Taste of a True Love II (COMPLETED)
Cold Deee · 42 chapters · 336,796 words
chapter 1 - martini
A/N
Hello guys! Welcome po sa book 2 ng Taste of a True Love!
Dito sa book na ’to mare-reveal ang mga katanungan sa unang book. Makikita rin ang mga naging pagbabago sa bawat character especially sa mga main characters natin. Asahan n’yo rin po na may mga ilang bagong characters na darating.
Hindi po ako nangangako, pero gagawin ko po ang makakaya ko para mas mapaganda pa ang book 2..
Anyway, enjoy reading Chapter 1 po!
TOM POV
Pagbaba pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay nag-iba na agad ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan pero may kaba akong nararamdaman.
Napabuntong hininga na lamang ako bago ko kunin ang luggage ko.
“Baka excitement lang ’to.” pagkausap ko sa aking sarili.
Napahinto ako sa paglalakad habang tinutungo ang pinto palabas ng airport. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
“Nakakamiss rin pala ang Pilipinas.” bulong ko sa aking sarili.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad habang patuloy rin sa pag-iikot ang aking mata. Hinahanap ang taong isang linggo ko nang hindi nakikita at nangakong suaunduin ako dito.
“Nasaan na ba ’yun? Sabi n’ya susunduin n’ya ako?” tanong ko sa aking sarili.
Ilang hakbang pa ang aking ginawa bago ako nakarinig ng isang tawag mula sa aking likuran.
“Bae!” sigaw n’ya.
(a/n: Bae po ang endearment na napili ko para sa dalawang tao na ’to. Pronounced as ‘bey’ po.. :))
Agad ko itong nilingon at napangiti ako nang makita ko ang gwapong lalaki na nag-aabang sa aking pagdating.
“Bae!” sigaw kong pabalik sa kanya habang kumakaway pa.
Agad s’yang tumakbo sa aking kinatatayuan at mabilis n’ya akong niyakap ng mahigpit.
“Mmmm…. Na-miss kita Bae!” ang wika n’ya sa akin habang mahigpit kaming magkayakap.
Hinalikan n’ya rin ako sa aking ulo matapos n’yang sabihin iyon. Bahagya naman akong natawa sa kanya.
“Ang OA mo Bae! Isang linggo lang tayong hindi nagkita!” wika ko sa kanya habang magkayakap pa rin kami.
“Eh na-miss pa rin kita! Wala akong kasama sa bahay eh! Walang akong pinagluluto. Hindi ako sanay nang hindi ka pinagsisilbihan. At higit sa lahat, wala akong katabi sa pagtulog ng isang linggo!” maktol n’ya sa akin.
Napahagikgik naman ako sa kanyang mga sinabi. Bumitaw ako sa pagkakayakap namin at kinurot ko s’ya sa ilong.
“Ang cheesy mo Bae!” wika kong nakangiti.
Hindi na s’ya sumagot sa aking sinabi. Bagkus, ngumiti na lamang s’ya at kinuha ang pushcart na laman ang luggage ko at hand carry bags. Itinulak n’ya iyon gamit ang isa n’yang kamay, habang ang isang kamay naman n’ya ay hinawakan naman ang isa kong kamay. Tinulungan ko naman s’yang magtulak gamit ang free hand ko.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng airport ng magkahawak pa rin ang aming mga kamay.
“Bae, bakit ang tagal mo? Akala ko uuwi ako ng mag-isa ngayon eh. Akala ko hindi mo ako masusundo.” tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman s’ya bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Pwede ba naman ’yon? S’yempre hindi kita papabayaan umuwi mag-isa noh?! May hinintay pa kasi ako bago pumunta dito. Saka paano ka makakauwi kung hindi mo naman alam kung saan ang address na uuwian mo?” tugon n’ya naman sa tanong ko.
“Hinintay? Sino naman?” taka kong tanong sa kanya.
“Basta! Mamaya malalaman mo rin!” sagot n’yang nakangiti pa rin.
Hindi na lamang ako nagsalitang muli sa kanyang naging sagot.
Narating namin ang parking lot ng airport.
“Bae, magta-taxi na lang ba tayo?” tanong ko sa kanya.
“Nope! Andito na ang sasakyan natin pauwi.” nakangiti n’yang sagot sa akin.
Napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Bago pa ako makapagtanong muli ay biglang bumukas ang pinto sa harapan namin ang isang puting van hindi kalayuan sa aming pwesto.
“Bessy!!!!!!!” ang nakakabinging tili ng babaeng lumabas mula sa van.
Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil nasorpresa ako sa taong nakikita ko.
“Cha?!!” gulat kong tanong.
Agad na bumaba si Cha mula sa van at halos talunin n’ya ang isang metrong pagitan naming dalawa para yakapin ako na malugod ko namang ginantihan.
“Bessy!!! Na-miss kita!!!” ang tili ni Cha habang yakap ako.
Kahit na halos mabingi ako sa pagtili ni Cha ay nangibabaw ang pagnanais ko na mayakap din ito. Natatawa pa ako sa kanyang ginawa dahil tila walang pinagbago ang bestfriend ko.
“Na-miss din kita bessy!!” masaya kong wika pabalik.
Habang magkayap kami ay muling bumukas ang pintuan ng puting van kung saan lumabas din si Cha kanina.
“Tom!” wika ng isa pang babae na bumaba rin mula sa van.
Agad na bumitaw kami ni Cha sa aming pagkakayakap nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng isang babae. Hindi agad ako nakapag-react dahil kinilatis ko muna itong mabuti. Pamilyar ito sa akin kaya pinagmasdan ko s’yang mabuti. Nakangiti lamang s’yang nakatingin sa akin at dahan-dahang lumalapit sa amin. Nang tuluyan ko s’yang ma-recognize ay nanlaki rin ang aking mga matang tinawag s’ya.
“Dee???!!!” gulat kong pagtawag sa kanya.
Mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti at niyakap din ako.
“Kamusta ka na? Na-miss ka naming lahat.” masaya n’yang wika habang yakap ako.
“Grabe Dee! Hindi na kita makilala! Ang laki na ng pinagbago mo!” masaya kong balik sa kanya.
Hindi n’ya ako nagawang sagutin hanggang sa kumalas kami sa aming pagkakayakap.
“Ganyan talaga ’pag inlove bessy. Look at her, hindi na s’ya naka-pants at naka-cap tulad ng dati.” ang biglang pagsingit ni Cha.
“In love? You mean, may boyfriend na s’ya?” taka kong tanong kay Cha.
Tiningnan ko si Dee at nakita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Hindi maikakailang mas maganda ngayon si Dee. Mahaba na ang kanyang buhok at naka-dress na rin s’ya ngayon.
“Ano pa nga ba? Naunahan pa akong magka-boyfriend n’yan! Iniisip ko nga minsan kung effective ba ang pagsusuot ng panlalaki para magka-jowa na rin ako eh!” ang tila naiinis na sagot ni Cha.
Natawa naman ako sa reaksyon ni Cha. Muli kong tiningnan si Dee na hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mga pisngi.
Grabe! Na-miss ko sila!
“At sino naman ang maswerteng lalaki Dee?” nakangiti kong tanong sa kanya.
Bago pa ako sumagot ay s’ya namang lapit ng isang lalaki sa aming pwesto at nagulat ako nang bigla nitong akbayan si Dee.
“Kamusta Tom? Long time no see!” masayang bati sa akin ng bagong dating.
“Dominic?!” gulat kong sambit.
Kung gwapo na noon si Dominic ay mas lalo itong gwapo ngayon. Mas maganda na rin ang kanyang pangangatawan. Hindi na nakakapagtaka na ngayon ay isa na rin s’ya sa pinakasikat at in-demand na model sa bansa. Kitang-kita rin ang maganda n’yang aura at mukhang masayang-masaya s’ya ngayon.
“The one and only! Ang pinakagwapong nilalang na perpektong hinulma para isilang sa mundong ito!” ang masaya n’yang sagot sa akin.
Nakita kong siniko s’ya ni Dee sa kanyang tagiliran.
“Ang yabang talaga!” ang naiinis na sambit ni Dee kay Dominic.
“Baby naman! Na-excite lang naman ako nung makita ko si Tom!” ang pagrereklamo ni Dominic habang hawak-hawak ang kanyang tagiliran na siniko ni Dee.
Natawa naman ako sa kanilang dalawa. Hindi ko akalaing kay Dee lang titiklop si Dominic.
“Under ka pala Dom?!” kantyaw ko kay Dominic.
“Ako?! Hindi ako under noh?!” depensa n’ya naman.
Agad naman itong kinontra ni Cha.
“Hindi pala under ha?! Kaya pala mahigit isang taon mo s’yang niligawan?! Halos magmakaawa ka pa sa kanya para lang mapasagot mo s’ya! At higit sa lahat, hindi ka makapagreklamo kapag may inutos sa’yo si Dee!” basag ni Cha sa kanya.
Hindi naman sumagot si Dom at nagkamot na lamang ng kanyang ulo habang nakayuko. Dahil doon ay sabay-sabay kaming nagkatawanan.
“Teka, kayo lang ba? May kasama pa ba kayong pumunta dito?” bigla kong tanong sa kanila.
“Bakit? May iba ka pa bang gustong makita bukod sa amin?” ang makahulugang tanong ni Dom sa akin ng nakangisi.
Nakita kong muling siniko ni Dee si Dom sa tagiliran.
“Meron pang isa Tom, pero parating na rin. Nagpaalam lang saglit para manigarilyo.” sagot ni Dee sa akin.
“Manigarilyo?” taka kong tanong.
Wala kasi akong maisip na naging kaibigan ko na naninigarilyo noong umalis ako rito sa Pilipinas.
“Uy! Pareng Tom! Kamusta? Ang tagal na nating hindi nagkita ah?! Big time na ba?!” masayang bati ng kakalapit lamang na lalaki.
Lumapit din ito sa akin at nakipag-manly hug. Amoy na amoy ko sa kanya ang sigarilyo.
Kung sa mga naunang sumalubong sa akin ay nagulat na ako, mas may ikakagulat pa pala ako.
Matapos namin mag-manly hug ay nakangisi akong tiningnan ng lalaking kaharap ko.
“Ben?!” gulat na gulat kong tanong.
Napansin ko ang malaking pagbabago sa kanya. May mga hikaw na s’ya sa magkabilang tenga ganon din sa kanyang mga dila. May makapal na rin s’yang eye liner at nakataas ang kanyang buhok na medyo magulo. Iba na rin ang kanyang pananamit ngayon. Naka-sando na itim na may bungo na naka-print at pantalon na butas-butas. Ibang-iba sa Ben na naging malapit kong kaibigang lalaki noon.
Natawa naman s’ya sa aking reaksyon.
“ Tang*na, para ka namang nakakita ng multo n’yan kung makatingin sa akin pareng Tom!“ ang natatawa n’yang wika sa akin.
Hindi talaga ako makapaniwala na ganito na si Ben ngayon. Iba na rin s’ya kumilos at magsalita. Kahit minsan ay hindi ko pa s’ya narinig na magmura noon, pero ngayon ay tila normal lang na ekpresyon ang pagmumurang lumabas sa kanyang bibig.
“Grabe Ben! Ang laki ng pinagbago mo! Anong nangyari?” gulat na gulat ko pa ring tanong.
Mas lalo s’yang natawa sa mga sinabi ko.
“Ganon talaga pareng Tom! Hindi naman lahat ng tao kailangan mag-stick sa kung ano sila noon! Lahat nagbabago! Parang ikaw, sa loob ng dalawang taon na nasa ibang bansa ka, hindi mo man lang nagawang magparamdam sa amin kahit isang beses. Tapos ngayon magtataka ka kung bakit ang laki ng pinagbago ko? Kung sana nagawa mong kamustahin kami noon, hindi ka na magtatanong sa amin kung ano ang mga nangyari sa buhay namin ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako sumama dito sa pagsundo sa’yo eh!” ang mahaba at nakangisi n’yang sagot sa akin.
Nakaramdam ko ng kirot sa aking dibdib. Dama ko ang hinanakit sa kanyang pananalita. Napayuko na lamang ako dahil sa labis na hiya. Tama naman s’ya, sa loob ng dalawang taon kong pagkawala ay hindi ako nagparamdam kahit na isang beses sa kanila.
“Ben itigil mo na ’yan! Kararating lang ni Tom ganyan na agad ang isasalubong mo!” ang pagsaway sa kanya ng lalaking kanina pa nananahimik simula nang makita ko ang mga kaibigan ko. Ang lalaking sumundo dito sa akin sa airport.
“Bakit Daniel? Totoo naman ang sinasabi ko ’di ba? Sa dalawang taon n’yong pagkawala ni Tom, ikaw lang ang lagi naming nakakausap! Lagi mong sinasabi na kinakamusta kami ni Tom, pero kahit isang beses hindi n’ya kami hinarap kahit sa webcam lang! Lagi mong sinasabi na ayos lang s’ya, na wala kaming dapat ipag-alala. Pero naisip n’ya ba na nag-aalala pa rin kami sa kanya sa loob ng dalawang taon na ’yon?! “ ang sagot ni Ben kay Daniel.
“Sinabi ko na sa’yo, marami lang s’yang inaasikaso!” sagot ulit ni Daniel sa kanya.
“Ah talaga?! Bakit? 24 hours ba s’ya sa inaasikaso n’ya para hindi n’ya kami magawang kawayan man lang kahit isang beses sa camera? Ganon na s’ya ka-busy para hindi kami harapin?” balik ni Ben sa kanya.
“Hindi sa ganon, ang sinasab—–” ang hindi na naituloy na sasabihin ni Daniel dahil pinutol ko na s’ya.
“Bae, tama na. Tama naman si Ben. Hindi ko nagawang magparamdam kahit isang beses sa kanila. Iniwan ko silang ako ang inaalala, pero hindi ko man lang nagawang kamustahin sila.” mapagkumbaba kong wika kay Daniel.
“Pero Bae?!” ang pagprotesta ni Daniel.
Hinawakan ko na lamang s’ya sa kanyang kamay at ngumiti ng tipid. Nanahimik naman s’ya kaya ibinaling ko na rin ang tingin ko kay Ben.
“Ben, pasensya ka na kung hindi ko nagawang magparamdam sa inyo. Alam kong mali ako doon, at isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit nagbalik din ako ngayon bukod sa pagtanggap ng trabaho dito.” mapagkumbaba kong pahayag kay Ben.
“Mabuti naman at alam mo.” malamig n’yang sagot sa akin.
Saglit na katahimikan ang namayani sa amin bago ito binasag ni Dominic.
“Tama na ’yan.” pag-awat ni Dom. “Mabuti pa siguro umalis na tayo dito. Sinadya lang namin talaga na salubungin ka dito Tom. Uuwi na rin kami dahil may kanya-kanya pa kaming trabaho. Sa akin na rin sasabay si Dee pauwi, pinagbigyan ko lang kanina na sumabay kay Charm kahit mami-miss ko s’ya dahil hindi ko s’ya katabi sa sasakyan ko.” dugtong n’ya pa.
Tumango-tango naman ako bago nagsalita.
“Salamat sa pagpunta n’yo. Magkita tayo sa ibang araw.” wika ko sa kanya pabalik.
Matapos iyon ay lumapit sa akin si Dee at niyakap akong muli.
“Mauna na kami Tom. Magkita na lang tayo ulit.” wika ni Dee sa akin.
“See you again Dee.” wika ko naman pabalik.
“Paano? Dito na rin ako. Welcome back na lang Tom.” paalam naman ni Ben na hindi na ako hinintay pang makasagot dahil agad din itong tumalikod at umalis sa aming kinatatayuan.
Tahimik ko s’yang pinagmamasdan habang papalayo. Malaki na talaga ang pinagbago ni Ben simula nang mawala ako ng dalawang taon.
“Bessy, tara na. Ihahatid ko na kayo sa tinutuluyan n’yo.” biglang wika ni Cha.
Nakita ko ang malulungkot n’yang mga mata na nakatingin sa akin. Sa mga tinging iyon ni Cha ay alam kong may dinaramdam ito. Mukhang marami na nga akong hindi alam sa kanila. Nagi-guilty ako sa katotohanang iyon.
“Bae? Let’s go?” pagyaya ni Daniel sa akin sa aking tabi.
Tumango-tango na lamang ako sa kanila habang malalim pa rin ang iniisip.
Si Daniel na ang nagbuhat ng mga gamit ko papasok ng van ni Cha. Naroon din pala sa loob ang driver n’ya. Nauna kaming pumasok ni Cha sa loob at ilang saglit pa ay tumabi na rin sa akin si Daniel. Napapagitnaan nila akong dalawa.
“Manong, diretso po tayo sa tinutuluyan ni Daniel. ’Yung pinuntahan po natin noong isang araw.” pakiusap ni Cha sa kanyang driver.
Hindi na nga kami nagtagal at umalis na kami sa parking area ng airport. Habang nasa biyahe kami ay ako na ang bumasag ng katahimikan sa amin.
“So, sila ba ang hinintay mo kanina Bae bago mo ako sunduin sa airport?” tanong ko kay Daniel.
“Yup! Alam ko kasing miss na miss mo na sila.” nakangiti n’yang sagot sa akin.
“Thanks Bae.” nakangiti kong wika sa kanya.
“Anything for you.” sagot n’ya at marahan akong kinurot sa ilong. Matapos n’yang gawin iyon ay hinawakan n’ya naman ako sa kamay.
Agad ko naman binalingan si Cha dahil kanina pa ito walang imik sa aking tabi. Ngunit nagulat ako dahil nakanganga lang itong nakatingin sa amin ni Daniel. Punong-puno ng pagtatanong ang kanyang mukhang papalit-palit ang tingin sa amin ni Daniel.
“Bessy? Ayos ka lang ba?” takang tanong ko sa kanya.
Hindi agad s’ya nakasagot sa aking tanong kaya si Daniel na ang nagtanong.
“Charm? Ayos ka lang?” tanong ni Daniel.
Saglit na lumunok si Cha bago nagsalita.
“A-ayos lang ako.. Kayo ba? Ayos lang ba kayo?” balik n’yang tanong sa amin.
Nagkatinginan naman kami ni Daniel at pareho kaming nagtaka sa tanong ni Cha.
“Anong ibig mong sabihin? Okay naman kami ni Daniel. Bakit mo naman naitanong?” taka ko pa ring tanong sa kanya.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Cha na tiningnan kami ni Daniel.
“So…. anyare sa loob ng dalawang taong pagkawala n’yo? Saka, what’s with the call sign? Bae? Kayo na ba?” sunod-sunod na tanong ni Cha sa amin.
Nagkatinginan naman kami ni Daniel bago natawa.
“At ngayon naman natatawa kayo kahit walang nakakatawa sa tanong ko!” inis na sambit ni Cha.
Lalo naman kaming natawa sa inasal ni Cha kaya inubos muna namin ni Daniel ang aming tawa bago sumagot.
“Sorry Charm! Hindi ko pala nasabi sa inyo kapag magkakausap tayo sa Skype.” umpisa ni Daniel habang natatawa pa rin. “About naman sa tanong mo kung kami na ni Tom…. Nope, hindi pa kami.” dagdag n’ya pa.
Lalong tumaas ang kilay ni Cha sa naging pagsagot ni Daniel.
“HINDI PA? Ibig sabihin, hindi pa sa ngayon. At may chance na maging kayo sooner or later. Tama ba?” tanong ulit ni Cha na may diin pa sa sinabing ‘hindi pa’.
Nagkibit balikat naman si Daniel bago iyon sinagot.
“Ewan ko Charm. Depende sa best friend mo kung kelan ako sasagutin.” sagot naman ni Daniel sa kanya.
Agad naman ibinaling ni Charm ang kanyang tingin sa akin.
“Bessy? Paki-explain nga please? Ang tagal nating hindi nagkita. And I’m sure marami kang ike-kwento sa akin.” ang wika n’ya sa akin na nakataas pa rin ang isang kilay.
Muli akong natawa sa kanyang sinabi.
“I know. Pero darating tayo d’yan. Sa ngayon, ikaw muna ang gusto kong kamustahin. Pati na rin ang mga kaibigan natin na naiwan ko dito 2 years ago.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Sinimulan na nga n’yang magkwento tungkol sa mga kaibigan namin. Marami na nga pala ang nagbago simula nang umalis kami dito sa Pilipinas. Maraming naikwento sa akin si Cha at hindi nagkasya ang aming oras ng aming biyahe para tapusin iyon.
Nakarating kami sa isang condominium building dito sa Taguig. Agad naman na ibinaba ni Daniel ang aking mga luggage sa tulong na rin ng driver ni Cha. Tutulong din sana ako kaso ay ayaw naman akong bitawan ni Cha kaya hinayaan na lamang kami ni Daniel na mag-usap pa.
Nang makarating kami sa tapat ng pinto kung saan kami tutuloy ni Daniel ay s’ya na rin ang nagbukas nito.
Napagkasunduan na kasi namin noon ni Daniel na magkasama pa rin kaming titira dito sa Pilipinas. Maghahanap s’ya ng kanyang trabaho at ako naman ay papasok sa isang hotel dahil na rin sa pakiusap sa akin ni Papa. Nauna lamang s’ya sa akin ng isang linggo dito dahil may kailangan pa akong tapusin bago ako umalis sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. S’ya naman ay naghanap ng matutuluyan namin habang wala pa ako.
Nang matapos ko kasi ang aking pag-aaral sa US ay nabigyan agad ako ng offer ng kaibigan ni Papa na magtrabaho sa isang hotel doon na s’ya ang nagma-may-ari. Matapos ang isang taon ay nag-offer naman s’ya sa akin na magtrabaho sa bagong bukas nitong 5 star hotel dito sa Pilipinas. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako dahil kulang ang isang taon na experience ko sa trabaho doon para tanggapin ang posisyon bilang isang F&B Director ng kanyang hotel dito sa Pilipinas. Pero dahil na rin sa madalas na pangungumbinsi sa akin ni Papa ay pumayag na rin ako.
Naiwan sila nila Mama at Julius doon sa US kasama pa rin si Papa. Kailangan pa kasing tapusin ni Julius ang kanyang pag-aaral doon. Bumuti na rin ang kalusugan ni Mama na lubos naming ipinagpapasalamat. Si Papa naman ay nanatiling nagtatrabaho sa dati n’ya pa ring kumpanya. Maganda ang pamumuhay namin doon hindi dahil sa nakakaluwag kami, kundi dahil magkakasama kaming lahat.
Nang makapasok ako sa unit namin ni Daniel ay namangha ako sa disenyo nito. Malaki at maaliwalas kumpara sa dating tinitirahan ni Daniel.
“Ang ganda ng nakuha mong unit Bae. Mahal siguro dito noh?” mangha kong wika.
“Mahal talaga dito Bessy. Pero dahil na rin sa kaibigan ni Daddy at Mommy ang may-ari nito, nabigyan kayo ng discount.” ang biglang pagsagot naman ni Cha.
“Oo Bae. Noong sinabi ko kay Charm na babalik na tayo dito sa Pilipinas, humingi ako sa kanya ng tulong para makahanap ng magandang unit at siniguro kong malapit lang din sa magiging workplace mo.” wika naman ni Daniel.
Tiningnan ko naman si Cha na nakangiti rin habang pinagmamasdan ang kabuuan ng unit na iyon.
“Salamat bessy.” wika ko sa kanya.
Sa halip na sagutin ako ay bigla n’yang hinawakan ang aking kamay at mabilis akong hinila.
“Tara bessy! Doon naman tayo mag-tour sa bedroom mo.” masayang pagyaya sa akin ni Cha.
“Just go straight. Tapos sa kanang bahagi na ’yung bedroom.” ang wika naman ni Daniel habang tinutulungan pa rin si Manong sa pagpasok ng gamit ko.
Hindi na ako nagsalita at agad na naming tinungo ni Cha ang kwartong iyon.
Pagpasok namin sa kwarto ay namangha muli ako dahil malaki iyon. Malaki ang kama at maganda ang set-up ng lahat ng gamit.
Agad din sinarado ni Cha ang pinto ng kwarto at umupo sa kamang naroon.
“Daniel is really good in terms of interiors.” mangha kong sambit.
“Really?” tanong naman ni Cha na kakaiba ang ekspresyon.
Nakangiwi s’ya at tila nang-aasar.
“What’s with that face Cha?” tanong ko sa kanya.
“Tss!” tangi n’yang sambit.
“Cha, may problema ba? Kanina, ang daldal mo nung nasa biyahe tayo. Why the sudden change of mood?” takang tanong ko sa kanya.
Umismid naman ito at pinaikot ang kanyang mata.
“So bukod sa madalas mong pag-e-english bessy, ano na’ng bago sa’yo?” nakataas na kilay n’yang tanong.
Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Ano nga ba ang bago sa akin?
“Bago?” tanong ko sa kanya.
“Hindi! New! Hindi mo na alam ang tagalog word na ‘bago’?” sarkastiko n’yang tanong.
“No. I mean, wala naman nagbago sa akin. Ganon pa rin naman ako simula nang umalis ako rito.” sagot ko sa kanya.
Bumuntong hininga naman s’ya sa aking naging sagot. Ang kaninang naiinis n’yang ekspresyon ay napalitan ng tila pag-aalala.
“Bessy… uummm.. ang tagal na nating hindi nagkita ’di ba? K-kamusta ka naman ba?” ang tila nag-aalangan n’yang tanong.
Medyo natawa naman ako sa hitsura n’ya dahil tila ba kinakabahan ito sa kanyang pagtatanong.
“The way you ask me Cha is like hindi ko pa nasagot ang tanong mo. I’m good. No, not just good pala. Actually, better.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Talaga? Uuummm…. Kasi bessy… Nung nasa sasakyan tayo, tinanong mo at kinamusta ang lahat ng kaibigan natin, pero you never mentioned the name of Sir Xan––” ang hindi n’ya na naituloy na pagtatanong dahil pinutol ko na ito.
“Simply because I’m not interested, Cha. Part na lang s’ya ng nakaraan ko. So what’s the sense of asking about him?” normal kong sagot kay Cha.
“Pero bessy––” ang pagrarason sana ni Cha na muli kong pinutol.
“Cha, please? Bumalik ako dito para sa trabaho. Hindi para balikan ang ala-ala na matagal ko nang binaon sa limot.” madiin ko nang wika sa kanya.
Tiningnan lang ako ni Cha at hindi na muli pang nagtanong.
Gusto ko lang naman magpakatotoo. Hindi naman ako nagbalik dito para sa taong nanakit sa akin dalawang taon na ang nakakalipas. Ayaw ko rin na magkrus ang aming landas at mas lalong ayaw kong maririnig ang kanyang pangalan.
Huminga ako ng malalim bago ko kinausap si Cha. Umupo ako sa kama at tinabihan s’ya. Hinawakan ko rin s’ya sa kanyang kamay.
“Sorry bessy. Pero kung pwede lang sana, ’wag na natin s’yang pag-usapan? Wala rin akong balak makibalita sa kanya. Matagal n’ya na akong kinalimutan kaya wala nang dahilan para pag-usapan pa natin s’ya.” mahinahon kong pakiusap sa kanya.
“Pero bessy––” pakiusap n’yang muli na agad kong pinutol.
“Please Cha? Masaya na ako ngayon.. Natutunan ko na s’yang kalimutan kaya sana ’wag mo nang ipaalala sa akin kahit pa ang pangalan n’ya.” pakiusap ko sa kanya.
Hindi s’ya sumagot sa akin. Huminga na lamang s’ya ng malalim at saka tumayo mula sa pagkakaupo.
“Kung ’yan ang gusto mo bessy. Pero ’wag mo akong sisisihin isang araw kung may mga bagay akong hindi nasabi sa’yo. Ang sabi mo nga, masaya ka na ngayon at kinalimutan mo na ang lahat sa kanya. Kaya wala na nga sigurong dahilan para sabihin ko pa sa’yo ang mga bagay na may kinalaman sa kanya.” wika ni Cha.
Ngumiti naman ako sa kanyang sinabi.
“Salamat bessy.” tangi kong nasabi.
Hindi s’ya tumugon sa pasasalamat ko. Nakatingin lamang s’ya ng diretso sa aking mga mata at blangko lamang ang kanyang ekspresyon.
Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na rin si Cha na umuwi dahil may iniuutos pa raw sa kanya ang kanyang Mommy. Sinabi ko na lamang din sa kanya na dadalaw ako sa kanilang bahay para kamustahin na rin sina Tito at Tita pati na rin ang Ate at Kuya n’ya. Hindi ko na rin s’ya nagawang ihatid sa kanyang sasakyan dahil pagod na rin ako. Gusto ko nang matulog dahil hindi ako nakatulog ng maayos kanina sa eroplano.
Mahihiga na sana ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng aming kwarto.
“Bae? Hindi ka ba muna kakain?” tanong ni Daniel mula sa pinto.
“Hindi na Bae. Hindi pa naman ako nagugutom. Sumasakit lang ang ulo ko kaya matutulog na lang muna ako.” tugon ko naman sa kanya.
Katatapos ko lamang magbihis ng aking damit at handa na akong matulog. Hindi ko na nagawa pang mag-shower dahil sumasakit din ang ulo ko dahil may jetlag pa ako. Sinuot ko na muna ang mga damit ni Daniel dahil nasa luggage pa ang mga damit ko. Wala naman problema sa amin dalawa ang bagay na iyon dahil kahit nasa Amerika pa lang kami ay ganoon na kami.
Lumapit naman ito sa akin at s’ya na rin ang naghanda ng aking hihigaan. Napakamaasikaso talaga sa akin ni Daniel.
“Sige, magpahinga ka muna. Mamaya na ako matutulog pagkatapos ko ayusin ang mga gamit mo.” nakangiti n’yang wika sa akin.
“Sorry Bae, hindi kita matulungan. Pagod na pagod talaga ako.” malungkot kong tugon.
“No biggie. Sige na, take a rest.” wika n’ya habang iginagaya ako sa paghiga.
“Thanks Bae.” nakangiti kong wika sa kanya.
Nakahiga na ako at si Daniel na rin ang nagkumot sa akin. Inilagay n’ya na rin sa aking tabi ang isang unan dahil alam n’yang mas mahihimbing akong matulog kung may isa pa akong unan sa aking tabi.
“Sweet dreams Bae.” wika n’ya at hinalikan ako sa noo.
Ngumiti na lamang ako sa kanya at pinikit ko na rin ang aking mga mata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang dumating ako dito sa Pilipinas.
Sa loob ng isang linggo ay agad kong inasikaso ang mga kakailanganin ko sa pagpasok ko sa hotel na papasukan ko. Contract signing at kung ano-ano pa. Dahil na rin sa recommendation ng kaibigan ni Papa na may-ari nitong hotel ay hindi na rin naman ako nahirapan.
Pagpasok ko pa lamang sa HR Office ng hotel ay nakilala agad nila ako. Hindi naman sa pagyayabang, pero kung ang may-ari na mismo ng hotel na ito ang nag-recommend sa akin ay talagang makikilala nila agad ako.
Nakilala ko rin ang Assistant Manager at ang Deputy Assistant Manager ng hotel na iyon. Sinabi rin nila sa akin na sa mangyayaring introduction ko na lamang makikilala ang General Manager dahil may mga kinailangan pa itong asikasuhin sa kanyang mga business.
Nagtaka naman ako dahil bakit pa s’ya pumasok dito bilang isang General Manager kung may sarili na itong mga business. Inisip ko na lamang na baka maliit na business lamang iyon at mas malaki ang kinikita n’ya dito bilang isang General Manager.
Dumating na nga ang araw ng aming introduction at kung mamalasin ka nga naman ay tinanghali pa ako ng gising. Hindi na rin kasi ako nagawang gisingin ni Daniel dahil maaga itong umalis kanina sa aming bahay. Kasalukuyan pa rin kasi s’yang naghahanap ng trabaho hanggang ngayon. Nag-iwan lamang ito ng aking almusal bago umalis.
Suot ang aking corporate attire ay lakad-takbo ang aking ginawa upang marating ang conference room ng hotel na iyon. Doon kasi gaganapin ang introduction ng mga bagong Managers ng Hotel at kasama ako roon sa baguhang iyon.
Alam ko namang hindi pa ako late, pero nakakahiya pa rin kung mas mauuna pa sa akin dumating ang may mga matataas na posisyon na makarating doon.
Nang malapit ko nang marating ang conference room ay napansin kong natanggal ang sintas ng aking leather shoes.
“Sh*t!” inis kong sambit.
Kung bakit naman kasi ito pa ang napili kong isuot ngayon. Naabala nanaman tuloy ako.
Yumuko na lamang ako at agad na inayos sintas ng sapatos ko. Nang matapos ko itong gawin ay mabilis na naman akong tumayo. Ngunit mukhang tinodo na ng kamalasan ang pang-aasar sa akin.
Naramdaman kong may tumama sa ulo ko nang ako ay tumayo.
“Oh sh*t!” boses ng isang lalaki mula sa aking likuran.
Agad ko itong nilingon at nakita ko ang nagkalat na papel sa sahig. Nakayuko na rin ang lalaki at sinisimulang pulutin isa-isa ang mga papel na nahulog. Malamang ay natamaan ko ang kamay ng lalaking iyon habang hawak ang mga papel na iyon.
’Parang nangyari na ‘to?’
sambit ko sa aking isip.
Umiling-iling na lang ako para iwaglit sa aking isipan ang senaryong iyon sa aking nakaraan.
Agad akong tumungo at tinulungan sa pagpupulot ng mga nagkalat na papel ang lalaking iyon.
“I’m sorry..” paghingi ko ng paumanhin sa lalaki nang hindi s’ya tinitingnan.
Nasa harapan ko ito at wala nang isang metro ang pagitan namin dahil nakuha na namin ang iba pang nagkalat sa paligid. Nakayuko kaming pareho habang patuloy pa ring pinupulot ang mga papel na nabitawan n’ya.
Hindi rin nakaligtas sa akin ang pamilyar na pabango ng lalaking kaharap ko. Ang paboritong pabango ng isang tao mula sa nakaraan ko.
“No worries. It was my fault anyway. Hindi pa kasi ako umiwas sa’yo nung nakaupo ka. Sorry, nagmamadali lang din kasi ako.” malumanay n’yang sagot.
Napatigil ako sa pgpupulot ng mga papel. Nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang kanyang boses. Ang boses na huli kong narinig dalawang taon na ang nakakalipas. Ang boses na pinananabikan kong marinig noon.
Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto. Napalunok na rin ako dahil sa pagbilis ng tibok ng aking puso.
Unti-unti kong inangat ang aking tingin. Nakayuko pa rin ang lalaki at patuloy pa rin sa pagpupulot ng mga papel.
Nakuha ng atensyon ko ang kwintas na nakalabas sa polo ng lalaking iyon. Ang kwintas na may nakasabit na singsing. Ang kwintas na parehong-pareho sa akin. Ang kwintas na napagdesisyunan kong hubarin halos isang taon na ang nakakalipas. At ang kwintas na nagpapaalala ng isang pangako sa akin noon.
Napalunok ako ng sunod-sunod dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong sinasakal ng mga oras na iyon. Hindi ako makahinga ng maayos at alam kong pinagpapawisan na ako kahit na malamig sa buong lugar.
Inangat ko pa ang aking tingin hanggang sa mahanap ng mata ko ang mukha ng lalaking iyon. Lalong nagwala ang puso ko at halos lumabas na ito mula sa aking dibdib kung wala lang nakaharang dito.
Ang mukhang ito, ang mukhang pinangako kong hinding-hindi ko na dapat pang makita. Doon ko na nakumpirma kung sino s’ya.
“Xander….” mahina kong sambit.
Napatigil din s’ya sa kanyang pagpupulot ng papel. Tila naestatwa nang sambitin ko ang pangalan n’ya.
Nakita ko kung paano n’ya unti-unting inangat ang kanyang ulo para magtama ang aming mga mata.
Malapit ang mukha namin sa isa’t-isa at kitang kita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Napalunok din s’ya tulad ng nangyari sa akin.
“Tom….”
ang tanging sambit ni Xander.
A/N
Ayan! Nagbalik na ang mga bida! Hindi ko alam kung nagustuhan n’yo ang muli nilang pagkikita!
Salamat sa mga nag-abang sa Book 2 ng Taste of a True Love!
Sana naman po dito sa Book 2 makatanggap na ako ng votes at comments galing sa inyo…
––cold_deee
chapter 2 - cosmopolitan
A/N
Hi guys! Here’s chapter 2, sana po magustuhan n’yo..
This chapter is dedicated to
CeeCee_28
na hindi nakakalimot mag-iwan ng vote sa bawat chapter.. Super na-appreciate ko!!
Votes and comments please! Maunang mag-comment, dedicate ko sa kanya ang next chapter.. :))
––>si Tom po sa media.
TOM POV
“Xander….” mahina kong sambit.
Napatigil din s’ya sa kanyang pagpupulot ng papel. Tila naestatwa nang sambitin ko ang pangalan n’ya.
Nakita ko kung paano n’ya unti-unting inangat ang kanyang ulo para magtama ang aming mga mata.
Malapit ang mukha namin sa isa’t-isa at kitang kita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Napalunok din s’ya tulad ng nangyari sa akin.
“Tom….”
ang tanging sambit ni Xander.
Walang salitang lumabas mula sa aming bibig. Pareho lamang kaming nakatingin sa isa’t-isa.
Anong ginagawa n’ya dito? Sa laki ng Maynila ay dito pa talaga kami magkikita! Pagkakataon ba ito o sadyang isang kamalasan nanaman?!
Walang pinagbago ang kanyang mukha kahit lumipas na ang dalawang taon. Ang makinis n’yang mukha, ang mapupungay n’yang mga mata na bagay sa kanyang makakapal na kilay, ang matangos n’yang ilong, at mapula n’yang labi. Sa dalawang taon naming hindi pagkikita ay kitang-kita at hindi maikakailang mas gumwapo s’ya ngayon.
Naisip kong ganito marahil ang epekto ng pinili n’yang buhay. Ganito ang naging kagustuhan n’ya kapalit ng paghihirap ko sa kanya noon.
Agad na bumalik ang lahat ang masasakit na ala-alang pinaranas n’ya sa akin noon. Lahat ng luhang ibinuhos ko at oras na sinayang ko. Nagbalik ang mga sandaling halos manlimos ako sa kanya at magmakaawa.
Binawi ko ang pagkakatulala ko sa kanya at mabilis na tumayo. Kinalma ko ang aking sarili at hindi nagpahalata sa pagkabigla ng muli naming pagkikita.
“Hey Xander! Ikaw pala! Kamusta? It’s been a long time.” normal kong wika sa kanya ng nakangisi pa.
Nakatayo na ako sa kanyang harapan habang s’ya ay nakatingalang nakatingin sa akin. Nanlalaki pa rin ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla.
“Xander? Are you okay? I think tapos na natin pulutin ’yung mga nahulog na papel. Pwede ka na sigurong tumayo?” muli kong wika sa kanyang nakangisi.
Doon lamang yata s’ya natauhan dahil mabilis n’yang ikinilos ang kanyang katawan at tumayo mula sa pagkakaluhod.
“A-ahm… S-sorry…” wika n’yang tila kinakabahan.
“No. Ako nga ang dapat mag-sorry. Hindi ko sinasadyang magkalat ang mga papel mong hawak. I’m sorry.” normal kong pagkakasabi.
Tumingin naman s’ya sa aking mga mata. Nakita ko nanaman ang maamo n’yang mga tingin. Ang mga tinging iyon na nakakapang-lambot ng aking mga tuhod noon. At ang mga tinging iyon na naging dahilan para ako ay masaktan.
Ginawa ko ang lahat para tapatan ang mga tingin n’yang iyon. Hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan sa kanya. Dahil kapag nagpadala nanaman ako, sa huli ay baka pagsisihan ko nanaman ito. Tapos na ang mga sandaling nadadala ako sa bawat pagtitig n’ya sa akin.
“Tom…. Kamusta ka na? Ang tagal nating hin—–” ang hindi n’ya na naituloy na sasabihin dahil pinutol ko na s’ya.
“Oh! Sorry Xander. I think I need to go. May importante pa kasi akong meeting. So paano? Maiwan na kita ha? Pasens’ya na ulit sa nangyari.” pagpapaalam ko sa kanya habang tinitingnan ko kunwari ang aking wrist watch.
Akmang tatalikod na sana ako upang ituloy ang aking paglalakad papunta sa conference room ay bigla naman s’yang nagsalita.
“Tom, wait up! P-pwede ba kitang makausap some other time?” ang tila nag-aalangan n’yang pag-anyaya.
Napangisi naman ako at dahan-dahang tiningnan s’ya sa mga mata.
“Para saan?” nakangisi kong tanong sa kanya.
“P-para sana kamustahin ka… To catch things up… Mga ganong bag––” ang putol n’ya nanamang wika.
“Xander, look. I’m in a hurry. And besides, I don’t think may mga bagay pa tayong dapat pag-usapan. Hindi naman tayo naging magkaibigan noong umalis ako dito ’di ba? May usapan ba tayong ganon?” wika kong nakangisi pa rin sa kanya.
“But Tom…” pagtutol n’ya sana na muli kong pinutol.
“Gusto mo akong kamustahin? Sorry, pero I don’t have time talaga para makapag-usap tayo. Kung gusto mong makibalita, try to ask your brother, Daniel. Kasi s’ya ang kasama ko for the past 2 years. At kahit ngayon, s’ya pa rin ang kasama ko. Pero kung ako mismo ang gusto mong makausap, sa tingin ko imposible ’yon.” seryoso kong wika sa kanya.
Hindi naman n’ya nagawang sumagot pa kaya nagpatuloy ako.
“So, if you’ll excuse me? I still have meeting to attend. Ayokong magsayang ng oras sa mga walang kwentang bagay.” dagdag kong wika pa sa kanya.
Nakita ko ang malungkot n’yang ekspresyon lalo na sa mga huli kong sinabi.
Tumalikod na ako sa kanya at sisimulan ko na rin sana ang maglakad ngunit may naalala akong isang bagay na gustong-gusto kong sabihin sa kanya. Muli ko s’yang nilingon at nagsalita.
“One more thing. Kung pwede sana ay ayoko nang makita ka. Kung makikita mo man ako sa malayo pa lang, please lang umiwas ka na. Dahil kung hindi mo gagawin ’yon, I’ll make sure na ako na ang magpapagawa ng sarili kong daan para lang makaiwas sa’yo.” wika ko sa kanya.
Hindi na nga s’ya nakapagsalita pa kaya agad na akong nagsimulang maglakad palayo sa kanya.
Wala akong pakialam kung nasaktan s’ya sa mga sinabi ko. Kulang pa ’yan sa mga naranasan ko noong magkasama pa kami. Pinagmukha n’ya akong tanga na habol ng habol sa kanya.
Kahit na malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa galit ay hinanda ko pa rin ang sarili ko para sa meeting sa papasukan kong trabaho.
Huminga muna ako ng malalim habang nasa tapat ng pinto ng conference room na iyon.
Kumatok ako sa pinto at ilang saglit pa ay binuksan ito ng isang babae na hindi pamilyar sa akin. Nilibot ko ang aking mata sa loob at nakita ko ang iba’t-ibang mukha ng tao ang naroroon.
“Good Morning!” bati ko sa kanila at nagpakawala ako ng magandang ngiti.
“Mr. Perez! Mabuti na lang at nandito ka na. Akala ko mauuna pa sa’yo ’yung General Manager! Come in, have a seat. Doon ka sa kaliwa ni Ms. Castro. Hintayin na lang natin ng General Manager para makilala n’ya na kayo at makilala n’yo na rin s’ya.” wika sa akin ng Assistant General Manager namin na si Ms. Domingo.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi n’yang iyon. Mabuti na lamang at wala pa ang General Manager.
Bata pa si Ms. Domingo at mukhang napakabait nito. Mas madalas nga na s’ya ang nagsasalita kaysa sa aming Deputy Assistant Manager na si Mr. Enriquez noong may interview ako sa kanila.
Agad naman akong sumunod sa kanyang sinabi at naupo sa tabi ni Ms. Castro, ang HR Manager ng hotel na ito.
“We meet again Mr. Perez!” masayang pagbati sa akin ni Ms. Castro nang makaupo na ako sa kanyang tabi.
Ngumiti naman ako sa kanya at sumagot sa kanyang pagbati. Isa s’ya sa mga na-meet ko noong kailangan kong asikasuhin ang mga documents ko para sa pagpasok ko dito.
“Tom na lang Ms. Castro. Masyadong formal kung tatawagin mo ako sa surname ko. It’s great we meet again.” wika ko sa kanya.
Mas lumapad ang kanyang pagkakangiti nang sabihin ko iyon.
“Really? Then call me by my name na rin, Olyn na lang.” wika n’ya sa akin.
Kahit hindi ko sabihin ay mapapansin kay Olyn ang pagiging masayahin nito. Tama lang sa kanya ang pagiging HR Manager dahil mukhang napakapositibo nitong tao. Hindi mahirap i-aproach at napaka-friendly.
“Fine, Olyn. Ok na ba ’yon?” tanong ko sa kanya at nginitian s’ya ng malapad.
Nakita kong namula naman ito at napapikit pa.
“Tom…” ang pigil na pigil n’yang pagtawag sa akin.
Parang gusto n’yang sumigaw sa hindi ko malamang dahilan. Napakunot tuloy ako ng noo dahil sa ikinilos n’yang iyon.
“Yes Olyn?” taka kong tanong sa kanya.
“Pwede bang sumigaw?” tanong n’ya sa akin.
Lalong napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Kung ganon tama nga ako, gusto n’ya ngang sumigaw.
“Bakit?” tanong ko sa kanyang nagtataka.
“Kinikilig ako! Kinikilig ako nung tinawag mo ako sa pangalan ko!” pigil na pigil pa rin s’ya sa kanyang pagsigaw.
Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig dahil muntik na akong matawa ng malakas. I can’t imagine na ganito ang sasabihin ni Olyn sa akin.
“Ano bang nakakakilig doon?” tanong ko sa kanya.
“Eeeeeehhh… ’Wag ka magulo! Patapusin mo muna ang kilig ko!” ang pasigaw n’yang bulong sa akin.
Gusto ko na talagang matawa ng malakas dahil sa kanyang mga sinasabi.
Maganda naman si Olyn at kahit nakaupo s’ya ay makikita mong maganda rin ang pangangatawan. Mukhang hindi rin nalalayo ang aming edad kung titingnan mo s’ya.
Pero bago pa s’ya magkaroon ng malalim na interes sa akin ay kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo. Isa sa mga natutunan ko sa loob ng dalawang taon ay maging open sa sexual preference ko. Doon kasi sa Amerika ay hindi problema ang pagkakaroon ng third sex at open ang lahat ng tao sa usaping iyon.
Alam kong iba dito sa Pilipinas. Pero isang paraan ang pagiging open sa lahat para malaman mo agad kung sino ang mga mananatili sa buhay mo sa kabila ng pagpapakatotoo mo.
“May pagka-baliw ka rin pala noh?! Ewan ko na lang kung kiligin ka pa ’pag nakilala mo na ako!” natatawa kong wika sa kanya ng pabulong.
Nagtaka naman s’ya sa sinabi kong iyon. Napatigil s’ya sa kanyang pagtawa at mariin akong tinitigan.
“What do you mean?” taka n’yang tanong.
Ngumiti muna ako sa kanya bago ko s’ya sagutin.
“Iba ako sa araw-araw na taong nae-encounter mo Olyn.” sagot ko sa kanyang nakangiti.
Napatakip naman s’ya ng dalawang kamay sa kanyang bibig.
“Don’t tell me, you’re some kind of a super hero…… like Superman? Batman? o baka naman si Spiderman?” ang tila namamangha n’yang tanong.
Mas lalo akong natawa sa kanyang mga sinabi. Ngunit kailangan kong kontrolin iyon dahil baka mapansin kami ng ilang managers na naririto sa conference room. Mabuti na lamang at abala rin sila sa kanilang mga pag-uusap.
“No, it’s not that. I’m bisexual, gay, or whatever na gusto mong itawag. Iyon ako.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Alam kong nabigla s’ya ngunit mas maganda na kung maaga kong masabi sa kanya. At least malalaman ko rin agad kung willing pa rin s’yang makipagkaibigan sa akin.
Nang makabawi sa kanyang pagkabigla ay saka lamang s’ya nakapagtanong sa akin. Mabuti na lamang at hindi pa nakakarating ang aming General Manager kaya malaya kaming nakakapag-kwentuhan ni Olyn.
“So wala ka pala sa mga binigay kong option na super heroes…. Si Darna pala ang kaharap ko….” mangha n’yang sambit.
Ewan ko ba, pero hindi ako nakaramdam ng pagkainis sa kanyang sinabi. Natawa pa nga ako dahil sa naging reaksyon n’ya.
“Ano? Kikiligin ka pa ba ngayong alam mo na? O kaya naman, kakaibiganin mo pa ba ako ngayong sinabi ko na sa’yo kung ano talaga ako?” nakangiti kong tanong sa kanya.
Bigla naman s’yang napasimangot sa aking naging tanong. Hindi n’ya yata iyon nagustuhan.
“Ang sakit mo naman magsalita Tom. Mukha ba akong ganong klase ng tao? Hindi naman porket ganyan ka, dapat iwasan na kita.” wika n’ya sa akin na medyo malungkot.
“No Olyn, it’s not that. Gusto ko lang maging totoo sa’yo at gusto ko rin kasing malaman agad kung matatanggap mo ba akong maging kaibigan mo. Kasi ako, magaan ang loob ko sa’yo. Gusto kitang kaibiganin.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakita kong sumilay ang kanyang magandang ngiti sa akin.
“To be honest Tom, may kapatid din akong kagaya mo. Mahal na mahal namin ’yun at s’ya ang nagpapasaya sa pamilya namin.” wika n’yang nakangiti sa akin.
Napangiti rin naman ako sa kanyang sinabi at nagpatuloy pa s’ya.
“It’s just that nanghihinayang lang ako dahil akala ko nakita ko na ang forever ko. Akala ko may donor na ako ng mga magiging supling ko. You know?” nakanguso n’ya nang wika ngayon.
Muli nanaman akong natawa sa kanya dahil sa sinabi n’yang iyon. Nakikita ko si Cha sa kanya, kaya alam ko sa simula pa lang ay makakasundo ko na s’ya.
“Marami pa naman d’yan Olyn. Kung gusto mo hanapan pa kita! May mga friends din ako sa Amerika, ipapakilala pa kita!” masaya kong wika sa kanya.
“Hay naku Tom! ’Di bale na lang! The last time na hinanapan ako ng jojowain ng Assistant ko, epic fail din! Mukhang hindi n’ya rin bet ang beauty ko! Sayang talaga! Ang gwapo pa naman ni Sir!” ang tila nanghihinayang n’yang sagot.
“Sir? Dito rin ba s’ya nagtatrabaho?” taka kong tanong sa kanya.
“Oo! Gosh! ’Yung General Manager natin! Naku! ’Pag nakita mo ’yon mamaya, malamang maglaway ka rin! He’s so hot and super gwapo pa Tom!” ang excited n’yang wika. Bigla naman nagbago ang kanyang ekspresyon bago nagpatuloy. “Kaso bali-balita dito na may hinihintay na tao ’yun eh! Iniwan daw ’yun ng pinakamamahal n’ya! And until now, umaasa pa rin s’yang babalikan s’ya! Naaawa nga ako sa kanya eh! Paano kung may jowa nang iba ’yung hinihintay n’ya ’di ba? Edi nganga s’ya?! Naghintay s’ya sa wala!” ang ngayon naman ay tila nanghihinayang ang kanyang ekspresyon.
Natawa naman ako sa kanya dahil sa haba ng sinabi n’ya.
“May pagka-chismosa ka rin pala Olyn noh?! Saan mo naman nakukuha ’yang mga balita na ’yan?” natatawa kong tanong sa kanya.
“Hay naku! Chismis ang lumalapit sa akin Tom! Kasalanan ko ba ’yun?!” balik n’ya naman sa akin.
“Oo na, sige na. O tapos? Ano pa ang chismis tungkol sa Boss natin?” tanong ko naman sa kanya.
Tumaas naman ang isa n’yang kilay sa aking tanong.
“So sino ngayon sa atin ang chismosa?” tanong n’ya sa akin.
“Eh sinimulan mo na ’di ba? Sulitin mo na!” natatawa ko pa ring wika sa kanya.
Ibinaba n’ya na ang kanyang kilay at tila naghahanda na sa mga susunod n’ya pang sasabihin. Inayos n’ya pa ang kanyang pag-upo na akala mo ay malaking rebelasyon ang kanyang ia-announce.
“Eto na nga! Sinabi sa akin ng Assistant ko na ’yung hinihintay n’yang tao ay hindi basta-basta! Talagang ’yun daw ang bumago sa kanya. Halos ikabaliw n’ya raw ’yun nung umalis! Nag-fly-lalu raw sa ibang bansa!” chismis n’ya pa.
“Fly-lalu?” taka kong tanong. Anong word ’yun?
“Fly-lalu! Lumipad sa ibang bansa!” sagot n’ya naman sa tanong ko.
“Aahhh…” tangi kong sambit habang tumatango-tango pa.
“Eto pa! Guess what? Hindi merlat ang nang-deadma sa kagwapuhan ni Sir!” sunod n’yang wika.
“Merlat?” taka ko nanamang tanong.
“Merlat! Girl! Babae! May keps! Gets mo?” sunod-sunod n’yang sagot sa tanong ko. Saan ba nakukuha ni Olyn ang mga salita n’ya?
“Okay. So… you mean…..” ang alangan kong pagtatanong na mabilis n’ya ring nasagot.
“Exactly! Boylet ang nang-iwan kay Sir! Naku! Laganap na talaga ang dugo n’yo friend! Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw marami na ang tatandang dalaga dahil sa inyo! Imagine? Lahat ng gwapo sa gwapo na rin napupunta? Aba! Magtira naman kayo kahit isa! Kahit si Sir na lang friend, ibigay n’yo na!” mahaba n’ya pang wika.
“Olyn naman! Baka mali na ’yang mga nakukuha n’yong balita! Mamaya makarating ’yan kay Sir, mapahamak pa kayo.” pag-aalala ko sa kanya.
“Ayun na nga ang maganda! Kailangan ng confirmation galing sa kanya! Kasi naman friend, hoping pa rin ako na mali ang chismis na ’yon at may chance pa na maakit ng alindog ko si Sir!” dire-diretso n’yang sagot.
Grabe talaga ang mga nakukuhang chismis ni Olyn. Kahit na napakalaki na ng hotel na ito ay nagagawa n’ya pang makakuha ng ganung balita sa mga matataas na tao dito.
Bago pa ako makapag-react sa kanyang mga sinabi ay biglang bumukas ang pinto ng conference room na iyon.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang kakapasok lang na lalaki.
‘Anong ginagawa n’ya dito?!’
pasigaw na tanong ko sa aking isip.
“Good Morning. Sorry to keep you waiting.” wika n’yang seryoso.
“Good Morning Sir Xander.” sabay-sabay na bati ng mga tao sa loob ng conference room.
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Kung pwede lang hilingin na lamunin na ako ng upuan ay ginawa ko na.
“Hoy Tom! Tumayo ka d’yan! Magbigay galang ka sa General Manager!” ang bulong na pasigaw sa akin ni Olyn.
Agad naman akong natauhan. Napansin kong ako na lang pala ang nakaupo nang mga oras na iyon. Lahat sila ay nakatayo nang batiin nila si Xander.
Unti-unti akong tumayo sa aking kinauupuan. Lahat sila ay nakatingin sa bawat pagkilos ko.
“Give manners Mr. Perez. Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin?” ang biglang wika ni Ms. Domingo.
‘Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin?’
’Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin? ’
’Hindi mo ba babatiin ang General Manager natin? ’
paulit-ulit na nagpe-play ’yan sa utak ko.
S’ya pala ang General Manager dito?! Paano nangyari ’yon?! Gusto kong sumigaw at magtanong kung papano nangyayari ito!
Dahan-dahan kong tiningnan si Xander na nakatayo lamang sa kabisera ng mesa ng conference room na iyon. Narito kami ni Olyn nakaupo sa dulong bahagi ng mesa. Seryoso ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
“G-good Morning… S-sir…” ang utal kong pagbati sa kanya.
Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. ’Yung ngiting sa akin n’ya lamang ibinibigay noong mga panahon na magkasama pa kami.
“Sh*t! Ang gwapo talaga! Para akong maiihi!” ang dinig kong mahinang sambit ni Olyn sa aking tabi.
“Good Morning.” nakangiting bati ni Sir Xander pabalik sa akin. “Please have a seat.” baling n’ya naman sa aming lahat.
Umupo naman kaming lahat ng naroroon maliban lamang kay Ms. Domingo at Xander. Hindi ko magawang maging komportable sa aking pag-upo sa mga oras na ito.
Putek! Ano bang naging kasalanan ko at napasok ako sa ganitong sitwasyon?! Ang ayaw ko nang makitang tao ay makakasama ko! At ang nakakainis sa lahat, boss ko nanaman s’ya!
“Everyone, I’d like to introduce to you our newest General Manager. He was personally chosen by the newest President and CEO of Diamond Llyx Hotel which is formerly Golden Crown Hotel. He was sent to supervise and manage everything here including us. As an entrepreneur and successful businessman with his two branches of restaurant, he was able to meet the expectation of our President and CEO. His restaurants were able to receive awards in different categories of Food and Beverage business all over the Philippines for four consecutive years. Let us all welcome, Mr. Alexander Alvarez. “ pagpapakilala ni Ms. Domingo kay Xander.
Nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon. Kahit mabigat ang aking mga kamay ay nagawa ko pa ring iangat ito at nakisama sa mga palakpakang ibinigay ng aking mga kasama.
“Thank you for that wonderful introduction Ms. Jinny Domingo. You may now have a seat.” paunang wika ni Xander.
Umupo naman si Ms. Domingo sa kanang bahagi ng uupuan ni Sir Xander sa kabisera. Matapos n’yon ay muling nagsalita si Xander.
“Again, sorry if it took half an hour bago ako makarating dito. It’s just that I went to HR Department to check things out including your profiles. Hindi naman siguro problema ’yon Ms. Castro right? ’Yung Assistant mo lang kasi ang nakausap ko doon.” wika ni Xander at tumingin kay Olyn.
“N-not at all Sir..” ang utal na sagot ni Olyn.
“Thank you.” sagot naman ni Xander.
Tumayo si Xander ng tuwid at nag-cross arms. Ako naman ay pinili na lamang na ibaling sa iba ng aking tingin. Hindi ko kayang tingnan s’ya ng matagal.
Nagpatuloy s’ya sa kanyang mga sinasabi.
“Also, gusto ko kasing makilala pa kayo. Gusto kong magkaroon tayo ng harmonious relationship dahil isa ’yon sa mga sikreto para masaya tayong nagtatrabaho dito. Mas magiging successful ang isang business kung ang mga nagtatrabaho dito ay magkakasundo. In other word, dapat ay may teamwork tayo for the success of company. The company’s success is our success as a team.” mahaba n’yang wika. “Do you agree?” sunod n’ya pang tanong sa amin.
“Yes Sir!” sagot naman nilang lahat maliban sa akin.
Saglit na natahimik ang lahat maging si Xander.
“Mukhang hindi yata agree si Mr. Perez sa sinabi ko. Ni hindi n’ya nagawang sumagot.” biglang pagsasalita ni Xander.
Unti-unti ko s’yang nilingon. Nakita ko na nasa akin nanaman ang atensyon ng lahat. Inayos ko ang sarili ko at hindi nagpahalatang kinakabahan.
“I’m sorry.. Yes, I agree with you SIR.” ang sagot ko at may diin pa sa salitang Sir.
“Very well then.” nakangiti n’ya namang sagot sa akin.
Nagsimula nanaman s’yang magsalita habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan. Hindi ko na maintindihan kung ano pa ang mga pinagsasabi n’ya dahil gulong-gulo na ang utak ko ng mga oras na ito. Iniisip kung paanong nangyari na naging General Manager s’ya sa malaking hotel na ito. May sarili na s’yang business pero nandito s’ya ngayon sa harapan ko at nakakasalamuha ko. Iniisip ko rin na hindi malayong makapag-usap kami dahil kailangan kong mag-report sa kanya dahil hawak ko ang F&B Department.
“So as you can see, may mga bagay talaga tayong dapat na alamin hindi lang sa mga hinahawakan nating department. Maging aware tayo sa lahat lalong-lalo na sa mga tauhan natin. Am I right Ms. Castro? Since you are the HR Manager, ikaw ang dapat na mas nakakaalam no’n.” ang wika ni Xander.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa aming pwesto ni Olyn. Nakayuko ito sa pagitan namin ni Olyn at tinatanong si Olyn. Napalingon naman ako sa kanya habang nakaharap s’ya kay Olyn. Isang ruler lang yata ang pagitan ng mukha ko sa ulo n’yang nakatalikod sa akin. Amoy na amoy ko ang paborito n’yang brand ng shampoo.
“Yes Sir. You are right.” dinig kong sagot ni Olyn.
Matapos iyon sagutin ni Olyn ay nagulat na lamang ako nang biglang lumingon si Xander sa aking gawi. Isang ruler nga lang ang pagitan namin.
Hindi agad ako nakagalaw at nagtama ang aming mga mata. Nakangiti lamang s’ya habang nakatingin sa akin. Alam kong bahagya akong napanganga sa ginawa n’yang iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal o kabilis kaming nagkatitigan bago ko iniwas ang aking tingin sa kanya. Ibinaling ko sa iba ang aking mga mata.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong umalis na s’ya sa pwestong iyon at nakita kong naglalakad na itong muli papunta sa harapan.
Ipinatong n’ya ang dalawa n’yang kamay sa mesa habang nakatayo pa rin. Ngumiti s’ya sa lahat bago nagsalita.
“So everyone, as the new General Manager of this hotel, I am looking forward to work with YOU all.” ang kanyang sinabi ngunit sa akin nakatutok ang kanyang mga mata. Nagawa n’ya pang idiin ang salitang ‘you’ na tila pinapahiwatig na ako lang ang makakatrabaho n’ya.
Blangko lamang ang binigay kong ekspresyon sa kanya. Pero sa loob-loob ko ay parang may mga nagwawala nang mga mababangis na hayop at ano mang oras ay maghahanap na ng makakagat.
Muling nagpalakpakan ang aking mga kasama matapos iyon sabihin ni Xander. Kahit mabigat pa rin ang aking mga kamay ay nakisabay na rin ako. Ayokong mahalata ng mga tao dito na may naging koneksyon kami ni Xander. Ayokong may makaalam ng nakaraan naming dalawa.
Pumunta si Ms. Domingo sa harapan at pormal kaming ipinakilala at sinabi ang aming mga hahawakang department. Sa aming harapan ay may projector din at doon ipinakita ang mga bahagi ng hotel. In-explain din ni Ms. Domingo ang mission and vission ng aming hotel. Maganda ang concept ng hotel na ito kaya hindi nakakapagtaka na marami ang guests na pinipili ito kahit pa may kamahalan ang lahat dito. Dahilan para maging successful ito.
Nalaman ko rin na iba ang dating may-ari ng hotel na ito at nai-turn over ito sa bagong President and CEO. Iniba rin ang pangalan nito mula sa Golden Crown na ngayon ay Diamond Llyx. Nakakapagtaka naman dahil hindi in-explain sa amin ang background ng bagong pangalan ng hotel. Maging ang pangalan ng President ay hindi sa amin sinabi. Nais daw nilang protektahan ang pangalang iyon dahil temporary lamang ang kanyang pagiging presidente. Ang tunay na magma-may-ari ng hotel na ito ay kasalukuyang pinag-aaralan pa ang pagpapatakbo nito.
Overall, lahat ay nagsisimula pa lamang dito at kabilang na kami roon. Maging ang mga empleyado noon ay pinalitan para na rin sa proteksyon ng kompanya. At ang goal namin, ang mas maging successful pa ang pagma-manage nito.
Habang nakikinig sa paliwanag ni Ms. Domingo sa harapan ay nakikita ko sa aking peripheral vission ang paminsan-minsang pagtitig sa akin ni Xander. Ginawa ko ang lahat para hindi s’ya tapunan ng tingin. Masisira ang concentration ko sa pakikinig kung sakaling magtama ang aming mga mata.
Natapos ang aming introduction at ngayon nga ay naghahanda naman kami para sa pagpunta sa bawat Department namin. Inilibot din kami sa iba’t-ibang bahagi ng hotel. Iilan lamang ang aming pinuntahan dahil hindi kakayanin ang buong araw para libutin iyon dahil sa napakalaki nito.
Sadyang napakaganda at elegante ng hotel na ito. Maganda ang interior at ang sabi pa sa amin ay pinalitan pa ang maraming bahagi nito. Nangunguna si Xander at si Ms. Domingo ganoon din si Mr. Enriquez na Deputy Assistant Manager sa paglalakad. Si Ms. Domingo at Mr. Enriquez ang nagsilbing tour guide namin.
Bawat madadaanan naming tao at empleyado ay napapahinto kapag kami ay nasasalubong. Minsan ay napapangiti pa sila at nagbubulungan. Alam kong dahil iyon kay Xander na mas nauunang maglakad sa aming lahat. Oo na at gwapo s’ya at matikas ang pangangatawan kaya hindi na nakakapagtaka ’yon. Pero alam ba nila kung gaano kasama ang ugali nito?
Sabay-sabay kaming nagpunta sa elevator. Ang Xander naman ay pinauna ang mga babaeng miyembro ng aming team papasok ng elevator.
Gusto kong magprotesta dahil noon ay sa mga malalapit na tao lamang sa kanya s’ya ganon. Wala ’yan pakialam dati sa ibang tao maliban sa akin. Ano ngayon ang palabas n’yang pagiging gentleman kuno?!
Dahil sa kakaisip ay napansin kong kami na lang palang dalawa ang naiiwan sa labas. Tiningnan ko s’ya kung ano ba ang susunod n’yang hakbang na gagawin.
“Go ahead Mr. Perez.” nakangiti n’yang wika sa akin at iminuwestra pa ang kanyang kamay papunta sa elevator para igaya ako papasok.
Nang lingunin ko ang aming mga kasama ay nakita kong nasa akin nanaman ang kanilang atensyon. Dahil nga sa ayaw kong may makahalata sa amin ay agad din akong pumasok sa elevator.
Pagkapasok ko sa elevator ay nakita ko namang sumunod din si Xander. Pero ang ulupong ay sa tabi ko pa talaga pumwesto. Gusto ko s’yang sigawan at sabihing may iba pang space ang elevator kaya kung pwede ay sa iba na lang s’ya pumwesto.
Hindi ko rin alam kung sinadya n’ya bang magdikit ang aming mga balikat at braso. Hindi naman siksikan sa loob ng elevator pero kung makadikit ay akala mo wala nang natitirang space. At sa pagdikit ng aming mga brasong iyon ay may kuryenteng gumapang sa aking katawan. Pero dahil sa ayaw ko ngang magpahalata ay hindi na lamang ako nag-react.
Nang magsara ang elevator ay sa harapan lamang ang aking tingin. Pero ang elevator palang iyon ay puro salamin kaya hindi ko naiwasang makita ang repleksyon naming lahat na sakay ng elevator na iyon.
Sa kaliwang bahagi ko ay si Mr. Enriquez na seryosong-seryoso ang ekpresyon. At sa kanang bahagi ko ay si Xander na titig na titig sa akin mula sa salamin. Ang mas nakakagulat pa sa kanyang ginawa ay kinagat n’ya ang kanyang ibabang labi kaya nanlaki ang aking mga mata.
Agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa para maibaling sa iba ang aking atensyon. Dahil sa tensyong nararamdaman ko ay tila ba bumagal ang oras. Natatagalan ako sa pagbukas ng elevator.
“Mr. Perez, are you okay?” ang biglang tanong sa akin ni Ms. Domingo.
Nasa tabi s’ya ni Xander at nag-uusap kami sa salamin sa aming harapan.
“Y-yes Ma’am.” utal kong sagot.
“Are you sure? Kasi you look tensed. Nanginginig ang kamay mo.” wika ni Ms. Domingo.
Tiningnan ko ang kamay ko na hawak ang aking cellphone. Totoo nga ang sinabi ni Ms. Domingo, nanginginig nga ito. Agad kong ibinaba ito at ibinulsa rin ang aking cellphone. Hindi ko na rin tinanggal mula sa aking bulsa ang aking kamay para hindi na nila makita iyon.
Pagtingin ko sa salaming nasa aming harapan ay nakatingin nanaman silang lahat sa akin. Nakita ko rin si Xander na natatawa sa aking tabi. Mabuti na lang at nagbukas na ang elevator na ubod ng bagal. Kapag tumagal nga ako dito ay ire-request kong palitan na itong elevator na ito!
Nakalabas kami ng elevator at tinungo ang cocktail lounge. Isa ito sa part ng hotel na pangungunahan kong i-manage. Ipinakilala rin kami sa mga staff na naroroon.
Ilang ikot pa ang ang aming ginawa at natapos rin ang mahabang araw na ito. Bukas naman ay nakatakda kaming kilalanin ang lahat ng staff sa bawat department namin.
Aaminin kong nakakapagod ang araw na ito. Hindi lang pisikal kundi maging ang utak ko ay pagod na pagod. Kung wala lang sanang Xander na nasa paligid ay alam kong makakayanan ko ang lahat.
Hanggang sa magpaalam na kami sa isa’t-isa ay hindi tumigil si Xander sa maya’t-mayang pagsulyap sa akin. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para iwasan s’ya. Hindi dapat ako magpaapekto sa presence n’ya.
Isang beses sa isang buwan lang naman kaming magkikita para sa reporting ko sa kanya kaya alam kong kakayanin ko s’yang makatrabaho.
Sumagi sa isip ko ang mag-resign na lamang dito ngunit ayaw kong mapahiya si Papa sa kanyang kaibigan na nag-recommend sa akin. Isa pa, nakapirma ako ng kontrata kaya alam kong magkakaproblema rin ako sakaling gawin ko iyon.
Kasalukuyan akong nasa lobby ng hotel at naglalakad na ako palabas upang umuwi na ng bahay nang makita kong papunta rin sa aking gawi si Xander. Ilang metro rin ang aming layo at nakita ko s’yang napahinto nang makita ako.
Ngunit sa kanyang likod ay nakita ko rin ang taong nakasama ko sa mga panahon na nahihirapan akong tanggapin ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon. Si Daniel na malawak ang pagkakangiti sa akin. Malayo ang kanilang pagitan at nakatalikod sa kanya si Xander.
Ang magandang ngiti sa akin ni Daniel ang nag-alis ng pagod na nararamdaman ko ngayon. Agad din akong nagbitaw ng magandang ngiti sa kanya.
Ngunit sa hindi ko alam na dahilan ay ngumiti rin si Xander sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin at dire-diretso akong naglakad. Hindi ko alintana kung madadaanan ko pa si Xander. Hindi n’ya pa rin inaalis ang kanyang magandang ngiti na ibinibigay sa akin habang papalapit ako sa kanyang pwesto.
Narating ko ang kinatatayuan ni Xander at hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa malampasan ko s’ya.
“Bae! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Daniel nang marating ko ang kanyang pwesto.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Daniel.
“Ano pa ba? Edi sinusundo ka. Halika na?” nakangiti n’yang sagot at pagyaya.
“Tara na, gutom na rin ako eh.” nakangiti ko ring balik sa kanya.
“Sige. Sa labas na lang tayo kumain Bae, okay lang ba?” tanong naman ni Daniel habang kinukuha ang aking sling bag na naglalaman ng laptop.
“Sure. Baka hindi ko na mahintay ang lulutuin mo sa sobrang gutom ko eh.” sagot ko naman sa kanya.
Hindi na s’ya muli pang sumagot kaya naglakad na rin kami palabas ng lobby ng hotel na iyon. Akbay ako ni Daniel habang palabas kami roon.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Ngunit nang malapit na kami ni Daniel sa pinto ng hotel ay awtomatiko akong napalingon sa kaninang kinatatayuan ni Xander.
Nakita kong hindi pala s’ya umalis sa pwestong pinaghintuan n’ya kanina at nanatiling nakatayo lamang doon. Nakatingin s’ya sa amin ni Daniel at nakita kong iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang kaninang nakangiti n’yang mukha ay puno na ng kalungkutan ngayon.
Sa halip na bigyan ko pa iyon ng pansin ay muli ko na lamang ibinalik ang aking tingin kay Daniel.
Masaya kaming nag-uusap sa mga pangyayari sa amin ngayong araw na ito. Lahat ng nangyari sa akin sa introduction at ang tour sa ilang bahagi ng hotel.
Ngunit hindi ko sinabi sa kanya ang mga bagay tungkol sa muling pagkikita namin ni Xander. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit nahihirapan akong sabihin iyon kay Daniel.
Hindi ko alam kung nagkita na ang magkapatid, ngunit wala talaga kong lakas ng loob tanungin iyon sa kanya.
Naisip kong sa ibang araw ko na lamang iyon sasabihin. Ipapaalam ko rin sa kanya na hindi naman magiging madalas ang aming pagkikita at wala akong balak na makipag-usap sa kanya ng matagal.
A/N
Sinubukan ko pong maging mas seryoso at maging full drama ito, kaso nahihirapan talaga ako.. Anyway, sana nagustuhan n’yo pa rin ang kinalabasan. Votes and comments please! Thanks guys!
––cold_deee
chapter 3 - margarita
A/N
Hi guys! Sorry kung almost a week eh wala akong update. May mga tinapos lang po ako, medyo naging busy.
Anyway, dedicated itong chapter na ito kay
opensoul
. Natutuwa talaga ako sa bawat comment na ginagawa n’ya. Thank you! Thanks sa pag-aabang sa bawat chapter..
Here’s chapter 3 guys! Enjoy reading!
––> si Xander po sa media.
TOM POV
Mabilis na lumipas ang araw at naging maayos naman ang simula ko bilang F&B Director sa Diamond Llyx Hotel.
Sa una ay nahirapan akong mag-adjust kahit pa nasa Pilipinas na ako nagtatrabaho. Pero mabuti na lamang at madali akong nakakasunod dahil na rin sa mas advance sa Amerika kung saan ako galing kaya naging madali na rin ang lahat habang tumatagal.
Sa loob din ng halos mag-iisang buwan ay masaya pa rin kami ni Daniel na nakatira sa nakuha naming condo. Itinigil n’ya muna ang paghahanap ngayon ng trabaho dahil mas gusto raw muna nitong sulitin ang pagbabakasyon sa ngayon.
Naiintindihan ko naman s’ya sa bagay na iyon dahil sa loob ng dalawang taon namin sa Amerika ay naging abala rin s’ya sa kanyang pagtatrabaho roon. Ang unang taon ko kasi roon ay ginugol ko sa pag-aaral habang s’ya ay nagtatrabaho. Sa pangalawang taon naman ay nagtrabaho na rin ako at s’ya naman ay pinagpatuloy pa rin ang pagtatrabaho roon.
Kahit nasa magkaiba kaming kompanya ay hindi naman s’ya nawalan sa akin ng oras para samahan ako. Nagdesisyon na rin noon sina Mama na sa bahay na lamang namin s’ya tumira kasama naming lahat para may makakausap din daw ako lagi. Mas naging malapit na rin s’ya sa aking pamilya na ikinatutuwa ko naman.
Kung si Daniel ay nagawa munang magpahinga ngayon, ako naman ay mas gusto kong hindi nababakante ang aking sarili. Subsob ako sa trabaho sa Amerika pa lamang, gusto ko ay lagi akong may ginagawa. Isa iyon sa mga naging paraan para makalimutan ko ang masalimuot na karanasan ko bago ako umalis dito sa Pilipinas.
Sa loob ng halos isang buwan kong pagtatrabaho dito sa hotel ay hindi na muli pang nagtagpo ang landas namin ni Xander. Noong introduction namin ang naging una at huli naming pagkikita na s’yang ipinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at wala rin akong balak alamin. Mas mabuti nga iyon dahil hindi ko mapigilan ang aking galit sa tuwing makikita ko ito.
Tuwing breaktime ko sa trabaho ay pinupuntahan ako ni Olyn dito sa aking office o kaya naman ay tatawagan ako nito. Sabay kaming nagla-lunch at kung minsan naman ay nagdi-dinner kami ng sabay.
Naging malapit na rin kami ni Olyn sa loob ng halos isang buwan naming pagtatrabaho dito. Kalog at masayahin ang babaeng iyon. Nalaman kong gay ang kanyang kapatid at isang college student. Sa kapatid n’ya rin nakukuha ang mga salitang kakaiba na hindi ko minsan maintindihan.
Hindi na rin ako nagpapasundo kay Daniel dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na naririto rin si Xander na nagtatrabaho at kasama ko sa iisang kumpanya. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Sa tuwing nagbabalak kasi akong sabihin sa kanya iyon ay nawawalan ako ng lakas ng loob lalo na kung nakikita ko ang masaya n’yang mukha sa tuwing kinakausap ako. Ayaw kong mabura ang mga ngiti n’yang iyon kaya pinili ko na lamang na ilihim sa kanya ang bagay na iyon. Darating din ang oras na masasabi ko rin iyon sa kanya, pero kailangan kong humanap ng magandang tiyempo.
Naputol ang mahaba kong pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa. Si Olyn ang tumatawag.
“Yes Olyn?” sagot ko sa tawag n’ya.
“Good afternoon din Tom!” sarkastiko n’ya namang pagsagot.
Natawa naman ako sa kanya.
“Sorry. Good afternoon Olyn. Anong atin?” tanong ko sa kanya na medyo natatawa pa.
“At nagtanong ka pa talaga? Hello?! It’s lunch already! Wala kang balak bumaba d’yan? Gusto pa talaga magpasundo? Chicks ka ba?” tanong n’ya sa akin.
This woman really never fails to amaze me. Halos araw-araw ay wala itong nagagawa kundi ang patawanin ako.
“Hindi ako chicks! Oo na, bababa na ako.” sagot ko sa kanyang natatawa.
“Okay, kita na lang tayo dito. Dito na lang tayo sa lobby magkita, h’wag na sa employees entrance dahil mas malapit dito ’yung restaurant na kakainan natin.” suhestyon ni Olyn.
“Okay. Kita na lang tayo d’yan.” sagot ko naman sa kanya at ibinaba na rin ang tawag.
Agad na nga akong nagligpit ng aking mga ginagawang report for this month. Bukas kasi ay ang aming monthly report at kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. Ito ang unang monthly reporting naming lahat kasama ang iba pang department head.
Inihanda ko na rin ang sarili ko sa muli naming pagkikita ni Xander. Sa kanya kasi kaming lahat magrereport. Dapat n’yang makita na hindi na ako ’yung dating Tom na kaya n’yang daanin sa mga mapangusap n’yang mga mata.
Dahil sa sakit na dinanas ko sa kanya ay naging matatag ako. Hindi na ako basta-basta nagpapadala sa mga matatamis na salita. Dapat n’yang malaman na matagal ko na s’yang binura sa sistema ko. Dapat n’ya ring maramdaman na kahit katiting ay wala na akong natitirang interes sa kanya.
Tinungo ko na si Olyn na naghihintay sa akin sa lobby. Nang abutan ko ito ay nakasimangot ito at matalim ang tingin n’yang ipinupukol sa akin.
“Ang tagal-tagal mo! Dinaig mo pa babae sa bagal kumilos!” ang salubong n’ya sa akin at agad na kinuha ang kanyang bag.
“Sorry naman. Niligpit ko pa kasi ’yung mga ginagawa kong report para bukas.” paghingi ko naman ng paumanhin sa kanya.
“Leshe! Halika na, bilisan natin at baka wala na tayong maupuan doon sa resraurant. Lagi pa naman full house ’yun kapag ganitong oras.” wika n’ya naman sa akin at agad ring naglakad.
Sinundan ko na lamang s’ya palabas ng hotel na iyon. Ilang sandaling paglalakad lang ay narating na namin ang resraurant na kanyang sinasabi. Nasa tapat lang pala ito ng hotel na pinapasukan namin.
Pagdating namin doon ay tama nga si Olyn, marami nga ang diners na naroon. Wala sa amin nakapag-assist na waiter o receptionist nang kami ay makapasok. Marahil ay dahil busy nga ang lahat ng staff ng restaurant na ito. Malaki ang restaurant at mukhang affordable naman ang pagkain dito.
“Pumasok na tayo Tom habang walang mag-a-assist sa atin. Baka paupuin pa tayo sa waiting area eh. Sayang ang oras natin. Hanap na lang tayo ng mauupuan agad.” wika ni Olyn at hinila na ako sa kamay.
Naglakad kami ni Olyn papasok para makahanap ng mauupuan. Nagpalinga-linga kami kung saan maaaring makaupo. Habang naglalakad ay may biglang tumawag sa aking pangalan.
“Tom?” pagtawag mula sa aking likuran.
Agad kaming napahinto ni Olyn sa paglalakad at nilingon ang taong tumawag sa akin. Nang lingunin ko ito ay laking gulat ko nang malaman kung sino ito.
“C-chef Randy?” gulat kong bigkas sa kanyang pangalan.
Simula nang makauwi kami ni Daniel ng Pilipinas ay hindi pa kami nito nagkikita. Maging sila Cha ay hindi ko na rin muli pang nakita dahil abala rin sila sa kani-kanilang trabaho.
“Tom! Kamusta ka na? Good to see you here!” wika nito at lumapit sa akin bago ako niyakap.
“Ayos lang Chef Randy. Ikaw? Kamusta ka na?” masayang bati ko rito pabalik.
Bumitaw muna s’ya sa aming pagkakayakap bago ako nito sinagot.
“Ayos lang naman. Ikaw nga ang dapat kong kamustahin. Dalawang taon din tayong hindi nagkita.” nakangiti nitong balik sa akin.
“Ayos lang naman ako Chef. D’yan ako nagtatrabaho ngayon. Almost one month na rin simula nung mag-start ako d’yan.” sagot ko naman sa kanya habang tinuturo ko ang hotel na pinapasukan ko.
“I know.” maikli nitong sambit ng nakangiti.
Hindi naman ako nakapagsalita nang sabihin n’ya iyon. Oo nga pala, best friend nga pala s’ya ni Xander kaya hindi malayong malaman n’yang d’yan ako nagtatrabaho.
Bago pa ako makapagsalita ay may sunod-sunod na pag-ubo na akong narinig mula sa aking tabi.
“Ubo! Ubo! Ubo!” ang pekeng pag-ubo naman ni Olyn.
Oo nga pala, kasama ko nga pala si Olyn. Mabuti na lamang at kasama ko ito dahil hindi ko rin alam kung ano ang pwede kong isunod na sasabihin kay Chef Randy.
“Oo nga pala! Chef Randy, si Olyn po.Ka-work ko po, but she’s in HR department.” pagpapakilala ko kay Olyn sa kanya. “ Olyn, si Chef Randy naman, s’ya ang Chef sa dati kong workplace dito bago ako umalis ng Pilipinas.“ pagpapakilala ko naman kay Chef Randy.
“Hi there!” bati ni Olyn sa kanya at inilahad ang kanyang kamay.
Wagas ang pagkakangiti ni Olyn kay Chef Randy. Nagpapa-cute nanaman ito at gusto ko nanamang matawa sa kanya. Kung alam n’ya lang!
“Hello! Nice to meet you Olyn.” bati naman ni Chef Randy at inabot ang kamay ni Olyn na nakalahad.
Nakatitig lamang si Olyn kay Chef Randy at hindi binibitawan ang kamay nito. Hindi rin n’ya tinatanggal ang wagas n’yang pagkakangiti kay Chef Randy. Nang tingnan ko naman si Chef Randy ay nakita kong nakangiwi na ito. Naiilang na sa ginagawang pagngiti at paghawak ni Olyn sa kanya.
“’Y-yung kamay ko..” ang nakangiwing wika ni Chef Randy kay Olyn.
“Bakit? Anong meron sa kamay mo bukod sa malambot at masarap hawakan?” ang malanding pagtatanong naman ni Olyn sa kanya.
Nakakatawa talaga si Olyn sa hitsura n’ya. Pero mas lalo akong natatawa sa reaksyon ni Chef Randy.
“N-nandidiri ako…” ang naibigkas ni Chef Randy.
Biglang nag-iba ang ekpresyon ni Olyn at tumaas ang kanyang kanang kilay dahil sa sinabi ni Chef Randy.
“Ha?” ang nakataas na kilay na pagtatanong ni Olyn ngunit hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Chef Randy.
“Naiilang ako sa pagtitig mo. Nandidiri ako sa paghawak mo. FYI lang Olyn, I’m gay. Wala akong interes sa babae kaya hindi tayo talo.” ang dire-diretsong wika ni Chef Randy kay Olyn.
Agad na binitiwan ni Olyn ang kamay ni Chef Randy bago nagsalita.
“Grabe! Ang hard mo naman! Hindi mo man lang ako dinahan-dahan!” pagmamaktol naman ni Olyn at nag-cross arms pa.
“Sorry Olyn. Mas maganda nang malaman mo ngayon pa lang.” ang natatawa nang wika ni Chef Randy.
Bago pa makapagsalita si Olyn ay bigla naman kaming nilapitan ng isang waiter na naroroon sa restaurant na iyon.
“Ahm.. Excuse me Ma’am, Sir? Sorry, but do you have reservation? Kasi kung wala po, you have to wait for your turn sa waiting area para makakuha ng table para sa inyo. Marami rin po kasi ang nakapila for their turn.” ang pagkausap sa amin ni Olyn ng waiter.
Ayun na nga, nahuli na kami ni Olyn. Eto kasing babaeng ’to, may pagkapasaway!
Kakausapin ko na sana ang waiter nang bigla naman sumabat si Chef Randy.
“They’re with me, don’t worry.” wika ni Chef Randy sa waiter.
Tumango-tango na lamang ang waiter at humingi ng pasensya sa amin ni Olyn.
“Sige na guys, umupo na kayo. Dito na kayo sa table na pina-reserve ko.” baling naman ni Chef Randy sa amin.
“Salamat Chef Randy. Sorry ha? Eto kasing babaeng ’to, ang lakas magyaya dito wala naman palang reservation!” wika ko na may paninisi kay Olyn.
“Palalampasin kita ngayon Tom ha? Pasalamat ka at gutom na ako!” sagot n’ya naman sa akin. “Salamat nga rin pala Chef Randy ha?” baling n’ya naman kay Chef Randy ng nakangiti.
“No worries. Umupo na tayo. Mabuti na rin pala at nag-back out ’yung dalawa kong kasama ngayon kaya may mauupuan kayo. ’Yung dalawa na lang ang hihintayin ko.” wika ni Chef Randy sa amin.
Umupo na nga kami ni Olyn sa couch na pinareserve n’ya. Sakto ang couch na ito para sa anim na tao. Nagtataka naman ako dahil tumabi si Chef Randy kay Olyn na nasa harap ko pumwesto. Ako naman ay pumwesto sa kaninang inuupuan ni Chef Randy. Nasa tapat ko na silang dalawa ngayon.
“Teka Chef Randy, may kasama ka pa? Sino? Kilala ko ba?” tanong ko kay Chef Randy nang maisip ko ang kanyang sinabi kanina.
Ngumiti naman s’ya sa akin bago s’ya sumagot sa aking sinabi.
“Mamaya na natin pag-usapan ’yan, malalaman mo rin naman. Um-order muna na tayo. Ako na lang din ang oorder sa kanila dahil tinext nila akong parating na rin sila.” wika n’ya sa aking nakangiti.
Hindi na lamang ako nagsalita pang muli kahit gusto ko pang magtanong. Tumingin na rin kasi si Chef Randy sa menu kaya ganoon na lang din ang ginawa ko.
Matapos kunin ng waiter ang aming order ay nagsimula na rin si Olyn sa kanyang interview kay Chef Randy.
“Grabe Chef Randy! Hindi obvious sa’yo ha? Ang gwapo mo naman kasi eh! Tapos lalaking-lalaki ang tindig mo! Naglaway talaga ako sa’yo kanina kaya hindi ko napigilan ang sarili ko! Parehas kayo nito ni Tom! Teka?! May boyfriend ka na ba?” sunod-sunod na pagsasalita ni Olyn.
Gwapo naman kasi talaga si Chef Randy at hindi mo mahahalata sa kanya ang pagiging gay kung hindi n’ya sa’yo iyon sasabihin.
Tumawa muna si Chef Randy bago n’ya nagawang sumagot.
“Call me Randy na lang. Nakakahiya naman na naririnig ng ibang tao rito na tinatawag mo akong Chef tapos dito ako kumakain. Baka isipin nila nag-eespiya ako sa restaurant nila.” wika n’ya kay Olyn. “Ikaw din Tom, start calling me by my first name please lang. Matagal na tayong magkakilala kaya dapat ay sa pangalan mo na lang ako tinatawag. And besides, hindi ka na sa amin ngayon nagtatrabaho. Magkaibigan naman tayo ’diba?” baling naman nito sa akin.
“Oo naman. Sige Randy.” sagot ko naman sa kanyang nakangiti.
Mukhang natuwa naman s’ya sa pagtawag ko sa kanyang pangalan dahil lumapad ang pagkakangiti nito.
Muli s’yang tumingin kay Olyn at nagsalitang muli.
“And about your question kung may boyfriend ako. Wala.” plain nitong sagot.
Nagtaka naman ako sa kanyang naging sagot kaya hindi ko napigilang mag-usisa.
“Wala? Akala ko ba kayo ni Rigo? Anong nagyari sa inyo?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Tiningnan n’ya ako sa mga mata bago n’ya ako nagawang sagutin. Ngunit kung noong una ay malapad ang kanyang pagkakangiti, ngayon ay nabawasan iyon. Napansin ko rin na naging malungkot ang kanyang mga mata.
“Wala namang kami ni Rigo, Tom. Wala naman kasi kaming naging relasyon.” nakangiti n’yang sagot sa akin ngunit malungkot ang tono nito.
“And who is this Rigo guy? Gwapo rin ba?” sabat naman ni Olyn.
“Oo, gwapo s’ya.” sagot ni Randy kay Olyn.
Noong sabihin iyon ni Randy ay napansin kong bumalik ang maganda nitong ngiti. Tila ba nakatatak na sa kanyang isip ang imahe ni Rigo. Ngunit may mga katanungan ako sa nangyari sa kanila. Ang buong akala ko kasi ay nagkakamabutihan na sila, pero bakit nasabi ni Randy na hindi naging sila?
Sa halip na tanungin ko iyon sa kanya ngayon ay pinili ko na lamang na manahimik. Naisip kong sa ibang pagkakataon ko na lamang iyon sa kanya itatanong.
Marami na akong hindi nalalaman sa mga kaibigan ko sa paglipas ng dalawang taon. Nagi-guilty ako kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon. Noong mga panahon kasi na nahihirapan ako ay naroon silang lahat para alalayan ako, pero sa loob ng dalawang taon ay hindi ko man lang sila nagawang kamustahin. Hindi ko naisip na may mga pinagdadaanan din sila sa paglipas ng buwan at taon.
“Randz! Sorry if we’re late.” ang biglang pagsasalita ng isang tao mula sa aking likuran.
Hindi ko nagawang lingunin ito dahil kilalang-kilala ko ang boses na ito. Hindi ko man lang naisip na s’ya ang kakatagpuin ni Randy sa lugar na ito.
“Xandz! Have a seat please. You too Lojie, join us here.” wika ni Randy na nasa aking harapan.
“Good afternoon po Sir Xander and Sir Enriquez.” ang tila nag-aalangang pagbati ni Olyn.
“Hi Ms. Castro. Never thought na makasama mo ang best friend ko na si Randy.” masiglang wika ni Xander kay Olyn.
“Ah.. eh.. Magkakilala po pala kasi sila ni Tom kaya nakilala ko na rin po s’ya ngayon lang.” sagot naman ni Olyn.
“Oh! Hi there Mr. Perez!” ang pagbati naman ni Xander sa akin.
Nilingon ko s’ya ngunit hindi ko s’ya nagawang batiin pabalik. Walang reaksyon ang aking mukhang tiningnan s’ya.
Si Xander na General Manager ng hotel na pinapasukan namin at si Mr. Lojie Enriquez na Deputy Assistant Manager namin, magkasamang pumunta dito para i-meet ni Randy.
Dahil sa hindi ako sumagot sa pagbati ni Xander sa akin ay nagsalita na agad si Randy. Marahil ay naramdaman n’ya ang awkwardness na namamagitan sa amin. S’ya lang ang nakakaalam sa aming nakaraan ni Xander dito sa table na ito. Walang alam si Olyn at si Mr. Lojie Enriquez tungkol dito.
“D’yan ka na sa tabi ni Tom, Xandz. Lojie, dito ka naman sa tabi namin ni Olyn.” utos ni Randy sa dalawa.
Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak nito ni Randy. Kahit hindi ko pa sa kanya naikekwento ang tungkol sa muling pagkikita namin ni Xander ay alam n’ya namang hindi kami in good terms nito.
“Randy naman! Pwede bang tabi na lang kami ni Alex?” ang biglang mungkahi ni Sir Lojie kay Randy.
Nagtaka naman ako sa inasta ni Sir Lojie. Alex? Could he be referring to Xander since his full name is Alexander? Saka bakit hindi Sir Xander o Sir Alvarez ang tawag n’ya kay Xander since s’ya ang General Manager namin? Close ba sila?
Nilingon ko si Olyn at nakita kong nagtataka rin ito sa ikinilos ni Sir Lojie. Kapag nasa trabaho kasi namin si Sir Lojie ay napakaseryoso nito at napakatahimik. Pero sa nakikita namin ngayon ay para itong nagmamaktol na bata.
“Lojie! Stop acting like a kid! Hindi ka na nagbago! Umupo ka na bago pa maubos ang pasensya ko. Dito ka sa tabi ni Olyn.” ang sermon naman ni Randy kay Sir Lojie.
So kakilala rin pala s’ya ni Randy? Bakit hindi ko nakilala noon si Sir Lojie noong magkakasama pa kami?
“Ahm.. wait lang po ha? Punta lang po ako ng powder room. Sir Lojie, dito ka na po sa tabi ni Randy since kayo naman po ang magkakilala.” pagsingit ni Olyn.
Tumango naman kaming lahat sa mesang iyon bilang pagsagot sa kanya. Agad din s’yang kumilos at tinungo ang powder room.
Wala naman nagawa si Sir Lojie kundi ang sundin ang inutos ni Randy. Nakalukot ang mukha nitong umupo sa tabi n’ya. Para talaga s’yang bata. Nakakapanibago s’ya.
Tiningnan ko si Xander na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. Nakita kong nakatingin lamang ito sa akin habang nakangiti.
Tinaasan ko s’ya ng isang kilay at gusto kong iparating sa aking tingin ang aking katanungang:
‘Problema mo? Anong nakakatuwa at nakangiti ka d’yan?’
“Pwedeng umupo Mr. Perez?” tanong nito sa akin ng nakangiti.
Doon ko lamang napansin na wala nga pala s’yang mauupuan kung hindi ako uusog dito sa couch. Nasa tabi ako ng glass wall ng restaurant at wala akong madadaanan maliban na lamang kung aalis si Xander sa kanyang upuan.
Agad akong kumilos at umusog para may maupuan s’ya.
Tae! Napahiya ako dahil sa sinabi n’ya.
“Salamat.” wika n’ya sa akin ngunit hindi ko nagawang tugunin.
Umupo s’ya sa aking tabi at eksakto namang dumating na rin ang aming order.
“Hintayin na lang natin si Olyn bago natin simulang kumain. Ayos lang ba?” tanong sa amin ni Randy.
“Sure.” sagot naman ni Xander sa aking tabi.
Ako naman ay tumango na lamang sa sinabi ni Randy, habang si Sir Lojie ay tahimik lamang.
Pinili ko na lamang ibaling ang aking mata sa labas ng restaurant upang iwasan na magsalubong ang tingin namin ni Xander. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig din sa akin si Randy na nasa aking harapan ngunit hindi ko s’ya nilingon.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Si Olyn pala ang nag-message sa akin.
’Tom, text mo ako ’pag dumating na ’yung food ha? Para kaharap ko sa table si Sir Xander! Grabeh! Kinikilig ako friend! Chance ko na ata ‘to!’
ang nilalaman ng kanyang text message.
’Baliw ka! Nandito na ang pagkain at ikaw na lang ang hinihintay ng lahat para makapagsimula na! ‘Wag kang pa-chicks!’
reply ko naman sa kanya.
Ilang segundo lang ay bumalik na si Olyn mula sa powder room. Umupo na rin s’ya sa tabi ni Sir Lojie at nakaharap na ito ngayon kay Xander. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit matamis na ngiti lang ang iginanti nito sa akin. Napansin ko rin na nag-retouch ito ng kanyang make up at ang pink n’yang lipstick kanina ay naging pula!
Lintek! Magpapa-cute nanaman ’tong babae na ’to kay Xander! Kung alam lang n’ya na naiirita si Xander sa mga babaeng makakapal ang make-up!
Ang pwesto namin ay nasa tapat namin sina Olyn, Sir Lojie at Randy. May espasyo sa pagitan namin ni Xander na katapat naman ngayon ni Olyn.
“C’mon! Let’s dig in!” masayang pagyaya ni Randy.
Wala na nga kaming nagawa kaya sinimulan na rin namin ang kumain.
Katahimikan ang bumalot sa aming lahat habang kumakain ngunit binasag iyon ni Sir Lojie na nasa aming harapan.
“Alex.. Pahingi n’yan. Gusto ko rin ’yan tikman.” wika n’ya kay Xander at tinuturo ng kanyang nguso ang Chicken Cordon Bleu na kinakain ni Xander.
Hindi naman nagsalita si Xander ngunit hiniwa n’ya sa kalahati ang kanyang pagkain at inilagay iyon sa plato ni Sir Lojie.
Kelan pa naging sunud-sunuran ang Xander na ’to? At ito namang si Sir Lojie, parang bata na akala mo ay dapat pang pagsilbihan.
Dahil sa katabi ni Sir Lojie si Randy ay nakita kong nakatitig ito sa akin. Napansin kong tumigil pala ako sa aking pagkain dahil nakuha ng atensyon ko ang ginagawang pagsisilbi ni Xander kay Sir Lojie. Agad kong binawi ang aking tingin kay Randy at ipinagpatuloy na lamang ang aking pagkain.
“Tom..” ang biglang pagtawag sa akin ni Olyn.
“Yes?” tanong ko naman sa kanya pabalik at nilingon s’ya.
“Gusto mo ba tikman ’tong inorder ko? Marami kasi ’to, baka hindi ko maubos.” wika n’ya sa akin.
Bago pa ako makasagot sa kanyang sinabi ay agad na sumingit si Xander.
“He don’t eat seafoods. May allergy s’ya d’yan.” wika ni Xander kay Olyn.
Nakita ko ang pagtataka ni Olyn sa sagot ni Xander.
“Ha? Paano n’yo po naman nalaman Sir Xander?” takang tanong ni Olyn.
At bago pa makasagot si Xander sa kanya ay maagap ko nang sinagot si Olyn.
“Naikwento ko kasi kanina Olyn nung nasa powder room ka. Nag-usap kasi kami tungkol sa mga inorder namin.” sagot ko kay Olyn.
Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Sir Lojie. Putek! Oo nga pala, nandito s’ya the whole time noong umalis si Olyn kanina. Alam kong nagtataka na ito dahil wala naman kaming napag-usapang ganon. Tsk! Bahala na nga!
“Aaahh… Okay…” tanging nasabi ni Olyn habang tumatango-tango pa.
Tiningnan ko si Randy at pinarating ko sa aking mga tingin na dapat ay walang makaalam na magkakilala kami ni Xander noon. Tumango-tango naman s’ya at mukhang nakuha n’ya ang ibig kong sabihin.
Ipinagpatuloy na lamang namin ang aming pagkain. Tahimik kaming muli sa aming table.
“Ang awkward naman po. Ang tahimik sa table natin.” ang biglang pagsasalita ni Olyn matapos n’yang uminom ng tubig.
Oo nga, totoo ang kanyang sinabi. Wala man lang kaming mapag-usapan kahit magkakatrabaho pa kami.
“Sorry Ms. Castro. Sige para may mapag-usapan naman tayo, may mga gusto ka bang itanong?” pagbubukas ni Xander ng topic.
“Ahm.. Sir Xander, curious lang po ako. Since magkaibigan si Randy at Tom, at best friend mo naman po si Randy, by any chance, magkakilala din po ba kayo ni Tom?” tanong ni Olyn.
Ang babaeng ’to talaga, hindi mapigilan ang sarili magtanong kapag curious na.
Sasagot na sana si Xander ngunit inunahan ko na ito.
“Hindi kami magkakilala ni Xander. Si Randy lang ang kilala ko. Hindi ko pa rin s’ya na-meet noong nagtatrabaho pa ako kay Randy.” wika ko kay Olyn.
Hindi na nakapagsalita pa si Xander ngunit nakita kong malungkot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Mukhang nabigla sa naging sagot ko.
“Xander? Tama ba ako sa narinig kong tinawag mo s’ya sa pangalan n’ya Tom? General Manager natin, pero tinawag mo lang sa pangalan n’ya?” tanong ni Olyn sa akin ng may pagtataka.
Nabigla ako sa kanyang tanong at hindi ko nagawang makasagot. Alam kong takang-taka na rin si Olyn dahil sa tuwing mapag-uusapan namin si Xander ay iniiba ko ang aming usapan.
“No. Baka nabingi ka lang Olyn. I heard him na in-address n’ya akong Sir Xander. Right Randz?” biglang wika ni Xander at humingi pa ng tulong kay Randy.
“Yeah. Narinig ko rin ’yun.” pagsang-ayon naman ni Randy.
Si Sir Lojie naman ay nakatingin lamang sa akin at blangko ang kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung anong nasa isip n’ya ngunit mabuti na rin na hindi s’ya nagsalita.
“Aahhh… Okay….” tanging nasabi ni Olyn bilang pagsang-ayon. Nakahinga na rin ako ng maluwag nang sabihin n’ya iyon.
Akala ko ay wala nang susunod pang sasabihin si Olyn ngunit mukhang uminom yata ’to ng limang bote ng Enervon dahil nagsisimula nanaman itong maging hyper.
“Eh Sir Xander, may gusto pa sana akong itanong sa’yo. Pero sana ’wag kayong magalit ha?” paghingi n’ya ng permiso kay Xander.
Kinakabahan ako sa mga susunod n’yang itatanong ngunit hindi ko pwedeng ipahalata iyon. Dapat ay normal lang ang ikikilos ko.
“Sure Ms. Castro. Ano ba ’yon?” nakangiting sagot naman ni Xander.
“Ahm… May naririnig kasi akong mga bulong-bulungan sa atin.. Ahm… Is it true na may hinihintay kang tao at umaasa kang magbabalik pa s’ya sa buhay mo? I mean, romantically ang ibig kong sabihin ha?” tanong ni Olyn sa kanya.
Sinasabi ko na nga ba! Walang magandang itatanong ’tong babaeng ’to! Parang lalabas na tuloy ngayon ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Napatingin ako kay Randy at alam kong nakikita n’ya ang pagkagulat sa aking mga tingin. Ngunit nang tingnan ko ito ay nakangiti lamang sa akin.
“Yep Ms. Castro, that’s true. Pero nagbalik na s’ya kaya sobrang saya ko.” sagot naman ni Xander sa kanya.
Napalunok ako sa naging sagot ni Xander. Ayaw kong maging assuming pero hindi ko mapigilang isipin na ako ang tinutukoy n’ya.
“Talaga po?! Tsk! Nabigo nanaman ako kasi akala ko may chance na ako sa inyo! Pero I’m happy for you Sir Xander. Masaya ako kasi masaya ka ngayon. Pero, nagkita na ba kayo?” follow up question ni Olyn.
Natawa naman si Xander sa kanyang sinabi ngunit ilang saglit lamang ay lumingon ito sa aking gawi ng nakangiti. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binaling ko ito sa labas ng restaurant.
“Oo, nagkita na kami.” tanging sagot ni Xander.
Alam kong nakaharap s’ya sa aking gawi nang sagutin n’ya iyon dahil ramdam ko ang boses n’ya na malapit sa akin.
Ang akala ko ay may susunod pang itatanong si Olyn ngunit boses na ni Sir Lojie ang narinig kong nagsalita. Sa labas kasi ng restaurant ako naka-focus ngayon.
“Talaga? Ganon mo ba ako na-miss Alex? Hinintay mo pa talaga ako? Hindi ko in-expect ’yun ah?” narinig kong masayang wika ni Sir Lojie.
Awtomatikong napalingon ako kay Sir Lojie at nakita kong malapad ang kanyang pagkakangiti. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang may tumusok sa aking dibdib nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.
Nakita ko ang pagkagulat kay Xander sa tanong ni Lojie ngunit hindi ko alam kung para saan ’yon. Ang tanging alam ko lang ay maging ako ay gulat na gulat. Gaano na ba sila katagal magkakilala?!
“Grabe! So totoo nga! Ikaw pala ’yun Sir Lojie?!” manghang wika naman ni Olyn.
“A-ahm..” tanging sambit ni Xander na hindi n’ya maituloy ang susunod n’yang sasabihin dahil si Sir Lojie ang muling nagsalita.
“Umalis kasi s’ya Ms. Castro. Magkasama na kami n’yan ni Alex since we were kids. Naiwan ako ng UK to pursue my study. And kelan lang ako nakabalik. We were really best buddies bago pa sila maging mag-best friends ni Randy.” mahaba n’yang paliwanag kay Olyn.
“Talaga? Kaya pala hindi Sir kung i-address mo si Sir Xander dahil sobrang close kayo! Now I know!” sagot naman ni Olyn sa kanya.
“And maniniwala ka ba Ms. Castro na si Alex ang nag-aasikaso sa akin noon? Since elementary, walang araw na hindi n’ya ako tinatanong kung kumain na ba ako. Kahit sarili n’yang baon binibigay n’ya sa akin kapag nalaman n’yang hindi ako kumain sa isang araw.” masaya n’yang pagkekwento kay Olyn. “Kaso natigil ’yun nung naiwan na ako ng UK. Na-miss ko lahat ng ginagawa n’yang ’yun.” dagdag n’ya pa.
Dapat ay hindi ako naaapektuhan sa mga naririnig ko kay Sir Lojie. Pero bakit parang ang bigat ng dibdib ko ngayon?
Hindi ito tama, dapat ay makisang-ayon ang utak ko sa akin. Sigurado akong wala na akong nararamdaman kay Xander. Nakalimutan ko na ang lahat ng nakaraan namin at tanging galit na lamang ang nararamdaman ko dito.
Patuloy pa rin si Sir Lojie sa pagkekwento kay Olyn sa mga karanasan nila ni Xander noon. Si Randy naman ay nakatingin lamang sa akin at si Xander ay nanatiling tahimik.
Biglang nag-ring ang aking telepono at nakita kong si Daniel ang tumatawag. Mabuti na lamang at tumawag s’ya dahil hindi ko alam kung paano ako makikisabay sa sitwasyon ngayon. Ayaw kong makita nilang apektado ako.
“Excuse me lang ha? Sasagutin ko lang ang tawag ko.” wika ko kay Randy.
“Go ahead Tom, kahit dito mo na lang sagutin. Hindi naman siguro business talk ’yan.” sagot naman ni Randy.
Tiningnan n’ya naman si Olyn at Sir Lojie na abala pa rin sa kwentuhan.
“Mamaya na ’yang kwentuhan n’yo. Tapusin n’yo muna ’yang pagkain n’yo. May oras pa naman.” pagputol naman ni Randy sa dalawa.
Agad naman nilang sinunod ang sinabi ni Randy. Nagpatuloy na rin si Randy at Xander sa kanilang pagkain kaya sinagot ko na rin ang tawag.
“Hello Bae?” sagot ko sa tawag ni Daniel.
“Hello Bae? Nasaan ka? Nag-lunch ka na ba?” tanong n’ya naman sa kabilang linya.
“Yep. Actually kumakain na ako ngayon. Ikaw ba? Baka nagpapagutom ka ha?” tanong ko naman sa kanya.
“Nope! Kumain na ako. Alam kong ayaw mong nagpapalipas ako ng gutom eh.” masaya n’ya namang sagot sa akin.
“Good. Patapos na rin naman ako kumain. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay. D’yan na lang ako magdi-dinner, sarapan mo luto ha?” wika ko sa kanyang nakangiti.
“Oo naman! Para sa mahal ko!” masaya n’ya namang sagot sa akin.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi.
“Mahal mo? Mahal mo mukha mo!” natatawa kong balik sa kanya.
Narinig ko rin ang kanyang pagtawa sa kabilang linya.
“Oo na, mahal ko na ang mukha kong gwapo. Sige, kita na lang tayo mamaya. I love you Bae!” wika n’ya sa akin.
Saglit akong natahimik dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano ko ito sasagutin.
“S-sige.. Thank you..” tangi kong naisagot.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Daniel ngunit maagap din s’yang nagsalita.
“Sige, mag-iingat ka pag-uwi. Kita na lang tayo later.” sagot n’ya sa akin.
Hindi na ako nakasagot pa dahil binaba na n’ya ang kabilang linya.
Binulsa kong muli ang aking cellphone at tatapusin ko na sana ang aking pagkain. Ngunit pagtingin ko sa mga kasama ko ay nakatingin silang lahat sa akin maliban kay Xander na nakayuko at hawak ang kanyang kubyertos habang nakatitig lamang sa kanyang pagkain.
“Si Daniel ba ’yon?” tanong sa akin ni Randy.
“Ahm.. Yes.” sagot ko naman sa kanya.
At sa unang pagkakataon ay bigla naman akong kinausap ni Sir Lojie.
“Daniel? If you don’t mind, kaano-ano mo s’ya Mr. Perez? Medyo iba kasi kayo mag-usap eh. Ahm.. Pareho ba kayo ni Randy? Uhm.. I mean.. you’re both… you know? “ medyo alangang tanong ni Sir Lojie sa akin.
“Yup. Bisexual ako.” sagot ko sa kanyang normal lang at nakangiti.
Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at hindi nagtagal ay napalitan ito at ngumiti ng malapad sa akin. Mas gwapo pala si Sir Lojie kapag nakangiti.
“Mukhang magkakasundo tayo Mr. Perez ah? Sa wakas may makakasama na rin ako sa trabaho na makakaintindi sa akin.” nakangiti n’yang wika sa akin.
“You mean?” alangan kong tanong sa kanya.
“Yup! Bisexual din ako.” nakangiti n’yang sagot sa akin.
Nasagot ang katanungan sa aking isip. Kaya pala ganito s’ya umasta sa harap ni Xander. Hindi normal na ganoon ang ikikilos n’ya kung straight s’ya. Masyado silang malapit ni Xander sa isa’t-isa.
“G-ganon ba?” tangi kong reaksyon sa naging sagot n’ya.
Tumango-tango naman si Sir Lojie habang nakangiti sa naging reaksyon ko.
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Tinapos na lamang namin ang natitira naming pagkain. Nabasag na lamang ’yon nang magsalita si Olyn.
“Ahm.. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa inyo, lalo na sa inyo Sir Xander. Kaso matatapos na ang lunch break namin ni Tom. Pwede po bang mauna na kami?” ang pagbasag ni Olyn sa katahimikan.
Tumingin ako sa aking wrist watch at nakita kong medyo mahaba pa naman ang oras.
“Sige na. Kukunin ko na lang ang contact number mo Tom. I’ll be celebrating my birthday next week, sana makapunta ka. I’ll text you the details.” ang wika naman ni Randy sa akin.
“Sure, pupunta kami ni Daniel.” sagot ko naman sa kanya.
Ibinigay ko ito kay Randy at nang magpapaalam na kami ni Olyn ay nagsalita naman si Sir Lojie.
“Mr. Perez, minsan sabay tayo mag-lunch ha? Si Alex kasi hindi ko nakakasabay eh. Okay lang ba?” nakangiting pagtatanong ni Sir Lojie.
“S-sige po Sir Lojie.. Wala pong problema, tawag lang kayo.” sagot ko naman sa kanya.
Bumaling ako sa aking kaliwa na inuupuan ni Xander. Hindi kasi ako makakalabas kung hindi tatayo si Xander sa kanyang pwesto. Sa kanan ko kasi ay glass window na ng restaurant.
“Excuse me Sir Xander. Aalis na po kami. Makikiraan lang po.” normal kong pakiusap sa kanya.
Tumingin naman s’ya sa akin ngunit iniwasan ko iyon. Tumayo s’ya sa kanyang upuan at nagbigay sa akin ng daan para makalabas. Agad akong kumilos at lumabas sa couch. Sa likod na n’ya ako ngayon nakapwesto at natatakpan n’ya ako. Nanatili s’yang nakatayo habang nasa likod n’ya ko. Hindi ko makita sina Randy at Rigo maging si Olyn dahil mas matangkad at mas malapad ang katawan sa akin ni Xander.
“Mauuna na po kami Sir Lojie at Sir Xander. Sa’yo din Randy, nice meeting you.” dinig kong pagpapaalam ni Olyn.
“Aalis na rin ako.” pagpapaalam ko kahit hindi nila ako nakikita.
Habang nasa likod ako ni Xander ay nagulat ako sa kanyang ginawa. Tumagilid s’ya ng bahagya at tumingin sa glass window sa kaninang pwesto ko.
Nahagilap n’ya ang aking kamay at hinawakan iyon na lubha kong ikinagulat.
Aaminin kong parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon ko na lang ulit iyon naramdaman.
“’Wag.. ’Wag ka na ulit aalis.” mahinang sambit ni Xander habang nakatingin pa rin sa labas ng restaurant.
Mahina lamang iyon ngunit sapat na para marinig ko. Nangilabot ako at naestatwa sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung patungkol ba iyon sa pag-alis ko ngayon dito sa restaurant o may iba pang kahulugan.
“Tom?” ang pagtawag ni Olyn sa akin.
Nagulat akong nasa tabi ko na s’ya at nakatingin sa kamay naming dalawa ni Xander.
Agad kong binawi ang aking kamay kay Xander.
“L-let’s go…” tangi kong sambit at mabilis na tumalikod at umalis sa lugar na iyon.
Alam kong nakasunod lamang sa akin si Olyn at alam kong maraming katanungan sa kanyang isip ngayon. Hindi kasi s’ya ang tipo na tahimik na tao kaya hindi normal sa kanya ang manahimik lamang.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Olyn. Nakalayo na rin naman kami sa restaurant kaya hindi na rin kami makikita nila Randy.
“May gusto ka bang itanong Olyn?” tanong ko sa kanya.
“Ah-eh… Pasensya ka na kung nagyaya na ako agad umalis dun ha? Napansin ko kasing may kakaiba sa inyo ni Sir Xander eh… Ahm… Talaga bang hindi kayo magkakilala ni Sir Xander, Tom?” nag-aalangan n’yang tanong habang nagkakamot pa ng ulo.
Hindi na ako nagulat sa kanyang tanong. Huminga muna ako ng malalim bago s’ya sinagot ng diretso.
“I’m sorry Olyn kung hindi ko agad sinabi sa’yo. Masyado na kasing matagal ang panahon na ’yon at isa ’yon sa mga bagay na gusto ko nang kalimutan. Pero dahil nandito na ’to at alam kong naguguluhan ka na rin, ikekwento ko na lang rin sa’yo.” paliwanag ko sa kanya.
Akala ko ay magagalit ito dahil naglihim ako. Pero nagulat ako sa kanyang naging reaksyon.
“Kelan?” ang atat n’yang tanong.
“Chismosa lang? Atat na atat lang?” balik ko sa kanya.
“Leshe! Sige na, kelan mo ikekwento?!” excited n’ya pa ring tanong.
“Next time na. Basta sa ngayon ang masasabi ko lang, hindi lang kami basta magkakilala. May naging nakaraan kami.” sagot ko sa kanya.
Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata nang sabihin ko iyon. Naibuka rin n’ya ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla. Alam kong madi-disappoint s’ya dahil malakas ang tama n’ya kay Xander. Pero ang hirap din kasi talagang itago ang totoo lalo na at magkakasama kami sa trabaho.
Agad akong tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad pabalik ng hotel. Iniwan ko s’yang hindi gumagalaw sa kinatatayuan.
“Sumunod ka na lang Olyn ’pag naka-recover ka na!” sigaw ko sa kanya nang hindi s’ya nililingon.
A/N
I dont know kung maganda ang update kong ito. Sana may mag-comment para ma-inspire o ma-challenge ako. Medyo nawawala na rin kasi ako sa wisyo.
Pero salamat pa rin sa mga patuloy na nagbabasa at nag-aabang ng update.
––cold_deee
chapter 4 - black russian
A/N
Hey guys! Excited ako sa chapter na ’to pati na rin sa susunod na chapter! Sana magustuhan n’yo po!
Paramdam naman po kayo mga readers thru votes and comments! Para po maide-dedicate ko ang mga susunod kong chapters sa inyo kung gusto n’yo.
This chapter is dedicated to
RonnieMendenilla
na sinermonan pa ako dahil busy daw ako sa pag-swimming nung company summer outing namin kaya hindi agad ko nakapag-update. Super thanks inaanak!
––> si Tom po sa media.
TOM POV
Makalipas ang isang linggo mula nang magkita kami nila Randy, Xander at Sir Lojie sa isang restaurant ay dumating na rin ang araw ng pagpunta namin ni Daniel sa gaganaping kaarawan ni Randy.
Ilang araw na rin ang nakakalipas nang maikwento ko kay Olyn ang nakaraan namin ni Xander. Inilahad ko ang lahat ng nangyari dalawang taon na rin ang nakakalipas. Wala kong itinira at lahat ay idinetalye ko. Gulat na gulat s’ya sa nalaman at nalungkot nang matapos kong ilahad sa kanya ang lahat.
Hindi ko makakalimutan ang mga salitang kanyang sinabi matapos ko iyon ikwento sa kanya.
“Alam mo Tom, sa tingin ko hindi pa nagtatapos doon ang kwento n’yo ni Sir Xander. Sana sinubukan mong hingiin ang paliwanag n’ya. Kasi hindi ka makakawala sa nakaraan hanggat hindi nasasagot ang katanungan kung bakit nangyari ’yon. Sana hiningian mo s’ya ng paliwanag. Sana inalam mo ang mga bagay sa likod ng pangyayaring ’yon.”
“Bago ka umalis dito sa Pilipinas, sinabi n’yang mahal na mahal ka pa rin n’ya at maghihintay s’ya sa’yo ’di ba? Nagawa n’ya pang magmakaawa sa’yo. Hindi n’ya gagawin ’yon kung sinadya o ginusto n’ya ’yon. At ngayong nagbalik ka na, marahil ito na ang pagkakataon n’ya para magpaliwanag sa’yo.”
“Sa tingin ko rin Tom kahit sabihin mong hindi mo na s’ya mahal ngayon, naroroon pa rin ang palaisipan kung bakit nangyari ’yon sa inyo.”
“Base sa kwento mo, lahat ng bagay na magpapasaya sa’yo ay ibinigay n’ya. At ’yung mga huling bagay na nagawa n’yang pagkakamali ay may mabigat na dahilan. Imposible kasing magbago s’ya ng ganon kabilis. Sobrang bilis naman ng pagbabago n’ya. Hindi ka ba nagtataka?”
“Kung natatakot ka, bakit hindi mo simulan sa pakikipagkaibigan sa kanya? Ibig kong sabihin, kung hindi mo pa kayang makipagkaibigan sa kanya, why not try na itrato mo s’ya bilang kakilala o bilang katrabaho? ’Yung tipong normal lang ang lahat sa pagitan n’yo. Baka sakaling makatulong din ’yun para mapagaan ang pakiramdam n’yo pareho. Besides, magkakasama tayo sa trabaho. Kahit anong iwas mo, magsasalubong pa rin ang landas n’yo.”
mga naging payo ni Olyn sa akin.
Gulong-gulo ang isip ko matapos naming makapag-usap ni Olyn. Nagtatalo ang isip ko kung iyon ba ang tama kong gawin. Pero para saan pa at aalamin ko pa ang mga dahilang iyon ni Xander? Dalawang taon na ang nakakaraan at may kanya-kanya na kaming mga buhay. Masaya na rin ako sa buhay ko ngayon kasama si Daniel.
Tama, nariyan si Daniel na laging nakaalalay sa akin. Si Daniel na hindi ako iniwan noong mga panahon na halos hindi ko kayanin ang lahat.
Naputol ang aking mahabang pag-iisip nang mapansin kong kumukulo na ang aking niluluto. Narito kasi ako sa aming kitchen ni Daniel. Wala akong pasok ngayon dahil nga sa pupunta kami ni Daniel sa birthday celebration ni Randy.
Matapos kong patayin ang stove ay tinikman ko ang niluto kong kaldereta na paborito ni Daniel. Napangiti ako nang malasahan ito dahil sigurado akong matutuwa si Daniel.
“Bae?!” ang biglang pagtawag ni Daniel.
Kakapasok n’ya lang ng unit namin dahil may binili s’ya sa labas.
“Bae! Nandito ako sa kitchen!” sigaw ko sa kanya.
Ilang sandali pa lamang ay pumunta na ito sa kinaroroonan ko. Niyakap n’ya ako sa aking bewang at ginawaran ng halik sa pisngi.
“Kelangan talaga Bae may pagyakap?” tanong ko sa kanyang nagbibiro.
“Wala lang, para malaman ko lang kung ano ang feeling na may naghihintay sa akin na asawa.” balik n’ya namang nakanguso.
Natawa ako sa inakto n’yang iyon. Bumitaw na rin s’ya sa pagkakayakap sa aking bewang matapos n’yang sabihin iyon. Nagsandok ako mula sa aking niluto gamit ang kutsarang ginamit ko kanina.
“Bae, tikman mo ’tong niluto ko.” wika ko sa kanya habang nakaabang na ang spoon na may pagkain na ipapatikim ko sa kanya.
“Ayoko Bae! Baka kagaya nanaman ’yan ng ginawa mo last time! Baka may sili nanaman ’yan sa loob!” nagtatampo n’yang sambit.
Natawa ako sa naging reaksyon n’ya. Ginawa ko kasi sa kanya ’yun minsan at tawang-tawa ako sa kanya noon.
“Hindi na! Promise!” wika kong natatawa.
“Kapag bored ka talaga, ako ang nakikita mo noh?!” inis n’ya pang sambit.
“Hahahaha! Ang cute mo kasi Bae!” natatawa kong balik sa kanya.
“Cute?! Natutuwa ka kapag nakikita mo akong natataranta sa kakahanap ng tubig dahil sa sobrang anghang ng pinapakain mo sa’kin?!” naiinis n’yang sambit.
“Sige na naman Bae! Eto na oh? Bahala ka, paborito mo pa naman ’to.” pagkumbinsi ko sa kanya.
Hindi ko pa rin binababa ang spoon at nakaabang pa rin sa kanyang bibig. Saglit n’ya akong tiningnan na tila ba sinusuri kung may kalokohan nanaman akong gagawin. Grabe! Gusto kong matawa sa kanya pero kailangan kong pigilin dahil baka hindi n’ya nga ito tikman.
Nang makasigurado na yata s’ya ay unti-unti na rin s’yang lumapit. Kahit nakikita ko ang pag-aalinlangan sa kanya ay nagawa n’ya pa rin isubo ang spoon na inangat ko. Saglit n’yang nilasahan ang aking niluto.
“Bae, ang sarap!” mangha n’yang wika matapos tikman iyon.
“Talaga?” tanong ko sa kanya.
“Mmmm.. Promise! Kuhang-kuha mo ’yung gusto kong luto!” sagot n’ya naman sa akin.
“Mabuti naman at nagustuhan mo. Wala kasi kong magawa nung umalis ka eh, kaya nagluto na lang ako ng paborito mo.” nakangiti kong wika sa kanya.
Ngumiti naman s’ya at unti-unting lumapit sa akin. Hinawakan n’ya ako sa aking bewang at nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
“Thanks Bae. Ang swerte ko talaga at nandito ka sa buhay ko. Pakiramdam ko nagiging special ako.” nakangiti n’yang sambit.
Kapag ganito si Daniel ay hindi ko maiwasang makonsensya. Nalulungkot ako. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kanya kahit wala kaming relasyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkita na kami ni Xander at minsan ay nakakapag-usap.
Gaya na lamang noong isang linggo, noong monthly reporting namin. Normal naman ang nangyari ngunit hindi nakaligtas sa akin ang mga pagtitig sa akin ni Xander. Pinilit kong hindi s’ya tapunan ng tingin para makapag-concentrate ako. Noong s’ya naman ang nagsasalita sa meeting ay sa laptop ko naman ako naka-focus. Ayaw ko s’yang makita dahil nag-iiba ang timpla ko.
Dahil sa pagkakonsensyang nararamdaman ko kay Daniel ay bigla ko na lamang s’yang niyakap ng mahigpit. Ginantihan n’ya rin iyon pabalik.
“Hey.. what’s wrong?” alala n’yang tanong sa akin habang yakap ako.
“Bae…. I’m sorry…” wika ko sa kanyang malungkot ang tono.
“Mmmm… for what? May naging kasalanan ka ba?” tanong n’ya ngunit sa mahinahon na tono.
“Bae…. n-nagkita na kami..” alangan kong paumpisa.
“And then?” sunod n’yang tanong.
Mukhang hindi na nasorpresa si Daniel sa aking sinabi kaya nagpatuloy na lamang ako.
“I’m sorry kung hindi ko nasabi sa’yo. Boss ko s’ya sa hotel na pinapasukan ko. General Manager s’ya doon. I’m sorry… Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa’yo. I’m so sorry Bae…” mahaba kong paliwanag sa kanya.
Saglit s’yang tumahimik nang sabihin ko iyon. Magkayakap pa rin kami at ilang segundo lang ay nagsalita s’ya.
“I know..” tangi n’yang sambit na ikinagulat ko.
Bibitaw sana ako sa kanya dahil sa labis na pagkabigla. Tatanungin ko sana s’ya kung paano n’ya nalaman. Ngunit mas hinigpitan n’ya ang kanyang pagkakayakap sa akin.
“I just want to know kung anong naramdaman mo ngayong nagkita kayo?” tanong n’ya sa akin.
Saglit akong napaisip sa kanyang tanong. Ilang segundo rin iyon at nang maalala ko kung ano ang mga nangyari sa pagitan namin ni Xander ay nakumpirma ko kung anong naramdaman ko noong nakita ko ito.
“Ang alam ko lang, galit ang naramdaman ko. Sorry Bae, alam kong kapatid mo s’ya. Pero hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ’yon sa kanya.” paliwanag ko sa kanya.
Paulit-ulit n’yang hinagod ang aking likod bago s’ya nagsalita.
“Naiintindihan ko. Alam kong naging mahirap ang lahat sa’yo. Kaya nga ikaw ang pinili kong samahan ’di ba?” sagot n’ya sa akin.
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Napakaswerte ko at may dumating na Daniel sa buhay ko.
“Salamat Bae..” wika ko sa kanya.
“Basta ikaw..” sagot n’ya naman at hinalikan ako sa ulo.
Nagbitaw kami sa pagkakayakap at nagtagpo ang aming mga mata. Nakahawak kami sa bewang ng isa’t-isa. Nakikita ko ang saya sa kanyang mga mata at alam kong nakikita n’ya rin iyon sa akin.
Nagbago ang ekpresyon ko nang maalala ko ang gusto kong itanong sa kanya.
“Teka Bae, paano mo nga pala nalaman na nagkita na kami?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman s’ya sa akin bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Naalala mo ba noong sinundo kita sa hotel? Nagkita kami nun ni Kuya at nagkausap na rin. Sinabi n’yang doon din s’ya nagtatrabaho. Ang sabi n’ya, kinuha s’yang General Manager doon pansamantala dahil napakiusapan lang s’ya. Temporary lang s’ya doon, pero hindi n’ya nasabi kung gaano s’ya katagal magtatrabaho bilang General Manager doon. Alam n’yang dumating na ako dahil nagkita na nga raw kayo. Hindi ko na nasabi sa’yo dahil alam kong ayaw mo rin s’yang napag-uusapan. At isa pa, gusto kong sa’yo rin mismo manggaling ang balitang nagkita na kayo.” paliwanag n’ya sa akin.
“Eh bakit hinintay mo pa na ako ang magsabi sa’yo? Pwede namang ikaw na lang ang nagsabi?” tanong ko sa kanya.
“Gusto ko kasing makita kung talagang naka-move on ka na talaga sa kanya. Alam kong mali ang ginawa ko. Pero naisip ko kasing makakatulong din ’yon sa’yo. Sa paraang iyon, masasabi mo na rin sa sarili mong naka-get over ka na sa kanya. And now, I’m happy na malaman na talagang wala ka nang nararamdaman para sa kanya.” sagot n’ya sa akin.
“Matagal na Bae. Matagal na akong naka-recover sa kanya.” wika kong nakangiti sa kanya.
Mas lumapad ang pagkakangiti n’ya sa akin at bigla na lang n’ya akong hinalikan sa ilong.
“Ang drama na natin. Tama na nga ’to! Maghanda na tayo para sa pagpunta sa birthday ni Randy.” wika n’ya sa akin.
Natawa ako sa kanyang sinabi.
“Oo na! Sige na, mauna ka na sa CR. Itatabi ko na lang muna itong niluto ko. Bukas na lang natin kainin ’to. Ilalagay ko na lang sa ref.” wika ko naman sa kanya.
Tumango-tango naman s’ya sa aking sinabi at agad din na naglakad papunta sa aming kwarto.
Matapos namin makapaghanda ni Daniel ay nagbyahe na rin kami papunta sa condo ni Randy. Sakay kami ng dating motor ni Daniel. Pinatago n’ya pala ito kay Jurnie noong umalis kami papuntang Amerika. Hindi n’ya raw magawang ibenta iyon dahil malaki ang sentimental value nito sa kanya. Marami raw kasi kaming ala-ala sa motor n’yang iyon kaya hindi n’ya mabitawan.
Narating namin ang condo building ni Randy at nagulat kami nang makarating kami ni Daniel sa rooftop ng building kung saan doon n’ya napiling ganapin ang celebration. May pool sa bahaging iyon at maganda ito sa gabi dahil sa mga ilaw sa paligid nito. Bumungad sa amin ang aming mga kaibigan at dating mga katrabaho. Grabe! Na-miss ko sila!
“Bessy! Daniel! Hello there!” si Cha na yumakap sa akin at nagbeso kay Daniel.
“Hi Tom! Hi Daniel!” bati naman ni Dee at ganoon din ang ginawa.
“Yo!” ang tanging bati ni Ben ngunit agad ting ibinalik ang atensyon sa kanyang cellphone. Hindi talaga ako makapaniwala sa naging pagbabago nito.
“Hey there! How are you Tom?” bati ni Ma’am Shai at nagbeso rin sa amin ni Daniel.
“Daniel! Tom! Na-miss namin kayo!” wika ni Eunice at niyakap pa kami.
“Ako rin! Na-miss ko kayo!” wika ko naman sa kanilang masaya.
Parang reunion lang ang nangyayari ngayon. Sobrang saya ko at nakita ko silang muli.
Narito rin sina Dominic na nakabuntot lagi kay Dee at Rigo na tahimik lang ngayon.
Masaya rin ang naging pagsalubong sa akin ng mga katrabaho ko dati na sina Jurnie, Lizzy, Kuya Vher at ng iba pa.
“Tom! Mabuti naman at nakarating kayo ni Daniel.” masayang bati sa amin ni Randy.
“Pwede ba namang hindi kami pumunta? Happy Birthday nga pala Randy.” wika ko naman sa kanya.
Binati rin s’ya ni Daniel at nagpasalamat s’ya sa amin. Ibinigay rin namin sa kanya ang aming regalo at tuwang-tuwa ito nang makitang wrist watch ang nilalaman nito. Sabi kasi ni Daniel ay may collection daw ito ng wrist watch kaya ’yon ang naisip naming iregalo.
Marami ang handa ni Randy dahil nagpa-cater pa ito. Mukhang mapapasubo rin kami sa inuman ngayong gabi dahil bumabaha ng alak.
Nagsimula ang masayang gabi at puro kwentuhan at kasiyahan ang bumabalot sa aming lahat. Kamustahan at kulitan. Napakasaya ng lahat.
Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon ay napansin kong hindi pa nag-uusap sina Randy at Rigo, tila ba nag-iiwasan sila.
Nilapitan ko si Randy noong natyempuhan ko itong nag-iisa sa gilid ng building na iyon. May mataas na salamin namang harang doon kaya hindi delikado. Nakatanaw s’ya sa baba at pinapanood ang mga sasakyang dumadaan habang nakahawak ng kanyang iniinom na alak.
“Hey! Birthday na birthday mo parang nagse-senti ka naman.” bati ko sa kanya habang hawak rin ang iniinom kong alak.
Malayo kami sa karamihan na abala pa rin sa pagkukulitan.
Hinarap ako ni Randy ng may pilit na mga ngiti. Inangat n’ya ang kanyang baso na may alak senyales na ipagpatuloy namin ang inuman. Ganoon nga ang ginawa ko at nakipag-toss ako sa kanya ng baso.
“Care to tell me what’s bothering you?” tanong ko sa kanya.
Nakaharap kaming pareho sa nakaharang na salamin doon. Tanging mga ilaw ng building na nakapalibot sa condo building na iyon ang makikita mo. Maganda itong tingnan ngayong gabi.
“Tom, paano mo ba malalaman kung s’ya na ang para sa’yo? At paano mo malalaman kung handa ka na para ipaglaban ang nararamdaman mo?” ang biglang pagtatanong n’ya sa akin.
Nangunot naman ang aking noo sa kanyang tanong.
“Wow! ’Pag nasagot ko ba ’yang tanong mo, may 1 million pesos akong premyo? Parang ang hirap naman n’yan sagutin Randy.” wika ko naman sa kanya ng may pagbibiro.
Bumuntong hininga naman s’ya at uminom muli ng alak mula sa kanyang baso.
“Nalilito na rin kasi ako. Nagmahal na ako pero hindi ’yon nasuklian. Alam mo naman ’yon ’di ba?” tanong n’ya sa akin.
Tumango-tango naman ako. Alam kong si Xander ang tinutukoy n’ya na minahal n’ya noon. Mukhang seryoso nga si Randy ngayon kaya kailangan ko s’yang pakinggan. Muli n’yang ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi.
“Simula nang mabigo ako, hindi na ako naniwala na may seseryoso pa sa mga kagaya natin. Sinubukan kong kalimutan ang unang pagmamahal ko sa pamamagitan ng isang relasyon na walang commitment.” wika n’ya.
Nagtaka akong muli sa sinabi n’ya. Relasyon na walang commitment? Meron ba nun?
“Hindi kita maintindihan Randy. Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.
“Nagkaroon ako ng partner but we do not consider ourselves that we’re dating nor boyfriends. We had a deal na whenever I need him and whenever he needs me, tatawagan lang namin ang isa’t-isa. Pareho naman kaming masaya ’pag kasama ang isa’t-isa. Kung ano ang normal na ginagawa ng mag-boyfriends, ginagawa namin ’yun. Kaso, hanggang doon lang ’yon. Wala kaming commitment at hindi pwede.” mahaba n’yang paliwanag.
Halos hindi ako makapagsalita sa mga rebelasyon ni Randy ngayon. Kalungkutan ang tangi kong nakikita sa kanyang mga mata habang nagkekwento.
“Si Rigo ba ’yang tinutukoy mo?” tanong ko sa kanya.
Nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. Agad n’ya itong pinunasan ngunit nagpatuloy naman ang pagpatak nito. Mabuti na lamang at nakatalikod kami sa aming mga kasama. Hindi n’ya kinumpirma ang tanong ko ngunit ang mga luha n’ya ang naging sagot sa tanong ko.
“Hindi kasi pwede dahil natatakot ako. Alam mo Tom kung gaano kasakit ang maiwan. Alam natin ang pakiramdam ng masaktan. Sa nangyari sa inyo ni Xander, mas lalo kong napatunayan na hindi dapat ipagpatuloy ang ganitong klase ng relasyon. Lalo na at hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko.” wika n’ya habang patuloy na umiiyak.
Lalo akong hindi nakapagsalita sa mga sinabi ni Randy. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa nangyayari sa kanya ngayon. Kahit hindi naging maganda ang naging simula namin ni Randy noon, nakita ko naman na mabuti s’yang tao. Nagpatuloy pa s’yang muli sa kanyang mga sinasabi.
“Kaya nga pinili kong maging magkaibigan na lang kami. Mas makakabuti ’yon. Mas makakapag-usap kami ng maayos kung magkaibigan na lang kami. Pareho kaming matatahimik at may kalayaan na kaming piliin ang buhay na nararapat sa isa’t-isa. Nagdesisyon akong maging magkaibigan na lang kami. Pero bakit hindi ako masaya? Tuwing nakikita ko s’ya, gusto ko s’yang yakapin. Gusto kong ibalik ang dati naming samahan. Litong-lito na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.” pagpapatuloy n’ya.
Nagpatuloy s’yang muli dahil hindi ako makasagot sa mga sinabi n’ya.
“Pero dahil nandito na ’to, kailangan ko na lang tanggapin paunti-unti. Sanay naman akong mag-isa, na walang pamilyang masasandalan. Kaya kung makakahanap s’ya ng taong nararapat sa kanya, mas mapapanatag ako.” dugtong n’ya pa.
Huminga ako ng malalim bago ko s’ya inakbayan.
“Kung nasasaktan ka, bakit hindi mo sa kanya sabihin ang nararamdaman mo? Natanong mo ba s’ya kung anong nararamdaman n’ya? Paano kung kagaya mo rin s’ya na nasasaktan? Sa tingin mo ba masaya rin s’ya sa naging desisyon mo?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam. Pero ang alam ko lang, ’yon ang nararapat. Darating din ang oras na magkakahiwalay kami at pareho lang kaming masasaktan ’pag dumating ang oras na ’yon.” sagot n’ya sa akin.
“Tsk! At kelan ka pa naging myembro ng samahan ng mga taong hindi naniniwala sa forever Randy?” pagbibiro ko sa kanya.
Nakita ko itong ngumiti sa aking tanong. Pinunasan n’ya rin ang kanyang mga luha.
Gusto kong pagaanin ang loob n’ya. Mahalagang araw ito sa kanya at alam kong wala s’yang ibang makakasama dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya natatanggap ng pamilya n’ya. Tanging mga kaibigan lang ang meron s’ya.
“Seryoso ako dito Tom oh! ’Wag ka naman basag trip d’yan!” wika n’ya na medyo natatawa.
Natawa rin ako sa pag-uusap namin. Kahit papaano ay tumigil ang kanyang pagluha at ’yon ang mas mahalaga sa ngayon.
Ilang segundo pa ang lumipas ay ibinalik ko ang seryosong usapan para bigyan s’ya ng payo.
“Pero alam mo Randy, bakit hindi mo subukang sumugal? Lahat naman ng nagmamahal ay sumusugal. Eh ano kung ngayon ka lang masaya? Eh ano naman kung hindi happy ending ang istorya? At least naranasan mong maging masaya ’di ba? Kung mabigo ka man sa huli, I’m sure wala kang pagsisisihan dahil naramdaman mo ang kasiyahan na hindi maibibigay sa’yo ng iba. What I mean is, it’s worth the fight. Ang mapagbigyan ang sarili mo na mahalin pabalik kahit minsan lang. Dahil s’ya lang ang may kayang gawin na mapasaya ka, wala nang iba.” seryoso kong payo sa kanya.
Unti-unti n’ya akong nilingon at ang reaksyon n’ya ay tila ba nabigla sa aking mga sinabi.
“Wow Tom! Coming from you?” ang sarkastiko nitong wika dahil sa mga sinabi ko.
“Oh bakit? Ano bang naging mali sa sinabi ko?” tanong kong nagtataka sa kanya.
“Lakas mo magbigay ng payo, pero sa sarili mo hindi mo mai-apply! If I know, everytime na magkikita kayo ni Xander para kang nagpapak ng limang kilo ng ampalaya sa pagka-bitter!” asik nito sa akin.
Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko rin nagawang mag-react kaya nagsalita s’yang muli.
“See?! ’Yan! ’Yang mukhang ’yan ang tinutukoy ko! Sinasagad mo ang pagsimangot mo whenever Xander is around. Kahit nga mabanggit lang ang pangalan n’ya para ka nang toro na nakakita ng pulang tela!” dagdag n’ya pa.
“Tumigil ka nga d’yan. Ibang kaso naman ang sa amin.” depensa ko sa kanya.
“What’s the difference? Sige nga? You told me na dapat ay maging masaya na lang ako kung sakaling hindi maging happy ending ang story ko. Na ang mahalaga ay naranasan ko maging masaya kahit minsan. Ikaw ba Tom? Hindi ka ba naging masaya noon sa kanya? Bakit hindi na lang ’yon ang isipin mo?” mahaba n’yang wika sa akin.
Hindi naman ako nakapagsalita sa kanyang mga sinabi at mga tanong. Hindi ko alam ang aking isasagot kaya nagkaroon s’yang muli ng follow up questions.
“Don’t tell me hindi ka pa rin nakaka-move on kay Xander? Dalawang taon na ang nakalipas pero hindi ka pa rin nakaka-move on? Wow! Nakaka-amaze ka naman Tom! Dinaig mo pa ang mga na-byudo at byuda n’yan!” sunod-sunod n’yang pagsasalita.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang mga sinabi. Alam ko sa sarili ko na naka-move on na ako. Wala na akong nararamdaman sa kanya. It’s just that nagugulat pa rin ako sa presensya n’ya.
“Of course not! Matagal na akong naka-move on! And I’m pretty sure about it! Nakakangiti na ako at nakakakilos ng normal kahit wala s’ya. Tanggap ko na ’yon at wala na akong pakialam sa kanya.” paliwanag ko sa kanya.
“That’s what I meant! ’Yung salitang wala ka nang pakialam sa kanya.” komento n’ya.
“What do you mean by that?” taka kong tanong sa kanya.
Nagseryoso naman ang kanyang mukha at tiningnan ako sa mata.
“C’mon Tom, parang wala naman s’yang ginawang mabuti sa’yo noon. Puro pangit na ala-ala na lang ba ang nakikita mo sa tuwing makikita mo s’ya? Wala ba s’yang ginawang mabuti sa’yo noon?” tanong n’ya sa aking mahinahon.
Hindi ako nakapagsalita nang tanungin n’ya iyon. Tama s’ya, hindi lang naman mapapait na ala-ala ang meron kay Xander. Naging mabuti rin s’ya sa akin at alam kong sinsero s’ya sa mga bagay na iyon. Alam kong pinahalagahan n’ya rin ako.
Nagpatuloy pa si Randy sa kanyang mga sinasabi.
“Hindi ko ito sinasabi sa’yo Tom dahil bestfriend ko si Xander. Hindi ko s’ya pinagtatanggol sa’yo. Nag-aalala lang ako sa inyong dalawa. Magkasama kayo sa trabaho at mahihirapan lang kayo kung patuloy mo s’yang iiwasan. You can’t escape from him dahil boss mo s’ya at empleyado ka pa rin n’ya kahit sa ilang araw o buwan lang.” wika n’ya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita s’ya. Wala akong maisagot kaya nagpatuloy s’yang muli.
“Alam kong alam mo na ang bagay na ’yon, temporary lang s’ya sa pagiging General Manager n’yo. Kaya sana, hanggat maaari ay pakitunguhan mo s’ya ng maayos. Be professional, gawin mo ang trabaho mo at gagawin n’ya rin ang trabaho n’ya. In that way, mas madali n’yong makukuha ang goal n’yo sa kompanya.” dagdag n’ya pa.
Napaisip ako sa kanyang mga sinabi. Tama si Randy. Paano nga kami makakapagtrabaho ng maayos kung patuloy ko lang s’yang iiwasan?
Naputol ang mahaba kong pag-iisip nang biglang nakarinig kami ng sigawan mula sa aming mga kasama dito sa rooftop ng building. Nilingon namin ito ni Randy at nakita namin ang kadarating pa lamang na bisita.
Nagsilapit naman ang lahat sa taong kadarating lamang. Nanatili naman kami ni Randy na nakatingin sa kanila.
“Sir Xander!! Na-miss ka namin sa restaurant!!” masayang bati ni Cha kay Xander.
Ang mga kaibigan naman ni Xander ay lumapit sa kanya at masaya rin itong binati. Ang mga dati ko namang kasama sa trabaho ay masaya rin s’yang sinalubong. Maging si Ben ay nagpakita ng masayang pagbati rito na hindi n’ya sa akin nagawa.
Mukhang na-miss nga nila si Xander dahil matagal din itong nawala sa restaurant n’ya.
Nakita kong lumapit din sa kanya si Daniel at nag-manly hug pa sila. Mukhang wala naman namamagitang samaan ng loob sa magkapatid at masaya ako doon. Ayaw ko rin namang maapektuhan ang samahan nila bilang magkapatid dahil lang sa naging issues sa amin ni Xander. Mas mahalaga pa rin ang pamilya kesa sa ano mang bagay.
Nagulat ako nang biglang ipinatong ni Randy ang kanyang palad sa aking balikat. Tinapik-tapik n’ya ito.
“Paano Tom? Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko sa’yo. Opinion ko lang ’yon, pero alam kong mas makakabuti ’yon para sa inyo at para sa kompanya. Malay mo, paraan na rin ’yon para tuluyan na rin kayong makalaya sa isa’t-isa.” wika n’ya sa akin.
“Matagal na akong nakalaya sa kanya Randy.” pauna kong wika sa kanya at seryoso ako doon. Alam kong wala na s’yang puwang sa puso ko. “At kung tungkol naman sa sinabi mong makipag-usap na ako sa kanya…. sige, susubukan ko. Para sa ikakabuti ng aming mga trabaho.” dugtong ko pa.
Ngumiti si Randy ng malapad nang sabihin ko iyon. Hindi na s’ya muli pang nagsalita at unti-unti na rin s’yang pumunta sa kinaroroonan ni Xander upang salubungin ito.
Hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko at ipinagpatuloy na lamang ang pag-inom ng hawak kong alak. Nakatingin sa kawalan at pinag-iisipan kung ano ang mangyayari kung sakaling makipag-usap na ako ng normal kay Xander. Ang mga sinabi sa akin ni Randy ay pareho sa mga sinabi ni Olyn nang ito ay makausap ko.
Habang nasa malalim akong pag-iisip ay nagulat ako nang may mga bisig na yumakap sa aking leeg habang nakatalikod ako. Nagawa n’ya rin akong halikan sa aking pisngi.
Nilingon ko pa rin ito kahit alam ko na kung sino ang taong ito sa tabi ko.
“Ang lalim ng iniisip ng Bae ko ah?” pagpuna nito sa akin.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa kawalan. Nagpakawala rin ako ng malalim na buntong hininga bago ako nagsalita.
“Bae… mas magiging maayos ba ang lahat kung makikipag-usap na ako kay Xander?” tanong ko kay Daniel ng hindi s’ya tinitingnan.
Alam kong nabigla s’ya sa aking tanong dahil hindi s’ya nakaimik. Lumuwag din ang kanyang pagkakayakap sa akin.
“W-what do you mean na makikipag-usap ka na sa kanya?” ang tila nag-aalalang tanong ni Daniel.
Kumilos ako at hinarap s’ya. Tuluyan na s’yang nakabitaw sa akin at magkaharap na kami ngayon.
“What I mean is, mag-uusap na kami pero para lang sa trabaho ang lahat. Naisip ko kasing mahirap magtrabaho kung hindi ko s’ya kinakausap. Sa tingin ko nagiging rude na rin ako sa paningin ng iba naming mga kasama sa trabaho the way I treat him sa harap nila. Baka maging cause pa ’yun ng magiging palaisipan para sa kanila. Baka sabihin pa nilang hindi kami professional na tao considering na kami dapat ang nagpapa-implement ng good working relationship sa kompanya.” paliwanag ko sa kanya.
Tiningnan ako ni Daniel sa aking mga mata. Hindi ko alam ang iniisip n’ya pero nakikita kong nag-aalala s’ya.
Hinawakan ko s’ya sa dalawang kamay n’ya at binigyan s’ya ng matamis na ngiti.
“Daniel, alam kong nag-aalala ka. Pero kaya ko ang sarili ko. Believe me, kaya ko na s’yang harapin. At kahit may natitira pa akong galit sa kanya, hindi ko gagawing dahilan ’yon para makaapekto sa mga pangarap kong gusto kong matupad. Alam mo kung gaano ko kamahal ang lahat ng bagay na ginagawa ko lalo na sa trabaho. Kapag nagawa kong makipagtrabaho ng maayos kay Xander, achievement ko nang maituturing ’yon. Ibig sabihin lang, kaya ko nang harapin kahit na sinong tao pa ang kaharap ko.” mahabang kong paliwanag pa rin sa kanya.
Nakatitig pa rin s’ya sa akin habang hawak ko ang dalawa n’yang kamay. Gusto kong ipakita sa kanya ang katatagan ko. Lagi na lang nakaalalay sa akin si Daniel, at ito na ang pagkakataon para may mapatunayan naman ako sa sarili ko.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mong ’yan Bae?” alalang tanong n’ya sa akin.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya at mas binigyan pa s’ya ng mas malawak na ngiti.
“Sigurado na ako Bae. Saka hindi mo ba gustong makita kung paano ako ngayon tatayo sa sarili kong mga paa? Nahihiya na rin kasi ako sa’yo. Lagi kang nand’yan para sa akin. Gusto kong may mapatunayan sa sarili ko. Gusto kong mag-isang lumaban sa pagkakataong ito ng walang umaalalay sa akin. Mapapagbigyan mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
Huminga s’ya ng malalim bago ako nito sinagot.
“Nag-aalala lang ako sa’yo. Baka maging daan kasi ’yan ng muli mong pagkakahulog kay Kuya. Natatakot akong makita ka ulit na masaktan. Hindi ko na kakayanin na makita kang nasasaktan at nahihirapan.” paliwanag n’ya sa akin.
Sa pagkakataong ito ay binitawan ko s’ya sa kanyang mga kamay. Lumapit ako sa kanya at niyakap s’ya. Naramdaman ko ang kanyang mga bisig na yumakap sa akin pabalik. Ramdam ko ang pag-aalala at takot sa kanya.
“Bae, magtiwala ka sa akin kahit ngayon lang. Sa lahat ng pinagdaanan ko, natuto na ako. Hindi na ako ’yung dating Tom na mahina at mababaw ang luha. Matatag na ako ngayon dahil na rin sa tulong mo. Gusto kong malaman mo na isa ka sa mga dahilan kung bakit naging matatag ako ngayon. Lubos kong ipinagpapasalamat hanggang ngayon na dumating ka sa buhay ko. Salamat Daniel dahil hindi ka umalis sa buhay ko.” wika ko sa kanya habang yakap s’ya.
Naramdaman kong napangiti s’ya nang sabihin ko sa kanya ang mga bagay na ’yon.
“Ang sarap naman pakinggan nun Bae.” wika n’ya sa akin.
Napangiti rin ako sa kanyang sinabi. Tanging paghigpit ng yakap ang isinagot ko sa kanya habang nakangiti ako. Muli s’yang nagpatuloy sa kanyang mga sinabi.
“Basta Bae, kahit anong mangyari nandito lang ako ha? Kung sakaling maramdaman mong malapit ka nang madapa, tawagin mo lang agad ang pangalan ko. Sigaw ka lang ng ‘Bae! Madadapa na ako!’ . Para bago ka bumagsak, masasalo na kita agad.” wika n’ya sa akin.
Natawa ako sa mga binitiwan n’yang salita. Si Daniel lang. Si Daniel lang talaga ang may kakayahan na pagaanin ang loob ko.
“Grabe Bae! Madadapa talaga agad? Hindi ba pwedeng matitisod muna? O kaya matatapilok muna?” tanong kong natatawa.
Tumahik muna s’ya saglit at naramdaman kong naging seryoso s’ya sa mga oras na iyon.
“Mas maganda nang maging advance ako. Ayokong muli kang masugatan Bae. Kasi kung sa pangalawang pagkakataon na masugatan ka, hindi ko na alam kung magagawa ko pang gamutin ang mga sugat mong iyon.” seryoso n’yang sagot sa akin.
Bumitaw ako sa pagkakayakap namin at magkahawak kami sa bewang ng isa’t-isa. Seryoso ko s’yang tiningnan at ganon din s’ya.
“Pangako Daniel, hinding-hindi na mangyayari ’yon. Sa lahat ng ipinangako ko sa’yo, lahat naman ’yon tinupad ko ’di ba? Kaya sana pagkatiwalaan mo ulit ako sa bagay na ito.” pangungumbinsi ko sa kanya.
“Magiging masaya ka ba sa bagay na gagawin mo?” paniniguro n’ya sa akin.
“Hindi ko pa alam Daniel. Pero hanggat hindi ko sinusubukan, hindi ko mahahanapan ’yan ng kasagutan. Kaya nga gusto kong baguhin ang sitwasyon. Baka sa paraang iyon, mas mapagaan ang lahat.” wika ko sa kanya.
“Basta Bae kahit anong mangyari, nandito lang ako ha? Tandaan mo ’yan. Hindi kita iiwan.” paniniguro n’ya sa akin.
Muli akong ngumiti ng matamis sa kanya.
“Alam ko naman ’yon. Hindi mo ako iniwan kahit minsan.” wika ko sa kanya.
Sumilay din ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Basta para sa’yo.” sambit n’yang nakangiti.
Natawa ako ng bahagya bago nagsalitang muli.
“Itigil na nga natin ang drama Bae! ’Yung mukha mo hindi pang-drama eh! Pang-comedy o kaya pang-horror ang bagay sa’yo!” pang-aalaska ko sa kanya.
Natawa rin s’ya sa aking sinabi.
“Ah ganon? Sa gwapo kong ’to?! Ikaw lang naman ang hindi nahumaling dito sa kagwapuhan ko! Masyado ka kasing choosy!” balik n’ya sa akin.
“Hindi ako choosy! Saka sino nagsabing hindi ko naa-appreciate ang mukha mo kahit mukha kang clown?” tanong kong natatawa sa kanya.
Mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti nang sabihin ko iyon sa kanya.
“Ibig sabihin naga-gwapuhan ka na sa ’kin?” tanong n’yang tuwang-tuwa.
“May sinabi ba akong nagagwapuhan ko sa’yo? Naa-appreciate, oo! Pero naga-gwapuhan? Teka lang, pag-iisipan ko muna!” biro ko sa kanya habang ang hintuturo ko ay nasa sentido ko na tila nag-iisip pa.
“Ay grabe s’ya!” nagtatampu-tampuhan n’yang sambit.
Humalakhak na ako sa pagkakataong ito. Grabe talaga si Daniel kapag nagtatampo. Inubos ko muna ang aking tawa bago ko s’ya hinawakan sa magkabilang pisngi.
“Joke lang! Eto?! Etong mukhang ’to?! Naku! Bulag lang ang hindi maga-gwapuhan dito!” pambobola ko sa kanya.
Pero sa totoo lang, gwapo naman talaga si Daniel. Idagdag mo pa sa maganda n’yang katangian ang pagiging mabait n’ya. Napakaswerte ko talaga at dumating s’ya sa buhay ko.
Matapos kong sabihin iyon sa kanya ay bigla n’ya naman akong hinalikan sa ilong. Hindi na ako nagulat doon dahil madalas n’ya naman sa akin ginagawa iyon.
“Tama na nga ang drama! Tara na! Makisabay na tayo sa kasiyahan ng iba. Baka sabihin nila tayo ang may birthday kung makapag-emote tayo dito.” pagyaya n’ya sa akin.
Bumitaw na kami sa isa’t-isa nang may ngiti sa aming mga labi.
“Sige na, samahan mo na sila doon. Dito lang muna ako saglit. Ubusin ko lang ’tong iniinom ko tapos susunod na rin ako sa’yo.” wika ko sa kanya.
“Sure ka?” paniniguro n’ya.
“Yup! Go ahead. Alam kong na-miss ka rin ng bestfriend mong si Jurnie, baka pagselosan pa ako nun! Isipin n’ya pa, inagaw na talaga kita sa kanya!” sagot ko sa kanya.
Natawa s’ya sanabi ko ngunit tumalikod na rin s’ya at tinungo ang umpukan nila Jurnie sa isang mesa.
Muli akong humarap sa glass wall ng building na iyon at ipinagpatuloy ang aking pag-inom.
Ibinalik kong muli ang aking sarili sa malalim na pag-iisip.
Tama ba ang mga gagawin kong desisyon? Pero kung sakali mang mali, alam kong hindi na ako maaapektuhan gaya ng dati. Matatag na ako at hindi na madaling magpadala sa bigat ng anumang sitwasyon.
‘Sana nga tama itong gagawin ko.’
sambit ko sa aking sarili.
A/N
Oooopss!! First half lang po ’yan ng mga mangyayari. Abangan n’yo po ang susunod na chapter! I’m sure magugustuhan n’yo dahil kahit ako ay na-excite sa mga mangyayari.
Thanks guys!
––cold_deee
chapter 5 - white russian
A/N
Hi guys!
Eto na po ang second half ng nangyari sa birthday party ni Randy. And finally, POV na ni Xander ang mababasa n’yo. Na-miss n’yo ba s’ya?
At s’yempre tulad ng promise ko sa kanya,dedicated ang chapter na ’to kay
Lansdl
na super pinangiti ako sa comment n’ya! Clap clap clap!! Salamat sa nakaka-inspire na comment mo! Hugs and kisses!
Paki-play na lang din po ng nasa media kung gusto n’yo ma-feel pa ’yung eksena.. :))
(song title: Love will lead you back by Kyla)
Enjoy reading chapter 5!
––> si Xander po sa media.
XANDER POV
Nagmamaneho ako ng aking kotse papunta sa condo building ni Randy. Alam kong naroroon na sina Tom at Daniel at nakikisaya na sa mga kaibigan namin doon. Nagtext na rin kasi ang halos lahat ng taong naroroon at ako na lamang daw ang kulang.
Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang maalala ang unang pagkakataon na nagkita kami ni Tom makalipas ang dalawang taon. Noong magkakaroon ng introduction sa mga bagong empleyado ng Diamond Llyx Hotel kung saan ako ang General Manager pansamantala.
Nagmamadali ako noon makapasok sa conference room dahil ayaw kong pinaghihintay ang mga department head ng company. Nakita ko ang isang lalaki na nagsisintas ng kanyang sapatos habang nasa hallway. Iiwasan ko na sana s’ya ngunit mabilis ang naging pangyayari dahil bigla rin s’yang tumayo.
Hindi sinasadyang nabangga ng kanyang ulo ang aking kamay nang ito ay tumayo kaya nagkalat ang mga papel na hawak ko. Dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nag-abala pang tingnan ang mukha ng lalaking iyon. Ako na rin ang humingi ng dispensa sa kanya dahil na rin sa pagmamadali ko.
Ngunit nang sambitin n’ya ang aking pangalan ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Unti-unti kong inangat ang aking tingin upang kumpirmahin kung kaninong boses iyon.
Nang magtagpo ang aming mata ay parang may rumaragasang buhawi ang namayani sa aking dibdib. Ang mukhang iyon na hinding-hindi ko makakalimutan. Ang mukhang nakatatak na sa aking puso at isipan. Ang taong labis kong minahal at lubos na minamahal pa rin hanggang ngayon.
Tila ba tumigil sa pag-ikot ang aking mundo nang masilayan kong muli ang kanyang mukha. Ang gwapo n’yang mukha na walang pinagbago at kayang pakalmahin ang sino mang tao.
Masasabi kong malaki na rin ang kanyang pagbabago. Ang dati n’yang mga matang maamo ay makikitaan mo na ng tapang ngayon. Ganito ang naging resulta ng paghihiwalay namin. Iniisip ko kung tuluyan n’ya na akong kinalimutan ngayon dahil parang hindi s’ya apektado sa naging muling pagkikita namin. Nagawa n’ya pang iwan ako sa kinatatayuan ko na tila ba nakakita lang s’ya ng isang kakilala.
Sinundan ko s’ya kung saan s’ya pupunta dahil nagtataka ako kung ano ang ginagawa n’ya sa hotel na iyon. At nang makita ko s’yang pumasok sa conference room kung saan din ako patungo ay mabilis akong kumilos pabalik. Nagpunta ako sa HR department at inalam kung sino-sino ang mga magiging miyembro ng team ko. May ideya na ako ngunit gusto ko pa rin iyon kumpirmahin.
At nang makumpirma ko ito ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi. Naisip kong mukhang tinadhana talaga ang muli naming pagkikita. Sa loob ng dalawang taon ay muli kaming magkakasama.
Well, sa totoo lang ay ’yun ang unang pagkakataon na nakita n’ya ako. Dahil noong nasa Amerika s’ya ay ilang beses ko rin s’yang pinuntahan doon. Halos lahat ng pagbabago na nagaganap sa kanya ay nasaksihan ko dahil palihim ko s’yang pinapanood sa malayo.
Bawat paghihirap n’ya ay nalaman ko. At bawat araw, buwan at taon ng muli n’yang pagbangon ay nasaksihan ko. Pero ang lahat ng iyon ay sa malayo ko lamang natatanaw.
Sa totoo lang ay nasasaktan ako sa tuwing makikita ko s’ya noon na umiiyak. Sa bawat pagpatak ng kanyang luha ay dobleng sakit ang nararamdaman ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya.
Alam kong may pagkakamali ako sa kanya ngunit iyon lamang ang nakikita kong paraan para protektahan s’ya. Kung tatanungin ako kung gaano ko s’ya kamahal, walang sinoman ang may kakayahang sukatin ’yon. Dahil kahit sarili kong kaligayahan ay handa kong isakripisyo para sa kanya. Maski pa ang buhay ko ay kaya kong ibigay sa kanya para lang sa kaligtasan n’ya. Ganon ko s’ya kamahal.
Mas lalong naging nakakatuwa ang mga sumunod na nangyari sa pagitan namin sa hotel. Dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko noon sa muli naming pagkikita ay hindi ko mapigilang hindi s’ya titigan at malapitang kausapin. Gusto ko s’yang yakapin at paliguan ng halik. Miss na miss ko na ang lahat sa kanya.
Ngunit kahit ganoon ay ramdam ko ang pader na inilagay n’yang harang sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko ang pag-iwas n’ya sa akin at naiintindihan ko naman iyon. Dama ko ang poot n’ya sa akin.
Sinubukan kong lumapit sa kanya dahil baka pagkakataon ko na ’yon para magpaliwanag, ngunit mailap s’ya sa akin. Kahit ang tingnan ako sa mata ay hindi n’ya magawa. Labis akong nalulungkot sa nangyayari sa amin.
Nakarating ako sa condo building ni Randy para makisaya sa celebration ng birthday ng best friend ko. Nang makarating ako sa rooftop ng condo building ay masaya akong sinalubong ng aking mga kaibigan at empleyado.
Sila ang mga kasama ko nang mga panahon na nangungulila ako kay Tom. Naaalala ko kung paano ko sa kanila inilahad ang dahilan kung bakit nangyari sa amin ni Tom ang ganoong bagay. Ang ilan sa kanila ay nagalit sa akin dahil hindi ko man lang daw nagawang humingi ng tulong sa kanila. Ngunit di kalaunan ay naintindihan naman nila ako. Alam nila kung gaano ko pinagsisisihan ang bagay na ’yon. Talagang gulong-gulo lang ang utak ko.
Nakita kong nag-uusap nang mga oras na ’yon si Tom at Randy hindi kalayuan sa mga nagsasayang mga kaibigan namin. Sinalubong din ako ng kapatid kong si Daniel. Si Daniel na naging kasama ni Tom sa lahat ng oras simula pa lamang. Si Daniel na hindi s’ya iniwan.
Akala ko noon ay walang anumang bagay ang kaiinggitan ko sa kapatid kong ’yon. Pero hindi ko alam na darating ang oras na mararamdaman kong may isang bagay na meron s’ya na wala naman ako. Kasama n’ya ang taong kumukompleto sa buhay ko.Nakakausap, nahahawakan at nayayakap kahit ano mang oras n’ya gustuhin.
Nasaksihan ko mula sa malayo noong sila ay nasa Amerika pa kung paano sila naging mas malapit sa isa’t-isa. Sa tuwing umiiyak si Tom ay si Daniel ang laging nasa tabi n’ya. Sa tuwing nahihirapan si Tom ay si Daniel ang umaalalay sa kanya. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan sila at hayaang maglandas ang mga luha kong patuloy na umaagos habang pinapanood sila.
“Kuya, kamusta?” tanong n’ya sa akin matapos namin mag-manly hug.
“Ayos naman.” sagot ko ng may pilit na ngiti.
Kinamusta rin ako ng mga empleyado ko na matagal ko na ring hindi nakakasama.
Maya-maya pa ay nakita kong papalapit sa akin si Randy kaya binati ko ito dahil sa kaarawan n’ya ngayon.
“Happy Birthday Randz.” bati ko sa kanya.
“Salamat. Tara, maupo muna tayo. Gusto mo bang kumain muna?” pagyaya n’ya sa akin at tinungo namin ang isang mesa.
Muling nagbalik sa kani-kanilang pwesto ang aming mga kasama. Sa isang mesa ay lima lamang kaming nakapwesto. Kasama ko sina Randy, Dominic, Rigo at Shai. Tahimik si Rigo at Randy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapansinan. May mga personal silang issue at hindi ko magawang makialam doon. Tanging silang dalawa lamang ang makakaayos noon. Basta narito lamang kami bilang kaibigan nila na handang tumulong sa kanila.
“Mamaya na lang. Busog pa naman ako. Iinom na lang muna ako.” sagot ko sa paanyaya ni Randy.
Inabot ko kay Randy ang dala kong regalo. Nakita ko ang pagkagulat n’ya nang buksan n’ya iyon.
“Pareho pa kayo ng regalo sa akin Xandz.” komento n’ya nang makitang wrist watch ang ibinigay ko sa kanya.
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.
“Ha? Anong pareho?” takang tanong ko sa kanya.
Tiningnan n’ya muna ang pwesto na kinatatayuan ngayon ni Tom hindi kalayuan sa amin.
“Pareho kayo ng regalo sa akin ni Tom.” nakangiting wika ni Randy.
Hindi na ako nakaimik nang sabihin n’ya iyon. Kumuha na lamang ako ng whiskey na nasa mesa namin at sinimulan nang uminom.
“So, how are you Xandz?” tanong sa akin ni Shai.
“Ayos lang naman.” maikli kong sagot sa kanya.
“Sure ka ba d’yan? Kasi mukhang hindi eh.” komento naman ni Dominic.
Hindi ko nagawang sumagot dahil napaisip din ako. Okay lang ba talaga ako?
“Ngayong nagbalik na s’ya, balak mo na bang sabihin sa kanya ang totoo?” tanong naman sa akin ni Rigo.
“Hindi ko pa alam. Hindi n’ya nga ako kinakausap ngayon. Ilag na ilag s’ya sa akin at alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin s’ya sa akin. Malalim ang iniwan ko sa kanyang sugat kaya hindi ko rin s’ya masisisi.” sagot ko naman sa kanila.
Nakita kong nalungkot silang lahat sa naging sagot ko. Alam kong nag-aalala silang lahat sa akin. Kilala na kasi nila ako kung paano ako magmahal at masaktan. Kaya hindi rin nila mapigilang maawa sa akin.
“Time will come na magiging okay din ang lahat.” pagpapagaan naman ng loob sa akin ni Shai.
Nagbitaw ako ng isang pilit na ngiti sa kanila. Sana nga, sana nga dumating pa ang oras na ’yon.
Muli kong nilingon ang kinatatayuan ni Tom. Nakatingin lamang ito sa malayo at nakatitig sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip. Alam kong ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko dito sa mesa. Lahat kami ay nakatingin lamang kay Tom.
Ilang sandali pa ay nakita naming lumapit sa kanya si Daniel. Niyakap n’ya si Tom sa kanyang leeg at hinalikan sa pisngi.
Ang sakit.
Ang sakit sa dibdib na makitang ang taong lubos mong minamahal ay hindi mo man lang magawang hawakan sa kamay. Ang sakit sa kalooban na makitang ang minamahal mo ay malayang nayayakap at nahahagkan ng iba. Parang sasabog ang dibdib ko sa nakikita ko.
Nakikita ko kung paano seryosong nag-uusap sina Tom at Daniel. Ilang saglit pa lamang ay niyakap n’ya rin si Daniel. ’Yung mga yakap n’yang ’yon ang matagal ko nang gustong maramdaman ulit.
Tahimik lamang kaming lahat dito sa mesa at pinapanood ang lahat ng nagaganap kina Tom at Daniel. ’Yung mga bagay na sa akin lang n’ya noon ginagawa ay sa iba n’ya na ngayon pinaparamdam.
Ilang sandali pa lamang ay hinawakan ni Tom sa magkabilang pisngi si Daniel. Nakaramdam ako ng takot. Sa mga ganitong senaryo ay alam ko na ang kasunod.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pinili kong yumuko dahil baka hindi ko kakayanin ang mga susunod pang mangyayari. Naramdaman ko na lamang na nanlalabo na ang mga mata ko at may mainit na likido na ang nagsisimula nanamang pumatak.
“Xandz…” ang may pag-aalalang pagtawag sa akin ni Randy.
Hindi ko s’ya nilingon dahil kapag nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin na may awa sa kanilang mga mata ay baka tuluyan na akong bumigay.
“Don’t worry Xandz.. It’s not what you’re expecting.” sambit naman ni Shai.
“Oo nga brad! Hindi naman sila maghahalikan sa harap mo. Hindi nila gagawin ’yun! Respeto lang oh!” wika naman ni Dominic.
“Dom! Stop it!” pag-awat naman ng pinsan n’yang si Rigo.
Natahimik naman silang lahat nang sabihin iyon ni Rigo.
Ilang sandali pa ay nagsalita naman si Randy.
“Xandz… Gusto mo bang kausapin s’ya?” tanong sa akin ni Randy.
Unti-unti kong inangat ang aking tingin at hinarap si Randy.
“Tang*na, punasan mo muna kaya ’yang luha mo? Sakit sa mata eh! Mamaya makita pa nilang dalawa ’yan! Ikaw din!” wika ni Dominic.
Agad kong pinunasan ang aking luha sa pamamagitan ng likod ng palad ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Randy. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong n’ya. Oo, gusto kong makausap si Tom. Pero kakausapin n’ya ba ako?
“Gusto ko Randz.. Matagal ko na s’yang gustong kausapin.. Pero alam kong iiwasan n’ya lang ako.” sagot ko sa kanya.
“Bakit hindi mo subukan ngayon?” tanong naman ni Rigo.
Si Shai naman ang biglang nagsalita.
“And then what? Sasabihin n’ya na lang bigla kung ano ang dahilan ng nangyari noon? Guys, hindi ganon kadali ’yon. Marami ang involve dito.” wika ni Shai.
Totoo naman ang sinabi ni Shai. Hindi lang naman ito tungkol sa aming dalawa. Wala namang kaso sa akin kung ako lang talaga ang maaapektuhan, pero nariyan ang pamilya n’ya. Mas lalong hindi ko kakayanin kung s’ya na ang mapapahamak.
Tiningnan kong muli sina Tom at Daniel. Nakita kong hinalikan ni Daniel ang ilong ni Tom at nakita kong hindi na nasorpresa doon si Tom. Matapos gawin iyon ni Daniel ay nakangiti silang pareho at makikita mo ang kasiyahan sa kanilang mga mata.
Kung sabagay, kahit noong nasa Amerika pa lamang sila ay madalas ko na silang nakikitang ganyan. At sa tuwing makikita ko sila sa ganitong senaryo ay parang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko. Nanghihinayang ako dahil hindi ko na magawa ang bagay na iyon kay Tom.
Dahil sa hindi ako makasagot ay muling nagtanong si Randy.
“Kelan mo balak sabihin sa kanya ang totoo? Bakit hindi mo pa gawin ’yon ngayon? Pagkakataon mo na ’to!” pangungumbinsi n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago s’ya sinagot.
“Ngayon ko pa ba gagawin ’yon? Ngayon pa na nakikita ko na s’yang masaya?” tanong ko sa kanya pabalik.
“At papano ka naman? Ikaw naman ang nahihirapan. Paano na ang kaligayahan mo?” pag-aalala n’ya pa.
“Hanggat nakikita ko s’yang nakangiti, wala na akong mahihiling pa. Kaligayan ko na rin ang nakikita s’yang masaya.” sagot ko sa kanya.
“Wow brad! Dakilang martir ka pala?” sarkastikong komento ni Dominic.
“Dom ano ba? Wala ka bang masabing matino?” pagsita muli ni Rigo sa kanya.
Sumimangot naman si Dominic bago n’ya sinagot si Rigo.
“Oo na! Gusto ko lang naman maiba ang takbo ng usapan! Masyado nang mabigat eh! Tingnan mo, birthday ni Randy pero para tayong nakikipag-lamay dito!” sagot ni Dominic.
Binatukan naman s’ya ng mahina ni Shai at pinagsabihan.
“Just shut your f*cking mouth up! Kung hindi ka pa titigil d’yan, tatawagin ko na si Dee para mas malakas na batok ang matanggap mo!” pangangaral sa kanya ni Shai.
Hindi na muli pang nagsalita si Dominic at hinimas-himas na lamang ang ulo n’yang binatukan ni Shai. Talagang si Dee lang ang makakakontrol sa ugali nitong si Dominic. Nakakatawang isipin na malaki na rin ang pinagbago ng kaibigan kong ito simula nang maging opisyal sila ni Dee.
Naputol ang pagtatalo sa mesa namin nang biglang may tumawag ng aking pangalan.
“Kuya..” pagtawag sa akin ni Daniel.
Nilingon ko s’ya at nagtaka ako kung bakit s’ya narito. Kanina lamang kasi ay magkasama sila ni Tom. Nakatayo s’ya sa tabi ng aking inuupuan.
“B-bakit?” tanong kong nauutal sa kanya.
Nakatingala ako sa kanya dahil nanatili akong nakaupo.
“Gusto mo ba s’yang kausapin?” tanong n’yang may pag-aalala.
Hindi ako nakasagot dahil sa labis na pagkagulat. Si Daniel pa ang lumapit sa akin at tinatanong ako kung gusto kong kausapin si Tom? Sa pagkakalam ko kasi ay mas gugustuhin n’ya pang hindi ko na ulit kausapin si Tom. Kaya nga sa trabaho ko na lang sinasamantala ang pagkakataon na makausap si Tom dahil wala s’ya sa paligid.
“Ano? Gusto mo ba s’yang kausapin o hinde?” tanong n’ya ulit sa akin.
“Hoy brad! Gumising ka na d’yan! Ayan na oh! Si Daniel na ang nagtatanong sa’yo! May permiso na galing sa guardian angel n’ya!” wika ulit ni Dominic.
Sa pagkakataong ito ay si Rigo na ang bumatok kay Dominic. Mas masakit na iyon kumpara sa ginawang pagbatok ni Shai.
Muli kong tiningnan si Daniel.
“S-sigurado ka?” tanong ko sa kanya.
Blangko lamang ang kanyang ekpresyon at alam kong hindi n’ya gusto ang ideyang mag-usap kami ni Tom.
“Ginagawa ko ito para kay Tom. Kung ako sa’yo, tumayo ka na d’yan at kausapin mo na s’ya.” wika n’ya sa akin.
Agad akong tumayo at pupuntahan ko na sana si Tom ngunit pinigil ako ni Randy.
“Ooppss! Dalhin mo ’tong alak mo. Baka makatulong ’yan para lumakas ang loob mo.” wika ni Randy at inabot ang baso kong may lamang alak.
Kinuha ko ’yon kay Randy at hinarap ko muna si Daniel.
“Salamat.” wika ko kay Daniel.
Lumapit naman sa akin si Daniel at may ibinulong. Mukhang ayaw n’yang marinig ng mga kaibigan ko ang kanyang sasabihin.
“Kausapin mo s’ya. Pero pakiusap lang Kuya, ’wag mo munang sabihin sa kanya ang totoo. Don’t get me wrong, ayaw kong mag-alala s’ya at bumalik s’ya sa pagiging miserable.” pakiusap n’ya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita nang sabihin n’ya iyon sa akin. Natahimik ako at bahagyang natulala. Agad din s’yang tumalikod at tinungo ang umpukan kung saan naroroon ang aking mga empleyado na dati n’ya ring mga kasama sa trabaho.
“Xandz.. Just ignore what he said. Go and follow your heart. Kausapin mo muna si Tom. Try to ask him, then saka mo pag-isipan kung ano ang dapat. You’ll never know unless you ask, remember that.” ang biglang pagsasalita ni Shai.
Alam kong hindi n’ya narinig ang sinabi ni Daniel sa akin. Pero matalinong babae si Shai kaya alam n’yang may kakaiba itong ibinigay sa akin na mensahe.
Nilingon ko sila at bakas sa kanilang mga ngiti at tingin ang pag-e-encourage sa akin. Ngumiti ako sa kanila. Nang mapalingon din ako sa kinauupuan nina Charm, Ben at Dee ay nakangiti rin sila sa akin. Itinaas pa nila ang kanilang mga kamao na tila sinasabing ‘fight Sir Xander!’. Napakaswerte ko at may mga kaibigan akong kagaya nila.
“Salamat.” tangi kong nasabi habang nakangiti at tinalikuran na rin silang lahat.
Nagsimula akong maglakad papunta sa gawi ni Tom. Mabibigat ang naging paghakbang ko dahil sa labis na kabang nararamdaman. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakausap ko si Tom ng walang kinalaman sa trabaho.
Nang makarating ako sa kanyang pwesto ay nakatalikod lamang ito sa akin. Hindi na muna ako gumalaw sa aking kinatatayuan at masusi ko s’yang pinagmasdan kahit nakatalikod s’ya sa akin. Isang metro rin yata ang pagitan naming dalawa.
God! Sobrang na-miss ko s’ya!
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula kaya tanging pagtitig lang ang aking ginawa. Nakita kong sumasabay ang kanyang buhok sa pag-ihip ng hangin. Medyo may kalamigan din ng mga oras na ito. Dahil na rin sa pag-ihip ng hanging iyon ay sumabay dito ang paboritong pabango ni Tom. Halos ubusin ko ang hanging tumatama sa akin dahil parang nayakap ko na rin si Tom sa paraang iyon.
Nakita ko rin na bahagya s’yang nagulat at napapitlag nang humangin nang oras na iyon ngunit hindi s’ya sa akin lumingon.
“May gusto ka bang sabihin Xander?” ang biglang tanong n’ya.
Nagulat ako sa bigla n’yang pagsasalita.
Paano n’ya nalamang nandito ako? Hindi kaya kagaya ko rin ay naamoy n’ya rin ang paborito kong pabango?
Napangiti ako dahil sa naisip kong iyon. Hanggang ngayon pala ay kilala n’ya pa rin ang amoy ko.
“Paano mo nalamang ako ito?” tanong ko sa kanyang nakangiti kahit hindi n’ya naman ako nakikita dahil nanatili s’yang nakatalikod.
Mukhang nagulat s’ya sa aking tanong dahil hindi agad s’ya nakasagot.
“H-hindi na importante ’yon. Ano ba ang gusto mong sabihin at lumapit ka dito?” tanong n’ya at pag-iiba na rin ng usapan.
Lalo akong napangiti dahil sa pagkaka-utal n’ya.
Hindi ako sumagot ngunit dahil sa nangyari ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumapit sa kanya. Humakbang ako at pumwesto sa kanyang gilid. Nanatili s’yang nakatingin ng diretso sa kawalan. Kahit na side view lang ang nakikita ko sa kanya ay labis na tuwa na ang nararamdaman ko. Gusto kong hawakang muli ang kanyang mukha at paulit-ulit na idampi ang aking labi sa kanyang labi.
“H’wag mo lang akong titigan. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin.” wika n’ya sa akin habang diretso pa ring nakatingin sa kawalan.
Doon na ako nagising mula sa pagkakatulala sa kanya.
“Pwede ka bang makausap?” ang paghingi ko ng permiso.
“Nag-uusap na tayo.” malamig n’yang sagot sa akin at hindi pa rin ako nililingon.
Hindi agad ako nakasagot. Ito na ba ang tamang pagkakataon para maipagtapat sa kanya ang totoong dahilan sa nangyari sa amin dalawang taon na ang nakakalipas?
“G-gusto ko sanang magpaliwanag sa n-nangyari noon…” pag-sisimula ko.
Sa pagkakataong ito ay nilingon n’ya na ako. Nagtama ang aming mga mata at wala akong mabakas sa kanyang mga tingin kundi tapang.
“Tapos na ’yon Xander. At hindi na natin dapat pang ungkatin ’yon dahil nakaraan na ’yon.” wika n’ya sa akin.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi n’yang iyon.
“H-hindi ko naman gustong mangyari ’yon Mast— T-tom… S-sana pakinggan mo naman ako..” pakiusap ko sa kanya. Muntik ko pang matawag s’ya sa call sign namin dati.
Nakita kong napangisi s’ya sa aking mga sinabi.
“Alam mo Xander, sana noon mo pa ginawa ’yan. Noong mga panahon na willing pa akong makinig sa’yo.” tugon n’ya.
“Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa’yo… Pero sana mabigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag..” muli kong pakiusap sa kanya.
“Para saan pa? Tapos na tayo ’di ba? At isa pa, may kanya-kanya na tayong buhay. Hindi ka man masaya sa buhay mo ngayon, hindi ko na kasalanan ’yon! Pinili mo ’yan kaya panindigan mo na lang!” nakangisi n’yang pagkakasabi sa akin.
Napatigil ako sa mga salita n’yang iyon. Tanging pagtitig lamang sa kanyang mga mata ang nagawa ko.
Wala na. Wala na ang dating magagandang mata n’ya na buhay na buhay. Ang mga matang n’yang punong-puno ng pagmamahal sa akin.
Nagagawa n’ya na akong tingnan ng diretso sa mga mata ng walang pag-aalinlangan. Kitang-kita ko ang malaking pagbabago ng nararamdaman n’ya ngayon.
“Alam mo Xander, hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para kausapin ako. Minsan nga naiisip kong sinasayang mo ang oras ko. Hindi pa ba obvious na iniiwasan kita? Manhid ka ba?” tanong n’ya sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Kung dati ay may pag-aalinlangan s’ya sa mga salitang bibitawan n’ya dahil ayaw n’yang makasakit, ngayon ay hindi n’ya na alintana iyon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa sarili ko.
“Hindi mo na ba ako mabibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag Tom? Kahit isang beses lang. Kahit na hingiin ko kahit ang limang minuto ng oras mo.” pakiusap kong muli sa kanya.
Ako man ay hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang para pakiusapan s’ya ng ganito. Basta ang nangingibabaw sa akin ay ang maging malinaw ang lahat.
Muli s’yang ngumisi at muling humarap sa kanina n’yang pwesto. Tumingin s’yang muli sa malayo bago n’ya ako sagutin.
“Noon Xander marami akong oras para pakinggan ka. Pero ngayon? Ano pang halaga non? Hindi mo ba nakikitang maayos na ang buhay ko?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita kaya muli s’yang nagpatuloy. Hinarap n’ya akong muli at kitang-kita ko ang mga tingin n’yang puno ng katatagan. Hindi na nga s’ya ang dating Tom na madaling mapakiusapan. Marahil ito ang epekto ng pinagdaanan n’yang sakit mula sa akin.
“Mas gusto mo bang makitang miserable ulit ako? Bakit ka ganyan Xander? Masyado kang makasarili! ’Di ba nga dapat masaya ka na nakikita akong masaya? Dapat masaya kang nakikita akong nakabangon na mula sa pagkakadapa! Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan?” sunod-sunod n’yang panunumbat sa akin.
Dito na ako tuluyang bumigay. Sa mga binitiwan n’yang salita ay mukhang nakalimutan n’ya na talaga ako. Dito ko na napatunayan na wala nang natitira pang pag-asa para magkaayos kaming dalawa.
Natahimik ako sa mga sinabi n’yang iyon. Pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng hangin sa katawan.
“I’m sorry Tom….” tangi kong nasambit.
Iyon lang kasi ang nakayanan kong sabihin sa lahat ng kanyang sinabi. Napayuko ako dahil sa labis na hiya. Siguro nga ay naging makasarili ako. Hindi ko na s’ya dapat ginugulo ngayong maayos na s’ya. Dapat ay maging masaya na ako sa muling pagbangon n’ya.
Mahal na mahal ko s’ya at hindi ko kayang makita na muli s’yang nalulungkot. Siguro nga ito ang tama, ang tuluyan na s’yang palayain. Pero iniisip ko pa lang ang na tuluyan na s’yang mawawala sa akin ay parang unti-unti na akong mamamatay.
Natahimik din s’ya at muling ibinalik ang kanyang tingin sa kawalan. Narinig kong nagbuntong-hininga s’ya ng malalim at nagsimula ulit s’yang magsalita. Mahinahon na s’ya ngayon at bumalik na ang normal n’yang mga matang wala nang mababanaag na galit.
“Sana Xander matutunan mo na rin ang kalimutan ako. Kasi ako, matagal ko nang pinatay ang nararamdaman ko sa’yo. Hindi ko rin alam kung bakit nangyari sa atin ’yon noon, pero ngayon naging maliwanag na sa akin ang lahat. Naniniwala akong nangyari ’yon dahil hindi tayo nararapat sa isa’t-isa.” mahinahon n’yang wika.
Gusto ko s’yang sagutin na mali s’ya sa kanyang mga sinabi. Alam kong para kami sa isa’t-isa. Wala akong kakayahan na malaman kung sino ang nararapat para sa amin. Pero ang nararamdaman namin noon ang magpapatunay na sa bandang huli ay kami pa rin dalawa. Alam kong natutulog lang ang kanyang puso ngayon dahil natatakot s’yang masaktan muli. Pero ako, simula noon hanggang ngayon ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.
Pero mukhang sa pagkakataong ito ay wala na akong magagawa. Siguro ay patuloy na lamang akong aasa sa tadhana. Patuloy pa rin akong maghihintay na muli n’yang buksan ang kanyang puso.
Kahit mabigat sa dibdib ay sinubukan kong magsalita.
“M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa’t-isa?” tanong ko sa kanya.
Hindi s’ya agad nakapagsalita. Tila ba nabigla rin s’ya sa aking mga tanong.
Ilang saglit pa ay muli s’yang lumingon sa akin at ngumiti.
“Oo naman. Pwede naman tayong magsimula ulit Xander ’di ba? Kahit hindi bilang magkaibigan sa ngayon. Kahit bilang magkatrabaho muna.” nakangiti n’yang pagsagot.
Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang sabihin n’ya ang bagay na iyon ng walang kagatol-gatol. Wala na talaga. Mukhang tuluyan n’ya na akong binura sa kanyang sistema. Gusto nang kumawala ng mga luha ko ngunit pinigilan ko.
Hindi ako nakapagsalita kaya s’ya muli ang nagpatuloy ng usapan.
“So paano ba tayo magsisimula? Mmmm…. Eh kung magpakilala muna tayo sa isa’t-isa? ’Yun naman ang normal na ginagawa ng bagong magkakilala ’di ba?” tanong n’ya pa ring nakangiti.
Kahit masakit sa dibdib ay pinilit kong magbitaw ng pilit na ngiti.
Tama, magsisimula na nga kami ulit sa umpisa. Mag-uumpisa kami na parang hindi pa namin kilala ang isa’t-isa.
Naglahad s’ya ng kanyang kamay bago nagsalita.
“Hi! I’m Tom, your friendly neighborhood.” masaya n’yang wika habang nakalahad ang kanyang kanang kamay.
Muli kong nasilayan ang kanyang ngiti na matagal ko nang hindi nakita sa kanya. Ang kanyang nag-iisang dimple sa kanang pisngi na lalong nagbibigay liwanag sa maganda n’yang ngiti.
Kahit paano ay napagaan n’ya ang pakiramdam ko sa ngiti n’yang iyon. Siguro nga ay ito ang tama. Kahit mahihirapan ako ay pipilitin kong maging normal sa harap n’ya para lang sa kahilingan n’ya. Muli nanaman kong magsasakripisyo para sa kanya. Mas mabuti na rin siguro ito dahil magkakaroon pa rin ako ng pagkakataon na makausap s’ya ng maayos kahit bilang magkaibigan na lamang.
Inabot ko ang nakalahad n’yang kamay at nagpakilala rin sa kanya. Pinilit kong ipakita sa kanya ang pinakamaganda kong ngiti para hindi n’ya mahalata ang sakit na nararamdaman ko.
“Hi! I’m Xander, the friendly ghost.” pagpapakilala ko ng may halong pagbibiro.
“Pfft!! Hahahahaha!!” ang biglang pagtawa ni Tom.
Nabigla ako nang bigla s’yang natawa. Hindi ako makapaniwala na napatawa ko s’ya sa napakasimpleng biro ko. Ang sarap sa pakiramdam.
Ngayon ko naisip na marahil ito nga ang nararapat naming gawin. Mapapasaya ko pa rin s’ya kahit bilang magkaibigan na lang kami.
Nagbitaw din kami agad ng aming kamay. Kahit ayaw ko pang bitawan ’yon ay kailangan kong gawin.
“Sorry, ang corny ng joke mo pero natawa talaga ako. So, anong pinagkaka-abalahan ni Casper? Este ni Xander?” natatawa n’yang tanong.
“I work as General Manager sa isang Hotel, but temporary lang.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Oh?! Ako rin, I work as F&B Manager sa isang hotel din. Mind telling me kung saang hotel ka nagtatrabaho?” tanong n’ya ulit sa akin.
“Sa Diamond Llyx Hotel. How about you?” pagpatol ko pa rin sa kunwaring sudden meeting namin.
“Wow! I’m surprised! I also work there! This must be coincidence!” masaya n’yang wika.
“No. It’s not.” maikli kong sagot na bigla n’ya namang ipinagtaka.
Nangunot ang kanyang noo sa sagot kong iyon. At bago pa s’ya magtanong ay dinugtungan ko na agad ito.
“This must be fate.” maikli kong dugtong na nakatingin sa kanyang mga mata.
Nagbago ang kanyang ekpresyon. Bigla s’yang sumimangot tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko s’ya kaya ko nasabi iyon.
At bago pa magbago ang isip n’yang makipagkaibigan muli sa akin ay binawi ko na agad ang mga salita kong iyon. Ayaw kong magkaroon pa kami muli ng awkward moment na dalawa.
“Eto naman! Joke lang! Hindi na ba pwedeng mag-joke?!” pagbawi ko.
“Kung magjo-joke ka kasi dapat ’yung nakakatawa! Hindi naman nakakatawa ’yun eh!” sagot n’ya ng nakasimangot.
Sa kabila ng kanyang mga pagbabago ay naroon pa rin ang cute n’yang expression kapag nagtatampo.
Tumawa muna ako bago ko s’ya sinagot.
“Eh kasi masyado kang seryoso! Baka mamaya n’yan ipakwento mo pa sa akin ang biography ko?!” pagbibiro ko sa kanya.
Gusto ko pa sanang dugtungan ang sinabi kong iyon ng mga salitang:
‘Kasi kung itatanong mo pa ang biography ko, puro ikaw lang ang nilalaman nun!’
kaso baka tuluyan na s’yang magalit kaya pinigilan ko.
“Edi ikwento mo! Makikinig naman ako.” wika n’ya.
“H’wag na. Hindi naman interesting.” sagot ko naman sa kanya.
“Sige na! Para mas marami pa akong malaman sa bago kong kaibigan!” pagpilit n’ya sa akin.
“Pilitin mo muna ako.” pang-aasar ko sa kanya ng may pilyong ngiti.
Tumaas ang kanyang kaliwang kilay bago ako sagutin.
“Ah ganon? Edi ’wag na lang!” pagsuko n’ya naman ng may halong pagtatampo.
Grabe, hindi pa rin s’ya nagbabago sa aspetong iyon. Ang cute!
“Eh bakit ba ako ang pinag-iinitan mo? Bakit hindi ikaw ang magkwento muna tungkol sa sarili mo?” tanong ko sa kanya.
“Ayoko. Pero kung gusto mo malaman, pilitin mo rin muna ako.” sagot n’ya ng may ngiti sa labi.
Matapos n’yang sabihin ’yon ay sabay kaming nagtawanan.
Na-miss ko ’to! Ang sabay naming pinagtatawanan ang mga maliliit na bagay.
“Teka, maiba tayo Tom. Paano ka nga pala napunta sa Diamond Llyx?” tanong ko sa kanya.
Hindi ko talaga kasi alam kung paano s’ya napunta sa kompanyang iyon. Sobra akong nagulat nang makita ko s’ya roon.
“Pinakiusapan kasi ako ni Papa na magtrabaho doon. Kaibigan din kasi ni Papa ang may-ari ng hotel na ’yon eh.” sagot n’ya naman sa akin.
May biglang pumasok sa isip ko ngunit pinili ko na lamang manahimik at hindi sa kanya sabihin iyon since ayaw n’yang pag-usapan ang naging nakaraan namin.
“Ahhh… Okay…” tangi kong naisagot.
“Eh ikaw? Paano ka naging General Manager doon? Nagulat ako na ikaw ang GM doon samantalang meron ka nang sariling business. Successful naman pareho ang dalawang branch mo ng restaurant pero pumasok ka pa rin doon. Care to tell me kung bakit?” tanong n’ya sa akin.
Natameme ako at nataranta sa tanong n’yang iyon. Dapat ko bang sabihin sa kanya? No, this is not the right time.
“Napakiusapan lang ako na mag-manage nun. Dahil na rin sa pagiging successful ng resraurants ko, the owner asked me to manage Diamond Llyx temporarily. And kapag dumating na ang totoong General Manager n’yo, that’s the time na ite-turn over ko na sa kanya ang lahat.” sagot ko sa kanya.
Sorry Tom kung kailangan kong magsinungaling. Masyado pang maaga para malaman mo ang totoo. At kapag nalaman mo ang totoo, baka iwasan mo nanaman ako.
“Ibig mong sabihin nakilala mo na ang President and CEO ng Diamond Llyx? Kasi hindi sa atin sinabi ’yun nung introduction ’di ba?” mangha n’yang tanong.
“Nope. Hindi ko pa s’ya nakikilala.” sagot ko naman sa kanya.
“Eh paano ka naging General Manager doon? Saka paano ka n’ya napakiusapan?” muli n’yang pagtatanong.
“Grabe Tom! Interview ba ’to?” tanong ko sa kanyang natatawa.
“Sige na! Sagutin mo na lang! Curious lang talaga ako!” pangungulit n’ya.
Natawa nanaman ako sa kakulitan n’ya.
“Si Ms. Jinny Gutierrez ang nakipag-usap sa akin, ’yung Assistant ko. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang s’ya ang ginawang GM eh. Pero para ma-challenge na rin ako to manage a huge and successful hotel like that, I accepted the offer na rin.” sagot ko sa kanya.
“Grabe! Sobrang busy mo pala. Eh sino ang nagma-manage ng restaurants mo?” tanong n’ya ulit.
“Si Shai ang iniwan ko sa Alabang branch and si Rigo naman sa The Fort. Si Randy naman, weekly ang palitan ng duty sa dalawang branch na ’yon. Mas may alam na rin kasi si Randy sa pagma-manage ng restaurant. Nagkikita na lang kami ni Randy ’pag magrereport na s’ya sa akin.” mahaba kong sagot sa kanya.
“Aahhhh…. Mabuti naman kung ganon…” wika n’ya habang tumatango-tango pa.
Bago pa ako muling makapagsalita ay pinutol na kami ng taong dumating. Umakbay s’ya kay Tom at muli ko nanamang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko.
“Mukhang nagkakasiyahan na kayo dito Bae ah?” wika ni Daniel habang akbay si Tom.
“Hindi naman masyado Bae. Iniinterview ko lang ang bago kong kaibigan.” nakangiting sagot ni Tom sa kanya.
Nakangiti rin si Daniel habang kausap n’ya si Tom. Magkatinginan sa mata at kitang-kita mong masaya sila.
Bago pa ako lamunin ng selos ay ngumiti na ako ng pilit sa kanila.
“Paano? Moment n’yo na ’yang dalawa. Babalik na rin ako sa table nila Randy. Enjoy the night Tom and Daniel. Magkita na lang tayo sa work Tom.” pagpapaalam ko sa kanila.
“Sige, kita na lang tayo.” sagot naman sa akin ni Tom ng nakangiti.
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Daniel dahil baka hindi ko maitago ang nararamdaman ko. Agad na akong tumalikod at tinungo ang mesa ng mga kaibigan ko.
Sana kayanin ko ang ganitong set up namin. Sana matagalan ko. Dahil sa bawat sandali na nakikita ko silang dalawa ay ibayong sakit ang nararamdaman ko.
Bakit kailangang sa bawat pagmamahal ay may sakripisyo?
A/N
Yey! Natapos rin!
Sa mga susunod na chapter po malalaman na natin paunti-unti ang naging dahilan ng nangyari kina Tom at Xander 2 years ago. Kung ano ang totoong dahilan kung bakit biglang nagbago si Xander.
Feel you next chapter guys!
Comments and votes na rin po please? Ingat mga ka-watty!
––cold_deee
chapter 6 - gin and tonic
A/N
Hi readers!
Sorry, hindi agad nakapag-update.
This chapter is for
dEAthPhanThom
na kahit bihira ang paramdam sa comment, hindi naman nakakalimot sa pag-vote.. salamat ng marami! :))
Enjoy reading chapter 6!
––> si Tom po sa media.
TOM POV
Lumipas ang mga araw at linggo matapos ang pag-uusap namin ni Xander sa birthday celebration ni Randy at balik normal ang lahat.
Nagkikita kami ni Xander tuwing magkakasabay kami sa pagpasok sa trabaho o kaya naman ay magkakasabay sa elevator.
Masasabi kong bahagyang gumaan ang bigat na nararamdaman ko noong nagkausap kami. Kaya sa tuwing magkakasalubong ang aming landas ay hindi na gaya ng dati na agad kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Nagbabatian kami ng ‘Good Morning’, ‘Hi’, ‘Hello’ o kung minsan naman ay kakamustahin namin ang isa’t-isa.
Sa paglipas ng mga araw ay nakakapag-usap na rin kami ng normal at ibinabalita ko sa kanya ang mga kaganapan sa department ko. Kung minsan naman ay s’ya ang nagtatanong. Masasabi kong wala nang pagkailang kaming nararamdaman at iyon ang maganda. Masarap sa pakiramdam ang magtrabaho ng walang samaan ng loob.
Kung minsan pa nga ay naaabutan ko silang nag-uusap ni Daniel sa tuwing susunduin ako nito dito sa hotel. Ngunit pagdating ko ay magpapalam na rin agad si Xander sa amin kaya ‘Bye’ at ‘Ingat’ na lamang ang aming nasasabi sa bawat isa.
Bumalik sa aking ala-ala ang sandali ng aming pag-uusap noong birthday celebration ni Randy. Naalala ko ang oras na bahagyang umihip ang hangin at nadala nito ang paboritong pabango ni Xander kaya nalaman kong nasa likod ko lamang s’ya. Mabuti at hindi n’ya na ako kinulit ng kinulit kung paano ko nalamang naroon lamang s’ya.
Noong sinubukan n’yang magpaliwanag sa akin tungkol sa nangyari sa amin noon ay hindi ko mapigilang magtaas ng boses at magbitiw ng masasakit na salita.
Kahit naman may mga naging pagbabago na ako ay hindi ko rin naman ginustong sabihin iyon. Ngunit dahil sa hinihingi ng pagkakataon ay kailangan kong gawin.
Ayaw ko nang balikan ang mga sandaling nagpahirap sa akin sa nakaraan. Tapos na ako sa masalimuot na sandaling iyon at tuluyan na akong nakabangon. Aaminin kong nakaramdam ako ng awa sa naging reaksyon n’ya ngunit iyon lamang ang nakikita kong paraan upang makapagsimula kaming muli.
Habang tumatagal ang aming usapan ay nagulat ako sa mga naging katanungan n’ya.
“M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa’t-isa?”
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba ng tanungin n’ya ang bagay na iyon. Tila ba may isang bagay ang tumama sa aking dibdib dahilan para hindi agad ako makapagsalita. Parang nawala ang lahat ng naririnig kong ingay sa mga oras na iyon at ilang ulit din na nadidinig ko ng paulit-ulit ang mga katanungan n’yang iyon.
Ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay nakabawi ako at binigyan ko s’ya ng ngiti at nasagot din ito. Sinabi kong wala naman magiging problema at maaari pa naman kaming magsimula kahit sa pagiging magkatrabaho muna.
Iyon naman kasi ang naisip kong nararapat. At isa pa, mukhang mas makabubuti iyon sa amin dahil pinahahalagahan ko rin naman ang mabubuting bagay na nagawa n’ya sa akin.
Ang mga sumunod naming pag-uusap ay masasabi kong ang pinakamagandang parte. Nagkabiruan kami at nagkakatawanan na parang walang naging mabigat na pangyayari. Magaan sa pakiramdam na nakikita kong masaya rin s’ya na nag-uusap na kami ng normal.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may isang mangkukulam ang pumitik sa ilong ko.
“Aray!!” ang pagrereklamo ko at hinimas ko ang ilong kong pinitik ng mangkukulam.
“Masakit ba? ’Pag hindi ka pa tumayo d’yan sa inuupuan mo, may mas masakit pa d’yan!” pagbabanta ng mangkukulam sa harap ko.
Naririto kasi ako sa aking opisina sa hotel at tinatapos aralin ang mga previous expenses ng department ko. Nakatayo si Olyn sa harap ng mesa ko sa opisina.
“Inaano ka ba?! Saka bakit ka nandito?! Hindi ka man lang kumatok sa pinto! Nasaan ang respeto? Ha Olyn?!” pagrereklamo kong muli sa mangkukulam na si Olyn.
“Ay teka lang! ’Yan exactly ang itatanong ko sa’yo! Kanina pa ako katok ng katok dito pero walang sumasagot! Sabi ng Assistant mo nandito ka lang naman sa loob! Pumasok na ako dahil inisip kong baka nakatulog ka na! Nung pumasok ako tulala ka d’yan at hindi nagtatrabaho! Ilang beses kitang tinatawag at kinakausap, pero na-realize kong tinakasan ka na ng sarili mong kaluluwa dahil wala ka man lang reaksyon sa mga sinasabi ko! Ngayon sabihin mo sa akin Tom, nasaan ang respeto at kahit tingnan ako para ipakita na nararamdaman mo man lang ang presence ko?! Sige nga! Sagutin mo ako! Nasaan ang respeto?!” ang pang-FAMAS award n’yang pagda-drama.
Nakuha n’ya pang bigyan ako ng tingin na tila ba maiiyak na s’ya.
Dinampot ko ang bonsai na nasa ibabaw ng table ko at ibinigay ’yon kay Olyn.
“O ayan! Sa’yo na ang trophy! Wala kang kalaban sa pagiging best actress kaya iuwi mo na ’yan!” naiinis kong wika sa kanya.
Tinanggap n’ya naman iyon na tila ba s’ya nga talaga ang nanalo sa awards night. Baliw talaga!
Ngumiti pa s’ya at nagniningning ang kanyang mga matang hawak ang bonsai na iyon.
“Pwede bang mag-speech?” tanong n’yang medyo naluluha pa.
“Utang na loob Olyn! Hindi mo na kailangan mag-speech dahil wala kang pasasalamatan! Wala ka ngang kalaban ’di ba?! Meaning, no choice ang mga hurado kaya ibinigay na sa’yo ang tropeyo!” pambabasag ko sa kanya.
Sumimangot naman s’ya at padabog na umupo sa silyang nasa harap ng aking mesa.
“Ang KJ mo talaga Tom! Moment na eh! Andun na sana! Moment ko na!” pagmamaktol n’ya at inilapag muli ang bonsai sa aking mesa.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito at napadayo ka sa teritoryo ko?!” tanong ko at paglilihis na rin sa pagda-drama n’ya.
Tinaasan naman n’ya ako ng isang kilay at nakasimangot akong tiningnan. Dapat may award din sa may pinakamataas na kilay eh! Panalo ’to si Olyn panigurado!
“Nagtanong ka pa?! Hello?!! Lunch na kaya! Wala kang balak kumain?! Anong pinaglalaban ng sikmura mo?! Na kahit hindi ka mag-lunch keri lang sa’yo?!” pagtataray n’ya sa akin.
Doon ko naramdaman na nagsisimula na ngang magreklamo ang sikmura ko. Tinapay lang kasi at kape ang kinain ko kaninang agahan. Male-late na kasi ako kanina kaya hindi ko na rin nakain ang almusal na hinanda ni Daniel sa bahay.
“Oo nga pala. Sorry. Sige, kumain na tayo.” wika ko sa kanya at inayos na rin ang mga nagkalat na papel sa aking mesa.
Hindi na nagsalita pa si Olyn at hinayaan na lamang akong matapos ang pag-aayos ko sa aking mesa.
Naglalakad kami ni Olyn palabas ng aking opisina nang magsalita ito.
“Dun ulit tayo kumain sa restaurant na pinuntahan natin nung na-meet natin si Randy ha?” suhestyon n’ya sa akin.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad habang nag-uusap.
“Ayan nanaman tayo eh! Baka pagdating dun paalisin nanaman tayo ng waiter dahil wala nanaman tayong reservation! Pahamak ka Olyn alam mo ba ’yon?!” sumbat ko sa kanya.
“Ahehe.. Sorry na nga eh.. Pero promise! Hindi na tayo paaalisin ngayon kasi nagpa-reserve na ako!” wika n’ya namang kunwari ay nahihiya.
Hindi na ako sumagot dahil wala naman ako magiging panalo sa babaeng ito. Basta ang importante ay makakain na ako dahil gutom na gutom na talaga ako.
Narating namin ang lobby ng hotel at tinutumbok na ang pinto palabas nang may biglang tumawag sa amin.
“Mr. Perez! Ms. Castro!” ang narinig naming pagtawag mula sa aming likuran.
Napahinto kami sa paglalakad at agad na nilingon ito. Si Sir Lojie pala at nasa likuran lamang n’ya si Xander.
Nang makalapit na sila sa amin ay nakangiti silang binati kami.
“Hi Ms. Castro and Mr.Perez.” bati ni Xander sa amin.
“Hi Sir Lojie! Hello din po Sir Xander!” masayang bati ni Olyn sa kanila.
“Good afternoon.” bati ko naman sa kanila.
“Magla-lunch na ba kayo? Pwede bang sabay-sabay na lang tayo?” tanong ni Sir Lojie sa amin.
At dahil nga biniyayaan si Olyn ng nag-uumapaw na pagiging bibo ay mabilis din ang naging pagsagot nito.
“Oo naman! Kaloka! ’Yun lang naman po pala! Tara na po! Doon tayo sa restaurant na kinainan natin dati ha? Ok lang ba?” ang mabilis na pagsagot ni Olyn.
“Oo naman! Masarap kaya dun! ’Di ba Alex?” sagot ni Sir Lojie at tanong na rin kay Xander.
“Sure.” nakangiti namang sagot ni Xander.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung gaano ba ka-close itong si Xander at Sir Lojie. Bakit hindi ko nakilala noon si Sir Lojie? Hindi rin s’ya naikwento kahit minsan sa akin ni Xander noon.
“Mukhang ayaw yata ni Mr. Perez. Hindi s’ya sumagot oh!” ang biglang wika ni Xander at tinuturo pa ako.
Tiningnan ko s’ya ng masama bago ako sumagot.
“Tigilan mo ako Xander! Tatlo na kayong nagdesisyon oh! May magagawa pa ba ako?” sagot ko sa kanya.
Natawa lamang ito sa akin at ginulo-gulo pa ang buhok ko.
“Ang sungit! Tara na nga!” sagot n’ya naman at sinimulan nang maglakad.
Sinundan ko naman s’ya na tinutumbok na ang main door ng lobby.
“Aso ba ako? Bakit kailangan himasin pa ang ulo ko? Ang hirap-hirap mag-ayos nito tapos guguluhin mo lang!” pagmamaktol ko habang inaayos ang aking buhok.
Muli nanaman s’yang natawa sa inasal kong iyon. Patuloy pa rin kaming naglalakad habang nag-uusap.
“H’wag ka na magreklamo d’yan. Tawagin mo na lang ’yung dalawang kasama natin sa likod kasi mukhang natuklaw na yata ng ahas.” wika n’ya sa akin.
Napahinto naman ako sa sinabi n’yang iyon. Nilingon ko ang aming pinanggalingan at nakita kong hindi gumagalaw sina Olyn at Sir Lojie sa kanilang kinatatayuan at tulala lamang na nakatingin sa amin ni Xander.
“Olyn! Ano?! Wala ka na bang balak kumain? Tutunganga ka na lang d’yan?! Sige, mabubusog ka n’yan!” tanong kong nang-aasar kay Olyn.
“Ikaw din Lojie! Sabi mo malapit ka na mamatay sa gutom ’di ba? D’yan ka na lang din?” tanong naman ni Xander kay Sir Lojie.
Nagkatinginan naman si Sir Lojie at Olyn ngunit mabilis ring kumilos papunta sa amin nang walang kahit isang salita.
Nakarating kami sa restaurant at tama nga si Olyn sa kanyang sinabi, nagpareserve na s’ya this time. Magkatabi si Sir Lojie at Xander habang kami naman ni Olyn ay magkatabi at nakaharap sa kanila. Si Xander ang nasa harapan ko at si Sir Lojie naman ang kaharap ni Olyn.
Matapos kunin ang aming order ay nagsimula na rin si Olyn sa kanyang talk show.
“Sir Lojie, pwede ba akong magtanong?” pagsisimula ni Olyn.
“Oo naman Ms. Castro, ano ba ’yon?” tanong ni Sir Lojie na nakangiti habang abala sa pagtutupi ng tissue na nasa kanyang harapan.
Para s’yang bata na nilalaro ang tissue na iyon.
“Curious lang kasi ako.. May sapi po ba kayo?” tanong ni Olyn.
Napatingin naman kaming lahat kay Olyn sa tanong n’yang iyon. Lahat kami ay nagtatakang tiningnan s’ya.
“Sapi?” paglilinaw ni Sir Lojie at itinigil ang paglalaro sa tissue.
“Oo! Sapi! Sanib! O kaya baka may dual persona kayo! Gets mo?” maagap naman na paglilinaw ni Olyn.
Lalo naman kaming napakunot ng noo dahil sa paglilinaw n’yang iyon. Nagkatinginan pa kami ni Xander at iisa ang reaksyon namin, pareho kaming may pagtatanong sa aming isip.
“Bakit mo naman nasabi ’yun Ms. Castro?” tanong ni Sir Lojie.
Napatingin naman kaming muli kay Olyn para pakinggan ang kanyang paliwanag.
“Eh kasi…. ’Pag nasa trabaho tayo, sobrang seryoso mo. Nakakatakot ka nga i-approach eh.. Pero ’pag nasa labas naman, ang ligalig mo. Para kang sinaniban ng masamang espirito. Ibang-iba ka sa loob ng hotel. Alin po ba doon ’yung totoong kayo?” wika ni Olyn.
Bigla naman binitawan ni Sir Lojie ang hawak n’yang tissue at unti-unting nilingon si Xander. Tiningnan n’ya ito ng may nakakaawang mga mata. Parang ano mang oras ay magsisimula na itong umiyak dahil bahagyang kumislap ang mga mata n’yang iyon.
Nagulat na lamang kami nang bigla n’yang ipinatong ang kanyang dalawang braso sa mesa. Ipinatong n’ya ang kanyang ulo sa kanyang mga brasong nasa mesa na tila ba isang musmos na pinaiyak ng kanyang mga kalaro.
‘What the?!’
tanong ko sa aking isip.
“Itanong n’yo d’yan kay Alex kung bakit! Hindi ko naman gusto ’yun eh! Pigil na pigil na ako minsan sa totoo lang!” pagmamaktol ni Sir Lojie. Inangat n’ya ang kanyang ulo at masamang tiningnan si Xander bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Pagod na pagod na ako alam mo ba ’yon?! Tingnan mo! Pati ibang tao napapansin na rin ang kaibahan ko!” dugtong n’ya pang panunumbat kay Xander.
“Act your age kasi! Hindi ka na bata pero kung umasta ka parang teenager ka pa rin! 24 years old ka na for Pete’s sake! May mataas na posisyon sa kompanya! Hindi na ikaw ’yung Lordelino na kailangan pang bantayan at alalayan!” sagot naman ni Xander na parang pinagagalitan s’ya.
“Lordelino?!” ang sabay na naging pagtatanong namin ni Olyn.
“Stop it Alex!” ang pag-awat ni Sir Lojie kay Xander.
Nilingon kami ni Xander at ngumisi ito na tila may kapilyuhang iniisip.
“Yup! Lordelino. His real name is Lordelino Enriquez Jr.” pag-anunsyo ni Xander.
Nagkatinginan naman kami ni Olyn at iisa ang aming naging reaksyon.
“Pffftt!! Ahahahahahahaha!!” ang hindi na namin napigil na pagtawa ni Olyn.
Halos hindi kami makahinga sa kakatawa nang marinig namin ang kanyang totoong pangalan. Nakisabay na rin sa amin si Xander sa pagtawa naming iyon.
“May araw ka rin sa akin Alex!!!” ang naiinis na pagbabanta ni Sir Lojie kay Xander.
“Hep! hep!” ang wika ni Xander habang nakaangat ang dalawa n’yang palad sa tapat ng mukha ni Sir Lojie. Tila ba pinapatigil ito sa kanyang pagsasalita.
“Uummm… Hurray?” ang naging sagot naman ni Sir Lojie sa kanya.
Lalo kaming nagtawanan sa sinagot ni Sir Lojie kay Xander. ’Yung mukha n’ya pa naman na kaninang naiinis ay napalitan ng pagtatanong kung tama ba ang sagot n’yang ‘Hurray’ sa ‘Hep! Hep!’ ni Xander.
Grabe! Naiiyak na kami ni Olyn sa kakatawa. Sinabayan na rin kami ni Lojie sa pagtawa naming iyon. Alam naming pinagtitinginan na kami ng iba pang mga customers sa restaurant na iyon pero wala kaming pakialam.
Nang mahimasmasan kami ay nagtanong muli si Olyn. Pinahid n’ya muna ang luha n’yang nagbabadyang pumatak dahil sa labis na pagtawa.
“Grabe! Nakakaloka kayong dalawa!” paunang wika ni Olyn. “Teka, maiba tayo. Nung nakaraan nabanggit n’yo Sir Lojie na matagal na kayong magkakilala ’di ba? Gaano na ba katagal? Kasi sobrang close n’yo ni Sir Xander.” dugtong n’yang pagtatanong.
Mabuti naman at naitanong ’yon ni Olyn dahil curious din ako.
“Yup! Magkakilala na kami simula nung pinanganak ako.” nakangiting sagot ni Sir Lojie.
“You mean, since birth?” manghang sambit ni Olyn.
“Ay?! In-english lang?! Ayaw ng sagot kong tagalog?!” pambabasag ni Sir Lojie kay Olyn.
Kahit na nabigla ako sa nalaman ay hindi ko naiwasang matawa sa naging reaksyon ni Sir Lojie. Grabe, ganito pala ito kasayang kasama!
“Hoy Mr. Perez! Mauubusan ka na d’yan ng hangin sa kakatawa. Kalma lang, may bukas pa! Baka kabagan ka na n’yan! Naku mahirap ’yan! Marami ang maaapektuhan ’pag inilabas mo ’yang kabag na ’yan!” pagsita naman ni Sir Lojie sa akin.
“Eh kasi naman nakakatawa kayong dalawa Sir Lojie! Saka tawagin mo na lang po ako sa pangalan ko kung pwede lang? Feeling ko ang tanda ko na ’pag tinatawag akong Mr.Perez eh!” sagot ko naman sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Sir Lojie at nilingon si Xander na nasa aking harapan.
“Narinig mo ’yon Alex? Pwede ko na s’ya tawagin sa pangalan n’ya!” manghang wika n’ya kay Xander.
“Masaya ka na?” tanong naman ni Xander sa kanya.
Tumango-tango naman ng paulit-ulit si Sir Lojie. Nagtaka naman ako dahil parang tuwang-tuwa s’ya sa sinabi ko.
Bigla naman sumingit si Olyn sa usapan.
“Ay ako rin Sir Lojie! Pwede mo na rin ako tawagin sa pangalan kong Olyn. H’wag nang Ms. Castro!” pagsabat ni Olyn.
“Ay, kahit hindi na. Okay na ako tawagin ka sa apelyido mo.” pambasag ni Sir Lojie sa suhestyon ni Olyn.
“Ay sige po, okay lang. Tawagin na lang kitang Sir Lordelino sa hotel.” sagot naman ni Olyn na may pagkapilya.
“Ay hinde! Joke lang Olyn!” mabilis na wika ni Sir Lojie habang winawagayway pa ang kamay sa harap ni Olyn.
Muli nanaman kaming natawa sa naging pag-uusap nila.
“Teka, mabalik tayo sa topic. Bakit nga kasi ibang-iba ka sa hotel Sir Lojie? Samantalang ’pag nasa labas kagaya nito, ang ingay mo!” pagbabalik usapan ni Olyn.
Si Xander na ang sumagot sa pagkakataong ito.
“Bilin kasi ’yan ng parents n’ya. Sinabihan s’yang once in his life, sana ay magseryoso s’ya. Masyado kasing happy go lucky kaya ayan ang napapala!” sagot ni Xander.
“At ikaw ang binilinan nilang maging bantay ko! Alex naman! Kelan n’yo ba ako tatantanan?! Malaki na ako! Kaya ko na ang sarili ko!” pagmamaktol naman ni Sir Lojie.
“Kaya nga pinababantayan ka eh! Kasi kapag wala kang bantay, para kang daga na nakawala sa bitag ng isang pusa! Party dito party doon! Hindi ka pa ba nagsasawa?! Kelan ka ba titino?!” sermon ni Xander.
Nanatili naman kaming nakikinig lang ni Olyn sa kanilang pagtatalo.
“You’ll only live once Alex! Kaya make it to the fullest! Hindi tayo habang buhay bata!” sagot naman ni Sir Lojie.
Dito na umawat si Olyn sa kanila. Inangat na ang dalawa n’yang kamay tanda na pinapahinto na sa pagtatalo ang dalawa.
“Teka teka teka! Bago pa kayo magkasapakan d’yan! Bakit ba ganyan na lang kayo mag-usap? Saka bakit kelangan n’yong bantayan si Sir Lojie, ha Sir Xander?” tanong ni Olyn.
Maski ako ay nagtatanong sa aking isip kung bakit nga ba ganito nila ituring ang isa’t-isa.
“Kasi pinababantayan s’ya sa akin ng parents n’ya.” sagot ni Xander.
“Nasabi mo na ’yon kanina Alex! ’Yung klarong sagot naman!” pagsingit ni Sir Lojie.
“Kasi pinsan ko s’ya na walang ginawa kundi bigyan ng sakit ng ulo ang pamilya n’ya!” sagot ni Xander.
“Pinsan?!” sabay naming naitanong ni Olyn.
“Oo, pinsan. We’re cousins!” pagkumpirma ni Sir Lojie.
Ilang segundo rin bago nag-process sa aking isip ang naging sagot nila. Kaya pala ganito na lang sila ka-close ni Xander. Magpinsan pala sila.
“P-paano kayong nakapasok sa kompanya kung magpinsan kayo? B-bawal ang magkamag-anak dun ’di ba?” nauutal kong tanong sa kanila.
“Sa inyo lang ’yun pinapatupad. Sa amin hindi, kasi––” ang hindi na naituloy na isasagot ni Sir Lojie nang bigla kaming putulin ng waiter na dala ang aming mga in-order.
“Excuse me Sir, Ma’am. Here’s your order.” wika ng waiter.
Umayos naman kami sa pagkakaupo para mailagay ang mga pagkain namin sa mesa.
Hindi na rin kami nagsalita pang muli nang mailapag na ang aming mga pagkain. Sinimulan na namin itong kainin dahil gutom na rin kaming lahat.
Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay nagulat ako nang biglang kunin ni Xander ang mga green bell pepper na itinabi ko mula sa aking salad na inorder. Hindi kasi ako kumakain ng fresh na green bell pepper.
“Akin na lang ’yan kung ayaw mo. Nagsasayang ka ng pagkain. Hindi ka na nagbago.” wika ni Xander habang patuloy na kinukuha ang mga green bell pepper sa plate ko.
“Eh.. Ang sama kasi ng lasa eh..” sagot ko naman.
Hindi na s’ya nagsalita ngunit nagulat na lamang ako nang lagyan n’ya ng kalahati ng kanyang burger na inorder ang aking plato.
“Ayan, kumain ka ng marami. Kaya hindi ka tumataba eh! Kelan ka pa natuto mag-diet at salad na lang ngayon ang kinakain mo? Walang rice?! Magpapakamatay ka ba?” sermon n’ya sa akin.
“Mamaya na ako kakain ng rice pag-uwi. Saka pwede ba? Hindi ako payat! Lean lang talaga ako!” pagdepensa ko naman sa mga sinabi n’ya.
“Oo na! Oo na! Ang dami pang sinasabi! Ubusin mo ’yan ha?! Lagot ka sa akin ’pag may itinira ka! Fries, gusto mo rin ba?!” sermon n’ya at pag-alok din sa akin.
“Okay na ako dito.” tangi ko na lang naisagot.
Alam kong nakanguso na ako ngayon dahil sa kanyang panenermon. At imbes na sumagot pa ako sa iba pa n’yang sinabi ay itinuloy ko na lamang ang aking pagkain.
Pagsubo ko ng burger na binigay ni Xander ay napatingin ako kina Olyn at Sir Lojie. Napahinto pala sila sa kanilang pagkain at palitan kaming tinititigan ni Xander.
Tinaasan ko ng kilay si Olyn tanda ng pagtatanong kung bakit s’ya nakatitig sa akin. Ngunit ang tanging naisagot n’ya lamang ay ang pagtataas din ng isang kilay sa akin. Inirapan n’ya rin ako at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.
Si Sir Lojie naman ay nagulat nang inihilamos ni Xander ang kanyang palad sa mukha ni Sir Lojie.
“Huy! Ituloy mo na ’yang pagkain mo. ’Wag kang tumutunganga lang d’yan.” utos ni Xander kay Sir Lojie nang maibaba na n’ya ang kanyang palad mula sa mukha ni Sir Lojie.
Hindi na lamang nagsalita si Sir Lojie at itinuloy na lamang ang kanyang pagkain bagamat punong-puno ng katanungan ang kanyang ekspresyon. Marahil ay pareho silang nagtataka dahil nagagawa na naming mag-usap ng normal ni Xander ngayon.
Matapos naming kumain ay saglit kaming nagpahinga bago kami bumalik ng hotel. Si Sir Lojie at Olyn pa rin ang bumabangka sa kwentuhan. Masayang kasama si Olyn ngunit mas naging masaya noong dinagdagan pa ito ni Sir Lojie.
“Tom, labas tayo minsan! May nakita akong bagong bukas na bar sa The Fort! Try natin kung maganda dun!” pang-eengganyo ni Sir Lojie sa akin.
“Sure! Kelan ba?” sagot ko sa kanyang nakangiti.
“It’s up to you kung kelan ka available. Kasama rin natin si Olyn. Malakas ka bang uminom?” tanong n’ya sa akin.
“Hindi masyado. Pero ’pag alam kong hindi ko na kakayanin ’yung susunod, that’s the time I stop.” nakangiti kong pagsagot.
“Wow! Disiplinado! Maganda ’yan kasi may magbubuhat sa amin ni Olyn pauwi. Kasi nalaman ko na pareho kami ni Olyn who drinks ’til the last drop and ’til we pass out!” masayang sagot n’ya at tumawa pa.
Natawa rin kami dahil sa sinabi n’yang iyon. Ang kulit talaga ni Sir Lojie.
“H’wag mo nang bigyan ng sakit ng ulo ang ibang tao, Lojie. Tama na’ng kami na lang ang inaabala mo, ’wag ka nang mangdamay.” pagsaway sa kanya ni Xander.
“Asus! Hindi ka lang invited eh! Magparty ka na rin kasi para hindi ka lang lagi nakakulong sa cage mo! H’wag mo rin pakelaman ang mga tao sa paligid mo kung nagsasaya sila. Hanap ka na lang ng ibang pagkakaabalahan!” sagot naman ni Lojie.
“Tapos na ako sa bagay na ’yan. Mas gugustuhin ko na ang boring na buhay kesa naman sa magbibigay pa ako ng sakit ng ulo sa iba.” wika ni Xander pabalik.
“Ang sabihin mo, wala ka lang choice dahil mag-isa ka lang! Wala kang makakasama dahil walang nagmamahal sa’yo!” balik ni Sir Lojie sa kanya at nagbitaw ng malakas na tawa.
Dito na hindi nakapagsalita si Xander. Maski ako ay napatigil sa pagtawa dahil sa sinabing iyon ni Sir Lojie. Nang tingnan ko si Xander ay nakakita ako ng lungkot sa kanyang mga mata. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng awa kahit hindi naman dapat.
Pero inisip ko na lang na imposibleng walang magmamahal kay Xander, nariyan naman ang dati n’yang kasintahan na si Josephine na nagbalik sa kanya. I’m sure masaya naman na silang nagsasama pati ang kanilang anak na si Carla.
Kamusta na nga kaya si Carla? Na-miss ko rin ang batang ’yon. Saka ko na lang kakamustahin si Carla kay Xander sa ibang araw ’pag may pagkakataon.
“Hay naku! Tama na nga ’yan! Magbayad na tayo dahil may mga babalikan pa tayong trabaho.” biglang pagsingit ni Olyn.
Tinawag na ni Sir Lojie ang waiter para hingiin ang bill at nagkanya-kanya kami ng bayad.
Habang naglalakad pabalik ng hotel ay nanatiling tahimik si Xander. Hindi na rin s’ya nakikisaya sa aming kwentuhan nina Olyn at Sir Lojie. Tila ba malalim ang kanyang iniisip kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
Wait! Sinabi ko bang nag-aalala ako?!
No! Hindi pala ako nag-aalala sa kanya, baka sakali lang kasing makaapekto ang mood n’ya buong araw at pati trabaho n’ya ay maapektuhan. ’Yun lang ’yon!
Narating namin ang pinto ng main lobby ng hotel at sinalubong nanaman ako ng nakakamanghang attraction ng hotel na pinapasukan namin. Napahinto ako sa paglalakad at hindi ko nanaman naiwasang titigan ang pigurang hindi maikakaila ang taglay na kagandahan.
Sa tuwing papasok ako ng hotel na ito ay hindi ko maiwasang hangaan ang napakalaking frame na nasa mataas na wall ng hotel at sasalubong sa iyo pagpasok mo sa main lobby.
Sa tingin ko ay nasa dalawang palapag ng isang bahay ang taas ng frame na ito. Ngunit hindi ’yon ang pinaka-nakakamangha sa bagay na iyon. Sa loob kasi ng napakalaking frame na iyon ay may isang napakalaking letter “A” na binubuo ng maraming diamond.
Nakakamangha ang ganda dahil sa kumikinang na mga dyamante. At sa hindi ko malamang dahilan ay nakakaramdam ako ng saya sa tuwing makikita ko ito. Sabi nila ay napaka-espesyal ng figure na ito kaya nilikha ito na gawa sa diamond.
“Tom? Ok ka lang?” ang biglang pagtatanong sa akin ni Xander.
Nakatayo s’ya sa aking tabi at nakatingin sa aking ng may pagtataka.
“Ah-ahm… O-oo.. Sorry..” sagot ko naman sa kanya.
“Sigurado ka ba? Kasi bigla ka na lang napahinto dito tapos nakatingala lang d’yan. Iniwan na nga tayo nina Lojie at Olyn para bumalik na sa department nila. Nasa elevator na kami nung mapansin kong hindi ka pa nakakasakay kaya binalikan na lang kita.” mahaba n’yang wika.
“Ha?! N-nakaalis na sila?!” tanong kong nabibigla.
“Tsk! Wala ka nga sa sarili mo. Ano bang nangyayari sa’yo? Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalala n’yang tanong.
“Ahm… H-hindi.. Ayos lang ako..” sagot ko sa kanya.
Muli kong ibinalik ang aking mata sa pagkakatingin sa malaking frame sa harapan namin. Nakatingala akong muli at tinawag ang pansin ni Xander.
“Xander..” pagtawag ko sa kanya.
“Oh?” sagot n’ya naman mula sa aking tabi.
Tiningnan ko s’ya at nakita kong nag-aalala pa rin s’ya base sa nakikita ko sa kanyang mga mata.
“Alam mo ba ang ibig sabihin n’yang malaking figure na ’yan sa frame? Ang tagal ko na kasing nakikita ’yan pero hindi ko alam ang meaning n’yan. Ang sabi lang nila ay napaka-espesyal n’yan.” tanong ko kay Xander habang tinuturo sa aming harapan ang malaking letter “A” na gawa sa Diamond at nasa loob ng frame.
Tumingala si Xander upang tingnan ang aking tinutukoy. Nagulat ako ng unti-unting sumilay ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Kumikislap din ang kanyang mga mata habang nakatingin dito.
“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong n’ya sa akin at tiningnan ako.
Tumango naman ako sa kanya bilang pagsagot. Ngunit nagulat ako nang bigla n’ya akong hinawakan sa aking kamay.
“Halika, sumunod ka sa akin.” wika n’ya at sinimulan n’yang maglakad.
Gusto ko mang alisin ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko magawa.
Hila n’ya ako at tinungo namin ang harapan ng frame na iyon. Mayroong harang sa bandang harapan ng frame na iyon na gawa sa magandang pulang tela na binubuklod ng mga stand na gawa naman sa magandang klase ng bakal. Nasa hanggang hita lamang ang taas ng harang na iyon ngunit mahigpit ang security ng hotel na ito sa mga gustong tumingin dito. Sinabi noon sa amin na hanggang sa mga harang lamang ang pwedeng tumayo sa sino mang gustong tumingin sa figure na iyon.
