loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Sweetheart Series 1

Sweetheart Series 1

Marthacecilia Phr · 27 chapters · 26,387 words

Chapter 1

M ULA sa gilid ng bintana niya ay tinatanaw ni Kimberly ang mga taong naglalagay ng mga mesa sa bakuran nila. Ngayong araw na ito ang kasal ng Kuya Patrick niya kay Laila. Isang kaibigan at dating kamag-aral. At kahit ang reception ay sa kanila gagawin, nagpa-cater ang mga magulang niya.

Bahagya pa siyang nagulat nang sumungaw mula sa pinto si Cristina, ang Mommy niya.

“Are you ready, hija? Halika na,” wika nito.

Isang tipid na ngiti ang isinagot niya. Dinampot ang maliit na bag sa kama. “Ayos na ako, Mom.”

Magkasabay na bumaba ng hagdanan ang mag-ina. Nasa ibaba si Patrick at palakad-lakad. Makisig sa suot na Barong-tagalog na yari sa jusi.

“Mom, Dad, tara na at baka mauna pa si Laila sa simbahan,” apura nito.

Natawa si Joseph, ang Daddy nila. “Relax, son. Maaga pa. Maghihintay ka lang nang matagal sa simbahan at lalo ka nang matetensiyon doon.”

Tinapunan ni Patrick ng tingin si Kimberly. Mula ulo hanggang paa.

“Motherhood really suits you, sis. You’ve grown even prettier.” Pagkatapos ay bumahid ang lungkot sa mukha nito. “Alam mo bang ikaw dapat ang maid of honor namin ni Lai?”

Muli ang tipid na ngiti. “It doesn’t change a thing, does it? Ang importante ay tuloy ang plano ninyong makasal sa taong ito,” bahagya siyang natawa. “Right after her graduation.”

“Pero kung hindi sana nangyari ang…” Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil maagap na nagsalita si Cristina.

“Araw ng kasal mo, Patrick. You should look forward to it at hindi ’yong kung ano-ano ang ipinapaalala mo sa kapatid mo.” May himig ng banayad na pagsaway ang tinig nito.

“I’m… sorry, sis. Kaya lang, I partly blamed myself for what happened.”

Tinapik ni Kimberly sa balikat ang kapatid. “Don’t feel guilty, Kuya. Maligaya ako ngayon at gusto ko ring samantalahin ang pagkakataong ito para pasalamatan kayong tatlo.” Nilinga niya ang mga magulang. “I love you, guys. For standing by me.” Namumuo na ang luha sa mga mata.

Nag-alis ng bara sa lalamunan si Joseph. “Ano ito? A wedding or a funeral?”

“Joseph, napaka-morbid mo,” saway ni Cristina sa asawa na bahagyang dinampian ng panyo ang sulok ng mga mata. “Kung mayroon man akong ikinalulungkot ay dahil wala dito ang apo ko.”

“Pagkatapos ng kasal, Mom, Dad, magpunta kayo sa Maynila. Hinahanap nga kayo ni Ralph lagi.”

“Tiyak iyon.” Si Joseph na nagpatiuna nang lumakad patungo sa pintuan. “O, tara na kayo at baka mahuli na nga tayo niyan.”

Ilang sandali pa at sakay ng kotse ay patungo na sa simbahan ang apat.

“Alam mo ba, hija, na pinadalhan namin ng imbitasyon ang mga Marzan?” si Cristina kay Kimberly.

“I wouldn’t mind, Mom. Wala naman silang alam, ’di ba?”

“Totoo iyon. Magkaibigan pa rin ang pamilya natin at malimit ka nilang kumustahin, hija,” si Joseph na siyang nagda-drive.

“Hanggang ngayon, sis, kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko malaman kung paano kayo nagkaroon ng pagkakataon?” Si Patrick na nilingon siya.

Ngumiti si Kimberly. “Kuya, noong panahong iyon ay wala kang ibang nakikita kundi si Laila.” May bahid ng panunukso ang tinig niya. Pagkatapos ay hinawakan sa balikat ang kapatid. “Alam ba ni Laila?”

Umiling si Patrick. “Hindi. Pero sasabihin ko rin. Hindi nga lang ngayon. Tulad din ng paraan ng pagpapaalam ng Mommy sa amin ni Daddy.”

Hindi na kumibo ang dalaga. Ilang sandali pa at sinapit na ng apat ang simbahan. Marami nang taong naghihintay roon. Masayang sinalubong nina Gigi at Lilibeth si Kimberly.

“Kim!” bulalas ni Lilibeth. Buong paghangang hinagod ng tingin ang kaibigan. “ Sos na sos ang dating mo, tita. Iba na talaga ang taga-Maynila, ano?“

“’Buti na lang at hindi ka abay.” Si Gigi. “Kung hindi ay baka hindi lang kami ang talbugan mo kundi pati ang bride.”

Natawa si Kimberly. “Hindi pa rin kayo nagbabagong dalawa, I’m really glad to see you both.”

“Totoo ba ang tsismis na hiwalay ka na raw sa asawa mo?” Si Gigi na bahagyang hininaan ang tinig.

Hindi ipinahalata ni Kimberly ang pagkailang. “Tsismosa…” nakangiting biro niya.

“Paano ba naman, ni hindi mo nga kami inimbitahan sa kasal mo, ’tapos divorced na kayo agad. Ano ba iyan? Ganyan na ba ngayon sa Maynila?” Si Gigi uli.

Nilapitan ni Cristina ang tatlo. “O, Lilibeth, Gigi, sige na at pumapasok na ang bridal car. Maghanda na kayo.”

“Magkuwentuhan tayo mamaya, ha, Kim?” pahabol ni Lilibeth. Tumango lamang si Kimberly. Pagkatapos ay nagpakawala ng mahabang hininga.

Makalipas ang mahabang sandali ay natapos ang seremonyas ng kasal. Piling mga kaibigan, kamag-anak, at mga kakilala lamang ang mga inimbita. Ganoon pa man ay napuno pa rin ng tao ang bakuran ng mga Antonio.

Ang mga bagong kasal ay nakatayo sa may daraanan at sinasalubong ang mga dumarating na bisita. Naroon din sa hindi kalayuan ang mga magulang ng mga ikinasal at kinakausap ang mga kaibigan at kakilala.

Kasalukuyan nang nagkakainan ang ibang mga bisita nang isang Mitsubishi Strada ang pumarada sa dulo ng driveway. Napako roon ang pansin ng mga tao. Magara ang dating ng 4WD pickup na kulay berdeng lumot.

Unang bumaba ang mag-asawang Marzan na agad nagpabangon ng kaba sa dibdib ni Kimberly. Hindi pa gaanong nakahahakbang nang malayo ang mga ito nang lumabas ang driver ng pickup.

Si Renz!

Chapter 2

Nilingon ni Kimberly ang mga magulang. Nakita niya ang biglang pagtigas ng mukha ng ama. Ganoon din si Patrick na nagtagis ang mga bagang. Kung mayroon mang nakapuna ay hindi masabi ni Kimberly.

“Mom, please, pagsabihan ninyo si Kuya. Nakikiusap ako…” Tumango si Cristina at kaswal na lumakad patungo sa kinaroroonan ng bagong-kasal. Isang pisil sa balikat ang ibinigay nito sa anak at nagpatiunang sumalubong sa mga bagong dating.

Nilingon ng dalaga ang ama. “Dad, kung paano ninyo pakikiharapan ang mag-asawang Marzan, sana ay ganoon din kay Renz. Please, Dad, ayokong may mag-isip kung bakit may namamagitang animosity sa inyo.”

“I cannot promise a warm reception, hija. But I will be very civil,” ani Joseph na hinawakan ang nanlalamig na palad ng anak bago sinundan si Cristina.

Nakita niyang tumayo si Laila bagaman bantulot ang pagsunod ni Patrick.

“Hello, Renz. This is quite a happy reunion. Wala na akong mahihiling pa. Pareho kayong nandito ni Kimberly pagkalipas ng tatlong taon.” Narinig niyang sinabi ng hipag.

“My best wishes, Lai,” kinamayan ng lalaki si Laila. Pagkatapos ay tumingin kay Patrick at yumakap dito. “Congratulations, pare. After five years, kayo pa rin talaga.”’

“Iyan ang kaibahan nating dalawa, Renz. Tapat akong magmahal at hindi ako naglalaro sa babae,” sagot ni Patrick na bagaman bahagyang ngumiti ay binigyang diin ang mga sinabi.

Hindi maunawaan ni Renz pero nahihimigan nitong may ibang kahulugan ang sinabi ng kababata at kaibigan kung sa ibang pagkakataon nasabi iyon ay tatawanan lamang ni Renz. Lagi nang nabibiro nang ganoon si Patrick kung tungkol din lang sa pagpapalit-palit ng girlfriends ang binata.

Samantalang si Kimberly ay nilapitan ng mga magulang ni Renz.

“Kumusta ka na, hija?” Si Guada Marzan. “Kung hindi pa pala ikinasal itong si Patrick ay hindi ka mauuwi rito sa San Ignacio. Pareho kayo nitong si Lorenzo. Halos dalawang taon sa Amerika. At nang mauwi naman dito sa Pilipinas ay ngayon lang muli tumuntong sa lugar natin.”

“Hello, Kimberly. It has been a long time.” Si Renz sa malamig na tinig at blankong ekspresyon.

“Renz…” bahagya siyang ngumiti. Pilit itinago ng ngiti ang kaba ng dibdib at panginginig ng mga tuhod. How dare he look even better than he had three years ago. Mula nang umalis siya sa San Ignacio tatlong taon na ang nakararaan, tinaglay niya sa isip na walang ibang lalaking maaaring pumantay rito. Ang tila nangungusap na mga mata… ang pilyong ngiti… ang pagsasalubong ng mga kilay kapag nagagalit, all added to his good looks. At nagagalit siya sa sarili dahil hanggang ngayon ay para pa rin siyang teenager na nakamata rito.

“Eh, ang napangasawa mo, hija, talaga bang wala na kayong pag-asang magkasundo pang muli?” Si Mrs. Marzan.

Ang pinraktis na lungkot ay natural na lumabas sa mukha niya. Sa mga pagkakataong ganito na may nag-uusisang mga taga-San Ignacio sa “asawa” niya ay ganoon ang ginagawa niya. Tulad ngayon.

“Oh, I’m sorry, hija,” bawi ni Mrs. Marzan. “Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari. Nalulungkot din kami, Kim. You are such a nice girl and you really deserved a better husband “

“Did you file an annulment, Kim?” Si Mr. Marzan.

“I… I’m working on it. Pero alam naman ninyo ang mga ganitong legal matters, taon ang binibilang,” aniya.

“But surely, hindi mo kailangang maghintay ng annulment para magkaroon uli ng panibagong kakasamahin, ’di ba, Kimberly?” Si Renz na may bahid ng malisya ang tinig. Gulat na napatingin dito si Kimberly.

“Lorenzo!” Si Mrs. Marzan. “How dare you say such thing. Hindi si Kimberly tulad ng ibang mga baba riyan. Parang hindi mo kilala ang kapatid ng kababata mo. Sadyang may mga lalaking hindi magkasya sa iisang babae. Tulad mo, halimbawa. You never stopped womanizing around. I only hope na ’pag nag-asawa ka’y iukol mo na lang sa mapapangasawa mo ang katapatan,” wika nito sa anak na tumaas ang isang sulok ng mga labi sa patuyang pagngiti.

“Lalaki ang anak mo, Guada, at likas na lapitin ng mga babae,” pagtatanggol ni Mr. Marzan.

Bago pa humaba ang usapan ay lumapit si Cristina at niyaya sa mahabang mesa ang mag-asawa. Sinamantala iyon ni Kimberly at mabilis na lumakad papasok sa kabahayan. Walang tao sa loob at nasa labas lahat. Dumeretso siya sa bar. Kinuha ang bote ng champagne sa cooler at nagsalin sa kopita. Pagkatapos ay pinangalahati ang laman.

Nanunuyo ang lalamunan niya, nanginginig pati mga tuhod. Kailangang makalmante siya. Hindi niya inaasahang magkikita sila rito ni Renz. Hindi niya iniisip na dadaluhan nito ang kasal ni Patrick. Hindi siya makapaniwalang may lakas ito ng loob na makiharap sa kanya pagkatapos ng lahat.

“Since when did you learn to drink? lyan ba ang natutuhan mo sa napangasawa mo?” Si Renz na sumunod. Hindi itinago ang galit sa tinig.

“Things have changed…” aniya na bagaman bahagyang nagulat ay pinanatili ang poise.

Tumuloy rin sa bar ang binata. Kinuha ang bote ng brandy at nagsalin. “Yes. Things have changed. You have changed a lot. You look different.” Sinabayan nito ng inom.

“Hindi ko alam na nagbago ako…” matabang niyang sagot. Nanatiling sa champagne nakatuon ang mga mata. Hindi niya gustong salubungin ang tingin ng binata.

“Oh, yes,” tumango ito. Hinagod siya ng tingin na tila siya specimen na sinusuri sa ilalim ng microscope at wala itong pakialam kung obvious ang ginagawa. “The girl I remembered was no longer a girl. She was now a smartly dressed and beautiful woman… Higit na maganda. But you’ve lost that innocent look.”

“Matagal na iyon, Renz…” It seemed a lifetime ago. Marami nang nangyari at nabago. Hindi lamang sa pisikal niyang anyo kundi maging sa isip at gawi.

“Yes. That little girl was lost a long time ago.” Huminga ito nang malalim. Tila nag-ulap sandali ang mga mata. Pero sandali lamang iyon at muling pagalit na tumingin sa kanya. “Pagkatapos ng gabing iyon, Kimberly, kanino ka pa pumatol?”

Gulat na napatitig si Kimberly rito. “I… I… never…” had a man in my life maliban sa iyo, Renz, ang sana’y sasabihin niya. But she’d die kaysa ipaalam sa lalaki ang bagay na iyon.

“Oh, well, there’s no way of knowing. Tulad ng kung paanong hindi mo gustong ipaalam ang tungkol sa atin. The usual demure act. Napaniwala mo kahit ang Mama,” sarkastikong wika nito.

Sinisikap niyang kontrolin ang galit na pilit umaalpas sa dibdib. “Wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan, Renz. I did not invite you here,” sinabi niya sa pinakamalamig na tinig.

“Hindi mo kailangang gawin iyon, sweetheart, hindi ba? Kusa kaming lalapit sa iyo na tila mga langgam sa asukal. Bakit ba, eh, kaiba ka sa lahat, kahit sa sarili mong mga kaibigan. You were always so shy, prim and proper. You did not even swoon over me when almost every girl of your age did. When all the while you had a crush on me. Mahusay kang artista, Kimberly.”

“Get out, Renz!” hiyaw niya na kumawala ang galit. “Kung tutuusin ay ginamit mo ako, pinagsamantalahan! I was young pero nasa hustong gulang ka na noon. You took advantage!”

Tumaas ang kilay ng lalaki. “Really?” tuya nito. “You were more than eager sa pagkakatanda ko. You couldn’t get enough of me. And how old were you then under the moonlight that night?”

Pinamulahan ng mukha si Kimberly sa galit at pagkapahiya.

“I hate you!” baling niya rito sa nag-aapoy na mga mata. Tumayo siya upang lumabas subalit mabilis siyang nahawakan nito sa braso at marahas na ibinalik sa bar. Tumama ang balakang niya sa stool at napangiwi siya sa sakit.

Nakakulong siya sa mga braso ni Renz. Kung nagagalit siya’y nagagalit din ito. Nararamdaman niya ang init ng galit nito. At kung bakit ay hindi niya maunawaan.

“Sinabi mo rin sa akin iyan noon sa batis, ’di ba? Kinasusuklaman mo ako pero hindi ka napigil noon sa pamimilipit sa ilalim ng mga yakap at halik ko while we made love for hours!”

“Oh!”

“Yes, oh!” pagalit nitong gagad. Pagkatapos ay patuyang ngumiti. “You gasped, moaned, sighed, and writhed under me, sweetheart. At hindi ko kailanman nalimot ang gabing iyon. It was a delicious thought.”

Nanlalambot na umupo sa stool ng bar si Kimberly. Hindi niya kayang salubungin ang galit nito.

“Naaalala mo rin ba iyon, sweetheart?” Sinabi nito ang endearment na tila siya kasuklam-suklam.

“Oh, stop calling me that,” protesta niya sa nahahapong paraan. Nagpapaalala lamang iyon ng mga masasakit na pangyayari.

Marahang tumawa ang binata. “Nakadarama ako ng deja vu. Sinabi mo na rin sa akin iyon noon. More than five years ago, sa ilalim ng punong-mangga. Sa duyang yantok. Nariyan pa ba iyon?”

She bit her lower lip hanggang sa pakiramdam niya’y gusto nang magdugo niyon. How dare he remind her of that… ng mga katangahan niya… ng mga panahong nagsisimulang umusbong ang pag-ibig niya rito. And how until this very moment she had loved this man so much that it had really hurt.

“Para ano ang pag-uusap na ito, Renz?” aniya nang makabawi sa emosyon. “Ano ang gusto mo?” may bahid ng pagsusumamo ang tinig niya.

“Sisingilin ko ang utang mo sa akin, Kimberly, ang pangako mo sa akin. Lamang, sa pagkakataong ito ay walang obligasyon mula sa akin na panagutan ka. Kung noong araw na halos hindi ka pa humihiwalay sa kabataan ay naipagkaloob mo sa akin ang iyong sarili, bakit hindi ngayon?” May banta sa tinig nito na nagpatayo sa mga balahibo m Kimberly.

“A-ano ang sinasabi mo?”

“Isa ka nang biyuda ngayon, Kimberly. Biyuda sa buhay. Kung bakit ka iniwan ng asawa mo’y isang misteryo para sa akin gayong ayon sa balita ay wala pa kayong isang taong nagsama. It suits me fine, dahil alam mo na kung ano ang sinasabi nila sa mga biyuda. Mainit daw ang mga ito. At dati ka nang mainit, sweetheart.”

Punong-puno ng pagkasuklam ang tinig at anyo ni Renz. At walang salitang namutawi sa mga labi niya. Nanunuyo ang lalamunan niya sa galit, pagkapahiya sa mga insulto, at takot sa sinasabi ng binata. Gusto niyang pagbuhatan ito ng kamay pero hindi niya magawa.

“G-gusto ko nang lumabas, Renz, please…” Nagsusumamo ang tinig niya. May mga luhang nagbabadyang pumatak. Kung magtatagal pa siya sa harap nito ay alin na lamang sa dalawa ang mangyayari. Mauupos siyang tila kandila o maghihisterya siya.

Bahagyang lumambot ang mukha ni Renz nang matitigan siya. “Pumanhik ka sa silid mo, Kimberly, at ayusin mo ang sarili mo. Namumutla ka,” mariing utos nito.

Mabilis niyang nilakad ang patungo sa hagdan na nakataas ang ulo. Sinikap panatilihin ang dignidad. Papanhik na siya nang muling magsalita si Renz

“Magkikita tayong muli, Kimberly.” Naroon ang katiyakan sa tinig nito bago ito humakbang palabas ng kabahayan.

Sa silid niya’y ibinagsak ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak. She doesn’t deserve all the anger and insult. Bakit parang nagkabaligtad ang mga pangyayari?

Makalipas ang ilang sandali ay marahan siyang tumayo at binuksan ang drawer sa night table. Kinuha ang jewelry box at binuksan ito. Mula roon ay dinampot ang dalawang sulat. Isang kulay rosas na nakatupi paayon sa hugis ng jewelry box. At isang puting papel na kung paano na lamang niya itinupi at isiniksik doon.

Ang rosas na papel ay simbolo ng kaligayahan nang una niyang tanggapin iyon. Ang ikalawa’y simbolo ng kamatayan ng pag-ibig at mga pangako ng lalaking minahal.

Kung bakit kailangang itago ang mga iyon ay hindi niya alam. Muli niyang binuklat ang kulay rosas na papel. Sa may bandang ibaba ay ang bahagyang nanlalabong salita. Pinatakan iyon ng luha niya noong araw na una niya itong basahin.

Limang taong mahigit na ang lumipas…

Chapter 3

Nilingon ni Kimberly ang mga magulang. Nakita niya ang biglang pagtigas ng mukha ng ama. Ganoon din si Patrick na nagtagis ang mga bagang. Kung mayroon mang nakapuna ay hindi masabi ni Kimberly.

“Mom, please, pagsabihan ninyo si Kuya. Nakikiusap ako…” Tumango si Cristina at kaswal na lumakad patungo sa kinaroroonan ng bagong-kasal. Isang pisil sa balikat ang ibinigay nito sa anak at nagpatiunang sumalubong sa mga bagong dating.

Nilingon ng dalaga ang ama. “Dad, kung paano ninyo pakikiharapan ang mag-asawang Marzan, sana ay ganoon din kay Renz. Please, Dad, ayokong may mag-isip kung bakit may namamagitang animosity sa inyo.”

“I cannot promise a warm reception, hija. But I will be very civil,” ani Joseph na hinawakan ang nanlalamig na palad ng anak bago sinundan si Cristina.

Nakita niyang tumayo si Laila bagaman bantulot ang pagsunod ni Patrick.

“Hello, Renz. This is quite a happy reunion. Wala na akong mahihiling pa. Pareho kayong nandito ni Kimberly pagkalipas ng tatlong taon.” Narinig niyang sinabi ng hipag.

“My best wishes, Lai,” kinamayan ng lalaki si Laila. Pagkatapos ay tumingin kay Patrick at yumakap dito. “Congratulations, pare. After five years, kayo pa rin talaga.”’

“Iyan ang kaibahan nating dalawa, Renz. Tapat akong magmahal at hindi ako naglalaro sa babae,” sagot ni Patrick na bagaman bahagyang ngumiti ay binigyang diin ang mga sinabi.

Hindi maunawaan ni Renz pero nahihimigan nitong may ibang kahulugan ang sinabi ng kababata at kaibigan kung sa ibang pagkakataon nasabi iyon ay tatawanan lamang ni Renz. Lagi nang nabibiro nang ganoon si Patrick kung tungkol din lang sa pagpapalit-palit ng girlfriends ang binata.

Samantalang si Kimberly ay nilapitan ng mga magulang ni Renz.

“Kumusta ka na, hija?” Si Guada Marzan. “Kung hindi pa pala ikinasal itong si Patrick ay hindi ka mauuwi rito sa San Ignacio. Pareho kayo nitong si Lorenzo. Halos dalawang taon sa Amerika. At nang mauwi naman dito sa Pilipinas ay ngayon lang muli tumuntong sa lugar natin.”

“Hello, Kimberly. It has been a long time.” Si Renz sa malamig na tinig at blankong ekspresyon.

“Renz…” bahagya siyang ngumiti. Pilit itinago ng ngiti ang kaba ng dibdib at panginginig ng mga tuhod. How dare he look even better than he had three years ago. Mula nang umalis siya sa San Ignacio tatlong taon na ang nakararaan, tinaglay niya sa isip na walang ibang lalaking maaaring pumantay rito. Ang tila nangungusap na mga mata… ang pilyong ngiti… ang pagsasalubong ng mga kilay kapag nagagalit, all added to his good looks. At nagagalit siya sa sarili dahil hanggang ngayon ay para pa rin siyang teenager na nakamata rito.

“Eh, ang napangasawa mo, hija, talaga bang wala na kayong pag-asang magkasundo pang muli?” Si Mrs. Marzan.

