loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Something About Summer (University Trans Series #4)

Something About Summer (University Trans Series #4)

SGVnssa · 1 chapter · 4,008 words

Prologue

This story is purely fictional. The characters, places, events, and situations are created for entertainment purposes. Any similarities to real people or events are purely coincidental.

Please remember that this is a work of fiction, and some parts may not reflect real-life experiences or situations.

TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STORY

——————————————————————————

“Hi, Gio!” bati ko sa nakababatang kapatid ng kaibigan ko. Kakapasok ko lang ng bahay nila at naabutan ko itong naglalaro sa iPad nito.

He barely looked up from his iPad; naglalaro siya ng Roblox. Like, naiiintindihan ko na at nakikita ko na talaga ngayon kung bakit nagrereklamo si Reese na utak-gamunggo raw ang mga kapatid niya.

Gosh, like, no social skills, swear!

Summer kaya! Hindi dapat sila nagvi-video games at nabo-bore sa loob ng bahay kapag pwede naman silang lumabas para magpa-tan—or at least mag-touch man lang ng high-grade grass!

“Hello, ’te,” sagot niya nang walang kagana-gana habang nakasimangot nung mamatay ’yung avatar niya, sabay pindot nang madiin sa screen para mag-respawn.

Umupo ako sa tabi niya, at pinanood ang larong nilalaro niya. Like, umabot sa nostrils ko ’yung amoy niya. He smelled like rotten baby powder and unrefined laziness—gosh, amoy ’di pa naliligo mula umaga!

I pushed my head back and kept a sweet smile, like, I didn’t want to offend the kid, pero mamatay-matay na talaga ako sa loob-loob ko. Subukan lang niyang dumikit sa Chanel blouson ko…

“Nasa taas pa si Ate Reese,” he left the game he was playing and switched apps to YouTube shorts without even glancing in my direction.

“I know,” I replied, flipping my hair back and giving him my best effortless upper-class smirking face.

He lifted his head up at me, his deep-set eyes narrowing in slight annoyance. Like, parang ngayon lang niya na-realize na buhay na tao pala ang nakatabi niya sa sofa at hindi lang distraction.

Napansin ko ang kakaibang kulay ng mga mata niya—like, rare hazel or dark honey vibes na super pambihira sa Pinoy. For a second, natigilan ako, pero siyempre, I had to maintain my regal posture.

I remembered Reese mentioning that they have foreign blood. At first, I thought she was bluffing, kasi hello, mahilig kaya ’yun mag-claim ng kung anu-anong hanash! Pero staring right at Gio’s face now, gosh, true-enough pala! The features were giving Spanish mestizo aristocrat, nakikipag-compete sa amoy niyang mukhang ’di pa naliligo mula umaga.

Mula sa mga mata niya ay lumipat ang tingin ko sa manipis niyang mga labi, they were reddish, unlike his sister na pink—like, natural na natural ang kulay, ha! Infairness sa lip tint genes ng pamilya nila, hindi kailangan ng Burt’s Bees…

“Ang tamis masyado ng pabango mo, ’te! Sakit sa ilong,” his nose scrunched in total disgust as he fanned the air between us, completely ruining my inner fashion critique.

Excuse me?! My jaw literally dropped.

“How dare you?! This is Le Labo, baliw ka ba?!” singhal ko habang winawagayway ang kamay ko. “Nahiya naman ’yung $300 niche perfume ko sa amoy mong parang lumang polbo at katamaran, ’no! You should be thanking me, gosh! Kinakailangan pa ng air freshener nitong living room niyo dahil sa ’yo!”

Namilog ang mga mata niya at umawang ang bibig, completely shookt sa mataray kong pagsabog sa kaniya.

“Bakla! Tara na!” si Reese na malakas na tumili, I heard her heels clicking rapidly down the grand wooden staircase.

