
Sa Ngalan ng Pamilya: Ang Bagong Pamilya ni Papa Book 2
Matapos ang matagumpay na karera bilang modelo sa Thailand, isang dahilan lamang ang nag-uwi kay Justin sa Pilipinas-ang tulungan ang lalaking itinuri…Matapos ang matagumpay na karera bilang modelo sa Thailand, isang dahilan lamang ang nag-uwi kay Justin sa Pilipinas-ang tulungan ang lalaking itinuring niyang ama. Si Ignacio. Ngunit ang inaakala niyang simpleng pagbabalik ay nauwi sa isang bangungot ng mga lihim, kasinungalingan, at pamilyang unti-unting nagkakawatak-watak. Nariyan ang nalalapit na kasal ni Yvo kay Jessica na tila may itinatagong katotohanan. Ang biglaang pagiging ama ng kuya niyang si Kenneth. Ang misteryosong pagkawala ni Francis. At ang lumalalang karamdaman ng kanyang Tita Maris na nagbabantang tuluyang wasakin ang kanilang pamilya. Ngunit sa lahat ng bumalik sa kanyang buhay... Pinakadelikado ang muling paglitaw ng kanyang amang si Ricardo. Ang lalaking minsang nagpasiklab ng pagnanais na pilit niyang ibinaon sa limot. Ang lalaking kayang guluhin ang isip, katawan, at puso niya sa iisang tingin lamang. Habang papalalim ang mga lihim at papalapit ang panganib, napagtanto ni Justin na hindi sapat ang pagmamahal upang mailigtas ang kanyang pamilya. Kailangan niya ng pera. Kapangyarihan. At kung kinakailangan... ang sariling katawan. Akala niya'y tuluyan na niyang iniwan ang madilim na mundong minsang nilakaran niya. Ngunit kung ang kanyang katawan at angking mukha ang magiging sandata upang ilantad ang mga taong sumira sa kanyang pamilya, handa siyang gamitin ito. Dahil sa pagkakataong ito, hindi na siya ang biktima. At sa ngalan ng pamilya... may mga kasalanang handa siyang akuin, mga pusong handa niyang wasakin, at mga taong sisiguraduhin niyang babagsak kasama niya.
If you enjoyed this story
You Might Also Like

A JOURNEY BEYOND DADDDY ( Roland And kerby story)
4 chapters
A Little More Like Him (University Trans Series #2)
1 chapter
A Little Secret
11 chapters
𝐀𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 (𝐌𝐲 𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 #𝟏)
12 chapters
Against Every Reason
14 chapters
Against Pitfall (Between Hues Series #4)
1 chapter
Against the Soft Pull (Desire Series #1) (Completed)
42 chapters
Ako at si Insan
2 chapters
Alas Dose
6 chapters