Ang pinraktis na lungkot ay natural na lumabas sa mukha niya. Sa mga pagkakataong ganito na may nag-uusisang mga taga-San Ignacio sa “asawa” niya ay ganoon ang ginagawa niya. Tulad ngayon.

“Oh, I’m sorry, hija,” bawi ni Mrs. Marzan. “Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari. Nalulungkot din kami, Kim. You are such a nice girl and you really deserved a better husband “

“Did you file an annulment, Kim?” Si Mr. Marzan.

“I… I’m working on it. Pero alam naman ninyo ang mga ganitong legal matters, taon ang binibilang,” aniya.

“But surely, hindi mo kailangang maghintay ng annulment para magkaroon uli ng panibagong kakasamahin, ’di ba, Kimberly?” Si Renz na may bahid ng malisya ang tinig. Gulat na napatingin dito si Kimberly.

“Lorenzo!” Si Mrs. Marzan. “How dare you say such thing. Hindi si Kimberly tulad ng ibang mga baba riyan. Parang hindi mo kilala ang kapatid ng kababata mo. Sadyang may mga lalaking hindi magkasya sa iisang babae. Tulad mo, halimbawa. You never stopped womanizing around. I only hope na ’pag nag-asawa ka’y iukol mo na lang sa mapapangasawa mo ang katapatan,” wika nito sa anak na tumaas ang isang sulok ng mga labi sa patuyang pagngiti.

“Lalaki ang anak mo, Guada, at likas na lapitin ng mga babae,” pagtatanggol ni Mr. Marzan.

Bago pa humaba ang usapan ay lumapit si Cristina at niyaya sa mahabang mesa ang mag-asawa. Sinamantala iyon ni Kimberly at mabilis na lumakad papasok sa kabahayan. Walang tao sa loob at nasa labas lahat. Dumeretso siya sa bar. Kinuha ang bote ng champagne sa cooler at nagsalin sa kopita. Pagkatapos ay pinangalahati ang laman.

Nanunuyo ang lalamunan niya, nanginginig pati mga tuhod. Kailangang makalmante siya. Hindi niya inaasahang magkikita sila rito ni Renz. Hindi niya iniisip na dadaluhan nito ang kasal ni Patrick. Hindi siya makapaniwalang may lakas ito ng loob na makiharap sa kanya pagkatapos ng lahat.

“Since when did you learn to drink? lyan ba ang natutuhan mo sa napangasawa mo?” Si Renz na sumunod. Hindi itinago ang galit sa tinig.

“Things have changed…” aniya na bagaman bahagyang nagulat ay pinanatili ang poise.

Tumuloy rin sa bar ang binata. Kinuha ang bote ng brandy at nagsalin. “Yes. Things have changed. You have changed a lot. You look different.” Sinabayan nito ng inom.

“Hindi ko alam na nagbago ako…” matabang niyang sagot. Nanatiling sa champagne nakatuon ang mga mata. Hindi niya gustong salubungin ang tingin ng binata.

“Oh, yes,” tumango ito. Hinagod siya ng tingin na tila siya specimen na sinusuri sa ilalim ng microscope at wala itong pakialam kung obvious ang ginagawa. “The girl I remembered was no longer a girl. She was now a smartly dressed and beautiful woman… Higit na maganda. But you’ve lost that innocent look.”

“Matagal na iyon, Renz…” It seemed a lifetime ago. Marami nang nangyari at nabago. Hindi lamang sa pisikal niyang anyo kundi maging sa isip at gawi.

“Yes. That little girl was lost a long time ago.” Huminga ito nang malalim. Tila nag-ulap sandali ang mga mata. Pero sandali lamang iyon at muling pagalit na tumingin sa kanya. “Pagkatapos ng gabing iyon, Kimberly, kanino ka pa pumatol?”

Gulat na napatitig si Kimberly rito. “I… I… never…” had a man in my life maliban sa iyo, Renz, ang sana’y sasabihin niya. But she’d die kaysa ipaalam sa lalaki ang bagay na iyon.

“Oh, well, there’s no way of knowing. Tulad ng kung paanong hindi mo gustong ipaalam ang tungkol sa atin. The usual demure act. Napaniwala mo kahit ang Mama,” sarkastikong wika nito.

Sinisikap niyang kontrolin ang galit na pilit umaalpas sa dibdib. “Wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan, Renz. I did not invite you here,” sinabi niya sa pinakamalamig na tinig.

“Hindi mo kailangang gawin iyon, sweetheart, hindi ba? Kusa kaming lalapit sa iyo na tila mga langgam sa asukal. Bakit ba, eh, kaiba ka sa lahat, kahit sa sarili mong mga kaibigan. You were always so shy, prim and proper. You did not even swoon over me when almost every girl of your age did. When all the while you had a crush on me. Mahusay kang artista, Kimberly.”

“Get out, Renz!” hiyaw niya na kumawala ang galit. “Kung tutuusin ay ginamit mo ako, pinagsamantalahan! I was young pero nasa hustong gulang ka na noon. You took advantage!”

Tumaas ang kilay ng lalaki. “Really?” tuya nito. “You were more than eager sa pagkakatanda ko. You couldn’t get enough of me. And how old were you then under the moonlight that night?”

Pinamulahan ng mukha si Kimberly sa galit at pagkapahiya.

“I hate you!” baling niya rito sa nag-aapoy na mga mata. Tumayo siya upang lumabas subalit mabilis siyang nahawakan nito sa braso at marahas na ibinalik sa bar. Tumama ang balakang niya sa stool at napangiwi siya sa sakit.

Nakakulong siya sa mga braso ni Renz. Kung nagagalit siya’y nagagalit din ito. Nararamdaman niya ang init ng galit nito. At kung bakit ay hindi niya maunawaan.

“Sinabi mo rin sa akin iyan noon sa batis, ’di ba? Kinasusuklaman mo ako pero hindi ka napigil noon sa pamimilipit sa ilalim ng mga yakap at halik ko while we made love for hours!”

“Oh!”

“Yes, oh!” pagalit nitong gagad. Pagkatapos ay patuyang ngumiti. “You gasped, moaned, sighed, and writhed under me, sweetheart. At hindi ko kailanman nalimot ang gabing iyon. It was a delicious thought.”

Nanlalambot na umupo sa stool ng bar si Kimberly. Hindi niya kayang salubungin ang galit nito.

“Naaalala mo rin ba iyon, sweetheart?” Sinabi nito ang endearment na tila siya kasuklam-suklam.

“Oh, stop calling me that,” protesta niya sa nahahapong paraan. Nagpapaalala lamang iyon ng mga masasakit na pangyayari.

Marahang tumawa ang binata. “Nakadarama ako ng deja vu. Sinabi mo na rin sa akin iyon noon. More than five years ago, sa ilalim ng punong-mangga. Sa duyang yantok. Nariyan pa ba iyon?”

She bit her lower lip hanggang sa pakiramdam niya’y gusto nang magdugo niyon. How dare he remind her of that… ng mga katangahan niya… ng mga panahong nagsisimulang umusbong ang pag-ibig niya rito. And how until this very moment she had loved this man so much that it had really hurt.

“Para ano ang pag-uusap na ito, Renz?” aniya nang makabawi sa emosyon. “Ano ang gusto mo?” may bahid ng pagsusumamo ang tinig niya.

“Sisingilin ko ang utang mo sa akin, Kimberly, ang pangako mo sa akin. Lamang, sa pagkakataong ito ay walang obligasyon mula sa akin na panagutan ka. Kung noong araw na halos hindi ka pa humihiwalay sa kabataan ay naipagkaloob mo sa akin ang iyong sarili, bakit hindi ngayon?” May banta sa tinig nito na nagpatayo sa mga balahibo m Kimberly.

“A-ano ang sinasabi mo?”

“Isa ka nang biyuda ngayon, Kimberly. Biyuda sa buhay. Kung bakit ka iniwan ng asawa mo’y isang misteryo para sa akin gayong ayon sa balita ay wala pa kayong isang taong nagsama. It suits me fine, dahil alam mo na kung ano ang sinasabi nila sa mga biyuda. Mainit daw ang mga ito. At dati ka nang mainit, sweetheart.”

Punong-puno ng pagkasuklam ang tinig at anyo ni Renz. At walang salitang namutawi sa mga labi niya. Nanunuyo ang lalamunan niya sa galit, pagkapahiya sa mga insulto, at takot sa sinasabi ng binata. Gusto niyang pagbuhatan ito ng kamay pero hindi niya magawa.

“G-gusto ko nang lumabas, Renz, please…” Nagsusumamo ang tinig niya. May mga luhang nagbabadyang pumatak. Kung magtatagal pa siya sa harap nito ay alin na lamang sa dalawa ang mangyayari. Mauupos siyang tila kandila o maghihisterya siya.

Bahagyang lumambot ang mukha ni Renz nang matitigan siya. “Pumanhik ka sa silid mo, Kimberly, at ayusin mo ang sarili mo. Namumutla ka,” mariing utos nito.

Mabilis niyang nilakad ang patungo sa hagdan na nakataas ang ulo. Sinikap panatilihin ang dignidad. Papanhik na siya nang muling magsalita si Renz

“Magkikita tayong muli, Kimberly.” Naroon ang katiyakan sa tinig nito bago ito humakbang palabas ng kabahayan.

Sa silid niya’y ibinagsak ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak. She doesn’t deserve all the anger and insult. Bakit parang nagkabaligtad ang mga pangyayari?

Makalipas ang ilang sandali ay marahan siyang tumayo at binuksan ang drawer sa night table. Kinuha ang jewelry box at binuksan ito. Mula roon ay dinampot ang dalawang sulat. Isang kulay rosas na nakatupi paayon sa hugis ng jewelry box. At isang puting papel na kung paano na lamang niya itinupi at isiniksik doon.

Ang rosas na papel ay simbolo ng kaligayahan nang una niyang tanggapin iyon. Ang ikalawa’y simbolo ng kamatayan ng pag-ibig at mga pangako ng lalaking minahal.

Kung bakit kailangang itago ang mga iyon ay hindi niya alam. Muli niyang binuklat ang kulay rosas na papel. Sa may bandang ibaba ay ang bahagyang nanlalabong salita. Pinatakan iyon ng luha niya noong araw na una niya itong basahin.

Limang taong mahigit na ang lumipas…

Chapter 4

MATULING lumipas ang mga araw at abala sina Kimberly at ang mga kaibigan niya sa pag-aayos ng hall na pagdadausan ng Senior prom.

“Ma’am Portia, pantay na po ba?” Si Kimberly na nakatuntong sa isang hagdanang kahoy habang ikinakabit sa dingding ang mga lettering.

“Kaunti pa sa kanan, Kimberly… yes, that’s right. O, sige, bumaba ka na diyan.” Sinulyapan ng maestra ang tatlo pang estudyante na naggugupit ng mga cartolina. “O, girls, break muna. Mamaya na uling three-thirty Pupunta muna ako sa office.”

“Bye, ma’am.” Nag-chorus pa ang apat na babae.

“O, Kim, break daw muna. Pupunta ba tayo sa canteen?” Si Lilibeth.

“Naka, anong canteen ang sinasabi mo, eh, holiday ngayon,” Si Gigi na tumayo mula sa pagkakasalampak sa baldosa at nag-unat. “Sa labas ng school na lang tayo mag-snack.”

“Hoy, hoy, kakakain lang natin ng tanghalian, ah. Ala-una y media pa lang. Sa bahay na lang kayo mag-snack dahil ’sabi ng Mommy, magluluto siya ng arrozcaldo,” sagot ni Kimberly na ipinatong sa mesa ang hawak na paste. Pagkatapos ay naupo sa dulong mesa.

“Kung gusto ninyo, maglaro na lang tayo ng truth or consequence habang hinihintay natin si Ma’am Portia?” suhestiyon ni Laila na lumakad patungo sa isang sulok at kinuha ang isang basyong bote ng soft drink.

“Okay lang sa akin kahit na anong laro,” Si Kimberly.

“Boring naman,” Si Gigi. “Eh, kung panoorin na lang natin ang boys na nagpa-practice ng basketball sa court? ’Di ba, Kim, naroon ang Kuya Patrick mo at si Renz?”

Tumango ang tinanong.

“I like that idea,” segunda naman ni Lilibeth na may crush din kay Renz.

“Mahiya kayo, ha. Obvious masyado ang pagpapakita ninyo ng crush kay Renz. Alam naman ninyong may girlfriend na iyon. At balita ko’y ubod ng selosa si Dianne.” Si Kimberly uli.

“Hay naku, ewan ko ba diyan sa dalawang iyan, Kim. Parang mga sira. Bukod sa may girlfriend ay tiyak na hindi kayo papansinin noon dahil ang babata natin.” Si Laila na naupo sa baldosa at inikot-ikot ang bote ng soft drink.

Umirap si Lilibeth. “Hmp! Ang killjoy ninyong talaga. Hindi naman kailangang pansinin kami ni Renz. Okay na iyong makita namin siya at mangitian kami.”

“Talaga.” Si Gigi. “Kung di ko pa alam na iyang isa diyan ay may crush kay Patrick.”

Namula si Laila. Ngumiti si Kimberly. Tulad niya ay sinisikap ni Laila na huwag ipahalata ang crush nito sa kuya niya. Pero hindi nakuhang itago ng dalagita ang malimit na pagsulyap kay Patrick. At malimit itong napapatanga kapag nasa paligid ang binata.

“Eh, ano? Hindi naman ganoon ka-obvious,” sagot ni Laila na sinisikap maging kaswal ang boses at tumingin kay Kimberly na nakangiti pa rin. “Kayo, kulang na lang ay yakapin ninyo si Renz.”

Nagtawanan ang dalawa nang makita ang pagba-blush ni Laila. “Sige na nga, maglaro na lang tayo at baka mapikon ka pa.” Si Gigi na naupo sa tabi ng kaeskuwela. Sumunod na rin si Lilibeth at Kimberly.

“Basta kung sino ang taya talagang susunod, ha?” Si Lilibeth.

Hindi nagtagal ay nagkakatuwaan na ang apat na mga dalagita sa paglalaro. Isang ikot ng bote at natapat kay Laila ang bote.

“Truth or consequence?” si Gigi.

“Consequence—ay teka, truth na lang…” alanganing sagot ni Laila.

Nagsulyapan sina Gigi at Lilibeth. Pagkatapos ay nagbulungan. Nagtatakang nagkatinginan sina Laila at Kimberly.

“O, sige. Sagutin mo nang totoo, ha? Kami sport lang.” Si Lilibeth na muling sumulyap kay Gigi. “Ano ang sinabi sa iyo ni Patrick nang minsang hilahin ka niya sa likod ng mga halaman noong isang araw na nag-uwian?”

Biglang napahugot ng hininga si Kimberly. Hindi niya alam iyon. Si Laila ay hindi malaman ang gagawin. Pinamumulahan ito ng mukha.

“F-foul iyan, ha? Ano ba ang sasabihin noon sa akin?”

“Eh, ano nga ba? Kaya nga itinatanong namin, eh. Sumagot ka nang totoo.” Si Gigi na sinegundahan agad ni Lilibeth.

Ilang segundong hindi nakakibo si Laila. Muling nagsalita si Gigi.

“Magkakaibigan naman tayo, ’di ba? Ang sekreto ng isa, sekreto ng lahat.”

Huminga nang malalim ang dalagita. “G-gusto niyang siya ang partner ko sa Senior Prom. Kaya raw nila, ni Renz, na pumasok sa party.”

Nagtilian ang dalawa. Nakangiti lamang si Kimberly na nakatingin sa nakayukong si Laila. Matanda ito nang isang taon sa kanilang apat, seventeen. Matagal na niyang alam na may crush ito sa kanyang Kuya Patrick pero hindi niya alam na may katugon mula sa kapatid. Somehow ay gusto niyang managhili sa kaibigan. At least, iyong crush nito ay crush din ito. And who knows, baka mag-boyfriend na ang dalawa kung ang pagbabatayan ay ang nalaman niya ngayon.

Patuloy ang pag-ikot ng bote. Si Lilibeth ay nautusang magtapon ng lahat ng basura. Si Gigi naman ay ipinatastas ang mga naikabit na letterings at muli ring ipinadikit. Bumalik uli kay Laila ang bote na consequence na ang pinili. Pinabili ito ng soft drinks sa labas ng school.

Hanggang sa matapat ang bote kay Kimberly. Nagkatuwaan ang tatlo. lyon ang unang pagkakatapat ng bote sa dalagita.

“Sa wakas.” Si Laila. “Akala ko ay hindi ka na matataya. Gusto kong isiping ginagamitan mo ng psycho-kinesis ang bote para huwag matapat sa iyo.”

“Ako ang iisip ng tanong at utos, ha? Iyong mahirap.” Si Lilibeth na nakangiti. “Truth or consequence?”

“Consequence,” nakangiting sagot ni Kimberly. Ano pa ba ang maaaring iutos gayong halos nagawa na ng mga kaibigan.

Saglit na nag-isip si Lilibeth. Pagkatapos ay ipinitik ang dalawang daliri. “Alam ko na!” Napatingin ang tatlo rito.

“Lumabas ka ng building na ito at ang unang lalaking makasalubong mo within the premises ay halikan mo.”

“Ano?!” Si Kimberly na namilog ang mga mata. “Paano kung si Mang Tasyo ang makita ko?” Na ang tinutukoy ay ang janitor. “Kanina lang ay nakita ko siya diyan sa labas.”

“O, eh, ano? Di halikan mo sa pisngi nang walang sabi-sabi.”

“Oo nga, Kim. Kami, sport lahat, ha. Huwag kang madaya.”

“Oo na!” Padabog na tumayo ang dalagita. “Komo ngayon lang ako nataya, pinahirapan n’yo naman ang utos.” At mabigat ang mga hakbang na lumabas ng hall ang dalagita.

“Walang dayaan, ha. Maninilip kami!” hiyaw ng tatlo. Tumayo na rin ang mga ito at sinundan ng tanaw si Kimberly.

May anim na dipa na halos ang nalalakad ni Kimberly at wala pa rin siyang makitang tao. Sana nga ay wala. Ang utos ay within the premises. At sana ay umuwi na rin si Mang Tasyo. Kahit ba sa pisngi, eh, mukha namang hindi naliligo ang janitor nilang iyon.

Ang tatlong nakamasid kay Kimberly ay pare-parehong napatutop ng bibig nang mapuna ang isang taong patungo sa dinadaanan ni Kimberly.

“Ay, ang daya! Sana, ako na lang!” si Gigi.

“Sshh!” saway ni Lilibeth. “Huwag kang maingay. Magtago tayo.”

Nagulat pa si Kimberly nang sa pagtaas niya ng mukha ay makitang makakasalubong niya si Renz. Napahinto siya sa paglakad.

Chapter 5

“Renz!” bulalas ng dalagita. Sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya. Of all the persons in the world. Puwede namang ang Kuya Patrick niya.

“O, sweet—Kim! Bakit para kang nakakita ng multo diyan?” Si Renz na nagtaka sa pagkatigagal niya.

Hindi malaman ng dalagita ang gagawin. Nilingon ang tatlo sa building. Nakita niyang sumenyas ang mga ito na gawin ang utos bago muling umatras. Sinundan ni Renz ang nilingon niya.

“Sina Laila ba iyon? Tapos na ba kayong mag-decorate ng hall?”

“Ang… ang… kuya ko?” nagkakandautal siya.

Paano ba niya lulusutan ito?

“Kanina pa umuwi. Pauwi na nga rin ako. Kanina pa tapos ang practice at ako na lang ang nahuli. Bakit ba?”

Isang lingon pa uli sa tatlo ang ginawa ng dalagita. Naiinip na ang mga ito. Siya naman ay parang gusto nang maiyak.

“What’s wrong, sweetheart?” muling tanong ng binata na nagsasalubong ang mga kilay “May problema ba sa loob?”

“Eh… Renz… n-naglalaro kami ng truth or consequence. Ako ang taya.”

“Ows? At ano ang iniuutos sa iyo?”

Nagyuko ng ulo ang dalagita. Huminga nang malalim bago alanganing tumingin dito. “To… to… kiss you. Rather… kung sino ang kauna-unahang makita kong lalaking dadaan dito.”

Sandaling hindi nakakibo si Renz. Napatitig sa dalagita. Pagkatapos ay ngumiti.

“Really? Well, I’m glad na ako ang napadaan.” Muling sinulyapan ang kinaroroonan ng tatlo na biglang nag-atrasan patago. “Wala bang ibang paraan para makalusot ka sa utos sa iyo?” amused na tanong ng binata.

Iling ang isinagot ng dalagita. “They were all so sport pagdating sa turn nila,” mahinang sagot niya. Ilang segundong katahimikan ang lumipas.

Mayamaya ay kumislap ang mga mata ni Kimberly at tumingala sa binata.

“May paraan, Renz!”

Chapter 6

“Y ES! May paraan!” aniya. Tumaas ang mga kilay ni Renz na bahagyang ikiniling ang ulo.

“Puwede kang tumanggi. Sasabihin ko sa kanila na hindi mo gustong halikan kita… that you don’t like to participate. Yes, that’s it!”

Tinitigan ng binata ang dalagita. Noon lamang hustong napagtuunan ng pansin ng binata si Kimberly. Para dito, kapatid na rin ang turing nito sa dalagita dahil nga matalik nitong kaibigan si Patrick since elementary days.

Pero minsan ay talagang nagtataka si Renz kung bakit nitong huli ay may mga binatilyong malimit na napagkikita sa bahay ng mga Antonio. Nang mahirang si Kimberly bilang Miss High school, he attended the coronation dahil lamang kay Patrick pero ang totoo, ni hindi nalaman ni Renz o napanood ang buong programa. Naroon ito sa likod ng science building, necking with his current girl, Dianne.

Nasa harap nito ang dalagita. Nakasabog sa mukha ang kulot-kulot na buhok. Parang painting ng mga sinaunang pintor sa Italy. Shy and pretty. Young and fresh like a flower not yet in bloom. At dapat sa mga pisikal na katangian na ito ng dalagita ay may boyfriend na tulad ng ibang mga kasing-edad na kakilala nito. Pero wala na lamang ganoon si Renz.

“Hey, hindi ka na kumibo. Bakit titig na titig ka sa mukha ko?”

“Because I want you to kiss me, sweetheart,” ani Renz.

“A-ano?” hindi makapaniwalang bulalas ni Kimberly. Tama ba ang narinig niya?

“Ang sabi mo nga, sport lang sila sa bahagi nila. Bakit hindi ikaw? And were you not suppose to kiss me at sight? The mere fact na sinasabi mo sa akin ito ay nandadaya ka na. Pagkatapos ay gusto mo pang umiwas. You can’t cheat, can you?” nakangiting sinabi nito.

“Pero… pero…” hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Sa palagay niya ay nanlalamig ang buo niyang katawan.

Sana’y si Mang Tasyo na lamang ang dumaan, kahit na siguro hindi ito naliligo. “Nagbibiro ka lang, ’di ba?”

“Sweetheart, I’ve never been serious in my whole life. Besides, this is just a game. Be sport.”

Walang masabi si Kimberly. Nanatiling nakatanga. Nanlaki ang mga mata niya at napalunok siya nang banayad na hawakan ni Renz ang baba niya at itingala.

“This is already cheating you know? Ikaw ang dapat na humalik sa akin. Not the other way around,” bulong ni Renz habang unti-unting bumababa ang ulo nito tulad sa isang slow-motion patungo sa mga labi niya.

