Rule No. 7 (Colegio Trans Series #7)
SGVnssa · 1 chapter · 4,141 words
Prologue
This story is a work of fiction. All characters, names, places, events, and incidents portrayed in this book are either products of the author’s imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, businesses, institutions, events, or locales is purely coincidental.
This novel may contain themes involving gender identity, discrimination, emotional conflict, and romantic relationships. It is written with the intention of telling a heartfelt story about love, self-discovery, acceptance, and personal growth.
This story features a transgender woman and a straight man in a slow-burn romance. The experiences and perspectives presented are fictional and created for storytelling purposes.
Reader discretion is advised for discussions of prejudice, family conflict, and emotional struggles. Thank you for giving these characters a chance to tell their story. May their journey remind you that love sees beyond labels, and that everyone deserves to be loved for who they truly are.
——————————————————————————
Warning: SUICIDAL
“You’re a disgrace to my family! Paano mo nagawa ang bagay na ’yon?!”
Dumagundong ang boses ni Daddy sa buong bahay. Yumuko ang ulo ko habang nagtatagis ang aking mga bagang.
Ramdam ko ang init ng tingin niya sa akin—mga matang puno ng pandidiri at matinding galit na parang pinapatay na ako nang paulit-ulit. Para sa kaniya, hindi lang basta anak ang tingin niya sa akin; ako na lang ang natitirang tagapagmana ng pangalan niya, ang nag-iisang bunga ng pinakamamahal niyang asawa na nawala sa isang madugong ambush noon.
Pagkatapos ng trahedyang ’yon, hinding-hindi na siya nag-asawa pang muli. Ibinuhos niya ang buong buhay niya sa politika at sa pagpapalaki sa akin, kaya naman masakit at hindi matanggap ng sistema niya na ako pa mismo ang sumira sa perpektong imperyong itinayo niya.
Running mayor siya rito sa siyudad na ito, kaya doble ang ingat niya sa bawat galaw niya. Para sa kaniya, ang iskandalong ito ay hindi lang simpleng gusot sa pamilya—isang malaking mantsa ito sa kaniyang pangalan at banta sa posisyong pinaghirapan niyang abutin.
“Anong balak mong gawin ngayon, ha?!” sigaw niya ulit, lumalapit habang mabibigat ang bawat hakbang. “I-areglo mo ’to. Ayokong makitang nadadamay ang pangalan ko sa kalat na ginawa mo!”
“Dad, I didn’t—”
“Tinanggap kita kung ano ka, Dominique! Tinanggap ko ang pagkatao mo kahit labag sa konsensya ko, kahit kailanman ay hindi ko nakita ang sarili ko na magkakaroon ng anak na… ganyan!”
Putol niya sa sinasabi ko, ang boses ay nanginginig sa galit at matinding pagkadismaya. Dinuro niya ako nang malapit, ang mga mata ay namumula.
“At ito ang igaganti mo sa akin? Matapos ang lahat ng sakripisyo ko para protektahan ka, para itaguyod ang pangalan natin nang mag-isa mula nang mawala ang mommy mo… ganito lang ang isusukli mo?!”
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Tumigil ang paghinga ko. Sa bawat salitang binibitawan niya, mas lalo kong naramdaman na para sa kaniya, ang pagtanggap niya sa akin ay isa lamang pabor—isang utang na loob na kailangan kong bayaran sa pamamagitan ng pagiging sunud-sunuran sa mga gusto niya.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pilit kong tiningnan ang mga mata niya kahit durog na durog na ako sa loob.
“Dad… hindi ko po ginusto ’to,” basag ang boses na sambit ko. “Biktima rin po ako…”
“Wala akong pakialam kung biktima ka o hindi!” sigaw niya pabalik, mas lalong tumitindi ang galit. “Ang bottom line, ikaw ang mukha sa videong ’yan! Ikaw ang nagdala sa atin sa posisyong ito! Ayusin mo ang sarili mo, Dominique. Ayusin mo ’to bago ko tuluyang makalimutan na anak kita.”