Nang makarating kami sa harang ng frame na iyon ay nagulat akong humakbang si Xander papasok sa harang habang hawak pa rin ang aking kamay.
“Teka! Teka! Teka!” pag-awat ko kay Xander at hinawakan ko ng isa kong kamay ang kanyang wrist na nakahawak naman sa isa kong kamay.
Nakahabang na s’ya sa kabilang harang samantalang ako ay nasa labas pa rin ng harang.
“Bakit?” nagtataka n’yang tanong matapos akong lingunin.
“Okay ka lang?! Bawal kaya pumasok d’yan! Baka mapagalitan tayo!” nag-aalala kong tanong.
“Sinong magagalit? Ako ang General Manager dito Tom, baka nakakalimutan mo? Kaya halika na, ako ang bahala sa’yo.” wika n’ya sa akin at nakangiti.
Saglit akong nag-isip at nagpalinga-linga sa paligid. Narinig kong kinausap ni Xander ang isang security ng hotel na nag-iikot sa bahaging iyon ng hotel.
“Boss, titingnan lang namin ito ha? Wala ka nang pwedeng papasukin dito. Ako at s’ya lang ang pwedeng pumasok dito. Nagkakintindihan ba tayo?” utos n’ya sa security.
Ngumiti naman ang security sa sinabi ni Xander bago sumagot.
“Sige lang Sir. Ako ang bahala.” sagot ng security person kay Xander.
Nilingon ko si Xander at nakita kong nakangiti ito sa akin. Sa mga ngiti n’yang iyon ay tila ba nagkaroon ako ng lakas ng loob na suwayin ang bagay na mahigpit na ipinag-uutos sa lahat.
“Ano? Halika na!” panghihikayat n’ya sa akin.
Kahit may pag-aalinlangan ay unti-unti ko na ring inihakbang papasok ang aking mga paa sa loob ng harang.
Kaunting hakbang pa ay narating namin ang ilalim ng frame na iyon. Mahigpit n’ya pa ring hawak ang aking kamay at hindi ko na alintana iyon dahil sa mas nangingibabaw sa akin na malaman ang kahulugan ng figure na ’yon.
“Nakikita mo ba ito?” wika ni Xander habang ang isa n’yang kamay ay itinuturo ang maliit na metal na kulay gold sa ilalim ng frame.
Nilapitan ko ito at nakita kong may nakaukit dito.
“THE MISSING PIECE” pagbasa ko sa nakasulat doon.
“Oo. The Missing Piece ang tawag dito sa obra na ito.” nakangiting pagsagot ni Xander.
“Bakit the missing piece? Anong pinagmulan? Saka bakit letter ‘A’ ang nandito? ’Di ba dapat letter D o kaya letter L ang nandito dahil Diamond Llyx naman ang pangalan ng hotel na ’to?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“Sabi kasi ng may-ari ng hotel na ito, pinagawa n’ya ang obra na ito dahil nawawala raw ang isang mahalagang bahagi ng buhay n’ya. Sumisimbolo raw ang letter ‘A’ na ’yan sa mahalagang bagay na ’yon. Gawa rin ito sa pira-pirasong diamond dahil sa sobrang halaga ay dapat ingatan at protektahan.” nakangiting sagot ni Xander sa akin.
Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Xander. Parang punong-puno s’ya ng kaligayahan habang sinasabi n’ya ’yon.
“Naiintindihan ko na. Ganoon kahalaga ang bahagi ng buhay n’yang ’yon para ikumpara sa isang diamond?” paglilinaw ko dito.
“Oo, ganon ’yon kahalaga. Katumbas ’yon ng isang diamond na kahit lumipas ang panahon ay hindi nagbabago ang kinang at halaga, pero dapat pa ring alagaan at protektahan. Kaya kahit anong mangyari at kahit nawala ito sa buhay ng may-ari ng hotel na ito, gagawin pa rin n’ya ang lahat para sa kaligtasan ng diamond na iyon. Kahit ibang tao na ang humahawak ng diamond na iyon ay patuloy n’ya pa ring itong binabantayan at pino-protektahan.” paliwanag ni Xander.
Nakaramdam ako ng lungkot sa paliwanag n’yang iyon.
“N-nakita na ba ng may-ari ng hotel na ’to ang nawawalang bahagi ng buhay n’ya? Ang itinuturing n’yang diamond?” ang malungkot kong pagtatanong sa kanya.
Nakita kong naging malungkot din ang mga mata ni Xander bago ako nagawang sagutin.
“Oo, nakita na n’ya. Pero sa kasamaang palad, hawak na ito ng iba. Hindi n’ya naman pwedeng basta na lang kunin ito sa bagong nagma-may-ari dahil alam n’yang mas mapo-protektahan ang diamond na ’yon sa kamay ng taong iyon. Alam n’ya kasing kapag muli n’ya itong binawi, baka maging sanhi lang iyon ng pagkawasak ng diamond. Kaya ang ginawa na lang n’ya ay protektahan ’yon sa malayo habang hawak s’ya ng bagong nagma-may-ari.” malungkot na saad ni Xander.
Ako man ay nakaramdam ng kalungkutan sa katotohanang iyon.
“I-ibig sabihin, lagi lang nakatanaw ang tunay na may-ari sa bagong nagma-may-ari habang hawak n’ya ang diamond na ’yon? S-sigurado ako, sobrang lungkot n’ya dahil hindi n’ya nahahawakan ang bahaging ’yon ng buhay n’ya. S-sigurado akong nagdurugo at umiiyak ang puso n’ya habang pinapanood na hawak na ng ibang tao ang pinahahalagahan n’ya.” malungkot kong reaksyon.
Hindi ko alam kung bakit ako lubhang nakakaramdam ng lungkot sa bumabalot na kwento sa obrang iyon. Parang nararamdaman ko ang hirap ng kalooban ng may-ari ng hotel na ito.
“Oo, malungkot s’ya. Sobrang lungkot. S’ya na siguro ang pinaka-malungkot na tao sa sandaling ito. Pero habang nakikita n’yang ligtas at hindi nababasag ang dyamanteng ’yon habang hawak ng iba, nakakaramdam na rin s’ya ng saya. Kahit na sa malayo n’ya na lang ito nababantayan ay masaya na rin s’ya.” paliwanag muli ni Xander.
Sandali kaming natahimik ni Xander at nakatingalang nakatitig sa obrang iyon. Sinubukan kong lingunin si Xander ngunit nagulat ako nang may isang luhang pumatak sa kanyang mga mata habang nakatitig s’ya dito. Parang naghihirap ang kanyang kalooban ng mga sandaling ito.
“Xander…” pagtawag ko sa kanya.
Binitawan n’ya agad ang kamay kong hawak n’ya at mabilis na tumalikod sa akin. Nakita ko rin na pinunasan n’ya ang kanyang luha ng kanyang kamay.
“H-halika na, bumalik sa tayo sa office natin. Over break na yata tayo.” wika n’ya habang nakatalikod sa akin.
“S-sige..” naging sagot ko na lang sa kanya.
Humakbang s’ya sa harang na naroon at muli akong nilingon. Naroon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata ngunit pinilit n’yang magbigay ng isang matamis na ngiti. Iniangat n’ya ang kanyang kaliwang kamay tanda na inaalalayan n’ya ako sa paghakbang.
Nanatili naman akong nakatingin sa kanya habang inaabot ang kamay n’yang nakalahad.
Nang makahakbang na ako palabas sa harang ay binitawan n’ya rin agad ang aking kamay. Nagsimula na rin kaming maglakad patungo sa elevator ng walang salitang namutawi sa aming mga bibig.
Nang makapasok kami sa elevator ay tahimik pa rin kaming dalawa. Nakuyuko si Xander at ako naman ay paminsan-minsan s’yang sinusulyapan. Parehong nakasandal sa wall sa loob ng elavator habang nakatayo sa gilid ng bawat isa.
Hindi ko alam kung bakit ang bigat ngayon ng aking dibdib habang pinagmamasdan s’ya. Alam kong mayroon s’yang pinagdadaanan ngunit alam kong hindi tama na itanong ko pa iyon sa kanya. Hindi rin naman ako sigurado kung sasagutin n’ya ba ’yon.
Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang department ko ay dahan-dahan ako sa naging paghakbang ko palabas. Mauuna kasi ang floor kung nasaan ang office ko at nasa mataas na bahagi pa ng hotel ang kay Xander.
Nang makalabas ako sa elevator ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Naririnig ko na rin ang paunti-unting pagsara ng elevator kung saan naiwan doon si Xander.
Ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay kusa na lamang gumalaw ang aking katawan para muling tumalikod at harapin muli ang elevator.
Sa paunti-unting pagsara ng pintuan ng elevator ay paunti-unti ring natatakpan ang imahe ni Xander na nanatiling nakayuko at nakasandal.
Sa pangyayaring iyon ay unti-unti ring nagkusa ang aking mga paang humakbang. At ang aking mga kamay naman ay kusa na ring umangat upang ilagay sa pagitan ng maliit na natitirang espasyo sa pinto ng elevator.
Ilang segundo pa ay naramdaman na ng aking mga braso ang tuluyang pagkakabukas ng pintuan ng elevator na naunsyaming magsara dahil sa pagpigil ko rito.
Habang hawak ko ang magkabilang side na kinalalagyan ng pintuan ng elevator ay nakita ko si Xander na nanatiling nakayuko.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa aking gawin ang bagay na iyon. Pero malakas ang pakiramdam ko na kailangan ni Xander ng makakasama o makakausap ng mga oras na ito.
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganoong posisyon. S’ya na nanatiling nakayuko at ako na nanatiling nakahawak sa frame ng elevator.
“Xander…” ang mahina kong pagtawag sa kanyang pangalan na may bahid ng pag-aalala.
Hindi n’ya inangat ang kanyang ulo upang ako ay tingnan. Ngunit ang sumunod na pangyayari ang nagkumpirma sa aking hinala na nakakaramdam ngayon si Xander ng ibayong kalungkutan.
Nagtaas-baba ang kanyang mga balikat dahil sa paulit-ulit na paghinga ng malalim at tanda na may pinipigilan s’yang saloobin. At ilang sandali pa ay narinig ko na ang kanyang mahihinang paghikbi at impit na pag-iyak.
Muling nagkusa ang aking mga paa na humakbang patungo sa kanya at muli ay hindi ko inaasahan ang aking sumunod na ginawa.
Niyakap ko s’ya ng mahigpit na ginantihan n’ya rin ng mas mahigpit na yakap.
Mas lalo s’yang napahagulgol dahil sa nangyaring iyon at wala akong nagawa kundi ang haplosin ang kanyang likod.
Naramdaman ko rin na nagsarang muli ang elevator at umandar na ito patungo sa susunod na hihintuang floor.
“Xander… M-may problema ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.
Sa halip na sagutin ako ay mas hinigpitan n’ya lang ang kanyang pagyakap at paulit-ulit na umiling. Ewan ko, pero alam kong ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam.
Hinayaan ko lamang s’yang ipagpatuloy ang kanyang pag-iyak. Nag-iisip na sana ay mabawasan kahit paano ang kanyang kalungkutan.
Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon hanggang sa tumunog na ang elevator tanda na narating na nito ang palapag kung saan ito hihinto.
Unti-unting bumitaw si Xander sa aming pagkakayakap at dire-diretsong tinungo ang button sa elevator. Pinindot n’ya ang button kung saang floor ang office ko.
“Dito na ako. Sorry kung naabala kita sa pagpunta sa opisina mo. Salamat Tom.” wika n’ya ngunit hindi ako nilingon.
Lumabas na rin s’ya sa elevator at naiwan akong nakatingin lamang sa kanya. Nakita ko pa ang pagpindot n’ya sa button sa labas upang magsara ang pinto ng elevator. Dahil sa ginawa n’yang iyon ay hindi nakaligtas sa aking mga mata ang kanyang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
Wala na akong nagawa nang tuluyan nang magsara ang elevator at umandar pababa para tunguhin ang floor kung nasaan ang opisina ko.
Mabigat ang aking dibdib habang nakasakay sa elevator na iyon dahil sa nakita ko kay Xander.
“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa’yo.. Pero kahit nagtapos sa hindi magandang pangyayari ang kwento nating dalawa, hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalala sa’yo.”
pagkausap ko sa kanya bagamat hindi n’ya ito naririnig.
A/N
Sana nagustuhan n’yo ang chapter na ’to guys!
Comments and votes please!
Ingat mahal kong readers!
––cold_deee
chapter 7 - caipirinha
A/N
Hi readers!
Sorry, ngayon lang ang update. Kailangan ko kasing basahin ulit ng mga ilang parts sa book 1 bilang recap..
Anyway, comment po kayo para sa next chapter sa kanya ko ide-dedicate.
Enjoy reading chapter 7 guys!
––> si Xander po sa media.
TOM POV
“I’m sorry Tom….” tangi n’yang nasambit.
Kitang-kita ko ang pagsisisi sa kanya. Kung sa ibang tao ay marahil bumigay na sa kanyang naging reaksyon. Ngunit hindi ako nagpatinag. Kung pwede nga lang ay iparanas ko rin sa kanya ang mga naging hirap ko noon ay ginawa ko na.
“Sana Xander matutunan mo na rin ang kalimutan ako. Kasi ako, matagal ko nang pinatay ang nararamdaman ko sa’yo. Hindi ko rin alam kung bakit nangyari sa atin ’yon noon, pero ngayon naging maliwanag na sa akin ang lahat. Naniniwala akong nangyari ’yon dahil hindi tayo nararapat sa isa’t-isa.” mahinahon kong wika.
Ilang minuto rin bago n’yanagawang sumagot.
“M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa’t-isa?” tanong n’ya sa akin.
“M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa’t-isa?” tanong n’ya sa akin.
“M-magiging masaya ka ba kung tuluyan na nating kakalimutan ang lahat? K-kung tuluyan na nating palalayain ang isa’t-isa?” tanong n’ya sa akin.
.
.
.
.
.
“Bessy!”
“Hoy Bessy!”
“Bessy gising!”
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko ang mukha ni Cha na nasa aking harapan habang hawak ako sa magkabilang balikat. Nakita ko ang pag-aalala nito sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong nasa ibang kwarto ako. Muli kong binalikan ang mukha ni Cha na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa aking balikat.
“Ah sh*t!” sambit ko at tuluyan nang bumangon mula sa pagkakahiga.
Ngayon ko lang na-realize na nasa bahay nga pala ako nila Cha. Nandito kami sa kanyang kwarto at magkatabing natulog kagabi.
Naisipan ko kasi silang dalawin dahil nami-miss ko na s’ya at ganoon din ang kanyang pamilya. Naisipan kong ngayon gawin ang pagpunta dito tutal naman ay restday ko sa trabaho ngayong araw at eksaktong restday din ni Cha.
“Bessy, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Cha.
“O-oo bessy… Ayos lang naman ako..” sagot ko sa kanya.
“Sure ka?” paniniguro n’ya.
“Oo naman.. B-bakit?” tanong ko sa kanya.
“Akala ko kasi kung ano na nangyari sa’yo. Nagising kasi ako dahil umuungol ka. Binangungot ka ba?” pag-aalala pa rin n’ya.
Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong.
Simula kasi ng naging tagpo namin sa elevator ni Xander dalawang linggo na rin ang nakakalipas ay gabi-gabi ko nang napanaginipan ang aming naging pag-uusap noong birthday celebration ni Randy.
Kahit ang eksena noong umalis ako sa Pilipinas at pinigilan n’ya ako sa aking pag-alis sa airport ay paulit-ulit din na nagpapakita sa aking panaginip. Kung paano s’ya magmakaawa sa akin at kung paano s’ya humingi ng paulit-ulit na kapatawaran.
“Bessy?” ang muling pagtawag ni Cha sa akin.
“S-sorry Bessy.. Oo, binangungot nga ako..” sagot ko sa kanya.
“Ano bang napanaginipan mo?” nag-aalala n’ya pa ring tanong.
Huminga muna ako ng malalim at seryosong napayuko. Ilang segundo rin akong natahimik bago ko nagawang sagutin iyon.
“’Yung mukha mo Bessy. ’Yung mukha mo ’yung nasa panaginip ko. Binangungot tuloy ako.” seryosong sagot ko sa kanya habang nakayuko.
Hindi ko na sinabi kay Cha ang naging panaginip ko dahil ayaw kong mag-alala pa ito. Isa pa, hindi naman mahalagang bagay iyon. Baka masyado ko lang din kasing naiisip ang mga bagay tungkol sa nasaksihan kong lungkot at luha ni Xander. Alam kong darating din ang oras at mawawala na rin itong mga panaginip kong ito.
Nang tingnan ko si Cha ay iba na ang ekspresyon nito. Ang nag-aalala n’yang mukha ay napalitan ng masasamang pagtitig sa akin. Agad n’yang dinampot ang ginamit kong unan at hinampas sa akin.
“Ang aga-aga ha?! Tumayo ka na nga d’yan para makapag-almusal na tayo! Bwiset! Panira ng umaga! Ang tagal-tagal nating hindi nagkakausap tapos ganyan pa ang gagawin mo sa ’kin!” inis na inis na sambit ni Cha.
Natawa ako sa sinabi n’yang iyon. Hindi na nagbago si Cha, ang daldal pa rin. Kaya na-miss ko ’to eh.
Agad ko s’yang niyakap ng mahigpit at inuga-uga ko pa ito na parang isinasayaw. Nakaupo kaming pareho sa kanyang kama at pareho pang nakapang-tulog.
“Joke lang bessy! Na-miss lang talaga kitang asarin! Na-miss ko ang best friend ko!” natatawa kong wika sa kanya.
“Weehh?! Na-miss daw! Balita ko nga may bago ka nang best friend sa hotel eh! Si Olyn ba ’yun?! Pinagpalit mo na yata ako doon eh! S’ya na ba ang bago mong bessy?” ang nagtatampu-tampuhan n’yang wika ngunit ginantihan naman ang pagyakap ko.
“Iba naman si Olyn, bessy. Mabait ’yon at lagi kong kasama. Kaibigan ko na rin s’ya pero ikaw pa rin ang pinaka-da best sa lahat ng best friend sa mundo!” wika ko sa kanya.
Agad naman s’yang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. Nakanguso pa s’ya at alam kong nagseselos ito kay Olyn.
“Promise?!” tanong n’ya sa akin.
“Promise!” sagot ko naman sa kanya.
Ngumiti naman s’ya at mabilis na kumilos papunta sa aking likod at niyakap ako sa leeg.
“O sige, i-piggy ride mo na lang ako tapos baba na tayo sa dining para mag-breakfast.” paglalambing n’ya sa akin.
Bahagya akong natawa sa kanyang inasta.
“Hindi ba pwedeng mag-toothbrush muna tayo bessy?” natatawa kong tanong sa kanya.
“Ay, oo nga pala. Sige, piggy ride mo na din ako sa banyo. Tapos after natin mag-toothbrush, piggy ride mo ulit ako papunta sa dining.” sagot n’ya sa akin.
Wala na nga akong nagawa dahil sa kakulitan ni Cha. Isa ito sa mga na-miss ko sa kanya, ang pagiging malambing n’ya.
Pagbaba namin sa dining area nila ay pasan-pasan ko pa rin si Cha at nakita naming naroon na sina Tito at Tita na parents ni Cha. Nang makita nilang nakasakay sa likod ko si Cha ay pinagsabihan ni Tita ito. Kesyo hindi na raw dapat ganoon si Cha. Paano pa raw ito makakapag-asawa kung nananatiling isip-bata ito? At ang sagot ng magaling kong best friend?
“Wala akong pakelam kung hindi na po ako mag-aasawa Daddy, Mommy. Basta ’wag n’yo lang puputulin ang credit card ko at tuloy-tuloy lang ang supply ng allowance ko.”
Dahil sa naging sagot ni Cha ay nakatikim s’ya ng kurot sa tagiliran mula sa kanyang Mommy. Natatawa na lamang ako sa kanila dahil panay naman ang pagtatanggol ng kanyang Daddy kay Cha mula sa kanyang nagsusungit na Mommy. Ang sabi kasi ni Tito ay hayaan na lamang daw si Cha dahil s’ya na lamang din ang natitira n’yang baby. Ang mga Ate at Kuya kasi ni Cha ay may kanya-kanya nang pamilya at s’ya na lamang ang walang asawa dahil s’ya ang bunso.
Naipit din ako sa sitwasyon dahil nakuha pang mag-debate nina Tito at Tita at humihingi ng kakampi galing sa akin.
Naging napakasaya ng agahan naming iyon. Maski sila ay na-miss ako kaya panay ang pakwento sa akin kung ano ang mga naging kaganapan namin sa Amerika simula nang umalis kami rito.
Sa sobrang tuwa nila na muli nila akong nakasama ay kung ano-anong bagay ang mga ibinigay sa akin. Ang mga bagay daw na iyon ay mula sa mga nakalipas na Birthday at Pasko na hindi nila ako kasama. Ganoon na sila sa amin simula pa noon. Sa tuwing may espesyal na okasyon ay hindi nila kami kinakalimutan nina Mama at Julius. Talagang pamilya nila kami kung ituring.
Matapos ang aming masayang almusal ay nagpaalam na rin si Tito na papasok na sa kanyang opisina. Kami naman nina Tita at Cha ay narito sa kanilang garden at patuloy na nagkakatuwaan. Nagdidilig ako ng mga halaman at bulaklak habang sina Tita at Cha naman ay abala sa paglilinis sa mga ito. Minsan ay kinakausap rin nila ang mga ito. Isa ito sa mga bonding nilang mag-ina.
Napukaw ng aking mga mata ang magagandang sunflower sa garden nilang iyon. Ang gandang pagmasdan ng mga iyon dahil buhay na buhay.
“Ang gaganda nila Tom ’di ba?” ang biglang tanong sa akin ni Tita.
Napangiti naman ako bago ko s’ya sinagot.
“Oo nga po Tita. Sobrang ganda nila.” nakangiti kong pagsagot sa kanya.
Ngumiti rin s’ya at pumutol ng isang sunflower. Nagulat na lamang ako nang ibigay n’ya sa akin iyon.
“O ayan, alam kong paborito mo ang bulaklak na ’yan.” wika sa akin ni Tita matapos abutin ang sunflower na iyon.
“Tita naman, hindi n’yo naman po kailangan pang pumutol ng isa para lang sa akin. Alam kong alagang-alaga n’yo ang mga halaman ninyo.” nahihiya kong wika sa kanya.
Nanatili namang nakangiti sa akin si Tita bago muling nagsalita.
“Okay lang ’yan Tom. Hindi mo ba alam na hindi lang naman kami ni Cha ang nag-aalaga sa mga sunflower na ’yan? Hindi ka ba nagtataka kung bakit dumami ’yan ng ganyan karami?” tanong n’ya sa akin.
Napakunot naman ako ng noo sa kanyang mga sinabi. Sa totoo lang ay napansin ko rin iyon. Dati kasi ay isang metro lang ang hilera ng mga tanim nilang sunflower, pero ngayon ay nasa apat na metro na yata ang hilera ng mga iyon kaya lalo akong napahanga.
“Ha? Ano pong ibig n’yong sabihin Tita? Ang alam ko ayaw n’yong may ibang tao ang nakikialam ng mga alaga n’yong bulaklak maliban sa inyong dalawa ni Cha. May iba na po bang tagapag-alaga?” taka kong tanong sa kanya.
“Oo Tom. Pero tanging sunflower lang ang inaalagaan ng taong ’yon. Madalas s’yang nagpupunta dito at hihingi ng isang piraso ng sunflower. S’ya rin ang dahilan kung bakit dumami ’yan ng ganyan. Bumili s’ya ng marami para hindi n’ya daw mabilis na maubos ang mga bulaklak nito.” nakangiting pagsagot ni Tita.
“Sina Ate po ba?” tukoy ko sa Ate ni Cha at sa asawa ng Kuya ni Cha.
“Hindi Tom. Alam mo namang kahit sila ay hindi namin hinahayaan ni Cha na galawin ang mga inaalagaan naming halaman. Ang bumili at nag-aalaga ng mga iyan ay si—–” ang hindi n’ya na naituloy na sasabihin dahil sa biglang pagsingit ni Cha.
“Mommy, ang sabi mo igagawa mo kami ni Bessy ng graham cake ngayon? Malapit na mag-lunch oh? Mamaya magugutom nanaman kami wala pa ’yung dessert.” nakangusong wika ni Cha.
“Ay oo nga pala! Sige, gagawin ko na. Kayo na muna ang bahala dito ha? Tom, ituloy mo lang ’yang pagdidilig ha? Pero hayaan mo nang si Cha ang magtuloy ng paglilinis ng mga natuyong dahon sa mga ’yan.” ang utos ni Tita sa akin.
“Sige po Tita, magdidilig lang ako promise!” nakangiti kong sagot.
Ayaw n’ya nga kasing may iba pang hahawak sa mga alaga nilang bulaklak kaya hindi na ako na-offend sa kanyang sinabi. Isa pa, ayaw kong masisi kung sakaling may mamatay na halaman dahil hindi rin ako bihasa sa pag-aalaga sa mga ito.
Umalis na nga si Tita at sinimulan nang gawin ang ipinangako n’ya sa akin na graham cake kanina habang kami ay nag-aalmusal.
Ilang sandali pa ay natapos na rin kami ni Cha sa pagdidilig at paglilinis sa kanilang garden.
“Bessy, tulungan ko lang si Mommy sa paggawa ng graham cake ha? D’yan ka lang. O kaya maligo ka sa pool kung naiinitan ka. May mga damit ka naman sa kwarto ko kaya may pamalit ka.” wika sa akin ni Cha.
“Gusto mo bang tumulong na lang din ako sa inyo?” pag-aalok ko sa kanya.
“Hindi na Bessy. Okay lang kami, magpahinga ka na lang d’yan.” wika sa akin ni Cha.
Wala na nga akong nagawa kaya naiwan akong mag-isa dito sa garden. Nakailang ikot din ako mula sa kanilang garden hanggang sa kanilang pool area nila.
“Haay! Nabo-boring na ako.” mahinang sambit ko.
Wala rin kasi ako sa mood maligo sa pool. Ilang sandali pa ay may naisip akong magandang gawin.
“Manong, pakisabi po kina Tita at Cha nag-ikot-ikot lang po ako ha?” pagpapaalam ko sa guard nila Cha na nasa kanilang gate.
“Sige Tom, ako ang bahala.” sagot naman nito sa akin.
Nagpasalamat naman ako sa kanya at sinimulan nang maglakad upang tunguhin ang lugar na matagal ko nang hindi nakikita.
Ang lugar na ito na malaki ang naging parte sa aking buhay. Dito ako lumaki at nagka-isip. Dito nabuo ang aking mga pangarap at dito rin nahubog ang aking pagkatao.
Walang iba kundi ang dati naming bahay.
Kahit malapit nang magtanghali at mataas na ang sikat ng araw ay hindi ko iyon alintana. Gusto kong makita ang dati naming bahay na nagpapaalala ng maraming karanasan ko sa buhay. Masaya at mahirap man iyon.
“May bago na kayang nakatira doon?” tanong ko sa aking sarili.
Ang huling sinabi kasi sa akin ni Papa ay plano n’yang paupahan ito. Ayaw n’ya raw itong ibenta dahil maraming ala-ala ang bahay naming iyon sa amin.
Wala na rin akong narinig pang update mula kay Papa tungkol sa bahay naming iyon dahil naging abala na rin ako sa pag-aaral at pagta-trabaho noong nasa Amerika kami. Kaya ganito na lang ako ka-excited ngayon para muling makita ito.
Ilang kanto pa ang aking dinaanan bago ko marating ang dati naming bahay. Nakatayo lamang ako sa harap ng bahay naming iyon.
Napangiti ako nang makita kong halos walang ipinagbago ang aming dating bahay maliban na lamang sa bagong pintura ito pati na rin ang gate. Mukhang pinalitan na rin ang bubong nito dahil iba na ang pagkakayari dito. Kung sabagay, noong umalis kami rito ay lumang-luma na ang ibang parte nito.
Nagbalik sa aking ala-ala ang mga sandali noong dito pa kami nakatira. Hindi ko nanaman naiwasang mapangiti.
Sa loob ng gate ay napukaw ng atensyon ko ang isang itim na kotse. Ang kotseng ito ay mukha ring mamahalin.
“May nakatira na palang ibang tao.” bigkas ko habang nakatitig pa rin sa dati naming bahay.
Ilang minuto rin akong nakatingin lamang sa aming bahay. Naisipan kong bumalik nang muli sa bahay nila Cha dahil baka hinahanap na rin nila ako.
May ilang metro na rin yata ang nalalakad ko pabalik nang may narinig akong sunod-sunod na pagtawag.
“Idol?!”
“Idol!”
“Idol, tara na!”
sunod-sunod na narinig kong pagtawag.
Nilingon ko ito at laking gulat ko nang makita ang taong nakatayo sa labas ng gate ng dating bahay namin at may tinatawag mula sa loob nito. Ang taong hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung bakit bigla itong nagbago.
“Ben?” mahina at nagtataka kong sambit.
Labis akong nagtataka kung ano ang ginagawa nito sa labas ng aming bahay at may tinatawag mula roon. Mabilis akong kumilos at nagtago sa isang malaking poste malapit sa aking kinatatayuan. Mukhang magpupunta ito ng gym base sa kanyang suot at may dala rin itong bag.
Ilang beses pa s’yang nagtawag bago ko narinig ang pagbukas ng pintuan ng dati naming bahay. Kung nagulat na ako sa biglang pagpunta ni Ben sa dati naming bahay ay may mas ikagugulat pa pala ako.
Nanlaki ang mga mata ko at naibuka ko rin ang aking bibig nang makita ko ang taong kalalabas pa lamang ng gate ng aming bahay. Nakasuot din ito ng pang-gym gaya ng kay Ben.
“A-anong ginagawa n’ya sa dati naming bahay?!” ang gulat na gulat kong sambit.
Hindi ako nakakilos sa aking kinatatayuan at nanatiling nagtatago sa posteng naroroon.
“Pasensya na Ben, kumuha pa kasi ako ng maiinom nating tubig.” wika ng lalaking kakalabas lang at may hawak na dalawang bottled water.
“Ayos lang Sir Xander. Maaga pa naman eh. Ano? Tara na po?” sagot naman ni Ben.
Ilang sandali pa silang nag-usap at maya-maya lamang ay sabay na rin silang umalis. Bago umalis sa pinagtataguan ko ay sinigurado kong nakalayo na sila.
“Tom? Ikaw na ba ’yan?” ang biglang tinig sa aking likuran.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang lingunin ko ito.
“Aling Minda! K-kayo lang po pala! Ginulat n’yo ako! Akala ko kung sino na!” usal ko habang hawak pa ang aking dibdib dahil sa labis na pagkagulat.
Si Aling Minda ang mabait naming kapit-bahay sa lugar na ito. Sa kanya rin kami noon nakikisuyo kung kailangan namin makigamit ng cellphone para magtext o makitawag noong wala pa kaming cellphone nila Mama.
“Aysus maryosep kang bata ka! Ako nga itong ginulat mo eh! Kailan ka pa nakabalik? Kasama mo rin ba sina Lita at Julius? Kamusta na kayo?” sunod-sunod nitong pagtatanong.
Sinagot ko naman ang lahat ng iyon. Sinabi kong nasa ibang bansa pa sila Mama at ako lamang ang umuwi. Ilang saglit pa kaming nagkamustahan hanggang sa maisipan kong tanungin ang isang bagay.
“Aling Minda, a-ano po ang ginagawa ni Xander sa dati naming b-bahay?” ang utal kong pagtatanong sa kanya.
Kilala n’ya rin kasi si Xander. Minsan na kasi nitong naabutan si Xander sa loob ng bahay namin noong dinalaw namin sina Mama at Julius. Noong mga panahon na sa condominium unit na ni Xander ako tumutuloy.
“Hindi mo ba alam? D’yan na ’yan umuuwi paminsan-minsan. Day-off n’ya yata ngayon kaya nariyan s’ya ngayon. Teka! Nagkita na ba kayo simula nang dumating ka?” tanong nito sa akin.
Wala kasi itong ideya sa nangyari noon sa amin ni Xander. Hindi n’ya alam na nauwi kami ni Xander sa hiwalayan.
“H-hindi pa po! Kaya nga po ako naririto, para sana dalawin lang ang dati naming bahay. Kaso naabutan ko doon si Xander kaya nagulat ako.” pagsisinungaling ko sa kanya.
Ayaw ko na kasing sagutin pa ang mga posible n’yang itanong kaya sinabi ko na lang na hindi pa kami nagkikita.
“Ah ganon ba? Teka, bakit ka nga pala nagtatago dito? Bakit hindi ka na lang pumasok sa loob? Bahay n’yo naman ’yan.” sunod-sunod na tanong pa n’ya.
Naku si Aling Minda talaga! Hanggang ngayon ay may pagka-intregera pa rin! Pero mabait naman ito, likas lang talaga ang pagiging curious sa lahat ng bagay.
“A-ahm… Papasok na po sana ako, kaso nakita kong paalis sila ni Ben. Pupunta po yata ng gym?” pagsisinungaling ko.
“Ay oo! Weekly ’yan silang nagpupunta ng gym ni Ben.” sagot n’ya sa akin.
May pumasok na ideya sa aking utak kaya mabilis kong tinanong si Aling Minda.
“Aling Minda, sabi n’yo po paminsan-minsan lang nagpupunta si Xander sa bahay namin ’di ba? Sino pa po ang nakatira d’yan maliban kay Xander?” tanong kong nag-aalangan kung sasagutin n’ya.
“Bakit hindi mo alam? Hindi n’ya ba sa’yo sinabi?” pag-iimbestiga nanaman n’ya.
Siguro kung ibang tao lang ’to si Aling Minda, iisipin ko nang chismosa s’ya.
“H-hindi n’ya po kasi nabanggit sa akin eh.. B-baka po gusto n’ya po akong sorpresahin kaya hindi n’ya sinabi?” pagsisinungaling kong muli.
“Ahh.. Kung sabagay.. Pero s’ya lang naman ang tumutuloy d’yan Tom. Paminsan-minsan pumapasok ako d’yan dahil pinapalinis n’ya ang bahay n’yo. Tinanggap ko na rin ang alok n’ya dahil galante naman s’ya magbigay ng bayad. Sayang din kasi ’yon, extra income rin!” mabilis n’yang pagsagot.
“I-ibig sabihin nakakapasok din kayo sa loob?” paniniguro ko.
“Oo naman! Ano ba namang klaseng tanong ’yan Tom? Paano ko malilinisan ’yan kung hindi ako makakapasok? May duplicate ako ng susi ng bahay n’yo kaya nagagawa kong makapasok.” sagot naman nito.
Dito na nabuo ang plano ko. Mabuti na lamang at may pagkamadaldal itong si Aling Minda.
“Aling Minda, pwede po bang makahiram ng susi ng bahay?” tanong ko sa kanya.
“Aba oo naman! Sandali at kukunin ko sa bahay ko. Hihintayin mo na lang ba s’ya sa loob?” muli n’yang pagtatanong.
“Naku hindi na po! Saglit lang po akong papasok. May plano po kasi akong sorpresahin s’ya, pero hindi dito. ’Di ba nga po hindi n’ya alam na nakarating na ako? Balak ko po sanang puntahan s’ya sa kanyang trabaho. Kaya sana po Aling Minda ’wag n’yo po munang sabihin sa kanya na nagpunta ako dito at nagkita tayo. Kundi masisira ang plano kong sorpresa sa kanya. Pwede po ba ’yon?” pakiusap ko sa kanya.
“Aba oo naman Tom! Kayo talagang mga bata kayo, ang dami n’yong alam sa buhay! May pasorpre-sorpresa pa kayong nalalaman, eh magkikita rin naman kayo!” natatawa n’yang sambit.
Bahagya naman akong natawa.
“Hayaan n’yo na po kami Aling Minda, pagbigyan n’yo na po kami.” nasagot ko sa kanya.
“Asus! Kung sabagay, ganyan talaga ’pag mahal mo ang isang tao. Napakabait naman kasi ni Xander kaya alam kong mahal na mahal mo rin s’ya. Napakaswerte n’yo sa isa’t-isa.” nakangiti n’yang panunukso.
Hindi naman ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. Parang may bumara sa lalamunan ko sa mga sinabi n’yang iyon. S’ya na lamang ang muling nagsalita.
“O s’ya! Hindi ko na pakikialaman ang lablayp n’yo! Itong batang ’to talaga! Nahihiya pa rin sa akin! Eh samantalang kasama ako ng nanay mo noong panahon na tinuli ka pa sa health center!” ang may pagkapilya n’yang tukso sa akin.
“Si Aling Minda talaga! Hindi pa rin maka-move on doon!” pagmamaktol ko sa kanya.
Natawa muna s’ya bago n’ya ako niyaya na sumama sa kanyang bahay para kunin ang duplicate key ng dati naming bahay.
“Basta Aling Minda, ’wag n’yo pong babanggitin ito kay Xander ha? Baka hindi na kasi s’ya masorpresa sa magiging paghahanda ko.” pakiusap kong muli sa kanya.
“Ay jusko itong batang ito. Sige na, ako na ang bahala. Basta ibalik mo na lang ang susi sa akin mamaya pagkatapos mo.” bilin n’ya sa akin matapos iabot ang susi.
Nagpasalamat naman ako sa kanya. Alam kong hindi ako bibiguin ni Aling Minda kahit na may pagkamadaldal ito. Minsan na rin kasi namin s’yang napakiusapan ni Julius noong may sorpresa kaming inihanda para sa kaarawan ni Mama. Alam kong mapagkakatiwalaan s’ya.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng aming bahay ay parang may karera ng mga kabayo ang aking dibdib. Hindi ko alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid at humugot ng isang malalim na paghinga bago ko ipinasok ang susi sa loob ng door knob.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang loob ng aming bahay na walang pinagbago ang pagkakaayos ng mga gamit mula nang lisanin namin ito. Ngunit ang ilang wall nito ay napalitan at bagong pintura rin gaya ng labas. Pumasok ako at inilibot ang aking mata sa kabuuan ng bahay naming iyon.
“Nakaka-miss tumira dito..” sambit ko.
Nagpunta rin ako sa kusina at nakita kong may mga bago na ring kagamitan doon gaya ng maliit na refrigerator at microwave. Dumami rin ang mga kagamitan sa pagluluto. Napansin ko rin na maraming mga sangkap sa pagluluto ang mga naroroon.
“Siguro madalas din s’yang magluto dito?” muli kong sambit.
Hindi ko inaasahan na mapapangiti ako nang mga oras na iyon.
“Hindi pa rin s’ya nagbabago, mahilig pa rin siguro mag-experiment ng mga lulutuin n’ya.” pagbigkas kong muli.
Matapos libutin ang kusina ay sunod ko namang pinuntahan ang aking kwarto.
Nang nasa may bandang pintuan na ako ay nanginginig ang kamay kong inangat ito para buksan. Tila ba may pagdadalawang-isip akong pasukin iyon ngunit alam kong may halong excitement akong nararamdaman.
Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay ganoon pa rin ang ayos ng lahat. Ang aking kama ay nasa ganoon pa ring pwesto. Ang aking cabinet na nasa tabi ng pintuan ng CR ay naroon pa rin. Ang aking study table na nasa isang sulok ay naroroon pa rin.
Pumunta ako sa dati kong cabinet at marahang binuksan iyon. May mga mangilan-ngilan na damit ang naroon. Alam kong kay Xander ang mga ito base na rin sa size ng mga polong nasa hanger.
Binuksan ko ang isang bahagi ng cabinet at nagulat ako sa aing nakita. Maayos ang pagkakatiklop ng mga damit ngunit hindi iyon ang nakakagulat.
Ang mga damit na iyon ay ang mga damit kong iniwan sa condo ni Xander noong umalis ako doon. Ang mga damit na s’ya mismo ang bumili para sa akin.
Agad kong isinara ang cabinet na iyon dahil sa labis na pagkagulat.
Sunod kong tinungo ang aking study table at napansin kong may flower vase na dito at may tatlong sunflower ang naroon. Hinawakan ko ang sunflower na iyon at napangiti akong muli dahil sa labis na paghanga sa bulaklak na iyon.
Biglang sumagi sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng Mommy ni Cha kanina tungkol sa mga sunflower.
“Si Xander kaya ang tinutukoy n’yang bagong nag-aalaga ng mga sunflower nila?” tanong ko sa aking sarili.
“Hindi naman siguro. Hindi naman close sina Tita kay Xander.” pagsagot ko rin sa aking tanong.
Habang nakatingin sa sunflower ay napansin ko ang laptop na nasa ibabaw ng study table ko. Tiningnan ko ang laptop at marahang binuksan dahil may isang bahagi doon na umiilaw.
“Baliw talaga si Xander. Iniwan ’tong nakabukas.” pagsasalita kong muli. Naka-hybernate kasi ang laptop na iyon.
Nang mabuksan ko ang laptop ay nagulat ako sa larawang nasa screen. Nagulat akong ang wallpaper na naroon ay ang larawan naming dalawa ni Xander noong panahon na magkasama pa kami.
Masayang-masaya kami sa larawang iyon at kitang-kita mo sa aming mga ngiti ang pagmamahal namin sa isa’t-isa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero habang nakatingin ako sa larawan naming iyon ay naramdaman na lang ang paunti-unting pagsilay ng aking ngiti.
Agad ko rin itong napigilan kaya akmang isasarado ko nang muli ang laptop nang mapansin ko rin na may nakabukas s’yang file kaya umandar nanaman ang curiosity ko.
Binuksan ko iyon at nakita ko ang iba’t-ibang nilalaman noon.
“First Unofficial Date”
“A Day with you”
“Happy Memories”
“Living Without You”
“Happy Birthday”
“I’m Missing You”
“Happy Monthsary!”
Ilan lamang ’yan sa mga nakita ko sa kanyang files.
Dahil sa unang nabasa kong file na ‘First Unofficial Date’ ay napakunot ang aking noo.
“Ano ’to?” tanong ko sa aking sarili.
Wala na akong pag-aalinlangan pa at agad ko ring binuksan iyon. Video pala iyon.
“Smile!” boses ni Xander.
Nagulat ako nang makita ko ang aking mukha sa screen. Humarap ako sa camera at napangiti dahil nakatutok sa akin ang camera.
Naaalala ko na. Ito ang kauna-unahang beses na lumabas kami ni Xander kasama ang aming mga kaibigan. Hindi pa kami official noong mga oras na iyon at nasa amusement park kami, sa Enchanted Kingdom.
“Ano pong masasabi n’yo Sir Tom na mamaya lamang ay sasayaw na kayo sa gitna ng amusement park na ito ng walang music dahil panigurado ay susuka na kayo pagkatapos sumakay sa space shuttle na ito?” tanong n’ya habang kinukunan pa rin ako ng video.
Natawa naman ako sa tanong n’yang ’yon kaya hindi agad ako nakasagot. Naririnig ko rin na maski s’ya ay natatawa sa kalokohan n’ya. Ngumiti ako sa camera bago ko s’ya sinagot.
“Pasensya na po, pero sinisigurado ko po na ang sasayaw mamaya ng walang music sa gitna ng amusement park na ito ay walang iba kundi ang lalaking may hawak ng camera ngayon na nagngangalang Sir Xander.” sagot ko at tawa muli ako ng tawa habang nakatapat pa rin sa akin ang camera ni Sir Xander. S’ya din ay natawa sa naging pagsagot ko.
Natapos din agad ang ang maiksing video na ’yon. Kahit hindi na nagpe-play ang video ay nanatili akong nakatitig sa screen. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay naramdaman kong muli ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Hindi ko rin napigilan na hawakan ang aking dibdib dahil sa mabilis na pagkabog nito. Hindi ko sinasadyang makapa ang aking kwintas na ibinigay sa akin ni Daniel noong nakaraang birthday ko.
Agad ko itong inilabas at tinanggal sa pagkakasuot. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, pero nakita ko na lamang ang aking sarili na kinokopya ang mga files na naroon sa isang folder ng laptop ni Xander. Ang kwintas kasi na ibinigay ni Daniel ay isa ring USB. Espesyal ito dahil personalized ito na pinasadya pa ni Daniel.
Matapos kong kopyahin ang mga files ay mabilis ko ring isinara ang laptop. Ayaw kong makahalata si Xander na may nakialam doon.
Tulala akong naglakad papunta sa aking kama. Nang marating ko ito ay napaupo na lamang ako at nanatiling tulala.
Naguguluhan ako sa nangyayari. Masyado akong maraming nadiskubre ngayong araw. Una ay dito na sa dati naming bahay umuuwi si Xander. Iniisip ko kung bakit at paano nangyari iyon. Pangalawa ay ang mga dati kong damit na nasa cabinet ko dati na ngayon ay s’ya na ang nagmamay-ari. At pangatlo ay bakit may naitatabi pa s’yang video namin noon.
Nagbalik sa aking ala-ala ang mga sandali na masaya kaming magkasama ni Xander. Kasabay ng mga nagbabalik na ala-ala ay ang mabilis na pagtibok ng aking puso at hindi ko nanaman naiwasang kapain ang aking dibdib.
“Hindi pwede ’to… Hindi pwede…” mahina kong sambit.
Paulit-ulit akong umiling para mawala ang kakaibang naiisip ko.
Ibinaling ko sa iba ang aking paningin at nakita ko ang unan at kumot na nasa kama at maayos ang pagkakatiklop. Hinaplos ko ito na parang may buhay ang mga ito.
Dahan-dahan ang pagkilos ng aking mga kamay at marahang kinuha ang isang unan. Naguguluhan ako dahil parang may sariling buhay ang mga kamay kong niyakap ang unan na iyon.
Habang hawak ko ito ay naaamoy ko mula rito ang paboritong pabango ni Xander.
Ilang sandali pa ay nagtanong ako.
“Bakit?!”
“Bakit?!”
“Bakit?!”
mahina kong pagtatanong.
Ang katanungang iyon ay hindi para sa ibang dahilan at hindi para kung kanino….
….kundi para sa sarili ko.
Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ngayon ay idinikit ko ang aking mukha sa unan….
….at inaamoy ang pabango ni Xander na kumapit sa unan na iyon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyong iyon. Hindi ko rin inaalis sa aking mukha sa pagkakadikit sa unan na iyon.
Ilang sandali pa ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa kamang iyon habang yakap pa rin ang unan na iyon.
Ang sumunod na nangyari ay hindi ko na maalala dahil tanging kadiliman na ang sumunod dito.
.
.
.
.
.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.
“Sh*t! Nakatulog pala ako.” sambit ko at tumayo na rin sa pagkakahiga.
Kinuha ko ang aking cellphone at nakita kong tumatawag si Cha. Sinagot ko rin naman agad ito.
“Hello bessy?” sagot ko sa tawag n’ya
“Anong hello bessy? Nasaan ka na ba? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka! Sabi ko dito ka lang ’di ba? Late na para sa lunch oh!” inis n’yang wika sa kabilang linya.
“Ahm… Nag-ikot-ikot lang ako bessy… Medyo nainip kasi ako eh..” sagot ko sa kanya.
“N-nag-ikot?! S-saan ka nag-ikot-ikot?! S-saan banda?!” ang tila nag-aalala nitong tanong.
Napakunot naman ang aking noo sa inasal bigla ni Cha. Tila ba nakalimutan n’yang naiinis lang s’ya kanina dahil umalis na lang ako bigla.
“Dito-dito lang naman. ’Wag kang mag-alala, pauwi na rin ako.” sagot ko na lang sa kanya.
“S-sige na bessy. Bilisan mo lang ha? Hintayin na lang kita para makakain na rin tayo ng sabay. Nauna na si Mommy kumain kasi may call s’yang natanggap from her office. Nakaalis na rin s’ya.” wika n’ya sa kabilang linya.
“Sige bessy. Magkita na lang tayo.” sagot ko at binaba na rin ang tawag.
Inayos kong muli ang pagkakatiklop ng higaan para hindi mahalata na may gumalaw nito. Nang matapos ko ito ay akmang lalabas na sana ako ng pinto ng kwarto nang bigla na lamang akong nakarinig ng mga boses.
“Ben? ’Di ba ni-lock ko naman itong pinto kanina? Bakit bukas na ’to ngayon?” ang narinig kong boses na mukhang kakapasok lang ng bahay.
Nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon ako sa sobrang gulat. Parang lalabas na rin ang puso ko sa ribcage ko sa sobrang kaba at hindi ko alam ang gagawin. Natataranta ako at hindi ko magawang makapag-isip ng maayos.
“Hindi ko alam Sir Xander. Nasa gate lang naman ako kanina nung lumabas ka kaya hindi ko napansin kung nag-lock ka.” sagot naman ni Ben.
Napaatras ako palayo sa pinto ng kwartong iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi malaki itong bahay namin para makahanap ng pagtataguan. Inisip kong sa bintana na lang dumaan para makatakas ngunit hindi naman pwede dahil may harang na bakal ito.
“Isip Tom! Isip!” sigaw ko sa aking isip.
“Tae! Paano na ’to?!!!” paulit-ulit kong tanong sa aking sarili habang umaatras.
Marami pa akong tinatanong sa aking sarili na parang may magiging kasagutan akong makukuha kahit alam ko namang wala.
A/N
Sarey guys!! Sinadya kong hanggang dito lang ang chapter na ’to para may abangan sa susunod na chapter. Nakapanood kasi ako ng anime na may nanghahabol na mga zombies kaya nakaapekto ito.. Hahahaha!
Anyway, bibilisan ko naman ang pag-update ng susunod na chapter eh.. ’Wag na magalit.. Labyu!
––cold_deee
chapter 8 - B-52
A/N
Eto na po, sorry sa mga nabitin sa chapter 7. Hahahaha!
Anyway,
opensoul
salamat sa patuloy na pagbabasa at pagko-comment! Friendship na talaga kita! :))
warren87
, eto na s’ya.. ’Wag mo na ako ihagis ha? hahahaha!
Lansdl
, salamat sa patuloy na votes at comments.. Hindi mo talaga ako binibigo! Mwah!
Para sa inyo ’tong chapter na ’to guys!!
At sa mga silent readers po d’yan, kahit po votes na lang ang lilimusin ko sa inyo penge naman po.. Salamat din sa patuloy na pagbabasa..
Enjoy!!
––> si Tom po sa media.
TOM POV
“Isip Tom! Isip!” sigaw ko sa aking isip.
“Tae! Paano na ’to?!!!” paulit-ulit kong tanong sa aking sarili habang umaatras.
Marami pa akong tinatanong sa aking sarili na parang may magiging kasagutan akong makukuha kahit alam ko namang wala.
“Sh*t! Baka ninakawan na ako?!” narinig kong natatarantang usal ni Xander.
Hindi ko na naigalaw ang mga paa ko sa sobrang kaba. Bakit ba kasi nakatulog pa ako?! Ang malas naman oh!
“I-check na lang natin ang mga gamit mo Sir Xander. Tang*na! Tanghaling tapat may magnanakaw?! Ang lupit naman non!” dinig kong usal naman ni Ben.
Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Bumilis na rin ang mga paghinga ko. Naririnig ko ang kanilang mga pagkilos mula sa labas. Mukhang tinitingnan nga nila kung may mga nawawalang gamit si Xander.
“Wala naman nawawala dito sa kusina!” dinig kong wika ni Xander.
“Mukhang wala rin namang nawawala dito sa sala mo.” dinig kong bigkas naman ni Ben.
Saglit silang natahimik bago ko narinig ang boses ni Xander.
“Sh*t! ’Yung kwarto namin ni Tom! Baka may nawala na doon?!” muling pagsasalita ni Xander.
Kahit gusto kong mag-react sa sinabi ni Xander na ‘kwarto namin ni Tom’ ay hindi ko na magawa. Nilukob na ako ng takot na baka makita nila ako.
Nadinig ko ang mabilis na paghakbang papunta sa gawi ng kwartong ito. Doon ko na naigalaw ang mga paa ko.
Mabilis akong kumilos at pinasok ang CR ng dati kong kwarto. Dali-dali ko rin itong sinarado at ini-lock.
Dahil sa hindi naman malaki ang CR ko dito ay wala na akong iba pang mapagtataguan. Sa oras na may pumasok dito ay siguradong makikita agad ako.
Ilang sandali pa ay narinig kong dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Naririnig ko mula sa labas ng CR ang mga paghakbang ng taong pumasok sa silid na iyon.
Nanatili akong nakatayo at nakaharap sa pinto ng CR. Habol ko ang aking hininga sa labis na kaba.
“Sht! Sht! Sh*t!”
paulit-ulit kong bigkas sa aking isip.
Nadinig ko mula sa labas na binuksan ng taong naroon ang cabinet na pinaglalagyan ng mga damit namin ni Xander.
Wala na akong magawa nang mga oras na ito kundi ang magdasal. Paulit-ulit ang aking pagdarasal na sana ay hindi nila pasukin ang CR na ito. Ngunit alam kong imposible iyon.
Narinig ko ang marahang pagsara ng cabinet na iyon. Ilang sandali pa ay mukhang hindi na muli pang kumilos ang nasa labas dahil wala na akong naririnig na ingay mula roon. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Ngunit mukhang isang malaking pagkakamali iyon. Muli kong narinig ang naging mga paghakbang nito. At ang tunog ng bawat paghakbang n’ya ay palakas ng palakas tanda na papalapit na ito sa tinataguan ko.
Muli nanamang nagbalik ang kabang naramdaman ko at mas doble na ngayon.
“’Wag dito! ’Wag dito!” sigaw ng aking isip.
Nai-imagine ko ang paglapit ni Xander sa CR na tinataguan ko. Naiisip ko ang kanyang imahe na papalapit dito sa CR. Dahan-dahan ang paghakbang para mahuli ang nagtatagong inaakala n’yang magnanakaw na wala namang iba kundi ako.
Ilang sandali pa ay tumigil ang kanyang mga paghakbang. At ilang segundo lang ay halos mapatalon ako sa labis na pagkagulat. Gumalaw ang doorknob ng CR at mukhang pinipilit ng taong nasa labas na mabuksan iyon.
Naramdaman kong may mga tumutulo na akong pawis sa aking sentido dahil sa sobrang nerbiyos. Pigil ang mga naging paghinga ko dahil sa labis na kaba. Hindi ko rin naiwasang maikuyom ang aking palad dahil parang namanhid ito at tila wala nang dumadaloy na dugo.
Ilang sandali pa ay napasinghap ako nang matagumpay na nabuksan ang doorknob ng pinto ng CR.
Tumambad sa aking harapan ang taong nagbukas nito at pareho kaming nagulat at nanlaki ang mga mata nang makita ang isa’t-isa.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko ng sariling laway at nanatiling nakatulala sa taong nasa pinto.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay napalitan ang ekspresyon ng mukha ng taong nasa aking harapan. Ang kaninang gulat na gulat n’yang reaksyon ay unti-unting napangisi at ang mga mata n’ya ay mataman akong tinitigan.
“Mukhang nahanap na namin ang dagang gumagala na hinahanap naming mga pusa. Mabuti na lang at sira ang doorknob nitong pinto.” nakangising wika ng taong nasa aking harapan.
Hindi ako nakagalaw dahil sa labis na pagkabigla. Hindi rin ako nakapagsalita dahil parang tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa.
Nakatayo lamang s’ya sa pinto habang hawak pa rin ang doorknob nito. Nakatingin sa akin ng diretso at nanatiling nakangisi.
Ilang segundo pa ay nagawa ko na ring makapagsalita.
“B-ben…” mahina kong sambit.
Mas lumapad ang pagkakangisi nito nang mabanggit ko ang kanyang pangalan.
Ang akala ko ay muli nanaman s’yang magsasalita para kausapin ako. Pero nagulat ako sa sumunod n’yang ginawa.
“Sir Xander! Sir Xander!” ang biglang pagsigaw n’ya.
Agad akong kumilos at mabilis na hinila s’ya papasok ng CR. Sinarado ko ang pinto at ginamit ko ang buong lakas ko para takpan ang kanyang bibig ng kaliwa kong kamay. Tinulak ko s’ya para mapasandal sa likod ng pinto ng banyong iyon. Ang kanan ko namang kamay ay mariin s’yang hinawakan sa kanyang kaliwang braso. Magkaharap kaming dalawa at siniguro kong hindi s’ya makakagalaw.
“Ben please! ’Wag mong sasabihing nandito ako! Nagmamakaawa ako sa’yo!” pasigaw ngunit pabulong kong pakiusap sa kanya.
Marahil ay nagulat s’ya sa aking ginawa dahil nakita ko iyon sa kanyang mga mata. Ngunit ilang sandali pa lamang ay naramdaman ko sa aking palad na nakahawak sa kanyang bibig na tila napangisi s’ya.
Inangat n’ya dahan-dahan ang kanyang kanang kamay at inabot ang palad kong nanatiling nakatakip sa kanyang bibig. Mahigpit ang naging pagkapit n’ya sa aking kamay at sapilitang tinanggal iyon.
Wala na nga akong nagawa dahil tuluyan n’ya nang natanggal ang aking kamay sa pagkakatakip ng kanyang bibig. At tama nga ako, nakangisi s’ya at nanatiling nakatitig sa akin.
“Madali naman akong kausap pareng Tom. Para saan pa at naging magkaibigan tayo ’di ba?” nakangisi n’yang wika sa akin ng pabulong.
Nakahinga ako ng maluwag at unti-unting niluwagan ang aking pagkakahawak sa kanya. Bahagya rin akong umatras para magkaroon ng espasyo sa aming dalawa.
“S-salamat..” mahina kong sambit.
“H’wag kang magpasalamat. Lahat ng bagay sa mundo may kapalit, Tom.” nakangisi n’ya pa ring wika sa akin.
Kumunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Nagtataka sa mga salitang nagmula sa kanya.
“A-anong ibig mong sabihin?” mahina kong pagtatanong.
Bago pa s’ya makasagot sa aking tanong ay may sunod-sunod na katok kaming narinig mula sa pinto ng CR. Muling nagbalik ang kabang nararamdaman ko kanina.
“Ben?!”
“Ben?! Anong nangyari?!”
ang mga pagtawag ni Sir Xander mula sa labas ng CR.
Pareho kaming napatingin sa pintong iyon dahil sa pagtawag ni Xander.
Muli akong nilingon ni Ben at muli nanamang napangisi sa akin.
“Wala naman po Sir Xander! Akala ko lang pinasok ka na talaga ng magnanakaw kasi may narinig akong ingay dito sa CR! Nakakita lang pala ako ng isang DAGA!” sagot n’ya at may diin sa salitang daga na ako ang tinutukoy habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
Alam kong nakikita ngayon sa aking ekspresyon ang labis na takot. At nakikita kong natutuwa si Ben sa kanyang nakikita.
“Kung makasigaw ka naman kasi akala ko kung ano na!” usal ni Xander.
“Sir Xander, pagamit muna ng CR ha? Dito na lang ako maliligo, okay lang ba?” ang tanong ni Ben sa kanya.
“Sige lang! Teka?! May dala ka naman sigurong sariling damit ’di ba? Baka kasi gamitin mo ’yung mga damit ni Tom dito?! Lagot ka sa ’kin ’pag pinakelamn mo ’yon!” pagbabanta ni Xander kay Ben.
Dahil sa sinabi ni Xander ay napabitaw ako sa pagkakatitig kay Ben. Inilihis ko ang aking tingin sa aking gilid dahil nakaramdam ako ng hiya.
Narinig kong napatawa ng mahina si Ben bago sagutin si Xander.
“H’wag kang mag-alala, idol! Hindi ko pakikialaman ang mga gamit n’ya! Alam kong mahalaga ’yun sa’yo!” sagot ni Ben.
“Mabuti at nagkakaintindihan tayo! Sige, d’yan ka muna. Titingin lang ako sa kusina kung anong pwedeng lutuin.” wika ni Xander.
Hindi na sumagot si Ben at narinig ko ang mga hakbang ni Xander palabas ng kwartong iyon.
Nang makasigurado kaming wala na si Xander sa loob ng kwarto ay nagsimula nang magsalita si Ben.
“Ano pareng Tom? Handa ka na ba sa magiging kapalit ng pagtulong ko sa’yo?” tanong n’ya sa akin.
Mahina lamang ang kanyang boses dahil kapag ginamit n’ya ang natural n’yang boses ay may posibilidad na marinig s’ya ni Xander sa labas.
Tiningnan ko s’yang muli at nakita kong nakangisi pa rin ito. Hindi ako sumagot ngunit binigyan ko s’ya ng tingin na nagpapahiwatig na sabihin n’ya ang gusto n’yang kapalit ng pagtulong sa akin.
“Tandaan mo, hindi ka pa tuluyang nakakalabas ng bahay na ’to. Kaya kung ako sa’yo, pumayag ka na lang.” pagpapatuloy n’ya.
“A-ano ba kasing gusto mong kapalit Ben?” tanong ko sa kanyang halos pabulong.
Mas lumapad ang pagkakangisi nito at bahagyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Dahilan para mapaatras ako.
“Simple lang ang kapalit pareng Tom. Ipasok mo ako sa hotel na pinapasukan n’yo ni Sir Xander.” sagot nito sa akin.
Naguluhan naman ako sa kanyang sinabi. Regular employee na s’ya sa restaurant ni Xander, pero heto s’ya at nagpapatulong na makapasok sa pinapasukan naming hotel.
“B-bakit gusto mo pang pumasok sa hotel? ’Di ba maayos naman ang trabaho mo sa restaurant ni Xander?” tanong kong muli sa kanya.
“Simple lang! Balita ko kasi mas malaki ang sweldo doon. Mas malaki ang kikitain ko!” sagot n’ya sa akin.
“Eh bakit sa akin ka pa nagpapatulong? And’yan naman si Xander. Doon din s’ya nagtatrabaho at mas mataas ang posisyon n’ya sa akin. Isa pa, baka magtaka ’yun kung bakit ka aalis sa restaurant n’ya tapos makikita ka rin n’ya sa hotel.” alala kong tanong sa kanya.
Nagdadalawang-isip akong tulungan s’ya sa bagay na iyon. Alam kong napalapit na rin kay Xander si Ben kaya magtataka ’yon kung sakaling umalis si Ben sa restaurant n’ya.
“Maiintindihan ako ni Sir Xander. Ayaw ko lang sa kanya humingi ng tulong dahil masyado nang malaki ang naibigay n’yang tulong sa akin. Hindi naman s’ya kagaya ng ibang naging KAIBIGAN ko na kung kailan ko kailangan ay biglang nawawala!” ang makahulugan n’yang sagot sa akin dahil may diin sa salitang kaibigan na sinabi n’ya.
Saglit akong natahimik at nag-isip bago ko s’ya sinagot.
“S-sige, susubukan ko.” tanging sagot ko sa kanya.
Baka kasi sa paraang ito ay malaman ko ang nangyari kay Ben. Kung bakit ito biglang nagbago. At kahit hindi ko tanungin ay alam kong may namuong galit s’ya sa akin. Baka ito rin ang maging daan para magkaayos kami.
“Good. Madali ka naman palang kausap eh.” wika n’ya.
Kinuha n’ya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at saglit na may pinindot doon bago iniabot sa akin.
“Ilagay mo ang number mo d’yan.” utos n’ya sa akin.
Sinunod ko naman s’ya at inilagay doon ang number ko.
“Akin na cellphone mo.” muli n’yang utos sa akin habang nakalahad ang kanyang kanang palad.
“Ha?” ang nagtataka kong tanong.
“Uulitin ko pa? Narinig mo naman siguro ’di ba? ’Wag kang mag-alala, alam kong nagtataka ka kung bakit bigla akong nagbago. Pero kahit na may naging pagbabago ako, hindi pa sumagi sa isip ko na magnakaw ng cellphone ng iba. Kaya akin na ’yang cellphone mo, ilalagay ko ang number ko.” mahaba n’yang paliwanag.
Bahagya akong napahiya sa sinabi n’yang iyon kaya mabilis kong kinuha ang aking cellphone at ibinigay ’yon sa kanya. Nilagay n’ya ang kanyang number at muli itong ibinalik sa akin.
“Tawagan mo ako kung may balita na kung kelan ako pwedeng magsimula sa trabaho.” wika n’ya pagkaabot sa akin ng aking cellphone.
“S-sige.” sagot ko naman sa kanya.
Tumalikod na s’ya at dahan-dahang binuksan ang pinto ng CR. Sumilip muna s’ya sa labas at muli akong hinarap.
“Lumabas na tayo dito sa CR. Gagawa ako ng paraan para makalabas ka. Doon ka na lang pumwesto sa pintuan nitong kwarto para marinig mo ang pag-uusap namin ni Sir Xander.” utos nito sa akin.
“S-sige. S-salamat Ben.” tangi kong sagot.
Lumabas na nga kaming dalawa ng CR at dire-diretso s’yang pumunta kung saan si Xander matapos isarado ang pintuan ng kwarto. Naiwan naman akong nasa likod ng pinto at idinikit pa ang aking tenga doon upang mas madali kong marinig ang kanilang pag-uusap.
“Sir Xander…. S-sobrang sakit ng tiyan ko… Sumuka ako sa CR mo…” dinig kong pagdaing ni Ben.
“Ha?! Anong nagyari?! Ayos ka lang naman kanina ah?!” ang tila natatarantang tanong ni Xander.
“Hindi ko rin alam eh… Ang sakit talaga… M-may gamot ka ba d’yan?” tanong ni Ben na tila nahihirapan na.
“Meron! Nasa may medicine kit. Sandali, kukunin ko sa kwarto namin ni Tom.” dinig kong sagot ni Xander.
Muli nanamang bumalik ang aking kaba at nanlaki ang aking mga mata. Putek! Mali pa yata ang ginawang pagda-drama ni Ben eh!
“S-sandali Sir Xander!” ang biglang pagpigil ni Ben.
“Bakit?” ang tanong sa kanya ni Xander.
“B-baka kasi hindi tama ang maipainom mo sa akin Sir Xander… M-maraming klase ang sakit ng tiyan, kaya marami rin ang klase ng gamot… Baka mali pa ang mainom ko… Dalhin mo na lang ako sa pinakamalapit na clinic o ospital..” wika ni Ben.
“Sh*t! Oo nga pala! Halika na, baka kung ano na ’yan. Sumakay na lang tayo ng kotse ko para mabilis tayong makarating doon. Kaya mo bang maglakad?” tarantang tanong pa rin ni Xander.
“O-oo.. Kaya ko pa naman.. A-aray!!” pagda-drama pa ulit ni Ben.
Ang sumunod na narinig ko ay ang mabilis na pagkilos mula sa labas. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng gate ng aming bahay. Hindi pa rin ako lumalabas sa kwartong pinagtataguan ko. Maya-maya lang din ay nadinig ko na ang papaalis na sasakyan ni Xander.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong nakalayo na sila. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad na lumabas sa kwartong iyon. Lumabas din agad ako ng bahay at siniguradong nakasarado ang pinto at ang gate. Dali-dali ko ring ibinalik ang duplicate key kay Aling Minda. Muli ko rin s’yang pinakiusapan na ’wag sasabihin kay Xander na nagpunta ako roon. Mabuti na lamang at nakasigurado akong wala s’yang sasabihin.
Nang makalayo na ako sa dati naming bahay ay tulala akong naglalakad pabalik sa bahay nila Cha. At nang makarating ako sa tapat ng gate nila Cha ay nagulat ako sa taong kausap ngayon ni Cha. Nasa tapat sila ng main door ng bahay nila Cha at seryosong nag-uusap.
“Daniel?” nasambit ko ng mahina.
Dahil nasorpresa ako sa pagdating ni Daniel ay napatigil ako sa paglalakad.
Nagtataka ako kung ano ang ginagawa n’ya dito sa bahay nila Cha. Maayos naman akong nagpaalam sa kanya at pumayag naman s’ya. Sinabi ko rin na ’wag n’ya na akong sunduin dahil siguradong ihahatid din naman ako ni Cha sa tinutuluyan namin kahit na medyo malayo ito.
Habang nakatingin ako sa kanila ay napansin kong tila ba may pinatatalunan ang dalawa. Hindi na rin maipinta ang kanilang mga mukha habang nag-uusap. Doon na ako kumilos at agad ring pumasok sa loob ng gate.
“Cha? Daniel?” pagtawag ko sa kanilang dalawa.
Pareho sila ng naging reaksyon nang mapalingon sila sa akin. Parehong gulat na gulat. Ngunit ilang sandali pa lamang ay nagbago rin ang ekspresyon ni Daniel at ngumiti ito ng matamis sa akin. Mabilis rin s’yang kumilos at sinalubong ako ng yakap na s’ya ko ring ginantihan.
“Anong ginagawa mo dito Daniel? Akala ko ba nag-usap na tayo kahapon na hindi mo na ako susunduin?” tanong ko sa kanya habang yakap s’ya.
“Wala lang. Na-miss na kasi kita eh, kaya nagbago ang isip ko. Sinundo na lang kita.” malambing n’yang sagot.
Nagbitaw kami sa pagkakayakap at muli s’yang nagtanong sa akin.
“Teka Bae, saan ka ba nagpunta? Akala ko maaabutan kita agad dito.” tanong ni Daniel.
“Ahh.. N-nag-ikot-ikot lang.. Medyo nainip kasi ako eh..” pagsisinungaling ko.
Ayaw kong malaman n’yang nagpunta ako sa dati naming bahay at naabutan ko doon si Xander. Baka humaba pa ang usapan at magtalo pa kami ni Daniel. Ayaw kong nag-aalala s’ya sa akin.
Hindi na s’ya muli pang sumagot. Si Cha na ang sumunod na nagsalita.
“Mauna na ako sa loob. Ipapahanda ko lang ang pagkain natin. Sumunod na lang kayo.” malamig na wika ni Cha.
Dahil sa nakita kong mood ni Cha ay hindi ko na nagawa pang sumagot. Dire-diretso din s’yang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Nanatili naman kaming nakatayo ni Daniel sa labas.
Nang tuluyang makaalis si Cha ay nagtanong na ako kay Daniel.
“Bae, nag-aaway ba kayo ni Cha? Pagdating ko kasi parang may pinagtatalunan kayo. Tapos parang galit s’ya ngayon.” tanong ko kay Daniel.
“No, Bae. Hindi kami nag-aaway. Pwede ko ba namang awayin ang best friend mo? Edi nagalit ka naman sa akin nun?!” maagap n’yang sagot.
“Parang nagbago kasi bigla ang mood ni Cha. Hindi naman s’ya kanina ganyan.” may pag-aalala kong wika sa kanya.
“Baka naman kasi gutom na. Kanina ka pa kasi n’yan hinihintay eh. Kung saan-saan ka naman kasi nagpupunta. Saan ka ba galing?” pagtatanong n’yang muli sa akin.
“D’yan nga lang. Nag-ikot-ikot lang. Busy kasi sila ni Tita kanina kaya wala akong makausap.” pagsisinungaling ko nanaman.
Hindi na nagawang sumagot ni Daniel at tiningnan lamang ako sa mata. Agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya dahil baka makahalata s’yang may tinatago ako.
“Tara na nga, kumain na tayo sa loob. Baka lalong magalit si Cha kung paghihintayin pa natin s’ya.” pagyaya ko na lamang sa kanya.
Hindi na muli pang nagsalita si Daniel ngunit hinawakan n’ya ako sa kamay at sabay na rin kaming naglakad patungo sa dining nila Cha.
Pagdating namin sa dining ay nakaupo na rin doon si Cha. Agad din itong napatingin sa aming gawi at huminto ang kanyang mga mata sa mga kamay namin ni Daniel na nanatiling magkahawak.
“Kumain na tayo bago pa ako mawalan ng gana.” malamig na wika ni Cha.
Nagkatinginan na lamang kami ni Daniel dahil sa sinabing iyon ni Cha. Tahimik rin kaming umupo at sinimulan nang kumain.
Habang nasa kalagitnan ng pagkain ay napapansin kong ganoon pa rin si Cha. Maging si Daniel ay hindi rin nagsisimula ng usapan. Kung magtatanong ako ay doon lamang sila magsasalita. Hindi na ako nakatiis kaya kinausap ko na silang dalawa.
“May problema ba kayong dalawa? Kanina ko pa napapansin ’yang pananahimik n’yo. Hindi ako sanay na ganyan kayo.” tanong ko sa kanila.
Napatigil sila sa kanilang pagkain ngunit walang sumagot kahit isa man sa kanila. Nanatili pa rin silang tahimik.
“Kung hindi n’yo sasabihin sa akin ang problema, mas mabuti pa yatang umuwi na lang ako. Hindi ko matatagalan ang ganito kayong dalawa.” dugtong ko pa.
Bumuntong hininga si Daniel bago nagsalita.
“Pasensya ka na Bae. Totoo ang hinala mo, may pinagtatalunan nga kami kanina.” wika ni Daniel.
Tiningnan ko si Cha at nakatingin lamang ito kay Daniel habang nagsasalita. Nakita ko ring napangisi ito. Muli pang nagsalita si Daniel.
“Ang totoo n’yan, sinabi ko sa kanya na gusto na kitang umuwi sa atin pagkarating ko kanina. Kaso hindi naman s’ya pumayag kaya nauwi kami sa pagtatalo.” dugtong ni Daniel sa una n’yang sinabi.
Ang kaninang nakangising si Cha ay biglang nagbago ang ekspresyon. Napalitan ito ng pagtataka at hindi ko alam kung para saan ’yon. Napansin ko rin na naikuyom n’ya ang kanyang palad at masamang tinitigan si Daniel.
“Totoo ba ’yon Bessy?” tanong ko kay Cha.
Tiningnan ako ni Cha at sunod ay si Daniel naman. Ilang sandali pa ay bumuntong hininga si Cha at ibinalik ang kanyang tingin sa akin bago ako nagawang sagutin.
“Totoo na nagtalo kami bessy. Pasensya ka na, hindi na mauulit. Maliit na bagay lang naman ’yon at ayaw ko na ring lumaki. Mabuti na rin at nasabi ni Daniel ang TOTOONG dahilan.” sagot ni Cha sa akin ng may diin.
Muli n’yang tiningnan si Daniel. Kinausap n’ya ito habang sila ay magkatitigan.
“Mabuti naman at naisip mong sabihin kay Bessy ang totoo na nagtalo tayo. Kasi ang pinakaayaw ng best friend ko ay ’yung mga SINUNGALING na tao.” wika n’ya kay Daniel ng seryoso at madiin habang paunti-unting ngumisi dito.
Nakita kong napayuko na lamang si Daniel matapos sabihin iyon ni Cha. Bumuntong hininga ako bago ko sila kinausap muli.
“Bessy, Daniel, kung maaari sana ay ayokong nagtatalo kayong dalawa. Isa kayo sa mga importanteng tao sa akin kaya hindi ko kayang makita na hindi kayo nagkakasundo. Nahihirapan akong makita kayong ganyan na nagkakasamaan ng loob.” pakiusap ko sa kanila.
Hindi naman sila nagsalita kaya bumaling ako kay Daniel.
“Ikaw naman Bae, minsan lang kami magkita ni Cha kaya nga sinusulit namin ’di ba? Akala ko ba nagkaintindihan tayo kahapon nung nagpaalam ako?” wika ko kay Daniel.
“Sorry Bae.” tanging nasagot lang ni Daniel habang nakayuko.
Binalingan ko naman si Cha sa pagkakataong ito.
“At ikaw naman Bessy, maliit na bagay lang ’yon. Sana pinalampas mo na. Hindi naman ako sasama agad kay Daniel eh. Gusto rin naman kitang makasama kaya kahit sunduin ako ni Daniel, tutuparin ko ang napag-usapan natin na hanggang mamayang gabi ako magtatagal dito.” wika ko naman kay Cha.
“Sorry bessy.” tanging naisagot din ni Cha.
Muli akong humugot ng malalim na buntong hininga at masuyo ko silang pinakiusapan.
“O sige na, ituloy na natin ang pagkain. Kalimutan n’yo na ’yang maliit na issue sa ating tatlo. Para kayong mga bata, maliit na bagay pinagtatalunan pa.” sermon ko sa kanila.
Sumunod naman sila sa aking sinabi. Ipinagpatuloy namin ang aming pagkain at kahit paano ay nawala na ang kaninang katahimikan bagamat napapansin ko pa ring hindi sila magkatinginan dalawa sa tuwing ang isa sa kanila ay magsasalita.
Napagdesisyunan naming magtatagal ako hanggang gabi dito kina Cha at aalis muna si Daniel. Babalik na lamang s’ya mamayang gabi at sa kanya na rin ako sasabay sa pag-uwi.
Para bumalik ang kaninang masiglang mood ni Cha ay niyaya ko itong mag-swimming sa kanilang pool tulad ng dati naming ginagawa. Hindi naman ako nabigo dahil inabot kami ng halos tatlong na oras sa pagligo at paghaharutan. Para pa rin kaming mga bata na naghahabulan at naglalaro sa pool. Nag-aagawan sa iisang salbabida kahit na may mga extra pa naman doon.
Sunod naming ginawa ay kumain ng kumain habang nanonood ng movie. Naubos din naming dalawa ang graham cake na ginawa ni Tita kanina. Hindi pa rin nagbabago si Cha, mahilig pa rin kumain ngunit hindi naman tumatangkad o tumataba.
Pagsapit ng gabi ay dumating na rin si Daniel para sunduin naman ako. Kahit alam kong ayaw pa akong paalisin ni Cha ay wala naman s’yang nagawa dahil pareho rin kaming may pasok kinabukasan.
Bumiyahe kami ni Daniel pabalik sa aming condo at masayang nagkekwentuhan sa daan sakay ng kanyang motor. Naikwento n’ya sa akin na muli n’yang dinalaw sina Aling Tasing at ang mga bata sa Baywalk. Tuwang-tuwa raw ang mga itong muli s’yang nakita ng mga ito makalipas ang dalawang taon. Medyo malalaki na rin daw ang mga bata at ang magandang balita ay nagbalik eskwela na ang mga ito. Dahil sa natuwa si Daniel sa muli nilang pagkikita ay dinala n’ya ang mga ito sa isang restaurant at doon ay pinakain ng kahit na ano mang gustuhin nila.
Nakabalik kami ng aming condo at masaya pa rin kaming nagkekwentuhan. Napagdesisyunan naming hindi na maghapunan dahil pareho naman kaming busog. At isa pa, masyado na ring late kaya naghanda na rin kaming matulog.
Naunang magshower si Daniel dahil nanlalagkit na rin daw s’ya dahil sa mahabang byahe. Ako naman ang sumunod at hindi na rin ako nagtagal sa pagligo dahil naligo rin naman ako kanina kina Cha.
Nakahiga na kaming pareho ngayon at magkatabi sa kama. S’ya ay nakahiga ng tuwid at nakalagay ang kanang braso sa kanyang noo habang nakapikit. Ako naman ay nakailang ikot na habang nakahiga at yakap ang isang unan.
Muli kasing nagbalik sa aking isip ang mga pangyayari kanina. Kung paanong nangyari na nakatira na si Xander sa dati naming bahay. At ang muntikan n’ya nang pagkakahuli sa akin.
Hindi rin maalis-alis sa isip ko ang larawan naming dalawa na wallpaper ng laptop n’ya. Kung titingnan kasi ang larawang iyon ay kitang-kita ko ang ngiti ni Xander na mababakasan mo ang matinding saya at pagmamahal sa akin. Ngunit iniisip kong matagal na ang larawang iyon kaya imposibleng may pagmamahal pa rin s’ya sa akin hanggang ngayon. Isa pa, s’ya naman ang unang bumitaw sa amin kaya s’ya rin ang unang nakalimot ng pagmamahal na iyon.
Pero bakit nakatabi pa rin ang mga larawan naming iyon? Isa pa ’yung video naming dalawa sa Enchanted Kigdom, bakit may kopya pa rin s’yang ganon? At ang mas palaisipan sa akin ay ang mga damit kong nasa cabinet n’ya kanina. Dapat kasi ay itinapon n’ya na iyon o kaya naman ay sinunog na lamang.
“Bae, ang likot mo naman. Hindi ka ba makatulog?” ang biglang pagsasalita ni Daniel sa aking tabi.
Agad ko s’yang nilingon at tumagilid para makaharap ko s’ya. Hindi ko pa rin binibitawan ang yakap kong unan kaya naroon ito sa pagitan naming dalawa.
“Sorry Bae… Nagising ba kita?” alala kong tanong sa kanya.
“Hindi naman. Kasi hindi pa rin ako nakakatulog simula kanina. Hinihintay muna kitang makatulog bago ako matulog.” sagot n’ya sa akin at tumagilid rin para magkaharap kami.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay nakaramdam ako ng pagkakonsensya. Sa mga simpleng ginagawa ni Daniel ay ramdam na ramdam ko ang halaga ko sa kanya. Hindi n’ya sa akin kahit minsan ipinaramdam na nagiging pabigat na ako sa kanya. Nagawa n’ya pa akong samahan kapalit ng kanyang kapatid.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa kong paglilihim sa kanya sa mga nangyayari sa akin. Ngunit kapag sinabi ko naman ito sa kanya ay may posibilidad na masaktan ko s’ya at ayaw kong mangyari ’yon. Mahalaga s’ya sa akin at hindi ko s’ya kayang saktan. Marami na s’yang nagawa para sa akin at ayaw kong bigyan s’ya ng isang dahilan para makaramdam s’ya ng kalungkutan.
Oo, alam kong hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman n’ya para sa akin. Alam kong mahal n’ya pa rin ako. Noong nasa Amerika pa kami ay muli n’yang ipinagtapat sa akin ang nararamdaman n’ya.
Sa totoo lang ay hindi pa ako handang pumasok sa panibagong relasyon ng mga oras na iyon. Ngunit pinayagan ko s’yang muling manligaw dahil ’yon lang ang nakikita kong paraan para kahit paano ay masuklian ko ang mga mabubuting bagay na ginagawa n’ya sa akin.
Alam kong magiging unfair ’yon sa kanya at sinabi ko rin naman ’yon sa kanya. Pero tulad ng una n’yang ginawang panliligaw sa akin bago naging kami ni Xander, nakiusap s’yang muli na hayaan ko na lamang s’ya na maiparamdam sa akin kung gaano n’ya ako kamahal.
“Hayaan mong burahin ko ang mga mapapait mong ala-ala, Tom. Hayaan mong kahit paunti-unti ay makalimutan mo s’ya. Hindi kita mamadaliin. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na ako na ang sinisigaw n’yang puso mo. Kahit abutin pa ako ng ilang taon o dekada sa paghihintay, hindi ako magsasawang iparamdam sa’yo ang pagmamahal ko.”
’Yan ang mga salita n’yang binitiwan sa akin.
“Bae, may problema ba? Napapansin ko kanina ka pa may iniisip. Gusto mo bang pag-usapan natin? Makikinig ako.” pagbasag n’ya sa biglang pananahimik ko.
Tinitigan ko si Daniel sa kanyang mga mata.
“Bae, paano kung may isang bagay akong tinatago sa’yo? Tapos isang araw malalaman mo. Magagalit ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya.
Saglit naman s’yang nag-isip bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Depende naman Bae. Depende sa tinatago mo. Bakit? Meron ba?” tanong n’ya naman sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang bagay na iyon kahit na alam kong masasaktan s’ya? Naaalala ko rin kasi na ako na rin mismo ang nagsabi sa kanya noon na ayaw kong mababanggit sa aming usapan ang pangalan ni Xander.
“W-wala naman Bae. Bigla ko lang naisip.” ang naisagot ko na lang.
“Bae, hindi ka sa akin magtatanong ng ganyan kung walang pinagmumulan. Sige na, sabihin mo na sa ’kin.” pamimilit n’ya pa.
“Wala nga ’yon Bae. Iniisip ko lang, paano kung darating ’yung araw na may mangyayari tapos hindi ko masabi-sabi sa’yo. Hindi naman sa gusto kong itago ’yun sa’yo, kundi dahil ayaw kitang masaktan. Hindi ko kasi kayang makita kang nasasaktan Bae.” sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman s’ya sa aking sinabi. Marahan s’yang lumapit at nilagay ang kanyang braso sa ilalim ng ulo ko. Ngayon ay nakaunan na ako dito kaya niyakap ko na rin s’ya sa kanyang bewang habang may isang unan na nasa pagitan namin.
“Ang sarap naman pakinggan ng sinabi mo.” wika n’ya habang nakatingin sa mga mata ko.
Siguro ay isang ruler lang ang pagitan ng aming mga mukha habang magkatinginan sa mata. Muli s’yang nagsalita.
“Pero kung darating man ’yon sa atin, hindi ko maipapangakong hindi ako magagalit sa’yo. Siguro sa umpisa, oo. Pero dahil ikaw ’yan, mapapatawad din kita agad. Mas hindi ko kasi kakayanin kung mawawala ka sa akin ng tuluyan. Kaya kahit siguro ilang beses kang maglihim sa ’kin, paulit-ulit lang kitang patatawarin.” madamdaming n’yang pagsagot sa katanungan ko habang nakangiti.
Mas lalo akong nakaramdam ng pagkakonsensya sa mga sinabi n’yang iyon. Alam kong posible n’yang gawin ang bagay na iyon dahil ilang beses n’ya nang napatunayan sa akin iyon. Kaya n’yang magtiis para sa akin.
“Alam mo Bae, ako na yata ang pinakamaswerte na tao sa mundo dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makilala ang kagaya mo.” wika ko sa kanya.
Mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti nang sabihin ko iyon.
“Ako kaya ang maswerte sa’yo Bae. Kasi binigyan ako ng pagkakataon na makasama ang kagaya mo. Ikaw ang dahilan kung bakit nakakangiti ako sa bawat araw na gigising ako.” wika n’ya sa akin.
Natawa ako ng bahagya sa kanyang sinabi. Kinurot ko s’ya ng mahina sa kanyang ilong.
“Ang cheesy mo!” panunukso ko sa kanya.
“Bakit?! Totoo naman ang sinabi ko ah?!” depensa n’ya naman.
Bahagya n’ya ring inangat ang kanyang ulo para mas lalo n’yang makita ang kabuuan ng mukha ko.
“O bakit? Wala naman akong sinasabing hindi ako naniniwala ah?!” sagot ko naman sa kanyang natatawa.
“Akala ko kasi pinagdududahan mo ako eh.” sagot naman n’ya.
Hindi na ako nagsalita at nagtitigan na lamang kaming dalawa habang nakangiti. Maya-maya pa ay naisip kong magtanong sa kanya.
“Ikaw ba Bae? Magagawa mo bang magtago sa akin ng sikreto? Kaya mo bang maglihim sa akin at hindi sabihin ang isang katotohanan na may kinalaman sa akin? O kaya naman sakaling may madiskubre kang isang bagay na may kinalaman sa akin, sasabihin mo ba ’yon sa akin?” seryosong tanong ko sa kanya.
Biglang naglaho ang mga ngiti sa mukha ni Daniel. Siguro ay iniisip n’ya kung ano nga ba ang gagawin n’ya kung sakali mang mangyari iyon.
Natahimik s’ya at kahit nakatingin s’ya sa aking mga mata ay tila ba malayo ang narating nito.
“Bae?” pagtawag kong muli sa kanya dahil hindi ito nakapagsalita.
“A-ahm… H-hindi ko magagawa ’yun sa’yo Bae… H-hindi ko magagawang magtago sa’yo ng isang bagay na may k-kinalaman ka…” utal n’yang pagkakasagot.
Natawa ako sa kanyang naging reaksyon.
“Ano ka ba naman Bae?! Masyado mo namang sineryoso ang tanong ko! Halimbawa lang naman eh! Saka, alam ko namang hindi mo gagawin ’yon! Alam kong tapat kang tao at hindi mo ako magagawang paglihiman.” natatawa kong wika sa kanya. “Tama ako Bae, ’di ba?” tanong ko pa.
Ngumiti s’ya ng mapait sa akin bago ako sinagot.
“O-oo naman… Oo naman, Bae..” sagot n’yang nauutal pa.
“Tama na nga ’to! Parang iiyak ka na d’yan eh. ’Wag mo na nga masyadong iniisip ’yung tanong ko. Mas mabuti pang matulog na tayo.” suhestyon ko naman sa kanya habang nakangiti pa rin.
Ngumiti na s’ya ng totoo sa pagkakataong ito. Hinawakan n’ya ako sa pisngi at nakatingin pa rin sa akin ng diretso.
“Basta Tom tandaan mo, lahat ng bagay na ginagawa ko ay may dahilan. At iisa lang ang dahilan ng lahat ng bagay na ’yon. Dahil mahal kita. Mahal na mahal.” madamdamin n’yang wika sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang bawat salitang binigkas n’ya. Alam kong nagmula ’yon sa puso n’ya.
“Salamat. Salamat Daniel.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Ilang segundo pa kaming magkatitigan at ilang sandali pa ay lumiliit na rin ang pagitan ng aming mga mukha ni Daniel.
Palapit ng palapit at nararamdaman ko na ang susunod na mangyayari. Ilang pulgada na lang ay tuluyan nang maglalaho ang pagitan ng aming mga labi.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nangyari nanaman ang bagay na paulit-ulit na nagpapakita sa tuwing tatangkain ni Daniel na halikan ako…
…muli ko nanamang nakita ang imahe ni Xander na patuloy na umiiyak at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Labis ang kanyang paghihinagpis at pagmamakaawa sa hindi ko malamang dahilan.
Dahil doon ay napapitlag nanaman ako at iniwas ko ang aking mukha kay Daniel. Tumingin ako sa kaliwa dahilan upang hindi maglapat ang aming mga labi. Napahinto rin s’ya sa kanyang balak gawin nang gawin ko ang bagay na iyon.
“M-matulog na tayo Daniel..” mahina kong sambit.
Hindi s’ya nagsalita. Wala s’yang nagawa kundi ang humugot ng malalim na buntong hininga.
“Sige.” kalmado n’yang sagot at itinuloy na lamang ang kanyang paghalik sa aking sentido.
Hindi naman ako tumututol sa gustong gawin ni Daniel. Ngunit hindi ko alam kung bakit sa tuwing tatangkain akong halikan ni Daniel ay paulit-ulit na nangyayari ang bagay na iyon.
Humiga na s’ya sa aking tabi ng tahimik ngunit muli n’yang inayos ang aking ulo sa pagkakahiga sa kanyang braso. Nakaramdam nanaman ako ng pagkakonsenya sa nangyaring iyon.
Niyakap ko na lamang s’ya ng mahigpit upang iparamdam sa kanya na hindi ko rin iyon gustong mangyari.
“I’m sorry Bae…” sinsero kong paghingi ng tawad sa kanya.
Niyakap n’ya rin ako ng mahigpit bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Ssshhhh… It’s okay Bae… I understand… Hindi naman ako nagmamadali.” sagot n’ya sa akin. “Sige na, magpahinga na tayo. Maaga ka pa bukas. Good night.” mahinahon n’ya pang dagdag at hinalikan akong muli sa noo.
“G-good night…” sagot ko naman sa kanya.
At sa ganoong pwesto ay nakatulog na rin ako ng mahimbing.
A/N
There you go guys! Again, sorry sa mga nabitin. Hehe!
Comments and votes please?!!
Ingat mahal kong readers! Abangan n’yo ang mga susunod pang chapters at alam kong magugustuhan n’yo rin iyon!
Salamat! :)))
––cold_deee
chapter 9 - mojito
A/N
Waaahhh!! Na-miss ko kayo!! Grabe, ang tagal kong hindi nakapag-update.. Sorry naman..
Dedicated kay
tan1221
’tong chapter na ’to.. Grabe! Salamat ng marami sa messages mo! Nakita ko na inspiration ko, naholdap nga s’ya! Hahaha!
Anyway, enjoy reading guys!! mwah!!
––> si Xander po sa media.
TOM POV
Dalawang linggo ang nakalipas simula nang madiskubre kong nasa dati na naming bahay tumutuloy si Xander. At sa loob ng dalawang linggong ’yon ay hindi naalis sa isip ko ang mga pangyayari.
Pinipilit kong iwaglit sa isip ko ang mga kaganapang iyon at hayaan na lamang. Ngunit hindi ko man gustuhin ay kusa pa rin itong bumabalik sa aking isipan. Maraming katanungan akong gustong malaman mula sa kanya. Pero iniisip ko kung dapat ko pa bang alamin ’yon?
Nagtatalo ang isip at kalooban ko hanggang sa mga oras na ito. Sa totoo lang ay pinapatay na ako ng curiosity ko. Hindi rin ako minsan makatulog ng maayos sa gabi dahil sa patuloy na ginugulo ako ng mga nalaman ko.
Hindi na rin sinubukang buksan ni Xander ang topic tungkol sa huli naming pag-uusap sa elevator kung saan ay muli kong nasaksihan ang muli n’yang pag-iyak.
Isa pa ang bagay na ’yon. Ano ba talaga ang nangyayari kay Xander at ganoon na lamang ang nakita kong paghihirap ng kalooban n’ya?
Nakapagdesisyon na rin akong sarilinin na lamang ang mga bagay na ito at hindi na ipaalam pa sa iba. Maging kay Daniel ay hindi ko na rin ito sinabi dahil ayaw ko s’yang masaktan.
Sa loob ng dalawang linggo ay paminsan-minsan pa rin kaming magkakasama nina Sir Lojie at Olyn ganun din si Xander tuwing magla-lunch at masasabi kong naging mas malapit kaming apat.
Normal naman ang pakikitungo namin ni Xander. Sa katunayan ay mas nakakapag-usap na kami ng normal. Magiliw pa rin s’yang nakikitungo sa akin. Naroon pa rin ng concern n’ya sa mga kinakain ko kaya minsan ay nauuwi kami sa pagtatalo. Gusto n’ya kasi ay bumalik ang gana ko sa pagkain tulad ng dati. Malaki kasi ang naging pagbabago ko simula nang nanirahan kami sa Amerika pagdating sa mga kinakain.
Sa tuwing nagkakasama kaming apat mag-lunch ay masayang Xander naman ang nakikita ko. Kung minsan nga ay nagagawa pa ako nitong biruin at asarin. Alam n’ya pa rin hanggang ngayon kung ano ang mga bagay na ikakatuwa ko at ikakapikon.
Minsan nga ay napapansin na kami nina Sir Lojie at Olyn pero hindi naman sila nangungulit o nagtatanong. Naikwento ko naman kay Olyn na nakapag-usap na kami ni Xander na maging magkaibigan na lamang. Kaya marahil hindi na rin s’ya masyadong nagtataka. Pero kay Sir Lojie, hindi ko alam kung may ideya ba ito sa nakaraan namin ni Xander.
Ayaw ko mang aminin ay nakakaramdam ako ng tuwa. Pero bago ko pa bigyan ng ibang kahulugan ang nararamdaman ko ay inuunahan ko na ito. Sinasabi ko sa sarili kong masaya lang ako dahil maayos na ang aming relasyon bilang magkaibigan.
Naaalala ko pa noong isang araw nang magpunta ako sa opisina n’ya para ipasa ang ilang documents na kailangan n’ya.
flashback…
Naabutan ko si Xander na natutulog sa kanyang opisina. Nakasubsob ang kanyang ulo sa kanyang desk. Dahan-dahan ko itong nilapitan at nakita kong may hawak itong mga papel. Sinilip ko kung ano ang papel na iyon at nakita kong monthly sales report ito ng kanyang dalawang restaurant.
Natatawa ako dahil dapat ay ang monthly sales report ng hotel ang nire-review n’ya. Pero heto at isinisingit n’ya sa kanyang trabaho dito sa hotel ang reports na natanggap n’ya mula sa kanyang mga resraurant.
Napailing na lang ako habang natatawa sa ginagawa n’ya. Pero naiintindihan ko naman iyon. Mahirap ang may mina-manage kang dalawang restaurant at idagdag mo pa ang napakalaking hotel na ito. Hindi n’ya naman pwedeng pabayaan ang mga restaurant n’ya dahil sarili n’yang negosyo ’yon.
Wala rin naman akong masabi sa kanya bilang isang general manager ng pinapasukan naming hotel na ito dahil sa maganda n’yang pagpapatakbo. Marami rin ang pumupuri sa kanya rito dahil sa mahusay na pagpapatakbo nito. Maging ako ay pinabibilib n’ya sa kanyang mga ginagawa.
Dahil nga sa nahihimbing s’ya sa pagkakatulog ay nakaisip ako ng kapilyuhan nang mga sandaling iyon. Inikot ko ang aking mata at nakita ko ang isang halaman na nasa isang sulok ng kanyang office. Pumitas ako ng isang dahon mula roon at binalikan s’ya sa kanyang pwesto. Lumapit ako sa kanyang tenga at binulungan s’ya.
“Xander…” bulong ko sa kanya.
Hindi s’ya nagising sa pagtawag ko kaya nilakasan ko ng bahagya ang aking boses.
“Xander…” ang may kalakasan ko nang pagtawag sa kanya.
“Mmmmm…” sa wakas ay sumagot s’ya ngunit nanatiling nakapikit at nakasubsob sa kanyang desk.
Hindi ko pa man nasasabi ang gusto kong sabihin ay natatawa na ako dahil nakikita ko na ang mga mangyayari. Humugot ako ng malalim na hininga at muli ko s’yang kinausap.
“Xander…. may ipis sa batok mo.” wika ko dito at ipinatong ang dahon ng halaman sa kanyang batok.
Nang maramdaman n’ya ang dahong inilagay ko sa kanyang batok ay bigla s’yang napatayo mula sa pagkakaupo at pagkakasubsob sa kanyang desk. Nagpaikot-ikot s’ya habang marahas na pinapagpag ang kanyang batok. Pati ang ibang parte ng kanyang katawan ay kanya na ring nahahampas.
“F*ck!! Tanggalin n’yo ’to!!”
“Tang*na!!”
“Aaahhh!! P*ta naman!!”
paulit-ulit n’yang pagmumura habang patuloy pa rin na natataranta.
Napaupo ako at nagtago sa ibabang bahagi ng kanyang mesa sa gilid. Sinisilip ko s’ya at tinakpan ko ang aking bibig ng dalawa kong palad dahil baka marinig n’ya ang pagtawa ko. Pigil na pigil ang pagtawa ko habang nakikita s’ya sa kanyang pagkataranta.
Ganyan si Xander kapag ipis na ang pinag-uusapan. Sila ang mortal na kaaway ni Xander. Diring-diri s’ya dito at nawawala talaga sa pagiging seryoso. Nawawala talaga s’ya sa kanyang katinuan kapag nakakakita ng ipis lalong-lalo na kapag nadadapuan s’ya nito. Hanggang ngayon pa rin pala ay ganoon pa rin s’ya.
Napapikit ako dahil sa labis na pagbungisngis habang nakaupo pa rin sa gilid ng mesa. Hawak ko pa rin ang aking bibig at dahil sa nakikita kong pagkataranta n’ya ay hindi ko napigil na makagawa ng ingay mula sa pagtawa.
Ilang sandali pa ay tanging pagbungisngis ko na lang ang naririnig ko sa kwartong iyon. Nagtaka ako kaya unti-unti kong iminulat ang aking mata habang nakahawak pa rin sa aking bibig.
Napatigil ako sa aking pagtawa nang makita ko ang isang pares ng sapatos sa aking harapan. Unti-unti kong inangat ang aking tingin at unti-unti ko ring nakita ang kabuuan ng taong nakatayo sa aking harapan. Masama ang tingin na ipinupukol nito sa akin habang nakapamewang at nakayuko sa akin.
“Hehe.. peace?” tangi kong nasambit nang mga oras na iyon habang naka-peace sign ako sa kanya.
“Peace? Peace na lang ngayon ang masasabi mo kasi wala naman talagang ipis? Ganon ba Tom?” ang naiinis n’yang tanong sa akin.
Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakaupo habang nagkakamot ng aking ulo.
“Hehe.. Ibibigay ko na sana itong hinihingi mo, kaso
naabutan kitang natutulog dito..“ paliwanag ko at hindi makatingin sa kanya ng tuwid.
Patuloy ko pa rin kinakamot ang aking ulo kahit na malapit na yata magkasugat ang anit ko.
“At ano naman ang kinalaman ng pangti-trip mo sa akin sa pagbibigay mo ng documents na hinihingi ko?” tanong n’ya sa akin
na nakataas ang isang kilay. Waah! Galit na s’ya!
“Ahh… W-wala naman… Naisipan ko lang gawin… Gusto ko lang makita reaksyon mo…” sagot ko sa kanya.
At dahil nga muli kong naalala ang naging reaksyon n’ya kanina ay muli nanaman akong natawa.
“Hahahaha! Sorry! Sorry! Nakakatawa talaga ang itsura mo kanina! Hahahaha!” muli ko nanamang pagtawa.
Bumuntong hininga si Xander at kinuha ang mga papel sa kamay ko. Umupo naman s’ya ng padabog sa kanyang swivel chair ng nakasimangot.
Bahagya naman akong nakonsensya pero hindi ko pa rin magawang itigil ang aking pagtawa. Inubos ko muna ang natitira kong pagtawa bago ko ito kinausap.
Lumapit ako sa kanya habang s’ya ay abala sa pagbabasa ng documents na ibinigay ko. Sinundot-sundot ko s’ya sa kanyang pisngi at humingi ng paumanhin sa ginawa kong kalokohan.
“Uy Xander.. Sorry na.. ’Wag ka na d’yan magalit..” panunuyo ko sa kanya.
Hindi s’ya umimik at hindi ako pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagsundot sa kanyang pisngi.
“Uuuyy… Tatawa na ’yan.. Tatawa na ang batang takot sa ipis…” pang-aasar ko ulit sa kanya.
Nagulat na lamang ako nang bigla n’yang kagatin ang aking daliri na ginamit kong pang-sundot sa kanyang pisngi.
“Aray!!!” daing ko.
Kunwari ay nasaktan talaga ako. Pero ang totoo ay hindi naman masyado, ginawa ko lang OA para mas makatotohanan. Baka kasi hindi n’ya na ako patawarin ’pag hindi ko ininda ang sakit.
Napahawak ako sa aking kamay at medyo yumuko para kunwari sobrang sakit. Bigla naman s’yang nataranta at agad na lumapit sa akin.
“Uy Tom! Sorry! Masakit ba?” tanong n’ya. Dama ko ang pag-aalala n’ya.
“Masakit?! Nagtanong ka pa kung masakit?! Eh kung ’yang daliri mo kaya ang kagatin ko?! Para malaman mo kung masakit?!” pambubulyaw ko sa kanya.
Hindi s’ya nakapagsalita ngunit ilang sandali pa ay….
“Oh!” bigla n’yang suhestyon.
Nagulat ako dahil inangat n’ya ang isa n’yang daliri sa aking mukha. Mukhang seryoso s’ya na ipakagat nga ’yon.
Napangisi ako sa aking isip. Wala nang tanong-tanong. Agad kong kinagat ang daliri n’yang iyon at siniguro kong masasaktan s’ya.
“Aaaahhhh!!!” sigaw n’ya.
S’ya naman ngayon ang namimilipit sa sakit. Hawak n’ya rin ang daliri n’yang kinagat ko at halos mapayuko s’ya sa sakit. Kinuha ko rin ang pagkakataong ’yon para makatakas. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa pinto ng kanyang opisina para lumabas na roon.
“May araw ka rin sa akin Tom!!” sigaw n’ya sa akin bago ako makalabas.
Nilingon ko muna s’ya bago ako tuluyang makalabas.
“Bleh!!!” tangi kong nagawa.
Binelatan ko s’ya at agad na lumabas sa lugar na iyon.
Iniwan ko s’yang namimilipit sa sakit.
end of flashback..
Naputol ang aking pagbabalik tanaw nang makarinig ako ng ilang ingay. Narito kasi ako sa aking opisina at prenteng nakaupo sa aking swivel chair.
“Sir Lojie, sigurado ka bang humihinga pa ’yan si Tom?”
“Oo naman Olyn! Tingnan mo, kagat-kagat pa ’yung ballpen n’ya. Buhay pa ’yan! Pero baka gutom lang?”
“Siguro nga. Nilayasan na ng sariling kaluluwa dahil sa gutom.”
“Pero tingnan mo Olyn, nakangiti habang kagat ang ballpen. Nasiraan na rin ng bait?”
Unti-unti kong nilingon ang mga taong iyon. Pareho silang nakatitig sa akin kaya ganon din ang ginawa ko sa kanila.
Sige, titigan tayong tatlo dito. Patagalan. Ang mahuling tumawa, taya!
Ilang segundo ang lumipas at wala pa rin sa amin ang kumukurap.
Hanggang sa….
“Pfftt!! Wahahhahahahaha!”
sabay-sabay din kaming natawa sa kalokohan namin.
“Grabe! Hindi ko kayang tagalan ang mga mukha n’yo! Nakakatawa talaga kahit titingnan ko pa lang kayo!” ang nasabi ko sa kanila habang patuloy pa rin sa pagtawa.
“Wow! Nahiya naman kami sa mukha mo Tom!” wika naman ni Sir Lojie.
“O bakit? Anong mali sa mukha ko?” tanong ko sa kanya.
“Anong mali? Taena Tom, kung nakita mo lang kanina ’yung mukha mo habang kagat-kagat mo ’yung ballpen! Kelangan ba talaga namumula ka? Anong bang iniisip mo at tulala ka?” tanong n’ya naman sa akin pabalik.
“Ha? Namumula?” taka kong tanong sa kanya.
Si Olyn na ang sumagot ngayon.
“Oo Tom! Pulang-pula ’yung mukha mo habang gigil na gigil sa pagkagat sa ballpen mo!” sagot ni Olyn.
“Weh? ’Di nga? Namumula ako?” tanong ko ulit at hinawak-hawakan ko pa ang pisngi ko.
Nagkatinginan ang dalawang buang sa harap ko at napangisi. Mukhang may iniisip nanamang kalokohan ang mga ito.
Sa araw-araw naming magkakasama ng mga ito ay nasanay na kami sa ugali ng isa’t-isa. At masasabi kong sila na! Sila na ang mga nangunguna sa pagiging pilyo at pilya!
“Ehem! Baka gusto mo i-share ang kahalayan na naiisip mo!” wika ni Sir Lojie.
“Kahalayan pinagsasabi mo?” tanong ko sa kanya.
“Asus! Kunwari ka pa! ’Wag mo sabihing hindi ka pa nakakagawa ng kahalayan sa buhay mo? Tigilan mo kami Tom! Pakapa nga ng puwet mo! Tingnan natin kung talagang dalisay ka pa?!” si Olyn na akmang hahawakan talaga ang likuran ko.
Napaatras ako dahil ayaw kong mahawakan n’ya iyon. Baliw talaga ’tong babaeng ’to!
Muli nanaman silang natawa sa ginawa kong pag-atras.
“Grabe Tom! Tingnan mo ’yang mukha mo! Pulang-pula nanaman!” halos isigaw na ’yan ni Sir Lojie.
“Ano ba kasing ginagawa n’yo dito sa opisina ko?! Bakit kayo nandito?” inis kong tanong sa kanila at pag-iiba na rin ng usapan.
“Teka lang! Pucha! Hindi ako makahinga! Hahahahaha!” si Sir Lojie na malapit na yata malagutan ng hininga.
“Isa ka pa! Pakapa nga rin ng pwet mo Sir Lojie! Dalisay ka pa rin ba? Ay malamang hindi na! Maharot ka eh!” baling naman ni Olyn kay Sir Lojie.
Grabe talaga ’tong dalawang ’to! Puro kabastusan ang alam!
“Taena mo Olyn! Pure top ako! At hindi ko pa nararanasan ang pasukin ang likod ko! Eh ikaw?! ’Wag mo sabihing virgin ka pa?!” balik naman ni Sir Lojie sa kanya.
“Hooo! Hindi ako nagmamalinis noh! Halika dito, pasok ka sa ano ko! Kasya ka dito!” si Olyn na hindi na makontrol ang kababuyan sa bibig.
Wala naman nasabi si Sir Lojie kundi ang humagalpak sa tawa. Maski ako ay hindi na napigilan ang matawa dahil sa sinabi ni Olyn.
“Teka! Ano nga ba kasing ginagawa n’yo dito? Uwian na natin ah? Bakit hindi pa kayo umuuwi?” tanong ko sa kanila nang mahimasmasan ako.
“Ayun na nga! Kaya kami pumunta ni Sir Lojie dito kasi balak namin mag-bar. Sama ka sa amin, dali!” si Olyn na mukhang excited na excited.
“Ganon ba? Teka, magpapaalam lang ako kay Daniel.” wika ko naman sa kanila.
Kailangan ko muna magpaalam kay Daniel dahil baka mag-alala ito. Tinext ko s’ya na gagabihin ako dahil nagyaya nga sila Olyn. Ilang segundo lamang ay nag-reply din naman agad ito at sinabing okay lang sa kanya. Plano n’ya rin daw kasing sumama kay Jurnie at gigimik rin daw sila. Doon na rin daw s’ya matutulog kaya wala rin akong aabutan sa bahay.
Nang sabihin ko iyon kila Sir Lojie at Olyn ay tuwang-tuwa ang mga ito. Agad rin kaming umalis sa aking opisina.
Sakay kami ng dalang sasakyan ni Sir Lojie at papunta na sa isang bar na kakilala raw ni Sir Lojie ang may-ari.
Dito sa Global kami napadpad at mukhang maganda ang bar na ito. Sa entrance pa lamang ay sasalubungin ka na ng mga magagandang receptionist nila.
“Hi Babe! Nand’yan na ba ’yung kaibigan kong mukhang isda?” tanong ni Sir Lojie sa magandang receptionist.
Natawa ang receptionist bago s’ya sagutin. Naglalakad na kami ngayon papunta sa pinakaloob ng bar. Umakyat kami sa second floor ng bar na iyon at sa isang VIP lounge kami nito dinala.
Class ang bar na ito at mukhang mayayaman lang ang makakapasok dito. Nakita ko kasi ang mga customers na nadaanan namin kanina na mukhang mga sosyal dahil sa mga suot nila. Ang ilan naman ay mukhang galing din sa kanilang mga opisina at mukhang nagre-relax na lamang matapos ang nakakapagod na trabaho.
“Naku Sir Lojie, baka ’pag narinig ka ni Sir Anthony pati ako madamay sa galit non.” natatawang sagot ng babae.
“Edi ’wag kang maingay, problema ba ’yun?! Nasaan ba s’ya?” sagot at tanong naman ni Sir Lojie.
“Mamaya na lang daw po n’ya kayo pupuntahan. S’ya po kasi ang tutugtog ngayon eh. Kasama po n’ya ’yung isa n’yo pang makakasama. Tutugtog din po yata ulit s’ya. Hintayin n’yo na lang po sila. May mga pinahanda na rin pong drinks si Sir Anthony para sa inyo.” magalang naman na sagot ng receptionist.
“Nandito na s’ya? Gagong ’yun ah! Akala ko pa naman mamaya pa s’ya! Excited lang tumugtog?” wika naman ni Sir Lojie.
Nanatili naman kami ni Olyn na nakikinig lang sa kanilang usapan.
“Opo Sir Lojie. Kanina pa po s’ya doon sa baba pero hindi naman s’ya masyadong umiinom dahil hinihintay din kayo.” sagot ng receptionist.
Naupo na lamang kami sa may kalakihang couch na talagang para lamang sa mga VIP. Umalis na rin ang receptionist at naiwan kaming tatlo doon.
Inilibot ko ang mata ko sa lugar. Ang ganda ng disco bar na ito. Matatanaw mo mula dito sa second floor ang stage sa first floor. Nasa harapang bahagi naman ang pwesto para sa DJ na tumutugtog at sa likod nito ay ang malaking screen kung saan iba’t-ibang kulay at hugis ang makikita mo na sumasabay sa beat ng tugtog. Tama lang ang ingay ng sounds kaya mukhang makakapag-usap pa rin kami. Pero kung sa baba ka ng stage sasayaw ay paniguradong malakas ang sounds na maririnig mo. Maganda rin ang lasers na gamit nila sa disco bar na ito. Parang nasa Amerika lang din ako kung pagbabasehan ang disenyo nitong disco bar.
“May kasama pa pala tayong iba Sir Lojie? Sino?” tanong ni Olyn.
“Basta! Malalaman n’yo rin! And I’m sure masu-surprise kayo!” nakangising sagot ni Sir Lojie.
Ilang minuto pa lamang ay dumating na ang welcome drinks namin at hindi na iyon pinatagal pa ni Olyn at Sir Lojie. Mukhang totoo nga ang sinabi nilang anak sila ng party!
“Grabe! Hindi muna ba tayo kakain? Inom agad?” tanong ko dahil sa labis na pagkagulat.
“Ha? Kumain na kami Tom bago pumunta kanina sa office mo! Kung gusto mo ikaw na lang kumain. Order ka na, kami iinom lang dito. Woooh!! Party na ’to!! Go Olyn!! Go Olyn!!” sagot ni Sir Lojie at itinaas bigla ang kanyang alak na iniinom sa harap ni Olyn.
“Wooohhh!!! Partey!! Moment na ’to!! Baka bukas may jowa na ako!!” sigaw naman ni Olyn itinaas na rin ang iniinom nitong alak.
Kahit nakaupo pa lang kami ay sumasayaw na ang dalawang buang dito. Mukhang sabik na sabik sa ganitong party eh!
Napabuntong-hininga na lang ako at sinabayan na lamang sila sa pag-inom. Masaya kong pinapanood sila Olyn at Sir Lojie na nagsasayaw kahit nakaupo. Tawa lang ako ng tawa sa kakulitan nilang dalawa.
Ilang sandali pa lamang ay narinig namin na ipinakilala ang isang DJ sa stage. Nagulat kami ni Olyn nang bigla na lamang tumayo si Sir Lojie mula sa pagkakaupo.
“Tara! Doon tayo sa baba! Sila na ang tutugtog! Doon tayo sumayaw!” masayang wika ni Sir Lojie.
“Sinong sila?” tanong ko namang nagtataka.
“Basta! Mag-e-enjoy kayo sa pagtugtog nila! Isa sila sa mga dinadayo dito!” masayang sagot pa rin ni Sir Lojie.
“Ah basta ako kahit si DJ Bombay pa yan wala akong pakialam! Basta partey!! Woooohh!! Let’s go!!!” excited naman na sigaw ni Olyn.
“Kayo na lang. Dito na lang ako maiwan. Papanoorin ko na lang kayo sa baba mula rito.” kamot-ulo kong sagot sa kanila.
Wala rin kasi ako sa mood sumayaw. Sa totoo lang ay medyo nagugutom ako. Kaso nakakahiya naman kung ako lang ang kumakain dito.
“Ay bahala ka! Basta kami ni Sir Lojie, partey!!! Wooohh!” sagot ni Olyn.
Langyang babae ’to! Parang takas sa mental eh!
Hindi na nakasagot pa si Sir Lojie dahil bigla na lamang itong hinila ni Olyn at patakbong bumaba.
Nagsimula nang tumugtog ang DJ na nasa stage. Narinig kong pinakilala s’yang DJ TONS kanina. Magaling s’yang mag-mix ng music, talagang nakakaindak. Unti-unti akong tumayo at pumwesto sa isang harang sa tapat ng couch namin habang hawak ko ang baso kong may lamang alak.
Nakikita ko ang lalaking tumutugtog na tayo-tayo ang buhok. Sa malaking screen na nasa kanyang likod ay naka-display ang pangalang DJ TONS.
“Aahh.. S’ya pala si DJ Tons..” wika ko sa aking sarili.
Magaling s’yang DJ dahil nakakaindak ang ginagawa n’yang mixing ng music. Maski ang aking ulo ay napapasabay na sa beat ng kanyang tinutugtog. Marami na rin ang nagsasayaw sa tapat ng stage na iyon at kabilang na roon sina Sir Lojie at Olyn.
Natatawa ako sa pagiging wild nilang dalawa. Magkaharap sila at magkayakap. Halos magkadikit na ang mukha nilang dalawa at sabay na gumigiling. Kung iba ang makakakita sa kanila ay iisiping magjowa ang dalawang ito. Ang lalandi sumayaw eh.
Lalo akong natawa nang hawakan ni Sir Lojie si Olyn sa balikat at dahan-dahang tinutulak pababa. Patuloy pa rin sila sa pagsayaw. Si Olyn naman ay parang sunud-sunuran lamang sa pagtulak ni Sir Lojie. Habang bumababa si Olyn ay gumigiling pa rin ito at hinahaplos ang matipunong dibdib ni Sir Lojie hanggang makarating sa hita nito. Ang mukha ni Olyn ay nasa tapat na ng maselang parte ni Sir Lojie. Naging center of attraction sila kaya nagsigawan ang mga tao na kasabayan nilang sumasayaw.
“Grabe! Ang wild nila!” tangi kong nasabi dahil sa pagkamangha.
Hindi pa doon natapos ang kahalayan ng dalawang buang. Tumayo naman ngayon si Olyn at tumalikod kay Sir Lojie. Nakapulupot naman ang kamay ni Sir Lojie sa bewang ni Olyn habang patuloy pa rin sila sa pagsasayaw ng kahalayan. Nasa tapat mismo sila ng stage gumagawa ng kalaswaan.
Nagulat ang marami nang humawak si Olyn sa stage at pumwestong nakatuwad habang nasa likod n’ya si Sir Lojie. Mas lalong nawindang ang lahat nang iangat ni Sir Lojie ang isa n’yang paa at ipinatong din sa stage. Hawak n’ya pa rin sa bewang si Olyn. Gumiling-giling silang dalawa habang nakadikit ang likod ni Olyn sa harapan ni Sir Lojie. Lalong naging wild ang sigawan ng mga tao dahil sa ginawa ng dalawa.
“Grabe!!! Naka-drugs ba ’tong mga ’to?! Ang wild!!” ang naibulalas ko.
Patuloy lang sila sa kanilang pagsasayaw at ako naman ay patuloy na nanonood lamang sa kanila mula dito sa second floor. Tawa pa rin ako ng tawa dahil sa mga kahayupang ginagawa nila.
Ilang sandali pa lamang ay nakarinig ako ng sigawan ng mga tao. May lumapit kay DJ Tons na isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking ngayon ay nasa stage na rin.
“Xander??” sambit ko.
Simpleng black polo shirt lamang ang suot nito pero aaminin kong ang lakas ng dating n’ya. Hubog na hubog ang maganda n’yang katawan dahil tinernohan n’ya rin ito ng slim fit pants.
Nakaharap s’ya sa isang laptop at tila ba may ginagalaw doon. Ilang sandali pa lamang ay ibinigay ni DJ Tons ang dj headphones kay Xander.
(a/n: please paki-play ’yung nasa media. ’Yan po ang tinugtog ni Xander. :)))
Nagsimulang mag-mix si Xander ng isang music. Mas lalong naging wild ang mga taong nagsasayaw sa tapat ng stage. May mga iba na ring tumayo mula sa pagkakaupo at nagsayaw na rin sa gitna. Hindi ko alam kung dahil ba sa music na ginagawa ni Xander o dahil ba sa hot dj na ngayon ay nasa stage.
“Ang cool n’ya…” muli ko nanamang nasambit habang nakatingin kay Xander.
Napangiti ako dahil hindi ko alam na may ganoong talent din pala si Xander. Ang galing n’yang mag-mix ng music. Mapapaindak ka talaga.
Ngayon ay sinasabayan na rin ni Xander ng pagsayaw ang kanyang tinutugtog. Hindi magaslaw ang kanyang pagsasayaw at sa totoo lang ay nakaka-turn on ang bawat galaw n’ya dahil makikita mong lalaking-lalaki s’ya sa ginagawang pagsayaw. Kaunting giling habang paminsan-minsang itinataas ang kanyang isang kamay habang ang isang kamay ay abala sa pagkalikot ng equipment na ginagamit ng isang dj.
Tulala lamang akong nanonood sa kanya mula rito sa taas. Biglang dumako ang tingin ni Xander sa aking pwesto mula rito sa taas at ngumiti s’ya sa akin. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako dahil sa sumunod na nangyari…
“Kinindatan n’ya ba ako?”
tanong ko sa aking sarili.
Nakita ko pa itong kinagat ang kanyang ibabang labi habang nakangiti at patuloy na sumasayaw. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi.
“Pakshet!” tangi kong sambit.
Dahil sa nangyari ay nainom ko ng straight ang alak na nasa aking baso. Bumalik din ako sa mesa namin at nagsalin ulit ng alak sa aking baso. Muli kong ininom ito ng straight at nagsalin muli ako.
Pambihira! Nakakagulat naman kasi ang lalaking ’yon!
Nang kumalma ako ay muli akong bumalik sa aking pwesto. Naroon pa rin si Xander at patuloy na nagpapatugtog. Ang cool n’ya talaga sa ginagawa n’ya. Halatang nagustuhan ng mga nagsasayaw ang pagmi-mix n’ya.
Napangiti akong muli dahil sa pagkabilib kay Xander. Hindi ko na rin naiwasang igalaw ang aking ulo sa pagsabay sa ginagawa n’yang pagmi-mix. Muli n’ya nanaman akong tinapunan ng tingin at tinuro ako ng isa n’yang kamay habang patuloy pa rin s’ya sa pagsasayaw.
Natawa ako nang sumenyas s’ya sa akin na sumayaw daw ako. At dahil nakainom na rin ako ng alak ay bahagyang kumapal ang mukha ko. Unti-unti akong gumalaw sa aking pwesto at sinabayan ang beat ng kanyang tinutugtog. Sumayaw ako kahit nasa second floor ako. Alam kong hindi ako magmumukhang tanga dito dahil confident ako sa talent ko sa pagsasayaw.
Nakita kong natuwa si Xander sa aking ginawa dahil tumawa ito at sinabayan n’ya pa ng palakpak. Nakita kong tumingin si Sir Lojie at Olyn sa pwesto ko ganoon din ang ilang nagsasayaw dahil tinuro nga ako ni Xander mula sa baba. Kaya naman mas hinusayan ko ang pagsayaw ko. At matapos ang isang ikot ay itinaas ko na ang baso kong may lamang alak. Dahil sa ginawa ko ay nagsigawan din ang mga taong nakakakita sa akin.
Natawa na lamang ako at muling bumalik na lamang sa pagkakaupo sa couch namin doon habang nakangiti. Itinuloy ko na lamang ang pag-inom ng alak ng mag-isa. Aaminin kong hindi ako nagsisi na sumama dito ngayon dahil nag-e-enjoy na rin ako.
Ilang music pa ang nagplay at ilang sandali pa lamang ay dumating na sina Olyn at Sir Lojie dito sa aming pwesto. Kasama na rin pala nila si Xander at ’yung kaninang DJ na si DJ Tons.
“Hay grabe! Akala namin kami na ang agaw eksena kanina! May eksena ka rin pala Tom! Ang galing mong sumayaw!” ang bulalas ni Olyn nang makarating sila rito.
Natawa na lamang ako sa kanyang sinabi.
Umupo s’ya sa tapat ng inuupuan ko at tinabihan naman s’ya ni Sir Lojie.
“Eto pa?! Eh malupit na dancer ’tong si Tom!” ang sambit naman ni Xander na umupo naman sa aking tabi.
“So ikaw pala si Tom? Nice to meet you pare! Anthony here!” ang pagpapakilala naman ng tinawag na DJ Tons kanina.
Nilahad n’ya ang kanyang kamay na malugod ko namang inabot.
“Nice to meet you! Ang galing mong tumugtog ah!” pagpuri ko sa kanya.
Umupo s’ya sa tabi ni Sir Lojie na nasa tapat namin ni Xander.
“Pero walang magandang tugtog kung walang mahuhusay sumayaw!” sagot naman n’ya sa akin.
Nagtawanan naman kaming lahat ng naroroon.
“Ang saya ampucha! Dapat Tom doon ka na lang sumayaw sa baba! Ang saya!” si Sir Lojie naman na halatang nag-enjoy.
“Mabuti na rin ’yung nandito ako dahil baka ma-out of place lang ako sa inyo ni Olyn kanina! Grabe kayo! Hindi pa kayo masyadong nakakainom n’yan ah?! What more kung may tama na kayo ng alak?!” balik ko naman sa kanya.
“Pucha! Mild pa nga lang ’yun eh! ’Di ba Olyn?” wika naman ni Sir Lojie sa amin.
“Korek! Medyo boring nga ’yung ginawa namin eh! Wala pa dun ’yung huhubaran ko si Sir Lojie!” pagmamalaki naman ni Olyn at nag-high five pa silang dalawa ni Sir Lojie.
Tsk! Wala talaga akong masabi sa kanilang dalawa.
Nagtawanan na lamang kaming lahat dito sa aming table.
“Pero teka lang, hindi ko alam Sir Xander na marunong ka palang mag-DJ! Gosh! Ang hot n’yo sa stage! Muntik ko na nga iwan si Sir Lojie kanina para sa’yo na lang ako tutuwad eh!” maligalig na wika ni Olyn.
“Oo nga Xander. Kelan ka pa natuto mag-ganon?” taka ko ring tanong.
Si Anthony na ang sumagot sa katanungan naming iyon. Napansin ko na gwapo rin pala itong si Anthony sa malapitan.
“Actually, matagal-tagal na rin ’yang tumutugtog dito si Xander. Nakilala ko ’yan noong minsang nagpunta sila dito nina Rigo, Dominic at Randy. Si Rigo talaga ang kaibigan ko bago ko pa sila makilala. Dati, si Rigo ang kasa-kasama ko sa stage. Kaso naging busy na rin s’ya dahil sa career n’ya bilang chef at celebrity. Kaya ayun! Sinubukan kong turuan si Xander at madali n’ya naman nakuha ang mga techniques. Ganoon yata talaga kapag mahilig sa music. Madaling makakasundo ang rhythm.” mahabang paliwanag ni Anthony.
“Aahhh.. kaya pala…” sambit naming dalawa ni Olyn.
Si Sir Lojie naman ay nakangiti lamang at patuloy na umiinom. Marahil ay alam n’ya na ang bagay na ito.
Muling nagpatuloy sa pagkekwento si Anthony.
“Alam n’yo ba na nakikiusap pa ako minsan dito kay Xander para lang tumugtog dito? Kasi isa s’ya sa mga inaabangan ng mga cuatomers ko dito. Grabe ang hatak nitong gagong ’to! Nasapawan ang kagwapuhan ko!” paglalahad ni Anthony na tinawanan lang ni Xander.
“Ikaw na talaga Sir Xander! Neseye ne eng lehet..” wika ni Olyn na dinugtungan pa ng kanta.
Natawa na lamang kaming lahat ng nasa table.
“Uy teka lang, magpapadala pa ako ng maiinom n’yo dito ha? Pasensya na kung hindi ako magtatagal dito kasama n’yo. Kailangan ko pang tingnan-tingnan ’yung mga staff ko eh. Pero babalik-balikan ko naman kayo dito.” wika ni Anthony.
Oo nga pala, s’ya rin pala ang may-ari nang magandang bar na ito.
“Sure pare. Salamat nga pala ulit ha? Kita na lang tayo.” sagot naman ni Xander sa kanya.
“Kung may kailangan kayo tawagin n’yo lang ako ha? Nice meeting you ulit Olyn and Tom.” nakangiting pagbaling naman nito sa amin.
Tumango-tango naman kami ni Olyn at nagpasalamat sa kanya.
“Sige lang isda! ’Wag mo kalimutan ang discount namin ha? Kundi, hindi kita bibigyan ng discount sa hotel!” wika naman ni Sir Lojie kay Anthony.
“Lul! Hindi ko kailangan ng discount mo! Baka ’pag kay Xander ako lumapit baka libre pa ako kahit ilang gabi dun sa hotel!” baling naman n’ya kay Lojie.
“Oo na! Umalis ka nang hinayupak ka! Baka ipakaladkad pa kita d’yan sa sarili mong security eh!” sagot naman ni Sir Lojie.
Bago umalis ng tuluyan si Anthony ay binatukan n’ya muna si Sir Lojie. Nabigla naman si Sir Lojie dito kaya binato n’ya na lamang ito ng una n’yang nahawakang bagay. Ang malas nga lang dahil tissue ang kanyang nahawakan.
“Hayup talaga ’yang isda na ’yan eh!” sambit ni Sir Lojie.
“Eh ikaw naman kasi, lagi mong inaasar!” sermon naman ni Xander sa kanya.
“Ah leche! Ang panget kasi ng buhok eh! Nakakairita ang hitsura!” nakangusong sambit ni Sir Lojie.
Hindi na lamang sumagot si Xander sa kanya.
Ilang sandali pa lamang ay dumating na ang dalawa pang bote ng hard drink sa aming table. May mga dumating rin na finger foods para sa amin.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at patuloy na nagkakasiyahan. Masaya kaming lahat dahil kahit abala kami sa kanya-kanyang trabaho ay nagawa pa naming lumabas kagaya nito. Sina Sir Lojie at Olyn pa rin ang bumabangka sa mga oras na ito.
At dahil sa nagkakasiyahan na kami ay nararamdaman kong umeepekto na rin ang alak sa akin. Medyo nakakaramdam na ako ng hilo.
“Wait lang! Para mas masaya, try natin maglaro!” ang biglang suhestyon ni Olyn.
“Anong laro nanaman ang naiisip mo? Baka laro sa apoy ’yan Olyn ah? Tandaan mo, hindi ako tinatayuan sa’yo!” pagtatanong at pang-aalaska naman ni Sir Lojie kay Olyn.
“Wow! Teka lang! Parang nalilibugan naman ako sa’yo Sir Lojie?! Eh nung binabangga mo pwet ko kanina sa dance floor parang wala nga ako naramdaman eh! Akala ko nga pwet mo rin ang binabangga mo sa ’kin eh! Kaya excuse me lang ha? Kahit pagnanasa wala ako sa’yo!” pambabara naman ni Olyn kay Sir Lojie.
“Hoy! Baka hindi mo pa nararanasang masampal ng kaliwa’t-kanang armas na kasing haba ng batuta ni Barabas! Halika dito at nang masampolan kita!” pagbabanta ni Sir Lojie.
“Ay sige! Dali! Madali akong kausap! Masama ring tanggihan ang grasya!” wika naman ni Olyn at bigla na lamang ibinuka ang kanyang bunganga.
“Punyeta! Ang sabi ko sasampalin lang kita nito! Hindi ko sinabing ngumanga ka at ipakain ’to sa’yo! Hayup na ’to, sa laki ng bunganga mo baka pudpod na ’to ’pag nailabas ko!” sagot naman ni Sir Lojie.
Tawa naman kami ng tawa ni Xander habang pinapakinggan ang walang kwenta nilang pagtatalo.
“Teka teka! Nalalayo ang usapan eh! Ano ba ’yung larong naiisip mo Olyn?” tanong ni Xander na natatawa pa rin.
“Ay eto na nga. Hindi ko kasi alam ang title ng game na ’to, kayo na bahala magpangalan kasi wala akong time. I-explain ko na lang ang mechanics. Ready na ba kayo?” tanong ni Olyn.
Tumango na lamang kami kaya sinimulan n’ya nang magpaliwanag.
“Ganito ’yon, magbibigay ako ng isang category. Halimbawa, sasabihin kong noodles. Iikot ang sagot sa bawat isa sa atin. Sasabihin n’yo kung ano ang brand ng noodles na alam n’yo. At dapat kapag nasabi na ng isa ang isang brand, hindi na pwedeng isagot ’yon ng mga susunod na sasagot. Hanggang sa magkaubusan ng brand ito!” paliwanag n’ya.
“Eh paano kung nasabi na lahat ng brand at wala nang maisagot?” tanong ni Sir Lojie.
“Edi ’yung wala nang maisagot, s’ya ang biktima! At ang biktima, s’yempre may parusa! Madali lang naman ang consequence. Iinumin n’ya ng straight ang nasa baso n’ya! O ’di ba, madali lang?” sagot naman n’ya.
Tumango-tango naman kami sa kanya bilang pag-sang-ayon. Madali lang naman siguro ito. Hindi naman siguro ako mangangamote dito.
Nagsimula na ang pakulo ni Olyn. Unang category ay brand ng kotse. Mabuti na lamang at may alam ako sa mga ganito dahil marami pa akong nakilalang brand ng kotse noong nasa Amerika pa ako. At sa huli, si Olyn ang walang naisagot kaya s’ya ang unang biktima ng kalokohan n’ya.
Ilang categories pa ang dumaan at patas naman ang naging laban. Lahat kami ay nakakainom dahil sa may mga bagay kaming hindi na maisagot sa bandang huli.
Ngunit ang mga sumunod ay naging masaklap para sa akin. Dahil sa naiwan ako kaninang mag-isa ritong umiinom habang nasa stage sila ay mas marami na ang nainom ko. Idagdag mo pa ang wala pa akong kain simula nang umalis ako sa opisina.
Hilong-hilo na ako at halos hindi ko na masagot ang mga sumunod na mga categories na ibinibigay nila. Halos hindi ko na rin marinig ang mga boses nila maging ang tugtog sa bar na iyon. Dahil sa hindi ko na rin masagot ang mga katanungan nila ay wala akong choice kundi ang inumin ang alak na ibinibigay nila.
“Guys, tama na. Hindi na yata kaya ni Tom.” dinig kong pag-aalala ni Xander.
“Tom? Kaya pa ba? Kasi si Olyn dito lawit na rin ang dila. Hindi na makasagot ng maayos eh!” tanong ni Sir Lojie.
“K-kaya ko pa… Shige, ituloy lang natin ang laro…” sagot ko naman sa kanila.
“Sigurado ka ba Tom? Pumipikit ka na eh.” tanong naman ni Xander.
“Oo naman… Ako pa? Hik! Kaya ko pa!” sagot ko sa kanya at binigyan s’ya ng ngiti.
Ngunit matapos kong sabihin iyon ay nagdilim na ang aking paligid.
A/N
Hahahaha! Ayun na nga! Susunod na po ang POV ni Xander at alam kong magugustuhan n’yo ang susunod na mangyayari.
Don’t forget to leave comments po ha? Votes na rin po please??? Salamat!!
––cold_deee
chapter 10 - long island iced tea
A/N
Okay! Continuation ’to ng chapter 9 sa nangyari sa bar after mag-pass out ni Tom.
Sorry kung natagalan ako sa update nitong huli. Na-hook kasi ako sa stories ni
Miaowu
.. Guys, basahin n’yo stories n’ya! Promise, hindi kayo magsisisi!!
Author
Miaowu
dito na lang ako bumawi sa book ko kasi hindi ako makasingit sa pa-contest mo para sa dedication.. Hahahaha! Grabe ang daming comments eh, hindi talaga ako mananalo para sa dedication mo lalo na sa tadtad family.. Kaya ako na lang mag-dedicate sa’yo! Thank you! Isa ka sa mga inspiration ko para ipagpatuloy ang pagsusulat! Good luck and more power!!
Excited na ako readers! Don’t forget po mag-comment ha? And please vote na rin po! Salamat!
Enjoy reading!
––> si Tom po sa media.
Also, dinagdagan ko ng video ng character ni Tom kasi ang cute n’ya talaga! hahahahaha! #CutenessOverload
XANDER POV
Hanggang ngayon ay narito pa rin kami nina Lojie, Olyn at Tom sa disco bar ni Anthony.
Aaminin kong sobrang saya ko ngayon dahil na-extend ang oras ko na makasama si Tom. Kaso paano ko naman mae-enjoy ang gabi kung lasing na ’to?!
Paano ba naman kasi, sa mga huling category na ibinigay na palaro ni Olyn ay hindi na ito nakakasagot ng tama.
“Sige, this time ako magbibigay ng category ha?” ang pinsan kong si Lojie na sumobra ang saya.
“Sige lang Sir Lojie! Bring it on!” sagot naman ni Olyn.
Etong dalawa na ’to ’pag magkasama akala mo hindi na makakagising bukas at wala nang oras para magsaya!
“Ok! Brand ng TV tayo! Start sa’yo Olyn!” wika ni Lojie.
At nagsimula na kaming sumagot.
“Panasonic!” -Olyn
“Sony!” -Lojie
“Sharp.” -Ako
“Shamshung!” -si Tom na nabubulol na dahil sa tama ng alak.
Kanina pa kasi s’ya natatalo eh.
“Devant!” -si Olyn ulit.
“LG!” -si Lojie ulit.
“Toshiba.” -ako nanaman ulit.
“Shark!” si Tom nanaman.
At ano raw? Shark? May brand ba ng TV na ganun?
“Anong Shark ka d’yan Tom?! Taena, naglolokohan na tayo dito eh!” pag-alma ni Lojie.
“Bingi ka na Shir Lojie! Shabi ko Sharp! Letter ‘p’ ’yung huli! Hindi ka marunong mag-ishpell!” sagot naman n’ya kay Lojie.
“Wahahahaha! Shot mo na! Nasabi na ’yan kanina!” masayang wika ni Lojie.
“Ha? Nashabi na ba? Parang hindi ko naman narinig. Hik!” si Tom at halatang-halata na lasing na s’ya.
Putek! Ang pula na ng pisngi n’ya. Ang cute! Sarap kurutin ng pisngi kung pwede lang.
“Oo Tom! Nasabi na ni Sir Xander! Narinig ko sinagot n’ya na ’yon!” si Olyn na lasing na pero matatag pa rin.
Dalawa lang kasi sila ni Tom ang madalas na nagkakamali. Pero mukhang sanay na sanay si Olyn dahil nadadala n’ya pa rin ang sarili n’ya.
Hindi na umalma pa si Tom at agad na kinuha ang alak na nasa aming mesa. Ininom n’ya ito ng dire-diretso.
Sa hitsura n’ya ay mukhang hindi na n’ya kakayanin pa ang susunod. Dahil ang singkit n’yang mata ay napapapikit na. Dito na ako nagsalita.
“Guys, tama na. Hindi na yata kaya ni Tom.” nag-aalala kong pakiusap kina Lojie.
“Tom? Kaya pa ba? Kasi si Olyn dito lawit na rin ang dila. Konti na lang gagapang na rin ’to!” pagbaling naman ni Lojie kay Tom.
“Mukha mo Sir Lojie! Ikaw ang gapangin ko d’yan, makikita mo!” sagot ni Olyn.
“K-kaya ko pa… Shige, ituloy lang natin ang laro…” sagot naman ni Tom habang napapapikit na.
“Sigurado ka ba Tom? Pumipikit ka na eh.” paniniguro ko naman sa kanya.
“Oo naman… Ako pa? Hik! Kaya ko pa!” sagot n’ya naman kahit halata nang lasing.
Matapos n’yang sumagot sa akin ay isang ngiti ang kanyang pinakawalan.
Putek! Ayan ka nanaman Tom eh! Inaakit mo ako sa ngiti mo! ’Pag hindi ako nakapagkontrol dito mahahalikan na kita d’yan!
Kasunod ng kanyang pagngiti ay ang tuluyan n’yang pagpikit at muntikan nang maihampas ang sariling ulo sa mesa. Mabilis ko naman s’yang nasalo at nahawakan sa kanyang makabilang balikat. Inilapit ko s’ya sa akin at isinandal sa aking dibdib.
Putek! Ang bango pa rin ni Tom kahit naghahalo na ang amoy ng alak sa kanya.
“Taena mo Alex, ’wag mo ubusin ang amoy n’ya! Humo-hokage ka nanaman eh! Hahahahaha!” ang biglang pagkantyaw sa akin ni Lojie.
“Lul! ’Wag mo ako itulad sa’yong manyakis!” balik ko naman sa kanya.
“Luh! Kunwari ka pa! Sige na, samantalahin mo na ang pag-amoy. Last mo na ’yan ha? Kasi bukas ’pag nagkamalay na si Tom balik ka nanaman sa nakaw tingin! Hahahaha!” pang-aalaska n’ya pa rin.
“Gago! Tigilan mo nga ako!” inis kong sagot sa kanya.
“Oy mga boss kong kupal! Naririnig ko kayo! Isusumbong ko kayo bukas kay Tom! Hik!” biglang singit ni Olyn na lasing na rin ngunit patuloy pa rin sa pag-inom.
Pasalamat s’ya at lasing lang s’ya. Tinawag pa kaming boss pero may kupal naman na salita. Tama nga si Tom, baliw talaga ’tong babaeng ’to. Kaya magkasundong-magkasundo sila ni Lojie.
“Taena, subukan mo lang Olyn! Isasalpak ko talaga sa bunganga mo ’tong batuta ko para matahimik ka!” ang malaswang pagsaway sa kanya ni Lojie.
“Nyeta ka! Puro ka lang pagbabanta! Akin na! Kanina pa ako nakanganga! Namo ka, utog na utog na ako sa pinagsasabi mo!” balik ni Olyn sa kanya.
“Oy tama na nga ’yan! Anong gagawin natin dito kay Tom?” pag-awat ko na lang sa kanila.
Baka kasi abutin pa kami ng bukas kung hindi ko pa sila puputulin sa kalaswaan nila eh.
“Bakit kami ang tinatanong mo? Dakilang stalker ka n’yan ’di ba? Edi ihatid mo sa bahay nila!” sagot sa akin ni Lojie.
Alam n’ya rin kasi ang istorya namin ni Tom. Kung paano kami nagsimula at kung paano kami nagtapos.
“Baliw ka ba Sir Lojie? ’Di ba nga wala s’yang kasama ngayon sa bahay? Umalis din si Daniel! Wala s’yang dadatnan sa bahay nila!” sagot naman ni Olyn.
“Wala si Daniel?” tanong ko naman sa kanila.
“Bingi lang? Bingi lang? Inulit lang sinabi ko?” pambabara na sa akin ni Olyn.
Naku! Pasalamat lang talaga at babae ’to at may tama na ng alak. Kung hindi lang talaga!
Nang tingnan ko si Lojie ay ngumisi ito. Makahulugan iyon at alam kong may pinaplano ito.
“Ano nanaman ’yang iniisip mong kalokohan?” tanong ko sa kanya.
Hindi ako nito sinagot at bigla na lamang hinarap si Olyn.
“Olyn, gusto mo bang sumama sa akin? Ako na lang ang maghahatid sa’yo.” nakangiti n’yang pagkausap dito.
Tumingin muna sa akin si Olyn at kay Tom. Ngumisi rin ito at hinarap din si Lojie.
“Ay shet! Gusto ko ’yan! Mapupunan mo na ba ang pangungulila ng pagkababae ko Sir Lojie?” tanong n’yang galak na galak kay Lojie.
“Taena, kahit hanggang mag-umaga pa! Tara na! Si Alex na ang bahala kay Tom!” sagot sa kanya ni Lojie.
“T-teka! Anong ako ang bahala?!” tanong ko sa kanila.
Pero sa halip na sagutin ako ay tumayo na si Lojie at hinila na si Olyn.
“Ako na ang bahala sa bill. Ikaw na ang bahala sa kanya Alex! Wahahahaha! Enjoy!” ang nasabi lang ni Lojie at mabilis na umalis sa aming pwesto habang hinihila si Olyn.
“Bye Sir Xander! Alagaan mo si Tom ha? Kagaya ng pag-aalaga mo sa kanya noon!” ang sigaw ni Olyn habang nagpapakaladkad kay Lojie.
Tuluyan na nga silang naglaho at naiwan kaming dalawa ni Tom dito na nakaupo pa rin.
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Olyn. May alam ba si Olyn sa nangyari sa amin? Hindi kaya naikwento na ako ni Tom sa kanya?
Napangiti na lamang ako dahil sa naisip kong iyon. Ibig sabihin ay hindi lang masasamang bagay ang kaya n’yang ikwento tungkol sa akin. Iniisip kong naikekwento n’ya rin ang ginagawa kong pag-aalaga sa kanya.
Muli kong tiningnan si Tom na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin sa magkabilang balikat. Mukhang nahihimbing s’ya sa pagtulog.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tinitingnan kung may mga tao bang maaaring makakita sa amin. Pero mukhang kami na lamang dalawa ang naririto sa VIP lounge.
Muli kong ibinalik kay Tom ang aking mata.
“Tom?” pagtawag ko sa kanya.
“Uy Tom! Nakatulog ka na ba?” tanong ko ulit sa kanya.
Pero mukhang tuluyan na s’yang nakatulog dahil hindi n’ya na nagawa pang sumagot.
Napangiti ako ng wala sa oras. At ilang segundo lang ay…..
“Payakap nga!” nakangiti kong sambit.
Sinamantala ko na nga ang pagkakataon. Ikinulong ko s’ya sa aking bisig at dinama ko ang kanyang katawan.
‘Putek! Pinagsasamantalahan na kita! Sorry naman Master! Hindi ko kasi mapigilan eh!’
“Grabe! Na-miss talaga kita!” muli kong naiwika.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.
“Mmmmm…” biglang pagdaing ni Tom na ikinagulat ko.
Lintek! Nagalit yata!
“Sabi ko nga eh! Eto na nga oh, aalalayan na nga kita ’di ba?” sagot ko at bumitaw na rin agad-agad sa pagkakayakap sa kanya.
Isinandal ko muna s’ya sa couch at kinuha muna ang aking cellphone mula sa aking bulsa.
“Hello Anthony! Pasensya na ha? Pwede bang umakyat ka muna dito? Magpapatulong lang sana ako sa’yo.” pagkausap ko kay Anthony sa phone.
Pumayag naman si Anthony kahit na alam kong abala pa rin ito sa kanyang mga ginagawa sa baba.
“Anong nangyari?” tanong nito sa akin habang tinuturo si Tom nang makaakyat s’ya rito sa second floor.
“Nalasing eh. Ayan, nag-pass out.” sagot ko lang sa kanya.
“Haay… Tara na nga, samahan ko na kayo sa sasakyan mo.” muli n’yang sambit.
Akmang lalapitan na ni Anthony si Tom nang pigilan ko ito.
“Oyoyoyoy!! Anong gagawin mo?!” tanong ko sa kanya.
Napatigil naman s’ya at tiningnan ako habang nakataas ang isang kilay n’ya. Nakita ko ang pagtataka sa kanya.
“Anong gawin? Edi bubuhatin natin s’ya. Ano bang ginagawa sa mga ganitong lasing?” tanong n’ya.
Kinuha ko ang susi ng aking kotse mula sa aking bulsa at iniabot ’yon sa kanya.
“Ayan, susi ko. Ikaw ang magbukas ng kotse ko. Ako lang ang magbubuhat sa kanya.” wika ko at agad na lumapit kay Tom.
Napaatras pa s’ya ng bahagya nang daanan ko s’ya para makaalis s’ya sa harap ni Tom.
“Tang*na brad! Possessive lang?! Wala akong gagawin d’yan sa bata mo!” natatawa n’yang sambit sa akin.
Pumwesto ako patalikod kay Tom para ikarga s’ya sa likod ko.
“Wala kang pakialam. Basta hindi mo s’ya pwedeng hawakan.” sagot ko naman sa kanya.
Totoo naman eh! Hindi na nga ako makalapit sa kanya dahil laging nakabakod si Daniel tapos makikiagaw pa s’ya!
“Tsk! Ayan! Pumapag-ibig ka nanaman! Bukas naman luhaan!” natatawa n’yang sambit.
“Lul!” sagot ko na lamang sa kanya.
Daming sinasabi eh!
Alam rin ni Anthony ang tungkol sa aming dalawa ni Tom. Sa tuwing pupunta kasi ako rito sa bar n’ya ay walang sawa kong ikinekwento sa kanya ang tungkol sa amin.
Minsan nga ay sinasabi n’yang naririndi na s’ya sa akin dahil paulit-ulit lang naman daw ako sa pagkekwento sa kanya tungkol kay Tom. Ilang beses ko na rin ipinakita sa kanya ang mga pictures ni Tom na naitatabi ko sa aking cellphone. Kaya nang sabihin kong darating ngayon si Tom dito sa bar n’ya ay masayang-masaya ito dahil sa wakas ay makikilala n’ya na rin daw ito.
Inilagay ko sa aking mga balikat ang mga braso ni Tom at kinarga na s’ya sa aking likod. Naks! Spell ‘pagyakap’?
“Tom, ’wag kang malikot ha? Baka malaglag ka. Relax ka lang okay?” pagkausap ko kay Tom nang makatayo na kami.
At syempre, hindi s’ya sumagot dahil tulog na tulog pa rin s’ya. Waahh! Ang cute n’ya talaga!
“Tang*na! Nababaliw na talaga!” mahina ngunit sapat na para marinig ko ang sinabing iyon ni Anthony.
Hindi ko na lamang s’ya pinansin at nagsimula na rin kaming maglakad.
Sinusundan ko lamang si Anthony palabas ng kanyang bar habang pasan ko pa rin si Tom. Sa bandang kitchen area kami ni Anthony pinadaan dahil may daan daw doon na para lamang sa mga empleyado kaya nakaiwas kami sa maraming customers na nasa loob ng bar.
Nang makarating kami sa parking area ng bar ay agad din namang binuksan ni Anthony ang aking sasakyan. Maingat kong pinaupo si Tom sa tabi ng driver’s seat. Syempre, gusto ko katabi ko s’ya habang nagda-drive. Nilagyan ko rin s’ya ng seatbelt para safe.
“Paano? Okay ka lang ba d’yan? Saan mo nga pala ihahatid ’yan?” tanong ni Anthony matapos kong isara ang pintuan sa pwesto ni Tom.
“Sa condo ko muna. Wala raw s’yang makakasama sa bahay n’ya eh.” sagot ko naman sa kanya.
“Naks! Pumaparaan ka brad ah!” nakangisi n’yang banggit.
“Inggit ka lang!” balik ko naman sa kanya.
“O sige na! Ingat na lang kayo ha? Salamat sa pagpunta.” wika n’ya naman.
“Sige sige! Salamat din. Sa susunod na lang ulit.” sagot ko naman at nag-fist bump na kami.
Agad din akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at si Anthony naman ay nagbalik na ulit sa loob ng kanyang bar.
Bago ko i-start ang engine ay siniguro kong magiging komportable si Tom sa pagkakaupo. Mahimbing pa rin s’yang natutulog.
Nagsimula na kaming bumyahe at 30 minutes pa lamang ay nasa condo building ko na kami.
Tama, may inuupahan akong isa pang condo rito sa Taguig dahil ayaw ko munang manirahan doon sa condo ko sa Alabang. Sa tuwing pupunta kasi ako roon ay hindi ko maiwasang malungkot dahil naaalala ko sa bawat sulok ng kwarto ang mga masasamang pangyayari sa pagitan namin noon ni Tom. Ipinangako ko sa aking sarili na titira na lamang ulit ako doon kung kasama ko na si Tom.
Nang maihinto ko na ang sasakyan sa parking lot ay nilingon kong muli si Tom.
“Tom…” pagtawag ko sa kanya habang inuuga ng bahagya ang kanyang balikat.
Ilang tawag pa ang ginawa ko hanggang sa sumagot na s’ya.
“Mmmmm..” pagsagot n’ya at bahagya n’yang binuksan ang kanyang mga mata.
Haaay sa wakas! Nagkamalay na s’ya!
Agad akong kumilos at lumabas ng sasakyan. Pumunta ako sa kanyang pwesto at maingat s’yang inilabas mula roon.
“Tom, konting tiis lang ha? Aalalayan kita.” wika ko sa kanya.
Nakaakbay ang isa n’yang kamay sa akin at inaalalayan ko s’yang tumayo. Maayos ko ring nai-lock ang aking sasakyan.
Kahit dahan-dahan kami sa paglalakad ay naging matiyaga ako. Hirap s’ya sa bawat paghakbang n’ya kaya siniguro kong hindi s’ya matutumba.
Maayos naman kaming nakapasok sa elevator patungo sa floor kung nasaan ang unit ko. Nakaalalay pa rin ako kay Tom hanggang sa mga oras na ito. Ngunit nagulat ako nang iangat n’ya ang kanyang tingin sa akin. Tiningnan n’ya ako nang namumungay pa ang kanyang mga mata. Magkalapit ang aming mukha at nagulat ako nang bigla s’yang ngumiti ng malapad.
“Xander…. ikaw pala ’yan…” sambit n’ya habang nakangiti.
Parang lalabas na ang puso ko sa mga oras na ito. Hindi ko rin makontrol ang mabilis na pagtibok nito.
“A-ah.. H-hehe.. A-ako nga..” nauutal kong sambit at binigyan s’ya ng pilit na ngiti.
Pucha Xander! Umayos ka nga!
“Ang cool mo kanina…. Ang galing mong dj….” muli n’yang sambit.
Hindi n’ya pa rin inaalis ang kanyang magandang ngiti habang nakatingin pa rin sa akin.
Sh*t lang! Parang inaakit ako ni Tom!
“Ah.. hehe.. s-salamat..” sagot ko naman sa kanya.
Sakto naman ay biglang bumukas ang elevator at doon ko lamang napansin na nakarating na pala kami sa floor kung nasaan ang unit ko.
Maingat ko pa ring inalalayan si Tom habang palabas ng elevator.
“Ang galing ni Xander… ang galing ni Xander…” malakas at paulit-ulit na kinakanta ni Tom ng nakangiti habang naglalakad kami.
Kinikilabutan ako sa kanya. Para kasing kinakanta n’ya ’yung nasa isang horror movie ni Kris Aquino. Medyo madilim pa naman at tahimik ang paligid.
Sana lang walang magising na ibang tao sa mga unit dito. Ang ingay ni Tom!
Nang makarating kami sa tapat ng unit ko ay maayos ko namang nabuksan ang pinto. Binuksan ko ang mga ilaw at inalalayan s’ya patungo sa aking sofa para umupo. Patuloy pa rin s’ya sa kanyang chanting na ginagawa.
“Ang galing ni Xander… ang galing ni Xander…” hindi pa rin s’ya tumitigil.
Tinanggal ko muna ang kanyang sapatos bago ko s’ya kinausap.
“D’yan ka lang muna ha? Kukuha lang ako ng towel para malinisan ka.” pagkausap ko sa kanya.
Ngumiti muna s’ya sa akin at sinagot naman n’ya ako ng….
“Ang galing ni Xander… ang galing ni Xander…” pagkanta n’yang muli.
Haaayy.. Ang kulit n’ya pero ang cute!
Napakagat na lang ako ng labi ko dahil sa panggigigil sa kanya.
Kumilos na ako patungo sa aking kwarto para kumuha ng towel na ipupunas sa kanya. Kumuha na rin ako ng basin na may tubig at nilagyan ng konting alcohol. Nang makuha ko ang aking mga kailangan ay agad din akong lumabas sa kwartong iyon.
Pero nang makarating ako sa sala kung saan ko s’ya iniwan ay nagulat ako nang hindi ko na s’ya doon nadatnan.
“Tom?!!”
“Tom?!!”
ang pagtawag ko sa kanya.
Inilapag ko muna ang mga hawak ko sa mesang naroroon at nagmamadali akong hinanap s’ya. Halos mapatid ang aking hininga dahil sa labis na pag-aalala.
Nang madako ako sa aking kitchen ay nakita ko s’yang umiinom ng tubig. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang akala ko ay mayroon nang hindi magandang nangyari sa kanya. Lumapit ako sa kanyang pwesto ngunit nagulat ako nang makita ang hawak n’yang baso at bote.
“Putek! Bakit mo iniinom ’yan?!” ang nabigla kong tanong at inagaw ang mga hawak n’ya.
Takte! Hindi naman pala kasi tubig ang iniinom n’ya eh! Vodka! Pambihira! Lasing na nga, naglasing pa ulit! Ay talaga naman! Napakakulit!
Bakit ba naman kasi nakakalat ang inumin kong ’to eh!
“Eh nauuhaw na kasi ako eh…” sagot n’ya at ngumuso pa.
Haayyy!! ’Wag kang ganyan Tom!!
“Sige na, ikukuha na kita ng tubig. Halika, dito ka muna umupo.” wika ko sa kanya at hinawakan s’ya sa kamay para maalalayan patungo sana sa silyang nasa aking kitchen.
Nagulat naman ako nang bigla n’yang hatakin pabalik ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko.
“Hindi na ako nauuhaw… Nakainom na nga ako ’di ba…?” sagot n’ya naman sa akin at sa pangalawang pagkakataon, ngumuso nanaman s’ya.
Pucha Tom!! Ano ba?!!! Pinahihirapan mo ang kalooban ko!!
Wala nanaman akong nagawa kundi ang mapakagat nanaman sa ibabang labi ko. Takte! Kapag hindi pa s’ya tumigil sa ginagawa n’ya baka s’ya na ang makagat ko!
Bumuntong hininga muna ako bago ko s’ya nilapitan at hinawakan muli sa kamay.
“O sige na. Halika, doon na lang tayo sa sala. Pupunasan muna kita.” panunuyo ko sa kanya.
Mabuti naman at hindi na s’ya sumagot at nagpadala na lang sa pag-akay ko sa kanya.
“Umupo ka muna dito, pupunasan ko lang ang mukha mo.” utos ko sa kanya habang inaalalayan s’yang makaupo sa sofa.
Binasa ko muna ang towel sa basin at piniga. Si Tom ay nakaupo pa rin at bahagya akong nakayuko sa kanya dahil nasa harapan n’ya ako nakatayo.
Sinimulan ko na s’ya punasan ng marahan sa mukha kahit na nanginginig ang kamay ko.
Paano ba naman kasi! Nakatitig lang sa akin si Tom gamit ang mapupungay n’yang mga mata habang nakangiti!
Wala tuloy akong magawa kundi ang mapalunok dahil sa mga pagtitig n’yang iyon.
Hindi ko maikakaila ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Dahil simula nang umalis s’ya patungong Amerika ay ngayon ko lang ulit s’ya nakaharap ng ganito kalapit.
“Xander….” ang mahina n’yang pagtawag sa akin.
Dahil sa magkalapit lang ang aming mukha ay naaamoy ko ang hininga n’yang amoy alak. Pero sa totoo lang ay parang nakakaadik ang amoy na iyon.
“B-bakit?” tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagpupunas ng kanyang mukha. Pinipigil ang sarili kong hindi mapahinto sa ginagawa kahit destructed na ako.
“Bakit ang gwapo mo pa rin hanggang ngayon?” malambing na tanong n’ya sa akin.
Dito na ako naestatwa at napatigil sa pagpupunas ng kanyang mukha.
“B-b-bakit? I-i-ikaw din naman! G-g-gwapo ka pa rin h-h-hanggang ngayon!” ang parang tanga kong wika sa kanya dahil sa pagkakautal.
Pakshet Xander! Umayos ka nga!
“Talaga?” tanong n’ya pabalik at mas lumapad ang pagkakangiti n’ya.
Hala ka, patay tayo nito!
“O-oo naman!” sagot ko sa kanya at muli kong ibinalik ang pagpupunas sa kanyang mukha.
Matapos kong sumagot ay nagulat ako nang bigla n’yang hawakan ang aking kamay na ginagamit kong pampunas sa kanya.
“Talagang-talaga?! Promise na promise?!” at inilapit n’ya pang lalo ang kanyang mukha sa akin.
Pwede bang sumigaw at magmura?!! Pucha!! Ano bang ginagawa mo sa akin Tom?!! Papatayin mo ba ako sa pang-aakit mo?!!
“A-ah… hehe.. p-promise! Promise na promise!” sagot ko sa kanya.
Kalma lang Xander! Lasing lang si Tom! Hingang malalim!
“Waaahh… Thank you… thank you…” masaya n’yang wika at…
at…
at…
at…
..niyakap ako!
Waaaahh!! Patay kang bata ka!! Masasakmal na kita!!
“A-ah… T-tom… T-tapusin na natin ang pagpupunas sa’yo… P-para makapagpahinga ka na rin…” pakiusap ko sa kanya dahil napansin kong wala na s’yang balak bumitaw.
Mabuti naman at nakinig s’ya sa akin at agad din kumalas sa pagkakayakap. Pero nang maghiwalay ang aming katawan ay nagulat ako sa kanyang ginawa.
“H-h-hoy!! A-anong ginagawa mo?! B-bakit ka naghuhubad d’yan?!” tanong ko sa kanya habang dinuduro s’ya.
“Para mabilis tayo matapos ’di ba..? Tinutulungan na kita…” nakangiti n’yang sagot habang tinatanggal ang butones ng polo n’ya.
“T-t-teka! M-m-maghuhubad ka talaga?! K-k-kahit sa harap ko?!” natataranta kong tanong.
Sinubukan ko s’yang pigilan ngunit hinahawi n’ya lamang ang kamay ko.
Ibig n’yang sabihin pupunasan ko ang hubad n’yang katawan?! Pucha! Nanlalambot na ang tuhod ko!!
Utang na loob Tom! ’Wag naman ganito! Baka hindi ako makapagpigil sa’yo!
“’Wag ka na ngang maarte d’yan Xander… Nahihiya ka ba…? Wala ’to, nakita mo na rin naman lahat ’to ’di ba…?” sagot n’ya naman sa akin habang tinatanggal ang dalawang huling butones ng polo n’ya.
Anak ka ng tipaklong talaga!
Naramdaman kong nag-init ang mukha ko nang tuluyan n’ya nang mahubad ang polo n’ya. Naihilamos ko na lamang ang aking dalawang palad sa aking mukha at tumagilid ng pwesto para hindi ko makita ang ginagawa n’ya.
Konti na lang talaga makakagat na kita! Tom naman! Nakikiusap ako sa’yo! Nanghihina na ako dito oh!
“Ayan…. Hindi ka na mahihirapan…” masaya n’yang wika at hinagis lang kung saan ang polong hinubad n’ya.
Kahit ayaw ko s’yang tingnan ay nagkusa naman gumalaw ang aking ulo para lingunin s’ya. Anak ng ulo talaga! Bakit hindi ko mapigilan ang tingnan s’ya?!
Nakasandal sa sofa.
Nakangiting nakatitig sa akin.
Mapupulang labi.
Makinis ang maputi n’yang balat.
Maganda ang hubog ng katawan.
Tang*ina lang!!!!!
Dudugo na ang ilong ko dito sa taong nasa harap ko!!!
Lord, kung may magawa man akong kasalanan patawarin n’yo na po ako ngayon pa lang.
“Xander…..” pagtawag n’ya sa akin.
Hinukay ko sa pinakamalalim na balon ang hininga ko. Saglit na pumikit at nagdasal ng malupit.
“Bakit?” tanong kong mahinahon.
“Tulungan na kita… Ako na magpupunas sa sarili ko kung gusto mo…” suhestyon n’ya.
Wait? Ano daw? S’ya na ang magpupunas? Teka lang! Akala ko ba ako?! Nandito na eh, malapit na eh!
“A-ano?” tanong ko ulit.
Baka kasi mali lang pandinig ko.
“Sabi ko, ako na ang magpupunas sa sarili ko… Ayaw kitang mahirapan…” paglilinaw n’ya.
Ganon? Takte! Kung maka-expect naman kasi ako! Ang hirap talagang umasa eh noh? Lalo na kung alam mo namang sa simula pa lang hindi na s’ya sa’yo.
Sige lang, hugot lang Xander.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at ibinigay ang towel na hawak ko. Inabot n’ya naman ito ng may ngiti pa rin sa labi.
“Yehey! Magpupunas si Tom-tom.. Magpupunas si Tom-tom..” at nagsimula nanaman s’yang kumanta.
Haaay buhay… Ayun na ’yung palay eh… Kaso may sariling buhay ang palay na ’yon. Naglakad palayo sa manok!
Tumalikod na lamang ako sa kanya habang patuloy pa rin s’yang kumakanta at nagpupunas ng katawan n’ya.
“Ikukuha lang kita ng damit ha? ’Wag kang aalis d’yan.” bilin ko sa kanya.
Sumagot naman s’ya sa akin.
“Magpupunas si Tom-tom… Magpupunas si Tom-tom…” sagot n’ya.
Ay oo Xander! Sige ingat ka!
Nagtungo na rin agad ako sa kwarto ko para kumuha ng isang t-shirt para sa kanya doon. Nang makarating sa tapat ng aking malaking cabinet ay ilang buntong hininga ang pinakawalan ko.
Nanlalambot akong naghahanap ng pwede n’yang maisuot.
“Akala ko ’yun na eh…” malungkot kong sambit. “Umasa lang pala ako..” dugtong ko pa.
Malaswa na kung malaswa. Eh sa hindi ko mapigil eh! Si Tom kasi ’yan!
Si Tom na matagal kong hinintay!
Si Tom na matagal ko nang minamahal!
At si Tom….
….si Tom na wala na yatang pag-asa pang makasama ko habang-buhay.
Muli nanaman akong nakaramdam ng lungkot dahil sa huli kong naisip.
“May pag-asa pa bang bumalik tayo sa dati? Nami-miss na kasi kita eh. Miss na miss na kita.” pagkausap ko sa kanya kahit hindi naman n’ya ako naririnig.
Hindi ko nanaman napigilan ang emosyon ko. Kahit kasama ko s’ya ngayong gabi ay nalulungkot pa rin ako.
Bumabalik sa aking ala-ala ang mga masasaya naming nakaraan. Ang mga yakap n’ya at paglalambing. Ang mga pag-aaway namin dahil lang sa maliliit na bagay pero sa isang halik lang ay naaayos namin. Ang mga sandaling kasama ko s’yang namamasyal. Ang pagluluto ko sa kanya ng mga pagkain. Ang mga pagpuri n’ya sa lahat ng iniimbento kong recipe. Ang mga pag-uusap namin bago matulog. Ang mga salitang ‘Mahal na mahal kita’ at ‘Mas mahal kita’ na matagal ko nang hindi nasasambit at naririnig. Lahat ng bagay sa kanya ay nami-miss ko na.
Dahil sa mga ala-alang nagbalik ay hindi ko nanaman napigilan ang mga luha kong tumakas mula sa aking mga mata.
“Miss na miss na kita…” wika kong muli habang patuloy sa pag-iyak at paghikbi.
Ayokong mawalan ng pag-asa. Gusto kong maniwala na magkakaayos pa kami. Pero sa nakikita kong kalagayan n’ya ngayon na masaya at kuntento sa piling ng kapatid kong si Daniel ay hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa sarili.
“Wala na yatang araw na hindi ka naglabas ng luha Xander!” pagkausap ko sa aking sarili.
Naputol ang aking pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Tom.
“Xander?” pagtawag n’ya sa akin.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa loob ng aking kwarto para maghanap ng kanyang maisusuot. Marahil ay nainip na s’ya sa paghihintay sa akin kaya pumasok na s’ya rito sa aking kwarto.
Mabilis kong pinunasan ng aking mga kamay ang aking mga luha. Alam kong papalapit na s’ya sa aking pwesto dahil naririnig ko ang kanyang mga paghakbang. Nasa likod ko s’ya dahil naroon ang pinto ng aking kwarto.
Sumagot ako sa kanya ngunit hindi ko s’ya nilingon. Ayaw kong mahalata n’ya ang pag-iyak ko. Ayaw kong maulit ang naging kaganapan sa amin sa elevator ilang linggo na ang nakakaraan. Hindi ko na kasi napigil ang emosyon ko nang mga oras na iyon.
Ayaw kong guluhin ang kanyang isip at natatakot akong bumalik ang lamig ng pakikitungo n’ya sa akin noong nagbalik s’ya dito. S’ya na rin ang nagsabi na dapat ay makuntento na lamang ako sa pagiging magkaibigan namin. Hindi ko hahayaan na pati pagiging magkaibigan namin ay masisira rin.
“T-tom… S-sorry… Nainip ka ba sa paghihintay? P-pasensya na… A-ang hirap kasi maghanap ng pwedeng magkasya sa’yo eh… P-pero heto oh, nakakita rin ako sa wakas..” wika ko. Inaabot ko ang t-shirt na hawak ko habang nakatalikod sa kanya.
Hindi s’ya nagsalita ngunit naramdaman kong unti-unti n’yang kinuha ang t-shirt mula sa akin. Walang umiimik. Naririnig ko ang kanyang pagkilos na isinusuot ang damit na ibinigay ko.
“M-maliligo lang ako.. M-magpahinga ka na rin.. D’yan ka na lang sa kama ko, doon na lang ako sa sofa sa labas..” pagbasag ko sa katahimikan.
Hindi ko pa rin s’ya hinaharap habang sinasabi ko ang bagay na iyon. Dali-dali akong kumuha ng mga damit ko at pumasok sa aking banyo.
Sa loob ng banyo ay doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sinasabayan ng mga luha ko ang pagpatak ng tubig na nagmumula sa shower. Tinatakpan ko ang bibig ko upang hindi makagawa ng anumang ingay dahil sa pag-iyak ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng banyo. Hinintay kong maubos muna ang mga luha ko bago ako nagdesisyong lumabas mula rito. Alam kong bukas ay mag-uunahan nanaman ito sa pagbagsak. Sana, kahit ngayon lang ay magawa kong pigilan ito.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat akong nakaupo si Tom sa aking kama at malungkot ang mga mata n’yang tiningnan ako. Yumuko ako at nagpanggap na nagpupunas ng towel sa aking ulo kahit tapos ko nang gawin ang bagay na iyon. Paraan ko na rin ito para hindi n’ya mapansin ang mata ko na nanggaling sa pag-iyak.
“Oh Tom. Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Hindi ka ba komportable sa kama? May extra pang unan d’yan para mayakap mo. Kulang pa ba? Gusto mo pa bang dagdagan ko? Meron pa ako dito sa cabinet. Sandali at kukunin ko.” sunod-sunod kong sambit.
Alam ko kasing hindi ito nakakatulog nang walang yakap na isang unan. Madalas namin noon ’yan pagtalunan dahil nakakasagabal ’yon sa pagka-cuddle namin sa tuwing matutulog kami.
Hindi ako nakarinig ng kahit na anong sagot mula sa kanya. Binuksan ko ang cabinet ko at kumuha pa roon ng dalawa pang unan. Naglakad ako patungo sa kama na kanyang inuupuan at inilapag ’yon sa kama. Ginawa ko ang makakaya ko para hindi magtagpo ang aming mga mata ngunit alam kong sinusundan n’ya ako ng kanyang tingin.
“Ayan, dalawa na ’yan ha? Baka kulangin pa ’yan.” ang pilit na pinapasigla kong boses.
Hindi pa rin s’ya sumagot. Akmang aalis na sana ako nang bigla n’ya naman akong hinawakan sa aking kamay. Napapitlag ako dahil sa labis na pagkabigla.
“M-may kailangan ka pa ba Tom? M-magsabi ka lang. Ano ba ’yon?” tanong ko at hindi ko s’ya nilingon.
Hinila n’ya ako pabalik at iginaya paupo sa tabi n’ya sa kama. Hindi ko s’ya tiningnan. Nasa kaliwa ko s’ya at ibinaling ko naman sa kanan ang aking tingin. Nabigla ako nang hawakan n’ya ang aking mukha at marahang pinaharap sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa kanya.
“Xander… bakit ka umiiyak?” tanong n’ya na labis kong ikinabigla.
Hindi ako nakasagot sa kanya at napatitig lang ako sa kanyang mapupungay na mata.
“Sagutin mo ako… Bakit ka umiiyak?” tanong n’yang muli habang hawak pa rin n’ya ako sa mukha.
“H-hindi ako u-umiyak..” pagsisinungaling ko sa kanya.
“Kilala na kita… hindi ka magaling magsinungaling…” wika n’ya at naroon pa rin ang pag-aalala.
Hindi na ako nakasagot sa sinabi n’ya. Naikagat ko na lamang ang aking ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadyang mga luhang sinusubukan nanamang tumakas.
“Hindi mo ba kayang sabihin sa akin ang problema mo ngayon? Natatakot ka bang sabihin kung gaano kabigat ang nararamdaman mo?” tanong n’yang muli.
Kagat ko ang aking ibabang labi at sunod-sunod na pagtango lamang ang naging pagsagot ko.
Hindi s’ya nagsalita. Nakikita ko ang awa sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala s’ya. Ilang minuto lang kami sa ganoong posisyon, ang magkatinginan sa mata.
Dahil sa nakikita kong awa n’ya sa akin ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Pinunasan n’ya iyon gamit ang dalawa n’yang kamay. At ilang sandali pa ay nagsalita s’ya.
“Hindi ko alam kung anong gagawin ko para masabi mo sa akin ang problema mo… Pero sana sa paraang ito, mapagaan ko ang bigat ng nararamdaman mo…” wika n’ya sa akin habang hawak ako sa magkabilang pisngi.
Naguluhan ako sa kanyang sinabi at hindi ko nagawang makapagsalita.
Ngunit ilang sandali pa lamang ay nagising ako dahil naramdaman ko na lang ang mainit na bagay sa aking labi.
Hinalikan ako ni Tom.
Panaginip lang ba ito? Kung oo, sana hindi na ako magising.
Ang halik na matagal kong hinintay.
Muli kong naramdaman ang malambot n’yang labi.
Banayad ang kanyang halik at dinama ko ang bagay na iyon. Napapikit ako at tinugon ng buong puso ang halik ng taong dahilan kung bakit isinilang ako sa mundong ito.
S’ya lang…
S’ya lang ang kulang para mabuo ang nasira kong pagkatao.
Pinadama ko sa bawat paghalik ko ang labis na pagmamahal ko sa kanya. Ayaw ko mang isipin ngunit baka huli na ito kaya dapat ay maiparating ko ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng halik kong iyon.
Tila ba nagliwanag ang buong paligid habang dinadama ko ang kanyang labi. Patuloy lang kami sa ganoong posisyon. Dinadama ang banayad na paghalik sa bawat isa.
Ilang sandali pa ay nagbitaw din s’ya at agad na niyakap ako.
“Hindi ko alam Xander kung bakit ka nasasaktan ngayon… Pero gusto kong malaman mo na hindi ko kayang makita kang ganyan…” sambit n’ya habang yakap ako.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Dapat ba akong matuwa sa kanyang sinabi o dapat ba akong malungkot dahil sa katotohanang s’ya ang sanhi ng kalungkutan ko ngayon?
Hindi ako nakasagot ngunit mahigpit ko rin s’yang niyakap pabalik. Muling naglandas ang mga luha ko habang dinadama ang init ng kanyang katawan. Alam kong sa pagyakap ko sa kanya ay naramdaman n’ya na sa mga sandaling ito ay ayaw ko na s’yang pakawalan.
Matagal kami sa ganoong posisyon at wala sa amin ang nagsasalita. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hinayaan namin ang aming sarili na mag-usap sa pamamagitan ng aming mga yakap.
Ilang sandali pa ay kusang gumalaw ang aking bibig at nagsalita.
“Tom… Kaya kong gawin ang lahat para sa’yo… Patawarin mo ako kung kinailangan kong ilayo ang sarili ko sa’yo noon… Pero gusto kong malaman mo na para iyon sa kaligtasan mo at ng pamilya mo… Mahal na mahal kita at alam kong mahal na mahal mo ang pamilya mo… Kung mawawala sila sa’yo, hindi ko kakayanin na makita kang mas nasasaktan… Kaya mas pinili kong isakripisyo ang kaligayahan ko, ang pagmamahal ko.. Kung nasaktan man kita noon, alam kong nakabangon ka na ngayon… Pero ako? Hanggang ngayon naghihirap pa rin ang kalooban ko… Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako…” mahaba kong wika sa pagitan ng pag-iyak.
Hindi s’ya tumugon kaya nagpatuloy ako.
“Miss na miss ka na nga pala ni Carla. Alam mo bang sa loob ng dalawang taon na nawala ka, lagi ka n’yang hinahanap sa akin? Si Josephine… Wala na s’ya… Nang malaman n’yang wala ka na rito sa bansa, nagalit s’ya dahil hindi nila naisa-katuparan ang masamang balak nila sa pamilya mo.. Alam mo bang masayang-masaya ako noong nakaligtas kayo? Sobrang saya ko kasi kahit malayo ka sa akin, alam kong ligtas ka… At ’yun ang mas mahalaga… Wala nang manggugulo sa’yo dahil wala na si Josephine… Hindi ka na manganganib dahil kasabay ng pagkawala mo ay naglaho na rin s’yang parang bula… Kaso nga lang… kaso nga lang… nawala ka rin sa akin… nawala na ang pinakamamahal kong si Tom…” pagpapatuloy ko at mas lalo akong naiyak.
Hindi pa rin s’ya tumugon sa akin. Ipinagpatuloy ko lamang ang pagyakap sa kanya habang patuloy din sa pag-iyak.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin s’ya gumagalaw. Unti-unti kong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya at tiningnan s’ya.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa nang tuluyan kong masilayan ang kanyang mukha.
“Grabe ka naman Tom. Salita ako ng salita dito ’yun pala tinulugan mo na ako.” natatawa kong pagkausap sa kanya.
Akala ko pa naman ay narinig n’ya na ang mga paliwanag ko. Akala ko pa naman ay pagkakataon ko na para mabigyang linaw ang lahat. Pero eto nanaman ako, umasa nanaman sa wala. Pero kahit ganon ay mas nangingibabaw ngayon sa akin ang saya.
Unti-unti ko s’yang hiniga sa kama at nilagay ang isang unan sa kanyang tabi. Agad n’ya rin iyong niyakap at pumosisyon s’ya ng patagilid. Ganyan s’ya ’pag napapasarap ang tulog. Hindi ko napigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya.
Tumayo na ako sa kama at nilagyan s’ya ng kumot. Hinalikan ko s’yang muli sa kanyang pisngi, noo, ilong at huli sa kanyang labi habang hinahaplos ang kanyang malambot na buhok.
“Good night Tom. Tandaan mo ito lagi ha?
Mahal na mahal kita.“
bulong ko sa kanya.
Tumayo na ako para lumabas sa kwartong iyon. Napagdesisyunan kong sa sofa ko na lang ako matutulog. Baka kasi magalit s’ya kung magising s’ya at maabutang katabi n’ya ako sa iisang kama.
Ilang hakbang na lang para makarating ako ng pinto palabas ng kwarto nang may marinig ako…
“Mas mahal kita…”
Nanlalaki ang mga mata kong nilingon ang pwesto ni Tom. Ngunit napailing na lang ako habang nakangiti dahil nakita kong himbing na himbing pa rin s’ya sa kanyang pagkakatulog.
“Baka guni-guni ko lang ’yon. Eto nanaman ako, umaasa.”
pagkausap ko sa aking sarili.
A/N
Time check: It’s 8:47 in the morning at hindi ko talaga tinulugan ang chapter na ’to! Grabe kasi ang excitement ko dito kagaya ng sinabi ko!
Waahhh!! Comments please??? Votes na rin po!!!
Salamat!
Sana nagustuhan n’yo ang chapter na ’to kasi ako, gustong-gusto ko!!
––cold_deee
chapter 11 - tequila sunset
A/N
Hi guys! Hindi ako naka-move on sa huling chapter kaya susubukan kong dugtungan ang kaharutan ni Xander at Tom. Hahahaha!
Enjoy reading!
––> si Xander po sa media.
TOM POV
Nasisilaw ako sa liwanag na nanggagaling kung saan kaya iminulat ko ng paunti-unti ang aking mga mata.
Inilibot ko ang aking paningin at nagulat ako sa aking mga nakikita. Napabalikwas ako dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan ako ngayon.
“Aray…” nasambit ko at napahawak ako sa aking ulo.
“Anong nangyari?” tanong ko sa aking sarili.
Muli kong inangat ang aking ulo at tiningnan ang paligid.
“Nasaan ako?” tanong kong muli.
Napatingin din ako sa aking suot na damit.
“Kanino ’to?” tanong ko nanaman.
Labis akong nagtataka sa mga nakikita ko. Unti-unti kong inalala ang mga pangyayari kahapon.
Teka.
Wait lang.
Processing……
25% processed…..
50% processed…..
75% processed….
.
.
.
.
.
.
100%
.
.
Completed!
“Tae!!!” ang nabibigla kong sambit.
“Wala akong maalala!” dugtong ko pa.
So sobrang kalasingan ko yata kagabi ay wala na akong matandaan sa mga nangyari. Ang huli kong naaalala ay naglalaro pa kami nila Sir Lojie, Olyn at Xander kagabi. At hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari matapos ’yon.
Muli kong pinagtuunan ng pansin ang lugar kung nasaan ako ngayon. Nakaupo pa rin ako sa kama habang iniinda ang sakit ng ulo.
Kainis naman kasing hang over na ’to!
Tumayo ako sa kamang iyon at tinungo ang isang glass window. Tanaw ko mula sa aking pwesto na nasa isang mataas akong lugar. Mukhang nasa isang condominium ako dahil nakikita ko rin ang ibang unit ng building na ito sa gilid at ibabang bahagi nito, maging sa taas ng aking kinatatayuan ay ganoon din.
Matapos iyon ay tinungo ko naman ang isang pinto sa loob ng kwartong iyon.
“Sakto, banyo pala ’to.” sambit ko nang makapasok ako.
Nararamdaman ko na rin kasing puputok na ang pantog ko, kailangan ko nang magbawas ng likido. Marami yata talaga akong nainom kagabi.
Bago pa ako makarating sa kinaroroonan ng toilet bowl ay napansin ko ang isang sticky note na nakadikit sa salamin doon.
“Tom,
Good morning! Nasa tabi ng sink ’yung mga pwede mong magamit pagkagising mo. Nasa labas lang ako kung may mga kakailanganin ka.
-Xander (insert smiley)“
Natawa naman ako sa sulat ni Xander. Hindi na lang kasi s’ya nag-drawing ng smiley, sinulat pa talaga ang words.
Nang tingnan ko ang sinasabi n’yang pinaglalagyan ng mga kailangan ko ay nakita ko ang isang towel doon. Sa ibabaw nito ay isang toothbrush, toothpaste at sabon.
Hindi na ako nag-atubili pa, agad akong naghilamos at nag-toothbrush gamit ang mga iyon.
Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin sa banyo ay bumalik ako sa kama para iligpit naman iyon.
Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kahit sumasakit ang ulo ko ay lumabas na rin ako ng kwartong iyon. Paglabas ko ay tahimik ang buong bahay. Napansin ko rin na kahit may kaliitan ang unit na iyon ay napakaganda ng interior nito. Sakto lang manirahan ang isa hanggang dalawang tao.
Naglakad ako at nagbabaka-sakaling makita ang hinahanap kong tao. Tanaw agad sa kinatatayuan ko ang kitchen at walang tao akong nakikita doon. Unti-unti kong nilingon ang kinaroroonan ng sala at nakita kong may taong nakahiga sa isang sofang naroroon.
Nilapitan ko ito at nakita ko si Xander na nahihimbing sa pagtulog. Nagtataka naman ako kung bakit dito ito natutulog. At ang mas ipinagtataka ko ay nakasuot ito ng panglakad. Naka-cotton long sleeves na brown at naka-black na slim fit pants. Naka-medyas rin ito at mukhang nanggaling s’ya sa labas.
Nakatagilid itong nakahiga sa sofa. Unti-unti ko itong nilapitan at pumwesto ako sa kanyang ulonan. Lumuhod ako sa bandang harapan ng kanyang mukha para mas makalapit sa kanya.
Pinagmasdan kong mabuti ang pagkakahimbing ni Xander. Napangiti ako dahil mukhang sarap na sarap talaga s’ya sa kanyang pagtulog.
Hindi pa rin nagbabago ang katangian ni Xander. Ang makapal n’yang kilay, ang mahaba n’yang pilik mata, ang matangos n’yang ilong, mapupulang mga labi, ang makinis n’yang mukha at ang may pagka-moreno n’yang balat. Sa nagdaang dalawang taon ay walang pinagbago ito, mas lalo pa nga yata s’yang gumwapo.
Hay Tom! Gisingin mo na ’yan. Gutom ka na ’di ba?
Hindi ko malaman kung paano ko ito gigisingin sa kanyang pagkakahimbing. Nakatitig lamang ako sa kanya at malapit ang mukha ko sa kanya.
Ilang saglit pa ay inangat ko ang aking hintuturo at inilagay iyon sa pisngi ni Xander. Ewan ko ba pero natutuwa ako sa ginagawa kong pagpindot sa kanyang pisngi.
“Ang lambot pa rin ng balat n’ya.” ang aking nasambit habang paulit-ulit na pinipindot ang kanyang pisngi.
Habang ginagawa ko ang bagay na iyon ay nagulat ako nang unti-unting binuksan ni Xander ang kanyang mga mata. Dahilan para mapatigil ako sa aking ginagawa.
Nabigla ako sa pangyayari kaya naiwan akong nakatitig lang ng diretso sa kanyang mga mata. S’ya naman ay ganoon din, diretso rin na nakatingin sa aking mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas ay bigla itong nagsalita.
“Nananaginip ka nanaman Xander.” mahinang sambit n’ya.
At matapos n’yang sabihin iyon ay bigla na lamang s’yang nag-iba ng pwesto. Tumalikod s’ya sa akin at itinuloy ang kanyang pagtulog habang nakaharap sa sandalan ng sofa.
“Eh?” ang naging reaksyon ko.
Ngunit nang makabawi ako ay bigla naman akong natawa. Akala n’ya kasi ay nanaginip lang s’ya. Huminga ako ng malalim at hinawakan ko s’ya sa balikat. Marahan ko s’yang inuga-uga para gisingin.
“Xander….” pagtawag ko sa kanya.
Hindi s’ya sumagot kaya medyo nilakasan ko ang pag-uga sa kanya.
“Xander…. gumising ka na d’yan… nagugutom na ako….” muli kong pagtawag sa kanya.
Matapos kong gawin iyon ay bigla na lamang itong bumalikwas sa pagkakahiga at umupo sa sofa. Dahan-dahan n’ya akong nilingon at ang reaksyon n’ya ay tila ba nabibigla na nasa harap n’ya ako ngayon.
“Tom…” tangi n’yang sambit.
“Nagugutom na ako…” pag-ulit ko sa aking sinabi.
Saglit s’yang natigilan at nakatitig lang sa mukha ko.
“Sabi ko nagugutom na ako…” muli kong bigkas at alam kong nakanguso nanaman ako ngayon.
Mukhang nagising na s’ya sa pagkakataong ito dahil bigla s’yang nataranta. Inayos n’ya muna ang buhok n’ya at tumayo mula sa pagkakaupo.
“Ay sorry sorry! Sige, halika na. Tapos na rin akong magluto. Ipaghahanda na kita.” wika n’ya at biglang hinawakan ako sa kamay para pumunta ng kusina.
Nagpadala na lamang ako sa kanyang paghila hanggang makarating kami sa kanyang dining table. Nang makaupo na ako ay muli kong inilibot ang aking mata sa buong bahay. Si Xander naman ay abala sa paghahanda ng aming kakainin.
“Sa’yo din bang unit ’to?” tanong ko sa kanya habang tumitingin sa paligid.
“Oo, dito ako ngayon tumutuloy since mas malapit ito sa hotel.” sagot n’ya naman habang abala pa rin sa pag-aasikaso ng kakainan namin.
“Grabe, ang dami mo naman inuuwian? Tatlo-tatlo?” ang bigla kong tanong sa kanya.
“Ha? Dalawa lang inuuwian ko Tom.” ang nabigla n’ya ring sagot sa akin. Napaharap din s’ya sa akin nang sabihin n’ya iyon.
Bigla akong nataranta dahil hindi ko naisip na hindi nga pala alam ni Xander na may ideya na ako na umuuwi s’ya sa dati naming bahay malapit kina Cha maliban pa sa condo n’ya sa Alabang.
“A-ahm… A-ang ibig kong sabihin, ’di ba bukod sa condo mo sa Alabang m-may bahay pa kayo sa Manila kung nasaan si Carla? T-tapos meron ka pang unit dito.” ang utal kong paglilinaw sa kanya.
“Aahhh…” tumango-tango s’ya. Muli n’yang ibinalik ang kanyang sarili sa paghahanda. “Dito muna ako ngayon, hindi na muna ako umuuwi sa Alabang.” dugtong n’ya pa.
“Bakit naman?” tanong ko ulit sa kanya.
Natawa s’ya sa aking tanong. Inilagay n’ya na rin sa mesa ang aming kakainin.
“Sabi ko nga sa’yo, mas malapit ako dito sa hotel ’di ba? Kaya dito muna ako.” nakangiti n’yang sagot.
“Sinong kasama mo dito?” tanong ko ulit.
“Wala. Ako lang. Kaya nga medyo mas maliit ’tong kinuha kong unit compare doon sa Alabang.” sagot n’ya naman.
“Ahh.. Okay.. Teka, bakit nga pala nakapang-alis ka? Papasok ka na ba sa trabaho? Bakit hindi ka naka-business attire?” tanong ko ulit.
Sa pagkakataong ito ay bigla na lang s’yang tumawa ng tumawa.
“Grabe Tom! Ang kulit mo talaga! Ang dami mong tanong!” natatawa n’yang wika sa akin at ginulo ang buhok ko.
“Lagi mo na lang ginugulo ang buhok ko! Ano bang meron dito?!” inis kong sambit sa kanya.
Tumawa nanaman s’ya bago ako sinagot.
“Wala naman. Ang sarap kaya guluhin ng buhok mo. Ang lambot eh!” sagot n’ya sa akin. “At para sagutin naman ang tanong mo, hindi ako papasok ngayon. Galing ako sa mall dahil bumili ako ng gagamitin mong pampalit ng damit.” dugtong n’ya pa.
“Ha?! Hindi mo naman kailangan gawin ’yun! Pwede naman ako umuwi sa bahay para kumuha ng pampalit ko bago pumasok sa hotel.” sagot ko sa kanya.
Umupo na rin si Xander at sinimulan na rin naming kumain. S’ya rin ang naglagay ng mga pagkain ko sa plato ko. Ang sarap talaga magluto ni Xander.
“Seryoso ka ba? Papasok ka pa?” tanong n’ya sa akin.
“Oo naman. Bakit hindi?” tanong ko pabalik matapos humigop ng sabaw.
Aahh!! Sarap magsabaw kapag may hang-over!
“Ala una na kaya! Late na late na tayo!” sagot n’yang natatawa.
Nasamid ako dahil sa narinig ko. Mabilis din akong binigyan ni Xander ng tubig at hinimas ang likod ko.
“Ayos ka lang ba?” alalang tanong n’ya sa akin.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago s’ya sinagot.
“A-ayos na ’ko. Sige, ituloy na natin ang pagkain.” sagot ko sa kanya.
Muli rin s’yang bumalik sa pagkakaupo pero nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa kanya.
“Grabe! Hindi ko napansin na ala una na ng hapon. Nung tumingin kasi ako kanina sa glass window medyo makulimlim kaya akala ko maaga pa.” wika ko at itinuloy na rin ang pagkain.
“Eh paano naman kasi, lasing na lasing ka kagabi. Dapat tumigil ka na nung nahihilo ka na eh!” panenermon n’ya sa akin.
“Oo nga eh. Ang sakit nga ng ulo ko ngayon. Ano ba kasing nangyari? Ang huli kong naaalala, naglalaro pa tayo nila Sir Lojie at Olyn. After nun, wala na akong maalala.” tanong ko sa kanya.
Natigilan si Xander at hindi agad nakasagot. Tiningnan ko s’ya at tulala lamang itong nakatingin sa akin.
“Huy! Tinatanong kita kung anong nangyari?!” pagbasag ko sa pagkakatulala n’ya.
Mukhang nagising naman s’ya dahil kumurap-kurap pa ito ng ilang beses bago nagawang gumalaw.
“A-ahm… Wala ka ba talagang maalala Tom?” tanong n’ya.
Inikutan ko naman s’ya ng mata bago tinanong pabalik.
“Kaya nga nagtatanong ’di ba? So ano nga nangyari?” tanong ko sa kanya at ibinalik ang sarili ko sa pagkain.
Bumuntong hininga naman s’ya bago n’ya ako nagawang sagutin.
“W-wala naman. Nag-pass out ka kasi sa sobrang kalasingan eh. Tapos iniwan tayo ng dalawa kaya dito na lang kita dinala. H-hindi ko naman kasi alam kung saan ka nakatira.” sagot n’ya sa akin.
“Mmm… Okay… Hehe! Pasensya na nga pala ha? Naabala pa kita. Hindi ka rin tuloy nakapasok sa trabaho.” nahihiya kong paghingi ng dispensa sa kanya.
“Ayos lang. Ikaw pa ba?! Lakas mo sa ’kin eh!” nakangiti n’yang sagot.
“Mukha mo!” asik ko naman sa kanya.
“Gwapo?” nakangiti n’ya namang tanong.
“Weh?!” balik ko sa kanya.
Natawa naman s’ya bago n’ya ginulo nanaman ang buhok ko. Sinimangutan ko na lang s’ya dahil mukhang tuwang-tuwa s’yang ginagawa sa akin ’yun.
“Kumain ka na nga lang d’yan. Puro ka kalokohan. Para kang walang hang-over ah?!” natatawa n’yang pagsaway sa akin.
Ganon na nga ang ginawa namin. Tahimik naming tinapos ang kinakain namin. Ayaw ko rin magsalita dahil gutom talaga ako tapos ang sarap pa ng luto ni Xander.
Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta kong maghugas ng pinagkainan namin pero tumanggi si Xander. Nanatili naman akong nakaupo sa silya at s’ya naman ay abalang naghuhugas ng ginamit namin. Binigyan din ako ni Xander ng gamot para pangtanggal ng sakit ng ulo dahil sa hang-over.
“Oo nga pala, kanina pang umaga nagri-ring ’yung cellphone mo. Tumatawag yata si Daniel.” wika ni Xander habang abala pa rin sa paghuhugas.
Hindi ko alam kung tama ba ang pakiramdam ko na may halong lungkot ang kanyang boses habang sinasabi sa akin ’yon. Hindi ko kasi makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito sa akin.
“Sh*t! Oo nga pala! Nakalimutan kong magpaalam! Nasaan ’yung cellphone ko?” taranta kong tanong sa kanya.
“Nasa mesa lang sa tabi ng kama.” maiksi n’yang sagot at hindi pa rin ako nilingon.
Hindi na ako muli pang nagsalita at agad akong bumalik sa kwarto para kunin ito.
Nang makarating sa kwarto ay agad kong tiningnan ang cellphone ko.
42 missed calls and 25 messages.
Lahat iyon ay galing kay Daniel. Binasa ko iyon isa-isa at lahat doon ay nagtatanong kung kamusta ako at kung nasaan na ako. May isang message din s’ya na nagpapaalam na kung pwede ay sasama s’ya kay Jurnie na umuwi sa pamilya n’ya sa Nueva Ecija.
Nagreply naman agad ako sa kanya na ayos lang naman sa akin basta mag-iingat s’ya.
Matapos kong mai-send ’yon ay sakto namang pumasok si Xander sa kwarto at may dalang paper bag.
“Tom, eto nga pala. Binili ko kanina sa mall habang natutulog ka. Baka lang kasi gusto mong maligo bago ka umuwi. Madumi na rin kasi ang damit mo ’di ba?” wika n’ya habang inaabot sa akin ang paper bag.
Tama nga ako, malungkot s’ya dahil kahit nakangiti s’ya ay hindi naman ’yon umabot sa kanyang mga mata. Inabot ko ’yon mula sa kanya at muling binalikan ang aking cellphone.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ang sumunod kong ginawa ay nagtext akong muli kay Daniel.
“Bae, ’wag ka nga palang mag-alala. Okay lang naman ako. Nandito na ako sa work. Ingat ka.”
SEND!
Muli kong nilingon si Xander at nakita ko itong may kinukuha sa kanyang cabinet.
“Eto nga pala ang towel. Kung gusto mo nang maligo may mga sabon at shampoo ka nang magagamit doon sa banyo.” malungkot n’yang wika sa akin habang inaabot ang towel.
Matapos n’yang sabihin iyon ay tumalon ako sa kama at dumapa ako roon.
“Pinapaalis mo na ba ako?” tanong ko sa kanyang nakanguso at nakapatong ang aking baba sa aking mga palad.
Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot.
“Ha?” ang nagtataka n’yang tanong.
“Sabi ko, kung pinapaalis mo na ba ako? Kasi wala si Daniel sa bahay ngayon. Sumama s’ya kay Jurnie sa probinsya nila kaya wala akong makakasama sa bahay. Ang boring kaya mag-isa.” pag-uulit ko sa kanya habang nakanguso pa rin ako.
Saglit s’yang natahimik sa aking mga sinabi. Ilang saglit pa lamang ay sumilay ang kanyang mga ngiti. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang mga ngiting iyon ni Xander. Kanina kasi ay ang bigat ng pakiramdam ko nang makita kong nalulungkot s’ya.
“Bored ka na?” tanong n’ya sa aking nakangiti.
“Umm-umm.” sagot ko habang tumatango-tango sa kanya.
Mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti.
“Hindi ako pumasok ngayon sa hotel ’di ba? At hindi ka rin pumasok.” wika n’yang nakangiti.
“Oh tapos?” tanong ko naman sa kanya. Nakadapa pa rin ako sa kama n’ya. Hehe! Nakakatamad talaga kumilos eh!
“Gusto mo bang tumakbo kasama ako?” nakangiti n’yang tanong sa akin.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” taka kong tanong sa kanya.
“Takbuhan natin sila! Bahala na kung saan tayo dalhin ng ating mga paa. I mean, syempre sakay tayo ng kotse ko. Pero bahala na kung saan tayo mapadpad.” mahaba n’yang paliwanag.
Nakaramdam ako ng excitement sa kanyang mga sinabi. Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa aking labi. Hindi ako nakapagsalita kaya nagtanong s’yang muli sa akin.
“Ano? Tatakbo ka ba kasama ako?” tanong n’yang muli.
Tumayo na ako mula sa pagkakadapa at umupo sa kama.
“Tara!” excited kong sagot sa kanya.
XANDER POV
“Gusto mo bang tumakbo kasama ako?” nakangiti kong tanong sa kanya.
Sa totoo lang ay iba ang gusto kong ipahiwatig sa tanong kong iyon. Gusto kong itanong sa kanya kung papayag ba s’yang iwan namin ang lahat at magkasama naming tatakasan ang mga ito.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” takang tanong n’ya sa akin.
“Takbuhan natin sila! Bahala na kung saan tayo dalhin ng ating mga paa. I mean, syempre sakay tayo ng kotse ko. Pero bahala na kung saan tayo mapadpad.” mahaba ko namang paliwanag.
Nakita ko ang paunti-unti n’yang pagngiti. Hindi s’ya nakapagsalita kaya nagtanong akong muli.
“Ano? Tatakbo ka ba kasama ako?” tanong ko ulit sa kanya.
Inangat n’ya ang kanyang sarili mula sa pagkakadapa at umupo sa kama. Ang cute talaga ni Tom kapag ganyan ang ginagawa n’ya.
“Tara!” ang excited n’yang sagot sa akin.
Gusto ko nang tumalon sa mga oras na ito dahil sa sobrang saya.
Hindi ko akalain na madudugtungan pa ang oras na makakasama ko si Tom. Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng kalungkutan kanina dahil ang akala ko ay uuwi na rin ito pagkagising n’ya. Gusto kong hilingin sa kanya na kung pwede ay dito na lang s’ya. Kung pwede ay sa akin na s’ya sumama. Pero alam ko sa sarili kong hindi pwede.
“Xander! Akin na ’yang towel! Maliligo na ako!” ang excited n’yang sambit.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa akin at agad na kinuha ang towel. Dire-diretso rin s’ya sa banyo dala ang towel na kinuha n’ya sa akin at ang paper bag na naglalaman ng bagong t-shirt, short, maging ang kanyang pang-loob. Syempre alam ko ang size ng lahat ng sinusuot ng Master ko kaya alam kong kasya ’yon lahat sa kanya.
“Oy Tom! Magdahan-dahan ka d’yan sa loob ng CR ha?! Baka madulas ka sa kalikutan mo!” paalala ko sa kanya mula dito sa labas ng CR.
“Yes Master!!” ang sagot n’ya naman mula sa loob.
Nang sagutin n’ya ako nang ganon ay huminto ang mundo ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nasa tapat ng pinto ng CR. Parang lalabas din ang puso ko nang muli kong marinig ang pagtawag n’ya sa aking ganon.
“Master…” ang mahina kong sambit.
Gusto kong umiyak dahil sa labis na kaligayahan nang muli n’ya akong tawaging Master.
Mas lalo akong nakaramdam ng excitement ngayon. Agad akong kumilos at tinungo ang aking cabinet. Kumuha na rin ako ng pamalit na damit. Hindi na ako maliligo dahil bago ako pumunta kanina ng mall ay naligo na ako.
Halos 30 minutes din sa loob ng CR si Tom at tapos na akong magbihis. Lumabas ito mula roon at nakasimangot ang kanyang mukha na labis kong ipinagtaka.
“Oh? Anong nangyari sa’yo? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ko sa kanya.
“Ang ganda ng damit na binili mo Xander… Salamat…” malungkot n’yang sambit.
Mukhang nabigla lang s’ya sa pagtawag n’yang Master sa akin kanina dahil muli n’ya nanaman akong tinawag sa pangalan ko. Pero ayos lang, ang mahalaga ay makakasama ko s’ya ngayon.
Bagay nga sa kanya ang semi fit na white shirt na may black print na skull at black 3/4 na short.
“Oh? Eh bakit parang hindi ka masaya?” tanong ko sa kanya.
“Eh wala naman akong susuotin na sapatos dahil leather shoes ang suot ko kahapon ’di ba?” sagot n’ya naman habang nakanguso pa.
Padabog din itong umupo sa kama at halatang disappointed s’ya.
Napangiti naman ako sa kanyang inasta. Kumilos ako at lumabas sa kwartong iyon ng walang sinasabi na kahit na ano sa kanya. Kinuha ko mula sa sala ang binili kong sapatos para sa kanya at pumasok akong muli sa loob ng kwarto. Nakanguso pa rin ito at nakasimangot habang nakayuko.
Tom, pwede bang pakagat ng pisngi? Ang cute mo talaga ’pag ganyan ka!
Muli ko tuloy naalala ang ginawa n’yang paghalik sa akin kagabi. Kahit hindi n’ya maalala ang bagay na iyon ay sobrang saya ko.
Lumuhod ako sa kanyang harapan at unti-unting binuksan ang box na naglalaman ng sapatos. Gusto kong sabihin sa kanyang:
‘Cinderella, maaari mo bang isukat ang sapatos na ito?’
kaso ’wag na lang! Baka mabatukan pa ako eh. Hehe!
“Heto oh. Alangan naman bibilhan kita ng damit pero walang sapatos?” wika kong nakangiti sa kanya habang hawak ang black sneakers na may white sole.
Muli ko nanamang naalala ang nangyari noon nang bumili kami ng couple outfit noong unang monthsary namin. Pakiramdam ko ay ganito rin ’yon.
Nagliwanag ang kanyang mga mata at agad na kinuha iyon sa akin ng nakangiti.
“Waaahhh!! Salamat!!” wika n’ya habang nakangiti at niyakap ang sneakers na binili ko.
Nagulat na lang ako nang bigla n’ya akong tinulak ng marahan at parang pinapaalis ako sa kanyang harapan. Halos mapaupo na ako sa sahig dahil sa pagtulak n’yang iyon.
Putek! Ganito ba itrato ang prince charming mo Tom?!
“Bilisan mo na kumilos Xander para makaalis na tayo! Magsapatos ka na rin, dali!!” wika n’ya habang marahan pa rin akong tinutulak.
“Oo na! Oo na! Grabe naman makatulak!” maktol ko sa kanya.
Hindi na s’ya sumagot sa akin at agad na nagpunta sa cabinet ko.
“Nasaan ang mga medyas mo dito? Pahiram muna ako.” excited n’yang tanong.
Napapailing na lang ako sa kakulitan ni Tom. Tsk! Ito ang mga bagay na na-miss ko sa kanya.
“Nand’yan lang sa baba. Kumuha ka na lang d’yan.” natatawa kong sagot sa kanya.
Hindi nanaman s’ya sumagot at naging abala na lang sa paghahanap ng medyas ko. Tumayo na lang ako para kumuha rin ng sapatos na maisusuot. Short at polo shirt lang din ang suot ko ngayon para komportable ako.
“Xander, pahiram din nitong sunglass ha?” pagpapaalam n’ya.
“Sige lang, kunin mo lang lahat ng gusto mong gamitin.” sagot ko sa kanya habang nagsusuot ng sapatos.
“Hindi ka pa tapos? Bilisan mo naman kumilos d’yan!” ang atat na atat n’yang wika sa akin.
“Eto na po. Tapos na.” sagot ko at agad na tumayo matapos kong maisuot ang snickers ko.
“Halika na. Bilisan mo, baka gabihin pa tayo!” wika n’ya at hinila ako sa kamay.
Natatawa na lamang akong nagpapadala sa kanya. Halatang excited ito sa aming lakad kahit walang patutunguhan. Parang walang hang-over eh!
Nang makarating sa parking ay halos tumakbo kami para lang makarating sa kotse ko.
“Mag-seatbelt ka ha?” paalala ko sa kanya nang makasakay na kami.
“Dali na! Paandarin mo na!” sagot n’ya naman.
Napapailing na lang ako habang natatawa sa kanya. Mukhang excited na excited na talaga s’ya.
Nagsimula na kaming magbyahe patungo sa hindi namin alam. Kahit siguro maghapon pa akong magdrive, walang problema sa akin. Basta kasama ko s’ya.
Hininto ko muna ang aking sasakyan sa isang convenience store na nadaanan namin.
“Anong gagawin natin d’yan?” takang tanong ni Tom.
“Bili muna tayo ng snacks para may makain tayo sa byahe.” maikli kong sagot sa kanya at lumabas na ng aking kotse.
Sumunod din naman s’ya sa akin ng walang kontra.
Nauna akong pumunta sa section ng mga drinks. Si Tom naman ay nasa section kung nasaan ang mga chips.
“Tom, anong gusto mong drinks?” tanong ko sa kanyang hindi s’ya nililingon.
“’Yung kagaya pa rin ng dati.” ang wala sa sarili n’yang sagot dahil abala s’ya sa pagtingin sa mga chips na naroon.
Napangiti ako ng wala sa oras dahil doon.
Tine-test mo ba ako kung alam ko pa ang mga paborito mo Tom?! Hah! Pwes, pasado na ako para sabihin ko sa’yo!
Kumuha ako ng isang litro Mogu-Mogu grape flavor at isang litro ng mineral water.
“Xander, anong chips ang gusto mo?” tanong n’ya naman bigla sa akin.
Nilingon ko s’ya at nakita kong abala pa rin ito sa pagtingin sa mga chips. Nakaisip ako ng isang ideya.
Sige Tom, ikaw naman ang ite-test ko!
“’Yung kagaya pa rin ng dati.” sagot ko sa kanya. “Hintayin na lang kita sa counter ha?” dugtong ko pa.
Hindi na s’ya sumagot kaya umalis na rin ako agad doon at nagtungo sa counter.
“Hi Sir! Okay na po ba? May ia-add pa po ba kayo?” tanong sa akin ng babaeng cashier sa counter.
“Ahm.. Yeah, kinukuha pa ng kasama ko.” sagot ko sa babae.
“Aahh.. ’Yung boyfriend n’yo po ba?” nakangiti n’yang tanong sa akin.
Alam kong namula ako sa tanong n’ya. Natawa ako ng bahagya bago ko s’ya sinagot.
“Oo, kinukuha pa ng boyfriend ko. Pero ’wag ka maingay ha? Hindi n’ya alam na boyfriend ko s’ya, ako lang nakakaalam.” sagot ko sa kanyang natatawa.
“Ayieee! Ang sweet n’yo naman Sir! Pero in fairness, bagay kayo ha? Parehas kayong gwapo!” wika n’ya sa akin.
Bago pa ako makasagot ay bigla naman dumating si Tom dala ang mga chips na dadalhin namin.
“Xander, eto na oh! Bilisan na natin, baka matrapik pa tayo.” pagsingit sa amin ni Tom.
Tiningnan ko ang mga dala n’ya at nakita ko ang mga chips na nasa basket na bitbit n’ya.
Gusto kong isigaw na pasado s’ya sa test ko dahil kinuha n’ya ang Lays Classic na paborito ko!
Habang pina-process ng cashier ang aming pinamili ay napapangiti ang babae sa aming dalawa ni Tom.
“Thank you for shopping Sir!” masiglang pagpapasalamat ng cashier sa amin.
Nang tumalikod na kami ni Tom para lumabas ng store na iyon ay inakbayan ko si Tom. Muli kong nilingon ang cashier at nakita ko itong nag-thumbs up pa sa akin.
“Good luck!” wika ng cashier ng walang sounds. Baka nga kasi marinig ni Tom.
“Thank you!” sagot ko naman ng nakangiti at wala ring sounds.
“Hoy! Ano bang nililingon-lingon mo pa d’yan?! Type mo ba ’yung cashier? Napapansin ko kanina pa kayo ngitian ng ngitian sa counter.” biglang wika ni Tom sa aking tabi.
Binuksan ko muna ang pinto ng store para makalabas kami. Nagpresinta kasi si Tom na magbuhat ng mga pinamili namin eh.
Pagkalabas namin ng store ay natatawa akong ginulo ang kanyang buhok.
“Asus! Selos ka naman?!” ang pilyo kong tanong sa kanya matapos guluhin ang buhok n’ya.
Shet! Nababakla na talaga ako! Gusto kong sumigaw dito! Pakiramdam ko nagkabalikan na kami nitong kaakbay ko!
“Baliw! Bilisan na nga natin! Ang bagal-bagal kasi kumilos!” maktol n’ya.
Natawa na lang ako sa sinabi n’ya. Pumasok na lang kami sa loob ng sasakyan at sumunod naman s’yang nakasimangot na. Naririnig ko pa itong may sinasabi habang nakanguso. Ang naging malinaw lang sa aking pandinig ay nang sabihin n’yang:
“Ang aga-aga, ang landi-landi!”
Gusto ko na talagang tumawa ng malakas pero pinigilan ko dahil baka lalong magalit na sa akin ’to.
Nagpatuloy na kami sa aming byahe kung saan. Tinutumbok namin ang daan pa-Norte at naging napakasaya ng byahe namin dahil ang gaganda ng tanawing nadadaanan namin. Wala ring traffic sa mga oras na iyon kaya mas naging pabor sa amin.
Minsan ay bumababa kami para kuhanan ng picture ang mgagandang tanawin. At kung hindi naman nakatingin si Tom sa akin ay kinukuhanan ko s’ya ng picture ng palihim.
“Wooohhh!! Ang sarap nito Xander!! Ngayon lang ulit ako nakalabas ng ganito!!” sigaw ni Tom habang patuloy kami sa byahe.
Natatawa naman ako habang nagda-drive. Paminsan-minsan ko rin s’yang nililingon habang nagmamaneho ako. Kitang-kita ko ang kasiyahan ngayon ni Tom kaya para mas masiyahan s’ya ay ibinaba ko ang bubong ng kotse ko.
“Woaahh!! Top-down!! Ang cool!!!” manghang wika ni Tom.
“Ayan, sumigaw ka na ng sumigaw hanggat gusto mo!” natatawa kong wika sa kanya.
“Wooohhh!!! Ang saya nito!!!” sigaw n’yang muli at bahagyang tumayo sa kanyang upuan.
“Oyoyoy!! Dahan-dahan ka d’yan! Umupo ka na!!” pag-aalala ko sa kanya.
Mabuti naman at sumunod ito. Kinuha n’ya ang binili naming snacks kanina at binuksan iyon. Mukhang nagutom na ang mahal ko ah? At ayun na nga, nagsimula na s’yang kumain.
“Xhander! Guhto mo?” alok n’ya sa akin habang puno pa ang bibig n’ya ng chips.
“No thanks! Mamaya na lang ’pag hindi na ako nagda-drive. Baka maaksidente pa tayo eh.” sagot ko sa kanyang nakangiti at hindi s’ya nilingon.
Hindi s’ya nagsalita matapos kong sabihin iyon. Ngunit ilang saglit pa ay nagulat na lang ako nang may chips na sa aking bibig.
“Oh, subuan na lang kita. Baka nagugutom ka na din eh!” wika n’ya sa akin.
Tae! Kahit pala hindi lasing si Tom kaya pa rin akong pakiligin nito! Woooh!! Ako naman ang gustong sumigaw ngayon!!
S’yempre kinain ko na ang binibigay n’ya! Ako pa ba choosy?! So Tom na ang nag-ooffer oh!
Ganoon kami habang nasa byahe. Kumakain s’ya at sinusubuan naman n’ya ako. Pakshet! Gusto ko na magmura sa kilig!
Hindi naman kami naiinitan kahit nakabukas ang bubong ng kotse ko dahil hindi naman mainit sa mga oras na ito.
“Xander, patugtog tayo!” pangungulit nanaman ni Tom.
At hindi na n’ya ako hinintay pang sumagot dahil s’ya na mismo ang nag-on ng stereo ko. May playlist naman sa USB na naroon kaya naghanap na lang s’ya ng magugustuhan n’yang kanta.
“Ayan! Dito na lang! Xander, kanta tayo! Ikaw mauna tapos sunod ako. Tapos sa chorus duet tayo!” sambit n’ya nang marinig ang isang kanta.
Mabuti na lang at alam ko ang kantang iyon. Ang sarap sa pakiramdam na ganito kasaya si Tom ngayon.
(a/n: paki-play po ng nasa media. ’Yan po ang kinakanta nilang dalawa.
song title: still in love by jason chen
)
Ako muna ang nagsimulang kumanta.ayon na rin sa gusto n’ya. Paminsan-minsan kong nililingon si Tom habang abala pa rin ako sa pagmamaneho at pagkanta. Nakikita kong isinasayaw n’ya ang kanyang ulo at minsan ay tinitingnan ako habang nakangiti.
I feel the same way
That you did about me yesterday
Promised you’d never leave me alone
Sinenyasan n’ya ako na s’ya naman daw ang kakanta. Bahagya akong natawa ngunit hinayaan ko s’yang kantahin ang part n’ya.
The castles that we made
Were swept by the tide and washed away
And now the sunsets have all gone
[Pre-Hook:]
Now time is moving, faster than before
And now we cant even seem to find the shore
Sa pagkakataong ito ay sinenyasan n’ya naman ako na sabay daw namin kantahin ang susunod na linya.
[Hook:]
Cause baby I know that you still love me
And baby know that I love you too
So tell me why cant we make it better
Cause all that I know is found in you
I’m missing your love, I’m missing your face,
All of our past, don’t let it erase
I know that you still feel the way I d
oo
Because I’m still in love with you .
Habang kinakanta namin ang chorus ay nagtitinginan kami paminsan-minsan habang may ngiti sa aming mga labi.
Tulad ng una ay ako muli ang kumanta ng susunod na linya.
[Verse 2:]
I wanted to move on
But unlike you, I’m not that strong
And now our day in the sun has set
“Ako naman!” masaya n’yang sambit at kinanta ang susunod na linya.
We walked side by side
Leaving footprints in the sand
now only my footsteps remain
(When the tide rolls in)
[Pre-Hook:]
Now time is moving, faster than before
And now we cant even seem to find the shore
“Sabay ulit tayo!” nakangiti n’yang bigkas.
[Hook:]
Cause baby I know that you still love me
And baby know that I love you too
So tell me why cant we make it better
Cause all that I know is found in you
I’m missing your love, I’m missing your face
All of our past, don’t let it erase
I know that you still feel the way I do
Because I’m still in love with you
[Bridge:]
If I had just one more life
If I had just one more day
You would be my whole world
Be the only one I adore and
The next time, I hold you close
I won’t hesitate no more
Cause baby this time
We’re gonna fly high
And I will never let you go
[Hook:]
Cause baby I know that you still love me
And baby know that I love you too
So tell me why cant we make it better
Cause all that I know is found in you
I’m missing your love, I’m missing your face
All of our past, don’t let it erase
I know that you still feel the way I do
Because I’m still in love with you
Still in love with you
Still in love with you
Natapos namin ang kanta nang may ngiti sa aming labi. Para kay Tom ay parang wala lang ang kinakanta namin. Pero sa akin ay damang-dama ko ang bawat lyrics nito. Lahat ng salitang nasa kanta ay para sa kanya.
Ilang saglit pa ay kinalabit ako bigla ni Tom.
“Xander! Dun tayo sa tabing dagat! Hintayin natin ang paglubog ng araw!” masaya n’yang suhestyon.
Narito na pala kami sa parte ng La Union. Ang layo na pala ng narating naming dalawa. Hindi ko naramdaman ang pagod ko dahil kasama ko si Tom.
“Sure.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Naghanap muna kami ng lugar kung saan ko maaaring i-park ang kotse ko. May resort kaming pinasukan at kahit hindi kami maliligo sa dagat ay nagbayad pa rin kami para makapasok dito.
Maganda ang beach dahil puti ang buhangin at payapa ngayon ang tubig. Wala rin masyadong tao sa mga oras na ito kaya tahimik at tanging paghampas lang ng tubig ang maririnig mo. Dapit hapon na kaya kulay kahel na rin ang langit.
“Ang ganda…” manghang wika ni Tom nang makalapit kami sa dagat.
Hinubad namin ang aming sapatos at inilagay iyon sa kotse. Pareho na kaming nakayapak ngayon at naglalakad sa tabing dagat.
Maganda ang kalangitan dahil sa paglubog ng araw. Katabi ko si Tom habang pinagmamasdan ito. Nakatayo lamang kaming dalawa at nakikita ko ang repleksyon ng palubog na araw sa kanyang mukha.
“Perfect…” sambit ko habang nakatingin sa kanyang magandang ngiti.
“Salamat Xander… Ngayon lang ulit ako nakalabas ng ganito. Noong nasa Amerika kasi ako, puro pag-aaral at trabaho lang ang inaatupag ko. Ang saya ko talaga ngayon at nakalabas ulit ako.” wika n’yang nakangiti at tumingin sa akin matapos n’yang sabihin iyon.
Ngumiti ako sa kanya pabalik bago ko s’ya sinagot.
“Wala ’yon! Ikaw pa ba? Eh ang lakas mo sa akin!” wika ko sa kanya at ginulo nanaman ang kanyang buhok.
Umasim naman ang kanyang mukha.
“Bakit ba lagi mo na lang ginugulo ang buhok ko?!” inis n’yang sambit.
Akmang hahampasin din ako nito sa balikat ngunit mabilis kong nailagan at tumakbo ako palayo sa kanya.
“Akala mo makakaisa ka sa akin noh?!” sigaw kong pang-aasar sa kanya.
Lalo s’yang sumimangot at tumakbo patungo sa akin. Mukhang desididong makaganti ah? Pero hindi ako papayag kaya naghabulan kami sa tabing dagat.
Matagal namin iyong ginawa at hindi s’ya sa akin nakaganti kaya tawa ako ng tawa. Inabot na kami ng dilim at tanging liwanag ng bwan at bituin na lamang ang aming naging ilaw bukod sa ilaw na nanggaling sa resort na naroon.
“Sa…sandali lang Xander… Hini.. hinihingal na ako… Hindi kita mahabol!” hingal na hingal n’yang pakiusap habang nakahawak pa sa kanyang mga tuhod.
Siguro ay may apat na metro ang layo namin sa isa’t-isa.
“Sige, ibang laro na lang laruin natin para makaganti ka! H’wag na lang habulan!” natatawa kong mungkahi sa kanya.
Tumaas naman ang kanyang kilay at halatang nagtataka. Umayos din s’ya ng pagkakatayo. Pareho pa rin kaming nasa tabing dagat habang humahampas ang alon sa aming mga paa sa ilalim ng maliwanag na buwan.
“Ano naman naisip mo?” nakataas na kilay n’yang pagtatanong.
“Would-you-rather game.” wika ko sa kanya.
“Ano naman ’yon? Sigurado bang makakaganti ako sa’yo?” masungit n’yang tanong.
Natawa ako sa kanya dahil talagang gustong-gusto n’ya gumanti.
“Simple lang ’yun Tom. Magtatanong lang ako sa’yo ng ilang bagay. Isa lang ang pwede mong piliin sa dalawang bagay na itatanong ko sa’yo. At sa bawat pagsagot mo, hahakbang ako papunta sa’yo. Hindi ka aalis sa pwesto mo, ako lang ang lalapit sa’yo. Kapag tuluyan na akong nakalapit sa’yo, pwede mo nang gawin ang gusto mo sa akin. Bawal ang hindi sagutin ha? Dapat may isasagot ka!” nakangiti kong pagpapaliwanag sa kanya.
Nakita kong sumilay ng paunti-unti ang kanyang mga ngiti.
“Sigurado ka? Hindi ka na iilag? Hindi ka na tatakbo?” paninigurado n’ya.
“Promise! Ako na nga lalapit sa’yo ’di ba?” pangungumbinsi ko naman sa kanya.
“O sige! Magtanong ka na, dali!” ang excited n’yang wika.
At dahil may apat na metro nga ang pagitan namin ay ilang tanong ang dapat kong ihanda.
“Ok Tom! Would you rather touch a cobra or a tarantula?” tanong ko sa kanya.
“Wala! Kadiri parehas!” ang diring-diri n’yang sagot.
Muli nanaman akong natawa.
“Bahala ka! Hindi ako hahakbang papunta d’yan!” pananakot ko sa kanya.
Natigilan naman s’ya at ilang saglit pa ay sumagot din s’ya.
“S-sige.. Tarantula na lang kesa sa cobra..” nagkakamot ulo n’yang sagot.
Dahil nakasagot s’ya ay humakbang ako ng isa palapit sa kanya.
“Next. Would you rather live somewhere where there is always snow that never melts for the rest of your life, or never get to experience a snowy or winter Christmas?” tanong kong muli sa kanya.
Ngumiti naman s’ya sa akin ngayon.
“Hindi na baleng walang snow. Okay lang kahit hindi snowy Christmas. Basta kasama ko mga mahal ko sa buhay.” sagot n’yang nakangiti.
Humakbang muli ako papunta sa kanya.
“Would you rather watch a movie or read its book?” tanong ko muli.
“Alam mo na ang sagot d’yan Xander. I prefer watching movies.” sagot n’yang nakangiti pa rin.
Pati ako ay napangiti rin sa kanya. Muli akong humakbang palapit sa kanya.
“Would you rather wear a lipstick in public for the whole day or a lady dress?” tanong kong natatawa.
“Siguro lipstick na lang! Tapos ’pag may nagtanong kung bakit may lipstick ako, sasabihin kong may humalik sa ’kin na chicks! Hindi naman nakakapagtaka ’yun kasi gwapo ako!” ang mayabang n’yang pagsagot.
“Weh?” pang-aasar ko sa kanya.
Sinamaan n’ya naman ako ng tingin.
“Joke lang! Oo, gwapo ka nga! Cute pa!” pagbawi ko naman. Totoo naman eh!
Nakita ko naman itong namula sa sinabi ko.
“Okay, konti na lang Tom makakaganti ka na.” wika ko at humakbang ulit.
“Next question! Would you rather wear a snow suit in the desert or be naked in Antarctica?” tanong ko ulit.
“Hala! Snow suit na lang sa desert! Pwede ko naman hubarin ’yun! Kesa walang mahagilap na maisusuot sa Antarctica!” sagot n’ya naman.
Muli akong humakbang palapit sa kanya habang natatawa.
Malapit na ngayon ang pagitan namin. Siguro ay dalawang hakbang na lang.
“Okay, I think mga two questions na lang ’to. Next question is, would you rather be kissed under the moon and stars or under the rain and cloud?” tanong ko sa kanya. “Remind ko lang ha? Bawal ang hindi sumagot!” pagbabanta ko pa sa kanya.
“Mmmm… Mas gusto under the moon and stars.” sagot n’ya habang ang hintuturo ay nasa kanyang baba at nakatingin s’ya sa langit.
Muli akong humakbang palapit sa kanya.
“Last question na Tom.” wika ko sa kanyang nakatingin sa kanyang mga mata.
“Bring it on.” nakangiti n’yang paghamon.
“Would you rather ask your wish from a Genie or from a falling star?” tanong ko sa kanyang seryoso.
Nasa harap ko na s’ya ngayon. Nakatingala s’ya sa akin habang nakatingin din ng diretso sa aking mga mata.
“Mas gusto kong humiling sa isang Genie kesa sa mag-abang ng falling star.” sagot n’yang diretso ang tingin sa akin.
Ngumiti muna ako sa kanya bago ako nagsalita.
“Well then….
…..your wish is my command.“
sambit ko at agad s’yang hinawakan sa magkabilang pisngi.
Wala pang isang segundo ay inilapit ko na ang aking mukha sa kanya hanggang magdikit ang aming mga labi.
Naramdaman ko ang kanyang pagkabigla dahil bahagya itong napapitlag. Ako naman ay piniling ipikit ang aking mga mata.
Ilang sandali pa lamang ay naramdaman kong tumutugon na rin s’ya sa aking halik. Dahan-dahan din ang pag-angat ng kanyang mga kamay at inilagay iyon sa magkabila kong bewang.
Walang mapaglagyan ang kaligayahan ko ngayon habang dinadama ang mga halik ni Tom.
Sa tabi ng dagat, sa ilalim ng gabi na puno ng bituin, at saksi ang maliwanag na buwan.
Mas lalong nag-umapaw ang aking kasiyahan dahil sa pagkakataong ito ay hindi s’ya lasing. Alam kong matatandaan n’ya ang sandaling ito.
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganoong tagpo. Magkalapit at dama ang init ng aming mga halik.
Matapos naming bumitaw ay nakita kong pulang-pula ang kanyang mukha na labis kong ikinatuwa. Hindi rin s’ya sa akin makatingin ng diretso, marahil ay sa pagkabigla at hiya.
Hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay at iginaya paalis sa lugar na iyon.
“Halika na, umuwi na tayo. Masyado nang gabi.” nakangiti kong pag-aya sa kanya habang hawak ang kanyang kamay.
Nakarating kami sa aking kotse at nagsuot ng sapatos. Sinimulan ko na ring magmaneho at hindi natatanggal ang pagkakangiti ko. Si Tom naman ay tahimik lamang at nanatiling namumula ang mga pisngi. Paminsan-minsan rin s’yang sumusulyap sa akin at ’pag lilingunin ko naman s’ya ay umiiwas s’ya ng tingin.
Mahaba ang aming naging byahe pabalik sa tinutuluyan ko pero hindi ko alintana iyon. Si Tom lang kasi ang nasa isip ko. Hindi ko akalaing mauulit ang sandaling iyon sa amin. Isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko.
Habang nasa biyahe kami ay paminsan-minsan s’yang nagtatanong kung ayos lang ba ako o kung pagod na raw ba ako. Pero kapag titingnan ko s’ya at sasagutin ay iniiwas n’ya ang tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagkabalisa n’ya kaya lalo akong natutuwa.
Nang makarating kami sa parking ng condominium building kung saan ako tumutuloy ay tahimik pa rin kaming dalawa. Si Tom na hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi at ako na hanggang ngayon ay nakangiti.
Naglalakad na kami patungo sa elevator para umakyat sa aking unit nang isang pagtawag ang aming narinig.
“Tom!!”
Nahinto kami sa paglalakad at napalingon kaming dalawa ni Tom sa pinanggalingan ng boses. Nakita namin ang taong matalim ang mga matang nakatingin sa amin.
“D-daniel….” ang nabiglang sambit ni Tom.
Hindi kami nakagalaw ni Tom sa aming kinatatayuan. Sumunod na nangyari ay mabilis na naglakad papunta sa aming pwesto si Daniel at hinawakan si Tom sa kamay.
“Halika na! Umuwi na tayo!” ang may galit sa boses ni Daniel at hinila si Tom paalis.
Nagpadala naman si Tom sa paghila ni Daniel. Tulala lang din s’yang nakatingin dito. Alam kong gulat na gulat ito sa biglang pagsulpot ni Daniel.
“Daniel! Walang kasalanan si Tom!” ang sigaw ko kay Daniel.
Natigilan si Daniel at nilingon ako habang nanlilisik pa rin ang mga mata.
“Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo!!” ang galit n’yang sagot sa akin.
Matapos n’yang sabihin iyon ay muli n’yang hinila si Tom paalis ng lugar na iyon.
Bago pa sila tuluyang makalayo ay muli akong nilingon ni Tom at nakita ko ang pag-aalala rito.
Natatakot ako para kay Tom. Alam kong hindi s’ya sasaktan ni Daniel ngunit hindi ko maiwasang isipin na may hindi magandang mangyayari.
Pinanood ko na lamang sila habang papalayo hanggang sa maglaho sila sa aking paningin.
A/N
Waaahhh!! Ang haba na nito!! Pero sana nagustuhan n’yo ang chapter na ’to..
Comments and votes na rin
po
please??
Salamat sa mga patuloy na nagbabasa.. Hart!! Hart!! Hart!!
––cold_deee
chapter 12 - between the sheets
A/N
Hello mahal kong readers!
Sorry kung medyo natatagalan ang update ko. Nagiging busy kasi ako sa smule. charot!
Ang totoo kasi medyo nahihirapan ako makahanap ng inspirasyon ngayon dahil magiging seryoso na ang mga susunod na chapters. Kelangan malalim ang huhukayin ko para makahugot ng senaryo. Hahahaha!
Anyway, para kay
JaysonVillanueva945
ang chapter na ’to. Salamat sa time na magbasa. Lucky charm ata kita, bigla kasi nadagdagan readers ko.. hahahaha! Salamat sa time para i-promote at magbasa na rin nito. :))
Enjoy reading mahal kong readers!!
––> si Tom po sa media.
TOM POV
Alam kong galit ngayon sa akin si Daniel. Noong makita ko s’ya kanina ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
Sa ipinakita n’yang reaksyon kanina ay alam kong hindi magiging maganda ang magiging pag-uusap namin lalo na at nakita n’yang magkasama kami ni Xander.
Tahimik ang aming naging byahe ngunit dama ko ang malalalim n’yang paghinga tanda ng nararamdaman n’yang pagkadisgusto sa nakita.
Maging nang makarating kami ng aming condo ay tahimik pa rin s’yang hinihila ang kamay ko hanggang makarating kami sa loob nito.
Nang tuluyan kaming makapasok ay saka n’ya na lamang binitiwan ang kamay ko. Naiwan ako sa likod ng pinto na tahimik at hindi malaman kung paano sisimulang magpaliwanag. Si Daniel ay nasa harapan ko at may dalawang metro ang aming layo. Nakatalikod ito sa akin at malalalim pa rin ang kanyang paghinga hanggang ngayon.
