Sexy and Dangerous (COMPLETED)
Marthacecilia Phr · 23 chapters · 30,491 words
Prologue
Maraming salamat guys / gals sa patuloy na pagsuporta. At bilang pasasalamat sa inyo ay susubukan naming mag-upload once a week ng isang story ni Ms. Martha. At habang naghihintay kayo ng update mula sa amin ay puwede n’yong basahin muna ang mga gawa ni Kuya_Jun (publisher ni Ms. Martha) suporta na rin natin sa kanya dahil pinahintulutan kami ni Kuya_Jun na ilagay dito sa wattpad ang mga gawa ni Ms. Martha. Kaya bilang pasasalamat sa kanya ay follow n’yo na lang si Kuya_Jun at basahin rin ang mga gawa n’ya. Maraming salamat, ang haba na pala ng message ko. Sorry guys / gals kung di namin kayo narereplayan sa mga messages at comments n’yo pero nababasa naman namin lahat ng comments n’yo kaya lalo kaming nagpupursige na makakuha ng mga files para mailagay dito at mabasa n’yo rin kaya wag kayong magsasawang i-share ang inyong mga opinyon, saloobin at ang inyong mga ninanais na mabasa. Enjoy reading. - Admin A. :)**
M adilim ang panahon at umaambon-ambon, tulad din ng damdamin niya habang pinagmamasdan ang dalawang puntod.
"Alam kong paborito ninyo ang mga tulips, kaya dinalhan ko kayo." Lumuhod siya sa damuhan upang ilapag ang mga bulaklak. Natuon ang mga mata niya sa lapidang nasa kanan.
"You are so foolish to have done what you did!" Puno ng hinanakit ang tinig niya. Pagkuwan ay nilinga ang kabilang puntod sa kaliwa. Gentle fingers touched the tombstone.
"I miss you... so much." Masuyo niyang hinaplos ang pangalan sa lapida at pagkatapos ay kumuha ng isa sa mga bulaklak at naglagay sa ibabaw niyon. "Life had never been the same without you." He sobbed. Then he paused for a moment, pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Tuluyan siyang napahagulhol, puno ng hinagpis, sumasanib sa ihip ng hangin ang panaghoy niya... ang paghihirap ng damdamin.
May ilang sandaling nanatili siya sa ganoong kalagayan bago hinamig ang sarili. Itinuwid ang sarili. Gone were the tears. Ang humalili ay poot at pagkasuklam.
Pagkuwan ay tumingala at isinigaw sa langit. "Pagbabayarin ko ang lalaking may kagagawan ng kamatayan ninyo!"
1
I sang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni P01 Samantha Gonzales. Pinunasan ng puting bimpo ang pinagpawisang ilong. Init na init siya. Not to mention that she was bored to death.
Bago naging pulis ay nagtrabaho muna siya bilang bodyguard sa isang private agency. Subalit sa ilang kasong nahawakan niya ay hindi man lang siya nasabak sa anumang aksiyon. Wala man lang nagkatotoo sa mga threats ng mga clients niya. Kaya wala pang isang buwan ay siya na mismo ang tumapos sa kontrata niya sa huling kliyente. At naisip niyang pasukin na ang pagpupulis—which was really the main reason why she took up Criminology.
But where was she now? Dalawang buwan na siyang nakadestino sa traffic department. Nagbabantay sa loob ng patrol car sa bawat sasakyang lalabag sa batas-trapiko. Buong pagkadismayang napaungol si Samantha. Hindi ganoong uri ng trabaho ang nasa isipan niya nang pasukin ang pagpupulis.
She wanted action. Suspense. Thrill. Hindi tulad niyon na nanlalagkit siya sa pawis at panay lang ang linis sa kanyang baril na ni minsan ay hindi man lang niya nagamit.
Bata pa lang si Samantha ay pinangarap na niyang maging isang pulis—where all the action she thought was. At nang maging pulis ay inisip niya na ang buhay niya ay magiging tulad niyong isa sa mga cop TV series na sinusubaybayan niya—ang
NYPD Blue. Iyong nakikipaghabulan sa mga kriminal at nakikipagbakbakan.
Ngunit magsi-season finale na ang series na pinapanood ay nananatili lang siyang nagbabantay ng mga traffic violators. At kapag hindi siya nakatagal sa boredom, malamang na papasukin niya ang pagsusundalo at magpapadala sa Mindanao.
Again, Samantha blew out a long sigh. Kumintab na ang baril niya dahil kanina pa niya iyon kinikiskis ng bimpo mula nang dumating sila sa intersection na iyon malapit sa monumento ni Andres Bonifacio. Mabuti pa si Bonifacio, naging makabuluhan ang buhay. Namatay nang dahil sa bayan. That was exactly what she wanted.
Sinipat niya ang baril. "Wish ko lang, Art, mapaputok ko ang baril na ito," wika niya sa partner na nasa driver's seat.
Si Art na nakatuon ang tingin sa mga sasakyang nagsasalimbayan sa kalye ay napalingon sa kanya. Pagkuwan ay ngumisi ito. "Ako rin," sagot nito sa sinabi niya. "Matagal-tagal ko na ring hindi napapaputok itong—" He placed his one hand on her thigh. "—baril ko."
Agad na umangat ang kilay niya. "Ganoon ba?" She smiled sweetly, too sweetly. "Nangangati na nga ang kamay ko na paputukin 'to, eh..." Itinutok niya ang baril sa sentido nito. "Subukan ko kaya sa iyo, ano sa tingin mo?"
Mabilis namang binawi ni Art ang kamay, itinaas sa ere. "Pards naman, hindi ka na mabiro."
Isang irap ang ginawa niya rito at ibinalik ang baril sa holster. Kailanman ay hindi siya nasanay sa ganoong uri ng attempt nito—at dapat ay alam na nito iyon. Matagal na silang partners. Bagaman binata si Art at magandang lalaki rin naman, hindi niya ito type.
Maraming beses na niya itong binigo sa panliligaw nito sa kanya pero paminsan-minsan ay patuloy pa rin ito sa pagpapahiwatig sa kanya. Gayundin ang kalahati ng male population sa presinto—maging ang mga may asawa na ay hindi maawat sa pagpapalipad-hangin sa kanya.
Pero hindi pinapatulan ni Samantha ang mga iyon, ni palawakin ang pagnanais ng mga itong madala siya sa... doon sa lugar na pulos salamin. Hindi na mabilang ang mga sinikmuraan niyang kasamahan sa trabaho dahil sa kunwa ay walang malisyang paakbay-akbay... pakabig-kabig.
Kaya nga "Pareng Sam" ang naging tawag sa kanya sa departamento. She was dark, tall and sexy. Sexy dahil maganda raw ang likurang bahagi ng katawan niya. Dapat daw ay nag-artista siya o hindi kaya ay model dahil mas bagay siya sa ganoong opisyo kaysa sa maging pulis. In the end, nang hindi umobra sa kanya ang overtures ng mga ito ay inakusahan naman siyang may pusong-lalaki. Tibo.
Wala siyang pakialam kung ano man ang itawag sa kanya ng mga kasamahang pulis. Hindi pa lang talaga dumarating ang lalaking magpapatibok sa puso niya.
"Puwede ba, Art, kapag ganitong bored na bored na ako baka—" Natigilan siya sa sinasabi nang may magsalita sa two-way radio. Itinodo niya kaagad ang volume.
Ang mensahe ay para sa mga pulis na nakadestino sa ibang lugar—sa may bandang Valenzuela. May nagaganap na holdup sa isang gasolinahan doon. At sa balitang iyon ay agad na naiba ang mood ni Samantha.
"Narinig mo iyon?" She was smiling from ear to ear.
"Paano ko hindi maririnig, eh, nakatodo nang husto 'yang volume?" dismayadong sabi nito.
"Wala pang five minutes ang BBB mula rito." Isinara niya ang pinto ng sasakyan. "Buhayin mo ang makina, dali!" utos niya.
"Hindi ko gusto iyang iniisip mo, Sam..." protesta ni Art.
Inabot niya ang susi na nakabitin sa ignition hole at siya na mismo ang nag-start ng makina. "May nagaganap na nakawan sa Valenzuela, Art. Dito, wala."
"Pero hindi natin teritoryo iyon."
"Alam ko." Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Patatakbuhin mo ba ito o ano?"
"This is crazy, Sam. Mayayari tayo kay Boss-Chief." Iyon ang eksaheradong tawag nila sa kanilang hepe. "We're not suppose to leave our post."
Sinikap niyang abutin ang pinto sa side nito at binuksan iyon. "O sige, maiwan ka rito. Maduling ka sa kababantay sa mga sasakyan at tutulungan ko ang kabilang unit."
Wala itong naitugon, nakatitig lang sa kanya.
"Ano ba?" singhal niya. She didn't want to miss the action.
Tila naman napasailalim sa hipnotismo niya si Art, isinara nitong muli ang pintong binuksan niya at masunuring pinaandar ang sasakyan. She grinned silently, alam niyang sa bandang huli ay susunod din ito sa kanya.
"Mali ito, Sam..." napapailing na sabi na lang nito. "Todas tayo kay Boss-Chief."
Napatuwid siya sa pagkakaupo. "Ako ang bahala sa iyo. Sagot kita kay Boss-Chief," kampante niyang tugon. "At bilisan mo."
Ilang sandali pa ay humahagibis na sila patungo sa pinangyayarihan ng holdup. Nanatiling nakatutok sa two-way radio ang buong atensiyon ni Samantha. Ayon doon ay nakalabas na ang lalaking nang-holdup sa gasolinahan. Adrenaline pumped her blood. Kulang na lang ay tulungan niya si Art na apakan ang selinyador.
"Art, lumiko ka pakaliwa sa kanto! Diyan daw tumakas 'yong lalaki!"
Mabilis na kinabig ni Art ang manibela. "Woow—shit!" bulalas nito nang sa eksaktong pagliko nila ay may tao silang tutumbukin. Tumatakbo ito. Natapakan na ni Art ang preno ngunit dahil nakalingon sa pinanggalingan ang lalaki ay hindi nito naiwasan ang sasakyan nila. Bumalandra ito sa hood ng sasakyan at tumama ang mukha sa windscreen.
Gayundin si Art na nasubsob naman sa bigla nitong pagpreno. Halos maghalikan ang dalawa sa nakapagitang salamin ng patrol car.
Nanlalaki ang mga matang napalingon sa kanya si Art. "N-nakabunggo tayo..." Nanginginig ang tinig nito.
Ngunit nag-angat ng mukha ang lalaki sa ibabaw ng hood. Buhay pa ito! At gayon na lang ang pagkagulat sa anyo nito nang parehong magtama ang kanilang mga paningin. Mabilis itong napatindig at doon nila nakitang may hawak itong baril. At sa isang kamay ay clutch bag na namumukol dahil sa laman. Agad na tumakbo ito palayo.
"Iyon mismo ang holdaper!" sigaw ni Samantha. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan upang habulin ang lalaki. Kasunod niya agad si Art.
Napangiti siya nang makita ang kondisyon ng lalaki. Hindi na ito halos makatakbo nang mabilis, tiyak niyang nasaktan ang isang binti nito mula sa pagkakabundol. At walang duda na mahahabol niya ito. Lihim na nagdiwang ang kalooban niya.
Finally, the big moment she had been waiting for. Tiyak niyang pagkatapos ng lahat ng iyon ay malalagay siya sa magandang assignment.
Inihanda ni Samantha ang baril nang mga ilang metro na lang ang layo niya sa lalaki. Gayundin si Art sa kanyang likuran.
"Freeze!" Halos um-echo ang tinig niya sa buong lugar sa lakas ng pagkakasigaw niya, feeling niya ay siya si Clarice Starling sa
Hannibal . She could imagine Art rolling his eyes.
Napahinto sa pagtakbo ang lalaki. Hindi niya maitago ang ngiti. Now she felt like a real cop. Sandaling napasulyap siya sa partner. She saw Art rolled his eyes in a mixture of dismay and amusement. Gayunpaman ay kinindatan niya ito. Mahahalikan niya ito sa sandaling maposasan niya ang lalaki.
Ibinalik ni Samantha ang pansin sa holdaper. "Put your hands in the air..." Tuwang-tuwa siya sa sarili. "And drop your gun!"
Naintindihan naman ng lalaki ang gusto niyang mangyari. Inihagis nito sa lupa ang baril at itinaas ang mga kamay sa ere.
"Good," dagdag pa niya. Humakbang siya palapit dito, ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa baril at nakatutok dito habang ang isa naman ay inihahanda ang posas. She was now a foot away from the man. "You have the right to remain—" Hindi niya natapos ang sinasabi, a voice roared from her left.
"Gonzales! Jimenez! Ano'ng ginagawa n'yo rito?!"
She turned around. Napangisi lang siya sa mga kakilalang pulis na naka-assign sa lugar na iyon. "Actually, napadaan lang ka—"
"Sam!" sigaw-babala ni Art.
Mabilis ang naging pangyayari. Siniko siya sa dibdib ng lalaki at agad nitong nakuha ang kanyang baril. The next thing she knew ay nang paluhod siyang bumagsak sa lupa. Halos mapugto ang hininga niya sa sakit ng dibdib.
Ouch! tahimik na hiyaw ni Samantha, sabay ngiwi. Mabilis na tumakas ang holdaper. Agad naman itong hinabol ng mga pulis.
"Sam, ayos ka lang ba?" Tinulungan siya ni Art na makatayo pero tinabig niya ito.
"I'm fine!" Tutop ang dibdib na tumayo siya. If there was one thing she hated most, iyong nasasaktan siya. Pagbabayarin niya ang lalaking iyon. "Akin na ang baril mo!" Hinablot niya ang baril ni Art at patakbong sinundan ang lalaki.
"Sam!"
Hindi hingal kundi galit ang nadama ni Samantha habang tumatakbo. Natanaw niyang pumasok ang lalaki sa wet market. Sumunod doon ang dalawang pulis. Lumiko siya pakanan upang salubungin sa kabilang direksiyon ang holdaper. Narinig na niya na nagkaingay ang mga tao.
Then she saw him, hawak ang baril niya kaya nagtitilian ang mga tao. Napahinto sa paghabol ang dalawang pulis dahil nakisiksik ang holdaper sa mga tao. Ngunit nakita ni Samantha na hindi na nito kaya pang makatakbo dahil sa pagkakapinsala ng isang binti nito.
Sa desperasyon ng holdaper, humila ito ng sibilyan, isang dalagita. Nagsigawan ang mga tao.
Hinawi ni Samantha ang mga tao upang bigyan siya ng daan. Umiiyak ang dalagita at tinatawag ang ina. Sa sentido nito itinutok ng holdaper ang baril. Nakaposisyon na rin ang mga pulis.
Ngunit siya ay gustong lamukusin ang mukha ng lalaki sa sakit pa ring nararamdaman niya sa dibdib. Pakiramdam niya ay tagos hanggang buto iyon. Maingat siyang lumapit mula sa likuran nito. Subalit ang isang pulis ay nilingon siya at sapat iyon upang lumingon din ang holdaper. Mabilis itong umatras sa tagiliran. Idinikit nang todo sa sentido ng hostage ang baril.
That didn't stop her from walking toward him. "Hoy, akin na ang baril ko!" galit niyang sigaw.
"Huwag kang lalapit!" babala nito nang ilang hakbang na lang ang layo niya mula rito. "Sabog ang bungo ng babaeng ito!" nanlilisik ang mga matang sigaw ng holdaper.
"Na para bang may pakialam ako," wika niya, nag-isang linya ang mga mata.
Natahimik ang lahat. Tila nabitin sa ere ang bawat hininga, maging ang paghikbi ng dalagita.
"Gonzales! Ano'ng ginagawa mo!" Isang pulis ang sumigaw sa kanya.
Walang naririnig si Samantha. Patuloy siya sa paglapit, nakatuon sa holdaper ang baril ni Art. Nakita niyang nalito ito nang hindi siya natakot. Biglang kinakitaan ng sindak ang lalaki. Inalis mula sa sentido ng hostage ang baril at binalya ito palayo. Agad na tumakbo ang teenager palayo rito. Sa nanginginig na kamay ay itinuon ng holdaper kay Samantha ang baril.
"Patay ka!" sigaw ng holdaper. He fired. Sumigaw ang mga nasa paligid.
Ngunit walang putok na narinig. Pagkagulat mula sa lahat ng naroroon ang maririnig sa paligid. Isang babae ang hinimatay... naging dalawa.
Of course, alam niyang walang bala ang baril niyang naagaw nito. Hindi siya boba na lalapit dito kung may bala iyon. Nang linisin niya ang baril kanina ay tinanggal niya ang mga bala. Nasa bulsa pa niya ang mga iyon at nawala sa isip na ibalik.
Pinanlakihan ng mga mata ang lalaki. Gulat at sindak ang nakaguhit sa mukha nito. Pinanginigan ito ng baba.
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang madibdiban? Puwes, ganito..." Ubod-lakas na tinuhod ni Samantha ang nasa pagitan ng mga hita nito.
Napahiyaw ito sa sakit. Maluha-luha nitong sinapo ang harapan at napaluhod.
"Oh, siyanga pala..." Ikinasa niya ang baril na hawak. "Hindi ko natapos ang pagbasa ng mga rights mo bilang mamamayan. You have the right to remain silent... blah-blah-blah—"
"Sam!"
Huli na sa pag-awat si Art. Napaputok na niya ang baril.
2
“Pero, Boss-Chief, bakit ako suspendido?” Hindi makapaniwalang napatayo si Samantha mula sa pagkakaupo at dumukwang sa mesa ng hepe.
"Narinig mo ang sinabi ko, Gonzales," wika ng hepe ng departamento nila. "At huwag mo akong sigawan. Suspendido ka! At tigilan mo ako sa katatawag ng Boss-Chief."
"But,
Chief… This is absurd, I deserve credit here.“ Hindi siya makapaniwala na matapos ang kanyang ginawa ay masususpende pa siya.
"Anong credit-credit ang pinagsasasabi mo?!" Iritable na ito. "Binaril mo 'yong lalaki!"
"Pero sa binti lang naman!" Hindi niya talaga mapigilang mapataas ang tinig. "Na dapat lang!"
"Gonzales!" Napatayo na rin ito, sabay pukpok ng kamao sa mesa. "Hindi mo ba ako naiintindihan? Police brutality ang ginawa mo. At isa pa, hindi ninyo lugar iyon, may unit na naka-assign doon!"
"But,
Chief. “ Kahit na naaasar ay talagang feel niyang lagyan ng accent ang pangalan nito. “Why don’t we look at the bright side? Nahuli natin ’yong holdaper na nang-hostage ng—”
"Look at the bright side?" singhal nito sa kanya, tutop ang noo. Kahit na maitim ang hepe ay hindi maitago ang pamumula nito sa galit sa kanya. "'Asan ang bright side, ha, Gonzales? Tatlong sasakyan ang nagsalpukan dahil iniwan n'yo ni Jimenez ang post ninyo. At hanggang ngayon ay traffic pa rin doon. At alam ng mga tao na police brutality iyong ginawa mo. Wala nang dahilan para lumaban 'yong holdaper pero binaril mo. Ngayon, saang side ang bright na pinagsasasabi mo?"
Samantha was speechless. She knew she was defeated. Alam din niyang mali siya pero kahit mabaril siya ay hindi niya aaminin iyon. Sa totoo lang, gusto lang niyang makaganti sa ginawang pandidibdib sa kanya ng holdaper.
Bumalik sa pagkakaupo ang hepe. "I've already made myself clear so I want you out of my office
now. That is, matapos mong i-surrender ang baril at tsapa mo.“
"Paano si Jimenez, Chief?" matamlay niyang sabi, naglaho ang accent, maliwanag pa sa sikat ng araw na jobless na siya. "Sinabi ko sa inyong ako ang may ideya ng lahat ng iyon."
"Very well, makababalik si Jimenez after four weeks."
"At ako?"
"After four months."
“MANONG, para lang diyan sa tabi ng manok,” wika ni Samantha sa tricycle driver. Binayaran niya ito at bumaba, sukbit-sukbit sa balikat ang duffel bag.
"Pareng Sam, inom ka muna!" salubong sa kanya ng mga kalalakihang nag-iinuman sa dinaanan niyang eskinita. Iyon din ang kadalasang tawag sa kanya ng mga tagaroon. Bukod sa alam ng mga ito kung anong trabaho mayroon siya, malimit din siyang lumabas na nakasuot-panlalaki, tulad ng suot niya ngayon—tight V-neck T-shirt and tattered denim jeans with matching baseball cap at nakapaloob doon ang mahabang buhok niya.
"Salamat na lang, mga pards, pero masyadong maaga pa para diyan." Hindi niya lubos-maisip kung paanong nagagawang almusalin ng mga ito ang alak at chicharon.
Sa barangay nila, walang hindi nakakakilala kay Samantha, dahil siya lang yata ang pulis sa lugar na iyon at babae pa. Isa pa, alam ng lahat na black belter ang tatay niya—na siyang dahilan kung bakit ilag ang kabinataan sa kanilang ligawan siya.
Martial arts instructor ang tatay niya sa gym sa Parañaque. At ito mismo ang nagturo sa kanya ng lahat ng nalalaman niya sa martial arts. At kahit na sino ang makakita sa tatay niya ay walang mag-aakalang cincuenta y tres na ito. Her father looked years younger. Makisig at may matipunong pangangatawan.
Hindi naman niya masisi ang tatay niya sa pagiging overprotective sa kanya. Nag-iisa siyang anak. Hindi naman nag-family planning ang mga magulang niya pero talagang hindi na siya nasundan.
At ang hilig niyang pagpupulis ay ipinagpilitan lang niya nang husto sa mga magulang.
"O, bakit ka umuwi?" tanong ni Aling Arsenia nang sa pagpasok niya sa bahay ay dumeretso siya sa kusina at humalik sa pisngi nito. Nag-aayos ito ng mga pinamili sa ref. Tila kararating lang din galing sa palengke.
"Suspendido ako, 'Nay. Apat na buwan." Inihagis ni Samantha ang clutch bag sa mahabang upuang yari sa kahoy na narra at uway.
"Aba'y matutuwa ang tatay mo niyan," sabi nito. "Alam mo naman ang tatay mo at ayaw na ayaw diyan sa trabaho mo."
Umikot ang mga mata niya pero hindi na iyon kinomentuhan. Kumuha ang nanay niya ng plato mula sa lagayan at inilagay sa mesa. "Nakabili ako ng kalamay sa palengke. Kumain ka." Inilabas nito mula sa ref ang kalamay na nakabalot sa dahon.
"Mamaya na, 'Nay. Magpapahinga lang ako sandali." Ibinagsak niya ang sarili sa mahabang upuan. Inabot ang throw pillow at iniunan.
"Hey, there, pussy..." wika niya sa pusang lumundag sa ibabaw ng kanyang tiyan. Hinimas-himas niya ang balahibo nito. At wala pang isang minuto ay tulog na siya.
3
HINDI man aminin, pinanlamigan ng katawan si Redentor Halandola habang tinititigan ang regalong tinanggap niya. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang sekretaryang si Rio, tulad niya ay naestatwa rin ito sa pagkakatayo at nasa mga mata ang panghihilakbot habang nakatitig sa hawak niya.
May nagpadala sa kanya ng patalim na pinaikutan ng itim na laso ang puluhan para sa kanyang kaarawan. Nakalagay iyon sa maliit na kahon na may naka-attach na card na may mensaheng:
“Gagamitin ko sa leeg mo ang patalim na ito, Halandola.”
Pangatlo na iyon sa death threat na natanggap ni Red. Nitong nakaraang linggo ay may nag-deliver ng korona ng patay sa bahay niya. Then just two days ago he received another call telling him the same message.
Hindi niya maintindihan ang dahilan ng mga death threats sa kanya. Wala naman siyang kagalit na tao.
Natinag siya sa kinatatayuan nang mag-ring ang telepono sa ibabaw ng kanyang mesa. Inangat niya iyon mula sa cradle.
"Hello."
"How do you like my gift?" ang nagiging pamilyar na tinig mula sa kabilang linya. "Happy birthday, Mr. Halandola. I want you to celebrate this day to the fullest. For this is going to be your last birthday."
"You son of a bitch, ano ang kailangan mo sa akin?" Nagagalit siya at hindi niya makuhang ikalma ang sarili.
"Sa sandaling ito'y malamang na alam mo na ang sagot—ang buhay mo, Halandola!"
"Damn you. Hindi mo ako kayang takutin!"
"And who ever gave you the idea na nananakot lang ako?" May babala sa tinig nito na sinundan ng halakhak.
"Go to hell!" Ibinagsak ni Red ang telepono sa lagayan niyon. He was more irritated than scared.
Ang sekretarya niyang si Rio ay tahimik na nakatingin sa kanya, nasa gayong posisyon pa rin. Sa mga kamay nito ay hawak pa rin ang mga nalanta nang tulips na inalis nito sa flower vase upang kinabukasan ay palitan uli ng sariwang bulaklak.
Kapag hindi siya nagsalita ay tiyak na mananatili ito sa pagkakaestatwa at malamang na manariwang muli ang mga tulips. "Don't mind me, Rio. Itapon mo na sa waste bin iyang mga bulaklak." Niyuko niya ang wristwatch, alas-seis y media na ng gabi. Katatapos lang ng importanteng sulat na idinikta niya sa sekretarya na kailangang mai-mail nito bukas ng umaga.
"Was it the same caller, Sir?" tanong ni Rio. Alam nito ang tungkol sa mga death threats niya sa nakalipas na ilang linggo.
Tumango siya at naglabas ng naiiritang hininga.
"Sir, baka kailangan nang iparating natin sa mga pulis ang tungkol sa mga death threats na iyan."
"Don't bother yourself about it, Rio. Wala lang magawa ang taong iyon." Binuksan niya ang drawer at kinuha roon ang susi ng kotse. "Ikaw na ang bahalang magsara ng opisina ko. May mahalagang appointment ako ng alas-ocho. And please, tawagan mo ang telephone company bukas ng umaga para magpakabit ng caller ID."
"Yes, Sir. And... happy birthday..." Ipinahabol ni Rio ang huling sinabi.