“I tried to fix it, Dad. Ginawa ko ang lahat…” pabulong kong pagtatanggol, pero lumipad na naman ang palad niya at lumapat sa pisngi ko.
Tumagilid ang mukha ko sa lakas ng sampal. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid, sinabayan ng biglang pag-init at pagpapakirot ng balat ko.
“Ginawa? Eh, ano pang natira? Kumalat na sa buong social media! Binaboy na ng mga tao ang pangalan ng pamilya natin!” sigaw niya habang nakataas pa rin ang nanginginig niyang kamay, nagbabanta ang susunod pang galaw. “Isang linggo na lang bago ang eleksyon, Dominique! Isang linggo na lang!”
Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang bawat segundo ng videong iyon. Ang mga matang nanonood, ang mga taong nagpasa-pasa, ang mga komento na tila mga basurang ipinampunas sa pagkatao ko.
My videos were everywhere…
Nasa X, Facebook, Telegram, pati sa mga gc na hindi ko naman alam kung saan nanggaling. Parang isinangla ang buong pagkatao ko sa madla, at ang masakit, libreng pinagpasyahan ng kahit sino kung paano nila ako hahusgahan.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong binuhat ang phone ko para i-refresh ang feed ko, umaasang panaginip lang ang lahat ng ito. Pero naroon pa rin. Buhay na buhay. Ang bawat screenshot, ang bawat cut ng video kung saan kitang-kita ang mukha ko.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mga mata ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko, parang may nakadagan na sementong ayaw akong payagang huminga nang maayos.
Bakit ganito? Ibinigay ko ang tiwala ko sa taong minahal ko, pero ito pala ang igaganti niya—o baka naman sadyang ganito lang ang mundo sa amin? Na kapag naging mahina ka kahit sandali lang, susunggaban ka ng lahat para durugin ka hanggang sa wala na silang matirang mapagpasyahan.
I broke up with him because I was so tired of hiding.
Kahit anong pilit naming itago ang relasyon namin, alam ko namang doon din ang tuloy.
Siya ang may hawak ng kopya ng video. Siya ang may access sa mga pribadong alaala na ipinagkatiwala ko sa kaniya nang buong-puso. At nung kumalat na, nung binaboy na ng internet ang pagkatao naming dalawa, ano ang ginawa niya? Tumahimik siya!
Or maybe not, his face wasn’t on it anyway…
Sa buong video, mukha ko lang ang nakita ng buong mundo.
Lumipas ang mga araw na parang binibilang ko na lang ang paghinga ko sa loob ng kwarto ko. Hanggang sa dumating ang araw na pinakakatakot at pinakahihintay niya.
The election came, my father won…
Napanalunan niya ang posisyon. Nagdiwang ang buong siyudad. May mga banderitas sa mga kalsada, sunod-sunod na paputok, at mga taong sumisigaw ng pangalan niya sa labas ng gate namin habang binabati ang bagong alkalde. Perpekto ang imahe niya. Ligtas ang kinabukasan ng imperyong itinayo niya.
Pero habang nagdiriwang ang lahat sa labas, tahimik namang pinatay ang akin sa loob.
I had to drop out of school…
Hindi na kailangang sabihin sa akin ni Daddy; alam ko namang iyon ang kapalit ng tagumpay niya. Paano akong lalakad sa hallway ng unibersidad kung ang bawat tingin ng estudyante ay may kasamang panghahamak? Paano ko haharapin ang mga teacher at kaklase kung ang mukha ko ang kasalukuyang trending topic sa bawat phone screen nila?
Para sa mundo, si Daddy ang nagwagi. Pero para sa akin, natapos na ang laban bago pa man ako makapagsimula.
I was known to be the obedient and perfect child.
Ang anak na laging sumusunod sa mga patakaran, ang sumasalo sa bawat inaasahan ni Daddy para mapanatili ang dangal ng pangalan namin.
