Static and Silence (Desire Series #3) (On-Going)
Lemonade Aion · 28 chapters · 132,307 words
Disclaimer
DISCLAIMER / AUTHOR’S NOTE
This is a mature story . If you’re not comfortable with this kind of content, you may choose to stop reading. Otherwise, feel free to continue to the next chapter.
All rights reserved.
No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means—including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods—without prior written permission from the author, except for brief quotations used in reviews or other non-commercial purposes permitted by copyright law.
No plagiarism allowed.
This is a work of fiction.
Names, characters, places, events, and incidents are products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons—living or dead—or real events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime.
Please do not copy any part of this book. If you notice similarities with other stories, it may be purely coincidental.
Author’s Note:
This story may contain typos and grammatical errors. I am not a professional writer—just an aspiring one. Kaya sana, manage your expectations.
Also, I’m not very confident in English, so the story may be written in Taglish . Pasensya na rin in advance for any mistakes.
Static and Silence
DESIRE SERIES
#1 Against the Soft Pull
#2 Between the Threads
#3 Static & Silence (Eiron & Yuri Story)
#4 Through the Outline
Stay tuned for more…
Desire Series #3
Eiron Villaflor is a simple and intelligent scholar who dreams of giving his mother a better life. But when she falls seriously ill, he is forced to balance his studies and work to support her.
His life becomes even more complicated when he meets Yuri Quintin—a wealthy young man known for his bad attitude and reputation as the black sheep of his family. Constantly compared to his successful brothers, Yuri has become someone people love to hate.
As complete opposites, Eiron and Yuri can barely spend a minute together without arguing. But as fate keeps bringing them closer, Eiron finds himself falling for the one person he swore he would never love. Yet the more they fight, the more they begin to understand each other.
What if they realize that the peace their hearts have been searching for can only be found in each other? Will they have the courage to face their feelings, or will they continue running from the truth that their hearts can no longer deny?
Desire 1
Desire 1:
Fate
Eiron’s Point of View
“Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo, anak?” Tanong ni Mama sa akin habang nag-aayos ako ng dadalhin kong mga papeles. Tinignan ko siya ng diretso sa mata, may halong pag-aalala at pagkalitong ekspresyon sa kaniyang mukha. Si Mama talaga. Para pa rin akong bata eh.
“Ayokong nasa bahay lang,” dagdag niya pa.
Napabuntong-hininga ako. “Ma… Hindi ba ang bilin ng doktor ay bawal ka na mapagod masyado? Lalo na ang mai-stress? Napag usapan na rin natin ito. Napagkasunduan natin na—”
“Na magtitinda na lang ako dito sa bahay at ikaw ang magtatrabaho kapag wala kang pasok at pagkatapos ng iyong klase. Naiintindihan ko naman ’yan, anak. Pero dapat ako ang gumagawa niyan. Dapat nag-aaral ka lang eh. Enrollment mo na rin pala bukas. Dapat pinaghahandaan mo na iyon,” pamumutol nito sa sinasabi ko. Daig pa ang rapper. Tumingin na lang ako sa salamin para ayusin ang edgy caesar cut kong buhok. Pero ipinukol ni Mama ang kaniyang tingin sa akin mula sa salamin.
“Kaya nga pero hindi mo nga pwedeng i-risk ’yang buhay mo. Oo nga nakakapagtrabaho at marami kang pera. Pero manganganib naman ’yang buhay mo? Edi mas lalo akong naging mag-isa? Wala na nga si Drip, pati ikaw mawawala pa,” Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Ayoko ng pag-usapan ’yun. Kaya lang, hindi ko napigilang ilabas dahil ayaw makinig ni Mama.
“Akala ko ba hindi ka galit kay Drip dahil mas pinili niyang sumama sa nag-ampon sa kanya?” Tanong ni Mama. Ipinikit ko naman ang mata ko. Ayoko ng pag-usapan. Ayoko ng drama. Pero alam kong hindi niya ako titigilan.
“Hindi naman ako galit sa kanya, Ma. Wala naman akong sama ng loob sa kanya. Dumadalaw naman siya paminsan-minsan dito di’ba? Atsaka hindi niya naman tayo kargo. Ang akin lang, isipin mo sana ’yang sarili mo. Kaya ko naman eh? Papasok naman ako sa Harvey. Regular student pa rin ako. Kayang-kaya ko pagsabayin iyon. Kaya wala na kayong dapat problemahin,” mahabang paliwanag ko bago maupo sa tabi niya. Hinimas ni Mama ang balikat ko habang pinipigilang umiyak.
Narinig ko pa na napagbuntong-hininga niya. “Kung andito lang sana ang papa mo…”
Hindi ko kinaya ang narinig. Napahigpit ang hawak ko sa folder na hawak ko. Nagpintig ang tainga ko sa salitang “papa”. “Ma naman eh? Bakit ba siya lagi ang hinahanap niyo? Hindi mo ba matandaan kung anong ginawa niya satin? Iniwan niya tayo! Iniwan niya ang binuo niya! Wala siyang bayag!”
Hindi nakasagot si Mam sa narinig. Alam niyang maiiyak na naman siya dahil roon. Nakaramdam tuloy ako bigla ng guilt. May sakit siya, Eiron. Kumalma ka please!
Bigla naman pumasok si Aling Gina na may dala pang pagkain na nasa isang baunan at ang isa naman ay nasa mangkok. Kung hindi ako nagkakamali, tinola iyon na niluto niya para sa aming tatlo. “Hala oh sige na Eiron at dalhin mo itong pagkain. Ako na ang bahala sa mama mo. Sige na sige na,” sabi nito habang hinahatid ako sa pintuan. Para bang pinapaalis niya ako.
Nang makalabas nga ako at medyo malayo na kay Mama ay tinignan ako ni Aling Gina ng may pag-aalala at kalungkutan.
“Hayaan mo na ang mama mo. Alam mo namang hindi sanay ’yan na walang ginagawa at ayaw niyang pinababayaan ka. Kaya pagbutihin mo na lang dyan sa pag-aapply mo ha? Ako na ang bahala sa kanya h’wag ka ng mag-alala. Mag-iingat ka,” aniya. Parang guminhawa naman ang loob ko.
“Sige ho salamat ho, Aling Gina. Alis na ho ako,” paalam ko pa habang nakangiti sa kanya bago tumalikod at naglakad palayo.
Malaki ang pasasalamat ko dahil nandyan si Aling Gina bilang kaibigan ni Mama. Wala naman na rin itong iniintindi kaya nag volunteer samahan si Mama sa bahay kapag wala ako at kapag papasok. At least mababawasan ang pag-aalala ko habang wala ako sa tabi niya.
“Para! Para!” sigaw ko kaagad sa dumaang jeep.
Kaagad akong sumakay ng jeep nang huminto ang sasakyan para tunguhin ang city kung saan siguradong maraming trabaho at opportunity akong mahahanap. Siksikan, sigawan at maiingay na tunog ng mga sasakyan ang sumasalubong sa akin. Dagdagan mo pa ng usok galing sa mga ito. Iyon ang katotohanan na makikita at mararanasan mo kapag wala kang sariling sasakyan sa maynila.
Nang makarating ako sa lugar na may naglalakihang gusali at maingay na kalsada ay para akong natuod sa kinatatayuan. Hindi naman na ako bago sa lugar na ito. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan at matakot sa kung gaano kalaki ang maynila.
“Oh isa na lang! Isa na lang! Aalis na! Oh dito dito! Sakay na!” Sigaw ng isang barker mula sa likuran ko. Kaagad akong natauhan at umalis sa kinatatayuan ko ng marinig iyon.
Nilakad ko na ang sidewalk kung saan pumaparito’t pumaparoon ang mga taong may kanya-kanyang business sa buhay. Mga walang pakielam kung makabangga sila at nasa iba’t-ibang sitwasyon at may kani-kaniyang problema. Napabuntong-hininga ako sa isiping ’yun. Totoo naman .
Liko rito, liko roon. Lakad dito, lakad doon ang nangyari. Mabilis ang lakad kong tinutungo ang mga building at mga establishment na may karatulang “Hiring”. Kahit fast food restaurant na ’yan ay papalyahin ko na. Dahil hindi ako puwedeng umasa sa naipon ni Mama sa mga taong nagtrabaho ito para sa aming dalawa. Nagme-maintenance na rin kasi si Mama kaya alam ko na mauubos at mauubos agad iyon.
Pero kahit anong pilit ko ay mataas ang standard nila. Kailangan nila ng graduate o di kaya’y full time. Hindi rin sila tiwala sa working student dahil makakaabala ang schedule ng mga ito sa kanilang trabaho.
Nanlulumo ako. Hanep na ’yan…
Sumasideline rin naman ako sa university para kumita kahit papaano. Pero pambaon ko lang din iyon at nagagastos sa academics expenses.
“Bakit hindi ka manghingi or humiram kay Drip?” ang lagi kong naririnig sa mga kapitbahay namin. Ano ako? Sira? Hindi niya nga kami kargo. At isa pa, hindi pwede dahil galing ’yun sa mga umampon sa kaniya.
Kaya ko ’to.
Umabot ng alas-singko ng hapon ang paghahanap ko. Ubos na nga ang baon ko kakapunta sa iba pang lugar, ilang piso na lang ang pwede kong gastusin plus pamasahe ko na lang din ’yung ibang natira pauwi. Nawawalan na ako ng pag-asa sa araw na ito. Napatingin ako sa folder ko na nasa aking kamay. Medyo nagugusot na iyon dahil sa pagkakahawak ko sa maghapon.
“Okay, last na ito. Kapag wala pa rin, bukas ulit,” sabi ko sa sarili. Nakita ko namang napatingin sa akin ang isang babae dahil sa pagsasalita ko ng mag-isa. Napangiti na lamang ako ng awkward. Mapagkakamalan pa akong baliw!
Sa paglalakad ko ay nakakita ako bigla ng sign board na nasa bandang itaas malapit sa street sign. Sa tapat nito ay ang malaking building na may pangalang “SilverCrest Financial Group”
“We are hiring! Office Assistant!”
Bumuntong-hininga ako bago ipinikit ang mga mata. “Please lang. Kailangan ko ng trabaho. Promise, pagbubutihin ko,” bulong ko sa sarili bago tumungo sa pintuan. “Please please— sh*t!”
Nabigla ako ng may malamig na tumapon mula sa damit ko. Umabot pa iyon mula sa pantalon ko at nabasa pa ang folder ko. Kamalasan! “Hindi!—”
“What the f*ck?!” Rinig ko namang mura ng nasa harap ko. Agad kong nakita ang kasing tangkad nitong lalaki. May pagka brown ang mod cut nitong buhok . May singkit na mga mata at matalas na mga tingin. May katamtamang kapal ng kilay. May headphone na nakasabit sa kanyang leeg. Nakasuot ito ng white t-shirt na panloob, at pinatungan ng red hoody. Naka jeans pa ito na bumagay naman sa kulay cream niyang sapatos. Nakita ko na nakatitig siya ng seryoso sa akin ng magtama ang mga mata namin.
Pero agad na nawala ’yun dahil nakita niya ang hawak. Napakagat ito sa kaniyang labi. Bawas na bawas ang kape nitong dala na binili pa sa Starbucks. Teka, bakit parang siya pa talaga ang galit? Eh ako nga itong natapunan niya?
“Sh*t..” bulong pa nito. “Please next time tumingin ka naman sa dinaanan mo. Look at my coffee!” Aniya sabay tapon sa gilid ko, sa saktong basurahan. Aba!
“ Pasensiya na,“ sagot ko rito may mahinahong boses. Kailangan kong maging big person kahit napakahaba ng araw na ito para sa akin.
“I left my wallet and my phone. Wala akong baong malaking cash. Nawalan pa ng coffee. Fvck this life!” Saad ng lalaki. Namumula na ang mukha nito sa galit. Ah kaya…pero hindi pa rin tama na ganoon siya magalit. Hindi ko kasi siya nakita na papalabas sa pintuan.
“Sige babayaran ko nalang,” sabi ko na lang sa kanya kahit kinakabahan ako dahil magagalaw ko pa ata ang pangtuition ko. Pinatitinginan na rin kami ng mga tao. Nakita ko na rin ang paparating na security guard. Kinuha ko na lang ang wallet ko para maalis sa sitwasyong ’to.
Napansin ko namang tumaas ang kilay ng lalaki sa akin at tinignan ako mula ulo paibaba sa paa ko. “I don’t think you can afford it. You know what? Nevermind. Just please don’t say another fucking words please,” aniya.
Medyo nag init ang ulo ko sa mga narinig. “Brad, kaya kong bilhin ’yan, okay? Hindi mo ako kailangang insultuhin. Tangina magkano ba ’yan?”
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. H’wag niyang sabihin na mayaman siya!
Matalas naman niya akong tinignan. Parang sanay na sanay siya pakikipag-away. “I said, don’t say another word!” Aniya bago maglakad paalis. Binangga pa ako sa balikat ng malakas, dahilan para mapaatras ako ng kaunti. Pinanood ko na lang ang pag alis nito habang hinihilot ang ang aking batok. Mas mabuting h’wag na lang siyang patulan. Aanhin ko naman ’yun? Mapapasweldo niya ba ako kapag sinapak ko siya?
“G*go…” bulong ko sa hangin. Agad ko namang nilapitan ang papalapit na guard habang bumabalik sa kani-kaniyang trabaho ang mga nakanood ng simpleng away na nangyari sa amin.
“Kuya, nasaan rito yung pwede kong pagpasahan ng requirements? Gusto ko sana mag-apply eh,” tanong ko rito habang tinitignan ang mga papeles. Mabuti at hindi nabasa ng malala, may mga resume akong malinis pa. Kamot ulo naman akong hinarap ng guard.
“Naroon po sa front desk. Pero…sigurado po ba kayo diyan?” tanong ng Guard na dahilan para kumunot ang noo ko.
“Bakit? May problema ba?”
“Nako po. Matapos mong makipag-away sa anak ng may-ari nito? Hindi ko alam kung tatanggapin ka pa nila…”
Kinabahan man ako ay mas pinili kong hindi magpadala sa takot. Ngumiti na lang ako ng tipid at puno ng confidence na tinungo ang front desk. Nakita ako ng receptionist at tila nagulat pa dahil sa pagtuloy ko roon. Again, mapapasweldo ba ako ng lalaking ’yun? Tatay niya naman ang may-ari, hindi siya.
“Good evening, nakita ko sa poster na hiring kayo? Ito po ’yung resume ko,” sabi ko sa employee. Ngumiti ito ng pilit sa akin at saglit pang tinignan ang resume ko.
“Actually, yes pero wala kasi si Sir kaya walang mag iinterview sa’yo ngayon. Iwanan mo na lang ’yung resume mo then we will call you tomorrow for your interview if magustuhan niya,” sabi ng empleyado. Ngumiti ako ng pilit. Nangangalay na ang labi ko gawin iyon dahil ilang beses na akong humaharap sa mga tao.
“Sige, salamat,” sabi ko habang dissapointed na naglalakad papunta sa labas. Mabigat ang nararamdaman ko ngayon. Enrollment na namin bukas at dapat mayroon na akong trabaho. Nag-iisip na ako ngayon kung titigil muna ako ngayong year.
Kaso si Mama pala, panigarado magagalit ’yun.
Nakakita ako ng isang bato sa daan. Napabuntong-hininga ako. Nakakaramdam na ako ng gutom at uhaw. Naubos ko na rin ang baon ko dahil pinanglunch ko na iyon kanina. Sinipa ko na lang ang bato habang nagpatuloy sa paglalakad.
“Malas…malas…malas…” Bulong ko sa sarili. Tinignan ko pa ang mantsa ng kapeng natapon sa damit ko. Narealized ko na dapat ako nga pala ang mas nagalit dahil sa akin naman natapon iyong laman.
“Hay buhay.”
Patuloy kong sinipa ang bato hanggang sa makarating ako sa mga bentahan ng street foods at paresan. Kinapa ko ang barya sa kaniyang bulsa at binilang.
“Twenty-nine…Thirthy. Thirty pesos,” sabi ko sabay lapit sa mga tusok-tusok. Kinuha ko ang limang piso roon. “Limang piso nga pong fishball.”
Matapos makabili ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Napansin ko naman na nasisipa pa rin pala ang bato. Naiisip ko bigla na siguro, isa akong bato ngayon. Tahimik pero pilit na sinisipa ng buhay at dinadala sa kung saan siya nababagay. Saan nga ba?
Sa labis na pag-iisip ay hindi ko na napansin na dinala na pala ako ng mga paa ko sa likod ng terminal ng mga jeep kung saan ako dapat sasakay. Naubos ko na rin pala ang kinakain. Sinimot ko pa ang sauce nu’n bago itapon sa basurahan.
“Ano? Lalaban ka pa ha?”
“Tandaan mo, apat kami, isa ka lang.”
“Kami ang maghuhukay ng libingan mo!”
Napakunot ang noo ko sa narinig, sabay tingin sa pinanggalingan ng mga boses. Mula sa matataas na damo ay nakita ko na pinagtutulungan ng tatlong lalaki ang isa pang lalaki na may may madumi at sira-sirang t-shirt. Nagtago ako. Ayaw kong makielam. Sapat na ’yong haba ng araw na ginugugol ko at ayaw ko ng dagdagan ang kamalasan ko.
“Fuck! I will kill you all! Bastards!” sabi ng isa pang lalaki. Tumingin akong muli. Nakita ko na nakahiga na ito sa damo habang nasa dibdib nito ang paa ng lalaking may mga tattoo sa braso. Tumawa ang mga ito habang nahihirapan ang lalaki. Tinignan ko itong mabuti. Naku po!
“Paano mo gagawin ’yon, Yuri? Eh papatayin ka na nga namin ngayong gabi,” sabi ng lalaking nakatapak sa dibdib ng kalaban nila.
“I’ll make sure na isasama ko k-kayo!” nanghihinang sabi ng nakahandusay na lalaki. Kinain ako bigla ng matinding konsensiya sa nakita at narinig. Papatayin?
“Hindi hindi hindi. Nahihibang ka ba? Ano ka? Superhero? H’wag ka ngang tumulong. Kaya na nila iyon. Ay wait—tumawag ka na lang ng pulis—” naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses na tila nanlalaban. Nang makita ko bigla na naglabas ng kutsilyo ang isa sa mga tatlong lalaki habang sinasakal ng isa pang lalaki na may mga tattoo sa braso ang nakahigang lalaki ay nanlaki ang mga mata ko sa takot. Nanlalaban ang lalak kahit hinang-hina na itoi. Hindi ko alam kung bakit, pero nadala na ako ng adrenaline rush. Nakahanap ako ng malaking bato malapit sa akin at ibinato iyon sa mga lalaki. Wow! Napapikit ako sa katangahan ko. Nagulat naman ang mga lalaki dahil doon.
“Boss! May tao!” natarantang sabi ng lalaki na may kutsilyo. Agad nitong tinago ang patalim.
“Ano pang hinihintay niyo? Tignan niyo! Tapos kapag nanlaban, patayin niyo na rin!” sabi ng lalaking may tattoo.
Nanlaki ang mga mata ko. “Sh*ttt sinasabi ko na nga ba!” bulong ko. Hindi tuloy ako makagalaw sa tinataguan ko dahil nanganganib na rin ang buhay ko.
“K-kill me now! H-h’wag niyo nang idamay kung—Argh!!! Fuckk!” daing ng lalaking nakahandusay dahil sinipa siya ng may tattoo sa kaniyang tagiliran.
“Manahimik ka!” Sigaw nito. “Ano? Hanapin niyo!”
Bumibilis ang tibok ng puso ko habang nakakagat sa labi. Mukhang magiging katapusan ko na agad ah?
“Utoy! Ano bang ginagawa mo d’yan? Ang palikuran ay naroon sa loob ng terminal hindi sa damuhan,” biglang saway ng matandang driver sa akin. Napatigil ako, pati na rin ang tatlong lalaki. Shit. Napakunot ang noo nito bago tumingin sa bandang ulunan ko. Doon ito nagulat at agad na nilabas ang isang mahabang kahoy na nasa kaniyang tagiliran. “Hoy! Kayo na naman?! Ano na namang katarantaduhan ang ginagawa niyo diyan?! Humanda kayo at tatawagin ko ang mga pulis!”
Napakunot ang noo ko at kusa na napatayo. Doon ko nakita ang mga lalaking naghahanap sa akin. Kapag talaga ako binalikan nito tsk!
“Boss! Siya ’yon!” sabi ng isa.
Napadura ang lalaking may tattoo sabay titig sa mga mata ko. “Ano pang hinihintay niyo? Takbo! May pakielemerong matanda!”
Doon ako nakahinga ng maluwag at dali-daling nilapitan ang lalaking bugbog sarado. Napatahimik ako ng makilala ito at napansin ang sira-sira nitong headphones.
“Utoy ano bang nangyari diyan sa kasama mo? Aba! sandali lamang at papaandarin ko ang jeep. Isakay mo siya!” utos ng matanda sa akin ng makita ang duguan na lalaki. Kargo pa rin pala siya? Uwing-uwi na ko!
“T-teka— hays!” angal ko. Tinignan ko muna ito bago ko naisip na alalayan itong tumayo. Iniakbay ko pa ang kamay niya sa balikat ko. Kanina kaaway ko lang ’to ah? Kainis.
“I-I don’t need your—arghh!” daing ng lalaki sa akin. Yabang ah? Bitawan kita eh.
“H’wag ka ngang mayabang! Mamamatay ka na nga lang, mapride ka pa!” saway ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili. Napatingin pa ito sa akin habang may dugo sa kaniyang labi. Nang maisakay ko ang lalaki sa jeep ay dali-dali na kaming pumunta sa malapit na hospital
St. Catherine’s Hospital
“Tulong!” Sigaw ko agad pagkapasok ko.
“D-don’t shout!” Reklamo nito na hindi ko na lang pinansin. Humawak pa siya sa damit ko ng mahigpit. Namantsahan na tuloy ako ng dugo nito. Tangina, maglalaba na naman ako .
Lumapit naman ang 3 nurses na may hospital bed at isang doctor.
“Oh, you gotta be kidding me!” angal ng doctor. Napakunot ang noo ko sa narinig. “Go ahead, nurse. Susunod ako!”
Tumingin naman ito sa akin matapos makaalis ng mga nurse at ipasok ’yung lalaki sa isang kwarto. “You must be his friend, right?”
Umiling-iling ako. Paano ko magiging kaibigan ’yan? Eh ang sama ng ugali . “A-ah, hindi concern citizen—”
“Okay, pero diyan ka lang!” Utos nito sa akin bago may idial sa kaniyang cellphone. Ilang saglit pa ay biglang nagsalita na naman ang doctor. Nakita ko na naiinis ito habang nakatingin sa ibaba. Napakamot pa nga sa noo.
“Hello? Yes, Willson. Your son is here! AGAIN! Yes nabugbog na naman but I think mas critical ngayon—wait! Mas importante ba ’yang dinner na ’yan? You didn’t hear me? Your son is here! You fvcking idiot!” Naiistress na sabi nito sa kausap. Napaupo ako dahil doon ko naramdaman ang pagod. “Yes, may nagdala sa kaniya rito…ok wait.”
Ibinaba nito saglit ang cellphone habang nakatakip sa mic. “Hey, what’s your name?”
Nag-angat ako ng tingin. "A-ah Eiron...Eiron Villaflor po," sabi ko. Hindi ko alam kung bakit binigay ko pa ang buong pangalan ko eh tumulong lang naman ako dahil sa konsensiya. Ibinalik naman niya ang cellphone sa kaniyang tainga.
“Eiron Villaflor. Yes! You must be here!” dagdag pa ng doctor sabay patay ng cellphone nito. “Ah! That man!”
"A-ah aalis na po ako. Dinala ko lang talaga siya rito, doc,"
Umiling ito sa akin. "No way, please stay. His dad is on his way. He wants to meet you," ani Doc.
"Ah, hindi po ako humihingi ng reward, coc. Aalis na po ako," pagdadahilan ko pa pero nginitian lang niya ako. Medyo may hawig lamang ito sa lalaking iniligtas ko.
Mabuti pa ’to, ngumingiti. Hindi tulad nung lalaking ’yun.
"Please. He just wants to know you. After that, you can go home. You know, para na rin sa mga abalang nagawa ng pamangkin ko sa'yo."
Napabuntong-hininga ako.
Tatanggi pa ba ako? “O-okay po.” Ilang oras ang ginugol ko para hintayin ang lalaki. Gusto ko na talagang umuwi pero pinakain at pinainom pa ako ng doctor kaya hindi na rin ako nakatanggi. Narinig niya kasi ’yung sikmura ko. Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko agad si Mama na nanonood ng TV habang si Aling Gina ang nagbebenta sa may tindahan. Mag-aalas nuebe na ng makauwi ako. Nagmano ako sa kanila habang pilit na tinatago ang mantya sa damit ko.
“Oh bakit ngayon ka lang?” tanong ni Mama sa akin.
“Pasensiya na Ma. Medyo nagkaroon lang ng problema,” Pagdadahilan ko. Hindi ko naman sinasadyang malaglag ang hawak na folder. Ayan na nga ang sinasabi ko.
Napatingin ito sa akin at nanlaki ang mga mata. “Bakit madumi ang—ano ito Eiron? Dugo?! Jusmiyo!” ang natatarantang tanong ni Mama. Napakagat ako ng labi dahil doon.
“Relax ka lang, Wena. Ano ka ba?” Pagsuway ni Aling Gina.
“May tinulungan lang po akong lalaki kanina. Dinala ko sa hospital. Ayun, nabugbog. Mayabang kasi,” paliwanag ko at napapailing. Kapag naaalala ko ’yun naiinis pa rin ako.
“Jusmiyo, akala ko napano ka na. Hindi mo man lang kami tinext o tinawagan,” ang nag-aalalang sagot ni Mama sa akin. Ngumiti na lang ako ng tipid at inilabas ang luma kong phone. Pinakita ko sa kaniya.
“Nalowbat lang po…pasensiya na,” sabi ko rito
“Kamusta ba ang paghahanap mo?” sabat ni Aling Gina.
Napabuntong-hininga ako sa narinig. “Bukas, baka mayroon na akong trabaho,” Sabi ko sabay tulala sa TV. Patapos na ang palabas na pinapanood ni Mama.
“Ma, masamang nagpupuyat ka,” sabi ko. “Matulog ka na po.”
“Ako na ang bahala rito, Wena. Sige na,” sabat muli ni Aling Gina. “Ikaw rin, Eiron. Sige na.”
“Sige po salamat, Aling Gina,” sabi ko. “Maaga pa po ako bukas sa University.”
Pumasok na ako sa kwarto at agad na naghubad ng suot habang nakaharap sa salamin.
“Bukas…bukas magkaka-trabaho na ako. Manifest!” sabi ko sa sarili sabay tingin sa sarili mula sa salamin bago tumango-tango. “Kailangan kong magkatrabaho.”
Yuri’s Point of View
AGAIN, nandito na naman ako sa pinaka ayaw kong situation. Yung bubungangaan na naman ako ng perpekto kong ama,
akala mo naman napakabuti niya sa amin. Nakakadiri at nakakarindi lang.
Speaking of the devil, how hard is it for that guy na h’wag akong tulungan? I hate him! Sinabi ko na sa kaniya pero para siyang walang pakielam. Sigurado namang may kapalit ’yung ginawa niya.
Tss…scammers.
"I told you! You need to go home! Pero ano? Nagpakayabang ka pa sa daan!" sigaw ni Willson sa akin.
Ang ama ko. Ang hirap niyang tawaging ama dahil sa inaasta niya.
"Eh kaya ko nga ang sarili ko, Willson. Bakit ba kailangan mo pa akong sabihan?" reklamo ko sa kaniya.
Really, I wanna punch anything right now. Kung pwede lang akong umalis dito para hindi ko siya marinig.
Tapos sinira pa ng mga kumag na ’yun ’yung headphone ko. Hindi ko tuloy matakpan ang tainga ko Argghh!
“Aba! Hindi mo na ako ginalang! Mabuti pa ang ibang tao, ginagalang ako!” reklamo niya habang nanlalaki ang mga mata. Oh, c’mon. Napakaplastik niya kahit kailan.
Tss, ayan ba ang hinahangaan ng lahat? Si Willson Quintin na nagmamay-ari ng isa sa mga Top Finance Group in Asia. Kung malalaman lang nila ang tunay na ugali nito, baka bumagsak siya sa ibaba.
I just rolled my eyes at inabot ang remote para laksan ang volume ng TV. Nilipat ko pa ito pero nagstatic ang channel kaya tuluyan kong hindi narinig si Willson. Pero agad niyang kinuha ang remote sa akin para hinaan ang tunog ng static at pabagsak na inilapag sa kung saan.
“Kaya kita pinagsasabihan, dahil wala kang utak! Hindi ka tumulad sa mga kapatid mo!” ani Willson habang dinudutdot ang daliri sa sintido ko. Mabilis kong sinanggi ’yun. “Nasabi rin sa akin ng secretary ko na may inaway ka pa sa building? Why are you like that? Huh?!! Arghh!!! You’re stressing me out!”
Tinignan ko siya ng matalas dahil sa narinig. "Alam mo para hindi ka maistress? Go back to your business and leave me here! Leave me alone!"
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor na nakatitig agad sa akin. Napatingin kaming dalawa sa kaniya.
"There you are, Tito. Pakisabi nga sa magaling—"
"Stop it, Yuri. That's your father. Don't talk to him like that," Saway ni Tito Nigel. Ang kapatid ni Willson.
Akala ko ba, kakampi ko siya?
"And be thankful na may nagdala sa iyo rito. Because kung wala, sa tingin mo buhay ka pa?" Sumbat ni Willson.
Nakikisali?
"I didn't ask for his help. He's just jumped into my fight tapos pasasalamatan ko siya?"
Napahawak si Willson sa kaniyang sintido. "The heck are you saying? Buhay mo ang pinag-uusapan dito?! For once Yuri, makinig ka sa akin!"
Makinig sa’yo? Eww, no!
"Edi mamatay?! Ikaw na rin ang nagsabi, na masamang damo ako, right?" Ngumisi ako noong makita ko ang mga ugat sa noo niya. "So why are you worried na mamatay ako sa ganoong situation?"
"Okay, you guys need to chill!" Pagsaway uli ni Tito Nigel sa akin. "Why don't you just go home, Willson and Yuri will spend the night here for observation."
Kumunot ang noo ko. "Observation for what?"
"We need to keep an eye on you. According to your X-ray, you have broken ribs, your stomach was affected, and you have several bruises and other injuries. There's also a chance you could have internal bleeding," paliwanag ni Tito Nigel.
Fvck it! May party pa akong pupuntahan ngayon!
"You know what? You're right. I can't deal with him tonight. Iyong secretary ko na lang ang mag-eenroll sa kaniya bukas," Pagsuko ni Willson bago umalis na para bang walang nangyari.
Tangina talaga. I hate this, para akong walang magawa, parang pilay na hindi makatayo at makalaban sa mga gusto nila.
"I'd rather sleep here than to his house," bulong ko na lang dahil alam kong hindi ako makakalabas.
"Yuri...Nag-aalala lamang ang papa mo," Sabi ni Tito Nigel sa akin.
"Yeah, yeah. Explain it to me like I'm five years old, Tito," sarkastikong sabi ko bago manood sa TV. Nilipat ko uli ng ibang channel. Mabuti na lang at may signal. Napangiwi lang ako sa nakita.
Cartoons? Ano ako? Bata? How ironic!
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tito bago ito mapatingin sa kaniyang relo.
"Fine, kung ganiyan ang gusto mo. You should rest. I'll leave you alone for now," ang paalam ni Tito Nigel dahil hindi niya na rin ako kayang kausapin ngayon.
“Yeah yeah, bye,” sabi ko sabay naiiling na nilipat muli ang channel sa TV.
Itutuloy…
Desire 2
Desire 2: Pressure
Eiron’s Point Of View
Natataranta akong nagising dahil sa alarm ng cellphone ko. Napahawak ako sa aking ulo at tinignan ang oras sa wall clock. Bigla namang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
“P-po?” inaantok na sabi ko. Ipinikit ko pa ang mga mata ko dahil sa antok.
“Anak, gising na. Enrollment niyo na sa school,” sabi ni Mama
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na mag-aalas nuebe na. Patay! Mahaba na ata ang pila roon!
Kaagad akong lumabas ng kwarto habang dala ang aking bag at ang damit na susuotin. Napakunot ang noo ni Mama sa akin habang pinapanood niya ako na mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Mula sa malamig na tubig ay tuluyang nagising ang aking diwa. Matapos iyon ay agad na akong nagbihis at nag-ayos. Dinala ko na rin ang mga gamit ko.
“Ma, alis na ako,” pagpapaalam ko.
“Teka, magtext ka kapag ano oras ka makakauwi ha?” paalala ni Mama. Saka ko lang naalala ang agenda ko after ng enrollment.
Napabuntong-hininga ako. “Magpapaprint na lang ako ng resume,” sabi ko sa sarili. Mukhang wala na atang matinong copy na natira roon. Puro mantsa na ng kape.
“Ma, alis na talaga ako. Hintayin mo na lang si Aling Gina huh? Late na rin kasi ako eh,” paalam ko kay Mama.
“Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” alok niya. Napabuntong-hininga ako.
“Late na talaga ako, Ma. Pasensiya na,” sabi ko sabay labas ng bahay. Mabilis naman akong sumakay sa jeep papunta sa university na papasukan. Siksikan pa rin at medyo naiinitan na rin ako pero anong magagawa ko? Wala namang aircon ang jeepney. Napasandal na lang ako sa kinauupuan habang hinihintay na makarating sa lokasyon ko.
“Para!” sigaw ko. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin ang malaking university. Mayroong pangalan itong Harvey University. Tinatawag din itong Harvey Academy dahil kadikit at kasama lang nito ang same school kung saan naman mag-aaral si Drip ng high school. Nakita ko agad na halos marami na rin ang mga enrollees kaya agad akong tumawid at pumasok sa loob.
Nararamdaman ko na agad ang pagod nang marinig ko ang ingay at gulo sa loob. Anong oras na naman kaya ako makakaalis para mag apply?
“Eiron! Pre!” pagtawag ng isang boses lalaki sa akin, dahilan para magpaikot-ikot ang tingin ko. Nasaan ’yun?
“Eironnn!! Panagutan mo akoo!!!” sigaw ng matinis na boses na ikinapikit ko. Mukhang kilala ko na agad ’yun . Nakaagaw tuloy ng pansin iyon ng mga ibang enrollees. Tumingin ako sa paligid upang hanapin ito. Pero sa dami ng tao ay hindi ko sila maaninag.
Matatangkad kasi ’yung nasa harapan ko eh.
“H’wag ka ngang sumigaw!” dagdag pa ng isang lalaki. Iritado ang boses nito. Nahawi naman ang mga naroroon kaya dito ko na talaga nakita ang tatlo kong kaibigan.
“Eiron! Harapin mo ako! Nabuntis mo ako! Panagutan mo ang anak natin! Anong klaseng tao ka!!” Dagdag pa ng boses babae. “Hay nakita mo rin kami. Akala ko kailangan pa namin magpabanner eh!” reklamo ni Dice, kaibigan ko na femboy. May textured shag na buhok. Nakasuot ito ng simpleng kulay cream na t-shirt na may design sa bandang dibdib ng isang chibi animated na lalaki habang naka finger heart ito, naka-jeans naman sa baba. Natural ang puti niya dahil sa genes at nagmukha siyang babae dahil na rin sa hugis ng kaniyang katawan. May bag itong fluffy at kulay pink pa.
Nagpose pa ito sa harapan ko kaya napailing na lang ako. Sila ang kasama ko simula 1st year.
“Iyang bunganga mo, David Ice! hayyy!” pagsaway ni Yoseff. Kasing tangkad ko siya, may suot itong simpleng puting t-shirt at denim pants. Nakaseryoso lang ito at mukhang suplado. Naka man bun haircut pa kaya mukha siyang bad boy at suplado.
“Dice! Manong Yoseff! Dice ang pangalan ko. Kadiri naman ’yang David Ice! Aish! Iw! Mukha ba akong lalaki kakain ng kiffy? Atsaka, effective naman ah? Nakita naman tayo ni Eiron. Naging center of attention pa nga eh,” reklamo ni Dice bago i-flip ang mahaba nitong buhok.
Sumeryoso ang mukha ni Yoseff. “Manong? Mukha ba ’yan ang pangalan ko? Atsaka tigilan mo ako sa kabaklaan mo ah? Baka akalain nila buntis ka talaga. Ang laki pa naman ng tiyan mo”
“Huwhatttt?! Hindi malaki ang tiyan ko ano? Malaki lang ’yang mata mo! Pinatikim ko lang din sa’yo kung anong pakiramdam ng tinatawag sa hindi pangalan. Atsaka, alam naman nating lolo ka na eh. Lolo Yoseff. Lagi ka kasing seryoso. Senior citizen ka na kasi,” ani Dice.
“Pero pangalan—” natigil ang sinasabi ni Yoseff ng iharap ni Dice ang palad sa tapat ng mukha niya.
“Tigilan niyo na nga ’yan. Para patas ay mukha kayong Lolo’t lola.” sabat naman ni Luigi. Napayuko kami sa kaniya. 5’4 lang ang tangkad nito. Sa height niya tuloy madalas siyang napagkakamalang 16 o 17 years old. Lagi rin kasing nakasumbrero at jacket, tulad ngayon. Mas malala pa na minsan ay napagkamalan siyang highschool student kaya laging nato-trouble kapag lumalabas siya ng 10 pm.
Tinignan ni Dice ng masama ito. “Nagsalita ’yung nuno sa punso,” tanong nito pabalik. Napakamot sa ulo si Luigi bago mapatingin sa suot niya.. Nakasuot ito ng branded na damit ngunit dahil napakahumble nito ay hindi siya bumibili ng bago hangga’t hindi pa nasisira ang gamit o damit.
“Pumila na nga tayo. Kayo talaga oh,” pagsaway ko habang naiiling sa mga ugali ng mga kasama ko. Napangiti pa ako dahil kahit papaano ay mawawala ng panandalian ang problema at isipin ko sa mga oras na ’yun dahil maingay na naman sila. Mapupuno rin ng tawanan at asaran. Pumila na kaming magkakaibigan dahil maaabutan pa kami ng lunch doon. Mahaba haba na rin ang pila kaya hindi na impossible.
Napakagat na lang ako ng ibabang labi dahil sa nakita. Grabe .
“Dapat maaga akong pumunta eh,” Reklamo ni Dice. Napahilot ito sa kaniyang batok. “Haggard na naman ako nito.”
“Na-late nga rin ako ng gising. Hindi ko kasi na-set ’yung alarm clock kainis!” Dagdag ni Luigi.
“ALARM?! Wow ha. Napakayaman mo talaga ’no?” Ani Dice bago tanggalin ang sumbrero nito.
Nataranta si Luigi. “Huy! Huy! Akin na ’yan!” aniya pero tumakbo lang si Dice habang itinataas ang sumbrero.
“Kunin mo, pandak!” aniya.
“Ibigay mo!”
“Abutin mo!” Itinaas pa ni Dice ang sumbrero. Napabuntong-hininga ako at inalala si Mama. Mas lumalala na ’yung sakit niya. Mahal pa ang gamutan. Tapos kailangan siyang tutukan dahil nahihilo-hilo siya o di kaya’y minsan sumisikip ang dibdib niya.
Tapos hindi pa curable ’yung sakit niya. Pahahabain lang ng gamot ang buhay niya pero hindi pagagalingin.
Napabuntong-hininga akong muli dahil nanghihina ako kapag naiisip ’yun.
“Ayos ka lang ba?” bigla naman tanong ni Yoseff sa akin, narealize ko na nakatulala pala ako sa kawalan. Inayos ko ang pagkakatayo.
“H-ha? Ah, anong sabi mo?”
“Hello?”
Kumunot ang noo ko. “Ha?”
“Hi.”
“Hello?”
Napangiti ng kaunti si Yoseff. Ganito siya magbiro. “Ang sabi ko, ayos ka lang ba?”
“Ah, oo naman? Bakit mo naitanong?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Tinanong kasi kita kanina kung may dala ka bang ID. Mukhang kailangan ata eh. Ang sabi mo, oo nakapag-apply ka na,” paliwanag nito habang pinasadahan ng dila ang ibabang labi upang basain. Napahimas ako sa batok ko.
“S-sorry…Oo may dala ako. Bakit—”
Naputol ang sinasabi ko nang makarinig sila ng komusyon mula sa aming likuran. Napansin ko na tila nagkakagulo sila Dice kasama ng tatlong lalaki.
“Ano ba? Hindi nga sinasadya eh!” ani Dice habang pinameywangan ang isang lalaki na kaharap nito. Nakangisi pa ang lalaki na tila nang-aasar. May buzz cut itong buhok habang nakasuot ng blue pastel na long sleeve na nakatupi hanggang siko niya at cream na cargo pants. May pagkalatino ang itsura nito habang may tila hiwa sa kilay.
“I don’t like your tone, faggot,” saad nito sa maangas na boses. Aba…homophobic ang gago ah?
“Edi mag headphone ka! Atsaka kung faggot ako eh ano ka? Mukha kang itlog sa buhok mo!” sagot ni Dice. Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante sa paligid. Meron pa ngang kinikilig sa 3 lalaki na ’yun. Meron ding masama ang titig kay Dice.
Napansin ko rin agad na nakaupo sa lupa si Luigi. Tinignan ito ng lalaki bago ibato ang sumbrero nito na tumama sa dibdib ni Luigi.
“Ouch…” mahinang daing ni Luigi. Lumapit na ako rito dahil mukhang umiinit ang eksena.
Mula sa likuran naman ay may dalawa pang lalaki. Ang nasa kaliwa ay may suot na button-down shirt na kulay caramel, chinos at sneakers. May eyeglasses pa ito na dumagdag sa kaseryosohan at kagwapuhan. Dagdagan pa ng wavy perm nitong buhok at ang mala amerikano nitong itsura. Sa kanan naman ay may crisp white shirt, slim black pants at clean white sneakers. Naka crew cut ang buhok nito. May mala asian-american itong mukha.
Agad na lumapit si Yoseff kay Dice. Inalalayan ko naman si Luigi para tumayo. “Anong nangyari?”
“A-ahh…wala, nabangga ko kasi ’yung lalaki,” sabi ni Luigi.
“Nabangga kasi hindi nakatingin ’tong itlog na ’to eh!” sabat ni Dice habang dinuduro ang lalaki.
Napataas ng kilay ’yung lalaking may buzz cut. “Tsk. Don’t act like you’re the victim here. Tinamaan mo ako ng cap mo tapos binangga pa. Look at my clothes! Nagusot! You should be the one to apologize to me, duh?”
Tumango naman si Luigi. “P-pasensiya na po. Hindi namin sinasadya—”
“Eh ininsulto mo nga siya eh! Nagsorry na siya bago ’yun! Pero hindi mo pinakinggan? Aba, kalbo ka na nga tanga ka pa! Malapit na ang utak mo pero mahina ang radar?” sabat ni Dice.
Hinawakan ko ang braso ni Dice. “Tama na.”
“Whoa. I’m just stating the fact,” sabi ng lalaki na tila nainsulto sa sinabi ni Dice. Napansin ko namang napayuko si Luigi. Napailing ako sa lalaki. Masyado niyang binibigdeal ang bagay na ’yun? Nagsorry na nga si Luigi. Tsk!
“At paano mo naman nasabi ha? Lalaking itlog?” maangas na tanong pabalik ni Dice. Nagiging lalaki siya dahil sa sitwasyon.
Kumunot ang noo ng lalaki. Tila nabu-bwisit na. “I said, hindi ako itlog!”
“Nyenye! I’m just stating the fact—” pinigilan na ni Yoseff ang bibig ni Dice dahil alam kong lalala na ang sitwasyon.
“Pasensiya na. Sigurado akong hindi nila sinasadya ’yung ginawa nila. Ako na ang humihingi ng sorry, brad,” pagsabat ko sa gitna ng pag-aaway ng mga ito. Umiling ang lalaki sa narinig. Problema nito?
“And who the f*ck are you? H’wag kang makikisali sa away namin dito!” maangas na saway nito sa akin. Sumeryoso ako at tumikhim. Nakakapuno rin pala ano? Kapag puro masasamang ugali ’yung nakakasalamuha mo?
“Kaibigan ako ng iniinsulto mo. Kaya may karapatan akong makisali,” direkta kong sagot.
“Hoy, akala mo naman natapakan namin ’yang pugo mong ulo kung makapagsalita ka ah? Namo eggnog! Bagay na pangalan ’yan sa’yo!” pakikisali ni Dice. Tinaasan niya ng kilay ito. “Ano ha? Nagsorry na nga ’yung kaibigan ko. Angas mo ah?”
“What?! My name is not eggnog!” Reklamo ng lalaki. Namumula na ito sa galit.
Bigla namang lumapit ang isa sa mga lalaki na may button-down shirt mula sa likuran niya at tinapik ang likod nito ng malakas. “Alright, that’s enough. Stop being immature, Rafael,” saway nito.
“I’m not, Logan!”
“I said stop. Don’t waste your time and let’s go,” utos nito. “C’mon, I don’t want to watch your little freak show anymore. Nakakahiya.”
Sinamaan lang nito ng tingin ang kaibigan. “Fine,” hinarap si Dice at Luigi at naggesture lang ng eye to eye. “We are not done yet.”
“We are not done yet. Nyenye. Ewan ko sa’yo, pugo!” Pang aasar ni Dice bago tinupi ang dalawang braso. Pinanood lamang namin na umalis ang tatlo habang pinag-uusapan at pinagtitinginan sila ng mga iba pang estudyante.
“Tama na ’yan. Nakakahiya oh?” Ani Yoseff.
“Sorry, napaaway pa tuloy kayo,” ani Luigi habang bumabalik kami sa pila.
“Hay naku! Ayos lang! Sa susunod, h’wag kang papayag na ginaganyan ka lang nung mga ganoong tao!” sabat ni Dice habang biwsit pa rin. “Ugh! Muntikan ng mahulas ’yung make-up ko doon ah?”
“Hayaan niyo na. Malaki naman ang campus. Hindi natin sila makikita,” sabi ko na lang sa kanila para kumalma ang lahat.
HUMINGA ako ng malalim matapos na magbayad sa cashier para sa enrollment fee ko. Half scholarship lang naman ang nakuha ko kasi napuno ang slot noong enrollment. Kaya may babayaran pa rin ako kahit papaano. No choice eh.
Nasasayangan man ako sa pera dahil alam kong mas kailangan ni mama iyon ay sa naiisip ko naman at masasabi kong worth it ang lahat matapos nito. Ilang taon na lang naman ang ihihirap ko bago masuklian lahat ng pagod ni Mama sa akin noon.
“Konting-tiis na lang,” Bulong ko sa sarili.
“Kumain muna kaya tayo?” Alok ni Luigi.
“Mabuti pa dahil hindi na kaya ng feslak at tiyan ko ang tom jones,” reklamo ni Dice habang nakahawak sa tiyan niya.
Lumiwanag ang mukha ni Luigi. “Ano g?”
Hindi ko na narinig ’yung iba nilang usapan dahil mas natuon ang atensyon ko sa cellphone ko. Umaasa kasi ako na isa sa mga kumuha ng resume ko kahapon ay tatawagan ako, kahit feeling ko naman ay walang gagawa nu’n. Mataas nga kasi ang standard nila tapos may nakaaway pa ako. Baka nga nasiraan na ako ng mga nakanood o di kaya may video na pala ako na nakapost sa facebook.
"Eiron." Pagtawag ni Luigi. "Lumilipad na naman ang isip mo."
“Heart-broken ka ba?” Tanong naman ni Dice.
Kumunot ang noo nilang lahat at tumingin sa akin. “Bakit mo naman nasabi?” Nacurios na tanong ko habang nangingiti.
“Wala naman. Ganyan kasi ako noong hindi ako pinansin ng boyfie ko,” ani Dice sabay nagpout. Napangiwi kaming tatlo sa kaniya.
“Itchusera. Wala ka ngang boyfriend eh,” pambabara ni Luigi. Inirapan na lang siya ni Dice. “So ano? G ka? Kain muna tayo?”
Bigla akong nakaramdam ng hiya sa narinig. “Ah, kayo muna siguro. May kailangan pa akong asikasuhin.”
“Na ano? Hoy alas dos na ng hapon at hindi pa talaga tayo kumakain. Ano?” reklamo ni Dice. “Ikaw rin lagi nagsasabi na masamang magpalipas ng gutom atsaka laging unahin ’yung pagkain.”
Napahawak ako sa tyan ko ng tumunog ’yun. Aalis na lang siguro ako pagkatapos kumain.
Kamot ulo akong tumango sa kanila. "Sige na sige na." Pero agad nawala iyon. Napalitan ng kunot noo at pagtataka dahil sa narinig. "Wait, sinabi ko 'yon?"
"Hindi, gawa-gawa ko lang 'yun. Tara na at hangry na ako," huling banat ni Dice bago umalis.
Nagpunta lang kami sa isang karinderya na lagi naming kinakainan sa labas ng campus. Mas mura kasi rito tapos hindi pa tipid sa kanin at ulam. Inilapag ko naman ang cellphone ko at hinayaang hindi nakasilent ang notification and call sound nito.
Sana lang, may himalang mangyari.
"So kamusta ang buhay-buhay? Layk samer vekesyshennn? Kahit June na nu'n" tanong ni Dice sa kanila.
"Ayos lang," tipid na sagot ni Yoseff. Tinignan siya ni Dice.
"Thank you for your wonderful answer, Lolo!"
"Well, nagbakasyon lang kami ng family ko. Tapos reunion with my relatives sa paris," paliwanag ni Luigi.
Ipinagdikit ni Dice ang mga kamay niya at tumingin sa itaas na tila nag-iimagine. "Ako naman...nagpunta kami ng Italy with my honeymoon pancakes—"
"Sabi vacation, hindi panaginip," pagputol sa kaniya ni Luigi.
"Luh?" Tanging naging reaksyon ni Dice.
"Ikaw Eiron– Huy! Ok ka lang ba?" ani Yoseff. Tumango na lang ako atsaka ngumiti.
"De seryoso. Nagpunta lang kami ng probinsya para samahan 'yung lola ko, ikaw ba Eiron?" ani Dice sa seryosong boses.
"Wala naman. Normal na mga araw lang," sabi ko bago unti-unting matulala sa cellphone.
"Ano ba 'yan?" reklamo ni Dice. "Yung totoo, mga bangkay ba ang kasama ko? Ang titipid ng sagot ah."
"May nakaaway akong lalaki. Sobrang yabang eh ako naman 'tong natapunan niya ng kape niya. Tapos dinala ko siya sa hospital kasi nabugbog siya. Yun lang 'yung kakaibang nangyari sa buhay ko. The rest, wala na...boring na," paliwanag ko. Napansin ko namang nakatitig silang tatlo sa akin.
"Bakit?"
"Binugbog mo?" tanong nila Luigi at Yoseff.
“Huh? Si Eiron? Nambubugbog? Hindi nga nakikipagsuntukan ’yan.” Ani Dice. Napailing ako.
"May nambugbog sa kaniya. Tinulungan ko lang," sagot ko agad. Doon lang sila tila nalinawan.
"So, sinong nakaaway mo?" tanong uli ni Dice.
"Ah...hindi ko siya kilala pero ang sabi, anak siya noong may-ari ng SilverCrest Finance Company? Nag-apply kasi ako roon tapos natapunan niya ako ng kape nang hindi namin sinasadya—"
Biglang naibuga ni Dice ang iniinom.
"Wait wait wait! Anak nino? May-ari ng SilverCrest?!" gulat na reaksyon ni Dice habang nauubo ito.
Mukhang kakilala niya ’yung kumag na ’yun ah?
"Oh ito tubig, nang matauhan ka naman," ani Yoseff. Kaagad na kinuha iyon ni Dice at uminom.
"Oo? Bakit?" Pagtataka ko. "Kilala mo ba?"
"Oh si Yuri? Yuri Quintin?" sabi nito. Mas lalong kumunot ang noo ko.
Sino ’yun?
"Oh, sino ba 'yun? Sikat ba siya?" pagtatanong kong muli sa kaniya. Napatingin ako sa cellphone.
"Well, 'yung papa niya atsaka kapatid, oo?" Napangiwi si Dice sa akin. "Hindi mo ba siya kilala?"
"Kaya nga siya nagtatanong," banat ni Yoseff.
Napairap sa kaniya si Dice. "Siya lang naman 'yung tinutukoy na "One of the meat" sa Harvey. Kaso lang..."
"Kaso lang ano?" sabat ni Luigi habang hinahati ang hotdogs niya sa plato.
"Masama ang ugali, poor eyesight, babaero, pabaya sa pag-aaral, at higit sa lahat...kaibigan niya 'yung mga nakaaway natin kanina. So, sayang...pero kung flag pole ka...titiisin mo," dissapointed na sabi ni Dice bago muling kumain.
"Malabo mata niya?" nagtatakang tanong muli ni Luigi.
"Hindi! Matapobre!" ani Dice. Napailing na lang kami sa kaniya.
"Mapride at mayabang pa kamo," dagdag ko pa na sinang-ayunan nila, bago tumunog ang cellphone ko. Parang lumuwag ang pagkakahinga ko sa nakita at agad na sinagot at tumayo.
"Hello?"
"Good Afternoon, is this Mr. Eiron Villaflor?"
"Opo, ako po 'yun," Sagot niya. Lumakas ang tibok ng puso ko at napapakapit pa sa ibabang parte ng damit ko.
"This is Ana, from SilverCrest Financial Company. You submitted your resume yesterday, and our boss would like to speak with you. Please let me know your availability," sabi nito. Napakagat pa ako sa labi ko at tumingin saglit kina Luigi na nakathumbs up pa.
"T-talaga po? Today po! Pwedeng-pwede ako," saad ko sabay lapit sa kinauupuan ko at kinuha ang bag.
"Great. I'll see you today," sabi nito. Bigla akong napatingin sa orasan.
Sana hindi traffic!
"May problema ba, pre?" tanong ni Luigi.
"Pasensiya na, guys. May interview ako ngayon. Kita-kits na lang sa pasukan!" pagpapaalam ko habang nakangiti sa kanila. Umalis na ako kaagad. Hindi ko na rin inisip ang suot ko since medyo maayos at semi-formal naman tignan.
Pagbaba ko roon ay kaagad akong pumasok sa loob. Nagtaka pa nga ang security sa pagdating ko pero nginitian ko lamang ito at agad na dumiretso sa may front desk.
"Hi. Ako po yung tinawagan niyo. Eiron Villaflor," sabi ko habang nakangiti.
Totoong ngiti na.
"Ah! There you are. Follow me," saad ng babae sabay lakad patungo sa daan papuntang elevator.
Tinignan ko ang paligid. Maliwanag sa loob at malawak. Kulang na lang ay matawag itong hotel. Salamin ang pumapalibot mula sa ground floor kaya kita ang labas at maaliwalas tignan. Nang bumukas ang elevator ay pumasok na kaming parehas. Pinindot ng babae ang 9th floor button.
"Goodluck sa interview," saad ng babae.
"T-thank you po. Kailangan ko lang talaga ng trabaho ngayon,' sabi ko habang hindi pa rin naaalis ang saya sa mukha niya.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ’yun pero ’di bale na. Mukha naman talaga akong desperado simula kahapon pa.
Ngumiti lang ang babae sa akin bago bumukas ang pintuan ng elevator. Sumalubong naman sa akin ang isang lalaki na may puting polo, may buhok na polished swept back quiff, may mga mapupungay itong mga mata at mahahabang pilik mata, naging malambing ang mga tingin nito sa akin. Sabayan pa ng matangos nitong ilong at kulay pula nitong labi. Ngumiti ito sa akin at sa kasama kong babae.
"Hi Ana, Hi...is he new?" tanong nito.
"Applicant pa lang po, Sir Yuan," ani Ana.
"As an assistant of my dad?" tanong nito muli bago nagsara ang pintuan ng elevator.
"Yes, Sir."
Kumunot ang noo nung Yuan sa akin. "But...nevermind, good luck getting that job," aniya sabay bawi ng ngiti muli para sa binata.
Parang hindi siya masaya?
"S-salamat po," sabi ko na lang dahil sa kaba. Pagbukas muli ng elevator ay lumabas na si Ana, kaya agad na sumunod ako sa babae. Mula sa labas, nakita ko agad ang dalawang pintuan ng isang kwarto. May karatula ito sa itaas na may nakalagay na
“CEO’s Office”.
Kumatok si Ana sa pintuan bago nito buksan ang pintuan. Sumalubong sa amin ang napakalawak na opisina na may malaking office table at swivel chair habang nakaupo rito ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Maraming awards at medals ang nakasabit sa wall. Mayroon ding mga litrato kasama ang CEO at iba’t ibang tao na sa tingin ko ay famous. Sa lamesa ng lalaki ay may nakalagay na name plate “Willson R. Quintin”.
Siya ’yung tatay nung Yuri…Ngayon lang nag sink-in sa utak ko ’yung sinabi ni Dice. Mukha siyang mahigpit.
"You can leave now, Ana. Thanks for helping him," sabi ni Willson at nginitian ako. Halatang kinakabahan si Ana kaya agad itong umalis. Nagtataka pero hindi ko na lang inisip 'yun.
"You may take your seat," dagdag pa nito bago umupo roon. Nilalamig ang kamay ko. Hawak na rin niya kasi 'yung ang resume ko eh at parang sinusuri talaga niya ng mabuti. "So, Eiron Villaflor...what a coincidence? Also, you remind me of someone..."
"Oo nga po, Sir eh..." napakamot ako sa batok ko.
"Well, with your resume here...you made a great impression. Plus, 'yung ginawa mo para sa anak ko. That's quite impressive huh?" ani Mr. Quintin.
Pero bakit may kakaiba sa boses niya? Sarcasm ba ’to?
Napalunok ako bigls.
"I must say, you've had a lot of experience, even if it was only through part-time jobs. You're only 19 years old, just like my son. Well, I wish he were more like you... Unfortunately, he wasn't blessed with the same talent and work ethic as his siblings...or as you," Sabi pa niya.
Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Hindi ako sanay sa ganoong compliment.
"Anyway..." Inilapag nito ang papel na hawak sa lamesa at tumingin sa akin ng direkta sa mga mata ko. Kita pa rin dito ang kagwapuhan kahit nasa 40's na.
“Thank you for saving my idiot son. You know, I saw from your paper that you’re from Harvey too” tanong ni Mr. Quintin.
"Y-yes, Sir," sagot ko sa kaniya. Hinimas nito ang kaniyang baba, tila ba nag-iisip ng malalim.
"Can you tell me about yourself?" Tanong nito muli. Napaayos ako ng maayos.
Sana hindi ako mabulol.
"I-I am a motivated person who is dedicated to my work. I am also an independent and fast learner who can apply the knowledge and skills I gained from my previous experiences and opportunities. I can multitask effectively and complete tasks on time. At the same time, I enjoy working with others, sharing my ideas and opinions, and collaborating as part of a team," Sagot ko habang tila nanunuyo ang lalamunan ko.
Bakit dati hindi naman ako ganito kapag nag-aapply? May kakaiba sa aura ng lalaki. Parang nakakatakot?
Napatango-tango ito sa akin. Ang mga mata ni Mr. Quintin ay tila ba inoobserbahan ako sa bawat salitang binibitawan ko
"Hmm, that's impressive. Your course is Engineering? That's—nah, never mind. Anyway, you have the same course as my son." Kumunot ang noo nito habang tila pinag-aaralan ang mukha ko.
“Ah, I understand now,” sabi niya. Napakunot ang noo ko. Minamaliit niya ba ang course ko? O baka naman may sinasabi lang siya na hindi ko lang maintindihan?
"You were at the top of your class from elementary through high school, and you were also a Dean's Lister in your first year of college? I must say, you've made a great impression on me. You're a smart kid. However, I want to make sure that you can handle this job while continuing your studies. Do you think you'll be able to manage both?"
Tumango agad ako.
Kakayanin ko…Para kay mama . “Y-yes, Sir!”
"So. I assume that you're good at helping other people? Based on what you've said?"
Tumangong muli ako. "Absolutely, Sir."
"May I ask you something unrelated to work?" Nakita ko ang malamig na mga mata ni Mr. Quintin matapos niyang masabi iyon.
Parang may something sa mga mata niya.
"Sure, Sir," nasabi ko na lang. Nagpapawis na rin ang mga kamay ko dahil sa kaba. Nararamdaman ko kasi kung gaano katakot kaharap ang isang Willson Quintin. Tila ba lilinlaingin ka ng professional niyang pananalita at smooth nitong boses.
"How did you manage to bring my son to the hospital? He didn't say anything rude to you, did he? Hindi ka rin ba nasaktan sa sinabi niya? Hindi ka man lang napikon?" saad niya.
Umiling ako. Hindi ko masabi kung gaano ka-pride ang anak nito. Pero sanay na ako. Siguro iba lang 'yung anak niya. Parang walang kinakakatakutan eh.
"Don't lie to me, Eiron. He's a man with—wait, he is Pride itself, who took a human body just to be human. I know him very well. He's an idiot and didn't think before saying anything. I also know what happened yesterday, about you and him fighting. I'm very sorry about that, but I'm impressed you handled him so well. No one can do that, except for his uncle. He's unstoppable, and people are scared of him...." mahabang paliwanag ng lalaki sa akin. Ramdam ko 'yung stress niya habang sinasabi ang mga 'yun. Napahilot pa siya sa kaniyang noo.
Wow, na-handle ko siya ng maayos? “Sorry about that, Sir,” sabi ko na lang.
“No, it’s great. I just came up with this idea…I’m afraid I won’t be able to accept you as my assistant.”
Nagulat ako bigla. Ano…?
Ngumiti na lang ako ng pilit. “Thank you for being honest, sir—”
"But since you saved my son's life and managed to deal with his attitude... and even stood up to him, I've been thinking. Instead of working here, how would you feel about working for my son? What do you think?"
Kumunot ang noo ko.
Huh?! Parang mas malala ata ’to kesa sa hindi niya ako tanggapin sa position na inapplayan ko. “A-ahmm—”
"The salary will be ₱20,000 to ₱25,000 per month, and it will be paid at the end of each month," pagpuputol ni Mr. Quintin.
Doon ako natahimik at nanghina. Malaki-laki na rin ’yun.
"You'll get all the benefits here...SSS, PhilHealth, you name it. And think about it: you and my son are in the same course. That means tutoring him won't be too difficult for you."
Tutor? Ng lalaking ’yun?! Baka sumakit lang ang ulo ko eh.
Tinignan ko sa mga mata si Mr. Quintin. Bumibigat ang bawat paghinga ko habang umiikot sa utak ko ang desisyon.
Itutuloy…
Desire 3
Desire 3 : Luck or…not?
Eiron’s Point of View
Hindi ko alam ang magiging reaksyon at sagot ko, kung oo-o na ba ako ngayon sa kaniya o hindi. Ayokong palampasin ang pagkakataong ’to pero kung ganitong opportunity ang ibibigay sa akin? Baka magkasakit pa ako kakasaway sa Yuri na ’yun. Palagay ko, naiipit ako ng mga pader ngayon. Natutuyuan ako labi at parang tinatawag ako ng kalikasan sa sobrang intense.
“What are you afraid of? I know you’re looking for a job now,” sabi ni Mr. Quintin. Napakunot ang noo ko. Basang-basa niya talaga ako. Parang kayang-kaya niya magpaikot ng isang tao sa tono ng boses niya. Kung hindi ka siguro mag-iisip, mapapa-oo ka.
“Think about it. If you can handle this job, you’ll be able to graduate without stressing about money, right?” Dagdag pa nito. Napabuntong-hininga ako. Desperado rin ata siya para sa anak niya. Sabagay, mayaman at kilala siyang tao. Tapos masisira ang image niya dahil sa pabaya niyang anak?
Kakayanin ko naman siguro? Atsaka kung makakapag-umpisa naman na ako, hindi kami mauubusan para sa mga susunod na buwan at session ni Mama.
Tumango na lang ako at hinarap siya ng may sinseridad sa mga mata. “Sige po.”
Nilahad ni Mr. Willson ang kamay niya sa akin bago ito ngumiti ng tipid. “Congratulations, you got the job. Now, let’s talk about what you will do once your class begins.”
Lakas-loob akong ngumiti.
“First, observe him and report to me about what he did that day. That’s everyday, text, call or even puntahan mo ako ng personal. Second, you will tutor him. That boy’s education is hanging by a thread,” paliwanag niya sabay itinagilid ang swivel chair at tumingin sa kawalan. “Third, most of the time, you will make sure that he didn’t do anything stupid that will make his life miserable…again.”
Napalunok ako. Parang baby sit na rin ang gagawin ko eh.
“How’s that?”
Tumango na lang ako. “O-opo, sir.”
May nilabas namang papel si Mr. Quintin at isang mamahaling sign pen. “Then, sign this. That’s our agreement, terms and conditions. Feel free to read it when you come home.”
Pumirma na lang ako at agad na ibinalik ’yun sa kaniya pagkatapos. Ibinigay naman niya ang isa pang kopya sa akin na agad kong kinuha.
“Great. Thank you for accepting this and also for coming to my office. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko maiisip ’to. I hope this is a great idea for my son’s future,” aniya sabay tayo.
“Don’t you worry. Yuri will not kill you if he finds out about this. You just need to be cool and have authority. I’ll step in if you need help,” nakangising saad nito bago ako muling kamayan. “I won’t bother you for now. But I’m looking forward kung papaano mo matutulungan ang anak ko.”
Ngumiti na lang ako kahit na… napapaisip ako sa mga mangyayari.
Pagkauwi ko nga ay agad na sumalubong si Mama sa akin. Naghihintay ito sa labas. 7 PM na rin kasi at natraffic pa sa pag uwi kaya siguro nag-aalala. Agad akong nagmano sa kaniya.
“Anak, kumain ka na. May inihanda akong pagkain sa lamesa,” aniya. Nandoon din si Aling Gina na nag-aayos ng mga damit. Agad din akong nagmano.
“Salamat, Ma,” sabi ko ng paghainan niya ako. “Ako na ang bahala diyan.”
Nagtungo naman ito para sa maghugas ng plato. Tumabi naman ako sa kaniya. “Ako na rin ho diyan pagkatapos kong kumain.”
“Pero pagod ka,” pangungulit pa niya pa pero umiling lang ako.
“Makakasama sa’yo na mapagod. Atsaka natapos ko naman na po ’yung kailangan kong mga gawin. Wala rin naman akong gagawin bukas kaya kahit anong oras akong makatulog, ayos lang,” sabi ko na lang at inalalayan siyang maupo sa isang upuan.
“Ibig sabihin…nakahanap ka na ng trabaho?” paninigurado niya bago ako maupo.
“Opo, Ma.”
Napangiti siya pero tipid lang. “Talaga? Anong trabaho? Hindi ba ’yan makakaapekto sa pag-aaral mo? Baka mamaya—”
“Isa-isa lang po ma,” biro ko. “Tutor po. Hindi naman makakaapekto ’yun. Isa pa, malaki ang offer sa akin. Malaking tulong na ’yun sa sessions nyio at gamot.”
Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga pa ito. “Hindi mo naman kasi kailangan niyan. Ayoko nung ginagawa nila sa akin, anak.”
Natigilan ako. “Para naman po sa’yo ’yun.”
“Kahit na. Nakakapagod kaya?” aniya. Tinignan ko siya ng may pagkadismaya sa mga mata ko. Ang hirap niyang kumbinsihin kapag ganito ang mga sinasabi niya. Para siyang sumusuko. Nakakapanghina pakinggan.
“Maiba nga ako, sinong itututor mo? Bata ba?” tanong niyang muli.
“Isip-bata po,” sabi ko. Imbes na matawa ay kumunot ang noo ni Mama. Doon ako napabuntong-hininga. “Kasing edaran ko lang po. Tutulungan ko lang sa academics niya. Same course lang din kaya hindi naman po ako mahihirapan…sana.”
“Tama ’yan, gamitin mo ang talino mo para tulungan ang iba. Pero…tulong lang ha? H’wag mo silang tutulungan mandaya,” paalala ni Mama. Tumango naman ako sa kaniya.
“Sige na po, magpahinga na kayo,” suggest ko na sinang-ayunan naman niya.
LUMIPAS naman ang ilang araw at nagsimula ang first day sa Harvey. Kakapunta ko lang sa building nila Drip para kahit papaano ay makausad agad ito sa bago niyang school. Hindi ko lang maiwasang mag-alala sa kaniya dahil sa nakita kong gasgas sa palad niya.
Sana lang hindi siya kinakawawa nung bago niyang kapatid. Malilintikan ’yun sa akin kapag nagkataon.
Kakatawag lang din sa akin ni Luigi kasi nasa school na rin pala siya. Naghahanap siguro ng kasama. Pagtungo ko sa college area ay napansin ko agad ang mga nakatambay sa fountain, sa bawat gilid ng Harvey, meron nga rin sa malalapit sa gate.
"Anong section mo, pre?" Biglang sulpot ni Luigi sa tabi ko.
"Gah!" gulat na sabi ko sabay hawak sa dibdib ko dahil tumitibok 'yun ng mabilis. "N-nakakagulat ka naman!"
Napataas siya ng dalawang kamay bago alisin ang cap nito at inayos ang buhok nito na curtain bangs. "Sorry? Akala ko kasi aware ka."
"CE-2A, ikaw?" sagot ko na lang bago itago ang cellphone ko sa bulsa.
Pinalo ako ng mahina sa balikat ni Luigi. "Great! Iisa pa rin tayong section nila Yoseff! Akalain mo 'yun? Sa dami ng section ng civil engineering dito, hindi tayo naghiwa-hiwalay?"
"Inshort, makakakopya ka na naman sa akin?" paninigurado ko. Natawa siya sa narinig mula sa akin. "Teka, nandito na ba sila?"
"Ayon oh? Naghihintay sa atin sa may bench," ani Luigi bago ituro ang kinaroroonan nila Yoseff at Dice. "Kumusta pala ang inapplyan mo? Natanggap ka ba? Natanggap ka ba?"
Napahawak ako sa batok ko dahil halata ang excitement nito s.
Oo nga pala, ngayon na rin ’yun mag-uumpisa. “Ah ’yung job interview nung isang araw? Ayos lang naman, natanggap naman ako.”
"Woah! Edi magiging—" Napatigil si Luigi. Napatingin ito sa harapan namin at tila kinabahan. Tumingin din ako roon at nakita ang taong hindi ko inaasahan makita. Nakatitig si Yuri sa akin, tila natigilan at nagulat pa.
Tinitigan ko rin siya pabalik kaya dahan-dahan siyang sumeryoso.
Kinakausap pa siya ng mga kaibigan pero hindi ata ito nakikinig. Basta, hindi niya inaalis 'yung mga mata sa akin. Napansin ko naman ang suot nitong red na university jacket at ang puting t-shirt sa loob. Naka Jeans din siya at red na nike shoes. Nakasabit ang tila bagong headphones sa leeg niya habang nakapamulsa.
Tangina, oo same course kami. Pero malaki ang school para magkita at magkrus ang landas namin. Mukhang mag-aaway na naman kami eh.
“Woah…look who’s here,” saad nung naka buzz cut na lalaki, ano ngang pangalan niya? Rafael?
Lumapit ito at inaangasan si Luigi na hindi na lang umiimik. "I told you...we're not done yet."
Humarang ako sa kaniya. "Hindi ka ba maka move on?"
Ngumisi si Rafael. "Isa ka pa, may atraso ka sa bro ko."
Tinapik nito si Yuri pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Nailang na ako.
"Bro! Nasa earth ka pa ba?!" pangungulit ni Rafael dito at niyugyog pa siya. Doon tila natauhan si Yuri.
"W-what?" ani Yuri.
Napailing na lang si Rafael at nginuso ako.
"You," tipid na pagtawag ni Yuri sa akin.
Bwisit talaga.
"May pangalan ako," seryoso kong sagot.
Napangisi siya sa akin habang lumalapit. Hindi naman ako nakaramdam ng takot o kaba. "Napakaepal mo rin 'no? Kahit kailan, pakielemero ka!"
Tumaas ang kilay ko. Mukhang nagets ko na ang pinupunto niya.
At tulad ng sinabi ng tatay niya, hindi ako dapat matakot sa kaniya. “Kung ang tinutukoy mo ay ’yung trabaho ko sa’yo. Hindi ko kasalanan na hinire ako ng tatay mo para sa’yo. Siya ang nakaisip nu’n.”
Napahilot siya sa batok habang nakangiti ng sarcastic sa akin. "What? Kung hindi ka naman din nag-apply, edi hindi maiisipan ni Willson 'yun!"
Willson? Yun lang ang tawag niya sa papa niya? Bastos na bata. Ngumisi ako. “Sa susunod kasi, mag-aral kang mabuti. Maninisi ka pa. Eh kung hindi mababa ang grades mo noon hanggang ngayon, hindi maiisipan ni MR. QUINTIN ang ideya na ’to. Atsaka, trabaho lang ’to. Kaya h’wag kang mag-alala…walang kahit na ano pang mangyayari. Magpasalamat ka nga baka makapasa ka pa ngayong sem o school year dahil sa akin.”
Nakita ko ang pagkunot ng nito. Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata bago bumaba sa ibang parte ng mukha ko.
Nakakailang ’yung paraan ng pagtitig niya. Nakakainis. “I don’t like your words…Eiron.”
"Wear your headphones," sabi ko. "Luigi, tara na."
"Ohhh burnnn!" sulsol ni Rafael.
“Shut up, Rafael!” saway ni Yuri sa kaniya. Napailing na lang ako roon.
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa balikat at ibinalik sa harap niya. "Hindi pa ako tapos!"
“H’wag mo akong hawakan sa balikat!” balik ko sa kaniya. Tila nagulat pa siya kaya tinaas ko ang dalawa kong kilay.
“You! Don’t talk to me like that! You’re just a piece of shit na pera lang naman ang gusto simula nung nabangga at niligtas mo ako!” inilabas niya ang wallet at kumuha ng maraming libo roon. “This! And leave me alone!”
Tinignan ko lang ’yun. “Oh? Hindi ko naman kailangan ’yan.”
Inilapit niya pa ’yun sa mukha ko at sinampal-sampal. Pinatitinginan na kami ng ibang tao. “Really? C’mon, don’t be shy. Yan lang naman ang nagpapabuhay sa inyo, right? So, accept my fvcking money and resign.”
Itinulak ko ’yun dahilan para liparin ito. Doon napasinghap ang ilang nanonood.
“Eiron, tama na,” saway ni Luigi. Habang si Yuri ay namumula sa sobrang galit dahil doon.
“Ohh, someone’s dead,” parinig nung isa pa niyang kasama na asian-american.
“Eiron, mapapaway ka pa—”
“How dare you!” ani Yuri at nilapitan pa ako lalo. Halos ilan na lang ang layo ng mga mukha namin. “I’m your boss here! Kaya h’wag na h’wag mo akong lalabanan!”
Hindi ko napagilang mapangiti. “Huh? Boss?”
Nawala ’yung magkasalubong niyang kilay at lumayo ng kaunti sa akin. Para siyang hindi makapaniwala. “W-what’s funny?”
“Boss? You’re not my boss, Yuri. Ang tatay mo ang boss ko. Siya ang magpapasweldo sa akin…hindi ikaw. Kaya kung ano man ’yang pagyayabang mo sa akin, hindi uubra.”
Kwinelyuhan niya ako. “You’re fvcking idiot in my life! Simula pa nung time na dapat m-makakabawi na ako! Kung hindi dahil sa’yo, edi sana tinapos ko na sila! You made me weak sa harap ng mga kalaban ko!”
“Tinapos? Eh ikaw nga ang matatapos. Ikaw ang mapapatay nila that time. Ang swerte mo nga buhay ka pa eh!” sigaw ko. “Bakit hindi mo tanggapin na talo ka na nu’n?”
“I’m not! Hindi ako basta-basta natatalo!” aniya at tinulak ako. Hinawakan naman ako nila Yoseff na kakalapit lang.
“Yuri!” saway nung Logan sa amin. Pero hindi man lang napuputol ang tingin ni Yuri, patalim ng patalim ’yun.
“Wala kang laban nung oras na ’yun kaya h’wag kang magpakabayani! Ayusin mo nga ’yang buhay mo! Marami kang napeperwisyo eh!”
Hindi siya nakapagsalita. Doon lang din nakaharap si Dice na agad na tinarayan si Rafael Nakahawak ’to sa kaniyang bewang. “Ikaw na naman, eggnog?”
Kumunot ang noo ni Rafael. “You faggot! My name is not eggnog!”
Umiling ako kay Yuri. “Ibaba mo ’yang pride mo ha? Magpasalamat ka at may pakielam pa sila sa’yo. Hindi sila katulad ng ibang tatay diyan na pababayaan ka. Maswerte ka kung titignan. Kaya magpakatino ka.”
“Bro! H’wag kang papatalo!” sulsol ni Rafael at nung isa pa niyang kasama.
“Shut up, Simone! Rafael!” saway niya sa mga kaibigan. Doon lang din siya natauhan. “Fine, you are tough. Whatever. But know this…I’ll make sure you will quit your job soon.”
“Sure,” tipid kong sabihi
Ako na ang kusang umalis kasama ng mga kaibigan ko matapos na sabihin ’yun dahil nasasayang lang ang oras namin sa kanila. Ayoko na rin makarinig ng walang kwentang salita na bibitawan nung Yuri.
“Wala ka pala, bro!” pang aasar pa nila kay Yuri pero binalewala ko na lang.
“Tapang mo ha. Hindi ka natakot kay Yuri?” pagtatakang tanong ni Dice habang naglalakad kami.
“At bakit naman ako matatakot sa kaniya?” balik na tanong ko naman habang pinabababa ang init sa katawan ko. Isipin mo na lang kung araw-araw ganoon ang sitwasyon ko. Ano na lang ang mangyayari sa akin?
“Teka, totoo ba ’yung narinig namin? Nagtatrabaho ka sa kaniya bilang tutor? What kind of work is that? College na siya ah?” sabat ni Luigi.
“Ay wow si englishero oh?” tukso ni Dice. “Atsaka, akala ko ba sa mismong company ka na nila nagapply? May ganoong position sa kanila?”
“Totoo nga ba?” sabat din ni Yoseff.
Napairap si Dice. “Ano ba kayo? Oo naman jusko narinig niyo ’di ba? Ano ba sa tingin niyo? Nananaginip kayo ngayon?”
“Oo. Tinanggap ko. Sayang eh. Atsaka tutor lang naman ’yun. Tuturuan ko lang siya kapag may assignment, task…projects tapos, titignan ang pag-uugali, magrereport sa tatay niya tapos sisiguraduhin kong hindi siya gagawa ng hindi maganda,” Paliwanag ko sa kanila.
Nagkatinginan silang tatlo. “Sigurado ka na ba d’yan?” Tanong ni Luigi na tila nag-aalala.
Inaalala rin nila ako? So, ramdam nila ’yung magiging stress ko at poproblemahin? Great, kilalang-kilala na si Yuri.
“Naka-oo na ako eh. Malaki kasi ang offer,” sabi ko na lang. “Kaya ko ’yun. Nilabanan ko nga pabalik eh?”
“Si Yuri ’yun, Eiron. Hindi mo ba alam kung anong klaseng tao siya?” seryosong sabi ni Dice. Kinabahan ako bigla. Alam ko na kapag ganoon kaseryoso si Dice ay ganoon din kaseryoso ang sinasabi nito. “Yuri killed someone. Noong bago matapos ang 2nd sem noon, umusbong ang chismis—hindi lang dito sa engineering department, kung hindi sa buong Harvey. Nakapatay siya.”
Natahimik ako. Sa sobrang pakikipag-away niya…nakapatay siya? Kaya rin ba kapag nagkaproblema ay dapat kong tawagan si Mr. Quintin?
Napalunok ako.
“Bakit hindi siya nakulong?” Tanong ko agad sa sobrang curios.
“Alam mo na kung anong buhay ni Yuri at ng pamilya niya. Nakausap mo na nga ang tatay niya eh? Sa tingin mo may nakukulong bang mayaman sa bansa natin? Pera-pera lang ’yan eh,” ani Dice. Sabagay…
Kaya rin ba ako kinilala ni Mr. Quintin? Para makita kung kakayanin kong magtagal sa anak niya?
Hindi ko na lang pinahalata na nag-aalala ako. “Ah, nangako naman si Mr. Quintin na kapag kailangan ko ng tulong eh mags-step in siya. Kaya walang problema.”
Nagkatinginan silang muli. “Ikaw ang bahala. Kung kakayanin mo naman,” ani Yoseff. “Pero baka tsismis lang din naman ’yun.”
“So, sinasabi mong peyk news ako?” nainsultong sabi ni Dice.
“May proof ba sila sa paratang nilang ’yan?” tanong pabalik ni Yoseff sa kaniya.
Napairap si Dice. “Aba malay ko. Pulis na bahala doon, ano? Basta ako narinig ko lang na napatay niya ang isa mga med student pero sa ibang university.”
“Saang university at sinong Med student?” tanong din ni Eiron.
“Sabi nila Cedric Clemente raw ang pangalan eh? Ewan ko kung saang school ’yun,” ani Dice. “Hay nako sira na ang fezlak ko here sa outside. Lezzgow to the beach na.”
Napaisip tuloy ako habang naglalakad kami sa assigned room namin for first subject. Nang makapasok kami sa room ay nagulat kaming apat sa mga papel na tumama sa ulo ko. Medyo mabibigat ’yun kaya napahawak talaga ako sa ulo ko.
“A-aray!” daing ni Luigi ng tamaan siya sa pisngi. Napatingin agad ako sa pinanggalingan nito at nakita kong nasa dulong bahagi ng mga upuan nakaupo si Yuri, kasama ang tatlo pa nitong kaibigan.
Kung minamalas ka nga naman! Hindi ko kasi tinignan ’yung listahan ng mga magiging kaklase ko kahapon eh!
Ibinato pabalik ni Dice ang ilang papel na tumama naman kay Rafael. “What the—”
“Sa susunod itlog na katulad mo ibabato ko talaga!” sabi ni Dice na inasar pa ni Rafael. Dahil sa inis ay malaking kumpol naman ng papel ang ibinato uli ni Dice. Nagshoot ito sa nakabukas na bibig ni Rafael.
“Pftt!! Hahahah!” tawa nung Simone at Logan dahil sa nangyari. Masamang titig na lang ang ipinukol ni Rafael sa amin. Si Yuri naman ay seryoso akong pinapanood. Iniwasan ko na lang ang mga mata niya at nagtungo sa dulong bahagi kung saan apat na lang din ang bakanteng mga upuan.
At ang natirang upuan para sa akin? Katabing upuan pa ni Yuri. Hindi ko na lang siya pinansin ay lakas-loob na umupo na lang ako roon.
“What do you think you are doing?” Tanong ni Yuri habang nakatitig ng mabuti sa akin. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko.
“Ano sa tingin mo? Nakatayo ako?” pamimilosopo ko. Nakita ko napahampas siya ng mahina sa armchair niya.
“Anong—” naputol ang sinasabi ni Yuri ng pumasok ang isang babae na may straight na buhok habang hawak lang nito ay tila chalk pen at isang cellphone. Tumingin ito sa paligid.
“Witwiw,” sipol ni Rafael ng makita ito. Ang mamanyak.
“Look guys, namamalikmata ba ako? O isang fallen angel ang nasa harap natin?” tanong niya na tila ba may puso sa mga mata. Nakita kong napangiwi sila Dice sa kaniya.
“You’re right…” ani Simone. “Rate her!”
“1000/10!!” banat ni Rafael sabay tawa. Nag-apiran pa ang dalawa kaya napatingin ang profesora sa direksyon namin sa dulo.
“Call me Ma’am Heidi. I’ll be your instructor in your Statics and Mechanics of Deformable Bodies and Understanding the self. One major and one minor. But now is the time for Statics. Now, I want you to get a paper. Scratch, one-half, one fourth, depends on you. Write your name and pass it in front of you,” saad nito na halata ang kastriktahan sa boses.
Ginawa ko naman ito agad. Sa gilid ng mata ko, nakikita ko naman na nagsusulat din si Yuri kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na siya kailangang pagsabihan. Baka parehas pa kaming mapalabas kung magkataon.
Nang matapos ay agad kaming nagpasa. Kinuha iyon ni Ma’am Heidi. “Great. Don’t worry, there’s no introducing yourself here. But, we will have to make a pair group for our reporting.”
Nagbulung-bulungan naman ang mga kaklase ko dahil sa gulat. Bakit pa sila magugulat? Technique na ’to ng mga professor noon pa lang. Marami kasing natutulog lang kapag ’yung instructor lang ang magsasalita sa buong time.
Nagtaas ng kamay si Rafael, dahilan para mapunta ang lahat ng atensyon sa kaniya. “Honey!”
Tinignan siya ni Ma’am Heidi ng may ngiti sa mapulang labi. Ngiting sarkastiko at nakakatakot. “Is that Ma’am for you? Mr. Lopez?”
Tila namula naman si Rafael sa narinig. “N-no, Ma’am. Pero report agad? Wala bang paintroduce man lang ng sarili niyo? Or even kami? We are all new in this section since nagjumble po ng mga names ng students ang department. Gusto namin makilala ’yung mga magaganda naming kaklase,” ani Rafael at kinindatan pa ang mga kaklase naming babae. May mga kinilig dahil doon na ikinailing ko.
“Oh? Don’t worry… you will. Just not this time. Now then, if you’re questioning my strategy, why don’t you become the first reporter to cover it? Go ahead…I’m listening.” tanong ng babae na tila nanghahamon.
Napakamot sa ulo niya si Rafael at napaupo. Tinawanan naman siya ng iba naming kaklase dahil doon. Lalo na si Dice na halatang pinaparinggan ang lalaki. Inilingan na lang siya ni Rafael.
“Well? That’s what I thought. Now, for orientation on this subject…I will discuss it later. Magbubunutan tayo ngayon. Ang mabubunot kong dalawang tao ay magiging pair sa reporting next meeting. Now…let’s start,” sabi ng babaeng professora sabay kuha ng dalawang papel mula sa kinolekta nito kanina.
Kinakabahan kaming lahat. Miski ako.
“Who’s Eiron and Yuri? Please, raise your hand,” ani Ma’am Heidi. Tangina?!
Sabay naman kaming nagtaas ng dahan-dahan, parang nag-aalangan pa. Sabagay, sino bang may gustong kasama siya? Kung minamalas ka nga naman oh?
“I hate you! Hindi ka talaga lumalayo, ano?!” Bulong ni Yuri.
"Sa tingin mo gusto ko?!" bulong ko rin. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Are you two really okay?" Tanong ni Ma'am Heidi sa amin. "Ayaw niyo bang magkapartner?"
"Ayaw/Gusto," sabay naming sagot. Napahawak siya sa batok niya tila pinipigilan ang sarili na mas mainis pa.
Napa chuckle si Ma'am Heidi. "Hmmm...I will...not change it. So, make it. Isang tabi niyo ang galit niyo sa isa't-isa."
"D*mn it!" mura ni Yuri ng pabulong. Napakamot na lang ako sa sintido ko.
Wala na bang imamalas ’tong araw na ’to?
Itutuloy…
Desire 4
Desire 4: Weird
Yuri’s Point of View
Napadilat ako ng mga mata nung marinig ko ang salitang “ Class dismissed“ Mula sa professor namin sa last subject. The hell, nakakaantok at nakakabagot pala makinig sa kanila hanggang dulo. Kung hindi lang ako binabantayan nitong Eiron, edi sana nag ditch ako kasama ’to sila Rafael.
Sinaside-eye ko nga siya, masipag magnotes ang g*go, nerd na nerd kung makakasama mo siya. Hindi lang halata sa ayos at itsura niya. Masyado siyang maangas tingnan eh. Hindi mo rin mahahalata na epal siya at kaya palang pumalag sa akin.
Nakakayabang ’yung vibes niya. Parang ang sarap…sapakin.
I looked at him once again, gusto ko siyang asarin pero naabutan ko siya na nagsusulat ng mabilis sa isang papel. Napansin ko kung paano gumalaw ang ’yung mapuputi niyang kamay, sa kung paano nakatikom ’yung lips niya which makes me wonder kasi ang ganda ng shape nu’n. His eyelashes make his eyes look innocent. He looked at me back kaya napaiwas ako ng mabilis.
“Bro!” Pasigaw na tawag ni Rafael.
“What?”
“I said, let’s go! Nasa club na sila Carly!” yaya nito habang nagtatas-baba ang kilay niya. Hangout na naman?
Kumunot ang noo ko. “Last minute plan?”
“We told you about that… an hour ago,” sabat ni Logan na nakaupo sa armchair niya.
“So are you in or in?” Excited na tanong ni Simone sa akin, alam niyang sasama ako at napakanonsense na lang na tanungin ako.
I rolled my eyes. “Isn’t that obvious? I’m in—”
“May gagawin tayo ngayon. Hindi ka muna aalis,” sabat ni Eiron habang naglilipit ’to. Kaagad kumulo ang dugo ko sa narinig.
“So, ikaw na pala ang magdedecide whether aalis ako o hindi?” sarcastic kong tanong sa kaniya. This is great, a fvcking great! Thanks, Willson.
“Oy oy oy! Why is that huh? Ano ka ba niya? Magulang?” pagsabat ni Rafael sabay akbay sa akin. Napangisi pa ito na tila nang-aasar.
Pero parang wala lang ang presensiya nito kay Eiron. Napapailing lang siya. “May reporting kami sa wednesday. May research din siyang kailangan tapusin. May plates din na kailangang gawin at ipapasa sa wednesday morning.”
Oh fvck it.
“We can do it tomorrow—”
“At gusto mo talagang matambakan bukas?” pamumutol niya sa dapat na sasabihin ko. Nagsalubong kaagad ang kilay ko.
“I thought you were smart? Then figure it out, genius,” sabi ko sabay tawa nina Simone at Rafael.
“Paano kung may gagawin din bukas? Alam mong hindi ganoon kadali ang plate. Kasama sa trabaho ko na ipush ka na mag-aral,” pamimilit niya. “At kung ayaw mong magsumbong ako sa Papa mo.”
“Then, fvcking do it…I don’t care, tara na,” sabi ko sa kanila sabay lagay ng kamay ko sa bulsa. Narinig ko ang mahina niyang mura kaya napangisi ako. That…that one. Kaunti pa and I can push his button.
“Wala ka ng magagawa pa,” bulong ko pa sa kaniya.
“Byee!” panunukso pa ni Rafael.
“Isa ka pa, kalbo. May gagawin tayo talaga. Kaya hindi ka rin sasama!” sabi nung Dice at lakas-loob na hinarap ang lalaki. Matangkad lang ito sa kaniya pero para na ’tong amazona kung umasta. Manang-mana ah?
“Eh paano kung ayoko?” panghahamon ni Rafael.
“Edi goodluck sa pagbagsak. Sasabihin ko, wala kang kwentang kagrupo!” ani Dice sabay irap dito. “H’wag mo akong sisisihin kapag magkakaroon ka ng 4.00 sa grades mo!”
Doon na sila nagsimulang mag-away.
“I said, magsumbong ka,” hamon ko rin. Pero hindi man lang naapektuhan si Eiron.
“Bakit takot na takot ka ata mag-aral kasama ako? Natatakot ka na mainggit sa akin?” aniya. What what? Saan nanggaling ’yun? Ugh!
“Didn’t I say that I’m not scared of anyone…or anything,” sagot ko at nilapitan siya. Nakakapikon na rin eh.
“Talaga? Edi gawin natin ito. Ngayon din, ipakita mo talaga kung sino ka!” hamon nito. Natawa ako. I find it cute. Huh! Parang bata lang na naghahamon.
“Alright, fine. Hindi mo ako kailangang bantaan with your pambata na threat,” saad ko.
“Yun naman pala eh. Ang dami pang satsat!” reklamo niya pa. “Tara na!”
“Seriously?! Makikinig ka sa kan—” naputol ang sasabihin ni Rafael ng hilain din siya ni Dice. Naiiling na pinanood na lang kami nila Logan at Simone umalis.
Tangina. KJ ni Eiron!
“You can commute,” sabi ko ng makarating kami sa parking. “Atsaka, may program. Hindi tayo agad makakaalis.”
Napatingin si Eiron sa gate dahil may nakita kaming lumabas. Pamilyar ’yung matangkad na lalaki na sumakay naman agad sa sasakyan nito at umalis. Narinig kong napabuntong-hininga si Eiron.
“Are you even listening—-”
“Isasabay mo ko,” pamumutol na naman niya sa akin. I bit my lower lip sa sobrang inis. So bossy!
“You are annoying! Do you know that?” sagot ko sabay bukas ng pintuan sa driving seat. Binuksan naman niya ang passenger seat at doon sumakay.
“Paano ako makakapunta sa inyo? Duh? Ni hindi ko nga alam kung saan iyon eh?” Ang naiiling na reklamo ni Eiron. Napakareklamador talaga!
Hindi na lang ako nagsalita pero padabog kong pinaandar ang sasakyan ko para maisip niyang anong klaseng request ang ginawa niya, at baka madala na sa susunod. Nagpalusot na lang kami sa guard para makaalis. Mabuti na lang at buong byahe, napakatahimik niya. Nakatitig lang siya sa bintana habang nakasuot ng earphones niya.
I keep looking at him dahil napaka awkward ng katahimikan namin. Hindi ako sanay sa ganito. Tapos siya pa ang kasama ko.
“Bakit ka nakatingin sa akin at hindi sa daan?!” sigaw niya. Natauhan naman ako at mabilis na binalik ang tingin sa daan habang mahigpit na napahawak sa manibela.
“I-i’m not!” saway ko sa kaniya. “I’m just thinking kung sinasaulo mo ba ’yung daan papunta sa house namin,” sagot ko habang naiinis sa sarili.
Bakit kailangan pa kasing tingnan, Yuri?
“Oo, sinasaulo ko. Alam ko namang hindi mo na ako isasabay sa susunod,” sabi nito.
“Great!” sagot ko na lang dahil nadi-distract ako sa presensiya niya.
Pagdating namin sa bahay ay agad akong bumusina para malaman ng mga kasambahay sa loob ako.
"Why can't that old man take a hint? I already told him to put a sensor here so the gate opens automatically," bulong ko sa sobrang inis habang dahan-dahang pinapasok ang sasakyan. Napansin ko naman si Eiron na namangha dahil sa likot ng mga mata nito.
Naive.
It’s just a large mansion with white paint and wood-brown accents. It has large glass windows, a big black gate, and tall walls around it. Outside of the house are small trees standing in a row. Tapos may malawak pang garden at may fountain sa harapan. duh?
"Ayaw mo pang magpasalamat na may mga taga-bukas kayo ng gate," ani Eiron na narinig pala ang reklamo ko. I raised an eyebrow as I looked at him.
"Mind your own business," sabi ko na lang bago ko i-park sa garahe ang kotse ko. "Baba na."
Bumaba naman na ako at hindi na siya hinintay pa. Kaagad akong pumasok sa main door at sumalubong sa akin ang mga maids na tila bumalik sa ginagawa nila noong makita ako. I ignored them and headed upstairs to the study room. The room had many bookshelves, two Apple computers, and a study table made of narra wood. I also turned on the air conditioner.
"Pasok," sabi ko sabay hagis ng bag ko sa isang upuan at pagod na umupo sa isang swivel chair. Pinagmasdan ko rin siyang maupo ng tila nahihiya pa habang kinukuha niya ang notebook at tinatanggal ang earphones nito.
"So, what will happen? Ikaw ang gagawa ng lahat while I'm here? Watching you?" tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng diretso at tila hindi makapaniwala.
"Kaya nga kita hindi pinasama sa mga kaibigan mo, right? Kasi tutulungan mo ako. Magpartner tayo, hindi taga-gawa ng homework mo," aniya sabay naiiling pa.
Tsk…what a stern.
"Oh?" napahalumbaba ako habang nakatitig sa kaniya. His side profile was perfect. Para siyang modelo kung aayusan. Hindi lang siguro nakikita ng iba dahil sa napakasimple ang cheap niyang suot.
Really? Plain green t-shirt and denim pants?
"Tutulungan kitang makapasa, pero hindi ibig sabihin eh ako na ang gagawa ng lahat," aniya. "Buksan mo ang computer. Uunahin natin ang research and plate."
I groaned at him and laid my head on the table. "Really? Oh, please."
"Bilisan mo na at ng matapos na tayo," aniya. "Sa bond paper lang naman tayo pinagagawa, tinatamad ka pa?"
Inilapag ko sa kaniya ang makapal na bondpapers at binuksan ang computer habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Mukha naman itong nailang at kumuha ng sarili niyang mechanical pencil mula sa bag.
"So, I assume na hindi ka marunong gumamit ng computer—"
"Marunong ako," pamumutol niya at agad na clinick ang canva sa google chrome.
Sumandal ako at napailing. "Then, why did you even tell me to turn on my computer?"
"Sa'yo 'yan, hindi sa akin," nonchalant niyang sagot at nagsimula ng magtype sa google chrome patungkol sa topic namin. Pinanood ko siya. He typed on the keyboard with gentle movements, glancing at the keys before looking back at the screen.
"Ehem!" aniya. "Anong balak mo? Tumunganga? Maghanap ka ng another sources for our topic para alam mo ang sasabihin mo sa wednesday."
"What if ayoko?" panunuya ko pa.
"Goodluck kapag tinanong ka ni Ma'am Heidi at wala kang nasagot," aniya ng hindi tumitingin sa akin.
"Ok...po," sabi ko ng may sarcastic na boses.
Nagtype na lang ako at nag browse sa internet dahil ayoko ng makipag-away. Nakakapagod na araw 'to. Hindi ako sanay na nakaupo lang sa room o nakikinig sa nakakabagot na mga subjects. I used to cut classes kasama si Rafael at Simone. Si Logan kasi minsan KJ atsaka seryoso sa pag-aaral.
Also, we're college naman na so hindi na cutting ang tawag doon lol.
Napahikab na lang ako habang binibigay sa kaniya ang hinahanap ko. Nakahalumbaba naman siya habang nakafocus sa screen. Mukhang inaantok na pero lumalaban pa.
I don't know why, but when you look at him. Minsan napagkakamalan mo siyang gay dahil sa kaputian nito. Para siyang gumagamit ng gluta or whatever whitening soaps. Tapos his eyes, parang naka eyelashes though noong napaaway ako sa kaniya, nakita ko kung gaano ka-natural 'yun. His lips din, I thought he's wearing a lip tint or lipstick dahil mapupula 'yun...and again, I proved it na natural ito.
Anong klaseng tubig ang meron siya sa bahay nila?
Maganda rin ’yung jawline niya. Nakakalaki nga eh kasi we have a same feature ng jawline. Gwapo rin siya sana pero puro aral lang ata ang alam.
"Nakikinig ka ba? Kanina ka pa nakatitig sa akin," sabi nito na tila naiinis na.
Natauhan ako.
What was that, Yuri?! “Y-yeah yeah. You don’t need to say that to me.”
Napailing siya. "Sus! Tinuturo ko na nga sa'yo kung paano ipapaliwanag ng maayos. Kapag talaga nablangko ka!"
"I will not!" naiinis kong sabi habang inaalis ang pagkailang sa kaniya. Napansin ko naman na medyo mahina ang aircon. Naiinis na inalis ko ang T-shirt ko.
Sira na naman kasi! Ugh! Hindi pa rin napapaayos!
Napansin ko namang nagulat si Eiron at napatitig sa katawan ko ng ilang saglit bago ibalik ang mga mata sa screen. "B–basahin mo na lang. May isang araw ka pa naman. Magproceed na lang tayo sa template kasi may iba pa tayong gagawin.
I smirked at him. Dahil napapalunok pa ito at kinukusot ang mga mata.
"Why? Ngayon ka lang ba nakakita ng abs?" tanong ko habang inihahanda ang bondpaper ko.
"H-huh? Hindi. Nagulat lang kasi bigla kang naghubad," aniya habang nakatutok sa bondpaper niya. "Titignan ko pala 'yang gawa mo kaya hindi ka makakaalis agad."
"Weh? Are you sure you're not getting turned on?" Tanong ko ng may nakakalokong boses.
Oh Yuri, baka mamaya sapakin ka niyan sa sinabi mo.
“H’wag kang malibog. Hindi ako mahilig sa mga ganyan. Wala na akong oras sa mga ganyang bagay,” aniya ng hindi pa rin ako tinitignan. I just rolled my eyes and did my plate.
Pero hindi ko maiwasang hindi siya tignan. Nakakadistract 'yung presensiya niya, and also nakakaintimidate. Ang tali-talino niya. Ni walang pause sa paggawa kasi parang ang dami niyang idea.
"Patingin nga, baka mamaya—oh, eto pa lang nagagawa mo?" takang tanong niya.
"I'm exhausted," reklamo ko sabay sandal.
"Bakit, ako rin naman ah? Kanina sinasabihan kitang mag take ng notes para hindi tayo mahirapan pero anong sabi mo? Kaya ko na mag-isa. Tapos pagod ka pa niyan? Wala ka namang ginawa masyado kanina," reklamo niya.
Bawal bang mapagod?!
Hinarap ko siya sa akin gamit ang swivel chair niya habang nakapatong ang braso ko sa lamesa. “Ikaw lang ba ang pwedeng mapagod?”
Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko. I couldn't help but to wonder what was on his mind. "Hindi ko sinasabi. Pero may mga kailangan kasi tayong gawin...kapag sumama ka sa mga kaibigan mo, sa tingin mo mararamdaman mo 'yang pagod na 'yan?"
"No!" kumunot ang noo ko. "Because 'yun 'yung pahinga namin, ok? I'm not like you, boring na nga kasi puro aral—"
"Kalokohan! Pahinga? Sa bar o club? Maingay roon ah? Maraming lasing at tarantado. Ang totoong pahinga, 'yung tahimik, nakahiga, walang ginagawa. Kaya h'wag mo akong pinagloloko," pagkontra niya.
I don’t know why, but I found his reaction…cute? Ang sarap asarin. Parang batang napakahonest ng sagot. Yung ire-real talk ka talaga.
Tumayo ako at pinakitang dominant ako sa kaniya. Tumingala pa ito sa akin. "So, ikaw na rin ang nagdedecide kung anong klaseng pahinga ang meron dapat ako?"
Pero sa gulat ko, tumayo rin siya at pinantayan ako. Inilapit niya pa ang sarili sa akin. "Umupo ka at tapusin ang plate mo."
I could see his eyes closely again.
Hindi ako nakapagsalita.
Damn. I smelled his perfume na nakadadag angas sa aura niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit o anong meron sa akin pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Natulala pa ako sa itsura niya, parang he looks more dominant for me. Parang madali niya akong madadaig. Tangina.
“Akin na at tutulungan kita,” sabi niya pa.
"I don't need your help," bulong ko pa dahil sa inis sa sarili ko. I felt like I lost the game.
Tangina, anong game? Bakit ganito? Nakahanap na ba ako ng katapat ko?
“Talaga? Kasi kung hindi mo ako kailangan, edi sana tapos mo na ’yan?” Aniya. Hindi ko na lang siya tinignan at pinagpatuloy ang gawa ko.
Hanggang sa ilang oras na kaming gumagawa rito. Walang imikan, siguro ibubuka lang namin ang bibig kapag may suggestions or questions which siya ang halos nagbibigay n'un sa akin.
"Thank God!"
“Hmm?” pag-ungol ni Eiron. Napansin kong napadilat ang sleepy eyes nito. He looked at me purely. “Ano?”
“I said, I’m done. What about you?” Tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya ako sinagot at kinuha ang mga ginawa ko. Tumang-tango siya.
“Ako na mag-aayos nito sa bahay namin. Anong oras na rin kasi,” sabi nito. Inayos na lang niya ang mga gamit papasok sa mga bag niya.
“Really? Mali ba ang mga sagot ko?” sarcastic na tanong ko.
“Hindi naman.”
Napangisi ako. “See? I don’t need—”
“Hindi tumama kahit isa. Kaya ako na ang mag-aayos. Gagabihin na ako sa daan,” pagputol niya. Grr!!
“Why not ikaw na lang gumawa ng mga assignments and other task? You know, para hindi masayang ang oras mo?” suggest ko habang nakasandal sa upuan ko.
Tinignan niya ako ng mga bored niyang mata at akmang tatayo na ng iharang ko ang mga kamay ko sa upuan niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
“You know…we can settle it so you don’t have to do this,” bulong ko sa kaniya.
Nakita kong napalunok siya at tinignan ako sa mga mata pababa sa ilong ko. Pero naputol kaagad iyon at tinignan niya ako pabalik sa mga mata ng may inis.
“Ano? Aabusuhin mo ako? Hindi ganoon kadali ang buhay, Yuri. Kung gusto mong walang mali, makikinig ka sa mga ituturo ko bukas,” sabi niya at malakas na tinabig ang kamay ko.
Arghhh…this guy.
“But, your boss is paying you to do this, right?” Sabi ko habang sinusundan siya. “So, anong pagkakaiba nu’n?”
Iritado niya akong hinarap. “Ano ba! Paulit-ulit na lang eh! Tulungan ang sabi, hindi ulilain!” Pagtatama ni Eiron. Napangisi na lang ako dahil may kasama pa ’yung weak stomps.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nu’n ang kinamumuhian kong tao sa balat ng lupa. He smiled at Eiron. “Oh, tapos na kayo?”
Ngumiti rin si Eiron pero bakas sa mga mata nito ang antok. “O-opo eh. Pauwi na rin.”
“My son hasn’t been making things difficult for you, has he?” Tanong nitong muli sabay tingin sa akin ng malalamig niyang ata. Inayos pa nito ang suot na salamin. I rolled my eyes.
“Hindi naman po, sir. Tinulungan niya rin naman ako at ang sarili niya,” pagsisinungaling ni Eiron. Akala ko ba, irereport niya ako sa boss niya?
“Fine, come downstairs then. Dinner is ready. Eiron, please come and join us,” alok nito. Hindi nakasagot si Eiron pero nauna itong lumabas kaysa sa akin. Really? Dinner with 3 annoying people? What a good time huh?
As usual, it’s a long table kung saan nakaupo sa kaliwang dulo si Willson, sa kaliwa nito ay si Yuan na nakikipagkwentuhan kay Eiron. Feeling close ang gago.
Habang si Eiron, nasa kanang bahagi na malayo sa kanila. Nanahimik sila noong dumating ako at maupo sa tapat ni Eiron. Sinulyapan ko pa siya pero hindi niya ’yun sinuklian.
“Oh there he is,” Ani Willson.
“Manang, help him,” utos naman ni Yuan sa maid para kay Eiron.
“K-kaya ko po,” pagtanggi ni Eiron, ngunit ginawa pa rin ito ng maid kaya napilitan itong hayaan ’yun. Ngumiti pa siya ng pilit. Is he annoyed?
"So tell me, Eiron. How's your first day with my...son?" Tanong agad ni Willson sa kaniya. Parang may gusto siyang patunayan sa harap ko. Kaya pinatunog ko ang mga buto ko sa daliri dahil nagsisimula na akong mainis sa matandang 'to.
"Maayos naman po. Natapos naman namin yung homeworks namin ngayon," sabi nito.
Again, he lied…
Napangiti si Yuan. "Wow, great. You are not wrong, Dad. He's great and...smart."
"What can I say? You're a great student and a role model, unlike someone I know. I'm sure your mother is proud to have a son as responsible and hardworking as you," sabi ni Willson. Napahigpit ang hawak ko sa utensils.
C’mon, stop it. Mention my name, you old man.
“Unlike me…” dagdag niya. Oh, that’s my signal.
I cleared my throat. "Oh well, I hope may magulang akong katulad ng parents mo, Eiron. I'm sure your parents have trust in you and they're the best parent. Pakisabi nga, i-seminar 'yung mga taong kailangang matuto paano maging magulang."
Tumingin si Willson sa akin. Nginisian ko lang siya dahil alam ko, napaliyab ko na naman ang apoy sa loob niya. "Well, if you stopped punching people here and kicking things there, maybe I'd actually like you."
"If you had been a good father, maybe I wouldn't be like this," banat ko uli. Napansin ko na napasimangot si Eiron sa akin.
C’mon…maturn off ka na para umalis ka na.
“Don’t talk like that, Yuri. Please!” Saway ni Yuan sa akin. “We have a visitor here. Eiron, I’m very sorry for what you’ve heard. Ganito lang talaga kadrama si Yuri. Hindi lang napapagbigyan ang gusto at luho.”
Damn you, Yuan! Napakaepal mo talaga kahit kailan. Anong luho?! I don’t have that! You know what’s the reason behind this!
"Tell that to your great father since you are his favorite son!" Medyo pasigaw na sabi ko sabay tayo. Napansin ko namang nagulat si Eiron kaya nawala ako kaunti sa focus.
Ano? Hindi ka pa ba nate-turn off?
Nanlaki ang mga mata ni Yuan. “Bawiin mo ’yang sinabi mo! You know that is not real!”
"Oh genius, you're bad at lying huh?" panunukso ko pa kay Yuan.
He gritted his teeth at sinamaan ako ng tingin.
Ayan ang gusto ko. C’mon, show your true color. “Stop your nonsense attitude! Hindi mo na kami ginalang!”
“Enough!” sigaw ni Willson. “You know what, Yuri? You’re ungrateful! I’ve given you everything you could ever need, but it’s never enough for you. You’re so blinded by your anger that you can’t see what I’ve done for you!”
Nakita ko ang pagyuko ni Eiron. Tila disappointed sa ugali ko. Sa sobrang galit ko ay ibinato ko ang plato at baso ko sa kung saan.
“I don’t need anything from you! Not your money, not your gifts…nothing! You keep shoving everything at me, thinking it’ll fix things. You think you’re some great father? You’re nothing but a stranger to me!” sabi ko. Napansin ko na tila kinabahan si Eiron.
Teka, bakit ba ako concern sa kaniya?!
Walang sinagot si Willson pero napahilot ito sa kaniyang sintido. Great, act like you’re the victim.
"Eiron, let's go. Ihahatid na kita." Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun. Pero ayokong iwan siya rito.
"K-kaya ko namang umuwi—"
"I said ihahatid kita!" pagpuputol ko sa kaniya ng pasigaw. Hindi naman siya nagsalita.
Tumayo si Yuan. "Ako na ang maghahatid sa kaniya—"
"Sit down! Ako ang maghahatid sa kaniya! Ako ang nagdala sa kaniya rito!" sigaw ko kay Yuan. Napapailing na lang ito. "Tara na!"
Sumakay na kami sa sasakyan ko at agad na lumabas sa impyernong lugar na 'yun. Kung kailan nasa daan, doon ko lang narealize na nasa back seat naupo si Eiron at nagsuot ng earphones niya. Naririnig ko pa ang beat ng music mula roon dahil sa katahimikan.
Really? Did he finally get turned off by me? Is this it? Because he’d rather listen to his music at full volume than talk to me and scold me for being disrespectful in front of him.
I want him to realize what he said to me this morning.
I turned on the radio and cranked up the volume. Napansin ko sa rearview mirror ang pagtingin niya sa akin at pagkainis nito. Inalis nito ang earphones niya.
"Itigil mo na, malapit na ako rito," sabi niya ng medyo pasigaw. Hininaan ko naman ang volume.
"What?"
"Itigil mo na. May masasakyan naman ako rito pauwi," sabi nito.
Napabuntong-hininga ako. "I do have one question bago ka bumaba."
"Ano?"
"After that little scene of mine, did you change your mind? You know, you can resign right now if you want," sabi ko sabay sandal sa upuan ng sasakyan ko.
"Ah, kaya mo ba ako hinatid dahil diyan? Ginawa mo 'yun para lang ako ipagresign?" tanong niya pabalik. Kumunot ang noo ko.
"Of course not—"
"Hindi. Wala naman akong pakielam sa kung anong meron kayo sa pamilya niyo. Trabaho lang ang pinunta ko roon," sabi niya nonchalantly.
Wow, so tough.
“Why? Dahil sanay ka na rin sa sigawan—”
"Mali ka. Dahil hindi ko pa naranasan 'yung sigawan na ganoon. At ayokong maranasan 'yun tulad mo," sabat niya sabay ayos ng kaniyang bag. "Pero kung tatanungin mo ako kung anong opinyon ko ngayong gabi tungkol sa sinasabi mo...pinatunayan mo lang sa akin kung gaano ka kabastos at kasama. Dahil pati ako, sinigawan mo."
Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
Damn…
"Pero trabaho lang naman ang purpose ko kaya nandoon ako, kaya kong tiisin lahat ng 'yun para lang kumita. Kaya hindi mo ako maaasahang magresign agad-agad," dagdag niya pa.
I couldn’t listen to his words. Somehow, they only made me angrier when they came from him.
Binuksan ko ang pintuan sa backseat. “Go.”
Hindi na siya nagsalita at umalis na lang. Pinanood ko pa siya na naglakad patungo sa isang waiting shed para maghintay ng sasakyan.
MAINGAY at hindi makita ng maayos ang mga taong nasa loob ng isang night club. Mula sa VIP spot kung nasaan nakapwesto ang grupo ko, kitang-kita namin ang mga lasing na nagsasayaw sa dance floor. I could still hear my friends teasing and laughing, along with the three girls who had been part of our circle for a long time. One of them was Carly. She had a slim figure, and the red dress she was wearing showed off her shape. Bumagay din ang red lipstick nito at magandang make up. May lahi itong amerikano dahilan para mapagkamalan siyang model at may natural na ganda. Dagdagan mo pa ng brown nitong malulugay at curley na buhok. Friend ko siya simula highschool kaya hindi na siya bago sa paningin ko.
She’s kinda hot at pinagkakaguluhan sa campus. But, I’m not into her. I don’t know…I’m not that interested talaga sa love or fling.
Naramdaman ko namang hinawakan niya ako sa balikat ng may malisya. Lasing na siya at alam kong hindi na maganda ang gagawin anumang oras.
Pasimple kong sinanggi ito at umaktong nags-stretching na lang.
“Hey Yuri. You are wasting your time imagining there. C’mon, let’s have some fun,” ang malambing at may pang-aakit nitong sabi. Umiling lang ako at kunwari ay walang narinig. Nakukulitan na ako sa kaniya.
Teka, ako? Nag iimagine? Ano nga bang iniisip ko?
“Let him be. Mamaya, makikita mo ang gusto mong makita kapag nalasing na ’yan,” pagsabat ni Rafael sabay tawa ng mala-demonyo.
“Oh stop acting like I didn’t see it…and didn’t feel it,” sabi ni Carley habang nakakagat sa ibabang labi. Nag-ingay ang mga kaibigan ko nang marinig iyon. Alam naman naming nagkukunwari lang siya kaya hindi ko na siya pinansin dahil iba ang nasa isip ko. Naalala ko na.
“You’re ungrateful!”
Pumasok na naman ang salitang iyon sa utak ko. Nakaramdam na naman ako ng sobrang galit. Mahigpit kong hinawakan ang shot glass ko. Nararamdaman ko ang pagcrack nito.
Ako pa ang ungrateful? Huh? Ako?
Dagdagan mo pa ’yung sinabi ni Eiron. Why can’t they understand my—oh well, wala nga pala silang alam. Walang makakaalam ng totoo dahil sa maskara ni Willson. If I could, I’d drag him down to hell with me.
“Fvck it…” mura ko dahil sa sobrang emosyong nararamdam ko, kasabay nito ay nabasag ang baso sa mga kamay ko.
“Woah woah chill, Yuri. What is the matter with you?” tanong ni Logan.