"Thank you, Rio." Dinampot ni Red ang attaché case na nasa credenza sa likuran niya at humakbang patungo sa pinto. His father died two years ago, sa isang vehicular accident. Mula noon ay siya na ang humaliling presidente ng Halandola Industries, isang malaking car dealer at may sangay sa iba't ibang lugar sa buong Luzon.
Ang mama niya ay sa Pampanga na naninirahan, with her new husband of four months. Bukod sa pagiging bise-presidente ng kompanya, ang mama rin niya ang nag-aasikaso sa branch ng Halandola Industries sa Pampanga.
Minana rin niya mula sa namayapang ama ang sekretarya niya. Sampung taong naglingkod si Rio sa papa niya. Wala itong asawa—na ewan niya kung bakit nanatiling dalaga gayong may hitsura naman kahit na may-kaliitan. Nasa lyebo kuwatro na ang edad nito at kung may magkakamali ay maaari pa namang mag-asawa.
Ngunit pabor sa kanya kung hindi na nga ito mag-aasawa. Napaka-efficient nito pagdating sa trabaho. Si Rio ay higit pa sa isang sekretarya, assistant din niya ito, Girl Friday, yaya, et cetera.
Bago nahawakan ni Red ang doorknob ng pinto ay bumukas iyon at sumungaw si Jorge Abelardo, ang manager ng Halandola Industries. He was a tall and handsome man in his mid-fifties. Halos puti nang lahat ang buhok. Sa pagkakatanda niya ay anim o pitong taon nang biyudo si Jorge. Ito ang dating manager ng Baguio branch ng Halandola Industries.
"You're still here, Red?"
"May tinapos lang kami ni Rio, Tito Jorge," sagot niya. "Paalis na akong talaga. Kayo ba?"
Tumingin ito sa relo sa braso. "Perhaps in twenty minutes. May hinihintay akong e-mail mula sa isang ahente natin. Gusto ko lang sanang magpatimpla ng kape kay Rio, nakauwi na si Chona."
"Of course. Rio, bahala ka na kay Tito Jorge."
Rio smiled coyly. "Sure."
Red almost rolled his eyes. Hindi itinatago sa kanya ni Rio ang crush nito kay Jorge. Pero kung si Jorge ang hinihintay nito upang makapag-asawa ay tuluyan nang tatandang dalaga ang sekretarya niya. Wala siyang natatandaang may pinatulang babae si Jorge. Though he probably indulged in one-night flings. But nobody knew for sure.
Sa elevator ay ang prank caller pa ang laman ng isip niya. Hindi siya natatakot subalit nagiging isang constant irritation ang ginagawa nito sa kanya.
Birthday niya ngayon at malamang na nasa bahay na niya ang mama niya at stepfather. Wala siyang balak ipaalam sa ina ang mga natatanggap na death threats. There was no need to worry his mother unnecessarily.
Wala ring dahilan upang matakot siya o seryosuhin ang bagay na iyon. Wala siyang alam na kaaway. Wala siyang natatandaang naagrabyado. Kahit sino man sa mga ex-girlfriend niya. Lahat ng mga nakarelasyon niya ay pawang naging maayos ang pakikipaghiwalay niya. Sa simula pa lang ng relasyon ay alam na ng mga naging girlfriend niya ang score.
It’s good while it lasts.
But that was the old him. Red was a reformed man. Lalo at may palagay siyang natagpuan na niya ang babaeng dapat seryosuhin. Besides, he was not getting any younger. He just turned thirty and thought it was time some little angels called him daddy.
Isang buwang mahigit pa lang mula nang makilala niya si Eden Singson. Nakilala niya ito sa isang party na dinaluhan niya. Common friend introduced her to him. Sa pisikal na anyo, si Eden ang kabuuan ng tipo niya sa isang babae. Maganda, makinis ang mamula-mulang kutis, voluptuous, at hindi mataas. He didn't like tall women. Na tila nakikipagkompetensiya sa taas niyang six-foot-one.
Limang talampakan at dalawang pulgada ang taas ni Eden. She was small and fragile-looking that he felt so protective of her.
Ayon kay Eden ay sa Amerika ito nag-aral. Halos kalahati ng buhay nito ay itinira nito roon. Naroon din daw ang mga magulang nito. She said she got tired of living in a rat race country. Na gusto na nitong mag-settle sa Pilipinas. At habang lumilipas ang mga araw mula nang makilala niya ang babae ay nararamdaman niyang nagiging mahalaga sa kanya ito. Na kakaiba ito sa mga babaeng nakilala at nakarelasyon na niya.
So, ano ang ipinagkaiba ni Eden sa mga naging girlfriend niya?
Well, her name alone made a lot of difference. Eden. Paradise. Natitiyak ni Red na dadalhin siya nito sa paraiso sa sandaling mapasagot at makatalik niya ito. Eden was hard to get, sa kabila ng namirmihan ito nang matagal sa ibang bansa. Hindi ito katulad ng mga naging ex niya. Isang buwan na niya itong nililigawan. Take note, isang buwang nililigawan!
Wala siyang direktang niligawang babae. Kapag nagkagusto siya sa isang babae ay ipinakikita at sinasabi na niya kaagad ang intensiyon at hindi lumilipas ang ilang araw ay girlfriend na niya ito. Habang mailap si Eden. That made his hunt for her so exciting.
Eden was thirty-two, dalawang taon ang tanda sa kanya but it didn't matter. Mukha itong beinte anyos kung tingnan. And she was so adept in business terms, lalong-lalo na sa linya ng car dealing. Sa nakalipas na isang buwan ay naisasangguni niya rito ang tungkol sa pamamalakad niya sa negosyo. And Eden's advice were sound. Ayon dito ay nagtrabaho ito sa General Motors sa Amerika.
At matapos ang isang buwang panliligaw, nangako si Eden na sasagutin siya nito sa birthday niya. Ngayong gabi iyon. May usapan silang magkikita sa
Kinamot Sa Escario ngayong alas-ocho. Si Eden mismo ang pumili ng restaurant. Ayaw niya sana roon dahil hindi romantic ang ambiance.
But Eden loved native cuisines, tulad din niya. Anyway, hindi naman kailangang romantic ang lugar. Ang mahalaga ay ngayong gabi niya malalaman ang kasagutan nito sa iniluluhog niya. At dalangin niyang sana ay positibo ang sagot nito. Sa nakalipas na mga araw ay walang pahiwatig si Eden sa kung ano man ang damdamin nito sa kanya.
Red sighed at napatingala sa elevator ceiling. And silently, he prayed. Sa ngalan ng mga ex-girlfriend niya, huwag sana siyang makarma.
Amen.
Sa car park sa basement siya dinala ng elevator. Tahimik ang buong paligid, tanging mga yabag lang niya ang maririnig. Kaunti na rin lang ang mga sasakyang nakaparada, kaya kahit sa kalayuan ay natanaw na niya ang pula niyang BMW.
Sandali siyang napahinto nang may marinig na tila umaalinsabay sa mga yabag niya. Napalingon siya. Nang walang makita ay nagpatuloy siya.
Ngunit nakakailang hakbang pa lang si Red nang mapahinto siyang muli. Hindi niya alam kung imahinasyon lang iyon, pero parang may sumusunod sa kanya. Slowly he turned around. But he saw no one. Biglang-bigla ay kinabahan siya.
Sanay naman na siya na hindi gaanong maliwanag ang bahaging iyon ng parking lot pero ngayon ay parang gustong manayo ng mga balahibo niya. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid. It seemed na siya lang ang naroon. Ngunit may pakiramdam siya na hindi siya nag-iisa.
"
… this is going to be your last birthday… “ Tila babalang umulit iyon sa kanyang isipan. Binilisan niya ang mga paghakbang. Sa bulsa ng pantalon ay dinukot na niya ang susi ng kotse, ilang metro na lang ang layo niya mula roon.
Muli ay narinig ni Red ang mga yabag, kasimbilis ng sa kanya. Agad siyang napalingon... at gayon na lang ang kabang bumalot sa dibdib niya nang mapuna ang lalaking lumalakad patungo sa direksiyon niya. Nakaitim na jacket ito. At sa wari ay itim lahat ang suot. Sa ulo nito ay itim na bonnet at dark shades.
Naka-shades gayong gabi na!
Napalunok si Red. The man was big and tall and muscular. Mula sa kamay nito ay may lumitaw na patalim. He almost froze in fear. Wala siyang anumang taglay upang idepensa ang sarili. Sumigaw man siya upang humingi ng tulong ay walang makaririnig sa kanya. Ang mga security guards ay nasa entrance pa ng car park sa basement.
Tinakbo niya ang kotse niya. At base sa naririnig niya ay tumakbo rin ang lalaki palapit. Nanginginig ang mga kamay na ipinasok niya ang susi sa keyhole. Nang makapasok ay agad niyang ini-lock ang pinto niyon, at habang binubuhay ang makina ay sunod-sunod ang ginawa niyang pagbusina upang makuha ang atensiyon ng mga security guard. Matagal niyang diniinan ang busina.
Inalis lang ni Red ang kamay roon nang mapansing wala na sa paligid ang taong sumusunod sa kanya. Isang maluwag na hininga ang pinakawalan niya at saka pinaandar ang kotse.
Pagkalabas ng car park ay agad niyang kinuha sa bulsa ng pantalon ang cell phone upang tawagan si Eden na parating na siya sa tagpuan nila. Duma-dial na siya nang biglang umalog ang buong sasakyan niya at humagis mula sa kamay niya ang CP. Isang itim na pickup ang sumagi sa gilid ng kotse niya. Sa nakababa niyong bintana ay natanaw niya ang lalaki kanina sa car park. Nanayo ang mga balahibo niya sa ngiting ipinukol nito sa kanya.
Alam na niya ngayon kung ano ang anyo ni Kamatayan!
Agad na napahawak ang mga kamay ni Red sa manibela at pinatulin ang takbo ng kotse. Nalampasan niya ito gayunman ay nanatiling kabuntot lang niya ang pickup. At sinimulan nitong suruin ang likuran ng kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung anong panalangin ang kanyang inuusal sa mga sandaling iyon habang malamig na pawis ang naglalandas sa kanyang mukha.
Was he going to die? Mayamaya ay narinig niya ang pag-ring ng cell phone niya. Pinilit niyang abutin ang cell phone na humagis sa kabilang upuan. Nang maabot ay sinagot niya iyon... expecting the caller to be Eden.
But it was him. The voice had become familiar.
"You are going to die." Humalakhak ito. "Ba't hindi mo subuking tumingin sa backseat?" Iyon lang at namatay na ang linya.
Awtomatikong napalingon si Red sa backseat. May metal na bagay sa ibabaw ng upuan. Isang cross wrench. Sinikap niyang abutin iyon mula sa backseat. At gayon na lang ang pagkagimbal niya nang mahantad sa kanya ang nakakabit sa isang dulo ng cross wrench—turnilyo iyon ng gulong. Gulong ng kotse niya?
Sa mismong sandaling iyon ay biglang nawala sa balanse ang kotse niya, bumigay ang kabilang gilid niyon. Nakalas ang unahang gulong niya! Kitang-kita niya sa side mirror kung paanong naiwan ang mags niyon. Lumikha iyon ng mga sparks sa kalsada.
Napalihis sa ibang daan ang takbo niya. Mabilis niyang kinabig ang manibela to remain on track. Ngunit nahirapan siyang kontrolin ang sasakyan. Tinapakan niya ang brake. Pero hindi iyon gumana.
Red felt the impact as metal smashed against metal. The next thing he saw was darkness...
4
N anlalabo ang paningin ni Red nang magmulat siya ng mga mata. Ang lahat ng bagay sa paligid niya ay puti. Napagtanto niyang nakahiga siya, ngunit hindi niya makuhang ikilos ang sarili.
Mayamaya ay may naaninag siyang anyo. Nakaputi ito at... isang babae. She smiled at him, pagkatapos ay may sinabi ito na hindi niya maulinigan kung ano.
Napapikit siya, binabalikan sa isipan ang mga pangyayari bago siya nagising. Ang tanging naaalala niya nang mga sandaling iyon ay nasa kotse siya... at ang tunog ng mga nagsasalpukang bakal at ng mga nabasag na salamin...
Kasabay ng muling pagmulat ni Red ay ang pagkatanto sa tunay na nangyari. Oh, hell, he must be already dead. At marahil siya ngayon ay nasa— Sa langit ba siya napunta? Well, ang lahat naman ng nakikita niya ay puti, malamang na nasa langit nga siya. Siguro nga ay hindi naman siya ganoon kasama noong siya ay nabubuhay pa. Agad niyang binalingan ang magandang babae sa kanyang harap.
An angel she must be.
Muli, ang anghel ay ngumiti sa kanya. Nakita niya na umangat ang kamay nito. Sa kamay ay may hawak-hawak itong—
hypodermic needle!
Ano ang ginagawa ng hypodermic needle sa langit? At bakit may nakikita siyang nakasabit na IV fluids sa metal stand? Napakurap siya at mabilis ang pagragasa ng mga alaala. Hindi siya patay! Nasa isang ospital siya. At noon lang niya napunang kanina pa kumikirot ang ulo niya.
"G-gaano na ako katagal na narito? Anong oras na?"
"Alas-cuatro na ho ng madaling-araw, Mr. Halandola," tugon nito na talaga namang pagkatamis-tamis ng ngiti. "Kagabi'y isinugod kayo rito ng ambulansiya."
Sa sinabi nito ay agad na lumipad ang tingin ni Red sa wall clock. Matagal siyang napatitig doon, ngunit wala ang isip niya sa takbo ng mga kamay niyon kundi nasa isang nakakatakot na katotohanan—na talagang bilang na ang mga araw niya!
Hindi nagbibiro ang prank caller na iyon! He wanted him dead! Napakapalad na lang niyang nakaligtas nang nagdaang gabi.
And speaking of survival... he alerted himself. Agad na sinuri ang sarili. Well... he was still in one piece—walang nabaklas. Napahawak siya sa ulo, may nakapaikot na benda roon. Ikinilos niya isa-isa ang mga binti at kamay. Ang mga daliri niya sa mga kamay at paa, okay namang lahat. Functional pa rin ang mga extremities niya.
Pero may gusto pa siyang malaman. Isang napakaimportanteng bahagi ng katawan niya ang kailangan niyang matiyak kung
gumagana pa. May alam siyang mga cases na katulad ng sinapit niya na matapos maka-survive sa aksidente ay nawalan na iyon ng silbi.
At dalangin ni Red na sa kabila ng kanyang kaligtasan ay hindi sana ganoon ang kinahinatnan niya. Para na rin siyang namatay kapag nagkataon. Kabado siyang napapikit. Inirehistro sa isipan ang magandang mukha ng nurse sa kanyang harap... fully concentrating on the sexy nurse.
At matapos ng mahabang konsentrasyon...
Yes! It is still working! his mind shouted, pilyong ngiti ang naglalaro sa mga labi.
"Are you all right, Mr. Halandola?" Bagaman nagtataka ay malambing ang boses ng nurse.
Napamulat siya sa tanong na iyon ng nurse. "Yeah, I'm all right," sagot niya sa pagak na tinig. "Masakit lang ang—ulo ko." Sinulyapan niya ang ibabang bahagi ng katawan, umaasang hindi iyon nahalata ng nurse—he was only half-aroused anyway.
"May dalawang pulgadang sugat ka sa gilid ng noo ngunit hindi naman malubha. Bukod doon ay wala namang napinsala sa inyo," paliwanag ng nurse.
"Napatunayan ko na iyan ngayon lang," nakangising wika niya.
"Redentor, hijo!" Mula sa bumukas na pinto ay iniluwa si Margarita, kasunod ang asawa nitong si Angus Quintero at ang pinsan niyang si Art.
"Tawagin n'yo na lamang ako kapag may kailangan," wika ng nurse bago ito lumabas ng silid.
Niyakap agad siya ng ina na nagsisikap na huwag maiyak. "Nang maaksidente ka'y tinawagan agad kami ng mga pulis na nagresponde. Kanina pa kami narito at nagkape lang kami sandali sa labas. Tinakot mo ako, anak."
"Mama..." Hinagkan niya ito sa noo. "I'm fine, nakita n'yo naman. Walang malaking pinsalang nangyari," pangongonsola niya rito upang huwag nang mag-alalang higit ang ina.
"How are you, pinsan?" tanong ni Art, ang pinsan niyang pulis na ewan niya kung bakit nagtitiyaga sa pagpupulis gayong magandang lalaki naman sana at may-kaya naman sa buhay ang mga magulang.
He grinned at his cousin. "It's fun to be alive. Tinotoo ang death threats sa akin..."
"Death threats!" sabay na bulalas ng ina at stepfather niya.
Napaungol si Red. Hindi niya sinasadyang madulas sa bibig niya iyon. Naaliw lang siya nang magkita silang muli ng pinsan. Magkababata sila nito at magkasama sa halos lahat ng kalokohan. Nito na lang pamahalaan niya ang Halandola Industries dumalang ang pagkikita nila.
"Ano ang ibig mong sabihin, Redentor?" Mrs. Quintero asked worriedly.
"Huwag mong sabihing kagagawan ito ng prank caller mo?" tanong ni Art, sa anyo ay naroon ang pagdududa.
Tiningala ni Red ang ina. Ito man ay naghihintay ng sagot niya. Napabuntong-hininga siya. Ikinuwento niya sa mga magulang ang pangyayari bago ang aksidente.
"
Dios mio !“ nanlulumong sabi ni Mrs. Quintero, naupo sa naroroong silya na tila nawalan ng lakas. Inalalayan naman ito ng asawa.
"Hindi natin maipagwawalang-bahala ang lahat ng ito, Red," wika ni Art. "Kailangan nating i-report ito. At kailangan mo ng round-the-clock security."
"A bodyguard!" exclaimed Mrs. Quintero. "That's it. You need a bodyguard." Bumaling ito sa pamangkin. "Isa kang pulis, Art. Bakit hindi mo samahan itong pinsan mo sa lahat ng pagkakataon? Ang kompanya ang magbibigay ng suweldo sa iyo. Higit na malaki kaysa tinatanggap mo sa presinto." She compressed her lips. Isa ito sa hindi kumporme sa pagpupulis ni Art.
Alanganing napangisi si Art, sabay kamot sa batok. "Tita Marge, mas mapapakinabangan ako ni Red kung nasa presinto ako. Magagawa kong mag-imbestiga nang malaya."
"May katwiran si Art, honey," segunda naman ni Mr. Quintero. "Pero sang-ayon akong kailangang magkaroon ng mga bodyguard si Red."
Red almost rolled his eyes. "Mama, Tito, hindi ako presidential son at—"
"You are my son!" pagdiriin ni Mrs. Quintero, cutting him off.
"At may kakilala akong makakatulong sa iyo, Red," suhestiyon ni Art.
Gusto niyang magprotesta na hindi na kailangan ng bodyguard pero marahil ay tama ang mga magulang. Hindi biro ang aksidenteng nangyari sa kanya. At kinakabahan siyang maaaring maulit ang pangyayari.
5
“I’M SORRY, Red. Hindi ko alam,” wika ni Eden nang dalawin siya nito isang oras makaalis ang mga magulang niya. Gamit ang cell phone ni Art ay tinawagan niya ito at ipinaalam ang aksidenteng nangyari sa kanya.
"Galit na galit ako sa iyo kagabi nang hindi ka dumating sa restaurant. Isang oras akong naghintay roon. At walang sumasagot sa cell phone mo." Puno ng guilt at pag-aalala ang tinig nito.
"I've missed the most important day of my life," wika niya sa nanghihinayang na tono.
Ngumiti si Eden. Yumuko ito, hinagilap ang mga labi niya at sa pagkabigla niya ay hinagkan siya. At nang matanto ni Red ang ginawa nito ay nag-akma siyang tugunin iyon ngunit mabilis na itong nag-angat ng mukha.
"Ano ang ibig sabihin ng ginawa mo?"
Eden smiled shyly. "What else, you idiot! I love you, too, Red."
Napahalakhak siya sa tuwa. "Now I believe that in every bad thing there is always a corresponding good thing. Hindi ka magsisisi, Eden."
"Alam ko." Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa tagiliran ng hospital bed. "Aalis na muna ako. Magpahinga ka."
Napakunot-noo siya. Napatingin siya sa relo. Wala pang kalahating oras mula nang dumating ito. "This soon?"
"May importante akong lalakarin, Red." Sa tinig nito ay tila hindi siya gustong iwan pa. Then she smiled sweetly. "But I'll be back tonight." At bago siya makakilos ay isang flying kiss ang ginawa nito bago ito lumabas ng silid.
“SAMANTHA, you’re completely jobless,” wika ni Art, stressing the very obvious. “Kung hindi dahil diyan sa kalokohan mo’y hindi rin sana ako nadamay. Well, okay na sa akin iyon, kalilimutan kong apat na linggo din akong suspendido dahil sa iyo, not to mention na nagka-record ako sa departamento. Basta tanggapin mo lang ang inaalok ko.”
Inirapan niya ito. "Kahit na ano pang sabihin mo, Art, ayoko na ng ganyang trabaho. Magtitinda na lang ako ng fish ball sa amin," tangging muli ni Samantha sa alok nito. Tinawagan siya ni Art sa telepono at nakipagtagpo sa isang kainan sa loob ng SM Manila.
"I thought you wanted action? Thrill? This is it."
"I just lost a boring job. 'Tapos heto at panibagong kabagot-bagot na namang trabaho ang ibibigay mo sa akin. Siguro naman ay alam mong naging bodyguard muna ako bago ako nagpulis. Ayoko na ng parang aso na buntot nang buntot."
"Listen, Sam..." Napaangat ang tinidor na hawak nito tungo sa direksiyon niya. "Malaki ang kikitain mo sa trabahong ito. Doble pa sa kikitain mo sa mawawala sa iyong apat na buwan."
"Doble nga, mamamatay naman ako sa boredom at buwisit." She flared her nose. "Ayoko pa rin." Marahas ang iling niya. Inabot ang bread roll at ipinahid iyon sa mga tirang sauce ng spaghetti sa plato niya. Halos nangalahati ang bread roll nang kagatin niya iyon. "Hindi ako kumuha ng Criminology para maging atsay—"
"Samantha, puno iyang bibig mo," saway ni Art, grimacing.
Pero wala siyang pakialam at nagpatuloy sa pagkukuwento. "Tulad na lang ng nangyari sa akin kay Mrs. Santisima—ay, talagang santisima! Aba'y ginawa akong maid!" Halos magtalbugan ang mga plato sa mesa nang ibagsak niya ang kamay. Nilingon sila ng mga tao ngunit inirapan lang niya ang mga ito.
"Lagi na lang akong inuutusang magtimpla ng juice sa mga kliyente niya," patuloy niya na naggigigil na tila si Mrs. Santisima ang kaharap. "Kulang na lang ay gawin akong tagapaypay.
Bah ! Kung ginawa niya iyon ay baka ako pa mismo ang tumapos sa buhay ng Mrs. Santisima na iyon.“
Iyon ang naging huli niyang assignment bilang bodyguard sa isang biyudang milyonarya. But she got fed up with the fat woman. Wala siyang ginawa kundi ang sundan at samahan lang ito sa loob ng isang buwan at wala namang nangyayari sa mga nauulat na threats nito. Duda siyang imahinasyon lang nito iyon. Gustong maki-
in sa mga kidnappings na nangyayari sa mga milyonaryang Intsik.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Sam. Ibang kaso ito. You're going to like this one." Sige si Art sa pangungumbinsi. "Do it for me, Sam, please. Tutal, ikaw naman ang dahilan ng mahabang sermon sa akin ni Boss-Chief at—"
"Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa iyan," putol niya sa sinasabi nito kasabay ng pag-ikot ng mga mata pataas.
"This guy is my cousin—not only that, para ko na siyang kapatid. At nakakatanggap siya ng mga death threats. Hindi lang basta threats. Isinakatuparan ng kung sino mang gustong pumatay sa kanya ang pananakot. Tinanggalan ng preno at turnilyo ang gulong ng kotse niya. He got lucky to have escaped death. But who knows for how long?"
"Give me a break, Art." Sumimangot siya. "Ayoko. Salamat na rin sa merienda."
Tinitigan siya ni Art. Pagkatapos ay may dinukot ito mula sa bulsa ng suot na bush jacket. Mula roon ay inilabas nito ang isang litrato. "This is Red." Inilapag nito ang larawan sa ibabaw ng mesa, sa tapat niya. "Redentor Halandola. Just turned thirty. And I don't know kung aabutin pa niya ang susunod na birthday," Art said dramatically.
Napaangat ang mga kilay ni Samantha, ilang sandaling nanatiling nakaangat. "Wala akong pakialam sa buhay niya. Ayoko na! Ayo—" Nahinto siya sa pagtanggi nang matuunan ng mga mata ang larawan sa harap niya. Mabilis na inabot iyon at inilapit ang larawan sa mukha at sinuri ng tingin na tila specimen iyon sa ilalim ng microscope.
Dahan-dahan ang pagsinghap na ginawa niya. At may kung anong bagay na kumislot sa dibdib niya.
Oh, Lord, ibalato na ninyo sa akin ang lalaking ito! dalangin niya sa isipan. Tila ba ang nasa larawan ay isa sa mga diyoses ng Griyegong mitolohiya. And for heaven’s sake, nakangiti ito sa larawan—that heart-stopping smile; a killer smile; or whatever romantics called it! Juice me! Kahit sundan niya ito nang sundan ay papayag siya! Kahit paypayan pa niya!
Pairap at patay-malisya na inilapag ni Samantha ang picture sa mesa. And then eyed Art suspiciously. "Pinsan mo ba talaga iyan?"
"Mas guwapo ako sa kanya, Sam." He grinned. Pagkatapos ay muling sumeryoso ang mukha. "Sam, kilala ko ang kalidad mo, you're a sucker for danger. Alam kong kaya mong protektahan ang pinsan ko."
"Sino ba kasi ang kinatalo nito?" tanong niya sa kunwaring bagot at hindi interesadong tono. Pagkatapos ay pinahid niyang muli sa buong plato ang natirang bread roll. Makintab na ang plato.
