loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Sweetheart Series 2

Sweetheart Series 2

Marthacecilia Phr · 30 chapters · 26,158 words

Chapter 1

S A LIKOD ng makakapal na halaman sa likod ng Science Building ay maririnig ang mga kaluskos at ungol ng babae.

“B-bakit… ka… ba nagmamadali?” tanong nito sa tila kinakapos na paghinga.

Subalit hindi sumasagot si Rigo. Hindi gustong mawala ang konsentrasyon sa ginagawa.

Sa kabila naman ng mga halaman ay sumigaw ang kaibigan niyang si Arnel.

“Rig, ano ba! Hindi pa ba tapos iyan!”

“An… diyan… na!” sagot ng binata na halos pangapusan ng hininga. Nandoon na siyang talaga. At kung hindi nga lang sila nagmamadali ay ibabagsak at ipapahinga pa niya ang katawan sa ibabaw ng katawan ni Shirley.

Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. Ipinasok ang poloshirt sa maong.

“Sorry, honey, naghihisterya na si Arnel,” aniya na ngumisi at bahagya pang humihingal.

Sumunod na tumayo si Shirley at pinagpagan ng damo ang palda. “Hindi ko talaga maintindihan ang pagkahibang mo, Rig, sa anak ni Mr. Bernardino,” nakasimangot na sabi nito. “Ni hindi ka nga yata kilala ng babaeng iyon.”

Ngumisi ang binata habang isini-zipper ang pantalon. “Problema ko na iyon. Napakadaling magpakilala. Kumukuha lang ako ng tiyempo. At saka, ano ba ang inirereklamo mo? ’Di ba at naibigay ko naman ang gusto mo ngayon?”

Sa bahagyang liwanag na nagmumula sa malayong poste ay nakita ni Rigo na sumimangot si Shirley.

“Sixteen lang si Lacey, Rigo.”

“At twenty one lang ako…”

“Yes, twenty one, but you screwed like a…” hindi naituloy ng babae ang sasabihin dahil humagalpak ng tawa si Rigo.

“Thanks to you…” Kumislap sa bahagyang liwanag ang mapuputing ngipin ni Rigo. Kinuyom ang kamao at banayad na isinuntok sa pisngi ni Shirley.

Muling sumigaw si Arnel. “Rig, hindi na natin aabutan ang interview!”

“Mananalo si Lacey, natitiyak ko. Bakit hindi, ang isang bahagi ng building sa high school ay donasyon mula sa Daddy niya!” Naiinis si Shirley kaya nasabi iyon bagaman may bahid ng alinlangan ang tinig dahil hindi bilihan ng balota ang contest sa pagpili ng Miss St. Ignatius College.

“Nagseselos ka lang.”

“Sa reputasyon mo rito sa campus, mabuti kung papatusin ka noon. Bukod pa sa saksakan ng matapobre si Mr. Bernardino,” angil ni Shirley.

Hindi iyon pinansin ni Rigo. Sa halip ay tinapik sa balakang ang dalaga. “Hanggang sa muli…” at mabilis na lumabas sa mga halaman. Inabot mula sa kaibigan ang jacket.

“Kung hindi mo lang ako susuntukin ay iniwan na kita…” si Arnel na hinabol ang mabilis niyang mga hakbang.

“Buti alam mo,” nangingiting sagot niya.

Ang auditorium ang pinagdausan ng pinakamaringal na okasyon ng escuela. Taon-taon ay pumipili ang kolehiyo ng Miss St. Ignatius College. Bawat department ay may representative. Isa sa Commerce, isa sa Education, Engineering, at ang iba pang department sa college. At isa rin sa high school na ang contestant ay dapat na hindi bababa sa kinse ang edad at nasa senior year.

Isa itong beauty contest na hindi paramihan ng balota. Ang ilan sa mga judge ay nanggagaling pa ng Maynila at karaniwan nang mga kilalang personalidad.

Puno ng tao ang auditorium at nakisiksik ang dalawa. Isang contestant mula sa education ang inabutan nilang ini-interview.

“Miss Lariosa, do you think you are beautiful enough to win in this contest?” Ang emcee na inabot sa contestant ang isang mikropono.

Matamis na ngumiti ang disiotso anyos na contestant. “Of course, Sir. Marahil ay wala ako dito ngayon kung hindi ko taglay ang kagandahang hinihiling ng pa-contest.”

Hinagod ng tingin ng emcee ang dalaga at ngumiti. “Sumasang-ayon ako sa sagot mo, Miss Lariosa. At natitiyak kong ganoon din ang ating mga judge at audience. How do you define love, Miss Lariosa?”

“Love?” Ulit nito at sandaling nag-isip. “I have never been in love, Sir, kaya hindi ko mabigyan ng hustong kahulugan ang salita. Pero ang masasabi ko ay isa itong damdaming lagi nang umaalipin sa bawat tao.”

Nagpalakpakan at naghagikgikan ang isang grupo na marahil ay mga classmate at kaibigan ng dalaga. Kilala ito sa pagiging playgirl.

“Thank you very much, Miss Education,” anang emcee, at inabot nitong muli ang mikropono.

Lumakad ang contestant patungo sa likod kung saan naroon ang iba pang mga kandidata.

Nagpatuloy ang emcee at binasa sa ibabaw ng podium ang pangalan ng susunod na tatawagin. “Magaganda at mahuhusay sumagot ang ating mga contestant. Tiyak na mahihirapan ang mga judge sa pagpili ng mananalo. Ngayon naman ay tawagin natin ang isa pang contestant. From the high school department, the youngest contestant, Miss Lacey Bernardino…”

Chapter 2

TAHIMIK na lumakad si Lacey patungo sa emcee. She’s wearing an off-shouldered roseyellow gown with soft lace ruffles sa laylayang dalawang layer na skirt at bagay sa edad niya. Kinuha ang mikroponong inabot ng emcee na isang faculty member ng college department.

“You’re only sixteen. Miss Bernardino. How do you think you will fair with the other candidates?”

Bahagya siyang nagkibit ng mga balikat kasabay ng pagngiti. “Fairly well…”

“Pareho ang tanong, Miss Bernardino. Do you think you’re beautiful enough to win in this contest?”

Sinulyapan ng dalagita ang audience at ang mga judge sa harap bago sumagot. “Beauty is in the eye of the beholder. The judges will decide who is the fairest among us all.”

Bahagyang ikiniling ng emcee ang ulo at ngumiti. “Do you have a boyfriend, Miss Bernardino?” Umiling si Lacey. “Crushes?” dagdag ng nagtatanong.

She smiled softly. “Some…”

Naintriga ang emcee. “Some? Puwede mong sabihin ang isa o dalawa sa mga crushes mo?”

Itinuon ng dalagita ang paningin sa paligid. Hindi alam kung bakit siya sumulyap sa audience. May hindi tiyak na hinahanap ang mga mata.

Sa pagitan ng maraming estudyante at mga bisita, sa kanang bahagi ng auditorium ay nahuli ng kanyang paningin ang isang pares na mga mata, dark and expressive. Watching her with a challenge in his eyes.

Ilang beses na ba niyang nakita ang mga matang iyon na hindi sinasadyang nahuhuli niyang laging nakatitig sa kanya from a distance?

Sa school canteen, sa library, sa mga shaded bench at sa iba pang lugar na hindi niya matiyak kung bakit naroroon ito gayong magkaiba sila ng antas. They were both stealing glances with each other from afar.

Noong una’y inisip niyang hindi sinasadya ang minsang pagsasalubong ng mga paningin nila isang beses na nasa library siya. Pero minsang nasa canteen siya kasama ang best friend at classmate na si Yda ay naroon ito. Three tables away from their table, kasama ang dalawang barkadang lalaki at isang babae na nakadikit na halos dito.

Sa pagitan ng pag-inom ng soft drinks ay hindi nito itinatagong tinititigan siya. Ganoon din ang babaeng kasama nito na sabi ni Yda ay kapitbahay nito. Pinaghalong inis at amusement ang nakikita niya sa mukha ng babae.

At ngayon nga ay hindi niya inaasahang naroon ito at nanonood. Beauty contest just isn’t his style. Kasabay ng hindi maipaliwanag na pag-o-overspeeding ng tibok ng puso niya ay agad na iniwas ng dalagita ang paningin at ibinalik sa emcee.

“Elvis Presley and Antonio Banderas,” wala sa loob na sagot niya sa nagmamadaling paraan. Kung obvious iyon sa pandinig ng lahat ay wala siyang pakialam.

Napataas ang mga kilay ng nagtatanong. “Very typical sa mga teenagers. Now, how do you define love?”

She pouted her lips a little na parang nag-iisip. Hindi niya gustong ibaling ang paningin sa dakong iyon ng auditorium. Nararamdaman niya ang mga titig nito.

“Maraming uri ng pag-ibig but my kind of love is long suffering and kind… does not look for its own interest… hindi nagbibilang ng mga kamalian but hopes and bears all things.”

Isang matunog na palakpakan ang narinig mula sa audience na ang pinakamalakas ay nanggaling sa high school department.

Si Rigo ay tahimik na nakatitig lang sa dalagita. Sinadya ba ni Lacey na mapatingin sa dako niya? Na ihinto ang tingin sa kanya? Did she take notice of his presence already?

May bahagyang pag-asang nadama ang binata.

“A very matured definition para sa isang sixteen year old. Thank you, Miss Bernardino…”

Tatlong contestant pa ang sumunod na tinawag at tinanong ng pare-pareho. At pagkatapos ng mahabang sandali habang hinihintay ang resulta mula sa mga hurado ay sinabi ng emcee ang mga premyo.

“Dalawang taong scholarship, five thousand pesos worth of gift certificates at ang karangalang maging Miss St. Ignatius College sa loob ng isang taon,” pahayag nito.

Makalipas ang ilang sandali ay isa sa mga judge ang pumanhik sa stage at iniabot sa emcee ang sobre.

“Tulad ng alam ng lahat, hindi tayo pumipili ng runner-ups. Iisa lamang ang mananalo at iyon ang tatanghaling Miss St. Ignatius College…” Unti-unti ang ginagawang pagbubukas nito sa sobre. Nang mabuksan ay kinuha ang kapirasong papel at binasa. Ngumiti ito.

“Ito ang ikalawang pagkakataon sa pagkakatanda ko na may nanalo sa department na ito. Ang huli ay mahigit ng limang taong nakalipas na pinanalunan ni Kimberly Antonio na isa na ngayong may-bahay ng dati ring alumnus, si Renz Marzan…” pahayag nito sa pag-iisip ng ibang mga estudyante.

Ang ibang mga nakatanda ay naghiyawan at nagpalakpakan. Ang mga teacher ng high school department ay sabay-sabay na nagpalakpakan.

“Our winner, ladies and gentlemen…” Tambol ng drum ang maririnig. “… averaging a score of 90.8 ay galing sa high school department, Miss Lacey Bernardino!”

Palakpakan at sunod-sunod na pagkakaingay ang umiral sa loob ng auditorium habang ibinibigay ng nakaraang winner ang korona at sentro kay Lacey.

Chapter 3

“Rig, nanalo ang bata mo,” siko ni Arnel sa kaibigan na hindi sumagot at nanatiling nasa stage ang mga mata.

Mayamaya’y nakisiksik si Rigo sa karamihan upang makalapit sa stage. Pagkatapos ng paglalagay ng korona at kuhanan ng larawan ay bababa si Lacey at gusto niyang kamayan ang dalagita.

Bukod sa mataas at malaki si Rigo ay kilala siya ng karamihan sa mga estudyante kaya madali siyang nakasiksik. Ang iba’y tinatapik siya at nanunukso. Sa may ibaba ng hagdan siya naghintay kasama ng iba pa.

Si Lacey ay hawak-hawak sa braso ng Daddy niya pababa ng sementadong hagdan na may apat na baitang. Nasa huling baitang na siya nang marinig niya ang malalim na tinig na iyon. “Congratulations…”

Nag-angat ng ulo ang dalagita. Mukha ni Rigo ang nasa harap niya na iniaabot ang kamay. Sandali siyang hindi nakakilos. She inhaled softly.

Sa wakas, nakaharap niya nang malapitan ang binata. She was only seeing him from a distance.

So this is the infamous Rodrigo dela Serna! Up-close, devilishly handsome. Ex-scholar, star player, hot-tempered on and off court, playboy numero-uno. Pinangingilagan at kinaiinggitan ng kapwa lalaking estudyante pero tila langgam ang mga babae na nakapaligid dito.

At tulad ng dati, wearing his famous tight jeans and leather jacket.

May ilang hibla ng kulot na buhok ang bumagsak sa noo nito. His lips twisted a little in a very sexy smile. Very similar to that of the King of Rock, Elvis Presley, during the sixties na ang malaking poster ay naka-display sa kanyang kuwarto.

Humigpit ang hawak ng Daddy niya sa kanyang braso kasabay ng tikhim at matalim na sulyap kay Rigo. Mabilis niyang tinanggap ang kamay ng binata na nakalahad. Subalit sa halip na kamayan siya’y dinala ito ng binata sa mga labi.

“Oh!” mahinang bulalas niya.

“You don’t shake hands with a crowned princess. You kiss it,” marahang wika ni Rigo intended for her ears only. Pero sa dami ng mga naroroon ay tiyak na narinig ng mga ito.

“Thank you…” tugon niyang ibig himatayin. Lahat halos ng mga estudyanteng babae sa campus ay naghahangad na mapansin ni Rigo.

Hinila na siya ng Daddy niya palayo. Maraming sumalubong at kumamay. Teachers, classmates, friends, at kung sino-sino pang hindi na niya matandaan.

Crazy, pero bindi niya gustong ibigay ang kamay niyang hinagkan ni Rigo at baka mawala doon ang init na naramdaman niya kaninang dalhin ng binata ang kamay na iyon sa mga labi nito.

Pilit siyang lumingon sa karamihan ng mga tao upang muling masulyapan ito pero wala na ang binata roon. At nanghihinayang siya na ganoon lang kadali ang pagtatagpo nila.

She was intrigued by him at hindi iilang beses na ginusto niyang panooring maglaro ito pero dumarating sa takdang oras ng uwian ang sundo niya. Hindi papayag ang daddy niya na maatraso siya ng uwi.

Malayo siya sa grupong ginagalawan ni Rodrigo dela Serna. Nasa ikatlong taon ito sa Mechanical Engineering. Out of her league. Nasa high school siya. Bata kung tutuusin kompara sa mga dalagang nakapaligid dito.

Maliban sa mga panakaw na sulyapan nila sa isa’t isa ay hindi sila magkakilala. At hindi niya inaasahan ang ginawa nito ngayong pagbati.

Hindi niya gusto ang pagsali sa contest na ito. Hindi siya mahilig sa ganitong uri ng kompetisyon pero hindi niya matanggihan ang principal nila na siya ang napiling representative in favor of Yda. Dalawa sila ng kaibigang pinagpilian kung sino ang ilalahok.

At nagpakatanggi-tanggi siya dahil baka makaapekto iyon sa kanila ni Yda. But the principal approached her father.

Pero ngayon ay ikinagagalak niya ang pagkakasali at higit sa lahat ay ang pagkakapanalo. Kung hindi dahil doon ay hindi siya lalapitan ni Rodrigo dela Serna.

Sana’y gumawa ng paraan si Rigo na magkita silang muli. Sana’y pansinin siya nito. At sana’y higit pa sa pagsulyap-sulyap ang gawin ng binata.

Chapter 4

P AARANGKADANG ipinasok ni Rigo ang motorsiklo sa garahe ng kanilang bahay. Pinatay niya ang makina, itinaas ang stand ng motorbike at bumaba.

Bago pa siya nakahakbang patungo sa pinto ay bumukas ito at sumungaw si Amelia, ang Mama niya, na sa edad na kuwarenta y dos ay maganda pa rin at batang tingnan.

“Isara mo ang gate, Rodrigo,” utos nito.

Sumunod naman ang binata. Pagkatapos ay humalik sa pisngi ng ina.

“’Evening, ’Ma.” Hinubad niya ang jacket at inihagis sa may sofa sabay upo at nagtanggal ng sintas ng rubbershoes.

“Gabi ka na. Anong oras ba natapos ang pa-contest?”

“Alas-otso pasado lang, ’Ma, pero inihatid ko pa sa kanila si Arnel…”

“Sino ang nanalo?” Umupo ito sa isang desk at itinuloy ang ginagawa bago dumating ang anak. Nagtutuos ito ng kinita ng talyer sa maghapon.

“Ang anak ho ni Augusto Bernardino, si Lacey…”

Biglang sumungaw mula sa kusina si Bea, ang onse anyos niyang kapatid. Nasa huling taon sa elementarya. “Talaga, kuya? Nanalo ang crush mo?”

Inambaan ng suntok ni Rigo ang kapatid. Nakita iyon ni Amelia.

“Crush?” wika nito. “Huwag mong sabihin sa akin, Rodrigo, na pati ang anak ni Augusto ay isinasali mo sa mga kalokohan mo?” May babala ang tinig ni Amelia.

“Ano namang kalokohan, ’Ma? At naniwala naman kayo diyan sa bubuwit na iyan…” Binigyan niya ng warning look ang nakababatang kapatid.

“Talaga naman, ’di ba? Narinig ko iyong pinag-usapan ninyo ni Arnel kahapon,” patuloy ni Bea na pumuwesto sa likod ng ina para hindi abutan ng kapatid.

Isang buntong-hininga ang binitiwan ni Amelia at hinarap si Rigo matapos i-off ang calculator.

“Hindi ko naiintindihan iyang ginagawa mo, Rodrigo. Hanggang sa talyer ay may mga babaeng nagpupunta. Hindi ka na ba magtitino, ha, anak? Naiwala mo ang scholarship mo dahil sa gulong nilikha ng isa sa mga girlfriend mo,” patuloy ni Amelia. “At minsan ay nakipag-away ka sa loob ng campus nang dahil din sa babae. Huwag nang isali pa ang away sa loob ng basketball court.”

“’Ma, alam n’yo namang hindi totoo iyong tsismis tungkol sa babaeng iyon. Isang beses ko lang nai-date ang babaeng iyon. Gusto akong pikutin kaya ikinalat ang balitang ako ang ama ng dinadala niya. At hindi maliit na bagay iyong ipinagtanggol ko iyong isang kaklase namin na wala na silang ginawa kundi buskahin dahil polio victim. At normal lang iyong gulo sa court pag may laro,” katwiran ng binata sabay taas ng mga binti sa center table.

“Why not tone down a little, Rigo. Pumili ka ng isang matinong babae na magiging kasintahan. Hindi ko naman ipinagbabawal iyon. And why don’t you try to hold your temper a little pagdating sa laro. Hindi iyong lagi ka na lang nasususpinde dahil sa away.”

Ngumisi si Rigo. “Don’t worry, ’Ma. Malapit na akong magka-girlfriend na magugustuhan ninyo. At wala nang iba pagkatapos ko siyang mapasagot. At iyong tungkol sa away sa court, huwag ninyong intindihin iyon. Bale-wala.”

Muling nagbuntong-hininga si Amelia. Si Rigo ang uri ng taong hindi nagpapasimula ng away at hindi tumatakbo sa away kapag naroon na. Pero ang pangyayaring siyang naging dahilan sa pagkawala ng scholarship nito ay lubhang nakaapekto kay Amelia.

Mula nang maaksidente sa daan ang asawa nito may isang taon na ang nakalipas ay isinabalikat ni Amelia ang pagpapaaral sa dalawang bata. Pinangasiwaan nito ang maliit na talyer na naiwan ng asawa.

Accounting graduate si Amelia at hindi mahirap para dito ang pamahalaan ang maliit na pinagkukunan nila ng kabuhayan. Bukod pa sa kapag walang pasok ay naroon si Rigo at patuloy na pinag-aaralan ang pasikot-sikot ng trabahong kinagisnan na ng binata.

“Kung maggi-girlfriend ka ay tiyakin mong makakatapos ka.” Patuloy ni Amelia. “Hindi ko hinahamak ang kakayahan mo sa talyer, pero mabuti na iyong nakatapos ka ng pag-aaral.”

“Huwag kayong mag-alala, Mama. Scholar o hindi ay makakatapos ako,” dagdag ni Rigo sa mariin at determinadong tono.

“Sana, Rigo, sana. Hindi para sa akin kundi para sa inyo ni Bea. Pero hindi mo maiaalis sa aking mag-alala na bukas-makalawa ay makapag-asawa ka nang wala sa oras dahil diyan sa mga kalokohan mo.”

“Malabo iyon, ’Ma. Wala akong gusto sa mga babaeng sinasabi ninyo. Sila ang may gusto sa akin…” birong-totoo nito.

“Ang yabang po,” si Bea uli. “Paano si Lacey? Ikaw ang may crush sa kanya, hindi siya.”

“Huwag mong abutin ang isang bagay na napakataas, Rigo. Totoong hindi tayo naghihikahos pero langit at lupa ang layo natin kina Augusto. Bukod pa sa napakabata pa ni Lacey,” paalala ni Amelia na muling itinuon ang pansin sa trabaho.

“Ang Mama, talaga. Wala na tayo sa panahon ng Kastila na ang mayaman ay mayaman at ang mahirap ay mahirap. Isa pa, ano ba ang masama sa crush?” Kung crush nga lang, ang isip niya. At sa edad niya ay hindi na crush ang tawag doon.

“Nagpapaalala lang ako, Rodrigo. Sige, kumain ka na. Nagsigang ako ng bangus sa bayabas. Initin mo na lang.”

“Hindi na, ’Ma, pinakain na ako ng nanay ni Arnel. Matutulog na ako nang deretso.” Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at tinungo ang sariling silid.

Ibinagsak ni Rigo ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. lisang mukha ang nakalarawan sa isip. At isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata.

Chapter 5

ISANG linggo ang matuling lumipas na hindi na muling nagtagpo sina Lacey at Rigo. Kinalimutan na rin ng dalagita ang pag-asam na muli siyang lalapitan nito. Siguro ay hindi ang tulad niyang bata ang pinapansin ni Rigo.

Malapit na ang alas-sais ay nasa gate pa rin ng escuela ang dalagita kasama ang best friend at classmate na si Yda.

“Bakit ba wala pa ang driver ninyo? Baka hindi ka sunduin, ah. Mabuti pa kaya ay mag-tricycle na lang tayo,” suhestiyon ng kaibigan.

“Hindi. Darating iyon. Isisesante siya ng Daddy ’pag hindi ako sinundo. Baka naatraso lang si Mang Vener. At saka wala nang tricycle na pumapasok dito sa school. Umpisa na ng panggabing klase. Malayo ang lalakarin natin.”

“O, di lakarin natin hanggang kanto.”

“Sige na nga, baka masalubong natin ang driver namin. Baka nag-aalala na rin sa inyo dahil wala ka pa,” aniya na nagsimulang lumakad.

“Alam naman ng mga magulang kong lagi kitang kasabay at idinadaan mo na ako sa bahay.” Isang tricycle ang pinara nito subalit may sakay naman.

Hindi pa sila gaanong nakalalayo ng isang owner-jeep ang malingunan ng magkaibigan na sumusunod sa kanila. Huminto ito sa tapat mismo ng dalawa.