I just shrugged my shoulders at inalis ang mga bubog sa kamay ko. “Nothing. Let’s have some fun,” sagot ko at pekeng ngumiti. Kumuha ako ng panibagong shot glass. “Cheers!”
I drink it like water. I want to forget this damn world. I want to forget who I am…just tonight, just for this night.
Kinabukasan, muntikan pa akong malate, pero agad naman akong nakarating kahit medyo may hangover pa ako. Ugh! Hangovers are the worst!
Pagkapasok ko sa loob ng cafeteria para bumili ng kape ay sumalubong sa akin ang mga kumag na nasa iisang table na lagi naming inuupuan. Napansin ko naman ang mga titig ng kabilang table sa amin. Ah, mga black wolves. Mainit nga pala ang dugo nila sa amin. Tss, as if I care?
“There you are, idiot!” salubong ni Simone habang hawak ang phone niya. Mabilis ang pagtatype at halatang kinakabahan.
“Stop. My head hurts, okay?” daing ko dahil sa lakas ng boses niya. Damn it!
“Then buy a coffee?” ani Logan na umiinom ng black coffee sa size ng grande.
Tumingin ako sa pila. Napakahaba nito at tila mamaya pa makakausad. “The line is long. That will be my death.”
“Then, ask Eiron buy—” sabi ni Rafael na naputol dahil sa paglapag ng baso sa harapan ko. Isang baso ng hot and black coffee. Sabay-sabay kaming napatingala sa may gawa nu’n.
Speaking of the devil!
“You? What the fuck are you doing here?” Tanong ko sa kaniya. “Ang lakas ng pandinig mo!”
“Binili kita ng kape. Sinabi ng tatay mo na may hangover ka,” sabi nito ng seryoso.
“Wow, that’s great huh? You’re an angel,” sabat ni Logan sabay ngiti rito. Napatingin kaming dalawa sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako nairita sa kaniya ng mga oras na ’yun.
“Stop smiling at him, Logan. He’s just nobody and annoying,” sabi ko. “I don’t need that! I don’t need his help!”
Napailing si Eiron. “Bilisan mo na, ang dami mo pang arte. Ayaw mo ngang pumila hindi ba? Tatay mo na nga nag-aalala sa’yo.”
Natahimik ang mga kaibigan ko, maliban kay Rafael na tila pinipigilan ang tawa habang nakatakip sa kaniyang bibig. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.
“Stop it!” naiinis na saway ko kay Rafael. “And you! Get that coffee! Sumama ka sa akin!”
Hinila ko na lang si Eiron paalis dahil nawawala ako sa mood.
“B-bitawan mo nga ako!” sabi ni Eiron. Hindi ko alam kung bakit ang awkward ng pakiramdam ko sa balat niya kaya inalis ko ang pagkakahawak ko sa kaniya noong mapunta kami sa tahimik na part ng campus.
“Stop acting like that. Pinahiya mo ako sa harap ng mga kaibigan ko! Don’t baby me!” galit na sabi ko sa kaniya at idinikit siya ng kaunti sa pader.
“Pero tatay mo ang may gawa nu’n. Inutusan niya lang ako,” sagot niya pabalik. Napatitig ako sa mga mata niya. I felt something on his eyes, nakakatangina talaga ’tong lalaking ’to.
"I don't care! Baka sa susunod na gawin mo 'yun, masapak kita!" banta ko.
"Subukan mo," walang pagdadalawang isip na sabi niya. Naglakad pa siya papalapit pa sa akin kaya tila
nawalan ako ng gagawin o sasabihin. Sobrang lapit niya sa akin. I can smell his mint breath and his fvcking awesome perfume. “Ano? Sapakin mo na.”
Bakit hindi ko magawa? Oh, this is ridiculous!
“Tama nga siguro si Mr. Quintin, ungrateful ka,” dagdag niya pa. Tila may bell na tumunog sa tainga ko dahil sa narinig mula sa kaniya.
Agad ko siyang itinulak sa pader. Bahagya pa 'tong nagulat pero agad ding nawalan ng ekspresyon ang mukha. "Don't talk to me like that?! You. Don't. Know. Me!"
At that moment, all I could feel was anger and pure annoyance.
Itutuloy…
Desire 5
Desire 5: Maniac
Eiron’s Point of View
“Do not talk to me like you know me!” sigaw niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat at… konsensiya. “Don’t even try to mention what you saw last night, or you’ll regret what happens next.”
“Ikaw na nga kasi ang inaasikaso, ikaw pa ’tong nagagalit. Bakit ayaw mo bang tulungan kita?” Tanong ko naman dahil alam ko namang may punto rin ako.
“I don’t need you…and I don’t need your help! For fvcking sake! I can handle myself!” reklamo niya sa akin. Nagsalubong pa ang kilay niya habang napapahilamos siya sa mukha niya.
Tumaas ang isa kong kilay. “Hindi mo nga magawang pumila kanina sa cafeteria eh! Dahil diyan sa hang over mo! Tapos ngayon, magrereklamo ka kasi may nagbigay sa’yo ng kape? Bakit ba ang big deal ng may nagmamalasakit sa’yo?”
“I don’t need it!” aniya.
“Sige nga, paano ka makakapag-aral ng masakit ’yang ulo mo? Mamaya maapektuhan na naman ’yang grades mo, parehas tayong malalagot! Nagmamalasakit na nga sa sa’yo, nagrereklamo ka pa,” sagot ko.
Nakita ko sa mga mata niya na natigilan siya. Tumatalas iyon at hindi niya pinuputol. Parang tumatagos hanggang kaluluwa ko. Bigla akong nakaramdam ng panic sa loob ko. Kaya agad kong iniwasan ang mga titig niya.
“Nakakainis ka!” asik nito.
“Mas nakakainis ka!” balik ko. Akala niya ah?
“Pinaka nakakainis ka!” panlalaban pa niya.. Para kaming mga bata na nag-aaway rito. “Ikaw ’yung pumapangatlong nakakainis na tao sa listahan ko! Alam mo ba ’yun?”
Napangiwi ako. “Napaka-isip bata mo naman! May listahan ka pa talaga? Oh, edi sa susunod magpakalasing ka! Ikaw na ang bahala gumamot sa hang over mo! Sumakit sana ’yang ulo mo ng sobra-sobra!”
He rolled his eyes. Aba! “Sure, as if naman iiyak ako dahil lang sa hangover na ’to? Tsk!”
“Sana maglupasay ka diyan sa sakit!” dagdag ko pa.
Ngumisi siya. Itinukod niya ang kanang kamay sa pader, sa tabi ng ulo ko habang dahan-dahan na nilapit ang mukha sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. “I’ll make sure na ikaw ’yung iiyak sa atin…goodluck—”
“Tinatakot mo ba ako?” Pagputol ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at tinignan lang ako. Ilang saglit pa, umiling na lang siya at tinalikuran ako. Naglakad na siya papalayo na siyang ikinasapo ko na lang sa noo ko. Napansin ko naman na hawak pa rin niya ang black coffee na binili ko.
Bakit hindi niya pa itapon?
Napaisip din naman ako. Dapat hindi ko na minention ang bagay na ’yun sa kaniya dahil sa pamilya niya lang ’yun. Ako na rin ang nagsabing walang personalan.
Napasobra talaga ako, aaminin ko. Pero at the same time, tama rin. Kasi pera ko rin naman ang ginastos ko para roon. Pinaabono lang ng tatay niya sa akin dahil ako na rin ang nagsabi na baka nasa gimikan ’to. Ang sabi ko baka hindi makapagfocus sa lectures mamaya kung meron man. Tumawag din kasi siya kagabi sa akin matapos kong makauwi.
Edi parang ako na lang din ang nagsuggest na bigyan siya ng kapa ’di ba?
Biglang may tumawag sa cellphone ko, si Mr. Willson. Agad ko itong sinagot habang pinapakalma ang sarili. “Hello po, Sir?”
“Hi, Eiron. About the coffee…” tanong nito sa malumanay at malamig na boses.
“Kinuha naman niya po. Medyo mainit lang talaga ang ulo kaya eto, umalis na naman po siya,” sagot ko naman.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Whatever…just don’t mind him. I’ll pay you back for that coffee with your monthly salary.”
“Hindi naman na po kailangan,” sabi ko na lang. Nakakahiya rin kung ’yung 50 pesos eh ipapabayad ko pa. Hindi ko na lang siguro uulitin. Hindi naman gusto ng g*gong Yuri na ’yun.
“Well… I won’t bother you anymore. Just call me if you need anything, okay? Bye!” sabay baba sa tawag. Tinignan ko ang cellphone ko. Bakit ganoon? Yung tono niya, parang wala siyang pakielam sa anak niya?
Bigla naman akong nakaramdam ng tapik sa balikat ko. “Hoy! Nakita ko kayo nung kumag na ’yun ah? Bakit ka niya hinihila? Nag-aaway ba kayo?” tanong ni Dice.
“Hayaan niyo na, may hang-over eh,” sagot ko na lang.
“Tumambay kasi ’yan sila sa bar kung saan nagtatrabaho ’yung kapatid ko. Ang gugulo nga eh. Nakabasag pa raw ng mga shot glass tapos hindi ata nagbayad,” sabi ni Yoseff habang nakasandal sa pader.
Kumunot ang noo ko. “Talaga? Sila o…si Yuri lang?”
“Si Yuri. Napaaway rin kasi. Basagulero kasi ’yan,” sagot muli ni Yoseff sa akin sabay kibit-balikat. Parang kilalang-kilala na niya. “Kaya tingnan mo, umagang-umaga…hinahamon ka agad.”
Tsk…Nakakabwisit siya.
“Wala namang bago sa kanila. Pero ugh! That Rafael…I swear hindi man lang tumulong sa paggawa ng powerpoint at materials namin!” reklamo ni Dice.
Napatingin kami sa kaniya habang naglalakad na patungo sa first subject namin.
“Binayaran lang ba naman ako ng 500! Akala niya sa akin? Mukhang pera? Effort ang hanap ko, effort! My gosh! That itlog talaga!! Kung hindi lang buzz cut ang buhok, sinabunutan ko na!” reklamo pa ni Dice. Halata sa mukha niya ang inis.
“Edi ibalik mo ’yung pera niya,” kibit-balikat na sabi ni Luigi.
“Ba! No way! Pinangbili ko na ng mga anek-anek namin! Bayad na niya sa akin ’yun dahil ako lahat gumawa?! Mantakin mo, pati plate niya ako na rin?” Patuloy na reklamo ni Dice sabay kuha ng chocolate milkshake ni Luigi at ininom.
Kumunot ang noo ni Luigi at sinusubukan kunin ang inumin nito pabalik. "Hey! That's mine!"
Inilingan siya ni Yoseff. "Tinanggap mo naman kasi."
“Eh ang first day mo? Kumusta pala? Hindi ka naman inapi sa bahay nila ’di ba? Inalukan ka ba ng papa ni Yuri ng 10 million para layuan ang anak niya?” sabat ni Dice.
Takang tinignan namin siyang tatlo. Ano???
"Malay mo naman 'di ba?" Depensa ni Dice. "Mayaman naman ang tatay niyan. Mantakin mo ang laki ng kompanya niyan nila! Malaki ang bahay! Tapos may business pa sila sa ibang bansa! Oh 'divuhh?"
"Alam mo, tigil-tigilan mo nga 'yang kakabasa mo ng wattpad ha. Kinakain ka na ng fantasy mo," saway ko sa kaniya habang naiiling.
"Ay magno-no ka ba kapag ganon?" ani Dice.
"Kung aalukin nila ako ng sampung milyon para layuan si Yuri at tigilan siya, gagawin ko. Bakit naman hindi?" sagot ko. "Kaso hindi eh. Tinulungan ko naman siya lalo na sa plates niya. Tamad lang talaga."
"How about his dad?" sabat ni Luigi.
"Wala namang problema sa kanila. Si Yuri lang talaga..." sagot na lang ni Eiron habang iniisip ang away sa bahay nila Yuri. Tumatak din sa sinabi nito kanina na h'wag ipagsasabi ang nangyari sa kanila kagabi.
"Sigurado ka ba talaga diyan? Baka kasi mapabayaan mo ang sarili mo sa sobrang demand ng trabaho mo diyan," sabi ni Yoseff.
“Demand? Hindi naman,” pagtanggi ko. “Kaya ko naman siyang kontrolin…pa.”
“Hey perdedor!” sigaw ni Rafael at inakbayan si Dice.
“Ano?! Predator?! Aba ’tong kumag na ’to ah! Lahat nalang!” reklamo ni Dice.
Umiling-iling si Simone. “Really, Raf? I’m starting to feel goosebump habang naririnig ko ’yang mexican spanish mo!” ang naiirita nitong sabi.
Tinanggal naman agad ni Dice ang kamay ni Rafael. “Hoy lalaki! Kung gusto mong pumasa, tumulong ka! Hindi ’yung magbabayad ka lang para ako na ang gumawa ng lahat ah!”
Napahawak si Rafael sa tainga. “Silencio! Silencio! Aish you’re too loud!”
Napakamot na lang kami sa ulo habang pinapanood ang dalawa na mag-away. Daig pa kasi nila ang mag-asawa. Stress na stress si Dice habang kausap si Rafael.
“Have you seen Yuri? I have something to tell him,” tanong ni Logan habang tila may guilt sa mga mata nito.
Sumeryoso si Yoseff. “Bakit mo kami tinatanong, hindi ba kayo ang kaibigan niya?”
"Sorry, man but I thought he's with Eiron," ang mahinahong sabi na lang ni Logan at ngumiti. "And sorry for the attitude of that guy. Alam kong nabastos ka na naman niya. Pagsasabihan ko na lang kapag nakita namin siya.
Buti pa ’to sila.
“Wala siya. Naglakad lang siya padiretso. Hindi sinabi kung saan pupunta,” sagot ko na lang habang nakangiti ng tipid. Tinapik naman ako sa balikat ni Logan.
"Ok, see yah later. Boys! Let's go!" Pagyaya nito sa mga kasama habang kumakaway.
"Fine! Fine! I'll see you later!" Paghabol ni Rafael kay Dice.
“Nakakabaliw kausap ’yung kalbong ’yun! Halika na nga!” ani Dice bago kami tuluyang magpunta sa room. Hindi na naman siguro papasok ’yung lalaking ’yun.
Tama naman ako ng hinala dahil hindi nga sumulpot ang loko. Pero pagdating ng pangalawang subject, nandoon siya. Tinignan niya pa ako bago ibato sa akin ’yung crumpled paper.
Saktong natamaan ako sa mukha at narinig pa ang pagtawa ni Rafael. Sinamaan ko sila ng tingin kaya napatigil ito. Pinaikutan lang ako ng mata ni Yuri sabay sandal nito sa upuan.
Papaiyakin niya ako? Hala sige, tingnan natin.
Napailing na lang ako at binato pabalik sa kaniya ang papel. Pero sinambot niya ito at binato niya na naman sa akin. Sa inis ko, binato ko uli ’yun pero may pwersa na. Tumama iyon sa pisngi niya.
“Sir! Si Mr. Villaflor, namamato!” sumbong niya. Napunta sa kaniya ang lahat ng atensyon na ikinagulat ko.
T*ngina?
“Mr. Villaflor? Totoo ba ’yun?” Tanong ng professor sa akin. Napailing na lang ako.
“Hindi ko po sinasadya,” sabi ko na lang. Napansin ko ang pagngisi niya.
“I told you…papaiyakin kita,” bulong niya sa akin at ibinalagay sa kamay ko ang papel. Hindi ko siya pinansin at nanatiling nagfocus na lang sa ginagawa.
Lumipas naman ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Nagtaas na lang din ako ng kamay. “May I go out, Sir?”
“Sure,” sagot ng professor sa akin kaya lumabas na ako. Pagpunta ko sa malapit na restroom ay agad akong nagkulong sa loob ng cubicle at ginawa ang dapat gawin.
Nakarinig naman ako ng tila may pumasok din pero hindi ko na lang pinansin. Pagkaraan ay lumabas din ’yun. Lumabas na rin ako ng cubicle para maghugas ng kamay sa sink.
“T-t*ngina!” sigaw ko ng matalsikan ako ng maraming tubig. Pagtingin ko, nakataas ang gripo at nakatutok pala sa akin ’yun.
Walanghiya!
Alam ko na agad kung sinong may gawa. Napatingin naman ako sa T-shirt ko at basang-basa ako, pati ang mukha at ID ko.
“Yuri…” bulong ko at napailing. Dibale, matutuyo naman ’to. Hindi ako iiyak sa ganitong pambubully niya lang. Tsk!
Pagbalik ko tuloy, nasa akin ang atensyon nila. Miski ang professor namin napatigil habang si Yuri at Rafael, tumatawa sa nakikita. Mga demonyo talaga!
“What happened to you, Mr. Villaflor?” tanong ni Sir.
“Natapunan lang po ng bottled water ng isa sa mga students,” sagot ko bago maupo.
“Anyare sa’yo?” tanong ni Luigi sa akin sabay abot ng face towel sa akin.
“Mukha namang obvious, pinagtripan ka ng mga ’yan,” ani Dice na narinig ng karamihan. Napatingin sa amin si Rafael at napatahimik. Sakto namang tumunog ang bell kaya tumayo na rin ako at kinuha ang bag.
“Tara, kumain muna tayo. Nakakagutom na talaga,” ani Dice sa amin.
“Excuse me,” malamig na sabi ni Yuri sabay malakas na binangga ang balikat ko. Ah ganon? Hindi ka pa talaga tapos?
“You’re excused,” sabi ko sabay harap sa kaniya. Napalingon ito habang seryoso ang ekspresyon sa muna.
“Stop being an asshole for one second, please?” aniya.
“You’re the asshole here, Yuri. Hindi ako,” sabi ko sabay daan sa gitna nila. Binangga ko rin siya.
“Woahh…ouch!” ani Rafael. Nakita ko pa na hinampas ni Dice ang tyan nito ng papel na hawak niya. Kinalimutan ko na lang ang lahat dahil gutom na ako at wala namang mangyayari kung iisipin ko pa.
Pagkabili namin sa cafeteria ay naupo na kami. Hindi na namin nagawang magpunta sa labas ng campus dahil sa oras na ’to hindi pa ata bukas ’yung karinderya.
“Hanep, mukhang patayan pala ang subjects sa tuesday ah? Puro Major ang magkasunod?!” reklamo ni Dice.
“Mahigpit pa kamo ang professor,” ani Yoseff. “Sana hindi tayo makatanggap ng 3.00.”
“H’wag niyong isipin ’yan. Hindi naman tayo makakakuha ng 3.00. Andyan naman si…” ani Dice sabay tingin sa akin. Tumingin din sa akin sina Luigi at Yoseff.
Napailing ako. “Oo na oo na. Basta sa susunod may bayad na ’yan ah?”
“Basta may friendly discount!” ani Luigi sabay tawa.
“Wala, papasa naman kayo eh,” biro ko.
“Kahit voucher? Hindi pwede?” ani Dice. “Sayang, marami pa naman akong nakuha sa shoppee.”
Natawa kaming apat. Pero agad ’yung napawi ng may maramdaman ako sa likuran ko.
“Ahh!” daing ko. Napakalamig!
Narinig ko naman ang tawanan ng ilang estudyante kaya tumayo ako bago maglaglagan ang mga ice cubes sa baba galing sa likurang bahagi ng t-shirt ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Yuri na nakangisi. “It wasn’t me!”
Tinaas niya ang dalawang kamay pero nasa kanang kamay niya ang isang plastic cup ng tila iced coffee. “Oops… I thought you were a trash can.”
Mas tumawa si Rafael at mga nakakakita. Nag-iinit ang ulo ko sa mga boses nila. Napakuyom ako ng kamao. Pinahiya niya ako! Sumosobra na talaga siya!
Mukhang nagulat sila ng malakas kong itinumba ang plastic chair na ikinauupuan ko at kwinelyuhan si Yuri. Napawi ang ngisi niya sa labi.
“Talagang sinusubukan mo akong hay*p ka?!” sabi ko ng madiin sa huli. Natahimik naman sina Rafael at ilang estudyante.
“Ano?! Sagot!” dagdag ko pa. Nakita kong napalunok si Yuri at tinulak ako. Pilit siyang ngumisi sa harap ko.
“What? Are you gonna cry now? Maglulupasay ka na ba sa sakit? I told you that, right?” tanong niya na tila nanunukso. Tumawa pa ito pero hindi siya sinuportahan ni Rafael this time. Buti nga!
Napawi naman ang pagtawa niya dahil napansin niyang mag-isa na lang siya.
"Gusto mong ikaw 'yung maglupasay?!" sagot ko bago siya itinulak at dinaganan. Sa sobrang gulat niya ay hindi na siya nakapalag at nakatingin lang sa akin ang g*go. Parang pinapanood ako o inoobserbahan.
Bakit hindi siya lumaban ngayon?!
"Ano?! T*nginamo! Lumaban ka!" sigaw ko sabay sapak sa pisngi niya. Doon lang ata siya natauhan. Namula naman agad ang pisngi niya na ikinangisi ko.
May biglang humawak sa braso ko at sa kamay ko, si Yoseff pala. "Eiron, baka mapano scholarship mo!"
"Enough!" sigaw ni Logan kay Yuri.
"Pagsabihan niyo 'yang g*go niyong kaibigan! Kulang sa aruga!" sabi ko sabay kuha ng gamit ko at alis. Napansin ko naman na mas sumama ang tingin ni Yuri sa akin dahil sa narinig.
"Ano ka ba naman? We're in college na! Bakit nambubully ka pa rin?" saway pa ni Logan. Yun na lang ang narinig ko habang papalayo.
Yuri’s Point of View
NAKATINGIN ako sa kawalan habang nakatambay ako sa nakaparado kong kotse dito sa parking. Nakasuot sa akin ang headphones at nagpapatugtog ng kanta habang naka full ang volumes. Hindi pa rin naaalis sa akin ’yung galit at inis ko kay Willson, dagdagan ba naman ni Eiron dahil dinungisan niya ang pisngi ko!
Tapos hindi pa ako makalaban kanina! Fvck it!
Pero bakit nga ba? Bakit tila natulala ako ng lumapit na naman siya sa akin? Lalo na noong patungan niya ako? Arghh!
Napapailing na lang ako. Masyadong iyakin ang g*go!
Ininom ko ang energy drink. Para akong nabuhayan kaya inistraight ko na at mabilis na tinapon sa malapit na basurahan ang lalagyan ng maubos ’yun.
"Pinagtripan mo pa 'yung lalaki. Nananahimik na 'yun, Yuri," bigla sabi ng isang boses. Nilingon ko siya—ay sila pala dahil kasunod ni Logan sina Rafael at Simone.
"Nakakainis kasi siya. Aish!" reklamo ko na lang. "His presence is killing me!"
"Pero ang layo na niya sa atin," sabat ni Simone. "Galit na galit ka bro. This is all because of that d*mn coffee, isn't it? Be grateful na lang, Yuri."
Oo na oo na. “I don’t care. That Eiron guy is just annoying!”
Tinapik ni Logan ang balikat ko. "You just hate people who try to take care of you.."
Inalis ko ang kamay niya at sinamaan sila ng tingin. "No, thank you! I'm a grown man and I can take care of myself!"
"Are you?" sabat ni Rafael sabay dila sa upper lips nito para basain.
"Of course! Nakauwi pa nga ako kanina from the hotel? Duh?" mayabang na sabi ko habang pinapakita ko ang sarili ko sa kanila. "And, I took a shower, prepare my own clothes—"
"He's just doing his job. Don't take your anger toward your dad out on him," mahinahong paliwanag ni Logan sabay kagat sa ibabang labi.
Mas lalo akong nainis. ""Stop defending him, Logan. Can you imagine that? You're nineteen years old, and your dad hired someone to help you... to babysit you—"
Napabuntong-hininga si Logan. "Again, ginagawa niya lang ang trabaho niya na binigay lang ng daddy mo. Kailangan lang din ni Eiron ng pagkakakitaan kaya intindihin mo na lang."
"Then, mag iba siya ng trabaho," banat ko pa. Tinignan ako ni Logan ng diretso at seryoso sa mga mata. Mukhang naiinis na rin siya.
Inakbayan ako ni Rafael. "Relaxxx, besides, nakatulong naman siya sa hangover mo kanina 'di ba? Bakit niyo ba iniisip 'yang mga nonsense na bagay. Dios mio! Gusto niyo bang umiwalas ang buhay niyo? Check this out..."
Ipinakita nito ang cellphone niya. "Look at this..." aniya at pinabasa ang message ng isang anonymous number.
[10:45 AM]
0945769XXX:
Meet us at xxxxxx. Kung gusto n’yo pang mabuhay si xxxxx.
Nag-init ang katawan ko. Oh, hell yeah! This is the kind of warm-up I like to do every morning, every afternoon—anytime!
“See?” Ani Rafael habang may malaking ngiti.
"It's time..." Bulong ko sabay hilot sa batok ko.
Napailing si Logan. Mabuti na lamang at 2nd day pa lamang namin. We can ditch all our classes today. Finally! Hindi na boring ang araw ko!
Kaagad naman naming pinuntahan ang lugar na sinasabi ng text. Alam namin na malaking gulo na naman ito, pero imbes na matakot ay mas lalo kaming naeexcite.
“Darn! I can still remember kung anong atraso nila sa atin!” Ani Rafael habang nililinis niya ang baseball bat na hawak niya.
“Then, let them taste our revenge today,” ani Logan sabay tingin sa akin. “Lalo noong binugbog ka—”
“Shut up,” saway ko sa kaniya. Ayoko ng alalahanin ’yun. Fvck them.
I wanted to start a fight today because of what I was feeling. It felt like my mind and blood were looking for that kind of chaos. Sometimes, I wondered if I was a psychopath, a serial killer who found satisfaction in pain, blood, and to see those bastards grow weaker as they suffered. Don’t get me wrong, iba-iba lang din talaga tayo ng preference, and this is what I want. This is what my heart and mind want. I can’t stop thinking about it. The feeling keeps getting stronger, and I want to satisfy it today.
Kaya naman apat namin na binuo ang isang frat, ang Ashen Crown. Malaki ang grupo namin at kilala ito sa mga nasasangkot na gulo. Kaya naman mabango rin ang amoy namin sa mga kalaban.
We got out of the vehicle and looked around. The place was an empty lot with dry grass and dirt everywhere. Napakatahimik, ni walang nakakapunta rito kung ’di kami-kami lang. The wind blew gently, making the place feel even more deserted. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko.
We walked toward the weapons prepared for us and picked them up one by one. There were baseball bats, a crowbar, spiked knuckles, and pocket knives. Each of us took one and checked it for a moment.
“This is exciting!!” excited na sabi ni Rafael sabay tawa ng mala-demonyo. Siraulo.
Simone spat to the side while casually playing with the pocket knives in both of his hands. “Ano na? Ang tagal!”
We simply tightened our grip on our weapons and looked ahead, ready for whatever was waiting for us. Dumating din ang halos 15 paitaas na mga miyembro namin dahil tinawagan ko sila kanina. Mula sa malayo, nakikita namin ang bugbog sarado na kasamahan namin, Si Gerald. Hawak siya ng isang lalaki na pamilyar sa akin, hinding-hindi ko siya makakalimutan. Hayop siya . Ito ang Death Covenant Gang, ang pinakauna sa mga kaaway namin. Ang baho ng pangalan nila!
Mahigpit kong hinawakan ang baseball bat at nilagay ang spike knuckles. Tinanaw ko ang may hawak kay Gerald. Mula sa mga tattoo nito ay hindi ko ito maipagkakaila, si Bob.
“Buhay ka pa pala…Yuri,” sabi ni Bob, ang lalaki na muntikan ng pumatay sa akin noon kung saan ako nakita ni Eiron. Inihagis nito si Gerald na umiiyak at nanghihina mula sa mga sugat at pasa na nakuha nito mula sa pambubugbog.
Tangina, ang bata pa niya para gawin nila ito sa kaniya. Bakit hindi sila maghanap ng ka-size nila?
“Oo naman. Ang hina kasi ng mga atake mo sa akin nu’n eh,” sabi ko sa kaniya na ikinalawak ng ngisi niya.
Sinenyasan ko ang isa mga kasamahan ko upang kunin si Gerald mula sa kanila. Pero tinutukan ito ng kutsilyo ni Bob at tumawa na para bang baliw. The bloodstains on his denim shirt were proof that he no longer feared fights.
"H'wag kang magkakamaling galawin 'yang mahinang nilalang na 'yan," banta nito dahilan para umatras ang kasamahan ko. I gritted my teeth.
Ang lakas ng loob ng hinayupak na ’to.
"You're fvcking monster, Bob. Ano ba sa tingin mo? Mapapatay mo ako that time?" tanong ko uli. "Matapang ka lang naman noon dahil 3 kayo, ulol!"
"Oh? Nakaligtas ka lang kasi may nagligtas sa'yo! Akalain niyo 'yun? May nagligtas sa kaniya? Napakaduwag!" sabi nito dahilan para kumulo ang dugo ko.
Mahina ka! Tandaan mo ’yan!
Naalala ko na naman 'yung salitang 'yan mula kay Willson! Napakuyom ako ng kamao at kumulo ang dugo ko.
“Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Iiyak ka ba? Umiyak ka na!” pang-iinis ni Bob habang tumatawa pa.
H’wag kang umiyak! Walang Quintin ang ipinanganak na mahina at umiiyak. Bakla ka ba! Ha?!“
“Hindi kita kilala! Dapat nga ipinatapon na kita noon eh!”
Fvck you, Willson.
“I hate losers like you—I mean, you are a loser now. Hindi na kita mapapakinabangan.”
“Wala ka ng ginawa kung hindi perwisyo at gulo! Namatay siguro si Mommy dahil sayo!
T*ngina, si Yuan…
Then, a burst of static filled my ears. It was the signal I had been waiting for. Para akong nawalan ng bait, kung hindi galit—kinakain ako ng galit.
Napatingin ako agad kay Gerald. It looked like he was about to give up. Biglang nanumbalik sa akin ang nakaraan na hindi ko na dapat maalala pa. I felt like I was slowly being trapped in the darkness and abyss. Nanginginig na ang katawan ko. Para akong bomba na ilang segundo na lang ay sasabog na.
"Ano Yuri?! Naduwag ka na ba sa kinatatayuan mo?!" Sabi ni Bob bago tumalikod upang magyabang pa sa mga kasama nito. "Tignan niyo? Walang-wala pala sa atin ang letcheng Ashen Crown na 'ya— Aray!!"
Nakita ko ang mukha ni Willson at Yuan sa kanilang lahat. Biglang nandilim ang paningin ko. The next thing I saw ay ang paghampas ko ng malakas sa ulo ni Bob ng baseball bat na hawak ko.
"Sinong duwag? Ha?!" Sobrang galit na sabi ko habang pinaghahampas naman ang mukha niya.
"T-t*ngina, Yuri! Hoy! Ano??!" hamon ni Rafael bago sila sumugod.
Hinawakan ko naman ang kwelyo ni bob habang sabog at sugatan na ang mukha nito. Galit pa rin ang nakarehistro roon na siyang ikinangisi ko.
"Matakot ka na, Bob...this is your time," sabi ko sa kaniya.
"I-ikaw ang dapat matakot!" aniya habang puno ng dugo ang ngipin nito. Lumakas ang static sound sa tainga ko. I felt like a wild beast, giving in to my instincts and consuming my prey without mercy.
Wala akong ibang marinig, kung hindi ang static sound na ’yun at ang nagwawalang puso ko.
"Tandaan mo, hinding-hindi ako matatakot sa'yo!" Sinuntok ko ito ng sinuntok sa mukha gamit ang spike knuckles. Umuubo na ng dugo si Bob habang nagmamakaawa pero
wala akong marinig. Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang static sound na ’yun. Naisip ko bigla si Yuan. T*ngina! “Hinding-hindi mo ako malalamangan!”
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon, pero wala na akong pakielam. I can make him like my personal punching bag. Pakiramdam ko ay nababawasan ang bigat sa dibdib ko.
May mga sumubok na lumapit sa akin, pero suntok, sipa, at hampas ang panangga ko habang apak-apak sa dibdib si Bob. Hindi na siya masyadong nahinga. Nasusuntok at natatamaan man ako pero wala akong nararamdamang sakit. Parang minamanhid ang buo kong pagkatao. Nararamdaman ko naman ang dugo sa kamao at sa baseball bat ko.
I love the deep red color of their blood!
Nilawakan ko ang tingin at nakita ko ang mga bugbog saradong kalaban namin. Napangisi ako at tinignan si Bob na tila sinusubukang gumapang paalis. Hinila ko patayo si Bob gamit ang buhok nito.
Inimagine ko muli na mukha ito ni Yuan. Isang suntok ang iginawad ko, pero hindi ko ito hinayaang bumagsak. Nagbounce back lang siya.
"Y-yuri!" nanghihina niyang pagtawag sa akin. Pero hindi ako tumigil.
Inisip ko naman ang mukha ni Willson. Nakakairita! Lalo akong naexcite at sinikmurahan ko ito. Binigay ko ang buong lakas ko for my final punch. Nakita ko ang pagsuka nito ng dugo dahil sa ginawa ko.
“Anong pakiramdam ng mamamatay ka na sa mga kamay ko ngayon? huh?” bulong ko rito.
Nagawa pang ngumisi ni Bob. "B-bakit? P-papatayin mo rin ba ako tulad ng pagpatay–"
Sinuntok ko ang bibig nito para patahimikin. Pumutok ang labi niya.
“N-ni hindi m-mo nagawang iligtas—” sinuntok ko uli kasama ang ilong niya. Ngunit tumawa ito habang nababasag ang boses.
Hindi ko na ito pinatapos ang lalaki at inihagis sa isang tabi. Napadaing naman si Bob dahil tumama sa mabatong parte ng bakanteng lote ang sugatan niyang katawan. Nakita ko namang halos lamang na ang Ashen Crown. Tinignan ni Yuri si Bob.
“Umalis ka na at ng mga mahihina niyong kasama…and by the way, pakisabi kay Harold na siya ang duwag at hindi ako. Hindi man lang nagpakita ’yang leader niyo. Pwe!” sabi ko sabay dura dito.
Natigil naman ang bugbugan at agad na umalis ang mga kasama ko kasama ni Gerald. Nagpunta kami sa paborito naming kuta kung saan nagaganap ang mga plano namin, kung may away o kailangan kaming resbakan. Isa itong abandonadong bahay at sira-sira mula sa labas, pero sa loob ay kumpleto ang mga gamit.
“You, go with Gerald to the hospital,” utos ko sa isang miyembro. Hindi ito mapagkakamalang galing sa away dahil maayos pa ang itsura nito. Madali nilang maipapasok at mailalabas si Gerald. Tumango ang lalaki at sinambot ang perang ibinigay ko. “Call me if you still need additional money.”
Tinignan ko si Gerald sa mga mata nito. Parang may kung ano sa mga mata nito. Takot, kaba, at lungkot. Kumabog ang dibdib ni Yuri.
“Sige boss! Tara na Gerald,” saad nito bago nila pagtulungang isakay sa sasakyan si Gerald.
Pagkaalis ng mga ito ay napabuntong-hininga ako
“I can’t explain kung paano nila nakuha si Gerald, hindi ba kapitbahay lang nila ’yung ibang members natin?” tanong ni Simone habang nililinis ang pocket knife nito.
Nagkatinginan kaming lahat.
“There’s something in Gerald’s eyes that I can’t explain,” ani Logan.
Tumango ako. “Same.”
“Satisfied, bro?” tanong ni Rafael sa akin. Tinignan niya ang baseball bat ko at ang kamao ko. “Ang wild mo kay Bob kanina. Buti hindi mo napatay.”
“Kaya nga eh. Are you ok? H’wag mo nalang isipin ’yung sinabi niya kanina,” sabat ni Simone. “At least we won this time.”
Napatingin ako bigla sa kawalan
Ilang segundo akong natahimik bago umiling. “Hmm… I’m satisfied because I almost killed that bastard,” ang nakangising sabi ko. Tinignan ko ang kamay ko. “I wish this were their blood.”
Itutuloy…
Desire 6
Desire 6: Dominant
Eiron’s Point of View
Tumutusok ako ng fishball kasama sila Dice. Nandito kami sa tapat ng Harvey dahil sa gutom. Kumagat ako agad ng mailagay ko ito sa maanghang na sauce.
“Mas masarap pa rin talaga ’to kaysa sa pagkain kanina sa cafeteria,” ani Dice.
Napakamot sa ulo si Luigi. “M-masarap ba talaga?”
Napatingin kami sa kaniya dahil tila natatakam ito. Napatango agad si Yoseff. “Bawal ka nga pala nito.”
“P-pero baka pwede kahit 1 piece lang?” Tila nakikiusap na sabi nito sa amin.
“No!! Magagalit ang mommy mo! Baka mahospital ka na naman!” ani Dice. “Ay nako, magsushi ka na lang pagkauwi mo!”
Napanguso na lang ito at inayos ang sumbrerong suot. Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng cellphone ko kaya agad kong kinuha ’yun sa bulsa ko. Nakita ko agad ang pangalan ni Mr. Quintin. Kinabahan ako. Baka nagsumbong ’yung kumag na ’yun na sinapak ko siya kanina.
“Hello po, Sir?” salubong ko. Napatingin sila Luigi sa akin na para bang mga tsismoso.
“Where’s Yuri?” ang salubong niya sa akin na tila naiinis. Patay, baka ako ang mapagalitan nito.
“Hindi ko po alam sir eh,” sabi ko na lang dahil ’yun naman ang totoo.
“God! That boy…” aniya. “We have an interview with one of the most famous magazines! As part of the family, he needs to be here! He’s stressing me out… again!”
Napalunok ako muli at tila nawala ang nararamdamang gutom dahil sa narinig. Hindi ko naman alam kung magvo-volunteer akong hanapin siya. Hindi ko naman siya kargo eh. Hindi rin ’yun kasama sa trabaho ko.
“Ang totoo nga po niyan, hindi na siya pumasok after ng break time namin kanina. Hindi ko na po siya nakita—”
“We have an interview with one of the most famous magazines! As part of the family, he needs to be here! He’s stressing me out… again! Kahit kailan talaga pinapahiya niya kami! What am I supposed to do?” reklamo niya pa na nakadagdag sa kaba ko. Sasagutin ko ba siya? Ano namang sasabihin ko?
“A-ahh pasensiya na po talaga sir. Hindi ko rin po talaga alam eh. Hindi po kasi kami nag-uusap,” pagdadahilan ko.
“No worries, you’re fine…I just have one favor,” sagot niya na ikinapikit ko. “Can you find him for me as soon as possible, please?”
Napakagat ako sa ibabang labi ko. “Eh sir…”
“I know… I know. This isn’t your job anymore. But I’ll give you five thousand right now. Please, I just need a favor,” aniya na tila inuutusan na ako. Base sa tono niya, parang palamuti lang ’yung salitang please sa kaniya.
Ganito ba talaga sila?
Napabuntong-hininga ako habang sumesenyas ang mga kaibigan ko sa akin kung anong sinasabi nito. Para kaming nagcha-charades sa ginagawa ni Dice.
“S-sige po, Sir Quintin. Wala pong problema,” sagot ko na lang. Ano pa ngang magagawa ko? Baka matanggal pa ako at madamay sa inis niya sa sariling anak.
“Alright, I’ll send the money now, and Yuan will send you a list of the places where Yuri and his idiot friends usually hang out,” sabi niya sabay baba ng tawag.
“Anong sabi? Magkano ang offer?” tanong ni Dice sa akin.
Napakibit-balikat na lang ako. Sa kanila habang tinusok ang 3 fishball na nasa baso ko at sinubo lahat. Bakit pa kasi umalis-alis ’yang Yuri na ’yan!
“Hahanapin ko si Yuri. Kailangan siya sa kanila eh,” sabi ko habang bumabagsak ang balikat.
“Ano! Bakit ikaw ang maghahanap? Grabe naman talaga at ginawa ka pang google map?!” ani Dice na animo’y siya pa ang dehado.
“Hindi ba nila kayang ipahanap sa kung kanino man? O sila mismo? Wala bang cellphone ’yang si Yuri?” sabat ni Yoseff na napapailing na lang. “Ang sakit niya sa ulo.”
Bigla akong may narealize. “Dice, may number ka ba nung Rafael? O Social Media? Baka magkasama sila? Baka pwede mong pakiusapang kausapin ako or ituro lang kung nasaan si Yuri?”
“Sure sure!” ani Dice at tinawagan si Rafael. Napabuntong-hininga akong muli. Bigla namang may mga nagtext sa akin, isang anonymous number.
[5:49 PM]
0976209XXXX
“Here’s the list of locations, Eiron. Let me know if you need my help. - Yuan.
DPBI
You received 5,000 from account number xxxxxxx9876
Napalunok ako sa laki n’un. Mukhang kailangan ko talaga siyang mahanap.
“Hoy kalbo, anong hindi mo alam?! Hindi kayo ang magkasama simula kanina? Aish!! Bahala ka! Kapag talaga napahamak ’tong kaibigan ko at nagsisinungaling ka—mawawalan ka ng itlog!” banta ni Dice sabay baba ng tawag.
Napailing ako. “Hindi niya alam?”
Umiling din si Dice. “Itry mo i-message sa facebook si Logan o kaya ’yung isa rin nilang kaibigan? Si Simone ata ’yun?”
Tumango na lang ako. “Ako ng bahala. Alis na ako, guys!”
Nagkatinginan sila. Mukhang may gusto pa silang sabihin. Naintindihan ko naman ’yun. “Hindi na kailangan. May listahan naman ako. Ako ng bahala maghanap sa kaniya. Sige na. Bukas na lang.”
“Chat mo kami kapag kailangan mo kami,” ani Yoseff bago ako naunang maglakad paalis. Una kong tinignan ang 1st location, which is Hugswon Club. Alam ko, sa north street ’yun. Medyo may kalayuan at kailangan kong mag bus o mag jeep mula rito.
Winithdraw ko muna ’yung iba roon sa pera upang magamit ko pampamasahe. Nang makapunta at makarating ay 6:30 na rin, bukas na ’yon at marami na ring napasok.
Bigla akong pinahinto ng tila bouncer at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Magpalit ka muna, sir. Mukhang kagagaling mo lang sa school. May suot ka pang ID. Bawal ’yan dito.”
“Pero may tinitignan lang po ako mula sa loob,” sabi ko sa kaniya.
“Mapapagalitan kasi kami eh,” aniya. Hinubad ko ang ID ko sabay bigay sa kaniya. Iniwan ko rin ang bag ko, pwera sa wallet at cellphone ko.
“Iiwanan ko ’yan, kuya. Please, may kailangan lang akong hanapin. Magagalit sa akin ang daddy niya—”
Mukha namang nainis at naintindihan ako ng bouncer. “Sige na sige na! Kapag hindi ka bumalik hanggang mamaya bahala ka.”
Pumasok na ako at sa hindi inaasahan ay napamura na lang ako dahil sa daming tao roon. Paano ko siya hahanapin? Mag announce ako? Gagamit ng microphone? Ugh!
Biglang may bumangga sa akin. “Aray! Put—” napahawak ako sa balikat ko.
Sinamaan naman ako ng tingin nung lalaki. “Sa susunod, h’wag kang paharang-harang!”
Hindi na lang ako sumagot, sayang siya sa oras ko. Isa-isa kong tinignan ang bawat table ng clubs na ’yun kung nandoon siya. Inisa-isa ko ang mga mukhang nakaupo roon. Sinisilip ko rin ang mga nagsasayaw kahit medyo masakit sa mata ’yung ilaw. Patay-sindi kasi ’yun kaya napapapikit ako.
Nababangga na nila ako mula sa mga pagsasayaw nila. Pero wala akong pakielam. Pakiramdam ko kasi nandito talaga siya. Hindi ba umuuwi ang isang ’yun? Kaka-club niya lang kahapon ah?
Eh anong pakielam mo, Eiron? Nandito ka para hanapin siya. Hindi maging concern sa kaniya, ok? Once na mahanap mo na siya, isumbong mo na. Sila na siguro ang bahala kumuha sa kaniya.
Biglang lumakas ang tugtugan kaya maraming mas naging wild ang mga tao. Nakakat*ngina lang kasi natatamaan na talaga nila ako eh! Mas masakit na! Parang lalabas ako ng bugbog dito!
“Woahh!!!!” sigaw ng isang lalaki bago nagwala. Doon na ako naitulak ng tuluyan. Mula sa patay-sinding ilaw, nakita ko agad ang babagsakan ko.
Isang lalaki!
“D*mn!!!” mura nito na pamilyar sa akin. Napasubsob kasi ako sa binti nito.
“Ano ba ’yan!” sigaw ng isang babae. Natapunan ata siya ng alak sa binti. Umalis itong nagdadabog.
“Gosh! Your fvcking clumsy, man!” sigaw uli ng lalaki. Nag-angat ako agad ng tingin at tumayo. Doon kumunot ang noo niya at tinitigan ako ng mabuti. Kahit patay sindi ang ilaw sa paligid, alam ko kung anong reaksyon meron siya.
Kitang-kita ko rin ang galos sa mukha niya. Ano na namang nangyari sa kaniya? Napaaway ba siya?
“What—Eiron?” aniya. Mukhang lasing na ito base sa kaniyang boses. Hindi talaga siya umuuwi? Anong klaseng atay kaya ang meron siya?
“Nandito ka lang pala, umuwi ka na. Kailangan ka ni Mr. Quintin!” medyo pasigaw na sabi ko dahil sa lakas ng tugtog. Tumayo siya kahit medyo pagewang-gewang na ito.
“Yuri!” tawag ko sa kaniya. “Saan ka pupunta?”
“K-kung saan wala ka!” sigaw niya sa akin bago ito magpunta sa isang side ng club na medyo malayo sa dance floor.
“Ano ba?! Pinapahanap ka ng daddy mo sa akin! Umuwi ka na!” sabi ko rito sabay hawak sa braso niya, pero agad niya ’yung tinabig kaya napagewang na naman siya at nabangga ang iilang customer.
“T*ngina! Bro! Ano ba?!” sigaw ng lalaking nasanggi nito.
“It ain’t my fault kung paharang-h-harang ka diyan!” sagot ni Yuri.
Nakita ko na tila kumilos ang ibang kasama nito kaya hinila ko na si Yuri. “S-sorry! Lasing na kasi ’to. Kasalanan ko kung bakit niya kayo natamaan.”
Napatingin ng masama sa akin ’yung kaaway ni Yuri. “Next time, h’wag kayong aangas-angas dito! Baka umuwi kayong lumpo!”
Tumango na lang ako. Wala akong laban sa kanila kung sakali.
“Baka umuwi k-kang umiiyak,” sabat ni Yuri.
“Yuri! Tama na!” saway ko sa kaniya.
“Anong sabi ng lasing na ’yan?!” dinuro pa ng lalaki si Yuri kaya hinila ko na siya.
“Tara na nga! Papauwiin na kita!” sabi ko rito.
“No! L-let me go! Ano ba! Ayoko nga s-sabi eh!” pagpupumiglas niya. Pinagtitinginan na kami.
Pinandilatan ko siya. “Inutusan lang ako ng daddy mo!”
“I don’t care!! Just fvcking let me go!” sigaw niya pa. Nakaagaw na talaga kami ng atensyon. Napahilamos ako sa aking mukha. T*ngina, ang tigas ng ulo!
“Sa tingin mo gusto kong pumunta rito, Yuri?! Para sunduin ka? Hindi! Ptangna, dapat nasa bahay na ko o di kaya nagawa ng assignments mo! Pero dahil inutusan ako ng daddy mo, nandito ako! Nakikipagtalo sa’yo!” sigaw ko rin.
Napansin ko ang galit sa mata niya. “Edi umuwi ka! Bakit ba ang dali mong mauto ng Willson na ’yan?!”
“Hindi niya ako nauuto! Humingi lang siya ng favor! Kung sana umuuwi ka sa inyo! Kung sana nagpaalam ka sa kanila, edi sana walang mangugulo sa’yo ngayon!” sabi ko naman. Lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang inis at galit sa kaniya.
Pakiramdam ko, puputi ang buhok ko sa kaniya tapos ng midterms eh!
“H’wag mo akong didiktahan! Naiintindihan mo?! You’re just nobody! Wala ka ngang—” Naputol ang sasabihin nito ng may bouncer na humawak sa kamay namin.
"B-bitawan mo nga ako! Y-Yan! D*mn this guy! Siya ang nangugulo sa akin! Siya ang palabasin niyo!" ani Yuri habang dinuduro ako.
Aba! Siya nga ’tong mapapaaway kanina! Siya ’tong may potensyal na manggulo dahil sa ugali niya!
“Heh! Kanina pa kayo! Nasa malayo palang kayo naririnig na kayo ng iilang customer! Hala sige! Ilabas niyo na ’to!” saad ng bouncer. Inagaw ko naman ang kamay ko at kinuha ang gamit nang makalabas. Si Yuri naman ay napaupo pa sa lupa nang bitawan siya ng lalaki.
"Ayusin niyo muna buhay niyo!" sigaw pa ng isang bouncer sa amin. Hindi na lang ako nagsalita at tinignan si Yuri.
"J-just go!" sabi niya at dahan-dahang tumatayo. Dito lang naging malinaw sa akin ang mga pasa niya sa ilang parte ng katawan. Meron sa gilid ng labi niya at sa tabi ng kanang mata niya.
Ano ba talagang nangyari sa kaniya?
“Teka, napaaway ka ba?” Tanong ko dahil sa pag-aalala.
Dahan-dahan siyang naglakad habang kinakapa ang susi sa bulsa. "A-ano namang pakielam mo?"
Anong pake ko? Oo nga naman, ano nga ba?
“Tatawagan ko na lang si Mr. Quintin o di kaya si Sir Yuan para sunduin ka,” sabi ko sa kaniya. Napatigil siya sa tapat ng isang kotse at sumandal. Tinignan niya ako ng seryoso kahit medyo napapapikit na siya.
“Don’t call them, okay? I-I can d-drive! I’m fucking independent! I don’t need anyone!” aniya sabay binuksan ang pintuan ng kotse niya. Naalarma ako bigla.
“Ano ba! Magda-drive ka?! Eh lasing ka nga!” saway ko sa kaniya. Tinatabig niya ang kamay ko pero hindi ko ’yun pinapakawalan. Konsensiya ko pa kung mamatay siya sa aksidente! Sasayangin niya pa ang buhay niya!
“Kaya ko nga s-sabi! Sasapakin na talaga kita!” banta niya pero hindi ko hinayaan ’yun. Pagpasok niya sa loob, ay tinulak ko siya papunta sa passenger seat.
“Bastard!” mura niya habang hawak ang braso niya na tumama sa kung saan. Sinamaan niya ako ng tingin sabay sandal sa upuan. Hindi naman ako nagpaapekto roon.
“Ano? Nababaliw ka na ba? Magmamaneho ka ng lasing?” pag-ulit ko sabay sara ng pintuan sa driver seat. “Hindi kita hahayaan!”
Nakita ko siyang napapikit habang nakangisi. “Why? Why are you so concerned about me now?”
Natigilan ako. Makikipagbiruan pa talaga siya sa akin?!
“W-what?” aniya. Sinubukan niyang abutin ang mukha ko pero lasing siya kaya bahagya niya lang ’tong nahawakan. “Cat got your tongue?”
Hinimas niya ’yun bago tumawa at ibinaba ang kamay. Baliw talaga…
“Ano ba Yuri?” saway ko sa kaniya.
“W-why? A-are you going to drive? Huh? You can’t drive! You idiot!” aniya sabay kagat a ibabang labi. Oo nga pala. Paano ko siya mapapauwi niyan?
“Tatawagan ko na lang siguro sila Logan. B-baka matulungan ka nila,” sabi ko. Pero iniligay niya ang daliri niya sa labi ko.
“Shh! D-Don’t call them, okay? They’re n-not going to pick me up! A-And I’m a grown-up! I-I can handle myself!” aniya. “Umuwi ka na.”
Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan. Bakit nga ba ako nakikipagtalo sa lasing? Makakatulog naman na ’to mamaya. Kaso, kailangan kong hintayin ’yun. Napatingin ako sa orasan ko. Gagabihin ako kung gagawin ko ’yun.
“Y-You know… I hate how they always throw me out of that club… T*ngina, mag-isa na nga lang ako, nawalan pa ng kasiyahan!” reklamo niya.
“Kasalanan ko ba na nagwala ka pa roon?” hindi ko napigilang sabi. Narinig ko naman siyang tumawa.
“You’re fvcking idiot, Eiron. Para kang kabute na lagi na lang sumusulpot sa kung s-saan-saan,” aniya.
Tinignan ko siya. Para siyang tanga na nakapikit habang kausap ako.
“Napano ba ’yang mga pasa mo?” tanong ko sa kaniya.
“None of your b-business!” bulong niya sabay ngisi.
Napabuga ako ng hangin. “Tatawagan ko na lang talaga si Sir Yuan. Hindi ka makakauwi mag-isa.”
Agad niyang hinawakan ang kamay ko na nagpailang sa akin. “No! Don’t do that! A-ayoko siyang makita! Please? Ayoko silang makita n-ngayon.”
“Bakit? Sinong mag-uuwi sa’yo? Huh? Hindi ako pwedeng magdrive dahil hindi ako marunong. Hindi ka rin pwede dahil lasing ka…mamaya, masisi pa ako kung mabangga ka eh,” paliwanag ko. Naintindihan niya kaya lahat? Eh lasing ’to.
“Fine! Fine!” aniya sabay ngisi pa rin. “Just don’t call them! Okay?”
Napahilot ako sa sintido. Saan ba ’to pinaglihi ng magulang niya? Baka mamaya hindi ’to tao, katulad ng sinabi ng ama niya, pride siya na nagkatawang tao.
“I-I’m going back to the hotel… J-Just don’t tell them about i-it!” aniya at pilit na lumalabas. Ano? Hotel?
Mabilis akong lumabas at pumunta sa kabila. Saktong pagbukas niya ay naalalayan ko siya. Tumingin ang mapupungay niyang mata sa akin. “M-motherfv—”
“Saang hotel ba? At may pambayad ka ba diyan?” tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako at inalis ang kamay niya sa akin.
“A-ano? O-of course!” aniya sabay labas ng wallet niya. Kaagad kong tinapik ang kamay niya para itago ’yun. Inirapan niya lang ako at binalik ang wallet niya sa bulsa.
“Oo na oo na. Saan ba ’yun?” iritadong tanong ko.
“I-I can bring myself!” aniya. “U-umuwi ka na.”
Napakatigas talaga ng taong ’to!
“Sige! Nakakapagod ka kausap!” sabi ko sa kaniya at naunang naglakad. Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko siyang natumba.
Napapikit ako. Kaunting-kaunti ka na lang talaga!
Bumalik ako sa kaniya at nakita na tila balak niyang matulog sa daan dahil sa kalasingan. Pinagtitinginan na tuloy kami. Lalo na ’yung mga bouncer na naiiling.
“Yuri! Tumayo ka na nga diyan!” naiinis na sabi ko sa kaniya pero inungulan niya lang ako at tila mahimbing pang matutulog. Sa sobrang pikon ko, kinuha ko ang kamay niya at hinila siya patayo.
“No!!” aniya. Nag-iinit ako sa galit at hiya dahil sa kaniya!
“Isa! Tatayo ka ba diyan o tatawagan ko ang daddy mo?!” banta ko. Hindi siya sumagot pero himalang naitayo ko siya. Nilagay ko ang kaniyang braso sa batok ko.
“I can w-walk…” daing niya.
“Lulumpuhin kita kapag nagreklamo ka pa diyan!” sabi ko. Hindi na siya sumagot dahil tila nakatulog na ito. Ang bigat!
“Saang hotel ba huh?” tanong ko sa kaniya.
“R-river…” aniya sa mahinang boses.
“River ano?”
Hindi na siya sumagot pa kaya bahala na. Kung ano pa mang river ’yan. Nilakad namin ang kahabaan ng street. Lumalalim na ang gabi at paniguradong hinahanap na ako nila Mama. Aish…
"Manong, saan po 'yung River na hotel dito?" tanong ko sa guard ng isang mamahaling restaurant.
Tinignan niya si Yuri. "Naku, malayo pa 'yun dito. Kung magji-jeep kayo...makakarating kayo roon, malapit 'yun sa Jollibee, sa crossing. Pero kung maglalakad kayo baka mamaya pa kayo makarating."
Napabuntong-hininga ako. "S-sige salamat po!"
Nakakita naman ako ng tricycle at agad na pinara. Unang pinapasok ko si Yuri bago ako.
"Saan tayo, utoy?" tanong ng driver.
"Jollibee, sa crossing ho," sabi ko sa kaniya bago nilabas ang cellphone ko upang magtext kay Mama.
"Eiron..." bulong ni Yuri sabay sandal sa akin. Pero hindi ko siya pinansin pa.
Grabeng perwisyo ang dinulot niya sa akin.
Pagkarating doon ay binayaran ko na ’yung driver at ibinaba si Yuri. Mabuti na lang at malapit na ang Riverside Hotel na sinasabi nung guard na Jollibee. Inalalayan ko naman siya.
"May reservation ka ba rito?" tanong ko sa kaniya.
"Hmm..."
Napairap ako at pinapasok ng guard kahit nagtataka sa amin.
"Miss, Yuri Quintin...may reservation po siya rito?" tanong ko sa receptionist.
"Room 89 po, sir. Third floor...guest niya po ba kayo? You need to pay po for 500 pesos if papasok po kayo sa kwarto niya," sabi nito. Napakamot ako sa sintido ko.
"Miss, ilalagay ko lang naman siya sa room niya at aalis na rin ako. Wala kasing aalalay eh, ayos lang ba? Promise, mabilis lang," sabi ko sa kaniya.
"Kaso sir, that's our policy po—"
Naglabas na lang ako ng 500. "Sige, ayan."
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at kinuha muli ang lasing na 'to bago nagtungo sa hallway. Sa di kalayuan ay may dalawang elevator. Tinignan ko ang card at pinindot ang up button. Pagkabukas nito ay saka ko siya sinakay. Nang magsara ang pintuan ay napasandal ako sa gilid at sandali siyang binitawan dahil nangangalay ako. Pinindot ko na ang third floor button.
Kumapit siya sa T-shirt ko at sumandal sa balikat ko.
Ayan na naman ’yung pagkailang at panic na pakiramdam ko.
Gusto ko siyang alisin pero baka magwala na naman kaya hinayaan ko na. Pagkabukas naman ay agad ko uli siyang inalalayan at hinanap agad ang Room 89. Malaki ang hallway at puro marbles ang kanang pader at lapag nito. Salamin naman ang kabilang gilid kung saan kita ang malawak na kalsada at ibang gusali sa labas.
"Ang layo..." reklamo ko ng makita ang 89. Nang iis-slide ko ang card ay nagbukas ang malaking kahoy na pintuan at sumalubong sa akin ang magulong mga gamit. Napailing na lang ako at agad siyang pinahiga sa kama niya.
"Hmmm...finally..." aniya.
Doon ako tila nabununtan ng tinik at kinalabit siya. "Aalis na ako. Bahala ka na sa buhay mo. Yung report pala natin bukas—"
"Hmm!" aniya sabay pilit na tumatayo. Itinulak ko lang siya para mahiga muli.
Ang kulit!
“Aalis na ako, Yuri. Kapag di ka nakapasok bukas, hindi ko na kasalanan ah,” paalala ko at tumalikod.
"W-wait!" aniya sabay abot sa dulong bahagi ng damit ko. Kumunot ang noo ko.
"Ano na naman?"
"Stay," mahina at tipid niyang sabi. Mas lalo akong nagtaka.
Ngayon naman, pinags-stay mo ako? Kanina pinapauwi mo ako ah?
“May kailangan pa akong gawin, Yuri. Naghihintay sila Mama sa akin. Kung gusto mo tawagan ko nalang ’yung mga kaibigan mo. Aalis na talaga ako,” sabi ko sa mahinahong tono ng boses.
"Please?" malambing na pakiusap niya.
Natigilan ako sa narinig.
Tama ba ang narinig ko? Si Yuri, nag-please?
“Kailangan ko na talagang umuwi, pasensiya na,” sabi ko. Pero tila hinihila niya ako. Doon ako sumuko. “Bakit ba? Kung ano man ’yang ipapagawa mo, sabihin mo lang at siguraduhin mo lang din na hindi masasayang ang oras ko.”
"Just fvcking...stay," bulong niya at tumagilid ng higa. Wala akong nagawa pa at humiga na lang habang nakatingin sa salamin na nasa kisame.
Napapaisip ako kung bakit hindi na umuuwi si Yuri sa kanila. Ang hirap ng sitwasyon niya kung sakaling dito pa siya magstay ng ilang araw? Paano ko siya matutulungan?
Napatingin ako sa kaniya. Mahimbing na ang tulog nito. Pwede na siguro akong umuwi?
Ginawa ko na nga 'yun at sinarhan ang pintuan niya. Hindi naman niya maalala 'yun bukas kung papasok man siya. Sana lang talaga, sa susunod hindi na mangyari 'to uli. Hindi ako sanay mag-alaga ng lasing.
Pagkalabas ko sa hotel ay biglang may tumawag sa cellphone ko, si Mr. Quintin! Oo nga pala!
Sasabihin ko ba kung nasaan siya? Pero ayaw kasing makita ’to ni Yuri eh. Kaso siya ang boss ko,kaya dapat ireport ko ang dapat ireport sa kaniya.
Kaso lalo lang magkakagulo at baka mamaya madamay na naman ako sa kanila…Aish!
“Hello po, Mr. Quintin? H-hindi ko po siya mahanap eh. Kanina pa po,” sabi ko sa kaniya.
"That's fine. Don't worry about him. Nainterview na naman kami so no need for him to come. Hayaan mo na kung nasaan siya. Just go home and spend the money I gave you," sabi niya sa malamig na boses.
Natahimik ako.
So, dahil lang sa interview kaya niya hinanap si Yuri?
Naibaba ko ang tawag at napatingin sa pangatlong palapag ng hotel. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Yuri. Pero nakakainis pa rin ang ugali niya at the same time. Amoy alak pa ako, hanep!
KINABUKASAN, pagkadating ko sa Harvey ay agad kong naabutan si Yuri na seryoso lang ang mukha. Nandoon pa rin ang mga pasa niya na iniwasan kong tingnan. Gusto ko siyang tanungin kung kumusta na siya pero
ano bang karapatan ko? Atsaka ayaw nga niya na nangingielam ako ’di ba?
“Yung report,” paalala ko sa kaniya noong dumaan siya sa harap ko. Napahilot ako sa aking batok. Nararamdaman ko pa rin ang antok at pagod. Binantayan ko kasi si Mama kagabi pagkauwi ko hanggang madaling araw dahil nahirapan ’tong makahinga.
"Yeah, I know," malamig niyang sabi bago maupo ito sa upuan niya.
"Psst!" tawag ni Dice. "Ano? Nahanap mo ba 'yan kahapon?"
Umiling na lang ako. "Hindi eh."
Sakto namang dumating si Ms. Heidi at tinignan ang pwesto namin. "Good Morning! No need for greetings. You two, proceed here in front. I'll give you 5 minutes to prepare."
Tumango ako at inilagay ang flash drive sa computer na part ng classroom namin. Pagkabukas ko ay naroon ang powerpoint na ginawa namin. Nakita ko naman si Yuri na pinapanood lang ako.
"Yung part mo? Napag-aralan mo ba?" tanong ko.
"Yeah yeah," walang ganang sagot niya sabay buntong-hininga.
Nang maayos ko na ito ay saka ako naghanda. "Good Morning, everyone. I'm Eiron Villaflor together with my partner..."
Tinignan ko siya. "Yuri Quintin."
"For our topic...we will discuss the..." Naging smooth naman ang introduction namin. Ngunit noong part na ni Yuri, para lang itong inaantok at tila walang alam sa sasabihin. Kung ano-ano lang ang sinasabi.
Bwisit! Sabi na eh!
Itinaas ni Ms. Heidi ang kamay niya. “Hold on, hold on. Why is that, Mr. Quintin? Are you really prepared for this?”
Nakita ko ang pagkagat ng ibabang labi ni Yuri. "I'm not feeling well, Miss."
"But did you two prepare for this?" tanong niya uli sabay tingin sa akin. Tumango naman ako. Kinakabahan ako sa tingin niya sa amin, sabayan mo pa 'yung pressure ng mga nakakarinig sa amin.
Ito ang unang beses na napahiya ako sa harap ng klase.
"Ok then, Mr. Villaflor, can you explain that for us? Without any notes or anything," utos ni Ms. Heidi.
"Alright, Miss," sabi ko bago napalunok. "As you can see..."
Tila para akong naubusan ng sasabihin ng mga oras na 'yun. Parang naging foggy ang utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa antok.
Napakuyom ako ng kamao.
"Hmm? Nagtalo na naman ba kayo? I told you 'di ba na iwanan 'yun outside of your classroom? Parang hindi kayo prepare ngayon. I'm expecting pa naman na magiging handa kayo," sabi ng babaeng professor. Narinig ko ang tila tawanan ng ibang kaklase ko, pero mahihina lang.
"Just continue please and I'll explain it again after," sabi ni Ms. Heidi. Tumango na lang ako at nilunok ang inis ko.
Matapos 'yun ay hindi ko pinansin si Yuri, pakiramdam ko talaga nagbabaga 'yung dibdib at ulo ko sa inis sa kaniya. Pinahamak niya pa ako!
Sumabay pa ’tong pagod ko. Inalagaan ko kasi si Mama kagabi dahil hindi ito makahinga ng maayos.
Tila nawala ako sa mood. Puro tango lang at iling lang tuloy ako kapag kinakausap o tinatanong ako nino man.
Kaya naman noong sumapit ang breaktime ay lumabas na lang ako para magpunta sa restroom para mahimasmasan. Pero bigla kong nakita na sumabay si Yuri sa akin habang hawak nito ang isang papel.
"Oh, pinabibigay ni Ms. Heidi, we got 80/100," malamig na sabi niya. Doon tila nabuhay ang inis ko sa kaniya.
"Sinabi ko na sa'yo, pag-aralan mo ang part mo 'di ba?" sabi ko rito na ikinakunot ng noo nito.
"Why are you so mad? You're the smartest person here. Dapat alam mo 'yun kahit hindi ko maipaliwanag," sabi nito na para bang wala lang sa kaniya ang nangyari.
Doon ko nailukot ang papel na hawak. Dinuro ko siya. "Ikaw! Kung hindi ka titino, h'wag mo na akong idadamay ah! Una sa lahat, nagagalit ako dahil hindi individual ang gradings! Nakakuha tayo ng 80! Mababa na 'yun! Pangalawa, may oras ka naman na mapag-aral ang part mo pero anong ginawa mo? Nag-inom ka lang!"
Rumehistro ang galit sa mukha niya. 'Eh ano bang pakielam mo kung nag-inom ako?! Atsaka isa pa, 80 lang 'yan. Magpasalamat ka nga! Ikaw ata 'tong ungrateful!"
Hindi niya talaga ako naiintindihan ano? “Hindi mo ba naisip? I need to maintain my high grades, Yuri! Scholar ako! Kapag bumaba man ako, magkakaproblema ako agad sa scholar!”
Napansin ko naman na nawala ang kunot sa noo niya. "Bakit ba kasi hindi mo nasagot 'yung sinasabi ni Miss? Dahil inasahan mo talaga akong pag-aaralan ko 'yung part ko kaya 'yung part mo lang ang inaral mo?"
Napapikit ako. "Dahil pagod ako, ok? At sa kaalaman mo, inaral ko 'yan lahat! Inaral ko 'yan habang ginagawa ko 'yung responsibilidad ko! Dumagdag ka pa nga eh! Kung hindi siguro kita sinundan? Baka hindi sana ako pagod! Baka sana nailigtas ko 'yung activity natin!"
"Bakit? Sino bang may sabing sundan mo ako? Just fvcking leave me alone! Ok? Got it?" Nakita ko na tila nakakuyom na ang kamao niya. "Well, dahil ba utos ng t*nginang Willson na 'yun? Masyado ka kasing nagpapa uto sa kaniya dahil lang sa pera! Bakit ba mukha kayong mga pera—"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng sampalin ko siya gamit ang likod ng palad ko. Napansin kong napasinghap ang mga kaibigan ko at kaibigan niya. Pero hindi ko sila pinansin.
Napahawak naman si Yuri sa pisngi niya habang nakatitig sa gilid niya. Dahan-dahan naman itong tumingin sa mga mata ko.
Mukha siyang gaganti.
Pero noong tingnan ko ang mga mata niya, tila iba ang sinasabi nito. Hindi ko lang mabasa.
"Fine...I'll talk to Ms. Heidi," malamig niyang sabi.
Nagtaka ako sa tono ng boses niya,
nagbago? Nakosensiya ba ang g*go?
“Hindi ako mukhang pera, Yuri. Kailangan ko lang talaga at hindi rin ako nakatanggi sa daddy mo kahapon. Pero kung ako ang papapiliin, hinding-hindi ko tatanggapin ’yun dahil hindi ko naman trabaho ’yun eh. In fact, pwede na nga kitang iwanan kahapon. Kung mukha akong pera, hindi dapat kita hinatid sa hotel mo, hinayaan kitang matulog sa kalsada! Pero hindi ko magawa! Sige nga, paano mo mapapaliwanag ’yun?”
Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lang 'to sa akin. Napakagat pa siya sa ibabang labi.
"Nagbayad pa ako ng 500 para lang sa guest fee na 'yan para maihatid lang kita! Nagsinungaling pa nga ako sa ama mo at sinabi ko na hindi kita nakita dahil nakiusap ka sa akin kahapon ayaw mo silang makita!" Bumuntong-hininga ako. "T*ngina, hindi ko sinusumbat 'to lahat. Pinaparating ko lang sa'yo na maayos ang ginagawa kong trabaho. At ayaw kong magkagulo pa kayo ng ama mo."
Hindi pa rin siya nagsalita. Nawalan na rin ako ng sasabihin dahil pakiramdam ko, nailabas ko lahat ng saloobin ko sa kaniya simula kahapon. Natrigger lang din ako sa sinabi niya tungkol sa pera. Naging awkward tuloy ang atmosphere sa amin. Walang umaalis sa aming dalawa.
Hindi ko rin maihakbang ang mga paa ko.
"Then, do your job," ang namamaos at pabulong niyang sabi pero may kalamigan pa rin.
Napataas ang isa kong kilay. "Ano?"
"Hindi ba maayos mong ginagawa ang trabaho mo? Then, fine. Come with me to the clinic and help me with my bruises."
Kumunot ang noo ko.
Anong trip niya at natauhan ata siya?
Nauna naman siya sa clinic kaya sumunod na lang ako habang napapaisip pa rin sa kinilos niya. Noong makarating kami roon ay inassist kami ng nurse.
"Dampihan mo lang ng cold compress, ok? Then put this on his wound, doon sa bandang baba niya. Mukhang malinis naman na pero mas ok na lagyan mo pa rin para gumaling agad," paalala ng nurse bago umalis.
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Nakakailang lang talaga dahil nakikita kong titig na titig sa akin si Yuri. Para akong nagpapanic pero hindi ko lang pinapahalata.
"You know, sometimes... you have to come up with a few excuses para kay Willson. Hindi ka dapat laging sumunod sa kaniya. Hindi mo siya kilala, masyado siyang abusado," ani Yuri sa malamig pero mahinahong boses.
"Tulad ng sinabi ko—"
"Ouch!—I mean, katulad ng pagpapalusot mo sa kaniya sa mga ginawa ko. Just make some excuses. Magsinungaling ka. Para hindi ka dehado," sabi nito sa akin. Tinignan ko siya ng diretso.
"Uuwi ka na ba sa inyo? May mga gagawin tayo bukas," sabi ko sa kaniya. Nakita ko na tila may pagtataka sa kaniyang mukha.
"I-I will," aniya. "And fine, let's do it in the study room."
Naamoy ko ang mint niyang hininga. Mukhang naalagaan niya naman pala ang sarili kahit mag-isa. "Buti naman. Teka lalagyan ko muna ng gamot 'tong sugat mo."
Bahagya pa akong lumapit at yumuko.
"And, I hate to say this...but thanks sa kahapon," aniya na ikinatigil ko uli.
Hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. Anong nakain niya? O baka naman natauhan sa sampal ko?
“Eiron—kyahhh!” sigaw ng isang boses. Sabay kaming napatingin doon ni Yuri.
"Makasigaw ka naman! OA!" saway ni Rafael sa kaniya.
"Sorry!" inirapan siya ni Dice. "Akala ko kasi nag...ki-kiss kayo eh!"
Sabay kaming napalayo ni Yuri sa isa't-isa sa narinig.
Isa pa ’to si Dice eh!
Itutuloy…
Desire 7
Desire 7: Upset
Eiron’s Point of View
Napatingin ako kay Yuri ng sabihin ’yun ni Dice. Talaga ba? O tsismosa lang talaga ang lokong ’to kaya kung anu-ano ang nakikita?
“Bro, ew. Kissing? They’re both guys!” reklamo ni Rafael kay Dice habang nakangiwi ito. Inirapan naman siya ng kasama.
“Eme nito! Homophobic ka ba o ano?”
“I don’t know, homosapien ata?” kamot ulong sabi ni Rafael na ikinataka ko.
“Alam mo? Kalbo ka na nga, pero ang t*nga mo ano?! Homophobic, ’yun ’yung ayaw sa mga katulad ko,” ani Dice.
Tila natauhan naman si Rafael sa kaniya. “No, I’m not. Hindi lang ako sanay na may maghalikan na lalaki sa lalaki sa harap ko. Lalo na ’tong bro ko? Lalaki pa ata ’to kaysa kay…”
Tinignan ko siya ng seryoso kaya nanahimik na lang ito at tumingin sa kung saan-saan.
“Anong ginagawa niyo rito? Atsaka we’re not kissing!” reklamo ni Yuri at inayos ang hawak na bag.
Napahawak naman sa dibdib si Dice. “Ah wala, nag-alala lang kami sa inyong dalawa hehe.”
Napailing ako. “Hindi pa ako tapos gamutin ’tong pasa ni Yuri—”
Mahinang tinabig ni Yuri ang kamay ko. “No need, I can handle this. Aalis na ko.”
Nagtaka ako. Ano na naman ba? Ang bilis magbago ng mood nitong kumag na ’to! Tinapik niya pa sa tyan si Rafael na nakakunot din ang noo sa kaniya. Ibinalik ko naman ang binigay ng nurse habang nakatingin kay Yuri na naglalakad kasama ang mga kaibigan niya.
“Anyare ba doon? Kanina lang, kaaway ka niya, sinampal mo, tapos biglang naging mahinahon? Tapos ano…sungit na naman? Aba, malala ang mood swings ng lalaking ’yun ah?” Ani Dice habang naka crossed arms.
“Ano? Grabe ’yung eksena niyo kanina ah? Parang mag…jowa lang,” ani Luigi sabay takip sa bibig niya. Imbes na mainis ay natawa ako.
“Below the belt din kasi ’yung sinabi sa’yo. Akala mo talaga kung sino porket ang dami nilang pera ano?” sabat ni Yoseff. “Yan din problema sa mga kasama ko eh.”
“Hayaan niyo na ’yun. Wala naman ng problema eh,” sabi ko na lang. Napayuko ako at inisip ’yung kanina. Bakit nagpapanic ako kapag malapit o kapag nahahawakan niya ako?
Baka dahil sa nakakatakot na presensiya niya? Pero hindi naman ako natatakot sa kaniya eh? Ay ewan, sumasakit lang ang ulo ko sa kaniya.
Pagkauwi ko ng araw na ’yun ay hindi pa rin nawala sa akin si Yuri. Buong araw kasi hindi na niya ako kinakausap. Ni iniinis, hindi na rin. Mabuti naman siguro ’yun dahil nakakapagfocus ako sa pag-aaral.
Napaupo ako sa sofa dahil sa pagod. Ramdam ko pa rin ’yun mula kaninang umaga.
“Ano ka ba wena! Sabihin mo na kasi—”
“Hindi nga, Gina. Hindi pwede. Pagod siya. Ayokong mawala siya sa f-focus. Baka mag-alala ’yun sa akin.”
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kusina. Dahan-dahan akong tumayo at pinakinggan pa sila.
“K-kaya ko pa namang tiisin eh…”
“Tiisin? Mamamatay ka kapag tiniis mo! Maawa ka naman sa anak mo, Wena. Pati sa sarili mo. Hindi ka diyos para matiis mo ’yan ng ilang araw.”
Ano? Anong meron? Hindi ko na natiis at lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Parang nahimasmasan naman si Mama at Aling Gina na naghahanda ng makakain.
“Ma…ano pong meron?” malambing kong tanong.
Ngumiti si Mama sa akin. Namumutla ang labi niya na ikinakunot ng noo ko. “Halika na. Kumain na tayo. Mabuti at maaga ka ngayon, anak. Kumusta ang school mo?”
“Ma…ano nga pong problema?” tanong ko uli. Tumalikod siya para pumunta sa sink. Tinignan ko si Aling Gina.
“Wena, pasensiya na…” aniya. “Eiron, inaatake na naman ’yang nanay mo. Kanina pang tanghali ’yan. Ayaw pang magpadala sa hospital eh. Ang tigas ng ulo. Balak niya pang tiisin kasi nagpuyat ka na raw sa kaniya kagabi pa lang.”
Napabuntong-hininga ako at nilapitan siya agad. Hinawakan ko si Mama sa magkabilang balikat. “Ma, tara na.”
“Eiron, maupo ka na roon. Kumain na tayo,” aniya pero umiling ako.
“Hindi ako kakain. Tara na. Hindi mo dapat tinitiis ’yan—”
“Eiron…maupo ka na, pakiusap lang a-anak,” Pamumutol niya sa akin habang nakahawak sa dibdib niya.
Pumunta ako sa gilid niya. “Ma, h’wag ng matigas ang ulo—”
Naputol muli ang sasabihin ko ng tila nanghihina siya. “Ma? Ma!”
Nataranta kami ni Aling Gina. Kaagad naman siyang lumabas habang nagsisigaw habang ako, sinambot ang nanghihinang si Mama.
“Ma? Ma please, lumaban ka,” pakiusap ko habang sinasakay siya kadarating lang na tricycle. Nakahawak lang siya sa dibdib niya habang ako, nagdadasal sa isip ko.
Please, h’wag po ngayon.
Mabilis naman kaming naihatid sa pinakamalapit na hospital, kung saan ko dinala si Yuri noon. Mabilis naman kaming naalalayan ng mga nurse at isang doktor. Pinasok siya sa isa sa mga kwarto. Tila nanghihina ako at sumasakit ang dibdib sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Napaupo ako sa bench habang hinihimas ni Aling Gina ang likuran ko.
“Shh, lalaban ang mama mo,” sabi nito sa akin. Tinignan ko siya ng saglit at tumango.
“Salamat po sa pagbabantay kay Mama,” sabi ko sa kaniya sa namamaos kong boses. Ngumiti naman siya ng mapait.
“Ano ka ba, wala na ’yun,” ani Aling Gina. “Magpakatatag ka, Eiron. H’wag kang panghinaan ng loob ngayon dahil ayaw ng mama mo mangyari ’yun. Alam ko, narinig mo kami kanina. Kaya alam ko rin na gets mo na ang sinasabi ko.”
Napatulala ako sa kawalan. Tama…hindi ako dapat malungkot ngayon. Think positive, Eiron.
Napatingin ako sa cellphone ko. Gusto kong tawagan si Drip ngayon. Pero ayokong istorbohin siya. Ayokong mapanghinaan siya ng loob. Baka may sariling problema rin ’yun. Napahawak na lang ako sa ibabang labi ko at hinimas ’to.
“Bibili lang ako ng makakain natin huh? Hintayin mo ang doktor, iho,” ani Aling Gina noong halos kalahating oras na kaming naghihintay. Nakita ko naman itong naglakad patungo sa isang hallway.
Napahilamos ako ng mukha. Sumasakit ang dibdib ko. Pakiramdam ko, may kung ano ritong naiipit o nakakulong. Napahawak ako ng mahigpit sa damit ko.
Sakto namang bumukas ang pintuan at lumabas ang doktor na tumingin kay Mama. Kakatanggal lang nito ng stethoscope mula sa kaniyang tainga.
“Doc, k-kumusta po si Mama?” tanong ko agad habang nilalabanan ang matinding kaba at takot sa sasabihin nito.
“She’s stable…for now. May oxygen na rin siya which is kailangan niya ngayon. Though, alam kong kailangan ko pa rin siyang itest, pero I think ’yung nangyari sa kaniya is one of the symptoms ng sakit na—”
“Alam ko na doc. M-may sakit po talaga siya sa baga,” pagputol ko sa kaniya. Ayaw ko ng marinig ’yung sakit na ’yun. Ayaw ko na…
Napabuntong-hininga ang doctor. “Well, nagkaroon lang din ng matinding pagstiff sa baga niya so she needs medications. Though, nagamot natin siya…this is alarming, iho. She needs to stay here for many days or weeks. We need to monitor her and para na rin malaman ang idadagdag na dosage ng gamot na dapat na niyang inumin.”
Natigilan ako. Panigurado, malaki ang gagastusin namin…
Di bale, at least ngayon naagapan si Mama.
“By the way, nagpapa therapy ba ang mother mo?” Tanong ni doc sa akin na ikinatango ko naman. “She needs to continue her treatment here. We’ll contact the hospital or clinic where she’s currently receiving care so we can get updates. Just provide us with their contact information so we can reach them. You may visit her later. Please excuse us for now, sir.”
Hinimas ko ang magkabilang braso at agad na napa sign of the cross. Nang lumabas ang nurses ay nakita ko si Mama na nakahiga habang may oxygen mask sa kaniyang bibig at ilong.
Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan niya.
Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para idilat niya ang kaniyang mga mata ng dahan-dahan.
"Ma..." bulong ko sabay halik sa likod ng palad niya.
"Naku Wena, ano ng pakiramdam mo? Magaan naman ba?" tanong ni Aling Gina na ikinatango ni Mama.
Sana nga ma…sana hindi ka na maglilihim.
Tinignan naman ako ni Aling Gina. Doon ako napaiwas ng tingin dahil ayokong maging emosyonal.
"Sabi ng doktor, pwede ka na raw kumain mamaya–maya. Eto oh binilhan kita ng prutas at pansit," ani Aling Gina.
"M-magba banyo lang ho ako," paalam ko at nagpunta sa banyo, sa loob ng kwarto na kinalalagyan ni Mama. Agad ko itong sinara at napahilamos sa sink. Nabuhayan naman ako sa lamig ng tubig. Pagkaangat ko ay doon ko tinignan ang sarili ko. Napansin ko ang pagod kong mga mata.
Paubos na yung ipon sa account ni Mama tapos kailangan niya pa palang magstay rito. Panigurado, malaki ang bill niya.
Dapat di niya malaman ’to. Ayaw ko siyang panghinaan ng loob. Baka hindi niya tulungan ang sarili niya.
Naitukod ko ang dala kong kamay sa sink at napabuntong-hininga. "Kaya niyo 'to, Eiron...Kaya mo 'to. S-sweldo ka na sa susunod."
Naiisip ko tuloy magpart-time job. Hindi pa rin sapat ’yung 25k na sweldo kay Mama. Napahawak ako sa labi ko at ginulo ang buhok ko.
Kahit pagod ay binantayan ko si Mama. Nanatili akong gising that time dahil baka may mangyari na naman sa kaniya lalo pa't minomonitor pa rin siya ng doktor.
"May insurance ba ang mama mo?" tanong ni Doc ng kausapin ko siya. Mag a-alas tres na ng umaga.
Umiling ako. "Wala pa po eh."
"Nako, hindi mo rin pala magagamit 'yun since naadmitt na ang mama mo. Pero may alam kong makakatulong sa inyo, kaso it will take a time and maraming requirements," ani doc bago ibigay sa akin ang isang papel. "Eto, sa government 'yan. Kailangan mo lang pumila ng maaga kasi mahaba ng pila diyan."
Tumango ako at tinignan 'yun. "S-salamat po."
"You're welcome. Sana maapprove kayo para wala ka ng iisipin kung hindi ang medications ni mother."
Hindi na ako sumagot habang iniisip 'yung mangyayari. Kahit inaantok ay finill-out-an ko 'yun at binasa ang mga kailangang gawin at dalhin.
"Aling Gina, aalis po muna ako," sabi ko sa matanda ng magising ito.
Kumunot ang noo niya. "Saan ang punta mo? Anong oras palang ah?"
"May kukunin lang ho ako sa bahay at lalakarin. Baka abutin na ako ng liwanag kaya didiretso na rin po akong pasok sa Harvey," pagpapaalam ko. Tinignan ko si Mama at ngumiti ng mapait.
"Sige na anak, alam kong mahalaga 'yan. Kaya hala sige. Lumakad ka na. Ako na ang bahala sa mama mo," aniya. Tahimik naman akong lumabas at sinarhan ang pintuan. Habang papalayo ako sa hospital ay kinakabahan ako at umaasang may himalang mangyayari.
Pero wala, nakita ko na lang ang sarili ko na nakapila rito sa sinasabi ni doc. Medyo may kahabaan na rin ang pila kahit alas-singko na rin ng umaga.
"Umayos nga kayo ng pila!!" sigaw ng isa sa mga nagtatrabaho roon. Napailing na lang ako at nagsuot ng earphones.
Naiirita ako dahil umagang-umaga ay puro mura at sigawa ang naririnig ko. Nakakarindi ’yun sa tainga.
Ngalay, antok at pagod ang hinarap ko sa pilang ’yun. Halos abutin din ako ng 2-3 oras dahil sa bagal ng usad doon. Mabuti na lang ngayon at isa na lang ang kailangan bago ang turn ko. Napatingin ako sa orasan ko.
"Sh*t...." mura ko dahil 5 minuto na lang pala at mag aalas-otso na. Napapadyak naman ako dahil sa kaba at kakaisip na baka mamiss ko ang unang klase.
"Next!" sigaw ng nasa counter. Agad kong binigay ang documents ni Mama habang kinakabahan ako. Napailing ito.
"Nakakapag-aral ka sa Harvey pero nandito ka?" tanong niya. Napakunot ang noo ko.
"Scholar po ako," sabi ko naman kahit medyo na offend sa na narinig.
Hindi naman lahat ng nandoon, mayaman.
"Sigurado ka? Marami na kasing nagpanggap dito na—"
"Hindi ho ako pipila sa napakahabang pila na 'to kung manloloko lang ako," pagputol ko sa kaniya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napatahimik siya.
"Babalitaan ka na lang namin kung sakaling approve na 'to o hindi. Sige na, next!"
Napapikit ako at dali-daling umalis doon. Hindi ko na tinignan ang orasan dahil lalo lang akong matataranta. Ilang minuto siguro at dahil na rin sa medyo maraming tao ay nalate pa rin ako. Sa pagtakbo ko nga papuntang room ay humampas sa mukha ko ang isang flyer na agad kong kinuha at hindi pinansin.
"You're late!" saad ng professor namin. Strict nga raw ito dahil major subject ang hawak. Nakita ko naman ang pagtataka sa mga mukha nila Yoseff habang si Yuri ay tinignan ako pero agad na umiwas ng magtama ang mga mata namin.
"S-sorry, sir. May—"
"I don't need your excuses. Tandaan mo, makatatlo ka lang na late ay ipapatawag ka na sa dean's office!" aniya. Tumango na lang ako habang hiyang-hiya at bagsak ang mga balikat na pumasok sa loob. Hinayaan ko lang 'yun pati na rin ang tingin nila sa akin.
"Huy, hindi ka nagsasabi sa text. Dapat pinagpaalam kita," sabi ni Luigi.
"Ayos lang," tipid kong sagot at itinabi ang hawak na flyers. Sinubukan kong magfocus this time. Inaantok at papikit-pikit man ay nilalabanan ko 'yun. Dinadaan ko sa mahinang sampal at kurot para manatili akong gising
Sa pagtingin ko sa kaliwa ko’y nahuli ko si Yuri na tintignan ako. Pero agad din siyang nagpanggap na hindi ako nakita. Ano na naman?
Hindi ko na lang siya pinansin at nanatiling matatag ako hanggang sumapit ang ikatlong subject.
“Anyway, I would like to ask if may interested ba rito sa inyo na sumali sa varsity team? Let me know lang dahil may practice mamaya, consider it as your try out,” ani prof. Nilabas ko naman ang flyer para sana itapon at lukutin pero nakita ko ’yun at about din sa basketball.
Bigla akong may narealize…
“Sir!” tawag ko sa P.E professor namin matapos ang klase niya. Mabilis akong humabol sa kaniya.
“Yes, Mr. Villaflor?”
Binigay ko sa kaniya ang flyer. “A-ahh gusto ko lang pong tanungin kung…possible po bang makapasok ako rito for my scholarship?”
Tinignan niya ako ng mabuti at kinuha ang flyer sa kamay ko. “You sure? Follow me.”
Sinundan ko naman siya habang kinakabahan. Kakapalan ko na lang ang mukha ko dahil alam kong makakatulong ’to sa amin.
“Upon checking, yes. Pwede kang sumali as part of being a scholar. Meaning, maglalaro ka for Harvey while having scholarship. Based naman sa status mo, since may half ka ng scholarship sa university as one of the smartest students…magiging full na ito. Just please make sure na mamanage mo ang dalawang ’to ng sabay ah. Dahil kung hindi, matatanggalan ka,” saad ng admin ng Harvey.
Napalunok ako. “Noted po.”
“Alright, you may proceed na sa basketball court later and kausapin mo ang coach so he will understand, ok?” dagdag pa nito. Tila gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano.
Hindi naman masama siguro kung susubukan ko ano? Naglalaro naman ako ng basketball dati. Nanonood pa nga si Drip sa akin pero hindi nga lang sa liga. More on laro lang talaga.
Kinakabahan man pero hinarap ko ang coach ng Black Wolves. Nasa gym na siya kasama ng ibang members nito. Napatingin sa akin ’yung kuya-kuyahan ni Drip na si Eros. Masama ang titig nito na hindi ko naman pinansin.
“Oh, ikaw na ba ’yung magta try out?” tanong nito habang nakacross arms. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago pumito.
“Alright, Wolves. Let’s have a play! And you…hmmm Villaflor, let me see your potential. Ayokong iiyak ka sa court, malinawag?!” matapang na tanong niya na ikinatango ko. Napansin niya siguro sa ID ko ang apelyido ko.
Suot ko ang jersey ng player na umalis sa team nila. Binigay sa akin ’yun ng prof ko kaya agad kong naisuot kanina bago ako magpunta rito.
“Hubarin mo na ang ID mo at ilapag mo na ang bag mo sa bench, bilis!” utos agad ni Coach.
“Kyahhh! Go Eiron! Go Eros!” sigaw ng pamilyar na boses. Si Dice.
Teka, nandito sila?! Paano nila nalaman?
Umandar ang mata ko sa ibabang benches, nandito si… Yuri ..? Kasama sina Rafael at ’yung mga kaibigan niya pa?
Anong kalokohan na naman ang naiisip nila? Please lang, h’wag sana ngayon.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang laro. Kinakain ako ng takot na mapahiya, kaba na baka mabigo ko ang admin at si Mama.
Pero kailangan kong manalo, kailangan ko ’to para wala na akong masyadong babayaran pa.
Yuri’s Point of View
NAPATINGIN ako sa upuan ni Eiron noong wala pa siya. Bigla kong naisip kung aabsent siya ngayon? If ever, baka dahil sa sinabi ko kahapon?
Aish…no way, stop being guilty, Yuri…
Pero dapat lang hindi ba? I hate to admit pero yes, dapat lang. Nadala ako sa ng sobrang inis ko sa kaniya. Akala ko kasi sobrang OA niya lang talaga sa 80 na ’yan. Pati na rin sa nasabihan ko siya ng mukhang pera.
I did cross the line.
Natauhan din ako sa sampal niya… parang may kung ano sa akin na gumising. Bigla akong kinain ng awa at konsensiya.
I also appreciate his effort na dalhin ako sa hotel. Hindi niya ako pinabayaan na magpagala-gala. Kahit kinikilabutan ako sa pagpapasalamat ko eh, I think he deserved naman.
“H’wag mong sabihing miss mo?” biglang sabi ni Rafael sa akin. Nagtaas-baba pa ang kilay niya kaya inambahan ko.
"Miss? Who? The heck?" sabi ko sabay tingin sa harapan.
"Sino pa? Edi 'yung asawa—ouch!" daing niya ng pitikin ko ang tainga niya.
Kahapon pa 'yan. Asar ng asar sa akin dahil sinampal ako ni Eiron, Daig pa raw namin ang nag a-acting. Mukha raw kasi akong nagcheat na boyfriend sa girlfriend ko.
Ampota.
"No, ew dude! Lalaki si Eiron atsaka—-just ew! Stop it please!" saway ko habang hinihamas ang dalawa kong braso na parang kinikilabutan.
"But seriously, bakit bigla kang umamo sa kaniya? Hindi ka naman ganyan sa kahit na sino ah?" ani Logan sabay ngisi. "Mukhang nadominate ka ni Eiron ah?"
Ano?! No way! No fvcking way!
“Stop talking about him! Alright?” saway ko sa kanila at sinuot ang headphones ko dahil naiingayan ako sa kanila. Bastards…
Sakto namang dumating ang strict naming professor. Aura niya pa lang parang nakakakaba na. But, ako? No way! Mukha lang siyang ganyan pero for sure, babara-bara lang din pagdating ng ilang sessions.
"Good Morning," seryosong bati nito. Napatingin naman ako sa upuan ni Eiron.
Wala pa siya? Gosh, sinong magte-take ng notes at makikinig? Ugh!
Ilang minuto naman na tumingin sa index cards namin ’yung professor habang tila tinitignan ang mag itsura ng bawat isa.
“Who’s absent?” tanong niya agad. Nagsilingunan naman ang mga kaklase ko. Yung mga kaibigan ni Eiron naman ay tila tumitingin sa phone nila.
Hindi ko alam kung bakit kinuha ko rin ang akin. Wala akong phone number niya pero I did look at his facebook account na mukhang hindi naman nagagalaw. I added him and requested a message.
[8:12 AM] Yuri Quintin: “Where are you? You’re cooked! Absent ka na ata! Walang makakapagtake ng notes at makakaintindi ng discussion for later.”
Agad kong pinatay ang cellphone ko dahil nagsimula ng magdiscuss sa harapan ang prof. Sa pananalita niya palang, kahit wala siyang slide or what ay parang saulo na niya ang topic.
Bigla naman kaming napatingin sa pintuan noong may narinig kami tila hinihingal. Napansin ko si Eiron,
he looks messed up.
Nagtama ang mata namin na agad kong iniwasan. I don’t know. I’ve just hated it since yesterday. It’s frustrating not knowing what’s going on.
Sinabunan naman si Eiron ng prof namin, which makes me… annoyed? Or baka naiinis lang ako kasi hindi naman late ng 30 minutes pero kung makapagpahiya.
"Napaka-OA," bulong ko habang tintignan si Prof. Pero agad na nag move on ang lahat. Napapansin ko naman na tila hindi mapakali si Eiron.
Ano bang mayroon sa kaniya kaya ako napapatingin? Ptangna, chismoso na ba ako ngayon?
Agad ko ring inilayo ’yun noong lingunin niya ako. Kaya sinubukan ko talagang hindi na siya pansinin. Ayoko na rin munang istorbohin ang sarili ko sa kaniya. Maiinis lang ako at malilito eh.
Pero naputol 'yun noong mag announce ang P.E teacher namin at inilabas ni Eiron ang isang papel. Hindi ko sinasadyang mabasa roon ang nakalagay.
Sasali siya ng basketball? Akala ko pa naman hindi siya mahilig doon Since he’s kind of a low-key nerd, even without glasses
What the heck? Ano ba ’tong iniisip ko? Ano bang pake ko?
Noong matapos ang class, I saw him running towards our prof. Hindi naman siya nakita ng mga kaibigan niya.
"Hoyy nasaan na si Eiron?" tanong nung Dice.
"Nandito, nagkakape," ani Rafael sabay pakita ng middle finger niya. Inirapan lang siya ni Dice.
"May tryout siya," sabi ko. Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nung tatlong kaibigan ni Eiron. Umalis na lang ako bago pa sila magtanong.
"Bro! Paano mo nalamang may tryout siya?" tanong ni Simone sa akin.
Hindi nga nagtanong sila Dice, pero etong mga ’to naman.
"I just feel it. Hinabol niya si prof eh," palusot ko sabay kibit balikat na umupo sa malapit na bench. Napansin ko naman ang grupo ng varsities na papunta sa gymnasium.
"Oh...nandiyan pa pala 'yang Lance at Brix na 'yan?" tanong ni Rafael sabay apak ng kaliwang paa niya sa bench.
"Hmmm?" tanong ko.
"Wala, muntik ko na kasi makasapakan 'yan sila eh. Inagaw ba naman sa akin si Mitzi?" mayabang na sagot ni Rafael.
"Dude, Mitzi rejected you. Kaya anong inaagaw nila sa'yo?" ani Logan. Agad na natawa si Simone sa narinig. Namula naman si Rafael sa inis. Habang ako, pinapanood si Eiron na tumakbo papunta sa gym. May nagsabi sa loob-loob ko na panoorin siya maglaro. Tumayo ako sa kinauupuan ko.
Why? To make him fun? Yeah? Right…right…
“Saan punta mo?” tanong ni Simone sa akin.
"To watch him," sabi ko. Nagkatinginan sila pero agad ding sumunod. Pagpasok namin ay kausap na ni Eiron 'yung coach. Nauna rin ang mga kaibigan niya rito dahil nakatingin ang mga ito sa amin.
"Look at Eros, ang sama makatitig kay Eiron," sabi ni Logan. "Balita ko, magkakilala 'yan sila eh?"
"How? Mukhang magkaaway ah? Baka magkasapakan 'yan dito," ani Rafael na tila naeexcite.
Nagkibit balikat si Logan. "I just heard na may mutual silang kakilala. Ewan. Basta nahagilap ko doon sa kaclub namin na si Adrian."
"Wow, dakilang chismoso ka na rin pala ah!" ani Simone.
Tumingin si Eiron sa direksyon ng mga kaibigan niya. Narinig ko pa nga na chineer siya ni Dice. Noon namang magtagpo ang mga mata namin ay umiwas ito at agad na sumali sa mga players.
Sa una, halatang kinakabahan siya. But he's good at chasing the ball. Parang alam niya nga ang route at mga diskarte eh. Binabantayan tuloy siya nung Eros at Brix.
So I guess he’s not just a nerd. He’s just hiding that side of himself. I don’t know why. Somehow, I’m the one who feels like it’s such a waste. I wonder, ano pa bang tinatago ng Eiron na ’to?
“Gooo!!” sigaw nila Rafael. Nakay Eiron pala ang bola at kalaban niya ’yung Eros. Mukhang mainit ’yung labanan nila tapos parang may sinasabi pa ’yung Eros.
I’m also wondering, bakit ganoon kagalit ’yung Eros sa kaniya? Hindi ba dapat, ako lang?
“Bro! He’s good!” ani Rafael. T*ngina, naging super fan pa ’to sila. Dapat pala hindi ko na sila sinama eh. Ang usapan, tatawanan ko lang siya.
“Tatawanan nga natin siya kapag nagkamali eh!” bulong ko sa kanila.
"But, he's good...and I thought kaya ka nagpunta rito kasi susuportahan mo siya?" ani Simone. Sinamaan ko siya ng tingin at napatingin kay Eiron.
Pawis na pawis ito. Hinihingal siya at nakahawak sa jersey niya. Bahagya niyang inangat ang jersey sa ibaba at pinunasan ang pawis sa noo.
Lalaking-lalaki siya tingnan sa ganoon. He’s that guy na attractive kahit mukhang pagod. Tapos napansin ko na may abs din siya pero hindi ganoon kahalata, kung hindi lang nagrereflect ang pawis niya sa liwanag, hindi ’yun makikita. Napalunok ako. Man…
What?! Ano ba ’tong nakikita ko?!
He looked at me and dinidilaan ang ibabang labi kaya napalunok akong muli. Iniwasan ko ang mga mata niya bago siya bumalik sa paglalaro.
Sa hindi inaasahan, hawak naman niya ang bola at kaharap si Eros. Balak niya itong isahan pero parang hindi niya napansin 'yung balance kaya nadapa siya kasama 'yung pagbitaw niya sa bola. Napakunot ang noo ko.
The heck…bakit hindi ako natatawa?
Pumito ’yung coach at pinatayo si Eiron. Tila matatawa na si Eros sa kaniya pero dinedma na niya lang ito. Pero bagsak ang balikat niya.
"Villaflor!" tawag ni coach sa kaniya. Lumapit naman ito at tila kinausap. Hindi ko na tinapos 'yun at lumabas na dahil naguguluhan lang ako sa sarili ko.
"Kanina ka pa tulala ah, anong nangyayari sa'yo?" usisa ni Rafael. "Alam mo, kulang lang 'yan sa babae eh. Tara na lang mamaya."
Napailing ako. "Not in the mood."
"What?!!!" sigaw ni Rafael. Kinapa pa niya ang leeg ko. "Are you ok? D*mn, hindi ikaw si Yuri!!!"
Kumunot ang noo ko. "Just go without me."
"At bakit ha? May iba ka bang tatrabauhin?" ani Simone sabay ngisi.
"I'm not in the mood, that's it..." sabi ko.
I wanna lay down later. Parang ewan ko ba kung bakit. I need to make space for myself.
Syempre, hindi para isipin ko ’yung mga nangyari kanina…hindi ko na dapat talaga iniisip ’yun eh. But, what the fvck was that?
“Huy!” tapik sa akin ni Logan.
"What? Again?" sabi ko na lang ng matauhan.
“Sabi ko, tara na. Tambay tayo sa club? May billiards and other games doon eh,” pag ulit ni Logan. Tumango na lang ako.
Akala ko makakalimutan ko na nga ’yun eh. But it occupied my mind most of the time. Kaya ako eto, nakatulala sa sofa chair habang hawak ko ang lata ng soda na paubos na.
My phone suddenly rings. I grab it and look at the notification. Eiron accepted my friend request. I don’t even know why I sent him one.
Inaccept din niya ang message request ko.
[12:45 PM] Eiron Villaflor: “Hindi ka na naman ba nakinig?”
I turned off my cellphone and looked somewhere. Ang daming weird talaga lately. Napailing na lang ako. Noong pagbalik namin for another 2 classes for this afternoon, hindi ko na pinansin si Eiron. Pero tinitignan ko pa rin siya kahit kaunti, mukhang pagod talaga siya dahil napapapikit pa siya.
“May session tayo ah,” aniya sabay tayo at kuha ng bag.
“Can we move it tomorrow?” tanong ko sa malamig na boses.
“Hindi, ano bang sinabi ko? Atsaka napag usapan na ’yun kahapon ’di ba? Wala na nga rin tayong ginawa n’un,” sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng awkwardness. “Hintayin mo na ako dahil—”
Napairap ako sa hangin. “Fine! Pero magcommute ka.”
“Ano—”
“May kailangan pa akong puntahan. Alam mo naman na ang bahay namin eh,” sabi ko sabay alis agad. Miski mga kaibigan ko ay hindi ako sinundan.
Pagkasakay sa kotse ay napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan. “What a weird day…”
Mabilis naman akong nakauwi at hindi naabutan doon ang mga taong ayaw kong makita. I put down my bag and took off my clothes.
Pagpasok ko sa shower ay agad kong pinihit ang switch. Doon dumampi ang malamig na tubig sa katawan ko. I sighed deeply dahil sa dala nitong ease sa katawan.
As soon as I closed my eyes, Eiron suddenly came to mind again. The way he wiped the sweat from his face and the way he licked his lower lip kept replaying in my head. T*ngina!
I immediately opened my eyes. Itinukod ko ang mga kamay sa wall ng shower habang nakatingin sa ibaba.
Bigla naman sumulpot sa dibdib ko ang guilt, dahil naiisip ko na pagod na nga siya tapos hindi ko pa sinabay.
Aish! Stop it! Kung isasabay ko siya, edi maalala ko ’yun?! Napakaawkward nu’n!
I turned off the switch and binalot ng towel ang lower body ko. Nang lumabas ay dumiretso ako sa 3rd floor kung saan ang kwarto ko.
Actually, this is the attic of this house. Ginawa ko lang na kwarto because I want to have my own floor. Wala namang ibang kwarto rito kung hindi ’yung akin kaya napaka peaceful. I have my own specific lock naman kaya wala ring nakakapasok dito.
Pag akyat ko ay napansin ko agad ang siwang ng pintuan. Kinabahan ako. Dumagundong ang puso ko sa dibdib. What the heck? Sinara ko ’to ah?
Pagpasok ko ay naabutan ko si… Eiron?
"What the fvck are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Nagulat siya sa akin at agad na hinarap ako. Natulala siya at agad na iniwasan ang mga tingin ko.
"A-ah...sorry, dito ako tinuro ni Sir Yuan—"
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Yuan? Bakit siya nagmamarunong?!"
"Hindi mo kailangang magalit sa kaniya, Yuri. Hindi ko kasi mabuksan 'yung study room," sabi niya. "Pinapasok niya rin ako rito. Sorry."
Nang marinig ko ang salitang "Sorry" ay natigilan ako. Napatingin na lang sa paligid at nakaramdam ng hiya.
"Lumabas ka na. Hintayin mo na lang ako sa study room," walang gana kong sabi ko.
Hindi naman siya nagsalita at lumabas na. Agad kong sinarhan ang pintuan matapos 'yun.
D*mn it! Ayoko sa lahat ay ’yung may nakakapasok sa kwarto ko eh!
Ilang minuto akong nanatili tuloy roon. I just wore a black sando and red shorts dahil tinatamad ako. Pagpunta ko sa study room ay napansin ko ang katahimikan doon. Noong makita ko si Eiron ay nakasandal ito sa swivel chair at nakatulog na.
I look at his face. Ang ganda ng pilik-mata niya. Napaka inosente tingnan ng mukha niya. Napaka sexy rin tingnan ng jawline niya.
Napansin ko na pala ’yun noon pero parang di naman nakakasawa—
I shrugged my shoulders para matigil ’yung iniisip ko. Ayan ka na namn eh . “Gising.”
Agad namang dumilat ang inaantok niyang mga mata. "O-ohh, Sorry! Sorry!"
Umupo naman ako sa tabi niya at medyo lumayo ng bahagya. "So, what's our agenda?"
"Tuturuan kita ng lesson kanina at...'yung nag-iisang assignment, gagawin natin 'yun," mahina niyang sabi habang nakatitig ito sa kaniyang notebook.
Napahikab pa siya pero pinigilan niya agad 'to.
He looks tired…really tired.
“Are you sure? We can do it tomorrow,” sabi ko ng may malamig na boses.
"Kaya ko," tipid niyang sabi.
"You're not," pilit ko sa kaniya.
Tigas ng ulo.
“Kaya ko,” pag-ulit niya. “Nakapunta nga ako rito eh.”
I bit my lower lips. "How? Marami ka bang sinakyan?"
"Si Yuan," sabi niya uli ng tipid. Parang wala siyang gana.
Huh? Teka…
Literal na nanlaki ang mga mata ko. "You what?!"
"Sinabay ako ng kapatid mo," inaantok niyang sabi. "Simulan na natin 'to."
Sinabay? That d*mn fvcking bastard? Ano na naman ang balak niya at tila sumisipsip siya?
“Sa susunod, h’wag ka na sumama roon. Masama ugali ng lalaking ’yun,” sabi ko habang naiiling.
"Sinabay niya lang ako," tipid na naman niyang sabi.
"Kahit na. Masama uga—"
"Hindi mo nga ako hinintay 'di ba? Sa akala mo, madaling mag commute dito?" tanong niya na ikinatingin ko sa kaniya.
And the guilt flows into my chest…again.
What the fvck is wrong with me?
Itutuloy…
Desire 8
Desire 8: Problematic
Eiron’s Point of View
Nagtataka ako kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ni Yuri nang dahil sinabay lang ako ni Sir Yuan. Nagagalit siya sa akin, eh hindi nga niya ako sinabay?
“Why are you so mad about it? Ang awkward kasi,” aniya. Hindi ko alam kung papansinin ko pa siya o hindi dahil medyo masakit ang katawan ko sa basketball at puyat.
“Hindi ako galit, ikaw ang nagagalit,” pagdidiin ko sa mahinahong boses.
“Well, nakakagalit naman talaga si Yuan. Pakielemero siya lagi!” aniya. Hindi pa talaga siya tapos?
“So, ’yung ginawa mo, hindi ba nakakagalit ’yun? Ikaw ang may kotse pero ikaw ’tong nang iwan sa ating dalawa? Pero, kaya ko naman eh. H’wag kang mag-alala, hindi na ako sasakay kahit sa kotse ng kapatid mo, o kanino pa mang mga tao na konektado sa’yo. Kayang-kaya kong magcommute,” sabi ko nalang. Nakita ko siya napatigil sa ginagawa. Sinubukan niyang sumulyap sa akin pero nahuli niya ang mga mata kong nakabantay sa kaniya.
Hindi kami nagsalita ng ilang minuto dahilan para mas lalo kong maramdaman ang panghahapo ng katawan ko. Nilalabanan ko nga ang antok eh pero parang mananalo na ito ngayon kaya napahilamos ako ng mukha.
“So… did you actually make the basketball team?” tanong niya na tila may kakaiba sa boses niya. Sarkastiko.
“Oo naman, nandoon ka nga pala kanina ah? Bakit mo naisipang panoorin ako?” curios ko naman tanong. Para kami nagpaplastikan lang talaga dito eh.
“Para panoorin ka paano madapa? Para mapagtawanan ka…you know? You’re my entertainment,” asar niya sabay ngisi sa akin. Ngumisi rin ako ng tamad dahil wala akong lakas pa makipagsabayan sa kaniya.
“Ah talaga? Kumusta naman? Humanga ka ba sa akin?”
“No!” asik niya. “Your gameplay sucks!”
“Ah talaga ba? Kasi nagchi-cheer ’yung mga kaibigan mo sa akin eh? Baka nga fan ko na rin sila. Ikaw ba? Bakit ayaw mo pang aminin na magaling ako?” asar ko muli pabalik. Nakita ko siyang distracted kaya binigay ko sa kaniya ang papel na ginawa ko para maintindihan niya ang lesson kanina.
“Fan? Pfft! You’re funny, huh? They’re just ignorant. Mukhang mas magaling pa sa’yo ’yung Eros,” sabi nito na ikinatawa ko.
“Bakit hindi ka maglaro? Nang makita mo kung sinong magaling talaga? Well, matagal na rin siyang naglalaro kaya magaling, pero parehas lang kami. Humanga nga ’yung coach sa akin kasi kaya kong pantayan si Eros,” sabi ko pa uli. “Natulala ka nga kanina ’di ba? Kitang-kita ko titig mo eh.”
Nakita ko siyang natigilan muli habang nakakunot ang noo sa akin. Yung mga mata niya parang… gulat na gulat na may halong inis?
Hinarap ko siya. “Ano? Aamin ka na ba?”
“Fvck it! No! W-why would I? Huh? A-are you teasing me?!” pagtanggi niya sa sinasabi ko. Halatang-halata ang g*go eh?
“Hindi pa ba? Umamin ka na nga kasi,” pang-aasar ko pa. Tinakpan niya pa ang tainga niya sa inis sa akin.
“Stop! Stop! Stop!” sigaw niya na ikinatawa ko. Kinuha ko ang notebook niya.
“Ok na ’to,” sabi ko sa kaniya sabay kuha ng bag ko. “Yan lang naman ang gagawin. Aalis na ako.”
Kinuha ko ang bag ko sabay tayo. Pero tumayo rin siya at hinarap ako. Ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Nakita ko rito ang kaseryosohan niya habang tinitignan ako mula mata pababa sa baba ko. Nagtataka man pero hindi ako nagtanong dahil nakakapagod. Hindi naman niya ako sasagutin ng maayos panigurado.
“You’d better not tell anyone what you saw in my room,” bulong niya na tila nagbabanta pa. Pinanliitan niya ako ng mukha.
Ah, oo. Nakita ko kasi sa kwarto nito ’na puno ’yun ng mga Marvel and DC Heroes na figurines. Mukhang mga original at mamahalin at nakalagay pa sa salaming container. May comforter pa siyang spiderman at kulay asul na pader habang may mga drawings doon ng mga iba’t-ibang klase pa ng heroes.
Ano namang nakakahiya roon? Marami akong nakilala na ganoon din ang collection at hanggang ngayon ay hilig pa rin nila.
“Paano naman kung ayaw ko?” taas-kilay kong tanong sa kaniya. Naglikot ng mabagal ang mga mata niya. Nagpalipat-lipat ’yun sa dalawa kong mata habang dahan-dahang kumukunot ang noo niya.
“Then, get ready, because I’m about to do something you’ll regret,” banta niya uli. Inilapit niya pa ang sarili pero pinigilan ko siya. Idinikit ko ang kamay ko sa kaniyang dibdib.
“Wala naman akong pakielam sa kwarto mo. Kaya h’wag kang mag-alala, walang kakalat,” sabi ko. “Alis na ako.”
“Edi umalis ka,” sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko na siya nilingon pa at tuluyang umalis sa bahay nila. Napakamoody na naman ng Yuri na ’yun.
MAKALIPAS ang ilang araw ay ganoon pa rin naman ang buhay. Si Mama, nasa hospital pa rin pero paayos na siya ng paayos. Kinakabahan man ako pero alam kong hindi siya pababayaan ni Aling Gina at ng mga doktor. Pero hindi pa rin ako mapakali. Kaya kahit ilang beses na akong walang tulog para lang siya mabantayan, ayos lang. Pakiramdam ko kasi naglalakad ako sa manipis na sinulid, na kapag naputol ’yun, pwedeng may mangyaring masama kay Mama anumang oras.
Hindi ko rin tinantanan ang chapel sa loob ng hospital dahil alam ko, roon na lang makakakapit. Sa kaniya lang din ako aasa na hindi pa oras ng mama ko, na hindi pa siya mawawala sa akin.
Napasandal ako sa locker habang iniisip ’yun. Bigla naman akong tinapik sa balikat ni Lance.
“Eiron, pre! Tara na! Tawag na tayo ni Coach!” aniya sabay ngiti sa akin.
Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako rito habang ang paalam ko lang ay iinom ng tubig. “S-sorry! Sige, susunod na ako!”
“Ayos ka lang ba? H’wag mo na lang pansinin si Eros, malakas kasi ang topak niyan,” saad niya pa sabay patong ng kaliwang paa sa bench at sinintas ang sapatos. “Masyado lang salbahe pero hindi ka naman gagalawin nu’n. Kaming bahala kapag pinagtripan ka uli.”
Ngumiti ako ng tipid. “Kaya ko naman siya. Pero salamat sa offer.”
“Sige pre!” aniya sabay masiglang lumabas ng locker room. Napatingin ako sa kaniya at saktong tumunog naman ang cellphone ko kaya agad ko ’yung sinagot.
Napansin ko agad ang caller name, si Aling Gina.
Kinakabahan man pero nilakasan ko ang loob ko. “A-ah hello, Aling Gina?”
Narinig ko siyang napabuntong-hininga. “Pasensiya ka na anak ha? Ayokong istorbohin ka sa laro mo pero gusto ko lang iupdate sa’yo na nagkaroon uli ng problema sa Mama mo kaya sabi ng doktor baka magtagal pa siya rito sa ospital,” sabi nito na nagpatibok sa puso ko dahil sa takot.