"We really don't have a clue. May nakausap na kaming private eye para sa kasong ito. Wala kaming maisip na dahilan kung bakit pinagtatangkaan ang buhay niya. Wala siyang kaaway."
Kung ganoon kaguwapo ang lalaking ito, malamang na babae ang kalaban nito. Babaeng naagrabyado.
"No. Walang babaeng inagrabyado si Red, Sam," wika ni Art na nagpaangat ng kilay niya. Kunsabagay, kilala na siya nito. Kabisado na nito ang bawat galaw ng mukha niya kaya hindi kataka-takang mahulaan nito ang iniisip niya.
Tumaas pang lalo ang kilay niya. "Paano ka nakatitiyak?"
"Palikero si Red, but one at a time. At lahat ng mga
exes niya ay hiniwalayan niya nang magkaibigan pa rin sila. Those women knew the score sa onset pa lang ng relasyon. Besides, na-check ko na ang mga napaugnay sa kanya. Some were in the States and some were happily married. So, out ang mga ex-girlfriends.“
"Kalaban sa negosyo kaya? Ano ba ang negosyo ng pinsan mong ito?"
"Car dealer. Iyan ang anggulong pinagtutuunan namin ng pansin. Hindi biro ang nangyari sa kanya, Sam. Muntik na siyang mamatay. He just got lucky."
Muling bumagsak ang mga mata niya sa larawan.
Yeah, you really need me. Hindi ko hahayaang mabura ka sa mundo.
"And just last night, pagkauwi niya galing sa opisina ko," pagpapatuloy nito, "he found Felix dead."
Napaangat siya sa pagkakasandal. "Felix?"
"His dog. A Dalmatian."
Muli niyang ibinagsak ang likod sa sandalan. Umikot ang mga mata niya. "Felix? Aso?
Juice ko, Art, hindi ba ’yong Felix ay pampusa, like Felix the Cat?“
"Whatever. Point is, talagang papatayin siya ng kung sino mang nagtatangka sa kanya. Tinanggap agad ni Red ang tawag sa cell phone niya na sa susunod ay siya na ang malalaslas ang leeg."
"That's horrible!" bulalas niya. Inabot niya ang baso ng iced tea at uminom. "Kawawa naman 'yong dog. Poor creature."
Naningkit ang mga mata ni Art. "Huwag kang magpa-cute, Samantha. Naaawa ka sa aso pero 'yong taong maaaring mamatay ay tinatanggihan mo."
Pabagsak niyang ibinaba ang baso ng iced tea. Kung nagkataong puno pa iyon ay malamang na lumigwak ang laman. "Kinasusuklaman ko ang mga taong pumapatay ng hayop, Art," wika niya sa seryoso at mariing tinig. "If only for that, I'll find this killer!" Napapukpok pa siya sa mesa. Hindi niya mapapatawad ang ginawang pagpatay sa aso. She was kind to animals. Lalo na sa mga pusa. Kung hindi lang nagagalit ang mga magulang niya ay malamang na ginawa na niyang orphanage ng mga ligaw na pusa ang bahay nila.
At gustuhin man ni Samantha, hindi niya makuhang mag-alaga ng aso. Dahil tiyak, sa uri ng mga kapitbahay niyang lasenggo—kaldereta ang labas ng alaga niya. At mas o menos, makakapatay siya ng kapitbahay.
Yes, she was kind to animals, ngunit hindi niya gusto ang mga taong animal.
"Come on, Sam, I know you can protect him."
"Okay—"
"May paunang bayad ka."
Napasipol si Samantha. Tinapunan ng huling tingin ang larawan ni Redentor Halandola. Halos umangat ang kamay niya sa dibdib upang tutupin iyon dahil muling may tila kumislot doon.
"Well... sige na nga," kunwa ay napipilitan niyang sang-ayon. "Kailangang mabigyan ng katarungan ang asong iyon!" Muli niyang pinukpok ng kamao ang mesa.
"Sam, hindi tungkol sa murdered dog ang trabaho mo. This is all about protecting my cousin," paglilinaw ni Art na umiling.
"Yeah, I know, I know..." Biglang natuon ang tingin niya sa harap nito. Naroon ang hindi nagalaw na chocolate fudge cake nito. "Kakainin mo pa ba iyan?"
Itinulak sa kanya ni Art ang platito. "Gusto mo bang i-order kita ng isa pa?"
"Ahmm..." Kunwa ay nag-isip siya bago, "O sige, pero buong cake, ha. At ipa-take out mo na lang. Para may mapapapak ako mamayang midnight."
Nangingiting napailing ito. Sanay na ito sa kanya. "Ang lakas mo namang kumain pero bakit hindi ka naman tumataba?"
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at sumubo ng cake. Pagkatapos ay idinuro kay Art ang tinidor na nagpaatras dito. "Magkalinawan tayo, Art. Bibigyan mo ba talaga ako ng advance payment? Kailangan ko ng pera. Bibili ako ng bagong cell phone, 'yong may camera."
Napangisi si Art. Muli ay may dinukot sa bulsa ng bush jacket at inilapag sa mismong harap niya. "'Ayan, tseke mismo ni Red iyan."
Padaklot na dinampot ni Samantha ang tseke. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang halagang nakasulat doon. "Thirty thou!" walang tinig niyang bulalas. Hindi lang guwapo ang Redentor Halandola na ito, rich pa!
Mabilis niyang ibinulsa ang tseke at napakatamis ng ngiting ipinukol kay Art. "Paunang bayad lang ito?"
"Correct."
Tila pusang nakainom ng gatas ang ngiti niya. Tumango-tango. "Pero teka, paano ang baril ko?"
"Si Red ang bahala roon. Kayang-kaya ka niyang ikuha ng baril." Sinenyasan nito ang waiter na agad namang lumapit. "Chocolate fudge cake, for take-out."
Sinamantala ni Samantha ang pagtingala nito sa waiter, agad niyang kinuha ang picture ni Redentor Halandola at mabilis na isinilid sa bulsa ng suot na polo kasama ng tseke.
Inayos niya ang sarili nang muling humarap si Art sa kanya. "Kailan ako mag-uumpisa?" Dalangin niyang sana ay huwag na nitong maaalala pa ang larawan.
"I want you to meet Red tomorrow, Sam." May dinukot itong calling card sa bulsa ng bush jacket at iniabot sa kanya. "Here's the address. Be there at eight o'clock sharp."
6
P agkababa ng jeep ay isinuot ni Samantha nang pabaliktad ang baseball cap. Ten minutes na siyang late sa usapan. Nasa kabilang panig ng kalsada ang tatlong palapag na gusali ng Halandola Industries. Ang ibaba ay showroom ng mga sasakyan.
Patawid na siya nang mahagip ng tingin niya ang isang lalaki na patawid sa kabilang kalye. Nauna lang ito ng ilang hakbang sa kanya dahil nahinto siya sa island nang may magdaang jeep. May niyuyuko ang lalaki sa sapatos nito.
Biglang nanlaki ang mga mata niya. Isang sasakyan ang natanaw niyang nag-overtake sa isang pampasaherong jeep at rumaragasa patungo sa direksiyon ng lalaki. At tila hindi aware ang lalaki sa panganib na dumarating. Tuloy-tuloy ang sasakyan. Ni hindi ito nagmemenor. Mabubunggo ang lalaki!
Hindi na nagdalawang-isip pa si Samantha, tinakbo niya ito at marahas na kinabig sa braso pabalik sa island. Dahil sa bilis ng impact niya rito ay nawalan siya ng panimbang at bumagsak sila sa mismong island. Gabuhok ang layo mula sa tiyak na kamatayan.
Pagkatapos ay mabilis siyang tumayo. Dinukot niya mula sa bulsa ng pantalong maong ang bimpo at pinagpag ang alikabok na dumikit sa pantalon at blusa niya. Matalim ang mga matang niyuko ang lalaki na nanatiling nakaupo at nakalingon sa kabilang panig at sinundan ng tingin ang sasakyang tuloy-tuloy.
"Sa susunod, huwag kang tatanga-tanga!" singhal niya rito. "Pati tuloy damit ko nadumihan." Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ito at itinuloy ang pagtawid.
Buhay na naman ang dugo niya.
Hmm… what a thrill to start my day! Inayos niya ang cap at nagmamadaling tumakbo papasok sa gusali.
SAMANTALA ay nanginginig pa rin ang mga panga ni Red. How could he be so dumb? Kamuntik na siyang mahagip ng pickup. If it wasn’t for that man—or was it a woman? Anyway, wala siya sa mood para analisahin ang kasarian ng taong nagligtas sa kanya.
Kung bakit ba naman hindi pa dumarating ang kotseng in-order niya sa casa. Nang mag-taxi siya ay sa kabilang kalsada na siya bumaba dahil kung iikot sa tapat ng Halandola building ay matatagalan at mata-traffic siya sa intersection. At dahil lang sa dumikit na chewing gum sa Bally shoes niya ay muntik na siyang mapahamak.
Hindi na nga niya nakuhang magpasalamat sa sobrang gimbal. Muntik na siyang madale ng pickup—pickup! Napakurap si Red nang maisip iyon. Nanlalaki ang mga matang napaangat siya ng tingin. Nasa downtown area siya at hindi basta-basta nagpapatakbo nang ganoon katulin ang mga sasakyan kahit pa nasa gitna siya ng kalye. At ang pickup na iyon ay rumaragasa!
Nanuyo ang lalamunan niya. Isa na naman bang pagtatangka sa buhay niya ang nangyari?
PAGPASOK pa lang sa opisina ay si Art na agad ang nabungaran ni Samantha. Tumayo ito at sinalubong siya.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Sampung minuto lang naman akong late, Art. No biggie."
"Mabuti na lang at wala pa si Red. Tara sa conference room." Nagpatiuna itong lumakad. Kibit-balikat na sinundan niya ito. Huminto ito sa tapat ng isang mesa. "Rio, tutuloy na kami sa conference room. Hindi pa ba tumatawag si Red?"
"Wala na si Sir sa bahay, Mr. Jimenez. At wala pang kahaliling cell phone kaya hindi ko ma-contact," sagot nito.
Gumuhit ang pag-aalala sa mga mata ni Art at nilingon siya at pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagpasok sa silid na nasa kanan. "Maupo ka muna, Sam."
Inikot niya ang tingin sa loob ng conference room. She was impressed. Makintab ang malaking mesang pangsampuan. Light brown ang pahabang malalaking blinds at malambot ang carpet. Ang upuang itinuro ni Art sa kanya ay tila mas mainam tulugan kaysa upuan. Naupo siya roon, revelling in its comfort.
Si Art ay hinila ang isang silya sa conference table at doon naupo. "Hindi nale-late sa appointment si Red malibang emergency," wika nito. "Nasaan na kaya ang lalaking iyon?" Nag-aalala ang tono nito.
Ngumisi siya. "Baka natodas na. Sayang, hindi matutuloy ang pagbili ko ng bagong cell phone na may cam."
Isang masamang tingin ang ibinigay ni Art sa kanya. Nang biglang bumukas ang pintong pinasukan nila. "Speak of the devil!" wika nito.
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Samantha nang lumingon sa pinto upang alamin kung sino ang
devil na sinasabi ni Art. Nanlaki ang mga mata niya. Nasa harap niya ang lalaki sa larawan! Na higit na magandang lalaki sa personal!
"Ikaw!" bulalas ni Red nang makita si Samantha.
Napakurap pa siya sa sinabi nito. "K-kilala mo ako?"
Nilingon ni Red si Art. "Kilala mo ang lalaking—I mean ang babaeng ito?"
"Kasama ko siya, Red. Kilala mo si Sam?"
Agad na inayos ni Samantha ang sarili at tumayo. Hinarap siyang muli ni Red. At hindi niya maintindihan ang kung anong bagay na tila gustong kumawala sa dibdib niya. Kailanman ay hindi pa siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki... sa personal. Sa imported magazines lang. At kailanman ay hindi pa naging ganoon kaabnormal sa pagsirko ang puso niya gaya ng nararamdaman niya sa oras na iyon.
"Salamat nga pala," wika nito sa kanya, "sa pagkakasagip mo sa akin kanina. But you can close your mouth now. Baka pasukan ng langaw."
Napahiyang nagyuko ng tingin si Samantha. Agad na bumaba ang tingin niya sa suot nito, masyado siyang naging abala sa pagsiyasat sa mukha nito. Hindi niya nakilalang ito ang lalaking kamuntik nang masagasaan kanina.
"So, ikaw pala iyong tatanga-tangang huminto sa gitna ng daan! Muntik ka nang madale ng pickup, ah."
Nakita niyang napasingkit ang mga mata nito sa sinabi niya. "Nakakadalawa ka na, ah. Hindi at nailigtas mo ako ay kaya mo na akong tatanga-tangahin!"
"Teka, teka," naguguluhang sabi ni Art. "Ano ba ang hindi ko alam dito?"
Si Red ang nagpaliwanag sa nangyari. Then he added in a serious tone. "Pinsan, may palagay akong sinadya akong tumbukin ng sasakyang iyon. This is the downtown, maraming tao. Pero sadyang mabilis ang takbo ng sasakyan. Ni hindi nagmenor."
"Well... well," wika ni Samantha na umangat ang kilay. "Kung gayo'y sinimulan ko na pala kanina ang trabaho ko sa iyo."
Lumipad ang mga mata nito sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Bago makasagot si Samantha ay ipinakilala na siya ni Art. "Meet Samantha Gonzales, Red. She's your bodyguard. Sam, si Redentor Halandola. Of course, nakilala mo na siya, when you saved his life. At tama ka, nagsimula na ang trabaho mo kanina pa lang..." Hindi maiwasan ni Art ang ma-amuse.
"Is this some kind of a joke, Art?"
"Si Samantha ang bodyguard mo, Red. At nakita mo naman ang kahusayan niya, iniligtas lang niya ang buhay mo kani-kanina lang, 'di ba?"
Muli nitong binalingan si Samantha. He was incredulous. Sinuri siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa—mula paa pabalik sa ulo. She was tall, must be five-feet-seven. "She's a woman!" He repeated the very obvious.
Naningkit ang mga mata niya. Namaywang. "So? Eh, ano naman kung babae ako?" She turned to face Art. "Ayaw yata sa akin. Paano ba iyan?"
"Red..." Ipinatong ni Art ang kamay sa balikat ng pinsan. "Ginagarantiyahan ko sa iyo na mahusay si Samantha. Isa siyang pulis at martial art—"
"Pero, Art..." Inilapit ni Redentor ang mukha sa tainga nito upang bumulong daw. Bulong na naririnig sa buong building ang sinasabi. "Look at her, she's thin. Kaya ba akong proteksiyunan niyan? Baka liparin iyan ng hangin sa kapayatan. At kalalabasan niyan ay ako pa ang magliligtas sa kanya."
"Aba't—!" Hindi niya napigilan ang sarili. Nilapitan niya ito at sinikmuraan. Napauklo si Red. Hindi excuse ang kaguwapuhan nito para insultuhin siya. "Mr. Halandola," wika niya, gritting her teeth. "Slim ang tawag sa katawan ko, hindi thin. And for your information, hindi ko rin gustong maging bodyguard mo! Kung hindi lang sa pakiusap nitong pinsan mo... nunca! Never!"
Hindi nakasagot si Red na tila naubusan ng oxygen.
"Sam..." Hinawakan siya sa braso ni Art. "Relax lang."
"Iyang pinsan mo, eh!" Tumaas ang mukha niya kay Red. "Sana pala'y hinayaan na lang kitang pumailalim doon sa pickup. Why, I've just saved your fu—ng ass!"
Napangiwi si Red sa kagaspangan ng salita niya. Napahawak ang isang kamay nito sa balikat ni Art upang kumuha ng suporta mula rito. Habang ang isang kamay ay sapu-sapo ang sikmura, ininda ang ginawa niya.
"Tiyakin mong hindi ko pagsisisihan ang ginawa mong ito, Art..." he mumbled.
7
MAGKASAMANG sumakay sa taxi sina Red at Sam. Pareho silang nakaupo sa magkabilang dulo ng upuan na tila may sakit na nakakahawa at ayaw madikitan ang isa’t isa sa laki ng espasyo sa pagitan nila.
Isang mahabang hininga ang pinakawalan ni Red habang ibinubulsa ang cell phone na ipinabili lang niya kanina kay Rio. Ibinaling niya ang pansin sa tanawin sa labas.
Ano ang nangyayari sa buhay niya? All he just wanted was a happy ang peaceful life, kasama si Eden. Pero ngayon ay may bodyguard pa siya dahil sa nagbabantang panganib sa buhay niya. Nunca na maisip niyang darating ang araw na kakailanganin niya ang isang bodyguard. And to top it all off, a woman bodyguard. At marahas at magaspang pa.
And how would he explain Samantha to his one week old girlfriend? Darating siya sa bahay nito na may kasamang babae—bodyguard. Hindi alam ni Eden ang tungkol sa banta sa buhay niya. He didn't want to worry her. Besides, ayon kay Art, mas iilan ang nakakaalam, mas mainam.
"Ano'ng iniisip mo?" Samantha broke the silence.
"It's none of your business," tugon ni Red, ni hindi pinag-aksayahang lingunin ito, nanatiling nasa labas ang tingin.
"None of my business?" Samantha snapped. "I think you are forgetting something, Mister Halandola. Simula nang lumabas tayo sa opisina mo,
you are my business. Your life is my business. Ilagay mo iyan sa isip mo.“
Agad na nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito, pinipigil ang umaahong iritasyon. Pero minabuti niyang huwag na lang sumagot. May mga bagay pa siyang dapat pag-isipan kaysa ang aksayahin ang panahon sa pakikipag-usap dito.
Muling naghari sa loob ng sasakyan ang katahimikan. At nang mangawit ang leeg niya sa katitingin sa labas ay isinandal niya ang ulo sa headrest. He was staring blankly at the car ceiling.
"Aba'y maganda pala ang mga mata mo, ah."
Napakurap si Red sa narinig. Nilingon niya ito. She was staring at him as if he were the most fascinating creature on earth. Sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang maaliw. Pero pinigilan niya ang sarili na ngumiti. He knew that he was good-looking. Simula pa lang nang una siyang matutong sumulat at bumasa, tila naging titulo na niya ang pagiging Prince Charming/heartthrob. But next to his mother, ang babae ang kauna-unahang ibang tao na pumuri sa kanyang mga mata.
Hindi niya sana gustong pansinin si Samantha, but good breeding dictated him to respond. Nilingon niya ito. "Thank you." Bahagyang ngumiti si Samantha na ikinasalubong ng mga kilay niya. His bodyguard had dimples! And they looked cute on her.
"May kamukha ka, alam mo ba iyon? O 'yong mga mata ninyo ang magkamukha."
And Red was not even aware that he was actually staring at her face—her... pretty face! Yes, she was pretty, atubiling sang-ayon niya. Not the stunning type, like Eden. Hindi rin iyong uring lilingunin mo sa unang tingin. Pero ngayong natitigan niya ito nang husto, Red realized she had her own brand of beauty. A dark one, dahil kayumanggi ito. Pero kahit kulay-kapeng may gatas ang balat ay makinis naman. Tila nilangisan. Her skin looked soft and silky. Kung hawakan kaya niya, ganoon din kaya ang madarama niya—soft and silky?
Mabilis niyang sinaway ang sarili. He couldn't be attracted to this woman. Bukod sa ethnic ang kulay nito ay mataas at payat—o slim, kung iyon ang gustong itawag nito sa sariling katawan. Pero kahit ethnic ang skin color ni Samantha ay wala namang mantsa ang balat. He had to give her that. And correction, he wasn't attracted to her. He was simply curious—that was all there was to it.
Unwittingly, his gaze slid to her lips, full and sensual, as if forever pouting. Tila iyong mga babaeng cover ng
Vogue at Elle na may collagen ang mga labi. But he doubted if this woman knew anything about collagen. Ni wala ito kahit polbo. Her lips curved, then moved, and Red realized that she was speaking.
"'Ayun!" Napapitik ito, sa harap mismo ng mukha niya, dahilan upang bumalik siya sa sarili. "Kamukha mo si Enrique Iglesias diyan sa mga mata mo."
"Sino?" wala sa loob niyang sabi, binawi ang tingin.
"Hindi mo kilala si Enrique Iglesias?" manghang tanong nito na tila kasalanang malaki sa bahagi niyang hindi niya kilala ang tinutukoy nito.
"Hindi."
"Grabe. Where have you been? Siya iyong kumanta ng
I can be your hero, baby… wooo, yeees-ah!“ Pumiyok pa ito sa pagkanta.
He grimaced. Gustong umusal ng panalangin sa kung kanino mang santo at santa. Ito ba talaga ang magliligtas sa buhay niya? Napailing siya, ibinalik ang sarili sa posisyon kanina. He blew out a long, long sigh.
8
P airap na sumandal si Samantha sa upuan. Pinsan ba talaga ni Art ang lalaking ito? Kunsabagay, hindi rin naman niya maitatanggi na magandang lalaki si Art. Macho nga kung tutuusin. Si Art yung cliché na tall, dark, and handsome. Ang kaso ay hindi niya gusto ang dark. Dark na nga siya, ’tapos dark pa rin ang gugustuhin niya? Ano ang kalalabasan ng mga anak nila, baluga?
Ang type niya ay tulad ni Redentor Halandola. Tall, mestizo, and handsome. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok na tila hindi kayang guluhin ng hangin gayong wala namang gel. Naka-black coat at kulay-ulap ang turtle-necked undershirt.
Then there was his eyes, na tila nanghihigop ng lakas. He got thick lashes, too. She wondered kung may dugong Latino ito? At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagiging war freak siya pagdating dito. Sa halip na magpakita ng magagandang katangian ay tila sinasadya pa niyang asarin ito.
Anyway, she was going to love this job.
Tinitigan niyang muli si Red. Tulad kanina, nakasandig ang ulo nito sa bintana. Nakatanaw sa labas na tila napakalalim ng tinatakbo ng isip. Kunsabagay, ganoon talaga ang kahit na sinong tao na alam na anumang oras ay maaari silang mamatay.
Mayamaya pa ay pinahinto na ni Red ang taxi driver. Huminto sila sa tapat ng isang malapalasyong bahay.
"Dito ka nakatira?" tanong niya.
"Obvious ba?"
Taas-kilay na sinundan niya ito. "Ba't ba ang suplado mo, ha?" angil niya. "Dapat nga'y maging mabait ka dahil alam mong may gustong pumatay sa iyo. At least, mamatay ka man ay konsolasyon mo na kung mapupunta ka—" Natigilan siya nang huminto ito sa paglakad at lingunin siya.
"Don't you ever shut up? Do me a favor, okay?" he said sharply. "For just a moment—" Ipinagdikit nito ang hintuturo at hinlalaki sa mukha niya "—itikom mo lang iyang bibig mo. Dahil pinag-iisipan ko pa kung saan kita isasaksak sa bahay ko." Tinalikuran siya nito at kumatok sa gate. May sumilip sa maliit na butas at pagkatapos ay bumukas iyon at lumitaw ang isang security guard.
"Oh, how rude can some people get," she uttered to herself. Naiiritang sumunod dito.
"'Afternoon, Sir," bati ng security guard. Pagkatapos ay tinitigan siya, alanganing nginitian. "May kasama kayo, Sir?"
"Ah... pinsan ko ang kasama ko, Pido," pagpapakilala nito sa kanya. Napag-usapan na nila kanina sa opisina na ipakikilala siyang pinsan. "Nagbabakasyon dito sa Maynila si Sam—"
"Samantha," she finished for him. Natuon ang tingin niya sa fountain na nasa gitna ng garden. Isang hubad na babae na nakatayo na may pasan-pasang banga—at mula roon ay may umaagos na tubig. Marahil ay kasinlaki niya ang estatwa.
Wala sa loob na humakbang siya patungo roon. Naupo sa batong nakapaikot sa fountain at nilaro ng mga daliri ang tubig.
NAPAKUNOT ang noo ni Red habang tinititigan si Samantha. Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito habang pinagmamasdan ang tubig na umaagos mula sa banga ng estatwa. Paanong ang isang bagay na hindi naman niya napag-uukulan ng pansin ay nakapagdulot ng kasiyahan dito? In fact, ito ang kauna-unahang bisita sa bahay niya na nag-ukol ng pansin sa estatwang iyon.
The wonderment on her face touched him somehow. Nagbuntong-hininga siya. He dismissed Samantha out of his mind. Nagtuloy-tuloy siya sa loob ng bahay. Bahagya nang pinansin ang pagbati ng katulong. Pumanhik siya sa hagdan patungo sa itaas sa silid niya. Hinubad ang coat at pagkatapos ay lumabas sa terasa.
Hinayon ng mga mata niya ang Wack Wack Golf Course na natatanaw mula sa kinatatayuan niya. Gayunman ay wala roon ang isip ni Red kundi sa taong nagnanais siyang patayin. Sino ito at ano ang atraso niya rito?
Bahagya na niyang naulinigan ang ingay ng bumalandrang pinto mula sa silid niya. Patuloy siya sa pag-iisip. Paano sila magkikita ni Eden kung ganitong laging may nag-aambang panganib sa buhay niya? Baka madamay pa si Eden.
"Hoy, bakit nakadelantera ka diyan?" sigaw ni Sam mula sa sliding door.
Napalingon siya rito at kasabay niyon ay ang pagkabasag ng salamin sa sliding door, dalawang dangkal mula sa kinatatayuan ni Samantha.
"Oh,
sheeet !“ Sam cursed, sabay daluhong sa kanya at pareho silang bumagsak sa baldosa. She was on top, covering him with her body. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya.
Ni hindi napapansin ni Redang sindak at galit sa mukha nito. O ang pangyayari kung bakit dinaluhong siya nito. Ang kumuha ng atensiyon niya ay ang malambot na katawang nasa ibabaw niya at ang mga labing ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya. Ganoon din ang mabangong hiningang nalalanghap niya mula rito.
At unti-unti, sa pagkamangha niya ay tumutugon ang katawan niya.