Gusto niyang umatras at umiwas pero tila siya naestatwa sa kinatatayuan.

When he touched her lips, ipinikit niya ang kanyang mga mata on instinct. And he gave her the softest and gentlest kiss ever.

Pagkatapos ay unti-unti rin ang pagbitaw na ginawa nito sa kanya that she even parted her lips a little. Nang magmulat ng mga mata si Kimberly ay litong tinitigan niya si Renz. Nakita niyang nagsasalubong ang mga kilay nito. Hindi niya maunawaan ang ekspresyong nakabadya sa mukha ng binata. Pero iglap lamang iyon. Ngumiti ito.

“So there, mission accomplished,” kaswal nitong sinabi.

Kumislap ang mga mata ni Kimberly sa biglang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. She blinked the mists away and swallowed hard.

“There’s no need to be misty-eyed, sweetheart. I just gave you my fastest kiss on record.” Marahan at banayad ang tinig nito pero nahihimigan niya ng amusement.

Bahagyang umatras nnag dalawang hakbang ang dalagita. Pagkatapos ay tumalikod at patakbong bumalik sa building. Hindi pa siya halos nakakapasok ay nagkakantiyawan na ang mga classmate. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo siya sa baldosa. Bahagyang humihingal. Hindi niya alam kung dahil sa ginawang pagtakbo o dahil sa halik na iyon.

“Goodness, Kim, how lucky can you get!” Si Lilibeth.

“Gusto kong himatayin!” kinikilig nitong sinabi na umupo na rin sa tabi niya.

“Oh, dear! Bakit hindi sa akin natapat ang utos na iyon at sa oras ding iyon. Puwede ko sanang itala sa diary ko na ang first kiss ko ay ang crush kong pinakaguwapong lalaki sa buong campus!” Si Gigi.

“Anong first kiss mo? Nagbibiro ka. Huwag mong sabihing hindi ka pa nahahalikan ni Jimmy?” Si Laila na natatawa.

“Spoilsport!” angil ni Gigi. “Basta, talagang naiinggit ako sa halik na iyon, Kimberly!”

“Hus, halik ba iyon? Dampi lang, eh,” pangangatwiran ng dalagita. Sunod-sunod pa rin ang kabog ng dibdib.

“Dampi! That was four seconds to be exact. Oh dear, it was like watching a romantic dream. Like Lancelot to Guinevere… and Prince Charming to Sleeping Beauty.”

“So kilig talaga, Kim!”

“O, sige na. Kilig na kung kilig. I’m only sorry na hindi ganoon ang nararamdaman ko,” aniya na wala sa loob na inikot-ikot ang bote ng softdrink.

Tinitigan siya nina Lilibeth at Gigi. Si Laila ay tahimik lamang na nakamasid at ngingiti-ngiti.

“Alam mo, sa lahat sa ating apat, ikaw pa lang ang ni minsan man ay hindi pa nagkaka-boyfriend. At isiping halos may crush sa iyo ang male population ng high school department,” ani Lilibeth na naghihinalang nakatitig sa kanya. “Kung nasa akin lang ang beauty and brain mo, ’day, naku iyang boys na iyan.”

“Mabuti na lang at hindi sa iyo napunta,” natatawang wika ni Laila.

Hanggang sa pauwi sila’y hindi pa rin matigil sina Gigi at Lilibeth sa katutukso sa kanya. Nakitawa at nakisakay siya dahil hindi niya gustong mahalata ng mga kaibigan ang damdamin.

Her very first kiss! Nararamdaman pa niya ang mga labi ni Renz sa mga labi niya She was only too glad na hindi nito napuna ang panginginig ng mga tuhod niya.

Can a kiss really be so electrifying?

Anuman ang nangyari, lumipas man ang panahon, she will always treasure that moment.

Chapter 7

SABADO ng gabi ng sumunod na araw ay ang senior prom. Napakaganda ni Kimberly sa off-shouldered pink chiffon dress na may nakakabit na rosas na ginawa sa ganoon ding tela sa may dibdib niya.

Ang mommy niya ang naglagay ng makeup sa kanya. Very light na halos hindi mapupuna at dinampian ang mga labi ng frosted pink lipstick.

“Wow, sis! Mukhang hindi ka sixteen, ah. Dalagang-dalaga ka na sa ayos mo.” May paghangang sinuyod siya ng tingin ni Patrick.

“Ikaw rin, Kuya. Natitiyak kong sa gabing ito ay ikaw lang ang makikita ni Laila,” nakangiting tukso niya.

Biglang hinila ni Patrick ang kapatid sa sulok. “Iyang bibig mo, ha. Mamaya marinig ka ng Daddy.”

“Ano ang maririnig ni daddy ninyo?” Si Cristina na sumungaw sa pinto kasunod si Joseph.

Nagkamot ng ulo si Patrick. “Wala, Mommy.”

“Patrick, hijo, baka naman ikaw ay nakikipag-girlfriend na niyan, ha? I have nothing against it, anak. Kaya lang baka hindi mo kayang i-maintain ang distansiya ninyo sa isa’t isa ay masubo ka. Mahirap magpamilya nang hindi handa, hijo.” Si Joseph.

“I promise you, Dad. Hindi ako mag-aasawa hanggang hindi ko kayang suportahan ang magiging pamilya ko. I’m giving you my word of honor,” seryosong sinabi ng binata.

Tumango-tango si Joseph. “I’ll count on that.”

“Patrick, hindi gaanong magpapagabi, ha? Huwag mong iiwanan ang kapatid mo habang nasa likod ka ng halamanan,” natatawang bilin ni Cristina.

“Mom!” Nilingon ng binata ang nagtatawang si Cristina.

“Did it hit home, son?”

“Sinabi n’yo pa, Mommy,” segunda ni Kimberly na kung hindi nakatakbo ay napalo sa likod ng kapatid.

Tulad ng inaasahan na niya ay dinaanan muna nila si Laila sa bahay nito. Marami nang tao pagdating nila at nagsisimula na ang programa. Pinagkalumpunan kaagad si Kimberly ng mga boys na bawat isa ay nagnanais na maisayaw siya.

Ilang tugtog ang walang hinto niyang isinayaw. From slow drag to rock. At nag-e-enjoy siya, idagdag pa ang mga papuri ng mga kasayaw.

Kasalukuyan niyang kasayaw ang presidente ng student council nang lapitan sila ni Renz.

“Excuse me, puwede bang ako na ang magtuloy, pare?” nakangiting wika nito sa partner niya na bagaman gustong tumanggi ay nagbigay.

Abot-abot ang tahip ng dibdib m Kimberly nang hapitin siya ni Renz at pumagitna sila sa bulwagan sa saliw ng Tales from the Vienna Woods.

“Para kang bulaklak na pinagkakaguluhan ng mga bubuyog, sweetheart. You never missed a single piece.”

“Bakit ka narito?” pormal niyang tanong. Ang kuya niya ay nasa labas at kausap si Laila at may palagay siyang kahit abutin ng ilang oras na hindi pumasok ang kaibigan ay bale-wala rito. “Paano kang nakapag-party crash?”

“I’m surprised you asked me that. Tiya ko ang principal ng high school, nalimutan mo na ba? Ayun siya, o,” inginuso nito si Mrs. Peralta na kasama ng ibang mga guro.

That was stupid of her. Pero ano ba ang maaari niyang ipagkipag-usap dito? Bahagya siyang inilayo ni Renz at sinuyod ng tingin.

“You’re looking good, sweetheart. As if you’re celebrating your debut,” wika nito nang nangingislap ang mga mata. Hinapit nito ang dalagita.

Hindi niya magawang sumagot. Ano ba ang sasabihin niya? Ang tanging alam niya’y magkadikit silang dalawa. Nasasamyo niya ang panlalaking cologne nito and it’s tickling all her senses.

“Nagagalit ka ba sa akin dahil sa nangyari kahapon?” tanong ni Renz na ipinagkamali ang pananahimik niya.

Umiling siya. “Hindi. It was just a game, wasn’t it?” sagot niya sa malamig na tinig. Inulit lamang ang sinabi ng binata kahapon.

Amused na ngumiti ang binata. “Don’t go sophisticated on me, sweetheart. Maaaring mukhang dalaga ka na sa ayos at suot mo, but you’re still my sweet sixteen. Hindi mo kailangang lagyan ng yelo ang tingin mo.”

“Siguro nga, dahil hindi ko alam ang mga isasagot ko sa mga sinasabi mo. Maliban sa gusto kong itanong kung bakit ka gumamit ng possessive pronominal adjective na para bang pag-aari mo ako?”

Malakas na tumawa si Renz na ikinalingon ng mga ibang nagsasayaw sa kanila. “Speaking like a valedictorian. My lang ang ginamit ko, kung ano-ano nang term ang sinabi mo.” Huminto ito sa pagsasayaw at hinila ang dalagita palabas.

“Saan mo ako dadalhin, ano ba, Renz?”

“Sa labas. Mainit dito at tinititigan na ako nang masama ng Tita Gwen. Five minutes lang kasi ang paalam kong nasa loob. Ang kaso, hindi naman ako makasingit sa mga nakapaligid sa iyo dahil hindi naman ako senior high.”

Para siyang pinipilit sa gusto sa paghilang iyon ni Renz sa kanya. Lumabas sila sa may halamanan kung saan may mga bench na bato. Naupo si Renz pero nanatili siyang nakatayo.

“Maupo ka. Hindi ka ba nangangawit niyan?”

“Baka hanapin ako ni Kuya,” aniya na lumingon sa pinanggalingan nila.

“Abala siya sa pakikipag-usap kay Laila. Don’t worry.”

Sumandal si Kimberly sa isang poste ng building.

Tumayo si Renz. Itinukod ang isang braso sa poste sa ibabaw ng ulo ni Kimberly habang itinaas ng isang kamay nito ang mukha niya.

“You’re only a baby. Kung hindi lang liligawan kita,” bulong nito sa kanya. Marahan nitong pinaglandas ang forefinger sa pisngi ni Kimberly na napatanga sa caress na iyon.

“Come on, lover boy, don’t be a cradle snatcher,” anang tinig sa likuran nila.

Nilingon ito ni Renz. “Dianne? Ano’ng ginagawa mo rito?” may bahagyang iritasyon sa tinig ng binata.

“Galing ako sa inyo. Sinabi ng mama mo na nandito ka nga raw. Pati ba naman ang party ng mga bata, Renz, pinatulan mo pa,” nakangiti ang dalaga. May himig ng tukso ang tinig. Pagkatapos ay sinulyapan nito si Kimberly na hindi pa rin makakilos. Nginitian siya. “Sige na. Kimberly, bumalik ka na sa party ninyo. Don’t let this guy spoil it. Pati ba naman ikaw ay kinakatalo nito,” wika nito sa friendly voice.

Marahang humakbang si Kimberly. Ewan niya pero hindi siya naniniwala sa palakaibigang tono ng boses ni Dianne. Somehow, alam niyang pakitang-tao lamang iyon. Kung bakit kailangang gawin nito ang ganoon ay hindi niya alam.

“I’ll take you back there, Kim,” si Renz na akmang hahawakan siya sa braso subalit pinigil ito ni Dianne.

“She won’t get lost, Renz,” at tumawa ito nang marahan.

“S-sige. maiwan ko na kayo…” Tuloy na sa paglakad ang dalagita na hindi lumingon.

Chapter 8

Dumeretso siya sa refreshment area at kumuha ng maiinom. Tumanggi siya sa mga nagyayakag sumayaw at halos hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng mga classmate niya. Ang isip niya’y naroon kina Dianne at Renz.

Nagseselos siyang isiping magkasama ang dalawa. Parang may bahagi ng dibdib niya na hinihiwa ng isang patalim. Oh, dear, Lord! She could not be in love with Renz. Crush lamang ang nadarama niya para sa binata at lilipas din iyon kaya hindi totoong nasasaktan siya. Paulit-ulit niyang ipinapasok sa isip niya iyon.

Party ng mga bata! Dianne sugar-coated the insult sa pamamagitan ng paimbabaw na ngiti. Bata! Eh, mas matangkad pa siya rito.

Hanggang sa makauwi sila’y iyon pa rin ang iniisip ni Kimberly. Lalo na ang sinabi ni Renz na kung hindi lamang bata pa siya ay liligawan siya nito. Bakit ganoon? Magkasing-edad lamang ito at ang kuya niya pero kasintahan na ng kapatid si Laila. At isang taon lang naman ang tanda ng huli sa kanya.

Nag-aalala kaya si Renz dahil kaibigan nitong matalik si Patrick? Hanggang sa makatulog siya’y iyon ang laman ng isip niya.

Dumating ang araw ng graduation. Valedictorian siya samantalang cum laude si Renz. Batian at kamayan at kung ano-ano pang kuwentuhan pagkatapos ng commencement exercise. Ang mga magulang niya ay kausap ng mga magulang ni Renz at ang principal. Si Patrick ay kausap si Laila at ilang mga newly graduates. “Basta pumunta kayong dalawa sa amin dahil naghanda ang mommy ko,” imbita niya kina Lilibeth at Gigi.

“Tiyak iyon, eh, masarap yatang mag-spaghetti ang mommy mo,” si Gigi.

“Excuse me, girls,” si Renz na humalo sa kanila. Hinawakan sa braso si Kimberly. “May sasabihin lang ako dito sa sweetheart ko,” kinindatan nito ang dalawang dalagita. Pagkatapos ay hinila si Kim sa likod ng stage. Nagpahabol si Gigi na baka makita sila ni Dianne ay magselos ito.

“Bakit ba?” Bahagya siyang umangil upang hindi mahalata ang kabang nadarama niya sa tuwing lalapit ang binata. “Baka nga makita tayo ni Dianne ay pagselosan pa ako noon.” Oh, dear! Ang corny niya talaga.

“Forget her. Kahit bago pa ang senior prom ninyo ay nakipag-break na ako sa kanya,” sagot ng binata na may dinukot sa bulsa.

Nakadama siya ng galak sa sinabi nito. May katotohanan man iyon o wala ay hindi mahalaga. Ang batang puso niya ay naniniwala. At ang isa pang ipinagtataka niya ay ang pag-uukol nito ng pansin sa kanya nitong mga nakaraang araw.

“Congratulations,” ani Renz na inabot sa kanya ang isang rectangular box na malapad lamang nang kaunti sa lagayan ng Parker ballpen.

“A-ano ito?”

“Para sa iyo sa graduation mo,” nakangiting sagot nito.

Sinikap niyang maging kaswal. “Magreregalo ka rin lang, ang liit pa ng kahon.”

Natawa si Renz. “The most precious things in the world are wrapped in small packages.”

Umirap siya. “Oo na. At ano naman po ang laman nito?”

Pumormal si Renz. “Sa inyo mo na buksan, sweetheart. Binili ko iyan mula sa sarili kong allowance. It may not be very expensive pero ang thought na nakapaloob diyan ay higit pa sa mamahaling regalo.”

“W-well… thank you, Renz. Nakakahiya sa iyo, wala akong regalo.”

“You already gave it in advance,” he spoke huskily habang nakatitig sa mga labi niya.

Namula ang dalagita. Hindi man niya itanong ay alam niya ang ibig sabihin nito.

“Halika na at baka hinahanap na nila tayo.” Muli siyang hinila nito pabalik sa karamihan.

Mula sa isang grupo ay hindi niya napuna si Dianne na sinundan sila ng tingin at sa munting kahong hawak niya.

“O, saan ka ba galing? Aalis na tayo,” si Cristina. “Nauna na si Daddy mo sa kotse kasama si Patrick at si Laila. O, ano iyang hawak mo?” tanong nito nang mapuna ang hawak niya.

“Mula kay Renz, Mommy,” wala sa loob niyang sagot.

“How thoughtful!” nakangiting sinulyapan ni Cristina ang binatang kasama na ng mga magulang patungo sa sasakyan ng mga ito.

Pagdating sa kanila ay agad siyang humingi ng paumanhin na papanhik muna at magbibihis. Nag-lock siya ng pinto ng silid at naupo sa kama. Kinakabahang binuksan ang kahon habang ingat na ingat na hindi mapunit ang wrapper.

Isang kulay pink na papel ang una niyang nabungaran na nakapaibabaw. Inangat niya ito at natambad sa kanya ang isang gold-chain bracelet na may namesake. Naka-engrave doon ang pangalan niya at may “R” sa dulong kanan.

“Oh, Renz!” Gusto niyang maiyak sa nag-uumapaw na kagalakan. Ikinabit niya sa kanang braso ang pulseras at pagkatapos ay saka pa lamang dinampot ang kulay rosas na papel.

Sulat para sa kanya!

Chapter 9

S WEETHEART,

I have always treated you like a kid sister and never thought otherwise.

Until that fleeting kiss. And my world has turned upside-down.

I’ve kissed a lot of girls I already have lost count. But believe me, nothing can ever compare to that single and fleeting kiss we shared one lazy afternoon. Regardless of the reason why it was given and received.

Short though it was, it aroused millions of emotions that I myself could not even put a name into it.

You are very young. Only sixteen… and innocent, too. I wouldn’t doubt for one moment that it was my lips who touched yours first. Your lips have given me some sleepless nights. They were so soft like the petal of a rose yet to bloom… and sweet like a mist in an early morn.

What shall I call this unfamiliar feeling that grows inside my heart? Wish I knew why I was alarmed every time you turn your eyes on me.

If there’s one thing I’d like to do now — then that is to shake the sands of time. Shake it faster and find you’d still be here — waiting. Beautiful and with eyes that are those of the doves.

But it would be unfair to you…

One old adage says, “a dreamer can be forgiven but not a fool.” I maybe the latter for writing and telling you these without really knowing you will understand.

But I’m leaving us to time and fate, sweetheart.

Till then…

                                                  "R"

Chapter 10

“R ENZ…” ibinulong ni Kimberly ang pangalan.

Isang luha ang kumawala at pumatak sa hawak niyang papel. Maingat niya itong pinahid. Muling itiniklop, ibinalik sa kahon at inilagay sa drawer ng night table.

Hindi niya kayang pakitunguhan ang damdaming nag-uumapaw sa puso niya. Gusto niyang maghisterya. Ano ang ibig sabihin ni Renz? May pagtingin din ba ito sa kanya?

Eh, ano kung sixteen lang siya. Hindi naman ibig sabihin noon ay mag-aasawa na sila. Bakit ang Kuya Patrick niya at si Laila?

Ang sabi nito sa sulat ay hindi nito alam kung maiintindihan niya. Talagang hindi! At bakit kailangan niyang maghintay?

Isang marahang katok ang nagpagulantang kay Kimberly. Si Cristina. Mabilis niyang inayos ang sarili.

“Lalabas na ako, Mom. Sandali na lang.”

Sina Gigi at Lilibeth ay kasama at kausap ng dalawang classmates ni Patrick at nagkakainan. Si Patrick ay nasa balkonahe at kausap si Laila na kinawayan siya nang makita.

“Hi, Kim. Kanina ka pa namin hinahanap. Isinasama kasi ako ni Patrick kina Renz, eh.”

Nagtatanong ang mga mata ng dalagitang tumingin sa kapatid.

“Double celebration kina Renz ngayon, Kim. Dahil sa graduation nga at aalis na ito bukas ng umaga patungong Maynila. Inirekomenda siya ng tiyo niya bilang apprentice sa isang malaking drug company. Tuloy magre-review na rin para sa board,” paliwanag ni Patrick.

Napatda sa kinatatayuan si Kimberly. Aalis si Renz bukas. Hindi sila magkikita. Buong akala niya ay lalagi lamang sa San Ignacio ang binata at dito na rin magtatrabaho. Kung sabagay ay ano ba ang gagawin ng isang chemical engineer dito sa bayan nila?

“Sis, namumutla ka. Bakit?” Nag-aalalang hinawakan siya ni Patrick sa braso at iniupo sa upuang bakal.

“Ikukuha kita ng tubig, Kim,” si Laila na akmang papasok sa loob.

“’H-huwag na, Lai,” awat niya “Walang anuman ito. Parang bigla lang akong nahilo,” aniya sa mabuway na tinig.

Ang buong akala niya ay makikita pa rin niya ito habang nagmamadali siya sa paglaki. Kaya ba ito sumulat?

Huminga nang malalim si Patrick na tiningnan siya na unti-unting pinanumbalikan ng kulay.

“Init, pagod at gutom iyan, Kim. Pumasok ka sa loob at kumain,” utos nito.

Marahang tango ang isinagot ng dalagita at mabigat ang mga hakbang na lumakad papasok nang may maalala.

“Kuya, anong oras bukas ang alis ni Renz?”

Nagkibit ng balikat si Patrick. “Siguro alas-otso ng umaga. Gagamitin yata niya ang kotse ng kanyang papa. O, paano, tuloy na kami. Nagpaalam na ako kina Daddy.”

“Bye, Kim.”

Sinundan niya ng tanaw ang dalawa hanggang sa mawala sa paningin ang kotse ng daddy niya.

Chapter 11

Nang hapong iyon ay parang robot na sunod-sunuran si Kimberly sa ginagawa ng mga kaibigan. Nakikisakay pero malayo ang isip. Ang buong pag-iisip ay okupado ni Renz. Kasama kaya nito si Dianne sa party? Kinakain ng panibugho ang batang puso niya.

Maaga siyang nagising kinabukasan na hindi karaniwan kapag walang pasok. Mabilis na naligo at nagbihis. Isang walking shorts na maong at oversized T-shirt na puti. Nagsuot ng rubber shoes at mabilis na bumaba.

Nasa kusina ang mommy niya na nagulat pa nang makita siya.

“Himala, maaga kang nagising. Alas-siyete pasado pa lang,” wika nito na hinahalo ang sinangag.

“Hindi na ako inaantok, Mommy. Bibili muna ako ng pandesal.”

“May pinirito akong tawilis, hija. ginayat na kamatis at manggang hilaw. Di ba at paborito mong almusal iyon?”

“Eh, Mom, gusto ko ng pandesal ngayong umagang ito. Iyon bang medyo tostado,” pilit niya sabay tingin sa relo sa braso.

“O, siya, sige na. Ang layo ng bilihan ng pandesal, ah.”

“Gagamitin ko ang mountain bike ni Kuya.” At mabilis na lumabas at tinungo ang garahe. Kinuha ang bike at nagmamadaling lumabas ng bakuran.

Palibhasa’y probinsiya, malamig ang simoy ng hangin sa umaga. Nagtatayugan at naglalakihan ang mga punong nakapaligid sa kanila. Ang pinakamalapit nilang kapitbahay ay kina Laila na pag-aari ng pamilya nito ang kasunod na lupa.

May short cut mula sa kanila hanggang highway. Makitid nga lamang ang daan pero naka-bike naman siya.

Sana’y hindi pa nakararaan si Renz. Limang minuto ding pagba-bike hanggang doon.

Binilisan niya ang pagpedal sa bike. Natitiyak niyang wala siyang makikitang magsasaka dahil sa bukid ang tungo ng mga iyon at hindi sa highway.

Inihilig niya ang bike sa malaking punong nakahapay sa tabing-daan. Naupo na rin siya roon. Bahagya pang hinihingal sa pagpedal nang mabilis. Nakatanaw siya sa bandang kaliwa ng daan kung saan manggagaling ang binata. Di-hamak na mas malapit sila sa bayan kaysa pamilya Marzan. Pero mas malawak ang pag-aaring lupain ng mga ito.