Tangina, h’wag naman sana ’yung nandito ako sa school…
“K-kumusta po siya?! Uuwi ho ako agad pagkatapos nitong practice namin!” sagot ko habang natataranta.
“Huminahon ka, Eiron. Ayaw ng mama mo na ipaalam ko sa’yo ’to. Atsaka ayos na siya ngayon. Binalitaan lang kasi kita para hindi ka na magulat mamaya. Basta, magfocus ka muna diyan. Tulog naman na ang mama mo, nagpapahinga. H’wag ka na mag-alala,” sabi nito.
“Eiron!” sigaw ng ilang kasama ko kaya agad akong napatingin doon.
“Oh siya, sige! Basta ha? Huminahon ka mamaya, maliwanag? Ayaw nating maiistress ang mama mo,” ani Aling Gina.
“S-sige po…” ang medyo natatakot kong sagot bago ibaba ang tawag. Naglakad ako ng parang wala sa sarili habang sinusubukang tumakbo papunta sa teammates ko.
“Kanina pa kita tinawag ah? Ayos ka lang ba? Tinatamad ka bang maglaro, Villaflor?” tanong ni coach. Naiinis itong tumingin sa akin.
“P-pasensiya na, coach,” ang sabi ko na lang at tumingin sa mga nanonood. Nandoon pala ang mga kaibigan ko at…sila Yuri uli.
Kung maasar siya…please, h’wag ngayon.
Bago mag-umpisa ang laban namin, doon ko napansin sina Drip at ang mga kaibigan niya. Napangiti ako at kahit papaano ay gumaan lalo ang pakiramdam dahil nandito ang kapatid ko.
Noong maglalaro na, kakaiba si Eros. Parang ayaw niya talagang malamangan dahil sa mga galaw nito. Pero hindi ako nagpadaig, dapat talaga sa kaniya maturuan ng leksyon eh!
“See? You’re afraid of me, Eiron. Sumuko ka na kasi,” ani Eros habang binabantayan ako.
Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood. Natatakot at kinakabahan pa rin ako para kay mama. Baka kung anong mangyari sa kaniya habang wala ako sa tabi niya.
Noong mapunta sa amin ang bola ay agad na ipinasa ito ng ka-team ko sa akin. Kitang-kita ko naman na nag-aabang si Eros para makuha ang bola muli mula sa amin. Doon ko naisip ang bagay na pagsisisihan niya. Pinakitaan ko na lang si Eros dahil sa ginawa kong pag salampak.
“Go, Kuya Eiron!” sigaw ni Drip. Hindi ko pinansin si Eros at napatingin kay Drip. Nginitian ko siya at nagfocus na lang sa laban. Pakiramdam ko naman, naiinis na siya at napahiya dahil sa pagmamayabang niya.
Dahil doon, nakita ko kung gaano naging ka-wild sa court si Eros kaya talagang kinuha ko ang bola at ipinasa ’yun sa kakampi ko, sa paraang hindi makukuha ’yun ni Eros at ng kalabang team.
Tumingin siya ng pikon sa akin at sinubukan pa rin ’yung kunin bago tumakbo papunta sa court nila. Agad ko siyang hinabol para depensahan ang bola. Ngunit dahil sa pwesto ko, badshot ang gagawin niya.
Sa sobrang lutang ko ay hindi ko napansin ’yun agad. Narealize ko na lang din ’yun nung bumagsak siya. Tumama ang ulo at likod niya sa sahig.
Bigla akong natulala. Hindi…
“Kuya!” sigaw ni Drip habang ako kinakain ng konsensiya ko habang nakikita ko siyang dumadaing.
Kaagad siyang nilapitan ng mga teammates ko at kaibigan niya. Tumawag din sila ng tulong.
“C-coach, s-sorry,” sabi ko pero tinanguhan niya lang ako.
“Sorry Drip, h-hindi ko sinsadyang—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng lingunin niya ako. Tumango siya at walang makikitang anumang galit. Pero may pag-aalala at takot sa ekspresyon niya.
“H-hindi mo kasalanan, Kuya,” sabi nito. Naramdaman ko naman ang isang kamay na tumatapik sa balikat ko.
“S-sorry…” sabi ko sa mga kaibigan niya. Napansin ko naman ang paglapit nina Dice sa akin habang nanatiling nakatitig ang grupo ni Yuri sa kin.
“Naku, malaki ang gagastusin mo, idedemanda ka pa ng magulang ni Eros. Kilala ko pa naman ’yung mga ’yun,” saad ng isa kong ka-team.
“Hey! Stop it! You’re not helping, guys!” saway sa kaniya ni Adrian.
“Bakit? Totoo naman ah? Tingnan mo, matatanggal ’yang scholarship mo ni Eiron,” sabat pa ng isa kaya nagsitawanan na naman sila.
“Hoy ano ba kayo?! Angas niyo ah?” sabat din ni Lance pero mas inasar pa nila ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Parang nag-iinit ako sa sobrang galit.
Itinulak ko ang isa sa mga nang-aasar sa akin. “Wala akong ginagawang masama sa inyo!”
Nagulat naman sila. “Woah woah! We’re just joking!” saad naman ng isa.
“Parang hindi ka naman mabiro, Eiron—”
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pipiliin niyo ang lolokohin niyo! Hindi tayo close para biruin niyo ko ng ganyan!"
Hindi ko na kinaya ang emosyon ko kaya agad akong umalis sa lugar na 'yun. Sumisikip ang dibdib ko habang naghahalo ang nasa utak ko. Konsensiya, takot, kaba, pagkalito at tila pagkaburnout. Napasandal ako sa pader sa likod ng gymnasium noong mahimasmasan ako. Napaupo pa ako habang nakahawak ng mahigpit sa jersey ko, sa bandang dibdib dahil sumasakit at sumisikip na naman 'yun.
Ang hirap, ang hirap ng halu-halo ang iniisip mo. Nakakat*ngina.
Makalipas naman ang ilang minuto ay dahan-dahang bumukas ang pintuan kung saan ako lumabas. Nakita ko si Dice, Yoseff at Luigi na tila nagtuturuan pa kung sinong mauuna.
Napabuntong-hininga ako.
“Lumapit na kayo,” sabi ko sa kanila. Nagkatinginan pa ang mga ito.
“Ayos ka lang ba? Mukhang kanina ka pa wala sa sarili,” ani Yoseff sa akin habang tumatabi ang mga ito. Napalunok ako at napatango.
“A-ayos lang ako. Pagod lang siguro sa laro atsaka sa academics,” mahinahon kong sabi. Umihip ang hangin na tila nagpagaan lalo ng nararamdaman ko.
“You know, you can talk to us? Hindi ka nagsasabi ng problema mo. Hindi namin alam kung anong nangyayari sa’yo,” ani Luigi pero umiling ako.
“Ano ba kayo? Pagod lang talaga,” peke pa akong tumawa bago mapakamot sa batok ko. Problema ko ’to, hindi ko dapat sila idamay. “Sorry, nakita niyo pa ’yung side ko na ’yun.”
“Kanina ka pa sorry ng sorry,” sabat ni Dice na parang naiinis. “Wala ka namang kasalanan ah? Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Eros, hindi mo rin kasalanan na nag breakdown ka kanina. Medyo insensitive lang talaga ’yung iba mong ka-team.”
Napatulala ako at napahilamos sa aking mukha.
“Eiron, kung ano man ’yan…nandito lang kami, ok?” dagdag ni Dice. “Mukha lang kaming baliw pero listener kami ’no? Lalo na ako, lagi akong nakikinig ng podcast!”
Napangiti ako. “Wala naman ’to eh. Maliit na bagay. Alam niyo? Mag fishball na lang tayo tutal maaga ang naging uwian, may five pesos pa naman ako rito.”
“Ililibre ka na lang namin,” ani Luigi pero umiling ako.
Tumayo na kami at iniba ko na rin ang topic.
“Hindi ko alam may kapatid pala si Eros?” tanong ni Dice.
Napailing ako. “Ah, oo. Ampon nila ’yun. Tinuturing ko rin na kapatid noon bago siya kunin nung pamilya ni Eros.”
Napatingin sila sa akin.
“Wow…ang swerte niya naman?” ani Luigi.
“Hindi, ulila na rin ’yung kapatid ko na ’yun. Kawawa rin. Mas mabuti na rin ’yung kumpleto uli ang nanay at tatay niya. Mayaman din kaya maibibigay lahat sa kaniya,” sagot ko bago mapabuntong-hininga.
“Miss mo?” tanong ni Dice.
Tumango ako. “Sakto lang. Nagkikita naman kami kahit papaano.”
Natahimik silang saglit hanggang sa makalabas na kami ng Harvey.
“Ayan kasi, binuksan mo pa kasi ’yung topic!” ani Yoseff kay Dice.
Sumimangot naman ito. “Anong ako? Ayan oh, comment ni Luigi!”
Napatingin naman ako sa likuran ko ng makita ko si Yuri kasama ng mga kaibigan niya. Tila inoobserbahan niya ako at may inaabangan mula sa akin.
Akala niya ba magsusumbong ako tungkol sa itsura ng kwarto niya? Ulol, wala ako sa mood. Kaya tigilan niya ako.
Tinitigan ko rin siya pero agad na nakaramdam ng pagkailang. Mabuti na lang at naputol ’yun noong nilampasan niya ako at ng mga kasama niya na hindi ko alam kung concern ba o nang-aasar dahil sa mga titig at bulong ng mga ito.
“Problema nu’n?” tanong ni Yoseff sa amin.
“Ewan, tahimik nga kanina eh. Hindi tumawa si Yuri nung napikon ka. Pero chinicheer ka niyan nila Rafael lalo na nung sumalampak ka,” ani Dice habang kumakain ng kikiam.
“Hmm! Pati si Simone, inaasar si Eros kasi magaling ka raw,” sabat ni Luigi.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala muna akong pakielam sa ngayon. Marami akong dapat na isipin at problemahin.
Noong naglalakad na ako papunta sana sa sakayan ng jeep ay nakatanggap ako ng message mula sa messenger. Binuksan ko ’yun at message ni Yuri ang nakita ko.
[4:31PM] Yuri Quintin: “Later, Eiron.”
Yuri’s Point of View
NAPATINGIN ako kay Eiron noong pumasok siya sa gymnasium. Wala naman akong balak panoorin siya ngayon pero itong tatlo ang may gusto. Ewan ko kung nagayuma na ba sila ng lalaking ’yun. Speaking of that guy, I feel like something’s off with him noong nasa classroom siya. Para pa rin siyang pagod at lutang. Nakakasagot naman siya sa mga prof at maayos naman ang pananalita niya pero hindi maiwasang makita ang eyebags sa ilalim ng mata niya and lagi rin siyang naghihikab.
Minsan nahahawa na nga lang ako.
“Are you gonna waste our time here? Carly is waiting for you, guys,” sabi ko sa kanila noong maupo na kami. Napansin ko naman sa bandang loob si Eiron at nakatulala lang ito sa locker room. Medyo kita kasi ’yun sa pwesto ko.
“Where’s Eiron?” Tanong ni Simone. Hindi ako nagsalita at nanatili akong panoorin siya. He looks exhausted and… occupied . Parang may something talaga sa kaniya.
And why would I be concerned about him?
Maya-maya napansin kong may tumawag sa kaniya. He looks so shocked and worried at the same time. I leaned back at my seat and crossed my arms.
“Nasaan ba si Villaflor?!” tanong nung coach ng Black Wolves.
“Coach, paimportante kasi ’yan eh,” ani nung isa. Napataas ng kilay ko. Parang nakakaselos naman na may nakakaaway na pala siyang iba. Ako lang dapat ’no?
“I don’t want your opinion!” pambabara ng coach sa nagsabi nu’n. Maya-maya ay sumunod naman na si Eiron kaso I saw on his eyes the sadness and fear na hindi mo mababasa agad if you’re not going to focus, or ako lang ang nakapansin?
Bagsak din ang kaniyang balikat at tila walang ganang pumunta sa court.
“Ayan na!!” excited na sabi ni Rafael sa tabi ko. Napatingin pa siya sa mga nanonood, lalo na sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi kahit ilang segundo lang ’yun
What the hell…
Well, he’s playing so aggressively right now pero alam kong malalim pa rin ang iniisip niya. Masyado lang niyang nababalance ang overthinking at ang focus niya sa laro.
Napangisi pa ako noong pakitaan niya ang kalaban ng slam dunk! D*mn! He’s so fvcking awesome! Paano niya nagawa ’yun?
Wait, dapat ’di ba hindi ako humahanga sa kaniya? But, d*mn…aminin ko man o hindi…
Narinig ko pa ang pag chi-cheer sa kaniya ng isang high school student… Wait? Kuya? May kapatid siya?
“Yoo!!!!” sigaw nitong tatlo.
“Ang cool mo, Eiron!!” sigaw ni Rafael sabay nagsasayaw na parang cheerleader pa.
Napapailing naman ako dahil sa kakulitan nila. Tumatawa pa ’yung dalawa dahil pakiramdam nila may maiuuwi silang premyo kapag naging MVP si Eiron kahit practice lang ’to ng team nila.
“Oy!! Cheer ka naman!” ani Simone sa akin.
“No,” tipid ko sabi sa kaniya.
Ngumisi lang siya sa akin at nagpatuloy. Pero ilang saglit pa, nakita namin na bumagsak si Eros which makes me curious dahil natulala si Eiron. Parang he’s guilty.
What? Hindi naman niya kasalanan ah? Or maybe he had too much on his mind at hindi niya lang narerealize na talagang badshot ’yung ginawa ni Eros?
Nakita ko kung paano sila natakot, lalo si Eiron. Lumapit pa nga ang mga kaibigan nito pati ang kaibigan ni Eros pero inasar lang siya ng mga ka-team niya.
Sa sobrang asar ko sa mga sinasabi nila, parang ako mismo ang sasapak sa kanila at magsasabi na dapat ako lang ang aaway sa lalaking ’yan.
Pero looking at Eiron, mukhang hindi na niya kinaya. Tinulak niya ang lalaki at nagkapikunan. Galit na nag walkout ito papunta sa likuran ng gymnasium. Doon nagsisihan ang ibang teammates niya habang sinundan ito ng mga kaibigan niya.
“Oh…” tanging nasabi ni Simone.
“They’re all idiots. Masyadong mga gatong,” ani Logan. “Tara na, lumabas na tayo.”
Hindi ako nakapagsalita. Para akong nag-alala? I don’t know …fvck this. Yung pag crash out niya kanina parang may mabigat pang dahilan eh. Parang pati ako nakonsensiya sa mga nagawa ko kahit wala naman akong ganoon talaga.
Gusto ko siyang puntahan at sabihin na dapat pinagsasapak niya ’tong mga ulupong na ’to eh.
“Hoy tara na!” ani Rafael sa akin. Natauhan naman ako sabay lakad kasama nila palabas ng gym.
“Sayang, ang intense na ng laro eh!” reklamo ni Rafael. “Badshot lang talaga.”
“May laban si Eiron sa pinakacaptain eh. Kaso mukhang magaling talaga ’yung Eros pagdating sa mismong game. I watched their previous games,” dagdag ni Simone.
Wala akong pinakinggan sa kanila hanggang sa tuluyang makalabas ng school. Sa di kalayuan, nakita si Eiron. He’s smiling with his friends pero agad ding nabawi.
I could tell his smile is fake…tss.
Tinignan ko lang siya pero nakipagtitignan lang din siya sa akin. Gusto ko mang alisin ang akin pero… I was too busy observing him.
Pero naalis ’yun noong maglakad na kami at nilampasan siya.
“Nakakapikon pa rin ’yung biruan nung mga kateam niya,” ani Logan sa amin. “Anyway, see you all later. May hangout na naman ’no?”
“Oo! Birthday ata nung kaibigan ni Carly, iniinvite tayo! Yess whoo!!” ani Rafael bago sumayaw ng ‘Confident by Justin Bieber’. Napangiwi kami sa ginawa niya.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila kung sasama ako o hindi. Tinatamad ako eh. Pumunta na ako sa kotse ko na nakaparada sa ibang parking lot. I chatted with Eiron for our session tonight.
Ewan ko ba kung bakit mas pinili ko ’yun kaysa sa mag enjoy lang.
Or maybe because…
Napabuntong-hininga ako at napaupo sa swivel chair na nasa study room. Doon na lang ako maghihintay sa kaniya. Sakto namang napasandal ako sa upuan noong bumukas ang pintuan.
Nilingon ko siya at napansin ang kaseryosohan nito sa akin bago umupo sa katabi kong swivel chair.
“Nakinig ka naman ng lesson kanina?” tanong nito sa mahinahon pa ring boses. Hindi ba dapat badtrip siya?
“Yeah, but…I don’t know how to do this fvcking…ahmm homework,” saad ko ng mahinahon din.
“Madali lang ’yan. Halika,” aniya. Lumapit naman ako habang nagtataka pa rin sa kalmadong session na ’to. Noong magtabi ang mga swivel chair namin ay saka ako napatingin sa kaniya habang nagsasalita siya at nakatitig sa papel ko. Hindi ko maiwasan.
He tapped the diagram with his pencil. “Start with the free-body diagram. Before solving anything, identify all the forces acting on the object. Weight goes down because of gravity. Normal force pushes up from the surface. After that, you can apply the equations, gets?”
I don’t know, I love how he calm right now. Parang walang nagbo-bother sa kaniya.
Konsensiya ko na lang ’yun kung guguluhan ko, ano…
Pero ’di ba masama dapat ang ugali ko sa kaniya? Nakakalito na…d*mn it.
“But how do I know which force to solve first?” Tanong ko sa kaniya sabay tingin sa papel. Noong ibalik ko sa kaniya ang tingin ay nagtagpo ang mga mata namin.
Nandoon na naman ’yung mga mata niya. Pero may kakaiba na ’yun. Parang… masaya siya habang nagtuturo? Or maybe I’m just too busy observing him? At ineenjoy ko?
“Hindi mo naman kailangang sundin agad ang specific na order sa pagso-solve. Isulat mo muna lahat ng given at kung ano ang alam mo. Karamihan ng mali nangyayari kasi minamadali nila,” sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Napalunok ako.
Sa ganoong paraan, naintindihan ko ang lahat. Nakagawa ako pero distracted pa rin. Ewan ko, hindi mawala sa isip ko ang mga mata niya. Napakatahimik na namin tapos nu’n. Ang awkward tuloy…
Noong matapos ako ay hindi ko agad sinabi sa kaniya. Busy rin siya sa ginagawa niya. Mas lalong naging awkward. Kainis. Baka kung anu-ano na naman maisip ko. Mag-iisip na lang ako ng mapag uusapan namin…o mapag-aawayan?
But look at him… He’s peacefully doing his own thing
“Ahh about earlier…your gameplay was nice and good,” sabi ko sa kaniya.
Pero hindi siya sumagot. Ayaw niya bang pag-usapan?
“Atsaka, what you did was valid,” dagdag ko. Napapikit pa ako matapos sabihin ’yun. Hindi ako sanay sa ganitong kaseryoso at kakalmadong usapan. Kay Eiron ko lang nagawa ’to.
“So, inaamin mong…magaling talaga ako?” tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya at napansin ang tipid na ngiti niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya or what.
“What if I just say, ‘good’? Ok ka na?” kibit-balikat kong tanong sa kaniya.
Napangiti pa siya lalo dahil sa narinig. “I-rate mo nga?”
“6/10?” sagot ko. Pero ang totoo, nasa 8.5 ’yun or… 9
“Ganyan kababa?” natatawa niyang sabi sabay iling. Itinigil niya ang ginagawa. “Kawawa naman pala ang magiging players mo kung coach ka?”
“Hindi naman, kasi hindi mangyayari ’yan,” sagot ko na ikinatawa niya ng mahina. Napatawa rin ako ng mahina sa sinabi niya.
D*mn…nag-eenjoy ako.
“Mabuti naman at hindi ka natawa sa akin? Nakita mo na akong napikon, bakit hindi mo pa ako inasar?” aniya. Hinarap ko siya at napacrossed arms.
“Edi nasapak mo pa ako at sinampal?” tanong ko pabalik na ikinangiti niya. Sumulyap siya sa akin ng ilang saglit.
Napansin ko ang maganda niyang posture. Mukha siyang mahigpit na professor dahil sa maayos nitong pagkakaupo habang nagsusulat.
“Natutunan mo na kung anong tamang timing ng makipagbiruan at makipag away sa akin? Nadala ka ba nung sinampal kita?” aniya. I hate to admit it again but…
“Yeah, and they’re idiots. Sana sinapak mo sila. They deserved it,” sagot ko sa kaniya. “Sinampal mo rin sana ng matauhan.”
“Hindi naman ako palaaway tulad mo eh,” sagot nito na ikinakunot ng noo ko. Sorry kung ako ang masama at palaaway rito ah?
“Well, you’re right… but did they apologize to you?”
Tumingin siyang muli sa akin bago umiling. “Hindi ko naman kailangan pero…sa group chat namin oo. Nagsorry sila. Nagsorry rin ako kay Eros—”
“Hindi mo naman kailangan magsorry sa kaniya. Hindi mo kasalanan…really,” pagputol ko sa sinasabi nito.
“Pero kinakain ako ng konsensiya ko eh.” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Baka ipakulong pa ko ng kumag na ’yun.”
That won’t happen. Masamang damo ata ’yung Eros eh. Buhay pa ’yun. Makakapasok pa nga ng parang wala lang nangyari.
“You need to calm down sometimes,” sabi ko na nagpatigil sa kaniya. Naitukod niya ang kanang siko sa lamesa at isinandal ang ulo roon habang nakaharap sa akin.
“Coming from you?” asar niya.
“Seriously, you need to. Because everything will be fine,” pagpapatuloy ko pa. Nagulat ata siya at natahimik. Miski ako nagulat, Is this really you, Yuri? Saan ko nakuha ’yun?
Natulala kaming dalawa. Parang may gustong sabihin ’yung mga mata niya pero hindi lumalabas sa nakatikom nitong bibig. I licked my lower lip bago iwasan ang mga titig nito.
“T-tapos ka na ba?” tanong niya.
“Yeah,” tipid kong sagot bago ibigay ang notebook ko sa kaniya. “Check it.”
Tinignan niya naman ’yun bago tumango. “Nagets mo naman pala…pwede na akong umalis.”
Tumayo na siya. May kung ano sa dibdib ko na parang gustong sabihin sa kaniya pero hindi ko kaya. Bago siya makalabas sa pintuan ay nilingon niya ako.
“Thank you,” aniya.
“ Me too…I really enjoyed our calm session tonight,“ sagot ko naman pabalik. Ilang saglit kaming nagkatitigan bago siya ngumiti at umalis.
Napaisip ako. Pwede naman palang kalmado eh? Kaso, hindi ko alam kung may ganoon pa ba sa susunod. Depende ba sa sitwasyon o…kailangan lang namin maging natural ng walang inaalalang kahit na ano?
Yung pakiramdam na napakagaan ay nadala ko sa pagtulog hanggang sa school kinabukasan. Masyado ngang napaaga ang pasok ko, siguro dahil maganda ang gising ko.
Napatingin ako sa library at napansin na bukas na ito. Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin para pumasok doon. Wala naman akong kahilig-hilig doon pero the peace in that room is drawing me in, making me sink into the chair
Mula sa malayo ay may natanaw akong pamilyar na figure. Noong dahan-dahan ko siyang nilapitan ay napansin kong nakatulog ata ito habang may nagbabasa ng libro. Narinig ko pa ang mahina nitong paghilik.
Parang pagod na pagod si Eiron. Really, may iba pa ba siyang trabaho bukod sa i-tutor ako?
As I walked closer, I noticed a piece of paper flying out from a book because of the wind. It landed right in front of my feet. Dahil sa curiosity ay pinulot ko ’yun. Napansin kong listahan ito ng gamot? And expenses?
Noong alisin ko ang aking tingin sa papel ay napansin ko ang dalawang estudyante. May hawak silang mga whipped cream at nilagay sa papel ’yun na binilog.
Kinutuban ako bigla kaya agad ko silang tinuro. “Hey!”
Napatingin sila sa akin at binato kay Eiron ’yung isa at sa akin naman ang isa pa. Natamaan ako sa damit at bandang chin ko. D*mn it! Those kids!
Nagising naman kaagad si Eiron at napakunot ang noo habang napapaisip kung bakit may whipped cream siya sa buhok, pisngi at uniform. Mabilis naman akong nagparkour sa mga mesa at upuan bago maabutan ang isa sa kanila. Kwinelyuhan ko ’yung naabutan ko at nalaman na 4th year high school ito base sa uniform and Id. Takot na takot ito sa akin habang nanginginig pa.
“What the hell are you thinking?! Huh?!” pananakot ko sa kaniya at kinuha ang whipped cream sa kaniya.
Nakikita ko na naiiyak na ’to. “S-sorry po! Hindi ko naman s-sinasadya—”
I sprayed whipped cream on his face, then slipped the can inside his uniform. “Yan!”
Naramdaman ko naman ang isang kamay sa braso ko. “T-tama na ’yan, Yuri!”
Itinulak ko ang bata paupo sa lupa. “Go to your mom! Idiot!”
Tumakbo naman ito habang nag iiyak sabay harap kay Eiron na nadumihan ang uniform, buhok at mukha. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko/
“Oh, punasan mo,” sabi ko sa kaniya. Nagtaka naman siya pero kinuha niya rin naman ’yun at pinunasan ang sarili.
“S-salamat,” sabi niya na tila inaantok pa. “Dapat hindi mo na p-pinatulan eh.”
Napangisi ako. “And what? Lalaki silang salbahe pa?”
Napabuntong-hininga siya. “Ikaw, nadumihan ka rin.”
“Nah.” nagkibit-balikat ako sabay bigay niya ng panyo ko sa akin. Tinignan niya pa ako ng may pagtataka pa rin sa mga mata. “Keep it.”
“Lalabhan ko nalang.”
“Keep it,” pangungulit ko habang asar na inaalis sa damit ko ang whipped cream gamit ang daliri. Noong makita ko siyang nag-aayos ay napabuntong-hininga ako.
“Bakit ka ba dito natutulog sa library?” tanong ko sa seryosong tono ng boses ko.
Hindi naman niya ako tinignan at nagpatuloy sa binabasa. "Kailangan kong mag-aral. Atsaka...maaga lang talaga siguro kaya inaantok ako."
Napansin ko naman ang papel sa kamay ko na nalukot. Inilapag ko 'yun sa harap niya. "Sa'yo ata 'yan."
Napatigil siya sabay tingin sa akin. Kinuha agad niya 'yun at tinago sa bulsa niya. "P-paano napunta sa'yo 'yan?"
"Nilipad," tipid kong sagot sabay kunot ng noo ko. "What? Do you think kinuha ko 'yan?"
Hindi siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Hindi na rin ako nagtanong at handa na sanang umalis pero tumunog ang cellphone niya. May tumatawag sa kaniya. Tumayo naman siya kaagad at lumabas.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ko siya sinundan at nakinig.
"Hello? Yes, ako nga?" pagsagot niya. Sandali siyang natigilan. Napansin ko naman nagulo nito ang buhok niya.
"A-ah ganoon ba? Hindi ba pwedeng ulitin ko nalang? Ah naiintindihan ko po, s-salamat," sabi niya sabay baba. Napayuko ito at bumagsak na naman ang dalawang balikat.
Which makes me curios…bakit na naman?
Paglingon niya ay nagulat siya sa akin, nagulat din ako dahil…namumula ng kaunti ang paligid ng mata niya.
Is he crying?
“A-Alis muna ako,” paalam niya sa akin na hindi ko alam kung bakit niya ginawa. Kinuha niya ang bag bago umalis.
Napasandal ako sa pintuan at nilagay sa bulsa ang kanang kamay. Pinanood ko siyang maglakad paalis habang tila nanlulumo.
Why is he crying?
Itutuloy…
Desire 9
Desire 9: Comfort
Eiron’s Point of View
Napapunas na lang ako ng mga mata habang naglalakad ako papunta sa isang banda ng Harvey. Gusto ko mang umuwi pero hindi pwede. May klase pa kasi ako mamaya-maya. Muli akong napatingin sa cellphone ko dahil sa natanggap kong tawag kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala kahit alam kong hindi naman 100% ang chance na maapprove kami.
“Sorry, hindi na approved ’yung pinasa mo, Mr. Villaflor. Hindi po kasi pumasok sa qualification ’yung inyo kaya nireject.”
T*ngina, malaking tulong ’yun eh. Paano na lang ’yung bills ni Mama sa hospital?
Napaupo na lang ako sa bench na malapit dito sa nursing building, sa tapat ng isang mini garden. Napahilamos ako ng mukha. Akala ko pa naman makakauwi ako at may maibabalitang maganda kay Mama. Iniisip niya kasi ’yung babayaran noong malaman niyang magtatagal pa siya roon ng 1 pang week. Iniiwasan ko nga ang topic na ’yun kaso naopen niya dahil alam naman niyang mahal ang bayad sa hospital na kinalalagyan niya ngayon.
Kahit anong kumbinse ko sa kaniya, may lungkot pa rin at pag-aalala siya. Yung way ng pagtingin at pagmamakaawa niya na ilabas na lang siya doon ang nagpahina sa tuhod ko noong marinig ko ’yun. Ayaw kong manatili ’yun sa isip at dibdib niya dahil mapupunta ito sa stress, madadamay rin ang kalusugan at pag-inom niya ng gamot kaya malaki talagang perwisyo kapag sinama ko pa siya sa mga negatibong bagay na nararanasan namin ngayon.
Napahimas ako sa dibdib ko. Kumikirot na naman ’yun kaya huminga akong malalim.
“Relax lang, Eiron…kaya mo ’yan. K-kakayanin niyo ’yan,” bulong ko sa hangin. Dahan-dahan namang nabawasan ’yun kahit papaano pero mayroon pa ring natitira. Laging ganito kapag marami akong iniisip o nagiging emosyonal. Pero binabalewala ko lang dahil baka sa stress.
“Eiron?” tawag ng isang boses. Napaigtad ako at nawala sa focus dahil doon. Napansin ko agad si Adrian na may dalang libro habang nakangiti sa akin. Tinuro niya ang upuang katabi ko. “Can I sit there?”
Nahiya man akong tumanggi dahil baka naabutan niya akong nagdadrama rito pero tumango na lang ako. Napangiti pa siya lalo at naupo sa tabi ko ng tuluyan.
May atraso pa ako sa kanila kaya dapat lang maging mabait ako. Wala rin kasi ako sa mood makipagtalunan kung sakaling sisihin nila ako.
“How are you?” tanong niya sabay sandal sa kinauupuan.
“Ayos lang naman,” sagot ko sabay patong ng dalawang siko ko sa magkabila kong binti. “Ikaw?”
“Are you really ok? Kasi mukhang problemado ka eh,” aniya. Nahalata niya ata ako kanina eh. Napangiti na lang ako ng peke at napatingin sa ibang direksyon.
“Wala namn, ano lang maaga lang talaga pumasok kaya medyo inaantok pa,” palusot ko na lang.
Bumangon siya at ginaya ang pagkakaupo ko. “If this is about Eros, he’s fine. Pumapasok na siya uli and also walang kahit na anong nangyari sa kaniya. Matigas ata ang bungo ng lalaking ’yun eh. Hindi man lang nabasag.”
Yeah, mas mabuti na ’yun na lang ang naisip niya.
“Sigurado ka? Hindi ba ako idedemanda ng mga magulang ni Eros?” paninigurado ko kunwari.
Tumawa naman siya ng bahagya. “Sila? Eh hindi nga nila alam ang nangyari bukod kay Drip. Atsaka promise, hindi mo talaga kasalanan. Mayabang lang talaga si Eros that time.”
“Gusto ko lang talaga makasigurado,” sabi ko sa kaniya sabay basa ng ibabang labi ko gamit ang dila ko.
Napahawak siya sa kaniyang baba. “I see, but Eros didn’t complain. He’s fine and wala siyang nababanggit about you. Maybe, narealize niya rin ’yung sinabi ko na mali talaga ang galaw niya. Halata naman din base sa napanood ko mula sa bench.”
Hindi ako nakasagot. Siguro, kumbinsido na kong wala talaga akong kasalanan doon. Tinapik niya pa ang balikat ko.
“And the other players apologized too. Sana nga lang ginawa nila ng personal,” dagdag niya pa. Hindi naman sinasadyang napatingin ako sa isang banda at napansin si Yuri na nakatitig na naman sa akin habang kasama niya sina Rafael at balak pa atang dito rin tumambay.
Ano bang meron at kung tingnan niya ako simula kahapon, parang…may ginawa akong masama? O baka may topak na naman?
“You’re an awesome person, Eiron. Pwede kang magjoin sa amin minsan. May party kami or hangout. Baka makasundo mo na rin si Eros this time, lalo na kuya ka rin daw ni Drip,” ani Adrian.
Natawa ako ng bahagya sa ideya niya. “Ako? Hindi ko ata kaya ’yan. Mayayaman kayo eh. Atsaka ano…hindi ko ata makakasundo si Eros. Hindi nga ata magbabago ’yun. Laging may regla.”
Tumawa siya sa narinig. Napansin ko na napakagwapo niya sa pagtawa, para siyang celebrity dahil doon. Dagdagan mo pa ng mahaba niyang buhok at makapal na kilay.
Napasulyap din ako kay Yuri at agad itong nag-iwas ng tingin sa amin at nakipagtawanan sa mga kaibigan niya.
“Hindi ko rin alam kung paano siya nakakayanang kasama ni Drip,” ani Adrian sa akin habang hinihimas ang book cover ng librong hawak.
Kumunot ang noo ko. “Huh? Bakit? May ginagawa ba si Eros sa kaniya?”
Mabilis na umiling si Adrian. “No no no…masyadong masungit lang talaga kaya baka nagbabangayan din tulad niyo.”
Malaman-laman ko lang talaga na inaapi siya nu’n…
“Eiron,” pagtawag ni Yuri sa akin. Dahan-dahan itong lumapit sa amin kaya napatingin kami ni Adrian sa kaniya. Mukha siyang seryoso at tila may kung anong tinatago sa mga mata.
Tumaas ang dalawa kong kilay sa kaniya. “Bakit?”
“Don’t you remember? We have class,” nakataas na kilay niyang sabi sabay tingin kay Adrian. Maangas niyang tinanguhan ito. So? Bakit niya ako sinasabihan na para bang tatakas pa ako or madi-ditch?
“Oh yeah, thanks for your time,” Inayos ni Adrian ang buhok niya. “Just think about what I’ve said, ok? And don’t worry about Eros. He’s harmless lalo na kung nasa paligid niya kami. See you soon!”
Tumalikod na ito bago umalis. Pagtingin ko sa kinatatayuan ni Yuri ay nauna na rin palang maglakad paalis. Tingnan mo ’to. Tinawag-tawag ako tapos mauuna pala? Anong trip niya?
Naglakad na lang din ako kasabay ng iba niyang kaibigan.
“Eiron, you alright?” tanong naman ni Logan na sinabayan ako. Napansin ko ang genuine niyang tingin sa akin. Mabuti pa ang kaibigan niya. Hindi malaman kung bakit ba ganoon ang ugali ng lalaking ’yun.
Tumango naman ako. “Oo, kayo ba?”
Tumango siya at si Simone. Mabuti na lang at nakarating na kami sa room kaya hindi na nasundan ang tanong nito. Pagod na rin ako magpanggap sa mga tanong nila eh. Atsaka, hindi ako sanay sa ganoong mga tanong.
Napansin ko naman na kausap ni Yuri si Luigi pero agad itong naputol noong makita niya ako at naupo sa upuan niya na parang walang nangyari. Nilingon ko naman si Luigi na may binabasa sa kaniyang cellphone habang nakasuot ng earphones. Hindi ko na lang inistorbo at simpleng naghalumbaba bago ko ipinikit ang mga mata.
Naghahanap pa rin kasi ng tulog ang katawan ko. Hindi ko magawa ’yun sa hospital dahil natatakot pa rin ako lalo na kapag tumutunog ng kakaiba ’yung machine na katabi ni Mama. Minomonitor kasi nito ’yung paghinga niya.
May tumapik naman sa balikat ko at nagising na rin. Si Dice pala na kadarating lang.
“Nandiyan na,” aniya sabay turo sa professor namin na nasa harapan na. Hindi ko na rin pinansin si Yuri dahil wala naman akong makukuha sa kaniya.
Hanggang sa makauwi ako, hindi kami nagpansinan. Wala rin naman kaming gagawin at ipapasa para bukas kaya walang session ngayong gabi. Paghakbang ko palang sa entrance ng hospital ay bumigat na ang dibdib ko.
“Cold blue! Cold blue!” sigaw ng ilang nurse at tumakbo. Kinabahan ako. May nangyari kay Mama?
Tumakbo rin ako habang dahan-dahang pinipisil ang puso ko sa sobrang nerbyos at kaba. Nanuyot din ang labi at lalamunan ko kaya agad akong napatakbo sa room ni Mama.
Pagbukas ko nito ay naabutan ko si Mama na nakaupo sa kanyang kama habang kausap ang doktor kasama si Aling Gina. Noong makita nila ako ay tila maluha-luha akong lumapit habang dahan-dahang nahihimasmasan sa nakita.
Akala ko kung anong nangyari sa kaniya.
“Good Afternoon, Mr Eiron. Mabuti na lang at dumating ka. Effective ’yung dosage na binigay namin sa mama mo. Kaya h’wag ka ng mag-alala,” ani dok na ikinangiti ko naman. “Excuse me, may iba pa akong pasyente. Babalikan ho kita mamaya, Ms. Villaflor. Magpahinga ka muna, ok?”
Pagkaalis nito ay tumalikod ako para sarhan ang pintuan. Pasimple ko ring pinunasan ang kaunting luha sa mata ko at humingang malalim. Baka makita ako ni Mama, malulungkot na naman ’yan.
“Ang aga mo ata, anak? Wala ka bang pasok sa trabaho mo?” tanong nito. Humarap ako at ngumiti ng pilit. Napansin ko na bagong palit ang tubo na nasa ilong niya.
“A-ah wala naman po. Wala kasing iniwan sa aming gawain eh. Wala rin po kaming practice ng basketball,” sabi ko sabay lapag ng gamit sa gilid ng kama niya at naupo roon. “Mababantayan po kita hanggang mamaya.”
Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko. “Wala ka bang gala kasama ng mga kaibigan mo?”
Umiling ako. “Hindi naman po mahalaga ’yun atsaka busy rin po sila. Mas maganda po kung nandito ako para matutukan ka.”
Napabuntong–hininga siya. “Pero kailangan mo magkaroon ng sariling buhay, Eiron. Baka mabaliw ka na niyan kung ako at ang pag-aaral mo lang ang iisipin mo palagi.”
Natahimik ako. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi naman siya mapapagaling kung magkakaroon ako ng sariling buhay. Hindi naman magbabago ang lahat kung magiging makasarili ako.
Pero mas pinili kong manahimik na lang.
“Ayokong matapos ka ng college na hindi mo na eenjoy ang buhay mo,” sabi pa niya sabay haplos sa pisngi ko. Napilitan akong ngumiti at umiling.
“Kaya ko namang hindi ienjoy ’yung mga bagay na ’yun ma eh. Atsaka marami pang panahon, hindi naman ako nagmamadali. Ang mahalaga ngayon ay maging maayos ka,” sabi ko nalang sabay tayo upang kunwari kumuha ng tubig sa container. Pasimple akong napabuntong-hininga at tinignan ang bintana kung saan kita ang labas.
“Kumusta naman ang pag-aaral mo? Kaya mo pa ba habang naglalaro ka? Sabihin mo lang, ha? May makukuha ka ba kapag nanalo ka diyan?” tanong uli ni Mama na parang nag-aalala pa rin. Napalunok ako. Hindi ko na lang sasabihin na dahil sa scholarship ko, baka malaman niyang napipilitan lang ako.
“A-ah ano ma, oo pwede siya makadagdag sa grades ko atsaka opportunity na rin sa future. Malay mo makilala ako sa paglalaro someday, ’di ba?”
Narinig ko ang tawa niya ng mahina. “Gusto kitang makitang maglaro, anak. Atsaka malay mo…makatulong ’yan sa pag-aaral mo hindi ba? Baka makabawas sa gagastusin mo sa school,” aniya.
Makakatulong ’yan, Ma…sisiguraduhin ko ’yun.
Humarap naman ako at ngumiti ng tipid. “Oo naman, sa susunod ivi-video ko, Ma. Mapapanood mo ako. Si Drip nga pinanood ako noong nakaraan eh, hindi ko lang naikwento sa’yo.”
Nakita ko siyang mas lalong natuwa. “T-talaga? Naku, sana mapanood kita ng personal…pwede ba ’yun, anak?”
“Saka na po, kapag nakalabas ka na rito,” sabi ko sa kaniya sabay lapit at kuha ng kamay niya. Ramdam ko ang panghihina niya na siyang lalong nagpahina rin sa akin pero hindi ko pinahalata.
Hindi pwede.
“Pero anak, gusto ko sana ngayon o sa susunod na araw…pwede naman ’yun ’di ba? Kahit saglit lang?” tanong niya uli. Nagkatinginan kami ni Aling Gina.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Naiiyak na naman ako.
“Wena, magpagaling ka muna sa ngayon. Hindi ka pwedeng lumabas kasi mahina ang katawan mo. Hindi ba, sinabi na ’yun kanina ni dok?” ani Aling Gina.
Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Mama. “Ayoko na rito. Nakakapagod. Paulit-ulit lang ’yung nakikita ko. Wala rin akong ginagawa. Nami-miss ko na ’yung bahay natin at ’yung labas.”
Napaiwas ako ng mata sa narinig pero agad ding bumalik ang tingin ko sa kaniya. “Ma, para naman ito sa ikakabuti mo eh. Mas alam nila ang gagawin sa’yo, kaysa sa bahay. Hindi namin kayo matutulungan kasi hindi naman ho doktor ang anak niyo.”
“Pero…nakakapagod kasi, anak eh. Nakakapagod ’yung gamot na binibigay nila sa akin. Nakakapanghina—” naputol ang sinasabi niya noong magsuka siya sa harap namin.
“Wena!” ang nabiglang sabi ni Aling Gina sabay himas sa likuran ni Mama. “Eiron, ang pamunas at ’yung tubig. Kunin mo.”
Kinabahan man pero agad ko siyang sinunod. Pinunasan ko ang namantsahan na damit at kumot ni Mama habang hinihintay na makainom siya ng tubig. Kailangan niya muna kasing kumalma bago gawin ’yun.
“N-nakakapagod anak. K-kanina pa ako suka ng suka. N-nakakapanghina,” daing niya.
“Side effect po ng gamot ’yan, Ma. Mahiga po muna kayo at h’wag na mag-isip ng kung anu-ano,” ang sabi ko habang hindi siya tinitignan.
“A-anak, sorry ha?” aniya habang pinupunasan ko pa rin ang mantsa. Huminga akong malalim.
“Wala ho kayong dapat na alalahanin. Wala po k-kayong dapat ika-sorry sa akin. Hindi po natin ’yan ginusto. At kung iniisip niyo ’yung kalagayan ko, ayos lang ako. Kayang-kaya ko po ang lahat ng ito, o-okay?” sabi ko habang sinusubukang maging matatag sa harap niya.
“Wena, magpahinga ka muna,” ani Aling Gina na nahalata na ata ang boses ko.
Umiling si Mama. “N-nasabi pala ni dok na ano, kumuha ka raw ng assistantship? Yung tulong ng gobyerno? Kumusta naman ’yun anak?”
Doon ako tuluyang natiklop. Hindi ko kayang sagutin ’yun. Baka mapanghinaan na talaga siya ng loob at lalong makonsensiya.
“H-huhugasan ko lang po itong towel, Ma. Tapos hihingi na rin ng panibagong kumot sa nurse. M-magpahinga muna kayo,” sabi ko sabay daling nagpunta sa banyo upang gawin ang dapat kong gawin.
Pagbukas ko ng gripo ay agad kong binabad doon ang towel at hinugasan. Tinignan ko pa ang sarili sa salamin at napakagat sa ibabang labi ng mapansin ang namamasa na paligid ng mga mata ko. Namumula rin ’yun.
Nandito na naman ’yung kirot sa dibdib ko…
Huminga akong malalim at nagbabakasakaling gumaan ang loob ko. Pero hindi ata nakatulong, dahil mas bumigat. Mas nanumbalik sa isipan ko ang mga tanong ni Mama, lalo na ang request niyang manood ng laro ko.
Gustong-gusto ko, pero…hindi pa talaga pwede.
Hindi na ako nagtagal doon sa loob dahil baka kung ano pang mangyari sa akin. Inilapag ko ang malinis na towel sa tabi niya. Nakatulog na rin si Mama.
“K-kukuha lang po ako ng kumot sa nurse. Atsaka m-may kukunin lang sa kaibigan ko pagtapos,” sabi ko kay Aling Gina.
“Eiron,” pagtawag niya noong tumalikod na ako. Napatigil ako saglit at hindi humarap sa kaniya. “Pagpasensiyahan mo na ang mama mo, ha? Alam mo naman na lagi ka lang niyang inuuna at iniisip. Ikaw raw kasi ang baby niya hanggang ngayon. Kaya h’wag ka sanang magsawang sagutin siya…”
Dahan-dahan akong tumango. “T-tawagan niyo na lang po ako kapag kailangan ako rito, Aling Gina. M-mabilis lang po ako.”
“Mag-iingat ka.”
Lumabas ako kaagad habang nakahawak sa dibdib ko dahil kumikirot talaga ito. Noong makalapit ako sa isang nurse ay agad ko silang binilinan tungkol kay Mama. Pagkatapos ay agad din akong umalis.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang pagaanin ang loob ko bago muling humarap kay Mama. Sa pagmumuni ko, sa layo ng nilakad ko at sa haba ng daang dinaanan ko, dinala ako ng mga paa ko sa isang seaside na may pier. Mahaba-haba iyon at napakapayapa tingnan. Naging pasyalan lang siya ng karamihan. Pero ngayon, walang katao-tao. Napaka kalmado ng atmosphere, ng dagat at medyo malakas na malamig ang hangin pero tama lang ’yun upang marelax ka. Sabayan mo ng papalubog na araw. Yung kirot sa dibdib ko, nabawasan at dahan-dahan kong naramdaman ’yung tila kalayaan na gusto kong maramdaman mula sa bigat ng mga iniisip ko.
Pakiramdam ko ngayon ’yung feeling na gumaling na si Mama. Ganoon kasarap sa dibdib habang nakatayo ka lang dito at nakatitig sa magandang tanawin na nasa harap mo.
Huminga akong malalim at napangiti ng palihim. Naisip ko bigla, eto na ang favorite kong lugar simula ngayon.
Sa hindi sinasadyang pangyayari ay napalingon ako sa kaliwa ko at napansin ang kaliwang parte ng pier. Naroon ang taong hindi ko inaasahan.
Pati ba naman dito? At bakit hindi niya ata kasama sina Rafael ngayon?
Nakaupo siya sa kaniyang nakaparadang motor habang nakatitig lang din sa papalubog na araw. Ang kalmado niyang tingnan habang nakasuot muli ng red na university jacket, katulad nu’ng nakabanggan ko siya. Nakapamulsa rin sa suot niyang denim pants. Ang kakaiba lang, hindi siya nakasimangot.
Hindi mo maipagkakailang gwapo siya sa ganoon. Kung sana lang, hindi magkasalubong ang kilay ay baka marami na ang nagkagusto sa kaniya.
Bigla siyang napatingin sa direksyon ko kaya agad kong iniiwas ang mga mata ko at kusang napaatras para umalis.
Bakit ko ba siya kasi tinignan pa? Atsaka akala ko talaga walang katao-tao, hindi ko naman siya napansin kanina.
“Eiron,” tawag niya sa pangalan ko. Mahinahon pa rin. Narinig ko pa ang hakbang niya papalapit kaya wala na akong nagawa kung hindi tingnan siya.
Nakaseryoso siya sa akin habang diretso rin ang mga matang nakatitig sa mga mata ko. Inalis niya sa bulsa niya ang mga kamay at pinasadahan ng dila niya ang ibabang labi.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya na may sinseridad at curios na boses.
Kakaiba siya. Parang nung isang gabi lang. Walang halong irita o inis sa boses niya.
“Wala, nagpapahangin…ikaw?” tanong ko rin pabalik.
“Ganoon din,” aniya sabay napabuntong-hininga. Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin dahil para akong naiilang sa kaniya. Baka hindi lang din ako sanay na ganito siya.
“Aalis na ako,” sabi ko na lang para mawala ang ilang ko. “Hindi ko intensyon na istorbohin ka.”
Bago pa man ako makahakbang ay hinawakan na niya ako sa balikat. “H’wag kang umalis.”
Nilingon ko siya. “Hindi ka naiilang sa akin? Baka sabihan mo na naman akong epal eh. Iniistorbo ko ’yung ‘me’ time mo.”
Napansin ko ang ngiti sa labi niya. Hindi ko lang alam kung sarcastic ba ’yun o genuine. “Hindi…not this time.”
Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”
“Ah, wala lang.” napakamot siya sa kaniyang ulo. “Inisip ko lang na masaya pala ang session mo, lalo kagabi kasi nagets ko agad ’yung gagawin. Kaya naman pala nating hindi mag-away eh.”
Napapaisip din ako doon eh. “Oo naman. Ikaw lang ’tong laging galit sa akin at sa mundo eh.”
Natahimik siya. Baka natrigger ko na naman? Pero totoo naman eh? Hindi naman ako ang nagsisimula ng gulo sa amin simula umpisa. Hindi rin naman ako ang nagagalit kapag umeepal ako sa usapan nilang gala after school. Ginagawa ko lang ang part ko.
“I guess, you’re right…” pag-amin niya.
“Edi narealize mo rin?” saad ko pa. “Pero hayaan mo na. Ang mahalaga, nakakasabay ko naman ’yang trip mo at kayang-kaya kitang labanan—”
“Hindi naman na kita lalabanan kasi alam ko, wala ka sa mood at hindi mo kayang sabayan ang trip ko ngayon,” pagpuputol niya sa sinasabi ko. Napakagat ako sa ibabang labi ng marinig ’yun.
“Umiyak ka kanina sa library. I’m not going to get involved in your problems pero, hindi ko maiwasang mabother kanina,” aniya na ikinabigla ko. Oo nga pala, nakita niya ’yung mga mata ko. Pero sasabihin ko ba? Hindi naman niya maiintindihan eh, at muli, problema ko ito…hindi dapat ako mandamay ng ibang tao.
“Hindi naman ako naiyak, inantok lang talaga,” palusot ko. Tinignan niya ako na tila binabasa ang buong pagkatao ko sabay iling.
“You know, I’m not expert into this and nakilala mo naman akong walang pakielam sa iba, right? But I know…you’re lying,” aniya na ikinalakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Ngayon lang may nagsabi ng ganito sa akin bukod kay Mama.
Pero baka masyado nga ata akong halata nung time na ’yun.
“Kung nagsisinungaling nga ako, ano namang gagawin mo?” tanong ko na lang. Yun na lang kasi ang lumabas sa bibig ko.
Ngumisi siya bigla. “You’re not a good liar, alam mo ba ’yun?”
Napangisi rin ako. “Paano mo naman nasabi? Masyado mo ata akong inoobserbahan lately ah? Pakielemero ka na rin ba?”
Pabiro niya akong inirapan.
“I can see it through your eyes. Halatang-halata ka na nung naglalaro ka pa lang,” paliwanag nito na ikinatgil ko lalo. Kaya niya ba ako tinititigan?
“I don’t know why, but from what I’ve observed, it seems like you’re hiding something from everyone, especially the people who genuinely care about you,” dagdag niya pa bago tumingin sa kulay violet na langit.
Bigla ko na namang naalala ’yung gabing sinabi niya na magiging ayos din ang lahat. Malaking tulong ’yun lalo na galing sa taong hindi naman ganoon kalapit sa akin ang nagsabi.
“Bakit mo tinatago, Eiron?” tanong niya na nagpasikip muli ng dibdib ko. Napahigpit ang hawak ko sa damit ko habang nakakagat sa ibabang labi.
“Hindi naman nila problema ang problema ko,” sagot ko sabay sulyap sa kaniya. Napansin kong napapikit siya ng bahagya habang dahan-dahang tumitikom ang mga labi. “Ayokong maging pabuhat sa kanila, o kahit kanino dahil lang sa may problema ako. Naniniwala kasi akong may kaniya-kaniya tayong pinagdadaanan, kailangan lang talaga nating malampasan ’yun ng mag-isa.”
“But what about the burden you’re carrying? How are you going to get through what you’re going through if you don’t lighten that load?” tanong niyang muli. Nagkatitigan kaming muli. Nakita ko na kislap ng bahagya ang mga mata niya dala ng liwanag. Dito na biglang bumukas ang mga lamp post na nagbigay ng kakaibang vibes sa paligid.
“You know, you can’t carry that all if you don’t lighten that burden?”
Napangiti ako. “So, paano ko gagawin ’yan?”
“Just… let it out. Tell it to the people who are willing to listen. Sometimes, all you need to do is say it sincerely to someone who’s ready to listen with an open mind and an open heart,” sagot niya. Tila parang kakaiba sa pakiramdam ko at bigla kong naintindihan ang lahat dahil lang sa narinig.
“Thank you,” bulong ko sa kaniya na siyang ikinatango-tango niya naman. Dahan-dahan akong umatras. “Aalis na ako.”
“Yeah, do that. Masamang itago ang emotion sa dibdib mo. Tao ka lang, napupuno ka rin. Superheroes nga, nagbe breakdown…ikaw pa kaya na normal na tao lang?” aniya sabay tumalikod na ako.
Tama siya. Baka kailangan ko lang sabihin. Yun lang naman ’di ba?
Paghakbang ng mga paa ko palayo sa pier ay may muli akong narinig na mga hakbang.
“Eiron, y-you can tell me your…problem. I will listen, I promise,” sabi niya na ikinatigil ko. Kunot-noo ko siyang tinignan.
“Ikaw ba talaga ’yan, Yuri?” tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya. Para siyang naasar.
“Yeah, but a premium one…now, naka free trial ka lang at limited kaya baka ngayon mo lang ako makikita ng ganito.”
Tama ba na siya ang sabihan ko? Hindi kami super close. Magkaaway pa nga kami eh. Kaya malaking palaisipan sa akin kung pagkakatiwalaan ko siya.
“C’mon, this is the best offer you can get from me,” sabi niya sa akin. “And, I promise, kakalimutan ko na lahat ng sinabi mo after this. You just have to tell me and release it.”
Hindi ko alam kung paano niya ako napasunod pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa dulo ng pier habang katabi siya ng medyo may distansiya at space sa pagitan namin.
“A-ahh…tungkol sa trabaho ko, kaya ko nagawa ’yun dahil kailangan ni Mama ng gamot para sa sakit niya,” pag-uumpisa ko.
“Ano bang sakit niya?” tanong nito habang nakatagilid at tilted ang ulo, nakatitig siya sa akin.
“Sa lungs eh.”
Tumango siya sa akin at humarap muli sa dagat. “I understand.”
Naramdaman niya kayang ayaw kong banggitin kung anong klaseng sakit ’yun?
“Nauubusan na rin kasi kami ng savings, dagdagan mo pa na may binabayaran pa akong tuition kaya hindi talaga sasapat ’yun sa aming dalawa,” dagdag ko.
Hindi siya tumingin sa akin pero alam kong nakikinig siya. Dinuduyan niya naman ang paa niya sa ibaba.
"Kaya noong matanggap ko 'yung trabaho sa papa mo, talagang pinatulan ko kasi alam mo na, malaki rin 'yun." Napabuntong-hininga ako. Naiilang pa rin ako pero parang tama siya, dahan-dahan ngang nakakagaan ng dibdib ang magkwento.
"Kaya kahit anong away mo sa akin, pambubully o kung ano pa man, gagawin ko pa rin ang lahat para lang hindi ko mabigo ang papa mo," sabi ko na ikinatawa niya.
"Is that also the reason why you were sad when everything happened at the gym?" pag-iiba niya ng topic.
Napangiwi ako. "Halata ba talaga ako?"
"Oo, sobra...o baka ako lang?" aniya sabay tawa muli. "C'mon, tell me."
"Nakatanggap kasi ako ng tawag sa kaibigan ng mama ko—may nangyari lang kaya nag-alala ako ng sobra," sagot ko na lang.
"Kaya ka rin ba umiyak kanina?"
Napalunok ako sa narinig bago umiling.
Itatanggi ko pa ba? “Hindi kasi naapproved ’yung application namin for health assistance. Mababayaran sana n’un ’yung hospital bill ng mama ko.”
Nakita ko ang pagkasalubong ng kilay niya. "Oh...ahmm, sorry for that."
Nagsosorry siya? Ibang-iba na talaga eh. Naumpog ba ’tong si Yuri? O baka mamaya may kalokohang iniisip na naman.
“Ikaw? Ano bang dahilan kung bakit ka galit sa mundo?” pag-iiba ko na ikinangisi at ikinailing niya. Sapat na siguro ’yung naishare ko.
"Let's not talk about that," sabi nito na ikinailing ko.
"Napakadaya mo, nagsabi ako sa'yo tapos ikaw hindi?" taas-kilay kong sabi sa kaniya. Napairap siya habang nakangiti.
"Well, fair enough...isa pa, wala ka rin namang pinagsabihan nung tungkol sa kwarto ko kaya..sige?"
Hindi ako sumagot at hinintay siyang magkwento. Humarap siya sa akin at isinandal ang sarili sa maliit na poste na katabi niya. Itinaas niya pa ang isang paa.
Tumingin siya sa langit. "Everything comes down to favoritism... It always does. It's always that fucking thing. Kaya sobrang hate na hate ko kapag naririnig ko ang word na 'yan."
Tumango ako sa kaniya.
"Willson has always seen me as the bad guy, so it's no surprise that I get angry whenever I see him or end up around them. Especially when he hired you for me. He's fucking doing it for his image...not because he actually cares about me or my grades," paliwanag niya pa.
Tumingin siya naman sa akin. 'Well, that's all. That's the reason kung kaya ako ganito."
"Naiintindihan ko," sabi ko sa kaniya. "Pero 'yung ginagawa mo sa ibang tao, sa akin, hindi dahilan 'yun para manakit ka o magsungit ka."
Napangiwi siya. "Who are you? My mother?"
Inirapan ko rin siya. "Ang sinasabi ko lang, napaka ikli ng buhay para magmukmok o magsungit ka sa kung kani-kanino. Try mo rin kayang kumalma at ngumiti tulad ng ginawa mo last time at kanina noong makita kita."
Natahimik ang paligid noong sabihin ko 'yun. Wala kaming ginawa kung hindi tingnan siya. Mga mapupungay niyang mga mata na tila binabasa ka hanggang sa buhok niya na nilipad ng malamig na hangin.
Sa sandaling 'yun parang...naramdaman ko ang comfort na hinahanap ng kalooban ko. Parang nakahiga ako sa malambot na kama na may malamig at malalambot ding unan. Hindi ko lang alam kung dahil ba kay Yuri o sa lugar kaya ganoon.
Pakiramdam ko rin, ligtas na ikwento ang mga hinanakit ko sa buhay sa pagkakataong ito.
“Why? Pangit ba ako kapag galit?” tanong niya kaya naputol ang tahimik ang na atmosphere.
"Gwapo ka kung...ngingiti at magiging masaya ka," sagot ko na ikinangiti niya ng malawak. Napakagat pa ito sa ibabang labi na parang may pinipigilan.
Yan, ganyan…
Tumikhim siya at natauhan. “Well, how are you feeling?”
Napahawak ako sa dibdib ko bago umiling. "Gumaan...salamat, Yuri."
Sandali siyang natigilan muli at nanatiling pinananood ako. Pero agad din namang naputol ng tapikin niya ako sa balikat. Napangiti ako.
"Ako rin, salamat..."
Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yun at nakitang si Aling Gina ang caller. Sinagot ko ito agad.
"Hello? Eiron, nasaan ka na? Hinahanap ka ng mama mo. Nag-aalala siya," sabi nito.
Imbes na kabahan ay...hindi napawi ang ngiti ko. "Pauwi na ho ako."
Tumayo na kaming sabay at naginat pa siya. "Hmmm, another calm and nice session."
"Session? Wala naman tayong pinag-aralan," sagot ko habang naglalakad kami paalis. Kinuha niya ang susi sa kaniyang bulsa.
"Meron," sagot niya. "Pinagaralan natin kung paano maging open sa isa't-isa kahit hindi naman tayo magkaibigan. Kahit kakalimutan naman natin 'to after. Just for the sake of ourselves."
Napatango ako. "Sabagay."
Nang makalapit siya sa motor niya ay kinuha nito ang helmet niya.
"Mag-iingat ka. Aalis na ko, Yuri," sabi ko bago tumalikod.
Inabot niya naman ang braso ko. "No, hop in."
Parang may kung anong sensasyon sa balat ko ang naramdaman ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nagmula 'yun sa kamay niya. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko pero hindi niya 'yun binitawan habang nakatitig ang nakikiusap niyang mga mata sa akin.
"Please, hop in. Delikado sa daan," aniya ng seryoso.
Umiling ako. "Hindi naman, kaya namang lakarin hanggang sa hospital."
"So? Tinatanong ko ba kung kaya mong lakarin o hindi? Sakay na sabi," pangungulit niya na may halatang authority. Inilapit pa nito ang sarili sa akin at isinuot ang helmet sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
Para akong natuyuan ng lalamunan dahil naamoy ko ang pabango niya, dagdagan mo pa na mabango rin sa loob ng helmet. Mukhang naaalagaan.
"Wait a sec," aniya bago ako talikuran. May kinuha siya na isa pang helmet, isang silver naman 'yun na kuminang ng kaunti sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin din 'yun at hindi bast-basta makikita sa kung saan-saan.
Matapos nito ay sumakay na siya at sinenyasan ako na sumakay na rin sa likuran niya. Sinunod ko naman kahit medyo nahihiya. May kataasan lang din 'yun kaya kailangan kong pumatong ng kaunti sa isang apakan.
"Your hands," aniya. Kaagad niyang kinuha 'yun kahit hindi ko pa nilalapit at ibinibigay. Pinulupot nito ang kamay ko sa bewang niya.
"Hold on tight," utos niya pa bago paandarin ang motor. Bigla namang tumibok ang puso ko dahil sa pakiramdam ko nakayakap ako sa bewang niya.
Nakakailang talaga. Pwede naman ako sa likuran humawak eh!
Gusto ko mang tanggalin pero baka malaglag naman ako rito. Baka mahospital pa ako ng wala sa oras.
"Which hospital?" Tanong niya sa akin habang hindi lumilingon.
"St. Catherine," sabi ko na ikinatango niya bago medyo binilisan ang takbo. Naamoy ko uli ang panglalaki niyang pabango na mukhang mamahalin dahil umatras siya palapit sa akin
Pakiramdam ko, may mga naisakay na siyang babae rito dahil nakakadala 'yung perfume niya. Tumingin na lang ako sa daan para madistract. Ngunit napadaan ang mga mata ko sa side mirror kung saan nahuli ko siyang nakatitig sa akin bago ibalik ang mga mata sa daan.
Kapag kami talaga nadisgrasya ah!
Ilang minuto lang ay narating na namin ang hospital. Ipinarada naman niya ang motor saglit para makababa ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang helmet na sinuot niya sa akin. Kinuha niya ’yun at isinabit sa harapan niya.
"T-thank you uli," sabi ko sabay ngiti ng tipid.
Bahagya niyang itinaas ang helmet niya at ngumiti sa akin.
Isang magandang ngiti. Sineryoso nga niya talaga ’yung pinayo ko. “You’re kind and…cool, Eiron. See you around.”
Kumindat pa siya bago isinuot ng tuluyan ang helmet at umalis habang ako nakakunot ang noo pero dahan-dahan ding napapangiti.
Itutuloy…
Desire 10
Desire 10: Eyes
Yuri’s Point of View
Napangiti ako habang nagdadrive dahil sa narinig kay Eiron. I can’t believe na manggagaling sa kaniya ’yun dahil alam kong hindi naman kami nag-uusap ng maayos. But I don’t know why, mas masaya ako dahil hindi na ako bothered kung bakit siya umiyak at walang imik sa klase kanina.
Kung hindi ko lang din ’yun nakita, hindi sana ako mag oovethink, hindi ko sana tatanungin si Luigi na kaibigan niya kung anong problema ni Eiron. Pero, that’s useless kasi hindi nga rin nagsasabi ang lalaking ’yun sa kanila.
Noong makauwi ako ay agad kong pinarada ang motor ko sa garahe at pumasok sa loob.
“Oh, and you’re here,” walang-buhay na sabi ni Willson habang kasabay niyang kumain si Tito Nigel. Napatingin naman sa akin si Yuan na tila sumama ang timpla ng mukha. Mas sumama ’yung akin nung nakita ko siya. Eww.
“Samahan mo kami kumain, Yuri,” pagtawag ni Tito Nigel.
“No thanks, busog pa ako,” sabi ko sa kanila at naglakad na.
“How’s Eiron? Hindi mo ba binibigyan ng sakit ng ulo?” tanong ni Willson. Napangisi na lang ako at dahan-dahang umatras para harapin siya. May gusto na naman ata siyang ipunto mula sa akin. Well, sige. Bring it on.
“Mag-uusap ba ’yang dalawa eh mukhang inaaway ata ni Yuri,” sabat ni Yuan na ikinataas ng kilay ko.
“No, in fact…magkasundo na kami. Nalaman ko kasing mas may sense siyang kausap and mabait din siyang tao,” sagot ko sa kaniya.
“Bakit hindi mo siya gayahin? Kahit ilang minuto lang,” sabi uli ni Willson na ikinatawa ko.
“Why? So you can take advantage of me? at mapasunod sa mga gusto mo?” tanong ko sa kaniya. Napatingin siya ng matalas sa akin. Guilty ang g*go ah?
“Hold on, nasa harap tayo ng pagkain,” awat naman ni Tito Nigel sabay tayo. “Yuri, c’mon…seat down and eat with us.”
Mabilis naman akong umiling. “Ayoko nga? Gaganahan ka ba kung ’yan ang kasabay mong kumain?”
“Gumalang ka!” asik ni Yuan habang masama ang titig sa akin.
“Sipsip ka kasi kaya ikaw lang gumagalang diyan,” nakangisi kong sabi sa kaniya. “Eatwell, bastards.”
“Yuri!” pagtawag pa ni Tito Nigel na hindi ko na pinakinggan pa dahil nakakainis lang. Totoo naman, sino bang gaganahan ’di ba? Ggaghin ka lang naman ni Willson habang kumakain, hindi ba ’yun nakakabastos? Baka mabato ko lang ’yung plato ko sa kaniya.
Hindi ko nga malaman kung bakit naging tatay ko pa ’yan eh.
Pagkaakyat ko ay agad kong binuksan ang pintuan at sinarhan din agad. Ayokong makapasok ang masamang hangin na dala nung dalawang demonyo kong kasama dito sa bahay. Sa palagay ko nga, nahahawa na si Tito Nigel sa kanila dahil hindi na ako nito pinagtatanggol sa harap ni Willson. I wonder why? Hindi naman niya siguro babayaran ’yung sarili niyang kapatid ’no?
Napangisi ako sa naisip. Bakit nga ba? Bakit inallow ’yun ng universe? Na mabuo ako sa ganoong klaseng ama? Oh, d*mn it.
Binuksan ko ang mini refrigerator sa ilalim ng kama ko at kumuha ng dalawang alak na nasa can at binuksan ang bintana paitaas. May maliit na balcony doon na pwede kong akyatan papunta sa bubong namin kung saan ako madalas na tumatambay para tumingin lang sa langit.
Mabilis kong binuksan ang alak ng makaupo ako at sinandal ang sarili. Agad kong ininom ang isa at nangalahati ’yun dahil sa tense at inis na nararamdaman ko.
“Nakakat*ngina araw-araw ang buhay,” bulong ko sa hangin. Bigla ko uling naiisp si Eiron.
Paano ako ngingiti kung ganito naman ang masasalubong mo? Tss…
I don’t know how he does it, ’yung ngumiti at maging positive kahit may dinadala na. Kung papaanong technique ang ginagamit niya.
May kaniya-kaniya tayong pinagdadaanan.
“Well, baka ganoon nga? Maybe, I need to teach myself how to smile, even when life is fucking me over,” bulong ko muli sa sarili.
Binuksan ko naman ang cellphone at agad na tumambad sa akin ang picture ng pier kanina. Oo nga pala, pinicturan ko ’yun. I don’t even know why. Pinagmasdan ko mabuti.
Nararamdaman ko pa rin ang comfort and peace mula roon. Maybe because of the memory? Gusto kong mapreserve ’yun.
Napainom akong muli at naisipang i-story ’yun at imyday. Wala naman din akong masyadong nilalagayo ina-upload doon kaya baka ito na ang chance.
Pagpindot ko rito ay napansin kong naka-hide ’yun sa ibang friends ko. Tanging sila Rafael, Simone at Logan lang ang nakakakita.
Bigla akong may narealize. Inexit ko ang apps at pumunta sa camera. Nagselfie ako habang hawak ang alak sa kamay ko at nakangiti.
Tumaas ang confidence ko ng makita ang resulta. Hot d*mn…Eiron was right.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko at pinost ang selfie ko at ang picture ng pier with R&B music. Hindi ko na hinintay na mag-upload ’yun dahil inilagay ko na lang sa tabi ko ang cellphone.
“Cheers,” sabi ko sa hangin bago muling uminom. Napansin kong paubos na ’yun. Sinimot ko na at nilagay rin sa kinalalagyan ng cellphone ko. Tinignan ko ang langit. The sky was full of stars, and there was a full moon tonight.
Ugh, how fascinating.
Mula sa madilim na langit, bigla kong nakita ang mukha ni Eiron. I bit my lower lip at napapaisip kung bakit bigla na lang ako naging concern talaga. Hindi ko mahanap ang sagot eh. Pakiramdam ko, hindi lang dahil sa sampal ’yun eh. Pero siguro nga, If you knew what that person was going through, mawawala ’yung nararamdaman mong galit o inis, lalo kung napakalalim n’un.
Hindi naman ako sobrang demonyo para ipagpatuloy ang childish behavior ko sa inappropriate time. Kung it-itrigger lang talaga niya ’yun, baka saka ko lang ilabas.
But on how he says those words…napaka straight forward. Hindi siya takot na magalit ako uli o mag-away kami. But that’s ok. Tama naman siya. Ako naman ’tong galit sa kaniya nung una pa lang. Truth hurts ika nga.
In fact, sa mundo siguro ako galit. Nadadamay lang siya kasi wala siyang takot na harapin ako. He’s so brave. Nakahanap na talaga ako ng katapat. Dapat na ba akong kabahan sa mga susunod na away namin?
Yun ay kung meron pa.
Napangiti ako sa naisip at naalala ’yung pagod na mukha ni Eiron pero nagawa pa ring makipaglokohan sa akin. Lalo na siguro ’yung gabing ngumiti siya sa akin. My chest feels warm. Ang gwapo niya sa ganoon.
Mabilis akong natuhan noong marealize ko ang nangyayari. What the fvck? Bakit ganoon?
Napailing na lang ako at narinig ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ’yun para madistract ang sarili. Nakita ko agad ang group chat naming apat.
May Titi-bag GC
Rafaelibag: “Deym @Yurinal?! Napakapogi naman! Kaso hindi nagyaya! Solo-solo na pala tayo dito.”
Simon’tsarap: “We have a winner! Hindi na lang motor at alak ’yung nasa story niya!”
Luga_n: “Oh, and pier? Looks peaceful huh. Anong ginagawa mo roon, pre?”
Rafaelibag: “Oy magsiswimming ka ba? Sama naman kami diyan!”
Simon’tsarap: “Baka nagmo-moment guys! O baka may ka-date? Nililigawan? Magsabi ka naman, bro!”
Natawa ako sa reaksyon nila at binuksan ang myday ko. Nanlaki ang mata ko dahil nasa 100 views agad ’to. Puro pa heart lalo na mula sa kanilang tatlo. May nasama pang haha react kay Rafael. Malamang aksidente na naman niyang pinindot.
Hindi ko alam kung buburahin ko ’yun dahil malamang sa malamang hindi ’to sila titigil kakatukso sa akin. Nagpop up din ang group chat namin with Carly and Carly’s friends. Napangiwi ako sa pangalan doon.
Gc w/ hot chixxx
Carly: “@Yuri you’re so handsome! You should post more!”
Bea: “Yeah! That’s why you and Carly should be together! Maganda and gwapo!”
Sofie: “Oo nga! Para magkalovelife naman ’tong frenny namin!”
Rafael: “Kasalan naa!!”
Carly: “Yurii, where are you? Let’s hangout! H’wag kang magsolo d’yan!”
Napairap ako sa hangin. Ayan na naman sila. Ayaw nilang magsitigil sa kakareto sa akin. Ginawa pa nila akong product ah? Kulang na lang i-post nila ako sa facebook marketplace at tiktok. Nakakainis!
Pilit sila ng pilit kay Carly sa akin. Mabuti na lang wala ako sa mood na magreply sa kanila, kung hindi babarahin ko na naman sila. Io-off ko na sana ang cellphone ko ng biglang may magnotif sa akin at agad na nakaagaw ng pansin ko 'yun.
"Oh, nagreact siya," sabi ko noong makitang hineart ni Eiron ang myday ko. Bigla na lang ako napangiti.
P*tangina. Bakit? Binawi ko ang ngiti ko.
Gusto ko sana siya i-message about sa sinabi niya at kamustahin siya pero wala akong lakas ng loob. Para akong natauhan at nahiya bigla. Napasabunot ako sa buhok ko. “I couldn’t understand you, Yuri…kanina, ayos ka ah? Kapal ng mukha mong sabihan siyang magsabi? Tapos mahihiya ka ngayon?”
Sa sobrang pikon ko sa sarili, binuksan ko ang isa pang alak at ininom 'yun. Umihip naman ang hangin kaya napapikit ako.
Pagpasok ko kinabukasan, napansin ko agad siya na nasa isang bench at nakatungo. Nakasubsob pa ang mukha nito sa kaniyang bag. Nalilito ako kung lalapitan ko pa siya o hindi. Baka mabully na naman eh.
Bigla niyang iniangat ang kaniyang ulo habang antok pa ang mga mata. Nagkatinginan kami. "I-ikaw pala 'yan."
"Bakit dito ka natutulog?" Tanong ko naman out of nowhere. Ibinaba ko ang suot kong headphone at isinabit 'yun sa leeg ko. Hindi ako naupo sa tabi niya dahil
nahihiya pa rin ako dahil sa naramdaman ko kagabi.
"Wala naman akong matutulugan eh. Baka mapagtripan ako sa library," aniya sabay tayo. "Bakit? Nag-aalala ka bang baka mabully na naman ako?"
Napangisi ako at napalunok pa. "Hindi naman...nakita lang talaga kita. Mabuti kinakaya mo rito? Hindi ka nako-conscious sa mga taong dumadaan?"
Napasandal siya sa pader. "Wala naman akong pakielam sa kanila. Hindi ko naman sila naaabala. Saka na siguro ako mako-conscious...kapag pinagtripan nila ako uli. Lalabanan ko na sila pabalik."
Napatulala ako sa kaniya.
Oh, andiyan na naman ’yung straight forward niyang mga salita.
“At nakita ko myday mo kagabi ah? Mukhang…dinibdib mo sinabi ko. Tama ’yan. Ngumiti ka, at umaasa ako na wala ng away sa pagitan natin…lalo na kung may session tayo,” dagdag niya pa.
Natawa ako ng kaunti. "Depende, baka pilitin mo na naman ako kung ayaw ko eh."
"Anong ayaw mo?" Kumunot ang noo niya. "Uunahin mo na naman makipag inuman? Hindi ka ba natatakot o kinakabahan na wala kang ginagawa oras-oras? Hindi ka ba nakokonsensiya na hindi mo inuuna 'yung mga importanteng bagay?"
Nagkibit-balikat ako. "Life is too short, ienjoy mo ang dapat ienjoy."
"Hindi ko naman sinabing hindi ka mag-enjoy, ang akin lang, unahin mo muna 'yung mga bagay na dapat mong tapusin tapos saka ka mag-enjoy. Hindi naman masamang maging masaya eh, pero dapat hindi mo rin kinakalimutan 'yung responsibilidad mo," paliwanag niya.
Heck…why is he so serious right now?
“Alam mo? Pumunta na lang tayong room, Doon ka matulog. Kulang ka lang sa pahinga,” sabi ko na lang na ikinailing niya.
Pagpasok namin, wala namang tao. Kaya naupo kami sa dulong bahagi, malapit sa bintana. Tumabi pa ako sa kaniya pero may distance naman. Sumandal siya at tumingin sa kisame. Katahimikan ang namuno sa paligid.
Finally, a quiet and peaceful atmosphere again.
Napabuntong-hininga ako. "So, how's your mom?"
Tinignan niya ako. Parang nagulat siya pero hindi niya pinapahalata. Dumiretso siya ng upo. "Okay naman. Ganoon pa rin."
"I hope gumaling na siya," ang salitang lumabas sa bibig ko. "And I hope...nakatulong 'yung mga sinabi ko kahapon."
Hindi siya nakapagsalita pero napahawak siya sa kaniyang labi at natulala sa harapan. Para siyang may naalala.
"Nakatulong naman," sagot niya sabay tango. Pero hindi ako kumbinsido eh. Parang may tinatago pa siya. Napapaisip lang ako kung ano 'yun.
Napansin ko namang ipinikit niya ang mga mata niya na parang matutulog na uli, pero napapadilat siya sabay hilot sa likod niya. I bit my lower lips at binasa ’yun gamit ang dila ko. Inaantok na naman siya.
"Pwede kang sumandal sa upuan mo or upuan ko para makatulog ka ng better. Tapos pwede mong daganan 'yang bag mo...kung walang mababasag o madudurog diyan," sabi ko sa kaniya.
Nagtataka siyang dumilat at tumingin sa akin. "Paano sasandal sa upuan mo?"
Idinikit ko ang upuan ko sa kaniya. "Sandal na. Para hindi rin malaglag 'yang ulo mo kung sakaling lumampas ka sa sandalan mo."
Nagtataka pa rin siya pero dinaganan niya naman ang bag niya at sumandal nga siya. Pagkatapos ay tinakpan ng panyo ang mga mata. Pasimple ko siyang tinignan at ang malumanay nitong paghinga. Nakatikom din ang labi nito kaya lumabas ang natural na hugis.
I wonder kung may nakahalik na ba doon. Ang kinis atsaka mukhang virgin pa eh.
Napakunot ang noo ko.
Baliw, Yuri. Bakit mo naiisip ’yan? Ang random ng utak mo!
Hindi ko na lang pinansin ’yun at sinuot ang headphones ko. Isinandal ko rin ang ulo ko bago pumikit. Nakakaantok din kasi ang katahimikan sa loob ng room.
Pero imbes na makaidlip ay bumabalik sa akin 'yung ala-ala ng nangyari kahapon. Sa totoo lang, hindi ko talaga maiwasang tingnan ang mukha niya noon sa pier. Noong natamaan ng araw 'yung mga mata niya, nakita ko 'yung pagkahazel brown nito. Ang perfect niya kung titignan mula roon.
Sabayan mo pa 'yung pagt-thank you niya at ang mga sincere na words. Nakaka speechless kapag naririnig ko.
Siguro kasi first time ko ring marinig na may nag thank you sa akin?
At…first time ko ring magpayo sa isang tao, ’yung hindi ko pa talaga ka-close.
Maya-maya ay naputol ang pagde-daydream ko. Idinilat ko ang mga mata ko at napansing dumulas ang ulo niya papunta sa balikat ko. May naramdaman akong pagkalito noong makita ’yun.
Gusto kong alisin at isandal siya uli sa upuan niya pero…may nagsasabi sa akin na hayaan na lang.
Sinubukan kong iangat ang kaliwang braso ko para gawin ’yun pero nakokonsensiya ako agad. D*mn it!
Kaya sa huli, hinayaan ko na lang! Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang may pinakikinggang music sa headphones.
Pero sa kasamaang palad, hindi talaga natuloy-tuloy ang malalim kong pagtulog. Nakarinig kasi ako ng hagikgik at tawa kaya napabangon ako. Naigalaw ko tuloy ang braso ko at napabangon.
"Fvck..." bulong ko pa dahil doon ko lang naramdaman ang ngalay sa braso ko. Nakita ko naman si Eiron na tila natauhan din at tumingin sa paligid, Mga nakatitig 'yung iba sa amin pero mas nakaagaw ng pansin si Rafael na nakatingin sa cellphone niya at ang mga nagtatakang mukha ni Luigi at Dice.
"Oh...pasensiya na. Napahaba ang tulog ko," bulong ni Eiron sa akin habang inaayos niya ang buhok. Halatang masakit ang mga mata nito.
Hindi ako nakasagot. Napansin ko rin sina Simone at Logan na nasa pinaka upuan namin dahil siguro hindi na nila kami inistorbo.
"Bro!! You two look like a couple," ani Rafael sa amin at pinakita ang picture namin ni Eiron. Nakasandal nga ang ulo niya sa balikat ko habang ako naman, nakasandal ang ulo ng bahagya sa kaniya.
Bwisit…
Napakamot sa ulo si Eiron. "A-anong oras na pala?"
"Magte-ten na, 5 minutes na lang," sabi ni Dice sa kaniya habang nakatingin sa relo nito. Nakita ko ang pagkataranta sa kaniya noong marinig niya 'yun.
"Hindi naman p-pumasok si prof?" tanong niya na ikinailing nila.
Nag-alala ba siyang mapagalitan?
“Wala ata si Prof,” ani Luigi sabay tingin sa akin.
Tumayo siya. "Maiwan ko muna kayo. May kailangan akong habulin!"
Nagtaka ang mga kaibigan niya. May binigay pa itong papel sa kanila bago tumakbo palabas at naiwan akong napapaisip.
"Ang aga mo pumasok ah!" tukso pa ni Simone sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tumayo na rin ako.
"Tara, nagugutom ako," ang sabi ko. Pinapakita pa rin sa akin ni Rafael 'yung ibang picture namin pero siniko ko lang siya. Napairap na lang ako habang dumadagundong 'yung dibdib ko.
Hindi ko lang alam kung sa inis o hiya eh. Pero ako naman ang nagsuggest sa kaniya n’un?
Makatukso lang talaga ’tong kalbong Rafael na ’to.
Pagpunta namin sa cafeteria ay agad akong nakaramdam ng restroom business, habang sila nag-uusap tungkol sa kakainin.
"Order niyo na lang ako kung ano man oorderin niyo, restroom lang," paalam ko bago lumabas at tinungo ang daan papunta roon. Pagbukas ko ng restroom ay agad akong nagpunta sa loob ng cubicle at ginawa ang dapat gawin. Matapos 'yun ay mag-aayos na sana agad ako pero nakarinig ako ng tila kaluskos sa kabilang cubicle. Hindi naman ako natakot at mas nacurios doon. May parang binubulong kasi ito.
Inilapit ko ang tainga ko sa wall na naghahati sa amin.
"Kaya mo 'to, Eiron. Laro lang naman 'yan, ok? Hingang malalim," sabi nito. Doon ko lang nakumpirma dahil na rin sa boses at sa sinabi nitong pangalan.
May laban sila?
“Kaya mo ’to. Para sa scholarship mo!” dagdag pa nito. Narinig ko na lang na bumukas ang pintuan ng cubicle, kasunod pa ay ang main door ng restroom.
Yun ba ’yung bumabagabag sa kaniya kanina at hindi niya sinabi sa akin?
Bigla akong may naisip kaya dali-dali na akong lumabas at bumalik sa cafeteria. Napansin ko naman na magkalapit lang ang upuan namin at nina Dice. Agad akong umupo sa tabi ni Rafael, malapit kay Dice na kasalukuyang nag aayos ng mukha.
"Manonood ba kayo ng laban nila Eiron?" sabi ko sa kanila. Napatingin silang tatlo sa akin, kasama na sina Logan at Simone.
"May laban sila?" tanong ni Luigi.
"Ay wala, ilusyon mo lang 'yun," pambabara ni Dice sa kaniya. "Pero, seryoso...wala siyang nasabi sa amin. May papel siyang binigay pero hindi naman sinabi kung ano—ahh, excuse letter!"
"Manonood nga kayo? Kinakabahan ata 'yun. Kailangan ng suporta natin," sabi ko. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata nila mula sa narinig. Napairap ako. "I mean, niyo."
"Oo naman! Buti pa sa'yo nagsabi!" pagtatampo ni Dice pero umiling ako.
"Nakita ko lang kanina sa isang bulletin board," palusot ko. Binuksan naman nila Yoseff ang papel.
"11 AM pa ang laban nila. May chance pa ba tayong manood eh may klase tayo?" tanong naman ni Yoseff sa kanila.
"Mas kailangan tayo ni Eiron. Magdi-ditch na lang ako tapos kayo ang pumasok. Para kahit papaano may magchi-cheer sa kaniya," ani Dice.
"Sasama ako," pagsabat ni Luigi sabay tingin kay Yoseff. Napatango na lang ito.
"Sabagay, tama kayo," ani Yoseff. "Iwanan niyo na lang 'tong sulat sa mga kablockmates natin."
Ganoon na nga ang ginawa namin. Nag-uusap usap nga sila tungkol sa cheer na isisigaw nila eh. Nagkasundo pa nga si Rafael, Dice, Simone at Luigi. Habang ako tahimik lang sa likuran nila. Bumabalik sa akin 'yung mga narinig ko sa kaniya.
It’s a process, Yuri. Hindi nga talaga agad magsasabi ang mga taong natutong magtago ng nararamdaman at nangyayari sa kanila. Wait for him…
Biglang lumapit si Yoseff sa akin. “Nagsabi na ba si Eiron sa’yo kung bakit siya umiyak nung umaga kahapon?”
Natauhan ako sa narinig. Kumunot ang noo ko. "Paano—"
Nginuso niya si Luigi. "Nasabi niya sa amin eh. Nagtanong ka nga raw sa kaniya."
Well, it’s not my place to say it kaya hindi ko ibubuka ang bibig ko. At nagsabi ako na kakalimutan namin ’yun para iwas ilang. Kailangan kong panindigan ’yun.
I shrugged my shoulders. “Hindi eh. Matigas ’yang kaibigan niyo.”
"Talaga? Kakausapin na lang namin siya," aniya pero hindi inilayo ang tingin sa akin. Para 'yun nag uusisa.
"What?"
"Hindi mo naman pinaiyak si Eiron 'di ba?" tanong niya uli.
Wow? Ako na naman?
“No. Hindi ko gagawin ’yun. Atsaka, hindi ko ’yun mapapaiyak. Matapang ’yun eh,” sagot ko na ikinatango niya.
Napabuntong-hininga ako. "Mukhang problemado simula pa nung enrollment eh. Nag-alala nga kami. Sana lang talaga...hindi ikaw ang rason nu'n, Yuri. Mabait na tao si Eiron para lang awayin mo siya."
Napalunok ako.
Nag-usap na kami eh. Pero hindi ko sila masisisi, ’yun ang pagkakakilanlan nila sa akin.
“Alam ko, kaya ko nga hindi na inaaway eh. Atsaka…mas mabuting na kayo na ang magtanong sa kaniya,” sagot ko na lang.
Nang makapasok kami sa loob ng gym ay nakita namin na halos mapuno ito ng mga nanonood. Naghanap agad kami ng mauupuan na medyo abot lang daw ang boses para marinig kami ni Eiron. Mabuti na lang at meron pa. Nagkatabi-tabi kami. Nasa dulo nila ako at katabi si Logan sa kaliwa. Habang sa kanan naman ay may iba pang bakante.
"Go Eiron!!!" sigaw ni Dice at Luigi. Sumunod naman ang mga sigaw nila Rafael, Simone at Logan. Napatingin sa amin si Eiron na nagpapractice ng shooting at nagulat pa.
Nandoon na naman na
nagkatitigan kaming dalawa. May kaunting ngiting sumilay sa labi niya sabay balik sa ginagawa. Parang may warm feeling na naman sa dibdib ko na siyang dahilan para mapahawak doon.
Napatingin sa akin si Logan.
"You saw it?" tanong niya na ikinailing ko. Napansin ko pa ang panliliit ng mga mata niya kaya napailing akong uli.
"Wala, hindi ko nakita kung ano man 'yan," pagtanggi ko sa kaniya.
Maya-maya nagsimula na ang laro. Mainit at tila sobrang intense. Mortal na kaaway ata ng Black Wolves 'yung makakalaban nila. Napansin ko pa na kinakausap nung Lance at Brix si Eiron. Napatingin sa direksyon namin si Eiron at nagtagpo ang mga mata namin pero mabilis 'yung lumihis dahil tumingin siya sa katabi ko. Pagtingin ko'y nakita ko na tumabi pala sa akin 'yung Adrian.
"Go! Bro!" pagchi-cheer nito kina Eiron. Tumigilid siya at ngumiti pa ang g*go sa akin kaya bigla akong nainis. Nakakairita!
Eiron’s Point of View
NANALO ang Black Wolves laban sa Blue Eagles ngayong araw. Part kasi nito kung sinong magiging representative sa regional, at ngayon ang una naming laban. Kinakabahan ako dahil tunay na laban na namin 'yun. Mabuti na lang talaga at nakiaayon ang panahon sa akin. Kinakailangan ko pang magpunta sa restroom para lang palakasin ang loob ko.
Wala rin akong pinagsabihan dahil…kinakabahan talaga ako. Ayoko rin silang ma-disappoint sa akin.
Kaso lang, nagulat ako dahil nandito silang lahat? Lalo na si Yuri? Alam ko namang malalaman din nila ’yun dahil sa excuse letter na binigay ko sa kanila, pero hindi ko pa rin inaasahan na malalaman nila ng mas maaga. Mas lalong hindi ko rin naisip na manonood sila kahit may klase kami ngayong araw. Tapos kasama pa nila ’yung kabilang grupo ni Yuri?
Sobra pa nga ang pagchi-chier nila sa akin, maliban kay Yuri na tahimik lang na nanonood sa akin. Hindi ko maiwasang mailang sa mga titig niya pa rin na paulit-ulit. Kaya sinubukan kong i-distract ang sarili ko. Agad akong nilapitan ng ilang ka-team ko kasama na sina Lance, Brix at Eros. Kasabay din nila si Adrian.
"You're great, sana pati sa susunod ganyan ka rin," komento ni Eros. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o pasasalamatan siya dahil kung hindi dahil sa tensyon namin, hindi ako gaganahan.
Iba talaga ang nagagawa ng takot ka pero ginagawa mo pa rin. Dadalhin ka nito kung saan-saan at malalaman mo ang potential mo habang dahan-dahang lumalakas ang loob mo.
Naramdaman ko naman ang pag-akbay ni Adrian sa akin.
"Congrats, Wolves!" aniya. "Ano, celebration ba mamaya?"
Agad naman silang nag-agree dahil doon pero ako, umiling.
"Why not? Sayang naman," malungkot na sabi ni Lance habang nakasakay sa kaniya si Eros dahil nagkukulitan sila.
"Sorry, marami kasi akong gagawin. Kayo na lang," palusot ko sa kanila.
"Hindi ba 'yan pwedeng mag-wait?" tanong naman ni Brix.
"C'mon, guys. He already rejected your invitations. Take the hint," pagsabat ni Eros na hindi ko na lang pinansin. Alam ko namang ayaw niya na nandoon ako.
Ako rin naman, anong iaambag ko roon? ’Di ba?
“Next time?” ani Adrian at itinaas pa ang dalawang kilay. Tumango na lang ako.
"Sure, sige," sabi ko na lang. "May pupuntahan muna pala ako."
Lumingon naman ako sa mga kaibigan ko at sa iba pa nilang kasama. Cheer pa rin sila habang papalapit ako. Papangiti sana ko, pero napawi 'yun ng mapansing nakasimangot si Yuri.
Bakit na naman?
“Nice play, Eiron!” Ani Rafael at inaalog-alog pa ako.
"Hanep! Pinakitaan mo na naman sila. Iba ka talaga, Eiron! Gagawa na kami from now on ng fansclub mo!" Banat pa ni Simone. Lumapit din si Yuri pero ganoon pa rin ang ekspresyon.
"Hoy, ikaw? Wala ka bang sasabihin?' pagsiko sa kaniya ni Logan.
"Nice game," seryoso niyang sagot. "I think we should celebrate."
"Wala namang kabuhay-buhay, bro! Hindi ka ba nadiligan at lumalanta ka na naman?" ani Rafael na ikinailing at ikinangisi ni Yuri.
"Hoy ikaw ah! Hindi ka talaga nagsasabi sa amin! Daya mo! Magtatampo na talaga kami sa'yo!" ani Dice pero agad na yumakap sa akin. "Pero galing-galing mo, Eiron. Boyfriend material ka kanina ah! Nakakainlove! Parehas kayo ni Papa Eros!"
Napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi nila, at sumama na sa kanila para lumabas na ng campus matapos makapagbihis at makapaglinis.
"We should celebrate! Tara! Mag-inom—"
"Kumain tayooo!" ani Dice at pinutol ang sinasabi ni Rafael. Napasimangot na lang ito.
"Ang lame ng celebration mo!" banat pa nito sa kaibigan ko.
Napameywang si Dice. "Aba! Palibhasa, lasinggero ka kasi! Atsaka anong lame? Hindi ka ba naghahanda kapag birthday mo?"
Natatawa silang nanood habang ako, naghahanda ng tumanggi. Wala rin naman akong perang ipangkakain. Kahit medyo malapit na rin akong sumweldo eh wala rin namang matitira roon. Maraming bayarin.
Nahuli ko na namang nakatitig si Yuri habang nakasandal ito sa pader at nakataas pa ang kanang paa. Mukhang binabasa niya na naman ako kaya ako ng umiwas.
"My treat," ani Yuri na ikinatigil namin. "C'mon, sayang naman ang effort mo Eiron kung hindi ma-acknowledge, right?"
Kumunot ang noo ko. "H-hindi naman kailangan, atsaka kailangan kasi ako ng mama ko."
Nakita ko ang pagtango niya. “I understand. See you around.”
Umalis na ang grupo niya habang naiwan kaming apat dito bago maghiwa-hiwalay. Kita ko ang disappointment sa mga mukha nila na agad namang nawala.
"Sigurado ka ba, Eiron? Hindi ka naman gagastos. Gusto ka lang naman namin makasama," ani Luigi na nakaseryoso rin. Umiling ako.
"Sa susunod na lang, ok? Babawi ako," sabi ko at ngumiti sa kanila dahil wala na akong masasabi pa. Kumaway na lang ako habang naglalakad paalis.
Pagkarating ko sa hospital ay naabutan kong kumakain si Mama habang kausap ni Aling Gina.
"Ma, nandito na po ako," sabi ko saka nagmano sa kanilang dalawa.
"Kumusta? Oh? Jersey? Naglaro ka?" ani Aling Gina. Napansin niya kasi 'yung nakasilip na damit ko sa bag. Napatingin naman si Mama sa akin. Kaya wala na akong nagawa pa.
"Oh, ah...opo eh, may laban kami kanina," sagot ko na lang.
"M-may video ka ba, anak? Gusto sana mapanood ni Mama," sabi ni Mama na nakikiusap. Napalunok ako.
Bakit ko nga ba kinalimutan? Kainis!
“Sorry, Ma. Hindi ko naalala—hayaan mo sa susunod, hindi ko na kakalimutan. Promise po,” malungkot kong sagot at hinawakan ang kamay niya. Nakita ko naman ang nanghihina niyang ngiti.
"A-ayos lang, anak. Alam kong busy ka. Nanalo b-ba kayo?" tanong nitong muli na ikinangit niya muli. "T-talaga?! A-ang galing mo talaga sa lahat ng bagay, anak. Sana talaga mapanood k-kita ng p-personal."
Ako rin ma, sana talaga…sana sa panahon na ’yun ay may milagrong mangyari. Sana wala ka ng sakit sa mga oras na ’yun.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nagchat ang professor namin sa group chat. May pa quiz pala ito bukas dahil hindi ito nakapasok kanina. Babawiin niya na lang daw sa time ng isa niyang subject.
"Bakit, anak? May trabaho ka na naman ba?" usisa ni Mama. Napabuntong-hininga ako.
Meaning, kailangan kong i-review si Yuri.
Tumango ako. “Babalik po ako agad pagkatapos.”
Hinawakan niya ako sa kamay. "Sulitin mo. Ayos lang ako...kami rito. Kung may kailangan ka pang gawin o icelebrate 'yang pagkapanalo mo, sumama ka. H'wag mo akong isipin, anak."
Tinignan ko siya ng may lungkot sa mga mata. "Wala po akong panahon diyan, ma—"
"Mas lalo akong nagkakasakit kapag nakita kitang ganiyan, anak. Please? Kahit ngayon lang? Ayos lang ako rito, at mas magiging ok pa ako kung hindi mo pababayaan ang sarili mo," sabi nito sa akin. Tila nakikiusap.
Tinignan ko si Aling Gina at tumango ito. "Sige na, iho. Pagbigyan mo na."
Humugot ako ng malalim na paghinga. "Sige po, pero babalik din ako bago mag alas-diyes. At tatawag ako oras-oras."
Ngumiti na ng masigla si Mama. "Sige, anak. M-mag-iingat ka."
Mabigat man sa akin pero,
alam kong mas mapapanatag siya kapag sinunod ko ang kagustuhan nito.
Agad kong chinat si Yuri matapos ’yun.
Eiron: “Papunta na ako sa inyo, mag rereview tayo.”
Napansin ko naman na agad siyang nagseen.
Yuri: “Wala ako sa bahay, but wait for me sa study room. Paalam lang ako sa mga tukmol na ’to.”
Kumunot ang noo ko at hindi na nagreply. Pero kaagad 'yung tumunog at isang message request iyon galing kay Logan.
Logan: “Hey, Eiron. May I ask you a favor? May quiz kasi tayo tomorrow and hindi ko naintindihan masyado ’yung 2 topics na coverage ng quiz bukas. Can you teach me tonight?”
Napakamot ako ng ulo. So, dalawa silang tuturuan ko? At saan? Sa bahay ba ni Yuri o sa ibang lugar?
Logan: “Don’t worry, I’ll pay you after. Alam ko namang business mo ’yan at gusto kitang tulungan. Don’t you worry about Yuri, he’s here at my place. Dito na lang siguro para maturuan mo kaming dalawa :) here’s my address…”
Kaagad namang nagpop-up ang chat ni Yuri.
Yuri: “No, don’t accept it. Uuwi na ako.”
Mas lalo akong naguluhan. Bakit ayaw niya naman? Sayang din. Isa pa, baka matulungan ko rin sina Rafael. Para hindi na sila mamoblema pa.
Nagdecide akong puntahan ang sinasabi ni Logan na isang apartment. Mukhang high-end ’yun dahil sa itsura palang nito. Pagkatok ko ay agad na bumukas ’yun at sumalubong sa akin si Logan na nakangiti. Nakasuot siya ng blue na hoody habang naka gray pants.
“You came,” masaya niyang sabi. “Come on in.”
Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang medyo kalakihang apartment. May sala sila na may magaganda at malalmbot na sofa. May malaking flat screen TV, split-type na aircon, chandelier sa napakataas na kisame. Walang tao rito.
“Nasa rooftop kami. Tara,” sabi nito sabay akyat sa rooftop na may kalawakan. May billiard sa gilid nito kung saan naglalaro sila Rafael at Simone. Mini bar sa isa pang gilid at kubo naman sa isa pa, malapit sa pintuan. Mahangin din kaya masarap tambayan.
“’Di ba sabi ko sa’yo uuwi ako?” biglang sabi ng boses. Pagtingin ko sa kubo iyon nanggaling at napansin si Yuri na nakasimangot. Nakabukaka pa ito habang nakasuot pa rin ng sapatos niya at pants. Sabayan mo pa na wala siyang pang-itaas na damit. Hawak niya ang cellphone sa kaliwang kamay habang may tila pizza siya sa kanang kamay.
Feeling nasa bahay ang loko.
“Sayang kasi. Alam mo naman ’di ba kung bakit?” tanong ko pabalik sa kaniya. Natauhan naman siya at tumango na lang.
“Ah ok,” malamig niyang sagot. Sumunod naman si Logan at naupo kami sa kubo, katapat ni Yuri.
“Notebook mo?” tanong ko sa kaniya. Nagsalubong ang kilay nito.
“I can listen naman,” sabi niya pero umiling ako.
“Labas mo na,” pagpilit ko.
“Fine…” Kinuha niya ’yun mula sa kaniyang bag at binuksan. Napabuntong-hininga ako sa nakita.
“Wala ka naman palang sinusulat. Pero ayos lang, makinig ka na nga lang at sasagutan ang ipapasagot ko mamaya,” sabi ko. Napansin ko naman si Logan na may sinulat kahit papaano.
“Sheesh, so bossy,” bulong ni Yuri na ikinangisi ko.
“Yo! yo! Anong meron? Sali naman kami diyan!” ani Rafael sabay upo sa tabi ko habang si Simone ay sa tabi ni Yuri.
“Sigurado ka?” tanong ko sa kaniya na ikinatango nito. “Review ’to para sa quiz bukas—”
“No thanks!” akmang tatayo na sana siya pero hinarang ni Yuri ang paa niya sa daanan.
“Walang bawian, bro,” aniya. Sumimangot naman si Rafael.
Nagsimula naman akong magdiscuss sa kanila. Mabuti na lang at mukha silang nakikinig sa akin dahil pinapasimplehan ko na lang ’yun. Pero napapakamot pa rin sa ulo niya si Rafael.
“Sa madaling salita, ang derivative ang ginagamit natin para malaman kung gaano kabilis nagbabago ang value ng isang function sa isang partikular na point. Halimbawa, kung ang equation natin ay (f(x) = x^2), ang derivative nito ay (2x),” paliwanag ko. Hindi ko namalayan na nakikipag eye-to-eye contact na pala ako kay Yuri na kagat-kagat ang ibabang labi niya at malumanay na nakikinig.
Napalunok ako dahil nakaramdam na naman ako ng kung anong kakaiba sa dibdib ko.
“Question, Eiron,” ani Logan kaya naputol ang tinginan namin. Napansin kong napairap pa ito.
“Wait lang, nalilito pa rin ako. Bakit naging 2x ’yung derivative ng x²? Saan galing ’yung 2? Hindi ko talaga siya ma-gets,” tanong ni Logan. Lumapit ng bahagya si Logan habang tinitignan ang notes ko.
“Galing ’yun sa power rule. Ang rule kasi, ibababa mo ’yung exponent bilang coefficient, tapos babawasan mo ng isa ang exponent. Kaya ang (x^2) magiging (2x^{2-1}), which is (2x). Kaya ganoon ang naging sagot,” ang paliwanag ko. May sasabihin pa sana si Logan ng mag-angat ito ng tingin sa akin pero tumikhim si Yuri.
“Ako may tanong, kailan ba natin siya talaga ginagamit? I mean, sa actual na Civil Engineering, saan natin maa-apply ang derivatives? Parang gets ko na yung formula, pero hindi ko pa rin makita kung bakit siya importante,” seryosong tanong nito.
“Ginagamit ang derivatives sa pag-compute ng slope ng roads at bridges, pag-analyze ng forces, at pag-optimize ng engineering designs—” hindi ko alam kung maitutuloy ko pa ang sinasabi ko dahil napansin ko na parang may kakaiba sa mga tingin ni Yuri. Napakalalim at titig na titig. Parang inaakit ako nito. Pakiramdam ko natutuyuan ako ng labi.
Itutuloy…
May nagbabasa pa ba nito? HAHAHAHA
Desire 11
Desire 11: Irritated
Eiron’s Point of View
Ipinagsawalang bahala ko na lang din ang tingin ni Yuri dahil hindi na talaga ako makapagsalita. Nakakadala ’yung mga mata niya na parang nilalamon ako ng buhay. Iniwasan ko ’yun at tumingin kay Simone na nakatitig din sa akin, pero hindi katulad ng katabi niya, normal lang naman ang mga mata nito at tumatango pa na parang naiintindihan ako.
Pero sa peripheral vision ko, napapansin ko pa rin na nakatutok ang mga mata niya sa akin. Kaya nagpanggap akong tumingin sa notebook ko kahit wala naman doon ang explanation.
“Sandali nga, wala talaga akong maintindihan,” ani Rafael habang nagkakamot ito sa kaniyang ulo.
“Alin ang hindi mo naintindihan?” tanong ko at tumingin sa kaniya dahilan para maiwasan ko lalo si Yuri.
“Bakit kailangan pa nating i-derive? Hindi ba pwedeng gamitin na lang mismo ’yung original equation?” tanong pabalik ni Rafael.
“Puwede sa ibang cases, pero kung gusto mong malaman kung gaano kabilis nagbabago ang value sa isang specific point, derivative talaga ang kailangan,” sagot ko naman.
“Yown!! Thank you, Eiron! Mwah!” ani Rafael na tila hahalikan ako. Naramdaman ko naman na may mahinang sumipa sa paa ko kaya napaayos ako ng upo. Kainis ah?
“Then, let’s see if we learn something,” ani Logan. “Quiz us, Eiron.”
Nagtilt naman ang ulo ni Yuri sa akin habang iniangat ng sabay ang mga kilay. “Yeah…quiz us.”
Napangiti ako at kumuha ng papel para isulat ang ipapasagot sa kanila na example. Pagkabigay ko ng mga ’yun sa kanila ay hinuli ni Yuri ang kamay ko. Para na namang may kuryente na dumaloy doon kaya napaigtad ako ng kaunti.
“A-ahmmm bakit na naman?” tanong ko habang simpleng binabawi ang kamay ko sa kaniya.
“Can you watch me while I’m doing it?” tanong nito at itinuro ang space sa tabi niya gamit lang ang pagtilt muli ng ulo.
“Hindi mo ba magawa mag-isa, Yuri?” sabat naman ni Simone.
“Shut up, Simone,” ani Yuri ng hindi inaalis ang tingin sa akin. “Hmm? Watch me.”
Hindi na lang ako umangal kaya lumipat ako ng panndalian sa tabi niya. Tinignan ko naman ito habang natatawang umiiling si Logan sa amin. Noong tingnan ko ang notebook ni Yuri, nagsisimula na siyang sagutan ang equation na binigay ko. Naririnig ko pa nga ang mahihina niyang pagbuntong-hininga habang nagsusulat.
Napansin ko naman na tama ang paggawa niya.
“Look at this, Eiron. Is this correct?” tanong ni Logan at pinalapit ako.
“Tsk,” mahinang asik ni Yuri noong bahagya akong tumayo para tingnan ang gawa ni Logan. Tinigil niya ang ginagawa at pinanood kami.
Lakas talaga ng topak nitong lalaking ’to.
“Sagutan mo lang,” sabi ko sa kaniya. “Ah oo tama naman ’yan. Pero mas ok sana kung ipapakita mo sa gilid ’yung pagsolve mo dito.”
“Done, look at this too, Eiron,” ani Yuri. Tinignan ko siya ng medyo iritado at nilapitan muli. Humawak pa siya sa balikat ko ng bahagya. “Hmm? Is this correct?”
Kumunot ang noo ko roon. “Mali naman ’to eh. Tama na ’yung pagsolve mo kanina nung nakita ko. Sinasadya mo bang malian?”
Ngumisi siya sa akin. “What? No way! Tss, uulitin ko na lang.”
“Ayusin mo. Halatang sinasadya mo malian eh,” banat ko pa sa kaniya.
“Sinabi ko naman sa’yo na panoorin mo ako para makita mo kung saan ako nagkamali,” sabi nito. “Ako nga lang dapat kasi ang turuan mo eh…”
Pabulong na ’yung sinabi niya kaya medyo hindi malinaw sa akin. “Anong sinasabi mo?”
“Nothing, just watch me,” aniya. Napatingin naman ako sa dalawa ko pang kasama na nakakunoot ang mga noo sa amin. Tila nagtataka sila kung bakit ginawa ni Yuri ’yun. Habang si Logan parang pinipigilang matawa.
“What’s funny, Logan?” iritadong tanong ni Yuri sa kaniya.
“W-wala,” aniya at yumuko para gumawa pa rin ng pinagagawa ko. “Eiron, can you—”
“Kaya mo na ’yan, Logan. Tama naman daw ang gawa mo,” pagsabat ni Yuri. Tinignan ko naman ang gawa ni Yuri. Mukhang tama naman na pero hindi siya nakafocus. Ano bang problema ng isang ’to?
“Eh eto, Eiron?” ani Rafael sabay pakita sa akin ng notebook niya. May napansin lang akong ilang mali.
“Mali ’tong part na ’to and naapektuhan na ’yung ibang part kaya ulitin mo na lang,” sabi ko. Napakamot uli ng ulo si Rafael sa akin.
“Paano ba?” tanong niya. “Turuan mo nga ako.”
Wala naman akong naging angal dahil medyo nakakaawa siya. Noong tumabi ako sa kaniya ay nagsimula ulit siyang sagutan ’yun.
“Ayan, tama ’yan pero dapat dito siya hindi siya ibababa,” sabi ko.
“I’m hungry, hindi ba tayo kakain?” sabat ni Yuri na tila tinatamad.
“Kakaorder lang kanina—” tinakpan ni Yuri ang bibig ni Simone.
“Order na kayo,” reklamo pa uli ni Yuri. Napangisi naman si Logan at sinarhan ang notebook niya.
“Naiintindihan ko na ’yung tinuro mo, Eiron. Thank you ha!” ani Logan sabay akbay sa akin. Napangiti na lang ako at tumango.
“Walang anuman.”
“How much?” tanong pa niya.
“Ah may bayad ba?” ani Rafael. “Magkano?”
“Yeah, is 3,000 fine with you?” ani Simone.
Napailing ako agad. “A-ah sobra ata—”
“3, 000 is fine. Ganyan ang fare niya everyday sa akin,” sabat ni Yuri. Nanlaki ang mga mata ko pero nailapag na nila Simone, Logan at Rafael ang tatlong libo sa harap ko.
“M-malaki na ’to masyado,” sabi ko sa kanila.
“Nah, ok lang. Mas maganda nga pagkakapaliwanag mo kaysa sa prof natin eh,” ani Rafael sabay tapik sa balikat ko. Tinignan ko si Yuri na nakaseryoso lang sa akin.
Nakakalito ang pagkatao ng lalaking ’to.
“I’ll order something for us,” ani Logan.
“A-ah uuwi na rin ako,” pagtanggi ko pero umiling si Simone.
“Celebration natin ’to, Eiron. Masyado kang magaling kanina kaya dapat lang natin ’tong gawin ’nooo,” anya . ’Oh sheesh, wala na palang ice. Tara Rafael, bumili nga tayo.“
Hindi ako nakapagsalita ng marinig ’yun. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Yuri sa akin at sumandal pa sa kinauupuan.
“Bakit mo sinabi sa kanila na ang fare ko ay 3,000? Baka mamahalan sila,” tanong ko sa kaniya. Ipinikit niya ang mga mata.
“You’re smart and tama naman ’yung pinagsasabi at pinagagawa mo kanina so…you deserve it,” sagot nito sa kalmadong boses.
Napasandal din ako. “Pero…mahal pa rin. Atsaka baka wala na silang pera.”
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Are you afraid na mawalan sila ng pera? Sa dami ng pera nila, barya lang ’yang natanggap mo.”
Tinignan ko siya. “Yabang ah?”
Idinilat niya ang mga mata at napansin ko na hindi na seryoso ang mga ’yun. Tila may curiosity sa paraan ng pagtingin niya sa akin. “Anong mayabang doon? I’m just stating the facts.”
Napailing ako at iniwasan ang mga mata niya. “Edi kung ganoon pala, dapat alukin ko na sila kung magpapatutor o magpapagawa sila ng something sa akin?”
“No,” aniya sabay bangon.
Kumunot ang noo ko. “At bakit? Sayang din oh? Habang naghihintay ako sa sweldo ko sa daddy mo.”
“Then…” naglabas siya ng pera at inilapag din sa akin. “Here, I’ll pay you. Just don’t include them here.”
“Ano? At bakit naman? Ayaw mo nu’n? Imbes na nag-iinom lang kayo eh nag-aaral kayo at nagrereview?” sabi ko naman. Napabuntong-hininga ako.
“At…hindi ako mukhang pera. Alam mo naman kung anong sitwasyon—”
“No, I’m not saying that,” pagputol niya sa akin. Nakita ko ang guilt sa mga mata niya sabay iwas nito at tumingin sa kabilang gilid kung saan kita ang ibang establishment at ang maliwanag na kalsada. “It’s just…hindi lang ako sanay na ganito kami. Atsaka, nasanay na akong ako lang tinuturuan mo.”
Napalunok ako sa narinig. “Pero kung ipagtabuyan mo ako dati ah? Ngayon, ineenjoy mo na?”
Lumingon siya sa akin at nakita ang pagtingin niya sa noo, mata, pababa sa labi ko bago muling sinalubong ang mga titig ko. T*ngina, bakit niya ginagawa ’yun kapag medyo magkalapit kami?
“Past is past,” aniya. “Besides, ayoko lang din sayangin ’yung oras at trabaho mo kaya hindi na ako umaangal kapag kailangan mo akong turuan.”
Bahagya akong napangiti. “Ano bang nakain mo at bumait ka diyan?”
“Wala. Ayaw mo ba? Madali naman akong kausap,” aniya na tila nagbabanta.
“Kita mo ’to, napakamoody. Bakit ka ba ganyan? Kanina ang sungit mo. Ayaw mong turuan ko sila tapos naiinis ka rin na pinagsabay-sabay ko kayo lalo na si Logan. Ngayon naman ang bait mo?” sabi ko sa kaniya. Inirapan niya ako.
“Wala, naiinis lang talaga ako. Matalino naman si Logan kaya nagtataka lang ako kung bakit hindi niya nagets ’yung topic kanina,” sagot nito.
“Hindi naman porket matalino, gets agad lahat ng topic. Hindi ganoon ’yun, Yuri,” pagkontra ko sa kaniya. Tumingin siyang muli pero masinsinan na. Dahan-dahan siyang lumapit pa sa akin kaya umatras ako at pilit na inilalayo ang sarili ko. Kumabog ang dibdib ko at naamoy ang pabango niya at ang mabangong hininga.
Nant-trip ’tong lalaking ’to! “A-ano ba? Baliw!”
Tumawa siya ng nakakaloko bago biglang umamo ang ekspresyon sa mukha. Lumayo siya matapos ’yun. “Ang ganda lang din ng pagkakabanggit mo sa pangalan ko.”
Napangiwi ako at mas nagtaka. “Ano? Pati ba naman ’yun? Hindi na talaga kita maintindihan, Yuri. Nababaliw ka na ba?”
“Yes,” diretso niyang sagot pero pabulong lang. Napatingin ako sa kaniya habang sinusuri ang itsura niya.
Siraulo na ’tong lalaking ’to. Pati ba naman ’yun napapansin?
“Oh, don’t look at me like that,” aniya. Napatayo ako.
“Bahala ka nga. Nag aadik ka ata,” sabi ko na lang at balak sanang lumayo sa kaniya pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kaniya. Napatukod ako sa mga hita niya habang pinipigilang matumba sa mismong mukha niya.
Magkalapit na naman kami, ptangnga.
"Ako lang ang turuan mo, please?" pakiusap niya sa husky na boses. Hindi ako nakapagsalita o nakagalaw. Para akong naestatwa. Parang may kung ano sa tyan ko na kumikiliti sa akin. Nakaramdam din ako ng warm feeling sa dibdib ko.