“D-daniel…..” pagtawag ko sa kanya na puno ng kaba.
Sa halip na masusundan ng tanong ang pagtawag ko sa kanya ay nagulat ako sa biglang pagsigaw nito.
“Tang *na!!!” sigaw n’ya at humawak pa sa kanyang ulo na parang gusto n’yang sabunutan ang sarili n’ya. Hindi pa rin s’ya humaharap sa akin hanggang ngayon.
Dahil sa sobrang gulat ay lalo akong nawalan ng lakas ng loob pra magsalita.
Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang nananatili sa aming pwesto. Nakita kong pilit n’yang pinapakalma ang sarili n’ya bago n’ya sinimulang magtanong.
“Kailan pa Tom?” tanong n’yang pilit na nagpapaka-hinahon.
“A-ang alin?” utal kong pagsagot sa kanya.
“Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin?” tanong n’ya sa akin pabalik.
“A-anong ibig mong sabihin?” paglilinaw ko sa kanya.
Humarap s’ya bigla sa akin at kitang-kita ko ang galit sa kanya. Nagulat ako nang bigla itong sumigaw.
“P*ta!!!! ’Wag na nga tayong magtanga-tangahan Tom!! Ang buong akala ko pumasok ka sa trabaho!!! Dahil ’yun ang sinabi mo!!!” pagsigaw n’ya sa akin.
Lalo akong binalot ng takot sa pagsigaw n’yang iyon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag.
“A-akala ko ba… s-sumama ka kay Jurnie sa probinsya nila?” tanong ko sa kanya habang pahina ng pahina ang boses ko dahil sa takot.
“Oo!! Dapat sasama ako!!! Pero tang*na!! Sobrang nag-alala ako sa’yo dahil hindi ka na ulit sumasagot sa text at tawag ko!!! Pinuntahan kita sa hotel dahil sinabi mong pumasok ka!! Nagmukha akong tanga na naghihintay sa taong wala naman pala sa hotel na ’yon!! At ang masaklap pa nalaman kong wala din doon si Kuya!!” sigaw n’ya nanaman sa akin.
Nagulat ako sa mga sinabi n’ya kaya hindi ako nakapagsalita. Nagpatuloy s’ya sa kanyang sinasabi.
“Alam mo ba ’yung takot ko na iniisip kong magkasama kayong dalawa??!! Pero pilit kong tinanggal ’yun sa isip ko dahil malaki ang tiwala ko sa’yo!!! Inisip kong imposibleng sumama ka kay Kuya!! Imposibleng magkasama kayo!!! Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko!! At para mapatunayang mali ang iniisip ko, nagpunta ako sa bahay n’ya!! Pero tang*na lang Tom!!! Tama pala ang hinala ko!!! Magkasama nga kayong dalawa!!! Paano mo nagawang magsinungaling sa akin Tom??!!” tanong n’ya sa akin ng pasigaw pa rin.
Akmang lalapit ako sa kanya para humingi ng tawad ay pinigilan n’ya ako. Iminuwestra n’ya ang kanyang kamay na pinipigilan akong lumapit.
“D’yan ka lang. ’Wag kang lalapit.” ang pigil na pigil n’yang galit habang nakaangat ang kanyang palad. Dahilan para mapatigil ako.
“S-sorry Daniel….” tangi kong nasabi.
Bahagya naman s’yang natawa ng pilit.
“Sorry? ’Yan lang ba ang masasabi mo ngayon Tom?” tanong n’yang nakangisi na tila nang-iinsulto.
Nasasaktan ako sa ipinapakita sa akin ngayon ni Daniel. Pero alam kong kasalanan ko ito kaya wala akong karapatang magreklamo.
“Pinamukha mo akong tanga!! Pinag-alala mo ako!! At higit sa lahat, nagsinungaling ka!! Ngayon wala kang masabi kundi sorry??!! Nag-gagaguhan ba tayo Tom??!!” muli n’ya nanamang pagsigaw sa akin.
Hindi ako muling nakaimik sa kanya.
“Ano bang nangyayari sa’yo Tom?!! Ano bang meron sa inyo ngayon ni Kuya??!! Kayo na ba ulit??!! Nagkabalikan na ba kayo??!!” tanong n’ya sa aking pasigaw.
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong n’ya.
“Daniel, ano bang pinagsasabi mo?” tanong kong tila hindi makapaniwala.
“Sagutin mo ang tanong ko!! Nagkabalikan na ba kayo??!!” pag-uulit n’ya.
“Hindi Daniel! Magkaibigan lang kami ni Xander! Alam mo naman ’yun ’di ba?” pangungumbinsi ko sa kanya.
“Kaibigan?! Sino bang kinukumbinsi mo Tom?!! Ako ba o ’yang sarili mo?!!” sigaw n’ya ulit.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong kong mahinahon pabalik.
“Alam mo na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakalimutan ni Kuya!! Na hanggang ngayon sinusundan ka pa rin n’ya!! Na gusto n’yang bumalik ka sa kanya!! Paano mo sasabihin na pagkakaibigan pa rin ang meron sa inyo ni Kuya kung patuloy s’yang umaasa na magkakaayos kayo?!!” mahaba n’yang sambit.
“Pero nilinaw ko na ’yun lahat kay Xander. Alam n’yang hanggang pagkakaibigan na lang kami. ’Di ba nga ginawa ko lang naman din makipag-ayos sa kanya para lang sa trabaho? Hanggang doon lang ’yun Daniel.” mahinahon kong sagot sa kanya.
“Tang*na naman Tom!! Hanggang ngayon pa rin ba ganyan ka pa rin kabagal mag-isip?! Hindi mo pa rin ba nahahalata na kaya lang pumayag si Kuya sa gusto mo dahil ’yun lang ang tanging paraan para mapalapit sa’yo?!! ’Yun lang ang magiging daan para makapag-usap kayo??!!” panunumbat n’ya sa akin.
Natigilan ako sa kanyang mga sinabi. Bakit hindi ko naisip ang bagay na ’yon?
“At ikaw naman, sa desisyon mong makipagkaibigan sa kanya hindi mo na namamalayan na napapalapit ka nanaman sa kanya!!” galit na galit n’ya pa ring sumbat sa akin.
Lalo akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Inisip ang mga pangyayari sa amin ni Xander nitong mga nagdaan. Ngayon ko lamang napansin na may katotohanan ang mga sinabi ni Daniel. Na unti-unti na nga akong napapalapit kay Xander.
“Nakalimutan mo na ba kung paano ka sinaktan noon ni Kuya?! O baka gusto mong ipaalala ko pa sa’yo?! Iniwan ka n’ya sa ere ng walang dahilan!! Pinaglaban mo s’ya pero anong ginawa n’ya?!! Pinabayaan ka n’ya!! Ibinuhos mo sa kanya ang lahat!! Lahat-lahat hanggang sa walang matira sa’yo!!! Tapos ngayong nagkakausap na kayo parang nakalimutan mo na lahat ng sakit na pinaranas n’ya sa’yo noon?!!” wika muli ni Daniel.
Nanatili akong tahimik. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ang mga bagay na iyon.
“Ngayon naman nakalimutan mo na lang ang taong sinamahan ka sa lahat ng oras dahil nakakasama mo nanaman s’ya!! Nakakasama mo nanaman si Kuya!! Ako na mas pinili kang samahan kesa sa sarili n’yang pamilya!! Ako Tom!! Ang tagal kang tinulungang makabangon!! Ako na tinalikuran ang lahat!! Pero anong napala ko?! Eto ba?!! Ang bigla mo na lang kakalimutan dahil nakakasama mo na s’ya?!!” panunumbat n’ya sa akin.
Napailing ako ng paulit-ulit habang kagat ang aking labi dahil nagbalik sa aking ala-ala ang mga pangyayaring iyon sa nakaraan. Kung paano ako pinabayaan ni Xander at kung paano n’ya kinalimutan ang lahat sa amin. Muli kong naramdaman ang sakit na dinanas ko sa kanya noon.
Matapos ng mga pagsigaw ni Daniel ay saglit kaming natahimik. Naging malalim ang aking pag-iisip at si Daniel naman nanatiling nakatayo sa aking harapan. Hindi ko s’ya magawang tingnan.
Ilang saglit pa ay nagsalita s’ya ngunit mahinahon na.
“Ano bang kulang Tom? Ano bang kulang sa akin?” tanong n’yang mahinahon.
Sa pagkakataong ito ay inangat ko na ang tingin ko sa kanya.
Nakita kong nangingilid ang mga luha ni Daniel. Nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko si Daniel sa ganoong sitwasyon.
“D-daniel…” tangi kong nasambit sa malungkot na tono.
“Sabihin mo sa akin Tom. Ano bang kulang sa akin at kahit anong gawin ko ay hindi mo ako magawang mahalin kagaya ng kay Kuya? Mahirap ba talaga kong mahalin? Ano bang kulang sa akin?” tanong n’ya sa akin. At sa pagkakataong ito ay dumaloy na ang kanyang mga luha.
“Daniel… maniwala ka… Walang mali sa’yo…” pangungumbinsi ko sa kanya.
Alam ko sa pagkakataong ito ay malapit na rin tumakas ang mga luha ko. Nasasaktan akong makita si Daniel na umiiyak.
“Wala? Walang mali sa akin? Eh bakit hanggang ngayon naghihintay pa rin ako? Hindi naman kita minamadali Tom eh. Ang akin lang, bakit nakakalimutan mo agad ako kapag nasa paligid na si Kuya?” tanong n’ya habang umiiyak.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Marahil ay guilty ako. Nakalimutan ko nga si Daniel nang magkasama kami ni Xander. Nagawa ko pang magsinungaling sa kanya para lang kay Xander.
Nagpatuloy s’ya sa kanyang mga sinasabi.
“Dalawang taon Tom… Dalawang taon akong nasa tabi mo… Hindi kita iniwan… Hindi ko sinusumbat sa’yo ang mga bagay na nagawa ko… Pero masisisi mo ba ako? Kahit noon pa wala na akong ginawa kundi magpaubaya sa inyo… Isinuko kita kay Kuya dahil s’ya ang mahal mo… Dahil gusto kitang maging masaya… Lahat ginagawa ko para sa kaligayahan mo…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Hindi ako nakaimik. At ang luhang kanina pa gustong lumabas ay nagsimula nang mag-unahan mula sa aking mga mata. Ang sakit makita na ang taong walang ginawa kundi ang samahan ako at iparamdam ang halaga ko ay nasasaktan ko ng ganito.
Nagpatuloy pa s’ya sa kanyang mga sinasabi.
“Tuwing magkasama kayo noon, alam mo ba ang nararamdaman ko? Sobarang sakit Tom…” wika n’ya habang paulit-ulit na tinuturo ang kanyang dibdib. “Akala mo masaya ako dahil lagi lang akong nakangiti sa harap n’yo? Pero sa tuwing aalis kayo sa harap ko, wala akong ginawa kundi ang umiyak dahil nasasaktan ako… Ngayon sagutin mo ako…Wala ba akong karapatan na mag-demand kahit isang beses sa’yo? Hanggang kailan n’yo ako sasaktan Tom?” at tuluyan nang napahagulgol si Daniel matapos n’yang sabihin ang mga iyon.
Ako naman ay hindi na napigil ang sarili na lumapit sa kanya. Niyakap ko s’ya ng mahigpit ngunit hindi n’ya iyon tinugon. Patuloy lamang s’ya sa kanyang paghagulgol.
“Daniel…. I’m sorry…. Sorry kung nasasaktan kita…. Sorry….” paulit-ulit kong paghingi ng tawad sa kanya habang umiiyak.
“Ang dami kong tiniis Tom… at hanggang ngayon nagtitiis pa rin ako.. Hanggang ngayon nasasaktan n’yo ako… Ano bang ginawa kong mali para mangyari sa akin ’to? Ganito ba ang dapat na maging kapalit ng lahat ng pagiging mabuti kong kapatid kay Kuya? Ganito ba ang magiging kapalit ng pagmamahal ko sa’yo? Hindi naman ako naging masama sa inyo Tom eh… Pero bakit n’yo sa akin ginagawa ’to?” ang puno ng kalungkutan n’yang pagtatanong.
Tama si Daniel. Napakabuti n’yang tao para maranasan ang mga bagay na ’to. Lahat ng sakripisyo ay ibinigay n’ya para lang sa aming dalawa noon ni Xander.
“Daniel… I’m sorry…. Hindi ko sinasadya… patawarin mo ’ko…” puno ng pagsisisi kong paghingi ng tawad.
Hindi s’ya nagsalita dahil puro pag-iyak na lang ang mga sumunod n’yang ginawa. Nanatili naman akong nakayakap sa kanya at patuloy din sa pag-iyak.
Ilang sandali pa ay hinawakan ni Daniel ang mga kamay kong nakayakap sa kanya at sapilitang tinatanggal iyon sa kanyang katawan.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Tom… Hirap na hirap na ako… Hanggang kailan ba ako dapat magsakrispisyo?” tanong n’ya sa akin. Hindi ako nakasagot sa kanya.
Sunod n’yang ginawa matapos akong makabitaw sa kanya ay unti-unti s’ya tumalikod. Patuloy pa rin kaming dalawa sa pag-iyak.
“M-magpahinga ka na… May pasok ka pa bukas…” tangi n’yang nasabi at naglakad palayo sa akin.
Naiwan naman akong nakatayo lamang sa aking pwesto.
Tinungo ni Daniel ang isang kwarto ng unit namin at sinarado iyon. Nanatili naman akong nakatayo pa rin at iniisip ang mga sinabi sa akin ni Daniel.
Bakit nga ba hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong napapalapit ulit kay Xander? Bakit sa kabila ng nangyari sa amin noon ay naging malapit muli kami sa isa’t-isa?
Ilang minuto rin akong nakatayo lamang doon bago ko naisipang maglakad papasok sa aming kwarto.
Dumiretso ako sa banyo para maligo at nagbakasakaling mahimasmasan ng tubig. Ngunit kahit ang tubig na nagmumula sa shower ay hindi nakatulong upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Matapos kong maligo ay tulala akong tinungo ang aming kama. Nilingon ko ang bahagi ng kama kung saan ang pwesto ni Daniel tuwing matutulog kami. Ngunit ngayong gabi ay mag-isa ako dahil pinili n’yang mapag-isa sa kabilang kwarto.
Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan. Ngayon ko lamang naisipang buksan ito simula nang umalis kami kanina ni Xander.
Nakita ko ang maraming missed calls at texts ni Daniel. Ang ilan ay nagtatanong kung anong nangyari at bakit hindi ko nasasagot ang kanyang mga tawag. Mayroon ding nagtatanong kung nasaan ako at bakit wala ako sa hotel.
Muling naglandas ang mga luha ko dahil sa mga nabasa ko. Nakaramdam ako ng awa kay Daniel. Paano ko ito nagawa kay Daniel?
Nang mahiga ako sa kama ay patuloy pa rin ako sa pagluha. Muli kong inisip ang mga pangyayari sa amin ni Xander simula nang magkaayos kami nito.
Ang masasayang sandali na kasama ko s’ya. Wala rin oras na hindi nito pinakita kung gaano ako kaespesyal sa kanya. Pero nang ipaalala kanina ni Daniel ang nangyari sa amin ni Xander dalawang taon na ang nakakalipas ay doon ko lamang naisip na kung ipagpapatuloy ko pa ang ganitong set up namin ni Xander ay may posibilidad na mahulog akong muli sa kanya.
Pero……
Hindi nga ba muli na akong nahulog sa kanya?
Naalala ko ang nangyari sa amin kanina. Kung paano muling nagdikit ang aming mga labi.
Nang mangyari ito ay kakaibang saya ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay nakumpleto ako. Na ang bagay na nawala sa akin ay muli ko nang natagpuan. Hindi ko na rin napigil ang sarili ko kanina na tugunin ang halik n’yang iyon.
Habang iniisip ko ang naganap sa amin ni Xander kanina ay naramdaman kong nag-iba ang normal na tibok ng puso ko. Mabilis ang pagtibok nito. Ganito rin ang pakiramdam ko kanina habang magkadikit ang mga labi namin ni Xander.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ko magawang pakalmahin ang aking puso. Alam ko ang pakiramdam na ito. Hindi na ito bago sa akin dahil ito ang pakiramdam na meron ako noon kay Xander.
Ngunit biglang sumagi muli sa aking isip ang imahe ni Daniel kanina habang hirap na hirap ito at patuloy na umiiyak.
“Hindi pwede ’to…” mahina kong sambit habang hawak ang dibdib ko.
Nang sabihin ko ang mga salitang ’yon ay nakaramdam ako ng sakit.
Ayaw kong aminin sa sarili ko pero mukhang unti-unti nang nasisira ni Xander ang pader na matagal kong binuo para lang makalimutan s’ya. Unti-unti n’ya nang natitibag ang harang na ginawa ko para protektahan ang sarili ko, para hindi na ako muli pang masaktan.
Bago ko tuluyang maipikit ang mga mata ko ay isang desisyon ang nabuo sa akin.
“Kailangan ko nang layuan si Xander. Hindi pwedeng magpatuloy pa ang pagiging malapit namin sa isa’t-isa. Hindi na ako papayag na muling masaktan.” sambit ko bago tuluyang makatulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan pagkagising ko ay hindi ko naabutan si Daniel sa aming unit. Tahimik ang buong bahay at nag-iisa ako. Sinubukan ko s’yang tawagan ngunit naka-off ang cellphone nito.
Pumasok ako sa hotel pero parang lutang ang isip ko. Nag-aalala ako kay Daniel.
“Tom!” ang biglang pagtawag mula sa aking likuran.
Kilala ko ang boses na iyon. Alam kong si Xander ’yon.
Sa halip na lingunin s’ya ay mabilis akong naglakad patungo sa elevator para makarating sa opisina ko. Ngayon ang simula ng araw para iwasan ko s’ya. Hindi ako papayag na tuluyan n’yang masisira ang pader na matagal kong binuo.
“Tom sandali!” muli n’yang pagtawag.
Nang makapasok ako sa elevator ay akmang isasara ko na sana iyon nang biglang pumasok si Xander. Naabutan pala ako nito at sa hitsura n’ya ngayon ay mukhang tumakbo pa ito para lang maabutan ako.
“Ang bilis mo naman maglakad! Hindi mo ba narinig ang tawag ko?” tanong n’ya sa akin at pinindot ang close button ng elevator.
Hindi ko s’ya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa harap habang nasa kaliwa ko s’ya.
“Kamusta ka nga pala? Okay ka lang ba?” tanong n’yang muli.
At sa pangalawang pagkakataon, hindi ko nanaman s’ya sinagot.
“Uhm… A-ayos ka lang ba Tom? M-may nangyari ba kagabi? Nag-aalala kasi ako sa’yo eh. Alam kong hindi ka naman sasaktan ni Daniel. Pero alam kong mag-aaway kayo. Pasensya ka na nga pala ha? Kasalanan ko pa ata kung bakit nangyari ’yon.” mahaba n’yang wika.
Tiningnan ko s’ya nang walang ekspresyon bago nagsalita.
“Hindi kami mag-aaway ni Daniel. Isa pa, alam mo naman na masyado akong mahalaga kay Daniel kaya hindi n’ya ako magagawang saktan.” malamig kong wika sa kanya.
Saglit s’yang natigilan sa aking mga sinabi. Nakita kong nasaktan s’ya sa mga salitang binigkas ko, pero wala akong pakialam doon.
“G-ganon ba?” tanong n’yang alanganin.
Hindi ko na s’ya muli pang sinagot at muling ibinalik ang tingin ko sa harapan. Naghihintay sa pagbukas ng elevator.
“Okay ka lang ba Tom? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang ’wag na muna pumasok ngayon? Ako na ang bahala sa’yo kung kailangan mong magpahinga muna ngayon.” pag-aalala n’ya.
Hindi ko pinansin ang mga sinabi n’yang iyon. Ngunit ilang saglit pa ay inilagay n’ya ang kanyang palad sa aking leeg na lubos kong ikinabigla. Nakaramdam ako ng kuryente habang hawak n’ya ang aking leeg. Dahil sa nangyari ay malakas kong nahampas ang kanyang kamay dahilan para matanggal ang pagkakawak nito sa aking leeg.
“Ano ba?! Okay lang ako! Hindi mo naman ako kailangang hawakan!” pabulyaw kong wika sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Tinapatan ko ang kanyang tingin ng buong tapang at pinakita kong hindi ako naapektuhan sa kanyang pinapakita.
Ilang saglit pa ay nagbukas ang elevator at nakita kong naroon na ako sa floor kung saan ang opisina ko. Wala na akong inaksaya pang oras kaya mabilis din akong lumabas sa elevator na iyon. Iniwan ko s’yang nakatingin sa akin ng may pagtataka at kalungkutan.
Naging maayos naman ang pagtatrabaho ko sa umagang iyon. Inabala ko ang aking sarili sa pag-iikot sa department ko sa buong hotel. Paminsan-minsan ko rin sinusubukang tawagan si Daniel para malaman ko kung nasaan na ito ngunit hanggang ngayon ay patay ang kanyang cellphone.
Dumating ang lunch at tulad ng dati ay magkasama kami ni Olyn para pumunta sa resraurant na paborito na naming kainan ngayon. Hindi na rin n’ya kinalilimutang magpa-reserve doon.
Normal naman ang pag-uusap namin. Saglit kong kinalimutan ang mga problema ko dahil ayaw kong mapansin ni Olyn na may hindi magandang nangyari sa akin.
“Oy Tom! Alam mo ba after ng party nung hinimatay ka, nagparty-party pa kami ni Sir Lojie! Tengene! Alam mo bang sa sobrang kalasingan namin, nagising na lang kami na nasa isang hotel na kami at magkatabing natulog! Tae lang! Akala ko may nangyari na sa amin, kaso wala pala! Hayup na ’yon! Hindi man lang natukso sa alindog ko!” mahaba n’yang pagbabalita habang naglalakad kami patungo sa restaurant na aming kakainan.
Natawa ako sa kanyang sinabi.
“Eh ano ba naman kasing nainom mo para isiping gagalawin ka ni Sir Lojie?” natatawa kong tanong sa kanya.
“Eh kasi naman! ’Yun na sana ang chance ko para maramdaman ang pinagmamalaki n’ya noh?! My gosh friend! Sabi n’ya kasi sa ’kin dakota raw size ng karog n’ya kaya curious talaga ako!” ang nanghihinayang n’yang sambit.
Natatawa talaga ako kay Olyn. Para s’yang hindi babae kung magsalita. Pero nakakaaliw talaga s’ya.
Patuloy pa rin s’ya sa pagkekwento habang naglalakad. Ako naman ay nanatiling nakikinig lamang sa kanya at tumatawa.
Nang makapasok kami sa restaurant ay dire-diretso s’ya sa loob kaya sinundan ko na lamang s’ya. Ngunit laking gulat ko nang pumunta kami sa isang mesa at naabutan ang dalawang taong nakaupo ngayon doon.
“Hi Sir Xander and Sir Lojie! Kanina pa ba kayo?” masiglang pagbati ni Oyn sa dalawang lalaki at agad ding umupo sa tapat ni Sir Lojie.
“Hi Olyn! Hello Tom! Kamusta? May hang-over ka pa ba?” masayang pangangamusta naman ni Sir Lojie sa akin.
“Okay naman Sir Lojie. Nakapagpahinga naman ako kahapon ng maayos.” kaswal kong pagsagot sa kanya.
Umupo na rin ako sa bahaging tapat ni Xander. Sila kasi ni Sir Lojie ang magkatabi. Hindi ko s’ya tinapunan ng tingin ngunit alam kong sinusundan ako ng kanyang mga mata.
“Oo nga pala, kami na ang um-order sa inyo. Okay lang ba?” pagtatanong ni Sir Lojie.
“Okay lang naman. Alam n’yo na naman kung ano ’yung usual na order namin eh.” sagot naman ni Olyn.
Hindi na sana ako magsasalita dahil alam naman talaga nila kung ano ang io-order namin ngunit biglang nagsalita si Xander.
“Ahm… Tom, Roast beef special ang in-order ko sa’yo. Okay na ba sa’yo ’yon?” tanong sa akin ni Xander.
Inangat ko ang aking tingin at nagtagpo ang aming mga mata. Nakakita ako ang lungkot doon kahit nakangiti s’ya. Ngunit agad din akong umiwas at nagsalita.
“Nagbago na ang isip ko, iba na lang ang kakainin ko.” ang bigla kong sambit.
Hindi nakaimik si Xander maging sina Sir Lojie at Olyn.
Nagpalinga-linga ako at naghanap ng waiter.
“Waiter!” pagtawag ko sa nakita kong server.
“Yes Sir? Is there anything you need?” ang magalang nitong tanong sa akin pagkalapit.
“Paki-cancel mo nga ’yung pre-order namin dito na Roast beef special. Pakipalitan na lang ng Chef’s Salad please? ’Yung dressing naman is thousand island.” nakangiti kong pakiusap sa waiter.
“Okay Sir. Is there anything else?” tanong ulit nito.
“’Yun lang. Salamat.” sagot ko pabalik.
Matapos iyon ay kinuha ko ang aking cellphone at muling sinubukang tawagan si Daniel ngunit bigo pa rin ako. Sa halip, nagtext ako dito ng ilang beses para itanong kung nasaan na ito.
Hindi ko tinitingnan ang mga kasama ko dito sa mesa. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatitig lamang sa akin si Xander at sina Olyn at Sir Lojie naman ay ganoon din. Alam kong nagtataka na sila ngayon sa akin pero wala akong balak magkwento.
Dumating ang aming pagkain sa aming mesa. Simula nang palitan ko ang in-order para sa akin ni Xander ay natahimik ang aming table.
Habang kumakain ay binasag ni Xander ang katahimikan. Nagulat ako nang maglagay ito ng pasta sa aking pinggan.
“Kumain ka pa Tom, baka gutumin ka mamaya kung salad lang ang kakainin mo.” ang masaya n’yang wika habang naglalagay ng pasta sa plato ko.
Hindi ko s’ya tiningnan nang magsalita ako.
“Stop it.” mahinang wika ko sa kanya nang hindi s’ya tinitingnan.
“Kumain ka nito Tom. Hindi maganda kung salad lang ang laman ng sikmura mo buong araw.” wika n’ya at alam kong nakangiti pa rin s’ya habang sinasabi n’ya iyon.
“Stop it.” ang muli kong bigkas at pinipigilan ang aking sariling sumigaw.
Nagpatuloy pa rin s’ya sa paglalagay ng pasta sa plato ko.
“No. Dapat nga kumain ka ng rice eh. Hindi maganda kung laging ganyan ang kin––” ang hindi n’ya na naituloy na sasabihin dahil pinutol ko na s’ya.
Inihampas ko ang aking palad sa aming mesa at hindi ko na napigilan ang mapasigaw.
“I said stop!!” bulyaw ko kay Xander.
Napatigil s’ya sa paglalagay ng pasta sa plato ko at nakita ko ang pagkagulat n’ya. Maging sina Olyn at Sir Lojie ay napatigil sa pagkain. Inilibot ko ang aking mata sa paligid at nakita ko ang ilang kumakain sa restaurant na iyon na nakatingin sa aming gawi.
“Sorry! Sorry! Sige po, ituloy n’yo lang po ang pagkain n’yo.” ang pakikipag-usap ni Sir Lojie sa mga customers na nakakuha ng atensyon sa naging pagsigaw ko.
Hinawakan ako ni Olyn sa kamay at kinausap.
“Tom, please calm down. Ano bang nangyayari sa’yo?” tanong n’yang mahina sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ko s’ya sinagot.
“Sorry. Sige, ituloy na natin ang pagkain.” wika ko at muling hinawakan ang kubyertos ko.
“Sorry Tom.” ang wika naman ni Xander sa akin.
Hindi ko s’ya pinansin at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
Natapos ang aming pagkain nang walang maririnig na ingay sa aming mesa maliban sa tunog na nagmumula sa aming mga plato at kubyertos.
“Mauuna na ako sa inyo. Marami pa akong tatapusin ngayon.” wika ko at agad na tumayo sa aking upuan.
Hindi ko na sila hinintay na sumagot dahil mabilis din akong lumabas ng restaurant na iyon matapos kong ilapag ang aking bayad sa mesa.
Alam kong labis na silang nagtataka lalong-lalo na si Xander sa mga ikinikilos ko.
Sa totoo lang ay nasasaktan ako sa mga nakita kong ekspresyon kanina ni Xander. Kaya nga hanggat maaari ay hindi ko s’ya tinatapunan ng tingin. Pero anong magagawa ko? Ito lang ang tanging paraan para maiiwas ang aking sarili sa kanya. Hindi kami pwedeng lalo pang mapalapit sa isa’t-isa dahil natatakot akong masaktan muli. Lalong hindi ko ito pwedeng ipagpatuloy dahil ayaw ko nang saktan si Daniel.
Nang makabalik ako sa aking opisina ay pinagpatuloy ko ang aking trabaho. Tulad kanina ay inabala ko ang aking sarili sa pag-ikot sa aking department. Kinausap ko rin ang bawat head ng kitchen, bar at dining kahit noong isang araw ko lamang ginawa iyon.
Nang dumating ang oras ng pag-uwi ay mabilis din akong lumabas ng hotel. Nagtext na lang ako kay Olyn na mauuna na ako dahil may kailangan pa akong daanan.
Pagdating ko sa condo namin ni Daniel ay nalungkot ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Daniel. Labis na akong nag-aalala sa kanya.
Dumaan ang ilan pang oras ngunit wala pa rin s’ya. Hating-gabi na rin at naghihintay pa rin ako sa kanya. Gusto ko s’yang hanapin ngunit hindi ko alam kung saan ko s’ya pupuntahan.
Habang naghihintay ako sa sofa ay biglang tumunog ang doorbell ng aming unit. Dali-dali ko itong pinuntahan at nagulat akong maabutan doon si Jurnie at akay-akay nito si Daniel.
“Tom, mabuti naman at gising ka pa! Tulungan mo nga ako dito kay Daniel, lasing na lasing eh!” pakiusap ni Jurnie.
Agad naman akong kumilos at tinulungan si Jurnie sa pag-alalay kay Daniel. Lasing na lasing nga ito dahil hindi makalakad ng maayos.
“Ano ba kasing nangyari?” tanong ko kay Jurnie nang maiupo namin si Daniel sa sofa.
“Hay ewan ko! Dapat nga ako ang magtanong sa’yo n’yan eh! Ano ba kasing nangyari? Nagulat na lang ako nung magpunta ’yan sa bahay namin sa Nueva Ecija! Magkasama kami dapat pupunta doon eh, kaso nagpaiwan dahil alalang-alala sa’yo! Tapos nagulat ako na nagpunta dun at namamaga ang mata! Kaya imbes na magtagal kami doon, niyaya ko na lang bumalik sa apartment ko. Baka doon pa kasi s’ya magdrama sa harap ng magulang ko eh! Pagtawanan pa s’ya ng mga ’yun pati ng mga kapatid ko!” mahabang paliwanag ni Jurnie.
Nakaramdam ako ng pagkakonsensya dahil sa sinabing iyon ni Jurnie. Sobrang nasasaktan na nga si Daniel dahil sa nangyari. Hindi ko kayang makita s’yang ganito.
Dahil sa hindi ako nakaimik ay muling nagsalita si Jurnie.
“Alam kong may problema kayo Tom. Ayusin n’yo na ’yan habang maaga pa. Kahit abno ’yang kaibigan ko, hindi ko naman kayang makita s’yang ganyan. Ikaw lang naman ang makaka-solve ng problema sa totoo lang eh. Sana maayos n’yo ’yan tatlo.” wika nito sa akin.
Nilingon ko s’ya dahil alam kong tinutukoy n’ya ang problema sa pagitan namin nina Daniel at Xander.
“P-pasensya na Jurnie kung pati ikaw nadadamay.” nahihiya kong sambit kay Jurnie.
“Hay! Ang hirap talagang maging pogi noh?! Buti na lang mabait lang talaga ako! Putik! Ayaw ko ng pogi problems ng kagaya sa inyo!” pagbibiro nito.
Alam kong pinapagaan lang ni Jurnie ang loob ko kaya nagsasalita s’ya ng ganito. Napangiti na lang ako sa kanya.
“O paano Tom? Ikaw na ang bahala sa abno na ’yan ha? Hinatid ko lang talaga ’yan. Sa akin pumunta para mag-inom! Tapos nung nalasing na, ikaw naman ang hinahanap! Ang sarap kutusan eh!” wika n’ya ulit.
Bahagya naman akong natawa sa mga sinabi n’ya.
“Sige Jurnie. Pasensya na ulit. Salamat din sa pagsama sa kanya.” wika ko pabalik.
“Sige na, mauuna na ako. Alagaan mo na lang ’yan.” nakangiti n’yang pagpapaalam.
“Sige. Mag-iingat ka pag-uwi.” sagot ko sa kanya.
Nang makalabas na si Jurnie sa aming unit ay agad kong inasikaso si Daniel. Tinanggal ko muna ang kanyang sapatos at dali-daling kumuha ng panglinis sa kanya.
Habang pinupunasan ko si Daniel ay nagulat ako nang bigla itong magsalita.
“Tom…. nasaan ka….?” mahina n’yang pagtawag sa akin habang nakapikit at nakaupo pa rin sa sofa.
“Nandito ako Daniel….” pagsagot ko naman sa kanya habang patuloy s’yang pinupunasan.
Unti-unti n’yang iminulat ang kanyang mga mata at hinawakan ako sa aking mga kamay dahilan para mapatigil ako sa pagpupunas sa kanya.
“Sagutin mo nga ang tanong ko Tom..” sambit n’ya.
“A-ano ba ’yon?” tanong ko naman sa kanya.
“Mahirap ba talagang mahalin ang katulad ko?” tanong n’ya sa akin pabalik.
Nakita kong nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Magsisimula nanaman s’yang umiyak.
“Hindi Daniel… Hindi ’yan totoo…” sagot ko sa kanya.
“Kung ganon, bakit? Bakit sa tuwing magmamahal ako, hindi nila ako kayang mahalin pabalik?” tanong n’yang muli sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang bagay na iyon sa kanya.
“Mahal na mahal kita Tom… Lahat gagawin ko para sa’yo… Kahit talikuran ko ang lahat gagawin ko.. Kahit pa ang pamilya ko… Nakikiusap ako sa’yo, sana naman magawa mo rin akong papasukin sa puso mo…” wika n’ya at sa pagkakataong ito ay tuluyan na s’yang umiyak.
Dahil sa mga sinabi n’yang iyon ay hindi ko na rin napigil ang sarili kong mapaiyak. Nasasaktan akong makita na ganito si Daniel. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon. Kung paano ito mamalimos sa pagmamahal at atensyon.
Niyakap ko si Daniel at paulit-ulit na humingi ng tawad.
“Daniel… sorry kung nasaktan kita… Hindi ko kayang makita kang ganyan… Patawarin mo ako… patawarin mo ako Daniel…” wika ko habang yakap s’ya.
Mahigpit din akong niyakap ni Daniel pabalik.
“Kulang pa ba ang naibibigay ko sa’yo Tom? Ano pa bang kulang? Sabihin mo lang sa akin… gagawin ko ang lahat… basta ’wag ka lang aalis sa tabi ko… Hindi ko na kakayanin kung mawawala ka ulit sa akin… Nakikiusap ako sa’yo…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
“Daniel… wala kang dapat gawin… Dahil sobra-sobra na ang nagawa mo para sa akin… Kung may problema man sa ating dalawa, ako ’yon… Wala kang kasalanan… Patawarin mo ako Daniel…” sagot ko sa kanya.
Umiling-iling si Daniel habang magkayakap kami.
“Wala kang kasalanan Tom… Hindi mo kasalanan kung hindi mo agad ako kayang mahalin… Pero pagkakataon lang ang hinihingi ko sa’yo… Nakikiusap ako… Bigyan mo pa ako ng pagkakataon para makabawi sa’yo…” pakiusap n’ya sa akin.
Gusto kong itanong sa Diyos kung bakit nabigyan ako ng isang kagaya ni Daniel na napakabuti? Wala akong maipipintas sa taong ito. Lahat ng kabutihan ay nasa kanya na.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Daniel at hinawakan ko s’ya sa magkabilang pisngi. Tiningnan ko s’ya ng diretso sa mga mata. Pareho kaming may mga luhang naglalandas sa aming mga pisngi.
“Hindi mo kailangan humingi ng pagkakataon Daniel…. Dahil ako… ako ang hihingi ng pagkakataon ngayon sa’yo… Hayaan mong makabawi ako sa’yo… Ibalik natin ang mga bagay na meron tayo bago mangyari ito… Pakiusap Daniel… hindi ko kayang makita kang ganito… ayokong makita kang nasasaktan kaya hayaan mong makabawi ako sa’yo….” pakiusap ko sa kanya.
At sa pagkakataong ito ay unti-unting sumilay ang mga ngiti ni Daniel kahit patuloy pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha. Nakaramdam ako ng saya nang makita ko s’yang ngumiti.
Mabilis ko s’yang hinalikan sa pisngi at agad na niyakap ng mahigpit. Tinugunan n’ya rin iyon.
“Salamat Tom… salamat…” wika n’ya sa akin habang yakap ako.
“Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo Daniel… Salamat… salamat….” wika ko sa kanya pabalik.
Matagal kami sa ganoong posisyon bago kami bumitaw.
Mabilis akong tumayo matapos namin punasan ang luha ng isa’t-isa. Hinawakan ko s’ya sa kamay at marahang hinila patayo.
“Halika na Bae. Matulog na tayo sa kwarto natin. ’Wag ka na doon sa kabila ha? Hindi mo ako sinamahan kagabi kaya may tampo pa rin ako sa’yo. Hindi kaya ako nakatulog ng maayos.” wika ko sa kanya habang hawak s’ya sa kamay.
Bahagya naman s’yang natawa sa sinabi ko.
Nang tuluyan s’yang makatayo ng maayos ay tinanggal n’ya ang pagkakahawak sa kamay ko at inakbayan ako. Inilagay ko naman sa kanyang bewang ang isa kong kamay. Nagsimula na rin kaming maglakad patungo sa aming kwarto.
“Akala mo ba ikaw lang ang nahirapan makatulog? Hindi rin kaya ako nakatulog dahil hindi kita katabi. Muntik pa nga akong bangungutin ng gising eh!” pagbibiro n’ya.
Tiningnan ko s’ya ng masama.
“Joke ba ’yan? Last mo na ’yan ha?” pagbibiro ko sa kanya pabalik.
Natawa naman s’ya sa aking sinabi ngunit hindi na nagsalita pa ulit. Masaya akong makita na nakangiti na ngayon si Daniel.
Pagpasok namin sa aming kwarto ay kinuha ni Daniel ang twalya.
“Bae, maliligo na lang ako. Mauna ka nang humiga. Kung gusto mo na matulog, magpahinga ka na. Maaga ka pa mamaya sa trabaho.” wika n’yang nakangiti habang nasa pintuan ng CR.
“Mahihiga na lang ako Bae. Hintayin na lang kitang matapos.” sagot ko naman sa kanya.
“Sure ka?” paninigurado n’ya.
Tumango-tango naman ako habang nakangiti sa kanya bilang pagsagot.
“Sige. Bibilisan ko na lang maligo para hindi ka lalong mapuyat.” wika n’yang masigla at mabilis na pumasok din agad ng banyo.
Nakatingin lang ako sa pintuan ng banyo kung nasaan si Daniel.
‘Hindi ko dapat saktan si Daniel. Si Daniel lang ang taong hindi ako iniwan sa panahon na kailangan ko ng makakasama.’
‘Kung totoo man itong nararamdaman kong panunumbalik na pagmamahal kay Xander ay dapat ko nang pigilan ito. Dapat kong itayong muli ang pader na malapit nang matibag sa pagitan namin ni Xander.’
‘Ngayon ay ako naman ang magsasakripisyo para kay Daniel. Susubukan kong sa kanya ituon ang atensyon ko. Kakalimutan ko ang nararamdaman ko para maibalik ang kabutihan sa akin ni Daniel’
’Yan ang mga nabuo kong desisyon ngayon.
Alam kong may masasaktan dito at ’yon ay walang iba kundi si Xander. Pero wala akong magagawa. Mas pinakita ni Daniel na karapat-dapat s’ya dahil hindi n’ya ako iniwan kahit minsan.
Sana nga ay tama ang mga gagawin ko.
“Sana nga…” mahina kong sambit habang nakatingin pa rin sa pintong pinasukan ni Daniel.
A/N
Ouch! Paano na ’to ngayon? Ano na ang mangyayari sa tatlo?
May Daniel ba sa mga readers? Minsan ako Team Daniel ako eh.. Balimbing lang! Hahaha!
Anyway, salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Labyu guys! Ingat lagi!
Comments and votes na rin po please?
––cold_deee
chapter 13 - planter’s punch
A/N
Okay, serious mode na tayo sa mga susunod na chapters. Salamat po sa patuloy na nagbabasa.
Para ’to sa napakagaling na author na si
sasuke21uzumaki
! Alam kong kilala n’yo na s’ya dahil isa s’ya sa pinakasikat na author dito sa watty!! Thank you author! Masaya akong makita ang comment mo sa isa sa mga chapter ko!!
Enjoy reading guys!
––> si Ben po sa media.
XANDER POV
“Ben, welcome dito sa hotel.” masigla kong pagbati kay Ben na ngayon ay makakasama na namin dito sa hotel.
“Salamat idol!” masaya naman nitong sambit.
Narito ako ngayon sa HR Department at katatapos lamang s’yang makausap ni Olyn para ibigay ang mga kakailanganin n’yang requirements upang makapagsimula na sa lalong madaling panahon. Nasa loob kami ng isang room kung saan naganap ang interview.
Hindi naman talaga ako kakailanganin dito ngunit nang malaman kong ngayon ang kanyang interview ay minabuti kong puntahan na rin s’ya dito.
Saglit na lumabas si Olyn para ihanda ang kakailanganin ni Ben kaya agad din akong pumasok sa silid na iyon.
“Maayos naman ba ang pagpapaalam mo doon sa restaurant? Hindi ba nagtampo sa’yo si Shai?” tanong ko sa kanya.
“Medyo nagtampo nga Sir Xander eh. Kaso dahil nga sa kailangan, naintindihan naman daw n’ya.” sagot n’ya naman sa akin.
“Mami-miss ka lang nun kaya ’yun ganun. Pagpasensyahan mo na s’ya, but I’m sure hindi naman ’yun galit sa’yo.” paliwanag ko naman sa kanya.
Nahihiya naman itong ngumiti sa akin bago nagsalita.
“Ako nga ang dapat na humingi ng pasensya sa inyo Sir Xander eh. Pasensya na po kayo kung kailangan kong humanap ng ibang trabaho. Talagang kailangan lang eh. Alam mo naman na mag-isa lang ako ngayon. Mas malaking halaga ang kailangan ko para mabuhay. Nahihiya na rin kasi ako sa inyo dahil lagi n’yo akong tinutulungan sa financial needs ko.” mahaba n’yang wika habang nagkakamot ng kanyang batok.
Tinapik-tapik ko naman s’ya sa kanyang balikat bago sinagot.
“Para ka namang iba sa akin Ben. Wala ’yun! Isa pa, sa akin ka pa rin naman nagtatrabaho kaya walang problema sa akin!” nakangiti kong sagot sa kanya.
Sasagot pa sana s’yang muli nang pumasok muli sa silid na iyon si Olyn.
“Ay Sir Xander, nand’yan po pala kayo.” ang nagulat na ekspresyon ni Olyn.
“Yeah. Sorry kung pumasok ako ng walang paalam dito ha?” paghingi ko ng paumanhin kay Olyn.
“Si Sir Xander naman! Parang pinagbabawalan ka naman namin dito! Eh kahit saan naman pwede kang pumasok!” wika naman ni Olyn.
Napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi.
“’Yan na ba ang mga requirements ni Ben?” tanong ko sa kanya habang tinuturo ang hawak nitong papel.
“Ah opo!” pagsagot nito.
Ibinigay agad ni Olyn ang list of requirements kay Ben at mabilis n’ya rin akong kinausap.
“Hindi naman siguro problema Sir Xander kung tatanggapin natin dito si Ben ’di ba? Empleyado mo rin kasi s’ya sa restaurant mo eh. And since qualified naman din s’ya dito, tinanggap na rin namin.” wika nito sa akin na medyo nahihiya.
“No, not at all. Actually, bago pa s’ya makapasok dito nagpaalam na s’ya sa akin ng maayos.” sagot ko naman sa kanyang nakangiti.
“Mabuti naman kung ganon. Kung hindi lang kasi nakiusap sa akin si Tom na ipasok si Ben, hindi ko sana s’ya tatanggapin eh.” sagot naman ni Olyn.
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Olyn. Kumunot ang aking noo at hinarap si Ben. Nakita kong nabigla rin ito sa sinabi ni Olyn.
“Kay Tom ka nakiusap Ben? Paano nangyari ’yun? Kelan ka sa kanya humingi ng tulong na makapasok dito?” tanong ko sa kanya.
“A-ano… N-nakuha ko kasi ’yung contact number n’ya Sir Xander. N-nahihiya kasi akong sa inyo lumapit dahil aalis nga ako sa restaurant mo ’di ba? K-kaya sa kanya ko naisipang magpatulong makapasok dito. Tinawagan ko s’ya. Tama! Tinawagan ko s’ya!” ang utal nitong pagsagot.
Bagamat nagtataka ako sa ikinikilos ni Ben ay minabuti ko na lamang na hindi pansinin iyon. Ang buong akala ko kasi ay s’ya mismo ang nakadiskubre na may tanggapan dito ngayon sa hotel.
“Ganon ba?” paniniguro ko sa kanya.
Tumango-tungo naman s’ya ngunit halata pa rin ang pagkabalisa n’ya.
“O paano? Next week pwede ka nang mag-start Ben. Welcome sa Diamond Llyx Hotel! Pagbutihin mo ang trabaho dito ha?” pagputol ni Olyn sa aming pag-uusap ni Ben.
“Salamat Ms. Castro. Makakaasa po kayo!” masigla namang sagot n’ya kay Olyn.
“O s’ya sige na. Pwede ka nang umuwi para maasikaso mo ’yan, at kami naman ay magla-lunch na. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom eh.” wika ni Olyn kay Ben. “Sasabay ka ba ulit sa amin Sir Xander?” pagyaya naman n’ya sa akin.
“A-ahm….” ang tila pag-aalangan kong sumama sa lunch.
“Sir Xander, sumama ka na. ’Wag mo nang pansinin si Tom. Baka mainit lang ang ulo n’ya nitong mga nagdaang araw. Pagpasensyahan mo na lang.” mahinahon namang pangungumbinsi sa akin ni Olyn.
Dahil sa sinabi ni Olyn ay nakuha nito ang atensyon ni Ben. Saglit ako nitong nilingon at mabilis na tinanong si Olyn.
“Bakit? Ano po bang meron ngayon sa kanila?” tanong ni Ben kay Olyn.
“Eto kasing kaibigan mong si Tom, iba ang manners ngayon! Alam mo ba na tuwing magk––” ang hindi na naituloy ni Olyn na sasabihin dahil pinutol ko na ito.
“Olyn please? Tara na, mag-lunch na lang tayo.” mahinahon kong pagputol sa kanya.
Sa huli ay naisip kong mali pala ang nasabi ko. Agad na nagsalita si Ben.
“Pwede ba akong sumama? Hindi pa rin kasi ako nagla-lunch eh. Okay lang po ba Ms. Castro?” tanong ni Ben kay Olyn.
“Oo naman! Mas maganda nga ’yun eh. Magkaibigan naman kayo ni Tom at ni Sir Xander. Kaya I’m sure walang magiging problema.” nakangiting pagsagot ni Olyn.
Takte! Hindi talaga ako tinanong kung okay lang ba sa akin?
Ang totoo ay ayos lang naman makasama ko si Ben. Balak ko naman talaga s’yang yayain na maglunch pero hindi sana kasama sina Olyn at Tom. Ayaw kong masaksihan n’ya ang hindi magandang nangyayari sa amin ngayon ni Tom.
“Kung ganon, tara na! Hindi rin kasi ako nag-almusal kanina eh.” wika naman ni Ben.
Alam kong curious lang si Ben sa kung anong kaganapan sa amin ni Tom ngayon. Kahit gusto kong tumutol ay lalo lamang itong makakahalata kaya wala na nga akong nagawa.
Si Olyn na lamang ang nagtext kay Lojie at Tom na magkita na lang kami sa lobby ng hotel para sabay-sabay na kaming pumunta sa restaurant na kinakainan namin.
Nang makarating kami sa lobby ay naroon na rin pala sina Tom at Lojie. Nakita naming nagkakatuwaan silang dalawa.
“Hi Sir Lojie! Hi Tom! Ready?” pagtawag ni Olyn ng kanilang atensyon.
Nilingon naman nila kaming dalawa. Tiningnan n’ya si Olyn ng may ngiti sa labi at ganon din si Ben. Pero ako? Nilampasan n’ya lamang ng tingin.
Sinimulan ko na ang pagpapalabas ko ng maluwag na pagkakangiti. Pinasigla ko ang aking sarili at umarteng masaya. Ilang araw at gabi ko rin sinanay ang sarili ko na hindi naaapektuhan sa mga sinasabi at pambabalewala sa akin ni Tom.
“Hi Tom! Kamusta? Kasama ko nga pala si Ben ngayon. Sasabay s’ya sa atin maglunch!” masigla kong pagkausap kay Tom.
Hindi n’ya ako sinagot at dumiretao s’ya ng tingin kay Ben.
“Congratulations Ben. Welcome sa company.” nakangiti nitong pagbati kay Ben.
Saglit muna akong nilingon ni Ben bago n’ya ibinalik ang tingin kay Tom. Alam kong nag-oobserba na ito ngayon.
“Salamat. Salamat din sa pagtulong sa akin na makapasok dito.” ang seryosong sagot naman ni Ben sa kanya.
“Oh paano? Tara na? Nagugutom na rin talaga ako eh! Mamaya ko na lang kikilalanin ang kaibigan n’yo Alex pagdating sa restaurant.” ang pagsabat naman ni Lojie.
Naglakad na kaming lima palabas ng hotel. Nasa unahan silang tatlo at kami naman ni Ben ay sumusunod lamang sa kanila.
“Anong nangyari idol? Akala ko ba okay na kayo? I mean, akala ko magkaibigan na kayo?” ang mahinang pagtatanong ni Ben sa akin habang naglalakad kami.
Saglit akong hindi nakasagot. Sinasabi ko na nga ba na makakahalata agad ’tong si Ben.
“Hindi ko rin alam eh. Halos dalawang linggo na s’yang ganyan.” sagot ko naman sa kanyang malungkot.
“Tinanong mo ba s’ya kung anong dahilan?” tanong n’ya ulit sa akin.
“Hindi ko nga s’ya matanong dahil parang iniiwasan n’ya ako.” sagot kong muli sa kanya.
“Hindi ‘parang’ idol. Halata naman na iniiwasan ka n’ya.” prangkang sambit naman ni Ben.
Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi. Sa totoo lang ay alam ko naman ang bagay na iyon. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas nang maramdaman ko ang pag-iwas sa akin ni Tom. Aaminin kong nasasaktan ako sa tuwing hindi n’ya ako sasagutin sa tuwing kinakausap ko s’ya. Lalo na kung minsan ay binabara n’ya ako.
Naaalala ko pa noong tinanong ko s’ya kung masama ba ang pakiramdam n’ya at hinawakan ko s’ya sa leeg. Gulat na gulat ako nang hampasin n’ya ang kamay kong pinanghawak ko sa kanyang leeg. Hindi pa doon natapos ’yon, maging nang kumain kami sa restaurant ay nasigawan ako nito.
Alam kong ayaw na rin n’ya akong nakakasama sa lunch pero mukhang napipilitan na lang s’ya minsan dahil ayaw n’yang magtatanong sina Olyn at Lojie sa kanya.
Nasasaktan ako sa paminsan-minsan n’yang pambabara sa akin. Gusto ko s’yang tanungin kung ano bang problema sa amin at ganoon na lang s’ya makitungo sa akin. Pero nawawalan ako ng lalas ng loob itanong ’yon sa kanya dahil natatakot ako sa magiging sagot nito. Kaya ang ginagawa ko na lamang ay nagkukunwaring hindi naaapektuhan sa mga sinasabi n’ya.
Ngumingiti ako kahit nasasaktan na ako. Bakit? Dahil ayaw kong hindi na n’ya ako kakausapin kahit kailan. Ayaw kong mapalayo sa kanya. Ayaw kong bumalik ang mga araw na hindi ko na s’ya makakasama tulad nito. Kung ito lang ang tanging paraan para makasama ko pa s’ya ay magtitiis ako.
Masakit mang isipin pero mukhang nagbalik na s’ya sa pagiging malamig sa akin. Na kahit kaibigan ay hindi n’ya na ako itinuturing.
Alam kong may dahilan ang bagay na iyon. Kaya nga iniintindi ko na lamang. Iniisip ko at kinukumbinsi ko ang sarili ko na mas okay na ang ganito. At least ay hindi n’ya sinabing layuan ko na s’ya. ’Yun nga lang, talagang umiiwas s’ya.
Alam kong pagpapakatanga itong ginagawa ko dahil kulang na lang ay ipagtabuyan n’ya ako. Pero anong magagawa ko? Mas nakakaramdam ako ng takot sa tuwing iisipin kong hindi ko na s’ya makakausap pa.
“Tabi na lang tayong tatlo dito sa couch Sir Lojie at Tom. D’yan na lang kayo Ben at Sir Xander sa harap.” wika ni Olyn nang makarating kami sa aming uupuan sa loob ng restaurant.
Ibinigay sa amin ang menu ng waiter sa restaurant na iyon.
“Olyn, masarap ba ’yung kinain mo kahapon? ’Yun na lang kaya orderin ko ngayon?” tanong ni Lojie kay Olyn habang abala sa pagtingin sa menu.
“Mas masarap ako doon Sir Lojie. Promise!” pilyang sagot ni Olyn kay Lojie habang abala rin sa pagtingin sa menu.
“Hoy mamaya na ’yan. Akala ko ba nagugutom na kayo?” pagsaway naman ni Tom sa nag-uumpisa nanamang kahalayan ng dalawa.
Agad naman akong sumabat at tinanong si Tom.
“Ikaw Tom? Anong oorderin mo?” tanong kong masigla kay Tom.
“Bakit? Waiter ka na ba dito? Bakit ikaw ang nagtatanong ng o-orderin ko?” malamig na sagot n’ya naman sa akin habang abala rin sa pagtingin sa menu.
Nawala ang pagkakangiti ko nang sagutin n’ya ako nang ganon. Ngunit tulad ng dati ay hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi. Muli kong ibnalik ang pagkakangiti ko at tinanong s’yang muli.
“Gusto mo bang subukan ang Beef Qusadillas nila? Masarap daw ’yun sabi ni Lojie.” masaya kong alok sa kanya.
Ngumisi ito habang nakatingin pa rin sa menu bago ako sinagot.
“Sabihin mo nga sa akin Xander, may incentive ka bang matatanggap sa restaurant na ’to sa suggestive selling na ginagawa mo?” tanong n’yang nakangisi habang nakatingin pa rin sa menu.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil nanaman sa pagkabigla. Ganito s’ya makitungo sa akin sa bawat araw na magkakasama kami.
Nagulat kami sa table na naroon nang biglang magsalita si Ben.
“Bakit Tom, may mali ba sa pagtatanong ni Sir Xander?” pauna n’yang tanong. “Ay sorry! Paano mo ba gustong i-address kita? Sir Tom ba o Sir Perez? Kasi magiging boss na rin kita starting next week.” dugtong n’ya pa.
Tiningnan naman s’ya ni Tom na tila may nalulungkot na ekspresyon. Mukhang nasaktan s’ya sa tanong ni Ben. Nang tingnan ko naman si Ben ay nakangisi lamang ito habang hinihintay ang sagot ni Tom.
“Kung nasa trabaho tayo Ben, Mr. Perez o kaya naman ay Mr. Tom na lang ang itawag mo sa akin. Pero kung nasa labas tayo, kung pwede sana ay tawagin mo pa rin ako sa pangalan ko tulad ng dati. Magkaibigan naman tayo ’di ba?” pakiusap naman ni Tom ng mahinahon kay Ben.
Ganito si Tom sa ibang tao lalo na sa mga kaibigan n’ya. Mahinahon s’ya at kinakausap ng normal tulad ng dati. Sa akin lang talaga naiiba.
“Ah talaga? May kaibigan pa pala ako?” tanong ni Ben na bahagyang natatawa. “Well, mabalik tayo sa tanong ko kanina. Nagsa-suggest lang si Sir Xander at nagtatanong ng maayos kung ano ang gusto mong kainin. Bakit kailangan mong sagutin s’ya ng pabalang? Kung ako ba ang magtatanong sa’yo ng ganon, ganyan rin ba ang isasagot mo sa akin?” tanong ni Ben habang bahagyang nakataas ang isa n’yang kilay. Hindi n’ya pa rin tinatanggal ang pagkakangisi n’ya.
Natigilan si Tom sa naging pagtatanong ni Ben. Alam kong hindi nagustuhan ni Ben ang mga sinabi ni Tom sa akin.
“Ben, enough please.” pag-awat ko kay Ben.
Nilingon ako ni Ben at ngumiti sa akin.
“Sir Xander, tinatanong ko lang naman po s’ya. Wala naman masama kung tatanungin ko ang KAIBIGAN ko ’di ba?” wika n’ya sa akin ng may diin ang salitang kaibigan.
Naiintindihan ko si Ben dahil malaki rin ang tampo n’ya kay Tom. Si Tom lang kasi ang pinakamalapit n’yang kaibigan noon. Ngunit nang dumating ang malaking pagsubok kay Ben at kinailangan n’ya ang payo ng isang kaibigan sa katauhan ni Tom ay hindi s’ya nito hinarap kahit minsan. Maraming beses n’ya itong sinubukan na kausapin kahit sa Skype lang habang nasa Amerika ito. Pero hindi s’ya nito kahit minsan hinarap.
Pilit kong kinukumbinsi noon si Ben na intindihin na lang si Tom dahil may pinagdadaanan ito, pero dahil sa pakiramdam n’ya ay binalewala na rin s’ya ni Tom ay unti-unti s’yang nakaramdam ng tampo rito.
“B-ben… May problema ba tayo?” ang malungkot na pagtatanong ni Tom kay Ben.
Muli s’yang nilingon ni Ben at ngumisi sa kanya bago ito sinagot.
“Problema? Wala! Wala naman tayong problema Tom ’di ba? May nabalitaan ka bang naging problema natin noong nasa Amerika ka? Wala naman ’di ba?” sagot nito ngunit tila ba may naalala at nasundan ang sinabi n’ya. “Ay oo nga pala! Wala ka nga palang magiging balita sa mga pangyayari kasi hindi mo nga pala kami kinamusta kahit minsan.” nakangiti ngunit mapang-insultong dugtong pa n’ya.
Hindi nakapagsalita si Tom nang sabibin iyon ni Ben. Nakita ko ring nalungkot s’ya sa mga binitiwang salita nito.
“Uuhhmmm… Guys? Pwede bang um-order na lang tayo?” pagsingit ni Olyn sa sagutan ni Tom at Ben.
“Oo nga. Mamaya na ’yang mga hugot n’yo! Taena, buti sana kung habang nagsasagutan kayo d’yan lumalamon na tayo eh!” segunda naman ni Lojie.
Nagkatinginan sina Tom at Ben. Mukhang nahiya rin sila sa naging pag-uusap nila.
“Sorry.” paghingi ng pasensya ni Tom.
“Pasensya na po.” paghingi naman ng paumanhin ni Ben.
Matapos iyon ay naging abala na nga kami sa pagpili ng aming kakainin.
Nang makuha ng waiter ang aming order ay kusa na ring nagpakilala si Lojie kay Ben. Masayang kinakausap ni Lojie at Olyn si Ben. Kung ano-ano ang kanilang mga tinatanong dito kahit na ang mga bagay na hindi na dapat itanong ay tinanong na rin nila.
Alam kong gusto lang putulin ng dalawang ito ang tensyon sa aming table. Mabuti na lamang at may nagagawa at nasasabing mabuti rin itong sina Lojie at Olyn. Dahil hindi ko alam ang mangyayari kung kami lamang tatlo ang narito sa mesang ito.
Dumating ang aming pagkain at sinimulan na rin namin iyon.
“Tom, gusto mo ba nito?” alok ko kay Tom sa in-order ko.
Hindi ako nakakuha ng sagot sa kanya kaya ibinalik ko na lamang ang sarili ko sa pagkain.
Maya-maya pa ay nagtanong si Tom kay Ben.
“Ben, anong sabi nila Dee at Cha nang mag-resign ka? Malamang nalungkot ’yung mga ’yun.” mahinahong pagtatanong ni Tom kay Ben.
“Si Dee nalungkot pero wala rin s’yang nagawa. Naiintindihan daw n’ya.” sagot naman ni Ben na hindi man lang tiningnan si Tom at patuloy pa rin sa pagkain.
“Eh si Cha?” sunod na tanong ni Tom.
Napatigil naman sa pagkain si Ben at tiningnan si Tom bago sinagot.
“Tinatanong pa ba ’yan Tom? S’yempre masaya ang best friend mo. Alam mong ayaw na ayaw ako ng best friend mong nakikita ’di ba?” sagot n’ya ditong may ngisi sa labi. Ngunit makikita mong nasaktan s’ya sa kanyang isinagot.
“Hindi naman siguro. May problema ba kayo ni Cha?” mahinahong pagtatanong ni Tom.
“Bakit hindi mo itanong sa magaling mong best friend? May communication naman kayo ’di ba?” tanong n’ya pabalik kay Tom.
Bumuntong hininga si Tom bago n’ya sagutin si Ben.
“So may problema nga kayo? Nagkausap na ba kayo? Baka naman may dahilan si Cha, Ben? Sana kinausap mo muna s’ya. Pakinggan mo kung anong sasabihin n’ya.” pakiusap sa kanya ni Tom.
Nagulat kami ni Tom nang biglang matawa si Ben.
“Wow! Coming from you Tom? ’Wag mo nga akong pangaralan na pakinggan ang paliwanag ng isang tao. Ikaw ba sa sarili mo? Nagawa mo bang makinig sa taong gustong humingi ng pagkakataon na magpaliwanag sa’yo?” tanong n’ya habang natatawa kay Tom.
Natigilan si Tom sa sinabi ni Ben. Hindi na s’ya dito sumagot, marahil ay naramdaman n’ya na hindi maganda ang susunod na mangyayari.
Alam ko ang gustong ipahiwatig ni Ben. Alam kong ako ang gusto n’yang tukuyin na sana ay nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag.
“Ben, stop it. Kumain ka na lang d’yan.” pag-awat ko kay Ben.
Hindi nagsalita si Ben at agad ding itinuloy ang kanyang pagkain. Si Tom naman ay nakatitig lamang ng may halong lungkot kay Ben.
“Tom, kumain ka na rin. Makakapag-usap pa naman kayo ni Ben once na makapag-start na s’ya sa hotel.” pagkausap ko naman kay Tom.
Saglit n’ya akong tiningnan at agad din n’yang iniwas iyon. Napabuntong hininga na lamang ako at itinuloy na rin ang aking pagkain.
Ang dalawa naman na sina Olyn at Lojie ay mukhang hindi apektado sa nangyari. Matapos kasi ang sagutan nila Tom at Ben ay bumalik na rin sila sa pagiging maingay kaya hindi naging awkward ang sumunod na nangyari.
Matapos ang aming pagkain ay tuloy-tuloy pa rin ang kwentuhan namin. Panay pa rin ang tanong nina Olyn at Lojie kay Ben na walang katuturan. Minsan ay hindi nagiging komportable sa tanong nila si Ben dahil may halong kabastusan ang kanilang pagtatanong. Kahit naman ganito na kalaki ang ipinagbago ng itsura ni Ben sa panglabas na anyo ay nanatili naman s’yang simple at inosente sa ilang mga bagay. Mabait pa rin s’ya at maaasahan. May mga pinagdaanan lang s’ya kaya sinubukan n’yang ibahin ang kanyang imahe.
Naputol lang ang aming kasiyahan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Tom. Natahimik kaming lahat at napunta ang atensyon namin sa kanya. Nakita namin na ngumiti ito nang tingnan n’ya ang kanyang cellphone na patuloy na tumutunog.
“Hello Bae?” nakangiti n’yang pagsagot dito. “Talaga? Nandito kami sa restaurant na sinasabi ko sa’yo….. Oo, sige hintayin kita….. Sure ka? Matagal pa ako bago makalabas mamaya?…. O sige sige…. Hindi na lang muna ako aalis dito….” mga sinabi n’ya sa kausap n’ya sa cellphone.
Alam kong si Daniel ang kausap n’ya ngayon. Ilang beses na rin itong nangyari sa tuwing magla-lunch kami. Minsan nga ay nagulat ako nang biglang dumating dito si Daniel habang kumakain kami. Halos hindi ko nga malunok ang kinakain ko nang mga oras na ’yon dahil nakikita ko kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa.
Mayroong si Tom pa mismo ang umo-order ng pagkain ni Daniel o kaya naman ay s’ya pa ang nagbibigay ng pagkain dito. Masaya silang nag-uusap na parang wala kami sa paligid. Masakit pero wala akong magawa, dahil wala akong karapatang magreklamo. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa tagpong iyon.
Matapos maibaba ni Tom ang kanyang cellphone ay nagsalita ako. Gusto kong maibaling sa iba ang usapan.
“Guys, nakapaghanda na ba kayo sa gaganaping team building? Si Ms. Jinny ang nag-organize kaya hindi ko pa alam ang buong plano. Management muna daw ang mauuna bago ang mga rank and files sabi n’ya.” pagtatanong ko.
Nilingon naman nila akong lahat pero bago pa sila makasagot ay dumating naman bigla ang taong gusto ko sanang iwasan ngayon.
“Bae!” bati ni Daniel kay Tom at hinalikan sa noo.
“Ano ka ba Bae? Ang daming tao oh? Hindi ka ba nahihiya?” natatawang tanong ni Tom kay Daniel.
Kinurot naman ni Daniel ang pisngi ni Tom bago n’ya ito sinagot.
“Hinde. Basta pagdating sa’yo hindi ako nahihiya!” masayang sagot ni Daniel.
Ibinaling ko na lamang ang aking mukha sa ibang direksyon dahil muli ko nanamang nararamdaman ang sakit sa aking dibdib.
“May ibang tao dito, baka hindi kayo aware?” ang narinig kong biglang pagsabat ni Ben.
“Oh?! Hi Ben! Hello Olyn and Lojie! Kuya! And’yan ka rin pala! Kamusta?” masaya nitong pagbati sa amin.
Kahit ayaw ko s’yang lingunin ay pinilit kong gawin iyon. Tinanguan ko s’ya bilang pagbati.
“Yo! Jack Daniel!” mapang-asar na bati ni Lojie at nag-fist bump sila.
“Hello Daniel!” bati naman ni Olyn sa kanya.
“Musta Daniel? Anong ginagawa mo dito?” bati at pagtatanong naman ni Ben sa kanya.
Umupo si Daniel sa tabi ni Ben bago s’ya sumagot. Napapagitnaan namin ni Daniel si Ben at nasa harap naman namin ang tatlo.
“Wala lang. Wala kasi akong magawa sa bahay eh. Kaya tumawag ako kay Tom para hintayin na lang s’ya hanggang makauwi.” sagot n’ya kay Ben.
“Magkikita naman kayo pag-uwi, bakit kailangan mo pa s’yang sunduin?” tanong naman ni Lojie na medyo nakataas ang isang kilay kay Daniel.
Tumawa muna si Daniel bago n’ya sinagot si Lojie.
“Alam mo tol, hindi ko alam kung may galit ka sa akin eh! Hanggang ngayon pa rin ba naiinggit ka sa akin dahil hindi ka nagkaroon ng kapatid? Alam kong matagal mo nang gustong maging kapatid si Kuya, ang malas mo nga lang dahil dumating ako sa buhay nila ni Tita Mavel kaya ako ang naging kapatid n’ya.” sagot ni Daniel at muli nanamang tumawa.
“Lul! Hindi ako naiinggit sa’yo! Asa ka!” ang halatang napipikon na sagot ni Lojie kay Daniel.
“Tsk! Tsk! Tsk! Masama ’yan tol! Ang tanda mo na isip bata ka pa rin!” wika naman ni Daniel kay Lojie.
Hindi na nakasagot si Lojie at binato na lamang ng tissue si Daniel. Dahilan para tumawa pa ito ng tumawa.
Ganyan na ’yan silang dalawa kahit noon pa. May kumpetensya sa pagitan nila dahil sa akin. Pero hanggang biruan lamang iyon. Hindi naman sila umabot sa pisikalan.
Hindi ako makasabay sa biruan nila. Mas gugustuhin ko na lamang na maglaho na lang dito dahil pakiramdam ko ay estranghero lamang ako sa lugar na ito.
Dahil nakatingin lamang ako sa kanila ay nakita ko ang reaksyon nina Olyn at Ben nang lingunin nila ako. Nakatingin sila sa akin at nakikita kong may awa sa mga tingin nilang iyon.
“Tama na nga ’yan Bae.” pagsaway ni Tom ay Daniel. “Oo nga pala Bae, tapos na kasi kaming kumain. Ikaw ba? Kumain ka na?” tanong ni Tom kay Daniel.
“Don’t worry Bae, tapos na ako. Hintayin na lang kita pag-out mo.” sagot naman ni Daniel at kinurot pa ito sa ilong.
Dahil sa tagpong iyon ay ibinaling kong muli sa iba ang tingin ko. Ayaw kong makita nila ang reaksyon ko dahil hindi ko maitago ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon.
“Oo nga pala Ben, balita ko dito ka na raw magtatrabaho kina Kuya at Tom? Congrats ha?!” narinig kong bati ni Daniel kay Ben.
“Oo. Salamat.” tipid na sagot naman ni Ben.
Hindi ko naman naririnig na magsalita sina Olyn at Lojie. Sa unang pagkakataon ay natahimik sila. Marahil ay nakaramdam din sila ng awkwardness sa unang pagkakataon.
“Oo nga pala Bae, hindi ko dinala ang motor ko ngayon. Mag-grocery muna tayo mamaya kasi ubos na stocks natin sa bahay natin. Mag-taxi na lang tayo pauwi.” dinig kong wika ni Daniel kay Tom.
Habang nakatingin ako sa kabilang bahagi ng restaurant ay napapikit ako sa narinig ko. Parang hinihiwa sa maliliit na piraso ang puso ko.
Alam ko namang magkasama lang sila sa iisang bahay, pero hindi ko pala kayang marinig ang pag-uusap nila tungkol sa mga bagay na ganito.
“Ganon ba? Okay lang naman. May mga kailangan din naman akong bilhin sa mall eh.” sagot naman ni Tom na alam kong nakangiti sa mga oras na ito.
“Yown! Dun na rin tayo magdinner Bae okay lang ba? Hindi muna kita maipagluluto ngayon.” tanong muli ni Daniel.
Narinig kong bahagyang natawa si Tom bago ito sumagot.
“Oo naman. May bukas pa naman at susunod na bukas at marami pang bukas para maipagluto mo ako. ’Wag kang mag-alala sa isang araw na hindi mo ako maipagluluto. ’Wag kang OA Bae!” sagot naman ni Tom habang natatawa.
Tanging silang dalawa lang ang naririnig kong nagkakatuwaan sa mga oras na ito.
Dahil sa mga naririnig ko ay nararamdaman ko na unti-unti nang namumuo ang mga luha sa mata ko. Tao lang naman kasi ako, nasasaktan din ako.
Bago pa tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata ay narinig kong biglang nagsalita si Lojie.
“Ano Alex? Magsi-CR ka? Sige, hintayin ka na lang namin dito. Kahit tagalan mo pa, magke-kwentuhan lang muna kami dito sa table.” ang biglang pagkausap sa akin ni Lojie.
Dahan-dahan ko s’yang nilingon dahil sa pagtataka. Nakita kong nakatingin s’ya sa akin at sinenyasan n’ya ako sa pamamagitan ng pagtango.
Naiintindihan ko na, kaya n’ya iyon sinabi ay para maiiwas ako kina Tom at Daniel. Nakumpirma kong malapit nang maglandas ang mga luha ko dahil nang tingnan ko sila sa aking harapan ay malabo ko na silang nakikita dahil sa namumuong luha ko.
Nakita ko rin na nakatingin din sa akin sina Olyn at sumulyap din sa akin si Tom. Sila kasi ang nakaupo sa harap namin nina Ben at Daniel.
Hindi ako sigurado sa nakita ko. Pero parang nakakita ako ng pag-aalala sa mukha ni Tom.
Tumango na lang ako kay Lojie at mabilis na tumayo mula sa aking inuupuan. Pagkatalikod na pagkatalikod ko sa kanila ay s’ya namang pagbagsak ng luha ko sa aking mga mata. May mga ilang napatingin sa akin habang patungo ako sa CR ng restaurant pero hindi ko sila pinansin.
Nang makarating ako sa CR ay pumasok agad ako sa isang cubicle at mabilis na isinara iyon. Sumandal ako sa likod ng pinto at itinakip ang dalawang palad ko sa aking mukha.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagtuloy-tuloy na ang mga luhang ilang araw ko nang pinipigilan lumabas dahil sa pangungulila kay Tom.
Hindi ko na rin napigilan ang makagawa ng ingay dahil sa impit na pag-iyak ko.
Hanggang kailan ba ako ganito? Hanggang kailan ako titingin na lang sa kanya sa malayo? Hanggang kailan ako magkukunwaring nakangiti sa harapan nila ni Daniel? Akala ko magiging maayos na kami kahit bilang magkaibigan na lang? Pero bakit ganito nanaman ang nangyayari ngayon?
Hinayaan kong sa pagkakataong ito ay ilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa loob ng dalawang taon. Walang araw at oras na hindi ko naiisip si Tom. Walang araw na hindi ako nasasaktan sa pagkakalayo naming dalawa.
Kung pinili ko bang ilayo s’ya noon ay magkakahiwalay pa rin ba kami? Bakit kailangan kong magsakripisyo ng ganito?
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng cubicle na iyon. Dahil sa ayaw kong makahalata sila na matagal ako sa loob ng CR ay agad kong kinuha ang aking panyo mula sa aking bulsa. Pinunasan ko ang mga luha ko kahit patuloy pa rin sa pagbagsak nito.
Ilang malalalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ako nagdesisyong lumabas sa cubicle na iyon.
Paglabas ko ng cubicle ay nasorpresa ako sa lalaking nakita ko. Nakaharap s’ya sa salamin at nagtama ang aming mga mata sa repleksyon nito.
Agad akong yumuko at mabilis na binuksan ang faucet sa sink. Inilapat ko ng aking mga palad at kumuha ng tubig para maipang-hilamos sa aking mukha. Nasa gilid ko lang s’ya at walang imik na tinitingnan ang bawat paggalaw ko.
“Tom, kanina ka pa d’yan? Sorry, natagalan ba ako? Babalik na ba tayo sa hotel?” kaswal na tanong ko at hindi s’ya tinitingnan matapos kong maghilamos.
“H-hindi pa naman. Nagke-kwentuhan pa sila sa labas.” mahinahon n’yang sagot.
Nakakapagtaka naman dahil sa loob ng dalawang linggo ay ngayon lang n’ya ako sinagot ng mahinahon.
“G-ganon ba? S-sige, hintayin ka na lang namin sa labas.” wika ko naman sa kanya at hindi pa rin s’ya tinitingnan.
Ayaw kong mahalata n’ya ang pag-iyak ko.
Akmang tatalikod na sana ako sa kanya para lumabas na ng CR na iyon ay nagulat ako sa kanyang ginawa.
Hinawakan n’ya ako sa isang kamay dahilan para mapatigil ako. Nilingon ko s’ya at nakita kong nay pag-aalala sa kanyang mga mata.
Dahil sa pagkabigla ay napatingin ako sa kamay naming magkahawak ngayon. Nagtataka man ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa mga oras na ito.
Muli kong ibinalik ang aking tingin sa mukha ni Tom. Nakita kong nakatingin rin ito sa kamay naming magkahawak.
“B-bakit Tom?” tanong ko sa kanya.
Mukhang natauhan naman s’ya sa pagkakataong ito. Dahil nang magtanong ako ay tila ba nataranta s’ya at mabilis na binitiwan ang aking kamay.
“A-ano kasi… P-punasan mo muna ang mukha mo ng panyo… B-basa pa ng tubig…” wika n’ya sa akin pero sa iba s’ya nakatingin.
Nagtataka nanaman ako sa kanya ngayon. Bakit parang nakakakita ako ng pag-aalala sa kanya? Samantalang nitong mga nagdaang araw at linggo ay hindi n’ya naman ako pinakikitunguhan ng maayos.
Hindi ako nakasagot kaya nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Muli n’ya akong nilingon at ganoon pa rin ang nakikita ko. Malungkot ang kanyang mga mata.
“W-wala ka bang dalang panyo?” tanong n’ya sa aking nauutal.
Hindi n’ya na ako hinintay pang makasagot. Agad n’yang kinuha ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa. Kinuha n’ya ang aking kamay at inilagay ang panyo doon.
“’Y-yan na muna ang gamitin mo. Magpunas ka muna bago ka lumabas. Doon n’yo na lang ako hintayin.” wika n’ya matapos iabot sa akin ang panyo.
Napangiti ako ng bahagya dahil sa ginawa n’yang iyon. Kahit na nasasaktan pa rin ako ay masaya na rin ako sa nangyari ngayon.
“Salamat.” wika ko sa kanyang mahina at may tipid na ngiti.
“S-sige na. Bilisan mo na kumilos. Susunod na lang ako.” wika n’ya at mabilis na pumasok sa isa sa mga cubicle na naroon.
Sinundan ko lang s’ya ng tingin habang may munting ngiti sa aking mga labi.
Agad din akong kumilos at sinunod ang kanyang sinabi. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko gamit ang kanyang panyo. Ibinulsa ko rin iyon pagkatapos.
“Tom, mauuna na ako ha? Sumunod ka na lang.” pagtawag ko sa kanya.
“S-sige.” maiksi n’ya namang sagot sa akin.
Lumabas na rin ako ng CR at pinuntahan ang aming mga kasama. Naabutan kong nagkekwentuhan silang lahat sa mesa. Agad din akong umupo ng walang imik ngunit napansin kong nakatingin sa akin si Daniel at walang ekspresyon ang kanyang mukha.
“Nasa loob pa ba si Tom?” tanong sa akin ni Daniel.
Hindi ako nakaimik sa tanong ni Daniel. Napakasimpleng tanong pero hindi ko magawang sagutin. Dahil sa hindi ako nakasagot ay muli s’yang nagtanong.
“Kuya, nasa loob pa ba si Tom?” tanong n’yang muli.
“A-ahm…” nasambit ko.
“Teka Sir Xander? Bakit namumula ’yang mata mo?” tanong bigla ni Olyn.
Natigilan ako sa tanong n’yang iyon.
“N-naghilamos kasi ako. Kulang din kasi ako sa tulog kaya siguro ganito. Kaya nga nung malagyan ng tubig, medyo mahapdi.” pagpapalusot ko.
Bago pa makapag-react ang ibang nasa table namin ay biglang sumulpot si Tom.
“Ano? Balik na ba tayo?” ang tanong sa amin ni Tom.
“Tara na! Baka ma-late pa tayo!” sagot naman ni Lojie.
Akmang tatayo na sana kaming lahat nang pigilan naman ni Daniel si Tom. Hinawakan pa n’ya ito sa kanyang braso.
“Teka Bae! May panyo ka ba d’yan? Pahiram muna ako. Nakalimutan ko kasing magdala. Mag-iikot-ikot muna kasi sana ako habang naghihintay sa’yo. Baka pagpawisan ako eh.” ang wika ni Daniel sa kanya.
Natigilan si Tom at napatingin sa akin ng ilang segundo. Nakita ko kung paano s’ya bahagyang nataranta bago n’ya muling hinarap si Daniel at sumagot.
“Ah-eh… S-sorry Bae.. N-nakalimutan ko rin kasi magdala eh…” sagot naman ni Tom habang nagkakamot ng kanyang ulo.
Akala ko ay sasabihin ni Tom na nasa akin ang kanyang panyo kaya nakaramdam ako ng kaba. Ngunit dahil sa naging sagot ni Tom ay parang nakaramdam ako ng kaunting saya. Inisip ko kasing pinagtatakpan n’ya ako.
“Ganon ba? Okay lang. Bibili na lang ako ng tissue.” nakangiti namang sagot ni Daniel.
“Paano Bae? Magkita na lang tayo mamaya ha? Tatawagan kita ’pag nakalabas na ako.” pagpapaalam ni Tom kay Daniel.
“Sure sure! Mauna na kayo. Mag-stay pa kami saglit ni Ben dito.” sagot naman ni Daniel.
Nagpaalam na rin kami kina Daniel at Ben matapos maibigay ang aming mga bayad sa kinain namin.
“Magkita na lang ulit tayo Sir Xander. Salamat ulit.” wika ni Ben sa akin.
“Sige. Tawagan mo lang ako kung may mga kailangan ka.” sagot ko naman sa kanyang nakangiti at tinapik s’ya sa balikat.
Sabay-sabay na rin kaming lahat lumabas sa restaurant at bumalik ng hotel. Abala sina Olyn at Lojie sa pagkekwentuhan at kami naman ni Tom ay tahimik lang hanggang makarating kaming lahat sa hotel. Napansin kong malalim ang iniisip ni Tom at malungkot ang kanyang ekspresyon.
Maging nang makapasok kami sa elevator ay wala s’yang reaksyon kahit sa mga pangungulit nina Olyn at Lojie.
“Dito na kami Sir Xander at Sir Lojie! Isasabay ko na rin si Tom. May mga kailangan pa akong i-submit sa kanya para sa mga bago n’yang employees eh.” paalam sa amin ni Olyn nang huminto na ang elevator sa floor kung saan ang office niya.
“Sige. Ingat ka kay Olyn, Tom. Kumakain ’yan ng buhay.” pagbibiro ni Lojie.
“Utut mo bilog!” sagot naman ni Olyn at nagtawanan nanaman sila.
Nang makalabas sila ay pinindot na rin ni Lojie ang close button ng elevator. Nakatingin lamang ako kay Tom habang s’ya ay nasa labas. Hanggang sa paunti-unting magsara ang pinto ay hindi ko pinuputol ang aking tingin sa kanya.
Kaunti na lang ang makikita ko mula sa labas nang biglang humarap si Tom at nagtama pa ang mga mata namin. Naputol na lamang iyon nang tuluyan nang magsara ang pagitan ng pinto ng elevator. Nakita ko pa ang maamong mukha n’ya na nakatingin sa akin. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang tingin n’yang may pag-aalala.
Nang muling umandar ang elevator para tunguhin naman ang floor kung saan ang office namin ni Lojie ay seryosong nagsalita ito.
“Ano? Ite-text ko na ba si Anthony?” tanong nito sa akin.
“Yeah.” maikli kong sagot sa kanya.
“Cool. Doon natin ’yan pag-usapan. Doon mo na rin ituloy ang pag-iyak mo.” wika n’ya pa rin ng seryoso at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa.
Alam na ni Lojie ang mangyayari kaya hindi na s’ya nag-usisa pa. Tulad ng dati ay mag-iinom lang kami sa bar ni Anthony at pakikinggan nila ako sa aking mga problema.
Hindi na ba talaga darating ang araw na makakangiti ako ng totoo?
Hindi na ba darating ang oras na magiging masaya rin ako?
A/N
Sorry guys kung natatagalan ako sa update ha? Medyo busy lang sa work.
Anyway, sa mga susunod na chapters alam kong magugustuhan n’yo na ang mga mangyayari. Sana ituloy n’yo pa rin po ang pagbabasa.
Comments and votes na rin po please??
Salamuch!
––cold_deee
chapter 14 - whiskey sour
A/N
Hi guys! Nasa kalahati na tayo ng story. Sana tuloy-tuloy pa rin po kayo sa pagbabasa.
Salamat sa mga patuloy na nagvo-vote at nagko-comment.. May mga pagpi-PM rin.. Salamat sa inyo, lalo akong ginaganahan magsulat.. Salamat!! Hugs and Kisses!!
Enjoy reading guys!!
––>si Xander po sa media.
XANDER POV
Narito ako ngayon sa dating bahay nila Tom at naghihintay ng tawag mula sa taong mahalaga na rin sa akin. Nag-leave ako ngayon sa trabaho dahil kailangan kong makipagkita sa kanya. Tumawag kasi sa akin ito noong isang linggo para ibalitang uuwi s’ya rito para sa mahalagang balita.
Ilang buwan na rin mula nang huli kami nitong nagkausap. Ang huling pag-uusap namin ay nang pumunta ako sa Amerika para tingnan si Tom sa malayo.
Nang matapos akong maghanda ng aking sarili ay umupo muna ako sa sofa. Kinuha ko ang aking laptop at ipinatong sa aking mga hita. Naisipan ko munang magcheck ng mga emails habang naghihintay ng tawag.
Ngunit pagkabukas ko ng laptop ay hindi ko na nagawa pang ituloy ang aking dapat na gagawin dahil bumungad sa akin ang larawan namin ni Tom na wallpaper nito.
Makikita sa larawang ito ang masaya naming mukha ni Tom noong magkasama pa kami. Napangiti ako ng wala sa oras nang matitigan kong muli ang mukha ni Tom.
Marahan kong inangat ang aking palad at hinaplos ang mukha ni Tom na para bang totoong mukha n’ya ang nahahawakan ko.
“’Yang mukha mong ’yan ang una kong napansin alam mo ba?” pagkausap ko sa larawan n’ya at paunti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.
“’Yang ngiti mo na nagpatigil sa ikot ng mundo ko. ’Yang maamong mukha mo na nagpapasuko sa katigasan ko.” muli kong sambit.
Muli akong natawa nang may maalala ako.
“Sa tuwing magtatampo ka, alam mo bang mas cute ka? Nakanguso ka kasi kaya kitang-kita ang mapula mong lips.” wika kong natatawa.
“Pero alam mo, mas gusto ko minsan na nagtatampo ka kesa ’pag nakangiti ka. Alam mo ba kung bakit? Kasi kapag nakangiti ka, pakiramdam ko maaagaw ka sa akin ng iba. Marami ang naa-attract sa ngiti mo kahit hindi ka aware.” wika ko pa ring nakangiti sa larawan n’ya.
“Lahat ng bagay sa’yo Master, minahal ko. Lahat ng katangian mong maganda at hindi maganda, minahal ko at patuloy ko pa ring minamahal. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Pero pakiramdam ko, ikaw na lang ang huling taong makakapasok sa puso ko. Habang buhay ka na yatang maninirahan sa puso at isip ko.” muli kong sambit.
Saglit akong natahimik at ibinaba ang kamay kong nakahawak sa screen ng laptop ko. Bumuntong hininga ako ng malalim at muli nanaman akong nagsalita.
“Sana Master, hindi dumating ang oras na kahit ang pagiging magkaibigan natin ay isuko mo. Sana hindi mo maisip na bitawan ako kahit ’yon na lang ang meron tayo.” pakiusap ko sa kanyang larawan.
Dahil sa huling sinabi ko ay muling kumawala nanaman sa aking mga mata ang mga luhang hindi na yata nauubos sa pagbuhos. Muli ko nanaman kasing naramdaman ang sakit ng katotohanan na lumalayo nanaman s’ya sa akin ngayon.
“Hindi ko na kasi kakayanin Tom… Hindi ko na kakayanin kung sa pangalawang pagkakaton ay mawawala ka ulit sa akin… Pakiusap, ’wag mo na akong ipagtabuyan…” wika ko sa pagitan ng pag-iyak.
Alam kong masasabi na ng ilan na nababaliw na ako dahil sa ginagawa kong ganito. Pero hindi na sa akin mahalaga ang bagay na ’yon. Si Tom lang ang mahalaga sa akin ngayon.
Habang nasa ganoon akong tagpo ay biglang tumunog ang cellphone ko tanda na may tumatawag.
Agad ko itong kinuha mula sa aking bulsa at sinagot kahit na unregistered number ang naka-display dito.
“H-hello?” sagot ko sa tawag habang pinupunasan ang luha ko.
“Anak, ako ito.” pakilala ng boses sa kabilang linya.
“P-papa?” paninigurado ko.
“Ako nga ito Xander.” malumanay na sagot naman n’ya.
Umayos ako sa pagkakaupo matapos mailapag ang laptop sa mesa.
“Papa, kamusta po kayo?” wika ko sa kanya.
Napapasinghot pa ako habang pinupunasan ang mga luha ko sa mga oras na ito.
“Ikaw ang kakamustahin ko anak. Umiiyak ka nanaman ba?” tanong n’ya sa akin at dama ko ang pag-aalala n’ya.
Hindi ako nakasagot sa tanong n’ya. Hindi ko kayang magsinungaling dahil alam naman n’yang nahihirapan ako simula pa noon hanggang ngayon.
Para maiiwas ko ang sariling magsinungaling ay iniba ko na lamang ang usapan.
“Papa, nakahanda na po ako. Saan po ba tayo magkikita?” tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga n’ya bago ako sagutin.
“Sa restaurant mo na lang dito sa The Fort anak, ayos lang ba sa’yo?” tanong n’ya sa akin pabalik.
“Okay lang naman po. Tatawagan ko na lang sila doon para makapagpa-reserve tayo sa VIP room.” sagot ko naman sa kanya.
Kahit na ako ang may-ari ng restaurant na iyon ay kailangan pa rin namin magpa-reserve dahil baka may gumamit na ibang tao dahil nagiging busy na rin ang restaurant kong iyon sa lahat ng oras.
“Hindi na kailangan Xander. Tumawag na doon si Tom para makapagpa-reserve. Si Randy at Rigo na lamang daw ang bahala. Nakausap sila ni Tom.” sagot n’ya naman sa akin.
“Si Tom?” tanong kong pagtataka.
Ang buong akala ko kasi ay kaming dalawa lang ang mag-uusap.
“Oo anak. Pasensya ka na nga pala ha? Nagpumilit kasi s’ya na magpa-party dahil tuwang-tuwa nang dalawin ko s’ya dito. Hindi ko naman masabi sa kanya na may usapan tayo ngayon. Kaya para hindi na rin s’ya magtaka, sinabi kong imbitahan na rin ang iba n’yo pang kaibigan. Ako na rin ang nagsabi sa kanya na sa restaurant mo na lang gawin since malapit lang din dito ang tinitirahan n’yo.” paliwanag naman n’ya.
“Okay lang naman po Papa Nate. Makakapag-usap pa rin naman tayo doon.” sagot ko naman sa kanya.
“O paano? Magkita na lang tayo doon. Malapit ka lang naman din dito ’di ba?” tanong n’ya ulit sa akin.
“Mga 2 hours pa po bago ako makarating doon Papa. Nandito po kasi ako sa bahay n’yo eh.” sagot ko naman sa kanya.
“Ganon ba anak? Okay lang naman. Hihintayin ka na lang namin doon. S’ya nga pala, salamat at hindi mo pinababayaan ’yang bahay namin ha?” sagot n’ya sa akin.
“Wala po ’yon Papa Nate. Masaya rin naman po akong dito umuuwi paminsan-minsan.” sagot ko naman sa kanya.
“Salamat naman kung ganon. Paano? Magkita na lang tayo mamaya ha? Mag-iingat ka.” pagpapaalam n’ya sa akin.
“Sige po, kayo rin po.” sagot ko naman at ibinaba na rin ang tawag.
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Papa Nate ay agad din akong naghanda sa pag-alis.
Sakay sa aking kotse ay sinimulan ko na ring magbyahe patungo sa isa kong restaurant.
Muli nanaman kaming magkikita ni Tom. Ilang araw din kaming hindi nagkita simula nang mangyari ang saglit na pag-uusap namin sa CR noong iabot n’ya sa akin ang kanyang panyo.
Matapos kasi ng araw na iyon ay hindi na namin s’ya nakakasabay mag-lunch. Nalaman ko mula kay Olyn na araw-araw na s’yang pinupuntahan ni Daniel para sabay silang kumain. Ganoon din pagkatapos ng kanyang shift, sinusundo na rin daw ito ni Daniel at sabay na uuwi sa kanilang tinutuluyan.
Hindi ko na nga alam kung saan pa ako nakakakuha ng lakas para makakilos pa ngayon. Nararamdaman ko na ang paglawak ng distansya namin ni Tom.
Ang akala ko noong panahon na magkasama kaming lumiban sa trabaho ay simula na iyon ng muli naming pagkakalapit. Damang-dama ko na masaya noon si Tom na kasama ako. At dahil sa nangyaring iyon ay masasabi kong isa ’yon sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Idagdag pa noong hinalikan ko s’ya at tinugon naman nito. Nabuhayan ako ng pag-asa dahil naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ni Tom at sinasabayan din ng sa akin.
Pero hindi ako naging handa. Doon na rin pala magsisimula ang unti-unti n’yang paglayo sa akin. Sobrang sakit dahil para akong umasa sa wala. Pakiramdam ko ay agad na binawi ang kasiyahan ko nang bigla n’ya nanaman akong iwasan. Pakiramdam ko ay anumang oras ay maglalaho na rin s’yang parang bula.
“Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.” sambit ko habang nagmamaneho.
Totoo ang bagay na iyon, hindi ko kakayanin na tuluyan s’yang mawawala sa akin dahil s’ya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagpapakatatag ako. Kaya kahit ang magpakatanga ay gagawin ko para lang hindi malayo sa kanya.
Nakarating ako sa restaurant ko dito sa The Fort at hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin ako sa labas ng aking restaurant. Tila ba ang bigat ng aking mga paa para ihakbang ito.
“Xandz? Hey! Ikaw nga! Bakit nandito ka pa rin? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?” bati sa aking likuran ng aking kaibigan.
“Rigo..” tangi kong nasambit nang lingunin ko ito.
Nangunot naman ang noo nito nang magtama ang aming mga mata.
“What’s with that face? Are you okay?” nagtatakang tanong nito habang papalapit sa akin.
Nagmanly hug muna kami bago ko ito sinagot.
“Yeah…” maikli kong sagot sa kanya.
Bumuntong hininga naman s’ya bago nagsalitang muli. Sumandal rin s’ya sa aking kotse at tumingin sa langit.
“Matagal na tayong magkaibigan Xandz, hanggang ngayon pa rin ba akala mo hindi ka pa namin kilala?” tanong n’ya sa akin at nilingon na ako.
Saglit akong natahimik bago ko s’ya sinagot.
“Sorry.” tangi kong nasabi at tumabi sa kanya sa pagkakasandal sa aking kotse.
Tumingala rin ako sa langit na ngayon ay puno ng bituin.
“So kailan ka pa ganyan? Akala ko ba okay na kayo ni Tom? I mean, at least friends?” tanong n’ya sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi n’ya kaya nilingon ko s’ya.
“At paano mo naman nasabi na si Tom nga ang problema ko ngayon?” taka kong pagtatanong sa kanya.
Bahagya s’yang natawa bago ako sinagot.
“C’mon Xandz! When things about Tom is concerned, saka ka lang nagkakaganyan! Ganyan kalaki ang epekto n’ya sa’yo!” natatawa n’yang sagot sa akin.
Tama naman s’ya, si Tom lang ang may epekto sa akin ng ganito.
Bumuntong hininga na lamang ako at muling tumingala sa langit habang pareho pa rin kaming nakasandal sa aking kotse.
“Going back to my question. Akala ko ba okay na kayo?” tanong n’yang muli.
“Akala ko din eh. Pero mukhang back to zero nanaman kami. And worst, baka hindi na yata kami babalik sa dati kahit bilang magkaibigan man lang.” sagot ko at napangiti ako ng mapait.
“What do you mean?” taka n’yang tanong.
“Iniiwasan n’ya na ulit ako. Kahit ang tingnan ako sa mata hindi n’ya na magawa.” malungkot kong sagot sa kanya.
Nanatili akong nakatingin sa langit at dahil sa naging sagot ko ay alam kong maya-maya lamang ay lalabas nanaman ang mga luha ko.
Hindi agad nakasagot si Rigo at halatang nabigla ito sa naging sagot ko.
“Why don’t you ask him? Baka naman may dahilan Xandz?” suhestyon n’ya.
Naikagat ko muna ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha na pumatak sa aking mga mata.
“Natatakot kasi ako Rigz… Natatakot ako sa magiging sagot n’ya… Paano kung sabihin n’yang diretso sa akin na iniiwasan n’ya nga talaga ako? Paano kung sabihin n’ya sa aking layuan ko na s’ya?” tanong ko sa kanya habang nakatangala pa rin sa langit. “Hindi ko kakayanin Rigz… Hindi ko kakayanin mapalayo ulit sa kanya… Ang tagal kong naghintay sa pagbabalik n’ya… Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong makasama ulit s’ya…” dugtong ko pa at sa pagkakataong ito ay tuluyan nang kumawala ang luha ko habang nakatingin sa langit.
Pakiramdam ko ay nakikinig din sa akin ang mga bituin sa mga oras na ito at naaawa akong tinatanaw.
“Xandz…” tanging nasambit ni Rigo at ramdam ko ang pag-aalala n’ya.
“Alam mo ba ’yung pakiramdam Rigo na sa wakas makikita mo na ulit s’ya? Na makikita mo nang ligtas at maayos ang taong pinoprotektahan mo? Na nasa magandang kalagayan na ang taong pinakamamahal mo? Pero sa kasamaang palad, sa muli n’yong pagkikita ay wala ka nang halaga sa kanya? Na isa ka na lang sa mga taong dumaan sa buhay n’ya at ngayon ay kakilala na lang n’ya? Na wala kayong pinagsamahang maganda at masaya? Na walang pagmamahal na namagitan sa inyo? Ganon Rigo, ganon ang pakiramdam ko. Ang sakit dito, ang sakit dito Rigo.” wika ko habang tinuturo ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
Patuloy sa paglandas ng aking mga luha habang ako ay nakatingala.
“Xandz, intindihin mo na lang. Hindi naman alam ni Tom ang sakripisyo mo eh.” pagpapakalma sa akin ni Rigo.
“Alam ko naman ’yun Rigo. Pero bakit pati pagkakaibigan kailangan mawala pa sa amin? Doon na nga lang ako nakakakuha ng lakas eh. Pero bakit parang babawiin din sa akin ’yon?” tanong ko sa kanya.
Hindi na nakasagot sa pagkakataong ito si Rigo. Hinayaan n’ya na lang akong patuloy na umiiyak. Sinabayan n’ya na lang akong makipagtitigan sa mga bituin sa langit.
Nang bahagyang kumalma ako ay nagsalita si Rigo.
“Alam mo ba Xandz, ’yang mga bituin na ’yan may mga tinatanaw din ’yan dito sa lupa? Na may tinatanaw silang tao dito sa mundo para mapagbigyan ang hiling nila?” tanong n’ya sa akin.
Nagtataka ko naman itong nilingon. Nakita ko itong nakangiti lamang habang nakatingin sa langit.
Hindi ako makapagtanong dahil sa labis na pagtataka sa mga sinasabi n’ya. Dahil sa wala akong reaksyon ay muli s’yang nagsalita.
“Alam mo bang ang ilan sa mga bituin na ’yan ay naghihintay lamang ng tamang panahon at oras para bumagsak? Kahit gaano pa katagal, milyong taon man bago sila bumagsak ay matiyaga silang maghihintay.” una n’yang sambit at nagbitaw ng mas malapad na pagkakangiti. “Kasi alam nilang darating din ang araw na babagsak din sila sa lupa para tuparin ang hiling ng taong binabantayan nila.” pagsagot n’ya pa sa sariling katanungan n’ya.
Dito na ako lalong naguluhan sa mga sinabi n’ya.
“Bakit bigla na lang naipasok sa usapan natin ang mga bituin?” tanong ko sa kanyang nagtataka.
Lumingon muna sa akin si Rigo at nagbitaw ng mas malapad na ngiti sa akin.
“Kasi may bituin d’yan sa langit Xandz na nakalaan sa’yo. Naghihintay sa magiging kahilingan mo. Kaya sa halip na magmukmok ka d’yan, hintayin mo rin ang pagbagsak ng bituin na matiyagang naghihintay rin sa kahilingan mo. Sigurado ako, tutuparin n’ya ang kahilingan mo. Hindi s’ya maghihintay ng matagal para bumagsak kung para lang sa wala.” nakangiti n’yang paliwanag.
Alam kong gusto lang pagaanin ni Rigo ang kalooban ko kaya sinasabi n’ya ang mga bagay na ito.
Nagbitaw ako ng mahinang tawa bago ako nakasagot sa kanya.
“Hayup brad! Ang laki-laki mong tao naniniwala ka pa sa ganyan! ’Pag narinig ka ng mga highschool students baka pagtawanan ka pa nila!” natatawa kong pang-aasar sa kanya.
“Lul! Wala naman masamang maniwala ah?! Susubukan mo lang naman mag-wish sa falling star!” sagot nitong nakasimangot na lalong kong ikinatawa.
“Ewan ko sa’yo! Siguro hanggang ngayon humihiling ka pa rin sa falling star noh?! Pucha ’pag nalaman ’yan ng pinsan mong siraulo aasarin ka na nun hanggat nabubuhay kayo!” wika kong tumatawa at tinutukoy ang pinsan n’yang si Dominic.
“Gagong ’to! Edi ’wag kang maniwala! Tang*na! Nagsa-suggest lang ako dito, napasama pa ako! Ump!” sambit n’ya at inambahan pa ako ng sapok.
Tawa pa rin ako ng tawa sa kanya. Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam dahil sa pag-uusap namin ni Rigo. Lagi kong ipinagpapasalamat na may mga kaibigan akong kagaya nila. Lagi silang nariyan para sa akin.
“Tara na nga lang sa loob! Baka kanina pa sila naghihintay!” pagyaya ko sa kanya na medyo natatawa.
Hindi naman na nagsalita si Rigo at sumunod na lamang sa akin sa paglalakad.
Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa namin ay napukaw ng atensyon ko ang pagkislap ng isang bagay sa langit. Napatigil ako sa paglalakad pati na rin si Rigo. Agad kaming tumingala ngunit kaunti na lang ang nakita naming pagbagsak ng isang bituin.
“Nakita mo ba ’yun Xandz?! May falling star!” masayang tanong sa akin ni Rigo.
“Yeah. Pero mabilis na nawala. Paano ka pa makakahiling ’pag ganun?” sagot ko at hindi pa rin inaalis ang tingin sa langit.
Nakita ko sa gilid ng aking mata na nilingon ako ni Rigo.
“Eh hindi naman para sa’yo ’yun brad! Kasi dalawa tayong nakakita sa kanya. Kung ikaw lang mag-isa ang nakakita, ’yun ang bituin na para sa’yo!” paliwanag ni Rigo.
Habang sinasabi ’yon ni Rigo ay s’ya namang bagsak pa ng isang bituin.
Kanina lamang ay pinagtatawanan ko si Rigo dahil sa sinasabi n’ya tungkol dito. Pero nang may bumagsak ulit na bituin ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na ipinikit ang mga mata ko.
“Sana hindi tuluyang mawala sa akin ang pinakamamahal ko….
…..sana hindi tuluyang mawala sa akin si Tom.“
nakapikit kong paghiling sa bumagsak na bituin.
“Huy! ano na nangyari sa’yo?! Halika na! Pasok na tayo sa loob!” pagbasag ni Rigo sa akin.
Nilingon ko ito at napangiti ako.
“So ako lang pala ang nakakita sa bituin? Hindi nakita ni Rigo?”
tanong ko sa sarili kong isip.
“Let’s go!” sagot ko sa kanyang nakangiti at humakbang nang muli patungo sa loob ng restaurant.
Pagpasok pa lamang namin ay sinalubong na ako ng mga empleyado ko dito. Masaya nila akong binati at ganon din ako sa kanila. Na-miss ko rin ang mga empleyado kong ito.
Nang makarating kami sa pinto ng function room ay mabigat ang mga kamay kong hinawakan ang doorknob para buksan ito. Si Rigo naman ay nasa likuran ko lamang. Dito na rin nag-reserve sina Rigo at Randy dahil marami daw kaming darating at hindi kami kasya kung sa VIP room lang.
Isang malalim na buntong hininga at tuluyan ko nang binuksan ang pinto.
Nang makapasok ako ay nasorpresa ako. Lahat ng mga kaibigan namin ay nandito. Maging ang mga empleyado ko sa Alabang branch ay naririto.
“Sir Xander!!!” bati nila sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanila ng malapad bilang pagbati. Narito rin sina Shai, Randy, Dominic, Dee, Charm, Ben at marami pang iba.
Nakita ko rin sa isang sulok ng VIP room na nasa isang sulok sina Daniel at Tom. Tumango si Daniel sa akin ngunit si Tom ay sinulyapan lamang ako saglit at muling ibinalik ang sarili sa pakikipag-usap kay Daniel na mukhang seryoso.
“Anak!” ang biglang pagtawag sa akin.
Nilingon ko ito at napangiti ako.
“Papa Nate!” sagot ko naman at nilapitan s’ya.
Mahigpit ang naging yakapan naming dalawa. Ilang segundo rin iyon bago kami bumitaw.
“Kamusta ka na?” nakangiti nitong bati sa akin.
“Mabuti naman po. Kayo po ba?” nakangiti kong balik sa kanya.
“Ayos lang naman ako. Teka, kumain ka na ba? Maupo muna tayo at nang makapag-usap habang kumakain ka. Tapos na kami dito kumain kaya ’wag mo na kaming alalahanin.” pagyaya nito sa akin.
“Hindi na po ako kakain Papa, busog pa naman ako. Iinom na lang po ako, ayos lang ba?” paghingi ko ng permiso sa kanya.
“Ganon ba? O s’ya doon na lang tayo sa isang sulok para magkamustahan habang nag-iinuman.” pagyaya n’yang muli.
Sa isang couch kami umupo kung saan medyo malayo sa mga kaibigan naming nagkakasiyahan na ngayon at nagke-kwentuhan. Tinawag ko ang aking waiter sa restaurant na ito at nagpakuha ng isang bote ng paborito naming whiskey brand ni Papa Nate.
Ganito kami ’pag nagkikita noon sa Amerika, mag-iinom sa paborito naming bar at pagsasaluhan ang isang bote ng paboritong whiskey.
“Kamusta po sina Mama Lita at Julius, Papa Nate?” pauna kong tanong.
“Ayos naman sila anak. Patuloy pa rin sa therapy si Mama Lita mo pero mabuti na ang kalusugan n’ya. Si Julius naman, maayos naman ang pag-aaral. Mabait na bata pa rin.” sagot naman n’ya.
“Mabuti naman po kung ganon. Masaya po ako para sa inyo.” wika ko sa kanya at uminom na ako ng alak.
Nakatingin kami sa nagkakasiyahan naming mga kaibigan. Nakisalo na rin sa kulitan doon sina Daniel at Tom na hindi nagbibitaw ng kamay sa pagkakahawak. Talagang bantay na bantay s’ya ni Daniel.
Muling nagsalita si Papa Nate.
“Hanggang ngayon anak, nagi-guilty pa rin sa’yo ang Mama Lita mo. Pakiramdam n’ya ang laki ng kasalanan n’ya sa’yo. Ilang beses n’ya akong kinukulit na ihingi s’ya ng tawad sa’yo.” wika n’ya sa akin.
Ngumiti naman ako bago ko s’ya sinagot.
“Pakisabi Papa kay Mama Lita na wala s’yang kasalanan sa akin. Bilang magulang, gusto n’ya lang naman protektahan ang anak n’ya.” nakangiti kong paliwanag sa kanya.
Malungkot na ngumiti rin si Papa Nate at tinapik-tapik ako sa balikat.
“Napakabuti mo talaga anak. Kaya nga hindi namin maiwasan ang maguilty sa nangyari. Kailangan mo pang magsakripisyo para sa amin. Malaki ang utang na loob namin sa’yo.” wika nito sa akin.
“Wala po ’yon Papa. Mahal ko ang anak n’yo kaya kung sino ang mga mahal n’ya sa buhay ay mahal ko na rin.” sagot ko naman sa kanya.
“Patawarin mo kami anak kung kailangan mong isakripisyo ang kaligayan mo… Patawarin mo kami kung kailangan namin gawin ito…” sinsero n’yang paghingi ng tawad sa akin.
“Nangyari na po ang lahat… Isa pa, para rin naman po sa inyo ang lahat ng ito… Lalo na po sa kanya… Mahal na mahal ko s’ya kaya gusto ko s’yang protektahan…” sagot ko sa kanya.
“Matatapos na rin ang lahat ng ito… Maibabalik mo rin s’ya sa’yo..” muli n’yang wika sa akin.
“Mukhang malabo na po ’yang sinasabi n’yo… Kung doon po s’ya magiging masaya, handa po akong magsakripisyong muli…” sagot ko sa kanya nang lingunin ko sina Tom at Daniel.
“Magtiwala ka anak, babalik sa’yo ang anak ko.” muli n’yang sambit.
Tinitigan kong mabuti sina Tom at Daniel. Nakita kong nag-uusap sila ng masinsinan at tila ba may pinag-uusapan itong mahalaga.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Papa Nate dahil hindi na kaya ng aking dibdib ang nakikita ko kina Tom at Daniel.
“Mukhang masaya na rin naman po ngayon si Tom, Papa Nate. Ayokong mawala ang mga ngiti n’yang ’yan. Ayokong maging dahilan ng muli n’yang pagkabigo sa pangalawang pagkakataon.” wika ko kay Papa Nate.
Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko.
“Anong ibig mong sabihin? Isinusuko mo na ba ang anak ko?” tanong nito sa akin.
Umiling ako ng paulit-ulit at sumagot.
“Kahit kailan Papa hindi ko magagawang isuko si Tom. Pero paano kung s’ya na mismo ang magpaalis sa akin? Paano kung sabihin n’yang magiging sagabal lang ako sa kaligayahan n’ya? Mas mahalaga pa po sa akin ang kaligayahan n’ya Papa, kesa ang kaligayahan ko.” sagot kong malungkot sa kanya.
“Anak, ’wag kang pang-hinaan ng loob. Pagkatapos nitong problema natin, alam kong magkakaayos din kayo.” pagpapagaan n’ya ng loob sa akin.
“Sana nga po Papa… sana nga…” sagot ko lamang sa kanya ng malungkot pa rin.
Saglit kaming natahimik at patuloy na nag-iinom lamang. Binasag lamang iyon ni Papa Nate matapos ang ilang minuto.
“Xander, alam kong hindi tama ang pagkakataong ito para sabihin sa’yo. Pero ilang araw lang kasi ang ilalagi ko rito sa Pilipinas kaya kailangan mong malaman ito. Ito talaga ang dahilan kung bakit ako nagbalik dito.” wika ni Papa Nate.
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi n’ya. Ito na nga ba ang sinasabi n’yang mahalagang bagay na pag-uusapan namin?
“A-ano po ba ’yon Papa?” kabado kong tanong sa kanya.
Bumuntong hininga naman s’ya at sinimulang magsalita.
“Ano mang oras ay babalik s’ya. Babalik si Josephine kaya maghanda ka. Kailangan natin maghanda lahat.” pagsagot n’ya.
Para akong binagsakan ng langit nang marinig ko iyon. Para akong natuklaw ng ahas dahil hindi ako nakasagot at nakagalaw sa kanyang sinabi.
Hindi pa nga natatapos ang problema ko ay may kasunod na agad. Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit ngayon pang iniiwasan ako ni Tom? Paano ko s’ya mapoprotektahan ngayon?
“Anak, alam kong nag-aalala ka. Pero gusto kong malaman mo na marami na tayo ngayon laban sa kanya, laban sa kanila. Hindi na lang tayo ang lalaban para dito, narito na rin ang mga kaibigan n’yo.” muli nitong sambit.
Nakahinga naman akong maluwag sa sinabi n’yang iyon ngunit hindi pa rin ako nakapagsalita. Tama s’ya, naririto nga ang mga kaibigan namin na tutulong sa amin.
“Isa pang bagay anak, darating din si Ronnie ano mang araw para makipagtulungan. Kaya ’wag ka nang mabahala d’yan.” wika n’ya ulit.
“Ganoon po ba? Mabuti naman po kung ganon.” tangi kong nasabi.
“Oo, at kailangan ko rin ipaalam sa’yo na pagbalik ko sa Amerika ay isasama ko si Daniel. Kakailanganin namin s’ya ni Ronnie doon. At kapag naayos na namin ang mga bagay na iyon ay saka na lamang sila babalik dito ng sabay.” sunod n’yang sinabi.
Nagulat ako sa kanyang sinabi.
“Ha?! Eh papaano po si Tom? Alam n’ya na po ba ang bagay na ito?” tanong ko sa kanya.
“Oo anak, nasabi na ni Daniel kay Tom. Pero hindi n’ya sinabi ang totoong dahilan. Sinabi na lang ni Daniel na may kailangan s’yang asikasuhin doon para tuluyan nang makahanap ng trabaho dito sa Pilipinas. Sinabi n’yang mahalagang document ang kakailanganin n’ya kaya napapayag n’ya rin si Tom na umalis.” sagot n’ya sa akin.
“Papaano po ang kaligtasan ni Tom kung wala s’yang makakasama dito?” alala kong tanong sa kanya.
“’Wag kang mag-alala anak. Wala pa naman dito si Josephine. Isa pa, nariyan ka naman para protektahan ang anak ko ’di ba?” nakangiting wika n’ya sa akin.
Ngumiti rin ako sa kanya bago ko iyon sinagot.
“’Wag po kayong mag-alala Papa. Hanggat nandito ako, walang mananakit kay Tom. Poprotektahan ko s’ya.” nakangiti kong sagot.
Habang nag-iinom kami ni Papa Nate ay bumubuo kami ng plano sa mga mangyayari. Kailangan maingat kami sa lahat ng bagay. Maaari kasing buhay ng tao ang nakasalalay dito kaya kailangang mapagplanuhang mabuti.
Matagal pa ang naging pag-uusap namin ni Papa Nate tungkol sa mga magiging plano namin. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si Tom sa kanilang pwesto. Ngunit sa tuwing magtatagpo ang aming mata ay umiiwas ito. Muli n’yang ibinabalik ang tingin kay Daniel at kakausapin itong nakangiti.
Nakikita ko rin na masayang-masaya si Daniel na medyo lasing na rin sa mga oras na ito. Walang sawa itong niyayakap si Tom at kung minsan ay hinahalikan sa ulo habang nakaakbay. Sa tuwing nakikita ko ang tagpo nilang iyon ay doon ko lamang iniiwas ang tingin sa kanila.
Ngayon ay kung ano-ano na lamang ang pinag-uusapan namin ni Papa Nate dahil tapos na kaming magplano. Nakisalo na rin sa aming table sina Shai, Randy, Dominic at Rigo. Masaya kaming nag-uusap ngunit bigla na lamang naputol iyon nang sumigaw si Daniel mula sa kanilang pwesto.
“Talaga Bae?! Wooohhoooo!!!” ang biglang pagsigaw ni Daniel.
Napatalon pa ito at napasuntok sa hangin. Halatang masayang-masaya s’ya.
“Bae! Umayos ka nga! Umupo ka dito. Lasing na lasing ka na oh!” pagsaway naman sa kanya ni Tom.
Kami naman ay nakatingin lang sa kanila. Halos hindi na mabalanse ng maayos ni Daniel ang sarili n’ya dahil sa kalasingan.
“Anyare sa kapatid mo brad?! Lasing na lasing ah?!” komento ni Dominic.
“Hindi na nga makatayo ng maayos oh?!” wika naman ni Rigo.
“Seems like something good happened.” komento naman ni Shai.
“Mukha nga, pero sa kanya lang. Tingnan mo mga kasama nila sa table, tulala ang ilan lalo na ’yung mga kaibigan ni Tom.” wika naman ni Randy.
Tiningnan ko naman ang mga kasama nila sa table. Ang ilan ay masayang nakatingin kina Tom at Daniel. Ngunit nang tingnan ko sina Ben, Dee at Charm ay nakatingin ito sa akin ng may pag-aalala.
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa senaryong iyon. Lalo na sa mga tingin sa akin nina Ben.
Hawak ko ang baso ng aking iniinom na alak ay ibinalik kong muli ang tingin kina Tom na inaalalayan si Daniel makaupo.
“Woohhh!!! Ang saya ko Bae!!! Thank you!!!” muling pagsigaw ni Daniel.
Muli n’yang niyakap si Tom. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanila at inaabangan ang susunod na mangyayari.
Bigla naman sumigaw si Jurnie na katabi rin ni Daniel sa inuupuan.
“Taena ka Daniel! Naapakan mo ang paa ko! Ang sakit gago ka!” daing ni Jurnie.
Nilingon s’ya ni Daniel dahilan para makabitaw s’ya kay Tom.
“’Wag kang basag trip ’tol! Sinisira mo ang celebration ko!” sagot naman ni Daniel pabalik sa kanya.
Sumabat naman sa kanilang pag-uusap si Randy sa aking tabi.
“Oy! Tama na ’yan! Hinay lang sa pag-inom! Ikaw Daniel tama na ’yan!” pagsaway ni Randy sa kanila.
“’Wag ka magulo Randy! Masaya ako! Masayang-masaya ako!” sigaw ni Daniel ng nakangiti at makikita mo ang kasiyahan sa kanyang ekspresyon.
“Anak, Daniel! Ano ba ’yon at ang saya-saya mo d’yan? Hinay lang sa pag-inom, may lakad pa tayo bukas.” si Papa Nate naman ang nagsaway sa kanya.
“Opo Tito! ’Wag kang mag-alala, makakagising po ako ng maaga! Sobrang saya ko lang talaga! Eto po kasing anak mo eh!” sagot naman n’ya kay Papa Nate habang tinuturo si Tom sa kanyang tabi.
“Oh, ano bang meron sa kanya?” tanong pabalik ni Papa Nate. Halatang sinasakyan lang si Daniel dahil lasing na ito.
Muling ngumiti si Daniel at saglit na tiningnan si Tom sa kanyang tabi. Ibinalik n’yang muli ang tingin kay Papa Nate para sagutin ito.
“’Di ba po aalis tayo pabalik ng Amerika? Kanina po kasi ang lungkot-lungkot ko dahil hindi kami magkakasama at magkakatabi sa pagtulog ng ilang araw o linggo! Pero napasaya n’ya ako nang may sabihin s’ya sa akin na isang bagay!” masayang sagot ni Daniel.
Nagtataka na rin ako sa mga oras na ito at nakakaramdam na rin ako ng ibayong kaba. Sana ay hindi tama ang iniisip ko.
Tiningnan ko sina Dee, Ben at Charm. Napayuko sila at malungkot pa rin ang kanilang ekspresyon.
“At ano naman ang bagay na ’yon at ang saya-saya mo?” tanong muli ni Papa Nate.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Daniel na handa nang sagutin ang tanong sa kanya. Ang kamay kong may hawak na baso ng alak ay hindi ko na rin nakontrol sa panginginig dahil sa kaba habang naghihintay sa sagot ni Daniel.
“Si Tom po kasi Tito, ibibigay na ang sagot sa akin pagbalik ko galing sa Amerika! Sasagutin na ako ni Tom!!” ang isinigaw ni Daniel na sagot.
Lahat kami dito ay natahimik sa aming table.
Namanhid ang buo kong katawan dahil sa narinig kong sagot ni Daniel.
“Si Tom po kasi Tito, ibibigay na ang sagot sa akin pagbalik ko galing sa Amerika! Sasagutin na ako ni Tom!!”
“Si Tom po kasi Tito, ibibigay na ang sagot sa akin pagbalik ko galing sa Amerika! Sasagutin na ako ni Tom!!”
“Si Tom po kasi Tito, ibibigay na ang sagot sa akin pagbalik ko galing sa Amerika! Sasagutin na ako ni Tom!!”
ang paulit-ulit na naririnig ko sa aking isip.
Nabitawan ko ang hawak kong baso na may alak habang tulalang nakatingin kina Tom at Daniel. Naglandas na rin ang mga luha ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila.
Dahil sa pagbasag ng basong hawak ko ay tiningnan nila akong lahat. Lahat ay natahimik sa tagpong iyon.
Si Tom ay naikagat ang kanyang labi habang nakatingin sa akin ng may pag-aalala. Si Daniel naman ay napapikit na at napasandal sa balikat ni Tom dahil sa sobrang kalasingan.
Pinapanood nila ako ngayong lahat habang naglalandas ang masasaganang luha sa aking mga mata.
Hinawakan ako ni Papa Nate sa aking balikat.
“Anak….” pagtawag n’ya sa akin na puno ng pag-aalala.
Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na lumabas sa function room na iyon. Nasalubong ko pa ang ilan kong empleyado at nagulat sila sa akin na makitang umiiyak. Wala akong pakialam at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa aking office sa restaurant kong iyon.
Nang makarating ako sa aking office ay agad ko rin itong ni-lock at dire-diretsong nagtungo sa harapan ng aking table.
“Aaaaahhhhhh!!!!!” pagsigaw ko at hinawi ang mga nasa ibabaw ng mesa kong iyon.
“Ang sakit-sakit… Sobrang sakit…” nasambit ko at napahawak ako sa aking dibdib habang umiiyak.
Napaupo ako at napasandal sa gilid ng mesa ko dahil hinang-hina ang buo kong katawan. Hindi ko pa rin binibitawan ang aking dibdib dahil sa labis na sakit na nararamdaman.
Halos mapunit ko na yata ang aking polo dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa aking dibdib.
“Xandz! Xandz! Lumabas ka d’yan!” narinig kong pagkatok ni Shai mula sa pinto ng aking office.
Naririnig ko rin ang iba kong kaibigan na tinatawag ako mula sa labas pero hindi ko sila pinansin. Gusto kong mapag-isa sa mga oras na ito.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa isang shelf ng office ko. Kinuha ko ang isang bote ng mamahaling whiskey doon at walang alinlangan ko itong binuksan at ininom. Hindi na ako gumamit ng baso, diretso ko itong ininom sa bote.
Muli akong bumalik sa pagkakaupo sa sahig. Sumandal akong muli sa gilid ng mesa at itinuloy ang pag-inom ng aking alak.
Habang umiinom ay patuloy din ako sa paghagulgol. Patuloy na umaagos ang aking mga luha. Malakas ang nagiging pag-iyak ko at alam kong naririnig nila akong lahat mula sa labas kaya lalo silang nag-aalala.
Nakita ko ang frame ng larawan ni Tom sa sahig. Basag na ang salamin nito dahil kasama ito sa mga bagay na nasa ibabaw ng aking mesa. Kinuha ko ito at tinitigan.
“Bakit Tom…? Bakit….?” tanong ko habang umiiyak at nakatingin sa kanyang larawan. Nasasabunutan ko na rin ang sarili ko dahil sa sobrang pag-iisip.
Gusto kong makalimot. Gusto kong kahit ngayon lang ay makalimutan kong nasasaktan ako. Gusto kong kahit ngayong gabi lang ay makalimutan ko ang kalungkutan na namamayani sa akin sa loob ng mahigit dalawang taon.
Patuloy lamang ako sa pag-inom hanggang sa ang isang bote ay nasundan pa ng isa.
Nararamdaman ko na ang pagkahilo. Pero ang nararamdaman kong sakit ay naroon pa rin. Hindi na rin ako nag-abala pang punasan ang mga luha kong patuloy na umaagos dahil kahit punasan ko ito ay patuloy pa rin ito sa paglabas.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal sa sahig na nakaupo habang umiinom at umiiyak. Wala na rin akong marinig sa mga oras na ito. Malabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang nasa mata ko. Wala na rin akong maaninag dahil sa sobrang pagkahilo.
“Wala na bang mas sasakit pa…? Ibigay n’yo na lahat para isang sakitan na lang oh..? Kasi hirap na hirap na ako…. Dalawang taon na akong ganito…. Hindi pa ba kayo sawang pagtawanan at saktan ako…? Ano bang ginawa kong mali…? Bakit kailangan ganito ang mangyari sa akin…? Nagmahal lang naman ako…. Masama ba ’yon…?” tanong ko kahit hindi ko alam kung kanino ko ba dapat itanong ang mga bagay na iyon.
Nababaliw na ako.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Sobrang sakit na.
Parang hindi ko na kaya.
Ilang paglagok pa ng alak ang aking ginawa. At sa bawat pag-inom ko ay may mga panibagong luhang lumalandas sa aking mga pisngi.
Pinilit kong tumayo para sana makalabas sa office kong iyon. Pero dahil sa dami ng nainom ko ay hindi ko na magawa pang tumayo mag-isa. Kumapit ako sa mesa para maibalanse ang sarili ko. Pero kahit ang mga braso at kamay ko ay nawalan na ng lakas.
Wala na akong makita.
Wala na akong marinig.
Wala na akong maramdaman.
Wala na akong lakas.
At kasunod noon ay ang pagdilim ng buong paligid.
.
.
.
.
.
.
“I’m sorry….. Xander…. I’m sorry….” ang paulit-ulit na sambit ni Tom.
Nakahiga ako sa sofa dito sa aking office. Naaninag ko si Tom na malapit ang mukha sa akin. Mukhang nakaluhod ito sa sahig para magkalapit ang aming mukha.
Malabo ang aking mata. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o katotohanan.
“I’m sorry Xander….” muli n’yang sambit at alam kong sa mga oras na ito ay umiiyak s’ya.
Hinawakan n’ya ang aking kamay at inilagay iyon sa kanyang pisngi. Hindi n’ya binitawan ang kamay ko habang nasa mukha n’ya ito.
Ngayon ko nakumpirna na umiiyak s’ya. Naramdaman kong basa ang kanyang mukha dahil sa kanyang mga luha.
Hindi ako makapagsalita dahil namamanhid ang aking dila.
“Patawarin mo ako sa Xander…. Patawarin mo ako….” paulit-ulit n’ya pa ring sambit sa pagitan ng pag-iyak.
Ginawa ko ang lahat para maigalaw ang aking dila para makapagsalita. Ngunit ang aking katawan ay parang wala nang buhay.
“M-master…..” sa wakas ay nagawa kong ibigkas ito.
Nang masabi ko iyon ay muli ko nanamang naramdaman ang luha kong nagsimula nanamang kumawala.
Lalong napaiyak si Tom nang sambitin ko iyon. Hinalikan n’ya ang aking palad na nasa kanyang mukha habang patuloy pa rin s’ya sa pagluha.
“I’m sorry Master… I’m sorry….” muli n’yang sambit.
Hindi ako nakapagsalita.
“Ito ang makabubuti kaya ito ang dapat na mangyari…. Sorry kung nasasaktan kita…. I’m sorry Master…. Dapat na kitang alisin sa buhay ko… Iyon ang nararapat…” wika n’ya ulit habang umiiyak.
Dahil sa mga sinabi n’ya ay lalo akong napaiyak. Muli kong naramdaman ang sakit.
Ilang minuto siguro kaming ganoon lang ang posisyon. Ako na hawak ang kanyang pisngi, at s’ya naman ay hawak ang aking kamay na nasa kanyang mukha. Patuloy lang din kami sa pag-iyak habang magkatinginan.
Ilang saglit pa ay nagsalita s’ya.
“M-magpahinga ka na… S-simula ngayon kailangan na natin kalimutan ang isa’t-isa… S-simula ngayon kailangan na natin magsimulang mabuhay ng hindi kinikilala ang isa’t-isa….” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi.
Hindi ako makapagsalita kaya paulit-ulit na pag-iling ang aking ginawa habang patuloy pa rin sa pagluha. Ipinaparating ko sa aking pag-iling na hindi ako pumapayag sa gusto n’yang mangyari.
“Pero i
to ang nararapat….. Patawarin mo ako…. Paalam Xander…. Paalam Master…“ muli n’yang sambit at hinawakan ako sa dalawang pisngi.
Nabitawan n’ya ang aking kamay dahil sa paghawak sa aking magkabilang pisngi. Ang kamay ko naman ay hindi ko tinanggal sa pagkakahawak sa kanyang mukha. Dahan-dahan n’ya ring inilapit ang kanyang sarili sa akin.
Ilang sandali pa ay naglapat ang aming nga labi.
Magkadikit ang aming mga labi habang patuloy rin sa pag-agos ng aming mga luha.
Tulad noong nagpaalam s’ya sa akin sa airport noong umalis s’ya patungong Amerika ay ganitong-ganito rin iyon. Mainit ang aming halik ngunit puno ito ng sakit at kalungkutan. Ramdam ko ang tuluyan naming pagkakalayo sa pangalawang pagkakataon.
’
Hindi ko kaya.
’
’
’Wag mo akong iwan Tom.
’
’
Hindi ko kakayanin mabuhay kung mawawala ka ulit sa akin.
’
mga salitang gusto kong sabibin ngunit hindi ko maisatinig.
Ang sunod na nangyari ay tanda ng tuluyan naming pagkakahiwalay. Mabilis na tumayo si Tom mula sa pagkakaluhod mula sa sahig at mabilis na lumabas ng office kong iyon.
“Tom!!!!!”
“Master Tom!!!!”
“’Wag mo akong iwan!! Pakiusap!!!”
pagtawag ko sa kanya.
Ilang beses akong sumigaw habang umiiyak dahil ito lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.
“Panaginip lang ’to ’di ba? Panaginip lang ’to… Hindi ito totoo…”
pagkumbinsi ko sa aking sarili habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Hindi pwedeng mangyari ang bagay na ito.
Hindi kami magkakalayo ni Tom.
Hindi s’ya aalis sa tabi ko.
Hindi n’ya ako iiwan ng tuluyan.
Panaginip lang ang lahat ng ito.
A/N
Nakakalungkot… ’Yan lang ang masasabi ko…
Comments and votes please para sa chapter na ’to.
Salamat guys sa patuloy na pagbabasa. Feel you next chapter!
:’))
––cold_deee
chapter 15 - brandy alexander
A/N
Hello again readers! Magsisimula na tayo sa medyo mabibigat na part ng story.
Mag-ready na po tayo dahil simula na po ito ng inaabangan ng lahat. Dito na po mangyayari ang revelation ng nangyari 2 years ago kina Xander at Tom.
I suggest na paki-download ng nasa media ng kantang
ONE MORE CHANCE by Piolo Pascual
.
Kanta po ’yan ni Xander for Tom. Then paki-play ng single repeat while reading the whole chapter pati na rin po siguro sa susunod na chapter. Sapilitan po ito para ma-feel n’yo ang pagbabasa. Hahahaha!
Anyway, para sa’yo ’to
august1101
. Thank you ha? Kahit na you’re from the other side of the world, you gave me encouragement, support and acknowledgement. Thanks for the call
kahit minsan nasa jeep ako tumatawag ka! hahahaha!
Enjoy reading guys!
––> si Tom po sa media.
XANDER POV
Ilang araw rin ang nakalipas matapos ang nangyari sa restaurant ko sa The Fort. At sa nakalipas na mga araw ay hindi ko nagawang pumasok sa hotel.
Nahirapan akong tanggapin ang lahat. Hindi ko alam kung paano pa ako magsisimula.
Sa ilang araw na hindi ako nakapasok ay hindi rin ako nakatulog ng maayos. Makakatulog lang ako kung mapaparami ako ng inom ng alak.
Ganitong-ganito ang nangyari sa akin noong iniwan ako ni Tom at pumunta s’ya sa ibang bansa dalawang taon na ang nakakalipas. Tila ba naulit lang ang lahat, nagpaalam s’yang muli sa akin. Ang pagkakaiba nga lang ay makikita ko pa rin si Tom dahil iisa ang pinapasukan naming trabaho. Pero alam kong simula ngayon ay ituturing n’ya na akong hindi kilala.
Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong panaginip lang ang naging pag-uusap namin nung gabing ’yun. Pero sa tuwing makakausap ko ang aking mga kaibigan ay iisa ang kwento nila. Naroon daw sila sa labas ng office ko maging si Papa Nate nang magpaalam na ng tuluyan si Tom sa akin.
Kinabukasan ay hindi ako nakapasok sa hotel dahil sa nangyari.
flashback….
Gumising ako at nakita ko ang sarili kong nakahiga sa mahabang sofa dito sa office ng restaurant ko sa The Fort.
Dahan-dahan kong ikinilos ang sarili ko para makaupo. Ngunit hindi maganda ang naging pakiramdam ko nang tuluyan na akong makaupo. Parang binibiyak ang ulo ko sa mga oras na ito. Halos hindi ko rin maimulat ang mga mata ko.
Inilibot ko ang aking paningin kahit nahihirapan ako at nagulat ako sa aking mga nakita. Nagkalat ang mga gamit na nakalagay sa office table ko. Nasa sahig na ito at ang ilan ay basag na.
Muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga pangyayari kagabi. Simula nang i-announce ni Daniel ang plano ni Tom na sasagutin ito pagkabalik na pagkabalik galing ng Amerika.
Dahil sa muling nagbalik na ala-ala ay naramdaman ko nanaman ang parehong sakit na naramdaman ko kagabi lamang. Naninikip nanaman ang aking dibdib at nahihirapan nanaman akong huminga. Nararamdaman ko na rin na malapit nanaman maglandas ang mga luha ko.
Habang nasa ganoon akong tagpo ay biglang bumukas ang pinto ng aking office. Nilingon ko ito at nakita ko si Randy na may hawak na tray na may pagkain.
“Finally Xandz, you’re awake…” ang bungad sa akin ni Randy nang makapasok.
Nang tuluyang maisarado ang pinto ng aking office ay lumapit ito sa akin at inilapag ang dala n’yang tray sa table na nasa harap ko.
“Randz…” tangi kong sambit at bumalik sa pagkakayuko habang hawak ang aking ulo.
“Nagdala ako ng pagkain mo. Kumain ka muna.” pag-alok n’ya sa akin.
“Ayos lang ako. Pwede bang magpakuha ka ng whiskey sa labas Randz? Mag-utos ka na lang d’yan sa waiter natin.” pakiusap ko sa kanya.
“Wala nang whiskey.” sagot n’ya naman sa akin at umupo sa sofa na malapit sa akin.
Napalingon ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Alam kong nagsisinungaling s’ya dahil hindi kami nauubusan ng stocks ng alak. Restaurant ang business ko kaya imposibleng mawalan kami nito.
“Then brandy kung walang whiskey.” walang gana kong pakiusap sa kanya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay na tiningnan ako.
“Will you stop it Xandz? Wala ka pang kain simula kagabi. Tapos ngayon pagkagising mo alak agad ang hahanapin mo?” simula ng panenermon n’ya.
“Wala akong ganang kumain.” sagot ko naman sa kanya at muli akong yumuko habang nakahawak sa aking ulo.
Saglit s’yang hindi nakaimik dahil sa sinabi ko. Mga ilang minuto pa ay nagbuntong hininga s’ya at mahinahong nagsalita.
“Xandz, siguro dapat mo nang pag-aralan kalimutan s’ya. Mahirap gawin pero ’yun ang pakiusap n’ya sa’yo kagabi. Simula ngayon itatrato ka na n’yang hindi kilala. Simula ngayon ay kakalimutan ka na n’ya.” mahinahon n’yang wika.
Nagsalubong ang mga kilay ko at tinitigan s’ya ng masama. Nakaramdam ako ng galit sa sinabi n’ya.
“Hindi ’yan totoo!” madiin kong wika sa kanya.
“Xandz, please? S’ya na mismo ang nakiusap sa’yo. Alam kong alam mo at narinig mo ang lahat ng sinabi n’ya kagabi. Please naman…” muli n’yang pakiusap.
Nangilid ang mga luha ko sa sinabi n’yang iyon. Ano mang oras ay alam kong papatak nanaman ang mga luha ko.
“Sinabi kong hindi ’yan totoo! Hindi ’yan sinabi ni Tom! Panaginip lang ’yon Randy! Hindi totoong nangyari ’yon!!” ang pasigaw kong sagot sa kanya.
Napatayo sa inis si Randy dahil sa pagsigaw ko sa kanya.
“Xander naman! Wake up! Hindi pa ba malinaw sa’yo na wala nang pag-asa sa inyo ni Tom?! Pagkabalik na pagkabalik ni Daniel, wala ka nang aasahan sa kanya! Magiging sila na! Ano pa ang aasahan mo?! Hindi ka ba napapagod?! Dalawang taon ka nang ganyan!! Dalawang taon ka nang umaasa!! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo!! Pinapaniwala mo na lang ang sarili mo na magkakaayos pa kayo!! When in fact, attached na rin s’ya sa kapatid mo!! Hindi n’ya na rin makakayang iwan si Daniel!!” sigaw n’ya rin sa akin habang dinuduro ako.
Dahil sa mga sinabi n’ya ay hindi ko napigil ang sarili ko. Agad akong napatayo at mahigpit s’yang hinawakan sa kanyang magkabilang kwelyo. Dahil sa naging pwersa ko ay naisandal ko s’ya sa pader habang hawak pa rin s’ya sa kanyang kwelyo.
“Sinabi nang hindi ’yan totoo!!! Hindi n’ya magagawa sa akin ’yon Randy!!!” sigaw ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat kay Randy dahil sa ginawa ko. Hindi s’ya nakapagsalita.
Mabilis na paghinga ang ginawa ko para huminahon bago ako muling nakapagsalita. Sa pagkakataong ito ay bahagyang kumalma na ako ngunit unti-unti na ring pumapatak ang mga luha ko.
“Hindi ’yan totoo Randz…. Please…. ’wag n’yong sabihin sa akin ang bagay na ’yan…. Hindi ko kaya…. hindi ko kayang mawala si Tom…. Nakikiusap ako… nagmamakaawa ako…. Ayokong malayo ulit sa kanya… parang awa n’yo na…” pagmamakaawa ko habang umiiyak.
Unti-unti ko na ring naluwagan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Randy. Dahan-dahan ay napaluhod ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Si Randy ay nanatiling nakatayo at naging mabilis na rin ang kanyang paghinga. Pinipigilan ang kanyang sarili na mapaiyak. Naaawa s’yang tinitingnan ako hanggang sa tuluyang makaluhod na ako sa sahig.
“Please Randy… tulungan n’yo ako…. Hindi naman ako humiling kahit minsan sa inyo ’di ba? Ngayon lang Randz… Please…? Ngayon lang… Please… Tulungan n’yo ako na ’wag malayo sa kanya… Nagmamakaawa ako…. Randy… nagmamakaawa ako… tulungan n’yo ako….” ang hirap na hirap kong pagsasalita dahil sa labis na pag-iyak.
Nakatingala ako kay Randy habang patuloy na nagmamakaawa. Pinagtiklop ko pa ang dalawa kong palad na tila ba nanalangin ako sa isang Diyos. Nakita kong naikagat ni Randy ang kanyang ibabang labi habang nangingilid ang kanyang mga luha at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin dahil nahihirapan s’yang tingnan ako sa kalagayan ko ngayon.
Ako si Xander na kilala nilang matigas at puno ng tiwala sa sarili ay nagmamakaawa sa kanila ngayon para tulungan akong ’wag mapalayo kay Tom. Pero wala na akong pakialam sa bagay na iyon. Kung ito lang ang tanging paraan para hindi tuluyang mapalayo kay Tom ay gagawin ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala na s’ya sa akin ng tuluyan.
“Please naman Randz… Kausapin mo naman kahit si Charm… baka may magawa s’ya para magbago ang isip ni Tom…. ’di ba… ’di ba mag-best friends sila…? Baka may maitulong s’ya…. Randy please….. nagmamakaawa ako…” muli kong pakiusap habang nakaluhod pa rin sa kanyang harapan.
Nakita kong pumatak ang mga luha ni Randy kahit sa ibang direksyon s’ya nakatingin. Agad din n’yang naihilamos ang kanyang palad para punasan ito.
“Nababaliw ka na Xander… nababaliw ka na…” sambit n’yang mahina at hindi na rin napigilan na masundan pa ang kanyang pagluha.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Itinuloy ko ang pagmamakaawa sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-agos ng aking mga luha.
“Randy…. ngayon lang ako hihiling sa inyo… tulungan n’yo ako…. pakiusap… kahit ito na ang una at huli… At ’pag naayos ko ito… kahit anong kapalit ang hingiin n’yo… gagawin ko… basta tulungan n’yo lang ako… Randz please….” pagmamakaawa kong muli.
Huminga ng malalim si Randy bago s’ya yumuko para makita n’ya ako. Patuloy pa rin s’ya sa pagluha habang awang-awa n’ya akong tiningnan.
“Xander naman… Bakit kailangan mong magpakababa ng ganyan…? Hindi ka ba napapagod…? Dalawang taon ka nang nahihirapan… Hindi na namin kayang makita kang ganyan…” wika n’yang mahinahon habang umiiyak.
Umiling-iling ako bago sumagot.
“Hindi Randz… Kahit kailan alam mong hindi ako mapapagod kay Tom.. S’ya lang Randz… s’ya lang ang lakas ko… Kaya pakiusap… tulungan n’yo ako…” sagot ko sa kanya.
Naikagat ni Randy ang kanyang ibabang labi at lumuhod na rin para magpantay kami. Dahan-dahan n’ya akong niyakap habang patuloy pa rin kami sa pag-iyak.
“S-sige… pero tulungan mo rin ang sarili mo Xandz… Magpakatatag ka… Gagawin namin ang makakaya namin para matulungan ka… Pero sana, matuto ka rin pag-aralan na mahalin ang sarili mo… Sobra-sobra na Xandz… Sobra-sobra na ang hirap mo… Hindi mo deserve ’to eh… hindi mo deserve ’to…” wika n’ya habang yakap ako.
Hindi ko na pinansin ang iba pa n’yang sinabi. Nang marinig ko ang sinabi n’yang tutulungan n’ya ako ay nakaramdam na ako ng saya. Agad ko s’yang nayakap ng mga oras na iyon.
“Salamat Randz…. salamat…” wika ko sa kanya.
…..end of flashback
At matapos ang araw na iyon ay agad na tumawag si Randy sa aming mga kaibigan. Maging sina Lojie at Olyn ay tinawagan n’ya rin. Sinabi rin n’ya kay Lojie na hindi muna ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko.
Masaya ako nang malaman kong willing makipagtulungan ang aming mga kaibigan dahil na rin sa pakiusap ko. Pinauwi muna ako ni Randy sa aking condo para makapagpahinga. Tinatawagan n’ya na lang ako sa tuwing may update.
Pero simula nang gumawa sila ng hakbang para matulungan ako ay wala pa rin nagiging magandang resulta. Ayaw man nila sabihin sa akin ng direkta ay nararamdaman kong hindi na talaga willing makipag-usap sa akin si Tom. Kahit ang mga kaibigan namin ay tila iniiwasan n’ya na rin. Noong una kasi ay nakokontak pa nila ito. Pero nang mga sumunod na araw ay tila ba naging mailap na ito.
Dahil sa mga bagay na iyon ay muli ko nanaman ibinalik ang sarili ko sa pag-iinom. Sa bawat araw na lumipas ay wala na rin tigil ang mga luha ko sa pag-agos. Hindi na rin ako nakakatulog ng maayos. Ang tanging nagiging pahinga ko na lamang ay ’pag malalasing na ako at agad na makakatulog.
Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Randy at ibinalita nitong nakausap n’ya ang pinsan kong si Lojie. Nakakuha raw ng impormasyon si Lojie kay Olyn na sasama raw si Tom sa gagawing team building ng company.
Dahil sa balitang iyon ay nabuhayan ako ng loob. May pagkakataon na akong makausap si Tom. May pagkakataon na kaming magkaharap muli.
Kahit maliit na lang ang pag-asang iyon ay hindi ko isusuko. Kahit isang porsyento na lang ang natitira ay ilalaban ko. Nakapagdesisyon na rin ako na aaktong walang naging masamang kaganapan sa pagitan namin ni Tom.
Eto na lang ang magagawa ko sa ngayon. Hindi nakagawa ng paraan ang mga kaibigan namin kaya ako na lang mismo sa sarili ko ang kikilos. Sarili ko lang ngayon ang maasahan ko kaya dapat ay magpakatatag ako sa maaaring mangyari.
Dumating ang araw ng team building ng company. Kaming mga nasa management ang naka-schedule ngayon at gaganapin ito sa bundok. Mountain climbing ang naisip na gagawin ni Ms. Jinny na assistant ko. S’ya ang nag-organize ng lahat dahil gusto n’ya rin daw na makasalamuha ko ang lahat ng head ng bawat department since ako ang bago nilang General Manager.
Narito kami sa coaster van ng company bilang service at hinihintay na lamang sina Tom at Olyn na hanggang ngayon ay wala pa.
Maaga ang call time at sinigurado kong makakasama ako. Alas singko ng umaga ang call time pero alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay narito na ako.
“Lojie, tawagan mo na kaya sina Olyn at Tom? Baka kasi maiwan sila, wala pa sila hanggang ngayon oh?” pakiusap ko kay Lojie dahil sa pag-aalala.
Nakaupo na kami sa loob ng van. Sa magkaibang side kami ng upuan ni Lojie. Bakante pa ang katabi n’yang upuan at ganoon din ang sa akin.
“Tigilan mo nga ako Alex! Si Olyn pwede ko pang tawagan! Pero ’yang si Tom? Neknek n’ya! Kung hindi s’ya makakasama, mas maganda! Naiirita ako sa kanya!” naiinis na sagot sa akin ni Lojie.
“Stop it Lojie!” may awtoridad kong pagsaway sa kanya.
Alam ni Lojie ang mga nangyari kaya ganito s’ya ngayon. Alam kong nagagalit s’ya kay Tom dahil na rin sa naging desisyon n’yang paglayo sa akin. Nakiusap na lang ako kay Lojie na pakisamahan pa rin si Tom ng maayos. Mabuti na lamang at takot sa akin itong pinsan kong ito kaya sinusunod ako. Sa totoo lang nga ay mas sinusunod ako nito kesa sa sarili n’yang mga magulang. Sa kamay ko na rin kasi lumaki si Lojie kahit na hindi masyadong nagkakalayo ang edad namin.
“Hay naku Alex! Pasalamat ka lang talaga at nakiusap ka sa akin! Dahil kung hindi lang ikaw ang usapin dito, baka ginamit ko kay Tom ang pagiging siraulo ko! Kilala mo ako! Alam mo ang kagaguhan ko sa buhay! Pasalamat ka lang talaga at ikaw ang humihingi ng pabor! Dahil kung hindi, baka sa ospital n’yo na lang matatagpuan ’yan si Tom!” mahaba n’yang pagsagot sa akin na halatang galit na galit.
“I said, stop it!” muli kong pagsaway sa kanya.
“Ewan ko sa’yo! Kesa isipin mo ’yang si Tom, try mo kayang matulog na lang habang naghihintay?! Tingnan mo nga ’yang sarili mo! Ang kapal na ng eyebags mo dahil sa kagagawan n’ya! Alam mo pa ba ang salitang tulog?!” muli n’yang sambit.
“Tumigil ka na sabi Lojie! Sinabi ko na sa’yo, walang kasalanan dito si Tom!” pagsaway ko nanaman sa kanya.
Pigil na pigil ako sa pagsigaw dahil baka marinig kami ng iba naming mga kasama dito.
Hindi na ito nagsalita at padabog na lamang na umayos ng pagkakaupo.
Ilang minuto pa ay dumating na rin sa wakas ang hinihintay ko.
“Good Morning Ma’am Jinny!” masiglang bati ni Olyn nang makaakyat sa coaster.
“Good Morning Ma’am Jinny. Sorry if we’re a bit late.” pagbati naman ni Tom.
“It’s okay. You came on time pa rin naman, nauna lang talaga kami.” sagot naman ni Ms. Jinny. “Okay since nandito na kayo, Ms. Castro sa tabi ka na ni Mr. Enriquez.” utos n’ya kay Olyn. “At ikaw naman Mr. Perez, sa tabi ka na ni Sir Xander.” utos n’ya naman kay Tom.
Nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko iyon. Parang lalabas na ang puso ko sa mga oras na ito. Ngayon na lang kami ulit magkikita matapos ang pangyayari sa restaurant ko sa The Fort.
Agad na sumunod sa sinabi ni Ms. Jinny ang dalawa. Ang ine-expect ko ay magkakaroon pa ng pag-aalinlangan si Tom dahil ako ang makakatabi n’ya, pero parang hindi naman s’ya apektado.
“Good Morning Sir Xander! Good Morning Sir Lojie!” masayang bati ni Olyn sa amin at agad din na umupo sa tabi ni Lojie.
Agad na akong nagbitaw ng malapad na ngiti kay Tom nang makalapit s’ya sa aming uupuan.
“Good Morning Tom!” masaya kong bati sa kanya.
Naghintay ako ng kahit na pagsulyap mula sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Agad s’yang umupo sa aking tabi at parang hindi ako nakita.
Ine-expect ko na rin naman ito pero masakit pa rin pala.
Hindi ako dapat magpaapekto. Simpleng bagay lang naman ito.
Nang makaupo ng tuluyan si Tom sa aking tabi ay masaya ko pa rin itong kinausap.
“Kamusta Tom? Ang tagal nating hindi nagkita ah?” nakangiti kong tanong sa kanya.
Sa halip na lingunin ako o sagutin man lang ako ay bumaling s’ya sa kabilang side kung saan nakaupo sina Olyn at Lojie.
“Olyn, gusto mo bang magpalit tayo ng upuan? Gusto ko kasi sa bintana maupo banda eh.” pakiusap n’ya kay Olyn.
Ako kasi ang nasa side ng bintana ng aming inuupuan. Si Olyn naman ay pinaupo ni Lojie sa bahaging iyon sa kanilang pwesto.
Hindi pa nakakasagot si Olyn ay sumabat na si Lojie.
“Are you kidding me Mr. Perez? Ni hindi mo nga kami binati na mga superior mo tapos ang lakas ng loob mong utusan ang gusto kong katabi na makipag-switch sa’yo ng upuan? Spell respect Mr. Perez?” sarkastikong wika ni Lojie.
“S-sorry Sir Lojie.” ang nahihiyang sambit ni Tom.
Si Olyn naman ay natahimik na lang dahil sa nangyari.
Tiningnan ko si Lojie at pinandilatan ito ng mata para sawayin sa ginawa kay Tom.
“Tss!” tanging reaksyon ni Lojie at muling ibinalik ang mata sa harapan.
Matapos iyon ay mabilis akong tumayo sa aking upuan.
“Tom, tayo na lang ang magpalit. Okay lang ako sa pwestong ’yan, dito ka na.” nakangiti kong alok sa kanya.
Hindi n’ya nanaman ako tiningnan. Umayos s’ya ng pagkakaupo at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Tila ba wala s’yang narinig sa mga sinabi ko. Tila ba wala ako sa tabi n’ya ngayon na nakatayo at naghihintay sa kanyang sagot.
Dahil sa pagtayo ko ay napatingin ang lahat ng mga kasama namin dito sa coaster. Alam kong narinig ng lahat ang pagsasalita ko dahil tahimik na ang lahat ng narito. Ang iba kasi ay mga inaantok pa dahil sa maagang call time kaya mas piniling manahimik muna.
Napahiya ako sa tagpong iyon dahil ang lahat ay nakatingin sa akin. Maging sina Olyn at Lojie ay nag-aabang din sa pagsagot ni Tom pero hindi iyon nangyari.
Dahan-dahan muli akong bumalik sa pagkakaupo nang hindi ako nakatanggap ng response kay Tom.
Hindi ko inaalis ang pagkakangiti ko. Ayaw kong makita ni Tom na naaapektuhan ako sa ginawa n’ya. Ayaw kong makahanap s’ya ng dahilan para lalo n’ya akong iwasan.
Kung kinakailangan kong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan ay gagawin ko. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga ginagawa ni Tom.
Kailangan kong tibayan ang loob ko.
Nagsimula na ang aming byahe patungo sa bundok kung saan kami aakyat.
Habang nasa biyahe ay naisipan kong alukin si Tom ng dala kong pagkain. Baka kasi hindi ito nakapag-almusal kanina. Balita ko kasi ay umalis na si Daniel at Papa Nate patungong Amerika kaya walang maghahanda para sa kanya.
“Tom, kumain ka na ba? Nagbreakfast ka ba kanina? Eto oh may dala akong pagkain. Ako nagluto nito, paborito mo ’to ’di ba?” pag-alok kong nakangiti habang binubuksan ang lunchbox na hinanda ko para sa kanya.
Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin lamang sa harap. Walang ekspresyon ang kanyang mukha.
“Baka busog ka pa. Sige, mamaya na lang. Sabihan mo na lang ako kung nagugutom ka na ha?” wika ko sa kanyang nakangiti habang sinasarado ang lunchbox.
Umayos ako ng pagkakaupo matapos maiayos ang lunchbox. Nagsimula akong magkwento sa kanya habang patuloy pa rin ang aming biyahe. Kahit natatakot ako sa kanyang walang ekspresyon na mukha ay nilakasan ko ang aking loob na harapin s’ya.
“First time mo bang aakyat ng bundok ngayon Tom? Ako kasi medyo sanay na. Alam mo naman ako, taong bundok.” pagsisimula ko ng usapan.
Sinubukan kong magpatawa.
Sinubukan ko rin magpakawala ng pekeng tawa habang nagkekwento kahit alam kong nagsisimula nanaman mangilid ang aking mga luha.
’Kaya mo ’yan Xander! Kaya mo ’yan! ’
pagpapalakas ko ng sariling loob.
Nagpatuloy ako sa pagkekwento kahit nagmumukha na akong tanga. Nakangiti pa rin ako at mabilis kong pinunasan ang gilid ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha.
“Nung college kasi kami nina Randy madalas namin itong ginagawa. Nakakatawa nga noon si Randy kasi takot na takot sa mga paniki! Akala mo mas malaki pa ang paniki sa kanya eh! Saka alam mo ba? May nangyari pa nung huli naming akyat. Naiwan kasi namin ’yung—–” ang napatigil kong pagkekwento sa kanya dahil bigla itong kumilos.
May kinuha ito sa kanyang bag na nasa kanyang tabi. Nang makita na ang kanyang hinahanap ay agad na bumalik s’ya sa pagkakaupo ng maayos.
Hawak n’ya ang kanyang headset at ikinabit iyon sa kanyang cellphone. Mabilis din n’yang inilagay ang mga ear piece sa kanyang tenga. Hindi pa rin s’ya nagsalita.
Itinuloy ko ang aking kwento kahit alam kong hindi n’ya na ako ngayon naririnig. Ngunit dahil nga sa nangyari ay hindi na kasing sigla ng una kong pagkekwento ang pagpapatuloy ko nito.
“N-naiwan kasi namin ’yung camp light namin…. W-wala tuloy kaming nagamit…. n-nung gabi…” ang pahina ng pahina kong boses sa pagkekwento.
Habang ipinagpapatuloy ko kasi ang aking pagkekwento ay ipinikit na rin ni Tom ang kanyang mga mata.
Napatitig na lang ako sa kanya ngayon. Gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako. Pero kinondisyon ko na rin ang sarili ko dito. Hinanda ko na ang sarili ko sa mangyayaring ganito.
Nang mapatingin ako sa gawi nina Lojie at Olyn ay nakita kong may awa sa kanilang mga tingin.
Nginitian ko naman sila ng maluwag. Nagpakawala pa ako ng mahinang tawa bago nagsalita.
“Baka inaantok lang s’ya. Hayaan muna natin makapagpahinga pa.” depensa ko kay Tom at nakangiti kong wika sa kanila ng medyo natatawa.
Nakita ko ang naiinis na mukha ni Lojie at napailing na lang. Si Olyn naman ay nakatingin pa rin sa akin ng may awa sa kanyang mga mata.
Umayos na lamang ako ng pagkakaupo. Sumandal ako sa aking upuan at ibinaling ang aking ulo sa bintana. Tinitingnan ang mga nadadaanan namin sa mga oras na ito.
Ngunit habang nasa ganoon akong posisyon ay hindi ko namalayan na may luha nanamang kumawala sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinunasan at para mapigilan ito ay ipinikit ko na lamang ang mga ito.
Mabuti na lamang at nakatulog ako habang nasa biyahe. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang mga pag-uga ni Lojie sa aking mga balikat.
“Nandito na tayo Alex. Tumayo ka na d’yan.” wika ni Lojie.
Nang lingunin ko ang aking tabi ay wala na doon si Tom.
“Si Tom?” taranta kong tanong kay Lojie.
Napailing ito na tila nagpipigil sa inis.
“Kanina pa bumaba kasama si Olyn! Tayo na lang ang nandito!” madiin n’yang sagot.
Hindi na lamang ako nagsalita at nagmadaling kumilos para kunin ang aking overhead bag.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar kung saan kami magsisimula.
Nang makumpleto kami ay nagsimula na ang briefing sa amin. Ilang paalala at kung ano-ano pa. Nagdasal din kami para sa kaligtasan ng lahat. Alam ko na ang mga bagay na ito dahil dati na akong umaakyat ng bundok kaya hindi na ako masyadong nagfocus.
Tanging kay Tom lang ako nakatutok habang nagpapaliwanag ang aming Guide. Ilang sandali pa bago kami umakyat ay nagsalita si Ms. Jinny.
“Company na ang nagprovide ng tent para sa lahat. Bawat isang tent ay dalawang tao. Kung sino man ang katabi n’yo kanina sa coaster ay s’ya na ring makakasama n’yo sa tent. Sa mga babae naman, kung ang katabi n’yo kanina ay lalaki, maghanap na kayo ng makakasama n’yong babae.” paliwanag ni Ms. Jinny.
Muli nanaman akong nakaramdam ng kaba dahil si Tom ang makakasama ko sa tent. Pero nang muli ko s’yang tingnan ay tila ba hindi pa rin s’ya apektado. Tahimik pa rin s’ya hanggang ngayon at hindi pa rin ako magawang sulyapan.
“Eh Ma’am Jinny, okay lang naman po kahit si Sir Lojie ang kasama ko sa tent. Wala naman pong malisya, promise!” ang biglang pagsabat ni Olyn.
“Kung wala naman problema kay Mr. Enriquez, then okay lang naman. Malalaki na kayo, alam n’yo na ang malaswa sa hinde.” sagot naman ni Ms. Jinny.
Nagtawanan naman ang aming mga kasama.
Ipinagpatuloy ni Ms. Jinny ang pagsasalita.
“Also, nadala n’yo ba ang assignment n’yo? Nasa memorandum ’yan na ibinaba. ’Yung mga bagay na mahalaga sa inyo at parte ng nakaraan n’yo, may nadala ba kayo? Kasi nasa activity ’yan mamayang gabi.” tanong n’ya sa amin.
“Yes Ma’am!” sagot naman ng lahat.
“Well then, let’s start.” wika ni Ms. Jinny.
At doon na nga kami nagsimulang umakyat. Sinadya kong mauna si Tom sa pag-akyat. Pumwesto ako sa kanyang likuran. Baka kasi first time n’ya ang ganito kaya dapat ay maalalayan ko s’ya.
“Tom, sundan lang natin ang trail para hindi tayo maligaw.” masiglang pagkausap ko sa kanya.
Muli ay hindi n’ya nanaman ako nilingon.
Huminga na lamang ako ng malalim dahil ’yon lang ang magagawa ko.
Nang dumating ang tanghalian ay huminto muna kami sa isang Base Camp. Dito humihinto ang lahat ng mga mountaineer kapag magpapahinga. May kanya-kanyang naka-assign sa mga dapat na gagawin. Magluluto kami at naghanda ng mapaglulutuan.
Naglakas nanaman ako ng loob na lapitan si Tom na naghuhugas ng bigas. Tinabihan ko s’ya sa pagkakaupo.
“Tom, gusto mo bang tulungan kita d’yan? Tapos na kasi ako sa ginagawa ko, pwede na ako tumulong sa iba.” alok ko sa kanya.
Pero muli ay hindi n’ya ako sinagot o nilingon at ipinagpatuloy pa rin ang kanyang ginagawa. Matapos n’yang gawin ang paghahanda ng sinaing ay iniwan n’ya rin agad ako sa pwesto namin.
’Kaya mo ’yan Xander… Kaya pa ‘yan..’
pagkumbinsi ko nanaman sa aking sarili.
Matapos ang aming lunch at saglit na pahinga ay nagsimula nanaman kaming umakyat. Kagaya pa rin noong una ay nasa likuran pa rin ako ni Tom.
Tanging likod n’ya lang ang nakikita ko. At ibayong lungkot pa rin ang nararamdaman ko.
Pero hindi ako susuko! Kaya ko ’to!
Kailangan kong magpakatatag dahil ito na lang ang natitirang pag-asa ko.
Matagal ang aming paglalakad o pag-akyat. Sa tuwing hihinto kami ay hindi ko kinakalimutan na alukin ng tubig si Tom dahil alam kong pagod na rin ito. Pero sa tuwing gagawin ko iyon ay parang hangin pa rin ako sa kanya na hindi n’ya nakikita. Mas gugustuhin n’ya pa na sa iba humingi ng tubig kahit nasa harap n’ya na ang ibinibigay ko.
Kahit sumusikip na ang dibdib ko ay hindi ko inaalis ang pagkakangiti ko.
’Ngiti lang Xander… Kaya mo ‘yan!’
pagkausap ko nanaman sa sarili kong isip.
Dumating ang hapon at isang oras na lang ay magdidilim na ang paligid kaya kinailangan na naming magset-up ng aming tent.
Ako na rin ang nagdala ng tent na gagamitin namin ni Tom na ibinigay sa amin bago pa kami umakyat.
Sinimulan ko nang i-assemble ito. Si Tom naman ay tumulong sa paghahanda ng mga kakainin namin ngayong hapunan.
Naging maayos naman ang lahat bago pa magdilim ang paligid. Natapos na rin kaming kumain at natapos na rin kaming magpahinga.
Sisimulan na namin ang sinasabing activity ngayong gabi. Sa gitna kung saan ang bakanteng lupa ng mga tinayuan naming tent ay may isang bonfire na kami rin ang nagtulong-tulong na maglagay. Umupo kaming lahat na nakapalibot sa bonfire. Pinili kong sa opposite na bahagi ng pwesto ni Tom ako umupo para mas madali ko s’yang makita.
Nagsimula nang magpaliwanag si Ms. Jinny sa harap ng bonfire para sa aming gagawin.
“Guys, itong activity na ito ay para makatulong sa ating lahat. Alam naman natin na bawat isa sa atin ay may mga karanasan sa mga nakaraan natin. At para makapagsimula tayo sa hinaharap, dapat na natin tuluyang palayain ang sarili natin. O kaya naman ay may mga tao sa nakaraan natin na gusto na natin makalaya sa atin para naman sa ikatatahimik nila. Alin man doon sa dalawa.” umpisa n’yang paliwanag.
“Alam kong ang lahat sa inyo ay gugustuhin na makalaya na sa nakaraang iyon. At para makapagsimula tayo, kailangan natin bitawan ang mahalagang bagay na iyon. Bakit nga ba mahalagang bagay ang pinadadala ko sa inyo? Kasi kung nasa inyo pa ang mahalagang bagay na iyan ngunit ’yan naman ang dahilan kung bakit hindi kayo maka-move forward sa inyong mga buhay, mas makabubuting pakawalan na natin. Para ito sa ikaluluwag ng inyong kalooban. Para maharap n’yo na ng walang alinlangan ang hinaharap. Kailangan n’yo nang bitawan ang bagay na iyan.” sunod n’yang paliwanag.
Nakikinig naman kaming lahat sa kanyang mga sinasabi.
“Paano ba natin ito sisimulan? Simple lang, itatapon n’yo sa bonfire na ito ang mahalagang bagay na iyon. Isa-isa kayong magsasalita dito kung bakit mahalaga iyon sa inyo. At pagkatapos ng paliwanag n’yo, kailangan n’yong itapon sa bonfire na ito ang bagay na pinahahalagahan n’yo. And then, that’s it! Kailangan na nating magsimula sa ating hinaharap ng walang nagho-hold back sa atin.” ang huling bahagi ng kanyang paliwanag.
Kanya-kanyang reaksyon ang lahat ng naririto. Maging ako ay nabigla sa paliwanag n’yang iyon. Marami pa ang naging pagtatalo at katanungan. Pero dahil sa mga naging magandang paliwanag dito ni Ms. Jinny ay nakumbinse naman kaming lahat.
Nang tingnan ko naman si Tom ay tahimik pa rin ito. Hindi rin s’ya nag-react sa mga naging paliwanag kanina ni Ms. Jinny. Mukhang walang problema sa kanya ang bagay na iyon.
Sinimulan nang paikot ang activity. Lahat ay may pag-aalinlangan pa rin bago ilagay sa apoy ang mahalagang bagay sa kanilang buhay. Sino ba naman ang hindi kung ang isang mahalagang bagay sa buhay mo ay tuluyan mo nang susunugin sa apoy?
Dumating ang turn ni Lojie para magsalita. Pumunta s’ya sa gitna at tumayo sa tapat ng bonfire. May inilabas s’yang isang box na kasing laki ng lagayan ng cellphone kapag bagong bili ito. Binuksan n’ya ito at nagsimulang magsalita.
“Weird ba para dalhin ko ang box of condoms ko? Taena, hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang activity eh! Sayang kaya ang bili ko dito! Ang mahal-mahal pa naman nito tapos different flavors pa!” una n’yang paliwanag. Nagtawanan kaming lahat sa kanya. “Pero seriously, gusto ko na rin kasing magbago. Gusto ko nang pumasok sa isang serious relationship. Wala akong sineryoso na relasyon kaya kailangan kong simulan ito ngayon. Naisip ko kasi na kung puro ganito lang ako ay hindi ko rin makikita ang taong magmamahal sa akin ng totoo.” sunod n’yang paliwanag. “Pero hutaena, sayang talaga ’tong condoms ko!” hirit n’ya pa na ikinatawa naming lahat.
Matapos iyon ay walang alinlangan n’ya itong itinapon sa bonfire. Nagpalakpakan naman kaming lahat sa kanyang sinabi.
“Sir Lojie! ’Wag kang mag-alala, nandito pa naman ako oh! Wife material ako kung alam mo lang!” sigaw ni Olyn sa kanya.
“Tigilan mo nga ako Olyn! Hindi talaga ako tinitigasan sa’yo!” sagot naman ni Lojie kaya lalo kaming nagtawanan.
Sa pagkakataong ito ay turn naman ni Olyn. Pumwesto na rin s’ya sa tapat ng bonfire para magsalita. Nagulat kami nang lantaran n’yang itaas ang kanyang hawak na brief.
“Pakshet! Wooh! I can’t!” ang sigaw ni Olyn at niyakap ang hawak n’yang brief.
“Boo!! Pakawalan mo na ’yan!!” sigaw naman ng mga kasamahan namin.
Wala na nga nagawa si Olyn kundi ang tanggalin ito sa kanyang pagkakayakap. Nagsimula na rin s’yang magsalita habang malungkot ang ekspresyon.
“My Gahd baby! Mami-miss talaga kita…” pagkausap n’ya sa hawak n’yang brief. “Pero I have to let you go na talaga. Naisip ko na rin kasi na baka may sumpa kang brief ka kaya hindi na ako magkajowa!” sunod n’yang sambit na ikinatawa namin.
Naging seryoso s’ya sa pagkakataong ito at nagsimulang magpaliwanag.
“Nakakatawa ’di ba? Bakit nga ba brief ang dala ko ngayon? Brief kasi ’to ng dati kong boyfriend. Hindi po kami naghiwalay or nagkasawaan para sa kaalaman n’yo.” una n’yang sambit habang nakangiti ng malungkot. Nangingilid na rin ang kanyang mga luha ngayon. “Engaged na kami ng dati kong boyfriend. Malapit na dapat ang takdang kasal namin. Pero sa kasamaang palad, noong papunta s’ya sa work ko para sunduin ako, nasaksak s’ya dahil nanlaban s’ya sa gustong mang-holdap sa kanya.” sumunod n’yang sinabi at naglandas na rin ang kanyang mga luha.
Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Olyn. Masayahin s’yang tao at parang walang problema sa buhay. Hindi namin akalain na may pinagdaanan pala s’yang ganito kabigat na bagay. Nagpatuloy s’ya sa pagsasalita habang patuloy pa rin sa pagiyak. Muli n’yang niyakap ang brief na hawak n’ya.
“I’m sorry baby… Kailangan na kitang pakawalan… Alam kong masaya ka na d’yan sa langit… I-guide mo na lang ako ha? Mahal na mahal pa rin kita pero kailangan ko rin magsimula para sa sarili ko… Salamat sa masayang memories… Salamat sa pagmamahal… Paalam na…” wika n’yang umiiyak at unti-unting binitawan ang brief ng boyfriend n’ya sa apoy.
Nagpalakpakan kaming lahat sa kanya. Nakita kong ang iba pa naming mga kasama ay napaiyak sa nilahad ni Olyn. Nilapitan s’ya ni Lojie at mahigpit itong niyakap na kanya ring tinugunan.
“Tahan na Olyn…” wika ni Lojie habang hinahagod ang likod nito. “O sige na, papayag na akong matikman mo kahit isang beses lang…” sunod n’yang sinabi.
Alam kong pinapagaan lang ni Lojie ang pakiramdam ni Olyn sa mga oras na ito.
Bumitaw si Olyn sa pagkakayakap at pinunasan ang kanyang mga luha.
“Talaga Sir Lojie? Okay lang ba sa tent mamaya?” pilyang pagpatol n’ya kay Lojie.
“Eh paano ’yan? Naitapon ko na lahat ng condoms ko?” tanong naman ni Lojie.
“Ay shet! Sayang!” sagot naman ni Olyn habang nagpapadyak pa ng paa.
Dahil sa eksena nila ay naging magaan na ang atmosphere. Iba talaga ang tandem ng dalawang ito, masaya talaga silang kasama.
Dumating na ang turn para sa akin. Tumayo na rin ako sa harap ng bonfire at inilabas ang isang bracelet sa aking bulsa. Nagsimula na rin akong magsalita.
“Mahalaga ang bagay na ito sa akin dahil ito lang ang tanging ala-ala ko sa namayapa kong ama. Kagaya ni Olyn, nawalan din ako ng mahal sa buhay. Pero ang sa akin ay mas matagal nang panahon nangyari. Ibinigay n’ya ito sa Mommy ko bilang kanyang ala-ala.” saglit akong napatigil dahil sa naalala ko ang tunay kong ama. “Pero, hindi naman pala ako dapat malungkot. Dahil may stepdad ako na hindi naman ako itinuring na iba. Mahal ko silang pareho, pero ang stepdad ko kasi ang kasama ko ngayon. Besides, hindi naman ako malulungkot dahil may naiwan pa namang ala-ala ang tunay kong ama. Gamit ko pa rin naman ang apelyido n’ya.” dugtong ko na bahagyang natatawa.
Muli akong nagsalita para sa huling part ng gusto kong sabihin.
“Kaya Daddy kung nasaan ka man ngayon, salamat po. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako isisilang sa mundong ito. Hindi ko mararanasan ang magmahal at mahalin pabalik. Hindi ko masisilyan ang ganda ng mundo.” saglit akong tumigil sa pagsasalita at hinanap ng aking mata ang taong naging dahilan kung bakit naging maganda ang buhay ko.
Tiningnan ko si Tom, ngunit nang magtama ang aming mata ay malamig ang kanyang mga tinging ibinibigay sa akin.
Ipinagpatuloy ko ang huling bahagi ng aking sinasabi habang nakatingin ng tuwid kay Tom.
“Salamat Daddy dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makikilala ang taong kumukumpleto sa buhay ko. Ang taong nagbibigay ng kasiyahan na hinahanap ko.” huli kong bigkas habang nakatitig kay Tom.
At itinapon ko na rin sa apoy ang bracelet na ibinigay noon sa akin ng Daddy ko.
Matapos ng aking paglalahad ay may ilan pang sumunod na nagsalita sa unahan. Lahat ay naging emosyonal habang nagsasalita.
Dahil sa nangangawit na rin ako sa pagkakaupo ay minabuti kong tumayo muna pansamantala. Sumandal ako sa puno na nasa bahaging likuran ko. Hindi na rin ako makikita ng mga katabi ko sa pagkakaupo dahil nasa likuran na nila ako.
Ilang saglit pa ay pagkakataon na ni Tom para magsalita. Nakaramdam ako ng excitement dahil ngayon ko lang s’ya maririnig magsalita ng mahaba. Buong araw kasi s’yang tahimik lamang.
Nang makarating s’ya sa tapat ng bonfire ay nagulat ako nang sa pwesto ko s’ya humarap para magsalita. At ang mas nakakagulat ay nang titigan n’ya ako ng diretso sa mata.
Sa halip na ipakita ko ang pagtataka sa aking mukha ay pinili kong bigyan s’ya ng magandang ngiti. Ngunit sa likod ng mga ngiti kong iyon ay ang malakas na pagkabog ng aking puso.
Malalamig ang mga tingin n’yang ibinibigay sa akin. At ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng takot dahil sa pagkakatitig n’ya sa akin.
Inabangan ng lahat ang kanyang sasabihin. Maging ako ay nanatiling nakatingin lamang sa kanya habang nakangiti.
Ayaw kong ipakita sa kanya na kinakabahan na ako sa mga oras na ito.
Ilang saglit pa ay nagsalita s’ya ngunit diretso n’ya pa rin akong tinitingnan.
“Baka nagtataka kayo kung bakit wala akong hawak ngayon? ’Wag kayong mag-alala, nasa bulsa ko lang ang bagay na iyon.” una n’yang sambit ng seryoso at nakatingin sa akin.
Hinayaan namin s’yang ipagpatuloy ang kanyang sinasabi. Hindi ko pa rin tinatanggal ang aking pagkakangiti.
“Naging mahalagang bagay ito sa akin noon. Matagal ko nang tinanggal ito sa pagkakasuot, isang taon na ang nakakalipas. Ito ang naging dahilan ng paghihirap ko noon. At napagisip-isip ko na dapat ko nang kalimutan ang lahat sa nakaraan ko. Gusto ko nang magsimula kasama ang mga taong totoong nagmamahal sa akin. Gusto ko nang magsimulang mamuhay ng masaya kasama sila. Kaya simula ngayon, dito ko na tuluyang bibitawan ang bagay na ito.” sunod n’yang sinabi.
Habang sinasabi n’ya ang bagay na iyon ay hindi n’ya pinuputol ang malalamig n’yang tingin sa akin.
Dahil sa mga sinabi n’ya ay unti-unti nang nawawala ang pagkakangiti ko. Mas dumoble na rin ang kabang nararamdaman ko. Nakakaramdam na ako ng masamang pangyayari sa mga susunod.
Sunod na ginawa ni Tom ay kinuha ang bagay na kanyang tinutukoy mula sa kanyang bulsa. Inangat n’ya iyon sa harap naming lahat. At dahil sa akin s’ya nakatapat ay kitang-kita ko ang bagay na iyon.
Nanlaki ang aking mga mata nang makumpirma ko ang bagay na iyon. Tuluyan na ring nawala ang pagkakangiti ko. Ang mga luha kong pinipigilan simula pa nang magkita kaming muli ni Tom ay malapit na ring kumawala.
Ang kwintas na may nakasuot na singsing.
Ang kwintas na ibinigay ko sa kanya noong first monthsary namin.
Ang kwintas na mayroon kaming dalawa.
Ang singsing na nakasuot dito na may nakaukit na pangalan ko.
Ang kwintas na pareho sa akin at may nakaukit na pangalan n’ya, ngunit hindi ko kailanman tinanggal sa pagkakasuot.
Habang nakaangat ang kanyang kamay hawak ang kwintas na may singsing ay nakatingin s’ya sa akin ng diretso.
Dahil sa nakikita ko sa kanya ay hindi ko na napigil pa ang mga luha ko na pumatak mula sa mga mata ko.
Umiling-iling ako ng paulit-ulit habang lumuluha. Ipinarating ko sa kanya sa aking pag-iling na ’wag n’yang ituloy ang gagawin n’ya.
Kahit na umaagos na ang aking mga luha ay mukhang hindi naaapektuhan si Tom. Diretso pa rin itong nakatitig ng malamig sa akin.
Nagpatuloy s’ya sa kanyang mga sinasabi.
“Simula sa araw na ito, ang taong nagbigay sa akin ng bagay na ito ay buburahin ko na sa buhay ko.”
“Simula sa araw na ito, isasabay ko sa pagkasunog ng bagay na ito ang lahat ng aming mga ala-ala.”
“Simula sa araw na ito, ituturing ko na s’yang hindi naging bahagi ng buhay ko.”
“At simula sa araw na ito, ituturing ko na s’yang patay na dapat nang mawala sa mundo ko.”
ang kanyang mga sinabi habang nakatitig sa akin.
Lalong nag-unahan ang mga luha ko sa mga narinig ko.
Muli akong umiling ng mas mabilis para pigilan s’ya sa kanyang gagawin. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang lumuluha at nagmamakaawa ang aking mga mata.
’Wag Tom…. ’Wag mong gawin ’yan… Pakiusap…. ’Wag mong ituloy…. Nagmamakaawa ako…. ‘wag….’
ang mga salitang ipinaparating ko sa kanya sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-iling.
Pero kahit anong pagmamakaawa ng aking tingin sa kanya ay hindi s’ya nagpakita ng pagkabahala.
Unti-unti ay humakbang s’ya palapit sa bonfire habang nakatingin pa rin sa akin.
At nang makarating s’ya sa tapat ng bonfire ay muli n’yang inangat ang kamay n’yang may hawak na kwintas naming dalawa.
At sa pag-angat n’ya ng kanyang mga kamay ay ang unti-unti n’yang pagbitaw sa kwintas naming dalawa.
Walang emosyon pa rin ang kanyang mukha. Walang awa akong nakikita.
Dahil sa nasaksihan ko ay unti-unti akong humakbang patalikod habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.
Dahan-dahan ako sa pag-atras hanggang sa lamunin ako ng dilim at makaalis sa lugar na iyon. Mula sa pag-atras ay napatakbo ako habang malakas na umiiyak.
Punong-puno ng kalungkutan ang puso ko. Ang natitirang maliit na pag-asa ko ay tuluyan nang naglaho. Tuluyan nang tinapos ni Tom ang lahat sa amin.
Nang makalayo sa lugar na iyon ay hindi ko alintana ang gubat na pinasukan ko. Hindi ko alintana kung madilim man dito. Hindi ko alintana kung may mababangis bang hayop ang maaaring umatake sa akin.
Naisip kong mas maganda na nga siguro kung atakihin na lang ako ng mga hayop na naroon dahil mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon.
Dahil sa pagod sa pagtakbo ay nanghina ako. Habang patuloy pa rin sa pagbubos ng luha ko ay napaluhod na lamang ako.
“Bakit Tom…? Bakit kailangan mong gawin ang bagay na ’to…?”
Pinukpok ko ng malakas at paulit-ulit ang dibdib ko.
“Ang sakit…. ang sakit-sakit….” sambit ko habang patuloy na sinusuntok ang dibdib ko.
“Bakit kailangang pati ang natitira kong pag-asa ay inalis mo…?”
mga salitang paulit-ulit kong sinasambit habang humahagulgol.
Tumingala ako sa langit at nagsalita.
“May naging malaking kasalanan po ba ako..? May sinuway po ba ako sa mga utos N’yo…? Wala naman po ’di ba? Bakit kailangan kong pagdaanan ang mga bagay na ito…?” mga katanungan ko.
“Hanggang kailan ko po ba dapat pagdusahan ang mga bagay na ito..? K-kasi…. kasi… p-parang hindi ko na po kaya…. pakiusap… sagutin n’yo ako… pakiusap….” muli kong sambit na nahihirapan nang magsalita.
“Napapagod na ako….”
“Pagod na pagod na ako….”
A/N
Tama na!!!! Ang sakit na sa dibdib!!!
Comments and votes please??? (sob)
Sana may napaiyak ako sa chapter na ito…
Salamat sa patuloy na pagbabasa.
––cold_deee
chapter 16 - tom collins
A/N
Waahh!! Excited ako sa chapter na ’to!!
Wala nang mahabang speech! Let’s proceed!
Enjoy reading guys!
––> si Xander po sa media
TOM POV
Masakit.
Nasasaktan ako.
Nahihirapan din ako.
Pero ito ang nararapat.
Ilang araw at linggo na ba akong ganito? Hindi ko na alam.
Ang akala ng iba ay gusto kong gawin ang mga bagay na ito. Sa tuwing makikita ko ang malungkot na ekspresyon ni Xander, sa bawat pagluha n’ya at sa bawat pagmamakaawa n’ya ay doble ang hatid na sakit nito sa akin.
Hindi ko naman gustong gawin ang mga bagay na ito. Pero wala akong ibang mapagpipilian dahil may isang taong mas masasaktan. May isang taong umaasa sa akin.
Si Daniel.
Si Daniel na walang ibang inisip kundi ang kapakanan ko. Si Daniel na mas piniling samahan ako sa pinakamasakit na bahagi ng buhay ko. Si Daniel na hindi ako iniwan. Si Daniel na matiyagang naghintay para sa akin.
Sa bawat araw na lumipas na nakakasama ko noon si Xander ay hindi ko namamalayan sa sarili kong unti-unti n’ya nang nawawasak ang pader na matagal kong itinayo para hindi na ako muli pang masaktan. Pero bago pa tuluyang mangyari ’yon ay kailangan ko nang pigilan ito.
Ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko nang maulit ang nangyari sa amin dalawang taon na ang nakakalipas.
Isa pa, hindi ko nga alam kung ano na ba ang estado nila ni Josephine. S’ya ang ina ni Carla at wala akong pinahahawakan sa kanya.
Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili ko na muling mahulog kay Xander lalo na at wala itong kasiguraduhan. Hindi naman siguro mali ang pinili kong desisyon dahil ayaw kong mas maraming tao pa ang masaktan. Tama na ang kami lang dalawa ni Xander.
Alam kong marami ang hindi nakakaintindi sa akin. Pero alam kong darating ang araw sa sasabihin nilang tama ang naging desisyon ko. Ayaw ko lang na mas marami pa ang magsakripisyo para lang sa kaligayahan ko.
Sa tuwing mapapag-isa ako ay doon ko ibinubuhos ang sakit na nararamdaman ko. Doon ko ibinubuhos ang mga luhang hindi ko mapakawalan dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Kung alam lang nila, hindi ko rin kayang tingnan si Xander na nasasaktan. Hindi ko rin kayang makita ang paghihirap n’ya.
Simula nang magdesisyon akong umiwas kay Xander ay nagsimula na rin ang aking kalungkutan. Sa bawat salitang binibitawan ko para lang hindi n’ya na ako kausapin ay parang may sibat ng tumatama sa dibdib ko. Lalong-lalo na noong magdesisyon akong tuluyan na s’yang kalimutan. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong namamatay. Pero dapat kong pigilan sa harap n’ya ang emosyon ko. Ayaw kong bigyan ng pag-asa si Xander dahil ayaw kong tuluyan pa s’yang umasa na magkakaayos pa kami. Mas makabubuti kung habang maaga pa lang ay matutunan n’ya na rin akong kalimutan.
Katulad na lamang ngayong gabi. Naganap ang pinakamahirap na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang kaisa-isang bagay na magpapaalala sa magandang pinagsamahan namin ni Xander ay tuluyan ko nang pinakawalan.
Hindi alam ng ilan kung gaano karaming lakas ng loob ang inipon ko para pakawalan ang bagay na iyon. Nang tuluyan ko itong itapon sa nagliliyab na apoy kasama ang ibang bagay na itinapon ng aming mga kasamahan.
Habang pinapanood ko ang pagluha ni Xander at sa pagbagsak ng kwintas na ibinigay n’ya sa akin ay ang paghihinagpis at pagiyak din ng puso ko. Halos ayaw ko ngang bitawan ang bagay na iyon, ngunit kailangan kong gawin dahil iyon ang alam kong nararapat.
Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi ko nagawang itapon ang kwintas na iyon. Kahit na isang taon na ang nakakalipas simula nang tanggalin ko iyon ay maingat ko pa rin itong itinago. Ngayon ay malinaw na ang lahat, hindi ko pa rin s’ya magawang pakawalan noon. Hindi ko pa rin pala s’ya kayang kalimutan hanggang sa makabalik ako.
Pero nakapagdesisyon na ako. Kailangan ko nang pakawalan ang nararamdaman ko para na rin sa seguridad ko. Para hindi ko na muling maranasan ang parehong sakit na naramdaman ko dalawang taon na ang nakakalipas.
Simula nang umalis si Xander kanina nang tuluyan ko nang pakawalan ang kwintas ay hindi pa rin s’ya nakakabalik. Nag-aalala na ako pero kailangan kong pigilan ang sarili ko na magpakita ng pag-aalala kahit hirap na hirap na ang kalooban ko.
Parang mababaliw na ako sa pag-iisip dahil sa labis na pag-aalala sa kanya.
“Nasaan ka na ba Xander?” mahina kong sambit.
Nakahiga na ako sa loob ng tent namin ni Xander sa mga oras na ito. Ang mga kasamahan naming umakyat dito ay nagpapahinga na rin. Pero ako, gising na gising pa rin dahil sa labis na pag-aalala.
Habang nasa ganoong tagpo ako ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng tent.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at sinilip ang labas. Nagbukas lamang ako ng kaunting espasyo mula sa zipper ng tent. Hindi naman ako mapapansin dahil nakapatay naman ang camp light dito sa loob ng tent kaya kahit anino ko ay hindi nila makikita.
Nakita ko sina Olyn at Sir Lojie sa labas. Ilang saglit pa ay ang unti-unting paglabas mula sa isang malaking puno ang kanina ko pa hinihintay.
Kahit madilim na ang paligid at tanging mga camp light na lang ang nagsisilbing liwanag sa labas ay kitang-kita ko ang namamagang mata ni Xander tanda ng kanyang pag-iyak.
Ganito rin ang napansin ko kanina nang muli kaming magkita sa van. Maitim ang palibot ng kanyang mga mata at mahahalatang walang nagiging sapat na tulog.
“Sir Xander, saan ka ba nagpunta? Grabe! Nag-alala kami sa’yo! Akala namin nilapa ka na ng wild animals dito!” alalang tanong ni Olyn dito.
“Jusko naman Alex! Papatayin mo ba kami sa kaba?! Tang*na naman! Ano na lang ang sasabihin ko kina Tita Mavel kung malaman nilang nawawala ka dito sa bundok?!” inis na tanong ni Sir Lojie ngunit makikitaan mo pa rin ng pag-aalala.
Hindi sila pinansin ni Xander at tahimik itong naglakad patungo sa pwesto kung saan ginanap ang activity namin kanina.
Ilang saglit pa ay lumapit ito sa kapapatay lamang na bonfire. Binuhusan namin ito ng tubig kanina para tuluyang mapatay ngunit malalaman mong may kaunting baga pa rin ang natitira dahil may usok pa akong nakikita hanggang ngayon.
Pagkaharap na pagkaharap n’ya sa kaninang bonfire ay yumuko ito. Tila ba may hinahanap dito. Nakatingin lamang sa kanya sina Olyn at Sir Lojie hanggang ngayon sa kanyang ginagawa.
Ilang saglit pa ay nanlaki ang mga mata ko nang isa-isa n’yang tanggalin ang mga sunog na kahoy at mga sunog na bagay mula sa nakapatay nang bonfire. Gamit lamang ang kanyang mga kamay ay isa-isa n’yang inaalis ang mga uling sa bonfire na iyon.
“Tang*na Alex! Ano bang ginagawa mo?!” ang tarantang tanong ni Sir Lojie at mabilis na pinigilan si Xander sa kanyang ginagawa.
Si Olyn naman ay kumilos na rin para hawakan ang isang braso ni Xander upang pigilan din ito.
“Sandali lang. ’Wag kayong magulo. Hindi pa nasusunog ang kwintas namin ni Tom.” ang sagot lamang ni Xander at tinanggal ang mga kamay nina Olyn at Sir Lojie sa kanyang mga braso.
Mabilis ang naging pagkilos ni Xander para balikan ang pagtanggal sa mga abo ng bonfire.
“Alex ano ba?! Itigil mo na ’yan!” pagsaway ni Sir Lojie at muli nanamang pinigilan si Xander sa braso.
“Sir Xander, tama na po…” pakiusap naman ni Olyn sa kanya at hinawakan s’yang muli sa braso. Hindi na rin napigilan ni Olyn ang mapaiyak dahil sa tagpong iyon.
“Ano ba?! Sinabi nang ’wag kayong magulo! Hahanapin ko ang kwintas ni Tom! Baka hanapin n’ya ’yon!” sagot naman ni Xander at marahas na nagpumiglas sa kanilang dalawa.
Dahil sa pwersahang pagtanggal ng kanyang braso kina Olyn at Sir Lojie ay natumba at napaupo silang tatlo.
Ngunit tila ba balewala lang iyon kay Xander. Muli s’yang tumayo at binalikan ang bonfire para halukayin itong muli. Si Olyn naman at Sir Lojie ay nanatiling nakaupo sa lupa at pinili na lamang na panoorin si Xander sa kanyang ginagawa.
“Sir Xander… tama na po…” ang pakiusap ni Olyn habang umiiyak.
“Pabayaan mo s’ya Olyn. Tanga na ’yan eh! Baliw na ’yan! Gustong-gusto na sinasaktan ang sarili!” ang madiin naman na sambit ni Sir Lojie ngunit hindi na rin napigilan ang sarili na mapaluha.
Wala na nga nagawa ang dalawa kundi ang panoorin sa ginagawa si Xander habang patuloy na umiiyak.
Nakita kong nakangiti si Xander habang patuloy na tinatanggal ang mga nasunog na bagay sa nakapatay nang bonfire. Kung pagmamasdan mo s’ya ay para na s’yang nasisiraan ngayon ng bait.
“Nandito lang ’yon eh. ’Di ba dito ’yon nalaglag ni Tom? Nakita n’yo ba kung saan banda?” mahinahon n’yang tanong sa dalawa habang nakangiti.
Hindi sumagot sina Olyn at Sir Lojie. Awang-awa silang pinapanood lamang si Xander sa ginagawa.
“Baka kasi hanapin bukas ni Tom. Ako na lang ang magbabalik sa kanya.” nakangiti pa ring sambit ni Xander.
Nagpatuloy lang s’ya sa kanyang ginagawa. Nakangiti s’ya ngayong mga oras na ito. Ngunit habang may ngiti sa kanyang mga labi ay ang unti-unti ring paglandas ng kanyang mga luha.
Dito na ako lalong nakaramdam ng sakit. Nahihirapan na akong huminga. Naitakip ko na lamang ang aking mga kamay sa aking bibig habang pinagmamasdan s’ya sa kanyang ginagawa.
At muli, naglandas nanaman ang mga luha ko dahil sa nasasaksihan ko. Pinigilan kong makagawa ng ingay dahil sa labis na pagiyak.
‘Tama na Xander… tama na….’
pakiusap ko sa kanya na hindi ko maisatinig.
Patuloy lamang ako sa pag-iyak habang nakatakip ang aking mga palad sa aking bibig. Hindi ko matagalan ang pagmamasid sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata habang patuloy ako sa pagluha. Nahihirapan akong tingnan s’ya.
“Nasan ka na ba? Magpakita ka na naman oh…” narinig kong sambit ni Xander habang patuloy pa rin sa paghahanap ng kwintas.
Lalo akong napaiyak sa tagpong iyon. Gusto ko nang lumabas dito sa loob ng tent at tumakbo para yakapin si Xander. Gusto ko s’yang patigilin na sa kanyang mga ginagawa.
Hindi n’ya alintana kung may mga natitira pang baga mula sa bonfire. Hindi n’ya alintana ang paso sa balat sakaling mahawakan n’ya ang natitira pang mga baga.
Muli kong iminulat ang aking mga mata. Nakikita ko silang tatlo sa labas na patuloy sa pag-iyak. Si Sir Lojie at Olyn na pinapanood lamang si Xander na patuloy sa paghahanap. At si Xander na nakangiti ngunit patuloy ang mga luhang naglalandas mula sa kanyang mga mata.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napatigil si Xander sa pagtanggal ng mga nasunog na bagay sa bonfire.
“Ayun! Nakita ko na!” masayang sambit ni Xander.
Inangat n’ya ang kanyang kamay at nakita kong hawak n’ya na ang kwintas na itinapon ko kanina.
“Hay! Akala ko matutunaw ka na ng apoy eh! Pero mabuti na lang at matatag ka! Buti na lang hindi ka basta-basta natutunaw!” masaya n’ya pa ring sambit habang may mga luha.
Kitang-kita ko ang mga kamay ni Xander na maitim na dahil puro na ito uling ngayon. Ganoon din ang kwintas na iba na rin ang kulay ngayon. Naglaho na ang dati nitong kinang, wala na ang dati n’yang ganda.
“Huhugasan na lang kita… Madumi ka na ngayon oh… Baka magalit si Tom ’pag nakita kang ganyan…” pagkausap n’ya sa kwintas habang nakangiti at umiiyak.
Ilang sandali pa ay tumayo s’ya at naglakad patungo sa bahagi ng isang malaking bato. Medyo malayo iyon sa pwesto nina Olyn at Sir Lojie. Agad din s’yang umupo doon at tahimik lamang habang hawak pa rin ang kwintas. Ako naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang nakatingin sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tumayo na si Sir Lojie mula sa pagkakaupo.
“Olyn, tara na sa tent. Pumasok na tayo.” ang pagyaya ni Sir Lojie kay Olyn at hinawakan sa kamay si Olyn nang tuluyang makatayo.
“P-pero si Sir Xander….” ang sambit ni Olyn dahil sa pag-aalala.
“Kilala ko ’yan. Nakuha na n’ya ang gusto n’ya kaya mamaya lang magpapahinga na ’yan. Hayaan muna natin s’yang mapag-isa.” wika naman ni Sir Lojie.
Kahit may pag-aalinlangan ay unti-unti na ring sumunod si Olyn sa kanya. Pinunasan na rin ang kanilang mga luha bagamat may ilan pa ring kumakawala sa kanilang mga mata.
Nang tuluyan na silang makatayo ay naglakad na rin sila patungo sa kanilang tent. Bago pa makarating sa itinayo nilang tent ay madadaanan nila ang aming tent ni Xander.
Nang nasa may tapat na sila ng tinataguan kong tent ay nagulat ako nang biglang huminto dito si Sir Lojie dahilan para mapatigil din sa paglalakad si Olyn.
Tiningala ko si Sir Lojie at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Nakatingin s’ya sa akin habang patuloy pa rin kami sa pagiyak.
Nagsimula s’yang magsalita.
“Masaya ka na ba?” una n’yang tanong sa akin.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Naikagat ko na lang ang ibabang labi ko habang patuloy pa rin sa pagluha.
“Masaya ka na ba na nakikita s’yang ganyan? Masaya ka na ba na makitang miserable s’ya? Dalawang taon ’yan Tom… Dalawang taon na s’yang ganyan… Dalawang taon mo na s’yang pinahihirapan… Dalawang taon mo nang pinahihirapan ang pinsan ko…” sunod n’yang sambit at muling naglandas ang masagana n’yang mga luha.
“A-anong ibig mong… s-sabihin..?” ang naguguluhan kong tanong sa kanya ng mahina.
Hindi s’ya sumagot. Nilingon n’ya si Olyn at nagsalita.
“Tara na Olyn. Magpahinga na tayo.” tangi n’yang bigkas at tuluyan na silang umalis sa aking harapan.
Wala na nga akong nagawa. Tanging impit na pagiyak lamang ang nagagawa ko ngayon. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Xander na tahimik pa ring nakaupo sa malaking bato.
Tulala lamang s’yang nakatingin sa kawalan. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat. Nagsimula nanaman s’yang umiyak habang nakatitig na ngayon sa hawak n’yang kwintas.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko sa kanya. Unti-unti ay bumalik ako sa pagkakahiga habang patuloy pa rin sa pagiyak.
“Bakit ba kailangan laging may masasaktan?”
“Nahihirapan akong makita kang ganyan Xander…. Habang nahihirapan ka, nahihirapan lang ako lalo…”
mga salitang sinasabi ko ng mahina habang patuloy sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ganoong posisyon. Tatlumpong minuto? Isang oras? Hindi ko na alam. Patuloy lamang sa pagluha habang nakahiga ng patagilid. Nakatalikod sa pintuan ng tent.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahihinang yapak papunta sa tent namin ni Xander. Dahan-dahan ay naramdaman ko ang pagbukas ng zipper ng tent. Alam kong si Xander iyon, ngunit hindi ko nagawang lumingon. Kailangan kong panindigan ang mga binitiwan kong salita sa kanya. Kailangan kong ipagpatuloy ang pagkukunwari ko kahit hirap na hirap na ako.
Tahimik s’yang pumasok hanggang sa maramdaman kong humiga na rin s’ya.
Pinigilan kong makagawa ng ingay habang patuloy pa rin sa pagluha ng aking mga mata.
Ilang saglit pa ay bigla s’yang nagsalita ng mahina.
“Master… nakatulog ka na ba…?” tanong n’yang pabulong.
Hindi ako sumagot. Hindi rin ako gumalaw. Nagpanggap akong natutulog.
“Oo nga pala, nakita ko na ang kwintas… Sa akin muna ito ha..? Ako muna ang magtatago… Baka kasi mawala mo ulit… Sana… sana isang araw bawiin mo ulit ito sa akin… sana hindi mo na mabitawan sa susunod…” pagkausap n’ya sa akin.
Alam kong umiiyak pa rin s’ya hanggang ngayon kaya mas lalo akong nasasaktan. Idagdag mo pa ang kanyang mga salitang binibigkas.
Itinuloy ko pa rin ang pagpapanggap na tulog.
“Hahayaan muna kita sa ngayon… pero pakiusap… ’wag mo naman akong ipagtabuyan… Pakiusap… ’wag mo naman akong palayuin sa’yo… nakikiusap ako… Nahihirapan na kasi ako…” muli n’yang sambit.
Nanatili akong walang imik at hindi gumagalaw. Tanging pagluha lang ang nagawa ko.
Alam kong nahihirapan na s’ya. Pero maging ako ay nahihirapan na rin.
Hindi na s’ya muli pang nagsalita. Ngunit dinig na dinig ko ang mga paghikbi n’ya dahil sa katahimikan ng gabi.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising kahit dalawang oras lang yata ang tulog ko. Hinintay ko kasi si Xander na mapatigil sa pag-iyak. Hinintay ko s’yang tuluyang makatulog.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang nahihimbing na si Xander. Magkatapat ang aming mukha. Kitang-kita ko ang namumugto n’yang mga mata kahit na nakapikit dahil sa labis na pagiyak.
Nakadapa s’yang natutulog ngayon at magkatapat ang aming mukha. Ngunit sa pagitan ng aming mga mukha ay nakalapag ang kanyang kamay. Kitang-kita ko ang mga paso na nakuha n’ya sa paghalukay ng abo mula sa bonfire kagabi.
Ilang minuto ko lang s’yang tinitigan. At dahil sa mga nakita kong paso sa kanyang kamay ay hindi ko nanaman napigilan ang mga luha kong dumaloy sa aking mga mata.
Dahan-dahan din ay hindi ko napigilan ang sarili kong iangat ang aking kamay para ipatong iyon sa kamay ni Xander na may mga paso.
‘Hanggang kailan mo gagawin ito Xander?’
‘Ayaw kitang makitang ganyan..’
pagkausap ko sa kanya sa aking isipan habang patuloy ang aking pagluha.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bahagyang kumalma na ako. Nagdesisyon akong ipagpatuloy ang pagkukunwari.
Nag-asikaso na ako ng aking sarili at iniwan si Xander na natutulog pa rin hanggang ngayon. Sa base camp na aming tinigilan ay may malapit na falls at doon kaming lahat naligo. Kung normal lang sana ang lahat ngayon ay marahil ilang beses ko nang pinuri ang ganda ng falls na iyon. Ngunit hindi ko magawa dahil sa kalungkutang nararamdaman ko.
Hindi ko kasabay si Olyn ngayon dahil sumama s’ya sa mga babaeng kasama rin namin para maligo. Hindi ko rin nakita si Sir Lojie at alam kong hindi s’ya sa akin sasama kung saka-sakali dahil galit ito sa akin. Kaya wala akong mapagpipilian kundi ang gumalaw mag-isa.
Dahil sa mga nangyari kagabi ay matagal ang mga pagkilos ko. Kung minsan ay natutulala pa ako dahil sa labis na pag-iisip.
Matapos kong maligo ay bumalik ako ng aming base camp para naman maghanda na sa pagpapatuloy ng aming pag-akyat. Sumabay na rin akong mag-almusal kanina sa mga naunang magising bago pa ako magpunta ng falls.
Nang makarating ako sa aming base camp ay bahagya pa akong nagulat dahil wala nang nakatayong mga tent. Lahat pala ay gising na at nakapagligpit na rin.
Habang naglalakad ako patungo sa base camp ay nakita kong papunta rin sa pinanggalingan ko sina Xander at Sir Lojie. Mukhang maliligo na rin silang dalawa ngayon.
Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung paano nanaman ako magkukunwari sa harap ni Xander.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad at yumuko na lamang ako para hindi magtama ang aming mga mata.
Ngunit laking gulat ko nang magkasalubungan kami ay dire-diretso lamang sila ni Sir Lojie na parang hindi nila ako nakita.
Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Dahil ang inaasahan ko ay kukulitin n’ya nanaman ako.
“Baka hindi lang ako napansin.” wika ko sa aking sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na rin sina Xander at Sir Lojie. Kumpleto na kaming lahat dito sa base camp at kasalukuyang nagpapaliwanag ang aming guide. At simula nang makabalik sina Xander at Sir Lojie ay hindi pa ako tinatapunan ng tingin ni Xander hanggang ngayon. Malayo ang kanyang tingin at hindi nakikinig sa mga paliwanag ng guide.
Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit parang hinahanap-hanap ko ang pakikipag-usap n’ya sa akin. Hindi ko maintindihan pero bakit nasasaktan ako? Hindi n’ya ako kinausap o tiningnan man lang kahit isang beses simula nang gumising kami. Ni hindi n’ya rin ako kinausap kahit isang beses.
“Okay! So guys, by partner tayo ngayon. Ganon pa rin, kung sino ang kasama n’yo sa tent kagabi ay s’ya na rin ang makakapartner n’yo sa pag-akyat. Sabay-sabay pa rin naman tayong aakyat, pero gagawin nating by pair para matulungan n’yo ang isa’t-isa. Hindi n’yo dapat iwan ang partner n’yo, nagkakaintindihan ba tayo? ’Pag nakarating na tayo sa taas at oras na para bumaba, magpapalit naman tayo ng partners. Bawat base camp na hihintuan natin sa pagbaba ay magpapalit tayo ng partners. Bakit? Para makilala n’yo ang isa’t-isa. Makakatulong ito sa atin para mas maganda ang samahan natin sa trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?” ang mahabang paliwanag ni Ms. Jinny.
“Yes Ma’am!” sagot naman naming lahat.
“Okay, then let’s start! Mag-iingat ang lahat!” ang huling sinabi ni Ma’am Jinny.
Ang ine-expect ko ay susunduin ako ni Xander sa inuupuan ko para yayain nang simulan ang pag-akyat. Ngunit nang makarating ito sa aking pwesto ay nilampasan n’ya lamang ako.
Muli ko nanamang naramdaman ang sakit sa aking dibdib.
Ganito ba ang pakiramdam n’ya sa tuwing ginagawa ko ito sa kanya? Ang sakit pala. Paano n’ya ako nagagawang paulit-ulit na kausapin pa rin sa kabila ng pambabalewala ko sa presensya n’ya?
Wala na nga akong nagawa kundi ang tumayo na lamang at tahimik na sumunod sa kanya.
Habang naglalakad ay tahimik pa rin s’ya at nanatiling matamlay. Nakakapanibago dahil nasa unahan ko s’ya ngayon samantalang kahapon ay nararamdaman kong inaalalayan n’ya ako sa likod.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa mga oras na ito. Hindi ba’t ito ang gusto ko? Ang hindi n’ya na ako kakausapin at magtuturingan na lamang kaming hindi magkakilala?
Mahigit yata dalawang oras na kaming naglalakad ngunit hindi n’ya pa rin ako magawang lingunin sa mga oras na ito.
Nakikita kong malalim ang kanyang iniisip at tulala lamang habang sinusundan ang trail na aming nilalakaran. Nakikita kong malungkot ang kanyang ekspresyon.
Ang aming mga kasama ay nauna nang makaakyat dahil naging mabagal ang mga paghakbang namin ni Xander. Kami na lang ang naiwan sa likod sa mga oras na ito.
Ilang saglit pa ay huminto s’ya sa isang puno sa gilid ng aming dinadaanan at umupo sa mga ugat nito. Napahinto din ako sa pagsunod sa kanya dahil sa pagtigil n’ya.
Kinuha n’ya ang kanyang tubig at ininom ito. Nanatili naman akong nakatingin lamang sa kanya. Ilang sandali pa ay yumuko ito at nagsimula nanamang matulala.
Naghintay ako na magsalita s’ya ngunit nanatili lamang s’yang nakayuko at tulala. Malalim ang kanyang iniisip kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
Ilang sandali pa ay nakaisip ako ng paraan para maipagpatuloy na namin ang aming pag-akyat. Humakbang ako at akmang lalampasan ko na sana s’ya nang bigla s’yang magsalita.
“Bakit ba ang damot mo Tom?” mahina at malungkot n’yang tanong.
Nasa gilid ko s’ya ngayon at nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakayuko pa rin s’ya.
Hindi ko s’ya sinagot. Nagsimula nanaman akong humakbang para lampasan sana s’ya nang muli nanaman s’yang magsalita.
“Dalawang taon Tom. Dalawang taon kitang hinintay para magpaliwanag pero hindi mo ako binigyan ng pagkakaton.” wika n’yang muli.
“Sundan na natin ang iba.” malamig kong sagot sa kanya nang hindi s’ya nililingon.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinausap ko s’ya simula nang aming muling pagkikita.
“Tapos inalok mo ako ng pagiging magkaibigan. Kahit nasaktan ako, tinanggap ko pa rin. Kasi inintindi kita. Naisip kong baka kapag magkaibigan na tayo ay may pagkakataon din akong makapagpaliwanag. Pero bakit binawi mo naman ang pagiging magkaibigan natin?” mahaba n’yang wika.
Sa pagkakataong ito ay unti-unti ko na s’yang nilingon.
“Tumigil ka na.” matigas kong pagsasalita sa kanya.
“Ang damot mo Tom. Ang damot-damot mo.” muli n’yang sambit ng malungkot.
Dito na ako naubusan ng pasensya.
“Sinabi kong tumigil ka na!!” sigaw ko sa kanya.
Hindi naman s’ya nagulat sa pagsigaw ko. Inangat n’ya ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko at tumingin ng diretso sa kawalan. Ang layo ng nararating ng kanyang mga malulungkot na mata.
Nakita kong napangiti s’ya ng mapait at bahagyang natawa bago nagsalita ngunit hindi n’ya ako nagawang tingnan.
“Alam mo ba ang iniisip ko simula nang magising ako kaninang umaga? Naisip kong wala nang halaga kung magpapaliwanag pa ako sa’yo. Kasi ipinagdamot mo na rin naman kahit ang pagkakataon na maging kaibigan mo.” muli n’yang wika.
Nagkunwari akong natatawa sa mga sinabi n’ya.
“Matagal ko nang sinabi Xander, hindi ko kailanman pakikinggan ang paliwanag mo. Nangyari na ’yon, wala nang magbabago doon.” wika kong nakangisi.
Sa pagkakataong ito ay nilingon n’ya na ako. Nakakatakot ang mga tingin n’yang ipinupukol sa akin ngunit tinapatan ko iyon. Hindi ako nagpatinag at tinitigan din s’ya ng masama.
“Ano bang alam mo? Ano bang alam mo sa totoong nangyari?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy s’ya. Sa pagkakataong ito ay sinabayan na ng masama n’yang mga titig ang pagsigaw.
“Wala kang alam ’di ba?! Kasi ’yang nararamdaman mo lang ang inisip mo! Pero ako?! Tinanong mo ba kung anong nararamdaman ko?! Tinanong mo ba kung kamusta ang p*tang inang nararamdaman ko?!” tanong n’ya sa akin ng pasigaw.
Dahil sa ginawa n’yang pagsigaw ay hindi ko na rin napigilan ang mapasigaw sa kanya.
“Sinaktan mo na ako!! Itinapon na parang basura at binalewala!! Tapos gusto mo kamustahin ko pa ’yang nararamdaman mo?!” tanong ko sa kanyang pasigaw.
“Oo! Gusto kong malaman mo!! Gusto ko ring malaman mo kung anong dahilan ng paglayo ko noon sa’yo!!” sagot n’ya sa akin ng pasigaw pa rin.
Dahil tuluyan nang naubos ang pasensya ko sa kanya ay hindi ko sinasadyang maibigkas ang mga salitang hindi dapat lumabas sa bibig ko.
“At sa tingin mo may magbabago pa Xander kung marinig ko pa ang paliwanag mo?! Wala ka nang aasahan sa akin!! Dahil pagbalik na pagbalik ni Daniel, burado ka na sa buhay ko!! Hindi ko nga malaman sa’yo kung bakit umaasa ka pa ng ganyan eh!! Ikaw na basta na lang ako iniwan at ibinasura, hihingi pa ng pagkakataon ngayon?! Nand’yan si Daniel!! Si Daniel na hindi ako kailanman iniwan!! Nanatili s’ya sa buhay ko!! Nanatili s’ya sa tabi ko nang sirain mo ang buhay ko!! Kaya masisisi mo ba ako kung si Daniel ang piliin ko?!!” mahaba kong panunumbat sa kanya.
Nakita ako ang mabilis na pag-agos ng kanyang mga luha dahil sa mga sinabi ko. Alam kong nasaktan s’ya sa mga salitang binitawan ko.
Nang magsalita s’yang muli ay mahinahon na s’ya ngunit nanginginig ang kanyang mga labing magsalita.
“Prinotektahan kita Tom… Akala mo ba ikaw lang ang nagsakripisyo..? Akala mo ba si Daniel lang tumulong sa’yo…? Ako Tom… ako ang mas malaki ang sinakripisyo dahil hindi lang kaligayahan ko ang sinakripisyo ko… Sinakripisyo ko ang relasyon natin… sinakripisyo ko maski ang buhay ko…” mga salita n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Nabigla ako sa kanyang mga sinabi dahilan para matigilan ako. Kitang-kita ko ang paghihirap ni Xander nang sabihin n’ya ang mga salitang iyon. Humagulgol s’ya dahil sa paghihirap ng kalooban n’ya ngayon.
“Kung alam mo lang kung gaano ako naguguluhan noon… Kung alam mo lang kung paano ko hinahanapan ng paraan para hindi ka mawala sa akin… kung paano ko iniisip ang kaligtasan mo at ng pamilya mo… halos mabaliw ako noon Tom alam mo ba..? Wala akong makapitan at makausap nang mga oras na iyon…” wika n’ya pa rin habang umiiyak.
Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa labis na pagkabigla. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabibin o itanong sa kanya.
“Matalino akong tao Tom… Kaya nga naging successful businessman ako ’di ba..? Pero pagdating sa’yo..? Nagiging bobo ako… Nawawala ako sa sarili ko… Nagiging tanga ako… Hindi ako makahanap ng paraan para mailayo ka sa kapahamakan… Kasi… kasi… hindi ko kayang mawala ka sa akin habang buhay… Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang mawala ka sa akin ng tuluyan…. Mahal na mahal kita Tom kaya lahat gagawin ko para mailigtas ka… kahit ang malayo ka pa sa akin ay titiisin ko para lang masiguro ang kaligtasan mo… Ganon kita kamahal Tom… ganon kita kamahal…” mahaba n’yang wika sa pagitan ng paghikbi at pag-iyak.
Dahil sa mga sinabi n’ya ay hindi ko na rin napigilan ang mga luha kong kumawala sa aking mga mata.
“A-anong ibig mong sabihin?” tanong kong naguguluhan habang umiiyak.
Huminga s’ya ng malalim para makapagpaliwanag ng maayos.
“Hindi ka ba nagtataka kung bakit biglang nagbalik si Papa Nate dito dalawang taon na ang nakakalipas? At kasabay ng pagbabalik n’ya ay ang pagbabalik din ni Josephine sa buhay namin ng anak ko?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ako umimik at naghintay lamang sa mga susunod n’yang sasabihin.
“Naaalala mo ba Tom ang kwento ng Papa mo na nakulong s’ya sa ibang bansa? Naaalala mo ba na tumestigo s’ya laban sa mga totoong may sala sa dati n’yang pinapasukang kumpanya? Naaalala mo ba ang kwento n’ya na naipakulong n’ya ang mga taong ’yon? Isa sa mga taong iyon ang ama ni Josephine, Tom… At kaya bumalik dito si Josephine ay para kayo ang balikan… bilang paghihiganti sa nangyari sa ama n’ya… Sagad sa buto ang galit ng buong pamilya n’ya sa ama mo… Kaya para makaganti ay kayo ang naisip nilang balikan…” paliwanag n’ya habang patuloy pa rin sa pagpatak ng mga luha n’ya.
“H-hindi ’yan totoo.” madiin kong sagot sa kanya.
“Kailan ako nagsinungaling sa’yo Tom? Sagutin mo nga ako? Sige, paano mo maipaliliwanag na alam ko ang pilat sa balikat ni Papa Nate? Ang ama ni Josephine ang may gawa ng bagay na iyon. Kaya nilang ubusin ang pamilya mo dahil sa sobrang galit sa Papa mo. Kaya sa sobrang takot ni Papa Nate ay umuwi s’ya agad dito para kunin kayo at itago.” sagot n’ya sa akin.
Totoo ang sinabi ni Xander tungkol sa pilat sa balikat ni Papa. Kinuwento n’ya sa amin ang bagay na iyon noong nasa Amerika na kami ngunit hindi n’ya sinabi na ama ni Josephine ang may gawa noon.
“Nagsisinungaling ka!” sigaw ko sa kanya.
“Nagkita kami ni Papa Nate isang araw para pag-usapan ang bagay na iyon. Humingi s’ya sa akin ng tulong dahil alam n’yang nagkikita na kami ni Josephine. Gulong-gulo ako dahil buhay mo ang nakasalalay dito, buhay ng pamilya mo. Hindi ko alam kung paano ka mapoprotektahan noon. Ang tanging pumasok lang sa isip ko ay ilayo si Josephine sa’yo. Kaya kung saan-saan ko s’ya dinadala nang mga oras na iyon.” paliwanag n’yang mahinahon.
Hindi ako muling nakapagsalita at patuloy na lamang sa pag-agos ng aking mga luha.
“Ang bobo ng naisip kong paraan ’di ba…? Kasi nga hindi ako makaisip ng paraan… Ikaw kasi ang pinag-uusapan dito Tom eh… Ang buhay mo ang nakataya dito kaya takot na takot ako… Natatakot akong may mangyari sa’yo… Habang inilalayo ko si Josephine sa’yo, hindi ko namamalayan na napapalayo ka na rin pala sa akin… Nagulat na lang ako isang araw nang mabalitaan kong sasama ka na raw sa pag-alis ng pamilya mo… Ang sakit Tom… Para akong pinatay nang mga oras na ’yon… Para akong inagawan ng buhay nang mangyari ang bagay na ’yon…” sunod n’yang paliwanag at napahagulgol nanaman s’ya sa pag-iyak.
Matapos n’yang sabihin ang mga bagay na iyon ay napailing ako ng ilang beses habang umiiyak.
“Hindi totoo ’yang sinasabi mo… Hindi sa amin magagawa ni Papa ang magsinungaling…” wika ko habang umiiling.
“’Yan ang totoo Tom… Pero kaya n’ya lang nagawa ang bagay na ’yon ay dahil pamilya n’ya kayo… Natatakot din s’yang may mangyari sa inyo kaya hanggang ngayon ay hindi n’ya pa rin masabi sa’yo… Dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang problema n’ya… May banta pa rin hanggang ngayon sa buhay n’yo…” sagot n’ya sa akin.
“Sinabi nang hindi ’yan totoo!!! Nagsisinungaling ka!!!” sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
Ayaw ko nang marinig pa ang mga sasabihin n’ya. Ayaw kong maniwala na ganon kalaki ang sinakripisyo n’ya para lang sa pamilya ko. Ayaw kong maniwala na kinaya n’yang magtiis ng ganon katagal para lang sa kaligtasan ko.
Dahan-dahan akong umatras habang umiiyak. Bago pa makapagsalita si Xander ay mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Sa halip na sundan ko ang trail paakyat ng bundok ay sa ibang diresyon ako nagpunta.
“Tom!” ang pagtawag sa akin ni Xander.
“Tom!! Saan ka pupunta?!! Bumalik ka dito!!” sigaw pa n’yang muli.
Hindi ko s’ya nilingon at mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Alam kong sinusundan n’ya ako dahil paulit-ulit n’ya pa rin akong tinatawag.
“Tom bumalik ka dito!! Delikado d’yan!!” sigaw n’yang muli.
Tinungo ko ang isang matarik na bahagi ng gubat at patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit paminsan-minsan ay napapahawak ako sa lupa dahil nadudulas ako. Ang maling paghakbang lamang sa dinadaanan ko ngayon ay maaari kong ikapahamak. Maaari akong malaglag ano mang oras. Hindi ko alintana ang panganib ngayon. Magulong-magulo ang isip ko. Wala na rin tigil ang pagpatak ng mga luha ko.
‘Bakit Xander? Bakit kailangan mong magsakripisyo ng ganon?’
tanong ko sa aking isip.
“Tom!! Bumalik ka dito!! ’Wag kang pumunta d’yan!! Baka mapahamak ka!!” sigaw n’yang muli sa akin ngunit hindi ko pa rin pinansin.
Ilang saglit pa ay nagulat ako nang mag-ingay ang mga kahoy sa gubat at may mga nagliparang mga ibon na tila ba pinahihiwatig na nabulabog sila.
“Aaaahhhh!!!!”
Dahil sa naging pagsigaw ni Xander ay napatigil ako. Agad akong tumalikod para lingunin si Xander. Ngunit nang tingnan ko ang aking likuran ay wala na s’ya doon.
Binalot ako ng kaba dahil sa ibabang bahagi ng nilakaran namin ay nakita ko ang unti-unting paglaho ng katawan ni Xander. Nilamon s’ya pababa ng mga kahoy at damo na naroon.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nasaksihan ko. Mas lumakas na rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot.
“Xander?” ang mahina kong sambit.
Parang hindi pa ako makapaniwala na nangyari ang bagay na iyon. Natulala ako dahil nakita ko ang pagkahulog ni Xander.
“Hindi…”
“Hindi maaaring mangyari ’to…”
naibigkas kong mahina at ang luha ko ay mas lalong nag-unahan sa paglabas.
“Xander!!!!!!”
ang malakas kong pagtawag sa kanya.
Wala akong marinig na sagot mula sa kanya.
Natatakot ako.
Hindi pwedeng mangyari ’to.
Hindi pwedeng mawala si Xander.
Hindi ko kaya.
“Xander!!!”
ang muli kong pagsigaw sa kanya.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na inisip ang kapakanan ko. Habang patuloy akong lumuluha ay lakas loob akong bumaba mula sa kinalulugaran ko. Kahit nahihirapan ako sa pagbaba ay hindi ako nagkaroon ng pag-aalinlangan.
“Xander….”
paulit-ulit kong pagtawag sa kanya ng mahina habang pababa ng bundok.
Hindi s’ya pwedeng mawala.
Hindi n’ya ako pwedeng iwan.
Hindi ko na naiwasan na mag-isip na may nangyari nang masama sa kanya. At kahit ayaw kong isipin ay kusang pumapasok sa aking imahinasyon na maaaring mamatay si Xander dahil sa nangyari.
Lalo akong napapaiyak kapag naiisip ko ang bagay na iyon.
(a/n: baka po gusto n’yo lang i-play ang song na nasa media habang ipinapagpapatuloy ang pagbabasa.. para po ’yan sa mga susunod na tagpo..
song title: if ever you’re in my arms again.
salamat!)
Habang patuloy ako sa pagbaba sa bundok at patuloy din sa pag-agos ng mga luha ko ay may napatunayan ako sa sarili ko.
Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang mawala s’ya sa akin. Mahal na mahal ko pa rin s’ya.
Mahal na mahal ko pa rin si Xander.
Nakarating ako sa ibaba ng matarik na bahagi ng bundok. Umaasang naroon si Xander ngunit wala akong nakita.
Nagsimula akong maglakad ng maglakad para makakita ng bakas n’ya.
“Xander!!!”
ang pagtawag ko sa kanya habang umiiyak.
Matagal akong naghahanap sa kanya ngunit wala pa ring palantandaan n’ya hanggang ngayon.
Wala na rin tigil ang pag-agos ng luha ko dahil sa labis na takot.
“Xander!!! Nasa’n ka na???!!!”
“Please naman…. sumagot ka!!!”
“Xander!!! Magpakita ka na!!!”
ang walang tigil kong pagsigaw habang umiiyak.
Masakit na rin ang lalamunan ko dahil sa paulit-ulit na pagsigaw. Sinasabayan pa ito ng mga paghikbi kaya nahihirapan na rin akong huminga.
Pero wala akong balak sumuko. Kahit maubusan pa ako ng boses ay wala akong pakialam. Basta makita ko lang si Xander na ligtas. Kailangan ko s’yang makita.
“Xander…. hindi ko kayang mawala ka… pakiusap… magpakita ka na…” wika kong umiiyak habang naglalakad.
Hindi ako humihinto sa paglalakad. Patuloy pa rin ako sa paghahanap sa kanya habang umiiyak. Kahit ang uminom ng tubig ay hindi ko na magawa dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagnanais na makita s’ya sa mga oras na ito.
Matagal ang naging paghahanap ko. Nakalipas na rin ang tanghalian ngunit hindi ko ramdam ang gutom. At nakalipas na ang ilang oras sa paghahanap ay hindi pa rin ako natigil sa pag-iyak.
“Xander…”
paulit-ulit kong pagbigkas sa pangalan n’ya.
Umabot na ng hapon at ilang sandali pa lamang ay magdidilim na.
Nakakaramdam na ako ng takot. Pero ang takot na nararamdaman ko ay hindi dahil sa delikado ang gubat na nilalakaran ko. Natatakot ako dahil baka hindi ko na s’ya makita pa. Baka hindi ko na makita si Xander.
Ayaw kong mawalan ng pag-asa. Ayaw kong isuko ang paghahanap sa kanya.
Dahil sa kanina pa ako naglalakad at naghahanap sa kanya ay saglit akong huminto sa paglalakad. Hinihingal na rin kasi ako dahil patuloy lang ako sa pag-iyak habang naglalakad.
Sa gitna ng gubat ay mag-isa akong nakatayo habang patuloy na humihikbi at umiiyak.
“Xander…. bumalik ka na….”
“Kahit…. kahit hindi mo na ipaliwanag ang lahat…. katotohanan man ’yon o kasinungalingan… hindi na importante sa akin ’yon ngayon… basta bumalik ka lang…”
“Kasi…. k-kasi… hindi ko pala kayang mawala ka…. pakiusap…. bumalik ka na sa akin….”
mga sinasabi ko habang nakatayo at muli nanaman akong napaiyak dahil walang senyales na matatagpuan ko pa s’ya.
“Xander!!!!!”
ang pagsigaw ko nanaman sa pangalan n’ya.
Ilang beses ko pang isinigaw ang pangalan n’ya ngunit tanging tunog ng mga dahon lamang ang naririnig ko ngayon at mga tunog ng mga naglalabasan nang paniki sa mga oras na ito.
“Xander!!!!!”
sigaw kong muli habang umiiyak.
“Tom!!!”
ang narinig kong pagtawag sa pangalan ko.
Para akong natuklaw ng ahas nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Hindi agad ako nakagalaw.
Napatigil ako sa pag-iyak at mabilis na lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Nakita ko ang isang anino ng tao na papalapit sa kinatatayuan ko.
“Xander?” ang mahina kong sambit.
Nananaginip ba ako?
Please, sana totoo ang nakikita ko. Sana ay totoong si Xander nga ang nakikita kong naglalakad patungo sa akin.
Dahil sa pagkabigla ay natulala lamang ako sa kanya.
Nakatingin lamang ako sa kanya at napansin kong medyo nahihirapan ito sa kanyang paglalakad. Pero kahit nahihirapan s’ya sa bawat paghakbang ay hindi n’ya alintana iyon. Mabilis pa rin s’ya sa kanyang paglalakad.
Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay seryoso lamang din itong nakatingin sa akin. Salubong ang kanyang mga kilay na tinitingnan ako habang papalapit sa akin.
Hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko at nanatili akong walang imik dahil parang hindi pa rin ako makapaniwala na narito s’ya ngayon sa harap ko. Parang gusto ko nang matumba ngayong mga oras na ito dahil sa kaginhawaan ng pakiramdam ko.
Akala ko ay tuluyan ko na s’yang hindi makikita.
Mabilis ang kanyang paglalakad patungo sa akin. At nang tuluyan na s’yang makalapit sa kinatatayuan ko ay nagulat ako sa kanyang ginawa.
Mabilis n’yang inilagay ang kanyang isang kamay sa aking batok. Mabilis din n’ya akong hinatak papunta sa kanya at inilapat ang kanyang labi sa akin.
Hinalikan n’ya ako.
Mabilis lamang ang ginawa n’yang paghalik sa akin. At kasunod ng kanyang paghalik ay mabilis n’ya rin akong niyakap ng mahigpit.
Hindi pa rin ako nakapagsalita at nakagalaw dahil sa labis na pagkabigla. Nakakulong ako sa kanyang mga bisig nang biglang magsalita ito.
“God! Are you okay? Hindi ka ba nasaktan? Wala bang masakit sa’yo?” tanong n’ya sa akin na puno ng pag-aalala.
Dahil sa tanong n’yang iyon ay hindi ko na napigil pa ang sarili ko.
Umiyak nanaman akong muli ng malakas. Dahan-dahan din ay inangat ko ang mga kamay ko at mahigpit din s’yang niyakap.
Malakas ang mga pag-iyak ko habang mahigpit na nakayakap kay Xander.
“Ssshhh…. tahan na… ligtas ka na… ’Wag ka nang matakot…” muli n’yang sambit habang paulit-ulit na hinahagod ang likod ko.
Umiiyak ako dahil gusto kong itanong sa kanya kung bakit ako pa ngayon ang tinatanong n’ya kung nasaktan ba ako? Samantalang s’ya itong napahamak dahil sa katigasan ng ulo ko. Dahil sa pagmamatigas ko.
Bumitaw si Xander sa pagkakayakap sa akin kaya naluwagan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi at pinunasan ang mga luha na naglalandas dito.
“Tahan na… Nandito na ako… You’ll be fine… Okay?” malambing at puno ng pag-aalala n’yang sambit habang patuloy rin sa pagpunas ng luha ko sa pamamagitan ng kanyang mga palad.
Kahit patuloy ako sa pagluha ay dahan-dahan akong tumango sa kanya.
Kung kanina ay umiiyak ako dahil sa labis na kalungkutan, ngayon ay umiiyak na ako dahil sa labis na kaligayahan.
Dahil sa kasabikan na makita s’yang muli ay agad ko s’yang niyakap ng mahigpit. Mahigpit n’ya rin iyong tinugunan at dinama ang init ng katawan ng isa’t-isa. Ramdam na ramdam ko sa mga yakap n’yang iyon ang pagmamahal n’ya sa akin.
Wala na.
Nagawa na ni Xander.
Nagawa na n’yang tuluyang makapasok sa puso ko.
Nagawa na n’yang tuluyang masira ang pader sa pagitan namin na matagal kong itinayo.
S’ya lang.
Si Xander lang ang may kakayahang makapasok sa puso ko.
Wala nang iba.
S’ya lang.
A/N
Mmmm… What do you think of this chapter guys?
Comments and votes please???
Salamat sa patuloy na pagbabasa!
Labyu!
––cold_deee
chapter 17 - sex on the beach
A/N
Hello mahal kong readers!
Pasensya na sa title ng chapter na ito. Pero meron naman talagang cocktail na ganyan ’di ba? Anyway, base sa title I’m pretty sure may idea na kayo sa magaganap. Hahaha!
Excited much kaya simulan na!
Enjoy reading fellas!
––> si Tom po sa media
TOM POV
Sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan kasama ng nagkikislapang mga bituin.
Malapit sa isang payapang ilog na dumadaloy pababa mula sa bundok.
Dito ako dinala ni Xander para magpalipas ng gabi.
Napakaganda ng parte ng bundok na ito. Mababaw lamang ang ilog at malalaman mong napakalinis nito dahil kahit sa kadiliman ng gabi ay sinasalamin nito ang kagandahan ng buwan at bituin sa langit.
Sa tabi ng ilog ay nakaupo ako sa nakatumbang puno habang nasa tapat ng isang bonfire na si Xander din ang naglagay. Tanging bonfire lamang ang nagsisilbing ilaw namin ngayon dahil ang gagamitin sana naming camp light ay tuluyan nang naubusan ng baterya. Mabuti na lamang at bago pa iyon mangyari ay tapos na rin si Xander na itayo ang aming tent at nakagawa na rin s’ya ng bonfire.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na s’ya. Sa tuwing maiisip ko ang nangyari sa kanyang pagkakahulog ay binabalot pa rin ako ng takot. Akala ko ay tuluyan na s’yang mawawala sa akin.
At dahil sa pangyayaring iyon ay na-realize kong hindi ako mabubuhay nang wala s’ya. Na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin s’ya.
Tulala akong nakatingin lamang sa maliwanag na apoy mula sa bonfire.
Marami ang pumapasok sa isip ko. Hanggang ngayon kasi ay marami akong bagay na gusto pang malaman mula kay Xander.