May mangilan-ngilang sasakyan ang pumaparoon at pumaparito, mga pribado at pampubliko. Sampung kainip-inip na minuto ang lumipas. Kinakabahan na siya. Nakaalis na ba si Renz? Napaaga kaya ang oras ng alis nito at kanina pa nakaraan? At kung sakaling hindi naman, ano ang sasabihin niya nto kung makita siyang nag-aabang doon?

Paano kung pagluwas nito ay kasama si Dianne? Balita niya’y papa-Maynila rin daw ang dalaga. Pagtatawanan siya nito. Pinanghihinaan na siya ng loob at naiiyak na. Naisip niyang umuwi na lamang.

Itinayo niya ang bike nang sa paglingon niya sa kalsada ay siya namang pagdaan ng kotseng sinasakyan ni Renz. Kumaway siya pero mabilis ang takbo ng sasakyan.

Nanlumo siya sabay ng paghikbi. Hindi ba siya napansin ni Renz? Pinapahid niya ang luha sa pisngi nang marinig niya ang langitngit ng preno sa malayong unahan. Huminto ang kotse at ngayo’y unti-untmg umatras.

Halos marinig na ni Kimberly ang pintig ng dibdib sa kaba. Ano ang sasabihin niya? Ano ang idadahilan niya sa pag-aabang dito? Huminto ang kotse sa mismong tapat niya. Umikot siya sa driver’s seat. Nagbaba ng windshield si Renz. Sandali silang nagkatitigan. Walang salitang lumabas sa mga labi.

Si Kimberly ang bumasag sa nakabibinging katahimikang iyon.

“G-gusto kong… pasalamatan ka… dito sa bracelet,” itinaas niya ang kanang braso.

Ngumiti si Renz. “Ilang panahon pa, may magbibigay na sa iyo ng mamahaling singsing.”

Nagyuko ng ulo si Kimberly. “H-hindi ko tatanggapin,” aniya. Pagkatapos ay muling tumingin sa binata. “H-hindi malinaw ang ipinahihiwatig mo sa sulat.”

Huminga nang malalim ang binata. Tumingin sandali sa harap ng daan.

“Kung sasabihin ko sa iyong hintayin mo ako, it would be unfair for both of us. Lalo na sa iyo. Hindi ko alam, Kim. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang tanging masasabi ko ay ginulo mo ang isip ko mula nang hapong iyon,” wika nito sa gumaralgal na tinig. “At kahit kaya kong bigyan ng pangalan ang damdaming ito ay hindi pa rin madali, ’di ba?”

Tumango si Kimberly. “Siguro. Pero gusto ko pa ring sabihing maghihintay ako.”

Malungkot ang mga ngiting ibinigay ni Renz. “Sinasabi mo lang iyan ngayon dahil bata ka pa.”

“Bata pa rin ako pero sumulat ka. Maghihintay ako, Renz.”

“Wala akong maipapangako sa iyo…” wika nito sa malalim na tinig.

“I’m not asking for any promises. Sabi mo nga, leave it to time and fate.”

“Does that mean you’re my girl now?” paniniyak ng binata.

Nahihiyang tumango ang dalagita. Ginagap ni Renz ang palad niya at pinisil.

“Hindi ka tatanggap ng ibang manliligaw?”

“I will not even look at them.” Ngumiti siya.

“Sweetheart…” bulong ng binata. Itinaas ang kamay at inabot ang batok niya. Yumuko si Kimberly.

Isang damping halik lamang ang balak ibigay ni Renz. But she slightly parted her lips and the kiss lingered. So tender and soft. An unadulterated kiss.

Hindi gaanong nagtagal iyon at inilayo ni Renz ang mukha niya.

“I’ll give you a better kiss than that when I come back,” nakangiting wika nito sa tinig na tila bagong gising. “Huwag kang pahahalik kahit kanino,” pumormal ito sa huling sinabi.

“Goodbye, Renz…”

“Don’t expect letters, just cards.” Kininditan siya at isinara na ang windshield.

Hindi umalis sa kinatatayuan si Kimberly hanggang hindi tuluyang nawala sa paningin ang kotse.

Kung kinakitaan man siya ng ibayong sigla nang sumunod na mga araw ay walang nagbigay pansin. It was two months after, bago siya nakatanggap ng card mula kay Renz just to say hi and hello and missing her. Walang return address na ipinagpapasalamat niya upang hindi magtanong ang mga magulang kung sakaling ang mga ito ang makatanggap.

Nagsisimula na ang klase para sa unang taon niya sa kolehiyo nang kausapin niya ni Mang Alfon, ang matandang kartero sa bayan nila na sa eskuwela na lang dalhin ang mga mail niya. Pumayag naman ang matanda.

Renz is sending her cards constantly, dropping a line or two sa naroon nang dedication sa card.

Nasa kalagitnaan na ang semester nang tanggapin niya ang card na iyon na mahaba ang nakasulat sa kaliwang bahaging card.

Hi, took review classes today and so is Dianne who also made her way to the company as chemist.

Miss you so much! “R”

Para sa kanya ay iyon ang pinakamasamang balitang tinanggap niya mula kay Renz. Ang malamang magkasama ang dalawa sa parehong trabaho at review class. Hindi niya mapigil ang sariling manibugho pero ano ang magagawa niya? Kilo-kilometro ang layo ng Maynila sa San Ignacio. Almost six hours drive sa sariling sasakyan.

Patuloy sa paglipas ang mga araw na hindi na muling bumanggit si Renz ng tungkol kay Dianne sa mga cards nitong ipinadadala at unti-unting napawi ang sama niya ng loob.

Nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo nang lumabas sa peryodiko ang mga pangalang nakapasa sa board bilang mga chemical engineers. Pang-lima si Renz sa top ten. Si Dianne man ay pumasa rin.

Hindi niya maiwasang hindi makadama ng pagmamalaki dangan nga lamang there’s no one to share the joy with.

Biyernes ng hapon nang ibalita sa kanya ni Patrick (na noo’y nagtatrabaho sa bangko sa bayan bilang junior clerk, kung saan manager ang daddy nila) ang tungkol sa gagawing selebrasyon ng mga Marzan sa pagkakapasa ni Renz sa board.

Sabado ng gabi ang party at uuwi ang binata.

“We are invited, sis. Siyempre naman, isasama ko si Laila. Gusto mo bang sumama?” tanong ni Patrick.

“Siyempre,” nakangiti niyang sagot. She wouldn’t miss it for the world. “After two years ay ngayon lang uli umuwi dito sa San Ignacio si Renz.”

She painstakingly took a hard time choosing what to wear that Saturday night. Probinsiya iyon. How would she fare sa mga Manila girls na nakatagpo na ni Renz sa Maynila?

Finally, napili niya ang isang pieces long skirt in bias cut na summer print. May katerno itong sleeveless blouse na hanging ang yari bagaman makikita lamang ng bahagya ang tiyan kung yuyuko o itataas niya ang mga kamay.

“Ngayon lang kita nakitang inabot nang ganyan katagal sa pagpili ng isusuot, Kimberly,” si Cristina na pumasok sa silid niya. Itinuon ang mga mata sa mga damit niyang pinagpilian na nasa kamang lahat.

“Mom, this is my first party in two years,” agad niyang depensa at tumalikod upang huwag mapuna ng ina ang pamumula niya.

“Kung sabagay. Well, you really pleased us, darling. Nangako ka sa amin ng Daddy na hindi magpapaligaw hanggang hindi nakatatapos ng kolehiyo. And you just didn’t know how you made us happy. Kayo lagi ni Patrick ang pinag-uusapan namin ng daddy mo sa gabi, anak. You both made a vow at pareho ninyong pinagsisikapang tuparin.”

“Okey lang, Mom. Wala naman talaga akong gusto sa mga nanliligaw sa akin. And I really intend to finish my schooling,” aniya na naglagay ng mascara sa mga pilik-mata.

“You’re beautiful, Kimberly, and glowing. Talaga bang wala ka pang inililihim sa amin ng daddy mo?”

Natawa ang dalaga. Pilit itinatago ang panginginig ng boses. “Ang Mommy, talaga. Di sana’y may nagbalita na sa inyo.”

Tumango si Cristina. “Kung sabagay”

Mula sa ibaba ay tinawag na siya ni Patrick na bumaba na at aalis na sila. As usual ay dinaanan muna ng kapatid ang kasintahang si Laila bago sila nagtuloy sa bahay ng mga Marzan.

Chapter 12

Alas-otso na ng gabi sila nakarating. And at that precise moment ay noon din lang dumating si Renz. Halos nakasunod lang sa pagparada ng kotseng sinasakyan nila.

Isinasara niya ang pintuan ng likurang upuan nang makita niyang kasama ni Renz na bumaba sa kotse si Dianne. Naka-mini skirt ito at kahit na sinong lalaki ay hindi maaaring hindi maakit dito. Para itong fashion model na lumabas mula sa pahina ng magazine.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang excitement niya nang makita si Renz. Tila siya basahan kung ikokompara kay Dianne. At isiping ilang oras siyang nasa harap ng salamin.

Hindi pa siya halos nakababawi sa pagkabigla ay nakita niya nang ipulupot ni Dianne ang mga kamay nito sa leeg ni Renz. At sa harap ng ilang mga bisita ay naghalikan ang dalawa.

“I’ll borrow your car, darling. Uuwi muna ako sa amin, then I’ll be back,” malambing nitong sinabi kay Renz matapos ang scandalous kiss na iyon.

Bubuksan na lamang nito ang pinto ng kotse nang mag-angat ng ulo at kumaway sa kanila.

“O, hi, there! Patrick, Laila, Kim! Good to see you again,” masigla nitong bati na sinabayan ng ngiti bago pumasok ng kotse. “Magkumustahan tayo mamaya,” dagdag nito bago tuluyang pinatakbo ang sasakyan.

Nakangiting nilapitan sila ni Renz. Halos hindi humihinga si Kimberly.

Kinamayan at niyakap ni Patrick ang kababata at kaibigan. “Congratulations, pare ko. Full fledged chemical engineer ka na ngayon. Maliban kay Dianne, ilan ang tsiks natin ngayon?”

Malakas na tumawa ang binata. “Hi, Laila? Kayo pa rin ba?”

Ngiti lamang ang isinagot ni Laila. Si Patrick ang nagsalita. “I was caught, pare. Hook, line and sinker. Walang kawala.”

Muling tumawa si Renz. Sinulyapan siya nito at biglang pumormal. Noon lumabas ang mag-asawang Marzan at niyakag sila sa loob. Inakbayan ni Patrick si Laila at nagpatiunang lumakad.

Hinawakan siya ni Renz sa braso.

“Hi! Kumusta ka na?” bulong nito.

Hindi niya magawang sumagot. Mabilis siyang lumakad at sumabay kina Patrick at Laila sa pagsasalubong ng mga kilay ni Renz.

She missed him so much, all right. Pero hindi niya inaasahan ang tagpong dinatnan pagkatapos ng dalawang taon. Sa harap nila, ng ibang tao!

At ang buong akala ba niya ay sinabi nitong break na ito at ang babae noon pa man?

Binati si Renz ng mga bisita. Mga kamag-anak, kaibigan at mga dating kamag-aral. Hindi na ito halos nakawala sa mga nakapaligid. Walang katapusang kuwentuhan at balitaan. Maraming pagkain at inumin. Punch at Cali sa mga babae at beer sa mga lalaki.

Si Patrick ay hindi humihiwalay kay Laila. Masaya ang lahat, siya lamang ang hindi. Pakiramdam niya ay out-of-place siya roon. Mabigat ang katawang lumakad siya patungo sa tagilirang bahay. Dinala siya ng mga paa palayo sa bahay ng mga Marzan.

Ilang beses na rin siyang nakapunta sa bahay ng mga Marzan noong araw na isinasama siya ng mga magulang kung may okasyon dito. Pero hanggang sa bahay lamang. Hindi niya alam ang tinatahak niyang landas kung saan patungo. Alam niyang dinadaanan ng tao iyon dahil sa liwanag ng buwan na sumisingit sa nagtatayugang mga puno ay nababanaag niyang bukod tanging iyon ang walang mga makakapal na damo.

Napalingon siya nang may marinig na tunog ng sanga ng kahoy na tila naapakan. Madilim. Bigla siyang kinabahan. Bakit nga ba naglakad siya nang naglakad na tila wala sa sarili?

Sandali siyang huminto at pinakikiramdaman ang kapaligiran. Mga huni ng panggabing kuliglig ang naririnig niya at ang musika mula sa bahay na pinanggalingan. Bahagya pa niyang natatanaw ang liwanag mula doon.

Nang mula sa likuran niya ay biglang may yumakap sa kanya at iniangat siya mula sa lupa.

“Huli ka!”

Napigil ang balak niyang pagpalag at pagsigaw.

“Renz!”

Chapter 13

“B ITIWAN mo ako, ano ba?” angil niya. Tumaas ang blouse niya at nararamdaman niya ang init ng mga braso ng binata sa kanyang tiyan.

“Iyan ba ang isasalubong mo sa akin?” nahihimigan niya ng amusement sa tinig nito. Marahan siya nitong ibinaba sa lupa pero hindi binibitiwan. “Tara doon sa may batis.” Inakay siya nito at nagpatiunang lumakad. Halos magkandarapa siya sa pagkakatisod sa ilang mga nakausling sanga ng puno. Kung hindi mahigpit ang hawak nito sa kanya ay nadapa na sana siya.

“Nasasaktan na ang kamay ko, bitiwan mo ako!” sigaw niya.

“Sshh— magigising mo pati panggabing ibon diyan sa ingay mo,” natatawang sinabi nito na hinawi ang sa palagay niya ay mababang puno ng kape dahil nabanaagan niya sa kapirasong liwanag ng buwan ang maliliit na butil na tumama sa kanyang mukha.

Narinig niya ang marahang lagaslas ng tubig na dumadaloy mula sa sinasabi nitong batis. Kumikislap ang tubig na tila brilyante sa dilim kapag napapadaan sa nakausling bato.

Hinubad ng binata ang jacket at inilatag sa damo. “Halika, maupo ka rito sa tabi ko.” Nauna itong naupo at hinawakan siya sa kamay.

“Bumalik na tayo, Renz. Tiyak na hahanapin ka nila,” aniya sa malamig na tinig. Nilinga ang buong paligid na puro kadiliman. Tumingala siya, bilog ang buwan at maraming bituin.

“Tinitiyak kong hindi nila tayo makikita rito. Walang maghihinalang dito tayo nagpunta.” At hinatak siya nitong bigla na nawalan siya ng panimbang. Napaupo siya sa makapal na damo at agad siyang niyakap nito pahiga.

“Bitiwan mo ako!”

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Bakit ka ganyan? Ngayon lang tayo nagkita tapos iyan ang isasalubong mo sa akin?” may bahagyang galit sa tinig nito. “May boyfriend ka na bang iba, ha? May ipinalit ka na sa akin?” Mahigpit nitong hinawakan ang baba niya. Bahagya siyang nakadama ng takot.

“Let me go, Renz, at baka hinahanap na ako ni Kuya Patrick.” Marahan niya itong itinulak. Subalit malakas ang binata’t muli siyang inihiga nito, pinning her arms down.

“O, what the hell…!” At marahas siya nitong hinalikan. Nasasaktan siya. Malaking kaibahan ang halik na iyon sa halik na iginawad sa kanya nito dalawang taon ang lumipas. Bagaman may kakaibang init siyang nadama ay nangingibabaw ang takot niya sa ginagawa ng binata.

Nagpursigi siyang manlaban at nagpumiglas. At nang pakawalan siya nito ay hinabol niya ang paghinga. Dinama ng dila niya ang mga labing tantiya niya’y namantal. May nalasahan siyang maalat. It could be blood!

Nasindak siya. “I hate you, Renz! I hate you!” sigaw niya na sinabayan ng hikbi.

“Sshh— don’t cry, sweetheart,” he whispered in a ragged breathing at niyakap siya. “I didn’t mean to kiss you like that. Nagagalit lang ako sa reception mo sa akin. You’re so cold.”

“Hindi mo aasahang salubungin kita with open arms and sweet smile, matapos kayong maghalikan ni Dianne sa harap namin!” pagalit niyang sinabi na pilit bumabangon. Malamig ang damo sa likod niya.

Pumuno sa katahimikan ng paligid ang malakas na tawa ni Renz. “At nagseselos ka!”

Pinagtatawanan siya nito at lalo siyang napika. Mabilis siyang bumangon paupo. “Oh, how I hate you!”

“Halika nga,” malambing nitong hila sa kanya. “Wala kang dapat ipagselos kay Dianne. Wala kaming relasyong dalawa. Matagal nang tapos iyon, ’di ba?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Walang relasyon! Matapos kayong maghalikan sa madla na tila… tila…” hindi niya matapos-tapos ang sasabihin.

“Correction, please. Hindi kami naghalikan. Hinalikan niya ako. Kung marunong kang tumingin, you probably have noticed I did not even respond.”

Umirap siya. “How would I know?”

Hinawakan ni Renz ang baba niya. “Yes. How would you know?” banayad nitong sinabi. “You are not like the other girls na nakilala ko. Your innocence is refreshing. Like breathing into fresh air, tulad ngayon dito sa may batis.”

“Dianne would not be kissing you so passionately kung wala siyang pagtingin sa iyo,” patuloy pa rin niya.

“Believe me, sweetheart. Talagang ganoon lang si Dianne. Sanay na ako roon at hindi lang sa akin ganoon iyon. Don’t let us talk about her. Ngayon lang tayo nagkita tapos ibang tao pa ang pag-uusapa natin. Let’s talk about you. How have you been? Nagkagusto ka ba sa iba?”

“I kept my promise…” anas niya.

“Yes, you did,” he said softly at tumingala sa langit. “Isn’t this just the right setting for romance? Two lovers under the moonlight?” Muling ibinalik ang tingin sa kanya.

“We are not lovers…” mahinang sagot niya.

“We will be. Tonight…” At bago pa nakapagtanong si Kimberly kung ano ang ibig nitong sabihin ay siniil na siya ng halik ni Renz. Kaiba sa naunang halik. Pagkatapos ay bahagyang nagtaas ng mukha at tinitigan siya. “Didn’t I promise to give you a real kiss when you get older? Ngayon na iyon.”

Then he kissed her again. Thoroughly… as promised. Kahit bahagyang pagtutol ay walang ibinigay si Kimberly. She loved and wanted this man so much. And all reasons were thrown into the air.

He had made love to her that night. Under the moonlight. Kinuha ni Renz ang lahat-lahat sa kanya noong gabing iyon. Not once but twice. He took everything from her. Her body, her love, and her innocence.

“I love you…” bulong ni Renz sa kanya matapos ang glorious moments.

“And I love you, too, Renz…”

Tumayo si Renz at inabot ang kamay niya. “Ayusin mo ang sarili mo. Babalik na tayo sa bahay. Sasabihin natin sa kanila ang tungkol sa atin.”

Mabilis siyang umiling. “Huwag, Renz. Huwag muna,” naisip ang pangakong binitiwan sa mga magulang. Maliban doon ay parang napakabilis ng pangyayari. Sa kanila ay hindi dahil nasimulan na nila ang relasyon noon pa man. Pero hindi sa mga kakilala at kaibigan na buong akala ay magkapatid halos ang turingan nila dahil kay Patrick.

Nagsalubong ang mga kilay ni Renz. Sandaling nag-isip. “All right, I’ll be away for six months. Siguro two to three weeks from now ay ipadadala ako ng Arch Pharmaphils sa main office nito sa Amerika for further training. Pagbalik ko ay pakakasal tayo.”

Iyon ang napagkasunduan nila bago bumalik ng bahay. Sinabi rin ng binata na kinabukasan ng Linggo ay muli na itong babalik ng Maynila dahil hindi naman pinayagan ang leave of absence nito.

Walang nakapuna sa pagkawala nila maliban kay Dianne na nakabalik na mula sa bahay nito.

“Hi, saan ba kayo nanggaling at kanina pa ako rito ay ’di ko kayo nakita?” nakangiting salubong nito sa dalawa.

“Diyan lang sa tabi-tabi,” si Renz ang sumagot na ngumiti.

“Really, Renz. Hindi ka pa rin nagbabago.” Tapos ay nakangiting sumulyap kay Kimberly. “Renz is a natural charmer and bolero, Kimberly. Kung ako sa iyo ay hindi ko paniniwalaan alin man sa sinasabi nito. He’ll break your heart, tulad ng lagi na lang niyang ginagawa sa akin. Kaya lang ay sanay na ako rito sa darling kong ito.”

Tumawa si Renz. “Tumigil ka, Dianne. Baka maniwala sa iyo si Kimberly.”

“Dapat lang, ’di ba, Kim?” matamis nitong ngiti sa kanya. Hindi siya kumibo kundi gumanti rin ng tipid na ngiti. Imahinasyon lamang ba niya ang talim sa mga mata ni Dianne sa tuwing titingnan siya? Pero nakangiti ito and seemed so friendly.

Maligayang umuwi si Kimberly nang gabing iyon. Halos hindi siya makatulog sa kaligayahan. Binabalik-balikan sa isip ang nangyari sa kanila ni Renz sa batis.

In seven months time ay magpapakasal na sila ni Renz. Natitiyak niyang hindi tututol ang mga magulang niya kapag nagsabi na si Renz sa mga ito.

She was really so inspired na ang dating subjectna mahihirap ay minamani lamang. Isang linggong mahigit pa uli ang matulinglumipas mula nang umalis patungong Maynila sina Renz at Dianne. Sa pagkakataongiyon ay naparam lahat ang naunang panibughong mayroon siya sa babae.

Chapter 14

PALABAS sina Kimberly, Laila, at Lilibeth sa campus ng araw na iyon nang masalubong nila si Gigi sa gate, kasama si Dianne.

Nagkatinginan ang magkaibigan. “Bakit nandito iyan? Hindi ba at nasa Maynila iyan?” nagtatakang tanong ni Laila.

Hindi na nakuhang sumagot ni Kimberly na nagtaka rin dahil nasa harap na nila ang dalawa.

“Hello, girls…” nakangiting bati nito.

“Imbitado raw tayong tatlo ni Dianne sa kanila ngayon, mga chikas,” si Gigi sa kanila.

“Kagabi lang ako dumating. May inayos kasi akong papeles tungkol sa pag-alis ko patungong Amerika. Punta kayo sa bahay mamayang hapon. Mag-barbecue tayo. Despedida ko na rin,” paliwanag ni Dianne. .

“O, ano girls? Tayo-tayo lang daw at ang dalawang kaibigan niyang sina Lyn at Rizza,” si Gigi sa dalawa.

Nagkatinginan uli ang magkakaibigan. “Oh… well… kasi…” si Kimberly na alanganin.

“Please. Nagpaluto pa naman ako ng spaghetti…” pakiusap ng dalaga.

“O, sige na nga,” sang-ayon ni Kimberly. “Dadaanan kita, Lai.” Tumango si Laila. Si Lilibeth ay tumango rin.

“Doon ko na lang kayo hihintaying tatlo dahil mas malapit kina Dianne ang sa amin,” si Gigi.

Sumabay na rin uli si Gigi kay Dianne pauwi. Sinundan nila ng tanaw ang dalawa.

’“Kakainis talaga iyang si Gigi,” si Laila. “Puwede naman niyang itanggi tayong apat, ’di ba?”

“Hayaan mo na. Alam mo naman iyang kaibigan nating iyan, mahilig talaga sa gatherings,” sagot ni Kimberly.