“Tiyempo,” wika ng isang sakay ng owner. Apat na kalalakihan ang nasa loob nito at sabay-sabay na nagsibaba. Marahil ay mga college boys. “Si Miss SIC ang natiyempuhan mo, Abet. At may kasama pa,” anang isa sa pinakamalaki sa mga ito.

“Nasa sa iyo iyon, Abet, kung sasayangin mo ang pagkakataong ito. Kaya lang ay baka kung ano ang mangyari ’pag nakarating kay Mr. Bernardino ang gagawin natin…” wika ng isa pang estudyante.

Nagkatinginan ang magkaibigan. Pagkatapos ay hinawakan ni Lacey ang kamay ni Yda. “Huwag mo silang pansinin, Yda, tara na.”

Hinawakan ng tinatawag na Abet ang braso ni Lacey. “Sandali lang, Miss Lacey. Mabubugbog ako pag hindi kita nahalikan ngayon, eh…”

Nanlaki ang mga mata ni Lacey. “Ano ang ibig mong sabihing mabubugbog ka?”

“Initiation ng fraternity sa akin ito. Halikan ang unang estudyanteng makita namin paglabas ng gate,” sagot ni Abet. “At natutuwa na nga akong hindi lalaki ang unang nakita namin, eh. Kaya pumayag ka na, please, masarap naman akong humalik. At saka sa pisngi lang naman, malibang gusto mo sa lips.” Nagtawanan ang tatlong kasama nito.

“Bitiwan mo nga ako!” Pagalit na bawi ni Lacey sa kamay niya. “Ano ang pakialam ko diyan sa initiation ninyo? At bakit ka sumasali diyan sa fraternity na iyan tapos peperhuwisyuhin ninyo ang ibang estudyante?”

Nagkibit ng balikat ang pinakalider. “A simple kiss won’t harm, Miss. Hindi nga lang namin natitiyak kung kaya nitong si Abet.”

“Kaya ko, Sir,” baling nito sa mga kasamahan. Ano ba naman ang isang halik, eh, magandang lalaki naman ito? Kahit dito sa probinsiya, bale-wala na ang halik.

Muling hinatak ni Abet ang braso ni Lacey subalit umiwas ang dalagita.

“Puwede ba, umalis na kayo!” Si Yda na hinila ang kaibigan.

Arangkada ng motorsiklo ang nagpalingon sa lahat sa may tagiliran ng owner-jeep.

Si Rigo. Bumaba ito ng motorbike.

Tinanguan nito at tinapik sa balikat ang pinakalider. “Arbor, pare. Akin na lang iyan.”

“Sure,” sagot ng estudyante. “Ano ang gusto mong ihaliling ipagawa rito kay Abet?”

“Dalawang oras sa talyer, Abet, bukas. Wala ka pang sabit,” sagot ng binata.

“Yes, my lord…” tango ni Abet na humakbang pabalik sa jeep. Isa si Rigo sa mga lord ng fraternity na sinasalihan nito.

Ilang sandali pa’y sakay na uli ng jeep ang apat at lumayo sa lugar na iyon. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalawang dalagita. Si Lacey ay hindi malaman kung papaano pipigilin ang puso sa pagpintig nang mabilis.

Si Rigo, in his tight and old faded blue jeans and leather jacket took her breath away.

“Nasa oras ba ang dating ko?” tanong ni Rigo na hinagod ng tingin ang dalagita.

Tumango si Lacey. “S-salamat…”

“Nasaan ang Porsche mo?” buska nito na inikot ang mga mata sa paligid. “Bakit ka naglalakad?”

Si Yda ang sumagot. “Kanina pa nga hinihintay ni Lacey ang driver nila, eh.”

Isang tricycle ang natanawan ng binata at kinawayan ito kahit na may sakay na isang matandang babae.

“Sumakay ka na, Miss,” wika nito kay Yda. “Akong bahalang maghatid kay Lacey…”

Muling nagkatinginan ang dalawang dalagita. Si Yda ay alanganing iwan ang kaibigan. Alam nitong hindi naman kakilala o kaibigan ni Lacey si Rigo. Samantalang si Lacey ay hindi makaapuhap ng sasabihin sa pagkabigla.

Ayaw niyang iwan siya ng kaibigan na mag-isa kasama si Rigo hindi dahil natatakot siya kundi hindi niya alam ang sasabihin at gagawin. Pero lalong ayaw niyang masayang ang pagkakataong ito. Inasam-asam niyang magkita silang muli at lapitan ng binata.

Bago pa siya nakapagdesisyon ay hinawakan ng binata si Yda sa braso at inakay patungo sa tricycle na ang driver ay kinakitaan na ng pagkainip.

“L-Lacey…” ani Yda na alanganin ang ginawang pagsakay.

“S-sige na…” Tumango ang dalagita.

Tumakbo na ang tricycle at malayo na ito’y nakalingon pa rin sa kanila si Yda. Nag-aalala ang anyo.

Chapter 6

Lumakad si Rigo pabalik sa motorbike nito at sumakay. Pinaandar at pagkatapos ay bahagyang yumukod.

“My princess, ano pa ang hinihintay mo, sakay na.” Bahagya nitong nilingon ang likod ng bike.

Hinigpitan ng dalagita ang hawak sa shoulder bag at gamit. Alanganing humakbang patungo sa motorbike. Sumakay nang patagilid.

“Ihawak mo sa baywang ko ang kanang kamay mo at nang hindi ka mahulog. At umusog ka nang kaunti sa akin,” utos nito. Nasa tinig ang amusement. Ang ibang mga kadalagahan ay hindi kumikilos tulad ng ikinilos ni Lacey. At hindi sasakay ang mga ito sa motorsiklo ni Rigo nang patagilid. At kahit hindi nito sabihin ay yayakap ang mga ito sa likod ng binata.

“G-ganito?” Ang dalagita na napapikit. Sobra-sobra ito sa inaasahan niya. Having him this close is beyond her wildest dreams. At hindi niya maiwasang panginigan ng mga tuhod. Kinakabahan at natatakot siya. Hindi kay Rigo kundi sa sitwasyon.

“Better…” sagot ni Rigo na pinaandar na ang motorsiklo at pinatakbo nang matulin pero hindi sa daan patungo sa uuwian ng dalagita. Itinawid nito sa damuhan at ilalim ng mga punong niyog ang motorbike.

“H-hey, hindi ito ang daan patungo sa amin…!” Kinakabahang wika ni Lacey sa malapit sa tainga ng binata. .

“Alam ko,” sagot ni Rigo na bahagyang lumingon. “Relax, hindi kita re-rape-in.” Nagpatuloy ito sa pagda-drive na ang tinatahak ay ang daan patungo sa dagat.

Nakahinga nang maluwag si Lacey. Kapag deretsong binaybay ang beach ay darating iyon sa private beach ng Daddy niya kahit na nga ba napakalayo pa niyon.

Ipinarada ng binata ang motorbike sa ilalim ng punong niyog at pinababa si Lacey. Sumunod ang dalagita at inikot ang paningin. Alas-sais na at walang tao sa paligid. At wala ring mga bahay. Ang bahaging ito ng beach na pinagdalhan sa kanya ni Rigo ay malayo at tago sa karamihan.

Nilingon niya ang dagat. Kumikislap ang tahimik na tubig mula sa reflection ng palubog na araw. Napakagandang tingnan ng sunset. Sumandal siya sa puno ng niyog dahil hindi siya nakatitiyak kung hindi bibigay ang mga tuhod niya. A mixture of nervousness, excitement and shyness ang nadarama niya nang mga sandaling iyon.

Bakit siya dinala ni Rigo dito?

Ang binata ay hindi bumaba ng motorsiklo bagaman nakababa ang stand. Inalis nito ang black leather na guwantes at ipinatong ang isang braso sa nakataas na tuhod at tinitigan ang dalagita. Nakatirintas ang buhok ni Lacey mula sa tuktok ng ulo pababa sa batok. Nasa magagandang mga mata ang pagtataka at pag-aalala. Wala kahit polbo sa mukha. Kahit lipstick ay wala. Ang ibang mga classmate ng dalagita ay nagsisimula nang maglagay ng bahagyang make-up sa mukha. Tulad ng kaibigan nito halimbawa.

Ibinaba nito ang tingin sa katawan ni Lacey. Nakita na nito ang magagandang balikat ng dalagita noong coronation night. Ngayon ay nakatago sa puting uniform. Mahabang palda ang tumatakip sa mga binti.

Nakita ni Rigo ang pamumula ng dalagita sa titig nito. Itinaas ng binata ang kanang kamay at inabot ang dibdib ni Lacey. Biglang suminghap ang dalagita kasabay ng pagpako sa sarili sa puno ng niyog.

Ngumisi si Rigo. “Relax, inaalis ko lang ang dumi sa necktie mo,” na marahil ay nanggaling sa puno.

“Bakit… tayo nagpunta rito?” mahinang tanong niya na ninenerbiyos. ’

“Let’s start from the very beginning and introduce ourselves.” Inilahad ni Rigo ang kamay kay Lacey. “Ako si Rigo… Rodrigo dela Serna.”

Sa kabila ng lahat ay napangiti si Lacey. Inabot ang kamay na nakalahad. “Lacey… Bernardino…”

Isang mahigpit na pakikipagkamay ang ginawa ni Rigo sa kanya. Pagkatapos ay muling dinala nito ang kamay niya sa mga labi at hinagkan ang likod ng palad.

“I’m dying hard to meet you, Lacey…” wika nito at pinanatiling nakakulong sa mga palad ang kamay ng dalagita.

“Me, too,” kaswal niyang sagot upang itago ang panginginig ng tuhod. “S-siguro ay puwede mo na akong ihatid sa amin. Baka hinahanap na ako ng Daddy. At… bitiwan mo na ang kamay ko,” hindi ba nararamdaman ng lalaking ito na nagpapawis na ang kamay niya sa pagkakahawak nito?

“Sa isang kondisyon…”

“Kondisyon?” Nanlaki nang bahagya ang mga mata ng dalagita.

“Bukas, sa vacant period mo sa hapon ay sasama ka uli sa akin dito.”

“Why?”

“Iyon ang kondisyon at gusto ko.”

“A-ano ang gagawin natin dito?” nalilitong tanong niya.

“Malalaman mo bukas.”

“Kung… ayoko…”

Nagkibit ng balikat si Rigo. “Mamaya na kita iuuwi. Anyway ay marami akong gustong sabihin sa iyo. Naipon sa loob ng isang taon.”

Maraming sasabihin? Naipon sa loob ng isang taon?

Naguguluhang muling nilingon ng dalagita ang dagat, ang papalubog na araw. Kung anoman ang nangyari sa driver nila ay tiyak na nag-aalala na ang daddy niya. At kung matatagalan pa bago siya makauwi ay tiyak na ipahahanap siya ng ama.

“T-tutuksuhin tayo…” aniya na muling bumaling dito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Rigo. “Natatakot ka?”

Natatakot nga ba siyang matukso kung sakaling malaman ng mga classmate niya? Will she miss the chance to be with him? No. She wouldn’t miss it for the world.

Sinalubong niya ang titig ni Rigo. Ang mga mata nitong tila gustong magpatunaw sa mga buto niya.

“H-hindi ako… natatakot,” pabulong niyang sagot.

“At sasama ka sa akin dito bukas?”

Tumango si Lacey. Umaliwalas ang mukha ni Rigo. Ibinaba ng paa ang stand ng bike at pinaandar ang makina.

“Hop in. Sa tabing-dagat na tayo dumaan.”

Chapter 7

P AGKARATING nila sa private beach ng Daddy niya ay walang sabi-sabing mabilis na bumaba ng bike si Lacey sabay bulong ng ‘thank you’ at nagtatakbo patungo sa mansion.

“Bye!” Pahabol na sigaw ng nakangising si Rigo na iiling-iling. Ni hindi ito nilingon ng dalagita.

Hindi umalis sa tabing-dagat si Rigo hangga’t hindi nakakapanhik ang dalagita sa hagdang-bato patungo sa mansion ng mga Bernardino.

Si Lacey ay abot-abot ang pag-iisip kung ano ang sasabihin sa ama. Hindi niya gustong magsinungaling. Hindi pa siya nagsisinungaling sa Daddy niya.

Pagbukas niya ng gate sa likod-bahay galing sa dagat ay natanaw naman niya ang sasakyang sundo niya papasok ng malaking gate. Nakahinga siya nang maluwag. Tinakbo niya pasalubong ang L300.

Bumaba ang driver nang makita siya. “Na-flat ang gulong, Lacey,” wika nito. “Pinuntahan kita sa escuela pero wala nang tao roon. Pasensiya ka na, hija. Saan ka ba nagdaan?” Humihingi ng paumanhin ang tono ni Mang Vener.

“Hindi bale na ho, Mang Vener. Basta sabihin ninyo sa Daddy na kaya tayo natagalan ay dahil na-flat ang gulong,” hindi siya magsisinungaling. Totoong na-flat ang van. Pagkatapos ay mabilis na siyang pumasok ng bahay at patakbong pumanhik sa silid niya.

Ibinagsak ni Lacey ang sarili sa kama. Hindi alam kung papaano kakalmahin ang sarili. Binalik-balikan niya sa isip ang naging pag-uusap nila ni Rigo.

Hindi pa siya natatagalan nang sabihin ng maid na nasa ibaba si Yda. Pinapanhik niya ang kaibigan.

“Hello, mukhang nangangarap ka, ah,” bungad ni Yda pagkakita sa kanyang ngumingiti mag-isa. “At saka ang sabi ng maid ninyo ay kararating mo lang. Akala ko ba ay inihatid ka ni Rigo? Bakit ngayon ka lang?”

“Sshh, ang ingay mo. Baka may nakikinig sa atin. Isara mo nga iyang pinto,” utos niya sa kaibigan.

Pagkatapos isara ni Yda ang pinto ay umupo ito sa gilid ng kama. “Ano ba ang nangyari?”

“Inihatid niya ako talaga pero sa dagat kami dumaan kaya natagalan ako sa pag-uwi at saka nag-usap pa kami sandali,” patuloy niyang kuwento.

“Lacey, hindi sana kita iiwan pero nalito ako sa lalaking iyon. Hindi ka ba ginawan ng masama?” nag-aalalang tanong ni Yda.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalagita. Napasulyap sa malaking poster ni Elvis Presley na katabi naman ng poster ni Antonio Banderas. Rigo is a cross between the two personalities. Nasa binata ang ayos at kakisigang pang-sixties na a la-Presley and toughness a la-Banderas.

“Bakit niya ako gagawan ng masama, Yda?” Nangingiting tanong niya sa kaibigan.

“Kilala sa kalokohan si Rigo, Lacey. I mean, pagdating sa mga babae sa campus. And it’s so hard to resist the likes of him. At inaamin kong kahit ako ay may crush sa kanya.”

“C’mon, Yda, iniligtas tayo ng lalaking iyon mula sa fraternity gang tapos sasabihin mo iyan? Where’s your gratitude, friend?”

“Oh, well, I’m just worried about you. Nakita ko kasi ang mga titig ni Rigo sa iyo, eh. At saka alam mo ba na minsan nang nasabi sa akin ng kuya ko na matindi ang gusto sa iyo ng lalaking iyon. Mukhang alam ng buong Engineering ang damdamin ni Rigo sa iyo. Isipin mo, Lacey, mula sa mga girls sa college department ay hindi ko malubos-maisip kung paano ka niya napagtuunan ng pansin. Oh, well, I know you’re pretty pero hindi ko maintindihan gayong hindi naman kayo magkakilala, ’di ba?” patuloy ni Yda na halos magdikit na ang mga kilay.

Gustong mag-umalpas ng puso niya sa galak sa narinig. Paano niya sasabihin kay Yda na totoong hindi nga sila magkakilala ni Rigo but they have been watching each other from afar. Bawat isa ay conscious sa presensiya ng isa’t isa. Na si Rigo ay napagkikita niya sa high school premises. Kung noon ay pinagtatakhan niya iyon, ngayon ay hindi na. Rigo went out of his way para makita siya.

“Can you keep a secret?” tanong niya sa kaibigan.

“Yes, alam mo iyan. Pero hindi mo pa sinasabi ay kinakabahan na ako.”

Natawa si Lacey. “Type ko siya, Yda. At matindi ang crush ko sa kanya.”

“Oh, no!”

“Oh, yes. At may date kami bukas ng alas-dos, sa vacant period natin,” magkakasamang excitement at hiya ang nadarama ng dalagita habang nagko-confide sa kaibigan.

“Oh, Lacey,” panlulumo ni Yda. “Alam mo ba na ang current girl ngayon niyan ay si Shirley na kapitbahay namin?”

Hindi nakasagot ang dalagita roon. Nakita na niya ang Shirley na ito minsang magpunta siya sa bahay nina Yda. Nasa early twenties nito ang dalaga at nag-aaral din sa SI College.

Maganda at sexy ito at laging naka-miniskirt. Sa college kasi ay puwedeng hindi mag-uniform. At ito rin iyong minsang nakita niyang kasama ni Rigo sa canteen.

Ano ang laban niya roon?

“O, hindi ka na sumagot diyan. Iyan ang gusto kong sabihin sa iyo. Si Rigo ay playboy. At hindi lang si Shirley ang alam kong naging girlfriend niya. Hindi ko alam kung nabalitaan mo ang dahilan kaya naiwala niya ang scholarship ay dahil may isang estudyante sa Commerce department na nagpunta sa Dean at sinabing buntis ito at si Rigo ang ama. Na hindi gustong panagutan ni Rigo ang dinadala nito. At nang kausapin ng Dean si Rigo ay hindi ito inamin o ipinagkaila man lang ng binata.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lacey. Wala siyang alam doon.

“Ano ang nangyari pagkatapos?”

“The news died a natural death. Hindi na rin pumapasok ang babae. At balita ko ay umalis sa bayang ito. Ang kuya ko ang may sabi niyan. Alam mo namang nasa Engineering din ang Kuya. Naiintindihan ko ang nadarama mo, friend. Napakadaling magka-crush kay Rigo. Sabi ko nga, kahit ako. And I probably wouldn’t know how to deal with him kung ako ang nasa lugar mo. Pero alam kong mas matalino ka kaysa sa akin.”

“Thanks, Yda. Pag-iisipan ko ang sinabi mo,” matamlay niyang sagot sa kaibigan.

Ano ang gagawin niya?

Maliban sa dalawang nasa posters ay si Rigo ang kauna-unahang crush niya. Hindi naman bago sa kanya ang ibang sinabi ni Yda. Hindi man niya tahasang kilala si Rigo bago sila nagkakilala nang pormal ay alam na niya ang ibang tungkol dito.

Makikipagkita ba siya dito bukas?

Chapter 8

PAGKA-DISMISS ng klase ay mabilis na tumayo si Lacey upang bumaba nang tawagin siya ni Yda.

“Pipigilin mo ba ako?” tanong niya.

Pilit na ngumiti si Yda. “Magpapapigil ka ba?”

“No way.” Bahagyang tumaas ang mukha niya sa determinasyon.

“All right, then, natitiyak kong maraming maiinggit sa iyo. You two are a good pair. Just be wise.”

“’Thanks,” sagot niya sabay takbo patungo sa hagdan.

Who wants to be wise when you will be meeting your prince charming? I don’t think Guinevere had been wise enough when he met with Lancelot.

Hustong paglabas niya ng building ay dumarating si Rigo. Inikot nito sa malapit sa kanya ang motorbike.

“Sakay na,” utos nito.

Walang alinlangan siyang sumakay sa likod. Hindi pa siya gaanong nakakapuwesto ay pinatakbo na ng binata ang bike. Napakapit siya nang mahigpit sa baywang nito.

Hindi iilang mga mata ang nakasunod sa kanila paglabas nila ng gate ng campus. Pero walang nakikita si Lacey. Ang buong pag-iisip niya ay nasa lalaking niyayakap ng isang braso niya.

Nalalanghap niya mula sa jacket nito ang natural na malinis na amoy ng binata. At kung ano-ano ang ginagawa nito sa mga senses niya.

Makalipas ang sampung minuto ay nasa tabing-dagat na uli sila. Tulad kahapon ay ipinarada ni Rigo ang bike sa tabi ng puno ng niyog. Tulad din kahapon ay bumaba si Lacey at sumandal sa puno ng niyog. Sa pagkakataong iyon ay hindi nakatirintas ang buhok niya at malayang inililipad ng mabining hangin.

Sa pagitan ng siwang ng mga dahon ng niyog ay tumatama sa mukha ng dalagita ang sinag ng panghapong araw. Nakabakas sa magandang mga mata ni Lacey ang kawalang-malay. Ang mga labi ng dalagitang tila hinahagkan ng hamog ay halos magpahinto sa paghinga ni Rigo.

Ilang sandali ring nakatitig lang ang binata dito habang si Lacey ay hindi malaman kung saan ibabaling ang paningin. Licking her dry lips unconsciously, innocently.

“Sana’y hindi mo ako… tinititigan nang ganyan,” mahinang wika niya. “Naiilang ako.”

“Hanggang sa pagsakay mo ay hindi ako nakatitiyak na sasama ka sa akin,” wika ni Rigo in a ragged voice. Sa buong buhay niya, sa ilang mga babaeng naka-date na niya, hindi siya kailanman nawawalan ng sasabihin o mananatiling nakaupo sa bike at nakatitig lang. At hindi niya kailanman pinagdududahan kung sasama ang isang babaeng inimbita niya.

Nagyuko ng ulo si Lacey. Itinuon ang mga mata sa mga damo sa buhangin. Hindi siya nag-angat ng mukha nang magsalita. “Hindi ba at… sinabi ko sa iyong sasama ako?”

“Iniisip kong baka magbago ka ng pasya at matakot sumama.”

Saka pa lang nagtaas ng mukha ang dalagita at sinalubong ang tingin nito. “Bakit ako matatakot sa iyo?” malumanay na tanong niya.

“Hindi mo ba alam ang mga sinasabi nila sa akin?” Bumaba sa motorsiklo si Rigo at lumapit sa kanya. Itinukod sa puno ng niyog ang kaliwang kamay sa may ibabaw ng ulo niya. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng maong.

“Dapat ko bang katakutan iyon? At dapat bang hindi ako sumama sa iyo dito?” Tinitigan niya ang binata. Her eyes filled with a shy and trusting innocence na gustong magpawala sa pagpipigil ni Rigo sa sarili.

Those innocent eyes are driving him wild!

“Siguro…” he answered huskily. He has never been this close with a woman before at nagagawang magpigil sa sarili. At hindi rin siya ang uring nakikipagkuwentuhan nang ganito. The girls he went with did not prefer talking.

“Bakit?”

“Hindi mo ba alam ang reputasyon ko sa campus?”

“Naririnig ko pero gusto kong sabihin mo sa akin kung bakit dapat akong matakot doon,” aniyang pabulong.

Hindi alam ni Rigo kung ano ang sasabihin doon. Muli nitong tinitigan ang dalagita.

Inililipad ng hangin ang ilang hibla ng buhok sa mukha ni Lacey. Hinawi ng binata iyon at inipit sa likod ng tenga niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi umiwas si Lacey.