Napalingon ako agad sa kaniya, completely forgetting the little demon beside me. “Finally, gosh! Akala ko napaglipasan ka na ng panahon diyan sa taas! Tara na, like, I’m literally melting and your brother is attacking my signature scent!”

Binalewala ni Reese ang kapatid niya na gulat na gulat pa rin sa sinabi ko. I’m not sure if he’s offended or what, pero care ko ba?

He started it! Nobody disrespects my scent profile and gets away with it, ’no!

“Hello? Sino kaya sa atin ang mabagal kumilos?” Reese retorted, rolling her eyes as she slung her designer shoulder bag over her arm. “At anong away ’yan? Sergio, don’t stress Serena out, mga bakla kayo! Her foundation costs more than your entire Roblox account!”

“Ewan ko sa inyo, mga baliw…” Gio muttered under his breath, shaking his head and ducking his face back into his iPad screen, though I could see a hint of a blush creeping up his neck.

“Tara na nga!” I huffed, turning around gracefully and fixing the pleats of my altered skirt. “If we miss our table in High Street, I swear, Reese, dadagdagan ko ’yung utang mong venti iced matcha ng panibagong pastry! Kakaloka ka, tara na!”

“Super pressure ka naman, girl!” pabalik na reklamo ni Reese habang inaayos ang straps ng heels niya sa foyer. “Eh ikaw nga diyan ang daming kuda, akala mo naman hindi na-stuck sa traffic kanina papunta rito!”

Nilingon ko ang kapatid niya na naglalaro na ulit ng Roblox. “Bye, Gio! Touch some grass, ha? Huwag puro Roblox!”

Hindi na siya sumagot at lalong ibinaon ang mukha sa iPad niya, pero kitang-kita pa rin ang pamumula ng mga tainga niya.

I was so damn insulted! Kaya binilhan ko nga ng pabango ang kapatid ni Reese nang gumala na kami sa mall.

“Ano ’to?” tanong ni Gio pagkauwi namin, pabalang na nakatitig sa sleek packaging ng Bleu de Chanel na inilapag ko sa harap niya.

“A bottle of refinement, duh!” I replied, crossing my arms and looking down at him like a benevolent queen bestowing mercy on her subjects. “Gusto ko namang pumasok sa bahay niyo nang hindi kailangang mag-holding your breath challenge, ’no! That’s an actual, proper men’s fragrance. Try it, baka sakaling maging tao ka tingnan!”

Inirapan lang ako ni Reese habang nagtatanggal ng heels sa tabi. “Pinatulan mo pa talaga ang kapatid ko, Serena? Kakaloka ka!” tumawa siya nang pagkalakas-lakas habang patagong napa-shake ng head sa ka-artehan ko.

“Excuse me, investment ’yan sa nose health ko for future visits!” panggigigil ko, sabay balik ng tingin kay Gio na parang hindi pa rin makapaniwala sa hawak niyang Bleu de Chanel.

Dahan-dahan niyang kinuha ang bote mula sa box at inispray iyon sa pulso niya. Inamoy niya ’yun nang konti—sumimangot pa nga nang bahagya para magpanggap na hindi siya impressed, pero halatang-halata na nagustuhan niya ang amoy.

“Salamat… ’te…” bulong niya, agad na iniiwas ang tingin habang mabilis na naman na namumula ang mga tainga niya hanggang sa leeg.

“You’re welcome, little boy! Spray that religiously, ha!” I smirked, feeling completely victorious habang tinitingnan siyang mabilis na pumasok sa kuwarto niya dala ang panibagong panlaban niya sa katamaran.

Nang magpasukan, panay na ang reklamo ni Reese na gusto na niya na mag-college kami para hindi na niya kailangan pang sabayan ang mga kapatid niya.

We were waiting for the twins, Hugo and Sergio, like literal na nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa parking lot ng school pero wala pa rin ang dalawang ’yon.