Weird.
"Ako na lang," pag-ulit niya pa habang nakikiusap din ang mga mata.
Ano bang nangyayari sa akin?
“A-ano bang sinasabi mo?” maang-maangan ko na lang at sinubukang bawiin ang kamay ko sa kaniya pero tila ayaw at wala siyang balak na bitawan ’yun.
"Just...say yes," sabi niya pa. Napakagat ako ng ibabang labi at lumayo ng bahagya. "Please?"
Hindi na nagawa pang magsalita at dahan-dahan pa niyang inilalapit ang mukha sa akin.
"Oo nga eh pero 'di ba sabi ko nga sa inyo, mas maganda 'yung itinuro ko—"
Tila natauhan ako ng marinig ang boses na 'yun at agad na lumayo. Ganoon din si Yuri at nabitawan pa ang kamay ko. Napalunok ako sa nangyari.
Ang weird ng hinapuyak na ’to. Kung ano-ano na lang sinasabi at ginagawa.
“Uy Eiron, ok ka lang?” ani Dice na ikinataka ko. May hawak siyang tatlong plastic. Napatingin pa siya sa direksyon ni Yuri at bahagyang nanlaki ang mga mata.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila. Nandito rin sila Yoseff at Luigi kasabay nila Rafael at Simone. Si Logan naman ay nasa hulihan at may hawak pang tatlong upuan.
“Yoohooo!” ani Rafael sabay lapag ng alak sa lamesa. Siguro mga tatlong bote ’yun at mukhang mamahalin. May mga nilapag din si Luigi na mga boxes. Napalunok ako roon. Mukhang ito na ’yung celebration na sinasabi nila.
“This is completely free, Eiron. So don’t worry. Nag-ambag-ambag naman kami rito,” ani Simone bago umakbay sa akin.
Tumayo naman si Yuri na pasikreto kong sinundan ng tingin. Nagpunta siyang mag-isa sa part ng billiard at naglaro. Kung ano man ’yung nagawa niya, trip-trip lang siguro ’yun.
Pero nakakailang! Bakit parang kayang-kaya niyang gawin ’yung mga ganoong bagay? Tapos ako pa ’tong hindi makagalaw. Mukha tuloy akong sunod-sunuran sa kaniya.
“Oy ok ka nga lang? Inaway ka ba ni Yuri?” usisa uli ni Dice.
Lumingon sa akin si Yuri pero sandali lang. Hindi ko ’yun pinansin. Saka ako umiling at kumuha na lang ng isang slice ng pizza. “Huh? Ok naman kami, kayo ba? Paano kayo napunta rito?”
“Actually, plinano nila Logan ’to. Kunwari magpapatulong sila sa’yo. Ayaw mo raw kasi sumama kanina eh,” paliwanag ni Yoseff. Tumabi naman sina Rafael at binuksan ang alak.
“Cheers!” sigaw nilang tatlo, kasama sina Dice. Binigyan naman nila ako ng isang baso pero umiling ako.
“Hindi ako umiinom eh, sorry,” pagtanggi ko sa kanila.
Napasimangot si Simone. “Why? It’s your night atsaka isa lang naman.”
Umiling akong lalo. “Sorry, hindi talaga eh.”
May kumuha naman ng baso sa lamesa. Napatingin kami kay Yuri dahil pinalitan niya ’yun ng isang baso ng juice. “Oh, ito na lang. H’wag niyo na pilitin.”
Napatingin ako sa adam's apple niya dahil mabilis niyang ininom ang alak na para sa akin. Hindi man lang din siya ngumiwi o anuman. Tinignan niya pa ako habang dinidilaan niya ang itaas at ibabang labi.
"Hey, I think we forgot something? Ah! hindi talaga 'to buhay kung walang..." binuksan ni Rafael ang isang bluetooth speaker. Kasabay nito ang mga disco light na nakasabit pala sa loob ng kubo.
"Wooohoo!!" sigaw ni Dice at nagsayaw na kasama nila. Hindi ko maintindihan 'yung kanta pero parang narinig ko na. Para siyang R&B song. Yung mga pinatutugtog habang may nagse-sexy dance.
"C'mon guys! dito!!" hyper na pagyaya pa ni Simone kina Luigi. Anim na nga ata sila roon habang ako lang ang natirang nakaupo at masayang pinapanood sila kung papaano magsayawan.
"Bakit ayaw mong sumali sa kanila?" tanong ni Yuri na naupo sa isang upuan at kumuha ng isang burger.
"Ah..hindi naman ako sumasayaw," sabi ko habang nilalabanan ang pagkailang.
“It’s fine. Hindi naman required eh. Just feel the beat of the song,” aniya. Napansin ko pa sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin niya sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi.
Nakita ko ring napatingin sa akin si Dice.
"Tara na, Eiron. Bawal ang KJ ditooo," sabi niya at hinila ako. Hindi ko naman alam kung paano niya ako napasunod at nagawa 'yun. Pinilit nila akong pasayawin.
"Eiron! Eiron! Eiron!" sigaw nila. Naramdaman ko pa ang pag-init ng pisngi ko dahil doon. Pinakinggan ko ng mabuti ang kanta at tulad ng sinabi ni Yuri, sinabayan ko lang ang beat nito. Nakisabay rin sila kaya napangiti ako sa saya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.
Siguro dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
Habang nagsasayaw kasama sila, napatingin naman ako kay Yuri. Masinsinan na naman siyang nakatitig. Pinapanood niya ako habang iniinom niya ang alak sa baso niya. Tumalikod ako at pilit siyang ialis sa utak ko.
"Drink more, bro!!" ani Rafael sa akin bago ako bigyan ng another juice. Kinuha ko 'yun at ininom. Mabuti na lang at normal pa rin ang lasa dahil akala ko nilagyan nila ng alak 'yun.
Bigla namang nag-iba ang tugtog at napunta sa sexy song.
“Ay! Song ko ’yan!!” ani Dice bago sila magsimula magsigilingan. Natatawa man pero nakisabay ako sa kanila. Pakiramdam ko, panandaliang nawala ang mga iniisip ko habang nakikisama sa kanila.
Pinatay pa nila ang pinaka ilaw at tanging ’yung disco light lang ang gumagana at ’yung sa mini bar.
Ganito pala ang pakiramdam ng mga nagsasayaw sa club. Masakit sa mata pero eventually, mawawalan ka ng pakielam sa paligid dahil nadadala ka ng music.
Habang busy sila sa pagsasayaw, napansin ko ang isang bulto ng tao na nagsasayaw sa tapat ko. Sinasabayan pa nito ang bawat galaw ko. Nang iangat ko ang titig ay napansin ko si Yuri pala ’yun. Humawak siya sa balikat ko habang diretso ang mga mata sa akin. Mula sa mga pasilip-silip na mga ilaw ay napapansin ko ang bawat galaw ng katawan niya. Dahan-dahan naman akong huminto.
“C’mon, dance. Enjoy this night,” pabulong niyang sabi mula sa tainga ko. Hindi ako nakagalaw ng dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay sa bewang ko. Sinubukan kong ibahin ang galaw at ritmo pero iba pa rin ’yung dala ng indak niya.
“Akala ko ba…hindi ka nagsasayaw?” nanunukso pang tanong niya na ikinabigat ng paghinga ko.
“Hindi naman…p-pinilit lang ako,” sabi ko sa kaniya. Dahan-dahan akong umaatras at inaalis ang kamay niya. Pero hinigit niya pa ako. Parang bumagal ’yung galaw ng paligid at tumibok ng mabilis ang puso ko.
Natamaan ng ilaw ang mga mata niya kaya muli kong nakita ’yun. Napalunok ako habang tila hindi alam ang gagawin.
Pero dahil sa pagbangga ng kung sino sa likuran ko ay bigla akong natauhan.
“Y-yuri…’yung kamay mo,” sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya bago siya lumayo sa akin ng kaunti. Doon na ako tuluyang naupo at nagkunwaring uminom na lang. Nanunuyo ang lalamunan.
Pinanood ko na lang sila at nagkunwaring nakangiti. Gusto ko mang mag-enjoy pero paano na lang kung ganito ang inaasta nitong Yuri?
Ano ba kasing problema niya? Napipikon ako pero mas nananaig sa akin ’yung…kabog ng dibdib ko.
Napahawak ako roon at humingang malalim. Ayoko namang sirain ang gabi nila kaya nanahimik na lang ako at nagkunwaring pagod.
Si Yuri naman tila nawala. Pasimple ko siyang hinanap pero wala talaga siya. Hayaan mo na siya. Buti na rin siguro ’yun.
Siguro mag iisang oras din sila nagsayaw bago mapagod at bumalik sa lamesa upang ipagpatuloy ang inuman. Bumukas naman ang ilaw at napansin na wala pa rin si Yuri. Pinilit ko siyang hindi inalala.
“This…is for Eiron, ang representative ng engineer department sa basketball. Cheers!” sabi ni Rafael sabay inom ng alak.
Napaglinga-linga naman si Simone. "Oh, nasaan na si Yuri?"
Hindi ako sumagot at nagkunwaring kumakain.
"Hayaan niyo na, baka tinotopak na naman, or baka nagvape sa baba," sabi ni Rafael.
Napakunot ang noo ko. "Vape?"
"Ah, oo. Nagve-vape 'yun kapag stress masyado eh," sagot naman ni Logan habang nagkekwentuhan sila ni Luigi. Tumango na lang ako bago makaramdam ng tawag ng kalikasan.
"Restroom lang," sabi ko sa kanila.
"Baba ka lang, tapos kaliwa," sabi ni Logan na tinanguhan ko naman. Noong makababa ako ay nadaanan ko pa ang pintuan at napansin ang tila bulto ng isang tao.
Mukhang tama nga sila. Nandoon siya.
Hindi na lang ako gumawa ng ingay at nagpunta sa dapat kong pupuntahan. Nang matapos ay agad kong binuksan ang pintuan. Sumalubong sa akin si Yuri na tila puno ng pagkalito ang mga mata. Tinulak niya ako ng mahina papasok at sinandal sa pader ng banyo.
"Yuri, a-ano ba?!" sabi ko. Pero hindi niya ako sinagot. Tinignan niya lang ako mula mata hanggang labi ko. Bago siya lumayo. Naamoy ko naman ang tila cola flavor sa kaniya. Doon ko nakita na nagmula 'yun sa isang bagay na nakakwintas sa kaniya.
Yun na siguro ang vape.
“Ano bang problema mo?” tanong ko uli habang inaayos ang sarili. “Kanina ka pa ah…”
Napapikit siya at hinilot ang noo. "I don't know! Ugh! Fvck it!"
"Anong hindi mo alam? Dapat alam mo! Kakaiba 'yang kilos mo eh!" sabi ko at bumuntong hininga.
Tinignan niya ako ng matalim. Pero agad ding nawala 'yun. "Magpapahangin lang ako uli. Enjoy kayo sa taas."
“Sandali lang—” hindi ko na natapos ang sasabihin ng umalis siya. Napailing na lang ako. Nag-aadik ata eh?
Gayunpaman, bumalik naman na ako sa itaas. Nagtanong naman sila tungkol kay Yuri pero sinabi ko lang na nagpahingin daw ito kaya hinayaan na nila. Pilit ko namang idistract ang sarili ko pero mas lalo niya lang ginulo ang utak ko kaya hindi ako makausap ng maayos. Hanggang sa napagdesiyonan na naming tapusin ’yun dahil may pasok pa bukas.
“I hope nag-enjoy kayo sa mini party,’ ani Logan na tila close na agad sina Yoseff.
“Oo naman! Pwede naman sa susunod eh! Mapipilit naman na natin ’to si Eiron, ’di ba?” ani Dice sabay siko sa akin. Napatango na lang ako.
“Maaasahan na rin ba namin na tuturuan mo uli kami, Eiron?” sabat ni Rafael sabay ngiti na parang nakikiusap.
Napangiti ako. “Oo naman. Chat o sabihan niyo lang ako.”
Bumukas naman ang gate at napatingin kay Yuri na kakapasok lang. Nang makita niya ako ay itinabi niya ang vape na hawak.
“Uuwi na sila Yuri, saan ka ba galing?” tanong ni Rafael.
“Uuwi na rin ako,” aniya.
“Ganoon? Hindi pa ubos ang alak gag*,” ani Simone pero umiling si Yuri.
“May quiz bukas. Saka na ’yan mga tukmol!” aniya.
“Sabagay…anyway, ihatid ko na kayong apat?” alok ni Logan na hinahanda ang susi ng sasakyan.
“G!!” ani Dice sabay tingin samin nila Luigi.
“May susundo sa akin eh?” ani Luigi na tila nahihiya.
“Pwede naman ako sumabay. Medyo malayo rin ang bahay namin dito,” ani Yoseff sabay lipat ng tingin sa akin.
“Kaya ko naman sumakay. May jeep naman—”
“Isasabay ko siya,” ani Yuri sabay senyas sa akin. “Tara na.”
Napailing naman ako. “Kaya ko naman sumakay ng jeep.”
“Tara na,” sabi nito sabay hawak sa braso ko. Hindi ko napansin na sumunod naman ako sa kaniya habang nakatitig sa kamay nito. Nang marating namin ang motor niya ay agad niyang kinuha ang isa sa mga helmet na sinuot ko noon at sinuot na naman sa akin. Sinibukan ko h’wag titigan ang mga mata niya.
Eto na naman ’yung pakiramdam.
Pagkasuot niya ay sumakay na siya. "Alis na kami."
Nagtataka naman silang anim na nakatitig sa amin pero nagsitanguhan at kumaway naman sa huli.
Pagsakay ko aya agad niyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa bewang niya. Doon na niya pinaandar ang sinasakyan namin sa katamtaman lang.
Habang nasa daan, walang umiimik sa amin. Gusto ko mang alisin ang kamay ko pero hindi ko na lang ginawa. Baka may sabihin na naman sa akin.
"Can we stop for a while?" tanong niya.
"Huh?" pagkukunwari kong hindi narinig. Hindi naman na siya sumagot muli pero noong marating namin ang isang pamilyar na lugar ay doon ko lang naintindihan.
Pier.
“Ok lang ba? Magpapahangin lang naman tayo,” aniya. Hinubad ko ang helmet at tumango.
"Maaga pa naman," sagot ko sabay tingin sa relo ko. Chineck ko rin ang cellphone ko pero walang update mula kay Aling Gina.
Bumaba kaming parehas at nagsimulang maglakad sa mahangin at maliwanag na pier. Bumuntong hininga siya.
"First, I just wanna say sorry for what I said earlier..." tinignan niya ako. "I was so selfish at that time. Hindi ko agad naisip na makakatulong pala sa'yo 'yun."
"Ayos lang naman. Pero bakit? Bakit gusto mong ikaw lang ang turuan ko? Bukod sa nag eenjoy ka sa ginagawa natin?" tanong ko sa kaniya.
Napansin kong nag-iwas siya ng mga mata.
"Wala, ewan. Hindi ko rin alam ang sagot," sabi niya. "Pero payag naman na akong isama mo sila. I hope the money we gave will help your mother's condition."
Naramdaman ko ang sincerity sa huli niyang sinabi. Napahawak tuloy ako sa ibabang bahagi ng damit ko. "A-ah oo naman, sobra-sobra na 'yun."
Hindi siya nakapagsalita. Wala rin akong nasabi pagkatapos nu'n. Para akong naubusan ng sasabihin sa isang iglap. Kaya naman, ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.
"Yung ginawa ko kanina. Inaasar lang kita...and I'm so sorry for that," sabi niya muli. Napadilat ako.
Edi tama nga ako? Tss…
“Akala ko kung ano na eh,” biro ko na lang.
"Bakit? Ano bang akala mo?" tanong niya sabay harap sa akin muli. Nilagay niya sa bulsa ang magkabilang kamay. Itinaas nito ang kilay niya na tila may gustong marinig.
"Wala naman."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Did you enjoy the party tonight?"
"Oo...sobra," sabi ko sabay ngiti.
Pero slight na hindi, kasalanan mo rin naman eh. Nakakainis kasi ’yung kilos mo.
“See? There’s nothing wrong with enjoying life, even just once in a while. Mukhang nag-enjoy rin ang friends ko at friends mo. Hindi mo ba napansin ’yung bond nila?” aniya.
Tumango ako. "Napansin ko. Mukhang magkakasundo nga eh."
"I didn't expect that. Nagplano pa sila kanina eh. Nag-aalala sa'yo talaga ang mga kaibigan mo. Miski si Logan eh, kaya ayon nadamay na sila Simone at Rafael," sabi pa ni Yuri. Hinawakan niya ang braso ko. "You should go out sometimes with us."
Hinimas ko ng bahagya ang baba ko. "Saan naman? Bar? Club? Hindi ako mahilig diyan eh. Yung kanina pwede pa."
Tinilt niya ang ulo niya. "We'll have that kind of hangout so you'll feel more comfortable. Besides, iwas na rin sa gulo. Minsan, nakaka overwhelm din ang feeling sa mga pinupuntahan namin."
“Kayong bahala,” sabi ko. “Pwede naman lalo na kung pagtapos ng session ko sa inyong apat.”
Sandali kaming natahimik. Pero sa mga oras na ’yun, hindi tumalikod o inalis ni Yuri ang mata niya sa akin. Bigla siyang ngumiti. Yung ngiting ibinigay niya rin noong nandito kami.
Lumabas na naman ang pagka gwapo niya.
“You said na dapat akong ngumiti. Medyo nakalimutan ko pala kanina,” aniya sabay tawa uli. “Speaking of smile, bakit hindi mo sinabing may basketball game ka kanina?”
Nagpakawala ako ng paghinga sa narinig. “Lalo lang akong kakabahan kapag nandoon kayo eh.”
“Kinabahan ka ba noong nandoon kami?” tanong niya uli. Umiling ako.
“See? There’s nothing wrong with it. Besides, mga kaibigan mo naman sila eh. Mas nakakamotivate kaya kapag naririnig mong may nagchi-cheer sa’yo. Also, please open up with us. Kung anong ipinagkakaba mo. Minsan nakaka lessen din ’yun eh.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Teka, paano—”
“H-halata sa sarili mo. Atsaka, hindi ko sinasadya na marinig ka sa restroom. So…”
Nagkibit-balikat naman ako. “Hindi ko kasi kaya atsaka laban ko naman ’yun so ako pa rin naman ang makakapag-alis ng nerbyos ko.”
“I know it’s a process, but please if you can’t handle it…just call your friends, or call me,” aniya. Natulala ako sa sinabi niya. Napansin ko naman ang pagkislap ng isang bituin sa langit. Kasabay nito ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.
NATAPOS ang pagpasa ng quiz sa last subject namin kaya narinig ko ang pagbuga ng hangin at mga tila mahihinang dasal ng mga kaklase ko. Nachekan na rin kasi ngayon kaya malalaman na namin ang score. Napansin ko naman si Yuri na tahimik lang bago niya kunin 'yun.
"Class dismissed! Don't forget your homework next meeting," sabi ng prof namin bago umalis.
"Kyahh! 23/25 ako!!" tili ni Dice.
"Wow! Nandaya ka 'no? Patingin!" usisa ni Rafael sa kaniya na ayaw atang magpatalo. Sumunod naman si Luigi.
"22/25 naman ako," aniya sabay ngiti sa akin.
"Same," ani Yoseff na chill lang at tila inaantok.
Tinignan ko naman sila Simone at Logan. Itinaas nila ang papel at nakitang 24/25 sila parehas.
"Look, perfect ako," ani Yuri sabay pakita ng papel sa akin. Kinuha ko 'yun at ngumiti.
"Marunong ka naman pala eh. Baka hindi mo na talaga ako kailangan?" biro ko na ikinasimangot niya.
"Ikaw?"
"25/25 din," sagot ko. Naghiyawan ang mga kaibigan ko na ikinagulat ko pa.
"Ikaw na talaga, Eiron!!" ani Dice. "Naperfect mo 'yung mahirap na 'yun?!"
Napakamot na lang ako sa ulo at pilit na ngumiti. "Nahirapan nga rin ako eh kaya muntik na nga akong malate ng pasa."
"Pati si bro!! Kinopya mo ba 'to kay Eiron?" ani Rafael kaya sinamaan lang siya ni Yuri ng tingin.
"Anong akala mo sa akin, b*bo?" sabi ni Yuri.
Dahil sa sobrang saya nilang lahat na nakapasa sila ay sabay-sabay kaming lumabas ng room para umuwi na rin.
"C'mon, sakay na sa sasakyan ko," sabi ni Yuri. Tinignan ko siya habang inaayos ko ang bag ko. Napairap nalang siya. "May gagawin tayo, right?"
Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko at kina Logan bago kumaway. Noong makapasok at makaupo sa passenger seat ay tumingin pa ako sa labas. Napansin ko naman na may kumakausap kay Rafael na isang babae. Para itong iritado habang tinuturo ang sasakyan ni Yuri. Hindi ko na lang pinansin.
Pagdating namin sa bahay nila ay wala naman sina Mr. Quintin at Sir Yuan kaya nakaakyat kami sa study room. Binilinan din ni Yuri ang isa sa mga maid na maghanda ng pagkain para iakyat sa amin mamaya.
"Kapagod," aniya sabay upo sa swivel chair. Sumandal pa siya at bored na inikot ang inuupuan.
"Tara na para makapagpahinga ka na rin," sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya tumutol at agad naming ginawa ang plates na kailangan ipasa bukas. Tinignan ko siya noong oras na natahimik ito. Medyo papikit na siya pero nilalabanan niya naman.
"Gusto mo bang kape? Papakuha kita?" sabi ko sa kaniya. Tinignan niya ako.
"Just tell me a story to keep me awake," aniya at muling binalik ang focus sa ginagawa.
"Ano naman?"
"Hmmm...random things?" aniya. Dumating naman ang maid at inilapag ang pagkain sa isang mesa pa. Napansin kong donuts at iced coffee ata ang inihanda nito.
"Sir, nandiyan na po pala ang daddy nyo. Pinapatanong lang po kung dito raw maghahapunan ang kaibigan niyo," saad ng maid.
"I don't care about him, manang...and Eiron? Gusto mong makikain kasama si Willson?" ani Yuri na ikinakunot ng noo ko.
Umiling ako. "Salamat na lang ho. Uuwi rin naman po ako pagkatapos namin dito."
Lumabas na ang maid at sinarhan ang pintuan. Hindi ko na lang din inusisa si Yuri at ginawa ang dapat gawin. Babantayan ko na lang siya kung sakaling makatulog na talaga ito.
Noong matapos ko at matapos niya ang gagawin ay kinuha niya ang kakainin namin.
"C'mon, eat first before kita ihatid," sabi niya sa akin.
"Ihahatid? Wow," biro kong puna sa kaniya. "Sigurado ka ba diyan?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya pabalik na ikinatawa niya ng mahina. "Kaysa kung kani-kanino ka makisakay, edi sa akin na lang."
Natawa rin ako. "Bakit ayaw na ayaw mo bang sumakay ako kay Sir Yuan?"
"He's a bad person," sagot ni Yuri sabay inom sa iced coffee niya.
"Dahil ba magkaaway kayo?"
Umiling siya. "Sa tingin mo magkaaway kami kung mabait 'yan? No."
Hindi na lang ako umimik. Noong matapos ay iniligpit namin ang mga kailangang dalhin at itabi. Uuwi na rin kasi ako at para makapagpahinga si Aling Gina mula sa pagbabantay.
Noong paglabas namin sa study room at paglakad sa hallway para pumunta sa hagdan ay nakarinig ko ng mga tawanan. Tila mga nakakaloko at nang-aasar na tawanan.
"May bisita pala kayo," sabi ko kay Yuri.
"Ah, stupid friends ni Willson. Don't mind them at magdiri-diretso lang tayo mamaya paglabas," ani Yuri na ikinatango na lang. Nang ihahakbang na sana namin ang paa namin pababa ay nakarinig kami ng isang boses.
"How about your second son? Yuri? How is he? What about him?" tanong ng tila may malalim na boses na lalaki. Sa tingin ko kasing edaran lang ni Mr. Quintin ang may-ari ng boses na 'yun.
"Tss, what about him?" tanong pabalik ni Mr Quintin na tila walang gana. Napatigil si Yuri na kaagad ko namang napansin.
"Yeah? Ok ba siya? Mukhang laging nandoon sa club na tinatambayan ng anak ko," saad muli nung boses.
"Ah, he's still a disappointment to this family," ani Mr. Quintin. Tila ba nasaktan ako sa sinabi niyang 'yun para sa sarili niyang anak.
"He's always drunk nga raw. Mukhang mapapaaga ang alis niyan sa college ah?" tanong din ng isa pang boses.
"You bet." Tumawa si Mr. Quintin. "Mabuti na nga lang nandiyan talaga si Yuan. May maiiwanan ako at maaasahan pa ako."
Napatingin ako kay Yuri na masama ang titig sa ama. Natakot man ako pero tinapik ko ang balikat niya. Doon ito tila natauhan.
"Tara na. H'wag mo na lang pansinin," sabi ko.
"Ewan ko nga kung bakit ipinanganak pa 'yan ng ina niya eh. Siguro kung buhay man 'yun baka ganiyan din ang reaksyon niya," dagdag pa ni Mr. Quintin.
Paano niya nasasabi ’yun sa sarili niyang asawa at anak? At patay na ang nanay ni Yuri?
"Baka nga sa langit tinatanggi na niyang anak niya 'yan," sabi ng isa pang hindi pamilyar na boses. Tumawa sila. Doon ko napansin ang nanginginig at nanggagalaiti na kamao ni Yuri. Kasabay nito ang pamumula ng mukha niya.
"Yuri—"
Naputol ang sasabihin ko ng tumalon si Yuri sa railings dahilan para makababa agad ito.
"What the fvck did you just say?!" sigaw ni Yuri na umalingawngaw sa buong bahay nila. Nakita ko pang nagulat ang mga bisita sa kaniya. Lalo na noong kunin nito ang tila mamahaling vase at ibinato roon sa lalaking ininsulto siya.
"Yuri!!' sigaw ni Mr. Quintin pero itinulak lang ni Yuri ang ama. Wala na siyang pakielam habang takot na takot naman ang mga kaibigan ni Mr. Quintin. Pinaibabawan nito ang lalaking nabagsakan ng vase sa ulo bago sinuntok-suntok habang galit na galit.
"Yuri tama na—" saway ni Mr. Quintin na pilit na tumatayo.
"How dare you say that?! Huh?! You don't know anything! You motherfucker! You're the one who cheated on your wife! Sinong mas worst at kahiya-hiya sa atin?!" sigaw ni Yuri. Nahahalata ko na malapit na siyang maiyak kaya agad na akong bumaba at inawat siya.
Hindi ko alam kung papaano ko nagawa pero naiatras ko siya habang duguan 'yung lalaki. Si Mr. Quintin naman ay tila gulat na gulat sa nakita.
"Yuri! Baka mapatay mo siya!" sabi ko rito. Ramdam ko naman ang mabibigat na paghinga nito at labis na pamumula.
Tinuro siya ni Mr. Quintin. "Kahit kailan nakakahiya ka—"
"Mas nakakahiya ka! Bakit hindi ka na lang 'yung namatay?! Huh?! Wala ka namang silbi sa mundong 'to eh. Sana nga ikaw na lang ang namatay! Baka sakaling bumait pa ako kapag nangyari 'yun!"
"Yuri!" pagtawag ni Mr. Quintin pero umalis na ito.
"Susundan ko po siya," sabi ko na lang habang sinusubukan siyang abutin.
"Yuri!" tawag ko. Pero hindi siya lumingon. "Yuri!"
Hinarap niya ako. Kita ko pa rin ang labis na galit sa mga mata niya. "Umalis ka na."
Nagulat man ako dahil sa pagbabago ng ugali nito pero hindi ako nagpatalo. "Alam ko—"
Bahagya niya akong tinulak pero sapat na 'yun para mapaupo ako sa lupa. "Sabing alis eh! Iwanan mo ako!"
Sumakay siya sa motor niya at mabilis na umalis. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tingnan siya hanggang dahan-dahan siyang nawawala sa paningin ko.
Itutuloy…
Desire 12
Desire 12: Hurt
Yuri’s Point of View
Habang pinapaandar ko ang motor, hindi ko napigilan ang emosyon kong bumuhos. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nagsisiunahang tumulo sa mata ko. Lumalabo ang paningin ko ng likidong ayaw na ayaw kong lumabas dahil wala namang ibang magpupunas nito kung hindi ako. Wala na kasi ’yung taong naging tanging kakampi ko sa panahong kasama ko pa siya.
Ang bigat-bigat ng dibdib ko sa mga oras na ’to. Pakiramdam ko, iniipit na naman ako ng mundo.
Bakit hindi nila ako maintindihan? Bakit hindi nila ako makita? Bakit lagi silang nakikinig sa mga sinasabi ni Willson? Why do I always end up as the shadow beneath the light? Bakit ako?
Mahigpit akong napahawak sa manibela ng motor ko.
Do I deserve to feel this? Do I deserve to suffer through this kind of hell? At bakit kailangan nilang idamay si Mama? Bakit pati ’yung nananahimik niyang kaluluwa isasali nila sa wala nilang kwentang usapan?!
Sa pagkakataon na ito, mas lalong nababasa ang mga mata ko. Mas lalong lumalalim ang tila sugat sa dibdib ko. I couldn’t breathe properly. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas ang nasa dibdib ko.
Pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.
Parang gusto ko na lang ibangga ang motor ko o hayaang magtuloy-tuloy ’yun. Noong makita ko ang isang truck sa malayo na paparating ay bigla akong napaisip. Itinigil ko ang sasakyan ko.
If this world is just going to keep hurting me, then let’s end it here. I don’t want to suffer anymore. Sawang-sawa na ako sa mga sinasabi nila. Sawang-sawa na akong magpanggap na matigas sa harap ng mga tao.
They only see my monstrous armor. They never notice the child hidden inside it, a child who still cries for his mother’s love.
Pinaandar ko na agad ang motor para salubungin ang truck. Para namang bumagal ang oras sa paligid habang ginagawa ko ’yun. I didn’t close my eyes. I opened them instead. It was as if something inside me wanted to see one last thing before it was too late. I pressed harder on the accelerator.
Bumusina naman ang truck pero wala akong pakielam. Bago pa man ako makarating ay may napansin ako mula sa kabilang banda, malapit sa streetlight. Pamilyar na pamilyar sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali.
Hindi ko alam kung bakit pero inihinto ko ang motor dahil doon. She smiled at me, but her eyes were full of sadness. Para akong nanlambot sa pagkakataong ’yun, lalo na ng umiling siya sa akin at bumuka ang bibig niya.
Mama…
Mabilis namang dumaan ang truck sa harap ko at nawala siya sa isang iglap. Naramdaman ko ang panginginig ng balikat ko. Napayuko ako sa motor ko dahil sa panghihina.
“Mama, hindi ko na ata kaya,” bulong ko habang patuloy akong lumuluha. Mabuti na lang at walang dumadaan sa mga oras na ’yun.
“Mama…please, ayoko na rito,” sabi ko sa kaniya. Tumingin ako sa itaas ng langit. Sana naririnig niya ako. Sana nakikinig siya rito.
Doon bigla kong narealized ang isang idea. Matagal ko na palang hindi ’yun binisita at pinupuntahan. Kaya naman mabilis kong pinaharurot ang motor ko paalis at papunta sa iisang lugar na alam kong mas mararamdaman ko ang presensiya niya bukod sa bahay at kwarto ko. Ayaw ko man dahil ’yun ang lugar kung saan ko siya huling nakita, pero ’yun din ang pinakamalapit na maaabot at makakausap ko siya.
Pagkarating ko roon ay sarado na ang gate. Pero hindi ako pumayag na hindi ’yun mabisita. I climbed onto the fence, knowing it was fairly close to Mama’s grave. Pagkapasok ko ay mabilis akong tumungo roon. Mabuti at bukas ang mga ilaw kaya hindi ganoon kadilim.
Pero wala akong pakielam, wala na akong pakielam sa dilim, sa multo o kung ano pa man ang makita ko sa loob. Dahil wala ng mas nakakatakot sa pag-uugali ng ibang taong walang ibang ginawa kung hindi ang husgahan ako, ang insultuhin ako at mas lalo na ang bastusin ang mama ko.
Naupo ako sa tabi nito at napansing walang bulaklak doon. Kailan pa nga ba ako huling dumalaw rito? Kaya siguro rin nagpakita si Mama sa akin kanina.
Napatingin ako sa langit. “M-Ma… did you hear what I said earlier?”
Napasinghot ako. Para akong batang nagmumukmok dahil sa itsura ko.
"Why did you stop me from...taking my own life?" tanong ko muli. Nagtutubig na naman ang mga mata ko. "Why? Anong ibig mong sabihin sa pag-iling mo?"
Umihip ang malamig na hangin. Pakiramdam ko, may nakayakap sa akin. Mabilis na namang lumandas sa pisngi ko paibaba ang likidong nagmula sa mga mata ko.
"Inaaway nila ako rito, Ma," sabi ko. "A-ayaw ko na sa kanila, M-ma."
Napahugulgol ako pero this time, ramdam ko na nasa tabi ko na siya. Alam kong ayaw na ayaw niya akong nasasaktan lalo na ngayon, pero hindi ko makokontrol 'yun. Hindi ko sila mapigigilan sa gusto nilang gawin o sabihin sa akin.
"A-ayaw mo ba akong makasama, Ma? Yun lang ang paraan para hindi na umiyak ang anak mo, hindi ba?"
Kung maririnig niya ako at kasama ko siya ngayon, baka nabatukan na niya ako. Pero I can't help but cry it all out. Mas gugustuhin kong batukan niya ako at pagalitan dahil sa pinagsasabi ko ngayon.
Kaysa sa ganitong katahimikan. Ayoko ng ganito. I hate this kind of silence. It’s deadly… and empty.
“Miss na miss na po kita…bumalik ka na please? A-aawayin natin sila, Ma.”
Walang sumagot. Hindi naman na babalik si Mama. There's no magic in this world. But right now... is it that bad to wish for it and make myself believe in it? Maybe if I do, it will appear right in front of me.
Even if it’s only for a short time… I just want to bring her back.
“Are you mad at me, Ma? Dahil ba hindi na kita nadadalaw?” tanong ko sa kaniya. Kumapit ako ng mahigpit sa laylayan ng pantalon ko.
"I'm very sorry. You know how much it hurts me to see you here. You know they banned me from coming here just because I dug up your grave... just because I wanted to hug you one last fvcking time. Was that really so wrong?"
Bigla ko na namang naalala 'yun, kung paano ko hinukay ang puntod niya dahil lang sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya. Dahil lang sa wala akong kasamang mag celebrate ng birthday ko. Naalala ko rin kung papaano nila ako hinila palayo.
I was fvcking 16 years old at that time.
Napapikit ako.
Puntod lang naman niya ang hinukay ko. Bakit hindi nila ako hinayaan?
“Mama… please give me a sign. Give me hope na mabuhay pa sa mundong ’to. Kasi nakakapagod din. I just wanna go home. But how? Where’s my home?”
Napatitig ako sa namamaga kong kamao. I still wanna punch that guy. Then, suddenly, it hit me.
"Ma, are you disappointed in me? Are you ashamed of me?" Ipinatong ko ang noo ko sa tuhod ko. "Do you regret having me as your child? Do you regret that I was born from this world?"
Pinunasan ko ang pisngi ko. Basang-basa na 'yun ng bwisit na luha na 'to. Wala ng ilalabas ang maga kong mata kaya nahiga na lang ako sa damo. Inunan ko pa ang dalawa kong kamay.
"I hope you can answer me right now, Ma. I need your reassurance. Ikaw lang naman ang kakamapi ko eh," bulong ko sa hangin. Pumikit ako.
Gusto kong matulog ngayong gabi rito. Gusto ko mapanaginipan si Mama.
Dahil sa labis na lamig ng gabing 'yun, hindi ko alam kung saan tutuloy ng mga oras na 'yun. Hotel? Motel? Makikitulog sa mga kaibigan ko? Lalapit kay Tito Nigel?
Pero alam ko naman na hindi niya ako matutulungan. Makikitulog man ako sa kaniya pero tatawagan niya rin si Willson para lang pauwiin ako.
“I want to sleep here, Ma,” pagpapaalam ko. Pero huhulihin nila ako bukas. Baka magkagulo pa. “Pero hindi pwede eh. As promise, babalik po ako kapag free ako. Just…please, give me a sign that there’s still hope for me. I love you, Ma.”
Hinimas ko pa ang puntod niya bago ako tumayo at umalis sa lugar na 'yun. Pinaandar ko ang motor ko habang pilit na kinakalimutan ang mga nangyari.
Pumatak naman ang maliliit na ambon mula sa helmet ko kaya lumabo na naman ang nakikita ko. Hanggang sa unti-unti 'yung lumalakas at nababasa na rin pati ang suot kong damit.
Pero imbes na mainis, parang ’yung pakiramdam na nasa ulanan ako, I suddenly felt free from this fvcking world. It was as if something inside me had finally been released from an invisible string that had been holding me back. Itinigil ko ang motor at dinama ang ulan na ’yun sa katawan ko.
Hindi ko pa alam ang ibig na sabihin ng ulang ito pero, I would like to enjoy this moment for a while.
KINABUKASAN, pumasok ako habang suot-suot ang bagong bili kong damit. I had to change dahil nabasa ang suot ko kahapon. I'm just simply wearing a black t-shirt and denim pants again. I had to buy another shoes dahil madumi na rin. Isang black and white nike lang naman 'yun. Pagpasok ko sa Harvey ay tila pinag-uusapan ako ng iilang estudyante.
What’s wrong with them? Ano na namang nagawa ko?
“Hoy Yuri!” sigaw ng kung sino. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at napasimangot.
Si Elliot, anak nung lalaking pinagsasapak at binugbog ko kagabi. Kitang-kita ang pamumula ng mukha niya habang kasama nito 'yung mga ulupong niya na handa na akong bugbugin dahil nagpapatunog na sila ng mga buto sa kamay.
Oh, c’mon. Guilty as fvck, huh?
I looked at him with my bored eyes. “What do you need?”
Kaagad niyang inabot ang damit ko pero malakas kong tinabig 'yun. "Hay*p ka, anong kasalanan ng daddy ko sa'yo?!"
"Don't you ever touch me, you fvcking idiot," sabi ko sa kaniya.
"You don't have any right to punch my dad like that?!" aniya sabay amba sa akin na susuntukin ako.
"Bubugbugin na ba natin 'yan, Elliot?" tanong pa ng kasama niya na hindi ko pinansin. Nginisian ko si Elliot at tinilt pa ang ulo ko para asarin siya.
"Why don't you ask your dad first? I have my reason kung bakit ko kailangan ng turuan ng leksyon 'yang daddy mo," sagot ko sa kaniya.
"Lakas ng loob mo ah?!" inis niyang sabi. Tumawa ako ng nakakaloko.
"Oh? Nakalimutan ko palang itanong...Buhay pa ba daddy mo? O lumpo na?"
"Tarantado ka!" sigaw niya sabay sapak sa akin. Hindi ko inalagan 'yun. I just let him touched my cheeks kung saan tumama ang kaniyang suntok. I'm not fvcking guilty for what I did. His father deserved it.
"Ano?! Lumaban ka!" sigaw niya pa. Akmang hahawakan na nila ako pero may pumigil sa kanila.
"Oppps, napaka unfair naman ng laban. 3 laban sa 1? Ano 'yan, nescafe?" ani Rafael. Tumabi naman sina Logan at Simone sa kaliwa ko.
Nakita ko naman agad ang takot sa mata ni Elliot pero binigyan niya pa rin ako ng middle finger sign. "Hindi pa tayo tapos, Yuri! T*ngin*mo!"
"Sure, message me kung saan natin 'to ipagpapatuloy," asar ko pa habang papalayo sila. Noong lumingon kami para umalis na ay napansin ko agad na nakatingin sa di kalayuan si Eiron kasama ng iba niyang kaibigan. Noong magtama ang mga mata namin ay agad siyang umiwas.
Ah, yes…I pushed him last night.
“Are you okay, bro? You have a bruise on your cheek,” ani Rafael na nag-aalala.
"Ayos lang ako, maliit na galos lang tss," sabi ko. Naglakad na kami. Nang magkalapit kami ni Eiron ay tumalikod ito sa akin para kausapin ang mga kaibigan niya. Parang may urge sa akin na kausapin siya at magsorry sa nagawa ko, but there's also inside of my mind that tells me na h'wag muna siyang pansinin.
Nalilito pa rin ako…
Kaya sa huli, nilampasan ko muna siya. Napansin ko naman ang pagtataka sa mukha ni Logan pero hindi na siya nagtanong, which is pinasasalamatan ko dahil wala ako sa mood na makipag-usap at sumagot ng mga tanong.
Hindi kami dumiretso sa room ng mga oras na 'yun dahil may 2 hours pa kami. Tumambay muna kami sa field kung saan may mga athletes at ibang students ang nagwo-workout.
Napasandal ako sa bench.
"Ang sexy talaga ni Rebecca, 'no? Ohh,' ani Rafael sabay turo sa cheerleader na nagpa-practice kasama ng squad niya. Napakaway pa ito sa direksyon namin. Hindi ko 'yun pinansin habang sila Simone halos todo ang pagkaway at parang kinilig pa.
"Kaso parang pinopormahan ata 'yan nung grupo nila Eros? D*mn..." ani Simone.
"Paunahan na lang!" hamon tila ni Rafael.
Nilabas ko ang vape at agad na humipak.
"Bro, are you really ok?" tanong ni Logan. Tinignan ko siya habang nilalabas ang usok sa bibig ko.
"Yeah," tipid kong sagot. Hindi ko na sinundan ng tanong baka mapahaba pa eh.
"Sure? Mukhang hindi ka masyado natulog ah?" usisa niya pa.
Hanep, sabi na eh. Madali rin ’tong makabasa eh. Usisero pa.
Napairap ako ng pasimple. “Hindi lang natulog, hindi na agad ok?”
"Oo, kung hindi dahil sa insomia 'yan, baka dahil may problema ka. C'mon, you can share it with us," sabi niya. Nakita kong natuon ang atensyon nina Rafael at Simone sa amin.
Oh great.
“Wala.” Humipak akong muli. “Wala naman akong dapat sabihin kasi ok lang ako. Cool kaya ako? Cool and hot.”
"Eh?"react ni Simone.
"Bakit? Hindi ba tunay?" tanong ko.
"Na cool and hot ka? Oo," aniya.
Napailing na lang ako. "Ayos nga lang ako."
"Pero kayo ni Eiron? Ayos lang ba?" usisa uli ni Logan.
Anak ka ng— akala ko na hindi na niya tatanungin ’yun!
“Oo naman. Ayos lang kami,” sabi ko sa kanila sabay tingin sa kawalan.
"Bestfriend na ba kayo?" dagdag ni Rafael.
Napangiwi ako. "Heck no."
Hindi pa nga ba kaibigan ang turingan nyo, Yuri? Hindi na nga kayo nag-aaway dalawa eh.
“Ah talaga? Eh bakit ganito kayo makasayaw?” ani Logan sabay pakita ng picture sa akin. Nahuli roon kung papaano ko hawakan si Eiron sa kaniyang bewang at nakatitig sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko.
Dmn it! Dmn it!
“O-Oh, I don’t know. We’re just joking at that time. Masaya eh,” palusot ko na lang.
"Woah!! You guys are...insane! Ah!! Ngayon ko lang napansin 'to! Kaya pala!" ani Rafael habang nanlalaki ang mga mata. Akmang kukunin niya ang cellphone ni Logan sa kamay nito pero inunahan ko siya at mabilis na binura 'yun.
"Ohhh, someone's guilty," ani Simone bago sila nagsitawanan.
Napairap ako. "Stop it, guys. We're just kidding!"
"C'mon, admit it. Magkasundo na kayo, right?" asar pa ni Logan.
“We’re just messing around, ok? Assh*les,” sagot ko na lang.
"Nagpier pa nga kayo after party. Messing around ka pang nalalaman ah?" dagdag ni Rafael. Hindi na ako umimik pero nagpatuloy pa rin sila.
D*mn it! Naiilang ako kapag may nakakaalam!
“Ano bang masama kung aminin mo ’di ba? Eiron is a good guy. Wala namang masama kung kaibiganin mo siya, sila ng friends niya,” ani Simone sabay tapik sa balikat ko. Tinabig ko ng mahina ’yun.
"Pero it looks like na hindi sila ok. Nilampasan eh. LQ ba?" sabi ni Rafael na may halong asar pa rin.
Sasapukin ko na ’tong kalbong ’to eh!
"Kaya nga eh. Mukha kayong magjowang nagtatampuhan ah?" suhol pa ni Simone.
"Stop it!" medyo pasigaw kong sabi pero tinawanan lang nila ako lalo.
"Tapos galit na galit pa sa akin si Carly kasi naipost ni Logan sa story niya 'yung picture n'ung party last last night. Niratrat ako, mga men! Akala ata may girlfriend na si Yuri! Pinagselosan kasi si Eiron eh. Hindi niya raw mafigure out kung babae o gay 'yung sa picture. Yung picture pala na 'yun!" paliwanag ni Rafael.
Hindi ako sumabat at tumingin sa paligid. Doon ko napansin si Eiron na nakajersey na. Kasama nito 'yung grupo nung Eros habang kausap si Adrian. Nagtatawanan sila.
Nainis na naman ako. Hindi ko alam kung naiirita ba ako sa mukha ni Adrian o ayaw ko lang makakita ng masaya ngayon?
Baka naman nakakaasar lang talaga ’yung ngiti ni Adrian. Nakakaintimidate!
Nagtama na naman ang mata namin ni Eiron na agad kong iniwasan. Hindi ko na alam kung anong naging reaksyon niya dahil binaling ko ’yun sa kaliwa ko kung saan papunta naman sa direksyon ko si Carly at ang mga kaibigan nito.
"Yo...speaking of," ani Logan sa akin. Ngumiti si Carly at pumagitna sa amin ni Logan. Kaagad niyang hinawakan ang braso ko.
"Yuri!! Hmp!! Bakit hindi ka sumasagot sa dm's ko?!" reklamo niya sabay pout. Naging busy naman sina Simone at Rafael sa ibang babae kaya wala akong mabalingan.
"Kailangan bang replyan ka?" malamig kong sabi. Hindi ko tinanggal ang kamay niya sa akin pero hindi ko rin hinayaang pumulupot sa akin.
"Why are you so mad? Atsaka sino 'yung kasama niyo sa hangout niyo last night? Ang daya, hindi niyo kami iniinvite ah!" sagot niya pero humipak lang ako ng vape.
"May kasama ka bang girlfriend mo roon?" dagdag pa niya at hinawakan ang chin ko. Pinaharap niya ako sa kaniya. Kaya kaagad kong tinabig ang kamay niya.
"Stop," sabi ko pa. "Wala akong kasama. Sila lang at iba ko pang
kaibigan. “
Pinadulas niya ang kamay sa braso ko. "Really? Akala ko meron eh. Pero sino 'yung kasayaw mo? She's nobody?"
Nairita ako sa narinig. "Hindi, kaibigan ko nga. Atsaka ano naman kung magsama nga ako? Bakit kailangan mong awayin si Rafael kahapon dahil doon?"
Nakita ko ang pagkairita niya. Pero agad namang nabawi at ngumiti siya muli. "Sorry, nagseselos lang talaga ako. Atsaka we're best friends, right? Kaya dapat kilala ko ang magiging girlfriend mo."
"Carly, wala akong girlfriend. Kung meron man, hindi ko alam kung maipapakilala ko siya sa inyo. Besides, wala akong panahon sa mga ganyan," pagtanggi ko.
“Really?! So meaning, you’re always…free and single?” excited niyang sabi na ikinailing ko.
“Kakasabi ko lang na wala akong panahon diyan.” Carly rolled her eyes.
“Fine, pero please? Hangout with us later?” pagyaya nito.
“Oo nga! Miss ka na namin mag hangout sa club! Sige na, Yuri!” pangungulit pa ni Rafael.
“Oo na,” malamig ko uling pagsang-ayon. Hindi naman sinasadyang mapadaan ng Black Wolves sa harapan namin. Napatingin pa si Adrian at si Eiron sa akin. Kumulo agad ang dugo ko dahil naroroon na naman ’yung ngiti ni Adrian. Bakit nga ba nandiyan kahit hindi naman siya kasali sa Black Wolves?
“Hindi ba kayo manonood ng practice nila?” ani Adrian.
“Ay oo nga pala—”
Pinutol ko ang sasabihin ni Simone. “We’re busy.”
“Sige, bro!” ani Adrian. Tss, bro mo mukha mo!
Sumulyap si Eiron sa akin pero agad ding nawala ’yun dahil tinawag ata siya ng isa sa mga kasama niya.
“Really? Akala ko ba fan ka na rin ni Eiron?” usisa ni Logan.
“Huh? Who’s Eiron?” tanong naman ni Carly na binalewala ko.
“Ewan,” sabi ko sa kanila sabay tayo. “Let’s see each other in class. Restroom lang.”
Eiron’s Point of View
NAIINIS ako sa ugali ni Yuri. Ano ba kasing problema niya at pati ako inaway niya? Bakit pati ako nasama sa galit niya? Dahil ba umawat ako sa kaniya? Dahil ba pinigilan ko siya sa balak niya kagabi?
Hindi niya ako pinatulog kagabi ah! Kainis talaga ’yung lalaking ’yun! Maaawa na sana ako pero nababaliw na ata!
“Eiron, you seem occupied huh?” ani Adrian. Natauhan naman ako habang naglalakad kami sa field.
“Oo nga! Tulala ka kanina pa. Ayos ka lang ba?” sabat ni Lance.
“Ayos lang ako. May bigla lang akong naalala,” sabi ko sa kanila.
“Ah, baka ’yung party niyo kagabi nina Yuri. Akala ko ba bawal ka? Nakakatampo ka naman, bro!” dagdag ni Lance. Napansin ko naman na tila nagkukunwaring nagtatampo nga ito. Pero agad siyang tumawa bilang pambawi.
Mabuti na lang wala ata si Eros ngayon. Hindi raw papasok. Hindi masisira ang mood ko.
Napakamot ako sa ulo ko. “Ah…pinilit lang ako nung mga ’yun. Atsaka, tinututor ko kasi silang apat.”
Humagalpak ng tawa sina Lance at Brix. Nag-apiran pa nga sila.
“Pfft! Nagpapaturo pa pala mga hinaypak na ’yun?! Ang aangas pero ang bob naman pala—”
“Hey,” saway sa kanila ni Adrian.
“Hindi naman sila ganoon. Hindi lang nila nagets ’yung topic namin kaya tinuruan ko rin. Isa pa, tinulungan lang nila ako sa sideline ko,” paliwanag ko. Mukha namang nahiya ang dalawa sa narinig.
“Sorry,” ani Lance.
“Oh? Nagtu-tutor ka?” namamanghang tanong ni Adrian. “Open ba ’yan sa kahit anong course?”
Napakunot ang noo ko. “Hindi ko pa alam eh. Unang pagkakataong ko lang din ginawa ’to kaya hindi ko pa nasubukang turuan ’yung ibang course.”
“Oh man! Papatulong sana ako eh,” ani Adrian.
“Ako rin! Ako rin!” sabat ni Lance.
Napangiti ako dahil may opportunity na naman. Pero
kinakabahan din ako dahil paano kung hindi ko pala magets ’yung topic nila? Iba pa naman ’yung course nila.
Napatigil kami noong mapansin ang grupo ni Yuri. Tinignan ko siya at nakita ang inis mula roon. Menopause ba ’tong lalaking ’to?
Bahala nga siya, wala naman akong ginawang masama.
Inalok naman ni Adrian ang mga ito manood dahil alam nilang nandoon sila para sa akin. Nakita ko naman sina Simone na gustong sumama pero agad na nagsalita si Yuri.
“We’re busy,” sagot niya. Tila nainis naman ako ng kaunti roon. Pero hindi ko na lang pinalaki dahil choice naman nila kung manonood sila o hindi. Ayaw ko silang pilitin.
Umalis na kami pero sinundan ko pa rin siya ng tingin. Mayroon sa akin na gusto siyang komprontahin. Pero hindi ko na lang din ginawa dahil baka hindi lang niya kausapin.
“Eiron,” tawag ni Brix sa akin. “Ano? Join ka ba mamaya sa laro? Place nila Eros? Malamang nandoon si Drip mamaya.”
“Sige ba. Para madalaw ko na rin siya. Baka inaaway na ni Eros eh,” sabi ko.
“Hindi sila nag-aaway,” ani Adrian. “Hindi lang talaga nagpapansinan.”
Kumunot ang noo ko at tumango-tango.
Pagbalik namin sa gymnasium ay naroon na sina Dice. Tatlo lang silang nanonood doon.
“We will do this with your temporary captain,” ani coach. “You, Villaflor. Still the captain of Team B. Tapos ikaw naman, Lance ang captain ng Team A. Show me your potential habang wala si Eros ngayon.”
Pumito na ito at nagsimula na kami. Masigla naman ’yung naging practice namin dahil maayos ang bawat galaw ng buong team. Excited na siguro na talunin ang iba pang team na ilalaban sa amin sa susunod.
Matapos ’yun ay kaagad akong nag-ayos sa locker at shower room.
“Balik na ako sa class, chat na lang mamaya,” sabi ko kina Lance.
“Ingat, bro!” aniya. Sinabayan naman ako nila Dice papalabas.
“May bago na akong crush! Yung Brix!!” ani Dice.
“Talandi na naman, akala ko ba ’yung Eros gusto mo?” ani Yoseff sa kaniya na ikinatawa niya.
“Balita ko may gusto na ’yun eh. Ewan kung anong totoo. Atsaka masungit din ’yun. Baka hindi ko mabigyan ng chance,” sabi niya with a full of confidence.
“Ehemm!” pag-ubo ni Luigi.
“Nauubo ako, parang may nalasahan akong kayabangan,” ani Yoseff.
“Baka buhok ni Dice,” suhol ko. Pinameywangan niya kami.
“Kailan kayo magiging supporter ko? Grabe kayo!” aniya sabay irap sa amin.
“Kapag di ka na delulu,” ani Yoseff na ikinatawa namin. Wala na siyang nagawa kung hindi irapan kami.
“Maiba nga ako, magkaaway ba kayo ni Yuri?” usisa ni Yoseff na ikinatigil ko. Sa akin naman napunta ang atensyon. Naku po.
“Dedmahan ba naman ang mga lolo mo kanina. Parang di sumakay sa kotse at motor ah?” sulsol ni Dice. Si Luigi naman ay nagtatakang tumingin sa akin.
“Baka tinotopak lang, hayaan niyo na,” sabi ko na lang bago kami tuluyang makabalik sa room. Pag-upo ko sa upuan ay naroon din si Yuri pero hindi ko na lang siya pinansin. Para kaming hangin sa isa’t-isa.
Naging ganoon naman ang turingan namin hanggang huling klase. Kahit nag-uusap usap ang mga partida ko at partida niya ng casual.
Kung space siguro ang gusto niya, sige ibibigay ko. Kaso napapaisip ako sa gagawin namin eh. Dapat meron kaming gagawin ngayon pero mukhang malabo kaming magkausap. Baka dedmahin lang talaga ako.
Di bale, maliit lang naman. Ako na lang ang gagawa at baka may masabi pa siya kung pati ’yun de-dedmahin ko.
May nagchat naman bigla sa akin habang naglalakad ako.
Gina: “Anak, umuwi ka na muna rito sa hospital. May masakit daw sa Mama mo.”
Nagbibihis na ako para sana sumabay kina Lance papunta sa paglalaruan namin pero nagbago kaagad ang isip ko. H’wag naman sana maulit ’yung nangyari noong nakaraan.
“A-ah sorry guys, mukhang hindi ata ako makakasama ngayon,” sabi ko sa kanila.
“Huh? Is everything ok?” nag-aalala namang tanong ni Brix.
“K-kailangan lang talaga ako ni Mama,” sabi ko. Agad namang tumango si Lance.
“Ako na bahala kay coach. Sige na, ron!” aniya kaya agad akong umuwi at umalis. Pagkarating ko sa hospital ay naroon si Mama at tila inaasikaso ng nurse.
“Ma, napano ka? A-ano pong masakit sa’yo?” tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya na tila pagod. “Wala naman, anak. Sumakit lang ang dibdib ko at epekto lang ng gamot. Tapos nanaginip din ako tungkol sayo kaya nag-alala ako ng sobra. N-naistorbo ba kita?”
“Hindi ma…hindi,” sabi ko sabay buntong-hininga. “Akala ko napaano ka na.”
“Pasensiya na, iho. Akala ko rin napaano na si Wena,” sabat ni Aling Gina.
“Wala pong problema. P-pauwi na rin naman po ako,” sabi ko sa kanila.
“Pero n-nakajersey ka,” sabi ni Mama habang nakatitig sa suot ko.
“Tapos na po ’yung practice namin,” palusot ko na lang. “H’wag mo na pong isipin ’yun.”
Matapos ’yun, naging payapa naman si Mama pero nagdecide pa rin akong hindi siya iwan. Nakaupo ako sa maliit na sofa na nasa loob at gumagawa ng assignment namin ni Yuri.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at lumitaw ang isang notification mula sa facebook.
“Yuri Quintin added to his story”
Parang kusang pinindot ng daliri ko ’yun at nakita ang picture ni Yuri, selfie niya kasama ng mga kaibigan niya at iilang babae. Naka collage pa ’yun sa apat at blurry pa ’yung iba. Tila lasing na nga siya.
Muling nanumbalik ang inis ko sa kaniya. Wala namang problema kung sa ganitong paraan niya ilalabas ’yung sama niya ng loob sa nangyari kagabi.
Pero ’yung idamay niya ako? Hindi ata pwede sa akin ’yun. Handa ko naman siyang kausapin eh. Naunahan lang siguro siya ng emosyon niya. Pero kahit na. Nakakainis talaga.
“Nakasimangot ka na naman, anak,” ani Mama. Natauhan ako at binawi ang ekspresyon sa mukha. “Anong problema?”
“Ah, wala naman ma,” sabi ko na lang at muling pinatay ang cellphone ko. Bakit ko pa ba vi-niew?
“Kagabi rin, pag-uwi mo eh bakit nakasimangot ka rin? May nangyari ba sa school mo? Pagod ka ba?” usisa niya. Napabuntong-hininga ako.
Gulong-gulo kagabi sa nangyari. Wala naman sigurong masama kung magtatanong ako sa kaniya ano? Mas marami rin kasing alam si Mama at mas malawak ang perspective niya. Gusto ko lang malaman kung bakit at kung dapat ba talagang gawin ’yun ni Yuri sa akin? Kahit nagmamalasakit ako sa kaniya.
“May gusto sana kasi akong itanong ma,” sabi ko bago isara ang ginagawa ko.
“Sabi na eh,” aniya at sumandal. Umaliwalas naman ang mukha niya.
“Sa tingin niyo ba, tama bang magalit ang isang tao sa ibang tao na nakapaligid sa kanya dahil lang nagbreakdown siya o napuno na ng galit?”
Huminga siyang malalim. “Hindi tama pero, valid ’yun, anak. Dahil na rin kasi sa emosyon nila kaya nawawalan sila ng kontrol. Lalo na kung hindi na tama o napuno na talaga siya ng inis at galit. Pero hindi ibig sabihin n’un, hindi na siya hihingi ng tawad sa mga nasaktan niya. Dahil hindi naman nila kagustuhan na mangyari ’yun.”
Napatango ako. Hindi naman siya humingi ng sorry eh. Baka ganoon lang siya kapag galit? Remember? Niligtas ko siya noon tapos sa akin pa siya nagalit? Muntikan ko na nga palang makalimutan ’yun.
“Samahan mo na rin ng pang-unawa sa kanila dahil kahit papaano, nasaktan sila kaya nila nagawa ’yun. Basta ang mahalaga, eh makapagsorry sila sa huli doon sa mga hindi naman naging dahilan ng galit niya. Bakit anak? May nakaaway ka ba?” tanong niya sa akin.
Umiling ako. “Wala naman ma, napaisip lang.”
Naiintindihan ko naman siya eh, siguro hindi ko lang na-gets kung bakit niya ako pinagtabuyan. Akala ko lang siguro naghahanap na naman siya ng away dahil sa labis na galit.
Ngayon, naiintindihan ko na. Baka sobrang sensitive niya lang pagdating sa mama niya.
“Kung ano man ’yan, baka kailangan niya rin ng espasyo, anak. Hayaan na muna siguro. Malay mo naman magsorry siya pagkatapos. Hintayin mo lang,” dagdag ni Mama. Hindi na ako nakatanggi sa narinig dahil tila nawala ang iniisip ko kagabi pa.
Napabuntong hininga ako.
Itutuloy…
Desire 13
Desire 13: Conscience
Eiron’s Point of View
Kinabukasan, pagpasok ko ay naabutan ko sina Rafael at Logan na nag-uusap at nakatambay sa loob ng room namin. Napatingin pa sila sa akin.
“Yow! Mah boy Eiron!” bati niya at inapiran ako. Ginantihan ko naman siya habang si Logan ay nginitian ako.
“Wala pa ’yung iba niyong kasama?” tanong ko naman.
“Simone? on the way na, ’yung kaaway mo hindi namin alam. Sobrang lasing kagabi eh,” sabi ni Rafael.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang lasing siya o sa sinabi nilang kaaway ko ’to. “Ahh.. hayaan niyo siya.”
“So, magkaaway nga kayo?” usisa ni Rafael.
Umiling ako. “Hindi. Hindi lang kami nagpapansinan.”
“Sure ka? Hindi ba kayo nag-away noong magkasama kayo pauwi last time?” tanong naman ni Logan.
“Hindi ah. Nagawa nga namin ’yung plates eh,” sabi ko na lang at ipinag kibit-balikat na lang ’yun. Hindi ko rin naman pwede sabihin ang dahilan kung bakit kami hindi nagpapansinan. Ayaw ni Yuri na mangielam ako.
“Tinopak na naman siguro. Nag-away na naman sila ng daddy niya o kapatid niya. Kainis din kasi ’yang Yuan. Napakayabang. Sarap bangasan ng mukha!” ani Rafael.
“Hindi ka ba inaaway nu’n pag nandoon ka kina Yuri?” tanong pa ni Rafael na ikinailing ko.
“Mabait naman sa akin eh. Atsaka, kung sakaling awayin niya ako, kaya ko naman siyang labanan,” sagot ko ng lakas-loob.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko, si Mr. Quintin pala ang tumatawag. Nabuhay rin ang inis ko sa kaniya ng mga oras na ’yun.
Napatingin si Logan dito. “Sagutin mo na. Malamang, sa’yo hahanapin niyan si Yuri.”
“Hinahanap niya si Yuri? Himala ah?” sabat ni Rafael.
Sinagot ko naman ’yun. “Hello?” “Oh Eiron, how are you?” direkta na tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko.
“Ayos lang po,” sagot ko.
“About Yuri, nasa school na ba siya? Or kung alam mo ba kung nasaan siya?” tanong niya muli.
Huminga akong malalim. Ang lakas ng loob niyang hanapin ang anak niya matapos niya itong pahiyain sa mga kaibigan niya?
“Wala pa po siya rito eh. Hindi ko rin alam kung saan siya ngayon,” sabi ko rito.
Napabuntong-hininga ito. “Hindi nga ako nagkakamali. Lagi na lang naglalayas. Di bale, uuwi rin ’yan.”
“Baka po kasi kailangan niya ng space, sir? Hayaan niyo muna siguro siya dahil hindi naging madali sa kaniya ’yung nangyari at narinig mula sa inyo noong isang gabi,” lakas-loob kong sabi. Pagkatapos kong sabihin ’yun ay tila nakahinga ako ng maluwag.
Totoo naman siguro mga sinabi ko hindi ba?
“Well, kahit gaanong kalaki o kalayong space ang gusto niya, I don’t care.He deserved to hear those words. After all, he was being stubborn,” aniya na ikinapikit ko. Wow? Hindi ko na alam kung ano pang magiging reaksyon ko.
Napansin ko naman ang pagpasok ni Simone na nakakunot ang noo sa amin.
“Sir, with all due respect eh anak din po ako. Sa tingin ko hindi naman niya deserved ’yung mga sinabi niyo sa kaniya. Kayo ang ama niya, dapat kayo pa ang nagtatanggol kay Yuri laban sa mga malilisyosong tao na katulad ho ng mga kaibigan niyo,” sabi ko pa.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nakakaasar siyang kausap . “Kung naaawa ka sa kaniya, fine. Be my guest. Pero kita mo naman ang ginawa niya sa bisita ko kahapon, ’di ba? Nakakahiya! Mabuti na lang at hindi magdedemanda ang family niya!”
At mas inalala niya talaga ’yun?
“Hindi po nakakahiya ang ginawa ni Yuri dahil below the belt ang sinabi mo sa kaniya. Sana po alam niyo ’yun,” sabi ko. Napakagat pa ako sa ibabang labi dahil sa labis na inis. Anong klase ba ’tong ama? Ganito ba talaga siya sa anak niya?
“Anyway, ayaw ko ng away ngayon. So, let me know kung makita mo siya, Eiron. Tell him to go home and apologize to Mr. Santos,” utos niya.
“May klase pa po ako, sir pero sasabihan ko na lang po siya kapag nakita ko,” sabi ko na lang bago ibaba ang tawag ko. Huminga akong malalim. Mas naintindihan ko na si Yuri, kung bakit siya nag crashout. Kahit ako mismo, hindi kinakaya ang mga sinabi niya.
“Wow…that’s so brave, Eiron,” ani Logan bago ako pinalakpakan.
“Hindi ko rin masisisi ang anak niya,” sagot ko sabay iling ng aking ulo. Nakakadismaya.
“You’re brave! Kaya ikaw ang manok ko eh!” puri pa ni Simone sa akin.
Ang totoo niyan, kinabahan din ako pero lumalabas sa bibig ko ang mga totoong salita na patama sa kaniya. Hindi pa ako naka encounter na klase ng magulang. Kaya siguro naiinis lang talaga ako at natabunan ’yung kaba ko na ang kausap ko pala ay si Mr. Quintin.
Hindi na nga nagpakita si Yuri noong nagsimula ang 1st subject namin kaya alam kong hindi na ’to matutuloy pa sa ibang klase. Noong break time, wala ring lumitaw dahil katabi lang ng lamesa namin ang lamesa nila Logan, at nakikipag-usap pa sila sa akin tungkol sa kahapon at sa mga topics na natackled ng mga professor kanina.
Bigla akong may narealized, lasing si Yuri at hinahanap siya ng ama niya…so, hindi na naman siya umuwi sa kanila? Saan siya tumuloy? Hindi ko naisip ’yun ah?
“Teka, saan umuwi si Yuri?” tanong ko sa kalagitnaan ng usapan nila Dice at Rafael. Nagtatalo kasi sila about sa kung saan na hindi ko rin maintindihan.
Napatingin silang anim sa akin.
“Ay? Bakit concern ah?” ani Dice sabay ngisi.
“Malamang, best friend na nga sila ni Yuri! Sila na ang close ngayon,” sulsol pa nitong si Rafael. Napailing ako sa kanila.
“Hinahanap lang kasi sa akin ng tatay niya,” palusot ko. Pero sa totoo lang, bumabalik na naman sa akin ’yung pakiramdam at ala-ala noong hinatid ko siya papunta sa hotel niya.
Teka, hotel? Baka nasa hotel siya uli?
Napatitig ako sa cellphone ko. Ichachat ko ba siya?
“Basta kagabi pagkatapos ng hangout namin, umalis na siya eh. Nag-aalala nga kami pero kaya niya raw sarili niya,” ani Simone sa akin.
“Nakamotor naman siya, Eiron. Yun na lang sabihin mo sa ama niya. Baka kung saan lang ’yun,. H’wag ka na mag-alala. Ligtas ’yang bebeluvs mo,” biro pa ni Rafael na nakaseryoso at titig na titig sa akin.
May sinasabi ang mga mata niya pero hindi ko na lang pinansin ’yun.
“He’s right. Don’t worry about him. Kapag sinabi nu’n na kaya niya sarili niya, ibig sabihin makakauwi pa ’yun ng buhay,” sulsol ni Logan sabay kibit-balikat.
Tsk, kaya niya raw sarili niya? Pero handang matulog sa daan noon.
Napailing na lang ako. “Sabagay. Malaki naman na rin siya.”
Nagpatuloy na lang kami sa ginagawa dahil doon hanggang sa nagpasya kaming bumalik kami sa room. Pero bago pa man ako makapasok sa room ay sinalubong ako ni Brix na tila nakakunot pa ang noo at mabigat ang paghinga.
“Eiron!” pagtawag niya sa akin. Napalingon kaming lahat sa kaniya.
“Oh? May problema ba?”
“Si D-drip, nabugbog!” sabi nito na ikinanlaki ng mga mata ko.
“Ano?! Sinong bumugbog?!” tanong ko agad. “Nasaan siya?! Si Eros ba bumugbog?!”
Umiling siya. “H-hindi si Eros . Nakaalis na sila. N-naawat naman na ’yung bumugbog.” Napaigting ang panga ko. “Sinong bumugbog?!”
“Si Gino, d-dating kaibigan ni Eros. Napagdiskitahan ata si Drip eh. Papunta na ata sila ng hospital,” paliwanag niya. Napahawak ako sa buhok ko dahil sa sobrang inis at galit.
“Saang hospital?” tanong ko.
“Call Eros. Hindi niya nasabi eh,” sabi niya sabay pakita ng cellphone niya. Naroon ang contact number ni Eros.
Kaagad ko namang kinuha ’yun at tinawagan. Ilang ring lang at sumagot na agad si Eros.
“Who are you?” tanong nito na tila mainit pa ang ulo.
“Eiron,” sabi ko sa kaniya. “Nasaan si Drip? Saang hospital?”
Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “He’s fine. Ginagamot naman na. H’wag ka na muna pumunta dahil iuuwi ko rin siya after nito.”
Napakunot ang noo ko. “Bakit? Bawal na ba ako dumalaw sa kaniya at hindi mo masabi-sabi kung nasaan siyang hospital?”
“No!” iritado niyang sabi. “Just don’t worry about him. Alam kong busy ka. Makikita mo naman siya after niya makarecover.”
Pinatay na nito ang tawag. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa ginawa niya pero tama naman siya. Busy nga ako ngayon at mas magiging busy rin pa dahil may kailangan akong ipasa for next week.
“Sorry kung hindi niya sinabi sa’yo,” ani Brix. “But It will be fine…”
Tumango na lang ako. “Salamat sa pag-update, Brix.”
Napahilot na lang ako sa noo dahil sa dami ng isipin. Malaman-laman ko lang kung sino ’yang bumugbog sa kapatid ko makikita niya!
Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. Gusto kong alamin kung sino ’yung Gino at kung nasaan si Yuri.
Kaya pagkatapos ng klase ay lakas-loob kong hinanap sila Lance. Nang makita ko sila sa labas ng Harvey ay agad ko silang nilapitan. Mukhang may inaabangan.
“Lance,” pagtawag ko rito na agad niyang ikinalingon. Kasama nito si Adrian at Brix na nakaseryoso.
“Nasaan ’yung Gino?” tanong ko agad.
Umiling si Lance. “Hindi nga namin makita eh. Nagtatago ata ang gag*. Binugbog kasi ni Eros pagkatapos.”
Napabuntong-hininga ako sa narinig. Kung maaga ko lang nalaman talaga, edi sana nakisali ako. Wala na akong pakielam dahil ibang usapan kapag si Drip na ang ginalaw nila.
“D*mn fvckers! Ayun siya oh!’ turo ni Brix. Tinuro niya ang 5 lalaki sa di kalayuan at tila may hinihintay. Kaagad ko silang nilapitan at kinuha ang kwelyo nung Gino. Maraming benda at band aid ang mukha niya pero binangasan ko agad ’yun.
“Who the helll—”
“Lakas ng loob mong bugbugin kapatid ko!” sabi ko sa kaniya at sinapak ito.
Akmang lalaban sana ang mga kaibigan nito pero hinarangan sila nila Brix at Lance.
“Ano! Ako labanan mo! Napakaliit n’un sa’yo tapos nagawa mo pang saktan?!” tinulak ko siya at tinadyakan.
“T-tama na please! Kung sino k-ka man!” pakiusap nito. Inawat na rin ako ni Adrian bago pa dumating ang mga guards na inawat naman kami. Sinamaan ko naman ng tingin ’yung Gino bago ako kunin nung guard.
“Dalhin nga ’yan sa guidance!” aniya. Hindi na ako nanlaban dahil mali rin naman ako. Pero ayos lang, at least nagantihan ko na. Makakabawi na ako para kay Drip.
Pagpasok ko roon ay pinaupo ako sa harap ng guidance counselor at Dean.
“Nakikipag-away ho ’yan,” sumbong nung guard sa kanila. “May iisa pa po kaming nahuli, sir. Hindi lang siya.”
Kinabahan ako, baka nadamay sina Brix. Ako lang naman ang nanakit eh.
"Get off me!" padabog na sabi ng isang lalaki sabay upo sa tapat ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil walang iba 'yun kung hindi si Yuri. Huminto ang utak ko.
Nandito lang siya sa school all this time?
Tinignan din niya ako pero agad na iniwasan niya 'yun. May pasa na naman siya sa gilid ng labi at bandang kilay. Halatang guilty siya nagawa niya eh. Kitang-kita sa mukha at mata niya.
"Mr. Yuri Quintin? You again?! Ugh!" reklamo ni Dean. "At ikaw, your name?"
"Eiron Villaflor po," sagot ko habang hindi nilalayuan ng tingin si Yuri.
Bigla itong namula na ipinagtaka ko.
"Why did you punch that guy, huh? Kanina lang nabugbog na 'yun ni Eros Lim. Tapos ngayon ikaw naman? Ano ba kayo? Mga gang?!"
Umiling ako. "Siya naman po ang nauna ah? Sinaktan niya ang kapatid ko. Gumanti lang talaga ako."
Napaangat ng tingin si Yuri sa akin.
"Kahit na! College na kayo! Pinatawag ko na rin siya kaya tapos na ang issue," saad pa ni Dean. "Ano? Isususpend ko rin ba kayo katulad ni Mr. Gino?!"
Napabuntong-hininga ako. "Pinaghiganti ko lang ho ang kapatid ko. Nakakaawa eh. Ang liit ng katawan nu'n compare kay Gino."
Napansin ko naman na napatayo si Dean.
"Ok, since this is just your 1st violation, I believe na wala muna tayong ipapataw na punishment sa kaniya. But for Mr. Quintin, nahuli kang nakikipag-away kay Mr. Elliot Santos. May dala ka pa raw na pocket knife?" saad ng guidance counselor.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Yuri..."
Hindi siya sumagot at tila nanahimik lang. Napakagat ako ng ibabang labi.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanila. Kahit siguro napakabayolente niya, hindi naman siguro siya magdadala ng kutsilyo o kung ano pa man para lang manakit?
At inuna na niya pa ’yung away kaysa pumasok kanina? Bumabalik ba siya sa dati?
"If this is true, Mr. Quintin...we need to suspend you for 2 weeks dahil pinagbabawal sa Harvey ang pagdadala ng akhit anong deadly weapon—especially kung mangha-harm ka ng ibang students," dagdag pa ng counselor.
Hindi pa rin sumagot si Yuri.
Ipagtanggol mo naman ang sarili mo!
"T-teka, hindi po ganyan si Yuri. K-kaibigan ko po siya. K-kilala ko po 'yan," sabat ko. Napatingin sa akin sina Dean.
"And how? Do you have any evidence?" tanong naman ni Dean sa akin sabay crossed arms. Doon ako nawalan ng lakas.
Napailing ako ng dahan-dahan. "W-wala po. Pero hindi niya magagawa 'yan. S-sabay kaming pumasok kanina. Nakilagay pa 'yan ng gamit sa b-bag ko. Kaya alam kong wala ho siyang dalang kahit na anong matulis na bagay. K-kung nakipag-away man siya, alam ko namang gawain niya 'yun kaya hindi ko 'yun maitatanggi. I-isa pa, inaaway siya nung Elliot simula kahapon pa. Hindi po si Yuri ang nauna."
Nagsinungaling ako. Pero may katotohanan naman doon. Sigurado akong nauna 'yung Elliot kahapon. At alam ko ngang hindi sa kaniya ang pocket knife.
Nakita ko ang pagkakatulala ni Yuri sa akin. Napapikit pa ito bago yumuko.
Bakit ba ayaw mong magsalita?
Napakamot sa ulo si Dean. “Sige na sige na. Kung wala edi wala. Pakicheck na lang ng bag niya, guard.”
Kinuha naman nito ang bag ni Yuri at kinalkal. Bigla naman napakunot ang noo ng guard na tila may nakita. Kinabahan ako.
H’wag mo akong bibiguin, Yuri. Please lang…
May inilabas nga ito, isang pocket knife.
Tngin, Yuri…bakit?
“See?! Your friend is a liar and dangerous! Napakagrabeng tao!” sabi ni Dean. Nanlambot ako dahil doon. Hindi ko siya maintindihan. Bakit kailangang umabot sa ganito? Hindi ba siya natatakot na mas masisira ang buhay niya?
"Yuri...bakit?" pagtawag ko sa kaniya pero hindi pa rin siya sumagot. Tinignan ko ang kutsilyo.
Nakaka speechless.
“Dahil dyan ipapataw ko sa kaniya ang 2 weeks na parusa—”
"Hindi kaniya ang kutsilyo," pagputol ko sa counselor. "Please, alam kong hindi kaniya 'yan."
"Anong hindi kaniya?!! Look! Nakita na nga namin 'di ba? Ano pa bang ebidensiya ang gusto mo?" naiinis na tanong ni Dean. Halatang frustrated na 'to sa akin.
Bakit parang…ayoko siyang makitang nagkakaganito? Nadi-disappoint ako. May parte sa akin na nasasaktan dahil parang nasasayang ’yung mga opportunity sa buhay niya dahil lang sa pinaggagawa nito.
“Pero, sir…mabait po si Yuri,” pag-ulit ko. “Please? Pagbigyan niyo na po siya—”
"Suspend me, I don't care," pagsabat ni Yuri.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "A-ano? Hindi! Please! Yuri hindi sayo 'yan, 'di ba? Magsalita ka naman!"
Galit siyang tumingin sa akin. "S-stop it, Eiron."
Napahilot na lang ako sa aking batok.
Napakatigas ng ulo niya! Fine! Kung ’yan talaga ang gusto niya!
“See? Umamin na siya,” ani Dean.
"Teka, sir. May pangalan pong nakaukit sa kutsilyo oh—ano 'to? Elliot? Elliot ang nakalagay," sabi ng guard. Sabay kami ni Yuri na napatingin sa kaniya ng sabihin 'yun. Umiling naman si Dean.
So, friname nila si Yuri? Kaya siguro nakipag-away para mailagay nila ’yung kutsilyo sa kaniya. Pero ang t*nga lang dahil may pangalan pala niya ’yun. Tss…
Nagkatinginan ang counselor at si Dean. Nagsitanguhan sila bago lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Dean.
"Fine, hindi ko na siya lalagyan ng suspension ng 2 weeks...pero dahil sa pakikipag-away niyong dalawa, bibigyan ko na lang kayo ng school service. Which is maglilinis kayong parehas ng library for 1 week after ng klase nyo. Implemented na 'yan next week, naintindihan ba?" paliwanag niya. Nagkatinginan kami ni Yuri. Pansin ko na tila ayaw niyang pumayag.
"N-naiintindihan po namin," pangunguna ko na lang. Baka kung ano pang ireklamo niya.
"Good. Now, leave this office at umuwi na kayo. Ayaw ko na kayong makitang nakikipag-away pa!" utos ni Dean. Naunang lumabas si Yuri kaya agad ko siyang sinundan.
"Yuri!" tawag ko sa kaniya pero nagdire-diretso lang siya papunta sa kabilang daan papunta sa pangalawang gate ng Harvey. Walang masyadong lumalabas doon kaya maluwag at mabilis ka lang din makakalusot.
"Yuri! Ano ba!" tawag ko pa sabay kuha sa braso niya. Humarap naman siya sa akin.
"Bakit ba?!" inis niyang sagot bago bawiin ang braso niya sa akin. Huminga akong malalim.
Bigyan niyo pa sana ako ng mahabang pasensya sa isang ’to.
“Anong bakit ba? Saan ka ba pupunta?” tanong ko sa mahinahong boses. May pag-aalala sa mga ’yun. Nakita ko naman ang pagtaas ng dalawa niyang kilay at paglipat-lipat ng mga mata niya sa dalawa kong mata ko.
"In my place, ano naman sa'yo?" iritado niyang sgaot bago tumalikod uli. Pero bago pa siya makaalis ay hinila ko uli siya. Kinuha ko ang pulsuhan niya na dapat pala hindi ko na ginawa.
Napatingin siya sa mga kamay ko habang ako, tinayuan ng mga balahibo dahil sa tila
kuryente na naman na dumaloy sa sistema ko.
"Mag-usap nga tayo...please?" pakiusap ko. Kahit ayoko, dinagdag ko na lang
"Hindi pa ba tayo nag-uusap? Tss...jerk," aniya.
’Di ba?! Ako pa ngayon ang jerk?
“Naiintindihan ko kung galit ka sa tatay mo. Naiintindihan kita, maniwala ka. Pero hindi…hindi mo dapat ako dinadamay sa galit mo sa kaniya,” pabulong na sabi ko rito.
Napansin kong natigilan siya.
"Valid ang emosyon mo, pero 'yung itulak mo ako at magalit ka sa akin noong gabing 'yun...hindi. Nakakagulat na pati sa akin eh nagalit ka—ni hindi mo man lang akong hinintay na ipagtanggol ka? Ni hindi mo man lang ako pinakinggan," dagdag ko pa.
Umiling siya. "I don't need you to defend me. Kaya ko ang sarili ko!"
Napangiwi ako. "Sige! Kung kaya mo, edi sige! Pero sana maintindihan mo at ipaintindi mo sa sarili mo na hindi ako katulad nila. At handa akong damayan ka nung gabing 'yun! Pero inuna mo ang galit mo, na pati ako napagbuntungan mo."
"Hindi ka nila katulad?" binawi niya ang kamay niya sa akin at dahan-dahan akong nilapitan. Itinulak niya ako ng mahina sa pader at idinikit doon. "Eh naniwala ka nga kanina sa kanila na akin ang kutsilyong 'yun!"
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya hindi ko alam kung kaya ko pa bang makipagsabayan sa galit nito. "Hindi ako naniwala sa kanila! Hindi lang ako makapaniwala. Pero sa tingin mo maniniwala ako sa kanila ng ganoon kadali? Nakita nga sa bag mo pero nag doubt pa rin ako pagkatapos! Dahil alam kong hindi ka ganoon kasama! Pinagtanggol pa nga kita eh. Dahil hindi mo deserved masuspend! Ayaw kong masayang 'yang buhay mo dahil sa kakarebelde mo!"
Mahigpit niyang hinawakan ang damit ko. "Why are you like this? Why do you care about me so much?! Why? I thought you didn't like me. Shouldn't you be fine with what's happening to me? After all, all I've ever known is how to neglect my own life! Akala ko ba trabaho lang at walang personalan!"
"Hindi ako ganyan, Yuri...oo noong una, wala akong pakielam sa'yo! Pero anak din ako, Yuri. At naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan! Pero hindi ibig sabihin nu'n, sasayangin mo ang buhay mo! Hindi pa katapusan ng mundo! Marami pang iba diyan na pwede mong gawing motivation para magpatuloy sa buhay!" paliwanag ko. Dahan-dahan namang bumibitaw siya sa pagkakahawak sa akin. Nakikita ko na tila natatauhan siya.
Ganyan nga, makinig ka sa akin. Kailangan mo malinawan.
"Kung ayaw nila sa'yo, pwes ako gusto kita," sabi ko sa kaniya. Hindi siya nakagalaw sa pwesto niya.
Mali ata ang pagkakasabi ko dahil tila dumagundong ang puso ko sa nasabi. Pero hindi ko na binawi. Alam ko na maget-gets niya ang tunay na pinupunto ko. “Kami ng mga kaibigan mo, gusto ka namin. Nakikita ka namin. Nag-aalala kami sa’yo. Pero bakit ikaw? Hindi mo kami makita na nandito para sa’yo?”
Tumingin siya sa kawalan matapos 'yun. Para siyang may pinipigilan.
"Bakit tinutulak mo kami paalis sa buhay mo? Dahil ba akala mo lahat ng tao galit sa'yo? Pwes, hindi lahat. Kailangan mo lang tumingin sa paligid mo," dagdag ko pa.
"Ngayon, sabihin mo sa akin...saan ka tumutuloy? Dahil tumawag ang tatay mo sa akin kanina. Gusto ka niya...magsorry sa binugbog mo noong gabi," sabi ko na lang.
"Para ano pa? Para magmukha akong mahina sa harap nila? Para sabihin mo at magsumbong ka sa kaniya kung saan ako tumutuloy?" aniya sa malamig na boses.
Napailing ako. "Hindi kita isusumbong. Gusto ko lang malaman, kung ayos ka lang ba roon."
Tumingin siya sa akin at umiling. "Whatever."
Mula sa kinatatayuan ko ay pinanood ko na lang siyang maglakad palayo. Ni hindi man lang siya huminto, lumingon o sumulyap. Parang lahat ng sinabi ko sa kaniya,
parang nilabas lang niya sa kabilang tainga.
O baka naman kailangan pa rin niya ng space? Oo, mukhang kailangan niya nga. Mukhang okay rin naman siya kung saan man siya tumutuloy.
Sinayang ko lang siguro ang oras ko sa kaniya. Dapat pala hindi ko na siya hinabol.
Yuri’s Point of View
MAHIGPIT kong hinawakan ang helmet ko ng makarating ako sa pinarkingan ko ng motor ko. Naiinis ako dahil sa mga narinig ko kay Eiron. What was that? Huh? Ang corny niya mag-alala!
Isa pa 'yang si Elliot! Talagang ife-frame niya ako? T*nga ng idea niya! May pangalan pa niya 'yung kutsilyo na tinanim nila sa akin! Nabuking pa tuloy.
D*mb like his father.
Napailing ako at sumakay sa motor ko. I grab my phone and open our group chat.
May Titi-bag GC
Yurinal: “Club? Hangout tayo, badtrip lang.”
Kaagad namang nagseen ang tatlong mga kumag.
Rafaelibag: “Rarara!”
Simon’t sarap: “Saang club? Firehouse?”
Luga_n: “Sure! Pero @Yurinal, pwede mo ba akong samahan muna sa St. Catherine’s Hospital? Sabay mo na rin ako sa motor mo.”
Napakunot ang noo ko, anong gagawin niya roon?
Yurinal: “Sure, otw na ako sa place mo.”
Sinarhan ko na ang cellphone ko bago isuot ang helmet ko. Pinaharurot ko 'yun hanggang sa makarating kina Logan. Hindi pa nga ako nakakababa ng lumabas siya habang may hawak siyang mga libro. Napakunot ang noo ko.
"Mag-aaral ka sa bar?" tanong ko sa kaniya bago ko iabot ang helmet sa kaniya at isuot 'yun.
"No silly, I'm going to give these books sa kapartner ko," sabi niya. Hindi na lang ako nagtanong sa kaniya matapos 'yun. Pagkasakay niya ay saka kami umalis. Medyo binilisan ko na lang din dahil alak na alak ako uli kahit kakainom ko lang kagabi.
Pagkatigil namin sa tapat ay biglang bumaba si Logan at hinubad ang helmet. Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan. Hindi naman ako umimik at naghintay lang.
"Yes, I'm here. I will wait for you, bro," sabi niya. Sumulyap pa sa akin at ngumiti ng matipid. Ilang saglit pa ay may kinawayan siya at dito na lumabas ang di ko inaasahang tao.
Nagkatinginan pa kami pero kaagad akong umiwas sa mga mata niya.
Fvck it, Seriously? Why do we keep bumping into each other? We already saw each other earlier, and now again?
“Sure, let’s see each other tomorrow? Saan mo gusto? Sa bahay ko o sa coffee shop?” tanong ni Logan na nakaagaw ng atensyon ko. Magkikita sila bukas? Bakit? Anong meron? May hangout ba sila?
“Ah sa bahay niyo na lang. Mapapagastos lang tayo sa coffee shop na ’yan,” ani Eiron. Biglang may kung ano sa utak ko na nacurios. Pero nanahimik ako. Ano nga bang pake ko kung hindi kami ang magkapartner?
Atsaka, aasahan ko ba ’yun eh absent nga ako kanina? Inaway ko pa, kaya hindi ko na inaasahan na siya ang magiging partner ko sa activity na ’yan. Tss, edi h’wag.
“Let’s see each other tomorrow,” ani Logan bago muling sumakay sa akin. Sinubukan kong tingnan si Eiron pero tumalikod na ito papasok sa hospital.
"Let's go," sabi ni Logan. Hindi naman ako nagsalita at umalis na. Pagkarating namin sa Firehouse club ay halos may mga tao na rin. Pang VIP 'yung kinuha naming table dahil medyo tahimik doon at kita namin ang mga tao na nagsasayaw.
"Man, you ditched our classes again! Sayang! Nagbigay ng bonus points si Prof Eddie!" ani Rafael habang hawak ang lemon niya para sa tequila niya.
"Oo nga! Atsaka may activity ah? By partner siya. Alam ko si Logan at Eiron pinag partner kasi both sila na nakakuha ng mataas na points," ani Simone.
Hindi ko na sana papansinin pero 'yung pakiramdam ko kanina, mas lalong nabuhay.
D*mn it! Wala ka dapat pakielam!
Sumandal ako sa kinauupuan ko. “Ah, so kaya mo siya inabutan ng libro?”
Napangisi si logan. "Oo eh. Sa bahay kami bukas."
Napakagat ako ng ibabang labi.
Mas lumawak ’yung curiosity ko. “Dalawa lang talaga kayo?”
"Yeah. Wala namang partner na tatlo 'no? Atsaka, kailangan na namin matapos 'yun kasi ipapasa ata ni Prof 'yun sa department. Kami ang representative eh. Kaya wala munang hangout after."
Bigla na naman akong nainis.
Dalawa lang sila? Tsk…wait, bakit nga ba naiinis ako? Ano ba talagang pake ko?
“Ikaw? Nalaman mo na ba kung sino ang partner mo?” tanong ni Logan pabalik. Sinalinan niya ang baso ko.
"No, and I don't care. Hindi ko naman 'yan gagawin," sabi ko sa kanila ng walang gana.
"Magagalit si Eiron, bro! Atsaka si Willson. Baka madamay si Eiron kapag bumagsak ka," sabat ni Simone na tinignan ko naman ng diretso.
That bastard…
“Edi sasabihin ko choice ko. Atsaka babawi na lang ako sa midterms at finals,” sagot ko na may halong irita sa boses.
Ininom ko ang alak sa baso ko. Dumiretso 'yung init nu'n sa lalamunan ko.
"Grabe 'yung kanina 'no? Binugbog daw 'yung kapatid ni Eiron? Tapos tumawag pa si Willson sa kaniya. Muntik na nga silang mag-away eh. Mukhang pinagtatanggol ka ni Eiron dahil doon daw sa nangyari. Ano nga ba 'yun, Yuri? Kwento ka naman oh?" usisa ni Rafael. Titig na titig ito sa akin.
Chismoso talaga.
Pero teka, pinatanggol niya ako? Kay Willson? Really? How?
Nagkibit-balikat ako. “Problema na nila ’yan. Hayaan niyo na. Wala akong pakielam sa kanila.”
Nilapag ko ang na baso ko para magsalin uli. Napacrossed arms si Logan. "So, may LQ nga kayo? Bakit ba kayo magkagalit ni Eiron?"
"Hindi naman kami magkagalit. Ayaw ko lang makipag-usap sa kaniya," sagot ko agad at iniwasan ang mga mata nila. Ininom ko agad ang laman ng baso dahil sa tense.
Na-hot seat ako bigla ah?
"Nag-aalala 'yung tao sa'yo kanina dahil nalaman niya na hindi ka umuuwi, bro. Saan ka umuuwi niyan ngayon at bakit hindi ka nagsasabi? You're always welcome at my house," sabi uli ni Logan. Nahalata ko ang seryoso ang pag-aalala sa boses nito.
Kumuha ako ng finger food namin at piniling hindi sumagot. Mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Ayoko muna rin ng drama ngayon.
“Ni hindi mo man lang akong hinintay na ipagtanggol ka? Ni hindi mo man lang ako pinakinggan?”
Nilunok ko ang alak dahil sa naalala. Ginawa ko 'yun pang washout ng kinain kong pulutan.
Anong purpose ng marinig ko uli ’yun? Para makonsensiya?
“Handa akong damayan ka nung gabing ’yun”
I couldn't help but bite my lip when I heard it again.
D*mn it, Eiron! Why are you doing this to me right now? Leave my mind right now! Get out of my head!
Uminom na lang ako at pinilit na h’wag isipin ’yun. Sumama rin ako sa kanila na magsayaw sa dance floor noong tumama na ang alak sa katawan ko. Magulo, maingay, masakit sa katawan pero ok na ’to dahil nakakalimot ng problema.
But when I was on the middle of the crowd, napatingin ako sa isang banda. Nakita ko si Eiron, nakatitig siya sa akin habang tila nakikiusap ang mga mata sa akin at napapagitnaan ng mga tao.
Wait, what? Nandito siya?
Parang huminto ang paligid ko dahil doon. Parang naging blurry ang paligid at sa kaniya lang nafocus ang mga mata ko. I felt something warm on my chest at that time.
Lasing lang ata ako.
“Kung ayaw nila sa’yo, pwes ako gusto kita.”
Napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig. Parang tuluyan nagiba ang mataas na pader sa pagitan namin dahil sa pride ko. Dahil lang sa salitang ’yun, dahil lang sa muli kong narinig ’yun.
Anong nangyayari sa akin? Bakit parang may nagsasabi sa akin na tawagan siya? I-chat siya? No, I need a d*mn space.
Sobrang impact ng sinabi niyang ’yun sa akin. Hindi ko naigalaw ang katawan ko ng marinig ko ’yun nung time na ’yun. Nakakagulat at corny man marinig ay hindi ko alam ang irereact. Pero alam ko naman na gusto niya lang pagaanin ang loob ko. Dahil alam kong naaawa na naman siya sa akin.
Huminga akong malalim. Napansin naman nila Rafael na natigilan ako at tila nawala sa mood.
Sa pagkakataong ’yun, parang gusto kong maglakad. Gusto ko siyang abutin. Bumagsak ang mga nararamdaman ko at tila naitulak ako ng konsensiya ko. Gusto kong magsorry sa kaniya. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko kanina.
Pero alam ko, nagpadala na naman kasi ako sa nararamdaman ko. Ni hindi ko nakita ’yung ginawa niya sa akin mula sa bahay hanggang sa guidance kanina. The damage was done. Hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya sa akin.
Bigla namang nawala si Eiron sa crowd. Tsk, guni-guni ko lang pala ’yun.
“May problema ba, bro?” pasigaw na tanong ni Simone sa akin.
Umiling ako. “Wala, go on.”
Sumabay pa rin ako sa kanila, sa agos ng mga tao sa loob. Pero nawawala talaga ako sa sarili. Nawawala ako sa mood. Kaya noong maubos namin ang dalawang bote ng tequila ay nagyaya na rin akong umuwi. Nakakaboring lang dahil hindi ako makapagrelax. Parang wala nga lang ’yung tama ng alak sa akin dahil napakanormal ko lang maglakad.
“Una na ako,” sabi ko sa kanila.
“Bro, saan ka ba kasi umuuwi? Ayaw mo bang sa amin matulog?” alok ni Logan.
“Nakikita ka namin. Nag-aalala kami sa’yo.” Ugh…Eiron.
Huminga akong malalim. “Nagho-hotel ako. Don’t worry about me.”
Nagkatinginan sila. “Sure ka? Baka mawalan ka na ng allowance niyan ha?” sabi ni Rafael.
“Hindi naman. Atsaka may back up naman ako kung sakali. Baka umuwi na rin ako after ilang weeks. Papalamig lang,” sabi ko bago isuot ang helmet ko. Hindi ako sanay. Pero alam ko, tulad ng kay Eiron…it’s a process. They deserve to know it. Sinabi rin naman ni Eiron na nandiyan sila para sa akin. Masyado lang akong naging sarado.
“Sige, Yuri. Take care! Sabihan mo kami kapag gusto mong tumuloy sa amin, ah?!” pahabol pa ni Rafael bago ako umalis. Hindi na ako umimik pa. Habang binabaybay ko ang daan papunta sa hotel ko ay naalala ko ’yung sa club.
Sa sobrang konsensiya ko, nag ilusyon na ako na nandoon nga si Eiron. Does that mean na kailangan ko siyang kausapin? Pero baka galit na rin siya sa akin.
Naitigil ko ang motor at napansin ang pier. Hindi ko alam kung bakit doon na naman ako dinala ng motor ko. Kaya naman wala na akong nagawa. Umupo ako sa motor ko nang maiparada ko ito sa isang tabi.
Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin dito. Baka maistorbo ko lang din eh. Anong oras na rin kasi. Pagod pa ’yun.
Binuksan ko ang cellphone ko at nakita sa messenger ko na offline na siya. Mukhang tulog na nga.
Napabuntong-hininga ako. "Sa lunes na lang siguro."
"Pwede naman ngayong gabi," sabi ng isang boses. Napalingon ako agad at nakita si Eiron na nakatitig sa akin. Nakalagay sa likuran niya ang dalawang kamay.
Teka? Totoo ba ’to? Hindi na ’to ilusyon?
Hindi ko mabasa kung galit ba siya o hindi. Pero base sa boses niya kanina, kalmado lang siya tulad kanina noong nag-usap kami.
"A-anong ginagawa mo—fvck," sabi ko bago bumagsak ang balikat ko.
I can’t deny it anymore. Kailangan ko na nga siyang kausapin.
"Gusto mo akong ichat kanina," aniya. Itinabi ko ang cellphone ko.
Should I say it first? Nakapagsorry naman ako sa kaniya noon eh, sa mga maliliit na nagawa ko. Pero bakit ngayon…nahihiya ako?
Ah, fvck this guilt. Siguro bini bigdeal ko ’yun dahil ibang usapan ’yung nangyari. Main conflict ko ’yun sa buhay eh. Naisip ko bigla na habang nabubuo kami bilang magkaibigan, ako naman ’tong muling nagbago sa amin dahil lang sa hindi ko nakontrol ang sarili.
“I’m sorry, Eiron,” lakas loob kong sabi. “I mean, this is different. This is my real problem. Kaya alam kong hindi sapat ’yung words ko. Pero narealized ko naman na lahat ng sinabi mo.”
Hindi siya umimik. Noong tingnan ko siya ay pinapanood niya lang ako. Sa mga mata niyang 'yun parang may hinihintay siya. Pero hindi ako roon nagfocus. Kung hindi sa rhythm ng puso ko ngayon. Iba 'yung tibok ng puso ko.
“Kung ayaw nila sa’yo, pwes ako gusto kita.”
Napalunok ako. I couldn’t breathe properly habang naalala ’yung linya na ’yun. Ayoko nang marinig ’yan, but at the same time parang dahan-dahan na gumagaan ang loob ko dahil sa mga salitang ’yun. Parang word of wisdom na kailangan kong marinig.
"And thank you for your concern. Para sa ikatatahimik mo, sa hotel uli ako tumutuloy. Ilang weeks lang din ako roon at babalik na ako uli sa bahay," sabi ko pa uli.
Umiling siya.
Galit ba siya? “Aren’t you gonna say something?”
Hindi pa rin siya umimik. Mukha nga. Wrong timing pala ako. Dapat talaga sa lunes na eh. "Well, sorry. I...I have to go. See you on Monday."
Isusuot ko na sana uli ang helmet pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko.
Fvck, my heart… It’s racing again. Just like when he grabbed my hand earlier. It caught me completely off guard.
“Ano bang gusto mong sabihin ko? Hindi naman ako galit sa’yo,” sabi niya sa akin.
Sinubukan ko siyang titigan pero tila umiwas siya. "So, ano lang ang nararamdaman mo?"
"Hindi naman mahalaga 'yun. Atsaka sa pagsorry mo pa lang kanina at sa pagtry na i-chat ako...alam ko na ang ibig mong sabihin. Naiintindihan kita, Yuri," paliwanag niya.
He could understand me…yeah, right. Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya.
Itutuloy…
Desire 14
Desire 14: Cry
Yuri’s Point of View
I bit my lower lip noong tumahimik kaming dalawa. Dahan-dahang bumibigat ang paghinga ko at tibok ng puso ko sa pagkakataong ’yun. Should I say it? Should I tell him how much it hurts? Kasi bumabalik eh. This is why I hate being soft hearted, kasi ’yung mga masakit na pakiramdam sa dibdib ko, nararamdaman ko ng may diin, and I’m ashamed to admit na hindi ko kayang tiisin ’yun ng hindi umiiyak.
“Naiintindihan kita, Yuri. Alam kong hindi mo magagawa ’yung nagawa mo kay Mr. Santos kung hindi ka nasaktan ng sobra,” aniya. Pabulong at palambing ang pagkakasabi niya ng mga bawat salita, which makes me more comfortable.
Napapikit ako. “You’re lucky. Unlike Willson… he looked at me like I was a monster he couldn’t control. You saw how shocked he was because of the way I acted back then, right?”
“Insensitive siya, sila ng mga kaibigan niya. Kahit naman sinong anak siguro magre react ng ganoon kapag dinamay ’yung mahal nila sa buhay, lalo na kung magulang,” sagot niya. Napahugot ako ng hangin. Parang may malaking mapait na bump sa lalamunan ko na hindi ko malunok. Pero pinilit ko.
“Pwede ka magsabi sa akin kung gaano kasakit. Alam ko meron pa rin eh. Kitang-kita sa mga mata mo kanina.”
Napatingin ako sa kaniya. Bakit lagi na lang akong napapatigil sa mga sinasabi niya? Siguro dahil hindi ko ineexpect? Puno ng emotion? May sincerity?
I love it. Napakanatural. Hindi halatang peke.
“Baka sabihan mo akong madrama,” sabi ko sabay ngisi para magpanggap na maangas. Pero alam ko at alam niyang peke ’yun. Tngin.
“Nagkwento nga ako sayo noon, ’di ba? Hindi mo nga kinalimutan ’yun eh kahit nagpromise ka,” sagot niya sabay tawa ng mahina. “Pero hindi mo naman ako sinabihang madrama noong nagkwento ako sa’yo. Kaya bakit kita sasabihan ng ganoon?”
Hindi ako umimik. Oh, Eiron…
“Hindi rin naman masamang magkwento paminsan-minsan. Pampawala rin ’yun ng bigat sa loob, sinabi mo ’yan. Hindi rin kita ija-judge kung anuman ang marinig ko sa’yo,” dagdag niya pa. Ngumiti rin siya habang natatamaan ng ilaw ang mukha niya. Nakita ko kung gaano siya kasincere sa pagkakataong ’to.
“Makikinig ako.”
The next thing I know, unti-unting lumalabo ang mga mata ko. Gusto ko mang pigilan pero hindi ko ginawa. Gusto kong magtiwala kay Eiron, the way na nagtiwala siya noong una naming magka-kwentuhan dito.
“Ang sakit lang, na hindi na nila ginalang si Mama,” panimula ko. Napayuko ako at napahawak sa buhok ko.
“Pinapangunahan nila siya, not knowing na mahal na mahal ako ni Mama. Siya ang unang babaeng minahal ko mula pa noon. Really, why are they doing this? Na para bang hindi namatay ang mama ko kung isama nila sa usapan nila?”
Hindi ko na napigilan mapahugulgol. Napatakip ako sa mga mata ko dahil alam kong mababasa na naman ang pisngi ko.
“Ang masakit pa, why am I starting to ask my mother kung totoo ba ang sinasabi nila? Bakit ako dahan-dahang…naniniwala sa kanila na disappointed si Mama sa kung sino ako?” tanong ko sa kaniya.
Tinapik niya ang balikat ko bago umiling. “Hindi siya disappointed. Nakikita naman niya kung gaano ka nasasaktan sa loob-loob mo.”
“Ikaw? Disappointed ka ba sa akin?” tanong ko muli. Lumambot ang ang ekspresyon niya sa mukha. Umiling siya rin muli.
“Tulad ng sinabi ko kanina at noon, naiintindihan kita kung bakit ka ganiyan. Pero hindi ibig sabihin nu’n…magiging dahilan ’yan ng mga ginagawa mo katulad ng pagiging bayolente,” paliwanag niya. Tama na naman siya.
Pinunasan ko ang mga mata ko na parang bata. “Miss na miss ko na siya, Eiron. Miss ko na ’yung kakampi ko kapag inaaway ako ni Yuan noon at ni Willson.”
Hindi siya umimik.
“Gusto ko nang sumama sa kaniya nung gabing umalis ako. Gusto kong magpakamatay, Eiron. Ayoko na rito sa mundo. Lagi na lang akong inaaway. Lagi na lang akong sinisisi kung bakit ako naging ganito. Bakit hindi nila ako makita? Yung totoong ako? Bakit lagi na lang ’yung salbahe at rebeldeng Yuri ang nakikita nila?” tanong ko.
“Pinakita mo ba sa kanila kung sino ka talaga?” tanong niya.
“Noon…sinubukan ko,” saad ko sa kaniya. “A-ayoko na, Eiron. Sana pala t-tinuloy ko na lang kagabi…”
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
“S-sinubukan kong magpakasagasa sa truck.” Tumawa ako pero hindi tumitigil ang luha sa mga mata ko. “But…would you believe in me kung sasabihin kong nakita ko si Mama? P-pinigilan niya ako nu’n.”
“Yuri…” pagbanggit niya sa pangalan ko ng may pag-aalala.
“Like, why ma? Bakit? Bakit ganoon? W-what’s my purpose in this world kung wala ka naman na?”
Napasinghot ako. Para akong malulunod sa sarili kong emosyon at luha. “Do I deserve this? Like, ang hiling ko lang naman noon na kahit dalawa na lang kami ni Mama ayos lang sa akin. I will accept any kind of life basta k-kasama ko siya.”
Tumayo at humarap siya sa akin. Binuksan niya ang mga kamay at braso. Tinignan ko ’yun and my heavy heart is starting to feel lighter. Fvck, ngayon ko lang nafigure out na kailangan ko ng yakap.
Tumayo rin ako at niyakap siya, hindi pa nakakalipas ang minuto ay umiyak na ako sa balikat niya. Sa pagkakataong ’yun, parang may humahaplos sa akin. Pakiramdam ko, there’s a hope in my heart na nag-uumpisang umusbong.
Hug lang pala ang kailangan ko eh…kailangan ko nga uli ’to naramdaman? Ah, nung buhay pa si Mama at noong…nakita ko ang bangkay niya.
Hinimas niya ang likod ko. “H’wag mo na uulitin ’yun, ah? Please, Yuri. Ayaw ng mama mo na mamatay ka ng dahil lang sa lungkot at sakit. May pag-asa pa sa buhay, ok?”
Hearing those words makes me cry again, but with joy and aspiration. “C-can’t promise that…”
“Yuri…” malambing na tawag niya pa. “Isa, papapuntahin ko sina Rafael dito eh.”
Napangiti ako. “Well…”
Hinigpitan niya ang yakap. Then, suddenly I felt something warm again in my chest. Tumibok na naman ang puso ko ng abnormal. Fvck is this?
“Please? H’wag mo na ulitin ’yun. May pag-asa pa sa buhay mo. Malulungkot ang mga kaibigan mo,” pag-ulit niya. Yung pakiusap niya parang… ang hirap ng tanggihan ngayon.
“Yuri, mangako ka.”
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa sa susunod.
“Nag-aalala kami sa’yo, Malulungkot kami pag nawala ka,” aniya. C’mon…don’t say that.
"Makakapag move on naman kayo eh. You'll forget me after that. Atsaka madadalaw niyo naman ako sa cemetery—"
Bumitaw siya sa yakap at sinamaan ako ng tingin. "Akong sasapak sa'yo kapag sinabi mo pa 'yan."
I chuckled and smirked at the same time. "Great. Pleasure ko na masapak mo ako ngayon dahil sa ginawa at mga sinabi ko sa'yo."
Huminga siyang malalim. Parang sumusuko na siya sa ugali ko. "Dadamayan naman kita kapag...malungkot at umiyak ka uli."
I looked at his eyes. There's a tense inside of me noong marinig 'yun. Grabe ang mga salita niya. Parang...ginagawa siyang
attractive? Parang magtitiwala ka talaga sa kaniya “Promise?”
Sumilay ang ngiti niya muli sa labi. "H'wag ka lang magpapakamatay dahil walang magandang idudulot 'yon sa'yo. Malaking kasalanan din 'yan sa diyos."
Hindi ko alam kung anong ire-react ko ng marinig 'yun.
Really? This time? “Totoo bang…may ganyan?”
Umihip ang hangin sa mga balat namin. Nilipad ang mga buhok at damit namin. Napapikit ang isang mga mata ko dahil doon. Pero para siyang hindi natinag sa kinatatayuan niya. Parang binabasa niya ang nasa utak ko "Hindi ka ba naniniwala sa kaniya?"
I shrugged my shoulders. "Hindi ko alam. Ang hirap eh."
I took out my vape and took a puff. Then I let the smoke drift away with the wind.
"Naiintindihan ko...pero totoo siya, Yuri," aniya.
Is he trying to convince me right now? Oh, c’mon…baka maging bible study pa ’to, ah?
“Kung totoo siya.” I puffed again on my vape at ni release ang usok. “Bakit niya kinuha si Mama? Bakit niya ako hinayaang maging mag-isa?”
"Dahil may dahilan siya na hindi natin alam," sagot nito na tila puno ng kasiguraduhan.
Really?
“I do know the real reason, Eiron. I really know kung bakit nawala siya sa akin kahit napakabata ko pa nu’n.”
Naupo akong muli sa motor ko. Parang binigay ko lahat ng bigat doon dahil sa pagod. Tumingala ako habang pinagcrossed ang legs ko. "Dahil pagod na pagod na si Mama kay Willson noong bata ako. Dahil sa pananakit nito sa kaniya physically, mentally, verbally, lahat na."
Napangisi ako. "You know, I always believed na merong
siya noong bata ako. Pero still…kinuha niya pa rin si Mama. Nagtanong na ako kung bakit siya pa. Napakabait niyang tao. Alam ko ’yun noon pa lang. Bakit kaya hindi masasamang tao ’yung kunin niya? Para maging better sana ’tong mundo. Mabawasan man lang ang mga kampon ni Willson at Yuan.“
"Hindi ko rin alam. Pero alam kong may dahilan siya at nagtitiwala ako sa kaniya," ani Eiron. Huminga akong malalim.
"Iko-convince mo talaga ako ngayong gabi na may diyos?"
"Bakit hindi? Mas maganda rin siyang sabihan ng mga problema, Yuri. Bakit hindi mo subukan? For sure, matutuwa ang mama mo na makita kang dahan-dahang nalapit sa kaniya."
Napailing ako. Hindi ako nakapagsalita.
Sorry…hirap eh.
"Hindi man kita maconvince ngayon, pero hindi ako nagkulang na paalalahanan ka. Alam ko naman na soon mare-realize mo rin 'yan. Sa ngayon, hindi muna kita pipilitin. Pero tandaan mo ang sinabi ko, hindi ka disappointment. H'wag mo silang pakinggan, ok? Yung actions mo rin, h'wag mo silang hayaang i-define ka gamit 'yan. Basta wala kang nasasaktan. Hindi ikaw ang nauunang manakit, ayos na 'yun. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang sarili mo sa kaniya," paliwanag niya sabay tapik ng mahina sa balikat ko.
"Thanks..." pabulong na sagot ko. Nginitian na naman niya ako.
Wala ng nagsalita sa amin at nagkatinginan na lang kami. Kahit anong pilit ko, wala talaga akong masabi.
I licked my lower lips and looked at him. Yung kaninang nararamdaman kong bigat, nawala. Napagod ang mga mata ko. Pero 'yung warm feeling? Hindi. Tapos ang weird pa...Habang patagal pa ng patagal, nag-iiba 'yung itsura ni Eiron sa mga mata ko.
Fvck it…parang gusto ko tuloy siyang hawakan. Baka nag-iilusyon lang talaga ako.
"A-ahh...thanks for listening," sabi ko na lang sabay labas ng cellphone ko.
"Walang anuman, chat mo lang ako pag may problema ka," sagot niya rin sabay iwas ng mga mata niya.
Napalunok ako at napakamot sa ulo ko. "Can we take a picture?"
Napansin ko ko na kumunot ang noo niya. "Wow? Bakit naman?"
"Ayaw mo ba?" tanong ko pabalik. "I-I just want to save this moment you know? Baka di maulit eh."
Pinanliitan niya ako ng mga mata at tumango. "Sige."
Itinaas ko naman ang cellphone ko and nakita ko siyang nag smile. I licked my lower lips and tumingin sa kaniya mula sa camera.
Gwapo ah? “1…2…3, smile.”
Pinindot ko ang button. Nagflash 'yun pero hindi pa binaba. Inakbayan ko siya at nilapit sa akin, sa balikat ko. Napansin ko na nagulat pa siya ng bahagya.
"1...2...3!' sabi ko sabay click uli. Doon ko na binaba ang cellphone at medyo natatawang hinarap siya.
Parang di umiyak Yuri ah?
Natawa rin siya pero may pagtataka pa rin sa mukha niya. “Para saan ’yung akbay?”
"Hindi ka ba sanay?" panunukso ko. Napangisi pa ako dahil mukhang naiilang siya. "C'mon, kung gusto mong maging kaibigan ko eh masanay ka."
Napailing siya. "Oo na oo na. Ikaw talaga...pero seryoso ako sa kanina, tawagan mo ako o kami. Maiintindihan ka namin. H'wag ka lang magpadala sa negative thoughts mo, ok?"
"Yeah, I will...ikaw rin. H'wag mong solohin 'yang problema mo," sabi ko sa kaniya. Tumango siya.
"Sabi nga, gaano man kavalid na nadala tayo ng emosyon, ang mahalaga...maacknowledge pa rin natin 'yung dapat gawin. Kaya h'wag na h'wag kang magpapadala. Tingnan mo 'yung signs, pakinggan mo 'yung mga taong pinagkakatiwalaan mo," aniya. "Yan ang sinabi ni Mama sa akin kaya...nagawa kong isang tabi 'yung inis sa'yo."
Ang swerte niya sa Mama niya. “Your mother seems to be an intelligent woman. Sana mameet ko siya someday,” saad ko.
Nakita ko ang saya sa mukha niya. Hindi ako makapaniwala na sinayang ko 'yung ilang araw na hindi siya pinapansin dahil lang sa nasaktan ako. Pero tulad ng sinabi niya, emosyon ang kalaban ko. Kaya siguro space talaga ang kailangan ko. Masyado lang naging exaggerated dahil sa actions at words ko.
Tumayo na siya. "Well, maaga pa ako bukas. Pag-aaralan ko pa mga libro ni Logan. Mauna na ako, Yuri. Umuwi ka na sa inyo kapag kaya mo na."
"Wait." Hinawakan ko ang kamay niya. Natigilan naman siya dahil doon. "Magkikita ba talaga kayo ni Logan sa bahay niya bukas?"
Tumango siya pero 'yung mga mata niya nagtatanong. "Oo, partner kami eh."
"How about me? Wala ata akong partner?" tanong ko. Napairap siya ng pasimple.