"Anak ka ng—!" Sam snapped. "Kung hindi ka ba naman talagang tanga at—" She stopped in midsentence. Wide-eyed, she stared at him. Then she flushed. Sandaling gumuhit ang kalituhan sa mukha at sa ilang sandali ay hindi malaman kung ano ang gagawin.
Red knew Samantha felt his huge erection. Gusto niyang mapahiya. Pero hindi niya magawang pigilin ang pagnanasang umaahon sa kanya. Wala siyang natatandaang nag-react nang ganoon ang katawan niya sa isang babae maliban noong binatilyo siya.
Ang cap nito na natanggal nang daluhungin siya ay nagpakawala sa mahabang buhok nito at lumugay iyon. Nalalanghap niya ang mabangong amoy ng shampoo mula sa buhok nito. Lalo lang nagpapadagdag sa ningas ng apoy na unti-unting lumulukob sa pagkatao niya.
Marahas ang ginawang pag-alis ni Samantha sa ibabaw niya. Natitiyak niyang sadyang diniinan nito ang dibdib niya at muntik na siyang mapaubo.
"Huwag kang tumayo diyan!" singhal nito.
Pagapang itong sumisilip sa siwang ng mga balustre. Pagkatapos ay nakita niya nang hugutin nito ang baril sa baywang. It was his father's gun. Ni minsan man ay hindi niya iyon nahawakan maliban kaninang kinuha niya mula sa safe sa opisina. Iyon ang ibinigay niya kay Samantha upang gamitin nito.
"What happened?" Red asked.
"You're such an idiot, alam mo ba iyon?" She was sarcastic.
Gustong magalit ni Red, walang babaeng nagsasalita sa kanya nang ganoon. Pero ang pamumula ng mukha ni Samantha ay nagpapigil ng inis niya. She was dark but the blush was still very obvious. It amused him.
Patuloy sa pagsilip mula sa siwang ng mga balustre si Sam, alerto ang mga mata. Bahagya na siyang nilingon. "Gumapang ka patungo sa loob ng silid mo at baka maasar mo ako'y ako na ang tumapos sa iyo!"
"Nakakalalaki ka na, ah!"
"At muntik ka nang tamaan ng baril!" She glared angrily, more to herself. She had been careless. "Kung hindi ako pumanhik ay malamang na mamaya'y paglalamayan ka na!"
"Anong baril ang pinagsasabi mo? Ni wala akong narinig na putok..."
"May silencer!
’Kuu , talaga kang saksakan ng—“
"Silencer!" Saka pa lang narehistro sa isip ni Red ang dahilan ng pagkabasag ng salamin sa sliding door. Napatitig siya roon. Nanlalaki ang mga mata. Ang bahagi ng katawan niya kanina na talaga namang naghuhumindig ay biglang nanlambot, tila balloon na inalisan ng hangin.
Tumayo si Samantha at lumakad patungo sa loob ng silid niya. May hinanap at pagkatapos ay binalikan siya. "Ito, sa iyo na!" Initsa nito sa harap niya ang empty shell ng baril na tumama sa salamin.
"B-b-bala!" he stammered.
"B-b-bala nga po!" she mimicked mockingly.
Subalit hindi rumehistro sa isip ni Red ang panunuya nito. Kung ano-anong bagay na ang nag-uunahan sa isipan niya habang nakatitig sa empty shell at pagkatapos ay umangat ang mga mata sa basag na salamin.
It was like his whole life was flashing right in front of him. Iba't ibang eksena ng buhay niya ang naglalaro sa isipan; ang bawat taon ng buhay niya; his childhood; his parents; mga masasayang pangyayari sa buhay niya; mga mukha ng marami niyang naging mga girlfriend. And he could even see his... funeral.
Red swallowed painfully. Mahusay siya sa negosyo. Mula nang hawakan niya ang negosyong iniwan ng papa niya sa kanya ay napanatili niya ang sales nila sa competitive level.
At lalong mahusay siya pagdating sa mga girls. Pero ano ang alam niya sa bala ng baril? O sa baril mismo? O ng mga taong walang magawa at gustong makaperhuwisyo ng kapwa? Tahimik siyang tao at masunurin sa batas.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay totoong natakot siya. Mas doble ang takot niya ngayon kaysa noong mawalan ng gulong ang sasakyan niya. Tinitigan niya si Samantha na nakaupo sa sulok, hawak ang baril ng papa niya at nakatingin sa labas. Strange, hindi lang para sa sarili niya ang takot na nararamdaman kundi para na rin dito. Hindi ito malayo sa salaming tinamaan ng bala.
She could have been hit. Napaungol si Red. Paanong naisip ni Art na ito ang magiging bodyguard niya? Looking at her now, na nakatalungko sa sulok, bagaman naniningkit ang mga mata at nakatiim ang mukha, somehow she appeared to be a little girl in disguise. Bakit nga ba hindi, Art said she would only be twenty-three on her next birthday.
Napaungol nang lihim si Red. She was too young. Sampung taon ang kabataan kay Eden. Paanong napasok sa trabahong ganito ang babaeng ito?
9
WALA pang isang oras ay dumating si Art matapos nilang tawagan. May kasama itong malaking babae. “May nasaktan ba sa inyo?” agad nitong tanong, pinaglipat-lipat ang tingin kina Red at Sam. “Ano ba talaga ang nangyari?”
"Muntik mo nang paglamayan 'yang pinsan mo," wika ni Sam sa patuyang paraan. Nagagalit siyang talaga sa sarili at kay Red na rin dahil sa kawalang-ingat nito gayong may nagbabanta sa buhay.
Higit sa lahat, gusto niyang daanin sa inis ang kakaibang damdaming naramdaman niya kanina nang maramdaman ang pagkalalaki nitong gustong kumawala mula sa pantalon nito. For one moment there, she thought it would pierce her denims. And the pleasure that she felt bordered on pain. At napapahiya siya sa sarili.
Itinuon ni Samantha ang tingin kay Red na ipinagpatuloy ang pagkukuwento kay Art ng mga pangyayari. "That was close, 'insan!" Art said.
"Yeah," matamlay na tugon ni Red. Umangat ang mga mata sa babaeng nakatayo lang sa may pinto. "Please come in. Maupo ka."
"Siyanga pala, Red, si Liberty Hermano," pagpapakilala ni Art nang lumapit ang kasama nitong babae sa kanila. "She's a private investigator. She'll take care of everything."
Naglahad ng kamay si Liberty. Inabot iyon ni Red at nakipagkamay. Pagkatapos ay ipinakilala naman ni Art si Samantha na sa pagitan ng pagngiti at pakikipagkamay ay mabilis na sinuri ang anyo ng PI. Malaking babae ito at sa tantiya niya ay nasa mid-thirties. Panlalaki ang gupit ng buhok. Nakaitim na pantalon at itim na jacket na may puting panloob. Tila security officer sa airport.
"Malamang na sa Wack Wack Golf Course nakapuwesto ang sniper, Art," wika ni Samantha. "At kahit man tinakbo ko iyon ay hindi ko na rin aabutan. Besides, hindi ko gustong iwan si Red."
Tumango si Art. "Tama ang ginawa mo. Tutungo ako sa golf course bago ako umuwi. Magsisiyasat ako roon."
"Huwag kang mag-alala, Mr. Halandola. We'll find out soon who's behind all this," kampanteng wika ni Liberty. "Binigyan na ako ng run down ni Art sa mga nangyari."
"Sana'y buhay pa ako sa sandaling malaman ninyo." Red was sarcastic.
Pagkatapos ng ilang mga katanungan ay nagpaalam na si Liberty Hermano. Sinamahan ito ni Samantha hanggang sa pinto. Mabigat ang dibdib niya habang nakatingin kay Liberty na sumakay sa owner-type jeep nito. Biglang-bigla ay nadama niyang hindi na biro ang lahat. Na talagang nanganganib ang buhay ni Red. At marahil ay kahit siya.
Sa buong karera niya bilang pulis at bodyguard, ngayon lang talaga nasapatan nang husto ang pananabik niya sa aksiyon. Pero may bahagi sa dibdib niya ang sinibulan ng takot... both for her and Red's life. Takot na hindi niya kailanman naisip na mararamdaman dahil tuwina ay thrill ang iniisip niya sa panganib. Paano kung nahuli siya ng ilang segundo sa pagpanhik?
Samantha mentally shook her head in horror. Tinanguan niya si Liberty nang kumaway ito bago inilabas ng gate ang sasakyan. Pabalik na siya sa sala nang maulinigan ang usapan ng dalawang lalaki.
"Sabihin mo nga sa akin, Art, bakit puro babae na lang ang umaayos nitong problema ko?"
"Nagkataong sila ang mga kilala kong maaaring makatulong sa iyo, Red. They also happened to be the best. Liberty's as reliable as Sam, Red. Have faith in them."
Napangiti si Samantha. Mabibigyan niya ng premyo si Art sa pagiging loyal sa kanya. Nang biglang mapaangat ang mga kilay niya nang marinig ang sinabi ni Red.
"Hindi ko gusto ang ginagawa ni Sam, Art. Kung nalihis nang kaunti ang bala ay malamang na siya ang tinamaan. Tinakbo niya ako at ginawang panangga ang sarili. I couldn't risk her life, for goodness' sake!"
"Oh, don't worry about her. Maingat iyan," sagot ni Art. "At kilala ko si Sam, mientras may panganib, lalong ginaganahan iyan. Kung nakabuntot lang siya nang nakabuntot sa iyo, malamang na bibitiwan niya ang trabahong ito." Napabuntong-hininga ito, sinulyapan si Samantha. "So much for her first day of job."
Napalingon si Samantha nang may marinig na sasakyang bumusina. Nang tingnan niya kung sino ay binubuksan na ng guwardiya ang gate at pumasok ang isang pulang Honda Accord. Nang nasa loob na iyon ng garahe ay saka pa lang isinara ng guwardiya ang gate.
Mula sa kotse ay lumabas ang isang babae. Nakakasilaw ang kaputian at tila si Barbie ang maiksing buhok. Bottled blonde. At ang kurba at imbay ng katawan habang lumalakad ito ay gustong magpalupaypay sa kanya.
Juice ko! Kung diyoses ng mga Romano si Redentor, ang isang ito ay diyosa naman ng mga diyosa. Sinikap niyang ngumiti nang mapatapat ito sa kanya.
"Nasaan ang amo mo?" she asked in an even tone.
Hindi agad nakasagot si Samantha at nanatiling nakatitig lang sa mukha nito. Nahihinuha niyang hindi mataas ang babae at kaya lang halos kapantay niya ay dahil sa tatlong pulgadang takong nito. But she was well-endowed. Nakahapit ang damit na hindi niya alam kung ano ang tawag, basta iisa ang strap at nakalitaw ang isang balikat na kung lalaki siya ay tatakamin siya. Ni wala siyang matanaw kahit na isang butlig.
Alam niyang may makeup ito pero napakahusay ng pagkakalagay at tila wala.
Husme , pang-baby powder lang ang alam niyang ilagay sa mukha niya.
Ang tanging maipapantay niya rito ay makinis din ang balat niya.
Baluga ka naman, sagot ng kabilang isip niya. At malambot ang kamay niyan, hindi tulad ng sa iyo na nangangapal sa kaaaral ng karate.
"O, hindi ka na sumagot," malambing nitong sabi na ikinakislot ni Samantha. Lumampas ang tingin sa mga balikat niya. "Oh, never mind. There you are, Red!" Ngumiti ito at nilampasan siya. Naiwan sa ere ang masarap na amoy ng mamahaling pabango nito.
Bigla niyang itinaas ang knitted shirt at inamoy ang sarili. Shit! Amoy-baby cologne siya. How unsophisticated. She grimaced at herself.
Nakailang hakbang na ang babae nang muli siyang lingunin. "I could use a glass of ice water, please. Ang init sa labas," wika nito, smiling at her, bago nagpatuloy sa paglapit sa dalawang lalaki.
Napasinghap si Samantha sa narinig. Napagkamalan ba siyang atsay? At napasinghap siyang muli na halos ikalalim na ng tiyan niya nang salubungin ito ni Red at hagkan sa mga labi.
"Hello, honey..." bati ni Red at hinapit ito sa baywang. "I want you to meet my cousin, Art. Art, si Eden, ang kasintahan ko."
Nakita ni Samantha ang matamis na ngiting sumilay sa mga labi nito. Kahit si Art ay sandaling natulala sa pagtitig kay Eden bago inilahad ang kamay rito.
"Pleased to meet you, Eden..."
"Hey, Sam, halika at ipakikilala ko sa iyo ang nobya ko," tawag ni Red sa kanya.
Napilitan siyang lumapit. At muli ay ipinakilala siyang pinsan ni Red.
"So, magpipinsan kayong tatlo," malambing na sabi ni Eden. "I'm sorry, Sam, kung napagkamalan kitang maid," dugtong nito sa mapagkumbabang tono.
Nagkibit siya ng mga balikat. "No biggie."
Pinaglipat-lipat ni Eden ang mga mata sa kanilang tatlo. "So, what's the reunion all about?"
Natawa si Art. Agad na nakahanap ng dahilan. "Galing sa probinsiya si Sam, Eden. Kararating lang kaya... alam mo na... gustong makita ang buong Kamaynilaan."
Eden pouted her sensual lips. Tumango-tango. Pagkatapos ay muling ibinaling kay Red ang pansin. "I've been expecting your call." Himig hinampo ang tinig nito.
Napatitig sandali si Red kina Art at Sam. "I'm sorry, honey. Nataon sa pagdating ng... ng pinsan namin," atubiling suporta nito sa alibi ni Art. "At may mahalagang bagay din kaming pinag-uusapan nitong si Art. Business... alam mo na."
Tumango si Eden at muling ngumiti. "Ah, okay. I'll forgive you as long as you make it up tonight. Let's have dinner out. You owe me one, remember? Sa
Kinamot sa Escario uli.“
"Oh, sure, honey."
"Natural na isasama n'yo si Sam, Red," agad na sabi ni Art sa panlalaki ng mga mata ni Red. "Pagkakataon na ni Sam na makarating sa mga ganoong lugar, 'di ba? Then you can tour her around."
"Honey?" Naguguluhang tinitigan ni Eden si Red. "Surely we can't bring your cousin along. I mean, not today. This is our first date supposedly..." protesta nito, nalilitong nilinga si Samantha.
Pinigil niyang mapangiti. Lalo na nang makita ang pagtatalo ng emosyon sa mga mata ni Red. Nangingibabaw ang inis.
"I'm sorry, Eden," wika ni Art nang hindi agad makaapuhap ng sasabihin si Red. "Pero nangako si Red na ilalabas ngayon si Sam. And Red's the one who doesn't break promises. Do you, Red?"
Red was speechless. Tinitigan ang nobya ng nagpapaunawang tingin.
"I see." Tumango-tango si Eden. Kung ano man ang nararamdaman ay mahusay na naitago. She smiled at Sam. Pagkatapos ay kay Red. "Kung ganoon ay sa ibang pagkakataon na lang tayo lumabas, Red."
Ilang sandali pa ay nagpaalam na itong muli kahit na ipinilit ni Red na manatili pa. Nang makasakay sa kotse si Eden ay isang marahas na mura ang pinakawalan ni Red.
"Damn... damn! Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, Art!"
"Your life's in danger, Red. Hindi ka maaaring umalis ng bahay nang hindi kasama si Sam."
Nagpupuyos ang loob na nilingon siya nito. Nakakrus ang mga braso niya at nakasandal sa dingding. Nagkibit siya ng mga balikat.
"Go find that bastard and kill him!" pasinghal nitong sabi at pagkatapos ay tinawag ang mayordoma at inutusang tumawag ng magpapalit ng salaming nabasag.
10
N ang araw ding iyon ay napalitan ang salamin sa door panel. At nang makaalis si Art ay pumanhik na si Red sa silid niya. Sumunod si Samantha sa kabila ng mariing pagtanggi nito.
“Natitiyak kong wala na sa paligid kung sino man ang nagtatangka sa buhay ko, Sam. I’ll be safe in my own room. Hindi kailangang samahan mo ako.”
"Your idea of safety is laughable, Red. And I'm being paid to protect you," she said stubbornly. Inunahan niya ito sa pagpanhik sa hagdanan.
Itinaas ni Red ang mga kamay sa ere sa inis, muttering an oath at the same time. Alam ni Samantha na nagagalit ito dahil sa hindi pagkakatuloy ng dinner date nito sa nobya. Na ikinasisiya naman niya.
Sa silid ni Red ay inihagis niya sa sofa ang duffel bag na kinalalagyan ng extra jeans at shirt niya. Sa unang pagkakataon ay noon lang niya napag-ukulan ng pansin ang loob ng silid ni Red. Dark blue ang cover ng malaki at komportableng sofa at may nakasampay na afghan, in lighter shade.
Sa end table ay may glass figurine na sa kinatatayuan niya ay hindi niya mawari kung obscene ang pagkakamolde. Ipupusta niya ang huling piso sa kanyang bulsa na talagang mahalay ang anyo ng figurine na iyon.
Inilipat ni Samantha ang tingin sa king-sized brass bed. Kulay-talong ang bedsheet at pillow cases. She swallowed an imaginary lump in her throat. Ang mahalay na figurine at ang nag-aanyayang kama ay tila nagpapahiwatig ng intimacy.
Mabilis niyang ibinaling sa dingding ang mga mata at tinitigan ang abstract painting ng isang kilalang pintor. She made a face. Hindi niya maintindihan ang mga pintor na gumuguhit ng abstract. Bakit kailangang pahirapan ang mga tumitingin sa pag-i-interpret ng nakaguhit? Huwag nang sabihing napakamahal pa niyon. Sa halaga lang ng painting ay tiyak na maipagagawa na ng tatay niya ang bahay nila.
Kung ang pag-uusapan ay ang mga kasangkapang naroroon ay masasabing kompletong bahay ang loob ng silid ni Red. May minibar sa isang sulok at mamahaling mga bote ng alak ang nakikita niyang naka-display. Sa dulo ng minibar counter ay isang maliit na black ref.
"Hindi ka ba naduduling diyan sa laki ng TV mo?" tanong-komento ni Samantha nang mabaling ang pansin sa fifty-eight-inch television. Sa tingin niya, kapag doon siya nanood ng
Discovery Channel ay malamang na kasinlaki na niya ang mga langgam. Sa isang bahagi ng dingding ay may nakakabit na malalaking sound blasters.
"Kailangan ba talagang kasama kita rito sa silid ko?" naiiritang sabi ni Red, hindi pinansin ang sinabi niya.
Nang lingunin ito ay natigilan siya, unti-unti ang ginawang inhalation. Nahubad na nito ang pang-itaas na suot at inilatag ang katawan nang pahalang sa kama. Nakahantad sa paningin niya ang katawan nito. He was physically fit with the right amount of muscles on his chest and shoulders. Not an ounce of extra flesh sa bahagi ng tiyan.
She'd seen men with fine bodies, one of them was her father. Pero sa buong buhay niya ay hindi niya kailanman naisip na magagandahan siya sa katawan ng isang lalaki sa paraang dinedetalye niya ang bawat bahagi niyon.
Gayunman ay nahahati ang damdamin ni Samantha sa pagitan ng paghanga at matinding disappointment. Itinatago lang niya sa daldal ang dismayang nararamdaman. Hindi niya naisip man lang na may nobya na si Red. At hindi lang basta nobya. Kung itatabi siya kay Eden ay mukha siyang tagabitbit lang ng makeup kit nito. Hindi nga ba at napagkamalan siyang atsay?
Mula sa kisame ay inilipat ni Red ang tingin sa kanya. Kumunot ang noo ni Red nang mahuli nito ang pagtitig niya rito. Embarrassed, mabilis siyang humakbang patungo sa door panel. Tumayo siya roon at tinanaw ang labas mula sa salamin, umaasang hindi bibigyan ni Red ng ibang kahulugan ang pagtitig niya sa katawan nito.
"That's a silly question, Halandola," sagot niya sa sinabi nito sa professional na tinig. "Kapapalit lang ng salamin ng door panel mo dahil may balang tumama roon na muntik nang sa bungo mo bumaon."
Hindi sumagot si Red. Bumangon at itinukod ang dalawang siko sa kamay. "Hey, Sam," tawag nito. "Ano 'yang nasa kaliwang braso mo?" Tuluyan na itong tumayo at nilapitan siya. Hinawakan ang braso niya at sinuri. "It's blood!" he exclaimed. "Tinamaan ka ng—" Nilinga nito ang door panel "—basag na salamin. May bubog pang nakabaon!"
Kumunot ang noo niya at niyuko ang likod ng braso niyang hawak nito. Natuyo na ang dugong gumuhit doon. At may bahagyang sugat siya. At tama si Red, may kapirasong bubog na nakabaon sa laman niya.
Kung may naramdaman man siyang hapdi mula pa kanina ay hindi niya pinag-uukulan ng pansin. Ang buong konsentrasyon niya ay nakaukol kay Red at sa kaligtasan nito.
"Come here, sit down," Red said gently. Kauna-unahang kinaringgan niya ng ganoong tono ito mula pa kanina sa opisina. "Kailangang makuha 'yang bubog na iyan at magamot ang sugat mo." Hinila siya nito patungo sa mahabang sofa.
"I can take care of myself, Red. Don't bother. Kaya kong tanggalin iyan," protesta niya nang paupuin siya nito.
"Shut up for once, will you!" he snapped. "Maghintay ka riyan at huwag mong pakialaman 'yang bubog at baka bumaon pang lalo. May medical kit ako sa banyo."
Nagkibit siya ng mga balikat. Ngayon at naipaalam sa kanya ang sugat niya sa braso ay unti-unti na niyang nararamdaman ang hapdi. Pero bukod sa malayo sa bituka niya ang sugat ay hindi naman kalakihan. Walang dahilan para mag-alala si Red—kung pag-aalala man nga ang nakikita niya sa mukha nito.
Ilang sandali pa ay nasa tabi na uli niya ito at inilabas ang isang maliit na medical tweezers. Hinawakan nitong muli ang braso niya. "This could hurt..."
"Mas matindi pa diyan ang inaabot ko. Bale-wala iyan."
"Are you really this tough?"
Samantha could feel the warmth of his breath as he spoke. She inhaled softly. Pilit iwinawaksi sa isip ang masarap na kilabot na nararamdaman. This is silly! How could a man's breath affect her so much?
Sinikap niyang maging kaswal ang tinig nang sumagot. "Sa training pa lang ay hindi na birong sakit ng katawan ang inaabot ko."
Red sighed. "Bibihirang babae ang gugustuhin ang trabahong pinili mo, Sam."
Samantha shrugged her shoulders. Ipinagpatuloy ni Red ang ginagawa. Dahan-dahan nitong inalis ang nakabaong kapirasong bubog sa balat niya. Bahagya siyang napangiwi. Muling umagos ang sariwang dugo nang mahugot ang bubog. Nagmamadali nitong pinahiran iyon ng bulak na may alcohol at pagkatapos ay nilagyan ng Betadine.
"Ang ibang babae'y iindahin ito," patuloy ni Red.
"Hindi ako ibang babae."
"Oh, I know that now," he said drily, kumuha ng Band-Aid upang itapal sa sugat.
"Ako na ang magtutuloy diyan." She turned, bahagyang nabunggo ng mukha niya ang mukha nito. Napatitig ito sa kanya.
And for the life of her she couldn't look away. She literally stopped breathing for seconds. Never had she felt something like this before. Then her eyes widened when like a slow motion, Red's head moved toward her. He was going to kiss her! She blinked. And panicked at the same time. Lordy, ano ang gagawin niya?
"Sam..." Red murmured huskily, his mouth only inches apart.
Bahagi ng isip niya ay umaasam sa paglapat ng mga labi nito. Wondering what it would feel being kissed by this man. But she had more sense than hormones. May girlfriend na ang lalaking ito! Mabilis siyang tumayo. "I-ibabalik ko na ito sa... sa banyo." Dinampot niya ang medical kit, hoping her knees would not buckle.
Tumayo rin si Red. Nalilitong sinundan siya ng tingin.
Ilang sandali pa ay muling lumabas si Samantha. Iyon pa rin ang posisyon ni Red, nakatitig sa kanya. "May... may pagkain ba rito?" She was trying to sound casual though she refused to meet his eyes.
Saka pa lang ito kumilos. Inilagay sa waste bin ang mga soiled cotton. "Tatawagan ko si Manang Salome at magpapahanda ako ng pagkain."
"Huwag na. Hindi naman ako nagugutom, naitanong ko lang. Si Manang Salome lang ba ang kasama mo rito?" she asked conversationally. Pinasalamatan ang sarili sa pagbabalik ng huwisyo.
"On weekdays. Saturdays and Sundays ay umuuwi siya sa kanila sa San Juan," sagot nito. "Anyway, hindi na rin ako kakain. Mas gusto kong magpahinga. I feel like I'm totally wipeout."
Tumango siya. "Saan nga pala ako matutulog?"
"Di dito na rin sa kuwarto ko."
Agad na napataas ang mga kilay niya. Nilapitan ito at dinuro ang dibdib. "Hoy, Halandola! Hindi dahil napapatulala ako sa iyo, maaari ko nang pagbigyan ang kalokohan mo—" She stopped in midsentence and gasped. Hindi siya makapaniwalang nasabi niya iyon. When she glanced at him, his eyes sparkled in hidden laughter.
Unti-unting kumalat ang dugo sa mukha niya. "Huwag kang mag-isip ng masama, Halandola. Isang sipa ko lang sa iyo ay mauubusan ka na ng hininga."
"Excuse me..." His grin came, quick, dangerous, sending her heart on a fast, bumpy ride. "I'm sorry to burst your bubble, Miss Bodyguard, but what I meant was, dito ka sa kuwarto ko, while I'll sleep in the
en suite.“ Itinuro ni Red ang isa pang pinto sa gilid ng minibar at muli siyang tinitigan, lumapad ang pagkakangisi. “And are you implying that you have a crush on me?”
"Wala akong sinasabing may crush ako sa iyo," mariin niyang tanggi. Dahan-dahang napababa ang mga kilay niya. "Don't mess up with me, Halandola."
"Or you'll what?" Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib, ikiniling ang ulo at ngumisi.
Paismid na tinalikuran niya ito.