Inutusan n’ya akong maupo muna dito habang s’ya naman ay abala sa pag-aayos sa loob ng tent. Kahit ilang beses akong nagpumilit kanina na tumulong sa pagtayo nito ay hindi n’ya pa rin ako pinayagan. Sinabihan n’ya lamang akong maligo sa malinaw na ilog habang naghahanda s’ya kanina ng aming makakain. Matapos kong maligo ay s’ya naman ang sumunod. At nang makapag-ayos na kami ng aming sarili ay s’ya pa rin ang naghanda ng aming kakainin ngayong gabi.
Wala akong ginawa kundi ang titigan lang si Xander nang mga oras na iyon. Ganoon pa rin s’ya, hindi pa rin s’ya nagbabago ng pakikitungo sa akin. Inaasikaso n’ya pa rin ako sa lahat ng bagay.
Tila ba normal lang ang lahat sa amin. Nang makaalis kami sa gitna ng gubat kanina ay wala s’yang ginawa kundi ang tanungin ako kung ayos lang ba ako o kung hindi ba ako nasaktan.
Napapaisip ako kung bakit sa kabila ng nangyari sa amin ay hindi ko s’ya nakikitaan ng galit. Mas lalo n’ya pang pinaparamdam sa akin ang pag-aalaga at halaga ko sa kanya.
‘Bakit ba sobrang bait mo Xander?’
tanong ko sa aking isip.
Hindi ko maiwasang makonsensya sa tuwing naiisip ko na dalawang taon ko s’yang pinahirapan. Na mahigit dalawang taon ko na rin s’yang sinasaktan.
Nalulungkot ako sa mga oras na ito. Nalulungkot ako dahil mahabang panahon kaming nagkahiwalay ni Xander. Mahabang panahon ang nasayang sa aming dalawa.
Habang tulala ako sa maliwanag na bonfire ay nagulat ako nang maglagay si Xander ng jacket sa mga balikat ko. Naka-sando lang kasi ako nang mga oras na ito.
“Baka lamigin ka d’yan. Ayaw kong magkakasakit ka.” wika n’ya sa akin nang makalapit.
Umupo s’ya sa tabi ko. Ako naman ay nanatiling nakatingin lamang sa bonfire.
“Anong iniisip mo?” alalang tanong n’ya sa akin.
“Ikaw.” maikli kong sagot ngunit hindi ko pa rin s’ya nililingon. Nanatili akong nakatitig sa bonfire.
Alam kong nagulat s’ya sa sagot ko. Ilang segundo pa bago n’ya nagawang magsalita.
“Ako?” taka n’yang tanong.
Hindi muna ako sumagot. Nanatili pa rin ako sa pagkakatitig sa bonfire at hindi s’ya nililingon.
Ilang segundo pa ay nagsimula na akong magsalita.
“Bakit Xander?” tanong ko sa kanyang malungkot.
“A-anong bakit?” may pag-aalala n’yang tanong.
“Bakit kailangan mong gawin ang bagay na ’yon? Bakit hinayaan mong mabuhay sa kalungkutan sa loob ng mahigit dalawang taon? Bakit kailangan mong magtiis ng ganon katagal?” malungkot kong tanong sa kanya.
Hindi s’ya sumagot.
Sa pagkakataong ito ay nagsimula nang mamuo ang mga luha ko sa aking mga mata. Ibayong lungkot at awa ang nararamdaman ko dahil sa mga naging sakripisyo ni Xander para sa akin.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na napayuko s’ya. Ipinagpatuloy ko ang aking mga sinasabi.
“Mahigit dalawang taon Xander. Hindi lang oras o araw ang pinag-uusapan dito. Dalawang taon kang namuhay ng puro kalungkutan. Paano mo nagawang magtiis ng ganon katagal?” sunod kong tanong sa kanya.
Ang mga luha ko ay nagsimula na ring pumatak. Hindi ko maisip na ganito ako kamahal ni Xander para magsakripisyo s’ya ng ganito katagal.
“Xander… hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip ko ang mga bagay na nangyari sa sa’yo… Habang nasa Amerika ako, pinag-aaralan ko ang kalimutan ka… nagkaroon ako ng galit sa’yo dahil sa mga maling akala… hindi ko alam…. hindi ko alam na namumuhay ka dito ng hindi masaya… na puro pagsisisi at pangungulila ang nararamdaman mo…” wika ko habang lumuluha at nanatiling nakatitig sa bonfire.
Dahan-dahan ay naramdaman kong tumayo s’ya sa pagkakaupo mula sa aking tabi. Pumunta s’ya sa harapan ko at yumuko upang magpantay ang aming mukha. Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang maamo n’yang mukha habang suot ang maganda n’yang ngiti.
Hinawakan n’ya ang magkabila kong pisngi at banayad na pinunasan ang aking mga luha. Pareho kaming nakatingin sa isa’t-isa nang magsimula s’yang magsalita.
“Lahat ng bagay na ginawa ko Tom ay iisa lang ang dahilan.” wika n’yang may ngiti sa kanyang labi.
Hindi ako nagsalita at nag-abang pa sa mga susunod n’yang sasabibin.
“Isang dahilan lang ang lahat. ’Yon ay dahil mahal kita. Mahal na mahal kita.” wika n’yang nakangiti.
Naikagat ko ang aking ibabang labi dahil sa kanyang sagot. Lalo pang nag-unahan ang mga luha ko nang sabihin n’ya ang bagay na iyon.
Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy pa s’ya.
“Kahit ano Tom… kahit ano gagawin ko para sa’yo dahil mahal na mahal kita… Handa akong magsakripisyo at paulit-ulit na masaktan para lang sa’yo…” nakangiti n’yang sambit.
“Bakit…? Bakit ka ba ganyan sa akin Xander…? Bakit mo ako minahal ng ganito..? Kahit na… kahit na nasasaktan na kita..?” tanong ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.
Mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti bago n’ya ako sagutin.
“Bakit? Kailangan ba may dahilan para mahalin ka? Basta mahal kita. ’Yun lang at wala nang iba.” sagot n’yang nakangiti.
Lalo akong napaiyak dahil sa naging sagot n’ya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang sensiridad ng mga salitang binigkas n’ya at ramdam na ramdam ko iyon.
Agad ko s’yang niyakap habang patuloy sa pag-agos ng aking mga luha. Naramdaman ko rin ang pagtugon ni Xander, niyakap n’ya rin ako ng mahigpit.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayong mga oras na ito habang nakakulong kami sa bisig ng isa’t-isa. Nalulungkot ako dahil sa mahabang panahon na pagkakahiwalay naming dalawa. Ngunit nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso ko dahil may Xander na nagmamahal sa akin ng ganito.
“Patawarin mo ako Master… patawarin mo ako…. patawarin mo ako kung nasaktan kita… patawarin mo ako Master…” paulit-ulit kong bigkas sa pagitan ng pag-iyak.
Naramdaman kong napangiti s’ya nang banggitin ko ang salitang ‘Master’ sa kanya. Alam kong matagal nang panahon na gusto n’ya itong marinig mula sa akin.
Mas hinigpitan n’ya ang pagkakayakap sa akin at nagawa pa n’yang halikan ang aking leeg.
“Ang sarap naman pakinggan na tinawag mo ulit akong Master.” masaya n’yang sambit. “Pero wala kang dapat ihingi ng tawad Master… Sapat na sa akin na tinanggap mo ako ulit… Lahat ng hirap, sakripisyo, kalungkutan at paghihintay ko ay may magandang resulta… Kasi magbalik ka lang, sapat na…” sunod n’yang sambit.
Napakasaya ko. Nabigyan akong muli ng pagkakataon na makasama s’yang muli.
Ilang sandali pa ay bumitaw kami sa pagkakayakap. Muli n’ya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at pinanusan ang mga natitira kong luha.
“Master naman… Hindi ka ba napapagod umiyak? Kanina ka pa iyak ng iyak simula nang magkita tayo sa gubat.” alala n’yang tanong sa akin.
Muli nanaman ay naglandas ang panibagong luha sa aking mga mata. Humihikbi na rin ako dahil sa naalala ko ang nangyari sa kanya kanina.
“Natakot ako kanina… akala ko… akala ko… h-hindi na kita makikita…” wika ko sa kanya sa pagitan ng paghikbi.
Bahagya s’yang natawa bago ako nagawang sagutin.
“Andito na nga ako Master oh! Buhay na buhay kahit may konting pilay! Pero ayos lang, hindi naman malala! Kaya wala ka nang dapat ipag-alala!” masaya n’yang sambit.
“Sorry… dapat nakinig na lang ako sa’yo… Dapat hindi na ako umalis kanina…” paghingi ko pa rin ng tawad sa kanya.
“Tsk! Ang kulit mo talaga no? Sabi ko nga sa’yo, wala ka nang dapat alalahanin. Mabuti na lang at hindi naman masyadong malalim ang binagsakan ko.” nakangiti n’yang sambit.
Hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan n’ya na ako sa magkabilang balikat at hinatak papalapit sa kanya. Muli n’ya akong niyakap.
“Grabe Tom! Na-miss talaga kita ng sobra!” masaya n’yang sambit habang yakap ako.
Sa wakas ay nagawa ko na ring ngumiti. Ginantihan ko rin ang kanyang yakap at nagsalita.
“Na-miss din kita. Salamat sa lahat Master. Maraming salamat.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Mas lalo n’yang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin nang sabihin ko ang bagay na iyon.
Ilang sandali pa ay nagbitaw na kami nang may parehong ngiti sa isa’t-isa. Tumayo s’ya ng tuwid at hinawakan ako sa isang kamay.
“Halika na, magpahinga na tayo sa loob. Maaga pa tayo bukas gigising para hanapin ang mga kasama natin.” nakangiti n’yang pagyaya sa akin.
Nilingon ko ang bonfire na nasa tapat namin.
“Eh paano ’yan? Hindi ba natin papatayin ’yang bonfire?” pagturo ko dito.
“Hindi na. Hindi naman natin masusunog ’tong gubat kasi nilagyan ko ’yan ng maraming bato sa gilid at ilalim para hindi kumalat ang apoy. Tinanggal ko rin ang mga dahon na malapit d’yan kaya safe tayo.” nakangiting sagot n’ya sa akin.
“Sigurado ka?” paniniguro ko sa kanya.
“Oo naman! Sabi ko nga sa’yo, sanay na ako dito. Taong bundok nga ako ’di ba?” natatawa n’ya pang sagot.
Tumango-tango naman ako bago ko s’ya sinagot.
“Oo nga pala. Sorry, nakalimutan kong taong bundok ka.” pagsakay ko sa biro n’ya.
Nagtawanan na lamang kaming pareho matapos iyon.
Hawak n’ya ang kamay ko at nagpadala na lang din ako sa kanya papasok sa loob ng tent.
“Nilatag ko na lang ’yung sleeping bag natin dito sa loob para malambot ang hihigaan atin. Hindi naman masyadong malamig ngayon ’di ba? Okay lang ba sa’yo?” tanong n’ya sa akin nang makapasok kami sa loob.
“Oo naman. Hindi na nga rin ako magja-jacket eh. Gagawin ko na lang unan ’to.” sagot ko sa kanyang nakangiti.
Ganoon na nga ang nangyari. Humiga na kaming pareho matapos n’yang maisara ang zipper ng aming tent.
Hindi ko maintindihan ngunit nang pareho na kaming nakahiga ay katahimikan na ang bumalot sa amin. Maliwanag pa rin dito sa loob ng tent dahil sa liwanag na hatid ng bonfire sa labas ng aming tent.
Siguro ay may sampung minuto na ang lumipas ngunit wala sa amin ang nagsasalita simula nang kami ay mahiga. Alam kong gising pa rin s’ya sa mga oras na ito. Tila ba nakikiramdam din s’ya sa magiging pagkilos ko.
Pareho kaming nakatihayang humiga. Nakalagay ang dalawa kong braso sa likod ng ulo ko. Unti-unti kong nilingon si Xander at nakita kong nakalagay ang isa n’yang braso sa likod ng kanyang ulo at ang isa naman n’yang braso ay nakapatong sa kanyang noo.
Tama nga ako, hindi pa rin s’ya natutulog dahil nakabukas pa rin ang kanyang mga mata sa mga oras na ito.
Pinagmasdan ko s’yang mabuti. Kahit sa ganitong anggulo ay gwapo pa rin si Xander. Ang magaganda n’yang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Lahat ng iyon ay mapapansin ng kahit na sinong makakakita sa kanya. Kahit siguro lalaki ay makakaramdam ng inggit dahil sa katangian n’yang ito.
Ibinaba ko ang tingin ko mula sa kanyang mukha. Pababa sa kanyang leeg hanggang sa kanyang matipunong dibdib.
Nang mapatitig ako sa kanyang maumbok na dibdib ay naramdaman ko na bumilis ang tibok ng aking puso. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang gusto ko s’yang hawakan sa mga oras na ito.
Muli kong ibinalik ang aking tingin sa kanyang mukha. Sa pagkakataong ito ay napatigil naman ang aking mata sa kanyang mga labi. Ang malakas na kabog ng dibdib ko ay hindi na rin huminto.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal sa pagkakatitig doon. Tila ba natutukso akong halikan ang labi n’yang iyon. Ilang beses na rin n’ya akong nahalikan. Pero dahil sa mga pangyayari nitong mga nagdaan ay tila ba nasasabik akong madikit iyong muli sa aking labi.
Ilang sandali pa ay halos manlaki ang mata ko nang basain n’ya ng kanyang dila ang kanyang labi. Dahil sa ginawa n’yang iyon ay hindi ko sinasadyang mapalunok. Para bang natuyuan ako ng lalamunan nang mga oras na iyon. Tila ba pinagpapawisan na rin ako ng mga oras na ito dahil naging mainit ang pakiramdam ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang magsalita s’ya.
“’Wag mo akong titigan.” bigla n’yang sambit ng mahina.
Dahil sa pagkabigla ay ilang segundo pa bago ako nakapagsalita.
“Bakit naman?” mahina ko ring tanong habang nakatitig sa kanya.
Hindi n’ya naman ako nagawang lingunin. Nanatili s’yang nakatingin sa itaas nang sumagot s’ya.
“Kasi lalo akong kinakabahan.” una n’yang sambit. “Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon kung alam mo lang.” dugtong n’ya pa.
Naikagat ko ang ibabang labi ko nang sabihin n’ya iyon. Ngunit dahil din doon ay lalo kong hindi pinutol ang pagkakatitig sa kanya.
Akala ko ay ako lang ang kinakabahan sa mga oras na ito. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay ngayon lang ulit kami nagkatabi sa pagtulog nang walang namamagitan na samaan ng loob. Tila ba biglang nagbalik ang maganda naming relasyon at walang namagitang hindi magagandang pangyayari sa aming dalawa.
Hindi ko maintindihan sa sarili ko, pero nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabibin ang mga bagay na alam ko naman kung saan patungo.
“Xander…” malambing kong pagtawag sa kanyang pangalan.
“Hhhmmm?” tangi n’yang sagot at hindi pa rin ako nililingon.
“Bakit nakasuot ka pa ng t-shirt? Bakit hindi mo pa hubarin ’yan? ’Di ba hindi ka naman sanay matulog ng ganyan? Boxer shorts lang lagi ang suot mo ’pag matutulog?” tanong ko sa kanyang mahina.
Totoo ang bagay na iyon. Sa tuwing matutulog kami noon ay ganoon s’ya. Maliban na lamang kung sa bahay namin noon s’ya tutuloy. Nahihiya kasi s’yang makita nila Mama at Julius na walang damit na suot.
Bahagya naman s’yang natawa bago n’ya ako sinagot.
“Ayoko nga.” sagot n’yang natatawa.
“Bakit naman?” tanong ko pa ring malambing.
“Ayoko. Baka kasi isipin mong inaakit pa kita.” sagot n’ya na bahagyang natatawa.
“Hindi naman kailangan.” sagot ko pa ring mahina.
Nilingon n’ya na ako sa pagkakataong ito. Ang kanyang kamay na nasa kanyang noo ay ipinatong n’ya sa kanyang tiyan. Nakita ko ang naguguluhan n’yang reaksyon nang magtama ang aming mga mata.
“Anong hindi naman kailangan?” taka n’yang tanong.
Hindi ko s’ya agad na sinagot. Tinitigan ko lamang s’ya sa kanyang mga mata. Tila ba nahihipnotismo ako habang nakatingin lamang sa kanya.
Dahil sa pagkakatitig naming dalawa sa isa’t-isa ay hindi ko na nakontrol ang sarili kong sabihin ang mga sumunod kong salita.
“Hindi mo naman ako inaakit eh.” wika ko sa kanya.
Inangat ko ang sarili ko mula sa pagkakahiga nang hindi pinuputol ang pagkakatitig sa kanya. Nakaupo ako habang s’ya naman ay nanatiling nakahiga at sinusundan ang bawat pagkilos ko.
Hindi rin s’ya nakapagsalita dahil sa pagtataka. Naghihintay sa mga susunod kong sasabibin.
Ang sumunod kong ginawa ay naging dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. Dahan-dahan ay hinubad ko ang sando na suot ko.
“Hindi mo ako inaakit Xander…”
una kong sambit.
“Kasi ikaw ang inaakit ko…”
ang pagpapatuloy ko sa mga sasabihin ko.
Nakita kong mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata at namula ang kanyang mukha.
Dahan-dahan ay tinitigan n’ya ako mula sa aking mukha pababa sa aking hubad na katawan.
Nakita ko rin na habang nakatitig s’ya sa hubad kong katawan ay napalunok pa s’ya ng ilang beses. Hindi n’ya nagawang maglabas ng kahit isang salita. Nanatili lang s’yang nakatitig dito.
Kinuha ko ang kamay n’yang nasa kanyang tiyan. Marahan ko rin iyong inilagay sa kaliwang bahagi ng aking dibdib. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay ngunit hindi n’ya naman iyon nagawang alisin sa pagkakapatong sa aking dibdib.
“Xander… touch me… bring me to where the paradise is…” wika ko sa nakakaakit na tono.
Hindi ko na s’ya hinintay pang sumagot. Agad akong yumuko at inilapit ang sarili ko sa kanya.
Mabilis ang naging pangyayari dahil natagpuan ko na lamang ang aking sarili na hinahalikan si Xander.
(a/n: And cut! Ang susunod na eksena ay Rated SPG! Hahaha! Sorry, KJ ba si author? Mababasa n’yo pa rin naman ’yan sa RESTRICTED CHAPTERS na nasa profile ko.
At para makita n’yo iyon, bisitahin n’yo lamang po ang aking profile at nasa BIO or ’yung ABOUT sa akin ang mga steps para mabasa n’yo ang RESTRICTED CHAPTERS.
Enjoy!)
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako dahil sa liwanag na bumabalot sa kapaligiran.
Iminulat ko ang aking mata at natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng tent.
Muli kong inalala ang mga nangyari. Napangiti ako dahil naalala ko kung paano namin naiparamdam ni Xander ang pananabik sa isa’t-isa kagabi.
Sa loob ng mahigit dalawang taong paghihiwalay ay muli kaming pinagtagpo. Muli kong tinanggap si Xander at ganoon din ako sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagiging kumpleto.
Habang nasa ganoon akong pag-iisip ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng tent. Nang lumingon ako sa aking tabi ay doon ko lang napansin na wala na pala roon si Xander.
Agad akong tumayo at napansin kong may scarf na nakapatong sa aking katawan. Natawa pa ako dahil naalala kong hindi na nga namin nagawa pa ni Xander na magsuot ng damit matapos ang aming pag-iisa.
Nakita ko ang aking damit na nasa aking tabi. Ramdam na ramdam ko pa ang iniwang palatandaan sa akin ni Xander hanggang sa mga oras na ito.
Nang matapos akong maglinis ng kaunti sa katawan at mag-ayos ay marahan kong binuksan ang zipper ng tent na aming tinulugan.
Nakita ko si Xander na nagkakape at malayo ang tingin habang nakaupo sa isang bato. Pinagmasdan ko s’yang mabuti at nakita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Nang masilayan ko ang kanyang mukha ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Hindi ko akalain na muli kong makakasama si Xander. Si Xander na patuloy pa rin akong minamahal hanggang ngayon. Hindi n’ya alintana kung nagkahiwalay kami ng dalawang taon. Hindi n’ya alintana ang sakit na idinulot ko sa muli naming pagkikita.
“Ang swerte-swerte ko sa’yo Master…” ang mahina kong sambit habang nakatitig lamang sa gwapo n’yang mukha.
Ilang sandali pa ay dahan-dahan s’yang lumingon sa aming tent. Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang mabilis n’yang pagngiti sa akin.
“Good morning Master…” malambing n’yang bati habang nakangiti sa akin.
“Good morning…” nakangiti ko ring bati sa kanya.
Tumayo si Xander mula sa pagkakaupo matapos ilapag ang kape sa batong kanyang inuupuan.
Lumapit ito sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo.
“Halika na, magkape ka na rin. May makakain na rin dito. Sabay na tayong kumain.” nakangiti n’yang pagyaya at hinawakan ako sa kamay.
Nagpadala ako sa kanya para makaupo sa mga batong naroon. Habang nagtitimpla s’ya ng aking kape ay nagmumog muna ako at naghilamos sa ilog na naroon. Ngayon ko nakita na napakaganda nga ng ilog na narito. Napakalinaw din dahil makikita mo ang ilalim na bahagi nito.
Nang makabalik ako kay Xander ay nakahanda na rin ang aking kape at aming kakainin.
Masaya naming pinagsaluhan ang simpleng pagkain namin. Naging mabilis din kami sa aming pagkilos dahil kailangan naming maabutan ang aming mga kasama sa pag-akyat dito. Marahil ay nag-aalala na iyon sa amin.
Matapos kumain ay naligo rin kami sa malinaw na ilog na naroon. Nauna lamang ako sa kanya sa pagligo dahil kailangan n’ya pang iligpit ang aming tent. Tulad ng dati ay hindi n’ya ako hinahayaang kumilos. Gusto n’ya ay pinagsisilbihan ako.
Matapos naming mag-ayos ay napagdesisyunan na rin naming maghanda sa pag-alis.
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Xander ang aking kamay.
“Hahawakan na kita Master. Hindi kita bibitawan kasi baka tumakbo ka nanaman eh.” pagbibiro n’ya sa akin na ikinatawa ko.
Hindi na ako tumutol sa kanya. Gusto ko rin naman kasi ang bagay na iyon.
Nagsimula na kaming umakyat muli sa bundok. Tinotoo nga ni Xander ang sinabi n’yang hindi n’ya bibitawan ang kamay ko.
Masaya kami sa aming paglalakad at pag-akyat. Binabalikan namin ang aming mga nakaraan. Kung paano kami nagsimulang magkakilala at kung paano kami nagsimula bilang magkarelasyon.
Ngayon ko lang din naisip na lahat ng bagay noon sa amin ay puro masasayang alaala. Kung paano namin maiparamdam kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa. Kahit nagkakaroon kami ng alitan noon ay madali lang namin nalalampasan iyon.
Habang masaya kaming umaakyat sa bundok ay walang patid ang aming tawanan at kulitan. Hindi rin namin binibitawan ang kamay ng isa’t-isa. Wala kaming pakialam sa paligid at tila ba hindi namin nararamdaman ang pagod dahil sa kaligayahang nararamdaman namin ngayon.
May isang beses pa nga na may nakasalubong kaming iba pang mga mountaineer. Pababa na sila ng bundok nang batiin namin ito ni Xander. Kahit na may ibang tao ang nakatingin sa amin ni Xander ay wala kaming pakialam. Hindi kami nagbibitaw sa aming pagkakahawak at hindi alintana ang kanilang sasabihin. Isa kasi sa mga bagay na natutunan ko sa pag-akyat dito sa bundok ay kailangan daw namin batiin ang lahat ng aming makakasalubong.
Mahaba ang aming nilalakad at inaakyat. Napansin ko minsan na medyo nahihirapan pa si Xander dahil sa pilay na nakuha n’ya mula sa pagkakahulog kahapon kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil din s’ya.
“Master, bumaba na lang kaya tayo?” alala kong suhestyon sa kanya.
“Bakit naman?” taka n’ya namang tanong sa akin.
“Baka kasi lumala pa ’yang pilay mo.” pag-aalala kong sagot sa kanya.
Naging seryoso ang kanyang tingin at ilang segundo pa bago n’ya iyon nagawang sagutin. Ngumiti rin s’ya paunti-unti habang nakatingin sa akin.
“Wala ’to Master, ’wag kang mag-alala. Naranasan ko na ang pinakamasakit na bahagi ng buhay ko at ’yun ay nung mawala ka. Pero ngayong nagbalik ka na, balewala na lang ’to.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Kahit na nag-aalala pa rin ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng saya sa kanyang sinabi.
“Basta ’pag hindi mo na kaya magsabi ka ha?” wika ko sa kanya.
“Sus! Kayang-kaya ko ’to! Sumakay ka pa sa likod ko kung gusto mo!” pagyayabang n’ya sa akin.
Hinilamos ko ang aking kamay sa kanyang mukha.
“Tss! Tara na nga! Ang yabang talaga!” ang kunwari ay naiinis kong balik sa kanya.
Sinimulan ko na ring humakbang para ipagpatuloy ang aming pag-akyat. Wala naman s’yang nagawa kundi ang magpadala sa paghila ko sa kanya habang patuloy s’yang tumatawa.
Mahaba pa ang aming paglalakad at kung minsan ay titigil kami sa tuwing iinom kami ng tubig. Hindi n’ya rin ako tinitigilan sa pagtatanong kung nagugutom na ba ako o kung pagod na raw ba ako. Talagang pinaparamdam sa akin ni Xander ang halaga ko sa kanya dahil bawat pagkilos ko ay binabantayan n’ya.
Ilang sandali pa ay natatanaw na namin ang isang base camp. At nasorpresa kaming pareho nang makita namin ang mga kasama namin doon. Mukhang nagla-lunch na sila sa mga oras na ito at nagpapahinga.
Dahil sa tuwa ay mabilis na hinila ako ni Xander. Tatakbo na sana s’ya papunta sa kanila para magkita-kita na kami ngunit naalala kong magkahawak kami ngayon ng kamay. Agad kong binawi ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay kaya napahinto s’ya at nilingon ako.
“Bakit?” taka n’yang tanong sa akin nang makabitaw kami.
“K-kasi… b-baka makita nila tayong ganito…” pag-aalala ko habang nagkakamot pa sa aking batok.
“Eh ano naman? Nahihiya ka ba Master?” tanong n’ya pang muli.
“Hindi!” mabilis ko namang sagot.
“Oh, eh bakit ka bumitaw?” tanong n’ya pa rin.
Huminga muna ako ng malalim bago ko s’ya nagawang sagutin.
“Master naman… Alam mo namang walang alam ’yang mga ’yan. General Manager ka namin tapos makikita nila tayo nang ganito. Gusto mo bang mabigla ’yang mga ’yan?” paliwanag ko sa kanya.
“Eh wala naman ako pakialam ah?” pagrarason nanaman n’ya na parang bata.
“Alam ko ’yon. Alam kong wala kang pakialam. At wala rin akong pakialam sa sasabihin nila. Pero gusto mo bang mapag-usapan tayo? Gusto mo bang nasa atin ang atensyon nila?” muli ko nanamang pagpapaliwanag sa kanya.
“Edi mamatay sila sa inggit.” ang parang bata n’ya nanamang sagot.
Napapadyak na ako ng aking mga paa habang nagkakamot ng aking ulo dahil sa kakulitan n’ya.
“Eehh!! Hindi naman ’yun eh!!” naiinis kong sambit habang nagpapadyak.
“Eh ano nga?” pangungulit n’ya pa rin.
Napatigil ako sa pagpapadyak at napayuko. Napanguso rin ako habang nahihiyang sumagot.
“Gusto mo bang binabantayan nila ang kilos nating dalawa? Paano pa ako malayang makakapunta sa office mo ’pag alam na nila ang tungkol sa atin? Lagi nila tayong tutuksuhin at tatanungin…” sagot ko sa kanya habang nakayuko.
“Oh tapos?” paghingi n’ya pa ng susunod na paliwanag.
Ilang segundo bago ko dinugtungan ang paliwanag ko.
“G-gusto ko kasi malaya pa rin tayo gaya ng dati.. G-gusto ko walang nakikialam sa atin… Mas masaya kung tayo lang dalawa…” ang nahihiya ko pang paliwanag sa kanya.
Dahil sa nakayuko ako ay hindi ko makita ang reaksyon ni Xander. Maya-maya pa lamang ay tahimik itong lumapit sa akin. Inilagay n’ya ang dalawa n’yang kamay sa kanyang tuhod bilang suporta at yumuko para silipin ang aking mukha.
Nang magtama ang aming mga mata at nakangiti itong nakatingin sa akin.
“Ang selfish naman ng Master ko. Gusto lang akong sinosolo.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi at alam kong namumula na ako sa mga oras na ito. Nahihiya ako dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Ayaw kong may makakaabala sa akin sa tuwing papasok ako sa kanyang opisina.
“Pero sige, hindi muna natin ipapaalam sa kanila. Pero hindi ako nagpa-promise ha? Alam mo namang hindi ako makapagpigil minsan ’di ba?” nakangiti n’ya pa ring sambit.
Sinamaan ko na lamang s’ya ng tingin dahil sa sinabi n’yang iyon. Si Xander ’yan eh! Si Xander na matigas ang ulo at walang pakialam sa mundo!
“Ewan ko sa’yo! Tara na nga!” ang nahihiya at naniinis kong pagyaya sa kanya.
Nauna na rin akong maglakad sa kanya at naririnig ko sa aking likuran ang mga mahihina n’yang pagtawa.
Nagbalik na nga s’ya! Nagbalik na talaga sa akin ang makulit na nilalang na ito! Ang makulit ngunit mahal na mahal ko!
Ilang sandali pa ay narating na namin ang base camp at nagulat silang lahat sa amin ni Xander.
“Tom!! Sir Xander!!” ang gulat na gulat na salubong sa amin ni Olyn.
“Alex!! Punyeta!! Saan kayo nanggaling?! Alalang-alala kami sa inyo ah?!” sambit ni Sir Lojie.
“Oh God! Akala namin kung ano na nangyari sa inyo! Nagpatawag na kami ng rescuers dahil sa pagkawala n’yo!” ang sambit naman ni Ma’am Jinny.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag. Mabuti na lamang at maagap na nagsalita si Xander.
“Guys relax! We’re fine! Walang hindi magandang nangyari, ay meron pala! Ay wala! Ay teka?! Meron pala! Ah basta!” ang magulong paliwanag ni Xander.
Putek! Akala ko pa naman makakaisip agad s’ya ng idadahilan!
“Ano ba talaga Alex?! Pucha ang gulo mo!” inis na sambit ni Sir Lojie.
“Eh kasi nga may masamang nangyari. Pero may magandang nangyari. Kaso—” ang magulong pagpapaliwanag nanaman ni Xander na pinutol ko na.
“Naligaw po kami. Pasensya na po kung nag-alala kayo. Pero ayos naman po kami, wala na po kayong dapat ipag-alala.” ang paliwanag ko sa kanila.
“Aaahh….” sagot naman nila habang tumatango-tango pa.
“Oo nga! Naligaw kami! Tama!” ang nakangiti namang sambit ni Xander.
Napabuntong hininga na lamang ako sa kakulitan ni Xander. Ganyan ’yan ’pag sobrang saya eh! Hindi pa rin nagbabago, parang bata pa rin hanggang ngayon!
“Anyway, ang importante ay safe kayo. Teka? Kumain na ba kayo? Grab your lunch now habang may iba pang kumakain. Sabay-sabay na rin tayong bumaba.” ang biglang pagsingit ni Ma’am Jinny.
Hindi na nga kami nagtagal pa sa pag-uusap. Nang mailapag namin ni Xander ang aming mga gamit ay sabay na kaming kumuha ng aming pagkain. Noong una ay nagpupumilit pa ito na s’ya na lang ang kukuha ng pagkain naming dalawa ngunit nagmatigas na ako sa pagkakataong ito. Baka kasi mapansin kami ng lahat ng narito.
Nalaman naming narating na ng mga kasama namin ang tuktok ng bundok. Sa katunayan ay malapit na rin pala kami sa tuktok ni Xander. Narito pala kami sa huling base camp para makarating doon. Naantala raw kasi sila sa pag-akyat kahapon dahil sa paghihintay sa amin.
Habang kumakain kami ni Xander ay hindi talaga maiwasan ni Xander ang pagsilbihan ako. Medyo malayo kami sa nagkukumpulang mga kasama namin sa mga oras na ito.
“Master, nauuhaw ka na ba? Gusto mo ikuha kita ng tubig?” tanong n’ya sa akin.
“Master meron ako ditong tubig. ’Di ba ikaw pa nga ang nag-abot kanina?” mahinahong sagot ko sa kanya.
“Ay oo nga pala!” ang sagot n’ya lamang at natawa dahil sa pag-alala.
“Sige na Master, kumain ka na d’yan. ’Wag mo akong alalahanin. Okay lang ako.” wika ko sa kanya.
“Sige na nga!” nakangiti n’ya namang sagot. “Eh ulam Master? Gusto mo pa ba kumu––” ang dugtong n’ya pa sana na pinutol ko na.
“Master kumain ka na!” ang pagsaway ko sa kanya at tiningnan s’ya ng masama.
Ang kulit talaga! Nararamdaman ko nang magsisimula nanaman ang buhay ko sa mga ganitong kakulitan n’ya.
“Sabi ko nga kakain na ako ’di ba?” ang pagsuko n’ya naman habang nakangiti ng malapad.
Haysus Maryosep talaga! Ang sakit n’ya sa bangs!
Pero kahit ganito si Xander ay isa ’yon sa mga bagay na hinahanap-hanap ko noong magkahiwalay kami. Isa iyon sa mga bagay na na-miss ko sa kanya.
Mabuti na lamang at sumunod na ito sa akin kaya mabilis din kaming natapos sa aming pagkain.
Habang nagpapahinga kami at masayang nagkekwentuhan ni Xander ay napansin kong tahimik sa isang tabi sina Olyn at Sir Lojie. Nang tingnan ko sila ay nagtataka ang kanilang mga mukha at palitan nila kaming tinitingnan ni Xander.
“Master! Nakikinig ka ba sa kwento ko?!” ang pangungulit sa akin ni Xander.
“A-ah.. Sorry Master.. Hindi ko narinig ang sinabi mo. Sila Sir Lojie at Olyn kasi kanina pa nakatingin sa atin eh. Tapos, napansin mo bang hindi na sila ulit lumapit sa atin matapos nila tayong salubungin kanina?” tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan ay nilingon n’ya ang mga ito. At nang makita nilang nakatingin na si Xander sa kanila ay bigla naman silang umiwas ng tingin sa amin. Nagpanggap silang masayang nagkekwentuhan ni Olyn.
“Okay naman sila Master ah?” tanging reaksyon ni Xander.
Nasapo ko na lamang ang aking noo dahil sa reaksyon n’ya. Wala talagang pakialam sa paligid si Xander ’pag magkausap kami.
“Hindi mo talaga napapansin sila?” ang medyo naiinis na tono kong tanong.
“Hindi.” sagot naman n’ya habang umiiling.
“Hay! Ewan ko sa’yo!” sagot ko na lamang sa kanya matapos ang malalim na buntong hininga.
“Master, hayaan mo na sila. Balik na tayo sa kwento. Ayun na nga! Nung huli kaming umakyat nila Randy, kasama namin ’yung mga classmates namin. Tapos……………..” ang tuloy-tuloy n’ya nanamang pagkekwento.
Blah! Blah! Blah!
Ayun! At nagsimula nanaman s’yang magdaldal. Jusko! Wala talagang pakialam ’to si Xander sa paligid n’ya ngayon.
Pero masaya ako sa nakikita ko. Masaya akong makita na masaya si Xander ngayon dahil nagkaayos na kami.
Naputol na lamang ang masaya naming kwentuhan nang lapitan kami ni Ma’am Jinny.
“So guys, tapos na ang pahinga. Let’s go na?” nakangiting pagyaya ni Ma’am Jinny.
Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Xander. Seryoso itong nakatingin kay Ma’am Jinny. Ang reaksyon n’yang ito ang gamit n’ya sa trabaho. May awtoridad at boss na boss ang dating. Malayong-malayo sa ibinibigay n’yang reaksyon sa tuwing ako ang kausap n’ya.
“Ms. Jinny, gusto ko sanang ituloy namin ni Mr. Perez ang pag-akyat sa bundok. Kaunti na lang naman ay mararating na namin ang taas.” ang seryosong wika ni Xander kay Ma’am Jinny.
Nagulat ako sa sinabi ni Xander ngunit hindi na lamang ako nagsalita.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Ma’am Jinny. Alam kong gusto n’yang tumutol pero mukhang nahihirapan s’ya kung paano iyon sasabihin kung ang General Manager ng kanyang pinapasukan ang kanyang kausap.
“A-ahm… Kasi Sir Xander, b-baka po kasi––” ang sambit ni Ma’am Jinny na agad na pinutol ni Xander.
“No Ms. Jinny, listen to me. Hindi ako nakikiusap, sinasabi ko sa’yo ang bagay na ito bilang order ng inyong General Manager. Naiintindihan mo ba ’yon?” seryosong pagputol sa kanya ni Xander.
Sa isip ko ay napataas na ako ng kilay dahil sa sinabi ni Xander. Tama bang gamitin ang posisyon para lang sa pansariling kagustuhan?!
Napakamot na lamang si Ma’am Jinny ng kanyang ulo bago sumagot.
“S-sige na nga po. Wala naman kaming magagawa eh. Utos n’yo ’yan eh.” ang pagsuko na lamang ni Ma’am Jinny.
“Thank you. Hintayin n’yo na lang kami sa baba. Magkita na lang tayo doon.” sagot ni Xander na nakangiti na ngayon.
Ibang klase! Bipolar talaga!
Wala na ngang nagawa si Ma’am Jinny kundi ang balikan ang aming mga kasama at maghanda na rin sa pagbaba.
Nagsimula na kaming maghanda para umakyat muli ni Xander. Ang aming mga kasama naman ay isa-isa na ring naglakad upang ituloy ang pagbaba.
Naiwan sina Sir Lojie at Olyn kasama namin para magpaalam.
“Paano Alex? Sa baba na lang tayo magkita. Ano ba kasing naisip n’yo at itutuloy n’yo pa ang pag-akyat? Maghihintay pa tuloy kami sa inyo!” naiinis na sambit ni Sir Lojie.
“’Wag ka na magreklamo! Basta sumunod ka na lang!” tanging sagot sa kanya ni Xander.
Si Olyn naman ngayon ang nagsalita. Base sa tingin sa akin ni Olyn ay mukhang marami itong itatanong ngunit hindi magawa dahil katabi ko si Xander.
“Ano… Ahm… Tom…. Ingat na lang kayo ha? Magkita na lang tayo sa baba.” ang may pag-aalangang wika sa akin ni Olyn.
“Sige Olyn. Bibilisan na lang namin ang pag-akyat. Salamat.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Tumango-tango naman s’ya ngunit nakikita ko pa rin ang naguguluhan n’yang ekpresyon.
Sa pagkakataong ito ay kinausap na ako ni Xander.
“Tara na Master?” nakangiti nitong tanong sa akin.
Gusto kong umapela dahil tinawag n’ya akong Master sa harap nina Olyn at Sir Lojie. Pero hindi na lamang ako nagsalita dahil baka lalo lamang makahalata ang dalawa sa harap namin.
“Sigurado ka bang kaya mo pang umakyat? Baka lalong makasama ’yan sa pilay mo?” alala kong tanong sa kanya.
Sina Olyn at Sir Lojie ay nanatili lamang na nakatingin sa aming dalawa ni Xander habang kami ay nag-uusap.
Ngumiti sa akin si Xander at bahagyang yumuko para magpantay ang aming mukha. Inilapit n’ya ang kanyang mukha sa akin bago s’ya sumagot.
“Sabi ko nga sa’yo, okay lang ako. Basta nandito ka lang at hindi aalis sa tabi ko.” nakangiti n’yang sambit at diretsong nakatingin sa mata ko.
Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako nang mas inilapit n’ya ang kanyang mukha sa akin at mabilis na hinalikan ako sa aking labi.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Dahan-dahan kong nilingon ang dalawa sa aming harapan at nakita kong nanlalaki rin ang kanilang mga mata habang nakatingin sa amin. Nakabuka rin ang kanilang mga bibig dahil sa pagkabigla.
Hindi na ako nakapagsalita. Bigla na lamang din akong hinila ni Xander at mabilis na umalis sa aming kinatatayuan.
“Una na kami Lojie at Olyn! Magkita na lang tayo sa baba!” masayang paalam ni Xander sa kanila.
Ako naman ay nanatiling nanlalaki pa rin ang mga mata habang nagpapadala sa paghila ni Xander.
Nang tuluyan na kaming makalayo kina Olyn at Sir Lojie ay magkahawak pa rin kami ni Xander ng kamay. Noong una ay nakipagtalo pa ako sa kanya dahil sa ginawa n’yang paghalik sa akin sa harap nina Olyn at Sir Lojie. Pero dahil nga si Xander ang kausap ko ay hindi pa rin ako nanalo. Sinabi n’yang wala naman magiging problema dahil pinsan n’ya si Sir Lojie at kaibigan ko naman si Olyn.
Mahabang paglalakad at pag-akyat pa ang ginawa namin. Pero hindi kami nabalot ng katahimikan. Lagi lang kaming nagkakatuwaan at naglalambingan. Sinusulit namin ang mga araw na hindi kami nagkasama sa loob ng dalawang taon.
At matapos ang hirap at pagod sa pag-akyat ay narating na rin namin ang tuktok ng bundok.
Lahat ng pawis at pagod namin ay nawala nang makita namin ang kagandahan ng kalikasan. Iba pala ang pakiramdam kapag narating mo ang tuktok. Parang may malaking accomplishment ka na narating sa iyong buhay.
“Ang ganda… Ang sarap dito Master!” ang manghang wika ko habang nasa tuktok ng bundok.
Kahit mainit sa mga oras na ito ay hindi naman masakit sa balat. Napakasarap din ng hangin at napakapresko.
“Kaya nga ako nagpumilit na ituloy ang pag-akyat ’di ba? Kasi gusto kong makita mo ’to.” nakangiting sagot sa akin ni Xander.
Ilang minuto kaming tahimik at pinagmasdan lamang ang abot-tanaw na magandang tanawin mula dito sa itaas. Magkatabi kami ni Xander ngunit nasa harap ang aming atensyon.
Ilang saglit pa ay nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Xander sa aking tabi.
“Master Tom!!!” sigaw ni Xander habang ang dalawa n’yang palad ay nasa gilid ng kanyang bibig.
Namangha ako dahil nadinig ko ang pag-alingawngaw ng kanyang boses. At dahil natuwa ako sa ginawa n’ya ay ginaya ko rin ang kanyang pagsigaw.
“Master Xander!!!” sigaw ko rin mula dito sa tuktok ng bundok.
Kagaya ng sa kanya ay narinig ko rin ang pag-echo ng aking boses.
Tuwang-tuwa ako sa nangyari. Ngayon ko lang na-experience ang ganitong mga bagay kaya hindi ko maalis ang mga ngiti ko.
Nilingon ko si Xander at tulad ko ay nakangiti rin pala itong nakatingin sa akin.
Muli s’yang bumalik sa pagkakaharap sa magandang tanawin sa aming harapan at muling sumigaw.
“Tom!!! Mahal kita!!! Mahal na mahal kita!!!” sigaw n’yang muli.
Natawa ako dahil ilang beses kong narinig ang sinabi n’yang iyon dahil sa alingawngaw.
Humarap din ako at muling sumigaw para sagutin ang sinabi n’ya.
“Thank you!!! I love myself too!!!” pagbibiro ko at talagang natawa ako.
Ginaya ko kasi ang napanood ko sa isang palabas.
Nang lingunin ko si Xander ay nakasimangot na itong nakatingin sa akin. Nakangiwi na s’ya. Kaya bago pa s’ya magsalita at tuluyang magalit ay binawi ko na.
“Joke lang!!! Mahal din kita Xander!!! Mahal na mahal din kita Master!!!” sigaw kong muli.
Matapos kong isigaw iyon ay pareho kaming napaharap sa isa’t-isa ni Xander. Pareho kaming humakbang papalapit hanggang sa magdikit ang aming katawan at mahigpit na niyakap ang isa’t-isa.
Habang magkayakap kami ay damang-dama ko ang kasiyahan naming dalawa. Nagsalita si Xander habang kami ay magkayakap.
“Salamat Master… Salamat sa panibagong pagkakataon… Mahal kita… Mahal na mahal kita…” wika n’yang malambing sa akin.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko bago sumagot.
“Ako dapat ang magpasalamat Master. .. Salamat sa panibagong pagkakataon…Mahal din kita… Mahal na mahal kita Master…” emosyonal kong sagot sa kanya.
Hindi ko na rin napigilan ang maluha dahil sa halo-halong emosyon. Pagsisisi na hindi ko s’ya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag noon kaya naging mahabang panahon din ang pangungulila namin sa isa’t-isa. Ngunit sobrang saya ko naman dahil sa wakas ay kasama ko na s’ya.
Nagbitaw kami ni Xander sa pagkakayakap ngunit nanatili kaming hawak ang katawan ng isa’t-isa. Magkatitigan lang kami habang may ngiti sa aming mga labi.
Napansin ko ang suot n’yang dalawang kwintas sa mga oras na ito. Ang kwintas n’ya na may pangalan ko at ang kwintas ko na may pangalan n’ya.
“Master, pwede ko na bang bawiin ang kwintas ko? Gusto ko nang maibalik ’yan sa akin.” seryosong wika ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanya bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Eh madumi pa Master eh. Ipapalinis ko muna bago ko ibalik sa’yo.” sagot n’ya naman sa akin.
“Master, madumi man ’yan o malinis, gusto ko maisuot ko na. Isa pa, hindi ko pala kaya na mawala ’yan sa akin. Kaya salamat Master at hinanap mo pa rin ’yan kahit binitawan ko na.” malungkot kong sambit sa kanya.
Saglit na hindi nakapagsalita si Xander. Ngunit maya-maya pa lamang ay hinubad n’ya na ito. Ang ine-expect ko ay ’yung kwintas ko lamang ang huhubarin n’ya ngunit nagtaka ako nang hubarin n’ya rin pati ang sa kanya.
“Hoy! Anong gagawin mo?! ’Wag mong sabihing itatapon mo ’yan mula dito sa taas?!” ang taranta kong tanong sa kanya.
“Hindi noh! Bakit ko naman gagawin ’yun?!” sagot n’ya naman sa akin.
“Eh ano?!” tanong kong muli sa kanya.
Hindi na s’ya muli pang sumagot. Pero matapos n’yang hubarin ang mga ito ay kinuha n’ya ang dalawa kong kamay at inipit doon ang kwintas naming dalawa. Hindi n’ya na rin inalis ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa akin.
“Dito sa taas ng bundok Tom. Gusto kong mangako tayo sa isa’t-isa na hindi na natin huhubarin kahit kailan ang kwintas na ito. Gusto kong mangako tayo na hindi natin bibitawan ang isa’t-isa kahit ano pang mangyari. Pwede ba ’yon Master?” malambing n’yang wika sa akin.
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Bilang sagot ay marahan akong tumango sa kanya.
Dito sa taas ng bundok na tanging ang makakasaksi ay ang araw, kalikasan at ang hangin na dumadampi sa amin ni Xander ay magaganap ang mga pangako namin dalawa.
Nagsimulang magsalita si Xander habang nakahawak sa aking mga kamay. Nakatingin s’ya ng diretso sa aking mga mata at nakikita ko ang nag-uumapaw na kaligayahan dito.
“Master Tom…” pagtawag n’ya sa akin sa malambing na tono habang hawak ang aking mga kamay.
“Hhhmmm?” nakangiti ko namang sagot habang nakatingin ng diretso sa kanya.
“Gusto kong malaman mo na nangangako ako sa taas ng bundok na ito, na ikaw lang… Ikaw lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako… Nangangako akong kahit anong mangyari… kahit na hindi na ako makagalaw… kahit hindi na ako makakita… kahit hindi ko na makilala ang amoy mo… kahit nakalimutan ko na ang lahat sa’yo… alam kong pagtatagpuin pa rin tayo… dahil ikaw lang Tom… ikaw lang ang kinikilala ng puso ko. Walang ibang makakapasok dito dahil ikaw lang ang nagmamay-ari nito.” nakangiti at malambing n’yang wika.
Dahil sa kanyang mga sinabi ay hindi ko napigilan na pumatak ang isang luha ko habang nakangiti ako. Ang luhang iyon ay dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan sa puso ko. Damang-dama ko ang sensiridad ni Xander sa kanyang mga sinabi.
Matapos sabihin iyon ni Xander ay bumitaw s’ya sa aming pagkakahawak. Kinuha n’ya ang kwintas na pagma-may-ari ko at isinuot n’yang muli sa aking leeg.
Matapos n’yang isuot iyon ay pagkakataon ko naman ang magsalita. Pinunasan ko ang aking luha at hinarap s’ya ng may ngiti sa aking labi. Hinawakan ko rin ang dalawa n’yang kamay habang hawak ko ang kwintas n’ya.
“Master…” pagtawag ko sa kanya.
“Hhhmmm?” malambing n’ya namang sagot habang nakatingin sa akin ng diretso at nakangiti.
Lumingon muna ako sa abot-tanaw na kalikasan sa aming harapan at nagsimulang magsalita.
“Natatanaw mo ba ’yang maganda at malawak na tanawin sa harap mo?” tanong ko sa kanya.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong nilingon n’ya rin ang aking tinatanaw.
“Ha? Ummm… Oo Master. Bakit?” ang pagtataka n’ya sa sinasabi ko.
Gusto ko nang tumawa sa mga oras na ito ngunit kailangan kong magpigil. Sinagot ko s’ya nang hindi inaalis ang pagkakatingin sa magandang tanawin sa aming harapan.
“Kasi Master, lahat ng nakikita mo sa harap mo…….
……nakikita ko rin.
Ang galing noh? Parehas natin nakikita?“ ang pagbibiro ko sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay humagalpak na ako sa kakatawa.
Nilingon ko si Xander at nakita kong nakangiwi na ito at mukhang nainis sa biro ko.
“Umayos ka nga Master! Seryoso ako dito oh!” ang naiinis n’yang sambit.
“Joke lang! Joke lang!” wika kong natatawa at hinalikan ang kanyang mga kamay. “Eto na, magseseryoso na ako.” dugtong ko pa kahit patuloy pa rin ako sa pagtawa.
Nang bahagyang kumalma na ako ay huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulang magsalita.
“Seryoso Master, gusto kong magpasalamat sa’yo…” una kong sambit. “Salamat dahil kahit isinuko na kita noon, hindi mo pa rin ako nagawang isuko…” dugtong ko pa.
Nang sabihin ko iyon ay unti-unti na ring namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Nakikinig naman sa akin si Xander habang nakatitig pa rin sa akin at inaabangan ang mga susunod kong sasabibin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Kahit na… kahit na sinubukan kitang kalimutan sa isip ko, gusto kong malaman mo na hindi ka kailanman kinalimutan ng puso ko… Dahil ikaw lang… ikaw lang din ang kinikilala nitong nagma-may-ari sa kanya… Walang kahit na sino ang pinayagan n’yang makapasok dito kundi ikaw lang… Salamat sa sakripisyo at walang hanggang pagmamahal Master…” pagpapatuloy ko.
Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay naglalandas na ang mga luha ko.
Marami pa akong gustong sabihin kay Xander. Pero napagdesisyunan kong sa bawat araw na magkakasama kami ay sasabihin ko rin iyon at ipaparamdam sa kanya.
Dahil hawak ko ang mga kamay ni Xander ay hindi n’ya magawang punasan ang mga luha ko. Alam kong gustong-gusto n’ya na itong punasan ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay.
Hindi s’ya nagsalita kaya nagpatuloy pa ako habang patuloy na lumuluha.
“Master… nangangako ako ngayon sa harap mo… saksi ang araw, bundok at magandang kalikasan na ito… na kahit anong mangyari ay hindi na kita muli pang bibitawan… nangangako ako na kahit anong mangyari ay ipaglalaban kita… gusto kong sa pagkakataong ito ay ako naman ang lalaban para sa’yo… kahit saan pa tayo mapunta, pangako hindi kita iiwan… Mahal na mahal kita Master… salamat sa pagmamahal…” madamdamin kong wika sa kanya habang umaagos ang aking mga luha.
Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay at isinuot ang kanyang kwintas sa kanyang leeg.
Matapos kong maisuot iyon ay mabilis na pinunasan ni Xander ang aking luha sa pamamagitan ng kanyang mga palad. Nakita ko rin na pumatak din ang kanyang mga luha ngunit suot n’ya ang maganda n’yang ngiti.
Habang ginagawa n’ya iyon ay nagsalita akong muli.
“Mahal na mahal kita Master…” wika ko habang patuloy sa pagluha.
“Mas mahal na mahal kita Master…” sagot n’ya namang nakangiti rin habang lumuluha.
At nang sagutin n’ya iyon ay ako na ang nagkusang hawakan ang kanyang magkabilang pisngi at hinalikan s’ya. Naramdaman ko rin ang kanyang pagtugon sa aking halik.
Dito sa tuktok ng bundok. Dito namin binitiwan ang aming mga pangako ni Xander sa isa’t-isa.
Matapos ang madamdamin naming halik ay mahigpit din naming niyakap ang bawat isa. Sa yakap naming iyon ay mararamdaman mo ang seguridad na wala na kaming balak pang maghiwalay pang muli.
Medyo matagal kami sa posisyong iyon bago kami bumitaw.
“Tara na. Bumaba na tayo, hinihintay na nila tayong lahat.” nakangiti n’yang pagyaya sa akin.
Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumango bilang pagsagot.
Nagsimula na kaming bumaba sa bundok nang magkahawak ang aming mga kamay.
Alam kong marami pa kaming kakaharapin ni Xander na pagsubok. Pero handa na ako. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang lalaban para sa kanya. Hindi na rin s’ya mag-iisa dahil sasamahan ko s’ya.
Sasamahan ko s’ya kahit ang pinakamatibay pa na pader ang babanggain naming dalawa.
A/N
Ang haba nito! Wooh!
Sorry nga pala kung natagalan ako sa pag-update. Isinabay ko kasi ang Restricted Chapter kaya mas nahirapan ako. Anyway, sana ay nagustuhan n’yo pa rin po.
Salamat sa patuloy na pagbabasa.
Comments and Votes please???
Salamat! :))
––cold_deee
chapter 18 - angel face
A/N
Hi guys! Musta ang buhay-buhay?
Dedicated ang chapter na ’to kay
StephenDamasco
na nakaka-chat ko ngayon. Hindi ko na sasabihin kung ano topic natin kasi ang dami, alam mo na ’yun! Hahahahaha!
Enjoy reading chapter 18 guys!!
––> si Xander po sa media.
XANDER POV
Narito ako ngayon sa aking office sa hotel at nagmumukmok.
Bakit?
Dahil lang naman sa walang paramdam sa akin si Tom simula kahapon hanggang kanina.
“Tang*na! Mababaliw na ako dito!”
mahina kong sambit habang paikot-ikot lang dito sa loob ng opisina ko.
Nakabalik na kami sa kanya-kanyang trabaho matapos ang team building na ginanap sa bundok. At matapos ang aming team building ay wala na akong narinig pa mula kay Tom.
Matapos kasi naming makababa sa coaster na aming sinasakyan bilang service ay nagpaalam na rin ito sa akin na uuwi na rin s’ya ng kanyang tinutuluyang condo. Sinubukan ko s’yang i-invite sa condo ko para doon na muna matulog ngunit tumanggi ito. Ang sabi n’ya ay may aasikasuhin pa raw kasi s’yang mahalagang bagay kaya pumayag na rin ako.
Noong gabi ay nakakapag-reply pa naman s’ya sa mga texts ko. Nagawa pa nga n’yang sagutin ang tawag ko at nag-usap pa kami ng mahabang oras hanggang sa makaramdam kami ng antok.
Pero simula kahapon hanggang kaninang umaga ay hindi ko pa ito nakakausap. Hindi rin s’ya nakakapag-reply sa mga texts ko at hindi sinasagot ang mga tawag ko. Sinubukan kong tawagan ang kanyang assistant para alamin kung dumating na ba s’ya sa kanyang opisina. Pero nadismaya lang ako dahil sinabi nito na half day daw ngayon ang pasok ni Tom.
Kahapon kasi ay binigyan kami ng isang araw na pahinga. At ngayong araw nga ang pagbabalik namin para magtrabaho.
Umupo ako sa swivel chair ko dahil nahihilo na rin ako sa kakaikot. Hindi rin ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa pag-aalala.
Nang tuluyan na akong makaupo ay bigla kong naalala ang isang bagay na napakaimportante sa akin. Kinuha ko ito sa drawer ng aking desk at nang tuluyan ko nang mailabas ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi.
“Ang cute talaga!” sambit ko habang hawak ang picture ni Tom na nasa frame.
Nang muli kong maalala ang mga nangyari sa bundok ay hindi ko maiwasang mapangiti.
Putek! Hindi lang ngiti! Gusto kong magtatalon hanggang ngayon sa tuwa at sumigaw hanggang sa mapaos ako!
Hindi ko alam na magaganap sa bundok ang muli naming pagkakaayos ni Tom. Tila ba lahat ng masasakit na nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon ay tuluyan nang nabura. Lahat ng iyon ay nakalimutan ko na at tanging kasiyahan na lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Sa totoo lang ay parang gusto ko nang sumuko nang mga oras na iyon. Para bang nawawalan na ako ng pag-asa na magkakaayos pa kami dahil sa dami ng nangyari nang mga nakalipas na araw. Akala ko ay hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya.
Kaya noong gumising ako ng umaga ay wala akong ganang kumilos at gusto ko na lamang bumaba ng bundok para umuwi. Kaya hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na daanin sa pagsigaw ang pagsasabi ng katotohanan sa kanya. Ang gusto ko sana ay mag-usap kami ng maayos sakaling sabihin ko sa kanya ang totoo. Pero dahil sa bugso ng damdamin ko ay naisiwalat ko ang katotohanan sa ganoong paraan.
Akala ko ay pagsisisihan ko ang ginawa kong iyon. Pero laking pasasalamat ko dahil pinakinggan pa rin ako ni Tom. Kahit pa ang naging kapalit noon ay ang pagkahulog ko sa bundok. Laking pasasalamat ko rin dahil ang pinaghulugan ko ay pa-slide lang at hindi isang malalim na bangin. Nagawa kong makakapit sa mga punong naroroon kaya hindi ako masyadong nasaktan.
At ang mas hindi ko inaasahan ay magkakaroon pa kami ng pagkakataon na magkasama pang muli. Muli kong nahalikan at nayakap si Tom. Muli kaming bumalik sa kung ano kami dati. At mas naging napakasaya ko pa nang malaman kong hanggang ngayon ay mahal pa rin n’ya ako.
Muli kong inalala ang naging kaganapan sa aming dalawa matapos ang naging aksidente ko. Ang pagpapalipas namin ng gabi sa tabi ng ilog at pagtulog ng magkatabi. Nakakaramdam ako ng ibayong saya lalong-lalo na sa tuwing maiisip ko ang aming pag-iisa sa loob ng tent noong gabing tuluyan kaming magkaayos. Noong pinalaya namin ang aming sarili at damhin ang init ng katawan ng isa’t-isa.
“Pucha! Calm down Xander! Nag-iinit ka nanaman!” bulong ko sa aking sarili dahil parang nawala ang lamig ng aircon sa aking opisina nang maalala ko ang eksena naming dalawa na nakakapang-init sa katawan.
Hindi kasi maalis sa isip ko na si Tom pa ang nagkusa na magparamdam sa akin na mangyari ang bagay na iyon.
Hindi ko makalimutan na muli ko nanamang nasilayan ang may katamtamang hubog at maputi n’yang katawan. Para akong isang hari noong oras na iyon dahil nakalatag sa aking harap ang pinakamasarap na putahe na makakain ko sa buong buhay ko.
Dahil sa pag-alala ng mga bagay na nangyari sa amin noong gabing iyon ay hindi ko naiwasang mag-init nanaman. Nakapa ko ang pinakaiingatan ko sa loob ng pantalon ko at naramdaman ko ang unti-unting pagkabuhay nito.
“Hayup ka Xander! Nagiging manyak ka na!” pagkausap ko nanaman sa aking sarili.
Inilapag ko ang picture frame ni Tom sa aking desk. Plano ko kasing titigan lang iyon maghapon.
Seryoso ako!
’Pag hindi pa nagpakita sa akin ngayong araw na ’to si Tom, maghapon ko lang tititigan ang picture n’yang ito!
Sinimulan ko na ang kabaliwan ko. Oo, nababaliw na ako dahil hindi ko pa nakikita ang mahal ko!
Inilagay ko ang dalawang braso ko sa desk ko at ipinatong doon ang baba ko habang nakatitig lang sa larawan ni Tom na nakangiti.
“Ang cute talaga ng dimple mo Master.” pagkausap ko sa kanyang larawan habang nakatitig dito.
Gumuhit din ang ngiti sa aking labi.
“Putek! Nasaan ka na ba kasi?!” ang naiinis ko namang sambit ngayon dahil sa pag-aalala.
“Hindi kaya nagbago na ang isip n’ya? Hindi kaya ayaw n’ya na ulit sa akin? Hindi kaya nagjo-joke lang s’ya na nakipagbalikan na s’ya sa akin?” sunod-sunod kong tanong sa aking sarili.
Nakaramdam ako ng takot nang maisip ko ang mga ’yon.
Agad kong inangat ang aking mukha at mabilis na umiling ng maraming beses.
“Hindi! Hindi! Hindi! Hindi ’yun gagawin ni Tom! Nangako kami sa isa’t-isa at ramdam kong sincere s’ya sa lahat ng sinabi n’ya!” sagot ko sa aking sarili habang paulit-ulit na umiiling.
Muli kong tiningnan ang larawan ni Tom at tinitigan itong muli.
“Hindi mo naman siguro ipapaubaya sa akin ang sarili mo nung gabing ’yun kung nagjo-joke ka lang ’di ba?” pagkausap ko sa kanyang larawan.
Siguro ay nasa dalawang minuto na akong nakatitig dito nang istorbohin ako ng tunog ng aking intercom.
“Istorbo! Nag-uusap pa kami ni Tom dito oh!” inis kong sambit bago ko pindutin ang answer button.
Alam kong ang receptionist lamang iyon dito sa aming opisina nina Lojie at Ms. Jinny. Magkakasama kami sa malaking opisina na tatlo pero may kanya-kanya kaming silid. At sa harap ng opisinang ito ay naroon ang aming receptionist.
“Yes?!” ang masungit kong pagsagot dito.
“Sorry Sir Xander. Did I disturb you?” may pag-aalalang tanong sa akin ng receptionist.
Gusto ko s’yang sagutin ng:
‘Ano sa tingin mo?! Nag-uusap kami ni Tom dito tapos tatanungin mo ako kung naistorbo mo ako?!’ .
Kaso ay nasa trabaho ako at dapat ay magpaka-professional ako.
“What is it Ms. Mijie?” kaswal ko na lamang na tanong.
“Ahm… Hinahanap po kayo ni Mr. Perez dito sa labas. Papapasukin ko po—–” ang naputol n’yang pagtatanong dahil sinagot ko na agad.
“Papasukin mo! Ngayon din!” mabilis kong pagsagot at pinatay na ang tawag. Hindi ko na nahintay pang makasagot ang receptionist namin.
Nang marinig ko ang apelyido ni Tom ay parang malalaglag na ako sa aking upuan. Biglang bumilis din ang tibok ng aking puso.
Wooooohh!! Sa wakas nandito na s’ya!!! Gusto kong mag-tumbling sa saya!! Kaso lang ay naalala kong hindi nga pala ako marunong.
Teka?! Hindi s’ya sa akin nagparamdam ng isa’t kalahating araw ah?! ’Di ba dapat magalit ako?
Hindi kasi tama ’yon! Hindi n’ya ba alam na pinag-alala n’ya ako?! Tama ako ’di ba?! Sumang-ayon kayo!
Umayos ako ng pagkakaupo sa aking swivel chair. Seryoso kong tiningnan ang computer sa aking harapan habang nakakunot pa ang aking noo. Kailangan ay ipakita kong nagalit ako sa ginawa n’ya!
Nagawa n’yang mag-inform sa iba na magha-half day s’ya sa trabaho, pero sa akin ay hindi man lang n’ya nagawang sumagot sa mga texts at tawag ko?! Hindi pwede ’yon!!
Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahihinang pagkatok sa pintuan ng opisina ko. Alam kong si Tom na iyon. At katok pa lang n’ya sa pintuan ay parang lalabas na ang puso ko.
Kahit kinakabahan ay sinubukan kong maging seryoso ang aking tono.
“Come in!” ang medyo masungit kong pagsagot sa kanyang pagkatok.
Ilang sandali pa ay bumukas ito. Hindi ako tumingin sa pinto at nag-focus ako kunwari sa ginagawa ko sa aking computer.
“Master…..” ang narinig kong malambing na pagtawag ni Tom.
Sa tono ng kanyang pagtawag ay mukhang nakangiti ito. Kahit gusto ko nang tumakbo sa kanya para yakapin s’ya ay pinigilan ko.
’Kaya mo ‘yan Xander! Ipakita mo sa kanyang nagagalit ka dahil sa ginawa n’ya!’
pakikipag-usap ko sa aking isip.
Hindi ako sumagot sa pagtawag n’ya sa akin. Nanatili akong nakatingin sa aking computer.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong papalapit na ito sa akin. Lalong nagwawala ang aking puso dahil sa kanyang paglapit.
Ilang sandali pa ay nasa tabi ko na ito at pumwesto sa likod ko. Nagulat ako nang bigla n’yang ilagay ang kanyang mga braso sa aking leeg.
Niyakap ako ni Tom!
Takte! Paano pa ako makakapag-concentrate sa acting ko nito kung ganito ang ginagawa n’ya sa akin?!
“Na-miss kita…” sambit n’yang malambing sa akin.
At mas nagulat ako nang idikit n’ya ang kanyang labi sa aking pisngi.
Pucha….
Napapikit na lamang ako dahil sa ginawa n’ya.
Pero hinde!
‘Wag kang magpadala sa paglalambing n’ya Xander! Kailangan mo s’yang bigyan ng leksyon! Ipakita mong galit ka!’
pagkumbinsi ko nanaman sa aking isip.
Hindi ako nag-react sa kanyang ginawa. Nanatili akong nakatingin lamang sa aking computer.
Hindi pa rin inaalis ni Tom ang pagkakayakap sa aking leeg.
“Master…. Alam kong galit ka… Sorry na…” malambing n’yang wika sa akin habang yakap ako.
Hindi pa rin ako nagsalita.
“Master…. kausapin mo na ako….” paglalambing n’ya pang muli.
Dito na ako sumagot ngunit hindi ko s’ya nilingon. Nanatili akong nakatingin lamang sa computer ko. S’ya naman ay nanatiling nakayakap pa rin sa aking leeg.
“Busy ako. Nagtatrabaho pa ako.” seryoso kong sagot sa kanya.
“Nagtatrabaho? Anong tinatrabaho mo? Eh solittaire naman ’yang nasa computer mo?” tanong n’ya sa akin.
Nang sabihin n’ya iyon ay doon ko lamang napansin na solitaryo nga ang nasa computer ko ngayon. Nainip kasi ako kanina sa kakahintay ng text n’ya kaya naisipan ko munang maglaro nito.
Putek! Ano ba namang katangahan ’yan Xander?!
“A-ahm… W-wala ’yan. Nag-appear lang bigla ’yan eh! Teka?! Nasaan na ba ’yung report na ginagawa ko?” ang utal na pagpapalusot ko.
“Talaga…?” ang malambing ngunit mukhang hindi naniniwalang tanong n’ya sa akin. Alam kong nakangiti s’ya nang tanungin n’ya iyon.
“O-oo naman!” sagot ko naman sa kanya.
Tama ’yan Xander! Panindigan mo ang galit sa kanya! Dapat ay matuto s’yang magparamdam sa susunod! Hindi dapat ganun-ganun lang! Hah! Akala n’ya ha?! Hindi n’ya ako madadala sa paglalambing n’ya! Si Xander ’to oy! May paninindigan ako sa salita ko! Galit ako ngayon kay Tom! Galit ako!
“Hhhhmmm…. Busy pala ang Master ko… Aayain pa naman sana kitang mag-lunch muna bago ako mag-in sa work… Tapos sabay sana tayong uuwi mamaya dahil may surprise ako sa’yo… Balak ko nga din sanang matulog tayo ng magkasama mamaya… Kaso lang busy ka pala…” malambing n’yang wika at unti-unting bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
Nanigas ako sa aking kinauupuan dahil sa sinabi n’yang iyon. Hindi ako nakapagsalita.
“’Di bale, next time na lang siguro…” huli n’yang sambit at tutumbukin na n’ya ang pinto ng aking office para lumabas.
“Sandali!” ang pagpigil ko sa kanya at mabilis na hinawakan s’ya sa kanyang kamay.
Hinila ko s’ya ng dahan-dahan at pinaupo sa aking mga hita. Ikinalong ko s’ya at mabilis na yumakap sa kanya. Isinandal ko ang aking mukha sa kanyang likod at mas mahigpit ko s’yang niyakap.
“Oh? Baka maistorbo kita Master. ’Di ba busy ka? Busy ka sa pagtatrabaho ngayon ’di ba?” ang sarkastiko n’yang tanong sa akin.
‘Wala ka pala Xander eh! Akala ko ba may isang salita ka?!’
’Kasi naman si Tom eh! Bakit ba hindi ko matiis ‘to?!!’
‘Baka mahal mo?’
‘Oo nga! Kasi nga mahal na mahal ko!’
ang pag-uusap ng dalawang Xander sa utak ko.
Putek! Nababaliw na talaga ako dahil kay Tom!
“Naiinis kasi ako sa’yo… Isa’t kalahating araw akong walang balita sa’yo… Hindi mo man lang inisip na nag-aalala ako…” wika ko sa kanya sa nagtatampo ngunit malambing na tono.
Narinig kong napahagikgik s’ya sa aking sinabi. Umayos s’ya ng pagkakaupo sa lap ko. Tumagilid s’ya para magkaharap ang aming mukha. Nakangiti s’yang nakatingin sa akin at marahang hinawakan ang aking dalawang pisngi.
“Kaya nga nagso-sorry ako sa’yo ’di ba? Saka may hinanda akong sorpresa sa’yo kaya hindi ko nasasagot ang mga tawag mo. Sorry na.. ’Wag ka nang magalit d’yan..” panunuyo n’ya sa akin.
“Ano ba kasi ’yun?” tanong ko sa kanyang nagtatampo pa rin.
Tumawa naman s’ya bago sumagot.
“Kaya nga surprise ’di ba? Paano pa magiging surprise ’yun kung sasabihin ko sa’yo?” natatawa n’yang sagot sa akin.
Wala na nga akong nagawa kundi ang bumuntong hininga. Hindi na rin ako nakipagtalo pa sa kanya.
“Galit ka pa Master?” malambing n’yang tanong sa akin.
Umiling na lamang ako habang nakasimangot pa rin bilang pagsagot.
Yakap ko pa rin s’ya sa kanyang bewang habang hawak n’ya ang aking mga pisngi at nakakandong sa akin.
“Hindi ka na galit, pero nakasimangot ka naman d’yan?” nagtatampo na rin n’yang tanong.
Dahil sa tanong n’ya ay nakaisip ako ng magandang ideya.
“Sige, kiss mo na lang ako para hindi na ako magalit.” ang kunwari ay malungkot kong request.
Hindi naman nagdalawang isip si Tom. Mabilis n’yang idinikit ang kanyang labi sa akin. Smack lang naman ang ginawa n’ya at matapos iyon ay binigyan n’ya ako ng magandang ngiti.
Pucha! Kinilig ako dun ah! Pero ang bilis lang nun! Nabitin ako!
Dahil sa ginawa n’ya ay may pumasok nanamang ideya sa aking isip. Biglang na-recharge ang LED bulb sa aking utak!
“Masyadong mabilis. Hindi sapat ’yung smack lang. Dapat madami o kaya matagal.” ang nagtatampo ko pa ring sambit.
“Asus!!! Kunwari pa s’ya oh! Gusto lang makarami!!” panunukso n’ya sa akin habang pinipindot ang aking pisngi.
“Bahala ka. Galit pa rin ako.” lungkot-lungkutan ko pa ring sambit.
Tumawa naman s’ya bago n’ya nagawang sumagot.
“Sige na nga! Tapos bumaba na tayo ha? Baka naghihintay na sila Olyn sa baba.” nakangiti n’yang wika.
At dahil sa kanyang sinabi ay nabuhayan na ako ng todo! Kahit pigilan ko ang aking sarili ay hindi ko napigilan ang maglabas ng malapad na ngiti.
“Sige sige!” mabilis kong pagpayag habang nakangiting wagas. Ngiting tagumpay!
Unti-unti n’yang inilapit ang kanyang mukha sa akin habang magkatitigan ang aming mga mata.
At ilang segundo lamang ay naglapat na ang aming mga labi. Banayad lamang ang aming mga halik sa isa’t-isa.
Grabe! Na-miss ko talaga s’ya! Kahit isa’t kalahating araw ko lang s’yang hindi nakita, parang mababaliw na ako!
Habang magkalapat ang aming mga labi ni Tom ay napapikit na rin kaming pareho dahil sa mainit na tagpo. Ang kanyang mga kamay na nasa aking pisngi ay unti-unti n’ya na ring ipinulupot sa aking leeg.
Hindi ko na rin nakontrol ang aking sarili. Ang mga kamay kong nakapalibot sa kanyang katawan ay kusa na ring hinahaplos ang kanyang likod. Matagal kami sa ganoong posisyon at damang-dama ko ang kasabikan naming dalawa sa isa’t-isa.
Ilang sandali pa ay bumitaw s’ya sa aming paghahalikan, ngunit idinikit n’ya ang kanyang noo sa aking noo. Kapwa namin hinahabol ang aming mga paghinga nang magbitaw.
Nauna s’yang magsalita.
“Master….” malambing n’yang pagtawag sa akin.
“Hhhmmm?” ang malambing ko ring sagot sa kanya.
“May tumutusok sa ano ko. You’re having a boner, aren’t you?” ang mapanukso n’yang tanong.
Doon ko na lang namalayan na sumisikip na ang suot kong pantalon sa mga oras na ito. Idagdag mo pa na nakakandong sa akin si Tom sa mga oras na ito.
Takte! Hindi ko nanaman napigilan ang lintek!
“Ikaw kasi eh!” paninisi ko sa kanya.
Ngumiti s’ya ng malapad at napalunok ako nang kagatin n’ya ang kanyang ibabang labi habang nakatitig sa akin ng mapang-akit.
Pucha! Inaakit n’ya nanaman ako!
Hinaplos n’ya ng paulit-ulit ang buhok ko sa likod.
“Gusto mo ba dito Master…? Dito mismo sa loob ng office mo…? Challenging ’yun ’di ba…? Ano sa tingin mo…?” mapang-akit n’yang tanong sa akin.
Hindi na ako sumagot sa kanya. Mabilis kong hinatak ang kanyang batok at muling pinagtagpo ang aming mga labi.
Hindi naman ako nabigo dahil tinugon n’ya rin ang aking mapusok na paghalik. Mahigpit n’ya rin akong niyakap sa aking leeg habang nasa kandungan ko pa rin s’ya. Ako naman ay mahigpit din s’yang niyakap at gigil na gigil kong hinahaplos ang kanyang likod.
May katagalan kami sa ganoong posisyon nang biglang bumukas ang pintuan ng office ko.
“Alex bumaba na tayo, naghihintay na yata sina Oly——” ang hindi na naituloy na sasabihin ni Lojie nang makita kami ni Tom sa ganoong posisyon.
Pareho kaming natigilan sa aming ginagawa ni Tom at sabay na napalingon kay Lojie. Dahil sa pagkabigla ay hindi kami nakapagsalita ni Tom.
“How gross! Ano?! ’Yan na lang ba ang magiging lunch n’yo? Magkakainan na lang kayo? At dito talaga sa office?! Seriously?!” ang reaksyon ni Lojie habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa amin ni Tom.
Nagkatinginan naman kami ni Tom at sabay na natawa. Dahan-dahan din s’yang bumitaw sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo sa aking lap.
“Tara na Master! Baba na tayo!” nakangiting pagyaya sa akin ni Tom nang tuluyang makatayo.
Awtomatikong napataas ang isang kilay ko sa kanya habang nakabuka pa ang aking bibig.
“Dito ko na lang kayo hintayin sa labas ng pinto. Mamaya n’yo na tapusin ’yang kalaswaan n’yo.” ang biglang sambit ni Lojie at tuluyan nang lumabas sa pinto.
Akmang susunod na si Tom sa kanya nang pigilan ko ito. Mabilis ko s’yang hinawakan sa kamay na kanyang ipinagtaka.
“Bakit?” tanong n’ya sa akin na puno ng pagtataka.
“Anong bakit? Papano ’to?” nakataas na kilay kong tanong sa kanya habang tinuturo ang nasa loob ng aking pantalon.
“Anong papaano ’yan? Edi tiisin mo muna. Naghihintay na si Sir Lojie sa labas oh. Gusto mo bang bulabugin tayo n’yan? Tapos naghihintay na rin si Olyn sa baba, galit na galit ’yun kapag pinaghihintay s’ya.” sagot n’ya naman sa akin.
Naigulo ko na lamang ang aking buhok habang nagpapadyak ng aking mga paa.
“Master naman eh!!” ang naiinis kong sambit.
“Ah bahala ka d’yan! Pahupain mo muna ’yan. Hintayin ka na lang namin sa baba. Sumunod ka na lang ha? I love you Master!” huli n’yang sambit at hinalikan ako sa pisngi.
Wala na nga akong nagawa kundi ang panoorin s’ya sa kanyang paglabas sa aking office. Naiwan akong naghihirap ang kalooban. Naiwan akong luhaan.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko at ilang dasal pa ang ginawa ko para tuluyang bumaba ang matayog na future ko. Nang masigurado kong hindi na babakat ang future ko sa aking pantalon ay sumunod na rin ako sa kanila na nasa lobby at naghihintay.
“Ang tagal mo Alex! Ano? Okay na ba ’yung angry bird mo? Sakit sa puson noh?!” bungad sa akin ni Lojie at dinugtungan n’ya pa ng malakas na tawa.
“Hi Sir Xander! Nabitin ka ba?” pang-aasar naman ni Olyn na sinabayan n’ya rin ng pagtawa.
Mukhang naikwento na nitong si Lojie ang nakita n’ya sa amin ni Tom.
Hindi ko sila pinansin. Maging si Tom na nasa kanilang tabi ay mukhang nahihiya sa ginawa nilang pang-aasar.
“Master tara na. Hayaan mo na ang dalawang takas sa mental na ’yan.” seryoso kong pagyaya kay Tom.
Sumunod naman sa akin si Tom sa paglalakad. Ang dalawa namang kampon ng kadiliman ay sumusunod na rin sa likod namin ni Tom habang patuloy pa rin sa pagbubulungan at tawanan.
Nakasimangot akong naglalakad patungo sa restaurant na aming kakainan. Seryoso ang aking mukha at hindi pa rin nagsasalita. Alam kong nag-aalala na sa akin ngayon si Tom dahil nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang paminsan-minsan n’yang pagsulyap sa akin.
Patawid kami ngayon ng kalsada at naghihintay na lamang mag-red ang stop light para huminto ang mga sasakyan at nang tuluyan na kaming makatawid. Tahimik pa rin ako sa mga oras na ito at diretso lang ang tingin ko. Marami rin kaming mga kasabayang tao na tatawid din ng kabilang kalsada.
Ilang sandali pa habang kami ay naghihintay sa paghinto ng mga sasakyan ay naramdaman kong unti-unting inilalagay ni Tom ang isang daliri n’ya sa aking kamay.
Nilingon ko s’ya sa aking tabi at nakita kong nakayuko ito at namumula ang tenga. Napangiti ako dahil sa kanyang ginawa. Alam na alam talaga ni Tom kung paano aalisin ang inis na nararamdaman ko. Alam na alam n’ya kung paano mababawasan ang galit ko.
Nang tuluyan n’yang mailagay ang kanyang isang daliri sa aking kamay ay naging mabilis din ako sa pagkilos. Sa halip na hahawakan ko lang din ng isang daliri ko ang kanyang daliri ay sinakop ko ang kanyang buong palad.
Eksakto din na sa pagkaka-intertwined ng aming mga kamay ay nag-red na ang stop light. Senyales na pwede na kaming tumawid ng kalsada. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Tom at sabay na kaming naglakad.
Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, at alam na alam ni Tom ang bagay na iyon. Wala akong pakialam kung pagtitinginan kaming pareho. Basta si Tom ang kasama ko, wala na akong nakikita pa sa paligid ko. Si Tom lang ang nakikita ng paningin ko.
Habang tumatawid sa kalsada ay nilingon ko si Tom habang hawak pa rin s’ya sa kanyang kamay. Nilingon n’ya rin ako at nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang ekspresyon n’yang may pag-aalala habang nakangiti. Ang ginawa ko naman ay binigyan s’ya ng isang malapad ng ngiti. Ipinakita kong wala na s’yang dapat pang alalahanin dahil nagawa n’ya nang alisin ang inis na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Nang masilayan n’ya ang ngiti ko ay unti-unti ko na ring nasilayan ang kanyang dimple at mapuputing ngipin. Senyales na totoo na ang ngiting ibinibigay n’ya sa akin.
Sa gitna ng daan at sa harap ng maraming tao, magkahawak kami ng kamay ni Tom at nakangiti sa isa’t-isa. Magkasama kaming nilalampasan ang mga tingin ng ibang tao na tila ba wala kaming pakialam sa sasabihin ng mundo.
“Whooaahh!! PDA!!” kantiyaw nina Lojie at Olyn.
Hindi namin sila pinansin ni Tom at nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad nang magkahawak ang kamay.
Nang makarating kami ng restaurant ay doon lamang kami nagbitaw ng kamay dahil kinailangan n’yang magpunta muna sa restroom. Nagbilin na lamang s’ya sa akin na ako na lamang ang pipili ng pagkain para sa kanya.
Inihatid kami ng waiter na nag-assist sa amin sa aming table. Dito kami sa bahagi ng couch na ang katabi ay glasswall. Mabilis din kaming nakapili ng aming pagkain at maghihintay na lamang kami na mai-serve ang mga ito.
Ilang sandali pa ay dumating na si Tom at kinailangan kong tumayo para magkaroon s’ya ng dadaanan papasok sa couch na katabi ng glass wall.
“Naka-order na kayo?” tanong ni Tom sa amin nang tuluyan na s’yang makaupo.
“Oo. Um-order ako ng maharot na crab cake nila. Ikaw Olyn? Ano in-order mo?” pang-aasar ni Lojie.
“Ay! Ako Sir Lojie nagtry naman ako ngayon ng kerengkeng na buffalo wings!” pagsakay naman ni Olyn.
Nagkatinginan naman kami ni Tom at sabay din kaming nagkibit balikat. Wala kaming pakialam ngayon sa dalawang nasa harap namin. Bahala sila kung ano ang gusto nilang sabibin! Basta kami ni Tom, masaya!
“Master, ano in-order mo?” tanong ni Tom sa akin.
“Um-order ako ng salbabida.” sagot ko sa kanya.
“Ha?” pagtataka n’ya dahil sa sagot ko.
Nginitian ko s’ya bago ako sumagot.
“Nalulunod na kasi ako sa pagmamahal mo.” sagot ko sa kanya at kinurot s’ya sa pisngi.
Napahagikgik nanaman si Tom habang nakatakip pa ang isang kamay sa kanyang bibig.
Waahhh!! Hangkyut talaga ni Tom!!
“Dapat hindi ka na lang pala um-order ng pagkain ko Master!” ang wika n’ya naman matapos n’yang tumawa.
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.
“Bakit?” taka kong tanong.
“Kasi makita pa lang kita, busog na ako eh!” nakangiti n’yang sagot at kinurot naman ako sa ilong.
Ako naman ang tumawa ngayon dahil sa kilig.
Kami na lamang ni Tom ang nagkekwentuhan ngayon. Tila ba nabaliktad ang sitwasyon. Noon kasi ay sina Olyn at Lojie ang bumabangka sa kwento sa tuwing kakain kami dito. Pero ngayon ay tahimik lamang sila habang nakataas ang kanilang mga kilay na pinapanood kami.
Hah! Mamatay kayo ngayon sa inggit!
“Master! Nakikita mo ba ’yung kalabaw na ’yun?! Ayun oh! Kumakain ng damo!” bigla kong sambit at tinuturo ang walang katotohanang bagay sa labas ng glasswall ng restaurant na nasa kanyang tabi.
Wala naman kasing kalabaw na nasa labas ng restaurant. Imbento ko lang ’yun kasi may maitim nanaman akong balak sa mahal ko. Saka hello?! May makikita ka bang kalabaw na pakalat-kalat dito sa Makati?
“Nasan?” ang reaksyon naman ni Tom at tumingin sa labas ng restaurant.
“Ayun oh!” pagtuturo ko pa sa imaginary carabao.
“Saan ba?” tanong ni Tom at idinikit pa ang dalawa n’yang palad sa glass wall. Bahagya n’ya ring idinikit ang kanyang mukha dahil sa paghahanap ng imaginary carabao.
Ito na ang pagkakataon ko. Lumapit pa ako sa kanya hanggang sa maliit na lamang ang espasyo naming dalawa. Amoy na amoy ko na ang mabangong buhok ni Tom dahil nasa likod na ng kanyang ulo ang aking mukha.
“Ayun nga oh!” pagpupumilit ko pa rin kahit wala naman talaga.
Sumilip-silip pa si Tom pero wala talaga s’yang makita. Wala naman talaga s’yang makikita kasi joke lang ’yun!
Konti na lang! Matutupad na ang binabalak ko!
At dahil nga sa wala s’yang makita ay mabilis din itong lumingon para siguro ay tanungin ako.
“Eh wala namang kalabaw du—–” ang hindi n’ya na naituloy na sasabibin dahil mabilis ko s’yang ninakawan ng halik sa labi.
Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa aking ginawa. Namula rin ang kanyang mga pisngi na gustong-gusto kong nakikita sa kanya. Ako naman ay nakangiting tagumpay lamang habang nakatingin din sa kanya.
Ngunit ilang segundo pa lamang ay mabilis din itong nakabawi. Unti-unting sumilay ang kanyang mga ngiti habang nakatingin sa akin.
Nabigla din ako nang bigla din n’ya akong hinalikan sa labi.
“Binawi ko lang ang ninakaw mo Master!” ang sambit n’ya matapos akong halikan sa labi.
Matapos iyon ay nagtawanan na lamang kaming dalawa.
“Eeeewww!! Hindi na nakuntento sa pagme-make out sa office at hawak kamay sa kalye… Hanggang dito nagkakalat kayo ng kalaswaan n’yo…” ang pang-aasar sa amin ni Lojie.
Nilingon namin s’ya ni Tom at nakita naming nakangiwi nga ito habang nakatitig sa amin.
“Inggit ka lang! Gaya ka kung gusto mo!” balik ko sa kanya.
“Hayaan mo na nga Sir Lojie! Alam mo namang dalawang taon ’yang takam na takam sa isa’t-isa! Pagbigyan na!” pang-aalaska naman ni Olyn ngunit makikita mong masaya rin para sa amin ni Tom.
“Hay leche! Nauumay ako sa kanila! Nakakawalang ganang kumain!” inis pa ring sambit ni Lojie.
“Ay?! ’Wag mo na silang idamay sa pagka-bitter mo! Ano bang inalmusal mo? Ampalaya noh?!” pang-aasar naman sa kanya ni Olyn.
Sasagot pa sana si Lojie nang biglang dumating ang waiter ng restaurant dala ang aming mga inorder. Tumahimik na lamang kaming lahat at sinimulan na ring kumain.
Masaya kaming nagsalo-salo sa lunch naming iyon. Sa pagkakataong ito ay nakasabay na rin sa amin sina Olyn at Lojie. Puro kami tawanan at kantyawan habang nagpapahinga matapos kumain.
Pabalik na rin kami ng hotel at naghahanda naman sa natitira pang oras ng pagtatrabaho. Narito kami sa elevator para umakyat sa kanya-kanyang opisina.
“Mauna na ako sa inyo Sir Xander, Sir Lojie! Bye Tom! Kita na lang tayo bukas!” pagpapaalam ni Olyn sa amin nang makarating sa floor kung saan ang opisina n’ya.
“Oy! ’Wag mo kalimutan ’yung lakad natin mamaya ha?!” pahabol sa kanya ni Lojie.
“Oo na! Oo na! ’Wag kang atat! Trabaho muna tayo! Kaloka!” sagot naman sa kanya ni Olyn at tuluyan na s’yang lumabas sa elevator.
Muling umandar ang elevator para umakyat sa floor kung nasaan naman ang office ni Tom.
“Master, saan kita hihintayin mamaya?” tanong ko kay Tom.
“Sa lobby na lang ulit. Kung mauna ako sa’yo, doon na lang din kita hintayin.” nakangiti n’ya namang sagot sa akin.
“Okay sige. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko nanaman sa kanya.
“Basta! Ang kulit! Sinabi na ngang secret!” ang medyo naiinis na n’yang sagot dahil sa restaurant pa lang ay kinukulit ko na s’ya.
“Kailangan ko bang magdala ng extrang mga damit kung doon tayo matutulog?” tanong kong muli sa kanya.
“Hindi na. May magagamit na tayo doon Master.” nakangiti n’ya nang sagot sa akin ngayon.
Mangungulit pa sana ako ulit nang bigla namang tumunog ang elevator senyales na narating na namin ang floor kung saan naman ang office ni Tom.
Takte! Ilang oras nanaman bago ko s’ya makita!
“Sir Lojie, dito na po ako.” paalam ni Tom kay Lojie.
“Geh lang.” simpleng sagot naman ni Lojie.
“Master, dito na ako. Magkita na lang tayo mamaya.” nakangiti n’ya namang pagpapaalam sa akin.
Malungkot ko lang s’yang tiningnan dahil nalulungkot nanaman ako sa mga oras na ito.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Tom. Nagulat ako nang lumapit ito at mabilis na hinalikan ako sa labi.
“Apat na oras lang tayong hindi magkikita. ’Wag ka nang malungkot d’yan. Magkita na lang tayo mamaya sa lobby. I love you Master!” nakangiti n’yang wika sa akin matapos akong halikan.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi matapos ang nangyari.
“Sige Master! I love you too!” nakangiti kong sagot sa kanya.
Hindi ko na naalis ang pagkakangiti sa aking labi hanggang sa makalabas na s’ya ng elevator maging nang magsara ito.
“Baliw ka nanaman Alex!” pang-aasar naman sa akin ni Lojie nang umaandar naman ang elevator patungo naman sa opisina namin ni Lojie.
“Ano ’yon pinsan? May sinasabi ka?” tanong ko sa kanyang nakangiti.
“Taenang ’to! Nababaliw na nga!” sagot n’ya sa akin habang nakangiwi at umiling-iling pa.
Narating namin ni Lojie ang aming office ngunit ang mga ngiti ko ay hindi napapatid. Iba talaga ang epekto sa akin ni Tom. He’s turning my world upside down! Naks!
“Hi Ms. Mijie! Naglunch ka na ba?” masaya kong tanong sa aming receptionist.
“Ha? Ay, o-opo Sir Xander. S-salamat po..” ang gulat na gulat naman na sagot ng aming receptionist.
“Good.” nakangiti ko nanamang wika sa kanya.
Kitang-kita ko kung paano napanganga ang aming receptionist dahil sa pagkausap ko sa kanya. Mulat na mulat din ang kanyang mga mata habang sinusundan ako ng kanyang tingin.
Ano bang problema nun? Tinanong ko lang naman kung kumain na s’ya ’di ba? Bakit natulala? Tsk! ’Di bale na nga, basta masaya ako ngayon!
Bago makarating sa pinto ng opisina ko ay kay Lojie muna ang mauuna. Bago ito pumasok ay nagsalita ito dahilan para mapahinto ako.
“Hoy Alex! Alam kong masaya kayo ngayon ni Tom. Pero baka nakakalimutan n’yo, nand’yan pa ang kapatid mo na umaasa hanggang ngayon kay Tom. Pag-usapan n’yo muna kung anong dapat n’yong gawin habang wala pa s’ya dito.” wika ni Lojie at tuluyan nang pumasok sa kanyang opisina.
Tila ba huminto ang buong mundo ko nang maalala ang bagay na iyon. Ano nga bang mangyayari ’pag bumalik na si Daniel? Paano namin ipapaliwanag ni Tom ang bagay na ito?
Ayaw ko rin masaktan muli ang kapatid ko. Masyado na rin itong maraming hirap para lang mapasaya at samahan si Tom.
Bumuntong hininga na lamang ako bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa aking opisina.
“Bahala na. Kakausapin ko na lang si Tom tungkol dito.” mahina kong sambit.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagtatrabaho sa natitirang mga oras sa araw na ito. Bawat pagpatak ng minuto yata ay binabantayan ko. Excited na kasi akong makasama ulit si Tom. Sa katunayan ay kahit maya’t-maya ako tumitingin sa aking relo ay marami pa rin akong natapos na trabaho. Masyado kasi akong inspired ngayong mga oras na ito.
Excited na rin ako sa sinasabi ni Tom na sorpresa n’ya para sa akin.
At matapos ang ilang oras na pagtatrabaho ay natapos din ang araw na ito. Dumating na rin ang takdang oras para magkita kami ni Tom.
Mabilis akong nag-asikaso para lumabas ng aking opisina. Hindi na nga ako nakapag-paalam kina Lojie at Ms. Jinny. Nagbilin na lamang ako sa receptionist na ipaalam sa kanila na nauna na akong lumabas.
Narating ko ang lobby ng hotel at nagpapasalamat naman ako dahil nauna akong dumating doon kay Tom. Pinagtitinginan pa ako ng mga empleyado ng hotel nang maupo ako isa sa mga silya dito. Ngumiti na lamang ako sa kanila. Kitang-kita ko pa kung paano kinilig ang mga babaeng empleyado nang bigyan ko sila ng matamis na ngiti.
Hah! Hanggang d’yan na lang kayo! Kasi may nagma-may-ari na ng puso ko! At walang iba ’yun kundi si Master Tom ko!
Habang inaantay ko si Tom ay inabala ko muna ang sarili ko sa pagkalikot sa cellphone ko. Naisipan kong tawagan ang aking anak kahit na kahapon lamang ay magkausap kami nito.
“Hello baby?” bungad ko nang masagot n’ya ang tawag ko.
“Daddy!!!!” ang sigaw naman ng anak ko.
Napangiti ako nang marinig ko ang kanyang boses.
“How are you baby?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“I’m always good Daddy! I’m doing my homework right now!” masigla n’yang sagot sa akin.
“That’s great! You don’t have school tomorrow right? Bakit ang aga mo naman gawin ang homework mo?” tanong ko sa kanya.
“I’m bored na kasi Daddy. So instead of doing nothing, I just decided to do this na lang.” ang malungkot na sagot ng anak ko.
Nalungkot din ako nang marinig ko ang naging sagot ng anak ko.
“Sorry baby ha? May pasok kasi si Daddy tomorrow kaya hindi kita ma-visit. But I promise! ’Pag walang pasok si Daddy bibisitahin din kita.” malungkot ko ring wika sa kanya.
“It’s okay Daddy. I understand, you don’t have to worry! It’s for my future lang naman po ’di ba?” ang biglang masiglang pagsasalita ng anak ko.
Napakaswerte ko talaga at napaka-understanding ng anak ko. Napangiti na ako ngayon dahil sa sinabi n’yang iyon.
“Yes baby! Thank you dahil naiintindihan mo. And because of that, the next time na mag-visit ako sa’yo may surprise ako sa’yo!” masigla ko nang wika sa kanya.
“Talaga po?!” masaya n’yang sambit.
“Yes baby! And I’m sure matutuwa ka!” masaya kong pagbabalita sa kanya.
“Yay! Excited na ako Daddy!” masaya n’ya pa ring sambit.
Nasa ganoon akong tagpo nang makita ko ang taong naglalakad papunta sa aking pwesto. Ang cute na nilalang na miss na miss ko na kahit ilang oras ko pa lang na hindi nakikita.
“Oh sige na baby. Continue mo na ’yang homework mo. I have to go na. I’ll talk to you soon. Ingat ka lagi ha? I love you baby!” pagpapaalam ko sa aking anak.
“Okay Daddy. Ingat ka din lagi! I love you too!” sagot n’ya sa akin at s’ya na rin ang nagpatay ng tawag.
Tumayo na ako sa aking upuan para salubungin si Tom. Ngunit napasimangot ako nang bawat madadaanan ni Tom na empleyado ay binabati s’ya. Mapababae man o mapalalaki ay masaya s’yang binabati.
“Uuwi na po Sir Perez? Ingat po kayo!” masayang pagpapaalam ng isang lalaki na porter nitong hotel.
“Ah oo. Salamat.” nakangiti namang sagot ni Tom dito.
“Bye Sir Perez! See you tomorrow po! Pasok po kayo bukas ha? Nakaka-good vibes po kasi ’pag nakikita namin kayo dahil ang cute-cute n’yo!” masayang wika naman ng isang babae na nasa front desk nitong hotel.
Nakita kong tumawa si Tom dahil sa sinabi ng babae.
“Sige na, see you tomorrow!” masayang sagot naman ni Tom sa kanila.
Nagsalubong na ang kilay ko dahil sa mga nasaksihan ko. Lalo pang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawa pang empleyado sa likuran ko. Mga lalaki ito base sa kanilang mga boses.
“Ang cute talaga ni Sir Perez noh? Lalo na ’pag ngumingiti! Lumalabas ang dimple oh!” sambit ng isang lalaki.
“Sinabi mo pa. Kahit nga lalaki ako, natutulala ako ’pag nakikita kong nakangiti ’yan eh. Ang bait pa!” sagot naman ng kausap n’ya.
Unti-unti ko silang nilingon at tinitigan ng pamatay. Nakita kong mga porter din pala itong mga nag-uusap.
“Bakit nakatayo lang kayo d’yan? Wala ba kayong mga trabaho?” seryoso kong paninita sa kanila.
“S-sir Alvarez? K-kayo po pala! S-sorry po! S-sige po, magtatrabaho na po.” utal na sagot sa akin ng isa at yumuko pa.
“P-pasensya na po G-general Manager.” sagot naman ng isa at mabilis din silang umalis sa aking harapan.
“Tss! Daldaan ng daldalan! Hindi unahin ang trabaho nila!” bulong ko sa aking sarili.
Habang nasa ganoon akong posisyon ay nagulat ako nang may kumalabit sa likod ko.
“Uy Master! Anyare sa’yo? Bakit parang namutla ’yung dalawang porter na kausap mo?” ang tanong sa akin ni Tom.
Nakalapit na pala ito sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko s’ya sinagot.
“Wala. Tara na nga. Baka kung sino-sino pa ang kumausap sa’yo dito eh!” ang nakasimangot kong sagot sa kanya.
Nagsimula na rin akong maglakad habang nakasimangot pa rin ako. Hindi naman na sumagot sa akin si Tom at sumusunod na lamang habang papunta ako sa parking lot para sa mga empleyado para kunin ang kotse ko. Alam kong nagtataka na ito sa akin ngayon pero hindi lang magawang magtanong.
Kainis naman kasing mga empleyado ’yun eh! Sinira ang mood ko! Pati tuloy si Tom nasusungitan ko ngayon.
Nang makarating kami sa aking sasakyan ay mabilis na din kaming sumakay. Hindi ko na s’ya pinagbuksan ng pintuan ng kotse dahil alam kong magagalit lang sa akin ito ’pag ginawa ko ’yon.
Tahimik kami sa loob ng aking kotse at ini-start ko na rin ito. Pinapainit ko muna ang makina bago ko tuluyang paandarin.
Dahil sa hindi pa kami nag-uusap simula kanina ni Tom ay ako na rin ang sumuko. Baka kasi magalit na sa akin ’to kung hindi pa ako magsasalita. Bago iyon ay nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga.
Hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay na nasa kanyang hita at nagsalita.
“I’m sorry. Nainis lang kasi ako doon sa lobby kanina dahil pinag-uusapan ka ng mga empleyado kanina.” mahinahon kong wika sa kanya.
“Oh tapos?” tanong n’ya naman sa akin ng mahinahon.
“Naiinis din ako kasi parang kinikilig pa sila ’pag nginingitian mo sila! Hay naku! Naku talaga!” ang naiinis ko namang pagpapaliwanag sa kanya ngayon.
Sa halip na sumagot si Tom ay bigla na lamang itong tumawa.
“Anong nakakatawa?” ang nakasimangot kong tanong sa kanya.
“Ikaw kasi Master! Hanggang ngayon ganyan ka pa rin! Napakaseloso mo pa rin!” natatawa n’yang sagot sa akin.
Hindi naman ako nakasagot sa kanya. Tiningnan ko lang s’ya ng masama dahil wala na yatang balak pang tumigil sa pagtawa.
Nang huminahon na s’ya ay hinawakan n’ya na rin ang aking kamay.
“Master, kahit naman nginingitian ko sila iba pa rin ang ibinibigay kong ngiti sa’yo. S’yempre mga empleyado natin sila, kaya dapat ay maganda ang pakikitungo natin sa kanila. Kaya ’wag ka nang magselos d’yan! Special ang ngiti ko sa’yo. Ikaw nga kahit kelan mo gustong makita ang ngiti ko, pwedeng-pwede eh. Pero sila, minsan lang naman nila akong makita. Pagbigyan mo na.” paliwanag n’ya sa akin.
Tama nga naman s’ya. Sa akin ay mas madalas ko s’yang napapangiti. Eh sila? Hindi naman nila nakakasama si Tom! Ako kahit kelan ko na gustuhin ngayon, pwede ko nang makita ang ngiti n’yang iyon! Hah! Panalo ako! Panalo ka Xander!
“Uy Master! Natulala ka na d’yan? Tapos ngayon nakangiti ka na? Hala! Dadalhin na ba kita sa psychiatrist ngayon? Magsabi ka lang.” pagtataka at pang-aasar ni Tom.
Sa halip na sagutin s’ya ay hinila ko s’ya at mabilis na niyakap. Hinalikan ko rin s’ya sa gilid ng kanyang ulo.
“Hayaan mo na nga ’yun! Sige na, hindi na ako galit!” una kong sambit at binitiwan na din s’ya.
Sinimulan ko nang paandarin ang aking kotse.
Natawa na lamang si Tom habang umiiling-iling. Alam ko na ang iniisip nito ngayon. Iniisip n’yang ang bilis nanaman mag-shift ng mood ko. Wala eh! ’Pag si Tom ang nasa tabi ko, nawawala lahat ng inis at lungkot ko.
“Teka Master? Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang papalabas kami ng parking lot.
“Magdrive ka lang hanggang Alabang. Tapos from there, ako na ang magtuturo sa’yo kung saan ang daan para sa pupuntahan natin.” sagot n’ya naman sa akin.
Sumang-ayon naman ako sa kanyang sinabi.
Habang nasa byahe kami ay nakapatong lamang ang kanyang kaliwang kamay sa aking hita. At sa tuwing hihinto ang sasakyan namin ’pag may stop light ay hahawakan ko ito at hahalikan. Hindi rin napuputol ang aming kwentuhan at kung minsan ay sinasabayan namin ang kanta sa stereo ng aking kotse. Ganoon lang kami sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa Alabang.
At nang makarating kami sa Alabang ay sinimulan n’ya nang ituro sa akin ang daan kung saan kami patungo.
Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang magtaka dahil pamilyar ang tinatahak naming daan. Nakakaramdam na ako ng kaba sa mga oras na ito kaya hindi ko na naiwasang magtanong.
“Ahm… Master? Saan ba talaga tayo papunta?” tanong ko sa kanya.
“Basta… Sumunod ka na lang sa tinuturo kong daan…” nakangiti n’yang sagot sa akin.
Hindi na lamang ako nagtanong pang muli. Sinusunod ko na lamang ang daang tinuturo n’ya sa akin. At sa bawat pagturo n’ya ng daan ay mas lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko.
Alam na alam ko ang daang ito dahil ito ang daan kung saan ako minsan tumutuloy. Ang problema nga lang ay hindi ko pa kasi nasasabi ito kay Tom. Nawala na kasi sa isip ko dahil kanina lang naman ulit kami nakapag-usap matapos kaming magkaayos.
Hindi na nagtagal pa ang aming biyahe at parang gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko nang pahintuin n’ya ang aking sasakyan sa tapat ng dati nilang bahay. Ang bahay kung saan ako minsan tumutuloy.
“A-anong ginagawa natin dito Master?” kabado kong tanong sa kanya.
“Wala! Gusto ko lang tingnan ang dati naming bahay. May problema ba Master?” tanong n’ya sa akin.
“A-ah… W-wala naman..” may alanganing ngiti ko na pagsagot sa kanya.
Nagulat ako nang bigla na lamang buksan ni Tom ang pinto ng aking kotse at lumabas dito. Mabilis din akong lumabas sa aking kotse at nagtanong sa kanya.
“T-teka Master! S-saan ka pupunta?” tarantang tanong ko sa kanya at hinabol s’ya.
“Sumunod ka.” tangi n’yang sagot habang nakangiti.
Parang may rumaragasang tsunami na ang dibdib ko ngayon dahil sa kaba. Paano ko ipapaliwanag kay Tom kung sakaling matuklasan n’ya na dito na ako minsan tumitira?
Mabilis ang naging paglalakad ni Tom at tinungo ang tapat ng pinto ng bahay nila. Nasa likod n’ya lamang ako nakatayo at pinagpapawisan na ngayon dahil sa kaba.
Dahan-dahang humarap sa akin si Tom na suot pa rin hanggang ngayon ang kanyang magandang ngiti. Inilahad n’ya ang kanyang kamay sa aking harap bago nagsalita.
“Susi?” tanong n’ya sa akin.
Nangunot naman ang aking noo sa kanyang tanong.
“Ha?” takang tanong ko sa kanya.
“Sabi ko akin na ang susi?” muli n’yang bigkas.
“A-anong susi?” tanong ko nanaman sa kanya.
“Hay! ’Di bale na nga!” sambit n’ya ngayon.
Ibinaba n’ya na ang kanyang kamay at mabilis na pumunta sa gilid ng kanilang bahay. Naiwan akong tulala at pinapanood lamang s’ya.
“Aling Minda?! Aling Minda?!” ang sunod-sunod na pagtawag ni Tom kay Aling Minda.
Parang hinahalukay na ngayon ang mga kalamnan ko. Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Ano nang gagawin ko?! Paano na ang gagawin kong paliwanag ’pag nakapasok na s’ya dito?!
“Oy Tom anak! Nakabalik ka na pala? Anong atin?” tanong ni Aling Minda nang makalabas.
“Pahiram naman po ulit ako ng susi ng bahay.” pakiusap ni Tom.
Ha? Ano daw? Paano n’ya nalamang may susi si Aling Minda ng bahay nila? Eh ako lang naman ang nakakaalam nun?
“Ah ’yon lang ba? Eto oh! Mabuti at nasa bulsa ko pa rin. Hindi ko pa naitatabi simula nang isinauli mo kanina.” nakangiting wika ni Aling Minda at inabot ang susi kay Tom mula sa kanyang bulsa.
Ha?!!!! Ano bang nangyayari dito??!!!
“Salamat po! Sige po! Mamaya ko na lang iaabot ulit sa inyo.” pasasalamat ni Tom.
“O s’ya sige. Papasok na ulit ako.” paalam na ni Aling Minda.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatayo dito at sinusundan ang mga pagkilos ni Tom.
Bumalik si Tom sa tapat ng pinto at marahang binuksan iyon.
“Tara na Master! Pasok na tayo!” masaya n’yang pag-aya sa akin.
Hindi pa rin ako nakagalaw. Hindi pa rin ako makapagsalita. Litong-lito ang isip ko sa mga oras na ito.
At dahil hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan ay nagulat na lamang ako nang hilain ni Tom ang kamay ko papasok ng bahay. Madilim ang buong bahay dahil gabi na rin sa mga oras na ito. Mabilis na pinindot ni Tom ang switch ng ilaw kaya nagkaroon ngayon ng liwanag.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kabuuan ng kanilang bahay. Mukhang bagong linis lang ito. Napansin ko ring bago na ang mga nakasabit na kurtina at may mga ilang kagamitan na wala pa rito noong huli akong umuwi dito.
“Surprise!!!” masayang sambit ni Tom habang nakataas pa ang kanyang mga kamay.
Dahan-dahan ko s’yang nilingon habang nakabuka pa ang bibig ko at nanlalaki ang mga mata ko.
Hindi pa rin ako nagsasalita nang bigla nanaman akong hilain ni Tom patungo sa kanilang kusina. Nagpunta s’ya sa ref na naroon at may kinuhang mga food container mula roon. Napansin ko rin na may mga bagong kagamitan doon ngayon. Nadagdagan ang mga kasangkapan na naroroon ngayon.
“Hindi pa naman siguro panis ’tong mga ’to. Iinitin ko na lang Master para may hapunan tayo.” wika n’ya habang isa-isang inaamoy ang mga pagkain na kinuha n’ya mula rito.
Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya at hindi makapagsalita.
“Master, magpalit ka muna ng damit sa kwarto. Iinitin ko lang muna ’tong pagkain para makakain na rin tayo.” kaswal n’yang utos sa akin.
Dito na ako nakagalaw at nakapagsalita.
“Teka teka teka! Anong ibig sabihin nito Master? Wait lang ha? Loading pa rin ako hanggang ngayon eh! Paano nangyari ’to?” tanong ko sa kanya.
Itinigil n’ya ang pag-uusisa sa mga pagkain at inilapag ang mga iyon sa mesa. Marahan din s’yang lumapit sa akin habang nakangiti. Nabigla ako nang unti-unti n’yang isinabit ang kanyang mga braso sa aking leeg at diretsong tumingin sa aking mga mata.
“Alam ko ang bagay na ’to Master. Matagal na. Alam kong dito ka umuuwi minsan. At maniniwala ka ba na minsan na akong nakapasok dito habang nandito ka?” nakangiti n’yang tanong sa akin.
“Ano??!!!” ang nabibigla kong naibulalas.
Tumawa naman s’ya sa naging reaksyon ko at bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Muli n’yang binalikan ang mga food container at muling inusisa iyon.
“Naalala mo ba noong isinugod mo si Ben sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan n’ya kunwari? Nahuli n’ya ako nun dito. Bibisitahin ko sana itong bahay namin pero nagulat ako na makita ko kayo dito ni Ben. S’yempre dahil sa curious ako, nakapasok ako sa tulong na rin ni Aling Minda! Ang galing ko noh?! Hindi mo ako nahuli!” mahaba n’yang paliwanag at humagikgik pa.
Ano daw?! Ibig sabihin matagal n’ya nang alam ang bagay na ’to?! At ang Ben na ’yon, hindi man lang sinabi sa akin?!
“I-ibig sabihin m-matagal nang alam ni Ben at hindi sa akin sinabi ’yon?! Kaya pala pagdating namin nun sa ospital biglang nawala ang sakit ng tiyan n’ya?! Siraulong ’yun ah?! Pinakaba pa ako!” inis kong wika sa kanya.
Muli nanaman s’yang natawa bago nagsalita.
“Hayaan mo na Master. Ako kasi ang nakiusap kay Ben na ’wag sabihin sa’yo. Ang naging kapalit naman nun ay ang pagpapatulong n’ya sa akin na makapasok sa hotel. ’Wag ka nang magalit d’yan.” natatawa n’yang wika sa akin.
Nasapo ko na lamang ang aking noo dahil sa mga nalaman ko. Walang kwenta pala ang maraming kaba ko kanina! Lintek!
“Sige na Master, magbihis ka na sa kwarto habang naghahanda ako. Kung gusto mo maligo ka muna tapos bumalik ka na lang dito.” nakangiti n’yang utos sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ko s’ya sinagot.
“No. Ako ang maghahanda ng makakain natin.” pagtutol ko sa kanya dahil gusto ko ay ako ang magsisilbi sa kanya.
Tinitigan naman n’ya ako ng masama nang sabibin ko iyon.
“No! Ako ang maghahanda! Pinaghirapan kong lutuin ’to kanina kaya nga ako nag-half day tapos gusto mo ikaw ang maghahanda?! Pumasok ka na sa kwarto kung ayaw mong mauwi tayo sa away Xander!” ang may otoridad n’yang utos sa akin.
Grabe! Nakakatakot talaga ’tong mahal ko kapag ganito! Nalulusaw ako sa masasamang pagtitig n’ya sa akin!
Pero kahit galit s’ya ang cute n’ya pa rin!
Wala na nga akong nagawa kundi ang sundin ang inuutos n’ya. Galit na s’ya eh, ano pa bang magagawa ko? ’Di ba ’pag ganyan s’ya tumitiklop na ako?
“Oo na po…” sagot ko na lamang sa kanya habang nakanguso at nagkakamot ng batok.
Pumunta na ako sa kwarto ni Tom at nang buksan ko ang ilaw ay muli nanaman akong nagulat. Bago ang kanyang kama at kasya na ang dalawang tao kapag matutulog dito. Dati kasi ay ’pag magtatabi kami dito ay medyo masikip dahil sapat lamang ito para sa isang tao. Pero gusto ko rin iyon dahil magkayakap kami buong gabi.
Napansin ko rin na may bagong kabit na aircon dito ngayon. Dati kasi ay electric fan lang ang gamit ko dito ’pag matutulog. Mayroon na rin bagong flat screen TV sa bandang paanan ng kama.
Kelan pa nailagay ’tong mga ’to?
Ang dami nang nagbago dito. Maging ang kurtina at wallpaper ay bago na rin.
Binuksan ko ang cabinet na pinaglalagyan ng mga damit namin ni Tom at nakita kong maayos pa rin ito ngunit may mga nadagdag sa helera ng mga damit n’ya. Napakagat ako ng labi habang nakangiti dahil sa mga nangyayari.
Napakasaya ko ngayong araw na ’to! Pinasaya ako ni Tom ngayong araw na ’to!
Hindi na ako nag-atubili pang kumilos. Mabilis akong kumuha ng tuwalya at nagtungo sa banyo.
Habang naliligo ay hindi rin nakaligtas sa akin ang mga bagong gamit dito sa banyo. Tulad na lamang ng toothbrush ko na dating mag-isa lamang sa lagayan ay may kasama na ngayon. Alam kong toothbrush din iyon ni Tom. Hindi na loner ang toothbrush ko ngayon!
Matapos kong maligo ay mabilis ko ring binalikan si Tom na tapos na ring maghanda ng aming kakainin. Hindi na lamang muna s’ya nagpalit ng kanyang damit at sinabayan na rin ako sa pagkain. Gutom na gutom na rin daw kasi ang mahal ko kaya mamaya na lamang daw s’ya maliligo.
Tanging lambingan at kasiyahan ang aming pinagsaluhan maliban pa sa mga pagkain sa aming harapan. Nakakatuwa na ang mga inihanda palang pagkain ni Tom ay mga paborito ko.
Gusto ko nang paliguan ng halik si Tom dahil sa mga ginawa n’ya para sa akin ngayong araw na ito! Gusto ko na s’yang yakapin ng mahigpit hanggang sa magrereklamo na s’ya na hindi na s’ya makahinga dahil sa higpit ng yakap ko! Gigil na gigil na ako sa kanya sa totoo lang!
Matapos ang aming hapunan ay nagpumilit na ako na maghuhugas ng aming pinagkainan dahil hindi pa rin s’ya nakakapagpalit ng damit hanggang ngayon. Nakikita ko rin na pagod na rin s’ya ngayon. Mabuti na lamang at hindi na s’ya nakipagtalo pa sa akin nang gawin ko ito. Nagdesisyon na lamang din s’ya na maligo na lamang muna habang abala pa ako sa paghuhugas.
Narito na kami ngayon sa kama at magkatabing nakahiga habang nanonood ng TV. Nakaunan s’ya sa aking dibdib at nakayakap sa aking katawan habang pinaglalaruan ko ang kanyang malambot na buhok.
“Master…” pagtawag ko sa kanya.
“Hhhmmm…” ang sagot n’ya at halatang pagod na.
“Thank you… Na-surprise talaga ako. Ang saya-saya ko. Lalo na ngayon at magkatabi tayong matutulog.” wika ko at hinalikan s’ya sa ulo.
Inangat n’ya ang kanyang ulo at ipinatong ang kanyang baba sa aking dibdib.
“Anything for you Master. Nagsisimula pa lang akong bumawi sa’yo.” nakangiti n’yang sagot habang namumungay na rin ang kanyang singkiting mata. Halatang inaantok na s’ya.
“Kelan pa ’to? I mean, last week iniwan ko naman ’tong bahay sa dating n’yang ayos maliban sa konting gamit na dinagdag ko.” tanong ko sa kanya.
“Kahapon lang.” maikli n’ya sagot.
“Kahapon lang?! As in lahat nang nandito kahapon lang binago?!” gulat na gulat kong tanong.
“Oo, kahapon lang. Kaya nga hindi ko masagot ang tawag mo ’di ba? Kasi busy ako sa pagpapaayos dito. Maaga kong kinausap si Aling Minda para maghanap ng mga taong tutulong sa akin. Habang nasa mall ako at bumibili ng iba pang kailangan, si Aling Minda muna ang namahala dito sa kung ano ang mga gagawin ng mga kinuha naming tao na magtatrabaho. Inabot nga kami ng hating-gabi dahil hapon na dumating ’yung delivery ng ibang gamit. Kaya nga antok na antok ako ngayon eh. Saka pagod na pagod ako dahil tumulong din ako sa kanila sa pag-aayos at paglilinis.” mahaba n’yang paliwanag.
Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko napigilang yakapin s’ya ng mahigpit at halikan ng paulit-ulit sa ulo.
“Thank you Master… Thank you… Thank you…” paulit-ulit kong sambit habang paulit-ulit s’yang hinahalikan sa ulo.
Hindi ko akalaing magagawa n’ya ito para lang sa akin. Gusto nang kumawala ng mga luha ko dahil sa lubos na kaligayahan ngayong mga oras na ’to.
“Master… hindi na ako makahinga… Ang higpit ng yakap mo…” pagrereklamo ni Tom bagamat natatawa ito.
Sinabi ko na ’di ba? Hindi ko s’ya bibitawan hanggat hindi s’ya magrereklamo sa yakap ko.
Nang maluwagan ang aming pagkakayakap ay tinanong n’ya ako.
“Happy ka ba?” tanong n’ya sa akin.
“Hindi lang happy! Sobrang happy!” masaya kong sagot sa kanya.
“Ako rin Master. Sobrang saya ko.” nakangiti n’yang wika habang nakangiti.
At dahil doon ay hindi ko napigilan na abutin ang kanyang labi at halikan iyon. Hindi naman ako nabigo dahil tinugon n’ya ang bawat halik ko.
Muli ko nanamang nahalikan ang labi ni Tom. At dahil sa ginagawa n’yang pagtugon ay hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko. Nakaramdam nanaman ako ng pag-iinit sa aking katawan kahit may aircon na kami ngayon dito.
Ang kamay kong nakayakap sa kanya ay hinahaplos ko na rin sa kanyang katawan. Ilang sandali pa ay hindi ko nanaman napigilan ang aking sarili na ipasok ang aking kamay sa suot n’yang t-shirt. Naramdaman ko nanaman sa aking palad ang makinis na katawan ni Tom.
Gggrrr!!! Nakakagigil talaga s’ya!!
Ngunit habang nasa ganoon akong paghaplos ay biglang bumitaw si Tom sa aking labi at nagsalita.
“Ayan ka nanaman eh! Hindi nanaman mapigilan eh!” paninita n’ya sa akin dahil sa sinisimulan kong mga paghaplos sa kanya.
“Master sige na… Nabitin na nga ako kanina sa office eh…” pagsusumamo ko sa kanya.
“Master bukas na… Antok na antok na talaga ako eh… Bukas sige, push natin ’yan.. Pero ’wag muna ngayon. Kasi pagod na pagod talaga ako..” pakiusap n’yang muli.
Tinanggal ko ng paunti-unti ang kamay ko mula sa loob ng kanyang t-shirt at malungkot na umayos ng pagkakahiga.
Naiintindihan ko naman s’ya. Alam kong pagod s’ya. Pero hindi ko kasi mapigilan eh! Para kasing gutom na gutom talaga ako sa kanya!
Nasa ganoon akong pag-iisip nang magsalita si Tom na nakatagilid ng pagkakahiga at nakaharap sa akin.
“Sige Master. Gawin natin ’to ngayon. Pero sa isang kondisyon.” mungkahi n’ya sa akin.
Bigla akong napalingon sa kanya at naging interesado sa sasabihin n’ya.
“Sige! Anong kondisyon?!” ang atat na atat kong tanong sa kanya.
Ngumiti muna s’ya ng malapad bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Ako ang papasok sa’yo ngayon. Payag ka?” nakangiti n’yang tanong sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata at naibuka ko pa ang aking bibig dahil sa labis na pagkabigla. Bigla akong kinilabutan sa sinabi n’ya.
Pucha! Hindi ko kaya ’yon! Hindi ko kahit kailan inisip na maging bottom!
Mabilis akong kumilos at kinuha ang isang unan sa aking ulo. Natataranta ko itong inilagay sa mga braso ni Tom para mayakap n’ya sa kanyang pagtulog. ’Di ba nga hindi ito napapahimbing sa pagtulog kung walang yakap na unan?
“Ah! Hehe! Eto unan Master oh! Sige na, matulog ka na! Pagod ka ’di ba? Inaantok ka na ’di ba? Sige na, magpahinga ka na. Sweet dreams Master! I love you!” mabilis at natataranta kong wika habang inilalagay ang unan sa kanyang mga braso.
Natawa naman s’ya sa pagkataranta ko. Jusko! Hindi na baleng wala kaming ano ngayon! ’Wag lang mangyari ang kondisyon n’ya sa akin!
Natatawa pa rin s’ya nang magsalita s’ya habang inaayos ang kanyang pagkakahiga at pagkakayakap sa unan na ibinigay ko.
“’Wag kang mag-alala Master. Tinanggap ko na sa sarili ko na ako ang bottom sa ating dalawa. Kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala.” natatawa n’yang wika sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa kanyang sinabi.
“Utang na loob Tom! ’Wag mo akong pinapakaba ng ganon! ’Wag mo nang uulitin ’yan ha?” sagot ko sa kanya.
“Opo opo. Sige na, magpahinga ka na rin Master. Maaga pa tayo bukas sa trabaho.” wika n’ya sa aking nakangiti habang napapapikit na ang kanyang mga mata.
Kung hindi lang ito inaantok ngayon baka nakurot ko na s’ya sa pisngi. Ang cute n’ya talaga ’pag nakangiti s’ya habang nakapikit! Para s’yang anghel!
Dahil sa huli n’yang sinabi ay may biglang pumasok na ideya sa aking utak. Masyado n’ya akong pinasaya ngayong araw na ito kaya dapat ay bumawi ako.
Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nagpunta sa text message. Nag-type ako ng maikling mensahe sa taong imi-meet ko bukas. Hindi pala, sa taong imi-meet namin ni Tom bukas. Sinigurado kong matatanggap ng taong iyon ang aking text kaya sinend ko ito ng limang beses.
“Sino pa ba ’yang tinetext mo? Magpahinga ka na rin Master. Gabi na oh? Matulog na tayo.” nakanguso nang wika ng mahal ko sa tabi ko.
Inilapag ko na ang aking cellphone sa mesang nasa tabi ng kama at pinatay ko na rin ang TV.
Inilagay ko na rin ang aking braso sa ilalim ng ulo ni Tom para gawin n’yang unan.
Lintek na unan sa pagitan namin na yakap n’ya ngayon! Hindi ko tuloy s’ya mayakap ng buo dahil dito!
“Good night Master… I love you…” malambing n’yang wika.
“Good night Master. Mas mahal kita..” sagot ko naman sa kanya at hinalikan s’ya sa kanyang ulo.
Quota na ako ngayong araw na ’to!
Sobrang saya ko!
A/N
Woohhh!! Natapos din!! Ayan, bumawi ako sa haba ng chapter na ’to kasi medyo matagal ang update ko. Hehe!
Sana nag-enjoy kayo sa chapter na ’to! Salamat sa patuloy na pagbabasa!
Comments and votes na rin po please??
Ingat kayo lagi mga mahal kong readers!!
––cold_deee
chapter 19 - brandy egg nog
A/N
Hello again and again readers!
Sorry po, natagalan ang update. Nabura una kong draft eh. Data kasi gamit ko nung nag-save ako. Malay ko bang tapos na pala promo ng globe?! Hahahaha!
Anyway, sana mag-enjoy po kayo sa chapter na ’to.
––> si Tom po sa media.
TOM POV
Simula nang magkaayos kami ni Xander ay hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing gigising ako sa umaga. Bakit nga ba hindi? S’ya kasi ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing imumulat ko ang aking mata.
Muli kong naalala ang reaksyon ni Xander kagabi dahil sa ibinigay kong sorpresa.
Lahat ng pagod ko sa loob ng dalawang araw ay maganda ang naging bunga. Kahit pa simula nang bumaba kami ng bundok ay wala pa akong sapat na pahinga, nagkaroon naman ng magandang resulta ang lahat ng ’yon.
Ngayon ko lang napag-isip-isip na sobrang na-miss ko din si Xander. Kahit pa sabihing matagal na kaming magkasama sa trabaho ay iba pa rin ang pakiramdam na nasa tabi ko na s’yang muli. Na muli ko na s’yang nahahawakan at muli ko nanaman s’yang nakakatabi sa pagtulog. Walang sawa rin naming sinasabi at pinaparamdam kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa.
Nakikita ko rin kay Xander ang kasiyahan na magkasama kaming muli. Muli kong nasaksihan ang pagiging masigla n’ya. Wala na akong mahihiling pa sa mga oras na ito kundi ang makasama s’ya sa lahat ng oras.
Kagaya ng ipinangako ko sa sarili ko, lahat ng naging hirap at sakripisyo ni Xander sa akin ay gusto kong maibalik sa kanya. Ipapakita ko sa kanya kung gaano s’ya kahalaga sa akin.
Ngayon ko rin napagtanto na sa kabila ng nangyari sa amin dalawang taon na ang nakakalipas ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko ito kinalimutan kailanman, itinago ko lamang pala ito sa mahabang panahon.
Nakangiti ako sa mga oras na ito habang nakahiga pa rin sa kama na naririto sa aking kwarto sa dati naming bahay.
“Sh*t!” ang nabibigla kong sambit at mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga.
Naalala ko kasing may pasok nga pala kami ngayon sa trabaho.
Nang lingunin ko ang aking tabi ay wala na roon si Xander.
“Nasan na ’yun?” tanong ko sa aking sarili.
Mabilis akong nagtungo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Matapos gawin ang bagay na iyon ay mabilis din akong lumabas ng kwarto para hanapin si Xander.
Nang makarating ako sa kusina ay napangiti ako sa aking naabutan.
Si Xander na nagluluto sa mga oras na ito. Nakatalikod ito sa aking pwesto ngayon. Wala s’yang suot na pang-itaas na damit at tanging boxer shorts at apron lamang ang tanging takip ng kanyang katawan. Kitang-kita ko ang malapad n’yang likod at nagfe-flex ang kanyang muscles sa bawat pagkilos n’ya.
Pinagmasdan ko lamang s’ya habang abala pa rin sa pagluluto. Sumisipol pa s’ya at halatang maganda ang gising n’ya. Tinitigan ko s’ya simula sa kanyang ulo hanggang paa.
Bigla ko na lang naramdaman na uminit ang aking mukha dahil muli kong naalala ang ginawa kong pang-aakit sa kanya nitong mga nakaraan. Ewan ko ba! Gustong-gusto ko kasi ang reaksyong nakikita ko kay Xander kapag nagiging mainit ang aming tagpo. Kahit ako ay hindi na rin mapigilan minsan ang sarili kapag nasa ganoon na kaming sitwasyon.
Napailing na lamang ako sa pag-alala sa mga ito.
‘Nahawa na yata ako sa pagiging mahilig nito ni Xander!’
pagkausap ko sa aking sariling isip habang umiiling.
Nasa ganoon akong posisyon nang biglang humarap si Xander dahilan para makita n’ya ako. Napatigil din s’ya sa kanyang ginagawang pagsipol dahil nagbitaw s’ya ng magandang ngiti.
Tsk! Ang ganda naman ng umaga!
“Good morning Master!” masaya n’yang bati sa akin at mabilis na lumapit para bigyan ako ng halik sa noo.
“Good morning. Ang aga mo naman gumising?” bati ko rin sa kanya.
“Wala lang. Parang hindi ka naman nasanay sa akin. Ganito naman ako kahit noon pa sa’yo.” nakangiti n’yang sagot sa akin.
Hinawakan n’ya ako sa kamay at iginaya ako sa upuan sa hapag kainan.
“Umupo ka na lang d’yan, magtitimpla lang ako ng kape natin. Sakto pala ang gising mo, tapos na rin ako magluto.” masaya n’yang sambit at pinatay ang kalan na pinaglulutuan n’ya.
Nakahanda na rin pala sa mesa ang aming mga gagamitin kaya wala na rin akong gagawin para matulungan s’ya.
Ilang sandali pa ay inilapag na n’ya sa aking harap ang kape na tinimpla n’ya. Ang isa naman ay inilapag n’ya sa harap ng platong gagamitin n’ya.
Habang inihahanda n’ya ang kanyang mga niluto ay uminom muna ako ng kapeng tinimpla n’ya. Kahit sa pagtimpla ng kape ay masarap gumawa si Xander.
“Master, may lakad nga pala tayo ngayon ha?” bigla n’yang sambit at inilapag ang kanyang mga inihandang agahan.
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi kaya nilingon ko ito. Hawak n’ya ang plate na may fried rice at naglagay sa aking plato.
“Eh talaga naman may lakad tayo ngayon Master eh. Papasok tayo ngayon sa trabaho.” sagot ko sa kanya.
Ako naman ang kumuha ng fried rice at naglagay sa kanyang plato.
“Hindi tayo papasok. May iba tayong pupuntahan.” nakangiti n’ya namang wika sa akin.
Napatigil ako sa paglalagay ng fried rice sa kanyang plato dahil sa kanyang sinabi.
“Ha? Anong hindi papasok?! Umayos ka nga Master ah! Kagagaling lang natin sa pahinga tapos ngayon sasabihin mo sa akin na hindi nanaman tayo papasok? Gusto mo bang matanggal tayo sa trabaho?” pagbubunganga ko sa kanya.
“Grabe naman. Ang aga naman magbunganga ng misis ko!” nakangiti n’ya pa ring sagot sa akin.
Inambaan ko naman s’ya ng pukpok ng sandok dahil sa kanyang sinabi. S’ya naman ay akmang iilag habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang sarili. Hindi ko naman talaga itutuloy ’yun, ganito na talaga kami ni Xander noon pa.
“Joke lang! Joke lang!” sagot n’ya at hinalikan ako sa pisngi.
“Umayos ka kasi!” inis kong sambit at itinuloy ko ang naantala kong paglalagay ng fried rice sa kanyang plato.
“Sige na Master. Ngayon lang naman eh. Saka matutuwa ka sa pupuntahan natin! Promise!” wika n’ya pa at itinaas pa ang kanang kamay n’ya na tila nanunumpa.
“Master, kahit gaano pa kaganda ang pupuntahan natin kung trabaho naman natin ang maaapektuhan hindi pa rin magandang bagay ’yun.” paliwanag ko naman sa kanya.
“Ako naman ang bahala sa’yo eh. Basta sumama ka lang sa akin! Sige na, please?” pagmamakaawa n’ya pa habang ang dalawa n’yang palad ay pinagdikit pa na tila ba nagdadasal s’ya.
“Hinde! Papasok tayo ngayon.” matigas kong sagot sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay unti-unti n’ya namang ibinaba ang kanyang dalawang kamay at tahimik na umayos ng upo. Sinimulan na rin naming kumain ngunit binalot na rin kami ng katahimikan.
Nilingon ko si Xander at nakita ko ang malungkot nitong ekspresyon. Nakayuko ito at dahan-dahan ang ginagawang pagsubo ng kanyang pagkain. Pakiramdam ko ay may nagawa akong kasalanan dito at binabagabag ako ngayon ng aking konsensya.
’Hay naku! ‘Wag ka ngang ganyan Xander!’
pagkausap ko sa kanya sa aking isip.
’Pag ganito na kasi si Xander ay hindi na ako matahimik. Nanlalambot ako at hindi na pinatatahimik ng aking konsensya. Alam ko rin na buong araw ay ganito na s’ya at hindi magbabago iyon kung hindi ko pa s’ya lalambingin.
Ibinaba ko ang aking kutsara at tinidor. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magsalita.
“Saan ba kasi tayo pupunta?” mahinahon kong tanong sa kanya.
“Wala naman Master. ’Wag mo na isipin ’yon.” sagot n’ya naman sa akin sa malungkot na tono at hindi ako tinitingnan.
Huminga nanaman ako ng malalim dahil sa naging sagot n’ya. Hindi ko talaga kaya na nakikitang ganito si Xander.
“Sige, ganito na lang. Gaano ba kasi kahalaga ang pupuntahan natin at kailangan pa nating um-absent sa trabaho? Mas mahalaga pa ba ’yan sa trabaho?” tanong ko pa ring mahinahon sa kanya.
Tiningnan n’ya ako gamit ang kanyang mga nakakaawang mga mata. Kitang-kita ko ang kalungkutan sa kanya ngayong mga oras na ito kaya lalo akong nanghihina. Ilang segundo ang hinintay ko bago n’ya nagawang sumagot.
“Hindi naman mahalaga kung saan tayo pupunta eh. Mahalaga ito dahil ngayon lang ulit tayo magkakasama ’di ba? Ang tagal natin nagkahiwalay Master. Gusto ko lang naman sulitin ’yung mga araw na hindi tayo nagkasama noon. ’Yung mga panahon na nasayang dahil nagkahiwalay tayo.” malungkot n’yang sagot sa akin.
Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi dahil sa pagkakonsensya. Muli n’yang ipinagpatuloy ang kanyang mga sinasabi.
“Alam mo ba Master? Noong nasa Amerika ka, madalas kitang dalawin noon. Nandon ako nung nag-enroll ka sa bagong University na pinasukan mo. Nandon din ako nung nakatapos ka. Kahit noong nakahanap ka na ng trabaho sa isang hotel, nandon ako. Pero lagi lang akong nakatanaw sa malayo. Kahit gusto kong lumapit sa’yo, hindi ko magawa. Kaya sa malayo na lang kita pinapanood.” pagpapatuloy n’ya pa.
“Ano??!! N-nagbibiro ka lang ’di ba?!” gulat na gulat kong tanong sa kanya.
Muli s’yang yumuko at sinagot ang tanong ko.
“Nung nag-enroll ka Master, kulay blue ang suot mong polo… Nung nag-graduate ka naman, pula ang necktie ng suit mo ’di ba? May mga pictures mo din ako sa tuwing pinapanood kita… Kaso malayo lang ang mga kuha ko sa’yo kasi kailangan kong magtago… Baka kasi makita mo ako eh… Ayokong masira ang mood mo dahil lang makikita mo ako… Sa tuwing papasok ka naman sa trabaho, laging nakalagay sa bulsa ng polo mo ’yung ballpen mo kahit nasa biyahe ka pa lang papunta sa trabaho mo… Alam ko ang lahat ng ’yon Master… Kasi binabantayan kita kahit sa malayo…” malungkot n’yang wika habang nakayuko.
Napapikit ako dahil sa kalungkutang bumabalot sa kanya ngayon. Nang sabihin n’ya ang mga bagay na ’yon ay lalo pa akong nanghina. Hindi ko alam na may mga ganitong bagay s’yang ginawa para lang makita at mabantayan ako noon. Gusto nang kumawala ng mga luha ko ngayon dahil sa narinig ko sa kanya.
Totoo naman ang kanyang sinabi. Matagal na panahon kaming nagkahiwalay at alam kong kahit nagkabalikan na kami ngayon ay miss na miss pa rin namin ang isa’t-isa. Hindi rin kami nagkasama noong isang araw dahil kinailangan kong asikasuhin itong pagpapaayos sa bahay. Kahapon naman ay kalahating araw lang kaming nagkasama at nang makauwi naman kami ay tinulugan ko lang din s’ya kahit na alam kong gusto n’ya pang mag-usap kami ng mahaba pang oras.
Nilingon ko s’yang muli at lalo akong naghina nang makita ko s’yang nagpunas ng kanyang mga mata, tanda na umiiyak s’ya. Napakagat na lamang ako ng aking labi dahil sa sobrang pagkakonsensya.
“Master…” pagtawag ko sa kanya.
Inangat n’ya ang kanyang mga kamay at hinawakan muli ang kanyang mga kubyertos.
“Sige na, ituloy na natin ang pagkain. Baka mahuli pa tayo sa trabaho.” malungkot n’yang wika at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nanatili s’yang nakayuko.
Inangat ko ang aking kamay at hinawakan ang kanyang kamay dahilan para mapatigil s’ya.
“Master… sorry na…” paghingi ko ng tawad sa kanya at marahang pinisil ang kanyang kamay.
Ilang segundo pa bago n’ya nagawang sumagot. Inangat n’ya rin ang kanyang mukha kaya nagtama ang aming paningin. Nakita ko ang bakas ng kanyang mga luha. Kahit na malungkot ang kanyang mga mata ay nagawa n’ya pa ring ngumiti ng pilit.
“Okay lang Master. Naiintindihan ko. Sorry kung naging OA ako. Hayaan mo, mamaya wala na rin ’to. Sige na, ituloy na natin ang pagkain para makapasok na rin tayo sa trabaho. Mahaba pa ang magiging biyahe natin.” nakangiti ngunit malungkot ang kanyang tono ng pagsagot.
Ganoon na nga ang nangyari. Itinuloy namin ang aming pagkain at kahit alam kong nalulungkot s’ya ay sinusubukan n’yang magtanong ng magtanong sa akin para hindi magkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sinusubukan n’yang tuparin ang kanyang sinabi na mamaya lamang ay mawawala na ang kalungkutan n’ya kahit alam ko naman na hanggang matapos ang araw ay ganito s’ya.
Nahihirapan ako sa nakikita ko sa kanya. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa kalungkutang bumabalot sa kanya.
Nang matapos kaming kumain ay nauna s’yang pumasok sa banyo para maligo. Habang nasa loob s’ya ng banyo ay nakaisip ako ng magandang solusyon. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinext si Olyn.
“Siguro hindi ko naman ikakatanggal sa trabaho ’to kung sakaling um-absent ako ngayon?” tanong ko sa aking sarili.
“Hay! Bahala na nga! Hindi ko talaga kayang tiisin ’tong si Xander eh!” muli ko pang sambit.
Wala pang dalawang minuto ay nakatanggap na ako ng reply kay Olyn nang magpaalam akong hindi makakapasok. Nagdahilan na lamang ako na masama ang pakiramdam ko. Ngunit nagulat ako sa nilalaman ng kanyang text.
’Gaga ka! ’Wag ka na nga mag-imbento pa na may sakit kang haliparot ka! Kanina pa kami informed ni Sir Xander na hindi kayo makakapasok! S’yempre um-oo na lang kami sa kanya! Sino ba kami para magreklamo sa utos ng boss natin ’di ba?! Kaloka kayo! Ang lalandi n’yo! Malamang magdamag na bunutan at baunan ang gagawin n’yo ngayong araw na ‘to?!’
ang nilalaman ng kanyang text.
Napamura na lamang ako sa aking isip. Ang aga-aga puro kabastusan na ang sinasabi ng babaeng ’to! Pero hindi na bale, ang mahalaga ay wala na kaming problema. At least, mapapagbigyan ko na ngayon si Xander.
Mabilis kong kinuha ang isang towel sa cabinet at ilang mga damit. Naisipan kong sa kabilang banyo na lamang ako maliligo. Hindi ko na hihintayin pang matapos si Xander sa pagligo sa banyong nasa kwarto kong iyon. Mabuti na lamang at naisipan kong mamili ng mga kailangan kahapon dito sa bahay kaya may nagamit ako sa pagligo dito sa kabilang banyo.
Matapos maligo at magbihis ay bumalik ako sa kwarto ko para mag-toothbrush. Naroon kasi sa banyong iyon ang toothbrush ko kasama ang toothbrush ni Xander. Nang makapasok ako sa kwarto ay nakatalikod si Xander mula sa aking pwesto hanggang sa makapasok ako ng banyo. Abala s’ya sa pag-aayos ng kanyang sarili.
Matapos kong mag-toothbrush ay mabilis din akong lumabas ng banyo. Nakita ko si Xander na nakaupo sa kama at nagtatakang tinitingnan ako. Nakasuot na ito ng pang-opisina at mukhang hinihintay na lamang ako sa mga oras na ito para makaalis na kami. Hindi ko s’ya pinansin at diretso lamang akong nagpunta sa harap ng salamin para magsuklay. Nakita ko kung paano n’ya ako sinusundan ng tingin at nakikita ko ang kanyang ekspresyon na nagtataka.
Sino ba namang hindi magtataka? Naka-semi fit na black denim shorts lang ako at white cotton shirt na tinupi ko hanggang siko. Suot ko rin ang binigay n’yang sneakers noong natulog ako sa condo n’ya sa Taguig.
“Bakit ganyan ang suot mo Master? Papasok ka na ganyan lang ang suot mo?” tanong n’ya na puno ng pagtataka.
Hindi ko s’ya tiningnan. Ipinapagpatuloy ko ang aking pagsusuklay nang sagutin ko s’ya.
“Sabi mo hindi tayo papasok ngayon ’di ba? Dapat ba sa pupuntahan natin naka-corporate attire tayo?” tanong ko sa kanyang hindi nililingon.
Hindi s’ya nakapagsalita, marahil ay nabigla. Kaya ang ginawa ko ay inilapag ang suklay na aking gamit at humarap sa kanya.
“Saan ba tayo pupunta at naka-corporate attire ka? Meeting ba ’yung pupuntahan natin?” tanong ko sa kanya at dahan-dahan akong nagpakawala ng ngiti.
Dahil sa aking sinabi ay unti-unti ko nang nasilayan ang ngiti ni Xander, ang totoo n’yang ngiti. Mabilis din ang pangyayari dahil bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Hindi pa s’ya roon nakuntento at maraming beses akong hinalikan sa pisngi.
“Thank you Master! Thank you!” masayang-masaya n’yang sambit habang pinapaliguan ako ng halik.
Natawa naman ako sa kanyang naging reaksyon.
“Sabi ko na nga ba ito lang ang makakapagpabago ng mood mo eh.” natatawa kong sambit sa kanya habang yakap din s’ya.
“Eh kasi akala ko hindi ka papayag eh! Ang saya-saya ko!” sagot n’ya naman sa akin at mas mahigpit pa akong niyakap.
“Halata nga! Ang saya-saya mo!” natatawa kong reaksyon sa kanya. “Ano? Wala ka bang balak magbihis d’yan?” tanong ko pa sa kanya.
Agad naman s’yang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
“Sige, wait lang ha? Magbibihis na ako! ’Wag ka mainip ha? Saglit lang ’to!” masaya n’yang sambit.
Mabilis s’yang nagtungo sa aming cabinet at namili ng susuotin doon. Mabilis s’yang kumilos kaya natatawa ko na lamang s’yang pinagmamasdan.
Suot ang kanyang black skinny jeans, knit cotton sweater na kulay maroon at may white and black na line sa bandang dibdib ay nag-stand out si Xander.
Tae, para akong may kasamang model nito! Kahit yata trash bag ang isuot nito bagay pa rin sa kanya eh!
“Tara na Master! Alis na tayo!” masaya n’yang pagyaya sa akin at hinatak na ako sa kamay.
Pambihira! Kanina lang hindi mo maipinta ang mukha ng lalaking ’to! Ngayon naman tinalo pa ang ngiti ng isang cartoon character eh!
Napapailing na lamang ako dahil sa biglang pagpapalit ng mood ni Xander. Gayunpaman, masaya ako sa nakikita ko sa kanya ngayon.
Bago kami makalabas ng pinto ng bahay ay bigla na lamang itong tumigil. Nilingon n’ya ako habang hawak pa rin n’ya ang kamay ko.
“Wait lang, may nakalimutan ako!” bigla n’yang sambit.
“Ano ’yon? Ako na lang ang kukuha kung gusto mo.” pag-alok ko naman sa kanya.
“Eto oh!” sagot n’ya lamang at binigyan ako ng halik sa labi.
Natawa na lamang ako sa kanyang ginawa. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin s’ya. Hindi n’ya kinalilimutan na bago kami lumabas ng bahay ay hahalik muna s’ya sa akin.
Nang makalabas kami ng bahay ay agad din kaming sumakay sa kanyang kotse. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil habang nagmamaneho si Xander ay sumisipol-sipol nanaman ito.
“Master, saan ba tayo ngayon pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Sa condo ko sa Alabang.” nakangiti n’ya namang pagsagot.
Nakaramdam ako ng kaba sa sagot n’yang iyon. Naaalala ko kasi ang mga naging kaganapan namin noon bago kami nagkahiwalay.
Siguro ay naramdaman n’ya ang bagay na iyon dahil hindi ako nakaimik. Marahan n’yang hinawakan ang kamay ko na nasa kanyang binti at pinisil iyon.
“’Wag kang mag-alala Master. Kahit ako kinakabahan din ngayon. Simula nang umalis ka dito sa Pilipinas, hindi pa ako nakakabalik doon. Bumabalik kasi sa ala-ala ko nung araw na iniwan mo ako sa bahay kong iyon. Kaya simula nung umalis ka, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako babalik doon nang hindi ka kasama. Kaya nga lumipat din ako sa Taguig at kung minsan naman ay sa bahay n’yo ako nauwi ’di ba? Nalulungkot kasi ako doon. Lahat ng sulok ng bahay kong iyon, puro ikaw ang nakikita ko.” wika n’yang malungkot habang patuloy pa rin sa kanyang pagmamaneho.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi bagamat nalulungkot din ako.
“Kung ganon, edi sabay nating harapin ang takot na ’yon. Magkasama na tayong babalik doon kaya wala na rin tayong dapat pang ipangamba ngayon.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Lumuwag ang pagkakangiti ni Xander at saglit akong nilingon. Hinalikan n’ya rin ang aking kamay at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
“Kaya natin ’to! Ngayon pa ba? Magkasama na tayo oh!” masaya n’yang sambit.
Nagpatuloy na kami sa aming biyahe patungo sa condo n’yang iyon. Nawala na rin ang aming pag-aalinlangan dahil napalitan ng lambingan at tawanan ang aming paglalakbay.
Nang makarating kami sa parking lot ng condo building n’yang iyon ay hindi muna kami lumabas agad sa kotse.
“Ready?” tanong n’ya sa aking nakangiti.
“Ready!” nakangiti ko ring sagot sa kanya.
Matapos iyon ay sabay na rin naming tinungo ang elevator papunta sa kanyang unit. Nang makarating kami sa floor kung saan ang kanyang unit ay muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga masasakit na sandali ng aming relasyon. Ngunit dahil sa mahigpit na hawak ni Xander sa aking kamay ay unti-unti na ring nawawala ang aking takot.
Tama. Nandito si Xander at kasama ko na s’ya ngayon. Wala na akong dapat pang ikatakot. Tapos na ang masasakit na ala-alang iyon.
Nakarating kami sa pinto ng kanyang unit at hindi n’ya muna binuksan iyon. Humarap s’ya sa akin at nakita ko ang excitement sa kanyang mga mata.
“Master, dito ka muna sa labas ha? ’Pag binuksan ko na ang pinto, pwede ka nang pumasok.” nakangiti n’yang bilin sa akin.
“Ha? Bakit naman? Madumi ba ang loob? Tulungan na kita maglinis.” pag-alok ko sa kanya.
“No. May naglilinis naman nitong unit ko kahit wala ako. Nasa loob kasi ang sorpresa ko sa’yo.” nakangiti n’ya namang paliwanag.
Kahit marami pa akong gustong itanong ay sumang-ayon na lamang ako.
Ang bilin ni Xander ay maghintay lamang ako hanggang sa pagbuksan n’ya ako ng pinto. Kaya ngayon ay nakatayo lamang ako sa harap ng pinto at naghihintay sa pagbukas nito.
Ilang sandali pa lamang ay unti-unti nang nagkakaroon ng siwang ang pintong iyon. At nang tuluyan itong magbukas ay nanlaki ang mga mata ko sa taong nakatayo ilang metro sa aking harap.
“Baby Carla?!!!” ang gulat na gulat kong sambit.
“Papa??!!” ang naisambit naman ni Carla na halatang gulat na gulat din.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at s’ya rin naman ay tumakbo para salubungin din ako.
Nang tuluyan na kaming makalapit sa isa’t-isa ay halos tumalon ito sa akin para mayakap ako. Mahigpit ang aming pagkakayakap habang tumatawa at naikarga ko pa s’ya. Inikot-ikot ko pa s’ya habang nasa aking bisig.
“Grabe!!! Na-miss kita!!!” masaya kong sambit habang yakap s’ya.
“Me too Papa!!! Super duper na-miss kita!!” sagot n’ya rin sa akin.
Napatigil naman ako sa pag-ikot habang nakayakap sa kanya.
“Papa?” tanong ko nang may pagtataka nang paghiwalayin namin ng kaunti ang aming yakap.
Nakangiti ito sa akin bago sumagot.
“Yes po, Papa.” tipid n’yang sagot.
Nilingon ko si Xander na nasa may bahaging pinto pa rin ng kanyang condo. Nakangiti ito sa amin at masayang-masaya s’ya sa muli naming pagkikita ni Carla.
“Surprised?” tanong n’yang nakangiti.
“Oo, sobra!! Thank you!! Na-miss ko talaga s’ya!” wika ko sa kanya at muli kong tiningnan si Carla at hinalikan ng paulit-ulit sa pisngi at leeg.
Tawa naman ng tawa si Carla dahil sa ginagawa kong paghalik sa kanya.
“Papa tama na po! Nakikiliti na ako!” pakiusap ni Carla habang tumatawa.
Muli nanaman akong napatigil dahil narinig ko nanaman ang salitang Papa sa kanya.
“Kanina ko pa naririnig ’yang Papa na ’yan? Ako na nga ng kaharap mo baby Carla pero ’yung Daddy mo pa rin ang tinatawag mo. Hindi mo yata talaga ako na-miss eh.” paglalambing ko kay Carla na kunwari ay nagtatampo.
Dahil sa sinabi ko ay natawa si Xander.
“Anak, bumaba ka na d’yan. Big girl ka na oh! Baka nabibigatan na ’yang si Papa mo.” utos n’ya kay Carla habang nakangiti.
Muli nanamang nangunot ang aking noo. Unti-unti rin ay naramdaman kong bumababa na si Carla mula sa pagkarga ko sa kanya. Nang makababa s’ya ay hinawakan n’ya naman ang aking kamay.
Tiningnan ko si Xander ng may pagtatanong dahil sa sinabi n’ya. Mukhang nakuha n’ya naman ang ibig kong sabihin kaya unti-unti s’yang lumapit sa akin at umakbay bago sinimulang magpaliwanag ng nakangiti.
“Nung umalis ka, si Carla mismo ang nagtanong sa akin kung pwede ka raw ba n’yang tawaging Papa. Gusto n’ya raw kasi ay may dalawa na s’yang Daddy. Sabi ko naman, s’ya na mismo ang magtanong sa’yo kung okay lang ba ’yon sa’yo. Kaya ayan! Hindi na yata nahintay na magtanong sa’yo, nag-decide na lang nang walang pahintulot mo.” natatawang paliwanag ni Xander.
Napangiti ako sa sinabi ni Xander. Yumuko ako para magpantay kami ni Carla.
“Totoo ba ’yon baby?” nakangiti kong tanong kay Carla.
“Yes po. It’s okay lang naman po ’di ba? To call you Papa?” tanong n’ya sa akin.
“Oo naman! Baby naman talaga kita eh!” sagot kong masaya sa kanya.
“Yey!! You heard it Daddy?!! I can call him Papa na!” masaya n’yang balita sa kanyang Daddy.
“Are you happy?” tanong sa kanya ni Xander.
“Yes Daddy! Super happy!” sagot ni Carla at yumakap muli sa akin.
Grabe! Na-miss ko talaga s’ya! Napansin kong tumangkad ng kaunti si Carla, pero mas lalo s’yang naging magandang bata.
“Oh, enough na ’yan. Mag-ready na kayo at may pupuntahan tayo.” pag-awat sa amin ni Xander dahil mukhang wala na kaming balak pang magbitaw ni Carla sa pagkakayakap.
Nang tuluyan na kaming magbitaw sa pagkakayakap ay nanatili naman kaming magkahawak ng kamay ni Carla.
“Where are we going Daddy?” tanong ni Carla kay Xander.
“Sa mall anak. Gusto mo bang mag-shopping?” tanong ni Xander sa kanyang nakangiti.
“Anywhere and anything Daddy! Basta kasama si Papa Tom ko!” masayang sagot naman ni Carla.
Dahil sa tuwa ay nakurot ko ng mahina ang kanyang pisngi.
Hindi na nga kami nagtagal pa sa unit ni Xander. Pinauwi na rin ni Xander ang yaya at driver nila dahil ito ang naghatid kay Carla sa unit n’ya. Binilinan na lamang n’ya ang mga ito na balikan na lamang si Carla kinabukasan dahil kasama namin itong matutulog ngayong gabi.
Sakay ng sasakyan ni Xander ay nagsimula na kaming bumiyahe. Sa backseat kami umupo ni Carla habang si Xander naman ay nagmamaneho. Wala kaming ginawa ni Carla kundi ang magkwentuhan at magtawanan sa likod. Si Xander naman ay nakikitawa lamang sa amin ni Carla.
Nang makarating sa mall ay mahigpit ang hawak sa akin ni Carla. Ramdam na ramdam ko sa batang ito na na-miss n’ya ako. Kung sabagay, ganoon din naman ako sa kanya. Miss na miss ko rin s’ya.
Nagsimula na kaming mag-ikot-ikot sa loob ng mall. Hindi kami nagbibitaw ng kamay ni Carla at puro katuwaan lang kami habang naglalakad sa mall. Minsan ay hinihila n’ya ako kapag may nakikita s’yang nakakatuwa sa loob ng mall. Minsan naman ay ako ang humihila sa kanya kapag may nakikita naman akong alam kong ikakatuwa n’ya. Napansin ko naman na bahagyang nabawasan ang kaingayan ni Xander. Tahimik lamang itong sumusunod sa amin ni Carla.
Nasa department store kami ngayon at tumitingin ng mga pwede naming mabiling damit. Kailangan ko rin kasing mamili dahil kung sa condo kami ni Xander matutulog ngayong gabi ay wala akong magagamit na damit kinabukasan pagpasok. Nalaman ko kasi kay Xander na lahat ng damit ko sa kanyang unit ay iniuwi n’ya sa luma naming bahay.
“Master, maganda ba ’tong polo na ’to? Bagay kaya sa akin ’to?” tanong sa akin ni Xander habang hawak ang isang polo.
Sasagot na sana ako sa kanya para sabihing kahit ano namang polo ay bagay sa kanya. Ngunit hindi ko na nagawa pang sumagot dahil biglang sumabat si Carla mula sa aking tabi na hindi binibitawan ang aking kamay.
“Papa! Next naman po tayo sa kids section ha? I want to buy new dress po eh.” nakangiting request sa akin ni Carla.
“Sure baby! Pipili lang muna si Papa ng pwede n’yang maisuot sa work ha?” sagot ko sa kanyang nakangiti.
Nilingon ko si Xander upang ituloy na sana ang aking sasabihin ngunit hindi ko na maalala pa ang kanyang tanong kanina. Masyado kasi akong natutuwa kay Carla.
“Ano nga ulit Master ang tanong mo?” nakangiti kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang pagsimangot nito bago ako nagawang sagutin.
“Nevermind.” sagot n’ya at tumalikod na lamang sa amin para pumasok sa fitting room na naroon.
Nilingon ko si Carla ng may pagtataka.
“Anong problema ng Daddy mo?” tanong ko kay Carla.
Nagkibit balikat naman ang bata at hindi sumagot sa aking tanong.
Matapos ni Xander magsukat ng kanyang damit ay ako naman ang sumunod sa fitting room. S’ya naman ang naiwan kay Carla para magbantay.
Matapos isuot ang polo na napili ko ay lumabas ako sa fitting room para tanungin ang opinyon ng mag-ama.
“Okay lang ba ’yung kulay na ’to sa akin?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Ayan Master! Bagay sa––” masayang sagot sana ni Xander ngunit naputol dahil sa biglang pagsagot ni Carla.
“Yes Papa! It suits you! Kahit ano naman po yata ang suotin n’yo bagay po sa’yo!” masayang sagot ni Carla.
“Talaga?” tanong ko sa kanyang nakangiti.
“Promise po!” sagot n’ya naman habang nakataas pa ang kanang kamay.
Hay! Ang cute n’ya talaga!
“Wow! Pa-kiss nga baby! Nanggigigil ako sa’yo eh!” masayang request ko sa kanya.
Hindi naman nagdalawang isip pa si Carla dahil mabilis s’yang lumapit sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi.
May mga ilang pinamili pa kami sa mens section para sa aming dalawa ni Xander. Noong una ay nagtatanong pa si Xander sa akin, ngunit nitong mga huli ay basta na lamang itong kukuha ng damit at hindi na nagawa pang magtanong sa amin kung maganda ba ang napili n’ya. Nakasimangot na rin s’ya ngayon. May isang beses pa nga na hindi n’ya na napigil ang sarili n’yang makipagtalo sa kanyang anak dahil laging sumasabat sa usapan naming dalawa.
Alam kong nakakaramdam na ito ngayon ng inis. Lagi kasi kaming magkausap ni Carla. Sa tuwing may pagkakataon naman na mag-uusap kami ay sumasabat naman si Carla para kausapin ako.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Xander dahil hindi na talaga maipinta ngayon ang kanyang mukha.
Nakarating kami sa kids section para naman sa mga gustong bilhin ni Carla. Nasa loob s’ya ng isang dressing room kasama ang isang sales lady upang isukat ang napili n’yang mga damit. Nasa labas kami ni Xander at nakaupo habang hinihintay ang paglabas ni Carla.
Tahimik pa rin ito hanggang ngayon at nakakaramdam nanaman ako ng pagkakonsensya dahil hindi namin s’ya mabigyan ng atensyon.
Hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay dahil wala na yatang balak pang magsalita.
“Master… may problema ba? Kanina ka pa tahimik eh…” mahinahon kong tanong sa kanya.
Huminga naman s’ya ng malalim bago sumagot.
“Eh kasi naman Master! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil nagkita na kayo ng anak ko. Miss na miss ka na kasi nun eh! Tapos nakita kong masaya ka rin na nakita s’ya. Kaso mukhang ako naman yata ang lugi sa inyo dahil hindi mo na ako magawang pansinin. Kaya nga tayo um-absent sa trabaho para masulit ’yung oras na nawala sa atin, tapos inaagaw ka naman sa akin ng anak ko!” ang mahaba at naiinis n’yang paliwanag.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ngunit nang makabawi ako ay natawa na lamang ako sa kanya dahil nag-aasal bata nanaman ito.
“Master naman… pagbigyan na natin si Carla. Ngayon lang naman kami nagkita n’yan eh. Saka ikaw? ’Di ba minsan mo lang naman s’ya makasama? Dapat sulitin mo rin na kasama mo s’ya ngayon.” pangungumbinsi ko sa kanya.
“Alam ko naman ’yun! Kaso hindi ko maiwasan magselos kasi parang inaagaw ka nga n’ya sa akin eh!” naiinis n’ya pa ring sambit.
Lalo akong natawa sa kanya.
“Master ano ka ba?! Pati ba naman anak mo pinagseselosan mo?! Grabe ka! Wala kang pinatawad! Akala ko pa naman sa akin ka nagseselos dahil nasa akin ang atensyon ng anak mo! ’Yun pala naiinis ka d’yan dahil parang feeling mo inaagaw n’ya ako sa’yo!” natatawa kong wika sa kanya.
“Totoo naman ang sinasabi ko eh! Tingnan mo! Kung hindi pa s’ya magsusukat ngayon ng damit hindi pa kita makakausap ng matagal!” ang nakasimangot n’yang sagot sa akin.
Kahit gusto ko nang tumawa ng malakas dito ay pinigilan ko. Mukhang may pinagmanahan nga ang pagiging makulit ni Carla. Walang duda na anak s’ya ni Alexander Alvarez!
Para mawala na ang inis ni Xander ay hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Ang isa ko namang kamay ay inilagay ko sa kanyang pisngi upang bigyan s’ya ng halik. Alam ko namang sa ganoong paraan ay mababawasan ang inis n’ya ngayon. Wala namang problema dahil kami lang ang nandito sa labas ng fitting room at walang ibang pwedeng makakita sa amin.
Iniharap ko s’ya sa akin at binigyan ng isang matamis na ngiti. Magkatinginan kami ng mata sa mata at unti-unti ko nang inilalapit ang aking mukha sa kanya nang biglang bumukas ang pintuan ng fitting room kung nasaan si Carla kaya napatigil kami ni Xander at mabilis na napalingon sa kanya.
“Papa, look!! Bagay po ba?” masayang tanong sa akin ni Carla nang makalabas ng fitting room.
Umikot-ikot pa ito at pinapakita sa akin ang sinukat n’yang damit. Dahil doon ay hindi namin naituloy ni Xander ang paglalapit ng aming mga labi.
“See??!! Sabi ko sa’yo eh!!” ang naiinis na sambit ni Xander habang tinuturo ang kanyang anak.
Si Carla naman ay napahinto sa pag-ikot at nagtatakang tinitingnan kami. Natawa na lamang ako sa inasal ni Xander. Bumitaw ako sa kanyang pisngi ngunit hindi ko binitawan ang kamay ni Xander. Alam kong nagulat pa ang sales lady na nag-assist kay Carla sa loob dahil sa naabutan sa amin ni Xander. Pero wala akong pakialam sa kanya.
Nginitian ko si Carla dahil kahit ang kanyang fashion sense ay mukhang namana n’ya sa kanyang ama. Maganda ang napili n’yang dress at bagay na bagay sa kanya.
“Ang ganda baby! Bagay na bagay sa’yo!” nakangiti kong bati sa kanya.
“Really?!” paninigurado n’ya pa.
“Promise!” sagot ko naman at itinaas din ang kanan kong kamay gaya ng ginawa n’ya kanina.
“Yey!!” masaya n’yang sagot.
Mabilis din s’yang kumalong sa aking hita at niyakap ako ng mahigpit dahilan para mabitawan ko ang kamay ni Xander.
Naikamot na lamang ng madiin ni Xander ang kanyang kamay sa kanyang ulo dahil sa inis.
Hay! Mukhang sasakit ang ulo ko ngayon ah?!
Matapos mabayaran ang aming mga pinamili ay nagsimula nanaman kaming mag-ikot-ikot. Masaya pa rin kaming nagke-kwentuhan ni Carla habang sumusunod sa amin si Xander. Paminsan-minsan ko rin s’yang nililingon at nakasimangot pa rin s’ya hanggang ngayon habang bitbit ang aming mga pinamili.
“Papa look oh?! Isn’t it cute? I want that po!” ang biglang pagkausap sa akin ni Carla.
Nilingon ko ang kanyang tinuturo at nakita ko ang couple shirts na nasa mga mannequin ng isang boutique. Nakalagay sa babaeng mannequin ang t-shirt na may print na ’ i love him ’ at sa lalaking mannequin naman ay may naka-print na ’ i love her ’. May arrow din na naka-print dito at nakaturo sa bawat isa.
“Eh naku baby, pang-couple ’yan eh. Kailangan pair mo ’yan bibilhin.” sagot ko naman sa kanya.
“Papa! Let’s buy those po! You’ll wear the one that has print ’ i love her ’ po! Tapos sa akin naman ’yung suot ng girl!” masayang suhestyon ni Carla.
Natuwa naman ako sa naging suhestyon n’ya.
“Sure baby! Treat ko sa’yo!” sagot ko sa kanyang nakangiti.
Hindi na sumagot pa si Carla ngunit mabilis n’ya rin akong hinila sa loob ng boutique.
“Miss, we want those shirts po! Tag-isa po kami ng Papa ko!” masayang salubong ni Carla sa sales lady na nasa loob ng boutique.
“Naku, adult size po s’ya eh. Kaya baka medyo malaki ang size sa inyo kahit ang extra small size ng pambabae Ma’am.” magalang naman na pagsagot ng sales lady kay Carla.
“But I want it po. Sige na po please? Ita-try muna namin ng Papa ko.” pagpupumilit pa rin ni Carla.
“Pero kasi Ma’am…” ang alanganing sambit ng sales lady.
Dito na ako sumingit sa usapan nila.
“Sige Miss, pakikuhanan mo na lang kami ng pinakamaliit na size para sa babae, tapos isang medium size para sa lalaki.” pakiusap ko sa sales lady.
“S-sige po Sir.” pagsuko na lamang ng sales lady.
Ngumiti naman ng malapad si Carla nang sabihin ko iyon.
Hay! Manang-mana sa ama! Ang bilis mag-shift ng mood! Pero pareho rin silang cute sa ugali nilang iyon.
Nilingon ko ang entrance ng boutique at nakita kong sumunod naman pala sa amin si Xander. Tumitingin s’ya sa mga damit na naroon at halatang wala sa sarili dahil nasa ladies section s’ya. Malungkot pa rin hanggang ngayon ang kanyang mukha.
“Sir, eto na po.” ang biglang sambit ng sales lady at dala na ang aming t-shirt na hinihingi.
“Papa let’s go! Isukat na po natin!” excited na pagyaya sa akin ni Carla.
Hinanap muli ng mata ko si Xander at nakita kong nakaupo na ito sa isang upuan malapit sa amin.
“Master! Magsusukat lang kami ni Carla ha?” pagpapaalam ko sa kanya.
“Sige lang…” walang gana n’yang sagot at hindi man lang ako tiningnan. Diretso lamang itong nakatingin sa kanyang harapan habang nakasandal sa upuan na akala mo ay pagod na pagod.
Hindi pa ako nakakasagot kay Xander ay hinila na agad ako ni Carla papunta sa fitting room.
“Papa! Are you done?!” tanong ni Carla mula sa labas ng fitting room.
Halatang excited s’ya dahil ang bilis n’yang magbihis. Nauna pa sa akin matapos. O talagang mabagal lang ako? Iniisip ko kasi si Xander na mukhang nawala na sa mood ngayon.
“Yes baby! Wait lang!” sagot ko naman sa kanya.
Matapos kong maisuot ng maayos ang t-shirt ay mabilis din akong lumabas ng fitting room. Baka kasi mainip si Carla sa paghihintay sa akin.
“Wow Papa! Ang ganda! Let’s buy these na po!” manghang wika ni Carla.
Napansin kong malaki nga ang size ng suot ni Carla pero mukhang gustong-gusto n’ya talaga ang couple shirts na ’to.
Sasabihin ko pa sana na malaki sa kanya ang damit at pumili na lamang kami ng iba ngunit mabilis n’ya akong hinawakan sa kamay at hinila.
“Let’s show this to Daddy, Papa!” masayang wika ni Carla habang hinihila ako sa kamay.
Nakarating kami sa harap ni Xander na ngayon naman ay nakayuko.
“Daddy, look! Bagay po ba?” masayang tanong ni Carla sa kanyang daddy.
Unti-unting inangat ni Xander ang kanyang tingin. Sinuri n’ya ang suot na t-shirt namin ni Carla. Sakto rin pala ang posisyon namin ni Carla. Nakaturo sa kanya ang arrow na naka-print sa damit ko at nakaturo naman sa akin ang arrow na naka-print sa damit ni Carla.
Kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay ni Xander. Wala itong sinabi ngunit ilang segundo pa lamang ay tumayo s’yang bigla.
“Miss!” ang medyo may kalakasang pagtawag ni Xander sa sales lady na malapit sa amin.
“Y-yes Sir?!” ang nagulat naman na sagot ng sales lady.
“Bigyan mo ako n’yan!” ang utos sa kanya ni Xander.
“Ha? A-ang alin po? ’Yung may ’ i love her ’ na naka-print? Naku Sir––” ang hindi na naituloy na sasabihin ng sales lady dahil mabilis itong pinutol ni Xander.
“Hinde! ’Yung may ’ i love him ’ na naka-print!” ang pagputol ni Xander sa kanya.
“Po??? S-seryoso po kayo??” ang hindi makapaniwalang tanong ng sales lady.
“Yes! I’m deadly serious!” ang matigas na sagot ni Xander.
Nasapo ko na lamang ang aking noo sa inasal ni Xander.
Jusko! Sabi ko na nga ba at sasakit lang ang ulo ko ngayon! Dapat pala ay itinuloy ko na lang ang pagpasok sa trabaho!
“I’m sorry Sir. Pero maliliit po ang sizes ng womens Sir. Iba rin po ang cut nun kaya impossible pong may magkasya sa inyo na may print na ’ i love him ’.” mapagkumbaba namang sagot ng sales lady.
“What?!! No! Maghanap ka! Baka may mas malaki pa!” pakikipagtalo na ngayon ni Xander.
Kakausapin ko na sana si Xander nang bigla nanamang sumabat si Carla.
“Daddy! Gusto ko po ako lang ang may suot ng ’ i love him ’! ’Wag ka na po!” ang biglang wika ni Carla kay Xander habang nagpapadyak pa ng kanyang paa.
“No anak! I love your Papa too! Kaya gusto ko rin non!” pagpatol n’ya naman dito.
“No Daddy! Ako lang po magsusuot ng ganito!” sagot nanaman ni Carla.
“No baby! I want it too!” pakikipagtalo pa rin ni Xander.
Hala ka! Nag-aaway na ang mag-ama!
Nahilot ko na lamang ang aking sentido dahil sa patuloy nilang pagtatalo.
Maryosep! Mag-ama nga talaga sila!
Dahan-dahan akong lumapit sa sales lady na ngayon ay natutulala na lamang sa pagtatalo ng mag-ama.
“Miss, sorry ha? Hindi na lang namin kukunin ’to. Pasensya na sa istorbo.” pakiusap ko sa sales lady.
“Sige Sir. Mabuti pa nga po. Kahit hindi ako makabenta okay lang. Kesa naman po nag-aaway sila. Grabe! Buti nakakayanan n’yo pakisamahan sila?” komento ng sales lady.
Ngumiti na lamang ako ng tipid sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi n’ya. Sumasakit na kasi talaga ang ulo ko.
Muli kong nilapitan si Carla upang kausapin.
“Baby? Sa iba na lang tayo bumili. May alam akong shop na mabibilhan ng ganitong damit. Medyo malaki rin kasi sa’yo ’yang suot mo eh.” pagkausap ko kay Carla.
“But Papa?! Gusto ko po talaga ’to!” ngayon naman ay sa akin na s’ya nakikipagtalo.
Nakaisip ako ng idea para makumbinsi ito. Ginamit ko sa kanya ang mga tingin na ibinibigay ko kay Xander sa tuwing makikiusap ako. Baka dahil sa mag-ama sila ay pareho rin silang hindi makakatiis sa pagpapaawa ng mga mata ko.
“Sige na baby, please?” pakiusap ko sa kanya gamit ang nakakaawa kong mata at ekspresyon.
Saglit itong hindi nakapagsalita habang nakatitig sa akin. Ngunit maya-maya pa lamang ay…..
“Sige na nga po…” ang pagsuko n’ya sa akin.
Woohh! Buti na lang at umepekto!
Muli kong nilingon si Xander at hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin ito.
“Master d’yan ka lang ha? Magbibihis lang kami.” pagkausap ko sa kanya.
Hindi s’ya sumagot ngunit pabagsak itong umupong muli sa upuang naroon.
Matapos naming magbihis ni Carla ay niyaya ko silang pareho sa isang shop na alam kong makakapagpatahimik sa kanilang dalawa. Nasa bahaging food court ng mall ang isang shop na pwedeng mag-personalize ng gamit.
Iniwan ko ang mag-ama na nakaupo sa food court habang nasa shop ako. Hanggang sa iniwan ko silang dalawa ay hindi pa rin sila nagpapansinan. Pareho pa rin silang nakasimangot sa isa’t-isa.
Hay! Baka malagas na ang buhok ko sa kanilang dalawa!
Matapos kong orderin ang sinadya ko sa shop ay pumunta muna ako sa Dairy Queen para bumili ng ice cream. Nagbabakasakali ako na kumalma sila kung makakain sila ng paborito naming ice cream na cookies and cream.
Habang naghihintay sa order ko sa isang shop ay kumain muna kami ng ice cream dito sa food court. At tama nga ako, bahagyang lumamig na ang kanilang mga ulo. Maayos na sila ngayon at nagkakatuwaan. Nakuha pa nilang magsubuan ng ice cream ngayon!
Ibang klase! Parehong bipolar ang mag-ama!
Matapos kumain ng ice cream ay magkakasabay na rin kaming pumunta sa shop para kunin ang order ko. Thirty minutes lang naman kasi ang kailangan kong hintayin para makuha ang mga iyon. Pero dahil sa nagkatuwaan pa kami sa pagkain ng ice cream ay inabot din kami ng isang oras para balikan iyon.
Nang makuha ko ang aking in-order ay ibinigay ko na iyon sa kanila. Nagtataka naman ang kanilang ekpresyon. Pero sa halip na sagutin sila ay niyaya ko na lamang sila sa CR ng mall.
Nauna kong pinapasok si Carla sa CR para magbihis. Nagbilin na lamang ako sa babaeng maintenance ng CR na tingnan-tingnan si Carla habang nagbibihis.
Nang makalabas ito ay malapad ang kanyang pagkakangiti. Suot nito ang isang pink t-shirt na sakto lamang ang size sa kanya at may naka-print na ’ i love him ’ sa harap. Mayroon din itong print na isang arrow na nakaturo sa kanan.
Alam kong nagtataka si Xander ngunit hindi n’ya magawang magtanong dahil tinakpan ko ang kanyang bibig. Sinabi kong maghintay lamang s’ya hanggang sa makapagbibis na kaming lahat.
Matapos ni Carla ay ako naman ang sumunod na pumasok ng CR ng mga lalaki. Matapos kong magpalit ng damit ay binalikan ko na rin sila.
Tuwang-tuwa si Carla dahil may naka-print din sa blue t-shirt ko na ’ i love her ’ at may arrow na nakaturo naman sa kaliwa at bandang baba. Sakto ang arrow sa kung anong height ni Carla.
Lalo nang hindi maipinta ngayon ang mukha ni Xander. Ngunit muli ko s’yang nginitian at halos itulak ko na para makapasok sa loob ng CR at suotin naman ang t-shirt na binigay ko sa kanya.
Ilang minuto pa lamang ay lumabas na si Xander sa CR suot ang ibinigay kong red t-shirt. Naka-print naman doon ang salitang ’ i love them ’ na may dalawang arrow na nakaturo sa kanan. Ang isang arrow ay nakaturo sa aking pwesto at ang isang arrow naman ay nakaturo sa bandang baba na sakto sa height ni Carla. Mas naging maganda pa iyon dahil suot din ni Xander ngayon ang kanyang magandang ngiti.
’Yan ang naisip kong solusyon para mapatahimik ang mag-ama. Mukhang effective naman dahil pareho silang naging masaya nang makita ang binili kong damit namin. Hindi rin ako nakaligtas sa mahihigpit nilang mga yakap.
Nakakatuwa dahil pinag-aralan pa nilang mabuti kung saan kami dapat na pumwesto base sa mga nakaturong arrow sa aming mga damit. Nasa gitna namin si Carla at hawak ang aming kamay ni Xander. Masaya kaming naglalakad sa loob ng mall at hindi alintana ang tingin ng ibang tao. Marami ang tumitingin sa amin dahil sa agaw atensyon naming mga damit. Wala rin kaming pakialam kung may mga ilang nakakakita sa amin na napapataas ng kilay sa amin.
Tulad nga ng laging sinasabi ni Xander,
‘Mamatay sila sa inggit!’.
Nagdesisyon naman kami ngayong kumain muna. Mukhang nagutom din sa wakas ang mag-ama. Kung sabagay, kahit ako ay nakaaramdam na rin ngayon ng gutom.
Nagpunta kami sa isang Italian restaurant. Akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko sa pagpapaligsahan ng mag-ama, pero nagkamali pala ako.
“Papa! Gusto ko rin po ’yang pasta mo. Can I have some please?” pagkausap sa akin ni Carla.
Pasta kasi ang inorder ko. Si Carla naman ay chicken habang si Xander ay steak. Um-order din kami ng ilang appetizer at salad na pinagsaluhan namin. Katabi ko si Carla sa upuan at si Xander naman ang nasa aming harapan.
“Sure baby!” nakangiti kong sagot at sinubuan pa s’ya.
“Master, ako rin! Gusto ko rin n’yan!” ang biglang wika naman sa akin ni Xander.
“Sige Master, kuha ka na lang dito.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Sa halip na kumuha sa plato ko ay sumimangot nanaman ito at masamang tiningnan ang kanyang anak.
Naku po! Heto nanaman si Xander sa pagiging isip bata!
Sa halip na sumagot pa ako ay kumuha na lamang ako sa aking pasta at isinubo rin iyon kay Xander.
At ayun! Tagumpay! Dahil ngumiti na s’ya ulit!
“Papa! I want more please?” sambit nanaman ni Carla.
Sinubuan ko nanaman s’yang muli.
“Master, ako rin! Gusto ko pa!” ang hindi nanaman nagpapatalo na si Xander.
At ayun na nga! Sila na ang nakaubos sa pasta na in-order ko. Salitan ko silang sinusubuan dahil ayaw nilang magpatalo sa isa’t-isa!
Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanila! Jusko! Ano bang meron sa mag-ama na ’to at ako pa yata ang naging paborito?!
“Okay na kayo? Busog na kayo? Grabe naman kayo… Wala nang natira sa in-order ko… Gutom na gutom pa naman ako…” malungkot kong pagkausap sa kanila.
Nagkatinginan naman ang mag-ama at nakita ko na nakonsensya sila sa kanilang ginawang pag-ubos sa pagkain ko.
Akala ko ay matatahimik na sila dahil sa sinabi ko. Ngunit nagmali pa yata ako sa aking pagrereklamo. Matapos kasi iyon ay mabilis silang kumilos at kumuha ng pagkain mula sa kanilang mga in-order.
Nag-umpisa silang muli sa kanilang paligsahan at salitan nila akong sinubuan ng kanilang mga pagkain. Walang nagpapatalo at hindi ako makapagreklamo dahil puno ang bibig ko.
Ang ending? Sumuka ako sa CR ng restaurant na iyon. Halo-halo ba naman ang kinain ko dahil sa kagagawan nilang dalawa.
Jusko! Ano bang kasalanan ko sa dalawang ito at ginaganito nila ako??!!
Paglabas ko ng CR ay tahimik lamang silang dalawa at nahihiyang tumingin sa akin. Magkahawak na sila ngayon ng kamay at mukhang wala nang namamagitang kompetisyon. Kailangan lang pala ay masaktan ako para lang matigil sila. Jusme!
Nakapagbayad na rin pala si Xander sa aming mga kinain at hinihintay na lamang pala nila akong makalabas ng CR. Matagal kasi ako doon dahil parang punong-puno ang tiyan ko.
“Master….”
“Papa….”
ang sabay nilang pagtawag sa akin sa malungkot na tono.
Huminga naman ako ng malalim at hinarap sila.
“Okay lang ako, don’t worry. Hindi ko lang talaga kinaya ang sunod-sunod na pagsubo ko ng pagkain.” wika ko sa kanila.
“Sorry…”
sabay nilang sambit at niyakap nila akong pareho.
Haay! Sino ba naman ang magagawa pang magalit kung ganito sila sa’yo?!
“Okay lang ako. Promise!” sagot ko naman sa kanila at ginantihan ang kanilang yakap.
Dahil sa sinabi ko ay mukhang nakahinga na sila ng maluwag. Ngumiti na rin sila sa akin at sabay-sabay na rin kaming naglakad.
Lumabas na kami ng restaurant at matapos iyon ay nagyaya naman si Carla na manood kami ng sine. Pinapagitnaan naman nila ako ngayon sa upuan ng sinehan.
Mukhang iniiwasan na rin nilang magpaligsahan ngayon dahil nagbibigayan na sila sa kung sino naman ang magsusubo sa akin ng popcorn o kung sino ang magpapainom ng drinks na aming binili habang nanonood ng sine. Pero dahil na rin sa kabusugan ko ay tinatanggihan ko na rin iyon. Ako na lamang ang nagsusubo sa kanila dahil mukhang busy na rin ang mag-ama sa panonood ng isang animated film.
Grabe! Ang cute nilang dalawa!
Matapos manood ng sine ay nag-ikot-ikot pa kami. Ipinasyal namin si Carla sa amusement center ng mall na iyon at tuwang-tuwa kaming pinapanood s’ya na nag-eenjoy. Maya’t-maya rin kami nagpapakuha ng pictures at kung minsan pa ay nakikisuyo kami sa ibang tao na magpa-picture tatlo.
Natapos ang aming pamamasyal at nang mapagod ay nagdesisyon na rin kaming umuwi. Masayang-masaya kaming tatlo sa pamamasyal naming iyon. Habang nasa biyahe nga kami pauwi sa condo ni Xander ay nagkakatuwaan pa kaming tatlo. Walang tigil sa tawanan at harutan.
Ngayon ay nakahiga na kami ni Xander sa kanyang kama. Si Carla naman ay sa kabilang kwarto natulog. Doon naman kasi talaga ang kanyang kwarto kahit noon pa.
Nakaunan ako sa kanyang dibdib at nakayakap sa kanya. S’ya naman ay nakayakap rin sa akin habang pinaglalaruan ang aking buhok.
“Master, ang saya-saya ko ngayon. Thank you dahil pinagbigyan mo pa rin ako kahit nagkaroon pa tayo ng konting pagtatalo kaninang umaga. Masaya ako na makitang masaya ang anak ko. Miss na miss ka na kasi nun eh.” sambit ni Xander at hinalikan ako sa ulo.
Umangat ako sa pagkakahiga upang harapin s’ya.
“Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo Master eh. Kasi maganda naman pala ang naging kapalit ng pag-absent natin sa trabaho. Masayang-masaya ako kasi nagkita na ulit kami ni Carla! At ang mas masaya pa, tinatawag n’ya na akong Papa! Grabe! Ang saya ko talaga kanina! Isipin mo, may anak na rin ako?!” masaya kong wika sa kanya.
Bigla naman s’yang natawa dahil sa mga sinabi ko. Kitang-kita ko ang kasiyahan ni Xander ngayon.
“Oo nga eh! Ang kaso hindi naman ako makapuntos sa’yo! Inaagaw ka lagi sa akin ng anak ko! Gusto ko na nga maiyak kanina eh! Parang naaawa na ako sa sarili ko kanina kung alam mo lang!” natatawa n’yang pagkwento sa akin.
Tumawa na rin ako dahil sa kanyang mga sinabi.
Ilang saglit pa nang bahagya na kaming kumalma ay hinawakan ni Xander ang aking mukha.
“Siguro naman ngayon wala nang mang-iistorbo sa atin? Tulog na tulog na ’yung anak natin sa kabila!” wika ni Xander habang taas-baba ang kanyang kilay.
Muli nanaman akong natawa sa kanya.
“Ang hilig mo talaga Master!” natatawa kong sambit.
Natawa rin naman s’ya bago nagsalita.
“Sa’yo lang naman ako ganito eh! Saka may utang ka pa kaya sa akin! Sabi mo pa nga, sige push natin ’yan bukas! ’Di ba? ’Di ba? Naalala mo?! Kaya sige na! Push na natin! Pull na rin natin para masaya!!” sunod-sunod n’yang pagkakasabi.
Tawa na ako ng tawa ngayon dahil sa mga sinasabi ni Xander. Napahiga na lamang ako sa kama habang patuloy pa rin sa pagtawa.
“Sige na Master!! Nanggigigil na ako sa’yo oh!!” wika n’ya at kinagat-kagat n’ya ng mahina ang aking leeg.
Nakikiliti ako sa kanyang ginagawang pagkiliti kaya wala akong nagawa kundi ang tumawa na lamang ng tumawa.
Ilang saglit pa ay tumigil na rin s’ya dahil nagrereklamo na ako na hindi makahinga dahil sa labis na pagtawa.
Nasa ibabaw ko s’ya ngayon at nakatitig lang sa aking mga mata. Pareho kaming may ngiti sa aming labi dahil sa labis na saya.
“Master, hindi mo lang alam kung gaano mo nakukumpleto ngayon ang buhay ko. Salamat at bumalik ka.” madamdamin n’yang wika sa akin.
“Alam ko ang pakiramdam na ’yan Master. Kasi ganyan din ang nararamdaman ko. Salamat dahil hindi mo ako isinuko.” sagot ko naman sa kanya ng nakangiti.
Matapos kong sumagot ay ginawaran n’ya ako ng halik sa aking labi. Magkadikit lamang ang aming labi at hindi gumagalaw ngunit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng bawat isa sa amin.
“Mahal kita. Mahal na mahal kita.” wika n’ya sa akin matapos bumitaw sa aking labi.
“Mahal din kita. At mas mahal na mahal na rin kita.” sagot ko sa kanyang nakangiti.
Matapos ang mga salitang iyon ay muli naming pinagtagpo ang aming mga labi. Sa pagkakataong ito ay mas mainit na ang aming mga halik. Inilagay ko na rin ang aking mga braso sa kanyang batok dahilan para mas lalo pang magdiin ang aming paghahalikan.
Naramdaman ko na rin ang mga paghaplos ni Xander sa aking katawan. Kapwa na kami nadadala sa sensasyon ng aming paghahalikan. Ang kamay ni Xander ay unti-unti n’ya na ring inilalagay sa loob ng aking suot na sando.
Sobrang init na ng aming tagpo at nakakapaglabas na rin kami ng mahihinang mga pag-ungol. Ngunit napatigil kami sa aming ginagawa nang makarinig kami ng mahihinang pagkatok sa pinto ng kwartong iyon.
“Sino ’yun?” tanong n’yang nagtataka habang nasa ibabaw ko pa rin s’ya.
Hindi ko pa s’ya nasasagot ay may sunod-sunod na pagkatok ulit kaming narinig. At sa pagkakataong ito ay may boses nang tumatawag sa amin.
“Daddy! Papa! Please open the door!” mga pagtawag ni Carla.
“Holysh*t!” ang hindi napigilan na pagmumura ni Xander at napapikit pa at napayuko.
“Master, stop it! Baka may kailangan lang. Ako na ang magbubukas ng pinto.” wika ko naman sa kanya.
Umalis s’ya sa aking ibabaw at pabagsak na humiga sa kama.
Mabilis din akong tumayo at tinungo ang pinto. Naroon nga si Carla at mukhang kagigising lamang nito. Hawak n’ya ang kanyang stuff toy at Kinukusot-kusot pa n’ya ang kanyang mga mata.
Waaahh!! Hang kyut naman n’ya!!
“Baby…” wika ko nang mabuksan ko ang pinto.
“Papa….” sagot naman n’ya at base sa kanyang ekspresyon ay mukhang iiyak na s’ya anumang oras.
Nag-alala ako sa kanya kaya napaluhod ako at hinimas-himas ang kanyang buhok.
“Why? What’s wrong? May masakit ba sa’yo?” pag-aalala ko.
“Papa, I had a bad dream po kasi.” sagot n’ya naman at naluluha na s’ya ngayon.
Mabilis ko s’yang niyakap upang damayan. Gumanti rin s’ya ng yakap sa akin.
“Baby, wala ’yon… Panaginip lang ’yon… ’Wag kang matakot… Andito naman si Daddy and si Papa ’di ba? Hindi ka naman namin iiwan… Tahan na…” wika ko sa kanya at hinihimas pa ang kanyang likod.
“But Papa, I’m scared… Wala po kasi akong kasama sa kwarto ko… Pwede po bang dito na lang ako matulog..?” malungkot n’yang sambit habang yakap ako.
Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Xander na nakikinig pala sa amin.
“No! You go back to your room Carla. I know you, gusto mo lang makatabi ang Papa mo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, babalik ka sa bedroom mo. Do you understand?” pagkausap sa kanya ni Xander.
Hindi naman s’ya pinansin ni Carla. Mas hinigpitan n’ya rin ang kanyang pagkakayakap sa akin.
“Papa….. I’m scared….” sambit n’ya habang yakap pa rin ako.
“Okay, okay… Sige baby, dito ka na lang muna sa tabi namin ni Daddy… Tabi muna tayong matulog… Tahan na…” wika ko naman sa kanya habang hinahaplos ang likod n’ya.
“Master naman!!” ang pagrereklamo ni Xander.
Hindi ko pinansin si Xander. Bumitaw kami sa pagkakayakap ni Carla at nagulat ako nang makitang nakangiti na ito ngayon.
“Really Papa? Pwede na akong mag-sleep dito? Yey!!!” nakangiti n’yang wika at dire-diretsong tumakbo sa kama.
What the?!
Jusme! Ganito ba talaga ang lahi nila Xander?! Ang bibilis magpalit ng mood?!!
“Papa! Come here na! Sleep na tayo bilis!” masayang pagyaya sa akin ni Carla sa kama.
Napailing na lang ako dahil sa nasaksihan ko. Isinara ko na lamang ang pinto ng kwarto at dahan-dahang tinungo ang kama.
“Dito ka Papa! Tabi tayo!” pagayaya n’ya pang muli.
Nanghihina na lamang akong humiga muli sa kama at tinabihan s’ya. Napapagitnaan namin s’ya ngayon ni Xander.
“Master naman eh! Ang bilis mong maniwala kasi! Ganyan ’yan eh! Nakalimutan mo na ba ’yung ginawa n’ya sa’yo noon? Nung nawala s’ya sa park ng mall? Nakalimutan mo na ba na iniyakan ka n’yan kunwari para lang maawa ka?! Ganyan ’yan kagaling umarte!” naiinis sa wika ni Xander habang marahas na kinakamot ang kanyang ulo.
Nakaupo pa rin si Xander sa kama at kitang-kita ko ang nakakunot n’yang noo dahil sa labis na inis.
Si Carla naman ay walang pakialam at tahimik lamang na umayos ng higa habang nakangiti. Yumakap din ito sa akin at ipinikit na rin ang kanyang mga mata.
Huminga na lamang ako ng malalim at niyakap din si Carla.
“Master, hayaan mo na. Ngayon lang naman eh. Pagbigyan mo na. Uuwi na rin kasi s’ya bukas ’di ba?” pagkumbinse ko naman kay Xander.
Wala naman s’ya nagawa kundi ang tingnan ng masama ang kanyang anak na nakapikit habang nakangiti ngayon. Ilang sandali pa ay padabog itong humiga sa kama.
“Badtrip naman eh! Push na push na ako nai-pull pa!! Kainis!!” ang galit na galit na sambit ni Xander habang nagkakamot pa rin sa kanyang ulo.
“Ssshhh!!! Quiet!! Matulog ka na d’yan!” pagsaway ko naman sa kanya.
A/N
Tsk! Tsk! Tsk!
Kawawang Xander.
Wooh! Comments and votes please??
Ingat lagi mga mahal kong readers!! Good mornyt na!!
––cold_deee
chapter 20 - kamikaze
A/N
Hi guys!
Baka po may ilan sa inyo na hindi nababasa ng buo ang bawat chapter ng kwento. May nakarating po kasi sa akin na nangyari ’yun sa kanya, twice na nga actually. Sayang naman ’yung nami-miss n’yong event. Hehe!
Gusto ko lang po sabihin na may palatandaan ang bawat chapter na pina-publish ko. Lagi pong may A/N ang bawat chapter ko sa umpisa at sa huli kahit walang kakwenta-kwenta ang pinagsasabi ko. Kung wala ang mga ’yon, ibig sabihin hindi po buo ang chapter na nababasa n’yo.
Kung mangyari man po ito, ang gawin n’yo po ay i-delete muna sa library n’yo itong story tapos i-add n’yo na lang po ulit. I’m sure lalabas na po ang buong chapter.
’Yun lang po! Salamat at nasabi sa akin ni
StephenDamasco
.. Hahaha! Ayan, sinuplong ko ang nagsabi sa akin… Peace!!
Enjoy reading po!
––> si Charm/Cha po sa media.
TOM POV
‘Master, mag-lunch ka na. Magkita na lang tayo mamaya. I love you!’
ang natanggap kong mensahe mula kay Xander.
Wala kasi s’ya ngayon sa opisina dahil s’ya na mismo ang naghatid kay Carla kaninang umaga sa kanilang bahay sa Manila. Hindi n’ya na rin inutusan ang kanilang driver at yaya para sunduin ito.
Hinatid muna nila akong dalawa kanina dito sa hotel para pumasok. Noong una nga ay ayaw pang pumayag ni Carla na pumasok ako. Pero dahil na rin sa ginamitan ko s’ya ng nakakaawa kong mukha ay nakumbinsi ko na rin s’ya.
“Hay! Nami-miss ko na agad ang mag-ama!”
mahina kong sambit habang hawak ko pa rin ang aking cellphone at nakatingin sa text message sa akin ni Xander.
‘Magkita na lang tayo mamaya. I love you more. Miss ko na agad kayo ni baby Carla.’
reply ko naman sa kanya.
Wala pang isang minuto ay nakita ko na sa screen ng cellphone ko na tumatawag ito.
“Hello Master!” pagsagot ko sa tawag habang nakangiti.
“I love you most Master!” malambing na sagot n’ya naman sa akin.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Hindi talaga nagpapatalo si Xander.
Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi n’ya ay nagulat naman ako sa boses na nagsalita sa kabilang linya.
“Papa, I miss you na!” masayang bati ni Carla.
Mas lalo akong napangiti dahil sa narinig ko ang boses ni Carla.
“Hi baby! I miss you more!” masaya ko ring sagot sa kanya.
“I miss you most Papa! And I love you more than the most!” ang hindi rin na nagpapatalo n’yang sagot.
Hay grabe! Ang kulit! Pero tuwang-tuwa ako sa kanya!
“Anak, akin na nga ’yang cellphone ko! Kahapon ka pa ha?!” ang naririnig kong reklamo ni Xander kay Carla.
“Wait lang po Daddy! Kausap ko pa po si Papa!” narinig ko namang sagot ni Carla sa kanya.
Napapailing na lamang ako habang nakangiti sa kakulitan ng mag-ama.
“Hello Papa?” tanong muli sa akin ni Carla.
“Yes baby?” sagot ko naman sa kanya.
“Alam mo ba na nagseselos sa akin si Daddy? Kasi mas love mo ako kesa sa kanya!” pagsusumbong ni Carla.
Natawa na ako sa kanyang sinabi.
“Yes baby! I know! Pero I love you both!” natatawa kong sagot sa kanya.
“Carla! I said give me back my phone!” pagsingit nanaman ni Xander.
Mukhang galit na ito base sa kanyang boses.
Saglit na natahimik si Carla bago nagsalita.
“Sige na po Papa. Ibibigay ko na kay Daddy ang phone.” malungkot na sambit ni Carla.
“Okay baby, baka umiyak na ’yan si Daddy mo eh.” pagbibiro ko sa kanya.
“Sige po. I love you Papa. Ingat ka lagi ha? I miss you na po.” muli n’yang sambit.
“I miss you too baby… Hayaan mo, ’pag may free time si Papa magkita ulit tayo. I love you too…” malambing kong sagot sa kanya.
“Really?! Yey!! Sige po! Ibibigay ko na po ang phone kay Daddy ha?” sagot n’ya naman sa akin sa masayang tono na ngayon.
Ilang sandali pa ay hindi na si Carla ang narinig kong nasa kabilang linya.
“Hello Master?” boses ni Xander.
“Po?” sagot ko naman sa kanya.
“Sunduin na lang kita mamaya ha? Okay lang ba? Kararating lang kasi namin ni Carla ng bahay eh. Medyo naipit kasi kami sa traffic.” pagpapaalam n’ya sa akin.
“Okay lang naman Master. Pero hindi ba ’yan makakaapekto sa trabaho mo kung hindi ka ulit papasok ngayon?” tanong kong may pag-aalala.
Iniisip ko kasi na baka makarating ito sa big boss kung sakali.
“Nope! Ako pa ba? Edi nawalan sila ng gwapong General Manager!” pagyayabang n’ya.
Haysus maryosep! Umandar nanaman ang kayabangan n’ya!
“Oo na lang!” sagot ko naman sa kanya.
Tinawanan n’ya na lamang ako dahil sa sinabi kong iyon.
“O paano? Ipagluluto ko muna si Carla ha? Ikaw naman, mag-lunch ka na rin.” wika n’ya matapos ang aming tawanan.
“Okay. Mag-iingat ka mamaya pagpunta dito. Miss ko na kayo ni Carla.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Miss ka na rin namin Master!” wika n’ya rin.
Matapos ang kaunti pang pag-uusap ay nagpaalam na rin kami sa isa’t-isa.
Mabilis akong kumilos dahil matapos kong maibaba ang tawag ni Xander ay pumasok naman ang text message ni Olyn sa akin.
’Friend! Bumaba ka na dito sa lobby! Bilisan mo, nandito na kami ni Sir Lojie! Hindi ko na kaya pa magtagal dito! May parang engkanto kasi dito sa lobby na ang sama ng tingin sa akin! Shet! Parang kakainin n’ya ang matris ko sa sobrang sama n’ya tumingin! Gurl! Sayang
a
ng lahi ko, alam mo ‘yan!’
ang natanggap kong message mula kay Olyn.
Kahit na OA ang dating ng text sa akin ni Olyn ay nakaramdam pa rin ako ng pag-aalala.
Mabilis akong naghanda para makababa na sa lobby at masundo sila.
Nang makarating ako sa lobby ay nakita ko sina Olyn at Sir Lojie na nakaupo sa mga silyang naroroon. Mabilis akong lumapit sa kanila at kitang-kita ko kay Olyn ang labis na takot ngayon. Nakakapit din ito ng mahigpit sa braso ni Sir Lojie ngayon.
“Taena naman Olyn! Grabe ka naman makakapit! Mapupunit na ang polo ko sa’yo oh!” reklamo ni Sir Lojie habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Olyn sa kanyang braso.
“Nasan ang engkanto?!” taranta kong tanong kay Olyn.
Hindi ako sinagot ni Olyn ngunit unti-unti s’yang tumingin sa bahaging likod ko.
Dahil sa naging reaksyon ni Olyn ay unti-unti rin akong lumingon sa aking likuran.
Nagulat ako nang makita ko ang tinutukoy n’yang engkanto.
“Bessy??!!” ang gulat na gulat kong reaksyon.
Mukhang ngayon lang yata ako napansin ni Cha dahil nanatili itong nakatitig ng masama kay Olyn. At dahil na rin sa pagtawag ko sa kanya ay unti-unti n’ya na rin akong tiningnan.
“Bessy!!!” ang sigaw n’ya at mabilis na tumayo sa kanyang upuan.
Ilang saglit pa ay patakbo itong lumapit sa akin at mabilis din akong niyakap.
“A-anong ginagawa mo dito?” nabibigla kong tanong habang yakap din s’ya.
Bigla naman itong kumalas sa aming pagkakayakap at nakataas ang isang kilay n’yang tiningnan ako.
“Na-miss din kita Bessy!” sarkastiko n’yang sagot.
Huminga naman ako ng malalim at hinawakan ko s’ya sa kamay.
“Okay, sorry. Pero nagulat lang talaga ako sa’yo. Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kanya.
Napatigil s’ya at bumaba na ang kanyang timpla.
“Bessy….” ang malungkot n’ya na ngayong tono.
Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay sumingit na sa aming usapan si Olyn.
“W-w-w-wait!! Magkakilala kayo ng engkantong ’to, Tom?” tanong ni Olyn sa akin habang tinuturo si Cha.
“Excuse me?! Sinong tinatawag mong engkanto?!” pagtataray ni Cha kay Olyn.
“Excuse me too?! Maswerte ka na at tinawag kitang engkanto! Pili ka! Engkanto o lamang-lupa?!” pagpatol din ni Olyn sa pagtataray ni Cha.
Humakbang na rin silang pareho at naghahamunan na ng tingin ngayon.
Sabi ko na nga ba! Kahit ang magkaparehong ugali ay hindi nagkakasundo minsan!
Sa pagkakataong ito ay gumitna na si Sir Lojie at pinaghiwalay ang katawan nina Olyn at Cha.
Mabuti na lamang at nandito si Sir Lojie para tulungan ako sa ganitong sitwasyon.
“Oy oy oy! Tama na ’yan! Kung gusto n’yo sa labas na lang tayo! Tangina! Magandang laban ’to! Kanino ka ba pupusta Tom?! Parehong matapang eh!” tuwang-tuwa na wika ni Sir Lojie.
Nasapo ko na lamang ang aking noo dahil sa sinabi ni Sir Lojie.
Bwiset! Akala ko pa naman makakatulong s’ya! Eh lalo pa n’yang pinapagulo eh!
Nilapitan ko si Cha at hinawakan sa kamay. Kilala ko ’tong best friend ko eh, hindi talaga ’to magpapatalo. Sa akin lang naman tumitiklop ’to.
“Cha, enough please?! Nandito ako sa trabaho ko oh? Gusto mo bang maeskandalo tayo dito?” pakiusap ko sa kanya.
Tiningnan n’ya naman ako at mukhang magpapaawat naman s’ya sa akin.
Muli kong hinarap sina Olyn at Sir Lojie.
“Pasensya na po kayo Sir Lojie, Olyn. Si Charm nga po pala, best friend ko.” pagpapakilala ko kay Cha.
Nag-cross arms naman si Olyn at nagtaas ng kilay kay Cha.
“Aahhh… Finally, na-meet din kita. So ikaw pala ang best friend ni Tom?” nakataas na kilay na pagtatanong ni Olyn.
Nagtaas din ng kilay si Cha at nag-cross arms din bago sinagot si Olyn.
“Aahhh din… bingi lang? Sinabi na nga ni Bessy na best friend n’ya ako ’di ba? Nag-register ka ba ng unli? Paulit-ulit?” nakangisi ring sagot ni Cha.
“Wooaaahh!!! Dito ako sa pula!! Ikaw Tom dun ka kay Olyn sa puti!!” masayang sambit ni Sir Lojie at pumwesto pa sa likod ni Cha.
Hay jusko! Napapaligiran yata ako ng mga baliw!
“I said enough! Nakakahiya na tayo oh?! Ilibot n’yo nga ang mga mata n’yo! Pinagtitinginan na tayo ng mga empleyado natin dito Sir Lojie at Olyn! Ano na lang ang sasabihin nila?!” wika ko sa dalawa. “At ikaw naman Cha? Gusto mo bang isumbong kita kina Tito at Tita dahil sa panggugulo mo dito?! Gusto mo bang pati sila mapahiya?!” baling ko naman kay Cha.
Mukhang natauhan naman sila dahil nang iniikot nila ang kanilang paningin ay nasa amin na ang atensyon ng mga taong naririto sa lobby.
“Sige na Sir Lojie at Olyn. Kayo na lang po muna ang mag-lunch. Sasamahan ko na lang muna ’tong best friend ko.” wika ko sa kanila.
“Taena, basag trip naman oh! Pumupusta pa eh!” inis na sambit ni Sir Lojie.
“Gusto mo ba Sir Lojie na i-text ko si Xander tungkol sa mga ginagawa mo?” tanong ko sa kanya na may pekeng ngiti.
“Leche! Magsama kayo! Parehas basag trip!” sagot n’ya naman sa akin.
Binalingan ko naman si Olyn at kinausap.
“Olyn, pasensya na. Sige na, mauna na kayo ni Sir Lojie.” mapagkumbaba ko namang wika sa kanya.
Hindi naman s’ya sumagot ngunit mukhang tinanggap n’ya naman ang paghingi ko ng paumanhin. Inayos n’ya ang pagkakasukbit ng kanyang bag at humakbang para tunguhin ang pinto palabas ng hotel.
Pero bago pa s’ya makalampas sa amin ni Cha ay tiningnan n’yang muli si Cha ng masama.
“May araw ka rin!” pagbabanta n’ya kay Cha at tuluyan nang humakbang palayo sa amin.
“Oh?! Eh bakit hindi pa ngayon?!” sagot naman ni Cha na hindi pa rin nagpapatalo.
Nang tuluyan nang makaalis sina Sir Lojie at Olyn ay pinaupo kong muli si Cha. Nawala na rin ang atensyon na ibinibigay sa amin ng mga taong naririto sa lobby.
“Bessy, bakit mo naman ginawa ’yun kay Olyn? Nakakahiya sa tao!” una kong sermon sa kanya.
“So mas kinakampihan mo na s’ya ngayon? Ganon?!” inis n’yang tanong sa akin pabalik.
Bumuntong hininga ako.
“Hindi naman sa ganon. Ang akin lang, ano bang ginawa sa’yong masama ni Olyn para gawin mo sa kanya ’yon?” tanong ko sa kanyang mahinahon.
Ang naiinis n’yang mukha ay napalitan na ngayon ng nakakaawang ekspresyon. Kilala ko ang ekspresyon n’yang ito, nagtatampo s’ya ngayon.
“So bakit nga?” tanong ko sa kanyang muli.
“Eh kasi naman bessy…. S’ya na ang nakikita ko ngayon sa timeline ng FB mo… Samantalang dati, pictures lang natin ang nandun… Lagi kayong magkasama, feeling ko pinagpalit mo na ako sa kanya…” nakanguso n’yang sagot.
Hay jusko! ’Yun lang naman pala!
“Bessy naman… Iba naman si Olyn.. Kaibigan ko rin s’ya. Pero iba naman ang level ng pagiging magkaibigan natin. At kahit na ilipat pa ang lahat ng tao sa Mars in the future, ikaw pa rin ang best friend ko. Nagkataon lang na adik sa facebook ’yun si Olyn at panay ang tag sa akin kaya s’ya ang nakikita mo dun.” pangungumbinsi ko sa kanya.
Kailangan kong makumbinsi si Cha dahil kapag nagseselos ito ay wala nang tigil ’to. Baka ipagtirik pa nito ng kandila si Olyn ’pag nagkataon.
Saglit naman s’yang natahimik bago sumagot.
“Sorry Bessy….” mapagkumbaba n’yang sambit.
Hinawakan ko s’ya sa ulo at ginulo ito.
“Sige na, wala na sa akin ’yon. Basta mag-sorry ka na lang sa kanya ’pag nagkita na kayo.” wika ko sa kanya.
Hindi s’ya sumagot. Ngunit dahan-dahan din s’yang lumapit sa akin at niyakap ako. Tumango-tango din s’ya bilang pagsagot sa sinabi ko.
Pero kilala ko ’tong babaeng ’to. Matigas ang ulo nito at kahit sabihin n’yang pumapayag s’ya ay hindi pa rin n’ya ito gagawin. Ganyan s’ya kaselosa!
“So bakit ka nga naligaw dito? Rest day mo ba?” tanong ko sa kanya nang makabitaw kami sa pagkakayakap.
Bigla naman nagbago ang kanyang ekspresyon. Tila ba kinakabahan s’ya ngayon.
“A-ahm… K-kasi… G-gusto sana kita yayain mag-lunch? ’Di ba may restaurant kayo dito? Gusto mo ba doon na lang tayo kumain?” tanong n’ya ng may pilit na ngiti.
Napataas naman ako ng kilay sa kanyang sinabi.
“Seryoso ka? Dumayo ka pa dito para lang yayain lang ako mag-lunch?” puno ng pagtataka kong tanong.
“O-oo naman! S-saka nagugutom na talaga ako! Hindi ka ba naaawa sa akin?” pagpapaawa n’ya nanaman.
Tinitigan ko s’ya at pinaningkitan ng mata. May iba akong nakikitang dahilan kung bakit bigla na lamang itong napasugod dito.
Pero para malaman ko iyon, kailangan ko s’yang pagbigyan.
“Okay sige. Treat ko na rin sa’yo since ngayon lang naman tayo ulit kakain ng magkasama.” sagot ko sa kanya.
“Talaga Bessy??” hindi makapaniwala n’yang reaksyon.
“Ayaw maniwala? Sige, babawiin ko na.” pananakot ko sa kanya.
“Hindi! Hindi! Hindi! Sige na! Halika na! Kain na tayo!” maagap n’yang sagot at hinila na agad ako sa kamay.
Hindi na nga kami nagtagal sa pagkakaupo. Mabilis din kaming naglakad patungo sa restaurant ng hotel na iyon.
Nang makarating kami sa hotel ay sinalubong agad kami ng waiter na naroon. Nagulat pa nga ang waiter na naroon ako dahil hindi naman ngayon ang araw para puntahan ko ang department na ito. Sinabi ko na lamang na magla-lunch ako rito kasama ang special guest ko.
Nang maihatid kami ng waiter sa aming upuan ay binigyan kami agad ng menu. Napansin ko naman si Cha na hindi naman tumitingin sa menu. Palinga-linga ito at tila may hinahanap sa mga oras na ito. Ilang sandali pa ay nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at tumigil na rin sa pag-ikot ang kanyang ulo.
Dahan-dahan kong nilingon ang hinintuan ng kanyang paningin. At nang makita ko kung saan s’ya nakatanaw ngayon ay napangisi ako sa aking isip.
Bingo!
Agad kong tinawag ang waiter na naka-assign sa aming table.
“Chris, lilipat na lang kami ng table. Pwede bang doon na lang kami?” pakiusap ko kay Chris na Captain waiter dito habang tinuturo ang isang table na medyo malayo sa amin.
“Sure Sir Perez. Ihahatid ko na rin po kayo.” magalang na sagot naman n’ya sa akin.
Hindi ko na hinintay pang mag-react si Cha. Mabilis akong kumilos at naglakad patungo sa table na itinuro ko. Alam ko namang susunod din sa akin si Cha.
Nang makarating ako sa table na gusto kong upuan ay mabilis din akong umupo. At ilang saglit lang ay umupo na rin si Cha sa harap na bahagi ng aking pwesto.
Kitang-kita ko ang pagkabalisa n’ya.
“Aminin mo nga sa akin Bessy. Ako ba talaga ang ipinunta mo dito?” nakataas na kilay kong tanong sa kanya.
“Ha?! O-oo naman Bessy! B-bakit mo naman naitanong ’yan?!” tanong n’ya pabalik.
Siningkitan ko s’yang muli ng mata ngunit hindi ko na s’ya sinagot. Tiningnan ko na lamang ang waiter na naghatid sa amin. Kinakausap na nito ngayon ang isa pang waiter na naka-assign sa aming table. Marahil ay nagbibilin na may panibago s’yang hahawakang guests, at kami iyon.
Humarap ang panibagong waiter na hahawak sa aming table at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kami. Ngunit ilang sandali pa lamang ay nakabawi ito at nagbalik sa seryosong ekspresyon.
Itinaas ko ang aking kamay upang tawagin ang waiter na iyon.
“Good afternoon Sir Perez! Ready to order?” magalang n’yang bati nang makalapit sa aming table.
Hawak n’ya ang kanyang order slip at hindi kami tinitingnan. Nilingon ko si Cha at nakita ko ang kanyang pagkabalisa.
“Oh Bessy? May order ka na ba?” tanong ko sa kanya.
“A-ahm… H-hi Ben..?” may pag-aalangan na bati n’ya sa aming waiter na si Ben.
“Good afternoon Ma’am. May I take your order?” magalang na sagot naman sa kanya ni Ben at muling ibinalik sa kanyang order slip ang kanyang tingin habang hawak din ang kanyang ballpen at naghahanda nang magsulat.
Napansin ko ang kalungkutan kay Cha dahil sa naging reaksyon ni Ben. Kaswal lang at tila hindi apektado sa kanyang presensya.
“Ben, bigyan mo na lang kami ng dalawang main course dito na recommended ni Chef.” pagputol ko na lamang sa namumuong tensyon.
“Right away, Sir. How about your drinks?” tanong n’ya naman pabalik.
“I heard may inilabas kang special drink of the month? ’Yun na lang siguro. Ipatikim mo naman sa amin ’yun ni Cha.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Certainly Sir. The food will be served in about 10 to 15 minutes. Is there anything else?” magalang at kaswal n’ya pa ring tanong.
Tiningnan ko si Cha at nakita kong nakatitig lamang ito sa kanya at may malungkot na ekspresyon. Muli kong ibinalik ang tingin kay Ben.
“’Yun lang muna Ben. Salamat.” sagot ko sa kanya.
“I’ll be right back with your drinks. Please excuse me.” huling sinabi n’ya at umalis na rin sa aming harapan.
Nang makalayo si Ben ay hinarap kong muli si Cha.
“So? May gusto ka bang sabihin sa akin ngayon Bessy?” ang hindi ko na pinatagal pang pagtatanong kay Cha.
Iyon pa lamang ang naitatanong ko kay Bessy ngunit nagulat ako nang makitang unti-unti nang namumuo ang kanyang luha sa kanyang mga mata.
“Oyoyoyoy! ’Wag ka ditong iiyak Bessy ha? Maraming makakakita sa’yo rito!” pagsaway ko sa kanya.
Mabilis din akong lumipat sa kanyang tabi at pinunasan ko agad ang kanyang mga mata bago pa bumagsak ang kanyang mga luha.
“Bessy kasi eh…. Galit talaga s’ya sa akin…. Galit talaga sa akin si Ben…” umiiyak n’yang sambit habang sumisinghot pa.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o maaawa. Ngayon ko lang kasi nakita na ganito kaapektado si Cha sa ibang tao maliban sa amin na mga mahal n’ya sa buhay.
Hindi kaya??? Hhhhmmm… Okay, mag-imbestiga ka pa Tom.
“Okay sige, pag-usapan natin ’yan. Pero tumigil ka muna sa pag-iyak. Gusto mo bang isipin ng mga empleyado ko dito na nagdala ako ng guest dito tapos pinapaiyak ko pa?” pagpapakalma ko sa kanya.
Sinunod n’ya naman ako. Umayos s’ya ng pagkakaupo at pinigil ang kanyang pag-iyak. Mabuti na lang at mabilis s’yang mapasunod ngayon. Minsan kasi ay parang mabangis na tuta ’to eh.
Nang masiguro kong okay na s’ya ay muli akong bumalik sa pwesto ko kanina. Sinimulan ko nang magsalita dahil marami talaga akong gustong itanong sa kanya. Medyo naguguluhan na rin kasi ako. Matagal akong nawala kaya wala akong masyadong naging balita.
“So, bakit kayo umabot sa puntong ganito? Okay naman kayo pag-alis ko ’di ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko nga rin alam Bessy eh. Basta isang araw nung nag-uusap kami tapos may sinabi s’ya sa akin, bigla na lang s’yang nag-walk out. Tapos nag-leave s’ya ng isang linggo. Pagbalik n’ya, ganyan na s’ya. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Hindi n’ya na ako pinapansin tapos ang laki na rin ng pinagbago n’ya sa pananamit pati sa style n’ya. Sinubukan kong kausapin s’ya, pero talagang iniiwasan n’ya ako. Tapos alam mo ba Bessy, minsan nag—–” ang hindi n’ya na naituloy pang sasabihin dahil pinutol ko na s’ya.
“Stop! Okay, d’yan muna tayo.” pagpigil ko sa kanya habang nakataas ang aking palad sa kanyang mukha.
Nagsisimula nanaman kasi ang walang tigil na bibig ni Cha. Baka lalo lang akong maguluhan kung pababayaan ko s’yang ipagpatuloy pa ang kwento n’ya.
“Ayun na nga…” tangi n’yang nasabi.
Bago pa ako makapagsalita ay bigla namang dumating si Ben.
“Excuse me Ma’am, Sir. Our drink of the month, blood orange punch .” wika ni Ben at inilapag ang aming drinks sa aming table.
“Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa’yo Ben.” ang biglang pagsasalita ni Cha dahilan para mapalingon kami ni Ben sa kanya.
“Ha?” takang tanong ni Ben sa kanya.
“Bloody. Madugo kagaya ng drinks na ’yan.” seryosong sagot ni Cha sa kanya.
Dumiretso ng pagkakatayo si Ben at tinitigan si Cha.
“Ganyan na ganyan din ang pinaranas mo sa akin noon, Charm.” seryosong wika sa kanya ni Ben.
“Ha?” si Cha naman ngayon ang nagtataka.
Ako naman ay pinili na lamang na manood sa kanilang dalawa habang nakanganga. Para akong nanonood ng sine eh!
“Orange punch. Para akong pinagsusuntok dahil sa mga ginawa mo sa ’kin.” seryosong sagot naman ni Ben sa kanya at mabilis ding umalis sa aming harapan.
What the?!
Seryoso ba ’tong dalawang ’to?! Tatawa na ba ako sa kalokohan nilang dalawa?
Pero kung titingnan mo sila ay seryoso talaga sila. Naiiyak nanaman ngayon si Cha.
Napailing na lamang ako dahil sa aking nasaksihan.
“Nakita mo ba ’yun Bessy?! Ganyan! Ganyan na ganyan na s’ya sa akin ngayon!” pagsusumbong ni Cha habang dinuduro ang pwesto na nilakaran ni Ben.
“Eh ’di ba ’yan naman ang gusto mo noon? ’Di ba ayaw mong dinidikitan ka ni Ben? Ayaw mong kinakausap ka? Ayan na! Nangyari na ang gusto mo! Ano ngayon ang nirereklamo mo d’yan?!” sunod-sunod kong pagsasalita sa kanya.
Napanguso naman s’ya bago n’ya nagawang sumagot.
“Dati pa naman ’yun…” parang bata n’yang sagot habang nakanguso.
“Hay! Ang gulo n’yo! Parang baliktad na ngayon ang sitwasyon ah?!” reklamo ko sa kanya.
Hindi na s’ya muli pang nagsalita. Ilang sandali pa ay dumating muli si Ben para i-serve naman ang pagkain na in-order namin.
“Excuse me Ma’am, Sir. Here is one of the best seller here, Bangers and Mash .” wika ni Ben at inilapag ang pagkain sa harap ni Cha.
“Ganyan ang nararamdaman ko ngayon Ben. Derived from the word ‘banger’, para akong binabaril dahil sa ginagawa mo sa akin.” hugot nanaman ni Cha kay Ben habang nakatitig dito.
Tumayo muli ng tuwid si Ben at sinagot si Cha.
“And derived from the word ‘mash’, ganyan na ganyan ang naramdaman ko noon Charm. Durog na durog ako sa’yo.” madiin na hugot naman sa kanya ni Ben.
Hala ka! Sigurado bang nag-aaway ’tong dalawa?!
Bumaling naman sa akin si Ben at inilapag ang pagkain ko.
“Sir Perez, our very own dish, Toad in the Hole. “ pagpapakilala ni Ben sa pagkain na inilapag n’ya sa harap ko.
Naghintay ako sa hugot ni Cha, baka lang kasi meron.
At hindi nga ako nagkamali, nakahanap nanaman s’ya ng sasabihin.
“Parang ganyan ang pakiramdam ko Ben, naghahanap ng kahit maliit na hole o butas para masilip man lang kung ano ba ang pinagmulan kung bakit tayo nagkaganito.” malungkot na sambit ni Cha.
Tumayo muli ng tuwid si Ben at sinagot din s’ya.
“Alam mo ba kung bakit ganito tayo Charm?” tanong ni Ben.
“Bakit?” tanong ni Cha habang nakatingin pa rin kay Ben.
Wait lang, pick up line na ba ’to?
“Parang sa pagkain na ’to. Toad in the Hole ’to ’di ba?” unang wika ni Ben habang tinuturo ang pagkain sa harap ko. “Ikaw ’yung toad. Pero dahil malaki ka na, PALAKA ka na.” huling sambit ni Ben at umalis nang muli sa aming harapan.
“Pffftt!” ang pinipigil kong tawa dahil sa huling sinabi ni Ben.
Nakatakip pa ang aking kamay sa aking bibig dahil ayaw kong ilabas ang tawa ko sa mga oras na ito. Napansin naman iyon ni Cha kaya tiningnan n’ya na ako ngayon ng masama.
“Sorry! Sorry! Hindi ko lang talaga mapigilan Bessy!” wika kong natatawa sa kanya.
Wala naman s’yang sinabi ngunit padabog s’yang umayos ng pagkakaupo para simulan nang kumain. Mukhang wala naman s’yang balak pang makipagtalo sa akin at alam ko na kung ano ang dahilan nito. Mamamatay na s’ya sa gutom.
Matapos kong pakalmahin ang aking sarili ay kinain ko na rin ang pagkain ko. Wala kaming imikan ni Cha dahil sunod-sunod ang ginawa n’yang pagsubo ng kanyang pagkain. Hindi na talaga s’ya nagbago, matakaw pa rin ang pinakamamahal kong best friend.
(a/n: baka po may magtaka sa mga pagkain na nabanggit. Meron po talagang mga ganyang pagkain, kahit itanong pa kay mareng google. hahaha!)
Matapos namin ubusin ang aming pagkain ay s’yang dating muli ni Ben. May dala ito at mukhang mga dessert iyon.
“Ma’am, Sir. Please try our special dessert of the month, Spotted Dick made with our special homemade syrup. It’s a complimentary dessert especially baked by our very own Chef.” pagpapakilala ni Ben sa pudding na ibinigay sa amin.
Nang mailapag ni Ben ang dessert sa harap ni Cha ay tinanong n’ya ito.
“May hugot pa po ba kayo Ma’am?” tanong ni Ben kay Cha.
“W-wala na. B-baka kasi bastos na ang masabi ko.” nahihiyang sagot ni Cha.
“Enjoy your dessert.” magalang na wika ni Ben matapos n’yang mailapag ang dalawang dessert.
Akmang aalis na si Ben sa aming harapan nang tawagin s’yang muli ni Cha.
“Ben sandali!” pagpigil ni Cha.
“Yes Ma’am?” sagot ni Ben na tila ba ordinaryong guest lamang si Cha at wala sa kanilang ugnayan.
“A-anong oras ang uwi mo? Pwede ba kitang hintayin? S-sasabay na lang ako sa’yo pag-uwi?” Ang may pag-aalangan na tanong ni Cha.
“I’m sorry Ma’am. Pero hindi po kami allow na sumama sa mga guests namin dito. Now, please excuse me.” tanging sagot ni Ben at umalis na ng tuluyan.
Wala naman nagawa si Cha kundi panoorin ang kanyang pag-alis. Dahan-dahan n’yang kinuha ang dessert spoon at sinimulang kainin ang pudding na nasa kanyang harapan. Habang kinakain ang pudding ay nakita kong unti-unting tumutulo ang luha ni Cha.
Nanghina ako nang makita kong umiiyak na si Cha. Habang patuloy s’yang kumakain ay patuloy din sa pag-agos ng kanyang mga luha.
“Bessy…” pagtawag ko sa kanya ng may pag-aalala.
“Kumain ka na rin Bessy… Masarap ’tong pudding n’yo dito… Sige na, tikman mo…” tangi n’yang sambit habang patuloy pa rin sa pagkain at pag-iyak.
Kahit gusto kong pagaanin ang loob ni Cha ay pinili ko na lamang na manahimik. Kilala ko kasi ang best friend ko. Mas lalo lamang n’yang dadamdamin ang isang bagay kung patuloy pa namin itong pag-uusapan. Baka mahantong pa ito sa pag-eeskandalo n’ya at pag-iyak ng malakas.
Natapos kaming kumain at nasa lobby na kaming muli ni Cha. Nang umalis kami sa restaurant ay hindi na namin pa nakita si Ben. Ang sabi ng Captain Waiter na si Chris ay nag-break na raw ito.
“Bessy, sigurado ka bang ayos ka lang? Kung gusto mo hindi ko na lang papasukan ang natitira kong oras. Ihahatid na lang kita.” pag-aalala ko sa kanya.
“Okay lang ako Bessy, ’wag ka nang mag-alala. Sige na, bumalik ka na sa trabaho.” sagot n’ya naman sa akin ng may pilit na ngiti.
Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na ako nitong hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
“Nami-miss na kita Bessy. Mag-iingat ka lagi ha?” wika n’ya sa akin habang yakap ako.
Ito ang gusto ko sa best friend ko. Kahit hindi kami laging nagkikita ay hindi nawawala ang pag-aalala n’ya sa akin.
“Ikaw din Bessy. Hayaan mo, sa rest day ko pupunta ako sa inyo. Marami rin akong gustong i-kwento sa’yo. Pero hindi kasi kasya ang oras natin ngayon para mag-usap eh.” wika ko sa kanya at hinalikan s’ya sa ulo.
Hindi ko pa kasi naike-kwento sa kanya ang mga kaganapan sa amin ngayon ni Xander. Ayaw ko namang sa ganitong pagkakataon ko sabihin sa kanya. Alam kong may mga bagay s’yang pinagdadaanan ngayon kaya ayaw kong makisabay doon.
Inihatid ko muna si Cha sa pinto ng hotel bago kami tuluyang nagpaalam sa isa’t-isa.
Nakabalik na ako sa aking trabaho ngunit ang isip ko ay nakatuon pa rin kina Cha at Ben. Kahit naman alam kong hindi maganda ang estado ng pagkakaibigan namin ni Ben ngayon ay gusto ko pa rin silang matulungan. Sila lang ang mga tunay kong kaibigan kaya ayaw kong may hindi magandang namamagitan sa aming lahat.
Nakaisip ako ng magandang ideya kaya mabilis kong inabot ang aking intercom at tumawag sa restaurant ng hotel. Tinawagan ko ang supervisor ng restaurant ng hotel at tinanong ang schedule ni Ben. Kailangan ko s’yang makausap. Kailangan kong tulungan si Cha para magkaayos sila. Hindi man s’ya makikinig sa pangungumbinsi ko sa kanya ay may pagkakataon na rin akong makausap s’ya ng masinsinan para sa issue naman naming dalawa. Gusto ko na rin itong maayos sa lalong madaling panahon.
Natapos ang buong araw at nagmamadali akong kumilos upang madatnan ko ang taong gusto kong makausap sa mga oras na ito. Halos tumakbo ako patungo sa likod ng hotel dahil naroon ang garden nito. Nabalitaan ko kasi mula sa Supervisor ni Ben na tumatambay muna ito doon bago umuwi.
Hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko si Ben na nakaupo sa gilid ng fountain na naroroon. Malayo ang tingin at mukhang malalim ang iniisip. Maliwanag naman ang buong garden kahit gabi na dahil sa mga ilaw na naririto sa fountain at kapaligiran.
“Ben…” pagtawag ko dito nang makalapit ako.
Nagulat s’ya sa aking pagdating kaya napalingon ito. Mabilis din s’yang tumayo bilang respeto.
“Sir Perez, kayo po pala. Bakit po?” pormal n’yang pagbati sa akin.
Ewan ko ba, pero parang nainsulto ako sa pagbati n’yang iyon. Pakiramdam ko kasi ay hindi kami magkaibigan.
“Tigilan mo ako sa pagtawag sa akin ng ganyan! Wala na tayo sa trabaho kaya tawagin mo ako sa kung paano mo ako tawagin noon!” halos pasigaw kong sagot sa kanya.
“S-sorry…” nahihiya n’yang sambit.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Humakbang ako palapit sa kanya at umupo rin sa gilid ng fountain. Ilang saglit pa ay tumabi na rin ito sa akin.
Ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Nakatingin kami sa aming harap kahit wala kaming tinatanaw. Tanging bermuda grass at nagkalat na mga puno, halaman, mesa at upuan lamang ang naroon maliban sa ilang guests ng hotel na gusto yata ng katahimikan sa mga oras na ito.
“Ben… I’m sorry… Sorry dahil kinalimutan ko kayo sa loob ng dalawang taon.” una kong sambit.
Hindi naman nagsalita si Ben kaya nagpatuloy ako. Nanatili kaming nakatanaw sa malayo.
“Hindi ko naman talaga kayo kinalimutan eh. Hindi ko lang kayo kayang harapin noong mga oras na ’yon. Pakiramdam ko kasi kakaawaan n’yo lang ako. Masyado na kasi kayong maraming naitulong sa akin noong mga panahon na miserable ako. Ayoko na kahit nasa malayo ako ay ako pa rin ang inaalala n’yo. May mga sarili rin kayong buhay kaya naisip kong hindi na kayo dapat pang madamay sa problema ko. Ang pagkakamali ko nga lang, hindi ko sa inyo nasabi ang bagay na ’yon. Hindi ko rin kayo kinamusta. Kaya pasensya na talaga.” sinsero kong paghingi ng tawad sa kanya.
Narinig ko ang pinakawalang malalim na buntong hininga ni Ben.
“Wala ka naman talagang kasalanan Tom eh. Ako, ako ang nagkamali dito. Masyado kasi akong maraming problema noong mga oras na ’yon. Gusto ko ng makakausap pero wala akong mahanap na pwedeng makatulong sa akin. Ikaw ang una kong naisip, pero alam kong may pinagdadaanan ka rin. Tapos dumagdag pa ’yang best friend mo, naghalo-halo na lahat kaya kung kani-kanino ko na sinisi ang mga kamalasan ko.” malungkot n’yang paliwanag.
Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na s’ya.
“Hindi pa naman siguro huli para makabawi ako ’di ba? Kaibigan pa rin kita Ben at hindi magbabago ’yun. Kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan, mas nangingibabaw pa rin ang naging samahan natin. Mas pinahahalagahan ko ang mga mabubuting nagawa mo para sa akin.” wika ko sa kanya.