"Yan, absent pa kasi eh. Tanungin mo si Prof bukas. Sinabi naman niya na magchat ka sa kaniya. Tapos gawin mo na bukas kung sino man ang partner mo," paliwanag niya.
Napabuntong-hininga ako.
Nandito na naman ’yung pakiramdam na nabo-bother ako na dalawa lang sila ni Logan bukas. Ugh! Bakit ba? “Hindi ba pwedeng tayo na lang?”
Kumunot lalo ang noo niya at hindi nakapagsalita. "Nevermind, icha-chat ko na lang si Prof bukas."
"Maigi," sagot niya. "Una na ako."
Napansin ko namang hindi ko pa rin pala binibitawan ang kamay niya. Pinakawalan ko ’yun. “Hatid na kita.”
"Baka malayo pa ang hotel mo?"
Umiling ako. "Hindi masyado pero mas maayos na 'yung maihatid kita. Baka mapano ka pa."
Kinuha ko ang helmet at dahan-dahan kong sinuot sa kaniya. Napansin ko na tila tense ang mga mata niya habang ginagawa ko 'yun.
Pangatlong beses na siyang ganoon. Why?
Pagsakay namin ay napansin ko namang kusa na niyang nilagay ang kamay niya sa bewang ko. I bit my lower lips at pinigilang mapangiti. May naramdaman akong kaunting kiliti roon pero hindi ko na lang pinansin.
Habang binabaybay namin ang daan, nararamdaman ko ang hangin sa mga balat namin. Nakakarelax. Tapos halos tahimik na rin ang buong daan.
Parang ang sarap tuloy magstroll. Kaya binagalan ko lang ang takbo. Para maenjoy ko ito.
Tumingin ako sa side mirror at nakitang tila pinapanood ni Eiron ang daan. Parang ineenjoy niya rin 'yung vibes tulad ko. Kaso napansin kong malapit-lapit na rin kami sa hospital kaya mawawala na 'yun.
Itinigil ko naman ang sinasakyan namin at bumaba siya. Hinubad niya ang helmet bago ibigay.
"Salamat," aniya sabay ngiti uli.
"No...thank you," pagkontra ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin.
"Yuri? Anong ginagawa mo rito?" sabi bigla ng isang boses. Nakita ko naman ang pinanggalingan nito at nakita si Tito Nigel. Nakakunot ang noo niya sa aming dalawa ni Eiron.
"Nandito ka lang pala. Hinahanap ka ni Willson—"
"I don't care about him, Tito," sabi ko. Napansin ko naman si Eiron at sinenyasan siyang pumasok na. Kahit alam kong ayaw niya pa dahil sa namumuong tensyon sa pagitan namin ni Tito ay medyo pinilit ko siya.
"Go, Eiron. Aalis na rin naman ako," sabi ko sa kaniya.
"Mag-iingat ka," huli pa nitong sabi bago pumasok. Pero sinusulyapan niya pa ako at palingon-lingon pa.
"Yuri, umuwi ka na sa inyo, please?" Pakiusap ni Tito.
"No way, ayoko. Ayoko muna sa ngayon," sabi ko habang inihahanda ang sarili sa pag-alis. Hinawakan niya ang harapan ng motor ko.
"Saan ka tumutuloy? Bakit hindi ka umuwi sa bahay ko? Pwede ka roon. Kaysa kung saan-saan ka nagpupunta—"
"Para ano? Sabihin mo kay Willson na nandoon ako? Para pagtulungan niyo na naman ako?" pagputol ko sa sasabihin niya. Napansin ko ang tila paglungkot ng mga mata niya.
"Gusto ko lang namang maayos kayo ng Papa mo. Ayaw na ayaw ko kayong nagkakagulo. Hanggang kailan ba kayo magiging ganyan?" aniya na tila nakikiusap na. Pero wala akong awang naramdaman. Gayunpaman, pinipigilan ko pa rin ang sarili ko sa namumuong emosyon sa dibdib ko.
But I can’t! D*mn it!
"Wala namang dapat ayusin sa amin. Ang dapat mong ayusin eh 'yang kapatid mong baluktot ang pag-iisip, Tito. Atsaka, it's his fault kaya ako ganito. Magiging maayos lang ako kapag nawala siya!" sabi ko sa madiin pero mahinang boses.
Napansin ko ang guilt sa mga mata niya. "Anak naman..."
"H'wag mo siyang kampihan sa harapan ko! We both know kung anong klaseng ama siya mula noon hanggang ngayon!"
Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa dahil umalis na ako. Pinaharurot ko ang motor ko hanggang sa marating ko ang hotel. Pagpasok ko roon ay binati pa ako ng mga staff ng hotel. Ngumiti sila sa akin. Parang gumaan ang loob ko ng makita 'yun.
Kaya naman ngumiti rin ako sa kanila.
Pagpasok ko sa room ko ay agad akong humiga. Yung galit ko sa kanina kay Tito Nigel, at kay Willson ay nawala dahil sa lambot ng kama. Biglang tumunog ang cellphone ko.
9:30PM
Eiron: “Nasa hotel ka na ba? Sino ’yung kausap mo kanina? Ayos ka lang ba?”
Imbes na mainis ay napangiti pa ako.
He’s really concerned about me, huh?
Yuri: “Yeah, I just got here. Don’t worry. It was just a small thing.”
Eiron: “Sure ka? Oh, sige. Yung bukas ha? H’wag mong kalimutang imessage si Prof. Salamat uli.”
Yuri: “Can I post our picture on my Story and My Day?”
Eiron: “Ikaw bahala.”
Napangiti akong muli at pinindot ang facebook app ko. I upload it na naka collage pa ng maayos. Nilagyan ko pa ng song at filter na hindi masakit sa mata. Nagmukhang tumambay lang kami roon. Tinignan ko pang mabuti si Eiron mula sa picture.
He’s a really charming guy. Hindi ko alam kung baka makita ’to ng mga friends and followers ko eh mas pagtuunan nila siya ng pansin.
Inupload ko na bago ako tumayo. I want to take a shower, a cold one dahil gusto kong mawash away ang mga nangyari. I took all of my clothes at binuksan ang shower. Kaagad na bumagsak sa katawan ko ang tubig.
"Fvck, It's a long day," bulong ko sa sarili. Napansin ko ang pasa sa iba kong katawan. Parang naging normal na 'yun sa akin tuloy dahil hindi ko na iniinda.
I closed my eyes as I rubbed the soap over my body. Then Eiron's face came into my mind, his smile, the way he worried about me, and the moment we hugged each other.
Kusa akong napangiti.
Hmp! That bastard…ano bang meron sa kaniya?
Tinapos ko naman na ang pagligo at lumabas. Nadaanan ko pa ang malaki at full body na salamin. I looked at my physique. Parang kailangan ko na tuloy ulit mag workout. Nagbihis na agad ako at humiga. Doon ko naramdaman ang pagod.
Bigla ko namang narinig ang cellphone ko na nagring. Kinuha ko ito at napansin ang group chat kasama sina Carly. Sinagot ko naman ’to at sumalubong si Carly kasama ang mga kaibigan niya. Sumama rin si Rafael at Simone.
Rafael: “Yo!! Yuri!!”
Simone: “Yeah, we saw your story—magkasama kayo ni—”
Carly: “Who’s that guy, Yuri? Is that Eiron?”
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Yuri: “Oo.”
Carly: “I feel something about him—”
Yuri: “Stop, he’s a good guy, ok?”
Napansin ko namang malapit ng matawa si Rafael, habang nakakunot ang noo ni Simone na tila nagtataka. Napairap naman si Carly.
Carly: “Anong ginawa niyo pala kanina?”
Huminga akong malalim. I don't need to explain myself to her. Masyado siyang nakakasakal. Hindi ko alam kung bakit sobra siyang ganyan.
Yuri: “Matutulog na ako.”
I left the call and put down my cellphone. Napakausosyo niya sa buhay ko.
KINABUKASAN, I planned to chat my professor sa messenger dahil may contact naman ako sa account nito. Ita-type ko na sana ang message ko nang maalala na magkakasama nga pala si Eiron at Logan.
Then, nabother na naman ako. G*go lang, Yuri.
Napakamot ako sa ulo ko. “Parang g*go naman. Ano naman ’di ba? Umabsent ka kasi! Hindi tuloy kayo magkasama!”
Napunta tuloy ako sa chat conversation namin ni Eiron.
9:00AM
Yuri: “Where are you? Logan’s Place?”
Kaagad naman siyang nagseen at nagtype.
Eiron: “Nandito na. Bakit?”
Hindi na ako nagchat pabalik. Parang may kung ano sa akin na hindi mapakali. Napabangon tuloy ako at nagpunta uli ako sa chat ko sa professor namin.
Yuri: “Good day, Prof. I’m sorry I couldn’t attend class yesterday. I had something important that I needed to take care of. Anyway, about the activity, may I ask if I can join Mr. Villaflor’s group? Thank you.”
Bigla naman itong nagseen at mabilis na nagtype.
Prof Kris: “Those are my representative sa Civ Eng. department. Kung isasali kita, make sure na may maiaambag at maayos kang magagawa. Kung hindi naman, I will put you with Mr. Rafael or Ms. Zoe.”
Pasimple akong napairap. Kung si Rafael ang makakasama ko, baka wala kaming matapos. Maiistress pa siguro 'yung partner niya. Yung Zoe, hindi ko naman kilala.
Yuri: “I promise na tutulong po ako.”
Prof Kris: “Fine, kay Mr. Eiron ka na. Ang pasahan niyan is next Monday, so please coordinate with him today.”
Napangisi ako. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ang bahay ni Logan. Noong makarating nga ako roon ay pinapasok pa ako ng boy nila.
"Si Logan?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa kwarto po nila, sir," aniya kaya agad kong tinakbo ang hagdan para akyatin 'to. Nang akmang pipihitin ko na sana ang door knob ay napansin ko itong nakalock. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahilan para mapakatok ako agad.
Bakit nakalock?!
"Sabi ko h'wag akong iistorbohin—oh, you?" ani Logan. Hindi ko siya sinagot at pumasok sa loob. Nagulat pa si Eiron na kasalukuyang nakaupo sa upuan at kaharap nito ang mga notebook.
"No hangouts muna—"
"Who said na magha hangout tayo? Kasama niyo ako sa group," pagputol ko kay Logan.
"Huh? Akala ko ba—"
"Stop asking me, Logan. Kasama niyo nga ako. Itanong niyo pa kay Prof," hamon ko sabay ngisi. Nagkatinginan sila ni Eiron kaya pinakita ko ang chat sa kanila.
Gigitna sana si Logan sa amin ng umusod ako at tumabi ako kay Eiron.
"Doon ka na sa kabila," sabi ko sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawa niya ng mahina at lumipat na ng upuan.
Medyo magkadikit kami ni Eiron dahil tinitignan ko ang ginagawa niya. Nang makita ko palang 'yun ay medyo complicated pala kaya medyo kinabahan ako.
D*mn…mukhang papahirapan ako ng dalawang ’to, ah?
“Basahin mo muna ’to bago namin ipagawa ’yung part mo,” utos ni Eiron. Hindi naman na ako umangal. Binasa ko na lang din ’yun habang nag-uusap sila ng dapat gagawin.
Pero hindi ako makapagfocus dahil napapansin ko sila. Pabulong na nga ’yung usapan nila. Tapos parang magkalapit pa talaga sila. Kulang na lang ata halikan siya ni Logan.
Kailangan ba talagang ganoon?
Mabuti na lang at nagets ko na kaya pinapansin na ako ni Eiron at Logan. Pinagawa na lang nila sa akin ’yung ibang part na medyo madali.
"Oh ayan, ganyan," ani Eiron sa akin.
"Look, Eiron. Parang hindi ata pwede..." ani Logan sabay patong ng braso nito sa balikat niya. Tinignan ko ito at napailing.
Tss..
“Balikan ko wait lang, magrestroom lang ako,” paalam ni Eiron. Tinignan naman namin siya ni Logan hanggang makapasok ’to sa restroom. Noong magsara ang pintuan ay nilapitan ako ni Logan.
"What was that, bro?" tanong niya.
Bumalik ako sa ginagawa ko. "Ano?"
"Dito ka talaga nilagay ni Prof?" tanong niya uli.
"Oo, nabasa mo nga 'di ba?"
He laughed, parang nanunukso pa 'yun. "You're fvcking insane. Nakita kong pinilit mo eh. Anong nilagay ka rito? Nagrequest ka, g*go!"
Doon ako napatingin sa kaniya. "N-no. Bakit ko naman gagawin 'yan?"
Napakibit balikat siya. "I don't know, either comfortable kang kasama si Eiron sa mga school activities or papers...or nagseselos ka."
Kumunot ang noo ko.
What the heck! “Huh? Sinasabi mo d’yan?”
Tumawa lang siya. "Ayaw pa umamin."
"Saan ako aamin?" tanong ko pa habang nagmamang -maangan. "Hindi ah? Masama bang sumama sa inyo? Matalino rin naman ako."
Bumukas naman na ang pintuan kaya hindi na nakapagsalita si Logan. Pero tumatak 'yun sa utak ko.
Halata ba ako? At selos? Hindi ba pwedeng…uncomfortable lang? Nasanay lang ako kay Eiron.
“Tingin nga, Yuri,” ani Eiron. Binigay ko ang ginawa ko. Nakita ko naman kumunot ang noo niya sa roon. Kinabahan ako.
“Why? Mali ba?” tanong ko. Umiling siya at binalik sa akin ’yun.
"Hindi, tama naman. Galing mo nga eh. Na-gets mo agad," aniya sabay ngiti sa akin. Ngumiti rin ako at napansin si Logan na tinataas-baba ang dalawang kilay sa akin. Pinandilatan ko siya ng mga mata.
Nang mga oras na 'yun, hindi nawala ang simpleng panunukso ni Logan. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko hanggang sa matapos namin 'yun. Napasandal ako sa kinakaupuan ko habang si Logan ay nag-unat.
"Im going to get something sa baba. Nagugutom ba kayo?" tanong ni Logan.
"Nope," sagot ko.
"Hindi rin. Maya-maya uuwi na rin naman ako," sagot naman ni Eiron.
Nagkibit-balikat pa siya at sumulyap sa akin. "Wait for me."
Nang sa paglabas nito ay tumagilid ako at tinignan ko si Eiron na tumitingin sa buong paligid. Napansin niya siguro na halos marami rin ang medals ni Logan at award from different contest and other stuff.
Kitang-kita ang magandang side profile niya kaya napahalumbaba ako habang pinapanood siya. "Hatid kita mamaya?"
Tumingin siya sa akin. "Ikaw...bahala. Baka maubusan ka na ng gasolina niyan, ah?"
Napangisi ako. "Full tank naman 'yun last time. Ano? Hatid kita?"
Tumango siya at ngumiti sa akin. "Sure."
Napangiti rin ako. Bigla akong may naisip. "A-ah, before that...pwede ka bang kumain sa labas?"
"Akala ko ba hindi ka gutom?" nagtatakang tanong niya. "Atsaka, h'wag na. Wala akong extrang pera. Bakit hindi na lang kayo ni Logan?"
Natawa ako ng kaunti. "Nevermind. Atsaka libre ko naman eh. Isipin mo na lang, pasasalamat ko sa kagabi? You know, you literally saved my life."
"Hindi ako humihingi ng kapalit sa ginawa ko," aniya.
Ang hirap niyang yayain, ah? Well, naiintindihan ko naman siya.
“Eiron, please? I mean, akin ’to, ok? Hindi ka nanghihingi. Binibigay ko ’to sa’yo as gift,” pakiusap ko.
Tinignan niya ako ng ilang saglit. His eyes looked like they were waiting for something. "Sige na nga!"
I licked my lower lips and smiled at him. Bumukas naman ang pintuan at sinalubong kami ni Logan na nakangiti. Tinignan niya pa ako at kinindatan.
Jerk.
"May pupuntahan pa ba kayo?" tanong pa ni Logan sa amin.
"Uuwi na rin naman," sagot ni Eiron sabay tayo.
"Wait, hatid na kita, Eiron—"
"Hindi na, sasabay 'yan sa akin," sabi ko agad at tumayo rin. Pinigilan ni Logan ang pagngiti.
Sarap tadyakan ng g*go!
“Please, Eiron. Kahit ngayon lang?” pamimilit pa ni Logan. Napakamot pa sa ulo si Eiron. “Di ba, magkaibigan na tayo—”
Hinila ko na si Eiron kaysa mabwisit pa ako sa kaniya. "Bye Logan."
Narinig ko pa ang pagtawa ni Logan. "Bye, Yuri na sel—"
Sinarhan ko na agad ang pintuan niya kaya naputol ang sinasabi nito.
"Ano raw?" takang tanong ni Eiron.
"H'wag mong pansinin, siraulo lang 'yun," sabi ko na lang at inakbayan siya habang pababa kami. Naramdaman ko pa na tila napaigtad ng kaunti si Eiron pero hindi naman siya pumalag. Pagkalabas namin ay kinuha ko ang helmet. Pero inagaw niya ito at sinuot mag-isa.
Kumunot ang noo ko. "Why?"
"Kakasuot mo sa akin, nasaulo ko na kung paano ilock sa baba," aniya. Napakibit-balikat na lang ako sa kaniya.
Pagkasakay pa ay agad din niyang nilagay ang kamay sa bewang ko katulad kagabi.
Really, Eiron? Saulo mo na o ayaw mo lang akong hawakan ka?
Pagdating namin sa restaurant na kakainan ay nakita kong napalunok si Eiron habang nililibot ang mata sa paligid. It’s a fancy restaurant na sobrang arranged ng mga upuan at mesa. Couch na nga ’yung mga upuan dahil pwede ng sandalan and napakasoft pa sa bottom, lahat naman ng color nito ay gold habang square naman ang shape ng lamesa nito at gawa sa matibay na kahoy. Kulay cream naman ang pintura nito at may painted arts na maganda sa mata. Pwedeng pwede sa couples ’yung lugar. May kaniya-kaniya rin kasing maliit na chandelier sa bawat pwesto kaya walang dim zone. Masyado ring formal ang way ng mga waiters kaya mas lalong nagmukhang mamahalin. Mukhang mga trained.
Sabayan mo pa ng classic band na tumutugtog sa harapan. Napaka smooth lang nito at masarap sabayan ng red wine.
"Hindi ba mahal dito, Yuri?" tanong niya.
"Sakto lang," sagot ko sabay lapit sa receptionist. "Table for 2."
"This way, sir," sabi ng lalaki bago kami ituro sa isang lamesa, malapit sa bintanang salamin. Noong maupo siya sa harap ko ay nakita ko ang hiya niya. Tumingin pa siya sa polo-shirt niyang color gray.
"Relax, you're fine," bulong ko sa kaniya sabay ngiti.
Ngumiti rin naman siya sa akin pero halatang awkward. "Sorry, nakakahiya lang kasi ngayon lang ako nakapasok sa ganito. Mas mahal pa ata 'to sa kinainan namin ng kapatid ko."
Inabot ko sa kaniya ang menu bago ako tumingin dito. "Speaking of...I've heard na nabugbog siya ah? Is he okay now?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nahuling nakatitig ito sa akin. "Oo raw. Pero nagpapahinga siya. Baka next week pa pumasok."
"Sinong bumugbog pala? Nalaman mo?"
Tumango siya. "Gino raw name eh. Ayun, naupakan ko naman na."
Napakunot ang noo ko. "Ah, siya ba 'yung binugbog mo kahapon? Woah, great huh? Yan ang gusto ko, nerd pero lowkey fighter."
"Napatunayan mo naman na 'yan. Remember? Nagsuntukan tayo sa cafeteria, 'di ba? Talo ka nga eh."
Para akong nabasag sa narinig.
Wow, ok great pinaalala pa niya talaga?
Tumikhim ako. "Anyway, great activity. Matalino pala tayong dalawa kapag nagsama 'no? Akala ko puro lang away eh."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Huh? Tatlo tayo ah—kasama natin si Logan, ano ka ba?"
"Kahit wala siya kakayanin naman natin eh?" sagot ko agad. "Pero yeah, tayong tatlo magaling din."
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Nagseselos ka ba kaya ka nagpalipat sa amin?"
Teka, dahan-dahan, Eiron…ano ba ’yang tinatanong mo? Napaka direct-to-the-point!
“H-huh? No! Why would I? Doon ako nilagay ni Prof eh,” pagdedepensa ko sa sarili.
"Sus, ayaw pang umamin. Eh nilagay ka nga ni Prof kay Zoe. Pero kung hindi ka raw makikipagcoordinate sa kaniya, isasama nalang siya kina Rafael at Dice," paliwanag nito.
Para akong nahuli sa krimeng ginawa ko. Ano pa bang ira-rason ko? Nahalata na nga ako ni Logan kanina. “Fine! Nagpalipat na ako. Eh sa nasanay nga ako ikaw kasama ko ’di ba?”
"Bakit ba ayaw mong magtry sa iba? Bakit sa akin ka nasasanay?" tanong niya na mas lalong nagpatupi sa akin.
Bakit nga ba? Bakit bukod sa tutor ko siya eh ayaw ko na ng kasamang iba?
Comfortable na naman ba ang reason?
“Magtry ka ng iba. Baka mas lalo kang maging maayos socially. Kung mahihirapan ka naman, edi i-message mo lang ako. Pero sa ginawa mo kanina, parang hindi eh…matalino ka. Mabilis mo nagets ’yung lesson kahit walang paliwanag nino man,” dagdag niya pa.
I bit my lower lips.
Eh ayoko nga, Eiron.
“Well, what If mas comfortable nga ako sa’yo? Pipilitin mo pa rin ba ako?” tanong ko naman. Nagkibit-balikat siya.
"Oo na. Atsaka kung nagseselos ka eh hindi naman na kailangan. Pinalit lang nila sa'yo si Logan kasi mataas ang nakuha niya. Kung pumasok ka siguro, edi mataas din ang nakuha mo," saad niya. "Edi sana ikaw talaga ang partner ko, 'di ba? Well, ikaw naman talaga original eh. Ikaw naman ang pinili ko kahit absent ka kahapon para magkasama sana tayo pero hindi pumayag si Prof."
Natigilan ako sa narinig.
Ako ang pinili niya talaga?
Itutuloy…
Desire 15
Desire 15: Gazing
Yuri’s Point of View
I couldn’t stop smiling ng sinabi niya ’yun. Parang mayroon sa loob-loob ko na masaya. And I know it’s bad and nakakahiya kaya pinigilan ko ang sarili ko gamit ang pagtakip ng menu sa mukha ko.
“Sa susunod, h’wag nang umabsent kung hindi naman talaga kailangan, ok? Kung gusto mo talagang maging magpartner tayo uli, lagi kang present dapat,” aniya sa seryosong boses. Para siyang tatay na nagpapaalala sa anak niya.
“O-okay, and thanks for choosing me,” sabi ko sa kaniya na tila nahihiya. Binaba ko naman ang hawak dahil sa tingin ko kaya ko ng maging seryoso.
“And, for your information, ’yung selos na ’yun is just because hindi lang talaga ako sanay—”
“Alam ko naman. Hindi naman ako malisyosong tao, Yuri,” pagsabat niya sa sasabihin ko. Napatango-tango ako at tinignan siya ng direkta sa mga mata.
Nahuli ko ang mapupungay niyang mga mata. “So, balak mong maging engineer pagtapos nito?”
Nagulat ako sa panibago niyang topic. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang tinanong ’yun. Pero mabuti na rin dahil baka ma-awkward pa siya ng tuluyan. I licked my lower lips para mawala ang panunuyo nito. “Yup.”
“Pero anong first choice mo noon?” tanong niya uli.
“Architecture. I want to plan and design. Gusto ko kasi magdesign ng sarili kong building or bahay noon eh. Hate ko kasi ’yung design ng bahay namin,” sagot ko. “How about you?”
“Eto talaga gusto ko. Wala ng iba pero incase na hindi ako matanggap, kaya ko naman siguro mag marketing,” sabi niya. Nakita ko na naman ang kaseryosohan niya. Nilagay niya kasi ang dalawang braso sa lamesa at pinagcrossed ang mga daliri niya sa magkabilang kamay.
“Impossible, ikaw? Hindi matatanggap? Sa talino mong ’yan,” sabi ko na lang. Parehas kaming natawa.
“Hindi naman, mabilis lang ako maka pick-up,” sabi niya.
“Humble, huh?” nakangisi kong panunukso sa kaniya. “Anyway, mukhang bagay rin sa’yo ang marketing, you’re good at speaking. Velvety voice.”
Napansin ko siyang namula ng bahagya at lumingon sa ibang direksyon. “Ayaw mo sa compliment, huh?”
Tinikom niya ng bibig at umiling. Maybe this is akward lang talag siya.
“Ah, ok na ba ’yung order mo?” tanong ko sa kaniya para maiba muli ang topic. Ngumiti siya ng tipid.
“Oo.”
Tinawag ko agad ang waiter. Paglapit nito ay itinuro ko ang pagkain na ioorder ko. “One of this and…this, with pineapple drink. How about you, Eiron?”
“Itong carbonara na lang. Tapos one glass of water,” aniya. Napakunot ang noo ko sa kaniya. Iniwasan niya naman ang mga mata ko at kitang-kita ko ang pamumula ng bahagya ng mga pisngi niya. Fvck, it’s cute.
“And add this, egg rolls with pork filling for him. Gawin mong Iced lemon tea ang drink niya,” sabat ko na agad na ikinatango ng waiter.
Nanlaki ang mata ni Eiron. “Hey! Ok na ako sa carbonara—”
“Nahihiya ka pa. Hindi ka mabubusog sa carbonara nila rito,” pagputol ko sa sinasabi niya sabay suklay sa buhok ko gamit ang daliri ko. Tinignan niya ’yun bago yumuko. Huminga pa siyang malalim.
“Yuri, may itatanong pala ako…h’wag ka sanang magagalit, huh?” sabi niya. Hindi ako magagalit pero kinabahan naman ako.
“Sure,” matipid kong sagot.
“Kung magkagalit kayo ng ama mo, bakit hindi ka pa umalis sa poder niya? Bakit hindi mo subukang kumuha ng scholar tapos mag apartment or condo? Para less away,” usisa niya. Napasandal naman ako bago nagpakawala ng malalim na paghinga.
Napakagat naman siya ng labi. Halatang naguilty siya sa tinanong. “Sorry, natanong ko lang talaga. Nag-aalala kasi ako sa’yo. Baka mapano ka pa kung magtatagal ’yang away niyo eh. Pero kung hindi ka comfortable na sagutin, ayos lang.”
“No, It’s fine. Actually, naiisip ko na ’yan eh. Pero I don’t know how. Baka hindi ko kayanin sa umpisa,” sagot ko. Naalala ko ’yung time na plina-plano ko ’yun. Nagtry muna ako mag-apply ng trabaho pero nahirapan din ako kasi hindi raw ako skilled na tao. Also, masyado pa raw akong bata kaya hindi talaga pwede. Tapos, kulang sa experiences kaya ending, hindi ko na lang tinuloy. Nakakapagod eh.
“Lahat naman nag-uumpisa sa hindi kaya eh,” aniya. Marunong at mahilig din talagang mag convince ’tong si Eiron eh ’no?
“You know, my main reason din kasi kaya ako nananatili roon ay dahil sa mismong bahay na ’yun ko lang naaalala si Mama. Pakiramdam ko, kapag nawala ako sa bahay eh parang iniiwan ko na rin siya. Ayokong ma-feel niya ’yun lalo na nandoon pa si Willson,” paliwanag ko. Tumango-tango naman si Eiron.
“Naiintindihan ko.”
“Right now, medyo namimiss ko ’yung kwarto ko. Namimiss ko ’yung pakiramdam ni Mama. Kaya itong paglayas-layas ko, temporary lang,” dagdag ko pa. “At, wala ka ring magiging work na kung sakaling gawin ko ’yun dahil for sure, puputulin ni Willson ang mga karapatan ko sa yaman nila ni Mama.”
Ngumiti siya ng tipid. “Sorry sa pagtanong uli.”
Ngumiti lang din ako ng genuine.
Dumating naman ang order namin. Tapos sakto ko rin namang narinig ang tila tunog ng kalamnan ni Eiron. Mas namula siya roon at yumuko pa.
“Sorry…” bulong niya.
“Normal lang ’yan,” pagpapalakas ko ng loob niya. “C’mon, let’s eat.”
Nahihiya pa rin niyang kinuha ang fork at agad na kinuha ang carbonara. Medyo conscious pa ata siya sa paligid dahil sa way ng pagkain niya. Pero for me, wala namang masama dahil mukhang napaka formal ng paggamit niya ng utensils.
Tngin, parang babae nga ’yung mga kamay niya kung gumalaw pero nagmumukha pa rin siyang lalaki dahil sa posture niya. Nakakagwapo nga dahil may manner siya pagdating sa harap ng dining table.
Kung may ka-date siguro ’tong babae, ma-iinlove agad. Tapos napakaprofessional ng pagkagat niya. Medyo gumagalaw ’yung jawline niya habang nakasara ang bibig.
Saglit siyang sumulyap sa akin habang dinidilaan ang kaunting sauce ng carbonara sa labi niya.
“Titignan mo lang ba ako? Sayang ’yang pagkain mo, lalamig,” sabi niya. Natauhan ako dahil napapansin niya pala ako. Bakit mo kasi siya pinapanood?
“Ah, may naalala lang ako,” palusot ko. Tinignan ko ang pagkain ko at hiniwa ’yun gamit ang knife. Pero sa totoo lang, kinakain ako ng hiya.
“Akala ko may dumi ako sa mukha eh,” aniya pero agad ding kumunot ang noo at kumuha ng tissue. “Teka, meron ba?”
Umiling ako. “Your face looks fine. Still handsome.”
Kumunot ang noo niya bago dahan-dahang napapangiti. “Sobra ata ’yan ah?”
Natawa ako. Pero totoo naman ah? “Sorry.”
Matapos n’un ay lumabas naman na kami para iuwi siya. Ganoon na naman ang nangyari dahil inagaw niya na naman ang helmet sa akin. Habang inaayos niya ’yun at nakaupo ako sa motor ko ay napatingin ako sa bag niya at sa kaniya.
“Amin na bag mo. Ilalagay ko rito,” sabi ko.
“Kaya ko naman,” sabi niya pa. Pero hinawakan ko na ’yun at tinaas ang dalawang kilay ko sa kaniya.
“Oo na nga,” aniya sabay bigay nito. Nilagay ko ’yun sa maliit na space sa harap ko at sinabit pa ang strap.
“Thank you for accepting my invitation today, nabusog ka ba?” tanong ko.
“Oo naman. Salamat din ah? Hindi lang talaga ako sanay sa mamahaling restaurant kaya medyo naiilang ako kanina,” aniya.
“Why? You looks fine,” sabi ko pa. Umusod ako para pasakayin siya.
“Sabi nila mahalay ’yung suot ko. Pang tito raw kapag nakapolo-shirt ako. Mukha rin daw akong nerd. Wala naman akong pakielam pero iba atang usapan ’yung sa ganitong lugar,” aniya.
Fine, binabawi ko na ’yung sinabi ko tungkol sa outfit niya noon. Siguro hindi lang ako sanay pero sa totoo lang maayos naman talaga. “Hindi naman recquired ng mamahaling suot sa pagkain. Madudumihan lang din ’yun at ipapalaba sa maid pagkatapos. Bagay nga sa’yo ’yang suot mo. You look unique,” saad ko.
Natahimik siya. Buong byahe namin ganoon siya. Gusto ko mang magsalita pero ayokong putulin ’yung peace na mayroon siya ngayon. Hinayaan ko na lang hanggang sa makababa siya.
Hinubad niya ang helmet at bahagyang inayos ang nagulong buhok nito. “Salamat uli, Yuri.”
“No problem. See ya tomorrow!” sabi ko sa kaniya bago ko siya kindatan. Ngumiti naman siya habang ngumingiwi.
Hinintay ko siyang makapasok bago ko inihanda ang motor ko. Pero bago ko ’yun paandarin ay napansin ko ang bag.
Nakalimutan niya.
“Eiron!” pagtawag ko pa pero wala na agad siya. Agad kong pinark ang motor ko sa isang tabi bago ako bumaba. Noong pagpasok ko ay agad akong nakilala ng guard at nurse. Halata sa kanilang mukha ang kaba. Kilala na kasi nila ako rito.
“Ahmm may pasyante ba kayo na ang surname is…” kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang full name ni Eiron. “Oh, Villaflor?”
Mabilis namang tumingin sa record sa computer ’yung nurse. “A-ah meron po kaming Rowena Villaflor? Siya po ba?”
“Yeah..” medyo hindi ko siguradong sagot. I don’t know his mother’s name kasi. Bigla kong narealize na pwede ko namang ichat si Eiron pero narealize ko rin na mami-meet ko rin pala ang mama niya.
I just wanna see her. Ang ganda kasi ng sinabi niya kay Eiron kagabi. Tumatak sa utak ko.
“Ito po ang room nila,” sabi pa ng nurse na agad ko namang pinuntahan. Sana lang at wala si Tito Nigel dito dahil ayokong makausap pa siya. Pagkatapat ko sa pintuan nito ay kumatok ako agad.
A few moments later, the door opened, and an elderly woman greeted me. She had a few strands of white hair, was quite short, and wore glasses.
“Sino po sila?” tanong nito. Binuksan pa nito ng maigi ang pintuan at nakita ang isa pang babae. Halatang kagigising lang din nito habang nakahiga sa hospital bed.
“I’m a friend of Eiron. I just want to give this to him. Nakalimutan niya po kasi,” magalang kong sabi sabay taas ng bag.
Ngumiti ’yung babaeng nasa hospital bed. May maliit na tubo siya sa ilong niya. “K-kaibigan ka ng anak ko? Pasok ka. N-nasa banyo lang siya at nag-aayos.”
“A-ah…ahmm sure,” sabi ko. Hindi na ako umangal. Parang gusto ko rin naman magpakilala.
“Kgwapong bata, tulad ni Eiron,” saad nung matandang babae na nginitan ako.
“Ma? May bisita ba tayo—Yuri? Bakit nandito ka?” tanong ni Eiron na kakalabas lang ng restroom. Pinakita ko ang bag niya kaya tumango lang ito.
“May bago ka palang kaibigan, a-anak,” saad ng mama niya. Ngumiti ako sa kaniya.
“I’m Yuri po. Kaibigan at classmate ng anak nyo,” sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Kinamayan niya ’yun pero halatang nanghihina. Kaya soft ko lang itong ginalaw bago inalalayang ibaba ’yun.
“Siya rin po ’yung…tinu-tutor ko,” sabi ni Eiron sabay kamot sa batok niya. Nahihiya pa ata siya.
“Naku, isang beses ko lang d-din nameet ang kaibigan niyan. S-sino nga uli ’yun?”
“Sila Dice, Yoseff at Luigi po,” sagot ni Eiron bago kunin ang bag nito. “Thank you.”
“N-naghapunan ka na ba, iho? P-pakainin mo na muna siya, anak,” sabi pa ng ina niya. Hindi ko napigilang maalala si Mama sa kaniya.
“We’ve already eaten, ma’am…” sabat ko. Nakita ko ang pagpungay ng mga mata ng babae, katulad na katulad sa mga mata ni Eiron. Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya dahil doon.
“Ano ka ba, mama na lang din ang i-itawag mo sa akin o di kaya Tita,” aniya sabay tawa ng mahina.
I smiled without realizing it. My heart felt happy when she said that. It felt like I had someone to call Mama again. She wasn’t my real mother, but… I think that’s okay. “Ok po, Ma…”
Napansin ko ang pagsulyap ni Eiron sa mga mata ko at maliit na ngiti sa gilid ng labi niya.
“A-aalis na rin po ako. See you and Pagaling din po kayo,” sabi ko na lang. Baka hindi ko pa kasi mahawakan ang emosyon ko dahil doon. Paglabas namin ay hinarap ko si Eiron.
“Sorry, gusto ko lang talaga siyang ma-meet,” sabi ko sa kaniya.
“Ayos lang. Hindi naman masama na makilala niya ’yung mga nagiging kaibigan ko,” aniya sabay tapik sa balikat ko. Aalis na sana siya at muling papasok noong hindi ko napigilan ang sarili ko.
“Eiron,” tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya ng bahagya at tila hinihintay ang sasabihin ko.
“Can I visit your mom sometime? It’s just that… I feel comfortable around her. If it’s okay with you, of course,” paliwanag ko. Tuluyan siyang lumingon bago ngumiti ng tipid.
“Pwede naman…kaso minsan nagpapahinga lang siya,” sabi niya na ikinatango ko.
“Thank you,” sagot ko na lang bago tuluyang tumalikod at naglakad palabas. Hindi ko uli napigilan ang ngiti sa labi ko.
Eiron’s Point of View
NAPATINGIN ako sa kawalan habang nakaupo kami nila Dice sa bench. Kasama nito si Rafael na maagang pumasok dahil may sinusuyo atang babae kanina. Kinalabit naman ako ni Luigi at inalok ang kinakain niyang oatmeal biscuit.
“Gusto mo?” aniya. Pero kumuha agad sina Dice at Rafael. Ngumiti naman ako at umiling.
“Ayos lang ako,” sagot ko sabay tingin naman sa cellphone ko. May nakita akong notification mula sa bagong myday ni Yuri. Kumunot naman ang noo ko. Wala pa kasi siya sa school pero eto siya, nakapag upload naman. H’wag mong sabihing hindi na naman siya papasok?
Laking pagsisisi ko naman noong pindutin ko ’yung story niya dahil selfie mirror niya ’yun habang pinapakita niya ang abs at bisceps nito. Agad kong sinarhan ’yun at napaiwas ng tingin. Woah.
“Hoy speaking! Nakita ko story ni Yuri nung isang araw, ah? Ginagawa niyong dalawa?” usisa ni Dice na mukhang chismis na naman ang aatupagin sa akin.
Ngumisi naman si Rafael sa akin.
“Syempre, nag date sila as a friend! Bati agad eh,” ani Rafael sabay tawa ng nakakaloko kasama ni Dice.
Nagkatinginan kami ni Luigi sabay na napailing. Mga baliw! “Date ba ’yun? Nagkita lang naman kami atsaka nag-usap tungkol sa hindi namin pagpapansinan.”
“May paakbay nga eh? Alam niyo, kayong dalawa umamin na kayo. Mga tinginan niyo halatang-halata eh. Hindi nagpapansinan, parang LQ ah,” sabi ni Dice. Napangiwi ako sa narinig.
“Wala naman akong oras para diyan. Atsaka, magkaibigan lang talaga kami ’no? Nagkaayos lang talaga kami kaya magaan na ’yung loob namin sa isa’t-isa,” paliwanag ko pero parang lalo lang lumala si Dice dahil nagme-make face ang loko. Ano na naman nakain nito?
“Dyan…dyan nagsimula ’yung mommy and daddy ko,” sabat ni Rafael sabay tawa.
“Si Yuri oh!” ani Dice sabay turo sa likod ko. Kaagad naman akong lumingon pero wala akong makita. Narinig ko na lang ang tili ni Dice habang hinahampas niya si Rafael sa braso nito.
“Kamay mo, Ice!” reklamo pa ng katabi niya pero wala siyang naging pakielam. Napailing na lang ako.
“Wala akong oras talaga diyan, Dice. Gusto mo kayo na lang oh?” hamon ko sa kaniya.
Kumunot ang noo ni Rafael. “Bakit? ayaw mo ba sa bro ko? Pangit ba siya?”
“Hindi, wala naman akong sinabi na ganyan. Sa totoo lang, gwapo naman siya eh lalo pag nakangiti,” sagot ko. Hindi ko alam kung bakit din ako napangiti ng pasimple. Kaya tinikom ko ang labi ko para mapigilan ’yun. Tumino ka nga, Eiron.
“Attractive ba siya?” tanong naman ni Dice. Dahan-dahan siyang kumagat sa biscuit na hawak habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
“Oo naman? Tingnan niyo nga ’yung kilay, mata, tangos ng ilong tapos labi niya. Lalo na siguro kung hindi siya masungit, marami pa sigurong naghabol diyan at baka magkagusto,” paliwanag ko sabay crossed arms.
“So, kung naging babae ka…magkakagusto ka sa kaniya?” usisa naman ni Luigi.
Kumunot ang noo ko. “Anong klaseng tanong ’yan?”
“Sagutin mo na langgg,” sabay pa na sabi nila Rafael at Dice.
“Alam niyo…kayo talaga eh ’no?” Napairap ako ng pasimple. “May chance. Sino ba kasing hindi ’di ba? Pero malabo ’yan. Bukod sa hindi ako babae, study and work first ako ’no.”
Natahimik naman sila kaya napakibit-balikat ako. “Ano? Wala na kayong sasabihin?”
Umiling silang tatlo kaya napabuntong-hininga na lang ako. Paglingon ko ay tila na-estatwa ako dahil nandoon si Yuri, kasama si Logan and Simone. Nakangisi pa ang loko.
Napalunok ako. “A-ahh andiyan na pala kayo. Tara na.”
Tumayo naman sila Dice kaya nauna na ako sa paglalakad. Pero nakita ko ang paghabol ni Yuri. Humawak pa ito sa balikat ko. "Wait, can you say it one more time?"
Tumingin ako sa kaniya at nakita ang mawalak na ngiti nito. Hindi naman ako tumigil sa paglakad. “Ang alin?”
“Yung sinabi mo kanina, duh?” aniya sabay pinagdikit ang mga palad.
“Para saan?”
“Please?” pakiusap niya kaya napabuntong-hininga ako.
“Na ano? Na gwapo ka kapag nakangiti? Sinabi ko na ’yan noon, ah? Tss, ok na?”
Umiling siya. “No, hindi ’yan…the last one na sinabi mo.”
Napalunok ako. Bakit kasi ako nagpa uto sa tatlong ’yun eh! “Yun bang…Ano? Wala na ba kayong sasabihin?”
Tumalas ang titig niya sa akin. “Eiron!”
Sakto namang dumating ang professor namin kaya hindi na ako nakapagsalita. Mabilis din kasi akong umupo sa upuan ko.
“C’mon…” pagpupumilit niya pa pero tinignan ko siya at tinuro si Prof kaya napacrossed arms nalang ito at sumeryoso. Matampuhin pshh.
Hindi ko naman siya pinansin pero nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko na tumitingin sa akin minu-minuto.
“Mr. Quintin, stop flirting with Mr. Villaflor!” saway sa kaniya ni Prof. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Yuri!!
Imbes na mahiya ay napangisi siya. “I’m just looking at him, anong flirt doon?”
Napailing si Prof sa kaniya. “Look at me, hindi sa kaniya! Na kay Mr. Villaflor ba ang sagot?”
“Lagi po, sir. Matalino ’yan eh,” ani Yuri.
Pinanlakihan ko siya ng mata. “Makinig ka na lang, Yuri. Ano ba?”
“Hayy kayong mga bata kayo! Back to the topic!” ani Prof na tila pagod na. Nakita ko pa ang pagpipigil ng tawa nila Simone at Rafael. Napatakip naman sa bibig si Logan.
Ganoon din sina Dice at Luigi na para bang mga nahawaan an rin ng pagkabaliw nitong 4.
“Tigil!” madiing bulong ko sa kanila at nakinig na. Mga baliw talaga ’to sila.
Hindi ko na siya pinansin hanggang sa lumipas ang buong oras. Matapos ang mga klase namin ay tumayo na ako.
“Una na ako, guys. May practice pa kasi kami eh,” pagpapaalam ko. Napansin ko si Yuri na kausap ang mga kaibigan niya at sumulyap pa sa akin. Iniwasan ko na lang ang mga mata niya at nagpunta sa gymnasium. Pagpunta ko roon ay wala akong naabutan na teammates ko. Mabuti na lang dahil makakapag shooting ako kahit papaano.
Hinubad ko na ang shirt ko at pants para magpalit ng jersey sa locker room. Paglabas ko, napansin kong nandoon si Yuri at hawak ang isang bola.
Ngumiti siya sa akin at nagdribble.
“Ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya at binasa ang ibabang labi ko gamit ang dila ko.
“You love basketball,” aniya.
“Hindi naman masyado, marunong lang talaga,” sagot ko. Pinasa niya ang bola sa akin na agad ko namang nasambot. Hinagis ko muna sa hangin ’yun bago idribble. “Ikaw? Bakit hindi ka maglaro?”
Nilapag niya ang pag sa isang tabi. “Nah, sayang sa oras.”
“Bakit? Hindi ka na ba makakapag hangout at makakainom kasama ng mga kaibigan mo kapag sumali ka?” sarkastikong sagot ko. Mabilis niyang inagaw ang bola sa kamay ko habang nakangisi.
“What? You’re mad at me again?”
Umiling ako. “Hindi, ah. Napapaisip lang kung bakit hindi ka sumali sa mga extracurricular activities dito sa school. Puro kasi kayo gala after school.”
Lumapit naman siya ng bahagya sa akin. Hanggang sa bola na lang ’yung humaharang sa mga tyan namin para hindi kami magdikit ng tuluyan.
Nailang ako bigla. Pero hindi ako makalayo.
"So, gusto mo akong sumali sa Black Wolves? Why? Gusto mo makita 'yung performance ko?" tanong niya pa ng pabulong. Parang nang-aasar eh. Kitang-kita ko ng malapitan 'yung itsura niya.
May pinapatunayan ’to.
"Sige nga pakitaan mo ako?" hamon ko na lang para mawala 'yung ilang ko.
Nagsimula siyang mag dribble habang ako nag-aabang na maagaw ang bola sa kaniya. Magaling siya pumwesto at marunong mag balance ng bola.
Tinignan ko siya sa mga mata para mabasa ang gagawin niya sa susunod pero nagkamali ata ako dahil nagsimula siyang gumalaw. Medyo nagkabanggan nga lang din bago nagshoot ng bola.
Napahawak ako sa braso ko. "Porket ba malaki katawan mo gaganyanin mo ako?"
Ngumisi siya. "You were the first to see my story, huh?"
Tss… “Malamang, nagnotif eh? Atsaka, hindi ko naman sinasadya ring mapindot.”
Pinakita at pinagmalaki niya pa ang biceps sa akin na binalewala ko lang. Kinuha ko naman ang bola at nagsimulang mag dribble. Pumwesto na siya para harangan ako kaya nagbasa agad ako ng technique para maiwasan siya.
Kaso sa mabilis niya akong hinigit sa bewang. "Yuri–"
Naapakan ko pa ang paa niya kaya sa paglingon ko, nakita ko na lang na matutumba kami.
"Sh*t!!"
"Tang—aray!" daing ko ng tumama ang likod ko sa lapag. Napatingin ako sa kaniya at nasa ibabaw ko na siya habang tinukod nito ang braso sa lapag, sa tabi ko.
Nagkatinginan kami kahit nananakit ang mga katawan namin.
Bumilis ’yung tibok ng puso ko. Para akong kinabahan na ewan. Para ring bumagal ’yung paligid. T*ngina, anong klaseng pakiramdam ’to?
Napansin ko na nagsalubong ang mga kilay niya bago mapangiti. Yung ngiti niya, parang ang saya niya eh. Para akong hindi makahinga ng makita ko uli ’yun.
T*ngina, ang weird.
Tinulak ko siya ng mahina bago bumangon. Natumba naman siya sa tabi ko. “Hanep, ang daya mo palang kalaro! Buti di ka na sumali!”
Narinig ko ang tawa niya. "Hindi ka lang marunong eh. Nakita mo kasi 'yung kgwapuhan ko."
Napangiwi ako sa kaniya bago ito tumayo at iabot ang kamay niya sa akin. Tinignan ko muna 'yun bago iabot.
No choice eh. “May paganyan ka na ngayon? Akala ko cold ka lang at seryoso?”
"Why? I'm just comfortable with you. Atsaka, kakasabi mo lang kanina na gwapo ako kapag nakangiti and may chance na ma-inlove ka sa akin kung naging babae ka," paliwanag niya.
Sabi na eh. Hindi maka move on.
Natawa ako. “Malamang, gwapo ka pero hindi ko namang sinabing inlove ah? Attract! Magkaiba ’yun!”
Tinaas niya ang ibaba ng t-shirt niya at pinunas sa kaniyang noo na may pawis. Napansin ko tuloy ang katawan niya. Parang walang pinagkaiba sa story niya.
Lumapit siya sa akin. Manunukso pa ata siya kaya hindi na ako gumalaw.
Akala niya ba makukuha niya ako sa kakaganyan niya? “Pero kahit ba lalaki ka…hindi ka naaattract sa akin?”
"Hindi, wala akong oras sa mga ganyan," sabi ko na lang. Totoo naman eh. "Gwapo ka, pero hindi ako maaattract. Lalaki tayong parehas."
"Hindi ba pwede 'yun? Lalaki maattract sa lalaki?" aniya sabay tingin sa mga labi ko. Tumingin din ako sa labi niya at napansin na malambot 'yun. Mukhang hindi pa nahahalikan. Natural na red color din kaya mahahalatang naalagaan.
"Pwede naman, pero magkaiba ang in-love sa attract. First stage man 'yung attraction pero magkaiba pa rin sila. Malayo sa isa't-isa," paliwanag ko.
Tumawa siya ng mahina. Hindi pa rin talaga siya lumalayo.
Hilig niya talaga dumikit sa akin ’no? Ganito rin ba siya kalikot sa mga kaibigan niya? “Fine, let me rephrase that…Hindi ba pwedeng mainlove ’yung lalaki sa isa pang lalaki?”
"Pwede naman...Alam mo? Gutom lang 'yan. Kumain ka na," sabi ko. Lalayo na sana ako ng kunin niya ang kamay ko at hinila pabalik.
G*go talaga.
“Ehem!” tikhim ng isang boses. Napatingin kami roon at napansin ang buong tropa. Nanlaki ang mga mata ko at napalayo kay Yuri.
"Bro!! Galawan natin ah? Ngayon lang namin nakitang ganyan ka!" sabi ni Rafael na umalingawngaw ang boses sa buong gym.
Tinignan ko si Yuri sabay napailing. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya at lumapit kina Dice. "Kanina pa ba kayo diyan?"
"Oo, dzai! Sapat na para masaksihan namin 'yung paghiga-higa niyo diyan!" ani Dice. Namumula pa siya dahil mukhang kinikilig o naeexcite. "Kyahhh!!"
"Kundi magta-top, lalapitan naman. Akala namin magkikiss kayo! What an exciting scene!" ani Simone sabay tawa. Napakagat ako ng ibabang labi at sinamaan ng tingin si Yuri.
Lumapit naman 'to at inakbayan ako. Mukhang seryoso na siya. "Guys, we're just playing. Atsaka tinutukso ko lang siya tungkol sa paglalaro niya, duh?"
Wow, natauhan ah?
Pero mukhang hindi pa sila tumahimik. Nirereneact pa nga ni Rafael at Dice eh. Naiinis man pero natutuwa dahil lumaki ata ang circle namin. Napangiti na lang ako.
"Stop," ang seryosong sabi uli ni Yuri. Natahimik naman sila. "See? They stopped."
Nagpigil naman ng tawa si Logan. Habang si Luigi ay tinakpan ang bibig.
"Aminin na kasi, bro!" ani Rafael. Hindi na ako umimik pa dahil dumating na ang iba kong kasama. Kinuha na lang ni Yuri ang bag niya at tumabi sa mga kaibigan niya.
Mabuti na lang at nadistract ako sa laro kaya hindi ko sila naririnig, lalong-lalo na si Yuri. Pero noong maalala kong may gagawin pa pala kaming service sa library ay napasapo na lang ako ng noo.
Kainis!
“Saan pala punta niyo?” Usisa ni Dice. Ayoko na sanang sagutin pero mukhang pauwi na sila kaya baka di na rin mang-asar.
“Library, maglilinis,” sagot ko.
"Oh siya, una na kami!" paalam nila Dice at Luigi.
"Takas na naman sa inuman ah! Alis na kami, lover boy!" ani Rafael. Inismidan lang siya ni Yuri bago ako tingnan. Sumandal pa siya sa pader habang kinagat-kagat ang kwintas niya. Inaayos ko naman ang sintas ng sapatos ko.
"Hindi ka komportable kanina habang tinutukso nila tayo," tanong niya in a soft way.
Huminga akong malalim ng maayos ko ang sintas. "Hindi naman. Hindi lang talaga ako sanay eh. Wala kasing ganoong tuksuhan sa amin noon."
Naglakad na kaming parehas. "But, you're enjoying it, right? Hindi ka lang talaga sanay? Nahuli ko kasi na nakangiti ka eh."
Hindi ko na siya pinansin dahil nakita ko ang library na medyo magulo. "Ang daming aayusin. Baka gabihin tayo."
"Edi ihahatid kita," sabi niya pa. Kumuha na ako ng libro at nagsimulang ayusin 'yun kung ano man ang magkakatugmang subject at categories.
"Fvck this. Bakit ba kasi kailangan pa 'tong ayusin. Hindi naman tayo ang gumulo!" reklamo niya.
"Kasalanan natin 'to, remember?" sabi ko at dinala na ang mga history books para ilagay sa shelves nila. Ganoon din siya. Hindi na kami nagsalita pa dahil minsan malayo ang shelves na pinaglalagyan namin.
Nang matapos ko ang iilan at makaramdam ng pagod ay napatingin ako kay Yuri. Hindi naman siya nabibigatan dahil mukhang nagwo-workout ata siya. Kita sa braso niya na kayang-kaya niya 'yung mga libro na nasa walo ata at makakapal pa.
Ang masasabi ko lang sa kaniya ay nakaka proud siya. Hindi pa naman nagtatagal pero alam ko naman na ito na talaga ’yun. Magbabago na siya kahit papaano. Isipin mo ’yun, ang tamad niya noon pero ngayon napapagalaw ko na siya? Lumabas din ang potential at talino sa pag-aaral.
Siguro, kailangan lang talaga niya ng taong makakaintindi sa kaniya dahil baka noon…hindi siya pinakikinggan.
Ngumiti siya sa akin at napasandal sa pader. Hinilot niya ang kamay. “The heck…mas madali pa palang magworkout kaysa mag-ayos ng mga books?!”
"Ienjoy mo na lang at madala ka na rin. Isipin mo, maiiwasan mo na ang pakikipag-away mo dahil makakaranas ka ng mga ganitong punishment," sabi ko sa kaniya.
Naupo siya sa lapag at sinuklay ang pawisan niyang buhok. "Edi makikipag-away ako sa labas."
"Tigas talaga ng ulo," sabi ko na lang. Napatingin ako sa bintama at nakitang medyo may kadiliman. "Mukhang uulan pa yata ah? Tara na. Tayo na diyan."
Inabot niya ang kamay ko para makatayo. Nagulat pa ako roon pero binitawan niya rin at inayos ang suot niyang t-shirt.
Kinuha ko na ang bag ko bago naglakad palabas. Palapit na kami sa parking lot nang biglang sunod-sunod namang pumatak ang malalaking patak ng ulan..
"Tara! Bilis!" aniya sabay kuha sa kamay ko at tumakbo. Nagpahila na lang ako hanggang sa makarating kami sa isang silungan, tambayan ito ng iilang estudyante. Mabuti na lang at wala na atang masyadong tao sa loob ng school kaya solo namin. Tahimik pa.
Napatingin ako sa sarili ko. "Aish...basa na ako."
"That's fine. Magpapatuyo na lang tayo habang naghihintay," sabi niya. Umupo naman siya sa bench st hinilamos ang mukha habang basa ang nagulo niyang buhok.
"Mukhang matatagalan pa. Malakas eh," sabi ko.
"Come here," utos niya. Tinuro niya ang tabi kaya naupo na ako. Inispread niya ang dalawang kamay sa sandalan at tumingala. "You know, if you're not comfortable kapag tinutukso nila tayo, just say it or tingnan mo ako para sawayin ko sila."
Nakibit-balikat ako. "Hindi naman sa hindi comfortable. Baka isipin lang nila na totoo 'yun. Atsaka, hindi ka ba naiilang? Lalaki ka, lalaki ako."
Umiling siya. "We're friends na, right? Bakit naman ako maiilang?"
Naramdaman ko namang umusog pa siya at inakbayan ako. Hindi ko mapigilang mapalunok ng maramdaman ang balat niya sa balat ko.
"Pero what if you're inlove with me? Tapos tayo na? Ano sa tingin mo tawagan natin?"
Tinulak ko siya at napatayo. "Assumero! Baliw ka ba?"
Natawa siya. "Chilll. See? Nakikipagbiruan ako. Hindi naman ako naiilang. Kaya wala ka rin dapat ikailang."
Inilingan ko na lang siya. "Ewan ko sa'yo, Yuri."
"Fine, sorry," malambing niyang sabi. "Come here na again."
Napangiwi ako sa tono ng boses niya. "Ano ba 'yan?"
Kinuha niya ang kamay ko. "Tabi na tayo uli."
Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na lang sa tabi niya. Pero may distansiya ng kaunti. "Paano pala session natin?"
"May kailangan ba tayong gawin?" tanong niya pabalik.
"Malapit na midterm. Magrereview tayo," sagot ko sabay tingin sa langit. Umaasa akong tumila na 'yun.
Tumagilid siya ng upo at hinarap ako. "What if sa hospital? Para malapit ka sa mama mo. May rooftop roon."
"Pwede naman kaso baka hindi tayo makaconcentrate. Minsan may mga pasyenteng dinadala roon eh," sabi ko pa.
"What if sa hotel kung saan ako nag s-stay?"
Napatingin ako sa kaniya. "Pwede, pero may fee ba kapag visitor?"
Napangiti siya. "Wala pero kung meron, babayaran ko. Tahimik doon eh. Pero sure ka? Ayaw mo sa malapit kay Mama?"
Mama…ang galing lang na ’yun talaga ang napili niya. Ako lang naman din ang tumawag kay Mama n’un. Tita kasi tawag nila Luigi eh.
“Titignan ko. Mas mabuti muna siguro ’yung makapag concentrate tayo. Kapag may kailangan naman sina Mama, tatawagan nila ako,” sabi ko na lang. Umayos naman na siya ng upo at maya-maya ay sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Napalunok ako. Pero hindi ko siya tinaboy dahil pakiramdam ko, napaka kalmado ng lahat. Humihina na rin naman ang ulan.
Ayos na rin ’to.
"What if hindi na tayo magkaklase next year? Tapos hindi ka na rin nagtuturo? Hindi mo na kailangang magtrabaho? Or mag-iba ka ng trabaho? Are you still going to teach me?" sunod-sunod na tanong niya.
Napangiti ako ng wala sa oras.
Natatakot ata siya eh. “Baka hindi na. Bukod sa busy na ako niyan sa trabaho eh busy na rin sa schedule sa klase.”
Naramdaman ko bigla ang kamay niya sa pulsuhan ko. Pababa ng pababa sa kamay ko. Gusto ko mang tapikin 'yun pero 'yung isipan ko parang sinasabing hayaan siya.
"Please stay with me, Eiron?" pakiusap niya. "Stay with us."
Napalunok akong muli dahil hindi na naman mapakali 'yung puso ko. Napahawak ako rito. Hindi ko alam kung ngingiti na naman ako o magtataka eh. Hindi ako nakasagot.
"So, is that a no?"
"Oo na nga. Pero matalino ka naman, ah? Tamad ka lang noon," sabi ko. Umupo siya ng ayos at hinarap ako.
"Edi magiging tamad ako uli. Just...please, don't stop teaching me," sabi niya pa na tila pinipilit talaga ako. Napatigil ako ng magtagpo ang nakikiusap niyang mata.
Yung mga mata niyang ’yun, nakakadala eh.
Sa pagkakataong 'yun ay parang may nagsasabi sa akin na lapitan pa siya. Pero nilabanan ko lang.
Hindi ’yun tama.
“Please, Eiron? Say yes…” bulong niya pa. Tumitig siya sa labi ko bago umangat sa ilong at mata ko.
Nagulat na lang ako ng dahan-dahan niyang inilalapit ang ulo niya sa akin.
Hindi ko alam kung aatras ako o mananatili lang sa kinauupuan.
Yuri, ano bang ginagawa mo sa akin?
Naalala ko bigla ang ulan. Napatingin ako rito at nakitang tumila na ang ulan. Napangiti ako dahil may naisip akong palusot.
“T-tumila na pala ’yung ulan eh. Tara na kaya?” yaya ko sabay tayo. Napansin ko na nagulat pa siya pero agad ding tumayo.
"Yeah, baka umulan pa," saad niya pa at naunang maglakad pabalik sa parking lot. Hindi na siya umimik simula noon hanggang sa maihatid niya ako. Tipid na ngiti lang din ang ginawad niya sa akin bago siya umalis.
Bigla akong nakonsensya. Pero bakit? Tama namang umiwas ako ah? Nadadala lang ’yun siya.
Kinabukasan naman ay naging maayos ang lahat. Nagpapansinan naman kami pero hindi na sa way na nadikit siya sa akin. Siguro nailang din dahil sa kahapon. Miski ako eh. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Pabiro-biro pa kasi siya tapos ngayon, didistansiya na naman?
Hindi ko naman na inisip ’yun hanggang magbreaktime.
"Tara na Eiron!" yaya nila Dice kasama sina Yuri.
"Eto na saglit lang," sabi ko sa kanila. Akmang kukunin ko na ang bag ko ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nakita ko. Sinave ko pala ang number niya sa akin kaya nalaman ko agad kung sino 'yun.
[11:30 AM]
Yuan:
“Hi, Eiron. I’ll give you your first salary today. I’m at Harvey’s gate. I’ll wait for you so we can have lunch together.”
“Ah, una na pala kayo, guys. May pupuntahan lang ako,” sabi ko. Tinurn-off ko ang cellphone ko.
Napansin ko si Yuri na kumunot ang noo sa akin. Pero hindi na ako naghintay ng sagot nila dahil kailangan kong kunin 'yun. Pagpunta ko sa gate ay nakita ko nga siya at ang kotse niya. Kumaway siya ng magtama ang mga mata namin.
Lumapit naman ako at ginawaran siya ng ngiti.
"What if we have lunch first? I want to spend some time with you, Eiron. Especially since Yuri isn't with you today," sabi nito. Gusto ko mang tumanggi pero parte ito ng pakikisama ko sa kaniya dahil siya ang magbibigay ng sweldo ko.
"S-sige po, Sir Yuan," nahihiyang sabi ko. Binuksan naman niya ang pintuan sa passenger seat bago ako sumakay. Noong sarhan niya na ito ay may nakita ang mga mata ko na ikinakaba ko ng husto.
Napansin ko si Yuri na nakatitig sa sasakyan ni Yuan, masama ang titig habang kinukuyom ang kanang kamao at mahigpit ang hawak naman sa strip ng bag niya.
Itutuloy:
Desire 16
Desire 16: Wrap
Yuri’s Point of View
I felt my blood boil the moment I saw Eiron get into Yuan’s car. Parang napipikon ako at gusto kong manuntok ngayon. Nakakatngin ’tong si Yuan! Kung kailan kasama ko si Eiron, saka susulpot! Nang-aagaw pa ang hinayupak! Bakit niya kailangang isakay si Eiron? Kaya ko naman ’yun isakay sa akin sa motor ko, ah? Sana pala hinabol ko para mabangasan ko mukha niya!
Napasuntok na lang ako sa hangin. “Pagbalik mo talagang g*go ka! Makakatikim ka sa akin! Bwisit!”
“Yuri!” tawag ni Logan sa akin. Hindi ko naman siya pinansin dahil talagang kailangan ko ng mapaglalabasan ng galit at…inis.
Hindi eh, hindi lang ’to galit o inis kay Yuan eh. May iba pa eh. Hindi ko lang masabi. Kainis!
Nilapitan naman ako ni Logan na nakatingin din sa labas. “Ginagawa mo rito? Nasundan mo ba si Eiron?”
“Tss, wala na ’yun. Tara kumain na tayo. Kabadtrip dito,” seryosong sagot ko sabay lakad paalis.
“Magkaaway na naman ba kayo?” tanong uli ni Logan. Hindi ko naman siya sinagot at nagpunta na lang sa cafeteria kung nasaan ngayon sila Rafael.
Natahimik naman silang anim noong makita akong nakasimangot na lumapit sa table nila at naupo.
“Ano? Nasaan na?” tanong ni Dice sa akin.
“Ewan, ayon sumama sa kaibigan niya,” sabi ko na lang. “Order na kayo.”
Tumayo naman sila pero si Dice at Logan ang hindi. Lumapit sila sa akin at titig na titig na parang may gustong malaman. Napapailing si Dice at tinaasan ako ng kilay.
“Ano nga? Kaninong kaibigan? Kay Adrian ba? Brix? Lance? Impossibleng si Eros kasi magkaaway ’yung dalawa,” nangungulit na tanong ni Dice.
“Basta,” tipid kong sabi. Kinuha ko ang headphones ko para isuot pero pinigilan ako ni Logan.
“Tell us, bro. Mukha ba kaming manghuhula rito?” usisa pa nito. “Halata ka eh. Hindi na naman kayo nagpapansinan masyado ni Eiron. Ano na naman bang nangyari? Naiwan lang kayo sa library kahapon ganyan na.”
“Nothing. Sumama lang siya sa kaibigan niya. Wala naman akong pakielam doon,” sagot ko na lang dahil naiirita ako.
“Hoy, ano nga? Kayong dalawa ni Eiron hindi malaman sa inyo ano ba talagang meron!” sabat naman ni Dice.
Hindi na lang ako sumagot at tinurn-on ang music. Finull blast ko pa ang volume sabay yuko sa lamesa. Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nila. Ano bang dapat kong ipaliwanag sa kanila? Na galit ako? Eh desisyon naman ni Eiron ’yun. Hindi ko naman siya hawak. Pero nakakatampo eh.
Napabuntong-hininga na lang ako, kinagat ang ibabang labi at umayos ng upo. Napansin ko na nakacrossed-arms si Logan sa akin. Mukhang naghihintay pa rin sa sasabihin ko.
"C'mon, move on, bro. I'm fine. Just hungry," sabi ko na lang. Nilapag naman ni Rafael ang pagkain kong Mac and cheese.
Pinatay ko ang music.
“Kain na, lover boy,” ani Rafael. Maka-side comment talaga ’tong kalbong ’to ’no?
"Lover boy? Menopause boy kamo. Galit na naman eh," sabat ni Dice. Sinubo ko ang pagkain sa kutsara ko pero para akong walang gana. Nasa isip ko pa rin 'yung eksena kanina. Kapag pumapasok sa isip ko, parang gusto ko hilain si Eiron eh.
T*ngina talaga.
Hindi ko na lang pinatagal ’yun dahil gusto kong mapag-isa. Baka mahotseat pa talaga ako. Makulit kasi ’tong sila Dice at Luigi. Bakit hindi nila gayahin si Yoseff na chill lang pero nakangisi sa akin? Yun bang may alam ka pero tahimik ka lang.
Humiwalay ako sa kanila at nagpunta sa library dahil mas tahimik pa ata roon. Wala rin silang balak na pumunta o sumunod kaya mas makakapag concentrate ako.
Sa pag-iisip.
Hirap lumunok, man. Hindi ako tinitigilan eh. Gusto kong suntukin 'tong lamesa pero mapapagalitan ako ng librarian at ni Eiron.
Anong gagawin ko mamaya pag nagkita kami? Iiwasan na naman siya? Magtatampo? Bro, he won’t notice it. Baka hindi rin ako pansinin n’un. Hindi nga umiimik masyado kanina dahil hindi ko rin siya kinakausap. Labanan ng pride?
“Nandito ka lang pala,” sabi ng isang boses. Napatingin ako roon at nakita si Eiron na tila kagagaling sa labas.
Speaking of… Ngumiti pa siya ng tipid at umupo sa harap ko na para bang okay kami.
H’wag mong imikin, Yuri. Hayaan mo na muna siya.
Mabuti na lang at may headphones ako pero walang music.
"Nasaan pala sila? Atsaka bakit ikaw lang mag-isa rito? Himala, ah?" tanong niya pa habang nakatitig sa notebook nito.
C’mon, ignore him.
“Hello? May kausap ba ako?” pag-ulit niya sabay tingin sa akin. Pero nanatili akong matatag.
"Yuri!" tawag niya pa pero hindi ko siya pinansin talaga.
Bahala ka diyan.
Bigla namang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya 'yun. Nakita ko na napangiti siya kaya lalo akong nainis.
Ano na naman? Si Yuan na naman?
“Puntahan ko lang ’to,” aniya ng pabulong. “Kita na lang tayo mamaya sa room…”
Something deep inside my chest was telling me to stop him.
Agad kong kinuha ang kamay niya. “Sinong kikitain mo? Si Yuan na naman?”
Nakita ko siyang nagulat sa reaksyon ko. "Hindi, si Adrian. May gusto raw sabihin."
Kung hindi si Yuan, si Adrian naman! Ang daming kaagaw sa atensyon eh. Grabe ba.
“So? Edi sabihin niya sa chat? Sasayangin niya lang oras mo eh, tsk,” reklamo ko. Tinignan niya ang kamay ko at binawi ang kaniya ng dahan-dahan.
"Oh, bakit nagagalit ka na naman? Ano na naman 'yan?" tanong nito.
Hinuhuli ka lang niyan, Yuri!
Hindi ako sumagot sa kaniya kaya nakita ko ang pag-iling nito. “Sandali lang naman ako.”
"Tsk, edi sasamahan kita," sabi ko sabay tayo. Kumunot ang noo niya sabay tango na parang hindi sigurado.
"Ikaw ang bahala..."
Sumunod na lang ako sa kaniya. Hindi lang kami magkatabi at nakasuot pa rin ang headphones sa tenga ko.
"Nagagalit ka ba talaga? Bakit ayaw mo akong kausapin kanina?" pangungulit niya pa pero inismidan ko lang siya.
"Nagagalit ka ba kasi...s-sumabay ako kay Yuan?"
Iniwasan ko ang mga mata niya.
Baka maguilty ako eh. “Hindi, bakit naman ako magagalit?”
"Sus, nakita kita kanina. Galit ka. Ayaw mo pang umamin. Akala ko ba mag-oopen na tayo sa isa't-isa?" tunog nangongonsensiya naman siya ngayon.
Sinasabi ko na nga ba’t hinuhuli niya lang ako eh!
Hindi ko na tuloy maiwasang mapatingin sa kaniya. Nangingiusap na naman ang mga mata niya.
Wala, nakuha na niya ako. Pshh.
“Oo na. Galit na. Happy?” sagot ko na halatang pikon. Akala ko ngingiti siya sa akin pero nanatili siya sa dating ekspresyon bago bumagsak ang mga balikat.
"Yuri, kumain lang kami. Kung galit ka kay Yuan, tanggap ko naman pero siya kasi ang magbibigay ng sweldo ko," sagot niya na ikinatigil ko.
Oh, I forgot about it! 30th of the month na pala, geez!
Napakagat ako ng ibabang labi. “Nakakainis lang kasi na kailangan ka pa niyang isama para lang ibigay ang pera? Tapos hindi ka rin tumanggi?”
Oh well… Why do I sound so jealous?
Mas lalong kumunot ang noo niya. “Paano ako tatanggi kung inalok ako?”
"Tss, sana kasi sinabi mo sa akin 'di ba? Edi nakagawa ka ng excuse," sabi ko pa at lalong nainis.
"Yuri ano ba? Kumain lang naman kami—Kung nagseselos ka kasi hindi ako sumabay sa inyo, pasensiya na," hirit niya habang nasa hallway kami. Napatingin tuloy ang ibang estudyante sa amin.
"Yun nga eh. Hindi mo alam kung gaano ako iniinis niyan ni Yuan. For sure, siniraan niya na ako sa'yo! Anong pinagsasabi niyang g*gong 'yan sa akin?" usisa ko. Tinanggal ko ang headphone sa ulo ko at sinabit na lang sa leeg para mas marinig siya.
Tila umamo naman ang mukha niya. Lumambot ang ekspresyon.
Tsk…sinasabi ko na nga ba. “M-mayroon pero…alam ko namang hindi ka ’yun, ok? Kilala kit—”
D*mn him! See?! See?! Sisiraan na naman niya ako!
“Anong mga sinabi niya?” seryosong tanong ko habang mahigpit na napapahawak sa strip ng bag ko. Dahan-dahan ko rin siyang nilapitan kaya napapaatras siya.
"H'wag na nga. Hindi naman ako naniniwala sa kaniya eh," sagot niya na tila nakikiusap. Tumingin siya sa paligid. Mabuti at walang tao. Humawak siya bigla sa dibdib ko, dahilan para mapatigil ako.
Fvck…his hands. I felt something electric from it. kaya dumagundong na naman ’tong puso ko. Parang natunaw na yelo ang inis ko sa kaniya dahil doon.
Sh*t…siya lang may kayang gumawa niyan.
“Tigil na, ok? Hindi naman ako naniniwala sa kapatid mo,” kalmadong bulong niya pa habang nakatitig ng diretso. Stop that, Eiron. Kahapon ka pa, ah?
“Sabihin mo nga kasi,” pangungulit ko naman na bahagyang lumambot ang boses. “Please?”
"Kapag sinabi ko, magagalit ka ba? Baka mag-away kayo eh. Susugod ka—"
"No, I promise na kakalimutan ko na 'yun," pagputol ko rito.
Napabuntong-hininga siya at inalis ang kamay sa akin. Gusto kong ilagay 'yun uli sa akin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa maririnig.
"Black sheep ka raw, kaya namatay ang mommy niyo dahil sa'yo. Ikaw ang sinisisi nila dahil noon muntik na mawala ang company niyo dahil sa eksandalong ginawa mo. At, nagagalit ka lang naman daw dahil hindi nasusunod ang gusto mo simula noon," paliwanag nito na ikinasalubong ng kilay ko.
"Oh, akala ko ba hindi ka magagalit?" dagdag niya pa na ikinatahimik ko.
Sabi ko nga. “Hindi naman ’yun totoo,” sagot ko na lang.
"See? Hindi nga. Naniwala ba ako? Hindi. Hindi pa kita lubos na kilala pero alam ko namang hindi mo magagawa 'yun ng walang masakit at malalim na dahilan," paliwanag niya habang nakataas ang dalawang mga kamay.
But still, dapat hindi pa rin siya sumama sa lalaking ’yun.
“Ok na ba? Hindi ka na galit?” tanong niya na hindi ko sinagot. “Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagpapaliwanag sa’yo kasi daig mo pa…nevermind.”
Kumunot ang noo ko. "Daig ko pa ang what?"
"Basta," sabi niya na ikinailing ko.
Baliw rin ’to ’no?
“Ano nga?” pangungulit ko sabay hawak sa balikat niya. Hindi naman sinasadyang mapatingin ako sa isang direksyon na nagpaseryoso sa akin. Andito na ’yung ‘kaibigan’ niya rin. Lol.
“Eiron!” tawag nung Adrian kasama si Eros na may ngiti sa labi. Pumwesto ako sa likod ni Eiron habang nag-uusap sila. Sumulyap pa sa akin si Adrian bago tumango.
Tinanguhan ko rin siya at simpleng inismidan.
Tsk, close tayo?
Yung Eros naman walang pakielam dahil maya-maya tumitingin sa cellphone niya. Nakita ko namang may inabot ’yung Adrian kay Eiron pero hindi lang malinaw sa akin. Lumawak lalo ang ngiti ni Adrian noong mahawakan nito ang kamay ni Eiron at tumawa pa ng mahina.
Tngin talaga. Saya-saya niyo, ah?
“Sige, chat me if you change your mind,” ani Adrian. “See you around, Eiron, Yuri.”
Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang kasama ni Eiron. Tinago niya 'yung tila pera ata dahil nakatupi 'yun at kulay blue.
"Ah, advance na bayad niya. May gustong ipagawa eh," sabi nito ng hindi ako nagtatanong.
So, does that mean…sasama siya sa kanila?
“Hindi ko naman tinanong,” sabi ko na lang. Pagbalik namin sa room para sa klase ay nakasabay pa namin ang mga kaibigan namin na halatang galing sa cafeteria dahil sa mga hawak nilang pagkain at beverages.
"Ayon...ayos na ata uli sila," ani Dice sa sarkastikong boses.
"T*ngin*, pabago-bago ang mga g*go na 'to. Hindi malaman sa inyo uy!" reklamo pa ni Simone na tinawanan nila Rafael. Hindi ko sila pinansin at naupo na lang sa upuan ko.
"So, bati na nga kayo?" usisa ni Rafael na ikinangiwi ko.
"Hindi naman kami nag-away," sagot ko.
Tumango siya sabay nagkibit-balikat.
"Baka naglambingan kaya hindi nagpakita sa atin kanina," sabat ni Logan na ikinailing ko.
Mga baliw talaga ’to sila.
“Curios pa rin ako anong nangyari sa inyo kahapon eh,” sabi naman ni Simone. Mabuti na lang at pumasok na si Prof kaya natigil ang kakachismis nila sa amin.
Naging seryoso muna kami this time dahil mahirap ang susunod na topic. Medyo nabadtrip lang ako kasi hindi na nga naintindihan tapos nagbigay pa ng by partner na activity.
Humarap si Eiron sa akin. "Partner tayo?"
Hindi ko siya sinagot. Naiinis pa rin ako eh. Pero hindi na kagrabe. Gusto ko lang magpa hard-to-get.
"Huy! Ano?" ulit niya na hindi ko pinansin.
Isa pang kulit, please? “Bahala ka nga, si Logan na lang tatanungin ko. Kayo na lang ni Simone magpartner—”
"Ano bang gagawin? Tara na," pagputol ko sa kaniya.
"Madali lang naman pala kausap eh. Tatampo pa," hirit niya pa.
So what?
Eiron’s Point of View
KASALUKUYANG naghuhugas kami ng kamay ni Dice at Yoseff sa restroom ng lalaki. Si Luigi naman ay kalalabas lang sa cubicle.
"Eiron, tapatin mo nga kami," ani Yoseff. "Ano ba talaga kayo ni Yuri?"
"Magkaibigan," sagot ko agad sabay kunot ng noo ko sa kanila.
Ano na naman ba?
“Hindi naman sa mga chismoso kami, ano? Pero mangchi-chismis na rin…napapansin kasi namin na sobrang dikit niyo tapos kung magtampuhan, hindi ’yung normal eh? Like, dati nagsusuntukan pa kayo pero ngayon parang—hindi na talaga normal,” sabi naman ni Dice na animo’y nasa isang talk show dahil may kasama pang gesture.
"Gumaan lang ang loob nung tao kaya nag-iba. Hindi rin naman masamang magbago, ano? Nakikisama lang naman siya kahit papaano," sagot ko na lang kahit alam kong mag-uusisa pa 'yan sila.
"Napaamo mo na nga raw eh. Hindi talaga alam nila Logan na may ganyang side si Yuri," sabat din ni Luigi sabay hugas ng kamay.
"Side na ano?"
"Seloso," dagdag ni Yoseff sabay iling. "Seloso raw. Halata naman kanina eh. Nagselos 'yun dahil nakita ni Logan na sumakay ka sa ibang kotse."
Seloso nga. Tss… “Ah, wala ’yun. Gusto niya lang na sumama ako sa inyo maglunch.”
"Nak, hindi talaga ganyan ang magkaibigan. Nagselos nga rin 'yun kay Logan 'no? Nachismis ni Logan kanina 'yun eh. Pinilit na sumama sa inyo nung sabado. Nung time rin na tinulungan mo sila for quiz, nagseselos kasi parang ang gusto eh siya lang ang turuan mo," paliwanag ni Dice.
Oo nga eh. Everytime na nababanggit niya ’yun, nagtataka ako. Ayos lang naman sa akin pero…iba na kasi. Tulad kanina, pati ata kay Adrian ayaw niya.
Umiling ako. "Kayo talaga. Comfortable lang talaga siya sa akin. Alam niyo na? Ako nagtuturo 'di ba?"
"Dzai, ang talino mo pero ang manhid mo at the same time. Akala mo ba...hindi ko napansin nung time nung celebration 'yung ano—" tinakpan ko ang bibig ni Dice.
Madaldal talaga eh!
"Ano?" sabay na tanong ni Luigi at Yoseff. Pilit pa nilang tinatanggal ang kamay ko kay Dice.
"Wala, kayo talaga oh? Bumait lang ng kaunti 'yung tao at naging comfortable," sagot ko na lang.
"Ang tanong, ganyan ba kanila Logan? Di ba nauna pa 'yun silang maging magto-tropa?" tanong uli ni Yoseff.
Napalunok ako. "Hindi. Eh, basta. Comfortable lang 'yung tao. Tigilan na natin siya, ok?"
"Sa sobrang comfortable, ayun..." sinamaan ko ng titig si Dice. "Sabi ko nga...mauuna na kami."
Napatingin naman kami sa bandang gate kung nasaan si Yuri at sina Rafael. Nakasandal sa gate si Yuri habang may kausap siyang magandang babae, may bobcat itong buhok habang may kulay pink na sleeveless shirt. May skirt din siya na ganoon din ang kulay at kitang-kita ang magandang kutis nito. Mukhang masaya sila pwera kay Yuri na nakaseryoso lang.
Hinawakan pa ng babae ang braso ni Yuri. Napatingin si Yuri rito at hindi inalis. Napaiwas ako ng tingin.
"Ayun...komedya," bulong ni Dice.
"Una na ako. Kailangan ako ni Mama eh," sagot ko na lang sabay ngiti sa kanila. Naglakad lang ako at nilampasan si Yuri na hindi ko alam kung napansin ako.
Nauna na ako sa kanila makasakay dahil babalitaan ko pa si Mama na sumweldo na ako. Nakakatuwa lang kasi sa dinami-rami ng pinagdaanan ko kay Yuri, nagbunga rin ang lahat. Kaso...hindi ko alam kung sasapat ba 'to para sa pambayad sa hospital bill. Malapit na ring makauwi si Mama eh.
Hindi ko rin tuloy maiwasang maalala 'yung usapan namin kanina ni Yuan sa restaurant.
Pag-andar namin paalis doon ay para akong nakonsensiya. Mamaya ko na lang siguro siyang haharapin pagbalik ko. Sa ngayon ito muna, kung ano man ang mapag-usapan namin ni Sir Yuan ay hindi ko naman papakinggan.
Pagdating namin sa restaurant na mukhang mamahalin ata at hindi rin pamilyar sa akin ay nanliit na naman ako. Nakaformal suit kasi si Sir Yuan at halatang galing pang company nila. Habang ako, ito plain lang. Parang bawal akong maupo at kumain dito lalo kung mag-isa.
Inabot naman ng waiter sa amin ang menu.
“So, how’s Yuri? Tagal na rin na hindi umuuwi ’yun. Pakitanong na lang sa kaniya kung may balak ba siyang bumalik dahil ipapalinis ko an ang kwarto niya,” ani Yuan na ikinainis ko ng palihim.
Hindi man lang niya aalalahanin ang kapatid? Kung ayos lang ba ’to?
“Ayos naman ho siya, Sir Yuan. Nag-aaral namang mabuti,” sagot ko.
“Talaga?” Binaba niya ang hawak sabay ngiti. Pero alam kong hindi genuine ’yun. “Himala at nag-aaral? Akala ko wala siyang pangarap sa buhay niya eh?”
“Meron ho. Matalino namang estudyante si Yuri,” pagsagot ko habang pinipigilan ang sariling magalit. Nakakainis na nakakagalit dahil sa ganito nila tratuhin si Yuri.
“Oh, baka naman pinagtatakpan mo siya sa amin? Takot ka ba sa kaniya? C’mon, wala siya ngayon kaya spill it,” pangungulit niya pa.
Napakagat ako ng ibabang labi. “Sir, hindi ho ako takot sa kanino man. Mabait po ang kaibigan ko. Atsaka, matalino rin po siya. Di ba po dabat alam niyo ’yan since kayo ang pamilya niya?”
Yung ngiti niya ay naging ngisi dahil sa narinig. “Ah…I like it, matapang. Napakatapang. Hindi nagkamali sa’yo ang ama ko na i-hire ka kasama siya.”
Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kaniya dahil baka kung ano pa ang maisagot ko rito. Ewan ba, nag-iba ang vibes niya sa akin. Parang nakaka turn-off.
“Anyway, what’s your order ba?” tanong niya.
“Itong spaghetti na lang po,” sabi ko sa kaniya sabay nilista ’yun noong waiter na lumapit sa amin.
“I’ll have this. Wagyu beef medium rare,” sabi niya bago muling humarap sa akin. “I want to warn you about Yuri. He’s not who he pretends to be, Eiron. He has a way of playing people, of getting exactly what he wants without anyone realizing it.”
Manipulative siya? Eh, umiyak nga siya sa akin dahil sa sitwasyon niya. Ramdam kong hindi pagpapanggap ’yun dahil nakita ko kung papaano siya nasaktan. Mula sa matapang na Yuri, hanggang sa umiyak na Yuri.
“He’s a good actor when it comes to lying. He can cry right in front of you while making a fool of you in secret. He’ll get into your head and your heart. He’ll use your emotions, your trust, and your attention to manipulate you. And once you’ve fallen into his trap, that’s when he’ll show you the real Yuri,” paliwang pa nito habang nakaseryoso. Mahahalatang sincere siya at professional ang tono.
Pero hindi pa rin ako maniniwala, alam kong ganito rin ang sasabihin ng ama niya. Naalala ko ’yun nu’ng tumawag eh.
“Maayos naman po siya, Sir Yuan. Hindi kaya dahil nasaktan niyo lang siya kaya ganoon? Nasaktan siya nung mga sinabi sa kaniya noon, lalo na galing sa mismong bibig ng ama ninyo,” balik ko sa kaniya. Napansin kong nagulat siya at bahagyang sumandal sa kinauupuan.
“Well, if that’s what you want to believe, I won’t burst your bubble. I’m just here to warn you,” sagot niya sa mahinahong boses.
Pasimple akong napailing.
“Also, he can’t control his temper. Kita mo naman ’yun noon, right? Kung ako sa’yo, iiwasan ko siya dahil baka one day, siya pa ang dahilan para manganib ang buhay mo,” dagdag niya.
“Galit lang po siya that time kaya hindi niya napigilan,” pagkontra ko. Sa totoo lang, gusto ko na kunin ang sweldo ko at umalis. Hindi ako comfortable na kasama at kausap siya.
“Hindi mo ba alam?” Tumawa siya ng mahina. Tunog nakakainsulto. “Don’t let him fool you. May gang ’yan si Yuri. Kaya walang takot mapaaway eh. Remember? Noong niligtas mo ’yan, hindi ba may mga nakaaway siya? May mga kustilyo ba sila? Meron, hindi ba? They’re the real enemy of Yuri’s gang. May napahamak na nga siya noon dahil diyan,”
Natahimik ako. Kaya ba kritikal na siya noong makita ko? Kaya siya kayang patayin ng mga nakaaway niya dahil doon?
“Kaya kung ako sa’yo, magdadalawang isip na ako. Nakakatakot siya kaysa kay Papa,” bulong pa nito.
Hindi ako nakasagot. Kahit hindi ako naniniwala ay hindi ko pa rin nagawang mapaisip. Pero mas nagtitiwala ako kay Yuri. Ramdam ko siya.
Sobrang ramdam ko siya…
Pagbaba ko sa mismong hospital ay agad akong pumasok habang pilit na kinakalimutan ang mga sinasabi ni Sir Yuan. Pinili kong h’wag sabihin ang lahat ng ’yun kay Yuri kanina dahil baka mag-away sila dahil rito. Itinira ko na lang ’yung talagang alam kong makakapagpigil siya. Ayoko na uli maging magulo pa ang isip niya. Kaya pilit ko rin siyang pinapakalma kanina dahil baka hindi na naman mapigilan ang sarili.
Pagpasok ko ay halos manlaki ang mga mata ko dahil narinig ko at nakita ko na tumatawa si Mama at Aling Gina habang kausap si...Yuri?
Dumalaw nga siya, pero hindi niya pinasabi? Nandoon na kami kanina sa school pero hindi siya nagsalita man lang.
“Ma…nandito na po ako,” sabi ko dahilan para maputol ang usapan nila. Ngumiti naman ang dalawang matanda sa akin habang si Yuri ay lumawak ang ngiti ng makita ako. Pero napawi rin noong magtama ang mga mata namin.
"Napadalaw ang kaibigan mo kasi akala niya nandito ka na," ani Mama sabay mano ko rito.
"Ah..." ang tanging nasabi ko na lang. Hindi ko naman narinig na sumagot si Yuri.
Nahihiya ata na makita ko siya rito. Bakit nga ba?
“Kumain ka na ba, Ma?” tanong ko pa.
"Ah, oo anak. Alukin mo itong kaibigan mo. Hindi pa ata nakain," sabi ni Mama.
"Akin na ipaghahain ko kayo," sabat naman ni Aling Gina na nginitian pa ako.
Makahulugang ngiti. Aish…
“Atsaka anak, bakit hindi kaya turuan mo si Yuri rito? O di kaya roon sa itaas ng hospital? Dito na kayo magtutor ba ’yun? Para naman hindi na kayo lalayo pa,” suhestyon ni Mama.
Oo nga naman.
“Tara Yuri, kumain tayo,” sabi ko ng hindi siya nililingon. Noong umupo siya sa tabi ko ay hindi ko pa rin siya tinignan.
"Bakit nandito ka pala?" tanong ko ng medyo pabulong. Ayokong marinig ni Mama at mapapagalitan ako niyan. Baka sabihin niya na pinapaalis ko si Yuri.
"Dumadalaw kay Mama, bakit?" tanong nito pabalik.
"Pssh, bakit hindi ka nagsabi? Nasa iisang school tayo ah?" tanong ko uli. Napansin ko na simpleng tinikman at inamoy pa ni Yuri 'yung ulam kaya napangiti ako ng palihim.
"I will, but...you ran," aniya na ikinataas ng kilay ko.
Ano? Ako? Tumabo? Fake news ! “I’m waiting for you. Ihahatid kita dapat eh.”
Ihahatid? Eh busy nga makipag-usap sa babae. Wala naman na akong pakielam. Nandito na rin naman siya. “Busy ka rin kanina ah? Kausap ’yung girlfriend mo.”
"Selos ka? Hindi ko girlfriend 'yun," sabi niya at bahagyang dumikit sa akin.
Kapal nito!
"Ako? Magseselos? Bakit naman? Ayaw mo n'un? Mas titino ka na kasi magkakagirlfriend ka na?" usisa ko pa habang nakangiwi sa kaniya.
Ngumisi naman ang loko. "Hindi ako interested sa kaniya, ok? H'wag ka na kasing magselos."
"Hindi nga!" madiing bulong ko at mahina siyang tinulak sa braso. Tumawa pa ng mahina.
"Ayos lang ba kayo, Eiron?" sabat naman ni Mama.
"Ah, opo, Ma," sabi ko. "After daw nito Ma, uuwi na raw si Yuri."
"Hala? Akala ko ba may...gagawin pa k-kayo?" pagtatakang tanong ni Mama.
"Ma, oh? Pinapauwi ako?" sumbong niya. Napatingin ako kay Mama na tinignan ako ng seryoso.
"Biro lang," sabi ko na lang bago nagpatuloy sa pagkain.
Matapos nu'n ay nagpaalam naman kay Mama na aakyat na lang sa rooftop ng hospital para roon gumawa. Baka hindi makapagpahinga si Mama kung mag-iingay kami.
Pagdating namin doon ay mahangin at tahimik. May mga ilaw naman at maliit na garden at benches. Maaliwalas at kitang-kita ang mga maliliit na building sa ibaba at daanan. Payapa rin pero mas gusto ko pa rin sa pier.
"Pier is better but...this is fine for me," ani Yuri sabay upo sa isang bench.
Tahimik naman akong tumabi at kinuha ang notebook ko. Noong kukunin ko na ang ballpen ko ay umusod si Yuri dahilan para mapadikit siya sa akin.
"Ano na naman?" tanong ko ng hindi siya tinitignan.
"Ah...about earlier, I'm not trying to be selfish or what," aniya. Malumanay ang boses niya. "Hindi ko lang talaga gusto na dumidikit si Yuan sa'yo."
Tinigil ko ang ginagawa. "Ako rin naman, ah? Ayoko. Pero tulad ng sinabi ko..."
"Kailangan mo, naiintindihan ko naman na," pagpapatuloy niya sa sinabi ko. Sumandal pa siya at tumingala sa langit. "Matatanggap ko pa si Adrian eh, pero si Yuan? Psh... Kung pwede nga lang, ako na magbibigay ng sweldo mo eh, maiwasan mo lang 'yan."
Tinignan ko siya. Nakita ko roon ang kalmado na naman niyang mukha. Bahagya siyang pumikit pero dumilat din at tumingin sa akin. "Why?"
"Paanong selos ba 'yang nararamdaman mo, Yuri?" seryoso kong tanong at ibinaba ang ballpen.
Napaayos naman siya ng upo. "Ehem...ahmm, why?"
"Wala, nagtataka ako eh, Nagtataka na rin sila. Ganyan ka rin ba kina Rafael kapag may iba silang kaibigan?" tanong ko uli.
"No...tanggap ko naman kung may iba silang kasama eh. Pero sa totoo lang, kami talagang apat magkakasama kaya alam kong solid kaming magkakaibigan. Pero never ako nagselos kapag nasama sila sa iba. Minsan gusto ko rin 'yun dahil natatahimik ako," paliwanag nito.
“Pero bakit sa akin? Ayaw mong mapunta ako sa iba? Bukod sa comfortable ka, ano pa?”
Sandali siyang natahimik. Napanguso pa nga sabay buntong-hininga.
"Kailangan bang may dahilan pa?" aniya sabay kamot sa batok niya. "Hindi ba pwedeng nagseselos lang talaga?"
"Masyado kasing clingy eh, iba na ang naiisip nila sa atin. Baka mapano image mo," sagot ko na lang bago muling bumalik sa gagawin.
"Oh, ano namang masama? Hindi ba pwedeng ganito lang ako kasi ikaw lang naman nasasabihan ko ng problema? You know, you're my therapy, and I am your therapy too..." bulong niya sabay sandal na naman ng ulo niya sa balikat ko. Hindi ko na siya sinaway dahil wala namang makakakita at kung ganito talaga siya edi pagbigyan na.
H’wag lang talaga akong masasakal sa kakaselos niya ah?
Bigla ko tuloy narealized 'yung kahapon. Kung bakit hindi na kami nagpansinan masyado. Ang layo kasi sa ngayon. "Yung kahapon pala? Hindi ka na umimik nung hinatid mo ako. Ano ba meron doon?"
"Pfft wala," aniya na natatawa pa.
"Ano nga? Natulala ka pa nu'n tapos nung sinabi kong uuwi na tayo dahil wa la ng ulan—"
"Wala nga!" pag-ulit niya pa. "Nadala lang. Ganda kasi ng mata mo eh."
Napangiti na lang ako. Mabuti na lang at maayos ang naging gabing 'yun. Magkasundo na naman kami hindi tulad kanina. Hanggang sa lumipas na naman ang oras at nagkita-kita na naman kami sa Harvey. Good mood pa rin si Yuri at hindi nagbabago ang vibes niya.
Sala sa init, sala sa lamig eh.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung dalawa ba ang katauhan nitong si Yuri. Isang masungit, isang makulit at palakibo. Hindi ko ba siya napabago? Nakakabaliw rin eh.
Noong lunch na naman ay pakiramdam ko, may naghihintay na naman sa akin mula sa gate ng school. Kasabay ko ngayon si Dice at Simone dahil may tinatanong sila tungkol sa isa sa mga subjects namin. Palabas na rin kami para sana tumingin ng makakainan sa labas at nauna lang sa mga kasama naming mababagal maglakad.
"Speaking of..." ani Dice. Kumunot ang noo ko.
"Ano meron?"
"Nandito na naman ang g*go eh," ani Simone sabay iling habang nakatitig sa gate. "Si Yuan, kumakaway sa'yo."
Kinabahan ako.
Bakit nandito na naman siya? Wala naman siyang text ah?
"Lalapitan mo ba?" tanong ni Dice na ikinailing ni Simone.
"Nah-uh, please don't. Mag-aaway 'yan at si Yuri kung sakali," sabi niya na ikinaba ko lalo.
Kailangan ko na siyang kausapin. Ayaw ko na rin kasi siyang kasama eh. Ayaw kong gumawa sila ng gulo rito sa school dahil mapapaguidance na naman si Yuri.
"Hayaan niyo na. Libangin niyo si Yuri. Akong kakausap," sabi ko. Hindi na nila ako napigilan. Kaysa magkasapakan pa eh.
"Yuan!!" sigaw ng isang boses. Napapikit ako.
Kakasabi ko lang eh!
Mabilis na nakalampas si Yuri sa akin at tila galit na galit. Paglabas nito ay agad ko siyang sinundan.
"Anong ginagawa mo rito? Angas mo rin yayain 'tong si Eiron kahapon 'no?" galit na tanong nito sa kapatid. Mabilis silang nakaagaw ng atensyon.
"Yuri, tama na," bulong ko sa kaniya habang pilit na inaawat 'to.
Ngumisi si Yuan sa kaniya. "Why? Is there something wrong with that? Hindi mo naman pagmamay-ari si Eiron ah?"
He's my friend, okay? And you took advantage of him! You used him just to turn him against me! Heh! You failed, motherfvcker!" ani Yuri na tila inaasar pa si Yuan.
Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko ang malakas na tensyon sa pagitan nila kaya pakiramdam ko, para akong pumipigil ng dalawang hayop na nag-aaway. Nagsimulang kumuha ng cellphone ang iilan.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh!
"So, nagsumbong na pala si Eiron sa'yo? Pero wala namang pinagiba 'di ba? All of that was true!" Dinuro ni Yuan si Yuri. "Hindi ko man siya makumbinse, pwes, maipapakita mo naman sa kaniya 'yun, 'di ba? Kaya goodluck!"
"Wala akong papatunayan, g*go ka!" sigaw ni Yuri na namumula na sa galit.
"Wala nga ba? Eh, bakit hindi mo ipakita kung gaano ka kabangis makipag-away? Tulad ng muntik mo ng pagpatay kay Mr. Santos—"
Nagulat na lang ako ng sapakin ni Yuri si Yuan sa mukha. Kagaad na natumba si Yuan.
"Yuri!!" awat ko agad sa kaniya. Hinawakan ko siya sa balikat. "Yuri, tara na!"
"S-see? See? Eiron, you have to believe me!" pangungumbinse pa ni Yuan pero inambahan siya ni Yuri.
"H'wag mo nang kakausapin si Eiron!" utos niya rito.
"And, why?" nakangising tanong ni Yuan na tila nang-aasar pa.
"Don't you ever go near Eiron again! Got it? Or you'll end up with a lot worse than that!" dagdag ni Yuri habang gigil na gigil. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil may mga nagvi-video na nga. Hinila ko si Yuri at nagtungo sa pinakatagong parte ng Harvey. Mabuti na lang at walang mga sumunod sa amin.
"Bakit mo ba ako pinigilan? Kulang pa 'yun eh!" mahinang reklamo ni Yuri sa akin.
Napairap ako. "Ano ba? Sabi ko, tama na 'di ba? Akala ko ba hindi ka makikipag-away na sa kaniya?" tanong ko sa kaniya. Kita ko pa rin ang galit sa mata nito. Hindi na siya nagsalita. Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang braso niya na bahagyang nanginginig.
"Tama na...kalma ka lang," sabi ko sa kaniya. Tinignan niya ako sa mga mata at nakita na kahit papaano ay nawala ang Yuri na galit kanina. Inangat niya ang laylayan ng t-shirt niya at pinunasan ang pawis sa noo't leeg.
"Balak mo bang...sumama sa kaniya uli?" tanong niya ng pabulong sa akin.
"Hindi...at bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit hindi mo ako hayaang kausapin siya?" tanong ko pabalik.
Napasandal siya sa pader. "Dahil baka hindi ka makatanggi—"
"Kaya ko ang sarili ko, Yuri...ok? Bakit ka ba kasi nagkakaganyan? Dahil nagseselos ka na naman?" pagputol ko sa sasabihin niya."
"Oo na! Fvck it! Nagseselos ako! Nagseselos ako kapag may nakakakuha ng atensyon mo!" inis na sagot nito sabay suklay sa nagulong buhok.
Tila may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa narinig. "Hindi, Yuri. Hindi 'yan simpleng selos eh. May iba pang dahilan eh. Bakit ayaw mo bang sabihin sa akin?"
"H-hindi ko rin alam, Eiron. Hindi ko maintindihan sarili ko. Basta alam ko ayokong may nakakakuha ng atensyon mo," Lumapit siya sa akin at kinuha ng kamay ko. Malambot at masamyo ang pagkakahawak niya nito kahit alam kong tensyonado pa siya. Napalunok ako at tila lumakas
na naman ang tibok ng puso ko.
Nakita ko ang nakikusap niyang mga mata.
“A-anong hindi mo naintindihan? Loko ka ba? Alam mo ’yan. Isipin mong mabuti,” sabi ko sabay bawi ng kamay ko. “Tingnan mo, baka mamaya magviral pa kayo niyan at mas lumala pa ang gulo! Mag-aaway na naman kayo.”
Nakita ko ang pagpikit niya. “Fine, sorry.”
Umiling ako. “Ewan ko na sa’yo, Yuri. Pakalmahin mo nga ’yang sarili mo. Hindi lagi na kamao mo ang papairalin mo! Isipin mo ’yang bawat gagalaw mo.”
Akmang aalis na ako ng hilain niya ako at niyakap mula sa likuran. Natuod ako bigla sa kinatatayuan ko.
“Please, h’wag ka na magalit, oh?” malambing niyang pakiusap. Napalunok ako habang dahan-dahang napapakagat sa ibabang labi.
Nag-iba na naman ang tibok ng puso ko.
Itutuloy…
Desire 17
Desire 17: Space
Yuri’s Point of View
I hugged him so tightly. Nakonsensiya ako dahil napaaway na naman ako kahit nag-promise ako sa kaniya na pipigilan ko na ang sarili ko. Hindi naman siya umimik habang ako, nalilito dahil parang… mas lalong gumulo ’yung sistema ko habang nakadikit sa kaniya.
“I’m sorry,” bulong ko sa tenga niya. Hindi ko rin kasi kayang nakikita na galit siya sa akin. Siguro nga dahil alam kong kapag siya na ang galit, ako na mismo ang mali roon. Isa siya sa mga nakakaintindi sa akin eh.
Hinawakan niya ang braso ko at pilit na kumawala sa akin. Humarap siya ng may seryosong ekspresyon sa mukha. “Ayusin mo ang sarili mo. Kapag nag-viral ’to, Yuri…mapapatawag ka na naman sa guidance eh. Paano kung suspendihin ka na talaga nila? Huh? Magmi-midterms pa naman.”
Napabuntong-hininga ako. Dati, kaya mo siyang kalabanin ah? Bakit ngayon nanghina ka, Yuri?
“I-I will fix it, ok? Just please don’t be mad at me?” pakiusap ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang paglambot ng ekspresyon niya at tumango. “Siguraduhin mo lang. Ayokong babagsak ka dahil d’yan.”
“Hindi naman eh. Kaya ko ang sarili ko,” sagot ko. “Hindi ko lang talagang gusto na makita ka na kasama nung g*gong ’yun.”
“Hindi naman ako sasama, Yuri. Hindi na nga. Kaya ko nga siya lalapitan, ’di ba?” naiinis niyang sagot.
“Alright…”
“At tigilan mo rin ang kakaselos mo. Hindi lang dapat sa akin umiikot ’yang mundo mo, Yuri. May mga iba kang kaibigan, oh? Atsaka, wala namang umaagaw sa akin sa’yo, dahil hindi mo ako pagmamay-ari. Kung magkaibigan tayo, hanggang doon lang dapat ang turing mo sa akin,” paliwanag niya na ikinatigil ko.
There was a sharp pain in my chest, as if someone had stabbed me after hearing those words, even though they were true. Para ring tinakpan ang mga bibig ko dahil wala akong masabi ng mga oras na ’yun. Ano nga bang isasagot ko? Eh wala na, napunto na niya eh.
“Maayos ka namang kaibigan. Pero sa kagaganyan mo, napapaisip ako talaga. Tingnan mo ang nangyari. Paano kung…mawala ang trabaho ko? Alam mong kailangan ko ng trabaho na may malaking sweldo dahil hindi biro ang babayaran ko sa hospital bill, sa gamot at sa kung anu-ano pa. Kaya please, pigilan mo ang sarili mo hangga’t hindi sila ang nauunang manakit.”
Pagkatapos niyang sabihin ’yun ay naglakad na siya paalis. Hindi ko alam kung hahabulin ko pa siya o hindi. Galit siya at hindi kami makapag-usap kung galit pa rin siya. Napasandal na lang ako sa pader dahil sa sobrang pagkalito.
Tinignan ko pa siya na papalayo sa akin. Something inside me hated seeing him that way. But maybe this time, I need some time and space. I need to reflect on his words. Siraulo kasi ako eh.
Napahawak ako sa buhok ko at kumilos na. Sinipa ko pa ang kapirasong bato na nasa dinadaanan ko dahil sa sobrang badtrip sa sarili.
Napagdesisyonan ko na lang na hindi muna sumabay sa kanila ng lunch dahil wala rin naman akong gana. Pumasok na lang ako sa Harvey at tumambay na lang sa garden na malapit sa nursing building.
Doon, inisip ko lahat. May bigla lang akong narealized na hindi ko rin akalain. Hindi rin nilubayan ng utak ko si Eiron at kung papaano niya ako tingnan kanina. It was always his eyes that got to me.
Pinalipas ko ang oras hanggang sa sumapit uli ang afternoon class ko. Inunahan ko na lang sila at naupo sa upuan ko. Noong magbalik ang mga loko ay napuno na naman ng ingay ang room pwera kay Eiron na tahimik lang na naupo sa tabi ko.
I wanna talk to him, apologize to him, but I can’t open my mouth.
Pinigilan ko na lang sarili ko na magsalita dahil baka ano pang sabihin niya, lalo na may mga tao sa paligid. Gusto ko man pero baka kung ano na naman ang isipin kahit concern lang naman sila. Hinintay ko na lang uwian para makasabay siya.
Kainis, wala pa kaming homework na kailangang gawin o activity na hindi natapos. Hindi tuloy ako makakagawa ng paraan.
Hinintay ko munang mawala ’yung apat at ang mga kaibigan niya. Noong mag-isa na lang siyang naglalakad ay sumakay agad ako ng motor at hinabol siya.
“Eiron,” pagtawag ko sa kaniya. Hindi siya tumingin sa akin pero tumigil siya sa paglalakad. “Please, hop in.”
“Umuwi ka na, Yuri,” sabi nito sabay lakad uli. Pero sinabayan ko siya.
“Please? Let’s talk about it again. Hindi ako mapakali,” pagmamakaawa ko pa habang dahan-dahan ang pagpapaandar ko ng motor. Hinarap niya na ako this time, pero magkasalubong ang mga kilay.
“Ako rin. Dahil mukhang mawawalan ako ng trabaho,” sabi nito sabay pakita ng cellphone niya. Text ’yun mula kay Yuan na galit dahil sa nangyari. Mas lalo akong nainis kay Yuan at naguilty.
“Eiron…”
“Kaya please umalis ka na. Kaya ko ng mag-isang umuwi. Isipin mo ang sarili mo. Dahil kailangan kong isipin din ang akin,” sabi niya pa. Napakagat siya ibabang labi niya sabay lakad paalis. Pero kinuha ko ang kamay niya at bumaba sa motor ko.
Napansin ko sa mga mata niya ang pag-aalala at takot. God…
“I will fix this, ok? Just forgive me,” pakiusap ko ng pabulong sa kaniya. Para akong natutunaw habang patagal ng patagal na nagsasalubong ang mga mata namin.
Umiling siya ng dahan-dahan. “Uuwi na ako, Yuri.”
“Ihahatid kita,” pigil ko sa kaniya. “Kung ayaw mo akong patawarin ngayon…at least let me give you a ride.”
Natahimik siya sabay iwas ng tingin sa akin.
Tumaas ang dalawa kong kilay. “Please?”
Dahan-dahan niyang binawi ang braso niya at tumango. Alam niya siguro na hindi ako titigil hangga’t hindi ko nagagawa ’yun. Kinuha naman niya ’yung helmet ng malumanay. Noong sumakay ako ay sumakay rin siya.
Umaasa akong ilalagay niya uli ang kamay sa bewang ko, pero hindi nangyari ’yun. Hindi ko na lang siya pinilit dahil baka magbago pa ang isip niya at bumaba sa motor ko.
Pinaandar ko ’yun habang dala-dala ko pa rin ang guilt sa dibdib ko. Binagalan ko lang din ang pagtakbo dahil hindi siya nakahawak sa akin.
Sinadya ko ring ibahin ang route para matagal ko pa siyang makasama. Baka sakaling magbago rin ang isip niya at makipag-usap siya sa akin talaga. Dinaanan namin ang pier kung saan ako napatingin ng kaunti. Napansin ko naman mula sa side mirror na tinitignan niya rin ’yon. Pero binalik ko rin sa daan ang tingin.
Lumampas kami sa pier ng wala pa ring imikan.
At noong itinigil ko ang motor ay agad siyang bumaba at hinubad ang helmet.
“Salamat,” sabi niya ng hindi ako tinitignan. Gusto ko mang kunin uli ang kamay niya pero baka ikagalit niya ’yun.
“If you’re worried about the bill or anything, I-I can pay it for you,” alok ko na ikinatigil niya sa paglalakad. Humarap siya sa akin ng may seryoso pa ring mga mata. Sa pagkakataong ’yun, may kung ano sa kaniya na parang hindi ko gusto.
Huminga siyang malalim. “Kaya ko ang sarili ko, Yuri.”
“B-but, it’s my offer. Atsaka para na rin sa perwisyo na nagawa ko,” sagot ko uli. Napahilamos naman siya sa kaniyang mukha at muli akong tinignan.
“Ayoko ng pera mo. Kaya ko ang sarili ko, ok?” aniya. “Umuwi ka na sa inyo.”
Nanlumo ako sa narinig. Hindi ko siya maintindihan. Para rin naman ’to sa mama niya, ah? And also, hindi ko rin matanggap na nagkakaganito kami. “Eiron naman…”
“Ano ba? Ang tigas naman ng ulo, Yuri! Umuwi ka na nga,” aniya sabay lakad palayo sa akin. Ramdam ko naman ang kaba at takot niya ngayon kaya I won’t blame him. But at least let me help him.
Ako rin naman ang may kasalanan eh.
Wala naman na akong nagawa pa dahil hindi naman niya na ako papansinin. Ayoko namang guluhin siya lalo na baka nagre-rest ang mama niya. I just sighed deeply and left. Naisip kong puntahan ang taong pinaka ayaw ko sanang kausapin pero ito lang naman ang paraan para maayos ’to eh.
Pagdating ko roon ay agad akong pinapasok ng maid. Hindi ko naman na sila pinansin at dumiretso sa living room kung saan kasalukuyang umiinom ng tea si Yuan.
“Idiot!” tawag ko sa kaniya. Nagulat pa ito at napatayo ng wala sa oras. Kitang-kita ko ang bakas ng pagkakasapak ko sa kaniya mula sa gilid ng labi nito. Napangisi tuloy ako.
“What are you doing here?! Ang kapal din talaga ng mukha mong umuwi pa rito, ’no?” aniya habang magkasalubong kilay niya.
“Bahay ko rin ’to, ’di ba?” sabi ko. Hinawakan ko siya sa kwelyo. “Kaya uuwi ako rito, hangga’t gusto ko!”
Kita ko ang pamumula niya at hindi paggalaw. Kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataong ’yun. “At h’wag na h’wag mong tatanggalin sa trabaho si Eiron, or else…”
“Or else what?”
“Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” sabi ko sa kaniya ng madiin at tinulak pa siya. Napaupo tuloy siya sa kinauupuan niya kanina. Tumawa siya ng parang baliw.
He’s insane! Tsk!
“Eh paano kung hindi ko sundin ang gusto mo? May magagawa ka?” aniya na tila hindi natatakot sa akin.
“Subukan mo lang…kakalimutan ko talaga kung sino ka talaga sa buhay ko. H’wag na h’wag mong gagalawin si Eiron!” dinuro ko siya. “Kayang-kaya kitang labanan once na ulitin mo pa ang pagyaya sa kaniya!”
“Yuri, you can’t scare me—”
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “But I can kill you. Hindi ba sinabi mo na muntik ko na mapatay si Mr. Santos? Well, papatunayan ko at ikaw naman ang gagawin kong punching bag,” seryoso kong sabi. Napansin kong natigilan siya.
“At walang magagawa ’yang ama mo sa akin!” sabi ko pa. Bigla namang may pumasok sa pintuan na mas kinadagdag ng galit ko.
“Oh? Ano pang ginagawa mo rito? Unless, magsosorry ka sa akin at kay Mr. Santos, hindi ka na welcome rito—”
“This is also my mother’s house. Kaya wala kang karapatang paalisin ako rito,” pagputol ko sa kaniya. Nilapitan ko siya.
“Pagsabihan mo ’yang anak mo! H’wag kamo siyang lalapit sa kaibigan ko at sisiraan ako. Tapos, ang lakas pa ng loob niyang pagbantaan si Eiron na tatanggalin sa trabaho?” dagdag ko pa.
Malamig niyang tinignan si Yuan. “Is this true?”
Napansin kong napayuko si Yuan at dahan-dahang napatango. Takot ang g*go!
“Well, ako lang naman ang may karapatang gawin ’yun, Yuan. Kaya h’wag kang bida-bida diyan!” aniya sabay baling ng paningin sa akin. “And you! Apologize to Mr. Santos—”
“Siya ang dapat magsorry sa akin. Binastos niyo ang mama ko,” bulong ko habang pinipigilan ang sarili ko dahil nanunumbalik ako galit ko sa kanila.
Ngumisi si Willson. “Why? Dahil ba natamaan ka? Bakit? Totoo naman ah? Your mother is disappointed in you! Look at your mess!”
Fvck him! Ginagamit niya talaga si Mama laban sa akin! “How did you know that? Eh hindi ba namatay si Mama nang dahil sa’yo? You’re the reason why she’s dead! And you’re the reason why I’m like this!”
“H’wag mong sisihin si Papa!” sabat ni Yuan.
“Shut up, Yuan! Wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang sumipsip sa matandang ’to! Bakit? Kapag hindi ka sumipsip, sa tingin mo paborito ka pa rin nito?” pambabara ko sa kaniya.
Parehas silang hindi nakasagot.
“Try threatening Eiron or going anywhere near him again, and I swear you’ll regret it!”
Hindi na ako nagtagal doon at muling umalis. Ngayon, nadagdagan na naman ang rason ko para magtagal sa hotel. Dahil hindi pa rin talaga nagbabago ang vibes sa lintek na bahay na ’yun! Sabagay, kailan ba nagbago? Kahit noong buhay pa si Mama, iba na talaga eh. Kung kaya ko lang talaga bumalik sa past.
Lalayas kami ni Mama roon.
Pagdating ko sa hotel ay napansin ko agad ang messenger ko. May bagong group chat na ginawa sina Dice at Logan. Siguro para sa aming lahat.
Pero hindi ko pinansin ’yun at pinuntahan ang conversation namin ni Eiron.
I sighed deeply bago mag type sa keyboard ko.
[5:32 PM]
Yuri: “Hey…don’t worry about your work na. Yuan can’t take your job from you.”
Maya-maya ay nakita ko siyang nagseen. Nagseen lang. Hays.
Well, I think this is better. At least nabasa niya, right? Para mabawasan ang pag-aalala niya sa trabaho. Ayoko siyang mdistract lalo na magmi-midterms.