His smile grew. "Certified na babae ang bodyguard ko," bulong nito na narinig naman ni Samantha pero binale-wala. Red watched her walk away, his eyes skimming over the slim lines of her back, wondering why some women looked sexy in a denim jeans designed to be worn by men.
Sa kupas na maong nito at combat shoes, her derriere was delightfully inviting. The bulky warmth of a periwinkle-colored shirt didn't disguise the graceful curve of waist and bust.
"I'll be damned."
11
KASABAY ng pagpatay ni Samantha sa shower ay ang pag-ahon niya mula sa bathtub. Bahagya na niyang napag-ukulan ng pansin ang langitngit ng pinto ng banyo. Kasabay ng paghawi niya sa shower curtain ay ang pagbababa naman ni Red sa boxer shorts nito at tumapat sa toilet bowl. Nakita niyang halos nakapikit pa ito.
Ang malakas niyang singhap ang nagpalingon kay Red sa kanya. Ang naging reaksiyon nito nang malingunan siyang nakatayong hubad ay tulad din ng sa kanya habang mangha siyang nakatitig sa inilalabas nito sa boxers.
Her mouth dropped open. Then she shrieked. Mabilis niyang hinatak ang shower curtain at ipinulupot sa katawan.
"Wooops!" Natutop ni Red ang noo, nagmamadaling itinaas ang garter ng boxers.
"Damn you, don't you knock?" singhal niya.
"Hindi ako sanay na kumatok sa sarili kong silid at banyo. Ikaw ang may kasalanan diyan, bakit hindi ka nag-lock?"
"Kahit na! Hindi mo ba napansing wala na ako sa kama?"
"Well, so—rry..." paumanhin nito na hindi naman sinsero. Ang mga mata nito ay gusto niyang ukitin dahil sa katawan niyang naaninag din naman sa kurtina nakatuon. Pagkuwan ay eksaheradong ngumiti na parang nakakaloko. "Puwedeng mamaya na tayo mag-away, okay? I don't wanna pee in my boxers."
Padabog na lumabas ng banyo si Samantha at ubod-lakas na ibinalya pasara ang pinto. Hindi malaman kung maiiyak, mapapahiya, o magagalit. Damn the man. Nakita siya nitong hubad! Wala pang taong nakakitang hubad siya maliban sa nanay niya noong maliit pa siyang bata!
Hey, you saw
him ,
too . Oh well, if that’s any consolation, yes, she really did, and was shocked by its hugeness. She swallowed hard. Nakita niyang talaga! Oh, my God! Ganoon ba talaga iyon?
Habang iginuguhit ng isip ni Samantha ang nakita ay nagtuloy nang naligo si Red. Nang lumabas ito ng banyo ay bihis na siya.
"Saan ang lakad natin ngayon?" Inabot niya ang baril na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kumuha ng tissue paper at kunwa ay nililinis iyon. Kailangan niya ng magagawa upang huwag lang salubungin ang mga mata nito.
Nanatiling nakatayo si Red sa pinto ng banyo. Tumikhim ito bago nagsalita. "Anong oras na ba?"
"Quarter to eight." Her tone was flat.
"Hindi ako makapaniwalang napahimbing ang tulog ko kagabi. I must really be wipeout." Lumakad ito patungo sa closet at kumuha ng damit. "Mauna ka na sa ibaba at magpahanda ka ng almusal kay Manang Salome at pagkatapos sa opisina na tayo."
Hindi siya kumibo at lumakad patungo sa pinto. Ngunit bago siya tuluyang makalabas ay tinawag siya nito. Lumingon siya.
"Sorry nga pala," wika ni Red. Samantha would have believed that the apology was sincere except for the laughter that was lurking in his eyes
Drat the man!
“SO HOW is it?”
"Clear." Isinara ni Samantha ang hood ng Toyota Altis. Katatapos lang niyang i-check ang bagong sasakyan ni Redentor. Kade-deliver lang ng kotse mula sa casa pero mabuti na iyong nag-iingat.
"Do you know anything about self-defense?" tanong niya nang makasakay na sila. Siya na ang magmamaneho ng kotse patungo sa opisina.
"Hindi ko naisip na kakailanganin ko ang kaalaman sa martial arts. I'm a peace-loving citizen," matabang nitong sabi.
Umingos siya. "Paano kung may humamon ng away sa iyo? Aatras kang tila duwag?"
"Hindi katapangan 'yong lagi na lang nakikipagbasag-ulo, Samantha," angil nito. "Hindi rin naman mga basag-ulero ang mga taong kahalubilo ko. And to answer your question, I don't start a fight and as much as possible, I stay away from trouble. But I don't run away from it. At iyong paggamit ng lakas upang idepensa ang sarili ay instinct ng tao."
Napaismid si Samantha. Naroon ang logic sa sinasabi nito. Gayunman ay hindi niya maisip kung ano ang magiging hitsura ni Red kung masapok ng kaaway ang kaibig-ibig nitong mukha. Then her gaze slid to his mouth, firm and sculptured, and exquisitely masculine. Bumaba ang mga mata niya sa katawan nito. Naka-long-sleeved ito ng mustard yellow at dark blue printed necktie subalit nakahulma ang matipunong katawan.
No man should have the right to look so gorgeous. Then her eyes slid lower... lower...
"Concentrate on your driving, Samantha," wika nito. Tiny laugh lines crinkled at the corner of his eyes. "Huwag mo akong hubaran ng mga titig mo."
Napasinghap siya at mabilis na kinabig ang manibela nang makitang medyo gumigilid na sila sa rampa ng subdivision.
"Do you want to see me naked?" patuloy ni Red, laughter in his voice. "Though I guess you've seen what was supposed to be very, very private. You're lucky, si Eden ay hindi pa—"
"One word, Halandola, and you're dead!" Kung paano niya mabilis na nahugot ang baril sa baywang niya at itinutok dito ay hindi niya alam.
At kung inaakala ni Samantha na natakot niya si Red ay nagkamali siya. Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito at inihilig ang ulo sa headrest. "Kunsabagay, wala namang nakalamang sa atin. I saw you, too." Nilingon siya nito at naglandas ang mga mata sa katawan niya. Naroon ang pinagsamang kaaliwan at malisya. "Wala kang itinagong puti, ano?"
Marahas niyang diniinan ang tapak sa selinyador ng sasakyan. Pinaglalaruan siya ng walanghiyang lalaking ito.
"Hey!" Agad na ikinabit ni Red ang seat belt. "Nagbibiro lang ako. Huwag kang pikon!"
12
“I don’t understand this anymore, Red!” Eden stomped her foot angrily. “Bakit kailangang kasama natin ang pinsan mo kung lalabas tayo?”
Itinaas ni Red ang dalawang kamay sa ere sa pagkadismaya. Ni hindi niya alam kung paano sasagutin ang nobya. It was Samantha’s third day on duty as his bodyguard.
"Pinsan mo ba siyang talaga?" nagdududang tanong ni Eden.
"Pinsang makalawa namin ni Art si Sam, honey," sagot niya kasabay ng buntong-hininga. "And we were very close since we were children. Nahiwalay lang sa amin si Sam nang malipat sila sa Mindanao. At hindi ko naman siya mapahindian sa tuwing gugustuhin niyang sumama sa bawat lakad ko..." Hindi niya alam kung paanong lumabas sa bibig niya ang mga kasinungalingang iyon.
Umismid si Eden. "Hindi ko gustong pagsisihang nagkamali ako ng pagsagot sa iyo, Red. I don't like this at all." Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang babala sa tinig ng kasintahan. "Tawagan mo na lang ako kung ipinasya mo nang makakapag-date tayo nang walang
chaperone !“ In three strides she was gone.
Ni hindi pa man lang lumalapat nang husto ang pinto ng opisina niya nang pumasok si Art kasunod si Samantha. Tiyak na nasa labas lang ng pinto ang mga ito.
"Sa anyo ni Eden paglabas ay mukhang hindi maganda ang ihip ng hangin," wika ni Art, nangangantiyaw.
"Kahit sino ay magagalit kung sa tuwing babalakin naming mag-date ay laging kabuntot si Samantha!" Naniningkit ang mga mata niyang sinulyapan ang bodyguard na bale-walang naupo sa sofa at itinaas ang mga paa sa mesa.
"At bakit kailangang patuloy nating ilihim kay Eden kung sino talaga si Samantha? Girlfriend ko siya, may karapatan siyang malamang may nagtatangka sa buhay ko!"
Tumabing naupo si Art kay Samantha. Inilagay ang braso sa sandalan ng sofa sa likod at sa tingin ay nakaakbay ito sa dalaga. Huwag nang sabihing magkadikit ang mga tagiliran ng dalawa.
"Napag-usapan na natin ito, Red, at sinang-ayunan mo. Kung ngayon natin sasabihin kay Eden ang tungkol kay Sam..." Nilinga nito si Sam na ang mukha mula rito ay ilang pulgada lang ang layo. Sam met Art's eyes, lumabi ito at tumango-tango. "Iisipin lang ng girlfriend mong niloko mo siya at wala kang tiwala sa kanya kaya nagsinungaling ka."
Sa isang sandali ay nawala sa topic na pinag-uusapan si Red. Ang mga mata niya ay natuon sa braso ni Art na nasa likuran ni Samantha at kumunot ang noo niya sa paraan ng titigan ng dalawa.
Nang muling tumingin sa kanya si Art ay mabilis niyang inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa mga ito. He paced the floor. Hindi niya gustong i-entertain ang damdaming unti-unting sumisibol sa nakikita niyang closeness ng pinsan at bodyguard.
Muli niyang ibinalik ang mga mata kay Samantha. "Nagbabanta si Eden na makikipag-break sa sandaling hindi kita idispatsa. Nagdududa na siya kung talaga nga bang magpinsan tayo."
"Hindi ko problema ang girlfriend mo, Halandola," Samantha said icily. Inihilig ang ulo sa sandalan na tila nababagot sa pinag-uusapan.
Umangat ang kamay ni Art at banayad na minasahe ang ulo ni Samantha na nakaramdam ng ginhawa at pumikit. Lalong nagdikit ang mga kilay ni Red. Naglalaro sa isip niya na maaaring may relasyon ang dalawa. But he furiously dismissed the thought as fast as it came. Nasabi na ni Art sa kanya na binigo ito ni Samantha nang ligawan nito ang dalaga. Art wouldn't lie to him. Besides, ano ba ang pakialam niya sa pribadong buhay ng pinsan at bodyguard?
Nagmulat ng mga mata si Samantha. "Kung gusto mo'y mamili ka ng ididispatsa sa aming dalawa para matapos na ang suliranin mo."
"Are you crazy?" he barked. "Walang dapat pamimilian, Samantha. Girlfriend ko si Eden at bodyguard
lang kita! Worse comes to worse—“
"Ididispatsa mo ako?" She challenged him.
Hindi agad makasagot si Red. Maididispatsa ba niya nang ganoon kadali si Samantha? Hindi na dahil kaya ito naroroon ay dahil may nagbabanta sa buhay niya. Sa totoo lang ay nasanay na siyang kasa-kasama ang babae saan man siya pumunta. Sineryoso ni Samantha nang husto ang trabaho nito sa kanya. Anumang bagay bago makarating sa kanya ay dadaan muna rito. Halos tikman nito pati ang pagkain niya.
Nasanay na rin siya sa tila aso't pusang relasyon nilang dalawa, tulad ngayon. Hindi man niya gustong aminin ay gusto niyang kasama si Samantha. Walang kabagot-bagot na sandali sa piling ng babae. Sa tuwina ay inaabot silang dalawa ng madaling-araw sa panonood ng mga pelikula sa DVD. Na lagi namang nagwawakas sa pagtatalo dahil magkaiba sila ng taste pagdating sa pinanonood. Mahilig si Samantha sa mga action movies habang ang gusto naman niya ay mga political at espionage.
Kung tutuusin, dahil alam ni Rio kung sino si Samantha, sa paningin ng sekretarya ay mas girlfriend niya ito kaysa kay Eden. And... he felt there's something between them that was more than just bodyguard-client relationship. Though he couldn't name what it was. And seeing Samantha this close with Art irritated him to no end. Isang bagay na hindi niya maintindihan. Maybe he was possessive with his bodyguard. Iyon lang iyon.
He didn't think he could just easily dismiss Sam out of his life. Pagkatapos ng kaso ay titiyakin niyang mananatili silang magkaibigan. Maliban kay Art, he never had a friend like her. Lahat ng babaeng nakilala niya ay kailangang pakitaan niya ng mahusay dahil umaasa ang mga itong perfect siya. Kahit kay Eden. With Samantha, naipakikita at nakakakilos siya bilang siya.
He sighed in resignation. "Siguro'y kailangan ko lang ng mas credible na paliwanag kay Eden." And muttering an oath when he saw her smile triumphantly.
MULA sa pagkakaupo sa couch ng lobby ng gym ay napatayo si Samantha nang matanawan sa glass window na tapos nang mag-workout si Red.
Ngunit agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin na may kasama itong babae. Tulad ni Eden, she was petite, but sexy and gorgeous. Nakasuot ang babae ng hanging shirt at cycling shorts.
"Small world talaga, 'di ba?" narinig niyang wika ng babae nang buksan ni Red ang glass door para dito. "I'm glad na nagpa-enrol ako rito kahapon."
Isinuot niya ang baseball cap at sinalubong si Red. Gusto niyang malaman kung sino ang babaeng kausap nito.
"Siyanga pala, Lizzy," wika ni Redentor nang makalapit siya sa mga ito, "I want you to meet—"
"Imagine, it's been a year!" Patuloy pa rin sa pagsasalita ang babae, ni hindi siya pinagkaabalahang lingunin man lang. "I mean, of all places? Dito pa tayo magkikita. Did you even miss me?"
Nanatiling nakakunot pa rin ang noo ni Samantha. Sino ba ang babaeng ito sa buhay ni Redentor? Gusto sana niya itong tanungin, ngunit hindi niya alam kung paano sisingit sa sunod-sunod na pagsasalita ng babae. Mukhang matagal ngang hindi nagkita ang dalawa. Nanatili siyang nakabuntot sa likuran hanggang sa makalabas ng gym. Nakapasak ang dalawang kamay niya sa mga bulsa ng suot na denim jacket.
"Yes, of course, na-miss kita," Red said patronizingly.
"It's so nice to hear that." Lumapad ang ngiti nito, fluttering her eyelashes. "And you're so guwapo pa rin. So, is there someone new?"
"Yeah," tipid na tugon ni Red.
Napangiwi ito. "Good for you. You moved on. Well, ako..." Nagkibit ito ng mga balikat. "Single pa rin. Well, I enjoy being single, you know. Of course, I date once in a while but there's no particular someone. So, what d'you think of me now?"
Hindi mapigilan ni Samantha ang mapairap. So, isa ito sa mga ex.
"You're gorgeous than ever, Lizzy," wika ni Red at pagkatapos ay bumaba ang tingin nito. Umangat ang mga kilay at pilyong ngumiti. "And... they've grown."
Agad na sumunod ang mga mata ni Samantha sa kung saan nag-landing ang mga mata ni Redentor.
They’ve grown? Her eyes rolled heavenward.
Lizzy laughed demurely. Hinampas nito sa balikat si Red. "You haven't changed a bit. Naughty ka pa rin. And don't even get the idea that... well, you know, kahit ako ay na-shock nang lumaki ang mga
iyan.“ Napahagikgik ito.
Umangat ang kilay ni Samantha.
Sabihin mo, nagpalagay ka ng silicone!
Tumingin sa relo sa braso si Lizzy at pagkatapos ay sa kalye. "Ang hirap namang maghanap ng taxi rito..."
"Gusto mo bang ihatid na kita?" alok ni Red at muntik na itong sikmuraan ni Samantha.
"Oh, thank you!" bulalas ni Lizzy. "We've got a lot of catching up to do."
Nilingon siya ni Red. "Puwede bang ikaw na muna ang mag-drive?"
"Oh, sure," Samantha said too sweetly, hinablot niya rito ang susi at deretso sa pinagparadahan ng sasakyan.
13
IPINASOK ni Samantha ang sasakyan sa isang private subdivision ayon sa direksiyong ibinigay ni Red. Panay ang irap at simangot niya dahil nasa backseat ang dalawa at nagmukha siyang chauffeur. At rinding-rindi na siya sa tinig ni Lizzy. Hindi yata ito nauubusan ng sasabihin.
Mula sa salamin ay nakikita niyang nakaakbay rito si Red. Halos lumuwa ang mga mata sa katititig sa hinaharap ni Lizzy. Nagpupuyos na siya sa inis. Nalimutan na ba nitong may girlfriend ito? Bukod doon, hindi niya gusto ang pag-aalok na ihatid si Lizzy. Ano ang malay niya kung ito ang nagtatangka sa buhay ni Red? Masyado naman yatang coincidental ang pagpapa-enrol ng babae sa gym.
Biglang nawala ang daloy ng isip ni Samantha nang hindi niya marinig ang tinig ni Lizzy. Sumulyap siya sa salamin at umuusok ang ilong niya nang makitang akmang hahagkan ito ni Red. Tatlo... dalawa... isang pulgada na lang ang layo ng mga labi ni Red...
"Hey!" Lizzy shrieked. Napakapit sa sandalan ng upuan sa tabi ni Samantha. Halos umabot ang ulo nito sa ceiling ng kotse nang mapadaan sila sa hump. "Are you trying to kill us?"
She just lifted one neat eyebrow. Lihim na sumulyap sa rearview mirror. Umaasang matatauhan si Redentor.
Sandaling inayos ni Lizzy ang buhok. Then Red cupped her face in his hands, handang ipagpatuloy ang naudlot kanina.
"Aba't talagang..." mahinang busa ni Samantha sa sarili. Tinapakan ang selinyador nang makita ang hump sa unahan.
Muling tumili si Lizzy. Sa pagkakataong iyon ay kapwa umabot ang mga ulo ng dalawa sa ceiling. "Aw, that hurt!" hiyaw nito. "Bulag ba iyang driver mo, Red?"
Mula sa salamin, nakita ni Samantha ang warning look na ibinigay ni Red sa kanya. Umingos siya. "Aba! Kasalanan ko bang ga-chocolate hills ang mga humps dito sa subdivision ninyo!"
Napasinghap si Lizzy. Nanlaki ang mga mata at sinipat siya. "Babae! Babae ang driver mo, Red?"
Samantha made a face. Hindi siya nito pinansin kanina kaya marahil ay inakalang lalaki siya. Tinanggal niya ang cap at inilugay ang kanyang buhok, sandaling nilingon sa likuran si Lizzy at maasim na nginitian. "Surprise?"
"Oh." Napatuwid ng upo si Lizzy. "Okay, now, there's my house. 'Yong black gate. Stop it right there."
Pakadyot na inihinto ni Samantha ang kotse at parehong sumubsob sa unahan ang dalawa. Mas matindi nga lang ang pagkakasubsob ni Lizzy dahil hindi nito inaasahan ang gagawin niya. Halos maiyak-iyak ito.
"Pagsabihan mo 'yang driver mo, Red!" she screamed. Mabilis na binuksan ang pinto sa bahagi nito at nagmamadaling lumabas. Nakakabingi ang sunod-sunod nitong ginawang pagkatok sa knocker sa gate.
"Mag-usap tayo mamaya," babala ni Red bago lumabas ng sasakyan at sinundan si Lizzy.
Nagkibit lang siya ng mga balikat. Alam niyang nagseselos siya. Hindi niya mapigilan. Pero hindi niya iyon aaminin, balatan man siya nito nang buhay.
"Hey..." Hinawakan ni Red sa braso si Lizzy. "Pasensiya ka na kay Sam. Bagong driver lang siya."
"Pasensiya?" Ang mga kamay nito ay nakaalalay sa dibdib. "Ang lakas ng pagkaalog ko. Feeling ko natanggal ang mga..." Her voice trailed off. Niyuko nito ang dibdib.
"I'll make it up to you, Lizzy," wika ni Red, may pangako sa tinig, sabay titig sa dibdib nito.
Biglang sumungaw ang malapad na ngiti sa mga labi ni Lizzy. Napanganga naman si Samantha sa sinabing iyon ni Redentor.
Aba’t talagang naghahanap ng disgrasya ang lalaking ’to!
"I really don't know what got into her," patuloy ni Red.
"Red, it was obvious na nagseselos siya. Nagseselos ang
driver mo sa akin.“ Sinulyapan nito si Samantha.
"Nagseselos?" ulit ni Red at nilingon din siya kasabay ng kunot ng noo. Pagkatapos ay bumunghalit ng nakakalokong halakhak. "Si Sam nagseselos? Believe me, Lizzy, Sam's a man in a woman's body."
Napasinghap nang malakas si Samantha sa narinig. Tila siya palasong itinudlang lumabas ng sasakyan.
A man in a woman’s body pala, ha! Sinugod niya si Redentor, walang sabi-sabing kinabig ang batok nito payuko at kinuyumos ng halik ang mga labi. Matagal bago siya kumawala. Humihingal pa siya. “Ngayon, sino ang lalaki sa katawan ng babae, ha?”
Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Red sa pagkamangha. Maging siya man ay nagulat sa ginawa. Napaatras habang nanlalaki ang mga matang titig na titig kay Red. Her heart sped up, and she had to pause a moment to catch her breath.
"Yuck!" Lizzy blurted out. Disgust all over her beautiful face. Diring-diri ang hitsura. "Nakipaghalikan ka sa driver mo!" Nilingon ang gate na nabuksan na ng katulong. Mabilis itong pumasok. "Nice meeting you, Red, but I don't think I can invite you in. Masakit ang ulo ko." Pagkasabi niyon ay isinara nito ang gate. Maririnig na sinisinghalan nito ang maid kung bakit matagal nagbukas ng gate.
Hindi na malalaman ni Lizzy na ang madaliang pagsasara nito ng gate ang nagligtas dito mula sa kamao ni Samantha. Tila ba palaka ang tingin nito sa kanya na humalik kay Red.
"What is it with you, huh?" tanong ni Red na naka-recover na sa pagkabigla.
"What is it with me?" she hissed. "Nakikipagharutan ka sa kanya na para kang walang nobya."
"So what?" Nagdikit na ang mga kilay nito. "I think you're forgetting something, Samantha. You're just my bodyguard. At hindi parte ng trabaho mo ang panghimasukan ang mga ginagawa ko."
"
You’re just my bodyguard…“ umulit sa isipan niya ang sinabi nito. Napalunok siya, almost hurting her throat. Slowly, she turned. Humakbang pabalik sa kotse.
Ngunit nahagip ni Redentor ang braso niya at hinila siya pabalik. "Now come here and I'll give you a real kiss."
At bago pa makakilos si Samantha ay nakakulong na siya sa mga bisig nito at sa isang kisap-mata ay angkin na nito ang mga labi niya. Sa una ay marahas ang halik ni Red at nagpumiglas siya upang tuhurin ito. Pero marahil ay nahulaan na nito ang gagawin niya at hindi siya binigyan ng pagkakataong maikilos man lang ang mga binti. His one arm on her lower back was like a steel band.
Subalit sa isang sandali ay nagbago ang paraan nito ng paghalik. He was giving her lips light butterfly kisses. Ang kamay nitong humahawak sa likod niya ay unti-unting lumuwag at banayad na hinahaplos ang pang-upo niya. His other hand tightened on the back of her head, tilting her face back as he tasted the delicate length of her jaw.
There was a tingling sensation low in her belly. Sensasyon na unti-unting kumakalat sa buong katawan niya sa bawat dampi ng mga labi nito.
Her lips parted, giving him access to the tender inside flesh of her mouth. His tongue rubbed lightly along the inner surface of her lower lip before slipping inside.
Unti-unting umangat ang mga kamay ni Samantha patungo sa leeg ni Red nang mula sa kung saan ay malakas na halakhakan ang narinig niya. Sinundan iyon ng kantiyaw.
"Pare, malapit lang ang motel dito!"
Marahas siyang kumawala at lumingon. Sa kalsada ay naroon ang tatlong kabataang sakay ng isang top-down owner-type jeep. Naghalakhakan ang mga ito at ilang sandali pa ay muli ring pinaharurot ang owner-jeep.
Wish lang niya na bumuka ang lupa at lamunin siya upang maitago ang kahihiyan. Kahihiyang nauwi sa galit. Hinarap si Red at dinuro. "Ikaw ang may kasalanan nito!" Pagkasabi niyon ay muli siyang bumalik sa kotse at halos matanggal sa mga hinges ang pinto sa lakas ng pagkakasara niya. Pinaandar niya ang makina.
Si Red ay nagmadaling sumakay sa passenger side.
"Wala kang karapatang gawin iyon!" singhal niya, pinaharurot ang sasakyan palabas ng subdivision.
Umangat ang mga kilay nito. "Sino ba ang unang nanghalik?"
"You have no right to insult me!"
"It was without malice, Sam. Alam mo iyon. Nagalit ka lang dahil nagseselos ka kay Lizzy."
Her mouth suddenly went dry. "Ako? Nagseselos?" Nanlaki ang mga matang eksaheradong nasaklot niya ang sariling dibdib. "Hoy, Halandola! Napakalaking kasinungalingan niyang ibinibintang mo. Bakit naman ako magseselos, aber? Ano ba kita?"
"Precisely. Ano ba kita at nagseselos ka diyan?" He shot her that grin that always seemed to send her heart into a tailspin. "At kahit si Lizzy ay iyon ang sinabi." Samantha opened her mouth to deny his accusations vehemently but Red beat him to it. "You can deny to your heart's content, Sam. Pero alam mong iyon ang totoo. And I can't believe that you don't know how to kiss."
"Ano?"
"You have never been kissed, have you?"
Hindi siya nakapagsalita. Gusto niyang matunaw sa kahihiyan at galit. Nag-iinit ang mga pisngi niya. Kung hindi lang kasalanang pumatay ay kanina pa sumabog ang bungo nito.
"Another insult, Red?" She was sarcastic. Pero nararamdaman niyang nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. She blinked the stupid tears back.
"You're a novelty, Sam," sagot nito, a certain tenderness in his voice. Subalit nang muli itong magsalita ay naroon muli ang pangangantiyaw. Sapat upang tuluyang mawala ang pagnanais niyang maiyak.