“Inaabot ba talaga ng gabi ang lintik na basketball practice na ’yan?!” sigaw ni Reese habang pabalik-balik sa waiting shed, halos mapudpod na ang school loafers niya sa semento sa sobrang inis.

“Girl, kalma, ’yung wrinkles mo lumilitaw na!” suway ko sa kaniya habang maingat na nag-o-oil blot sa T-zone ko gamit ang compact mirror. “Pero true, bakla. Like, Grade 11 pa lang tayo pero feeling ko tatanda ako nang maaga rito. I’m literally rotting on this sidewalk and my powder is starting to cake!”

“As in shuta! I need to pass the CETs and move to college as in now!” iritang tili ulit ni Reese, habang winawagayway ang kamay sa hangin. “Ayoko na silang sabayan pauwi! Napaka-babagal kumilos, akala mo naman may sariling sundo!”

Bago pa man ako makasagot, narinig na namin ang ingay ng mga sapatos na nagtatakbuhan palabas ng campus gate, kasunod ang tawanan ng dalawa.

“Yown! Baka mabuntis mo ’yon, ah?” sabi ni Hugo kay Sergio, naririnig na namin ang kanilang usapan habang tumatawa pa nang napakalakas.

“Gago ka talaga, bro! Tumigil ka nga, baka marinig ka ni Ate!” sagot naman ni Sergio, sabay siko sa tiyan ng kambal niya habang dire-diretso ang lakad nila palabas ng gate.

Pareho kaming napatulala ni Reese sa narinig namin. Nanlaki ang mga mata ko, habang si Reese naman ay dahan-dahang napahawak sa dibdib niya, completely baffled and horrified sa kabastusan ng usapan ng dalawa.

“What in the cheap, squammy world did I just hear?!” tili ni Reese sabay mabilis na paghawi ng bag niya. “Sergio Salcedo! Hugo! Mga dugyot kayo, anong pinagsasabi niyo diyan?!”

Natigilan ang dalawa sa paglakad nang makita kami sa waiting shed. Medyo nabawasan ang ngisi sa mukha ni Sergio, habang si Hugo naman ay napakamot na lang sa batok, basang-basa pa rin ng pawis ang jersey.

“May girlfriend na ’tong si Sergio—”

“Usapang lalaki lang ’yon, ’te Reese! Huwag ka ngang OA—”

“Jesus Christ! Ilang taon ka pa lang? You’re just fourteen! Tapos nakikipag-mabuntisan ka na diyan?!” sigaw ni Reese habang dinuduro si Sergio gamit ang nakatuping payong sa bag niya. “Gosh, Hugo! At ikaw pa ’tong nag-e-encourage, ha?! Kakaloka kayong dalawa! Mama and Papa didn’t work hard for your tuition para maging batang ama ka lang!”

“Ate, joke lang nga ’yon! Over-reacting ka naman agad, eh!” depensa ni Sergio habang umuurong ng bahagya para iwasan ang payong ng ate niya. “Nag-uusap lang kami tungkol sa laro kanina, gosh!” may nanunuyang ngiti na sumilay sa kaniyang labi.

“Don’t gosh me, Sergio, hindi bagay sa ’yo!” huff ni Reese, hingal na hingal sa galit.

“Gumamit ako ng condom! Normal lang sa aming mga lalaki—”

“Bro…” suway agad ni Hugo, napa-pikit na lang sabay kabig sa balikat ng kambal niya habang napapalingon sa paligid.

“Gago ka talaga, shut up!” pigil niya rito, pero huli na ang lahat.

Literal na nalaglag ang panga ko sa gulat. Nanigas naman si Reese sa kinatutayuan niya, halos maging estatwa habang nanlalaki ang mga mata at unti-unting namumula ang buong mukha sa sobrang galit at pagkabigla.

“What? Itinuro ’yon sa akin ni Kuya Mideo—”

“Did… did you just say condom?!” putol ni Reese sa kapatid niya at bigla itong hinampas sa braso.