“Ano pa. Maliban sa dahilan lang niya iyon sa mommy niya para tuloy na silang mag-date ng boyfriend niya, ano,” natatawang dagdag ni Lilibeth.

“Ang ipinagtataka ko ay kung bakit tayo ang iniimbita niya gayong hindi naman natin siya kabarkada kahit noon,” si Kimberly uli.

“Hindi bale na nga at nakatango na tayo,” si Laila na pinara ang tricycle na natanaw. “Halina kayo.”

HUSTONG alas-kuwatro ng hapon ay dumating ang tatlo na dinatnan na si Gigi doon kausap ng dalawang dating classmates ni Dianne. Kinawayan sila nito.

“Nasaan si Dianne?” si Kimberly na luminga sa paligid.

“Nasa loob at tinitingnan ang niluluto,” si Gigi. “O, girls, magkakilala naman siguro kayo nina Lyn at Rizza, ’di ba?”

Tumango ang tatlo. Minsan na nilang nakasama si Rizza noong magpa-party ito sa bahay nito kung saan ay pinauwi sila ni Patrick at Renz.

Ilang sandali pa’y nakapalibot na sa barbecue grill ang lahat na nagkakatuwaan. Kahit paano ay nag-enjoy ang magkakaibigan. Mahusay na host si Dianne at maraming nakakatawang kuwento.

“Ang ganda naman niyang bracelet mo, Kim,” walang ano-ano’y sinabi ni Dianne na sa braso niya nakatingin. “Patingin nga…”

At bago pa siya nakakilos ay nahawakan na ni Dianne. ang braso niya at naalis na nito ang lock. Inilagay sa sariling braso at sinipat-sipat.

“Bagay, ’di ba?” wika ni Dianne sa kanila. “Gusto ko kasing ganito ang style na ibigay sa akin ng fiance ko. Simple lang.”

Hindi malaman ni Kimberly kung paano babawiin ang bracelet dahil hindi naman niya gustong mapahiya ito. Mabuti na lamang at hindi nito tinitingnan ang nameplate.

“Eh, sino ba talaga ang fiancé mo, Dianne? Ang sabi mo ay nagbabalak na kayong magpakasal?” curious na tanong ng isa nitong kaibigan.

Nawala sa bracelet ang pansin ni Dianne. “Ikaw talaga, Rizza, kahit kailan. Kaibigan kita at alam mo ang mga sekreto ko tapos itatanong mo pa. Siyempre di si Renz, sino pa ba? May nalaman ba kayong naging boyfriend kong iba, aber?”

Muntik nang mabitiwan ni Kimberly ang hawak niyang barbecue stick. Agad na nagyuko ng ulo upang walang makapuna sa pamumutla niya.

“Ang tibay ninyo talaga, ha? Ngayon ka lang yata nag-stick sa iisang lalaki, ha, Dianne?” si Lyn na tumayo at kumuha ng juice sa mesa.

“Having Renz as a boyfriend, luka-luka ka na lang kung papatol ka pa sa iba, ’di ba, Kim? Malimit sa inyo si Renz dahil magkaibigang matalik sila ni Patrick. You should know his assets,” nakangiting baling nito kay Kimberly.

“O-of course…” napilitan siyang sumagot. Nawala na ang pansin sa bracelet niya. Parang kumuha ng patalim si Dianne at pinaghiwa-hiwa ang dibdib niya.

“Kailan kayo magpapakasal?” si Lilibeth.

“Probably pagdating namin sa Amerika. Next week na kami aalis. Kaya nga ako nandito ngayon dahil inaayos ko ang mga document ko for abroad. Six months kasi si Renz doon. Pinlano naming doon na ring pakasal. Sayang ang gusto ko pa naman ay dito sa bayan natin para makadalo kayong lahat pero iyon ang gusto ni Renz, ano’ng magagawa ko?” She looked so submissive and in love.

“Alam ba ng mga parents mo?” si Gigi na tumusok ng barbecue stick ang hotdog sa grill.

“Oo naman,” kaswal nitong sagot. Tapos ay binalingan si Kimberly na talagang pinanawan ng kulay ang mukha. “Hey, Kim, bakit namumutla ka? May masakit ba sa iyo?” concerned nitong tanong.

Napasandal sa swing ang dalagita. Hindi makuhang sumagot dahil baka mag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Nilapitan siya ng tatlong mga kaibigan.

“What’s wrong, Kim?” si Laila.

“Ang putla mo, ah?” si Gigi.

“Umuwi na kaya tayo,” ani Lilibeth. “May masakit ba sa iyo?”

Hinawakan ni Dianne ang braso niya. “Halika muna sa itaas. It must be something that you eat. Oh, my, may panis ba sa niluto ko?” nag-aalala nitong baling sa mga babae na agad na nag-ilingan.

“I’m… all right… nahilo lang ako.” Sinikap ni Kimberly na kalmahin ang sarili.

“No. You’re not all right. Halika sa itaas,” banayad siyang hinila nito.

“Sa… sa… CR ko gustong magpunta.”

“Sure.” Nilingon nito ang tatlo na nawalan na ng sigla. “Don’t look horrified, girls. She’ll be fine,” paniniyak ni Dianne.

Sa loob ng CR ay nag-lock si Kimberly at doon paimpit na nag-iiyak nang nag-iiyak. Hindi niya mapigil ang pag-uunahan ng mga luha sa pagpatak.

Ilang minuto na siya roon nang kumatok si Dianne. “Kim, are you all right?”

“L-lalabas na ako,” sinikap niyang pigilin ang paghikbi. Binuksan ang gripo at naghilamos upang hindi mahalata ang pamumula ng mga mata niya. Kinuha ang panyo sa bag at nagpunas ng mukha.

“I’m… sorry, Dianne. I don’t want to spoil this gathering pero masama talaga ang pakiramdam ko. Siguro sa mata ko ito. I probably need a pair of eyeglasses.” Kung saan siya kumuha ng tatag ay ewan niya.

Tumango si Dianne. Naroon ang simpatya sa mukha. May dinukot sa bulsa at ibinigay sa kanya. Isang sobre.

“Ipinabibigay ito ni Renz, Kim.”

Napasandal siya sa hamba ng pinto at wala sa loob na inabot ang sobre.

“T-thank you.” Humakbang na siya palabas nang magsalita si Dianne.

“I’m sorry, Kim, but I warned you, didn’t I?” banayad nitong sinabi pero nang lumingon siya ay ikinakaila ng talim ng mga mata nito ang softness ng tinig.

“H-hindi ko alam ang ibig mong sabihin,” pagkakaila niya.

“Kung hindi ko pinagtiyagaan at inunawa ang pagiging womanizer ni Renz at tiniis ang lahat ng sakit ng damdamin ay baka hindi kaming dalawa. Hindi lang ikaw ang babaeng pinag-ukulan niya ng slight flirtations, Kim. Pero bumalik siya sa akin in the end and we’re getting married. Napakabata mo pa, lilipas din iyang crush mo sa kanya,” kung wariin ay may sympathy sa tinig nito para sa kanya.

Mabilis siyang lumabas pabalik sa garden. Kailangang harapin niya ito nang mahinahon bago siya lumabas na kahiya-hiya. Nagpaalam sa mga babae na mauuna na at maiwan na lamang ang mga ito pero hindi pumayag si Laila at Lilibeth na hindi siya samahan. Nagpaalam na rin si Gigi na alam nilang lahat na may lakad na iba.

Nagulat pa si Cristina nang makitang patakbo siyang pumanhik sa silid niya. Sinundan siya nito.

“Ano ang nangyari, Kimberly?”

“Ang ulo ko, Mommy. Masakit na masakit.” Sinabayan niya ng dapa sa kama.

“Ikukuha kita ng gamot,” ani Cristina na akmang lalabas.

“Huwag na, Mom. Uminom na ako kina Dianne bago umalis,” kaila niya. “Itutulog ko na lang ito. Please, paki-lock ang pinto paglabas ninyo.”

“Are you sure?”

“Yes, Mom. I’ll be fine in the morning.”

Atubiling lumabas si Cristina at ini-lock ang pinto.

Pinakinggan muna ni Kimberly ang mga yabag ng ina kung bumaba na ito bago tumayo. Kinuha mula sa bag ang sobreng ibinigay ni Dianne. Nakalagay ang pangalan niya sa ibabaw niyon. Binasa niya.

Kimberly

So sorry but I guess it has always been Dianne and I.

Renz.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama at pumikit. Kung gaano katagal ay hindi niya alam. Pagkatapos ay nagmulat at inikot ang mga mata sa paligid.

Hindi niya maunawaan kung bakit may malay pa siya at bakit tulad pa rin ng dati ang lahat.

I can’t understand, yes, I can’t understand.

Why everything the same as it was…

Why does my heart keeps on beating?

Why do these eyes of mine cry?

Don’t they know it’s the end of die world?

It ended when you said goodbye…

Umiyak siya nang umiyak na kahit hindi niya gawin ay malayang lumalabas sa mga mata niya. Sulat-kamay ni Renz iyon, hindi siya maaaring magkamali. At hindi maaaring gawing biro ni Dianne ang tungkol sa pagpapakasal nito at ni Renz dahil naroon ang mga kaibigan nito at ganoon din ang mga magulang.

Marahan siyang tumayo. Binuksan ang drawer ng night table. Kinuha mula roon ang jewelry box. Itinupi ang sulat na puti at inilagay rin doon katabi ng unang sulat ni Renz sa kanya noong graduation day niya sa high school.

“You two must stay side by side. You symbolized both my joy and my death.” Yes, death. Dahil sa pakiramdam niya ay may bahagi ng katawan niya ang namatay.

Chapter 15

KUNG sa inaakala niyang doon natapos ang kapighatian niya ay nagkakamali siya. Dahil ilang araw pa ang matuling lumipas ay napuna ni Cristina ang malimit niyang pagsusuka. Maliban pa sa malimit siyang uma-absent sa eskuwelahan dahil napaghihilo at laging sumasama ang pakiramdam niya.

“Mayroon ka bang dapat ipagtapat sa akin, Kimberly?” banayad na wika ni Cristina na naupo sa gilid ng kama.

Malalaman din ng lahat ang nangyayari sa kanya sa malaon at sa madali. Kailangang harapin na niya ito ngayon.

“Hindi ko alam kung tama ang hinala ko, Mommy. Pero may palagay akong buntis ako,” aniya na sinabayan ng hikbi.

Parang pinanawan ng lakas si Cristina. May hinala na ito pero umaasa pa ring baka may sakit lamang ang anak. Ulcer kaya o sa mata. Hindi ang kanyang si Kimberly. Ni hindi nagpapaligaw ang anak, ayon sa paniwala nito. She has always been a good girl. Ano ang nangyari?

“K-kanino, Kimberly?” halos hindi namutawi sa labi nito ang tanong.

Sa simula ay hindi niya gustong sabihin pero magkakaila pa ba siya? Lalong hindi makapaniwala si Cristina. Walang dahilan, wala man lamang pahiwatig.

“I… I don’t know what to say, Kimberly,” wika nitong nanginginig na tinig. “This… is quite a shock to me. Paanong nangyari ’yon? Bakit wala kaming alam ng daddy mo, ng Kuya Patrick mo? Nagpabaya ba kami sa iyo?” may guilt sa tinig nito na lalo lamang nagpalakas ng hagulgol niya.

“Oh, Mom! Hindi kayo nagkulang. Ako ang nagkasala.” Niyakap niya ang ina.

“Nagkamali marahil kami ng daddy mo nang sabihin naming huwag kang magpaligaw. Nasikil ka,” ani Cristina sa mapait na tinig makalipas ang ilang sandali.

Umiling si Kimberly. “Hindi iyon ang dahilan. I have been in love with him since time immemorial. Hindi dahil ’di n’yo gustong paligawan ako. Ako ang may ayaw, dahil inilalaan ko ang sarili ko para kay Renz.”

“Ano ang sasabihin ko sa ama at kapatid mo, Kimberly?” nanlulumong tanong ni Cristina.

Chapter 16

N ANG gabing iyon ay si Patrick ang kumawala ang pagtitimpi. Kung hindi sa matinding pagpipigil sa sarili ay baka nasaktan ito ng kapatid. Sa halip ay dingding ang pinagbuntunan ng galit.

“That son of a bitch! Para kaming magkapatid!” halos maiyak ito. “Tinraydor ako ng walanghiya! Pati ikaw ay kinatalo niya. Ang tagal naming magkasintahan ni Laila but we never go beyond simple kissing.”

“K-kasalanan ko…” mahinang wika niya sa pagitan ng marahang pag-iyak. Hindi niya akalaing sinaktan niya ang pamilya sa nangyari. Sinulyapan ang ama na hindi nagsasalita. Nakatiim lamang ang mga bagang at nakakuyom nang mahigpit ang mga palad.

“Kasalanan mo? Hindi, Kimberly! Bata ka at walang muwang, sinamantala niya iyon! Ipakukulong ko siya! Kailangang panagutan niya ang nangyari sa iyo. Kakausapin ko ang mga magulang niya!” baling sa kanya ni Patrick.

“Nasa ibang bansa na sila ni Dianne. At maaaring sa sandaling ito ay mag-asawa na sila,” sinikap niyang patatagin ang tinig. “Please, ayokong malaman ng kahit sino na si Renz ang ama ng dinadala ko,” pagsusumamo niya. Pagkatapos ay binalingan ang ama. Hinawakan ang mga kamay nito.

“Dad, magsalita ka, please. Kausapin mo ako… kahit saktan mo ako. Huwag lang ganyan. Tinatakot mo ako…” naghihisterya na siya sa pananahimik ng ama.

Itinaas ni Joseph ang kamay at kinabig ang anak sa dibdib. May tumulong luha. Lumakas ang iyak ni Kimberly. Napakawalang utang na loob niya sa kahihiyang idinulot sa mga magulang at kapatid.

“We are going to get through with this together, aren’t we,” ani Joseph sa gumaralgal na tinig. Tiningnan ang asawa’t panganay. “I have always implanted morality sa pamamahay na ito but you strayed. Ikaw lang ang maaari kong sisihin sa nangyari sa iyo, Kimberly, pero hindi ito ang oras para doon. Tutulungan ka namin, anak, bakit hindi. But you have to face the consequences and I hope na mula rito ay matuto ka. Baka hindi ako makapagpatawad sa susunod.”

LUMUWAS ng Maynila si Joseph. Dalawang araw roon. Pagbabalik nito ay may kasamang anak ng isang kaibigan. Si Marlon. Sa loob ng halos isang linggo ay nanatili sa bahay ng mga Antonio ang binata bilang bisita.

Ipinakilalang kasintahan ni Kimberly. Na matagal na ang mga itong magkaibigan at nagsusulatan. Hindi naging mahirap iyong tanggapin ng mga kaibigan niya dahil sa mga cards na padala ni Renz sa eskuwelahan na lagi na’y itinutukso sa kanya. Besides, Marlon was so convincing and cooperative.

“Maganda ka, Kimberly, at matalino. I like you. Maliban sa katotohanang nagdadalang-tao ka ay wala ka pa ring muwang. Mapalad ang lalaking iyon,” sinabi ni Marlon minsang nasa bayan sila at kumakain sa isang kilalang snack house.

“Salamat, Marlon. Pero nagtataka ako kung bakit ka pumayag sa pakiusap ng Daddy.”

Nagkibit ng balikat ang binata. “You’re doing me a favor. I’m having my vacation here. Maliban pa sa matalik na magkaibigan ang Mama at ang daddy mo.” Nilaro nito ang tinidor sa pinggan. “I’m going back to the States next week, Kimberly. Sumama ka sa akin,” seryosong sinabi nito.

“Marlon! Baka nakakalimutan mong buntis ko,” natatawang bulong niya sabay linga sa paligid.

“I’m thirty-two at hanggang ngayon ay wala akong makitang babaeng gusto kong pakasalan. Wala akong maipipintas sa iyo, Kimberly. I’m willing to take your lover’s place and marry you in the States.”

“Salamat uli, Marlon. Pero huwag. Hindi ko kayang ipaako sa iba ang anak ko.”

“Dahil ba sa age gap natin? Eighteen ka lang at fourteen years ang tanda ko sa iyo?”

“Goodness, no. Kaya lang…” malungkot siyang yumuko.

Huminga nang malalim ang binata. “The same old romantic reason. You are not in love with me. Well, I guess we do not agree on that. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Compatibility and companionship ang sa akin.”

Napangiti si Kimberly. Magandang lalaki si Marlon at nakatutuwang isiping may mga taong hindi naniniwala sa pag-ibig.

Pinalipas muna ng pamilya Antonio ang isang linggong makaalis si Marlon bago lumuwas ng Maynila ang buong pamilya. Napabalitang ikinasal si Kimberly kay Marlon sa isang civil wedding. At nang magbalik ang mga Antonio sa San Ignacio ay hindi na kasama ang anak na babae. Sa Maynila na ito maninirahan kasama ng “asawa.”

Chapter 17

ISANG mahinang katok ang nagpabalikwas kay Kimberly. Si Cristina na nakasungaw sa pinto.

“Mom?” mabilis siyang tumayo at muling ipinasok sa jewelry box ang mga sulat at ibinalik sa drawer.

Naupo si Cristina sa gilid ng kama. “Itinatago mo pa rin ang mga sulat na iyan. Pati na ang lahat ng mga cards na ipinadala sa iyo ni Renz?”

“Para kay Ralph, Mommy, pagdating ng araw. Gusto kong malaman niyang pag-ibig ang dahilan kaya lumitaw siya sa mundong ito. Hindi kailangang malaman niyang kasinungalingan ang nakapaloob sa mga mensaheng iyan.”

“Eh, bakit pati iyong huling sulat ni Renz ay itinatago mo pa rin?”

Nagkibit siya ng balikat. “Itatapon ko rin iyan, Mom. I just don’t know when.”

“Nakita ko nang sundan ka ni Renz kanina sa loob ng bahay.”

“Nag-usap lang kami.” Hindi niya gustong malaman ng ina ang tensiyong namagitan sa kanila ni Renz sa ibaba.

“Hindi siya nag-asawa, Kimberly. Hindi na nasundan ang balitang sinabi sa iyo ni Dianne noon. Sa palagay mo ba ay huli na para…”

“Mommy, he probably got tired of her also. Alalahanin ninyong pinangakuan din niya ako ng kasal. Hindi na siya bumalik dito makalipas ang anim na buwan kaya talagang niloko lang niya ako,” tumigas ang mukha niya.

“You’re still in love with him after all these years,” malungkot na sinabi ni Cristina.

Hindi makuhang tumanggi ni Kimberly. “Bigyan mo ako ng panahon, Mommy. Lilipas din ito. Makakatagpo rin ako ng lalakmg muli kong mamahalin. At mamahalin din kami ni Ralph.”

Hindi kumibo si Cristina. Umaasa itong gaanon nga ang mangyayari pero sa nakikita sa anak ay tila mahirap mangyari iyon lalo na’t ang apo ay nagsisilbing paalala ng ama.

“Mommy, hahabulin ko ang pang alas-tres na biyahe ng bus patungong Maynila. Naroon na marahil ako bago mag alas-diyes ng gabi. Hindi ako maaaring matulog dito. Si Grace lang ang kasama ng apo ninyo.”

“Kung bakit ba naman hindi mo pa isinama ang apo ko. Aba’y lagi nga naming pinag-uusapan ni Joseph na pagbakasyunin dito ang batang iyon,” kumislap ang mga mata ni Cristina.

“You must be kidding! Alam mo kung ano ang mangyayari oras na may makakita kay Ralph na mga tagarito,” bulalas niya na parang isang malaking gulo ang mangyayari kapag inuwi niya ang anak sa San Ignacio.

Napatango si Cristina. “Ralph is the spitting image of his father.” Tumingin sa relo. “Ala-una pa lang. Bumaba ka muna at ipahahatid kita sa daddy mo sa terminal mamaya.” Tumayo na ito palabas.

Gusto niyang sabihing huwag na pero araw ng kasal ng kapatid niya. At kung nagagawa ng mga itong maging kalmante at civil kay Renz, bakit ang hindi siya.

“Susunod na ako, Mommy.”

Mapait siyang ngumiti. Sa pamamagitan ng kasinungalingang nag-asawa siya ay napagtakpan ang lahat. Nailigtas sa kahihiyan ang pamilya at nanatiling magkaibigan ang mga Antonio at Marzan.

Walang nasira kundi siya. Isang maliit na apartment sa Quezon City ang kinuha ng mga magulang niya para sa kanya. Isang katulong na halos kasing-edad niya ang kasama. Anak rin ng katulong ng mama ni Marlon. Patuloy siyang pinapag-aral ni Joseph kahit na lumalaki ang tiyan.

Hindi siya nakaligtas sa mga mapang-uyam na mga bibig at mata ng mga kapitbahay pero tiniis niyang lahat ang mga iyon.

Sa huling trimester niya’y malimit nang bumibisita si Cristina. At kung minsan ay tumatagal ng dalawang linggo. Alam niyang kailangan din ng daddy niya ang asawa at lagi na ay taglay niya sa dibdib ang guilt.

Nanatili sa tabi niya si Cristina hanggang sa dumating ang kabuwanan niya at makapanganak siya. Dumating din doon ang daddy niya at si Patrick.

Nabuhusan ng malamig na tubig ang galit ni Patrick nang masilayan ang pamangkin. Nagkaroon ng panibagong sigla sa buhay ng mga Antonio dahil sa paglitaw ni Ralph. Na-compensate ng anak ang lahat ng hirap at pagtuyang tinanggap niya sa mga kapitbahay sa Quezon City.

Dalawang semester, bago siya gumradweyt ay tinanggap niya ang alok ng mama ni Marlon na sa kompanya nito magtrabaho. Tinanggihan na niya ang unang alok nitong sa bahay nito tumira dahil nag-iisa naman ito. Pero sa pagkakataong ito ay kailangan niya ng trabaho. Hindi kailangang sa habang-panahon ay sustentuhan siya ng mga magulang.

Hindi niya kailangang pairalin ang pride na dapat siyang tanggapin sa trabaho sa sariling merits. Anyway, alam niyang matalino siya at mahusay.

Dahil sa likas na talino, dalawang beses siyang na-promote ni Laura Aldana, ang mama ni Marlon at may-ari ng Aldana Advertising. Mula sa maliit na apartment ay kumuha siya ng isang unit sa isang townhouse sa San Juan. Bagaman ang daddy niya ang nag-down ay pinagpilitan niyang siya na ang babalikat sa monthly payments.

At wala siyang balak bumalik dito sa San Ignacio kung hindi dahil sa kasal nina Patrick at Laila.

Inayos niya ang sarili at muling nakihalubilo sa mga bisita. Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Renz na muli siyang lapitan. Hindi siya humalo sa mga dating barkada. Sa halip ay hindi siya humihiwalay sa grupo ng mga magulang. Alam din niyang sinusundan ni Renz ang lahat ng kilos niya. Ilang beses silang nagkatitigan. Bagaman ngumingiti ay naroon pa rin ang galit sa mga mata nito.

Bandang alas-dos y media nang bulungan niya ang ama na ihatid na siya sa terminal. Lakas-loob niyang nilapitan ang grupo nina Lilibeth dahil kailangan niyang magpaalam sa mga ito. Doon nakaupo si Renz.

“Girls… sorry pero kailangang maiwan ko na kayo,” nakangiti niyang sinabi. Pinisil niya ang balikat ni Lilibeth.

“Ang daya mo, Kim, ha. Hindi pa man lang tayo nagkakakuwentuhan,” may himig ng tampo ang tinig ng kaibigan at kababata.