Yuri: “Let’s have our review this week, please? Kahit dito na lang sa hotel ko. I promise, magbe-behave ako.”
Nagseen na naman siya at ni-like lang ang chat ko. Hanep…
Nanlulumo ako na humiga sa kama habang iniisip kung papaano siya aamuhin. Paano nga ba? Flowers? Chocolates?
T*ngina, Yuri. Lalaki siya. Maiilang na naman ’yun eh.
“Hindi ko kasi alam ano pang panunuyo gagawin ko,” kausap ko sa sarili. Tumunog naman ang messenger ko at nakita ang chat ni Rafael thru personal message.
Rafael: “Tama na mukmok. Magclub daw tayo sabi nila Carly.”
Napapikit ako saglit bago replyan siya.
Yuri: “Pass.”
Rafael: “Anong pass? Pass away ka talaga dyan. Tara na uy!”
Napabuntong-hininga ako. Baka mabaliw lang ako rito sa loob kung sakaling magstay ako ng ilang oras.
Yuri: “What club?”
Pagchat ni Rafael sa akin ng pangalan nung club ay agad akong nagpunta roon. Mabilis at malapit lang naman kaya hindi nagtagal. Pagdating ko roon ay nakita ko agad ang table ng ilang babaeng kakilala ko.
Napasimangot ako.
"Yuri!!" tawag nila. Lumapit kaagad sa akin ang dalawa na humawak sa braso ko. Bigla akong nairita.
"C'mon, drink," yaya ni Avril, isa sa mga na nandoon.
"Pass," sabi ko.
"Dali na, Yuriii. Ngayon ka na lang namin nakitaa," pangungulit pa ni Rebecca. Kinuha ko na lang ang baso nila at ininom 'yun ng diretso.
"Oo nga pala, where's Simone and Rafael?" tanong naman ni Jen. Nagkibit-balikat ako. Para akong naiilang sa kanila.
I feel like nagchi-cheat ako lol.
“I have to go. Chat mo na lang sila,” sagot ko. Napanguso pa ang iba sa kanila na hindi ko na pinansin.
Pagdating ko sa VIP table kung nasaan silang tatlo at kasama pa sina Carly ay napailing na lang ako.
Nakakatamad na mag club. Tinamad ako bigla. Arghh..
“You ok, bro?” salubong ni Simone.
"Oo nga, hindi pa rin kayo ok ni Eiron?' usisa naman ni Rafael habang nakaakbay sa kaibigan ni Carly.
"Who is this Eiron?" sabat naman ni Carly na sumipot sa tabi ko. Tinignan ko lang siya ng saglit.
"Our dearest friend," pagsagot ni Logan sa kaniya bago tumingin sa akin ng may hidden meaning. Kinuha ko ang baso ko at napasandal.
"Friend? May bago na kayong friend? How come na hindi ko pa rin siya nakilala? Wait—oh natatandaan ko na," ani Carly. "Ah, kasama siya nina Lance. Gwapo rin 'no?"
Tumango si Simone. "Mabait din."
"Pero mas gwapo pa rin si Yuri roon, right?" ani Carly sabay pisil sa pisngi ko. Hindi ko naman siya pinansin.
Gwapo ’yun kesa sa akin.
“Anyway, bibili muna ako ng another bottle. Babalikan kita. Tara girls!” ani Carly sabay halik sa pisngi ko. Mabilis kong pinunasan ’yun. Kainis!
“So, paano ka makikipabati kay Eiron?” usisa agad ni Logan sabay taas ng isa niya paa at ipinatong ’yun sa kabilang binti.
"Ewan, paano nga ba?" walang ganang tanong ko rin sa kanila.
Napailing si Simone. "Nagsorry ka ba?"
"Oo, ilang beses na," sagot ko bago kumuha ng finger food. "So, paano? May alam ba kayo? Bukod sa sorry? Hindi kasi ako kinakausap."
"Ano ba kasing ginawa mo pa kaya nagalit talaga? I mean, I can't understand kasi kung bakit siya nagkaganoon eh hindi naman siya ang sinapak o nasapak, ah?" sabat ni Rafael.
"Because his job is involved. Yuan threatened him. Ayaw niya mawalan ng trabaho dahil sa ginawa ko..." humugot ako ng hangin. "And I did promise him that I wouldn't pick a fight with Yuan just because he went with him."
Napahampas si Simone sa lamesa. "Kaya naman pala eh!"
"Look, Yuri. Are you jealous just because he was with Yuan? I mean, lampas na 'to sa dahil galit ka talaga kay Yuan ah?" ani Logan na tila napapaisip. Tumango naman ako na siyang ikinatawa niya.
"So, you're jealous pa rin talaga?" ang natatawa niyang dagdag.
Kumunot ang noo ko. "What's funny?"
“Anong hindi nakakatawa? Nagseselos ka kasi na parang pagmamay-ari mo siya. Tulad na lang din noong nagreview tayo for quiz, and also ’yung by partner sanang activity na naging trio dahil sa’yo,” sagot ni Logan. It was like an arrow piercing my chest with every word he said. Guilty as fcvk. Talagang ipapaalala niya ’yung mga ’yun?
“What the hell, bro? Kaya pala…” ani Rafael. “But thank God because you let me partner with Zoe. She’s 9/10!”
Nabatukan tuloy siya ni Simone. "Tarantado ka! May boyfriend na ata 'yun!"
"I know it was wrong...but, as his friend, comfortable lang kasi ako na siya at ako lang ang magkasama," sabi ko na nagpailing sa ulo ni Logan. Pinanliitan niya pa ako ng mga mata.
"You know what? Hindi normal 'yang ginagawa mo, Yuri. Binabakuran mo siya kahit wala namang kayo? I mean, yes you both are friends now but para bakuran siya ng todo? To the point na mapapaaway ka talaga dahil diyan sa selos mo is too much. Lalo na nadamay ang trabaho niya," paliwanag pa ni Logan.
And, guilt is starting to eat me again…I’m sorry.
“Nagpromise ka rin sa kaniya na hindi ka na makikipag-away, but you broke it,” sabat ni Rafael na hindi ko alam kung anong sumapi para maging seryoso siya.
“Ano pa bang ginawa mo bukod diyan?” usisa ni Simone na parang alam niyang marami pa akong pagkakamali.
"Well...after that, I kinda offer him na babayaran ko ang bills sa hospital nila. Pambawi lang ba—"
"Nagalit?" pagsabat ni Logan na ikinatango ko. "See? You just made another mistake. Hindi mo man lang tinama ang mali mo."
"I can't understand kung bakit siya nagkaganoon...may mali ba sa offer ko? Kasi hindi ko kayang hindi kami nagpapansinan o galit siya sa akin," sabi ko pa.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Pero dati nagagawa mo naman, ah? Last time ganyan ka, ah? Ngayon parang nanghihina ka na agad?" angas na tanong ni Simone na sinamaan ko ng tingin.
Oo na.
“Because that wasn’t just anger, and I was worried too. Kasalanan ko rin naman kaya kami nagkaganoon. Kaya hindi nyo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito,” pagdadahilan ko. I licked my upper and lower lips dahil sa tension.
Itinaas ni Logan ng bahagya ang kamay niya. "Hold on...you said earlier na inofferan mo si Eiron?"
Tumango ako.
"Why did you do that? You know Eiron is an independent person. He doesn't need your help because he knows he's capable of handling everything on his own." sabi niya na ikinataka ko.
"So, helping him was wrong?" takang tanong ko.
"No." Logan sighed. "Pero minsan may pride ang mga independent person. Siguro, advice matatanggap nila pero 'yung direkta? Minsan insulto 'yun. Ayaw lang siguro nila umasa sa ibang tao."
And now…I understand. Fvck you, Yuri.
“Bukas kausapin mo. Tutulungan ka namin. Pero promise mo na hindi ka na magiging possessive, ok?” ani Simone na ikinailang ko.
"Hindi naman ako ganyan—"
"Stop denying it, Yuri. Well, just say sorry or magbigay ka ng peace offering for him," sabi ni Logan.
"Like what?"
"Anything," ani Logan na tumatak sa isip ko.
"And what if, magpaturo tayo uli sa kaniya?" ani Rafael. "Like what we did before?"
Then, his idea pumped into my little brain. "What if mag study group tayo? Siya magtuturo ng bawat concept?"
Napatingin sila ng may pagtataka sa akin.
"Well, we will pay him naman. Para na rin makatulong sa budget niya. Alam kong medyo malaki ang bills nila eh," sabi ko pa na ikinatango nila.
Kinabukasan nga ay binilhan ko siya ng ilang pirasong chocolates para sa peace offer na sinasabi nila. Nauna akong pumasok at sinigurado na wala pa si Eiron doon.
"Parating na?" tanong ko habang naglalakad si Rafael at Dice.
Tumango naman sila at tinuro ang lilikuan nito. I took a deep breath bago naglakas ng loob na salubungin siya. Papaliko na sana siya sa hallway ng may humabol sa kaniya.
Si Adrian.
Nakangiti silang dalawa habang nag-uusap ng masinsinan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang pinupunit na papel ’yun. Nagkaroon din ng lump ang lalamunan ko na siyang nilunok ko agad at nalasahan ang pait.
Shit…jealous.
“Ayun lang…” sabi ni Dice. Tila nanghina ako noong makita kong inabutan ni Adrian si Eiron ng chocolate. Kumunot ang noo ko at itinago agad ang sa akin.
"Hayaan niyo na," sabi ko na lang sabay talikod.
"Teka, hindi mo pa nakakausap ah? Baka tanggapin naman?" sabi ni Logan pero umiling ako.
"Hindi niya tatanggapin 'to," sabi ko na lang bago tumalikod.
Hina mo, Yuri.
Narinig ko naman ang ingay nila noong nakalapit na ata siya.
"Sige na please? Mag study group na tayo?" pakiusap ni Dice.
"Oo nga, hindi namin gets 'yung ibang topic," pagsabat ni Luigi na hinawakan pa si Eiron sa braso niya. "Babayaran ka naman namin lahat, promise!!"
"Oo nga para na rin kay Yuri—I mean, para rin 'to sa ekonomiya oh?" sabi pa ni Rafael.
Sarap batukan eh.
Napatingin ako sa kanila pero iniwasan si Eiron dahil baka hindi rin naman niya pansinin.
"Teka nga, sino bang nakaisip nito? Sigurado kayo, ah? Kapag kayo bumagsak at hindi nakinig sa akin," ang nahihiyang sabi ni Eiron habang napapakamot siya sa kaniyang buhok.
"Si Yuri!" ani Simone. Napakunot ang noo ko. Doon ko nakita na napatitig si Eiron sa akin.
Yung mga mata niya parang nagtatanong eh.
Wala, tunaw na naman ako. Imbes na magselos sa nakita, eto hindi napigilang mapangiti sa harap niya.
“A-ahh ayos lang naman. Saan naman natin gagawin ’yan?” tanong ni Eiron. Tumalikod na lang ako at naunang maglakad sa kanila. Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Rafael.
"Hayaan mo muna," sabi niya na hindi ko pinansin.
Kakainis.
Noong dumating 'yung time for review ay nagdalawang isip pa ako kung aattend ako. Hindi ko alam, parang tinatamad ako. Pero napilit naman ako nila Rafael eh kaya wala na akong magagawa.
"Wala pa ba sila?" tanong ni Dice kay Rafael dahil natagalan ata sila Simone at Yoseff.
"Maghintay ka nga at baka may binili lang," iritadong sabi naman sa kaniya ni Rafael.
"Heh! Kalbo!' asar ni Dice sabay irap dito. Napailing naman ako at nagpaalam na bababa. Gusto kong mag vape. Hindi kasi kami nagkikibuan ni Eiron eh. Hindi ako comfortable. And it's stressing me out.
Nasasaktan ako, t*ngina.
Sinubukan ko naman kasi siyang kausapin nitong mga nakaraang araw pero mukhang iniiwasan niya talaga ako. Wala rin kaming session kaya walang dahilan para magkita kami.
Bumalik na rin pala ako sa bahay namin dahil wala naman 'yung dalawang demonyo dahil nasa seminar daw for 5 days. Lagi ko rin kasing naririnig sa isip ko si Mama, at namimiss ko na ang presensiya niya.
I puffed my vape when I heard na nagbukas ang pintuan. Nakita ko agad si Eiron na nagulat pa sa akin at mukhang ayaw na atang lumabas.
There's something on me na iapproach siya at tulungan, baka ito na rin ang way para malaman ko kung bakit siya umiiwas pa rin hanggang ngayon.
"A-ah, do you need something?" tanong ko sabay tago ng vape ko.
Hindi naman siya sumagot at akmang aalis na pero hinawakan ko siya sa kamay. "Ano ba, Eiron? Bakit mo ako iniiwasan?"
"Hindi naman kita iniiwasan, busy lang ako," sabi niya pero hindi nakatitig sa akin. "Saka na, kapag may session tayo."
"I'm not that dumb...hanggang kailan mo ba ako hindi patatawarin? I just talked to Yuan naman, ah? Inayos ko naman na ang gulong ginawa ko," nakikiusap kong sabi. Napansin ko siyang natahimik.
"Please, look at me," dagdag ko. Pero hindi naman niya ginawa kaya dahan-dahan kong inabot ang chin niya at hinarap ang mukha niya sa akin. Napalunok pa siya habang tila nanginginig siya ng kaunti.
"Miss na kita," sabi ko pa ng pabulong. Tumingin siya sa dalawa kong mata at sinusubukang bawiin ang kamay niya. Alam kong masasaktan siya kapag pinigilan ko ito. Kaya wala akong nagawa kung hindi pakawalan siya.
Wrong move, Yuri. Akala ko ba narealized mo na masyado kang…weird pagdating kay Eiron?
“Isipin mong mabuti ang ginagawa mo,” sabi pa ni Eiron sabay iling. Umalis siya ng tuluyan at bumalik sa session.
"Dito na kami," ani Simone kasama si Yoseff na may mga dalang pizza at bucket of chicken.
"Anong nangyari kay Eiron?" tanong naman ni Yoseff na tinulungan ko naman habang tahimik na iniisip ang sinabi ni Eiron.
Hindi ko siya sinagot dahil alam kong pagsasabihan na naman ako ni Simone. Pagdating ng time para sa session ay lahat kami nakinig kay Eiron habang nakatitig sa mga notes namin. Hindi ko naman mapigilang panoorin siya habang nagsasalita. I love how he's serious when it comes to explaining some things, at kung paano siya nagdidiscuss. Mukhang mage-gets mo talaga eh.
His looking at us, mine-make sure niyang lahat kami nakikinig dahil may bayad 'yun. Sinusubukan ko naman pero minsan hindi ko maiwasang
titigan lang siya.
“Ron, pwede bang paabot nung folder sa baba? Naiwan ko ata eh,” sabi ni Logan na tinanguhan ni Eiron. Napatingin din si Logan sa akin.
"Pasama na rin pala nung boxes na may mga lamang coke, Yuri. Pabuhat nalang oh?" dagdag niya. Napatitig sa akin si Eiron.
"Ako na kukuha lahat," aniya.
Sumunod naman ako. "I'll help you."
"Kaya ko na," pagtanggi niya pa.
Tsk…
“Tutulungan nga kita sabi eh,” pangungulit ko pa habang sinusundan siya pababa.
Hinarap niya ako ng nakasimangot. "Kulit mo naman!"
"Bakit ka ba nagagalit? Sinabi naman nila na tulungan ka, ah?" pagdadahilan ko.
Hindi siya nakasagot at agad na nahanap ang folder. Kinuha niya lang 'yun bago bumalik sa taas. I shut my eyes at kinuha na lang ang kahon. Paglapag ko nito ay nagpaalam na ako. Hindi ko alam, hindi ko kaya.
Ano bang ginagawa mo sa akin, Eiron? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Mataas ang pride ko noon, ah?
“Sure ka? Kakain pa lang tayo, oh?” tanong ni Logan habang hinahanda ko ang motor ko. “Just please ignore him. Baka may iba pa siyang problema.”
"Anong problema? Ako?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam pero malay mo, mas personal...'di ba?" tanong uli ni Logan.
"Look. Kung talagang mayroon siya, pwede naman niya akong kausapin, eh? I mean, we're friends 'di ba? Kung about naman 'to sa nakaraan, I already apologized many times. Ginawan ko naman na ng paraan ang kasalanan ko. Pero hindi talaga siya umiimik eh. Hindi ko alam kung ano pang kulang," kalmado kong sabi. Ayokong magalit. Ayokong manigaw.
Pero nalilito ako, d*mn.
“You look like you’re hurt, bro. Nasasaktan ka kasi hindi ka kinikibo ni Eiron,” ani Logan. Iniwasan ko ang mata ko sa kaniya.
"Hindi," tipid kong sabi. "Kung ayaw niya, sige pagbibigyan ko siya."
"Nagselos ka nung kay Adrian, pero hindi mo sinabi?" dagdag pa niya. Hindi ko siya pinakinggan.
"And the way you look at him, parang iba eh...I don't think you're still friends," sabi ni Logan uli. Napatigil ako roon.
Doon parang may sumuntok sa dibdib ko.
"Your actions speak louder than your words, Yuri..."
Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Kung ano man 'yan, Logan. Bukas na lang. I can't deal with it—"
"Gusto mo na si Eiron...right?"
Natigilan ako. Napalunok pa ako habang tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko.
"Mali ka lang sa actions mo," aniya. Doon ko narealized na...
tama siya. Hindi ko lang talaga nakita agad because I’m too happy and comfortable when he’s around. Akala ko normal lang dahil bago sa akin ang pakiramdam na ’yun.
“Yeah. Maybe you’re right. Hindi ko lang nafigure out,” sagot ko. “I-I like him.”
Bigla naming narinig ang tila pagsara ng main door niya kaya kinabahan ako. I clicked my tongue at sumenyas kay Logan.
"Una na ako. Enjoy kayo," sabi ko sa kaniya. Hindi naman na siya sumagot pa kaya tuluyan ko ng pinaandar ang motor ko.
Akala ko nga pag-alis ko roon ay matatahimik na ako dahil mag-isa ako sa buong bahay. Wala rin ang presensiya niya sa paligid.
Pero lalo lang akong naguluhan. I like him. Yun na 'yun eh. Pero parang may kulang. Parang gusto ko sabihin sa harapan niya 'yun kahit nakakatakot at nakakakaba.
What if he asks me where it all started? I wouldn't be able to answer because I don't know. I don't even know what caused it, other than the closeness that grew between us."
I guess they're right. Love moves in mysterious ways. Hindi mo alam kung papaano. Basta nandiyan na 'yan. Basta 'yun na ang nafi-feel mo.
It will shock you lalo kung sa unexpected mong tao. Lalo ngayon, hindi ko talaga alam na sa kaniya ko pa mararamdaman 'to.
I looked at my phone. May picture na sinend si Rafael sa group chat kasama silang lahat. Hineart ko na lang dahil wala akong lakas na magtype.
That feeling left me unhinged. Lalo na siguro noong mag midterms na. Nanlumo ako noong pumwesto si Eiron sa ibang upuan. Nagpalit sila ni Luigi kaya hindi ko siya matanaw ng maayos.
Pinakita ko na lang na hindi ako apektado nu'n at nagfocus sa test paper ko. Hindi ako umimik kahit na mahirap ang binigay na exam sa amin. Mabuti na lang at naalala ko pa rin ang pinagsasabi ni Eiron sa amin at mga tinuro niya sa akin.
Ayoko rin bumagsak dahil baka mas lalo siyang magalit. Kaya ginalingan ko talaga. Naiinspire man ako pero nandoon pa rin 'yung sakit dahil hindi pa rin kami nag-uusap hanggang sa sumapit ang sembreak.
Ni hindi kami nakapag-usap kung anong plano niya roon. Wala rin naman akong naiisip na puntahan kaya minabuti ko na lang magkulong sa loob ng kwarto.
Wala ako sa mood mag bar, magparty o kung ano man.
Napatingin ako sa cellphone ko. Gusto kong manood na lang ng movie from netflix pero wala akong mapili. Ibababa ko na sana ang hawak noong maalala ko si Mama.
Oo nga pala, hindi ko pa siya nadadalaw.
Yun ang nakapagmotivate sa akin na lumabas, bumili ako ng bulaklak. Red and White rose ang favorite ni Mama noon pa lang. Kaya may tanim siya noon sa garden eh. Kaso pinatanggal ni Willson noon kaya inis na inis ako dahil pinalaki namin 'yun.
Pinalaki ko rin ’yun kahit nawala na siya sa akin.
“Hi, Ma…” sabi ko sabay ngiti sa puntod niya. “Your favorite flowers.”
Hinalikan ko muna 'yun bago ilapag sa kaniya.
"Sembreak na namin. Which means...makakadalaw ako sa'yo everyday, everytime," sabi ko. Hangin ang sumagot sa akin na nilipad ang buhok ko. Hindi ko 'yun pinansin dahil pakiramdam ko, kamay ni Mama ang gumugulo nu'n.
"Ma... about what I did last time... I'm so sorry. It won't happen again," bulong ko na may kasamang pain and regrets sa boses.
"And about my question, I think...I found my purpose, my hope para mabuhay pa," dagdag ko. "Pero galit siya sa akin. Iniiwasan ako eh. Bakit kaya?"
I sighed deeply at tumingin sa malayo. Mula roon, parang nakikita ko siya, nakikita ko ang nakangiti niyang labi at masayang mukha.
Miss na miss ko na ’yun.
“Please help me, Ma. How can I make him stop being mad at me? I mean, if he’s going through something… please make him realize that I’m here for him. Handa naman akong tulungan siya,” saad ko. Binalik ko ang tingin sa puntod niya. Mula sa bulaklak na binili ko ay may small card na nalaglag sa lupa dahil sa hangin.
Kunot-noo kong tinignan 'yun at binuksan.
"The words trapped in your heart don't disappear...they only wait for the courage to be heard."
Napatulala ako. Katulad ng sinabi ko kay Eiron noon. Doon ko napagtanto na baka sagot 'yun ni Mama.
"Thank you, Ma," sabi ko sabay ngiti. "You're the best woman in my whole life."
Matapos kong gugulin ang sarili sa loob ng cemetery ay agad kong naisipang puntahan si Eiron sa hospital. Hindi lang para umamin, pero para tulungan siya. I can’t hide these words inside of me.
Pagdating ko roon ay agad akong kumatok sa kwarto ng mama niya. Bumukas naman ito at sumalubong si Aling Gina sa akin.
“Iho? Oh? Hindi ka kasama ni Eiron?” takang tanong nito. Nakita ko naman agad si Mama Wena na bumangon noong makita ako.
I paid my respects to both of them, dahil ’yun ang nakita ko kay Eiron. Ano ba tawag dito? Mano?
“Naparito ka, iho? Hindi mo pala kasama si Eiron?” tanong din ni Mama Wena sa akin. Napakunot ang noo ko sa kaniya.
“Siya po ang pinunta ko rito, nasaan po ba siya?” tanong ko rin pabalik. Bigla akong kinabahan.
“Ay wala siya ngayon. Kasama niya ’yung kaibigan daw niya? Adrian ba ang pangalan nu’n? Gwapong bata rin. Magpupunta silang pampanga dahil may gagawin,” sagot ni Mama Wena na nagpatigil sa akin.
Magkasama silang dalawa…
Itutuloy…
Desire 18
Desire 18: Words
Eiron’s Point of View
Nakarating kami sa resort na nasa Pampanga kung saan daw kami maliligo. Kasama ko ngayon si Lance, Adrian at Brix. Nayaya nila ako dahil may pinagagawa si Adrian sa akin na patapos ko na rin naman kaya kapalit nito ay hinila nila ako rito. Involved lang talaga itong resort which is magandang sample for his project.
Ayaw ko sana pero pinilit nila si Mama at ganoon din si Mama sa akin.
Naalala ko rin na sinabihan nila akong pasamahin si Yuri. Doon ako nataranta kaya napasama na lang ako dahil kailangan ko siyang iwasan.
Bakit nga ba? Nakakainis eh. Basta.
“Eiron,” tawag ni Adrian sa akin. Doon ko napansin na nasa akin na pala ang tingin nila. Nakatulala na naman pala ako.
"Are you ok? Kanina ka pa tahimik," tanong pa nito.
"Ah wala wala. May inisiip lang ako," pagtanggi ko sa kaniya. Tinignan pa ako ni Adrian ng nagtataka pero nagkibit-balikat na siya para makapasok kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at agad na napansin ang lawak nito. May dalawang pool agad akong nakita. May mga naglalakihang slides din at magagandang rooms para sa guest. Malaki ang buong lugar. Maayos din tingnan ang mga cottage, mukhang di tinitipid.
"This is Brix's Resort. Sa kanila 'to noon pa lang. Lagi naming dinadayo kapag bakasyon," ani Adrian. Pinatitinginan pa silang tatlo eh mukhang kilalang-kilala na.
"Pareng Eiron, ayaw mong bumingwit dito ng girlfriend? Dami rito," ani Lance sabay ngisi.
Tumawa lang ako pero hindi ko talaga alam kung matutuwa ako sa joke niya.
"Don't let him encourage you. Babaero 'yan!" ani Brix sabay akbay sa akin.
"Parang ang tino mong tao, ah?" sabat ni Lance sabay tawanan nilang dalawa ni Brix.
“Teka, bakit hindi mo pala sinama si Yuri? Or your other friends? Sayang naman, the more…the merrier,” sabat ni Adrian. Napalunok ako ng mabanggit niya ang pangalan nung isa.
Naalala ko na naman ’yung pagmamakaawa niya. Nakakainis! Nakakadala pero hinding-hindi ako bibigay.
At kung isasama ko pala sila lalo si Dice, baka di lubayan si Brix. Type niya pa rin ata ’to eh.
"Hindi ko macontact eh," sabi ko na lang para iwasan nilang mapag-usapan 'yun.
"Mabuti naman nakasundo mo 'yun, 'no? Nakasuntukan ko 'yun nung 1st year kami eh. Akala ko kasi inagaw niya girlfriend ko pero wala raw siyang pakielam doon sa babae...so basically, it's my fault and that b*tch..." reklamo ni Brix.
"Eh maangas naman 'yun eh. Hinamon ako ng lasing doon sa club kung saan nakatambay 'yung mga kaibigan niya," ani Lance. "Taena, buti pala hindi ka nu'n naiimpluwensiyahan. Masyado kang mabait, pre!"
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi nila.
Ang pinag-uusapan kasi nila ay ang dating Yuri.
“Nabalitaan mo na ba na may dati ’yang close friend? Pero hindi ata taga-Harvey pero nakaaway na namin din. Ano nga ba pangalan nu’n, Adrian?” tanong ni Brix habang nakakunot ang noo sa kaniya.
"Ah, Cedric? Forgot his surname pero alam ko friends nga sila eh. Akala ko nga magboyfriend sila noong una dahil nakita ko pa sila sa bar magkasama," usisa ni Adrian habang nakatingin sa itaas at halatang nag-iisip.
Boyfriend?
"And I think...he's dead," sabat ni Lance. Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Well, 'yun ang sinabi nila sa akin so...I don't know."
So, totoo ang sinabi ni Dice noon sa akin?
Lumingon si Lance sa akin habang naglalakad paatras. “Kilala mo ba siya Eiron? Ang sabi pa nga nila, nasangkot ang pangalan ni Yuri sa case ni Cedric kaya kilala ’yan siya na warfreak. Napatay niya raw kasi—”
"Enough. He's Eiron's friend. And those are just rumors, right? We don't even know if they're true," sabi ni Adrian sabay sulyap sa akin ng may nangangausap na mata. "Sorry about that. We didn't mean any disrespect. We respect your friend."
Nakaramdam naman ako sa hiya dahil baka mag-away pa 'to sila dahil lang doon. "Hmmm, hindi ko rin naman 'yan pinapaniwalaan. Alam kong...hindi niya magagawa 'yun. Tsismis lang naman 'yan."
Natahimik naman kaming apat matapos 'yun. Pero hindi 'yun nagtagal dahil mula sa di kalayuan, sa itaas ay napansin namin ang dalawang bulto ng tao. Sa kilos palang nila, alam kong may kakaiba na.
Lalo na noong tinusok ni Eros ang pisngi ni Drip habang nag-uusap sila ng nakangiti.
"Eros! Drip!" Tawag ni Lance sa kanila. Noong makita nila kami ay kumunot agad ang noo ni Drip sa akin. Habang si Eros...
nakasimangot. As usual.
Pero wala akong pakielam. Ako ang dapat nakasimangot, anong meron at bakit mukhang…sweet na ata sila? Bati na agad?
Yumakap ako agad kay Drip noong malapitan ko ’to. Bwisit talaga at miss na miss ko ang batang ’to eh. Wala na tuloy akong kasama sa bahay. Wala na akong makukulit at makakatabi.
Masaya kasi magkaroon ng nakababatang kapatid kaya laking pasasalamat ko dahil may Drip ako mula noon. Not until lumipat na siya.
Nagulat na lang ako ng may humila sa kaniya mula sa akin. Noong titigan ko si Eros ay nakasimangot na 'to.
Nagseselos ba siya? Parang kaniyang-kaniya talaga si Drip, ah?
“What tf are you doing here?” tanong nito sa akin na ikinangisi ko. Kumpirmado eh.
Napansin ko ang tensyon sa paligid. Lumakad naman si Adrian sa harap ni Eros.
"Don't worry Eros, sinama ko lang siya kasi may project kami sa isang minor subject na kailangan naming tapusin at involved ang lugar 'to roon," sabi ni Adrian.
Pero mukhang hindi ata natinag si Eros. "I do—"
Hinawakan naman ni Drip sa dibdib ito, dahilan para maputol ang sinasabi nito. "H-hayaan mo na. W-wala namang mangyayari kung mag-aaway kayo eh, please?"
Hinawakan naman ni Eros ang kamay ni Drip. "Pasalamat ka..."
Bwisit din talaga ’tong lalaking ’to eh. “Hindi naman ako naparito para makipag-away, Eros. Ginagawa mo lang big deal…bakit? Nagseselos ka ba?”
Nagkatinginan silang lahat sa sinabi ko. Medyo awkward pala ang sinabi ko pero 'yun naman ang totoo eh.
"N-no!" pagtanggi ni Eros.
"Bakit nagagalit ka kung nandito ako?" tanong ko sa kaniya na ikikunot lalo ng noo niya. Tinignan naman niya si Drip na animo'y may ibinubulong sa kaniya.
Maya-maya pa ay kumalma na ito pero hindi pa rin binibitiwan ang kamay ni Drip. Sinundan ko 'yun at noong magkatinginan kami ni Drip ay iniwasan niya ang mga mata ko.
H’wag mong sabihing…tama ang hinala ko?
Kilala ko si Drip kapag nagsisinungaling eh. Kilalang-kilala kaya nalalaman ko agad ang mga sinisikreto niyan sa akin.
"Okay, everyone, calm down. We're here to enjoy a peaceful sembreak after all those stressful review sessions and midterm exams. Whatever issue you have with each other, please set it aside for now, okay?" Ani Adrian.
"Can we put our things first sa rooms natin? Bigat eh," sabat ni Lance.
"Ok, Brix and Lance, kayo magkasama. Kayo rin, Drip and Eros. Eiron's sharing a room with me," paliwanag ni Adrian na ikinatango na lang nila. Sinulyapan ko pa sina Drip at Eros bago sumabay kay Adrian.
"I'm really sorry for how Eros acted. Hindi dapat siya ganon, but I guess he's too jealous," sabi ni Adrian noong papunta kami sa kwarto namin.
"Nagseselos? Bakit? Dahil ba mas close pa rin kami ni Drip? Atsaka wala naman siyang pakielam noon diyan, ah? Pero ngayon...ang weird na talaga ng ibang tao, ano?" sabi ko bago buksan ni Adrian ang pintuan.
Malaki-laki ang kwarto na may two different beds na medyo may kalakihan din. May dalawang closet at isang malaking TV sa gitna na nakadikit sa pader. May banyo rin sa loob at balcony na nahaharangan ng puting kurtina.
"This our room, I hope mag enjoy ka kahit mamaya na ang uwi mo," Nakangiting bati ni Adrian. "Sa left ang bed mo or right?"
"Kaliwa na lang," ang nahihiya kong sabi. Nakakahiya naman talaga dahil hindi naman ako belong sa kanila. Kapatid ako ni Drip pero hindi naman ibig sabihin n'un ililibre na nila ako. Sadyang mapilit lang sila dahil tinulungan ko silang tatlo nila Brix sa projects nila.
Paglapag ko ng bag ko ay ibinigay sa akin ni Adrian ang isang papel. "Oh, password ng wifi. Connect it to your phone."
Noong makita ko ay agad kong iki-nonect 'yun. Kaya naman sunud-sunod naman ang chat sa akin na dumating at ilang notification mula sa ibang apps.
"Well..." Umupo si Adrian sa malambot na kama niya bago lumingon sa akin. "They've been really close these past few days. Nagugulat na lang kami kasi akala namin hindi sila okay pero ayun, magkasama sila halos. Minsan nga kahit nag-iinuman kami eh kasama si Drip. Not that na nag-iinom na rin siya. It's just that, siya ang balance ni Eros kasi hindi na nagpapakalasing 'yung lalaking 'yun. Ayaw raw niyang magalit si Drip sa kaniya."
Kumunot ang noo ko sa narinig at biglang nagpop-up ang chat head ni Yuri.
[9:02 AM]
Yuri: “Why didn’t you tell me na pupunta ka palang pampanga? I need to talk to you.”
Ano namang sasabihin niya? Magso-sorry na naman? Kukulitin na naman niya ako?
Aish…hindi ba niya magets na naiwas na nga ako sa kaniya?…
Siguro nga hindi niya magets.
“Naiisip mo ba ang naiisip ko?” ani Adrian na nagpawala sa iniisip ko.
"Ang alin?" tanong ko para kunwaring nakikinig ako.
"Na umookay na si Eros. Like, nakabuti atang nagkaroon siya ng kapatid, eh? Look at him now? Wala na rin kaming nakikitang babaeng nakayakap o hawak ang kamay niya. Strange...but I think it's good. Mukhang may nililigawan na rin ata kasi may bulaklak siyang hawak minsan eh tapos Ice cream," paliwanag nito.
May kung anong namuo sa dibdib ko noong marinig 'yun.
"Siguro nga. Kaso 'yung ugali niya lang hindi pa rin nagbabago eh," sagot ko na lang at napatingin uli sa cellphone ko dahil tumunog 'yun.
Yuri: “Are you still mad at me? Can we please fix this? I can’t think any other reasons pa kung bakit hindi mo ako kinakausap :(…”
Hindi ko pinansin 'yun dahil mas lalo lang akong
nakokonsensiya. Sinarhan ko ang cellphone at nilagay sa bulsa ko.
"Anyway, shall we go outside? Pinahanda na ni Brix 'yung almusal natin," pagyaya ni Adrian. Noong lumabas kami ay napansin ko agad na tinitignan niya ako.
"Bakit?"
"Is there any reason para mas magtagal ka rito? I mean, we really want to include you in our circle..." pakiusap niya.
Napakamot ako sa ulo ko. "Gusto ko man pero hindi ko talaga maiwanan si Mama eh. Atsaka kailangan ko rin sumideline kasi wala namang pasok."
Maya-maya pa ay napangiti naman siya at tumango. "We understand naman. Sana makasama ka sa susunod. You're a really cool person kasi."
Noong marating namin ang lamesa na malapit sa mga kwarto namin ay nakahanda na rin ang pagkain namin na pinahanda nga talaga ni Brix.
"Thanks, guys," ani Brix ng maihatid ng mga staff ang pagkain. Mabango sa ilong at halatang pangmayaman ang mga dish. Ilan pa rito ay hindi pamilyar sa akin.
Napansin ko naman sina Drip at Eros na halos bulungan kung mag-usap. Medyo malapit pa sa isa't-isa ang mukha nila na gusto kong ipaglayo. Dahil medyo malapit ako sa kanila ay napansin ko ang mga kamay nilang magkahawak.
Sinasabi ko na nga ba! Matyempuhan ko lang talaga ’tong si Eros, kakausapin ko ng lalaki sa lalaki eh.
Nagyaya na rin sila na maligo pagkatapos magsikainan. Pero itong sina Eros umalis at nag-iba ng daan kaya hindi ko maiwasang kutuban. Noong makita namin silang papalayo ay napansin ko rin ang mga kakaibang tinging ipinupukol nila Lance sa kanila.
"Bro things..." ani Lance na pinagbabatukan nila Adrian at Brix.
"Tarantado ka! Nandito si Eiron oh!" ani Adrian na halatang pinipigilang matawa.
"Wala namang kaso sa akin...pero kakausapin ko 'yang si Eros," sabi ko na ikinatahimik nila. "Bakit?"
"Wala, katakot ka pala kapag nakaseryoso," ani Lance. Nagpunta naman na kami sa pool kung saan naliligo rin ang iilan. Nakatingin ang ilan sa amin dahil na rin siguro sa magaganda ang katawan ng mga kasama ko. Halatang alagang gym talaga eh, parang 'yung kay Yuri lang.
Napaismid ako sa naisip.
Bwisit.
Tumunog na naman ang cellphone ko sa bulsa. Speaking of…
Yuri: “I’ll wait for you. Just please, pag-uwi mo mag-usap tayo.”
Doon ako tuluyang napaisip.
Maghihintay siya? Sigurado ba siya? O baka mamaya pagkauwi ko, magbago naman ’yang isip niya.
Hinayaan ko na lang 'yun at itinabi ang cellphone ko sa cottage namin. Mula roon ay naghubad din ako ng t-shirt na suot at sumama sa kanila sa pool.
"You have a really great body, Ron!" puri ni Adrian. "Nag-gym ka rin ba?"
Umiling ako. "Hindi, sa bahay lang ako. Nagwo-workout mag-isa."
"Heyy! Let's take a picture!" ani Lance na may hawak na tripod. Doon nakalagay ang cellphone niya na may case pa ata para hindi mabasa. Hinila naman ako ni Adrian at idinikit sa kanila. Umakbay pa siya kaya talagang magkadikit kami.
Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko, parang kaba na ewan ko. Pakiramdam ko, nakokosensiya ako.
“I will put these pictures on my story and myday,” ani Lance sabay kuha ng phone niya. Noong inupload nga niya ay hindi ko naman inalalang makikita ni Yuri ’yun.
At ano namang pakielam kung makita niya?
“Oh, may nagview agad ah? Wait…Yuri? Tama ba? Siya ba ’tong it’smeyuri?” Tanong ni Lance. Napatingin sila sa akin. Napalunok ako at nagkibit-balikat.
"Hindi ko alam," sagot ko sabay nagkunwaring may kukunin kaya umahon. Noong umahon din si Brix ay saktong dumating si Eros at Drip na may mga ngiti sa mga labi.
"Oh saan naman kayo galing?" Tanong ni Brix sa kanila.
"Pumasyal lang sa Property," sabi ni Eros at tumingin sa akin. Tumango lang siya at binalingan si Drip.
Lumapit naman si Lance at niyaya si Drip. Tinignan ko lang sila at inopen ang cellphone ko. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan lalo na noong makita kong nagnotif agad ang story ni Yuri. Doon ko napansin na nakasando at shorts lang siya at naka mirror selfie habang pawisan ang sandong suot. Suot din niya ang headphone niya. Napalunok ako sa nakita noong flineflex niya pa ang biceps.
Nakita ko rin ang music na ginamit niya sa ibaba ng pangalan ng account niya.
Jealous by Nick Jonas.
Wala naman siyang chat sa akin na nagseselos siya. Siguro nga natauhan ang lalaking ’to. Napakaclingy eh. Pero bakit ako nakokonsensiya?
Naagaw naman ng pansin ko ang tunog ng tubig. Nakita ko nga na nalaglag sa pool sina Lance at Drip. Noong makaahon si Drip ay napansin ko agad ang pula-pulang marka sa dibdib niya na ikinanlaki ng mata ko. Wala na ang t-shirt niya dahil nasa kamay na niya ’yun.
"Oh what a naughty boy! Ohoo!" Hiyaw ni Lance. "Eros, hinawaan mo pala ito!"
Kita ko agad ang pagkagulat ni Drip at Eros.
"Fvck you!" mura ni Eros kay Lance.
Hindi ako makapaniwala. “D-drip? Paano ka nagkaroon ng ganyan?” nagtatakang tanong ko. Nanlaki ang mata ni Drip sa akin at bahagyang napayuko.
Inalalayan naman siya ni Eros habang tinatakpan ang dibdib niya ng damit nito. "Don't ask him that."
Nagpintig ang tainga ko sa narinig.
Wala na naman ba akong karapatang magtanong? “Nagtatanong ako kasi kapatid ko siya, may concern ako sa kanya. Pinababayaan mo ba si siya?”
Bumitaw ito kay Drip at halatang handa akong sugudin.
Hindi ko siya aatrasan, gag* ba siya? “Anong sinabi mo?”
Mabilis namang umawat sina Lance.
"Tama na 'yan, it's my fault kaya please, ako ang dapat managot," ani Lance sa amin.
"Hindi Lance eh, mabuti nga't nakita ko! Kung hindi ko nakita, ano na lang pinaggagawa mo diyan sa kapatid ko?!" sigaw ko kay Eros.
"No I'm not, maybe that's a-allergy!" pagdadahilan ni Eros dahil mukhang huling-huli na siya.
B*bo! Allergy? Ako pa talaga ang lolokohin niya?
“Allergy? Sigurado ka? Hindi ba ’yan hickey? Bakit hindi mukhang pantal? Bakit may specific area?” pambabara ko habang nag-iinit sa galit.
"Well? I don't know?" ang nang-aasar pang sagot ni Eros. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa, nasa harap din namin si Drip na naiiyak na ata sa nangyayari.
“T-tama na, K-kuya Eiron…” ang pag-awat ni Drip sa akin na tila hiyang-hiya na. Tinignan ko siya habang hindi ako makapaniwala. Aba…
“Tama na? Ako pa ngayon, Drip? Bakit pinagtatanggol mo itong kuya mong pabaya? Hindi ba dapat sa kanya ka magalit? Kasi hindi ka niya inaalagaan!”
Tila, nakonsensiya naman si Drip at malapit na maiyak. “K-kuya naman…”
“Tama na ’yan Eiron, Eros. Dapat ok tayo rito. Kaya nga ’di ba nagbakasyon? C’mon guys,” sabat ni Adrian sabay hawak sa balikat ko.
Mas lalong bumigat ang paghinga ko. “Hindi eh, nakakainis lang. Ako na itong nag-aalala, ako pa itong lumalabas na masama!”
"Oh, well maybe it's better to shut your mouth and sit down!" Angal ni Kuya Eros.
Inambahan ko siya sa sobrang pikon ko. Hindi na nila ako napigilan kaya medyo maaabutan ko siya. "P*tang*na mo pala eh! Kapag hindi ka pa tumigil, kukunin ko talaga si Drip sa'yo! At magkamatayan na tayo, hinding hindi ko na siya ilalagay sa poder ng pamilya mo! Atsaka totoo namang pabaya ka ah? Lahat napapabayaan mo, magulang mo nga nababalewala mo 'di ba? Paano pa kaya si Drip?"
Nakita kong namula si Eros. Mukhang may balak siyang sapakin ako kaya sa sobrang gigil ko sa kaniya, ako na ang sumapak sa kaniya.
Pumagitna si Drip sa amin "Kuya tama na please!"
"H'wag mo kong sasabihan ng ganyan, oo noon hindi ako nagiging kuya sa kanya pero hindi na ngayon!" Ang sabi ni Eros at pilit na bawian ako.
"May relasyon kami ni Kuya Eros! Si Kuya Eros ang may gawa ng mga hickeys na 'to!" sigaw ni Drip sa amin at tumakbo na ito paalis.
Mas lalo akong natulala…may relasyon sila? Tama ang hinala ko?
“Drip!” pagtawag ni Eros sa kaniya.
“Tama na Eros! Eiron! Please!” ani Lance. “Kasalanan ko, ok? Tama na. Hindi dapat kayo nag-aaway sa harap ni Drip!”
Si Adrian naman at Brix ay nakakunot ang noo kay Eros. Natauhan naman agad si Adrian at tinapik ako sa balikat. "Susundan ko siya."
Nagkatinginan kami ni Eros na halatang nag-aalala kay Drip. Sabay kaming tumakbo para rin sundan si Drip.
"This is your fault!" sisi ni Eros sa akin. "And my fault too..."
Napatingin ako sa kaniya habang hinahanap namin si Drip dahil mabilis siyang nawala sa paningin namin. "Kasalanan ko? Eh sino ba rito ang may ginagawang kababalaghan kay Drip?"
"Kababalaghan? We did that because we both wanted it! " aniya sabay hinga ng malalim. Inayos niya pa ang nagulong buhok. "We love each other."
Napaseryoso ako. "Ano? Naririnig mo ba 'yang sarili mo? M-magkapatid kayo, Eros!"
Napansin ko na hindi nainis si Eros sa sinabi kong 'yun. Kinagat niya lang ang ibabang labi bago tumango. "We know that...but that's only on the paper. Hindi kami magkadugo. Kaya hindi ko nakikitang mali—"
"Mali 'yan, Eros! Naririnig mo ba ang sarili mo? Ano na lang ang sasabihin nila sa inyo? Paano ang mga magulang mo? Hindi mo alam ang pinapasok mo—"
"Mahal ko siya, Eiron. Mahal ko si Drip, ok? Mahal niya rin ako. Hindi ko siya pinilit. Parehas naming pinag isipan 'to. Hindi ko siya basta-basta nilagay sa sitwasyon na ganito kung hindi siya handa...and I promised him na po-protektahan ko siya," mahinahon na paliwanag niya sa akin.
Hindi ko siya nasagot.
Ganoon ba kapag gusto o mahal mo talaga ang isang tao? Hindi mo iko-consider kung mali ’yun o hindi?
Napansin namin si Drip pero pinigilan ko na lang si Eros na lapitan ’to. Baka kailangan niya ng space, baka nalilito pa siya o may biglang marealized.
Pero hindi rin nakatiis si Eros kaya hinayaan ko na lang siya. Mukhang seryoso si Eros sa kapatid ko kahit anong sabihin ko. Mukhang hindi sila nagbibiro.
Ang tapang nilang dalawa.
Sumunod na lang din ako dahil kinain na rin ako ng konsensiya ko. Ayaw kong magkasamaan kami ng loob ni Drip. Nakita ko namang nag-uusap ang dalawa.
"No, hindi ako galit," sabi ko kay Drip na siyang ikinagulat niya. Napayakap na lang ito na para bang tulad ng dati kapag natatakot siya o nalulungkot.
"Hindi galit si Kuya. Pasensiya na rin, Drip. Pero hindi ko rin kasi alam na kaya pala nagkaroon ka ng ganoon kasi..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil naisip ko bigla si Yuri at ang sinabi nito noong gabing nagrereview kami.
Nakonsensiya kasi ako sa ginawa ko sa kaniya kaya susundan ko siya noon para di na siya umuwi. Pero hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ni Logan.
Iyon na rin ang dahilan kung bakit ko siya mas iniwasan.
“S-sorry Kuya. Ayaw lang namin malaman ng ibang tao ang tungkol sa amin. Siguradong pandidirihan lang nila kami,” ang naluluhang sabi ni Drip kaya hinimas ko ang likuran nito.
"Shhh! Basta kung anong magpapasaya sa'yo," sabi ko kay Drip.
Syempre, hindi ko naman matitiis ang bunso ko kung pagbabawalan ko hindi ba? Tulad nga ng sinabi ni Eros, pinag isipan din naman nila ito ng mabuti.
Tumingin ako kay Eros saglit. Nag-uusap ang mga mata namin kaya naiintindihan ko noong tumango ito.
"Mag-uusap lang kami ng Kuya mo, pwede ba? Maligo ka na sa pool," ang sabi ko kay Drip. Nakinig naman ito sa aming dalawa.
NAKARATING na kaming maynila noong driver ni Adrian pagkatapos ng ilang oras. Pagod ang katawan ko dahil na rin nagkaroon ng kaunting kasiyahan bago makauwi. Idiniretso ko na lang ang byahe sa amin dahil nabalitaan ko na lumabas na sina Mama sa hospital. Mabuti na lang at naiwanan ko pala sa kanila ang buong pera.
Sayang lang at hindi ko sila nasamahan. Nakokonsensiya naman ako. Pero inihatid pala sila ng isa sa mga kakilala nila Aling Gina pauwi rito.
"Salamat, Kuya ah?" sabi ko na siya namang pag ngiti nito. Pagsara ko ng pintuan ay nagsimula akong maglakad mula sa kanto namin.
"Eiron!" pagtawag ng isang tambay sa akin na kakilala ko noon at kababata ko—si Jeremy.
"Oh?"
"Astig mo na ngayon, ah? May pakotse ka na ngayon tapos...may maganda ka pang motor sa inyo," sabi nito habang nakasampay ang t-shirt sa balikat niya. Kumunot ang noo ko.
"Motor? Anong motor? Wala akong motor," sabi ko. Nginuso niya naman ang bahay namin.
"Baka regalo sa'yo ni Aling Rowena? Pahiram minsan ah!" aniya sabay balik sa mga kasamahan niya. Napailing naman ako at nagmadaling maglakad papunta roon. Nang makita ko ang motor ay natigilan ako.
Hindi ko nga siya chinat na pauwi na ako eh pero eto naman siya? At paano niya nalaman ang bahay namin?
Pumasok naman ako at umaasang maling motor ang nakita ko. Pero noong marinig ko ang boses niya habang nakikipagtawanan kina Aling Gina at Mama ay kinabahan ako. Muli akong nagtago.
Hindi ko alam kung papasok pa ba ako o hihintaying makauwi siya.
“Nandiyan na ata si Eiron,” ani Aling Gina. Napapikit naman ako at tuluyang nagpakita sa kanila. Napansin kong napatayo si Yuri at tinignan ako kaagad. Iniwasan ko ’yung mga mata niya at nagkunwaring hindi siya napansin.
Nagmano ako sa dalawang matanda.
"Akala ko bukas ka pa eh. Dito ko na sana papatulugin ang kaibigan mo dahil kanina ka pa hinihintay. Hindi ka man lang sumasagot sa text ko o sa kaniya," ani Mama na tila nagtatampo. "Ganoon ka ba kabusy anak?"
Napabuntong-hininga ako. "Sorry, Ma. A-ah ilagay ko lang 'tong gamit ko sa loob ng kwarto."
"Bilisan mo riyan at sabayang kumain si Yuri. Siya ang bumili nitong pagkain natin," sabi ni Mama.
Gusto kong tumanggi pero alam kong magtatampo pa rin si Mama.
Binagalan ko na lang ang paglagay sa kwarto habang kinakabahan dahil hindi ko na talaga maiiwasan si Yuri sa pagkakataong ’to.
Noong lumabas ako ay napansin ko siyang naghihintay pa rin at kunwaring nanonood ng TV.
"Eiron, kumain na kayo sa kusina. Sige na," sabi ni Mama.
"Opo," ang sagot ko na lang at nauna sa kusina. Nakita ko namang sumunod si Yuri at umupo sa tabi ko. Jollibee ang binili nito para sa akin. Napansin ko rin ang gulay na paniguradong kinain nila Mama dahil hindi siya pe-pwede ng fast food.
"A-ah...Eiron," ang pabulong na pagtawag niya sa akin.
Hindi ko siya tinignan. "Bakit hindi ka nagpaparty ngayon? Sembreak ngayon, ah? Wala rin tayong session."
"Can we talk? Please? Stop avoiding me... it's killing me," sabi nito sa nakikiusap na boses. Automatic akong napatingin ang mga mata ko at nakita ang mga mata niyang...
nasasaktan.
Napalunok ako at nagsimula na ring kainin ng konsensiya.
“Anong p-pinagsasabi mo? Hindi naman kita iniiwasan, tulad ng sinasabi ko…busy rin ako,” sabi ko na lang. “Kumain na rin tayo at baka gabihin ka pa sa daan.”
"Eiron, please?" aniya at sinubukang kunin ang kamay ko. Hindi ako nakagalaw ng tuluyang makadikit ang palad niya sa balat ko.
Noong maramdaman ko ’yun ay parang nakawala ako sa pagkakabato ko simula pa lang noong narinig ko sa kaniya ’yung mga salitang hindi ko akalaing lalabas sa bibig niya.
“I promise, k-kokontrolin ko na ang sarili ko. Kahit nagseselos ako hindi na ako manununtok o mananakit. Just please bumalik na tayo sa dati,” paliwanag niya sabay sandal ng noo niya sa balikat ko.
Napakagat ako ng ibabang labi dahil alam kong sincere na siyang nasasaktan dahil sa akin.
"Bakit...hindi mo subukang bumalik ka sa dati? Yung hindi ganito ka-komportable sa akin?" sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko. "Ang ibig kong sabihin, 'yung mabait na Yuri pero hindi 'yung clingy..."
"What do you mean by that? A-ayaw mong ganito tayo?" ang nagtatakang tanong niya bago siya mag-angat ng ulo. Napansin kong namumula ang paligid ng mga mata niya.
Iniwasan ko 'yun.
"B-bakit ayaw mong maging komportable tayo sa isa't-isa? Akala ko ba...nag-eenjoy ka? Kasi ako oo eh. Nag-eenjoy ako. Nahanap ko na kasi 'yung peace and comfort person ko," ani Yuri.
"May iba kang mga kaibigan, Yuri. Hindi ba sila ang comfort mo?"
Umiling siya. "Comfort, pero iba ka sa lahat, Eiron. Ibang-iba ka..."
Hindi ako nakasagot. Nagsimula na naman kasing dumagundong ang puso ko na siyang ayaw na ayaw kong
mangyari.
“You made me soft, Eiron. You found the real Yuri in the middle of the sea of my emotions and grief. You’re different…kasi bukod kay Mama, ikaw lang ang nakagawa nu’n,” dagdag niya sa warm voice. Para akong nadadala sa mga sinasabi nito.
"I found you in my chaotic world, and you made me realize that being happy isn't so bad after all. I thought all I needed was silence, but then I found you," aniya. Nanlalambot akong napasandal sa upuan ko.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Yuri. Baka malamang sa malamang, napapasaya lang kita dahil naiintindihan ko ang sitwasyon mo," sabi ko pa.
"I like you, Eiron," sabi niya na lang ng hindi pinapansin ang pagpoprotesta ko.
Mas lalo akong nawalan ng lakas.
Ibang-iba kapag sa kaniya pala nanggaling at sa harap ko mismo sinabi.
“I know it’s weird, but… that’s just how I feel. And I don’t care that we’re both men or that we’re the same gender. Ang alam ko lang eh gusto kita,” sabi pa nito. Napatingin ako sa kaniya.
Parang sumisikip ang dibdib ko noong marinig 'yun.
Pero ang utak ko, ayaw maniwala sa kaniya.
“Hindi, kalokohan lang ’yan. Walang pagmamahal. Baka nga hindi magtagal, marealized mo na mali ’yang nararamdaman mo,” sagot ko na lang. “Kumain ka na lang at umuwi sa inyo after.”
"Eiron naman..."
Dyan, dyan sa ganyan ako mas lalong nahihila. Pero mahirap kung puso at utak mo ang magkalaban.
“Magkaibigan lang tayo, Yuri. Sigurado akong hindi ka pa sure sa nararamdaman mo dahil babae ang gusto mo. Nakita ko ’yun noon. At dapat kung hanggang saan lang tayo, doon lang dapat,” paliwanag ko sabay tayo. ’Sorry, nawalan ako ng gana kumain.“
Tumayo rin siya. May nakita akong luhang tumulo sa kaniyang kanang mata. "Pero hindi naman tayo ang pipili kung sinong magugustuhan natin, 'di ba? Kaya kahit ako nagugulat pa rin eh. Kasi masaya naman na akong magkaibigan lang tayo. Pero, Eiron nandito ako...nasa tabi mo, umaamin sa'yo kasi hindi ko na matago eh. At wala na akong pakielam kung ano mang sabihin ng iba kasi alam ko lang, gusto kita at masaya ako kapag nandyan ka."
Para akong sasabog sa sobrang gulo ng isip at puso ko.
Bahala na. “Kaya nga kita iniiwasan eh, dahil hindi ko masusuklian ’yan, Yuri.”
Napansin kong bumagsak ang dalawang balikat niya. "And why? Huh? Do you like Adrian? May iba kang gusto?"
Umiling ako. "Hindi..."
"That's okay. I-I can accept it. But that doesn't mean I'll give up on you. I'll keep courting you, and I'll do everything I can to prove that my feelings are real, na sincere talaga ang nararamdaman ko," lakas loob na sabi niya na ikina iling ko pa lalo.
"Please? Please let me court you. Kahit...kahit iba ang gusto mo sa ngayon. At least just give me a chance na patunayan din ang sarili ko..."
Pinigilan kong maging emosyonal sa mga oras na 'yun. "Umuwi ka na. Hindi mo alam ang sinasabi mo ngayon. Pagod ako, pagod ka, pagod tayong lahat."
"Eiron please..."
"Hindi nga sabi eh!" ang medyo naiinis kong sabi. "Wala akong ibang gusto, Yuri! Dahil wala sa isip ko 'yan! Nakita mo ba ang mama ko? Nakita mo ang kalagayan ko? Sa tingin mo ba may lugar pa 'yan sa akin? Wala. Wala na. Hindi na rin naman ako naniniwala sa mga ganyan dahil sa panahon ngayon, bihira na lang ang mga nagtatagal sa mga relasyon. Kaya imbes na aksayahin ko ang oras ko sa mga pagmamahal o gusto na 'yan, mas gugustuhin kong maghanapbuhay o magsumikap dahil may mga kailangan akong gawin sa buhay! K-kailangan ako ng mama ko!" paliwanag ko. Nakita kong nasaktan siya sa lahat ng sinabi ko.
Mabuti ’yan. Kaysa…umasa pa siya lalo.
“Fine…” ang namamaos niyang sabi sabay mabilis na pinunasan ang mata. “If that’s what you want…I’m sorry kung naistorbo pa kita.”
Umalis naman siya ng mahinahon. Narinig ko pa na nagpaalam siya kay Mama at Aling Gina ng maayos bago ko marinig ang motor niyang mabilis na umalis.
Huminga akong malalim at nagligpit na lang ng mga pagkain sa lamesa.
Napansin ko naman si Mama na nakatitig sa akin habang naglalakad.
"Ma...matulog na ho kayo. Hindi magandang palakad-lakad kayo," sabi ko at tumalikod na lang. Iniwasan kong makita niya ang mga mata ko.
"Eiron, anak..." ang nanghihing sabi niya. "Narinig ko ang lahat."
Huminga akong malalim. "Pasensiya na po. May tampuhan lang talaga kami ni Yuri pero h'wag kayong mag-alala. Ganoon lang talaga 'yun."
"Bakit, anak? Bakit mo sinabi sa kaniya na kalokohan lang ang nararamdaman niya sa'yo?" tanong pa ni Mama. Napatigil ako.
"Ma, hindi naman—"
"Hindi mo kailangang itanggi. Hindi ako bingi. Iniiwasan mo siya. Halata sa mga mata mo," dagdag niya pa. Hindi na ako nakapagsalita. "A-anak, hindi mo dapat sinabing...kalokohan ang nararamdaman mo sa kaniya."
"Bakit Ma? Paano niyo ho nasabi? Naglaganap ang mga manloloko ngayong araw."
"At hindi siya isa roon," aniya. "Humarap ka nga sa akin."
Hindi ko pwedeng suwayin si Mama kaya lakas-loob ko siyang hinarap. Napansin ko ang kaseryosohan niya. "Nakausap ko si Yuri, anak. Ipinagtapat niya lahat sa akin. Lahat-lahat. N-nalilito rin siya tulad mo. Pero ang kaibahan niyo lang, siya nalinawan na."
Itinikom ko ang aking bibig.
"Gusto ka ni Yuri. Hindi ko mababago 'yun. Hindi mo rin mababago 'yun, pwera n-na lang kung k-kakalimutan ka niya," sabi pa nito. Kung maayos lang siguro si Mama, baka napalo niya na ako sa sinabi ko kanina.
Pero mas pinili niya ang maging kalmado.
"Hindi ko po siya...gusto, ma eh," pagtanggi ko.
"Hindi ko naman pinipilit, anak. Ikaw ang nakakaalam niyan dahil may sarili ka namang damdamin. P-pero hindi tama na pagsabihan mo siya ng m-masakit na salita dahil lang sa ayaw mo sa kanya..."
Eto na naman po tayo…alam ko namang mali ako eh. Pero mapilit ang isang ’yun.
“Siya ang naghatid sa amin dito kanina. Siya rin ang bayad nung kulang natin sa hospital. Napakabait niya hindi ba? Hindi dahil sa marami siyang pera, pero handa siyang tumulong sa kaibigan niya…at nakita mo kung paano siya nasaktan nang dahil lang sa emosyon ang pinairal mo kanina,” paliwanag ni Mama na ikinagulat ko.
"Ano—"
"H'wag mong masamain. Siya ang nagpumilit. Kahit ayoko rin pero ang sabi niya ayos lang," sabi ni Mama sabay himas sa buhok ko.
"Hindi ako tutol kung hindi mo gusto si Yuri dahil masama ang pagpupumilit. Pero tutol ako kung igugugol mo lang ang buong buhay mo anak sa pagtatrabaho dahil lang sa akin. Hindi tama na sayangin mo ang buhay mo dahil lang sa kailangan mo akong tulungan. Hindi mo naman trabaho 'yun eh."
Napapikit ako.
Ayokong kumawala ang emosyon ko ngayon . “Ma, ilang beses ko po bang sasabihin na ayos nga lang po eh. May mga kaibigan naman po ako, oh ’di ba? Nagsasaya naman ako kasama sila kahit papaano.”
Nakita kong naluha si Mama. Bumagsak ang luha sa pisngi niya na ikinalungkot ko. "Sana lang pakinggan mo rin ang puso mo. Mahal kita anak, kaya kaligayahan mo ang mahalaga sa akin. Gugustuhin ko ring makita kang nasa kamay ng tao na alam kong hindi ka pababayaan kahit kaya mo naman ang sarili mo."
Pinunasan ko ang luha niya sa mata dahil nahahawa ako sa kaniya. "H'wag nga po kayong magsalita ng ganyan."
"Hindi anak..." Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. "Alam naman nating mawawala ako, hindi ba? Kahit anong sabihin natin, hindi na magbago 'yung katotohanan na—"
"Ma ano ba!" ang pagkontra ko at tuluyan ng sumabog ang emosyon ko. Sunod-sunod na luha ang tumulo sa pisngi ko ng marinig 'yun.
"Anak..." hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Pasayahin mo ang sarili mo. Hindi mo kailangang ilubog ang sarili mo para lang mapabuti ako dahil wala naman akong ibang pupuntahan...at kung may papatunayan ka, sapat na naman na 'yung nandiyan ka at inalagaan ako, inalagaan ang sarili mo. Wala na akong hihilinging iba..."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sobrang nalulunod ako sa kalungkutan at inis
. Kung kaya kong baguhin ang lahat eh, uunahin ko ang sakit ni Mama na pawalain.
Itutuloy…
Desire 19
Desire 19: Broken
Yuri’s Point of View
Nakalimutan ko atang walang kasabay sa daan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko sa motor ko. I couldn’t hear the commotion on my surrounding dahil busy ako sa kakapigil sa luha kong tumulo. Dmn it! Dmn you, Yuri! Lakas ng loob mo kasing pinuntahan eh! Ayan!
Double kill pa ata ako kasi imbes na mamotivate, ayun nagselos pa at nalungkot. Una, hindi na nga siya nagpaalam o nagsabi sa akin na pupunta silang pampanga, tapos makikita ko pa sa story ni Lance na magkadikit sila ni Adrian?
Bakit doon, wala siyang arte? Pero sa akin? Parang kulang na lang ayaw na niyang dumikit? Ano bang meron kay Adrian na wala ako? Gwapo rin naman ako, ah?
Pero sinabi naman na niya ang dahilan,’di ba? Wala siyang ibang gusto? Hindi ako, hindi si Adrian…at hindi niya priority ang magkaroon ng relationship.
Kaso ang sakit, eh. Naiintindihan ko naman siya pero…akala ko kasi ganoon din ang nararamdaman niya sa akin. Aware naman na ako na nag-assume lang talaga ako, pero ’yung pakiramdam na kapag kaming dalawa lang…parang solo namin ’yung mundo. Parang wala akong pakielam sa mga taong may negative thoughts o may masamang iniisip sa akin.
But I was wrong. Ako lang pala ang nag-iisip nu’n. Ako lang pala ang nadala ng mga moments namin.
Lumalabo na ang paningin ko. Mabuti na lang at inihinto ko agad sa pier para roon magpahangin at magpahupa ng emosyon. Bumili pa ako ng marami alak kanina bago bumiyahe.
T*ngina, talo na naman tayo. Lagi na lang.
Umupo ako sa motor ko habang mabilis na binuksan ang bote. Tumingin pa ako sa langit at itinaas ang hawak.
"Sensiya na, ma. Broken anak mo, eh," sabi ko sabay lagok nu'n.
Ang pait! Pero mas mapait pa ata ’yung marinig ko kay Eiron na parang pinagsisisihan niyang naging close pa kami. Na medyo nagbago ako para sa kaniya. Bonus na nga roon na naging close ko ang circle niya at naging close niya ang circle ko.
“Ma, bakit ganoon? A-akala ko ba may hope pa? Ayaw na sa akin ni Eiron, eh…” bulong ko pa. Sana naririnig niya ako. Wala akong mayakap, hanep…
“Pangit ba ako, Ma? Akala ko ba k-kapag gwapo…maraming nagkakagusto? Bakit si Eiron nireject ako?” tanong ko pa sa hangin. Wala nga palang sasagot sa akin.
“Fvck it…” sabi ko sabay lagok uli ng iniinom. Noong mapatingin ako sa madilim na langit ulit, naalala ko na naman ’yung mukha ni Eiron dito sa pier habang natatamaan ng street light. Yung thick eyebrows niya sabayan mo pa ng thin and pink lips, greek and straight nose tapos malumanay niyang mga hazel nuts na mga mata. Kahit ganoon ang lighting noong una ko siyang makita rito ay napakagwapo niya pa rin.
Napapikit ako.
Bakit hindi kita makalimutan? Bakit ganoon pa rin ang tingin ko sa’yo kahit nireject mo ako?
I swallowed my emotion, umaasa na baka madala ’yun sa paglunok-lunok lang. Pero lalo lang sumasakit habang bumabalik sa akin ang mga salita niya. I can’t deny it, it made me cry even though I’m such a strong person. Tngin, sa lahat ng taong nanakit sa akin, kay Eiron lang talaga ako parang sukong-suko.
I hate him, I hate myself. Nagbago si Yuri dahil kay Eiron. Nagpakita si Yuri ng soft side niya na never na nakita ninoman, except sa mother niya. I don’t want to feel guilty about it, but maybe I need to because this feeling isn’t going anywhere. I need to face the reality which is, I have to move on with my own life. Bumalik siguro sa dati? Mas masaya siguro ’yun.
Pero bakit kumokontra ang puso ko ngayon sa ideyang ’yun?
Sinuot ko bigla ang headphone at plinay ang isang audio na ako lang naman ang nakikinig. It's just a static audio na ayaw na ayaw marinig ng karamihan. Maingay, chaotic, masakit sa tainga at wala namang makukuhang kahit na ano. But for me, it makes me feel peaceful and calm. Eto 'yung nagpapabago ng mood ko bago ko pa madiscover ang pier.
Don't get me wrong, masaya naman dito sa pier dahil tahimik. But how am I supposed to consider this my favorite place when it reminds me of Eiron? Our moments together, at kung papaano nagsimula ang pagkakaibigan namin?
T*ngina, magsisisi ba ako na nakita ko pa siya nung time na ’yun at pinansin?
I kept this place like my own place na, pero binigay rin nito ’yung false hope na akala ko magpapabago na ng tuluyan sa buhay ko.
Ahhh, fuck it. Sobrang sakit!
Biglang tumunog ang cellphone ko. Ayaw ko sanang kunin ’yun dahil tinatamad ako pero kusang gumalaw ang aking kamay. Binuksan ko ito at nakita agad ang chat notification mula kay Rafael.
Rafael: “Shot?”
Ayoko sanang magreply, pero I feel like I need to leave this place. I need to go somewhere.
"Yeah, maybe I need to have some...fun. I guess?" Bulong ko sa sarili saka tinapon ang iniinom sa malapit na trash bin. Sumakay ako sa motor at huminga ng malalim.
I need an old Yuri, the chaotic one.
Yuri: “Which club?”
Pagpunta ko sa sinabing club ni Rafael ay naabutan ko silang tatlo na kakaupo lang habang hawak ang mga alak na inorder nila. Nasa medyo malayo kaming part kaya medyo mahina ang music. Noong makita nila ako ay parang nagtaka pa sila sa itsura ko. Ewan ko kung anong mali sa akin pero pakiramdam ko, may alam na sila.
Ganoon ba ako kahalata?
"Hey, why the long face?" tanong kaagad ni Logan noong makaupo rin ako. I took the whole bottle of Hennessy XO na nasa lamesa at agad na binuksan.
"Broken ba?" rinig kong usisa ni Rafael sa kanila.
"No, I'm not..." sagot ko na ikinagulat nila. "Namiss ko lang uminom talaga ng alak."
"Communicate with us, Yuri. Makikinig kami. Si Eiron pa rin ba 'yan?" tanong pa ni Simone na hindi ko na sinagot dahil walang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Pumikit ako at ninamnam ang alak sa bibig ko.
"Baka may ibang problema? Nakita ko sa story ni Lance na kasama nila si Eiron, eh? Kaya for sure, tatay na naman niya ang dahilan," ani Rafael. Hindi ko na lang sila pinansin.
Tss, I thought magiging okay ako kapag nasa iba akong lugar. Hindi ko akalain na mas maaalala ko pa pala siya rito.
“Hmmm? Yuri? Nag-away na naman ba kayo? Baka about sa story nung Lance?” sabat ni Logan. Lol, magsama pa sila.
Though, sinabi naman na ni Eiron na wala siyang interest na magkagusto sa iba.
Or sinabi niya lang ’yun para hindi na ako mag-isip? Hindi rin malabo dahil gwapo si Adrian, matalino katulad niya at siguro magkasing humor sila. Hays…
“No no, bakit ako magseselos? Edi magsama sila nung Adrian,” sagot ko agad na ikinatahimik nila. Umupo ako ng maayos.
"Wala lang 'to. I can shake this off with this alcohol," dagdag ko pa.
"Are you...sure?" ani Rafael.
Tinignan ko siya ng matalim. "Bakit hindi?"
"Kasi halata ka? Hindi ka naman magiging ganyan kung about sa babae 'yan o ibang tao. Wala ka ngang interest sa iba 'di ba? Except Eiron..." direktang sabi ni Logan habang pinapaikot ang alak sa kaniyang baso.
Direkta ring nakatingin sa akin ang mga mata niya na tila sinasabing tama siya ng iniisip. I just shrugged my shoulders at itinaas ang hawak ko.
"Well?" ang hindi makapag hintay na sabi ni Simone.
"Well what?" tanong ko ring pabalik. Napanguso si Simone sa akin.
"Sabihin mo na nga kasi. Nag-usap na ba kayo ni Eiron? Nag-away ba kayo uli?" ang naiinip ding sabat ni Rafael habang nakakunot ang noo.
Napalunok ako pero hindi ko pinahalata. I just look at them with my cold eyes. "He said he regrets becoming my friend."
Nagkatinginan sila.
"What's the reason? Nagselos ka na naman 'no? Hindi mo na naman nakontrol 'yang sarili mo?" nagtatakang tanong ni Logan.
Napangisi ako. "Yeah...nagselos ako, but...that's not the reason."
"Then, what?" ani Simone na medyo umusog sa tabi ko.
Napailing ako at binaba ang hawak na bote dahil nangalay ako ng kaunti. "He...rejected me."
Nanlaki ang mata ni Logan habang napaismid si Rafael. Wala namang reaksyon si Simone pero nakatitig lang siya sa akin bago ibaba ang mga mata sa alak na ininuman ko.
Biglang kumunot ang noo ni Simone. "R-really? I-I mean...what do you mean he rejected you?"
"Simple. I like him. He rejected me," sagot ko uli.
"Ah...gusto mo—Gusto mo siya? Talaga? Nafigure out mo?" nanlalaking tanong ni Rafael. "I mean...nagseselos ka eh so I thought gusto mo na siya."
"Finally...but what's his problem? I mean, you two are friends. Mas magkilala pa nga ata kayo kaysa sa amin na ilang years mo ng kaibigan," sabat ni Simone.
Siniko ni Rafael ito. "Ano ka ba? Baka ayaw sa bad boy? Matalino si Eiron, baka mataas ang standard."
Tumawa lang kaming tatlo, but really...
sana nga ganoon lang ang rason niya. Ang hirap kasi na ang against lang sa amin ay ang status niya sa buhay. Kahit nagbeg na ako kanina eh nabalewala lang. Priorities ang usapan dito at palakihan ng timbang ang labanan. Wala naman akong kontra pero wala rin akong magagawa…
“Edi ’yung Adrian nga siguro?” dagdag ni Rafael. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Eh 'di ba? Matalino rin 'yun? I mean...sumasali 'yun sa mga academic contests noon pa. Kaya matalino rin," ani Simone.
"Shut up, morons! Do you think...papayagan kong maging sila kung 'yan talaga ang reason niya? What am I? Weak? Duh?" naiinis na sagot ko sa kanila. Natawa sila at nag apiran pa.
"Yan! Bumabalik na si Yuri!' ani Rafael na nakangisi, pero agad ding nawala 'yun noong may narealized. "But...what's his reason ba raw talaga?"
Nagkibit-balikat akong muli.
Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ’yung tanong na ’yun.
"So, anong plano mo?" pagsabat ni Logan. Sumandal siya sa kinauupuan niya.
"I used my ace already, wala na akong ibang magagawa pa. Kung ayaw niya sa akin...then, don't," sabi ko ng dahan-dahang nawawalan ng gana.
"That's it? That's it?" ani Logan habang nakataas ang mga kilay sa akin. Tumayo pa ito at tumabi rin sa akin. "Gag* ka ba, Yuri?"
Napakunot ang noo ko. "What was that?"
"Ang sabi ko, gag* ka. Ganoon ka na lang ba kahina?" saad nito na mas ikinagulo ng isip ko.
"Whatever..."
"Gusto mo ba talaga si Eiron?" pag-ulit ni Logan na hindi ko na rin natiis.
"Oo? Ewan? Baka tama nga siya? Baka nagbibiro lang ako. Maybe I'm just comfortable with him. Na-mix ko lang ang feelings ko since I didn't know the differences," paliwanag ko. Nakita ko na naiinis na siya dahil sa sinabi ko.
"Bakit mo siya susukuan? Kung gusto mo siya, bakit hindi mo muna patunayan? Take a shot, man," sagot nito sa akin ng may iritadong boses.
"Oh yeah, I told him about that but still, he rejected me," sabi ko bago uminom. "Ayoko nang kulitin pa siya, Logan. Kung ayaw niya, ayaw niya."
Napabuntong-hininga si Logan. "Hindi ko namang sinabing kulitin mo siya eh. You just have to make some effort ng hindi mo siya pinipilit. Syempre, you have to be sincere about tha—"
"I don't know, bro," pagputol ko sa sinasabi niya. "Maybe...he's right. Maybe naguluhan lang talaga ako. Maybe nahanap ko lang sa kaniya 'yung comfort and love na...hindi ko na naramdaman after my mother died."
Hindi na nakapagsalita ang tatlo matapos kong sabihin 'yun. Miski ako, parang natauhan. Nawalan ako ng boses at salita.
"Ahmm...so what are you gonna do now? May session kayo, right?" ang seryosong tanong ni Simone matapos ng ilang minutong pananahimik naming apat.
"I don't know...he still needs money, ipagpapatuloy pa rin siguro? But I need to...or we need to be civil siguro hanggang mawala 'yung ilang," malumanay na sabi ko dahil ayaw ko namang kalimutan ang nanay niya. Mabait kasi ito at alam kong siya rin ang rason kung bakit matatag pa rin si Eiron.
I want set aside my issue from Eiron dahil sinabi niya kung anong barrier ang mayroon kung bakit hindi niya magawang maglagay ng space for me, for relationship and for those things na sa tingin niya ay hindi worth it ng oras niya.
"That's...good..." ang awkward na sabi ni Logan. Naintindihan na siguro niya kung bakit hindi ko na pinipilit.
Kahit na gustong-gusto ko…wala naman akong magagawa.
Inakbayan ako ni Rafael. “Wait, are you gay?”
Napatingin ako sa kaniya at bahgyang lumayo.
Now ko lang na realized, oo nga ’no? I never thought about it. Hindi ko na pinag-isipan pa ’yun dahil masyado akong focus kay Eiron, sa feelings ko at sa buhay ko. But, is it really important?
“I don’t know—”
"Edi gay ka nga? Nagustuhan mo si Eiron. Nagkagusto ka sa lalaki—"
"That's not important," pamumutol ko kay Rafael. "His mother told me that love doesn't see gender. It doesn't matter whether you're a man or a woman. If you're in love, if you truly like someone, then go for it. You can't tell your heart who it's allowed to like or love."
Kumunot sandali ang noo ni Rafael tapos ay tumango lang ito at uminom.
"But, what's your gender identity?" Pagsabat ni Simone.
"I'm confused. Isa pa, hindi ko rin naman inisip 'yan noong time na nabubuo ang feelings ko sa kaniya," sagot ko sabay tingin sa paligid. Bigla akong napansin na babaeng nakatingin din sa akin. Her friends laugh at her. May mga sinasabi ang mga ito na nagpapangiti sa kaniya.
I looked away because of the guilt. Parang pakiramdam ko...
sinasaktan ko si Eiron
kahit wala namang kami.
Inabutan ako ng finger food ni Simone na nasa plato. "But what if...hindi ka nga sure sa feelings mo? Why not i-try mo? Para hindi ka nasasaktan sa rejection. Malay mo kasi tama pala siya?"
"How? Kumausap ako ng iba?" ang takang tanong ko.
"Oo, bro! Kausapin mo 'yung chicks doon oh? Mukhang gusto ka ata eh. Kanina ka pa naman tinitignan," sabi ni Rafael habang tinatapik ang likod ko. Umiling ako.
"Nope."
"Dali na!!" pangungulit ni Rafael.
"Ayoko, parang gagamit lang ako ng ibang tao," sabi ko sa kanila sabay taas ng dalawa kong kamay.
"Hindi 'yan, usap lang naman. Walang attachment. For sure, fling lang naman gusto niyan," ani Simone.
"Guys, don't force him—"
"Shut up ka muna, Logan. Itatry lang naman eh. Malay mo 'di ba? At least, maaayos niyo ni Eiron 'yung nangyari kung papatunayan mong totoo ang sinasabi niya," pagsabat ni Rafael.
Napabuntong-hininga ako. "Fine! Fine! Just don't tease me, ok? Mind your own business."
"Oo na!!" tinulak ako ni Rafael kaya napunta ako malapit sa table nung mga babae. Nagtilian pa sila at tinulak din 'yung babaeng kanina pa nakatitig sa akin.
"Guys stop it..." pabulong niyang sabi sabay ngiti sa akin. "Hi...Kisha nga pala, you're Yuri...right?"
Ngumiti ako pero hindi genuine. "Yeah, that's my name. How did you know?"
Tumawa siya ng mahinhin. "You're popular in our university. Atsaka, kasama ka sa grupo nila Rafael so...why not? Follower mo rin kaya ako sa insta mo."
Napakamot ako sa batok ko. Hindi ako sanay sa formal na usapan pagdating sa ibang tao. Mas sanay ako sa fast phasing since mga ilang nakasama ko noon sa bar and club ay isang gabi lang naman. "Ah..."
"So, I heard na you're single since 1st year? Are you waiting for someone or...looking for the right one?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit pa sa akin.
Waiting for someone? Maybe…kaso hindi ko ata siya makukuha. Walang kasiguraduhan.
“No, hindi lang talaga interested,” sabi ko na lang. Tumingin siya sa pang couple na lamesa.
"Let's go there and order something for us?" alok niya na ikinatango ko na lang kahit medyo naiilang ako.
Pagkaupo namin ay agad niyang tinawag ang isang waiter. Sumenyas lang ito nang hindi ako tinatanong kung anong gusto ko. Noong tingnan ko ang lamesa nila Rafael ay kasama na nito ang iilang kasama ni Kisha. Pero pinapanood pa nila ako habang sumesenyas na hawakan ang kamay nito.
Hinarap ko na lang si Kisha na kanina pa pala ako pinapanood. Ngumiti siya ng matamis. "So, why are you not interested? You look so handsome kaya? Dati pa kita kilala eh. Kaso you're quiet masungit daw and bad boy."
"I am," sagot ko agad ng seryoso. "And I just don't know...hindi ko lang siguro gusto 'yang mga ganyan noon. Dagdag lang sa isipin. Baka magloko rin kasi, sayang sa oras."
Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Oh? Manloloko? But...your friends are womanizers? Playboys. Kilalang-kilala na 'yang grupo niyo sa ginagawa niyo."
Kumunot ang noo ko at tila nakaramdam ng pag-iinit. "So? Dahil ba kasama ko sila eh ganoon na rin ako?"
"Maybe? Lahat ng lalaki ganoon—"
Mas lalo akong nainis. "Ah, so you're father? Cousin? Uncles and even your siblings na lalaki ay babaero?"
Bigla siyang napasandal sa narinig. "A-ah...I never said—"
"Sabi mo, lahat ng lalaki?" kumunot ang noo ko. "Right? Hindi naman ako bingi."
"Sorry. That's not what I meant, ok? I'm just pointing out na ganoon ang mga friends mo kaya nagulat din ako na hindi ka pala kasama sa kanila," aniya sabay kagat ng ibabang labi niya.
Gusto ko mang makonsensiya pero nawalan talaga ako ng gana. Tinaas ko ang dalawa kong kamay. "Yeah, I get that."
"Wait...are you—"
Naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay pero mabilis kong binawi 'yun. "Yes, I'm leaving. I don't think we're on the same vibes."
"No, Yuri!" pagtawag niya pa. Napatingin sina Logan sa akin.
"What happened?" tanong ni Simone.
"Uuwi na ako. Pagod talaga ako," sabi ko pa. Paglabas ko at pagkarating sa parking lot ay may humawak sa balikat ko. Doon ko napansin si Kisha na may nangingiusap na mga mata.
"I'm sorry if I offended you, okay? I didn't mean to. I guess... I just didn't trust you or your friends. But now I know better, hindi dapat kita jinudge agad," aniya. Hindi ko siya sinagot at hinanda ang helmet ko.
"Yuri..." pagtawag niya sa akin. Naramdaman niya ang paghawak sa baba ko at iniharap sa kaniya.
And then...
she kissed me.
Gusto ko siyang itulak, manlaban at makawala roon. Dahil pakiramdam ko, nagchi-cheat ako kay Eiron.
Fvckk…
Pero noong idinilat ko ang mga mata ko, agad kong napansin si Eiron ang nasa harap ko instead na si Kisha. Agad kong nakita ang imahe niya, na siya ang humahalik sa akin. Pakiramdam ko, labi niya ang sumasakop sa akin ngayon.
Pakiramdam ko, kamay niya ang nakapalupot sa leeg ko.
Hinawakan ko ang bewang niya habang pabilis ng pabilis ang mga tibok ng puso ko. Para akong inuuto ng sarili kong puso’t isip.
Tngin ang lakas mo talaga sa akin, Eiron.
Naramdaman ko ang pagsandal sa akin nito sa pader habang dahan-dahan niyang ina-unbuckle ang belt ko. Noong bumitaw siya sa halik ko ay nakita ko pa rin si Eiron. His eyes…and his lips are seducing me.
Namuo sa dibdib ko ang unfamiliar na feeling. I cupped his face and kissed him again. But this time, there was nothing gentle about it. Ako ang dominant.
Hindi niya alam kung anong klaseng droga ang nasa katawan ko para gawin ang mga ganitong bagay.
Noong bumaba ang halik niya sa leeg ko ay napapikit ako. Sa lahat ng naka make out ko, ngayon ko lang naramdaman ang excitement. Para akong sinapian ng demonyo.
Tumingala ako ng lumandas ang dila niya sa collar bones ko. Ang galing niya because he made me hard, like super hard. Halos bumakat at kumawala na ang alaga ko sa suot kong pants.
Hinimas niya 'yun kaya napatingin ako sa kaniya.
"You're hard... Let's get a hotel room?" alok niya. Napahawak ako sa buhok niya and tumango.
"Yes...please?" sabi ko. Malinaw pa rin kasi ang imahe ni Eiron.
Siguro sapat na ’yun para sa akin. He’s like my ecstasy, hindi man permanent pero sapat na para maenjoy ko in a short time. Kahit dito lang sa moment na ’to.
Nagpunta agad kami sa malapit na hotel. Wala na akong pakielam sa room number or what. Basta, gusto ko lang mailabas ’tong nararamdaman ko. Noong mahiga na kami, agad ko siyang pinaghahalikan. Hindi ko pinapakinggan ang pagtawag ni Kisha sa akin dahil pakiramdam ko, si Eiron pa rin ang kaharap ko.
"Yuri....ohh...be gentle," ang sabi pa ng kasama ko, pero nagbingi-bingihan ako. Mas lalo akong nag-init habang nasa utak ko si Eiron, tinatawag ang pangalan ko.
How lovely kung totoo ’to…
“Yuri…” pakiusap pa ni Kisha.
Tinignan ko siya. It's Eiron again. Para akong nagagayuma at hinawakan ang pisngi niya. I pressed my wood into her bottom.
"Yuri, be gentle. Nag-aaral pa lang tayo. May condom ka ba diyan?" tanong niya na hindi na naman pinansin. Para akong hinihila ng imahe ni Eiron.
"Eiron...ouch!"
Bigla na lang akong natauhan noong maramdaman ko ang pagsampal sa kanang pisngi ko. Doon nanumbalik ang lahat, nakita ko uli ang malinaw na imahe ni Kisha na nakakunot ang noo at namumula sa galit. Nawalan din ako ng gana at nanumbalik ang lungkot sa akin.
D*mn it…
“Who’s Eiron? Teka—are you fvcking—” hindi ko na siya pinatapos ng tumayo na ako.
"Sorry, hindi ko talaga kaya," sabi ko pa.
"Sabi na eh! Manloloko ka rin! Nagdrama ka pa—hoy! Ano? Iiwan mo lang ako rito?!" sigaw niya noong tuluyan akong lumabas. Nang marating ko ang exit ay nakita ko sina Rafael at Simone, nasa gilid naman si Logan na naka crossed arms at halatang hinihintay ako.
Hindi ko na sila naiwasan noong bumagsak ang balikat ko't luha sa pisngi.
"I still like him, bro," sabi ko noong makalapit sila sa akin. "Bakit hindi niya ako magustuhan pabalik?"
Hindi sila nagsalita, pero alam kong nakikinig sila.
"I hid myself from everyone para lang maging matapang sa harap nila, pero siya...siya lang 'tong nagpalambot sa akin. Siya lang 'tong nagbigay ng confidence sa akin ipakita 'yung soft side ko—"
Naputol ang sinasabi ko ng hindi ko mapigilang mapahikbi.
Sakit, tngin…
“H-handa ko siyang pagsilbihan eh. Kahit ano pa ’yan, kahit ako na ang bahala sa lahat, just p-please bigyan niya lang ako ng chance sa buhay niya,” sabi ko pa.
"Shh, we understand...pero kung anong desisyon niya, let's respect na lang muna," ani Logan na ginulo pa ang buhok ko. "Sorry, we forced you earlier. Akala lang naman pa-hard to get siya. But looking at his situation..."
"Hindi kami sanay na naiyak ka ng ganyan...pero ok lang bro. Hindi ka namin iiwan ngayong gabi," ani Rafael. Ngumiti naman si Simone at hinimas ang likod ko.
Tumingin ako sa kanila. "C-can you call him?"
Nagkatinginan naman sila at tila nalilito.
"Bro, I think we should give him a space...at ganoon ka rin—"
"Please? Logan? Simone? I need to talk to him. I-I need his voice..." pakiusap ko sabay pinagdikit ang mga palad ko.
Hinimas ni Rafael ang balikat ko. "Yuri, magpahinga na lang tayo—"
"Please? Raf? Call him, call his friends? Kahit ngayon lang...kahit saglit lang...I just need to talk to him," pakiusap ko. Pinigilan kong umiyak pero tinraydor pa rin ako ng luha ko sa mata.
"Paano kung ayaw niya? Sinasaktan mo lang ang sarili mo, Yuri!" ani Logan pero umiling ako.
"Please? If hindi talaga, sige...pero let's t-try...P-Please?"
Tumingin si Logan at Simone sa akin na tila ba sumusuko na. Dahan-dahan namang tumango si Logan habang may kinukuha siya sa bulsa niya. Noong nagtap ito ay kumabog ang dibdib ko. Lumayo siya ng kaunti at tila nagsalita sa hangin. Gusto ko mang agawin ang cellphone sa kaniya ay hinayaan ko lang ito. Sana, kahit siya makumbinsi niya.
Please…
Maya-maya pa’y binaba na nito ang cellphone at tumingin sa akin ng may tipid na ngiti. “Yuri, I think kailangan na nating umuwi.”
"W-what did he say?" ang tanong ko naman agad sabay hawak sa kamay niya.
"Ang mama niya ang sumagot. Tulog na raw, eh. Pwede namang bukas—" hindi ko na siya pinatapos ng tumayo na ako.
Well…I think excuse niya na lang ’yun. Ayaw na niya talaga ako makausap. Ok, Yuri…You both need a space.
Napabuntong-hininga pa ako sabay ayos sa buhok ko.
"Hayaan niyo na...At least I took my shot, right?" sabi ko sabay ngiti ng mapait. "Let's go back inside and have a drink."
"Yuri, umuwi—"
Hinarangan ko ng palad ko ang mukha ni Rafael. "Please? And no more girls. Tayo-tayo lang, ok?"
"Pero nakainom ka na. Uuwi ka pa sa inyo..." ang pakiusap ni Logan sabay hawak sa balikat ko. "Tara na. May bukas pa naman."
"Then, let's have our sleepover?" inakbayan ko silang tatlo. "Habang bakasyon?"
Tumango naman agad si Rafael at tila natuwa sa sinabi ko.
"Finally! Sumama ka rin!" ani Simone sa akin.
"H'wag magwawala sa loob, Yuri! Mapapagalitan na talaga ako sa amin," tugon naman ni Logan at sabay-sabay na kaming pumasok.
SOBRANG sakit ng ulo ko noong magising ako dahil yumakap si Rafael sa akin. Tinanggal ko ang kamay niya sa dibdib ko at bumangon.
"Fvcking hell..." mahinang mura ko dahil sa hangover na nararanasan ngayon.
This is the cruel part for me.
Tinignan ko naman ang magkatabi na sina Logan at Simone. Halos magkayakap na rin kaya natuwa ako. Pinicturan ko sila gamit ang cellphone ko na nasa tabi ko lang din. Noong titignan ko na sana ay may notification mula sa facebook. Pagtingin ko’y nagsend si Dice ng friend request sa akin.
Inaccept ko naman ng wala sa sarili at agad na nagpop-up ang message niya.
[8:09 AM]
Dice: “Huy! Wag kang maingay kay Eiron pero gusto ka raw makausap ni Tita Rowena.”
Kumunot ang noo ko sa nabasa at nagtype agad.
Yuri: “Why?”
Nagseen naman siya kaagad.
Dice: “Mas mabuting pumunta ka na lang doon. Atsaka wala si Eiron ngayon kasi may sideline raw ngayon. Kaya baka mamaya pa uuwi.”
Yuri: “Fine, thanks.”
Hindi ko alam kung pupuntahan ko 'yun. Kung ano man siguro ang sasabihin ni Tita ay baka magsorry lang siya dahil sa sinabi ng anak niya. Wala namang kailangan i-apologize kung 'yun ang gustong sabihin at saloobin ni Eiron.
He’s a straight forward person, remember?
“Tngin…bitin naman ng panaginip ko,” ani Rafael na dahan-dahang bumabangon habang kinukusot ang kaniyang mga mata.
Napansin ko ang good morning wood niya kaya alam ko na kung anong klaseng panaginip 'yun.
"Iki-kiss ko na 'yung girlfriend ko eh! Tsk!" dagdag pa niya sabay tingin sa akin. "Aga natin ah?"
Napahawak ako sa ulo ko. "Shh, keep your voice down."
"HUH!" malakas niyang sabi sa kaliwang tenga ko.
"Ouch!!" daing ko sabay tingin ng masama sa kaniya. "Ano ba?!"
Tumawa siya. "Just kidding, papagawa ako ng breakfast natin."
Pagkalampas niya sa akin ay napatulala na lang ako dahil sa pag-iisip.
"Puntahan mo na, mukhang may gustong sabihin eh," ani Rafael sa akin. Napakunot ang noo ko noong makitang hawak niya ang cellphone ko sabay bato nito sa akin.
"What the—"
Mabilis siyang lumabas ng kwarto para takasan ako.
Puntahan ko ba?
Gabi na noong mapagdesisyonan kong pumunta sa bahay nila. Pagkahubad ko ng helmet ay napansin ko agad ang isang lalaki na nakacrossed arms at nakatitig sa motor ko. Tinanguhan ko lang siya at ginantihan ako.
"Wala si Eiron diyan, pre!" aniya sabay lapit sa akin. "Ganda motor natin, ah? Kaano-ano mo si Eiron?"
"Kaibigan niya ako," tipid na sagot ko.
"Jeremy pala, kababata niya," saniya sabay lahad ng kamay. Ngumiti pa ito kaya kinuha ko na lang 'yun at kinamayan siya.
"Kilala mo si Luigi?" tanong niya pa na ikinakunot muli ng noo ko.
"Oo, why?"
"Kaklase mo?" tanong pa niya. Tumango ako.
"Ah..." napakamot siya sa ulo niya. "Wala wala sorry, daldal ko. Ganda kasi ng motor mo, eh."
Tumango na lang ako bago siya lumayo para sumama sa ibang nagbabasketball sa isang banda. Kahit medyo nawe-weirduhan ay pumasok na lang ako sa loob. Kumatok pa ako kung saan agad kong nakita si Aling Gina at Mama Rowena na tila nanonood ng TV.
"Good evening po," ang nakangiti kong sabi saby mano sa kanilang dalawa.
"Mabuti naman iho...at nagpunta ka," ani Mama Rowena. "Maupo ka."
"Sandali, ikukuha kita ng tubig at pagkain, ha?" sabat naman ni Aling Gina na agad umalis. Tumingin ako sa paligid.
"Si Eiron ba? Nasa trabaho pa niya eh." Napatingin ako kay Mama Rowena noong marinig ko 'yun. Ngumiti ako.
"Iho, k-kaya pala ipinatawag kita dahil...gusto ko humingi ng tawad sa mga nasabi ng anak ko. Nabigla lang din siya pero hindi pa rin tama 'yung pinagsasabi niya sa'yo. Hayaan mo at pinagsabihan ko naman na kaya baka sa susunod, magkausap na kayo nang maayos," sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
Napalunok ako. "W-wala naman po 'yun. Lahat naman po ng sinabi ni Eiron ay totoo."
Napatingin siya ng diretso sa mga mata ko habang may ngiti sa kaniyang labi.
"Gusto mo pa rin ba ang anak ko kahit nasaktan ka sa sinabi niya?" tanong niya na ikinatango ko pa.
Itatanggi ko pa ba?
“Pero ayaw niya po talaga siguro sa akin,” tugon ko. Humigpit naman ang kamay ni Mama sa akin at ipinatong pa ang isang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.
"Ayaw kong pangunahan ang anak ko pero...pakiramdam ko, may hadlang lang talaga sa kaniya, Yuri," aniya sa malumanay na boses. "Hindi bato ang puso ng anak ko, may kailangan lang ayusin doon. At alam kong hindi 'yun basta-basta maaayos kaya humihingi ako ng tawad at sana maintindihan mo siya sa ngayon."
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko,
may pag-asa ako…Pero ayokong isipin masyado ’yun. Gusto ko na lang muna magpadaloy sa alon.
“So, c-can I wait for him?” tanong ko na ikinatango niya.
"Kung gugustuhin mo, anak," sabi niya pa sabay himas sa buhok ko. Hindi ko masabi kung bakit gumaan ang pakiramdam ko roon.
"Sa ngayon...kung pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay...at kung gugustuhin mo rin 'yun, hindi masama. Pero kung hindi ka komportable, malaya ka munang umiwas at humingi ng espasyo para maayos ang lahat sa inyo," dagdag pa niya sa akin na nagpangiti pa lalo sa labi ko.
Napaisip ako bigla, tama naman siya. Nasasa akin kung ano nga bang steps ang gagawin ko after that, like I can stay as his friend naman pero siguro kailangan ko lang limitahan ang sarili ko.
"Nandito na ako, Ma—" napatingin kaming parehas sa pintuan noong bumukas iyon. Nagsalubong agad ang mga mata namin ni Eiron na halatang galing sa isang cafe or restaurant dahil sa white polo shirt na suot niya at slacks pants. I saw shock and sadness in his eyes. But it quickly faded, replaced by a cold, distant look.
Ngumiti ako ng tipid at agad na pinutol ang tinginan namin.
Nadadala na naman ako noon.
"Aalis na po ako, Tita. May pupuntahan pa po kasi ako," sabi ko.
Bumalik naman si Aling Gina na may hawak na plato at isang basong tubig.
"Hala, aalis ka na agad? Hindi ka pa nakakakain," sabi nito.
"Magbibihis muna ako, Ma," paalam ni Eiron bago ito dahan-dahang umalis. Sinulyapan ko pa ito ng kaunti bago tumango.
"Sorry po, may biglaang lakad lang din. I'll see you next time, Ma...and Aling Gina," sabi ko habang papalabas ng pintuan. Noong makalabas ako ay napatingin ako sa isang bintana. Napansin ko si Eiron na nakatingin sa akin pero agad ding sinarhan ang kurtina. Napabuntong-hininga na lang ako bago isuot ang helmet ko.
Itutuloy…
Kahit walang nagbabasa nito, sasabihin ko pa rin HAHAHAHAHA. Sorry kung now lang nakapag-update. Nabusy lang.
Desire 20
Desire 20: Kiss
Eiron’s Point of View
Napatingin ako noong may tumawag bigla ng pangalan ko. Noong makita ko na ang manager ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko ngayon ’yun ay napaayos ako ng tayo at kinuha ang basahang hawak na pinangpunas ko sa lamesang ginamit ng mga costumers na kakaalis lang.
“Eiron, pakitingin nga ng mga ito sa storage room baka kasi magkulang tayo ng supply bukas, eh,” aniya. Kinuha ko naman ang papel na binigay niya. Tinignan ko ’to at listahan pala ’to ng mga supplies namin.
Tumungo ako sa storage room agad para magawa ang pinagagawa nito. Noong buksan ko ’yun ay agad kong nilibot ang paningin ko habang tinitiis ang lamig na dala nito. Nagsimula na rin akong magbilang.
Mabuti at nakakuha agad ako ng trabaho habang walang pasok. Hindi ko nga rin alam kung maaasahan ko pa ’yung trabaho ko kay Yuri dahil sa mga sinabi ko sa kanya noong nakaraan.
Napabuntong-hininga ako noong maalala ko na naman ’yun at nung gabing nakita ko siyang nagpunta sa amin. Mukha siyang malungkot pa rin kaya agad akong nakonsensiya.
Pero kailangan kong maging malamig sa kaniya at masabihan siya ng katotohanan dahil ayoko siyang umasa. Ayoko pang magtagal ’yung feelings niya na hindi na dapat nabuo pa para sa akin.
Hindi ko rin alam pero natatakot ako. Natatakot ako na kung nagpadala kami roon, kung naacknowledged ko ’yung feelings niya, baka sa huli wala rin namang mangyari. Masayang ang mga oras namin sa isa’t-isa imbes na ilaan sa ibang bagay o sa tamang tao para sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lang ako at ginawa na lang ang dapat gawin. Balak ko rin kasing bayaran ang ginastos ni Yuri sa amin kaya ako kumuha ng trabaho. Ayokong mahiya habang-buhay dahil sa ginawa nito.
Mabuti at sinabi rin ni Mama sa akin ang tungkol doon para naman mas lalo akong ganahang makakuha ng pera. Tapos dagdagan mo pa na sunod-sunod na rin kasi ang bills namin sa bahay kaya no choice.
Noong masigurado ko ang stocks ay agad akong lumabas ng storage room. Nasalubong ko rin si Jeremy, ang tumulong sa akin na makapasok dito dahil kakilala niya pala ang may-ari.
Suma-sideline din pala siya rito kaya nakakapagtrabaho rin ito paminsan-minsan.
“Uy!” pagtawag niya pa. “Akala ko kung napano ka na. Kanina pa kita hinahanap.”
Tumaas ang kilay ko. “Inutusan ako ni Manager magbilang supplies, eh? Bakit?”
“May naghahanap sa’yo,” aniya na mas lalo kong ikinataka.
“Sino?”
Ngumuso siya sa labas. “Yun oh! Sina Luigi!”
Medyo nagulat pa ako nang banggitin niya ang pangalan ni Luigi.
“Magkakilala kayo?” tanong ko pa sa kaniya.
“Oo, pre! Kaibigan ko ’yun, eh,” aniya sabay hawak sa balikat ko. “Sige na, punta na.”
“Teka, bigay ko lang ’to kay manager,” sabi ko na lang pero saktong dumaan sa harap naman ito. Kinuha ni Jeremy ang hawak ko.
“Sir! Eto raw oh?” sabi ni Jeremy. Tumingin saglit sa akin si manager sabay tumango.
“Hmm may naghahanap daw sa’yo, sige na asikasuhin mo na,” seryosong sabi pa nito na ikinalingon ko kay Jeremy. Tinulak lang niya ako habang tinataboy. Noong matanaw ko ang kinauupuan nina Dice, Luigi, at Yoseff ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Kung titignan ko ang suot nila sa suot ko, mas maayos. Sa akin, naka polo shirt lang akong puti na may nakasabit pang pin ng pangalan ko, sa bandang kaliwang dibdib.
Gayunpaman ay nilapitan ko pa rin sila at nginitian.
“Uy! Paano nyo nalaman na nandito ako?” pagbati ko sa kanila. Nag-angat sila ng tingin.
“Kyaahh pogi mo sa suot mo!” ani Dice na agad kinuha ang braso ko.
“T-teka…” sabi ko nang yumakap pa si Luigi sa akin. Si Yoseff naman ay kinunan kami agad ng picture. “1…2…3!”
“Paano nga?” pangungulit ko pa noong bahagya nila akong pinakawalan.
"Syempre! Kay Aling Rowena, pero narinig muna namin doon kay Jeremy kasi nagpunta kami sa inyo, eh," sabi ni Dice sabay higop sa Mango Shake niya.
Napakamot ako ng ulo. "Kilala niyo na pala si Jeremy."
"Ayan oh? Si Luigi. Kita namin na magkasama sila bago siya pumasok dito," ani Yoseff. Napatikom naman ng bibig si Luigi bago kinuha ang kinakain na burger.
"Ah, bakit niyo nga pala ako pinuntahan? Wala ba kayong mga gala?" tanong ko sa kanila. Binigay nila ang order nilang isang platong fries sa akin.
Tumaas ang kilay ni Dice. "Anong kami? Tayo meron. Hindi ka nga nagpaparamdam sa group chat natin kaya pinuntahan ka na namin!"
"Hindi rin nasagot si Yuri...ayos na ba kayo?" sabat ni Luigi sabay ayos ng sumbrero niya.
Natahimik ako bago napatikhim. "Oo nga pala, anong gala ang sinasabi niyo? May pasok pa ako hanggang 7 PM."
"Not anymore! Mamayang 5 PM, pwede ka na raw umuwi," sabi ni Dice na mas lalo kong ikinataka.
"Bayad ang oras ko rito, hindi ko pwedeng bawasan—"
"Bayad naman na! Tara na maya-maya. Minsan lang 'to 'no? H'wag ka nang tumanggi!" pagputol pa ni Dice na ikinailing ko naman habang nagtataka pa rin.
Hindi ba nila ako naiintindihan?
“Nakausap naman na namin manager mo. Payag naman siya. Atsaka…ninong ni Luigi ’yung may-ari ng restaurant kaya hindi namin ’to magagawa kung wala ang tulong niya,” seryosong sabi ni Yoseff sabay kagat sa fries na hawak.
"Ganoon ba?" sabi ko na lang habang nahihiya sa kanila.
"Umorder ka na," ani Dice.
Agad akong umiling. "Huy! Wala akong pambayad—"
"Waiter! Order kami uli!" ani Dice. Lumapit naman si Jeremy sa amin na nakangiti pa sa akin at kay Luigi.
Napayuko na lang ako dahil nakatingin sa akin ang mga katrabaho ko. Baka sabihin nilang unfair ang pagtrato dahil dito.
"Ako na bahala sa kanila, Ron! Dali! Order na!" rinig ko pang sabi ni Jeremy sa akin.
"Ayaw niya ata, sige ako na lang. Ano bang bestseller niyo here? Yung masarap, ah?" ani Dice.
"May iba pa ba? Syempre ako!" lakas loob na sabi ni Jeremy bago itaas ang polo niya at pinakita ang abs.
Nasapo ko ang noo ko dahil napatingin sa amin ang ilan sa ibang costumer.
"Pwede na ba? Pasado na para makapag Adonis na ako—" agad kong binaba ang polo niya.
"Chocolate shake na lang tapos cheeseburger. Dali!!" pagputol ko sa kaniya. Natawa na lang siya sa kalokohan niya bago umalis.
Flinip naman ni Dice ang patilya niya sa likod ng tenga. "Pereng nebeseg eke—"
"Sumbong kita sa boyfriend mo!" pagsabat ni Luigi na ikinairap naman ni Dice. Napailing na lang ako dahil wala akong maintindihan. Sa tagal naming hindi nagkita, ayan. Maraming ganap sa buhay nila na hindi ko na nasusundan.
Ganoon talaga siguro, may kailangan akong unahin, eh.
“Kanino mo ako isusumbong? Wala naman akong boyfriend!” sagot naman ni Dice na tila handa siyang labanan.
"Kay Reg—"
"Hoy!!' saway ni Dice sa kaniya sabay takip sa bibig nito. "Daldal mo talaga, shorty!"
Tumingin sa amin si Dice habang pilit na pinatatahimik si Luigi.
“Anyway, huli namin palang balita sa’yo, nasa Pampanga ka ah? Kasama mo crushiecakes ko na Brix!” aniya.
"Ah, oo sinama lang nila ako," sabi ko pa.
"Kasama mo rin si Eros?! My gosh! Naiipit ako sa kanilang dalawa ni Brix, ah? Feel ko parang pinag-aagawan nila ako sa mga pictures nila!" dagdag pa ni Dice na ikinatawa namin.
"Taken na si Eros," sabi ko na nagpawala ng ngiti niya. Naalala ko na naman kung papaano ko pinayagan ang relasyon nila. Masaya naman ako para sa dalawa, h'wag lang talaga dumating ang kinatatakutan ko.
"Ahww! Sino ba 'yang babaeng 'yan at nang makausap ko? Promise! Usap lang talaga!" ani Dice na tila naiistress.
Hindi ko lang talaga pwedeng sabihin dahil 'yun ang kagustuhan ni Drip. Sapat na raw 'yung kami-kami lang muna ang nakakaalam.
"Hindi mo gugustuhing makalaban," sabi ko na lang bago tumawa. Tila kinabahan naman siya at pinanliitan ako ng tingin.
"Nagselos ata si Yuri d'on sa picture, eh? Nag story ba naman tapos ang kanta niya 'yung kay Nick Jonas," ani Yoseff.
"Ay oo!" napalakpak si Dice. "Sabi na eh!"
"Hindi naman siguro. Hayaan niyo na. Nang-aasar lang 'yun," sabi ko nalang dahil may kakaibang pakiramdam na naman ang umalon sa dibdib ko.
"Eto na order mo, pre! Sarap niyan!" sabi ni Jeremy sabay lapag nito sa harap ko. "Ako kasi gumawa ng shake, 'di ba? Gi?"
Nakita ko na napatingin pa ito kay Luigi na naubo dahil sa iniinom.
"Lakas ng hangin mo, Jeremy. Bumalik ka na nga roon!" sabi ko pa ng nakangisi pa ito. Kumunot ang noo ko sa kanila dahil may iba akong pakiramdam sa dalawang 'to.
"Tubig!" ani Dice sabay bigay sa kaniya ng tubig nito. "Masyado ka namang nagpapaapekto, shorty! Ano ba meron? Kanina pa 'yan, ah?"
"W-wala!" ani Luigi na namumula.
Tumawa na lang ako bago kainin ang order ko. Hindi na rin ako nakatanggi noong mag alas-singko na. Hinintay talaga nila akong makaligpit para raw talagang sisipot ako sa sinasabi nila. Noong makalabas ng restaurant ay biglang may pumaradang pulang BMW sa tapat namin.
Bumukas ang bintana sa bandang driver seat at sumalubong si Rafael na naka pulang T-shirt habang may silver na suot at hikaw sa kaliwang tainga. May shades pa 'tong suot na nakataas sa kaniyang ulo. Nakangisi itong tumingin sa amin.
"Tara na! ¡Vamos, chicos! Kanina pa sila naghihintay sa inyo," aniya. Napakunot ang noo ko.
"Sinong sila?" tanong ko pa pero hinila na ako ni Luigi. Noong makapasok nga ay narinig pa namin na pinatutugtog ni Rafael na pinoy rnb songs.
Tinago nito ang vape niya sabay tingin sa rear view mirror. Nagtama ang mga mata namin.
"Anong sila? Anong nangyayari?" tanong ko pa. Nakita ko na tila umiiwas sina Dice.
"Ano nga?" tanong ko pa.
"Eiron, mah bro. Chill ka lang!" ani Rafael habang nagda-drive at sumasabay pa sa vibe ng kanta niya.
Napailing na lang ako. "Paanong chill ba?"
"Like...ganito oh? Sayaw ka na lang," aniya sabay lakas ng volume para kumanta. "Kahit oras mo na lang sa akin, wag na 'yung sa kaniya~..."
Napasandal na lang ako noong magsimula silang magkantahan. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa...
bahay namin?
"Teka? Bakit nandito tayo?" tanong ko pa sabay tingin sa suot ko. "Ah, dahil ba sa suot ko?"
"Tangek, dito talaga 'yun! Tara na!" ani Dice sabay baba. Tinignan ko pa si Yoseff na inilingan ako. Noong makababa na at makapasok sa bahay namin ay nagulat pa ako sa nakita. Nandoon sina Simone na naghahanda, at Logan na inaayos ang mga designs.
"Happy...birthday...Rowena?" basa ko sa balloons na nakasabit sa makulay na mga kurtina. Noong tingnan ko si Mama na narinig kong tumawa habang kausap sina Dice at Rafael ay nagtaka ako.
"Ma?" Tawag ko rito. Tumayo naman sina Dice at lumayo ng kaunti para bigyan ako ng space. Tumingin ang masaya pero nanghihina niyang mga mata sa akin. Nagmano muna ako. "B-birthday mo pala ngayon."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Oo naman. Nakalimutan mo na agad? D-dati-rati excited ka kapag dumadating ang araw na 'to, eh."
May halong tampo ang boses niya kaya lalo akong naguilty. "Sorry po, Ma. Ngayon ko lang po naalala..."
"Ayos lang, alam kong b-busy ka," sabi niya sabay gulo sa buhok ko. "Basta sa susunod, h'wag mong makakalimutan ang birthday mo. Importante r-rin 'yun."
Niyakap ko siya at hindi nagpahalatang naiiyak na.
Nakakainis! Bakit ko nga pala nakalimutan ’yun? Minsan na lang magcelebrate tapos makakalimutan ko pa?
“Ikaw talaga, oh? H’wag mo na isipin. Hindi naman ako nagtatampo. Alam ko namang…” Hiniwalay niya ako sa kaniya at hinaplos ang pisngi ko habang tinitignan ako. “Ginagawa mo ang gusto mo para sa akin.”
Natahimik ako at ngumiti ng mapait.
"Basta h'wag mo lang pababayaan ang sarili mo, ha? Makalimutan mo na ang birthday ko, h'wag lang ang iyo. Ayokong dumating sa punto na makalimutan mo 'yun dahil parang nakalimutan mo na rin ang sarili mo kakaalaga sa akin," dagdag niya pa.
"Ayos lang, ma," medyo paos na sabi ko. "Wala namang problema kung...makalimutan ko ang birthday ko."
"Kumain na muna kaya tayo. Luto na 'tong spaghetti at shanghai, oh?" rinig kong sabi ni Aling Gina sa lahat. Pasimple kong pinunasan ang mata ko.
"Yon!! May shanghai!" ani Rafael.
May biglang sumiko sa tagiliran ko. "Ayos lang umiyak. Ikaw talaga tinago mo pa."
Napatingin ako kay Simone na may hawak ng plato dahil sa sinabi niyang 'yun.
Ngumiti nalang ako at napapaisip sa mga nangyayari.
Paano nila nalamang birthday ng mama ko? Nagkwento ba si Mama? Hindi naman niya ugali ’yun dahil ayaw niya ngang sinusurprise siya. Ako at si Aling Gina lang ang may alam ng birthday niya. Unless…kinulit nila Dice?
“Kinuhaan na kita ng pagkain,” ani Aling Gina sa akin noong marealized kong nakatulala ako. Napatingin ako sa spaghetti na maraming cheese, may apat na lumpiang shanghai at may rice cake sa tabi.
"Salamat po, Aling Gina," sabi ko rito. Ngumiti siya sa akin. "Sino po palang...nagprepare ng lahat nito?"
Tumingin siya ng may pagtataka sa akin bago nilibot ang mga mata sa paligid. "Mga kaibigan mo atsaka ako," pabulong niyang tugon.
"P-paano po nila nalaman na birthday ni Mama?" tanong ko uli bago tikman ang spaghetti. Napapikit ako dahil ganoong-ganoon ang lasa ng niluluto ni Mama sa akin noong tuwing birthday niya, birthday ko at birthday ni Drip.
"Tao po?" saad ng pamilyar na boses. Napatingin kami roon at nakita si Drip habang kasama sina Eros, Lance, Adrian at Brix.
Napangiti ako at agad na sinalubong ang kapatid ko.
"Kyahhh!" ani Dice na nakaagaw ng pansin namin. Noong napatingin din kami sa kaniya ay tinakpan niya agad ang bibig niya.
"Ah, Brix...si Dice pala," sabi ko na agad ikinanlaki ng mata ni Dice.
"Huy! Eiron ano ba—"
"Hi," ang nakangiting sabi ni Brix kay Dice.
"Ehmmm hehe naysh to meert yu," aniya sa pabebeng boses.
"Pfft! Ang arte!" komento naman ni Rafael na siniko naman ni Dice sa dibdib. Noong mapatingin si Dice kay Eros ay napansin niyang inakbayan nito si Drip.
"Pasok kayo," sabi ko. "Ma, nandito na si Drip!"
"Tita!" ani Drip na yumakap kay Mama ng dahan-dahan.
"Ang laki mo na agad!" komento ni Mama na tumawa at hinalikan sa noo ang kapatid ko. Napatingin din siya kay Eros na nagmano sa kaniya.
"Eto na ba ang nobyo mo—"
"Ma," pagputol ko sa kaniya dahil naalala ko ko ang habilin ni Drip.