“Ate, biological fact lang ’yon! At least responsible, ’di ba?!” hirit pa ng pisting bata, at nakuha pa talagang magkibit-balikat na parang wala lang.

“Oh my gosh, shut up! Just shut up!” I interjected, stepping back three full paces away from them while clutching my scarf tighter to my face. “Reese, ’wag mo na silang kausapin! Kadiri—”

Saktong-sakto na tumunog ang phone ni Reese. It was their mother, inakala kong matatakot si Sergio o mananahimik man lang, pero like, nakangisi pa rin siya!

“Sagutin mo na, ’te. Tanong mo na rin kung anong ulam,” udyok pa ni Sergio habang prenteng naka-cross ang mga braso, no remorse sa buhay!

Inis na sinagot ni Reese ang tawag habang nanlilisik ang mga mata sa kapatid. “Hello, Ma? Yes, pauwi na po… Oho, kasama ko ’tong dalawang dugyot. Oho, Ma, paki-ready na lang po ang sinturon ni Papa for Sergio. Opo, urgent!”

Pinatay agad ni Reese ang tawag at binigyan ng pinakamamatay-taong irap ang kapatid niya.

“Oh, anong nginingisi-ngisi mo diyan?!” singhal ni Reese sa kaniya. “Akala mo nakakatawa, ha?! Yari ka talaga kay Mama mamaya!”

“As if naman isusumbong mo talaga, ’te. Takot mo lang din kay kina Mama,” pambobola pa ng bata sabay kindat.

“Eww, gosh! Stop acting cool, Sergio! You look like a literal fetus having a midlife crisis!” hirit ko habang umaatras lalo patungo sa kabilang gilid ng waiting shed. “Reese, please, paki-disown na ’tong kapatid mo bago pa ako tuluyang mahilo sa halo-halong pawis at kahihiyan nila!”

“You might want to smell me, Ate Serena. Ngayon lang ako ulit nakapag-basketball,” ngisi ni Hugo sa akin.

Napangiti na tuloy ako, sa kanilang dalawang kambal ay mas malapit ako rito. Pero siyempre, kailangan pa ring panindigan ang image ko, ’no!

“Kapag ikaw talaga lumapit pa nang isang hakbang, Hugo, ikaw ang gigisingin ko bukas para lang mag-enroll sa etiquette class!” pagbabanta ko, kahit bahagyang nabawasan na ang pagka-takip ng scarf ko sa ilong. “And don’t test me, ha! Bibilhan din kita ng pabango tulad ng sa kapatid niyo, pero papainumin ko sa ’yo kapag ’di ka pa lumayo!”

“Ang daya, bakit kay bro bumili ka? Paano naman ako?” pambobola pa ni Hugo sabay paawa ng mukha.

“You smell nice, okay? You don’t need to buy your own perfume.” irap ko habang hindi na napigilang mapatawa nang konti.

Bumaling si Sergio sa aming dalawa ng kakambal niya, I saw how his lips twitched into a smirk as he shook his head, but he didn’t bother saying anything anymore.

Every summer noon, palagi akong tumatambay sa kanila kapag bored ako. Kaya kilalang-kilala ko na ang galawan ng kambal na ’to—kung kailan dapat sakyan ang asaran nila at kung kailan dapat takpan ang ilong.

Hugo has always been the sweeter, more laid-back twin, habang si Sergio naman ’yung tipong gagamitin ang buong energy niya para lang mang-inis at mang-asar sa aming dalawa ni Reese kapag hindi siya bored.

Nang sumakay na ako sa sasakyan nila, sinundo na kasi kami ni Kuya Biboy. Naamoy ko ang pabangong ibinigay ko sa kaniya—ang Bleu de Chanel.

Nagkatinginan tuloy kaming dalawa, pero matigas lang siyang umiwas ng tingin sa akin at bumaling sa labas ng bintana.