Sa paningin ng buong siyudad, ako na ang pasaway, ang eskandalosa, ang nag-iisang mantsa sa malinis na pamilya ng bagong alkalde. Nawala ang lahat ng taon ng pagiging masunurin ko dahil lamang sa isang gabing sumira sa lahat.
My father had to stage the ultimate clean-up.
Hindi na basta pag-aareglo ang ginawa niya; operasyon na ito para burahin ang anino ko sa publiko. Tahimik akong ipinadala sa isang malayo at nakasirang probinsya—isang lugar kung saan walang signal, walang taong nakakakilala sa pangalan ko, at walang gustong umalam kung sino ang nag-iisang anak ng bagong alkalde.
Nasa Bicol ako, sa Camarines Sur—sa lugar kung saan nagmula ang pamilya ng mommy ko.
Ang mga kamag-anak ko sa panig ni Mommy ang sumalo sa akin. Walang mga tanong na may halong panghuhusga, walang mga sermon tungkol sa nasirang reputasyon, at walang galit dahil sa nadungisang pangalan. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, naramdaman ko kung ano ang ibig sabihin ng mayakap nang walang kondisyon.
Palagi nilang sinasabi na intindihin ko na lang si Daddy.
“May edad na kasi.”
“Stress lang sa trabaho at politika.”
“Mahalin mo na lang, anak ka pa rin niya.”
Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng mga kamag-anak ko rito sa Bicol kapag napapag-usapan namin ang nangyari. Gusto ko silang intindihin. Pilit kong inuunawa na nawalan siya ng asawa, na binuhat niya ang buong pamilya nang mag-isa, at na ang mundong ginagalawan niya ay sadyang malupit at puno ng panunukso.
Pero habang pinipilit ko ang sarili ko na unawain siya, may sumasabog sa loob ko.
Sino ang mag-iintindi sa akin?
Noong mga panahong durog na durog ako, noong mga oras na gusto ko na lang lamunin ng lupa sa sobrang hihiya, ni minsan ba ay tinanong niya kung kaya ko pa? Ni minsan ba ay inisip niya ang pakiramdam ko bago niya ako itapon nang parang basahan para lang iligtas ang sarili niyang pangalan?
Alam kong nagkamali ako. Madaling sabihin na magpakumbaba dahil ama ko siya. Pero mahirap patawarin ang taong ang unang ginawa noong nadapa ka ay tapakan ka pa lalo para masigurong hindi ka na makakabangon…
Days had passed, and it kept on eating me alive. Bawat tingin sa akin ng mga tao, pakiramdam ko ay kilala na nila ako. Na may video ako na umiikot sa bawat cellphone, at sa likod ng mga ngiti o simpleng sulyap nila, may tahimik na panghuhusga.
I remember the insults, the endless strings of vile words hurled by people who didn’t even know my real name.
“Disgrace.”
“Freak.”
“Nepo baby.”
“Walang kuwentang anak.”
“Salot sa pamilya.”
“Malandi.”
“Bobo, pinag-aral lang sa mamahaling eskwelahan pero walang modo.”
“Mangmang na umasa lang sa pera ng tatay.”
“Basura.”
Kahit kailan ay hindi ko ginamit ang pangalan o posisyon ni Daddy para umangat. Tahimik akong nag-aaral, nagpapakumbaba, at pilit na ginagawa ang lahat para maging karapat-dapat sa sarili kong mga paa. Pero sa paningin ng mundo, dahil anak ako ng isang politiko, wala akong karapatang masaktan. Lahat ng pinagpaguran ko ay binura at pinalitan ng tatak na sinundan ako kahit saan man ako magpunta.
Hindi lang basta online na panghahabol at masasakit na salita ang inabot ko. Umabot ito sa punto na may nagtangkang sumira sa akin sa totoong buhay.
Someone even tried to harass me, assault me, and…
Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing ’yon—ilang araw bago ako tuluyang umalis patungong Bicol. May isang lalaking nag-abang sa labas ng subdivision namin, isang estrangherong naniwala sa mga kumakalat na kwento at pumasok sa pag-iisip na dahil madali na akong puntiryahin, na may karapatan na rin siyang yurakan ang natitirang dignidad ko.