"Yes po, ako nga pala si Eros," sabi nito sabay bigay ng regalo niya kay Mama. Napansin ko ang pamumula ni Drip.
"Kay ga-gwapo niyong bata, halika na. Magsikain na kayo," ani Mama. Napansin ko namang lumapit si Dice sa akin.
"Hindi mo naman sinabi na kapatid mo pala ang boyfriend ni Eros! Atsaka...surprising huh? A-akala ko ba straight siya?" tanong nito ng pabulong.
Napangiti ako. "Ayaw niya kasing ipagsabi ko. Kaya hindi ko sinabi kanina. Yan, daydream pa."
Tumingin ito sa kapatid ko habang sinusubuan ni Eros. "Kainggit, ah! Kayong dalawa talaga! Bakit ang swerte niyo? Bakit ako? Pinagkaitan ng langit. Hayss!!"
Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit ako? Baka kamo si Drip? Atsaka anong swerte? Binabantayan ko pa 'yang si Eros. Baka lokohin 'tong si Drip, eh."
Pinalo niya ang braso ko. "Di ba? Si Yu—" napatakip siya ng bibig. "I-I mean, sabagay...swerte ni Drip."
Tinignan ko lang siya ng seryoso.
"Maiba tayo. Sino bang may pakana ng mga 'to?" tanong ko agad para hindi na siya makawala pa. Pero agad siyang lumayo.
"Kantahan na natin si Tita!" ani Dice. Kinuha nito ang cake habang si Logan naman ang nagsindi ng kandila gamit ang lighter ni Rafael.
Doon ko lang narealize na may kulang sa amin—si Yuri. May umalon na namang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko noong maisip ko siya. Napahawak ako sa aking dibdib.
Bakit pakiramdam ko…namimiss ko siya?
“Wish mo, Tita?” tanong ni Rafael noong matapos ang kanta.
Tumingin ako kay Mama noong magtama ang mga mata namin. "Sana...hayaan ng anak ko na maging maligaya siya. Yun lang."
Napatingin sa akin si Drip ng nagtataka.
"Pwede bang ikaw ang humipan nito, anak?" tanong pa ni Mama sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi lumapit at hipan 'yun. Saka sila nagpalakpakang lahat. Bawal kasing hipan ni Mama 'yun dahil sa usok. Makakasama sa baga niya.
"Ano 'yung sinabi ni Tita, Kuya?" tanong sa akin ni Drip bigla habang may kinakain na shanghai.
"Wala 'yun," sabi ko na lang.
"Anong wala? Bakit nga?" aniya sabay kapit sa braso ko ng isa niyang kamay.
"Hayy, nakakamiss kayong tignang magkasama," ani Mama noong makita niyang magkasama kami ni Drip.
Tumawa ako. "Uwi ka na raw kasi rito, sabi ni Mama."
Napanguso si Drip. "Tita, bakit ganoon po ang sinabi mo kay Kuya? Hindi po ba siya masaya?"
Napabuntong-hininga ako.
Kulit talaga nitong batang ’to.
“Eh, ang kuya mo kasi…puro trabaho. Wala naman akong kaso roon pero gusto ko namang maging masaya siya at ienjoy ang b-buhay niya,” ani Mama.
Napatingin uli si Drip sa akin. "Ganoon po ba?"
"Gusto niya raw ako matulungan muna. Pero baka mapag-iwanan na ang kuya mo. Ayoko namang kapag n-nawala ako eh mahirapan siya," dagdag pa ni Mama. Hinawakan ko siya sa balikat sabay ngiti ng tipid.
"Masaya naman po ako, oh? Nandito mga kaibigan ko, si Drip, tapos ikaw. Wala naman na akong hihilinging iba," paliwanag ko naman.
"Eh kulang naman kayo, wala si Yuri," sabi niya na ikinatigil ko. Tinignan ko si Drip na may katanungan sa kaniyang mga mata.
Magtatanong na naman ’tong batang ’to.
"H'wag ka sanang magalit, pero siya ang nagpakana nitong handaan. Nabanggit ko kasi na birthday ko. H-hindi ko naman alam na g-gusto niya pala ng ganitong handaan at salu-salo p-para sa akin," tugon ni Mama na may malumanay na boses.
Hindi ako nakapagsalita.
"Bakit wala ho siya rito?" sabat ni Drip.
"Gusto niyang respetuhin ang kuya mo. Baka raw hindi mag-enjoy kung nandito siya," tugon ni Mama na lalo kong ikinatahimik.
Nandito na naman ang konsensiya sa loob ko.
“Bakit? May away po ba sila? Boyfrien—oh…” ani Drip noong may marealized.
"Kaibigan lang," sagot ko naman para matapos na ang curiosity niya.
Napatingin ako sa buong paligid. Medyo madaya ako sa part na ’to. Siya ang naghanda ng lahat tapos wala siya rito dahil lang sa akin?
Bigla akong napatingin sa cellphone ko at lumabas ng bahay. Kagaad kong tinungo ang chat conversation namin ni Yuri. Napansin kong online siya. Huminga akong malalim.
Tinap ko ang message box.
[5:30 PM]
Eiron: “Punta ka raw rito sabi ni Mama.”
Muntik na ako matawa sa naging rason ko. Ginamit ko pa si Mama para roon.
Akala ko ba straight-forward kang tao, Eiron?
Agad naman siyang nag-seen.
Yuri: “I want you to enjoy her birthday ng hindi naiilang.”
Pinikit ko ang mga mata ko.
Tama nga si Mama.
Eiron: “Ayokong maging unfair. Sige na, pumunta ka na. Masaya tayong lahat dapat.”
Nagseen lang siya sa pagkakataong ’yun. Nawawala rin ang icon na nagta-type siya. Napaisip ako na baka nagdadalawang isip siya. Binasa ko ang ibabang labi ko gamit ang dila ko.
Eiron: “Dapat nandito ka rin. Hihintayin ka namin.”
Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at agad na pumasok. Napansin ko namang nagkakasayahan silang lahat. Hindi rin nagkakaaway ang grupo ni Eros. Miski si Drip, namiss niya ata noong nandito siya dahil tinuro niya pa ang picture niya noong bata kaming dalawa at minsang dinala sa galaan ni Mama.
"Eiron," pagtawag ng pamilyar na boses. Napansin ko na si Adrian pala 'yun na nakangiti sa akin. "Where's Yuri pala?"
Napatikhim ako. "Papunta na. May ginawa lang daw siya."
"Good...good," aniya ng pabulong sabay tingin sa mama ko. "I hope you two are ok."
Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"I mean kayo ni Yuri. Mukha kasing hindi kayo ok, eh," sabi niya.
"Ok naman kami," sabat ng isang boses na ikinalingon ko. Napansin ko rin na natigilan silang lahat. Pumasok si Yuri na inayos ang bahagyang nagulong buhok. Ngumiti ito sa akin at sa direksyon ni Mama.
"Right? We're still friends," dagdag niya sabay taas ng magkabilang kilay sa akin. Sumilay ang malaki niyang ngiti noong dahan-dahan akong tumango.
Gumwapo na naman siya sa paningin ko . Nakasuot kasi ito ng plain white crew-neck T-shirt, meron din siyang sinamang light blue short-sleeved button-up shirt pang outer. Tapos white wide-leg trousers, may sapatos din siyang puting low-top sneakers.
Napalunok ako at binigyan siya ng daan para mapuntahan niya si Mama.
Still friends? Seryoso siya? Gusto niya talaga ’yun?
“Happy birthday, Ma!” aniya sabay halik sa pisngi ni Mama at bigay ng regalo nito.
"Oh? Akala ko ayaw mo nang pumunta eh," sabi ni Mama.
Atsaka ang bilis niyang makarating, ah? Ang layo ng bahay nila sa bahay namin.
“Ah, pinapunta ako ni Eiron, Ma. Gusto niyo raw akong makitang dalawa,” aniya sabay tingin sa akin ng saglit. Napansin ko namang nagpipigil ng pagtawa si Luigi at Dice. Aasarin na naman ako ni Dice.
Lumabas naman ako at kunwaring may ginagawa.
"Mabuti naman at kumpleto na tayo, wohoo!!" rinig kong sabi ni Rafael. Lihim akong napangiti sabay sandal sa pader.
"Akala ko ayaw mo na talagang...makita ako, eh," sabi ng isang boses. Doon ako natauhan at nakita agad si Yuri. Naamoy ko pa ang mabangong perfume niya mula sa kinatatayuan nito.
Nakakalalaki.
"Ah...para naman kay Mama," sabi ko sa kaniya sabay iwas ng tingin. Napansin kong ibinulsa niya ang dalawang kamay.
"Namiss kita," aniya sa pabulong na boses. Tumibok na naman ang puso ko.
Sa ilang araw na wala na akong paramdam masyado sa kaniya, akala ko wala na ito, eh.
“I mean…as a friend. Kung ’yun talaga ang gusto mo. Sorry, hindi agad ako naging specific,” dagdag niya sabay ayos uli sa buhok.
Ngumiti ako ng tipid. "Sure ka?"
"If this is the only way na mapapalapit ako uli sa'yo at hindi ka mawawala sa akin...why not?" sabi niya na may seryosong boses. Napalunok ako at napatitig uli sa mga mata niyang nakikiusap.
Ang lakas ng tama mo talaga, Yuri.
Tumango ako. “Thank you pala…sa ginawa mo para kay mama. Kung hindi dahil dito, baka nagtampo na nga siya dahil hindi ko naalala na birthday niya pala ngayon.”
"Para sa ikakasaya ni Mama Rowena," sabi niya pa bago tumawa ng mahina. "Tara? Kain muna tayo. Nakakagutom. Kanina pa ako naghihintay diyan sa labas."
Napakunot ang noo ko. "Ano? Kanina—"
"Tara na, gusto ko 'yung spaghetti na maraming cheese," pagputol niya sa akin.
Simula ng mga oras na 'yun ay parang nanumbalik ang lahat. May ilang pa rin pero nandoon 'yung muling bumabalik ang pagkakaibigan namin ni Yuri. Ang ebidensiya nu'n? Yung ngiti niya na hindi nawala-wala.
Nakakahawa rin. Parang ngumingiti ang puso ko kapag nakikita ko.
ISANG gabi, nagchat na lang si Logan sa group chat namin na may gaganapin daw na party sa isang pavilion dahil birthday ng pinsan niya. Inimbitahan niya kaming lahat at nag-alok naman si Rafael na susunduin ang mga magcommute lang.
Dice Ganda: “Kalbo, sunduin mo nga ako!”
Rafael: “Pasundo ka sa Brix mo. Sayang gas ko sa’yo!”
Yoseff: “Ako rin. Wala kapatid ko. Walang motor.”
Rafael: “Sure mah men!”
Dice Ganda: “Kalbo ka talaga! Hmp!”
Logan: “@Eiron join us huh? Pasukan na next week.
Dice Ganda: “Oo nga!”
Hindi ko sila pinansin. Noong i-exit ko ang messenger ay napansin ko namang walang chat si Yuri sa akin. These past few days din wala. Minsan lang din pala kung may itatanong siya especially, about kay Mama. Pero hanggang doon lang 'yun.
Siguro nga, dumidistansya na siya sa akin kahit papaano.
Pero may guilt pa rin sa puso ko, eh. Parang hinahanap ko ’yung dati.
“Sige na, nak. Kami na diyan,” ani Aling Gina noong nakuha ko na ang mga damit na dapat titiklupin.
"Tulungan ko na po kayo," sabi ko pa.
"Hindi na, Eiron," pagsabat ni mama. "Sige na, sumama ka na sa mga kaibigan mo."
Napatingin ako sa kaniya. "Huh? Paano niyo po nalaman?"
"Nagtext si Dice sa akin. Ayaw mo raw sumama, eh?" aniya sabay pakita ng keypad na cellphone nito.
Umiling ako. "Ayoko, ma. Mas maigi na tulungan ko na po kayo rito."
"Kanina ka pa natulong sa amin. Hindi mo na nasulit ang day-off mo. Sige na at pumunta ka na," pangungulit niya pa.
Napapikit ako. "Ma naman—"
"Matigas na ang ulo ng anak ko. Sige na anak, kaysa nandito ka lang sa bahay buong araw," pagputol ni Mama sa akin. Napansin ko ang ngiti niya. Doon ako tuluyang sumuko.
"Basta magte-text lang po kayo kapag kailangan niyo ako, ok?" sabi ko na lang. "Sasaglit lang po ako—"
Inabot niya ang hanger sabay tingin sa akin. "Sige na, anak."
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumuko. Tumango ako at nag-ayos na lang ng sarili. Noong matapos ay bigla akong lumabas. Napansin ko naman si Jeremy na may dalang maliit na sasakyang kotse. Mula sa passenger seat ay bumaba si...Luigi?
Nagulat pa ito noong magtama ang mga mata namin.
"Sakay na, ron! Hahatid ko rin 'tong isang 'to sa party raw nila," sabi ni Jeremy na napakamot pa sa kaniyang ulo.
Kahit nagtataka ay tumango ako at sumakay na rin. Tumingin pa ako kay Luigi na umiinom ng dutchmill. Gusto ko man siyang tanungin pero ayoko ng sapilitan kaya hinayaan ko na muna.
"Nandito lang pala ako, ah? Hintayin ko kayo, Gi and Ron!" ani Jeremy na sumandal pa sa kotse.
"S-sure ka? Masaya sa loob," ang malumanay na tanong pa ni Luigi.
"Oo oo. Sige na. Alam mo namang tinakas lang kita, 'di ba? Sige na bago pa magbago isip ko," pagtataboy ni Jeremy sa amin.
Nakita ko pa ang pamumula ng pisngi ni Luigi bago kami makapasok sa malaking gate ng pavilion. Napatingin ako sa makukulay na ilaw sa itaas at iba't-ibang lamesa sa gilid. Parang mas pinaghandaan nila ang dance floor dahil malaki ang space sa gitna. May catering din pala sa gilid. Agad na kumaway sina Dice at Yoseff sa amin kung nasaan ang table namin. Naroon sina Simone, Rafael at Yuri. Nagtama pa ang mga mata namin ni Yuri bago siya umiwas at muling tumitig kay Rafael para makipag-usap.
Napabuntong-hininga ako.
"Mabuti naman na sumipot ka! Kanino ka pala sumabay?" ani Dice noong makaupo kami. Tinignan ko si Luigi at sumenyas sa kaniya sa pamamagitan ng panlalaki ng mga mata.
"A-ah! Sinabay kami ni Jeremy," sagot pa ni Luigi sabay higop sa iniinuman niya na halatang ubos naman.
Napaismid si Dice sa amin.
"Nasan si Jeremy? Bakit hindi pumasok dito?" ani Yoseff.
"Ayaw niya eh..." ani Luigi.
Bigla namang may naglapag ng tray sa amin. Iba't-ibang inumin 'yun na may iba't-iba ring kulay. Yung iba gradient, 'yung iba iisang kulay lang.
"Enjoy, guys!" ani Logan sabay saludo sa amin. "I'll entertain the other visitors tapos makikisali na ako sa inyo later!"
Kumuha naman silang lahat habang ako nag-aalangan.
"Hindi naman alak 'yan. Juice lang ata," ani Dice.
Pinalitan ni Yuri 'yung natirang inumin ng hawak niya. May kulay pink ata 'tong kulay. Noong tinignan ko siya ay ngumiti siya sa akin.
"This is alcohol," turo niya sa hawak niya ngayon. "Yung nakuha ko kanina ang juice." Inilapit niya ang inumin sa akin. "Inumin mo na."
Kinuha ko naman 'yun ng walang sinasabi at tinikman. Tama naman sila. Parang four season ata ang juice na 'to. Nagsimula na rin ang party makalipas ang ilang minuto. Doon na rin nagsilapitan ang ilang mga babae sa grupo nila Yuri. Napansin ko naman 'yung kinakausap ni Yuri. Yun ata 'yung babaeng kasama niya noong nagkita kami sa field at noong makita ko silang nag-uusap sa gate noon?
Nakita ko na naman ang kamay nung babae kung paano niya hawakan sa balikat si Yuri. Parang may laman at meaning. Si Yuri naman ay patuloy na nakikipag-usap rito na may pangiti-ngiti pa. Napahigpit ang hawak ko sa inumin.
Nagtama ang mga mata namin ni Yuri uli bago sila maglakad patungo sa dance floor. Nagpahila lang ito sa gitna ng mga nagsasayaw na mga tao.
"Tara guys!" ani Dice. Hindi naman tumanggi sin Yoseff at Luigi. Habang ako, parang nawalan ng gana na ewan.
Bakit nga ba? Di ba tinaboy mo siya, Eiron? Siraulo ka rin, eh?
Naibaba ko pa ang juice na iniinom ko sa lamesa.
"Kayo muna," sabi ko. Pero naramdaman ko na hinila nila akong tatlo.
"Guys wait—" hindi na ako nakapagsalita dahil mas lumakas ang tugtugan. Malakas, maingay at nakakadala ang beat. Parang mga walang pakielam ang bawat isa sa amin dahil sa paraan ng pagsasayaw nila.
Ipinikit ko ang mata ko at nagsimula na ring makisabay sa kanila. Pilit kong inaalis ang imahe ni Yuri sa isip ko. Dahil nagsisimulang sakupin ng pamilyar na pakiramdam ang dibdib ko.
Tngin…
Biglang may tumamang kamay sa braso ko kaya napadilat ako. Noong sinubukan kong tingnan ’to ay may nakita akong lalaki na nasa harap ko. Hindi siya pamilyar sa akin pero nilahad niya ang mga kamay niya. May crew cut hair siya, makapal siyang kilay, hunter-eyes, matangos na ilong at natural red na full lower lips. Ngumiti siya at napansin ko mapuputi niyang ngipin.
"I'm Damon, how about you?" aniya sa medyo malakas na boses malapit sa tainga ko.
"Eiron," sagot ko naman. Hindi ko alam kung bakit ko rin binigay.
"I've been looking at you for a while now," aniya bago kami sumabay muli sa music. Noong mapatingin ako kaliwa ko ay natigilan ako. Nakita ko kasi si Yuri na kasayaw pa rin 'yung babae habang nasa dibdib ang mga kamay nito pero ang mga mata niya ay nasa akin. Kahit marami ang taong nakaharang ay siya pa rin ang focus ng mga mata ko.
Napansin kong napalunok siya habang tila bumabagal ang buong paligid ko. Akala ko nga iiwas siya agad ng tingin pero mas lalong lumalim ang titigan namin. Hindi niya rin ata kinakausap 'yung babae, 'di katulad kanina. Para siyang walang naririnig.
Naririnig ko rin si Damon na tinatanong ata ako pero hindi ko maibaling ang ulo ko sa kaniya. Parang...
parang hinihypnotize ako ni Yuri. Parang inilalapit niya ako sa kaniya.
Dumagundong ang puso ko sa dibdib ko at pakiramdam ko naririnig ko pa ang pagtibok nito.
Para akong nilalamon ng takot at saya kaya nahirapan akong makahinga sa mga oras na 'yun. Sumisikip ata 'tong dibdib ko.
"Eiron, are you ok? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Damon na hindi ko pinansin. Napansin ko si Yuri na tila may nangingiusap na mga mata habang dahan-dahang lumalayo sa babae at lumalakad patungo sa akin. Pilit niyang nilulusutan ang mga taong nakaharang sa kaniya.
Parang sinasabi ng puso ko na magstay at hintayin siyang makarating sa akin. Pero ang utak ko, parang...
kumokontra . Huh? Hindi ko maintindihan?
Hindi ko alam, hindi ko agad napansin pero parang may sariling buhay ang mga paa ko dahil tumakbo ako palayo. Iniwan ko ang mga kaibigan ko, si Damon at ang dance floor.
“Eiron? Eiron! Wait!” pagtawag ni Yuri sa akin pero hindi ako huminto.
"Eiron! Saan ka pupunta?" pagtawag naman ng mga kaibigan ko akin na hindi ko rin pinansin. Lumabas ako ng gate at hinanap ng mata ko ang kotse ni Jeremy. Nakita ko naman ito pero busy siya sa ginagawa niya.
"Je—" naputol ang sasabihin ko dahil may naramdaman akong humawak sa braso ko at pinaharap ako. Hindi ko na kailangang tanungin kung sinong 'yun dahil kilalang-kilala ko ang amoy niya, pati ang paraan ng paghawak niya sa braso ko. Hindi pa ako nakakareact noong bigla niya ring hinawakan ang pisngi ko at halikan ang mga labi ko.
Yuri…
Itutuloy…
Desire 21
Desire 21: Afraid
Yuri’s Point of View
I slowly pressed my lips against his. Tama nga ako, napakalambot nu’n. Wala pang nakakahalik. The kiss was soft and slow, as if I was afraid the moment would disappear if I rushed it. Tngin , nakaw na nga lang ’to tapos mamadaliin ko pa?
Humigpit ang hawak ko sa kaniya at hinila pa siya papalapit sa akin. Nilagay ko rin ang kamay ko sa kaniyang bewang habang nanginginig ang mga ’yun dahil natatakot akong baka lumayo siya sa akin.
Nagulat na lang ako noong nauna niyang sakupin ang lower lips ko. Napakagentle at tila alam na alam niya kaya nagwala na naman ang puso ko. Nakakapanghina na nakakadala. Nanginginig ng kaunti ang tuhod ko kaya mas kumapit pa ako sa kaniya.
The kiss tasted like warm candy. It was the feeling of coming home after a long journey, the sudden ease of breathing after holding my breath for too long. Parang ang sarap-sarap pigilan ng paghinga dahil sa bawat galaw na ginagawa namin. I captured his upper lip and licked his lower lip.
Pero agad din ’tong naputol noong bahagya niya akong itulak habang nakatitig ang mga mata niya sa akin. I saw his cheeks turn red and the look in his eyes, like he had so many questions hidden inside.
Napalunok ako at natauhan sa ginawa. “I…I’m sorry,” sabi ko sabay buntong-hininga. “H-hindi ko sinasadya, Eiron.”
Hindi siya nagsalita pero nakatitig lang siya sa akin. Napapapikit pa na parang nagtataka.
“A–are you mad at me? Sorry talaga. N-nadala lang talaga ako sa tingin mo kanina. I-I’m…very sorry,” pabulong kong sabi sabay hawak sa kamay niya.
Hindi pa rin siya nagsalita. C’mon…say something.
“C’mon, sorry na, oh? Hindi ko na gagawin ’yun uli—”
“Sorry, Yuri,” aniya sabay dahan-dahang bumitaw sa akin at lumayo. Gusto ko siyang hilain pabalik pero para akong nababato sa kinatatayuan ko.
“Uuwi na ako,” dagdag pa niya sabay talikod sa akin. I want to shout his name, to say about my feelings na nandito pa rin, kung paano niya ako nadala sa isang titig lang kanina kahit nangako na akong ako na mismo ang iiwas para mapigilan ko ang sarili ko.
Pero sinuway ko ’yun, I broke my own promise.
“Sorry…” bulong ko sa hangin habang nakikita ko siyang papasakay sa sasakyan. Lumingon pa ang malumanay niyang mga mata sa akin bago tuluyang pumasok sa loob. I bit my lower lip and closed my eyes.
I guess, hindi ko na naman siya makikita. Wrong move…Idiot.
Pinigilan ko ang emosyon ko sabay talikod habang nakayuko sa lupa. Hindi pa rin ako natuto talaga. Sinuway ko pa rin ang kagustuhan niya. Lumampas pa rin ako sa boundary na mayroon kami.
Pero he kissed me back. Tinugunan niya ’yun. Hindi siya nanlaban ng ilang segundo. What does it mean, Eiron? Huh? Bakit ka humalik pabalik kung…ayaw mo talaga sa akin? At anong ibig sabihin nung mga titig mo sa akin kanina? Nagseselos ka ba?
“Dmn it, Yuri…” bulong ko sa sarili. “Pwede mo namang…pigilan ’di ba? Gag ka.”
“Yuri,” ani Logan na lumapit sa akin. Umangat ang ulo ko at tumingin sa kaniya. Hindi nakatakas sa akin ang malungkot niyang mga mata.
“Hindi ko napigilan, Logan. Lumayo na naman siya sa akin,” saad ko.
Hinimas niya ang balikat ko. “Hindi mo napigilan dahil gusto mo pa rin siya.”
Hindi ako nakasagot dahil totoo naman.
“Hindi naman kita masisisi kahit nakakabigla ’yung ginawa mo. Pero at least you tried, right? Sinubukan mo naman, sinubukan niyo namang bumalik sa dati. Baka nga…kailangan niyo muna ng matinding space sa isa’t-isa,” aniya. Napatingin ako sa kaniya bago tumango.
“Nasaan ’yun?” rinig kong sabi pa nila Rafael na kakalabas lang kasama sila Dice. Kasama rin nito si Carly na nakakunot ang noo. Hindi ko siya pinansin.
“Aalis muna ako,” sabi ko sa kanila.
“Sasama ako, Yuri,” ani Carly pero hindi ko siya pa rin pinansin. “Hey, Yuri!”
“Hayaan niyo muna siya,” rinig kong sabi ni Logan sa kanila bago ako sumakay ng motor ko. Hindi na ako nagsuot ng helmet at agad na pinaharurot ang motor paalis.
Kainis! Kung kailan ko naayos na ang halos lahat ng connections namin saka pa ako bumigay! Kinaya ko na nga siyang harapin as my friend but, this heart and this mind…it making me crazy. Kusa nila akong pinapagalaw para gumawa ng katangahan ko. Pinihit ko ng mahigpit ang manibela at mas binilisan pa ang pagpapaandar. Hindi ako naiiyak this time, pero masakit pa rin. Parang huling halik ko na ata ’yun sa kaniya kaya hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko.
Napatingin ako sa daan noong bigla kong napansin ang limang bulto ng tao. Pamilyar sila sa akin kaya. Bigla silang humarang sa dinadaanan ko kaya agad akong napa-sway ng motor at patigilid na inihinto ang sinasakyan ko.
Napangisi ako bigla ng makita ko si Bob na buhay na buhay kasama ng mga alaga niya.
“Buhay ka pa? Matapos ng ginawa ko sa’yo?” tanong ko sa kaniya at bumaba ng motor ko.
Tumawa si Bob ng nakakaloko habang naririnig kong nagpapatunog ng mga buto ang kasama niya. “Masamang damo rin ako katulad mo, Yuri. Walang mamamatay sa atin hangga’t walang nauubusan ng dugo.”
“So, naparito ka para…” Minassage ko ang batok ko. “Magpakamatay uli? Kasi as of now, mas sisiguraduhin ko na wala ka nang hininga mamaya.”
“Woah!” tumawa siyang lalo. “Masyadong mainit ka ata ngayon? Bakit? Ano na namang nagpatrigger sa’yo?”
I licked my lower lip dahil sa pikon. So, emosyon ko naman ang gagamitin niya para painitin ang ulo ko? “Mukha mo. Ang sagwa kasi, eh. Kahit paoperahan ka siguro ni Harold walang magbabago.”
“Eh kung bangasan kaya namin uli ’yang mukha mo?!” aniya na tila na offend sa sinabi ko. Totoo naman, eh? “Mag-isa ka lang! Tandaan mo ang nangyari sa’yo noong 3 kaming bumugbog sa’yo!”
“That was my unluckiest day pero I will make sure na hindi na mangyayari ’yun.” Itinaas ko ang kanang kamay ko at pinagalaw ang dalawang daliri para hamunin sila. “Bring it on, goons.”
Kaagad namang sumugod ang apat sa kanila. Dahil sa emosyong meron ako ngayon ay tila wala akong takot. Parang ang sarap ibuhos sa kanila lahat ng nararamdaman ko. Ang sarap ibuntong ng inis ko sa mga mukha nila.
Hindi ko alam kung papaano ko sila naiiwasan basta suntok at sipa lang ang binibigay ko sa kanila. Masakit man sa buto dahil sa tigas ng mga bungo nila pero wala akong pakielam. Matakpan man lang ’yung sakit sa dibdib ko ngayong gabi.
“Kaya ka ganyan, dahil walang nagmamahal sa’yo!” sabi ng isang boses sa isip ko. Isa ’yun sa sinabi ni Willson sa akin noon na nagpapatrigger sa akin. But now, I guess he’s right. Baka nga dahil basagulero ako.
Napatingin ako sa isang kalaban na may hawak na bakal. Handa na niya akong hampasin pero kinuha ko ’yun at sinubukang agawin gamit lang ang kaliwang kamay ko habang sakal-sakal ko ang leeg ng kasama niya sa kabilang kamay ko. Inapakan ko naman ang dibdib ng isa habang nakahandusay ’to.
Hihina, amp*ta.
“Sige, Yuri! Magpakabayani ka!” ani Bob at lumapit sa akin. Hinampas niya ang kahoy sa likod ko dahilan para mapadaing ako. Pero hindi ko binitawan ang hawak ko at mas hinigpitan pa.
“Ano?! Sino sa atin ngayon ang mamamatay?!” ani Bob at hinampas na naman ako. Napaubo ako ng dugo at nalasahan ang lasang kalawang sa bibig ko. Doon ako napahiga kaya nakawala sila mula sa akin. Bwisit!
“History reset now,” saad ng isa sa mga tauhan niya na ikinangisi ko habang pinpalibutan nila ako.
“H-history r-repeat itself y-yun…” sabi ko sabay tawa. “B-bobo.”
Nanlaki ang mata nung lalaki sa akin at akmang hahampasin na sana ako ng may bumangga sa kanila at magliwanag ang paligid.
“Tngin!!” mura ni Bob noong matumba sila habang ako ay pilit na binabangon ang sarili ko.
“Mga malalaking harang!” saad ng pamilyar na boses. Base roon, lalaki ito. Hindi ko siya maaninag.
“May baril ako, tang*na niyo! Hindi pa kayo aalis?!” banta pa uli nung lalaki. May mga kamay naman akong naramdaman sa aking bewang at balikat. Noong makita ko ng kaunti ang may-ari nito ay doon ko siya nakilala.
Napangisi ako. “A-akala ko ba uuwi ka na?”
“Tigas ng ulo mo. Akala ko babalik ka sa party, eh,” aniya habang inalalalayan akong tumayo. Mabilis naman niya akong sinakay sa kotse at tumabi sa akin bago bumalik ’yung kasama niya na dala ang motor ko at sinakay sa itaas ng sasakyan. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ’yun. Mabilis naman na kaming umalis matapos ’yun.
Nakita ko pa na hinahabol kami nila Bob pero sigurado akong mawawala rin sila at susuko.
“Anong ginagawa mo, Yuri? Bakit nakikipag-away ka na naman sa kanila?” tanong ni Eiron. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
Kahit nanghihina ay ngumiti ako. “M-masama bang…i-ibuhos ’yung…emosyon ko sa k-kanila? S-sila rin n-nang-una eh.”
“Anong emosyon? Bakit? Galit ka ba?” aniya. Tinignan ko lang siya at ngumiti.
“Jeremy, sa hospital tayo!” ani Eiron uli. Pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanang kamay niya habang unti-unti akong nawawalan ng malay.
Nakalimutan ko siyang tanungin, bakit niya ako hinalikan pabalik kanina?
Eiron’s Point of View
MATAPOS namin siyang dalhin sa hospital ay agad namin siyang inuwi dito sa bahay dahil ayaw niya ata sa pinakabahay nila. Umuungol siya kanina at pinipigilan ako.
“Salamat Jeremy,” sabi ko ng maiupo namin siya sa sofa.
“Hanep makipag-away ’tong kaibigan mo, Ron! Isa laban sa lahat? Ano ’yan? The Clash?” ani Jeremy. “Sige, balikan ko muna si Luigi. Tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong, ha? Yung motor niyan nasa labas na.”
Tumango ako bago siya lumabas. Napakamot naman ako sa batok dahil nakikita ko siyang tahimik at nakapikit pa rin.
“Ikukuha kita ng kumot at unan. Magpalit ka na rin ng damit,” sabi ko pa. Noong tumalikod ako ay narinig ko ang pagtunog ng sofa.
“W-why did you kiss me back?” tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ko magawang lumingon o masagot ’yung tanong niya.
“Why, Eiron? Please, say something?” pakiusap niya pa. Narinig ko ang dahan-dahan niyang paglakad papalapit sa akin na ikinakabog ng puso ko.
Hindi pa rin ako nagsalita pero dahan-dahan, pinilit kong umalis para magpuntang kwarto. Kaso naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at ang pagsandal ng ulo niya sa likuran ko.
“Natatakot ka ba sa akin? M-may mali ba sa a-akin? P-please, let me know…” aniya sa nanginginig at nakikiusap na boses. Napapikit ako dahil pakiramdam ko, hinahaplos nito ang puso ko.
“P-please? Eiron? Kung ayaw mo sa akin, b-bakit mo ako hinalikan? Huh? B-bakit mo ako binalikan kanina? A-anong meaning nu’n?” pangungulit niya habang mahina siyang humihikbi.
Parang may nakaharang na bato sa lalamunan ko dahil walang salitang namumuo sa bibig ko. Wala akong mailabas. Pilitin ko man, baka kung ano lang ang sabihin ko.
“I-ikukuha lang kita ng pampatulog mo. Tapos matulog ka na. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka pa,” sabi ko bago tuluyang umalis. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong naglock ng pintuan at huminga ng malalim. Sumisikip na naman ang dibdib ko kaya napahawak ako sa damit ko.
Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko siya hinalikan. Nadala ako, oo ’yun lang naman pero kung malalim na dahilan pa ang kailangan niya, wala akong maibibigay.
Kung bakit ba ako bumalik? Ewan, siguro kinabahan lang ako. Mabuti at sinabi lang nila Logan kung saan siya direksyon nagpunta kaya agad namin siyang nasundan.
Bukod doon, wala na. Tumingin ako sa unan at kumot na ibibigay ko sa kaniya. Malinis ’yun. Pati ang mga damit na pwede niyang suotin muna ngayong gabi. Magka-size naman kami kaya walang problema. Malaya rin siyang h’wag magsuot ng damit kung hindi siya komportable.
Lumabas na rin ako habanag lakas-loob siyang haharapin muli.
Ngunit walang laman na sofa ang naabutan ko. Walang Yuri sa buong paligid. Wala akong maramdaman na presensiya niya. Ang tanging nandoon lang ay ang kakabagsak lang na pintuan at ang tunog ng motor na papaalis.
Sa pagkakataong ’yun, siya naman ang umalis. Umuwi dahil sa mga tanong na walang kasagutan. Napabuntong-hininga ako.
“Kanino ’yang mga ’yan, anak?” tanong ni Mama na nasa harapan ko pala. Napansin ko ang surpresa sa kaniyang mga mata. “Atsaka ang aga mo ngayon. Wala pang alas-diyes.”
“Pagod lang nay. Ayoko rin kasi ng party-party na ’yan kaya nagpaalam na ako,” palusot ko kay Mama. “Matulog na po kayo. Ako na ang bahala mag-ayos rito.”
“S-sige, anak. Kumain ka na ba?” tanong niya pa pero tumango na lang ako.
“G-goodnight, anak,” habol niya bago muling pumasok sa loob ng kwarto niya. Mabuti na lang at hindi siya nagtanong sa akin kaya tahimik na akong nakakilos. Paghiga ko sa kama ko ay napatingala ako sa kisame namin habang hawak ko ang phone.
Iniisip ko kung tatanungin ko si Yuri, kung nakauwi na ba siya. Dapat pala sa kanila ko na siya diniretso kahit anong protesta nito.
Tinignan ko ang account niya, walang message, hindi active, wala rin siyang my day at mas lalong wala siyang post.
Bakit ayaw niya na lang ibaling ’yung sarili niya roon sa babae? Mukhang bagay naman sila, eh. Base sa galaw nila, parang ka-close na niya ito kaya alam kong hindi malabo, hindi rin magtatagal at magiging sila na nu’n isang araw.
Hindi na ako magugulat.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Bakit, ayaw tanggapin ng puso ko ’yung sinabi ko? Pero totoo naman, ’di ba? Kaysa sayangin niya ang oras niya sa akin.
Hindi ako masyadong pinatulog ng pag-iisip ko. Naiisip ko rin ’yung paraan ng paghalik niya sa akin na parang nagmarka sa labi ko. Wala pang nakakahalik nito, kaya siya ang first kiss ko.
Pagbangon ko ay napansin ko agad sina Aling Gina at Mama na nasa harap ng bintana, nandoon din si Jeremy na walang pang-itaas na damit. Noong mapansin niya ako ay natigil ang pinag-uusapan nila.
“Oy, good morning!” bati niya. “Una na ako, bro! Puntahan ko pa si Luigi!”
“Ay, ’yung mga hugasin pala naku!” ani Aling Gina sabay alis sa harap ko. Nag-ayos na rin ako at nag-almusal dahil marami pa akong gawain ngayon. Balak kong abalahin ang sarili ko ngayon para hindi na ako mag overthink pa. Balak ko rin mag jogging tutal matagal na akong hindi naggaganoon.
“Anak, maupo ka muna saglit,” ani Mama noong kukunin ko sana ang sapatos ko.
Kinabahan ako bigla. “A-ah, bakit ma?”
“Basta, maupo ka muna,” aniya sa malumanay na boses. “Hindi mo sinabi sa akin na dapat dito matutulog si Yuri? Nabanggit ni Jeremy kanina.”
Iniwasan ko ang mga mata ni Mama. “Ahh, oo ma. Umalis lang siya. Ewan ko roon kung bakit.”
“Bakit nga ba anak? Nasabi sa akin ni Jeremy na parang nag-away raw kayo? Kasi nagmamadali kang sumakay kagabi pauwi habang nandoon si Yuri sa labas?” tanong niya pa. Napapikit ako.
“Nag-uusap lang. Kinukulit ako na h’wag munang umuwi,” tugon ko. “Tapos nakita naming nakikipag-away kaya dinala namin sa hospital—”
“A-ano?! A-ayos na ba siya?” tanong ni Mama na tila nabigla sa narinig.
“Opo. Dinala ko naman na siya. Bugbog lang daw kaya napauwi rin. Kaso umalis uli pagkadala namin rito. Baka umuwi na sa kanila,” sabi ko bago tumayo. “Magja-jogging po muna ako habang hindi pa tanghali.”
“Anak, anong nangyari sa inyo sa party? Nag-away nga ba kayo?” tanong niya uli. “Mukhang hindi ka masyado nakatulog, tingnan mo ’yang mata mo, oh? Magsabi ka kay mama.”
Para akong bumigay noong marinig ’yun. Ayokong magsabi sa kaniya ng problema at iniisip ko dahil ayoko ring masali pa siya roon. Ayoko siyang mag-isip at ayokong ipasa ang burden na dapat ako lang ang nagdadala.
Pero sa tono ng boses niya, para akong nakokonsensiya na pinagsisikretuhan ko siya.
Napaupo akong muli. “Hinalikan niya ako, Ma.”
Natahimik siya sa narinig at sumandal ng dahan-dahan. Mukhang mali ata ang pagkakasimula ko. Bahala na.
“H-hindi naman po ako nagalit, eh. Pero hindi ko kasi maintindihan, Ma. Nireject ko na siya, sinaktan ko na siya sa mga salita ko, pero b-bakit…nagawa niya pa rin akong halikan?” tanong ko sa kaniya.
“Sinabi naman niya sa akin na ayos lang na magkaibigan kami, umiiwas na nga po siya sa akin pero kagabi…parang bumabalik lang kami sa dati, eh,” dagdag ko pa sabay kagat sa ibabang labi ko.
“Tulad ng sinabi ko, anak. Hindi mo agad mapapabago ang feelings ng isang tao kung talagang sincere siya. Kung mawawala man ito dahil sa panggre-reject mo, matatagalan pa dahil proseso ’yun,” sabi ni mama. “Anong ginawa mo noong hinalikan ka niya?”
“H-hinalikan ko po pabalik…n-nadala ako,” sabi ko sabay iwas ng tingin. “Pero natauhan din ako kaya sinabi kong uuwi na ako at nagsorry sa nangyari, kasi ayaw kong mas lalo siyang umasa—”
“Nadala ka lang? O, yun din ang gusto mo?” tanong niya na nagpatigil sa akin. “Ano bang nilalaman ng puso mo, anak? Dahil baka sa sobrang pag-iisip mo…hindi mo pinakikinggan ’to.”
Tinuro niya ang bandang dibdib niya.
“At binalikan mo siya kahapon para iligtas sa mga kaaway niya, bakit?” tanong niyang muli.
“Dahil…” hindi ko na alam ang susunod na sasabihin sa pagkakataong ’yun. Para akong natuod sa kinauupuan ko.
“Dahil ba…gusto mo rin?” dugtong ni mama. “Dahil gusto mo rin siya?”
Mas diniinan ko pa ang pagkagat sa labi ko bago tumango.
“Ayaw kitang pangunahan pero alam kong ganoon din ang nararamdaman mo sa kaniya. Noong birthday ko, ramdam na ramdam ko sa mga titig mo, kilos mo at pagsasalita mo ang tunay mong nararamdaman. Alam ko lahat ’yan kasi ina mo ako. Kaya hindi mo dapat ’yan itago sa akin,” paliwanag niya. Hindi ko alam kung bakit biglang kumawala ang isang pakiramdam sa dibdib ko noong marinig ko ’yun sa kaniya. Parang nakakatouch ’yung sinabi niya.
“Magsabi ka sa akin, anak. Ayaw kong maglihim ka lang kasi baka sa huli, magsisi ka na itinago mo lang ’yan,” dagdag niya.
Tumingin ako sa malayo. “H-hindi ko naman tinatago, eh. P-pinapawala ko lang.”
“Bakit? Anong dahilan?” tanong niya na may halong pangungumbinse sa kaniyang boses.
Ano nga ba?
Napalunok ako. “N-natatakot po ako, eh.”
Napansin ko ang pag-amo ng mukha ni Mama. Parang ’yung mukha niya kapag umiiyak ako noon. “Anong kinatatakutan mo?”
Hindi ko alam kung ipapaliwanag ko sa kaniya ’yun. Kung dapat ko bang sabihin. Kung talaga bang kailangan ko pang sagutin siya. Malaki naman na ako, bakit pa ako matatakot? Dapat kaya ko na ’to, ’di ba?
“Magja-jogging lang po ako, ma. A-ah babalik din po ako,” sabi ko agad na tumayo para kunin ang sapatos ko.
“Kapag handa ka na, sabihan mo lang ako…” pahabol pa nito na hindi ko na nilingon pa.
Paglabas ko ng bahay ay binuhos ko ang isip ko sa pagtakbo. Gusto ko na mawala ang bumabagabag sa akin habang tumatagaktak ang pawis ko. Hindi man lahat pero sana mabawasan kahit papaano.
Napahinto ako noong sa tingin ko’y nakakalayo na ako at naka 5 laps na paikot sa amin. Napahawak ako sa aking tuhod at huminga ng malalim. Sa dami nu’n, wala hindi talaga nawala, eh. Gusto ko na lang tuloy pumasok sa trabaho ko kahit day-off ko.
Iniwasan ko rin si Mama ng ilang oras dahil baka magtanong uli siya. Lumabas-labas nga lang ako at kunwaring may ginagawa sa kwarto.
Pero noong dumating ang hapunan, napansin kong nakatitig pa rin si Mama sa akin habang nag-aayos ako ng gamit ko bukas.
Huminga akong malalim dahil sa tingin ko, hindi ako patatahimikin ng isip at puso ko.
“H’wag niyo na pong isipin ’yung kinatatakutan ko. Kung anuman ’yun eh, ako dapat ang humarap dahil malaki na ako,” sabi ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama. “Pero para sa akin, ikaw pa rin ’yung Eiron na laging nakahawak sa akin kapag natatakot. Kaya hindi ibig sabihin na malaki ka na, hindi na kita tutulungan. Kilala kita. Hindi ka lang nagsasabi pero alam kong…kailangan mo ng tulong.”
“Pero ma—”
“Mas lalo akong magkakasakit, anak kapag nagpatuloy ka pa rin sa ganiyan,” pagputol niya sa akin. “Hindi ako matatahimik na sino-solo mo ang mga bagay na hindi mo dapat iniisip lang mag-isa.”
Nawalan ako ng lakas magsalita.
“Mahal kita, anak. Kaya kung natatakot ka…mas tatatagan ko. Pero paano ko gagawin ’yun kung hindi ko alam kung saan ka natatakot? At kung anu man ’yan, dapat harapin mo o natin ’yan dahil hindi kasagutan ang pagtanggi o pagtakas lang. Hindi ’yun solusyon,” paliwanag niya. “Makikinig naman si Mama, eh. Hindi kita huhusgahan. Gusto ko lang marinig ’yang nasa loob mo.”
Napaiwas ako ng tingin at umupo sa harapan niya.
Humugot ako ng malalim. “A-ayoko lang maiwanan, ma.”
Napansin ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay, pero wala siyang sinabi. Tulad kanina…para siyang naghihintay ng susunod kong sasabihin.
Napatingin ako sa mga kamay ko na pinaglalaruan ang kabila kong kamay. “Ayoko lang din na..mapabayaan ko kayo kapag pinagbigyan ko ang sarili ko.”
Umiling siya. “Hindi anak…mas pinababayaan mo ang sarili mo p-pag…n-nilulubog mo ang sarili mo sa pag-aalaga sa akin.”
“P-pero, sinong mag-aalaga sa inyo? A-ayokong umasa sa iba. Kung si Aling Gina nag volunteer, tama na siguro ’yun. Nabuhay rin naman tayo ng tayo-tayo lang, nang walang tulong ng iba, ’di ba?” sabi ko pa.
“Naaalagaan mo naman ako, anak. Pero pakiramdam ko, parang wala ka ng tinitira sa sarili mo. Natatakot lang ako na baka dumating ang panahon, na ikaw na lang mag-isa eh masanay kang ganyan.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Pwede mo akong alagaan, pwede mo rin akong tulungan ng nababalanse mo ang lahat at nabibigyan ng oras ang sarili mo.”
Nagluluha ang mata ko sa narinig. Kinuha ni Mama ang kamay ko at hinalikan ’yun.
“At kung natatakot kang maiwanan…hindi mo naman masasabi kung mangyayari ’yan o hindi. Lahat naman ng tao aalis. Miski ako, anak. Ang mahalaga roon, magawa mo ang gampanin mo sa kanila. Kung anong sinasabi ng puso mo. Para wala kang pagsisihan sa huli at habulin,” dagdag pa ni Mama.
Hindi ko na kinaya at napayuko na ako. “T-tanda niyo ho ba n-nung bata ako? Umuwi kang magulo ang make-up mo sa mukha? Tapos pinatulog mo na ako nu’n dahil sabi mo may gagawin ka pa…” natahimik si Mama. Umiling ako sa kaniya. “H-hindi po ako natulog nu’n. S-sinilip kita at nakita kitang umiiyak mag-isa. U-umiiyak ng tahimik.”
Nakita ko na tila papaiyak na si Mama pero pinipigilan niya lang. “Eiron…”
“M-may tinatawag kang pangalan, Ma. Hindi ko siya kilala pero…alam kong tatay ko ’yun. Hindi ba siya ’yun? Si Ronald? Umiiyak ka nu’n habang may hawak kang basang bente pesos…tapos pinunit mo?”
Lumandas ang luha sa mga mata ko pababa sa pisngi ko. "Ayoko ng ganoon, Ma. Ayokong umiyak sa isang tao, ayokong iwanan ako matapos kong gawin lahat. Ayokong sayangin ko ang oras ko sa taong wala namang ibang gagawin sa buhay ko kung hindi sirain at paglaruan ako. Ayokong dumating 'yun, Ma..."
Niyakap niya ako. "Anak..."
Sunod ko na lang naramdaman ang pagtaas-baba ng mga balikat ko at sunod-sunod na pagbuhos ng luha ko.. "A-ang hirap magtiwala, ma..."
"Sobrang hirap n-na i-isipin na dapat kinakalimutan ko na 'yun, pero lagi ko pa ring tanong sa diyos, at sa walang kwentang lalaki na 'yun kung bakit? A-anong mali natin para iwanan niya tayo? B-bakit niya nagawa sa atin 'yun?"
Hinimas niya ang likuran ko. "Shhh, walang mali sa atin. Duwag lang ang tatay mo, naduwag lang sa responsibilidad."
"P-pero bakit ka iniiwanan noon ng mga nagiging nobyo mo? B-bakit kapag ipapakilala mo na sila sa akin? Ayaw na nila? Hindi na sila bumabalik? A-anong mali, ma?"
Hindi siya nagsalita pero hiniwalay niya ako sa kaniya habang pinupunasan ang mga luha ko.
Ngumiti siya ng mapait. "Ayaw lang siguro nila ng responsibilidad. Pero walang mali sa'yo, anak. Walang mali sa atin. H'wag mong dibdib 'yung tanong mo kasi hindi tama 'yan. Ang ama mo ang mali, hindi tayo. Kung ayaw rin sa'yo nung mga lalaking pinili ko dati, edi h'wag, ikaw ang pinili at pipiliin ko kasi kung tatanungin ako kung anong pinakamasayang nangyari sa akin? Yun ay 'yung naipanganak kita."
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang basang-basa 'yun ng luha ko. "H-hindi mo rin dapat isipin na porket masalimuot ang buhay ko sa pag-ibig eh ganoon ka rin. Iba-iba pa rin tayo ng buhay at tadhana. Mabuti kang tao, masipag na anak at matalinong bata. Alam kong mas malalampasan mo ako balang araw. Maabot mo ang pangarap mo."
Hindi ako nakapagsalita pero ramdam ko ang sagot sa mga tanong ko mula sa mga mata at bibig ni Mama.
"H'wag kang matakot, anak. H'wag kang maging duwag kagaya ko. Matapang ka, at malakas. Kung lokohin ka man, ganoon talaga sila. Desisyon nila 'yun. Basta ang isipin mo, may mali ka man at pagkukulang pero hindi mo hinanap sa iba 'yun. Hindi ikaw ang nagbigay ng dahilan para masira kayo."
"P-paano po ako magtitiwala, M-ma?" tanong ko habang nauutal pa rin sa pag-iyak.
Pakiramdam ko, gumagaan ang dibdib ko.
“Yan ang hamon sa buhay, anak. Basta mahalin mo lang sila sa paraang komportable kayong pareho. Hindi ko sinabing ibigay mo ang lahat, magtira ka rin para sa’yo. Kung anuman ang maging salita at kilos nila, maniwala ka. H’wag kang magpapadala sa mga iniisip mo dahil maaapektuhan ka niyan. Kung may ebidensya ka na matibay, saka ka lang maniwala na niloloko ka ng tao na ’yun. Pero hangga’t wala, hangga’t minamahal ka niya ng walang kahit na anong kapalit o wala siyang ginagawang masamang bagay…pagbigyan mo lang ang puso mo. Mahalaga rin na kung ang bagay na gagawin niya ay dahil sa mahal ka niya, basta mabuti ito para sa inyong dalawa…tanggapin mo,” paliwanag niya sa malumanay na boses.
Pakiramdam ko, hinehele niya ako at pinapatahan dahil doon habang dahan-dahang natatauhan sa mga naririnig at naiisip.
"Kaya h'wag kang matakot magmahal o magkagusto sa isang tao. Kasi, 'yung iba sa kanila...may matututunan ka at tuturuan ka tungkol sa pagmamahal, sa buhay. Habang 'yung isa naman na maaring makilala mo sa huli o sa anumang oras ay nakatadhana sa'yo. Kailangan niyo lang tulungan ang isa't-isa para mapatunayan 'yun," aniya.
Tumahan ako habang dahan-dahang pinapakalma ang dibdib ko.
"Hindi kita minamadali na maproseso ang lahat. Kung ano man 'yang nasa puso mo anak, pwede mo pa ring pag-aralan. Bigyan mo ng time ang sarili mo. At kung handa ka na talaga...h'wag mo nang hayaang lumayo pa siya," dagdag niya bago sundutin ang dibdib ko.
Itutuloy…
Desire 22
Desire 22: Lost
Eiron’s Point of View
Makalipas ang buong sembreak ay nanumbalik kami sa Harvey. Natapos din ang contract ko sa restaurant kaya balik uli ako sa trabaho ko kay Yuri. Yun nga lang, hindi pa rin kami nag-uusap. Hindi siya nag-oonline. Hindi rin siya nagcha-chat sa mga kaibigan niya, pati sa group chat. Kaya nag-aalala pa rin ako. Pero ang sabi naman nila Rafael eh ayos lang siya. Malamang sa malamang, nandoon lang ’yun sa kanila o sementeryo para dalawin ang ina niya.
Ngayon, alam kong handa na ako. Hindi pwedeng hindi dahil ’yung puso ko hindi ako pinapatulog. Sa tuwing maalala ko si Yuri, at ’yung mga ginagawa niya sa akin na gesture tulad noong niyakap niya ako para hindi na magalit ay napapangiti ako. Meron pa, katulad na lang din nu’ng nagmamakaawa niyang mga mata ay nakokonsensiya ako. Para akong batang pinagdamutan siya ng candy na nakatago sa aking bulsa dahil ayokong mamigay, natatakot na maubusan.
Aaminin ko, after makipag-usap ko kay Mama tungkol sa kinatatakutan ko, narealize ko na naging cruel ako kay Yuri. Sinusubukan ko siyang palayuin at pawalain ang nararamdaman niya para sa akin pero hindi pala ganoon ang naging dating nito.
Namisinterpret niya ako dahil na rin sa hindi ako nagdahan-dahan.
Parang ang naging meaning nu’n ay nagsisisi ako na nakilala ko pa siya, na siya lang ang naging masaya sa naging samahan namin habang ako, wala, na para sa akin, normal lang ang lahat ng ’yun at wala akong nararamdaman.
Kumbaga, pinalabas ko siya sa lungga niya, na pumoprotekta sa kaniya laban sa mga taong mapanghusga katulad ni Sir Willson. Pero ako rin ’tong nagpabalik sa kaniya at nanakit para lang hindi siya umasa pa.
Napatingala ako sa gate ng school namin at napangiti ng tipid. Sana lang hindi siya galit sa akin
“Ron!” sigaw ng kung sino. Napansin ko agad na si Rafael pala ’yun habang nakasuot ng simpleng puting t-shirt na naka tucked in sa denim pants niya. May kulay pulang sapatos at shades sa mata.
“Oh?” tanong ko ng sabayan niya ako s apaglalakad.
“Wala, miss you!” aniya sabay tawa ng nakakaloko. “Nakapag-usap na ba kayo ni Yuri?”
Napakibit-balikat ako. “Ahh…hindi pa.”
Kumunot ang noo niya. “Huh? Bakit naman? Hindi pa rin kayo ayos?”
“Hindi nag-oonline, eh. Ayaw pansinin message ko,” sabi ko sa kaniya. Napansin ko naman si Dice at Logan na nag-uusap habang nakatingin sa mga librong hawak nila. Napansin kong napakunot ang noo ni Rafael ng makita sila.
“Tss,” bulong pa nito. “Geh, una na ako.”
“Hoy! Kalbo! Sandale!” ani Dice noong mapansin kami. Tumakbo siya papunta kay Rafael na bahagyang naunang maglakad. Sumabay naman si Logan sa akin matapos ’yun.
“Hindi pa nag reach-out sa’yo si Yuri?” tanong ni Logan ng seryoso sa tabi ko.
Yung totoo? Nakasubscribe ba sila sa buhay ko? “Hindi eh. Baka…”
“Hindi galit ’yun. Kailangan lang ng space,” ani Logan. “Pero seryosong tanong, Eiron…bakit mo nga ba hinalikan nu’n si Yuri?”
Napalunok ako ng tingnan ko ang mga mata niya na naging steady lang sa akin. Para siyang naghihintay ng sagot ko. Pakiramdam ko na naman, nasa hotseat ako sa isang interview ngayon. Yung katulad sa TV Show? Sino nga uli ’yun? Boy Abunda?
Napabuntong-hininga ako. “Gusto ko rin siya, Logan. Pero natakot lang ako talaga noon.”
“Natatakot ka kay Yuri? O natatakot kang magmahal?” tanong niya muli sabay sarado ng libro na binabasa niya.
“Parehas akong takot. Pero…ngayon, siguro handa na ako,” sagot ko ng pabulong. “Sana lang, hindi talaga siya galit. Nasaktan ko siya ng ilang beses, eh.”
Tumango siya. “I’m not mad at you, Eiron. Pero ngayon ko lang din nakitang ganoon si Yuri. After niyang makaalis sa inyo, tumawag siya sa akin ng umiiyak. Naguguluhan daw siya dahil sa mixed signal na binigay mo. Hindi ko naman alam ang gagawin kasi hindi mo rin ako sasagutin for sure kung tatanungin kita kung bakit ganoon. But now that I know your reason, sana malinawan na kayong pareho.”
Hindi ako nakapagsalita. Mas lalo lang akong magi-guilty sa nangyari.
“Eiron! Nandito na siya!” ani Rafael kaya napatingin ako sa direksyon niya. Medyo malayo-layo na siya sa amin ni Logan. Napansin ko na si Yuri nga ’yun. Nakaupo sa bench at nakasandal. May suot na headphones at nakapikit ang mga mata. Napansin ko ang suot niyang dark red jacket at itim na pants. May cream na nike shoes din sobrang linis tingnan at halatang bagong-bago. Bumagay sa kaniya ang mga kulay na ’yun. Ang puti rin ng balat niya eh.
“Go on, lapitan mo na siya,” ani Logan sa akin.
Humugot ako ng hangin bago ibuga ’yun ng dahan-dahan. Bawat hakbang ko papalapit sa kaniya ay tila lumalakas ang tibok ng puso ko. Tinitignan ko pa lang siya, nanunumbalik na sa akin ’yung mga nakaw kong tingin noong okay pa kami.
Noong makalapit ako ay kinakabahan akong hawakan siya. Nagdadalawang-isip pa ako kung iaangat ko ang kamay ko at hahawakan siya sa balikat.
Pero dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata niya na tila inaantok pa. Tumingin siya sa ibaba ko paangat sa mukha ko. Ngunit walang nabuong ngiti sa labi niya. Sinimplehan niya lang akong inirapan bago kunin ang bag niya at tumayo
“Ayaw kitang makausap,” aniya sa malamig na boses bago umalis sa harapan ko.
“Bro? Bro!” pagtawag pa ni Rafael pero hindi na ata ito umimik.
Natulala ako. Para akong nawalan ng lakas na habulin siya at tanungin kung bakit siya ganoon.
“Eiron…” pagtawag ni Dice na may halong awa.
“Naiintindihan ko. Hayaan mo na,” sabi ko sabay tango. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon at agad na naglakad paalis.
“Eiron, wait!” ani Dice. “Ano ka ba, baka naman nagtatampo lang sa’yo? Pwede niyo naman pag-usapan.”
“Ayaw niya raw ako makausap, eh. Baka kailangan niya pa ng space,” sagot ko agad. “Kasalanan ko naman kaya naiintindihan ko siya. Deserve ko ’to.”
“Pero sigurado ka bang ayaw mo siyang kulitin? Baka madaan sa usap ’yang problema nyo tutal sabi mo last ti—”
“Ayos lang. Saka na kapag handa na niya akong kausapin. Sa ngayon, kung ayaw niya, hahayaan ko muna siya. Baka mas lalo lang mapasama,” sabi ko para magtigil na si Dice. Nakita ko naman ang pag kalma ng mukha ni Dice sa narinig. “Sa…library muna ako.”
Tumango naman siya. “Chat na lang kita pag magkaklase na.”
Dumiretso naman ako sa library para sana magbasa at maglibang. Hindi ako makakafocus kung tatanungin na naman nila ako. Alam ko naman na mali na ako at ito ang consequences ko kaya ayos lang, titiisin ko muna hanggang sa maging handa siya.
Noong magtungo ako sa isang shelves na about sa engineering ay napansin ko agad ang isang libro. Connected ’yun sa 1st subject namin kaya alam kong makakatulong siya para mapag aralan ko ang magiging topic mamaya. Agad ko naman ’yung kinuha. Pero may humarang na kamay roon. Pagtingin ko sa may-ari nito ay halatang nagulat kaming parehas dahil nanlaki ang mga mata namin.
Si Yuri na naman.
“Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?!” Tanong niya ng nakakunot agad ang noo.
“H-hindi ah,” napalunok ako dahil tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Para akong nagpapanic “Ano lang…magbabasa lang ako.”
“Tsk,” aniya sabay kuha sa librong dapat na hihiramin ko.
“Ako ang nauna, ah?” sabi ko. “Akin na ’yan, Yuri!”
“Ako ang unang nakahawak, means akong nauna,” sabi niya sabay buklat nu’n.
“Aba?” sabi ko sabay hawak sa balikat niya. “Hindi porket galit ka eh gaganyanin mo ako…”
Hindi naman siya sumagot.
“M-magshare na lang tayo,” sabi ko sa kaniya.
Bigla siyang ngumisi. Yung ngising hindi nagbibiro. Para akong kinabahan dahil doon. “I don’t want to. May kashare na akong iba.”
Natigilan ako bigla. Strike two na siya. “Anong ayaw mo? Di ba, tinututor nga kita? Atsaka…magpartner talaga tayo, ’di ba?”
Hindi ko alam kung saan nanggaling ’yun. Naiinis na nahihiya ako. Ganito siguro ang naramdaman niya noong panahon na nagmamakaawa rin siya sa akin.
Sinarhan niya ang hawak. “Girlfriend ko kapartner ko.” Tumingin siya ng tila inaasar ako. “Isn’t that what you wanted?”
Para akong napipi sa pagkakataong ’yun. Napakuyom ako ng kamao dahil sa kahihiyang ginawa ko. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko rin alam ang itutugon ko. Hindi na katulad noong una na dinedepensahan ko ang sarili ko sa tuwing sasabihin niya ang about sa feelings niya, na takot pa rin ako kaya itatanggi ko siya. Ngayon kasi, alam ko na at alam na mismo ng sarili ko ang totoo kaya wala na akong marerebat.
“Thanks for this by the way. Puntahan ko na girlfriend ko,” sabi niya sa akin na hindi ko pinansin. Agad siyang umalis dala ng libro na dapat na sana gagamitin ko.
Huli na ba ang lahat? Narealize na kaya niya na hindi niya talaga ako gusto? O narealize niya na hindi na niya ako gusto dahil sa pangre-reject ko sa kaniya?
Tumalikod na lang ako at wala na lang sinabi dahil hindi naman niya ako maririnig.
“Hey,” rinig kong sabi ng isang boses. Napansin ko agad ang isang libro sa harap ko bago ko iangat ang may hawak nu’n. Napakunot ang noo ko sa lalaki na nasa harap ko. Alam kong kilala ko siya kaso hindi ko matandaan ang pangalan niya.
“Damon,” ang nakangiti niyang sabi. “That’s my name. We met at the party. Yung umalis ka agad?”
Napangiti rin ako pero tipid lang. Hindi pa rin naaalis sa akin ’yung sakit ng nangyari kanina.
“Ahmm, you’re an engineering student, right? Nakuha ko lang ’tong libro kanina sa table ko. Ibabalik ko sana kaso may…commotion akong narinig so, hindi ko agad nailagay diyan sa shelves. Are you looking for this?” paliwanag niya. Tinignan ko uli ang libro at ito ’yung isang copy nung kinuha ni Yuri.
Kinuha ko naman ng malunay. “Thank you. Akala ko ubos na ’yung copy nito.”
Mas lalo siyang napangiti kaya lumabas na naman ang mapuputi niyang ngipin. “Ah, yeah…ahmm do you need some accompaniment?”
Napakunot ang noo ko. “Ano bang course mo?”
“Nursing,” aniya.
“Nursing? Hindi ka makakarelate sa pag-aaralan at babasahin ko,” sabi ko sabay ngiti.
“It’s fine. Gusto ko lang na ahmm…may makasama since I’m new here,” sabi niya na ikinatango ko. Kaya siguro wala siyang kasama. Well, hindi naman lahat pero mahirap nga naman para sa iba magkaroon ng kaibigan. Naalala ko na naman ’yung time na wala akong dapat na magiging kaibigan. Kung hindi lang ako hinila ni Dice dahil ginawa niya akong fake boyfriend sa harap ng ex niya. Simula tuloy nu’n napasama ako sa circle niya.
“New? Pero nasa party ka ng pinsan ni Logan?” tanong ko ng maupo kami sa isang bakanteng lamesa. Napatingin pa ako uli sa kaniya at napansin na nagreflect ang hazel nut niyang mata sa liwanag ng araw na nagmula sa salamin ng jalousie window.
“Ah, oo. Galing akong US. Nag-move lang ako rito kasi gusto kong mamuhay sa bansa ng father ko. I’m half american, half filipino by the way. Nainvite lang din ako ni Lissie, ’yung pinsan ni Logan since kaklase ko siya,” aniya.
“Oh,” ang tanging naging reaksyon ko. Tumikhim naman siya.
“Ahmm…can I say something?” tanong niya agad.
“Hmm?” Sagot ko habang nakatitig sa libro na hawak ko.
“You know, you caught my eye the first time I saw you here on campus,” sabi niya ng malumanay na dahilan para magsalubong ang kilay ko.
Napansin ko na titig na titig siya sa akin. Parang pinag-aaralan niya ang mukha ko.
“Kaya nilapitan kita nung gabing ’yun para sana magsabi. I took a risk to know you more,” aniya. Mababahiran sa boses niya ang excitement. “Pero tumakbo ka nun dahil may tinitignan ka na hindi ko makita. Akala ko nga ayaw mo sa akin pero your friends told me na may pupuntahan ka lang na importante.”
Napaiwas ako ng tingin. “Ahmmm nagkaproblema lang kasi.”
“It’s fine,” tumango siya. “Kung hindi ka comfortable sa akin nu’n, ok lang din. But, I would like to ask you if may chance ba ako na maligawan ka?”
Nanlaki ang mata ko. “H-huh?”
“I mean…I want to court you. Yun ay kung bibigyan mo ako ng permission?” paliwanag niya uli.
Napalunok ako at napabuntong-hininga. “S-sa totoo lang wala, eh.”
Hindi nawala ang ngiti sa labi niya pero nabawasan ’yun bago siya tumango uli. “Oh…so you’re not single?”
“Single,” tugon ko. “Pero may iba kasi akong gusto.”
“I understand,” aniya. “He’s lucky na magustuhan ng tulad mo. I heard na you’re smart and one of the scholars?”
Tumango ako na tila nahiya dahil sa narinig. “Hindi siya swerte sa akin, dahil nasaktan ko siya dahilan para ayawan niya ako ngayon. Nagbigay kasi ako ng…mixed signals.”
“Ah, well—”
Iniling ko ang ulo ko. “Sorry, napa oversharing na naman.” Napatingin ako sa cellphone ko at saktong dumating ang chat ni Dice. “Oo nga pala! May klase pa pala ako.”
“Thanks for your time, Eiron,” aniya sabay tayo rin. “I hope, mameet pa kita soon.”
“Ako rin,” sabi ko na lang bago tumakbo paalis ng library. Pagkarating ko sa room ay doon ko rin napansin si Yuri na may kausap na babae. Kilala ko ’yung babae dahil kaklase ko siya noong 1st year. Napatingin sila sa akin dalawa kaya agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanila at tuluyang pumasok sa loob.
Tumutok agad sa akin ang mga mata ng mga kaklase ko pero dedma at diretso lang akong pumasok bago umupo sa upuan ko.
Napansin ko si Dice na tila may gusto sanang sabihin pero hindi niya lang maibuka ang bibig niya. Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung ano ’yun.
Pumasok din si Yuri pero hindi ko na siya sinubukang tingnan. Hindi rin siya umupo sa tabi ko, kung hindi sa dulong bahagi kung nasaan dapat si Simone. Nagpalit sila.
"Sorry," bulong ni Rafael na tinanguhan ko na lang din.
Pumasok na rin ang professor namin na agad na nilibot ang paningin sa amin. "Good Morning, class."
Binati naman namin siya pabalik.
"Mr. Quintin, can you read this first before we proceed to our new topic for finals," aniya bago iabot ang isang papel. Nasurpresa ako noong tumayo siya at kunin 'yung papel.
Masunurin na rin ng hindi nagrereact.
"E-Every blueprint—" bigla siyang naubo.
"Again, Mr. Quintin?" saad ng professor namin.
"E-Every b-blueprint begins—" naubo na naman siya. This time, napahawak na siya sa dibdib niya.
"Are you ok, Mr. Quintin?" tanong naman ng proffesor na tila nag-aalala na. Pati ang mga kaklase ko at mga kaibigan namin ganoon din.
"Bro?" ani Rafael.
Kinabahan ako. Parang hindi simpleng ubo 'yun eh. Parang may kung ano na siyang kinadagundong ng puso ko.
"I-it's nothing!" aniya at pilit na binabasa ang nasa papel. "Every blue—" hindi na niya natapos ang pagbabasa noong nagsuka na siya ng...dugo. Parang bumagal ang oras sa paligid ko noong makita ko 'yun. Lahat kami nagulat.
Nakita ko agad ang panghihina sa katawan niya.
"Yuri!" sigaw ko. Nagsuka na naman kasi siya. Walang may lakas ng loob lumapit kaya ako agad ang humakbang at inalalayan siya.
"Dadalhin kita sa clinic!" sabi ko pa. Hindi ko narinig ang sasabihin niya pero agad ding umalalay sina Rafael. Para akong natataranta habang buhat-buhat ko siya papuntang clinic. Hindi man lang ako nabigatan dahil mas nag-aalala kami sa kalagayan niya. Pinagtitinginan pa nga kami kaya nakaagaw kami kaagad ng pansin.
"Nurse!" sabi ko. "N-nagsuka po siya ng dugo."
Nakita ko ang takot sa nurse. "Tatawag ako ng ambulance sa malapit na hospital. Ang dapat na gawin natin while waiting ay iupo nyo siya upright tapos i-lean niyo rin ng medyo nakaforward.
Walang magpapainom sa kaniya ng kahit na ano.“
"N-noted po!" sagot ko.
Tumingin sa akin ang nurse. "H'wag mong hahayaang mawalan siya ng malay o makatulog, please!"
Napatingin ako kay Yuri. "Shh, Yuri h'wag kang pipikit muna. L-lumaban ka."
Tinignan niya ako habang nanghihina ang mga mata niya. May sinasabi siya pero wala akong marinig at maintindihan kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Nandito kami. H'wag kang pipikit."
Naiiyak na natataranta rin ako. Baka hindi siya makinig sa akin kaya hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya.
Para akong nasa senaryo noong unang atakihin si Mama ng sakit niya. Katulad din nito, natakot ako na…mawala siya sa akin.
H’wag naman sana. Hindi ko rin ata kakayanin.
“Yuri,” sabi ko noong nakikita ko na bumabagsak na siya. Isinandal ko siya sa akin. “Kumapit ka lang, please?”
"E-eiro—" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tila susuka na naman siya.
Jusko po…
“Shh, h’wag ka muna magsalita. H’wag ka ring pipikit, ok?” sabi ko na lang habang hinahaplos ang buhok niya. Para siyang nakayakap sa akin ngayon. Pero hindi ako mapanatag o magawang isipin pa ’yun dahil sa takot at kaba.
"Ok! Nandiyan na sila sa labas. Hayaan muna natin ang medical team ang maglabas sa kaniya," sabi ni nurse.
Bigla siyang kumapit sa damit ko ng mahigpit. Kaya hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Pumasok ang dalawang tao na may dalang tila ambulance bed at agad siyang inilagay roon.
"May kailangang sumama sa kaniya, kahit isa o dalawa," sabi ng isa sa mga medical team sa ambulance.
"A-ako po," sabi ko. Nakita ko ang pagtango nila Logan sa akin.
"Susunod kami maya-maya," bulong ni Yoseff sa akin at agad akong sumakay sa ambulance. Napansin ko na sini-cpr siya ng isa sa mga tauhan habang umaandar kami. Nakita ko rin ang kamay niya na tila may inaabot kaya hinawakan ko 'to.
"Nandito ako, Yuri. Hindi kita iiwan," sabi ko sa kaniya habang nilalakasan ang loob ko. Namumuti na rin ang mga mata niya.
Gusto ko na rin sanang umiyak pero paano? Paano kung marinig niya ako? Mas malilito siya o magkaroon ng komplikasyon dahil negative ang dating nu'n sa kaniya.
"M-ma..." pagtawag niya na hindi ko inaasahan. "M-ma...."
Tinatawag niya ang mama niya?
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at pinalibutan ’yun ng isa pang kamay.
"H'wag na h'wag mong ipipikit ang mga mata mo, please?" paalala ko sa kaniya.
Noong makarating kami ay ibinaba nila siya habang nagmamadali silang ipasok sa loob ng emergency room. Nandoon pa rin ako at tumatakbo kasama niya.
"H'wag kang susuko, Yuri...kakausapin pa kita, huh?" paalala ko habang nilalabanan ang luha sa mga mata ko. "Gusto rin kita..."
"Sir, hanggang dito na lang po kayo," saad ng isang nurse kaya wala na akong nagawa kung hindi ang huminto at panoorin siyang sinusubukang tumingin sa akin. Doon na naman nagtakasan ang luha ko sa mata bago mapaupo sa bench.
Hindi ko alam kung sinong tatawagan ko sa pamilya niya ngayon. Kung ayos lang sana sila ng papa niya, edi ginawa ko na. Kaso wala naman atang pakielam 'yun. Magagalit lang si Yuri sa akin kapag ginawa ko 'yun dahil wala itong ibang gagawin kung hindi ang magsalita ng kung anu-ano.
Narinig ko naman tila ang mga nagtatakbuhang mga paa sa hallway. Pagtingin ko, silang anim 'yun habang papalapit sa akin.
"Kumusta siya, Eiron?' tanong ni Rafael na punong–puno ng pag-aalala ang mukha.
Umiling ako. "Hindi ko alam...p-pero lumalaban siya kanina. M-may sinasabi siya pero wala akong maintindihan."
Tumulo ang luha ko sa mata pababa sa pisngi ko. "K-kasalanan ko 'to eh. Kung hindi kami magkaaway ngayon, nagsabi na siya sa akin na may masakit sa kaniya."
Niyakap naman ako ni Rafael bigla. "Hindi 'yan. Hindi 'yan. Hindi mo kasalanan. Malakas si Pareng Yuri. Masamang damo 'yun, eh!"
Nakita ko naman na nag-aalala rin ang lahat pero tahimik lang sila. Si Logan naman ay tila hindi makatingin sa akin at kagat-kagat ang ibabang labi bago mapayuko.
"H-hihintayin natin siyang maging ok, Ron," dagdag ni Simone sa amin. "Walang aalis sa atin hangga't hindi natin nalalaman ang kalagayan niya, ok?"
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na siyang puntahan, at kausapin. Gusto kong masiguradong magiging maayos siya.
Pero hindi namin pwedeng gawin 'yun. Sa ngayon, kailangan muna naming magtiwala sa mga doktor ngayon. Dahil sila ang mas nakakaalam ng gagawin.
Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay bigla namang bumukas ang emergency room habang nagtatanggal ng mask ang tila doktor na nag-asikaso sa kaniya.
Mabilis kaming nagtayuan bago lumapit sa kaniya.
"Kumusta tropa ko, dok?" ani Rafael na napakaseryoso ng boses.
Huminga ng malalim ang doktor bago siya tumingin isa-isa sa amin. "Nawalan siya ng maraming dugo dahil sa pagsusuka niya. Ang cause nito ay ang internal damage sa lungs at ribs niya na hindi naagapan. Mukhang nabugbog dahil sa pagkakakita namin. Ang naging effect din nito ay nawalan ng enough blood ang brain niya which nag-fell sa comatose kaya nawalan siya ng malay."
Dumagundong ang puso ko sa narinig.
Yuri…
Bigla kong naalala 'yung gabing napaaway siya. Nahampas nga siya sa likod noong makita ko kaya agad ko siyang dinala sa hospital. Pero wala namang nakita ang doktor noon.
Kaya ba ako nag-aalala sa kaniya nung gabing umalis siya sa amin?
“Dahil diyan, kailangan na namin ng dugo na ka-same type niya para masalinan siya agad,” dagdag pa ni dok na tinanguhan namin.
"Magiging maayos naman po siya, hindi ba?" ani Simone.
Umiling ang doktor. "Hindi namin masasabi dahil comatose pa rin siya. Sana lang wala siyang iba pang injury sa loob niya or worst, walang damage ang brain niya. Hihintayin muna natin siyang magising after niyang masalinan," sagot ng doktor sa kaniya. Nabalot ako ng takot.
"P-pwede po ba namin siyang makita?" tanong ko naman.
Napatingin sa akin ang doktor. "Yes. Pero mamaya na pagkalipat sa kaniya sa room. Limited lang din dahil may kailangan pa kaming gawin sa kaniya. If you know his family, please call them. Mas kailangan nilang malaman 'to."
Pagkaalis ng doktor at pagkalipat sa kanila ay pumasok na kami. Lumapit lang kami ng kaunti nakita namin ang maamong mukha ni Yuri na parang natutulog lang habang may tubo siya sa katawan at bibig.
"Kanino niyo balak sabihin ang tungkol kay Yuri?" tanong ni Dice sa amin.
"Ano pa ba? Edi no choice kung hindi kay Tito Willson," ani Rafael na tila wala ng naiisip habang nakatingin din sa bintana.
"Ano? Di ba wala namang pakielam 'yun kay Yuri? Baka matuwa pa nga 'yun, eh," protesta ni Simone sa kaniya. "Wala na ba kayong kilalang ibang kamag-anak niya? Yung mapapakiusapan?"
Walang sumagot sa kanila kaya lalong tumaas ang tensyon sa paligid.
"What if...maghanap tayo ng dugo para sa kaniya? May alam akong blood donation center, eh. Kung may gagastusin, pag-ambagan na lang natin," suhestyon ni Luigi sa kanila.
"Kaso, anong blood type niya?" tanong naman ni Simone.
"Lalabas lang ako," sabi ko sa kanila. Natahimik ang mga ito dahil doon. Paglabas ko ay napatingin ako sa di kalayuan bago pinagtuunan ang cellphone ko.
Balak kong tawagan si Sir Willson. Hindi pwedeng wala siyang gawin dahil nasa peligro si Yuri. Sana magpakaama naman siya kahit ngayon lang.
Kakainin ko ang sinabi ko kanina. Magalit na rin sa akin si Yuri pero hindi namin masisikmurang magpakasaya siya habang ang anak niya rito, nahihirapan.
Biglang may tumakip ng cellphone ko gamit ang kamay niya. Napaangat naman ako ng mga mata.
"Don't call him. Walang gagawin ang lalaking 'yan," saad ng isang lalaking naka blue na long sleeve polo at cocky pants. May salamin siya sa kaniyang mata. Naalala ko siya noong dinala ko si Yuri sa hospital nila.
"Dr. Nigel, tito ni Yuri," dagdag niya sa malungkot na tinig. "Pumasok na tayo sa loob. Gusto ko nang makita ang pamangkin ko."
Pagpasok namin ay tila may tinatawagan sila. Binaba naman ni Dice kaagad 'yun nang makita ang kasama ko.
Tumingin agad si Dr. Nigel sa pamangkin at nilapitan. Hinaplos nito ang buhok ni Yuri. "Nasabi na ng doktor sa akin ang nangyari. Ako na ang bahala sa pamangkin ko."
Wala namang nakapagsalita sa amin noong marinig 'yun. Pero napanatag ako dahil may handa pa ring tumulong sa kaniya kahit pinapabayaan na ito ng sariling ama.
"Pwede na kayong umuwi o bumalik sa Harvey dahil limited pa talaga ang time ng visitation sa kaniya," dagdag ni Dr Nigel sa malumanay na boses.
Nagsitanguhan naman sila at isa-isang lumabas maliban sa akin. Nilingon naman ako ni Dr. Nigel at tumango.
"Tatawagan ko kayo once na gumising na siya," aniya sa akin.
"P-pwede po ba akong magstay kahit saglit? M-may...may sasabihin lang sana ako," sabi ko sa kaniya. Ilang minuto siyang tumitig sa akin bago siya lumabas ng mahinahon.
Noong dalawa na lang kami ay nilapitan ko ito at hinawakan ang kamay ng sobrang ingat.
"H'wag kang susuko, Yuri. K-kahit gusto mo nang sumama sa mama mo dahil sa sinabi mo sa akin noon na mga problema mo. Pero gusto ko lang malaman mo na...nandito pa ako, sasamahan kita sa laban mo, ok? Hindi ako aalis, tuturuan kita palagi kahit alam mo na ang lessons at activities—" napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang mukha niya. "Gustong-gusto rin kita, Yuri. Kahit hindi mo na ako gustuhin uli pabalik, kahit may girlfriend ka na. Basta k-kung kailangan mo ako, nandito lang ako."
Wala na akong sinabi pang iba kaya lumabas na ako. Nakita ko pa naghihintay sila sa akin, lalo na si Dr. Nigel.
"Ako na ang bahala sa kaibigan niyo," paninigurado niya pa uli bago kami tuluyang lumabas ng hospital na 'yun.
Simula sa mga oras na 'yun hindi na ako mapakali. Hindi ko naman minamadali pero panay ako tingin sa upuan niya, at sa cellphone ko.
Umaasa ako na magiging ayos na siya ngayong araw. Wala ring naging maingay sa aming lahat dahil sa nag-aalala rin. Lahat sila, kalmado at tahimik na nag-iisip. Nagsisitanungan din ang mga kaklase ko sa amin matapos 'yun pero wala kaming masagot ni isa sa kanila.
Noong matapos ang klase ay nagpaalam lang ang lahat bago magsiuwi. Napatingin ako sa isang motor na nakapark sa isang tabi.
Bigla kong namiss ’yung pagsakay sa motor niya.
Pero alam kong hindi na muna o may posibilidad na hindi na talaga ako makasakay uli roon.
Ngayong nangalahati ang araw na wala si Yuri, naramdaman ko 'yung kulang sa akin. Unlike noong nakafocus lang ako sa akala ko noon ay sobrang importante sa buhay ko. Ang hirap pala. Sana pala trineasure ko 'yung moments namin.
Sobrang komplikado talaga ng buhay. Tapos mas lalo ko pang pinakomplikado, hays…
Pagkauwi ko ay napansin ko agad si Mama at Aling Gina na naghahanda na ng hapunan. Ibinaba ko lang ang bag ko at sumalo sa kanila.
"Pumasok ba si Yuri, anak?" tanong ni Mama sa akin.
"Pumasok naman po," sagot ko agad.
"Magkaayos na ba kayo? K-kinausap mo na ba?" tanong uli niya sabay hawak sa braso ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang nangyari dahil baka kung ano pang mangyari. Pero nangako ako noon na hindi na rin magsisikreto sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. "Hindi ako magre-react ng sobra, sige na sabihin mo na sa amin."
"Hindi po, eh. Galit siya sa akin,' sabi ko naman bago mapalunok. "D-dinala po namin siya sa hospital."
Napansin ko ang panlalaki ng mga mata niya sabay hawak sa dibdib nito. "A-anong nangyari sa kaniya?"
Medyo mahinahon ang pagkakatanong niya pero may halong takot at kaba.
"Nagsuka po ng dugo, eh. Dahil siguro noong m-mapaaway siya. Pero ayos na siya ngayon dahil nandoon na po ang tito niya. Kailangan lang masalinan ng dugo at hintayin siyang magising," paliwanag ko na nagpatahimik sa buong hapagkainan ng ilang saglit.
“Jusko…wala talagang mabuting naidudulot ’yang pakikipag-away,” ani Mama. “Sana magkaroon tayo ng balita sa kaniya, anak. Tanungin mo, huh? Balitaan mo rin kami.”
Tumango lang ako habang iniisip ang mga posibilidad na mangyari. Kaya naman naghintay ako ng naghintay ng mga oras na ’yun, kahit nakacharge pa ang cellphone ko. Gumawa rin ako ng assignment na para sa kaniya at sa akin kahit wala siya rito para malibang na rin. Ayokong mag overthink dahil laging napupunta ’yun sa negatibo.
Sana narinig niya ako…
Hindi rin ako pinatulog ng utak ko. Kaya naman minu-minuto kong minemessage ang account niya na baka sakaling mag online siya at mabasa bigla. Pero umabot na ng umaga, ganoon pa rin. Ilang beses kong ginagawa at hinihintay na masagot ’yun? Tatlo? Tatlong araw. Hindi ko alam kung matitiis ko pa. Kaya naman naisip ko ang iisang solusyon dito.
Pupuntahan ko na siya. Pupuntahan namin siyang lahat at umaasang may maayos nang balita sa amin ang doktor at tito niya.
Pero nanlumo ako sa sinabi nung nurse sa amin.
“Nilipat na po siya sa ibang hospital, Sir. Pinalipat na po siya nung tito niya,” sabi ng nurse na nagpakunot sa noo ko. Akala ko sasabihan niya kami?
“P-pero ayos na po siya?” Tanong ko pa.
“Unstable pa rin po siya. Pero nasalinan na rin ng dugo. Hindi lang gumigising,” sabat ng isa pang nurse. Bumagsak ang balikat ko at tumango.
Pinag-aalala mo kami Yuri…
“Puntahan ba natin? Hindi man lang tayo inupdate nung tito niya,” ani Rafael na tila nagtatampo.
“Teka, saang hospital ba? Baka nasa St. Catherine? Di ba doon nagtatrabaho ’yung tito niya?” tanong naman ni Simone na tinanguhan ko.
“Puntahan na natin,” sagot ko na lang. Pero noong nasa St. Catherine na kami, hindi kami pinapasok. Ayaw raw tumanggap muna ng kahit sinong bisita ayon sa tito niya. Hindi ko alam kung anong problema. Alam ba niya ’yung nangyari? Na may kasalanan ako kung bakit siya napaaway instead na ligtas siya noong gabing ’yun? Kung bakit hindi niya naalagaan ang sarili niya matapos makipag-away?
“Well, maghintay na lang uli tayo. Wala tayong magagawa kung ayaw talaga,” ani Dice.
“Malay mo makalusot tayo? Kahit isa lang sa atin, oh?” pangungulit pa ni Rafael.
“Hayaan niyo na muna. Baka bawal pa talaga. Sensitive ata ’yung tito niya. Hindi pa naman natin nameet ’yun talaga kasi parang umiiwas,” sabi ni Simone na ikinakunot ng noo ko.
“Sensitive?” tanong ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi kasi nakikipag-usap ’yun. Everytime na bibisita kami noon sa bahay nila Yuri or kung nasa hospital si Yuri, aalis na ’yun dahil magrarounds daw sa mga pasyente. Ewan namin kung bakit. Baka ayaw sa amin kasi bad influence raw kami kay Yuri.”
“We’re not. Let’s respect na lang muna kung anong gusto ng tito niya,” sabat ni Logan. “Babalik din ’yun. Magaling naman ang mga doctors sa St. Catherine.”
Hindi na lang ako sumagot at napatingin na lang sa labas ng bintana.
Isang linggong naging palaisipan sa akin kung bakit naging ganoon ang patakaran ng tito niya. Gusto lang naman namin dumalaw at kumustahin ang pamangkin niya.
May laro kami ngayon at hindi ko alam kung makakalaro ako ng maayos. Gusto ko sana magpa bench na lang kaso isa ako sa pinick ni Coach. Napatingin ako sa area sa kung may sumigaw ng pangalan ko.
Napansin ko agad sila Logan at Dice. Chini-cheer nila ang pangalan ko. Sa dulo, kung saan nakaupo si Simone ay bakante. Nilagyan nila ng bag. Para siguro kay Yuri.
Wala siya, wala ’yung mga mata niyang mapanuri at mapag observed sa laro ko.
Naging apektado tuloy ang laro ko. Parang ang lamya kasi everytime na mababakante ang utak ko, siya agad ang maiisip ko. Minsan nagugulo rin ang strategy ko.
“Villaflor! Ano bang nangyayari sa’yo?!” bulyaw ni coach noong mag timeout. Napatingin sa akin sina Eros at Lance.
“Sorry coach, masama lang pakiramdam,” palusot ko sabay kamot sa buhok ko.
“Ikaw pa naman isa sa mga best pick ko! Ano? Ibebench muna kita?” tanong niya uli. Nakokonsensiya naman ako kung mangyayari ’yun. Pakiramdam ko, matatalo kami kung sakaling gawin ko ’yun.
“Hindi, coach. Kaya ko pa po,” sabi ko sabay ngiti ng tipid.
“Ganyan nga.” Hinampas niya ang dibdib ko sa katamtamang lakas. “Lumaki na nga ang lamang natin sa kanila. H’wag niyong hayaang lumapit pa uli! Naiintindihan niyo?”
“Yes, coach!” sagot namin ng sabay-sabay.
Kinondisyon ko ang sarili ko. Nilunok ko rin ang emosyon ko at pangungulila kay Yuri. Medyo gumana naman ’yun dahil nanalo na naman ang team namin. Pero noong makita ko ang mga kaibigan ko, habang wala si Yuri roon ay nanumbalik ang nararamdaman ko na para bang nakawala sa pagkakatali ko sa kaniya.
“Good job, Eiron!” bati agad ni Logan sabay apir sa akin.
“Ganon lang! Oh sabay ganito tapos shoot!” ani Rafael na ginaya pa ang naging galaw ko at galaw ni Eros kanina. Nagtawanan naman kami dahil doon.
"Shoot mo ulo mo tutal kalbo ka 'di ba?" hirit ni Dice na dahilan para iheadlock niya ito ng medyo mahina lang.
Napangiti na lang ako at nagpaalam na kukunin lang ang bag sa locker room. Pagkakuha ko at pagkatingin ko sa cellphone ay napansin kong nagshade ang message ko kay Yuri.
Biglang tumibok ang puso ko. Tila nabuhayan na ewan.
Gising na siya?!
"Nakangiti ka diyan, pre? Ok ka lang ba?" usisa ni Lance na nasa tabi ko lang pala at nakasandal sa locker habang nakasampay ang jersey shirt sa balikat niya. Medyo pawisan pa rin siya at nakasampay ang towel sa ulo niya. May hawak din siyang bottled water.
Natauhan naman ako. "A-ah wala naman. A-alis na muna ako," sabi ko kay Lance.
"Ingat, pre!" aniya bago ko puntahan ang mga kaibigan ko.
"Guys!" pagtawag ko sa kanila na agad naman nilang ikinalingon. "D-di ba? Kapag nagshade ang message ko sa messenger, meaning...nag-online siya o online siya kapag may green na ilaw?"
Tumango naman sila na tila nagtataka.
"Ahmm why?" nakakunot na tanong ni Logan.
"Nagshade 'yung message ko kay Yuri sa messenger. B-baka gising na siya?" umaasang tanong ko. Natahimik naman silang lahat pero agad ding narealized ang sinasabi ko dahil tumango agad si Rafael.
"Puntahan natin siya sa St. Catherine!" ani Rafael na tila naeexcite. Sumang-ayon naman ang lahat.
"M-may iba akong pupuntahan. Kapag wala siya roon, sabihan niyo agad ako," sabi ko sa kanila.
Kumunot ang noo ni Dice. "Huh? May iba pa siyang pupuntahan?"
Hindi ko na sila hinintay pang magtanong dahil tumakbo na ako paalis. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko naisip 'yung lugar na 'yun. Matagal na naming hindi pinupuntahan 'yun. Baka nga hindi na niya tinatambayan, eh. Pero parang may nagsasabi sa akin na nandoon siya. Baka nakatulala na naman sa papalubog na araw katulad noong una ko siyang makita.
Mabilis lang akong nakarating doon dala-dala ang kaba at pag-asa na nandoon siya, gising na at malakas na. Noong makarating ako ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin.
Tumingin ako sa buong paligid at napako ang mga mata ko sa dulong bahagi kung saan may napansin akong lalaking nakaupo at nakasandal sa railings habang nakatitig sa papalubog na araw.
Kilalang-kilala ko 'yung postura niyang 'yun kahit hindi siya lumingon sa akin.
Itutuloy…
Desire 23
Desire 23: Voice
Yuri’s Point of View
Napatingin ako sa malayo habang nakatambay rito. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng motor ko. Hindi ko naman gusto ritong magstay pero parang kusa akong hinihila ng hangin patungo rito. Wala rin naman akong ibang maisip. Iniiwasan ko muna ang clubs and bars kasi wala naman akong kasama. Iniiwasan ko na nga, eh. But my motorcycle said this is the best spot para magpalipas ng oras.
Nakakabagot din kasi sa bahay namin dahil wala naman akong makausap. Hindi ko rin matext sina Rafael dahil alam kong nasa klase sila. Gusto ko rin sanang puntahan si Mama Rowena pero hindi ko pa ata handang makita si Eiron kung sakaling magkaabutan kami. Ayoko munang mainvolved sa anumang tungkol sa kaniya sa ngayon dahil hindi ko pa ata kaya.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil patuloy ang message sa akin ng mga kakilala ko sa campus at members ng gang nang mabalitaan nila ang tungkol sa nangyari sa akin.
Nahihiya ako sa totoo lang. Hindi naman ako nagkakaganito eh kaso simula nung hindi sinagot ni Eiron ang tanong ko.
Ugh, mixed signals…bakit ko rin kasi siya hinalikan, ’di ba? Pero ayos na rin ’tong malayo kami sa isa’t-isa hanggang sa mawala na talaga ’tong nararamdaman ko.
Naalala ko tuloy nung nasa hospital ako. At kung papaano ako nagising.
Idinilat ko ang mga mata ko at napansin na nakaupo ako sa isang bench habang nakatitig sa isang familiar na lugar. Maraming bulaklak at puno sa paligid. Maraming mga nagpipicnic dito na magpapamilya. Sa gilid ko naman ay medyo malapit sa daanan na diretso lang ang patutunguhan. May mga nagbabike dito habang nalalaglagan sila ng iilang tulong dahon mula sa mga puno. Teka, parang napuntahan ko na ’to, ah?
Biglang may tumabi sa akin na agad kong ikinalingon sa kaniya. Napansin ko ang brown nitong wavy na buhok. Hanggang balikat ang haba nito at shiny na nagrereflect halos sa araw. Napatingin ako sa suot kong relo.
6:30 AM
Noong pinilit kong tingnan ang mukha niya ay hindi ko makita dahil medyo malabo ’yun sa paningin ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko at nagbabakasakali na makikita ko siya ng malinaw. Pero ganoon pa rin, eh. Bakit kaya?
“Yuri? Bakit nakaupo ka lang dito?” tanong nito sa isang malumanay at malambot na boses. Mahahalatang mahinhin siya dahil doon.
Natulala ako noong marinig ’yun. Hindi ko na ata kailangang makita ang mukha niya dahil sa boses pa lang, alam ko na kung sino ’yun. Parang may kumiliti sa tyan ko’t nanghina ako bigla.
T-totoo ba ’to?
“M-ma?” ang nanghiha kong pagtawag sa kaniya.
“Hmm? Ang sabi ko bakit ka nakaupo lang dito? Bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?” tanong niya. Pero imbes na sumagot ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
Napapikit agad ako dahil agad na uminit ang mga mata ko.
“Ay sus, naglalambing ang bunso ko,” aniya. Hindi ko alam kung bakit nandito ako kasama siya. Pero wala na akong pakielam. I feel like heaven heard me. It heard my prayers.
“M-ma…I-I miss you so much!” sabi ko pa sabay iyak na parang bata. Ang nakakatuwa pa rito ay nararamdaman ko siya. Kung paano ko siya yakapin dati, ganoon din. Nagsisimula nang maniwala ang puso ko ngayon na ito ang reality.
“Bakit mo naman namimiss si Mama? Nandito lang naman ako sa tabi mo lagi? Kumuha lang ako ng favorite mong flowers,” she sounded confused, curiosity evident in her voice. “Look. Ang gaganda, ’di ba?”
Pero hindi ko siya binitawan dahil pakiramdam ko, mawawala siya sa akin anytime.
“Anak…sige na, kumain na muna tayo. Hindi ka pa nag-aalmusal, oh?” alok niya pa. Kaya naman dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Pero hindi pa rin ako tumahan. Hinawakan niya ang pisngi ko.
“Bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sa anak ko?” Tanong niya uli na tila ba nag-aalala. Hindi ko man makita ang reaksyon at emosyon sa mukha niya pero nararamdaman ko ’yun. Tumatagos sa puso ko.
Finally…
“Sila ma…n-napapagod na po ako, ma…” sumbong ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko.“Alam ko…pero bakit yata tila sumusuko ka na?”
“P-pagod na ako, ma. G-gusto ko na sumama sa’yo,” sabi ko pa sabay hawak sa kamay. “Please? Please, ma. Ayoko na rito. Wala namang naghihintay sa akin doon. W-wala ka naman doon.”
Umiling siya. “Alam kong pagod ka. Pero hindi ka pwedeng sumama sa akin. Hindi pa…”
Nanlumo ako. Bakit hanggang dito nagmamakaawa ako? “W-why? Huh? When? Please, tell me. Kailan ako pwedeng sumama sayo, ma?”
Natahimik siya, pero ramdam kong ngumiti siya bago tingnan ang daanan. Noong sundan ko ’yun ay nakita ko ang mahabang kalsada. Parang province style, dinadaanan ng mga kotse kapag lalabas sila papuntang syudad o kabilang lugar.
Napakunot ang noo ko. “Ma.”
“Hindi ko alam, anak. Pero hindi pa talaga pwede,” sabi niya sa akin. She suddenly picked up a gift basket wrapped with a ribbon, with a heart-shaped decoration in the middle.
Kinuha niya roon ang limang sandwich na nakalagay sa isang lalagyan na transparent ang takip.
“Baunin mo,” aniya.
“S-saan? Aalis ka na?” Tanong ko naman at pinigilan ang kamay niya. “Ma, I-I wanna stay…”
“Gusto ko, anak. Pero hindi ka nababagay rito. Hindi pa sa ngayon,” aniya sabay turo sa daan na kanina niya tinignan. “Pero sila, naghihintay sila sa’yo roon. Dali na.”
“S-sino pong sila?” tanong ko pa pero nilagay niya sa kamay ko ang lalagyan ng pagkain.
“H’wag mo akong mamiss dahil lagi naman akong nandito, nakabantay sa’yo, ok? Mag-enjoy ka sa buhay mo,” sabi niya sabay ayos sa buhok. I was left speechless by what I heard. “Ang laki-laki mo na, Yuri.”
“Ma…”
“Ganoon talaga ang mundo, anak. Malupit, may masasama at hindi magagandang loob. Pero h’wag mong kalimutang ipakita kung sino ka talaga, kung sino ’yung Yuri na laging nasama sa akin. Yung umiiyak na Yuri kapag wala ako sa tabi niya. At ’yung Yuri na mabait na bata. Alam kong nandiyan pa ’yan. Tinago mo lang…” paliwanag niya. Lumabo na naman siya sa paningin ko, pero this time sa mga mata ko na nanggaling.
Sa luha na dahan-dahan na namang namumuo at naiipon.
“Marami ka pang oras at kailangang gawin doon. Ayokong masayang ’yun dahil lang wala ako. Don’t worry, balang araw…mawawala rin ’yang paghihirap mo,” dagdag niya pa.
“H-how?” tanong ko sabay hawak sa likuran ng kamay niya. “How am I supposed to figure it all out without you?”
Narinig ko ang mahina niyang tawa. “Malalaman mo, anak. Kaya mo ’yan. Naniniwala ako sa’yo….at naniniwala sila sa’yo.”
“Ma…”
Pinaharap niya ako sa daan at tinuro niya na naman ’yun. “Sige na, anak. Lagi kang mag-ingat at h’wag nang matigas ang ulo, huh?”
Hindi ako sumagot pero niyakap ko uli siya. Yakap na mas hinigpitan ko habang nanginginig ang balikat.
Tapos naramdaman mo ko na lang na dahan-dahang nawawala ang pakiramdam niya. Wala na akong maramdamang kayakap ko. Idinilat ko ang lumuluha kong mga mata para hanapin siya pero nagliwanag na ang lahat.
Ang tanging naririnig ko na lang ay ang machine malapit sa akin at ang halu-halong boses.
“Dok! Nagka Heartbeat po siya!” sigaw ng isang boses.
“Gising na po ang pamangkin niyo,” saad pa ng isa.
“Oh, Lord…thank you!” sabi pa ng isa na napakapamilyar sa akin, si Tito Nigel.
Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko habang lumandas ang luha sa gilid ng mata ko.
Hindi ko lang maigalaw ang katawan ko dahil medyo masakit.
“Yuri? Yuri! Can you hear me?” tanong pa ni Tito bago ako tapatan ng flashlight.
Ewan ko pero napakasakit talaga ng katawan ko. Pero after that, nakabawi naman ako. Ang natatandaan ko lang lahat ay ’yung nasa school ako at kasama ko si Eiron dahil nagsuka ako, at nung kasama ko si mama.
“Nacoma ka for 4 days,” sabi ni Tito Nigel na tila naaawa pa sa kalagayan ko. Pangalawang araw ko na rito sa hospital pero gusto pa rin ni tito na imonitor ako kahit ilang araw pa. Iniwasan ko ang mga mata niya at tumingin sa ibang direksyon. “Yuri, narinig mo ba ang sinabi ko?”
“Yes,” tipid kong sabi sa kaniya.
“May internal damage ka raw at internal bleeding ka kaya nagsuka ng dugo. Tapos nawalan ng dugo rin ’yang utak mo kaya nawalan ka ng malay. Dahil ba ’yan sa pakikipag-away mo?” tanong niya sa akin.
Hindi ko siya masagot dahil prinoproseso ko pa ang mga informations sa utak ko.
“Sabi ko na nga ba, bad influence sa’yo ’yang mga kaibigan mo,” aniya na ikinakunot ng noo ko.
“N-no, they’re not…”
“Anong no? Napahamak ka na naman dahil dyan sa gang niyo! Tingnan mo, muntikan ka ng mawala! Kaya nga hanggang ngayon, hindi ko muna sila pinapapunta,” sagot niya sa akin.
Kaya pala wala sila…Akala ko, hindi lang sila dumadalaw.
Bigla namang bumukas ang pintuan at nakita ko ang dalawang taong kinamumuhian ko. Anong ginagawa nila rito?
“Why are they here?” tanong ko agad sa malamig na boses. Ayokong magalit, ayoko munang mastress.
“Pinatawag mo ako para lang sabihing buhay siya? Di ba sabi ko, kapag namatay—”
“G*go ka ba, Willson? At bakit naman? Hindi ka ba masayang nabuhay ang anak mo?” tanong agad ni Tito Nigel sa kaniya. Napansin ko ang pagsimangot ni Yuan kaya umiling na lang ako.
“I told you, may seminar pa akong aattenan for this week. Sunod-sunod! Kaya ayoko ng abala—”
“Edi umalis ka na. Wala ka talagang kwenta, ano? Magpaka ama ka naman. Nakakahiya ka. Alam na rin ng ibang tao ’yang ugali mo,” pagputol ni Tito Nigel sa kaniya.
Ngumisi si Willson sa kaniya. “Kaya Doktor ka lang, eh. Masyado kang mahina! Hindi mo inuuna ang sarili mo!”
Inayos ni Tito Nigel ang suot niya. “Pero hindi ako masamang tao katulad mo. Walang ibang alam na gampanan sa buhay kung hindi ang isang maging mataas na tao, how dare you na sabihan ako na balitaan kita kapag patay na si Yuri?”
Hindi nakasagot si Willson na ikinangiti ko.
“Aanak-anak ka tapos ang tamad mong gampanan, ano ’yan? Nagkalat ka lang sperm mo? Duwag!” dagdag pa ni Tito. “Akala ko pa naman maaawa ka! Sige, alis!”
“You wasted my time! Halika na Yuan!” naging huling sabi ni Willson bago ito umalis.
Hindi ako sumagot. Masyadong payapa ang kalooban ko para sumali sa kanila.
“I’m very sorry. Akala ko maaawa sa’yo ang ama mo—”
“Where’s my phone? I need it. Makikibalita ako sa school,” sabi ko na lang para maiwasang pag-usapan ’yun.
Natahimik naman si tito pero agad niyang tinuro ang drawer sa tabi ko. “Inside.”
“Thanks,” sabi ko sa kaniya.
“2-3 days pwede ka nang umuwi at pumasok—”
“Hindi ko pa kaya. Gawan mo na lang ako ng cert. Gusto ko munang magpahinga sa lahat,” pagsabat ko uli sa kaniya bago buksan ang cellphone ko. Napansin ko naman ang messenger na punong-puno ng messages. Mula kung kani-kanino. Pero agad naghighlight doon ang message ni Eiron. Nasa 500+ messages na pala ’to pero agad kong inarchive.
Napasara na lang ako ng cellphone dahil naba-bother ako. Anong gusto niya ngayon? Nag-aalala siya sa akin?
“Hindi ko muna papapuntahin ang mga kaibigan mo,” pag ulit ni Tito Nigel.
“I need some space,” sabi ko sa kaniya sabay tango.
Hindi siya sumagot pero tinignan niya ako ng saglit bago lumabas ng kwarto ko.
Ako mismo ang nagdecide na hindi muna ipaalam at magpakita sa kanila. Saka na siguro, maybe after this week? Or maybe sa another week? Bahala na.
I wiped the tears on my cheeks noong napansin kong napaluha na naman ako sa naalala. Mabuti na lang at mag-isa ako. Walang makakakita nu’n.
“Yuri…” pagtawag ng isang boses na agad nagpahinto sa akin. Yung puso ko bigla na namang nagwala. Para rin akong kinabahan. Anong ginagawa niya rito?
Hindi ako nakasagot pero napansin ko sa peripheral vision ko na naupo siya sa tabi ko tulad ng dati. Tumingin ako sa blind spot kung saan hindi ko siya makikita habang nakatikom ang bibig ko.
Naiinis ako sa kaniya.
Eiron’s Point of View
NAPANSIN ko na naka sleeveless T-shirt siya at short na kulay pula. Simpleng-simple lang. Tumabi ako sa kaniya sabay tingin sa magandang tanawin. Kinakabahan ako na baka umalis na naman siya. Hindi ko alam kung papaano ko siya pipigilan kapag ganoon.
“Galit ka pa rin…sa akin?” tanong ko sa kaniya. Obvious naman ’yan, Eiron.
Hindi pa rin siya nagsalita kaya alam ko na ang sagot. Lakas loob ko siyang tinignan na nakatingin sa kabilang direksyon kung saan wala ako. Napakagat ako ng ibabang labi.
“Bakit umiiyak ka kanina?” tanong ko pa. Yun lang kasi ang lumabas sa bibig ko.
“Wala. Problema ko na ’to,” sabi niya sa matigas na boses.
"Pwede mo namang sabihin sa akin. Tulad ng dati," sabi ko pa.
"A-ayoko, kaya ko sarili ko," sabi niya pa ng hindi nakatitig sa akin.
"Kaya mo? Akala ko ba...kailangan natin ilabas 'yung bigat na nasa dibdib natin?" tanong ko uli na nagpatahimik sa kaniya.
"Makikinig ako—"
"Bakit? Nakinig ka ba nung nagtanong ako sa'yo?" pagputol niya sasabihin ko sabay harap niya sa akin. May inis sa mga mata niya. Pero kahit na ganoon, hindi ko ito iniwasan.
"Kaya ano pang silbi ng pagtatanong at pagsasabi ko uli sa'yo? Kung gaganunin mo ako?" dagdag niya pa. Tumango ako.
"N-naiintindihan ko naman na galit ka, eh. N-nagalit din naman ako sa sarili ko kasi mukhang pinaasa kita," paliwanag ko. Gusto kong malaman niya na naiintindihan ko siya. "At maiintindihan ko pa rin kung ayaw mo na talaga sa akin dahil sa mga sinabi ko."
Tinignan niya lang ako ng matalas pero walang lumabas na salita sa mga bibig niya.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na nag-aalala kaming lahat kasi hindi ka namin nakita at nadalaw. Miss ka naming lahat, Yuri," dagdag ko pa at kinuha ang cellphone ko. "At kung gusto mo, sabihin ko na sa kanila kung nasaan ka ngayon para makasama ka na nila Rafael."
"H'wag mo akong pangunahan," seryoso niyang sabi.
Tumango naman ako at medyo nagulat sa sinabi nito. "S-sige. Pero ayos ka na talaga? Kailan ka pa nagising?"
"Hindi ko matandaan," walang gana niyang sagot sabay tupi sa mga binti niya bago yakapin 'yun.
“Yung girlfriend mo ba, dinalaw ka na rin? Magkikita kayo?” hindi ko alam kung bakit ’yun ang lumabas sa bibig ko. Natahimik siya at tumingala.
“Ayokong pag-usapan siya,” aniya. “May sasabihin ka pa? Aalis na rin kasi ako.”
Tila tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa pagkataranta. May nagsasabi kasi sa akin na pigilan siya at h’wag ng hayaang mabalewala pa ang moment na ’to. “A-ahmm…”
“Tumatakbo ang oras ko. Ano? Yan lang ba?” sabi nito na tila naiinip at naiinis.
Huminga akong malalim. “Alam kong huli na ang lahat pero gusto ko lang sabihin na…” Parang may bumara sa lalamunan ko ng mga oras na ’yun kaya napahinto ako.
Tumingin ang bored eyes niya sa akin ng ilang minuto bago tumayo. “Tsk. Nasira ang momentum. Sana hinayaan mo muna akong mag-isa.”
“Yuri naman. Hindi ba pwedeng masaya kaming makita ka uli? Hindi kami kumpleto ng wala ka…” sagot ko sa mahinahong boses. Sinusubukan kong kumalma dahil wala akong karapatang magalit ngayon.
Napahinto siya sa paglalakad at lumingon ng magkasalubong na ang mga kilay. “Bakit? Sa tingin mo ako natutuwa na makita ka? Huh? Hindi! Alam mo kung bakit? Kasi pilit akong nagmo-move on sa feelings ko sa’yo pero hindi naman naaalis kasi naaalala lagi kita!”
Napahinto ako. Gusto ko mang iwasan ang mga mata niyang ’yun pero mas minabuti kong tingnan pa rin siya. Ayoko may mamisinterpret na naman siya.
“Ano? Magsalita ka naman, oh? Sagutin mo ako, purpose mo bang saktan talaga ako?!” dagdag niya pa bago mapalapit sa akin at hinawakan ako sa kwelyo.
Pero hindi ako natinag. Alam ko, valid naman ’yun dahil nalilito pa rin siya.
“O-oo, ’yun naman talaga,” sabi ko sa kaniya na nagpahinto sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya habang lumalambot ang pagkakahawak niya sa akin.
“H-how dare you…” gulat niyang sabi habang pahina ng pahina ang boses niya.
“Noon, oo g-gusto kitang saktan sa salita ko. Iniwasan kita. Para mawala ’yang n-nararamdaman mo. Alam mo kung bakit? Kasi natatakot ako—”
“Natatakot din naman ako, ah? Pero I’m willing to risk everything para lang mapatunayan ko sa’yo na totoo ako! Totoo ang nararamdaman ko!” pagputol na naman niya sa akin. Nakita ko ang sakit sa mata niya. “G-ganoon kita kagusto. Sumuko lang ako kasi…ikaw na mismo ang nagsabi. Nasa action mo na mismo na ayaw mo naman talaga sa akin.”
Napakagat ako ng ibabang labi. “N-natakot lang ako, Yuri. Dahil ayaw kong masaktan. A-ayaw kong maging dahilan ’yun para madistract ako. Ayaw kong…matulad sa naging buhay ng nanay ko.”
“Bakit? Akala mo ba sasaktan kita? Na dahil ba bad boy ako? Gangster ako? Sasaktan kita? Akala ko ba ikaw ’yung isa sa mga nagtitiwala sa akin? Na nakikita mo sa akin ’yung potential kahit ang tingin nila sa akin eh masamang tao? Akala ko ba…kahit ayaw nila sa akin, ikaw…gusto mo ako?” tanong niya sa akin habang naluluha ang mga mata. Hindi niya pala kinalimutan ’yun.
“A-ano? Wala lang ’yun? Bakit? Naaawa ka sa akin?” dagdag niya pa. “T*ngina! Awa! Ayoko niyan! Hindi ko kailangan niyan!”
“Hindi, Yuri…totoo ’yun,” sabi ko pa para makumbinsi siya. “G-gusto kita.”
Ngumisi siya. “Awa lang ’yan, g*go!”
“Hindi nga! Ano ba? Oo, naawa ako sa’yo noon dahil sa kalagayan mo. Pero hindi naman ’yun ang naging dahilan para magustuhan kita, eh?” tugon ko na nagpatikom sa bibig niya.
Pero agad ding tumaas ang isa niyang kilay. “Ano pala?”
“E-ewan ko. S-siguro dahil naramdaman ko na lang ’to? Dahil siguro naging comfortable ako sa’yo? Dahil…sa bondings natin? Hindi ko alam, Yuri. B-basta alam ko lang na gusto kita. Hindi ko na inalam ang dahilan,” sagot ko ng nauutal dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko.
Pero seryoso pa rin siya sa akin.
“Naaawa ka lang siguro sa akin,” sabi niya.
“Hindi, Yuri…” sabi ko sa kaniya. “Hindi na rin naman siguro mahalaga na sinabi ko ’tong nararamdaman ko sa’yo dahil may girlfriend ka na, ’di ba? Pinaalam ko lang sa’yo na hindi ka natalo sa akin…at humihingi rin ako ng tawad para sa nagawa ko. Yun lang. Tanggap ko na rin kung magkaibigan lang talaga tayo dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit ’yun ang hinantungan natin from the first place.”
Natahimik siya at napaayos ng buhok niya na bahagyang nagulo.
“Kung totoo man na may girlfriend ka na rin talaga, masaya ako para sa’yo. Pero tulad ng sinabi ko noong nacoma ka. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Tuturuan kita at tutulungan kahit alam kong kaya mo naman. Nandito pa rin ako para kung kinakailangan mo ng masasabihan ng problema,” dagdag ko pa.
“B-bilang kaibigan, pwede mo akong tawagin lagi. P-pwede ka ring dumalaw sa bahay dahil nag-aalala si Mama sa ’yo. Para na rin daw anak ang turing niya sa’yo, eh.”
Hindi pa rin siya umimik pero tumalikod siya sa akin.
“At kung galit ka pa rin, ayos lang. Hindi ko ’yan papawalain agad. Pero hindi ko babawiin ’yung sinabi kong handa akong maging kaibigan mo uli—”
“D-d*mn you, Eiron!” mura niya sabay lakad patungo sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako natakot, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Handa akong saluhin ang suntok niya o paghawak niya uli sa kwelyo ko.
Pero hinawakan lang niya ako sa braso at bewang bago halikan…sa labi.
Imbes na magulat ay dahan-dahang bumaba ang tensyon sa katawan ko habang sinasabayan ang malalambot niyang halik. Tulad lang ng gabing hinalikan ko siya pabalik. Kusa namang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
Sinakop niya ang ibabang labi ko sa gentle na paraan tulad ng ginawa ko sa kaniya noon. Gusto ko mang gumanti pero parang binabasa niya ang bawat galaw ko.
Hindi ko napigilang mapangiti sa gitna ng halikan na ’yun. Bwisit, inaasar niya ba ako?
Naramdaman ko pa ang malambot niyang dila na pinasadahan ang ibabang labi ko bago humiwalay sa akin. Dahan-dahan pero hindi naputol ang tinginan namin. Napansin ko ang brown eyes niya na natatamaan ng ka-kaunting liwanag mula sa araw.
Napalunok ako dahil sa pagkamangha at hindi malamang dahilan.