Napakagat-labi na lang ako para pigilan ang ngiti ko. The faint blush creeping up to his ears gave him away completely. Kala mo naman matapang, nahihiya rin pala habang gamit-gamit ’yung regalong ’di niya umano kailangan!

Pinapanood namin ni Reese ang kaniyang kapatid na si Sergio mula sa third floor ng building, kung saan kitang-kita ang buong quadrangle.

He’s with a girl, apparently, a year older than him.

“Isn’t he too young to have a girlfriend?” si Vienne na may suot na earphones nang sumunod siya sa amin para magpahangin. Inalis niya ang isang side no’n at nakisandig sa simentong barandilya katabi namin.

“Right?!” singhal agad ni Reese, tila nakakita ng bagong kakampi sa pagrereklamo. “Fourteen pa lang ’yang utak-gamunggo na ’yan, for God’s sake!

Pinagmasdan ko ’yung babaeng katabi ni Sergio sa ibaba. Maganda, matangkad, at mukhang senior high school na batay sa kulay ng lanyard niya. Nakangiti ito habang may iniabot na inumin sa kapatid ni Reese, habang si Sergio naman ay halatang nagpapacute habang kinukuha ’yung drink.

“Well, he is a Salcedo,” biro ko sabay kibit-balikat habang nakatingin pa rin sa ibaba.

Base sa kaalaman ko sa family bloodline nila, may playboys sa mga Tito niya, ang matinong Salcedo lang ay ang kanilang tatay—at mukhang doon sa mga Tito pumatak ang dugo nitong si Sergio.

Hugo is definitely the harmless one. Sure, crush din siya ng marami dahil basketbolista at charismatic, pero mas interesado pa ’yung batang ’yun sa mobile games at tulog kaysa sa mga babae. Si Sergio talaga ’yung may pusong-playboy sa kanila.

While Cairo, the youngest brother, is still completely oblivious to all of this. Batang-bata pa at walang ibang iniisip kundi ang panonood ng cartoons at ang mga laro niya. Siya na lang ata ang natitirang medyo ligtas sa dugong Play-Doh ng mga Salcedo!

Nasa washroom ako nang marinig ko ang usapan ng mga babae, na ka-batch mates ni Sergio.

“I heard he’s big…”

“Talaga ba? Paano mo nasabi?”

“Nag-heavy petting daw sa likod ng school, tapos ramdam na ramdam daw nung girl sa may thigh niya!” gulat na bulong nung isa, na sinundan agad ng hagikgikan ng tatlong iba pa.

“May girlfriend ’yon, right?”

“He’s a cheater,” bulong nung isa pa, na may halong inis pero halatang updated na updated sa balita.

“Break na ba sila nung taga-senior high? Kasi nakita ko lang kahapon, may ibinibigay na drink sa kaniya ’yun, tapos may kasama na naman siyang iba sa grandstand kagabi!”

“Duh, he’s a catch naman kasi! Expecting him to stay loyal is like expecting rain in the middle of summer—imposible!” nagtawanan na naman sila, na parang proud pa na kilala nila ang reputation ng kapatid ni Reese.

Nasa loob ako ng cubicle habang tahimik na nakikinig, hindi makapaniwala sa mga naririnig ko. My jaw almost dropped to the tiled floor as I stared blankly at the latch of the cubicle door.

“Is he still a virgin?”

“I don’t think so, at ayaw ko naman malaman kasi kadiri! Ang babata pa natin!”

“Gaga, obvious naman na ’no! Kitang-kita kaya kung paano gumalaw!” nagtawanan ulit sila, habang naririnig ko ang tunog ng zip ng makeup pouch at ang pagbukas ng gripo.

Hindi ako makagalaw sa kinatutayuan ko sa loob ng cubicle. Napahawak ako sa forehead ko, trying to process everything I was hearing. Like, grade school pa lang yata ’tong si Sergio nung huli ko siyang nakitang nagtatakbo na nakatsinelas, tapos ngayon, ganito na ang usap-usapan tungkol sa kaniya?!

