loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Sa Loob Ng Tahanan

Sa Loob Ng Tahanan

curiousasfck · 3 chapters · 1,720 words

WARNING

WARNING!

WARNING!

WARNING!

This contains erotic stories of men with topic about incest, lust, and love that may not be suitable for young readers. If you find this story offensive or taboo, LEAVE IMMEDIATELY! Ang mababasang istorya ay mayroong sensitibong tema at mga larawan, puro kalibugan lang. This story may contain content of an adult nature. Intended for mature audiences and contains graphic violence, explicit sexual activity and disturbing imagery. Reader discretion is advised.

UMALIS ka na dahil mayroon itong temang incest at rape. Kung hindi mo gusto, UMALIS KA.

Sa Loob Ng Tahanan

Ako nga pala si
Jose
.

Tatlumpu’t pitong taong gulang. Isang high school teacher sa isang pribadong paaralan. Hindi katangkaran—5’6 lang ang taas. Kahit may edad na, maayos pa rin ang pangangatawan ko dahil sa pagtakbo at paminsan-minsang pagbubuhat. Medyo balingkinitan at may bahagyang singkit na mga mata na minana ko sa Chinese kong lolo.

Maaga akong naging ama.

Labimpito pa lang ako nang makabuntis ng kaklase dahil sa isang gabing nilunod namin sa alak ang pagiging bata. Pagkatapos niyang manganak, umalis siya ng bansa at iniwan kaming mag-ama.

Ako ang nagpalaki sa anak kong si Jaja.

Ngayon, may asawa na siya. Kay bilis ngang lumipas ng panahon.

Akala ng lahat, iyon na ang buong kuwento ng buhay ko.

Hindi nila alam… may isang katotohanang matagal ko nang ikinukubli.

Bakla ako.

Silahis para sa iba.

Bata pa lang ako, alam ko na iyon. Kaya matapos akong maging ama, hindi na ako naghanap ng mapapangasawa para mabuo ang pamilya ko. Mas pinili kong itago ang tunay kong sarili kaysa sirain ang mundong pilit kong binuo.

At akala ko, habang buhay ko na iyong madadala sa hukay.

Nagkamali ako.

Chapter 1

SA LOOB NG TAHANAN

Chapter 1

Tahimik ang bahay.

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang bakanteng master bedroom. Kagabi ko pa nilinis ‘to, nailipat ko na rin ang mga gamit ko sa dating kuwarto ni Jaja.

Narinig ko ang katok sa pinto.

Tatlong beses.

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang bigat ang pakiramdam ko habang papalapit ako roon. Siguro dahil sa oras na buksan ko ito magbabago na ang buhay namin. Hindi na katulad ng dati na kaming dalawa lang mag-ama.

Pagbukas ko ng pinto, hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap.

“Papa!”

Napangiti ako.

Sa isang iglap, bumalik sa alaala ko ang batang babae na dati kong sinusukbit sa bisig habang umiiyak sa gabi. Ang batang inalagaan ko mag-isa. Ang batang dahilan kung bakit ako nagsumikap kahit ilang beses akong nadapa.

“Ang dami naming dala!” masayang ipinakita ni Jaja ang hawak na karton.

“Halika, dito ninyo muna ilagay.”

Si Jaja ang unang pumasok. Nakangiti, puno ng sigla, parang dati pa ring batang sabik magkuwento pagkagaling sa eskuwela.

Kasunod niya si Dom… ang asawa niya.

Isang malaking backpack ang nakasabit sa balikat niya. Ang isang kamay ay hila-hila ang isang malaking maleta.

“Long time no see, sir,” bati niya.

Tinanguan ko siya.

“Kamusta ang biyahe?”

“Okay naman po. Medyo pagod lang, pero sulit naman,” sagot niya.

Bali, Indonesia ang pinuntahan nila para sa honeymoon nila. Ilang beses ko namang sinabi kay Jaja na marami ring magagandang lugar dito sa Pilipinas. Mas makakatipid pa sila.

Pero kilala ko ang anak ko.

Kapag may gusto siya, mahirap siyang pigilan.

At bilang ama niya, hindi ko kayang tumayo sa harap ng kanyang kaligayahan at sabihing mali iyon.

Kahit sa totoo lang ay tutol ako sa pagpapakasal nilang dalawa. Anim na buwan pa lang silang mag-nobyo pero nagdesisyon na agad silang magpakasal. Ganito ba talaga mga Kabataan ngayon? Basta-basta na lang nagdedesisyon.