Si Rigo ay huminga nang malalim kasabay ng pagpikit ng mga mata nang madama ang pisngi ng dalagita. So soft, like a petal of a rose. Hindi nito ipagpapalit ang sandaling iyon sa anupamang bagay.

“Alam mo bang batid halos ng mga kaibigan at mga kakilala ko ang damdamin ko sa iyo? Alam mo ba kung ano ang nadarama ko para sa iyo?” wika nito makalipas ang ilang sandali.

Muling tumingin nang deretso si Lacey kay Rigo. Hindi alam kung saan kumuha ng tapang na mapalapit sa binata. And she’s just a child kompara sa mga naging girlfriends nito.

“Tell me,” malumanay niyang panghihikayat kay Rigo.

Mula sa puno ng niyog ay bumaba ang kamay ng binata patungo sa batok niya. Banayad na hinawakan at pinisil-pisil iyon. His breathing ragged. It was an exquisite torture to hold her like this and not kissing her.

It was the very first time Lacey allowed an opposite sex to touch her. And she wanted to melt.

“I love you.” Simpleng pahayag nito. “At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa damdaming ito.”

Kung gaano katagal nanatiling walang kibo si Lacey ay hindi niya alam. And Rigo wanted to kiss her. Ang tanging nakakapigil dito ay ang kaalamang walang malay si Lacey. Hindi gusto ng binatang matakot dito ang dalagita.

Nanatili ang kamay ni Rigo sa likod ng ulo niya. Softly touching. Banayad na sinusuklay ng mga daliri nito ang buhok niya.

“Lace…” Ibinaba ni Rigo ang isa pang kamay sa baywang ng dalagita pero nanatiling may puwang sa pagitan nilang dalawa.

Tumingala ang dalagita dito. Her eyes filled with happiness. “H-hindi ko alam kung ano ang… sasabihin ko. Rig…” sa wakas ay nakahagilap siya ng sasabihin. “Napakabilis ng mga pangyayari..”

“Matagal ko nang gustong lapitan ka. Six months ago. A year ago. Pero hindi ko magawa. May mga dahilan…”

Tumingala si Lacey kay Rigo. “Tulad ng…?” pabulong na tanong niya rito.

“You’re only sixteen. A year ago, you were even younger. I’m five years older. Siguro kung eighteen ka na, walang diperensiya ang limang taon. Tapos, iba ang mundong ginagalawan mo kaysa sa akin…” Pinutol nito ang sasabihin at lumingon sandali sa dagat.

“Ano ang ibig mong sabihin?” Her beautiful forehead frowned slightly.

“Tamang-tama ang pagkakapangalan sa iyo. Lace. Your world is made up of lavender lace, of velvet and silk. And my old faded blue jeans would be out of place.” Itinaas nito ang mukha niya at tinitigan. “I’ll never fit in, Lace.”

Nag-init bigla ang sulok ng mga mata ni Lacey pero ngumiti siya nang magsalita. “May kupas na maong din ako, Rig. Ang iba nga halos ay mamuti na sa tagal ng gamit. I like my jeans when they’re old and fading. Pero alam mo bang ang ginagamit kong blouse ay sometimes silk o ’di kaya’y white cotton with eyelets and laces? So you see, they fit. Old faded blue jeans and lavender lace.”

Nagsisikip ang lalamunan ni Rigo. He never knew that happiness could hurt so much.

“Maraming kuwento tungkol sa akin… hindi magagandang pakinggan…” patuloy ng binata.

“Who’s listening? Tinitiyak ko sa iyong hindi ako,” reassurance niya.

“You’re too young, too innocent, too fragile para sa isang tulad ko.”

“Hindi ako mananatiling bata at inosente at fragile sa habang panahon… but I would surely like to share my youth and my old days with you.”

Mabilis na kinabig payakap ni Rigo ang dalagita sa dibdib nito. Hinagkan ang ibabaw ng ulo. Hinaplos ng isang kamay ang buhok. They’re like silk sa mga daliri nito.

“I’ll never make you cry, Lace,” bulong ni Rigo.

“But you’re making my eyes misty already.”

He smiled at lumitaw ang isang dimple sa pisngi nito. “You know what? Sa buong buhay ko’y wala akong natatandaang humingi ako ng pahintulot sa isang babae na gusto ko siyang halikan. But I’m asking you now. Would you let me kiss you?”

“Gee. I never thought I would be asked. Tulad ng mga nababasa ko sa romance novels, I was expecting to be kissed right away without being asked dahil hindi ko alam ang isasagot ko,” aniya sa pinasiglang tinig para matakpan ang shyness.

Kumawala ang lahat ng pagpipigil ni Rigo. “Oh, Lace…!” He mold her into him. Kissing her softly, gently, tenderly.

This was her first kiss and he doesn’t want to spoil it by scaring her with unchecked passion na nag-uumalpas sa pagkatao ni Rigo.

Such tenderness melted her heart. Paanong ang isang ito na ang tingin ng iba ay rugged, rough, crude could be so gentle and tender? Hindi niya mapigil ang pagpatak ng luha.

Mabilis na kumawala si Rigo nang malasahan ang alat mula sa luha niya. “You’re scared…” kinakabahang wika nito. Higit sa ano pa man ay hindi nito gustong matakot si Lacey sa mga firsts ng dalagita. “At kasasabi ko pa lang na hindi kita paiiyakin!”

Mabilis siyang umiling. “No… no. Hindi mo ako natatakot. I will never fear you, Rigo dela Serna,” gusto niyang alisin ang insekyuridad sa mukha ni Rigo.

Awkwardly, she tip-toed, closed her eyes and kiss him. Her lips soft and warm, touching his lips in a tentative caress. Parang balahibo na idinaan sa mga labi ng binata.

And he returned her kisses, taking the sweetness. Ilang beses na ba nitong pinapangarap ang dalagita? How would it feel to have her in his arms… to kiss her… and touch her?

Now he knew. She was everything. And he wanted her. Pero hindi niya magagawa kay Lacey iyon. Even if she would be Willing. Not now. Marahan nitong iniwan ang mga labi ng dalagita. Itinaas ang mukha.

“You’re my girl now?”

Ngumiti siya. “Pang-ilan?”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata sa tanong niya. Pagkatapos ay pumormal.

“Only you. Always.” Mariin at tiyak ang pagkakasabi ni Rigo sa mga salitang iyon.

Chapter 9

HINDI siya maihatid at masundo ni Rigo dahil sa driver nila kahit na nga ba gusto ng binata. Siya ang umaayaw. Hindi niya gustong maputol ang ugnayan nila nang wala sa oras dahil sa Daddy niya.

Pero lagi silang magkasama kung may bakanteng oras din lang. Sa lunch break sa canteen ay sabay silang kumakain. Sa vacant period ay magkasama pa rin sila. Karaniwan na ay nagugugol iyon sa tabi ng dagat tulad ng hapong iyon.

“Apakan mo ang clutch,” ani Rigo na tinuturuan siyang mag-drive ng motorsiklo. “Ganyan…”

“Kaya ko na,” nakatawa niyang sagot. “Bumaba ka na diyan, hindi ko pa kayang i-back ride ka.”

“Sigurado ka?” Nag-alanganing bumaba ang binata.

“Oo. Panoorin mo…” Nagrebolusyon ang dalagita. Pagkatapos ay inapakan ang primera.

Ilang sandali pa’y tumatakbo na ang motorsiklo bagaman naninimbang nang kaunti. Basa ang buhangin kaya hindi bumabaon ang malalaking gulong ng motorbike. At nakayuko siya sa mismong daanan kaya hindi niya agad napuna ang lubid sa unahan na nakatali sa may bangka na nasa dagat at ang kabilang dulo ay sa isang kahoy na nakabaon.

“Hey, watch out!” sigaw ni Rigo na tumakbo pahabol. “Tumingin ka sa unahan mo at magpreno ka!”

Pero huli na. Sumabit sa leeg ng dalagita ang lubid na pampigil sa bangka na huwag maanod. Bumagsak at naiwan siya sa buhanginan habang ang motorsiklo ay patuloy sa pagtakbo at humapay sa malayo sa kanya.

“Lacey!” sigaw ni Rigo na lumuhod sa buhangin at hindi malaman kung hahawakan siya o hindi.

Nagmulat ng mga mata ang dalagita. Hindi agad kumilos. Bumaba-tumaas ang dibdib sa bahagyang nerbiyos sa nangyari.

“Ano ang masakit sa iyo?” nag-aalalang tanong ng binata.

Hinawakan niya ang leeg na sinabitan ng lubid. Bahagyang nang hapdi iyon. “Just this… and my pride,” pinilit niyang ngumiti.

“Shit! Never again. Hinding-hindi na kita tuturuan at hindi ka mag-a-attempt na i-drive ang bike ko.” Inalis nito ang kamay niya mula sa leeg at tiningnan. Namumula ito nang bahagya.

“Rig… I’m all right. Iyong motor mo, baka nasira…” Nilingon niya ang nakahandusay na motorsiklo may limang hakbang mula sa kanila.

“Damn, hindi iyong motorsiklo ang iniintindi ko kundi ikaw!” Hinagod nito ng tingin ang buong katawan niya.

“Tumigil ka sa pagmumura, hindi ako nasaktan,” angil niya rito.

“Oh, I’m sorry, Miss Prim and Proper. Sarili ko ang minumura ko dahil…” hindi itinuloy ni Rigo ang sasabihin. Nakatitig dito ang dalagita.

“Hey, I’m… all right…” malumanay niyang sabi. Her lips parting a little. Bahagya pa rin siyang humihingal.

Ibinaba ni Rigo ang ulo patungo sa kanya at siniil siya nito ng halik sa mga labi. A little hard and passionate. Nanlaki ang mga mata ni Lacey, iyon ang kauna-unahang pagkakataong hinalikan siya ni Rigo nang ganoon.

Hindi niya alam ang gagawin. Nalilito rin siya sa nararamdaman. Thrill and fear. Iyon ang magkasama niyang nararamdaman.

Bahagya niya itong itinulak.

“R-Rig…” aniya sa pagitan ng halik nito.

Kumawala si Rigo nang maramdaman ang pag-iwas niya. Pero hindi inilayo ang mukha sa dalagita. Nakita nito ang confusion sa mga mata and there was also something else. Wanting?

May napukaw itong damdamin sa walang-malay na isip ni Lacey. Muli itong marahang nagmura at ibinagsak ang sarili sa buhangin sa tabi niya.

“I didn’t mean to kiss you like that,” he said in a broken voice.

“Ang… ang… mga babaeng… nagdaan sa iyo, ganoon mo ba sila hinahalikan?” Sinabayan niya ng lunok ang tanong na iyon.

Nilingon siya nito. Tinitigan ang buong mukha niya. Itinaas ni Rigo ang kamay at banayad na hinaplos ang mga labi niya.

“Hindi ko gustong sagutin ang tanong mo. But I wish I could do more than just kissing you like that, sweetheart,” he whispered huskily.

“Tulad ng…?”

Touching and kissing you all over. Loving you. Making slow and passionate love to you right here and now, gustong isagot ni Rigo. Sa halip ay isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. Sinisikap sugpuin ang init na tumutupok sa buong pagkatalo.

Tumayo ito at inabot ang kamay niya. “Halika na. Bumalik na tayo sa campus.”

Nagpahila ang dalagita patayo. Pinagpag ang mga buhangin sa uniform. Tinulungan siya ni Rigo na pagpagin ang nasa likod niya.

“Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko,” kulit niya.

“Stop pushing your luck, Lacey, at baka pareho nating pagsisihan ang susunod na mangyayari,” may gentle warning sa tinig nito.

Chapter 10

PAPANHIK na sa hagdan si Lacey nang tawagin siya ng ama.

“Sumunod ka sa akin sa library, Lacey, at mag-usap tayo,” pormal ang mukha at tono ni Augusto.

Kinakabahang inilapag ng dalagita ang mga gamit sa escuela sa ibabaw ng chest at sumunod sa ama.

“Maupo ka.” Itinuro ni Augusto ang maliit na sofa. Atubiling umupo si Lacey. Hinarap siya ng ama. “Ano ang nababalitaan kong lagi kayong magkasama ng anak ni Amelia, Lacey?”

Hindi nagkamali ang saloobin niya. Nakarating na sa ama ang tungkol sa kanila ni Rigo. Hindi katakataka iyon. Dahil hindi naman nila itinatago ni Rigo ang relasyon. Ano ang isasagot niya? Hindi niya gustong magsinungaling at itanggi si Rigo.

“Dad, hindi ba normal na maligawan na ako? Iyong iba nga, thirteen pa lang ay nililigawan na. Hindi naman ibig sabihin ay mag-aasawa na ’pag niligawan,” lakas-loob niyang isinagot.

“Disisais ka pa lang, Lacey, at alam mong hindi ko ipinahihintulot ang pag-i-entertain ng mga manliligaw hanggang wala kang disiotso. Isa pa, babale-walain ko ang nababalitaan ko kung hindi ang Rodrigo dela Serna na iyon ang nanliligaw sa iyo,” nakakahimig na ang dalagita ng galit sa tinig ng ama na pilit nitong kinokontrol.

“Ano ho ang iniaayaw ninyo kay Rigo, Dad?” tanong niya sa maliit na tinig.

“Kilala ko ang pamilyang iyan, Lacey,” kasabay ng sinasabi nito ay wala sa loob na dinama ang isang pilat sa mukha na may dalawang pulgada ang haba. “Hindi ko gustong nakikipagmabutihang-loob ka sa lalaking iyon, naiintindihan mo ba?” Sa pagkakataong iyon ay hindi na nito itinago ang galit.

Nang hindi kumibo si Lacey at nanatiling nakayuko ay nagpatuloy si Augusto.

“At huwag mong sabihin sa aking hindi mo nababalitaan ang reputasyon ng lalaking iyon sa paaralan ninyo? Kung sino-sinong babae ang binu—”

“Hindi totoo iyan, daddy!” agap ng dalagita. “Pati ba naman iyong mga tsismis sa loob ng escuela ay pinagkakaabalahan ninyo? Those are petty things.”

“Doon nag-aaral ang kaisa-isa kong anak! At huwag mong ipagtanggol ang lalaking iyon na hindi mo kilala. Mas kilala ko ang pamilyang iyon nang higit kaysa sa iyo. Hindi ang mga dela Serna ang gusto kong makasalamuha mo.”

“At ano ba ang pagkakakilala ninyo sa kanila?” Tumingala siya sa ama. “Maliban sa mahirap ay mabuting tao ang mag-iinang iyon.”

Hindi agad nakakibo si Augusto. Si Lacey ay tulad ng ina. Masunurin sa halos lahat ng bagay subalit nagrerebelde at nangangatwiran kapag hindi mo naipaliwanag nang husto ang bagay na iniaayaw mo.

Iniba ni Augusto ang usapan.

“Naipangako ko nga pala sa iyong magbibigay ako ng malaking party, Lacey, dahil na rin sa pagkakapanalo mo bilang Miss St. Ignatius College at blowout na rin sa nalalapit mong graduation. Sa Linggo na natin gagawin iyon, hija. Imbitahin mong lahat ang mga kaibigan at kaescuela mo, kahit na sino pang gusto mong imbitahin. Imbitahin ko rin ang mga kakilala natin. It’s been a long time since na nagpa-party ako. The last time ay noong anniversary namin ng Mommy mo.”

Doon biglang nagkaroon ng lambong ang mukha ni Lacey. Nami-miss niya ang Mommy niya. Walong buwang buntis ang Mommy niya noong anniversary ng mga ito. A month after, namatay ito sa komplikasyon sa pagsisilang ng ikalawang anak. Kasamang namatay ang sanggol. She was twelve years old. At mula noon ay lalong naging mahigpit ang ama sa kanya.

Chapter 11

MALIWANAG ang buong lawn ng mansion ng mga Bernardino nang gabing iyon. Maraming mga bisita. Mga classmate at mga dating classmate ni Lacey. Mga kaibigan at kakilala ni Augusto na mga kilala rin sa bayang iyon at may mga katungkulang hinahawakan sa gobyerno.

“Wow!” bulalas ni Yda na humalik sa pisngi ng kaibigan. “Mas beauty ka ngayon kaysa noong manalo ka ng Miss SIC, ah. At alam ko kung bakit. Nandito ba siya?” Inikot nito ang mga mata sa paligid.

“Hinihintay ko nga, eh.” Tinanguan niya ang ilan sa mga classmate na dumating at itinurong pumasok sa loob. “Sige, pumasok ka na at aabangan ko pa ang iba nating mga classmate.”

“Hello, Yda,” bati ni Augusto na nakangiti sa dalagita. “Wala ka bang kasama?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lacey. Kailan pa naging magaan ang loob ng Daddy niya sa mahihirap niyang mga classmate?

“Ako lang po. Hindi po mahilig ang Itay ko sa ganitong okasyon,” nakangiting sagot ng dalagita. Inakay ni Augusto si Yda papasok sa loob.

Nawala ang pansin ng dalagita sa dalawa nang may magsidating pa.

“Hi, Lacey…” si Jeffrey Chan, ang anak ng regular buyer ng Daddy niya ng kopra. Sa ibang kolehiyo sa bayang iyon ito nag-aaral. “Tamang-tama ang dating ko, nagsisimula na ang yugyugan. Come, dance with me.”

Hinawakan siya nito sa braso at napilitang sumunod ang dalagita. Hindi niya gustong umalis sa malapit sa gate dahil inaabangan niya si Rigo. Ang sayawan ay sa loob ng mansion sa malaking sala.

Nakisalamuha sila sa mga naroong nagsasayaw na puro mga teenager dahil ang mga bisita ng Daddy niya ay halos kasing-edad din nito at ang mga anak na dala ay yaong mga halos kasing-edad din niya.

Nakakatatlong disco music na ang naisasayaw niya sa tatlo ring teenagers nang matanawan niya si Rigo na nakatayo sa may pinto kasama si Arnel.

As usual, in his faded blue jeans and black jacket. Kaibang-kaiba sa suot ni Arnel na semi-formal tulad din ng ibang mga bisitang kabataan dahil ang nakalagay sa Hallmark invitation cards niya ay semi-formal. Iyon ang gusto ng Daddy niya dahil sa mga bisita nito.

“Excuse me,” aniya sa kasayaw at mabilis na lumakad patungo sa may pinto at sinalubong ang dalawa.

“Hi,” nakangiting bati niya sa kasintahan. Her eyes sparkling. “Hello, Arnel,” nginitian niya ang kaibigan ni Rigo na ngumiti rin at inikot ang paningin sa mga naroon at naghahanap ng mga kakilala.

“Maiwan ko na kayo, nakita ko si Yda, I think I’ll dance with her,” wika nito at lumakad patungo sa kinaroroonan ni Yda na nakatingin na sa kanila.

Si Rigo ay hinawakan ang dalawang kamay ng dalagita at tinitigan. “You’re very pretty tonight. A mini-dress in lavender laces,” bulong nito. “At kung wala ang mga taong ito, kanina pa kita hinalikan.”

Ngumiti siya dito. At kung wala rin ang mga taong nakapaligid sa kanila, baka siya na mismo ang humalik dito. He was incredibly handsome. The rugged way. At kahit na maong pa ang suot nito. Namumukod-tangi si Rigo sa karamihan. Tall and very commanding ang presensiya. At nasa mga mata ng kadalagahan ang paghanga sa binata.

“Come, let’s dance. Maganda ang tugtog.” Inakay niya ang binata sa gitna ng bulwagan. Walang pakialam sa mga matang sa kanila nakatingin.

“Yeah,” matabang na ngumiti si Rigo. “Kenny Rogers’ Don’t fall in love with a Dreamer.” Hinapit nito sa baywang ang dalagita at nagsimulang isayaw.

“Sa akin nakatingin ang mga bisita ninyo. Naa-out of place ang maong at jacket ko dito,” patuyang tumawa ito nang marahan.

“What matters is my opinion. Party ko ito. At ikaw ang guest of honor ko,” she giggled. “At saka bakit po naman hindi kayo nag-abalang magsuot ng medyo pormal?”

“This is my style, Lacey. Komportable ako sa maong ko. Do I offend you?” seryosong tanong nito. His eyes dark and expressive.

“Alam mong hindi. Wala akong pakialam kahit na magbahag ka pa, basta nandito ka ngayon,” at saka pa lang ngumiti si Rigo. Totoong ngiti. Nagsalubong ang mga kilay ni Lacey. “Was that a test? Sinadya mo bang magpunta rito nang kakaiba ang suot sa karamihan?” May iritasyon sa tinig niya.

Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi ng binata. The man is irritatingly attractive. “Gusto ko lang idiin sa iyo ang kaibahan ng mundong ginagalawan nating dalawa, sweetheart.”

Nagbuntong-hininga si Lacey. “Ikaw lang ang naglalagay niyan sa isip mo. Rig. Kung ako ang papipiliin mo, I’d rather be with you alone sa beach ngayon kaysa sa party na ito.”

“Thank you, sweetheart. Pero hindi lahat ng tao ay katulad mo ang iniisip at pananaw. Look at your father, kung patalim lang ang tinging ipinupukol niya sa akin, kanina pa ako natumba with multiple wounds,” wika nito sa amused na tinig at bahagyang nagtaas ng ulo at tinanaw si Mr. Bernardino.

“Huwag mong intindihin ang Daddy, Rig. Bisita kita,” aniya at inihilig ang ulo sa dibdib ng kasintahan.

Natapos ang tugtog at humalili ang isang mabihs at maharot na musika. Hindi gustong magsayaw ng rock ni Lacey. Inakay niya si Rigo patungo sa labas ng bulwagan nang humarang si Don Augusto.

“Hindi mo sinabing inimbita mo ang lalaking ito, Lacey!”

Chapter 12

N AKATITIG si Augusto kay Rigo na hindi umiiwas ng tingin. Bakas sa tinig ng matandang lalaki ang pagpipigil ng galit.

“Sinabi ninyo sa akin, Daddy, na imbitahin ang lahat ng mga kaibigan at classmates ko,” sagot ng dalagita. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Rigo, unconsciously. Pinisil ng binata ang kamay niya to reassure her.

“Huwag mo akong pilosopohin, Lacey,” patuloy ni Augusto. Sinisikap nito na kalmahin ang mukha dahil sa mga bisitang naroroon. “Alam mong hindi ko gustong papuntahin mo rito ang lalaking iyan,” dugtong nitong sinulyapang muli si Rigo. “At ikaw, dela Serna, hindi ko maintindihan kung saan ka kumuha ng lakas ng loob na dumalo rito.”

“Your daughter invited me, Sir,” binigyang-diin nito ang huling salita. “At sa pagkakaintindi ko, party niya ito.”

Nag-igting ang mga bagang ng matanda. “Party niya o hindi, dela Serna, hindi kita gustong tumuntong kahit sampung hakbang malapit sa propriyedad ko! Umalis ka na ngayon din,” wika nito sa kontrolado at mahinang tinig para hindi marinig ng iba.“

Nilingon ni Rigo si Lacey. “Do you want me to go?”

Nanlaki ang mga mata ni Augusto. “Lacey!”