“Ang buong akala namin kaya pinagbigyan ka naming huwag dito maupo ay dahil dito ka matutulog. At balak naming dito na rin matulog para magkakuwentuhan naman tayo,” ganoon din ang tinig ni Gigi.

Nakadama ng guilt si Kimberly. Sinikap niyang muling ngumiti.

“I really have to go, guys. Hahabulin ko ang alas-tres na biyahe.”

“Baka hindi siya pinayagan ng boyfriend niyang mag-overnight dito sa bahay ng mga magulang niya,” naroon ang panunuya sa tinig ni Renz.

Sinikap niyang bale-walain iyon. “That’s right. Hindi papayag si Ralph na dito ako matulog. He’ll miss me. ’Di ba, guys? Hindi bale, utang ko sa inyo ito. One of these days, ay magpaplano ako ng reunion.”

“Marami ka nang utang, sweetheart,” si Renz na ang talim ng tinig ay hindi nakaila sa kanya.

“Ilista ninyong lahat. Bye, guys!” At walang lingong tumalikod.

“Hanggang ngayon ba naman, Renz, sweetheart pa rin ang tawag mo kay Kimberly, eh, nagkaasawa na’t lahat iyong tao,” si Gigi. Narinig niya iyon dahil huminto pa sa isang mesa si Joseph at may kinausap.

“Some old habits do not die so easily,” ang narinig niyang sagot ni Renz bago siya tuluyang lumakad palayo. Did she detect pain in his voice? Umiling si Kimberly. Inalis sa isip iyon at nakaringgan lamang niya marahil. Sumakay na sa kotse ng ama.

“Sino si Ralph?” tanong ni Renz sa dalawang babae.

“Ang dalawang taong gulang niyang anak. Katulong lang yata ang kasamang naiwan,” si Lilibeth ang sumagot.

Huminga nang malalim si Renz at tumango-tango.

Chapter 18

P ATULOY sa paglipas ang mga araw. Unti-unti nang naalis sa isip ni Kimberly ang pagkikita nila ni Renz sa kasal ng kapatid.

“Kimberly, hija, nakausap ko ang manager ng Bio-Natura Philippines. They intend to advertise their beauty products at isa tayo sa binigyan ng pagkakataong makapag-submit ng advertising campaign,” excited na balita ni Laura Aldana isang umaga.

“Hindi ba at multi-level marketing ang palakad ng mga iyon?” aniya na hindi inaalis ang mga mata sa computer. The company deals on herbal and phytotherapeutic products at nakagamit na siya ng mga produkto nito. Superior ang quality bagaman may kamahalan.

“Oh, yes. Pero gusto nilang mag-advertise ng beauty products. Like Bio-scrub na may volcanic ash, etc., etc., at iyong Bio-Rejuvenessence. Pero ang supplemental and therapeutic products will still be multi-level and being sold over-the-counter para sa mga medical rep,” patuloy ni Laura. “This is our chance, Kim. Kailangang-kailangan natin ang trabahong ito.”

“Paano kung hindi nila magugustuhan ang advertising campaign na ipapasa natin?”

“Be optimistic. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Wala ka pang trabahong na-reject,” patuloy ni Laura na ang excitement sa tinig ay hindi nawawala.

“They’re small and newly established companies, Tita Laura. Maliban pa sa hindi naman talaga tayo nag-charge competitively,” katwiran niya na binitiwan ang trabaho.

“How could you be so humble. Matagal na ako sa trabahong ito, Kimberly. At alam ko ang husay ng mga ideya mo.”

“Thanks, Tita. Gaano katagal natin gagawin ang ad?”

“Two weeks, hija.” Kumislap ang mga mata nito. “I have this feeling na mapapasaatin ang kontrata ng Bio-Natura. I have so much faith in you, Kimberly. Be original about the ad, darling. Pambabae ang produkto.”

ILANG araw na pinagpuyatan ni Kimberly ang trabaho. At sa umagang iyon ang appointment niya kay Mr. del Rosario. Ipinakumpirma na niya ito kahapon sa sekretarya ni Laura.

Umikot siya sa salamin at binigyan ng huling tingin ang sarili. Smart and business-like. Iyon ang gusto niyang i-portray. Pero anuman ang pagpipilit niyang manatili sa ganoon ay lagi nang humihigit pa roon. Hindi iilang businessman ang nagkakainteres sa kanya.

Tulad ngayon, business suit ang suot niya. Puting pencil cut na palda na may slit sa likod, coordinates na black and white na blouse at puting blazer na tailored-cut. A black stockings and two-and-a-half inches high heels. Ang impact niya—smart and sexy!

Idagdag pa ang buhok niya na natural and unruly ang kulot. Hindi niya maipusod kaya hinahayaan na lang niyang nakalugay na nagdadagdag lamang sa alluring look niya.

Dinampot niya ang attache case at lumabas ng silid. Nasalubong niya sa ibaba ng hagdan si Ralph na karga ni Grace, ang katulong.

“Mommy, h’wag alis…” si Ralph na pilit na kumakawala sa pagkakarga ni Grace. Inilapag niya ang attache case at inabot ang anak.

“May appointment si Mommy, honey. Promise, uuwi si Mommy nang maaga and I will bring home your favorite french fries, okey?” Sinabayan niya ng halik sa pisngi.

“Fench fies?”

“Yap. French fries,” natatawang ulit niya. Maliban sa ganoong mahihirap na salita ay matatas at deretsong magsalita ang anak. Sa gulang na dalawang taon at tatlong buwan ay malaking bulas. Ang kulot lamang nitong buhok ang sa palagay niya’y nakuha sa kanya. All the rest ay kay Renz lahat.

Huminga siya nang malalim at muling ibinalik kay Grace ang bata. “Be a good boy. And don’t you cry when you want something. Men don’t cry. At hingin mo nang maayos, ha? Huwag mong aawayin si Grace,” pabirong bilin niya sa anak.

Atubiling binitiwan ni Ralph ang lapel ng blazer niya. Nakabadya ang iyak sa mukha nito.

“Opps… ang sabi ko’y huwag iiyak.” Itinuro niya ang ilong ng anak.

“Men don’t cry…” ulit ni Ralph na pinipigil ang paghikbi. Natawa si Kimberly at muling hinalikan ang anak.

“Bye, love.”

Chapter 19

HUSTONG alas-nuwebe y media ay nasa Paseo de Roxas siya. Nasa fifth floor ng building na iyon ang opisina ng Bio-Natura Philippines, Inc.

“Good morning,” bati niya sa receptionist. Ibinigay ang calling card niya dito. “I have an appointment with Mr. del Rosario this morning. He is expecting me.”

“Oh, yes,” sagot ng receptionist nang mabasa ang pangalan niya sa tarheta. “I’m sorry, Miss Antonio, pero may hindi maiiwasang appointment ngayong umaga si Mr. del Rosario.”

Biglang gumuhit ang disappointment sa mukha ni Kimberly. Hindi niya inaasahan ito dahil ipinakompirma niya ang appointment kahapon. Malalaking kompanya ang mga kalaban niya tiyak at kung mapapalyahan niya ang pakikipag-usap sa manager ay maaaring maunahan sila ng ibang advertising company.

“But one of the directors is available at the moment and he would like to see you instead,” dugtong ng receptionist.

“Oh,” umaliwalas ang mukha niya. “Can I see him now?”

Tumayo ang receptionist. “This way, please…” nagpatiuna ito at kumaliwa sa isang hallway. Marahang kumatok sa isang silid bago itinulak ang pinto. “Sir, narito na ho si Miss Antonio.”

Bahagya na niyang narinig ang ‘send her in’ na isinagot ng nasa loob.

“Pumasok ka na,” nangiting wika nito bago muling lumakad pabalik sa reception area.

Bakit ba kinakabahan siya, eh, dati naman niyang ginagawa ito. Sinuklay ng mga daliri ang buhok. Huminga nang malalim at pagkatapos ay pinihit ang doorknob at tuloy-tuloy na pumasok.

Nakatalikod sa kanya ang taong kakausapin at nakatanaw sa labas ng bintana. Hawak ng isang kamay nito ang hinawing kurtina. Kulay abuhin ang business suit.

Marahan itong humarap sa kanya at kulang na lamang ay himatayin siya. Bahagya siyang umatras upang sumandal sa pinto. Humigpit ang hawak sa attache case na para bang buhay at kamatayan ang nakasalalay roon.

“Hello again, sweetheart,” bati ni Renz sa pormal na tinig. Itinuro nito ang swivel chair sa harap ng executive deck. “Please, have a seat.”

Marahan siyang humakbang. She won’t break into pieces dahil lamang nasa harap niya si Renz. Marahang naupo and crossed her legs.

“This… is quite a surprise,” aniya na lumunok.

“Inaasahan kong ganoon nga. Pero hindi ba at sinabi ko sa iyo na magkikita pa rin tayo,” wika nito na naupo sa sariling silya.

Napaangat ang paningin ni Kimberly. “I-ibig bang sabihin niyan ay hindi nagkataon lang ang pagkikita nating ito?”

Bahagyang ngumiti ang binata. “Kung sasabihin kong nagkataon nga lang ay hindi mo paniniwalaan, ’di ba?”

Tumaas ang dibdib niya at sinikap pigilin ang paghinga. Sinasadya ba ni Renz ang pagkikitang ito? Pinlano?

“Ako ang nag-utos kay Mr. del Rosario na tawagan ang Aldana Advertising, Kimberly. Dahil kung siya ang masusunod, ang malalaking advertising company ang gusto niyang makausap,” sinagot nito ang nasa isip niya.

“Hindi maliit na kompanya ang Aldana, Renz,” gustong magpanting ng tainga niya sa ini-imply na insulto.

“Siguro. Pero hindi rin naman ito malaki kompara doon sa mga naglalakihang advertising companies.”

“Ganoon naman pala at sa tono ng salita mo’y hindi kami aabot sa standard ng opisinang ito, bakit kailangang tawagan mo ang opisina para magpakita ng trabaho?” halos paangil niyang sinabi. Mas gugustuhin pa niyang ginagalit siya ng taong ito kaysa nai-intimidate.

“Sabihin na nating dahil sa may tiwala ako sa kakayahan mo…” ibinitin nito ang dulong salita na tila may hindi naituloy na sasabihin. Pero pinalampas ni Kimberly iyon.

“In that case, let’s get down to business,” inalis niya ang binti sa pagkade-kuwatro. Inilagay sa harap ang attache case at mula roon ay kinuha ang isang envelope. “Narito ang campaign proposal, maaari mong tingnan at pag-aralan.”

Ni hindi nagtangka si Renz na abutin iyon. Sa halip ay tumayo. “What would you like to have, coffee, juice or what?” tanong nito habang lumakad patungo sa personal ref sa isang bahagi ng silid.

Oh, yes, kailangan niyang uminom. Pakiramdam niya’y puro alikabok ang lalamunan niya. “Just plain water, please.”

“Going natural?” amused na ngumiti si Renz. Nagyuko ng ulo si Kimberly. Ang tatlong taong nadagdag sa edad ng binata’y lalo lamang nagpatingkad sa outrageous handsomeness nito. At tulad ng dati, tila may naglalarong paruparo sa sikmura niya kapag ngumingiti ito.

“Thank you…” anas niya nang ilapag ni Renz ang baso sa harap niya. “I… I thought you were with Arch Pharmaceuticals?” aniya matapos mapangalahati ang laman ng baso.

“Hanggang ngayon. Bio-Natura is a subsidiary. Nandito ako once a week at halos sa lahat ng oras sa buong linggo ay sa Archphann.”

Marahan siyang tumango. “I… see.” Muli niyang ibinaling ang tingin sa envelope. “Ikaw ba ang titingin sa trabaho ko o si Mr. del Rosario?”

“Bakit Antonio ang gamit mong pangalan?” tanong nito na muli ay hindi pinansin ang tungkol sa talagang dahilan kung bakit naroon siya.

Nabigla si Kimberly sa tanong na iyon. Hindi agad nakasagot.

“Dahil ba gusto mong palabasing dalaga ka na naman, Kimberly? Hindi ba masyado pang maaga para maghanap ng panibagong affair? O baka naman mayroon na. Kung hindi ako nagkakamali, I haven’t been away for long nang may ipinalit ka sa akin.”

Nanlaki ang mga mata niya. Mahigpit na napahawak sa armrest. “Hindi ako nagpunta rito para pag-usapan ang tungkol sa personal kong buhay, Renz,” aniya nang makabawi sa pagkabigla.

“Kailan mo nakilala ang lalaking napangasawa mo, Kimberly? Ang balita ko’y natutulog na sa bahay ninyo ang lalaking iyon, hindi pa man kayo ikinasal?” may bahid ng malisya ang tinig nito habang nag-iigting ang mga bagang sa pinipigil na galit. “Mas mahusay ba siyang humalik kaysa sa akin? Did he make—”

“For heaven’s sake, Renz! Ang nangyari sa atin ay matagal nang tapos! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ungkatin mo pa nang paulit-ulit sa akin?” aniya na napatayo. “Please, kung hindi mo gustong mapag-usapan ang tungkol sa ad campaign, maaari akong magbalik sa panibagong appointment kay Mr. del Rosario.” Muli rin siyang naupo pagkatapos.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Tumaas-bumaba ang dibdib ni Kimberly. Nagbuntong-hininga si Renz na nang sulyapan niya’y bahagya siyang nakaaninag ng lungkot sa mga mata nito na iglap din namang naglaho. Imahinasyon lamang marahil niya.

“Well…?” siya ang bumasag sa katahimikan.

“Hindi na kailangang tingnan ko pa iyan. I’m giving Aldana Advertising the contract for this job.”

“Without even looking at it?” Hindi siya makapaniwala na napaangat sa pagkakaupo.

“You were always good, Kimberly. Personally, you failed me considerably. Pero natitiyak kong pagdating sa trabaho ay wala akong maipipintas.”

You ’re a very complex man, Renz, gusto niyang sabihin. At hindi nalingid sa kanya ang sinabi nitong “…you failed me considerably.” Pero pinalampas niya iyon.

“Alam kong mahusay ang trabaho ko kaysa sa alinman maaaring ibigay ng ibang advertising company,” naroon ang katiyakan at pagmamalaki sa tinig niya. “Pero hindi ba dapat ay tingnan at pag-aralan mo muna ito?”

“Sinabi mo lang ang dahilan kung bakit hindi na kailangang tingnan ko ito.” Iniangat ng isang daliri ang envelope. “Mas mahusay ka kaysa sa iba.”

Naisapo ni Kimberly ang noo ng kanan niyang kamay. Pagkatapos ay inabot ang baso ng tubig at sinaid ang natitirang laman nito.

“Care for another glass?”

Umiling siya. “No, thank you.” Ganoon lamang ba kadali mapasakanila ang trabaho?

“Ang iba pang detalye ay idi-discuss ko sa iyo sa opisina mo,” binigyang diin nito ang “sa iyo.”

“Mrs. Aldana will only be too glad to discuss this campaign with you,” mabilis niyang sagot.

Isang ngiting hindi naman umabot sa mga mata ang sumilay sa mga labi ni Renz. “I’ll bet on that. Pera ang dadalhin ko sa kompanya niya. Pero hindi mo ba narinig ang sinabi ko lang na sa iyo ko gustong ipakipag-usap anumang kakailanganin sa campaign na ito? Ngayon pa lang, Kimberly, ay gusto kong malaman mong ikaw ang kakausapin ko sa duration ng project na ito. You have to deal with me every inch of the way,” mariin nitong sinabi.

Malamig ang aircondition sa loob ng silid pero mainit ang pakiramdam niya. Magkakasama sila ni Renz sa loob ng maraming araw hanggang sa matapos ang trabaho? Ibig sabihin ay magkakaroon ito ng access sa lahat ng oras niya available man o hindi siya. At mapanganib para sa kanya iyon. Para sa sarili at para kay Ralph.

“At wala kang magagawa, Kimberly. Malaking pera ang dadalhin ko sa kompanya mo,” may threat sa tinig nito.

“I… don’t think… I want this contract.” Inabot niya ang envelope sa mesa at wala sa loob na muling ipinasok sa attache case. Hindi man lamang kumilos si Renz para pigilan siya.

Tumayo ang binata at umikot sa kinalalagyan niya. Inusog papalapit sa kanya ang katapat na swivel chair at naupo roon. Nakulong ang mga binti niya sa mga binti nito at napakalapit nito sa kanya.

“That is not for you to decide, sweetheart. And you can not back out now dahil natitiyak kong hindi papayag si Mrs. Aldana. I had your company checked and it’s near bankruptcy. This is your biggest account so far. Bio-Natura is your lifeline, sweetheart,” wika nito sa malamig na tinig.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya alam iyon. Kaya pala ganoon na lamang ang pagpupursigi ni Laura na makuha nila ang kontrata dito.

“And don’t ever think of resigning, sweetheart. I will pull out this job without you. Maaaring nanganganib ang kompanya ni Aldana but she has been in this business for quite sometime and gained some connections. Maaaring makasama siya sa image mo sa darating na araw. Baka hindi ka niya bigyan ng magandang reference. Besides, I’ll follow you everywhere, Kimberly,” katiyakang sinabi nito. Itinukod ang braso sa mesa at ang isa sa armrest niya.

“B-bakit mo ginagawa ito, Renz?” marahang tanong niya na nag-akmang umatras subalit mahigpit ang hawak ng binata sa armrest ng swivel chair niya.

“I wanted you back, Kimberly. But I won’t owe you this time. You’ll be back in my arms sa paraan ko dahil may utang kang dapat bayaran.” Binigyang distansiya nito ang bawat salitang binitiwan.

Humaplos sa mukha niya ang init ng hininga nito and she’s trembling in fear inside. Kung ang takot niyang nadarama ay mula sa galit na ibinabadya ng mga mata ni Renz o dahil sa pagkakalapit nilang dalawa ay hindi niya tiyak.

Sinusuyod ng nag-aapoy nitong mga mata ang mukha niya sa nag-iigting na mga bagang. At wala siyang magawa. Para siyang dagang nakorner sa sulok. Pero maliban sa galit ay may iba pa siyang nakikita sa mga mata nito… sa katawan nito. There was something else. She could feel it. Nakikita niya ang marahang pagbaba at pagtaas ng dibdib ng binata, the ragged breathing not from anger but from passion. Inabot nito ang batok niya at marahan siyang kinabig.

“L-let me go, Renz…” halos hindi lumabas sa bibig niya iyon.

lyon lamang at bigla itong umatras kasabay ng pagtulak sa swivel chair niya na kung hindi siya nakahawak sa mesa ay gugulong palayo ang silya.

Tumayo ito at marahas na nagsalita. “Umalis ka na, Kimberly, bago ko malimutang nasa opisina kita.”

Mabilis niyang narating ang pinto at nakalabas. Tumingala at pinuno ng hangin ang dibdib. Hindi niya gustong maiyak dahil baka may makakita sa kanyang mga empleyado pero kusang naglandas ang mga luha sa pisngi niya.

There must be a comfort room somewhere. Gusto niyang magtungo roon at palipasin ang emosyon.

Si Renz ay tila nahahapong naupo sa silya nito. Sandaling sumandal at inihilig ang ulo at pumikit. Pagkatapos ay binuksan ang drawer at mula roon ay may kinuha. Inikot-ikot sa daliri ang gold chain.

Tulad ka pa rin ng dati, Kimberly. And I thought you’d lost that innocence o alin lang sa dalawa. Wala ka pa ring muwang o mahusay kang artista. You still tremble and have that fear in your eyes. You trembled when I first kissed you and there was fear in your eyes when I first took you that night… and yet you were trembling with desire.

Chapter 20

K UNG paano siyang nakasakay sa taxi ay hindi alam ni Kimberly. Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya ngayon maintindihan kung bakit naisip niyang kayang pakitunguhan ang mga pangyayaring darating sa kanyang buhay. Ang buong akala niya’y nag-mature siya sa nakalipas na tatlong taong mahigit. That she was a smart and composed woman. Na pinatatag siya ng hirap na dinanas mula nang malamang niloko at pinabayaan siya ni Renz.

Napakagaga niya para isipin iyon. Sa ibang mga lalaki marahil. Nagawa niyang idistansiya ang sarili sa mga ito sa nakalipas na panahon. May tawag nga sa kanya ang mga classmate niyang lalaki noon sa unibersidad, ice maiden. Ganoon din ang mga kaopisinang lalaki niya ngayon. Maraming nagtangkang makalusot sa pader na inilagay niya sa sarili pero nangabigo ang mga ito.

Pero hindi si Renz. She was still no match for him.

Dapat ay naisip na niya iyan noon pang una silang magtagpo nito sa kasal ng kapatid niya.

Sa townhouse siya tumuloy. Hindi na niya kayang pumasok at wala rin siyang magagawa. Tinawagan niya si Laura at ipinaalam ditong napasakanila ang kontrata at bukas na lamang sila mag-uusap.

“Come here, honey,” aniya sa anak. Kinarga at niyakap nang mahigpit.

“Can’t breathe…” reklamo ni Ralph.

Natawa siya. “Sorry, darling. Maghapon mo akong kasama ngayon, Ralph. What do you want us to do?”

“Play ba’ketball,” sagot ni Ralph. Kinuha nito ang laruang plastic na pinipindot at tataas ang bolang maliit upang pumasok sa ring. Pang-dalawahang tao ang laro.

Natawa siya. “Ito ba ang paglalaruan natin?”

Tumango ang bata na pumuwesto sa tabi niya.

“Tomorrow, I’ll buy you a real ball. Kahit iyong maliit lang basta bola.”

“Buy ball?” Kumislap ang mga mata ng bata.

“Promise. Don’t you know that your daddy is very tall? Six feet and two inches. He is so handsome like you, Ralph. And a star player ng basketball noong araw sa campus. I sometimes wondered kung bakit hindi siya pumasok sa PBA,” wala sa loob na nagkuwento sa anak. “At ikaw, mahilig ka rin sa bola, ha? Minana mong lahat. You even looked exactly like your daddy,” tuloy-tuloy pa rin niyang sinabi na tila may gulang na ang anak.

“My daddy?” ulit ni Ralph na nakatanga sa kanya.

“Yes, your dad—” hindi niya natapos ang sasabihin.

Biglang napawi ang ngiti at napatitig sa anak. Buong buhay nilang mag-ina ay hindi niya binanggit dito ang tungkol kay Renz.

“Sa’n daddy ko?” si Ralph na isinubo ang isang daliri at tumingala sa kanya. Nanlumong napasandal siya sa sofa. That was an honest mistake. And she must pay for it. At hindi niya alam ngayon kung paano sagutin ang anak.

“Sa’n Daddy, Mommy?” ulit ni Ralph.

“Ang… w-well…” nagkakandautal siya. Dinampot ang anak at tuluyang napaiyak.

Ang buong akala niya’y kumpleto na silang mag-ina. Hindi nila kailangan ang kahit na sinong lalaki. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang ganitong pagkakataon.

Ralph Lawrence Antonio—paano kung tanungin siya nito pagdating ng araw kung bakit magkapareho sila ng apelyido? Paano niyang pakikitunguhan at haharapin ang bawat pagkakataong magtatanong si Ralph tungkol sa ama?

Lahat ng iyon ay pabalik-balik sa isip ni Kimberly at isa man ay wala siyang maapuhap na sagot.

Chapter 21

Pumasok siya kinabukasan na naroon na si Laura sa silid niya.