Tipid s’yang ngumiti bago ako tiningnan.
“Sorry Pareng Tom ha? Sorry kung hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa’yo. Sorry kung sa’yo ko isinisi lahat.” sinsero n’ya ring paghingi ng tawad sa akin.
Ngumiti ako ng malapad sa kanya at inakbayan s’ya.
“So ano na? Kwento na! Makikinig ako Pareng Ben.” nakangiti kong wika sa kanya.
Sa wakas ay nakita ko na s’yang ngumiti.
Huminga s’ya ng malalim at muling ibinalik ang kanyang tingin sa harapan. Ako naman ay inihanda na ang sarili para makinig. Ibinaba ko ang aking kamay na nakaakbay sa kanya at naghintay sa kanyang sasabihin.
“Natatandaan mo ba Tom na sa tuwing wala tayong pasok noon sa restaurant, nagkakayayaan tayo kung saan-saan? Minsan sa bahay ninyo o kaya ay sa kung saan natin maisipan?” una n’yang tanong.
“Mmmm.. Oo naman.” sagot ko sa kanya nang maalala ko ang mga bagay na ’yon.
“Lahat ng bahay ninyo napuntahan na natin. Ang sa akin na lang ang hindi n’yo pa napupuntahan.” dugtong n’ya naman.
Hindi naman ako nakapagsalita dahil totoo naman ang bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi pa kami nakakapunta sa kanilang bahay. Madalas n’yang sabihin sa amin noon na walang tao sa kanila at hindi n’ya hawak ang susi ng kanilang bahay kaya hindi kami makakapasok.
Dahil sa hindi ako nakasagot ay nagpatuloy pa s’ya.
“Sa Tita ko kasi ako noon nakikitira. ’Yung pamilya ko kasi nasa probinsya eh. Hindi maganda ang pakikitungo nila sa akin. Halos lahat ng sinesweldo ko sa kanila lang napupunta. Kung hindi pa ako magtatago ng konte, wala rin akong maiipon at wala akong maipapadala sa pamilya ko sa probinsya. Hindi naman ako makapagreklamo dahil nakikitira lang ako. Ayaw ko kayo pumunta doon kasi nahihiya ako kung makita n’yo kung paano ako pakitunguhan ng tiyahin ko at mga pinsan ko.” wika n’ya at bahagyang natawa. “Ang gara noh? Parang nasa teleserye ang buhay ko. Kung naging babae lang ako baka tinawag n’yo na akong Cinderella.” dugtong n’ya pang natatawa.
Hindi ko magawang tumawa kahit nagbibiro s’ya. Alam ko naman na hindi marangya ang buhay ni Ben kagaya ko noon. Pero hindi ko akalain na mas mahirap pa pala ang pamumuhay n’ya noon kesa sa amin. Ako kasi ay may pamilyang nakakasama kahit wala pa noon si Papa.
Nang kumalma s’ya ay ipinagpatuloy n’ya ang kanyang pagkekwento.
“Isang taon matapos nung umalis ka ay may hindi magandang nangyari. Nagkasakit ang Papa ko kaya kinailangan kong magpadala ng pera. S’yempre dahil sa takot ko, lahat ng naipon ko at ’yung huling sweldo ko, pinadala ko sa probinsya. Ang kaso nga lang nalaman ’yun ng tiyahin ko. Galit na galit s’ya nung malaman na may ipon ako, pinagdadamutan ko daw sila. Kaya ko naman ang pagbubunganga ng tiyahin ko eh. Kaso nung sumali na ’yung dalawang pinsan kong lalaki, wala na akong nagawa. Sinaktan nila ako, binugbog at kung ano-ano pa. Mabait naman ako Tom eh, alam mo naman ’yun ’di ba? Kaso hindi naman ako isang santo. Nahawakan ko ’yung isang kahoy habang binubugbog nila ako. Inihampas ko ’yon sa pinsan ko para protektahan ang sarili ko. Kaso dahil din doon, napalayas ako.“mahaba n’ya pang kwento.
Awang-awa ako kay Ben habang nakikinig sa kanyang kwento. Wala akong nagawa kundi ang hawakan lamang s’ya sa kanyang balikat bilang pakikiramay.
“Palaboy. ’Yan ang perfect definition sa akin noon. Kung saan-saan ako nakikitulog. Raraket ako sa isang auto-shop pagkatapos ng trabaho ko. Hindi ako nagpapabayad sa kanila, basta ang kapalit ay makikitulog ako sa garahe at makikiligo kinabukasan para makapasok ulit. ’Yun nga lang, minsan kasi ay walang raket. Kaya minsan wala akong choice kundi sa park matulog. Doon na ako natagpuan ni Idol!” huling bahagi ng kanyang kwento.
Sa huli n’yang sinabi ay nakangiti na ito at mukhang nagmamalaki na.
“Idol?” taka kong tanong.
“Si Idol! Si Sir Xander! S’ya ang tumulong sa akin Pareng Tom!” masaya n’yang sagot.
“P-paano?” tanong kong muli.
Tumawa muna s’ya bago sumagot.
“Nakaupo kasi ako nun sa park isang gabi. Tahimik lang akong umiiyak dahil sa mga naging kamalasan ko. Tapos maya-maya may narinig akong umiiyak din sa kabilang upuan. Hindi namin sinasadya na mapatingin sa isa’t-isa. At nung magtama ang mga mata namin, natawa na lang kaming pareho. Kasi ba naman, parehas kaming namamaga ang mga mata. Tapos naghalo na ang mga luha at sipon namin sa kakaiyak! Sinabihan n’ya akong ang pangit ko raw umiyak, sinagot ko s’ya na mas pangit kaya s’ya umiyak!” masaya n’ya na ngayong kwento.
Dahil sa narinig ko ay hindi ko na rin napigil ang sarili na tumawa. Iniisip ko pa lang na ganon ang senaryo sa kanila ay gusto ko nang humagalpak sa tawa.
“Grabe! ’Pag nandito nga si Xander ulitin n’yo ’yung eksena na ’yon!” wika ko habang patuloy sa pagtawa.
“Naku ’wag na! Matuwa ka pa!” sagot n’ya naman sa akin kaya lalo kaming humagalpak sa tawa.
Nang makabawi kami ay nagsimula nanaman s’yang magkwento.
“Pinatira ako ni Sir Xander pansamantala sa condo n’ya sa Alabang. Pero ako lang ang mag-isa doon kasi ayaw n’yang umuwi doon. Sa bahay n’yo s’ya umuuwi. Noong kinuha s’ya nitong hotel para maging General Manager, doon lang din s’ya kumuha ng condo unit na malapit dito. Nag-ipon lang ako ng kaunti para mangupahan na lang, nahihiya na rin kasi ako kay Sir Xander eh. Noong makaipon na ako, umalis na rin ako doon kahit medyo nasanay na rin ako sa condo n’ya. Ayaw n’ya pa nga pumayag noong una na umalis ako doon eh, kaso nagmatigas na ako dahil sobra-sobra na ang naitulong n’ya sa akin.” nakangiti n’yang kwento.
Napangiti ako dahil sa mga narinig ko. Kahit na may pinagdadaanan si Xander noon ay hindi n’ya pa rin kinalimutang tumulong.
Napahinto ako sa pagngiti nang may maalala ako.
“Teka lang Ben? Naiintindihan ko kung bakit ka nagalit sa akin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pati kay Cha ay nagalit ka. Ano bang nangyari sa inyong dalawa?” tanong kong bigla sa kanya.
Nawala ang kanyang pagkakangiti at sumeryoso ang kanyang mukha. Muli s’yang tumingin sa malayo at malungkot ang kanyang mga mata nang simulan n’yang magkwento.
“Noong pinalayas ako ng tiyahin ko at mga pinsan ko, kaya ko pa naman dalhin ang sarili ko eh. Sisiw lang sa akin ang problemang ’yon. Ang totoo nga n’yan ay natuwa pa ako dahil nakawala na ako sa kanila. Ang kaso mas masakit kasi ang pinagdaanan ko sa best friend mo. Matapos nang nangyari sa amin ni Charm, nangako na ako sa sarili ko na wala nang mananakit sa akin. Hindi na ako pwedeng saktan ng kahit na sino, kamag-anak ko man ’yan o kahit si Charm pa ’yan. Kaya kasabay ng desisyon kong iyon, iniba ko na rin ang lahat sa akin. Kahit ang pananamit ko iniba ko na rin. Natuto na rin akong magbisyo. Iniba ko ang image ko para protektahan ang sarili ko sa mga pwedeng manakit sa akin. ’Yun din ang dahilan kung bakit ako nag-resign sa restaurant at lumipat dito sa hotel.” malungkot n’yang panimula.
“Ano ba kasing ginawa ni Cha sa’yo? Ibang-iba na kasi ang pakikitungo mo sa kanya. Hindi ko kahit kailan inisip na magagawa mo ang mga bagay na ’to kay Cha. Ang sabi mo kasi dati po-protektahan mo s’ya ’di ba? Kaya nga kahit minsan hindi ko rin kinamusta si Cha noong nasa Amerika pa ako. Kasi alam kong may magbabantay sa kanya, at ikaw ’yon.” wika ko sa kanya.
Nakita ko nanaman ang pagbuntong-hininga n’ya bago sumagot.
“Kaya kong balewalain ang masasakit na salita sa akin ni Charm. Ang mga pagtataboy n’ya sa akin at kung minsan ay namimisikal pa. Kasi alam ko naman na sa kabila ng ginagawa n’yang iyon ay may halong paglalambing ’yon. Nahihiya lang s’yang i-express. Paano ko nalaman? Kasi namumula ang best friend mo. Kaya tuwang-tuwa rin ako ’pag ginagawan n’ya ako ng karumal-dumal na bagay.” ang medyo natatawa n’yang sagot. “Pero ang hindi ko nakayanan na ginawa n’ya ay pagtawanan ako sa harap ng maraming tao Tom. ’Yung pagtawanan n’ya ang nararamdaman ko.” ang malungkot n’ya naman ngayong sambit.
“A-anong ibig mong sabihin?” medyo kinakabahan kong tanong.
“Nag-confess ako sa kanya noon Tom. Sinorpresa ko pa s’ya. Humingi pa ako ng tulong kay Dee at Dominic. Binihisan nila ako at binigyan ng ideas kung paano ako magko-confess sa kanya. Ang gwapo ko kaya nun! Tapos sa harap ng maraming staff at customers sa restaurant, may hawak akong bulaklak at lumuhod pa sa harap n’ya. Tuwang-tuwa nga ang mga tao nun eh, pati sina Ma’am Shai at Chef Randy.” kwento n’ya.
“Tapos? Anong sumunod na nangyari?” tanong ko sa kanya.
Napansin ko, medyo pa-suspense din si Ben noh?
“Tapos tinanong ko s’ya kung pwede ko ba s’ya ligawan. Alam mo ba ang naging sagot n’ya?” tanong n’ya sa akin.
“S’yempre hindi. Wala ako dun eh.” medyo sarkastiko ko nang sagot kasi naiinip na ako malaman ang totoong nangyari.
“Wala.” maikli n’yang sagot.
“Wala?” taka kong tanong.
“Wala s’yang sinagot. Pero tumawa s’ya ng tumawa. Pulang-pula s’ya nun sa kakatawa. Halos hindi na nga s’ya nun makahinga eh. Napahiya ako nun sa mga tao. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo na lang paalis sa harap n’ya. Hindi ko kinaya ang sakit nun. Sobrang sakit nun Tom.” malungkot n’yang pagke-kwento.
Nagulat ako sa kanyang mga sinabi. Kilala ko ang best friend ko. May dahilan ang bagay na ’yun at alam ko kung ano iyon. Sabay kaming lumaki kaya alam ko ang tumatakbo sa kanyang isip nang mga oras na ’yon.
Akmang magpapaliwanag na sana ako kay Ben para linawin ang bagay na iyon ay nagulat na lamang kami sa isang boses na sumigaw mula sa aming likod.
“Eh gago ka palang kamote ka eh!” masakit sa tengang sigaw mula sa aming likuran.
“Bessy?!”
“Charm?!”
gulat na gulat naming sambit ni Ben at napatayo na rin kami.
“A-anong ginagawa mo dito?! Tom?! Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito?!” ang may inis na tanong n’ya sa amin ni Cha.
“Oy! Hindi ah! Ang alam ko nakauwi na ’yan!” sagot ko naman sa kanya habang tinuturo si Cha.
“Kamote ka talaga! Nakalimutan mo ba na sinabi kong hihintayin kita makalabas ng trabaho?! Na hihintayin kita at sabay tayong uuwi?!” sigaw naman ni Cha kay Ben.
“At nakalimutan mo rin ba na sinabi kong hindi kami pwedeng sumama sa guest namin?!” sagot naman ni Ben sa kanya.
“Abat! Sumasagot ka pa talaga ha?!” galit na galit na sambit ni Cha.
Humakbang papalapit si Cha papunta sa amin. Nang tingnan ko si Ben ay paatras naman ito ngayon at papalayo sa amin.
“’W-wag kang lalapit! Tatakbo ako! Sige!” banta ni Ben at nakataas pa ang palad para pigilan ang paglapit ni Cha.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanilang dalawa. Nanatili na lamang akong nakatayo at naghihintay sa mangyayari.
Ngumisi si Cha at nag-cross arms habang patuloy pa rin sa paghakbang.
“Ah talaga?! Sige, subukan mong tumakbo! Nauubos na ang pasensya ko sa’yong kamote ka ha?! Pahabol ka ng pahabol! Chicks ka ba?! Ha?! Chicks ka ba?!!” ang palakas ng palakas na pagsasalita ni Cha.
“Ikaw ang pa-chicks! Hindi ako! Wala kang ginawa kundi ang maniwala na makikita mo ang forever mo ’pag may fireworks! Hah! Sige lang Charm! Ipagpatuloy mo ’yan! Tatanda kang dalaga! Kaya wala kang nagiging boyfriend dahil sa paniniwala mong ’yan!” pagpatol na sa kanya ngayon ni Ben.
“Eh kumag ka pala eh! Kasalanan mo kung bakit hanggang ngayon wala pa akong boyfriend! Alam mo ba?! Dapat one year na akong may boyfriend ngayon! Dapat first anniversary na sana namin ngayon! Kaso eksena ka eh! Nuknukan ka ng pabebe! Punyeta ka talaga!!!” galit na galit na wika ni Cha.
“Ako? Bakit ako?” takang tanong ni Ben.
“Aba’t! Tanga ka talagang kamote ka noh?!” gigil na gigil na ngayong sambit ni Cha.
Mas mabilis na ring humakbang si Cha patungo sa pwesto ni Ben. Ngunit ang Ben ay mabilis na kumilos at tumakbo palayo.
“Bumalik ka ditong kamote ka!!!” galit na galit na sigaw ni Cha habang hinahabol si Ben.
Tumakbo na rin ako dahil kinakabahan ako sa mangyayari. Baka magkasakitan sila. Tatlo na kami ngayong naghahabulan dito sa malaking garden ng hotel.
“Hindi ako titigil sa pagtakbo! Maniwala ka na lang sa forever mo!” sigaw ni Ben kay Cha.
“Impakto ka talaga! Kamote ka na nga tanga ka pa!” sigaw nanaman ni Cha sa kanya.
Jusko! Ano bang ginagawa ng dalawang ’to?! Saka bakit nga ba kasi hindi ko sila magawang awatin?! Pero panay naman din ang habol ko sa kanila! Hay ewan! Basta dapat walang masaktan sa kanila!
Napahinto ako sa pagtakbo dahil huminto din si Cha. Nagulat ako nang tanggalin ni Cha ang isa n’yang sandals sa kanyang paa. Inangat n’ya ito sa ere at…
…bullseye!
Sapol sa ulo si Ben.
“Aray ha?! Masakit ’yon ah?!” reklamo ni Ben na napahinto na rin sa pagtakbo at hinarap si Cha. Hawak n’ya rin ang kanyang ulo na tinamaan ng sandals na binato ni Cha.
Ang buong akala ko ay magsasalita pa si Cha. Ngunit nagulat ako nang bigla na lamang s’yang umupo sa lupa at nagsimulang umiyak ng pagkalakas-lakas.
“Waaaaaahhhhhh!!!!” ang nakakabinging iyak ni Cha.
“Cha!!!” ang nag-aalala kong reaksyon.
Tatakbo na sana ako sa pwesto ni Cha nang may kamay na pumigil sa akin.
“Xander?!” gulat kong reaksyon nang makita ko ito sa aking tabi.
“Master! ’Wag mo nang sundan! Parang awa mo na, napapagod na rin ako sa pagtakbo kakahabol sa inyo!” pakiusap ni Xander habang hinihingal pa at hawak ang kamay ko.
Ibig sabihin apat na pala kaming naghahabulan dito?!
“Eh Master, si Cha eh!” sagot ko naman dahil nag-aalala pa rin ako sa best friend ko.
Mas lalong hinigpitan ni Xander ang pagkakahawak sa akin. Inayos n’ya ang kanyang sarili bago ako kinausap ng nakangiti.
“Hayaan mo na sila, magiging okay din sila. Tingnan mo.” wika n’ya at itinuro ang gawi kung nasaan si Cha.
Patuloy pa rin sa pag-iyak ng malakas si Cha habang nakasalampak sa lupa.
“Sugar?!” nakita kong pag-aalala ni Ben at mabilis na nilapitan si Cha.
Nang makalapit kay Cha ay lumuhod din ito para suriin ang paa ni Cha.
“Nasaktan ka ba?! Saan ang masakit?!” tarantang tanong ni Ben sa kanya habang tinitingnan ang paa ni Cha.
Sa halip na sumagot si Cha at pinagpapalo n’ya si Ben habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“Ang tanga-tanga mo talaga! Kamote ka! ’Yun pala ang dahilan kaya bigla mo akong iniwasan walang-hiya ka! Bwisit ka! Bwisit kang eengo-engot ka!” sunod-sunod na sambit ni Cha habang patuloy na hinahampas si Ben.
“Aray! Aray! Aray tama na Sugar!” sambit naman ni Ben habang patuloy na sinasalag ang mga palo sa kanya ni Cha.
“Waaaaahhhhhh!!!!” sigaw nanaman ni Cha dahil sa pag-iyak at itinigil na rin ang paghampas kay Ben.
Muling nagbalik ang pag-aalala kay Ben at inilapit muli ang sarili kay Cha.
“Tahan na Sugar ko… Sige na, hindi na ako tatakbo. Hindi na ako iilag, saktan mo na ako kung gusto mo. Basta lang tumigil ka na sa pag-iyak…” pakiusap ni Ben.
Mukhang kumalma naman si Cha nang sabihin iyon ni Ben. Naging mahina na ang kanyang pag-iyak ngunit patuloy pa rin s’ya sa paghikbi.
“Bakit ba ang tanga-tanga mong kamote ka?” tanong ni Cha habang umiiyak sa kanya.
“Sorry na kung tanga ako…” malumanay na sagot naman ni Ben.
“Bakit ba bwisit ka?” tanong pa rin ni Cha habang umiiyak.
“Sorry na kung bwisit ako…” sagot pa rin ni Ben.
“Bakit ba ang engot-engot mo?” tanong muli ni Cha.
“Sorry na kung engot ako…” si Ben ulit.
“Bakit bigla ka na lang tumakbo nung nagapaalam ka sa akin manligaw?” tanong pa ulit ni Cha habang umiiyak.
“Sorry na kung tumakbo agad ako…” sagot nanaman ni Ben.
“Bakit hindi mo ako hinintay na magsalita nun?” tanong nanaman ni Cha.
“Sorry na kung hindi kita nahintay magsalita nun…” sagot nanaman ni Ben.
Para na silang baliw dalawa ngayon na pinapanood namin ni Xander.
“Bakit ba ang manhid mong kamote ka?” si Cha ulit.
“Sorry na kung manhid ako…” sagot nanaman ni Ben.
“Bakit ba na-in love pa ako sa kagaya mo…?” tanong ni Cha.
Nagkatinginan kami ni Xander at nanlalaki ang aming mga mata nang sambitin iyon ni Cha. Muli naming ibinalik ang tingin sa kanila para pakinggan ang sasabihin ni Ben.
“Sorry na kung na-in love ka sa kagaya ko….” ang wala sa sariling sambit ni Ben.
Nasapo na lamang namin ni Xander ang aming mga noo dahil sa sagot ni Ben.
“Master, akala ko ikaw na ang pinaka-slow na tao sa mundo. May mas malala pa pala sa’yo?!” pabulong na sambit ni Xander sa akin.
Hindi ko s’ya sinagot ngunit kinurot ko s’ya sa kanyang bewang.
“Aray! Joke lang naman eh!” reklamo n’ya habang hawak ang kanyang tagiliran.
Tumingin kaming muli ni Xander sa dalawa.
“Waaaaahhhhh!!!” atungal nanaman ni Cha.
“Sugar naman! Tahan na! Nagso-sorry na nga ako sa’yo eh! Ano pa bang gusto mong gawin ko para hindi ka na umiyak d’yan?!” nag-aalalang tanong ni Ben.
“Ang tanga n’ya talaga!!! Ang tanga-tanga n’ya!!!” iyak muli ni Cha.
Pareho pa rin silang mga nakaupo sa lupa.
“Kamote naman! Sabi ko na-in love ako sa kagaya mo!! Sa kamoteng kagaya mo!! Sa tatanga-tangang kagaya mo!! Sa impakto at bwisit na kagaya mo!! Hindi mo ba naiintintindihan ’yon??!! Na-inlove ako sa’yong gago ka!!” sunod-sunod na sambit ni Cha habang umiiyak.
Napatigil si Ben sa kanyang paggalaw.
“H-ha? S-sa akin?” puno ng pagtataka n’yang tanong habang tinuturo ang sarili.
“Ang tanga talaga!!!” sigaw nanaman ni Cha at binatukan na ngayon si Ben. Mukhang nauubusan na s’ya ng pasensya dito.
Mukhang nagising na sa pagkakataong ito si Ben.
“Ha???!!! T-t-t-teka!!! ’Di ba pinagtawanan mo lang ako nung nag-confess ko sa’yo?!! Pulang-pula ka pa nga sa kakatawa nun ’di ba?! Paano ka mai-in love sa kamoteng kagaya ko?!” pag-aalala ni Ben.
Kahit ako ay gusto ko nang batukan si Ben sa mga oras na ’to! Si Cha na nga ang lumalapit sa kanya pero nagiging choosy pa!
Muli nanaman s’yang binatukan ni Cha.
Grabe! Ang brutal talaga ng best friend ko!
Pero si Ben ay parang maamong tupa lamang na hindi makapagreklamo.
“Umalis ka kasi agad nun eh! Hindi pa ako nakakapagsalita tumakbo ka nang kamote ka! Namumula ako nun kasi nahihiya ako! Ganon ako ’pag nahihiya! Saka tumatawa ako nun kasi may paganun-ganun ka pang nalalaman! Nagpa-gwapo ka pa! Eh gwapo ka naman kahit engot ka! Tumatawa ako nun kasi gusto ko sabihin sa’yo na hindi mo na kailangan pa manligaw dahil sasagutin na kita agad nun hayup ka!! Hindi na ako magpapaligaw nun kasi ijo-jowa na kitang bwisit ka!!” pasigaw na sagot ni Cha habang umiiyak.
Natigilan si Ben dahil sa kanyang mga narinig. Habang patuloy sa pag-iyak si Cha ay tulala lamang si Ben na nakatingin sa kanya.
Ilang minuto pa ay mukhang nagbalik na ang kaluluwa ni Ben sa kanyang sarili.
“I-ibig…… s-sabihin…….” ang utal na sambit ni Ben ngunit hindi na naituloy.
Mabilis na hinawakan ni Cha ang magkabilang kwelyo ni Ben at hinatak palapit sa kanya.
Nagdikit ang kanilang mga labi.
Si Cha na nakapikit habang may mga luhang patuloy na umaagos sa kanyang mga mata, at si Ben na nanlalaki ang mga mata dahil sa pagkabigla.
Habang nasa ganoon silang posisyon ay nagulat kami nang makarinig kami ng malakas ng pagsabog.
BOOM!
Sunod-sunod na pagsabog at kasabay ng mga iyon ay ang pagliwanag ng kalangitan.
Umuulan ng makukulay na fireworks sa mga oras na ito.
Iba ang naging pakiramdam ko nang masaksihan ko ang pagliwanag ng kalangitan. Dahil sa nasaksihan kong iyon ay mabilis kong ibinalik ang tingin ko kay Cha habang may ngiti sa aking labi.
Nakita kong napatigil si Cha sa paghalik kay Ben at dahan-dahan silang dalawa na tumingala sa langit.
Nang makita nila ang patuloy na pag-ulan ng fireworks ay muli silang nagkatinginan ni Ben. Gumuhit ang magandang ngiti sa kanilang mga labi. At ilang segundo lang ay mabilis nilang niyakap ang isa’t-isa. Mahigpit na yakap ang ibinigay nila habang may ngiti sa kanilang mga labi.
“Naalala mo ba Master?” biglang tanong sa akin ni Xander.
“Oo. Naalala mo rin?” tanong ko sa kanyang nakangiti.
“Sign na ’pag nahalikan ako ng isang lalaki at biglang may mag-e-explode na fireworks sa langit, ibig sabihin s’ya na ang matagal ko nang hinahanap na makakasama habang-buhay. Hindi ko na din s’ya papakawalan!”
pag-uulit ko sa madalas sinasabi sa amin ni Cha noon.
“Mukhang nakita n’ya na ang forever n’ya ah?” tanong ni Xander sa akin ng nakangiti.
“Mukha nga!” natatawa ko namang sagot.
Hinigpitan ni Xander ang pagkakahawak sa kamay ko.
“Tara na? Uwi na tayo! Hayaan na natin sila d’yan. Mukhang marami pa silang dapat pag-usapan.” nakangiti n’yang pagyaya sa akin.
“O baka naman marami pa silang pagtatalunan?” tanong ko naman sa kanya pabalik.
Natawa na lamang kaming pareho sa aming sinabi. Ngunit matapos iyon ay sabay na rin kaming tumalikod at iniwan sina Ben at Cha sa garden ng hotel na iyon.
“Na-miss kita.” sambit ni Xander habang naglalakad kami.
“Mas na-miss kaya kita?!” sagot ko naman sa kanya.
Natawa kaming muli habang naglalakad pa rin at magkahawak ang kamay.
“Hayaan mo Master, sa susunod na may fireworks kang makikita ibig sabihin aasawahin na kita nun!” ang may kayabangan n’yang sambit at inakbayan pa ako dahilan para mabitawan n’ya ang kamay ko.
“As if naman pwede ’yun dito sa Pilipinas?!” naging sagot ko naman sa kanya.
“Tss! Parang wala ka naman bilib sa akin n’yan Master! Magtiwala ka lang! Si Xander pa ba?! Hah! Walang imposible sa akin, tandaan mo ’yan!” pagyayabang n’ya nanaman.
“Oo na lang!” sagot ko sa kanyang natatawa.
“Bahala ka! Basta dapat ready ka ’pag nangyari ’yun!” hindi pa rin s’ya nagpapatalo.
“Oo na! Oo na!” sagot ko na lang ng natatawa.
Mukha kasing wala nang balak pang tumigil sa kakapilit eh! Edi s’ya na!
“Yown! Pa-kiss nga!” sambit n’ya at mabilis na hinawakan ang aking mukha ng isa n’yang kamay.
Habang naglalakad kami at akbay n’ya ako ng isa n’yang kamay ay hinalikan ako ni Xander sa labi kahit may mga nakakasalubong kami at nakikita ang kanyang ginawa.
“Sarap! Mamaya yari ka sa akin sa bahay!” gigil n’yang sambit matapos ang ginawa n’yang paghalik sa akin.
Napailing na lang ako habang natatawa dahil sa kakulitan ni Xander.
“Puro ka banta! Tinototoo ’yan, hindi sinasabi lang!” sagot ko na lamang sa kanya.
Nagulat ako nang hinigpitan n’ya ang kanyang pagkakaakbay sa akin at isinama n’ya na rin ang isa n’ya pang kamay upang mayakap ako. Para na n’ya tuloy akong sinasakal ngunit sa malambing na paraan. Binilisan n’ya rin ang paglalakad dahilan para mabilis ko ring maihakbang ang mga paa ko.
“Ganon ah?! Sige! Bilisan na natin umuwi at nang makarami!” sambit n’ya habang yakap ako sa aking leeg at mabilis na naglalakad.
Natatawa na lamang akong nagpapadala sa kanya.
Iba talaga s’ya.
Iba talaga si Xander sa lahat!
A/N
Aryt! Sana kahit hindi kina Xander at Tom umikot ang chapter na ’to ay nag-enjoy pa rin kayo.
Yahoo! Excited na ako sa mga susunod na chapters! Maghanda na tayo! Hahahaha!
Ingat mahal kong readers!
Comments and votes na rin po please???
––cold_deee
chapter 21 - screwdriver
A/N
Hello fellas!
Handa na ba kayo? Hahahaha!
O s’ya, wala nang maraming salita. Enjoy reading guys!
––> si Tom po sa media.
XANDER POV
Nalulungkot ako.
Hindi ko magawang ngumiti.
Pakiramdam mo ay malaki ang galit sa akin ng mundo.
“Good Morning Master!” ang narinig kong masayang bati ng pinakamamahal ko.
Narito ako ngayon sa kitchen ng bahay nila Tom at naghahanda ng aming almusal.
Nilingon ko s’ya nang walang ngiti sa aking labi. Nakita kong maaliwalas ang kanyang mukha. Mukhang maganda ang gising ng mahal ko hindi katulad ko. Kahit yata pilitin ko ang ngumiti ay hindi ko magagawa ngayong araw na ito.
“Good Morning Master. Sige na, umupo ka na d’yan. Malapit na akong matapos dito magluto.” malungkot kong bati sa kanya pabalik.
Muli kong itinutok ang aking sarili sa aking niluluto. Konting halo na lamang naman ay matatapos na rin ito.
Ilang saglit pa ay nagulat na lamang ako nang may mga brasong pumulupot sa aking bewang habang nakatalikod ako.
“Wala yata akong kiss ngayong umaga?” malungkot na sambit ni Tom mula sa aking likuran.
Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga. Pinatay ko muna ang kalan na aking pinaglulutuan dahil mukhang luto na rin ang aming almusal.
Dahan-dahan ay humarap ako kay Tom. Hindi n’ya pa rin inaalis ang kanyang kamay mula sa pagkakayakap sa akin.
“Sorry Master.” malungkot ko pa ring sambit at niyakap s’ya bago hinalikan sa kanyang noo.
Ganito naman kami kahit noon pa. Sa tuwing gigising kami sa umaga ay binibigyan ko s’ya ng halik sa noo.
“Sige na,maupo ka na d’yan. Maghahanda na ako.” matamlay kong pakiusap sa kanya.
Inutusan ko s’yang umupo pero ayaw ko naman s’yang pakawalan sa aking bisig. Nakayakap pa rin ako sa kanya ngayon. Paano naman kasi, ang bago ng mahal ko. Amoy baby kahit kagigising pa lang n’ya.
“Master…” pagtawag n’ya sa akin habang yakap din ako.
“Hhhmmm?” sagot ko naman.
“Bakit parang ang pangit ng gising mo?” malambing n’yang tanong.
Napapikit naman ako sa kanyang tanong bago ko s’ya sinagot.
“Wala…. Sige na, mag-almusal na tayo. Kailangan natin umalis ng maaga, baka matrapik tayo.” sagot ko sa kanya.
Wala eh, talagang badtrip ako ngayon.
Dahan-dahan naman s’yang kumalas sa aming pagkakayakap at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha nang magtama ang aming mga mata.
Dahil sa nakita ko sa kanya ay muli nanaman akong nagbuntong hininga. Hindi ko talaga kayang tiisin si Tom. Hindi ko kayang makita na nalulungkot s’ya.
“Sorry Master… Masama lang talaga ang gising ko..” wika ko sa kanya.
Hinawakan ko s’ya sa kamay at pinaupo sa silyang naroon. Nasa mesa na rin ang aming gagamitin sa aming pagkain.
Katahimikan ang bumalot sa amin simula nang maghanda ako ng aming pagkain hanggang sa kumakain na kami. Maya’t-maya ay napapansin ko ang mga paminsan-minsang pagsulyap sa akin ni Tom. Pero hindi ko magawang magsalita dahil wala talaga ako ngayon sa mood.
“Hindi masarap ang pagkain ngayon.” ang biglang pagsasalita ni Tom.
Napalingon ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Nagtataka ko s’yang tiningnan ngunit nakatitig lamang s’ya sa kanyang pagkain.
“Hindi masarap kasi hindi masaya ang atmosphere. Parang hindi ko malasahan.” malungkot n’yang sambit.
Nalungkot ako sa kanyang sinabi.
“Sorry Master. Sige, lulutuin ko na lang ulit. Baka kinulang lang sa spices.” wika ko naman.
Akmang hahawakan ko ang kanyang plato para muling lutuin ang pagkain nang pigilan n’ya ang aking kamay. Nagkatinginan kami sa mata at pareho kami ngayon na may malungkot na ekspresyon.
“Ano bang problema Master? Bakit ba ang tahimik mo ngayon? May ginawa ba akong mali?” tanong n’ya sa akin ng may pag-aalala.
Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Nakita ko rin ang kalungkutan sa kanyang ekspresyon at ayaw kong ganoon s’ya.
“Wala Master!” mabilis kong sagot sa kanya.
“Wala? Eh bakit ganyan ka sa akin? Dapat masaya tayong nag-aagahan ngayon ’di ba? Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano alam mo ba? Pakiramdam ko may ginawa akong mali na ikinagalit mo!” sunod-sunod n’yang pagsasalita.
Dahil sa kanyang mga sinabi ay hindi ako nakapagsalita. Nahihiya ako sa aking mga ikinilos. Wala naman talagang masamang ginawa sa akin si Tom. Pero hindi ko maiwasang malungkot at sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari kagabi.
Napayuko ako dahil sa labis na hiya.
“Ano?! Bakit hindi ka makasagot?! May ginawa ba akong mali Xander?” muli n’yang tanong.
Patay! Mukhang galit na s’ya! Tinawag na ako sa pangalan ko eh! Hindi na ako tinawag na Master!
Pero paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko ngayon?!
“Wala ka bang balak sabihin?” tanong n’ya pang muli.
Hindi nanaman ako makasagot dahil iniisip ko kung paano ko sisimulan. Nagsisimula na rin akong kabahan.
Ilang minuto yata ang lumipas ngunit nanatili lamang akong nakayuko. S’ya naman ay matiyagang naghihintay sa mga sasabihin ko.
“Sige, ’di bale na lang. Kung ayaw mong sabihin, wala naman akong magagawa eh.” pagbasag n’ya sa katahimikan. “Nakakalungkot lang na ganito natin sisimulan ang araw Xander.” dugtong n’ya pa.
Naramdaman ko ang pinaghalong inis at kalungkutan n’ya nang sabihin n’ya iyon.
Eh anong magagawa ko?! Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag!
Nakakahiya!
Nakakahiya ka Xander!
“Maliligo na ako.” muli n’yang sambit habang nakayuko pa rin ako at dinadaga ang dibdib dahil sa kaba.
Matapos sabihin iyon ni Tom ay dahan-dahan itong tumayo sa kanyang kinauupuan.
“Sandali!” ang bigla kong pagpigil sa kanya.
Hawak ko ang kanyang kamay dahilan para mapigilan ko s’ya sa kanyang pag-alis.
“Bakit?” tanong n’ya sa akin.
“A-ahm… W-wala ka pang masyadong kinain… Baka gutumin ka sa trabaho natin…” pag-aalala ko sa kanya.
“Sa tingin mo ba makakakain ako ng maayos Xander kung ganito ang nangyayari sa atin?” tanong n’ya sa akin.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Mukhang kailangan ko na nga talagang sabihin sa kanya ang totoong dahilan. Ayaw kong magkaroon kami ng away ni Tom.
“Sorry na…” malumanay na paghingi ko ng tawad sa kanya.
Nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Ipinakita ko ang sensiridad ko sa paghingi ko ng tawad.
“Sasabibin mo na ba sa akin ang naging problema?” tanong n’yang mahinahon sa akin.
Dahan-dahan naman akong yumuko at unti-unti rin akong tumango.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na umupo s’yang muli sa kanyang upuan. Hindi ko pa rin binibitawan ang pagkakahawak sa kanyang kamay hanggang sa tuluyan na s’yang makaupo.
“So, ano nang problema?” mahinahon n’yang tanong.
Ilang segundo ang lumipas bago ko nagawang magsalita.
“N-nakatulog kasi ako kagabi.” malungkot kong pagsagot sa kanya.
“Ha?!” ang nabibigla n’yang tanong.
Tila ba nabingi s’ya at nagkamali ng dinig kaya muli ko itong inulit habang nakayuko pa rin ako at hindi s’ya tinitingnan.
“Sabi ko, nakatulog kasi ako kagabi.” pag-uulit ko sa aking sinabi sa malungkot na tono.
Ilang segundo pa ang lumipas bago n’ya nagawang mag-react. Mukhang naguguluhan sa sinabi ko.
“Ano bang pinagsasabi mo Xander? Natural matutulog ka! Bakit? May balak ka bang magpuyat at panatilihin na nakabukas ang mga mata mo ng buong gabi? May challenge ka bang sinalihan? Uso ’yang mga challenge na ’yan ngayon! Kagaya ba ’yan ng ice bucket challenge noon at trumpet challenge ngayon? Isama mo pa ’yung flower crown challenge na ’yan! Bakit wala naman akong nabalitaan na puyatan challenge? Bakit hindi ako na-inform?” sunod-sunod n’yang pagtatanong at panenermon.
Talaga ’to si Tom minsan hindi mo alam kung nagpapatawa pa ba eh!
“Hindi naman ’yun eh!” sagot ko at napakamot ako ng marahas sa aking ulo habang nakatingin na ako sa kanya.
“Eh ano nga?!” frustrated n’yang tanong.
Sa pagkakataong ito ay naglakas loob na akong sumagot.
“N-nakatulog ako… Hindi ko nagawa ’yung balak ko…” nakanguso kong sagot.
“Balak mo??” tanong n’ya pabalik.
“Ummm…. O-oo… ’Di ba sabi ko sa’yo mag… m-mag-aano tayo…? ’Yung ano… Alam mo na..?” pahina ng pahina kong sagot sa kanya.
Hindi nakapagsalita si Tom. Natigilan s’ya at nanlalaki ang kanyang mga mata na tinitingnan ako.
“’Y-yun lang ang problema mo kaya ka nagkakaganyan ngayon? Kasi hindi tayo nakapag-ano kagabi?” paninigurado n’yang tanong.
“Mmm-mmm…” sagot ko at muli akong napayuko dahil sa hiya.
Ilang sandali pa…
“Pffftt! Ahahahahaha!!!” ang malakas n’yang pagtawa.
Inangat ko ang aking ulo at tiningnan s’ya ng masama.
Pambihira! Sabi ko na nga ba at tatawanan lang ako nito eh! Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya eh!
“Ngayon natatawa ka pa?! Kaya hindi ko masabi-sabi sa’yo dahil alam kong tatawanan mo lang ako eh!” inis kong sambit sa kanya.
“Sandali! Sandali lang Master!” pakiusap n’ya habang nakahawak pa sa kanyang tiyan dahil sa labis na pagtawa.
“Sige! Tawa pa!” inis ko nanamang sambit.
Pinabayaan ko lang s’ya sa kanyang kahibangan. Lalo lang kasi akong naiinis eh! Naaawa rin ako sa sarili ko!
Nang kumalma s’ya ay mahigpit n’yang hinawakan ako sa kamay.
“Master naman! Akala ko kung ano na! Saka bakit sa akin ka nagagalit? Kasalanan ko bang nakatulog ka?” natatawa n’yang tanong sa akin.
Nakita ko rin na may luha na s’ya sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa labis na pagtawa.
“Eh ang tagal-tagal mo kasi sa CR eh! Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na ako!” nakasimangot kong sagot sa kanya.
“Eh ang sarap ng tubig kagabi eh! Napasarap ako sa pagligo kaya natagalan ako!” natatawa n’yang sagot.
“Eh bakit kasi hindi mo ako ginising?!” inis kong tanong.
Sa pagkakataong ito ay tumigil na s’ya sa kanyang pagtawa ngunit nanatili s’yang nakangiti na tinitingnan ako.
Ilang sandali pa ay tumayo ito at dahan-dahang pumwesto sa aking likod. Iniikot n’ya ang kanyang mga braso sa aking leeg at idinikit ang kanyang pisngi sa aking pisngi.
“Master naman… Kung nakita mo lang ang sarili mo kagabi, ang sarap-sarap ng tulog mo. Ayaw na kitang istorbohin dahil alam kong pagod ka.” sagot n’ya sa akin ng nakangiti.
Naiintindihan ko naman ang sinasabi n’ya. Alam kong nag-aalala lang din naman s’ya sa akin. Pero hindi ko talaga maiwasan ang malungkot. Ilang araw na kaya akong gigil na gigil sa kanya!
“Hindi naman ako naiinis sa’yo eh. Naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi wala akong silbi.” malungkot kong sambit.
Mas lalong hinigpitan ni Tom ang pagkakayakap sa aking leeg.
“Master naman! ’Wag mo nga sabihin ’yan! Walang silbi? Sabihin mo sa akin kung sino ang nagsabi sa’yo n’yan! Talagang makakatikim s’ya sa akin!” pagpapakalma n’ya sa akin.
Pero kahit sinabi n’ya iyon ay hindi ko pa rin magawang ngumiti. Muli s’yang nagsalita ngunit sa malambing nang tono.
“Ang Master ko, may dalawang restaurant na mina-manage. Ang Master ko may isang malaking hotel din na inaasikaso. May anak ang Master ko na nabibigyan n’ya ng sapat na atensyon at panahon. At may boyfriend ang Master ko na mahal na mahal n’ya at inaasikaso sa lahat ng oras. Pinagluluto ako at kung ano-ano pa! Paano magiging walang silbi ang Master ko? Wala na nga ako mahihiling pa eh, kasi napakaswerte ko sa kanya. Kaya nga mahal na mahal ko ’yun eh.” malambing n’yang sambit.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay unti-unti ko s’yang nilingon. Malapit ang mukha namin sa isa’t-isa at kitang-kita ko ang nakangiti n’yang mukha. Suot n’ya ang ngiti na bumighani sa akin.
“’Wag ka na malungkot Master. Marami naman ang oras para doon eh. Hindi ka ba masaya na magkasama tayo? Saka kahit wala tayong ganun, magiging masaya pa rin ako. Kasi ikaw lagi ang kasama ko.” muli n’ya pang sambit habang nakangiti.
Para akong natutunaw sa mga salitang binigkas n’ya. Tama naman s’ya, kahit wala kaming ganun ay mabubuhay pa rin kami at magsasama ng masaya.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Unti-unti ko na rin naramdaman na nawala na rin ang pagkunot ng aking noo.
“Smile ka na!” sambit n’yang muli at utos sa akin.
Unti-unti akong ngumiti sa kanya. Si Tom lang talaga ang may kayang pagaanin ang loob ko.
“Ayan! Ang gwapo pa ng Master ko oh! Pa-kiss nga!” masaya n’yang sambit at mabilis akong hinalikan sa labi.
Lalo na tuloy akong nalulunod ngayon sa saya.
“Lasang kape pero ang sarap!” nakangiti kong sambit matapos n’ya akong mahalikan.
Hindi naman s’ya sumagot ngunit natawa na lamang sa aking sinabi.
Bumitaw s’ya sa pagkakayakap sa aking leeg at muling umupo sa kanyang upuan.
“O sige na, tapusin na natin ’tong pagkain natin. Maaga pa tayo ’di ba?” nakangiti n’yang wika nang makaupo na s’ya.
Hindi na rin ako nagsalita ngunit hindi ko na rin naalis pa ang pagkakangiti ko.
Ang kaninang tahimik na almusal namin ay napuno na ngayon ng tawanan at lambingan. Nagbalik na ang normal na almusal naming dalawa.
Matapos ang aming masayang almusal ay mabilis na rin kaming naghanda sa pagpasok sa trabaho.
Nasa biyahe na kaming dalawa at papunta na kami sa hotel.
“Master, sa Alabang tayo mamaya umuwi ha?” wika ni Tom habang nasa biyahe kami.
Nakalagay pa rin ang kanyang kamay sa aking binti habang nagmamaneho ako. Hindi na talaga nawala sa amin ang ganitong posisyon sa tuwing nasa kotse kami.
“Bakit naman? Ayaw mo na ba sa bahay n’yo?” tanong ko sa kanya nang may pagtataka at hindi s’ya nililingon dahil abala pa rin ako sa pagmamaneho.
“Para mas malapit ang uuwian natin. Alam ko kasing nakakapagod ang bumiyahe mula sa bahay namin hanggang sa hotel eh. Saka para mas mahaba rin ng magiging pahinga natin.” sagot n’ya naman at alam kong nakangiti s’ya.
“Okay lang naman sa akin Master eh. ’Wag mo ako alalahanin.” sagot ko naman sa kanya.
Totoo naman ’yon. Wala sa akin magiging problema basta kasama ko lang s’ya.
“Ah basta! ’Wag ka na kumontra! Nasa akin na rin naman ng susi ng condo mo kaya wala ka na rin magagawa! Kinuha ko kanina sa bag mo habang naliligo ka!” sunod-sunod n’yang pagsasalita.
Natawa na lamang ako sa kanya dahil sa paraan ng pagsasalita n’ya. Para s’yang bata at ang cute-cute n’ya talaga! Alam kong habang nagsasalita s’ya ay lumilitaw ang dimple n’ya kaya lalo akong natutuwa sa kanya.
“So it’s a yes?” tanong n’ya sa akin.
“Yeah… Do I have a choice ’pag ikaw na ang nagsabi?” natatawa kong tanong at saglit na nilingon s’ya.
“Wala.” sagot n’ya naman sa akin na nakangiti.
Lumakas na ang tawa ko dahil sa sagot n’yang iyon. Wala talagang makakapantay kay Tom sa pagpapasaya sa akin.
Nakarating kami ng hotel at naging maganda naman ang simula ng aking pagtatrabaho. Inspired ako eh. Bago kasi kami maghiwalay ni Tom kanina sa elevator, sinabi n’yang magkita na lang kami ng lunch at humingi pa ng kiss sa akin bago sya umalis. Tuwang-tuwa ako dahil minsan lang naman si Tom humingi ng kiss sa akin. Paano naman kasi, hindi pa s’ya nakakahingi ay ninanakawan ko na s’ya. Gustong-gusto ko kasi na nakikita s’ya na namumula sa tuwing ginagawa ko iyon sa kanya.
Ngayon naman ay naghahanda na ako para sa lunch. May pasipol-sipol pa ako at may pakanta-kanta pa. Kulang na nga lang ay sumayaw ako. Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kaya nakangiti ko itong kinuha.
“Baka si Master ’to!” masaya kong sambit.
‘Master, sorry. Hindi ako makakasabay sa’yo sa lunch ngayon kasi may kakausapin pa akong client natin para sa isang malaking function. Sumabay ka na lang kina Sir Lojie at Olyn mag-lunch. I love you!’
text nga ni Tom.
Awtomatikong nawala ang ngiti sa aking labi nang mabasa ko iyon.
Pambihira! Excited pa naman ako sa lunch tapos ganito lang?! Bakit ba parang minamalas ako ngayong araw na ’to?!
‘Sige Master. Paano ka magla-lunch? Gusto mo ba dalhan kita ng pagkain sa office mo?’
text ko sa kanya pabalik.
S’yempre kahit naiinis ko ngayon ay hindi ko naman pwedeng pabayaan si Tom. Ayaw kong nagugutom ang mahal ko.
Wala pang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply mula sa kanya.
’No need na Master, don’t worry about it. Idi-discuss naman namin ‘yung function habang nagla-lunch kami.’
reply n’ya sa akin.
Wala na nga akong nagawa kundi ang sundin s’ya. Ang kaninang masigla kong katawan at nanlulumo na ngayon.
“Nami-miss ko na ang Master ko.” malungkot kong sambit.
Nanlalambot akong nakarating sa lobby ng hotel. Naabutan ko sina Lojie at Olyn na mukhang pumapak ng energy drinks sa mga oras na ito. Masiglang-masigla at parang mapupunit na ang mga bunganga sa malalakas nilang pagtawa.
“Yow Alex! Mukhang sampung kilo ’yang dala mo ah?” salubong sa akin ni Lojie.
“Ha?” ang nagtataka kong tanong. Napatingin din ako sa aking likuran sa pagtataka sa kanyang sinabi.
“Ay! Gwapo ka lang pala talaga Sir Xander pero medyo slow ka rin.” sambit naman ni Olyn.
Nangunot ang noo ko dahil sa kanilang mga sinasabi. Ngunit sa halip na sagutin ako ay walang pakundangan silang tumawa nanaman ng malakas.
Minsan kaya patikman ko ’tong dalawang ’to! Nakakairita talaga madalas eh!
“Taena! Ibang term lang ang ginamit ko sa salitang ‘pasan mo ang mundo’ Alex! Mukha ka kasing nalugi eh!” paliwanag ni Lojie sa kanyang sinabi.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkapahiya.
“Huhulaan ko! Hindi ba natin makakasabay si Tom ngayon?” natatawang tanong ni Olyn.
Hindi ko na lamang pinansin ang nauna nilang pang-aasar. Huminga ako ng malalim para sagutin si Olyn.
“Oo nga eh.. Paano naman kasi––” ang hindi ko na naituloy pang kwento dahil pinutol na ako ni Lojie.
“Kasi may client s’ya na ka-meeting para sa isang function?” pagputol sa akin ni Lojie.
“Paano n’yo nalaman?” taka kong tanong.
Muli nanaman silang nagtawanan. Ako naman ay unti-unti nang umaakyat ang dugo sa aking ulo dahil sa inis sa dalawang halimaw sa harap ko.
“Huli ka na sa balita! Taena! Nagtext na s’ya sa amin kanina!” sagot ni Lojie at muli nanaman tumawa.
Ano bang nakakatawa sa sinabi n’ya? Sira na talaga ang tuktok nitong si Lojie eh! Isa pa ’tong si Olyn! Laging suportado ang kagaguhan sa buhay ng pinsan ko!
Hinayaan ko na lamang sila sa kanilang pagtawa. Kapag nakita ko talagang hindi na makahinga ang mga ’to sa kakatawa, panonoorin ko lang sila hanggang sa malagutan sila ng hininga! Nakakabwisit na eh!
“Hayaan mo na Sir Xander, ibinilin ka naman sa amin ni Tom eh! Siguraduhin daw namin na kakain ka ng maayos!” nakangiting wika sa akin ni Olyn.
Dahil sa kanyang sinabi ay nabuhayan ako ng loob. Kinilig kasi ako dahil nagawa pa ni Tom na ibilin ako sa kanila. Pakiramdam ko ay espesyal talaga ako kay Tom.
“Talaga?” nakangiti kong tanong kay Olyn.
“Joke lang!” pagbawi n’ya naman sa kanyang sinabi at tumawa nanaman ng malakas na sinabayan pa ni Lojie.
Agad na naglaho ang aking pagkakangiti.
Tang*na! Konti na lang talaga! Makakasakit na ako ng babae sa unang pagkakataon sa buhay ko! Isasama ko na rin ang pinsan ko na siraulo! Ang sakit nilang dalawa sa ulo!
“Sandali! Sandali! Hindi na ako makahinga!” sambit ni Olyn habang hawak pa ang kanyang tiyan dahil sa labis na pagtawa.
“Ako din! Taena! Ang epic ng mukha ni Alex! Pucha! Mamamatay na yata ako sa kakatawa!” wika naman ni Lojie na nakahawak na rin sa kanyang tiyan dahil sa kakatawa.
Dito na ako naubusan ng pasensya.
“Sige lang, take your time. Magbibilin na lang ako sa reception na ’pag patay na kayo kakatawa, ipatawag na lang ako. Tatawag na rin ako sa pinakamalapit na funeraria para sa mga bangkay n’yo.” pigil na pigil sa galit kong pagsasalita.
Bigla naman silang napatigil sa pagtawa. Seryoso na rin kasi ang aking mukha at matatalim na ang mga tingin ko na ipinupukol sa kanila.
“Grabe s’ya oh! Joke lang naman ’yun eh! Nagtext naman talaga si Tom sa akin Sir Xander! Gusto mo ipakita ko pa sa’yo eh!” pagbawi ni Olyn sa kanyang pang-aasar.
“’Wag na! Hindi ko na alam kung ano pang paniniwalaan ko sa mga sinasabi n’yo!” sagot ko naman at mabilis na tinalikuran sila.
Napipikon na talaga ako sa kanila! Bahala sila d’yan!
“Oy Alex hintayin mo kami!” narinig kong paghabol ni Lojie sa aking likuran.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad patungo sa aming kakainan sa labas ng hotel.
Pagkarating sa restaurant na madalas naming kainan ay mabilis din kaming nakaupo. Sa bawat araw na kakain kami dito ay wala na kaming nagiging problema sa pagpasok. Nakasanayan na kasi naming si Olyn ang nagpapareserve para sa amin.
Hindi na rin ako nagsasalita dahil baka ’pag nagsalita pa ako ay sa akin nanaman mapunta ang atensyon ng dalawang halimaw sa harap ko.
“Waiter!” sigaw ni Lojie para maibigay ang aming order.
Lumapit sa amin ang isang waiter na mukhang baguhan dito. At base sa nakikita ko ay mukhang binabae ito dahil medyo malamya kung kumilos. Maputi ito at medyo payat. Cute na bata, pero mas cute pa rin ang Master ko!
“Yes Sir? Ready to order?” tanong nito nang makalapit sa amin.
Sasabihin ko na sana ang aking order nang bigla naman sumabat si Lojie.
“Bakla ka ba?” ang biglang tanong ni Lojie dito.
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Lojie.
Walanghiya talaga ’tong lalaking ’to! Hindi talaga mapigil ang bibig!
Nilingon ko ang waiter na naka-assign sa amin dahil nag-aalala ako na baka ma-offend ito sa tanong ni Lojie.
Ngunit nang tingnan ko ang waiter ay ngumiti ito kay Lojie bago sumagot.
“Bakit Sir? Kalahi rin ba kita? Mukhang malakas po ang gaydar n’yo ah?” nakangiting tanong ng waiter kay Lojie.
Natahimik saglit si Lojie. Mukhang nabigla sa tanong ng waiter sa kanya. Nakikita ko rin kay Lojie na hindi n’ya nagustuhan ang tanong ng waiter sa kanya.
“Oh eh ano naman sa’yo? Bisexual ako, problema mo?” nakataas na kilay na tanong ni Lojie sa waiter.
Binawi ng waiter ang kanyang pagkakangiti at tinaasan din ng isang kilay si Lojie.
“Eh ikaw po Sir? Ano rin pong problema mo? Oo, bakla ako! Apektado ka ba ng awra ko?!” tanong ng waiter sa kanya.
Naningkit ang mga mata ni Lojie dahil sa sinagot ng waiter. Ako naman ay napangisi dahil sa nasaksihan ko. Ngayon lang may nakabara kay Lojie kaya tuwang-tuwa ako.
“Gusto mo bang ireklamo kita sa manager mo?! Medyo bastos ka rin noh?!” inis na wika ni Lojie sa waiter.
“Oh edi ireklamo mo! May I join pa ako sa inyo! Irereklamo mo ba dahil bakla ako? Sige, samahan pa kita sa boss kong bakla rin! Mag-usap tayo ng baklaan kung gusto mo! Pero kung ako sa’yo, maghanap ka ng abogadong bakla para magkaintindihan tayo! Dahil sinasabi ko sa’yo, gay language ang gagamitin namin kahit nasa korte pa tayo! Hindi ka makaka-relate kaya kailangan mo ng baklang abogado!” nakangisi at nakataas ang kilay na sagot sa kanya ng waiter.
Nagulat kaming lahat nang biglang tumayo si Lojie mula sa kanyang upuan. Nilapitan n’ya ang waiter at tinitigan ng masama.
“You’ll be dead! Nasaan ang manager mo?!” ang halos pasigaw na tanong ni Lojie habang dinuduro ang waiter.
Nakakakuha na rin kami ng atensyon ngayon sa iba pang customers na narito.
Ang waiter naman ay hindi nagpatinag sa kanya. Mas lalo pa itong ngumisi at nag-cross arms pa. Humakbang din ito para lalong makalapit sa kinatatayuan ni Lojie.
“Hanapin mo. Restaurant ’to at hindi hanapan ng nawawalang tao.” pamimilosopo ng waiter habang nakangisi kay Lojie.
Lalong nagdilim ang mukha ni Lojie dahil sa sinabi ng waiter na iyon.
Napatayo na rin ako para umawat. Mukhang malaking gulo ’to eh! Kilala ko pa naman ’tong pinsan ko, iba magalit ’to.
Akmang sisigaw na si Lojie nang biglang hawakan ito ni Olyn sa kanyang braso para awatin.
“Sir Lojie ’wag po!” pag-awat ni Olyn sa kanya.
Nakita ko ang pag-aalala kay Olyn sa mga oras na ito.
“Anong ’wag?! Nakita mo ba kung gaano kabastos ’tong waiter nila?!” galit na sambit ni Lojie habang dinuduro pa ang waiter.
“K-kasi Sir Lojie…. K-kapatid ko po s’ya…” utal na sagot ni Olyn at napakamot na sa kanyang ulo.
Pareho kaming natigilan ni Lojie nang marinig namin iyon kay Olyn.
“Marky, humingi ka ng sorry sa boss ko. Hindi mo s’ya dapat sinasagot ng ganon.” pakiusap ni Olyn sa waiter na kapatid n’ya raw.
“Duh?! Bakit ako hihingi ng sorry sa kanya sister? S’ya nga ’tong kung makaarte akala mo homophobic! Eh ka-federasyon ko rin naman pala!” sagot naman ng waiter habang naka-cross arms pa rin.
“Ulitin mo nga ’yang sinabi mo!” biglang sabat ni Lojie.
“Marky!!” matigas na pagsaway na ni Olyn sa kanyang kapatid.
“Sister naman!” reklamo na ngayon ng kapatid ni Olyn habang nagpapadyak ng kanyang mga paa.
Mukhang nasa lahi na nga nila Olyn ang pagiging pasaway.
Akmang magsasalita nanaman si Olyn nang biglang may sumingit sa usapan namin.
“Excuse me? Is there any problem here?” tanong ng isang lalaki sa aming likuran.
Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. May dating at may hitsura rin naman. Pero….
……mas gwapo pa rin ako.
Alam kong sasabihin din sa akin ni Tom na mas gwapo ako sa lalaking ’to sakaling nandito s’ya ngayon. Dahil kung hindi, mararamdaman n’ya nanaman ang presensya ng selosong si AKO! Ako lang dapat ang gwapo sa paningin ni Tom! Wala nang iba!
“And who are you?” sagot naman ni Lojie na nakakunot ang noo.
Naku! ’Wag na sana s’yang sumali sa gulo kung ayaw n’yang madamay sa galit ng pinsan ko.
“Ahm.. Sir Henry, w-wala naman po…” ang sagot naman ng kapatid ni Olyn.
Nang lingunin ko si Olyn ay nakita ko ang pag-aalala rito.
“Are you the Manager here?” ang nakangisi at biglang pagsasalita na ngayon ni Lojie.
Mukhang dahil sa narinig ni Lojie ang pagtawag na ‘Sir’ ng kapatid ni Olyn ay nagka-ideya na s’ya.
“Yes. Henry Brillantes by the way Sir.” pagpapakilala naman ng bagong dating at naglahad ng kamay kay Lojie.
Tinanggap naman iyon ni Lojie nang may ngiting nakakatakot.
Nang tingnan ko ang reaksyon ng kapatid ni Olyn at nakita kong nangingilid na ang mga luha nito at mukhang nag-aalala na rin kagaya ni Olyn.
“So, how may I help you Sir?” kalmadong tanong ng Manager kay Lojie matapos magbitaw ng kanilang kamay.
Lalong ngumisi si Lojie at tiningnan ang kapatid ni Olyn. Alam ko na ang iniisip nito. Kilala ko ang kalokohan nito sa buhay ng pinsan ko.
Magsasalita pa sana si Lojie nang pinutol ko na ito.
“No. Sorry, wala naman problema rito. May mga tinatanong lang kami dito sa waiter n’yo.” kalmado ko rin na pakikipag-usap sa manager.
Nangunot ang noo ni Lojie dahil sa sinabi ko. Binigyan ko s’ya ng seryosong ekspresyon para ihatid sa kanya ang mensahe ko na ’wag na s’yang sumagot pa. Wala naman s’yang nagawa kundi ang ihilamos ang kanyang kamay para pigilan ang kanyang sarili sa nagbabadyang galit.
“Are you sure?” paninigurado ng manager.
“Yeah.” maikli kong sagot.
“Mabuti naman po kung ganon. Kung may mga magiging problema man po, please don’t hesitate to ask me. Enjoy your lunch.” nakangiti nitong wika sa akin.
“Thank you.” maikling sagot ko na lamang sa kanya.
Bumaling naman ito ngayon sa kapatid ni Olyn.
“Mark, after mo dito pumunta ka sa office ko. Mag-endorse ka muna sa kasama mo dito sa station.” utos nito sa waiter na kapatid ni Olyn.
“S-sige po Sir.” sagot naman ng kapatid ni Olyn.
Muli kaming hinarap ng kapatid ni Olyn.
“Sir, pasensya na po. Salamat din po pala sa ginawa n’yo kanina.” mapagkumbaba namang wika sa akin ni Mark.
“No worries. Kasalanan din naman ng pinsan ko. Sorry about that.” sagot ko naman sa kanya.
Nang tingnan ko si Lojie ay nakasimangot na ito at nagtitimpi pa rin hanggang ngayon.
“Marky, halika nga dito. Mag-usap tayo.” ang biglang pagsingit ni Olyn at mabilis na hinatak ang kanyang kapatid.
Pinanood ko na lamang sila sa kanilang pag-alis. Si Lojie naman ay pabagsak na umupo sa kanyang upuan.
Nang tuluyan na akong makaupo ay naghintay ako sa sasabihin ng magaling kong pinsan. Alam kong magta-tantrums ’to eh.
At hindi nga ako nagkamali..
“Ano ba ’yun Alex?! Pagkakataon ko na makaganti sa batang ’yun eh! Kinontra mo pa!” inis nitong pagbaling sa akin.
Ngumisi ako at tiningnan s’ya ng mata sa mata.
“Nothing. Gumaganti lang ako. ’Di ba ganyan ka rin sa akin? Now, it’s my turn. Bawi-bawi lang ’yan.” nakangisi kong sagot sa kanya.
Totoo naman eh! ’Di ba kanina nga lang halos sumabog ako sa galit sa pang-aasar n’ya sa akin dahil hindi namin kasama si Tom? Ayan! Alam na n’ya ang pakiramdam! Hah! Beat that Lojie?!
Matapos iyon ay hindi na s’ya sumagot pa. Gusto ko nang tumawa dahil sa nakikita kong reakssyon ng pinsan ko.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Olyn. Sinabi nitong naibigay na n’ya ang order namin sa kanyang kapatid kaya hindi na rin ito bumalik pa sa aming table.
Habang kumakain kami ay naikwento ni Olyn na working student pala ang kanyang kapatid at bumukod muna ito sa kanila dahil may gusto raw patunayan sa kanilang angkan. Hindi ko na lamang inusisa ang lahat dahil tanging kay Tom lang naman umiikot ang mundo ko. Hindi naman kasali si Tom sa angkan nila ’di ba?
Hanggang sa matapos ang aming lunch ay tahimik pa rin si Lojie. At hanggang sa matapos ang aming lunch ay hindi pa rin ako nakakatanggap ng text mula kay Tom. Kaya ang dating maingay naming kainan ay naging tahimik. Hindi na rin kasi nagsalita si Olyn dahil sa hiya sa nangyari kanina.
Nang makabalik kami sa hotel ay tinapos ko na rin ang aking mga naiwang trabaho. Easy lang naman, ako pa ba? Ang kaso nga lang ay hindi ako inspired dahil sa tuwing tatawagan ko si Tom ay hindi nito sinasagot. Pinatayan pa nga ako! Gusto ko nang umiyak! Parang may nagawa akong malaking kasalanan kahapon kaya ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Nami-miss ko na talaga si Tom.
Nang matapos ang araw para sa trabaho ay matamlay akong nagpunta sa lobby. Doon ko na lamang naisipang hintayin si Tom. Binati pa ako ng mga epleyado dito nang makaupo ako. Pero wala ako sa mood ngayon kaya hindi ko na muna sila pinansin. Sa ibang araw na lang ’pag nasa mood na ako.
Ilang sandali lamang ang aking hinintay at nakita ko na ang taong kumukumpleto sa araw ko. Ngunit nasorpresa ako dahil sa halip na manggaling s’ya sa elevator ng hotel dahil galing itong opisina ay sumulpot ito sa entrance ng hotel.
“Saan ka galing?” salubong ko sa kanya nang makalapit s’ya.
“Ay? Na-miss din kita Master.” sarkastiko n’yang tugon.
Lalo akong napasimangot dahil sa sagot n’ya.
“Talaga lang ha? Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag at texts ko kasi na-miss mo ako?” sagot ko sa kanya pabalik.
Kinuha ko na rin mula sa kanyang kamay ang kanyang bag para bitbitin. Wala akong pakialam sa mga nakakakita sa amin na mga empleyado o kung sino mang tao. Hindi na rin s’ya umimik kaya nagsimula na rin akong maglakad para tunguhin ang parking lot kung nasaan ang aking kotse. Tahimik namang sumusunod sa akin si Tom.
Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Nagtatampo lang.
Nang sumakay kami ng aking kotse ay wala pa rin kaming imikan. Kahit nang magsimula na kaming magbiyahe ay nanatili kaming tahimik.
Ang dati n’yang kamay na nakapatong sa aking hita habang nagmamaneho ako ay wala ngayon. S’yempre hindi ako papayag nang ganon! Kaya kahit hindi kami nag-uusap ay mabilis kong kinuha ang kanyang kaliwang kamay at ipinatong iyon sa aking hita.
Hindi naman s’ya nagsalita nang gawin ko iyon at hindi n’ya rin naman ito tinanggal. Nakita ko rin sa gilid ng aking mga mata na itinakip n’ya ang isa n’yang kamay sa kanyang bibig. Kunwari pa ’to si Tom, kinikilig din naman. Pinipigilan pang ngumiti, pero alam kong namumula naman ang kanyang pisngi.
Walang namagitan sa aming usapan hanggang sa makarating kami sa aking condo dito sa Alabang. Kahit naman umaandar ang topak ko ay susundin ko pa rin naman ang kagustuhan ni Tom na dito kami uuwi ngayong gabi.
S’ya na rin ang nagbukas ng pinto dahil nasa kanya nga ang susi nito. Hanggang sa makaupo kami ng sofa para tanggalin ang aming sapatos ay tahimik pa rin kaming dalawa. Pumunta s’ya ng kitchen para uminom ng tubig. Ganyan ’yan sa tuwing galing sa labas ng bahay, umiinom ng tubig pagkapasok.
Ako naman ay pinili na lamang na magtungo sa aming kwarto para magpalit na rin ng damit. Mamaya ko na lamang lalambingin si Tom.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aming kwarto ay natigilan ako. Natulala at hindi makapagsalita. Nanlalaki ang aking mga mata at nakabuka pa ng bahagya ang aking bibig.
Nagkalat sa loob ng aming kwarto ang mga christmas lights. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa papasok at mas namangha ako sa aking mga nasaksihan. Ang aking nilalakaran ay may mga rose petals na nagkalat hanggang sa aming kama. Nang lingunin ko ang bahagi ng malaking window ng aking kwarto ay may maliit na mesa ang naroroon at may mga nakahandang pagkain na rin dito. Mayroon din dalawang artificial candles sa gitna na mukhang ginagamitan lamang ng baterya.
“Surprised?” ang biglang pagsasalita ni Tom mula sa aking likuran.
Mabilis ko s’yang nilingon at nakita kong nakatayo ito habang naka-cross arms na nakasandal sa frame ng pinto. Suot n’ya rin ang nakabibighani n’yang ngiti sa mga oras na ito.
Naikagat ko na lamang ang aking ibabang labi dahil halo-halong emosyon ang mayroon ako ngayon. Gusto kong umiyak sa labis na kaligayahan.
Mabilis na lumapit sa akin si Tom dahil hindi na nga ako nakagalaw pa sa aking pwesto. Nang tuluyan na s’yang makalapit ay mabilis din naming niyakap ang isa’t-isa. Mahigpit ang naging pagyakap ko dahil sa labis na tuwa.
“Sorry Master kung hindi ko nasasagot ang tawag mo kanina. Alam mo naman na ayokong nagpapa-istorbo ’pag busy ako ’di ba?” wika n’ya habang yakap ako.
“God! I’m sorry kung nagawa ko pang magtampo sa’yo Master. Hindi ko alam na may ganito kang plano. I’m sorry kung tinopak nanaman ako.” sagot ko naman sa kanya.
Naramdaman ko ang mahina n’yang pagtawa dahil sa yakap ko s’ya.
“Sanay na ako sa topak mo Master. At alam ko rin naman kung paano ka mapapaamo ’di ba?” sagot naman n’ya at alam kong nakangiti s’ya.
Hinalikan ko s’ya ng paulit-ulit sa kanyang ulo dahil sa labis na kasiyahang nararamdaman ko. S’ya naman ay natatawa na lamang sa ginagawa ko.
“Kain na muna tayo Master. Baka lumamig ang pagkain.” nakangiti n’yang sambit matapos namin magbitaw sa aming yakap.
Magkahawak ang aming kamay nang tunguhin namin ang dalawang upuan sa mesa.
“Ibig sabihin kakaluto lang ng mga ’to? Ikaw ba ang nagluto?” tanong ko sa kanya nang makaupo na kami.
“Yup! Umuwi ako dito kanina after ng meeting ko sa client nung lunch.” sagot naman n’ya.
Binuksan n’ya ang takip ng aming pagkain at gusto ko sanang matawa sa kanyang inihandang pagkain. Paano ba naman, ’yung paborito n’yang pagkain ang naririto. Akala ko ba para sa akin ang inihanda n’yang ito? Bakit paborito n’yang pagkain ang niluto n’ya?
“Alam kong gusto mo nang matawa sa inihanda kong pagkain dahil hindi ito ang paborito mo. Eh hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na ito ang lutuin eh.” nakanguso n’yang sambit habang nagkakamot ng kanyang ulo.
Kilala n’ya na talaga ako, alam n’ya ang tumatakbo sa isip ko.
Dahil sa kanyang sinabi ay natawa ako. Hindi ko na rin napigil ang aking sarili na tumayo sa aking upuan at mabilis s’yang hinawakan sa magkabilang pisngi para bigyan ng madiin na halik.
Nanggigigil kasi ako sa kanya!
“Kahit ano pa ang ihanda mo Master kakainin ko!” sagot ko sa kanyang nakangiti matapos maghiwalay ng aming labi.
Ngumiti naman s’ya at kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanya. Hawak ko pa rin s’ya sa magkabilang pisngi habang magkalapit pa rin ang aming mukha.
“Kahit ano Master?” nakangiti n’yang tanong sa akin.
“Promise! Kahit ano!” sagot ko naman sa kanyang masigla.
“Kahit basura?” tanong n’ya pa ring nakangiti.
Napasimangot naman ako bigla dahilan para magpakawala s’ya ng malakas na tawa.
Tss! Pasalamat ’to mahal ko s’ya eh! Ang hilig basagin ang kilig moments namin!
“Joke lang Master! Joke lang!” pagbawi n’ya pero tawa pa rin ng tawa.
Ibinalik ko na lamang ang aking sarili sa pag-upo.
“Kumain na nga lang tayo! Saka please lang Master, ’wag mo na ako asarin ngayon. Quota na ako buong araw kina Lojie at Olyn!” wika ko sa kanya.
“Talaga? Wait, ite-text ko sila.” wika naman n’ya sa akin at dinukot ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa.
“Bakit? Pagagalitan mo ba sila dahil binuwisit nila ako kanina?” tanong ko sa kanya.
“Hindi. Iko-congratulate ko sila.” sagot naman n’ya habang nakatingin sa kanyang cellphone.
Napahinto ako sa aking pagkilos dahil sa sinagot n’ya. Unti-unti n’ya na ring inangat ang kanyang tingin sa akin. Nang makita n’ya ang aking mukha ay muli nanaman s’yang tumawa ng malakas.
Naku talaga! Mamaya talaga ’to sa akin!
“Joke lang ulit Master! I love you!” sagot n’ya naman at kitang-kita ko ang mapula n’yang nguso dahil sa huling salita na kanyang binigkas.
Tsk! Kagatin kita d’yan Tom nang makita mo hinahanap mo!
Nagsimula na nga kaming kumain at mukhang gutom na gutom ngayon ang mahal ko. Mabibilis ang kanyang ginawang pagsubo ng pagkain. Kung sabagay, paborito n’ya kasi ito. Napapangiti na lamang ako habang tinitingnan s’ya. Ang cute n’ya talaga!
Nalaman ko mula sa kanya na nag-half day s’ya ngayon sa trabaho para magawa ito. Kaya pala sa main entrance s’ya ng hotel kanina nanggaling at hindi sa elevator ay dahil kakarating n’ya lang mula rito.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil alam kong malayo pa ang naging biyahe n’ya para lang magawa ang mga bagay na ito. Lalo na akong nakonsensya dahil alam kong nag-commute lamang s’ya para makauwi dito. Pero habang kinekwento n’ya iyon ay nakangiti lamang s’ya at hindi ko s’ya nakitaan ng pagod at pagsisisi. Ang mas nakakatuwa pang malaman ay ang dahilan kung bakit n’ya ito ginawa sa akin. Iyon ay dahil hindi daw naging maganda ang umpisa ng araw ko. Gusto n’ya raw na makitang masaya at nakangiti ako.
Mas lalo ko tuloy naramdaman mula sa kanya ang pagmamahal kaya hindi ko na nabilang kung ilang beses ko s’yang niyakap at paulit-ulit na hinalikan sa buong mukha. Nagreklamo na nga s’ya dahil amoy ulam na raw ang mukha n’ya dahil sa paulit-ulit kong paghalik ngunit tinawanan ko na lamang.
Wala eh! Nakukulangan pa nga ako sa totoo lang!
Nang matapos kaming kumain ay hindi ko na s’ya hinayaan pang maghugas ng aming pinagkainan. Alam kong pagod na s’ya kaya hindi ako papayag na mas lalo pa n’yang pagurin ang sarili n’ya. Nauna na rin s’yang magtungo sa aming CR para maligo. May katagalan s’ya sa banyo kaya naisipan kong sa kabilang banyo na lamang ako maligo.
Nang matapos ako sa pagligo ay bumalik na rin ako ng aming kwarto. Naka-boxers shorts lamang ako at walang suot na pang-itaas na damit.
Natagpuan ko si Tom na nagpupulot ng mga petals ng bulaklak at inilalagay ito sa isang box. Nangunot ang aking noo dahil sa kanyang ginagawa.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
Napalingon naman s’ya sa akin ngunit ibinalik muli ang kanyang sarili sa pagpupulot ng mga petals.
“Tapos na ’yung dinner natin kaya nililinis ko na’to. Alangan naman matulog tayo nang maraming kalat Master?” sagot n’ya habang patuloy pa rin sa pagpupulot. “Sayang naman ’tong mga rosas. Bakit kasi kailangan pa ng ganito?” mahina n’ya pang sambit at mukhang sarili n’ya ang kanyang tinatanong.
Lalo na tuloy akong naguluhan sa kanyang sinabi.
Ano ba sa tingin n’ya ang ginawa n’yang paglalagay ng mga petals ng bulaklak? Para lang sa dinner?! Eh iba na ang pumapasok ngayon sa isip ko eh! Berde na! Green! Luntian! At kung ano pang kulay ang pwede para lang ma-describe ang salitang kahalayan sa aking isip! Ilang araw kong tiniis ’to! Tapos ngayon matutulog na raw kami?!
HINDI PWEDE!
“Tatanungin nga kita Master.” una kong sambit ng mahinahon.
“Sige lang Master, habang busy ako sa pagpupulot dito.” sagot ng inosenteng si Tom.
“Para saan ba ang mga petals na ’yan at nagsaboy ka pa dito sa loob ng kwarto?” tanong ko sa kanya at unti-unti na rin akong humakbang palapit sa kanya.
Nasa kama na s’ya at doon naman n’ya kinukuha ang mga petals. Nasa sahig ang kanyang mga paa habang nakaalalay ang kanyang isang kamay sa ibabaw ng kama at ang isa naman ay abala sa pagpupulot ng petals.
Sa madaling salita, hhhhhmmmm… nakatuwad s’ya.
“Sabi kasi nila Sir Lojie at Olyn maganda raw ang ambiance ng plano kong dinner kung may ganito.” sagot n’ya naman.
Okay, so may participation pala ang dalawang ’yon? Gusto ko sana silang pasalamatan pero may nakalimutan silang ipaliwanag kay Tom. Dapat ay nilawakan nila ang kanilang paliwanag dahil ang kausap nila ay ang pinaka-slow na tao sa mundo.
Unti-unti akong pumwesto sa kanyang likod. Itinukod ko rin ang isa kong kamay sa kama at ang isa ko namang kamay ay inilagay sa kanyang bewang. Idinikit ko ang aking mukha sa kanyang tenga dahilan para magdikit ang aming katawan.
Napatigil din s’ya sa pagpupulot ng mga petals at naramadaman ko ang paninigas ng kanyang katawan.
“Ang bango mo talaga Master.” una kong sambit sa kanyang tenga. “Kaya nga gigil na gigil ako sa’yo, alam mo ba ’yon?” pahabol ko pang tanong.
Unti-unti n’ya akong nilingon at nakita kong nanlalaki ang singkit n’yang mga mata. Ibinaba ko ang aking tingin at napakagat ako sa aking labi dahil muli ko nanamang nasilayan ang kanyang mapupulang labi.
Wala s’yang salitang binigkas. Ang kamay kong nasa kanyang bewang ay unti-unti ko na ring ipinasok sa loob ng suot n’yang sando.
“Sa gagawin ko ngayon Tom, ewan ko na lang kung hindi ko pa tuluyang manakaw ang kainosentehan mo.” nakangisi kong wika sa kanya.
Nakita kong napalunok s’ya sa aking sinabi kaya mas lalo akong ginanahang gawin ang matagal ko nang minimithing mangyari. Ngayon ay sigurado na akong wala nang makakapigil pa sa amin.
“Don’t let me down this time baby..” mapang-akit kong bigkas at sinimulan ko na s’yang halikan sa kanyang leeg.
(a/n: Ehem! Excuse me po. Ang susunod na eksena ay Rated SPG.
At para mabasa n’yo iyon, nasa profile ko po ang steps para makita n’yo ang RESTRICTED CHAPTER na nakahiwalay ang book. Pumunta lang po kayo sa BIO or ’yung ABOUT sa akin para makita n’yo ang steps on how to read it. Enjoy!
)
Matapos ang mainit na pag-iisa namin ni Tom na ilang beses rin naulit ay naawat din kami. Si Tom na rin ang sumuko at nakiusap na huminto na kami. Hindi kasi ako nagpaawat kagaya ng sinabi ko. Hanggat nakikita ko kasi si Tom ay parang gustong-gusto ko itong ulit-ulitin.
Nakahiga ngayon si Tom sa aking dibdib habang nakayakap sa aking katawan. Hinahaplos ko ang malambot n’yang buhok at maya-maya ay hinahalikan ko ang kanyang ulo.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay may naalala ako. Muli ko kasing napagmasdan ang kabuuan ng kwarto kaya nagbalik sa aking ala-ala ang mga kaganapan noon.
“Master, may sasabihin ako sa’yo.” bigla kong sambit.
“Ano ’yon Master?” tanong n’ya naman.
“Noong umalis ka alam mo bang may inihanda rin akong sorpresa bago dumating ang third monthsary natin?” pagbabalita ko sa kanya.
Iniangat n’ya ang kanyang ulo para magtama ang aming mga mata. Nakita ko ang pagtatanong dito kaya nagpatuloy ako.
“Ang kaso may nangyari ngang hindi maganda ’di ba? Hindi ko tuloy nagawa ang sorpresang ’yon.” sambit ko pa.
“Ano ba ’yon?” tanong n’ya.
Ngumiti muna ako bago sumagot.
“Inilipat ko sa pangalan nating dalawa ang condo na ’to. Dito ka na rin kasi umuuwi at parang asawa na rin kita kaya pinaasikaso ko agad sa abogado ko ang papeles na nagpapatunay na dalawa tayong nagmamay-ari ng condo na ito. Nand’yan nga sa vault ang mga papers eh.” nakangiti kong pagbabalita sa kanya.
Doon ko kasi itinatago ang mahahalagang bagay sa amin ni Tom. Alam ni Tom ang passcode ng vault na iyon dahil wala akong itinatago sa kanya. Maliban na lamang ang tungkol kay Josephine noon dahil gusto ko s’yang protektahan.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanya nang sabihin ko ang bagay na iyon.
“Hindi mo naman kailangang gawin ’yon.” ang kanyang reaksyon.
“Ginawa ko ’yon dahil ayaw ko nang mawala ka pa sa akin noon. Kaso, nangyari pa rin.” ang naging malungkot kong pagtugon.
Hindi agad nakapagsalita si Tom at nanatili lamang kaming magkatitigan.
Maya-maya pa ay ngumiti s’ya sa akin.
“’Wag ka na malungkot Master. Hindi na ulit mangyayari ’yon. Magtiwala ka lang.” nakangiti n’yang sambit.
Napangiti ako ng tipid sa kanyang sinabi. Hindi ko pa rin kasi maiwasang mag-alala dahil alam kong may mga haharapin pa kaming prolema. Nariyan pa ang kapatid kong si Daniel na hanggang ngayon ay umaasa sa kanya pagkabalik nito.
“Master, paano nga pala si Daniel?” tanong kong bigla sa kanya.
Natigilan si Tom at nawala ang kanyang pagkakangiti. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkabahala sa mga oras na ito.
Muling ibinalik ni Tom ang pagkakahiga sa aking dibdib. Dahil sa hindi agad nakasagot sa akin si Tom ay nakaramdam ako ng kaba.
Ngunit nawala ang aking pag-aalala nang mahigpit n’ya akong yakapin.
“Sabi ko nga sa’yo Master, magtiwala ka lang. Nagsisimula pa lang ako sa pagbawi sa’yo. Mahal kita at ’yun lang ang naiisip ko sa mga oras na ito.” mahina n’yang sambit at hinalikan n’ya ang aking dibdib.
Dahil sa kanyang sinabi ay mahigpit ko rin s’yang niyakap habang may ngiti sa aking labi.
“Mas mahal kita Master. Mas mahal na mahal kita at hindi magbabago ang bagay na ’yon kahit anong mangyari.” sagot ko sa kanya.
Naramdaman kong napangiti s’ya sa aking sinabi dahil nasa aking dibdib ang kanyang mukha.
“Good night Master…” malambing n’yang sambit.
“Good night Master… I love you..” sagot ko naman at hinalikan s’ya sa ulo.
Nanatili kami sa ganoong posisyon. Magkayakap habang hinihintay na makatulog kaming pareho.
Habang naghihintay na tuluyan akong makatulog ay napansin kong umilaw ang aking cellphone na nasa maliit na mesa sa tabi ng aming kama. Nasa likod ito ni Tom kaya madali ko lang naman itong naabot. Naka-silent kasi ito dahil ayaw kong nagpapaistorbo sa tuwing magkasama kami ni Tom.
Isang text message ang pumasok mula sa unregistered number.
‘Magpakasaya ka na habang kasama mo pa s’ya.’
ang nilalaman ng text.
Nangunot ang aking noo ngunit hindi ko naman ito binigyan pa ng pansin.
“Baka wrong sent lang.” mahina ko sambit at muling ibinalik ang cellphone sa mesa.
Muli kong niyakap ng mahigpit si Tom at ipinikit na rin ang aking mga mata.
A/N
Waaahhh!! Sorry po sa matagal na update. Medyo naging busy na po talaga. Mukhang ganoon din po sa mga susunod na chapters, baka po matagalan ako ng pag-update. Pero dahil excited na rin ako sa mga susunod na chapters ay sisikapin ko itong gawin ng mabilis.
Sana po ay patuloy pa rin kayo sa pagbabasa.
Comments and votes na rin po please?
Salamat mga mahal kong readers! Ingat kayo lagi.
––cold_deee
chapter 22 - mai tai
A/N
Soriiiiiiiiiii! Sorry sa matagal na update… Hindi ko rin naman gusto kaso wala ako choice. Na-assign sa malayong workplace si author kaya puyatan mode ako dahil sa mahabang oras ng trabaho at byahe.. Sinasampay ko na nga ang eyebags ko ngayon sa tenga ko.
Anyways, gaya ng sinabi ko kanina sa’yo
KikoMercado
para sa’yo ang chapter na ’to. Natuwa ako nung binasa mo ulit ang buong story. Thank you, thank you!!!
Malapit na ang ganap, kaya abang-abang na po tayo ha? Salamat sa patuloy na pagbabasa.
Alam kong na-miss n’yo ang character na ito kaya simulan na! Hahahaha!
––> si Daniel po sa media.
DANIEL POV
Narito ako ngayon sa isang coffe shop at hinihintay ang taong naging dahilan kung bakit kailangan kong mapahiwalay kay Tom ng mahabang araw.
“Nami-miss na kita…” mahina kong sambit.
Humigop ako ng aking kape. Paglapag ko ng aking tasa ay muli kong napansin ang brown envelope sa aking mesa. Kinuha ko ito at muling binuksan.
Hindi ko maiwasang mapahigpit ang pagkakahawak sa mga papel na kinuha ko mula rito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ba itong pinagmasdan. Ngunit sa tuwing makikita ko ito ay naninikip ang dibdib ko.
“Tsk! Tsk! Tsk! Still the same loser Danny?” ang biglang tinig ng isang babae mula sa aking likuran.
Kilala ko na kung sino ito. At narinig ko pa lang ang kanyang boses ay kumukulo na agad ang dugo ko.
“’Wag kang makialam sa personal kong buhay Josephine.” sambit ko nang hindi s’ya nililingon.
Muli kong ibinalik ang mga papel sa envelope na pinaglalagyan ko nito.
“Oh c’mon Danny! Didn’t you even missed me?” tanong n’yang nakangiting mapang-asar matapos umupo sa silyang nasa kaliwa ko.
“Stop calling me Danny like we’re close friends.” seryoso ko namang sagot sa kanya.
Ngunit sa halip na mainis sa aking sinabi ay nagpakawala pa ito ng malakas na tawa.
“Poor Danny! Hanggang ngayon pala galit ka pa rin sa ’kin? Hindi ka pa rin ba maka-move on? Don’t tell me bitter ka pa rin dahil ang Kuya mo ang pinili ko dati over you?” natatawa n’yang tanong.
Nag-init ang ulo ko nang marinig iyon sa kanya. Ano bang akala n’ya? Na apektado pa rin ako sa nangyari noon?
“The hell! ’Wag kang masyadong bilib sa sarili mo Josephine.” tangi kong reaksyon.
Nang sabihin ko sa kanya iyon ay tumigil s’ya sa kanyang pagtawa. Ngumisi s’ya at tinitigan ako ng mata sa mata. Nilabanan ko nang nanlilisik kong mga mata ang sa kanya ngunit hindi s’ya nagpatinag. Nanatili s’yang nakangisi.
Ilang saglit pa ay inangat n’ya ang kanyang hintuturo at inilagay ito sa aking pisngi. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan at nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Dahan-dahan n’yang ibinaba ang kanyang hintuturo mula sa aking pisngi papunta sa aking leeg.
“Sa tingin mo ba Daniel, hindi pa ako bibilib sa sarili ko kung lahat ng plano ko ay sinasang-ayunan ako? Masyado akong magaling Daniel. Masyado akong magaling na kahit magtulong-tulong pa kayo ay wala kayong magawa kundi panoorin lang ang bawat pagkilos ko.” nakangisi at nakataas ang kilay n’yang sambit.
“Anong ibig mong sabihin?” malumanay kong tanong sa kanya.
Pilit kong pinapaklama ang aking sarili. Nakaramdam ako ng kaba sa mga binitiwan n’yang salita.
Umiling-iling ito habang nakangisi.
“Tsk! Tsk! Tsk! Next time Daniel kung magtatrabaho kayo, dapat ’yung malinis. Pinadala mo pa talaga si Ronnie para lang maimbestigahan ang business namin? C’mon! Sana naman kung magpapadala kayo ng tao, ’yung hindi kaduda-duda! Masyado kasing obvious eh!” wika n’ya at sinabayan ng malakas na pagtawa.
Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. Para akong tinuklaw ng ahas at hindi nakagalaw sa mga oras na ito. Hinayaan ko lamang s’yang pagtawanan ako. Mukhang nasira na ang plano.
“But you know what Daniel? There’s a better way to do things right.” nakangisi n’ya na ngayong sambit.
Natigilan ako sa kanyang sinabi.
“W-what to do you mean?” taka kong tanong.
“Let me ask you some questions Daniel.” una n’yang sambit.
“Fire.” sagot ko sa kanya para marinig ang mga gusto n’yang itanong.
Umayos s’ya ng pagkakaupo.
“But before that, hindi mo man lang ba ako aalukin ng coffee man lang?” nakangisi n’yang tanong.
“S-sorry.” napahiya kong sambit.
Iniangat ko ang aking kamay upang tawagin ang waitress ng coffee shop kung nasaan kami. Nang makalapit ang waitress ay s’ya na rin ang nagbigay ng kanyang order.
Hindi muna s’ya nagsalita matapos umalis ng waitress. Pinagmasdan ko lamang s’ya sa lahat ng kanyang galaw. Kalmado ito at mukhang walang inaalalang problema.
Maganda pa rin si Josephine kahit ilang taon na rin ang lumipas. Ganoon pa rin ang kanyang pangangatawan, balingkinitan at makinis ang balat. Ngunit kung anong ganda ng kanyang pisikal ay s’ya namang dungis ng kanyang pagkatao.
Nang dumating ang kanyang order na coffee ay humigop muna s’ya at umayos sa kanyang pagkakaupo. Mukhang handa na s’yang magtanong ngayon sa akin.
“Hindi ka pa ba nagsasawa?” tanong n’yang nakangisi sa akin.
Nangunot ang aking noo sa kanyang tanong.
“Anong ibig mong sabihin?” puno ng pagtataka kong tanong.
Muli s’yang napailing habang nakangisi. Nakakaramdam na ako ng lalong pagkainis sa kanyang pinapakita.
“Hindi ka pa ba nagsasawa Daniel? Eversince wala kang nakuha sa mga kagustuhan mo. Lagi na lang si Xander ang nananalo. Lagi na lang kay Xander napupunta ang mga gusto mo.” paliwanag n’ya habang nakangiti.
Nasaktan ako sa kanyang sinabi dahil may katotohanan ang bagay na iyon. Lahat ng hinahangad ko ay napupunta kay Kuya, kahit si Tom. Pero dahil mabait ang Kuya ko ay nawawala ang inggit na nararamdaman ko minsan. Ipinapakita n’ya kasi sa akin ang suporta sa lahat ng bagay at itinuturing n’ya akong tunay na kapatid kahit hindi naman talaga kami magkadugo.
“At anong gusto mong gawin ko? Maglupasay na parang bata dahil hindi ko nakuha ang gusto ko? ’Wag mo akong itulad sa’yo Josephine.” madiin kong sagot sa kanya.
Muli nanaman s’yang natawa sa aking sinabi. Baliw na talaga ang babaeng ito! Ang sarap patulan! Ngayon ako nagsisisi kung bakit nagkagusto ako sa kanya noon.
Matapos n’yang tumawa sa walang kwentang dahilan ay muli nanaman s’yang nagsalita.
“’Wag ka ngang masyadong highblood Daniel. Hindi naman ako nakipagpakita sa’yo ngayon para lang makipag-away. Kahit na umpisa pa lang ay alam kong pumunta ka dito para sa plano n’yong pagpapabagsak sa akin, hindi ko naman kayo pinigilan ’di ba? Kasi alam kong sa bandang huli, sa akin ka rin lalapit.” puno ng tiwala sa sarili n’yang wika habang nakangisi.
“Hindi mangyayari ’yang sinasabi mo!” sagot ko sa kanya nang may diin. Nagdikit na rin ang aking mga ngipin sa labis na galit na aking nararamdaman ngayon.
Matapos kong sabihin iyon ay umayos s’ya ng pagkakaupo at sumandal sa kanyang inuupuan. Nag-cross arms pa s’ya at seryoso n’ya akong tiningnan habang nakataas ang isa n’yang kilay.
“Sigurado ka ba Daniel? Kung ako sa’yo, hindi muna ako magsasalita ngayon ng tapos.” sambit n’yang seryoso.
Natahimik ako sa kanyang sinabi kaya nagpatuloy s’ya.
“Masyado mo nang pinapaasa ’yang sarili mo. Hindi pa ba sapat ’yang mga katibayan na pinadala ko sa’yo para magising ka? Ilang taon ka na bang naghihintay sa kanya? Sinamahan mo s’ya sa lahat ng oras pero ’yan pa ang igaganti n’ya sa’yo?” sunod n’yang sambit habang tinuturo ang envelope na nasa harap ko.
Lalong nagtangis ang mga ngipin ko nang muli kong maalala ang nilalaman ng brown envelope na iyon.
“Matiyaga kang naghintay Daniel. Ang tagal mo s’yang sinamahan at kahit kailan ay hindi mo s’ya sinaktan. Pero nawala ka lang ng ilang araw ganyan na ang ginawa n’ya sa’yo?” tanong n’ya sa akin.
Naramdaman ko nanaman ang parehong kirot sa aking dibdib na paulit-ulit kong nararamdaman. Kung gaano ako kasaya na kasama si Tom ay ganoon din ako nasasaktan dahil alam kong hindi n’ya pa rin ako magawang mahalin hanggang ngayon. At dahil iyon kay Kuya.
Tiningnan ko si Josephine ng masama.
“At anong gusto mong gawin ko? Pilitin ko si Tom na mahalin ako? Pepwersahin ko s’ya na layuan si Kuya? Ganon ba? ’Yun ba ang gusto mo?!” tanong ko sa kanya pabalik na may kalakasan na rin dahil sa galit ko.
Mas lumapad ang kanyang pagkakangisi at nakakainsulto na rin ito ngayon. Nakataas pa rin ang kanyang kilay habang tinatapatan ang masasamang tingin na ipinupukol ko sa kanya.
“’Wag na nga tayong magmalinis pa Daniel. Dalawa na lang tayong nandito at alam mo sa sarili mo na matagal mo nang pinepwersa si Tom na maibaling sa’yo ang pagmamahal n’ya sa Kuya mo! Hindi mo ako madadala d’yan sa pagkukunwari mo! Baka nakakalimutan mo? Si Josephine ang kaharap mo! You’re facing the queen b*tch!” madiin n’yang sagot sa akin.
Natahimik ako sa kanyang sinabi kaya ipinagpatuloy n’ya pang muli ang pagsasalita habang nakataas pa rin ang kanyang kilay.
“Hindi ka makasagot dahil totoo ang sinasabi ko?” tanong n’ya sa akin at saglit na natawa. “Sa tingin mo ba Daniel may babalikan ka pa pagbalik mo sa Pilipinas? Sa tingin mo ba tutuparin pa ni Tom ang pinangako n’ya sa’yo na sasagutin ka n’ya bago ka lumipad dito sa US?” sunod n’ya pang tanong.
Nangunot ang aking noo dahil sa pagtataka sa kanyang sinabi.
“P-paano mo nalaman ang bagay na ’yon?” tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.
Muli nanaman s’yang natawa ng nakakainsulto bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Poor Daniel..” una n’yang sambit habang umiiling. “Sabi ko nga sa’yo, masyado akong magaling Daniel. Na kahit magtulong-tulong pa kayo, hindi n’yo ako kakayanin. Kung sa tingin n’yo mapapaikot n’yo ako, nagkakamali kayo! Dahil pinaplano n’yo pa lang ang mga gagawin n’yo, alam ko na ang kasunod ng magiging hakbang n’yo. Masyado n’yo kasi akong minamaliit.” natatawa n’yang pagsagot sa akin.
Mukhang alam n’ya na nga ang plano namin laban sa kanya. Kahit naging maingat kami ay mukhang madali n’ya pa rin kaming nabasa. Matalino talaga s’yang babae ngunit may sa demonyo ang ugali!
“So ano na ang susunod n’yong hakbang ngayong buking ko na kayo?” tanong n’ya sa akin dahil hindi ako nakapagsalita.
Muli ko s’yang tiningnan sa mata ngunit sa pagkakataong ito ay nakikiusap na ang tingin ko.
“Bakit kasi hindi mo na lang ipaubaya ang lahat Josephine? Kasalanan ng ama mo ang nangyari sa kanya. Bakit mo pa inilalagay ang sarili mo sa sitwasyon na ikapapahamak mo rin? Tapusin na natin ’to. Hindi ka ba napapagod? Hihintayin mo pa bang madungisan na rin ’yang kamay mo gaya ng ginawa ng ama mo?” tanong ko sa kanyang nakikiusap.
Ang kaninang ngiti sa kanyang labi ay naglaho. Naging matalim na rin ang kanyang mga tingin na ipinupukol sa akin. Aaminin ko na kahit babae s’ya ay nakakatakot na rin s’ya sa mga oras na ito. Ngunit kailangan kong gawin ang lahat para makumbinse s’ya. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kina Tom.
Nagulat ako nang bigla n’yang ihampas ang kanyang palad sa aming mesa. Sa lakas ng pagkakahampas n’ya ay nakakuha kami ng atensyon sa mga taong nasa loob ng coffee shop kung nasaan kami.
“Sa tingin mo ba ganon na lang ’yun Daniel?! Si Daddy na lang ang kasama ko ngayon dahil iniwan na rin kami ni Mommy! Tapos pinagtulungan pa s’ya dahil sa pesteng ama ni Tom! Mag-isa na lang ako ngayon at dahil ’yon sa ama ni Tom! Kaya kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon, sisiguraduhin kong mararamdaman din ninyong lahat ’yon!” ang galit na galit n’yang sagot sa akin.
“Pero Josephine, siguro naman pwede ka pa naman magsimula ulit? Gugustuhin mo ba na isang araw sa kulungan ka na lang pupulutin dahil nakasakit ka na ng iba? Sinasayang mo ang buhay mo! Marami pang pwedeng mangyari Josephine. Magsimula ka ulit, kung gusto mo tutulungan pa kita.” muli kong pakiusap sa kanya.
Sa sinabi kong iyon ay naging totoo ako sa sarili ko. Naging maganda naman ang samahan namin noon ni Josephine at alam kong kahit paano ay may maliit na bahagi ng kanyang puso ang kabutihan.
Dahil sa naging pakiusap ko sa kanya ay nakitaan ko s’ya ng pagtataka. Ngunit nang makabawi ay nagpakawala nanaman s’ya ng malakas ng tawa. Para na s’yang nababaliw sa mga oras na ito. Nilingon ko ang ibang tao na nasa loob ng coffee shop at maging sila ay nagtataka na rin na nakatingin sa amin.
“Daniel, Daniel, Daniel. Akala ko tanga ka na noon dahil hindi ka nagsalita o nagreklamo nang piliin ko ang Kuya mo kesa sa’yo. Pati na rin nang malaman kong sa kanya ipinagkatiwala ng ama-amahan n’yo ang isa sa mga negosyo n’ya at hindi sa’yo.” wika n’yang natatawa.
Tanggap ko na ang bagay na iyon, pero masakit pa rin pala na marinig ko itong muli sa ibang tao.
“At ano ngayon ang gusto mong sabihin?” tanong ko sa kanya at pilit na pinapakalma ang aking sarili.
“Gusto kong sabihin sa’yo na bilib na bilib na ako ngayon sa’yo. Dahil kung naging tanga ka noon, mas TANGA ka na pala ngayon! Improving ka rin ah?” pagsagot n’ya sa akin at muli nanaman s’yang humalakhak.
Hindi ako pumapatol sa babae dahil ito ang nakamulatan ko sa pangaral na rin sa akin nina Tita Mavel at Tito Ian maging ni Kuya Xander, ang mga taong itinuring akong pamilya kahit pa sa kabila ng pagrerebelde ko noon. Pero hindi ko alam kung magagawa ko pa ba iyon ngayon kung kagaya ni Josephine ang makakaharap ko.
“At gusto ko rin ipaalam sa’yo Josephine na kung gaano ka kasama noon, mas demonyo ka na rin pala ngayon?!” ang may inis kong pagsagot sa kanya.
Tumigil s’ya sa kanyang pagtawa ngunit nanatili s’yang nakangisi.
“Dahil sa sinabi mong ’yan, hindi mo ba ako iko-congratulate? Mas masama na ako ngayon Daniel. At ang mas masaya pa, baka wala na rin akong konsensya. Kaya kung ako sa inyo, mag-iingat kayo sa mga galaw n’yo. Dahil kung hindi kayo mag-iingat, baka isa sa inyo paglalamayan ngayong taon na ’to.” nakangisi n’yang wika sa akin.
Kinilabutan ako sa mga binitiwan n’yang salita. Wala akong nakitang pag-aalinlangan sa kanyang mga sinabi. Ibang-iba na s’ya at nakikita kong seryoso s’ya sa kanyang pagbabanta.
“Anong binabalak mong masama?!” tanong ko sa kanya na puno ng pag-aalala.
Inikot n’ya ang kanyang mga mata at muling humigop sa kanyang kape.
“Ganon na ba ako katanga para sabihin ko sa’yo ang plano ko Daniel?” natatawa n’yang tanong at inilapag muli ang kanyang tasa.
Oo nga naman, bakit hindi ko pinag-iisipan ang tanong ko? S’yempre hindi n’ya sa akin sasabihin ’yon!
Ang tanga mo nga Daniel!
“Pero may paraan para malaman mo ang lahat ng plano ko.” ang wika n’yang bigla sa akin at muling sumandal sa kanyang silya.
Nangunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Dahil sa aking reaksyon ay hindi n’ya na ako hinintay pang magtanong.
“Why don’t we make a deal Daniel? Magtutulungan tayong dalawa para makuha ko ang gusto ko and at the same time, makukuha mo rin ang gusto mo.” nakangiti n’yang sagot.
“A-anong ibig mong sabihin?” ang kinakabahan kong tanong.
Huminga muna s’ya ng malalim bago sumagot.
“Walang masasaktan Daniel kung ang plano ko ang masusunod, sinisigurado ko ’yan sa’yo. Hindi mo ba gustong mapunta sa’yo si Tom? Matagal mo nang gustong mangyari ’yun ’di ba? At ako naman, gagawin ko ang part ko kay Xander. Kukunin ko lang ang nararapat sa akin at kukunin mo lang ang matagal mo nang hinahangad. Isn’t it a brilliant idea?” wika n’yang nakangiti.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong napatahimik sa bawat salitang binibigkas sa akin ni Josephine. Mukhang totoo ang kanyang mga sinasabi, na pumapabor sa kanya ang pagkakataon.
Ginawa ko ang lahat para hindi n’ya mapansin ang aking pagkabalisa.
“Sa tingin mo ba madali mo lang akong makukumbinsi Josephine? Hindi ako makikipagtulungan sa’yo para lang sa mga pansariling hangarin mo!” matigas kong wika sa kanya.
Umiling-iling s’ya habang nakangisi.
“Tsk! Tsk! Tsk! And who told you na kukumbinsihin kita Daniel? Hindi ko gagawin ’yun. Dahil sinisigurado ko na ikaw mismo ang lalapit sa akin para kusang loob na makipagtulungan.” sagot n’ya sa akin na puno ng tiwala sa sarili.
“Talaga lang ha? Well, let’s see.” paghamon ko naman sa kanya habang nakangisi bagamat malakas na rin ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba.
“Deal! But let me remind you Daniel, pang-ilang beses ka na nga ba iniwan ng taong minahal mo? Mabibilang mo pa ba? I guess not. Lalo na ngayon at pabalik ka na ng Pilipinas. Ano kaya ang magiging scenario ’pag nagkita-kita na kayong tatlo? Sumali kaya ako sa eksena n’yo para mas may thrill? Ano sa tingin mo?” nakangiti n’yang tanong.
Napalunok ako ng sariling laway dahil tila ba may nagbara sa aking lalamunan. Idagdag pa na nasasaktan nanaman ako ngayong mga oras na ito. Nakatingin lamang ako sa kanya at walang salita akong maibigkas.
“Sa tingin mo ba Daniel may pag-asa ka pa na maibalik sa’yo si Tom?” una n’yang tanong. “Oh! Sorry, hindi nga pala naging sa’yo si Tom kahit minsan. Pero kung makikipagtulungan ka sa akin, the chance is bigger than what you expect. Kaya pag-isipan mo ang sinabi ko.” pagpapatuloy n’ya pa.
Kinuha n’ya ang kanyang bag at kumuha ng pera mula roon. Inilagay n’ya iyon sa table at tumayo na sa kanyang upuan. Mukhang tapos na s’ya sa kanyang sadya sa akin. Ako naman ay ibinaling na lamang ang tingin sa aking kape na mukhang malamig na ngayon.
Bago pa s’ya tuluyang makaalis ay yumuko ito at bumulong sa aking tenga.
“Kahit minsan Daniel isipin mo ang sarili mo. ’Wag kang laging mapagbigay. Kaya hindi mo makuha ang gusto mo eh. Kasi wala kang ginawa kundi magpaubaya. Walang masama kung maging selfish kahit minsan.” bulong n’ya sa akin tenga at tumayo na rin ng tuwid matapos n’yang sabihin iyon.
Nilingon ko s’ya dahil nasa likod ko na s’ya ngayon. Walang ekspresyon ang aking mukha ngunit s’ya ay nakangiti lamang sa akin.
“So paano Daniel? I’ll just see you soon?” pagpapaalam n’ya ng patanong?
Hindi ko s’ya sinagot.
“I’ll see you soon…. sa Pinas.” huli n’yang sambit at tuluyan na ring umalis.
Gulong-gulo ako ngayon. Iniisip ang mga sinabi sa akin ni Josephine. Idagdag mo pa na nabalewala ang pagpunta ko dito dahil nabuking din n’ya ang aming plano. Dahil din sa pagpunta ko dito ay napahiwalay ako kay Tom.
Tama naman si Josephine, naging mapagbigay ako sa lahat ng bagay. Kahit kailan ay hindi ako gumawa ng aksyon para makuha ko ang gusto ko. Ang dahilan ko naman kasi ay gusto kong makitang masaya ang taong pinagbigyan ko. Gusto kong makita ang tunay n’yang mga ngiti at hindi napipilitan na gawin ang isang bagay na alam kong hindi n’ya gusto.
Handa akong gawin ang lahat para sa taong importante sa akin kahit nasasaktan na ako. Nagtitiis ako kahit hirap na hirap na ang kalooban ko.
Ano nga bang pakiramdam na maging selfish paminsan-minsan? Ano kayang pakiramdam ’pag ang isang bagay na hinahangad ko ay makukuha ko kung sakaling maging selfish ako?
Nagawa ko na ang magmakaawa noon, pero hindi ko pa rin nakuha ang gusto ko. Nakiusap ako noon kay Kuya na ipaubaya na lang sa akin si Tom. Kahit si Tom lang sa lahat ng bagay na hiniling ko.
Pero hindi pa rin iyon nangyari. Si Kuya pa rin ang pinili ni Tom.
Hindi ko na rin maiwasan na maawa sa sarili ko paminsan-minsan dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Lagi kasi sa akin sinasabi ng Mama ko noong nabubuhay pa s’ya na dapat akong maging mapagbigay. Walang mas sasarap pa sa pakiramdam kapag napapasaya mo ang taong napapagbigyan mo.
Pero naiisip ko ngayon, paano naman ang ikaliligaya ko? Naiisip rin kaya ako ng mga taong napapagbiyan ko? Napapaisip rin kaya sila kung ano ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin?
Habang nasa ganoon akong pag-iisip ay may bumulabog sa akin. Hinalikan ako sa ulo at mabilis na umupo sa silya na inuupuan kanina ni Josephine.
“Ang lalim ng iniisip ah?!” bati nito sa akin habang nakangiti.
Kung makaasta s’ya akala mo ay walang kagaguhang ginawa!
Mabilis ang aking mga kamay na dinampot ang brown envelope sa aking harapan at nirolyo iyon.
“Umm!!” at mabilis ko rin iyong ipinalo sa kanyang ulo matapos kong irolyo.
“Aray!! Ang sakit nun ah?! Bigwasan kita d’yan eh!” reklamo at pagbabanta n’ya habang nakahawak pa sa kanyang ulo.
“Eh gago ka pala eh! bakit ka nanghahalik sa ulo?!” inis kong tanong sa kanya.
“Eh gago ka rin pala eh! Bakit kailangan may pagbatok ka pa? Hindi ka na lang nagreklamo! Ang hilig mo talaga mamisikal noh?!” inis n’ya ring sagot sa akin.
“Abat?! Gusto mo pang dagdagan ko?!” banta ko rin sa kanya.
“Sige subukan mo! Sa labi na kita hahalikan ’pag dumapo pa ’yan sa ulo ko!” hindi rin s’ya nagpatalo.
“Ah ganon ah!” sagot ko at sunod-sunod ko nanaman s’yang pinalo ng nirolyo kong envelope.
Pero putek lang! Ang galing umilag ng hayup! Nasasalag n’ya ang bawat paghampas ko!
Napatayo na rin ako sa inuupuan ko para mas magawa ko ang pagnanais ko na masaktan ’tong ulupong na ’to! Pero sa halip na makaisa man lang ako ay nahawakan n’ya ang dalawang wrist ko dahilan para mapatigil ako sa paghampas sa kanya.
“’Wag ako Danny Boy! Nakakalimutan mo yatang nag-aral ako ng martial arts?!” pang-aasar n’ya sa akin habang hawak ako sa kamay.
Magsasalita pa sana ako ngunit natigilan kaming pareho nang may marinig kaming pagtikhim sa likod ko.
“Ehem! Excuse me Misters? Is there any problem here?” tanong ng medyo may edad nang waitress ng coffee shop.
Mabilis akong bumalik sa aking upuan dahil sa labis na hiya.
“N-nothing.. Sorry….” sabay naming sambit ng ulupong.
Umalis nang muli ang matandang waitress sa coffee shop na ito.
“Nahiya ka Danny Boy?” natatawang tanong sa akin ng gago.
Lintik na ’to! Mukhang hindi sincere sa paghingi ng sorry sa waitress! Nakangiti nanaman at akala mo ay wala nanaman nangyaring kahihiyan sa amin!
Sinamaan ko lang s’ya ng tingin at hindi s’ya sinagot. Kumuha ako ng pera mula sa aking wallet at inilapag iyon sa mesa ng walang imik.
“Woi teka! May pera pa dito oh?! Sobra-sobra pa nga ito sa dalawang kape na inorder mo! Kaya ka highblood eh! Lakas mo magkape!” pamumuna n’ya sa akin.
Muli ko s’yang tiningnan ng masama.
“Pera ’yan ni Josephine! At wala akong plano na magpalibre sa demonyitang ’yon! Kaya kong bayaran ang kape naming dalawa!” inis kong pagsagot sa kanya.
Sa halip na mainis s’ya sa akin ay nagawa pang tumawa ng loko. Nanlaki ang mga mata ko nang kunin n’ya ang perang inilapag ni Josephine at mabilis na ibinulsa iyon.
“’Yun naman pala eh! Edi akin na lang ’to!” masaya n’yang sambit matapos ibulsa ang pera.
“Ang kapal talaga ng mukha mo noh?” sambit ko sa kanya.
“Alam ko na ’yun matagal na! Lagi mo nga ’yan sinasabi ’di ba?” ang tila hindi apektado n’yang tugon sa akin.
Napailing na lamang ako dahil sa kanyang ikinilos. Ibang klase talaga ’tong lalaking ’to! Wala sa katawan n’ya ang kahit na katiting na hiya!
“Saan tayo next Danny Boy?” tanong n’ya sa akin nang makalabas kami ng coffee shop.
“Saan pa? Edi sa tinutuluyan mong hayup ka!” sagot ko sa kanya.
“Ayos ka rin ah? Ngayon lang ako nakakita ng taong pinapatira na nga sa bahay tapos minumura pa ang may-ari ng bahay! Ganyan ka ba Danny Boy?!” reklamo n’ya at pinindot na ang susi ng kanyang kotse para ma-unlock.
“Sa’yo lang ako ganito Popoy!” sagot ko naman sa kanya.
Pumasok na kami sa kanyang kotse at nilagay n’ya na rin ang susi n’ya para magsimula na rin s’yang magmaneho.
“Naks! Talagang feel na feel mo na ang pagtawag sa akin ng Popoy ah?” nakangiti n’yang sambit.
“Lul! Nasanay lang ako dahil madalas kong naririnig ’yun kay Tom noon! ’Wag kang feeling d’yan! Hindi tayo close ’di ba?” wika ko sa kanya.
“Woah! Hindi pa ba tayo close nito? Eh mas pinili mo nga na sa akin tumira kesa kina Tita Lita at Tito Nate? Ngayon naman nagpasundo ka pa sa akin sa tagpuan n’yo ni Josephine? ’Yan ba ang hindi close?” ang paninimula nanaman ng kanyang pang-aasar.
’Pag kasama ko talaga ang lalaking ’to, talagang umiinit ang ulo ko! Hindi ako madaling mapikon. Pero ’pag s’ya na ang kaharap ko parang gusto ko s’yang paulit-ulit na upakan! Ang ingay eh! Sumobra sa kulit!
“Tigilan mo ako! May kasalanan ka pa sa akin gago ka! “ inis ko nanamang pagbaling sa kanya.
“Hala?! Anong bago dun?! Eh sa tuwing makikita mo ako parang malaking kasalanan na agad ako sa’yo!” sagot n’ya nanaman.
Pesteng ’to talaga! Gusto pa yatang makipagkwentuhan ng matagal!
“Baka gusto mo nang paandarin ang kotse? Ano? Kwentuhan na lang tayo dito?” sarkastiko kong tanong sa kanya.
“Wow ah? Driver mo ako boy?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ko na lamang s’ya pinansin at umupo na lamang ako ng maayos. Inilagay ko ang aking kamay sa aking sentido at hinilot ito. Ipinikit ko rin ang aking mata dahil sumakit talaga ang aking ulo sa naging pag-uusap namin ni Josephine.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe. Nakapikit pa rin ang aking mata at naramdaman kong tahimik na ang paligid. Hindi na rin umaandar ang kotse ni Ronnie.
Unti-unti kong iminulat ang aking mata at nagulat ako sa aking nakita.
Nasa harapan ko ang mukha ni Ronnie at mukhang nakatitig lang ito sa akin.
Dahil sa labis na pagkabigla ay mabilis kong naitulak ang kanyang mukha.
“Aray! Nakakadalawa ka na ha?!” reklamo n’ya habang hinihilot ang kanyang pisngi.
’Yung totoo? Sinampal ko ba s’ya? Gago talaga ’to eh!
“Eh bakit kasi ang lapit ng mukha mo sa mukha kong hayup ka?!” tanong ko sa kanya.
“Eh bakit bigla ka na lang din nananakit gago ka?!” tanong n’ya naman pabalik.
Ganyan ’yan! Walang kwenta ’pag tinatanong! Sa halip na sumagot, babalikan ka ng tanong o kaya naman ay katakot-takot na reklamo ang maririnig mo!
Dahil sa wala naman akong mapapala sa kanya ay bumaba na lamang ako ng kotse.
Naramdaman ko naman na sumusunod na din s’ya sa akin.
“Hi Linda! How are you today?” masaya n’yang bati sa kapit-bahay n’ya dito sa tinutuluyan n’yang apartment.
“Hi Ronnie! I’m good, thanks!” sagot naman ng babae.
Nang makarating kami sa pinto ng kanyang apartment ay hinayaan ko na lamang s’yang buksan iyon. S’yempre apartment n’ya ’yun at wala akong susi.
Pagkapasok namin ay pumunta agad ako ng kanyang mini bar at kumuha ng alak mula roon. S’ya naman ay naghubad muna ng kanyang sapatos bago ako sinundan dito.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita n’ya ang binuksan kong alak.
“Putek! Bakit ’yan ang binuksan mong alak?! Ang dami naman d’yan oh?! Alam mo namang hindi ko ’yan ginagalaw dahil mahal ’yan ’di ba?!” inis n’yang tanong.
Tinaasan ko s’ya ng kilay matapos kong uminom sa aking baso.
“Anong balak mo dito? Dahil lang sa mahal ang pagkakabili mo hindi mo na iinumin? Sana pina-frame mo na lang hayup ka para hindi nagagalaw ’di ba?!” pamimilosopo ko sa kanya.
Kahit naiinis s’ya ay wala naman s’yang nagawa. Umupo na lamang s’ya sa stool na nasa tapat ng mini bar n’ya habang ako naman ay nasa loob nito.
“Palitan mo ’yan ah?!” tangi n’ya na lang nasabi.
“Oo na! Dami pang sinasabi! Tatlo pa kung gusto mo!” sagot ko sa kanya.
Binigyan ko s’ya ng isang baso at nilagyan ko rin iyon ng alak ng hinayang na hinayang s’yang buksan.
Pagkabigay ko sa kanya ay mabilis n’ya itong ininom ng straight!
“Isa pa nga!” wika n’ya at ibinigay muli ang kanyang baso sa akin.
Muli ko iyon nilagyan at sa pangalawang pagkakataon ay ininom n’ya nanaman ito ng straight. Hindi alintana ang init sa lalamunan ng alak na iniinom namin. Ako naman ay nakatingin lamang sa kanya.
Matapos n’ya iyon inumin ay tinitigan n’ya ang kanyang baso. Seryoso ang kanyang ekspresyon at nakikitaan ko ito ng kalungkutan ngayon. Hindi ako nagsalita at katahimikan ang bumalot sa amin ng ilang minuto.
“Nabuko ako. Nahuli ako ng mga tauhan ni Josephine.” bigla n’yang pagsasalita.
Nakita kong napahigpit ang pagkakahawak n’ya sa kanyang baso.
“Alam ko. Tanga ka eh.” malumanay kong pagsagot sa kanya.
Inangat n’ya ang kanyang tingin kaya nagtama ang aming mga mata.
“Taena naman Danny Boy! Magkunwari ka man lang sana na concern sa akin! Hindi ’yung sasabihan mo pa akong tanga! Konting support naman d’yan oh!” inis n’yang sambit sa akin.
Kinuha n’ya na sa pagkakataong ito ang alak mula sa akin at s’ya na rin ang naglagay sa kanyang baso.
“Anong gusto mo? Humawak pa ako ng pompoms para lang isigaw na ang galing-galing mo?! Eh talaga namang katangahan ang ginawa mo dahil hindi ka nag-ingat!” sumbat ko sa kanya.
“Eh malay ko bang kahit ’yung ibang tao na wala na sa kompanya nila kasabwat ng babaeng ’yun! Hindi ko rin naman ginusto ’yun eh!” sagot n’ya naman sa akin.
Huminga na lamang ako ng malalim at hindi s’ya sinagot. Tama naman s’ya, wala naman mag-aakala na pati ang mga dating empleyado ng kanyang ama ay nanatiling tapat sa ama ni Josephine. Kung sabagay, malaki ang nagagawa ng pera. Baka nabayaran din ang mga ito kaya madali rin silang nakuha ni Josephine.
Naaawa din ako kay Ronnie, kung tutuusin kasi ay mapanganib ang kanyang ginawang pag-eespiya sa kompanya nina Josephine dito sa Amerika. May posibilidad din s’yang matanggalan ng lisensya bilang Engineer sa ginawa n’yang pagpasok sa ganito kapanganib na pag-iimbestiga.
Tahimik na lamang kaming umiinom ng alak at nanatili s’yang tulala. Pinagmasdan kong mabuti si Ronnie at nakikita ko ang seryoso n’yang ekspresyon na bihira n’yang gawin.
Matagal na rin kaming magkakilala dahil magkakasama kami sa iisang bahay ng isang taon. Doon din kasi s’ya nanirahan sa bahay nina Tom dito sa Amerika. Wala naman naging problema sa pagtira n’ya sa mga ito dahil matagal na silang magkakakilala. Ang totoo nga n’yan ay close na close s’ya sa pamilya ni Tom.
Doon ko din s’ya lubusang nakilala. Mabait naman pala ang ulupong na ’to. Masyado lang makulit at maingay! Pareho sila ni Charm at mukhang si Tom lang ang kaya silang patigilin sa kakulitan. Kapag si Tom na kasi ang nagsaway sa kanila ay nananahimik na rin sila.
“Sorry… Hindi ko nagawa ang pinapagawa n’yo..” malungkot n’yang sambit.
Ilang segundo bago ako nakapagsalita. Nabigla rin kasi ako sa bigla n’yang pagsasalita.
“’Wag mo nang isipin ’yun. Nangyari na eh. Kailangan na lang natin mag-ingat sa susunod na plano.” sagot ko sa kanya.
“Ano na ngayon ang gagawin natin?” tanong n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ko s’ya sinagot.
“Let’s do the Plan B.” tipid kong sagot sa kanya.
Nangunot ang kanyang noo at nagtataka n’ya akong tiningnan.
“S-sigurado ka ba d’yan Daniel? Alam mong magagalit sa’yo n’yan si Tom ’pag tinuloy natin ’yan!” pag-aalala n’ya.
“’Yun na lang ang nakikita kong magandang paraan. At kapag sinabi kong itutuloy natin ’to, gagawin natin para matapos na ’to.” sagot ko naman sa kanya na puno ng determinasyon.
Hindi agad s’ya nakapagsalita dahil sa naging pagsagot ko. Ngunit nang makabawi ay nagtanong s’yang muli.
“Ganyan mo ba s’ya kamahal Daniel?” tanong n’ya sa akin.
Ewan ko ba kung tama ba ang pagkakarinig ko. Pero parang may himig ng kalungkutan ang kanyang pagtatanong.
“Alam mo ang sagot d’yan Ronnie. Lahat gagawin ko para kay Tom kahit na ang kapalit nito ay magagalit s’ya sa akin. And worst, baka isumpa n’ya pa ako.” sagot ko naman sa kanya.
Napailing s’ya at natawa ng mahina.
“Hindi ka pa rin nagbabago Daniel. Selfless ka pa rin. Ano bang meron kay Tom?” wika n’ya habang nakangisi.
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.
“Teka nga lang Ronnie? Alam mo naninibago na ako sa’yo sa totoo lang. Bakit ba parang hindi ka na ngayon interesado kay Tom? Dati kulang na lang makipagsapakan ka sa akin para lang mabaling sa’yo ang atensyon ni Tom ’di ba? Bakit ngayon parang nawawalan ka na ng interes kapag s’ya na ang pinag-uusapan natin dalawa?” puno ng pagtataka kong tanong sa kanya.
“Hindi naman sa ganon. Kaibigan ko si Tom at mahal ko din naman ’yon. Parang kapatid ko na rin s’ya, alam mo naman ’yun ’di ba? Kaya paano mo nasabi na wala na akong interes sa kanya?” wika n’ya sa akin pabalik.
Lalo akong nagtaka sa naging paliwanag n’ya.
“Kapatid? Parang kapatid lang? Akala ko ba mahal mo si Tom?” puno ng pagtataka ko pa ring tanong.
Nakita kong bahagya s’yang naging balisa sa naging katanungan ko. Mabilis n’ya ring ininom ang kanyang alak at nagsalin muli rito.
Ano bang problema ng gagong ’to?!
“M-mahal ko naman talaga si Tom!” utal n’yang sagot sa akin.
Hala! lasing na ba ’tong gago na ’to?
Napailing na lamang ako dahil wala talaga ako sa mood makipag-gaguhan ngayon kay Ronnie. Masyadong occupied pa rin ang aking utak dahil sa naging pag-uusap namin kanina ni Josephine.
Habang tahimik akong nag-iisip ay mukhang kinalikot nanaman ni Ronnie ang kanyang utak dahil nagsalita nanaman ang ulupong. Pero sa pagkakataong ito ay seryoso nanaman itong nakatingin sa akin at alam kong kailangan kong maging handa sa mga isasagot ko.
Minsan lang magseryoso ang hinayupak na ’to kaya dapat ay maging handa ako.
“Ano nang balak mo kay Tom ngayon? Ano nang mangyayari ’pag nagbalik tayo?” tanong n’ya sa akin.
“Kukunin ko s’ya. Gusto kong maging selfish minsan kagaya ng sinasabi mo noon sa akin. Gusto kong malaman ang pakiramdam ’pag nakuha ko ang gusto ko.” seryoso kong sagot sa kanya.
Napailing s’ya sa aking sinabi.
“Hanggang kelan mo balak magpakatanga? Alam mong hindi ka n’ya magagawang mahalin kahit ganyan na ang estado n’yo.” wika n’ya sa akin ng may pag-aalala.
Bahagya akong natigilan ngunit matapos kong inumin ang aking alak ay sinagot ko rin s’ya.
“Hindi ko alam. Hindi naman siguro masama na kahit minsan maramdaman kong may nagmamahal sa akin ’di ba? Alam kong darating ang araw na iiwan n’ya rin ako. Pero kahit ngayon lang, maranasan kong mahalin n’ya kahit huwad lang ang lahat. Alam kong panaginip lang ito, at alam kong bukas magigising din kaming pareho.” mahabang sagot ko sa kanya.
“Ewan ko sa’yo! Talagang hindi ka makakahanap ng tunay na magmamahal sa’yo kung patuloy mo lang s’yang susundan! Sa kanya lang kasi ang focus mo kaya hindi mo na napapansin ang paligid mo!” wika n’yang pabalik sa akin.
Matapos n’yang sabihin iyon ay inubos n’ya rin agad ang kanyang alak at padabog na nilapag ang kanyang baso. Mabilis din s’yang tumayo sa kanyang inuupuan at nagtungo sa kanyang kwarto.
Napataas na lamang ako ng isang kilay dahil sa pagtataka.
“Baliw na talaga ’yun! Walk out agad? Magtatanong-tanong tapos lalayasan ako!” mahina kong sambit.
Nakailang salin pa ako ng alak bago ko naisipang tumigil na sa pag-inom at maligo na lamang upang maghanda na rin sa pagtulog. Mabuti na lamang at pareho kami ni Ronnie na hindi mahilig kumain sa gabi dahil may sinusunod kaming proper diet at sabay din kaming nagpupunta sa gym.
Matapos maligo ay napansin kong nanonood ng TV si Ronnie sa sala. Kanina ay badtrip na badtrip ang loko, nagyon naman ay wagas kung makatawa sa pinapanood n’yang comedy show. May nalalaman pa itong pakain-kain ng popcorn at akala mo ay nanonood talaga s’ya ng sine.
Nakaisip ako ng ideya para basagin ang magandang mood n’ya. Ang sarap asarin ng gagong ’to eh.
Tinabihan ko s’ya sa sofa at pabagsak akong umupo roon. Kinuha ko ang remote control ng TV at inilipat iyon sa sports. Sakto ay NBA ang palabas.
Ang pagtawa ni Ronnie ay biglang naputol. Gusto ko nang matawa sa mga oras na ito dahil sa naging reaksyon n’ya. Nakikita ko rin sa gilid ng aking mga mata ang unti-unti n’yang paglingon sa akin at alam kong matatalim ang mga tingin n’yang iyon. Pero sa halip na magpaapekto ako ay ipinatong ko pa ang isa kong paa sa center table at ipinakita ko sa kanya na nag-eenjoy ako sa palabas.
“Ibalik mo ’yan sa channel kanina!” ang bigla n’yang pagsasalita at halatang napipikon na ito.
“’Wag na… Wala naman kwenta ’yun eh… Ayan oh! Sports na lang!” sagot ko naman at hindi s’ya nililingon.
“Ibalik mo sabi eh!” muli n’ya pang sambit.
Hindi ako sumagot. At para lalo s’yang maasar ay sumigaw pa ako nang maka-shoot ang isang player sa pinapanood ko.
“Wooohhh!!! Nice shot!!” sigaw ko kahit hindi ko naman paboritong team ang naglalaro.
May nalalaman pa akong pasuntok-suntok ng kamao sa ere. Tinodo ko na ang kalokohan ko. Kumuha pa ako ng popcorn sa bowl na hawak n’ya habang nakatitig pa rin ako sa TV.
Tutal naman ay s’ya ang madalas na nambibwisit sa akin kaya panahon na para makaganti naman ako.
Mas lalo kong pinakita sa kanya na nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Hindi ko inaalis ang pagkakangiti sa aking labi. Sa totoo lang ay napapangiti ako at gusto ko nang matawa sa kalokohan ko. Alam ko kasing mamaya lamang ay magwo-walk out nanaman ito kaya excited na ako sa bagay na ’yon.
Tahimik lamang s’ya at hindi ko nakikita ang kanyang reaksyon. Pero ngayon pa lang ay natatawa na ako dahil naiisip kong nagliliyab na ang kanyang mga mata dahil sa galit sa akin.
Ilang sandali pa ay hindi ko na matiis na hindi s’ya lingunin dahil gusto ko nang makita ang inis na reaksyon n’ya.
Pero sa halip na makakita ako ng pagkainis sa kanyang mukha ay nakangiti ito sa akin habang nakatingin. Nangunot ang aking noo dahil mali ang inaasahan kong magiging reaksyon n’ya. Napasimangot ako at ako ang nakaramdam ng inis sa mga oras na ito.
“Tinitingin-tingin mo?!” inis kong tanong sa kanya.
Bumaliktad na kasi ang sitwasyon. Ako na ang nainis at s’ya naman ang nakangiti. Kabaliktaran ng gusto kong mangyari.
“Wala. Sige lang Danny Boy, tawa ka lang dali! Ngiti ka ulit kagaya ng kanina!” nakangiti n’yang pakiusap sa akin.
Lalo akong nagtaka sa mga sinasabi n’ya.
Putakteng ’to! Nagsimula nanaman yata na mang-asar sa akin! Wala talaga kong panalo sa hayup na ’to!
“LUL! Matutulog na ako!” sagot ko sa kanya. Mabilis akong tumayo at naglakad paalis sa kanyang pwesto.
“Woi! Manood ka muna dito ng NBA oh! Tapusin mo para malaman mo kung sinong mananalo!” sigaw n’ya sa akin.
Dahil sa malapit lang ang pinto ng aking kwarto sa sala ay mabilis kong narating iyon. Ngunit bago ko tuluyang maisara ang pinto ay tiningnan ko si Ronnie na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin pala habang nakatingin sa akin.
Itinaas ako ang aking kamao at inangat ang gitnang daliri ko. Nag-dirty finger ako habang may inis sa aking mukha. Matapos iyon ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto at padabog na isinara ang pinto.
Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Ronnie mula sa labas.
“Gagong ’to! May araw ka rin!” mahina kong sambit.
Pabagsak akong humiga sa kama at kinuha ang aking cellphone na hiniram ko kay Ronnie. Muli ko nanamang nasilayan ang mukha ni Tom na wallpaper ng cellphone ko.
“Nami-miss na kita.”
“Malapit na tayong magkita.”
“Pero kung ano man ang mangyari, sana mapatawad mo pa rin ako.”
“Mahal lang talaga kita Tom..”
“Mahal na mahal…”
mga salitang binigkas ko at muli kong ibinalik sa side table ang cellphone ko.
Ilang linggo akong hindi nagparamdam kay Tom. Ilang beses lamang akong tumawag sa kanya noong makarating ako dito sa Amerika. Ngunit matapos ng ginawa nilang team building ng kanilang company ay hindi pa ako tumawag muli sa kanya. Ang masakit pa ay hindi rin s’ya nagkusa na tumawag sa akin.
“Poor Daniel…”
ang narinig kong tinig ni Josephine sa aking isip.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit na makatulog sa kabila ng mga iniisip ko.
A/N
Hehe.. Sana naman kahit hindi ang dalawang bida ang nasa chapter na ito ay nagustuhan n’yo pa rin. Kailangan lang talaga na magparamdam muna si Daniel bago ang ganap. Hahahahaha!
Paano po? ’Til next chapter na lang guys! Baka po next week na lang po ulit ’yun. Busy po kasi talaga eh.
Ingat kayo mga mahal kong readers!
Comments and votes na rin po please??
Salamat! :))
––cold_deee
chapter 23 - gin fizz
A/N
Musta naman mga mahal kong readers? Hahaha! Sorry na dahil sa matagal na update.
Dedicated kay Sir
Hiro_Jiro_ToT
ang chapter na ’to.. Alam kong kilang-kilala n’yo na s’ya dahil isa s’ya sa pinaka-sikat na author dito sa watty pero ayaw n’ya pang aminin.. haha! Masaya ako dahil napansin n’ya at binigyan n’ya ng oras ang basahin ang sinulat ko.. Salamat Sir!
At para naman sa inyong mga readers ko na inaatat ako sa pag-pm sa fb maging dito sa watty, maraming salamat din sa matiyagang paghihintay.. Labyu guys!
Okay, simulan na natin!
––> si Xander po sa media.
XANDER POV
Sa wakas ay nagawa n’ya nang sagutin ang tawag ko.
Sa ilang araw n’yang pangga-gago sa akin ay nagkaroon na rin s’ya ng lakas ng loob na sagutin ang tawag ko!
“Sino ka ba talaga?!” halos pasigaw ko nang tanong sa kausap ko sa aking cellphone.
Halos dalawang linggo na akong binubulabog ng taong kausap ko ngayon at wala akong ideya kung sino s’ya.
Hindi s’ya sumagot sa aking tanong. Narinig ko pa ang kanyang pagtawa at alam kong lalaki s’ya base na rin sa tono ng kanyang pagtawa.
Hindi ko maiwasang ikuyom ang aking kamao dahil pikon na pikon na talaga ako sa kanya.
“’Wag mong sagarin ang galit ko! Hindi mo magugustuhan ang mangyayari ’pag nalaman ko kung sino kang hayop ka!” muli ko nanamang pagsigaw sa kanya.
Sa pagkakataong ito ay sumagot na s’ya.
“Relax dude! Hindi ka dapat magalit sa akin. Dapat nga magpasalamat ka pa.” sagot n’ya sa akin at alam kong nakangisi s’ya sa mga oras na ito.
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking sarili.
“Ano bang kailangan mo? Bakit mo ba ako ginugulo?” tanong ko sa kanya.
“Tsk! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo Xander na hindi kita ginugulo? Concern lang ako sa’yo.” sagot n’ya naman sa akin.
Nag-init nanaman ang ulo ko at bumalik ako sa pagsigaw ko sa kanya.
“Concern?! Eh gago ka pala talaga eh! Wala ka naman ginawa kundi ang bigyan ako ng mga messages na walang kwenta! Hindi mo ako madaling mapapaniwala sa mga pinagsasabi mo! Mahal ako ni Tom at sa kanya lang ako maniniwala! Hindi sa kagaya mo na walang tapang na magpakilala!” sigaw ko sa kanya.
“Talaga ba Xander? Paano ka naman nakakasiguro d’yan sa mga pinagsasabi mo? Ni hindi ka nga hiningian ng mahabang paliwanag ni Tom kung ano ang nangyari 2 years ago ’di ba? Basta ang alam n’ya lang, nagsakripisyo ka para sa kaligtasan nila ng pamilya n’ya. Tapos ano? Nangyari pa ’yon noong nasa bundok kayo. Galit na galit s’ya noon sa’yo at hindi ka pinapansin. Pero hindi ka ba nagtaka na ang bilis n’ya naman na mapatawad ka? Ang bilis n’yang maniwala sa sinabi mo.” mahaba n’yang wika na s’yang ikinatahimik ko.
Naguguluhan na talaga ako! Sino ba ’tong tao na ’to at parang ang dami n’yang alam?!
Dahil sa pananahimik ko ay muli nanaman s’yang nagsalita.
“Natahimik ka dahil totoo? O natahimik ka dahil nagtataka ka kung bakit ang dami ko alam?” tanong n’yang muli at nagpakawala nanaman ng malutong na tawa.
Bwisit talaga! Ginugulo n’ya talaga ako!
“Bakit ba hindi ka na lang magpakilala?! Magpakita ka sa akin at personal tayong mag-usap! Hindi ’yung idinadaan mo ako sa mga pakulo mo! Texts at e-mails lang ba ang kaya mong gawin?! Duwag ka!!” sagot ko sa kanya.
Muli nanaman s’yang tumawa na parang nababaliw na.
“’Wag kang excited Xander! Hindi pa ito ang tamang panahon na makilala mo ako. Or should I say, kami? Darating tayo d’yan. Pero sa ngayon, i-enjoy mo muna ang pagpapakatanga mo.” sagot n’ya sa aking natatawa pa.
Sasagot pa sana ako at mumurahin ko s’ya nang bigla n’ya naman ibinaba ang tawag.
“Sh*t!” inis kong sambit at pabagsak kong inilapag ang cellphone ko sa aking mesa dito sa opisina.
Muli kong naisip ang huli n’yang sinabi. Inalala ko na binanggit n’ya ang salitang ‘kami’.
Kung ganon, hindi lang pala s’ya nag-iisa! Pero sino sila?
Natigilan ako. Naisip ko si Josephine. Hindi kaya nagsisimula na s’yang kumilos ngayon? Pero hindi maaaring mangyari ’yon. Alam kong kumikilos na rin sina Papa Nate sa tulong nina Daniel at Ronnie. At base sa kwento sa akin ni Papa Nate noong huli ko s’yang makausap ay maayos naman ang lahat at nasusunod ang aming plano.
Maraming malalalim na paghinga ang pinakawalan ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Inalala ko ang mga araw na pinagsaluhan namin ni Tom. Masayang-masaya kami at pinaparamdam namin ang pananabik at pagmamahal namin sa isa’t-isa.
“Hindi n’ya ako mapapaniwala sa mga sinasabi n’ya. Mahal ako ni Tom at nararamdaman ko iyon.” madiin kong sambit habang nakatulala at tinutukoy ang taong gumugulo sa amin.
Muli akong umupo sa aking silya dito sa aking opisina sa hotel. Pabagsak kong ginawa iyon dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.
Naihawak ko ang aking kamay sa aking noo at hinilot ko rin ang aking sentido dahil sumasakit na rin ang ulo ko.
Ilang araw na ba akong ganito? Ilang araw na ba akong ginugulo ng taong ’yon na ayaw naman magpakilala?
Muli kong tinapunan ng tingin ang aking computer. Nakabukas pa rin ang huling message na pinadala sa akin ng taong ’yon.
Ayaw n’ya talaga akong patahimikin.
Simula nang makatanggap ako isang gabi ng isang text message na nagsasabing ‘magpakasaya ka na habang kasama mo pa s’ya’ ay hindi na rin n’ya ako tinantanan.
Akala ko ay may nagkamali lang na magpadala sa akin ng message na iyon. Pero nagulat ako na kinabukasan ay may panibago nanaman s’yang mensaheng pinadala. Nakumpirma kong kaming dalawa nga ni Tom ang sadya ng taong iyon dahil nababanggit n’ya na rin ang pangalan ni Tom sa iba pa n’yang texts at email.
‘Alam mo ba ang tumatakbo ngayon sa isip ni Tom? Hindi mo ba naisip na baka hindi naman talaga s’ya naniniwala sa mga sinabi mong sakripisyo sa kanya noon?’
muli kong nabasa ’yan sa email na pinadala ng ulupong na kausap ko lang sa cellpbone kanina.
‘Magbabalik na ang kapatid mong si Daniel. Handa ka na ba?’
‘Mag-isip ka Xander. Sa tingin mo ba walang tinatago si Tom sa’yo? Bakit ang bilis ka naman n’yang napatawad? Hindi kaya pinapaikot ka lang n’ya? Hindi kaya may plano sila ni Daniel para saktan ka?’
‘Ano bang alam mo sa relasyon ngayon nina Daniel at Tom? Hanggang saan ba ang alam mo? Sa nakalipas na dalawang taon, sa tingin mo ba wala pang nabuong magandang relasyon ang dalawa? Sa tingin mo ba wala pang nangyari sa kanila?’
’Hindi mo ba napansin na hindi ka n’ya inuusisa tungkol sa iba pang bagay at dahilan noong inakala n’yang iniwan mo s’ya? Dapat ay nagtanong pa s’ya sa’yo ng maraming bagay ’di ba? Dapat mas marami pa s’yang inalam at mahabang paliwanag pa ang hiningi n’ya. Pero nangyari ba ‘yon?’
’Ngayon ka makiramdam Xander. Pakiramdaman mo s’ya kung ano-ano ang mga magiging pagbabago n’ya. At ‘pag napatunayan mong totoo ang sinasabi ko sa’yo, pasasalamatan mo rin ako.’
‘Nasabi na ba sa’yo ni Tom kung anong plano n’ya pagkabalik na pagkabalik ni Daniel? I’m sure hindi pa. Dahil ang totoo, may plano na silang dalawa para sa’yo.’
ilan lamang ’yan sa mga natatanggap kong text messages at email galing sa taong ayaw magpakilala.
“Mahal ako ni Tom. Kay Tom lang ako dapat maniwala. Kay Tom lang ako dapat magtiwala.” bulong ko sa aking sarili.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal sa ganoong posisyon. Tulala at malalim ang iniisip dahil sa mga bagay na iyon.
Naputol lamang iyon nang may mahihinang pagkatok akong narinig mula sa pinto ng aking opisina.
Hindi na ako hinintay pang sumagot at dahan-dahan nang bumukas ang pinto. Nasanay na s’ya sa bagay na iyon. Kung minsan nga ay hindi na s’ya kumakatok pa at ginugulat na lamang ako na labis ko namang ikanatutuwa.
“Master!” masaya at nakangiting bati sa akin ng pinakamamahal ko pagpasok sa opisina ko.
Dahil sa nangyari kanina ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong s’ya. Mabilis ko rin s’yang niyakap ng mahigpit at alam kong ikinagulat n’ya iyon.
Hindi s’ya agad nakapagsalita ngunit dahan-dahan ay iniangat n’ya ang kanyang mga kamay at ginantihan din ang aking yakap.
“Master…. M-may problema ba?” tanong n’ya sa akin habang magkayakap pa rin kami.
Ramdam ko ang pag-aalala n’ya. Dinama ko na lamang ang init ng kanyang katawan habang nasa bisig ko s’ya. Ilang segundo ang aking pinalipas bago ko s’ya sinagot.
“Wala naman Master…” mahina kong sagot sa kanya.
Ito ang bagay na alam kong mali. Hindi ko masabi kay Tom ang mga gumugulo sa isipan ko ngayon. Hindi ko masabi ang mga natatanggap kong messages galing sa taong gustong sumira sa amin.
Natatakot kasi ako.
Natatakot ako marahil sa isasagot at sasabihin n’ya.
Magkayakap pa rin kami hanggang ngayon at parang ayaw ko na s’yang pakawalan. Pakiramdam ko ay mawawala s’ya ano mang oras sa akin sakaling bitawan ko s’ya ngayon.
“Sigurado ka ba? Parang worried ka kasi. Nag-aalala ako.” paninigurado n’ya habang yakap pa rin namin ang isa’t-isa.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Ayaw kong mag-alala sa akin si Tom.
“Wala nga. Na-miss lang kita.” sagot ko sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.
Narinig at naramdaman ko ang mahina n’yang pagtawa nang sagutin ko iyon.
“Master naman, magkasama lang tayo kanina. Magkasama rin tayong natutulog. Magkasama tayo araw-araw. Nami-miss mo pa rin ako?” natatawa n’yang tanong sa akin.
“Oo naman. Oras-oras. Minu-minuto at bawat segundo. Nami-miss kita na kahit pagkurap lang ng mata ko ay ayaw kong gawin dahil ayaw kong mawala ka sa aking paningin.” sagot ko sa kanya.
Napatigil s’ya sa kanyang pagtawa matapos kong sabihin iyon. Ilang segundo ang lumipas nang magsalita ulit s’ya.
Magkayakap pa rin kami at hindi bumibitaw sa isa’t-isa.
“Master…” seryoso at mahina n’yang pagtawag sa akin.
“Hhmmm?” tanong ko pabalik.
“Nagra-rap ka ba?” seryoso n’yang tanong sa akin.
Nagtaka ako sa kanyang tanong kaya dahan-dahan akong bumitaw sa aming pagkakayakap ngunit nanatili sa kanyang mga balikat ang aking mga kamay. Nakakunot ang aking noo habang may pagtataka sa aking mukha na nakatingin sa kanya.
“Nagra-rap?” pagkumpirma ko sa katanungan n’ya.
“Umm-umm..” sagot n’ya habang tumatango-tango pa. “Oo naman. Oras-oras. Minu-minuto at bawat segundo. Nami-miss kita na kahit pagkurap lang ng mata ko ay ayaw kong gawin dahil ayaw kong mawala ka sa aking paningin. Yeah! Yow!” pag-uulit at pagkanta n’ya sa sinabi ko kanina na sinasabayan n’ya pa ng pagkumpas ng kamay na akala mo ay isang rapper talaga s’ya.
Cute sana si Tom sa ginagawa n’ya. Pero naiinis ako dahil inaasar n’ya nanaman ako.
“Ha.ha. Nakakatawa.” inis kong sambit sa kanya at inalis ko ang mga kamay ko sa kanyang balikat.
Akmang tatalikod na sana ako sa kanya nang bigla n’ya nanaman akong yakapin ng mahigpit.
“De joke lang! Masyado ka talagang pikon Master!” pagbawi n’ya sa pang-aasar sa akin.
Magkaharap kami ngayon at nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang. Hindi ko inangat ang aking mga braso para gantihan ang kanyang yakap.
Nakakainis kasi s’ya minsan! Sa tuwing maglalambing ako sa kanya, binabasag n’ya ’yon at aasarin lang ako!
Nakatingin lang ako sa kanya at seryoso ang aking ekspresyon. Ipinakita kong hindi ko nagustuhan ang biro n’yang iyon.
Dahil sa mas matangkad ako sa kanya ay bahagya s’yang nakatingala sa akin. Bahagya naman akong nakayuko sa kanya.
Hindi ako nagsasalita at magkatinginan lamang kami. Unti-unti ay nakita kong sumilay nanaman ang maganda n’yang ngiti. Muli kong nakita ang dimple n’ya sa kanang pisngi. At ang singkit n’yang mga mata ay mas lalo pang naningkit dahil sa ginawa n’yang pagngiti.
“’Wag mo na akong titigan Master. ’Wag ka na rin magtampo. Miss mo na ako ’di ba? I-kiss mo na lang ako.” sambit n’ya at bigla rin ngumuso.
Tsk! Sino ba naman ang makakatanggi sa mahal ko?!
Sumilay ang ngiti sa aking labi at hinawakan s’ya sa magkabilang pisngi. Hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa. Hinalikan ko s’ya sa mapula at malambot n’yang labi.
“Galit ka pa?” tanong n’yang nakangiti matapos ko s’yang halikan.
“Pwede isa pa?” nakangiti kong tanong pabalik sa kanya.
“Abuso ka Master?” tanong n’ya rin sa akin na s’yang ikinatawa ko.
“Nagbabakasakali lang! Ang damot mo naman!” reklamo kong natatawa at mahina s’yang kinurot sa kanyang ilong.
Dahan-dahan ay bumitaw din s’ya sa akin habang nakangiti. Ngunit ang kamay n’ya na nasa aking bewang kanina ay hinawak n’ya sa aking kamay.
Sa mga ganitong paraan ni Tom ay nawawala ang bigat ng nararamdaman ko.
“Tara na. Mag-lunch muna tayo Master. Nagugutom na kasi ako eh.” pagyaya n’ya sa akin habang hinihimas n’ya pa ang kanyang tiyan.
Ngumiti muna ako sa kanya. Hindi ko inalis ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Hinawakan ko ng isa kong kamay ang kanyang batok at mabilis na pinagdikit ang aming mga labi sa pangalawang pagkakataon.
“Para saan ’yun?” tanong n’yang nagtataka sa akin.
“Appetizer ko.” sagot kong nakangiti sa kanya.
“Ha?” tanong nanaman n’ya.
“Appetizer bago tayo mag-main course. I love you!” sagot ko sa kanya na puno ng paglalambing.
Natawa na lamang s’ya at inihilamos n’ya ang kanyang palad sa aking mukha.
“I love you too!” sagot n’ya naman sa akin.
Matapos iyon ay sabay na rin kaming lumabas ng office ko habang may ngiti sa aming mga labi. Panay ang kwento sa akin ni Tom tungkol sa nangyari sa kanya sa nakalipas na oras ng kanyang pagtatrabaho habang naglalakad kami maging nang nasa elevator kami.
Tama. Hindi ako dapat makinig sa mga sinasabi ng taong nanggugulo sa amin ngayon ni Tom. Dapat ko s’yang pagkatiwalaan. Nangako kami sa isa’t-isa na hindi kami magmamahal ng iba. Nangako kaming mamahalin namin ang isa’t-isa hanggang sa huli ano man ang mangyari. Ako lang ang para sa kanya at s’ya ay para lang sa akin. S’ya lang ang taong huli kong mamahalin at ako lang ang una at huling tao na makakapasok sa kanyang puso.
Narating namin ang restaurant na lagi naming kinakainan tuwing lunch.
“Ang tagal n’yo naman!” reklamong bungad ni Lojie sa amin.
“Baka gumawa pa ng milagro sa office Sir Lojie?” umpisang pang-aasar naman ni Olyn.
“Mga baliw! ’Wag n’yo na kaming itulad sa inyo!” sagot ko lamang sa kanila.
Sa tuwing kumakain kami ay alam na namin ang aming mga pwesto. Sina Olyn at Lojie ay magkatabi sa upuan at kami naman ni Tom ay magkatabi na nakapwesto sa harap nilang dalawa.
Si Tom ang nasa tabi ng glass wall window ng restaurant at hindi s’ya pwedeng makalabas kung hindi ako aalis sa aking pwesto. S’yempre bantay sarado s’ya sa akin. Mahirap nang mawala pa sa akin ulit si Tom! Mabuti na ang sigurado!
Masaya naman kaming nagkekwentuhan sa mesa namin hanggang sa kumakain na kami. Ngunit napansin ko si Tom na panay ang tingin sa kanyang cellphone. Ilang beses ko rin nakita na umilaw ito palatandaan na may natanggap s’yang text messages.
“Master, kumain ka kaya muna? Mamaya mo na i-reply ’yan. Saka sino ba ’yan? Work related ba ’yan? Hindi ba nila alam na nakabreak ka ngayon?” sunod-sunod kong paninita at tanong sa kanya.
Napansin kong bahagya s’yang naging balisa dahil naging malikot ang mga mata n’ya.
“Ah, wala naman Master. Sige, kumain na nga muna tayo.” tangi n’yang sagot sa akin at inilapag muli ang cellphone sa mesa.
Ipinagpatuloy na lamang namin ang aming pagkain matapos iyon. Naging masaya naman ang aming tanghalian dahil na rin sa kakulitan nina Olyn at Lojie. Nagpapahinga na lamang kami ngayon at maya-maya pa lamang ay babalik na rin kami sa hotel.
“Master, pupunta muna akong restroom bago tayo bumalik ng hotel.” pakiusap ni Tom sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya at agad na tumayo para bigyan s’ya ng daan.
“Gusto mo bang samahan kita?” tanong ko sa kanya.
Hindi pa nakakasagot si Tom ay sumingit naman si Olyn sa usapan.
“Buntis na ba si Tom? Bakit kailangan mo pa s’yang samahan sa restroom? Madudulas? Madudulas?” pang-aasar ni Olyn.
“Nice! May pamangkin na ulit ako?” pagsakay naman ni Lojie sa sinabi ni Olyn.
“Mga baliw!” sagot ko naman sa kanila at binato sila ng tissue.
Nagtawanan naman ang dalawang baliw na sina Olyn at Lojie. Kahit kailan talaga ay walang magandang sinabi ang dalawang ito!
Pero come to think of it? Pwede kaya ’yon? ’Yung magka-baby kami ni Tom?
Bumaling ako kay Tom at nakita kong pulang-pula s’ya ngayon dahil sa kahihiyan na pinagsasabi ng dalawa.
S’yempre to the rescue ako!
“Sige na Master, mag-CR ka na. Ako na ang bahala dito sa dalawa.” wika ko kay Tom.
Napakamot na lamang ito ng ulo at nakayukong naglakad patungo sa restroom ng restaurant.
“Mga baliw talaga kayo. Nahiya tuloy si Tom.” paninita kong muli kina Olyn at Lojie nang bumalik ako sa pagkakaupo.
Sa halip na sumagot ay nagtawanan na lamang ang dalawa. Mga siraulo talaga!
Ipinagpatuloy nina Olyn at Lojie ang kalokohan nila sa buhay. Kwentuhang walang kwenta at tawanang walang saysay. Ako naman ay pinili na lamang na manahimik dahil baka sa akin pa maibaling ng dalawa ang pang-aasar nila.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay napansin kong umiilaw ang cellphone ni Tom. Nasa ibabaw ito ng mesa at nakalimutan ni Tom kunin kanina. Sinilip ko ito at napansin kong may tumatawag dito.
Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makita ko kung sino ang tumatawag sa kanya. Naging mabilis din ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.
“Bae…?” mahina kong sambit habang binabasa ang pangalan na nakadisplay sa kanyang cellphone.
Mabuti na lamang at abala sina Olyn at Lojie sa kanilang pagkekwentuhan kaya hindi nila napapansin ang pagkabalisa ko.
Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ni Tom. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.
Takot ba ito dahil hanggang ngayon ay wala pa rin nasasabi sa akin si Tom kung anong plano n’ya pagbalik ni Daniel? O takot dahil sa mga natatanggap kong tawag at messages mula sa taong hindi ko kilala.
“Master?” ang biglang pagsasalita ni Tom mula sa aking likod.
Nakabalik na pala ito mula sa restroom.
Halos mabitawan ko ang kanyang cellphone dahil sa pagkabigla. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam kung ano nga ba ang reaksyon meron ngayon sa aking mukha.
“May tumawag ba sa akin? Bakit hawak mo phone ko?” sunod na tanong ni Tom.
“Baka makikitext s’ya? Wala ka ba load Sir Xander? Purita ka na?” sabat ni Olyn na walang kaide-ideya.
“Animal ka talaga Olyn! Hindi ba pwedeng magse-selfie muna kaya hawak n’ya ’yan?” segunda naman ni Lojie na nasundan ng kanilang malakas na pagtawa.
Hindi ko sila pinansin at sinagot ko na lamang si Tom.
“A-ahm.. M-meron eh..” utal kong pagsagot sa kanya nang hindi s’ya nililingon sa aking likuran.
“Sino? Sana sinagot mo na lang.” kaswal n’yang wika sa akin.
“H-hindi ko nakita kung sino eh. Namatay din kasi agad.” pagpapalusot ko at ibinigay sa kanya ang kanyang cellphone.
Kinuha n’ya naman ito sa akin at nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na tingnan s’ya. Agad n’ya naman iyon tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya.
Nakita ko pa ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makumpirma kung sino ang tumatawag sa kanya.
Naghintay ako sa sasabihin n’ya. Naghintay ako sa magiging reaksyon n’ya. Pero wala. Dahil ang sumunod n’ya ginawa ay inilagay iyon sa kanyang bulsa.
Lalo akong binalot ng takot nang gawin n’ya ang bagay na iyon.
“Tara na? Baka ma-late pa tayong lahat. Bumalik na tayo sa hotel.” nakangiting pagyaya n’ya sa amin.
Sa naging reaksyon n’ya ay tila ba balewala lang ang nangyari. Mabilis n’yang napalitan ang kanyang ekspresyon mula sa pagkabigla hanggang sa pagpapakita ng pekeng pagngiti.
Tila ba binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa naganap. Pero sa kabilang banda ay inisip ko na lamang na baka ayaw itong ipaalam ni Tom sa harap nina Olyn at Lojie.
Tama. Baka mamaya ay sasabihin n’ya rin naman ito sa akin. Baka ayaw n’ya lang na usisain s’ya ng dalawa. Baka mamaya ay magkekwento rin s’ya sa akin.
Sabay-sabay na kaming tumayo mula sa aming pagkakaupo at naghahanda na rin sana kami para bumalik ng hotel. Ngunit bago pa kami makapaglakad palabas ng restaurant ay muling kinuha ni Tom ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Saglit n’yang tiningnan ito at napatingin din s’ya sa amin. Mukhang may tumatawag nanaman sa kanya dahil nakita kong umiilaw nanaman ang kanyang cellphone.
“Sige na, mauna na kayong maglakad. Sasagutin ko lang ’to, susunod din ako sa inyo.” pakiusap n’ya sa amin na tila may pag-aalangan.
Sa tagpong ito ay tila ba nagsisimula nang umakyat ang dugo ko sa ulo. Nakaramdam ako ng pagkainis kaya hindi ko na rin napigilan ang magsalita.
“Bakit hindi mo na lang sagutin ’yan habang naglalakad tayo? Sino ba ’yang tumatawag sa’yo at hindi mo kayang sagutin sa harap namin?” iritable kong tanong sa kanya.
Natigilan si Tom at mukhang nabigla sa naging tanong ko. Napahinto rin sina Olyn at Lojie, marahil ay nagulat din sa naging reaksyon ko.
Hindi nakasagot si Tom. Naramdaman ko na lamang ang biglang pagtapik ni Lojie sa aking balikat.
“Alex tama na ’yan. Hayaan mo na, baka kasi importante ’yan.” mahinahong pag-awat sa akin ni Lojie.
Hindi ako nagsalita. Sumunod na binalingan ni Lojie si Tom.
“Sige na Tom. Sa labas ka na lang namin hihintayin. Bilisan mo lang.” wika naman n’ya kay Tom sa mahinahon pa ring paraan.
Dahil sa naging reaksyon ko ay inakala kong maaapektuhan si Tom. Alam kong bakas na sa akin ang inis at pagkairita. Ngunit nagulat ako sa naging sagot n’ya kay Lojie.
“S-sige. Salamat Sir Lojie.” tipid n’yang pagsagot kay Lojie.
Lalo na akong nakaramdam ng pagkainis. Oo, nagseselos ako! Pakiramdam ko ay wala akong karapatan sa kanya. Pakiramdam ko ay may tinatago sa akin si Tom.
Naiinis ako dahil hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga pinagsasabi ng taong sinusubukang sirain kami ni Tom. Naiinis ako dahil pwede naman na hintayin ko s’ya at paunahin na lamang namin sina Lojie at Olyn. Pero isinasama n’ya ako sa mga ito na maghihintay sa kanya sa labas.
Hindi na ako naghintay pa sa sasabihin n’ya sa akin. Nauna na akong maglakad sa dalawa at iniwan si Tom sa loob ng restaurant.
Nang makalabas kami sa restaurant ay naging mabilis ang mga paghinga ko. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
“Alex, relax ka lang. Kausapin mo ng maayos si Tom.” payo sa akin ni Lojie habang tinatapik-tapik ang balikat ko.
“Oo nga Sir Xander. ’Wag mong palakihin ang isang maliit na bagay.” payo naman ni Olyn.
Tiningnan ko naman sila ng seryoso.
“Wala kasi kayo sa sitwasyon ko kaya hindi n’yo ako maiintindihan.” tangi kong sagot sa kanila.
Hindi na sila nakapagsalita dahil kapag ganito na ako kaseryoso ay walang sino man ang dapat na makipagtalo sa akin.
Dahil sa hindi na rin sila nakasagot ay muli ko na lamang nilingon si Tom na naiwan sa loob ng restaurant. Kitang-kita ko kung paano s’ya nakikipag-usap ngayon sa cellphone nang may ngiti sa kanyang labi. Kung paano n’ya nagagawang tumawa sa kabila ng nangyari kanina.
Kahit na nasasaktan na ako sa nakikita ko ay pinilit kong magpakahinahon. Ayaw kong ’pag lumabas si Tom ay hindi ko nanaman mapigilan ang makapagsalita ng hindi maganda. Ibinaling ko na lamang sa iba ang aking atensyon para makaiwas sa bigat ng nararamdaman ko.
“Sorry, natagalan ba ako?” ang biglang pagsulpot bi Tom mula sa aming likuran.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako lamunin ng selos na nararamdaman ko. Ayaw kong magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Tom. Pinili ko na lamang ang manahimik at hindi magsalita.
“Okay ka na ba Tom? Tara na.” pagyaya ni Olyn sa kanya.
Ngumiti na lamang si Tom at tumango kay Olyn. Nagsimula na rin kami maglakad pabalik ng hotel. Nauuna sina Olyn at Lojie sa paglalakad habang kami naman ni Tom ay tahimik na sumusunod sa kanila.
“Sino ba kasing tumawag sa’yo Tom?” kaswal na tanong ni Olyn habang kami ay naglalakad.
Nilingon ko si Tom dahil gusto ko ring malaman kung ang kausap n’ya ba ay iba sa taong tumatawag sa kanya kanina na walang iba kundi si Daniel. Bago sumagot si Tom ay nilingon n’ya muna ako saglit at nakita ko ang pag-aalinlangan n’yang sumagot. Mabilis n’ya ring binawi ang kanyang tingin sa akin na lalong nakadagdag sa inis na nararamdaman ko.
“A-ahm… W-wala naman… Client lang natin.” tipid n’yang sagot.
Lalong nangunot ang aking noo dahil sa naging sagot n’ya.
Hindi s’ya magaling magsinungaling! Dahil kung client namin ito ay bakit kailangan n’ya pang magpaiwan sa loob at siniguro n’yang hindi namin maririnig ang kanilang usapan!
Ang mas nakakainis pa ay matapos n’yang sabihin iyon ay iniwas n’yang lalo ang tingin n’ya sa akin. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao dahil sa labis na pagkainis.
Nakarating kami ng elevator ng hotel para bumalik na sa aming opisina nang walang namamagitang usapan sa amin ni Tom. Ramdam ko ang pagkailang sa kanya upang ako ay kausapin. Ako man din ay hindi makapagsalita dahil pigil na pigil pa rin ako.
Habang nasa elevator ay naisipan kong kunin ang aking cellphone na nasa aking bulsa dahil ayaw ko ring tingnan si Tom na hanggang ngayon ay iwas na iwas pa rin. Napansin kong may isang message nanaman akong natanggap mula sa taong nagpapadala ng hindi magagandang balita tungkol sa amin ni Tom.
“Nakita ko kayo kanina sa restaurant. Mukhang tama ang hinala ko Xander. May tinatago nga kaya sa’yo si Tom?”
ang laman ng mensahe.
“F*ck!” mahina kong sambit habang mahigpit na hawak ang aking cellphone.
Sino ba talaga ang taong ito at mukhang lahat ng kilos namin ni Tom ay nakikita n’ya?!
“Sir Xander?” ang biglang tanong ni Olyn.
Nilingon ko s’ya at nakita kong nakatingin din pala sa akin sina Tom at Lojie.
“Anong problema mo? Minumura mo ba ako?” tanong no Lojie na may halong pagbibiro.
Nakatingin lamang si Tom sa akin at naghihintay sa magiging pagsagot ko.
“Sorry. Wala naman.” seryoso kong sagot bagamat mabigat ang dibdib ko.
Matapos kong sumagot ay diretso na lamang akong tumingin sa pintuan ng elevator. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila dahil ayaw kong usisain pa nila ako. Pikon na pikon na kasi talaga ako.
“Paano? Dito muna kami ni Tom ha? May mga pag-uusapan pa kami tungkol sa mga pasaway n’yang empleyado.” pagpapaalam ni Olyn sa amin nang makarating kami sa floor kung nasaan ang kanyang opisina.
Hindi ako sumagot.
“Master…” pagtawag sa akin ni Tom na may pag-aalala.
Mukhang napansin n’ya na ang pagbabago ng aking mood.
“Magkita na lang tayo mamaya sa lobby.” seryoso kong wika sa kanya.
“S-sige…” mahina at malungkot n’ya namang sagot sa akin.
Iniwas ko na ang aking tingin sa kanila habang papalabas sila ni Olyn ng elevator hanggang sa magsara ulit ito para tunguhin naman ang floor kung nasaan ang opisina namin ni Lojie.
“Ang hard! Ano bang nangyayari sa’yo Alex? Bakit ganon mo na lang kausapin si Tom?” ang biglang pagtatanong ni Lojie sa akin habang nasa loob kami ng elevator.
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Lojie. Natahimik ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Bakit nga ba? Bakit nga ba ang bilis kong maapektuhan sa mga nangyayari ngayon?
Hindi na rin nasundan pa ang pagtatanong ni Lojie hanggang sa makarating kami ng opisina.
Nang makarating kami sa tapat ng opisina ni Lojie ay saglit s’yang huminto at nagsalita dahilan para matigilan ako.
“Ayusin mo ’yang sarili mo Alex. Habaan mo naman ang pasensya mo. Tandaan mo, hindi mo pa nakukuha ng buo si Tom. Gusto mo bang mawala ulit s’ya sa’yo dahil lang sa mabilis na pagpapalit ng mood mo? Baka ikaw pa ang maging dahilan ng paglayo n’ya ulit sa’yo.” mahaba n’yang sambit at tuluyan na rin s’yang pumasok sa kanyang opisina.
Natigilan ako sa mga binitiwan n’yang salita. Tama si Lojie. Dapat ay matutunan kong kontrolin ang sarili ko. Ayaw kong mawala ulit sa akin si Tom. Sa sitwasyon namin ngayon ay may posibilidad na mawala ulit s’ya sa akin at hindi ako papayag na mangyari ulit iyon. Tama na ang dalawang taon na nagkahiwalay kami. Hinding-hindi na dapat mangyari iyon dahil lang sa isang bagay na gumugulo sa amin ngayon.
Bago ako makapasok sa aking opisina ay may nabuo sa aking desisyon. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga maling pagdududa ko. Sa halip na pagdudahan ko si Tom ay ipapakita kong buo ang tiwala ko sa kanya. Dapat ay mas lalo ko pang ipakita sa kanya sa pangalawang pagkakataon kung gaano ko s’ya kamahal.
Pinilit kong alisin ang bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi rin ako nangahas na buksan ang email ko para hindi ko mabasa ang message ng taong nanggugulo sa amin ni Tom. Maging ang aking cellphone ay pinatay ko para hindi n’ya ako magawang kontakin.
Naging maayos naman ang lahat sa aking pagtatrabaho sa hapong iyon. Matapos ang mga dapat kong gawin ay kinondisyon ko ang aking sarili upang maghanda sa pagkikita namin ni Tom. Ayaw kong magkakasama kami na katulad pa rin ng kanina ang pakikitungo ko sa kanya.
Nakarating ako sa lobby ng hotel at bahagya pa akong nabigla nang maabutan ko si Tom na nakaupo at may malungkot na ekspresyon. Hindi ko naiwasang makonsensya dahil alam kong ako ang dahilan ng kalungkutan n’yang iyon.
“Master..” mahinahong pagtawag ko sa kanya nang makalapit ako.
Nakayuko s’ya kaya dahan-dahan n’yang inangat ang kanyang ulo upang magtagpo ang aming mga mata.
“Master…” malungkot n’ya ring pagsagot sa akin.
Nagkatinginan lamang kami at katahimikan ang bumalot sa amin. S’ya na nanatiling nakatingala at ako na nanatiling nakatayo sa kanyang harapan at nakayuko sa kanya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“I’m sorry… I’m sorry sa inasal ko kanina… Sorry kung hindi kita pinakitunguhan ng maayos kanina… I’m sorry…” sinsero kong paghingi ng tawad sa kanya.
Nagbitaw s’ya ng pilit na ngiti at malungkot din s’yang nagsalita.
“Pag-usapan na lang natin ’yan pag-uwi natin ng bahay.” wika n’ya sa akin.
Tumango na lamang ako ng dahan-dahan bilang pagsang-ayon. Hindi nga naman ito ang tamang lugar para pag-usapan ang naging problema namin dalawa.Tumayo na rin s’ya sa kanyang pagkakaupo at kinuha ko na rin ang sling bag n’ya para tunguhin ang pinto palabas ng hotel.
Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa aking kotse. Kahit nang magsimula na kaming bumyahe ay katahimikan ang namayani sa amin. Ngunit naroon pa rin ang kanyang kamay sa aking hita na nakasanayan na naming gawin habang nasa byahe.
Nakarating kami sa aming condo. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay mabillis ko s’yang niyakap na s’ya rin naman n’yang tinugunan.
“I’m sorry Master… Sorry…” wika ko sa kanya habang yakap ko s’ya ng mahigpit.
“Master… Ano ba kasing problema? Bakit bigla na lang uminit ang ulo mo?” tanong n’ya sa akin.
Saglit akong natigilan dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
“Natatakot kasi ako.” panimula ko.
“Natatakot? Saan?” tanong n’ya namang mahinahon.
“Natatakot akong mawala ka.” mahina kong sambit at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.
Naramdaman kong napapitlag s’ya sa aking sinabi.
“Natatakot? B-bakit naman Master? Hindi naman ako mawawala sa’yo ah? Saan mo ba nakuha ’yang ideyang ’yan?” tanong n’yang muli sa akin.
“P-pakiramdam ko kasi may mali… Pakiramdam ko, may tinatago ka sa akin..” sa wakas ay nasabi ko.
Naramdaman ko ang pagkabigla muli sa kanya. Bibitaw sana s’ya sa pagkakayakap sa akin ngunit pinigilan ko ito sa pamamagitan ng paghigpit pa ng aking pagyakap.
Hindi nakapagsalita si Tom.
“Meron ba Master? M-meron ka bang tinatago sa akin?” tanong kong muli at napapikit pa ako dahil natatakot ako sa magiging sagot n’ya.
Hindi ko makita ang reaksyon n’ya ngunit alam kong nabigla s’ya sa naging tanong ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago n’ya nagawang sumagot.
“Pinagdududahan mo ba ako Master?” tanong n’ya sa akin pabalik.
“I’m sorry…” tanging sagot ko sa kanya.
Alam kong sa naging sagot ko ay nakumpirma sa akin ang totoo. Ang katotohanang pinagdududahan ko nga s’ya. Ayaw ko mang gawin ang bagay na iyon ngunit hindi ko maiwasan. Aaminin ko na ang totoo, nadadagdagan ang pagdududa ko dahil na rin mga mensaheng natatanggap ko sa isang estranghero.
Naramdaman ko ang malalim na buntong-hininga ni Tom.
“So pinagdududahan mo nga ako. Wala ka bang tiwala sa akin Xander?” seryoso n’yang tanong sa akin.
“No! It’s not that!” maagap na sagot ko sa kanya.
“Then what?” tanong n’ya sa akin.
Nagulat ako nang sapilitan s’yang kumalas sa aking yakap at tiningnan ako ng diretso sa aking mata.
“Sumagot ka Xander. Wala ka bang tiwala sa akin?” tanong n’ya pang muli.
“Hindi naman sa ganon Tom… Natatakot lang talaga akong mawala ka ulit sa akin… H-hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.” naging sagot ko naman sa kanya.
“Kagaya ng ano?” tanong n’ya pang muli.
Napayuko ako at huminga ng malalim. Nagsimula na rin manikip ang dibdib ko. Napakagat pa ako ng labi ko dahil nararamdaman kong bumibigat na rin ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha.
“Si Daniel…. Ano na bang plano mo pagbalik ng kapatid ko? Kahit minsan hindi mo nasabi sa akin ang plano mo pagbalik n’ya… Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo… Natatakot ako na baka iwan mo na lang ako bigla… Natatakot akong maulit ang nangyari sa atin dalawang taon na ang nakakalipas Tom… Natatakot ako…” sagot ko sa kanya at tuluyan na ring kumawala ang mga luhang pinipigilan ko.
Hindi ko nakikita ang reaksyon ni Tom. Hindi ko s’ya magawang tingnan dahil sa labis na takot sa kanyang magiging kasagutan.
Hindi nakapagsalita si Tom kaya nagpatuloy ako habang patuloy din sa pag-agos ng luha ko. Pinupunasan ko na lamang ito ng aking braso. Wala na akong pakialam kung nagmumukha man akong batang paslit ngayon. Ang mahalaga ay masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.
“Alam mo naman Tom kung gaano kita kamahal ’di ba? Kahit na lumipas na ang dalawang taon na nagkahiwalay tayo, hindi kita kinalimutan kahit isang beses sa buhay ko… Kaya sa pangalawang pagkakataon na nakakasama kita, ayaw kong maulit pa ang pangyayaring ’yon… Kasi Tom ayaw ko nang balikan ang masakit na bahagi ng buhay kong ’yon… Mahal na mahal kita Tom kaya natatakot akong mawala ka sa akin… Takot na takot ako Tom… Natatakot ako…” mahaba kong dugtong at mas lumakas pa ang naging pag-iyak ko.
Ilang sandali pa mula nang sabihin ko iyon ay naramdaman ko ang unti-unting paglapit sa akin ni Tom. Dahan-dahan n’yang inilagay ang kanyang mga braso sa aking bewang at niyakap ako. Mas lalo akong napaiyak sa ginawa n’ya kaya niyakap ko rin s’ya pabalik. Mahigpit ang yakap namin sa isa’t-isa na tila ba ayaw na naming magbitaw pa.
“Master… Sorry kung ganyan ang nararamdaman mo… Sorry kung naging insensitive ako… Pero gusto kong malaman mo na wala kahit na isa man sa mga gumugulo sa’yo ang mangyayari… Magtiwala ka lang please? Hinding-hindi kita iiwan, tandaan mo ’yan.” wika n’ya sa akin.
Ramdam ko ang senseridad sa kanyang mga sinabi.
“Hindi ko kasi maiwasan Tom eh. Napapaisip ako ngayon kung naniniwala ka ba sa akin sa totoong naging dahilan ng paglayo ko noon. Napapasisip ako kung naging sapat ba ang naging paliwanag ko. Tom magtanong ka please? Lahat sasagutin ko. Kahit ano basta mapatunayan ko lang na totoo ang mga sinasabi ko sa’yo.” pamimilit ko sa kanya.
Naramdaman ko ang mahina n’yang pagtawa bago n’ya nagawang sumagot.
“Natatandaan mo ba Master noong nasa bundok tayo?” una n’yang tanong at alam kong nakangiti s’ya. Tumango ako bilang pagsagot. “Akala ko noon tuluyan ka nang mawawala sa akin. Akala ko hindi na kita makikita. Takot na takot ako noon. Umiiyak ako at ginawa ko ang lahat para matagpuan ka. Nagdasal ako ng nagdasal na sana ay buhay ka. Sinabi ko noon sa sarili ko na kahit kasinungalingan o katotohanan man ang mga sinabi mo ay wala na akong pakialam. Kaya nga hindi na ako nag-usisa sa’yo sa nangyari noon ’di ba? Kasi hindi na sa akin mahalaga ang bagay na ’yon. Hindi na ako interesado sa kung ano man ang totoo.” mahaba n’yang sagot sa akin.
Dahan-dahan naming niluwagan ang aming pagkakayakap para makita ang isa’t-isa. Tiningnan ko s’ya at nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Patuloy pa rin sa pagtulo ng aking mga luha pero naramdaman kong nabawasan na ang bigat ng aking dibdib.
Hindi ako nakapagsalita at nakuntento na lamang ako sa pagtingin sa kanyang perpektong mukha. Dahan-dahan n’yang pinahid ang aking mga luha sa pamamagitan ng kanyang palad at nagpatuloy sa kanyang mga sinasabi.
“Kasi Xander wala nang mas mahalaga sa akin kundi ikaw. Wala nang ibang bagay na mas mahalaga pa kesa sa’yo. Hindi matatabunan ng kahit na anong dahilan ang pagmamahal ko sa’yo. Kaya sana, pagkatiwalaan mo ako tulad ng binibigay mong pagtitiwala sa akin. Harapin natin lahat, patatagin pa natin ang relasyon natin. Pwede ba ’yon Xander? Ha Master?” nakangiting wika at tanong n’ya sa akin.
Tama si Tom. Dapat ay pareho naming pagkatiwalaan ang isa’t-isa. Dapat ay sabay naming hinaharap ang lahat ng bagay. Dapat ay maging matatag kami lalo na sa pangalawang pagkakataon ng aming pagsasama.
Naikagat ko ang aking ibabang labi at habang may mga luha pa ring kumakawala sa aking mga mata. Ngunit sa kabila ng mga pagluhang iyon ay unti-unti na ring sumilay ang ngiti sa aking labi. Tumango-tango ako sa kanya bilang pagsagot. Nakita kong mas lumuwag pa ang pagkakangiti ni Tom kaya mas napanatag na rin ako sa pagkakataong ito.
Matapos iyon ay hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi. Dahan-dahan n’ya ring inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa magdikit ang aming mga labi.
“Tahan na. Basta lagi mong tatandaan Master, mahal na mahal kita. At kahit ano pang ang mangyari, sisiguraduhin kong hindi ako mawawala sa’yo. Kasi hinding-hindi rin ako papayag na mawala ka sa akin. Hindi na sa pangalawang pagkakataon pa.” wika n’yang muli matapos magbitaw ang aming mga labi.
Dahil sa kanyang mga sinabi ay nawala ang mga pag-aalinlangan ko. Binalot ako ng saya kaya hindi ko napigilan na muli s’yang halikan ng mabilis at muling yakapin ng mahigpit.
“Salamat Master… Mahal na mahal din kita tandaan mo ’yan..” wika ko sa kanya habang yakap s’ya.
Natawa s’yang muli sa aking sinabi.
“Alam ko na ’yan Master. Matagal na.” sagot n’yang natatawa.
Labis na kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko na-realize na hindi ko dapat bigyan ng pansin ang mga bagay na maaaring makasira sa relasyon namin ni Tom. Sabay namin haharapin ang lahat. Sabay kaming haharap sa mga pagsubok na darating sa amin.
Matapos ang tagpong iyon ay masaya naming ipinagpatuloy ang magandang pangyayari. Tanging kaligayahan ang aming nararamdaman at bawat pagkilos namin ay hindi nawawala ang mga ngiti sa aming mga labi. Mas pinaparamdam namin ang halaga ng bawat isa. Mas pinapakita namin ang pagmamahal na hindi masisira ng sino man.
Sa katunayan ay muli naming pinagsaluhan ang pag-aalab ng aming mga katawan. Ramdam na ramdam namin sa mga bawat paghaplos ang pagmamahal namin sa isa’t-isa. Ilang beses ko din sinabi sa kanya kung gaano ko s’ya kamahal habang umiindayog ako sa kanyang ibabaw. Ganoon din s’ya sa akin. Sa bawat pag-ungol n’ya ay makailang beses n’ya ring sinabi kung gaano n’ya ako kamahal na lubhang nagpapaligaya sa akin. Mas lalo ko s’yang minamahal sa bagay na iyon. Natulog kaming magkayakap at halos hindi kami mapakali sa tuwing hindi magdidikit ang aming katawan.
Nasa kalagitnaan ako ng masarap na pagkakatulog nang maalimpungatan ako. Tiningnan ko ang alarm clock sa mesang nasa tabi ng aming kama at nakita kong alas-tres pa lamang ng madaling araw. Nang kapain ko ang aking tabi ay napabalikwas ako dahil wala doon si Tom. Mabilis akong tumayo mula sa aming kama para hanapin s’ya.
Nang makalabas ako sa aming kwarto ay napahinto ako sa paghakbang. Nadinig ko ang boses ni Tom sa kabilang kwarto ng aming condo. Ang kwartong iyon ang nagsisilbing kwarto ni Carla sa tuwing naririto s’ya.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng kwartong iyon at pinakinggan ang mga sinasabi ni Tom.
“Wala s’yang alam. Walang alam si Xander kaya ituloy natin ang plano. Hindi ko hahayaang masira ang plano natin kaya gagawin ko ang lahat para hindi s’ya makahalata. Kung kinakailangan kong magsinungaling ng paulit-ulit, gagawin ko.” seryoso n’yang wika sa kausap n’ya sa cellphone.
Nakaramdam ako ng kaba sa mga binitiwan n’yang salita.
“Marami na akong nasimulan kaya hindi ko hahayaang masira ’yon. Maghanda na tayo dahil malapit nang mangyari ang bagay na ’yon.” sambit n’ya pa at nagbitaw s’ya ng mahinang pagtawa.
Parang may mga sibat na tumama sa aking dibdib matapos kong marinig ang mga bagay na iyon.
Ano ba talagang nangyayari? Bakit may mga bagay na tinatago sa akin si Tom?
Ngunit muli kong inalala ang kanyang mga sinabi kanina. Muli kong inalala ang bawat salitang binigkas n’ya habang diretso s’yang nakatingin sa aking mga mata. Kilala ko si Tom at nakita ko ang senseridad sa mga binitiwan n’yang salita. Isa pa, nangako akong magtitiwala sa kanya. Hindi ako dapat sumira sa ipinangako ko sa kanya. Mahal na mahal ko s’ya at hindi ako bibitaw kahit masakan pa ako ng paulit-ulit. Kung kinakailangang magbulag-bulagan ako at magbiingi-bingihan ay gagawin ko ’wag lang s’yang umalis sa tabi ko. Hinding-hindi ko hahayaang mawala s’ya sa akin sa pangalawang pagkakataon.
Nang marinig kong nagpapaalam na s’ya sa kanyang kausap ay mabilis at maingat akong bumalik sa aming kwarto. Muli akong humiga sa aming kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpanggap akong mahimbing pa ring natutulog.
Naramdaman ko ang dahan-dahan n’yang paghiga. Nagsalita s’ya ng pabulong habang nakatapat ang kanyang bibig sa aking tenga.
“Pasensyahan na lang tayo Xander. Patawarin mo rin ako. Alam kong ikakagulat mo ’to.” bulong n’ya sa akin.
Matapos n’yang sabihin iyon ay binigyan n’ya ako ng halik sa aking pisngi. Dahan-dahan n’ya ring inilagay ang kanyang braso sa aking bewang upang mayakap ako.
Naguguluhan na talaga ako. Ano bang nangyayari? Laro ba ito? Ano ba ang dapat kong gawin? Sasabayan ko ba s’ya?
Nabuo ang desisyon sa aking isip.
Kung laro man itong maituturing, sasabay ako. Pero kahit anong mangyari, sisiguraduhin kong mananalo ako.
Kakayanin ko ang lahat ’wag ka lang mawala sa akin Tom. Ikaw lang ang tanging panalo na gusto ko. Hindi ka mawawala sa akin kahit ano pang klase ang larong ito.
A/N
Hehe! Panibagong palaisipan lang ang iniwan ko bago ang main event. Hahahaha!
Sorry na sa mabagal na update ha? Busy lang po talaga. Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa. At sa mga patuloy na sumusuporta, maraming-maraming salamat po sa inyo.
’Til next chapter guys! Ingat kayo lagi! <3
Comments and votes na rin po please??
––cold_deee
chapter 24 - bloody mary
A/N
Hello mga mahal kong readers! Sorry sa matagal na update. Hehe!
Anyway, eto na po!
Maghanda na ang lahat dahil after ng chapter na ’to, andun na ang ganap! smirk
Enjoy reading!
––>si Tom po sa media.
XANDER POV
“Master, pwede bang hindi muna ako dito matulog mamayang gabi?” tanong sa akin ni Tom.
Mabilis ko s’yang nilingon dahil sa labis na pagkabigla. Narito kami sa aming condo at naghahanda na rin sa pagpasok sa hotel. Abala s’ya sa pagsusuot ng kanyang sapatos habang ako naman ay inaayos ang aking necktie.
“Bakit naman Master? Saka saan ka pupunta?” ang kabado kong tanong sa kanya.
Muli kong naalala ang mga naganap nitong mga huling araw.
Matapos ko kasing marinig ang pakikipag-usap n’ya sa cellphone isang beses ng madaling araw ay nagkakaroon na ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nadagdagan pa ito nang ilang gabi pa itong nangyari. Napansin ko rin na nagiging madalas ang pagtetext ni Tom at hindi n’ya sinasabi sa akin kung sino ang kanyang kausap.
Inangat n’ya ang kanyang tingin at nakangiti n’ya akong hinarap.
“May importante lang sana akong asikasuhin eh.” sagot n’yang nakangiti.
“At ano naman ang mahalagang bagay na ’yon? Mas mahalaga pa ba kesa sa akin?” tanong kong muli sa kanya.
Gusto kong makakuha ng sagot mula sa kanya. Gusto kong malaman ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa sinasabi n’ya sa kanyang kausap.
Bahagya s’yang natawa sa aking katanungan. Unti-unti s’yang tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Hinawakan n’ya ang aking necktie at ipinapatuloy ang pag-aayos nito.
“Meron pa bang mas mahalaga sa akin kundi ikaw Master? Para ka kayang hangin sa buhay ko.” wika n’yang nakangiti habang inaayos ang necktie ko.
Naalala ko tuloy bigla ang naging tagpo namin noon sa restaurant ko. Kung paanong ako ang nag-ayos ng kanyang necktie noon dahil hindi s’ya marunong. Pero heto s’ya ngayon at sanay na sanay nang gawin ang bagay na iyon. Para na talaga kaming mag-asawa kung tutuusin.
Pero…….
………may mga bagay pa talagang kulang. May mga bagay pa akong hindi alam.
“Parang hangin sa buhay mo dahil hindi mo ako nakikita? Ganon?” tanong ko sa kanya.
Sinabi ko iyon sa boses na may pagbibiro. Madalas kasing magbiro sa akin si Tom. Hindi pala madalas kundi lagi. Nagbibitaw ng mga nakakakilig na linya pero babasagin naman ako sa huli. Paraan n’ya raw iyon ng paglalambing sa akin kaya pinagbibigyan ko na. Nakikita ko naman kasing masaya s’ya sa tuwing magtatampo ako sa kanya. Lagi n’ya rin naman kasi akong nilalambing matapos n’ya akong asarin. S’yempre nakasanayan ko na rin ang bagay na ’yon. Kaya kahit hindi naman talaga ako nagtatampo ay nag-iinarte na lamang ako.
“Grabe ka naman Master! Inunahan mo naman agad ako!” natatawa n’yang sagot sa akin.
“Tuwang-tuwa ka talagang inaasar ako noh?” tanong ko sa kanya.
Natapos s’ya sa pag-aayos ng aking necktie ngunit nanatili s’yang nakatayo sa aking harapan. Tiningnan n’ya ako sa mata habang may matamis na ngiti sa kanyang labi.
“Ganun talaga! Mahal kita eh! Gusto ko nakikita lahat ng expression mo. ’Pag masaya ka, ’pag nalulungkot ka, ’pag nagagalit ka, ’pag nagseselos ka, ’pag naglalambing ka, ’pag nag-iinarte ka, pati na rin ’pag nagugutom ka. Lahat ’yon gusto kong nakikita sa ’yo Master.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Dahil sa mga sinabi n’yang iyon ay hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko. Gusto kong maiyak dahil sa labis na kaligayan. Sa tuwing gagawin at sasabihin n’ya ang mga bagay na ito ay nawawala ang pag-aalinlangan at pagdududa ko.
Hinawakan ko s’ya sa magkabilang pisngi at hinalikan ng paulit-ulit ang kanyang malambot at mapulang labi. At hindi pa ako nakuntento doon, pinaliguan ko rin ng halik ang kanyang mukha.
“M-master… T-teka… M-master… hindi na ako… m-makahinga…” pagrereklamo n’ya dahil sa aking ginagawang paulit-ulit na paghalik sa kanya.
Naihawak n’ya na rin ang kanyang mga kamay sa aking braso dahil parang mawawalan na rin s’ya ng balanse ngayon. Gigil na gigil kasi talaga ako kay Tom.
Para mapatigil ako ay mabilis n’ya na lamang akong niyakap.
“Master tama na! Hay grabe ka!” wika n’ya nang mapayakap s’ya sa akin.
Mahigpit ko rin s’yang niyakap at halos isayaw ko pa s’ya dahil sa panggigigil. Naramdaman ko pa ang mabilis n’yang paghinga. Seryoso pala s’ya sa kanyang sinabi na hindi s’ya makahinga kaya naghahabol s’ya ngayon ng hangin.
“Nakakagigil ka kasi talaga Master eh!” wika ko namang natatawa sa kanya.
“Master naman! ’Pag ginagawa mo ’yan parang papatayin mo talaga ako! Magpigil ka naman minsan!” reklamo n’ya pang muli at alam kong nakanguso na s’ya ngayon.
Lalo naman akong natawa sa kanya.
“Kulang pa kaya ’yan! Gusto ko nga lahat ng parte ng katawan mo may marka ng halik ko! Para akin ka lang talaga!” wika kong natatawa.
Pero nang muli kong maalala ang mga nangyayari nitong huli ay hindi ko mapigilang maging malungkot at makaramdam ng kaba.
Dahil sa aking mga naalala ay muli akong binalot ng takot. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Tom at nagbitaw ako ng malalim na paghinga. Nawala na rin ang ngiti sa aking labi.
“Sana Tom, sana akin ka lang talaga. ’Yang labi mo, katawan mo, lahat ng parte ng katawan at bawat pagkatao mo, sana akin lang ’yan. Sana wala akong kaagaw sa’yo. Sana hindi ka umalis sa tabi ko.” wika kong malungkot habang yakap s’ya.
Hindi naman ako tanga. Pero pinipili kong maging tanga para sa kanya. Pinili kong maging bulag, pipi, bingi at manhid dahil sa iisang dahilan.
Mahal na mahal ko s’ya.
Naramdaman kong mas hinigpitan muli ni Tom ang kanyang pagkakayakap sa akin.
“Ayan ka nanaman Master eh. Bakit ba ganyan ka mag-isip nitong mga huling araw? Sabi ko nga sa’yo, wala kang dapat alalahanin ’di ba? Wala kang dapat ikatakot. Magtiwala ka lang.” mahinahon n’yang paliwanag sa akin.
Tumango-tango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Naramdaman ko ang kanyang pagngiti bago s’ya ulit nagsalita.
“Saka kahit minsan wala naman umangkin sa akin eh. Sa ’yo lang ang lahat ng parte ng katawan ko. Pati na rin ang buong pagkatao ko walang nagmay-ari kahit minsan. Kahit nga lips ko ikaw lang ang nakatikim eh.” wika n’yang nakangiti ngunit agad na binawi dahil may naalala pa. “ Ay hindi lang pala ikaw! Si Cha din pala! Kasi nung mga bata pa kami lagi n’ya akong hinahalikan eh!“ sunod n’yang sambit at natawa s’ya.
Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi n’yang iyon tungkol sa best friend n’ya. Hindi ko naman pinagseselosan si Charm dahil alam kong magkapatid lang ang turingan nila.
Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya upang makita ko ang kanyang mukha.
“Talaga? Walang nakahalik sa ’yong iba maliban sa akin? ’Wag na natin isama si Charm kasi hindi naman counted ’yun!” paninigurado ko sa kanya.
Ngumiti naman s’ya at paulit-ulit na tumango.
Sa hindi ko sinasadyang pangyayari ay naitanong ko ang bagay na alam kong ako rin ang masasaktan.
“K-kahit ang… k-kapatid ko?” tanong ko ulit sa kanya na may pag-aalinlangan pa kung sasagutin n’ya.
Unti-unti naman naglaho ang pagkakangiti ni Tom kaya kinabahan ako.
Bakit nga ba naitanong ko pa ang bagay na ’yon?
Bago pa mainis si Tom sa akin ay agad ko rin binawi ang tanong ko. Nagbitaw muna ako ng tipid na ngiti bago ako nagsimulang magsalita.
“S-sorry Master… Sige, ’wag mo na lang sagutin ang tanong ko…” wika ko sa kanya.
Matapos ko iyon sabihin ay nagulat ako sa naging reaksyon ni Tom. Ngumiti s’ya habang nakatingin pa rin sa aking mga mata.
“Bakit hindi ko sasagutin?” tanong n’yang nakangiti.
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabibin. Nagpatuloy s’ya sa kanyang sinasabi.
“Kahit kailan hindi ko napagbigyan si Daniel sa bagay na iyon. Kahit kailan hindi ko naibigay ang halik na para lang sa’yo Master. Kasi ikaw lang nagmamay-ari ng labi ko. Sabi ko nga sa ’yo ’di ba? Lahat ng parte ng katawan at pagkatao ko sa ’yo lang. Wala akong pinayagang makaangkin kahit na sino man.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Muling sumilay ang ngiti sa aking labi. Ibayong kaligayahan din ang nararamdaman ko nang sabihin n’ya ang bagay na iyon.
Muli ko s’yang niyakap na malugod n’ya ring tinugunan.
“Salamat Master… Salamat…” wika kong nakangiti habang yakap s’ya.
Muli ko nanamang narinig ang kanyang mahinang pagtawa.
“O s’ya, okay ka na ba? Hindi ko na ba ulit maririnig ’yang mga pagdududa mo?” tanong n’yang natatawa sa akin.
Hindi na lamang ako sumagot sa kanya. Hinalikan ko na lamang s’ya sa gilid ng kanyang ulo bilang pagtugon.
“Tara na Master, baka ma-late pa tayo dahil sa kadramahan natin dito.” pagyaya n’ya sa akin habang hinahaplos pa ang aking likod.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita kong pareho kaming may ngiti sa aming mga labi.
Magkahawak kami ng kamay na lumabas ng aming kwarto dito sa aming condo. Pero tulad ng aming nakagawian, bago kami lumabas ng pinto ng aming condo ay inangkin muna namin ang labi ng isa’t-isa. ’Yan ang bagay na hindi namin kinalilimutan sa tuwing lalabas kami ng pinto ng condo naming iyon.
“Bakit kasi hindi ka sa atin uuwi mamaya Master? Wala tuloy akong kasama mamaya pagtulog.” malungkot kong tanong sa kanya habang nagmamaneho ng aking kotse.
Natawa naman s’ya at marahan na tinapik-tapik ang aking hita.
“Master naman, baka kasi haunted condo na ang dati kong inuuwian kung hindi ko pa lilinisin ’yun ngayon.” natatawa n’yang sagot sa akin.
“Pwede naman kitang tulungan ah? O kaya magpatawag na lang tayo ng pwedeng maglinis nun.” pagbibigay ko naman suhestyon sa kanya.
“Master, alam kong pagod ka. ’Di ba nga mamaya may report ka pang gagawin sa President ng hotel? Ayokong makaistorbo sa’yo. Alam kong mahirap ang ginagawa mo dahil may dalawa ka pang restaurant na inaasikaso.” sagot n’ya naman sa akin.
Hindi ko na lamang sinagot ang kanyang sinabi. Balak kong sabihin sa kanya ang tungkol sa hotel kapag natapos na ang pagpo-proseso ng legal documents na kinakailangan nito. Isa pa, ’yon ang isa sa mga malaki kong sorpresa para sa kanya kaya hindi pa panahon para sabihin ko sa kanya ang bagay na iyon.
Dahil sa mukhang hindi ko naman mapipigilan si Tom ay nagbitaw na lamang ako ng malalim na buntong hininga bilang pagsuko. Ayaw ko rin naman na mauwi pa kami sa pagtatalo dahil lang sa bagay na iyon. Isa pa, alam ko naman na may mga bagay pa kaming dapat ayusin sa ngayon at isa na doon ang tungkol sa sitwasyon namin tatlo ng kapatid ko. Kailangan kong habaan ang pasensya ko. Hindi ko dapat kalimutan na hanggang ngayon ay doon pa rin s’ya nakatira hanggat hindi kami nagkakausap tatlo at nagkakalinawan.
“Eh bukas? ’Wag mong sabihin na hindi tayo magkikita? Wala tayong pasok kaya dapat magkasama tayo.” wika ko naman sa kanya sa malungkot na tono.
Mas lumakas ang kanyang pagtawa nang sabihin ko ang bagay na ’yon.
“Ayun nga sana ang sasabihin ko sa’yo Master. Maghanda ka dahil may pupuntahan tayo bukas.” sagot n’ya naman sa akin.
Sa sinabi n’yang iyon ay nabuhayan ako bigla ng loob. Alam kong mabilis ang shifting ng mood ko at wala na akong magagawa doon. Iba kasi talaga ang epekto sa akin ni Tom.
“Yes! Saan mo ba gustong pumunta?” masaya ko na ngayong tanong sa kanya.
Sakto naman at nag-red ang traffic light kaya may pagkakataon akong makausap si Tom ng nakatingin sa kanya. Hawak ko rin ang kanyang kamay na nasa aking hita habang may wagas na ngiti sa aking labi.
“Basta! Secret ko ’yon kaya wala kang gagawin kundi ang sumunod lang sa akin.” sagot n’ya naman sa akin.
“Beach ba ’yan? Magdadala ba ako ng mga damit? Ipaghahanda na rin kita para hindi ka na mag-abala pa.” suhestyon ko pa rin sa kanya.
Excited na kasi ako sa totoo lang. Ngayon lang ulit kami magde-date ni Tom ’pag nagkataon.
“Nope! Casual lang. Basta ’yung normal lang na sinusuot mo sa tuwing may lakad tayo.” sagot n’ya naman sa akin.
“Babalik tayong Enchanted?” pangungulit ko ulit at muling inalala ang unang beses ko s’yang nakasama sa paglabas.
“Ay ang kulit lang? Secret nga ’di ba?” sagot n’ya habang nakataas pa ang isa n’yang kilay.
“Walang clue?” tanong ko ulit.
Sasagot na sana si Tom ngunit nakarinig kami ng paulit-ulit na pagbusina ng sasakyan mula sa aming likuran. Nag-green na pala ang traffic light senyales na dapat na kaming umandar.
“Ayan, sige mangulit ka pa Master. Sige na, paandarin mo na.” utos sa akin ni Tom.
Napakamot naman ako ng madiin sa aking ulo. Inis na inis ako dahil masaya na sana ang pag-uusap namin ni Tom tungkol sa aming date pero inabala ng driver na nasa aming likuran!
“Tsk! Istorbo!” wika ko at nilingon kong muli ang sasakyan sa aming likuran.
Patuloy pa rin sa pagbusina ang driver ngunit hindi ako kumilos upang paandarin ang aking kotse. Umupo pa ako ng maayos at nag-cross arms pa.
Bahala s’ya d’yan! Istorbo sa pag-uusap namin ni Tom eh!
“Master ano ba?! Paandarin mo na! Papalapit na ’yung traffic enforcer oh?!” wika ni Tom na medyo natataranta na.
Nilingon ko muna ang tinuturo ni Tom at nakita kong mukhang papalapit na nga ang traffic enforcer sa amin. Hindi ako nabahala, nabadtrip ako eh!
“Master sige na! Paandarin mo na!” utos muli sa akin ni Tom.
Kitang-kita ko kung paano natataranta ngayon si Tom dahil napapapadyak na rin s’ya ng kanyang paa.
Ang cute n’ya sa ginagawa n’yang iyon kaya nakaisip ako ng ideya.
“Hindi ko paaandarin ’to.” wika kong madiin.
“Ha???!!! Ano ba ’yang pinagsasabi mo Xander???!! Ayan na ’yung trafic police oh??!! Gusto mo bang mahuli tayo??!!” inis na inis n’yang sambit.
Gusto kong matawa sa kanya dahil madali lang naman magpalusot kung sakaling lapitan kami ng traffic police na iyon. Pero dahil sa natutuwa akong makita si Tom na ganito ay sasamantalahin ko.
“Kiss mo muna ako. Sa lips. ’Yung damang-dama.” wika ko sa kanya.
“Ano???!!! Ano ba ’yang pinasasabi mo Xander??!!” hindi makapaniwala n’yang reaksyon.
“Bahala ka, ayan na ’yung traffic police oh??! Bahala ka, mahuhuli tayo n’yan. Ayan na s’ya oh?!! Hala ka Tom!!” pananakot ko pa sa kanya.
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at pagkabalisa habang nakatingin sa traffic police na papalapit sa amin. Gulong-gulo s’ya ngayon at kitang-kita ko ang takot sa kanya. Gusto ko na talagang tumawa dahil sa nakikita kong reaksyon n’ya. Ang cute talaga ni Tom!
Ilang hakbang na lamang ay papalapit na ang traffic police patungo sa aming sasakyan nang biglang hatakin ni Tom ang akin mukha at binigyan ako ng madiin na halik sa labi.
“Dalian mo na!!!” utos n’ya pa ring natataranta sa akin matapos akong halikan.
Napangiti ako ng wagas sa nangyari.
“Fasten your seatbelt Master!” masaya kong sambit at mabilis na pinaandar ang aking sasakyan.
Naiwan ang traffic police na naunsyami ang pagsita sa amin.
“Nakakainis ka!!” inis na inis na sambit ni Tom habang pinapalo na ang aking hita.
Ako naman ay walang ginawa kundi ang magbitaw ng malakas na tawa. Nakaisa nanaman kasi ako sa kanya.
“Kainis! Kainis! Kainis!” wika n’ya pa rin habang patuloy sa pagpalo ng aking hita.
Wala akong pakialam kung magpantal ang aking hita o magkapasa. Basta nakikita ko ang cute na cute na reaction ni Tom ay kompleto na ang araw ko.
Nakarating kami sa hotel at mabuti na lamang ay napaamo ko si Tom bago kami maghiwalay kanina sa elevator. Akala ko ay hindi n’ya na ako mapagbibigyan ng halik bago kami maghiwalay. Ngunit s’ya pa mismo ang lumapit sa akin para ibigay ito.
Maayos naman ang naging simula ng araw ng pagtatrabaho ko. Iwinawaglit ko na lamang sa aking isipan na hindi ko makakasama si Tom mamayang gabi. Ganoon din ang mga kaganapan nitong mga nakaraan. Naisip ko na sa halip na ipakita ko kay Tom ang mga pagdududa ko at ipapakita ko na lamang sa kanya kung gaano ko s’ya kamahal.
Nagbitaw ako ng isang ngiti.
“Sana walang hindi magandang mangyari. Sana lagi na lang kaming maging masaya.” malungkot kong sambit dahil sa pag-aalala.
Muli kong ibinalik ang sarili ko sa pagtatrabaho.
Pirma dito, approve doon. Check dito, review doon. Lahat ng mga dapat kong gawin ay siniguro kong dapat na matatapos ngayong araw na ito. Ayaw ko kasi na may iistorbo sa aming dalawa ni Tom bukas o sa mga susunod na araw.
Malay ba natin na may magandang mangyayari bukas at mag-enjoy kaming pareho ni Tom? Baka ma-extend pa ang date namin.
Ngunit habang nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa ay may isang tawag akong natanggap sa aking cellphone.
“S’ya nanaman?” mahina kong sambit.
Ito ay walang iba kundi ang taong ayaw magpakilala at ang taong gustong sumira sa amin ni Tom.
Nitong mga huling araw kasi ay hindi ko sinasagot ang tawag n’ya. Ang mga pinapadala n’ya namang mensahe sa akin sa text at email at agad ko ring binubura kahit hindi ko pa iyon nabubuksan o nababasa.
Ayokong makinig sa kanya. Ayokong magpadala sa mga sinasabi n’ya. Sinabi sa akin ni Tom na mahal n’ya ako at ’yon ang paniniwalaan ko.
Pinatayan ko s’ya ng tawag at muling inilapag ang aking cellphone sa aking mesa. Ngunit kung gaano ako kasedidong ignorahin s’ya ay ganoon din s’ya kakulit para makausap ako.
“Ano nanaman ba ’yon?” malamig kong pagsagot sa tawag n’ya.
Kahit naiirita na ako ay pinili kong kumalma. Alam ko ikatutuwa n’ya lamang kung malaman n’yang naiinis ako sa pangungulit n’ya.
“Wow! Mukhang relax ka lang ngayon Xander ah?” sagot n’ya sa akin sa nakakainsulto sa tono.
Hindi ako sumagot sa kanya. Sabihin n’ya na ang gusto n’yang sabihin pero hindi ako maniniwala sa kanya. Dahil kay Tom lang ako maniniwala at wala nang iba!
“’Wag kang ganyan Xander. Lalo tuloy akong ginaganahan ibigay sa’yo ang balita.” natatawa n’yang sambit.
Naiinis na talaga ako! Ano ba talaga ang kailangan n’ya sa amin?! Bakit kailangan n’ya kaming guluhin ni Tom?!
“Magsalita ka na kung may gusto kang sabihin.” pauna kong wika. “Pero eto lang ang sasabihin ko sa’yo. Hindi ako maniniwala kahit kailan sa ’yo. Hindi mo kami masisira ni Tom sa mga ganyang pakulo mo. Marami na kaming pinagdaanan kaya hindi mo basta-basta masisira ’yon!” dugtong ko pang madiin sa kanya.
Saglit naman s’yang natawa bago nagsalitang muli.
“Ah talaga? Huhulaan ko. Nagpaalam siguro si Tom na hindi sa ’yo uuwi mamaya?” wika n’ya.
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Tila ba nalunok ko ang dila ko nang sabibin n’ya iyon.
Paano n’ya nalaman ang bagay na iyon? Sino ba talaga ang taong ito?!
Dahil sa pananahimik ko ay nagsalita s’yang muli.
“Eh paano kung sabihin ko sa ’yong alam ko kung saan ang punta ni Tom mamaya?” muli n’yang sambit.
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa kanyang huling sinabi.
“A-anong gagawin mo kay Tom? Anong balak mong masama?!” kinakabahan kong tanong sa kanya.
Inisip kong binabantayan n’ya ang kilos ni Tom at may gagawin s’yang hindi maganda dito.
“Wooah! Relax Xander! Wala akong gagawing masama!” sagot n’ya naman sa akin.
“Eh bakit mo s’ya sinusundan?! Hindi mo s’ya pwedeng saktan dahil talagang ipapahanap kitang hayop ka! Baka ako pa mismo ang papatay sa’yo ’pag may ginawa kang masama sa kanya!” pagbabanta ko na sa kanya.
“Tsk! Ang kulit! Wala nga akong gagawing masama sa kanya! Relax ka lang d’yan! Makakaasa kang kahit dulo ng daliri n’ya ay hindi ko hahawakan.” paniniguro n’ya naman sa akin.
“Eh anong bang kailangan mo at lagi mo kaming sinusundan?!” tanong ko nanamang muli.
Saglit s’yang nanahimik ngunit kasunod noon ay ang pagiging seryoso n’ya.
“Ikaw Xander. Ikaw ang kailangan ko. Dahil ikaw ang gusto kong makadiskubre ng lahat. Gusto kong makita ng dalawa mong mga mata ang gagawin ni Tom sa’yo. Gusto kong ikaw mismo ang makasaksi sa maitim nilang plano sa’yo ni Daniel.” sagot n’ya naman sa aking tanong.
Nanginginig ang aking mga kamay matapos n’yang sabihin iyon. Pinagpapawisan na ako kahit malamig ang loob ng aking opisina.
Sa hindi mabilang na pagkakataon ay natahimik ako. Alam kong sa mga oras na ito ay nanlalaki na rin ang mga mata ko dahil sa labis na pagkabigla.
“Mamayang alas diyes ng gabi, sa restaurant kung saan kayo kumakain ng lunch makakakuha ka ng clue. Pero pagkatapos mong makita ang sinasabi ko sa’yo, mag-isip ka na. Hihintayin mo pa bang magmukha kang tanga? Ikaw ba mismo ang magpapahamak sa sarili mo? May oras pa Xander. Hindi pa huli ang lahat.” mahaba n’yang wika at ibinaba na rin ang tawag.
Kahit wala na s’ya sa kabilang linya ay hindi ko pa rin magawang ibaba ang aking cellphone sa pagkakadikit sa aking tenga.
Ilang minuto ako sa ganoong posisyon at nanatiling malalim ang iniisip.
Hindi naman siguro ako gagaguhin no Tom ’di ba? Hindi naman siguro s’ya gagawa ng mga bagay na maaaring makasira sa amin?
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Minabuti kong isipin ang lahat ng mga pangako sa akin ni Tom para mabawasan ang pag-aalala ko.
Tama. Dapat kong pagkatiwalaan si Tom. Hindi magiging maganda ang relasyon namin kung pagdududahan ko s’ya. Dapat ay sa mga pangako namin sa isa’t-isa kami kumapit.
Dumating ang lunch nang hindi ko na naituloy pa ang naputol kong pagtatrabaho dahil sa lalim ng iniisip ko. Tinawagan ako ni Lojie sa aking intercom na magkita na lamang daw kami sa lobby dahil naroon na rin daw si Olyn.
“Si Tom?” bungad kong tanong sa kanila nang makababa ako sa lobby.
“Ha? Bakit sa amin mo itatanong? Check mo d’yan sa bulsa mo. Baka pinanggigilan mo nanaman at inilagay sa bulsa mo kaya wala ngayon.” walang kwentang sagot ni Lojie.
Natawa naman si Olyn at pinalo si Lojie sa tiyan.
“Aaww! Ang tigas ng abs Sir Lojie ah? Isa pa nga!” sambit ni Olyn.
“Lul! Subukan mo lang. Didibdiban kita nang makita mo hinahanap mo!” sagot naman sa kanya ni Lojie.
Dahil sa nagsimula nanaman sila sa kanilang kalaswaan ay pinutol ko na agad ito.
“Nasaan si Tom?” seryosong pag-uulit ko sa aking tanong.
Itinuro naman ni Lojie ang bahagi ng aking bulsa sa pantalon. Mukhang wala talagang balak ang lalaking ’to na seryosohin ang tanong ko.
Nang-aasar nanaman eh! ’Wag n’ya akong binibwisit ngayon dahil madali talagang uminit ang ulo ko.
Akmang iaangat ko na sana ang aking kamao para kutusan si Lojie nang biglang magsalita si Olyn.
“Ay Sir Xander hindi daw po makakasama sa lunch dahil may tatapusin pa raw. Tayo na lang muna raw ang kumain!” mabilis na pagsagot sa akin ni Olyn na mukhang sinasaklolohan si Lojie.
Unti-unti ko naman ibinaba ang aking kamao ngunit hindi ko binawi ang masamang pagtitig kay Lojie. Ang ulupong naman ay mukhang hindi apektado dahil nagbigay pa ito ng mapang-asar na mukha sa akin habang nakalabas ang kanyang dila.
Minsan gusto kong tanungin ang mga ninuno namin kung talagang bang kadugo ko ang lalaking ’to eh! Masyadong masakit sa ulo!
Hindi na lamang ako nagsalita at mabilis na lamang na naglakad palabas ng hotel. Tahimik naman na sumusunod ang dalawa sa akin.
Nang makarating kami sa restaurant ay tahimik pa rin ako. Hinahanap-hanap ko ang presensya ni Tom ngunit wala akong magagawa sa pagkakataong ito. Mabigat ang pakiramdam ko dahil bukod sa wala s’ya ay hindi pa rin ako pinatatahimik sa pag-iisip sa sinabi sa akin ng taong tumawag sa akin kanina.
Nakatanggap ako ng text mula kay Tom at humihingi s’ya ng sorry sa akin dahil hindi s’ya nakasama. Hanggang ngayon kasi ay abala pa rin pala s’ya sa pakikipag-negotiate sa isang malaking client ng aming hotel para sa gagawing malaking function doon.
Naiintindihan ko naman ang bagay na iyon kaya sa halip na magtampu-tampuhan pa ako sa kanya at inintindi ko na lamang s’ya. Gusto kong ipakita sa kanya na suportado ko s’ya sa lahat ng bagay.
Natapos ang aming lunch nang wala akong ginawa kundi ang isipin si Tom. Nawalan na rin akong ganang kumain dahil nasanay na akong kasama ko s’ya tuwing lunch.
Nang matapos ang aming trabaho ay ganado pa ako sa paglabas sana ng aking opisina ngunit muli nanaman akong nanlumo nang matanggap ko ang tawag mula kay Tom.
“Sorry na Master. Hindi na kasi kita nahintay dahil akala ko matatagalan ka pa.” paghingi n’ya ng paumanhin sa akin.
“Alam mo naman na kahit gaano pa karami ang ginagawa ko, mas priority pa rin kita ’di ba? Sana tinanong mo muna ako.” sagot ko naman sa kanya.
Nauna na pala kasi s’yang umalis at hindi na ako nahintay pang makalabas ng aking opisina. Sa madaling salita, hindi na kami magkikita pa dahil didiretso na rin s’ya sa tinutuluyan nilang condo ng kapatid ko.
“Kaya nga ako nagso-sorry eh. Sorry na Master.” malungkot n’ya namang sambit.
Huminga na lamang ako ng malalim. Pilit kong iniintindi ang kanyang dahilan kahit na nalulungkot ako.
“Hayaan mo na Master. Nami-miss lang talaga kita kasi hindi tayo nagkasama kanina. Tapos hindi pa kita makakasama ngayong gabi.” malungkot kong wika sa kanya.
“Sorry na Master. Hayaan mo, babawi ako sa’yo bukas, promise ’yan! ’Wag ka na magtampo. Nami-miss din naman kita eh! I love you Master! I love you! I love you!” pang-aamo n’ya naman sa akin.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Nai-imagine ko kasi na nakanguso s’ya ngayon habang sinasabi ang mga katagang iyon.
“Oo na. I love you too Master!” nakangiti ko namang sagot sa kanya.
“Ayan! Nakangiti na s’ya!” masaya n’yang sambit.
“At papano mo naman nasabing nakangiti ako ngayon? Nakikita mo ba ako?“tanong kong nakangiti.
“Hindi. Pero nararamdaman ko na nakangiti ka. I love you Master! Kita tayo bukas ha? Ako na ang pupunta sa condo natin. Ako ang susundo sa’yo, okay?” wika n’ya sa akin.
Mas lalo naman ako napangiti sa kanyang sinabi. Ang marinig ko lang mula sa kanya na inaangkin n’ya rin ang mga pag-aari ko ay malaking bagay na sa akin. Iniisip ko kasi na ang lahat ng akin ay kanya rin. Pakiramdam ko ay talagang iisa na kami sa tuwing magagamit n’ya ang salitang ‘natin’.
“Sure Master. ’Wag mo kalimutan mag-dinner mamaya ha? Tatawagan ulit kita. Mag-iingat ka okay?” bilin ko sa kanya.
“Yes Master! Talk to you later! I love you!” pagpapaalam n’ya.
“I love you more Master!” malambing ko namang sagot.
“And I love you most! Period! Ba-bye!” sagot pa n’ya ulit at ibinaba na ang tawag.
Natawa na lamang ako habang napapailing sa kanya. Mukhang natututo na si Tom na hindi magpatalo sa akin ngayon ah?
Kahit malungkot ay nagawa ko naman magbitaw ng ngiti. Magkikita naman kami bukas at sa tingin ko ay may malaki nanaman s’yang sorpresang inihanda kaya kahit papano ay nakakaramdam ako ng tuwa.
Nakarating ako ng bahay ko at hindi ko naman kinalimutan na tumawag kay Tom. Kahit noong oras na para magdinner ay nagawa ko pa ring tumawag sa kanya upang makasiguradong kumain nga s’ya ng dinner. Napuno ang aming pag-uusap ng lambingan at biruan. Masaya kaming nag-uusap kahit hindi kami magkasama ngayon.
Dumating ang oras para magpahinga ako. Kasalukuyan akong nagtu-toothbrush nang tumunog muli ang cellphone ko. Nasa bulsa ko lamang ito at hindi ko iniiwan kung saan dahil baka tumawag si Tom.
Pero laking gulat ko nang muli nanaman akong tinatawagan ng lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang magpakilala.
“What is it?” malamig kong pagsagot sa tawag n’ya.
“Handa ka na ba? Pupuntahan mo na ba ang lugar na sinasabi ko sa’yo?” pagsagot n’ya naman sa akin.
Saglit akong natahimik. Naalala ko ang kanyang sinabi kanina kung saan ko matatagpuan ngayong gabi si Tom.
“At paano kung wala doon si Tom? Titigilan mo na ba kami?” tanong kong seryoso sa kanya.
“Deal!” puno ng tiwala n’ya namang sagot.
Agad ko namang ibinaba ang tawag matapos iyon. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Natulala ako at hindi malaman kung ano ang gagawin.
Paano nga kung naroon si Tom? Paano nga kung totoo ang sinasabi ng lalaking kausap ko?
Ilang sandali pa ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na papunta na sa aking kotse.
Kahit puno ako ng kaba ay gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong alamin kung may itinatago nga sa akin si Tom.
Nakarating ako sa tapat restaurant na kinakainan namin tuwing lunch. Nag-park ako sa katabing establishment ng restaurant upang hindi madaling mapansin. Mabuti na lamang at sarado na ito kaya malaya akong makakapag-park.
“Sana hindi ko s’ya makita dito.” mahina kong dasal habang nakatingin sa window ng restaurant.
Ngunit matapos kong sabihin iyon ay natawa ako ng mapait. Kasunod kasi nito ay nakita ko si Tom na papasok rin ng restaurant.
Pinanood ko s’ya hanggang sa makaupo s’ya sa isang upuan. Hindi ako kumukurap dahil bawat pagkilos n’ya ay tinitingnan ko. Magmula nang um-order s’ya hanggang sa kunin n’ya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Kitang-kita ko kung paano s’ya ngumiti habang may kausap sa kanyang cellphone.
Hindi na naalis ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung para ba ito sa nakikita ko ngayong katotohanan na hindi ito sa akin sinabi ni Tom o para sa mangyayari maya-maya lamang.
Ilang sandali pa ay mukhang dumating na ang kanyang sinadya sa lugar na ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makilatis kong mabuti kung sino ang taong kanyang kinatagpo. Naupo ito sa bahaging tapat ni Tom at seryoso silang nagpalitan ng pagbati sa isa’t-isa.
“Jurnie?” mahina kong sambit.
Lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Para nang may naghahabulang malalaking hayop sa dibdib ko.
Hindi na lingid sa aking kaalaman kung sino si Jurnie. Bukod sa staff ko s’ya sa aking restaurant ay s’ya rin ang kaisa-isang itinuturing na pinakamalapit na kaibigan ng kapatid kong si Daniel. Alam kong si Jurnie ang isa sa mga magiging daan upang magkaroon ng communication sina Tom at Daniel.
Kung kanina ay may kaba akong nararamdaman, ngayon ay nakaramdam na ako ng labis na kalungkutan.
Bakit kailangang itago sa akin ito ni Tom? Bakit kailangan n’yang makipagkita kay Jurnie ng palihim? Pinag-uusapan na ba nila ang plano sa pagbabalik ni Daniel?
Habang nasa ganoon akong posisyon ay muling tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay hindi na ako nagtaka o nagulat pa.
“Mukhang nakikita mo na kung sino ang nagsasabi ngayon ng totoo Xander. Ano ngayon ang balak mo? Papasukin mo ba sila sa loob?” wika n’ya nang sagutin ko ang kanyang tawag.
Napayuko ako at hindi nakapagsalita. Hindi na rin ako nag-usisa pa kung nasaan s’ya o kung bakit hanggang ngayon ay sinusundan n’ya pa rin ang bawat kilos namin.
“Sabi ko naman sa’yo eh. Puro kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi sa’yo noon ni Tom. Pinapaikot ka lang n’ya at pinapaniwala. Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila ni Jurnie? Siguro kung paano ka nila gagantihan? Kung paano ka nila sasaktan?” sumunod n’ya pang sinabi.
“Baka may pinag-uusapan lang na importante.” malungkot ko namang sagot sa kanya.
Tumawa s’ya sa aking naging pagsagot bago muling nagsalita.
“Ano ka ba naman Xander! Nasa harapan mo na nga ang ebidensya ng pagsisinungaling sa’yo ni Tom, ayaw mo pang maniwala!” natatawa n’yang sambit.
Napapikit ako sa kanyang sinabi. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit nawalan ako ng lakas na makipagtalo ngayon sa lalaking ito. Marahil ay dahil sa pagkapahiya. Umasa kasi akong hindi sa akin ito magagawa ni Tom.
“May mas magandang idea ako! Bakit kaya hindi mo s’ya tawagan ngayon para makumpirma mo kung talagang tapat s’ya? Itanong mo kung nasaan s’ya ngayon. Itanong mo kung anong ginagawa n’ya ngayon. Ano sa tingin mo?” suhestyon n’ya sa akin.
Hindi ko na s’ya sinagot pa. Dahan-dahan kong ibinaba ang kanyang tawag.
Ewan ko ba kung bakit naging sunod-sunuran na lamang ako sa sinabi sa akin ng lalaking kausap ko. Pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinatawagan si Tom.
Mula sa aking pwesto ay nakita ko si Tom na kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Nakita ko rin ang pagsenyas n’ya kay Jurnie na ’wag munang magsalita. Inilagay n’ya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na tinanguan naman ni Jurnie.
“H-hello Master?” pagsagot n’ya sa aking tawag.
Kahit kinakabahan ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa pagtatanong.
“Master… n-nasaan ka?” tanong kong kinakabahan sa kanya.
Kitang-kita ko ang reaksyon ni Tom na kinakabahan sa isasagot sa akin.
“Uuummm… n-nandito sa condo. Bakit?” pagsagot n’ya sa akin.
Napangiti ako ng mapait.
“Talaga? B-bakit parang maingay?” tanong ko ulit sa kanya.
“A-ah kasi nandito ako sa labas ng condo. M-may binili kasi ako sa labas eh. Pero paakyat na rin ako. Bakit nga pala gising ka pa?” sagot n’yang muli sa akin.
Napapikit ako sa kanyang pagsagot. Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko akalain na magsisinungaling s’ya sa akin.
“Wala naman. Na-miss lang kasi kita. Gusto kong marinig ang boses mo bago ako matulog.” malungkot kong sagot sa kanya.
“G-ganon ba? Magpahinga ka na Master. May gagawin pa kasi ako eh. Magkita na lang tayo bukas.” sagot n’ya naman sa akin.
Muli akong napangiti ng mapait sa kanyang sinabi. Sumasakit na rin ang aking dibdib habang tinitingnan ko ang kanyang reaksyon at pinapakinggan ang kanyang pagsisinungaling.
“Master…” pagtawag ko sa kanyang malungkot.
“B-bakit?” kabadong tanong n’ya naman pabalik.
“Alam mo naman na mahal na mahal kita ’di ba? Alam mong hindi kita kayang bitawan. Alam mong kahit ano gagawin ko para sa’yo. Alam mong kahit anong mangyari ay tapat ako sa’yo.” wika kong muli sa kanya.
“O-oo naman Master. Alam ko naman ’yon. Teka? Bakit ba ganyan ka magsalita ngayon? Parang may mali?” pagtataka n’ya sa akin.
Habang nakatingin ako sa kanya mula dito sa labas ay ang paglandas na rin ng aking mga luha habang kausap s’ya.
“Wala naman. Inaantok na kasi ako eh. Tinawagan lang talaga kita para marinig ko ang boses mo bago ako matulog.” sagot ko sa kanya at pinipigilan ko ang aking sarili na hindi mahalatang umiiyak.
“Ganon ba? Magkikita naman tayo bukas eh. ’Wag ka nang malungkot d’yan. Magpahinga ka na para may lakas tayong pareho bukas sa pupuntahan natin. Darating ako d’yan ng alas singko ng hapon ha? Dapat ready ka na pagdating ko.” bilin n’ya sa akin.
“Sige Master. Magpahinga ka na rin ha? Hihintayin kita bukas. Good night Master. Mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan ’yan.” huli kong sambit.
Hindi ko na hinintay pa ang kanyang pagsagot sa aking sinabi. Mahigpit kong hawak ang aking cellphone matapos kong maibaba ang tawag habang may mga luhang naglalandas sa aking mga mata.
“Bakit Tom? Bakit kailangan mong magsinungaling?” tanong ko habang patuloy pa rin sa pagluha.
Matapos iyon ay mabilis ko ring pinaandar muli ang aking kotse pabalik ng aming condo. Nakita ko pa na nakatingin si Tom sa kanyang cellphone nang may pagtataka. Hindi ko alam kung para saan ang reaksyong ’yon. Pero nangingibabaw sa akin ngayon ang sakit dahil sa mga nalaman ko.
Patuloy pa rin sa paglandas ng aking masaganang luha kahit nang makarating ako ng aking condo. Hirap na hirap ang aking kalooban dahil sa aking nasaksihan.
Nagpalit na lamang ako ng pambahay at diretso na akong humiga sa aming kama ni Tom. Tiningnan ko ang bahagi ng aking kama kung saan ang pwesto ni Tom sa tuwing matutulog kami. Hinaplos ko ang bahaging iyon habang naglalandas ang aking luha sa aking mga mata.
“Ang sakit Tom… Pero ginusto ko naman ’to ’di ba? Sana naman Tom hindi totoo ang kutob ko… Sana hindi mo ako magawang saktan… Sana Tom manatili ka pa rin sa tabi ko… Hindi ko kayang mawala ka eh… Pakiusap naman oh… ’Wag mo akong iwan…” wika ko sa pagitan ng pag-iyak.
Matagal ako sa ganoong tagpo. Nakaramdam na lamang ako ng pagod dahil sa pag-iyak at labis na pag-iisip. Ngunit bago ako tuluyang makatulog ay nakabuo ako ng desisyon.
“Magbibingi-bingihan ako Tom… Magbubulag-bulagan… Magpapanggap na walang nangyari… Basta ’wag mo lang akong iwan… Sige lang, saktan mo lang ako… Tatanggapin ko lahat ’yan… Kung kasinungalingan lang ang lahat, handa akong magkunwaring walang alam… Ipagsisiksikan ko ang sarili ko kahit ipagtabuyan mo pa ako… Basta mapatunayan ko lang sa’yo na pinagsisihan ko na ang pag-iwan ko sa’yo noon… Basta mapatunayan ko lang sa’yo kung gaano talaga kita kamahal…” muli ko pang sambit.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata ngunit alam kong may mga luha pa ring kumakawala. Muli kong naranasan ang naramdaman ko noon nang iwan ako ni Tom. Muli akong natulog na mabigat ang aking dibdib.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising kahit mabigat ang aking pakiramdam.
Dumating ang oras ng pagpunta ni Tom sa aking condo. Natatawa pa ako sa aking sarili dahil simula ng magising ako ay mahabang oras ang ginugol ko sa pagpa-practice ng ngiti at masiglang pagsasalita sa harap ng salamin.
Ginawa ko iyon para sa pagkikita namin ni Tom. Magpapanggap akong masaya kapag nakasama ko na s’ya. Gagawin kong normal lang ang lahat upang hindi maapektuhan ang aming relasyon.
Hindi ko hahayaang magalit ngayon sa akin si Tom. Kaya kahit anong mangyari ay idadaan ko lahat sa ngiti at pagtawa kahit na nagdurusa ngayon ang aking kalooban.
“Ano ka ba Xander! Dapat lang na maging masaya ka! Kasi nabigyan ka ni Tom ng pagkakataon na makasama mo s’ya ulit! Ngumiti ka na!” pagkausap ko sa sarili kong imahe sa harap ng salamin.
Ngunit matapos kong sabihin iyon ay s’yang pagtunog ng aking cellphone. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag at agad kong sinagot iyon. Inaasahan ko kasing tatawag sa akin si Tom.
“Ang bilis mo naman sagutin!” bungad ng kausap ko.
Gusto kong magmura dahil hindi ang taong inaasahan ko ang kausap ko ngayon. Walang iba kung hindi ang taong walang sawang sirain kami ni Tom.
Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy s’ya.
“Mukhang matutuloy ang lakad n’yo ngayon ah? Handa ka na ba Xander?” una n’yang sambit. “Handa ka na bang matauhan d’yan sa pananaginip mo ng gising?” dugtong n’ya pa at nagbitaw ng isang malutong na tawa.
“Ano nanaman ba ngayon ang gusto mong sabihin?” walang gana kong tanong sa kanya.
Pagod na kasi ako sa pakikipagtalo sa kanya. Mukha naman kasing siguradong-sigurado s’ya sa mangyayari kaya hinayaan ko na lamang s’yang sabihin ang gusto n’ya.
Sa pagkakataong ito ay naging seryoso na s’ya sa pagsasalita.
“Basta binalaan na kita. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana kayanin mo. ’Yun lang ang gusto kong sabihin sa’yo.” sagot n’ya sa akin at agad din ibinaba ang tawag.
Tulala na lamang ako habang iniisip ang kanyang mga sinabi. Ano naman kaya ngayon ang masasaksihan ko? Ano nanamang panibagong rebelasyon ang malalaman ko?
Pero dahil sa may nabuo na akong desisyon kagabi pa lamang ay naging handa na rin ako.
Kakayanin ko anuman ang mga bagay na madidiskubre ko. Kakayanin ko para lang sa pagmamahal ko kay Tom.
Muli akong tumingin sa salamin at tinitigan ang imahe ko. Unti-unti kong ibinalik ang pekeng pagngiti ko.
Habang nasa ganoon akong tagpo ay s’yang pagbukas ng pinto ng kwarto namin ni Tom.
“Master!!” masiglang pagbati n’ya sa akin.
Sinimulan ko na ang pagpapanggap.
Mabilis ko s’yang nilingon habang suot ang aking pekeng ngiti.
“Master!” bati ko pabalik at mabilis ko s’yang niyakap ng mahigpit.
Niyakap ko s’ya nang tila ito na ang huling yakap namin sa isa’t-isa.
“Ugh! Ang higpit Master ah? Na-miss mo ako?” malambing na pagtatanong n’ya sa akin.
“Sobra! Sobra kitang na-miss!” sagot ko namang masigla.
Ngunit matapos kong sabihin iyon ay may isang luha ang kumawala sa aking mata. Kahit pigilan ko ay hindi ko na nagawa pa ito.
Akmang bibitaw na sana si Tom sa aking pagyakap ay pinigilan ko ito dahil makikita n’ya ang pagluha ko. Hinigpitan ko pang lalo ang pagkakayakap sa kanya.
“Ganito muna tayo. Na-miss talaga kita eh.” pagsisinungaling ko.
Bahagya naman s’yang natawa.