"I felt your lips tremble. Kinakabahan ka na halos marinig ko ang tibok ng puso mo." Bahagyang natawa ito. "Okay na sana, medyo nakuha ko na rin iyong gusto mong palabasin. But I really can't believe na hindi ka marunong humalik, Samantha. You know, I would really enjoy teaching you—free of charge."
Naningkit ang mga mata ni Samantha. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Kung dadaanin niya sa galit ang lahat ay siya rin ang mapapahiya. She initiated it all. Aminin man niya o hindi, totoo ang sinasabi ni Red. And delicious and heavenly as his kiss seemed, wala siyang karapatang ipaghele ang sarili sa kaligayahan. Lalo at kinakantiyawan siya ng Satanas na ito.
She took a deep breath. Bahagya itong nilingon. At sa kalmante at kontroladong tinig ay, "Kalilimutan kong nangyari iyon, Halandola. I can even forgive you. Napagalit kita dahil sinira ko ang diskarte mo kay Lizzy. I'm sorry."
"Oh, I don't really mind. Hindi ko naman talaga gustong ihatid si Lizzy. Pero inaasahan niyang iyon ang gagawin ko, so I obliged."
Lumalim ang gatla sa noo niya. "Ginagawa mo ba ang lahat ng iniisip mong inaasahan ng mga babae sa iyo?" Mula sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya itong nagkibit ng mga balikat pero hindi sumagot. "If that is so, I... I didn't expect you to... to..."
"Yes, you didn't. But you kissed me first. It was such a pleasant surprise..." There was an amusement in his tone that Samantha glared at him. "Life is cause and effect, my dear Sam. What I did was the effect. And honestly speaking, hindi ko naisip na masarap kang hagkan. Your lips were like marshmallows."
Hindi siya kumibo. Kahit paano ay nakadama siya ng kasiyahan sa sinabi nito.
14
I pinarada ni Red ang sasakyan sa tapat ng shop ng Roses and Chocolates. Tumawag si Eden noong umagang iyon. May kaunting sinat daw ito. Kaya naman ipinasya nitong dalawin ang nobya makapananghali.
Nakasandal si Samantha sa kotse at pinagmamasdan si Red mula sa salaming dingding ng flower shop habang namimili ito ng bulaklak. Isang mahabang hininga ang ginawa niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Seryoso siya nang tanggihan si Art nang ialok nito sa kanya ang maging bodyguard muli. Ngunit nabago ang lahat ng iyon dahil lang nasilayan niya ang larawan ni Red.
Crazy it may seemed, ngunit may kung anong bagay ang sumaling sa damdamin niya nang masilayan ang larawan nito. Surely no one could have fallen for a mere photograph? Pero iyon ang nangyari sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili pero noon lang niya iyon naramdaman.
Pero ano ba naman ang nagustuhan niya sa lalaking ito na kung saka-sakali ay hindi kayang ipagtanggol ang sarili? Dapat ay na-turn off na siya kay Red, lalo at may girlfriend ito. Pero sa wari ay lalo pang lumalim ang damdamin niya sa lalaki.
Mula sa glass window ay nakita niyang nasa counter na ito at nagsusulat sa card para sa mga bulaklak na binili. Hindi man niya gustong aminin ay nagseselos at nasasaktan siya bagaman wala siyang karapatan sa damdaming iyon. Eden and him were picture-perfect. At sa tingin niya ay bagay na bagay ang dalawa.
Samantha felt her throat go dry as she stood there, watching him. He really took her breath away. Bagay na hindi niya naramdaman kay Art gayong magandang lalaki rin naman ito.
Nararamdaman marahil ni Red ang titig niya, sandaling nilingon siya nito at kumaway, then flashed her a killer smile. She stupidly smiled back. Muling ibinalik ni Red ang atensiyon sa kahera. Napaungol siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ngayon lang siya nagkakaganoon. By why, oh, why it had to be with the wrong person?
She sighed. Pansamantala, susulitin niya ang panahong magkasama sila. At habang buhay siya, walang makakagalaw kay Red. Dadaan muna ang taong iyon sa ibabaw ng kanyang bangkay. Over her gorgeous body.
Ngunit paano pagkatapos ng trabaho niya? What would happen then? Where would she be?
Tatanggapin ni Samantha ang kabayaran sa trabaho. And she would be clearly going to be out of his life. At si Red naman ay magiging mapayapa na, kapiling ng nobya. And her only consolation was his stolen picture. And the time they spent together.
Pumasok siya sa loob ng kotse nang makitang palabas na ng shop si Red.
"Here's for you." Iniabot nito sa kanya ang isang box ng Ferrero Rocher nang makaupo ito sa driver's seat.
"I-ibinibigay mo sa akin ito?" She was surprised.
Nagsalubong ang mga kilay nito sa tanong niya. "Oo naman. Why?"
"Bakit ako lang ang meron? Paano ang nobya mo?"
Napangisi ito. "Eden doesn't like chocolates. Pambata lang daw iyan. Madalas ay sa mga maid niya nauuwi ang mga chocolates na dala ko noong nanliligaw pa ako."
Napasandal siya sa upuan at sinimulang buksan ang box. Kumuha siya ng isa. "Mas gusto ko naman ng chocolates. Ano naman ang gagawin ko sa bulaklak, eh, hindi naman nakakain iyan."
Smiling, Red shook his head. Pinaandar na ang makina at lumabas ng parking lot. "You and your stomach. Kaya kapag may nanligaw sa iyo, dapat ay chicharong bulaklak at chocolates ang dala niya."
"Correct ka diyan, at kailangang may kasamang sukang maanghang." She laughed. Pagkuwan ay nahinto sa pagtawa nang malingunang nakatitig ito kanya. "M-may bahid ba ako ng chocolate sa mukha?"
Umayos ng upo si Red at ngumiti. "Wala. Lumalim lang ang dimples mo. I never thought I'd appreciate a woman with holes in their cheeks. Tingin ko'y uri iyan ng deformity, tulad din ng cleft chin. Again, you're different, Sam. The dimples made you prettier..."
"You... you thought me pretty?" She was incredulous. Ang binalatang tsokolate ay nabitin sa ere.
"Don't fish for another compliment, Sam." He smiled drily.
Lumabi siya. Tinitigan ang tsokolate sa kamay. "Gusto mo?" alok niya.
Tumango si Red. He then opened his mouth wide. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa manibela.
"Isa lang, ha?" wika niya at inilapit ang chocolate sa bibig nito. Pero malayo pa ay agad nang inabot ng bibig ni Red ang nasa daliri niya. Kasamang nasubo sa bibig nito ang thumb at forefinger niya.
Agad niyang hinila ang kamay subalit agad na hinawakan ni Red ang braso niya. "May naiwang chocolate sa daliri mo," he murmured and licked the traces of chocolates on her finger.
Samantha gasped. Red stared at her. She pulled back her hand. Umayos ng upo. "B-bilisan mo ang pagpapatakbo at baka naiinip na ang nobya mo." Her voice was calm but her nerves were not. And then jealousy was eating her.
ALAS-DOS pasado na nang makarating sila sa bahay ni Eden. Sa isang malaking subdivision sa Meycauayan malapit sa South expressway ito nakatira, sa isang hindi-kalakihang bungalow. Sa garahe ay ang kotse nito. Isang batang katulong ang nagpatuloy sa kanila.
"Kayo pala, Sir. Tuloy po kayo. Nasa silid po niya si Ma'am Eden. Tatawagin ko po."
"Ako na, Nida." Nilinga ni Red si Samantha. "Dito ka muna sa sala." Iyon lang at dala ang mga bulaklak ay tumalikod na ito at lumakad patungo sa pasilyong kinaroroonan ng mga silid sa bahay na iyon.
Inilinga ni Samantha ang mga mata sa loob ng kabahayan, taliwas iyon sa inaasahan niya. Maliban sa sofa at dining table ay hubad iyon sa anumang kasangkapan. The walls were bare. Walang dekorasyon kahit na ano, kahit na bulaklak na plastic sa mesa. Bagaman may kurtina ang mga bintana. Hindi niya inaasahang ang tulad ni Eden ay sa ganoon kasimpleng bahay nakatira.
Nanungaw siya at noon lang napunang malalayo ang kapitbahay. Bagaman malalaki ang mga bahay na natatanaw niya, karamihan sa mga loteng katabi ng bungalow ay bakante at tinutubuan na ng malalagong damo. Lumakad siya patungo sa kotse at kinuha ang kahon ng tsokolate at sinimulang kainin habang nakaupo siya.
Nang maubos ang tsokolate ay nainip si Samantha at muling pumasok sa bahay at naupo. Mayamaya ay dinalhan siya ng maid ng sandwich at juice. Busog na siya pero dahil naiinip ay naubos din niya ang inihain ni Nida na agad namang nawala pagkalapag ng tray.
Pasulyap-sulyap siya sa pasilyo. Bawat segundo na lumilipas ay tila karayom na itinutusok sa dibdib niya. Ano ba ang ginagawa ng dalawa sa loob ng silid? Isang oras nang mahigit mula nang pasukin ni Red sa silid nito si Eden.
Naisip niyang tumayo at lumabas muli nang marinig ang langitngit ng pagbukas ng pinto. Narinig niya ang halakhak ng dalawa. Nakatitig ang mga mata niya sa pasilyo at ilang sandali pa ay lumitaw na ang dalawa. Eden's arms were wrapped around Red's waist. Tumingkayad ito kay Red at ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito, at sa mismong mga mata niya ay hinagkan ito sa mga labi.
Pabagsak na muling naupo si Samantha. Kinuha niya ang cell phone mula sa bulsa ng denim jacket at naglaro ng
Snake. She pretended not to notice, although her heart was threatening to climb out of her rib cage.
"Oh, hi there, Sam." Mayamaya ay narinig niya ang tinig ni Eden sa kanyang harap, kasunod nito si Red.
Napatingala siya rito. Sa nakikita niya ay mukha namang wala itong sakit. Wala itong makeup at nakikita niya ang maliliit na laugh lines sa sulok ng mga mata nito. But she looked so fragile. Tila nilamon ito ng suot na malaki at mahabang roba na tingin pa niya'y panlalaki sa asul na kulay.
Eden could wear a rug and still looked beautiful. At tila ang ipinaliligo nito araw-araw ay gatas dahil sa kaputian ay nakikita na niya ang maliliit na ugat sa dibdib nito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama siya ng inggit sa kapwa babae.
"Oh, hi. May sakit ka daw?" she inquired politely.
"Sinat lang, pero alam mo naman itong boyfriend ko, masyado kung mag-alala..." Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito kay Red. "Tell me, good boy ba itong pinsan mo?" Malambing itong tumingala kay Red.
Sinulyapan niya si Red. Sa sulok ng mga labi nito ay naroon ang bakas ng lipstick ni Eden. Mabilis ang pag-ahon ng panibugho sa dibdib niya kasama ng pait at galit. Gusto niya itong tadyakan, suntukin, o gamitan ng karate nang maipadama niya rito ang sakit na nararamdaman niya sa sandaling iyon.
Kung sana man lang ay mataray si Eden ay matatarayan din niya. Maliban sa napagkamalan siya nitong atsay noong una ay masuyo si Eden sa pakikipag-usap sa kanya. Kahit noong galit na galit itong lumabas ng silid ni Red sa opisina ay ngumiti ito nang makita sila ni Art. Ni hindi niya mahanapan ng kapintasan ang babae.
"Huwag kang mag-alala," wika ni Samantha, sinulyapan si Red. "Kung sakali man ay makakarating sa iyo ang mga kalokohang gagawin niyan." Tumayo na siya at lumakad patungo sa pinto.
"Hon, gotta go. Gagabihin kami," paalam ni Red, hinalikan muli sa mga labi ang nobya. "Magpagaling ka."
Inihatid sila ni Eden palabas ng pinto ng bahay. Malayo-layo na sila ay natatanaw pa niya sa rearview mirror na kumakaway ito.
15
“THANK you,” wika ni Red nang palabas na sila ng tollgate.
Kumunot ang noo ni Samantha. "At ano namang kabutihan ang nagawa ko at nagpapasalamat ka?"
"I expected you to say something about Lizzy."
"Hindi kasama sa trabaho ko 'yon. I'm
just your bodyguard, remember?“ May bahid ng sarcasm ang tinig niya, binagalan ang pagpapatakbo ng kotse.
"You see, Samantha, gusto kong malaman mo na higit pa sa isang body—" Natigilan sa sinasabi si Red nang mula sa kung saan ay may bumunggo sa hulihan ng sasakyan nila.
Malakas na napamura si Red dahil kung hindi nito naitukod ang mga kamay sa dashboard ay malamang na nasubsob ito. Samantalang si Samantha ay naka-seat belt. Mula sa rearview mirror ay nakita niya ang isang Ford Ranger. Hindi niya gaanong matanaw ang nagmamaneho dahil tinted ang mga bintana niyon.
"Itabi mo ang sasakyan," utos ni Red sa kanya.
Ngunit nang magmenor siya ay muling bumunggo sa likuran nila ang Ranger. Natiyak ni Samantha na hindi na aksidente ang pagkakabunggo sa pagkakataong iyon.
Agad niyang hinugot ang kanyang baril. "Buckle up."
Mabilis na sumunod si Red. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang inilapag niya sa dashboard ang baril. Binilisan niya ang pagmamaneho. Ngunit ganoon din ang ginawa ng kasunod nilang pickup.
"It's the same pickup!" bulalas ni Red nang makilalang iyon rin ang sasakyang bumunggo sa kanya sa parking lot.
She could only agree. Iyon din ang pickup na muntik nang makasagasa kay Red. Papalit-palit ang tingin niya sa rearview mirror at sa kalsada. Sinikap niyang pumagitna sa ibang mga sasakyang kasabay at nagtagumpay naman siyang isingit ang kotse sa pagitan ng dalawang pribadong sasakyan sa left lane.
Subalit mula sa likuran ay umagapay ang Ford Ranger. Bumukas ang bintana sa driver's side. At mula roon ay lumabas ang isang kamay na may hawak na baril.
"Shit!" Diniinan ni Samantha ang tapak sa accelerator, sabay kabig sa manibela pakanan. Humampas ang likurang bahagi ng kotse sa tagiliran ng pickup. Alam niyang pumutok ang de-silencer nitong baril. Subalit nawala ito sa target dahil sa pagtama ng kotse sa tagiliran ng pickup. Umaasa na lang si Samantha na wala itong tinamaan sa kabilang lane. Ang mga sasakyang kasabay nila na nakasaksi ay kusang umiwas sa kanilang daraanan.
"Red, ikasa mo!" Inihagis niya ang baril sa kandungan nito.
"Ikasa?" ulit nito. Kasinlamig ng 9MM ang mga kamay nito. "Hindi ko alam kung—" Hindi nito natapos ang sinasabi nang abutin ni Samantha ang ulo nito at isubsob payuko.
Wala silang narinig na putok ng baril subalit nag-crack ang salamin sa backseat ng kotse at tumagos iyon sa kabilang bintana. Sunod-sunod na busina ang ginawa ni Samantha upang tumabi ang mga sasakyan sa unahan nila. Sandaling nawala sa paningin niya ang humahabol sa kanila.
"Akin na nga iyang baril!" naiiritang singhal niya. She slowed down a bit. "You drive. And damn it, Red, if you want to live, pagbutihin mo!"
Sa kung paano man ay mabilis na nakapagpalit ng puwesto ang dalawa. Nakatulong ang biglang pag-agapay ng isang ten-wheeler truck. Red was on the wheel. Samantha was on the passenger's side. Ibinaba niya ang salamin sa side niya. At mula sa ten-wheeler truck sa kanilang kanan ay lumitaw ang Ford Ranger. Hindi sila tatantanan nito hangga't hindi sila napapatay.
Bumaba rin ang salamin ng Ranger. Naka-bonnet ang driver kaya imposibleng mamukhaan niya ito. Duda rin siya kung may plaka ang sasakyan nito. Nakita niya ang ginawang pagngisi ng driver at ang unti-unting pagtaas ng kanang braso.
Inunahan niya ito. She raised her gun at nasiyahan siya nang makitang nanlaki ang mga mata ng driver nang makita ang baril niya. She fired...
"Shit! Magmenor ka, bilis!" sigaw ni Samantha kay Red na sumunod naman. Muntik na siyang masubsob. Napahuli sila sa pickup. "Akala ko ba'y ikinasa mo ito?"
"Sinabi kong hindi ako marunong!"
"Shit! Shit! Shit!" Umuulan ng "shit" sa loob ng sasakyan mula kay Samantha. Nasa kabilang gilid ng ten-wheeler truck ang Ranger. Ikinasa niya ang baril habang nakakubli sila sa truck. Pagkatapos ay inilabas niya ang kalahati ng katawan sa bintana.
"Oh, God! What do you think you are doing?" manghang sabi ni Red, agad na inabot nito ang jacket niya upang hilahin siya pabalik.
Iwinaksi niya ang kamay nito. "Ako'ng bahala sa sarili ko, Red. Just drive!"
Tila hindi nito gustong pakawalan ang jacket niya. Nilingon niya ito. Fear was mirrored in Red's eyes. "Don't worry, Halandola, mamamatay na muna ako bago ka masaktan ng taong iyon!"
Nagmura si Red. Malayo pa kahit ang tollgate ng Valenzuela. Maililiko nila roon ang sasakyan at maaari silang magtuloy sa police station. At ni hindi nito magawang lumipat sa kabilang lane pabalik. Malalim ang island at mababaon sila roon. Sa sine lang nangyayari ang ganoon. And at this point in time, hindi natatakot si Red para sa sarili kundi para kay Samantha. She could die. And it was his fault.
Butil-butil na pawis ang lumalabas sa noo ng binata. He saw her aimed her gun. Mula sa ilalim ng ten-wheeler, nakita nito na katapat lang nila ang pickup.
"Sikapin mong yumuko paglampas natin sa truck," utos ni Samantha.
"Sam, no, just—" His eyes went wide in horror. Nakita nito ang baril ng driver ng pickup na nakaumang sa kanila kasabay rin ng pagtaas ng baril ni Samantha.
Who fired first he didn't know. Pero dahil walang silencer ang baril ni Samantha ay umalingawngaw ang putok niyon. Sinundan iyon ng pagsabog ng unahang gulong ng pickup na dahilan upang lumihis ang bala nito. At kung hindi mabilis ang reflexes ni Red ay sasalpok sila roon.
Subalit hindi nakaligtas sa ten-wheeler truck ang pickup. Tumaob iyon at tila trumpong nagpaikot-ikot sa gitna ng kalsada.
"
Hasta la vista , baby!“ hiyaw ni Samantha, hinipan ang dulo ng baril at muling ipinaloob ang sarili sa kotse.
Inilipat ni Red ang sasakyan patungo sa kanang bahagi ng daan at inihinto sa shoulder. Sa pagkagulat ni Samantha ay inabot siya ni Red at niyakap nang mahigpit. At bago pa niya maisip ang gagawin nito ay angkin na nito ang mga labi niya, hinahagkan siya na tila ba wala nang bukas.
She unwillingly closed her eyes. Matapos ang nangyari, gusto niyang manatili sa mga bisig ni Red. But it wouldn't be smart. May nobya na ito. Kaya lang siya nito hinahagkan ay dahil iyon ang outlet ng takot na nararamdaman nito. She had been scared, too. Nararamdaman pa rin niya iyon sa sandaling iyon. They could have died moments ago. But she couldn't show weakness. Hindi siya sanay roon.
Banayad niyang itinulak si Red. Tumikhim siya. "Pare, nasa superhighway tayo."
Pinakawalan siya nito. Hinagod ng tingin ang kabuuan niya. Hindi maintindihan ni Samantha ang nagdaan sa mga mata nito. "Are you all right? Hindi ka nasaktan? Wala bang tinamaan sa iyo?"
She forced a smile. "I'm fine, Red... stop worrying."
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa iyo, Sam..." His voice was husky. Sa ilalim niyon ay naroon ang pag-aalala. His eyes even showed it. May damdaming humaplos sa dibdib ni Samantha subalit hindi niya gustong bigyan ng ibang kahulugan ang nakikita niya kay Red.
Nilingon niya ang likuran. Nagsisimula nang mag-traffic dahil sa nangyari sa pickup at ang truck naman ay nakahambalang sa daan. Hindi niya alam kung nakaligtas ang lalaki, mga pulis na ang bahala roon. Nang walang ano-ano ay may naisip siya. Biglang gumana ang pagiging pulis niya. Bakit alam ng taong gustong pumatay kay Red kung saan sila susundan?
Kung kanina pa ito sumusunod sa kanila mula sa kanilang pag-alis sa flower shop sa Manila, sana kanina pa sila tinambangan nito. Mahigit isang oras sila sa bahay ni Eden. Sino ang tinawagan ni Red upang ipaalam na naroon sila sa bahay ng nobya nang sandaling iyon?
Nag-angat siya ng mga mata rito. "May tinawagan ka ba noong nasa bahay pa tayo ng nobya mo?"
He frowned. "Yes. Tumawag ako sa opisina. Why?"
"Sino sa opisina? Doon ka lang ba tumawag?"
"Oo. Tinawagan ko si Rio. Sinabi ko na baka hindi na tayo makababalik ngayong hapon."
"Sinabi mo ba kung nasaan tayo?"
"Kanina pa niya alam kung saan tayo pupunta. Ano ba ang ibig sabihin ng mga tanong na iyan?"
Napatingin si Samantha sa kalsada. "I don't know yet. Pero hindi mo ba naiisip? Bakit alam ng taong gustong pumatay sa iyo kung nasaan ka? Kung sinusundan niya tayo mula pa kanina, bakit pa siya naghintay ng pag-uwi natin?"
Napailing ito. "Pinag-iisipan mo ba si Rio—"
"Hindi ko alam, Red. Ngunit iyon lamang ang nakikita kong paliwanag sa nangyari."
"No, no," mariing tanggi nito. "Matagal ko nang kilala si Rio. At walang dahilan para gawin niya ito. Mali ka ng naisip."
Hindi siya kumibo. Inabot niya ang cell phone sa dashboard. Tatawagan niya si Art.
16
“B akit kailangang sa bahay n’yo ako tutuloy ngayon?” tanong ni Red nang ipasok ni Samantha ang sasakyan sa eskinitang papasok sa bahay nila.
“Hindi safe na bumalik sa bahay mo ngayon. Kung sino man ang gustong pumatay sa iyo, he is getting desperate.” Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Ilang sandali pa ay nasa itaas na sila. Naroon ang tatay niya.
"'Gandang gabi, 'Tay..." bati niya. Bumati rin si Red.
"Bakit ngayon ka lang umuwi, Samantha?" bungad nito. Pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Red. "Nag-aalala na kami sa iyo ng nanay mo. At sino itong kasama mo? Huwag mong sabihing nagtanan ka?"
Natawa siya. "Boss ko si Red, 'Tay... Redentor Halandola. Siya 'yong sinasabi ko sa inyong pinagtatangkaan ang buhay. Red, ang tatay ko."
"Kumusta po kayo?" wika ni Red, alanganing ngumiti.
Isang mapanuring tingin ang ginawa ni Mang Alipio bago nito tinanggap ang nakalahad na kamay ni Red. "Bakit hindi ka kumuha ng maraming security officer? Balita ko'y mayaman ka naman. Baka manganib ang buhay nitong anak ko."
Matalim na sinulyapan ni Sam ang ama. "'Tay naman. Huwag n'yo ngang i-intimidate si Red. Baka mawalan pa ako ng trabaho niyan."
"Eh, sino bang maysabi sa iyong magtrabaho ka? Alam mong hindi ko gusto ang trabahong pinasok mo, Samantha. Nag-iisa ka naming anak at babae pa. Pero kung umasta ka'y tila ka—"
"Alipio..." Mula sa pinto sa kusina ay lumitaw ang nanay ni Samantha. "Hindi mo na binigyan ng kahihiyan iyang anak mo sa harap ng bisita." Isang ngiti ang itinawid nito kay Red habang lumalapit. Inilahad ang kamay. "Ako ang nanay nitong si Samantha, hijo. Huwag mong pansinin ang asawa ko. Labis-labis lang na nag-aalala iyan sa ilang araw na hindi pag-uwi ni Samantha."
"Naiintindihan ko ho." Tinanggap ni Red ang pakikipagkamay ni Aling Arsenia.
"Ano ang dahilan at biglang-bigla'y nauwi ka, Samantha, at kasama pa ang boss mo?" nagdududang tanong ni Mang Alipio. Binale-wala ang matalim na tingin ng asawa.
"Kanina ho'y nasagupa na naman namin ang nagtatangka sa buhay niya..." Sa pahapyaw na salita ay ikinuwento nito sa mga magulang ang nangyari sa superhighway na lalo lang nagpagalit sa ama. Kung hindi pa nagyayang kumain si Aling Arsenia ay hindi matatapos ang sermon ni Mang Alipio.
“PASENSIYA ka na sa tatay ko,” marahang sabi ni Samantha nang lumabas siya sa balkonahe ilang sandali matapos itong iwan ng ama. Naupo siya sa tabi ni Red. “Overprotective lang talaga iyon.”
"Naiintindihan ko naman sila, Sam," wika nito at nagbuntong-hininga. "Kanina'y naisip kong hindi lang ang buhay ko ang nanganganib kundi maging ang sa iyo. At wala akong karapatang idamay ka sa nangyayari sa akin."
"Hindi mo ako idinamay, Red. It's my job."
Tinitigan siya nito. Hindi niya iniwas ang mga mata at sa matagal na sandali ay nanatili silang nakatitig sa isa't isa.
"You're... you're beautiful," he said huskily.
Napakurap si Samantha. That broke the spell. Agad na umiwas siya ng tingin at itinuon ang mga mata sa kadiliman sa labas. "Natatakot ka ba, Halandola?" mayamaya ay sabi niya.
"Sa tatay mo? Sino ang hindi? Kayang-kaya akong tirisin ni Mang Alipio."
Alam niyang sadyang iniligaw nito ang sagot. "Alam mo ang ibig kong sabihin."
Hindi agad ito nakasagot. Huminga nang malalim. "I am, Sam," he said with a sigh.