Hindi ko naman sinasabing masamang tao si Dom.

Sa katunayan, mabait siya. Palangiti, palabati, at marunong makisama. Kapag may kailangan akong ipagawa, tumutulong naman siya.

Pero bilang ama, hindi ko mapigilan ang mag-alala.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita ko siya, parang may kung anong bumibigat sa dibdib ko.

Wala rin akong makitang dahilan para humanga sa kanya. Hindi ko alam kung judgemental lang ba talaga ako.

Kaya naman naging kasunduan namin ni Jaja na dito sila sa bahay maninirahan habang hindi pa sila settle mag-asawa. Lalo pa wala namang trabaho si Dom at si Jaja ang gumagastos ng lahat.

Base sa kuwento ni Jaja, kung anu-anong raket ang pinapasok ni Dom, pero hindi nagtatagal. Kesyo mahirap ang boss. Kesyo mababa ang sahod. Kesyo hindi niya gusto ang sistema.

Laging may dahilan.

Samantalang ang anak ko…

Manager na sa edad na bente singko.

Madalas siyang umuwi nang gabi dahil sa overtime, pero hindi ko narinig na nagreklamo.

Minsan iniisip ko… ano kayang gayuma ang pinaamoy ni Dom sa anak ko? O sadyang may nakikita lang talaga si Jaja na di ko nakikita.

“Dom, baka gusto mong tulungan ako bukas sa ilang ayusin dito sa bahay,” sabi ko habang nagtitimpla ng kape para sa kanila.

“Oo naman po, sir. Kahit ano pa po.”

Ngumiti siya.

Pero hindi ko alam kung bakit parang may kung anong hindi ko mabasa sa ngiting iyon.

“Salamat po sa pagtanggap sa amin dito,” dagdag niya.

“Walang anuman,” sagot ko.

Pinagmasdan ko si Dom kung paano niya tulungan maglabas ng mga gamit si Jaja.

Matangkad siya, mas malaki ang pangangatawan kumpara sa akin, at halatang inaalagaan ang sarili. Malapad ang balikat, matipuno ang katawan, at may kumpiyansang dala ang bawat kilos. May ilang tattoo sa kanyang mga braso na lalo pang nagbibigay sa kanya ng kakaibang dating.

Hunk kung titingnan, at alam kong maraming babae ang mapapatingin sa kanya kapag naglalakad siya sa labas.

Pero higit sa itsura niya, ang napapansin ko ay kung paano siya ngumiti. Parang laging may kahulugan. Parang laging may tinatago…

Pero hindi lang naman siya ang may tinatago.

Ako rin.

Bakla ako.

Walang ibang nakakaalam. Walang kaibigan. Walang pamilya. Kahit ang sarili kong anak, wala siyang ideya.

At sisiguraduhin kong mananatili iyong ganoon.

Labimpitong taong gulang lang ako nang mabuntis ko ang nanay ni Jaja.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung tatawagin ba iyong pagkakamali, kapalpakan, o kapalaran.

Pareho kaming estudyante noon. Isang gabing puno ng alak, ingay, at maling desisyon ang naging dahilan ng lahat. Hindi ko siya minahal, at alam kong hindi rin niya ako minahal kailanman. Pareho lang kaming nadala ng sitwasyon.

Makalipas ang ilang buwan, sinabi niyang buntis siya.

Natakot ako.

Hindi dahil magiging ama ako.

Kundi dahil alam kong hindi ako ang lalaking inaakala ng lahat.

Matagal ko nang alam ang totoo tungkol sa sarili ko. Bata pa lang ako, alam kong iba ako. Habang ang mga kaibigan ko ay kinikilig sa mga babaeng artista, ako nama’y tahimik na humahanga sa mga lalaking bida sa pelikula. Pero itinago ko iyon. Pinilit kong ibaon sa pinakamadilim na parte ng pagkatao ko.

Akala ko, kapag nagkaroon ako ng girlfriend, mawawala iyon.

Akala ko, kapag may nabuntis ako, magiging “normal” na ako.

Nagkamali ako.

Nang ipanganak si Jaja, hindi man lang siya tiningnan ng nanay niya nang matagal.

“Ikaw na ang bahala diyan,” malamig niyang sabi habang iniaabot sa akin ang maliit na sanggol na balot ng kumot.

