’m sure he loved you—”

“He’s a fucking cheater! You know him when we were still at the same school! We saw how he flirted with almost every girl in the hallway! We saw how he played around!” putol ni Serena sa akin, her eyes flashing on the screen with a mix of leftover hurt and hot anger.

“Hindi porke’t kapatid siya ni Reese at mukhang maayos na ngayon, e buburahin ko na lang ’yong ginawa niya sa akin. A total asset write-off, Vienne! Never again!”

Dahan-dahan akong tumango, seeing the emotion still lingering behind her high-maintenance, glamourous front. Kinuha ko ang mug ko at muling humigop ng mainit na tsaa habang pilit siyang binibigyan ng kalmadong pakikinig.

“I know,” mahinahon kong tugon. “This must’ve been stressing you—”

“I am stress-free, darling!” depensa agad ni Serena, maarteng inayos ang kaniyang buhok habang pumapaypay gamit ang kamay. “Iniiwasan ko lang talaga ang toxic liabilities. I’m prioritizing my peace—just like you!”

“So, you’re not going to attend?”

“Of course I’m going to attend!” singhal agad ni Serena, nanlalaki ang mga mata sa screen na tila ba nagkasala ako sa itinatanong ko. “Are you crazy?! Kasal ’to ng best friend natin! Over my dead body na hindi ako pupunta!”

Natawa ako nang mahina at napailing habang ibinababa ang mug sa counter. “Sabi mo kasi nightmare at high-stress. Akala ko iiwasan mo rin ang event.”

“Gosh, Vienne! Attending the wedding is non-negotiable! I will look drop-dead gorgeous, throw my support behind Reese, and completely ignore that human headache,” maarteng hirit niya habang pumipitik pa ang daliri. “I can strictly compartmentalize, hello?! Professional guest behavior!”

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Between my demanding ICU shifts at the hospital and the endless stream of messages in our group chat regarding Reese’s hacienda wedding in Bicol, my calendar quickly filled up. Before I knew it, the day arrived for me to board my flight back home to the Philippines.

Standing in line at the gate in California, I double-checked my bag—passport, flight details, and my tailored Maid of Honor duties list.

Nasa eroplano na ako, I booked one-direct flight ticket para mabilis ang biyahe, at iwas na rin sa jet lag. Mas gusto kong magpahinga agad pagkababa para presko ako sa lahat ng wedding preparations.

“Masaya ako para sa friend mo, anak!” si Mama na sinalubong ako agad ng isang mahigpit na yakap paglabas ko sa arrivals area ng NAIA.

Kahit halatang napuyat ako sa mahabang biyahe, agad na napawi ang pagod ko nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Mama at maramdaman ang init ng salubong niya.

“Salamat, Ma. Miss na miss kita!” nakangiti kong sabi bago bumitaw at hinalikan siya sa pisngi. Inalalayan niya ako habang hinihila ko ang aking luggage patungo sa naghihintay naming sasakyan.

“Siguradong magiging busy ka sa Bicol nito,” patuloy ni Mama habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay para makapag-ayos bago ang biyahe patungong hacienda. “Maid of Honor ka pa naman. Pero tingnan mo nga naman ang buhay, ’no? Dati lang nag-uusap lang kayo tungkol sa mga pangarap niyo, ngayon ikaw na ang mag-aayos ng bridal train niya.”

Natawa ako nang mahina habang nakatingin sa familiar na tanawin ng Manila mula sa bintana. “Oo nga, Ma. Everything really fell into place for her. And I’m just so happy I get to be there to see it happen!”

Kasama naman si Mama sa Bicol, siya ang unang ginulo ni Reese tungkol sa pagiging Maid of Honor ko.

“Nako, excited na nga rin akong makita si Reese at ang pamilya niya!” masayang sabi ni Mama habang inaayos ang kaniyang seatbelt. “Mabuti na lang talaga at nakakuha ka ng sapat na leave para makapagbakasyon din tayong dalawa nang sama-sama.”

I rested well at home for two solid days, letting my body recover from the long flight and fully shake off the remaining jet lag. Mama made sure I was spoiled with homemade meals, filling my stay with warmth and comfort before the wedding craziness officially began.

Nagpa-salon kaming dalawa ni Mama bago kami tuluyang bumiyahe patungong Bicol. Sumama pa ang pakiramdam ko sa sobrang sarap ng alaga at hilot habang nagpapa-hair treatment at manicure, habang si Mama naman ay tuwang-tuwa sa bagong kulay ng buhok niya para sa kasal.

Nasa grocery kami pagkatapos namin sa salon dahil hindi sanay si Mama na nawawalan ng stock ang aming pantry sa bahay tuwing may aalis kami nang matagal, at gusto niya ring magdala ng kaunting pasalubong para sa pamilya ni Reese.

I was about to grab a snack and check its contents, when a little boy accidentally bumped into my shopping cart, dropping his toy car right at my feet.

“I’m sorry po!” dali-daling hingi ng paumanhin ng bata habang mabilis na yumuyukod para pulutin ang laruan niya.

“It’s okay, buddy. Walang problema,” nakangiti kong sagot habang tinutulungan siyang tumayo at iniabot sa kaniya ang kulay pulang kotse. “Dahan-dahan lang sa pagtakbo, baka madapa ka.”

Nag-angat ito ng tingin sa akin at ngumiti nang malapad.

“Keoghan! Why would you run around like that?! I told you to stay near the cart!”

A familiar, sharp voice echoed from the end of the aisle.

My heart did a sudden, unexpected flip. I slowly looked up from the little boy to see a woman striding toward us, a dark furrow between her brows and concern still evident in her eyes.