“Nakalimutan mo na ba kung sinong mga Tito niyan?” hirit pa nung isa. “Dugo ’yan ng mga Salcedo. Anong ine-expect mo, magpapari?”

“Ewan ko sa inyo, basta ako, hanggang tingin na lang! Ayoko nga ma-heartbreak!”

Hinitay ko muna silang tuluyang makalabas at marinig ang pagbagsak ng pintuan ng washroom bago ako dahan-dahang lumabas ng cubicle. Lumapit ako sa salamin at tinitigan ang sarili kong repleksyon, completely stunned.

I shook my head and quickly washed my hands, still trying to process the absolute insanity of what I just overheard.

Tumingin ako kay Reese, nakikipaglampungan kay I-don’t-give-a-fuck-about-his-name, her first boyfriend na mukhang adik sa kanto.

Bahagya akong napaatras nang kaunti habang nakatingin sa dalawa mula sa di-kalayuan. Napahilot na lang ulit ako sa sarili kong sentido, utterly baffled sa mga nagaganap sa buhay ng pamilyang ’to ngayong araw.

“Ano ba… nasa school pa tayo…” she sounded like she was trying so hard to play coy and act demure, pero halatadong kinikilig naman habang itinutulak nang bahagya ang dibdib nung lalaki.

Akala mo talaga hindi siya ’yung kulang na lang ay pumatay ng kapatid sa galit kaninang tanghali dahil sa init at kabastusan ng kapatid niyang si Sergio.

“I don’t care, baby. Miss na kaya kita,” the guy drawled, his voice raspy as he leaned in again, completely ignoring the fact that they were in plain view of anyone passing through the hallway.

He adjusted his oversized shirt, showing off a faded tattoo on his arm while casting me an indifferent, sleepy-eyed look.

I crossed my arms and stood a few feet away, practically radiating secondhand embarrassment for my best friend.

“Reese,” I called out, my tone deadpan and completely unamused.

Reese gasped softly, flinching as if she only just realized I was standing right there. Mabilis siyang kumalas mula sa yakap nung lalaki at nagmamadaling inayos ang lukot niyang uniform blouse, her cheeks flushing a bright scarlet.

“S-Serena! Kanina ka pa diyan?!” utal niyang tanong, attempting a laugh that sounded entirely fake. “Ah… meeting my boyfriend, by the way… wait, kilala mo naman siya, ’di ba?”

Gusto kong umirap pero peke na lang akong ngumiti at tumango.

If her brother is growing up a playboy, Reese is clearly living out her bad-boy phase. The guy looked like he hadn’t slept since the last semester, leaning against the hallway wall with a scowl that screamed stay away.

“Oo, kilalang-kilala,” pilit na ngiti ko sabay baling kay Reese, suppressing the massive urge to drag her away by her collar. “Tara na! At baka mahuli pa tayo sa susunod nating klase,” mabilis kong hila sa braso niya, totally ignoring the death glare her boyfriend was giving me.

“T-Teka lang, Serena!” nagpupumiglas na apela ni Reese habang pilit na nakalingon sa lalaking naiwan sa gilid ng pader. “Babe, maya na lang, ah! Text na lang kita!”

Repeater ang boyfriend niyang ’yon, na basketball player tapos may tattoo na para bang ginuhit lang ng ballpen habang lasing. I swear, Reese’s taste in men is inversely proportional to her GPA.

“Gosh, Reese, doon ka pa talaga nag-alala?” irap ko habang patuloy siya sa paglingon sa likod, hinihila ko pa rin ang braso niya palayo sa hallway. “Akala ko ba stressed ka na sa CETs? Why naman pati diyan sa mukhang three years nang ginagapang ang Grade 11 at looking like nagbebenta ng expired na Vape, pinalalalim mo pa ang isip mo?!”