Umiling ang dalagita. “Ayoko, Daddy. At hindi ka maaaring gumawa ng eksena. Alam kong mahihiya kang gawin iyon sa harap ng mga bisita ninyo,” muling humigpit ang hawak ni Lacey sa kamay ng binata at inakay ito palayo sa amang natitiyak niyang nagpupuyos sa galit.

“Ang tapang mo, ha?” amused na wika ni Rigo kay Lacey. “And I’m impressed,”

“Akala mo lang iyon. Tara sa beach,” yakag niya na humakbang patungo sa likod-bahay. Pinigilan siya ni Rigo.

“Huwag, Lacey. Hindi ako natatakot sa Daddy mo at kahit na sino pang tao dahil wala akong ginagawang masama. Pero ayokong hamunin ang galit niya. Party mo ito at obligasyon mong harapin ang mga bisita mo. Go back, aalis na ako.”

“Rigo…?” Nagtatanong ang mga mata niya. Hindi niya gustong umalis ang binata. Wala siyang pakialam sa party.

“Magkita na lang tayo bukas sa campus. Sige na.”

“Hindi na tayo makakalabas pag vacant period. Natitiyak kong pababantayan ako ng Daddy,” nag-aalala ang tinig niya.

Isang ngiti ang pinakawalan ng binata. Itinaas ang mukha niya. “Magkikita tayo. Maraming paraan,” hinaplos ng thumb finger nito ang mga labi niya. Pagkatapos ay tumalikod at humakbang patungo sa nakaparadang motorsiklo.

Huminga nang malalim si Lacey. Kinawayan ang binata nang lumingon ito. Sinundan niya ng tanaw ang papalayong motorsiklo.

“Bilib ako sa boyfriend mo na iyon, Lacey,” si Yda na ang mga mata’y nakasunod din ng tanaw.

Bored na binalingan ng dalagita ang kaibigan. “Sana’y matapos na ang party na ito. Gusto ko na ngang pumanhik sa itaas, eh.”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Yda. “You are that in love? Hindi ako makapaniwala. Umalis lang si Prince Charming, boring na bigla ang paligid.”

Napahiya nang kaunti ang dalagita.

“Pinaalis ba siya ng Daddy mo?” patuloy ni Yda.

“Yes. Pero hindi dahil sinabi ng Daddy kaya siya umalis. Alam niyang hindi ako mag-e-entertain ng ibang bisita habang narito siya and he thought it unfair. Oh, Yda… Bakit kailangang maghirap si Rigo? At bakit kailangang maging matapobre ang Daddy? Kung buhay ang Mommy, sana’y…”

Inakbayan ni Yda ang kaibigan, “C’mon… makipagsayaw ka sa mga guwapong taga-St. Vincent College. Huwag mong i-spoil ang gabing ito. At saka, ilang taon lang ba tayo, ha, Lacey?” console nito. Bagaman halos dalawang taon ang tanda nito kay Lacey. “Puppy love lang iyan and it is good while it lasts. Part of growing up.”

Hindi siya sumagot. Puppy love. Iyon nga lang ba ang nararamdaman niya kay Rigo. Would she really outgrow the feelings? Hindi niya kayang isiping hindi na niya mahal si Rigo kahit sa ilang sandali. Ngayon pa lang ay may hapdi na siyang nararamdaman sa kaibuturan ng puso niya.

“At ’pag nasa college ka na sa Maynila, natitiyak kong makakatagpo ka ng bagong crush. Ang guguwapo yata ng mga taga-Ateneo. And believe me, Rigo will fade from your memory…” patuloy nito na nabigla sa sinabi at huli na para bawiin dahil biglang humarap si Lacey sa kaibigan.

“Maynila?” nagtatakang wika ni Lacey. “Bakit ako magka-college sa Maynila?”

“Ah… eh…” Nagkibit ng balikat si Yda. “I just assumed.”

Hindi mapahinuhod si Lacey. “Bakit mo nasabi iyon?”

“Oh, w-well…”

“Yda…” mariing bigkas ng dalagita sa pangalan ng kaibigan.

“N-nabanggit ng Daddy mo kanina. This party, I guess, parang despedida na rin sa mga kaibigan mo.”

Totoong nabigla si Lacey doon. May mga pahiwatig na sa kanya si Augusto na gusto nitong pag-aralin siya sa Maynila pero hindi niya naisip na tototohanin ng ama.

“Halika na sa loob. Ayan pala si Jeffrey, eh.”

“Saan ba kayo galing dalawa?” salubong nito. “Sino ba iyong guy na kasayaw mo, Lacey? Bakit tila mainit yata ang ulo ng erpat mo roon?” sunod-sunod na tanong nito.

“Isa sa mga college boy ng St. Ignatius at kaibigan namin,” sagot ni Yda. “Well anyway, tara sa loob at nasasayang ang oras.”

“C’mon, Lacey.” Hinawakan ni Jeffrey ang siko niya.

Walang kibong sumunod ang dalagita.

Chapter 13

BAGO pumasok kinabukasan si Lacey ay kinausap siya ni Augusto.

“Bakit hindi ka na lang mag-absent, Lacey? Puyat ka kagabi at saka bale-wala na naman ang klase ngayon, ’di ba, dahil malapit na ang graduation ninyo?”

“Alas-diyes y media lang ay tinapos na ninyo ang party kagabi, daddy, kaya hindi ako puyat,” sagot niya. Ang mga bisita lamang nito ang inabot ng halos hatinggabi. “At saka simula na ngayon ng rehearsal para sa graduation pati na rin ang valedictory speech ko.”

Sandaling nag-isip ang matandang lalaki, pagkatapos ay muling tinitigan ang anak.

“I’m sorry about last night, hija. Nabigla lang ako. I won’t stop you from seeing that man, pero sa loob lang ng campus. You will not go out with him during your vacant period. Wala akong tiwala sa lalaking iyon.”

Ngumiti siya. “Thanks, Daddy,” aniya, hinalikan sa pisngi ang ama at lumakad na patungo sa naghihintay na van.

Hindi niya napuna ang pagdidilim ng mukha ng ama. Ang makahulugang tingin nito habang nakasunod ng tanaw sa kanya.

Kung hindi titigilan ni Rodrigo dela Serna ang pakikipagkita sa batang anak ni Augusto ay magsisisi ang binata. Binigyang-daan nito ang isang bagay na matagal nang gustong gawin ni Augusto dangan nga lang at hindi lumilitaw ang pagkakataon.

Muli ay dinama nito ang pilat sa pisngi kasabay ang pagbalasik ng mukha.

HINDI na nga nagkaroon pa ng pagkakataong makalabas ng campus ang dalawa sa tuwing vacant period ni Lacey pero walang bakanteng oras na hindi sila magkasama.

“I miss you,” ani Rigo minsang nasa ilalim sila ng puno ng akasya. May upuan doon para sa mga estudyante.

“You’re kidding!” kunwaring bulalas niya. “Araw-araw tayong nagkikita, ah.”

“Alam mo naman ang ibig kong sabihin, ’di ba? It’s been a week since I last kissed you.”

“Hmp…” Inirapan niya ito. “Kaya pala sinabi sa akin ni Yda na nakita ka niya kahapon kina Shirley…”

Ngumisi ang binata. “Nagseselos ka?” Pinaglandas nito sa braso niya ang daliri at pinagsasalikop sa mga daliri ang pinong balahibo niya.

Nagkibit siya ng balikat. Nagseselos siya at nasasaktan. Kahapon pa nang sabihin ni Yda iyon ay hindi na siya nakatulog. But she doesn’t want to nag him about it.

“Hindi ba dapat? Ang pagkakaalam ko ay girlfriend mo si Shirley,” sinabi niya sa naninimbang at neutral na tono.

Umiling si Rigo. Pinisil ang ilong niya. “Ex. At hindi mo siya dapat pagselosan dahil ikaw lang ang mahal ko. At wala nang iba pa mula nang maging akin ka.”

Marahang napangiti si Lacey. Mula nang maging akin ka. May possessive sound doon at hindi niya maipaliwanag ang galak sa dibdib. She was his.

“Naniniwala ako sa iyo.”

Lumapad ang ngiti ni Rigo. “That trusting, ha. Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nandoon?”

Umiling siya. “What I don’t know won’t hurt me. At saka sinabi mo na sa aking wala ka nang iba, tama na iyon.”

Pumormal si Rigo. Tumayo ito at hinila siya. “Tara, let’s get out from here.”

“S-saan tayo pupunta?”

“Some private place where I could kiss you,” his eyes dark and his voice husky.

Gustong tumanggi ng isip ng dalagita. Hindi niya gustong samantalahin ang pagluwag ng ama. Pero ang kalakhang bahagi ng isip niya’y ayaw makisama. Excitement and thrill and happiness. Iyon ang nadarama niya. At sa totoo lang, she longed for his kisses.

Ilang sandali pa’y tinatahak na nila ang daan patungo sa tabing-dagat. Sa pagkakataong iyon ay binigyan siya ng binata ng joyride. Mabilis at halos dumikit sa lupa ang ginagawang swaying ni Rigo sa motorsiklo sa tuwing liliko at napapatili siya. Part fear and part thrill.

Chapter 14

Makalipas ang ilang minuto ng mabilis na pagtakbo sa ilalim ng mga punong niyog ay nakarating sila sa tabing-dagat.

Muli ay ipinarada ni Rigo ang motorsiklo sa lilim ng punong niyog. Si Lacey ay hinubad ang medyas at sapatos.

“Ano ang ginagawa mo?” natatawang tanong ng binata.

“Gusto kong magpunta sa baybayin. Mababasa ang mga ito kaya magpapaa na lang ako. Ikaw?” Sinulyapan niya ang rubbershoes ng binata.

“Walang sisita sa akin kahit mabasa ang sapatos at jeans ko,” anito at inakbayan ang dalagita.

Lumakad ang dalawa patungo sa dagat.

Magkahawak-kamay na binaybay nila ang buhanginan. Hinayaang hampasin ng mumunting alon ang mga paa. Huminto sa paglakad si Rigo at niyakap patalikod si Lacey, pareho silang nakaharap sa humahapong araw. Kumikislap ang sinag nito sa dagat na tila mga brilyante.

“Baka umalis kami. Rig, weeks from now…” Ikinulong niya sa mga palad ang kamay ng binata na nakapulupot sa baywang niya.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nagpaplano ang Daddy na pag-aralin ako sa Maynila next school year,” sandali siyang huminto sa pagsasalita at huminga nang malalim. Kinausap niya ang ama pagkatapos ng party pero hindi nito kinumpirma ang tanong niya bagaman hindi rin itinanggi. “Hindi pa naman sigurado.”

Hinagkan ni Rigo ang ibabaw ng buhok niya. “Manila is only a few hours away. Kahit pa nga siguro isang linggong biyahe ay mararating ng sasakyan iyon.”

Natutuwang nilingon niya ang binata. “Dadalawin mo ako kung sakaling doon nga ako magka-college?”

“Tinitiyak ko sa iyo. Sa lahat ng libreng pagkakataon.”

“At ano ang gagawin mo habang nasa Maynila ako?”

“Maraming chicks na naghihintay na mawala ka sa paningin nila, sweetheart,” tukso nito.

“Ah, ganoon?” naiiritang sagot niya at pilit kumakawala mula sa pagkakahawak nito pero humigpit lalo ang yakap ni Rigo sa kanya.

“Sshh… Sabi mo, love isn’t jealous… does not brag…” bahagyang yumugyog ang balikat nito in silent laughter.

“That is my definition of love but who says I’m in love,” ganti niya sa paangil na paraan.

“Ugh! That really hurt,” ani Rigo. Humigpit pang lalo ang pagkakayakap nito sa kanya at halos hindi na siya makahinga. “All right, nakaganti ka na,” iniharap nito ang dalagita. “But come to think of it minsan man ay hindi mo sinabi sa aking mahal mo ako,” wika nito sa mapanganib na tono.

She wrinkled her nose. “Alam mong mahal kita.”

“Say it,” utos ni Rigo.

“I love you,” seryosong wika niya. “1 love you. Rig, really. At kung may magagawa lang ako, ayokong sa Maynila mag-aral. Gusto ko rito sa San Ignacio. Iyong magkasama tayong dalawa. Ayokong magkahiwalay tayo,” may panic sa tinig niya. Kagabi pa siya nag-aalala doon.

“Marry me then.”

“Rigo!” Nanlaki ang mga mata ni Lacey. “Alam mong walang magkakasal sa atin kahit na sino. Pareho tayong underage.”

Ngumisi ang binata. Hinugot mula sa kalingkingang daliri ang singsing na regalo ng mga magulang noong gumradweyt ito sa high school na valedictorian. Kinalakihan na ito ng ring finger ni Rigo kaya nailipat na ng binata sa pinakamaliit na daliri nito.

Inabot ni Rigo ang kamay ni Lacey at isinuot sa middle finger ng dalagita ang singsing na bahagya pa ring maluwag.

“The Lord is my witness, ganoon din ang dagat, ang langit at ang mga punong iyan.” Inikot nito ang paningin sa buong pahgid. “I, Rodrigo dela Serna, am taking you as my wife.

“And I vowed to love and cherish you for the rest of my life,” solemn ang tinig nito at tinitigan siya na parang naghihintay ng isasagot niya.

“R-Rig… I…” Litong-lito ang dalagita. Magkahalong awe, confusion, and amazement ang sama-samang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Pagkatapos ng ilang sandaling lumipas ay hinugot niya sa ring finger ang sariling singsing. Inilagay iyon sa palad ng binata. Natitiyak niyang walang daliring pagkakasyahan iyon.

“I, Lacey Bernardino, vowed to love and cherish you for the rest of my life as my husband,” aniyang nilingon ang paligid tulad ng ginawa ni Rigo. “The Lord is my witness, and also the sun, the sea, at ang lahat ng mga nakapaligid sa atin.”

Yumuko si Rigo at dinampian siya ng halik sa mga labi. “There, mag-asawa na tayo. Who needs a priest, a minister, or a judge?” Ngumisi ito sa kanya.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Lacey na nag-echo sa buong paligid.

Corny, funny, crazy, who cares? They’re in love.

“Sa palagay mo ba’y nalutas niyon ang problema natin? Paano kung ipadala pa rin ako ng Daddy sa Maynila?” Natatawa pa rin niyang sinabi. Isinulat sa buhangin sa pamamagitan ng patpat ang ‘I love you, Rigo.’ “Kung nagtanan na ba tayo, eh, baka sakali pang may pag-asang magbago ang ihip ng hangin.”

Kinuha ng binata ang patpat mula sa kanya at ito naman ang nagsulat ng ’ I love you more, Lacey.’

“Hindi ko magagawa iyon, sweetheart,” pormal na sinabi ni Rigo. “I have nothing to offer you. Pero ipinangangako ko sa iyo, sa sandaling kaya ko nang bumuhay ng asawa at pamilya, kahit saan ka naroroon ay kukunin kita,” mariin at tiyak nitong sinabi.

Inabot ng alon ang isinulat ni Lacey sa buhangin at nabura. Hindi inabot ang isinulat ng binata dahil mas malayo ito sa aabutan ng maliliit na alon.

“There goes your ‘I love you, Rigo,’ tinangay ng alon. Meaning, ganoon din kabuway ang pag-ibig mo sa akin. Isang alon lang, wala na kaagad,” kantiyaw nito.

Umirap si Lacey. “Hmp… para bang hindi mabubura ang isinulat niya. Sulat lang iyan sa buhangin at talagang mabubura ng alon. Pero hindi kayang burahin kahit ng panahon ang nakasulat dito,” naiiritang itinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib.

Hinapit ni Rigo ang kasintahan. “Napikon na po at namula na ang mga mata ng ale.”

“Ikaw nga diyan, ang dami mong girlfriends…”

“Girl friends. Mga kaibigang babae. While you’re my sweetheart, my one and only, and my everything.” Itinaas siya nito mula sa buhangin nang ilang dangkal.

“Hey, Rig, put me down!” sigaw niya na napahawak sa balikat ng kasintahan.

Ibinaba siya ng binata pero nanatiling nakayakap ito sa kanya. Itinaas ng isang kamay ang mukha niya.

“Kiss me, sweetheart, the way I kissed you,” utos ng binata.

“Alin doon? Iyong pangkaraniwang halik mo sa akin o iyong halik na ginawa mo noong mahulog ako sa motorsiklo mo?”

Tumaas ang mga kilay ni Rigo. “Aling halik ko ang pangkaraniwan lang sa iyo?”

She wrinkled her nose. “Alam mo ang ibig kong sabihin.”

“Anyway, just kiss me.”

“All right”

“Come here and I’ll kiss you properly. And I want you this time, to kiss me back.”

Chapter 15

M AHIGPIT niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ni Rigo and tip-toed to kiss him. She pressed her body closer into his na tila ang kahuli-hulihang bahagi ng jigsaw puzzle ay umakma.

Si Rigo ang kumawala makalipas ang ilang segundo.

“Whew, sweetheart!” he said in a thick voice. Hinawakan nito ang dalawang braso niya at ibinaba. “That was enough,” and gave her a controlled smile at sinikap na sugpuin ang apoy na nasa katawan.

Hindi niya magagawa kay Lacey iyon. The women he had sex with ay mga game at bale-wala sa mga ito ang casual sex. But not his Lacey.

He had never felt this way before na ang isang babae ay protektahan niya mula sa kanyang sarili. Pero hindi naman niya nararamdaman sa mga babaeng iyon ang nararamdaman niya para sa dalagita.

She was fifteen nang una niya itong mapagtuunan ng pansin sa gate habang naghihintay ng sundo. And since then, hindi na naalis sa isip niya ang mukha nito.

Gumagawa siya ng paraan para lagi itong nakikita. Making his presence known to her.

And now that she was his girl, he cannot afford to lose her by scaring her with his fiery passion.

Pero iniyakap ni Lacey ang mga braso sa baywang niya and pouted her lips. “Ikaw ang may utos na hagkan kita.”

“Oh, yes, and you have certainly proved to be an apt pupil. Halika at mamulot tayo ng shell and stop teasing me by pouting your lips or you’ll be sorry.”

Subalit hindi pa man sila halos bumibitaw sa isa’t isa ay parehong nabaling ang paningin sa kabilang bahagi ng baybayin.

May ugong ng jeep silang narinig na papalapit. Sa kanang dako ng baybayin at tiyak niyang sa private beach nila ito nanggaling. May kabang naramdaman sa dibdib si Lacey.

At hindi nagkabula ang kaba niya. Kabisado niya ang tunog ng wrangler ng ama.

“Rig… ang Daddy…”

Hindi sumagot ang binata. Nanatiling nakahawak sa palad ni Lacey. Malayo pa ang wrangler ay naaaninag na nito ang galit sa mukha ng matandang lalaki.

At hindi ito nag-iisa.

Kasabay ng pagbaba ni Augusto ay bumaba rin ang may-kalakihang lalaki.

“Hindi mo sinunod ang sinabi ko, Lacey,” galit na bungad ni Augusto. Humakbang ito papalapit at hinatak ang anak na muntik nang matumba sa lakas.

“Daddy!”

“Ano ang ginawa mo sa anak ko, dela Serna?” hiyaw nito.

“Daddy, wala kaming ginagawang masama,” katwiran ni Lacey na umiiyak na. Isang sampal ang ibinigay ng matanda dito.

“Huwag mo akong gawing bulag, Lacey!”

“Huwag ninyong sasaktan si La—” Hindi natapos ni Rigo ang sasabihin dahil isang suntok ang pinadapo ni Augusto sa mukha nito nang tangkaing lapitan ang kasintahan.

“Rigo!” hiyaw ni Lacey na akmang lalapitan ang kasintahan subalit hindi makawala sa pagkakahawak ng ama.

Nakatiim ang mga bagang na pinahid ng binata ng likod ng palad ang dugo na umagos mula sa ilong nito.

“Hindi ho ako lalaban sa inyo, Mr. Bernardino, pero huwag ninyong sasaktan si Lacey. Ako ang nagpilit na isama siya rito,” pagtatanggol ng binata.

“Hayup ka, dela Serna! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko! Kung nakalusot ka sa mga kalokohan mo sa ibang babae ay hindi sa akin!” Nilingon nito ang kasama. “Magno…”

Nanlaki sa sindak ang mga mata ng dalagita. “D-Daddy… huwag…”

Unti-unting humakbang palapit si Magno. Totoong malaki ang katawan nito at mas may gulang subalit mas mataas si Rigo.

“Rigo, umalis ka na!” sigaw ni Lacey na nawalan na ng kulay ang mukha. Muling hinawakan ni Augusto ang braso niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

“Lacey!” akmang hahakbang si Rigo upang lapitan ang dalagitang pinangko ng ama nang undayan siya ng suntok ni Magno at gahibla na ang ginawa niyang pag-iwas. Sa hangin tumama ang kamao nito.

Si Augusto ay binuhat ang anak at dinala sa wrangler. Isa pauling suntok ang pinakawalan ni Magno na muling naiwasan ni Rigo. Malaki ang lalaki pero gago. Inisip na bata siya’y kayang-kaya.

Palibhasa’y taga-Maynila si Ramon, ang Papa niya, ay walang nakakaalam na ito ay isang blackbelter at dating instructor sa isang judo-karate school sa Maynila nang mapangasawa ni Amelia.

Sa loob ng limang taon ay sa Maynila sila nanirahang mag-anak hanggang sa mamatay ang mga magulang ni Amelia at umuwi ang buong pamilya sa San Ignacio.

Iniwan ni Ramon ang trabaho at nagtayo ng pagawaan ng mga sasakyan dahil isa rin naman itong mekaniko. At lahat ng nalalaman nito ay matiyagang naituro sa anak na lalaki mula pagkabata hanggang sa mamatay ito.

Maliban sa sariling pamilya ay si Arnel lang ang nakakaalam ng kakayahan ni Rigo sa martial arts dahil sandali rin itong naturuan ng ama. At minsan man ay hindi niya ginamit ang kaalaman niyang iyon sa pakikipag-away sa mga kaklaseng nakakabangga niya.

Alam niyang walang ikakaya ang mga ito.

At ngayon nga ay muli na namang susugod si Magno. Sa pagkakataong ito ay galit na galit dahil hindi makatama.

Nagpakatatag si Rigo at isang di-kalakasang flying kick ang isinalubong niya sa lalaki. Bumagsak itong patihaya sa buhangin sapo ang mukhang dumugo.

“Inutil ka, Magno, bata lang iyan!” hiyaw ni Augusto.

Sapo ang duguang mukha na hindi agad nakakilos ang lalaki mula sa kinabagsakang buhangin.

“Hindi ko gustong saktan ang tauhan ninyo, Mr. Bernardino, dahil alam kong binabayaran n’yo lang iyan. Awatin ninyo dahil tinitiyak kong hindi niya ako kayang patumbahin kahit tatluhin pa ninyo ang isang iyan!‘’ Sa pagkakataong iyon ay may galit na sa tinig ng binata. Ang isip ay nasa kasintahang walang malay.

“Hindi pa tayo tapos, dela Serna. Tayo na, Magno!”

Chapter 16

HINDI na pinapasok pa ni Augusto ang anak. Hindi rin makaalis ng bahay ang dalagita dahil nakabantay si Magno at ang mga katulong. Hindi rin niya magamit kahit telepono.