Nang gabing ’yon, pauwi ako galing sa convenience store dahil bumili ng gamot. Akala ko ligtas na ako sa loob ng sarili naming komunidad, pero bigla niya akong sinundan sa madilim na bahagi ng kalsada.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko, ang marahas na paghila sa akin patungo sa anino ng mga puno habang binubulungan ako ng mga salitang hinding-hindi ko na gugustuhing marinig pa kailanman. Nagpupumiglas ako. Sinipa ko siya, isinigaw ko ang buong lakas ko, at pilit na kumalas hanggang sa makatakbo ako pabalik ng bahay na may luha at galos sa katawan.
Yet, Dad didn’t even flinch…
Pagpasok na pagpasok ko noon sa bahay, humihikbi, at nanginginig, ang unang sinalubong niya sa akin ay ang malamig at galit na tingin.
He told me that this is the consequence of my own actions.
“Kasalanan mo lahat ng ito,” mariin niyang sabi, ang boses ay mababa ngunit puno ng lason habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa na parang isa akong maduming bagay na pumasok sa malinis niyang tahanan.
“Kung hindi ka nagpasaway, kung iningatan mo ang pangalan ng pamilyang ito, hindi ka mapupuntirya ng mga taong ’yan. You asked for this, Dominique. Binigay mo sa kanila ang dahilan para yurakan ka.”
Parang may malamig na patalim na tumusok sa dibdib ko sa mga salitang ’yon.
Ang pagiging biktima ko ay ginawa niyang kasalanan ko dahil lang sa nagkamali ako ng pinagkatiwalaan. Para sa kaniya, wala akong karapatang masaktan, wala akong karapatang humingi ng tulong, at lalong wala akong karapatang mangatwiran.
“Nikki!” sigaw ni Tita Divine.
Nabuksan na nila ang pintuan ng silid ko. My eyes were blurry, but I saw my cousin, picking up the bottle of Zonrox that had slipped from my shaking hands.
Napakabilis ng mga pangyayari. Bago pa man ako makapag-isip o makapigil, naramdaman ko na ang matindi at sumusunog na hapdi sa lalamunan ko. Parang apoy na dumaan sa bawat bahagi ng sikmura ko, mabilis na lumalaganap at kumikitil sa bawat natitirang lakas ng katawan ko.
I wanted to die, I wanted to end my life that night.
Kung hindi lang dumating sina Tita Divine at ang mga pinsan ko, baka tuluyan na akong kinuha ng dilim.
“Suicidal po ang pasyente at kinakailangang masubaybayan nang mabuti ang kaniyang kalagayan pagkatapos ng emergency medical intervention.”
“P-Po? Pero masiyahing bata po si Dominique. How could she be suicidal? Ang sinabi po sa akin ng Daddy niya ay naipakulong na niya ang ex-boyfriend nitong nagpakalat ng video…” nanginginig ang boses na pagtatanggol ni Tita Divine sa doktor, bakas ang gulat at pagtanggi sa sinapit ko.
Napakunot ang noo ko habang nakahiga sa puting kama ng ospital. Ang mga salitang iyon ay parang malamig na tubig na bumuhos sa buong sistema ko.
Naipakulong na niya ang ex-boyfriend nitong nagpakalat ng video?
Si Daddy? Si Daddy ang nagpakulong? Paano nangyari iyon? Kailan pa?
How come I didn’t know this?!
“Your child is suicidal, Mr. Montecillo. Kailangan po siyang mas mabantayan. Ipo-process ko po sa inyo ang transfer sa psychiatric facility o kaya ay mag-request ng home-care psychiatric monitoring para sa kaniya paglabas dito,” pagpapatuloy ng doktor, ang boses ay seryoso at propesyonal habang kausap si Daddy sa labas ng pintuan.
He kept on glancing at me through the small glass window of the hospital door.