"Narito ako, Red. Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo.
Isang patuyang tawa para sa sarili ang pinakawalan ni Red. "Gusto kong mapahiya sa sarili ko sa sinasabi mong iyan. Ako itong lalaki at siyang dapat na magtanggol sa babae pero—"
"Trabaho ko ito. Dito mo ako binabayaran."
"Oh, I hired you to protect me. Sa una'y tila laro lang ang lahat. Ngunit ngayon ay natatakot akong madamay ka sa lahat ng ito. Tama ang tatay mo. Isinasapanganib ko ang buhay mo gayong kaya kong magbayad kahit na isang dosenang bodyguards." He turned to stare at her. "Sa highway kanina, nang ilabas mo ang katawan mo sa bintana, pakiramdam ko'y hindi na ako humihinga.
"Paano kung nabaligtad ang pangyayari? Paano kung tinamaan ka ng bala?" Tumingala ito sa kalangitan, sa napakaraming bituing nakasabog doon. "I feared more for your life than mine... at mas mapapatay ako ng takot para sa iyo kaysa ng nagtatangka sa akin."
Hindi niya naisatinig ang sasabihin nang mag-ring ang cell phone niya. "Art. Yes." Nilingon niya si Red. "He's right here beside me." Isang tawa ang pinakawalan niya. "Still alive and kicking—what? Nasa ospital na 'yong lalaking humabol sa amin? Wala pang malay?"
Kinuha ni Red ang telepono mula sa kanya. "Hello, Art..." Nag-uusap pa ang mga ito nang muling lumabas ang ama ni Samantha.
"Matulog ka na, Samantha. Ang nanay mo na ang bahalang mag-asikaso sa tutulugan niyang bisita mo."
BUMANGON mula sa pagkakahiga si Red. Hindi siya dinadalaw ng antok. Bumangon siya. Ayon sa kanyang relo, mag-aala-una na ng madaling-araw. Dahan-dahan siyang lumabas ng silid upang magtungo sa kusina at uminom ng tubig nang mapansin niyang bukas ang pinto sa sala patungo sa balkon.
Sa labas ay natanaw niya si Samantha na nakaupo sa wooden bench, nakapatong ang mga braso sa balustre at inihilig doon ang mukha. Nakasuot ito ng ankle-length cotton nightdress. Kauna-unahang nakita niyang nakasuot ito nang ganoon. Sa bahay niya ay lagi itong naka-jeans. Laging alerto. And with her hair unbraided, she looked so soft, warm, and very feminine.
Mula sa kinatatayuan ni Red ay nalalanghap niya ang aroma ng kapeng barako, na nagmumula sa umuusok na mug sa tabi nito.
"Ba't gising ka pa?" tanong ni Samantha na nanatiling nakatalikod sa kanya.
"Paano mo nahulaang ako ang narito?"
"Halandola, kabisado ko ang amoy ng cologne mo."
He smiled. Lumapit dito. "Mind if I join you?"
She glanced up. "Sure. 'Eto, may kape pa ako." Her smile that flashed in the moonlight had been a little shy, a little seductive. For one moment, Red forgot to breathe.
Pagkuwan ay umiling siya at naupo sa tabi nito. "No, thanks. Lalo lang akong hindi makakatulog niyan." Itinuwid niya ang mga binti, crossed his ankles, then lazily stretched and laid his arm across the bench back. His thumb grazed her shoulder. She shivered. "Giniginaw ka ba?" he asked.
"Hindi." Muli itong ngumiti. "I mean, kaunti."
His heart rate increased dramatically. Should he put his arm around her now and draw her close? Hell, kahit ang mga palad niya ay nagpapawis. Napalunok si Red. What was wrong with him? Biglang-bigla ay hindi niya alam ang ikikilos sa harap ng isang babae. At kung aaminin niya sa sarili ang dahilan kung bakit hindi siya dalawin ng antok ay dahil sa halik na ginawa niya rito kanina sa sasakyan. Iyon ang ikalawang pagkakataong nahagkan niya si Samantha. And on both occasions, tuwina ay hindi iyon basta nawawaglit sa isip niya.
Kanina ay hindi alam ni Red kung bakit ito hinagkan. Gusto niyang isiping dahil sa katuwaan at hindi ito nasaktan. Silang pareho. But he knew deep in his heart that it was more than that. God, he wanted to protect her—not the other way around. Hindi niya gustong may mangyari kay Samantha. Ibibigay niya ang buhay niya para dito—hindi ito para sa kanya. At naguguluhan siya sa nararamdaman.
He should be thinking of Eden. She was the right woman for him. Compatible sila nito sa lahat ng bagay. While he and Samantha had nothing in common. They seemed to clash in every breath they take.
But who was it who told him that God hadn't created man and woman for compatibility? They were supposed to complement each other. Ang kulang ng isa ay tatakpan ng isa.
Nilingon niya si Samantha. Then he slid his arm around her. Naramdaman niyang natilihan ito, just for a moment. Then everything about her softened. She melted against his ribs like warm butter. The sensation was so delicious, at muntik na siyang mapaungol.
He managed a tight smile. "Is that better?"
"Yes. Thank you."
Lord, she smelled good. Gusto niyang ibaon ang mukha sa buhok nito at samyuhin iyon. Ngunit hindi niya magawa. Sa halip, tumingala siya sa kalangitan, feeling like a fool.
Binasag ni Samantha ang katahimikan. "Pasensiya ka na kung papag lang ang higaan mo."
"Hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog, Sam. At kung tatanungin mo si Art, galing ang pamilya ko sa hirap. Dugo at pawis ang pinuhunan ng Papa nang itayo niya ang kompanya. Sa public school ako nag-aral ng elementarya at teheras na bakal ang unang higaan ko..."
She was surprised. "Really?"
"Really." Red smiled at her. Unwittingly, his thumb caressed her arm and he was inhaling the sweet scent of her hair. "Isa sa mga gumugulo sa isipan ko ay ang tungkol kay Rio. Hindi ako naniniwalang may kakayahan siyang magawa ang lahat ng ito."
"Magiging malinaw din ang lahat kapag nagkamalay na 'yong lalaking gustong pumatay sa iyo." Muli ay nanahan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Then again, Samantha broke the silence. "Halandola?"
"Yes?"
"Bakit mo ako hinagkan kanina? 'Yong una'y naipaintindi mo sa akin kung bakit mo ginawa. Pero kanina..." Her voice trailed off.
He sighed. "To be honest, hindi ko alam, Sam. Pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ngayon ay gusto kong ulitin iyon. Slow and sweet. And more."
Hindi kumibo si Samantha, but he could feel her heartbeat. Nag-uunahan sa pagtibok tulad din ng sa kanya. Pagkuwan ay kumawala ito, siniko siya sa dibdib. Napaungol siya, pretending to be in pain.
Napailing si Sam. "Hindi kita maintindihan, Red. Kung makaasta ka'y para kang walang nobya. Tulad na lang sa Lizzy na iyon. Kung mapa-flat lang ang dibdib ng babaeng iyon sa katititig mo, tiyak na na-flat na ang mga iyon."
He could see her face in the moonlight. She was young, beautiful, and sweet. And so innocent. Gusto niyang abutin ito at hagkan hanggang sa pareho silang maubusan ng hininga. Hindi lang iyon, marami siyang gustong gawin dito... nilang dalawa. Mostly, in bed. Kung malalaman lang ni Samantha ang iniisip niya ay kanina pa siya nakatikim ng flying kick mula rito.
He sighed. "Sam, lalaki ako. Likas kaming ganito by nature."
"Aba, hindi sa taong may minamahal na. Mahal mo ba si Eden?"
Natilihan si Red.
Mahal mo ba si Eden? Bakit bigla ay tila naging isang malaking katanungan sa kanya ang bagay na iyon? Mahal ba talaga niya si Eden?
He exhaled slowly. "Well... yes."
Hindi kumibo si Samantha. And Red saw the pain that crossed her eyes. Suddenly, he was confused. Gusto niyang pawiin iyon. What was going on?
Muling inilagay ni Samantha ang mga braso sa balustre ng balkon at inihilig ang mukha roon at tinitigan ang kalangitan. May ilang sandaling nanatili ito sa ganoong ayos.
"Kung hindi ba ako isang bodyguard, mamahalin mo rin ba ako?" she whispered, still staring into the sparkling sky.
"Lasing ka ba, Sam?" he asked dumbly.
Napaangat ito ng mukha. "W-what?"
"Ano uli 'yong itinatanong mo?"
"'Di ba sinagot mo na? Na mahal mo si Eden..."
"Hindi. Iyong sumunod mong tinanong."
"Wala naman akong ibang itinanong, ah." Tumuwid ito ng upo. "At bakit mo ako tatanungin kung lasing ako? Sa pagkakaalam ko'y wala pang nalalasing sa kape, Halandola."
He faked a cough. "Forget it." Nagkibit siya ng mga balikat. Alam at malinaw niyang narinig ang sinabi nito. Na lalo lang nagpalito sa isip niya. Kalituhang kailangan niyang gawan ng paraan.
Tumayo si Samantha. "Sa tingin ko'y may ilang oras pa akong itutulog." Tinakpan nito ng kamay ang bibig at naghikab.
"Susunod na lang ako. Goodnight."
"Umaga na." Tumalikod ito sa kanya. "Huwag mo lang kalimutang i-lock ang pinto pagpasok mo."
17
HINDI malaman ni Samantha kung ano ang gagawin. Naikot na yata niya ang cuatro cantos ng buong bahay at namuti na ang sahig sa sala sa kapaparoo’t parito niya.
"Puwede bang pumirmi ka lang sa isang lugar? Nahihilo na kami sa iyo ng nanay mo," singhal ng tatay niya.
"Paano akong pipirmi!" Naghihisterya siya. Nang magising siya ay wala na si Red. Ayon sa mga magulang ay nagpaalam ito bago umalis at hindi siya ipinagising. At ayon pa rin sa sulat na iniwan ni Red sa kanya—na hawak pa rin niya—he was firing her. But she couldn't understand why? Samantalang nang nagdaang gabi lang... Oh, last night was beautiful.
"Bakit ninyo siya hinayaang umalis? Bakit?"
"Humingi ng paumanhin si Red sa akin kagabi pa lang, Sam, dahil sa pagsapanganib niya sa buhay mo. At marahil ay hindi niya gustong madamay ka pa. At hinahangaan ko siya roon."
"Bakit ka ba nagkakaganyan, anak? Ikalma mo ang sarili mo," wika ni Aling Arsenia.
"Hindi ako puwedeng kumalma, Inay! Someone's out there and wants him dead. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kukote ng taong iyon at basta na lang umalis at i-terminate ako. Ni hindi nga iyon marunong magkasa ng baril!" Ibinato niya sa bintana ang nakuyumos na sulat.
"Hindi ba at hawak na ng mga pulis ang nagtangka sa buhay niya?" patuloy ni Mang Alipio. "Tapos na ang panganib sa buhay ni Redentor, Sam. 'Yon ang dahilan kung bakit tapos na ang trabaho mo."
"'Tay, hindi ba ninyo naisip o ni Red na maaaring hired killer lang ang lalaking tumugis sa amin kahapon?"
Por dios, Red, why do you have to be so bobito?
Umalis ito na hindi man lang pormal na nagpaaalam sa kanya sa pag-aakalang ligtas na ito. Hindi na nito kailangan ang serbisyo niya. Just like that! She was just a bodyguard anyway. And to add the insult, iniwanan nito ang mga magulang ng tseke na ang halaga ay labis-labis na kabayaran sa serbisyo niya.
Samantha swallowed the lump in her throat. She saw this coming. Ngunit hindi niya alam na magiging ganoon pala kasakit iyon. Where would she be without him now?
Ang tanging naiwan sa kanya ay ang alaala ng mga halik nito. At nang nagdaang gabi. Niyakap siya ni Red, inihilig sa matipunong dibdib. She really felt that he cared. Kahit man lang sa sandaling iyon.
At muntik pa niyang sang-ayunan ang sinabi nitong kung bibigyan niya ito ng pagkakataon ay hahagkan siya nitong muli.
“… Kung hindi ba ako isang bodyguard lang, mamahalin mo ako?” Hindi niya akalaing naiusal niya nang malakas ang laman ng isip. Mabuti na lang at napaniwala niya si Red na hindi niya sinabi iyon bago pa siya tuluyang naipagkanulo ng sarili.
"Umiibig ka na, Samantha."
Napamulat siya. Mukha ng tatay niya ang nasa harap niya. Nanunuri. Umiwas siya ng tingin. "Ano ba'ng sinasabi n'yo, 'Tay?"
Mahinang tumawa si Mang Alipio. "Matanda na kami ng nanay mo, Samantha. Hindi mo kami mapaglalalangan."
"Hindi ako in love sa taong lampa, bobito, at hindi kayang ipagtanggol ang sarili." Nakahalukipkip na tumalikod siya sa mga magulang.
"Ano bang bobito ang pinagsasasabi mong bata ka?" napapailing na sabi ni Aling Arsenia. "At paano mo naman nalamang lampa si Redentor? Dahil ba kumuha siya ng bodyguard ay hindi na niya kayang ipagtanggol ang sarili?"
"Tama na ang usapang ito." Tumayo na si Mang Alipio. Tinapik nito sa balikat si Samantha, at sa nagsisimpatyang tinig ay, "Kalimutan mo na ang damdamin mo sa boss mo, Samantha. Hindi kayo magkauri."
"Mali kayo, Tatay. I am not in love with him!" Pinakadiin-diinan niya ang sinabi na alam naman niyang hindi naniniwala ang mga magulang kung ang pagbabasehan ay ang palitan ng tingin ng mga ito.
18
“Y ou fired her!” bulalas ni Art nang itanong nito kung bakit hindi niya kasama si Samantha.
Hinintay lang niyang magising ang mga magulang ni Samantha at saka nagpaalam. Nagtuloy siya sa isang hotel at sinikap na makakuha ng tulog kahit sandali kung gusto niyang makapag-isip nang matino. Nang tanghali ay tinawagan niya si Art at sa hotel na rin siya nito pinuntahan kasama si Liberty.
"Hindi ko na alam ang iisipin ko, Art. Nagiging complicated ang lahat. I mean... hindi mo ito paniniwalaan dahil napakalayo ni Samantha sa tipo kong babae..." Red paused and sighed deeply. "But I think I'm falling for her. Iyon ang dahilan kung bakit tinapos ko ang serbisyo niya sa akin. Bago pa tuluyang maging komplikado ang lahat." Kailangan niyang ayusin ang buhay niya... kay Eden.
Naningkit ang mga mata ni Art sa sinabi niya. "Hindi pa rin pala nadadala ang playboy ng siglong ito? Kinakabahan na nga ba akong mangyayari ang ganito. But I'm warning you, Red, spare Sam. Ako ang unang makakabangga mo kapag nasaktan siya."
Jealousy raged through Red as he stared at his cousin. Nakikita niya ang pagtinging iniuukol nito kay Sam sa mga mata nito. Pero sinikap niyang alisin sa damdamin iyon. Hindi tama. May kasintahan siya. At marahil ay makabubuti para sa lahat kung mauuwi si Samantha kay Art. His cousin was a fine man. Pero bakit parang nagsisikip ang dibdib niya sa kaisipang iyon? Nag-uumalma ang buong pagkatao niya sa pagtanggi.
"Iyon mismo ang dahilan kung bakit ko tinapos ang serbisyo ni Sam, Art." He exhaled sharply. "Ang alam ko'y mahal ko si Eden."
Matagal na napatitig sa kanya si Art. Tila ba may mali sa sinabi niya. Pagkatapos ay nagtama ang tingin nito at ni Liberty na nakaupo lang sa settee at nanatiling tahimik.
Bumalik si Art sa pagkakaupo at mula sa ibabaw ng mesa ay may iniabot na folder. Thick silence hung in the air. Pinagmasdan ni Red si Liberty. Naglabas ito ng sigarilyo at nagsindi. And he had this feeling that something was about to come. May kung anong bagay ang bumundol sa dibdib niya. At hindi niya gusto ang nararamdaman.
"May problema ba?" tanong niya sa dalawa.
"Tingnan mo ito, Mr. Halandola," wika ni Liberty.
Lumapit siya sa PI ngunit hindi naupo. Niyuko niya ang folder na inilahad nito. Isang larawan ng lalaki ang natunghayan niya.
Napatingin siya kay Liberty. "Siya ba?" Tumango ito. "And?" He waited, tensing for whatever was to come.
"His name is Phil Mardoquio. Namatay siya kaninang madaling-araw."
"At hindi totoong kasangkot si Rio, right?"
"Walang kinalaman ang sekretarya mo rito."
Nakahinga siya nang maluwag. "Hindi ko kilala ang lalaking ito. Have you talked to this man before he died? Bakit daw niya ako gustong patayin?"
Napahugot ng malalim na hininga si Liberty. "He's a hired killer, Mr. Halandola."
Hindi agad sumagot si Red. It crossed his mind yesterday. Hindi nga lang niya maisatinig kina Sam at Art dahil hindi niya lubusang maisip kung sino ang maaaring nag-utos dito. "Then who hired him?"
"I don't know how to tell you this, Mr. Halandola. Why don't you sit down first." Itinuro ni Liberty ang upuan sa tabi niya.
"I'd rather stand. Who hired him?"
Muli ay humugot ito ng hininga. "Ala-una pa lang ng madaling-araw ay naroon na ako sa ospital, Mr. Halandola. But he died an hour later. Isang nurse ang nakaringgan kong kausap ang kapwa nurse at wala sa loob na nabanggit na may inusal itong pangalan nang paulit-ulit bago namatay. I showed my ID to the two nurses, mahigpit kong ibinilin na huwag sasabihin sa ibang tao ang narinig, o kahit ang presensiya ko roon."
"Huwag kang magpaligoy-ligoy, Liberty," he said impatiently. "Sino ang nag-utos sa lalaking ito na patayin ako at bakit?"
"Si Eden Singson."
His eyes flew to the PI. Then to his cousin. Tumango ito. "That's... that's bullshit!" Napaatras siya mula sa mesa. Lumarawan sa isip ang anyo ni Eden. Petite and sweet and fragile-looking. No, it couldn't be true. Hindi magagawa ni Eden iyon sa kanya. Walang dahilan.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Art at lumapit sa kanya. "Calm down, Red."
"I don't believe any of this! Maaaring idinamay lang ng hired killer na iyan si Eden!"
"Think about this, Red: Paano nalaman ng hired killer kung nasaan kayo kahapon? At kung sinundan niya kayo, bakit hindi niya ginawa ang pagtatangka habang patungo kayo sa Bulacan? O 'di kaya ay habang nasa bahay kayo ni Eden? Dalawang babae lang ang dinatnan ninyo roon, si Eden at ang maid niya. A killer is a killer."
He shook his head. Iyon din ang sinabi ni Samantha sa kanya. Pero hindi nito pinag-isipan si Eden kundi si Rio dahil ito ang tinawagan niya at nakaalam ng kinaroroonan nila.
"But why? Ano ang dahilan ni Eden para gawin ito?"
"Hindi rin namin alam, Red. Lahat ng mga empleyado mo at ang mga taong nakapaligid sa iyo ay pinaimbestigahan namin una pa lang. Lahat ay malinis maliban na nga lang kaninang umaga nang magtapat ang hired killer na si Eden ang mastermind. So, kanina'y inubos namin ang buong araw sa paghahanap ng koneksiyon...
"Nitong nakalipas na mga linggo ay hindi namin gaanong pinansin ang maliliit na bagay na natuklasan namin sa kanya dahil sino ang mag-iisip na gusto ka niyang patayin?"
"Anong mga bagay?"
"Hindi siya galing sa Amerika, Red, at wala roon ang mga magulang niya. Ulila na siyang lubos..."
"Why would she lie about that?" naguguluhang tanong niya.
Nagkibit ng mga balikat si Art. "Hindi namin gaanong pinag-ukulan ni Liberty ang bagay na iyan noong una. May mga babaeng upang maka-impress ay naghahambog. Eden must be one of those women."
"I-I don't understand..." Tila naubos ang lahat ng lakas niya. He couldn't even feel his legs. "Hindi pa rin malinaw ang lahat, Art. Ano ang dahilan at gusto niya akong ipapatay?"
"Iyan din ang pinag-iisipan at sinisimulan naming alamin ni Liberty nang tumawag ka kanina. Pag-alis namin dito ay tutuloy kami sa judge upang humingi ng warrant of arrest para kay Eden, Red." There was regret in his voice.
"Uuwi na muna ako, Art." Bigla ay tila nakaramdam siya ng pagkahapo. Dinampot niya ang susi ng kotse sa end table at tinungo ang pinto.
"Red!" tawag ni Art. "It's not safe—" Subalit nakalabas na ito. Nagkatinginan sila ni Liberty. Agad niyang kinuha sa mesa ang cell phone. Nag-dial.
"Hello, Sam?"
19
“GOOD evening, Ma’am,” bati ng security guard kay Samantha.
"Ang sir mo, nasa loob ba?"
"Yes, Ma'am. Kararating lang. Wala pang kalahating oras."
Nakahinga siya nang maluwag sa sagot nito. "Salamat." Iyon lang at nagtuloy-tuloy na siya sa bahay, gamit ang spare key na ibinigay ni Red sa kanya noong unang araw niya sa trabaho. Umaasa siyang sasalubungin ni Manang Salome nang maalala ang sinabi ni Red na kapag weekend ay nasa pamilya ito at Sabado ngayon.
Nagtuloy si Samantha sa itaas. Hindi siya makapaniwalang si Eden ang mastermind. Ipinagtapat sa kanya ni Art sa telepono ang natuklasan nito habang sakay siya ng taxi. Kahit siya ay hindi mahuhulaan na magagawa iyon ni Eden. She was a perfect angel. Besides, hindi malinaw kung bakit nito gustong patayin si Red. At nag-aalala siya sa maaaring damdamin ni Red sa nangyari.
Pagtapat sa silid ni Red ay kumatok siya. Nang walang sumasagot ay pinihit niya ang doorknob. Bukas iyon. Pumasok siya at tahimik na isinara ang pinto at lumapit.
Nakadapa si Red sa kama. At napahinto siya sa paghakbang nang makitang wala itong suot maliban sa boxers. Sa kamay ay naroon ang walang lamang wine glass. Sa sahig ay naroon ang bote ng alak. Umungol si Red.
"Sam... Sam..."
Napahugot siya ng hininga. Bakit siya tinatawag nito? Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama. "Red?"
Biglang tumihaya si Red. Nag-angat ito ng ulo at bumalatay sa mukha ang pagkamangha nang makita siya roon. "Nananaginip ba ako?" usal nito.
"Bakit ka umiinom?" she whispered.
"Alam mo ba kung bakit... ha?"
Tumango siya. Puno ng simpatya ang mukha. "I know. And I'm sorry."
"Me, too, Sam," he said, his voice husky. His eyes intent on her. "Hindi ko alam kung bakit niya nagawa ito. Pero iyon lang ang hangganan ng pagkalungkot ko. Bagaman muntik nang manganib ang buhay mo dahil sa ginawa niya, ang ginawa niya'y nag-alis ng usig ng budhi ko sa binabalak kong pakikipagkalas sa aming relasyon."
"W-why would you do that?"
"It's because I realized that I love you, Samantha."
"You... love me?" Napatuwid ang likod niya.
He reached for her hand. And his gaze locked with her for a heart-stopping instant. "Yes, I do. Kahit sa huling sandali kanina'y gusto kong labanan ang damdaming ito na banyaga sa akin. Hindi ko makumbinsi ang sarili kong umiibig ako sa iyo. Magkasintahan kami ni Eden at sa isipan ko'y mahal ko siya. But my heart told me otherwise." The look he gave her was electric and she glanced quickly away.
Hindi makapaniwala si Samantha na marinig ang gayong pagtatapat mula rito. Kasama sa ipinaliwanag sa kanya ni Art kaninang tinawagan siya nito ay ang totoong dahilan kung bakit tinapos ni Red ang serbisyo niya rito. Hindi niya gustong maniwala kay Art. Naisip niyang pinaglulubag lang nito ang loob niya.
Until now when she heard Red's declaration of love.
"Kailan ka pa nawalan ng sasabihin, Sam?" Red teased.
"Lasing ka lang, Halandola." Her tone was again professional. "Hindi mo alam ang pinagsasasabi mo." Tumayo siya subalit hinawakan siya nito sa braso at hinila pabalik. Napasubsob siya sa mismong dibdib ng binata.
Umangat ang kamay ni Red at hinawi ang buhok niyang bumagsak sa mukha niya. "Nakainom ako, Sam, pero hindi ako lasing. Alam ko ang sinasabi ko. Perhaps the wine gave me the courage to tell you how I feel."
Pinakawalan niya ang sarili mula rito. "Hoy, Halandola, huwag mo akong gawing panakip-butas, ha? Dahil natuklasan mong psycho pala ang girlfriend mo ay babaling ka sa akin?" She smirked. Ang totoo ay naniniwala siya rito dahil bago naipaalam ni Art ang tungkol kay Eden ay nasabi na ni Red sa pinsan ang damdamin sa kanya. Pero kailangan niyang magpakipot, aba!
"Ano'ng tingin mo sa akin, karinderya na laging bukas sa lahat ng gustong kumain?" Hindi niya alam kung saan galing ang linyang iyon pero iyon ang pumasok sa isipan niya.
"Alam ko ang sinasabi ko, Sam. I'm in love with you. At alam kong may pagtingin ka rin sa akin, una pa lang. Hindi mo kailangang magkunwari."
Tumaas ang mga kilay niya. Nakapamaywang na tinunghayan ito. "Iyan ang gusto ko sa iyo, Red. You never failed to amuse me. You think you're some hot stuff. So, okay, you're gorgeous at totoong na-attract ako sa iyo. Pero gusto kong malaman mong hindi ko gusto ang lalaking lampa."
Naningkit ang mga mata nito sa huling sinabi niya. "Then tell me why you are here. Why did you come back?"
"Dahil... dahil tinawagan ako ni Art at kailangan mo raw ako."