Tinanong niya ang ama kung ano ang ginawa nito kay Rigo. Tiniyak sa kanya ni Augusto na hindi nasaktan si Rigo dahil nabaling ang pansin sa kanya. Hindi niya gustong maniwala subalit si Yda mismo ang nagsabing nakikita nito sa campus si Rigo nang dalawin siya ng kaibigan. Isang araw ay nagulat na lamang siya nang pagbaba niya’y maulinigan niyang may kausap ang ama.

“Ikinalulungkot ko kung ganoon na hindi ko magawa ang sinasabi mo, Amelia,” si Augusto.

Amelia! Ang Mama ni Rigo. Bakit nandito? Inutusan ba ni Rigo ang ina na kausapin ang Daddy niya?

“Pero alam mong hindi totoo ang ibinibintang mo. Isa itong venganza, Augusto.”

“Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin pero tinatapos ko ang pag-uusap na ito. Alam mo kung paano magbabago ang pasya ko. Adios, Amelia,” pinal ang tinig nito.

Mabilis na bumaba ng hagdan ang dalagita. Gusto niyang makita at makausap ang Mama ng kasintahan.

“Tita Amelia…” tawag niya subalit galit at habag ang nasa mga mata ng babae nang tumitig sa kanya at agad na nagbawi ng tingin bago mabilis na lumabas ng mansion.

Akma niya itong hahabulin subalit pinigil siya ni Augusto.

Nilingon ng dalagita ang ama. “Daddy, bakit narito ang Mama ni Rigo?”

“Upang ipakipag-usap ang tungkol sa inyo ng anak niya,” sagot ng matandang lalaki na iniwas ang tingin.

“Dad, wala naman kaming ginagawang masama ni Rigo at vacant period naman iyon. Hindi kailangang hindi mo ako papasukin.”

Hindi pinansin ni Augusto ang sinasabi niya. “Bumalik ka na sa silid mo, Lacey, at ayusin ang mga gamit mo. Bukas din ay luluwas tayo ng Maynila,” matigas at hindi mababali ang tono nito.

Marahas na napatingin siya sa ama, “Hindi maaari, Daddy. Paano ang pagtatapos ko?” naguguluhang tanong niya. Inihihiyaw ng dibdib ang pagtutol.

“Kinausap ko na ang mga maestra mo at principal ninyo. Hindi ka nga makadadalo sa aktuwal na graduation ceremonies pero magtatapos ka ng high school kahit hindi mo tapusin ang ilang natitirang mga linggo dahil matataas ang grades mo kaya walang problema.”

“Pero bakit, Dad? Bakit ninyo ako dadalhin ng Maynila?”

“Yari na ang pasya ko, Lacey. Ihanda mo ang mga gamit mo,” bagot nitong sagot at pumasok na sa study.

Naiwang nanlulumo ang dalagita. Tatlong araw na siyang hindi lumalabas ng bahay. Paano niya makakausap si Rigo upang ipaalam ditong minadali ng ama niya ang pag-alis nila patungong Maynila?

At kung sakaling may pagkakataong makatakas siya’y gagawin niya. Hindi niya gustong sumama sa ama sa Maynila. Pero malabong mangyari iyon maliban pa sa hindi naman nagpapakita o nagpapadala ng mensahe ang binata.

Hindi siya makapaniwalang natakot ng Daddy niya ang kasintahan at pinabayaan na lang na hindi siya masilip man lang. Totoong may bantay siya pero lagi siya sa bintana sa tapat ng dagat upang abangan ang paglitaw nito.

Hanggang sa pag-alis niya kinabukasan ay umasam siyang makikita man lamang niya si Rigo kahit hindi na sila makapag-usap. Pero wala kahit anino ni Rigo na nagpakita.

Marahang paghikbi ang pinakawalan ng dalagita habang lumilingon.

“Stop being foolish, Lacey,” pagalit na sinabi ni Augusto sabay iling. “Hindi ako makapaniwala diyan sa mga ikinikilos mo. Tinalo mo pa ang dalaga na sa ginagawa mo. My goodness, you’re only sixteen. May gatas pa sa labi,” sinulyapan siya nito.

“Hindi ninyo magagawa sa akin ito kung buhay ang Mommy,” pagalit din niyang sagot.

“Hindi ako makapaniwalang pinagtataasan mo ako ng tinig nang dahil lang sa walang kuwentang lalaking iyon!”

Hindi na sumagot ang dalagita. Pinahid ng panyo ang luha sa kanyang mga mata. Tanging ang sulat na iniwan niya kay Yda ang inaasahan niyang magpaparating ng mensahe niya sa kasintahan.

Hindi magagawa ng ama niya ang tuluyan silang paglayuin ni Rigo. At dadalawin siya nito sa Maynila.

Taglay ang kaisipang iyon ay kalmanteng sumandal ang dalagita at inihanda ang sarili sa mahabang biyahe.

Chapter 17

F EELING nostalgic, honey?“ tanong ni Steve kay Lacey na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Marahang tumango ang dalaga. Malaki ang ipinagbago ng San Ignacio sa loob ng anim na taong pagkawala niya. Ang dating rough road sa pagitan ng lubak-lubak na aspalto ay sementado ng lahat. Ang maliliit na tindahan sa tabi ng kalye ay mga naglalakihang bahay at establisimyento na.

Isang kalyeng kilalang-kilala niya ang nalingunan ng dalaga. “Slow down, Steve!” wika niya sa binata na binagalan naman ang takbo ng sasakyan. Halos mabali ang leeg niya sa paglingon.

“Saw somebody you knew?”

Umiling siya at nanlulumong inalis ang mga mata sa nilingon. Sa kantong iyon dating nakatayo ang dela Serna Motorworks subalit ngayon ay mga nakahilerang commercial stalls na ang naroon.

Ano ang nangyari sa talyer? Nasaan na ngayon si Rigo? Ang pamilya nito? Wala sa loob na sinulyapan niya ang kaliwang kamay.

Sa ring finger niya ay naroon pa rin ang singsing ng binata. Sa nakalipas na panahon ay kumasya rin. Noon ay maluwag ito sa panggitnang daliri niya at nilalagyan lamang niya ng ilang ikot na scotch tape para hindi humulagpos.

May sakit na gumuhit sa dibdib ng dalaga. Pumikit siya at inihilig ang ulo sa sandalan. Bakit hanggang sa nakalipas na anim na taon ay hindi niya ito nalimot? Bakit hindi niya nagawang ibaling sa iba ang pag-ibig niya? Ang akala ba niya, sabi nila ay lilipas din ang damdaming iyon bilang bahagi ng kabataan. Bakit lahat ng lalaking makatagpo ay sinusukat niya sa standard ni Rigo? At bakit walang makaabot kahit sa kalahati?

Was it asking too much?

“Do you think it is wise to come here?” muling tanong ni Steve na may simpatya sa tinig.

Nagmulat siya ng mga mata at pilit na ngumiti. “Ano ang magagawa natin sa freak coincidence na ang textile company kung saan tayo maa-assign ay dito pala ang pabrika sa San Ignacio? At ang pinaka-ironic sa lahat, sa mismong lupa namin. Ang bahaging iyon ay naibenta ng Daddy noon.”

Nakilala niya sa ibang bansa si Steve at pareho silang nag-aaral ng cloth designing. Naging magkaibigan. Nauna nga lamang bumalik si Steve ng Pilipinas.

Nang dumating siya two weeks ago ay si Steve ang una niyang kinontak. Umalis ito sa dating pinapasukaag textile company dahil kasalukuyang nagwewelga. Ito mismo ang nagsabi sa kanya kung saan sila mag-a-apply ng trabaho.

Maganda ang kanilang credentials kaya agad silang natanggap.

“Oh, well, kahit saan ako ma-assign ay okay lang sa akin, darling. Alam mo naman ako, rolling stone at basta ba maligaya at masaya ako sa trabaho ko. Iyon naman ang importante, ’di ba?” Tinanguan niya ito. “At pabor sa akin na may bahay ka rito.”

Huminga siya nang malalim. Halos ang buong lupain nila ay naipagbili ng Daddy niya sa iba’t ibang tao nang ito’y magkasakit.

Sa Maynila niya ginugol ang unang taon niya sa kolehiyo kasama si Augusto na umuuwi lang ng San Ignacio kung aasikasuhin ang pagbababa ng mga prutas at niyog.

Pagkatapos ng unang taon sa kolehiyo ay siya mismo ang nagsabi sa Daddy niya na sasama siya sa Auntie Fe niya na mag-migrate sa ibang bansa at doon na magpatuloy ng pag-aaral.

Hustong tatlong taon na siya roon nang sumunod si Augusto. May sakit na ito at nagpapagamot. Pinahaba lang ng medisina ang buhay ng ilang taon at namatay din. Prostate cancer.

At sooner or later ay uuwi din siya ng San Ignacio dahil naroon pa ang mansion na nasa pag-aari pa niya ngayon at ang lupang nakapalibot dito na humigit-kumulang sa isang libong metro kuwadrado. Ito man ay nakasanla na rin.

Hindi biro ang perang kailangan sa panahong ipinag-aral at ipinanatili niya sa Amerika. Idagdag pang higit ang mga ginastos ng ama niya sa ospital at mga doktor. At ang higit pang nakaapekto ay ang dalawang sunod-sunod na pananalasa ng bagyo sa dapat sana’y aanihin nang mga palay at prutas bago nagtungo ng Amerika ang ama.

Iyon ang pinakamababang sandali sa buhay ni Augusto. Ang pagkasira ng mga pananim na sana’y naipantubos sa iilang ektarya pa lamang na lupang nakasanla, at ang pagkatuklas nito sa kanser na taglay. Ganoon na lamang ang habag niya sa ama.

Muli siyang lumingon nang mapadaan sila sa SIC. Ang alma mater niya. Malaking bahagi ng buhay at pag-ibig niya ang narito. Ang dating barbed wire na bakod ay napalitan na ng mataas na konkreto at bakal.

Muli ang pagguhit ng sakit sa dibdib niya. Wala siyang titingnan sa bayang ito na hindi magdadala ng alaala ni Rigo. Bawat puno, building, kalye, and even the sun and the sea, ay nagtataglay ng alaala nito. Hindi niya mapigilan ang bahagyang hikbi na kumawala sa lalamunan niya

“Some memories are painful, honey,” may simpatiyang sinabi ni Steve na ginagap ang kaliwang palad niya at pinisil. “And some things are just not meant to be.”

“Sixteen lang ako, Steve. We planned together, shared a young dream. But the dream has ended,” gumaralgal ang tinig niya. “And I thought my young heart would soon forget sa paglipas ng mga taon pero napatunayan kong hindi. And you’re right. Some things are just not meant to be.”

“Makakatagpo ba natin dito ang mapalad na lalaking iyon?” banayad nitong tanong.

Huminga siya nang malalim. “Hindi ko alam. Maybe yes, maybe no. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari. At kung sakaling makakatagpo ko siya, hindi ko alam ang gagawin ko, Steve. He’s probably married by now,” nag-init ang sulok ng mga mata niya sa huling sinabi.

“Kaya mo iyon, darling. Nandito ako. Don’t let him hurt you again.”

Pero mapagbiro minsan ang pagkakataon. Huminto ang kotse at itinirik sila sa kalye.

“Ano ang nangyari?”

Itinaas ni Steve ang dalawang kamay. “How would I know why this damned car just stopped? Wala akong alam sa pagmemekaniko,” bulalas nitong binuksan ang pinto at lumabas.

Sumunod si Lacey.

“Akala ko ba ay ipina-tune up mo ito para sa mahabang biyahe?”

Guiltily, ngumisi si Steve. “Nalimutan ko, Lacey…”

“Oh, Steve. Mabuti na lang at narito na tayo sa loob ng San Ignacio nang masiraan. More or less ten minutes na lang at nasa amin na tayo.” Luminga ang dalaga. Maraming bahay sa paligid hindi tulad noon na iilan-ilan lang. Pero dahil patay na oras ay walang tao sa kalye. Isang tricycle ang natanawan niya at kinawayan.

“Hey, don’t tell me na iiwan natin ang kotse dito? Baka ma-cannibalized.”

“Hindi gagawin ng mga tao rito iyan, Steve,” aniyang ang mga mata’y nasa parating na tricycle.

“Seven years ago,” matabang na sagot ng binata. “Iba na ang kalakaran ng mundo ngayon.”

Hindi pinansin ng dalaga ang lalaki. Hinarap ang driver ng tricycle na huminto sa tapat nila. “May alam ka ba ritong pagawaan ng sasakyan? Nasiraan kami.”

“Ay, malapit lang ho, Miss. Lumiko kayo diyan sa kantong iyan patungo sa main road. Makikita ninyo iyong SI Car Care Center.”

“Ihatid mo ako doon at susundo lang ako ng gagawa.” Nilingon niya si Steve. “Maiwan ka muna diyan.”

“Make it fast, Lacey.”

Makalipas ang ilang minuto ay naroon na sila. Binayaran ng dalaga ang driver at bumaba. Isang moderno at malaking service center ang pinaghatiran sa kanya. Nilapitan niya ang isang naka-T-shirt ng navy blue na puro grasa.

“Excuse me, nasiraan kami sa Molave. Maari ba akong magsama ng isang gagawa?”

“Naku, wala hong bakanteng tao. Pero magsabi ho kayo kay boss at baka may ipasasama sa inyo.” Inginuso nito ang isang van na kulay-puti. “Nandoon ho siya sa ilalim ng van.”

“Thank you,” aniya at lumakad patungo sa itinuro ng lalaki.

Maliban sa nakataas na mga binti ay nasa ilalim ng sasakyan ang lalaki. Base sa matipunong mga binting nakalitaw ay natitiyak niyang mataas at malaki ito. Maong na may sira sa tuhod at puro grasa ang suot nito. Rubbershoes na hindi niya matiyak kung puti o putik ang kulay.

“Excuse me…” Nag-alis siya ng bara sa lalamunan at bahagyang yumukod para marinig ng nasa ilalim.

Nakita na ng lalaki ang paglapit niya. Sa ilalim pa lang ay pinipintahan na siya nito. Original WB ang rubbershoes, kulay itim na maong na masikip sa dulo at halos hindi umabot sa gomang sapatos. Sa kabila ng amoy ng gasolina at grasa ay dinala sa ilong nito ang suwabeng pabangong mamahalin. A very feminine scent.

De klase ang bagong customer. Marami pa namang trabaho ngayon. Iyon lang ginagawa nito’y minamadali na ng may-ari. Sana’y hindi apurahan ang ipagagawa ng babaeng ito, naisip ng lalaki.

Nakita ni Lacey ang unti-unting paglabas ng lalaki sa pamamagitan ng pagpagulong sa plastic na kinahihigaan ng kalahating katawan nito.

“May ipagagawa ba—” Nahinto ito sa pagsasalita nang matitigan siya. Sandaling nagsalubong ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya. Kumurap at muli siyang tinitigan.

Shock ang nasa mukha nito.

Chapter 18

Si Lacey ay pinangapusan ng hininga. Kung tinamaan siya ng kidlat nang mga sandaling iyon ay mas mainam pa siguro. Ngayon ay alam na niya ang ibig sabihin ng salitang thunderstruck.

Sinikap niyang patatagin ang nanginginig na mga tuhod. At nagpa-panic siya. Oh, dear Lord, please don’t make me faint. Don’t let me make a fool of myself.

Mas unang nakabawi sa pagkabigla si Rigo at mabilis na tumayo. Napapikit si Lacey sandali at huminga nang malalim para ikalma ang sarili.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki bilang pagngiti. Ngiting tila piniga lamang mula sa mga labi nito.

“So, it’s little Lacey all grown up. Kumusta ka na?” tanong nito sa pinasiglang tinig. Pero nahuli na niya muna sa mga mata nito ang galit, pait, at higit sa lahat ay betrayal na iglap ding nawala like a flash of lightning.

Betrayal? No, she must be imagining things.

Bagaman may ilang hibla pa rin ng buhok na bumagsak sa noo nito na inihalintulad niya sa The King of Rock, and the same dark and expressive eyes and handsome face ay hindi na ito ang lalaking laman ng isip niya sa loob ng anim na taon.

He had grown to manhood. Taller, mas matipuno ang pangangatawan and much stronger,

“I’m… fine, Rig…” kung paano lumabas ang tinig niya ay hindi niya alam.

Hinagod siya ng tingin ni Rigo mula ulo hanggang paa at pabalik. “Nakikita ko…” at ngumiti ito sa isang pormal at malamig na paraan. “Sorry, hindi kita makamayan, puro grasa ang kamay ko,” dagdag nito na muling nagsalubong ang mga kilay nang makita ang singsing sa daliri niya.

Niyuko din ng dalaga ang tinuon ng mga mata ni Rigo at napaungol siya sa loob niya. Gumuhit ang pagtataka sa mga mata nito pero sandali rin lang iyon at muling ngumiti.

Malamig at pormal na ngiti na para bang ngayon lang sila nagkakilala, na para bang hindi siya hinagkan ng mga labing iyon, na para bang hindi siya ang dalagitang pinangakuan nitong mamahalin magpakailamnan.

And she wanted to cry right there and then kung hindi niya aawatin ang sarili. Humigpit ang pagkakahawak niya sa shoulder bag niya.

“Ikaw, kumusta ka na? Ang… Tita Amelia, si Bea?” Itinago ng kaswal na tinig ang panginginig ng mga tuhod niya.

Nagkibit ng balikat si Rigo. “Ako, tulad pa rin ng dati. Dalaga na si Bea. At ang Mama pa rin ang in-charge sa accounting,” tugon nitong nilingon ang opisina.

Sinundan ng dalaga ang tingin nito. Isang de-salaming opisina na may tatlong babae sa loob ang hinayon ng mga mata niya. Tumayo ang pinakamatanda na lumabas at mabilis na lumapit. Si Amelia.

“Sino ang kausap mo. Rigo. She looks fam—Lacey?”

“Kumusta na ho kayo, Tita Amelia?” bati niya. Gustong magpasalamat dahil nabawasan ang tension na nararamdaman.

Pagkamangha ang rumehistro sa mukha ng nakatatandang babae.

Pagkatapos ay pilit na ngumiti. “Mabuti, Lacey. Naging mabuti sa amin ang mga taong nagdaan. Kailan ka pa dumating?”

“Dalawang linggo na ho. Pero ngayon lang kami umuwi dito.”

“Ikinalulungkot namin ang nangyari sa Daddy mo. Nabalitaan namin mula sa abogado niya,” patuloy ni Amelia.

Tumango siya.

“Bakit ka narito, Lacey?” tanong ni Rigo sa malamig na tinig.

May palagay si Lacey na doble ang kahulugan ng tanong na iyon. Bakit siya narito sa talyer at bakit siya narito sa San Ignacio.

“N-nasiraan ang sinasakyan namin sa… Molave. Dito ako inihatid ng tricycle driver,” paliwanag niya trying hard to compose herself. “Puwede bang magpadala ng tao para tingnan ang sira?”

Muling tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. Niyuko ang tool box at ipinasok ang Have na hawak nito kanina. Pagkatapos ay dinampot at inilagay sa may di-kalayuang pickup.

“Bakit hindi ka na lang magpadala ng tauhan, Rigo?” suhestiyon ni Amelia. “Hindi ba at kukunin ngayon iyang van?”

“Hindi ako magtatagal, ’Ma,” sagot ni Rigo na binuksan ang passenger door ng pickup at nilingon siya. “Sakay na.”

“S-sige ho, Tita Amelia…” aniya at walang kibong sumakay.

If she was wondering before kung ano ang nararamdaman ng mga claustrophobic ay hindi na ngayon. Tila siya sinasakal sa pagkaka-confine na iyon sa pickup. Hindi naman mainit pero nararamdaman niya ang pawis sa noo niya. Ilang beses siyang pigil na humugot at naglabas ng paghinga. Hindi iilang beses niyang pinigil at pinatatag ang sariling huwag himatayin sa pagkikita nilang ito ni Rigo.

“Mananatili ka ba rito sa San Ignacio?” tanong ni Rigo sa kaswal na tinig makalipas ang ilang segundo.

Tumango siya.

“Nakikiramay ako sa nangyari sa Daddy mo.” Nilingon siya nito. Kung walang sinseridad ang tinig ni Amelia sa condolences nito ay higit ang nahihimigan niya sa binata. “Sa Amerika na siya namatay at doon na rin nailibing. Hindi ko inisip na babalik ka pa.”

“Siguro ay alam ng lahat na hindi naman tuluyang ipinagbili ng Daddy ang mansion at ang lupang nakapalibot dito,” alam kaya nito na nakasanla na rin ang mansion?

“Sa pagkakaalam ko’y nakasanla na rin ang mansion, ’di ba?”

Patuloy nito na tila nahulaan ang iniisip niya.

Isang tango ang isinagot niya. Kung inaasahan ni Rigo na makadarama siya ng pagkapahiya at insekyuridad dahil hindi na siya ang dating anak ng mayaman ay nagkakamali ito. Hindi siya namuhay nang maluho kahit kailan.

Totoong nanlumo siya nang maipagbili ng ama ang lahat ng kanilang ari-arian dahil sa pagkakasakit nito pero hindi sapat iyon upang malugmok siya. Nag-aral siya at may sariling kakayahan. Makapagtatrabaho siya nang disente. Katunayan ay may magandang trabaho siyang iniwan sa Amerika. Isa pa’y may kaunting perang naiwan ang ama niya mula sa napagbilhan ng mga ari-arian.

Ang higit niyang ininda ay ang tono nito na tila hindi welcome ang pagbabalik niya. Ang pakita nito na tila siya isang estranghero.

Nakahinga siya nang maluwag nang matanaw ang kotse at si Steve.

Malayo pa’y nakita na ni Rigo si Steve na nakapamaywang at nakaabang sa kanila. Nagsalubong ang mga kilay ni Rigo pero hindi nagsalita. Ipinara nito ang pickup sa unahan ng kotse at bumaba.

Mabilis na sumunod si Lacey.

“Thanks heaven, you’re fast, darling…” wika nito na marahas na nagpalingon kay Rigo kay Steve.

“S-Steve… si… si Rigo, an… old friend. Rigo, si Steve…” pakilala niya sa dalawa.

Sandaling kumislap ang mga mata ni Steve pero agad ding naglaho. Hinagod nito ng tingin si Rigo.

“Oh, well, mabuti naman at kakilala mo ang mekaniko. Pakitingnan mo nga agad, pare, kung ano ang problema,” nilingon nito ang nakabukas na hood.

Nakita ng dalaga ang pagtatagis ng mga bagang ni Rigo bago ito yumuko sa hood. Nahuli ni Steve ang warning sa mga mata ni Lacey and rolled his eyes heavenward.

Walang maririnig sa mga sumunod na sandali kundi ang pagbukas at tunog ng mga tool at ng ginagawa ni Rigo. Pinagpawisan sa tensiyon si Lacey na patuloy sa pagtitig sa likod ng lalaki.

“Puwedeng i-start mo?” utos nito kay Steve na kaswal na pumasok sa kotse at ini-start ang makina. Kumagat. Nakahinga nang maluwag ang binata at muling lumabas.