Tahimik kaming pareho habang nasa bisig ng isa’t-isa. S’ya na alam kong masayang-masaya at ako naman na patuloy na lumuluha.
“Mahal kita Master. Mahal na mahal.” muli kong sambit.
“Mas mahal kita Master. Mas mahal na mahal.” sagot n’ya naman sa akin at alam kong nakangiti s’ya.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon bago magbitaw. Pinunasan ko ang aking luha sa pamamagitan ng aking palad. Sinigurado kong hindi s’ya makakahalata kaya may ngiti sa aming mga labi nang magtagpo ang aming mga mata.
“Tara na? Ready ka na ba?” nakangiti n’yang tanong sa akin.
“Yes! Always ready Master!” masigla ko ring sagot sa kanya.
Sumaludo pa ako sa kanya na s’ya namang ikinatawa n’ya.
Mabilis kaming nakalabas ng aking condo at diretsong nagtungo sa parking lot kung nasaan ang aking kotse.
Nang makapasok kami sa loob ng kotse ay pinigilan n’ya ako na paandarin muna ito.
“Bakit?” tanong kong may pagtataka sa kanya.
Malungkot n’ya akong tiningnan.
“Hindi yata ako nakatanggap ng kiss bago tayo makalabas ng condo kanina?” tanong n’ya sa aking nakanguso.
Ngumiti naman ako ng malapad sa kanya. Mabilis ko rin s’yang hinawakan sa magkabilang pisngi at ginawaran ng madiin na halik. Isang halik na parang ito na ang huli.
“Sorry. Masyado kasi akong na-excite sa date natin eh.” nakangiti kong sambit matapos namin magbitaw sa halik.
Muli kong nasilayan ang kanyang pagngiti. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kanya. Gusto kong itanong kung bukas ba ay masisilayan ko pa ba ang ngiti n’yang iyon?
“Oy Master! Nakakatakot ka na tumingin.” pagpuna n’ya sa akin.
Muli akong nagbitaw ng isang ngiti.
“Hayaan mo na. Alam mo namang gustong-gusto kong nakikita ang ngiti mo ’di ba? Kaya sinasamantala ko lagi ang titigan ka.” sagot ko naman sa kanya.
Ang sakit sa dibdib ng mga binitiwan kong salita. Sana ay hindi tama ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi ay palayo na ng palayo sa akin si Tom sa hindi ko malamang dahilan.
Inilagay n’ya ang dalawa n’yang braso sa aking leeg at pinaikot doon. Magkalapit ang aming mukha at hindi nawawala ang pagkakatitig at pagkakangiti namin sa isa’t-isa.
“Sus! Para namang may aagaw ng ngiti ko sa’yo! Sa’yo lang lahat ng ’to! Isama mo na rin ang dimple ko!” masaya n’yang sambit at hinalikan akong muli sa labi. “Tara na Master! Baka mahuli tayo sa lakad natin.” pagyaya n’ya naman at inalis na ang kanyang mga braso sa aking leeg.
Nagsimula na nga akong magmaneho. Habang papalabas kami ng parking lot ng condo building ay saka ako nagtanong.
“Teka? Saan ba tayo pupunta ngayon?” tanong ko sa kanya.
Nilingon n’ya ako at ilang segundo s’ya bago nagsalita. Nagbitaw din s’ya ng malalim na paghinga at nilingon ako.
“Naaalala mo ba Master ’yung bar na dapat ay pagdadausan natin ng third monthsary natin two years ago? ’Yung lugar na inupahan ko para sana sa celebration natin noon pero nauwi sa hindi magandang pangyayari?” tanong n’ya sa akin sa malungkot nang tono ngayon.
Nilingon ko s’ya saglit habang may pagtatanong sa aking mata. Hindi ko makakalimutan ang lugar na iyon. Doon ko nakita kung gaano na nahihirapan si Tom sa aming relasyon noon. Iyon ang lugar kung saan kitang-kita ko kung paano ko s’ya nasaktan. Iyon ang lugar kung saan bago kami naghiwalay ay naging makasaysayan sa aming dalawa.
“A-anong gagawin natin doon?” tanong kong kinakabahan.
Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng hindi maganda. Ayaw ko na sanang balikan pa ang lugar na iyon dahil masamang ala-ala lamang ang nakikita ko rito.
“Basta. Malalaman mo rin pagdating natin doon.” sagot n’ya naman sa akin.
Bagamat binabalot ako ngayon ng takot ay sinunod ko na lamang s’ya. Ang nakakapagtaka pa ay nawala na ang ingay at katuwaan sa aming dalawa ngayon. Naging tahimik ang aming byahe at wala kahit isa sa amin ang nagtangkang magsalita.
Nang makarating kami sa lugar na iyon ay hindi agad kami bumaba. Ganoon pa rin ang labas ng bar, maganda pa rin tulad ng dati.
Ilang minuto pa kaming nasa loob ng kotse at hindi nagtitinginan. Nasa harapan lamang ang aming tingin ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami parehong nagsasalita.
Ilang sandali pa ay hindi na rin siguro s’ya nakatiis.
“Master…” pagtawag n’ya sa akin at hindi pa rin ako magawang tingnan.
“B-bakit?” tanong ko naman pabalik.
Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Sana ay maling kutob lamang ito. Dahil ang totoo ay nakakaramdam ako na may hindi magandang mangyayari.
“Hintayin mo ang tawag ko. Mauuna akong pumasok sa loob. At kung matanggap mo na ang tawag ko, senyales na ’yon na pwede ka nang pumasok sa loob.” seryoso n’yang bilin sa akin.
“B-bakit kailangan pang ganon? Hindi ba pwedeng sabay na lang tayong pumasok?” kinakabahan kong tanong.
Nilingon n’ya ako at nagbitaw s’ya ng tipid na ngiti.
“Para kasi sa’yo ang nasa loob. Inihanda ko para sa’yo.” wika n’ya sa akin.
Tiningnan ko lamang s’ya ng may pag-aalinlangan.
“Please Master?” pakiusap n’ya pang muli sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para hawakan ang kanyang kamay na nasa aking pisngi. Hinalikan ko ang kanyang palad at nagsalita ako.
“Kung ano man ang mangyayari, inihanda ko na ang sarili ko. Handa na ako.” wika ko sa kanya.
Tumango-tango naman sa akin si Tom habang suot ang kanyang maliit na ngiti.
Matapos iyon ay mabilis din s’yang lumabas ng aking kotse. Sinundan ko pa s’ya ng tingin hanggang sa makapasok s’ya sa loob ng bar.
Ang kabang nararamdaman ko ay naroon pa rin. Kahit ilang malalim na buntong hininga ang gawin ko ay hindi ito nababawasan.
Siguro ay nasa 15 minutes na akong naghihintay lamang sa loob ng kotse ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na tawag mula kay Tom. Hindi ko na rin maiwasang mag-alala. Gusto ko nang pumasok sa loob ngunit ayaw kong masira ang plano ni Tom.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako dahil ito na yata ang hinihintay ko. Ngunit nangunot ang aking noo dahil sa nakita kong tumatawag sa akin.
“’Wag ngayon. Nakikiusap ko sa’yo, ’wag mong sirain ang araw ko.” mapagkumbaba ko nang pakikipag-usap sa estranghero.
“Tutal naman nandito ka na rin lang at nahihintay sa wala, bakit hindi ka na lang pumasok sa loob. Naghihintay na sa’yo ang malaking sorpresa Xander.” wika n’ya at hindi pinansin ang pakiusap ko.
Mukhang naririto nanaman s’ya sa paligid at nagmamasid-masid.
“Nasaan ka?!” tanong ko sa kanya.
Gusto ko nang tapusin ito. Hindi talaga n’ya kami patatahimikin.
“’Wag ako ang hanapin mo Xander. Si Tom ang dapat na hinahanap mo. Pero alam mo naman kung nasaan s’ya ’di ba? Kung ako sa’yo, puntahan mo na bago pa mahuli ang lahat. Nasa loob ang malaking sorpresang inihanda n’ya sa’yo. At maniwala ka sa akin Xander, ikakagulat mo ’to! Nasa loob na ang katotohanang hinihintay mo!” mahaba n’yang pagsagot sa akin.
Nanginginig ang mga kamay kong ibinaba ang tawag. Maging ang buo kong katawan ay hindi ko magawang ikilos dahil sa kanyang mga sinabi.
Bumaba ako ng aking kotse at dahan-dahan ay naglakad ako papasok ng bar. Tulala at gulong-gulo ang aking isip. Naging sunod-sunuran sa sinasabi sa akin ng lalaking kausap ko.
“Walang hindi magandang mangyayari. Magtiwala ka lang Xander. Walang mangyayaring masama.” pagkumbinsi ko sa aking sarili.
Nang nasa tapat na akong pinto ng bar ay naalala kong muli ang tagpo nang buksan ko rin ito dalawang taon na ang nakakalipas.
Dahan-dahan ay pinihit ko ang door knob. Unti-unti kong nasilayan ang loob ng bar. May banda akong nakitang naroon ngunit napakatahimik ng buong lugar dahil hindi naman sila tumutugtog.
Nasorpresa ako sa aking nakita. Maraming nagkalat na balloons at maganda ang set up ng lugar. Inikot ko ang aking mga mata at muli akong nasorpresa na naroon ang lahat ng kaibigan namin ni Tom.
Ngunit ang mas nakasorpresa sa akin ay ang dalawang taong nasa ibabaw ngayon ng stage. Ang dalawang taong malapit sa akin.
Sina Tom at Daniel.
Sina Tom at Daniel na magkalapit at magkadikit ang mga labi.
Nang makita ko ang tagpong iyon ay unti-unti na akong nawalan ng lakas. Nanlamig ang buo kong katawan sa aking nasaksihan.
Ganito ba ang sorpresa sa akin ni Tom?
Hindi ko ito inaasahan.
Oo, sinabi kong handa na ako. Pero nagkamali pala ako. Hindi ko napaghandaan ang ganitong senaryo. Hindi pala kaya ng sistema ko.
Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ay mabilis din ang pag-agos ng mga luha ko. Hirap na hirap ang kalooban ko. Parang nawala lahat ng pinaghirapan ko. Parang muling inagaw sa akin ang kaligayahan ko.
“B-bakit?” ang aking nasambit habang umiiyak.
Napalingon ang lahat ng taong naroon. Maging sina Tom at Daniel ay napatigil sa kanilang ginagawa. Sabay din nila akong tinapunan ng tingin.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Tom nang mapatingin sa akin.
“Xander?” mahinang pagtawag n’ya sa akin.
“Bakit Tom? Bakit?” tanong ko sa kanya.
Hindi s’ya nakapagsalita sa aking katanungan. Nanatili s’yang nakatingin sa akin na tila ba naguguluhan.
Wala akong sinayang na pagkakataon. Unti-unti akong umatras habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Ilang pag-atras pa ang aking ginawa at matapos iyon ay mabilis din akong tumalikod at tumakbo patungo sa aking kotse. Mabilis akong pumasok dito at pinaandar.
Gusto kong makaalis sa lugar na iyon. Gusto kong sumigaw at magwala.
“Bakit Tom…? Kaya mo ba ako pinapunta sa lugar na ’yon dahil gusto mong ipamukha sa akin ang nangyari dalawang taon na ang nakakalipas…? Gusto mo bang maramdaman ko kung ano ang naramdaman mo noon…?” tanong ko habang nagmamaneho at umiiyak.
“Nagtagumpay ka na Tom…. Kasi ang sakit-sakit… Ang sakit-sakit pala…. Ganito pala ’yon kasakit…. Pero sana sinaktan mo na lang ako…. Sana pala sinumbatan mo na lang ako…. Sana sinumpa mo na lang ako…. Kasi ngayon, parang mamamatay na ako…” wika ko pa at mas naging malakas pa ang naging pag-iyak ko.
Wala akong pakialam kung nagiging mabilis ang pagpapatakbo ko sa kotse ko. Nanlalabo na rin ang mata ko dahil sa mga luhang patuloy na naglalandas dito.
“Sana Tom pinatay mo na lang ako… Kasi mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang ganito…” wika ko pang muli.
Diretso lamang ako sa pagmamaneho habang naghihinagpis ako. Gusto kong takasan ang lahat. Gusto kong matahimik.
Ilang sandali pa ay hindi ko nakontrol ang aking pagmamaneho. Hindi ko napansin na nag-red ang stop light na dadaanan ko.
Huli na para apakan ko ang preno. Isa pa, mababangga ako sa isang truck na nagsimula na ring tumakbo mula sa kabilang kalsada.
Mabuti at naging alerto ako. Mabilis kong kinabig ang manibela ng aking kotse at iniliko iyon sa kanan.
Matapos iyon ay nakarinig ako ng malakas na ingay.
Ngunit ang sumunod doon ay ang pagbalot ng kadiliman.
Akala ko ay katapusan ko na. Pero mukhang maswerte pa rin ako.
Pagbukas ko ng aking mga mata ay nasa loob pa rin ako ng aking kotse.
Sa hindi ko malamang dahilan ay tila ba nanlalabo ang paningin ko. Mahapdi ang mga mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko maigalaw ang bibig ko.
Nakarinig ako ng ilang ingay ngunit hindi malinaw sa aking pandinig.
Sinubukan kong palawakin pa ang pagkakamulat ng mga mata ko. Nakita ko ang isang imahe sa labas ng aking kotse.
“Master….” pagtawag ko kay Tom sa aking isip dahil hindi pa rin ako makapagsalita.
Parang slow motion ang lahat. Nakita ko si Tom na pinapalo ang salamin ng aking kotse. Kitang-kita ng dalawa kong mata na pilit n’yang binubuksan ang pinto ng aking kotse kung nasaan ako nakapwesto.
Paulit-ulit n’yang tinatawag ang pangalan ko habang umaagos ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Nagmamakaawa s’ya sa akin habang patuloy na sinisigaw ang aking pangalan.
“’Wag kang umiyak Tom… Pakiusap ’wag kang umiyak… Ayaw kitang nakikitang umiiyak… Tahan na… Tumigil ka na sa pag-iyak… Pakiusap Master… ’wag ka nang umiyak…” paulit-ulit kong pakiusap sa kanya ngunit gamit lamang ang aking isip.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makagalaw. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko para maiangat ang aking kamay.
Naging matagumpay naman ako at idinikit ko ang aking kaliwang palad sa salamin ng aking kotse. Nakita ko na may mga dugong nasa aking kamay.
Napangiti ako ng mapait.
Naaksidente pa rin pala ako.
Patuloy pa rin si Tom sa pagtawag ng aking pangalan. Nakikiusap s’ya sa akin at patuloy pa rin s’ya sa kanyang pag-iyak. Nagmamakaawa habang patuloy na sumisigaw.
Ipinatong n’ya ang kanyang palad sa salamin ng aking kotse kung nasaan din ang aking palad. Kung walang salamin sa pagitan ng aming mga palad ay mararamdaman ko ang init ng kanyang mga kamay. Pero heto at hindi namin iyon magawa.
Nakatingin kami ni Tom sa mata ng bawat isa. Nalulungkot akong makita s’ya ngayon na nahihirapan dahil sa pagluha.
Sinubukan kong ibuka ang aking bibig.
“M-mahal…. na mahal….. k-kita….” mahina kong sambit.
Sa wakas ay nagawa ko iyon.
Mas lalo pang lumakas ang iyak ni Tom at ibinalik ang sarili sa paulit-ulit na paghampas ng kanyang palad sa salamin ng aking kotse.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay nakita ko ang tatlong rescuers na hinawakan si Tom sa kanyang mga braso.
Mahigpit ang paghawak nila kay Tom. Nakaramdam ako ng galit sa tatlong taong humahawak ngayon kay Tom. Gusto ko silang sigawan at saktan. Hindi nila pwedeng saktan si Tom. Walang dapat manakit sa kanya.
Ngunit wala akong magawa para gawin ang mga bagay na iyon dahil ako mismo ay hindi makagalaw ngayon.
Nakita ko ang pwersahan nilang pagpapaalis kay Tom. Halos kaladkarin nila ito palayo sa akin. Nakita kong ayaw ni Tom umalis sa kanyang pwesto para iwan ako. Pero lumapit na rin sina Randy at Rigo upang tulungan ang mga rescuers na ilayo si Tom sa akin.
Wala akong lakas para matulungan si Tom kahit gustong-gusto ko na itong gawin. Ayaw kong nakikita s’yang umiiyak at nasasaktan.
Habang pinapanood ko ang paglayo ni Tom ay napaluha akong muli. Naipikit ko na rin ang aking mga mata dahil nahihirapan akong makita s’yang ganon.
Kasunod ng aking pagpikit ay nakarinig ako ng pagsabog.
Iyon na rin ang huli kong narinig bago ako muling binalot ng dilim.
A/N
Guys? Okay pa ba kayo d’yan?
Ayoko muna chumika kasi alam kong may magagalit sa naganap. Hahahaha!
Maraming salamat po sa matiyagang paghihintay ng update ko!
Comments and votes na rin po please!
Feel you next chapter!
––cold_deee
chapter 25 - death in the afternoon
A/N
Hello mahal kong readers!
Susme! Inulan ako ng reklamo at tanong tungkol sa huling chapter sa fb pati na rin dito sa wattpad sa pagp-PM sa akin. Pero kahit ganon, masaya ako at nakaapekto ’yun sa inyo. Ibig sabihin kasi naramdaman n’yo ang kwento.
Kaway-kaway d’yan
alkie02
na naging pinakamaingay sa lahat. Hahaha! Eto na ang promise ko, sa’yo ’tong chapter na ’to. Salamat ng marami!
Alam n’yo naman na ang bawat chapter ko ay may title na cocktail ’di ba? Baka lang po may magtaka sa title, may ganyan po talagang cocktail. hahahaha!
Oo nga pala, baka lang gusto n’yong i-download ang kantang “Say you’ll never go” ni Eric Santos at pakinggan n’yo habang binabasa ang buong chapter. Nasa media po ang song. (Juicecolored! Parang binabayaran ako para i-promote ang kanta ni kafatid na Eric S.)
Start na natin. Enjoy reading!
––> si Xander po sa media. Mukha s’yang angel sa photo ’no? Hehe!
TOM POV
Kabado at excited ako ngayong araw na ’to.
Bakit nga ba hindi? Ngayon ang unang buwan namin ni Xander simula nang kami ay magkaayos at magkabalikan.
Natatawa ako sa kadahilanang nakalimutan na yata ni Xander ang araw na ito dahil sa sobrang saya n’ya na nagkakasama na kaming muli. Kung noon ay ako ang kanyang sinosorpresa sa monthsary namin, ngayon ay pagkakataon ko na para sorpresahin s’ya.
Muli akong humarap sa salamin para suriin ang aking sarili. Handa na ako na magkita kaming muli dahil hindi kami magkasama kagabi. Umuwi kasi ako dito sa condo namin ni Daniel dahil may kinailangan pa akong ayusin kagabi bago ang araw na ito. Kung magkasama kasi kami ni Xander ay hindi ko iyon magagawa.
“Go Tom! Kaya mo ’yan!” pagpapalakas-loob ko sa aking sarili.
Itinaas ko pa ang aking kamao habang may malapad na ngiti.
Sana nga ay maging matagumpay ang lahat. Halos dalawang linggo ko rin itong pinaghandaan. Walang araw na hindi ako tumawag sa aming mga kaibigan para ipaalam ang lahat. Isa rin kasi iyon sa paraan para matulungan nila ako.
Ilang araw na rin akong walang sapat na tulog dahil tuwing madaling araw naman ay tinatawagan ko ang iba kong kaibigan na hindi ko makausap tuwing araw. Nasa pang-gabi kasi ang kanilang mga schedule sa trabaho kaya kinailangan kong gumising pa ng madaling araw para kausapin sila. Nahirapan din ako dahil sinisigurado kong hindi dapat marinig ni Xander ang aming pag-uusap.
Ayaw kong masira ang plano kaya sa tuwing magtatanong sa akin si Xander sa mga nagte-text at tumatawag sa akin ay kinakailangan kong magsinungaling. Nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko sa kanya. Pero sa tuwing iniisip ko ang magiging reaksyon n’ya kapag nangyari na ang sorpresa ko para sa kanya ay alam kong maiintindihan n’ya rin ako.
Wala kasing ideya ang mga kaibigan namin na muli na kaming nagkaayos ni Xander. Nang maibalita ko nga sa kanila ito sa pamamagitan ng pagtawag ko sa telepono ay hindi sila lahat makapaniwala. Pare-pareho sila ng reaksyon kaya halos nasaulo ko na ang mga naging paliwanag ko sa kanila.
Nagtagal lang ako sa pakikipag-usap kay Cha dahil medyo nagkaroon pa kami ng konting drama. Alam n’ya na pala kasi ang dahilan kung bakit ako nilayuan noon ni Xander pero hindi n’ya sa akin iyon sinabi. Umiyak s’ya ng umiyak sa telepono dahil paulit-ulit n’ya akong sinumbatan. Hindi ko nga kasi nagawang makipag-usap sa kanila noong nasa Amerika ako. Hindi ko rin sila hinayaang magsalita noong nakabalik naman ako kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na ipaalam sa akin ito. Sa huli ay ako rin ang sumuko dahil alam kong lahat ay pagkakamali ko. Naging maayos din naman ang lahat kaya sa huli ay kasama sila sa mga nagplano ng gagawin kong sorpresa para kay Xander.
Nag-taxi na lamang ako para tunguhin ang condo namin ni Xander. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tama ba itong naisip ko. Naisipan ko kasi na sa dating bar kung saan naging masakit ang mga pangyayari sa amin ni Xander idaos ang monthsary namin ngayon. Naisip ko kasi na burahin ang lahat ng masasamang nangyari noon sa amin. At para masimulan iyon, kailangan naming balikan ang lugar na ito para dito muling simulan ang lahat.
Dito ko sisimulan dahil gusto kong maisakatuparan ang dapat na nangyari noon. Ang dapat na masaya naming pagse-celebrate na nauwi sa hindi magandang pangyayari. Parang rewind lang, babalikan namin ito at babaguhin ang lahat. Ipapakita namin na kahit paulit-ulit kaming subukin ng panahon at kahit paghiwalayin kami ng matagal, sa huli ay kami pa rin dalawa.
Habang binabaybay ko ang daan pabalik sa condo namin ni Xander ay napangiti ako ng mapait. Muli ko kasing naalala ang pag-uusap namin ni Jurnie kagabi. Naging malungkot ang aming pag-uusap dahil sa iisang dahilan. Iyon ay walang iba kundi ang tungkol sa kanyang matalik na kaibigan na si Daniel.
S’ya na lamang kasi ang huling taong alam kong nakakaalam kung ano na ba ang balita ngayon kay Daniel. Kahit hindi sa akin sabihin ni Jurnie ay alam kong nagpaparamdam sa kanya ngayon si Daniel. Walang inilihim ang bawat isa sa kanila kahit na noong nasa Amerika pa kami ni Daniel. Lahat ng bagay ay sinasabi nila sa isa’t-isa.
Oo aaminin ko, ilang linggo na akong walang balita kay Daniel kaya hindi ko rin maiwasang mag-alala. Simula kasi nang makababa ako ng bundok matapos ang aming team building ay wala na akong natanggap pang tawag mula sa kanya. Lagi lang kasi akong nag-aabang ng tawag n’ya dahil ang kanyang cellphone ay naiwan dito sa Pilipinas at nasa pangangalaga ni Jurnie. Naiwan kasi ito kay Jurnie noong huli silang magkasama bago umalis si Daniel patungong Amerika. Ang cellphone din na ito ni Daniel ang nagiging komunikasyon namin ni Jurnie upang makapag-usap. Natatawagan lamang ako ni Daniel noong una sa pamamagitan ng cellphone ni Popoy mula roon. Doon n’ya kasi naisipang tumuloy dahil mas malapit daw iyon sa dati n’yang trabaho kumpara sa bahay namin.
Ayaw ko namang makaabala kay Popoy kung maya’t-maya ako tatawag dahil alam kong may trabaho rin ito. Ngunit nitong huli ay hindi na ako makatiis kaya ako na rin mismo ang kumontak sa kanya. Pero laking pagtataka ko dahil hindi ko na sila makontak ni Daniel. Sinubukan ko rin tawagan sina Mama at Papa maging si Julius ngunit bigo ako dahil wala rin daw silang balita ngayon.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kaya ko kinausap si Jurnie dahil kakailanganin ko ang tulong n’ya. Ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Sinabi kong nagkaayos na kami ni Xander at sabay na rin naming haharapin ang problema laban kay Josephine kung sakaling dumating itong muli sa buhay namin.
May plano na akong kausapin si Daniel pagdating na pagdating n’ya. Ngunit alam kong kapag nangyari na iyon ay masasaktan si Daniel. At ang unang-unang taong lalapitan n’ya ay si Jurnie kaya kailangan kong ihabilin si Daniel sa kanya.
Hindi ko naman gustong saktan si Daniel. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Mahal na mahal ko si Xander at hindi ko kakayanin kung mawawala s’ya sa akin. S’ya na ang buhay ko simula pa noon hanggang ngayon. Hindi ko na yata kayang mabuhay kung mawawala pa s’yang muli sa buhay ko.
Kaya kahit alam kong may mga masasaktan ako, hindi ako aalis sa tabi ni Xander. Sabay naming haharapin ang lahat na magkahawak ang aming mga kamay. Alam kong malalampasan namin ang lahat ng problema nang magkasama kaming dalawa.
Ilang sandali pa ay napansin kong malapit na rin pala akong makarating sa condo namin ni Xander. Muling sumilay ang ngiti sa akin dahil nai-imagine ko kung ano ang magiging reaksyon ni Xander sakaling makita n’ya ang aking inihandang sorpresa.
“Manong, d’yan na lang po sa tabi.” pakiusap ko sa taxi driver.
Tamang-tama lang pala ang dating ko. Siguro ay nakapag-ayos na rin ngayon ang makulit na si Xander. ’Yon pa! Basta sa ganitong date naming dalawa ay kulang na lang mag-tumbling s’ya sa saya.
Nakaakyat ako sa aming unit at marahan kong binuksan ang pinto. Dahil nga may sarili na rin akong susi ng aming condo ni Xander ay malaya ko nang napapasok ito. Ayaw din naman kasi ni Xander na kumakatok pa ako o nagpapaalam pa sa kanya sa tuwing gagamitin ko ang lahat ng pag-aari n’ya. Madalas namin ’yan pinagtatalunan nitong mga nakaraan. Ang lagi n’ya kasing sinasabi sa akin ay pag-aari ko ang lahat ng pag-aari n’ya kaya bakit daw kailangan ko pang ipagpaalam ang lahat. Pumayag na lamang ako dahil hindi naman ako mananalo sa kanya ’di ba? Sumobra s’ya sa kulit at pagka-isip bata. Pero lahat ng katangian n’yang iyon ay mahal ko.
Mali.
Ang lahat pala sa kanya ay mahal na mahal ko.
“Master!” masaya kong bati sa kanya pagkapasok na pagkapasok ko sa aming kwarto.
Naabutan ko s’yang nakaharap sa aming malaking salamin doon. Siguro ay kinakausap nanaman ang kanyang sarili. Siguro ay kinukumbinsi nanaman n’ya ang kanyang sarili na s’ya na ang pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa. Na s’ya lang ang pinakagwapo sa aking paningin.
Ehem!
Eh s’ya lang naman talaga ang gwapo sa mga mata ko, wala nang iba. S’ya lang ang kayang magpatigil ng mundo ko. S’ya lang ang may kakayahan na mapabilis ang pagtibok ng puso ko kahit na lalapitan pa lang n’ya ako.
“Master!” masigla n’ya ring pagbati sa akin pabalik nang lingunin n’ya ako.
Mabilis n’ya rin akong niyakap ng mahigpit nang lingunin n’ya ako. Ngunit kahit nakangiti s’ya ay nararamdaman kong may mali sa kanya.
Ilang araw ko na rin itong napapansin sa kanya ngunit sa tuwing tatanungin ko s’ya ay sinasabi n’yang ayos naman ang lahat. Kaya sa halip na pilitin ko s’yang sabihin sa akin at mauwi kami sa pagtatalo ay hinahayaan ko na lamang s’ya. Inisip kong baka stressed lang s’ya sa trabaho dahil hindi lang naman ang hotel ang kanyang inaasikaso, nariyan din ang dalawa n’yang restaurant.
“Ugh! Ang higpit Master ah? Na-miss mo ako?” malambing kong tanong sa kanya.
“Sobra! Sobrang kitang na-miss!” masigla n’ya namang sagot sa akin.
Bibitaw na sana ako sa pagkakayakap sa kanya upang makita ko ng malapitan ang kanyang mukha ay pinigilan n’ya ako sa pamamagitan ng paghigpit pa ng kanyang yakap.
“Ganito muna tayo. Na-miss talaga kita eh.” wika n’ya.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi kaya gumanti na rin ako ng mahigpit na yakap. Dinama na lamang namin ang init ng katawan ng isa’t-isa. Ako rin naman ay na-miss ko s’ya dahil hindi kami magkasama kagabi.
Nakangiti lamang ako habang magkayakap kaming dalawa. Masaya akong nasa tabi ko ngayon si Xander at yakap ko s’ya. Tahimik lamang kami ngunit nagulat ako nang magsalita s’ya.
“Mahal kita Master. Mahal na mahal.” sambit n’ya.
Mas lumapad ang pagkakangiti ko sa kanyang sinabi. Sa bawat araw kasi na magkasama kami o kahit hindi kami magkasama ay hindi ko mabilang kung ilang beses n’ya ba itong sinasabi sa akin.
“Mas mahal kita Master. Mas mahal na mahal.” sagot ko naman sa kanya.
Matagal kami sa ganoong posisyon bago kami nagbitaw.
“Tara na? Ready ka na ba?” masigla kong pagyaya sa kanya.
“Yes! Always ready Master!” sagot n’ya naman at sumaludo pa.
Natawa na lamang ako sa kanya dahil may pagka-isip bata talaga. Pero natutuwa ako dahil sa akin lamang n’ya iyon pinapakita. Iba kasi ang Xander na humaharap sa ibang tao. Sa akin lamang s’ya ganito kaya pakiramdam ko ay napaka-espesyal ko talaga sa kanya.
Nang nasa pinto na kami ng aming condo para lumabas ay naghintay ako ng isang halik mula sa kanya dahil nakasanayan na namin iyon. Ngunit nagulat ako nang dire-diretso lamang kaming lumabas mula rito. Pinakiramdaman ko s’ya at napansin kong tila may malalim s’yang iniisip.
Nang makapasok kami sa loob ng kanyang kotse ay pinigilan ko s’yang paandarin muna ito sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang kamay.
“Bakit?” tanong n’yang nagtataka.
“Hindi yata ako nakatanggap ng kiss bago tayo makalabas ng condo kanina.” paglalambing ko sa kanya.
Ngumiti naman s’ya ng malapad bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi. Binigyan n’ya ako ng isang masuyong paghalik. Pero sa unang pagkakataon ay naramdaman ko sa kanyang paghalik na tila ba may mali. Hindi ko matukoy iyon pero may kaba akong naramdaman.
“Sorry, masyado kasi akong na-excite sa date natin eh.” nakangiti n’yang wika matapos maghiwalay ng aming labi.
Sa halip na mag-isip ng hindi maganda ay ngumiti na lamang ako sa kanya. Ibinigay ko ang pinakamaganda kong ngiti na s’ya lang ang may kakayahang ilabas mula sa akin.
Habang nakangiti ako sa kanya ay hindi n’ya inalis ang pagkakatitig sa akin. Tila ba sinusuri n’ya ang lahat ng parte ng aking mukha.
“Oy Master! Nakakatakot ka na tumingin.” pagpuna ko sa kanya.
Muli s’yang ngumiti matapos kong sabihin ’yon.
“Hayaan mo na. Alam mo namang gustong-gusto kong nakikita ang ngiti mo ’di ba? Kaya sinasamantala ko lagi ang titigan ka.” pagsagot n’ya sa akin.
Ewan ko ba, pero parang may mali sa mga binitiwan n’yang salita. Pero sa halip na magpaapekto ay inilagay ko na lamang ang dalawa kong braso sa kanyang leeg. Pareho lamang kaming nakatitig sa isa’t-isa. Ayaw kong sirain ang araw na ito dahil para sa aming dalawa ni Xander ito.
“Sus! Para namang may aagaw ng ngiti ko sa’yo! Sa’yo lang lahat ng ’to! Isama mo na rin ang dimple ko!” wika ko at binigyan ko s’ya ng isang halik sa labi. “Tara na Master! Baka mahuli tayo sa lakad natin.” pagyaya ko na sa kanya at inalis ko na rin ang aking braso sa pagkakayakap sa kanya.
Ngumiti naman s’ya at ipinagpatuloy na rin ang pagpapaandar n’ya ng kanyang kotse.
“Teka? Saan ba tayo pupunta ngayon?” tanong n’ya sa akin.
Bago ko iyon sagutin ay nagbitaw ako ng malalim na paghinga. Medyo ninenerbyos din kasi talaga ako. Sa tuwing maiisip ko ang bar na pagdadausan sana namin ng masayang monthsary namin two years ago ay tila ba may kirot pa rin sa aking puso.
Pero nakapagdesisyon na ako. Doon huminto ang masayang pagsasama namin ni Xander noon. Kaya doon din kami dapat bumalik para magsimula ulit. Buburahin namin ang masamang ala-ala na meron kami sa lugar na iyon.
Isasakatuparan ko ang dapat na masayang selebrasyon namin noon.
“Naaalala mo ba Master ’yung bar na dapat ay pagdadausan natin ng third monthsary natin two years ago? ’Yung lugar na inupahan ko para sana sa celebration natin noon pero nauwi sa hindi magandang pangyayari?” sa malungkot kong tonong pagsagot sa kanya.
Nakita ko ang takot kay Xander. Alam kong ayaw n’ya na rin balikan pa ang lugar na iyon tulad ko. Pero gusto ko kasi na kung saan kami tumigil noon ay doon din kami magsisimula ngayon. Sa paraang iyon ay parang ipinagpatuloy lang namin ang aming relasyon at hindi naganap ang paghihiwalay namin ng dalawang taon. Iisipin naming nagtuloy-tuloy lang ang aming relasyon.
“A-anong gagawin natin doon?” tanong n’yang kinakabahan.
“Basta. Malalaman mo rin pagdating natin doon.” pagsagot ko naman sa kanya.
Matapos ang pag-uusap naming iyon ay binalot na kami ng katahimikan. Ipinagpatuloy n’ya ang kanyang pagmamaneho at ako naman ay nanatiling walang imik dahil sa pag-iisip sa magaganap mamaya. Kinakabahan ako at nagdarasal na sana ay maging matagumpay ang lahat ng inihanda ko sa tulong na rin ng aming mga kaibigan.
Alam kong pareho kami ni Xander ngayon na kinakabahan. Takot kaming balikan ang lahat ng mga bagay na naging saksi sa unti-unti naming pagkakalayo noon ni Xander. Pero gaya ng ginawa naming pagpasok sa aming condo na ayaw na sana naming balikan ay haharapin muli namin ito nang buong tapang. Ipapakita namin sa lahat na matatag kami ni Xander at hindi na kailanman maghihiwalay pa.
Nakarating kami sa tapat ng bar na pagdadausan ng magandang sorpresa ko sa kanya ngunit hindi agad kami bumaba. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita dahil pareho kaming may takot sa aming puso. Pareho lamang kaming nakatingin sa unahan ng aming sasakyan.
Dahil sa katahimikan ay ako na rin ang bumasag nito. Naalala kong nasa loob na rin pala ng bar na iyon ang lahat ng aming kaibigan na naghihintay sa aming pagpasok.
“Master…” pagtawag ko sa kanyang atensyon ngunit hindi ko s’ya nililingon.
“B-bakit?” nauutal n’ya namang tanong sa akin pabalik.
“Hintayin mo ang tawag ko. Mauuna akong pumasok sa loob. At kung matanggap mo na ang tawag ko, senyales na ’yon na pwede ka nang pumasok.” seryoso kong bilin sa kanya.
“B-bakit kailangan pang ganon? Hindi ba pwedeng sabay na lang tayong pumasok?” kabado n’yang tanong.
Nilingon ko s’ya at nagbitaw ako ng tipid na ngiti.
“Para kasi sa’yo ang nasa loob. Inihanda ko para sa’yo.” pagbibigay ko ng impormasyon sa kanya.
Hindi s’ya nagsalita. Nakita ko ang pag-aalinlangan n’ya. At para matuloy na ang inihanda kong sorpresa sa kanya ay naisip kong makiusap na sa kanya. Hinawakan ko s’ya sa magkabilang pisngi.
“Please Master?” pakiusap ko sa kanya.
Habang nasa mga pisngi n’ya ang aking mga kamay ay hinawakan n’ya ito ay hinalikan ang aking palad.
“Kung ano man ang mangyari, inihanda ko na ang sarili ko. Handa na ako.” sagot n’ya sa akin.
Makahulugan ang kanyang sinabi na labis kong ipinagtaka. Nakakita rin ako ng kalungkutan sa kanyang mga mata. Pero iwinaglit ko na lamang ito sa aking isip dahil alam kong maya-maya lamang ay masisilayan ko nang muli ang kanyang mga ngiti kapag nakita n’ya na ang aking sorpresa.
Tumango-tango na lamang ako sa kanya habang may tipid na ngiti sa aking labi.
Matapos iyon ay mabilis din akong bumaba sa kotse. Wala na akong lingon-lingon pa dahil excited na ako sa mangyayari maya-maya.
Nakarating ako sa pinto ng bar at dahan-dahang pinihit ang door knob.
“Tom!!” ang pagbati ng lahat ng aming kaibigan nang makita ako.
Lumapit din ang ilan sa akin para yumakap at magbeso bilang pagbati. Sina Rigo, Randy, Dominic, Dee, Ben, Eunice, Ma’am Shai at ang ilan pa naming mga katrabaho noon sa pangunguna na rin ni Cha. Narito rin sina Sir Lojie at Olyn. Oo, kasabwat ko rin ’yang mga ’yan at tumulong rin sa paghahanda nitong sorpresa ko.
Lahat sila ay nakangiti na sinuklian ko rin ng mas malapad na pagkakangiti. Masayang-masaya ako dahil suportado nila kaming dalawa ni Xander. Sila pa ang nag-arrange ng lahat ng set up dito sa bar dahil alam nilang hindi ako basta-basta makakatakas kay Xander para makatulong sa pag-aayos dito.
“Hoy Tom! May utang ka sa amin ha? Binigyan mo pa kami ng trabaho para lang dito sa pakulo mo!” panunumbat sa akin ni Sir Lojie.
“Oo nga Tom, isang linggo mong sasagutin ang lunch namin ha? Sama mo na din ang meryenda.” segunda naman ni Olyn.
Ngumiti naman ako sa dalawa.
“Oo na, ako na bahala sa inyo. Pati sa bar ni Anthony sagot ko na kayo.” sagot ko sa kanila.
Nag-high five na lamang ang dalawa at bumalik na rin sa kanilang inuupuan. Nakita kong ibinalik nila ang kanilang sarili sa paglalaro. Hindi ko alam kung ano nanaman ang naisip nilang laro pero paulit-ulit nilang kinakanta ang ‘Pak Ganern’.
Ano ba ’yun?
“Nasa labas na ba si gago?” biglang tanong ni Dominic sa akin ngunit nakatikim s’ya ng isang batok mula kay Dee.
Natawa naman ako bago ako sumagot.
“Oo, iniwan ko muna saglit. Sabi ko tatawagan ko na lang s’ya ’pag pwede na s’yang pumasok.” sagot kong nakangiti.
“Bessy, mahigpit ba ang naging bilin mo? Alam mo naman si Sir Xander, ’pag nawawala ka sa paningin non parang mabangis na hayop na hindi pinakain ng isang taon!” wika naman ni Cha.
“Oo bessy, marunong na rin s’yang makinig sa akin ngayon kahit papano.” natatawa kong sagot.
“So proposal na ba ito Tom?” tanong ni Randy sa akin.
Napakamot naman ako sa aking batok.
Tama si Randy. Ngayon din ang araw kung kelan ko ipapaalam kay Xander na gusto ko na s’yang makasama habang buhay. Ngayon ang araw ng sasabihin ko sa kanya na pag-aari n’ya na talaga ako at kahit ano pa ang mangyari sa hinarap, kahit tutulan pa kami ng lahat ay hindi na ako aalis pa sa tabi n’ya.
Ngayon ang araw na gusto kong hingiin ang kamay n’ya. Sana lang ay hindi s’ya magalit dahil alam kong sa aming dalawa, ako ang parang lumalabas ng nasa pwesto ng isang babae. Kaya nga noong una ay medyo nag-aalangan din ako sa ideyang ito. Pero sa tulong na rin ng mga kaibigan ko ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob.
Bago ko pa ito gawin ay naitawag ko na rin ito kina Mama, Papa at Julius. Suportado naman nila ako sa aking desisyon. Sa katunayan ay tuwang-tuwa pa ang mga ito nang sabihin kong nagkaayos na kaming dalawa. Nanghihinayang lamang sila dahil hindi sila makakapunta sa selebrasyong ito dahil naging biglaan ang lahat. Nagtampo pa nga sa akin si Mama dahil bakit daw hindi ko sila sinabihan ng maaga.
Nagkaroon din kami ng kaunting diskusyon dahil nag-aalala din sila kay Daniel. Naipaliwanag ko naman ito ng maayos at sa huli ay ibinigay nila ang lahat ng suporta sa akin.
Naging emosyonal din kami ni Papa kahit na sa telepono lang kami nag-usap. Simula kasi nang malaman ko ang totoong dahilan kung bakit lumayo sa akin noon si Xander ay hindi ko s’ya kinausap. Nagkaroon ako ng tampo dahil alam n’ya naman pala ang totoong dahilan pero hindi n’ya iyon sinabi sa akin. Pero dahil mahal na mahal ko si Papa ay naayos din namin ito. Naisip kong mas mahalaga ang ngayon dahil magkasama na kaming muli ni Xander.
“Parang ganun na nga. Pero wala naman akong biniling sing-sing. Si Xander kasi may mahigpit na bilin sa akin na wala kaming pwedeng isuot na ibang accessories sa katawan kundi ang kwintas at sing-sing naming dalawa eh. Kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin nung una. Mabuti nga at pinayagan n’ya akong magsuot ng relo.” natatawang pagsagot ko kay Randy.
“May naisip ka na ba para makapag-propose?” tanong naman ni Rigo.
Ngumiti naman ako sa pagkakataong ito.
“Meron na.” sagot ko naman sa kanila.
Ang plano ko ay kukunin ko ang suot n’yang kwintas namin dalawa bago ko ’yon isusuot sa kanya. Parang kasal na rin pero ang kulang lang ay ang seremonya.
Si Ma’am Shai naman ang sumingit ngayon sa usapan.
“Why don’t we start then? Kilala ko ang lalaking ’yon. Ayaw na ayaw n’yang pinaghihintay s’ya. Pero kung ikaw ang magpapaantay Tom, I’m sure kahit abutin pa ng ilang decade maghihintay ’yon. You know kung gaano s’ya kabaliw sa’yo.” wika ni Ma’am Shai.
“Yeah, same here. Mas mahal ko s’ya ngayon kesa noon. Hindi na ako papayag na mawala pa s’ya.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Matapos iyon ay niyakap nila akong lahat at binati bagamat hindi pa naman nagaganap ang proposal.
Matapos iyon ay nagsimula na rin silang maghanda sa kanilang partisipasyon. Ako naman ay muling iginala ang tingin sa kabuuan ng bar.
Nagkalat ang mga balloons. Sa stage naman ay nakahanda na rin ang banda na kakanta para sa aming dalawa. Naroon na rin ang white screen kung saan ipapalabas ang presentation na aking ginawa sa loob ng isang linggo. Halos hindi ko nga magawa ang aking trabaho sa hotel para lang matapos ito.
“Ready ka na ba Tom?” ang biglang paglapit sa akin ni Eunice.
“Ready na. Salamat nga pala sa inyo ha?” sagot ko naman sa kanya.
“Sus wala ’yun! Basta ba sa simbahan ang tuloy go kami d’yan eh! Alam mo naman na solid supporters n’yo kami!” wika naman n’ya sa akin.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Alam naman natin na hindi ’yon pinapayagan dito sa bansang Pilipinas. Pero sa kagaya ni Xander, alam kong hindi ’yon papayag na hindi mangyari ’yon kaya isa-suggest n’ya malamang na gawin ito sa ibang bansa.
“Salamat. Maraming salamat.” tangi ko na lamang nasabi.
“Oh paano? Pumwesto ka na dun sa stage. Ayusin mo ang pagkanta ha? Kundi talagang babatuhin ka namin ng kamatis doon!” utos n’ya sa akin.
Kung makapagbigay naman ng instruction ’tong si Eunice sa akin ay akala mo isang diva na magaling kumanta. Naalala ko pa nga nung kumanta silang dalawa ni Cha sa isang comedy bar na halos nagbigay ng kahihiyan sa kanilang dalawa.
“Oo na! Oo na!” sagot ko na lamang sa kanya habang natatawa.
Wala na nga akong inaksaya pang oras. Pumunta na ako sa stage kung nasaan ang banda. Saglit akong tumigil sa harap ng mic at huminga ng malalim dahil sa sobrang kaba. Nakahanda na rin ang lahat ng aming mga kaibigan.
Ipinikit ko ang aking mata ng ilang segundo. Pagmulat ko ay muli kong sinuri ang buong lugar. Napangiti ako at nakakuha ng lakas ng loob para ituloy na ang inihanda kong sorpresa.
“Maghanda ka na Master. Sabi ko nga sa’yo, pasensyahan na lang tayo. Pasensyahan na lang tayo dahil sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong ako ang makakalamang ng pagpapakita ko ng pagmamahal sa’yo. Sinabi ko na sa’yo, babawi ako. Masyado mo akong mahal kaya sa pagkakataong ito, ako naman ang magpapakita kung gaano talaga kita kamahal. Doble ang isusukli kong pagmamahal na binibigay mo. Totoo ang lagi kong sinasabi na mas mahal kita kesa noon. Mas mahal kita ngayon dahil kahit mawala pa sa akin ang lahat basta ikaw lang ang matira, masaya na ako. Mahal na mahal kita kaya hindi na kita pakakawalan pa. Akin ka na Master Xander. At ako, si Master Tom mo, magiging iyo na ng buong-buo.”
mahaba kong pakikipag-usap sa kanya sa aking isip habang may malawak na ngiti sa aking labi.
“Handa na ba ang lahat?” tanong ko sa aming mga kaibigan.
“Ready na! Mukhang ikaw pa yata ang hinde! Tagal magsimula para makakain na! Naiinip na si idol sa labas!” sigaw ni Ben na nakapwesto ngayon sa mixer ng bar dahil s’ya ang music director ngayon.
“Hoy kamote! Manahimik ka d’yan! Gawin mo ’yang trabaho mo!” sigaw sa kanya ni Cha.
Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Masaya ako para sa dalawang matalik na kaibigan kong ito dahil sa huli ay sila rin ang nagkatuluyan kahit marami silang differences.
“Sige, tatawagan ko na s’ya.” sambit kong nakangiti.
Kinuha ko na mula sa aking bulsa ang aking cellphone para tawagan si Xander.
Akmang ida-dial ko na sana ang number ni Xander nang makarinig kami ng isang boses mula sa aking likuran.
“Mukha yatang hindi n’yo ako sinabihan na may ganito kayong inihandang celebration?”
tanong ng isang taong kilalang-kilala ko.
Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang kanyang boses. Hindi ako nakagalaw. Maging ang kamay ko ay nanginginig habang hawak ko ang aking cellphone.
“Kamusta naman kayong lahat? Na-miss n’yo ba ako?” tanong n’ya pang muli.
Mula sa aking likuran ay naramdaman kong humakbang ito sa aking kanan. Doon lamang s’ya nakatayo sa aking tabi habang nakangiti sa aming mga kaibigan.
Tahimik ang buong lugar at wala kang maririnig na kahit ano dahil lahat kami ay nasorpresa. Nakita ko kung paano nanlalaki ang mga mata ng aming mga kaibigan. Maging ako ay alam kong ganoon din. Ilang paglunok pa ang aking ginawa dahil sa labis na kaba.
“Oh? Bakit ang tahimik n’yong lahat? Party ’to ’diba? Hindi ko alam na nagpahanda pa kayo ng ganito kaespesyal na party para lang sa pagdating ko. Welcome party ba ’to dahil nagbalik na ako? Ang sweet n’yo naman.” mahaba n’yang wika ngunit sa nakakainsulto na tono.
Unti-unti ko s’yang nilingon at nakita ko paunti-unti ang kanyang mukha. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang taong mahigit isang buwan ko nang hindi nakikita.
“D-daniel….”
pagbigkas ko sa kanyang pangalan.
Unti-unti n’ya rin akong nilingon habang nakangiti. Ngunit sa likod ng ngiti n’yang iyon ay nababakas ko ang kanyang kalungkutan. Nakita ko pang may nangingilid s’yang luha sa mga oras na ito.
“Bae…. Kamusta? Na-miss kita.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Ilang segundo bago ko nagawang ibuka ang bibig ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
“A-anong ginagawa mo d-dito?” nauutal kong tanong sa kanya.
Hindi n’ya ako sinagot.
Unti-unti s’yang lumapit sa akin at ilang sandali pa lamang ay naramdaman ko na lang na niyakap na n’ya ako.
“Grabe! Miss na miss kita!” sambit n’ya habang yakap ako ng mahigpit.
Tulala lamang ako habang nasa ganoon kaming posisyon. Iniangat ko ang aking kamay para tugunan ang kanyang yakap ngunit hindi kasing higpit ng sa kanya.
Hindi ko inaasahan ito. Wala akong kaide-ideya na magpapakita ngayon si Daniel. Ngayon kung kelan nakahanda na ang lahat para sa espesyal na araw sa amin ni Xander.
Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti s’yang bumitaw. Ngunit ang kanyang kamay ay inihawak n’ya sa aking mga kamay. Alam kong nararamdaman n’ya ngayon ang panlalamig ko gayun din ang panginginig ng mga ito. Naramdaman ko rin na ganoon din s’ya, nanlalamig ang kanyang mga kamay at nanginginig.
Nagkatinginan kami sa isa’t-isa. Suot n’ya pa rin ang kanyang matamis na ngiti bagamat alam kong nalulungkot s’ya. Hindi ko alam kung may ideya na s’ya ngayon sa selebrasyong ito. Pero sa biglaang pagsulpot n’ya dito ay masasabi kong planado na rin ang pagpunta n’ya rito.
“K-kelan ka pa d-dumating?” tanong ko sa kanya sa boses na pahina ng pahina.
“Importante pa ba ’yon Bae? Hindi ka ba masaya dahil nandito na ako?” una n’yang sambit habang nakangiti.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nanatili pa rin akong nakatingin lamang sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata.
Humarap s’ya sa aming mga kaibigan. Nakangisi s’ya at hindi ko mabasa kung anong nasa isip n’ya ngayon.
“Surprised guys? Magsalita naman kayo! Para kayong mga tanga d’yan na nakatunganga oh! May mga nakanganga pa sa inyo! Iisa lang ang reaction n’yo! Ayan tuloy, magkakamukha na kayo! Pati ikaw Jurnie! Kamukha mo na din sila oh! Nagulat ka rin ba dahil nagbalik na ang BEST FRIEND mo?” pagbibiro n’ya sa aming mga kaibigan habang natatawa ng nakakainsulto. Nagawa n’ya pang idiin ang salitang best friend na tila ba may panunumbat dito.
Mukhang hindi rin alam ni Jurnie na babalik ngayon si Daniel.
“Daniel stop it!” pagsaway sa kanya ni Ma’am Shai.
“Oh? Bakit naman Ate? Ano bang mali sa mga sinabi ko?” tanong n’yang natatawa.
“Daniel! Ano bang ginagawa mo dito?!” madiin na tanong ni Randy kay Daniel.
Tumigil si Daniel sa pagtawa. Unti-unti ay naging seryoso ang kanyang mukha. Naging matalim ang kanyang tingin sa aming mga kaibigan.
“Nandito ako para kunin ang pag-aari ko. Nandito ako para bawiin ang para sa akin. At hindi ako aalis dito hanggat hindi ko kasama ’yon!” sagot ni Daniel na madiin.
Natigilan ang lahat sa kanyang naging pagsagot. Maging ako ay hindi nakapagsalita. Tanging paulit-ulit lamang na paglunok ang nagawa ko. Hindi rin ako makagalaw na tila ba napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
Matapos iyon sabihin ni Daniel ay unti-unti s’yang humarap muli sa akin. Mula sa pagiging seryoso ng kanyang mukha ay napalitan ito ng pagngiti.
“Naghanda ka ba ng ganito kalaking sorpresa Tom dahil alam mong darating ako? Ngayon ko na ba malalaman ang sagot mula sa’yo?” tanong n’ya sa akin.
Naalala ko ang naging usapan namin bago s’ya lumipad patungong Amerika. Na pagdating na pagdating n’ya ay sasagutin ko na s’ya.
“A-ah… K-kasi Daniel… M-may kailangan ka kasing… m-malaman eh..” ang hindi ko maituwid na pagsasalita.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag.
Ngumiti naman si Daniel ng matamis at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
“Alam ko na ’yan Bae. Alam ko naman na magiging tayo na ’di ba? Kasi ’yon ang pinangako mo sa akin bago ako umalis ’di ba? Hindi mo na kailangan pang idetalye ang bagay na ’yon. Kasi simula ngayon, akin ka na Tom. Wala nang makakapigil sa atin dalawa. Salamat Tom. Maraming salamat.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Sasagot pa sana ako sa kanya upang linawin ang kanyang sinabi ngunit hindi ko na naituloy pa ito.
Nagulat na lamang ako nang bigla n’yang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko na lamang na nagdikit ang aming labi ni Daniel.
Lalong nanigas ang aking buong katawan. Nanlalaki ang aking mga mata habang nasa ganoon kaming posisyon ni Daniel. Parang tumigil ang mundo ko hindi dahil sa kaligayahan, kundi dahil sa takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“B-bakit?”
tanong ng isang tinig mula sa kung saan.
Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. At kahit ilang taon pa kaming magkahiwalay ay memoryado ko ang tinig na iyon. Ang tinig ng taong nagpapatibok ng puso ko kaya nabubuhay ako sa mundong ito.
Dito na ako natauhan. Mabilis kong inilayo ang labi ko kay Daniel dahilan para mapatigil din s’ya sa ginagawa n’yang paghalik sa akin. Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.
At hindi nga ako nagkamali. Narito s’ya ngayon at nasasaksihan ang hindi magandang bagay.
“Xander?” pagtawag ko sa kanyang pangalan.
“Bakit Tom? Bakit?” tanong n’ya sa akin.
Kitang-kita ko ang masaganang paglandas ng mga luha ni Xander. Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman n’ya ngayon.
Hindi.
Hindi dapat ganito ang mangyayari. Dapat ay masaya kami ngayon. Dapat ay dito namin sisimulan ang panibagong buhay naming dalawa.
Gulong-gulo ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin.
Bago pa ako makapagsalita ay nakita kong kumilos si Xander palayo sa amin. Umatras ito habang patuloy sa pagluha.
Sinimulan ko nang ihakbang ang aking mga paa para sundan s’ya. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong linawin na hindi ko rin inaasahan ang bagay na ito. Ngunit bago pa ako makahakbang upang sundan si Xander ay may pumigil sa aking braso.
“Saan ka pupunta Tom?” may diin na pagtatanong sa akin ni Daniel habang mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso.
Nilingon ko si Daniel at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. Unti-unti kong ikinilos ang aking kamay upang tanggalin ang pagkakahawak sa akin ni Daniel.
“Daniel pakiusap, susundan ko si Xander.” pakiusap ko kay Daniel.
Nagulat ko nang bigla na lamang s’yang sumigaw.
“Hinde! Hindi mo s’ya susundan! Kung may pupuntahan ka man, walang iba ’yon kundi sa bahay natin! Uuwi na tayo Tom! Itigil mo na ’tong kalokohan na ’to! Uuwi ka kasama ko!!!” sigaw n’ya sa akin na lubhang ikinagulat ko.
Umiling-iling ako ng maraming beses. Nagsimula na rin maglandas ang aking mga luha habang nagmamakaawa akong nakatingin sa kanya.
“Hindi Daniel… Hindi ako sasama sa’yo… Please, bitawan mo ako… Susundan ko si Xander…” pakiusap ko sa kanya.
Ngunit kahit anong pakiusap ko ay mukhang walang balak si Daniel na bitawan ako. Kahit anong pagpipilit kong makawala habang umiiyak ay ang paghigpit pang lalo ng pagkakahawak sa akin ni Daniel.
“Daniel… pakiusap… mahal ko si Xander… Mahal na mahal… pakiusap.. hayaan mong sundan ko s’ya… nagmamakaawa ako Daniel…. Hindi ko kayang mabuhay nang wala s’ya…. Daniel please….” pagmamakaawa ko pa sa kanya habang umiiyak.
“At paano ako?!!! Ganon na lang ba Tom?!!! Ganon na lang ’yon?! Basta mo na lang iiwan?!!! Ha??!! Sumagot ka!!!!” mas malakas n’ya nang sigaw sa akin.
Habang nasa ganoon kaming tagpo ay narinig ko ang pag-awat ni Randy kay Daniel.
“Daniel! Bitawan mo si Tom!” pagsaway sa kanya ni Randy.
Nakita kong palapit na sana sina Dominic at Rigo maging ang ilan naming kaibigan nang pigilan ito ni Daniel.
“Walang lalapit!! Problema namin ’to kaya ’wag kayong makialam!! Mga wala kayong kwentang kaibigan!! At kapag isa sa inyo ang lumapit dito, masasaktan ko si Tom!!” pagbabanta ni Daniel.
Wala na akong pakialam kung gagawin nga ni Daniel ang kanyang banta. Mas nagpumiglas pa ako para makawala sa kanya habang nagmamakaawa ngunit ayaw n’ya talaga akong bitawan.
Napatigil na lamang ako sa pagpupumiglas nang may isang boses akong narinig malapit sa amin ni Daniel. Kilalang-kilala ko rin ito ngunit ngayon ko lamang napagtanto na narito rin pala s’ya sa lugar na ito.
“Bitawan mo si Tommy dahil nasasaktan s’ya!” madiin na utos ng bagong dating.
Hawak n’ya ang kamay ni Daniel na nakahawak sa aking braso.
“Popoy…” sambit ko nang masilayan ko ang kanyang mukha.
Hindi pa rin pinansin ni Daniel ang pakiusap ni Popoy sa kanya. Mahigpit pa rin akong hawak ni Daniel.
“Sinabi kong bitawan mo s’ya Daniel!! Kapag hindi mo s’ya binitawan, ako na ang makakalaban mo!! Alalahanin mong matalik na kaibigan ko ’yang sinasaktan mo!! Magkakasakitan din tayo ’pag sinaktan mo si Tom!!!” sigaw na ni Popoy kay Daniel.
Ganyan si Popoy. Mabait at masayahing tao. Pero ’pag nagalit s’ya ay matatakot ang kahit na sino.
Dahil sa ginawang pagsigaw ni Popoy ay naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak ni Daniel sa aking braso hanggang sa mabitawan n’ya ako. Ngunit matapos iyon ay ang biglang pagtakip ni Daniel sa kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang mga palad. Malakas din ang biglang pag-iyak ni Daniel.
“Sige na Tommy. Sundan mo na si Xander. Ako na ang bahala sa kanya.” mahinahong utos sa akin ni Popoy.
“S-salamat Popoy… Salamat…” umiiyak kong sagot sa kanya.
Tumango-tango na lamang s’ya sa akin habang malungkot ang kanyang ekspresyon.
Wala na akong sinayang na sandali. Mabilis akong umalis sa aking pwesto. Susundan ko si Xander. Hindi pwedeng maulit ang nangyari noon. Dapat ay ayusin namin agad ito.
“Tom! Doon na tayo sa kotse ko!” wika ni Randy sa akin.
Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad upang tunguhin ang kotse ni Randy.
Nang makarating kami dito ay nauna na pala si Rigo para s’ya ang magmaneho ng kotse ni Randy. Sa likod na bahagi ng sasakyan ako pumwesto at si Randy naman ay sa tabi ni Rigo.
“Bilisan mo Rigz!” utos ni Randy kay Rigo.
“Yes boss!” sagot naman ni Rigo.
Mabilis ang naging pagpapatakbo ni Rigo ngunit maingat s’ya. Pero kahit anong bilis ni Rigo sa pagmamaneho, pakiramdam ko ay ang bagal-bagal n’ya pa rin. Hindi ako mapakali dito sa backseat dahil sa labis na pag-aalala. Wala rin tigil ang aking pag-iyak dahil sa labis na pag-alala. Natatakot akong muling magkahiwalay kami ni Xander.
“Rigo please…. Bilisan mo pa… Baka hindi natin s’ya maabutan….” umiiyak kong pakiusap sa kanya.
Nilingon naman ako ni Randy na nakikiusap ang mga mata.
“Tom, please calm down. Makikita natin s’ya. Huminahon ka, nabigla lang ’yon si Xander kaya ’yon umalis bigla.” pagpapakalma sa akin ni Randy.
Salitan ako sa paghilamos sa aking mukha at pagtitiklop ng aking mga kamay dahil sa labis na pag-aalala. Paulit-ulit din ang ginagawa kong pagdarasal na sana ay makita na namin s’ya.
Bakit ba nauwi sa ganitong pangyayari ang lahat? Bakit kailangan masira ulit ang magandang plano para sa aming dalawa?
Hindi ko alam kung gaano na ba kami katagal na bumabyahe. Ang aking paningin ay paikot-ikot na rin upang tingnan kung may palatandaan ng sasakyan ni Xander sa kalsada. Labis na akong nag-aalala sa kanya dahil sa nakita kong reaksyon n’ya kanina. Walang tigil pa rin ang ginagawang pagpapakalma sa akin ni Randy at Rigo dahil hindi na rin ako natigil sa pag-iyak at paghikbi.
“Ayun s’ya! Sasakyan n’ya ’yon ’di ba?!” ang biglang pagsigaw ni Rigo.
Mabilis kong inangat ang aking tingin dahil nakayuko ako at patuloy pa rin sa pag-iyak.
“S’ya nga ’yun! Sundan mo bilis!” pagkumpirma naman ni Randy.
Laking pasasalamat ko naman at nakita namin s’ya.
“Sh*t! Ang bilis n’ya magpatakbo! Gago talaga! Dala-dala pa rin ang pagiging car racer hanggang ngayon ah?! Lul! ’Wag ako Xandz! Minsan na rin kitang natalo!” sambit ni Rigo.
“Ang dami pang sinasabi! Bilisan mo na lang d’yan magmaneho!” pagsusungit ni Randy sa kanya.
“Sure boss!” pagsagot naman sa kanya ni Rigo.
Alam kong pinapagaan lang nila ang pakiramdam ko. Alam kong nag-aalala lang sila sa amin ni Xander at paraan nila ito para mapagaan ang sitwasyon.
Ginagawa ni Rigo ang lahat upang makalapit sa sasakyan ni Xander. Ngunit talagang mabilis sa ginagawang pagpapatakbo ito.
Ilang sandali pa ay nakita namin na malapit nang mag-red ang stop light. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa oras na huminto ang sasakyan ni Xander ay bababa agad ako dito sa sasakyan at tatakbo patungo sa kanya. Wala na akong pakialam kung mahuli man ako ng traffic police kung sakaling makita n’ya akong tumatakbo sa gitna ng traffic. Ang mahalaga sa akin ay maabutan ko si Xander.
Ngunit nang maging red ang stop light ay pare-pareho kaming nasorpresa sa nangyari. Tuloy-tuloy ang naging pagpapatakbo ni Xander sa kanyang sasakyan.
“Sh*t!!!” sigaw ni Rigo.
“Oh my God!!!” sigaw naman ni Randy.
Sabay-sabay naming nakita na kinabig ni Xander ang kanyang pagmamaneho sa kanan upang iwasan ang isang malaking truck sa kabilang kalsada.
“Xander!!!!!!!”
ang malakas kong pagtawag sa pangalan n’ya.
Tila ba naging mabagal ang mga pangyayari.
Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paanong bumangga si Xander sa isang malaking poste sa gilid ng kalsada.
“Hindi… Hindi ’to totoo…” mahina kong sambit habang umiiling.
“Xander….”
“Xander….”
paulit-ulit kong pagtawag sa kanya sa mahinang boses.
Parang panaginip lang ang lahat. Gusto kong maniwala na panaginip lang ang lahat. Hindi ito totoo.
Huminto ang aming sasakyan ng hindi ko namamalayan dahil natulala ako at nanlalaki ang mga mata. Habang tulala ako ay alam kong mabilis din ang pag-agos ng aking mga luha.
Wala na akong marinig sa mga oras na ito. Alam kong sumisigaw na rin ngayon sina Randy at Rigo. Alam kong may mga tinatawagan sila sa kanilang mga telepono. Pero hindi ko sila maintindihan.
Dahan-dahan akong lumabas sa kotse nila Randy. Alam kong tinatawag nila ako pero ang mga paa ko ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan ni Xander.
Naging maliliit ang paghakbang ko habang papalapit ako sa kanyang sasakyan. Naririnig ko pa ang mga pagsigaw ng ilang tao sa akin pero wala akong pakialam. Maraming pagbusina din akong naririnig sa mga oras na ito pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.
“Xander….”
pagtawag kong muli sa kanya ng mahina.
Ilang hakbang na lamang ay mararating ko na ang kanyang sasakyan. Ngunit dito pa lamang sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko na ang pagkawasak nito. Nakumpirma ko na rin sa aking sarili na hindi nga ito panaginip kundi isang katotohanan. Ilang beses ko kasing kinurot ang aking braso habang naglalakad patungo sa kanya upang magising ako sa inaakala kong panaginip.
Nakikita ng dalawa kong mata ang nawasak na unahan ng kanyang kotse habang umuusok ito. Malaki ang naging damage nito at doon pa mismo tumama sa pwesto kung nasaan nakaupo si Xander.
Nanginginig ang aking buong katawan habang inihahakbang ko ang aking mga paa kung saan ang pwesto ni Xander.
Nang tuluyan na akong nakalapit sa pwesto kung nasaan si Xander ay nawalan ako ng lakas sa aking nakita.
“Xander!!!!!!!!” malakas kong pagsigaw.
Naglandas ang mga panibagong luha sa aking mga mata.
Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw ng paulit-ulit. Gusto ko s’yang tawagin hanggang sa marinig n’ya ako.
Nakita ko ang nakasubsob na mukha ni Xander sa manibela habang pinaliliguan ito ng maraming dugo. Nakapikit ang kanyang mga mata at wala itong malay.
Mabilis akong humakbang patungo sa kanyang kotse. Sinubukan kong buksan ang pinto nito upang ilabas s’ya. Ngunit gusto kong sambitin ang lahat ng mura na alam ko dahil hindi ito mabuksan.
“Tang*na! Buksan n’yo ’to!!! Ilabas n’yo si Xander dito!!!” sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pinto.
“Xander gumising ka d’yan!!! Lumabas ka d’yan!!!” pagsigaw ko pang muli habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Paulit-ulit kong isinisigaw ang kanyang pangalan. Umaasa akong maririnig n’ya ako.
Inilabas ko ang lahat ng boses ko para sa pagtawag ko ng kanyang pangalan. Kinakatok ko s’ya ng paulit-ulit sa pamamagitan ng paghampas ng aking palad sa salamin ng kanyang kotse.
“Xander!!!! Xander!!! Please gumising ka na d’yan!!! Xander naman!!!”
Sinubukan kong humingi ng tulong. Tumalikod ako at nakita kong marami nang tao ang naririto sa aksidente. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko papunta sa kanila.
“Ate… please tulungan n’yo po ako… Ilabas natin s’ya sa loob…” pakiusap ko sa isang babae habang umiiyak ako at tinuturo si Xander.
Napatakip lamang ng kanyang bibig ang babaeng nilapitan ko. Naaawa n’ya akong tiningnan ngunit sa mga tingin n’yang iyon ay tila ba sinasabi n’ya sa akin na wala s’yang maitutulong.
Lumipat ako sa iba pang naroroon.
“Kuya… kuya tulungan n’yo akong mailabas s’ya… kuya sige na… nagmamakaawa ako… please… ilabas natin s’ya sa loob…” pakiusap ko sa isang lalaki ngunit tulad noong una ay wala itong magawa. Umiling lamang ito ng paulit-ulit sa akin.
“Ma’am, Sir, please… tulungan n’yo po ako… tulungan n’yo po akong mabuksan ang pinto…” paulit-ulit kong pakiusap sa mga taong naroroon.
Hinahawakan ko ang kanilang mga kamay at halos lumuhod na ako sa kanilang harapan sa pagmamakaawa. Ngunit kahit isa sa kanila ay walang kumilos para matulungan ako.
Humakbang ako pabalik sa sasakyan ni Xander. Muli kong ginawa ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya. Alam kong sa mga oras na ito ay mukha na akong nababaliw pero wala akong pakialam. Gusto ko s’yang ilabas mula sa loob ng nawasak na kotse.
“Xander gising na…. Xander andito na ako oh…. Xander gising na….”
“Xander!!!!!”
paulit-ulit kong sambit habang pinupukpok ang salamin ng kanyang sasakyan.
Walang tigil ako sa pagsigaw at pag-iyak. Lahat ng lakas ko ay ibinubuhos ko sa pagtawag ng kanyang pangalan.
Habang nasa ganoon akong tagpo ay nakita ko ang unti-unting pagmulat ng mga mata ni Xander.
“Xander?” mahina kong sambit.
“Narinig mo ang pagtawag ko sa’yo Master?”
mga namutawi sa aking bibig.
Dahil sa nakita ko ang pagbukas ng kanyang mga mata ay nadagdagan ang aking lakas. Muli kong pinilit na buksan ang pinto ng kanyang kotse.
“Xander sandali lang… Ilalabas kita d’yan… ’Wag kang malikot ha? Saglit lang ’to…”
“Tang*na!!!!! Bumukas ka na!!!! Nasa loob si Xander oh!!! Palabasin mo na s’ya!!!”
“Xander!!!”
Ngunit tulad noong una ay bigo ako. Muli ko nanamang pinukpok ang window ng kotse at paulit-ulit na tinawag ang kanyang pangalan.
Nakita kong nakatitig lamang sa akin si Xander. Nakita ko kung paano n’ya sinusubukang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita ngunit hindi n’ya magawa.
Kahit imposible ay sinubukan kong magpakahinahon upang marinig ang gusto n’yang sabihin. Nagpatuloy lamang akong umiiyak habang nakatingin sa kanya.
“Xander… ayaw bumukas ng pinto… baka pwedeng ikaw na lang ang magbukas… please naman… lumabas ka na d’yan… alis na tayo dito… iwan na natin silang lahat… takasan na lang natin silang lahat… basta ’wag ka lang aalis… basta ’wag mo lang akong iwan… sasama ako sa’yo kahit saan… basta lumabas ka lang d’yan… pakiusap Master… lumabas ka na d’yan…” mahaba kong pakiusap sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.
Matapos ko iyon sabihin sa kanya ay nakita ko ang pag-angat ng kanyang palad na puno rin ng dugo. Dahan-dahan n’ya itong inangat upang idikit sa salamin ng kotse.
Nanghina ako sa aking nakikitang paghihirap ni Xander. Hindi ko kayang makita s’yang ganito. Wala akong magawa kundi ang umiyak lamang ng umiyak sa mga oras na ito.
Nang maidikit n’ya ang kanyang palad sa salamin ng kotse ay dahan-dahan ko ring ipinatong ang aking palad sa tapat ng kanyang palad. Patuloy pa rin akong nakikiusap sa kanya.
“Xander… ’wag naman ganito… lumabas ka na d’yan… hinihintay kita dito sa labas oh… sige na, labas ka na mahal ko… labas ka na d’yan Master ko…” pakiusap ko sa kanya habang humihikbi.
Gusto kong mapangiti kahit na umaagos ang aking mga luha dahil nakita kong sinusubukan ni Xander na magsalita upang sagutin ako.
“M-mahal…. na mahal….. k-kita….”
ang nakita kong ibinigkas n’ya kahit hirap na hirap s’ya.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay muli akong umiyak ng malakas. Kahit sa ganitong sitwasyon ni Xander ay hindi n’ya ako binibigo. Pinapakita n’ya pa rin sa akin at pinaparamdam kung gaano n’ya ako kamahal.
“Palabasin n’yo na s’ya dito!!! Hindi s’ya pwedeng mawala sa akin!!! Tulungan n’yo akong ilabas s’ya dito!!!” sigaw kong muli at pinukpok kong muli ng paulit-ulit ang salamin ng kotse.
Habang nasa ganoon akong posisyon ay nagulat ako sa tatlong lalaki na hinawakan ako sa aking mga braso.
“Sir, kailangan n’yo po munang umalis. Delikado po dito.” pakiusap ng isang lalaki.
“Hinde! Hindi ako aalis dito! Bitawan n’yo ako! Ilalabas ko si Xander sa loob!” pagsuway ko sa kanila.
“Sir makinig kayo! Delikado para sa inyo ’to! Hayaan n’yong kami ang umayos dito!” wika naman ng isa pang lalaki.
“Tutulong ako! Ilabas natin s’ya… Tutulong ako!” sagot ko naman muli sa kanila.
Ngunit hindi nila ako pinakinggan. Mahigpit nila akong hinawakan at sapilitang pinapaalis sa pwesto kung nasaan si Xander.
“Bitawan n’yo ako! Ilalabas ko si Xander sa loob!!” sigaw ko habang nagpupumiglas ako.
Pilit pa rin akong nagpupumiglas kahit tatlo pa silang pinagtutulungan akong paalisin.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumapit na rin sina Rigo at Randy sa amin. Akala ko ay pipigilan nila ang tatlong lalaki sa pagpapaalis sa akin. Ngunit nagulat ako nang hawakan din nila ako sa aking braso.
“Tom, please huminahon ka!” pakiusap sa akin ni Randy nang makalayo kami kay Xander.
Habang nasa ganoon kaming tagpo ay nakarinig kami ng pagsabog. Natigilan kaming lahat.
“Xander?” mahina kong sambit at napatigil ako sa pag-iyak.
Mabilis akong lumingon upang tingnan ang nangyari.
“Sumabog ’yung gulong! Bilisan n’yo na! Ilabas n’yo na ang biktima! Baka mamaya ‘yung makina na ang sumunod!’” sigaw na pag-uutos ng isang lalaki.
Bumitaw na rin ang tatlong lalaki sa paghawak sa akin at mabilis na nagpunta sa kanilang mga kasama. Akmang pupunta akong muli sa sasakyan ni Xander ay pinigilan ako nina Randy at Rigo.
“Tom, dito ka lang please.” malungkot na pakiusap ni Rigo.
Malakas si Rigo dahil malaking tao ito kaya hindi ko maialis ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak.
“Rigo… ilabas natin si Xander sa loob…” pakiusap ko sa kanya at nagsimula nanaman akong umiyak.
Napayuko si Rigo at nakita kong pumatak na rin ang kanyang mga luha ngunit hindi n’ya ako binitawan.
Ilang saglit pa ay lumapit sa akin si Randy. Kitang-kita ko ang mga luha n’yang nag-uunahan din sa pagbagsak. Dahan-dahan n’ya akong hinatak papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
“Tom… huminahon ka… Makakalabas d’yan si Xander… Pero sa ngayon, hayaan mong ang mga rescuers ang maglabas sa kanya…” mahinahong pakiusap ni Randy sa akin.
“Randy…. wala naman masamang mangyayari sa kanya ’diba…? Hindi n’ya naman ako iiwan ’di ba…?” tanong ko sa kanya.
“Magtiwala ka lang… magiging maayos din ang lahat… Pero please, magpakatatag ka…” sagot n’ya sa akin.
Dahil sa kanyang sinabi ay muli akong napaiyak ng malakas. Niyakap ko rin si Randy ng mahigpit. Wala akong makakapitan ngayon kundi sila. Parang nawalan ako ng lakas sa mga pangyayari. Paulit-ulit naman sa paghagod sa aking likod si Rigo upang pakalmahin ako.
Matagal ang naging proseso ng pagpapalabas kay Xander. Binasag muna nila ang salamin ng kotse upang mailagay naman ang oxygen na nanggaling sa ambulansyang dumating dito. Hindi ako mapakali at paulit-ulit lamang ako sa pakiusap ko sa kanila na ingatang mabuti si Xander habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Nang mailabas na nang tuluyan si Xander ay mabilis akong lumapit sa kanya habang nakahiga s’ya sa isang stretcher. Kitang-kita ko ang duguan n’yang katawan. Lalo akong nanghina sa aking nakita. Hindi ko naisip kahit kailan na makikita ko si Xander sa ganitong kalagayan.
“Xander…. konting tiis lang ha…? konting tiis lang Master…” pakiusap ko sa kanya habang isinasakay s’ya sa loob ng ambulansya.
Nang maipasok s’ya sa loob ng ambulansya ay muli akong humagulgol. Mabuti na lamang at narito sina Rigo at Randy para samahan ako.
Hindi na rin kami nagtagal pa sa lugar na iyon. Sumakay kaming muli sa sasakyan ni Randy para tunguhin ang ospital kung nasaan si Xander. Sa likod na bahagi ng kotse na rin umupo si Randy para masamahan ako.
Naging mabilis ang pagmamaneho ni Rigo kaya nasa harap lang namin at sinusundan ang ambulansya kung saan sakay si Xander.
Nang makarating sa ospital ay mabilis kong sinalubong ang pagbaba nila kay Xander. Habang pinapatakbo ito patungo sa emergency room ay nasa tabi lamang ako nito.
Hinawakan ko sa kamay si Xander. Kahit puno pa ito ng dugo ay inilagay ko iyon sa aking pisngi habang patuloy kami sa pagtakbo.
“Master… lakasan mo ang loob mo ha…? Hihintayin kita dito sa labas ha…? Promise, hindi na ako iiyak habang nasa loob ka… sasamahan kita na maging matatag… basta ’wag ka lang sumuko…” pagkausap ko sa kanya.
Bago s’ya ipasok sa emergency room ay nagawa ko pang ilapit ang mukha ko sa kanya. Inilagay ko ang aking bibig sa kanyang tenga at binulungan s’ya.
“Magpakatatag ka Master… Hihintayin kita…” bulong ko sa kanya at hinalikan ko s’ya sa kanyang pisngi.
Naghintay kaming tatlo nina Rigo at Randy sa labas ng emergency room ng ospital. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang pabalik-balik ako sa pinto ng ER kahit wala naman akong makita mula rito. Kahit ilang oras na ang nakakalipas simula nang ipasok si Xander sa loob ay hindi pa rin nababawasan ang kabang nararamdaman ko. Naging abala naman sina Randy at Rigo sa pagtawag sa telepono upang ipaalam sa aming mga kaibigan at kamag-anak ang nangyari.
Alam kong nangako ako kay Xander na hindi na ako iiyak. Ngunit sa tuwing maiisip ko ang kalagayan n’ya ngayon ay hindi ko mapigilan ang lumuha.
Iniisip ko pa lang kung paano ko haharapin ang bukas nang wala si Xander ay tila ba tumitigil ang pagtibok ng aking puso.
“Bessy!”
ang narinig kong pagtawag sa akin ni Cha kasama ang aming mga kaibigan. Nakita ko ring dumating sina Daniel at Popoy ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.
Dahil sa parang hindi ko na kakayanin pa ay umiyak na lamang ako ng malakas. Mabilis naman lumapit sa akin si Cha at niyakap ako ng mahigpit.
“Bessy… magpakatatag ka.. magiging okay din si Sir…” wika ni Cha.
“Lakasan mo ang loob mo Tom…” wika naman ni Dee at niyakap din ako.
“Oo nga pareng Tom, malakas ’yan si idol kaya magtiwala ka lang sa kanya…” wika naman ni Ben ngunit kahit s’ya ay umiiyak na rin sa mga oras na ito.
Akmang lalapitan sana ako ni Daniel ngunit mabilis s’yang hinawakan sa kamay ni Ma’am Shai na umiiyak na rin ngayon.
“Not now Daniel, please?” pakiusap n’ya kay Daniel.
Nakita ko ang pag-aalala ni Daniel. Alam kong hindi n’ya rin ito gusto. Alam kong gaya ng lahat ng narito ay mas matinding takot pa ang nararamdaman nito ngayon dahil kapatid n’ya ang nasa loob.
Tahimik lamang ang lahat habang hinihintay ang paglabas ng doktor mula sa emergency room. Wala kaming ginawa kundi ang magdasal na sana ay maging maayos ang kalagayan ni Xander. Ilang beses na rin akong inalok ng mga kaibigan namin na kumain muna ngunit tanging pag-inom lang ng tubig ang aking nagawa dahil parang natutuyuan na rin ako. Hindi ko na nararamdaman ang gutom dahil wala akong ibang inisip kundi si Xander. Hindi ko rin kasi makalimutan ang kanyang itsura kanina noong nasa loob pa s’ya ng sasakyan.
Tanging pag-iyak lamang ang maririnig mula sa akin. Ibayong takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko kakayanin kung mawala sa akin si Xander. Hindi ko kayang simulan ang bukas nang wala s’ya sa aking tabi.
Hindi ko na alam kung gaano na ba kami katagal na naghihintay sa paglabas ng doktor upang malaman ang kalagayan ni Xander. Ngunit lahat kami ay napalingon nang bumukas ang pinto ng emergency room at niluwa nito ang kanina pa namin hinihintay.
Mabilis ko s’yang nilapitan at tinanong. Sumunod naman sa akin ang aming mga kaibigan.
“Doc, k-kamusta po ’yung pasyente? Okay naman po s’ya ’di ba? Ligtas po s’ya ’di ba? Nakayanan n’ya po ang operasyon ’di ba? Kelan po s’ya magigising?” sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nakahawak pa sa kanyang kamay.
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa Doktor sa aking ipinakita ngunit mabilis din s’yang nakabawi para magtanong.
“Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?” magalang na pagtatanong n’ya sa akin.
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Mabilis naman akong sinaklolohan ni Randy.
“Boyfriend po s’ya ng pasyente. Gusto na po naming malaman ang kalagayan ni Xander. Pero kung relative lang po ang pwede n’yong pagsabihan, nandito din naman si Daniel na kapatid n’ya.” mahinahong pagkausap ni Randy at itinuro naman si Daniel.
Mukhang nakumbinsi naman ang doktor kaya nagsimula na rin itong magsalita.
“Well then, magandang balita. Kahit malaki ang naging damage sa buong katawan ng pasyente lalo na sa kanyang ulo ay naging maayos naman ang lahat. Nakakatuwang makita ang pasyente kanina na nakikipag-cooperate kahit wala s’yang malay. Pinipilit n’yang lumaban at nagbibigay s’ya ng magandang response habang nasa kalagitnan ng operasyon. Mukhang ayaw pa n’yang mawala sa mundong ito at mukhang may babalikan pa s’ya dito. Congatulations! Stable naman ang lahat ng vital signs n’ya. Hindi lang natin masabi kung kailan s’ya magigising. Pero hayaan muna natin s’yang magpahinga. Hintayin n’yo na lamang s’yang magising.” mahaba at nakangiting paliwanag sa amin ng doktor.
Halos matumba ako sa aking kinatatayuan. Ibayong saya ang aking naramdaman. Kung kanina ay puro kalungkutan lang ang bumabalot sa akin, ngayon ay para akong nasa ulap nang marinig ko ang balita ng doktor.
Napaiyak akong muli dahil sa labis na kaligayahan. Nagkasiyahan din ang aming mga kaibigan dahil sa narinig.
“Salamat po Doc, maraming salamat po!” wika ko sa doktor habang nakangiti at may luha sa aking mga mata.
Saglit namang nilapitan ng doktor si Daniel at may mga pinag-usapan sila.
Akala ko ay katapusan na ng lahat. Akala ko ay tuluyan nang mawawala sa akin si Xander.
Napaupo ako sa silyang naroon at napapikit. Paulit-ulit akong nagpasalamat sa Panginoon dahil dininig n’ya ang aming dasal.
Matapos kong magdasal ay muli kong naalala ang mukha ni Xander na masaya at nakangiti. Muli ko ring naalala ang pakikipag-usap ko sa kanya kanina bago s’ya ipinasok sa emergency room. Napangiti ako at mas naging proud pa sa kanya. Naisip ko kasi na kahit nasa ganoon s’yang sitwasyon ay marunong pa rin makinig sa akin si Xander.
“Salamat Master… Salamat Xander… salamat at pinakinggan mo ang pakiusap ko sa’yo… Maraming salamat… salamat dahil ramdam kong bumalik ka para sa akin… bumalik ka dahil sa pakiusap ko… Salamat sa’yo… salamat sa pagtupad ng kahilingan ko sa’yo…”
pagkausap ko sa kanya sa aking isip.
A/N
Yown! Pambawi ko sa inyo ’to dahil sa tagal ko mag-update nitong huli ha? Thank you sa patuloy na pagbabasa! Sana ay may napaluha at napangiti ako sa chapter na ’to.
Hanggang sa susunod na chapter guys! Borlog muna ako.
Comments and votes na rin po please! <3
––> cold_deee
chapter 26 - bahama mama
A/N
Yooohooo!! Musta mahal kong readers? Sorry na sa matagal na update. Super busy lang po talaga.
Hello
StephenDamasco
!! Pinapabati ka rin pala ni Josephine!! Hahahaha!! Para sa’yo ’tong chapter na ’to. Salamat sa pagpupuyat kasama ko!! Hahahaha!
Happy reading po sa lahat!
––> si Tom po sa media.
TOM POV
“Sir Lojie…” pagtawag ko sa kanyang atensyon.
“Oh bakit?” tanong n’ya naman pabalik.
Narito kami ngayon sa kwarto ni Xander sa ospital kung saan s’ya naka-confine. Nakaupo ako sa kanyang kama at hawak rin ang kanyang kamay. Pinagmamasdan kong mabuti si Xander sa mga oras na ito. Hanggang ngayon ay puro benda pa rin ang kanyang katawan ganoon din ang kanyang ulo.
Awang-awa ako sa sinapit ni Xander. Kung minsan ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapaluha habang pinagmamasdan s’ya. Nakakaramdam pa rin ako ng takot sa tuwing naaalala ko ang kanyang naging aksidente. Akala ko ay iyon na ang magiging katapusan ng lahat. Kaya laking pasasalamat ko pa rin dahil nahahawakan ko pa rin s’ya hanggang ngayon.
“Bakit hanggang ngayon hindi pa s’ya gumigising?” malungkot kong tanong kay Sir Lojie.
Narinig ko ang malalim n’yang pagbuntong-hininga. Hindi ko s’ya nakikita dahil hindi ko inaalis ang aking mga mata sa mukha ni Xander. Kung pwede lang na hindi rin ako kumurap ay gagawin ko basta hindi lang s’ya maalis sa paningin ko.
Nakaupo si Sir Lojie sa sofa na naririto sa loob ng kwarto. May kalakihan ang kwarto na kinuha namin para kay Xander dahil minsan ay marami ang bumibisita sa kanya.
“Tom, narinig mo naman ang sinabi ng doktor ’di ba? Dahil sa malubhang aksidente kaya hindi pa rin s’ya nagigising hanggang ngayon. Maghintay lang tayo hanggang sa magising s’ya.” mahinahon namang pagsagot sa akin ni Sir Lojie.
Hindi ko pa rin s’ya nilingon. Tanging kay Xander lang nakatuon ang aking mata.
“Apat na araw na s’yang tulog eh. Nakakapagtaka na ang haba ng pagtulog n’ya.” malungkot ko pa ring tugon.
“Tom naman, gusto mo bang magising nga s’ya pero iniinda n’ya ang sakit ng katawan n’ya? Hayaan mo munang magpahinga s’ya.” payo n’ya naman sa akin.
Apat na araw na nga ang nakakalipas simula ang aksidente. Masaya ako dahil nalampasan ni Xander ang aksidenteng iyon. Masaya ako dahil sa oras na magising s’ya ay alam kong maipagpapatuloy na namin ang masaya naming relasyon.
Simula rin ng araw na iyon ay hindi na rin kami nagkakausap pa ni Daniel. Alam kong gusto n’ya akong lapitan at kausapin pero ako na mismo ang umiiwas sa kanya. Ayaw ko munang sa ibang bagay ko itutuon ang aking atensyon. Mas kailangan ako ni Xander ngayon kaya ibinibigay ko ang lahat ng oras ko sa kanya.
Hindi na rin muna ako pumapasok sa trabaho para lang mabantayan s’ya. At sa tuwing matatapos ang oras ng pagdalaw ay umuuwi muna ako sa aming condo at magpapahinga lang sandali. Kinabukasan naman ay maaga akong nagigising para puntahan s’ya.
Kahit wala pa rin malay si Xander sa mga oras na ito ay lagi ko s’yang kinakausap. Gusto kong maramdaman n’ya ang presensya ko sa lahat ng oras. Gusto kong marinig n’ya ang mga katagang ‘mahal na mahal kita’ mula sa akin. Kaya kahit natutulog s’ya ngayon ay lagi kong sinasabi iyon sa kanya.
“Oo nga pala Tom, nandito na sina Tita at Tito. Nagkita na ba kayo?” pagbasag ni Sir Lojie sa namuong katahimikan.
Tinutukoy n’ya ang mga magulang ni Xander.
“Hindi pa. Hindi muna kasi ako pinapunta noong isang umaga ni Randy dito. Sinabi n’yang ibigay ko muna ang oras na ’yon para sa parents ni Xander.” sagot ko naman sa kanya.
Noong isang araw kasi ay sinabihan ako ni Randy na darating ang mga magulang ni Xander. Nang mabalitaan daw ang nangyari kay Xander ay agad na nagdesisyon ang mga ito na umuwi mula sa ibang bansa para makita ang kalagayan ni Xander.
“Iyak ng iyak ang pamangkin kong si Carla. Nakakaawa ’yong bata. Halos hindi umalis sa tabi ng ama n’ya.” wika n’ya pa sa akin.
Nalungkot naman ako sa kanyang sinabi tungkol sa anak ni Xander. Alam ko kung gaano maapektuhan ito dahil s’ya na lamang ang natitirang mayroon s’ya dahil wala na ang kanyang ina.
“Hindi ko pa s’ya nakakausap, hindi pa rin kami nagkikita ni Carla. Gusto kong pagaanin ang loob n’ya. Nasasaktan din ako na makitang nasasaktan si Carla.” sagot ko naman kay Sir Lojie.
Hindi na sumagot si Sir Lojie matapos kong sabihin iyon. Muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Xander. Hinawi ko ang kanyang buhok na nasa kanyang noo.
Inilapit ko rin ang aking bibig sa kanyang tenga at binulungan s’ya.
“Gumising ka na Master. Hinihintay ka na namin ni Carla at ng mga kaibigan natin. Miss na miss ka na namin. Miss na miss na kita. I love you Master…” malungkot na wika ko sa kanya at binigyan s’ya ng halik sa pisngi.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Xander.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang bagong pasok. Mabilis ding umakyat ang aking dugo papunta sa aking ulo nang makumpirma ko kung sino ang bagong dating. Dahil sa aking nakita ay napatayo kaming pareho ni Sir Lojie mula sa pagkakaupo.
Magtatanong na sana ako ngunit bago ko pa iyon magawa ay agad din na sumigaw si Sir Lojie.
“Put*angina mo! Anong ginagawa mo dito?!” galit na galit sa sambit ni Sir Lojie habang dinuduro pa ang taong kapapasok lamang ng kwarto.
Hindi ako nakagalaw ngunit napatitig na lamang ako sa taong ito. Pareho ang aming reaksyon ni Sir Lojie. Parehong may galit sa aming mga mata. Ngunit sa likod nito ay may malaking katanungan sa amin.
Ano nga ba ang ginagawa n’ya dito?
“N-nandito ako para dalawin si Xander.” malumanay n’yang sagot.
“Tang*na mo! Anong dalaw ’yang pinagsasabi mo?! Hindi ka namin kailangan dito!!” sigaw muli ni Sir Lojie sa kausap.
“Lojie please… Gusto ko lang makita si Xander… Gusto ko lang kamustahin ang kalagayan n’ya…” mangiyak-ngiyak namang sambit ng aming kausap.
“Gago!! Put*angina ka!! Tigilan mo ako sa pagkukunwari mo!! Lumayas ka dito kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas!!” pagbabanta na ni Sir Lojie.
Hindi umimik ang aming kausap. Ngunit nagulat na lamang kami nang bigla nitong itakip ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Nagsimula na rin itong umiyak na lubha kong ikinagulat.
“Abat! Nakuha mo pa talagang magdrama ditong hayup ka! Halika nga dito at kahit babae ka talagang papatulan kitang put*ngina mo!!” sigaw muli ni Sir Lojie.
Hindi ko pipigilan si Sir Lojie. Panonoorin ko lang s’ya habang sinasaktan ni Sir Lojie. Alam kong magiging napakasama kong tao dahil babae pa rin naman ito. Pero sa tuwing maiisip ko ang lahat ng panggugulo n’ya sa amin ni Xander maging ng pamilya ko ay baka hilingin ko pang lamunin na lang s’ya ng lupa para matahimik kaming lahat.
Akmang lalapit na sana si Sir Lojie para saktan ang babae nang biglang may pagsigaw kaming narinig. Kapapasok lamang din nito sa pinto ng kwarto ni Xander.
“Lojie stop it!!” pagsaway n’ya kay Sir Lojie.
Nagulat kami sa pagsulpot ng dalawa pang tao mula sa pinto. Nakilala ko agad ang isang babae ngunit ang kasama nitong lalaki ay ngayon ko lamang nakita. Ang lalaking ito ay isang foreigner na mukha ring mayaman gaya ng ginang.
“T-tita Mavel? Tito Ian?” gulat na gulat na sambit ni Sir Lojie at hindi naituloy ang tangkang pag-atake sa taong pinagbabantaan n’ya.
“Ako ang nagpapunta kay Josephine dito. Bakit mo s’ya paaalisin?” seryosong sagot naman nito kay Sir Lojie.
Pareho kaming nagulat sa sinagot ng ina ni Xander. S’ya pa mismo ang nagpapunta sa babaeng ’yan dito? Paano nangyari ’yon?
Saglit akong sinulyapan ni Tita Mavel ngunit mabilis n’ya rin iyon binawi. Wala akong mabasa sa blangkong ekspresyon n’ya sa akin. Ibang Tita Mavel ang nakikita ko ngayon. Noong una ko kasing makilala ito ay masaya at maliwanag ang kanyang mukha na talagang kapansin-pansin sa kanya.
Mabilis naman na yumakap ang babae habang umiiyak kay Tita Mavel. Ang babaeng naging sanhi ng paghihiwalay namin ni Xander noon. Ang babaeng pinaniwala ako sa kasinungalingan. Ang walang pusong babaeng sinira ang buhay ni Xander ng dalawang beses.
Si Josephine.
“Mommy… Sinabi ko na nga ba na hindi talaga ako dapat na nagpunta dito… Makakagulo lang po ako sa inyo…” umiiyak nitong pagsusumbong kay Tita Mavel.
Nangunot ang aming noo sa aming nasaksihan. Ganyan na ganyan ang Josephine na nakilala ko noon. Nakakaawa at nakikiusap ang mukha. Sino ang mag-aakala na s’ya ang taong gustong manakit sa aming pamilya?
At dahil sa naalala kong muli ang mga sinabi noon sa akin ni Xander na banta nito sa aking pamilya para saktan ay nabuhay ang galit sa aking dibdib. Tila ba gusto ko s’yang pahirapan sa mga oras na ito. Walang kapatawaran ang mga naging kasalanan nito sa amin.
Kahit na umaapoy na ako sa galit sa mga oras na ito ay kinakailangan kong magpigil. Narito si Tita Mavel kaya dapat ay kontrolin ko ang aking sarili. Tanging pagkuyom ng aking kamao ang nagawa ko.
“What the hell?! Anong drama nanaman ba ’to Josephine?!!” galit na tanong ni Sir Lojie.
Nagulat kaming dalawa ni Sir Lojie nang biglang sumigaw din ang lalaking nasa likod lang ni Tita Mavel.
“Enough Lojie! You heard your Tita Mavel! We asked her to come here for Xander!! What’s wrong with that?! She was looking for our son for ages!! Who are you to send her out of this room?! She’s staying whether you like it or not!” mahaba at seryosong pagsasalita ng lalaki.
Ngayon ko nakumpirma. Ang lalaking ito pala ang nakagisnang ama nina Xander at Daniel. Ang asawa ni Tita Mavel.
“But Tito—” pagsasalita sana ni Sir Lojie ngunit agad din itong pinutol.
“I said, enough!! If you don’t wanna see her, then get the hell out of this room!! You’re being inconsiderate! Still immature and selfish! When are you going to change those bullsh*ts!?!” galit na sambit ng ama ni Xander.
Nakaramdam ako ng takot sa ginawang pagsigaw ng ama nina Xander. Puno ito ng otoridad na kahit sino man ang makakarinig ng utos mula rito ay mapapasunod.
Naguguluhan na rin ako sa nangyayari. Paanong napunta si Josephine dito? At ang mas nakakapagtaka pa ay kasama s’ya ng mga magulang ni Xander. Kahit pa sabihing hindi nila alam ang nangyari sa kanila ni Xander noon, siguro naman ay may ideya ang mga ito kung bakit naging miserable si Xander noong panahon na iwan s’ya nito.
Hinaplos-haplos ni Tita Mavel ang likod ni Josephine. Kami naman ni Sir Lojie ay natahimik na lamang sa naging tagpo.
“Don’t worry hija, hindi ka aalis dito. Mananatili ka sa tabi ng anak ko.” pagpapakalma ni Tita Mavel kay Josephine.
Nakaramdam ako ng sakit sa mga binitiwang salita ni Tita Mavel. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng karapatan na manatili ngayon sa tabi ni Xander.
“Tang*na naman!” mahina ngunit madiin na sambit ni Sir Lojie.
“Hindi ka ba talaga titigil Lojie?!” madiin din na tanong ng ina ni Xander.
“Hindi Tita! Dahil naguguluhan ako sa nangyayari! Anong ginagawa n’yan dito? Pagkatapos n’yang iwan si Alex babalik na lang bigla? Wala na bang gagawin ’yan kundi ang guluhin ang buhay ng pinsan at pamangkin ko?!” inis na inis na pagsagot ni Sir Lojie.
Matapos iyon sabihin ni Sir Lojie ay mabilis itong kumilos para tunguhin ang pinto. Ngunit bago pa s’ya makalabas sa pintong iyon ay nagsalitang muli si Tita Mavel.
“Kung aalis ka na Lojie, isama mo na rin ’yang bisita mo. Hindi namin s’ya kailangan dito.” madiin na utos ni Tita Mavel.
Mabilis akong napalingon kay Tita Mavel. Gulat na gulat ako sa naging utos n’ya kay Sir Lojie.
“A-ano po?” utal kong pagtatanong dahil sa pagkagulat.
Tila ba nabingi ako sa kanyang sinabi. Nagkamali ba ako sa aking narinig?
Saglit na bumitaw si Josephine sa pagkakayakap kay Tita Mavel ngunit nanatili itong nakayuko at patuloy na umiiyak.
“Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Maaari ka nang umalis.” malamig na wika ng ina ni Xander.
Napailing muna ako ng ilang beses.
“P-pero hindi po ako aalis dito. Kailangan po ako ni Xander.” pakiusap ko sa kanya.
Napangisi naman ang ginang at tinaasan ako ng kilay bago sumagot.
“At sino nagsabing kailangan ka n’ya? Sinabi ba ’yan ng anak ko? Nagising na ba ang anak ko? Hindi pa ’di ba? Hindi pa nagigising ang anak ko dahil sa’yo!” pagsagot n’ya sa akin na sa bandang huli ay hindi n’ya na mapigilang mapasigaw.
Dahil sa kanyang sinabi ay nakaramdam ako ng pagbigat ng aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang hinanakit ng isang ina dahil sa nangyari sa kanyang anak.
Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat. Alam kong ako ang dahilan kung bakit naririto ngayon si Xander.
Hindi ako nakasagot at hindi rin ako nakagalaw sa aking pwesto. Sinubukan kong sulyapan ang ama-amahan ni Xander ngunit pareho lamang ang kanilang ekspresyon ni Tita Mavel. Parehong may galit sa kanilang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Ano pang hinihintay mo Mister? Marunong ka naman siguro makaintindi ’di ba? Ibigay mo ang oras na ito para sa tunay na miyembro ng pamilya. Hindi sa mahilig manira sa relasyon ng isang pamilya!” muling pagsasalita ng ginang.
Nangunot ang aking noo sa mga binitiwan n’yang salita. Hindi ko maintindihan ang nais n’yang ipahiwatig.
“H-hindi ko po maintindihan ang sinasabi n’yo Tita…” mahinahon at naguguluhan kong wika sa kanya.
Muli itong ngumisi sa akin bago ako sagutin.
“Hindi ba ma-process ng utak mo? O sadyang normal lang sa’yo gawin ang bagay na iyon kaya tingin mo okay lang ang lahat?” pagtatanong n’ya pa.
Naguguluhan talaga ako sa kanyang mga sinasabi. Paano ako nakakasira sa relasyon ng isang pamilya?
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Gusto kong linawin ang lahat. Ngunit bago pa ako makasagot ay muli nanaman s’yang nagbitaw ng maaanghang na salita.
“Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang makipag-usap sa kagaya mo. Hindi ka naman siguro manhid para maramdaman mo ang gusto kong iparating sa’yo.” una n’yang sambit. “Pero bilang respeto sana sa aming mga magulang ni Xander, umalis ka na lang muna. Hindi ka namin kayang makita. Hindi namin kayang makita ang taong sanhi kung bakit naririto ang anak namin. Umalis ka na muna bago pa ako mawalan ng respeto sa’yo.” madiin n’ya pang dugtong.
Parang dinudurog ang aking puso sa mga binitawang paratang sa akin ng ina ni Xander. Marami akong gustong itanong pero hindi ito ang tamang oras para gawin iyon.
Kahit masakit sa akin ay wala akong nagawa. Malungkot kong nilingon si Xander. Akmang lalapit sana ako sa kanya para magpaalam ngunit mabilis na kumilos si Josephine para tunguhin si Xander. Hinawakan n’ya ito sa kamay at nagsimula nanaman s’yang umiyak.
Muli kong naikuyom ang aking kamao dahil sa nakikita ko. Napapikit din ako dahil hindi ko matagalan ang tingnan silang dalawa ngayon. Parang pinipiga ang aking puso.
“Xander…. Nandito na ako…. Kamusta ka na? Gumising ka na d’yan…. Hinihintay ka na namin ng anak mo… Please… Gumising ka na….” pakiusap ni Josephine kay Xander habang umiiyak s’ya.
Lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Ang mga katagang sinasabi ko lamang kanina kay Xander ay sinasabi na rin ngayon ni Josephine.
“Tom, umalis na tayo. Mukhang hindi tayo kailangan ngayon dito.” ang biglang pagyaya sa akin ni Sir Lojie.
Nakita ko ang galit sa mata ni Sir Lojie habang nakatingin kay Josephine ngayon.
Kahit hindi ko gusto ang umalis sa tabi ngayon ni Xander ay wala akong pagpipilian. Nirerespeto ko pa rin ang pakiusap sa akin ng magulang ni Xander. Inisip ko na lamang na marami pa namang araw na maaari ko s’yang madalaw.
Binuksan na ni Sir Lojie ang pinto at sinimulan ko na rin ihakbang ang aking mga paa. Ngunit bago ako makalabas sa kwartong iyon huminto ako sa tapat ng ina ni Xander.
“Hindi ko po alam Tita kung ano ang ibig n’yong sabihin sa mga binitiwan n’yong salita. Pero kung hinihiling n’yo po na tumigil na ako sa pakikipagkita ko sa anak n’yo, pasensya na po. Hindi ko po magagawa ang bagay na iyon. Mananatili po ako sa tabi ng anak n’yo kahit anong mangyari.” wika ko sa kanya.
Nilingon n’ya ako nang blangko ang kanyang ekspresyon. Hindi rin s’ya nagsalita o sumagot sa akin.
“Sige po, mauuna na po ako.” huling sinabi ko.
Bago rin ako tuluyang makalabas ay yumuko din ako sa ama ni Xander bilang pagrespeto.
Mabigat ang aking dibdib nang tuluyan na akong makalabas ng silid ni Xander. Gusto ko s’yang bantayan sa lahat ng oras ngunit mukhang magiging malabo iyon sa ngayon. Kailangan kong respetuhin ang kahilingan ng kanyang ina.
Walang akong ideya kung alam na ba ng kanyang mga magulang ang tungkol sa relasyon namin ni Xander. Pero wala na akong pakialam sa bagay na iyon. Ipinangako ko na sa sarili kong kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko si Xander. Alam kong iyon rin ang gagawin ni Xander sa oras na magising s’ya. May tiwala ako kay Xander dahil alam kong mahal n’ya ako at hindi n’ya hahayaan na magkahiwalay kaming dalawa.
Saglit kaming natigilan ni Sir Lojie nang bahagya kaming makalayo sa kwarto ni Xander.
“Tang*na! Hindi ko na alam kung anong nangyayari! Bakit nandito ang babaeng ’yan?! At ang nakakabwisit pa, mukhang nalason n’ya na rin ang utak nila Tita!” inis na sambit ni Sir Lojie.
“Hindi ko rin alam Sir Lojie. Pero sa ngayon wala tayong magagawa. Kasama n’ya ang mga magulang ni Xander kaya ibigay natin kung anong gusto nila. Isa pa, ’pag gumising na si Xander hahanapin din naman n’ya tayo ’di ba?” sagot ko sa kanya.
Gusto kong maiyak sa mga oras na ito. Ibayong lungkot ang nararamdaman ko dahil hindi ko makakasama si Xander kahit hindi pa s’ya nagigising hanggang ngayon. Pero kailangan kong magpakatatag para sa kanya. Kailangan kong maging malakas para sa oras na magising s’ya ay makikita n’yang nagawa ko ang gusto n’yang mangyari. Ang sasalubungin ko s’ya nang may ngiti sa aking labi.
Ilang minutong katahimikan pa ang lumipas bago muling nagsalita si Sir Lojie.
“Paano Tom? Wala naman tayong mapapala dito. Mauuna na ako. Plano kong pumasok rin ngayon eh. Ikaw ba?” tanong n’ya sa akin.
Mukhang iniba na lamang ni Sir Lojie ang usapan para makaiwas sa hindi magandang pangyayari kanina.
Nagbitaw ako ng tipid na ngiti kay Sir Lojie. Ayokong ipakita sa kanya o sa kanila na nagiging mahina nanaman ako.
“Hindi na muna ako papasok. Babalik ako bukas dito para bantayan ulit si Xander.” sagot ko naman sa kanya.
“Sige, kami na muna ang bahala ni Olyn sa’yo doon sa hotel.” wika naman nito sa akin.
“Salamat.” tipid kong sagot naman sa kanya.
Nagpaalam na nga si Sir Lojie sa akin. Ako naman ay nanatili muna sa aking pwesto. Muli kong nilingon ang kwarto ni Xander na ilang metro ang layo sa akin.
“Master…. babalik ako bukas ha?” malungkot kong pagpapaalam sa kanya kahit hindi n’ya ako naririnig.
Tumalikod na akong muli para ituloy na ang paglabas sa ospital. Naisipan kong umuwi sa condo namin ni Daniel. Siguro ay ito na rin ang tamang oras para kausapin ko s’ya. Gusto kong ipaintindi sa kanya ang lahat. Sana lang ay maintindihan n’ya ako. Hindi ko naman gustong gawin ito, pero nakapagdesisyon na ako sa sarili ko.
Kahit na anong mangyari ay mananatili ako sa tabi ni Xander. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya na hindi ko s’ya iiwan. Na s’ya lang ang taong una at huli kong mamahalin. Patutunayan ko iyon sa kanya ano man ang mangyari.
Nakakailang hakbang pa lamang ako ay nakarinig ako ng pagtawag sa akin.
“Tom sandali!” pagtawag nito sa akin.
Muling nabuhay ang galit sa akin dahil muli kong narinig ang kanyang boses.
Unti-unti ko s’yang nilingon habang suot ko ang galit sa aking mukha. Nang magtagpo ang aming mga mata ay nakita kong patuloy pa rin s’ya sa pagluha.
“Tom… pwede ba kitang makausap?” tanong n’ya sa akin nang makalapit s’ya.
“Anong kailangan mo Josephine?” malamig kong tanong sa kanya.
Hindi ko talaga maiwasang hindi magalit sa kanya. S’ya ang may kagagawan kung bakit kami nagkahiwalay noon ni Xander dalawang taon na ang nakakalipas. Kung hindi sana s’ya dumating, sana ay masaya pa rin kaming nagsasama ngayon ni Xander. Sana ay hindi kami nagkahiwalay ng mahabang panahon.
Kailangan ko rin mag-ingat dahil maaaring totoo ang sinasabi sa akin nina Xander na may hindi magandang gagawin ang babaeng ito sa akin sakaling may mali akong maging hakbang.
Nang makalapit s’ya ay suot n’ya ang nakikiusap na ekspresyon.
“Tom… Patawarin mo sana ako sa nangyari noon… Hindi ko sinasadya ang bagay na ’yon… Napag-utusan lang ako ng mga magulang ko… Hindi ko gustong gawin na paghiwalayin kayo…” wika nito sa pagitan ng pag-iyak.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Bigla kong naisip na maaaring biktima lang din s’ya. Tulad nga ng sinabi ni Xander, ang ama ni Josephine ang may pakana ng lahat.
Pero sa kabilang banda, sinabi ng aking isip na dapat pa rin akong maging maingat. Baka isa nanaman ito sa kanyang mga pakana. Dapat ay maging segurista ako. Dapat ay maging matapang na ako sa pagkakataong ito. Hindi na dapat ako madaling magpaloko.
Hinarap ko s’ya ng buong tapang. Ipinakita kong hindi ako apektado sa kanyang mga sinasabi.
“Sa tingin mo ba Josephine kagaya pa rin ako ng dati na kaya mong daanin sa mga ganyang drama mo? Ginamit mo na ang dramang ’yan noon, wala na bang bago?” tanong ko sa kanyang nakakainsulto.
Nabigla ako sa sumunod n’yang ginawa. Itinakip n’ya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha at mas nilakasan ang kanyang pag-iyak. Kahit na nakakaramdam na ako ng awa sa kanya dahil sa kanyang pinapakita ay hindi ako nagpakita ng emosyon.
“Oh? Bakit ka umiiyak ng malakas d’yan? Wala pa nga akong sinasabing iba ganyan na agad ang reaksyon mo? Tinatanong pa lang kita Josephine, hindi pa kita sinusumbatan sa mga kahayupang ginawa mo sa amin ni Xander.” buong tapang kong wika sa kanya.
Bigla s’yang napatigil sa kanyang pag-iyak ngunit nanatili ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.
Ilang sandali pa lamang ay nagulat ako nang unti-unti s’yang naglabas ng mahihinang pagtawa. Naguluhan ako sa kanyang reaksyon kaya hinintay ko s’yang magsalita.
“Wrong move Josephine!” sambit n’ya habang natatawa.
Inalis n’ya ang pagkakatakip ng kanyang mga palad sa kanyang mukha at nakita ko ang lapad ng pagkakangiti n’ya dahilan para hindi ako makapagsalita.
“Sayang naman ang acting ko Tom! Akala ko pa naman uto-uto ka pa rin kagaya ng dati. Mukhang palaban ka na rin ngayon ah?” natatawa n’yang wika sa akin habang pinupunasan ang kanyang mga pekeng luha.
Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa mga sinabi n’ya. Naikuyom ko rin ang aking kamao dahil sa nakikita kong reaksyon n’ya.
“Ano ba talagang gusto mo?! Bakit ba nagbalik ka nanaman dito?! Hindi mo ba talaga kami titigilan?! Hindi pa ba sapat na makita mong kahit paulit-ulit mo kaming paghiwalayin ni Xander, kami at kami pa rin sa huli?! Na magkakaayos pa rin kami kahit ilang beses ka pang umeksena?!” inis kong sumbat sa kanya.
Tinaasan n’ya lamang ako ng isang kilay habang nakangisi s’ya.
“Gusto? Wala sa inyo ang gusto ko Tom.” sagot n’ya sa akin.
Lalo akong nagtaka sa kanyang sinabi.
“Kung wala sa amin ang gusto mo, bakit ba paulit-ulit mo kaming ginugulo?!” tanong ko sa kanya.
Nawala ang kanyang pagkakangisi at nakakamatay ang kanyang mga mata na tiningnan ako.
“Dahil karugtong n’yo ang bagay na gusto kong makuha! Dahil nasa inyo ang bagay na dapat ay nasa akin pa rin hanggang ngayon!” sagot n’yang madiin sa akin.
“Bagay? Tinutukoy mo ba si Carla na anak ni Xander? Josephine, hindi lang isang bagay ang anak mo! Hindi s’ya isang kasangkapan lang na pinaglalaruan mo! Saka paano mo nasisikmura na bumalik na lang bigla sa buhay ni Carla na kung tutuusin, pwede mo naman sanang makasama kung makikiusap ka lang kay Xander ng maayos?!” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya.
Muli nanaman s’yang natawa sa aking mga sinabi. Naguguluhan na talaga ako sa kanya ngayon. Ang tingin ko sa kanya ay isang babaeng nawawala na sa kanyang sarili at nasisiraan ng sariling bait.
“At sino naman ang nagsabi na naghahabol ako sa batang ’yon? Kung gusto kong makasama s’ya, hindi ko na sana s’ya iniwan noon pa. Mag-isip ka nga Tom! Bobo ka ba o tanga lang talaga?” balik n’ya sa akin at nagpakawala pa ng malutong na pagtawa.
Lalo akong nag-apoy sa galit nang sabihin n’ya iyon. Paano nasasabi ng isang ina ang bagay na iyon sa sarili n’yang anak?
“Tama nga sila! Demonyo ka nga talaga!” tangi ko na lamang nasabi habang nakakuyom ang aking mga kamao.
“Ow? Ngayon mo lang nalaman? At ngayong alam mo na, ano na ngayon ang gagawin mo Tom? Ano na ngayon ang gagawin mo habang kaharap mo ang demonyong sinasabi mo? Kanino ka magsusumbong? Kay Xander na hanggang ngayon nakaratay pa rin dahil sa kagagawan mo?” sunod-sunod na pagtatanong n’ya sa akin.
Hindi ko alam kung paano n’ya nalaman ang bagay na ito. Marahil ay nakarating na sa kanila ang mga nangyari kaya ganoon na lang din ang naging pakikitungo ng magulang ni Xander sa akin.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga binitiwan n’yang salita.
“Tsk! Tsk! Tsk! Masyado n’yo naman pinapadali ang trabaho ko. Hindi pa ako nagsisimulang kumilos pero mukhang pumapabor na sa akin ang lahat.” wika pa nito na ipinagtaka ko.
“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.
Lalo s’yang natawa sa naging katanungan ko. Hindi ko na lamang pinansin iyon dahil mas gusto kong malaman kung ano ba talaga ang pakay n’ya sa amin.
“Don’t tell me wala ka pa rin alam hanggang ngayon? Hindi pa ba sa’yo nasasabi ni Xander ang lahat?” tanong n’ya sa akin.
“Sabihin mo na kung ano ang bagay na ’yon! ’Wag nang maraming pasikot-sikot pa!” inis na sambit ko sa kanya.
“Uh-uh! Bakit ko naman sasabihin sa’yo? Kapag sinabi ko ’yon sa’yo, parang gumawa na rin ako ng paraan para masira ang plano ko. Tanga lang ang gagawa ng bagay na ’yon Tom.” sagot n’ya sa akin.
Napatiim bagang na lamang ako dahil sa naging pagsagot n’ya. Ano ba talaga ang pakay n’ya?
“So paano? Maiwan na kita Tom ha? Hinihintay na kasi ako ng mga magulang ni Xander eh. Sorry nga pala ha? Para ka kaninang basura na pinalayas na lang nila. Natawa nga ako sa reaksyon mo eh, para kang nakakaawang tupa. Buti nga hindi nasira ang acting ko kanina eh.” pagpapaalam n’ya sa akin at nang-insulto pa.
“Hayup ka talagang babae ka!” tangi kong nasabi dahil sa labis na galit.
Muli nanaman s’yang natawa.
“Alam ko na ’yan matagal na. Nag-transform na nga into demon ’di ba?” una n’yang sambit na tila hindi apektado sa aking sinabi. “Paano? Bye Tom! See you again!” huli n’yang sambit at nagsimula nang maglakad pabalik ng kwarto ni Xander.
Naiwan ako sa lugar na ’yon na nanginginig sa galit. Naiwan akong marami ang katanungan sa aking isip.
Marami pa ba akong hindi nalalaman? Ano-ano pa bang hindi sa akin nasasabi ni Xander?
Bago pa ako tuluyang lamunin ng galit ay mabilis na akong tumalikod para lisanin ang lugar na iyon. Maraming malalalim na paghinga ang ginawa ko para mabawasan ang galit ko. Wala rin akong mapapala dahil nasa loob na ng kwarto ni Xander ang taong naging dahilan ng pagkasira ng araw ko.
Habang nasa taxi ako patungo sa condo namin ni Daniel ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kinumbinsi ko na lamang ang sarili ko na sa oras na magising si Xander ay matatapos na rin ito. Magkasama naming haharapin ang lahat ng bagay na ito.
Nakarating ako sa condo ngunit hindi ko naman inabutan doon si Daniel. Inisip ko rin na baka hindi rin s’ya dito tumutuloy dahil sa nangyari sa amin nitong huli. Dahil sa wala rin naman dito si Daniel ay nag-isip na lamang ako ng iba kong gagawin para hindi rin naman masayang ang pagpunta ko rito.
Nagtungo ako sa aming kwarto upang kunin ang ilang kagamitan ko. Unti-unti ko na rin kukunin ang mga ito dahil simula na ito ng tuluyan kong paglipat sa condo namin ni Xander.
Bitbit ang aking malaking bag ay nakalabas na ako ng kwartong iyon. Muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng condo naming iyon. Nakaramdam ako ng lungkot dahil muli kong naalala ang masasayang sandali na magkasama kami ni Daniel sa lugar na ito.
Ang lahat ng pag-aasikaso sa akin ni Daniel at lahat ng masasayang sandali sa aming dalawa. Wala naman akong maipipintas sa kanya dahil talagang naging napakabuti n’ya sa akin. Hindi nakaligtas ang isang luha na pumatak mula sa akin dahil nakakaramdam pa rin ako ng kalungkutan sa tuwing maiisip kong masasaktan ko si Daniel. Ngunit wala akong magawa dahil hindi ko s’ya magawang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Xander. Mas magiging napakasakit sa kanya kung sa huli ay malalaman n’yang hindi ko maibibigay sa kanya ang parehong pagmamahal na ibinibigay ko para sa kapatid n’ya.
“Patawarin mo ako Daniel… Patawarin mo ako…” mahina kong sambit habang pumapatak ang mga luha ko.
Sinimulan ko nang ihakbang ang aking mga paa para sana tunguhin ang pinto ng condo naming iyon. Ngunit napansin ko ang mga papel na nagkalat sa maliit na mesang naroon sa sala.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit nakuha nito ang atensyon ko. At habang papalapit ako rito ay nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.
Nakita ko ang mga papel na iyon na mga larawan pala. Nanlalaki ang aking mga mata sa mga nakita ko. Dahan-dahan kong inabot ang mga larawang iyon habang nanginginig ang mga kamay ko.
“Anong ibig sabihin nito? Bakit meron nito dito? Bakit may ganitong pictures si Daniel?” kinakabahan kong tanong sa aking sarili.
Sinuri ko isa-isa ang mga larawang iyon. Lahat ng larawan ay ang larawan na magkasama kami ni Xander habang wala dito si Daniel sa Pilipinas.
Noong nasa bundok kami at masayang nag-uusap habang pababa. Noong magkakasama kaming tatlo nila Carla habang namimili sa mall maging noong kumakain kami. Pati na rin noong nagkakatuwaan kami at suot ang t-shirt na niregalo ko sa kanila ay mayroon dito. Naroon din ang larawang magkahawak kami ng kamay ni Xander habang patawid kami ng kalsada at may ngiti sa aming mga labi.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Naguguluhan ako habang pinagmamasdan ang mga larawang iyon.
Habang nasa ganoon akong posisyon ay ang pagbukas ng pinto ng condo naming iyon ni Daniel. Iniluwa nito ang taong sinadya ko sa lugar na ito.
Si Daniel.
“Tom…” malungkot na sambit n’ya nang makita ako.
Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit s’ya may mga larawang ganito. Gusto kong makakuha ng sagot mula sa kanya. Nagkakaroon na ako ng ideya sa posibleng nangyari ngunit kailangan ko ng impormasyon mula sa kanya.
“Daniel, pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit may mga ganito kang mga pictures?” mahinahong tanong ko sa kanya habang pinapakita ang mga larawang hawak ko.
Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mga larawang hawak ko. Pero matapos iyon ay ibinalik n’ya ang nakikiusap n’yang mga mata sa akin.
“Tom… B-bakit ka may dalang bag? Aalis ka? I-iiwan mo na ba ako?” utal na tanong n’ya sa akin at hindi pinansin ang katanungan ko.
Dito na ako hindi nakapagtimpi. Hindi ko na nakontrol pa ang sarili kong mapasigaw.
“Ang tanong ko ang sagutin mo Daniel!! Bakit may mga ganito kang pictures?! Kailan pa ’to sa’yo?!” sigaw ko sa kanya.
“Tom….” pagtawag n’ya sa akin at akmang lalapit s’ya.
“Sumagot ka!! Matagal mo na bang alam na nagkaayos na kami ni Xander? Kelan pa?!!” pagtatanong kong muli ng pasigaw.
Napayuko si Daniel at nagsimula na rin dumaloy ang kanyang mga luha.
“N-noong nasa Amerika pa lang ako alam ko na… alam ko na ang lahat bago pa ako makabalik dito…” pag-amin n’ya sa akin.
Nanghina ako sa kanyang pagkumpirma. Alam n’ya na pala ang lahat kaya hindi n’ya nagawang magparamdam ng ilang linggo.
“So pinababantayan mo pala ako habang nasa Amerika ka? Pinaiimbestigahan mo ako, tama ba?” tanong ko sa kanyang mahinahon.
Hindi s’ya sumagot kaya muli akong nagsalita.
“Sabihin mo sa akin Daniel na hindi mo plinano na magpunta sa bar na ’yon para guluhin kami ni Xander. Please, sabihin mong hindi mo magagawa ang bagay na ’yon…” pakiusap ko sa kanya at nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko.
Nakita ko ang pagyugyog ng mga balikat ni Daniel at mas lalo pang lumakas g kanyang pag-iyak.
“I’m sorry Tom…. I’m sorry….” nasambit n’yang mahina.
Sa paghingi n’ya ng tawad ay kinumpirma n’ya na rin na sinadya n’ya nga ang magpakita sa bar para masira ang plano kong sorpresa para kay Xander.
Parang nadudurog ang aking puso nang sabihin iyon ni Daniel. Hindi ko akalaing magagawa n’ya ang bagay na iyon.
“Sorry? Sa akin ka ba dapat na mag-sorry Daniel? Sabihin mo ’yan sa kuya mo… Sabihin mo ’yan sa kanya na hanggang ngayon hindi pa nagagawang magising dahil sa naging aksidente n’ya… Hindi mangyayari ’yon sa kanya Daniel kung hindi mo ’yon ginawa…” sagot ko sa kanya habang patuloy akong lumuluha.
Inangat n’ya ang kanyang mukha at nakita ko ang mga luha n’yang nag-uunahan din sa pagbagsak.
“Bakit Tom? Hindi ba may kasalanan ka rin? Pinaasa mo ako… Pinaasa mo ako sa mga pangako mo… Ngayon basta mo na lang ako iiwan dahil nand’yan na si Kuya… Dahil nagkaayos na kayo… Dahil nalaman mo na kung ano ang totoong dahilan kung bakit kinailangan ka n’yang iwasan noon… Dahil ba doon kaya basta mo na lang ako ibabasura ngayon?” panunumbat n’ya sa akin sa pagitan ng pag-iyak.
Habang patuloy na umaagos ang aking luha ay nangunot ang aking noo sa kanyang mga sinabi. Nagulat ako sa mga binitiwan n’yang salita.
“A-alam mo rin ’yan Daniel? Alam mo rin ang katotohanan? Alam mo pero hindi mo sinabi sa akin?!! Paano mo nagawa ’to Daniel?! Bakit hindi mo sa akin sinabi noon pa?!!!” muli kong tanong sa kanya ng pasigaw.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanya. Mukhang hindi n’ya napag-isipan ang mga salitang binitiwan n’ya.
“Ginawa ko ’yon dahil mahal kita Tom… Ginawa ko ’yon dahil umasa akong maibabaling mo rin sa akin ang pagmamahal mo noon kay Kuya…” sagot n’ya sa akin.
Lalo akong nakaramdam ng galit sa kanya.
“Paano mo nagawa ’yan sa kapatid mo Daniel?! Paano mo tiniis na mamuhay sa kalungkutan ang kapatid mo dahil lang sa atensyon na hinihingi mo?! Anong klase kang kapatid ha?!” sumbat ko sa kanya.
Hindi s’ya nakasagot sa akin. Mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak at naitakip n’ya na lamang ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.
“Hindi ’to deserve ni Xander eh… Dalawang taon Daniel, dalawang taon s’yang namuhay sa kalungkutan habang ako pinag-aaralan s’yang kalimutan… Ngayon nasaan s’ya? Nakaratay sa ospital at wala pa rin malay dahil sa pagiging makasarili mo!” sigaw at sumbat ko pa sa kanya.
Kinuha ko ang aking bag at inihanda ang aking sarili sa pag-alis. Naglakad ako patungo sa pinto ng condo ngunit napahinto ako nang hawakan n’ya ang aking kamay.
“Tom please…. ’Wag naman ganito… ’Wag mo naman akong iwan…. nagmamakaawa ako…. ’Wag kang umalis…” pakiusap n’ya sa akin.
Matapos n’yang sabihin iyon ay lumuhod s’ya habang hawak ang aking kamay at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Hindi ko s’ya magawang lingunin dahil sa galit na nararamdaman ko. Gusto kong isisi sa kanya ang lahat pero alam kong may pagkakamali rin ako. Dahil umasa s’ya na magagawa ko s’yang mahalin pabalik.
“Alam mo Daniel kung gaano ko kamahal si Xander. Alam mo na kahit anong gawin mo, hindi mo na s’ya mabubura sa isip at puso ko. Alam mo na kahit gaano kami katagal na magkahiwalay, pagtatagpuin pa rin kami. Kaya nakikiusap rin ako sa’yo, hayaan mo na rin sana kami ni Xander.” pakiusap ko sa kanya.
Mahigpit n’yang hinawakan ang aking kamay ngunit mas nagmatigas ako. Sapilitan kong tinanggal ang pagkakahawak n’ya sa akin hanggang sa makabitaw s’ya. Kailangan kong ipaglaban si Xander lalo na ngayon at alam kong s’ya lamang ang dapat na pagkatiwalaan ko.
Nang tuluyan na akong makawala kay Daniel ay mabilis din akong lumabas sa kwartong iyon. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Daniel habang nagmamakaawa ngunit hindi ko na s’ya nagawa pang lingunin.
Dinig ko pa ang malakas na pag-iyak ni Daniel habang tinatawag ang pangalan ko habang nasa labas ako ng pinto. Wala akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mga mata habang patuloy na lumuluha. Naaawa ako kay Daniel pero nakakaramdam ako ng galit dahil sa paglilihim n’ya sa akin. Nagagalit ako dahil wala akong nagawa noong mga panahon na nahihirapan si Xander. Na ako ang dahilan kung bakit s’ya namuhay sa kalungkutan sa loob ng dalawang taon.
Kahit mabigat ang aking dibdib ay mabilis din akong nakalabas sa condo building na iyon.
Tinungo ko ang condo namin ni Xander at nakaramdam ako muli ng kalungkutan dahil katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala si Xander na nagiging maingay sa tuwing magkasama kami dito.
Kahit puno ako ng kalungkutan sa mga oras na ito ay pilit akong nagpapakatatag. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na magigising na rin si Xander ano mang oras. Gusto kong nasa tabi n’ya ako pagmulat ng kanyang mga mata.
Maaga akong nagpahinga kahit na hinahanap-hanap ko pa rin ang mga yakap ni Xander sa tuwing hihiga ako dito sa aming kama.
“Good night Master… Sana bukas magising ka na… Mahal na mahal kita…” malungkot kong sambit habang hinahaplos ang higaan kung saan s’ya nakapwesto tuwing matutulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang puntahan ulit si Xander. Ganito ako sa tuwing pupunta dito sa ospital. Ako rin ang nagpupunas ng kanyang katawan para malinisan s’ya habang wala pa rin s’yang malay.
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ni Xander ay nagulat ako sa sumalubong sa akin. Hawak ni Josephine ang towel at pinupunasan si Xander. Agad na uminit ang aking ulo dahil sa nasaksihan ko.
“’Wag mo s’yang hawakan!” madiin kong utos sa kanya.
Napatigil s’ya sa kanyang ginagawa at padabog na umupo sa silyang nasa tabi ng kama ni Xander.
“Tss! Akala ko naman ’yung parents na ni Xander ang pumasok. Nabasa pa tuloy ang kamay ko!” inis n’yang sambit.
Pinilit kong magpakahinahon kahit na gusto ko na s’yang patulan ngayon.
“Ang aga mo naman yatang pumunta dito para magpanggap na mabuting tao at mag-asikaso kay Xander? Buti hindi ka nagka-allergy sa ginagawa mong pagkukunwari?” sarkastiko kong tanong sa kanya habang inaayos ang mga dala kong prutas sa mesang naroon.
Pinalitan ko rin ang bulaklak na naroroon. Napangiti ako dahil sunflower ang ipinalit kong bulaklak sa vase na nasa loob ng kwarto ni Xander.
“Hindi naman. Kailangan ko rin kasi samahan ang parents ni Xander na magpunta dito kanina eh. Alam mo naman, kailangan mapaniwala ko rin sila na concern talaga ako sa anak nila.” walang kagatol-gatol n’yang sagot.
Nilingon ko s’ya na nanlilisik ang aking mga mata.
“Hindi ka ba kinikilabutan d’yan sa mga sinasabi mo Josephine?” tanong ko sa kanya.
Sa halip na sagutin ang aking tanong ay nagkibit balikat lamang ito na tila ba hindi apektado. Tiningnan n’ya lamang ako habang prenteng nakaupo.
Ibinalik ko na lamang ang aking sarili sa pag-aayos pa ng ilang gamit na dala ko. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong nagsalita.
“Kamusta ka naman? I guess loser pa rin?” tanong n’yang nakangisi.
Hindi ako nagpaapekto. Ipinagpatuloy ko na rin ang pag-aayos ng mga gamit na naroon sa loob ng kwarto.
“At ikaw? Mmmm… Let me guess! Still a bitch?” tanong kong pabalik sa kanya.
“Well, mas maganda na ang maging bitch! Tingnan mo naman kung ano ang napala ng pagiging bitch ko? Nakukuha ko ang gusto ko!” balik n’ya sa akin.
Hinarap ko s’ya nang medyo natatawa pa ako.
“Oh c’mon! H’wag kang pakasiguro.” pauna kong wika. “Let me give you an advice, ’wag mo s’yang iwan mag-isa ha? Baka magulat ka na lang, magmamakaawa nanaman s’ya sa harapan ko.” nakangisi kong balik rin sa kanya.
Kailangan kong ipakita na matapang na ako ngayon. Na hindi na ako masisindak sa mga mabababaw na pakulo n’ya.
“Ah talaga? Hindi kaya baliktad Tom? Hindi kaya pagkagising n’ya, sa akin s’ya magmakaawa at hindi sa’yo?” una n’yang sambit ngunit tila ba may pumasok pa sa kanyang isip kaya masigla pa s’yang nagsalita. “Ah! Mas maganda siguro kung dalawa kayong nakaluhod sa harap ko habang nagmamakaawa! Ano sa tingin mo Tom?” dugtong n’ya pa at nagbitaw ng malakas na pagtawa.
Gusto ko s’yang batuhin ng magazine na hawak ko sa mga oras na ito ngunit kailangan kong magpigil.
“Lumayas ka nga d’yan. Lilinisan ko na si Xander. Isa pa, ’wag kang lapit ng lapit sa kanya dahil baka pagkagising n’yan at nalaman n’yang nadikitan s’ya ng balat mo, magpatawag agad s’ya ng pari para paliguan s’ya ng holy water dahil nadikitan s’ya ng demonyo.” utos ko naman sa kanya at pag-iiba na rin ng usapan.
Tumayo naman s’ya sa kanyang inuupuan at tila ba wala s’yang pakialam sa sinabi ko. Mukhang tanggap n’ya talaga sa sarili n’yang isa s’yang kampon ng kadiliman. Hindi man lang ba s’ya nakaramdam ng inis?
Nang makalapit na ako kay Xander ay marahan ko muna s’yang hinalikan sa kanyang noo.
“Gross…!” mahinang sambit ni Josephine.
Hindi ko na lamang s’ya pinansin dahil wala akong pakialam sa sasabihin n’ya. Maski siguro marinig ito ni Xander ay pareho lamang namin itong pagtatawanan.
Sinimulan ko nang linisin si Xander. Si Josephine naman ay nanahimik na lamang sa sofa na naroon habang nagbabasa ng magazine.
Nang natapos kong malinisan si Xander ay inilapit kong muli ang aking mukha sa kanyang tenga.
“Mahal na mahal kita Master… Gumising ka na please… Miss na miss na kita…” bulong ko sa kanya at binigyan s’ya ng halik sa pisngi.
Habang nasa ganoon akong posisyon ay nagulat ako nang bigla na lamang gumalaw si Xander. Ngunit ang mahina n’yang paggalaw ay nasundan ng panginginig ng kanyang buong katawan.
“X-xander?? Xander anong nangyayari sa’yo?!! Xander!!” natatarantang tanong ko.
Nangilabot ako sa nakikita ko sa kanya. Patuloy s’yang nangingisay at nagsimula na rin mag-ingay ang mga aparato na nakakabit sa kanya.
Mabilis kong pinindot ang emergency button na nasa ulunang bahagi ng kama ni Xander upang tawagin ang atensyon ng mga nurse at doktor na naka-assign sa kanya.
Nagsimula na rin akong umiyak dahil sa takot na may mangyaring hindi maganda kay Xander sa mga oras na ito.
“Anong nangyari?!” ang biglang pagsulpot ng isang doktor at tatlong nurse sa loob ng kwarto ni Xander.
Sinimulan na rin s’yang i-check ng doktor at nagsimula na rin kumilos ang mga nurse.
Hindi ko pa nasasagot ang katanungan ng doktor ay nagsalita naman ang isang nurse na kasama n’ya.
“Sir, please lumabas muna po kayo. Sa labas n’yo na lang po hintayin ang resulta.” pakiusap nito sa akin at binalingan naman si Josephine na ngayon ko na lamang naalala na naririto rin pala sa kwartong ito.
“Kayo din po Ma’am. Lumabas din po muna kayo.” wika nito sa kanya.
Wala na nga kaming nagawa kundi ang lumabas sa kwartong iyon.
Nanginginig ang aking katawan habang nasa tapat ng pinto ng kwarto ni Xander. Patuloy lang din sa pag-agos ng aking mga luha dahil sa ibayong kaba na aking nararamdaman.
“What happened?!” ang biglang tanong ng kadarating lamang na tao.
Mabilis naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Ang ina pala iyon ni Xander na kadarating lamang at nag-iisa.
“Mommy!!” ang biglang pagsalubong naman ni Josephine sa kanya at niyakap pa ito.
“Hija anong nangyari?!” natatarantang tanong ng ina ni Xander kay Josephine.
Nanatili naman akong umiiyak lamang sa mga oras na ito dahil sa takot na nararamdaman ko.
“I don’t know Mommy… Basta nililinisan ko lang si Xander kanina eh… Tapos naabutan ako ni Tom sa ginagawa ko… After that bigla na lang s’yang nag-hysterical… Pinapatigil n’ya ako sa ginagawa ko tapos nagsisigaw na s’ya sa loob… Natakot ako kasi nagsimula na rin s’yang pagbantaan ako… Dahil po yata doon kaya may biglang nangyari kay Xander… Mommy baka kung anong mangyari sa kanya… natatakot po ako…” mahabang wika ni Josephine habang umiiyak.
Nanlaki ang aking mga mata sa binitawang salita ni Josephine. Tiningnan ko ang reaksyon ng ina ni Xander. Lalo pang nag-unahan ang mga luha ko sa pag-agos at paulit-ulit akong umiling bilang pagsagot sa mga paratang ni Josephine.
Bumitaw si Tita Mavel sa pagkakayakap kay Josephine at hinarap ako. Hindi ako makapagsalita sa mga oras na ito dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag.
“Sinasabi ko na nga ba at wala kang magandang maidudulot sa anak ko! Bakit kasi nagpunta ka pa?!! Ni hindi ko nga matagalan ang tingnan ka pero ang kapal ng mukha mong paulit-ulit na magpakita dito!!” sigaw n’ya sa akin.
“P-pero Tita––” susubukan ko sanang magpaliwanag ngunit mabilis din ako nitong pinutol.
“Don’t call me Tita dahil hindi kita kaano-ano!! Simula nang dumating ka sa buhay ng anak ko, nagulo na ang buhay n’ya!! Idinamay mo pa si Daniel!! Hindi ka ba nakokonsensya na sinisira mo ang relasyon ng magkapatid ha?!! Sinisira mo ang buhay nila!!” sumbat nito sa akin.
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga paratang nila. Pero wala akong magawa dahil halo-halo na ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari kay Xander sa loob at natatakot ako sa reaksyon ngayon ng ina ni Xander. Mas lalo lang akong napaiyak at napahikbi na lamang ng paulit-ulit dahil sa mga nangyayari.
“Sa oras na may mangyaring masama sa anak ko, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw!! Kasalanan mo ang lahat ng ito!! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ng mga anak ko, walang masisirang pamilya!! Walang relasyong mawawasak dahil sa kagagawan mo!!!” muling pagsigaw n’ya sa akin.
“P-pero Ma’am… W-wala po talaga akong ginagawang masama…” pagsagot ko.
Sinusubukan ko pa ring magpaliwanag kahit nahihirapan na akong magsalita dahil sa patuloy na paghikbi ko.
Huminga ang ginang ng malalim at matalim pa rin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang galit ng isang ina na labis na nagmamahal sa kanyang anak.
“Umalis ka na dito. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo dito kahit kailan.” madiin nitong utos sa akin.
Umiling-iling ako ng maraming beses at nagmamakaawa ko s’yang tiningnan.
“Please naman po… ’wag n’yo naman pong gawin ’to… h-hindi ko po kayang mawalay sa anak n’yo…” pagmamakaawa ko sa kanya.
Ngunit sa halip na makinig ay nagulat ako sa mas malakas na pagsigaw nito.
“Sinabi kong umalis ka na!!! Hindi ka namin kailangan dito!!! Umalis ka na!!!” sigaw nito sa akin habang dinuduro ang daan palabas ng ospital.
Hindi na ako nakasagot sa kanya. Naitakip ko na lamang ang aking braso sa aking mga mata habang patuloy na umiiyak. Dahan-dahan din ang mga naging paghakbang ko palayo sa kanilang kinatatayuan.
Nakita ko pang nakatingin sa akin si Josephine habang may maliit na ngisi sa kanyang labi.
Bago pa ako tuluyang makalayo sa kanila ay nagsalitang muli ang ginang na nagtitimpi na sa mga oras na ito.
“Ipanalangin mo na lang Tom na walang mangyayaring masama sa anak ko. Dahil kapag dumating ang oras na iyon, isusumpa na kita!” madiin na pagbabanta nito sa akin.
Ngayon n’ya lamang ulit ako tinawag sa pangalan ko ngunit may bahid ng galit dito.
Napayuko na lamang ako habang lumuluha at nagpatuloy na rin sa paglalakad palabas ng ospital. Para akong nauupos sa mga oras na ito. Nag-aalala ako sa kalagayan ni Xander ngayon. Iniisip ko kung paano ko pa s’ya makikita. Paano ko pa s’ya mababantayan sa mga oras na ito kung pinagbabawalan na ako.
Umuwi ako sa aming condo nang hindi tumitigil sa pagbagsak ng aking mga luha. Pumasok ako sa aming kwarto ni Xander at umupo sa kama namin na naroon. Sa tabi ng aming kama ay kinuha ko ang picture naming dalawa. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha.
“Master… please naman… matapang ka ’di ba..? Nakaya mo nga na mabuhay na magkalayo tayo ’di ba…? Magpakatatag ka naman please…?” pagkausap ko sa kanya.
“Master… bakit kasi hindi ka pa gimigising…? Tulungan mo akong magpaliwanag sa kanila… Gumising ka na para masamahan mo ako… Gumising ka na para mapatunayan natin sa kanila na hindi nila tayo mapaghihiwalay pa…” sunod ko pang sambit.
Matapos ang mga katagang iyon ay niyakap ko na lamang ang larawan naming iyon. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa mga oras na ito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong makasama si Xander hanggang sa huli pero parang hindi kami sinasang-ayunan ng tadhana. Parang galit sa amin ang mundo dahil paulit-ulit kami nitong pinaghihiwalay.
“Hindi ba pwedeng walang maging hadlang sa atin…? Bakit ba parang pinaparusahan tayo kahit wala naman tayong ginagawang kasalanan..?” mga katanungan ko na hindi ko alam kung para kanino.
“’Wag naman ganito… Hindi naman kami naghangad ng sobra-sobra eh… Wala naman kaming hiniling kundi ang mamuhay na magkasama… ’Yun lang naman eh… Hindi naman makasarili ’yon ’di ba…? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ’to…?” sunod ko pang sinabi bago ako humagulgol ng malakas.
“Xander…. Gumising ka na…. gumising ka na hanggat kaya ko pa…”
“Please naman Xander… gumising ka na…”
paulit-ulit kong pakiusap sa kanya habang umiiyak kahit alam kong hindi n’ya ako naririnig sa mga oras na ito.
A/N
Hello guys! ’Yan muna sa ngayon ha? Hindi ko alam kung kelan ko maipo-post ang susunod na chapter dahil busy po talaga.
Salamat po sa patuloy na pagbabasa.
Comments and votes please?
Ingat kayo lagi mahal kong readers!
––cold_deee
chapter 27 - orange blossom special
A/N
Hello mahal kong readers!
Hindi ko alam bakit nawawalan ako ng lakas ngayon magsulat. Dahil siguro sa mga susunod na chapters? O dahil alam kong konting chapters na lang ang natitira? Waaahhh!! Iniisip ko pa lang na matatapos na ’tong sinusulat ko nami-miss ko na ang mga characters!
Sana support n’yo pa rin ang XanTom o TomXan hanggang sa huli ha? Kahit anong mangyari….
Anyway, focus muna tayo sa natitira pang mga chapters!
––> si Xander po sa media.
©to the owner of the photo.
TOM POV
Nanlalamig ang aking katawan at patuloy na nanginginig ang aking mga kamay dahil sa kaba na aking nararamdaman. Ngunit hindi ito dahil sa lamig ng panahon dulot ng pag-ulan.
Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula nang huli kong makita si Xander. Halos hindi rin ako makatulog ng maayos dahil sa labis na pag-aalala.
“Hello Sir Lojie?! Nandito na po ako!” mabilis na pagsagot ko sa kanyang tawag.
“Oy! Relax ka lang! Parating na ako, ’wag masyadong excited!” sagot nito sa akin.
Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang pagbibiro. Mas mahalaga ang makita ko s’ya ngayon dahil alam kong may kinalaman kay Xander ang kanyang sasabihin kaya s’ya makikipagkita sa akin.
“S-sige po. Maghihintay na lang ako sa inyo.” sagot ko na lamang nang makalma ko ang sarili ko.
“I’ll be there in 5 minutes. Ipa-park ko lang ang kotse ko.” wika naman nito at ibinaba na rin ang tawag.
Narito ako ngayon sa isang coffee shop para katagpuin s’ya. Ang totoo ay kahapon lamang kami huling nagkita. At iyon ay nang subukan kong puntahan si Xander sa ospital.
Simula nang pagbawalan ako ng ina ni Xander na makita ang kanyang anak ay hindi na nga ako makalapit dito. Naging mahigpit ang pagbabantay ng kanyang mga magulang sa kwarto ni Xander. Talagang sinigurado nilang walang maaaring makadalaw kay Xander maliban na lamang sa kanilang mga kamag-anak.
Maging ang aming mga kaibigan ay hindi nila hinayaang makadalaw kay Xander. Hindi ko alam ang dahilan ngunit wala naman kaming magawa.
Noong sinubukan kong puntahan si Xander ay nahuli ako ni Sir Lojie. Nagpumilit akong makapasok ngunit nakiusap s’ya sa akin. Sinabi n’yang kung hahayaan n’ya akong makapasok doon at sakaling mahuli kami ay baka pati s’ya ay pagbawalan na rin. Pinaintindi n’ya sa akin na kung hindi na s’ya makakapasok doon ay lalong akong mawawalan ng pagkakataon na makakuha ng balita kay Xander.
Hindi man ako sang-ayon sa kanyang pakiusap ay napag-isip-isip kong mas mabuti na rin iyon para may pagkakataon akong malaman ang kalagayan ni Xander.
“Tom! Sorry! Ang hirap magpark!” bungad nito nang makapasok sa coffee shop.
“Kamusta s’ya?” mabilis kong tanong sa kanya.
“’Yan tayo eh! Ako muna ang kamustahin mo pwede?! Pa-order muna ng kape dahil nilalamig ako. Sumugod ako dito nang wala man lang dalang jacket!” mahabang pagsagot nito sa akin matapos makaupo.
Bahagya naman akong napahiya. Masyado kasi akong natataranta sa maaari n’yang ibalita.
“S-sorry. Sige, sandali.” pagsuko ko naman at mabilis na itinaas ang aking kamay para kunin ang atensyon ng waiter.
Nang maibigay n’ya ang kanyang order ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
“Kamusta na s’ya Sir Lojie? Kamusta si Xander?” agad kong tanong sa kanya.
Tiningnan n’ya naman ako ng seryoso at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago ako nagawang sagutin habang seryoso s’yang nakatingin sa akin.
“Gising na s’ya.” maiksi n’yang sagot.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Tila ba huminto ang aking mundo nang marinig ko ang tatlong salitang iyon.
Gising na s’ya. Gising na ang mahal ko.
Sa wakas ay gising na si Xander.
Alam kong nanlalaki ang mga mata ko ngayon dahil sa magandang balitang natanggap ko. Nangilid din ang mga luha ko dahil nakaramdam ako ng kaginhawaan at kaligayahan.
“T-talaga?!” paninigurado ko habang may malapad na ngiti sa aking labi.
Nakita ko ang maliit na pagngiti n’ya.
“Oo. Kaso Tom, may problema.” pagsagot n’ya naman sa akin.
Ang kaninang pagkakangiti ko ay mabilis na naglaho. Nagbalik ang kabang nararamdaman ko.
“P-problema?” tanong kong muli.
Muli n’yang ibinalik ang seryoso n’yang ekspresyon bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Oo. At ’yan din ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa’yo ngayon.” seryoso n’ya pa ring sagot.
Lalo akong nakaramdam ng panlalamig sa ibinalita ni Sir Lojie.
“A-ano ba ang problema Sir Lojie?” ang kinakabahan kong tanong.
Ilang segundo ang hinintay ko para sa magiging kasagutan n’ya. Nakailang paglunok din ako ng sarili kong laway dahil sa kabang nararamdaman ko.
“Tom, ’wag kang mabibigla.” sambit n’ya.
Hindi ako nagsalita. Naghintay na lamang ako sa kanyang sasabihin. Dahil kahit paulit-ulit n’yang ipaalala sa akin na ’wag akong mabibigla ay alam kong mangyayari pa rin ito.
“Tom…. Wala s’yang matandaan. Hindi n’ya naaalala ang lahat.” una n’yang sambit ng seryoso.
Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago n’ya ito ipinagpatuloy.
“Sa madaling salita, wala s’yang nakikilala o natatandaan sa mga naging kaganapan sa kanya.” napayuko s’ya sa kanyang sinabi. “Tom, m-may amnesia si Alex.” kasunod at mahina n’yang dugtong.
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Tila ba naguho ang mundo ko nang sabihin n’ya iyon. Parang ang lahat ng kaganapan sa aming dalawa ni Xander ay bigla na lamang nabura.
Amnesia.
Ibig bang sabihin kahit ako ay hindi n’ya na makikilala?
Natulala ako sa sinabing iyon ni Sir Lojie. Nararamdaman ko na rin ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.
At ilang saglit pa.
“Char!” ang biglang pagsasalita ni Sir Lojie habang tulala akong nakatingin sa kanya.
Iminuwestra n’ya pa ang kanyang kamay sa aking mukha nang sambitin n’ya ang salitang iyon. Ang kamay n’ya ay ibinuka n’ya sa aking harapan na tila ba isang bagong sulpot na halaman kung saan.
“C-char?” tanong ko sa kanya.
“Char! Charing! Charot! Joke lang! Biro lang!” sagot n’ya sa aking tanong.
Nangunot ang aking noo sa kanyang mga sinabi. Hindi ako nakapagsalita dahil nagsimula na akong maguluhan.
“Hay jusko Tom! Masyado ka naman kasing seryoso! Tingnan mo nga ’yang mukha mo! Ang sarap picturan eh!” pang-aasar n’ya na sinundan pa ng pagtawa.
Nakaramdam ako ng inis sa kanyang mga sinabi. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa labis na pagtitimpi.
“Mga natututunan mo kay Olyn noh? Umayos ka kasi Sir Lojie! Hindi ito ang oras para magbiro ka ng ganyan! Si Xander ang pinag-uusapan dito! Hindi ang kung anong bagay lang!” inis kong sambit sa kanya.
“O edi sorry! Ito naman! Gusto ko lang naman pagaanin ang sitwasyon. Masaya lang ako na nagising na s’ya, at sigurado akong masaya ka rin sa narinig mong balita ’di ba?” pagdepensa n’ya naman sa kanyang sarili.
Hindi na lamang ako sumagot at sinamaan ko na lamang s’ya ng tingin. Ngunit sa kabilang banda ay lumuwag ang aking paghinga.
Pero akala ko ay doon na natatapos iyon.
“Pero ang totoo Tom, meron talagang problena ngayon.” muli nanaman n’yang pagsasalita.
Nagbalik ang pagtataka sa aking mukha.
“Ano ba talaga Sir Lojie?! Naguguluhan na ako sa’yo!” tanong ko at talagang hindi na ako mapakali.
Bago pa s’ya makasagot ay dumating ang kanyang order na kape kaya saglit kaming napahinto sa aming pag-uusap.
Pinapanood ko lamang s’ya sa kanyang paghigop sa kanyang kape. Nakikita kong seryoso na ito ngayon at nababasa ko sa kanyang ekspresyon na hindi n’ya alam kung paano n’ya sisimulan ang pagsasalita.
“Sabihin mo na Sir Lojie please? Lalo lang akong kinakabahan.” pakiusap ko sa kanya.
Tinitigan n’ya ako sa mata matapos ilapag ang kanyang kape.
“Si Alex, kailangan n’yang maoperahan.” diretso n’yang sagot.
Muling nagdugtong ang mga kilay ko dahil sa pagtataka at kaba.
“O-operahan? B-bakit? Bakit kailangan s’yang operahan? S-saka seryoso ka ba d’yan?” kabado kong tanong sa kanya.
Naghintay ako na babawiin n’ya ang kanyang sinabi. Na isang malaking biro nanaman ang kanyang inilahad. Ngunit nanatili ang kanyang seryosong ekspresyon habang nakatingin sa akin. Mukhang seryoso na nga s’ya sa pagkakataong ito.
“Hindi na ako nagbibiro Tom. Totoo ang sinasabi ko. Sinabi sa akin ni Tita na kailangan maoperahan ni Alex sa lalong madaling panahon.” sagot n’ya sa akin.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan na akong binalot ng takot.
“T-teka! Saan? Bakit?” tanong kong muli sa kanya.
“May blood clot s’ya sa kanyang ulo dahil sa aksidente. Isa rin ’yon sa mga naging dahilan kung bakit s’ya natagalang gumising Tom.” sagot n’yang muli.
Nanghina ang buong katawan ko sa aking narinig. Natulala akong muli at napasandal sa aking inuupuan dahil sa labis na pagkabigla.
“At isa pang bagay Tom. Hindi dito gagawin ang operation kundi sa Cebu. Gusto kong ipaalam sa’yo na mamayang madaling araw din ang alis nila Tita papunta doon kasama si Tito Ian. After ng operation n’ya, doon na rin s’ya magpapagaling.” muli n’yang pagbibigay ng impormasyon.
Sa mga nalaman ko ay wala akong nagawa kundi ang maikagat na lamang ang ibabang labi ko. Napailing ako ng ilang beses at naramdaman ko na rin ang pagtulo ng mga luha ko.
“Sa ulo s’ya ooperahan? ’Di ba delikado ’yon?” tanong ko sa kanya.
“Oo, dahil wala tayong kasiguraduhan sa maaaring mangyari. Pwedeng makayanan ni Xander ang operasyon, pwede ring hindi. Pwede ring magkatotoo ang sinabi kong magkaroon nga s’ya ng amnesia sakaling maka-survive s’ya. Temporary o hindi, possible din ’yon. Pwede ring makaapekto ’yon sa pang-araw-araw n’yang pamumuhay sa hinaharap. Maswerte na kung maging positive ang result.” simula ng paliwananag n’ya. “Pero kailangan natin magpakatatag Tom. Kailangan ni Xander ng suporta galing sa atin. Kaya kung pwede sana, ’wag natin ipakita sa kanya na pati tayo pinanghihinaan ng loob.” pakiusap n’ya sa akin.
Nagtuloy-tuloy na ang mga luha ko sa pagpatak. Iniiisip ko pa lang ang pagdadaanan ni Xander ay pinanghihinaan na ako.
Naipahid ko na lamang ang aking braso sa aking mga mata dahil sa patuloy na pag-agos ng aking mga luha. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng mga tao dito sa coffee shop. Hindi ko matanggap ang lahat. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Wala na bang katapusan ang paghihirap ni Xander dahil sa akin?
“Alam n’ya ba ang bagay na ’yan..?” tanong kong muli sa kanya.
Unti-unti naman s’yang tumango bilang pagsagot.
“A-anong sabi n’ya? Anong naging reaksyon n’ya?” pag-aalala ko.
“H-hindi n’ya matanggap. Nagkulong s’ya sa kwarto n’ya at itinaboy kaming lahat. Para s’yang bata na iyak ng iyak at ikaw ang hinahanap. Ikaw lang ang gusto n’yang makita. Pero kahit anong pagpupumilit n’ya, ayaw s’yang pagbigyan nila Tita na makita ka…” malungkot n’yang sagot sa akin.
Sa pagkakataong ito ay naitakip ko na ang aking mga palad sa aking mukha at hindi ko na rin mapigilan ang mapahagulgol.
“Tom, alam kong mahirap ’to sa parte mo. Kahit ako nung nalaman ko ’yon, hindi ko maiwasang magtanong kung bakit sa pinsan ko pa nangyari ang bagay na ’yon. Wala naman ginawang masama si Alex pero pinarurusahan s’ya ng ganito. Hindi n’ya deserve ang paulit-ulit na masaktan.” mahaba at malungkot n’yang wika.
Ibinaba ko ang aking mga kamay mula sa aking mukha ngunit hindi ko pinahid ang aking mga luha. Wala rin naman silbi kung papahiran ko ito ng paulit-ulit dahil patuloy pa rin ito sa pagtakas.
“Bakit sa malayo pa Sir Lojie? ’Di ba mas maraming ospital na kumpleto ang facilities dito sa Maynila? Bakit doon pa s’ya ipapagamot?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Sir Lojie. Nasasaktan din s’ya sa mga nangyayari kay Xander. Alam ko kung gaano n’ya pinahahalagahan ang pinsan n’ya.
“Nandon kasi ang matalik na kaibigan ni Tita Mavel na isang neurosurgeon. Ang totoo n’yan, pwede naman s’yang dito operahan pero kailangan n’yang maghintay ng ilang araw para dito. Kaya naisip rin nina Tita Mavel na sila na lamang ang pupunta doon para mapabilis ang operasyon. Mas mapapanatag din sila dahil malaki ang tiwala nila sa kaibigan ni Tita Mavel.” mahaba n’yang pagsagot.
Napayuko ako at patuloy pa rin sa pag-iyak at paghikbi.
“Gusto ko na s’yang makasama… Gusto ko na s’yang makita… Gusto ko na s’yang mayakap… Gustong-gusto ko nang matapos ang lahat ng paghihirap n’ya… Pero bakit parang pinagdadamot ’yon sa amin..?” tanong ko habang patuloy sa pag-iyak.
Hindi nagsalita si Sir Lojie kaya nagpatuloy ako.
“Dalawang taon Sir Lojie… Dalawang taon kaming nagkahiwalay… Tapos ngayong maayos na ang lahat, bakit parang gusto agad bawiin ’yon sa amin..? Hindi ba talaga kami pwedeng maging masaya..? Wala ba kaming karapatan gawin ang gusto namin..? Wala ba kaming karapatang sumaya..?” tanong kong muli.
“Tom….” tangi kong narinig mula sa kanya.
Napahawak ako sa aking dibdib at mahigpit kong hinawakan ang aking suot na damit.
“Ang sakit-sakit na kasi eh… Ang sakit-sakit na… Nasaktan ako dahil sa mga pinagdaanan ni Xander… Gusto ko s’yang mapasaya… Gusto kong maibigay ang lahat sa kanya… Gusto kong burahin lahat ng malulungkot na sinapit n’ya… Pero bakit sa tuwing gagawin ko ’yon, pinagkakait naman sa amin ang pagkakataon..?” wika ko at napahagulgol akong muli.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga mula sa kanya.
“Tom…. Kaya nga ako nandito ngayon. Kaya nga ako nakipagkita sa’yo para humiling ng isang bagay.” wika n’ya sa akin sa mababang tono.
Inangat ko ang aking tingin habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha. Hindi ako makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.
“Tom, alam kong ikaw lang ang may kakayahan na palakasin ang loob ni Alex sa mga oras na ’to. Alam kong kaya mong ibigay ang lakas na hindi namin kayang ibigay sa kanya. Kaya sana gawin mo ang bagay na ’yon. Please, palakasin mo ang loob n’ya. Please Tom, sa’yo ako umaasa dahil ikaw lang ang alam kong kailangan n’ya.” pakiusap n’ya sa akin.
Hindi na rin nakaligtas ang mga luha ni Sir Lojie sa pagpatak nang sabihin n’ya ang bagay na iyon.
“Sir Lojie…. Hindi ko kaya… Iniisip ko pa lang ang mangyayari sa kanya, parang hindi ko na kakayanin… Ayokong makita s’yang naghihirap…” wika ko sa kanya.
“Tom naman! Gusto mo bang hanggang dito na lang? Gusto mo bang panghinaan din si Alex dahil ang inaasahan n’yang tao na kukunan n’ya ng lakas ay mas mahina pa sa kanya? Tom, ’yun lang ang kailangan n’ya! Ikaw lang ang kailangan n’ya! Kaya please naman… kayanin mo para sa kanya…” muli n’yang pakiusap.
Matapos n’yang sabihin iyon ay napayuko akong muli. Nanghihina ang buong katawan ko. Nakakaramdam na rin ako ng paninikip ng dibdib dahil sa labis na kalungkutan.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-iyak dahil ito na lamang ang makakaya kong gawin sa mga oras na ito.
Ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Hinayaan n’yang ilabas ko ang lahat sa pamamagitan ng aking pag-iyak.
Habang nasa kalagitnaan kami ng katahimikan ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-isip-isip.
“Hinihintay ka n’ya Tom… Hinihintay ka ni Alex… Gusto ka na n’yang makita.” bigkas n’ya matapos ang ilang minutong katahimikan.
Pinilit ko ang aking sarili na pigilan ang mga susunod ko pang pagluha. Ang mga luhang unang naglandas sa akin ay pinahid ko ng aking mga palad. Inangat ko ang aking mukha at diretso ko s’yang tiningnan.
“Gusto ko na rin s’yang makita. Gusto ko na s’yang mayakap. Gusto kong sa pagkakataong ’to, ako ang magbibigay ng lakas sa kanya. Sa pagkakataong ito, ako ang magiging lakas n’ya at hindi ang magiging sanhi ng kahinaan n’ya.” bigkas kong madiin.
Hindi s’ya nagsalita ngunit nakita kong unti-unting nagliwanag ang kanyang mukha.
“Dalhin mo ako sa kanya Sir Lojie. Hindi ako papayag na may mangyari sa kanya. Hindi ako papayag na hindi kami ang mananalo sa labang ’to. Hindi ako papayag na mawala lang ang lahat ng hirap na pinagdaanan naming dalawa.” matapang kong pagsasalita.
Unti-unting sumilay ang ngiti ni Sir Lojie.
“Salamat Tom… Salamat.” nakangiti n’yang sambit.
Matapos iyon ay nagpasya kaming dalawa ni Sir Lojie sa magiging hakbang namin para magkita kami ni Xander. Kahit na binabalot ako ng kalungkutan at takot sa mga oras na ito ay nagpapakatatag ako.
Sinabi nito sa akin na nakapagbitaw na s’ya ng pangako kay Xander na dadalhin n’ya ako doon at magkikita kami ngayong gabi bago s’ya dalhin sa Cebu. Napagplanuhan n’ya na rin kung paano kami makakatakas sa mga magulang ni Xander para makapasok ako sa kanyang kwarto. Sinabi rin nito sa akin na wala kaming magiging problema dahil maging si Josephine ay hindi na rin hinayaang makapasok ni Xander dito.
Dumating ang oras para kami ay magpunta sa ospital. Tahimik na ang loob dahil hindi na oras ng pagdalaw para sa mga pasyente dito.
“Tom, may binola na akong nurse dito. Alam n’ya na rin ang plano natin kaya wala ka nang magiging problema pagpasok.” wika n’ya habang binabaybay namin ang daan patungo sa kwarto ni Xander.
“Sasama ka ba sa loob?” tanong ko sa kanya.
“Hindi na. Naghihintay sa akin ’yung nurse doon sa labas ng kwarto ni Xander. Ikaw na lang ang pumasok kasi sa ibang room kami papasok ng nurse. Alam mo na!” sagot n’ya at nagtaas-baba pa ang kilay n’ya.
Napailing na lamang ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi na talaga s’ya nagbago.
“Pati ’yung nurse dinadamay mo d’yan sa kalokohan mo Sir Lojie. Hindi ka na naawa dun.” pangongonsensya ko sa kanya.
“Hoy Tom! Mag-ingat ka d’yan sa pananalita mo ha? Ginagawa ko ’to para sa ekonomiya! Para magkita kayo ni Alex! Malinis ang intensyon ko! ’Wag kang ano! Saka isa pa, ’yung nurse naman ang nag-offer sa sarili n’ya! Tatanggi pa ba ako?! Saka kasalanan ko bang maging gwapo?!” sagot n’ya sa akin habang dinuduro ako.
Napangiwi na lamang ako habang masama ang tingin kong ipinupukol sa kanya. Hindi na lamang ako sumagot pa dahil kung hindi n’ya rin gagawin iyon ay hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makita si Xander ngayon.
Ilang saglit pa ay narating namin ang lugar kung nasaan ang kwarto ni Xander. Sa tapat ng pinto ay may nakatayong isang nurse at mukhang s’ya na nga ang tinutukoy ni Sir Lojie na aming kasabwat.
“Hi babe! Okay na ba? Malinis na ba?” nakangiting tanong n’ya sa nurse.
Nang tingnan ko ang babae ay namula ang pisngi nito. Paano ba naman kasi si Sir Lojie, nakanguso sa ibaba ng pribadong parte ng katawan ng babae.
Nasapo ko na lamang ang aking noo dahil sa kanyang ginawa. Ang buong akala ko pa naman na tinatanong n’ya ay kung wala na ba kaming magiging problema sa aming gagawin. Kung wala na bang makakakita sa amin. Ngunit iba yata ang tinutukoy nito.
Puro talaga kalaswaan ang laman ng utak nitong si Sir Lojie!
“Yes Sir, nilinis ko na po. Este, malinis na po! Wala na po ang mga magulang n’ya at babalik na lamang mamaya ’pag aalis na sila.” naguguluhan at nahihiyang sagot ng babae.
Wala naman akong nagawa kundi ang mapailing. Nakita ko rin ang pagkagat ng labi ni Sir Lojie habang nakatingin sa babae.
Jusko! Wala na talaga akong masasabi dito kay Sir Lojie! S’ya na talaga!
“Oh paano Tom? Tatawagin na lang kita mamaya ’pag parating na sila Tita ha? Kinausap ko na rin ang driver nila para timbrehan tayo ’pag parating na sila Tita.” bilin n’ya sa akin.
Tumango-tango naman ako sa kanya habang may tipid na ngiti.
“Salamat Sir Lojie, salamat.” wika ko sa kanya.
“O sige na, ikaw na ang bahala d’yan. Aalis na rin kami ni Ma’am Nurse para makarami.” sagot n’ya at kumindat pa.
Matapos n’yang sabihin iyon ay mabilis n’yang inakbayan ang nurse at inaya nang umalis. Pinanood ko na lamang sila habang palayo hanggang sa maglaho na rin sila sa aking paningin.
Dahan-dahan kong nilingon ang pinto ng kwarto ni Xander. Nagbalik ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Tila ba may mga naghahabulang mga hayop sa loob nito dahil sa halo-halong nararamdaman ko.
Nasasabik dahil sa wakas ay makikita ko na si Xander na gising. Gusto ko na s’yang makausap at mayakap. Ngunit kinakabahan dahil alam kong kailangan n’yang maoperahan. Muli nanaman kaming magkakahiwalay at walang kasiguraduhan kung kami ba ay magkikita pa.
“Tom, itigil mo ang pag-iisip ng ganyan! Kailangan mong maging positibo! Kakayanin ’yan ni Xander, kakayanin n’ya ang operasyon! Magkikita ulit kayo! At ’pag nangyari na ’yon, magkasama na kayong lalaban para sa relasyon n’yo. Magkakasama na kayo tulad ng inaasam n’yo.”
pagpapalakas loob ko sa aking sarili.
Humakbang ako papalapit sa pinto at dahan-dahan na inangat ang kamay ko para pihitin ang doorknob.
Ngunit bago ko tuluyang buksan iyon isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Dahan-dahan ay nagkaroon ng siwang ang pinto. Medyo madilim ang loob at ilang ilaw lamang ang nakasindi. Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto.
Nang ihakbang ko papasok ang aking mga paa ay unti-unti ko ring nasilayan ang taong bahagyang nakahiga ngayon sa hospital bed. May benda pa rin ito sa kanyang ulo at ganoon din sa kaliwa n’yang braso maging sa kanyang paa. Nakakaawa s’yang tingnan, pero nang masilayan ko ang kanyang mukha ay nawala ang lahat ng alalahanin ko.
Nakita ko si Xander na sinasalubong ako ng kanyang pinakamatamis na ngiti.
“Master….” malambing at nakangiti n’yang pagtawag sa akin.
Natigilan ako.
Ang sabi ko sa sarili ko kanina ay hindi ako dapat magpakita ng kahinaan sa harap ni Xander. Pero nang makita kong nakabukas na ang kanyang mga mata ay hindi ko mapigilang mapaluha. Nang marinig kong muli ang kanyang boses ay hindi ko mapigilang makaramdam ng saya. Pakiramdam ko ay wala na akong mahihiling pa sa mundo kundi ang masilayan ang mga ngiti n’yang iyon na nagiging lakas ko.
“Master….” pagtawag ko rin sa kanya habang nakangiti at pumapatak ang mga luha.
Inangat n’ya ang kanyang kanang kamay na walang benda.
“Lapit ka dito. Upo ka sa tabi ko.” utos n’yang nakangiti.
Wala na akong inaksaya pang oras. Mabilis kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa kanya.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay mabilis akong umupo sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay. Inilagay ko iyon sa aking pisngi at halos yakapin ko ang kanyang braso.
Hinaplos n’ya ang aking pisngi upang pahiran ang aking luha habang suot n’ya pa rin ang kanyang magandang ngiti.
“I’m sorry… Sorry Master… Sorry…. I’m sorry… Sorry…” paulit-ulit kong sambit at paulit-ulit ko rin hihalikan ang kanyang palad na nasa aking pisngi.
Patuloy rin ako sa pagluha habang sinasambit ang mga salitang iyon.
“Ako nga ang dapat na magsorry sa’yo Master… I’m sorry…” sagot n’ya sa akin habang malungkot na nakangiti.
Umiling-iling ako.
“Hinde… N-nang dahil sa akin kaya ka nandito ngayon… Nang dahil sa akin kaya nangyari ’to sa’yo…” wika ko sa pagitan ng pag-iyak.
“Hinde… Sana kasi hinintay kitang magpaliwanag… Sana nagtiwala ako sa’yo… Sana inisip ko ang mga pangako mo… I’m sorry… sorry Master…” sagot n’ya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang mapahagulgol na lang.
“Sinabi na sa akin ni Lojie ang lahat… Pinaliwanag n’ya kung ano ba talaga ang plano mo noon sa bar… Kinuwento n’ya ang dapat na mangyayari noong gabing ’yon… Pero nagpatalo ako sa bugso ng damdamin ko… I’m sorry Tom.. Sorry Master…” muli n’yang paghingi ng tawad sa akin.
Umiling-iling naman ako sa kanyang mga sinabi.
“Wala ka naman kasalanan Master eh… Sana kasi… Sana kasi plinano ko ng maayos… Hindi ko talaga alam na ganon ang kalalabasan… Hindi ko alam na ganon ang mangyayari… Sorry…” pagkontra ko sa kanya.
Nang sabihin ko iyon ay nakita kong napangiti si Xander. Ang ngiting ilang araw ko nang gustong makita mula sa kanya.
“Ikaw Master ah… Natututo ka na kumontra sa akin. Marunong ka na ngayon makipagtalo sa akin. Sinabi ko na ngang ako ang may kasalanan pero ayaw mo pa rin magpatalo.” wika n’yang nakangiti at kinurot ng mahina ang pisngi ko.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay napangiti ako habang patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ko. Kahit na nasa ganitong sitwasyon si Xander ay hindi s’ya nagmimintis sa pagpapangiti sa akin.
“O sige ganito na lang.” bigla n’yang pagsasalita. “’Wag na lang natin isipin ang nangyari. Tutal naman gising na ako eh. Na-miss mo ba ako?” tanong n’yang nakangiti.
Nakikita kong hirap pa rin s’ya sa pagsasalita pero nararamdaman kong masigla s’ya sa mga oras na ito.
Mas lumapad ang pagkakangiti ko sa kanyang tanong. Tumango ako ng maraming beses.
“Miss na miss. Miss na miss na miss! Sobra kitang na-miss.” sagot ko sa kanya.
“Ako din! Na-miss kita ng sobra-sobra! Pa-kiss nga!” wika n’ya.
Sa pagkakataong ito ay natawa na ako kahit may mga luha pa rin ako sa aking mga mata. Iba kasi ’pag si Xander na ang bumanat. Ganito pa rin ang epekto n’ya sa akin. Para pa ring may mga paru-parung nagliliparan sa loob ng sikmura ko.
“Sige na! I-kiss mo na ako! ’Wag kang mag-alala, nag-toothbrush na ako kanina. Nag-mouthwash pa nga ako kasi hinihintay ko talaga ang kiss mo! Bilis na!” wika n’ya at ngumuso pa.
Mas lalo akong natawa sa kanyang ginawa. Pero nang makabawi ako ay dahan-dahan ko s’yang hinawakan sa magkabilang pisngi. Unti-unti ay yumuko ako sa kanya para maglapit ang aming mukha.
At ilang saglit pa ay nagdikit ang aming mga labi.
Sa halik naming iyon ay dama namin ang pananabik sa isa’t-isa. Magkadikit lamang ang aming mga labi ngunit maraming mga matatamis na salita ang nakapaloob doon.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay nanatili namang magkalapit ang aming mga mukha. Nakita kong nagliliwanag ang kanyang mga mata at alam kong ganoon din ang sa akin habang nakatingin kami sa isa’t-isa.
“Na-miss talaga kita. I love you Master.” mahina n’yang sambit habang hinahaplos ng kanyang daliri ang aking pisngi.
“Mas na-miss kita Master. At mas mahal na mahal kita.” sagot ko naman sa kanya at binigyan s’yang muli ng isa pang halik.
Labis na kasiyahan ang nararamdaman namin sa mga oras na ito. Dama ko ang pananabik namin na makasama ang isa’t-isa. Alam kong ilang oras lang ang meron kami ngayon para makapag-usap, pero susulitin namin iyon.
Nang maghiwalay ang aming mga mukha ay mas malawak na ang aming pagkakangiti. Umayos ako ng pagkakaupo sa kanyang tabi para makapag-usap kami.
“Ano ba ’yan?! Bakit ba hindi nauubos ’yang luha mo Master? Nakakangawit na magpahid ah! Kanina ka pa. Tumigil ka na sa pag-iyak d’yan.” natatawa n’yang utos sa akin.
Muli akong natawa sa kanyang sinabi at mabilis ko rin na pinunasan ang mga luha ko sa pamamagitan ng aking palad.
“Ayan! Ang gwapo-gwapo ng Master ko pero iyakin! Alam mo naman na ayaw kong umiiyak ka ’di ba? Kaya tumigil ka na please? Last na ’yan okay?” utos n’yang muli sa akin.
“Opo. Masusunod po.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Hawak ko na ngayon ng aking dalawang kamay ang kanyang isang kamay na tila ba ayaw ko nang pakawalan pa. Mahigpit din ang kanyang pagkakahawak nang muli s’yang magsalita.
“Kamusta ka Master? Nabalitaan ko ang ginawa sa’yo ni Mommy. Sorry, wala akong nagawa nung nangyari ’yon.” malungkot n’yang sambit.
Ngumiti naman ako sa kanya.
“Wala ’yon. Naiintindihan ko s’ya. Kahit sino namang ina, kapakanan ng anak nila ang inuuna. Mahal na mahal ka lang n’ya kaya ganon.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Hayaan mo, ’pag ako gumaling babawian natin si Mommy! Ako ang bahala dun! Madali lang paamuhin ’yun, ako ang bahala sa’yo. Hindi kita pababayaan. Kaya sana konting tiis lang ha?” paniniguro n’ya.
“Oo naman. May tiwala ako sa’yo. Saka alam ko naman na malalampasan natin ’to.” sagot ko sa kanya.
Napangiti naman s’ya sa aking sinabi. Ngunit matapos iyon ay nagbalik ang kalungkutan sa kanyang mata. Ilang segundo pa ay nagsalita s’yang muli.
“Master…” pagtawag n’ya sa akin.
“Hhhmmm?” tanong ko sa kanya.
“K-kailangan ko raw maoperahan.” malungkot n’yang pagbabalita.
Naglaho ang aking pagkakangiti. Ngunit nang maalala ko ang pinangako ko sa aking sarili na magpapakatatag ako ay ibinalik kong muli ang aking pagkakangiti.
“Kaya mo naman ’yon ’di ba? Si Alexander Alvarez pa ba? Lahat kaya ng gustuhin n’ya nakukuha n’ya!” masigla kong sambit. Ngunit naging mahina na ang mga sumunod kong sinabi. “Matapang ’yon si Xander. Dalawang taon nga s’yang nagdusa at naghintay eh. Dalawang taon s’yang namuhay sa kalungkutan pero kinaya n’ya. Kaya n’ya rin ang ilang oras lang na operasyon. Kaya n’yang malampasan ’yon.” malungkot kong dugtong.
Hindi naman s’ya nagsalita at nanatili lamang s’yang nakatingin sa akin kaya nagpatuloy ako. Sa aking pagpapatuloy ay naramdaman kong muli ang mainit na likido na nagbabadya nanamang tumakas mula sa aking mga mata.
“Kayanin mo Xander… Kayanin mo pakiusap… Kasi naghihintay ako sa pagbabalik mo… Umaasa akong babalikan mo ako… At sa oras na makabalik ka, handa na tayong dalawa… Haharapin na natin silang lahat nang magkasama… Hindi na nila tayo pwedeng paghiwalayin kasi hinding-hindi na ako papayag… Kaya sana… sana mangako ka… mangako kang babalik ka…” muli kong wika at muli, ako ay napaluha.
“Babalikan mo naman ako ’di ba..? Ayaw mong umiiyak ako ’di ba..? Kaya sana Xander… sana Master, mangako ka… mangako kang magpapagaling ka… mangako kang babalik ka…” pakiusap kong muli sa kanya at mas hinigpitan pa ang hawak ko sa kanyang kamay.
Unti-unti ay nakita kong sumilay ang mga ngiti n’ya. Dahan-dahan din ay tumango s’ya bilang pagsagot sa akin.
“Mangako ka Master… mangako ka…” wika ko sa kanya.
“Promise. Babalikan kita.” nakangiti n’yang sagot.
Nang sabihin n’ya iyon ay muling nagbalik ang aking ngiti.
“Salamat Master… salamat… Hihintayin ko ang pagbabalik mo… maghihintay ako…” bigkas kong nakangiti.
Gusto ko s’yang yakapin sa mga oras na ito, pero alam kong hindi pwede.
“Alam ko ’yang iniisip mo.” nakangiti at bigla n’yang pagsasalita.
“H-ha?” tanong kong nagtataka.
“Iniisip mo siguro na gusto mo akong yakapin ngayon noh? Kaso lang hindi pwede kasi may mga benda pa ako.” tanong n’ya sa akin.
Napangiti akong muli sa kanya. Kilala n’ya na talaga ako.
“Paano mo naman nasabi?” tanong ko sa kanya.
“Simple lang! Kasi ’yan din ang gusto kong mangyari.” sagot n’yang nakangiti.
“Eh paano ’yan? Hindi ka nga makatayo d’yan, paano kita mayayakap?” tanong ko sa kanya.
Inalis n’ya ang kanyang kamay sa aking pagkakahawak at inilatag iyon sa tabi ng kanyang ulunan.
“Dito ka sa tabi ko dali! Higa ka rito.” utos n’yang nakangiti.
Nangunot ang aking noo. Seryoso ba s’ya sa gusto n’yang mangyari?
“Ano ba ’yang pinagsasabi mo Master? Gusto mo bang madagdagan ’yang pilay mo?!” tanong ko sa kanya.
“Tsk! ’Wag na makulit! Okay naman ’tong isang braso ko eh. Dito ka humiga.” utos n’ya pa rin.
Hindi ako gumalaw sa aking pwesto dahil sa pag-aalala sa gusto n’yang mangyari.
“Hindi mo ba ako na-miss katabi sa pagtulog Master? Ilang minuto lang naman eh. Mamaya hindi na tayo magkakasama. Hindi mo ba ako gustong makatabi kahit saglit lang?” malungkot n’yang wika.
“Eh kasi… Baka kung mapaano ka.” pag-aalala ko pa rin.
“Tsk! Hindi ’yan. Trust me. Please? Dito ka na.” pagpupumilit n’ya pa.
Tinitigan ko s’ya. Sinusuri ko kung talaga bang seryoso s’ya. Labis talaga akong nag-aalala. Pero nakita ko ang excitement sa kanyang mga mata. Nakita ko rin na gusto n’ya talagang mangyari ang hinihiling n’ya.
Wala na akong nagawa. Unti-unti ay pumwesto ako sa kanyang tabi at dahan-dahang humiga. Naging maingat ako sa aking pagkilos dahil baka may magalaw ako sa kanyang katawan na maaaring makasakit sa kanya.
“Sige na, gawin mong unan ang braso ko. Na-miss ko amuyin ang ulo mo eh.” utos n’ya pang muli nang mapansin n’yang nag-aalangan akong ipatong doon ang aking ulo.
Dahan-dahan kong ginawa ang bagay na iyon.
“Ayan! Ngayon naman yakapin mo ang bewang ko.” muli n’ya pang utos.
“Ha?!” nabibigla kong tanong at napatingala ako sa kanya.
“Sige na! Hindi naman ako nabaril eh. Nabugbog lang ’yan pero hindi naman gaanong masakit. Dali na!” pagde-demand n’ya nanaman sa akin.
’Pag si Xander na talaga ang nag-utos ay mapapasunod na lamang ako.
Dahan-dahan ay tumagilid ako ng pwesto paharap sa kanya. Iniyakap ko ang aking kamay sa kanyang bewang.
“’Yan! Edi magkayakap na tayo!” masigla n’yang bigkas at hinalikan ako sa aking noo.
Napapikit ako at napangiti sa nangyari. Ilang araw kong hinintay ’to. At ngayon nga ay nasa bisig ko na s’ya at dinadama ang init ng kanyang katawan.
Wala sa amin ang nagsasalita sa mga oras na ito. Tanging sa mga yakap namin pinaramdam ang mga salitang gusto naming sabihin sa isa’t-isa. Dito namin pinadama ang pagmamahal at pag-aalaga.
Ilang saglit pa.
“Master…” pagtawag n’ya sa akin.
“Yes Master..?” tanong ko sa kanya habang nakapikit.
“Anong nangyari kay Daniel? Sa kapatid ko.” tanong n’ya at ramdam ko ang pag-aalala n’ya.
Napadilat ako ng aking mata sa kanyang katanungan.
“Sinabi ko na sa kanya ang lahat. Sinabi kong ikaw ang mahal ko. Sinabi kong sa’yo ako sasama at kahit kailan ay hindi ako papayag na mahiwalay sa’yo.” pag-amin ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga n’ya.
“Anong sabi n’ya?” pag-aalala n’ya.
“Hindi pa kami nag-uusap ulit. Pero sakaling mangyari ’yon, hindi ko na babawiin ang sinabi ko. Alam kong nasaktan ko s’ya, pero anong magagawa ko kung ikaw talaga ang mahal ko? Ayokong patuloy na paasahin s’ya. Mas malaking pagkakamali ’yon ’pag nagkataon.” sagot ko sa kanya.
Naramdaman ko ang halik n’ya sa aking ulo.
“Salamat Master, salamat.” wika n’ya. “Hayaan mo, aayusin natin ’yan pagbalik ko. Kakausapin ko rin ang kapatid ko.” dugtong n’ya pa.
Hindi na lamang ako nagsalita. Alam kong mahabang panahon pa ang kailangan namin upang magkaayos dahil hindi naman biro ang pinagdaanan namin ni Daniel. Pero umaasa akong sa bandang huli ay magkakasundo rin kaming lahat.
Muli kaming binalot ng katahimikan ng ilang minuto hanggang sa magsalita ulit s’ya.
“May naisip ako sa pagbalik ko Master.” bigla n’yang sambit.
“Ano ’yon?” tanong ko sa kanya.
“Magfe-facebook ako.” maiksi n’yang sagot.
Naiangat ko ang aking tingin dahil sa labis na pagtataka. Anong klaseng plano ’yon?
“Magfe-facebook?” paglilinaw ko habang nakatingala sa kanya.
“Oo! Magfe-facebook ako! Tapos ia-add kita ulit para friends na tayo!” masigla n’yang sagot.
“Tapos?” pagtataka ko pa rin.
“Tapos ilalagay ko na ‘in-a-relationship’ na tayo! Accept mo ha?” nakangiti n’yang wika.
Ngayon naging malinaw sa akin ang plano n’ya kaya hindi ko naiwasan ang matawa. Matagal na kasing panahon nang tanggalin ko s’ya sa friend list ko, noong maghiwalay kami dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi ko naman s’ya mai-add noong nagkaayos kami dahil iniisip ko rin si Daniel.
“Oh sige! Ila-like ko pa kung gusto mo!” natatawa kong sagot sa kanya.
“’Wag!” mabilis n’ya namang pagkontra.
“Ha? ’Wag ko i-like? S-sige, comment na lang kung gusto mo.” pagsa-suggest ko naman.
“’Wag din!” maagap n’ya pa ring sagot.
“Ha? ’Wag din? Eh ano lang gusto mo?” nagtataka ko nanamang tanong.
“Pusuan mo. Puso. Dapat puso! Ganon!” madiin n’yang sagot.
Dito ko na hindi kinaya. Napaupo na ako sa kama at napahalakhak dahil sa naging pagsagot n’ya. S’ya man din ay hindi na nagawa pang kontrolin ang pagtawa. Halos maluha na nga kaming pareho dahil walang tigil namin itong ginawa.
“Grabe Master! Parang wala kang nararamdaman! Ang kulit mo!” wika kong natatawa habang pinapahid ang aking luha dahil sa pagtawa.
Bigla n’ya naman inihawak ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.
“A-ang totoo, m-may nararamdaman nga ako Master.” ang biglang seryoso n’yang sagot habang nakapikit at nakahawak sa kanyang dibdib.
Nawala ang pagkakangiti sa aking labi dahil sa kanyang sinabi. Muli akong binalot ng takot sa kanyang naging reaksyon.
“M-master? Anong nangyayari? A-anong masakit? Anong nararamdaman mo?” natataranta kong pagtatanong.
Idinilat n’ya ang kanyang mga mata ng paunti-unti ngunit nanatili ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.
“Tom…. n-nararamdaman kong……
……..mahal na mahal kita.“
utal n’yang pagsagot at dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kanya.
Natigilan ako sa kanyang sinabi ngunit nakaramdam ako ng saya.
Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ’to! Ang corny pa rin ng mga banat! Pero hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng kiliti sa mga binibitiwan n’yang corny lines.
Naiinis ako sa kanya dahil pinapakaba n’ya ako. Pero hindi ko naman maiwasan ang mapangiti kaya kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi para pigilan ito.
“Uuuuyyy… Kinilig s’ya… Aminin mo ’yan Master. ’Wag mo na pigilan ang ngiti mo!” wika n’yang nakangiti habang sinusundot ang tagiliran ko.
“Tumigil ka nga! Ang hilig mong magpakaba eh noh?!” naiinis kong sambit sa kanya.
“Eto naman! Naglalambing lang eh! Ang cute mo kasi Master ’pag nahihiya! Namumula ka pa rin hanggang ngayon ’pag pinapakilig kita!” panunukso n’ya pa.
Naku talaga! Kung wala lang talaga ’to dito sa hospital bed baka tinamaan na talaga ’to sa akin!
“Pasalamat ka talaga at nakahiga ka d’yan! Kundi talagang…. Ay susko! Nakakagigil ka!” naiinis ko pa ring sambit sa kanya.
Natawa naman s’ya sa akin dahil alam kong nag-eenjoy nanaman s’ya dahil namumula nanaman ako sa mga oras na ito.
Habang tumatawa si Xander ay hinayaan ko ang sarili kong titigan s’ya. Masaya akong nakikita s’yang masaya. Sana ay ganito na lamang kami lagi. Sana dumating din ang oras na wala nang hahadlang sa amin dalawa.
Napatigil s’ya sa kanyang pagtawa nang mapansing nakatitig na lamang ako sa kanya.
“Oh? Bakit natulala ka nanaman d’yan Master? Alam kong gwapo ako, hindi mo na kailangan pang sabihin ’yon.” puno ng tiwala sa sarili n’yang wika.
Kinurot ko naman s’ya ng mahina sa ilong.
“Ang kapal talaga! Ang kapal-kapal!” nanggigigil kong sambit habang pisil ko ang kanyang ilong.
Muli nanaman s’yang natawa na akala mo ay wala s’yang karamdaman ngayon.
Nang mahimasmasan kaming pareho ay umayos akong muli ng pagkakaupo. Hinawakan ko s’yang muli sa kanyang kamay at pareho lang kaming may ngiti sa aming mga labi.
“Ano pang gusto mo Master bukod sa mayakap ako? Baka may request ka pa, sige lang pagbibigyan kita. Alam mo naman ako, basta ikaw kahit pilay ako mapapasayaw mo ako!” pagyayabang n’ya na ikinatawa ko.
“Sige, mag-iisip ako.” wika ko at inilagay ko ang aking hintuturo sa aking sentido. “Mmmm…. Gusto ko lang bilisan mo ang pagpapagaling doon. Pwede ba ’yon Master?” request ko sa kanya.
Inangat n’ya naman ang kaliwang kamay n’yang may semento ngayon.
“Aye aye captain!” ang kunwaring pagsaludo n’ya sa akin sa masiglang tono.
Tumawa muna ako bago ako nagsalita.
“Eh ikaw? Anong gusto mong gawin Master?” tanong ko sa kanya.
Ilang segundo ang kanyang pinalipas habang nakatitig sa akin bago s’ya sumagot.
“Gusto kitang kantahan Master.” nakangiti n’yang sagot.
Naningkit naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Tinitigan ko s’ya na tila nagtatanong kung may bahid ba ng kalaswaan ang kanyang sinasabi.
Natawa s’ya sa aking naging reaksyon.
“Hindi ’yon kagaya ng iniisip mo kahit gusto ko Master!” sagot n’yang natatawa.
Hindi raw ’yon pero gusto n’ya. Sinasabi ko na nga ba, pervert talaga ’to si Xander.
“Eh ano?!” tanong ko sa kanya.
“Gusto talaga kitang kantahan. Gusto kitang haranahin. Matagal-tagal na rin nung huli kitang hinarana ’di ba? Sayang nga lang kasi hindi ako makakahawak ngayon ng gitara.” sagot n’ya at bahagyang napanguso pa.
Aba aba! Mukhang nahahawa na ’to sa pagnguso ko ah!
“Edi kahit wala nang music. Kanta ka na lang dali! Nami-miss ko na pagkanta mo Master eh.” masaya kong pang-eengganyo sa kanya.
“Asus! Kinantahan kaya kita bago ako naaksidente! Remember? Habang kinakantahan kita, nakipag-duet ka pa?” makahulugan n’yang wika.
Kinurot ko nanaman s’ya sa kanyang ilong nang sabihin n’ya iyon.
“Ang bastos talaga! Ang hilig-hilig!” nanggigigil kong sambit habang hawak ang ilong n’ya.
Tawa nanaman s’ya ng tawa sa kanyang kapilyuhan.
Ang sarap n’ya talagang pagmasdan sa mga oras na ’to.
“Sige na, kakanta na ako. Seryoso na!” pagbawi n’ya.
“Sige na, naghihintay ako oh.” sagot ko naman.
Inayos n’ya ang kanyang sarili at mahigpit akong hinawakan sa kamay. Ako naman ay nanatiling naghihintay habang nakatingin lamang sa kanya.
(a/n: paki-play po ng nasa media guys! ’yan po ang kinanta ni Xander.
song title: this I promise you by ’n sync-acoustic cover by: anthem lights
)
Ohh ohh…
When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I’ll be your strength,
I’ll give you hope,
Keeping your faith when it’s gone
The one you should call,
Was standing here all along..
Napangiti ako ng malapad nang muli kong narinig ang magandang boses ni Xander. Tama s’ya, matagal na nga noong huli n’yang ginawa ito. At aaminin ko, na-miss ko ang bagay na ito sa aming dalawa.
And I will take
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you
Habang kinakanta n’ya ang linyang iyon ay mas hinihigpitan n’ya ang pagkakahawak sa aking kamay. Hinahaplos n’ya rin ito ng paulit-ulit sa pamamagitan ng kanyang daliri.
I’ve loved you forever,
In lifetimes before
And I promise you never…
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we’ve won
And with this vow,
Forever has now begun…
Matapos ang linyang iyon ay tinanong ko s’ya ng pabulong.
“Promise?” tanong ko sa kanyang walang tunog.
Sinagot n’ya naman ako ng paulit-ulit na pagtango. Saglit n’ya ring binitiwan ang aking kamay upang haplusin ang aking pisngi.
Just close your eyes (close your eyes)
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won’t go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you..
This I promise you..
Over and over I fall (over and over I fall)
When I hear you call
Without you in my life baby
I just wouldn’t be living at all…
Nanatili ako sa aking pagkakangiti habang pinapakinggan ang magandang tinig ni Xander. Ngunit sa kabila ng ngiti kong iyon ay nakakaramdam ako ng takot sa mga oras na ito. Iniisip ko kung sakaling tatawagin ko nga ba s’ya ay maririnig n’ya ako lalo na kung wala ako sa tabi n’ya habang isinasagawa ang operasyon sa kanya. Kahit gustuhin naming pareho na magkasama ay alam naming imposible sa ngayon. Wala akong gagawin kundi ang hintayin s’ya. Ang panghawakan ang pangako n’yang babalikan n’ya ako.
And I will take (I will take you in my arms)
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you baby
Just close your eyes
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won’t go away (no..)
Every word I say is true
This I promise you
Every word I say is true
This I promise you
Ooh,
I promise you…
Natapos ang kanyang pagkanta. Nagulat na lamang ako nang ilapat n’yang muli ang kanyang daliri sa aking mukha.
“Umiiyak ka nanaman Master. Sabi ko sa’yo ayaw kong nakikitang kang umiiyak ’di ba?” wika n’ya matapos pahiran ang aking mga luha.
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako habang nakikinig sa kanyang pagkanta.
“Master… babalikan mo ako, mangako ka…” ang hindi ko na napigilang emosyon.
Marahan n’ya akong hinatak sa kamay upang mapalapit sa kanya. Dahan-dahan ay napayuko ako at niyakap n’ya ako sa pamamagitan ng kanyang isang braso.
“Promise Master… babalik ako… babalikan kita, pangako… bubuntisin pa kaya kita!” bulong n’ya sa akin at bahagyang natawa. “Pero gusto kong mangako ka rin sa akin. Na kahit anong mangyari, hindi ka na iiyak. Na hindi na kita makikitang lumuluha kagaya nito ngayon. Dahil ’yan ang kahinaan ko, ang makita kang umiiyak. Mangako kang ito na ang huling beses na iiyak ka ng kagaya nito.” dugtong n’ya pa.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang brasong nakayakap sa akin at hindi ako nakapagsalita.
“Mangako ka please? Ikaw lang ang lakas ko, kayo ni Carla. Kaya sana, maging matatag ka. Please Master?” muli n’yang pakiusap.
Kahit mabigat ang aking dibdib ay nagawa kong tumango.
“Pangako Master, pangako..” sagot kong umiiyak.
Naramdaman ko ang kanyang pagngiti.
Nasa ganoon kaming tagpo nang makarinig kami ng mahihinang pagkatok sa pinto kasunod ng pagtawag sa aming pangalan.
“Tom, Alex! Alam kong ayaw n’yo pang maghiwalay d’yan. Baka nga two become one pa ang drama n’yo d’yan kahit baldado ka ngayon Alex. Pero kailangan na naming umalis ni Tom. Parating na sina Tita, nagtext na sa akin ’yung driver n’yo. Nakaalis na sila ng bahay n’yo para sunduin ka.” mga narinig namin mula kay Sir Lojie sa labas ng kwarto.
Bibitaw na sana ako kay Xander ngunit hindi n’ya ako hinayaang makaalis sa kanyang pagkakayakap. Nagsalita s’ya habang magkadikit ang aming katawan.
“Master… Gusto ko ’pag nagbitaw tayo sa pagkakayakap natin ngayon, nakangiti tayong pareho. Gusto kong ang huling ala-ala na kasama kita sa kwartong ito ay masasayang sandali. Pwede ba ’yon?” tanong n’ya sa akin.
Muli akong napaluha sa kanyang kahilingan. Ngunit ginawa ko ang lahat upang matupad ang kanyang kagustuhan. Pinilit kong magbitaw ng isang ngiti kahit labag sa aking kalooban. Inisip ko na lamang ang masaya naming pag-uusap kanina lang.
Dahan-dahan ay bumitaw kaming pareho ngunit magkalapit ang aming mga mukha. Nakita ko ang nakangiting si Xander kaya sinuklian ko rin iyon ng isang matamis na ngiti kahit alam kong may mga luha pa ring tumatakas mula sa aking mga mata.
“Alagaan mo ang sarili mo habang wala ako. Pababantayan kita kina Lojie at Randy okay? Balita ko nga hindi ka raw pumapasok sa trabaho nitong huling mga araw dahil sa pag-aalala sa akin. I’ll be fine. Nangako naman ako na babalik ako ’di ba? Kaya please, maghintay ka lang okay?” bilin n’ya sa akin.
Tumango-tango ako bilang pagsagot.
“Hihintayin kita… Maghihintay ako…” sagot ko.
Matapos kong sabihin iyon ay naging mabilis din ako sa paghalik sa kanya.
Paulit-ulit ang aming mga halik sa isa’t-isa.
“Mahal kita..”
“Mahal na mahal kita..”
“Mag-iingat ka, mahal na mahal kita…”
“Mahal na mahal na mahal kita…”
“Hintayin mo ako, mahal kita..”
“Maghihintay ako, mahal na mahal kita..”
mga salitang binibigkas namin sa tuwing maghihiwalay ang aming mga labi sa paulit-ulit na paghalik.
Matapos iyon ay magkalapit pa rin ang aming mga mukha.
“Tom, paglabas mo ng pintong ’yan, please ’wag ka nang lumingon. Gusto kong ang maalala ko sa’yo sa paglabas mong ’yan ay ang mga ngiti at pagtawa mo. Ayaw kong maalala ang mga pagluha mo dahil manghihina ako.” pakiusap n’ya sa akin sa mababang tono.
Alam kong pinipigilan na rin ni Xander ang lumuha sa mga oras na ito. Ngunit pinapakita n’ya sa akin ang kanyang katatagan kaya dapat ay magpakatatag din ako.
Tumango-tango na lamang ako sa kanyang sinabi dahil sa oras na magsalita ako ay hindi ko nanaman mapipigilan ang mapaluha.
“Sige na, baka maabutan pa tayo nila Mommy dito. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan ’yan.” bigkas n’ya pa.
“Ikaw din, magpagaling ka agad ha? Maghihintay ako… Mahal na mahal din kita Master.” sagot ko sa kanya.
Tinapos namin ang aming pag-uusap sa isang mas madiin pang halik. Dama ko sa halik naming iyon ang pangungulila namin sa isa’t-isa. Dama ko ang pagmamahal at kalungkutan naming dalawa.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay mabilis na rin akong tumayo at naglakad patungo sa pinto. Ngunit bago ko mahawakan ang doorknob ay natigilan ako. Ang lahat ng pinigilan kong mga luha kanina dahil sa pakiusap ni Xander ay tuluyan nang bumuhos.
“Please Master, ’wag ka nang lumingon… Pakiusap… ’wag ka nang lumingon…” narinig kong pagkausap n’ya sa akin.
At base sa kanyang boses ay mukhang ngayon na lamang din n’ya napakawalan ang kanyang mga luhang pinigilan simula nang magkita kami kanina. Naririnig ko ang kanyang mga paghikbi.
Wala na nga akong nagawa kundi ang tuluyan nang hawakan ang doorknob. Mabilis din akong lumabas sa pinto dahil baka hindi ko na kayanin pa kung magtatagal ako doon.
Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong tuparin ang mga pangako ko kay Xander.
Mabilis ako lumabas ng ospital. Hindi ko na nga nagawa pang magpasalamat at magpaalam kay Sir Lojie dahil nakayuko ako habang mabilis na naglalakad palabas ng ospital.
Kahit umuulan sa labas ay hindi ko alintana iyon. Mabuti na lamang at mabilis din akong nakakuha ng taxi para umuwi sa condo namin ni Xander.
Nang makarating ako sa aming condo ay walang tigil pa rin sa pagbuhos ng aking luha. Ngunit nang maalala ko ang masaya naming pag-uusap at mga pangako namin ni Xander kanina ay bahagya akong nahimasmasan.
“Kaya mo ’yan Tom… Nangako ka kay Xander na hindi na iiyak ’di ba..? Gawin mo ’yon para sa kanya.. Hindi ka pwedeng umiyak dahil malulungkot s’ya ’pag nalaman n’ya ’yon.. Kaya mo ’yan!” pagkumbinse ko sa aking sarili.
Habang nasa ganoon akong tagpo ay lumakas ang hangin na nanggaling mula sa bintana ng aming kwarto. Ang ilan naming mga gamit ay naglaglagan mula sa mesang katabi ng bintanang iyon. Mukhang sanhi ito ng bagyo ngayong gabi. Hindi ko alam kung kailan ko ito naiwang bukas dahil hindi naman namin hinahayaan itong mabuksan dahil delikado.
Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nagulat na lamang ako nang makita ko ang picture frame namin ni Xander na nasa sahig na ngayon. Basag na rin ang salamin nito. Binalot ako ng kaba ngunit isina-walang bahala ko na lamang ito. Pinilit kong isipin na aksidente lamang ito dahil sa malakas na hangin. Nilinis ko na lamang ang iba pang nagkalat na gamit dahil sa malakas ng hangin na pumasok sa aming kwarto.
Madaling araw na ako nakatulog dahil sa labis na pag-iisip. Kahit nahihirapan ako ay pinipilit kong hindi umiyak para tuparin ang pangako ko kay Xander.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dahil marahil sa pagod ay ala una na ng hapon ako nagising. Mabigat ang aking pakiramdam ngunit kinailangan kong bumangon dahil naririnig ko ang paulit-ulit na pagtawag sa aking telepono.
Bago ko pa masagot ang cellphone ko ay kusa rin itong namatay. Siguro ay nagsawa na ang taong ito sa pagtawag. Tiningnan ko kung sino ang caller, ngunit laking gulat ko nang makitang may 37 missed calls ako galing sa aming mga kaibigan. Mula kina Randy, Rigo at Sir Lojie.
Kinilabutan ako sa hindi malamang dahilan. Nanginginig ang aking mga kamay nang mapagdesisyunan kong tawagan si Randy.
“H-hello Randy? B-bakit kayo tumatawag?” puno ng kaba kong tanong.
Mas lalo akong kinabahan nang may marinig akong mga pag-iyak sa kabilang linya.
“Tom…. S-si Xander….” ang naibigkas ni Randy habang humahagulgol.
“A-anong meron kay Xander…?” tanong ko.
Ang sumunod na sinabi ni Randy ang naging dahilan ng tuluyan kong pagkakatulala. Naging mabilis din ang pag-agos ng aking mga luha dahil sa narinig.
Naramdaman ko na lamang na napaupo ako sa sahig at nabitawan ang aking cellphone na nakadikit lamang kanina sa aking tenga.
“M-Master….”
mahina kong pagtawag sa kanya habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha.
A/N
Hehe.. Ano kaya ang nangyari? Quiet muna ako dahil alam kong magagalit kayo sa pagkakabitin ng chapter na ’to.
Para sa’yo ’to
StephenDamasco
, pambawi sa last chapter na pinag-reynahan ng pinanggigigilan mong si Josephine. Hahahaha! Saka salamat sa pagtulong sa pagdedesisyon ng kanta. Hahahaha! Alam mo na ’yon dahil ikaw ang inabala ko talaga kahit busy ka.
Paano po mahal kong readers? Feel you next chapter po. ’Wag na magalit ha? Luv u guys! Salamat sa patuloy na pagbabasa.
Happy Monday sa lahat!
Comments
and
votes na rin po please?
––cold_deee
chapter 28 - dark ‘n’ stormy
A/N
Umpisa pa lang po babalaan ko na kayo. Magiging mabigat po ang eksena ng chapter na ito. Kung hindi n’yo po gustong maiyak o mabigatan ang pakiramdam n’yo, pag-isipan n’yo po muna kung itutuloy n’yo pa ang pagbabasa.
Ayokong may maninisi sa akin kung bakit may umiyak ha? Baka may mag-pm nanaman sa fb ko dahil pangit daw ang kwento. Puro daw
drama
at halos hikain daw s’ya sa pag-iyak. Kulang na lang eh murahin ako. Pasensya na po, pero ganito po talaga ang daloy ng story kong ito.
Para naman sa mga patuloy na nagbabasa, maraming salamat po. Salamat sa pag-appreciate ng istorya.
Salamat sa patuloy na pagpapagaan ng loob ko sa tuwing down ako sa mga feedback na natatanggap ko. Baguhan lang ako kaya madali siguro akong maapektuhan sa ganon. Pero nagpapasalamat ako dahil mas marami kayong nagbibigay ng patuloy na suporta. Kilala n’yo na po kung sino-sino kayo dahil paulit-ulit din akong nagpapasalamat sa inyo. Labyu guys!
Ang bilang ko ay mga 7 chapters na lang po ang matitira kasama ang Epilogue nito. Ngayon pa lang po nagpapasalamat na ako kung may mga magtiya-tiyagang tapusin ito.
Oo nga pala, pakiplay po or paki-download ’yung song sa media. Para po ’yan sa chapter na ’to. Ulit-ulitin n’yo na lang ang pagpe-play para dama ang eksena.
Song title: Don’t Say
G
oodbye by Juris.
’Yun lang po! Salamat ulit.
––> si Tom po sa media.
©to the owner of the photo.
TOM POV
“Para kayong mga baliw d’yan! Wala naman nakakaiyak pero iyak kayo ng iyak!” natatawa kong buska kina Dominic at Dee.
Sakay ng kotse ni Dominic ay tinungo namin ang lugar kung saan ko raw makikita sina Xander at ang mga magulang n’ya. Sa katabing upuan ni Dominic ay si Dee na wala rin tigil sa pag-iyak sa hindi ko malamang dahilan.
“Bakit ba kasi pupunta tayo doon? Nasa Cebu na sina Xander kasi magpapa-opera s’ya. Magpapagaling s’ya at babalik s’ya.” sunod kong sambit sa kanilang dalawa.
Hindi sila nagsalita. Nanatili silang walang imik at patuloy na lumuluha.
Maaga nila akong sinundo kanina. Matapos kong matanggap ang tawag ni Randy ay nakarinig ako ng paulit-ulit na pagkatok sa pintuan ng condo namin ni Xander.
Hinang-hina ako nang mga oras na iyon nang matapos ang aming pag-uusap ni Randy.
“Tom…. S-si Xander….” una n’yang sambit habang humahagulgol.
“A-anong meron kay Xander..?” tanong ko habang nanginginig ang aking mga kamay hawak ang aking telepono.
“S-si Xander, Tom…. H-hindi na nakaabot ng C-cebu….” sagot n’ya na hindi maibigkas ng maayos.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na naiwasang sumigaw para magtanong.
“Anong nangyari sa kanya?!! Sagutin mo ang tanong ko Randy!!!! Anong nangyari sa kanya!!!” sigaw ko sa kanya.
“N-naaksidente ang sinasakyan nilang private plane… K-kasama s’ya sa mga nasa loob… N-nagkaroon ng mechanical error dahil sa bagyo….” pagpapatuloy n’ya sa kanyang sinabi.
Napaupo ako dahil sa labis na pagkabigla habang ang mga luha ko ay nag-unahan na rin sa pagbagsak.
Matapos iyon ay ang pagdating nila Dominic at Dee. Tulala akong tinungo ang pinto para pagbuksan sila habang patuloy sa pagpatak ng aking mga luha.
Nang mabuksan ko iyon ay sinalubong agad ako ng yakap ni Dee. Nakita ko rin si Dominic na tulad ko ay umiiyak sa mga oras na ito.
“Anong meron? Bakit nandito kayo?” tanong ko sa kanila.
“Tom…. Alam kong alam mo na ang nangyari… P-puntahan na natin s’ya…” sagot ni Dee.
Umiling-iling ako sa kanila.
“Malayo ang Cebu… Isa pa, hindi ako pwedeng makita ng parents n’ya… Nangako naman s’yang magpapagaling agad kaya maghihintay na lang ako dito…” sagot ko sa kanya.
Mas lumakas pa ang narinig kong pag-iyak ni Dee habang yakap ako.
“Tom… H-hindi s’ya nakarating ng Cebu… Nandito na ulit s’ya sa Maynila… N-nakabalik na ang katawan n’ya…” ang mahinang pagsagot ni Dominic at muling napahagulgol.
Tinawanan ko lamang sila habang patuloy na lumuluha.
“Ang bilis naman ng naging operasyon n’ya… Hinahanap n’ya na ba ako? Masyado naman s’yang nagmamadali…” natatawa kong sambit.
“Tom….” naibigkas lang ni Dee at muling humagulgol.
“Sandali lang… Magbibihis lang ako… Baka pagtawanan ako ni Xander ’pag nakitang nakapang-tulog pa rin ako…” sagot kong nakangiti sa kanila.
Pinahid ko ang aking mga luha at nagbitaw ng isang matamis na ngiti.
Ginawa kong normal ang lahat. Hindi ako umiyak dahil muli kong inalala ang pinangako ko kay Xander na hindi na ako iiyak. Ngunit habang ginagawa ko ang paghahanda sa pag-alis namin nina Dee at Dominic ay nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko rin naiwasan na makahulog ng ilang mga bagay na nahahawakan ko dahil sa panginginig ng mga kamay ko.
“Saan ba tayo pupunta talaga? May pasok pa ako sa trabaho ko. Magha-halfday ako kasi nangako ako kay Xander na papasok na ako simula ngayon sa trabaho habang hinihintay ko ang pagbalik n’ya.” masigla kong kwento sa kanila.
Hindi sila muling sumagot sa aking tanong. Tila ba hindi nila alam kung anong sasabihin nila sa akin.
“Bahala kayo kung ayaw n’yong sumagot. Siguraduhin n’yo lang na hindi ako male-late sa trabaho ha?” muli kong pagsasalita.
Nakarating kami sa isang lugar dito rin sa Maynila. Nakakapagtaka dahil maraming media at pulis ang nasa labas ng isang establishment dito.
“Halika na Tom… B-bumaba na tayo…” pagyaya sa akin ni Dee.
Hindi ako sumagot at mabilis din akong bumaba. Ngunit sa paghakbang ko pababa ng kotse ay naramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako.
“Tom!!!” natatarantang tawag ni Dee at nilapitan ako para tulungang makatayo.
“Sorry, natalisod yata ko. O-okay lang ako, salamat Dee.” sagot ko habang nakangiti.
Nakita kong naitakip ni Dee ang kanyang kamay sa kanyang bibig. Si Dominic naman ay naikagat ang kanyang labi habang may mga luhang nasa kanyang mga pisngi.
“Tara na. Saan ba tayo pupunta?” tanong kong muli sa kanila.
Hindi sila muling sumagot ngunit inalalayan nila akong dalawa. Pumasok kami sa loob ng establishment at nilampasan ang mga pulis at media. May ilang securities din ang nakaalalay sa amin. Halos masilaw rin ako sa mga flash ng camera na sa amin nakatutok habang papasok kami ng gusali.
Habang naglalakad kami papasok ng gusaling iyon ay sunod-sunod ang mga katanungan na sumalubong sa amin mula sa media.
“Kayo po ba ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga nasawi? Pwede po ba kayong magbigay ng komento sa nangyari?”
“Sa tingin n’yo po ba may foul play na nangyari?”
“Ano pong reaksyon n’yo sa kumakalat na balita na maaaring sinadya po ito?”
“Balita po namin ay sakay ng eroplanong iyon ang kilalang chef at dating model na si Mr. Alexander Alvarez? Ano pong masasabi n’yo sa biglaan n’yang pagkamatay?”
Sa huling katanungan na aking narinig ay napahinto ako sa paglalakad. Hinarap ko ang taong nagtanong nito habang nakakunot ang aking noo.
“Ano bang pinagsasabi n’yo d’yan?! Nasa Cebu si Xander! Nandon s’ya para magpagaling!” halos pasigaw kong sambit sa kanila.
Lalong silang nagkagulo at nagsunod-sunod pang lalo ang kanilang mga katanungan. Ngunit muli akong nagpatuloy sa paglalakad dahil mahigpit na rin akong hinawakan nina Dominic at Dee para tuluyan nang pumasok sa gusali. Hinarang na rin ang mga media ng mga pulis na naroon.
Katahimikan ang sumalubong sa amin habang naglalakad sa hallway sa loob ng gusali. At sa bawat paghakbang ko ay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko rin magawang ibuka ang bibig ko dahil buong katawan ko ay naninigas na sa mga oras na ito. Kung hindi lamang ako inaalalayan nina Dee at Dominic ay baka hindi ko na nagawa pang ihakbang ang mga paa ko.
Nakarating kami sa tapat ng isang kwarto roon at nagulat akong naroon din sa tapat ng pintong iyon ang aming mga kaibigan. Sina Sir Lojie, Olyn, Randy, Rigo, Eunice, Ma’am Shai, Cha at Ben. May mga nakaupo at ang ilan naman ay nakatayo. Ngunit ang mas nakakapagtaka ay iisa ang kanilang reaksyon sa mga oras na ito.
Lahat sila ay malungkot at walang tigil sa pag-iyak.
“Bessy…….” ang pagtawag sa akin ni Cha at mabilis akong niyakap.
Tinugunan ko ang kanyang yakap at nagsalita.
“Bakit ka umiiyak Bessy? May umaway sa’yo? Sabihin mo lang kung sino, kami ni Popoy ang bahala sa kanila. Hindi nila pwedeng awayin ang prinsesa namin.” wika ko sa kanya.
Ginamit ko ang mga salitang madalas naming sabihin ni Popoy kay Cha noong mga bata pa kami sa tuwing makikita namin itong umiiyak. Paraan ko rin iyon para malihis ang topic sa posible kong marinig sa mga oras na ito.
Oo. Nagbibingi-bingihan ako. Dahil ayokong maniwala sa mga unang narinig ko.
Umiling-iling si Cha ngunit mas naging malakas ang pag-iyak n’ya.
Binalingan ko ang mga kaibigan namin ni Xander.
“Kayo rin, bakit kayo umiiyak?” tanong kong kaswal sa kanila.
Walang nagsalita at walang nagtangkang sagutin ang tanong ko. Ngunit ilang saglit pa ay lumapit sa akin si Rigo dahilan para bumitaw si Cha sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan n’ya ako sa magkabilang balikat at bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mukha. Nakita ko ang mga luha n’yang patuloy na bumabagsak.
“Tom, magpakatatag ka… Tandaan mo, nandito lang kami ha? Hindi ka namin iiwan… Ibinilin ka n’ya sa amin kaya makakaasa kang hindi ka namin pababayaan…” wika n’ya sa akin.
Nagbitaw ako ng isang ngiti. Ngunit sa ngiti kong iyon ay nararamdaman ko ang mainit na likido sa aking mga mata.
“Ano ba ’yang pinagsasabi mo Rigo? Umalis lang saglit si Xander para magpagaling. Babalik din naman ’yon.” natatawa kong sagot sa kanya.
Sa pagkakataong ito ay si Randy na ang lumapit sa akin. Niyakap n’ya ako habang may mga luhang naglalandas mula sa kanyang mga mata.
“Tom… W-wala na s’ya… wala na si Xander… I-iniwan n’ya na tayo…” narinig kong sambit ni Randy habang yakap ako.
Ang mga luha ko ay naramdaman ko na lamang na tuluyan nang umagos sa pagkakataong ito.
“K-kanina mo pa sinasabi sa akin ’yan Randy… Pero nag-usap kasi kami kagabi lang… Gising na s’ya eh… Pumunta lang s’ya ng Cebu para magpa-opera… S-sinabi n’yang maghintay lang daw ako kasi babalik s’ya… Kaya imposible ’yang sinasabi mo… Hintayin na lang natin hanggang sa makabalik s’ya…” wika ko sa pagitan ng pag-iyak.
Mas lalong lumakas ang iyakan ng aming mga kaibigan.
“Tom… magpakatatag ka… Nandito lang kami ha? M-masakit pero please, kayanin mo…” wika ni Ma’am Shai habang hinahaplos ang pisngi ko.
Naramdaman ko rin ang paulit-ulit na paghaplos ni Eunice sa aking likod.
Umiling-iling ako ng maraming beses.
“H-hindi ko naman kayo maintindihan eh… Paulit-ulit n’yong sinasabi ’yan pero wala talaga akong maintindihan…” sagot ko habang umiiyak.
“Tom… Wala na si Alex… Kasama s’ya sa pagbagsak ng eroplano… Pati mga magulang n’ya nandon… Sa loob ng kwartong ’to, nand’yan na ang mga katawan nila… H-hindi mo na makilala ang bawat isang sakay ng eroplano dahil sunog na sunog ang katawan nila…” wika ni Sir Lojie sa pahina ng pahina na tono.
“’Yun naman pala eh… Bakit kayo nagbibigay ng conclusion na s’ya nga ang sakay ng eroplano kung hindi na makilala ang sakay non..? M-malay n’yo… malay n’yo hindi sila natuloy ’di ba..? K-kasi sabi n’ya babalik s’ya eh… Nangako sa akin si Xander na babalik s’ya… babalikan n’ya ako…” sagot ko sa pagitan ng paghikbi ko.
Kasunod ng sinabi kong iyon ay ang pagbukas ng pinto ng kwartong nasa tapat namin. Iniluwa nito ang dalawang lalaki.
“Sir, m-may maibibigay po ba kayong impormasyon?” tanong agad ni Olyn.
Huminga ng malalim ang lalaki na mukhang imbestigador base na rin sa kanyang unipormeng suot.
“May mga natagpuan po kaming mga gamit mula sa mga bangkay. Makikilala n’yo ba ito?” tanong n’ya sa amin.
Sa loob ng maliit na plastic ay ang dalawang singsing.
“Natagpuan po ’yan sa magkaibang katawan ng dalawang biktima. Mukhang mag-asawa po dahil may mga pangalan na nakaukit sa singsing.” muling pagsasalita ng imbestigador.
Hinawakan ni Ma’am Shai ang maliit na plastic na iyon at tinitigan. Matapos ang ilang segundo ay muli itong humagulgol.
“T-those were the wedding rings of Tito Ian and Tita Mavel… Those were the gifts of my Mom and Dad nung kasal nila…” sagot ni Ma’am Shai habang humahagulgol.
Nanghina ang buong katawan ko sa narinig. Parang nanghina ako sa pagkumpirmang iyon ni Ma’am Shai. Hindi ako nakapagsalita at mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko.
“May isa pa po kaming natagpuan sa katawan naman ng isang biktima. Baka po sakaling makilala n’yo rin ito.” wika ng imbestigador at iniangat ang isa pang maliit na plastic.
Sa loob ng plastic na iyon ay isang kwintas at isang singsing. At base sa disenyo ng mga iyon ay kilang-kilala ko ito.
Mabilis kong inilihis ang aking tingin sa hawak ng imbestigador na iyon. Ngunit ang mga luha ko ay nagsunod-sunod pa ang pagbagsak. Pakiramdam ko ay dumilim ang buong paligid at binabangungot ako sa mga oras na ito.
Naramdaman kong napatingin ang lahat ng aming mga kaibigan sa akin at ang ilan sa kanila ay mas napalakas pa ang pag-iyak.
“Nakasuot po sa leeg ng isang biktima ito. May naka-ukit din pong pangalan sa sing-sing. TOM po ang nakalagay. Kilala n’yo po ba?” muling pagtatanong ng imbestigador.
Umiling ako ng maraming beses habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha.
“H-hindi po namin kilala ’yan… H-hindi po namin kilala ang may-ari n’yan…” sagot ko habang umiiyak.
Matapos kong sabihin iyon ay nanlambot ang mga tuhod ko. Napaupo na lamang ako sa sahig at mas lumakas pa ang pag-iyak ko.
“Tom!!!!” sigaw ng aking mga kaibigan at inalalayan ako.
“Hindi kanya ’yan!!! Hindi kay Xander ’yan!!! Sabihin n’yo sa kanyang hindi kay Xander ’yan!!! Nagkakamali lang s’ya dahil nasa Cebu s’ya!! Hindi kay Xander ’yan!!” sigaw ko habang hinahampas ang sahig na kinauupuan ko.
“Tom…. magpakatatag ka…” wika ni Randy habang yakap ako.
“Sabihin n’yong hindi kanya ’yan… Pakiusap naman… hindi kay Xander ’yan… buhay si Xander… walang nangyaring hindi maganda sa kanya… Sabihin n’yo ’yan sa lalaking ’yan….” pakiusap ko habang umiiyak at dinuduro ang lalaking may hawak ng kwintas at singsing.
Hindi ko kayang gumalaw. Hinang-hina ako sa mga oras na ito.
“Hindi pwede!! Hindi pwede!!” sigaw kong muli at hinampas kong muli ang sahig.
Hindi pa ako nakuntento roon. Hinampas ko ng paulit-ulit ang aking mga hita. Ginawa ko ito dahil umaasa akong panaginip lamang ang lahat ng ito. Na hindi totoo ang mga nakikita at naririnig ko. Ngunit bigo ako. Sa bawat paghampas ko sa hita ko ay nakukumpirma kong hindi ako natutulog sa mga oras na ito.
Lahat ng nangyayaring ito ay totoo.
“Tama na Bessy….” wika ni Cha at pinigilan ako sa aking kamay dahil sa patuloy na paghampas ko sa aking mga hita.
“Hindi ’to totoo… Hindi pwedeng mangyari ’to… Nangako s’ya sa akin kagabi… Nangako sa akin si Xander na babalik s’ya eh… Nangako s’yang babalikan n’ya ako… Hindi sa akin magagawa ni Xander na magsinungaling… Alam n’yo naman ’yon ’di ba…? Hindi n’ya ako iiwan… Hindi n’ya magagawa ’yon…” sunod kong sambit at mahigpit kong nahawakan ang braso ni Randy na nakayakap sa akin.
“Sabi n’ya pa nga maghintay lang ako eh… Nangako s’yang babalik s’ya… nangako s’ya kaya tutuparin n’ya ’yon… Hindi pwede… hindi s’ya pwedeng mawala… Sige na naman, hanapin na lang natin s’ya… Tulungan n’yo akong hanapin s’ya…” dugtong ko pa at mas lalo akong humagulgol ng malakas.
Patuloy lamang naman sa pagpapakalma sa akin ang aming mga kaibigan.
Ilang sandali pa ay pinahiran ko ang aking mga luha. Mabilis din akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Bumitaw ako sa kanila at tuwid na tumayo. Inihakbang ko ang mga paa ko palayo sa kanilang lahat.
“Tom, saan ka pupunta?” naguguluhang tanong ni Eunice.
Tiningnan ko sila ng diretso.
“Hahanapin ko s’ya. Susundan ko s’ya kahit saan s’ya magpunta.” may diin kong pagsagot.
Akmang ihahakbang kong muli ang aking mga paa nang pigilan ako nina Rigo, Dominic at Randy. Lahat sila ay mahigpit ang pagkakayakap sa akin upang pigilan ako sa aking paglalakad.
“Tom tama na… Wala na s’ya… H-hindi mo na s’ya makikita…” wika ni Randy habang umiiyak.
Sa pagkakataong ito ay muli akong umiyak. At kasabay ng mga pag-iyak ko ay ang pagpupumiglas kong makawala mula sa pagkakayakap nila sa akin.
“Hindi nga kasi pwede!!! Hahanapin ko s’ya!!! Hindi n’ya ako iiwan dahil nangako s’ya!!! Nangako sa akin si Xander na magpapagaling s’ya at babalik s’ya!!! Lahat ng pangako n’ya tinupad n’ya!!! Kaya alam kong babalik s’ya!!! Hindi n’ya ako iiwan dahil ayaw n’yang umiiyak ako!!! Hindi n’ya ako matitiis kaya babalik s’ya!!! Babalik si Xander!!!” sigaw ko habang nagwawala.
“Tom, tama na…. Tahan na…. huminahon ka na…” pakiusap ni Randy sa akin.
Dahil sa pagpupumiglas ko ay parang naubos ang lakas ko. Muli akong napaupo sa sahig kasabay ng malakas na paghagulgol ko.
“Hindi kasi pwede Randy… hindi pwede… naghihintay ako eh… naghihintay ako sa pagbabalik n’ya…” paulit-ulit kong sambit.
Hindi na sila nagsalita at hinayaan na lamang nila akong sabihin ng paulit-ulit ang mga katagang sinasabi ko. Patuloy pa rin kaming lahat sa pag-iyak habang nasa loob ng gusaling iyon.
Para akong sinasaksak sa mga oras ng ito ng paulit-ulit. Lahat ng pangarap namin ni Xander ay bigla na lamang naglaho. Lahat ng iyon ay unti-unting nasunog at naging abo.
Matagal kami sa ganoong posisyon. Wala na nga akong marinig. Wala na akong makita at maramdaman. Ni hindi ko nga alam kung paano kami nakarating dito sa bahay ni Randy. Wala na akong alam sa mga nangyayari. Patuloy na lamang ako sa pag-iyak at kung minsan ay matutulala na lamang.
Nakahiga ako ngayon sa kama ni Randy habang sila naman ni Rigo ay nasa labas at nag-uusap. Hindi ko maintindihan ang kanilang mga pinag-uusapan ngunit alam kong pareho silang umiiyak.
Ilang saglit pa ay dahan-dahan ang naging pagpasok ni Randy.
“Tom…” malungkot na pagtawag sa akin ni Randy ngunit hindi ako tumugon.
Nanatili akong nakahiga ng patagilid at tulala. Napansin kong nakasunod din pala sa kanya si Rigo.
Umupo si Randy sa aking tabi at hinawakan ako sa ulo. Hinaplos n’ya iyon ng paulit-ulit na tila ba may kapatid s’yang may sakit na inaalagaan sa mga oras na ito. Hindi ako gumalaw. Nanatili akong tulala at tila walang nakikita.
“N-nakausap namin si Daniel. B-bukas na raw ang libing nina Xander. Umaga ’yon kaya kailangan natin magpunta.” malungkot n’yang pagbabalita at muli nanaman s’yang napaluha.
“Hindi ako pupunta.” maiksi kong sagot.
“Tom… Kailangan nandon ka… Hindi na pinatagal pa ni Daniel ang pagpapalibing dahil hindi na rin naman sila makikilala kung mags-stay pa sila…” pakiusap naman ni Rigo.
“Sinabi kong hindi ako pupunta. Hindi ako pupunta dahil wala doon si Xander. Nagpapagaling lang s’ya. Hihintayin ko s’ya.” sagot kong muli.
Nagkatinginan ang dalawa ngunit hindi na muli pang nagsalita.
Itinakiip ko ang aking kumot sa aking ulo. Ngunit kasunod noon ay ang muli kong paghikbi at pag-iyak.
“Please… gisingin n’yo ako sa panaginip na ’to… Hindi ’to lahat totoo… Hindi ako iiwan ni Xander… Marami pa kaming pangarap… marami pa kaming plano… Gusto kong matupad namin ’yon… Magtutulungan kaming matupad ang mga ’yon…” pagsasalita ko.
Hindi sila sumagot ngunit naririnig ko ang kanilang mga paghikbi. Patuloy sa paghaplos ng aking balikat si Randy. Mahigpit ang kapit ko sa unan ko na parang ito lang ang makakapitan ko sa mga oras na ito. Hindi ko akalaing sa isang iglap lang ay maglalaho ang lahat sa amin ni Xander. Na sa ilang oras lang na paghihiwalay namin kagabi ay matatapos na ang lahat.
Mahabang oras akong nasa ganoon lamang na posisyon. Hinayaan ako nina Randy at Rigo na ilabas ang lahat ng luha ko. Hinayaan nila akong mag-isip sa ilalim ng kumot na iyon.
Kinaumagahan ay umalis din silang pareho. Sinubukan nila akong gisingin ngunit hindi ako gumalaw na kinahihigaan ko. Kung tutuusin ay hindi naman nila ako dapat gisingin dahil hindi naman ako natulog sa buong gabi. Nagtalukbong lamang ako sa kumot na gamit ko na parang iyon na lamang ang naging tahanan ko.
Nang makaalis sila ay nanatili akong nakahiga at tulala. Ang sabi nila ay ngayon daw ang libing ni Xander. Pero sa tuwing iniisip ko ’yon ay natatawa ako ng mapait.
“Paano ililibing si Xander kung hindi naman s’ya patay.” natatawa kong sambit.
Ngunit kasabay ng pagtawa kong iyon ay ang muling pagpatak ng mga panibagong luha sa mga mata ko.
Alam kong para na akong nababaliw sa mga oras na ito. Kung minsan ay tumatawa ako ngunit patuloy naman na umaagos ang mga luha ko. Tumatawa ako dahil inaalala ko ang mga masasayang kaganapan sa amin ni Xander. Ang mga pagbibiruan at kunwaring away namin para lang magpalambing. Ang mga kalokohan namin na sabay naming ginagawa. Ang mga corny lines n’yang binibitawan sa akin. Ang mga paulit-ulit naming pagbigkas ng salitang ‘Mahal kita’ at ‘Mas mahal kita’. Lahat ng iyon ay nagbabalik sa aking mga ala-ala.
“Sir Tom? Saan po kayo pupunta?” tanong sa akin ng yaya ni Randy na ina-inahan n’ya na rin.
Nakita n’ya kasi akong palabas ng pinto ng condo ni Randy.
“D’yan lang po.” maikling sagot ko sa kanya.
“Naku bata ka! Mahigpit ang bilin sa akin ng alaga ko na bantayan kita. Hindi ka pwedeng umalis sa ganyang kondisyon.” malungkot n’yang paalala.
“Babalik din po ako. Kailangan ko lang pong lumabas. Please naman po… H-hindi ko po kasi kayang magtagal dito…” sagot ko sa kanya at alam kong nangingilid na ang mga luha ko.
“Hay naku, sasamahan kita. Hindi ka pwedeng mag-isa.” wika n’ya habang nagpupunas ng kanyang kamay dahil abala ito sa paghuhugas kanina sa kusina.
Iminuwestra ko ang aking kamay upang pahintuin s’ya sa kanyang pagkilos. At kasunod nito ay ang paglandas muli ng mga luha ko.