Nang magtama ang mga mata namin sa kabila ng salamin, mabilis niyang iniwas ang tingin, parang nahihirapang tagpuin ang mga mata ko. Pero sa maikling sandaling iyon, nakita ko ang hindi niya maitagong takot.
Dahan-dahang binuksan ang pintuan at pumasok si Daddy. Mabibigat at tahimik ang bawat hakbang niya palapit sa higaan ko.
Wala siyang sinabi noong una. Tumayo lang siya sa gilid, nakatingin sa mga kamay kong may dextrose, bago dahan-dahang lumipat ang tingin sa mukha ko.
Tumungo lang ako, hindi ko siya matingnan. Kumalabog ang puso ko, baka isipin niya na nagpapakita lang ako ng kahinaan, o baka isipin niya na nag-iinarte lang ako para makuha ang atensiyon niya pagkatapos ng lahat ng nangyari.
“Paumanhin, anakzzzl mahinang wika niya, basag ang tinig na halos hindi ko makilala mula sa matatag at makapangyarihang boses na nakasanayan ko sa entablado o sa TV.
“Hindi ko sinasadyang… hindi ko inakalang aabot sa ganito,” patuloy niya, habang dahan-dahang lumuluhod sa tabi ng higaan ko para magpantay ang mga mata namin, bagaman patuloy akong nakayuko. “Akala ko, kapag pinatunayan ko sa kanila na pinanagot ko ang gumawa nito sa iyo, matatapos na ang lahat. Akala ko, ang pagiging matigas ang magliligtas sa ating dalawa. Pero nagkamali ako, Nikki. Patawarin mo ako kung naging duwag ako sa sarili kong paraan.”
Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ’yon. “Please forgive Daddy, I’m sorry if I have said those cruel words to you when you needed me the most. I was just so angry, Nikki—not at you, but at myself for failing to protect my own child…”
Huminga siya nang malalim, pilit na pinipigilan ang nanginginig niyang boses habang nakatingin sa akin nang may pagsusumamo.
“Nakausap ako ni Hezekiah at natauhan ako,” pag-amin niya.
Umawang ang bibig ko dahil hindi ko maintindihan. Si Kuya Hezekiah? Ang isa sa bodyguard niya?
“Ang isa sa mga bodyguard ko na matagal nang pinagkakatiwalaan,” pagpapatuloy niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko. “Siya ang nagbukas ng mga mata ko nang gabing iyon, Nikki. Noong isinugod ka rito, sinabi niya sa akin ang mga bagay na dapat noong una ko pang nakita.”
Mariin siyang pumikit. “He told me that I was too harsh on you, that you were giving all your best just to make me proud, yet all you received were cold walls and judgment.”
“Dad—”
Tumulo ang mga luha niya kaya suminghap ako. “Patawarin mo ako, anak. Matagal nang alam ni Hezekiah na may kasintahan ka at unti-unti ka nang lumalabag sa mga patakaran ko para lang maging malaya, pero pinili niyang takpan ka noon dahil alam niyang kailangan mo ng kakampi,” pagpapatuloy niya, habang ang mga luha niya ay patuloy na pumapatak sa nanginginig naming mga kamay.
“Noong una, nagalit ako kay Hezekiah. Bakit niya inilihim sa akin? Bakit hindi niya ako binalaan? Pero nung gabing halos mawala ka… doon ko naintindihan.” he smiled sadly. “He saw you happy and protected you in ways I failed to do…”
Mahinang natawa si Daddy, isang mapait at basag na tawa na may kasamang malalim na buntong-hininga.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi gamit ang libre niyang kamay, habang patuloy na nakatitig sa akin na parang sinusuri kung totoo bang naroon pa rin ako, kung totoo bang buhay pa ang anak niya.
But heck! Nanlalamig ako dahil alam ni Kuya Hezekiah na may boyfriend ako? Tapos napapansin niya na hindi na rin ako sumusunod sa mga patakaran ni Daddy?
Inalala ko si Kuya Hezekiah. He’s quiet and always standing a few paces behind my father, blending into the background like a shadow. Laging seryoso ang mukha, bihirang ngumiti, at parang laging binabantayan ang bawat galaw ng paligid.