“You’re early today,” bati niya. Inilagay sa mesa ang bag at attache case. Pagkatapos ay inayos ang mga gamit sa mesa.

“Ibinitin mo ako kahapon, Kimberly. Ano ang nangyari sa pag-uusap ninyo ng manager ng Bio-Natura?” Naupo ang matandang babae sa gilid ng mesa.

Matabang siyang ngumiti. “Tulad na ng sinabi ko sa inyo kahapon, sa atin ibinigay ang contract”

“That fast?” Tumaas ang mga kilay nito na bagaman nagtataka ay umaliwalas ang mukha “Oh, well, they must really have appreciated your work kaya ganoon kadali. And I’m really so glad, Kimberly. Medyo nahihirapan ang kompanya ngayon, hija. at talagang kailangan natin ang trabahong ito. Money aside, Aldana Advertising keeps me going. Ano ang gagawin ko kung wala ang kompanya?”

Nakadama siya ng habag sa matandang babae. Mula nang mamatay ang asawa nito’y ibinuhos na ang lahat ng panahon sa kompanya. Si Marlon ay hindi naglalagi sa Pilipinas. At iyon ang talagang dahilan kaya hindi niya maaaring pabayaan ang trabahong ito. Malaki ang utang-na-loob niya kay Laura dahil sa tulong na ginawa ni Marlon nang magpanggap itong asawa niya.

“Hindi mawawala ang kompanya, Tita Laura,” paniniyak niya “Maliban sa Bio-Natura, marami pa tayong makukuhang kontrata.”

“With you around, hija, I can be very sure of that.”

Isang tikhim ang nagpalingon sa dalawang babae sa nakabukas na pinto Nakatayo roon si Renz in a dashing signature polo-shirt na kulay puti at itim na slacks.

“Good morning, ladies.” Ngumiti ito na ang mga mata’y nagtagal kay Mrs. Aldana at bahagyang sinulyapan si Kimberly.

“H-hello, Renz.” Bumilis ang tibok ng dibdib niya “Maupo ka. Tita Laura, this is Mr. Lorenzo Marzan, ang managing director ng Bio-Natura Philippines.”

Ngumiti si Laura at inabot ang kamay. “Oh, hello, Mr. Marzan. I’m Mrs. Aldana.”

“My pleasure, ma’am,” hindi nito inaalis ang mga ngiti sa mga labi. “I’m terribly sorry if I dropped by this early pero nalimutan ni Kimberly na ibigay sa akin ang advertising campaign na ginawa niya.” Sinulyapan nito si Kimberly na pinanlakihan ng mga mata.

“Nakalimutan?” bulalas ni Laura. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. “Ibig mong sabihin you never had the chance to even look at it?’”

Bahagyang ikiniling ni Renz ang ulo tanda ng pangsang-ayon.

“Then how were you able to study and approved her work kung—”

“’The Antonios and the Marzans were friends way back, Mrs. Aldana,” amused nitong sagot. “Pareho kami ng alma mater ni Kimberly at alam kong mahusay siya.”

Damn you, Lorenzo Marzan!

“And you’re giving us the contract dahil lang doon?” Hindi pa rin makapaniwala si Laura.

“That and my confident sa kakayahan at husay ni Kimberly. Puwede ko bang hingin ngayon iyon and probably discuss with you some of the ideas?”

“But of course… of course…” agap ni Laura na nilingon ang nakatangang si Kimberly. “Nasaan iyon, hija?” Pagkatapos ay muling bumaling kay Renz. “I’m sorry, I forgot to offer you something. What would you like to have, Mr. Marzan, coffee? Juice?”

“Coffee is fine, thank you.”

Dadamputin sana nito ang intercom upang magpapasok sa sekretarya pero minabuting hindi na. May nararamdaman itong tensiyon na hindi mawari.

“I’ll fix it myself,” anito na sinabayan ng labas.

“Damn you, Renz!” pabulong na sinabi ni Kimberly na namumula sa galit. “Pinagmukha mo akong gaga at tanga! Natitiyak kong itatanong ni Tita Laura kung bakit mo ibinigay ang kontrata sa amin nang hindi pa man lang nakikita ang trabaho ko.”

Nagkibit ng balikat si Renz. “Di sabihin mo sa kanya ang totoo na sa paniningil ko ay nagawan ko ng malaking pabor ang kompanya niya.”

Ibinagsak niya ang mga papel sa mesa. “Alin bang paniningil ang sinasabi mo. Kung anuman ang namagitan sa atin noon ay tapos na iyon. Wala akong utang na dapat bayaran sa iyo. Kaya hindi kita naiintindihan kung anong kasalanan ang dapat kong pagbayaran sa iyo.‘’ Sa kabila ng galit ay nagbabadya ng pagsusumamo ang mga mata niya.

Tumalim ang mukha ni Renz at nilapitan siya. Napasiksik sa dinding si Kimberly. “Stop the theatrics. Kimberly! Alam kong mahusay ka diyan.”

“For heaven’s sake, Renz, maupo ka!” Gusto na niyang maghisterya.

“Well, well, I still have that effect on you, haven’t I?‘’ bulong ng binata sa mapanganib na tono. Inabot ang batok niya at marahas na hinila pakabig.

kung hindi niya naisip na nasa opisina sila ay sumigaw na siya. Ibinuka ang bibig upang magprotesta subalit hindi nagawang makalabas ng tinig niya. Mga labi ni Renz ang tumakip doon at siniil siya ng halik. Marahas na mga halik tulad din noong nasa batis sila.

Gusto niyang magpumiglas pero hindi niya nagawa. She was paralyzed with mixed emotions. Malaki ang epekto ng ginagawa ni Renz sa katawan niya. And after all these years… after missing him so much.

Nagbago ang paraan nito ng paghalik sa pagpapaubaya niya. He was kissing her softly and tenderly na tila siya babasaging kristal. Tulad din ng gabing iyon sa batis, in the moonlight, when he so gently took her.

Bigla ang paghinto ni Renz nang malasahan nito ang alat ng nag-iisang luhang kumawala sa mga mata niya.

“Damn you, Kimberly!” he whispered in an angry and husky voice. “Bakit ka nag-asawa ng iba?” Sa pagkakataong iyon ay hindi nito nagawang itago ang kapaitan sa tinig.

Nag-angat ng mukha si Kimberly “Bakit?” bulong niya sa ganoon ding tinig. “You’re so unfair, Renz… you’re so unfair!” At tuluyan nang kumawala ang mga luha niya.

Sa sandaling iyon piniling pumasok ni Laura na dala ang tray ng kape. Nagsalubong ang mga kilay nito sa dinatnang eksena. Dinampot ng binata ang mga papel sa mesa.

“Ikinalulungkot kong kailangan kong umalis, Mrs. Aldana. Nakalimutan kong may appointment nga pala ako ngayong umaga,” wika nito kay Laura na naguguluhang nakatingin pa rin sa kanila. Nilingon ni Renz si Kimberly. “I’ll see you in my office, Kimberly. Bukas ng alas-diyes para sa kontrata,” ang awtorisadong salitang binitiwan bago lumabas.

Ibinagsak niya ang sarili sa silya at nagtuloy-tuloy ng umiyak. Sandaling hinayaan siya ni Laura sa ganoong ayos.

“You can have my shoulder to cry on, hija,” banayad nitong sabi.

Nagtaas ng mukha si Kimberly. Inabot ang tissue at nagpahid ng mukha. “Siya ang… ama ni Ralph, Tita Laura,” aniya makaraan.

“Oh!”

Chapter 22

Walang namagitang salitaan sa dalawa ng kung ilang sandali. Si Kimberly ang bumasag ng katahimikan at sinabi sa matandang babae ang lahat. Mula sa simula.

“Hindi natin kailangang gawin ang trabaho, hija. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahalaga ang pera. Totoo, we need this contract to keep Aldana Ad going. But not at your expense. The nerve of that guy na ang akala yata ay siya ang pinakamagandang regalo ng diyos sa mga babae.”

Napangiti siya roon. Probably Renz thought so.

“I owe your father a great deal, Kimberly. Nagtataka ka siguro kung bakit napapayag ko si Marlon na magtungo sa San Ignacio at magpanggap na boyfriend mo?”

“Ang sabi ng daddy ay magkaibigan ang pamilya ninyo.”

“Totoo. Pero higit pa roon ang dahilan. Ipinagkasundo kaming ipakasal sa isa’t isa ng aming magulang and both of us agreed. Magkasundo kami sa lahat ng bagay and I respected him. But along the way, I met Mr. Aldana. I fell in love with him at once. The feeling was so intense na hindi ko na halos gustong humiwalay rito, if you know what I mean.”

Tumango siya nang wala sa loob. Kilala niya ang damdaming iyon. She felt the same intense feeling for Renz.

“Pero nakatakda na ang kasal namin ni Joseph at naipit ako sa pagitan ng moral na obligasyon ko sa ama mo at sa pag-ibig ko kay Mr. Aldana.”

“At pinili mo si Mr. Aldana?” aniya which was obvious.

Tumango si Laura. “Sa mismong araw ng kasal namin ni Joseph ay sumama akong magtanan kay Mr. Aldana.”

“Oh!”

“Yes. Pero pinatawad ako ng daddy mo, Kimberly, kaysa sa mga magulang ko. Tiniis ang kahihiyan kaya nagpa-assign siya sa malayo. Doon niya nakilala si Cristina. They fell in love and the rest is history.” Tumayo ito at nagpalakad-lakad sa loob ng silid. “So, you see? Do not feel obligated dahil sa ginawa ni Marlon. Kalimutan mo na ang kontrata sa Bio-Natura. Marahil ay may iba pang mga trabahong darating. We’ll survive.”

Huminga siya nang malalim. Bahagyang lumuwag ang dibdib. “Thank you, Tita Laura. Pero itutuloy natin ang trabaho. Tiniyak ni Renz na susundan niya ako saan man ako magpunta, lalo na ngayong wala na akong asawa sa pagkakaalam niya. Kung bakit sa palagay ko’y gusto niya akong saktan ay hindi ko pa rin maunawaan.”

“Pero mas lesser ang pagkakataon ninyong magkita kung hindi ka nagtatrabaho sa kanya.”

“Hindi tayo nakasisiguro kay Renz. So, we might as well take advantage. Once it is aired, tapos na ang trabaho. Ang gusto ko lang na maingatan ay ang huwag silang magkita ni Ralph.”

“Ikaw ang bahala, Kimberly. At kung gusto mong magbago ng isip ay huwag kang mag-atubiling bitiwan ang trabaho sa Bio-Natura.”

Chapter 23

“T HIS is brilliant, Renz!” si Mr. del Rosario matapos mapag-aralan ang trabaho ni Kimberly. “Mahusay ang concept. Natitiyak ko ang appeal nito sa mga kababaihan.”

Tumango si Renz. “She is coming today. Pag-usapan natin. Ipatatawag kita pagdating niya.‘’ Lumabas siya ng silid nito at tinungo ang sariling opisina.

Naupo sa swivel chair at binuksan ang drawer at muling kinuha roon ang gold chain. Nilaro-laro ng kamay. Nakatiim-bagang habang malalim ang iniisip.

Nang biglang bumukas ang pinto. “Hello, darling,” si Dianne.

Ngumiti siya. Sa nakalipas na mga taon ay nanatili silang magkaibigan.

“Hi. Bakit ka narito?” Nasa kabilang opisina pa rin ito nakaugnay.

Naupo si Dianne sa armrest ng swivel chair at malambing na inakbay ang braso sa balikat niya. “Absent ako ngayon dahil gusto kong magpa-parlor. Let’s have lunch out, Renz,” yaya nito na lumabi pa.

“May kausap ako ngayong umaga, Dianne. Hindi ko alam kung hanggang anong oras kami matatapos. Guess who?”

“Eh, sino nga…” Napuna nito ang bracelet sa kamay ni Renz. “Nilabas mo na naman iyan.”

Mapait na ngumiti ang binata. “This has become a habit, Dianne. Lalo na pag nag-iisip ako.”

“Kung ibinibigay mo na ba sa akin iyan, di ang tuwa ko pa.”

Natawa si Renz. “At ano naman ang magiging halaga nito sa mga mamahaling alahas mo, aber?”

Bumahid ang lungkot sa mukha ng babae. “Hanggang ngayon ba naman, Renz, ayaw mo pang pakawalan ang alaala ni Kimberly?”

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya na sinabayan ng mahinang tawa.

“Pinipilit mong ipagkaila sa akin pero hanggang ngayon ay alam kong hindi mo pa siya nalilimot.”

Bago pa nakasagot si Renz ay bumukas uli ang pinto kasabay ng marahang katok. Sumungaw mula roon si Kimberly.

“Good morning, Renz—” Nahinto siya sa paghakbang nang makitang hindi ito nag-iisa sa silid. Si Dianne!

Si Dianne man ay nagulat din. Napatayo mula sa pagkakaupo sa armrest. “Kimberly!”

“H-hello, Dianne,” bati niya habang humakbang papalapit. Ngumiti siya. Hindi kailangang masira ang composure niya dahil lamang magkasamang narito ang dalawa. “Do you mind if I take a seat?” aniya kay Renz. Kailangan niyang maupo at baka bumigay ang mga binti niya.

“B-bakit siya narito, Renz? Kailan kayo…?“si Dianne na litong nilinga ang binata.

“Si Kimberly ang sinasabi ko sa iyong kausap ko ngayong umaga, Dianne. May gagawin siyang trabaho sa Bio-Natura,” walang anumang sagot habang wala sa loob na patuloy pa ring nilalarong daliri ang gold chain.

Sabay na napako roon ang paningin ng dalawang babae. Sabay ding nawalan ng kulay ang mukha. Si Dianne ay kulang na lang na hablutin ang bracelet sa kamay ni Renz.

“P-paanong napunta sa ’yo, iyan?” wala sa loob na namutawi sa bibig niya. Of course, kinuha nga pala sa kanya iyon ni Dianne. Pero bakit kinailangang ibigay nito iyon kay Renz?

Sarkastikong ngumiti si Renz. “Ito ba?” Itinaas ang bracelet.

“Come on, Renz, kung may pag-uusapan kayong trabaho ay simulan n’yo na, so we can have lunch together,” pilit nitong pinaging normal ang tinig at inabot ang gold chain mula sa kamay ng binata pero iniwas ni Renz.

“I’m surprised you asked me that. Nalimutan mo na bang isinauli mo sa akin ito along with your message?” Biglang tumigas ang mukha nito sa nakabadyang galit. “Well, at least, kahit sa kahibangan mo sa lalaking napangasawa mo ay nagawa mong isauli sa akin ito. How decent!”

Napatayo mula sa pagkakaupo si Kimberly. Sinulyapan ang namumutlang si Dianne na hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin.

“Hindi ko… isinauli sa iyo iyan…” halos bulong na lumabas sa bibig niya iyon.

“Ow, come on, Kimberly. What is it with you at gusto mo pa ring ipagpatuloy ang innocent act mo?” pagalit na nitong sinabi. “Sa mismong harap ng taong pinagbigyan mo ay magkakaila ka? O, gusto mo ring ikaila ang mensaheng ipinarating mo sa akin?”

“Please, Renz. This is nonesense and a waste of time,” si Dianne.

Unti-unting tumalim ang mga mata ni Kimberly. “Ano’ng mensahe?”

Impatiently, inilahad ng binata ang mga kamay. “Ano ito, showbiz? Well, anyway, what does it matter now.” Ibinalik niya sa drawer ang bracelet. “Maupo ka na uli, Kimberly, and let’s discuss your campaign,” utos nito.

Nakahinga nang maluwag si Dianne. “Oh, well, thank’s heav…” Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil binalingan siya ni Kimberly.

“Shut up!” sigaw niya kay Dianne na nagulat. Ganoon din si Renz sa hindi inaasahang outburst niya. Binalingan niyang muli ang binata. “What message, Renz? You tell me. Gusto kong marinig mula sa iyo nang matapos.”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata na biglang naguluhan. Umiling ito. “Never mind that, Kimberly. Ang sabi ko’y maupo ka na uli,” matigas nitong utos na lalong ikinagalit niya.

“You can forget that damned contract, Renz, dahil hindi ko na gagawin iyon. I have this feeling that I have been judged and condemned without fair trial.”

“Listen. Kimberly…”

“No! You listen and listen carefully dahil ito na ang huli nating pag-uusap,” aniya na nag-aapoy ang mga mata. “Hindi ko isinauli sa iyo ang bracelet na iyan. It was taken from me in a most tricky way. At lalong wala akong mensaheng ipinaabot sa iyo. At hindi ako gagamit ng ibang tao para iparating sa iyo ang gusto kong sabihin, least of all, ang babaeng iyan!” Kung nakamamatay ang tinging ipinukol niya kay Dianne ay natumba na ito.

“You should know me better than that, Renz. You two are cut from the same cloth, bagay nga kayo! At huwag mong baliktarin ang kasalanan at kataksilang ginawa mo sa akin. I hate you and I don’t want to see your face ever again! And you can both go to hell!” Pagkatapos noo’y mabilis siyang lumabas ng pinto. She has never been angrier in her life na hindi siya makaiyak.

Si Renz ay hindi pa rin kumikilos mula sa kinauupuan Nanatiling nakatitig sa pintong nilabasan ni Kimberly.

“W-well. I guess I’d better be going also,” ani Dianne na inabot ang bag sa mesa subalit marahas siyang hinawakan ni Renz sa braso.

“Ano ang ibig sabihin ni Kimberly, Dianne? Paanong napunta sa iyo ang bracelet na ito?” pagalit nitong tanong.

“Bitiwan mo ako, Renz, ano ba! Sinabi ko na sa iyo, ’di ba? Ipinasasauli niya sa iyo ’yan.” Pilit nitong inaalis ang braso mula sa pagkakahawak ng binata pero hindi binibitiwan ni Renz ang braso nito.

“Hindi iyon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya kanina.” Bakas sa mukha nito ang tinitimping galit at kinakabahan si Dianne. Hindi pa niya nakitang nagalit nang ganoon ang binata.

“Well, she’s lying!”

“Or you did!” Ibinalya nito ang dalaga na sumadsad malapit sa fax machine. Nanlaki ang mga mata ni Dianne.

“May sinabi siyang ngayon ko lang napag-isip-isip, Dianne. I was consumed by my anger at hindi ko na naisip noon iyon. Sa loob ng mga taon ay minahal ako ni Kimberly.” Bahagyang lumambot ang mukha niya sa bahaging iyon. “Nagawa niyang ipaglihim iyon sa pinakamatalik man niyang mga kaibigan. At nang magkaroon kami ng relasyon ay nanatili pa ring lihim iyon kahit dumating doon sa puntong gusto ko nang ipaalam. She was very young and very much in love with me, nakikita ko iyon sa mga mata niya. She was probably scared kaya gusto niyang manatiling lihim iyon.” Sinulyapan nito si Dianne na bahagyang umatras.

Pero hindi naging lihim sa akin iyon, Renz! gusto nitong isigaw.

“And it is a little wonder why of all people ay sa iyo niya sinabi na tapos na sa amin ang lahat kung walang nakakaalam. At tama siya, least of all, you! You were never friends,” dagdag niya sa nagngangalit na mga bagang.

Hindi makaapuhap ng isasagot ang babae. Nanatiling nakasiksik sa tabi.

“Ano ang totoong nangyari, Dianne?” muling tanong ni Renz sa mahina ngunit mapanganib na tono. Halos maglabasan ang apoy sa mga mata niya habang nilalapitan si Dianne.

Umatras ang babae. “Wala akong sasabihin sa iyo kahit patayin mo ako! Ang tanging masasabi ko lang ay minahal kita at mahal pa rin kita. Oo, hanggang ngayon, Renz. Para akong luka-lukang naghihintay, umaasa na makaka-recover ka sa damdamin mo kay Kimberly. Umaasang tayo pa rin!”

Napahinto sa paghakbang si Renz. “I thought we’re friends…”

“Dahil iyon ang ipinaniwala ko sa iyo upang makapanatiling magkalapit tayo.” Umiyak na ito. “Kalimutan mo na si Kimberly, Renz. May asawa na ito at may anak na. We’ve been together for years, hindi magiging mahirap para sa iyong mahalin ako uli,” nagsusumamo ang tinig nito.

Malungkot na umiling si Renz. Nabawasan ang galit. May humalong awa. “Ang relasyong namagitan sa atin noong huling taon sa kolehiyo ay ikaw ang may gusto, Dianne. But I’m sorry to say na hindi kita minahal. Alam kong alam mo iyan, I never told you so. Hindi rin kita pinaniwalang mahal kita. It was always Kimberly from the start.”

Tuluyan nang nawala ang poise ng dalaga. Humagulgol ng iyak.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyaring totoo pero malalaman ko rin iyon sa sarili kong paraan. Maaaring nagkasala sa akin si Kimberly nang mag-asawa siya. Pero nakahanda akong patawarin siya, Dianne. Tanggapin siya kasama ng anak niya sa ibang lalaki,” patuloy ni Renz.

“You’re a fool, Renz!”

Huminga nang malalim ang binata. Tumingala sa kisame. “Maybe…” Nilingon nito ang dalaga makaraan ang ilang sandali. “Goodbye, Dianne,” aniya sa tinig na malamig pa sa yelo.

Nanlumong lumabas ng silid ang dalaga. Alam niyang ang kapirasong hibla ng pag-asa ay pinutol na ni Renz. Not even as friends.

Chapter 24

Makalipas ang ilang minuto ay umalis din si Renz. Marami siyang gustong itanong at linawin kay Kimberly. He’ll make her talk. Baka isa sa mga dahilan kung bakit nag-asawa ito ay dahil din kay Dianne.

Makalipas ang kalahating oras ay nasa opisina na siya ng Aldana Advertising.

“Nandiyan ba si Miss Antonio?” aniya sa receptionist-secretary.

“Wala pa po, sir,” nakangiting sagot nito.

“What about Mrs. Aldana?”

“Tumawag po siyang mali-late ng dating. Gusto po ba ninyong magbilin na lang o maghintay sandali at baka dumating ang sino man sa kanila?”

“Maghihintay ako,” aniya at lumakad patungo sa may sofa at naupo.

Beinte-minutos pa uli ang matuling lumipas at mag-aalas-dose na. Tumayo siya at muling nilapitan ang empleyado. Nginitian ito in his most charming way that no woman would ever resist.

“I really have this important meeting with a client, honey, and I can’t wait another minute. Importanteng makausap ko si Miss Antonio tungkol sa Bio-Natura project. Puwede ko bang hingin na lang sa iyo ang address niya sa bahay?”

Ang ngiti, ang endearment, the handsome face, at ang pagbanggit sa kompanya ay sapat na upang ibigay ng empleyado ang hinihingi niya kahit labag sa panuntunan ng kompanya. Alam din nitong mahalaga para sa Aldana Ad ang nasabing project.

“Heto na po, Sir.” Iniabot nito ang kapirasong papel sa kinasusulatan ng address ni Kimberly.

Kinindatan ni Renz ang dalaga. “Thank you. You’re a real darling.” At mabilis na lumabas ng building.

Sa mismong garahe ng unit ipinarada ni Renz ang sasakyan niya. May ilang segundo din siyang naghintay bago may sumagot sa doorbell.

“Sino po sila?” si Grace na bahagya lamang binuksan ang gate.

“Nariyan ba si Kimberiy?”

“Wala pa po.”

