
STRANGER KING
Sa gitna ng isang digmaan sa kahariang Chromia, napilitan ang prinsipe nitong si Simone na lisanin ang kanyang mundo matapos siyang ipadala ng kanyang…Sa gitna ng isang digmaan sa kahariang Chromia, napilitan ang prinsipe nitong si Simone na lisanin ang kanyang mundo matapos siyang ipadala ng kanyang ina sa isang mahiwagang portal. Bitbit ang isang kuwintas na sinasabing makatutulong sa kanyang paglalakbay, kailangan niyang hanapin ang mga kasagutan sa mga bagay na hindi niya pa nauunawaan. Ngunit sa halip na sa lugar na inaasahan niya, napadpad si Simone sa isang mundong hindi niya kilala. Isang mundong puno ng mga bagay na para sa kanya ay kakaiba, mula sa mga kasuotan at pagkain hanggang sa mga sasakyang hindi niya kailanman nakita. Dito niya nakilala si Ares, isang ordinaryong binatang walang kaalam-alam sa kaharian, planeta, o mundong pinagmulan ni Simone. Sa kabila ng malaking pagkakaiba ng kanilang mga mundo, napilitan silang magkasundo matapos humingi ng tulong si Simone upang makabalik sa Chromia. Habang sinusubukan ni Ares na tulungan ang prinsipe na makahanap ng daan pauwi, unti-unti rin niyang natutuklasan na ang pagkikita nila ay maaaring hindi basta aksidente. Sa isang paglalakbay na nagsimula sa isang portal at isang hindi inaasahang pagkikita, matututunan nilang ang pagitan ng dalawang magkaibang mundo ay maaaring hindi kasing layo ng kanilang inaakala.
If you enjoyed this story
You Might Also Like

$#&6
85 chapters
A Lover, Lair and a Legend
10 chapters
ADARNA X
3 chapters
Ainsley's Alpha (bxm)
4 chapters
Alipin ng Kalibugan
31 chapters
All We Know
1 chapter
Ang Alamat ni Prinsipe Malik
7 chapters
Ang Bato Ni Darna (BXB) COMPLETED
14 chapters
ANG LIHIM NG SITIO TINIEBLAS
33 chapters