“Salamat, pare. Magkano?” Dinukot nito ang pitaka sa likod ng pantalon.

Nilingon ni Rigo si Lacey. At sa malamig na tinig ay sumagot, “Charge it to an old friend… “ saka dinampot ang toolbox at bumalik sa pickup. Nagmaniobra ito at ilang sandali pa’y nawala na sa paningin ng dalawa.

Saka lamang pinakawalan ni Lacey ang mga luha.

Chapter 19

C ALM down, honey,“ ani Steve at dinala sa dibdib ang dalaga. Hinaplos nito ang likod niya.

Ilang sandali ang lumipas bago nakalma si Lacey.

“Thanks, Steve. Hindi ko alam na masasaktan ako nang ganoon and I’m sorry to have broke down like that. Mabuti na lang at deserted ang kalye.” Nagpatiuna siyang pumasok sa loob ng kotse. Sumunod ang binata.

“Sometimes I wanted to give Mr. Fate a knock on the head,” matabang nitong sinabi at pinaandar ang sasakyan. “If that was the guy, goodness, Lacey, he is as handsome as the devil! I’ll fall in love with him myself. Sa kabila ng mga grasa at maruming T-shirt, ha?”

Suminghot ang dalaga at ngumiti sa kabila ng lahat. Inabot niya ang tissue paper sa dashboard at muling nagpunas ng mga mata. “Nangako kang hindi kikilos ng kakaiba dito, Steve,” babala niya sa binata.

Nagkibit ng balikat si Steve. Ngumiti. “Hindi ko mapigil, darling. But I behaved, didn’t I?”

“Muntik mo nang ilabas ang tunay mong pagkatao nang matitigan mo si Rigo,” sagot niya. At muling bumalik ang isip dito. May asawa na ba si Rigo?

May matalim na sakit na gumuhit sa dibdib niya sa naisip na iyon.

ITINAAS ni Rigo ang dalawang binti sa mesa at pinagpatong. Inihilig niya ang sarili sa sandalan at tumingin sa kisame.

Sa wakas, nagkita sila makalipas ang anim na taon. At gusto niyang sipain ang sarili sa kagaguhan niya. Hindi niya mapigil ang hindi ma-shock sa hindi inaasahang pagkikitang iyon.

And she’s even prettier… lovelier. Gone is the young girl that he loved so much. Ang dalagitang si Lacey na pinangarap niyang pakasalan at handugan ng lahat-lahat sa buhay niya pagdating ng takdang panahon.

I thought you loved me, you said you loved me.

We planned together to dream forever

The dream has ended for true love died.

The night a blossom fell and touched your

lips that lied.

Nang pumasok sa isip ang kasamang lalaki ni Lacey ay nagtagis ang mga bagang niya. At ipinakilala siyang old friend!

Boyfriend marahil. Dahil wala siyang nakitang wedding ring. Sa halip ay naroon pa rin ang singsing niya. Lalo lang iyong nagdulot ng pait sa dibdib.

Inilabas niya mula sa poloshirt ang kuwintas na kinaroroonan ng singsing ng dalagitang nagbigay niyon sa kanya. Who vowed to love him for the rest of her life. Na nakaukit siya sa puso nito.

Mapait siyang napangiti sa alaala six years ago.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang kumatok at pumasok si Arnel. May hawak na folder ang binata. Umupo ito sa silya sa harap ng mesa. Ni hindi niya ibinaba ang mga binti. Hindi rin kumikilos sa pagkakahilig.

“May problema ba?” tanong ni Arnel sa nakikitang ayos ng kaibigan.

“Wala, Arnel. Just memories… bittersweet memories.”

“As usual,” matabang nitong sagot. “Anim na taon na, pare. Kalimutan mo na si Lacey at pakasalan mo na si Yda.”

Umiling ang binata. Matabang na ngumiti “Pareho kayo ng Mama…” Umayos ito ng upo at hinarap ang kaibigan. “Ano iyang hawak mo?”

“May sorpresa ako sa iyo, Rigo,” ani Arnel na ibinaba sa mesa ang folder.

Matabang na ngumiti si Rigo kasabay ng pag-iling. “May hihigit pa bang sorpresa sa pagkikita namin ni Lacey kahapon?”

Nanlaki ang mga mata ni Arnel. “Nagkita na kayo?! Kailan? Paano? Ang akala ko pa naman ay mabibigla kita.”

Ipinaliwanag ng binata kung paano sila nagtagpo ni Lacey kahapon.

“Well, both of them will work here with us,” si Arnel na mismo ang nagbuklat ng folder. “Sila ang ipinadala ng hiring office natin sa Maynila. Noong isang araw pa naka-fax ang mga resume nila. Hindi ko lang naipakita sa iyo dahil lagi ka sa talyer.”

Binasa ni Rigo ang resume ni Lacey. Pagkatapos ay ang kay Steve.

“Itong Steve na ito, pare, posibleng boyfriend?” tanong ni Arnel.

Nagkibit ng balikat ang binata. “With the endearment, natitiyak ko.”

“Mabuti na iyong alam mo na may nagmamay-ari na sa kanya. Hindi ka na kailangang kumapit pa sa alaala ng kamusmusan. Bata pa si Lacey noon, Rig. You can hardly expect her to be serious about your relationship. Hindi nga iyon nag-survive sa Daddy niya, lalo na sa anim na taong nagdaan.”

Tumiim ang mukha ng binata. Nagbuntong-hininga. “Send them in pag dumating.”

Chapter 20

NAGULAT si Lacey nang pagpasok niya sa opisina ng General Manager ay makita si Yda na doble ang pagkabigla kaysa sa kanya.

“L-Lacey!” bulalas ni Yda. “Ano ang ginagawa mo dito? I mean… bakit ka nandito? Kailan ka pa dumating?” sunod-sunod nitong tanong sabay lingon sa opisina ng GM.

“Dito ka ba nagtatrabaho, Yda?” Nangiti si Lacey sa obvious niyang tanong. Nagagalak sa hindi inaasahang pagkikita nila ng kaibigan. Wala sa loob na tumango si Yda na nanatiling nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay kay Steve na tumikhim. “Oh, Yda, gusto kong makilala mo si Steve. Pareho kaming dito magtatrabaho bilang cloth designer.”

“Pleased to meet you, Yda,” nakangiting inabot ni Steve ang kamay kay Yda na bahagyang ngumiti.

Wala pa ring mahagilap na sasabihin ang babae nang bumukas ang pinto ng GM at lumabas si Arnel.

“Arnel! Ikaw rin?”

Marahang natawa ang binata sa pagkabigla niya. “Kumusta ka na, Lacey?” Inilahad ng binata ang kamay na mahigpit na tinanggap ng dalaga.

“I’m fine, Arnel. Alam mo ba kaagad na kami ang tinanggap sa hiring office ninyo sa Maynila?”

“Two days ago ay tinanggap ko ang fax. Welcome home, Lacey,” nakangiting sinabi nito. “Kanina pa tayo hinihintay ng General Manager.” Lumakad si Arnel pabalik sa silid ni Rigo at bahagyang binuksan ang pinto. “Pumasok na kayong dalawa.”

“Thanks, Arnel. See you later, Yda,” sinulyapan niya ang kaibigan na hindi pa rin nakakibo. Nagpatiuna siyang pumasok upang bigla lang maestatwa sa kinatatayuan.

“Please sit down, Miss Bernardino… Mr. Jose,” bungad ni Rigo. Nasa mga kamay ang naka-fax nilang resume.

Si Steve man ay nagulat nang makilala ang guwapong mekaniko. Napakapit sa braso ni Steve si Lacey palapit.

Ang bangungot niya ay hindi natapos-tapos!

Tuluyan nang nawala ang blue-jeaned at naka-jacket na binatang kilala niya. Hindi rin ito ang Rigo na nakita niya kahapon.

Ang nasa harap niya ay isang executive. Nakaitim na slacks and leather shoes. Naka-long sleeves at tie.

“We met again…” si Rigo na tumikhim at deretso ang mga mata kay Steve.

“Yes,” pormal na tugon ni Steve sa businesslike na paraan.

“I never expected that the mechanic I met yesterday was to be my boss.”

“Empleyado lang ako dito, Mr. Jose. Ang talyer ay pag-aari ng pamilya ko. Anyway, let’s get down to business…”

Sa sumunod na mga sandali ay binigyan sila ni Rigo ng briefing sa mga patakaran ng kompanya. Manaka-naka ay walang emosyong sumusulyap ito kay Lacey.

Kung paano natagalan ni Lacey ang sumunod na mga sandali ay hindi niya malirip. At ni sa panaginip ay hindi niya inakalang sa muli nilang pagkikita ni Rigo ay magiging empleyado siya nito.

Gusto niyang mag-backout sa huling sandali but it would be cowardice. Wala siyang dapat ikahiya or anything to be guilty of.

Nang hapong iyon ay nalaman ng dalaga mula kay Arnel na ang lupang kinatatayuan ng textile factory ay nabili ng mga dela Serna kay Augusto sa pamamagitan ng mga abogado.

“Three years ago ay hindi pa gaanong kamahalan kaya nabili ni Rigo mula sa abogado ng Daddy mo. Pero tumaas ang value ng assets nang maging industrial site ang San Ignacio. Nang ang pinagtatrabahuhang industrial company ni Rigo bilang Mechanical Engineer ay binalak na bilhin ito upang mag-branch out sa textile ay pumayag si Rigo. Dahil ang bahaging ito ng lupa ninyo noon ay walang tumutubong pananim na maayos pagka’t bato ang ilalim. Isa pa, kalahati ng pinagbilhan ni Rigo ay ipinasok niya bilang investment. He owned twenty per cent share of stocks,” mahabang paliwanag ni Arnel habang iniikot sila sa buong pabrika.

“Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagtatrabaho pa rin ang boss sa talyer bilang mekaniko,” ani Steve.

Ngumiti si Arnel. “Kayang sagutin ni Lacey iyang tanong mo, Steve.”

Bumuntong-hininga ang dalaga. “Rigo is his own person, Steve. Gagawin niya ang isang bagay na gusto niya regardless of anyone’s opinion.”

Wala si Yda sa mesa nito nang bumalik si Lacey at Steve sa opisina matapos ang tour sa buong pabrika.

“Tutuloy na kami, Arnel. Bukas na kami magsisimula ni Steve,” paalam niya rito.

“Sure. Nagtataka nga ako sa iyo at kadarating mo lang pala buhat Amerika ay sumabak ka agad sa trabaho.”

Si Steve ang sumagot para sa kanya. “Workaholic si Lacey, Arnel. Hindi gustong mahinto.”

Ngumiti si Arnel. “Anyway, bukas na lang uli tayo magkita.”

Chapter 21

ALAS-SAIS ng gabi nang ipasya ni Lacey na dalawin si Yda sa bahay nito. Dala niya ang kotse ni Steve.

Nagulat pa si Yda nang pagbukas nito ng pinto ay mabungaran si Lacey.

“Hi,” bati niya sa kaibigan. “Hindi tayo nagkaroon ng maraming pagkakataong magkumustahan kanina.”

Malikot ang mga matang lumingon sa kabahayan si Yda. At kung wariin niya’y alanganin pa itong patuluyin siya.

“Maupo ka.”

“Thank you,” aniya at inabot sa kaibigan ang dalang pasalubong. “Talagang para sa iyo iyan, dala ko galing sa States.”

Magkahalong galak at guilt ang nakarehistro sa mukha ni Yda nang tanggapin ang kahon ng mamahaling pabango.

“Salamat, Lacey…”

“Magkuwento ka naman. Kumusta na ang buhay mo?”

Matabang na sumagot si Yda. “Ano ba ang maaari kong ikuwento sa iyo?”

“Hindi mo isinulat sa akin na kay Rigo ka nagtatrabaho? At saka hindi mo naikuwento na si Rigo ang nakabili ng lupa namin sa may Daya?” May banayad na akusasyon sa tinig niya. Hindi na niya isinatinig na nitong nakaraang tatlong taon ay halos hindi na sinasagot ni Yda ang mga sulat niya nang regular.

“C’mon, Lacey. Hindi mo inaasahang lahat na lang ay ikukuwento ko sa iyo. At saka bakit kailangang isulat ko pa sa iyo si Rigo? Matagal na iyong nangyari sa inyo, nakalimutan na niya. Natitiyak kong ganoon ka rin. Your relationship with Steve is too obvious.” May pagkabagot sa tono ni Yda.

Tinitigan niya ang kaibigan. Naninibago siya sa pakikitungo nito sa kanya. Dahil ba sa empleyado na rin lang siya ngayon tulad nito? At lilinawin ba niya dito ang relasyon nila ni Steve na malamang ay ganoon din ang iniisip ng iba? Hindi. Hahayaan niyang isipin nilang mag-boyfriend sila ng binata. Malaking bagay iyon sa pride niya.

“Kalimutan mong sinabi ko iyon. Kumusta ka na? Paano kang napasok sa textile?”

Nagkibitng mga balikat si Yda. Hindi sinasalubong ang mga mata niya. “Walang bago sa buhay ko, Lacey. Heto, kung hindi ako kinuha ni Rigo ay baka isa lang ako sa mga trabahador sa pabrika. Hindi tulad mo, naibenta na halos ang lahat ng kabuhayan ninyo pero hindi ka pa rin maituring na mahirap bukod pa sa nakatapos ka ng pag-aaral,” may pait sa tinig nito.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Hanggang sa ikalawang taon lang ang natapos ko sa kolehiyo dahil namatay ang Tatay. At ang Kuya naman ay nag-asawa na at sa ibang bayan na nanirahan.”

“I’m sorry to hear about your father, Yda. Hindi mo isinulat sa akin,” isang marahang tango lang ang isinagot nito. “Anyway, there’s no need to feel bitter. Maganda naman ang trabaho mo sa textile, ’di ba?”

“Salamat kay Rigo… hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya, Lacey. Kailangan ko siya,” may diin sa sinabing iyon ni Yda kasabay ng biglang pananalim ng mga mata na iglap ding nawala.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang sumungaw sa pinto ang isang batang lalaki. Marahil ay dalawang taong gulang at patakbong yumakap kay Yda.

“Mama…”

Nanlaki ang mga mata ni Lacey. “Anak mo?”

Huminga nang malalim si Yda kasabay ng pagtango. “Si Junjun.”

“Hindi mo isinulat na nag-asawa ka na,” hindi pa rin siya makapaniwala.

“Hindi ako nag-asawa.”

“Hindi nag—” Hindi niya itinuloy ang sasabihin at tumingin sa bata. “Do I… know his father?”

Matagal bago sumagot si Yda at tinitigan siya.

“Kilala mo pero ayokong pag-usapan siya.”

Nasa kotse na si Lacey ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang anak ni Yda. Ganoon din ang loob ng bahay nito. Ibinabadya ng ayos ng bahay at ng suot ng bata na nakakaalwan ito sa buhay.

Pero bakit ito nagkaanak at sino ang ama ng bata? Ano ang buhay na sinapit ng kaibigan niya? At bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kanya? Malamig na tila siya ahente na nag-aalok ng insurance dito.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang muling unti-unting huminto ang sasakyan.

“Oh, no! Huwag dito sa walang kabahay-bahay…” Subalit hindi nakuha sa pakiusap ang sasakyan at itinirik siya sa gitna ng madilim na daan.

Asenso na ang San Ignacio at may ilang mga pabrika na sa paligid subalit probinsiya pa rin ito at malayo ang bahay nila Yda mula sa kabayanan at main road. Kaya madilim pa rin sa daan na iyon na ang poste ng ilaw ay malayo mula sa kinahintuan niya.

Inikot niya ang paningin sa buong paligid. Mga nagtatayugang puno ng niyog na nasisinagan ng liwanag mula sa buwan ang makikita.

“Ano ang gagawin ko?” Kinausap niya ang sarili na naiiyak. Kinakabahan. Malayo pa siya sa main road. Marahil ay mahigit isang daang metro pa.

Lakas-loob siyang bumaba ng kotse at naglakad. Hindi siya maaaring manatili sa lugar na iyon at maghintay na may dumating. Totoong maaga pa. Pasado alas-siyete pa lang pero sa ganitong oras sa probinsiya lalo at malayo ka sa karamihan ay nasa bahay na lahat ang mga tao. At wala siyang naririnig kundi ang mga panggabing kuliglig.

Binilisan niya ang lakad at ni hindi siya lumilingon. May ilang minuto na siguro siyang lakad-takbo ang ginawa nang tamaan siya ng liwanag mula sa isang sasakyan. Mabilis siyang tumabi at pinara ito.

Huminto sa tapat niya ang sasakyan. Nagbukas ng salamin ang driver.

“Mister… nasiraan… Rigo!”

“Lacey!” Pareho pa silang nagkagulatan. “Ano ang ginagawa mo dito sa oras na ito?”

“N-nasiraan ako,” aniya at lumingon sa pinanggalingan niya na dahil sa dilim ay hindi na matanaw ang sasakyan.

“May diperensiya na ang transmission ng kotse. Hindi ko nasabi sa boyfriend mo. Sumakay ka na,” utos nito na binuksan ang passenger seat.

Hindi siya nag-atubiling sumakay. Hindi rin niya pinansin ang pagtukoy nito kay Steve bilang boyfriend niya.

Nagmaniobra ang binata pabalik. Hindi niya mapigil ang sariling hindi magtanong.

“S-saan ka sana papunta?”

“Kina Yda. Doon ka ba galing?”

Tumango siya. Gusto pa sana niyang idagdag kung ano ang gagawin nito doon pero iba ang lumabas sa bibig niya.

“Puwede mo akong ibaba sa main road at ako na ang bahala pauwi.”

Pero hindi sumagot ang binata at tahimik na nag-drive. Nasa daan ang mga mata.

Palihim niyang sinusulyapan ito. Marami siyang gustong sabihin at itanong dito. Pero ano ang silbi noon? Lalo lang madadagdagan ang sakit ng dibdib niya.

Makalipas ang nakabibinging katahimikan ay nagsalita si Rigo. “Bakit pinahintulutan mo ang sariling makipag-live-in sa boyfriend mo dito, Lacey?”

“A-ano?” Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon.

Chapter 22

“B AKIT pinahintulutan mo ang sarili mong maapektuhan ng permissiveness ng western country? Alam mo ba na bukas-makalawa ay pag-uusapan na kayo sa bayang ito?” may galit sa tono ni Rigo na bahagya siyang nilingon.

Naningkit ang mga mata ni Lacey. How dare this man insinuates na lovers sila ni Steve!

Ni hindi siya papansinin nito kahit na maghubad pa siya sa harap ng lalaki. Steve would probably shriek to death.

But she’d die kaysa sabihin dito ang katotohanan sa kanila ni Steve. At lalong wala siyang pakialam sa mga tsismoso at tsismosa.

“Wala akong pakialam sa sinasabi ng mga tao, Rigo,” pormal niyang sagot sa malamig na tinig. “They can go to hell and walk back here for all I care!”

Narinig niya ang paghugot nito ng paghinga. “Naranasan kong pag-usapan sa bayang ito sa loob ng ilang taon, Lacey. I should know kung paano naapektuhan ng mga tao ang buhay ng isa…”

Maliwanag sa loob ng pickup ng binata pero nakita niya ang pagdidilim ng mukha nito at ang paggalaw ng muscles sa mukha tanda ng pinipigil na galit.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

Sa pagkakataong iyon ay nilingon siya ng binata. “I’m surprised you even ask.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano ba ang ibig nitong sabihin?

“Hindi kita naiintindihan…”

“Anyway, matagal na iyon. Six years…” Regret, bitterness, sama-samang nahimigan ng dalaga iyon. “Gusto kong malaman kung bakit hanggang ngayon ay suot mo pa rin ang singsing ko.”

Biglang napahawak ang dalaga sa bag niya. Kung hindi niya inaasahan ang unang sinabi ni Rigo tungkol sa kanila ni Steve ay lalo ang tungkol sa singsing.

“I never expected na nasa pag-iingat mo pa iyan,” may bahid ng panunuya ang tinig nito. “It isn’t worth much…”

Naningkit ang mga mata niya sa huling sinabi nito. “Hindi ko ito itinago dahil sa halaga!”

“Ano ang dahilan kung ganoon?”

Because I still love you. Rig. “I… H-hindi…” nauutal siya sa pagsagot. “It’s been in my finger for… I mean, nandito lang siya… I didn’t take notice, really. Parang… ordinaryong bagay na lang.” She wished she sounded effective.

Muling dumilim ang mukha ni Rigo sa sinabi niya. “Alam ba ni Steve na sa akin ang singsing na iyan?”

“He… never bothered to ask…” na siya namang totoo. Ano ba ang pakialam ni Steve sa singsing niya?

Isang mahabang katahimikan ang pinalipas ni Rigo bago muling nagsalita.

“I want it back, Lacey,” simpleng wika nito sa nag-uutos na tono.

May patalim na humiwa sa puso ni Lacey sa sinabing iyon ni Rigo. May divorce ba sa paningin ng Diyos? She thought they were married years ago and the Lord was their witness… and the sun… the sea and the trees.

How foolish of her para kumapit sa kahibangan ng kamusmusan.

May nagbabantang luhang gustong pumatak sa mga mata niya. Nilingon niya ang labas ng kotse. Tinanaw ang kadiliman sa dinadaanan and fought back the tears.

Mula nang tumuntong siyang muli sa San Ignacio ay nagiging iyakin siya. Kailangang matuto siyang kontrolin ang sariling damdamin.

“Sure,” aniya, clearing her throat “Give mine back, too.”

Muling huminga nang malalim si Rigo. Tumuwid. “Naiwala ko na.”’

Again, the heartache. Higit na masakit.

Ang singsing nito’y iningatan niya sa nakalipas na mga taon tulad ng pag-iingat niya sa sarili.

“Kung ganoon, mananatili sa akin ito,” aniya at pinagsalikop nang mahigpit ang mga palad na para bang aagawin ni Rigo mula sa mga kamay niya ang singsing. Na para bang kapag binawi ito ng binata ay binawian na rin siyang buhay.

Matiim siyang sinulyapan ni Rigo sa ginawa niya pero hindi nagsalita.

Nakahinga siya nang maluwag nang pumarada ang sasakyan sa harap ng gate ng mansion.

“S-salamat.”

Tumango si Rigo. “Ipahihila ko bukas ang sasakyan ng boyfriend mo para dalhin sa talyer.”

Muli ang pagbibigay-diin nito sa salitang boyfriend na may kasamang panunuya.

At muli ay hindi rin niya pinansin iyon.

Chapter 23

ISANG linggo na silang nagtatrabaho ni Steve sa pabrika at naipadala na rin ni Rigo sa tauhan nito ang sasakyan ni Steve sa mansion pero hindi pa sila muli nagtatagpo ng binata.

Ang sabi ni Arnel ay malimit sa talyer si Rigo at dumarating ng opisina anomang oras. Alam niyang naroroon ito kapag nakikita niyang busy si Yda at marahil ay sa backdoor nagdaraan.

Lunch break at kararating lang niya galing sa panananghalian sa mansion. Nauna siyang pumasok ng opisina habang ipinaparada ni Steve ang sasakyan sa labas.