“Please Manang… ’W-wag na po… pakiusap… G-gusto ko pong mapag-isa… pangako, babalik din po ako… wala pong mangyayari sa akin… pangako po…” pakiusap ko sa kanya habang umiiyak ako.
Hindi naman na nagsalita ang matanda ngunit nakita ko ang pag-aalala sa kanya. Muli kong inihakbang palabas ng condo na iyon ang aking mga paa.
Hindi ako sumakay ng taxi at hinayaan ko ang aking sarili na maglakad. Matagal kong ginawa iyon at kahit nakakaramdam na ako ng pananakit ng tiyan dahil sa wala pa itong laman simula kahapon ay hindi ko maramdaman ang salitang gutom.
Manhid na ang buong katawan ko.
Pakiramdam ko ay tahimik ang buong lugar na nilalakaran ko kahit marami akong nakakasalubong na tao. Marami ring sasakyan sa mga oras na ito ngunit hindi ko sila marinig. Tulala lamang ako habang patuloy ang mabagal na mga paghakbang ko. Para akong patay sa mga oras na ito na walang emosyong ipinapakita.
Wala akong gustong makita sa sandaling ito kundi ang nakangiting mukha ni Xander. Wala akong gustong marinig kundi ang mga pagtawag n’ya sa akin ng malambing na ‘Master’. Wala akong gustong maramdaman kundi ang mahigpit n’yang mga yakap. Kahit sana ang mahawakan ko lamang ang kanyang mga kamay ay sapat na sa akin. Pero wala ang mga bagay na iyon ngayon.
Hindi ko alam kung ilang oras ang nakalipas bago ko narating ang lugar kung saan alam kong doon ko s’ya makikita. Nakakabinging katahimikan at may kalakasang pag-ihip ng hangin ang sumalubong sa akin.
Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa upang hanapin ang aking pakay. Naghanap ako ng palatandaan at mukhang hindi naman ako nabigo sa paghahanap dahil madali ko rin itong nakita.
Nakita ko ang ngiti ng taong mahal na mahal ko. Ang mga ngiti ni Xander na naging dahilan ng pag-ikot ng mundo ko.
Ngunit ang ngiti n’yang iyon ay nakikita ko na lamang ngayon sa isang larawan.
‘In loving memory of Alexander Alvarez’
ang nakaukit sa isang lapida sa aking harapan.
Basa pa ang lupa sa mga oras na ito. Palatandaan na katatapos lamang maganap ang katotohanang ayaw kong aminin sa sarili ko.
Dahan-dahan akong umupo sa tapat ng lapidang iyon.
“Master…” pagtawag ko sa kanyang nakangiti.
Kinakausap ko ang larawan n’yang naroon. Nagbitaw ako ng isang ngiti at hinaplos ang kanyang larawan.
“Anong ginagawa mo dito..? Sabi mo pupunta ka ng Cebu para magpagaling ’di ba..? Bakit ka nandito..? Nagpasaway ka nanaman ba at hindi tumuloy doon…?” tanong ko sa kanya.
Gusto kong sumagot s’ya. Gusto kong marinig ang boses n’ya.
“Master… Pasensya ka na nga pala kung nakipagkita ako sa’yo ngayon na naka-short lang ha? Tapos ’yung damit ko pa ngayon parang madumi na… Ang haba kasi ng nilakad ko eh… Ang sakit nga ng paa ko ngayon…” muli kong sambit at bahagya akong natawa.
Saglit akong natahimik. Naghintay ako na magsasalita s’ya. Pero wala akong narinig kahit na isang salita.
“Oo nga pala, sabi rin ni Randy kanina maghanda daw ako ng sasabihin ko para sa Eulogy mo… Gusto ko nga s’yang tanungin kung bakit eh, kung bakit may Eulogy… Eh pwede ko naman sabihin sa’yo lahat ng gusto kong sabihin dahil mag-uusap naman tayo ’di ba..? M-magkikita naman tayo ’di ba..? Kasi nangako tayo na magkikita ulit ’di ba…?” tanong ko sa kanya.
Kasunod ng mga sinabi kong iyon ay muling naglandas ang mga luha ko.
“’Di ba magkikita pa tayo…? Nangako ka na babalikan ako… at nangako akong maghihintay sa’yo… ’D-di ba…? ’Di ba..? Naaalala mo ba ’yon…?” tanong kong muli sa kanya.
“P-pero takot kasi ako kay Randy eh… Alam mo naman na masyadong seryoso ang best friend mong ’yon… Masyadong mainitin ang ulo… Nakakatakot ’pag nagalit… Kaya kanina nagsulat ako ng message para sa’yo…” sunod kong sambit.
Dahan-dahan kong kinuha ang isang papel mula sa aking bulsa. Ginawa ko ito kanina noong makaalis sina Randy at naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto n’ya.
Binuksan ko ang sulat at nakita kong pumatak pa ang mga luha ko sa papel na hawak ko ngayon. Sinimulan kong basahin ito habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko.
“H-hi Master..! Gusto kong itanong kung naaalala mo pa ba ’yung una nating pagkikita..? Noong aksidente kong nabangga ang kapeng hawak mo…?” una parte ng sulat ko.
Natawa ako ng bahagya nang maalala ko ang pangyayaring iyon sa amin. Ngunit habang tumatawa ako ay pinunasan ko ng braso ko ang aking mga mata dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luha ko.
“Ang gwapo-gwapo mo noon sa suot mo kaya hindi ko naiwasang matulala sa’yo… K-kaso ang sungit mo eh… Pinaiyak mo pa ako… Pero s’yempre hindi ako basta-basta nagpatalo sa’yo kaya pinagbantaan kita… Sabi ko, sa susunod na magkikita tayo bubuhusan kita ng mainit na kape… N-naaalala mo..?” pagbasa kong muli at muli rin akong natawa.
“K-kaso nung nagkita tayo hindi ko naman ’yon nagawa… Kasi boss pala kita… Akalain mo ’yun..? Fate bang matatawag ’yon dahil nagkita ulit tayo..?” tanong kong natatawa.
“Pero siguro nga fate ’yon… Kasi sa halip na lumalim ang galit natin sa isa’t-isa dahil sa hindi magandang pagkakakilala natin, iba ang nangyari ’di ba..? Sa kauna-unahang pagkakataon na-inlove ako… Na-inlove ako sa arogante at paiba-ibang ugaling kagaya mo… At ikaw naman, na-inlove ka sa kauna-unahang pagkakataon sa isang lalaki… Sa isang cute na lalaking kagaya ko… Nabago kita…” pagbabasa ko habang natatawa at lumuluha.
“Ang saya-saya lahat ng mga pangyayari Master nung naging tayo… Akala ko nga hindi na darating ’yung ganon kasayang pangyayari sa buhay ko… Ikaw lang ang nakagawa sa akin ng lahat ng ’yon… Ang swerte-swerte ko sa’yo, alam mo naman ’yon ’di ba…? Lagi ko naman ’yon sinasabi sa’yo na halos ikalaki ng ulo mo… Sinasabi ko ’yon kasi ’yon naman talaga ang totoo… Ikaw lang ang nagdala sa akin sa pinakamasayang mundo… Ikaw lang ang nagparamdam sa akin na pwede rin pala akong maging espesyal sa isang tao…” bigkas ko at muli kong pinunasan ang aking mga luha.
“T-tapos, dumating ’yung pinakamalaking pagsubok sa ating dalawa… ’Yung pagsubok na pinagsisihan ko… Na sana… na sana pinaglaban kita noon… Sana nakinig ako sa’yo noon… Kasi sarili ko lang ang naisip ko noong mga oras na ’yon… H-hindi ko inisip na nasasaktan na pala kita… Ilang beses akong humingi ng tawad sa’yo noong nagkaayos tayo ’di ba..? Pero lagi mong sinasabi sa akin na wala akong kasalanan… Lagi mo akong pinapatigil sa pag-iyak sa tuwing hihingi ako ng tawad sa’yo… Lagi mo akong niyayakap at paulit-ulit mong sinasabing ‘Tahan na Master… Tahan na Tom…’ “ at sa pagkakataong ito ay ibinaba ko ang hawak kong sulat na para sa kanya.
Tiningnan ko ang kanyang larawan na nasa lapida.
“Ngayon mo sa akin sabihin Master na ‘tahan na..’.. Ngayon mo ako patigilin sa pag-iyak… pakiusap, patigilin mo ako… Yakapin mo ako… Kausapin mo ako…” pagkausap ko sa kanyang larawan habang umiiyak.
Sinubukan kong magmakaawa sa kanya dahil nagbabakasakali akong mangyari ang hinihiling ko sa kanya. Ngunit bigo ako, wala akong narinig na pagsagot. Tanging pag-ihip lang ng hangin ang aking naramdaman.
Muli kong inangat ang hawak kong papel at muli itong binasa.
“N-natatandaan mo rin ba Master ’yung magkita ulit tayo sa hotel…? Alam mo bang gusto kong magtanong kung fate nga ba talagang matatawag ’yon… Kasi nagkita nanaman tayong dalawa… Ang nakakatawa pa, kung paano tayo nagkita noong una tayong nagkakilala, ganoon din ’yung naging una nating pagkikita matapos ang dalawang taon… Nabangga ko nanaman ang kamay mong may hawak na papel…” pagbabasa kong muli at nagbitaw muna ako ng malalim na buntong hininga upang magpatuloy. “Galit na galit ako sa’yo, pero ikaw, kitang-kita ko pa rin sa’yo na mahal na mahal mo pa rin ako… Isipin mo Master, ang swerte-swerte ko talaga sa’yo noh…? Siguro marami nang naiinggit sa akin kung alam lang nila ang mga ginawa mo para sa akin…?” dugtong ko.
“Akala ko nakalimutan na talaga kita… Dalawang taon kasi ’di ba..? Dalawang taon tayong hindi nagkita… Mali pala, dalawang taon kitang hindi nakita… Pero ikaw, lagi mo akong binabantayan… Lagi kang nakamasid sa akin… Naaalala ko pa nga noong makita ko ang passport mo eh… Ilang beses kang lumipad papuntang US para lang sa akin… At tama ka, noong graduation ko nandon ka, noong first day ko sa trabaho, nandon ka, pati noong birthday ko nandon ka… Kasi nakita ko ang mga date ng flight mo doon eh…” dugtong ko at muli akong umiyak ng mas malakas.
Paulit-ulit kong pinupunasan ang mga luha kong wala nang tigil sa paglabas. Ipinagpatuloy kong muli ang pagbabasa.
“N-noong nagkaayos tayo sa bundok, tayo na ang pinakamasayang tao sa mundo… Nangako tayo sa isa’t-isa na hindi susuko ’di ba…? Na ako lang ang huling taong mamahalin mo… At ako naman, nangako akong ikaw ang una at huling taong makakapasok sa puso ko… Kasi… k-kasi ’yun naman talaga ang totoo… Kahit dalawang taon tayong pinaghiwalay, hindi kailanman nawala ang pagmamahal ko sa’yo… Hindi ka kahit minsan nabura sa isipan at puso ko…” pagbabasa ko pa rin sa pagitan ng pag-iyak.
“Ang dami na natin naipangako sa isa’t-isa Master… At lahat ’yon tinutupad natin kahit paghiwalayin tayo… Lahat nang ’yon natutupad natin dahil magkasama tayo… Noong isang gabi naalala mo pa ang pinangako mo…? Ang sabi mo babalikan mo ako… Nangako rin ako na maghihintay sa pagbabalik mo…” muli kong pagbasa.
“P-pero bakit ganito…? Nagkita nga tayo… Pero bakit dito…? Bakit sa lugar na ’to…?” pagtatapos ko sa aking pagbabasa.
Muli akong napahagulgol at pabagsak kong naibaba ang aking kamay na may hawak na sulat.
“Bakit dito Xander…? Nangako ka ’di ba…? Nasaan na ang pangakong ’yon… ? Sagutin mo ako… Nasaan na’yon…?” tanong ko sa kanyang larawan.
“H-hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ’to, alam mo ba…? Ang sabi mo ’wag akong umiyak ’di ba…? Pwes kung ayaw mo akong nakikitang umiiyak, bumalik ka na…. Bumalik ka na Xander… K-kasi… hindi ko kaya eh… Hindi ko kayang wala ka… Para mo na rin akong pinatay alam mo ba..? Pinatay mo ako dahil isinama mo ang puso ko sa pag-alis mo… Kaya sige na… bumalik ka na… Pakiusap… Hindi ko kaya Xander… nagmamakaawa ako… bumalik ka na…” paghihinagpis ko at mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko.
Hinawakan ko ang aking dibdib at paulit-ulit na pinukpok ito.
“Ang sakit-sakit Xander… Mas masakit ’to sa mga pinagdaanan natin eh… mas masakit sa naging paghihiwalay natin noon… ’Wag naman ganito… Sabihin mong laro lang ang lahat nang ’to… Kasi hindi ko talaga kaya eh… Bumalik ka na… Nagmamakaawa ako… bumalik ka na mahal ko… bumalik ka na Xander…” pakiusap ko sa pagitan ng pag-iyak.
Walang tigil kong tinawag ang pangalan n’ya. Paulit-ulit kong binibigkas ang pagmamakaawa. Umaasa akong sa bawat pagtawag ko sa kanya ay maririnig n’ya ako. Umaasa akong ’pag narinig n’ya ang pagmamakaawa ko ay tatakbo s’ya para yakapin n’ya ako.
Tanging pag-iyak ko lamang ang maririnig sa malawak na lugar na ito. Pero kahit anong pagpigil ko sa sarili ko ay hindi ko makontrol ang sarili kong tanungin kung bakit kailangan pang bawiin sa akin si Xander.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakasalampak sa lupa. Walang tigil sa pag-iyak at paulit-ulit na nagmamakaawa. Ang tanging alam ko lang ay nagsisimula nang balutin ng dilim ang buong paligid dahil sa nagbabadyang pag-ulan at yayakapin na rin ng gabi ang natitirang liwanag sa mga oras na ito.
Madumi na rin ang suot kong damit dahil sa lupang kinauupuan ko. Alam kong maging ang aking mukha ay puno na rin ng dumi dahil sa madalas kong pagpahid ng aking mga luha gamit ang kamay kong puro na rin lupa.
Makaraan ang ilang saglit ay tanging pagkakatulala na lamang ang nagawa ko dahil sa paghihintay na marinig ko si Xander o maramdaman ko man lang ang kanyang presensya. Nakatitig lamang ako sa kanyang larawan at paulit-ulit na sinasambit ang pangalan n’ya.
“Sir…..” ang narinig kong biglang pagtawag sa aking likuran.
Hindi ko s’ya nilingon dahil ayaw kong alisin sa aking mga mata ang pagkakatitig sa larawan ni Xander. Hindi ko rin s’ya sinagot kaya muli s’yang nagsalita.
“Sir, pasensya na po. Pero kailangan n’yo na pong umalis. Magsasara na po ang sementeryo.” pakikipag-usap ng isang lalaki sa akin.
“Wait lang po. May hinihintay pa po kasi ako.” wala sa sarili kong tugon at hindi ko pa rin s’ya nililingon.
“Pasensya na po Sir, pero sa labas n’yo na lang po s’ya hintayin kung pwede lang po.” sagot naman sa akin ng lalaki.
“B-baka po kasi hindi n’ya ako maabutan kung aalis ako dito… Hindi po kasi ako pwedeng umalis dito eh… Babalikan n’ya daw po kasi ako…” sagot ko din naman sa kanya.
Naramdaman kong muli ang pagtulo ng aking mga luha. Muli kong inalala ang pangako ni Xander na babalikan n’ya ako.
“Eh Sir, saan po ba kasi s’ya nagpunta? Ako na lang po ang maghahanap sa kanya para masundo ka na n’ya dito. Hindi po kasi talaga pwedeng abutin kayo hanggang gabi dito.” pakiusap n’yang muli.
Hinawakan ko ang lupa na kinauupuan ko.
“Nandito s’ya sa loob Manong… Hinihintay kong balikan n’ya ako… Nagpapahinga lang s’ya kasi naaksidente s’ya eh… Kailangan n’ya lang magpahinga… Hinihintay ko nga s’yang magising eh… Nagpapagaling lang po s’ya…” wala sa sarili ko pa ring tugon.
Hindi agad nakaimik ang lalaking kausap ko. Marahil ay nabigla sa mga naging pagsagot ko.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong tumabi sa akin ang lalaki bago s’ya nagsalita.
“Sir, kung gusto n’yo po dalawin n’yo na lang po s’ya bukas. Pwede pa naman po kayong bumalik eh. Pero ’pag ganitong oras, kailangan n’yo na po talagang lumabas dito sa sementeryo.” mahinahon n’yang pakiusap.
Unti-unti ko s’yang nilingon at nagbigay ako ng isang matamis na ngiti habang patuloy na naglalandas ang mga luha ko. Nakita kong ang security guard pala ng lugar na ito ang kausap ko.
“Talaga?” nakangiti kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang mga pagtango ng gwardya sa akin. Ngunit ang mga mata n’ya ay tinitingnan ako ng puno ng awa.
Nilingon ko ang larawan ni Xander.
“Narinig mo ’yon Master? Pwede raw ulit ako magpunta bukas! Pwede raw ulit kitang dalawin! Parang nung binabantayan lang kita sa ospital ’di ba? Sa araw lang pwedeng dumalaw sa pasyente!” masayang kong pakikipag-usap sa larawan ni Xander.
Muli kong binalingan ang security guard.
“Tama ako Manong ’di ba? Parang sa ospital lang ’to ’di ba? Pwede ko rin ulit s’yang dalawin kahit kelan ko gusto basta uuwi lang ako sa gabi? Tama po ’di ba?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“O-opo Sir.. T-tama po.” sagot n’ya namang nag-aalangan.
Mas lumapad ang pagkakangiti ko at muli kong nilingon ang larawan ni Xander. Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ng mga luha ko kahit nakangiti ako sa mga oras na ito.
“Master, babalik ako bukas ha? Pupuntahan ulit kita. Hihintayin ko na magising ka na.” una kong sambit ng nakangiti. Ngunit ang sumunod kong sinabi ang naging dahilan upang humikbi akong muli ng paulit-ulit. “H-hihintayin ko hanggang sa balikan mo ako… Hihintayin ko hanggang sa tuparin mo ang pangako mo… S-sasama na ako sa’yo pagkabalik na pagkabalik mo…” dugtong ko sa pagitan ng pag-iyak ko.
Habang patuloy ako sa pag-iyak ay ang unti-unti kong pagkilos upang tumayo. Nanatili namang nakatingin lang sa akin ang guard habang may awa sa kanyang mga mata.
“B-babalik ako bukas Master.. H-hintayin mo ako ha…?” tanong ko na wala pa ring tugon mula kay Xander hanggang ngayon.
Naging maliliit ang mga paghakbang ko habang binabaybay ang daan palabas sa lugar na iyon. Hindi na rin ako nag-abala pang ipagpag ang suot kong short kahit madumi na ito. Patuloy lang din ako sa pagpunas ng aking mga luha sa pamamagitan ng aking braso.
Habang nasa ganoon akong tagpo ay naramdaman kong unti-unti na ring pumapatak ang ulan. Hindi ko alintana iyon kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Tuluyan na ring binalot ng dilim ang paligid dahil gabi na sa mga oras na ito.
Nang nasa may bandang gilid na ako ng kalsada ng sementeryo ay napahinto ako. Ilang mga ilaw na lang din ang nagsisilbing liwanag sa sementeryo. Hindi ako nakakaramdam ng takot. Dahil dumating na sa akin ang pinakanakakatakot na nangyari sa buhay ko.
At iyon ay nang iwan ako ni Xander.
Muli akong natulala dahil gulong-gulo ang isip ko. Kasabay ng pagkakatulala ko ay ang tuluyan nang pagbuhos ng malakas na ulan. Inangat ko ang aking mukha at dinama ang ulan na pumapatak dito. Hinayaan kong isabay ng pagpatak ng ulan ang mga luha ko.
Pakiramdam ko ay wala na akong buhay. Wala akong ibang gusto sa mga oras na ito kundi ang makita si Xander. Ang marinig ang kanyang boses at maramdaman ang init ng kanyang katawan.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa pagkakatayo doon ngunit walang salitang namutawi sa akin. Kahit ang pagbuhos ng ulan ay hindi ko na maramdaman dahil parang manhid na ang buong katawan ko. Blangko na rin ang isip ko.
Ilang saglit pa habang tulala ako ay may nakita akong dalawang pares ng ilaw na patungo sa kinalulugaran ko. Ilaw ng isang kotse na nasa kalsadang nasa harapan ko.
Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ko. Gulong-gulo na ako. Pinanood ko ang sasakyan na papalapit pa rin kung saan ako nakatayo.
At noong mapansin kong malapit na s’ya sa aking pwesto ay kusang gumalaw ang aking katawan upang tumakbo sa gitna ng kalsadang iyon. Nang makarating ako sa gitna ay mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Iniharang ko ang aking katawan sa kotseng patungo sa aking harapan.
Iisa lang ang naisip ko sa mga oras na ito. Na kapag dumikit sa katawan ko ang kotseng ito ay may pagkakataon na akong makita muli si Xander.
Magkikita na kami sa kabilang buhay.
Ilang segundo akong naghintay. Ilang segundo kong pinakiramdaman ang pagbangga ng kotse sa aking katawan. Ngunit tanging pagpatak lang ng ulan ang nararamdaman kong dumidikit sa aking mga balat.
Dahil sa pagkainip ay unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko ang kotse sa aking harapan na ilang metro lang ang layo sa akin. Nakatutok lamang ang mga ilaw nito sa akin.
“Bakit hindi mo itinuloy?” mahina kong tanong.
“Bakit hindi mo itinuloy??!!!” ang pagsigaw ko na sa pagkakataong ito.
“Ituloy mo!!! Sagasaan mo na ako!!! Patayin mo na ako!!! Patayin mo ako at siguraduhin mong ubos na ang hininga ko ’pag iniwan mo ako dito!!!” paghamon ko sa driver ng kotse.
Habang sinasabi ko ang mga bagay na iyon ay patuloy din sa paglandas ng mga luha ko.
Walang lumabas na tao mula roon. Kung sa iba ito ay itutuloy na ang kagustuhan kong pagpapakamatay. O kaya naman ay lalabas ito para murahin ako ng maraming beses. Pero nanatiling nakatutok sa akin ang ilaw ng kanyang kotse.
“Ituloy mo na!!! Patayin mo na ako!!! Tutal naman parang pinatay na rin ako ngayon eh!!! Pinatay na rin ako simula nang iwan n’ya ako!!!” sigaw kong muli habang tinuturo kung saan ako nanggaling kanina.
Wala pa ring naging hakbang ang driver ng kotse. Nanatili lamang s’ya sa loob at kahit ang businahan ako ay hindi n’ya ginawa.
Dahil sa wala akong makuhang sagot mula rito ay nagmadali ako humakbang patungo sa harapan ng kotse. Hindi ko makita ang nasa loob ng sasakyan dahil sa malakas ng pag-ulan.
“Patayin mo na ako!!! Umatras ka d’yan at sagasaan mo na ako!!! Tutal naman wala nang silbi ang buhay ko eh!!! Iniwan na ako ng taong dahilan kung bakit nandito ako sa mundo!!! Iniwan na ako ng taong nagbigay ng kaligayahan ko!!! Kaya sige na!!! Patayin mo na ako!!!” pagsigaw kong muli sa driver at paulit-ulit ko pang hinampas ang harapan ng kanyang kotse.
Halos maubusan na ako ng boses para lang pakinggan ng driver ang pakiusap ko. Ngunit wala akong nakuhang kahit na anong reaksyon mula sa kanya.
Tila ba napagod ako sa ginawa kong paulit-ulit na pagsigaw. Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng aking tuhod. Dahan-dahan akong napaluhod habang patuloy sa pagmamakaawa at pag-iyak.
“Patayin n’yo na na lang ako… Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula… Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat… dahil lahat ng simula ko, kasama doon si Xander eh… Magkasama namin sinimulan ang mga pangarap namin… Paano ko ngayon gagawin ’yun mag-isa…?” tanong ko habang nakaluhod sa kalsada.
“Kaya pakiusap…. tapusin n’yo na lang sa akin ang lahat… tutal naman… tutal parang patay na rin ako sa mga oras na ’to eh… kasi sinama ni Xander ang puso ko… kasama n’yang umalis sa mundong ’to…” pagmamakaawa ko pang muli.
Nanatili ako sa pagkakaluhod sa kalsada habang sinasabayan ng aking mga luha ang ulan.
“Xander!!!!!” pagtawag kong muli sa kanya.
“Bumalik ka na!!!!” sigaw ko pa.
Ilang beses ko pang tinawag ang kanyang pangalan. Ngunit tulad ng kanina ay wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Napayuko na lamang ako at naihawak ang aking mga kamay sa kalsada.
Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang marinig ko ang pagbukas ng kotse. Hindi ako gumalaw at nanatili lamang akong nakayuko at umiiyak.
“Tom….” narinig kong pagtawag sa akin.
Iniangat ko ang aking mukha at nakita ko si Randy at Rigo na may kanya-kanyang dalang payong. Sila pala ang sakay ng kotseng iyon. Lumapit silang pareho sa akin at inilagay ni Rigo sa aking katawan ang isang twalya. Pareho ang mga mata nila na puno rin ng luha habang naaawa nila akong tinitingnan sa mga oras na ito.
“S-si Xander…. iniwan na ako ni Xander…” parang bata na pagsusumbong ko sa kanila.
Mabilis na kumilos si Randy at yumuko upang magpantay kami. Niyakap n’ya ako na tinugunan ko rin ng mas mahigpit na yakap.
“Tama na Tom…. Umuwi na tayo….” pakiusap n’ya sa akin.
“Hindi ko kaya Randy… Hindi ko kayang mawala s’ya…” naging pagsagot ko sa kanya.
“Tahan na… nandito kami… Hindi ka namin pababayaan…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
“Nangako kasi s’ya eh… sabi n’ya babalik s’ya… Pero bakit parang hindi n’ya ’yon tutuparin…?” tanong ko sa kanila.
“Sssshhhh… tahan na…Umuwi muna tayo at magpahinga ka muna… Mainit ka rin ngayon oh… Mukhang may lagnat ka.” pag-aalala n’ya.
Naramdaman ko rin ang paghawak ni Rigo sa aking noo.
“Meron nga Randz.” narinig kong sambit ni Rigo.
Hinawakan ako ni Rigo sa aking balikat bago ako kinausap.
“Tom, halika muna. Umuwi muna tayo. Doon na lang natin pag-usapan ’yan sa bahay ni Randy. Doon ka muna sa ngayon.” pakiusap ni Rigo sa akin.
Naging sunod-sunuran na lamang ako sa kanila. Patuloy pa rin ako sa paghikbi at pagsinok habang inaalalayan nila ako sa aking pagtayo. Ngunit nang makailang hakbang lamang kami bago kami pumasok sa loob ng kotse ay nakaramdam ako ng pagkahilo.
“Tom!!!” narinig kong pagtawag nila sa akin.
At kasunod noon ay ang pagbalot ng kadiliman sa buong paligid.
A/N
Kamusta po?
Sorry sa ganap. Sumakit din ang ulo ko sa chapter na ’to dahil sa pigil na pag-iyak.
Guys, ilang chapter na lang po ang natitira. Hopefully, matapos natin ito ng magkakasama.
Comments and votes please?
Salamat po sa patuloy na pagbabasa.
––cold_deee
chapter 29 - zombie
A/N
Hello my dearest readers!
Konti na lang po talaga! As in ilang chapters na lang! Kaya sana walang bibitiw ha?
At s’yempre gaya ng sinabi ko sa’yo bessy
PasaloJeffrey
, eto na ’yon! Salamat sa pagpapatawa sa akin araw-araw bessy kahit sa messenger lang! Hahahaha! Labyu!
Paki-play nga rin po pala ng nasa media. Para po ’yan sa chapter na ’to lalo na sa last part.
Song title: Thanks to you by Tyler Collins.
’Wag na po magtanong, alam kong pang-graduation ’yan. Hahahaha! Pero swak din ’yan kay Tom at Xander. Maiintindihan n’yo rin kung bakit. Charot!
Anyway, enjoy reading po!
––> si Xander po sa media.
TOM POV
“Smile!” boses ni Xander.
Humarap ako sa camera at napangiti dahil nakatutok sa akin ito.
“Ano pong masasabi n’yo Sir Tom na mamaya lamang ay sasayaw na kayo sa gitna ng amusement park na ito ng walang music dahil panigurado ay susuka na kayo pagkatapos sumakay sa space shuttle na ito?” tanong ni Xander habang kinukunan pa rin ako ng video.
Natawa naman ako sa tanong n’yang ’yon kaya hindi agad ako nakasagot. Naririnig ko rin na maski s’ya ay natatawa sa kalokohan n’ya. Ngumiti ako sa camera bago ko s’ya sinagot.
“Pasensya na po, pero sinisigurado ko po na ang sasayaw mamaya ng walang music sa gitna ng amusement park na ito ay walang iba kundi ang lalaking may hawak ng camera ngayon na nagngangalang Sir Xander.” sagot ko at tawa muli ako ng tawa.
Napangiti ako ng malapad. Kasunod naman nito ay ang pagbati ni Xander sa aking kaarawan.
“Hello Master! Happy Birthday! Nagbe-bake ako ngayon ng cake! Si Carla naman ’yung kumukuha ngayon ng video.” una n’yang sambit. “Carla baby, greet your Papa Tom!” sunod n’yang utos kay Carla.
Nakita ko ang pagsulpot ng mukha ni Carla.
“Hello Papa! We’ll be celebrating your birthday today kahit wala ka. Daddy told me that you’re studying abroad that’s why you won’t be able to celebrate it with us! Don’t be sad okay? I’ll take care of Daddy! Para pagbalik mo, pogi pa rin ang Daddy ko! Study hard okay?” masayang bati ni Carla sa akin.
Kasunod nito ay ang pagkanta nila ng sabay habang hawak na ang cake na pinagtulungan nilang i-bake.
“Happy Birthday Papa! I love you and I missed you!”
“Happy Birthday Master! I love you! Miss na din kita!”
magkasunod nilang pagbati sa akin.
Natawa akong muli sa aking nakikita. Natatawa ako dahil ang dungis nilang mag-ama. Nagkalat din ang flour sa kanilang mukha at nagkalat ang kanilang mga ginamit sa pagbe-bake ng cake na para sa akin.
“I missed you too… Both of you…” mahina kong sambit habang nakatitig sa kanila.
Matapos ito ay kasunod naman ng pakikipag-usap sa akin ni Xander.
“Master! Kamusta ka na?” masaya n’yang pagsasalita habang nakaupo sa opisina n’ya sa kanyang restaurant.
“’Wag ka maingay ha? Nagkunwari kasi akong mainit ang ulo kanina sa labas.” wika n’ya habang ang kanyang hintuturo ay nasa nakatulis n’yang nguso.
Natawa ako sa kanyang ginagawa.
“Eh pano ba naman kasi! Mag-meeting daw kami kasama ang staff sabi ni Shai! Kailangan pa ba ako dun sa meeting?! Boss nga ako ’di ba? May-ari ng pinapasukan nila! Kaya nga s’ya naging manager para s’ya ang mag-lead sa staff tapos isasama n’ya pa ako! Nasaan ang hustisya Master? ’Di ba? Tsk! Papansin talaga ’yan si Shai eh! Palibhasa wala pa rin boyfriend hanggang ngayon kaya walang mapagdiskitahan!” naiinis n’ya namang pagsusumbong ngayon.
Muli nanaman akong natawa sa kanyang reaksyon.
“’Yang kakulitan mo na ’yan ang isa sa mga nami-miss ko sa’yo Master…” sambit kong mahina.
At muli, matapos kong bigkasin iyon ay tumulo ang aking luha.
Sa bawat ala-alang iniwan sa akin ni Xander ay hindi ko maiwasang paulit-ulit na lumuha. Sa bawat salitang kanyang binibigkas sa akin noon ay hindi ko maiwasang hilingin na sana ay paulit-ulit ko pa ring naririnig ito hanggang ngayon.
“Master…. hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap… Hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala ka na sa akin… Kasi… k-kasi… buhay na buhay ka pa rin dito oh…” wika ko habang mahigpit na hawak ang aking dibdib.
Muli kong hinaplos ang kanyang mukha sa screen ng laptop matapos kong panoorin ang mga video sa aking harapan. Nakaupo ako sa sahig habang ang laptop naman ay nasa ibabaw lang ng kama.
Ito ang mga video na nirecord n’ya noong magkahiwalay kami dalawang taon na ang nakakalipas. Ang mga videos na naka-save sa kwintas na niregalo sa akin ni Daniel. Ang kwintas na isa ring USB. Ang mga videos na palihim kong kinopya noong panahon na pinasok ko ang luma naming bahay kung saan natuklasan ko rin na doon na s’ya umuuwi simula nang umalis ako patungong Amerika.
Simula nang iwan ako ni Xander mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na makikita ko s’yang muli. Simula nang araw na iyon ay hindi ako tumigil sa pagdarasal na sana ay makasama ko s’yang muli.
Halos dalawang buwan na.
Oo, mahigit isang buwan na akong ganito. Wala akong ginawa kundi ang panoorin ang kanyang mga recorded videos ng paulit-ulit. Pakiramdam ko kasi ay buhay na buhay pa rin s’ya. Pakiramdam ko ay naririto pa rin s’ya.
“Master…. kahit isang beses lang… kahit isang beses lang, sana…. sana maramdaman kita…. Kahit hawakan mo lang ako habang natutulog ako… Kahit sana magpakita ka lang sa panaginip ko….” pakiusap ko sa kanyang larawan sa laptop.
“Kasi… kasi… miss na miss na kita…” sunod kong sambit.
“Nami-miss ko na ang yakap mo… nami-miss ko na ang halik mo… nami-miss ko na ang paglalambing mo pati ang pagtatampo mo… miss na miss ko na ang lahat sa’yo… miss na miss na kita…” sunod ko pang sambit at mas lalo akong napaiyak.
Ganito ako sa loob ng mahigit isang buwan. Sa umaga ay nagpupunta ako sa sementeryo para dalawin s’ya hanggang sa abutin ako ng hapon. Doon na rin ako nanananghalian. Sa gabi naman ay babalik ako dito sa condo ni Randy para naman panoorin ito ng paulit-ulit.
Oo, dito ako tumutuloy sa kagustuhan na rin ni Randy. Hindi n’ya ako hinayaan kahit minsan. Pinababantayan n’ya rin ako sa kanyang Yaya Elise upang masiguro na wala akong gagawing masama sa sarili ko.
Simula nang gabing maabutan ako nina Randy at Rigo sa sementeryo at nagtangkang tapusin ang aking buhay ay mas hinigpitan nila ang pagbabantay sa akin. Kaya kahit nagpupunta ako sa sementeryo tuwing umaga ay pinapasamahan n’ya ako kay Nanay Elise. At kung minsan naman ay sinasadya ako ng aming mga kaibigan at sila naman ang sasama sa akin.
Labis silang nag-alala dahil tatlong araw din akong namalagi sa ospital matapos ang gabing nawalan ako ng malay sa sementeryo. Ang sabi ng doktor ay stressed at over-fatigued daw ako.
Alam kong nakakaabala na rin ako kina Randy at Rigo maging sa aming mga kaibigan dahil sa sitwasyon ko ngayon. Pero kahit anong pilit kong tumayo mag-isa ay hindi ko talaga kaya.
Dahil simula nang mawala si Xander ay parang nawalan na rin ako ng buhay.
Nakarating na rin ang lahat ng nangyari sa pamilya ko sa Amerika. Labis din silang nag-aalala para sa akin. Inutusan nila si Randy na pauwiin na lamang ako doon ngunit hindi ako pumayag. Ayaw kong mawalay kay Xander. Gusto kong nakikita s’ya kahit na alam kong sa sementeryo lang ito mangyayari. Kaya naman si Randy na lang din ang nagpresenta na titingin sa akin habang wala sila.
“Master… gusto na kitang makita… gusto na kitang makasama…” muli kong sambit habang humihikbi.
Ilang minuto pa akong ganoon at muli ko nanamang pinanood ang mga video na nasa laptop. Naghihintay na abutin ako ng pagod at antok.
Habang nasa ganoon akong posisyon ay nakarinig ako ng boses mula sa labas ng kwarto ni Randy.
“Nasaan s’ya?!” ang medyo galit na pagsasalita ng bagong pasok.
Kilala ko s’ya pero wala akong balak na salubungin s’ya. Wala akong panahon para kausapin s’ya.
Dahil sa narito ako sa loob ng kwarto ay hindi ko marinig ang iba pang mga sinasabi ng taong bagong pasok. Nanatili lamang akong nanonood sa mga videos ni Xander.
“Bakit ba Lojie? Ano bang problema mo at sumugod ka dito na parang may kaaway?! Baka nakakalimutan mo ha? Pamamahay ko ’to kaya umayos ka!” pagbabanta ni Randy.
Tama nga ako, si Sir Lojie nga ang bagong pasok.
“Nasaan ’yang magaling n’yong kaibigan?! Ilabas mo s’ya dahil talagang tatamaan s’ya sa ’kin!” banta ni Sir Lojie.
“Bakit nga?!” halos pasigaw na rin na pagtatanong ni Randy sa kanya.
Kauuwi lang din ni Randy galing sa trabaho. Kinamusta n’ya ako kanina ngunit tanging pagtango lang ang naibigay ko sa kanya. Maging ang pagsasalita yata ay hindi ko na kayang gawin ngayon.
Matapos magtanong ni Randy ay hindi na ako nakarinig pa ng pagsagot mula kay Sir Lojie. Ngunit kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Randy kung saan ako naroon.
Naramdaman ko ang mabilis n’yang paglapit sa akin ngunit hindi ko s’ya nilingon. Tanging sa mukha lang ni Xander ako ngayon nakatitig at sa patuloy na pagpe-play ng kanyang video.
Narinig ko ang malalim n’yang pagbuntong-hininga bago s’ya nagsalita.
“Tumayo ka d’yan.” pigil na pigil sa galit n’yang utos na alam kong para sa akin.
Hindi ako nagsalita at nanatili pa rin ako sa panonood ng video ni Xander.
Nagulat na lamang ako nang bigla n’yang patayin ang laptop.
“Tumayo ka d’yan!” ang mas malakas n’ya nang utos sa akin.
Nilingon ko s’ya ng paunti-unti. Nakita ko ang seryoso n’yang ekspresyon habang nakapamewang sa aking tabi. Si Randy naman ay nasa kanyang tabi na kita ko ang pag-aalala.
“Bakit?” tanong kong walang gana.
“Basta tumayo ka! Sumunod ka kundi sasamain ka talaga sa akin! Tayo!” pagbabanta n’ya sa akin at utos.
Para naman akong walang sariling buhay na sunod-sunuran sa kanyang utos.
Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa kanya na blangko ang ekspresyon.
“Magbihis ka. May pupuntahan tayo.” utos n’ya pa ring madiin.
“Teka! Saan mo dadalhin si Tom?!” pagsabat ni Randy.
Hindi s’ya sinagot ni Sir Lojie at muli nanaman akong sinigawan.
“Bilisan mo! Magbihis ka na! Ngayon na!!” pagsigaw n’ya na ngayon sa akin.
Para na rin sa ikatatahimik n’ya ay dahan-dahan akong humakbang patalikod at kumuha ng gamit sa cabinet. Pumasok ako sa banyo para sundin ang kanyang utos. Pagkalabas ko ay naroon pa rin silang dalawa ni Randy na nakatayo at nag-aabang sa akin.
Nang tuluyan na akong makalapit ay nagulat ako nang bigla n’yang hatakin ang aking kamay.
“Sumama ka!” utos n’ya habang halos kaladkarin na ako.
“Lojie ano ba?! Bakit ba kinakaladkad mo si Tom?!” pag-awat ni Randy.
“Ubos na ang pasensya ko sa kanya Randy! Hindi ko na alam kung paano ko ’to aayusin mag-isa! Kaya sa ayaw at sa gusto n’ya, isasama ko s’ya!” sagot pa ni Sir Lojie sa kanya habang patuloy pa rin sa paghila sa akin.
Wala naman akong binigkas na kahit na anong salita. Nagpadala na lamang ako sa bawat paghila sa akin ni Sir Lojie dahil wala akong lakas. Wala rin akong mapagkukunan nito dahil iniwan na ako ng taong nagbibigay nito. Si Xander.
“Sasama ako! Baka kung anong gawin mo sa kanya! Kilala kita! Hindi ko papayagan na may gagawin kang masama sa kanya!” pagtatanggol naman ni Randy sa akin.
Gusto kong pasalamatan si Randy sa lahat ng ginagawa n’ya sa akin. Maswerte ako at may kaibigan akong kagaya n’ya. Ngunit kahit isang salita ay walang mailabas ang aking bibig. Tila ba nalunok ko na ang sarili kong dila.
“Sumama ka kung gusto mo! Wala akong gagawing masama sa kanya! Gigisingin ko lang s’ya sa matagal na pagkakatulog n’ya!” sagot naman ni Sir Lojie kay Randy.
Ganoon na nga ang nangyari. Hinila ako ni Sir Lojie hanggang makarating kami sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse. Naupo si Randy sa likod na bahagi ng sasakyan habang ako naman ay nasa tabing bahagi ni Sir Lojie sa unahan.
“Saan mo ba talaga dadalhin si Tom?!” inis na tanong ni Randy.
“Maghintay kayo! ’Wag kayong magmadali kung ayaw n’yong pare-pareho tayong mabangga dito!” sagot naman ni Sir Lojie habang abala sa pagmamaneho.
Nakikita ko ang galit kay Sir Lojie sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit wala akong interes sa bagay na iyon. Tanging pagtanaw sa labas ng bintana ang aking nagawa habang hinihintay kung saan n’ya kami dadalhin.
Ilang sandali pa ay napansin kong pamilyar ang aming dinadaanan. Ang daan kung saan muli kaming nagkita ni Xander matapos ang dalawang taong paghihiwalay namin noon. Ang lugar kung saan pinagtagpo kaming muli. Ang lugar kung saan naging saksi ang masasaya at malulungkot na kaganapan sa amin ni Xander. Ang lugar na mahigit isang buwan ko na ring hindi pinupuntahan.
Muli akong napapikit dahil muling nagbalik sa aking ala-ala ang lahat ng aming pinagdaanan ni Xander bago kami tuluyang magkaayos.
Ilang sandali pa ay huminto ang kanyang sasakyan.
“Baba!” madiin n’yang utos sa amin.
Wala na akong inaksaya pang oras at dahan-dahan din akong bumaba ng sasakyan.
“Ano bang ginagawa natin dito sa hotel Lojie?” tanong ni Randy sa kanya nang makababa rin ito ng sasakyan.
Narito kami sa tapat ng hotel. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Sir Lojie sa mga oras na ito pero wala akong lakas para magtanong.
Hindi sinagot ni Sir Lojie ang tanong ni Randy ngunit mabilis itong lumapit sa aking pwesto. Dahil sa pagkataranta ni Randy sa kung anong maaaring gawin sa akin ni Sir Lojie sa mabilis nitong paglapit ay iniharang n’ya ang kanyang braso sa akin.
“Ano ba talagang gusto mo Lojie?! Bakit mo ba dinala dito si Tom?!” inis na tanong ni Randy sa kanya.
Hindi pa rin s’ya sinagot ni Sir Lojie sa pagkakataong ito. Tiningnan lamang ako ng diretso ni Sir Lojie at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
“Nakikita mo ba ’yan Tom?! Nakikita mo ba ’yang hotel na ’yan?!” pasigaw n’yang tanong sa akin habang dinuduro ang hotel na aming pinapasukan.
Dahan-dahan kong nilingon ang hotel nang wala pa rin reaksyon ang aking mukha. Tinitigan ko ito at wala talaga akong maipipintas sa ganda ng hotel na ito lalo na sa gabi dahil puno ito ng naggagandahang mga ilaw. Para itong isang palasyo na kumikinang.
“’Yang hotel na ’yan!! ’Yan ang pinakamahalagang bagay sa pinsan ko!! ’Yan ang pinakaimportante kay Alex!!” sigaw pa rin sa akin ni Sir Lojie.
Dahan-dahan ko s’yang nilingon habang nakakunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabing mahalaga ang hotel na ito kay Xander.
Habang nakatingin ako kay Sir Lojie ay nakita ko ang mga mata n’yang may nangingilid nang mga luha ngayon.
“’Yan Tom! ’Yan ang pangako ni Alex sa’yo!! ’Yan ang pinakamahalagang bagay sa kanya dahil sa’yo!!” sigaw n’yang muli.
Matapos n’yang sabihin iyon ay tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha.
“Lahat Tom ginawa n’ya makuha lang ’yan!! Lahat ng hirap pinagdaanan n’ya para lang matupad n’ya ang pangarap n’yong dalawa!! Para lang tuparin ang pinangako n’ya!!” sunod n’yang sambit habang umiiyak.
Dahil sa nabanggit n’yang muli ang pangalan ni Xander ay hindi ko naiwasan ang muling lumuha. At bagamat may luha na rin akong nag-uunahan na rin ngayong pumatak ay hindi ko naiwasan ang magtanong dahil sa pagtataka.
“A-ano bang gusto mong sabihin Sir Lojie?” tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang mabilis n’yang paghinga. Tila ba sinusubukan n’yang magpakahinahon.
Ilang minuto ang aking hinintay para sa kanyang kasagutan. Hinayaan ko s’yang gawin ito. At nang sumagot s’ya sa aking katanungan ay mahinahon na s’ya sa pagkakataong ito bagamat patuloy pa rin ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
“’Yang hotel na ’yan Tom ang sumisimbolo ng pangako n’ya sa’yo at pangarap ninyong dalawa ni Alex…” mahinahon n’yang sagot.
Hindi ako umimik para marinig ko pa ang kanyang mga sasabihin.
Nakita ko rin sa gilid ng aking mga mata ang pagyuko ni Randy. Ibinaba n’ya na rin ang kanyang kamay na pinangharang n’ya sa akin kanina bilang pangprotekta sa akin. Tila ba hinahayaan n’ya rin si Sir Lojie na sabihin ang lahat ng kanyang gustong sabihin sa mga oras na ito.
“Naaalala mo ba Tom noong pareho kayong nangarap na magkakaroon ng bagong bahay? Na kahit hindi kasing laki ng palasyo pero kayo lang ng anak n’ya ang naroon ay masaya na s’ya? Noong gumagawa kayo ng sand castle sa isang beach?” tanong n’ya sa akin.
Muli ay hindi ako nagsalita. Hinayaan ko s’yang magpatuloy.
“Doon n’ya sinimulan Tom ang mangarap na bigyan ka ng malapalasyong bahay… Doon n’ya sinimulang magbuo ng pangarap ninyong dalawa…” umiiyak na paglalahad ni Sir Lojie.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Muli kong inalala ang bagay na iyon. Iyon ay noong binigyan n’ya rin ako ng surprise birthday celebration sa isang beach sa Batangas. Noong pareho naming binubuo ang isang sand castle.
“Master, gusto ko kahit hindi kasing laki ng palasyong ito ang magiging bahay natin ay ayos na sa akin basta ikaw ang kasama ko at si Carla.” ang wika ni Xander sa akin.
Ngumiti naman ako bago ako sumagot. Patuloy pa rin kami sa pag-gawa ng aming sand castle.
“Ang sarap naman pakinggan Master! Hindi ko akalain na may naiisip ka nang ganyan para sa atin.” ang masaya ko namang sagot.
“S’yempre naman! Dapat ngayon pa lang iniisip na natin ang future nating dalawa! Gusto ko na nga bumili ng bagong bahay kasi naliliitan ako sa condo ko para sa ating dalawa. Gusto ko ’pag nagla-love making tayo lilibutin natin ang buong bahay! Ang sarap nun ’di ba?” ang masaya n’ya rin namang lahad sa akin.
Matapos kong alalahanin ang mga pangyayaring iyon sa amin ay mas lalo akong natigilan. Dahan-dahan kong nilingon ang hotel na nasa aming harapan.
“H-hindi ko pa rin maintindihan Sir Lojie…” sagot kong naguguluhan habang lumuluha.
“Ang hotel na ’yan Tom, ang hotel na ’yan ay sa inyong dalawa ni Alex. ’Yan ang palasyong binuo ni Alex para sa inyong dalawa. Kayo ang dapat na nagma-may-ari ng hotel na ’yan. Sa inyong dalawa dapat ’yan!” sagot n’yang seryoso sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko naiwasang mapanganga dahil sa pagkabigla at pagtataka.
“A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
Naihilamos n’ya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha para punasan ang kanyang mga luha. Matapos n’yang gawin iyon ay huminga muna s’ya ng malalim bago s’ya sumagot.
“Nangako ako kay Alex na hindi ko sa’yo sasabihin ang bagay na ito noong nabubuhay pa s’ya. Hanggat hindi n’ya naayos ang lahat ay hindi n’ya muna ito sasabihin sa’yo. Pero wala akong mapagpipilian sa ngayon kundi sabihin sa’yo ang totoo.” mahinahon n’yang sagot.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na nakontrol pa ang sarili ko. Marami na akong katanungan na hinahanapan ko na ngayon ng kasagutan.
“Diretsuhin mo na ako! Gulong-gulo na ang isip ko! Ano pa bang dapat kong malaman?!” may kalakasan ko nang pagtatanong.
Napayuko si Sir Lojie at tila ba hinang-hina s’yang sumandal sa kanyang kotse. Pinagmasdan ko lamang s’ya hanggang sa makita kong nagsimula nanaman s’yang umiyak.
“Tom… Ang hotel na pinapasukan ko at pinapasukan mo ay pagmamay-ari ninyo ni Xander… ’Yang hotel na ’yan ang katuparan ng pangarap at pangako n’ya sa’yo… S’ya at ikaw, kayo ang tunay na nagmamay-ari ng hotel na ’yan… Inyo ’yan ni Xander…” sambit n’ya habang umiiyak.
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Unti-unting inangat ni Sir Lojie ang kanyang mukha at tiningnan ako.
“Kaya kung iniisip mo na boss mo ako dahil mas mataas ang posisyon ko sa’yo sa hotel na ’yan, nagkakamali ka. Dahil ikaw Tom, ikaw ang totoong boss dito. Ikaw Tom, ikaw ang isa sa may malaking share ng hotel na ’yan sa harapan mo. Ikaw ang boss ko at empleyado mo lang ako.” sunod n’yang sambit.
“P-paano nangyari ’yon?” tanong kong naguguluhan.
“Nakapangalan sa inyong dalawa ang hotel na ’yan Tom. Pantay ang hati sa pangalan ninyong dalawa. 25% ang share na nakapangalan sa’yo at 25% din sa kanya. Ang 50% naman ay nakapangalan sa apat pang Board of Directors. Sa madaling salita, kayo ang itinuturing na may-ari ng hotel na ’yan.” sagot n’ya sa akin.
Dahil sa narinig ko ay hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong sabibin. Hindi ako makapaniwala sa aking nadiskubre. Wala akong binibitawang pera para mag-invest ng ganyan kalaking hotel. At hindi ko pa afford na magkaroon ng ganyang negosyo. Kaya paanong mangyayari na magkakaroon ako ng share dito?
Dahil sa wala akong imik dahil sa pagkabigla ay muling nagpaliwanag si Sir Lojie. Muli n’yang nilingon ang hotel habang idinidetalye ang lahat.
“Nasa London ako noon nang makatanggap ako ng tawag mula kay Alex. Naaalala ko ang pakiusap n’ya sa akin noon, tulungan ko raw s’yang tuparin ang pangarap n’ya para sa taong mahal n’ya.” panimula ng kanyang paliwanag.
“Gulat na gulat ako noon Tom, pero sobrang saya ko. Inisip ko, sa wakas nakita na rin ni Alex ang matagal n’ya nang hinihintay. Ang saya-saya n’yang kinekwento sa akin ang lahat ng tungkol sa taong ’yon. Nung mga oras na ’yon, ramdam ko kahit sa telepono lang kami nag-uusap kung gaano s’ya kasaya. Halos maiyak pa nga ako noon habang pinapakinggan ko s’ya eh.” sunod na bahagi ng kanyang kwento habang nakangiti.
“Dahil sa narinig ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pumayag agad ako sa hinihiling n’ya. Kung itatanong mo Tom kung bakit mabilis akong napapayag ni Alex, ’yon ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay humiling s’ya sa akin. Iyon ang unang beses na humingi s’ya ng tulong sa akin.” sunod n’yang sambit at nakita ko ang pagtulo pa ng kanyang mga panibagong luha.
“Lagi n’ya kasi akong pinagbibigyan Tom eh. Hindi n’ya ako pinabayaan simula pa noong pagkabata namin. Itinuturing n’ya ako na nakababata n’yang kapatid dahil lagi akong umiiyak sa magulang ko kung bakit hindi nila ako bigyan ng kapatid. Inggit na inggit kasi ako sa kanila ni Daniel eh.”
“Pero sinabi n’ya isang araw sa akin na pwede ko naman daw s’yang maging Kuya kaya ’wag ko na raw kulitin ang Mommy ko na bigyan ako ng kapatid. Busy kasi si Mommy noon sa trabaho n’ya eh. Hiwalay din sila ng Daddy ko dahil may pamilya na rin itong iba. Kaya pala hindi na nila ako mabibigyan ng kapatid dahil sa sitwasyon na ’yon. Wala akong muwang eh, dugyuting paslit pa lang ako.” sunod n’yang pagkekwento.
Nanatili pa rin kami ni Randy na nakikinig lamang sa kanya.
“Simula nang sabihin n’ya sa akin ’yon, tuwang-tuwa ako. Hindi na kasi ako maiinggit sa ibang bata na may mga Kuya eh. Hindi na rin ako maiinggit sa kanila ni Daniel. Lagi s’yang nakabantay sa akin at inaalagaan ako. Lahat ng gustuhin ko ginagawan n’ya ng paraan para makuha ko. Pero napansin ko na kahit isang beses, hindi s’ya sa akin humingi ng pabor o tulong. Kaya pinangako ko sa sarili ko na ’pag humingi sa akin ng tulong si Alex kahit isang beses lang ay hinding-hindi ko s’ya tatanggihan.” wika n’ya pa habang patuloy na lumuluha.
Dahil sa aking mga narinig ay hindi ko naiwasang mapangiti kahit nalulungkot ako sa nalaman. Mas lalo kong napatunayan na napakabuting tao ni Xander. Lalo kong naipagmalaki na mayroong kagaya ni Xander na dumating sa buhay ko.
Nagpatuloy pa si Sir Lojie sa kanyang pagkekwento.
“Kaya nang sabihin n’ya ’yon, mabilis din akong lumipad pabalik dito. Iniwan ko ang kalokohan ko at magandang buhay sa ibang bansa. Si Alex kasi ’yun eh, ang taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa, dahil nand’yan s’ya. Isa pa, gusto ko rin makilala ang taong nagpapasaya kay Alex kaya nagmadali akong bumalik. Gusto kong pasalamatan ang taong ’yon.” sunod n’yang sambit.
Nagbitaw muna s’ya ng mahinang pagtawa bago s’ya nagpatuloy.
“Kaso nung pinakilala sa akin ni Alex ang taong ’yon, sa picture na lang. Kasi iniwan pala s’ya ng taong ’yon. Iniwan mo pala s’ya Tom.” sambit n’ya at tiningnan ako.
“Noong una nga halos bangungutin ako eh. Sino ba naman ang mag-aakala na lalake pala ang tinutukoy ng pinsan kong bibigyan n’ya ng katuparan ang pangarap? Lalake na pala ang nagpapatibok sa puso ng astig kong pinsan.” wika n’ya pa.
Naikagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi n’yang iyon. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.
“Galit na galit ako sa’yo noon alam mo ba? Gusto kitang makita at paulit-ulit na tanungin kung bakit mo iniwan ang pinsan ko. Pero dahil sa takot ako sa kanya at pinaliwanag n’ya naman ang totoong nangyari, natanggap din kita.” wika n’ya at ngumiti.
“S-sorry…” sa wakas ay nagawa kong magsalita.
Muli s’yang ngumiti at tiningnan ako sa mata.
“Hindi ka dapat mag-sorry Tom.” una n’yang sambit. “Ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataon na magpasalamat sa’yo. Salamat Tom dahil minahal mo ang pinsan ko. Salamat at pinaramdam mo sa kanya ang saya na matagal n’ya na dapat na naramdaman. Dahil deserve ’yon ni Alex. Deserve n’ya ang mahalin.” dugtong pa n’ya.
Napangiti ako ng tipid bago s’ya sinagot.
“Ako ang dapat na magpasalamat sa kanya. Dahil pinaramdam n’ya sa akin ang isang bagay na hindi kayang maibigay ng iba. Naiparamdam n’ya sa akin kung paano maging espesyal sa isang tao. Naiparamdam n’ya sa akin ang totoong kahulugan ng pagmamahal. S’ya ang nagturo sa akin ng tama at mali pagdating sa pag-ibig. S’ya ang nagturo sa akin sa maraming bagay.” sagot ko sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko ang kamay ni Randy sa aking bakikat.
“Mali Tom. Kami ang nagpapasalamat sa’yo dahil naibigay mo ang matagal nang hinahanap ni Xander. Sa’yo n’ya natagpuan ang kasiyahang hinahanap n’ya sa buong buhay n’ya. Kinumpleto mo s’ya at binigyan ng saya na hindi kayang ibigay sa kanya ng iba. Salamat Tom. Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa kaibigan namin.” wika ni Randy habang nakangiti.
Ngunit matapos iyon sabihin ni Randy ay napayuko ako. Naramdaman ko rin ang mga luha kong nagtuloy-tuloy sa pag-agos.
“P-pero ano pa bang silbi ng mga ’yon ngayon? Ano pang silbi ng katuparan ng pangarap namin na magkaroon ng isang palasyo kung wala naman ang makakatuwang ko dito..? Kung iniwan na ako ni Xander…?” tanong kong umiiyak.
Ilang saglit pa ay nagulat ako sa biglang pagtataas ng boses sa akin ni Sir Lojie.
“Ganyan ka ba talaga Tom?! Ganyan ka ba kahina?!” tanong n’ya sa akin na pasigaw.
Inangat ko ang aking mukha at sinagot rin s’ya habang naglalandas ang aking mga luha.
“Oo! Ganito ako kahina! Aminado naman ako doon eh! Dahil si Xander lang! Si Xander lang ang lakas ko! At ngayong wala na s’ya, sabihin mo nga sa akin kung paano pa ako tatayo sa sarili kong mga paa?! Paano pa ako mabubuhay kung ang tanging kinukunan ko ng lakas ay iniwan na ako?! Iniwan ako ni Xander na mag-isa! Iniwan n’ya akong mahina!” sagot ko sa kanya pabalik habang dinuduro ang sarili ko.
Napangisi s’ya at ilang beses na napailing.
“So ganon na lang ’yon?” sambit n’yang nakangisi at nasundan pa ulit ng pagsigaw. “Ganon na lang ba ’yon Tom?! Paano na ang binuo n’yang pangarap ninyong dalawa?! Pababayaan mo na lang ’yon?! Habang-buhay ka na lang magmumukmok dahil sa pagkawala n’ya?! Habang ang mga demonyo nagpapakasaya na sa loob ng pinaghirapan n’yang pangarap para sa’yo?!!” sigaw n’ya sa akin.
Natigilan ako sa kanyang mga sinabi.
“A-anong ibig mong sabihin?” tanong kong nagtakaka.
Muli s’yang bumuntong hininga ng maraming beses bago ako sinagot.
“Ang matagal na pinaghirapan ni Xander para sa inyo, inaangkin na ng iba Tom. Ang pangarap ni Xander para sa’yo, unti-unti nang binabahayan ng mga makasariling tao.” seryoso n’yang sagot.
“S-sino?” tanong kong kinakabahan.
Saglit na tumigil si Sir Lojie at tiningnan ako sa mga mata. Tila ba hindi n’ya alam kung paano ito sasabihin sa akin.
“S-si Daniel.” maiksi n’yang sagot.
Nanlaki ang aking mga mata.
Dalawang salita at isang pangalan. Iyon lang ang narinig ko sa kanya ngunit tila ba isang nakakabinging sigaw ito na ibinato sa akin.
“Ano???!!!!” naging reaksyon ni Randy.
Maging s’ya ay hindi makapaniwala sa narinig.
“Hindi lang ’yon. Kasama n’ya si Josephine. Dalawa silang nagtutulungan ngayon para mapasakamay nila ang hotel ninyo ni Xander, Tom. Si Daniel ang pumalit sa posisyon ni Xander noon. At si Josephine, pinalitan n’ya ang dating assistant n’ya na si Ms. Jinny.” sagot ni Sir Lojie.
“P-pero bakit? Bakit s’ya nakikipagtulungan sa demonyong Josephine na ’yon?!” tanong muli ni Randy.
“Hindi ko rin alam!! Isang buwan na akong hirap na hirap alam n’yo ba?! Isang buwan kong inilalaban na ’wag mapasakamay nila ang pinaghirapan ni Alex! Pero wala akong magawa! Dahil nag-iisa ako! Nag-iisa akong lumalaban!” sigaw nitong pabalik sa amin.
Nanatili naman akong walang imik dahil sa pagkabigla. Naging isang malaking rebelasyon ang aking narinig.
“P-paanong nangyari ’yon?” tanong pa ni Randy.
“Madali n’yang nakuha ang posisyon ni Alex dahil s’ya lang ang legal na pwedeng makakuha nito, s’ya na lang din ang natitirang may karapatan sa ari-arian ng iniwan ng mga magulang ni Alex.” una n’yang paliwanag.
Tahimik naman kami ni Randy habang pinapakinggan ang iba pa n’yang sasabihin.
“Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Daniel dahil unti-unti n’yang inililipat iyon sa share ng pamilya ni Josephine.” sunod n’yang sambit.
“Ano???!! T-teka! Paano nagkaroon ng share sina Josephine d’yan?!” tanong ni Randy.
“Ang 20% ng share ay sa pamilya ni Josephine. Dating magkasosyo ang magulang nina Alex at Josephine. Pero nadiskubre ng ama-amahan ni Alex na pinagnanakawan sila ng ama ni Josephine. May mga illegal transactions itong isinasagawa para mapasakanya ang lahat ng shares. At nang madiskubre ito ng ama ni Alex, binawi n’ya ito ng paunti-unti. Naging matagumpay s’ya doon pero may natitira pang 20% na nakapangalan sa kanila.” sunod n’yang paliwanag.
“Nasa proseso na ng paglilipat ng kabuuan sana ng lahat para sa pamilya ni Alex, pero nangyari naman ang aksidente kaya naiwan itong nakapangalan pa rin kina Josephine.” pagtatapos n’ya.
“At ngayon balak n’yang kunin ulit? Ganon ba ’yon?” paniniguro ni Randy.
“Ganon na nga! At wala akong magawa. Kung hindi lang din siguro ako legal na kamag-anak nina Alex, malamang wala na rin ako d’yan. Pero kahit gustuhin kong bawiin iyon para maibalik sa pangalan ni Alex, wala na rin silbi dahil wala na s’ya.” sagot ni Sir Lojie.
Sa pagkakataong ito ay nagawa ko nang makapagsalita.
“Pero bakit ibibigay ni Daniel ang share ng sarili n’yang pamilya sa pangalan nina Josephine? Mahalaga kay Daniel ang pamilya n’ya kaya imposibleng gawin n’ya ’yon!” pagtataka ko.
“’Yun na nga ang hindi ko maintindihan Tom! Hindi ko naman s’ya makausap dahil kahit nasa iisang opisina kami, lagi silang magkausap ni Josephine!” may galit n’yang sagot.
Natahimik kaming lahat dahil naging malalim ang aming pag-iisip. Lahat ay naguguluhan at nagtataka.
Ilang saglit pa ay nagsalitang muli si Sir Lojie.
“Ngayon Tom, tatanungin kita. Hahayaan mo na lang bang mapasakamay ng mga hayop na ’yon ang pinaghirapan ni Xander? Hindi mo man lang ba inisip na ang tagal n’yang binuo ang pangarap n’ya para sa inyo pero kukunin lang ng iba?” tanong n’ya sa akin.
Muli kong inalala ang mga pangarap naming iyon. Nagbalik tanaw ako at nakita ko ang masayang mukha ni Xander habang sinasabi n’ya ang pangarap naming iyon. At dahil sa pag-alala sa mga iyon ay muli akong napaluha.
“P-pero paano ko gagawin ’yon..? Paano ko babawiin ’yon kung wala akong lakas..? Wala si Xander para alalayan ako… Wala s’ya para gabayan ako…” wika ko habang nakayuko at umiiyak.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Lojie.
“Ganyan ka pala talaga kahina. Ngayon ko gustong tanungin si Alex kung bakit ang kagaya mo pa ang minahal n’ya eh!” panunuya n’ya sa akin.
“Lojie stop it! Wala kang karapatan sabihin ’yan!” pagsaway ni Randy.
“Wala? Eh s’ya? Anong karapatan n’ya?! Walang rin s’yang karapatan kay Alex dahil hindi n’ya kayang protektahan si Alex! Si Alex na lang ba ang laging poprotekta sa kanya?! Kelan n’ya naman ipagtatanggol ang pinsan ko?! Simula nang dumating s’ya sa buhay ni Alex, kinalimutan na ni Alex ang sarili n’ya! Wala s’yang inalala kundi ang kapakanan nitong taong ’to! Ang taong walang ginawa kundi ang maging mahina!” sumbat ni Sir Lojie habang dinuduro ako.
Lalo akong napaiyak sa mga sinabi n’yang iyon. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil lahat ng iyon ay totoo. Simula nang magsama kami ni Xander ay laging ako ang pinoprotektahan n’ya. Laging kapakanan ko ang iniisip n’ya. Kahit pa noong magkahiwalay kami ay kapakanan ko pa rin ang inuuna n’ya.
Sa sinabing iyon ni Sir Lojie ay natahimik si Randy. Mukhang napag-isip-isip n’ya rin na tama ang sinasabi nito.
“Kung talagang hindi ka pa rin kumbinsido Tom, may ipapakita pa ako sa’yo! Ipapakita ko kung gaano ka kamahal ng pinsan ko! Kung paano ka n’ya prinotektahan! Ipapamukha ko sa’yo kung gaano mo s’ya ginawang miserable noong panahon na iniwan mo s’ya! At sana, sana ’pag nalaman mo, matauhan ka na!” pasigaw n’yang sumbat.
Nagsimula s’yang maglakad. Naramdaman ko naman ang kamay ni Randy sa aking balikat kaya napalingon ako sa kanya.
Tumango ito habang may tipid na ngiti upang ipahiwatig na sundan namin si Sir Lojie.
Pumasok kami sa main lobby ng hotel. Lahat ng empleyado ay nagulat nang makita ako. Binati nila ako at nakikita ko ang awa sa kanilang mga mata. Mukhang kahit hindi ko ipaalam sa kanila ang relasyon ko kay Xander ay alam na rin nila ito. Dahil na rin siguro sa nakikita nilang kilos mula sa amin noon. Nakakalungkot lang na hindi ko sila magawang batiin pabalik dahil sa kalungkutang bumabalot sa akin ngayon.
Ilang saglit pa ay tumigil kami sa isang lugar kung saan lagi kong natatagpuan ang sarili kong nakatayo at nakatingala.
“Nakikita mo ba ’yan Tom? ’Yang pinagmamalaki ng hotel na ’to? ’Yang obra na nasa harapan mo?” tanong ni Sir Lojie habang tinuturo ang main attraction ng hotel.
Ito ang lagi kong tinitingnan sa tuwing papasok ako ng hotel. Ang naging isang palaisipan sa akin noon. Ang tanging bagay na nagpapangiti sa akin sa tuwing masusulyapan ko ito. Ang malaking obra ng letter ‘A’ na gawa sa pira-pirasong diamond.
“Alam mo naman siguro ang meaning n’yan ’di ba? Nasabi na ’yan sa’yo noon ni Alex. Alam ko ’yon dahil naikwento n’ya sa akin ’yon.” sunod n’ya pang sambit.
Muli kong inalala ang pag-uusap namin noon ni Xander sa harapan ng obrang ito.
“THE MISSING PIECE” pagbasa ko sa nakasulat doon.
“Oo. The Missing Piece ang tawag dito sa obra na ito.” nakangiting pagsagot ni Xander.
“Bakit the missing piece? Anong pinagmulan? Saka bakit letter ‘A’ ang nandito? ’Di ba dapat letter D o kaya letter L ang nandito dahil Diamond Llyx naman ang pangalan ng hotel na ’to?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“Sabi kasi ng may-ari ng hotel na ito, pinagawa n’ya ang obra na ito dahil nawawala raw ang isang mahalagang bahagi ng buhay n’ya. Sumisimbolo raw ang letter ‘A’ na ’yan sa mahalagang bagay na ’yon. Gawa rin ito sa pira-pirasong diamond dahil sa sobrang halaga ay dapat ingatan at protektahan.” nakangiting sagot ni Xander sa akin.
“Naiintindihan ko na. Ganoon kahalaga ang bahagi ng buhay n’yang ’yon para ikumpara sa isang diamond?” paglilinaw ko dito.
“Oo, ganon ’yon kahalaga. Katumbas ’yon ng isang diamond na kahit lumipas ang panahon ay hindi nagbabago ang kinang at halaga, pero dapat pa ring alagaan at protektahan
. Kaya kahit anong mangyari at kahit nawala ito sa buhay ng may-ari ng hotel na ito, gagawin pa rin n’ya ang lahat para sa kaligtasan ng diamond na iyon. Kahit ibang tao na ang humahawak ng diamond na iyon ay patuloy n’ya pa ring itong binabantayan at pino-protektahan.“ sagot n’ya sa akin.
Matapos kong balikan ang ala-alang iyon ay nilingon kong unti-unti si Sir Lojie.
Hindi ako nagsalita ngunit batid kong alam ni Sir Lojie na naghihintay ako ng paliwanag.
Muli n’yang inangat ang kanyang tingin sa obrang iyon at sinimulang magsalita ng mahinahon.
“Ikaw Tom, ikaw ang tinutukoy ni Alex sa obra na ’yan… Ikaw ang nawawalang piraso sa buhay n’ya, ang mahalagang bahagi ng pagkatao n’ya… Ikaw ang sinasabing hawak na ng iba kaya tinatanaw na lang n’ya sa malayo habang pinoprotektahan… Ikaw ang dyamanteng ’yon Tom…” paliwanag n’ya sa akin.
Naikagat ko ang ibabang labi ko at nagsimula na rin mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko.
Dahil sa aking mga narinig ay muling nagbalik sa aking ala-ala ang lungkot ng mukha ni Xander nang sabihin n’ya sa akin ang bahagi ng kwento n’yang iyon.
“I-ibig sabihin, lagi lang nakatanaw ang tunay na may-ari sa bagong nagma-may-ari habang hawak n’ya ang diamond na ’yon? S-sigurado ako, sobrang lungkot n’ya dahil hindi n’ya nahahawakan ang bahaging ’yon ng buhay n’ya. S-sigurado akong nagdurugo at umiiyak ang puso n’ya habang pinapanood na hawak na ng ibang tao ang pinahahalagahan n’ya.” malungkot kong reaksyon.
“Oo, malungkot s’ya. Sobrang lungkot. S’ya na siguro ang pinaka-malungkot na tao sa sandaling ito. Pero habang nakikita n’yang ligtas at hindi nababasag ang dyamanteng ’yon habang hawak ng iba,
nakakaramdam na rin s’ya ng saya. Kahit na sa malayo n’ya na lang ito nababantayan ay masaya na rin s’ya.“ malungkot na paliwanag ni Xander.
Matapos magbalik sa aking ala-ala ang pag-uusap naming iyon ay naitakip ko na lamang ang aking mga palad sa aking mukha. Mas lalo akong napahagulgol dahil hindi ko inisip na ganito ako pahalagahan ni Xander sa kabila ng masakit naming paghihiwalay.
Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng mga mga tao at empleyado dito ngayon. Labis na kalungkutan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Nagtataka ka siguro Tom kung bakit letter ‘A’ ang nandito. Naalala ko, tinanong mo si Alex kung bakit hindi na lang letter ‘D’ o kaya naman ay letter ‘L’ ang nandito. Alam mo bang alin man doon sa mga letrang ’yon, ikaw pa rin ’yon?” narinig kong pagsasalita ni Sir Lojie.
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng aking mga palad sa aking mukha. Tiningnan ko si Sir Lojie habang patuloy ako sa pagluha.
Nakatingala pa rin s’ya hanggang ngayon ngunit may maliit nang ngiti sa kanyang labi nang magpatuloy s’ya.
“Kasi sa pangalan mo rin nakuha ang simbolong ’yan Tom… Dahil sa kayo ang may pinakamalaking share dito sa hotel, nag-isip s’ya ng isang bagay na may pagkakapareho ninyong dalawa. Alexander ang pangalan n’ya, at ikaw naman, Axyll ang first name mo ’di ba? Dahil sa pareho ang letra ng una n’yong pangalan, naisip n’yang iyon ang ipapagawa n’yang obra. Ang magiging simbolo ng hotel na ito.” wika n’ya.
Muli kong naikagat ang aking labi para mapigilan ang malakas kong pag-iyak dahil sa nalaman.
Nilingon ako ni Sir Lojie habang may ngiti sa kanyang labi.
“ ‘Axyll. Ang ganda ng first name n’ya Lojie!’ ’Yan ang laging sinasabi sa akin ni Alex noon, Tom.“ pagkekwento n’ya.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay nagpatuloy pa s’ya.
“Alam mo rin bang kaya naging ‘The Missing Piece’ ang pangalan ng obra na ’yan ay dahil ’yung letrang ’yan ang nawawala sa pangalan ng hotel? ’Yan ang naging simbolo ng hotel na ’to noong nawawala ka sa buhay ni Alex, Tom.” una n’yang wika sa akin.
“Diamond Llyx Hotel.” pagbigkas n’ya sa pangalan ng hotel. “Nakuha ang Llyx sa pangalan mo kapag binaliktad ito. Magiging Xyll. At kapag ikinabit mo na sa unahan ang obrang ’yan na letter ‘A’ , pangalan mo ang mabubuo. Kaya ikaw, ikaw ang simbolo ng hotel na ’to Tom… Sa’yo inihahandog ni Alex ang buong hotel na ’to…” pagpapatuloy n’ya sa kanyang paliwanag.
Akala ko ay alam ko na ang lahat. Akala ko ay nasagot na ang mga katanungan ko. Ngunit marami pa pala ang kwento sa likod ng hotel na ito.
Nanghihina ang buong katawan ko dahil sa mga nalaman ko. Paulit-ulit kong nakikita ang imahe ni Xander sa aking utak na nalulungkot at umiiyak. Ang kanyang mga naging hirap habang wala ako noon sa kanyang tabi.
Halos mapaluhod ako habang patuloy sa pag-iyak. Naramdaman ko na lamang ang pag-akbay sa akin ni Randy upang maalalayan ako.
“Ganyan ka kamahal ni Xander, Tom. Kahit noong umalis ka, araw-araw ikaw ang iniisip n’ya. Ang kapakanan mo at kaligtasan mo ang inuuna n’ya. Alam ko ’yon dahil sa bawat araw na magkikita kami, ikaw lagi ang bukambibig n’ya.” wika ni Randy habang nangingilid ang kanyang mga luha.
“I’m sorry…. sorry kung naging ganito ako kahina… Sorry kung hindi ko naipaglaban s’ya noon… Sorry kung nasaktan ko s’ya…” sunod-sunod kong paghingi ng tawad.
“’Wag kang mag-sorry Tom. Pinatawad ka ni Xander nang walang kahit na anong tanong. Tinanggap ka n’ya ng buong puso kaya wala kaming karapatan na kwestyonin ’yon. Ang mahalaga sa amin ay naibalik mo ang makakapagpasaya sa kanya. Binalikan mo s’ya.” unang bahagi ng sagot ni Randy. “K-kahit na saglit lang ’yon nangyari… d-dahil… dahil nagpaalam na rin s’ya…” sunod n’yang pagsagot at tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha.
Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Sir Lojie dahilan para mapalingon kami sa kanya ni Randy.
“Ngayon Tom sabihin mo sa akin. Kaya mo bang basta na lamang mabalewala ang mga naging sakripisyo at hirap ni Alex para lang sa hotel na ’to? Kaya mo bang panoorin na napapasakamay na ito ng iba? Maghihintay ka na lang ba at manonood kung paano nawala lahat ng mga pinaghirapan n’ya?” sunod-sunod na pagtatanong ni Sir Lojie.
Napaisip ako sa kanyang mga sinabi. Sa dami ng naging hirap at sakripisyo sa akin ni Xander, gusto kong pangalagaan ’yon. Gusto kong kasama ko pa rin ang mga pangarap namin kahit hindi ko s’ya nakakasama ngayon.
“Gusto kong pangalagaan ang lahat ng naiwan ni Xander… Gusto kong hawakan ang lahat ng pinaghirapan n’ya… Pero paano ko gagawin ’yon kung nag-iisa ako..?” una kong sambit. “B-baka mabigo ko lang si Xander… Baka lalo lang s’yang maging malungkot… Hindi ko kaya… Hindi ko kayang unti-unting nawawala ang mga pinaghirapan n’ya nang dahil din sa akin… “ umiiyak kong sambit.
Nakita ko ang pagngiti ni Sir Lojie sa akin.
“Hindi ka nag-iisa Tom. Nandito ako. Nandito ako para tulungan ka. Sasamahan kita para sa seguridad ng kompanya ninyong dalawa. Hindi kita iiwan.” wika sa akin ni Sir Lojie.
Gusto ko s’yang pasalamatan. Kahit minsan ay parang ginagawa n’ya lang laro ang lahat, ngayon ko napapatunayan ang pagmamahal n’ya sa kanyang pinsan.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakaakbay ni Randy sa akin.
“Dahil sa mga nalaman ko, hayaan mong tumulong din ako Tom. Ibabalik natin ang dapat na para sa inyo ni Xander. Makakaasa kang gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa inyong dalawa. Sasama ako sa laban ninyong dalawa kahit wala na si Xander ngayon. Kahit wala na ang pinakamatalik kong kaibigan…” nakangiti at naiiyak na wika sa akin ni Randy.
Simula nang mawala si Xander ay ngayon ko lang nagawang ngumiti. Gusto ko silang pasalamatan ng paulit-ulit dahil napakabuti nila sa amin.
“Salamat…. Maraming salamat…. Salamat sa inyo…” tangi kong nasabi sa pagitan ng pag-iyak.
Inilibot ni Sir Lojie ang kanyang mga mata matapos kong sabihin iyon.
“’Wag kang mag-alala Tom, hindi lang tayo ang lalaban para sa hotel na ’to. Kasama natin sila.” wika ni Sir Lojie na ipinagtaka ko.
Nilingon ko ang kanyang tinatanaw. At doon nakita ko ang mga empleyado ng hotel na ito. Simula sa may pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakamababa.
“Nandito po kami Sir Perez. Makakaasa po kayong susuportahan namin kayo. Makakaasa po kayong kakampi n’yo kaming lahat.” wika ng isang receptionist ng hotel.
“Lahat po ng pwede namin maitulong, gagawin po namin at maasahan n’yo po iyon.” wika naman ng isang porter.
“Gusto rin po namin maibalik ang mga bagay na naibigay sa amin ni Sir Alvarez. Gusto po namin s’yang pasalamatan sa lahat ng naging tulong n’ya sa amin.” wika naman ng isang security.
Nagulat ako sa aking mga naririnig. Makikita ko rin sa kanilang mga reaksyon na desidido silang tumulong sa amin.
“Nagtataka ka siguro Tom kung bakit ganyan ang reaksyon nila tama ba?” tanong sa akin ni Sir Lojie.
Hindi ako nakapagsalita kaya sumagot din agad s’ya sa akin.
“Lingid sa kaalaman mo, tinutulungan ni Alex ang mga empleyado dito. Kapag alam n’yang may pangangailangan ang isang empleyado, mababa man o mataas ang posisyon dito, walang pag-aalinlangan na tinutulungan n’ya ang mga ito. Isa ’yan sa mga pinagkaabalahan ni Alex noong mawala ka. Dahil nakikita ka n’ya sa kanila. Naaalala n’ya noong mga panahon na nagtatrabaho ka pa bilang waiter sa restaurant n’ya.” paliwanag ni Sir Lojie.
Muli nanaman akong nabigla sa nalaman ko. Habang patuloy na umaagos ang mga luha ko ay napangiti ako ng malapad.
Hinarap ko ang lahat ng mga empleyado na nasa harapan namin ngayon.
“Salamat sa inyo… Maraming salamat…” tangi kong nasabi sa kanila.
Tinugunan naman nila ako ng mga ngiti at pagtango.
Ngunit habang nasa ganoon kaming tagpo ay nag-iba ang magandang kaganapan.
“Bakit nawawala kayo sa stations n’yo?! Nasaan na ang ibang empleyado?!” sigaw ng isang babae mula sa kung saan.
Halos hindi malaman ng mga empleyado kung ano ang gagawin nila. Mabilis silang kumilos at bumalik sa kani-kanilang pwesto.
Nang tuluyan nang makaalis ang mga empleyado sa aming harapan ay nagulat ako sa aking nakita.
Si Josephine at Daniel na nasa gitna ng malaking hagdan ng hotel.
Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha dahil ayaw kong makita nila akong mahina.
Mula sa galit na ekspresyon na mukha ni Josephine ay nagbago ito sa pagkakangisi nang makita ako.
Dahan-dahan silang humakbang pababa ng hagdan at naglakad patungo sa lugar kung saan kami ngayon nakatayo na tatlo.
Huminto sila sa aming harapan bago nagsimulang magsalita si Josephine.
“Look who’s here! Naliligaw ka yata Tom? I thought you resigned? Ang saya na sana ng buhay ko nung hindi ko nakikita ang anino mo dito sa hotel eh!” nakangising sambit ni Josephine nang makalapit sa amin.
Dito sa tapat ng obra kung saan sumisimbolo ang pangalan namin ni Xander, dito kami nagtagpo.
Hindi ko pinansin si Josephine dahil wala akong pakialam sa kanya. Tanging si Daniel ang nakakuha ng atensyon ko.
Kung sa ordinaryong tagpo ko lamang makikita ngayon si Daniel ay baka pinuri ko na ito dahil sa kanyang kasuotan na bumagay sa kanya. Naka-corporate suit s’ya at nagpatunay ito na dito na nga s’ya nagtatrabaho.
Habang magkatapat kami ni Daniel ay nakatingin lang kami sa mata ng isa’t-isa. Nakaramdam ako ng galit sa kanya at alam kong nakikita n’ya iyon sa mga mata ko ngayon. Pero si Daniel ay nanatiling blangko ang ekspresyon.
Ilang saglit pa ay nakarinig kami ng boses sa likuran nina Daniel.
“Grabe naman kayo! Hindi n’yo man lang ako hinintay!” wika ng bagong dating.
Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko kung sino ito.
“Popoy…?” sambit kong mahina at puno ng pagtataka.
Napatingin naman s’ya sa akin at nakita ko rin ang pagkagulat sa kanya.
“U-uy Tommy! K-kamusta?” alanganin n’yang pagbati.
Kaharap ko ngayon si Daniel. Si Sir Lojie naman ay kaharap si Josephine. Habang si Randy ay kaharap ni Popoy. Dito mismo sa tapat ng simbolo ng hotel na ito at tila ba isang metro lang ang layo namin sa isa’t-isa.
Bago pa ako magsalita ay sumabat na si Josephine.
“Ow! Hindi pa ba nasasabi ng best friend mo Tom na dito na rin s’ya nagtatrabaho? Na s’ya na ngayon ang kanang kamay ni Daniel? Poor Tom, mukhang wala nang natitira sa’yo ngayon ah? Iniwan ka na nga ni Xander, pati ba naman best friend mo tinalikuran ka na rin?” mapang-insultong wika ni Josephine at nasundan pa ito ng malakas na pagtawa.
Dahil sa narinig ko sa kanya ay mabilis na nagpuyos ako sa galit. Tiningnan ko si Josephine habang nanlilisik ang mga mata ko.
Ngunit ilang segundo lamang ay binawi ko ang galit na ekspresyon ko. Ngumisi ako at tiningnan ko s’ya simula ulo hanggang paa.
Nakita n’ya ako sa ginawa kong iyon.
“Oh c’mon Tom! Stop staring me like that! Alam ko nang maganda ako simula ulo hanggang paa! No need to mention it!” natatawa n’yang wika sa akin.
Mas lumapad ang pagkakangisi ko sa sinabi n’yang iyon bago ako sumagot.
“Correction Josephine. Maganda ka talaga. ’Yun nga lang, simula ulo MUKHANG PAA!” nakangisi kong sambit.
Hindi s’ya nagpatalo. Hindi s’ya nagpakita ng pagkainsulto sa sinabi ko. Minsan ay ipinagpapasalamat ko ang mga salitang natututunan ko kina Sir Lojie at Olyn. Dahil nagiging palaban ako.
“So sa tingin mo Tom makukuha mo ako sa mga ganyang panlalait mo?” tanong n’ya at nagawa nanaman n’yang tumawa.
Muli akong napangisi.
“At sino naman ang nagsabi na nilalait kita? Mali ka dahil hindi ako marunong manlait. Alam mo kung anong tawag doon? Description. Dine-describe kita.” wika kong nakangisi sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawa sa aking tabi. Maging ako ay gustong matawa dahil nakita ko ang reaksyon n’yang inis na inis na ngayon.
Bago pa kami tuluyang magkapikunan ni Josephine ay narinig ko ang biglang pagsasalita ni Daniel.
Aaminin kong nagulat ako. Matagal kaming hindi nagkita kaya napakalaking epekto nito sa akin. Ang masakit pa, sa hindi inaasahang pagkakataon kami muling nagkita. Dito sa hotel na pinaghirapan ng kapatid n’ya.
“So bakit ka nandito Mr. Perez?” malamig n’yang tanong sa akin.
Ramdam ko ang hinanakit sa pagtawag n’ya sa aking pangalan. Ramdam kong may galit dito. Alam ko ang bagay na ito dahil kilala ko na si Daniel. Marami na kaming pinagsamahan kaya kilalang-kila ko na s’ya.
Sa naging pagtatanong n’yang iyon ay muli kong naalala kung ano na nga ba s’ya sa hotel na ito. Muli kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Sir Lojie kanina. At dahil sa mga bagay na iyon ay muling nagbalik sa akin ang galit para sa kanya.
Tiningnan ko s’yang muli para sagutin. Ibinalik ko rin ang nanlilisik kong mga mata para iparating sa kanya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Ako ang dapat na magtatanong sa’yo n’yan. Anong ginagawa mo sa kompanya namin ni Xander?!” seryoso kong tanong sa kanya.
Nagulat ako nang mapangisi s’ya at paulit-ulit na umiling.
“This time Tom, let me correct you. Hindi na si Kuya ang nagma-may-ari ng hotel na ’to. Dahil ang share n’ya sa kompanyang ito ay sa akin na napunta.” wika n’yang nakakainsulto.
Hindi ako nakaimik dahil nabigla ako sa kanyang ipinakita. Ibang Daniel na ang nasa aking harapan ngayon. Wala na ang mala-anghel n’yang mukha. Tanging sakit at galit ang nakikita ko sa kanya.
“Baka lang nakakalimutan mo Tom? Ako ang legal na kapatid ng taong sinasandalan mo noon. Kaya anong ine-expect mo? Sa’yo mapupunta ang share n’ya sa kompanya? Bakit? Ano ka ba n’ya? Asawa?” sunod-sunod n’yang tanong.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko magawang makapagsalita dahil naninibago talaga ako kay Daniel. Hindi na s’ya ang dating Daniel na kilala ko na puno ng sigla at laging nakangiti.
“’Wag kang magpatawa. Kung sasabihin mo na may karapatan ka sa kompanyang ito, hayaan mong ipaalam ko ito sa’yo.” una n’yang sambit habang nakangisi. “Pareho lang tayo. Dahil pantay lang ang karapatan natin na sinasabi mo! May karapatan din ako dito! At gagawin ko ano man ang gustuhin ko dito!” dugtong n’ya pang madiin.
Wala akong nasabi sa mga binitiwan n’yang salita. Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa galit sa mga oras na ito. Gusto ko s’yang sigawan at sumbatan. Gusto ko s’yang tanungin kung bakit kailangan n’ya pang gawin ito kung alam n’yang hindi ito ang gusto ng mga magulang at kapatid n’ya.
Nanatili na lamang kaming magkatitigan habang nanlilisik ang mga mata. Nakikita ko rin sa gilid ng aking mga mata ang masasamang titig nina Randy at Sir Lojie kina Josephine at Ronnie na kanila ring tinatapatan.
Siguro ay may isang minuto rin kaming ganoon hanggang sa bumitaw si Daniel sa pagkakatitig sa akin at nilingon si Popoy.
“Ronnie, let’s go. Ayokong nagsasayang ng oras dito. Mas marami pang mahalagang bagay tayong dapat na asikasuhin.” wika n’ya kay Popoy.
“Okay. We better get going. May meeting pa tayo ng seven.” seryoso ring sagot ni Popoy.
Matapos iyon ay kumilos na rin sila. Nilampasan lang ako ni Daniel at Josephine. Nagawa pa ni Josephine na banggain ang kaliwang balikat ko ngunit hindi ako nagpaapekto.
Sa aking kanan dumaan si Popoy. Ngunit bago n’ya ako malampasan ay nagawa ko s’yang tanungin.
“Popoy….” pagtawag ko sa kanyang mahina at hindi s’ya nililingon sa aking gilid.
Natigilan s’ya sa aking pagtawag ngunit hindi s’ya nagsalita.
“Bakit…?” tanong ko sa kanya at nilingon s’ya.
Nilingon n’ya rin ako habang diretsong tumingin sa aking mga mata.
“Pasensya ka na Tommy. Malaki ang naging offer sa akin nina Daniel at Josephine eh. Alam mo naman na matagal ko nang gustong iahon sa hirap ang pamilya ko ’di ba? Alam mo naman simula pa pagkabata natin, isang kahig isang tuka lang kami. Kaya sana maintindihan mo ako. Patawarin mo ako.” mapagkumbaba n’yang sagot sa akin.
Nakita ko ang senseridad sa sinabi n’yang iyon. Hindi ko s’ya masisisi dahil simula pa noon ay hindi naging maganda ang pamumuhay nilang magpamilya. Kung kami ay naghihirap noong mawala si Papa, mas naging mahirap ang kalagayan nila.
“Ronnie! Let’s go!” ang biglang pagtawag sa kanya ni Daniel.
Mabilis sa naging pagkilos si Popoy at sumunod kina Daniel at Josephine. Nanatili naman kaming nakatingin sa pag-alis nila.
Ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay muli kong tinawag ang kanilang atensyon.
“Sandali!” seryoso kong pagtawag sa kanila.
Sabay-sabay naman silang huminto sa paglalakad. Si Josephine at Popoy ay nilingon ako. Ngunit si Daniel ay nanatiling nakatalikod.
“Gusto ko lang ipaalam sa’yo Daniel na hindi ako papayag na tuluyang mapunta sa mga kamay n’yo ang mga pinaghirapan ni Xander! Kaya kung ano man ang plano n’yo, sisiguraduhin kong hindi kayo magtatagumpay!” matigas na pagbabanta ko sa kanila.
Hindi pa rin ako nilingon ni Daniel matapos kong sabihin iyon. Nanatili s’yang nakatalikod sa amin kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon na magsalita.
“Kung kinakailangan na kalabanin kita Daniel, gagawin ko! Hindi ako magdadalawang-isip na pabagsakin ka! Kaya kung ako sa’yo, maghanda ka na!” paghamon ko sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang unti-unting pagkilos ni Daniel. Bahagya n’ya akong nilingon habang may ngisi sa kanyang mga labi.
“Bring it on!” maiksi n’yang sagot sa akin.
At matapos n’yang sabihin iyon ay nagtuloy na sila sa kanilang paglalakad palabas ng hotel.
Pinanood na lamang namin sila hanggang sa makalabas sila ng hotel.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagtapik ni Sir Lojie sa aking balikat. Nilingon ko s’ya at nakita kong nakangiti s’ya.
“That’s the spirit!” wika n’ya sa akin.
Matapos ang mga pangyayaring iyon ay hindi na rin kami nagtagal pa doon. Nagyaya na rin akong umalis dahil kailangan kong paghandaan ang pagbabalik ko sa hotel kinabukasan.
Ang pagbabalik ko sa hotel namin ni Xander.
Nagpresenta si Sir Lojie na ihatid kami sa bahay ni Randy. At habang nasa biyahe kami ay tahimik lamang kami.
Maraming tumatakbo sa aking isip sa mga oras na ito. Kung paano ko sisimulan ang lahat at kung paano ang mga magiging hakbang ko.
Ilang saglit pa ay muli akong binalot ng kalungkutan nang maisip ko si Xander. Nangungulila pa rin ako hanggang ngayon sa kanya ngunit kailangan kong magpakatatag. Gusto kong kahit wala na s’ya ay may pagkakataon pa rin akong protektahan s’ya.
“Sir Lojie… pwede bang dumaan muna tayo sa kanya…? G-gusto ko s’yang makausap…” pagbasag ko sa katahimikan.
Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng kotse habang umaandar ito.
“Pucha! Ganitong oras Tom?! ’Wag ka ngang magbiro! Gabi na oh! Kingina! Baka lang nakakalimutan mo?! Sementeryo ’yon!” nagugulat n’yang reaksyon.
Mukhang alam n’ya na kung saan ko gustong magpunta. Gusto kong puntahan si Xander.
Nilingon ko s’ya at mahinahon ko s’yang kinausap.
“Gusto ko lang magpaalam Sir Lojie… Kailangan kong magpakatatag sa mga mangyayari simula bukas. Kailangan kong magpaalam ng maayos sa kanya… Kaya pakiusap, dalhin mo ako sa kanya…” pakiusap ko sa kanya.
Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanya.
“Lojie, pagbigyan mo na si Tom.” pakiusap na rin ni Randy sa kanya.
Hindi pa rin sumagot si Sir Lojie ngunit nagbitaw ito ng malalim na buntong hininga. At sa ginawa n’yang iyon ay pinakita n’ya ang kanyang pagsuko sa aking pakiusap.
Narating namin ang lugar kung saan ko laging kinakausap si Xander. Ang lugar kung saan malaya ko s’yang nakakausap sa loob ng mahigit isang buwan bagamat wala akong nakukuhang sagot mula sa kanya.
Mabuti na lamang at kilala na ako ng security guard ng lugar na ito dahil araw-araw nila akong nakikita dito. Maayos din kaming nakiusap sa kanya at nangakong hindi rin kami magtatagal.
“Dito lang kami Tom sa likod mo. Kausapin mo na s’ya.” wika ni Randy nang marating namin ang puntod ni Xander.
Tumango naman ako sa kanila. Nasa likuran ko lamang sila habang ako ay dahan-dahang lumuhod sa tapat ng lapida ni Xander.
Hinaplos ko ang larawan ni Xander at sinimulang magsalita.
“Master… Kamusta?” pagbati ko sa kanya.
“Kaninang umaga lang tayo nagkita, pero nandito ulit ako ngayon… Weird ba…? Ganon talaga eh, nami-miss na kasi talaga kita…” pakikipag-usap ko sa kanya habang nakangiti.
Saglit akong natahimik. Hanggang ngayon kasi ay umaasa pa rin akong makakaramdam man lang ako ng tugon mula sa kanya kahit sa pamamagitan lamang ng yakap n’ya sa hangin. Pero hanggang ngayon ay wala.
“May gusto sana akong sabihin sa’yo eh…” panimula ko.
At bago ko maituloy ang mga susunod kong sasabihin ay nagsimula nang tumakas ang mga luha sa mga mata ko.
“H-hindi muna kita madadalaw sa mga susunod na araw ha..? ’Wag ka sanang magtampo… May mga aayusin lang ako…” wika kong umiiyak.
“Master… Gusto kitang yakapin ngayon at paulit-ulit na halikan alam mo ba…? Gusto kitang pasalamatan hanggang sa mainis ka na dahil paulit-ulit ako…”
“Salamat Master sa lahat ng nagawa mo para sa akin… Salamat sa walang katapusang pagmamahal… Salamat sa pagtuturo sa akin sa lahat ng bagay… Salamat sa pagpapatunay kung gaano mo ako kamahal…”
“Hindi ko sinasabi ’to dahil aalis ako… Tandaan mo Master, hinding-hindi ako aalis… Hinding-hindi ka kailanman makakalimutan ng puso at isip ko… Dahil hanggat nabubuhay ako, buhay na buhay ka pa rin dito…” sambit ko habang hawak ang dibdib ko.
“Pero gagawin ko muna ang isang bagay na alam kong gusto mong gawin ko… Gusto mo akong maging matapang ’di ba..? Gusto mong makita kung paano ako tumayo sa sarili kong mga paa..? Gusto mong masaksihan kung paano ako magiging matatag..? Eto na ’yon Master…”
“Pinapangako ko sa ’yong kahit wala ka ngayon, kakayanin kong lumaban… Lalaban ako para sa atin… Lalaban ako para sa pangarap natin… K-kahit na… kahit na wala ka ngayon sa tabi ko, itutuloy ko ang pangarap natin dalawa…”
“Hindi ito pamamaalam habang buhay Master… Kailangan ko lang maghanda sa isa sa pinakamalaking laban ng buhay ko… Laban kung saan ikaw ang dapat na makakasama ko… Pero dahil wala ka na ngayon dito, laban ko na lang ito mag-isa…”
“Pero sana…. sana gabayan mo ako…” sambit ko at napahagulgol na ako.
“Kahit ito na lang ang tuparin mong pangako… Mangako kang hindi ka aalis sa tabi ko habang lumalaban ako… Gusto ko sanang maramdaman ka kahit isang beses… Para naman… para naman madagdagan ang lakas ko…” pakiusap ko sa pagitan ng malakas na pag-iyak.
Hinayaan ako nina Randy at Sir Lojie sa ganoong posisyon. Ang ilabas ang lahat ng sakit at luha sa pagkawala ni Xander.
Matapos kong sabibin ang lahat ng iyon ay ilang minuto rin akong natahimik at tanging pag-iyak lamang ang aking ginawa.
Ilang saglit pa ay muli akong nagsalita para sa huling bahagi ng pakikipag-usap ko sa kanya.
“Tandaan mo Master… Hindi ka mapapalitan sa puso ko… Hintayin mo ako ha…? Babalikan kita… At pagbalik ko, sisiguraduhin kong pinanghahawakan ko na ang pangarap nating dalawa… Sisiguraduhin kong maipagmamalaki mo na ako dahil naging matapang ako…”
Matapos kong sabihin iyon ay dahan-dahan na rin akong tumayo mula sa pagkakaluhod. Pinunasan ko ang aking mga luha at huminga ng malalim para pigilan ang aking emosyon.
“Tandaan mo, mahal na mahal kita Master… Babalik ako, hindi ko alam kung kailan… Pero nangangako ako, babalik ako…” sambit ko.
“Mami-miss kita lalo… Hanggang sa susunod na pagkikita Master… Mahal kita…
…..Paalam…..“
ang huling bahagi ng aking pakikipag-usap sa kanya.
Mabilis akong tumalikod ngunit hindi ko napigilan ang isa kong luha sa pagpatak. Mabilis ko naman itong pinunasan at nagbitaw ako ng isang ngiti kina Randy at Sir Lojie.
“Tara na!” nakangiti kong pagyaya sa kanila.
Ngumiti din sila sa akin bagamat may lungkot din sa kanilang mga mata.
Nagsimula na rin kaming maglakad palabas ng sementeryo. Ngunit habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay parang may bumubulong sa akin na muling sulyapan ang puntod ni Xander. Pakiramdam ko ay may tumatawag sa akin ng mga oras na iyon.
Dahil doon ay unti-unti akong lumingon habang patuloy pa rin sa paglalakad.
Ngunit sa paglingon kong iyon ay hindi ko inaasahan ang aking masasaksihan.
Ang imahe n’yang iyon. Ang matagal ko nang gustong makita. Ang imahe ni Xander na matagal ko nang pinagdarasal na makita.
Nakatayo ito sa tabi ng isang puno malapit sa kanyang puntod. May ngiti sa kanyang labi ngunit nakikita ko rin ang kalungkutan dito.
“Xander?” mahina kong sambit.
Nanlalaki ang mga mata ko. Gusto kong tumakbo patungo sa kanya ngunit hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko.
“Tom? Bakit ka tumigil? Tara na, ang creepy talaga dito! Hutaena!” narinig kong sambit ni Sir Lojie.
Napahinto pala ako sa paglalakad nang hindi ko namamalayan.
Dahan-dahan ko silang nilingon dahil nasa unahan ko sila. Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha.
Inangat ko ang aking kamay at tinuro ang lugar kung nasaan si Xander.
“S-si Xander… N-nandito s’ya…” sambit ko sa kanila.
Nanlaki ang kanilang mga mata sa aking sinabi.
“Saan?!” tanong ni Randy.
“N-nandon s’ya…” sagot ko naman at muling nilingon ang lugar kung nasaan si Xander.
Ngunit nang lingunin ko ito ay nagulat ako sa aking nakita. Wala na ang imahe ni Xander na kanina lamang ay nakatayo roon.
“Saan?! Wala naman Tom eh!” wika ni Sir Lojie.
“Nakita ko s’ya! Nakita ko s’yang nakatingin sa atin kanina! Nakita kong nakangiti s’ya!” pagpupumilit ko.
“Kingina naman Tom! Pumayag na nga akong magpunta dito kahit gabi na! Pero wala naman ganyanan! Kinikilabutan na ako oh! Mahal ko ang pinsan ko! Pero hindi ko hihilingin na magpakita s’ya sa akin ngayon dito sa sementeryo!” pagrereklamong muli ni Sir Lojie.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga mula kay Randy. Dahan-dahan din itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.
“Tom… Baka naman pinakinggan n’ya lang ang matagal mo nang hinihiling sa kanya? Baka naman gusto n’ya lang na makita mo s’ya bago mo simulan ang bukas nang wala s’ya?” pagkumbinsi sa akin ni Randy.
Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ni Randy. Muli s’yang nagsalita bilang pangungumbinsi.
“’Di ba nakiusap ka sa kanya na gabayan ka n’ya? Na samahan ka n’ya kahit hindi mo s’ya nakikita? Isipin mo na lang Tom na eto na ’yon! Kasama mo s’yang sisimulan ang laban para sa pagbawi ng para sa inyo.” sunod n’yang wika.
Napag-isip-isip ko ang sinabing iyon ni Randy. Siguro nga ay tama s’ya. Gusto lang sa akin iparating ni Xander na sasamahan n’ya pa rin ako.
Unti-unti kong nilingon muli ang lugar kung saan ko nakita si Xander. At sa paglingon kong iyon ay nakumpirma kong wala nga talaga s’ya doon.
“Siguro nga… Siguro nga gusto n’ya lang iparating na nandito pa rin s’ya para sa akin hanggang ngayon…” naging pagsagot ko.
Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman ko ang mahigpit na pag-akbay sa akin ni Sir Lojie.
“Tang*na! Halika na! Umuwi na tayo! ’Yung tuhod ko nanginginig na! Konti na lang baka hindi na ako makapaglakad at makapag-drive!” pagyaya n’ya sa akin.
Matapos n’yang sabihin iyon ay mabilis din s’yang kumilos at hinila ako habang nakaakbay para maipagpatuloy na ang aming paglalakad.
“Pangako Master, ibabalik ko ang para sa’yo. Hindi ako papayag na may ibang aangkin sa mga pinaghirapan mo. Maghintay ka lang. Babalik ako. At sa pagbalik ko, hawak ko na ang pangarap nating dalawa.”
pakikipag-usap ko sa kanya sa aking isip.
A/N
Ang haba mga bes! Sakit sa fingers mag-type.
Anyway, ilang chapters na lang ba? Woooohhh!! Malapit na!!! Basta malapit na!!! Hahahahaha!
Ingat mga mahal kong readers! Labyu!
Comments and votes na rin po please? Salamat!
PS: May in-insert po pala akong video clip ni Tom sa Chapter 10. Pakibalikan na lang po kung interested kayong panoorin. Hahaha! Ang cute lang kasi eh!
––cold_deee
chapter 30 - blue devil
A/N
Hello to you all!!
Eto na ’yung kinasasabikan ng marami! Mangyayari na ang matagal n’yo nang gustong maganap! Hahahahaha!
Para sa’yo
wickedsmile
!! Eto na ’yun oh! Todo na ’to! Matagal mo nang hinihiling ’to kaya awra ka na! Hahahahaha!
Enjoy reading guys!
––> Si Tom po sa media.
©to the pic.
TOM POV
“Randy, sigurado ka ba talaga dito? Okay lang naman talaga kami ni Sir Lojie. Kaya na namin ’to.” may pag-aalala kong pagkausap kay Randy.
Nakita ko ang saglit n’yang paglingon sa akin habang nakataas ang kanyang isang kilay.
Natatahimik talaga ako kapag ganito s’ya. Hindi ko minsan maiwasang makaramdam ng takot sa kanya. May pagkamasungit din kasi s’ya minsan sa totoo lang.
Narito kami sa kanyang kotse at patungo sa pinapasukan naming hotel.
Oo, kasama ko na s’yang nagtatrabaho bilang assistant ko sa hotel. Iyon na rin ang napagdesisyunan nilang dalawa ni Sir Lojie bilang panimula ng pagbawi namin sa pag-aari ni Xander.
Alam rin pala ni Randy at ng mga kaibigan namin na dalawa kami ni Xander ang may malaking share sa hotel na ito simula pa noong una. Pero napakiusapan sila ni Xander na ’wag munang ipaalam ito sa akin hanggat hindi pa naisasaayos ang mga dokumento na kailangan dito. Sinabi din nila sa akin na sa simula pa lang ay umaasa na si Xander na magkakaayos kami. Pero marami pa ang naging kaganapan bago iyon nangyari. Marami pang pinagdaanan si Xander para muli akong mabawi. Ngunit noong mabawi n’ya ako at nagkaroon kami ng isang buwang masayang pagsasama ay mabilis din s’yang nawala sa akin.
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang insidente sa pagitan namin nina Daniel. At sa loob ng dalawang linggong iyon ay naging abala kaming tatlo nina Randy at Sir Lojie. Pinag-aralan ang mga dapat pag-aralan sa pagpapatakbo ng hotel sa tulong na rin ng abogadong ipinakilala ni Ma’am Shai.
“Ngayon ka pa ba nag-aalala Tom? Nasimulan na natin ’to kaya wala nang atrasan.” seryoso n’yang sagot sa akin.
“Nag-aalala lang kasi ako. Baka kasi mapabayaan mo na rin ang trabaho mo sa restaurant.” wika ko sa kanya.
“Wala kang dapat alalahanin doon Tom. Kaya na nina Shai at Rigo ’yon. Isa pa, gaya ni Xander noon, nagagawa ko naman ma-monitor ang dalawang restaurant na ’yon kahit nagtatrabaho ako sa’yo.” pagkumbinsi n’ya naman sa akin.
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Alam ko naman na kaya n’yang pagsabayin ang mga ito. Matalinong tao si Randy. Alam ko ang bagay na iyon dahil naikwento na rin ’yon noon sa akin ni Xander. Sa katunayan nga ay si Randy ang nagiging consultant n’ya sa pagpapatakbo ng restaurants n’ya simula pa lang noong una.
Kung tutuusin ay pwede nga s’yang magtayo ng sarili n’yang negosyo ngunit mas pinili n’yang tulungan si Xander bilang pagtanaw ng utang na loob dito noong panahon na tinutulungan s’ya ng pamilya ni Xander para makapagtapos ng pag-aaral.
Dahil sa mga huli kong nabanggit at naisip ay may katanungan na pumasok sa isip ko.
“Oo nga pala Randy, may naalala ako. Hindi ba binalak ni Daniel na kunin pati ang restaurants ni Xander?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti si Randy bago n’ya ako sinagot ngunit hindi n’ya ako nilingon dahil abala pa rin s’ya sa pagmamaneho.
“Hindi n’ya magagalaw ’yon. Dahil simula pa lang, si Carla na ang tagapagmana ng restaurants na ’yon. Isa pa, habang wala pa sa tamang edad si Carla, sa amin nakapangalan ni Shai ang pangangalaga sa mga ’yon. Kaya walang magiging habol doon si Daniel o kahit si Josephine.” mahabang pagsagot n’ya sa akin.
Tumango-tango naman ako dahil sa nalaman.
Matapos iyon ay katahimikan na ang bumalot sa amin ni Randy.
Sa loob ng dalawang linggo ay ganito lamang kami. Papasok sa trabaho para aralin ang mga dapat aralin sa hotel sa tulong na rin ni Sir Lojie.
Sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi ko pa nakakaharap sina Daniel, Josephine at Popoy. Mabuti na rin iyon dahil baka hindi rin ako makapag-concentrate sa tuwing makikita ko sila. Sa tuwing maaalala ko ang ginagawa nilang pagsasamantala sa pag-aari ni Xander ay binabalot ako ng galit.
Mas matinding galit ang nararamdaman ko ngayon kesa noong iniwan kami ni Papa. Galit na galit ako sa kanila at gusto kong makita ang sabay-sabay nilang pagbagsak. Gusto kong maramdaman nila ang pinaramdam nila sa amin ni Xander.
“Kumalma ka lang Tom. Hindi makakatulong ’yan sa’yo.” ang biglang pagsasalita ni Randy sa aking tabi.
Nilingon ko s’ya dahil sa pagtataka. Hindi ako sumagot at nanatili lamang ako sa pagkakatitig sa kanya.
“’Yung kamao mo nakakuyom nanaman. Pati ’yang mata mo, kitang-kita ko ang galit d’yan. Hindi mo ba kayang itago ’yan?” pagtatanong n’ya sa akin.
Doon ko lamang napansin ang aking mga kamao na nakakuyom tulad nga ng sinabi ni Randy. Naramdaman ko rin sa aking dibdib ang mabilis na pagkabog nito dahil sa galit.
Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko.
“Sorry…” tangi kong sambit.
“Kailangan mong pag-aralan ang itago ang galit mo Tom. Pwedeng ’yan ang makasira sa’yo. Makakaapekto ’yan sa mga plano mo, sa mga plano natin.” mahinahon n’yang payo sa akin.
“Kahit kanino naman siguro mangyari ’to Randy, ganito rin ang mararamdaman nila. Kilala n’yo ako, hindi ako mapagtanim ng sama ng loob. Pero walang kapatawaran ang mga ginawa nila sa amin ni Xander. Lalo na nina Josephine at Daniel.” madiin kong sagot sa kanya habang nakatingin ako sa harap ng aming dinadaanan.
Hindi sumagot si Randy sa aking sinabi kaya nagpatuloy ako.
“Simula pa lang pinaglaruan na nila kami ni Xander. Magmula kay Josephine na nagawa pang ilayo sa akin si Xander noon. Pati si Daniel na alam naman pala ang dahilan kung bakit ako nilayuan ni Xander pero hindi n’ya pa rin sa akin ginawang ipaalam. Ngayon pati ang matalik kong kaibigan sinama na rin nila sa pagiging makasarili nila!” galit kong dugtong.
Narinig ko ang pagbuntong hininga n’ya.
“Alam ko. Pero sa tingin mo ba makakatulong ’yan ’pag nakita ka nilang ganyan? Baka ikatuwa pa nila ’pag nakikita nila ang ganyang reaksyon mo.” sagot n’ya naman sa akin.
Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Tama s’ya, hindi nga nila ako dapat na makitang ganito. Pero hindi ko talaga maiwasan ang manginig sa galit sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa nila. Mabilis na umiinit ang aking ulo kahit na hindi ko pa sila nakikita.
Dahil sa pananahimik ko ay muling nagsalita si Randy.
“Tandaan mo Tom, hanggat kaya mong kontrolin ang galit mo, gawin mo. Lalong-lalo na ngayong araw na ’to.” seryoso n’yang payo sa akin.
Napapikit ako dahil sa sinabi n’yang iyon.
“Sana nga Randy. Sana nga makayanan ko. Dahil ngayon pa lang, gusto ko na silang sigawan. Gustong-gusto kong makita ang pagdurusa nila!” madiin ko pa ring sagot sa kanya.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin ni Randy sa balikat bilang pagpapakalma.
Ilang sandali pa ay narating na rin namin ang hotel. Sa tuwing darating kami ni Randy dito ay inililibot ko ang mata ko sa kabuuan ng hotel na ito. Sa bawat sulok ng malaking hotel ay naaalala ko si Xander kaya nakakaramdam ako ng lungkot.
Simula din nang malaman kong isa ako sa may malaking share dito ay hindi na ako dumadaan pa sa employees entrance. Kasabay ko si Randy na dito na rin dumadaan sa main lobby ng hotel. Iyon ay dahil gustong-gusto kong simulan ang araw na makikita ko ang obra na pinagawa ni Xander para sa akin.
Pagpasok namin ng hotel ay sinalubong din ako ng pagbati mula sa mga empleyado rito. Sinuklian ko rin naman sila ng pagbati tulad noon.
“Tom! Randy! Good morning!” narinig kong pagbati sa amin.
Napahinto naman kami ni Randy sa paglalakad dahil doon.
“Good morning Olyn!” sagot naman ni Randy.
“Good morning din Olyn.” nakangiti kong bati sa kanya.
“’Yan! Ganyan nga Tom! Ganyan ang ngiti! Masyadong fake ’yung smile mo nitong mga nakaraan eh!” wika naman nito sa akin.
Napangiti na lang din ako sa kanyang sinabi. Kahit na nakakaramdam pa rin ako ng kalungkutan ngayon ay kailangan kong gawing maayos ang lahat. Kailangan kong maging matatag para sa aking sarili at para sa katuparan ng mga pangako ko kay Xander.
“Tara na! Sabay-sabay na tayong umakyat sa office.” masiglang pagyaya ni Olyn sa amin.
Nagtuloy kami sa paglalakad. Ngunit bago pa kami tuluyang umabot sa elevator ay nagulat ako sa makakasabay namin dito.
“Oh! Good morning guys!” buhay na buhay na pagbati ng babae sa amin.
Napahinto kami sa paglalakad dahil dito. Muling nagbalik ang galit sa aking puso dahil sa taong nakikita ko ngayon.
“G-good morning Ma’am Josephine.” mahinang pagbati ni Olyn.
Hindi kami nagsalita ni Randy kaya tumingin ito sa amin.
“Kayo? Hindi n’yo ba ako babatiin?” mapang-asar na tanong n’ya sa amin ni Randy.
Alam kong nakikita na sa akin ngayon ang galit na ekspresyon. Nanlilisik ang aking mga mata na tinitigan s’ya. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Randy.
“At anong maganda sa umaga kung ikaw ang una naming makikita?” nakataas na kilay na tanong ni Randy kay Josephine.
Nagbitaw naman ng mahinang pagtawa si Josephine. Lumapit ito paunti-unti kay Randy at tinapatan ang pagtaas ng kilay ni Randy habang naka-cross arms pa.
“Hanggang ngayon ba naman Randy ganyan ka pa rin? Bitterness overload? To the point na nag-offer ka pa na maging yaya nitong si Tom? Hindi ka na nakuntento sa kakasunod noon na parang alagang aso kay Xander, ngayon naman pati kay Tom?” nakataas na kilay n’yang tanong kay Randy.
Dahil sa kanyang sinabi ay mabilis akong napalingon dito. Hindi ko hahayaan na may mang-insulto kay Randy lalo na kung kagaya lang n’ya. Masyado nang maraming naitulong si Randy sa akin at hindi ko hahayaang may manghamak sa kanya.
Akmang lalapitan ko si Josephine para sana komprontahin ay napigilan ako ng kamay na humarang sa aking dibdib. Kamay din pala ito ni Randy at tila ba pinipigilan n’ya ako sa aking gagawin.
Nang tingnan ko si Randy ay kalmado lamang itong nakatingin sa akin habang may maliit na ngiti. Ipinapakita n’ya sa akin na dapat ay maging kalmado lamang ako.
Kinontrol ko ang aking sarili. Tama si Randy. Ikakatuwa lang ng babaeng ’to ’pag nakita n’yang masyado akong apektado. Nang masiguro ni Randy na kalmado na ako ay ibinaba na rin n’ya ang kanyang kamay at inilagay iyon sa kanyang bulsa. Muli n’yang tiningnan sa mata si Josephine. Nanatili s’yang nakangiti at makikitaan mo s’ya ng tapang.
“Mas mabuti na ang parang alagang aso na sunod ng sunod sa amo. At least may nangangalaga.” una n’yang sambit at tiningnan si Josephine simula ulo hanggang paa bago nagpatuloy. “Kesa naman sa parang ASKAL na kagaya mo na kung kani-kaninong ASKAL din na nagpapatikim ng libre sa kalye.” nakangising dugtong pa ni Randy.
Nakita namin ang panlalaki ng mga mata ni Josephine sa sinabing iyon ni Randy. Hindi ito nakasagot kaya muling nagsalita si Randy.
“Remember our college days Josephine? ’Yung mga panahon na nahuhuli kita na kung kani-kanino nagpapatuhog sa bawat kanto ng school?” tanong ni Randy sa kanya.
Mas lalong hindi nakaimik si Josephine sa mga sinabing iyon ni Randy. Nawala rin ang pagkakangisi nito sa mga salitang naririnig n’ya ngayon. Matagal na silang magkakilala kaya siguradong marami pang kayang sabihin sa kanya si Randy.
Dahil sa hindi makapagsalita si Josephine ay mukhang ikinatuwa ito ni Randy. Mas lalong inilapit ni Randy ang kanyang mukha kay Josephine habang nakataas ang isang kilay nito at nakangisi. Nakita rin namin ni Olyn ang unti-unting pag-atras ni Josephine dahil sa paglapit ni Randy sa kanya.
“Good news Josephine! Alam mo bang may videos ako ng mga kalaswaan mo noon? Kinukunan kita ng video habang sarap na sarap kang nagpapakain ng libre. Para kang lugaw sa isang feeding program sa kalye dahil nagpapakain ka sa mga sikat na students sa school natin.” muling bigkas ni Randy.
Patuloy lamang sa pag-abante si Randy habang patuloy din sa pag-atras si Josephine. Kami naman ni Olyn ay nanatiling nanonood lamang sa kanila.
“Ano kaya ang mangyayari kung ikalat ko ’yon dito sa hotel? O kaya mas maganda kung sa social media? Sa tingin mo ba sisikat ka? ’Yon ang matagal mo nang gustong mangyari ’di ba? Kasi mahilig ka sa eksena. Famewhore sa madaling salita.” pagbabanta na ngayon ni Randy.
Nakita ko ang paglunok ni Josephine nang marinig iyon kay Randy. Ngayon ko lamang nakitang ganito si Josephine kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa. Pakiramdam ko ay nakabawi na kami sa kanya kahit sa maliit lang na bagay na ginagawang ito ni Randy sa kanya.
Dahil sa patuloy na pag-atras ni Josephine ay hindi na n’ya napansin ang isang luggage sa kanyang likuran. Nagulat na lamang kami nang bumagsak s’ya sa sahig at hindi n’ya nagawang suportahan ang kanyang sarili. Kitang-kita rin namin kung paano tumama ang handle ng natumbang luggage sa kanyang mukha.
Sa halip na tulungan namin s’ya ay nagawa pa namin magbitiw ng mahinang pagtawa ni Randy. Si Olyn naman ay alam kong gusto na ring humalakhak sa mga oras na ito ngunit nagpipigil lamang ito. May mga narinig pa kaming mahihinang pagtawa mula sa mga taong nakakita sa nangyari. Marahil ay ang mga empleyadong pinahihirapan n’ya dito sa hotel simula nang magtrabaho s’ya dito. Nabalitaan din kasi namin ang pagtatanggal n’ya ng maraming empleyado.
Dahil sa wala namang nag-abalang tumulong sa kanya ay kusa na lamang s’yang tumayo mag-isa.
“Sinong tanga ang naglagay ng luggage dito?!!” sigaw ni Josephine habang inililibot ang kanyang mata sa paligid.
Pulang-pula ang mukha n’ya. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa hiya o dahil sa tumamang hawakan ng luggage dito.
“Ma’am Josephine, s-sorry po… Ako po ang nag-iwan nito dito… May naiwan pa po kasi sa sasakyan ng guest kaya binalikan ko muna ’yung iba…” mahinahong sagot ng isang porter ng hotel.
Ilang beses pang humingi ng paumanhin ang lalaking empleyado habang paulit-ulit na yumuyuko tanda na nagsisisi ito sa nangyari. Nakita ko rin ang takot sa reaksyon ng porter at halos nangingilid na rin ang kanyang mga luha.
“Anong pangalan mo?!!!” sigaw ni Josephine sa empleyado at dinuduro ito.
Nanatili namang nakayuko ang empleyado at nakapikit pa nang sumagot ito.
“J-Jani Br——” ang hindi naituloy na sagot ng empleyado dahil pinutol din ito agad ni Josephine.
“Subukan mong sagutin ako ng Johnny Bravo kung ayaw mong ingudngod ko ’yang mukha mo dito sa sahig!!!” galit na galit na sigaw ni Josephine.
Mabilis naman at paulit-ulit na umiling ang empleyado.
“H-hindi po… Jani po… Jani Brillantes po…” ang kinakabahang sagot ng empleyado habang nakayuko.
“Pwes Jani Brillantes, simula ngayong araw na ’to, ayaw ko nang makikita ’yang pagmumukha mo!!! Lumayas ka sa harap ko at ’wag ka nang magpapakita sa hotel na ’to!! Dahil simula ngayon, you’re fired!!” pagsigaw pa rin n’ya sa empleyado.
Mabilis na naiangat ng empleyado ang kanyang mukha dahil sa sinabing iyon ni Josephine.
“P-p-po?!!” ang hindi makapaniwalang tanong ng empleyado.
“Tanga ka na nga, bingi ka pa!! I said you’re fired!!!” pagkumpirma pa ni Josephine.
“P-pero Ma’am——” ang hindi na muling naituloy na pakiusap ng empleyado dahil muling sumigaw si Josephine.
“Get out of my sight!!! Now!!!” sigaw ni Josephine.
Wala naman nagawa ang empleyado kundi ang manahimik at mangiyak-ngiyak na tumalikod sa amin.
“Sandali.” mahinahong pag-awat ko sa empleyado.
Nakuha ko naman ang atensyon ng empleyadong iyon. Humarap ito sa akin at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha. Binigyan ko ito ng magandang ngiti.
Binalingan ko si Olyn sa aking tabi bago kinausap.
“Olyn, i-pull out mo ang lahat ng files ni Jani Brillantes sa department na ’to. Hanapan mo s’ya ng pwesto sa F&B Department at doon na s’ya magtatrabaho simula ngayon.” kalmado kong pakiusap kay Olyn.
Nakita kong nangunot ang noo ni Olyn ngunit nagawa n’ya namang sumagot.
“S-sige po Mr. Perez.” tugon n’ya sa akin.
Nang tingnan ko ang empleyado ay nanlalaki ang mga mata nito.
“Welcome to F&B Department Jani. Doon walang mangingialam sa’yo. Enjoy working with us.” nakangiti kong pagkausap dito.
Sumilay ang ngiti sa empleyadong iyon.
“S-Salamat po Sir Perez! Salamat po!” mangiyak-ngiyak nitong sagot habang paulit-ulit na yumuko.
“Sige, pumunta ka na sa HRD at hintayin mo na lang ang mag-a-assist sa’yo doon.” nakangiti kong utos dito.
Wala nang sinayang pang oras ang empleyado at mabilis din itong kumilos.
“Anong ginawa mo?!!” biglang pagtatanong ni Josephine na alam kong para sa akin kaya nilingon ko ito.
Ngumisi ako bago ko s’ya sinagot.
“Tanga ka na nga, bingi ka pa.” pag-uulit ko sa sinabi n’ya kanina sa empleyado. “Gets mo naman kung anong ginawa ko ’di ba?” sagot ko habang nakataas din ang isang kilay.
Natahimik s’ya sa aking sinabi. At bago pa s’ya makapagsalita ay hinawi ko s’ya ng bahagya para umalis sa aming harapan. Hindi ko s’ya hahayaang makapuntos pa sa pagkakataong ito.
“Tabi nga. Papasok na kami. Sagabal!” wika ko matapos ko s’yang hawiin.
Mabilis kaming naglakad na tatlo patungo sa elevator. Iniwan namin si Josephine na galit na galit ang hitsura.
“Hoy Tom! Ano ’yon? Assistant General Manager ’yon. Hindi ka ba natakot? Baka pati ikaw pag-initan non!” pag-aalala ni Olyn.
Sakay kami ng elevator ngayon.
Ngumiti naman kami ni Randy sa kanya. Si Randy na rin ang sumagot sa katanungan n’ya.
“’Wag kang mag-alala, sagot na ’yan ni Sir Tom. Pati ikaw hindi ka magagalaw ng halimaw na ’yon.” sagot ni Randy habang nakangiti.
Natawa naman ako sa sinabi ni Randy kaya binigyan ko ito ng mahinang suntok sa balikat na ikinatawa n’ya rin.
“Ewan ko sa inyo! Siguraduhin n’yo lang ’yan ha? Kundi babalatan ko talaga kayo ng buhay at pagugulungin sa asin!” banta ni Olyn.
Sabay naman kaming natawa ni Randy. Wala kasing ideya si Olyn sa kung ano ang estado ko ngayon dito sa kompanya. Kailangan muna namin itong itago habang hindi pa natatapos ang kinakaharap namin ngayong problema.
“Pero teka? Totoo ba ’yon Randy? May porn videos ka ni Madam?” biglang pagtatanong ni Olyn kay Randy.
Saglit na tumawa si Randy bago iyon sinagot.
“Ang tanga ng babaeng ’yon! Hindi n’ya naalala na wala akong cellphone noon dahil wala pa akong pambili!” sagot ni Randy habang natatawa.
Sabay-sabay kaming nagtawanan dahil doon. Hanggang sa makarating kami sa floor kung saan ang aming opisina ay wala kaming ginawa kundi ang pagtawanan si Josephine.
Nagsimula kami sa pagtatrabaho ni Randy dito sa dati ko pa ring opisina. Kung naging abala kami nitong mga nagdaang araw ay mas naging abala kami ngayon.
Ang dahilan, dahil ito ang araw na magkakaharap kaming muli nina Daniel at Josephine.
Ngayon ang araw para sa monthly reporting ng kompanya. Ngayon ang araw na ipapaalam ko sa kanilang lahat ang mga nais kong pagbabago sa hotel at ngayon na rin ako magpapakilala sa kanilang lahat.
Habang abala ako sa pagre-review ng mga posibilidad na magiging agenda mamaya sa meeting ay s’ya namang pagpasok ni Randy. Pinakiusapan ko kasi s’ya na kunin ang Financial Statement ng kompanya.
“Tom, hindi magandang balita.” bungad n’ya sa akin nang makapasok s’ya.
“Ano ’yon?” tanong kong nagtataka.
“Ayaw nilang ibigay sa atin ang Financial Statement. Nasa kamay na raw ’yon nina Daniel at Josephine. Mahigpit din daw ang bilin ng mga ito sa Accounting Department na ’wag ibibigay kahit na kanino ito.” malungkot na pagbabalita ni Randy.
Agad na uminit ang aking ulo dahil sa sinabi n’yang iyon.
Wala na akong inaksaya pang oras. Mabilis akong tumayo at lumabas ng pinto.
“Dito ka lang Randy. Ako ang kukuha sa kanila! Talagang sinusubukan nila ako!” bilin ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng opisina ko.
Mabilis ang naging paglalakad ko para marating ang opisina ni Daniel. Nanginginig din ang buo kong katawan dahil sa labis na galit na aking nararamdaman.
Nang makarating ako sa opisina ni Daniel ay nilampasan ko lamang ang kanyang secretary. Dire-diretso akong pumasok habang pinipigilan ako ng sekretarya n’yang iyon.
Hindi na rin ako kumatok dahil mabilis ko ring binuksan ang pinto ng opisina ni Daniel na dating opisina ni Xander. Muli akong binalot ng lungkot at galit nang muli akong makaapak sa lugar na ito. Muli kong naalala ang masasayang kaganapan sa amin ni Xander noong kapiling ko pa s’ya.
Naabutan ko si Daniel na nakaupo sa silya ni Xander. Nasa kanyang likod naman si Popoy at mukhang may seryoso silang pinag-uusapan habang hawak ni Daniel ang maraming papel.
Inangat nila ang kanilang tingin sa akin at nakita ko ang pagkagulat sa kanila nang makita ako sa pinto.
“Sir Daniel, pasensya na po. Dire-diretso po kasi s’ya kaya hindi ko po napigilan.” paghingi ng paumanhin ng sekretarya n’ya.
Si Popoy na ang sumagot sa sinabing iyon ng sekretarya.
“Sige na Mijie, iwan mo muna kami. Kami na ang bahala.” seryosong utos nito.
Hinintay kong maisara ng sekretarya n’ya ang pinto ng opisina bago ako nagsalita.
“Kakausapin ko si Daniel.” madiin kong utos kay Popoy.
Alam kong nanlilisik na rin ang mga mata ko ngayon habang nakatingin sa kanila. Ngunit sila ay nanatiling kalmado at blangko ang ekspresyon.
“Pwede mo naman sabihin ’yon kahit nandito ako Tom.” kalmadong wika ni Popoy.
Seryoso ngayon si Popoy at alam kong walang bahid ng pagkukunwari iyon dahil tinawag n’ya ako sa totoong pangalan ko.
“Labas.” mahina ngunit madiin kong utos sa kanya.
Wala akong pakialam kung nakakatakot man si Popoy kapag seryoso ito. Kahit alam kong dehado ako sa kanya sakaling magkasakitan kami dito ay wala na akong pakialam. Basta gagawin ko ang gusto ko.
“Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kahit nandito ako?” pagmamatigas pa ni Popoy sa akin.
Si Daniel naman ay nanatili lamang na nakaupo at seryosong nakatingin lang sa akin.
“Sabi ko labas!!!!” ang pagsigaw ko na kay Popoy.
Nangunot ang noo nito at nagtaka sa inasal ko. Kilala n’ya akong kalmado at mahinahong tao. Pero sa dami ng pinagdaanan ko ay hindi ko magagawa iyon sa ngayon.
Nilingon ni Daniel si Popoy at tumango ito. Senyales na pinapayagan n’ya ang gusto kong mangyari.
Nagbuntong-hininga naman si Popoy saka dahan-dahang kinuha ang ilang dokumento sa mesa ni Daniel.
Tahimik lang din itong lumabas ng opisina.
Nang masiguro kong nakalabas na si Popoy ay naglakad ako sa tapat ng mesa ni Daniel. Seryoso pa rin ang kanyang mukha at ganoon din sa akin. Hindi rin namin pinuputol ang pagkakatitig sa isa’t-isa.
“Bakit ayaw n’yong mahawakan namin ang Financial Statement ng kompanya?” tanong kong madiin sa kanya.
Ngumisi naman ito na lalong nagpatindi ng galit sa akin.
“Bakit? Hindi ba dapat sa akin lang ’yon dahil ako ang may-ari ng kompanyang ’to?” sagot n’ya habang nakangisi.
Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan s’ya.
“Hindi sa’yo!! Dahil kay Xander ang hotel na ’to!!” sigaw ko habang dinuduro ko s’ya.
Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ni Daniel.
“Bakit? Nasaan na ba ang sinasabi mong may-ari? Ha Tom? Wala na s’ya ’di ba? Iniwan ka na n’ya. Kaya ako na ang bagong may-ari nito.” nakangisi nitong sagot.
Dahil sa ipinakita n’yang iyon ay mas lalong tumindi ang galit ko sa kanya.
“Bakit mo ba ginagawa ’to Daniel?!! Ano bang kasalanan ng kapatid mo sa’yo?!!! Ano ba talagang gusto mo?!!!” tanong kong pasigaw sa kanya.
Nakita ko ang unti-unting pagbabago ng kanyang ekspresyon. Mula sa pagkakangisi ay napalitan ito ng galit.
“Anong gusto ko?! Tinatanong mo kung anong gusto ko?!!!” tanong n’ya sa akin ng pasigaw.
Hindi ako sumagot at hinintay ko ang kanyang sasabihin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at inilapit ang sarili sa aking pwesto. May mesa sa pagitan namin ngunit hindi naging hadlang iyon para maglapit ang mukha namin ni Daniel habang may galit sa aming mga mata.
“Gusto kong mawala ang lahat ng pinaghirapan nila!!! Ang lahat ng pinaghirapan ng buong pamilya nila!!!” sigaw nito sa akin.
“Pamilya mo rin sila Daniel!! Hindi mo dapat ginagawa ’to sa kanila!!” sigaw ko rin sa kanya.
Mula sa galit sa kanyang mukha ay ngumisi itong muli. Umatras s’ya at unti-untong tumalikod sa akin.
Nang makalayo s’ya sa akin ng bahagya ay hinarap n’ya akong muli habang may ngisi sa kanyang labi.
“Pamilya? ’Wag kang magpatawa Tom. Alam mo ang kwento namin. Wala akong kaano-ano sa kanila. Dahil wala akong kadugo sa kanila! Wala akong pamilya!!” wika n’ya at muling sumigaw sa dulo ng kanyang mga sinabi.
Hindi ako nakapagsalita sa kanyang inilahad. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa kay Daniel. Alam ko naman ang kwento nila. Alam ko ang lungkot na pinagdaanan n’ya noon.
“Buong buhay ko Tom nakikisawsaw ako sa kanila! Nanlilimos sa atensyon at pangangalaga! Nagsumikap ako pero nasaan ang sinasabi mong pamilya ko?! May nagawa ba sila para matulungan ako?! Lahat-lahat kay Kuya nila ibinigay! Wala silang itinira sa akin kahit isa! Lahat nakukuha ni Kuya! Lahat sa kanya napupunta! Pati ang kaisa-isang dahilan para maging masaya ako kinuha din n’ya!! Ngayon sabihin mo sa akin Tom!! May dahilan pa ba para pangalagaan ko ang mga iniwan nila??!!” sunod-sunod nitong panunumbat sa akin.
Dahil sa mga narinig ko ay nanumbalik ang awa ko sa kanya. Nagbago ang aking ekspresyon at mahinahon ko s’yang kinausap.
“Daniel naman… Alam mong hindi ’yan hinangad ni Xander… Alam mong mahalaga ka rin sa pamilya nila…” paliwanag ko sa kanya.
Kahit na nagawa kong magpakahinahon ay hindi nagbago ang galit sa mukha ni Daniel. Bagkus, mas lalo pa itong nadagdagan.
“Hindi hinangad?! Hindi n’ya ginusto?! ’Yan ba?! ’Yan ba ang gusto mong sabihin Tom?! Oo!!! Hindi n’ya nga sinadya!! Pero ginawa n’ya pa rin! Tinanggap n’ya pa rin!!! Kinuha n’ya pa rin sa akin!!!” panunumbat n’ya.
“Hindi n’ya ’yon gusto Daniel, maniwala ka. Wala s’yang inalala noon kundi ang kapakanan mo. Kung anong mararamdaman mo.” pangungumbinsi ko pa rin.
Nagbitaw ng malakas na pagtawa si Daniel bago ako sinagot.
“Talaga?! ’Yan ang hirap sa inyo eh!! Akala mo Diyos na s’ya kung ituring n’yong lahat!! Lahat kayo mabuting tao ang tingin sa kanya!! At ako?! Ako ang masamang tao!! Simula noon hanggang ngayon!! Ako ang masama sa paningin ninyo!!” sigaw nitong muli.
Nakita ko rin ang mga luha ni Daniel na nagsisimula na ring maipon ngayon sa kanyang mga mata.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay hindi ko muling nakontrol ang sarili kong magtaas ng boses.
“Hindi ’yan totoo Daniel! Walang nag-iisip na ganyan ka kundi ikaw!!” sagot ko sa kanya at dinuro s’ya.
“Tumigil ka Tom!! Ngayon mo pa sasabihin ’yan?!! Ngayon pa kung kelan nasaktan mo na ako?!! Sinaktan n’yo akong lahat!! Lahat kayo iniwan ako!! Lahat kayo magkakasama at iniwan ako sa isang tabi!! Lahat kayo nagpapakasaya samantalang ako nagmukhang tanga!!! Pinaglaruan n’yo akong lahat!!” mahaba n’yang panunumbat at tuluyan nang dumaloy ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi.
Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy s’ya sa panunumbat habang umiiyak. Ngunit ang mga sumunod n’yang salita ay naging mahinahon na ngayon.
“Isa lang naman ang hinangad ko sa lahat nang ’yon eh… Isa lang Tom… Ikaw lang… Kahit na wala na ang mga materyal na bagay na dinadasal ko noon… Pero anong nangyari..? Iniwan mo rin ako…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
“Daniel… Sana maintindihan mo… Mahal ko ang Kuya mo kahit na pinaglayo kaming dalawa noon… Alam mong kahit kailan hindi s’ya naalis dito…” wika ko habang hawak ang dibdib ko.
“Kaya nga eh… Kaya nga ako galit sa inyo… Kasi kahit puro kabutihan ang ibigay ko sa inyo… sakit lang ang isinusukli n’yo sa akin… Ngayon masisisi mo ba ako…? Ha Tom…? Masisisi n’yo ba ako…? Kaya ano pang silbi na alagaan ko ang mga iniwan nila…? Kung sa bawat natamasa nila hindi ako doon kasama…? Sila lang… Sila lang ang nagiging masaya…” tanong n’ya sa akin habang umiiyak.
Naiintindihan ko si Daniel. Pero alam kong mali ang pamamaraan at pag-intindi n’ya sa sitwasyon.
“Daniel naman… Parang awa mo na… ’Wag mo naman gawin ’to sa pamilya mo, lalong-lalo na kay Xander… ’Wag mong hayaang mapasakamay ang mga ito ng iba…” pagmamakaawa ko sa kanya.
Nang sabihin ko iyon ay nagbagong muli ang kanyang ekspresyon. Nagbalik ang galit sa kanyang mga mata. Matalim nito akong tiningnan at nagtanong na ikinabigla ko.
“Talagang gagawin mo ang lahat para kay Kuya noh? Kahit ang magmakaawa ngayon sa harap ko?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ko s’ya sinagot. Alam kong alam n’ya na gagawin ko ang lahat para kay Xander dahil alam n’ya kung gaano ko ito kamahal.
Dahan-dahan ay muling ngumisi si Daniel sa akin at nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.
“Alam mo bang natutuwa ako ngayon na nagmamakaawa ka sa akin? Kasi sa kauna-unahang pagkakataon may nagmakaawa sa akin.” una n’yang sambit. “Pero pasensyahan tayo Tom. Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Kahit lumuhod ka pa ngayon sa harap ko, hindi na magbabago ang isip ko. Gagawin ko kung ano man ang gustuhin ko sa hotel na ’to.” madiin n’ya pang dugtong.
“Daniel naman… pakiusap… ’Wag mong basta na lang itapon ang pinaghirapan ni Xander…” pakiusap ko sa kanyang muli.
Muling nagsalubong ang kilay ni Daniel at muling nagtaas ng boses sa akin.
“Bakit Tom?! Nung nagmakaawa ako sa’yo na ’wag akong iwan?! Pinakinggan mo ba ako?!! Noong lumuhod ako sa harap mo at paulit-ulit na nakiusap na ’wag kang umalis, pinagbigyan mo ba ako?!!!” sunod-sunod n’yang panunumbat.
“Daniel….” pagbigkas ko sa kanyang pangalan.
Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Gusto kong ipaintindi na walang may gusto sa nangyari. Naging tapat lang ako sa nararamdaman ko dahil ayaw kong patuloy s’yang umasa noon. Ngunit bago ko pa gawin iyon ay hindi n’ya na ako binigyan pa ng pagkakataon na magsalita.
“Labas.” madiin n’yang utos sa akin habang tinuturo ang pinto ng opisina.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi rin ako nagsalita. Umaasang magbago pa ang isip n’ya at pakikinggan ako.
“Lumabas ka na Tom!!! Labas!!!” mas malakas n’yang pagsigaw sa akin.
Naikagat ko na lamang ang aking ibabang labi dahil sa ginawa n’yang iyon. Pinipigilan ko ang aking mga luha. Ilang linggo ko nang hindi nagagawang umiyak dahil sa pangako ko kay Xander na magpapakatatag. At kahit ganito ang naganap sa amin ngayon ni Daniel ay hindi ko hahayaang masira ang pangako kong iyon.
Dahan-dahan ako sa pagtalikod at naging maliit ang mga hakbang ko palabas ng opisinang iyon.
Hanggang sa makabalik ako sa aking opisina ay wala akong imik. Naging malalim ang aking pag-iisip. Gusto kong kumbinsihin si Daniel dahil alam kong nilalamon lamang s’ya ng galit ngayon. Pero umaasa akong magbabago ang kanyang isip dahil alam kong mabuti s’yang tao. Alam kong kahit nasasaktan na s’ya ay handa pa rin s’yang magsakripisyo.
Naging tulala lamang ako sa loob ng ilang oras hanggang sa dumating na ang hinihintay naming lahat na paghaharap. Ang paghaharap ng lahat ng head ng bawat department sa kompanya.
Handa na ako pero may pagkakataon na natatahimik ako sa tuwing maiisip ko si Daniel. Iniisip ko pa rin kung paano ko s’ya makukumbinsi sa mga nais nitong mangyari.
Nakarating kami ni Randy sa loob ng conference room at nagulat ako sa nadatnan naming tao doon. Muling nabuhay ang galit sa aking dibdib nang masilayan ko si Josephine na nag-iisa at prenteng nakaupo sa kabisera ng mahabang mesa. Nagawa n’ya pang magbigay ng isang mapang-asar na ngiti sa amin ni Randy.
Nagtuloy lamang kami ni Randy sa pagpasok. Hindi namin ipinakita na apektado kami sa kanyang presensya. Umupo ako kung saan nakalagay ang aking pangalan sa ibabaw ng mesa. Dahil sa naging kanang kamay ko si Randy dito sa hotel ay nasa bandang likuran ko naman s’ya umupo.
“Ang aga n’yo naman. Excited lang?” nakangiting pagpuna sa amin ni Josephine.
Hindi ako nagsalita ngunit hindi ang tipo ni Randy ang magpapatalo sa kagaya n’ya.
“Mas maaga ka tanga. Naabutan ka nga namin dito ’di ba? Sino ngayon ang excited? Nagawa mo pang umupo d’yan sa dulo kahit hindi naman d’yan ang pwesto mo.” mahabang pambabara sa kanya ni Randy.
Hindi naapektuhan si Josephine sa sinabing iyon ni Randy. Dahan-dahan itong tumayo at naglakad patungo sa aking pwesto.
Hindi ko s’ya tinitingnan dahil kinokontrol ko ang sarili kong ’wag magpakita ng pagkaapekto.
Tumayo ito sa aking tabi habang nakasandal sa mesang nasa harap ko.
“Alam mo ba Tom, may nakalimutan akong ikwento sa’yo.” pagsasalita n’ya sa masayang tono.
Hindi ko s’ya sinagot at ipinakita kong hindi ako interesado sa sasabihin n’ya.
“May naalala lang kasi ako 2 years ago. Remember the night na maabutan mo kami ni Xander na magkatabi sa kama sa condo n’yo? Noong naabutan mo na natutulog kami at walang kahit na anong samplot sa katawan? As in NAKED?” umpisa ng kanyang kwento.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay hindi ko na naiwasan ang lingunin s’ya. Nakita kong nakatungo ito sa akin dahil nakatayo s’ya. Naroon din ang ngiting mapang-asar sa labi n’ya.
“Guess what Tom? Wala naman talagang nangyari sa amin that time. It was all for a show! And you know what? I really enjoyed that drama scene between you and Xander! Noong lumuhod s’ya sa’yo at nakiusap na pakinggan mo s’ya? Noong nagmakaawa s’ya sa ’yo na ’wag kang makipaghiwalay sa kanya?” mahaba n’yang pagkekwento.
Nangunot ang aking noo at naningkit ang aking mga mata.
Hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon dahil doon ako nakapagdesisyon na tuluyan nang pakawalan si Xander.
“Anong ibig mong sabihin na walang nangyari sa inyo?” tanong ko sa kanya na pilit nagpapakahinahon.
Mas lalo s’yang ngumiti ng peke at bahagyang inilapit ang mukha n’ya sa akin.
“Lasing na lasing kasi noon si Xander noong abutan ko s’ya sa condo n’yo. Hanap s’ya ng hanap sa’yo kasi hindi ka na raw nagpaparamdam sa kanya. S’yempre nabwisit ako! Hanapin ka ba naman sa akin? Ano ako? Hanapan ng nawawalang tao? And that’s exactly the time na nagtext ka para sabihin na pupunta ka. And right there, a brilliant idea came up to my mind! Nagtext ako sa’yo gamit ang cellphone ni Xander na nandon lang ako. In other words, nagpanggap akong si Xander.” mahaba n’yang paliwanag at nagbitaw ng isang malakas na tawa.
Dahil sa nalaman ko ay nagpantig ang tenga ko. Naikuyom ko ang aking kamao at nanlilisik ang mga mata kong tinitigan s’ya. Hindi ko alam kung ano ang una kong bibigkasin kaya nagkaroon pa s’ya ng pagkakataon na magpatuloy.
“Eh uto-uto ka pa that time ’di ba? Kaya naniwala ka sa set up na ginawa ko! Oo hinubaran ko s’ya, and then naghubad din ako. Sunod-sunuran naman s’ya sa akin dahil akala n’ya ikaw ako. I must say gusto kong may mangyari sa amin ni Xander, kaso baka pagsisihan ko lang kung pangalan mo ang tatawagin n’ya habang nagpapakasarap s’ya sa akin eh. Baka masuka pa ako kung mapagkamalan n’ya akong bakla!” mahaba n’ya pang kwento na may pang-iinsulto.
Dahil sa aking narinig ay tuluyan nang nagdilim ang paningin ko. Inangat ko ang aking kanang kamay para sampalin s’ya ngunit napigilan ito ng isang kamay na humawak sa braso ko.
Nang lingunin ko ito ay si Randy pala na nakatayo na ngayon sa aking gilid. Nakikitaan ko na rin ito ng galit ngayon.
“’Wag mong hayaang madumihan ang kamay mo Tom dahil sa babaeng ’to.” pigil sa galit na wika ni Randy sa akin.
“Aaww! To the rescue naman pala ang guardian angel mo Tom na isa ring BAKLA!” pang-iinsulto naman nito kay Randy.
Binalingan ito ni Randy at inilapit ang mukha kay Josephine.
“Subukan mong magsalita pa ulit! Kahit isa lang Josephine! Gawin mo lang isang beses at matitikman mo ang kamao ng isang baklang kagaya ko d’yan sa mukha mong kasing kapal ng aspalto!” pagbabanta ni Randy sa kanya.
Mukhang hindi naman naapektuhan si Josephine sa sinabing iyon ni Randy. Nagkibit balikat lamang ito at nagdiretsong umupo sa kanyang upuan.
Hindi na nasundan pa ang naging engkwentro namin sa loob ng conference room na iyon dahil ilang saglit lang ay isa-isa na ring pumasok ang mga makakasama namin sa meeting ilang sandali pa lamang.
Muling nagbalik sa aking ala-ala ang senaryo noong panahong nagmakaawa sa akin si Xander. Kung paano s’ya lumuhod at nakiusap sa akin na ’wag ko s’yang hiwalayan. Kung paano s’ya nangakong magbabago kahit wala naman s’yang ginagawang masama sa akin. Kung paano s’ya paulit-ulit na nanghihingi ng oras para magpaliwanag. At kung paano ko s’ya tinanggihan sa mga pakiusap n’yang iyon.
Gusto ko nang umiyak sa mga oras na ito. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Pagsisisi dahil hindi ko pinakinggan noon si Xander. Awa para sa masakit na pinagdaanan n’yang iyon. Lungkot dahil wala na s’ya ngayon para humingi rin ako ng kapatawaran sa kanya dahil hindi ako nagtiwala. At galit dahil sa ginawang paglalaro ni Josephine sa amin.
Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi ko na namalayan na dumating na rin pala sina Daniel at Popoy. Maging si Sir Lojie ay nasa dulong bahagi na rin pala ng mesa at kaharap sina Daniel at Josephine.
Nagsimula ang meeting ngunit wala akong naintindihan dahil sa lalim ng aking iniisip. Hindi ko na rin naialis ang mga kamao ko sa pagkakakuyom simula nang sabihin sa akin ni Josephine ang tunay na nangyari noon. Gusto kong sumigaw at paulit-ulit na magmura. Gusto kong magwala upang mailabas ang tunay na nararamdaman ko ngayon.
“Tom, ikaw na.” ang biglang pagbulong sa akin ni Randy na nagpabalik sa katinuan ko.
Hindi ko alam na pagkakataon ko na pala para tumayo sa unahan upang isagawa ang report ng department na hawak ko.
Kahit mabigat ang aking mga paa ay pinilit kong tumayo. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa malaking white board sa unahan.
Habang nasa unahan ako ay seryoso naman na nakatingin sa akin ang lahat lalong-lalo na si Daniel. Ngunit nang matagpuan ng mata ko si Josephine ay nakita ko ang mga pagtawa n’yang walang tunog. Tila ba sinusubukan n’ya ako at hinahamon ngayong mga oras na ito.
Bago pa man ako magsimula sa pagre-report ay bigla na lang din nagsalita si Josephine na ikinabigla ng lahat.
“Wait! Bago magsimula si Mr. Perez, may gusto lang akong ipaalam sa inyo.” bigla n’yang pagputol sa pagsisimula ko.
Natahimik naman ang lahat dahil sa ginawa n’yang iyon. Naghihintay sa kanyang sasabihin.
“Alam n’yo ba na sumugod kanina ’yan si Mr. Perez sa executive office para kunin ang Financial Statement ng company? Nagpumilit pa s’ya at halos magwala doon.” pag-anunsyo n’ya habang nakangisi.
Nakita kong nagbulungan ang mga head ng department ng hotel. Lahat sila ay nagtataka sa nangyaring iyon. Wala kasing karapatan na makita ng kahit na sino sa amin dito ang financial statement dahil para lamang ito sa mga may mas mataas na katungkulan sa hotel.
“Toto ba ’yon Mr. Perez? Alam mo naman na hindi kayo allow na makita ang mga ’yon ’di ba? Kami lang ang pwedeng makakita dahil sa amin ito manggagaling. Pwede mong ikatanggal ’yan alam mo ba?” tanong sa akin ng head ng Accounting.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung saan ako unang magpapaliwanag dahil wala naman silang ideya kung ano ba ako dito sa kompanya.
Muling inagaw ni Josephine ang atensyon ng lahat.
“Don’t worry about it guys. Siguro nakalimutan n’ya lang. Pagbigyan n’yo na. Malay n’yo may gusto lang s’yang makita or may dapat lang s’yang i-review.” wika n’ya sa aming mga kasama.
Matapos n’yang sabihin iyon ay muli n’ya akong nilingon.
“Pero dahil gustong-gusto mo talagang makita ’yon Mr. Perez, pagbibigyan kita.” pagsasalita nito sa akin.
Kinuha n’ya ang isang folder sa kanyang mesa at inangat iyon.
“Heto Tom, kunin mo. Pwede mo na s’yang makita.” nakangiti nitong wika sa akin.
“But Ms. Josephine…” pag-awat ng Accounting Manager.
“Don’t worry. May consent ko naman. Ako ang bahala.” paniniguro naman ni Josephine.
Muli akong nilingon ni Josephine at mas inangat pa ang folder na kanyang hawak upang ipaalam sa akin na maaari ko na iyon kunin sa kanya.
Dahil sa kailangan talaga namin ito ni Randy ay wala akong pagpipilian kundi ang kunin ito sa kanya.
Dahan-dahan ako sa aking paglalakad patungo sa lugar kung saan nakaupo si Josephine.
Nang makarating ako sa kanyang harapan ay inangat ko na rin ang aking kamay upang hawakan ang folder. Ngunit ilang pulgada na lamang sana upang mahawakan ko iyon ay s’ya namang pagbitaw n’ya dito dahilan para mahulog ito sa sahig.
“Oooppsss! Sorry Mr. Perez. Dumulas yata sa kamay ko. Pulutin mo na lang please?” mapanuya n’yang utos sa akin.
Gusto ko s’yang sigawan sa ginawa n’yang iyon. Dahil na rin sa mga nalaman ko kaninang pagpapahirap n’ya sa amin ni Xander noon ay gusto ko nang gumanti ngayon pa lang. Gusto ko nang sa kamay ko ilagay ang lahat.
Ngunit dahil sa ayaw kong makagawa ng eskandalo ay pinili ko na lamang na manahimik. Baka mas lalong hindi ko na mapasakamay ang Financial Statement ng kompanya.
Dahan-dahan akong yumuko at kinuha ang folder na iyon. Ngunit bago ako tuluyang makatayo ay s’ya namang pagbulong sa akin ni Josephine.
“Ang sarap makitang pinaglalaruan ko kayong lahat Tom. Simula sa umpisa, para kayong mga bobo na napapaikot ko sa mga palad ko. Lalo na ngayon, wala nang Xander na sagabal sa mga plano ko. Inuuod na ngayon sa ilalim ng lupa ang kakampi mo.” mga katagang sinabi n’ya habang nakayuko ako.
Dito na tuluyang nawala ang natitirang pagtitimpi ko. Parang may isang bombang sumabog sa dibdib ko dahil sa sinabi n’yang iyon tungkol kay Xander.
Nang tuluyan na akong makatayo ay mabilis kong binuksan ang folder. Alam kong nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa labis na galit. Alam kong napapansin na rin iyon ng mga tao dito sa loob ng conference room. Pero wala akong balak na tumigil.
Sa oras na mabasa ko ang Financial Statement ay ia-anunsyo ko na sa kanilang lahat kung sino ako sa kompanyang ito. Ipapaalam ko sa kanila kung ano ang karapatan ko dito.
Nang tuluyan kong mabuksan ang folder ay nasorpresa ako sa aking nakita. Puro report ito ng bawat department ng hotel at wala doon ang summary na kinakailangan ko.
“Bakit wala dito ang summary?” gigil na tanong ko kay Josephine.
“Oooppss! Wala ba? Edi kung wala, i-compute mo na lang isa-isa.” nakangisi at nakataas ang kilay n’yang pagkakasabi.
Mukhang sinadya n’yang gawin ito para pahirapan ako.
Dahil dito ay tuluyan nang nagdilim ang paningin ko. Isa-isa kong kinuha ang papel sa loob ng folder at inihagis iyon kung saan-saan sa loob ng conference room. Ikinalat ko ang mga iyon!
Dahil sa labis na galit ay hindi ko na nakikita ang reaksyon ng aming mga kasama ngayon. Tanging si Josephine lang ang nakikita ko habang madilim ang paligid kahit maliwanag dito sa loob ng conference room.
“Ano bang ginagawa mo?!” inis na tanong ni Josephine.
Tuluyan ko nang pinakawalan ang galit ko sa dibdib. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko para sumigaw.
“Sa tingin mo ba mapapakinabangan ko ’yan?!!! Anong klase kang Assistant General Manager kung simpleng bagay lang na pagbibigay ng tamang report ay hindi mo magawa?!! Are you really that stupid?!! Nasaan ang utak mo??!! Nasa talampakan mo?!!!” sigaw ko sa kanya.
“Edi humingi ka ulit ng copy sa Accounting?!! Simple as that!! Now tell me kung sino ang walang utak dito?!!” pagsigaw na rin sa akin ni Josephine.
“No.” mahina kong sambit habang nagdidikit na rin ang mga ngipin ko sa sobrang galit.
“What?” taka n’yang tanong.
“I said no!!! Ikaw ang gagawa n’yan!!! Kunin mo isa-isa ’yang mga papel na ’yan at ayusin mo!!! Ipasa mo sa akin ng detalyado!!! Ibigay mo sa akin ng kumpleto!!!” utos kong pasigaw sa kanya.
“How dare you to give me an order like that?!! Ako ang Assistant General Manager dito at isa sa may-ari ng kompanyang ’to!!! Kaya hindi mo mapapagawa sa akin ang inuutos mo!!!” paghamon nito sa akin.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga kasama namin dito. Ngunit sina Daniel, Popoy, Randy at Sir Lojie ay hindi na nagulat.
“Mr. Perez, kung ’yan lang ang hinihingi mo hayaan mong sa amin na manggaling ’yon.” pagsabat ng Accounting Manager.
“Shut up!!! Manahimik ka kung ayaw mong madamay dito!!!” pagbabanta ko sa kanya habang dinuduro ang Accounting Manager na iyon.
Muli kong binalingan si Josephine habang nanlilisik pa rin ang mga mata ko.
“Ano bang pinagmamalaki mo?!! Ang 20% na share mo??!! Baka nakakalimutan mo?!! Nasa akin ang 25% ng share ng kompanya kaya kayang-kaya kitang pasunurin sa gusto ko!!! Ngayon sumunod ka!!! Isa-isahin mong pulutin ’yang mga papel na ’yan at simulan mo nang magtrabaho!!!” malakas kong pagsigaw.
Muli kong nakita ang pagkagulat sa reaksyon ng ibang tao dito sa loob ng kwarto. Si Sir Lojie at Randy naman ay napapikit na lamang dahil sa ginawa kong pag-anunsyo. Alam kong hindi ito ang tamang paraan upang ipaalam ko iyon, pero tuluyan na akong binalot ng galit sa dibdib ko.
Mula sa galit na ekspresyon ni Josephine ay napalitan ito ng pag-aalala. Hindi rin s’ya gumalaw sa kanyang pagkakaupo.
“Lumuhod ka at isa-isahin mong pulutin ’yang mga papel na ’yan!!!” utos kong muli sa kanya habang dinuduro ang mga papel sa sahig.
Hindi pa rin s’ya gumalaw.
“Sabi ko luhod!!!!!” sigaw kong muli habang tinuturo ang harap ko kung saan ako nakatayo.
Wala pa rin s’ya naging aksyon kaya ako na ang nagkusang gumalaw. Mahigpit ko s’yang hinawakan sa kaliwang braso at sapilitang hinila upang makaalis s’ya sa pagkakaupo.
Nagtagumpay ako sa aking ginawa dahil nakaluhod na s’ya sa harapan ko.
Napangiti ako nang makita ko ang posisyon n’yang iyon. Ngunit sa likod ng ngiti kong iyon ay puno ng galit at kalungkutan.
“Pulutin mo na ang lahat ng ’yan!!! Ngayon na!!!” pagwawala ko na sa pagkakataong ito dahil hindi s’ya gumagalaw sa kanyang pwesto.
“Bibilangan kita Josephine!!! Kapag hindi mo pa pinulot ang mga ’yan, sisiguraduhin kong pupulutin mo na ’yan mamaya sa pamamagitan ng bibig mo!!! Isusubsob ko ang mukha mo sa sahig hanggang sa umiyak ka ng dugo!!!” galit na galit kong utos at pagbabanta sa kanya.
“Mr. Perez, I think this is too much…” pag-awat ng Accounting Manager pa rin.
Hindi ako sumagot ngunit nanatili ang mga mata kong nanlilisik na tiningnan s’ya. Hanggat maaari ay ayokong mandamay ng ibang tao dahil sa galit ko.
Pero dahil sa hindi ako nakasagot ay si Sir Lojie na ang nagsalita.
“Subukan n’yong mangialam! Walang makikialam sa utos ni Mr. Perez kung ayaw n’yong sa akin kayo managot!” seryosong banta ni Sir Lojie sa lahat.
“Tommy…” ang biglang pagtawag sa akin ni Popoy.
Agad ko s’yang nilingon.
“How dare you call me that way?!! Hindi kita kilala!!!” sigaw ko kay Popoy.
Galit na galit na talaga ako ngayon. Alam kong nangingilid na rin ang mga luha ko dahil sa labis na galit.
“You should stop this Mr. Perez.” kalmadong wika ni Daniel.
Akmang tatayo rin sana si Daniel upang tulungan siguro si Josephine ngunit mabilis ko itong pinigilan.
“Subukan mong gumalaw d’yan sa kinauupuan mo Daniel!!! Subukan mo!!! Ngayon mo makikita ang galit ko na hindi mo pa nakikita simula nang makilala mo ako!!!” pagbabanta ko sa kanya habang dinuduro ko s’ya.
Mukhang nakuha n’ya naman ang sinabi kong iyon dahil hindi na s’ya muli pang gumalaw. Ngayon n’ya lang din kasi ako nakitang ganito. Ngayon n’ya lang nasaksihan ang galit ko.
Muli kong binalingan si Josephine na nakaluhod na ngayon sa aking harapan.
“Ano??!! Kukunin mo ba ’yang mga ’yan o ipapakain ko ang mga ’yan sa’yo??!!! Kunin mo na hanggat hindi ko pa naiisip na isubsob d’yan ang mukha mo!!!” mas malakas kong pagsigaw ngayon.
Mukhang natauhan naman si Josephine dahil mabilis din n’yang pinulot ang bawat papel na nasa sahig ngayon.
Nakangiti lamang ako habang pinapanood s’ya sa kanyang pag-gapang. Alam kong para na akong demonyo ngayon. Pero sila ang nagturo sa akin para maging ganito ako. Sila ang naging dahilan kung bakit naghihirap ang kalooban ko. Simula nang paghiwalayin nila kami ni Xander hanggang sa pagwasak nila sa pangarap naming dalawa.
Wala na akong pakialam kung masama na ako sa paningin ng mga taong naririto. Basta mabigyan ko lang kahit na konting hustisya ang pagpapahirap nila sa amin ni Xander.
Nang madampot ni Josephine ang huling papel sa sahig ay mabilis ko rin s’yang nilapitan. Nanatili s’yang nakaluhod habang nakatayo ako sa kanyang harapan.
“Anong pakiramdam Josephine? Anong pakiramdam ng magpakababa at maging sunod-sunuran?!! Masakit ba?!!” una kong tanong sa kanya.
Binato n’ya lamang ako ng masamang pagtitig. Alam kong sa mga tingin n’yang iyon ay gusto n’ya nang umiyak. At habang nasa ganoon s’yang posisyon ay mas nakakaramdam pa ako ng tuwa.
“Kulang pa ’yan!!! Kulang pa ’yan sa mga pinaranas mo sa amin ni Xander at sa buong pamilya ko!!! Dahil kung kaya ko lang pumatay ng tao kagaya mo, pinira-piraso na kita dito!!!” sumbat ko sa kanyang pasigaw.
Mas lalong nanlisik ang mga mata n’yang nakatingin sa akin.
“Pagbabayaran mo ang lahat ng ito Tom. Pagbabayaran mo ito at sisiguraduhin ko ’yon!” madiin n’yang pagbabanta sa akin.
“Gawin mo ang gusto mo. Pero ito lang ang masasabi ko sa’yo. Hindi ako natatakot sa’yo! Hanggat nakapangalan sa akin ang share ko, hindi ako titigil hanggang sa mabawi ko ang para kay Xander.” madiin kong pagsagot dito.
Hindi na ako nagtagal pa sa harap ni Josephine. Agad akong nagpunta sa kinauupuan ng Accounting Manager.
“Ibigay mo sa akin ang Financial Statement ng kompanya. And I want you to do it as soon as possible. Nagkakaintindihan ba tayo?!” utos ko sa Head ng Accounting.
“Y-yes Mr.— uhm… S-sir Perez…” utal nitong pagsagot sa akin.
Kitang-kita ko ang takot at pagkagulat sa lahat ng mga tao dito. Hindi sila naging handa sa masasaksihan kaya ganito ang reaksyon nila. Maging si Olyn ay nanlalaki pa rin ang mga mata at nakabuka pa rin ang bibig hanggang ngayon.
Sinimulan kong muli ang aking paghakbang patungo sa pinto ng kwartong iyon. Pero bago ko pa buksan ang pinto ay nagsalita ako.
“Meeting is adjourned. Magsibalik na kayo sa inyong mga trabaho.” sambit ko habang nakatalikod sa kanila.
“Randy, sumunod ka na rin sa akin.” utos ko naman kay Randy.
“Yes, Sir Perez.” narinig kong sagot naman n’ya.
Hindi na ako nagtagal pa sa pagkakatayo at mabilis ko ring binuksan ang pinto at lumabas sa kwartong iyon.
Naglalakad ako patungo sa aking opisina habang nakasunod si Randy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabagal ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Galit na galit pa rin ako. Nanatili akong nanginginig sa labis na galit dahil sa mga naganap.
Nang makarating ako sa aking opisina ay mabilis akong umupo sa swivel chair ko. Naihilamos ko rin ang aking mga palad sa aking mukha.
“Tom….” pagtawag sa akin ni Randy na may bahid ng pag-aalala.
Saglit akong natahimik at huminga ng malalim upang sagutin s’ya.
“I’m sorry…” mapagkumbaba kong sambit dahil sa inasal ko kanina lamang.
Nakita ko ang kanyang pagngiti bago n’ya ako dahan-dahang nilapitan. Hinawakan n’ya ako sa aking balikat at bahagyang yumuko para magpantay kami.
“You don’t have to. Tama lang ang ginawa mo.” wika n’ya habang nakangiti.
Hindi naman ako nakasagot sa kanyang sinabi kaya nagpatuloy s’ya.
“Hindi kita tino-tolerate na gawin mo ’yon Tom. Pero dito ka mag-uumpisa para maging matatag. Ito ang simula ng pakikipaglaban mo mag-isa. Gusto mong patunayan kay Xander na hindi na ikaw ’yung dating Tom na laging nakadepende sa kanya ’di ba? Gusto mong ipakita sa lahat na kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa ’di ba?” mahaba n’yang sambit at tanong.
Unti-unti naman akong tumango sa kanya bilang pagsagot.
“Pwes, ito na ’yon Tom. Nagiging matatag ka na. Hindi na ikaw ’yung dating Tom na mahina at iiyak na lang sa isang tabi. Kaya mo nang harapin ang lahat. At makakaasa ka, nandito lang din kaming mga kaibigan n’yo ni Xander para suportahan ka. Lagi lang kaming nasa likod mo para alalayan ka kung kailangan mo ng makakasama.” wika n’ya pa.
Dahil sa sinabing iyon ni Randy ay napangiti ako ng totoo. Bahagyang gumaan din ang pakiramdam ko. Gusto ko silang lahat na paulit-ulit na pasalamatan dahil sa patuloy nilang pagtulong sa akin.
“Salamat Randy. Maraming salamat.” sinserong sagot ko naman sa kanya.
Tanging paulit-ulit na pagtango at pagngiti lamang ang naitugon ni Randy.
Matapos iyon ay niyaya n’ya akong mananghalian. Tinawagan n’ya rin si Rigo upang saluhan kami. Naging masaya naman ang pananghalian namin dahil na rin sa kasama ko silang dalawa. Nagawa pa nilang magbiro na uminom daw kami ng hard drinks ngayon para pagbalik namin sa trabaho ay maituloy ko na ang banta kong paglampaso sa mukha ni Josephine sa sahig sakaling malasing ako. Nagawa ko naman tumawa nang mga oras na nakasama ko sila.
Pagkabalik namin sa hotel ay naging magaan naman ang pagpapatuloy ng ng aming trabaho. Saglit kong nakalimutan ang kaganapan kanina lamang sa pagitan namin nina Josephine at Daniel.
Nang matapos ang aming pagtatrabaho sa araw na iyon ay handa na rin kami ni Randy na umuwi sa kanyang condo. Ngunit habang naglalakad kami sa lobby palabas ng hotel ay s’ya namang pagtawag sa aming mga pangalan.
“Randy! Tom!” ang pagtawag mula sa aming likuran.
Napahinto kami ni Randy sa aming paglalakad at nilingon ito.
Nakita namin si Olyn na lakad-takbo ang ginagawa habang papalapit sa amin.
“Oh Olyn? Bakit ka tumatakbo? Uuwi ka na rin ba?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Hawak n’ya ang kanyang tuhod at saglit na bumawi sa paghinga dahil sa ginawa n’yang pagtakbo. Nang makabawi ito ay tumayo s’ya ng tuwid para harapin kami ni Randy.
“Sorry Randy. Sorry din To— este Sir Tom..” kamot ulo n’yang sambit.
Bahagya naman akong natawa sa kanya.
“Baliw! Tawagin mo pa rin akong Tom.” natatawa kong pagtatama sa kanya.
“Ehhh… Keshe nemen… Boss pala kita eh…” pagrarason n’ya naman.
“Ewan ko sa’yo!” natatawa ko pa ring sambit dahil sa inasal n’ya.
“Teka, bakit ka nga pala tumatakbo? Gusto mo bang sumabay sa amin?” tanong ni Randy sa kanya.
Doon lamang s’ya natauhan. Mukhang naalala na n’ya kung bakit n’ya kami tinawag. Nakita ko ang pagkataranta sa kanya.
“’Yun nga! ’Yun nga ang dahilan kung bakit ko kayo hinahabol!” natataranta n’yang sambit.
“Ang alin? Na sasabay ka sa amin?” tanong ko rin sa kanya.
“Hindi!” maagap n’yang sagot.
“Eh ano?” tanong kong muli.
“Nagpatawag ulit ng meeting sa conference room si Madam Josephine at si Sir Daniel! Lahat tayo pinapapunta dahil sa mahalagang announcement daw!” natataranta pa rin n’yang sagot.
Saglit kaming nagkatinginan ni Randy dahil sa pagtataka.
“Bakit daw? Anong announcement ’yon?” tanong ni Randy.
“Hindi ko nga rin alam eh! May awra nga sana kami ni Sir Lojie kaso bigla naman sila nagpatawag ng meeting! Sinabihan nila ako na sunduin daw kita Tom. Buti naabutan ko pa kayo.” sagot n’ya sa amin.
Kahit marami pa rin kaming katanungan ay hindi na rin kami nagtagal pa sa pwestong iyon. Habang naglalakad kami patungo sa conference room ay pinaalalahanan din ako ni Randy na maghinay-hinay ngayon habang kaharap ko sila. Sinagot ko naman ito ng pagtango.
Nang makarating kami sa loob ng conference room ay nagulat akong naroon na rin ang ibang head ng bawat department at kaming tatlo na lamang ang hinihintay.
Nang tingnan ko si Lojie ay nakita ko ang pagkibit balikat nito. Senyales iyon na wala s’yang ideya sa biglaang pagpapatawag ng meeting ni Daniel at Josephine.
Tahimik na lamang kaming naglakad patungo sa aming mga uupuan. Nang makita ko si Josephine ay nakangiti ito ng malapad. Ibang-iba sa itsura n’ya kaninang galit na galit. Si Daniel naman ay walang ekspresyon ang mukha ganoon din si Popoy. Blangko ang tingin nilang ipinupukol sa akin.
Nang tuluyan na kaming makaupo ay tumayo si Josephine at pumunta sa unahan. Ramdam ko ang kasiyahan sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.
“Since we’re all here, I have an important announcement to make.” una n’yang sambit.
“Sabihin mo na. Ayaw naming nagsasayang ng oras dito. Uwian na dapat ’di ba? Eksena ka talaga eh noh?” pagsingit ni Sir Lojie.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Josephine bago n’ya itinuloy ang pagsasalita.
“Okay. Then let me start to announce sa mangyayaring malaking party five days from now. Everyone is invited sa party na gaganapin din dito sa hotel.” nakangiti n’yang pagsasalita.
“Party? May natanggap ba tayong malaking function ngayon? Bakit parang hindi yata namin ’yan nabalitaan?” tanong ni Sir Lojie.
“Simply because ako ang nagpatawag ng party Mr. Enriquez.” nakangising sagot ni Josephine kay Sir Lojie.
“What for? Saka hindi ako interested pumunta for your info!” sambit ni Sir Lojie.
Nagbitaw muna ng mahinang pagtawa si Josephine. Halatang-halata na masyado s’yang masaya.
“Pwede ka naman hindi pumunta Mr. Enriquez. Pero ang isa sa mga taong dapat na nandon ay si Mr. Perez.” ang pagsagot n’ya at tiningnan ako nang sambitin n’ya ang aking pangalan.
Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Hanggat maaari ay pinipigilan kong maulit ang nangyari kanina. Sa mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa ako ngayon nakatingin bago ko s’ya sinagot.
“Sorry, pero hindi rin ako interesado.” malamig kong sagot.
“But you have to, Mr. Perez. And you have no choice.” sagot naman nito sa akin.
“Bakit ba kailangan nandoon s’ya? Magpapadala na lang kami ng representative n’ya. Kung gusto mo ako na lang.” narinig kong sagot ni Randy sa kalmado n’yang tono.
“Dahil isa s’ya sa may share sa kompanyang ito.” unang sambit ni Josephine.
Wala naman nagsalita kaya nagpatuloy pa s’yang muli.
“At bilang isa sa mga share holder, dapat ay naroon si Mr. Perez sa announcement ng TRANSFERRING OF PROPERTIES NI ALEXANDER ALVAREZ SA PANGALAN KO!” madiin n’yang pagpapatuloy sa kanyang sinasabi.
Tumigil ang ikot ng mundo ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko.
“What??!!” gulat na sambit nina Randy at Sir Lojie.
Hindi rin sila makapaniwala tulad ko. Paanong nangyari na sa dalawang linggo lang ay mabilis n’yang nagawa ito? Nagsisimula pa lang kami pero mukhang dehado na kami.
Gusto ko nang maiyak dahil pakiramdam ko ay binigo ko si Xander. Binigo ko s’ya sa pangakong binitawan ko.
“You heard me. Nai-transfer na itong lahat sa akin with the consent of his beloved brother, Daniel. Kaya simula ngayon, ang 45% na share ng kompanya ay nasa mga kamay ko na.” narinig ko pang pagsagot ni Josephine.
Hindi ko na alam kung ano ang ekspresyon meron sa aking mukha ngayon. Basta ang maliwanag sa akin ay ang nararamdaman ko.
Nanlulumo ang buong pagkatao ko. Nanghihina dahil sa mga narinig ko.
Wala akong nagawa kundi ang ikuyom ang mga kamao kong nasa ibabaw ng mesa ngayon. Dito lamang nakatuon ang mga mata ko.
“Well, dahil sa nasabi ko naman na ang mahalagang announcement na ’to, pwede na kayong umuwi. Don’t forget guys? It’s five days from now. You may now take your leave. Meeting is adjourned.” huling sambit ni Josephine.
Matapos iyon ay naramdaman ko na ang unti-unting pagtayo ng mga kasama namin sa loob ng kwartong iyon. Ako naman ay nanatiling nakaupo habang nakakuyom ang mga kamao.
Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na naiwan din sina Sir Lojie, Randy at Olyn tulad ko. Kaming apat na lamang ang natitira sa conference room ngayon.
“Tom….” dinig kong sambit ni Olyn at hinaplos ako sa likod.
“Tang*na!!!!” pagsigaw ni Lojie at narinig ko ang paghampas n’ya sa pinto.
Naramdaman ko rin ang paghawak ni Randy sa aking balikat.
Sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko nagawang umiyak dahil sa pangako ko kay Xander. Nangako akong magpapakatatag at hindi na muling luluha kahit isang beses kapag sinimulan ko na ang laban namin para dito.
Pero nang maipikit ko ang mga mata ko ay naramdaman ko ang mga luha kong hindi ko napigilang ilabas.
Hinang-hina kong itinakip ang mga palad ko sa aking mukha.
“Tom…” dinig kong pag-aalala ni Randy.
“Binigo ko s’ya Randy…. Binigo ko si Xander…. Hindi ko natupad ang pinangako ko sa kanya….” bigkas ko habang umiiyak.
Paulit-ulit kong sinasabi ang mga katagang iyon.
Labis na pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Ang kaisa-isang pangako ko sa harap ng puntod ni Xander ay hindi ko nagawa.
Hindi ko matanggap na nawala na ang lahat ng pinaghirapan ni Xander para sa aming dalawa sa loob lamang ng maiksing panahon.
Nalulungkot ako dahil hindi ko naipaglaban ang karapatan n’ya. Hindi ko nahawakan ng mabuti ang pangarap naming dalawa.
“Sorry Master…. I’m sorry….”
paulit-ulit kong paghingi ng tawad kay Xander.
“Patawarin mo ako Xander…. patawarin mo ako…”
paulit-ulit ko pang sambit sa pagitan ng pag-iyak.
A/N
Yown! Sana naman kahit hindi maganda ang pagtatapos ng chapter na ’to nagustuhan n’yo pa rin. Nag-transform naman si Tom into beast mode ’di ba?
Don’t worry guys! Ang susunod na chapter ay magpapawindang sa inyo! Basta bigyan n’yo lang ako ng time para maisulat ito ng maayos.
Woohoo!! Salamat sa patuloy na pagbabasa!! Ilang chapters na lang po talaga!!!
Comments and votes please!
Ingat kayo mga mahal ko!
––cold_deee
chapter 31 - tequila sunrise
A/N
Whoooo!!!
Wala lang, gusto ko lang sumigaw dahil excited ako dito sa chapter na ’to. Hahahahaha!
Anyway, para sa’yo ’to
arkinsantos
tulad ng sinabi ko. Get well soon ha? Umayos ka, marami pa tayong chikahan kaya magpagaling ka.
Enjoy reading chapter 31 guys!
Paki-play na lang din po ng nasa media habang binabasa n’yo ng buong chapter.
Song title: Only Time by Enya.
––> si Tom po sa media.
© to the pic.
TOM POV
Wala akong nakikita kundi ang malinaw na tubig kung saan ako naroroon.
Ang paglubog ng aking katawan sa malawak na tubig na ito ang nais ko. Ang pagkakaubos ng hininga ko at ang tuluyang pagpikit ng mga mata ko.
Gusto ko nang mawala sa mundo. Gusto ko nang hanapin si Xander sa kabilang buhay. Gusto ko na s’yang makasama.
Ang huli kong naaalala ay nasa gilid lamang ako ng pool kanina. Dahil sa labis na kalungkutan, pagkabigo at pangungulila kay Xander ay unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at dahan-dahan kong ibinagsak ang aking katawan sa tubig.
Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tila ba hindi maabot ng katawan ko ang sahig ng pool kung saan ako naroroon. Patuloy ako sa paglubog ngunit hindi ko maabot ang dulo nito. Nakakapagtaka rin na tila ba nagagawa kong huminga sa ilalim ng tubig na ito. Normal lang din ang pagtibok ng puso ko at walang ipinagbago.
“Tanggalan n’yo na ako ng hangin sa katawan… Gusto ko nang makasama si Xander…” bigkas ng aking isip.
Patuloy lamang ako sa paglubog. Ngunit hindi nababawasan ang hangin sa aking katawan.
Sinubukan kong ilibot ang mga mata ko. Matagal kong ginawa iyon at wala akong maaninag kundi ang malinaw na tubig sa kapaligiran ko.
Habang nasa ganoon akong posisyon ay may naaninag akong isang aninong lumalangoy mula sa taas. Papalapit ito sa akin at nakamwestra ang kanyang kamay na tila ba inaabot ako.
Nang tuluyan itong makalapit ay napangiti ako.
“Xander….” pagtawag ko sa kanyang pangalan sa pamamagitan ng aking isip.
Hindi ko maibuka ang aking bibig upang makapagsalita. Ngunit tila ba nadinig n’ya ang pagtawag ko.
“Master….” nadinig kong pagtawag n’ya sa akin.
Tulad ko ay hindi n’ya rin maibuka ang kanyang bibig.
Napangiti ako nang muli ko s’yang masilayan. Matagal kong ipinagdasal ito. Ang muling masilayan ang kanyang mukha na nagbibigay sa akin ng ngiti at pag-asa.
Inangat ko ang aking isang kamay upang mahawakan ko ang kanyang kamay na iniaabot sa akin. At nang tuluyan nang magdikit ang aming mga kamay ay mabilis n’ya rin akong hinila upang mayakap.
Ang yakap na ito ang matagal ko nang hinihiling. Ang mainit n’yang katawan na malaya kong nayayakap sa mga oras na ito.
Kompleto na ako. Masaya na ako dahil kasama ko na s’ya ngayon.
“Master… na-miss kita…” bigkas muli ng aking isip habang yakap s’ya.
Alam kong sumabay din sa tubig ang mainit kong mga luha.
“Miss na miss na rin kita Master…” nadinig kong sagot n’ya.
Matagal kami sa ganoong posisyon. Hinayaan naming madama ang init ng katawan ng bawat isa sa pamamagitan ng mahigpit naming pagyakap.
Ilang sandali pa ay muli akong nagsalita sa pamamagitan pa rin ng aking isip.
“Master… patay na ako ’di ba? Kukunin mo na ako ’di ba? Isasama mo na ako ’di ba?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya.
Naramdaman ko ang dahan-dahan n’yang pagbitaw sa pagkakayakap sa akin. At nang maghiwalay ng bahagya ang aming katawan ay nasilayan ko ang kanyang mukha. Nanatili naman kaming nakahawak sa katawan ng bawat isa.
Nagtataka ako dahil puno ng kalungkutan ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Mabagal na umiling s’ya ng paulit-ulit. Mabagal s’ya sa paggalaw dahil nananatili kami sa ilalim ng tubig.
“Hindi Master… hindi ka pwedeng sumama dito…” malungkot n’yang sagot sa akin.
Nag-uusap lamang kami sa pamamagitan ng aming mga mata at isip. Pareho kaming hindi makapagsalita gamit ang bibig.
Naramdaman kong muli ang mga luha kong nag-uunahan sa paglabas at sinasabayan ang tubig sa aming paligid.
“Bakit…? Gusto na kitang makasama… Gusto ko nang sumama sa’yo kahit saan ka magpunta…” malungkot kong pagkausap sa kanya.
Inangat n’ya ang kanyang kamay at marahan n’ya akong hinaplos sa aking pisngi.
“Dahil hindi ito ang lugar para sa’yo… Hindi ito ang lugar para sa ating dalawa…” pagsagot n’ya sa akin.
“Pero saan…? Gusto ko nang magkasama tayo Master… Hindi ko na kaya ang pangungulila ko sa’yo… Gusto ko nang tapusin ang buhay ko para magkasama na tayo…” wika ko sa kanya habang tikom ang aking bibig at patuloy sa pagbuhos ng mga luha ko.
“Master…. Nangako ka na maghihintay ’di ba…? Nangako kang hihintayin mo ang pagbabalik ko ’di ba…?” tanong n’ya sa akin.
“Pero ikaw ang hindi tumupad sa pangako Xander… Ang sabi mo babalikan mo ako… Hindi ka naman tumupad sa pangako mo eh… Iniwan mo ako…” tila ba panunumbat ko sa kanya.
Nakita ko ang dahan-dahan n’yang pagngiti ng tipid. Unti-unti rin s’yang umiling muli ng ilang beses bago ako sinagot.
“Master… wala pa akong pinangako na hindi tinupad para sa’yo… tandaan mo ’yan…” wika n’ya sa kanyang isip.
Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot sa kanyang mga sinabi.
“Ayaw mo na ba akong makasama kaya ayaw mo akong dalhin sa lugar kung nasaan ka..? ’Di ba nangako tayo na hindi maghihiwalay..? Na ako lang ang gusto mong makasama hanggang sa dulo..? At ikaw lang din ang taong mamahalin ko…? Gusto kong matupad natin ’yon Master… Kaya sige na… isama mo na ako…” muli kong pakiusap sa kanya sa pagitan ng aking pag-iyak.
Marahan n’ya akong inilapit sa kanya at muling niyakap.
“Kung alam mo lang kung gaano ko gustong mayakap ka… Kung gaano ko gustong mahalikan ka… Kung gaano ko gustong makasama ka habang-buhay…” sambit n’ya habang yakap ako.
“Kaya nga isama mo na ako…” pagputol ko sa kanya.
“Pero Master, ’di ba nangako ka rin na magiging matatag ka..? Gusto kong masaksihan ang tagumpay mo… Gusto kong makita ang kasiyahan sa’yo… Hindi mo ba tutuparin ’yon para sa akin…?” mahaba n’yang litanya at pagtatanong sa akin.
Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi. Gusto kong itanong kung paano n’ya pa ako makikitang masaya kung hindi ko naman s’ya kasama? Ngunit hindi ko iyon masabi sa kanya. Nangingibabaw sa akin ang mapagbigyan s’ya dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya.
Mahigpit ko na lamang s’yang niyakap habang patuloy na dinadala ng tubig ang aking mga luha.
“Gusto kong mangako ka ulit Master, mangako ka ulit sa akin Tom. Na kahit wala ako sa tabi mo, mananatili kang matatag at nakatayo sa mga paa mo. Gusto kong makita ang pinangako mong magbabalik ka, magbabalik ka sa dating ikaw. Gusto kong masaksihan ang nagustuhan kong mga ngiti mo.” pagdugtong n’ya sa kanyang mga sinabi.
Hindi pa rin ako nakapagsalita. Gusto ko s’yang kontrahin pero tama ang kanyang mga sinabi. May mga pangako rin ako sa kanya na kailangan kong tuparin.
“Master? Maipapangako mo ba sa akin ulit ’yon?” muli n’yang tanong sa akin.
Lalo lamang akong hindi nakapagsalita at mas lalo rin akong napaiyak. Isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa kanyang dibdib habang yakap s’ya.
“Please Master… Gawin mo para sa akin… Para sa ating dalawa…” pakiusap na n’ya.
Kahit labag sa aking kalooban ay wala akong nagawa kundi ang unti-unting tumango. Kailangan kong tuparin ang mga ipinangako ko sa kanya.
Naramdaman ko naman ang kanyang pagngiti matapos kong tumango.
“Salamat… salamat Master…” sambit n’ya.
Matapos iyon ay katahimikan na ang bumalot sa amin. Tanging pagdama lamang sa mainit naming mga katawan ang aming ginawa.
Ilang saglit pa ay unti-unti s’yang bumitaw. Nakita ko ang kasiyahan sa kanya. Ito ang ngiting hinahanap ko mula sa kanya.
Hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi at sinimulan n’ya ulit magsalita sa pamamagitan ng kanyang isip.
“Bumalik ka na doon… Marami pa ang naghihintay sa’yo…” ang bigla n’yang pagsasalita.
“A-aalis ka na…?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
Umiling s’ya ng maraming beses habang nakangiti.
“Hindi Master… hindi ako aalis dahil lagi lang akong nasa tabi mo…” tangi n’yang sagot sa akin.
“Babalik ka naman ’di ba..? Babalikan mo ako ’di ba..?” tanong ko sa kanya.
Mas lumapad ang kanyang pagkakangiti bago n’ya ako nagawang sagutin.
“Nangako ako sa’yo ’di ba? Tutuparin ko ’yon Master. Babalikan kita.” nakangiti n’yang sagot.
Nang sabihin n’ya iyon ay nagawa ko nang magbitaw ng ngiti.
“Maghihintay ako… Hihintayin kita… Mahal na mahal kita Master…” wika ko sa kanya.
“Mas mahal na mahal kita, tandaan mo ’yan Tom…” naging pagsagot n’ya sa akin.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko sa kanya.
Matapos iyon ay ang pag-angat n’ya ng aking mukha sa pamamagitan ng kanyang mga palad na nasa aking mga pisngi.
Napapikit ako at naghihintay sa kanyang magiging hakbang. Ilang segundo lang aking hinintay. At ilang sandali lamang ay muli kong nadama ang mainit n’yang halik sa aking labi.
Ang matagal ko nang inaasam na mangyari ay nangyari na. Simula nang mawala s’ya sa aking buhay ay ngayon ko lamang muling naramdaman ang kanyang mga halik.
Habang magkadikit ang aming mga labi ay naramdaman ko ang unti-unting pag-angat namin sa tubig. Isinasabay n’ya ako sa kanyang paglangoy patungo sa ibabaw ng tubig.
Nang tuluyan na kaming makaangat at muli kong nasilayan ang ibabaw ng pool ay nagulat ako sa nangyari.
Ang kaninang imahe ni Xander na nasa aking harap ay naglaho. Ang kanina n’yang yakap at paghalik ay hindi ko na rin maramdaman.
Muli n’ya akong iniwan.
Muling naglandas ang mga luha ko dahil sa naganap.
“Xander!!!!” pagtawag ko sa kanya.
Ilang beses kong ginawa iyon. Paulit-ulit ko s’yang tinawag ngunit wala akong marinig na pagsagot mula sa kanya.
Ilang saglit pa ay may narinig rin akong pagtawag sa aking pangalan.
“Tom!” pagtawag nito sa akin.
Ngunit ang boses na aking narinig ay hindi nagmumula sa taong hinahanap ko. Hindi iyon boses ni Xander.
.
.
.
.
“Tom gising! Tom!” muli nitong pagtawag.
Unti-unti ay nag-iba ang paligid. Wala na ang tubig sa aking kapaligiran.
“Tom, are you okay? Nananaginip ka.” pag-aalala ng taong nasilayan kong nakahawak sa magkabilang balikat ko.
“Randy… I-ikaw pala…” naibigkas ko nang makita ko s’ya sa aking harapan.
“Ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng tubig?” pag-aalala n’ya pa.
Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakahiga at umupo sa kama.
Umiling ako at sumagot.
“Hindi na Randy. Salamat.” pagtanggi ko.
“Sigurado ka ba Tom? Umiiyak ka rin kasi.” pag-aalala pa rin n’ya.
Kinapa mo ang paligid ng aking mga mata at napansin kong umiiyak nga ako. Pinunasan ko ang mga iyon at muling hinarap si Randy.
“Si Xander ba?” tanong n’ya sa malungkot na tono.
Tumango na lamang ako bilang pagsagot.
Ilang sengundo n’ya akong tinitigan habang may awa sa kanyang mga mata.
Ilang sandali pa ay nagbuntong hininga s’ya at unti-unting tumayo mula sa pagkakaupo sa kamang hinihigaan ko.
“Mas mabuti pa Tom kung tumayo ka na d’yan para makakain na tayo. Tapos na akong magluto. Sumunod ka na lang.” bilin n’ya at tuluyan na s’yang lumabas dito sa kwarto.
Nang makalabas si Randy ay muli kong inalala ang aking naging panaginip. Muli akong nakaramdam ng lungkot.
“Xander…” pagbigkas ko sa kanyang pangalan.
Nagising na ako sa katotohanan. Na panaginip lang ang lahat at wala si Xander sa aking tabi. Na nagpakita lamang s’ya sa aking pagkakahimbing. Na hindi totoong kasama ko s’ya ngayon.
Dahil sa aking panaginip, muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga kaganapan nitong huli.
Simula nang ipaalam ni Josephine ang tuluyan n’yang pag-angkin ng share ni Xander sa hotel ay naging madilim na ang mundo ko. Sinisisi ko ang lahat sa sarili ko. Inisip kong lahat ay naging kasalanan ko dahil hindi ko naprotektahan ang pangako ko kay Xander.
Gusto kong makausap si Xander. Gusto kong magpunta sa kanyang puntod ngunit binabalot ako ng hiya. Nahihiya ako dahil binigo ko s’ya. Nahihiya ako sa kanya.
Habang nasa ganoon akong pag-iisip ay binasag ako ng isang pagtawag mula kay Randy.
“Tom! Lumabas ka na d’yan! Sabayan mo na kami ni Nanay Elise kumain!” pagtawag muli sa akin ni Randy.
Mabilis akong tumayo sa higaan dahil sa narinig.
“Sige! Susunod na ako! Mag-aayos lang ako!” sagot ko naman sa kanya.
Mabilis ang naging pagkilos ko dahil ayaw kong madagdagan pa ang pang-aabala kay Randy. Masyado na akong maraming atraso sa kanya.
Hawak ko ang ginamit kong kumot ay may napansin akong tatlong sunflower sa tabi ng aking hinigaang kama.
Nanlaki ang aking mga mata at napatigil din ako sa pagkilos. Marami akong naaalala sa tuwing makakakita ako ng sunflower. At lahat ng ala-alang iyon ay tungkol kay Xander.
Dahil sa ala-ala ng bulaklak na iyon ay naging mabilis ang pagtibok ng aking puso. Mabilis ko ring kinuha ang mga sunflower at halos takbuhin ko ang pinto palabas ng kwartong iyon.
“Randy!” halos pasigaw kong pagtawag sa kanya nang makalabas ako ng kwartong iyon.
Naabutan ko sila ni Nanay Elise na nasa harap na ng mesa at hinihintay na lamang ako para masimulan na ang pagkain.
“Tom naman! Akala ko ba mag-aayos ka na para makakain na tayo?!” ang medyo naiinis n’yang tanong sa akin.
Hindi ko pinansin ang kanyang pagsusungit.
“Kanino galing ’tong sunflower? Dumating ba si Xander? S’ya ba ang nagbigay nito?!” mabilis at natataranta kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat kay Randy. Ilang segundo rin ang lumipas bago n’ya nagawang sumagot.
“Tom?!! Nababaliw ka na ba?! Ano bang pinagsasabi mo?! Alam mong imposible ’yang sinasabi mo! Kelan mo ba matatanggap ’yon?!” mataas na boses n’yang pagtatanong.
“Anak, nasa harap ka ng pagkain. ’Wag kang sumigaw.” mahinahong pagsaway sa kanya ni Nanay Elise.
Natigilan naman si Randy. Nabigla rin s’ya sa kanyang inasal. Hindi na lamang ulit s’ya nagsalita at unti-unti rin s’yang bumalik sa pagkakaupo.
Dahil sa narinig ko kay Randy ay muli kong tiningnan ang hawak kong mga sunflower. Nakaramdam ako ng lungkot. Ito kasi ang bulaklak na laging binibigay sa akin ni Xander noong panahon na kasama ko pa s’ya. Madalas kasi noon ay gigising ako ng umaga at makakakita rin ako sa aking tabi ng bulaklak na ito. Ginagawa n’ya iyon para masimulan ko raw ang araw na may ngiti sa aking labi. Alam n’ya rin kasing paborito ko ito. Kaya hindi ko maiwasang isipin na s’ya ang nagbigay nito.
Muli kong tiningnan si Randy at Nanay Elise. Nagbitaw ako ng tipid na ngiti bago nagsalita.
“Sorry… Akala ko kasi binalikan n’ya na ako…” wika kong malungkot.
Nakita kong nagkatinginan silang dalawa habang may awa sa kanilang mga mata. Ngunit bago pa sila makapagsalita ay muli akong humakbang pabalik ng kwarto.
Inilapag ko ang mga bulaklak sa maliit na mesa. Ilang segundo ko lamang na tinitigan iyon at dumiretso na ako sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush.
Paglabas ko ay diretso lamang akong umupo sa hapag kainan. Nanatili naman silang sinusundan ang bawat pagkilos ko.
“Sorry, naghintay kayo ng matagal. Tara na, kumain na tayo.” wika ko nang makaupo na ako.
Tahimik lamang naman nila akong pinagmamasdan habang naroroon pa rin ang awa sa kanilang mga mata.
“Si Charm.” biglang pagsasalita ni Randy dahilan para lingunin ko s’ya.
Tiningnan ko lang si Randy. Hinintay ko ang kanyang mga sasabihin pa.
“Si Charm ang nagbigay ng mga bulaklak. Dumaan s’ya dito kanina para ibigay ang mga ’yon sa’yo. Sinabi rin n’yang marami nang bulaklak ang mga tanim ni Xander sa garden nila.” sagot ni Randy.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong kay Xander nga galing ang mga iyon kahit na alam kong imposible. Pakiramdam ko kasi ay naririto lang s’ya sa paligid. Pero nakumpirma kong hindi nga sa kanya iyon galing nang sabihin iyon ni Randy.
“G-ganon ba?” malungkot kong tanong.
“Yeah. Hindi ka na n’ya ginising dahil ayaw n’yang maistorbo ang pagpapahinga mo.” sunod n’ya pang sagot.
Tumahimik na lamang akong muli at sinimulan nang kumain.
Muling nagbalik sa aking ala-ala nang minsang sinabi sa akin ni Xander na may tanim s’yang maraming sunflower sa garden nila Cha. Pinagtawanan ko pa nga s’ya noon dahil sa ginawa n’yang iyon. Sinabi kong nagawa n’ya pang mang-abala sa bahay nila Cha para sa mga bulaklak na iyon. Pero sinabi n’yang mas maaalagaan daw iyon doon dahil laging may tao sa bahay nila Cha.
Nang tanungin ko s’ya kung bakit nagtanim s’ya ng mga sunflower ay masigla n’ya akong sinagot. Para daw iyon sa akin. Para daw ’pag nakabalik na ako ay makikita ko ang mga iyon. Alam n’ya raw kasing paborito ko ito. Alam n’ya ring mapapangiti ako kapag nakakita ako ng bulaklak na iyon. Gusto n’yang mapangiti ako kahit hindi kami magkasama noon.
“Tom anak, kumain ka na.” ang biglang pagsasalita ni Nanay Elise.
Napalingon naman ako dito.
“Tulala ka nanaman.” ang sambit naman ni Randy.
Ang totoo ay nararamdaman ko nanaman ang nagbabadya kong mga luha sa mga oras na ito. Kahit anong pilit ko na pasiglahin ang sarili ko, mukhang imposible na ito.
“S-sorry… Sige, kain na tayo.” tangi ko na lamang naisagot.
Nagsimula na kaming kumain ngunit wala sa amin ang nagsasalita. Tila ba lahat kami ay nagpapakiramdaman. Naging mabagal ang bawat pagkilos namin lalo na ako. Sa totoo lang ay wala na akong ganang kumain, pero alam kong magkakaroon lang kami ng pagtatalo ni Randy kung hindi ko iyon gagawin.
“Kelan ka nga pala nakabalik Randy? Kamusta ang seminar sa Baguio?” tanong ko kay Randy at pagbubukas ng usapan upang magkaroon naman ng buhay ang hapag kainan.
Nagpaalam kasi ito sa akin na hindi muna makakapasok sa hotel dahil may biglaang seminar itong pinuntahan para sa restaurant ni Xander. Apat na araw s’yang nawala kaya medyo nagulat din ako kanina nang makita ko s’ya pagkagising ko.
Sa loob ng apat na araw na iyon ay hindi ko na nagawang pumasok sa trabaho. Ito na rin ang naging payo sa akin nina Sir Lojie at Randy dahil wala rin ako sa sarili nitong mga huling araw. Tanging pag-iyak at pagkukulong lang sa kwarto ang nagawa ko.
Kinailangan ko rin gawin iyon dahil lumipad din si Sir Lojie pabalik ng London. May emergency daw na nangyari at magtatagal s’ya doon ng dalawa hanggang tatlong araw.
Matapos kong kamustahin si Randy ay saglit itong natigilan sa hindi ko malamang dahilan. Pero nang makabawi ay sumagot din ito ngunit hindi makatingin sa akin ng diretso.
“Ayos lang naman Tom. Kanina lang ako madaling araw nakabalik.” tipid n’yang sagot.
Tumango-tango naman ako. Nag-iisip ako ng maaari pa naming mapag-usapan ngunit inunahan n’ya rin ako.
“Ikaw ang dapat kong kamustahin Tom. Balita ko wala ka raw ginawa dito kundi ang magkulong sa kwarto?” pagtatanong n’ya sa akin.
Ako naman ang natigilan ngayon. Marahil ay nasabi na ito sa kanya ni Nanay Elise kaya wala na rin halaga kung magsisinungaling pa ako.
“Sorry…” tangi ko na lang nasabi.
“Hindi ako humihingi ng sorry galing sa’yo. Paliwanag mo ang kailangan ko.” diretso n’yang pagsalungat sa sinabi ko.
Natigilan akong lalo sa sinabi n’yang iyon. Napatigil din ako sa pagkain dahil dito.
“Tom, naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Alam kong mahirap tanggapin na tuluyan nang napasakamay ni Josephine ang share ni Xander. Pero hindi dahilan ’yon para isisi mo sa sarili mo ang lahat.” seryoso n’yang wika sa akin.
“Hindi mo kasi naiintindihan Randy. Nangako ako kay Xander na mababawi ko ’yon sa kanila. Na mababawi ko ’yon para sa kanya. Pero anong nangyari? Nag-uumpisa pa lang ako pero nawala agad ’yon sa isang iglap lang.” sagot ko sa kanya sa malungkot na tono.
Nararamdaman ko na rin ang pamimigat ng mga mata ko. Muli nanamang nagbalik sa akin ang masakit na katotohanang wala akong nagawa para sa pagbawi ng pag-aari ni Xander.
Tiningnan lamang ako ni Randy at hindi s’ya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
“Ganon na ba ako kahina at kabobo Randy?” una kong tanong. “Pakiramdam ko kasi napakawala kong kwenta. Wala akong nagawa para kay Xander.” sunod kong sinabi at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
Nagulat ako nang pabagsak na ilapag ni Randy ang kanyang mga gamit na kubyertos sa mesa.
“Itigil mo nga ’yan Tom! Ang hirap sa’yo sarili mo lang ang iniisip mo! Akala mo ikaw lang ang nahirapan tanggapin ’yon! Marami na rin kaming sinakripisyo! Akala mo ba madali lang din sa amin tanggapin ang lahat?! Lalong-lalo na nang mawala si Xander?! Pero nakita mo ba kami na naging mahina?! Patuloy kaming lumalaban para sa pinaghirapan ni Xander! Patuloy kaming lumalaban para sa’yo! Sana naman nakikita mo ’yon! Hindi ’yung puro iyak at pagmumukmok lang ang alam mo! Makipagtulungan ka naman!” panunumbat n’ya sa akin.
“Itigil? Paano ako titigil Randy kung alam kong dahil sa katangahan ko noon, marami ang sinakripisyo sa akin si Xander? At ngayon naman wala akong nagawa para maibalik ’yon!” tanong kong umiiyak sa kanya.
“Mga anak, hindi ito ang tamang lugar at oras para pag-usapan n’yo ’yan. Nasa harapan kayo ng pagkain kaya rumespeto kayo.” ang biglang pagsaway din sa amin ni Nanay Elise.
Napatingin kami dito ni Randy at pareho rin kaming napahiya.
Hindi na ako nakapagsalita sa pagkakataong ito ngunit patuloy na lamang sa paglabas ng mga luha ko.
Hindi na muli pang umupo si Randy.
“Hindi na ako kakain. Nawalan na ako ng gana.” madiin na sambit ni Randy at umalis na lamang sa aming harapan.
Nalulungkot ako sa nangyayari. Simula nang malaman namin na tuluyan nang naangkin ni Josephine ang share ni Xander sa kompanya ay ganito na rin kami mag-usap ni Randy.
Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko sa harapan nila Randy. Nauunawaan naman nila ako noong una, pero noong hindi nila ako makumbinsi na wala akong kasalanan ay hindi na rin nila nagawang habaan pa ang kanilang pasensya. Ilang beses nilang pinamukha sa akin ang kahinaan ko. Kung gaano ako karupok sa ganitong sitwasyon. Wala na raw akong ipinagbago.
“Tom anak, pagpasensyahan mo na ang alaga ko. Baka kulang lang sa tulog ’yon.” wika ni Nanay Elise at hinawakan ako sa kamay.
“Totoo naman ang mga sinabi n’ya Nanay Elise eh… Mahina ako… Lagi na lang akong nakadepende sa kanila…” sagot kong umiiyak.
Saglit na hindi nakapagsalita si Nanay Elise. Ngunit matapos ang malalim na buntong hininga at mahigpit n’ya akong hinawakan sa kamay.
“Tom, walang masama magpakita ng kahinaan. Minsan kailangan natin ilabas ’yon para matagpuan ang lakas na kinakailangan natin. Pero tandaan mo, walang taong nagiging matagumpay kung patuloy s’ya sa pagiging mahina.” payo sa akin ni Nanay Elise.
Hindi ako nakapagsalita. Tiningnan ko na lamang s’ya sa mata. Nakita ko ang unti-unting pagngiti ni Nanay Elise sa akin bago nagpatuloy.
“Alam mo ba na kilala ko rin si Xander, Tom? S’ya ang matalik na kaibigan ng alaga ko. At alam mo bang mataas ang tingin ni Randy sa kanya?” tanong sa akin ni Nanay Elise.
Nanatili naman ako sa pakikinig sa kanya. Bahagya akong napatigil sa pag-iyak dahil sa kanyang mga litanya.
“Tinitingala s’ya ni Randy dahil si Xander na ang pinakamatatag na taong nakilala n’ya. Alam mo bang si Xander ang dahilan kung bakit naging matatag din si Randy na harapin ang buhay n’ya? Dahil kay Xander, natuto s’yang tumayo sa sarili n’yang mga paa. Si Xander ang naging dahilan kung bakit nakalaya si Randy mula sa malungkot na pamumuhay n’ya noon. Lumaban s’ya dahil pinanghawakan n’ya ang pangako ni Xander na kahit anong mangyari ay susuportahan s’ya nito at hindi iiwan.” pagkekwento ni Nanay Elise.
“Hindi ko po maintindihan.” naging sagot ko sa kanya.
Mas lumapad ang pagkakangiti ni Nanay Elise bago nagpaliwanag.
“Noong college sina Randy at Xander, naging magkaibigan sila. Walang ideya si Xander sa totoong pagkasino ni Randy. Na alam mo na, pusong babae.” natatawa nitong panimula. “Pero nalaman ni Xander na hindi maganda ang relasyon ni Randy sa pamilya n’ya. Hindi n’ya kinuwestyon si Randy kung anong dahilan o bakit malayo ang loob nito sa magulang n’ya. Ang sinabi n’ya lang, kahit anong mangyari gagawin n’ya ang lahat para matulungan ang alaga ko. Gusto n’yang makalaya si Randy sa pananakit ng sarili n’yang ama sa kanya. Nandoon si Xander noong halos mapatay si Randy ng sarili n’yang ama. Pero ang sumunod na nangyari ang nagpataas ng respeto ni Randy kay Xander.” pagpapatuloy n’ya.
“A-ano pong nangyari?” tanong ko sa kanya.
“Pinatuloy s’ya ni Xander sa bahay nila, doon n’ya pinatira si Randy. Malugod naman s’yang tinanggap ng mga magulang ni Xander kaya napakaswerte ng alaga ko. Nasa mataas din silang paaralan noon kaya hindi na magawang ipagpatuloy ni Randy ang pagpasok noon sa eskwelahan. Hindi pumayag si Xander na hindi sila sabay na makapagtapos. Kaya ang ginawa ni Xander ay binigyan s’ya ng trabaho sa kompanya ng ama-amahan n’ya.” unang bahagi ng kanyang pagsagot.
“Ano pong sumunod na nangyari?” interesado ko nang tanong.
Bahagyang natawa si Nanay Elise bago sumagot.
“Akala ni Randy ay hanggang doon na lang ang magagawang tulong ni Xander sa kanya. Pero nagulat s’ya nang malamang pinasok ni Xander ang pagmomodelo para matulungan s’ya sa pag-aaral n’ya. Sinekreto ’yon ni Xander sa kanya at halos magpatayan sila noong malaman ’yon ni Randy. Nagagalit si Randy dahil nag-aalala s’ya na baka mapabayaan ni Xander ang pag-aaral n’ya. Pero dahil sa makulit si Xander, wala rin nagawa si Randy sa huli kundi tanggapin iyon.” muli n’yang pagsagot.
Sa bahagi ng kwento n’yang iyon ay napangiti ako. Naaalala ko kasi kung gaano kakulit si Xander. Hindi kasi s’ya tumitigil hanggat hindi nasusunod ang kagustuhan n’ya.
“Kaya masisisi mo rin ba Tom kung na-inlab din ang alaga ko sa boypren mo? Kaso lang mas mahaba ang buhok mo kesa sa alaga ko kasi sa’yo bumigay si Xander.” wika n’yang natatawa sa akin.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na maiwasang matawa sa kanyang sinabi. Hindi ako nakaramdam ng inggit o selos. Sa katunayan ay natuwa pa ako at hindi ko maikakailang mas maipagmamalaki ko si Xander dahil sa mga nalaman ko. Napag-isip-isip ko na talagang napakaswerte ko dahil dumating si Xander sa buhay ko.
Muling nagsalita si Nanay Elise. Ngunit sa pagkakataong ito ay seryoso n’ya akong kinausap.
“Kaya Tom, intindihin mo kung bakit ganyan ang inaasal ni Randy. Nasasaktan din s’ya pero hindi n’ya pwedeng ipakita sa’yo dahil alam n’yang higit na nasasaktan ka ngayon. Mahalaga rin si Xander sa kanya. Kung tutuusin, mas mahalaga pa nga si Xander para sa kanya kesa sa sarili n’yang pamilya. Dahil ang dapat na pag-intindi mula sa sarili n’yang pamilya ay si Xander ang nagbigay.” wika n’ya sa akin.
Hindi naman ako nakaimik sa kanyang sinabi. Nakaramdam ako ng pagkakonsensya dahil sa narinig.
“Sana Tom, ipakita mo sa alaga ko na lumalaban ka. Sana makita n’ya sa’yo kung gaano mo pinahahalagahan si Xander. Dahil nagiging mahina si Randy kapag nakikita n’yang ang mga taong importante kay Xander ay hindi kayang maging matatag para sa kanya. Gusto n’yang makita ang katatagan mo dahil naniniwala s’yang karapat-dapat ka para kay Xander.” huling bahagi ng kanyang pangungumbinsi sa akin.
Dahil sa mga nalaman ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Ngayon ko naisip na hindi lang pala ako ang naging mahina sa nangyari. May mga tao rin pala sa aking paligid na nagluluksa at nagdurusa sa pagkawala ni Xander. Pero ang mga taong ito ay piniling maging matatag para sa akin at kay Xander.
Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking pisngi. Dahan-dahan ay nagbigay ako ng isang ngiti kay Nanay Elise.
“Makakaasa po kayo Nanay Elise. Maraming salamat po. Hayaan n’yo po, patutunayan ko kay Randy kung gaano ko pinahahalagahan ang taong nagbigay ng pag-asa sa kanya. Si Xander.” wika kong nakangiti sa kanya.
Ngumiti ng malapad si Nanay Elise matapos kong sabihin iyon.
Hinawakan n’ya ng mahigpit ang aking kamay.
“Salamat anak, salamat.” sagot nito sa akin.
Matapos iyon ay ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain. Marami pa s’yang naikwento tungkol sa mga nakaraan nina Xander at Randy maging nina Ma’am Shai, Rigo at Dominic noong nag-aaral pa ang mga ito. Hindi ko na rin namalayan na naparami na rin ang aking pagkain dahil sa pagkaaliw sa pakikinig sa kanya.
Nang matapos ang aming pagkain ay nagdesisyon akong kausapin si Randy. Naabutan ko itong nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang kwarto.
“Randy…” pagtawag ko sa kanya.
Hindi n’ya ako pinansin at nanatili lamang s’yang nakatingin sa kawalan.
Huminga ako ng malalim at muling nagsalita.
“I’m sorry….” puno ng senseridad kong sambit.
Nilingon n’ya naman ako ng ilang segundo at muling ibinalik ang sarili sa pagtanaw sa labas ng bintana.
“Naaalala mo ba Tom noong nangako ka kay Xander na magpapakatatag? Na hindi ka na iiyak? Na haharapin n’yo ang lahat?” sunod-sunod n’yang tanong sa akin.
Hindi ako nakaimik dahil nakaramdam ako ng hiya. Nahihiya ako dahil kinalimutan ko ang mga pangakong ’yon. Kahit pa nang magpakita si Xander sa aking panaginip ay nangako ako sa kanya pero hindi ko agad inisip iyon.
“Hanggang sa huli ikaw ang iniisip n’ya Tom. Sa’yo umiikot ang mundo n’ya. Sa’yo n’ya inaalay ang mga naging tagumpay n’ya simula nang makilala ka n’ya. Ang swerte-swerte mo ’di ba? ’Yon ang mga bagay na hinihiling ko noon pero hindi ko nakuha.” una n’yang sambit.
“Pero bakit kahit anong sakripisyo ng matalik kong kaibigan para sa’yo, hindi mo kayang suklian?” tanong n’ya sa akin at nilingon akong muli.
Dahil sa kanyang mga sinabi ay muling nangilid ang aking mga luha. Labis akong nahihiya kay Randy.
“I’m sorry…” tangi kong nasabi.
“Hindi naman sorry ang hinihingi ko sa’yo Tom eh. Ang kailangan ko ay suporta galing sa’yo para kay Xander. Sa tingin mo ba natutuwa s’ya ngayon na nakikita kang ganyan? Na nakikita ka n’yang pinanghihinaan ng loob dahil sa kanya? Sa tingin mo ba magiging masaya s’ya ’pag malamang hindi ka tumutupad sa pangako mo sa kanya?” pagtatanong n’yang muli.
Hindi ako nakasagot kaya nagpatuloy pa s’ya.
“Ako Tom gustong-gusto ko nang magwala minsan. Gusto ko nang sumigaw ng paulit-ulit. Dahil ang taong nagturo sa akin ng halaga ko bilang tao, iniwan din ako. Iniwan din ako ng pinakamatalik kong kaibigan na nagbigay ng dahilan para maging matagumpay ako.” mahinahong bigkas n’ya pa.
“Pero dahil nand’yan ka na mahalaga sa kanya, kailangan kong maging matatag. Dahil naiisip kong malulungkot din si Xander kapag nakikita kang ganyan. Kaya nga hindi ako umaalis sa tabi mo eh. Gusto kong makita ang pagbangon mo para naman may maipagmalaki ako kay Xander. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi kita pinabayaan hanggang sa makabangon ka.” sunod at mahaba n’yang panunumbat.
“Alam ko naman ’yon Randy eh… Kaya nga ako humihingi ng sorry kasi naging makasarili ako… Sarili ko lang ang inisip ko… Nakalimutan kong hindi lang pala ako ang nasasaktan… Kasi may mga taong nagdurusa rin dahil sa pagkawala n’ya…” wika ko sa pagitan ng pag-iyak.
Hindi naman s’ya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
“Gusto ko rin naman tumupad sa pinangako ko kay Xander… Masyado lang akong nilamon ng kahinaan ko… Siguro dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na s’ya sa akin… Na iniwan n’ya na talaga ako… Nakalimutan ko ang mga salitang binitiwan ko sa kanya simula nang kasama ko pa s’ya hanggang sa magpaalam s’ya… Hindi ko sinasadya Randy… Hindi ko sinasadya…” dugtong ko pa.
Hindi pa rin s’ya nagsalita. Ngunit ilang saglit lang ay dahan-dahan itong lumapit sa akin. Nang tuluyan na s’yang makalapit ay niyakap n’ya ako na malugod ko rin namang tinugunan.
“Sana Tom patunayan mo sa lahat na kahit wala si Xander sa tabi mo, nagawa mong maging matagumpay. ’Yon lang naman ang gusto namin eh. Dahil alam naming doon magiging masaya si Xander. Tuparin mo ang mga pinangako mo sa kanya dahil iyon lang ang magiging dahilan para mapangiti mo s’ya.” wika n’ya habang yakap ako.
Tumango-tango naman ako sa kanya.
“Pangako, hindi ko na kalilimutan ang bagay na ’yon… pangako… I’m sorry…” muli kong paghingi ng tawad.
Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa.
“Puro ka sorry. Gawin mo na lang. Saka pwede ba? Tumigil ka na sa kakaiyak? Nakakairita na eh. ’Pag ako nainis, ako mismo magpapaiyak sa’yo. Kilala mo ako magalit.” pagbibiro n’ya.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi.
Nagbitaw kami sa pagkakayakap at pinunasan ko ang aking mga luha. Nagbitaw din ako ng isang ngiti bago nagsalita.
“Oo na, titigil na ako. Takot ko lang sa’yo.” pagbibiro ko rin sa kanya.
Nakita ko ang pagtawa ni Randy.
“O sige na, ang dami pang drama. Maghanda na tayo dahil maya-maya lang pupunta na tayo sa hotel.” wika n’yang nakangiti.
Nangunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.
“Bakit? Papasok na tayo? Masyado nang late.” tanong ko sa kanya.
Tinaasan n’ya naman ako ng isang kilay.
Hindi ko talaga minsan maiwasan matakot kay Randy ’pag ganito s’ya. Masyado talaga s’yang masungit. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya sa kanya ni Rigo.
“Nakalimutan mo na ba na ngayon ang party na pinatawag ng bruhang si Josephine?” tanong n’ya habang nakataas pa rin ang isang kilay.
Ngayon ko nga lang naalala ang bagay na iyon. Ngayon ang araw na inaasam ni Josephine. Ang makilala s’ya ng lahat para ipaalam na s’ya na ang may major share sa hotel.
Napakamot naman ako sa aking batok.
“Kailangan ba talagang nandoon din tayo? Party n’ya ’yon ’di ba?” tanong ko rin sa kanya pabalik.
“Kailangan. Dahil isa ka rin sa may major share. Kailangan mong makilala ang iba n’yo pang ka-share sa hotel. Dahil ’pag hindi ka nagpakita doon, mas bibigyan mo lang ng pagkakataon si Josephine na makuha ang simpatya ng ibang share holders. Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap kaya kailangan nating maging handa, lalong-lalo na ikaw.” mahaba n’yang paliwanag.
Nakuha ko naman ang punto n’ya kaya mukhang wala rin akong pagpipilian kundi ang pumunta.
Dahil sa hindi ako makasagot sa kanya ay muli s’yang nagsalita.
“Kahit tumanggi ka ngayon Tom, pupunta ka pa rin sa ayaw at sa gusto mo. Kung kinakailangan na kaladkarin kita, gagawin ko.” seryoso n’yang wika.
“P-pero…” pagtutol ko sana pero agad din s’yang kumontra.
“Sumusuko ka na ba?” tanong n’ya sa akin.
Hindi naman ako nakasagot sa kanya. Akala ko ay muling magagalit sa akin si Randy. Ngunit nagulat ako nang magbago ang kanyang ekspresyon. Unti-unti s’yang ngumiti at hinawakan ako sa balikat.
“’Wag kang sumuko Tom. Kasi kahit wala si Xander sa tabi natin, hindi n’ya nagawang sumuko.” nakangiti n’yang sambit.
Nanatili naman akong nakikinig sa kanya. Nahihintay pa sa mga sasabihin n’ya.
“Sana Tom hanggat kaya pa natin lumaban, gawin natin. May natitira pa sa’yo kaya may pag-asa pa tayo. Hindi pa natatapos ang laban, nagsisimula pa lang. Hindi natin alam ang mangyayari bukas. Malay mo, sa atin na maging pabor ang mga susunod na mangyayari.” muli n’yang pangungumbinsi.
Napangiti ako ng mapait.
“Kaya nga eh. Nagsisimula pa lang pero ang laki na ng pagitan natin sa kanila. Nakuha na nila ang higit sa kalahati ng gusto nilang share.” wika ko habang may mapait na ngiti.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Randy.
Hindi ko malaman, pero nararamdaman ko ang kasiyahan kay Randy. Wala akong ideya kung anong pagbabago meron sa kanya dahil iba ang sigla n’ya ngayong mga oras na ito. Hindi iyon maitatanggi sa kanyang mga ngiti.
“See? Sa’yo na rin nanggaling na mahigit sa kalahati ng inaasam nila ang nakuha nila?! Sa madaling salita Tom, hindi pa nila nahahawakan lahat. May ilang porsyento pa tayong natitirang pag-asa. At ang pag-asang iyon ay hawak mo.” nakangiti n’yang wika sa akin.
Hindi ako muling nakapagsalita sa kanyang mga sinabi. Ramdam ko ang pagiging positibo n’ya ngayon. Iba sa nasaksihan ko noong mga nakaraan na halos mawalan na rin s’ya ng pag-asa noong i-anunsyo ni Josephine ang pagkuha ng share ni Xander.
“Kaya nga Tom pangalagaan mo ang pinaghahawakan mo ngayon. Maliit man ’yan sa paningin ni Josephine, hindi pa rin maitatanggi na ikaw pa rin ang may hawak n’yan. Kaya sa halip na magmukmok ka sa isang tabi, hawakan at yakapin mo ang natitirang ibinigay sa’yo ni Xander. ’Wag mong hayaang pati ’yan ay makuha ng mga kalaban natin.” mahaba n’yang litanya at pangungumbinsi pa rin.
Napaisip naman ako sa kanyang mga sinabi. Tama s’ya dahil ang hawak ko ngayon ay nagmula pa rin kay Xander. Sa kanya pa rin nanggaling kung ano man ang mayroon sa akin ngayon. At hinding-hindi ko dapat pabayaan iyon.
Hanggat nasa akin ito ay parang kay Xander pa rin nakapangalan ang kompanya. Hawak ko pa rin ang pangarap naming dalawa.
Unti-unti ay sumilay sa akin ang isang tunay na ngiti.
“Salamat Randy… salamat sa lahat…” tangi kong nasabi sa kanya.
Mas ngumiti lamang s’ya sa akin at tinapik-tapik ako sa aking balikat.
Umalis s’ya sa aking harapan at tinungo ang kanyang cabinet.
“Okay, mission accomplished.” sambit n’ya na hindi ko pinansin.
“Kailangan bang paghandaan ko rin ang susuotin ko?” tanong ko sa kanya.
Sinagot n’ya naman ako habang abala pa rin s’ya sa paghahalungkat sa loob ng kanyang cabinet.
“S’yempre naman. Alangan naman magsuot ka ng shorts at sando doon?” sarkastiko n’yang sagot.
Eto nanaman s’ya, nagsisimula nanaman sa pagsusungit. Kung hindi ko lang kilala ang pagkatao ni Randy, malamang ay makaramdam ako ng inis dito. Masyado kasi s’yang prangka at hindi basta tumitigil kapag may ginusto s’yang gawin at sabihin.
“Sige, maghahanap na lang ako ng gagamitin ko mamaya para presentable naman ako.” sagot ko naman sa kanya.
Akmang magpupunta rin sana ako sa cabinet na pinahiram n’ya sa akin nang magsalita s’ya.
“Hindi na kailangan. Nakahanda na lahat ng gagamitin mo. Alam ko kasing hindi ka nakapaghanda kaya ako na ang umasikaso. Isa pa, may tema ang party na pinatawag ng impaktang ’yon. Masquerade daw ang drama ng event. Akala mo naman matatakpan ng maskara ang sungay n’ya! May nalalaman pang paganon-ganon! Akala mo kinaganda n’ya!” paliwanag n’ya sa naiinis na tono habang naghahalungkat pa rin s’ya sa kanyang cabinet.
Gusto kong matawa sa mga sinabi n’ya ngunit pinigilan ko. Baka sa akin pa mabaling ang inis nito. Masyado talagang masungit si Randy.
“Ayun! Gotcha!” ang bigla n’yang sambit.
“Ano ’yon?” taka kong tanong.
Humarap ito sa akin at nagtaka ako sa bagay na hawak n’ya.
“Ear plugs??!” sambit ko nang makita ko ang nasa kamay n’ya.
“Obvious ba?” pambabara n’ya sa akin.
“Kung makahalungkat ka naman d’yan sa cabinet mo akala ko ’yung mga gagamitin na natin ’yung hinahanap mo. Ano bang gagawin mo d’yan?” tanong ko sa kanya.
Nakita ko kung paano umasim ang mukha ni Randy at tiningnan ako ng masama. Nakaramdam nanaman ako ng takot sa kanya.
“Wala ka nang pakealam don! Isa pa, wala dito ang susuotin natin dahil nasa hotel na ’yon!” naiinis n’yang pagsagot sa akin.
Ngumiti naman ako ng alanganin habang nagkakamot sa aking ulo.
“Sabi ko nga.” tangi kong nasambit.
“Baka gusto mo nang maligo Tom? Bukod sa ilang oras na lang ay pupunta na tayo sa hotel, hanggang ngayon wala ka pang ligo. May balak ka bang maging taong grasa?” mapangutya n’yang tanong.
Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang towel na gagamitin ko sa pagligo.
“Sorry… Sige, maliligo na ako.” naging sagot ko na lamang at dahan-dahan akong humakbang patungo sa banyo.
“Puro na lang sorry! Kahit walang ginagawang masama, sorry ng sorry!” nadinig kong naiinis n’yang pagbulong.
Napailing na lamang ako at hindi pinansin ang kanyang sinabi.
Ibang klase talaga ’tong si Randy. Nakakatakot ang pagiging masungit. Pero kahit ganito s’ya, wala akong masasabi sa pagiging mabuting kaibigan n’ya. Hindi na ako nagtataka kung bakit kahit ganito s’ya kasungit ay nanatiling kaibigan s’ya nina Xander.
Matapos akong maligo at mag-ayos ay saglit kaming naghintay ng oras para sa pagpunta sa hotel.
Habang nasa byahe kami ni Randy ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung para saan pero iba ito sa mga kabang nararamdaman ko sa tuwing papasok ako sa hotel at maiisip kung paano ko haharapin sina Daniel at Josephine.
“Ayos ka lang ba Tom? Kanina ka pa parang balisa d’yan. Hindi ka mapakali.” pagpuna sa akin ni Randy habang abala s’ya sa pagmamaneho.
“Hindi ko nga rin alam Randy eh. Pero parang may kakaibang mangyayari. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.” sagot ko naman sa kanya.
“Baka excited ka lang?” tanong n’ya sa akin.
Nilingon ko naman s’ya.
“Excited? ’Wag kang magbiro Randy. Baka kamo nanggigigil ako? Makikita ko nanaman ang mga taong nagpapakulo ng dugo ko!” sagot ko sa kanya.
Nakita ko kung paano naging seryoso ang mukha ni Randy.
“Kesa sa mag-isip ka ng kung ano-ano, ihanda mo na lang ang sarili mo sa muli n’yong paghaharap ni Josephine. Ihanda mo ’yang sarili mo dahil sigurado akong hahanapin ka non para lang pagtawanan ka.” diretso n’yang pagsagot sa akin.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Tama s’ya, magkakaharap nga kaming muli nina Josephine at Daniel. At kailangan kong paghandaan iyon dahil iba ito sa ordinaryong paghaharap namin sa hotel.
Nakarating kami ng hotel at hindi na ako pinatahimik sa pag-iisip sa mangyayari. Pilit kong pinapalakas ang loob ko para maging handa ako sa muli naming pagkikita nina Josephine.
Sinabi ni Randy na may room na nakalaan para sa mga VIP at isa na kami roon.
Nang makapasok kami dito ay nakita kong nakahanda na ang aming mga susuotin. Maganda at napakapormal ng suit na inihanda ni Randy para sa amin. Ibinigay na rin sa akin ni Randy ang maskara na gagamitin ko para sa party. Nagpasalamat na lamang ako kay Randy dahil s’ya ang nag-asikaso ng lahat ng ito.
Dumating na ang oras para sa party. Kahit puno ng kaba ang dibdib ko ay pinilit kong maging normal ang pagkilos ko. Hindi ko hahayaang makitaan ako nina Daniel, Popoy at Josephine ng kahinaan.
Patungo kami ni Randy sa elevator upang tunguhin ang ballroom ng hotel.
Nang makapasok kami ni Randy sa elevator ay hinintay na lamang namin na tuluyang magsara ang pinto nito. Katapat ng elevator na iyon ay natatanaw ko ang mahabang hallway ng hotel.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko sa dulo ng hallway ang isang imahe na naglalakad. Ang imaheng kilalang-kilala ko.
Nanlaki ang mga mata ko habang sinusundan ang kilos ng imaheng nakikita ko.
“Xander?” sambit kong mahina.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Ang bawat detalye ng imahe ni Xander ay kabisado ko. At kahit takpan ang mga mata ko ay makikilala ko s’ya kung mahahawakan ko s’ya.
Parang slow motion ang lahat. Ang paglalakad ni Xander ay naging mabagal habang mabagal din ang tuluyang pagkakasara ng elevator dahilan para mawala s’ya sa paningin ko.
Mabilis kong ikinilos ang aking kamay upang muling buksan ang elevator. Ngunit mukhang huli na ang lahat dahil tuluyan na itong nagsara at handa nang umakyat patungo sa palapag kung nasaan ang ballroom ng hotel.
“Tom bakit?!” nagtatakang tanong ni Randy.
“Nakita ko s’ya!” natataranta kong sagot habang abala pa rin sa pagpindot sa button ng elevator.
“Ha?! Sino?!” tanong n’ya pang muli sa akin.
“Si Xander!! Nakita ko s’ya!! Nakita ko s’ya Randy!! Nakita ko si Xander!!” ang pasigaw ko nang pagsagot.
“Ano??!!!” malakas na ring pagtatanong ni Randy.
Dahil sa tuluyan nang umakyat ang elevator ay nakaisip ako ng ideya. Mabilis kong pinindot ang palapag kung saan ang pinakamalapit na hihintuan nito.
“Tom ano bang ginagawa mo?!! Saka ano bang pinagsasabi mong nakita mo si Xander?!” tanong muli ni Randy na naguguluhan.
“Hindi ako pwedeng magkamali Randy! Si Xander ’yon! Kilalang-kilala ko s’ya!” malakas kong pagsagot sa kanya.
Nang tumunog ang elevator senyales na hihinto ito ay mabilis at paulit-ulit kong pinindot ang open button nito.
Naging matagumpay naman ako sa aking ginawa. At kahit hindi pa tuluyang nagbubukas ang pinto ay halos isiksik ko ang sarili ko para lang makalabas sa pintuang iyon.
Nang tuluyan akong makalabas ay mabilis din akong tumakbo.
“Tom! Bumalik ka dito! Ano bang ginagawa mo?!” nadinig kong sigaw ni Randy.
Hindi ko s’ya pinakinggan. Nagtuloy-tuloy ako patungo sa magarang hagdan ng hotel.
Babalik ako sa palapag kung saan ko s’ya nakita kanina. Tatawagin ko s’ya. Yayakapin ko s’ya. At hinding-hindi na ako papayag na mapahiwalay sa kanya.