Ni minsan, hindi ko ’yon nakakausap dahil palagi naman siyang kasama ni Daddy. At hindi naman siya tumutuloy sa bahay namin dahil tuwing matatapos ang duty niya ay diretso rin siyang umuuwi sa sarili bahay, I don’t know if he’s staying with his family or kung kasal na ba siya o may mga anak na naghihintay sa kaniya.
I have no idea with his background, just like the rest of my father’s security detail.
“I-I’m s-sorry po, Dad—”
Hindi natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. He buried his face on my neck and cried silently. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang mga balikat at ang pagbasa ng mga luha niya sa balat ko.
“Don’t leave me, anak. Patawarin mo si Daddy. Patawarin mo ako…”
Paulit-ulit niyang bulong habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin.
I wanted to cry and hugged him back, pero hindi pa bumabalik ang lakas ko simula nang uminom ako ng simula nang uminom ako ng Zonrox…
Daddy stayed for one week, siya ang nag-alaga sa akin sa ospital. He immediately consulted a psychiatrist for me to start proper mental health recovery as soon as I got out from this hospital.
Nakakausap ko na rin si Daddy nang maayos, pero madalas ay yumuyuko ako at hindi siya matingnan dahil sa hiya at bigat ng mga nangyari.
I have been nothing but a disappointment to him for as long as I can remember, and looking straight into his eyes felt like reading a harsh reminder of every expectation I failed to meet…
Dad noticed that I was being distant, but he didn’t say a word.
“Papasamahan kita kay Hezekiah, anak…” imporma niya habang pinapanood akong kumain ng prutas.
“Pero baka po kailangan niyo siya, Dad—”
Umiling siya at pinutol ako. “You need him more than I do, isa pa, marami pa akong bodyguard.”
Dahan-dahan akong tumango. I knew then that he’s here, somewhere outside the room or keeping watch from afar, but I haven’t seen him.
“He’ll be your driver, and he’ll be guarding you 24/7,” anunsyo pa niya, seryoso ang mukha pero may bahid ng pag-iingat sa bawat salita. “Wala akong ibang pagkakatiwalaan para mag-bantay sa iyo rito kundi siya.”
“Pero Dad? What about his home? His family?”
“Nasa States ang pamilya niya. He’s a mature man and he knows what he’s doing, Nikki.” he assured me. “I’m even surprised that he’s not settling down at his age,” he chuckled.
Nabitin sa ere ang grape na kakainin ko na sana.
“Ilang… taon na po ba siya?”
“He’s twenty-six, anak. I guess he’s still enjoying his youth and freedom, unlike other guys his age who are already tied down with responsibilities,” sagot niya habang bahagyang inaayos ang kwelyo ng polo shirt niya.
Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.
“He doesn’t have a girlfriend?” tanong ko ulit.
“I never heard from him that he has one,” ngiti niya sa akin bago tuluyang isinuot ang suot niyang wristwatch. “Ewan ko ba sa lalaking iyon, masyadong seryoso sa buhay at parang walang balak mag-asawa. Pero ewan ko lang… baka naman sadyang naghihintay lang ng tamang pagkakataon. O kaya naman, may hinihintay lang talaga.”
“He’s… scary.” pag-amin ko sa kaniya sa mahinang boses.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Dad. A wide smile slowly broke across my father’s face, a rare, lighthearted expression that reached all the way to his eyes.
“Scary?” natatawang ulit ni Dad, naiiling habang tuluyang isinabit ang jacket sa kaniyang braso.
I nodded my head.
“Masipag ’yon, Nikki. He’s fiercely loyal, too. He’s the best bodyguard I could ever ask for, and more importantly, a good man,” he praised, ang kaniyang mga mata ay tila nagbabalik-tanaw sa mga araw na binabantayan siya nito.
“Ngumuso ako. “Nakakatakot lang siguro ’yung presence niya, at… para siyang walang emosyon kung tumingin. Parang kahit anong oras eh pwede siyang pumatay ng tao nang walang pag-aalinlangan.”