“Ayaw kong maging nanay.”

Iyon ang huli naming pag-uusap.

Umalis siya.

Hindi na lumingon.

Hindi na nagpakita.

Hindi na nagtanong kung buhay pa ba ang anak namin.

At ako…

Isang disiotso anyos na walang trabaho, walang ipon, at walang ideya kung paano magpalaki ng bata.

Pero hindi ko siya iniwan.

Ako ang nagpalit ng lampin niya.

Ako ang nagpuyat kapag nilalagnat siya.

Ako ang unang salitang sinabi niyang “Papa.”

Ako ang naging nanay at tatay niya.

Simula noon, unti-unti kong kinalimutan ang sarili ko.

Tinapon ko ang mga pangarap kong maintindihan kung sino ba talaga ako. Tinakpan ko ang bawat emosyon na maaaring magbunyag ng sikreto ko.

Pinilit kong maging lalaki.

Araw-araw kong isinusuot ang maskarang iyon hanggang sa hindi ko na alam kung alin ang totoo—ang taong ipinapakita ko, o ang taong pilit kong ikinukulong.

Lumipas ang maraming taon.

Ngayon, tatlumpu’t pitong taong gulang na ako.

Isa akong high school teacher sa isang kilalang private school sa Maynila.

Disiplina ang pangunahing dahilan kung bakit ako nirerespeto ng mga estudyante. Mahigpit ako sa klase. Hindi ako palabiro. Hindi ako mahilig makipagkuwentuhan sa faculty. Pagkatapos ng klase, uuwi agad ako.

Simple lang ang buhay ko.

Bahay.

Eskuwela.

Si Jaja.

Paulit-ulit.

At sapat na iyon para sa akin.

O iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Hindi ko alam…

Hindi na ako naghanap ng mamahalin.

Matagal ko nang isinara ang pinto ng puso ko. Hindi dahil wala nang kayang magpatibok nito, kundi dahil alam kong wala akong karapatang maghangad ng buhay na gusto ko.

May anak akong kailangang unahin.

May reputasyon akong kailangang ingatan.

At may lihim akong hindi puwedeng mabunyag.

Pero hindi naman ako hipokrito.

Tao lang din ako.

May mga gabing nangungulila. May mga pagkakataong gusto kong may yumakap sa akin, may humawak sa kamay ko, o kahit may makausap lang na hindi ko kailangang magsinungaling tungkol sa kung sino ako.

Kaya minsan…

Palihim akong nakikipagkita sa ibang lalaki. Nagha-hire ako ng callboy na nahahanap ko sa internet.

Magkikita kami sa lugar na walang nakakakilala sa amin, magpapanggap na mga estranghero, at pagkatapos ng ilang oras, magkakanya-kanya na ulit ng buhay.

Pagkatapos noon, uuwi ako na parang walang nangyari.

Babalik ako sa pagiging responsableng ama ni Jaja.

Babalik ako sa pagiging istriktong high school teacher na nirerespeto ng mga estudyante at kasamahan sa trabaho.

Parang dalawang magkaibang tao ang nabubuhay sa loob ko.

Isa ang lalaking ipinapakita ko sa mundo.

At isa ang totoong ako, na nabubuhay lang kapag walang nakakakita.

Hindi ako ipinagmamalaki ng bahaging iyon ng buhay ko.

Pero iyon ang tanging paraan na alam kong maibsan ang matagal nang pag-iisa.

Dahil kahit gaano ko piliting kalimutan ang tunay kong pagkatao…

Hindi naman nawawala ang mga pangangailangan, damdamin, at pagnanais ng isang tao.

At iyon…

Ang pinakamalaki kong sikreto.

Isang sikretong kayang sirain ang lahat ng pinaghirapan kong buuin para sa akin at para kay Jaja.

Hindi ko kailangan ng pag-ibig.

Hindi ko kailangan ng relasyon.

Hindi ko kailangang maging masaya sa paraang gusto ng puso ko.

Dahil ang pinakamahalaga…

Ay ang hindi malaman ng anak ko kung sino talaga ang ama niya.

Dahil natatakot akong kapag nalaman niya ang totoo…

Baka mawala rin siya sa akin.

At hindi ko kakayanin iyon.

Akala ko, habang-buhay kong maitatago ang lihim na iyon.

Akala ko, kontrolado ko ang lahat.

Akala ko lang pala.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.