His mouth curved in a shadow of a smile. "Tama si Art, Sam. Kailangan kita. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kapag nawala ka. My God, life would be so boring without you! At magpakipot ka man hanggang langit, alam kong may pagtingin ka rin sa akin." Mabilis siya nitong hinatak pahiga sa kama. Walang kalaban-laban na bumagsak siya sa ibabaw nito. Her soft breast pressed against the hardness of his chest.
"Sino ngayon ang lampa, ha?" he said, one hand held the back of her neck. Pulling her down until his lips were only inches from hers, his breath mingling with her own. Nalalanghap niya ang mabangong samyo ng alak mula rito. Now she thought she could get intoxicated by just inhaling his sweet breath.
Bahagyang umangat ang ulo ni Red at nagtagpo ang mga labi nila. He kissed her gently. Tila pakpak ng paruparo na humahaplos sa mga labi niya. She felt her heart stop and her throat close. And then his lips moved on hers, kissing her thoroughly, completely.
Against her lips he muttered, "You're beautiful... so, so beautiful." His palms itched to explore her sweet body, to touch and caress the ripe softness of her breasts.
Napaungol sa luwalhati si Samantha.
"I think we should stop," wika nito, but didn't release her.
"T-tama ka," sagot niya, but didn't mean the words. The feeling was so heavenly, at hindi niya ito gustong huminto.
"Tell me to stop." He pressed his mouth to her temple and breathed her in, filling himself with the clean, fresh scent of her.
Don’t stop, please. Hindi niya alam kung paano iyon sasabihin.
"I love you, Samantha. Hindi na kita pakakawalan pa. I want to settle down, I want commitment, marriage and all that goes with it. I want it all with you."
Napatukod siya sa dibdib nito. "M-marriage... with me? Nagpo-propose ka ba, Halandola?" She was incredulous.
He nodded. Then kissed the tip of her nose, wanting more.
Isang mahabang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Tulad sa isang pusang nabigyan ng isang mangkok na gatas. She studied him for a moment before saying, "Ang bilis mo, ha! Pero sige na nga, tinatanggap ko ang proposal mo."
Nag-init ang sulok ng mga mata ni Samantha na hindi naman niya maintindihan kung bakit gusto niyang umiyak. Hindi naman siya iyakin. She blinked the tears furiously. "Tama lang siguro na binaril ko iyong holdaper—and got me suspended."
Red frowned. "What?"
"May himala... ibinalato ka sa akin."
Oh, lordy.
"Shut up, Sam." He reversed their position and again claimed her lips.
20
A ng sinag ng araw na dumadampi sa pisngi ni Samantha ang nagpagising sa kanya. She yawned, stretched. Kinapa niya ang gilid ng kama. Wala na roon si Red. But it was still warm, tanda na kababangon lang marahil nito.
Pinilit niyang idilat ang mga mata. Sinipat niya ng tingin ang alarm clock sa night table. Nagulat pa siya nang makitang alas-diez na ng umaga. Wala siyang natatandaang nagising siya nang ganoong oras.
Inayos niya ang sarili paupo sa kama, isinandal ang likod sa headboard. Yakap-yakap ang unan ni Red. What happened last night was more than just beautiful. It was magical. Delicious. She couldn't believe that Red was that noble. Na ang self-control nito ay kamangha-mangha. Of course, they made love. But not in the real sense of the word. Sa kabila ng pagnanais niyang mangyari ang dapat mangyari ay nagpigil si Red.
Ang sabi nito ay nagagawa nito ang nais nitong gawin sa maraming babaeng nagdaan sa buhay nito. Mga babaeng dumating at umalis. But Samantha was special. He would be his until they both grow old. At gusto nitong maging memorable ang unang gabi ng kasal nila, like the good old days when men and women were not so permissive.
Nakaplaster ang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa kawalan. Binabalikan ang matamis na pangyayari kagabi, ang matamis na mga halik ni Red at ang mga sinabi nito sa kanya.
He did really propose! She imagined herself in a wedding gown, walking down the aisle. At saksi ang buong barangay nila sa magiging araw na iyon. Imbitado rin ang lahat sa departamento. Si Boss-Chief ang ninong nila. She grinned. Boss-Chief would be surprised.
Nang tila bulang tinusok ng karayom ang daloy ng isip niya nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura. Kasal na agad ang iniisip niya gayong hindi pa siya nag-aalmusal.
Tumayo si Samantha. Bahagyang inirolyo sa braso ang mahabang sleeves ng pajama top ni Red na suot niya mula nang nagdaang gabi. Lumabas siya ng silid at bumaba. Sa kusina ay inaasahan niyang naroroon si Red. Ngunit wala ito kahit saan.
Nagsimula nang bumangon ang pag-aalala sa dibdib niya at lalabas na sana upang tanungin ang guwardiya nang makita ang note na naka-magnet sa refrigerator door.
Love, sumaglit lang ako sa grocery. Walang laman ang pantry at ref. Alam kong magugutom ka paggising mo… R.
She smiled. Tatanggalin sana niya ang note nang makarinig ng kaluskos sa bahagi ng sala. It must be him now. Nagmamadali siyang lumabas patungo sa sala. "Ano ang nabili—"
"Huwag kang kikilos ng masama!" babala ng lalaki, nakatutok ang baril sa mukha niya.
Agad na gumapang ang takot sa dibdib ni Samantha. Nasaan si Red? "Sino ka?" She lifted her chin a bit higher. Hindi niya mapapatawad ang lalaking ito hanggang sa impiyerno kung may nangyaring masama kay Red.
"Brad Pitt," nakakalokong sagot nito at naglandas ang mga mata sa kabuuan niya. "'Asan si Halandola?"
Natigilan siya sa sinabi nito. So, he didn't have Red. Nakahinga siya nang maluwag.
"'Asan siya?" ulit nito. Sa pagkakataong iyon ay sa sentido niya itinutok ng lalaki ang baril, habang tila asong inaamoy-amoy siya.
"Wala siya rito."
Itinulak siya nito, nakatutok pa rin ang baril. "Wala akong panahong makipaglokohan sa iyo. Sasabihin mo ba kung nasaan siya o patatagusin ko ang bala ng baril ko sa ulo mo?"
"Sinabi nang wala siya rito. Umalis ang walanghiyang lalaking iyon nang walang paalam!"
Tinitigan siya nito. Not convinced. Pagkatapos ay hinablot nito ang kamay niya at ang mga daliri nito ay tila posas sa palapulsuhan niya. "Nabalaan na akong mahusay ka sa martial arts, neneng," nakangising sabi nito, malisyosong humagod ang tingin sa kabuuan niya. "Kung kikilos ka nang masama, masusubukan ko."
Sumisingasing ang ilong ni Samantha sa galit. Hinila siya nito at siniyasat ng tingin ang kusina. Pagkatapos ay halos kaladkarin siya ng lalaki sa pagpanhik sa itaas at isa-isang tiningnan ang mga silid. Samantha wished she had her gun. Inilagay niya iyon sa drawer sa night table.
Ni hindi niya magamit ang kaalaman niya sa martial arts, maingat ang lalaki, at hindi siya hinahayaang makakuha ng buwelo. At hindi naman niya makuhang ipakipagsapalaran ang sarili sa baril nito. Mas pakikinabangan siya ni Red nang buhay kaysa sugatan o patay. Isa pa ay alam na nina Art at Liberty na si Eden ang may pakana ng lahat ng iyon.
Kahuli-hulihang pinasok ng lalaki ay ang master bedroom. The man checked the bathroom, hila pa rin siya. Palabas na sila nang mahagip ng kamay ni Samantha ang isang bagay sa marbled counter. Halos mapatid na ang mga ugat sa braso niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.
"Sumama ka sa amin!" Bago siya makapiyok ay kinaladkad siya ng lalaki palabas ng bahay. Sa garahe ay naroon ang pulang Honda Accord ni Eden at may lalaking nasa manibela. Dahil kilala ng guwardiya ang kotse ni Eden kaya napagbuksan ng gate ang mga ito.
Napaungol si Samantha. Mahihirapan siyang makapanlaban sa close confinement ng kotse. At lalo siyang nanlumo nang makita ang security guard na nakasubsob sa baldosa. Sana ay buhay pa ito.
NAGTATAKANG ipinasok ni Red ang kotse sa nakabukas na gate. Subalit hindi pa man niya naipapasok nang husto ang Altis ay natanaw na niya si Pido na pasuray-suray na tumayo habang hawak-hawak ang ulo. Pinatay niya ang makina sa gitna ng driveway at bumaba.
"Pido, ano ang nangyari?"
"P-pinapasok ko ho 'yong kotse ni Ma'am Eden, Sir," wika nito, napapangiwi. "Nang... isasara ko ang gate ay biglang may pumukpok sa ulo ko at—" Hindi nito natapos ang sinasabi dahil tinakbo na ni Red ang bahay.
"Sam!" tawag niya. Tuloy-tuloy sa hagdanan nang mag-ring ang telepono. Pahablot niyang dinampot ang telepono. "Hello?"
"Red... They got me. But I'm okay. Huwag mo akong—" Naputol ang tinig na iyon ni Samantha. Halos mabasag ang dibdib niya sa takot.
"Sam! Hello... Hello!"
"Oh, hello, honeybunch..." Tinig ni Eden ang sunod niyang narinig.
He inhaled sharply. "Ano ang ginawa mo sa kanya, Eden?"
"Whoa. Calm down, Red. Wala pa akong ginagawa sa
pinsan mo.“ She laughed sweetly. “Did you think you have us fooled by telling me she was your cousin?”
Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang
us sa sinabi nito. Ang tinutukoy ba nito ay ang mga bayarang tauhan? “Bakit mo ginagawa ito, Eden? Ano ang atraso ko sa iyo?”
"Sa akin ay wala, Red. Pero sa mahal ko ay mayroon. May utang kang dapat na pagbayaran. At tapusin na natin ito. Alam mo na kung saan mo ako matatagpuan—sa bahay ko sa Bulacan. Ikaw o kapalit ng buhay ni Samantha."
"Don't hurt her Eden, please..."
"Sure. Pero tandaan mo, Red, huwag kang magtangkang tumawag ng pulis, meaning, kahit si Art. Or you'll be sorry. Bye, honey."
"Wait—" Busy tone na ang sumunod niyang narinig.
Hindi kailanman nakaramdam ng takot si Red sa buong buhay niya tulad ng nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Sinikap niyang paganahin ang tila namamanhid nang isip.
Ibinaba niya ang plunger ng telepono at nag-dial. Sinuway lang niya ang bilin ng isang kriminal.
21
“SA TINGIN mo ba’y makakatakas ka matapos ng lahat ng ito? You won’t get away with this.” Nakatali ang mga kamay ni Samantha sa likod ng silyang nakasandig sa dingding malapit sa may pasilyo patungo sa mga silid. Subalit nananatiling malaya ang mga paa niya. Nasa bahay siya ni Eden sa Bulacan. Nakababang lahat ang makakapal na kurtina sa bintana.
Tantiya niya ay magdadalawang oras na ang nakalipas mula nang dumating sila roon. Sa harap niya ay ang dalawang lalaking dumukot sa kanya. Parehong nag-aapoy ang pagnanasa sa mga mata ng mga ito habang nakatitig sa katawan niya. Maliban sa maluwang na pajama top ni Red, she had nothing on but her panties.
Isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Eden. "Mamamatay ka na lang, nagtatapang-tapangan ka pa." She was wearing a red velvet gown. And her hair was in French-knot. Iisipin mong dadalo ito ng party sa Malacañang.
"Ipinagkanulo ka ni Mardoquio, Eden, bago ito namatay. Alam ni Art na ikaw ang mastermind."
Sandaling lumatay ang kalituhan sa mga mata nito. "Nasa ospital kami kaninang madaling-araw, to finish him off. Pero nang dumating kami ay kamamatay lang niya. We would have seen Art or anyone. You're bluffing, Samantha!"
Hindi siya sumagot. Hindi nasabi ni Art ang detalye kung paano kumanta si Mardoquio bago namatay.
Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Eden nang manatili siyang tahimik. Natitiyak na bluff lang ang sinabi niya. "To be safe, pagkatapos ko kayong idispatsang dalawa ni Red, si Art naman ang isusunod ko. See? It's easy when you got money." Nilingon nito ang mga tauhan. "Ang gagawin mo na lang ay ang mag-utos."
Nakangiting nagtanguan sa isa't isa ang mga lalaki.
Samantha inhaled painfully. Tears formed her eyes. Nag-aalala siya. Umaasang hindi na sana sumunod si Red upang iligtas siya. They would kill them both anyway.
Nang biglang may tunog ng nahulog na bakal ang nag-echo sa bahagi ng garahe. Alerto kaagad si Eden. "Gaston, Bartolome. Tingnan ninyo kung ano iyon. At kapag si Red, dalhin ninyo rito nang buhay." Agad na kumilos ang dalawa.
Samantha groaned desperately. She was really scared now. Iyon na marahil ang huling araw nila sa mundo. Wala nang kasalang magaganap! At mamamatay siyang hindi nakapag-almusal!
Tiningala niya si Eden. "Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"
"Malalaman mo rin," she said calmly. "Bago ka mamatay... bago kayo mamatay," she amended.
"Pero kasintahan ka niya."
"That's part of the plan," wika nito. "Isang malaking advantage na kabuuan ako ng tipong babae ni Red." She was amused. "But I don't think he did love me. He's a playboy to the bone, you know. Wala siyang patawad, matanda man o bata." Matiim siyang tinitigan ni Eden. "Nagdududa kami sa iyo... he really sounded so concerned." She shook her head. "No. You're not his type. But knowing Red, hindi ka niya hahayaang mamatay nang dahil sa kanya."
"You're right, Eden."
Sabay na napalingon ang dalawang babae kay Red na nasa bungad ng pinto. Nanlaki ang mga mata ni Samantha. Hindi niya malaman kung matutuwa o matatakot.
"Red," usal niya. Nagtama ang mga mata nila. The expression in his eyes mirrored her own. Takot at pag-aalala para sa isa't isa.
"Pakawalan mo si Sam, Eden. Narito na ako." Humakbang ito patungo sa kinaroroonan ng dalawang babae. "Ano ba ang naging kasalanan ko sa iyo?"
"Gaston! Bartolome!"
"Kalimutan mo na ang mga lampang tauhan mo, Eden. Hindi ka nila matutulungan." He winked at Samantha who could not summon the courage to smile.
Hindi siya makapaniwalang ganoon kadaling nadispatsa ni Red ang dalawang lalaki. Pinakiramdaman niya ang buong paligid, nilibot ng tingin. Kasama ba nito si Art o ang buong departamento? Pero duda siya roon.
Tumaas ang kamay ni Red, itinutok ang hawak na baril kay Eden, ang baril ng papa nitong naiwan niya sa drawer. "It's over, Eden."
"No, Red. It isn't over." Isang tinig ang narinig nila mula sa tagiliran ni Samantha. Sa pasilyo. "Nagsisimula pa lang, actually."
“TITO Jorge!” bulalas ni Red.
"Put the gun down, Red. Hindi ako mangingiming patayin si Samantha." Kalmante ang tinig nito subalit nasa mga mata ang kislap ng panganib. Nakatutok kay Samantha ang baril na hawak.
Napuno ng kalituhan ang mukha ni Red. "I... I don't understand..."
Tipid na ngumiti si Jorge Abelardo. "Siyanga pala, Red, bago ko ipaliwanag ang lahat, gusto kong ipakilala sa iyo si Eden, my fiancée."
"Fiancée!" sabay na usal nina Red at Samantha.
Eden smiled. "Magpapakasal kami matapos ang lahat ng ito, Red."
Red was speechless for a few moments. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Huminto kay Jorge ang mga mata. "Ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito, Tito Jorge? But why? Hindi ko naiintindihan. What have I done?"
"Kay dali mo namang makalimot, Red. Wala pang anim na taon mula nang mamatay si Nancy at ang aking asawa. Pareho mong naging biktima ang mag-ina ko..."
"What are you talking about?" Nalilitong umiling si Red. Kumislap sa isip niya ang anyo ng mag-ina nito. Magkasama ang mag-anak sa sasakyan nang mahulog iyon sa bangin sa Kennon Road six years ago. Mother and daughter died on the spot but Jorge miraculously survived. Iyon ang dahilan kung bakit inilipat ng papa niya sa Maynila si Jorge Abelardo upang maka-recover sa nangyari sa pamilya nito.
"What happened to my wife and daughter was suicide, Red. Sinadya ni Nancy na ihulog sa bangin ang sasakyan dahil sa pagkasuklam niya sa ina."
"Bakit... gagawin ni Nancy iyon?" His throat was suddenly dry.
"My daughter was only seventeen then. Pero nang sabihin niyang magkasintahan kayong dalawa ay hindi ako tumutol—"
"Pero hindi kami naging magkasintahan!"
"Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko, Red?" Jorge asked calmly. Subalit ang dulo ng baril ay bumaon sa leeg ni Samantha na napangiwi sa sakit.
"Please, Tito Jorge," pakiusap ni Red. "Huwag ninyong idamay si Samantha, wala siyang kinalaman dito."
"Iyon lang ang bagay na ikinalulungkot ko, Red, ang madamay ang ibang tao. Hindi ka na dapat pang kumuha ng bodyguard. I would have killed you anyway. I could have done so in the office, pero tuwina ay naroroon si Rio. She was such a nice woman and I don't want to involve her, malibang wala akong choice..."
"Then kill me, Tito Jorge. Pakawalan mo si Samantha."
"No!" hiyaw ni Samantha.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Jorge. "I could sense that she meant more to you than just a bodyguard, my boy. Kasintahan mo si Eden, pero mukhang hindi mo pinaligtas ang bodyguard mo, huh?" Bahagyang naningkit ang mga mata nito. "Whew, tulad din noon sa anak ko. Kasintahan mo siya pero pinatulan mo ang aking asawa..."
"What!" Manghang-mangha si Red. "What are you talking about? How could you—Tita Sylvia was as old as my own mother!"
Umiling ito. "My Sylvia was ten years younger than your mother, Red. She was only thirty-six then and so lovely. Just like my Nancy. Both fell for you." Nilingon nito si Eden. "Show him the photographs, Eden."
Mula sa ibabaw ng bureau ay kinuha ni Eden ang dalawang larawan at paismid na ibinigay kay Red. Nakuhanan si Red na kasama si Sylvia Abelardo sa isang mesa, masuyong nakahawak ang kamay ni Sylvia sa pisngi ni Red. Ang isa pa uling larawan ay ang paghilig ni Sylvia sa balikat ni Red habang tumatawa.
Bahagya nang naalala ni Red ang eksena sa larawan. "Mali ang hinala ninyo sa ibinabadya ng mga larawang ito. For heaven's sake, she was almost my mother!"
"Nang unti-unti kang lumalayo sa kanya ay lihim ka niyang sinundan. Naghihinala siyang may iba kang girlfriend. At si Nancy mismo ang kumuha ng mga larawang iyan. Hindi ka makapagkakaila. And she almost died seeing you with her own mother. She started hating Sylvia. Unti-unti mo siyang nilalayuan dahil mas nasumpungan mong makaranasan si Sylvia kaysa sa kanya..."
Nagsama-sama ang emosyon sa mukha ni Jorge. Kung hindi sa pagiging mapanganib nito ay gustong mabagbag ng damdamin ni Red sa kapaitan at panibughong gumuhit sa mukha nito.
"That fatal day was Nancy's birthday. So now, naiintindihan mo kung bakit ganoon na lang ang pagnanais kong paghigantihan ka?" He cocked his head, smiled at him. "Inuna ko ang papa mo, Red. Ako ang may kagagawan kung bakit naaksidente siya. Inalisan ko ng preno ang sasakyan niya. Pinalad lang ang mama mo na sinamaan ng katawan ng araw na iyon at hindi sumama sa papa mo."
Red groaned as pain and shock racked his body. "Oh, God!"
"And I would have killed your mother soon but she immediately left for Pampanga and remarried later. Mas angkop na una kitang patayin bago siya."
That got him angry. "You're crazy! Tulad din ni Nancy. She was obsessed with me. She was never my girlfriend!"
Sumisingasing sa poot si Jorge. Tulad sa isang slow motion ay umangat ang kamay nitong may hawak ng baril patungo kay Red.
22
B ut Samantha felt the anger rather than saw it. At bago pa maitutok ni Jorge ang baril kay Red ay umigkas ang kamay niya at binigyan ng karate chop ang kamay nitong may hawak na baril.
Tumilapon ang baril sa malayo at napaungol sa sakit si Jorge. Tumayo siya at sinundan iyon ng flying kick. Jorge doubled over. Sumadsad ito malapit sa lugar kung saan tumilapon ang baril.
Sa kabila ng namimilipit, dinakma nito ang baril subalit bago nito nahawakan iyon ay apat na sunod-sunod na putok ang umalingawngaw. Sa wakas ay may nag-iisang balang tumama sa target—ang kamay ni Jorge Abelardo. Napasigaw ito sa sakit.
"One false move, Tito Jorge, at hindi ako mangingiming patayin ka!" babala ni Red.
Si Eden ay mabilis na tinakbo si Jorge.
"Dammit! The gun, Eden! Get the gun and kill them!" utos ni Jorge, pigil ang dumudugong kamay.
"Hindi ako sharpshooter, Eden. But believe me, isa sa mga natitirang bala ay papatay sa iyo," Red threatened angrily.
Binalikan ni Eden si Jorge at napaupo sa harap nito at umiyak.
"Art!" tawag ni Red. At mula sa kung saan ay lumitaw si Art, si Mang Alipio, at si Liberty, kasunod ang tatlong pulis na mga kasamahan ni Samantha sa presinto. Mga nakangisi lahat sa kanya.
Mabilis na nilapitan ni Mang Alipio ang anak at niyakap. "Hindi ako humihinga habang itinututok sa iyo ng baliw na iyan ang baril, anak. Kinakabahan akong bago tumama ang baril ni Art at ng mga pulis sa kanya ay mapahamak ka na muna."
"Okay lang ako, 'Tay." She was smiling. "Ako pa?" Nilingon niya si Red na humakbang palapit. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.
"Halandola, wala kang karapatang bumaril nang bumaril!" humahalakhak niyang sabi. "One out of four. You almost miss, goodness. Patuturuan kitang umasinta ng target."
Hindi makuhang ngumiti ni Red. Puno pa rin ng pag-aalala at takot ang dibdib. "Paano ka nakawala?"
Ngumisi siya. Itinaas ang blade na dinampot kanina sa banyo. "Itinago ko sa cuff ng pajama top mo."
"You're unbelievable, darling. Tinalo mo si Lara Croft."
"Oh, she's nothing." Kinindatan niya sina Liberty at Art. Pagkatapos ay muling niyakap si Red. "You came to save me. You're my hero."
Siniil siya ni Red ng halik. Pagkatapos ay itinaas nito ang mukha niya. Puno ng awtoridad ang tinig nang magsalita. "Sa takot na ibinigay mo sa akin, ito na ang katapusan ng trabaho mo, Samantha."
"Wait." Kumawala siya. "Ipaliwanag mo sa akin ang tungkol kina Nancy at Sylvia..."
He sighed. Inakbayan siya. "I don't think I could remember it all. Isinama ako ng mga magulang ko nang dalawin ang Baguio branch ng kompanya kasabay na rin ng summer vacation. Bagaman nakakatagpo ko na si Nancy sa mga affairs ng kompanya, ang bakasyong iyon ang naging daan upang magkalapit kami.
"Pero hindi ko pinatulan ang lantarang pagpapahiwatig niya. Hindi dahil hindi ko gusto kundi dahil anak siya ng empleyado ng kompanya. Istrikto ang Papa sa bagay na iyon. No messing up with employees and their immediate families. Para wala raw komplikasyon sa trabaho. But Nancy was so obsessed. Sa tuwing magkakasama kami'y ni hindi na niya gustong umuwi pa sa kanila.
"Hanggang sa kausapin ako ng mama niya dahil nag-aalala sa aming lagi kaming ginagabi sa paglabas-labas. Nakipag-set ng appointment sa akin si Tita Sylvia na magkita kami sa restaurant. Doon ko ipinaliwanag ang totoong nangyayari, kung paanong kulang na lang ay sa amin umuwi si Nancy. At na hindi totoong girlfriend ko siya. Sylvia had been so understanding. Hindi ko alam kung paanong nabigyan nina Nancy at Tito Jorge ng kahulugan iyon..."
"Photographs can speak volumes, Red. Depende sa pag-iisip ng isang tao. At nagdadalamhati si Jorge sa sabay na pagkawala ng mag-ina niya. I could understand." Tumango ito. She sighed. "I'm sorry about your father."
Tumiim ang mga bagang nito, nilingon sina Jorge at Eden na mga nakaposas at inaakay ng mga pulis patungo sa sasakyan. "He's sick, Sam."
"Siya at si Nancy." She grimaced. "Anyway, it's over. Let's forget about them."
"Yeah." Masuyo siyang tinitigan ni Red. "At tapos na rin ang pagsuong mo sa panganib. Sa sandaling makasal tayo ay wala kang gagawin kundi ang mag-alaga ng sangkaterbang anak."
"Sangkaterbang anak?" ulit niya.
"Taon-taon kang manganganak, to keep you from doing something foolish."
"Halandola!"
Isang halakhak ang pinakawalan ni Red. Kinabig siyang muli nito. "I love you, Sam. I really do."
"Pero gusto kong maranasang maligawan sa bahay, Red. Kaya mo ba ang Tatay?" Nilingon niya ang ama na palakad-lakad sa kabahayan at pasulyap-sulyap sa kanila, nakakunot ang noo.
Napangisi si Red. "After what I've been through? Kahit harangan ako ng tatay mo ng itak, Sam. Liligawan kita nang ilang buwan."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Anong ilang buwan? Loko ka ba? Isang linggo lang habang inihahanda ang kasal natin!"
Humalakhak si Red. Yumuko ito upang hagkan siya.
"Oh, you're my dream come true, Red," Samantha murmured. With all her feelings right there in her eyes for him to read, she wrapped her arms around his neck and offered her lips.
Wakas
******PS: Comment lang dito ang mga magpapa-dedic sa next story. Maraming salamat<3