“D*mn you, Eiron,” bulong niya pa. “H-hindi ko kayang magalit talaga sa’yo ng matagal. Hindi ko magawang hindi ka magustuhan…”
Kumunot ang noo ko. “Dahil ba mga s-sinabi ko? Hindi mo naman—”
“Nakakawala ng galit ’yung pagkakasabi mo ng gusto mo rin ako,” pagsabat niya bago dahan-dahang ngumiti sa akin. Naguluhan ako.
Napahawak ako sa balikat niya “T-teka, may girlfriend ka na pala—”
“Wala. That’s only a joke…kasama ko lang ’yung babae last time kasi may tinatanong lang siya sa akin,” aniya na ikinasimangot ko. Napansin ko naman ang pag-alala sa mukha niya noong makita ang naging reaksyon ko. “Wait, don’t tell me na—”
“Malay ko ba na tinotoo mo talaga ’yung sinabi ko? A-atsaka, nakakaconvince kasi ’yung pagkakasabi mo na may girlfriend ka na,” sabi ko sabay iwas ng tingin.
“So…what? Papayagan mo na akong manligaw sa’yo?” tanong niya bago ako bigyan ng space, pero hindi pa rin niya binitiwan ang bewang ko.
Napaisip ako, kailangan pa ba? Kilala ko naman na siya pero hindi pa lubos. Atsaka pwede naman natin mas mapalalim ’yun habang nagsasama kami, hindi ba? Ganoon naman ang isang relasyon.
“Hindi naman kailangan, Yuri. Gusto mo ako, gusto rin kita. Magkaibigan naman tayo noon kaya kilala na kita,” sabi ko habang tinuturo siya at ang sarili ko.
Kumunot lalo ang noo niya, parang batang naguguluhan at hindi maintindihan ang isang bagay. “Huh? Akala ko may ligawan pa sa mga serious relationship?”
“Gusto mo ba akong ligawan?” tanong ko sa kaniya na dahan-dahang nagpawala ng kuryosidad sa kaniyang mukha. Pero napalitan ’yun ng dahan-dahang saya na nagpagwapo lalo sa kaniya.
“I want that…” pabulong niyang sabi. “Alam ko namang natatakot ka pa rin kaya gusto ko sana dahan-dahanin. Isa pa, I want to prove myself sayo kaya idadaan natin ’to sa traditional na process.”
Natulala ako sa sinabi niya. Willing talaga siyang gawin at mag effort para lang patunayan na hindi ko kailangan matakot. Swerte niya, willing akong labanan ’yun.
“Pwede naman natin ’yang gawin both habang nasa loob ng isang relasyon, eh. Papatunayan mo sa akin ’yung sarili mo, at ganoon din ako sa’yo habang lumalalim ’yung pagsasama natin. Tutal, doon din naman ang punta natin,” sabi ko sa kaniya.
Tumango siya na tila nakukuha ang sinasabi ko. “That’s…brilliant. Kaya sa’yo ako, eh.”
Natahimik kaming parehas at tila inenjoy ang tahimik na paligid. Mahal na mahal ko ang ganitong paligid. Parang sinasabayan nito ang pagtibok ng puso ko at ang paghinga ko. Walang masyadong ingay na nagpapataranta sa akin.
“Well, since this is official…anong gusto mong callsign natin?” aniya sa seryosong tono ng boses. Nalala ko bigla ’yung naging biro niya noon tungkol sa callsign na ’yan.
“Anong official? Hindi pa nga alam ni Mama na okay ka na at…tayo na,” sagot ko bago tumingin sa motor niya na nakapark. “Magsabi muna tayo.”
“Sure sure. I want to meet her as well. Namiss ko bahay niyo,” aniya.
“Teka, paano pala sil Rafael? Nasa St. Catherine sila para alamin kung gising ka na. Kitain muna natin sila?” alok ko ng maalala pala sila. Ang daya naman kung sila naghahanap tapos kami rito, binabalewala sila. Naglakad kami ng sabay sa motor niya bago kinuha ang helmet.
“Should we…tell them about this na ba?” tanong niya sa akin at dahan-dahang sinuot ang helmet sa akin.
“Komportable ka na ba sabihin sa kanila?” tanong ko pabalik sa kaniya. Nginitian lang niya ako. Kung dati, naiilang ako. Ngayon parang walang tutol na ’yun sa akin. Ang bilis ng lahat, pero sasabay ako . “Namiss mo ba helmet mo?”
“Helmet ko?” tanong ko pabalik sabay ngisi.
“Oo, sa’yo naman talaga ’yan. Walang ibang nagsusuot,” aniya sabay sakay sa motor niya. “Wala na ring ibang magsusuot kung hindi ikaw lang.”
Kinuha naman niya ang cellphone niya at tila nagtype sa screen saglit bago itago ’yun uli.
“Let’s meet them,” sabi nito. Noong makasakay ako ay ako na mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa bewang niya at niyakap siya.
Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa noong pinatong ko sa balikat niya ang baba ko.
Hindi ko alam na ganito sasaya ang puso ko. Hindi ko ’to naramdaman noon dahil hindi naman ako nakafocus rito. Laging utak ang pinapairal ko, na akala ko magiging okay pero hindi ko alam na makakasakit at may makakalimutan ako. Mabuti na lang at natuto akong marealized ’yun dahil sa mga nangyari, dahil sa mga taong handang makinig sa amin.
Nakarating kami sa restaurant na sa tingin ko kilalang-kilala na hindi ganoon kamahal ang mga pagkain. Affordable at pwede sa lahat. Noong hubarin ko ang helmet ay naramdaman ko agad ang kamay niya na nasa likuran ko at nakahayakap sa kanang braso ko habang nasa kaliwa ko siya.
“Tell me if you’re not comfortable sa mga paghawak-hawak ko sa’yo sa harap ng ibang tao, huh?” Tanong niya ng pabulong sa tainga ko.
“Medyo hindi… pero sa susunod siguro,” sabi ko naman dahil sa mga nakatingin sa amin. Wala sana akong pakielam pero naghahalo-halo ang nararamdaman ko, eh. Kaya pakiramdam ko, hindi ko kaya.
Bumitaw naman siya sa akin at binuksan ang glassdoor para sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at dumiretso sa loob kung saan napansin ko agad ang malaking mesa kung saan nakaupo silang anim at may magkatabing bakanteng pa.
“Yown! Magkasama naman na pala!” ani Rafael sabay tayo niya para salubungin si Yuri. “Musta, mah men?”
Nag apiran sila pero mahahalata rito na namiss niya talaga si Yuri. Ganoon din sina Simone at Logan. Sina Dice naman ay hinila pa ako bago upuan ang bakante sa tabi ko.
Napakamot naman ng ulo si Yuri. “Ah, dyan ako?”
“Doon ka, oh?” ngumuso si Dice sa tapat kong upuan na pinagigitnaan nila Rafael at Simone.
“Fine…” Pasimple siyang napanguso bago umupo roon.
“So, bati na kayo agad?” ani Dice sa akin. “Magkwento ka nga.”
Napansin ko si Yuri na nakatitig sa akin habang kinakausap din siya nung tatlo. Ngumiti siya sa akin at nagtatanong ang mga mata. Tumango lang ako.
“Hoy! Ano na? Bakit ka nagpunta sa kung saan? Alam mo na agad kung nasaan siya kanina?” ani Dice. Tinignan ko uli sila, halatang naghihintay ng isasagot ko.
Napangiti lang ako. “Nakita ko siya sa…tambayan namin. Nagkausap kami tapos ayun, nagbati.”
“Tapos ano? Ano pa?” ani Luigi na tila may hinihintay.
Napalunok ako. “Sinabi ko na rin ’yung bagay na ’yun. Yun naman ang tama, eh.”
Napatili si Dice dahilan para mapatingin ang lahat ng nasa loob ng restaurant sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko dahil mukha siyang babae na nagulat.
“Maupo ka nga!” saway ko sa kaniya ng pabulong. “Nakakahiya!”
“Sorry sorry! OA lang…pero what..you mean ba is…” ani Dice na tila prinoproseso pa ang naiisip.
“Sila na, Dice. Jusko po ano ba? Obvious ba ’yun? Tinginan niyo pa lang at bulungan kanina parang may something na, eh,” ani Joseff ng walang kapreno-preno.
“Ay manong…grabe ha. Oo na gets ko na.” Napairap si Dice sa kaniya. “At ikaw Yuri.”
Natahimik ang apat na lalaki noong tawagin siya ni Dice. Kumunot ang noo nito.
“What?”
“Sigurado ka talaga sa kaibigan namin? Hindi mo ’to lolokohin?” ani Dice.
“OA mo naman, Ice. Bakit siya lolokohin ng bro ko? Mabuting tao kaya ’to. Gustong-gusto niyan si Eiron, eh. Iiyak ba ’to kung hindi talaga siya seryoso?” Maangas na sabi ni Rafael na nagpatahimik sa lahat. Noong magsalubong ang mga mata namin ni Yuri ay tila nahihiya ’to.
“Ok, kalbo. Basta! Kapag talagang umiyak ’tong si Eiro—” tinakpan ko ang bibig ni Dice.
“Umorder na nga tayo. Kayo talaga,” malumanay na sabi ni Logan bago tawagin ang isa sa mga waitress. Kinuha ko naman ang Menu kung saan nakisali si Dice dahil apat lang ’yung binigay nila sa amin.
Noong bahagya kong ibaba ay napansin ko si Yuri na nakatitig din sa akin. Kinindatan niya ako bago mapangisi at bumalik ang tingin sa mga menu.
“Anteh, nandito ang menu oh. Wala roon. Magugutom tayo niyan, eh. Talande nito,” ani Dice sabay taas bahagya ng menu.
Napuno ng asaran tuloy ang mga oras nu’n. Maingay rin ang table namin kaya minsan napapatingin sa amin ang ibang costumer. Pero para kaming walang pakielam dahil nagpapatunay lang ’yun na namiss nilang lahat si Yuri. Dagdagan mo pa na naging close pa ang buong circle. Hindi naman namin alam na magkakadikit din sila dahil sa amin.
“Oh, I bought this for Mama Rowena and Aling Gina,” ani Yuri sabay pakita ng tinake out niyang pagkain. Napatingin ako sa mga kaibigan namin.
“We’re going home na pala,” sabi ni Yuri sabay tingin sa akin at bahagyang tumaas ang mga kilay niya na tila hinihintay ang sagot ko.
“Ah, oo. Papalitan pa namin ’yung oxygen tank ni Mama, eh,” sagot ko naman.
“Home?! Hoy, ihatid lang ah baka ninang na ako bukas niyan,” ani Dice na ikinatawa nila.
“Basta ako best man!” sabat ni Rafael.
Napakibit-balikat si Yuri sabay tingin sa akin na tila naniniwala siya sa mga pinagsasabi nila Dice. “Well—”
“Magtigil,” pagputol ko sa kaniya. “Mauuna na kami. Bukas na lang uli.”
Sumakay naman kami at agad na dumiretso sa bahay kung saan agad naming napansin si Mama na nakatambay sa labas kasama si Aling Gina at Jeremy.
“Oy, nandito na pala ’yung may magandang motor. Ano nga uli pangalan mo?” usisa ni Jeremy.
“Yuri, bro,” ani Yuri.
“Ginabi na kayong dalawa, ah?” ani Mama na hinawakan ko naman sa balikat.
“Bakit ho kayo nasa labas? Baka hikain kayo bigla,” sabi ko naman habang dahan-dahan siyang inaalalayang makapasok sa loob.
Nagulat ako noong tumulong si Yuri na maghain kasama si Aling Gina habang nag-uusap sila.
“Teka—” naputol ang sasabihin ko noong hawakan ako ni Mama sa kamay.
“Sandali, anak. Tawagin mo si Yuri,” aniya. Lumapit naman si Yuri na tila ba narinig kaming dalawa.
“Yes po, Ma?”
"Maupo kayong dalawa," sabi niya sa amin. "Ano nang nangyari sa inyo? Ikaw? Yuri? Kumusta ka na?"
"I'm ok na po, Ma. Nagising lang po ako last tuesday pero nagpahinga lang din kaya ngayon lang nagpakita," sabi niya na ikinatahimik ko.
Napangiti si Mama. "Nag-aalala kami sa'yo nu'n. Lalo na si Eiron. Hindi nga ata masyado natutulog 'yan dahil naabutan kong may ginagawa sa kwarto niya tapos hindi pa ata mapakali....kapag may masakit sayo, sabihin mo agad sa amin, ok?"
Tumango naman si Yuri. "Don't worry, Ma. Mag-iingat na po ako from now on. Lalo na..." Naramdaman kong hinawakan ni Yuri ang kamay ko ng dahan-dahan.
"Sinabi na ng anak ko sa'yo na gusto ka niya?" tanong agad ni Mama.
"M-ma..." pagsaway ko sa kaniya dahil nahihiya ako.
Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito.
“The truth is…kami na po ni Eiron, Ma,” ani Yuri sa malalim at mahinahong boses.
Napangiti pa lalo si Mama. "G-ganon ba? E-edi mabuti at hindi na puro trabaho ang anak ko."
Ngumiti rin ako sa kaniya. "Magtatrabaho pa rin ho ako. Para may pampagamot sa inyo. May session pa po kayo uli next week."
Tumango naman si Mama. "Natutuwa ako dahil ngayon makikita ko na nagmamahal ang anak ko, hindi lang si Drip. Ang gusto ko lang sabihin ay, malaki na kayong pareho. Alam niyo naman kung anong makakasama at makakabuti sa inyo. Basta magmahalan lang kayo, at h'wag padalos-dalos sa desisyon, huh? Matalino kayong parehas kaya alam kong kaya niyo 'yan," paalala ni Mama.
"Opo, Ma," sagot ko naman
“Magsasabi lang din kayo sa amin kapag kailangan niyo ng kausap. Yun lang naman. Hindi ko na kailangang magbigay ng payo pa dahil nasabi ko na ata sa inyong dalawa ang mga dapat niyong malaman.”
Walang paglagyan ang saya nina Mama at Aling Gina sa nalaman kaya hindi pa roon natapos ’yun. Nagkwento pa si Mama ng kung anu-anong masasayang bagay kay Yuri tungkol sa akin.
Gusto ko man siyang sawayin pero wala naman sigurong masama kung malalaman lahat ’to ni Yuri, hindi ba?
Itutuloy…
Desire 24
Desire 24: Fallin’
Eiron’s Point of View
Sumapit na rin ang alas-nuebe ng gabi at oras na rin ’yun para palitan ang oxygen ni Mama dahil matutulog na rin siya.
Napatingin ako sa bintana at kisame ng may marinig na sunod-sunod na mga patak roon.
Umuulan.
“Naku, may payong ka ba, iho?” tanong ni Mama kay Yuri.
“Wala nga po, eh,” tugon niya. Napatingin ako sa kaniya at sakto ring tumingin siya sa akin.
“May payong ata ako rito,” sabi ko naman. “Pwede ko naman siyang pahiramin.”
“Balita ko Ma, malakas daw ’yan eh. May bagyo ata this week?” suhol ni Yuri na ikinakunot ng noo ko.
“Ay talaga? Oh siya, edi dito ka na magpagabi? May mga damit naman at pantalon na pwedeng pahiramin si Eiron sa’yo para may gamitin ka pagpasok,” ani Mama. Noong hawak ko na ang payong ay lumakas nga ang ulan na parang nananadya.
“Feel ko Ma, mababasa ako tapos magkakasakit,” saad pa ni Yuri.
“Eiron, mamaya ilatag mo ’yung isang kama. Para mag tig-isa kayo. Tapos ilabas mo rin ’yung magandang kumot at unan, huh?” utos ni Mama.
“Sino po bang anak mo, Ma?” sabi ko ng pabiro.
Kinindatan lang ako ni Yuri na ikinairap ko. “Lucky, huh?”
“Tsss…” sagot ko sa kaniya.
“Sige na anak. Baka nga naman mabasa siya atsaka ayos lang naman na dito siya mamalagi. Tutal nung nakaraan umalis siya agad. Baka mapano na naman siya sa daan,” dagdag pa ni Mama.
“Opo,” sabi ko. “Tara na ma sa kwarto mo.”
Noong ginawa ko na ang dapat gawin sa kwarto ni Mama ay inayos ko na rin ang higaan niya.
“Magpakasaya ka, anak ko,” ani Mama sabay hawak sa kamay ko. Ngumiti lang ako sa kaniya bago siya kumutan.
“Goodnight, Ma,” sagot ko na lang. Noong makalabas ako sa kwarto niya ay naririnig ko na naliligo na rin si Yuri kaya inayos ko na rin ang kwarto ko. Naglatag ako ng another comforter pero nakapatong lang sa papag. Inayos ko rin ang unan at kumot. Inayos ko rin ang pinaka kama ko dahil doon ko papatulugin si Yuri. Nakakahiya kung dito ko siya papahigain sa papag. At least doon, malambot.
Noong marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa banyo ay handa na akong lumabas. Gusto kong bigyan siya ng privacy para kung magbibihos siya pero noong buksan ko na ang pintuan ay nasalubong ko rin siya na nakatapis lang ng tuwalya habang basa ang buhok, medyo basa rin ang kalahating katawan niya na kitang-kita ang 6 pack-abs doon pati biceps. Meron din itong broad chest na hindi ko nahahalata sa suot niyang t-shirt dahil hindi naman siya nagsuot ng anumang fitted. Nakaramdam ako ng init sa katawan noong pagmasdan ko ’yun.
Maganda ang pagkakahubog nito at bumagay sa saktong puti ng kaniyang balat. Brownish din ang nipples nito na may katamtamang size lang din. Nakakalalaki. Nakakaakit.
“Stop looking at me like that,” aniya na nagpagising sa akin. Napansin ko siyang napangisi habang lumalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang bewang.
“Nagulat lang kasi ako,” sabi ko sa kaniya. “Maliligo na rin ako.”
“Sure, I’ll wait for you,” bulong niyang sabi sabi halik sa pisngi ko. May mas iga-grabe pa pala ang pagka clingy niya sa akin compare noon. Kaya eto na naman ang dibdib ko, hindi mapakali. Naamoy ko pa ang paborito kong sabon sa kaniya kaya nadagdag ’yun ng attraction niya sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na lang sa banyo matapos ’yun. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan ng mga oras na ’yun. Bakit nga ba? Siguro ito ’yung first time na makikitulog siya sa amin? O Dahil nasa iisa kaming kwarto?
Ewan ba, ang lakas kasi niya kay Mama kaya ayan…
Matapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng shorts dahil medyo uminit ang temperatura. Atsaka mas sanay akong matulog ng ganoon dahil mas presko. Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko siyang natingin sa phone niya habang nakaboxer lang na kulay itim.
Nakaupo at sandal siya sa pinakama ko. Noong nag-angat siya ng tingin ay ibinaba niya ang cellphone at ngumiti na parang bata.
“D*mn…” aniya.
“Akala mo magpapatalo ako?” sabi ko sa kaniya sabay turo sa katawan ko.
“You know, I like your body. Lalo noong bahagya mong tinataas ’yan kapag maglalaro kayo sa gym,” aniya. Umupo naman ako sa higaan ko habang hawak ang bote ng lotion na nilalagay ko kapag gabi.
Tinap niya ang kama na kinauupuan niya. “Come lay down beside me, please?”
Umiling ako. “Hindi ako sanay ng may katabi.”
“Edi kahit saglit? Upo ka lang ganoon?” sabi niya sa akin na pinagdikit pa ang dalawang palad. “Please?”
Napabuntong hininga naman ako dahil para akong nadadala sa ganoon niya. Hindi ko na hinintay na magmakaawa pa siya dahil saglit lang naman daw. Noong umupo ako sa tabi niya ay tumitig siya sa mga mata ko sabay naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko na may hawak na lotion.
“Let me put some lotion on you,” sabi niya sa malambot at pabulong na boses.
Pagapang siyang pumunta sa harapan ko at nilagyan ang kanang kamay niya na inispread niya sa kaliwa kong binti habang titig na titig pa rin.
“Ang creepy mo!” biro ko sa kaniya na ikinangisi niya lalo.
“Are you scared?” tanong niya habang pinapasadahan ang ankle ko. Matapos niyang lagyan ’yun ay sinunod niya ang calf ko. Medyo may kiliti ako roon pero tiniis ko.
Napakagat ako sa ibabang labi.
“Hindi ’no. Sanay na ako sa mga ganyan,” sabi ko para maiba ang atmosphere. Pero noong itaas niya pa ang mga kamay papunta sa knee part at thigh part ay napaigtad ako saglit.
“So, pwede na talaga kitang tanungin kung anong…callsign ang gusto mo?” aniya na ikinasalubong ng mga kilay ko.
“Hindi ka makamove on diyan, ano?” sabi ko na lang. Lumipat naman siya sa kabilang binti ko.
“Ikaw? Ano bang naiisip mo?” Tanong ko pabalik sa kaniya.
“Mi abucheo,” sabi niya na may maganda pang accent. Spanish ata ’yun? Wow.
“Anong ibig sabihin niyan?” tanong ko naman sabay tingin sa kamay niya na hinihimas ang thigh ko. Napalunok ako dahil doon. Nakadagdag init ang ginagawa niya sa akin.
“My boo in Spanish. I want that,” sabi niya na tila ang saya-saya sa naisip. “Or boo nalang para masanay ka agad. What do you think?”
“P-pwede naman,” sabi ko dahil maganda sa pandinig. Hindi cliche masyado dahil hindi ko madalas ’yun marinig sa mga couples.
Lumapit siya ng bahagya sa akin. “I love you, boo…”
Natuod ako sa kinauupuan ko noong marinig ’yun. Wala na sa lotion ang atensyon ko. Kung hindi sa mga mata niya na tinitignan naman ang labi ko.
“Can I kiss you again?” tanong niya sa akin na tila nakikiusap na naman.
“Hinalikan mo nga ako kanina ng walang paalam,” sabi ko. Tumindi ang init sa katawan ko ng mga oras na ’yun.
Nakita kong namula siya at napanguso. “Ayaw mo ba?”
“Tsk, bagal mo,” tugon ko bago siya hinawakan sa batok at hinalikan. Nakita ko na medyo nanginig siya sa ginawa ko. Dahil doon ay inunahan ko na naman siya at sinakop ang upper lips niya. Pero tila nakalaban siya sa akin sa pagkakataon na ’yun dahil kinagat niya ng marahan ang lower lip ko.
Tumitila na rin ang ulan sa labas pero kami nag-uumpisang guluhin ang kaniya-kaniyang sistema. Inusod niya ako habang parehas naming ninamnam ang mga labi namin.
Noong maramdaman ko na ang pader sa likod ko ay dahan-dahan niya akong inihiga at pinaibabawan. Bumitaw ako sa halik namin at napansin ko ang mga mata niya na kakaiba sa mga oras na ’yun. Ibang Yuri ’yung kaharap ko ngayon. Hindi siya ’yung nakakasama ko sa session, sa school, at kahit saan. Parang nadadala ako ng mga mata niya sa kung saan.
“Tell me if you’re not comfortable, huh? Pwede ko ’tong iistop,” bulong niya sa akin bago bumaba at hinalikan ang leeg ko. Pero hinawakan ko lang siya sa kaniyang likuran at ipinikit ang mga mata ko.
First time ko sa ganitong bagay. Kahit alam ko naman at may kaalaman sa ganito, wala naman akong karanasan kaya hindi ko alam ang pakiramdam. May takot ng kaunti pero may nagsasabi sa akin magpatuloy dahil gusto ko.
Gusto kong maranasan lahat ng ’to kay Yuri.
Masamyo at tila may lambing ang bawat paghalik niya sa balat ko na nagpapakawala ng ungol sa bibig ko. Mahihina lang din ’yun dahil ayokong makaistorbo.
Bumaba siya sa collarbones ko at tila sinipsip niya ito ng dahan-dahan. Malamang sa malamang, may mga marka na ’yun. Kissmark ang tawag or hickey.
Ang mga kamay naman niya ay lumandas sa dibdib ko na tila ba inaangkin niya.
“Y-Yuri…” sabi ko.
“That’s right, call my name, boo…just my name,” bulong niya bago bumaba naman sa dibdib ko at dilaan ’yun. Ang init…
Pinaglaruan din niya ang nipple ko sa kaliwa. Hindi ko alam kung paano pero nagbigay sa akin ’yun ng kakaibang kuryente para mapahigpit ang hawak ko sa gilid ng kama ko.
Napapikit ako. “U-ugh…”
“You like it?” tanong niya bago lumipat sa kanan. Pinaglaruan naman ng daliri niya ang kaliwa kaya mas lalo akong hindi mapakali.
“Ugh! Y-yes! Oh Yuri…” sabi ko dahil sa hindi malamang sarap.
Hinalik-halikan niya 'yun. May naramdaman naman akong matigas sa tuhod ko mula sa kaniya. Kung tatantyahin ay may kahabaan ang kaniya kaya dumagundong ang dibdib ko.
Bumaba siya sa tiyan ko at sinundan ang linya sa abs ko. Noong tingnan ko ito habang inuunan ang dalawa kong kamay sa likod ng aking ulo ay nakatitig din siya magiging reaksyon ko.
Dahan-dahan naman niyang ibinababa ang shorts ko habang hinalikan ang mga nakikita sa loob nito. Kahit ang pubic hair ko ay hinalik-halikan niya pababa sa alaga ko na kasing tigas na ng bakal dahil sa ginagawa niya. May pre-c*m na rin sa tuktok nito.
"Heck, you're big too? Ang laki rin ng iyo, boo. Fvck..." aniya. "And you have a lot of pre...c*ms."
Medyo nagulat pa ako ng hawakan niya 'yun at dilaan ang pre-c*m ko na para bang wala lang 'yun sa kaniya. Masarap sa pakiramdam. Para akong mahihimatay dahil bago 'yun sa akin.
"O-ohh..." ungol ko.
Dahan-dahang sinakop ng bibig niya ang alaga ko na naging dahilan para mapaangat ako ng katawan.
Napangisi siya sa nakita. "Sarap?"
Tumango ako at napahawak ako sa kaniyang buhok. Tila hinayaan niya akong ibaba at itaas ko ang ulo niya. Hindi ko alam kung papaano niya naaabot 'yun pero wala siyang protesta. Napatirik ang mga mata ko habang naririnig ko ang basang tunog na galing mula sa pagsubo niya.
Nagulat na lang ako noong bigla niyang idiin 'yung ulo niya at pinaabot sa lalamunan niya. Napanganga ako at parang narating ang langit.
"Aahh! Ugh!" ungol ko.
Dahil dito, mas binilisan ko pa ang pagtaas baba ng ulo niya habang nararamdaman ang namumuong pakiramdam sa pantog ko.
"Fvck, a-ayan na ako ugh!" ungol ko pa rin bago sumabog ang laman sa loob ng bibig niya. Mainit ang loob ng bunganga niya pati na rin ang nailabas ko. Tumingin siya sa akin ng medyo may naluluhang mata habang nakikita ang paglunok sa likido. Tinanggal naman niya di kalaunan ang alaga ko sa bibig niya at medyo hingal na gumapang papunta sa ibabaw ko.
Medyo bumangon ako para salubungin siya na nakangisi pero tila may lakas pa rin.
"D-do you like that?" tanong niya habang hinahabol ang kaniyang hininga. "M-masarap ba? You know, pwede ko namang subuin uli 'yan mamaya para sa'yo"
Hindi ko alam kung mas lalong mag-iinit pa ako sa sinabi niya. Parang wala lang sa kaniya ang mga salita na 'yun na ngayon ko lang din narinig mula sa bibig niya.
"Tigas na tigas ka pa, oh?" panunukso niya sabay hawak uli sa kargada ko.
"G-gusto mo pa?" tanong ko naman habang nakatitig sa mga mata niya na nakikiusap.
Naamoy ko sa bibig niya ang amoy ng nilabas ko at natuksong halikan siya. Kaagad siyang tumugon sa akin. Nagulat na lang ako ng iikot niya ako at ako naman ang nasa ibabaw. Kinagat niya pa ng marahan ang ibabang labi ko bago dahan-dahang kiniliti 'yun gamit ang dila niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang bibig ko bago ilabas ang dila ko na agad niyang pinasadahan para kilitin. Mahigpit kong hinawakan ang bisceps niya dahil doon. Para kaming nagpalitan ng laway habang nalalasahan ko ang hindi pamilyar na lasa roon.
Mapakla na matamins
Bumitaw naman siya sa halik at tinignan ako ng nakangiti. “That’s why pinaorder kita ng pineapple juice kanina,” aniya. Kaya pala kinulit niya ako. Tss… “Your turn…”
Alam ko na ang gusto niyang sabihin. Hinawakan ng kamay ko ang dibdib niya at hinalik-halikan 'yun. Mahahalata mo talagang anak mayaman siya dahil sa kutis at kinis ng balat nito. Para siyang regalo ng langit, napakaperperkto ng pagkakagawa.
Binaba ko ang boxer niya at halos kabahan ako sa nakita. May kalakihan din sa kaniya katulad ng sa akin pero mataba 'yung kanya. Maputi ang kulay ng alaga niya at mapula ang tuktok. Trimmed ng kaunti ang pubic hair, mukhang naalalagaan din.
Noong hawakan ko ay napansin ko ang mga ugat. Tantya ko'y nasa 7 inches 'yun. Napalunok ako.
Kaya ko ba ’to? First time ko lang gagawin sa kaniya ang lahat ng ginawa niya sa akin. Lalong-lalo na ang humawak ng ari ng iba. Hindi ko ’yun sinubukan kahit noong high school pa ako.
“Don’t worry, I’ll be gentle, boo. I will not force you kung hindi mo talaga kaya,” sabi niya habang nakatukod ang mga siko at nakatitig sa akin.
Tumingin ako sa kaniya bago dahan-dahang itinaas-baba ang ari niya.
"F-fvck, Eiron..." pabulong na ungol niya. Nag-init ako noong marinig 'yun kaya naman dinilaan ko ang katawan ng alaga niya, mula ibaba paitaas sa tuktok nito habang nakatitig sa reaksyon niya.
"That...fvcking tongue of yours..." aniya bago ko tuluyang isubo ang kaniya. Mainit nga sa bibig at parang nakakatemp na dilaan mula sa loob.
Noong galawin ko ang dila ko habang nagtataas-baba ako ay tila para siyang nabuhayan lalo. Parang mas lalong tumigas at lumaki ang ari niya kaya pinagpatuloy ko pa rin 'to.
"Ugh, s-sarap t*ngin*!" mura niya pa noong medyo binilisan ko. Nakakangalay sa panga at medyo nakakasuka rin pero parang adiksyon siya sa akin na hindi ko mapigilan.
Idagdag mo pa ang reaksyon niya na hindi malaman kung pipikit ba siya o hindi dahil sa sarap.
Hinawakan niya ako sa ulo ko at bahagyang umangat ang bewang niya. Hindi ko alam kung anong gagawin niya pero napaihinto ako sa ginagawa ko.
Dahan-dahan siyang bumayo ng sexy paitaas pero hindi ganoon umaabot sa lalamunan o bandang dulo ng ulo ko dahilan para hindi ako masuka.
Tinotoo niya nga ang sinabi niya.
"Ughh sarap...init ng bibig mo, boo," aniya habang sexy na gumagalaw. Nanghihina ako sa pinagluluhuran ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginagawa niya o sa bagay na nasa bibig ko pero hindi ko siya pinigilan. Kahit pinagpapawisan na ako ay hindi ko 'yun ininda.
Nagulat na lang ako ng tumigil siya at bahagyang napatayo habang nasa bibig ko pa rin ang alaga niya. Tinignan ko siya sa mga mata bago niya punasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.
"Ayokong labasan sa bibig mo," aniya. Parang may gusto pa siya sa akin. Tila nahipnotismo ata ako ng sinabi niya kaya tumayo rin ako. Pinatalikod naman niya ako bago nilagay ang dalawa niyang kamay sa dibdib at bewang ko.
"I want you so much, boo..." bulong niya sa tainga ko na nagbigay ng kiliti sa akin. Dinilaan niya pa ang earlobe ko.
Napaangat ako ng ulo sa ginawa niya bago niya ako tinulak padapa sa kama. Pumatong siya sa kama at hinalikan ang batok ko pababa sa likuran ko. Tila parang mapupunit ang cover ng kama dahil sa pagkapit ko rito.
Bumaba pa siya hanggang sa maramdaman ko ang hininga niya sa pang-upo ko. Tila hinimas niya pa 'yun habang pinaghahalikan.
Dito, alam ko na ang mangyayari. Nakikita ko 'yun sa mga pinapanood ko. Binuka niya ang pang-upo ko bago ko maramdaman ang pagdila niya roon. Mula sa ibaba ng butas paakyat. Kakaiba na namang kuryente ang hatid nito kaya hindi ko magawang mapakali.
"Aahh! Ugh!" ungol ko habang napapapikit. Pinagpatuloy niya pa rin 'yun bago ko marinig ang tila pagdura niya rito. Akala ko ay tapos na pero inulit niya lang ang ginawa. Dilang pababa, pataas o hindi kaya mula kaliwa hanggang kanan.
Nakakakiliti. Nakabaliw. Nakakawala ng katinuan. "Ahh! O.. Oh!... Aghh!"
Nagulat na lang ako ng marinig ko na tila may binuksan siyang isang botelya. Lumingon ako at napansin na nilalagyan niya 'yung ari niya ng lotion.
Noong magkatinginan kami ay pumatong siya sa likuran ko bago ko maramdaman na may kiniskis siyang bagay sa pang-upo ko.
"Still didn't stop me huh?" bulong niya na tila nanunukso. "May time ka pa para pigilan ako."
Hindi ako nakasagot. Natatakot ako na naeexcite. Napatingala ako sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng halik sa labi habang patuloy ang pagkiskis ng ari niya sa pangibaba ko.
"Papasok ko na boo, huh?" tanong niya sa akin ng may lambing. "Relax your body...we're safe. Wala pa akong nakakasex pero bibili ako ng condom next time..."
Hinalikan niya ang tenga ko bago ko naramdaman ang pagpasok ng alaga niya sa loob ko. Pero tila parang tinutukso niya lang ako dahil hindi niya pinapasok ng buo sa akin. Atras-abante muna ang ginawa niya na hindi ko maintindihan pero ninamnam ko 'yun pati ang mga paghalik-halik niya.
"I love you, Eiron..." bulong niya pa bago ko maramdaman ang tila kalahati ng alaga niya. May kasamang hapdi 'yun pero tila nakatulong ang dulas sa akin para humalo ang sarap doon.
"A-ah..." ungol ko sa hindi malamang dahilan, kung nasasarapan ba ako o nasasaktan.
Dahan-dahan naman siyang gumalaw kaya lalo akong napakapit sa cover na natanggal na rin mula sa pagkakaayos sa kama ko.
"Just like that..." aniya bago nagpatuloy.
"A-ahh...Y-yuri...A-ang laki," pagtawag ko sa kaniya. Para akong nawawala sa katinuan. Hindi niya ata ako narinig dahil para siyang kinakain ng lib*g.
"Ugh ughh oh shi—Boo, you're so tight," ungol niya na parang musika sa tainga ko. Medyo bumilis din ang kilos niya na nagpanganga sa akin.
Daig ko pa ang nababaliw dahil hindi ko alam kung saan ibabaling ang ulo ko.
"T-t*ngina, Yuri! Ugh!!" ungol ko. Pinagpapawisan na ako dahil sa init ng katawan ko.
"T-this is so hot, boo," aniya bago mas bumilis ng pagbayo. Hinawakan niya ang panga ko habang lumalakas din ang tunog ng pagbangga ng mga balat namin.
"Murahin mo ako, Eiron," utos niya habang naghahabol ng hininga. "Sige na, murahin mo ako."
May kasama an ring diin ang pagbayo niya kaya ramdam na ramdam kong may naaabot 'yun sa kalooban ko na nagbibigay sa akin ng kakaibang
sarap.
Tinignan ko siya sa gilid ng mga mata ko. "Fvck you! Ugh s-sarap!"
Nawawala na ako sa sarili. Para na rin akong lalabasan sa sobrang sarap sa pakiramdam.
"I-I'm c*mming! Oh!! Eto na, boo!" aniya sabay diin ng ari niya sa loob ko. "Ugh!!"
Napaliyad ako habang nararamdaman ang tila pagsabog ng likido niya sa loob ko. Mainit sa pakiramdam at para akong napupuno sa loob. Sigurado akong naka anim siyang putok bago dahan-dahang bumayo uli.
"D-d*mn..." mura niya habang hinihingal. Nagulat ako ng ihiga niya ako patihaya, paharap uli sa kaniya. Nakita ko ang nangingintab niyang katawan dahil sa pawis. Tinanggal na rin niya ang ari niya sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.
Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at bumangon ako bago dinilaan ko ang tiyan niya. Ang maliit na buhok din sa ibaba ng pusod nito ay hindi nakaligtas. Paakyat sa dibdib niya hanggang sa makarating ako sa kaniyang kaliwang panga at sa bibig niya.
Nakangisi ang loko sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.
"Sarap ba, huh? Parang mababaliw ka kanina," tanong niya sa akin at inihiga ako. Humiga rin siya sa tabi ko pero nakatagilid habang nakatukod ang siko niya bilang alalay sa ulo niya.
Tinitignan niya ako habang nakangiti. "Nag-enjoy ka ba, boo?"
Ngumiti ako at tumango. "That's good."
"Kanina mo pa ako tinatawag ng ganyan, hindi ka naiilang?" tanong ko naman. Hinalikan niya ako sa noo hinimas ang baba ko.
"Ayaw mo ba ng may callsign?"
Napatingin ako sa ibang direksyon ng ilang saglit bago ibalik ang titig sa mga mata niya na may katanungan. "Hindi naman. Hindi lang talaga sanay."
"That's fine. Masasanay ka rin, boo" aniya sa medyo paos at pabulong na boses.
"Ikaw ang first ko sa lahat," pag-amin ko na ikinakunot ng noo niya.
"Kahit girlfriend?" tanong niya. "That's why...your lips are so soft... Unang kita ko pa lang, alam na alam ko na. Ang sarap halikan."
"Ah, kaya lagi mong tinitignan noon?" sagot ko sabay iling. "Wala akong naging girlfriend."
Hinimas niya paitaas ang pisngi ko. "You're handsome, boo. Kaya bigla akong nagtaka na wala. As in hindi ka sumubok?"
“Hindi ko sinubukan. Ayoko ng istorbo sa buhay. Inaalagaan ko rin kasi si Drip noon habang nagtatrabaho si Mama,” sabi ko.
“So istorbo ako?” ngumuso siya.
“Hindi, unless magpabaya ka at gumawa ng kung anu-ano…’yun ang istorbo sa akin,” sabi ko sabay pisil sa ilong niya. Ngumiti siya.
“Speaking, so ’yung kapatid mo na ’yun ay boyfriend na rin ni Eros? Nagsasama na ba sila sa iisang bahay?” tanong niya sa akin. Napaisip din ako. Oo nga pala, kumusta na ang batang ’yun? Bakit parang hindi ko siya nakikita?
“Hindi, doon talaga siya nakatira. Inampon siya nung mga magulang ni Eros kaya ganoon,” paliwanag ko.
“Got it,” aniya sabay tango. “Pero bakit hindi ata kayo magkamukha?”
Tumaas ang kilay ko. “So, porket hindi magkamukha hindi na rin magkapatid?”
Napansin ko na nagulat siya at agad na nilagay ang kamay sa bewang ko para yakapin ako at itinago ang mukha niya sa leeg ko. “Just asking, boo…”
Ngumisi ako pero nawala rin ’yun agad. “Hindi naman kami magkapatid talaga. Gusto ko lang tawagin kaming ganoon. Namatay kasi ang magulang niya sa car accident. Kaibigan ni mama ’yung mama niya kaya lumaki kaming close rin kahit matanda ako sa kaniya ng kaunti. Wala rin kasi siyang kapatid katulad ko kaya ganoon. Tapos habang lumalaki siya, dito siya namalagi hanggang sa mag 18 siya at lumipat sa mga Lim.”
“Oh…I see,” reaksyon niya.
“Kaya tinutukan ko siya talaga kasi ayokong malungkot siya dahil doon,” dagdag ko pa.
Narinig ko namang tumunog ang cellphone niya. May tumatawag sa messenger. Noong tingnan naming parehas ’yun ay nabasa ko roon ang pangalan ng isang babae.
“Carly? Sino ’yun?” tanong ko sa kaniya.
Pinatay naman niya ang tawag. “Kaibigan ko simula nung elementary. Hayaan mo na. Kukulitin lang niya ako na makipagkita.”
Nalala ko bigla ang mukha nung Carly mula sa profile picture nito. “Ah, siya ’yung kasayaw mo nung party. Mukhang…close nga kayo.”
“Are you jealous?” tanong niya habang pinagpipisil ang pisngi ko.
“Hindi naman. Kaibigan mo lang naman ’yun ’di ba?” tanong ko uli. “Baka nag-aalala lang sa’yo. Bakit hindi mo ichat o replyan na ayos ka na kamo.”
Nagsalubong ang kilay niya. “A-are you sure? Ah, this is a trap, isn’t it?”
Inirapan ko siya. “Hindi nga. Sige na ichat mo na.”
Umiling siya. “Ayoko nga, boo.” Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko na nagpangiti sa akin.
“May tiwala naman ako sa’yo. Maraming nag-alala at nakamiss sa’yo sa Harvey,” sagot ko naman.
“I-I know…but still. Makikita naman nila ako bukas for sure so…no problem kung hindi ko sila sagutin,” pagdadahilan niya sa akin na parang bata.
Itutuloy…
Desire 25
Desire 25: Material
Eiron’s Point of View
Bigla kong narinig ang alarm na nagpadilat sa mga mata ko. Agad na sumalubong sa akin ang sakit at ngalay ng katawan. Napangiwi ako at napabangon ng dahan-dahan habang hinihilot ang likod ko. Doon ko rin nakapa na wala na akong katabi. Noong tingnan ko ang isa pang kama ay maayos pa rin ’yun. Kaya alam kong hindi lumipat si Yuri roon. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tingnan ang oras pero nakita ko agad na hindi akin ’yun dahil medyo mabigat at malaki.
Noong makita ko ang lockscreen ay napangiti ako bigla. Picture namin ’yun ni Yuri habang nakangiti siya sa camera habang ako naman ang nakahalik sa pisngi niya.
Para akong kiniliti na ewan sa tyan. Iniwan ko muna ’yun sa kama bago lumabas. Pag-apak ko pa lang sa labas, narinig ko na ang mahihing komosyon sa kusina. Noong magpunta ako ay tama ang aking hinala.
Tinutulungan ni Yuri si Aling Gina sa pagluluto at pag-aayos habang nakaupo si Mama at inaayos ang lamesa.
“It’s fine, Ma. I think I have to learn this from now on. Ayaw ata ng anak niyo sa tamad, eh,” ani Yuri na ngumiti pa.
“Sigurado ka ba, iho? Baka naman magalit ang ang pamilya mo na pinagbubuhat ka namin dito? Ikaw na nga ang bumili ng mga pagkain dito, ikaw pa ang nagawa ng mga bagay-bagay,” ani Mama sa kaniya. Kumunot ang noo ko.
“Bumili?” tanong ko na ikinaangat at ikinalingon nila.
“Oh? Muntik ka ng tanghaliin. Halika at kumain na kayong dalawa, kaming ng bahala sa pagkain niyo,” ani Mama sa akin.
“Ako na po ang bahala,” sabi ko sa kaniya bago pa siya makatayo. Lumapit naman ako kay Yuri na nagpi-prito ng itlog. Tinignan niya ako at nginitian.
“Good morning, boo,” bulong niya sa akin.
“Good morning…rin,” sagot ko habang naglalagay ng facial wash matapos maghilamos ng tubig sa mukha. Napansin ko na nakatitig sila Mama sa amin, maging si Aling Gina.
“Oo nga pala, mukhang marami kayong ginawa na assignments, ah? Naririnig ko pa mga boses niyo eh,” ani Mama na ikinalunok ko.
Sabi na, eh…
“Oh, yeah. Actually, bumawi po kasi ako sa mga naiwang homeworks and other tasks kaya medyo napuyat kami. Sorry kung maingay po kami,” ani Yuri bago ibalik ang tingin sa akin na napangisi pa.
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Ragebaiter.
“Ganoon ba? Mabuti naman at nakabawi ka. Pagbutihin nyo ang pag-aaral niyo, huh?” paalala ni Mama sa amin. Sa buong oras na ’yun, ang buong nakita ko lang ay si Yuri na todo effort sa amin. Hindi niya ako hinahayaan gumalaw at gusto niya lang na maupo ako.
Pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis ngayon. Bigla namang humabol si Yuri sa akin na nakatapis din ng tuwalya. Nagdecide na magsabay na kami dahil kaunting oras na lang ang natitira sa amin bago magklase.
“Ito, magkasize naman tayo,” sabi ko sabay bigay sa kaniya ng bago kong damit. Denim jacket at gray na t-shirt na may brand. Regalo ata ni Drip sa akin ’yun noong magbirthday ako noon. Never kong nagamit ’yun dahil mukhang masasayang lang kung gagamitin ko siya sa mga normal na araw.
“Woah, I never saw you na suot ’to, ah? Bagay sa’yo,” sabi niya sa akin.
“Mamahalin, eh. Sine-save ko para sa magagandang occasion,” paliwanag ko. Nakita ko siyang natigilan habang nakakunot ang noo na nakatitig sa akin.
“Oh? Magbihis ka na,” sabi ko sa kaniya habang hinahanda ang itim na plain kong t-shirt at cocky pants para sa kaniya.
“Let’s switch up,” sabi niya habang binibigay sa akin ang damit na binigay ko sa kaniya. “Mas bagay sa’yo ’yan. Ok na ako sa plain shirt lang.”
Napakunot ang noo ko. “Hindi rin kita nakitang nagsuot ng plain lang. Atsaka, mukhang pangmayaman ’yan. Mas bagay sa’yo.”
“Eh, sabi mo hindi mo pa nasusuot? Boo naman, ikaw ang dapat magsuot niyan bago ako or ibang tao,” sabi niya na tila nakokonsensya. Napabuntong-hininga ako. “Please?”
“Ok lang naman sa akin. Edi ako ang magsusuot after mo. Atsaka, ayos na ako sa ganito lang. Wala namang problema sa akin. Uuwi rin naman galing klase,” sabi ko sa kaniya. Napanguso siya kaya pinisil ko ang nguso niya ng marahan. “Dali na. Ayos lang ’yan, boo.”
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Alright, you’re the boss.”
Ngumiti na lang ako sa kaniya bago tuluyang magbihis. Pinili ko na lang ang denim na pantalon at ang lagi kong sinusuot na black and white na converse shoes.
Isinuot niya ang helmet ko sa akin habang inaayos ko ang gamit ko bago ang kaniya.
“Alis na kami, Ma..Aling Gina,” sabi ni Yuri sa kanila.
“Mag-iingat, Yuri…Eiron,” ani Mama sa amin sabay kaway.
“Opo, ma. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan kayo, huh?” paalala ko sa kanila bago sumakay sa motor ni Yuri. Kung noon, napakanormal ng lahat sa akin, napasimple at kung titignan ng ibang tao ay boring kahit sa akin naman ay ayos lang, iba na ngayon. Parang ang gaan na hindi ko malaman. May kaba pa ring nararamdaman dahil sa mga posibilidad na pwedeng mangyari pero natatabunan ’yun habang pinapatakbo ni Yuri ang sasakyan niya sa saktong bilis lang.
Pagkarating naman namin sa Harvey ay agad na napatingin ang ibang estudyante sa amin. Malamang sa malamang, alam na agad nila na si Yuri ang kasama ko.
“Sana pala, kotse ko dinala ko,” sabi niya sa akin habang tumitingin sa paligid. “I hate those eyes…”
“Sikat ka, eh. Parang sila Eros,” sabi ko sa kanila. “Gwapo niyo kasi tapos mga…babaero.”
Napangiti siya ng nakakaloko. “Oy, hindi ako nambabae, ah!”
“Talaga? Noong nasa bar ka at dinala kita sa hotel…hindi mo ba babae ’yun?” tugon ko sa kaniya.
“Well…” napakamot siya sa kaniyang batok. “It’s just a fling, ok? Alam niya ’yun. Never naman ako nagcommit kung kanino, eh. Sa’yo lang.”
Napalingon ako sa ibang direksyon at tinikom ko ang bibig ko dahil para akong mapapangiti sa sinabi niya. Malambing kasi ’yung pagkakasabi niya. Parang nanunuyo.
“Why? May mali ba sa sinabi ko?” aniya sabay hawak sa baba ko para iharap sa kaniya. Napalunok ako.
“W-wala. Hayaan mo na. Dedmahin mo na lang sila kung gusto mo,” sabi ko. Akala ko nga ay aakbayan niya ako pero kinuha niya lang ang bag ko at binitbit kasama ng kaniya.
“Tara na? May quiz pa kamo tayo, ’di ba?” pagyaya niya.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango. Hindi ako sanay ng may nagbubuhat ng bag ko kasi kaya ko naman. Nakakapanibago nga. Tapos natutulala na lang din ako habang nagke-kwento siya sa akin. Parang sobrang comfortable agad niya. Hindi niya rin alintana ’yung tingin sa kaniya dahil naakafocus ang mga mata niya sa akin.
“And you know what? Papaupgrade ko ’yang motor ko. Do you want any color sa chair?” tanong niya sa akin. “Boo, are you okay? Hindi ka naman nakikinig, eh…”
Napanguso siya ng kaunti na nagpatawa sa akin. Pabebe na nagustuhan lang pabalik.
“What?” bahagyang tumaas ang kanang kilay niya.
“Wala, nakikinig naman ako. Sige ituloy mo na,” sabi ko sa kaniya.
“Where were we? Oh, I’m asking you kung anong color ng chair ang gusto mo dahil papa makeover ko kasi ’yung motor,” aniya na para bang sa akin ’yung motor.
Pero hayaan ko na, kagabi pa ’to makulit, eh. Nag eenjoy rin naman ako. Hindi ko alam kung bakit dalang-dala ako sa pagiging clingy at makulit niya.
“Ano-ano bang kulay meron?” ang naging tanong ko na lang.
“There’s cream, brown, white, gray,” sabi niya. “Isasama kita mamaya, pwede ba?”
Napakunot ang noo ko. “Matatagalan ba tayo roon?”
Umiling siya. “Nope, minute lang ’yun…then let’s have a date na rin. A real date.”
Ngumiti siya sa akin habang nakikiusap ang mga mata niya. Pero hindi ko nakikita roon na umaasa siya. Siguro, alam niyang may chance na tumanggi ako dahil may mga bagay na dapat pa akong asikasuhin sa bahay.
“But if it’s not, let’s have it tomorrow? Or kung anong araw ka free after class. I can wait, boo,” sabi niya agad. Hinawakan niya ang kamay ko ng pasikreto pero binitiwan din agad dahil sa mga nakakasabay naming estudyante.
“Well well well…” biglang sabi ng isang boses na ikinalingon namin. Napangiwi ako noong makita ko silang anim habang si Dice ang nasa unahan. Katabi niya si Rafael na nakasampay ang panyo sa balikat at nakapameywang pa.
“Kaya pala hindi nasagot sa gc…busy pala. Umagang-umaga binibwisit niyo ko, ah?” ani Dice na tumaas pa ang kilay.
“Good morning din, David Ice,” asar ko sa kaniya na ikinasimangot pa nito lalo.
“Hoy!! Nakaangat ka lang ang yabang mo na ah!” aniya. “Palibhasa ang swerte mo, eh.”
Kumunot ang noo ko at tumingin kay Yuri na nakangisi na. Napailing ako. “Swerte?”
“Wala, sabi ko late na tayo. Sana langgamin kayo hmpp!” aniya sabay nakangusong lumakad.
“Menopause ata, hindi ko kasi sinuyo, eh. Sensiya na,” ani Rafael sabay akbay sa amin ni Yuri sa magkabilang kamay niya. “Wazzup new kupol? Ninong na ba ako, ha?”
“Stop it, you’re embarrassing him,” saway ni Yuri sa kaniya.
“Ah! Ganon? Yabang nga! Tara na nga, Dice!” ani Rafael. Narinig ko naman ang pagtawa nila Luigi at Logan.
“Naneto, nang-iingit. Nalikeback ka lang!! Kilala mo pa ba kami? Humble naman, oh? Binababa talaga ang nasa itaas, naku!” banta pa ni Simone na tumatawa. Napangiti na lang ako habang papasok kami sa room.
Napatingin naman ang mga kaklase ko kay Yuri na agad namang napasimangot.
“Yuri! Bakit di ka nagrereply?” tanong ng isa sa mga kaklase naming babae. Napatingin si Yuri sa akin sabay kagat ng ibabang labi.
“Oo nga! Ok ka na ba? Nag-aalala kami sa’yo. Pati si Carly!” sabi naman ng isa. Natahimik ang ilan sa amin at tumingin din sa akin. Anong meron?
“Yeah, I’m…ok,” aniya. “Right? Ron?”
Napakunot ang noo ko pero pinanlakihan niya lang ako ng mata.
Hindi ko nagets…
Bigla namang pumasok ang professor namin kaya nawala ’yung iba pang magtatanong sana sa kaniya. Pag-upo ko ay lumapit siya ng bahagya sa akin.
"You didn't get it," aniya.
"Ang alin?"
Ngumisi siya. "Ayoko lang magselos ka."
Natawa ako ng kaunti. "Hindi naman ako ganoon kababaw. Nag-aalala lang talaga sa'yo 'yan sila pati 'yung Carly."
"Save me next time. Baka...makagawa ako ng pinagbabawal sa harap nila, eh," biro pa niya bago umayos ng upo. Hindi ko na siya sinagot pero tinignan ko lang. Ang aliwalas na ng mukha niya ngayon at parang nagfo-focus nasa sinasabi ng prof namin.
Kinakabahan lang ako baka mangyari na naman 'yung nangyari last time. Kaya kada tatayo siya, tinitignan ko talaga.
Nakakatrauma…
"Lunch?" alok niya noong sumapit ang break time. "Saan mo gusto?"
Bigla kong kinuha ang wallet ko sa bulsa at nakita na wala na rin pala itong laman. Naibayad ko pala sa gamot ni Mama. Mabuti pala at hindi ako nagcommute. Mabuti at agad ko 'yung naisara.
"Ah...hindi naman ako gutom. Kayo na lang siguro," sabi ko sa kanila.
"Ano?? Papalipas ka na naman?" ani Dice.
Napakamot ako sa batok ko. "Hindi, busog talaga ako."
"Sure ka?" tanong naman ni Luigi na tinanguhan ko. Pagtalikod nila ay kinuha ni Yuri ang braso ko.
"Huy, hindi ako gutom—"
"Your wallet is empty, so I'll treat you to lunch today." aniya sa seryoso pero nag-aalalang boses.
"Hindi. Kaya ko naman at busog talaga ako," sabi ko ng seryoso rin. Napatigil kaming parehas at tinignan niya ako. Napansin ko na kumalma siya at walang inis na makikita sa mga mata nito.
"K-kaya ko, Yuri. Tama na 'yung ikaw ang gumastos kahapon sa akin...at may babayaran pa ako sa'yo tungkol doon sa dinagdag mo sa hospital bill ni Mama," dagdag ko pa sa mahinahong boses.
"Ah, please don't mention it, boo..." aniya. "And I know you're an independent person. Pero please...at least let me help you kapag walang tutulong sa'yo."
Napabuntong-hininga ako. "Kakain na lang ako mamaya pag-uwi."
Napanguso na naman siya. "At iba ang independent sa matigas ang ulo. Look, how are we going to enjoy our meal kung alam naming nagugutom ka? If you can, kami hindi."
Natahimik ako. Napansin ko namang nakatingin sila sa amin kaya napabuntong-hininga ako.
"At maliit na bagay kung gagastos ako rito for you. This is necessary thing so walang mawawala kung doon mapupunta ang pera ko. So isipin mo na lang na this is also a part of our session tapos free pa ang food mo," dagdag niya pa sabay hawak sa braso ko. "Kaya tara na, please? Boo?"
Para akong natunaw na yelo dahil sa malambing na boses niya. Gusto ko mang mapangiti pero nangibabaw ang konsensiya ko.
Pagpasok namin ay pinaupo niya ako sa tabi ni Dice at hinawakan sa balikat. "What do you want, boo?"
"Ayun, boo na nga ang tawag..." ani pa ni Dice sabay tawa.
"Ah, kung ano 'yung iyo...ganoon na lang din sa akin," sabi ko na lang sabay ngiti.
Tumayo naman sina Rafael, Logan at Simone kasama si Yoseff at Luigi para pumila muna.
"Mahal na mahal ka ni Yuri, 'no?" ani Dice sabay halumbaba sa lamesa. "Akalain mo 'yun? Nag-aaway lang kayo dati tapos ngayon may callsign na?"
"Bakit? Wala ka pa ba? Sa ganda mong 'yan?" sabi ko pa ng pabiro.
"Aba...hindi ka na basher, ah? O baka binobola mo lang ako?" aniya sabay taas ng kanang kilay sa akin. "May balik 'yan, Eiron. May balik 'yan..."
"Ewan nga, eh. Nagulat din ako..." napatingin ako sa kawalan habang sinasabi ko 'yun.
"Saan? Na maganda ako?"
Napangiti ako. "Sira! Hindi! I mean...'yung ganito..."
"Aysus!" tinusok ni Dice ang tagiliran ko. "Ok lang 'yan! First boyfriend mo naman 'di ba?"
Tumango ako. "Kaya nga kinakabahan ako, eh. Hindi ko kasi alam 'yung ibang bagay. Alam mo 'yun? More on casual talaga alam ko. Kaya hindi ako sanay. Pero alam ko naman matututo ako...hindi ko lang alam kung papaano haharapin muna sa mga susunod na araw."
"Tulad ba ng alin? Magkatabi matulog?" sabat ni Dice na ikinakunot ng noo ko sabay tango.
Napahampas siya sa balikat ko. "OH MAY GASH!! Sabi na, eh! Scam talaga 'yang hatid-hatid na 'yan!"
"Shh!" nilagay ko pa ang hintuturo ko sa labi ko.
"Sorry! Pero, ok lang 'yan. Mukhang inaalalayan ka pa nga ni Yuri, eh. Ano nga ba 'yung sinabi ni Rafael sa akin? Ah! Sabi ni Yuri raw noong nagbeg siya sa'yo, parang ano...parang siya na ang bahala sa lahat basta ikaw, nandiyan ka sa tabi niya. Oha! Housewife ang atake!" sabi niya na tila proud pa.
Napangiti ako lalo. "Mga pinagsasabi mo."
"Bakit? Through the fire naman, ah? I mean, para siya ang gagalaw sa lahat dahil alam niya raw na busy ka sa mama mo," dagdag pa nito. "Tulad niyan! Binilhan ka ng pagkain!"
May naglapag naman ng tray sa tapat ko. Pag-angat ko ng tingin ay si Yuri pala na tumabi agad sa akin. Napatingin ako sa pagkain na naroroon.
Dalawang chicken sandwich, dalawang noksilog, at tila dalawang slice ng leche flan at tig isa pa kaming baso ng orange juice.
Nakaramdam naman ako ng hiya sa inorder niya.
"Let's eat now, boo," aniya.
"Dami naman nito, boo? N-nakakahiya," bulong ko sa kaniya.
"C'mon, eat now. Para hindi ka na magutom mamaya sa afternoon class," aniya.
"Oo nga! Kapag di ka nag-eat baka magalit si boo niyan," sabat ni Rafael na ikinatawa nila.
"Shut up, Rafael. Palibhasa nawalan ka na naman ng boo eh," ani Yuri sa kaniya.
"Sorry ka, wala naman na talaga ako ng mga 'yan. Nagbago na 'to, oh?" aniya sabay pakita ng bisceps niya.
"Bakit? May pinopormahan ka na ba?" usisa naman ni Simone.
"Meron! Akala niyo sa akin? Forever babaero?" aniya na tila naiinis.
"Malay ba namin. Baka napikot ka lang o nagayuma," sabat ni Dice sa kaniya.
"What's pikot?" nakakunot ang noo ni Rafael sabay tingin sa amin. Mukhang seryoso siyang nalilito. Napatilt pa siya ng ulo.
"Naku, mapipikot ka nga," ani Dice uli sabay iling nito sa kaniya. Napairap na lang sa kaniya ang kausap.
"Whatever...kung ano man 'yan, hindi talaga!" aniya na tila may pinaglalaban pa.
"Sino 'yang malas na tao na 'yan?" tanong ni Logan sa kaniya na ikinatawa namin.
"Hindi ko sasabihin. Basta. Abangan niyo na lang," aniya na tila di pa sigurado. "Popormahan ko pa lang, eh. Tigas kasi."
"Sino nga?" inakbayan siya ni Simone.
"Basta! H'wag kang makulit! Ayaw niya pa ata sa akin," reklamo ni Rafael. Nagkatinginan kaming lahat dahil sa kuryosidad.
"Kapag 'yan talaga hindi mo sineryoso, huh?" sabat uli ni Dice na nagpangisi kay Rafael.
Matapos ng buong klase sa araw na 'yun ay tila napakagaan pa rin ng isip ko. May assignments man na iniwan ay malayo pa ang deadline nito.
Hindi ako sanay.
"Let's go, Boo. Saan natin gagawin 'yung assignment? House mo o house ko?" ani Yuri na inakbayan ako. "Give me your bag."
Lumaki ng bahagya ang mga mata ko. "Himala? Gagawa agad tayo ng assignment? Hindi ba kayo lalabas ng mga kaibigan mo?"
"Nah...I wanna do that assignment para matapos agad and..makapagspend ng time sa'yo," sabi niya sa akin sabay pisil sa pisngi ko.
"Pero kakaspend lang natin ng time kahapon, ah?" tanong ko pa sa kaniya pero hindi na siya nagsalita at sumakay na sa motor niya. Hindi na rin siya umimik pa hanggang sa makarating kami sa...pier.
Bumaba kami roon.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko.
"A little date. Saka na tayo uli magdate ng matagal pag free ka na," aniya sabay ngiti sa akin. Kinuha niya ang kamay ko bago naupo sa usual na kinauupuan namin kahapon.
"Baka naman magselos na sila Rafael niyan sa akin, ah? Hindi naman ibig sabihin na tayo na, dapat laging nakatuon lang sa akin ang oras mo," sabi ko pa sabay tingin sa papalubog na araw at huminga ng malalim,
"C'mon..." aniya sa pabulong na boses. "Hindi 'yan. Atsaka alam naman nila priority na kita. Magkakatime naman ako sa kanila, but not now. Isa pa, wala namang nagyaya kanina baka may kaniya-kaniyang lakad 'yun sila."
Naramdaman kong sumandal siya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Paano kung malaman pala ng Papa mo 'tong tungkol sa atin?" tanong ko sa kaniya. Medyo natakot pa ako nung una dahil baka mainis na naman siya o may hindi magandang lumabas sa bibig niya.
"Edi malaman niya? That's fine for me. Actually, wala an rin akong pakielam kung malaman pa ng lahat dito kung ano tayo. Who cares, right? Wala naman tayong ginagawang masama," sabi niya sa mahinahong boses.
Hindi siya nagalit noong banggitin ko si Mr. Willson.
“Paano kung paalisin ka niya? O may ginawa siyang ibang bagay?” tanong ko pa uli. Nag-angat siya ng tingin at medyo diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko habang nira-rub ng hinliliit niya ang likuran ng palad ko.
"Don't worry about that, ok? I can handle that. I will handle this relationship. I won't let go of your hand," aniya sabay halik sa pisngi ko.
Napangiti ako. "We... will handle this."
"At kung inaalala mo ang trabaho mo sa kaniya, that's fine. Maghahanap tayo ng another work. May pera rin naman ako. Pero sa ngayon, h'wag mo muna 'yan alalahanin," dagdag niya pa.
Bigla niyang binitawan ang kamay ko at kinuha ang bag niya. Binuksan niya ito at nilabas ang sandwiches na nasa iisang lalagyan na clear ang ibabaw at black naman ang ilalim. Nasa triangle shape 'yun at nakahilera. Mukhang galing convenience store.
“Snacks,” sabi niya sabay bukas nito.
“Binili mo kanina?” tanong ko pa.
“Yup, wala kasing time kanina sa inyo. Gustong-gusto ko ’yan kasi laging pabaon ni Mama sa akin noon,” aniya sabay kagat sa hawak niya.
“Oh…” tinikman ko rin ito at masarap nga. Hindi lang siya simpleng sandwich. May something doon na hindi ko maexplain.
“I can make that on my own pero sa susunod na kapag may time na,” dagdag niya pa. Tinignan ko siya sa mga mata niya at napansin na bahagyang namula ’yon. Ngumiti siya bigla sa akin.
“Actually, pinabaon sa akin ni Mama ’to noon. Nakausap ko siya,” sabi niya bago magcrack sa huli ang boses niya. Kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa likod niya.
“She said, you guys are waiting for me. Na I can’t stay with her because it’s not my time,” aniya bago tumawa ng kaunti. “Hindi ko akalain na makakausap ko nga siya talaga during my 50/50 time.”
“Baka kasi kailangan mong marinig sa kaniya na hindi mo kailangang sumuko,” sagot ko dahilan para tumango siya sabay tingin sa langit.
“I want, but I realized, I still have my reasons para magpatuloy kahit wala na siya o hindi magpatuloy ’yung gusto ko. Siguro katulad na lang din ng sandwich na ’to. Magkulang man ng ingredients, still ganoon pa rin naman ang lasa. May maipapalaman ka pa naman,” tugon niya. Natuwa ako sa narinig mula sa bibig niya.
Nagpapasalamat ako dahil hindi siya sumuko sa buhay niya…
Niyakap ko siya mula sa gilid niya dahil sa tuwa at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya na napakabango. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Parang natuwa rin ang puso ko dahil kumabog ’yun ng medyo kalakasan.
“And that reminds me of tomorrow. Bukas may ipapakilala pala sa’yo. Sigurado, matutuwa siya kahit hindi ko makita. She’s supportive and lovely woman,” saad niya.
“I love you, boo,” sabi ko sa kaniya. Napahiwalay siya bigla sa akin habang tila may gulat sa mga mata niya.
“I love you more,” aniya sabay tawa. “It’s nice to hear that from you. Parang matutunaw ata ako, eh.”
Sa mga oras na ’yun hindi naalis ang ngiti naming parehas. Kaya naman pagdating ng kinabukasan ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, sa excite ba o sa takot?
Biglang tumunog ang cellphone ko noong nasa classroom kami at naghihintay na lang ng ilang oras para makauwi. Napagdesisyonan din namin kasing gawin ang mga gawain ngayon dahil hindi pumasok ang professor namin sa last subject.
Brix: “Ron, may prac daw tayo 4 PM. May laro kasi sa next week. See yah sa gym.”
Mabuti pala at nasa locker ko ang bagong laba na jersey. Tumayo ako. “Guys, may practice pala ako. Una na kayo.”
“Huh? Oh, I will wait for you, boo,” ani Yuri na tila nagising sa pagkaka idlip sa tabi ko.
“Sure ka?” paninigurado ko pa na ikinatango niya habang nag-uunat ito.
“Oy manonood din kami!” ani Rafael na nagligpit ng nilalaro nilang maliit na skateboard ni Dice at Simone.
Pagpunta namin gym ay naabutan namin sila. Kasama si Eros na mukhang problemado dahil nakaupo lang ito sa isang tabi at walang imik.
"Goodluck, boo!" ani Yuri sabay kindat sa akin habang nakangisi ng nakakaloko. Ngumiti ako sa kaniya.
"Oy!" salubong ni Lance at Brix sa akin. Tinignan ko sila sabay bahagyang tinuro si Eros.
"Napano?" tanong ko sa pabulong na boses.
"May problema ata sila ni Drip," ani Brix. Nanlaki ang mga mata ko.
Sinasabi ko na nga ba!
“Teka, kakausapin—” agad akong pinigilan ni Lance bago siya umiling sa akin.
"I think hayaan mo muna sila. Kailangan niyan ng space," aniya na ikinakunot lalo ng noo ko.
"Bakit? Ano bang ginawa niya? Sinaktan niya si Drip? Kung oo, aba wala akong pakielam. May usapan kami—"
"Alam na ata ng mga magulang niya 'yung about sa kanila ni Drip. May video kasi sila nung gabi sa...bar," ani Brix.
"Paanong video? Paanong nasa bar sila?" tanong ko uli. "Naguguluhan talaga ako."
Napabuntong-hininga si Lance. "Nagbreak sila, eh. May nangyari kasi sa party ng family nila. Hindi rin namin alam kung ano 'yung pinaka punto pero basta nakipaghiwalay raw si Drip. P-pero saka mo na kausapin. Hindi rin namin makausap."
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanilang dalawa. Sigurado kung dahil sa pamilya ay komplikado ang nangyayari. Di bale, kakausapin ko na lang si Drip mamaya. Sana lang magsabi agad ang batang 'yun. Dahil kung hindi, pupuntahan ko talaga siya sa bahay ng mga Lim na 'yan.
Napatingin din tuloy ako kay Yuri na nagchi-cheer kasama nila Rafael.
Parang mga timang, nasa practice pa lang kami niyan. May pasayaw-sayaw pa sila.
What if nga sobrang komplikado ang mangyari? Hindi ko masyadong kilala ang magulang ni Eros kaya hindi ko makukumpara si Sir Willson sa kanila. Pero sa kaso ng tatay ni Yuri, baka may gawin ’tong hindi maganda sa anak niya kung ganoon nga.
“So much energy…ayos lang ba ’yang mga kaibigan mo, Ron?” ani Brix sa tabi ko.
“Oo nga, lalo si Yuri. Himala at napapasayaw niyo ’yan? I mean, masigla siya nung birthday ng Mama mo pero ’yung ganyang kasaya? Hindi ko pa ata nakikita. Baka sabog ’yan sila, ah?” ani Lance sabay tawa ng mahina.
“Hayaan niyo na sila. Mga sabog nga ’yan ng formulas na pinag aaralan namin,” sabi ko na lang na nagpangiti sa akin.
“WOLVES! FORMATION!” Sigaw ni coach sabay pito ng malakas. Nagjog kaming tatlo papunta sa ibang team namin.
At ayun na nga, kada makakascore ako, nagsisigaw sila habang nakashape ng heart ang kamay ni Yuri. Napansin ko si Coach na napapangiti sa kagag*han nila Rafael.
Si Eros, halatang distracted kaya medyo nafe-failed sa mga moves niya. Napapagalitan pa tuloy ni Coach kaya medyo dismayado ang ibang teammates namin sa kaniya.
Kaya matapos ang game ay agad kong sinundan si Eros sa locker habang wala pa ang iba.
“Anong nangyari sa inyo ng kapatid ko?” tanong ko sa mahinahong boses.
Hindi siya umimik.
“Hindi ako galit. Nag-aalala lang ako,” sabi ko pa. “Hindi rin ako mangingielam hangga’t hindi nila ginagalaw si Drip.”
Tumingin siya ng matalas sa akin bago ko marinig ang pagbuntong hininga niya.
“They found out kung anong meron kami ni Drip,” aniya sabay sara ng locker niya. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit na nagpaawa lalo sa akin.
“Mahal ko ang kapatid mo, Eiron. Pero…hindi ko malaman kung bakit natatakot ako para sa kaniya. Natatakot ako na baka mawala siya sa akin tapos hindi kayanin ’yung mga…challenges,” dagdag nito bago umiwas ng mga tingin.
“Nangako akong po-protektahan ko siya, eh…” sinuntok niya ang locker niya. “K-kaso…ayun…bakit ganoon? Ang daya. Is this my karma sa pagiging babaero ko noon? T-tumino naman ako hindi ba?”
“Eros, ano ba talagang nangyari? Bakit at paano nalaman?” tanong ko uli dahil natetense na rin ako lalo.
“Nakipagh-hiwalay si Drip sa akin, eh…kasi nakipaghiwalay raw ako sa kaniya through text. T-tapos paggising ko nasa tabi ko si Queen..but I swear! I swear! Hindi ko ’yun matandaan. S-siya ang kasama ko sa party!”
Bumigat ang paghinga ko. “A-ano? Niloko—”
“No! I swear! Hindi ko ginawa ’yan!” sabi niya habang mababahiran ng lungkot ang mukha. Napabuntong-hininga rin ako para pigilan ang sarili ko. Hindi ko na alam…
“W-we’re ok na naman ngayon…but, I’m still scared of him. P-pero gagawin ko ang lahat. I will f-fix this, Eiron…” paliwanag niya pa.
“Siguraduhin mo lang…” seryoso kong sabi. “At kung kailangan niyo ako, lalo na si Drip…tawagan niya kamo ako.”
Tumango siya bago hilamusin ang mukha at gulihin ang buhok.
Pag-ayos ko ng sarili ay lumabas na ako. Nasalubong ko pa si Yuri na naghihintay sa akin. Kinuha niya ang duffle bag sa kamay ko.
“Amin na,” sabi niya pa. “Are you…alright, boo?”
Tumingin pa ako kay Eros na nauna nang umalis. Sumabay namang naglakad sa akin sina Brix kaya mahahalata mo talagang binibigyan nila ng space ang kaibigan nila.
“Nag-aalala lang,” sagot ko sa kaniya.
“Ah, kay Eros?” tanong niya na ikinatango ko naman. “What happened to him? Ang off ng laro niya kanina.”
“May problema lang siya, hayaan muna natin,” sabi ko na lang bago kami tuluyang makalabas sa Harvey para sana umuwi pero biglang may humarang sa amin na iilang hindi pamilyar na lalaki. Nakangisi pa ang nasa harap namin habang may blonde pa itong messy hair. Mukhang barumbado dahil sa tikas niya.
“T*ngina mga prwe, ito na ’yung makakalaban natin sa susunod? Weak…” aniya. Kumabog ang dibdib ko sa inis pero hindi ako nagsalita.
“Ah, conyo pero ang asim ng mukha?” sagot naman ni Brix na ikinagulat at ikinatawa ng mga kasamahan nung lalaki.
Magkakagulo na naman…
“Anong sinabi mo? D*mn it, bro! Mas maasim ata ’yung team niyo. Lalo na ’yung Eros, bading pala—”
Kwinelyuhan ko siya. “Tigilan mo na sila!”
Napaatras naman ang ilan sa kanila dahil sa ginawa ko pero hindi ako natinag dahil alam ko na ang lalabas sa bibig niya. Alam kong idadamay niya si Drip.
“Bakit? Ha? Pagtatanggol mo rin sila?” tinulak niya ako. “Bading ka rin ata eh ang puti-puti mo—”
Pumagitna agad si Yuri na siyang ikinakaba ko. “Woah bro…chill. H’wag na h’wag mong hahawakan boyfriend ko. Hindi mo alam ang binabangga mo.”
May mga napanganga at nagulat doon. Nakaagaw na rin kami ng pansin ng iba pa kaya alam kong bukas, kakalat na rin ’yun.
“Boyfriend?” tumawa ang lalaki at tila naghahanap ng kakampi sa mga kasama niya. “Iw! Nakakadiri! Puro pala bading ’tong mga taga-Harvey!”
“Nagkakalat pa ng AIDS! Pano na ’yan bro? May laro pa naman kayo sa kanila? Edi magkakahawaan ’yan?” sabi ng isa na mas ikinatawa nila.
Nag-iinit ako sa galit habang pinipigilan ko silang saktan. Sige lang…
“Kaya pala, baka nahawa roon kay Eros atsaka sa boyfriend? Tsk tsk, mga bakla nga naman—”
Hinila ni Yuri ang kwelyo niya pero magkabilaan bago inilapit ang mukha niya sa mukha nito. “Ayos lang, h’wag lang tulad niyong maasim…at balita ko, kapag ganiyan kaasim…nasisira raw ang mukha.”
Napansin ko namang hindi makaimik ang mga kakampi ng lalaki. Miski rin ito na tila ba binalutan ng takot.
“D-duh? B–bitawan mo nga ako!” tinulak niya si Yuri pero siya lang ’tong napaatras habang inaayos ang gusot na niyang t-shirt. “Bading!”
“Mas bading ka! Dami mo pa sinama. Duwag!” ganti ni Yuri.
“Uli-uli…h’wag kayong pupunta rito sa teyotoryo namin ng hindi handa, ah? Lampa ata ’tong hinarap niyo sa amin,” ani Yuri sabay lapit sa akin at inakbayan ako.
“Alis! Mga lalampasuhin pa namin kayo next week gamit ’yang bulok mong buhok!” ani Lance na tinataboy sila. Doon sila nagsialisan dahil napapahiya na sila.
Mga t*nga.
“Don’t worry about them….” bulong ni Yuri. “Mauna na kami, Brix…Lance.”
Tumango naman sila sa amin at ngumiti kahit may tanong pa ata sa mga mata nila. Tahimik ako noong isinuot sa akin ni Yuri ang helmet bago sumakay sa motor. Nahihiya man ako at tila nagulat sa mga sinabi nila ay kinuha naman ni Yuri ang kamay ko para iyapos sa bewang niya.
Paano nila nagagawang sabihin ’yun? First of all, AIDS is not a joke. Second, hindi lang bakla ang nakakapagpahawa nu’n, kahit sino pwede basta hindi protektado at hindi makuntento. Third, hindi nakakahawa ang pagiging bakla. Mga baluktot na pag-iisip.
Sa buong byahe na 'yun tahimik ako. Iniisip ko si Drip at Eros, iniisip ko si Yuri at ang sarili ko. Ganoon pala talaga kahirap mamuhay sa mundong 'to dahil sa mga homophobic na katulad nila.
Paano na lang sa future? Paano na lang kami matatahimik kung mismong sila ang manghihila sa amin pababa? Wala naman kaming ibang ginagawa. Kung ’yung iba meron…pero hindi ibig sabihin nu’n, pare-parehas na kami. Kung nagnakaw ba ang lalaki, ibig sabihin nu’n lahat ng lalaki ganoon na rin?
"Boo, we're here..." ani Yuri na nagpagising sa akin. Doon ako napaangat ng tingin sa kaniya at sa paligid. Nasa iisa kaming sementeryo. Isang private na libingan.
"Ah, sorry. May iniisip lang," sabi ko sa kaniya.
"You know, I'm starting to get worried..." hinawakan niya ang kamay ko ng walang pag aalinlangan. "Boo, are you really okay?"
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kaniya. "Iniisip ko lang ang kapatid ko at si Eros. Parang 'yung kanina. Anong mangyayari sa kanila at anong epekto nito sa kanila kung lagi silang makakakuha ng discrimination mula sa mga tao?"
Napansin ko ang pagseryoso niya at taimtim na pakikinig. Pumungay rin ang pilik-mata niya.
"Natatakot ako para sa kanila, sa atin...hindi naman kasi natin kung hanggang kailan natin malalabanan 'yong mga pangungutya nila. Paano kung umabot na sa pisikalan?" dagdag ko pa.
"You have to trust on me, boo," aniya. "Sa tingin mo hahayaan kitang masaktan ng mga 'yun? Ganoon din si Eros, sa tingin mo hahayaan niya ang kapatid mong masaktan? Kahit sino sigurong nagmamahal, hindi hahayaan na masaktan ang mahal nila sa buhay."
Binasa ko ng dila ko ang labi ko na bahagya nang nanunuyo. "Paano kung mapahamak ka na naman?"
"Hey..." hinawakan naman ng isa niyang kamay ang pisngi ko sabay ngiti sa akin. "Hindi na mangyayari 'yun, ok? You have to trust me. You should enjoy this ride with me. Kung lagi kang titingin sa iba't-ibang sasakyan, hindi mo makikita ang view ng dinadaanan natin. Hindi mo rin makikita ang purpose ng pagsakay mo kasama ako. Akong bahala sa atin, ok? Ako ang nagdadrive. Yumakap ka lang sa akin at magtiwala."
Natahimik ako sa narinig. Parang may dalang kiliti 'yun sa puso ko na siyang nagpagaan nito. Kinuha niya ang ulo ko ng bahagya bago halikan ako sa noo.
"Now, we're here...because I want you to meet the first woman na minahal ko," aniya sabay nilakad ako papunta sa isang puntod. Bigla niyang nilapag ang roses na may kulay red at white.
"Favorite ni Mama," ani Yuri sa akin. "Ma, si Eiron po pala. Yung nakwento ko last time? He's my boyfriend now. I hope you're happy for me. Alam ko namang maiintindihan mo ako."
Tumingin sa akin si Yuri kaya ngumiti ako. "H-hello po, Tita. Ako na pong bahala sa anak niyo. Aalagan ko po siya."
"Really?" ani Yuri na ikinatawa ko. "So, lagi tayong tabi matulog?"
"Hindi 'no. May kama ka naman," sabi ko sa kaniya na ikinasimangot niya.
"Bakit kayo nandito? Anong ginagawa niyo sa puntod ng mama ko?" biglang sabi ng isang boses na ikinalingon naming parehas dahil sobrang pamilyar nu'n.
Si Sir Yuan.
Itutuloy…
Desire 26
Desire 26: Assurance
Eiron’s Point of View
Bigla akong kinabahan noong mapansin ko si Sir Yuan na nakatayo sa likuran namin habang may hawak na bulaklak. Sa tingin ko, Yellow Rose ’yun. Hindi ba ang sabi ni Yuri, white and red roses ang favorite ng mama nila?
“What are you doing here, Yuri?” Tanong uli ni Yuan sa amin sabay tingin sa akin ng seryoso. Hindi ko ’yun iniwasan dahil wala naman kaming ginagawang masama, ’di ba?
“Oh? Himala…nandito ka rin palang hyop ka,” ani Yuri sabay baba ng tingin nito sa hawak ni Yuan. “And look at that, the best son brought flowers for my mom. Tngina, kilalang-kilala mo nga siya.”
Ngumisi si Yuan na para bang natuwa pa sa sinabi ni Yuri bago siya dahan-dahang lumapit. “Bakit? Nanay ko rin naman siya, ah? Masama bang dalawin ang mama ko?”
“Mama mo?” sarkastikong tanong ni Yuri. “Mama mo na hindi mo naman ginalang noon? Mama mo na sinasagot-sagot mo sa harap ng maraming tao dahil lang sa hindi nasusunod ang gusto mo? Mama mo na binastos mo?”
Mahahalata sa boses ni Yuri ang matinding poot sa kapatid kaya medyo nag-alala ako. Hinawakan ko siya sa braso niya pero bahagya niya itong sinanggi. Nagulat naman ako pero hindi ako sumabat dahil alam ko kung saan siya humuhugot ngayon ng nararamdaman niya.
“Ako? Totoo naman, ah? Kasi may favoritism kasi si Mama kaya dapat lang akong magtampo at sagutin siya! Lagi kasing ikaw! Ikaw ang gusto niya kaysa sa akin!” sagot naman pabalik ni Yuan na tila namumuo na rin ang galit sa mga mata nito. Malakas ang tension na pumapagitna sa kanila kaya alam ko kailangan ko ng makielam anumang oras, lalo kung magkakapisikalan na sila sa harap ng puntod ng ina nila.
Tumawa si Yuri bigla. Yung tawang nakakaasar. “What’s funny, moron?” Pikong tanong ni Yuan sa kaniya sabay bitaw sa hawak na bulaklak na para bang wala lang ’yun sa kaniya. Hindi katulad kay Yuri na nakaayos pa ang pagkakalagay.
“Funny? Ikaw! Favoritism? Really?” ani Yuri. “Paanong favoritism ’yun, kung lagi kang sumisipsip kay Willson? Hindi mo nga pinapansin si Mama noon dahil kinakahiya mo siya!”
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
“May favoritism siya! Kahit na ano pang tanggi mo, hindi siya fair sa atin!” ani Yuan. Namumula na siya sa galit at handa nang saktan ang kapatid. H’wag niya lang talaga subukan. “Mabuti nga’t dinadalaw ko pa siya rito, eh! Kahit papaano, may moral pa rin ako—”
“Eh, tnginam pala! Hindi ka naman pinapapunta rito! Hindi ka niya kailangan! Hindi ka kawalan kung hindi ka pumunta rito!” sabi ni Yuri na tila hindi nagpapatalo.
“Para ano? Ikaw ang bida sa kaniya?” ani Yuan sabay sipa sa bulaklak niya. “Ayan, magbida-bida ka sa nanay mong patay na!”
Nagulat ako sa sinabi nito. Akmang susugurin na ni Yuri ang kapatid niya ng pigilan ko siya. “Tama na…Hindi siya worth it. Nandito tayo sa libingan ng mama mo. G-galangin niyo na lang…”
Naramdaman ko namang bahagya siyang kumalma sa ginawa ko, pero alam kong galit pa rin siya .
“Namatay siya dahil sa’yo at sa tatay mo! Alam kong alam mo ’yun! Di ba? Tapos ano? Kaya ka nandito kasi nakokonsensiya ka? Ikaw? May konsensiya?” ani Yuri.
Tumigil naman si Yuan sa paglalakad at lumingon sa amin habang may inis pa rin sa mukha niya.
“H’wag mo kaming sisihin ni Papa kung wala na ang taong nag-iisa mong kakampi at kumukunsinte sa’yo noon! Wala ka na rin namang magagawa kahit saktan mo man ako ngayon, bakit? Sa tingin mo mabubuhay siya?” ani Yuan.
Nakita ko na lalong namula at nanginig sa galit si Yuri. “Eh, bakit nagsayang ka pa ng oras mo rito? Para ano? Insultuhin ako? Pumunta ka lang dito para masabi na ’you’re a good son kahit naman alam natin ang totoo! You didn’t even know kung anong favorite na bulaklak ni Mama!”
Hindi nakasagot si Yuan sa narinig pero nag-iwas ito ng mga mata sa amin.
“And save that fvcking face sa lamay at burol ng tatay mo! H’wag dito! Hindi bagay! Wala kang kwenta!” dagdag ni Yuri.
Hindi nakapagsalita si Yuan dahil doon kaya nahawakan ko si Yuri. “Hayaan mo ng makaalis.”
“Yan ba ang gusto mong maging kaibigan, Eiron? Look at him, he’s blaming me and my father kung bakit nawala ang kumukunsinti sa kaniya? He’s barking at the wrong tree,” ani Yuan sa akin.
Hinarang ni Yuri ang kamay niya sa akin. “Don’t include him in your issue! You’re just denying it because you’re ashamed! Katulad ka rin ni Willson, mga walang bay*g! Hindi kayo aamin sa pagkakamali niyo kahit kitang-kita naman!”
Tumawa lang si Yuan na tila nanunukso. Paano niya nagagawa ’yun? Wala ba talaga siyang puso? “Bad influence lang ’yan, Eiron. Kung ako sa’yo, lalayuan ko na ’yan. Ang dami lang nasirang buhay nang dumikit sila kay Yuri. Tsk…tsk…”
Natahimik kaming parehas ni Yuri.
“Kilala mo ba ’yung kaibigan niyang si…what’s his name? Ah, Cedric Clemente. Ano nga bang nangyari sa kaniya? Tinorture?” ani Yuan na nagpakabog ng puso ko. Naalala ko na sinabi rin nila Dice ’yun sa akin dahil nalaman nilang magtatrabaho ako para kay Yuri.
“D-don’t listen to him…” ani Yuri na humarap sa akin bago muling harapin ang kapatid. “Kahit anong gawin mo, you’re the villain here! Umalis ka na!”
“Guilty as much?” tumaas ang isang kilay ni Yuan. “Eiron, look. I’m just helping you here, ok? If you’re having a doubt…that’s fine. Basta ako, winarningan na kita tungkol dito sa wala kong kwentang kapatid.”
Tinuro niya si Yuri na para lang bang hindi nito kilala ’yung tao. Hindi na nakapagsalita si Yuri pero nararamdaman ko ang panginginig ng kalamnan niya at pagpipigil ng sarili.
“Tama na, Sir Yuan. Wala naman ho siyang ginagawang masama sa inyo. Dumalaw lang po kami sa mama niyo. K-kung makakagulo lang kami, kami na lang ang aalis,” lakas loob kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga katagang ’yun.
Tila ba nagulat si Yuan sa akin at hindi nakapagsalita. Parang umurong ang dila niya dahil sa pagkunot ng noo nito at paglikod ng mga mata.
“Nananahimik at payapa na si Yuri kaya pag…pahingahin niyo naman siya mula sa mga away niyo,” dagdag ko pa. Naramdaman ko naman ang paglambot ng dahan-dahan ni Yuri.
“Hayaan niyo muna siyang maging masaya….” pakiusap ko. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag pero dahan-dahang umatras si Yuan habang may kung ano sa mga mata niya. Tumalikod siya ng walang sinasabi at tahimik na sumakay sa kotse niya na nakaparada sa hindi kalayuan. Pinanood ko itong makaalis para makasigurado kung mawawala siya ng tuluyan sa paningin namin ni Yuri.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Yuri kaya hinimas ko ang likuran niya.
“Sorry…sorry…” napahilamos siya sa kaniyang mukha sabay harap sa akin at sa puntod ng mama niya. “Naruined ko ang araw na ’to, Ma. I’m so sorry…”
“Hindi. Tama naman ang ginawa mo,” sabi ko sa kaniya habang pinapanood ko ang bawat galaw niya. Napatingin siya sa akin bago ngumiti ng pilit.
“I…I didn’t ruin Cedric’s life,” aniya sa pabulong at medyo paos na boses. “Don’t…Please, don’t listen to him? Huh?”
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likurang bahagi ng kamay ko. “I will make sure na hindi magiging impyerno ang buhay mo kasama ako.”
“Yuri—”
“I’m a miserable person, but I’m not that kind of person na ipapahamak k-ka,” pagputol niya sa akin na para bang batang nakikiusap.
“D-don’t let him change your mind, again…H’wag kang matakot uli,” dagdag niya pa.
Inayos ko ang buhok niya sabay ngiti rito. “Hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya, ok? H’wag mo nang isipin ’yun. Sasamahan kita rito.”
“T-talaga?” aniya.
“Hindi rin naman perfect ang buhay ko, ah? Kung impyerno sa’yo, ganoon din sa akin. Pero ano bang magiging pakielam natin doon kung gaanong klase ng buhay ang binigay sa atin? Basta magte-take tayo ng actions para malampasan ang mga ’yun. Hindi tayo pwedeng mamatay na ganoon pa rin ang buhay natin,” paliwanag ko.
“As long as walang napapahamak at walang magiging problema na makakagulo sa atin ng sobra, hindi ako makikinig sa Kuya mo,” dagdag ko pa.
Napatingin siya sa itaas, kung saan kitang-kita ang kahel na kalangitan bago lumawak ang ngiti. Lumapit siya sa akin at ginawang unan nito ang lap ko habang nakatingala sa akin. Tinignan ko naman siya at may kung ano sa akin na pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya.
“Pwede ba akong magtanong?” tanong ko sa kaniya. Tumango siya at hinimas ang baba ko.
“Sure, boo. Anything…”
“Ok lang ba kung tanungin ko kung sino si…Cedric?” pagpapatuloy ko. Bahagyang nawalan ng ngiti sa mga labi niya at napalunok pa ito. Binaba niya rin ang kamay niya at nilagay ito sa dibdib niya.
“Are you sure? Gusto mo talagang m-malaman kung sino siya?” sabi niya sa akin na tila kinakalatis ako.
“Narinig ko ’yung humor tungkol sa’yo at sa kaniya noon. Nacurios ako bigla…sorry,” sabi ko pa.
“Hindi ka naman…matatakot sa akin, boo? Right?” paninigurado pa niya bago bahagyang bumangon.
“Hindi, bakit naman ako matatakot?” tanong ko pabalik. Tumaas ang dalawa niyang kilay habang nakatitig sa akin.
“He’s my former best friend….” pag-uumpisa niya. “Nainvolved siya sa a-away ko sa gang kaya siya ang napagbuntungan ng mga ’yun. They t-tortured him.”
Natahimik ako. Pero bakit iba ang kumakalat?
“Let me guess, sinabi nila na ako ang killer…right?” aniya na mas ikinatahimik ko. Nakaramdam ako ng guilt pero hinayaan ko muna siyang magsalita.
Napabuntong-hininga siya. ’Well, what if ako nga?“
“Huh?” kunot-noo kong tanong. Napansin ko na bigla siyang napangisi at tumalas ang pagtingin.
“What if…ako nga talaga ang pumatay sa kaniya?” aniya sa pabulong at nakakatakot na boses. Hindi ko alam kung matatakot ako pero kinakabahan ako bigla. Dahan-dahan siyang gumagapang papalapit sa akin.
“What will you do?” tanong niya sa akin. Umaatras din ako habang napapalunok.
Hindi naman inaasahan na mapapahiga ako na siyang nagpatawa sa kaniya at nagbigay ng chance na paibabawan ako. Tila natawa ako sa sarili ko. Bakit nga ba ako natakot sa kaniya? Sobrang obvious na nagbibiro lang si Yuri.
“You should see your face. Natakot ka talaga sa akin, boo?” aniya habang nakatukod ang magkabilang mga kamay niya sa tabi ng ulo ko.
“H-hindi…kinabahan lang,” sabi ko. Ngumisi siya lalo. “So, ’yun ang kinamatay ni Cedric?”
Tumango siya habang pumupungay ang mga mata niya. “Oo. Ako ang sinisisi ng family niya. S-sinisisi ko rin naman ang sarili ko, eh. Pero hinding-hindi ko magagawang patayin siya.”
Hindi ako nakapagsalita dahil ramdam ko ang sincerity sa boses niya. Hinawakan ko ang pisngi niya. “Naniniwala ako sa’yo.”
Hinawakan din niya ang kamay ko at tila mas dinikit pa ’yun sa balat niya roon. “You’re the gift from heaven, boo… thanks for making me strong and believing in me.”
Maya-maya pa ay bumaba siya ng dahan-dahan at hinalikan ang mga labi ko ng malambot at gentle habang hindi ako makagalaw sa damuhan na kinahihigaan ko. Naramdaman ko pa ang hangin na umiihip na tila nagsasabing hagkan ko siya. Niyakap ko siya sa batok habang sinasakop niya ang labi ko.
Pero agad ding napadilat at bahagya siyang naitulak. Napansin ko na tila nabitin siya pero nakangisi pa rin ang loko. “Why? May problema ba? Di ba masarap halik ko?”
Napalunok ako at tinignan ang puntod ng nanay niya. “Nakakahiya. Dito pa talaga tayo naghalikan?”
Bigla siyang namula at ngumiti. Napakamot pa siya sa kaniyang ulo. “Oh– I-I forgot, sorry ma.”
Natawa ako sa naging reaksyon niya bago siya tumayo at inabot ang kaniyang kamay sa akin. “Iuuwi na kita.”
Inabot ko ’yun habang natatawa pa rin. “Mapapalo pa tayo ng mama mo.”
Parang hangin lang na dumaan ’yung nangyari kanina sa amin kasi nakuha pa naming magbiro at ngumiti kahit nasaktan na naman ang damdamin ni Yuri.
Pagdating naman namin sa bahay ay nakita ko agad si Mama na nakangiti sa amin, mukhang inaasahan niya talaga si Yuri.
“Mama…” bati ni Yuri sabay yakap rito. Napangiti rin ako sa kanila dahil mas mukha pa silang mag-ina kaysa sa amin. Pero wala naman akong naramdamang selos o kung anuman. Siguro, namimiss lang talaga ni Yuri ang mama niya.
“Kumain na ba kayo? Nagpabili ako kanina kay Jeremy at Gina ng adobong manok,” aniya. Inalalayan naman ni Yuri ito sabay tingin sa akin.
“C’mon, boo. Let’s eat,” pagyaya niya.
“Susunod ako. May kukunin lang ako sa kwarto,” ang nakangiti kong sabi.
“Alright, we will wait for you,” aniya na nakangiti rin. “Dahan-dahan lang po, Ma.”
Kaagad naman akong nagpunta sa kwarto para ilapag ang bag ko at kunin ang dapat dalhin sa magiging session ni Mama bukas. Hindi naman sinasadyang mapatingin ako sa isang picture na nakapatong sa study table ko. Kumunot ang noo ko at parang automatic kong hinawakan ang picture na nakatupi pa sa dalawa. Nakita ko roon ang batang paslit na kamukha ko, habang hawak-hawak ang kamay ng mama niya na nakangiti sa picture. Parehas silang nakawacky rito habang background nila ay ang lumang jollibee. May suot pa itong sumbrero na tila galing sa isang party.
Cute ko pa rito, oh?
Birthday ata ’to ni Drip noong 4 years old pa siya. Yun kasi ang sabi ni Mama sa akin.
May kung ano sa dibdib ko na hindi ko alam kung lungkot ba o saya. Siguro naghahalo sila. Saya kasi malakas pa si Mama rito. Kaya niya pa akong madala sa iba’t ibang lugar. Kaya niya pang magtrabaho at wala kaming iniisip kung hindi ang handa sa pasko at bagong taon.
Nakakamiss ’yung oras na ’yun kasi masayang-masaya ako lalo kapag nagpupunta kaming park. Kahit minsanan lang dahil sa busy talaga siyang tao, masaya na ako.
Tapos ngayon itong lungkot. Dahil, hindi na kami tulad ng dati. Hindi na kami makalabas, hindi ko na siya maipasyal kung saan-saan. Pinigilan kong maluha sa pagkakataong ’yun. Napaisip rin ako, tulad ni Yuri…kaya ko na bang mawala si Mama sa akin?
I mean, nandoon na ’yung part na mawawala talaga siya sa akin. Pero kakayanin ko ba? Magiging matatag ba ako? At kung hindi, saan na ako kukuha ng lakas? Saan na kami kukuha ni Yuri ng lakas?
Binaba ko ang picture at sinubukang kalimutan ang ideya na ’yun. Kahit sabihin ng doktor na maliit na ang tsansang gumaling siya ay hindi ako maniniwala. Who knows? Walang may alam. Posibilidad lang ang hawak nila, hindi ang oras ng mama ko.
"Eiron! Anak! Kakain na!" sigaw nila sa labas. Natauhan naman ako bigla. Huminga muna akong malalim bago sila samahan. Napansin ko naman na ganado si Yuri kahit sobrang simple lang ng ulam namin. Magana rin dahil hindi man lang siya naginarte.
Mukhang naapektuhan nga rin siya ng luto ni Aling Gina dahil after nu'n ayaw pang umuwi kahit sinabi kong bukas na namin gawin ang mga dapat gawin.
"Please? Let's do it, boo?" pakiusap niya pa habang nakaupo kami sa kama. Inayos ko lang ang pinagpalitan kong damit.
"Baka gabihin ka. Mamaya, mapaaway ka na naman..." sagot ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa likuran ko at pagsandal ng baba nito sa balikat ko.
"Sige na, please? Nakamotor naman ako, right? I will make sure na hindi nila ako makukuha kung makita man nila ako," pakiusap niya na tila nangongonsensiya pa.
Napabuntong-hininga ako. "Pwede naman sa vacant 'yun bukas."
Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap at ibinaon ang mukha sa likod ko. "Hmmm..."
Tss…pabebe talaga.
“Oo na. Pero magcha-chat ka sa akin pag nakauwi ka na,” sabi ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay piggy back sa likod ko.
"Yes!! Thank you!" aniya sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko naman pinigilan ang sariling mapangiti. "You're the beast!"
Napawi ang ngiti ko sa narinig. Pero bago pa ako lumingon sa kaniya ay lumayo na ito at nauna pang umupo sa upuan kung nasaan ang study table ko para takasan ako.
Loko ’to, ah?
Tumayo naman ako habang nakapameywang sa kaniya. "Kaso iisa lang ang upuan ko, paano 'yan?"
"Well..." bahagya niyang inatras ang upuan at pinalo ang lap niya ng mahina. "Mine's available. We can share one seat."
Nagtaas-baba pa kilay niya kaya napailing na lang ako. "Hindi pwede, hindi ako sanay sa kandungan nakaupo."
"C'mon, boo." Bahagya siyang umapos ng upo at malambing na kinuha ang bewang ko. "C'mon, sit on me, please?"
Dahan-dahan niya akong inuupo habang inaalalayan. Hindi ko alam kung papaano niya ako nakumbinsi pero aaminin ko, nakakapanghina 'yung paraan niya. Para akong kinikiliti. Tiningala niya ako.
"See? More comfy, right? May...gagalaw pa diyan," aniya sabay ngisi.
"Anaknang—" naramdaman ko nga sa pangupo ko ang bagay na sinasabi niya. Mabilis akong kinapitan ng gulat at tatayo na sana pero bahagya niya ang niyakap.
"Gawa na tayo," pakiusap niya sa akin.
"Paano? Wala akong wifi connection dito, ah? Naka data ako pero ubos na—"
"No problem." Kinuha niya ang cellphone niya at ilang saglit na nagtype. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nagulat.
"Niloadan mo ko? Ang laki nito—magkano 'to?" sagot ko.
"Basta. Gawa na tayo, boo. Baka mas gabihin pa ako, sige ka...tatabi na naman ako sayo pag late na tayo," sabi nito sa akin na ikinangisi ko.
"Heh!" saway ko pa bago kunin ang gamit ko. "Hindi maghaharot, ah? Kailangan matapos 'to."
"What if no—" nilagay ko ang katawan ng ballpen sa gitna ng labi niya para pigilan ang sasabihin niya.
"Tatapusin...kaya natin 'tong tapusin," sabi ko ng pabulong sabay kagat ng labi ko. "Naiintindihan mo, Yuri?"
"W-what's my punishment kapag...hindi ko natapos?" aniya na pilit na magsalita kahit pinatatahimik ko siya.
Pinasadahan ko ng dila ang labi ko. "Malalaman mo mamaya."
"D*mn...I think I might like that," bulong niya.
Mukhang gumana naman ang pananakot ko sa kaniya dahil naikinig naman siya sa akin at gumagawa ng tahimik. Nagsusulat kasi ako sa lamesa habang siya, sa likuran ko naman at nakapatong sa akin ang papel niya. Hindi ko lang alam kung nangangalay siya pero everytime na gagalaw ako, hahawak siya sa bewang ko na para bang ayaw niya akong pakawalan.
Noong sarhan ko ang huling papel ng ginagawa ko ay narinig ko rin siyang napabuntong-hininga.
"Tapos ka na?" tanong ko rito.
"Nah...nahihirapan kasi ako rito, eh," sabi niya. Bahagya akong lumingon sa kaniya.
"Bakit hindi ka nagsasabi?" tanong ko at tumayo na. Nagulat na lang ako ng iharap niya ako sa kaniya at pinaupo ng nakaharap sa kaniya ngayon. Parang sumikip ata ang dibdib ko dahil napansin ko ang kakaibang titig niya sa akin.
"Ganyan, mamomotivate akong sagutan 'to ng mabilis," aniya. Napara crossed-arms ako sa kaniya.
"Kapag 'yan talaga mali...hindi na ako talaga uupo sa lap mo," banta ko sa kaniya.
"Hindi ba comfy? Masarap naman upuan lap ko, ah? Kapag stress ka, sandal ka lang sa akin or...you can give me a kiss. Harap ka lang," aniya.
Pinanliitan ko siya ng mata pero ngumisi lang siya sa akin at tila nagsulat sa papel niya ng dire-diretso. Ilang minuto lang ata ang inabot bago niya ibigay sa akin ang papel.
"Check it, boo," aniya. Noong kinuha ko 'yun ay nilagay niya ang isang kamay sa bewang ko habang ang isa ay hinawakan ang dibdib ko.
Napalunok ako at pinigilang madala sa ginagawa niya. "Hmmm, anong formula ginamit mo?"
"Right there..." aniya bago itrace ng daliri niya ang hulma ng maliit kong abs. Nakikiliti ako at tila may gustong kumawala pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko.
"Oh...t-tama naman," sabi ko sa kaniya.
"Sure? I'm willing to change it if that's wrong..." pabulong pa rin niyang sabi na alam ko namang nanunukso lang. Bumaba ang daliri niya sa abdomen ko at tila mas pinapalaki nito ang pang-aakit niya.
"Yuri, t-tama naman," sabi ko sa kaniya.
"Ah, so now you're calling by my name...huh?" aniya sabay yakap sa akin habang nakatitig pa rin. Naibaba ko ang hawak kong papel at natawa.
Hinalikan ko siya sa noo. "Tama ang ginawa mo, boo."
Ngumiti siya. "Where's my reward?"
Hinalikan ko siya sa labi habang sinandal siya sa kinauupuan niya. Dalang-dala naman ito sa ginagawa ko na nagpangiti sa akin at nagpabitaw. Tila hinahabol pa ng bibig niya ang akin pero lumayo na ako.
"10 PM na," sabi ko.
"Boo..." medyo paos na sabi niya sabay nguso.
"May bukas naman. Atsaka sayang kama mo sa inyo. Magkikita pa tayo bukas," sabi ko sa kaniya. Hindi siya umimik at tila hinihintay kung magbabago ang isip ko. "Pwede ka rito sa weekend."
"Sure?" aniya na tila nabuhayan. Pinisil ko ang ilong niya.
"Oo na. Basta ngayon, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng mga figures mo roon," sabi ko pa na ikinatawa niya ng mahina. "Update mo ako pagkauwi mo, huh?"
Tila namula naman siya nung sinabi ko 'yun kaya lalo akong napangiti.
KINABUKASAN ay nauna akong pumasok. Hindi kasi nagchat o nagtext si Yuri na ikinakaba ko. Sabi pa naman niya sabay kami. Naisip ko na lang din na baka natutulog pa ang loko. Sinubukan ko na ngang tawagan pero wala pa rin.
Booꨄ︎: “I just finished showering! Goodnight, and don’t let the bugs bite you… ako lang. 😏”
Booꨄ︎: Booꨄ︎ sent a photo.
Napatingin ako sa picture ni Yuri na nakasuklay ang kaliwang kamay sa basang buhok habang topless at nakahiga sa kama niya. Nakalabas pa ang dila na tila nanunukso habang may maliit na text sa taas na "I love you."
Sigurado naman na ligtas siya kaya baka tulog pa. Di bale. Baka magising din siya...
Tama.
"Ayon...sanaol!" biglang sabi ng isang boses sa likod ko. Napansin ko agad si Yoseff at Dice na sumampa sa balikat ko.
Agad kong tinurn off ang cellphone ko. "Kanina pa kayo dyan?"
"Hindi pero...nakakainggit naman talaga! Hay!!" ani Dice sabay nguso. "May patopless na si Kuya mo Yuri."
Napakamot naman sa batok si Yoseff. "Nasaan pala si Yuri? Akala ko kayo magkasama?"
Nakahinga ako ng maluwag dahil nagbago ang topic. "Ah, ewan ko nga, eh. Wala pang chat sa akin. Hindi rin nasagot sa tawag ko. Baka tulog pa."
"Akala ko magkasama kayong dalawa? Nakita ko myday niya kagabi, ah? Picture mo ata 'yun habang nagawa ng assignment," ani Dice.
Binasa ko na lang ng laway ang labi ko at pinakalma ang sarili. Bigla rin kasing pumasok sa utak ko 'yung nangyari sa kaniya. Ayoko na sanang balikan pero natatakot ako everytime na iniisip ko pa rin 'yun.
Sana pala hindi ko na siya pinauwi sa kanila kung ganito ako kaparanoid. Sana pala nagpadala na lang ako sa pagpapacute niya. O di kaya, ako na lang ang hatid sa kaniya pauwi kahit magcommute na lang ako pabalik.
"Huyy, nag ooverthink ka? H'wag! Baka tulog pa 'yun! Teka nga...tatawagan ko si Rafael," pagsabat uli ni Dice sa akin sabay sundot sa tagiliran ko.
"Hindi naman..." sabi ko sa kaniya. "Hayaan niyo na."
"Hindi rin nasagot tong oblak na 'to, eh! Baka tulog din? Hindi ba 'yon sila nag inuman na naman?" sagot ni Dice habang naiiritang nakatitig sa cellphone niya.
"Baka tulog pa. Hintay-hintay lang muna," ani Yoseff sabay tapik sa balikat ko. "Teka magrestroom lang muna ako."
"Ay oo wait! Sabay ako! Ikaw?" pagyaya naman ni Dice na ikinailing ko bago umupo sa isang bench.
"Kayo muna. Dito na lang ako," sagot ko na lang bago tingnan muli ang cellphone ko.
Nasaan ka ba kasi Yuri?
"Oh sige. Sabihan kita pagsumagot na si itlog, huh? Hindi rin nagrereply Simone at Logan. Dyan ka na muna, balikan ka naminch!" pagpapaalam ni Dice.
Dinial ko naman ang number ni Yuri para tawagan uli. Pero katulad nung nauna, nagriring lang ito. Napabuntong-hininga ako.
Bigla naman akong nakarinig ng komosyon mula sa malayo. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako roon. Noong iangat ko ang ulo ko ay napansin ko ang limang babae at 2 lalaki na mga hindi pamilyar sa akin, pwera sa nasa harapan nila na babae, sa tingin ko kilala ko o nakita ko na noon.
Napatingin ako sa kaniya dahil tinaasan niya ako ng kilay niya na may katalasan. Halatang matapobre at mataray.
"You're that Eiron, right? Yuri's worker?" aniya. Medyo naoffend ako sa narinig, though totoo naman pero iba 'yung tono niya. Tunog mapangmaliit.
"Ako nga, bakit?" tanong ko naman sa kaniya habang kunot ang noo ko.
"Hold my bag," aniya sa isang babae sa kaliwa niya na tila alalay lang ito. "Well, I know isa sa ka sa mga kaclose na niya since nakikita ko kayong magkakasama."
"Pwede bang diretsuhin mo na ako?" reklamo ko dahil hindi ko alam kung bakit ako naasiwa sa presensiya niya. Napasimangot siya lalo sa akin noong marinig 'yun.
"Since ayaw magsalita ni Rafael at Logan sa akin, tell me kung sinong kinalolokohan ni Yuri ngayon? Lagi na siyang natanggi sa hangouts namin," aniya na tila may gustong malaman. Tumabi pa ito sa akin habang naghihintay rin ng sagot ang mga kaibigan niya.
"Kalokohan? Hindi ba pwedeng ayaw niya lang at nag-aaral siya ng mabuti? Atsaka, nabalitaan mo naman ang nangyari sa kaniya, hindi ba? Kaya sana intindihin niyo 'yung tao," pagpapalusot ko kay Yuri dahil sa namumuong inis.
"Mukhang hindi ata natin 'to mapipilit, Carly," saad ng isang lalaki. Tinignan ko siya ng seryoso na naging dahilan para mapaiwas agad ito ng tingin.
"Don't tell me takot ka kay Yuri o doon sa malanding babae na girlfriend niya? You don't know me?" naiinis na tanong ni Carly sabay turo sa sarili.
"Hindi kita kilala," sagot ko naman sabay silip uli sa cellphone ko.
Wala pa rin siyang sagot hays…
“Ugh! Unbelievable!” sabi ng isa sa mga kasama nung Carly.
"Sabi ko bang sumabat ka?" ang pagkontra ni Carly sa kaniya.
Napatakip ng bibig ang babae sabay yuko. "S-sorry, Queen..."
Napairap si Carly. "Ano? Mas pipiliin mo pa 'yung hindi niya tunay na girlfriend? Gusto mo pa bang patunayan kong girlfriend niya talaga ako? Fine! I'm his best friend simula pa noon. Ako rin ang dumamay sa kaniya noong nagkascandal siya. Ako ang nakakaalam ng halos lahat sa buhay niya. Natutulog kaming magkasama at higit sa lahat...we did some things na hindi usually ginagawa ng magkaibigan."
Napangisi siya habang ako, parang may naipon na kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Para nitong tinutusok ang puso ko.
"Ano pang need mong information? He's also my first kiss. Ganoon din siya since we kissed way back then kaya nevertheless, kung sino man 'yang babaeng pinagtatakpan mo or ninyong lahat ay walang kwenta at hindi ako basta-basta matatalo," aniya.
Napailing ako. "Akala ko ba magkaibigan lang kayo ni Yuri? Yun ang sinasabi niya sa amin."
Nagulat naman ang mga kaibigan niya. Biglang nagdabog si Carly patayo.
"Klara! My bag!" sabi niya habang nakalahad sa gilid ang kamay.
Binigay naman sa kaniya 'yun. Binuksan niya ito at iritadong hinanap ang isang bagay. Nang makita niya ay isa itong puting envelope na may laman. Hindi ako tanga para hindi ko agad malaman kung ano 'yun.
"Here! Worker ka lang 'di ba? For sure pera lang ang katapat ng mga gaya mo. Kaya eto," aniya sabay lahad nito sa harap ko. "15 thousand, magsasalita ka and never kong sasabihin kay Yuri kung sinong nagsabi sa akin. Just give me the d*mn name of that b*tch!"
Para akong mas lalong napikon, bakit ganyan ba silang mayayaman? Akala ba nila lahat kami matatakpan ang bibig gamit ang mga pera nila? Akala nila mauuto nila kami gamit ang pera? Hindi!
Tumayo na ako. "Hindi ko kailangan ng pera mo. Sa'yo na 'yan. Wala rin naman akong masasabi kung sino ang girlfriend ni Yuri, dahil wala siya nu'n. Kung ayaw mong maniwala sa akin, wala na akong magagawa."
Nakita ko ang pagkainis ni Carly at mabilis akong hinawakan sa braso. "How dare you na sabihin sa akin 'yun! You're just a scholar!"
Tinabig ko ang kamay niya. "Ano ba?! Bakit mo ako hinahawakan?!"
"You're just nothing but Yuri's shadow and toy! Kaya kapag nalaman ko talaga kung sinong girlfriend niya, siya at ikaw, malalagot kayo sa akin! Do you understand—"
"Edi hanapin mo! Bakit kailangan mo akong istorbohin? Magpakabaliw ka, miss. Gamitin mo 'yang pera mo. H'wag mo akong iistorbohin!" pagputol ko sa kaniya sabay alis papunta sa daan kung saan dumaan sina Dice at Yoseff.
Sakto naman na nakita ko sila na pabalik.
"Eiron, anong nangyari?" tanong ni Dice noong makita niya ako. "Nagkausap na ba kayo ni Yuri? Hindi pa tumatawag si Rafael, eh."
"Wala, ayokong pag-usapan," sabi ko sa kanila habang pinabababa ang sama ng loob. Ang taas-taas ng tingin ni Carly sa sarili niya. Bakit kailangan niya akong insultuhin?
"Ah..." tanging nasabi na lang ni Dice. Huminga akong malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi na rin muna ako masyadong umimik dahil doble lang iniisip ko.
Hanggang sa sumapit ang lunch, walang Yuri na dumating. Miski 'yung mga kasama niya, wala rin. Nagsimula na akong maghinala at mag-isip ng kung ano. Nagagalaw ko na ang mga binti ko habang hinihintay na matapos ang klase.
"Ano? Tagal naman niyan ni Sir! Isang minuto na lang naman!" rinig kong reklamo ni Dice.
"We will continue this in our next meeting. Goodbye," paalam ni Prof na tila nakaramdam sa mga titig sa kaniya ng mga kaklase ko. Pagkaalis na pagkaalis niya ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan uli si Yuri pero may narinig akong tila mga natumba. Naagaw nito ang pansin namin na siyamg ikinanlambot ng dibdib ko.
"Aray! Ano ba!" reklamo ng isa.
"D*mn! Ang bigat mo!" dagdag pa ng isa.
"Could you please! Tumayo na kayo! Ang bigat-bigat niyo!" saad pa ng huli. Napameywang ako sa nakita.
Kita ko naman si Yuri sa pintuan na may hawak na bulaklak habang may nag-aalalang mga mata. Napasuklay siya sa bahagya niyang magulong buhok.
Kumunot ang noo ko. "Mabuti naman..."
Pero agad ding napawi iyon nang makita ko ang pasa sa gilid ng bibig niya.
H’wag mong sabihing…
Itutuloy…