“Maaari ko ba siyang hintayin sa loob?” Atubiling sumagot ang katulong. Ngumiti si Renz. “Hindi ako masamang tao. Taga-San Ignacio din ako at kaibigan ko ang mga Antonio. Wala siya sa opisina niya dahil galing ako roon. Tawagan mo kung gusto mo. Kilala ako ng sekretarya.”

Sandali lamang nag-isip si Grace. Pinapasok ang binata. Inikot niya ang mga mata sa buong kabahayan. Simple lang lahat ang ayos pero may touch of class. Walang naroong kasangkapang hindi ginagamit.

“Maupo ho kayo,” itinuro ni Grace ang sofa.

Hindi tumitinag ang binata. Nanatiling nakatayo. Napagtuunan ng pansin ang mga laruang nakakalat sa sahig.

“Sa anak ni Kimberly?” Nilingon niya si Grace na tumango. “Nasaan ang bata?”

“Pinapakain ko po sa dining room,” sagot nito nang biglang parang may bumagsak na nabasag sa kusina. Mabilis na tumakbo roon si Grace. Sumunod si Renz.

Si Ralph na umahon mula sa high chair at naabot ang baso sa mesa at natabig. Marahil ay tangkang kuhanin.

“Ralph! Naku, muntik ka nang mahulog,” bulalas ni Grace na agad kinarga ang bata.

Bahagyang itinulos sa pagkakatayo si Renz nang lumingon sa dako niya si Ralph na namilog ang mga mata. Ang alam nitong lalaking nagpupunta sa kanila ay si Joseph at Patrick lamang.

Ngumiti si Renz. “Hello, big bear…”

Ibinalik ni Grace sa high chair ang bata na ang mga mata’y nakatitig pa rin sa palagay nito’y estranghero.

“Dito ka muna at wawalisin ko ang nabasag mo, ha? Huwag kang malikot.” Nilingon si Renz. “Pasensiya na kayo, Sir.”

“Akin na ang bata at linisin mo na iyan.” Inabot nito si Ralph mula sa high chair. Atubiling sumunod si Grace. “Sa sala lang kami,” assurance ni Renz.

Inilapag niya sa sofa ang bata at tinitigan. May kung anong bumundol sa dibdib niya. Gusto niyang alisin sa isip ang kung anong tila nagsisiksik doon.

“What is your name?” tanong niya.

“Raf… your name?” sagot at ganting tanong ng bata.

“Renz…” sagot niya sa baradong lalamunan. Pilit pa rin inaalis sa isip ang bagay na ang kaharap niya’y isang buhay na larawan ng mga litrato niya sa album noong maliit pa siya.

Dumausdos mula sa sofa ang bata at kinuha mula sa bunton ng laruan ang bolang binili ng ina. Inabot kay Renz. “Play ba’ketball… shoot!” Nagkakandahaba ang nguso nito na tumingala sa kanya.

Tumuwid siya ng upo. “So? You want to be a basketball player, ha? Okey I’ll show you how to dribble.” Nag-dribble siya. Tuwang-tuwa si Ralph na nagtitili at pilit na hinuhuli ang bola. Nang ibigay niya ang bola sa bata ay pilit nitong ginagaya ang ginawa niya.

Nagsisikip ang dibdib na pinanonood niya ito. Natanawan niya si Grace na nakamasid sa kanila.

“Ano ang pangalan mo?”

“Grace po.”

“Gaano ka na katagal na kasama ni Kimberly?”

“Tatlong taon na po.”

“Umuuwi ba rito ang asawa ni Kimberly?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Grace. “Asawa?”

“Ang daddy ni Ralph…”

Umiling si Grace. “Hindi naman po nagkaroon ng asawa si Ate Kimberly. Maliban po sa daddy niya at kay Kuya Patrick ay kayo pa lang ang kauna-unahang lalaking bumisita sa kanya mula pa noong ipaglihi niya si Ralph.”

Kung anuman ang nararamdaman ng nasasabugan ng bomba ay iyon marahil ang nadama ni Renz. He was shattered into pieces. Muling tinitigan ang anak at pagkatapos ay kinarga.

“Hello, again, big bear. May palagay akong ako ang may utang na dapat bayaran. Now, give me a hug, will you? And also your biggest kiss,” aniya na bagaman nakangiti ay nagsisikip ang dibdib.

Nagbigay naman si Ralph at mahigpit siyang niyakap sa leeg at hinalikan sa ilong.

“Lord, I never cried in my whole life. Kahit noong mawala ang mommy mo sa akin,” bulong niya sa bata na nagsasalubong ang mga kilay.

“Are you crying?” nagtatakang tanong ni Ralph na dinutdot ng daliri ang namumuong luha sa mga mata niya. Umiling ito. “Huwag iyak. Mommy said man don’t cry.”

Natawa siya at mahigpit na niyakap ang anak. “Sometimes, it is better if we did, son.”

Chapter 25

H APON na nang makauwi si Kimberly. Nagpalipas siya ng galit sa pamamagitan ng walang humpay na paglalakad sa Ayala Avenue. Nang mapagod ay pumasok sa isang coffee shop.

Nagpapasalamat siya at naging maunawain si Laura kahapon na hindi niya kailangang ipagpatuloy ang trabaho sa Bio-Natura. Kung ninais man niya kahapong gawin ang trabahong iyon ay dahil sa pagtanaw ng utang-na-loob dito. Pero ngayo’y magaan na ang dibdib niyang huwag ituloy ang trabahong iyon.

Pagkatapos ng lahat, ano ang karapatan ni Renz na guluhin ang buhay niya? Sana’y noong unang araw pa nang nagkita sila sa kasal ni Patrick ay ipinakita na niya ang pagkamuhi rito. Hindi na sana umabot sa ganitong sa bandang huli’y siya na naman ang nasaktan.

“Ate, may bisitang lalaking dumating dito kanina pero nainip marahil at umalis din. Isang oras din silang naglaro ni Ralph at sabi’y babalik daw mamayang gabi,” salubong ni Grace pagkapasok niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit ka nagpapasok ng tao rito, Grace? Hindi ba at bilin ko’y—”

“Kaibigan daw siya ng pamilya ninyo at taga San Ignacio din. Mabait naman, Ate.”

Sunod-sunod na ang kabog ng dibdib niya. “Ano ang pangalan niya, Grace?”

Nagkamot ng ulo ang katulong. “Eh, nalimutan kong itanong. Pero magkahawig sila ni Ralph, Ate, tinawag pa nga niyang ‘son’, eh. Pagkatapos ay tinanong niya sa akin ang tungkol sa asawa mo raw. Bakit, Ate, nagkaasawa ka ba?”

Hindi pinakinggan ni Kimberly ang mga sinabi pa ni Grace. Dinampot ang telepono at tinawagan si Laura.

“Tita Laura…” aniya sa nanginginig na boses.

“Yes, Kimberly?” ang kabilang linya. “Nasaan ka? Galing daw dito si Renz and my stupid secretary gave your home address.”

Napapikit siya. “Iyan ang dahilan kaya tumawag ako, Tita Laura. I’ll be away for a few days. Kami ni Ralph… please.”

Isang buntong-hininga ang narinig niya sa dulong-linya. “Uuwi ka?”

“Hindi ko gustong abutan niya kaming mag-ina rito. And please, kung magtatanong siya sa inyo, wala kayong alam kung nasaan kami ni Ralph.”

“Sana’y maayos ang lahat ng iyan, Kimberly. All right, go at mag-ingat kayo.”

Pagkatapos maibaba ang telepono ay nanlalambot na pumikit at sumandal sa sofa si Kimberly. Ang lahat ng nangyaring ito mula pa kanina ay isang bangungot lang. Magigising din siya at babalik sa normal ang lahat. Hindi maaaring nagkita sina Renz at Ralph. Hindi maaari!

Pagkalipas ng mahabang sandali’y binalingan si Grace. “Aalis kami ni Ralph, Grace. Maiwan ka rito at inaasahan kong hindi mo na uuliting magpapasok ng kahit na sinong tao rito,” pagkasabi noo’y mabilis na pumanhik.

Sa silid niya’y naglagay ng mga damit na kakailanganin nilang mag-ina. Hindi niya kayang haraping mag-isa ito. Paano kung kuhanin ni Renz ang anak niya?

Hating-gabi na halos nang sapitin nila ang San Ignacio. Mula sa highway hanggang sa kanila ay napakahabang lakad din sa madilim at madamong daan. Kung sa bayan siya bumaba ay natitiyak niyang wala na ring tricycle doon sa ganitong oras. Pagod ang isip, puso, at katawang hindi na niya naisip na mapanganib para sa kanilang mag-ina ang lumakad sa kadilimang iyon ng gabi.

“Kimberly!” magkapanabay na sinabi ng mag-asawa nang mapagbuksan siya ng pinto.

“Ano ang nangyari at napasugod kayo sa…?”

Hindi naituloy ni Cristina ang sasabihin dahil iniabot niya rito ang natutulog na anak.

“Mom, Dad… pagod na pagod ako. Bukas na tayo mag-usap, please? Bahala na kayo kay Ralph muna,” pagkasabi noo’y humakbang patungo sa hagdan. Muling nilingon ang mga magulang. “Iniwan ko ang maleta ko sa may di-kalayuan dito. Hindi ko na kaya…” patuloy nang pumanhik.

Nagkatinginan ang mag-asawa. “Kumuha ka ng flashlight, ’Ma, at babalikan ko ang sinasabi niyang maleta,” iiling-iling na utos ni Joseph. Sinulyapan ang apong tahimik na natutulog sa mga bisig ng asawa. “Welcome home, Ralph.” Masuyong dinampian ito ng halik sa noo.

Chapter 26

PABILING-BILING sa higaan si Kimberly. Sa pakiwari niya ay may gumagalaw sa kanya. Pataas-patagilid.

May humahaplos sa buhok niya, humahalik sa mukha niya, sa noo, sa ilong at sa mga labi. It feels so heavenly.

“I love you, sweetheart. So very much. Hindi ko sinabi ang mga salitang iyan sa kahit na kaninong babae,” ang sinasabi ng tinig sa panaginip niya. Patuloy ito sa pagyakap at pagdama sa katawan niya. It was a glorious feeling. Hindi niya gustong gumising.

“I love you, too, Renz. Walang ibang lalaki… ikaw lang…” she was murmuring. Hindi niya maidilat ang mga mata niya. She’s too tired and sleepy. Isa pa, talagang hindi niya gustong magmulat dahil baka maputol ang panaginip niya.

“I know that now. Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko sa iyo,” ang boses uli. Sinusuklay ng kamay nito ang buhok niya at marahang hinahagod at pinipisil ang batok niya.

“Hmm…” she felt so relax at isiniksik ang sarili sa mainit na katawang iyon.

INAANTOK pa siya pero naliligalig siya sa throbbing sound na naririnig niya. Bakit ba parang may kumikiliti sa ilong niya at bakit parang may mabigat na bagay na nakadagan sa mga binti at baywang niya?

Napilitan siyang unti-unting magmulat ng mga mata. Marahang iniatras ang ulo. Matitipunong dibdib ang namulatan niya at marahil ay ang tibok ng puso nito ang naririnig niya. At ang mga pinong balahibo sa dibdib ang kumikiliti sa ilong niya.

Pipikit sana siyang muli nang may maisip. Balahibo sa…! Kasabay ng pagbangon ay tumili si Kimberly. May katabi siyang lalaki sa higaan! Nakayakap at nakadantay sa kanya!

Naalimpungatang nagmulat ng mga mata ang lalaki. Tinutop ang noo na biglang napaangat sa pagkakahiga.

“Ano’ng…?” Napapikit ito nang makitang siya ang tumili. “Oh, sweetheart, you’ll drive the whole town rushing here sa sigaw mo na iyon.”

“Ano ang ginagawa mo rito, Lorenzo Marzan?” sindak niyang tanong na bumaba ng kama. “Bakit ka narito? Paano kang nakapasok dito sa silid ko?” Pagkasabi noo’y mabilis na lumabas ng silid.

Pinagbubuksan ang dalawang silid sa itaas at hinanap ang mga magulang at anak kasabay ng malakas na tawag. Nang hindi makita ay bumaba ng hagdan.

“Mom! Dad!” Naikot na niyang lahat ang buong kabahayan at likod-bahay. Wala ang mga magulang niya at si Ralph. Wala rin ang kotse ng daddy niya sa garahe. Sa driveway ay ang Strada ni Renz.

Kung paano siya kabilis na bumaba ay ganoon din siya kabilis na nakabalik sa silid niya. Naroon pa rin si Renz na nakadapa sa mga unan niya at walang pakialam sa histerya niya.

“Bumangon ka diyan, Renz, at mag-usap tayo!” hiyaw niya. “Nasaan ang mga magulang ko? Ang anak ko? Bakit ka narito? At ano ng ginagawa mo diyan sa higaan ko? Ano ang… ginawa mo sa akin?” sunod-sunod na pahisterya niyang tanong.

Ni hindi kumikilos ang binata bagaman sumagot. “Wala akong ginawa sa iyo maliban sa pinalitan ka ng damit pantulog. You just dropped dead in your bed with everything on including your muddy shoes,” sagot nito na hindi halos maintindihan ni Kimberly dahil nakabaon ang mukha nito sa unan. “Oh, well, except for a few kisses which you deliriously accepted.”

“Oh!” Tumingala siya sa kisame. And she thought she was dreaming. Nang malamang may humahaplos sa katawan niya’y muling bumaling sa binata. “Hindi ako naniniwala sa iyo, Lorenzo. I could feel that… that…” Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin. Nahahati sa pagitan ng galit at hiya.

Chapter 27

Tumihaya ang binata at sa pag-ikot ay kumawala ang kumot na nakatakip sa katawan nito. Napapikit si Kimberly.

“Wala akong ginawa sa iyo, believe me, sweetheart,” nakangiting wika nito. “Who wants to make love to a dead tired sleeping beauty? Surely not even prince charming. But I cannot promise you na wala akong gagawin ngayon,” muli ang pilyong ngiti. “Have I told you how beautiful and sexy you are this morning? Even with your hysterics?”

“Oh!” aniya uli na hindi makatingin sa binata. “Takpan mo ang sarili mo, puwede ba? Kung wala kang ginawa, bakit ka nakahubad?”

“I always sleep in the nude, sweetheart. Di lalo na kung katabi kita,” may amusement sa tinig nito.

“Oh, stop it, Renz! Takpan mo ang sarili mo at sagutin mong lahat ang mga itatanong ko!” Naiiyak na siya sa pinagsama-samang emosyon.

Itinaas ng binata ang dalawang kamay. “Okay… okay…” Kinuha ang kumot at itinabing sa ibabang bahagi ng katawan. “I can’t believe this! Nagkaanak na’t lahat sa akin pero… o, ’ayan. Maupo ka rito at sasagutin kong lahat ang tanong mo.”

“Hindi. Mag-usap tayo nang ganito.”

“Lumapit ka, Kimberly, o ako ang tatayo at bubuhatin kita pabagsak dito sa kama,” may threat ang tinig nito. “Kagabi ko pa gustong magalit sa iyo dahil sa ginawa mong pagbibiyahe sa anak ko sa dis-oras ng gabi.”

Biglang tumalim ang mga mata ni Kimberly at dinampot ang isang unan sa kama at inihampas kay Renz.

“You beast! lkaw pa ang may ganang magalit, ha!” Walang tigil siya sa sunod-sunod na paghampas. Naiiyak siya sa galit.

Hinawakan ni Renz ang mga braso niya at hinila pahiga sa kama and pinned her down.

“Sshh…” bulong nito na ang mukha’y halos nakadikit na sa kanya. “I drove like hell last night sa pagsisikap na abutan ko ang bus na sinakyan ninyo ni Ralph. Nauna lang kayong makarating dito nang mahigit sa kalahating oras.”

“Bitiwan mo ako!” Pilit siyang nagpupumiglas. “Wala kang karapatang gawin sa akin ito! Paano kang nakapanhik dito? At nasaan ang mga tao sa bahay na ito?”

“I’m telling you now and stop wriggling. I’m beginning to feel something else. Baka kung ano ang matapos nating gawin sa halip,” nangingiti nitong sinabi.

“Oh!” Pinanlakihan siya ng mga mata sa nararamdaman niya mula rito.

“Yes, oh! So better behave and listen, you little adorable prude. You are not helping me a bit fighting for self-control if you keep on wriggling. Nag-iiba lang ang pakiramdam ko and I miss you so much,” he said in a controlled and husky voice.

Unti-unting huminto sa pagpupumiglas si Kimberly. Titig na titig lamang sa binata. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang intense desire. At tulad ng dati, she feared him that she trembles a little. Gusto man niyang magpumiglas ng todo at itulak ito ay alam niyang hindi niya kaya si Renz.

“Hindi… ako makapaniwalang pinapanhik ka ng mga magulang ko rito…” bulong niya. Sinisikap bahiran ng galit ang tinig.

Ngumiti ang binata. Nilaro ng daliri ang contour ng mukha niya. “Wanna bet? Pinapanhik ako ng daddy mo dito but I paid a price. Nakikita mo ba ’tong pangingitim sa ibaba ng mata ko?”

Noon lamang napuna ni Kimberly ang pasa nito sa mukha. Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Nakakita talaga ako ng dancing star, sweetheart,” natatawang wika nito.

“You deserved it!”

“Inaamin ko. Halos magmakaawa akong pakinggan ng daddy mong magpaliwanag. Kung hindi dahil sa mommy mo ay baka hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ako ng pickup. Nakahanda akong matulog at maghintay roon kagabi.” Huminga ito nang malalim. “Maraming sinabi ang mommy mo sa akin. So many misunderstandings all because of Dianne. Hindi ko alam noon kung paano siyang napasama sa trip patungong LA. But later, nalaman kong ginamit niya ang charm sa isa sa mga big boss ng kompanya. One week na kami sa Amerika nang ibigay niya sa akin ang bracelet mo along with your message na tinatapos mo na ang lahat sa atin.”

“I did not!” pagalit niyang sinabi. At ipinaliwanag kung paanong nakuha sa kanya iyon at kung ano ang nangyari noong hapong iyon na kunwa’y despedida ni Dianne.

“I intend to confront you pagbabalik ko pero umabot sa akin ang balitang nag-asawa ka na when I had an overseas call with my parents,” mapait na ngumiti. “Dianne honestly believed that you really got married and that was her icing on the cake. I was furious like hell, Kimberly. Pakiramdam ko ay nalumpo ako. And part of me died…”

Kitang-kita niya ang agony sa tinig at mukha nito at napahikbi siya. “Buntis ako, Renz. Hindi ko alam ang gagawin ko. Takot na takot ako noon. Nakataya ang kahihiyan ng mga magulang ko at ni Patrick na kung narito ka lang nang araw na iyon ay gusto kang patayin. Ang Daddy ang nakaisip ng paraan.”

He showered tiny kisses accross her face. “I know that now. Patawarin mo ako, sweetheart. Sa masasamang sinabi ko sa iyo. I was consumed with jealousy. Hindi ko kayang isiping may ibang lalaking umangkin sa iyo. At kung muli pa akong sinaktan ng daddy mo kagabi ay tatanggapin kong lahat makabayad man lang ako sa lahat ng paghihirap na tiniis mo.” Tinanggal ng thumb finger nito ang luha sa mga mata niya. “Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinaniwalaan mo si Dianne na magpapakasal kami sa Amerika.”

Marahang kumawala si Kimberly. Inabot ang drawer at binuksan iyon. Kinuha mula sa jewelry box ang sulat. Ibinigay sa binata na agad binasa.

“Isang malaking pagkakamali ito, Kimberly. Hindi ko isinulat ito.”

“That… was your handwriting,” nalilitong sinabi niya.

Umiling si Renz. “Hindi. At kung sino man ang binayaran ni Dianne na gumawa nito really did a good job. Maliban sa mumunting strokes ay mapagkakamalan talagang sulat-kamay ko ito. Except for two important things that you miserably failed to notice, my sweetheart.” Masuyong tinitigan siya ni Renz. Kinabig at muli siyang inihiga sa kama.

“W-what two things?”

“Hindi ko kailanman ginamit ang pangalan mo sa pambungad sa lahat ng mga written communications ko sa iyo. Isn’t it always, sweetheart! Pangalawa, ay ang pangalan ko…”

“Yes! Buong nakapirma ang ‘Renz’!” Agad siyang bumangon at kinuha ang papel. Marahas na nilamukos at inihagis.

“Lagi na ay ‘R’ lang ang nakapirma sa akin, ’di ba?” he whispered so softly sabay muling kabig sa kanya, wrapping her in his arms.

“Bakit hindi ko napuna iyon, bakit?” Niyakap niya si Renz at pinipilit itago ang paghikbi.

“Hush…” Hinagkan siya nito sa buhok. “Kung paanong hindi ko rin naisip na hindi ka magpapadala ng mensahe sa ibang tao. Maraming panahong nasayang, sweetheart, but we have a lifetime to compensate it. Itutuwid nating lahat ang pagkakamaling naipaniwala sa marami sa bayang ito.”

“Bakit pinayagan ka ng Mommy at Daddy na dito matulog sa silid ko at nasaan sila?” aniya na kumawala sa pagkakayakap dito.

“Because I promised them that we will be married very soon. At mamayang gabi ay pupunta rito ang Mama at Papa upang mapag-usapan ang tungkol sa kasal natin.”

“Paanong nalaman ng mga magulang mo?”

“Pagkaalis ko kahapon sa bahay mo ay tinawagan ko ng long distance ang mga magulang ko and explain everything from A to Z. Believe me, sweetheart, kung paanong hindi naging madali sa daddy at mommy mo ay ganoon din sa kanila. We were burning lines at galit na galit sila sa akin dahil ginawan daw kita ng pinsala,” natatawang paliwanag nito.

“A-ano’ng sabi nila?” Sa kailaliman ng kanyang puso ay nag-uumapaw ang galak.

“Hindi ako patatawarin kung sa araw mismong ito ay hindi ko madadala roon ang apo nila. Kaya may palagay akong uuwi rito ang Mommy at Daddy na hindi dala si Ralph. Hindi papayag ang Mama at Papa na hindi maiwan sa bahay ang apo nila.”

“Oh, Renz!”

“Sweetheart, I have loved you long enough na hindi ko alam kung mayroon pang ibang damdaming hihigit pa roon. Ikaw ang pag-ibig ko, ang aking magandang pag-ibig. Nang mawala ka, may bahagi ng katawan ko ang nawala. Now you have made me whole again.” Ibinaon nito ang mukha sa buhok ni Kimberly and whispered words of love.

Ako man, Renz, ako man. I can never be whole without you. You are part of me as I am part of you. Gusto niyang isatinig pero hindi na kailangan ng salita sa mga sandaling iyon.

Sa labas ng bintana ay ang huni ng mga nag-aawitang ibon. Ang hangin ay mabining dumadampi sa talulot ng mga bagong bukang rosas sa hardin. Nakangiti ang araw na nagbabadya ng simula ng isang magandang umaga.

Nang ihayag ang pagpapakasal nina Renz at Kimberly, at nang makita ng mga taga-San Ignacio si Ralph ay marami ang nagtaka, nagsalubong ang mga kilay at naghahanap ng paliwanag.

Mula sa bibig ng ilang matatalik na kaibigan ay maraming tanong ang nasagot. At lahat ay nakigalak at nakisaya sa araw ng kasal ng dalawa… with Ralph as the center of attraction.

•••WAKAS•••


Return to top?

Part of a series

Sweetheart

Part 1 of 4
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.