“Hi,” umupo siya sa harap ni Yda. “Marami bang trabaho ngayon?” Nakangiti niyang tanong.

“Tulad din ng dati,” kaswal at malamig nitong sagot habang nagre-retouch ng make-up.

“Kumusta na ang baby mo? Ipasyal mo siya minsan sa bahay. May mga laruan pa ako roon noong maliit pa ako at panlalaki ang iba. Papiliin mo siya.”

Tumalim ang mga mata ni Yda. “Kaya kong bumili ng laruan para sa anak ko, Lacey. Hindi ko kailangan ang charity mo.”

“Yda…” nagtatakang tiningnan niya ito. “Nagmamagandang-loob lang ako. Magkaibigan naman tayo at dating nagbibigayan ng mga kung ano-ano.”

“Ikaw lang ang nagbibigay sa akin, Lacey. I cannot even afford to give you a card kahit noong araw.”

“Wala namang diperensiya sa akin iyon, ’di ba? Ako ang meron, di ako ang nagbibigay. Kung nagkabaligtad ang katayuan natin, hindi mo ba gagawin iyon?”

Huminga nang malalim siYda. “W-well… of course. I’m… sorry kung nakapagtaas ako ng tinig.”

“Walang problema…” tipid niyang nginitian ang kaibigan.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang dumating si Steve. Inakbayan siya nito. “Recalling happy childhood?” Nakangiting wika nito na tiningnan si Yda. “One time, Yda, let’s have a party. Tayong tatlo lang ni Lacey at kuwentuhan mo ako ng tungkol sa kabataan nitong kaibigan mo,” kinindatan nito si Yda.

Ngumiti ang dalaga. Steve is a very attractive man kung hindi mo alam ang tunay na pagkatao.

“Sure.”

Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Rigo at sumungaw ito.

“Yda, ipatawag mo… oh, hindi bale na.” Nagdilim ang mukha nito nang makitang mahigpit na nakaakbay kay Lacey si Steve.

“Lacey, pumasok ka rito,” utos nito at pagkatapos ay muling bumalik sa loob.

“Kanina pa ba si Rigo dito?” baling niya kay Yda na bahagya nang tumango.

Tumingin siya kay Steve na parang tinatanong ang binata kung ano kaya ang kailangan ni Rigo sa kanya. Inilahad ni Steve ang dalawang kamay at nagkibit ng mga balikat.

“Go ahead,” apura nito. “Mukhang hindi maganda ang mood ng boss. Babalik na ako sa table ko.”

Tumayo siya upang pumasok sa silid ng GM. At kung lumingon siya’y nakita niya sana ang pagtalim ng mga mata ni Yda.

“Sit down,” ani Rigo na hindi tumingin sa kanya. Nakatuon ang mga mata sa correspondent na nasa harap.

Walang kibo siyang umupo. Palihim na sinuri ang binata. How could this man afford to look so handsome kahit na ano ang isuot? And why is it na sa tuwi silang magkakaharap ay tila may paruparo sa sikmura niya tulad noong araw na disisais anyos siya?

Nag-angat ng ulo ang binata.

“May tinanggap na export order ang opisina, Lacey. Gusto kong mag-submit kayo ni Steve ng mga design within seven days starting today.”

“That soon?”

“Apurahan ang order. Kaya nag-aapura rin ako. Can you make it?”

Tumango siya. “Ako na ba ang magsasabi kay Steve?”

“Please do.”

“Is that all?”

Hindi sumagot ang binata. Bagkus ay hinagod siya ng tingin. Nailang ang dalaga at nagyuko ng ulo.

“Ano ang plano ni Steve sa iyo?” tanong nito makaraan ang ilang segundong pagtitig sa kanya.

Nangunot ang noo ni Lacey sa tanong na iyon “Rig, hindi kita maintindiban.”

“What are your plans? Pakakasalan ka ba niya?” May kumislap na galit sa mga mata nito.

Lalo nang nalito ang dalaga. Iniisip nga pala ni Rigo na lovers sila ni Steve at nagli-live-in sa mansion. Ang pag-aatubili niyang sumagot ay lalong nagpa-obvious sa galit ni Rigo.

“So how long are you going to demoralize yourself, Lacey?”

Kumawala ang pagtitimpi ng dalaga. “How dare you preach on my morality na parang hindi ko alam ang mga ginagawa mo noong araw!”

Tumiim ang mga bagang ng binata. “Yes. I had sex with some of those girls. Anywhere convenient for them. Part of being young and restless. Pero game at palaban ang mga babaeng iyon, Lacey. They wouldn’t mind jumping from one man to another. Ganoon ka ba?”

Pinamulahan ng mukha ang dalaga. “W-wala kang pakialam sa buhay ko, Rigo…” aniyang gustong maiyak. All those years, ang lalaking ito ang nakadambana sa puso niya. All those years, hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sariling subukang magmahal sa iba.

Chapter 24

Nakita ng binata ang pagkislap ng mga mata niya dahil sa namuong mga luha. Huminga ito nang malalim at tumuwid ng upo.

“Alam mo bang nakasanla ang mansion mo sa akin?”

Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito. “Sa… sa iyo… isinanla ng Daddy ang… ang mansion?”

Umiling ang binata. “Hindi niya alam na sa akin nakasanla. Ang transaction ay sa pagitan ng mga abogado. At may palagay akong walang pakialam ang Daddy mo kung kanino naisanla at naipagbili ang mga lupa niya basta naaayon sa gusto niya ang halaga.”

“Alin pa sa mga ari-arian namin ang napunta sa iyo?” malamig niyang tanong.

“Tanging ang lupang kinatatayuan nitong pabrika at ang mansion, Lacey. I would have taken them all kung kaya ng pera ko. And to tell you frankly, ini-loan ko lang din sa bangko ang perang ibinigay ko sa ama mo.”

“Why?”

“Sa pagsisikap kong ibagay ang kupas na maong sa lilac na mga laso,” matabang nitong sagot.

“Why are you telling me all these?” aniya sa naninikip na lalamunan.

“Dahil malapit nang mailit ang mansion. Napakahaba na ng grace period na ibinigay ng mga abogado ko sa Daddy mo. Mahigit isang taon.”

Ano ang sasabihin niya? Hindi niya magawang makiusap kay Rigo na dagdagan pa ang taning. Bagaman alam niyang malabo nang mangyaring matubos pa niya ang mansion ay umaasa pa rin siyang hindi ito tuluyang ma-foreclose. Higit sa lahat ay mahalaga sa kanya ang mansion. Dito siya ipinanganak, lumaki at nagkaisip. Maraming mga alaalang nakatago roon ang kanyang kabataan.

She’ll give anything huwag lang tuluyang mawala ang mansion.

“May alam ka bang paraan para huwag tuluyang mawala sa pag-aari mo ang property?” patuloy ni Rigo sa businesslike tone.

Lumunok siya upang magsalita pero walang tinig na lumabas sa bibig niya. Hindi rin naman niya gustong magmukhang kaawa-awa sa paningin ni Rigo kaya itinaas niya ang mukha at tumingin dito sabay ng bahagyang pagkibit ng mga balikat at marahang pag-iling.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Rigo.

Tumuwid ito ng upo at ipinatong ang mga braso sa mesa.

“May isang paraan para manatili sa pag-aari mo ang mansion, Lacey…”

Tumingin siya rito. “Sa… papaanong paraan?”

“Marry me…”

Napapikit ang dalaga. Umikot ang paningin, Narinig na niya ang salitang iyon six years ago. Nag-echo iyon sa pandinig niya.

“Wala akong pakialam kung gaano man kayo katagal na nag-li-live-in ni Steve o kung sino pa mang lalaki ang nagkaroon ng kaugnayan sa iyo. Just marry me and you can still have the mansion, sa pangalan mo.” Mariin nitong sinabi sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin.

“At… ano ang mangyayari kay Steve?”

Nakita niya ang paggalaw ng muscles sa mukha ni Rigo sa tanong niya.

“Hindi ko siya gustong makita sa bayang ito, Lacey. Tama na ang maraming kahihiyan at usap-usapan. Pero huwag kang mag-alala, kaya ko siyang irekomenda sa ibang textile company kung papayag ka sa proposal ko.”

“Kung hindi ako pumayag?”

“Mawawala sa iyo ang mansion. Steve’s services will be terminated at baka mahirapan siyang maghanap ng ibang trabaho pero mananatili ka sa pabrika…” Malupit ang mga matang nakatitig sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi mo magagawa kay Steve iyan!”

“I can. Hindi ko pinirmahan ang kontrata niya na marahil sa sobrang tiwala niyang magkakilala tayo ay hindi pa niya naitatanong. While I signed yours. Kaya kung sakaling aalis si Steve ay hindi mo magagawang ibale-wala ang kontrata mo dahil idedemanda ka ng kompanya. I will see to that.”

Naguguluhang napatitig siya sa binata. Ito ba ang lalaking iningatan niya sa puso niya sa nakalipas na maraming taon? Ito ba ang lalaking minahal niya hanggang sa mga sandaling ito?

“Bakit mo ginagawa ito, Rigo?”

“Obsession, Lacey. I wanted you. Pinagsisihan ko ang mga panahong sinayang ko na ingatan ka. I would have justified your father… and you .”

Hindi niya maunawaan ang emphasis na ibinigay nito sa huling salita.

“You were my only frustration. I would have given you up kung hindi ka nagbalik at kung hindi umayon sa akin ang mga pagkakataon. Pero sa sandaling magpakasal ka sa akin, I’m giving this town another eyebrow raising topic to discuss with.”

Obsession. Iyon lang ang tanging naiintindihan niya sa sinabi ni Rigo. So she was just an obsession. The little rich girl who fell hopelessly in love with the notorious Rigo dela Serna.

Sinalubong niya ang mga mata nito. “Anim na taon na ang nakalipas, Rigo. Hindi ba pinawi noon ang obsession mo sa akin? Hindi ka siguro kasingyaman ng Daddy noon sa ngayon pero malayo na ang naabot mo mula noon. Financially, you’re well off…” she was speaking softly. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magalit sa lalaking ito na ang tingin sa kanya ay isang bagay… mamahaling bagay.

Umiling si Rigo. Iglap niyang nahuli ang lungkot sa mga mata na agad ring naglaho.

“I still want you now, Lacey. You will be my icing on the cake.”

Huminga siya nang malalim at tumayo. Bigla, nakadama siya ng pagod at pagkahapo.

“Gusto kong pag-isipan ang mga bagay na ito. Rig…”

“Yes. Pag-usapan ninyo ng boyfriend mo.” Muli, ang galit sa mukha nito.

Tila may pakpak ang mga paang lumabas siya ng silid na iyon.

Hindi niya pinansin ang nanunuring mga mata ni Yda na nakasunod ng tingin sa kanya.

Chapter 25

H INDI makapaniwala si Steve sa sinabi ni Lacey.

“Honey, I wouldn’t mind losing this job kung maiipit ka naman. Maraming trabaho ang naghihintay sa akin…”

“Ang sabi niya’y magagawan niya ng paraan na mahihirapan kang makapasok ng ibang trabaho. Oh, Steve, pati ikaw ay nadamay sa akin.”

“C’mon, hindi ako naniniwala roon. Hindi siya ganoon ka-powerful, Lacey…”

“Determination is sometimes stronger than power, Steve. Isang larawan mo lang ang lalabas sa diyaryo at malaking bahagi na ng buhay mo ang nawala sa iyo. Nasa likod niya ang kompanya at wala kang malaking pera para ilinaw ang pangalan mo pagkatapos. And besides, mananatili ang damage sa pangalan mo.”

Nagmura ang lalaki. “Ano ngayon ang binabalak mong gawin?”

“Pumayag sa proposal niya, I guess…”

Nagsalubong ang mga kilay ni Steve. “I know you still love him, darling, pero papayag ka ba sa motibo ng pagpapakasal niya sa iyo?”

“Sa dalawang kadahilanan, Steve. Isinanla ng Daddy ko ang mansion sa maliit na halaga kompara sa talagang worth ng property. Base sa halaga ng property ngayon, it’s worth millions at hindi ko basta papayagang ma-foreclose iyon. Ikalawang dahilan, all these years, ay hindi nag-asawa si Rigo. And he proposed to marry me. Obsession or not or whatever his reasons, sa akin niya iniaalok ang pangalan niya.”

“You’re crazy. Luka-luka ka pa sa akin, ’day.”

“I was probably obsessed with him, too. Isipin mong sa nakalipas na mga taon ay hindi nagkapuwang ang ibang pag-ibig sa akin?” Malungkot siyang umiling.

“So, obsessed kayo sa isa’t isa, ganoon ba?” panunuya ni Steve.

“At least, compatible kami sa bagay na iyon,” matabang siyang ngumiti. “I never wanted any man in my life, Steve, maliban kay Rigo. I’ll take him, kahit anong terms.”

Nagtitili si Steve. “Babae ka, ’day, at maganda. Hindi lang basta maganda, magandang-maganda at bata pa. Hindi ka tulad ko! Wala akong choice but to cling to any man na gugustuhin ako. Ikaw, you will hurt yourself in the process.”

“I was hurting for six years, Steve. Nangarap na balang-araw ay magkita kami at nanghawakan sa pangako ng pag-ibig ng kabataan. Mas gugustuhin ko na ang masaktan na nasa akin si Rigo, basta ba huwag lamang may ibang babaeng involved. That is another story. Matitiis ko ang one night fling niya sa ibang babae basta ba hindi ko alam. Rigo is a handsome man at talagang lapitin ng mga babae.”

Umikot ang mga mata ni Steve na tumingala sa aranya ng mansion. “Gusto kong maghisterya, Lacey, sa mga sinasabi mo. At sana’y hindi ka nagkakamali ng pasya. Puso ang pinaiiral mo hindi ang isip. Kailan mo sasabihin kay Rigo ang monumental decision mo?”

“Anytime this week, kung hindi magbabago ang pasya niya.”

“Puwes, ipananalangin kong magbago!” pairap nitong sinabi.

Chapter 26

APAT na araw matapos silang mag-usap ni Rigo ay muli siyang ipinatawag nito.

“Siguro naman ay may desisyon ka na, Lacey,” bungad nito pagkaupo niya. “It has been days mula nang huli tayong mag-usap.”

Huminga siya nang malalim at tumingin dito. “Yes,” kalmanteng sagot niya.

“Ang ibig sabihin ng yes mo ay nakapagdesisyon ka na, o yes, pumapayag kang pakasal sa akin?” malamig nitong tanong.

“Pakakasal ako sa iyo,” marahan niyang sagot. Sa isang iglap ay nakita niya ang tila pag-aliwalas ng mukha nito bagaman agad ding nawala.

Ngumisi si Rigo. Nasilip niya sandali sa ngiting iyon ang twenty-one-year old boy na nakatatak sa isip niya. The naughty, young and restless Rigo dela Serna.

“So you know which side of your bread is buttered, huh?” Inaasahan niya ang panunuya sa tinig nito pero wala. Mas gusto niyang isiping nanunukso ito, tulad noon.

“You can say that…” kalmanteng sagot niya.

“Good, I will announce our engagement to everyone. And for a start,” binuksan nito ang drawer at may kinuha roon. Isang munting velvet box. Iniabot sa kanya. “Buksan mo.”

Para siyang robot na sunod-sunuran. Binuksan niya ang kaheta at tumambad sa kanya ang isang magandang tiffany. Napasinghap ang dalaga kasabay ng muling pagsulyap sa binata.

“Mukhang nakatitiyak kang sasang-ayon ako sa alok mo,” matabang niyang sinabi. “I wonder why you have given me days to think.”

“Naniniwala ako sa instinct ko, Lacey,” patuyang ngumiti si Rigo sa pagkakataong iyon. “Ang mansion na lang ang natitirang propriyedad ninyo at ang lupang nakapaligid dito, ganoon din ang beach. You don’t want to throw millions away nang dahil sa foreclosure.”

“Maaari akong maghanap ng buyer…” alam niyang bale-wala ang sinasabi niya. Matagal nang dapat na na-foreclose ang sanla kung hindi dahil sa grace period na ibinigay ni Rigo. At alam na alam iyon ng binata na marahang tumawa sa sinabi niya.

“Pag-usapan ninyo ng Mama ang mga bagay-bagay tungkol sa ating kasal. Now, you can give me back my old ring bago ko ilagay sa daliri mo ang engagement ring na ito…”

Mabilis siyang umiling. Ibinaba ang mga braso sa kandungan. “No. Hindi ko ibibigay sa iyo ang… singsing,” mariing tanggi niya na nagpasalubong sa mga kilay ng binata.

“Maaari ko bang malaman kung bakit hindi mo gustong alisin sa daliri mo ang singsing ko?”

“I have my reasons.” Matigas niyang sinabi kasabay ng pagtaas ng ulo at sinalubong ang mga mata nito na tila naghahamon.

Alam ba ng lalaking ito kung ano ang kahulugan ng singsing na iyon sa kanya? Nakapaloob doon ang dating Rigo na kilala niya. Gentle, loving and caring.

Anoman ang motibong sinasabi nito ngayon ay hindi papawiin niyon ang mga alaala ng kabataan. Malalim ang pagkakaukit niyon sa puso niya. At ang singsing lang na iyon ang tanging nag-uugnay sa kanya sa magandang nakalipas.

“All right, keep it,” ani Rigo makalipas ang ilang segundo. Tumayo ito at umikot sa kinalalagyan niya. “Akina ang kamay mo,” inabot nito ang kaliwang kamay niya at isinuot ang engagement ring kasunod ng singsing na naroon. “There. Now, let me seal it with a kiss,” at bago pa nakakilos ang dalaga ay itinaas siya ni Rigo.

Ang isang kamay nito ay sa likod niya at ang isa ay sa batok niya. His mouth was inches above her own. At ni hindi niya magawang ituon ang mga mata niya sa alinpamang bagay sa bob ng opisinang iyon kundi sa mga mata nito.

Marahil ay huminto sa pag-ikot ang orasan habang tila nasa isang hipnotic trance siya at nakatitig lang sa mukha nito. The warmth of his breath skimmed her mouth. Nalalanghap niya ang aftershaves nito kasabay ng natural nitong amoy na para sa kanya ay tanging si Rigo lang ang nagtataglay.

Unti-unti ang pagbaba ng ulo nito patungo sa kanya to claim her mouth in a teasingly gentle kiss, so gentle na pumukaw iyon ng maraming alaala at nagpamuo ng mga luha niya sa mga mata. Sinisikap niyang huwag itong pumatak but she failed.

Nag-angat ng ulo si Rigo at tinitigan siya. His hands cupping her face tenderly. “This is the second time you cried habang hinahalikan kita,” he whispered softly. “Gusto kong isiping hindi mo gusto ang ginagawa ko ngayon but my instinct told me otherwise. I was kissing the same young Lacey six years ago. And I’m willing to forgive and forget, sweetheart,” at muli siyang siniil nito ng halik.

Anoman iyong dapat ipatawad at kalimutan ay hindi niya alam. Sa loob ng anim na taon ay kalahati ng pagkatao niya ang namatay. And now, she came to life nang dahil lang sa mga yakap at halik ng binata. And he was calling her sweetheart again.

It was like coming home. She felt like bursting into more tears kung hindi niya aawatin ang sarili.

Pagkatapos ay lumalim ang halik. Hard and passionate na may gumuhit na mainit na bagay sa ibabang bahagi ng katawan niya. She became mindless sa nangyayari. Ang tanging alam niya ay ang kakaibang damdaming idinulot ni Rigo.

The thrust of his hips against her is deliberately sexual and erotic. His arousal is obvious. Hindi ito ginagawa sa kanya ni Rigo noon at bahagya siyang kinabahan. Marahan niya itong itinulak.

“R-Rig.”

“Hmm…” wika nito sa pagitan ng paghalik sa leeg niya.

“A-ano’ng ginagawa mo?”

“Kissing you… loving you. Hindi nagbabago ang bango mo sa nakalipas na mga taon. Why do you always smell so bewitching, sweetheart?” Muli siyang hinagkan nito, wildly, hungrily.

At tuluyan na siyang nagpaubaya. His hands all over her body. And she tried to suppress a moan.

Kung may nakarinig sa tunog ng intercom ay walang makapagsabi. O sadyang hindi pinapansin ni Rigo. Hinahagkan siyang binata and she was kissing him back with equal fire. After missing him so much.

Bumukas ang pinto at sumungaw si Yda na nanlaki ang mga mata sa inabutan.

“Oh!”

Chapter 27

Nag-angat ng ulo si Rigo na tila bale-wala na dinatnan sila ng sekretarya sa ganoong eksena bagaman tinakpan siya ng katawan nito upang ayusin niya ang sarili.

“I’m… sorry…” nauutal na sabi ni Yda na ang pagkagulat sa dinatnan ay hindi maikakaila. Pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa dalawa. Matalim ang tinging ipinukol nito kay Lacey na hindi malaman kung paano kikilos sa kahihiyan. “Hindi mo, Rig, sinasagot ang intercom. Nasa linya ang Tita Amelia…” anito sa binata at muling bumaba ang tingin kay Lacey. May galit sa mga mata nito na malabis na pinagtakhan ng dalaga.

“Walang problema, Yda. Anyway, gusto kong ikaw ang unang makaalam ng engagement namin ni Lacey. But we haven’t fix the date for our wedding yet,” pagkasabi’y humakbang ito patungo sa telepono at inangat. “Hello, ’Ma… I’m glad you called…”

Kung nabigla at nagulat si Yda sa dinatnang halikan ay higit sa balitang sinabi ni Rigo. Nawalan ng kulay ang mukha nito.

“W-well… congratulations…” Hindi halos lumabas sa bibig nito iyon. Pagkatapos ay walang kibong lumabas ng silid.

Napapikit na umupo sa swivel chair si Lacey. Bahagya na niyang naririnig ang sinasabi ni Rigo kay Amelia sa telepono. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok na bahagyang nagulo. Pagkatapos ay marahan siyang tumayo upang lumabas ng silid nang tawagin siya ng binata.

“Lacey, wait…”

Lumingon siya.

“Gusto kang makausap ng Mama…” Iniabot ni Rigo sa kanya ang telepono.

Umiling siya. “Please… puwedeng sa ibang pagkakataon. I don’t know what… to say to her…”

Pumormal si Rigo. Tinakpan ang mouthpiece. “Hindi mo kailangang magsalita. Just listen to her. She’ll probably want to meet you para pag-usapan ang tungkol sa atin. And I want it soon.” Hindi maikakaila ang pag-uutos sa tinig nito. Napilitang humakbang pabalik si Lacey at kinuha mula rito ang telepono.

Kung gaano katagal o kadali siyang kinausap ni Amelia ay wala siyang alam. Tango at oo ang isinasagot niya sa mga sinasabi nito.

“Now, Lacey… simula sa oras na ito ay gusto kong paalisin mo sa mansion si Steve. Hindi na siguro kailangang ipaliwanag pa sa iyo kung bakit,” mariing wika nito nang maibaba niya ang telepono sa receiver. “Putulin mo ngayon din ang relasyon mo sa kanya kung hindi mo pa tinatapos bago ka nagdesisyon. And send him packing right away before I wring his neck!”