Natawa si Dad nang mahina sa sinabi ko, tila ba natutuwa pa siya sa naging impresyon ko sa lalaki.
“Kaya nga epektibo siyang bodyguard, anak,” he hummed then snapped his fingers. “He wanted to be an army, I don’t know why he ended up taking this path instead, but looking back, I guess it’s a good thing he’s here with us.”
“Bakit hindi po natuloy?”
“Well, life takes us to unexpected places, Nikki,” sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.
“Matulog ka na, aalis na ako mamayang gabi…” lumungkot ang hitsura ni Daddy habang pinagmamasdan niya ako. “Hezekiah will be here with you, he’s going to take care of you on my behalf, anak. Trust him, okay?”
Huli niyang bilin iyon bago tuluyang naglakad patungo sa pintuan at tuluyang lumabas, iniwan akong muli sa tahimik na silid.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinila ng antok kaya nakatulog ako.
Nang magising ako ay nagulat ako nang… nasa loob na ng silid ko si Kuya Hezekiah. He’s wearing a black shirt that hugs his muscular body, accentuating the broadness of his shoulders and the rigid posture of a man always ready for a threat.
Nakatayo siya malapit sa bintana, tahimik na nakatanaw sa labas habang hawak ang isang tasa ng kape na umuusok pa ang init.
Parang lumaktaw ang tibok ng puso ko. Agad akong napabalikwas ng bangon, ang mga kamay ay kumapit sa side rail ng hospital bed.
Dahil sa galaw ko ay napalingon siya sa akin—I didn’t even make a noise—ngunit mabilis pa sa kidlat ang reaksiyon niya. Tila may built-in radar ang katawan ng isang taong sinanay sa panganib, dahil bago ko pa man tuluyang mailatag ang mga paa ko sa malamig na sahig, nakatutok na sa akin ang matatalim at seryoso niyang mga mata.
“U-Uh…” I swallowed hard. Tinuro ko ang banyo kaya mabilis niya ’yon tiningnan dahil agad din niyang ibinalik sa akin ang kaniyang mga mata.
“I’ll use the washroom…” paalam ko sa kaniya bago ako ngumiti ng tipid.
Bahagya siyang tumango, ang kaniyang makakapal na kilay ay naglapat nang kaunti habang sinusuri ang bawat galaw ko, tinitiyak na hindi ako matutumba sa pagtayo.
“May gusto ka bang kainin?” tanong niya. The deepness of his voice seemed to vibrate slightly in the room.
Umiling ako nang bahagya. “Wala pa naman, Kuya. Tubig lang muna siguro,” sagot ko.
“Okay.”
Paglabas ko galing banyo, naabutan ko siyang nakatayo na malapit sa maliit na mesa. Hawak niya ang isang basong tubig na mukhang kinuha niya pa mula sa lalagyan sa gilid. Iniabot niya ito sa akin nang walang imik, ang mga mata ay seryoso ngunit hindi mapanuri.
“Salamat po,” mahinang sambit ko habang iniabot ang baso.
Habang umiinom ako, hindi ko maiwasang mapansin ang bawat kilos niya. Tahimik at kalkulado. Walang bawas, walang labis. Kakaiba siya kumpara sa ibang mga taong nakapaligid kay Daddy.
“Gusto mo bang magpahinga na ulit?” tanong niya nang maibalik ko sa kaniya ang baso.
“Opo, Kuya,” sagot ko habang dahan-dahang naglalakad pabalik sa higaan.
Nagkatinginan ulit kaming dalawa nang makahiga na ako at sa saglit na pagtama ng mga mata namin, may kakaibang awkwardness na bumalot sa tahimik na silid. Agad kong iniwas ang tingin ko, pilit na pinapakalma ang sariling hininga habang nakayuko.
“Matulog ka na,” kalmadong utos niya bago dahan-dahang tumalikod at naglakad patungo sa couch ng hospital suite.