Our eyes met, and she froze. Biglang nawalan ng kulay ang mukha niya nang mamukhaan niya ako.

“V-Vienne?” halos pabulong niyang usal, natigil sa kaniyang paghakbang habang nakatitig sa akin na tila nakakita ng multo.

I stood up straight, carefully dusting off my hands as I composed my expression.

“Hi, Samantha…”

Mas lalo siyang Mas lalo siyang namutla, her grip tightening on the handle of her cart, kaya nagtaka ako kung bakit ganiyan na lang ang itsura niya.

“I… I didn’t know you were back,” nauutal niyang sabi.

“Mommy! I want to buy this snack! Please?” panawagan ng bata habang itinataas ang isang balot ng tsokolate at itinuturo ang katabing shelf.

“K-Keoghan, put that back… we’re leaving,” mabilis ngunit nauutal na utos ni Samantha. Inagaw niya ang tsokolate mula sa kamay ng anak at ibinalik ito sa lalagyan, her hands visibly trembling as she avoided making direct eye contact with me.

“But Mommy, you said I could get one!” nakasimangot na reklamo ng bata.

“Not today, Keoghan. Sinabi nang ayaw ko, ’di ba?!” medyo napalakas ang boses ni Samantha kaya ngumuso ang bata.

“Tito El—”

“Shh! Tara na, anak. A-Alis na tayo! Kailangan na nating umuwi at hinihintay na tayo ng Daddy mo!” mabilis na putol ni Samantha sa sasabihin ng bata.

Taranta niyang hinawakan ang kamay ni Keoghan at halos hilahin ito habang itinatulak ang kaniyang cart patungo sa counter.

I was about to stop them and asked kung kamusta na sila, but then… I stopped myself. I realized there was no point in opening old doors I had already walked away from. Whatever answers I might get wouldn’t change where my life was now.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng aisle, watching her frantic, retreating back until she vanished behind a row of display shelves.

Ilang taon na ang lumipas at naka-move on na ako. Ang mga dating panghihinayang, hinanakit, at matitinding tanong na halos pumatay sa akin noon ay ganap nang napalitan ng tahimik at matatag na kapayapaan.

Seeing her today wasn’t a painful relapse; it was just a gentle confirmation of how much I had healed…

“Vienne, anak? Okay ka lang?” malambing na tanong ni Mama habang inilalagay ang dalawang pack ng kape sa cart namin. Tumingin siya sa gawi kung saan mabilis na lumayo si Samantha, her eyes filled with gentle concern.

“I’m fine, Ma! Uh, may nakita lang po akong kakilala,” maikling paliwanag ko sabay ayos sa ilang latang nasa cart.

Tumingin si Mama sa akin nang may halong pagsusuri, tila binabasa ang bawat guhit ng aking mukha. Nang makitang totoong wala nang kahit anong bakas ng lungkot o galit sa aking mga mata, ay dahan-dahang lumambot ang kaniyang ekspresyon.

“Mabuti naman kung ganun!” magaan na ngiti niyang sagot habang tinutulak natin ang cart patungo sa cashier.

Pagkatapos naming magbayad at maipasok ang lahat ng grocery bag sa compartment ng kotse, nakaramdam ako ng kakaibang gaan sa aking dibdib. The ghosts of my past no longer had a hold on me…

Kinagabihan, I wanted to go out of the house to get a quick breath of fresh air and grab a hot cup of chamomile tea from a small cafe nearby.

My mother was already asleep, peacefully resting after a long day of salon sessions and grocery shopping to prepare for our trip.

I threw on a comfortable oversized cardigan, grabbed my phone and car keys.

Pumasok ako sa isang cafe, na may Korean vibe—warm, minimal lighting, KPop music playing softly in the background, and the comforting scent of freshly brewed coffee mixed with sweet pastries.

“Good evening, Ma’am! Welcome!” cheerful na bati ng barista mula sa likod ng counter.

“Hi, one hot chamomile tea, please. To-go,” nakangiti kong order.

Habang naghihintay ako ay wala ako sa sariling tumingin sa pumasok ng cafe.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ko siya.

He looked different than the last time I saw him. His frame was broader, his jawline sharper, and he carried an air of quiet maturity that wasn’t there years ago.

Nakita kong napalunok siya nang makita ako.

“Vienne—”

“Miss Vienne! Order niyo po, hot chamomile tea to-go,” masayang tawag ng barista mula sa counter.

“Ah, thank you!” nakangiti kong sagot sa barista habang inaabot ang mainit na cup.

Inayos ko ang hawak sa tsaa, letting the soothing warmth spread across my palm before turning back to face Elijah.

“Nice seeing you again, Elijah! Mauna—”

“Can we talk?”

Nalito ako at napansin ko ang pagiging seryoso ng kaniyang mukha. The gentle, melancholic look he had a second ago was completely gone, replaced by an intense, desperate determination.

“About what?”

“About my child with Samantha—”

“I saw your wife and kid—”

“He’s not mine!” he hissed, his voice shaking under the weight of frustration he had clearly carried for years.

Ilang segundo ko pa siyang tiningnan, my brow furrowing slightly in confusion. “Elijah, you don’t have to explain anything to me—”

“No, Vienne, I have to!” salungat niya, his dark eyes pleading as he took a small, careful step closer, making sure not to crowd my space. “Keoghan isn’t my son. Samantha lied to everyone… she lied to me, to her family, and most of all, to you. Siya ang gumawa ng paraan para sirain tayo noon.”

What?


Return to top?

Part of a series

University Trans Series

Part 5 of 5
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.