“Aray naman! Grabe ka sa boyfriend ko, Serena, ha!” depensa pa niya habang inaayos ang pagkakahawak sa sling bag niya, bahagyang namumula ang pisngi. “Mabait ’yon! Sadyang… misunderstood lang talaga ’yung tao at may artistic side!”

I made a face, like, what is artistic about a crooked tattoo that looks like a tragic scribbled doodle? “Oo, artistic,” patudyo kong ganti habang patuloy siyang hinihila palayo. “Sobrang abstract ng mukha, ’di ko na ma-comprehend!”

Reese knows that we don’t like her boyfriend for her, pero para siyang bingi na ewan. Mas lalo niyang ipinagduduldulan ang sarili niya sa lalaking ’yon kapag pinagsasabihan namin siya.

I never had a boyfriend, but I will surely, without a doubt, pick someone who actually has a promising future—hindi ’yung mukhang anytime ay pwedeng madampot ng barangay tanod o kailangan ko pang ipag-pray sa simba araw-araw para lang makapasa sa high school.

“Serena, I want you to take Accountancy in College,” bunyag ni Daddy sa gitna ng hapag-kainan, his tone leaving absolutely no room for debate.

Natigilan ako sa pagsubo.

“Dad, thought we talked about this…” mahina kong protesta, trying to keep my voice even. “I was planning to take up Fine Arts—”

“Fine Arts won’t pay the bills, Serena,” mabilis niyang putol sa akin, seting down his fork with a metallic clink that echoed across the dining room. “You can paint as a hobby on the weekends. But for college? You need a solid, practical degree.”

“Pero Dad, hindi ko naman passion ang numbers—”

“Passion doesn’t secure your future,” malamig niyang sagot habang itinataas ang kaniyang napkin para magpunas ng labi. “Look at your cousins. Nasaan na sila ngayon dahil sa Accounting? They’re already handling firms and securing stable income. I want that same stability for you. You have the mind for business, Serena. Don’t waste it on canvas and paint.”

Napayuko ako at dahan-dahang ibinaba ang kutsara’t tinidor ko. My appetite vanished instantly.

“We only want the best for you, Serena, you know?” Mommy joined in, her tone sweet, polished, and completely oblivious to how suffocating it felt. Inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa, giving it a gentle squeeze. “Your Daddy is just being practical, babe. Look at your cousins—they’re doing so well, super stable ng life nila. We just don’t want you struggling in the future, okay? Arts is… nice, pero zero security.”

Gusto kong isigaw na hindi pagdudusa ang pagpinta. Na mas lalo akong mamamatay sa loob ng silid na puno ng financial statements at balance sheets. Pero nanatili akong tahimik.

I looked at my mom, then at my dad, who was already calmly cutting his steak as if he hadn’t just casually erased my whole future with a single sentence.

Huli kong tiningnan si Kuya Tristan. He’s taking Law, following the exact same blueprint our parents laid out for him without a single word of protest.

Nang magtagpo ang mga mata namin, dahan-dahan lang siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

“I want you to be a CPA, Serena. No excuses,” dagdag pa ni Dad, his voice completely calm yet heavy with absolute authority.

“Yeah, babe, it’s for your own good,” sang-ayon ni Mommy habang dahan-dahang umiinom ng tubig sa kaniyang crystal glass. “You’ll thank us later when you’re running your own firm like your cousins. Fine Arts can just be your side hobby, okay? Like… painting during your free weekends or something.”

I bit my lower lip. I wanted so bad to fight back, to scream at them that painting wasn’t just some foolish pastime I could casually bench for the weekends, na ito ’yung totoong gusto ko at hindi ang pagiging numero-kargado sa buhay.

“You can take art classes this summer, sweetie, if that’s what you really want,” habol pa ni Mommy, offering a superficial compromise with a polished smile. “We can even hire a private instructor for you. But college? It has to be Accountancy.”

I swallowed the lump in my throat, forcing down the burning bitterness in my chest.

“Okay…”


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.