Tila noon lang natauhan si Lacey. Hindi niya kayang itaboy ang kaibigan ora mismo mula sa mansion. Kaya man o hindi ni Steve ang gagawin. He was her friend just as Yda was.

“S-saan siya titira?”

Lalong dumilim ang mukha ni Rigo. Gustong kumawala ang pagpipigil sa sarili. “Wala akong pakialam, for goodness’ sake! You’re my fiancée pagkatapos ay nagpapatulog ka ng ibang lalaki sa bahay mo! Ngayon din ay ipapaayos ko kay Arnel ang rekomendasyon niya sa ibang kompanya. As of today ay terminated na ang serbisyo ni Steve.”

Inaasahan na ni Steve ito dahil sinabi niya pero siya ay hindi pa handang pakawalan ang sekyuridad na dulot ng presensiya ni Steve sa damdamin niya. She can’t afford to lose a friend right now.

Pero sa nakikita niya sa mukha ni Rigo ngayon ay hindi niya marahil maisasatinig ang damdamin niya. Para siyang estatuwang nakatitig lang dito habang nagtatalo ang isip kung sasabihin kay Rigo ang totoo o hindi.

Makalipas ang ilang segundo ay nagpasya siyang sabihin dito ang tungkol kay Steve. Marahil ay hindi na kailangan ng kaibigang mawalan ng trabaho.

“Rig…” Tumingin siya sa nagpupuyos na mukha ng binata. “Steve and I… we’re…”

“Wala akong balak pakinggan ang tungkol sa inyo ni Steve, Lacey! I am trying my damnest to forget his involvement with you. Huwag mo akong pahirapang gawin iyon. Mula sa sandaling ito, he’s history! At ayokong mababanggit mo pa siya!”

“Pero…”

“Say anything else about him and I’ll kill you both!” He warned. Nasa mukha nitong tila nga papatay ng tao. Itinikom niya ang bibig.

Chapter 28

NANG hapong iyon ay nag-check-in sa isang mumurahin at kaisa-isang hotel sa bayan si Steve while nagging and quacking at her like a mother hen.

Alas-sais na nang makabalik ng mansion si Lacey. Nagulat pa siya sa hindi inaasahang panauhin.

“Hindi ko gustong magpaligoy-ligoy pa, Lacey,” agad nitong sinabi nang maupo siya at harapin ito.

“Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin, Yda…” aniya na nagsasalubong ang mga kilay sa ikinikilos ng kaibigan.

“’Di ba, minsan ay itinanong mo sa akin kung sino ang ama ng anak ko?” Tumango siya nang wala sa loob. “Si Rigo ang ama ng bata, Lacey…”

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Parang may pumigil sa paghinga niya at tila sinasakal siya.

“H-hindi totoo ang sinasabi mo…” Nang biglang sumagi sa isip ang gabing nasiraan siya na nasalubong niya ang binata. Hindi nito itinanggi na patungo ito kay Yda nang gabing iyon.

“Mula pa noong araw ay lagi nang ikaw, Lacey. Mula sa pagiging valedictorian hanggang sa Miss SIC. Don’t take everything away from me, lalo na ang ama ng anak ko!”

Hindi makakilos si Lacey. Parang namanhid ang buong pagkatao. Nangingimbulo si Yda sa kanya sa buong panahong pinagsamahan nila!

“Ewan ko kung bakit ka pa nagbalik, Lacey. Hindi ko maintindihan. Kung tutuusin ay wala na kayong ari-arian sa bayang ito. At hindi ko rin maintindihan kung bakit sa kompanyang pinamamahalaan ni Rigo ka pumasok gayong marami namang kompanya sa Maynila. Sadya mong ibinigay ang sarili mo sa paghihiganti ni Rigo…” patuloy ng babae.

“Pag… hihiganti?” Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ay panibagong ulos na naman ang sinabi ni Yda.

“Rigo would have married me a long time ago kung hindi dahil sa obsesyon niyang makapaghiganti sa ama mo at sa iyo.”

“A-ano ang ibig mong sabihin, Yda…”

“Alam mo bang nakulong nang apat na buwan si Rigo nang araw na umalis kayo dito ni Mr. Bernardino?”

Lalo nang hindi malaman ng dalaga kung paano tatanggapin ang sinasabi nito. “Nakulong? Bakit siya nakulong?”

“Dahil idinemanda siya ng Daddy mo ng attempted rape. Pinagtangkaan kang i-rape ni Rigo ayon sa kanya. At pinirmahan mo ang affidavit na nagpapatunay na ganoon nga at pagkatapos ay umalis kayong mag-ama ng bayang ito habang nasa kulungan si Rigo.”

“N-no…!”

“I stayed with him, Lacey. Sa panahong kailangan niya ng karamay dahil halos kondenahin siya ng bayang ito. Hindi na niya nagawang tapusin ang kolehiyo sa St. Ignatius dahil hindi na siya tinanggap doon.”

“And… and… you didn’t write me about it,” hindi makapaniwalang usal niya. “Bakit, Yda?”

“Ano ang silbi? He hated you,” pinakadiin-diinan nito ang sinabi. “Isa pa, natitiyak kong hindi magugustuhan ni Mr. Bernardino iyon. He warned me not to tell you…”

“You were my friend… wala akong alam doon…”

“May pinirmahan kang affidavit na pinagtangkaan kang reypin ni Rigo…” Iniwas ni Yda ang mukha sa unang sinabi ng dalaga.

Hindi niya mapaniwalaan iyon. Bakit gagawin ng Daddy niya iyon? Pero bakit nagmamadali ang Daddy niya na makaalis sila agad tatlong araw makalipas ang nangyari sa beach?

Nanlumo ang dalaga. Iyon ang ibig sabihin ni Rigo na naranasan na nito ang pag-usapan ng mga tao.

“So you see, Lacey, paghihiganti ang motibo niRigo sa pagnanais na pakasalan ka. Kung totoo ngang pakakasalan ka niya,maaaring hindi ka niya siputin sa simbahan, who knows. He will just probablyvindicate himself sa mata ng mga tagarito.” Tumayo si Yda. “Matagal angpinagsamahan naming dalawa, Lacey. Higit na mas matagal kaysa sandalingpanahong namagitan sa inyo. Kaya kung ako ikaw ay aalis ako sa bayang ito. Tamana ang pinsalang nagawa ninyong mag-ama sa kanya. Leave us alone!”

Chapter 29

Matagal nang wala si Yda ay nanatili pa ring nakatitig sa kawalan ang dalaga. Makalipas ang mahabang sandali ay tumayo siya at tinungo ang telepono. Tinawagan niya si Amelia.

“Wala pa rito si Rigo, Lacey,” anang babae sa kabilang linya. “Nasa pabrika pa marahil sila ni Arnel. Doon mo tawagan.”

“H-hindi ho si Rigo ang gusto kong kausapin kundi kayo,” pilit niyang itinatago ang paghikbi subalit umalpas iyon.

“Umiiyak ka ba?”

“H-hindi ho. Tita Amelia… I’m sorry, pero hindi ho matutuloy ang pagpapakasal ko kay Rigo. I’m leaving tomorrow morning…”

“Hindi ko maintindihan… akala ko ba’y…”

“Tita… gusto kong ihingi ng tawad ang ginawa namin ng Daddy six years ago.” Masakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na huwag humagulhol ng iyak. “Wala… ho akong alam doon. Hindi ko po alam…” at bago pa nakapagsalita ang kabilang linya ay ibinaba na niya ang telepono at umiyak nang umiyak.

Kung gaano katagal siyang nag-iiyak ay hindi niya alam. Nang mahimasmasan ay lumabas siya ng mansion at lumakad patungo sa dagat. Hindi alintana ang dilim.

Tanging ang liwanag ng buwan ang tumatanglaw at ang liwanag mula sa mansion. Umupo siya sa buhangin, niyakap ang mga binti at muling umiyak.

“Oh, Dad… ano ang ginawa mo sa akin?”

Nang wala ng luhang pumatak ay tumingin sa dagat ang dalaga. Kumikislap ang maliliit na alon na humahampas sa dalampasigan sa liwanag ng buwan.

Higit kailanman sa buong buhay niya ay ngayon siya nakadarama ng pag-iisa at labis na lungkot at kawalang pag-asa.

Si Rigo… si Yda… at ang anak ng mga ito…

Siya ang hadlang para hindi mapakasalan ni Rigo ang kaibigan. Ang pagnanais nitong mapaghigantihan siya. At marahil kung hindi siya nagbalik ay tuluyan nang pakakasalan ng binata si Yda. Kaya pala ganoon na lang ang pakikitungo sa kanya ng kaibigan.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at tumayo. Sa pagsikat ng araw sa kinabukasan ay aalis siya… at si Steve. She will probably go back to the States at doon muling magtrabaho.

Nakakailang hakbang na siya nang tunog ng sasakyan ang narinig niya mula sa mansion.

Si Steve?

Hindi. Iisa ang headlight at patungo sa kinaroroonan niya.

Kinabahan siya. Motorsiklo ang papalapit. Nag-dim ang headlight nang malapit na sa kanya. Pagkatapos ay huminto sa mismong tapat niya.

Si Rigo.

Chapter 30

“H INDI mo ba alam na mapanganib ang nag-iisa ka dito sa dilim ng beach?” pagalit nitong sinabi. Isinandal ang motor sa puno ng niyog.

Ano pa ba ang maaari niyang maramdaman gayong manhid na ang kanyang katawan at damdamin?

“Bakit ka naririto?” kalmante niyang tanong.

“Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan? Ano ang ginagawa mo dito sa dilim? Galing ako sa itaas at walang tao pero bukas ang pinto ng mansion. Totoong probinsiya ito, Lacey, pero hindi ito ligtas sa masasamang loob. At ang susunod na kapitbahay ay kalahating kilometro ang layo!” naroon pa rin ang iritasyon sa tinig nito.

“Buhay at buo pa ako, Rig, at walang magnanakaw sa bahay so there’s no need to fuss. Gusto ko nang magpahinga, please…” she said in a weary tone. Marahan siyang humakbang pabalik sa mansion pero nahawakan siya ng binata sa braso at hinila pabalik. Nakulong siya sa mga bisig nito.

“Sa akin mo sabihin ang sinabi mo sa Mama na hindi na matutuloy ang pagpapakasal mo sa akin,” may warning sa tinig nito. “At bakit ka umiiyak sa phone? At marahil dito sa dagat?”

Hindi niya binalak na magkaharap pa sila ng binata. Ang tanging gusto niya’y umalis na lang siya kinabukasan. Tama na ang humingi siya ng tawad kay Amelia.

“You don’t really want to marry me, do you?” bulong niya. And she wanted to hate him pero hindi niya makapa sa dibdib niya iyon. Ginawan ito ng pinsalang ama niya. Ang pamilya nito. At gusto niyang manginig sa naging dulot ng akusasyon sa pagkatao ni Rigo.

“Saan mo kinuha ang assumption na iyan? Sinabi ko sa iyong pakakasal tayo at pakakasal tayo!” His voice in dangerous pitch.

“Please, Rig, sinabi sa akin ni Yda kanina ang buong katotohanan…”

Muling tumigas ang tinig ni Rigo. “Katotohanang ano?”

“Na kung hindi dahil sa muli kong pagbabalik ay magpapakasal kayo. Na kaya mo ako inalok ng kasal ay dahil sa pagnanais mong makapaghiganti…”

“At ano pa?” His handsome face frozen with anger. Nakikita niya iyon mula sa liwanag ng headlight ng motorbike. Hindi siya natatakot kailanman kay Rigo, but she is now.

Pilit siyang kumakawala mula sa mga bisig nito pero hindi lumuluwag ang pagkakayakap ni Rigo sa kanya.

“Ano pa?” ulit nito sa parang kulog na tinig.

“Huwag mong isakripisyo ang kaligayahan ninyo ni Yda at ng bata, Rig, dahil lang sa pagnanais mong makapaghiganti sa akin. Wala akong alam sa ginawa ng Daddy,” she choked a sob.

“Damn it! Wala akong relasyon kay Yda at hindi ko kailanman binalak na patulan siya. Noon or until doomsday!”

Sa liwanag na nanggagaling sa headlight ay inaaninag ng dalaga ang katotohanan sa mukha nito.

“H-hindi ko alam kung ano na ang paniniwalaan ko…” naguguluhang tumingala siya rito. Her eyes filled with unshed tears.

Lumambot ang anyo ng binata. Cupped her head and caressed her nape with his fingers. “I haven’t changed, Lace. Noon at ngayon. You have trusted me then… believed in me then. Maniwala ka sa akin ngayon. At kalimutan mo si Yda. She’s nothing but a scheming neurotic bitch!” wika nito na ang galit sa huling sinabi ay ganoon na lang. “Ang pag-usapan nati’y ang tungkol sa ating dalawa. Linawin natin ang mga bagay tungkol sa ating dalawa. Dapat ay iyon na ang ginawa ko una pa man,” may regret sa tinig nito.

Agad, nakadama siya ng relief. Parang nabunot ang patalim na nakabaon sa dibdib niya. Tulad din noon, isang salita lang ng reassurance mula dito ay pinaniniwalaan niya.

“H-hindi ko alam ang ginawa ng Daddy, Rig. Wala akong alam… maniwala ka… and I’m so sorry…” halos mabasag na ang tinig niya.

Dinala siya ni Rigo sa dibdib nito at mahigpit na niyakap.

“Naisip ko na iyan kaninang patungo ako rito. Oh, Lace, sweetheart… hindi ako kailanman nagalit sa iyo. I could never be angry with you. You mean so much to me para maramdaman iyon. Nasaktan ako and I felt betrayed pero never na nagalit. You were young and confused, iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.”

Bahagya siyang kumawala. Sa pagkakataong iyo’y lumuwag ang hawak ni Rigo pero hindi pa rin siya binibitiwan.

“Sa buong anim na taong nakalipas ay inisip kong pinabayaan mo ako. Kinalimutan ang mga ipinangako mo sa akin. Hanggang sa umalis ako’y umaasam akong makita ka. Everyday of my life ay lagi kong inaabangan ang sagot mo sa mga sulat ko sa iyo. Kahit ang sulat na iniwan ko kay Yda para sa iyo noong araw na umalis kami. Nang wala kahit isa sa loob ng isang taon ay nagdesisyon akong sumama sa Auntie Fe sa America. Yda wrote telling me to forget you dahil may iba ka nang girlfriend,” bakas ang pait sa tinig niya.

Naririnig na niya halos ang pagtatagis ng mga bagang ni Rigo nang magsalita. His fingers tightened on her shoulders pero hindi siya dumaing kahit na nararamdaman niya ang sakit.

“There’s no way of getting in touch with you, sweetheart. I was in jail for five months. Sa mismong araw na mahuli tayo ng ama mo sa beach. Mga pulis ang dumampot sa akin sa bahay. Dinala ka ng Daddy mo na walang malay sa presinto at sinabing pinagtangkaan kitang halayin. Tumestigo si Magno na kung hindi siya dumating ay baka nagtagumpay ako. Patunay ang duguan niyang mukha. That part was true dahil binigyan ko siya ng flying kick. Marami sa mga estudyante ang nagpatunay na magkasama tayo nang araw na iyon. At hindi ko itinanggi dahil iyon ang totoo. Ang ikinasasama ng loob ko’y nagbigay kinabukasan si Mr. Bernardino ng affidavit na may pirma mo bilang patunay. Na hindi ka niya puwedeng isama uli sa presinto to protect you emotionally.”

“Oh, Daddy…” muli, she broke into tears.

“And I wrote, Lace. Sa address na sinabi mo sa Auntie Fe mo sa Quezon City. Countless of them pero walang sagot mula sa iyo.”

“Oh, Rig… kaninang nag-iisa ako dito ay saka ko lang naisip na hindi ako talaga hinimatay nang araw na iyon sa beach.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Rigo. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Naalala ko na may naramdaman akong tumusok sa braso ko nang hawakan ako ni Daddy at pagkatapos noo’y ang biglang pag-ikot ng paligid sa akin. Nang magising ako’y para akong lasing at may natatandaan akong pinapirmahan sa akin si Daddy na para daw sa mga teacher ko dahil hindi muna ako makakapasok at makaka-attend ng rehearsal. I was probably drugged, Rig…”

Pinuno ni Rigo ng hangin ang dibdib at tinanaw ang karagatan. “I wish I wouldn’t have to tell you all these. 1 do not want to add the pain, sweetheart…”

“Gusto kong marinig lahat, Rig, please…”

“Paghihiganti ang motibo ng Daddy mo, Lace. At ginamit ka niya para sa amin. Nanligaw ang daddy mo sa Mama noong dalaga pa siya. Pero walang pag-ibig ang Mama sa kanya. Minsang nag-iisa sa bahay ang Mama ay pinagtangkaan siya ng Daddy mo. Nanlaban ang Mama at nakahagilap ng kahoy at inihampas sa Daddy mo. Ang parteng may pako ay tumama sa mukha ni Mr. Bernardino. Nagsisigaw ang Mama at may mga kapitbahay na dumalo. Nagdemanda ang Mama at kumalat ang iskandalong iyon sa Daddy mo sa buong bayan. Hindi ito nakulong pero ang kahihiyang tinamo niya nang mga panahong iyon ay hindi biro,” paliwanag ng binata.

“Nag… punta ang Tita Amelia sa bahay…”

Tumango si Rigo. “Nakiusap sa ama mo. Pero gustong mangyari ni Mr. Bernardino bilang kabayaran ng paglaya ko ay ang Mama mismo.” Tumigas muli ang mukha ng binata. “Gusto nang pumayag ng Mama dahil sa akin pero sinabi kong papatayin ko si Augusto ’pag ginawa niya iyon at makukulong akong muli kaya mababale-wala ang sakripisyo niya. At sinabi ng Mama na nasa hagdan ka nang mag-usap sila kaya alam mo ang bagay na iyon.”

Umiling siya. “Nagpapaalam na siya nang makita niya akong nakaupo sa hagdan. Wala akong alam…” Muli siyang humikbi.

“May mga taong hindi naniwalang ginawa ko nga ang bintang sa akin pero marami ang naniwala. Hindi ako dito sa San Ignacio nagtapos ng kolehiyo dahil hindi ako gustong tanggapin sa nangyari. Dalawang buwan pagkalaya ko’y pinuntahan kita sa Maynila. Umaasang magpapaliwanag ka. Pero hindi ko na magawang magpakita sa iyo dahil naroon ka sa garden at nagtatawanan kayo ng isang lalaking matanda lang marahil sa iyo nang kaunti. You can’t imagine the pain I felt,” puno ng damdamin angtinig nito.

“That… must be my cousin, Jerry. Wala akong natatandaang nag-entertain ako ng manliligaw na iba sa bahay ng mga Auntie,” hilam sa luhang tumingala siya sa binata. “Patawarin mo ang Daddy, Rig…”

Hinawakan ni Rigo ang mukha niya. His eyes reflecting with tender emotions. “Hindi ba at ikaw ang nagsabing ang pag-ibig ay hindi nagbibilang ng mga kasalanan? Paano kong hindi patatawarin ang ama ng kaisa-isang babaeng iniibig ko? I ached without you, sweetheart. And I couldn’t stop the ache through the years.”

Idinikit niya ang mukha sa dibdib ng binata. Hinagkan ni Rigo ang buhok niya. Muli siyang tumingala dito.

“Sinabi ni Yda na may relasyon kayong dalawa…” may galit sa mga mata at tinig niya sa katrayduran ng kaibigan. Ito rin marahil ang nagsusumbong sa Daddy niya kung saan sila nagpupunta ni Rigo noon. “At… na anak mo ang…”

“Wala akong relasyon sa kanya at hindi ko anak ang anak niya!” pagalit at mariing tanggi ni Rigo. “She started showing signs na gusto niya ako noong malimit siyang dumalaw sa jail. Telling me that you didn’t really love me. Pero maliwanag kong sinabi sa kanya na pagtinging kaibigan lang ang mayroon ako para sa kanya. Then nagkaroon siya ng relasyon sa isang dating supervisor sa pabrika. Arnel warned her na may-asawa na ang lalaki pero hindi siya nakinig. The man resigned when she got pregnant. Naawa ako sa kanya kaya binigyan ko siya ng trabaho as my secretary. And again started showing signs sa interes niya sa akin.”

“Oh!”

Hinawakan siya ni Rigo sa baba at itinaas ang mukha. “Now, tell me, bakit pinaniwala mo akong may relasyon kayo ni Steve at nagli-live-in?”

“I tried to tell you about it this morning pero ayaw mo akong pakinggan. Pero, p-paano mong… nalaman?”

“Nang tawagan ako ng Mama pagkatawag mo ay tumawag ako dito. Nang walang sumasagot ay pinuntahan ko sa hotel si Steve dahil naisip kong naroon ka. I could have killed you both. Then I threatened to wring his beautiful neck kung hindi siya magsasabi ng totoo sa kung ano ang relasyon ninyong dalawa,” his eyes danced with silent laughter habang nagsasalita. “At isiping niligalig ninyo ako kung ano ang ginagawa ninyong dalawa sa mansion gabi-gabi.”

“Great!” aniya na umikot ang mga mata. “Napakamalas ko talaga sa mga kaibigan,” ang kaisa-isang pananggalang ng pride niya ay tinraydor din siya.

Muli siyang hinapit ng binata. “I love you, sweetheart. Always.” He declared gently.

“Iningatan ko ang singsing mo but you’ve lost mine,” may akusasyon sa tinig niya.

He smiled tenderly. Itinaas mula sa leeg ang gold chain na kinasabitan ng singsing niya. Itinaas ni Rigo ang mukha niya. At banayad siyang dinampian ng halik sa mga labi. She closed her eyes. Her heart flowing with love.

“Once, sa isang baybaying hindi kalayuan dito, I married a very young girl and made a vow to cherish and love her for the rest of my life. With the Lord as my witness, and the sun, and the sea, and the trees. I kept my vow, sweetheart.”

“Did you want me for all those years kahit na hindi tayo nagkikita?” tila nangangarap na tanong niya.

“I love you, Lace. I will never honour any woman to change her name to mine but you. Only you. Kung hindi rin lang ikaw ang makakasama ko sa natitirang mga taon ng buhay ko ay wala nang iba pa.” Ibinulong ni Rigo iyon sa mga labi niya.

“Oh, Rig…” Nangingislap ang mga mata niya sa kaligayahan. “Sa loob ng anim na taon ay hindi ako nag-entertain ng ibang pag-ibig. I even thought myself foolish for still loving you sa kabila ng hindi ko alam kung magkikita pa tayong muli. I never thought it possible to love one man that long kahit na sa akala ko’y sinaktan mo ako. And I also kept my vow. To love and cherish that blue-jeaned boy with dark and expressive eyes for always. I love you, Rigo,” masuyo niyang hinaplos ang mukha nito. “…and I missed you so much.”

“And I love and miss you more, my lavender lace.”

At hinagkan siyang muli ni Rigo, whispering words of love and promises wiping out all the torment and pain.

“Love is long suffering and kind… does not behave indecently, does not look for its own interest… does not keep account of the injury… but bears all things… hopes all things… endures all things.” I Corinthians 13:4-7

•••WAKAS•••


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.