Habang tumatakbo ay hindi ko mapigilang ngumiti. Kahit hinahabol ko na ang paghinga ko ay hindi ko iyon alintana.
Makikita ko na ulit s’ya.
Makikita ko na ulit si Xander.
Magkakasama na kaming muli.
Nang marating ko ang palapag kung saan ko s’ya nakita ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Bawat pasilyo ay tinitingnan ko habang may ngiti sa labi ko.
“Xander…”
“Xander…”
paulit-ulit kong pagbigkas ng kanyang pangalan kahit nakakaramdam na ako ng pagkahingal dahil sa ginagawang pagtakbo.
Sa huling pasilyo ng hotel ay nakita ko ang imaheng nakita ko kanina. Patuloy pa rin ito sa paglalakad ng nakatalikod sa aking pwesto kaya ibinigay ko ang lahat ng lakas ko para mahabol s’ya.
Ang ilang metro naming distansya ay naging maliit dahil sa ginagawa kong pagtakbo papalapit sa kanya.
Ilang hakbang na lamang.
Ilang hakbang na lamang ay mahahawakan ko na s’ya kaya mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis ko s’yang hinawakan sa kamay.
“Master!” masaya kong pagtawag sa kanya at pwersahan s’yang pinaharap upang magsalubong ang aming mga mata.
“What the?! Sino ka ba?!” sigaw nito sa akin nang tuluyan kaming magkaharap.
Pwersahan n’ya ring inalis ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko sa kanya.
Ang kaninang pagkakangiti ko ay unti-unting naglaho.
Ang kaninang maliwanag na paligid ay biglang nagdilim.
Huminto rin ang oras sa buong paligid dahil sa nasaksihan ko.
Hindi.
Bakit nagkaganito?
Bakit nagbago?
“Sir, sorry! Pasensya na po! Hindi po n’ya sinasadya! Napagkamalan lang po n’ya kayong kakilala n’ya!” ang biglang pagsulpot ni Randy.
Nakakunot ang noo ng lalaki at halatang iritable.
“Bulsh*t! Mga istorbo! Sa susunod umayos kayo! Nakakaabala kayo!” sigaw nito sa amin.
“Pasensya na po ulit. Pasensya na talaga.” paghingi pa rin ng tawad ni Randy.
Ako naman ay nanatiling tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.
Hindi na muling sumagot pa ang lalaki ngunit mabilis din itong tumalikod at humakbang palayo sa amin.
Habang naglalakad ang lalaki ay pinagmamasdan ko lamang s’ya.
“Ano nanaman ba ’to Tom?! Nakakahiya sa tao!” naiinis na sambit ni Randy.
Nilingon ko s’ya at hindi ako nagsalita.
“Ano bang nangyayari sa’yo Tom?!” tanong n’yang muli.
“N-nakita ko naman talaga s’ya kanina Randy.” pagpupumilit ko pa rin.
Nakita kong mas nainis si Randy.
“Pwede ba Tom?! Akala ko ba maayos na tayong nag-usap?! Ano nanaman ngayon ang problema mo?! Kelan ka ba magigising sa katotohanan?! Wala na si Xander! Iniwan n’ya na tayo! Kelan mo ba matatanggap ’yon?! “ pagbulyaw n’ya sa akin.
Sa mga huling sinabi ni Randy ay natigilan ako.
’Wala na si Xander! Iniwan n’ya na tayo! Kelan mo ba matatanggap ‘yon?!’
paulit-ulit na salitang naririnig ko.
Nangilid ang aking mga luha dahil sa katotohanang iyon.
Kelan ko nga ba matatanggap ang pagkawala ni Xander? Bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong umaasa sa pagbabalik n’ya?
Saglit na natahimik si Randy dahil sa nakitang reaksyon ko. Tiningnan n’ya ako ng nakakaawa bago nagsalitang muli ngunit sa mahinahon nang pamamaraan.
“Tom, alam kong nahihirapan ka pa rin hanggang ngayon. Pero sana naman kahit ngayon lang, kalimutan mo muna s’ya. Mas kailangan mong harapin ang mga mangyayari mamaya. Nakakalimutan mo ba kung bakit nandito tayo ngayon? Para harapin ang katotohanan. Para paghandaan ang kinabukasan mo. At para sa katuparan ng mga pangako mo.” mahinahon n’yang pakikipag-usap sa akin.
Hindi pa rin ako nakapagsalita. Dahil kung magsasalita pa ako ay sigurado akong ano mang oras ay magsisimula nanaman ang pag-agos ng mga luha ko.
Lumapit sa akin si Randy at marahan akong hinawakan sa kamay.
“Tom… kahit ngayon lang… pwede ba ’yon?” pakiusap n’yang muli.
Hindi agad ako nakasagot. Pero naisip kong tama si Randy. Kahit ngayon lang ay dapat kong patunayan sa kanila kung paano ko ipagpapatuloy ang pagiging matatag. Kahit hindi na para sa akin. Kahit para kay Xander na lang.
Unti-unti akong tumango habang nangingilid pa rin ang mga luha ko.
Tulad ng pangako ko kay Xander, kailangan ko itong tuparin. Ayaw kong kahit wala na s’ya dito ngayon ay bibiguin ko pa rin s’ya. Gusto kong may mapatunayan sa kanya. Gusto kong matupad ang mga kahilingan n’ya.
“Salamat Tom…” nakangiting wika sa akin ni Randy.
Tipid na ngiti na lamang ang sinagot ko sa kanya.
Matapos iyon ay ipinagpatuloy na namin ang naantala naming pagpunta sa ballroom ng hotel.
Narating namin ang pagdadausan ng kasiyahan. At aaminin ko, namangha ako sa naging preparasyon para dito. Napaka-elegante ng buong lugar. Pinaghandaan ang bawat detalye nito. Marami na rin ngayon ang naririto at nagsisimula nang magkasiyahan.
Isinuot na rin namin ni Randy ang mask dahil iyon daw ang mahigpit na bilin ng organizer.
Hinatid din kami sa aming mga uupuan. Nasa bandang harapan kami dahil ito ang para sa mga VIP ng event. Sa malaking mesa na bilog at may magandang centerpiece ay nakalagay ang aming mga pangalan.
Hindi pa kami tuluyang nakakaupo ni Randy ay may narinig kaming pagtawag.
“Boss!” ang narinig naming pagtawag mula sa aming likuran.
Nilingon naman namin ito at nakita ko ang lalaking halos takbuhin ang aming pwesto. Nagulat pa ako dahil bigla itong umakbay kay Randy. Hindi ko s’ya makilala dahil sa maskarang suot nito.
“Kung makatawag ka naman akala mo nawawala ako!” biglang sambit ni Randy.
“Hi Tom! Kamusta?” bati nito sa akin at hindi pinansin ang kasungitan ni Randy.
Hinubad nito ang kanyang maskara at inilagay sa kanyang ulo.
Napangiti naman ako nang makilala ko s’ya.
“Rigo! Ikaw pala ’yan?!” sambit ko.
“Ayusin mo nga ’yan! Isuot mo ulit!” ang utos ni Randy sa kanya.
Muli naman itong sinuot ni Rigo dahil na rin sa masungit na pag-uutos ni Randy.
Bago kami magsimulang mag-usap ay umupo muna kami.
“Anong ginagawa mo dito Rigo? Invited ka rin?” masaya kong tanong sa kanya.
“Inimbita ko s’ya Tom.” pagsingit naman ni Randy.
Wala naman masama kung nandito si Rigo. Masaya pa nga ako dahil nadagdagan kami ni Randy at Sir Lojie dito sa aming mesa.
“Tinawagan ako ni Randz eh. Mukhang kailangan n’ya ako ngayon kaya s’yempre to the rescue ako!” mayabang na pagsagot sa akin ni Rigo.
“’Wag kang magyabang. Kahit wala ka dito, wala naman problema ’yon.” pambabara naman ni Randy sa kanya.
“Weh? Talaga? Sige nga, hawakan mo nga! Tingnan ko nga kung kaya mo!” makahulugang sagot naman ni Rigo sa kanya.
Natahimik naman si Randy sa sinabing iyon ni Rigo. Halatang hindi n’ya kaya ang pinapagawa sa kanya ni Rigo.
Dahil sa wala nang maisagot si Randy ay kinurot n’ya na lamang sa tagiliran si Rigo na s’yang ikinatawa nito. Nagpatuloy na lamang silang ganoon at nagsasaya. Mukhang nakalimutan na nga nilang kasama nila ako ngayon.
“Pucha! Ang lalandi n’yo! Bumaba na lang kayo doon sa guest room kesa dito kayo nagkakalat ng kalandian n’yo!” ang wika ng bagong dating.
Nilingon namin ito at nakita naming si Sir Lojie na pala ito. Hindi n’ya suot ang kanyang maskara. Pinaglalaruan n’ya lamang ito sa kanyang daliri at pinapaikot-ikot.
“Lul! Inggit ka lang!” pambabara sa kanya ni Rigo.
Umupo na si Sir Lojie sa tabi ko.
“Good evening Sir Lojie.” nakangiti kong pagbati dito.
“Namo! Sir Lojie ka ng Sir Lojie! Ikaw nga ang boss ko dito!” sagot n’ya naman sa akin.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang nakangiting alanganin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako sanay na tawagin s’ya sa kanyang pangalan na walang ‘Sir’ dahil nakasanayan ko na rin ito.
“Bakit hindi mo suot ang maskara mo?” pag-iiba ko na lang ng usapan.
“Taena ang baduy eh! Kingina kasi ng organizer na ’yun! May nalalaman pang ganito! Ang kati sa mukha!” sagot n’yang iritable.
Natawa na lamang ako sa kanyang reaksyon.
Tulad namin ni Randy ay maganda rin ang suit nina Sir Lojie at Rigo. Mukhang pinaghandaan din nila ang party na ito.
Nagpatuloy na lamang kami sa aming pag-uusap sa mesang iyon. Kung minsan ay may lalapit sa amin para magbigay ng drinks at pagkain. Pero ang ipinagtataka ko ay kahit minsan hindi sila kumuha ng alcoholic drinks. Lalo na si Sir Lojie na alam kong hindi pinapalampas ang ganito. Hindi na lamang ako nagtanong dahil maliit na bagay lamang iyon.
Habang nasa kalagitnaan kami ng aming pag-uusap ay nabigla kami sa isang boses na nagmula sa aming likuran.
“Wow! Dumating na pala ang special guest ko! How are you Mr. Perez?” pagbati nito sa amin.
Nilingon namin ito at nakita ko ang nga taong naging dahilan kung bakit pinagdadaanan ko ang miserableng bagay na mayroon ako ngayon.
Maganda ang suot ni Josephine. Eleganteng-elegante ito sa long gown na pula habang hawak n’ya ang kanyang maskara. Masasabi kong pinaghandaan n’ya talaga ang gabing ito dahil nangingibabaw s’ya sa lahat ng babaeng naririto sa party. Sina Daniel at Popoy naman ay nasa kanyang tabi na bihis na bihis din.
Hindi kami tumayo mula sa pagkakaupo. Nanatili lamang kaming nakatingin sa kanila.
“Wala man lang bang magre-response? That’s rude.” pagpuna nito sa amin.
Hinubad ni Randy ang kanyang maskara bago ito nagsalita.
“Rude ba masyado? H’wag kang mag-alala, mamaya mas makikita mo kung gaano kami kabastos.” kalmadong sagot ni Randy.
Nilingon naman s’ya ni Josephine habang nakangisi.
“Bakit ba ang hilig mong makisawsaw Randy? Kailangan ba sa lahat ng event ng buhay ko witness ka? Kung sabagay, sanay ka naman na nakikisawsaw ’di ba?” mapang-insultong tanong nito kay Randy.
Ang inaakala ko ay maaapaektuhan si Randy sa kanyang mga sinabi. Ngunit nanatili itong kalmado.
“Sikat ka kasi. Famous. Popular. Lalo na siguro mamaya?” sagot ni Randy kay Josephine.
“Of course! Magpapatawag ba ako ng ganito kaengrandeng party kung hindi isisigaw ang pangalan ko mamaya? Ano sa tingin n’yo?” masaya nitong sambit.
Hindi na lamang sumagot si Randy. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ba hindi apektado si Randy sa inaasal ngayon ni Josephine. Maging si Sir Lojie at Rigo ay wala rin reaksyon. Patuloy lamang din sila sa ginagawang pagkain.
Saglit kong tinapunan ng tingin si Popoy ngunit iniwas naman nito sa akin ang kanyang tingin. Nang mapadako naman ang mga mata ko kay Daniel ay nakatitig lamang ito sa akin habang blangko ang ekspresyon.
Naputol na lamang ang aming pagkakatinginan nang biglang magsalitang muli si Josephine.
“By the way, sorry nga pala Tom ha? Hindi muna kita mapapakilala sa ibang share holders. Naisip ko lang kasi, hindi naman ikaw ang nagpatawag ng party ’di ba? So what’s the sense of introducing you to them? I mean, nagpunta sila dito para makilala ang may pinakamalaking share right? So siguro, you have to call for your own party para makilala ka nila. What do you think?” wika nito sa akin.
Kahit nakaramdam ako ng pagkadismaya at galit ay hindi ko ipinakita sa kanila. Gamit ang mukha kong walang ekspresyon ay sinagot ko s’ya.
“No need to apologize. Hindi naman ako interesado na magpunta dito in the first place. Gusto ko lang makita ang naging expenses ng company. Mahirap nang lumampas ’to sa budget, hindi ’yon magiging healthy para sa atin. Tama ba ako?” sagot kong mahinahon sa kanya.
“You don’t have to worry about that Tom. Wala akong ginamit na pera mula sa kompanya. Nanggaling lahat ’to sa sarili kong bulsa.” nakangisi n’yang sagot.
Ngumiti ako ng malapad at muli s’yang sinagot.
“That’s good to hear then! Marunong ka rin naman palang mahiya.” sagot kong nakangiti sa kanya.
Hindi rin s’ya nagpakita ng pagkainsulto sa aking sinabi. Ngunit hindi na rin s’ya sumagot.
“Josephine, magsisimula na. Bumalik na tayo sa table natin.” ang biglang pagsingit ni Daniel.
Nilingon naman s’ya nito habang suot pa rin ang pekeng ngiti. Hindi s’ya sumagot at muling ibinalik ang tingin sa amin.
“So paano? I’ll see you guys later? Maraming food and drinks. Enjoy the night!” nakangiti n’yang wika sa amin.
Hindi na n’ya hinintay na makasagot kami at mabilis rin silang tumalikod sa amin. Katulad namin ay sa isang mesa para sa mga VIP sila umupo na magkakasama. Kahelera lamang ito ng aming table at ilang metro rin ang layo dahil sa laki ng lugar.
Matapos iyon ay isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko at muling bumalik sa maayos na pagkakaupo.
“Ang panget talaga ng ugali ng babaeng ’yon!” inis na sambit ni Rigo.
“Ah talaga ang ha? If I know pinantasya mo rin s’ya noon!” pambabara sa kanya ni Randy.
“Weh? ’Di nga? Isa lang kaya ang pinantasya ko simula noon hanggang ngayon.” sagot naman ni Rigo sa kanya.
Hindi na nakasagot si Randy kay Rigo. Dahil matapos iyon sabihin ni Rigo ay tiningnan n’ya si Randy mula pababa hanggang paakyat sa kanyang mukha. Nagawa pa nitong ikagat ang kanyang ibabang labi habang nakatitig kay Randy.
Nakita ko kung paano namula ang mukha ni Randy bago binigyan ng mahihinang pagbatok si Rigo.
“Tigilan mo ako! Tigilan mo ako!” sambit ni Randy habang patuloy na binabatukan ng mahina si Rigo.
Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Opposite ang ugali pero magkasundong-magkasundo.
“Kumakain ang tao dito oh! Respeto naman d’yan! Nakakaumay eh!” biglang sambit ni Sir Lojie na patuloy lang sa pagkain.
Napatigil naman sina Randy at Rigo bago nilingon si Sir Lojie.
“Inggit ka lang!” sabay na sambit ng dalawa kay Sir Lojie.
Matapos iyon ay sabay-sabay kaming nagtawan. Nakakatuwa sila dahil parang walang nangyaring komprontasyon kanina lamang sa amin nina Josephine. Hindi man lang sila naapektuhan.
Kahit hindi ko gustong tumagal sa party na ito ay wala akong nagawa. Kinailangan kong paabutin ang sarili ko hanggang kalahati ng programa na inihanda nila.
Nagsimula ang party at lahat ng tao rito ay nagkakasiyahan. Paminsan-minsan akong napapasulyap sa table nina Josephine, Daniel at Popoy. May pagkakataon pang nahuhuli ko si Daniel na nakatitig sa akin habang wala pa rin ekspresyon ang kanyang mukha. Ngunit sa tuwing magtatagpo ang aming mga mata ay s’ya na rin ang unang umiiwas.
Habang abala kami sa pag-uusap sa aming table ay bigla akong napatigil sa pagtawa sa kakulitan nina Rigo at Sir Lojie.
Nawala ako sa konsentrasyon ng aming pag-uusap nang may maramdaman akong umupo sa likurang bahagi ng inuupuan ko. Nanatili naman akong nakatalikod lamang sa taong iyon.
Ipagpapatuloy ko sana ang muling pakikipag-usap kina Randy, Rigo at Sir Lojie ngunit tuluyan nang nakuha ang atensyon ko ng taong umupo sa likuran ko. Natigilan ako at hindi na nakapagsalita.
Naamoy ko ang pabango nitong pamilyar sa akin. Ang amoy na kilang-kilala ko at hinding-hindi ko makakalimutan. Ang pabango na paboritong gamitin ng taong naghatid sa akin sa magandang mundo.
Ang normal na pagtibok ng aking puso ay naging mabilis. Hindi ko alam kung nanlalaki na rin ba ang mga mata ko sa mga oras na ito. Ang malinaw lamang sa akin ay pinagpapawisan ako ngayon at nanginginig ang buong katawan ko.
“Tom? Okay ka lang?” ang biglang tanong sa akin ni Randy.
Doon lamang ako natauhan. Nakatingin na rin pala sa akin sina Rigo at Sir Lojie.
At dahil sa nakuha ni Randy ang atensyon ko ay muli kong naalala ang kanyang mga sinabi kanina.
’Wala na si Xander! Iniwan n’ya na tayo! Kelan mo ba matatanggap ‘yon?!’
’Wala na si Xander! Iniwan n’ya na tayo! Kelan mo ba matatanggap ’yon?! ’
’Wala na si Xander! Iniwan n’ya na tayo! Kelan mo ba matatanggap ’yon?! ’
paulit-ulit kong naririnig sa aking utak.
Napangiti ako ng mapait.
“Ahm… Oo, ayos lang ako.” sagot ko sa kanila.
Umayos akong muli sa pagkakaupo. Inurong ko rin ang aking upuan pasulong upang mas makalapit pa sa kanila.
Tama si Randy. Wala na si Xander kaya imposibleng s’ya ang taong nasa likod ko.
Natatawa na lamang ako ng mapait nang magbalik sa aking ala-ala ang mga kaganapan sa buong araw.
Simula sa panaginip kong naroon si Xander. Ang maabutan ko ang mga bulaklak sa aking higaan pagkagising ko kanina. At ang pag-aakala kong si Xander na hinabol ko kanina sa hallway.
Lahat nang ’yon ay purong akala. Lahat nang ’yon ay puro imahinasyon lang pala.
Tama na. Tama na ang pagpapaasa ko sa aking sarili. Dahil kahit anong gawin ko, imposible nang magbabalik pa si Xander.
Masakit pa rin hanggang ngayon. Gusto ko pa rin umiyak at paulit-ulit s’yang tawagin.
Pero alam kong hindi ko na s’ya maririnig.
Hindi ko na s’ya mahahawakan.
At higit sa lahat, alam kong hindi ko na s’ya makikitang buhay.
Ipinagpatuloy na lamang namin ang aming pag-uusap sa mesang iyon. Pinilit kong alisin ang atensyon ko sa taong nagpapaalala sa akin kay Xander mula sa aking likod. Naging matagumpay naman ako dahil nagawa ko nang makasabay muli sa usapan namin sa mesa.
Ilang presentasyon pa sa harap ng stage bilang parte ng programa ang aming pinanood bago dumating ang main event.
Nagpunta ang isang may edad na lalaki sa stage at nagsimulang magsalita. Sinabi ng host bilang pagpapakilala na isang shareholder ang lalaking nasa stage ngayon.
Dahil sa hindi ito naipakilala sa akin kanina ay ngayon ko lamang ito nakita.
Madilim na ang buong paligid at tanging mga ilaw sa stage na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa malaking ballroom ng hotel. Sa aming pwesto naman ay madilim na rin sa mga oras na ito.
Hinubad na rin namin ang mga suot naming maskara para mas makita ang taong nagsasalita ngayon sa ibabaw ng entablado.
“Good evening ladies and gentlemen.” pauna nitong pagbati.
“Please let me introduce myself again. I am Mr. Amorsolo Chua, one of the Shareholder in this hotel, or a proud member of this prestigious company rather.” sunod nitong sambit sa masayang tono.
Tahimik naman ang lahat ng taong naririto. Maging kami sa aming mesa ay seryosong nakikinig sa kanya.
“Over the last few years, I never imagined na magiging ganito ka-successful ang hotel na ito. Kaya nga 10% lang ang share na kinuha ko.” panimula ng kanyang talumpati at nagbigay ng mahinang pagtawa.
“I must admit, inisip ko noong una na magsasayang lang ako ng investment. But then, nagtiwala ako sa magandang plano at pagpapatakbo nito.” tapat n’ya pang dugtong.
“Everyone is aware na wala pang ipinapakilalang CEO and President, right?” tanong n’ya sa lahat bago nagpatuloy.
“Dahil iyon ang napag-usapan sa simula pa lamang. Hanggat hindi naisasaayos ang mga documents na kakailanganin, wala munang hahawak sa pwestong iyon dahil sa pantay na hati ng dalawang major share.” sunod n’ya pang sambit.
Ilang segundo s’yang tumigil sa pagsasalita. Inilibot n’ya ang kanyang paningin sa lahat ng taong nasa kanyang harapan kabilang na kami. Naging seryoso rin ang kanyang mukha bago n’ya ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita.
“Hanggang sa dumating ang araw na ito.” pagdugtong n’ya sa kanyang mga sinabi.
Lahat kami ay nagulat sa sinabi n’yang iyon. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa buong lugar. Maging ako ay natigilan dahil sa narinig. Parang hindi ako makapaniwala sa mga salitang binigkas n’ya.
Napalingon ako sa gawi nila Josephine. Nakita ko kung paano rin s’ya sa akin tumingin habang nakataas ang isa n’yang kilay at may malapad na pagkakangisi.
Ang buong akala ko ay ipapakilala lang s’ya na isa sa may malaking share. Pero base sa panimula ni Mr. Chua, ipapahayag na nito kung sino na ang idedeklara n’yang President and CEO ng kompanya.
Naestatwa ako. Hindi ko na rin makontrol ang katawan ko sa panginginig. Naging mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa bilis ng takbo ng puso ko. Kinakabahan ako sa magaganap.
Muling nagpatuloy si Mr. Chua habang nag-iingay na rin ang paligid dahil sa mga bulong-bulungan ng mga taong naririto.
“What you heard is true and final. Ngayong gabi makikilala n’yo na ang bagong CEO and President ng company dahil sa malaki n’yang share.” sunod na pagdugtong sa mga sinabi ni Mr. Chua.
Dahil sa mga narinig ko ay mabilis na nagliyab ang galit ko sa puso. Naikuyom ko ang aking mga kamao at nagdidikit na rin ang mga ngipin ko dahil sa labis na poot na nararamdaman ko.
Hindi ako papayag.
Hindi maaaring makuha ni Josephine pati ang pwestong iyon. Hindi ko hahayaang mapasakamay nila nang tuluyan ang lahat ng pinaghirapan ni Xander.
Tumayo ako para salungatin ang mga sinabi ni Mr. Chua. Ngunit nagulat ako nang mahigpit akong hinawakan ni Sir Lojie sa braso.
Nilingon ko s’ya habang nanlilisik ang mga mata ko. Nakita ko ang kalmado n’yang ekspresyon. Tila ba hindi s’ya nababahala sa narinig.
“Umupo ka.” madiin n’yang utos sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang ibig n’yang sabihin. Nilingon ko si Randy at Rigo upang humingi ng suporta mula sa kanila para sa gusto kong mangyari. Ngunit laking dismaya ko dahil blangko lang din ang kanilang mga ekspresyon.
Naguguluhan na ako.
Bakit ganito sila?
Akala ko ba mga kakampi ko sila?
Alam kong alam na rin nila ang mga magaganap. Pero bakit hinahayaan nilang magpatuloy pa si Mr. Chua sa mga sasabihin nito?
“Sinabi kong umupo ka!” mas madiin nang utos sa akin ni Sir Lojie.
Mas lalo rin humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking braso.
Dahil sa hindi pa rin ako gumagalaw mula sa pagkakatayo ay hinila ako ni Sir Lojie upang makabalik sa aking inuupuan.
Tinitigan ko ng masama si Sir Lojie. Dahan-dahan ko ring nilingon sina Randy at Rigo. Ngunit nasorpresa ako dahil nginisian lamang nila akong dalawa.
Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga pagngisi nilang iyon. Pero masama ang pakiramdam ko. May hindi magandang nangyayari.
Muli kong binalingan ng masamang tingin si Sir Lojie.
“Anong ibig sabihin nito Sir Lojie?!” madiin kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang unti-unti ring pagngisi sa akin ni Sir Lojie bago s’ya sumagot.
Naguguluhan na talaga ako. Ano na ba ang nangyayari ngayon? Ano na bang nangyayari sa mga taong nakasama ko simula pa lang noong umpisa?
“’Wag kang atat Tom. Mangyayari na ang main event nitong party. Kung alam mo lang kung gaano na ako ka-excited. Ang tagal kong hinintay ang ganitong pangyayari ulit sa buhay ko.” nakangising sagot ni Sir Lojie sa akin.
Gulong-gulo na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong ikilos sa mga oras na ito.
Aaminin ko, dahil sa mga nagaganap ngayon ay nagkakaroon na ako ng pagdududa sa mga kasama ko sa table na ito. Magmula kina Sir Lojie, Rigo at lalong-lalo na kay Randy.
Dahil sa gulong-gulo na ako sa pangyayari ay pinili ko na lamang na manahimik. Wala akong magawa sa mga oras na ito kundi titigan ang mga kamao kong nakakuyom na nasa ibabaw ng mesa.
Nanginginig ang buo kong katawan. Nangingilid na rin ang mga luha ko habang nanlilisik ang mga mata ko. Halo-halong emosyon na rin ang nararamdaman ko. Takot sa magaganap at galit sa madidiskubre at masasaksihan ko.
Muli kong nadinig ang boses ni Mr. Chua sa stage. Malakas at buhay na buhay ang kanyang boses habang sinasabi ang susunod n’yang mga salita.
“Finally! Ang pinakahihintay ng lahat ay mangyayari na! Makikilala n’yo na ang bagong President and CEO ng Diamond Llyx Hotel!” unang bahagi ng pagpapakilala n’ya.
Muli s’yang huminto para magbigay pa ng mas masiglang pagdedeklara.
Ang kaninang bulong-bulungan ay nawala. Binalot ang malaking lugar na ito ng nakabibinging katahimikan. Wala kang maririnig na kahit na ano mang kaluskos.
Ako naman ay nanatili pa rin sa pagkakatitig sa aking mga kamaong nakakuyom na nasa ibabaw ng mesa.
Alam kong kapag narinig ko na rin ang pangalan ni Josephine bilang bagong President and CEO ng hotel ay hindi ko na rin mapipigilan ang mga luha kong pumatak.
Kahit gusto kong tumigil ang oras ay mukhang huli na. Nagpatuloy na si Mr. Chua sa pagpapakilala.
“Let us all welcome!! The first and the new President and CEO of Diamond Llyx hotel…………
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
……….Mr. Alexander Alvarez!!!“
A/N
Teka!!!! Ang sakit na ng ulo at kamay ko!!! Tama na muna!! Abuso na ’to!! Hahahahahaha!!
Paano guys? Usap na lang tayo sa comment box ha?
Don’t forget to leave your comments and votes po!!!!
––>cold_deee
chapter 32 - moonlight margarita
A/N
Eto na oh! Eto na ’yung karugtong ng pinakaaabangan natin oh! Hahahaha!
Para kay
OwengVillanueva
!! Kaway-kaway ang birthday celebrant oh!! Happy Birthday!!! Enjoy your special day!! Have a blast!! Para sa’yo ’tong chapter na ’to!!
Paki-play nga din po pala ng nasa media habang nagbabasa sa buong chapter. Paki-download na lang para tuloy-tuloy sa pakikinig. Wala lang, ’yan kasi ang nagbigay inspiration sa akin, gusto ko lang kayo idamay. Hahahaha! (Song title: A Thousand Years by Cristina Perri.)
Enjoy reading guys!
––> si Xander po sa media. Na-miss n’yo ba s’ya??
TOM POV
Gusto ko na lamang maglaho sa mga oras na ito. Gusto kong magwala at ilabas ang lahat ng galit ko. Gusto kong sumbatan ang lahat ng tao sa paligid ko.
Kahit nanginginig na ang buo kong katawan at nangingilid na rin ang aking mga luha dahil sa labis na galit ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako. Wala na ang mga kasama ko.
“Finally! Ang pinakahihintay ng lahat ay mangyayari na! Makikilala n’yo na ang bagong President and CEO ng Diamond Llyx Hotel!” nadinig kong unang bahagi ng pagpapakilala ni Mr. Chua.
Muli s’yang huminto para magbigay pa ng mas masiglang pagdedeklara.
Ang kaninang bulong-bulungan ay nawala. Binalot ang malaking lugar na ito ng nakabibinging katahimikan. Wala kang maririnig na kahit na ano mang kaluskos.
Ako naman ay nanatili pa rin sa pagkakatitig sa aking mga kamaong nakakuyom na nasa ibabaw ng mesa.
Alam kong kapag narinig ko na rin ang pangalan ni Josephine bilang bagong President and CEO ng hotel ay hindi ko na rin mapipigilan ang mga luha kong pumatak.
Kahit gusto kong tumigil ang oras ay mukhang huli na. Nagpatuloy na si Mr. Chua sa pagpapakilala.
“Let us all welcome!! The first and the new President and CEO of Diamond Llyx hotel…………
……….Mr. Alexander Alvarez!!!“
Natigilan ako dahil sa aking narinig.
Ang pangalang iyon.
Ang pangalang matagal ko nang hindi naririnig mula sa iba. Ang pangalang lagi kong tinatawag ngunit kahit minsan ay hindi personal na nakipagkita.
‘Alexander Alvarez’
‘Alexander Alvarez’
‘Alexander Alvarez’
ang nadinig kong umaalingawngaw na boses sa aking isip.
Hindi ko magawang gumalaw.
Huminto rin ang oras sa paligid ko.
Wala na rin akong marinig sa paligid ko kundi ang paulit-ulit na pangalang nadidinig ko.
“A-alexander… A-alvarez…” nauutal at mahina kong pagbigkas habang nanlalaki ang mga mata ko.
Natauhan na lamang ako nang makarinig ako ng malalakas na pagpalakpak.
Pero ako, nanatili lamang na nakatitig sa mga kamao kong nasa mesa.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay kong iyon upang makasigurado akong hindi ako nananaginip. Na hindi na ulit pagkakamali lamang at ilusyon ang lahat.
Nagawa kong maibuka ang aking mga kamay na nasa ibabaw ng mesa. Pero walang nagbago sa paligid. Patuloy pa rin akong nakakarinig ng malalakas na pagpalakpak. Naririto pa rin ako sa aking inuupuan at walang nagbago sa kapaligiran. Nasa malaking ballroom pa rin ako ng malaking hotel na ito.
Gusto ko pa rin makasigurado.
Ayaw ko nang umasa sa maling akala ko.
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang may maramdaman akong tumayo mula sa aking likuran.
Tila ba slow motion ang mga kaganapan.
Naramdaman ko ang dahan-dahang paglalakad nito papalapit sa aking likuran.
Ganoon pa rin ang lahat. Mabagal pa rin ang bawat pangyayari.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kanyang pagkilos para yumuko at magpantay ang aming mga ulo. Alam kong napakalapit n’ya na sa akin dahil muli kong naamoy ang kanyang paboritong pabango.
Sana ay magising na ako kung bangungot lamang ito. Kung isa nanamang pagpapaasa ito tulad ng mga nangyari kanina simula nang gumising ako.
Nanatili akong nakatingin sa mga kamay kong nanginginig na nasa ibabaw pa rin ng mesa. Hindi pa rin ako makagalaw. Kahit ang lingunin s’ya sa aking likuran ay hindi ko magawa.
Mabilis na napatigil ang panginginig ng aking mga kamay nang may isang kamay rin ang dahan-dahang humawak dito. Marahan sa ginawa n’yang paghaplos.
Parang nagliwanag ang buong kapaligiran nang magdikit ang aming mga balat.
Ang paghaplos na matagal ko nang gustong maramdaman.
Ang mainit na kamay n’yang matagal ko nang gustong mahawakan.
Ngayon ay nadama ko na.
Kasunod ng pagdama ko sa inaasam kong haplos ay ang pagbulong ng taong nasa likuran ko at humawak sa kamay ko.
“Hindi ka na mag-iisa. Nandito na ako. Nagbalik na ako para sa’yo. Hindi na kita iiwan……
……………Master.“
mga salitang binulong n’ya sa aking tenga.
Napapikit ako nang marinig ko ang mga katagang iyon. At kasunod ng pagpikit ko ay ang pagbuhos ng mga luha ko.
Ang boses n’yang iyon.
Ang tinig n’yang matagal ko nang pinagdarasal na marinig.
Ngayon ay malinaw ko nang naririnig sa aking tenga.
“M-master………”
mahinang pagtawag ko sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata at patuloy sa pagbuhos ng mga luha.
Matapos kong sambitin iyon ay naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak n’ya sa aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.
Naramdaman ko rin ang kanyang pagngiti dahil nanatiling malapit sa aking tenga ang kanyang labi.
Hindi ko alam ang mga salitang gusto kong sabihin sa mga oras na ito. Tanging pagdama lamang sa kanyang presensya ang nagawa ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paglayo n’ya sa aking likuran. At ilang segundo lang din ay naghiwalay ang aming mga balat nang marahan n’yang binitawan ang aking kamay.
Naramdaman ko rin ang kanyang paglalakad palayo sa akin.
Idinilat ko ang mga mata ko. Ngayon ko lamang napansin na maliwanag na pala sa buong lugar dahil nabuksan na ang mga ilaw.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko kahit naninigas pa rin ito. Sinundan ko s’ya ng tingin. At kahit bahagi lang ng likod n’ya ang nakikita ko ay nakumpirma kong hindi nga panaginip ito.
Nakita ko ang kanyang imaheng nakatalikod at papalayo sa akin. Patungo sa harapan ng stage at taas noo sa kanyang paglalakad.
Gusto ko s’yang habulin para yakapin pero nanghihina ang aking mga tuhod. Gusto ko s’yang makaharap at mahawakan sa mukha.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal sa posisyon kong iyon. Tanging pagtitig lamang ang aking nagawa hanggang sa makarating s’ya sa harapan ng entablado at humarap sa mga taong naririto.
Parang slow motion pa rin ang lahat nang tuluyan kong masilayan ang maaliwalas n’yang mukha.
Ang mukhang ’yon.
Ang mukha n’yang matagal ko nang gustong mahaplos at paulit-ulit na mahalikan.
Dahil sa aking mga nakikita ay mas bumuhos pa ang aking mga luha habang gumuguhit ang mga ngiti sa labi ko.
“Xander…….” bigkas kong mahina habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha.
Hindi ko alam kung narinig n’ya ako. Pero tumingin s’ya sa aking gawi at nagbitaw ng napakagandang ngiti. Dahilan para tuluyan ko ring pakawalan ang aking tunay na ngiti.
Nanatili kami sa pagkakatitigan na tila ba walang ibang tao sa buong lugar. Na tila ba kami lamang dalawa ang naririto habang nagliliwanag ang kapaligiran. At kahit sa aming mga tingin ay nararamdaman ko ang pananabik namin sa isa’t-isa.
Naputol na lamang ang aming pagkakatitig nang makarinig ako ng isang malakas na pagsigaw.
“No!!!!!!!” ang nakakabinging sigaw ng isang babae.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Josephine sa kabilang mesa na nakatayo at gulat na gulat ang ekpresyon. Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa harap ng entablado.
“Randy, maghanda ka na. Isuot mo na ang ear plugs mo.” ang biglang pagsasalita ni Rigo sa seryoso n’yang tono.
Habang gulat na gulat pa rin ako sa pangyayari ay nilingon ko si Randy. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko rin ang panginginig ng kanyang mga kamay habang may kinukuha sa kanyang bulsa.
Nagtataka ako nang makita ko s’yang inilabas ang ear plugs na ipinakita n’ya sa akin kanina noong nasa bahay n’ya kami. Mabilis n’ya rin itong inilagay sa kanyang magkabilang tenga. At kahit suot n’ya na ito ay itinakip pa rin n’ya ang dalawa n’yang palad sa kanyang tenga.
“Tom, ikaw na muna ang bahala kay Randy. May phobia s’ya sa mga bagay na makikita n’ya maya-maya.” ang biglang pakikipag-usap sa akin ni Rigo.
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari ngayon. Wala na akong maintindihan.
Nakita ko ang seryoso at nakikiusap na mukha ni Rigo sa akin kaya dahan-dahan na lamang akong tumango sa kanya bilang pagpayag.
Matapos iyon ay ang pagsasalita na lamang din bigla ni Sir Lojie mula sa aking kaliwa.
“This is getting more interesting! Let the real battle begin!” sambit n’ya sa nanggigigil na tono.
Dama ko rin ang excitement n’ya nang sabihin n’ya ang mga katagang iyon.
Gusto ko silang tanungin pero mukhang hindi ito ang tamang oras para dito.
“This can’t be!!! Patay ka na!!!” ang muling pagsigaw ni Josephine.
Dahil sa mga nangyayari ay hindi na naiwasan ng mga taong naririto ang tumayo mula sa pagkakaupo. Maging kami sa aming mesa maliban kay Randy ay napatayo na dahil sa kaganapan. Nakita ko rin ang pagtayo nina Daniel at Popoy na nasa tabi pa rin ni Josephine.
Tinapunan ko ng tingin si Xander na nasa harapan ng stage. Nakita ko ang pagngisi nito kay Josephine bago nagsalita.
“Why Josephine? Disappointed ka ba dahil buhay ako?” tanong n’ya habang nakangisi.
Nang lingunin ko si Josephine ay naguguluhan pa rin ang kanyang ekspresyon.
“H-how? P-papano ka nabuhay?” tanong n’yang pahina ng pahina.
Nadinig ng lahat ang mahihinang pagtawa ni Xander.
“Josephine, wala pa akong narinig sa tanang-buhay ko na taong namatay at biglang nabuhay.” wika ni Xander habang natatawa.
Matapos n’yang sabihin iyon ay naging seryoso ang kanyang ekspresyon bago nagsalitang muli.
“Pero merong taong inaakala ng lahat na namatay, pero buhay na buhay. At alam mo ba kung sino ’yon Josephine? Walang iba kundi ako!” madiin n’ya pang dugtong.
Lahat ng tao ay nagkaroon muli ng bulong-bulungan. Kami naman ay nanatiling nag-aabang sa mga magaganap.
Ang naguguluhang ekspresyon ni Josephine ay napalitan ng galit. Nilingon nito sina Daniel at Popoy na nasa kanyang tabi.
“Anong ibig sabihin nito Daniel?! Alam n’yo ba ang bagay na ’to?!” galit na galit nitong tanong.
Nakita namin ang pag-iling ni Daniel.
“H-hindi. Hindi namin alam ang bagay na ’to Josephine!” sagot ni Daniel.
“Wala rin akong idea dito!” sagot naman ni Popoy.
Matapos sumagot ni Daniel at Popoy sa kanya ay muli n’yang nilingon si Xander. Unti-unti ay nagbitaw ito ng isang pagngisi kay Xander.
“At ano ngayon kung nagbalik ka? Sa tingin mo ba mababawi mo pa ang share mo na nasa akin na ngayon?!” tanong n’yang nakangisi kay Xander.
Nakita ko kung paano tinapatan ni Xander ang pagngisi ni Josephine.
“Saan naman nanggaling ang idea mo na ’yan Josephine? Hindi mo ba narinig ang pakilala ni Mr. Chua kanina kung sino na ang bagong President and CEO ng hotel na ’to? At isa pa, anong pinagsasabi mo na babawiin ko ang share ko sa’yo? Wala akong babawiin dahil hindi naman ’yon nawala sa mga kamay ko.” nakangising wika ni Xander.
Nangunot ang noo ni Josephine.
“W-what do you mean?” naguguluhang tanong ni Josephine.
Huminga ng malalim si Xander at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng pantalon.
“Hindi ko alam kung nagbingi-bingihan ka lang o talagang hindi malinaw sa’yo ang lahat.” unang sambit ni Xander.
Saglit s’yang huminto sa pagsasalita. Tinitigan n’ya si Josephine habang seryoso ang kanyang ekspresyon bago nagpatuloy.
“Ang bagong President and CEO ng kompanyang ito ay ako na. Dahil ako lang naman ang may pinakamalaking share dito. Ang dati kong 25% na share dito ay nanatili sa mga kamay ko. At ang maganda pa, nadagdagan na ito ng 20%. Sa madaling salita, ang 45% ng share ay nasa mga kamay ko na.” seryosong paliwanag ni Xander.
Saglit na napatigil si Josephine. Tila ba hindi maproseso ng kanyang utak ang mga salitang binitawan ni Xander. Ilang saglit pa ay umiling-iling ito habang hindi makapaniwala ang kanyang ekspresyon.
“Imposible ’yang sinasabi mo!! Nakuha ko na ang share mo!! At napunta ’yon lahat sa akin!!!” sigaw ni Josephine.
“Talaga?” nakangising tanong ni Xander.
Hindi nakasagot si Josephine at nakita kong nagsisimula na ring mangilid ang kanyang mga luha.
“Paano kung sabihin ko sa’yong may mga dokumento ako na nagpapatunay na nai-transfer na ang lahat ng ’yon sa akin?” tanong sa kanya muli ni Xander.
Dahil sa aking narinig ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ito nangyari. Pero sa nakikita ko, siguradong-sigurado si Xander sa kanyang mga sinasabi.
Naging mabilis ang mga paghinga ni Josephine habang hindi malaman kung ngingiti o hindi. Puno ng katanungan ang kanyang mukha.
“Hindi ’yan totoo. Hindi ’yan totoo!!!” pasigaw n’yang sambit.
Hindi sumagot si Xander. Nagtataka kami nang itinaas n’ya ang kanyang isang kamay na tila ba may isinesenyas s’ya. At ilang saglit pa ay may lumapit sa kanyang isang lalaki na may hawak na isang folder.
“Iabot mo sa kanya ang copy ng Transferring of Properties.” utos ni Xander sa lalaking bagong lapit.
Mabilis naman na sumunod ang lalaking kanyang inutusan.
Lahat kami ay sinusundan ang pagkilos ng lalaki hanggang sa maibigay n’ya ito kay Josephine.
Nang tuluyan na itong mahawakan ni Josephine ay tanaw na tanaw namin mula sa aming pwesto ang pagkagulat n’ya sa mga dokumentong hawak n’ya ngayon.
Ilang paglipat pa sa bawat pahina na laman ng folder ang kanyang ginawa hanggang sa mapatigil s’ya. Ngunit kasunod ng pagtigil n’yang iyon ay ang galit na galit n’yang pagpunit sa mga ito kasabay ng nakabibinging sigaw.
“These are useless!!! Hindi mo ako maiisahan!!!” sigaw nito kay Xander.
“Useless?” natatawang tanong ni Xander.
Mula sa galit na ekspresyon ni Josephine ay unti-unting nagbago ito. Ngumiti s’ya ng paunti-unti hanggang sa ang ngiti n’yang iyon ay naging isang malutong na pagtawa.
Natigilan si Xander sa inasta n’yang iyon. Maging kami ay naguguluhan na kay Josephine ngayon. Kung pagmamasdan s’ya sa mga oras na ito ay para na s’yang nasisiraan ng ulo.
“Akala mo siguro Xander mauutakan mo ako ’no?” tanong ni Josephine kay Xander.
Hindi nakapagsalita si Xander at muli ring nagbalik ang seryoso n’yang mukha.
“Masyado mo akong minamaliit Xander. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin.” unang sambit ni Josephine.
Saglit s’yang natigilan bago muling nagsalita.
“Akala mo ba dahil sa nagbalik ka at nasa iyo na ang posisyon ay wala na akong pag-asa para mabawi ’yon sa’yo?” sunod nitong wika habang nakataas ang isang kilay.
Nanatili naman si Xander maging ang mga taong naririto sa pakikinig kay Josephine. Naghihintay sa mga susunod n’yang sasabihin.
“Akala mo ba Xander hindi ko alam na kapag nawala ka na sa landas ko ay maibabalik sa akin ang pag-aari ko at pag-aari mo? Na kapag tuluyan ka nang namatay ay mababawi ko ito?” sunod-sunod n’yang pagtatanong.
“’Yan ang mga nakasaad sa documents na ibinigay sa akin ng kapatid mo. Pinirmahan ko ang mga ’yon sa tulong na rin ni Daniel. Pinirmahan ko ang mga dokumento na ako lang ang may karapatan na magmay-ari ng parehong share natin kapag nawala ka na sa mundong ’to.” nakangising wika muli ni Josephine.
Nang lingunin ko si Xander ay nakita ko ang pag-aalala dito. Hindi rin s’ya nakapagsalita nang sabihin iyon ni Josephine.
“At akala mo ba Xander hindi ako handa sa mga ganitong sitwasyon? Pwes nagkakamali ka! Dahil sa oras na sumenyas ako sa tauhan kong nagtatago sa isang sulok ng lugar na ito ay mawawala ka na sa landas ko! At kapag nawala ka na sa landas ko, maibabalik ko nang muli ang share ko at mapupunta rin ulit sa akin ang share mo! Kaya nga madali kong nakuha ang share mo dahil ang alam ng lahat ay patay ka na! Pero para ka palang pusa na may siyam na buhay! Dahil buhay ka pa palang hayup ka!” sigaw ni Josephine at muling nagpakawala ng malakas na pagtawa.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng takot dahil sa pagbabanta ni Josephine kay Xander.
Ngunit habang nasa ganoon akong estado ay narinig ko ang mahinang pagsasalita ni Rigo.
“Tom, takpan mo ang mga mata ni Randy. Pakiusap.” madiin na pakiusap ni Rigo sa akin.
“H-ha? B-bakit?!” tanong kong nagtataka at kinakabahan.
“Sumunod ka na lang! Please?!” mas madiin na nitong pakiusap.
Nakita ko ang nakikiusap n’yang mga mata. Nakita ko ang pag-aalala nito sa hindi ko malamang dahilan. At dahil sa mga nasaksihan ko ay mabilis kong sinunod ito.
Nilingon ko si Randy na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang magkabila n’yang tenga. Nakita ko ang takot na takot n’yang ekspresyon kaya labis din akong nag-alala.
Sinunod ko ang sinabi ni Rigo at tinakpan ang mga mata ni Randy. Naramdaman ko kay Randy ang panginginig dahil sa labis na takot habang namamaluktot sa kanyang pagkakaupo.
“Maghanda ka na rin Lojie.” bilin naman ngayon ni Rigo kay Sir Lojie.
“Woah! Sanay ako dito brad! Maliit na bagay.” mayabang naman na pagsagot ni Sir Lojie.
Wala na talaga akong maintindihan. Pero ang alam ko lang sa mga oras na ito ay may hindi magandang mangyayari.
“Maling galaw lang Xander!! Isang maling galaw mo lang at babagsak kang duguan d’yan sa kinatatayuan mo!!” ang nadinig kong pagsigaw ni Josephine.
Dahil sa kanyang pagsigaw ay mabilis ko s’yang nilingon. Binalot ako ng takot dahil sa bantang iyon ni Josephine.
Mabilis ko rin na nilingon si Xander. Ngunit nagulat ako nang unti-unti s’yang tumawa ng malakas.
“Sinasabi mo bang may tauhan kang nag-aabang ngayon para patayin ako? ’Yon ba ang gusto mong sabihin Josephine?” tanong n’yang natatawa kay Josephine.
Matapos n’yang sabihin iyon ay muli n’yang itinaas ang kanyang kanang kamay. Tulad kanina ay muli s’yang sumenyas.
At kasunod noon ay ang pagsulpot ng isang lalaki mula sa isang pintuan na hindi kalayuan sa aming pwesto. Nagulat ako nang makitang may takip ang bibig ng lalaking iyon habang nakatali ang mga kamay nito sa kanyang likuran.
Ngunit ang mas nakakagulat ay nang makita ko ang dalawang lalaki na mahigpit ang pagkakahawak sa lalaking nakatali ang mga kamay.
“D-dominic? Ben?” nagugulat kong pagbigkas sa kanilang mga pangalan.
Habang mahigpit nilang hawak ang lalaking nakatali ay may kanya-kanya rin silang hawak na baril habang nakatutok ito sa ulo ng lalaking hawak nila ngayon.
“Eh lampa naman pala ’tong inupahan mong sniper eh!” ang malakas na pagsigaw ni Dominic.
“Wala pala ’tong tao mo Josephine! Ang daling mahuli sa pinagtataguan! Hindi yata marunong maglaro ng hide and seek!” sigaw naman ni Ben.
Nanlalaki ang mga mata ni Josephine habang pinagmamasdan ang lalaking nakatali na hawak nina Dominic at Ben.
“S’ya ba ang inupahan mong papatay sa akin Josephine? Sa tingin mo paano pa ako mapapatay n’yan kung nakatali ’yan at bihag ng mga kaibigan ko?” natatawang tanong ni Xander.
Nakita ko ang nag-aapoy na mga mata ni Josephine habang nakatitig sa lalaking hawak ngayon nina Dominic at Ben.
Unti-unti n’yang nilingon si Xander habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
“Hayup ka!” gigil na gigil n’yang sambit kay Xander.
Hindi nagsalita si Xander at nanatili lamang s’yang nakangisi.
“Pwes! Kung inaakala mong nakaligtas ka na sa kanya. Nagkakamali ka!” sigaw ni Josephine sa kanya.
Walang pang ilang segundo ay dinampot ni Josephine ang kanyang pouch sa ibabaw ng mesa at may kinuha roon.
Lalo na akong nanigas sa kinatatayuan ko ngayon. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano inilabas ni Josephine ang isang baril at itinutok ito kay Xander.
Nadinig ko rin ang mga ilang pagsigaw mula sa mga taong naririto nang makita ang paglabas ni Josephine sa kanyang baril.
Nagkagulo na sa buong lugar. May mga taong mas pinili ang tumakbo palabas ng venue at ang ilan naman ay piniling dumapa dahil sa labis na takot.
“Kung hindi ka nagawang patayin ng tao ko, ako na mismo ang papatay sa’yo!!!” sigaw ni Josephine habang nakatutok ang baril kay Xander.
Sisigaw na sana ako dahil sa labis na takot ngunit mabilis din na kumilos sina Rigo at Sir Lojie. Hinugot nila ang isang baril mula sa kanilang likuran.
“Subukan mong kalabitin ’yan Josephine!” sigaw ni Rigo habang nakatutok ang baril kay Josephine.
“Ibaba mo ’yan kung ayaw mong magkalat ang utak mo dito!!” sigaw naman ni Sir Lojie habang nakatutok din ang hawak n’yang baril kay Josephine.
Ngayon naging malinaw sa akin ang lahat. Sa simula pa lang ay alam na nina Sir Lojie, Rigo at Randy maging nina Dominic at Ben na magaganap ito. Mukhang bago pa ito nangyari ay nagkita-kita na sila nina Xander at napag-usapan na ito. Dahil hindi ko na rin sila nakitaan ng pagkasorpresa nang magpakita si Xander.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras ito. Nanlalaki ang mga mata ko habang salitan ko silang tinitingnan.
Naputol na lamang ang pagsasalitan ko ng tingin sa kanila nang marinig ko ang pagsasalita ni Randy habang takip ng isang palad ko ang kanyang mga mata.
“T-tom… a-ayoko ng baril… ayoko ng baril….” nadinig kong pagsasalita ni Randy.
Nang sabihin n’ya iyon ay naramdaman ko sa aking palad ang paglandas ng kanyang mga luha.
Nakaramdam ako ng awa kay Randy.
Ngayon ko naiintindihan kung bakit s’ya may earplugs at kailangan kong takpan ang kanyang mga mata. Ito pala ang sinasabi ni Rigo na kinatatakutan n’yang tingnan.
Napag-isip-isip ko ring alam na ni Randy simula pa lang na may ganitong mangyayari pero pinili n’ya pa ring pumunta.
Isinugal n’ya ang kanyang sarili para lang magawa ang plano nila. Hinarap n’ya ang kanyang takot para lang sa kabutihan ko.
Gusto nang pumatak ng mga luha ko sa mga oras na ito dahil sa nakikita ko kay Randy. Pero alam kong hindi ito ang kailangan n’ya ngayon.
Inilapit ko ang aking sarili sa kanya at mas hinigpitan ko ang pagkakatakip ko sa kanyang mga mata.
“’Wag kang matakot Randy. Walang mangyayari. Ako ang bahala sa’yo.” wika ko sa kanya.
Hindi ko alam kung narinig n’ya ako dahil nakatakip ang kanyang mga tenga. Pero umaasa akong naramdaman n’ya ang proteksyon na ibinibigay ko sa kanya.
Kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang ay ako naman ang poprotekta kay Randy. Sa dami ng kanyang ginawa para sa akin ay pagkakataon ko naman para ibalik iyon sa isang mabuting kaibigan na kagaya n’ya.
Habang nakatutok ang baril ni Josephine kay Xander ay nakatutok naman sa kanya ang hawak na mga baril nina Rigo at Sir Lojie.
“Talaga? Sa tingin n’yo matatakot ako sa mga pagbabanta n’yo Rigo at Lojie?” tanong ni Josephine sa kanila habang nakatutok pa rin ang kanyang hawak na baril kay Xander.
Matapos iyon sabihin ni Josephine ay nasundan ito sa pagtawag ng pangalan ng dalawang tao sa kanyang tabi.
“Daniel! Ronnie! Alam n’yo na kung anong gagawin n’yo!” sambit nito.
Nasaksihan ko nang unti-unti rin na maglabas ng mga baril sina Daniel at Popoy. Bahagya pa akong napaatras dahil sa ginawa nilang iyon.
Matapos nilang ilabas ang kanilang mga baril ay wala silang alinlangang itinutok ito kina Sir Lojie at Rigo.
“’Wag!!!” ang hindi ko na napigilang pagsigaw.
Nabitawan ko rin si Randy dahil sa pag-awat kong iyon.
Dahil sa naging pagsigaw ko ay nakuha ko ang atensyon ni Josephine. Hindi n’ya pinuputol ang tingin n’ya kay Xander ngunit ngumisi s’ya bago nagsalita.
“Nand’yan ka pa pala Tom? Masaya ’to! Nandito rin ang isang tinik sa lalamunan ko! Ano kaya kung isa sa inyo ni Xander ang mawala? O kaya naman pareho kayo? Sino kaya ang uunahin ko?!” tanong nito sa akin.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa takot. Nanginginig na ang buo kong katawan. Hindi ko pa nararanasan ang ganitong pangyayari sa buhay ko kaya hindi ko alam ang dapat na unang gawin sa ganitong sitwasyon.
Dahil sa pananahimik ko ay muling nagsalita si Josephine.
“Pumili ka Xander?! Ikaw ang mauuna o si Tom?!” pagkausap n’ya kay Xander at muli nanamang tumawa ng malakas.
Hindi rin nagsalita si Xander. At kasunod ng tanong ni Josephine ay ang malakas nitong utos kay Daniel.
“Daniel! Ngayon mo sa akin patunayan na iisa lang ang gusto natin!” una nitong sambit.
Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago nagpatuloy.
“Ikaw ang pumatay kay Tom, Daniel! Sa kanya mo iputok ang baril na hawak mo!” utos nito kay Daniel.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n’yang iyon. Unti-unti kong inilipat ang tingin ko kay Daniel.
Nakita ko ang nanlilisik n’yang mga matang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang galit dito.
“Sundin mo ang inuutos ko Daniel! ’Di ba pagod ka na sa kanya?! Lahat ginawa mo para sa kanya pero hindi n’ya sinuklian ’yon ’di ba?! Ngayon pagkakataon mo na para makaganti! Patayin mo na s’ya!!!!” galit na galit na utos pa rin ni Josephine kay Daniel.
Tinitigan ko sa mga mata si Daniel. Naroon pa rin ang galit sa mga ito kaya mas dumoble ang kaba ko.
Umiling ako ng dahan-dahan habang may pagmamakaawa sa aking mga matang nakatingin kay Daniel. Ipinarating ko sa pag-iling kong iyon na ’wag n’yang sundin ang utos ni Josephine.
“Hindi… ’W-wag Daniel… ’Wag mong ituloy… ’Wag mo s’yang sundin…” pakiusap ko kay Daniel.
Ngunit nang bigkasin ko ang mga katagang iyon ay ang unti-unting pagkilos ng kanyang mga kamay.
Nakita ko ang pagkasa n’ya sa kanyang hawak na baril at unti-unting itinutok sa akin habang nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ibang tao na ang nakikita ko. Hindi na ang dating Daniel ang kaharap ko sa mga oras na ito. Para na s’yang isang mabangis na hayop habang galit na galit ang ekspresyon nito.
Muling umalingawngaw ang malakas na pagtawa ni Josephine.
“Ganyan nga Daniel! Ipakita mo sa kanilang lahat kung paano ka magalit dahil sa ginawa nila sa’yo! Patayin mo ang taong nagpahirap sa’yo!! Patayin mo si Tom!!” sigaw na utos ni Josephine.
Muli kong tinapunan si Daniel ng tingin. Gamit pa rin ang nagmamakaawa kong mata ay kinausap ko s’ya.
“Daniel… Pakiusap… Ibaba mo ’yan… ’Wag mong ituloy… ’Wag mong gawin ’to…” pakiusap ko sa kanya.
Matapos iyon ay hindi na rin napigilan muli ng aking mga luha na pumatak.
“’Wag Daniel… nakikiusap ako sa’yo… Ibaba mo na ang baril mo….” muli kong pakiusap sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang unti-unting pagngisi ni Daniel.
“I’m sorry Tom. Nahihirapan ka na rin naman ’di ba? Kaya tapusin na rin natin ang paghihirap mo.” una n’yang sambit.
Dahil sa mga katagang sinabi ni Daniel ay naubusan na ako ng pag-asa. Mukhang hindi ko na rin s’ya makukumbinsi sa pagkakataong ito. Nilamon na s’ya ng tuluyan ng galit n’ya sa akin.
Nanatili na lamang akong hindi gumagalaw sa aking pwesto. Patuloy na lang din sa pag-agos ng mga luha ko.
Akmang ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang muling magsalita si Daniel.
“Tapos na ang laro.” una n’yang sambit.
“Pasensyahan na lang…..
…….Josephine.“ pagtuloy n’ya dito.
Halos malaglag ang aking panga habang nanlalaki ang aking mga mata nang unti-unting ipaling ni Daniel ang hawak n’yang baril para tutukan sa ulo si Josephine.
“Anong akala mo sa akin Josephine?! Uto-uto?!! Hindi mo ako kayang paglaruan!! Dahil simula’t sapul, ikaw na ang pinaglalaruan namin dito!!!” malakas na pagsigaw ni Daniel kay Josephine.
Kitang-kita ko ang pagkagulat kay Josephine nang gawin iyon ni Daniel. Hindi s’ya makagalaw dahil nakadikit sa kanyang sentido ang dulo ng baril ni Daniel.
Maging ako ay napatigil sa pag-iyak. Naguguluhan na ako. Marami nang katanungan sa isip ko.
“A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Josephine kay Daniel.
Ngumisi si Daniel at sinagot si Josephine.
“Gusto mo ba ng klarong paliwanag?” nakangisi nitong tanong.
Hindi umimik si Josephine kaya nagpatuloy si Daniel.
“Simula pa lang nakikipaglaro na kami sa’yo! Ang lahat ng ito ay magkasama naming plinano ni Kuya! Simula sa pagpapanggap n’yang patay, sa pagpapapirma sa’yo ng dokumentong may karapatan ka sa share n’ya noong inakala mong patay na s’ya, hanggang sa pagpapaniwala sa’yong nakuha mo ang share n’ya! Lahat nang ’yon Josephine pakana naming dalawa!” mahaba at malakas na paliwanag ni Daniel kay Josephine.
Hindi pa doon natapos ang mga sasabihin ni Daniel.
“Akala mo siguro maiisahan mo kami ’no? Akala mo siguro hindi ko alam na ang inupahan mong sniper ay para sa akin? Nag-hire ka pa ng taong papatay sa akin para wala nang makakahadlang sa’yo? Ang talino mo Josephine! Pero mukhang mas matalino kami sa’yo! Kasi bago ka pa magplano, nabasa ka na namin!” nakangising wika pa ni Daniel.
“Isa pa, anong tingin mo sa akin? Ipagpapalit ang relasyon namin ng kapatid ko para lang sa pansariling hangarin? Hindi ako kagaya mo Josephine. Hindi ako makasarili kagaya mo!” dagdag pa nito.
Ilang segundong natahimik si Josephine bago nagsalita.
“Mga hayup kayo!!” gigil na gigil n’yang sambit.
Hindi na nagsalita si Daniel ngunit nanatili itong nakangisi. Maging sina Rigo, Sir Lojie, Dominic at Ben ay nakangisi rin sa mga oras na ito.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Lahat sila ay alam ang bagay na ito maliban sa akin. Plinano nila ito para sa amin ni Xander. Hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan sa ginawa nilang ito.
Matapos ang mga rebelasyong iyon ni Daniel ay binalingan naman ni Josephine si Popoy sa kanyang tabi. Nakaangat pa rin ang kamay ni Popoy na may baril habang nakatutok ito sa amin nina Rigo at Sir Lojie.
“Bakit hindi mo pa itutok sa akin ’yan Ronnie?! Sa tingin mo ba maniniwala pa ako na kakampi kita kung minsan mo na rin akong pinagtaksilan?!” sumbat nito kay Popoy.
Ang seryosong mukha ni Popoy ay biglang nagbago. Nagulat pa ako nang ipadyak n’ya ang kanyang mga paa habang nagsasalita.
“Tang*na naman oh! Bakit si Daniel binigyan mo ng chance magbigay ng maangas na linya?! Dapat ako rin! Ang unfair mo naman oh!” maktol nito.
“Dumbass!” sambit ni Josephine.
Matapos iyon ay unti-unti ring itinutok ni Popoy ang kanyang baril sa ulo ni Josephine.
“Pero sige, no choice naman na eh!” unang sambit ni Popoy. “Nakakatawa lang kasi Josephine. Ano rin ang akala mo sa akin? Pagtataksilan ko ang best friend ko dahil lang sa malaki ang offer mo? Lul mo! Hindi mo ako madadala sa pera mo dahil marangal akong tao!” pagpapatuloy n’ya pa.
Unti-unti ay napangiti ako. Hindi pa rin pala s’ya nagbabago, maprinsipyo pa ring tao si Popoy.
Sukol na si Josephine. Wala na s’yang kakampi sa mga oras na ito. Dahil lahat ng baril ay nakatutok na sa kanya ngayon.
Ang inaakala ko ay dito na ito magtatapos. Ngunit kahit nag-iisa na lang ngayon si Josephine ay nagawa n’ya pang magbitaw ng pagngisi kahit nakatutok na sa kanya ang mga baril ng mga kaibigan namin.
“Masyado n’yo talaga akong minamaliit.” ang bigla n’yang sambit.
Lahat kami ay natigilan sa kanyang sinabi. Walang nagsasalita hanggang sa magpatuloy s’yang muli.
“Sa tingin n’yo hindi ako handa sa sitwasyong ganito? Mali kayo! Mga bobo!” malakas n’yang sambit.
Matapos n’yang sabihin iyon ay nakarinig na lamang ako ng mga pagkasa ng baril sa paligid.
At bago ko pa mailibot ang aking paningin ay nagulat akong may mga nakatutok nang baril sa amin. Magmula sa likod namin nina Rigo at Sir Lojie maging kina Daniel at Popoy. Nang sulyapan ko ang kinaroroonan nina Dominic at Ben ay may mga tao na rin sa kanilang likuran at tinututukan na rin sila ng mga baril ngayon.
Lahat kami ay hindi makagalaw. Ngunit ang aming mga kaibigan ay hindi ibinababa ang mga kamay at nanatiling nakatutok ang mga baril kay Josephine.
“What do tou think guys? Maganda ba ang naisip kong set up dito? Hindi n’yo ba akalain na ang karamihan sa mga bisitang naririto ngayon ay mga bodyguards ko?” ang biglang pagsasalita ni Josephine habang nakangisi.
Tama s’ya sa kanyang sinabi. Karamihan sa mga dumalo sa pagdiriwang na ito ay kanyang mga tauhan.
Hindi ko alam kung ilan sila. Pero sobra-sobra na sila para sa amin. Kayang-kaya na nila kaming patumbahin ano mang oras dahil sa dami nila.
Lalo na akong nakaramdam ngayon ng ibayong kaba. Maging si Randy sa aking tabi ay mas dumoble na rin ang panginginig ng katawan sa mga oras na ito. Marahil ay nararamdaman n’ya na rin ang hindi magandang kaganapan sa sandaling ito.
“Ano na?!! Matatapang kayo ’di ba?!! Bakit hindi n’yo ngayon subukang gumalaw?!!” pagsigaw sa amin ni Josephine.
Ibinaba n’ya ang kanyang hawak na baril at inilapag sa mesa. Naglakad-lakad s’ya habang may ngisi sa kanyang labi at tinitingnan kami isa-isa.
Nang lingunin ko si Xander ay nakita kong may isang tao na rin sa kanyang likod at tinututukan na rin ito ng baril ngayon.
Nanginginig ang buong katawan ko. Magulo na ang isip ko dahil sa mga kaganapan. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa ganitong klase ng sitwasyon. Hindi ko akalaing may tao pa palang kayang gumawa ng ganito kalaking gulo para lang sa inaasam na yaman. At walang iba ’yon kundi si Josephine.
“Ang lalakas ng loob n’yong pagtulungan ako!! Hindi n’yo ba ako kilala?!! Simula pa lang noon alam n’yo nang hindi ako mababaw na klase ng tao!! Alam n’yong hindi ako basta na lang nagpapatalo!!” muling pagsigaw ni Josephine.
Kasunod ng pagsigaw n’yang iyon ay ang pagtawa nito ng malakas.
Para na akong nakakita ng demonyo sa mga oras na ito. Ang imahe ni Josephine ay isang perpektong halimbawa ng isang demonyo. Makasarili at walang awa.
Katahimikan lamang ang bumabalot sa buong lugar. Tanging pagtawa lang ni Josephine ang maririnig mo sa mga oras na ito.
Ngunit napatigil s’ya sa kanyang pagtawa nang makarinig kami ng isang malakas na pagsigaw. Nagmula ito sa kung saan.
“Ibaba n’yo ang mga hawak n’yong baril! Mga pulis ’to at napapaligiran namin kayo!!!” sigaw ng isang lalaki.
Matapos ang pagsigaw na iyon ay nagulat ang lahat nang magsilabas ang mga kapulisan sa lahat ng sulok ng lugar. Nang ilibot ko ang mga mata ko ay may mga pulis na rin na nakaantabay mula sa second floor. Lahat sila ay naka-full gear at mukhang nakahanda sa mga pangyayari.
Kung hindi ko mabilang ang mga tauhan ni Josephine ay mukhang mas doble at triple pa ang bilang ng mga alagad ng batas ngayon sa lugar na ito. Nakatutok ang kanilang mga baril sa mga tauhan ni Josephine.
Hindi nakagalaw si Josephine dahil sa pagkabigla.
“Walang magkakamaling gumalaw!!! Sumama kayo ng maayos sa amin!!” utos ng isang pulis gamit ang megaphone.
Walang gumalaw kahit na isa sa amin. Nang sulyapan ko si Josephine ay nanlalaki ang mga mata nito at tila ba hindi makapaniwala sa mga nakikita.
Nagkaroon na rin ng pagkakataon ang mga kapulisan na makalapit at kunin ang mga baril na hawak ng mga bodyguards ni Josephine.
Dahil sa nakatulala si Josephine ay nagkaroon ng pagkakataon si Daniel para magsalitang muli.
“Ngayon mo sabihin sa amin Josephine kung sinong mas matalino sa atin? Akala mo ba hindi rin namin alam na mga tauhan mo itong mga nasa paligid namin?” tanong n’yang nakangisi.
Hindi nakaimik si Josephine kaya nagpatuloy pa si Daniel.
“Gusto mo pa ba ng mas surprising na revelation?” tanong n’ya kay Josephine.
Hindi nagsalita si Josephine kaya nagpatuloy si Daniel.
“Alam mo bang dalawa na lang ang mga tauhan mo ngayon na naririto? Na hindi lahat ng mga naririto ay mga totoong tauhan mo?” tanong nito kay Josephine.
Unti-unti kong nasaksihan ang paglingon ni Josephine kay Daniel.
“A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhan na tanong ni Josephine kay Daniel.
Si Sir Lojie na ang sumagot sa pagkakataong ito.
“Lahat ng nakikita mo ngayon ay mga pulis din maliban sa dalawang natitirang tauhan mo! Lahat ay nagpapanggap lang na tauhan mo! Dahil ang mga totoong tauhan mo ay nasa kulungan na ngayon! Sa madaling salita, naglalaro na tayo simula pa lang ng party mo na ’to!” mahabang paliwanag ni Sir Lojie.
Ibinaba na ni Sir Lojie ang kanyang hawak na baril. Akala ko ay hanggang doon na lamang ang kanyang sasabihin ngunit nagpahabol pa s’ya.
“Kinginang party mo! Ang kati sa mukha ng maskarang pilit na pinapasuot sa amin dito!” pahabol pa nito.
Mas lalong nagulat si Josephine sa mga nalaman n’ya. Maski ako ay nanlalaki ang mga mata dahil sa nalaman. Nakikita namin ang panghihina ni Josephine nang mapakapit s’ya sa isang upuan sa kanyang tabi.
Nakita rin namin kung paanong ibinaba ng mga pulis ang hawak nilang mga baril sa mga taong inaakala naming mga bodyguards ni Josephine. Tanging ang dalawang bodyguards lang n’ya ang naiwang nakaposas na ngayon.
“P-papano n’yong napagplanuhan ang lahat ng mga ’to?” mahina n’yang pagtatanong.
Walang sumagot sa mga kaibigan namin. Ngunit ilang saglit pa lamang ay may isang lalaki ang pumasok sa venue. Ngayon ko lamang s’ya nakita kaya nangunot ang aking noo.
“Ate….” pagtawag nito.
Nilingon ito ni Josephine at kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
“J-joseph…?” pagtawag n’ya sa lalaki.
“Ate… tama na please..? Sumuko ka na lang. Tama na.” pakiusap ng tinawag n’yang Joseph.
Mula sa naguguluhang ekspresyon ni Josephine ay napalitan ito ng galit.
“Paano mong nagawa sa akin ’to?!! Ikaw ba ang may pakana kung bakit nalaman nila ang lahat ng set up na ginawa natin?!! Ikaw din ba ang may pakana kung bakit napunta ang share natin sa kanila?!! Kapatid kita!! Paano mo ako nagawang pagtaksilan?! Traydor ka!!” sigaw n’ya sa lalaki at dinuro-duro ito.
Sa pagkakataong ito ay mukhang hindi na rin nakontrol ng lalaki ang sumigaw.
“Ate tama na!!! Oo! Ako ang tumulong sa kanila!! Ako nga ang nagbigay ng dokumento sa kanila!! Ako rin ang nagpapirma sa’yo na ibinibigay mo na ang 20% share ng pamilya natin sa kanila!! Dahil kulang pa ’yon sa mga ninakaw ni Daddy sa kanila!!” unang rebelasyon ng kanyang kapatid.
Hindi nagsalita si Joaephine kaya nagpatuloy pa ito.
“Bakit ba hindi ka na lang tumigil?!! Hindi na kita kilala!! Hindi atin ’to!!! Ibigay mo na sa kanila ’tong kompanya!! Pareho lang kayo nila Daddy na inaangkin ang hindi naman sa inyo!!! Masyado kayong makasarili!!! Tumigil na kayo!!!” sigaw pa ng lalaki.
“Wala akong pakialam!! Baka nakakalimutan mo?!! Kapag nawala pa ito sa atin, wala nang matitira sa pamilya natin!! Walang-wala na tayo!!” sagot ni Josephine pabalik.
“Matagal nang nawala sa atin ang lahat!! Simula nang pagnakawan ni Daddy ang pamilya ni Kuya Xander!! Matagal nang nawala sa atin ang lahat dahil sa inyong dalawa ni Daddy!! Walang natira sa atin dahil sa kasakiman n’yong dalawa!! Pati ang pamilya natin nasira dahil din sa inyong dalawa!!! Sinira n’yo ang masaya nating pamilya!!!” sumbat ng lalaki pabalik.
Matapos iyon sabihin ng lalaki ay hindi na rin nito napigilan pang lumuha. Si Josephine naman ay tila ba natauhan sa sinabing iyon ng kanyang kapatid.
Nagpatuloy si Joseph sa kanyang mga sinasabi ngunit sa mahinahon nang paraan ngayon.
“Hindi kayo marunong makuntento ni Daddy… Hindi n’yo man lang inisip kung anong nararamdaman namin ni Mommy… Nagkasakit s’ya dahil sa inyong dalawa… Hindi n’ya kinaya ang mga ginagawa n’yo… Ang sama-sama n’yo ni Daddy… Kaya sa halip na mahirapan pa s’yang lalo, ako na ang kumilos para matigil na ’to…” wika n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Nakita namin kung paano pumatak ang mga luha ni Josephine nang marinig ang mga sinabi ng kanyang kapatid. Hindi s’ya nakapagsalita at nanatiling nakatingin lamang sa kanyang kapatid.
“Hanggang dito na lang Ate… Sumuko ka na at sumama ng maayos sa kanila…” pakiusap ng kanyang kapatid.
Habang naglalandas ang mga luha ni Josephine ay paulit-ulit itong umiling.
“Hinde… hindi ko gagawin ’yon.” madiin nitong sambit.
Bahagyang natawa ang kanyang kapatid nang sabihin iyon ni Josephine. Umiling din ito habang natatawa.
“Wala ka na talagang pag-asa. Pareho kayo ni Daddy.” wika nito.
Ilang saglit pa ay tumalikod ang lalaki bago muling nagsalita.
“Dalhin n’yo na s’ya.” huli nitong sambit at tuluyan na ring umalis habang lumuluha.
Matapos iyon ay naging mabilis ang paghawak ng mga pulis kay Josephine. Inilagay nila ang mga kamay ni Josephine sa kanyang likod at sinuotan ng posas.
“Mga walang-hiya kayo!!! Pagbabayaran n’yo ang lahat ng ’to!!!” sigaw ni Josephine habang nagpupumiglas.
“Tumigil ka na Josephine!! Tapos na ang larong matagal na nating pinagdudusahan lahat!!” ang biglang sigaw ni Xander sa kanya.
Tinapunan ni Josephine si Xander ng kanyang mga matang nanlilisik.
“Hindi pa tayo tapos Xander!! Baka nakakalimutan mo?!! May anak ako sa’yo!! Anak ko si Carla!! Kaya hindi dito nagtatapos ang ugnayan natin!! Magkukrus pa ang mga landas natin!! Tandaan mo ’yan!!” sigaw nito kay Xander.
Hindi umimik si Xander. Ngunit kitang-kita ko ang galit sa mga mata n’ya. Tila ba may pinipigilan s’yang sabihin. Nakita ko rin kung paano n’ya ikuyom ang kanyang mga kamao. Wala naman nagawa si Josephine kundi ang ngumisi nang masaksihan n’ya ang galit sa mukha ni Xander.
Ilang saglit pa ay nagulat ako nang may pumasok na dalawang tao sa ballroom na ito. Walang lingon-lingon ang mga ito at dire-diretsong naglakad patungo sa pwesto kung nasaan si Josephine.
“M-ma’am Mavel? Sir Ian?” bigkas kong mahina.
Ang mga magulang ni Xander at Daniel na inakala ko ring patay na.
Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang mga sorpresang malalaman ko. Masyado na akong maraming nasaksihan ngayong araw na ito.
“M-mommy?” ang hindi makapaniwalang pagtawag ni Josephine sa ina ni Xander.
Nanlalaki ang mga mata ni Josephine tulad ko dahil sa pagkabigla.
Ngunit matapos iyon sambitin ni Josephine ay sinalubong s’ya ng malakas na sampal mula sa ina ni Xander.
“Ang kapal ng mukha mong tawagin akong Mommy?! Hindi kita anak! At kahit kailan, hindi ko gugustuhin na magkaroon ng anak na kagaya mo!! Isang mamamatay tao!!” galit na galit na sigaw ni Ma’am Mavel kay Josephine.
Natulala si Josephine sa ginawang iyon ni Ma’am Mavel. Hindi s’ya nakapagsalita kaya nagpatuloy si Ma’am Mavel.
“Nagulat ka ba Josephine dahil buhay pa kami? Buhay pa ang mga taong plinano mong patayin?” tanong nito kay Josephine.
Nanatiling nakatingin lang si Josephine sa ina ni Xander.
“Akala mo siguro hindi namin alam na ikaw ang may pakana ng pagsabog ng sinasakyan naming private plane ’no? Pero sorry ka na lang! Dahil hindi kami ang sakay non! At alam mo ba ang magandang balita? Lahat ng nakasakay doon ay buhay! Dahil planado rin ang pagpapabagsak ng eroplanong ’yon! Kami ang nagplano nang lahat nang ’yon para magpanggap na kasamang sumabog doon!!” sigaw pa ni Ma’am Mavel.
Nanlaki ang mga mata ni Josephine sa sinabing iyon ni Ma’am Mavel. Walang nagsasalita kahit na sino man sa amin.
Muling nagpatuloy si Ma’am Mavel.
“At ang kapal ng mukha mong pagbantaan si Xander na may babalikan ka pa sa kanya?!! Walang kayong ugnayan ng anak ko!! Dahil alam naming hindi n’yo tunay na anak ang apo kong si Carla!! Niloko mo kaming lahat!!!” galit na galit na sumbat ni Ma’am Mavel.
Gulat na gulat ako sa nalaman ko. Nang lingunin ko ang mga kaibigan namin ay hindi ko na rin sila nakitaan ng pagkagulat. Sa katunayan ay nakitaan ko sila ng lungkot sa kanilang mga mata.
Nagpatuloy pa sa pagpapaliwanag si Ma’am Mavel habang galit na galit pa rin hanggang ngayon.
“Two years ago, nagkaroon ng dengue si Carla at nangailangan s’ya ng dugo! Sinabi ni Xander na hindi kayo magkapareho ng dugo ni Carla dahil alam n’ya ang blood type mo! At kahit hanapin ka namin dahil bigla ka nanaman nawala, wala rin silbi! So sino sa tingin mo ang iisipin ni Xander na kapareho ng blood type ni Carla?! ’Di ba s’ya?!! Pero hindi rin nag-match ang blood type nila kahit mag-ama sila!!! Lahat kami nagtaka!! Pero dahil sa kailangan ni Carla na malunasan nang mga oras na ’yon, ipinagpaliban muna namin ang malaking katanungang ’yon!!” unang bahagi ng paliwanag ni Ma’am Mavel.
Lahat kami ay natahimik dahil sa kwento n’yang iyon. Ako naman ay nanatiling gulat na gulat pa rin hanggang ngayon. Hindi ko akalaing hindi tunay na anak ni Xander si Carla. Nakaramdam ako ng awa para sa kanilang dalawa dahil kitang-kita ko kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa.
Muling nagpatuloy si Ma’am Mavel.
“Noong makaligtas si Carla, doon na kami nagpaimbestiga. Nalaman namin na namatay ang tunay n’yong anak ni Xander at itinapon mo na lang kung saan!!! Anong klase kang ina?!! Nagawa mo ’yon sa sarili mong kadugo!!!” unang bahagi ng kanyang panunumbat.
“Nalaman din namin na kinuha mo ang isang sanggol sa ospital kung saan ka nanganak! Namatay ang ina nito habang pinapanganak ang bata!! At walang ama na maaaring umangkin sa kanya!! Nakipagtulungan pa kayo ng ama mo sa doktor na kapatid din ng ama mo at nagpaanak sa’yo!! Napakasama n’yo!! Napakasama n’yo sa apo ko!!” huling bahagi ng panunumbat ng ina ni Xander at hindi na rin napigilang mapaluha.
Halos manghina ako sa nalaman ko. Naalala ko ang mukha ni Carla sa mga oras na ito habang nakangiti. Ngunit nang maisip kong lumuluha s’ya ay parang gusto ko s’yang yakapin ng mahigpit at paulit-ulit na patahanin.
Nang sabihin iyon ng ina ni Xander ay sinulyapan ko si Josephine. Nasorpresa pa ako nang magbitaw s’ya ng isang pagngisi sa harap ng ina ni Xander.
“Eh ano ngayon? Ang mahalaga, ako ang kinikilala n’yang ina. Hindi n’yo maikakaila ’yon kahit tanungin n’yo pa s’ya.” nakataas na kilay na pagsagot ni Josephine.
Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ng ama ni Xander ang sumingit sa usapang iyon. Hinawakan n’ya rin ang mukha ni Josephine gamit ang isa n’yang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak n’ya sa magkabilang pisngi ni Josephine habang may galit sa kanyang mga mata.
“Don’t push me to do things that will bring you to death Josephine! Enough of these sh*ts! I’m sick and tired of you and your father!! I’ve had enough!!” gigil na gigil nitong sambit.
Hindi magawang makasagot ni Josephine dahil sa mahigpit na paghawak ng ama ni Xander sa kanyang mukha.
Muling nagsalita ang ina ni Xander.
“Hindi mo na rin maloloko si Carla, Josephine! Dahil alam n’ya na ang bagay na ’to. At alam mo ba kung anong reaksyon n’ya? Masaya s’ya dahil hindi na s’ya magdadalawang isip ngayon kung sino ang dapat na ituring n’yang mga magulang ngayon! Mas nakahinga na s’ya ng maluwag dahil wala ka na sa buhay n’ya!!” mahabang paliwanag pa ni Ma’am Mavel.
Kahit paano ay nakahinga rin ako ng maluwag nang malaman ko iyon. Hindi rin naman ako natatakot sa magiging reaksyon ni Carla dahil alam kong matalino s’yang bata at maiintindihan n’ya rin ang bagay na ito.
Nakita kong nanlisik pang lalo ang mga mata ni Josephine ngunit hindi n’ya magawang makapagsalita. Mukhang wala na s’yang maisasagot pa sa pagkakataong ito.
Malakas ang naging pagbitaw ng ama ni Xander sa mukha ni Josephine.
“Bring her to jail. Or better yet, bring her to hell.” madiin n’yang utos sa mga pulis.
Umalis na rin ang mga magulang nina Xander at Daniel sa harap ni Josephine. Tinungo nito ang pwesto ni Daniel na malapit sa kanila at niyakap nila ito. Kitang-kita ko ang pag-aalala nila para kay Daniel kaya napangiti ako.
Hindi nga ako nagkamali na mahal na mahal din nila si Daniel kahit hindi nila ito tunay na kadugo.
Akmang isasama na sana ng mga pulis si Josephine nang may isa namang boses ang pumigil dito.
“Wait!” boses ng isang babaeng umawat sa mga pulis sa pagdala kay Josephine.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang papalapit na babaeng may suot na maskara at napakaganda ng pangangatawan dahil na rin sa suot nitong gown na hapit na hapit sa kanya. Mukhang isa rin s’ya sa mga dumalo sa event na ito.
Nang tuluyan na s’yang makalapit sa harap ni Josephine ay unti-unti n’yang hinubad ang kanyang maskara at itinapon sa kung saan.
Tama nga ako, hindi pa tapos ang mga kagulat-gulat na kaganapan sa mga oras na ito.
“M-ma’am Shai?” nakakunot-noo at mahina kong sambit sa kanyang pangalan.
“Missed me Josephine? Ang tagal nating hindi nagkita kasi pinipigilan ako ng mga kaibigan kong makipagkita sa’yo. Siguro alam na kasi nila ang mangyayari?” nakataas na kilay nitong tanong kay Josephine.
Hindi pa nakakasagot si Josephine ay nagulat na lamang ako ng sampalin n’ya ito sa magkabilang pisngi.
“Para ’yan kina Xander at Tom! Para sa mga taong pinahirapan mo ng dalawang taon!” galit na galit na sambit ni Ma’am Shai.
Wala pa rin magawa si Josephine dahil bukod sa nakaposas s’ya ay hawak pa rin s’ya ng mga pulis ngayon.
Akmang magsasalita pa sana si Josephine ay hindi naman ito natuloy. Magkakasunod na malalakas na sampal pa ang ibinigay sa kanya ni Ma’am Shai sa magkabilang pisngi pa rin.
Halos mapapikit ako dahil sa malalakas na pagsampal na iyon ni Ma’am Shai sa kanya.
“Nabilang mo ba kung ilang sampal ’yon?!!” pasigaw na tanong ni Ma’am Shai kay Josephine.
Hindi na hinayaang makasagot ni Ma’am Shai si Josephine dahil s’ya na rin mismo ang sumagot dito.
“Siyam ’yon! Para ’yon sa siyam na taong panloloko mo kay Carla at sa aming lahat!!” sigaw nito kay Josephine.
Matapos iyon sabihin ni Ma’am Shai ay mabilis din itong umalis sa harapan ni Josephine.
“You b*tch!!!” tangi lang nasabi ni Josephine.
Nilingon naman s’ya ni Ma’am Shai bago sumagot.
“Thank you!” una n’yang sambit habang nakangisi.
Tiningnan n’ya muna si Josephine mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy.
“Now you know who’s the leader! You’re just my minion!” sunod n’yang sambit at tuluyan nang umalis at pumunta sa amin.
Mabilis n’ya akong niyakap nang makalapit ito.
“Are you okay?” tanong n’ya sa akin na may pag-aalala.
Tumango-tango naman ako at ngumiti bilang pagsagot.
Saglit lamang s’ya sa aking harapan dahil mabilis din n’yang niyakap sa aking tabi si Randy na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang mga tenga at nakapikit ang mga mata.
“Randz… It’s over… Wala kang maririnig na pagputok ng baril…” wika n’ya kay Randy.
Kitang kita ko ang mabilis na pagyakap ni Randy kay Ma’am Shai habang umiiyak.
Lalapitan ko din sana ulit si Randy nang makarinig nanaman ako ng dalawang malakas na sampal.
Nang lingunin ko kung saan ito nanggaling ay nagulat ako nang makita ko si Cha na naka-gown din at nasa harapan din ni Josephine.
Mukhang kagaya ni Ma’am Shai ay naririto rin s’ya ng buong oras simula nang maganap ang party. Pero dahil sa mga nakamaskara ang lahat ay hindi ko sila nakilala.
“Para ’yan sa best friend ko at para kay Sir Xander na inilayo mo sa kanya!!” galit na galit na sigaw nito kay Josephine.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako ngayon o mag-aalala sa ginawa ni Cha.
Wala kasi s’yang pakialam kung nakatingala s’ya ngayon habang nasa harap s’ya ni Josephine dahil mas matangkad ito sa kanya.
Matapos iyon ay mabilis din s’yang umalis sa harap ni Josephine at patakbong tumungo sa akin para yakapin ako.
“Bessy….” sambit n’ya habang yakap ako.
“Salamat Bessy…” wika kong nakangiti habang yakap din s’ya.
Nasa ganoon kaming posisyon nang makarinig nanaman ako ng isang pag-awat sa mga pulis.
“Oooopppsss!! Sandali lang mga mamang pulis!!!” sigaw nanaman ng isang babae na pamilyar sa akin.
Ang mga pulis pala na may dala pa rin kay Josephine ang tinatawag nito.
Hinubad ng babaeng tumawag sa mga pulis ang kanyang maskara.
“Olyn?!” gulat na gulat na sambit ko nanaman.
Bumitaw sa akin si Cha dahilan para lalo kong makita ang pag-eksena ni Olyn.
Lumapit ito kay Josephine at mukhang alam ko na ang kanyang gagawin.
Gusto ko na s’yang awatin dahil bukod sa mapula na ang mga pisngi ni Josephine ngayon ay namamaga na rin ito sa mga sampal na nakuha n’ya mula kina Ma’am Shai at Cha.
“Woooohhhh!!! Pagkakataon ko na ’to!!!” sigaw ni Olyn habang nakataas ang dalawa n’yang kamay at nagtatatalon.
Bago n’ya gawin ang bagay na iyon ay tumalikod muna s’ya at tila ba may hinahanap s’ya.
“Sir Lojie! This is it! Wooohhh!! Pagkakataon ko na ’to para makaganti sa pang-aalipusta nito sa mga empleyado dito! Hutainames bes! Ako ang pinapahirapan nito sa paghahanap ng mga bagong empleyado dahil sa mga tinanggal n’ya dito!! Wooohhh!! I-video mo ’to dali!!! “ utos nito kay Sir Lojie.
Nang lingunin ko si Sir Lojie ay nagulat ako nang mabilis n’yang ikinilos ang kanyang kamay para kunin ang kanyang cellphone.
“Taena mo Olyn! ’Yung makamandag ha? ’Yung solid! Putspa! ’Pag hindi ’yan papasok sa panlasa ko, ako ang sasampal sa’yo!” wika ni Sir Lojie habang nire-ready ang kanyang camera.
Nasapo ko na lamang ang aking noo dahil sa kabaliwan ng dalawa.
Hindi na sumagot pa si Olyn kay Sir Lojie. Muli n’yang hinarap si Josephine habang iginagalaw n’ya ang kanyang mga braso na tila ba nagwa-warm up s’ya. Wala rin s’yang pakialam kung mahaba ang suot n’yang gown sa mga oras na ito.
“Ready ka na ba? Ena mo eh! Ang sakit mo sa ulo dito sa kompanya.” wika nito kay Josephine.
Hindi naman sumagot si Josephine ngunit masasamang pagtitig lang ang ibinato nito kay Olyn.
Lahat ay nag-aabang sa gagawing pagsampal ni Olyn kay Josephine.
Nakita namin lahat nang iangat na ni Olyn ang kanyang kaliwang kamay para sa pagsampal n’ya.
“Eto na oh!” sambit ni Olyn habang nakaangat ang kanyang kaliwang kamay.
Napapikit na rin si Josephine para sa paghahanda sa kanyang sarili.
Ngunit matapos ang ilang segundo ay hindi pa rin iyon dumadapo sa pisngi ni Josephine. Nanatiling nakaangat ang kaliwang kamay ni Olyn sa ere.
Dahil sa pagkainip yata ni Josephine ay muli n’yang idinilat ang kanyang mga mata.
Ngunit sa pagdilat n’yang iyon ay ang paglapag ng kanan na palad ni Olyn sa kanyang pisngi.
Alam kong masakit iyon dahil nanggaling pa ang pagbwelo ng kamay ni Olyn mula sa kanyang likuran.
“Kingina mo! Akala mo kaliwa gagamitin ko ’no? Pakyu ka po! Hindi ako kaliwete!” sambit ni Olyn at mabilis din na tumalikod kay Josephine.
Matapos iyon ay mabilis s’yang nagtungo sa pwesto ni Sir Lojie.
“Patingin nga ng video! Inayos mo ba ’yung pagkuha?! I-play mo na dali!” atat na atat n’yang utos kay Sir Lojie.
“Namo naman eh! Eto na nga oh!” sagot naman ni Sir Lojie.
Ang mga nakakakita sa kanila ay natatawa na lamang. Ang ilan naman sa kanila kabilang na ako ay napapailing na lang dahil sa kabaliwan ng dalawang ito.
Habang nakatingin ako kina Olyn at Sir Lojie ay narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Josephine.
“At sino ka naman?!! ’Wag mong sabibin na makikisampal ka rin?!” galit na galit nitong tanong sa babaeng nasa harapan n’ya ngayon.
“E-eunice?” ang nagtataka ko nanamang sambit.
Nandito rin pala s’ya sa party na ito. Kung ganon marami pala sila ngayon na naririto.
“Oo! Makikisampal ako! May problema ka ba don?” mataray na sagot ni Eunice kay Josephine.
Sa sandaling ito ay nakakaramdam na ako ng kaunting awa para kay Josephine. Magulo na rin kasi ang kanyang buhok dahil sa kanyang mga dinanas na kaliwa’t-kanang sampal.
“Pero hindi kita kilala!!” sigaw ni Josephine kay Eunice.
“Eh inggitera ako eh! Gusto ko rin makisampal eh!” sagot naman ni Eunice pabalik.
Sisigaw pa sanang muli si Josephine ngunit hindi na ito natuloy nang lamapag na ang palad ni Eunice sa kanyang pisngi.
“Swerte mo teh! Ngayon lang tayo nagkakilala! Dahil kung noon pa, baka hindi lang ’yan ang inabot mo sa akin!” wika ni Eunice matapos n’yang sampalin si Josephine.
“Mga hayup kayo!!!” galit na galit na sigaw ni Josephine sa aming lahat.
Walang sumagot sa amin. Lahat kami ay nakatingin lamang sa kanya at pinapanood s’ya habang naglalandas na rin ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Naputol na lamang ang pagtitig ko kay Josephine nang may tumabi sa aking kanan.
Nang lingunin ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. Naka-gown din ito sa mga oras na ito.
“Dee?!” nasambit ko.
Wala na yatang katapusan ang pagkagulat ko.
Ngumiti lamang s’ya sa akin bilang pagbati.
Magtatanong pa sana ako kay Dee kung meron pa ba silang kasama ngayon na hindi ko pa nakikita nang biglang magsalita si Cha sa aking kanan.
“Oy Dee! Hindi ka ba makikisampal kay Josephine? Ayan oh, sampalin mo na hanggat nandito pa.” wika ni Cha.
Nilingon ko si Cha para sana pagsabihan sa kamalditahan n’ya ngunit mabilis din s’yang sinagot ni Dee.
“’Wag na. Tinatamad ako. Saka baka masugatan lang ang kamay ko. Tingnan mo, bukol-bukol na ang mukha n’ya sa dami ng sampal na nakuha n’ya.” walang emosyong sagot nito.
Sa pagkakataong ito ay napatanong na lamang ako sa sarili ko. Talaga bang ganito ang lahat ng kaibigan ko?
“Oh baka may gusto pang humabol bago dalhin sa kulungan ’yan?!” ang biglang pagsasalita ni Popoy sa kabilang table.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay nilingon ko s’ya habang nakakunot ang aking noo.
Nang magtagpo ang aming mata ay ngumiti ito ng alanganin sa akin.
“Joke lang Tommy!” sambit n’ya habang naka-peace sign.
Matapos iyon ay mabilis na ring kumilos ang mga pulis para dalhin si Josephine. Patuloy naman sa pagpupumiglas si Josephine habang sumisigaw. Wala na nga kaming maintindihan sa kanyang mga sinasabi.
Lahat kami ay nanatiling nakatingin sa papalayong mga pulis na hawak na ngayon sina Josephine at mga kasama nito hanggang sa makalabas sila sa venue.
Naputol na lang ang pagkakatitig ko sa mga pulis nang bigla akong hawakan ni Dee sa kamay.
Nang lingunin ko s’ya ay nakita kong nakangiti s’ya akin. Ang ngiti n’yang bihirang makita sa kanya.
“Tom… naghihintay na s’ya.” wika n’ya sa akin habang nakangiti.
Doon ko lamang naalala ang kanyang tinutukoy.
Sa dami ng aking nasaksihan ay nakalimutan ko ang isang magandang bagay na nangyari sa araw na ito.
Ang pinakamagandang bagay na nasaksihan ko sa buong buhay ko.
Ang pagbabalik ng minamahal ko.
Si Xander.
Mula sa pagkakatitig ko kay Dee ay inilibot ko ang mga mata ko. Nakita ko ang mga kaibigan namin na nakangiti habang nakatingin sa akin sa mga oras na ito.
(a/n: Oy! Baka nawili kayo kakabasa ha? ’Wag n’yo kalimutan i-play ang nasa media para feel na feel! ’Wag kayong ano d’yan! Sumunod kayo! Chos!)
Dahan-dahan ang naging paglingon ko sa lugar kung saan ko s’ya huling nakita.
At nang madako ang tingin ko sa kanyang pwesto ay tila ba nawala na rin sa paligid ko ang lahat ng tao. Maging ang mga kaibigan namin na nasa aking tabi ay hindi ko na maramdaman ngayong mga oras na ito.
Ilang metro rin ang layo ko sa kanya. At ilang hakbang din ang aking gagawin para mahawakan s’ya.
Nakita ko ang kabuuan ng taong matagal kong hinintay ang pagbabalik.
Nagtagpo ang aming mga mata habang nagliliwanag ang buong paligid.
Nasilayan ko ang mga ngiti n’yang sa akin n’ya lang ipinapakita.
Ang ngiti n’yang matagal ko nang gustong masilayan ay nasa harap ko na.
Habang nakatitig ako sa kanyang mukha ay ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. At kasabay ng ngiti kong iyon ay ang pag-agos ng mga panibago kong luha.
Ang mga luhang kaiba sa mga luhang inilabas ko simula nang iwan n’ya ako.
Dahil ang mga luhang dumadaloy ngayon sa aking mga mata ay luha ng kasiyahan.
Luha ng walang katapusang kaligayahan dahil sa pagbabalik n’ya.
Hindi ko alam kung gaano na ba kami katagal sa pagkakatitig sa isa’t-isa habang suot ang matatamis naming mga ngiti.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang kanyang boses na nagsalita.
“Na-miss kita.” wika n’yang nakangiti.
Bahagya akong natawa sa kanyang nasambit.
“Ako din. Na-miss din kita. Sobrang na-miss kita.” sagot ko naman habang lumuluha at nakangiti.
Hindi ko maigalaw ang aking mga paa para maglakad patungo sa kanya. Ngunit nang maisip ko na baka muli nanaman s’yang mawala ay nakaramdam ako ng takot sa aking dibdib.
Hindi na ako papayag na muli s’yang mawala sa buhay ko. Hindi ko hahayaang magkalayo nanaman kaming dalawa.
Inilabas ko ang lahat ng lakas ko para ikilos ang aking mga paa. At mas lalo akong napangiti nang magawa kong ihakbang ito.
Dahan-dahan ako sa naging paghakbang ko patungo sa kinaroroonan n’ya. Pero ang mga mata namin ay hindi napuputol sa pagkakatitig sa isa’t-isa.
Nanatili s’yang nakatayo sa kanyang pwesto habang ako naman ay patuloy lamang sa ginagawang paghakbang.
Konti na lang ang natitirang diatansya sa aming dalawa. At sa bawat pagliit ng aming distansya ay ang masaganang luha na patuloy na umaagos mula sa aking mga mata.
Malakas na rin ang kabog ng aking dibdib habang papalapit sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na s’ya.
Ilang hakbang na lang kaya kahit nanginginig ang aking buong katawan ay hindi ako nagpapigil. Patuloy lang ako sa aking paglalakad.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya at ilang pulgada na lamang ang aming pagitan ay napahinto ako.
Ang mga mata kong nakatingin sa kanyang mga mata ay ibinaba ko patungo sa kanyang dibdib.
Sana ay hindi na panaginip ito.
Sana ay mahawakan ko na s’ya sa pagkakataong ito.
Nakangiti pa rin ako habang lumuluha nang iangat ko ang aking kamay para hawakan ang kanyang dibdib.
Nanginginig ang kamay ko habang nakaangat at nagnanais na mahawakan ang kanyang katawan.
“’Wag kang matakot Tom. Mahahawakan mo na ako ngayon.” narinig kong sinabi ni Xander.
Napangiti ako habang may mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. Alam kong pati ang labi ko ay nanginginig na rin sa mga oras na ito.
“H-hindi na ’to panaginip ’di ba..? Totoo na ’to ’di ba…?” tanong ko habang nakatingin ako sa kanyang dibdib.
“Hindi ka nananaginip Tom. Nandito na ako sa harap mo. Nangako akong babalik ’di ba? At ngayon ko tinupad ’yon.” sagot n’ya sa akin.
Nang sabihin n’ya iyon ay itinuloy ko na ang nais kong mahawakan s’ya.
At nang tuluyan ko nang mailapag ang aking palad sa kanyang dibdib ay mas lumapad ang pagkakangiti ko.
Nakumpirma kong hindi na panaginip ang lahat.
Nasa harapan ko na s’ya ngayon at nahahawakan sa mga oras na ito.
Ang matagal kong hinintay ay nangyari na.
Nang tuluyan ko na s’yang mahawakan ay inangat ko na rin ang aking tingin upang magtagpo ang aming mga mata.
Nakita ko na ng malapitan ang kanyang mukha.
Sinasalubong n’ya na ako ngayon ng kanyang mga ngiti.
Mas lalo nang nag-unahan ang aking mga luha dahil sa labis na kaligayahan.
Mas lalo pang dumoble ang nararamdaman kong pagkabog sa dibdib ko nang iangat n’ya ang kanyang kamay at idinampi ito sa aking mukha.
Marahan n’yang pinahid ang aking mga luha habang may ngiti sa kanyang mga labi.
“Matagal ba kitang pinaghintay Master?” tanong n’yang nakangiti sa akin.
Hindi ako makasagot.
Tanging pagtango lang ang aking nagawa habang nakangiti.
Patuloy lang s’ya sa pagpahid ng aking mga luha habang nakatitig pa rin sa akin.
“Sorry kung ngayon lang Master.” una n’yang sambit.
Tumingin lamang ako sa kanya. Hindi ko talaga magawang ibuka ang aking bibig.
“Gustong-gusto na nga sana kitang makasama kaso pinipigilan lang ako nila Mommy at Tito Ian eh. Pati ang kapatid ko halos makasuntukan ko na kasi masyado pa raw maaga. Hanggang sa dumating na ’tong oras na ’to.” sunod n’ya pang paliwanag.
Habang nagsasalita s’ya ay nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata. Kung minsan naman ay inililipat ko ang aking paningin sa kanyang ilong, pisngi at labi. Lahat ng iyon ay inililibot ng aking mata para makasiguradong s’ya na nga talaga itong nasa harapan ko.
“Sobrang saya ko noong makita kita kanina Master! Namiss talaga kita! At alam mo ba—––” ang hindi n’ya na naituloy na pagsasalita.
Hindi ko na napigil ang sarili ko.
Dahil habang nagsasalita s’ya ay mabilis kong hinatak ang kanyang damit at inilapit s’ya sa akin.
Mabilis kong inilapat ang aking labi sa kanyang labi hanggang sa magdikit ang mga ito.
Napapikit ako habang dinadama ang mainit na labi ni Xander.
Ramdam ko ang pagkabigla sa kanya. Ilang segundo ang lumipas na hindi s’ya nakatugon sa aking paghalik.
Ngunit matapos ang ilang segundong iyon ay naramadaman ko na ang kanyang mga brasong inilibot n’ya sa aking katawan. Naramdaman ko na rin ang masuyo n’yang pagtugon sa aking mga halik.
Yakap n’ya ako habang magkadikit ang aming mga labi. Ikinilos ko rin ang aking mga braso para tugunan ang kanyang yakap.
Kahit nakapikit ako ay parang nagliliwanag ang kapaligiran. Nakakarinig ako ng mga palakpakan at sigawan tanda ng kasiyahan.
Ang tagpong ito ang matagal ko nang inaasam.
Ang mayakap at maramdaman ang kanyang katawan.
Ang mahalikan ang kanyang malambot na labi.
Wala na akong mahihiling pa.
Dahil dumating na ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko.
Ang magbalik s’ya.
Ang magbalik ang taong nagbigay ng kulay sa mundo ko.
Ang nagturo sa akin ng kahulugan ng tunay na pagmamahal.
Ang pagbabalik ni Xander sa buhay ko.
A/N
Woooohhhh!!!
Siguro naman deserve ko ang maraming comments and votes noh? Party na talaga ’to!!
Salamat sa matiyagang paghihintay guys!!
Sana natuwa kayo sa chapter na ’to!
Konti na lang para sa inaantay ng lahat!
Comments and votes please?
Ingat kayo mahal kong readers!
––cold_deee
chapter 33 - cuba libre
A/N
Guys, baka may hindi pa nakakabasa ng chapter 32 (moonlight margarita). Dahil hindi nagbigay ng notification si Wattpad nung in-update ko ’yun. Pakibalikan na lang kung hindi pa bago n’yo simulan ’to. Marami rin kasi ang nagtatanong kung kelan ang update nun. ’Yun lang po.
Dedicated ’tong chapter na ’to kay
anjokurt15
. Hahahaha! Akala mo nakalimutan ko ’no?!
Anyway, simulan na natin. Enjoy reading guys!
PS.
Sorry sa matagal na update at sorry sa mga umasang nakapag-update na ako nung isang araw. Aksidente ko lang talaga napindot ang publish. Hahahaha!
––> si Tom po sa media.
©to the owner of the photo.
XANDER POV
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ang pakiramdam na malapit lang at malaya kong natititigan ang mukha ng taong nagbibigay lakas sa akin para magpatuloy sa malalaking pagsubok ng buhay ko. Malaya ko na rin nahahawakan ang malambot at mala-anghel n’yang mukha habang nasa mga bisig ko s’ya at nahihimbing.
Natawa ako ng bahagya nang makita ko ang paggalaw ng kanyang pilik-mata kahit nakapikit s’ya. Ang sarap n’ya talagang pagmasdan ngayong mga oras na ito.
“Na-miss talaga kita. Miss na miss ng sobra.” mahina kong sambit at muli s’yang hinaplos sa kanyang malambot na pisngi.
Narito kami ngayon sa aming condo at hapon na rin sa mga oras na ito. Natutulog si Tom ngayon at nakaunan sa aking braso.
Puyat na puyat ang mahal ko. Paano ba naman kasi, matapos ang nangyari kagabi sa party ay hindi na ako nito tinantanan sa kakatanong hanggang sa makauwi kami dito.
Hindi ko rin makakalimutan kung gaano karaming luha ang kanyang ibinuhos habang patuloy s’yang nagtatanong sa akin ng maraming bagay. Tungkol sa kung paano ako nabuhay at kung paano ako nakabalik. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses n’ya ba akong hinalikan at paulit-ulit na niyakap. Damang-dama ko ang pagmamahal at pananabik n’ya sa akin.
Kung sabagay, ganoon din naman ako sa kanya. Ipinaramdam ko kung gaano ako nasasabik na makasama at makapiling s’yang muli. Walang oras simula nang magkita kami na binitawan ko ang kanyang kamay at masuyong hinahaplos iyon.
Simula kaninang umaga pagkagising namin ay sinulit namin ang bawat oras ng muli naming pagkakasama. Nag-almusal lamang kami at muling bumalik sa pag-uusap at paglalambingan. Hindi na rin kami mapaghiwalay kahit noong naghahanda na rin kami ng aming pagkain para naman sa tanghalian. Laging nakayakap si Tom sa aking bewang na s’yang ikinatutuwa ko naman.
Natawa ako nang maisip kong nakakapanghinayang dahil sa pagligo lamang kami nagkahiwalay. At pagdating naman ng hapon ay magkatabi kami ngayong natulog dito sa aming sofa. Nakaramdam din ng pagod si Tom sa paglalambingan at paghaharutan namin kanina.
Habang pinagmamasdan ko s’ya ngayon ay naalala ko kung ano ang mga naging kaganapan noong mawala ako.
Nagsimula ang lahat nang ipaalam sa akin nila Mommy na kailangan kong maoperahan sa Cebu dahil sa may blood clot daw ako. Labis ang takot ko noon dahil ayaw ko rin mahiwalay kay Tom. Lalo na noong ipaalam sa akin ni Lojie na nagalit sina Mommy at Tito Ian kay Tom.
Pero lahat pala ng iyon ay parte na pala ng palabas. Lahat ng iyon bahagi na ng kanilang plano.
Ang mga planong ginawa lahat ni Daniel para sa akin at para kay Tom.
Oo, simula nang maaksidente ako ay labis na pagsisisi ang naramdaman ng kapatid ko. Paulit-ulit s’yang humingi sa akin ng tawad. Paulit-ulit n’yang sinisisi ang kanyang sarili.
At para makabawi ay s’ya na rin ang nakaisip at nagplano ng lahat para sa mabilis na pagpoproseso ng pagkuha ng share ng kompanya na nararapat para sa aming pamilya. Ito rin ang naging paraan n’ya para makabawi sa aming dalawa ni Tom.
Nang magpaliwanag sa akin si Daniel tungkol sa kanyang dahilan ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. Bagkus, labis na awa ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.
Alam kong hindi n’ya sinasadya ang lahat dahil wala naman talaga s’yang alam sa buong pangyayari noong una. Kasabay kasi ng pagkawala nila ni Tom noon ay wala s’yang ideya sa lahat. Huli n’ya na nalaman ang buong kadahilanan ngunit tuluyan na s’yang napamahal kay Tom. At wala s’yang tanging hanap kundi ang kaligayahang matagal n’ya nang gustong makamit.
Naaawa ako sa kapatid ko dahil hindi n’ya deserve ang masaktan. Napakabait at puno s’ya ng malasakit.
Selfless.
’Yan ang ang perpektong definition ng pagkatao ni Daniel.
Lahat ay gagawin n’ya para sa kanyang mga minamahal. Kaya wala akong ibang mahihiling sa buhay ko ngayon kundi ang matagpuan n’ya na ang taong kokompleto sa kanya.
Hindi ko makakalimutan noong gabi na makita ko si Tom kasama sina Randy at Lojie sa inaakala nilang puntod ko sa sementeryo. Noong gabi kung kailan ipinangako ni Tom na lalaban s’ya para sa pangarap naming dalawa.
Labis na kaligayahan ang naramdaman ko noong mga oras na iyon. Doon ko kasi mas lalong napatunayan kung gaano ako kamahal ni Tom. Na kahit mahigit isang buwan na kaming hindi nagkikita noong mga mga oras na iyon ay hindi ako nawala sa kanyang sistema.
Ngunit nasaan nga ba ako nang mga panahon na iyon?
Hindi ko makakalimutan noong ipinagtapat nila Daniel, Mommy at Tiro Ian ang kanilang plano para maging matagumpay ang pagkuha sa share ng aming pamilya.
Nagtago kami sa pangangalaga ng aking mabuting kaibigan na si Anthony. Ang kaibigan kong may-ari rin ng bar na pinuntahan namin nila Tom noon.
Doon namin naisipang mamalagi dahil walang magkakaideya na doon kami nagtatago. Wala naman kasi masyadong nakakakilala sa kanya. Isa pa, ang isa sa kanyang mga kamag-anak ay isa rin sa mga shareholders ng hotel. Si Anthony ay pamangkin ni Mr. Chua na nagpakilala sa akin bilang bagong President and CEO ng hotel.
Naging maingat kami sa aming mga hakbang kaya kahit ang aming mga kaibigan ay walang ideya sa mga naging plano namin. Maging si Lojie na aking pinsan ay walang kaalam-alam dito. Kaya naman noong nalaman n’yang buhay ako ay halos mapatay ako nito.
Si Daniel din ang gumawa ng paraan upang magkasama-sama ang aming mga kaibigan. Sinimulan n’ya ito kay Randy dahil ito ang pinakamahinahon sa kanilang lahat.
Oo, ilang araw kaming magkakasamang lahat upang pagplanuhan ang magaganap sa party na pinatawag ni Josephine. Lahat kami ay nagtulungan na maisagawa ang nangyaring kaganapan kagabi.
At dahil na rin sa magkakasama kami ay naging matagumpay ito.
Ang orihinal na plano bago pa malaman ng mga kaibigan namin na buhay ako ay lalabas kami ng bansa nina Mommy at Tito Ian para doon magtago. Ngunit sa tulong na rin ni Mr. Chua ay sinabihan nila kaming mas makabubuti kung dito na lamang kami sa Pilipinas maglagi dahil madaling mapapansin ni Josephine ang pag-alis namin kung lalabas kami ng bansa.
Doon na rin ako nagpagaling upang paghandaan ang aking pagbabalik. At doon na rin namin sinimulan ang plano sa pagbagsak ni Josephine.
Noong una ay naging napakahirap sa amin ang pagtatago ngunit laking pasasalamat namin nang makipagtulungan na mismo ang kapatid ni Josephine sa amin. Lumapit ito kay Daniel upang makipagtulungan.
Noong una ay may pagdududa kami ngunit nakuha naman nito ang tiwala na hinihingi namin. Pero ang kapalit nito ay ang pagtulong namin sa kanya at sa ina nila ni Josephine ngayon na kinakailangang maoperahan dahil sa sakit n’ya sa puso.
Kilala ko naman si Joseph dahil naging malapit din kami nito noong panahon na magkarelasyon pa kami ni Josephine. At masasabi kong malaki talaga ang kaibahan nilang magkapatid.
Humingi rin ito ng tawad sa akin dahil nalaman kong s’ya pala noon ang nagpapadala sa akin ng mga maling text messages at phone calls para magkasira kami ni Tom. Hindi ko rin naman s’ya nakilala sa kanyang boses dahil noong huli kaming nagkita ay nasa high school pa lamang ito.
Malaki na ang kanyang ipinagbago at ipinagpapasalamat ko na nanatili s’yang mabuting tao. Kinailangan lamang n’yang sumunod sa kanyang kapatid na si Josephine dahil sa pangangailangan na maoperahan ang kanilang ina. Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lamang daw naghihirap ang kanyang ina dahil sa mga ginagawa ng kanyang panganay na anak na si Josephine.
Kahit noong panahon na magkahiwalay kami ni Tom ay hindi naman ako nawalan ng balita sa kanya. Sa bawat araw na nababalitaan kong naghihirap ang kanyang kalooban ay dobleng hirap ang aking nararamdaman.
Iniisip ko pa lang na umiiyak si Tom ay gusto ko nang lumabas mula sa pinagtataguan ko at magpakita sa kanya. Ngunit dahil sa mahigpit na pakiusap ng aking pamilya ay kinailangan ko itong tiisin. Inisip ko na lamang na ito na ang huling paghihirap naming dalawa para makamit na namin ang aming kalayaan.
Nang maging matagumpay ang pagkuha ng lahat ng dokumentong kinakailangan namin sa hotel ay hindi na ako nagdalawang isip pa na magpakita. Para sa akin ay masyado nang mahaba ang dalawang buwang paghihiwalay namin ni Tom. Pakiramdam ko ay higit pa ito sa dalawang taon naming paghihiwalay noon. Dahil kung kailan maayos na sa aming dalawa ang lahat ay doon naman kami binigyan ng isa pang malaking pagsubok.
Habang pinagmamasdan ko si Tom ngayon sa kanyang pagtulog ay hindi ko naiwasang pumatak ang isang luba mula sa aking mga mata habang may ngiti sa aking labi.
“Eto na ’yun Master. Eto na ’yung matagal na nating hinihintay. Ang saya-saya ko kasi magkasama na tayo. At sa tingin ko ngayon, wala nang makakapigil pa sa ating dalawa.” nakangiti kong pagkausap sa kanya.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Pero natawa ako nang makita ko ang pagsilay ng kanyang ngiti matapos kong sabihin iyon.
“Mahal na mahal kita Master… Mahal na mahal…” muli kong sambit at masuyo ko s’yang hinalikan sa kanyang malambot na labi.
Mukhang sa ginawa kong paghalik sa kanya ay nagawa kong tuluyan s’yang magising. Naramdaman ko rin kasi ang kanyang pagtugon sa aking halik.
Matapos ang halik naming iyon ay mahigpit ko s’yang niyakap na s’yang ginantihan n’ya rin.
Kahit magdamag pa kaming ganito ay hindi ako magsasawa. Basta nandito lang si Tom sa aking tabi ay kakayanin ko nang mabuhay sa mundo.
Ilang minuto din kami sa ganoong posisyon at dinadama ang yakap ng bawat isa. Dinadama ang kaligayahan na matagal na naming inaasam na dalawa.
Ilang saglit pa ay bahagyang lumuwag ang pagkakayakap ko nang maalala ko ang isang bagay.
“Master…” pagtawag ko sa kanya.
“Hhhmmm…?” tanong n’ya naman sa akin pabalik.
Muli nanaman akong natawa dahil mukhang antok na antok pa rin s’ya base sa kanyang boses.
“Kailangan na nating tumayo dahil may lakad pa tayo.” wika ko sa kanya.
Hindi nanaman s’ya sa akin agad na sumagot. Ngunit matapos kong sabihin iyon ay mas hinigpitan n’ya ang pagkakayakap sa akin. Isiniksik n’ya rin ang kanyang mukha sa aking dibdib.
“Dito na lang tayo Master… Ganito na lang tayo…” mahina n’yang pagsagot sa akin.
Natatawa ako sa kanya pero ang sarap pakinggan ng kanyang tinig sa mga oras na ito.
Pareho pala kami ng iniisip at nararamadaman ngayon. Pareho kaming ayaw nang matapos ang ganitong sandali sa aming dalawa.
“Hindi pwede… May naghihintay sa atin…” malambing kong sagot sa kanya.
“Hayaan mo s’ya… Hayaan mo sila… Basta dito ka lang… ’Wag kang aalis…” sagot n’ya naman sa akin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong sabihin n’ya iyon. Masaya ako sa narinig ko ngunit nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
Nalungkot ako dahil naramdaman ko kung gaano n’ya hinangad ang bagay na ito. Ang makasama ako. Damang-dama ko sa kanyang bawat galaw na hindi na s’ya papayag na magkahiwalay pa kaming dalawa. Dama ko rin ang takot n’ya na mangyari muli ang bagay na iyon.
Ngunit nang muli kong maalala na wala nang makakahadlang sa aming dalawa ngayon ay muling sumilay ang ngiti sa aking labi.
Hinaplos ko s’ya sa kanyang likod bago nagsalita.
“Hindi naman na ako aalis sa tabi mo ngayon eh. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay Master. Hinding-hindi na.” wika ko sa kanya.
Ilang segundo s’yang hindi sumagot sa akin. Ngunit matapos iyon ay naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang pagkakayakap upang magtagpo ang aming mga mata.
Muli ko nanamang nasilayan ang magagandang pares ng kanyang paningin. Ang nagliliwanag n’yang mga mata na sa akin lang nakatuon.
“Promise?” paniniguro n’ya sa akin.
Nakita ko ang takot sa kanya. Ayokong makita ang kalungkutan n’yang iyon kaya ngumiti ako bago ko nagawang sumagot.
“Pangako. Pangako Master.” sagot ko sa kanya habang nakangiti.
Mula sa pag-aalala n’ya ay napalitan ito ng ngiting sa akin n’ya lang ibinibigay. Ang ngiti n’yang nagpaibig sa akin.
Matapos ko rin sabihin iyon sa kanya ay naging mabilis din s’ya sa kanyang pagkilos. Inilapit n’ya ang kanyang sarili sa akin at s’ya naman ang humalik sa pagkakataong ito.
Hindi na yata matatapos ang ganitong mga pagkilos ni Tom. Bawat galaw n’ya ay puno ng lambing na s’yang ikinatutuwa ko.
Matapos magbitaw ng aming labi ay mahigpit nanaman naming niyakap ang isa’t-isa.
“Mahal na mahal kita Master…” wika ko sa kanya.
“Mas mahal na mahal na mahal kita Master…” sagot n’ya naman sa akin.
Kung maaari lang na ganito kami hanggang sa matapos ang araw ay mas gugustuhin ko. Ngunit may mga kailangan pa kaming ayusin upang tuluyan na kaming makalaya na dalawa. May mga kailangan pa kaming asikasuhin upang tuluyan na rin kaming makapagsimula.
“Tara na? Bangon na tayo para makapaghanda sa pupuntahan natin.” pagyaya ko sa kanya.
Hindi pa rin s’ya umaalis sa kanyang pagkakayakap nang sumagot s’ya.
“Mmmmm…. 5 minutes Master… Ganito muna tayo….” paglalambing n’ya nanaman sa akin.
Muli nanaman akong natawa sa kanya. Talagang miss na miss n’ya nga talaga ako.
Dahil sa sobrang panggigigil ko kay Tom ay hindi ko napigilang halikan ito sa kanyang leeg dahilan para magpakawala s’ya ng mahihinang pagtawa.
At dahil sa muli kong narinig ang pagtawa n’yang iyon ay mas lalo akong natuwa sa kanya. Hindi ako nakuntento sa ginawa kong paghalik sa kanyang leeg. Kinagat-kagat ko ito ng mahina at naging dahilan naman ng mas malakas n’ya nang pagtawa.
“Ayaw mo pa talagang tumayo ha? Sige, hindi talaga kita titigilan!” natatawa kong pagbabanta sa kanya at paulit-ulit nanaman s’yang kinagat sa kanyang leeg.
“Master tama na! Tama na please! Oo na! Tatayo na! Tatayo na ako!” halos pasigaw n’yang pag-awat sa akin.
Inulit-ulit ko pang gawin iyon dahil tuwang-tuwa talaga akong naririnig ang pagtawang iyon ni Tom. Matagal kong hiniling ang bagay na ito, ang marinig ko ang kanyang magandang tinig tanda ng kasiyahan.
Nang maramdaman kong halos hindi na makahinga si Tom dahil sa kiliti ay saka ko lamang s’ya tinigilan. Halos malaglag na rin kami sa sofa dahil sa paghaharutan naming dalawa.
“Hay grabe ka! Akala ko mamamatay na ako sa kiliti mo!” buska n’ya sa akin nang makaupo na kami sa sofa.
Hawak n’ya ang kanyang dibdib at naghahabol pa rin ng kanyang hininga hanggang ngayon.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pumwesto sa kanyang harapan. Yumuko ako para magpantay ang aming mukha.
Hinawakan ko ng dalawa kong palad ang kanyang mukha at nanatiling magkatinginan kami sa mga mata.
Binigyan ko muna s’ya ng isang ngiti bago nagsalita.
“Na-miss talaga kita. Na-miss ko ang lahat sa’yo lalo na ang mga ngiti mo.” nakangiti kong sambit sa kanya.
Nang marinig n’ya ang aking sinabi ay nagbigay rin s’ya ng napakagandang ngiti.
“Na-miss din kita. Sobra-sobrang namiss kita.” malambing n’yang sagot.
Tinapos namin ang mga salitang iyon sa pamamagitan ng isang masuyong paghalik sa bawat isa.
At nang maghiwalay kami ay hinawakan ko na s’ya sa kamay upang yayain na sa loob ng kwarto.
Ehem! Para magbihis lang naman. Kahit gusto kong gawin ang bagay na iyon dahil nasasabik ako kay Tom ay hindi pwede ngayon. May naghihintay pa sa aming dalawa.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong sa akin ni Tom nang makapasok kami sa aming kwarto.
Abala s’ya sa paghahanap ng kanyang mga gagamitin sa aming pag-alis. Ako naman ay kinuha na ang aking tuwalya para maghanda na rin sa pagligo.
“Kay Daniel. Gusto ka raw n’yang makausap.” simpleng sagot ko sa kanya.
Nakita ko kung paano natigilan si Tom. Dahan-dahan din s’ya sa ginawa n’yang pagharap sa akin at nakakita ako ng pag-aalala mula sa kanya.
Alam kong nag-aalala s’ya sa muli nilang paghaharap ni Daniel. Ngunit nakiusap sa akin ang kapatid ko para maayos nila ang kanilang mga hindi pagkaintindihan.
Dahan-dahan akong lumapit kay Tom at hinawakan s’ya sa dalawang kamay.
“Master, kailangan n’yong mag-usap na dalawa. Alam kong nag-aalala ka pa rin sa kanya hanggang ngayon. Alam kong kahit paano ay iniisip mo pa rin s’ya. Kaya nga ako na ang gumawa ng paraan para tuluyan n’yo nang mapalaya ang isa’t-isa.” pangungumbinsi ko sa kanya.
“B-baka kasi galit pa rin hanggang ngayon sa akin si Daniel…” pag-aalala pa rin n’ya.
Mas lumapad ang pagkakangiti ko sa kanya bago muling nagsalita.
“Master, kilala mo na ang kapatid ko ’di ba? Baka nga mas kilala mo na s’ya kesa sa akin dahil matagal rin kayong nagkasama. Sa tingin mo ba kaya n’yang magtanim ng sama ng loob sa mga taong mahalaga sa kanya?” tanong ko sa kanya.
Bahagya s’yang natigilan at nag-isip. Alam kong pinoproseso n’ya pa ang aking mga sinabi. At alam kong sa pagkakataong ito ay makukumbinsi ko na s’ya.
Mula sa pag-iisip ay napalitan ang kanyang reaksyon ng isang ngiti. Dahan-dahan din s’yang tumango sa akin.
“Sige, kakausapin ko na s’ya Master.” nakangiti n’yang sagot sa akin.
“Salamat. Salamat Master.” tangi ko na lamang nasabi sa kanya.
Ito lang. Ito lang ang bagay na maaari kong magawa para kina Daniel at Tom. Ang dalawang taong itinuring na rin ang isa’t-isa na mahalaga.
Lubos akong nagpapasalamat sa kanilang dalawa.
Una ay kay Daniel na hindi pinabayaan si Tom noong mga panahon na nasasaktan ito. Hindi n’ya kailanman iniwan si Tom hanggang sa muli itong makabangon.
Pangalawa ay kay Tom na binigyan din ng halaga ang aking kapatid na kulang rin sa atensyong hinahanap n’ya. Ipinaramdam n’ya at pinakita dito na hindi s’ya nag-iisa. Na nariyan s’ya at ang kanyang pamilya.
Matapos ang aming pag-uusap ay nagmadali na rin kaming bumyahe papunta sa restaurant kung saan namin kakatagpuin si Daniel.
Napag-usapan na namin ito ni Daniel at s’ya na rin mismo ang nagpaalam sa akin na kung pwede ay makausap n’ya si Tom bago pa s’ya umalis. Maliit na pabor lang naman ang hinihingi ng kapatid ko kapalit ng malaki n’yang sakripisyo.
Habang nasa byahe kami ay hindi pa rin napapatid ang paglalambing sa akin ni Tom. Napansin ko rin na mas masigla s’ya ngayong mga oras na ito. Naroon na habang nagmamaneho ako ng aming sasakyan ay nasa binti ko ang kanyang kamay na nakasanayan naming gawin noon. Minsan naman ay inilalagay n’ya iyon sa balikat ko at pasimple n’yang hinahaplos ng kanyang daliri ang aking pisngi.
Natutuwa ako kapag iniisip ko na mas magiging clingy at sweet na sa akin si Tom ngayon. Epekto rin siguro ng matagal kong pagkawala.
Muling nagbalik din sa aking ala-ala noong hinatid ko si Randy sa kanyang condo kahapon ng madaling araw.
Alam kong doon tumutuloy si Tom noong panahon na nagtatago ako. Kaya noong maihatid ko si Randy ay hindi ko napigil ang sarili kong pilitin si Randy na makita ko si Tom kahit habang natutulog lamang ito.
Noong una ay nagtalo pa kami ni Randy dahil nag-aalala ito na baka makita ako ni Tom at masira ang aming mga plano. Alam n’ya kasing hindi makakapagpigil si Tom na magkasama na kami agad kapag nakita ako nito. Pero dahil sa gusto ko talagang makita si Tom ay naging maingat na lamang kami sa aking pagpasok sa kwartong tinutulugan nito.
Hindi ko makakalimutan kung ilang beses n’yang tinawag ang aking pangalan habang nakapikit ang kanyang mga mata. Nakita ko rin kung paano s’ya lumuluha habang sinasambit ang pangalan ko. Marahil ay nananaginip s’ya at nakikipag-usap sa akin. Sinasagot ko rin naman s’ya habang patuloy din sa pag-agos ng aking mga luha.
Awang-awa ako sa kanya dahil sa nakikita kong paghihirap n’ya. Wala naman akong ibang maisagot kundi ang pangako kong babalikan s’ya.
Matapos ko s’yang dalawin kahapon ay hindi pa ako nakuntento. Bumili ako ng tatlong sunflower mula sa pinakamalapit na flower shop sa condo ni Randy. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na pumayag si Randy na pumasok pa ako dahil baka tuluyan nang magigising si Tom. Nakiusap na lamang ako na ibigay iyon sa kanya at sabihing galing iyon sa mga tanim kong sunflower mula sa bahay ng matalik n’yang kaibigan na si Charm.
“Oi Master! Anong iniisip mo?” ang biglang pagbasag ni Tom sa mahabang pag-iisip ko.
Pinindot-pindot n’ya pa ang aking pisngi habang nagtatanong.
Dahil sa may stop light at kinailangan kong ihinto ang sasakyan ay nilingon ko muna s’ya bago sumagot.
“Ikaw.” sagot ko sa kanya at nagbitaw ako ng isang ngiti.
Tingnan ko nga kung ano magiging reaksyon ng mahal ko. Nami-miss ko na ang facial expression nito ’pag kinikilig eh.
“Ako? Bakit? Anong meron sa akin?” pagtataka n’ya.
Hay naku! Ang mahal ko ang slow pa rin. Pinapakilig na nga hindi pa rin nararamdaman.
“Hindi ka pa ba sanay? Lagi ka naman nasa isip ko! Sama mo na din puso ko! Kalkalin mo, makikita mo dito sarili mo!” sagot ko naman sa kanya.
Hindi s’ya nakapagsalita. Alam kong umepekto na ang banat ko.
Dahil sa hindi s’ya nakapagsalita ay natawa ako.
“Kinilig ka ba?” tanong ko sa kanya habang natatawa.
Nakita ko ang namumula n’yang pisngi habang kagat n’ya ang kanyang ibabang labi. Mas lalo akong natawa sa kanyang reaksyon. Mabuti na lang at nakahinto kami ngayong mga oras na ito kaya malaya kong nakikita ang cute na cute n’yang reaksyon.
“Ano? Kinilig ka ba sa banat ko Master?!” pangungulit ko pa sa kanya habang may masayang ekspresyon.
Nagkamot na lamang ito ng kanyang batok na tila ba nahihiya.
Ang cute talaga!
“Ummm… O-oo…” nahihiya n’yang sagot sa akin.
See? Kaya gustong-gusto kong pinapakilig ’to si Tom eh! Parang baby! Ang cute talaga!
“Ano dapat ang gagawin mo ’pag pinapakilig kita Master?!” tanong ko sa kanya habang may malapad na pagngiti.
Mabilis n’ya naman akong nilingon habang nagtataka ang kanyang mukha.
“Ha? Dapat ba meron?” tanong n’yang nagtataka.
“Mmm-mmm!!” masayang sagot ko naman habang mabilis na tumatango.
“Ano?” tanong n’yang muli.
Ehem! Pagkakataon ko nanaman makapuntos dito sa mahal ko!
“Kiss mo ako! Dali!” sagot ko naman habang nakangiti.
Akala ko ay magugulat si Tom sa aking sinabi. Ngunit matapos kong sabihin iyon ay natawa lang s’ya ng bahagya.
Hindi na s’ya muli pang nagsalita. Mabilis n’ya akong hinawakan sa aking mukha sa pamamagitan ng kanyang mga palad at hinalikan sa aking labi.
“Ayan! Premyo mo ’yan dahil pinakilig mo ako ngayong araw na ’to!” wika n’ya matapos akong halikan.
Hehe! Parang bitin?! Pero ang sarap pa rin sa pakiramdam!
Mabilis na sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa ginawa n’yang iyon.
“Kung ganyan lang din ang prize ko araw-araw Master, araw-araw at oras-oras kitang pakikiligin!” wika ko sa kanya.
Dahil sa sinabi ko ay mas lalong natawa si Tom.
Grabe! Na-miss ko ’yung mga ganitong lambingan naming dalawa!
Matapos ang kaganapang iyon ay hindi na kami natigil pa sa pag-uusap at pagtatawanan. Parang normal na ang lahat at walang hindi magandang naganap nitong mga nakaraan.
Nakarating kami sa isang restaurant na sinabi sa akin ni Daniel. Nalaman namin mula sa receptionist ng restaurant na nakarating na pala ang kapatid ko.
Nang nasa tapat na kami ng pinto ng isang private room ng restaurant ay napahinto pa kami. Nilingon ko si Tom at muli kong nakita ang pag-aalala sa kanya.
Hinawakan ko s’ya sa kamay bago kinausap.
“Kinakabahan ka?” tanong kong nakangiti sa kanya.
“Mmm… Oo eh..” sagot n’yang alanganin.
Mas lumapad ang ngiti ko bago s’ya sinagot.
“’Wag kang mag-alala Master. Andito naman ako eh. Saka isa pa, maniwala ka. Walang hindi magandang mangyayari. At pagkatapos nito, makakapagsimula na ulit tayo.” muli kong pangungumbinsi sa kanya.
Hindi na nagsalita pa si Tom. Saglit s’yang natahimik at nag-isip. Ngunit matapos iyon ay nagbitaw s’ya ng isang malalim na paghinga tanda na handa na n’yang harapin si Daniel.
Inangat ko na ang aking kamao para kumatok ngunit natigilan kaming pareho ni Tom nang makarinig kami ng mga pagsigaw mula sa loob ng private room.
“Tang*na mo! Hindi ka ba talaga titigil?! Tatamaan ka na sa akin!” sigaw na pagbabanta ni Daniel mula sa loob.
Naunsyami ang pagpasok namin ni Tom dahil sa sigaw na iyon ni Daniel.
Dahan-dahan kaming kumilos at idinikit ang aming tenga sa pinto upang marinig ang kaganapan sa loob.
“Eto naman! Masyado ka talagang pikon Danny Boy!” sagot naman ng isang lalaki na kausap ni Daniel.
“Eh gago ka pala eh! Nakakalake ka na talaga eh!” sigaw muli ni Daniel.
“Weh ’di nga? Lalaking-lalaki ka na sa tingin mo? ’Wag ako oy! Iba na lang! Pareho kaya tayo! ’Wag kang magpanggap!” sagot naman ng lalaki.
Nangunot ang aming noo ni Tom dahil sa aming naririnig mula sa loob. Magkaharap kasi kaming dalawa habang nakadikit ang aming tenga sa pinto.
“Ah ganon?! Ayaw pa talagang tumigil?!” tanong muli ni Daniel.
“Hindi nga hanggat hindi ka ngumingiti! Sige na! Ngiti na bilis!” sagot muli ng lalaki.
Matapos ang pagsagot na iyon ay nakarinig na lamang kami ng kalabog mula sa loob. At dahil doon ay mabilis din ako sa aking pagkilos upang buksan ang pinto ng private room na iyon.
Nang tuluyan na naming makita ang kabuuan ng kwarto ay naestatwa kami ni Tom sa aming naabutan.
Si Daniel na nakaibabaw at hawak ang isang throw pillow ng couch habang patuloy na hinahampas ang lalaking halos nakahiga na ngayon. Ang lalaki naman ay hindi malaman kung paano ang gagawing pag-ilag sa ginagawang paghampas sa kanya ng aking kapatid.
“Gago ka talaga! Ang hilig mong painitin ang ulo kong hayup ka! Tarantado ka talaga!” inis na inis na buska ni Daniel habang patuloy na hinahampas ang lalaki.
“Aray! Aray! Tama na! Ang brutal mo talaga Danny Boy! Hindi na ba pwedeng mag-joke?! Aray!” reklamo naman ng lalaki habang patuloy din sa pag-ilag.
TOM POV
Hindi kami makakilos ni Xander dahil sa naabutan naming eksena sa loob ng private room ng restaurant na ito.
Kitang-kita namin ang inis na inis na mukha ni Daniel habang patuloy na hinahampas ng throw pillow ang matalik na kaibigan kong si Popoy.
Halos nakahiga na si Popoy habang nasa ibabaw n’ya naman si Daniel at patuloy s’yang hinahampas.
Nang makahanap ng pagkakataon si Popoy na mahawakan ang kamay ni Daniel ay saka lamang naawat si Daniel sa kanyang ginagawang paghampas.
“Sige! Hampasin mo pa ako n’yan! Mahahalikan kita d’yan gago ka!” banta ni Popoy kay Daniel na nakatingin na lamang sa kanya ngayon.
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Daniel nang sabihin iyon ni Popoy. Akmang aalma si Daniel sa sinabing iyon ni Popoy ngunit naunahan na ito ng lalaking nasa tabi ko.
Si Xander.
“Sige! Subukan mong gawin ’yan sa kapatid ko! Hindi lang throw pillow ang ihahampas ko sa’yo! Pati ’yang mga baso d’yan sa mesa tatama ’yan sa bungo mo!” pagbabanta ni Xander kay Popoy.
Dahil sa halos pasigaw na pagbabanta ni Xander ay natigilan ang dalawa sa kanilang pagtatalo. Pareho silang napalingon sa amin ngunit nanatili sila sa kanilang posisyon.
“Ako pa talaga? Eh bakit hindi itong kapatid mong basagulero ang pagsabihan mo?! Nakita mong s’ya ang nananakit oh!” sagot naman ni Popoy kay Xander.
“Abat! Sumasagot ka pa talaga?! Gusto mong matuluyan?!” gigil na wika ni Xander kay Popoy.
Akmang lalapit na sana si Xander kay Popoy ay mabilis ko naman itong napigilan. Hinawakan ko s’ya sa dalawang braso at pumwesto sa kanyang harapan.
“Master ano ka ba?! Ang init agad ng ulo mo!” pagsita ko kay Xander.
“Eh gago kasi ’yang kumag na lalaking ’yan eh! Gusto pa yatang pagsamantalahan ang kapatid ko!” sagot naman sa akin ni Xander habang dinuduro si Popoy.
“May pangalan ’yan! Si Popoy ’yan at BEST FRIEND ko ’yan!” pag-awat ko kay Xander na may diin.
Naging seryoso din ang aking ekspresyon nang sabihin ko iyon. Alam ko namang makikinig sa akin ito dahil sa akin lang ’to mabait.
Natigilan naman si Xander. Pasalamat na lang talaga si Popoy at ako ang kasama ni Xander ngayon. Dahil kung hindi, baka sa ospital ko na dadalawin si Popoy dahil napagtulungan ng magkapatid na Xander at Daniel.
Matapos kong sabihin iyon ay narinig ko nang nagsalita si Daniel sa wakas.
“Nadinig mo Popoy? Best friend ka raw n’ya! Pucha Pare! Na-friend zone ka!” wika nito.
“Lul mo! Ikaw ba hinde?!” pagpatol naman ni Popoy.
Dahil sa naawat ko naman si Xander ay nilingon ko naman ang dalawa na nananatili pa rin sa kanilang pwesto. Huminga muna ako ng malalim bago ko nagawang magsalita.
“At kayo naman dalawa d’yan, hanggang kailan n’yo gustong manatili sa posisyong ’yan? Ang awkward eh.” pagsita ko sa dalawa kaya nilingon nila ako.
Kitang-kita ko kung paano dahan-dahan na muli nilang nilingon pareho ang isa’t-isa. Ngayon lang yata nila parehong napansin na nakaibabaw si Daniel kay Popoy.
Nang ma-realize nila ang bagay na iyon ay naging mabilis sila sa kanilang pagkilos at umupo ng maayos.
“Ikaw kasi!” sisi ni Daniel kay Popoy at sinuntok si Popoy sa balikat.
“Ikaw kaya ’yun!” paninisi rin ni Popoy at ginantihan ang suntok sa balikat din ni Daniel.
“Tama na ’yan.” pag-awat ko na sa kanila.
Mukhang effective naman ang pagsaway ko sa kanila dahil tumigil na rin sila at napayuko na lamang.
Muli kong nilingon si Xander sa aking harap na hanggang ngayon ay masama ang titig kay Popoy.
Jusko! Kung ganito araw-araw ang mga makakasama kong tao, madali talaga akong tatanda! Ang sakit nila sa ulo!
“Master, sige na. Doon na lang kayo maghintay ni Popoy sa labas. Mag-uusap muna kami ni Daniel.” pagkausap ko dito.
Dahan-dahan n’ya naman akong nilingon at nakita ko ang pag-aalala dito.
“Sigurado ka ba Master? Okay ka na dito?” paniniguro n’ya.
Tumango-tango naman ako habang may ngiti bago sumagot.
“Oo, ayos lang ako. Kapatid mo naman ang kasama ko eh.” sagot ko sa kanya.
Mukhang nakumbinsi ko naman s’ya dahil tumango na lamang ito sa akin. Muli n’yang ibinaling ang kanyang paningin sa dalawa.
“Hoy ikaw Ronnie! Ano pang hinihintay mo d’yan?! Lumabas ka na rin dito! Mag-uusap sila!” buska nito kay Popoy.
“Ha? Hindi muna ba tayo kakain? Nagugutom na ako eh!” sagot naman ni Popoy.
Si Daniel naman ngayon ang nagsalita.
“Patay gutom lang? Pwede ka naman kumain doon sa labas kung gutom ka na! Nasaan ang utak pare? Nasa siko mo? Doon ka na kumain okay?!” sita naman ni Daniel sa kanya.
Ngumiti muna si Popoy bago sinagot si Daniel.
“Uuuuyyy…. Nag-aalala s’ya….” pagbibiro nito kay Daniel at sinundot-sundot pa ang tagiliran ni Daniel.
“Asa!” sagot lang ni Daniel sa kanya habang nakataas ang isa nitong kilay.
Hay jusko! Nagsimula nanaman sila!
“Popoy, sige na. Doon ka na lang sa labas kumain. Samahan mo na lang ’tong si Xander.” pakiusap ko kay Popoy.
Nilingon naman ako nito at nagsalita.
“Samahan? Ano ’yan boyfriend mo Tommy? Bata na kailangan pang samahan?” tanong nito sa akin.
Sa naging pagtatanong na iyon ni Popoy ay hindi ko na naawat pa si Xander. Mabilis s’yang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Popoy at hinawakan ito sa kanyang kwelyo.
“Aray! Aray! Aray! Bitawan mo ako! Baka magasgas ang mukha ko! Sayang ang lahi ko!” reklamo ni Popoy dahil hinihila na s’ya ni Xander sa kanyang kwelyo.
“Makulit ka eh! Tingnan natin ang kulit mo! Gutom ka na ’di ba? Pwes tingnan ko lang kung kakayanin mong ubusin ang lahat ng oorderin ko!” banta naman ni Xander kay Popoy habang kinakaladkad ito palabas ng private room.
Wala naman kaming naging reaksyon ni Daniel. Kapwa namin pinagmamasdan ang dalawa habang papalabas ng kwartong ito.
Nang tuluyan nang makalabas ang dalawa ay naging tahimik ang paligid. Bumalik ang kabang nararamdaman ko nang maalala kong dalawa na lamang kami ngayon ni Daniel ang naririto.
Kinakabahan ako dahil ngayon na lang ulit kami makakapag-usap ng matino ni Daniel.
Dahan-dahan ay nilingon ko s’ya na nanatiling nakaupo sa couch.
Nang tuluyang magtagpo ang aming mata ay nakita kong kabado rin s’ya sa mga oras na ito base na rin sa kanyang ekspresyon.
“U-upo ka…” pagyaya n’ya sa akin sa kinakabahang tono.
Hindi naman ako nagtagal sa pagkakatayo at agad na lumapit sa kanya. Umupo ako sa bahaging kanan n’ya.
Saglit kaming nagpakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Ngunit dahil sa kilala ko na si Daniel ay alam kong s’ya rin ang mauunang magbubukas ng aming pag-uusapan.
“Kamusta ka na?” tanong n’ya sa akin.
Tiningnan ko s’ya sa mata bago ko s’ya sinagot.
“Okay naman Daniel. Ikaw ba? Kamusta ka na?” sagot ko at tanong sa kanya pabalik.
Nakita ko kung paano s’ya ngumiti ng tipid bago sumagot. Ngunit ang ngiti n’yang iyon ay puno ng kalungkutan.
“Ayos naman ako.” sagot n’ya sa akin ngunit iniwas n’ya ang kanyang tingin.
“’Wag kang magsinungaling Daniel. Kilala na kita. Gusto kong magkaayos tayo kaya maging tapat ka sa mga sasabihin mo sa akin. Pwede ba ’yon?” wika ko sa kanya sa mahinahong tono.
Saglit s’yang natahimik at nakita ko ang pagkagat n’ya ng kanyang labi. Alam kong tanda ito ng pinipigilan n’yang emosyon.
Ilang sandali pa ay sinagot n’ya na rin ako. Ngunit habang nagsasalita s’ya ay namumuo na rin ang kanyang mga luha.
“Hindi ako okay, at alam kong nakikita mo ’yon Tom…” sagot n’ya sa akin.
Hindi ako nagsalita. Hinintay ko s’ya sa kanyang mga sasabihin pa.
“Hindi ako okay kasi alam kong ito na ’yung huling beses na makakasama kita… Hindi ako okay kasi alam kong pagkatapos ng pag-uusap nating ito, tuluyan ka nang mawawala sa buhay ko… Tuluyan nang aalis ang taong naging sandigan ko noong mga panahon na pakiramdam ko ay nag-iisa ako…” pagpapatuloy n’ya.
At matapos ang mga katagang iyon ay ang tuluyang pagtulo ng kanyang mga luha.
Pinanood ko lamang s’ya habang lumuluha. Bumigat ang aking dibdib nang makita ko si Daniel sa ganitong sitwasyon.
Ang taong walang ibang ginawa kundi ang samahan ako sa pinakamahirap na bahagi ng buhay ko ay umiiyak ngayon sa harapan ko. Ang nag-iisang taong umalalay sa akin noong mga panahon na naghihirap ang kalooban ko ay pinagdadaanan din ang parehong paghihirap ko noon.
Dahil sa nakikita ko ay Daniel ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na ilabas ang lungkot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Daniel… I’m sorry….” tangi kong naibigkas habang tumutulo ang aking mga luha.
Ngumiti ng mapait si Daniel bago nagawang sumagot.
“H-hindi mo naman kailangan mag-sorry Tom eh… Wala ka naman kasalanan… Hindi mo kasalanan kung bakit hindi mo ako nagawang mahalin kahit matagal na tayong magkasama… Ako Tom… ako ang dapat na sisihin dito dahil umasa ako… Umasa akong masusuklian mo ang pagmamahal ko…” sagot n’ya sa akin.
Kahit paulit-ulit sabihin sa akin iyon ni Daniel ay hindi ko s’ya kayang sisihin. Dahil pakiramdam ko ay ako ang may malaking kasalanan sa mabuting tao na kagaya n’ya.
“Sorry Tom… Sorry kung nagawa kong paghiwalayin kayo ni Kuya… Pero maniwala ka, hindi ko ’yon sinasadya… Mahal na mahal lang naman kita kaya nagbakasakali ako eh… Akala ko sa pamamaraang iyon, may chance akong makuha ka… Pero nagkamali pala ako… I’m sorry… Sising-sisi ako Tom… I’m sorry… sorry…” muli n’yang paghingi ng tawad sa akin.
“Daniel… tama na… wala na sa akin ’yon… Naiintindihan ko… maniwala ka…” sagot ko naman sa kanya at hinawakan na s’ya sa kamay sa pagkakataong ito.
Ngunit sa halip na tumigil s’ya sa pagsasalita ay nagpatuloy pa s’ya.
“Maniwala ka Tom… Wala akong ideya sa kung anong dahilan ni Kuya kung bakit kayo nagkahiwalay noon… Hindi ko alam na may balak na masama sa’yo si Josephine at sa pamilya mo… Dahil kung alam ko lang noon, tinulungan ko na ang kapatid ko… Dahil hindi ko rin kayang makita kang miserable noong mga oras na ’yon… Kaya nga ang naging paraan ko na lang ay samahan ka sa pagtira sa ibang bansa at iwan ang pamilya ko ’di ba…?” pagpapaliwanag n’ya sa akin sa pagitan ng pag-iyak.
Dahil sa nakikita ko sa kanya ay dumoble ang bigat ng aking dibdib. Alam kong nagsasabi s’ya ng totoo dahil marami na kaming pinagsamahan ni Daniel at kilalang-kilala ko na s’ya.
Hindi ako nakapagsalita dahil humihikbi na rin ako sa mga oras na ito. Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko na magawa. Labis na awa ang nararamdaman ko kay Daniel sa mga oras na ito.
Nagpatuloy s’ya sa kanyang pagpapaliwanag.
“Nalaman ko lang ang lahat noong nauna akong makauwi dito sa Pilipinas, dahil nauna akong dumating dito bago ka sumunod… Pero noong malaman ko ’yon, natakot ako Tom… Natakot akong mawala ka… Kaya pinili kong isekreto ’yon sa’yo… Dahil natatakot akong maiwan ng nag-iisang taong natira sa akin… Natakot akong iwan mo ako…” pagpapatuloy n’ya pa.
At matapos n’yang sabihin iyon ay hinawakan n’ya ng dalawa n’yang kamay ang aking kamay. Yumuko s’ya at humagulgol sa harap ko.
Hindi ko na rin napigilan ang mapahagulgol dahil sa nalaman ko. Naiintindihan ko s’ya. Naiintindihan ko ang takot na naramdaman n’ya dahil minsan ko na rin itong naramdaman. Ang maiwan ng taong labis mong minamahal. At masasabi kong ito ang pinakamasakit na pakiramdam sa buhay ng isang tao.
“Naiintindihan ko Daniel… naiintindihan ko…” sagot ko lamang sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.
“Naging makasarili ako Tom… I’m sorry…” pag-uulit n’ya pa rin.
“Tama na Daniel… tapos na ’yon… Pwede pa naman tayong magsimula ’di ba..? Kalimutan na natin ang nangyari…” pakiusap ko sa kanya.
Inangat n’ya ng dahan-dahan ang kanyang mukha upang tingnan ako. Mas lalo kong nakita ang paghihirap ngayon ni Daniel. Ang taong masasabi kong tagapagligtas ko.
“Hindi ko mapatawad ang sarili ko Tom lalo na noong sinubukan kong kunin ka kay Kuya bago s’ya maaksidente…” muli n’yang pagsasalita.
Nanatili naman akong tahimik at hindi nagsasalita upang magpatuloy s’ya.
“Sinubukan ko lang naman Tom eh… Sinubukan ko lang naman na maging makasarili kahit isang beses lang… Sinubukan kong maging madamot kahit isang beses lang sa buhay ko… Sinubukan kitang ipagdamot dahil nagbabakasakali akong sa pagkakataong iyon ay makamit ko na ang gusto ko sa buhay ko… Kasi… kasi ako na lang ang laging nagbibigay Tom eh… Ako na lang ang laging nagsasakripisyo…” sunod na bahagi na kanyang pagsasalita.
Bago n’ya itinuloy ang kanyang sasabihin ay muli s’yang yumuko habang hawak ang kamay ko at humahagulgol.
“Pero… pero hindi pala maganda… Hindi naging maganda ang resulta dahil ang Kuya ko ang nagsakripisyo… Nasaktan ko ang Kuya ko…” pagtatapos n’ya at humagulgol na s’ya ng malakas.
Iyak lamang ako ng iyak dahil sa kanyang sinabi. Wala akong masabi sa pagiging mabuting tao ni Daniel. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat na maaaring hanapin ng isang taong naghahanap ng perpektong pagmamahal. Ngunit hindi natin matuturuan ang ating puso kung sino ang pipiliin nito.
Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang pakiramdam ngayon ni Daniel. At paano ko gagawin iyon kung alam kong ako ang dahilan ng kalungkutan n’ya ngayon?
Masyado na s’yang maraming dinaanang hirap at sakripisyo para sa akin. Nalulungkot ako dahil hindi sa kagaya ni Daniel na napakabuting tao dapat mangyari ang ganitong bagay. Dapat ay nabibigyan s’ya ng higit na pagmamahal na kaya n’yang ibigay. Dapat ay nakakatanggap s’ya ng espesyal na atensyon na kokompleto sa kanya.
Hanggang kailan si Daniel magpaparaya? Hanggang kailan si Daniel magbibigay ng kaligayahan para sa iba? Hanggang kailan s’ya maghihintay sa taong kayang suklian ang pagmamahal n’ya? Hanggang kailan s’ya magsasakripisyo para sa kaligayahan ng iba?
Higit sa lahat, hanggang kailan s’ya manonood na lamang habang lumuluha para lang maibigay ang kaligayahan ng mga taong importante sa kanya? Maibigay lamang ang kasiyahan para sa kanila?
“Daniel… I’m sorry…. Sorry kung hindi ko kayang ibigay ang makakapagpasaya sa’yo… Patawarin mo ako Daniel… Patawarin mo ako…” naibigkas ko at hindi ko na napigilan pang yakapin s’ya.
Matapos ko s’yang yakapin ay ginantihan n’ya rin iyon ng kapareho ng sakin habang patuloy kami sa pag-iyak.
Ito lang ang tangi kong magagawa sa taong walang ibang inisip kundi ang kapakanan ko. Ang taong hindi ako kailanman binigo. Ang taong naging dahilan upang makabangon ako sa pagkakabagsak ko noon.
Nang yakapin ko s’ya ay wala akong narinig pa na anumang salita mula sa kanya. Tanging paghikbi ang namutawi sa kanya dahil sa labis na kalungkutan. Damang-dama ko sa bawat pag-iyak n’ya ang pagsisisi, paghihinagpis at kalungkutan.
Kalungkutan dahil sa maraming beses n’ya nang ginawa, muli nanaman s’yang magpaparaya. Muli nanaman n’yang isasakripisyo ang kanyang kaligayahan para lang sa kaligayahan ng iba.
Ilang sandali pa ay nagsalita s’ya sa pagitan pa rin ng kanyang pag-iyak habang nakayuko.
“Hindi naman ako masamang tao Tom ’di ba..? Pero bakit ipinagdadamot sa akin ang isang bagay lang na makakapagpasaya sa akin..? Hindi naman ako naging maramot noon… Hindi nga ako humiling ng sobra-sobra… Marunong akong makuntento sa maliit na bagay na nakukuha ko… Kahit pa tira-tira na lang ’yon, masayang-masaya na ako… Pero bakit hirap na hirap akong makuha ang isang bagay ng masasabi kong kokompleto sa buhay ko…?” mahaba n’ya pang pagtatanong.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Awang-awa ako kay Daniel.
“Sorry Daniel…. sorry… sorry….” tangi ko lang naibigkas ng paulit-ulit at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya.
Mas lumakas ang kanyang naging pag-iyak. Tanging pagyakap lamang ang kaya kong gawin sa kanya sa mga oras na ito.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon. Dama ko sa pagyakap namin na ito na ang huling yakap na aming maibibigay sa isa’t-isa. Dama ko na ito na ang tuluyan naming pamamaalam upang makapagsimula na kami ng buhay na hindi magkasama.
Ilang saglit pa habang yakap n’ya ako ay nagsalita s’ya. Mas hinigpitan n’ya rin ang kanyang pagyakap bago nagsalita.
“H-hindi ko alam Tom kung kaya kong mabuhay nang wala ka… Pero susubukan ko… K-kakayanin ko… Kasi… kasi mas importante sa akin na maging masaya ka… Mas importante sa akin ang makitang nakangiti ka… Kayong dalawa ni Kuya… Mahal ko kayong dalawa kaya lahat gagawin ko para lang sa kaligayahan n’yong dalawa…” mga naibigkas n’ya sa pagitan pa rin ng pag-iyak.
“Hindi ko alam kung paano kita matutulungan Daniel… Pero lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, nandito pa rin ako ha..? Kahit gaano na ako ka-busy sa buhay ko, ’pag kinailangan mo ako, makakaasa kang darating ako…” wika ko sa kanya pabalik.
Matapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko ang kanyang mahinang pagtawa. At ilang saglit lang din ay bumitaw s’ya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Nakita ko ang kanyang pagngiti habang bumubuhos ang kanyang luha bago nagsalita.
“Tom naman… Kaya nga ako magpapakalayo-layo dahil kailangan kong mag-move on dahil nabigo ako sa’yo ’di ba…? Tapos gusto mong puntahan pa ako… Paano ako makaka-move on n’yan…?” tanong n’ya sa akin.
Habang humihikbi ako ay nagawa ko pa rin na sagutin s’ya.
“G-ganon ba ’yon…? Eh paano kung umiiyak ka…? Paano kung wala kang makakausap na kaibigan…? Sino ang makakasama mo Daniel…? Hindi pwedeng mag-isa ka lang… Hindi ako papayag dahil mahalaga ka sa akin… Ikaw na ang pinakamatalik kong kaibigan… Hindi ako pwedeng manood na lang habang naghihirap ka…” mahaba kong sambit sa pagitan pa rin ng paghikbi at pag-iyak.
Matapos kong sabihin iyon ay mas lalong natawa si Daniel habang may mga luha pa rin sa kanyang mga mata. Ipinatong n’ya ang kanyang kamay sa aking ulo at mahinahon n’yang ginulo-gulo ang aking buhok.
“Kaya kita mahal eh… Kasi ang bait-bait mo… Ang cute-cute mo dahil ang slow mo… Ikaw lang Tom ang kaya akong patawanin habang umiiyak dahil sa natural mong ugali na pagiging slow… Kaya mahal na mahal ka rin ng Kuya ko eh! Pareho talaga kami ng taste…” wika n’ya at muli nanaman natawa habang lumuluha.
Dahil sa kanyang sinabi ay bahagya akong napatigil sa pag-iyak ngunit nanatili akong humihikbi. Nakatangin lamang ako sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinabi sa akin.
Matapos n’yang sabihin iyon ay inangat n’ya ang kanyang kamay upang punasan ang aking mga luha sa aking pisngi. Ngunit sa pagkakataong ito ay may ngiti na sa kanyang mga labi.
“Simula ngayon ’wag ka nang umiyak ha..? Nand’yan na si Kuya para pasayahin ka… Hindi ka na malulungkot Tom… At masaya ako para sa’yo… masaya ako para sa inyong dalawa ni Kuya…” wika n’ya habang patuloy na pinupunasan ang aking mga luha.
Hindi ako nakapagsalita dahil nang sabihin n’ya iyon ay naglandas muli ang mga panibagong luha mula sa aking mga mata.
At habang patuloy si Daniel sa pagpunas sa aking mga luha ay nakita kong muling naging malungkot ang kanyang mga mata.
“Ito na rin siguro ang huling beses na pupunasan ko ’tong mga luha mo Bae… Ito na rin siguro ang huling beses na mahahawakan ko ang mukha mo… At ito na rin siguro ang huling pagkakataon na tatawagin kitang Bae…” muli n’ya pang sambit at hindi nanaman n’ya napigilang umiyak.
“Sana Bae, maging masaya kayo ni Kuya… Sana Bae hindi mo s’ya pababayaan ha…? Makulit pa naman ’yon… Hindi na ako mag-aalala sa’yo dahil alam kong maaalagaan ka n’ya… Salamat Bae sa lahat ha…? Salamat sa masasayang ala-ala kasama ka… Salamat sa pag-aalaga… Salamat sa pagpapasaya sa akin kahit dito na nagtatapos ’yon… Salamat Bae…” wika ni Daniel sa pagitan ng pag-iyak.
Sa pagkakataong ito ay nilakasan ko na ang loob ko kahit nahihirapan na akong magsalita.
Inangat ko rin ang aking kamay upang punasan din ang kanyang mga luha.
“Salamat Bae… Maraming salamat sa lahat… Makakaasa kang lahat ng naging sakripisyo mo ay magiging maganda ang resulta… Hindi ka na maaalis sa puso ko… Isa ka sa mga espesyal na tao sa buhay ko… Kaya araw-araw kong ipagdarasal na sana ay matagpuan mo na ang taong nakakapagpasaya sa’yo… ang taong kokompleto sa’yo… Kasi Bae… deserve mo ang mahalin ng sobra-sobra… Napakabait mo… napakabuti mo…” mahaba kong wika habang pinupunasan din ang kanyang luha.
Nakita kong ngumiti lamang si Daniel nang sabihin ko iyon. Itinigil ko na rin ang pagpupunas sa kanyang mga luha. Inilapit ko ang aking sarili sa kanya at mabilis s’yang niyakap.
“Maraming salamat Bae… maraming salamat sa lahat… Hindi ko makakamit ang kaligayahan ko kung hindi dahil sa mga sakripisyo mo… Maraming salamat…” wika ko sa kanya habang yakap s’ya.
Naramdaman ko ang kanyang pagyakap pabalik bago ako sinagot.
“Wala ’yon… Basta para sa’yo, lahat gagawin ko… Alam mo naman ’yon ’di ba…?” tanong n’ya sa akin.
Tumango-tango naman ako habang nagsasalita.
“Alam ko… alam ko… Kaya nga ako nagpapasalamat… maraming salamat Daniel… Maraming salamat Bae…” wika ko pa rin sa kanya.
Hindi na s’ya muli pang nagsalita. Ngunit matapos kong sabihin iyon ay paulit-ulit n’ya akong hinalikan sa gilid ng aking ulo.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon. Dinama lamang ang huling yakap bilang espesyal na tao sa isa’t-isa.
At matapos ang ilang minuto ay nagsalita s’yang muli. Sa pagkakataong ito ay bahagya na s’yang tumigil sa pag-iyak.
“Aalis muna ako Tom ha? Aalagaan n’yo ni Kuya ang isa’t-isa. At kung sakaling magkaproblema kayo, kahit nasa pagpoproseso pa lang ako ng pagmo-move on ’wag kayong mahihiyang tumawag sa akin ha? Tutulungan ko kayong magkaayos. Promise ko ’yan.” wika n’ya sa akin.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay dahan-dahan akong napabitaw sa kanya.
“S-saan ka pupunta?” tanong ko sa kanyang nagtataka.
Ngumiti muna s’ya bago sumagot.
“Hindi naman malayo. Sa Baguio lang naman ako pupunta. May bagong bubuksan kasing hotel doon si Tito Ian at gusto n’yang pag-aralan ko kung paano i-manage ’yon. Gusto n’yang dalawa na kami ni Kuya ang mamamahala sa mga negosyo n’ya kaya sisimulan ko na rin ang mga ginagawa ni Kuya.” wika n’ya sa aking nakangiti.
Nakaramdam ako ng tuwa sa kanyang mga sinabi. Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti dahil sa aking narinig mula sa kanya. Sa wakas ay unti-unti nang nakakamit ni Daniel ang mga bagay na matagal n’ya nang gustong gawin.
“Talaga?” paninigurado ko sa kanya.
Tumango-tango naman s’ya habang nakangiti bilang pagsagot.
Hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay habang maluwag ang aking pagkakangiti.
“Masaya ako para sa’yo Daniel! Sa wakas unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang mga pangarap mo!” masaya kong sambit.
Naikamot n’ya naman ang kanyang kamay sa kanyang batok dahil sa hiya.
“S-salamat.” tangi n’yang nasambit habang nagkakamot.
Ngunit matapos iyon ay bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.
Naisip ko na kung doon na s’ya mamamalagi ay mag-isa lamang s’ya at wala s’yang makakasama. Baka lalo lang s’yang malungkot.
“Teka Daniel. Sinong makakasama mo doon? Mag-isa ka lang? Hindi pwede ’yon!” naisambit ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko pero natawa si Daniel matapos kong sabibin iyon.
“Alam kong nag-aalala ka Tom. Pero wala kang dapat ipag-alala, may makakasama naman ako.” wika n’ya naman habang nakangiti.
“Sino?” tanong ko nanaman dahil gusto kong makasigurado.
Huminga ng malalim si Daniel bago ako sinagot.
“Sino pa ba? Edi ’yung isa mo pang best friend na si Popoy! Hindi ko alam kung anong pinakain nun sa mga magulang namin ni Kuya at tuwang-tuwa sa kanya! Nalaman nila Tita Mavel at Tito Ian na engineer pala s’ya kaya s’ya ang kinuha nila para gawin ang project na ’yon! Ewan ko ba! Ginayuma yata ng hinayupak na ’yun sina Tita Mavel eh! Wala naman ako magawa dahil nakapagdesisyon na sila!” sagot nito sa pagmamaktol na tono.
Dahil sa mga narinig ko ay mas dumoble ang saya ko. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil alam kong nasa mabuting kamay si Daniel. Kilala ko naman ang kababata kong iyon at alam kong magiging maayos ang kanilang samahan.
Hindi man sila magkasundo ni Daniel sa ilang mga bagay ay alam kong itinuturing na rin nilang kaibigan ang isa’t-isa. May pagkaseryoso kasi itong si Daniel habang si Popoy naman ay sagad-sagaran ang pagiging masayahin at makulit. Natutuwa akong malaman na sila ang magkasama dahil alam kong hindi na gaanong malulungkot ngayon si Daniel. Nariyan ang kababata kong aalalay sa kanya.
Hindi na lamang ako nagbigay ng komento sa mga sinabing iyon ni Daniel. Baka kasi kapag ipinagtanggol ko pa si Popoy ay mauwi lang kami nito sa pagtatalo. Lagi kasi silang nagkakaroon ng sagutan kahit pa noong nasa Amerika pa kami. Laging si Popoy ang naiiwan na tawa ng tawa habang si Daniel naman ay pikon na pikon sa kanya. Pero kahit ganoon ay madalas naman silang magkasama kaya alam kong may mga bagay din silang pinagkakasunduan.
Habang nakangiti ako at nakatingin kay Daniel ay nakita ko ang reaksyon ni Daniel na tila ba may naalala.
“Oo nga pala Tom, naalala ko lang. ’Di ba nakita mo ’yung mga pictures n’yo ni Kuya noong umuwi ka sa condo natin?” tanong n’ya sa akin.
Nangunot naman ang aking noo sa pagtataka.
“Anong pictures?” tanong ko pabalik.
“’Yung mga pictures n’yo na magkasama kayo ni Kuya habang wala ako. Noong nasa Amerika ako at nakikipagtulungan kay Popoy para masimulan ang pagpaplano sa pagpapabagsak kay Josephine. ’Yung mga picture n’yo noong nasa Amerika pa ako bago maaksidente si Kuya.” sagot n’ya sa pahina ng pahinang tono.
Hindi ako muling nakaimik dahil naalala ko ang bagay na iyon. Nagpatuloy na lamang si Daniel sa pagsasalita habang malungkot ang kanyang tono.
“Gusto kong malaman mo na hindi kita pinapasundan noon. Oo, alam kong nagkaayos na kayong dalawa noong makababa kayo ng bundok galing sa team building n’yo. Pero nalaman ko lang ang lahat ng iyon dahil pinapadalhan ako ng pictures ni Josephine. Lahat ng tungkol sa nagaganap sa inyo ni Kuya nalalaman ko dahil ini-email n’ya rin sa akin ’yon. Ang pagkakamali ko lang, hindi ko agad tinanggap ang katotohanang ’yon. Dahil gusto kong subukan na mabawi ka sa oras na makauwi ako…” paliwanag n’ya sa akin.
Hindi nanaman ako nakapagsalita. Naisip ko na habang abala si Daniel na tulungan ako ay nasasaktan din s’ya. At kahit na nasasaktan na s’ya ay patuloy pa rin s’ya sa pagtulong sa akin.
Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Dahil sa tuwing hihingi ako sa kanya ng kapatawaran ay paulit-ulit n’ya naman na sinasabing wala akong kasalanan.
“I’m sorry….” muli n’ya nanamang bigkas.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na s’ya hahayaan pang humingi sa akin ng tawad. Dahil walang dapat na humingi ngayon ng tawad kundi ako. Nasasaktan ko s’ya sa mahabang panahon.
Hinawakan ko s’ya sa kanyang kamay bago nagsalita.
“Ako ang dapat na humihingi ng tawad ngayon Daniel… Sobra na… sobra na ang sakripisyo mo para sa akin… pero heto ka at sarili mo pa ang sinisisi mo… Pakiusap, ’wag mong sisihin ang sarili mo… itigil mo na rin ang paghingi sa akin ng tawad dahil wala kang kasalanan…” pakiusap ko sa kanya.
Nanatili naman s’yang nakatingin sa akin kaya nagpatuloy pa ako.
“Hindi ko alam kung ilang pasasalamat ba ang dapat kong sabihin para lang malaman mo na napakaswerte ko dahil nand’yan ka… Dahil may isang katulad mo ang dumating sa buhay ko… Maraming maraming salamat Daniel… Salamat sa lahat…” pagpapatuloy ko at muling naglandas ang aking mga luha.
Muli n’yang inangat ang kanyang palad upang punasan muli ang aking mga luha.
“Tahan na… ’Wag ka nang umiyak… Sige na, hindi na ako hihingi ng sorry… Basta ’wag ka nang iiyak ha? Baka ’pag nakita ni Kuya na ganyan ka, magulpi pa ako non. Alam mo naman na ayaw na ayaw ka n’yang nakikitang umiiyak ’di ba?” pakiusap n’ya sa akin habang patuloy pa rin sa pagpahid ng aking mga luha.
Huminga ako ng malalim upang pigilan ang aking pag-iyak. Susundin ko ang kanyang pakiusap.
“Ayan… Ang gwapo-gwapo tapos iyak ng iyak!” muli n’yang sambit sa akin.
Natawa na lamang ako sa kanyang sinabi.
Ilang sandali ang aking pinalipas bago muling nagsalita. At dahil sa tumigil na rin ako sa pag-iyak ay ibinaba na rin ni Daniel ang kanyang palad na nasa aking mukha. Ipinatong n’ya na lamang ito sa aking kamay.
“Basta Daniel ha? ’Pag kinailangan mo ako ’wag kang magdadalawang-isip na tawagan ako ha? Gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Kami ng Kuya mo, nandito lang kami para sa’yo. Tandaan mo ’yan ha?” pakiusap ko sa kanya.
Ngumiti naman s’ya bago nagawang sumagot.
“Salamat Tom. Salamat.” wika n’yang nakangiti.
Tanging pagngiti na lamang sa isa’t-isa ang nagawa namin ni Daniel. Dinadama ang huling sandali na makakasama namin ang bawat isa bilang kung paano kami nabuo at nagsimula. Na kahit hindi naging magkarelasyon ay itinuring na espesyal ang isa’t-isa.
Ilang sandali pa lamang habang nasa ganoon kaming posisyon ay ang biglang pagtunog ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa.
Kinuha ito ni Daniel at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Habang nakatingin s’ya sa screen ay kitang-kita ko ang pagtataka sa kanya. Nangunot ang kanyang noo habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.
“Sino ’yan?” tanong ko ring nagtataka.
Inangat n’ya ang kanyang tingin upang sagutin ako ngunit bakas pa rin sa kanya ang pagtataka.
“Si Popoy…” sagot n’yang mahina.
Nang marinig ko iyon ay nakaramdam din ako ng pagtataka pareho ng kay Daniel. Alam naman kasi ni Popoy na nag-uusap kami ngayon ni Daniel pero tumatawag pa rin s’ya.
“Sagutin mo Daniel. Baka importante ’yan!” pakiusap ko sa kanya.
Pinunasan n’ya muna ang kanyang mga natitirang luha bago n’ya sinagot ang tawag. Inilagay n’ya pa ito sa loud speaker upang marinig ko.
Nang masagot na ni Daniel ang tawag ay hindi na s’ya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita dahil agad na nakarinig kami ng pagsaklolo mula kay Popoy sa kabilang linya.
“Pucha Danny boy! Tulungan mo ako! ’Yung kapatid mo may balak yatang patayin ako!” ang halos pasigaw na sambit ni Popoy.
Nagkatinginan naman kami ni Daniel habang may pagtataka sa aming mukha.
“Anong bang pinagsasabi mo Popoy? Anong ginawa sa’yo ni Kuya?” tanong ni Daniel sa kanya.
“Hutaena! Hindi ako makalabas dito sa CR dahil pilit n’yang pinapaubos sa akin ’yung mga in-order n’ya! Gusto n’ya daw matikman lahat dahil kakaiba ang menu nila! Pero ’pag hindi n’ya nagustuhan ang isang putahe, sa akin n’ya pinapaubos! May tama yata sa utak ’yang Kuya mo eh!” pagsusumbong ni Popoy kay Daniel.
Dahil sa narinig ko ay hindi ko naiwasang matawa. Ganyan kasi si Xander eh. Mahilig tumikim ng pagkain pero ’pag hindi n’ya naubos ay iuuwi na lamang. Hindi n’ya naman ako mapilit na ubusin dahil alam n’yang magagalit lang ako at sasakitan lang ako ng tiyan.
“Eh nasaan na s’ya?” tanong muli ni Daniel sa kanya.
“Ayun! Kanina pa ikot ng ikot sa loob ng restaurant para hanapin ako! Pinagtitinginan na nga s’ya ng mga customers eh! Utang na loob naman! Awatin n’yo s’ya ni Tommy! Magkaka-empatso ako sa ginagawa n’ya eh!” paghingi na nito ng saklolo.
Sa pagkakataong ito ay nakikita kong pinipigilan na ni Daniel ang kanyang pagtawa.
“Ayoko. ’Di ba sabi mo gutom ka na kanina? Ayan, pinapakain ka na ni Kuya nagrereklamo ka pa!” sagot ni Daniel sa kanya habang patuloy na tumatawa ng mahina.
“Hukingina naman Daniel! ’Pag hindi n’yo ’yon inawat baka hindi na ako nito sikatan ng araw bukas!” pagmamakaawa pa ni Popoy.
Ako man ay hindi ko na napigil pa ang tumawa dahil sa naririnig ko kay Popoy. Para kasing iiyak na ito base sa kanyang boses.
“Bahala ka d’yan. Isusumbong pa kita kay Kuya kung nasaan ka ngayon nagtatago.” pananakot ni Daniel sa kanya.
“Tragis naman kayong magkapatid eh! Pareho kayong mapanakit eh! Ano bang ginawa kong masama sa inyo?!” panunumbat na nito.
Sa pagkakataong ito ay hindi na namin napigil ni Daniel ang matawa ng malakas. Tawa kami ng tawa kay Popoy na nagmamakaawa na ngayon.
“Popoy!” pagtawag ko na sa kanya.
“Tommy?! Tommy! ’Yung boypren mo yayain mo na umuwi! Sige na naman please?! Best friends naman tayo ’di ba?! Sige na Tommy…. Parang awa mo na….” pagmamakaawa n’ya na sa akin ngayon.
Muli nanaman akong natawa bago ko s’ya sinagot. Iba talaga si Popoy. Simula pa noon ay s’ya na ang laging nagpapatawa sa amin ni Cha.
“Oo na, sige na. Bumalik ka na dito. Susunduin ko na si Xander.” sagot ko sa kanyang natatawa.
“Talaga? Talagang-talaga??” manghang tanong nito at alam kong nakangiti na s’ya ngayon.
“Oo nga!” sagot ko namang natatawa pa rin.
“Sige sige! Salamat best friend! Mamaya may kiss ka sa akin!” sagot naman nito.
Tinawanan ko na lamang ito. Sanay naman kaming ganyan si Popoy. Masyadong pilyo ngunit malambing.
Ibinaba na ni Daniel ang tawag ni Popoy. Ngunit matapos iyon ay napuno kami ng tawanan sa loob ng kwarto.
“Mukhang magiging masaya ang pagmo-move on mo Daniel sa Baguio ah?! Kasama mo ang isa ko ring best friend na magulo!” natatawa kong wika kay Daniel.
“Anong magiging masaya? Baka kamo lalo lang sumakit ang ulo ko sa kanya!” natatawa rin naman nitong sagot.
Inubos na lamang namin ni Daniel ang aming pagtawa bago ako nagdesisyong lumabas ng kwartong iyon upang hanapin si Xander.
Nang ilibot ko ang aking mata ay hindi nga nagbibiro si Popoy. Dahil naabutan ko s’yang palinga-linga at nag-iikot sa restaurant. Kitang-kita ko rin na pinagtitinginan na rin s’ya ng ibang staff at customers ng restaurant na ito.
“Master!” pagtawag ko sa kanya habang nakangiti.
Agad naman s’yang lumingon at mabilis na naglakad papalapit sa akin.
Nang tuluyan na s’yang makalapit ay wala s’yang alinlangan na hinalikan ako sa noo kahit pa sa harap ng maraming tao. Nakita ko pa ang pagkagulat at panghihinayang sa mga mukha ng mga taong nakakita sa amin. Pero dahil wala nga kaming pakialam ni Xander sa bagay na iyon ay hindi na namin ito binibigyan pa ng pansin.
“Tapos na kayo mag-usap ni Daniel?” tanong n’ya sa akin.
“Mmm-mmm. Tapos na. Okay na kami.” nakangiti kong sagot sa kanya habang tumatango.
“Good.” sagot n’ya naman habang tumatango rin.
“Tara na sa loob? Iniwan ko kasi doon si Daniel.” pagyaya ko sa kanya.
“Teka!” pag-awat n’ya nanaman sa akin at muling nagpalinga-linga.
Alam ko nang si Popoy lang ang hinahanap nito kaya natawa ako.
“Hayaan mo na si Popoy, Master. Ipahatid na lang natin ang natitira n’yong pagkain sa loob para may makain din kami ni Daniel.” wika ko kay Xander nang natatawa.
Nangunot naman ang noo nito at hinarap ako.
“Nagsumbong ba s’ya sa’yo?!” tanong nito sa akin.
Lalo akong natawa dahil tila ba naiirita s’ya sa pagtatanong.
“Hindi s’ya nagsumbong Master! Humingi na ng saklolo dahil binu-bully mo!” natatawa kong sagot sa kanya.
“Eh gutom daw s’ya eh! Edi pakainin! Ganun lang ’yun!” parang bata naman nitong sagot.
Napailing na lamang ako sa inasta ni Xander. Isa ito sa mga bagay na na-miss ko sa kanya eh. Ang pagiging isip-bata n’ya.
“Tara na nga!” yaya ko na lamang sa kanya at hinawakan s’ya sa kamay.
Nagpadala naman s’ya sa paghila ko sa kanya pabalik ng private room kung nasaan si Daniel.
Nang makapasok kami ay agad na tinanong ni Xander si Daniel.
“Oh bunso? Okay ka na?” tanong n’ya kay Daniel.
“Tsss! Tigilan mo nga ako Kuya sa kakatawag ng bunso! Hindi na ako bata!” maktol ni Daniel.
Naupo naman kami ni Xander nang tuluyan na kaming makapasok.
“Oh eh bakit? Ikaw naman talaga ang bunso ah? Ako ang panganay!” walang kwentang pakikipagtalo ni Xander.
Dahil mukhang nasa mood ngayon si Xander para makipagtalo ay inawat ko na ito.
“Oo na Master. Alam na naming lahat ’yon. Hindi mo na kailangang i-announce. Kaya tama na ang pakikipagtalo okay?” nakangiti kong pag-awat sa kanya.
Nilingon na lamang ako nito at ngumiti. Hindi na s’ya nagsalita pa palatandaan na nagtagumpay ako sa pag-awat sa kanya. Nakita ko rin na napailing na lamang si Daniel dahil sa inasal ni Xander. Mukhang iniintindi na lamang ang kanyang Kuya na parang mas bata pa sa kanya umasta.
Maya-maya pa ay unti-unti ring bumukas ang pinto ng private room kung nasaan kami. Nakita namin ang dahan-dahang pagpasok ni Popoy na hindi na maipinta ngayon ang mukha.
“Pumasok ka na Popoy.” pagyaya ko sa kanya.
Kahit nag-aalangan s’ya base na rin sa kanyang hitsura ay sumunod naman ito. Nakikita ko si Daniel na natatawa habang pinagmamasdan si Popoy. Tila naaaliw sa nakikita n’ya rito.
“Tawa ka d’yan?!” buska ni Popoy kay Daniel.
“Eh kasi naman pare! Epic ’yung mukha mo! Para kang naje-jebs na ewan!!” sagot naman ni Daniel at humagalpak na sa kanyang pagtawa.
Nang makita kong ganoon si Daniel ay gumaan ang pakiramdam ko. Para kasing walang iyakang nangyari sa amin kani-kanina lang.
Hindi naman na nagsalita si Popoy at agad din na tumabi kay Daniel.
“Ano Popoy? Kaya pa?” natatawang tanong ni Daniel dito nang makaupo ito.
“Haay! Parang masusuka na yata ako!” sagot naman ni Popoy.
Natawa naman ako sa sinabi n’yang iyon. Ngunit matapos n’yang isagot iyon ay sumabat nanaman si Xander sa tabi ko.
“Akala mo siguro nakaligtas ka na ’no? ’Wag kang mag-alala! Pinahatid na namin dito ’yung mga in-order natin kanina!” panimulang pang-aasar nanaman ni Xander.
Sa halip na sagutin ni Popoy si Xander ay ako ang pinagbalingan nito.
“Tommy!! Awatin mo nga ’yang boyfriend mo! Bakit ba parang ang init ng dugo sa akin n’yan?! Hinahano ko ba ’yan?!! Ha?! Hinahano ko ba s’ya?!!” pagsusumbong nito sa akin.
Ako naman ay walang maisagot dahil tawa na lamang ako ng tawa sa nakikita ko sa kanila. Hindi ko malaman kung maaawa ba ako sa best friend ko o matatawa ako sa mga sinasabi nito.
Nagpatuloy pa sila sa kanilang mga pagtatalo. Sa pagkakataong ito ay nakisabay na rin si Daniel sa kanila. Magkatulong ang magkapatid sa pang-aasar kay Popoy habang ako naman ay walang ginawa kundi ang tumawa at kung minsan naman ay umaawat sa kanila.
Hindi ko inaasahan na magiging masaya ang pangyayari ngayon. Maraming magagandang bagay ang nangyari simula nang magbalik si Xander kaya lubos akong nagpapasalamat.
Dumating ang aming mga in-order at sinimulan na nga naming kumain.
Tanging kami na lamang ni Daniel ang kumakain sa mga oras na ito dahil sina Xander at Popoy ay nakuntento na lamang sa pag-upo.
“Master, subukan mo ’to. Isa ’to sa mga nagustuhan ko dito.” wika sa akin ni Xander at nilagyan ako sa plato ng sinasabi n’yang pagkain.
Hindi naman ako nagsalita dahil puno rin ang bibig ko ng iba pang ibinibigay sa akin ni Xander na pagkain. Kung minsan pa nga ay sinusubuan ako nito kahit pa nasa harap nila Daniel at Popoy. Mabuti na lamang at hindi kami nakakatanggap ng pagkontra sa dalawang ito.
Maya-maya pa habang abala kami ni Xander sa aming ginagawa ay narinig namin si Popoy na nagsalita.
“Eto Danny boy kainin mo! Eto pa! Saka eto pa! ’Yan lang ang masasarap na natikman ko!” wika ni Popoy at naglagay ng mga pagkain sa plato ni Daniel.
“Hindi ako baldado! Kaya kong kumuha n’yan kung gugustuhin ko kaya hindi mo na kailangang ilagay ang mga ’yan sa plato ko!” buska naman ni Daniel kay Popoy.
Nagkatinginan naman kami ni Xander dahil sa nakikita namin sa dalawa.
“Eh basta! ’Wag ka nang makulit! Kumain ka lang ng kumain! Baka maubusan ka n’yan ni Tommy oh! Lagay ng lagay sa plato n’ya ’yung Kuya mo eh! Kailangan bilisan mo dahil baka walang matira sa’yo!” sagot naman ni Popoy at naglagay pang muli sa plato ni Daniel.
“May contest?! May contest?! Saka seriously Popoy?! Pwede naman kami um-order ulit kung kukulangin ’to! Gamitin mo nga ’yang brain mo! Palibhasa pinasok na rin yata ’yan ng semento dahil sa trabaho mo kaya nanigas na rin utak mo!” balik naman ni Daniel sa kanya.
“Ang daming sinasabi! Teacher lang?! Teacher lang?! Makasermon wagas ah?!” sagot naman ni Popoy na hindi rin nagpapatalo.
Lalo lang kaming nagtaka ni Xander sa palitan nila ng mga salita. Kung titingnan ko kasi sila ngayon ay parang kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa. Parang hindi na nga rin nila kami napapansin ni Xander dito.
Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain habang patuloy pa rin na nag-iingay sina Daniel at Popoy. Ako naman ay naging abala sa pag-obserba sa mga ikinikilos ni Popoy kahit pa ngumunguya ako.
Iba ang nararamdaman ko kay Popoy sa mga oras na ito. Kilalang-kilala ko na ito at alam kong may kakaiba sa kanya ngayon.
Matapos ang aming pagkain ay saglit kaming nagpahinga. Sina Xander at Daniel ay naging abala sa kanilang pag-uusap tungkol sa kanilang mga negosyo. Napapansin kong si Popoy naman ay nakatitig lamang kay Daniel sa mga oras na ito.
Gusto ko s’yang tanungin ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan lalo na at nasa tabi lamang namin ang magkapatid.
Ilang sandali pa ay nakaisip ako ng isang ideya.
“Pogopogoy!” pagtawag ko kay Popoy.
Ito ang naisip kong paraan upang makapag-usap kami. Ang mga salitang tinatawag naming ‘G-words’ noon.
Hindi ko alam kung may ideya sina Daniel at Xander tungkol sa salitang ito. Ito kasi ang nausong salita noong kabataan namin nina Popoy.
Mukhang nakuha ko naman ang atensyon ni Popoy dahil mabilis din itong tumingin sa akin. Mukhang hindi n’ya pa rin nakakalimutan ang pamamaraan ng pag-uusap namin noon nila Cha sa tuwing may sikreto kaming pinag-uusapan.
“Bagakigit?” tanong n’ya naman sa akin pabalik na ang ibig sabibin ay ’
bakit?
’.
Nagkatinginan kami ni Popoy at nilingon ang magkapatid. Inoobserbahan kung naiintindihan ba nila kami ni Popoy.
“Xagandeger!” ang pagsubok kong pagtawag kay Xander upang alamin kung naiintindihan ako nito.
“Daganniegel!” ang pagsubok naman na pagtawag ni Popoy kay Daniel sa parehong dahilan.
Ngunit matapos ang ginawa namin ni Popoy ay nagpatuloy lamang ang magkapatid sa pag-uusap. Mukhang hindi nila kami naiintindihan dahil hindi namin nakuha ang kanilang atensyon.
Nagkatinginan kami ni Popoy at parehong napangiti sa isa’t-isa. Lumapit kaming pareho sa isa’t-isa upang magkarinigan pa at hindi maistorbo ang magkapatid sa kanilang pag-uusap.
“Hindi nila ’yan naiintindihan kasi mga rich kids ’yang mga ’yan! English lang alam nilang ibang language dahil sa private sila nag-aaral! Sa school lang natin uso ’yung ganito kasi public tayo! Poor kasi tayo!” bulong sa akin ni Popoy.
Napahagikgik naman ako dahil sa kanyang sinabi.
“Na-miss ko ’to! ’Yung nag-uusap tayo nila Cha ng ganito?” bulong ko rin sa kanya.
Natawa muna ng bahagya si Popoy bago nagsalita.
“Ano? Game?” tanong nitong nakangiti.
“Game!” sagot ko naman sa kanya.
Tumikhim muna si Popoy bago.sinimulan ang pagsasalita ng alam naming language.
“Aganogo baga igiyogon? Togommygi?” tanong nito sa akin sa normal n’yang boses na ang ibig sabihin ay ’
Ano ba iyon Tommy?
’.
“Magagsagabigi kaga ngaga saga agakigin nagang togotogoogo.” una kong sambit na ang ibig sabihin ay ’
Magsabi ka nga sa akin ng totoo
.’
“Aganogo?” tanong n’ya naman pabalik na ang ibig sabihin naman ay ’
Ano
?’ .
Seryoso ko s’yang tiningnan sa pagkakataong ito at pinaningkitan ko pa s’ya ng mata bago nagpatuloy.
“Magay gugustogo kaga baga kagay Daganniegel?” tanong ko sa kanya na ang ibig sabihin ay ’
May gusto ka ba kay Daniel?
’ .
Nang itanong ko ’yon sa kanya ay awtomatikong nanlaki ang kanyang mga mata at bahagya pang naibuka ang kanyang bibig tanda ng pagkabigla.
“W-wagalaga!!” nauutal at halos pasigaw n’yang sagot na ang ibig sabihin ay ’
Wala!!
’.
Napatayo pa s’ya mula sa kanyang pagkakaupo dahil sa pagkagulat. Pero napansin kong namula na lang din bigla ang kanyang mga pisngi dahil sa tanong ko.
Dahil sa ginawa n’yang pagsigaw ay napatigil ang magkapatid sa kanilang pag-uusap at pareho kaming tiningnan ni Popoy.
“Problema mo?!” tanong ni Daniel kay Popoy.
“A-ahm… w-wala naman… hehe!” sagot ni Popoy habang nagkakamot ng kanyang batok.
“Oo nga! Saka ano ba ’yang salita n’yo ni Tom at hindi namin kayo maintindihan? Ngayon lang kami nakarinig ng ganyang dialect. Hindi naman ’yan salita sa ibang bansa dahil alam naman namin ang basic ng ibang language. Saang probinsya ba ’yan?” sunod-sunod na tanong ni Xander.
“Natural! Rich kids kayo eh! Edi kayo na! Kayo na ang wow!” sagot naman ni Popoy ng pabulong.
“Ano?” sabay na tanong nina Xander at Daniel dahil hindi masyadong narinig ang mga sinabi ni Popoy.
“Ah-eh… wala. Sabi ko ’yun ang salita sa street namin nila Tommy.” pagpapalusot naman ni Popoy habang may alanganing ngiti.
“What?!” takang tanong ni Daniel.
“Weird.” reaksyon naman ni Xander.
Dahil sa naganap ay kinailangan ko nang awatin sila. Dahil kung hindi ko pa ito gagawin ay baka lalo lamang makahalata ang magkapatid.
“Wala ’to Master. Sige na, ipagpatuloy n’yo na ang pag-uusap n’yo ni Daniel.” pag-awat ko sa kanila.
Mabuti na lamang at nakikinig sa akin itong si Xander. Tumango-tango na lamang ito at muling itinuloy ang pag-uusap nila ni Daniel.
“Umupo ka nga dito!” pabulong na utos ko kay Popoy.
Sinunod n’ya naman ako ngunit hindi na s’ya sa akin makatingin ng tuwid. Tila ba naging balisa na rin ito dahilan para lalo akong maghinala sa kanya.
“Aganogo? Tagamaga baga agakogo?” tanong ko sa kanya na ang ibig sabibin ay ’
Ano? Tama ba ako?
’.
“H-higindigi…” sagot n’ya naman na nauutal pa rin na ang ibig sabihin ay ’
Hindi…
’.
Tinaasan ko s’ya ng isang kilay bago nagsalita.
“Tagalagagaga lagang haga? Sigigege, igiregeregetogo kogo naga lagang sigi Daganniegel saga igibaga.” pananakot ko sa kanya na ang ibig sabihin ay
‘Talaga lang ha? Sige, irereto ko na lang si Daniel sa iba.’
.
“Wagag!!!” ang mabilis naman n’yang pag-awat sa akin habang nakamwestra pa ang kanyang dalawang kamay sa aking mukha. Ang ibig n’ya lamang sabihin ay
‘Wag!!!’
.
Napangisi ako nang sabihin n’ya iyon. Sinasabi ko na nga ba! May kakaiba talaga kay Popoy ngayon.
Hindi ako nagsalita. Tanging pagngisi lang ang naibato ko kay Popoy. Alam n’ya na ang ibig kong sabibin. Kailangan n’ya nang magkwento sa akin.
Nagkamot s’yang muli sa kanyang batok at ilang segundo ang kanyang pinalipas upang magpaliwanag.
“Higindigi paga agakogo sigiguguragadogo Togommygi. Pegerogo, magasagayaga agakogo kagapagag kagasagamaga kogo sigiyaga.” ang nahihiya n’yang paliwanag sa akin habang namumula ang kanyang mga pisngi. Ang ibig n’yang sabihin ay
‘Hindi pa ako sigurado Tommy. Pero, masaya ako kapag kasama ko siya.’
.
Nang sagutin n’ya iyon ay natawa ako. Hindi ko akalain na magkakaroon ng ganoong pakiramdam si Popoy kay Daniel. Kahit kasi noong mga bata pa kami at hanggang sa lumaki kami ay wala pang nasabi kahit minsan si Popoy na may naging espesyal nang tao para sa kanya maliban na lamang sa kanyang pamilya at kami ni Cha.
“Wagag mogo mugunaga sagabigihigin kagay Chaga haga? Agalagam mogo nagamagan agang bugungagangaga nogon! Bagakaga kuguligitigin lagang agakogo nogon!” pakiusap n’ya sa akin na ang ibig sabihin ay
’‘Wag mo muna sabihin kay Cha ha? Alam mo naman ang bunganga non! Baka kulitin lang ako non!’
.
“Sigigege. Bagastaga magagkwegentogo kaga haga? Sagakaga agalagaagan mogo sigiyaga saga Bagaguiogo. Pwegedege baga ’yogon Pogopogoy?” pakisuyo ko sa kanya na ang ibig sabihin naman ay
’Sige. Basta magkwento ka ha? Saka alagaan mo siya sa Baguio. Pwede ba ‘yon Popoy?’
.
“Ogogo nagamagan!” sagot n’ya na sa akin habang nakangiti na ang ibig sabihin ay
‘Oo naman!’
.
Matapos iyon ay pareho na lamang kaming nakangiti sa isa’t-isa. Tanda na nagkakasundo kami sa aming mga pinag-usapan.
Hindi na ako mag-aalala ngayon kay Daniel. Kilala ko si Popoy at alam kong hindi s’ya nito pababayaan dahil maalaga s’yang tao.
Nagpatuloy na lamang kami ni Popoy sa aming pagkekwentuhan matapos iyon. Ibinalik na rin namin sa normal ang aming pagsasalita dahil nahihirapan na rin kaming pareho. Muli na lamang namin binalikan ang aming mga ala-ala noong mga magkakasama pa kami nila Cha habang nag-aaral at nagkakatuwaan.
Ilang sandali pa ay pinutol na lamang kami ng pagtawag sa akin ni Xander.
“Master! Okay na ba kayo n’yang kumag na ’yan? Tapos na kami mag-usap ni Daniel kaya pwede na rin tayong umuwi. May mga kailangan pa rin kasing gawin ’to si bunso bukas kaya hindi s’ya pwedeng mag-stay ng matagal.” pagyaya sa akin ni Xander.
Tiningnan ko muna si Popoy upang magpaalam kung pwede na nga ba kaming umalis. Sinagot n’ya naman ako ng kanyang mga pagtango bilang pagpayag.
Agad ko ring nilingon si Xander na naghihintay pa rin ng sagot mula sa akin.
“Sige. Tara na.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Matapos iyon ay sabay-sabay na kaming tumayo upang makalabas sa kwartong iyon.
Nagbayad muna si Xander ng aming mga kinain at magkakasama na rin kaming lumabas ng restaurant.
Nang makarating na kami sa parking ay saglit kaming huminto upang magpaalam. Naunang yumakap si Xander kay Daniel habang paulit-ulit na sinasambit ang salitang ‘salamat’.
Alam kong sa isang salita na iyon ay marami na ang ibig sabihin si Xander. Maging ako ay ganoon din ang masasabi kay Daniel dahil sa dami ng ipinagkaloob nito sa amin lalo na sa akin.
Nilapitan ko naman si Popoy upang yakapin din.
“Maraming salamat Popoy ha? Salamat sa lahat ng naging tulong mo. Salamat dahil hanggang ngayon, nanatili kang kaibigan ko.” madamdamin kong wika sa kanya habang yakap s’ya.
“Sus! Wala ’yun! Maliit na bagay! Basta para sa inyo ni Cha!” sagot naman nito sa akin.
Hindi pa man kami nagtatagal sa pagkakayakap ni Popoy ay narinig ko na si Xander.
“Oy oy oy! Tama na ’yan! Humiwalay ka na kay Tom dahil ako na ang boyfriend n’yan! Best friend ka lang tandaan mo ’yan!” pag-awat ni Xander sa amin.
Nagbitaw naman kami ni Popoy habang nakangiti.
“Nararamdaman ko Tommy. Malapit ka nang itali sa leeg n’yan ng boyfriend mo para ikwintas!! Baliw na baliw sa’yo eh!” bulong sa akin ni Popoy.
Natawa naman ako bago ko s’ya sinagot.
“Subukan n’ya lang!” bulong ko rin sa kanya pabalik.
Napahagikgik naman kami pareho matapos iyon.
“Ano ba ’yang pinagbubulungan n’yo d’yan?! Ako ba ang pinag-uusapan n’yong dalawa?!” tanong ni Xander sa amin.
“Hindi ah!” sabay naman na sagot namin ni Popoy.
“Tss! Siguraduhin n’yo lang ah?!” wika naman ni Xander na tinawanan lang namin ni Popoy.
Matapos iyon ay dahan-dahan kong nilingon si Daniel. Nakita kong nakangiti rin ito at mukhang naaaliw sa palitan ng salita mula sa aming tatlo.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis akong humakbang papalapit sa kanya at niyakap s’ya.
“Maraming salamat Daniel… Maraming salamat sa lahat… Salamat… Maraming salamat…” paulit-ulit kong bigkas habang yakap s’ya ng mahigpit.
“Salamat din Tom… Maraming salamat sa lahat… Mag-iingat ka palagi ha? Kayong dalawa ni Kuya.” wika n’ya naman pabalik at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Pinipigilan kong maging emosyonal ngayon dahil gusto kong may ngiti sa aming mga labi bago kami tuluyang maghiwalay ni Daniel. Alam kong ganoon din s’ya sa mga oras na ito at dama ko ang pinipigilan n’ya ring emosyon.
“Isa ka pa bunso. Na-friend zone na nga ’di ba? Ayaw pa bumitaw?” ang biglang pagsasalita nanaman ni Xander mula sa aking likuran.
Pareho na lamang kaming natawa ni Daniel bago tuluyang magbitaw.
“Ang damot! Last na nga ’yun eh!” sagot naman ni Daniel na natatawa kay Xander.
“Huh! Talagang last na ’yan! Kasi wala na pwedeng yumakap sa kanya bukod sa akin simula ngayon kundi ako lang!” mayabang na sagot ni Xander sa kanya.
Napailing na lamang si Daniel dahil sa kakulitan ng kapatid n’ya.
“Paano? Dito na kami ha? Mag-iingat ka lagi Daniel. ’Wag mong kalimutan ’yung mga sinabi ko ha? ’Pag kailangan mo kami, ’wag kang mahihiyang magsabi.” bilin ko kay Daniel.
“Salamat.” tangi n’ya lamang naisagot.
Nilingon ko naman si Popoy bago nagsalita.
“’Yung mga napag-usapan din natin Popoy ha? Ikaw na ang bahala.” bilin ko sa kanya.
“Psh! Ako pa! Ako ang bahala!” mayabang na sagot naman nito sa akin.
Tumango-tango na lamang ako sa kanya. May tiwala naman ako kay Popoy dahil alam kong hindi n’ya ako bibiguin.
Nilingon kong muli si Xander at niyaya na ito upang makaalis na sa lugar na iyon.
“Tara na Master?” tanong ko sa kanya.
Hindi na s’ya sumagot ngunit mabilis n’ya na akong hinawakan sa kamay upang makalapit sa kanya.
Nagsimula na rin kaming maglakad upang tunguhin ang aming sasakyan. Nasa kabilang side kasi ng parking ang aming sasakyan at malayo sa lugar kung nasaan ang motor ni Daniel.
Habang naglalakad ay nilingon pa namin ni Xander sina Daniel at Popoy. Pareho pa rin kaming kumakaway sa isa’t-isa.
Narating namin ni Xander ang aming sasakyan at dire-diretso na rin kaming pumasok dito.
“Anong pinag-uusapan n’yo kanina ni kumag, Master?” tanong sa akin ni Xander nang makaupo kami sa loob.
Matapos n’yang ayusin ang seatbelt ko ay agad n’ya ring ini-start ang kotse.
“May pangalan ang best friend ko Master.” pagtama ko sa pagtawag n’ya sa kaibigan ko.
“O sige, anong pinag-usapan n’yo ng kumag mong best friend Master?” tanong n’ya na sa pagkakataong ito.
Jusko! Ano bang ginawang masama ni Popoy sa magkapatid na Xander at Daniel para itrato s’ya ng mga ito ng ganito?
Napailing na lamang ako sa sinabing iyon ni Xander.
“Wala naman. Love life lang n’ya.” walang gana kong sagot sa kanya.
Napatigil si Xander sa pagkilos at hindi agad nakaimik.
Nilingon ko s’ya at nakita ko ang pagkabigla sa kanya. Inisip ko na marahil ay nararamdaman n’ya rin kanina ang kakaibang ikinikilos ni Popoy kay Daniel. Siguro ay nararamdaman n’yang may espesyal na pagtingin ang kaibigan ko sa kanyang kapatid.
“Oh? Bakit ka natigilan Master?” tanong ko sa kanya.
“Nagulat lang ako Master.” ang namamangha n’ya nang sagot sa akin ngayon.
Tama nga ako. Mukhang nakakahalata na nga s’ya kay Popoy.
“At ano naman ang nakakagulat doon?” tanong kong kaswal sa kanya.
Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago sumagot.
“Nagkaka-love life din pala ang mga kumag?” ang kanyang naisagot.
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Akala ko pa naman ay tungkol ito sa nararamdaman ni Popoy sa kanyang kapatid.
“Master! Inaano ka ba ng best friend ko at ganyan ka sa kanya?!” ang may halo nang pagkapikon sa boses ko ng pagtatanong.
Matapos ko s’yang tanungin ay nagulat na lamang ako nang bigla na lamang itong natawa sa akin. Mabilis din n’yang hinawakan ang aking magkabilang pisngi at hinalikan ako sa labi ng ilang beses bago nagsalita.
“Joke lang Master! Ang sarap kasi asarin ni Ronnie eh! Kaya siguro tuwang-tuwa rin si Daniel sa kanya pati ang mga magulang namin! Alam ko namang mabait ang kaibigan mo kaya mapapanatag ako na s’ya ang makakasama ni Daniel sa pagtatrabaho.” wika n’ya sa akin sa masaya n’yang tono.
Naiikot ko na lamang ang mata ko sa kanyang mga pahayag.
Naaawa ako para sa best friend kong si Popoy. Mukhang kapag nagkatuluyan sila ni Daniel ay araw-araw itong makakaranas ng pambubully sa magkapatid.
“Umuwi na nga lang tayo. Baka mamaya kung ano pang maisipan mo para pahirapan ang best friend ko. Hindi ako papayag, alam mo ’yan.” pagyaya ko at pagbabanta sa kanya.
Natawa nanaman s’yang muli at hinalikan ulit ako sa labi.
“Oo na po!” tangi n’ya lamang naisagot habang natatawa.
Naku! Naku! Naku! Maghanda ka na Popoy! Mararanasan mo rin ang mapabilang sa pamilya ng mga makukulit na tao!
Nagsimula na nga si Xander sa kanyang pagmamaneho pauwi sa aming condo. At habang nasa biyahe kami ay napuno nanaman kami ng masayang kwentuhan at lambingan.
Alam kong ito na ang simula para sa aming dalawa. Alam ko rin na sa wakas ay nalampasan na namin ang isa sa pinakamalaking pagsubok sa relasyon namin.
Dahil sa mga nangyari nitong huli ay naisip kong kahit pa may mga darating pang pagsubok sa aming dalawa ni Xander sa hinaharap ay malalampasan namin ito.
Alam kong madali na lamang namin itong mareresolba dahil haharapin na naming dalawa ito nang magkahawak ang aming mga kamay.
A/N
Ehem! May magagalit pa ba kay Daniel d’yan? Hahahaha! Pinaiyak n’ya ako in fairness!
Ginawa ko nang mild ang chapter na ’to para na rin sa request ng marami. Ilang linggo ko rin kasing dinaing ang sakit ng ulo ko dahil sa mga huling naganap eh! Hahahahaha!
Anyway, isang chapter na lang po para sa Pre-finale! Huhuhuhu! Mami-miss
ko
talaga ang #TomXan #XanTom! :’(
Feel you next chapter guys!
Comments and votes please?
Ingat kayo mahal kong readers!
––cold_deee
chapter 34 - sparkling peach punch
A/N
Ehem! Akala n’yo ba tapos na ang revelation? Hindi pa! Dahil may hindi pa ako naisusulat tungkol sa naganap noon! Hahahaha! Itotodo ko na rin ang kilig ha? Para sulit naman bago ang Pre-Finale!
Para nga pala kay
BossLR
’tong chapter na ’to kagaya ng pinangako ko. Hahahaha! Sorry na, natagalan ba request mo?
Anyway, enjoy reading the last chapter bago ang pre-finale guys!
––> si Xander po sa media.
© to the owner of the photo.
TOM POV
Kasalukuyan akong umiinom ngayon ng tubig dahil nakakaramdam na ako ng konting inis sa taong kasama ko dito sa bahay.
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula nang magbalik ang lalaking ito. Aaminin ko, masayang-masaya naman ako simula nang magbalik s’ya. Hindi ko nga masukat ang kaligayahan ko simula nang makita ko s’yang muli at buhay na buhay.
Sa bawat araw na gigising ako ay lubos kong ipinagpapasalamat na muli kaming nagkasama dahil malaya ko na s’yang nahahawakan at nayayakap ngayon.
Pero noong isang araw lamang ay may kakaiba na sa kanya at hindi ko alam kung ano ba ngayon ang tumatakbo sa isip nito.
Muli ko s’yang nilingon na ngayon ay prenteng nakahiga sa aming kama habang hawak n’ya ang kanyang cellphone. Naiwan ko kasing bukas ang pintuan ng aming kwarto nang lumabas ako mula roon para uminom ng tubig.
Paminsan-minsan ay napapansin kong nangungunot ang kanyang noo habang may tinitingnan sa kanyang cellphone. At ang nakakainis pa, minsan ay nakikita ko s’yang natatawa o kaya naman ay ngingiti habang nakakatitig pa rin dito.
Ayaw ko sanang mag-isip ng hindi maganda sa kanya. Pero sa tuwing nakikita kong bigla na lamang itong matutulala habang nakangiti sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Mas nakakapanggigil pa ay minsan itong matutulala at bigla na lang mamumula ang kanyang mga pisngi.
Sinubukan kong itanong sa kanya ang bagay na iyon. Sinubukan kong tingnan kung ano bang pinagkakaabalahan n’ya sa kanyang cellphone. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla n’ya itong iniiwas sa akin. Ang sinabi n’ya ay may pinapanood lamang s’yang mga videos doon.
Pero bakit kailangan n’yang itago ’yon sa akin ’di ba?!
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magbalik kami sa aming trabaho. Maayos naman kaming nakabalik sa hotel. Nagkaroon pa nga ng welcome party para sa kanya noong unang araw ng pagbabalik namin doon ni Xander. Maging ang mga taong tinanggal noon ni Josephine kabilang na rin ang Assistant General Manager na si Ms. Jinny ay nakabalik na rin sa kanyang serbisyo.
Maayos naman ang mga kaganapan noong mga unang araw ng pagbabalik namin. Pero tulad nga nang sinabi ko kanina ay may nagbago kay Xander simula pa noong isang araw.
Naging tahimik ito at naging abala sa kanyang cellphone. Sa tuwing kakausapin ko ito ay hindi rin s’ya makasagot ng maayos. Tanging pagtango at pag-iling lang ang naisasagot nito.
Nagsimula ang hindi magandang pakiramdam kong ito noong isang araw nang maabutan ko s’ya sa kanyang opisina na abala sa pagta-type sa kanyang laptop habang nakangiti. Nang makita n’ya akong papasok sa kanyang opisina ay mabilis n’yang itiniklop ang kanyang laptop sa kanyang mesa.
Kahapon naman ay halos hindi ko s’ya makausap nang maayos dahil madalas s’yang natutulala at napapangiti sa hindi ko pa rin malamang dahilan.
Kagabi naman ay mas nasorpresa ako sa kanya. Naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagkakatulog nang makarinig ako ng mahihinang pagtawa. Nang tuluyan kong buksan ang mga mata ko at nilingon ang aking tabi ay nakita ko si Xander na nakatalukbong ng kumot at nakatalikod sa akin. Naaninag ko mula sa ilalim ng kanyang kumot na bukas ang kanyang cellphone at mukhang may pinagkakaabalahan ito rito.
Isinawalang bahala ko na lamang ito dahil ayaw kong mag-isip ng hindi maganda sa kanya. Inisip ko na lamang na baka tungkol lamang ito sa aming trabaho.
At ang huli ay kaninang umaga. Naabutan ko s’yang nagluluto ng aming agahan ngunit nasa tabi ng kanyang pinaglulutuan ang kanyang cellphone. Mukhang mayroon nanaman s’yang binabasa mula roon. Nang tawagin ko ang kanyang atensyon ay mabilis n’ya nanaman ibinulsa ang cellphone n’yang iyon.
Kahit gusto ko na s’yang komprontahin ay pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong isipin n’ya na hindi ko s’ya pinagkakatiwalaan at mas lalong ayaw kong mauwi kami sa pagtatalo.
Kailangan kong habaan ang pasensya ko. Marami na kaming pinagdaanan ni Xander kaya alam kong hindi na kami basta-basta lang masisira dahil lang sa mababaw na dahilan.
Napapikit ako bago ako nagsalita ng mahina.
“Tom, isipin mo na lang trabaho ’yan. ’Wag kang mag-isip ng hindi maganda sa kanya.”
mahina kong sambit at pagkumbinsi sa aking sarili.
Kahit pa nabawasan ang oras ng aming pag-uusap nitong mga huling araw ay kailangan kong maging matatag. Iisipin ko na lamang ang mga naging sakripisyo sa akin ni Xander upang mabawasan ang paghihinala at pagkainis ko.
Muli ko s’yang nilingon sa aming kwarto at nakita ko nanaman ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Nakaupo na s’ya ngayon sa kama at nakangiti pa s’ya habang kagat n’ya ang kanyang ibabang labi.
Huminga ako ng malalim at inilapag ang hawak kong baso sa mesang nasa harap ko. Dahan-dahan akong humakbang pabalik ng aming kwarto upang kausapin s’ya.
Wala kasi kaming pasok ngayon dahil araw ng aming pahinga. Sinabihan n’ya pa ako kagabi na may lakad daw kami ngayong araw na ito pero heto s’ya at walang kakilos-kilos. Kanina pa nakatitig sa kanyang cellphone.
Nang makarating ako sa pinto ng aming kwarto ay tumigil ako habang nakatingin sa kanya.
“Master.” pagtawag ko sa kanya ng mahinahon.
Hindi n’ya ako pinansin at nanatili lamang s’yang nakatitig sa kanyang cellphone.
Huminga muli ako ng malalim at napapikit pa ako. Pinipigilan ko pa rin ang sarili kong magalit.
“Master!” ang mas malakas ko nang pagtawag sa kanya.
“Hhhmmm?” sagot n’ya naman at hindi pa rin ako nililingon.
Napipikon na talaga ako pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.
“Anong gusto mong lunch? Ako na lang muna ang magluluto.” mahinahon kong pagkausap sa kanya.
Sinagot n’ya naman ako ngunit nanatili ang kanyang mga mata sa kanyang cellphone.
“Kahit ano na lang Master. Ikaw na ang bahala.” maikli n’yang sagot nang hindi sa akin nakatingin.
Nagdikit na ang mga ngipin ko dahil sa inasal n’yang iyon. Pero kinokontrol ko pa rin ang sarili ko. Ayaw kong mag-away kami ni Xander hanggat maaari. Maliit na bagay lamang ito kaya dapat ay hindi ko pairalin ang galit ko.
“Sige. Gusto mo ba ng may sabaw? Gagawa rin ba ako ng steamed fish at veggies?” mahinahon kong tanong muli sa kanya.
Madalas kasi ay nagre-request ito ng mga ganito dahil kailangan n’ya raw pangalagaan ang figure n’ya. Ayaw n’ya ng mga oily foods hanggat maaari. Kakain man s’ya nito ay patikim-tikim lang.
Naghintay ako ng ilang segundo para sa pagsagot n’ya. Ngunit nagulat ako nang bigla itong natawa habang nakatitig pa rin sa cellphone n’ya.
Hindi n’ya sinagot ang tanong ko!
Nanatili s’yang nakatingin sa kanyang telepono!
Ang mas nakakabigla pa ay kakaiba ang kanyang pagtawa. Tila ba kinikilig s’ya sa mga oras na ito.
Alam na alam ko kapag nakakaramdam si Xander ng kilig dahil maraming beses ko na itong nasaksihan sa tuwing lalambingin ko s’ya.
Sa madaling salita, kilala ko na s’ya kapag kinikilig s’ya!
Dahil sa nasaksihan ko ay mabilis na umakyat ang dugo ko sa aking ulo. Naging mabilis na rin ang kabog ng dibdib ko. Tila ba may rumaragasang tsunami ang ngayon ay namamayani sa loob ko.
Nanlisik ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita sa pagkakataong ito.
“Ano ba Xander?! Kakausapin mo ba ako ng matino o hinde?!” halos pasigaw ko nang tanong sa kanya.
Alam kong masyado pang maaga para magkaroon kami ng pagtatalo ni Xander dahil ngayon lamang kami nagkasamang muli nito. Pero dahil sa kanyang mga naging pagbabago ay hindi ko na napigilan ang selos at paghihinala sa kanya ngayong mga oras na ito.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanya nang mapasigaw ako. Dahan-dahan n’ya akong nilingon habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Nakabuka rin ang kanyang bibig tanda ng pagkabigla sa naging pagsigaw ko ngunit hindi s’ya makapagsalita.
“Sino ba kasi ’yang pinagkakaabalahan mo?! Ilang araw na kitang napapansin na ganyan! May milagro bang nangyayari na hindi ko alam?!” sigaw kong muli sa kanya.
Hindi pa rin s’ya makapagsalita. Gulat na gulat s’ya sa nakikita n’ya sa akin ngayon.
“Sumagot ka!!” utos ko na sa kanya ng malakas at pasigaw.
Tila ba natauhan naman s’ya. Dahan-dahan s’yang umiling habang ang kanyang reaksyon ay tila ba hindi s’ya makapaniwala.
“M-master… H-hindi… Hind––” pagpapaliwanag n’ya sana ngunit agad ko na s’yang pinutol.
“Anong akala mo sa akin Xander?! Sa tingin mo ba hindi ko napapansin ’yon?! Sabihin mo nga sa akin ang totoo?!! Meron ka na bang iba?! Ganon kabilis mo akong napalitan?!! Mas napapasaya ka ba n’ya?!! Na halos buong oras mo sa kanya na lang nakatuon?!! Sino s’ya?!! Sabihin mo sa akin kung sino s’ya!!!” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Matapos kong sabihin ang mga salitang ’yon ay hindi ko na rin napigilan ang aking mga luha na bumuhos.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na may iba nang tao ang kayang pangitiin si Xander bukod sa kagaya ko. Hindi ko kayang makita na may ibang tao nang kayang pakiligin si Xander bukod sa akin.
Lalong nanlaki ang mga mata ni Xander na nakatingin sa akin. Mas lalo s’yang nagulat sa mga sumbat at tanong ko.
Muli akong nagpatuloy sa pagsasalita habang naglalandas ang aking mga luha. Ngunit sa pagkakataong ito ay naging mahinahon na ang pagtatanong ko.
“Ano bang maling ginawa ko sa’yo Xander…? Hindi mo na ba ako mahal? Akala ko ba hanggang huli tayo…? Akala ko ba ako ang gusto mong makasama hanggang sa pagtanda mo…?” mahinahon kong tanong sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.
Matapos kong itanong ang bagay na iyon ay mas malakas na ang naging pag-iyak ko. Hindi ko na kinaya pang itago ang sakit na nararamdaman ko.
Mukhang natauhan na s’ya sa pagkakataong ito.
“Oh sh*t!!” tarantang sambit ni Xander.
Mabilis din s’yang kumilos upang tumayo mula sa prenteng pagkakaupo sa kama. Halos maibato n’ya rin ang hawak n’yang cellphone upang malapitan lang ako.
Tinakbo n’ya ang pagitan naming dalawa. Mula sa kama ay tumakbo s’ya patungo sa akin na nasa pinto ng aming kwarto. Wala pang ilang segundo ay mabilis n’ya akong ikinulong sa kanyang bisig.
“Ano bang ginawa kong masama Xander…?” tanong ko sa kanya habang yakap n’ya ako.
“Master…. Sorry na….” tangi n’yang sambit habang hinahagod ang aking likod.
“Bakit ba bigla ka na lang nagkaganyan…? Wala naman akong naalala na naging pagtatalo natin… Bakit bigla ka na lang nagbago…?” tanong kong muli sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“Tahan na Master… Sorry na… Hindi ko naman alam na nag-iisip ka na pala ng hindi maganda eh… Hindi ko sinasadya… Sorry na…” panunuyo n’ya sa akin.
Unti-unti akong kumawala mula sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan s’ya sa mga mata.
“Sinong hindi mag-iisip ng hindi maganda…? Nung isang araw ka pa ganyan… Halos hindi mo na mabitawan ang cellphone mo pati ang laptop mo… ’Pag tinatanong naman kita kung anong ginagawa mo, o kung sinong kausap mo, hindi mo naman sa akin sinasabi… Tapos tinatago mo pa sa akin ’yon… May hindi ba ako dapat na malaman…? Ha…? Sagutin mo ako…” sunod-sunod kong sambit sa pagitan pa rin ng pag-iyak.
Napangiwi naman s’ya at inangat ang kanyang kamay upang magkamot ng kanyang batok.
“Eh kasi… Ahm… a-ano kasi eh…” ang hindi n’ya masimulang pagpapaliwanag dahil tila hindi n’ya alam kung paano magsisimula.
Pinunasan ko ang aking mga luha at huminga ng malalim. Pinilit ko ang aking sarili upang mapatigil sa aking pag-iyak.
“Wala kang balak sabihin? Sige. ’Wag mong sabihin sa akin.” matigas kong sambit.
Matapos kong sabihin iyon ay agad ko s’yang tinalikuran. Nagtungo ako sa aming cabinet at kumuha ng ilang mga damit. Padabog kong ginawa iyon. Mabuti na lamang at naririto lang din sa cabinet na ito ang mga bag namin ni Xander kaya madali kong nagawang ipasok ang mga damit ko sa loob nito.
Dahil sa aking ginawa ay naging mabilis din si Xander sa kanyang pagkilos. Tumakbo ito patungo sa akin at pinigilan ang aking mga braso sa pagkuha ng mga damit.
“W-woi!! T-t-teka?!! S-s-saan ka pupunta?! B-b-bakit ka naghahakot ng mga damit mo Master?!” natatarantang tanong n’ya sa akin.
Kitang-kita ko ang takot at pag-aalala sa kanya. Pero dahil sa tuluyan na akong binalot ng pinaghalong lungkot at galit ay hindi ko na iyon pinansin.
“Saan ako pupunta?! Tinatanong mo kung saan ako pupunta?! Hindi ko alam! Sa dati naming bahay, kila Cha, o kila Randy! Kahit saan sa mga iyon! Basta hanggat hindi ka handang magtapat sa akin, hindi ako babalik dito!” pagbabanta ko sa kanya.
Alam kong mali itong ginagawa ko. Pero hindi ko kayang tagalan ang nakikita kong pagbabago ngayon kay Xander. Hindi ko matatagalan ang panonood lamang sa mga nagiging kaganapan sa amin.
Mas lalo kong nakita ang pag-aalala mula sa kanya. Napansin kong nangingilid na rin ang kanyang mga luha matapos kong sabihin iyon.
Muli n’ya akong niyakap ng napakahigpit dahilan para hindi ko maikilos ang mga kamay ko. Hindi ko naipagpatuloy ang paghahakot ng mga gamit ko.
“Master naman… ’wag naman ganito… Wala naman talaga akong ginagawang masama eh… ’Wag ka umalis please… ’Wag mo naman akong iwan…” malungkot n’yang pakiusap sa akin habang yakap ako.
Ramdam ko ang takot sa kanya. Mahigpit ang kanyang mga yakap na alam kong kahit anong gawin kong pagpalag ay hindi ako makakawala.
“Sinasabi ko na sa’yo. Hanggat hindi mo ipinagtatapat sa akin kung ano ’yang tinatago mo, hindi magbabago ang isip ko. Aalis talaga ako dito!” matigas ko pa ring pagbabanta sa kanya.
Hindi ako nagbibiro sa pagkakataong ito. Ipinaramdam ko sa kanya na seryoso ako at walang halong pagbabanta lamang ang bawat salita ko.
Hindi agad s’ya nakaimik sa aking sinabi. Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago nagsalita ngunit hindi n’ya pa rin ako binibitawan.
“S-sige… P-pero pwede bang huminahon ka muna Master…? Please naman… ’Wag kang magpabigla-bigla sa desisyon mo… Wala naman talaga akong ginagawang masama eh… Promise ko ’yun…” mahinahon at nauutal n’yang pakiusap.
Dahil sa kanyang mga sinabi ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para huminahon. Kailangan ko s’yang pakinggan. Kailangan kong marinig ang kanyang paliwanag bago pa tuluyang lumala ang aming pagtatalo.
Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako nagpakita ng pagtutol sa kanyang pakiusap. At nang maramdaman n’yang handa na akong pakinggan s’ya ay unti-unti n’ya na ring niluluwagan ang pagkakayakap sa akin hanggang sa tuluyan kaming magkaharap.
Nakatingin s’ya sa akin gamit ang nakakaawa n’yang mga mata. Ngunit sinuklian ko lamang iyon ng mga masasamang pagtitig ko sa kanya.
Kahit handa na akong makinig sa kanya ay hindi pa rin nababawasan ang inis ko sa mga oras na ito. Kailangan n’yang magpaliwanag ng mabuti hanggang sa maintindihan ko ang lahat.
Hinawakan n’ya muna ako sa isang kamay bago s’ya nagsalita.
“Pwede bang maupo muna tayo? Bitawan mo na ’yang bag please?” muli n’yang pakiusap sa akin.
Hindi pa rin ako nagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kanya ng masama. Ilang sandali pa ay dahan-dahan s’yang kumilos upang alisin ang pagkakahawak ko sa bag na iyon.
Naging matagumpay naman s’ya dahil nagawa n’yang maihiwalay ang aking kamay sa bag na hawak ko. At nang tuluyan ko na itong mabitawan ay iginaya n’ya naman ako patungo sa aming kama habang hawak n’ya pa rin ang isa kong kamay. Tahimik naman akong nagpapadala sa marahan n’yang pagpapasunod sa akin.
Nang makarating kami sa aming kama ay dahan-dahan s’yang umupo roon. Ako naman ay nanatiling nakatayo lamang sa kanyang harapan.
“U-upo ka muna…” nag-aalangan n’yang pagyaya sa akin.
“Hindi ako uupo. Kung ako sa’yo Xander, sisimulan ko nang magpaliwanag hanggat willing pa akong makinig.” matigas kong sagot sa kanya.
Muli nanaman s’yang napakamot sa kanyang ulo bago nagsalita.
“Sh*t! Paano ko ba ’to sisimulan?” mahina n’yang tanong sa kanyang sarili habang nagkakamot ng kanyang ulo at hindi sa akin makatingin ng tuwid.
“Kahit saan ka mag-umpisa. Basta magpaliwanag ka.” matigas kong sagot sa kanya.
Ilang segundo ang kanyang pinalipas. At matapos iyon ay ibinaba n’ya na ang kanyang kamay na ginamit n’ya sa pagkakamot ng kanyang ulo. Isang malalim na buntong hininga rin ang kanyang pinakawalan bago s’ya kumilos.
Inabot n’ya ang kanyang cellphone na naibato n’ya kanina sa aming kama.
Dahan-dahan ay inabot n’ya iyon sa akin habang s’ya ay nakayuko. Tila ba nahihiya s’ya sa mga oras na ito. Alam kong handa na n’yang ipakita sa akin ang itinatago n’ya rito.
Kahit nag-aalangan ako ay dahan-dahan ko pa ring inabot ang kanyang cellphone.
Kinakabahan ako ngayon dahil malalaman ko na ang nakapaloob sa telepono n’yang iyon. Natatakot ako sa katotohanan na madidiskubre ko.
Ngunit nakapagdesisyon na ako na kahit ano man ang malaman ko ay magiging matatag ako. Pipilitin kong intindihin lahat para kay Xander. Haharapin ko ang lahat para sa pagmamahal ko sa kanya.
Nanatiling nakayuko lamang si Xander. Ako naman ay unti-unti nang ibinaling ang paningin sa cellphone n’yang hawak ko na ngayon.
Nanginginig ang aking mga kamay na binuksan iyon. Labis na takot ang nararamdaman ko.
Nang tuluyan ko nang mabuksan ang kanyang cellphone ay napatitig ako sa nilalaman nito. Tumigil din ang mundo ko dahil sa pagkabigla. Bahagya akong natulala at hindi agad nakapagsalita.
Ngunit nang makabawi ako ay ibinaling ko ang aking tingin kay Xander habang nakakunot ang aking noo.
“Ano ’to?!” tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.
“Y-YouTube…” mahina at kinakabahan n’yang sagot sa akin habang nakayuko.
“Alam ko! Alam kong YouTube ’to! Ang tanong ko, bakit ito ang nandito?! Niloloko mo ba ako?! ’Yung pinagkakaabalahan mo ang gusto kong malaman Xander! Hindi ’yung kalokohan mong ’to!” naiinis kong tanong sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay nagulat na lamang ako nang marahas n’yang kinamot ng paulit-ulit ang kanyang ulo habang nagdadabog ito.
“Master naman eh! ’Yan naman talaga ang pinagkakaabalahan ko eh! Lagi kong pinapanood ’yan kasi naiinggit ako!! Gusto kong gayahin ’yang mga ’yan! Gusto kong gawin din natin ’yan!” sagot n’ya habang nagkakamot ng ulo.
Hindi ako nakapagsalita sa kanyang mga naisagot. Muli kong tinapunan ng tingin ang kanyang cellphone.
Dahil sa may naka-pause na palabas mula rito ay pinindot kong muli ang play nito para makita pa ang mga susunod na mangyayari.
Nakita kong may dalawang lalaki ang magkaharap habang nakaupo at naglalaro ng jack ’n poy. At nang matalo ng isang lalaki ang kanyang kaharap ay nagulat ako nang sinampal n’ya ang natalong lalaki.
Nangunot ang aking noo sa aking napanood. Ilang beses pa silang naglaro ng bato-batopik na iyon at ilang beses pang nakatanggap ng sampal ang paulit-ulit na natalong lalaki sa kanilang laro.
Pinindot kong muli ang pause dahil nakaramdam ako ng inis sa aking napanood. Naiinis akong hinarap muli si Xander.
“Eto ba?! Eto ba ang gusto mong gayahin natin?! Ha Xander?! ’Yung magsasampalan tayo dahil lang sa larong jack ’n poy?! Hindi ko alam na umabot na pala sa isip mo na magkakasakitan tayo ng pisikal!” sermon ko sa kanya.
Muli nanaman n’yang kinamot ang kanyang ulo ng marahas habang nagpapadyak ng kanyang mga paa.
“Eehhh!!! Hindi naman ’yun eh!!! Tapusin mo muna kasi ang panonood!!” nagdadabog n’yang utos sa akin.
Nagtaka man ako sa kanyang sinabi ay wala naman akong nagawa kundi ang dahan-dahang ibalik muli ang aking paningin sa kanyang cellphone. Muli kong pinindot ang play ng video upang magpatuloy ito.
Ilang segundo na lamang ang natitira nang makita kong sa wakas ay nagawa na ng isang lalaki ang manalo sa kanilang laro. Ang lalaking kanina pa natatalo at nakakatanggap ng sampal mula sa kanyang kalaro ay nanalo na sa pagkakataong ito. Pagkakataon na ngayon ng lalaking ito na makaganti dahil kanina pa s’ya nakakatanggap ng sampal.
Kitang-kita ko kung paano naghanda ang nanalong lalaki upang makabawi. Inangat n’ya ang kanyang kamay upang sampalin ang kanyang kalaro. Nakita ko rin na napapikit na rin ang lalaking makakatanggap ng sampal nang biglang nag-slow motion ang video.
Dahan-dahan ay napansin kong hindi itinuloy ng lalaki ang kanyang pagsampal. Sa halip, hinawakan n’ya sa magkabilang pisngi ang lalaking kaharap n’ya.
At sa halip na makatanggap ng sampal ang lalaki ay hinalikan s’ya sa labi ng nanalong lalaki. Nagkaroon pa ng background music na isang love song nang magdikit ang kanilang mga labi. Doon na rin natapos ang video na iyon.
Aaminin ko, nagkaroon ng epekto sa akin ang video na napanood ko. Naramdaman ko rin kasing nag-init ang mukha ko palatandaan na namula ako.
“’D-di ba Master? N-nakakakilig sila?” mahinang sambit ni Xander habang nakayuko.
Base sa boses ni Xander ay mukhang nakanguso ito ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Matatawa ba ako o maiinis sa lalaking kaharap ko.
Sa halip na magsalita ako ay tiningnan kong muli ang kanyang cellphone. Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin ng history ng kanyang mga pinanood.
At doon.
Nakumpirma ko ang mga huling palabas na kanyang pinanood.
‘Bromance’
‘Sweet gay couple’
‘Hokage moves, Sweet bromance’
at marami pang iba. Mayroon pang mga delikadong exhibition para lang makatanggap ng halik sa partner nila.
Literal na napataas ang isang kilay ko habang bahagyang nakabuka ang bibig ko.
Hindi ako makapaniwala sa nadiskubre ko. OA na kung OA, pero pakiramdam ko ay nalaglag ang panga ko sa sahig dahil sa mga nalaman ko.
“Ito? Ito ang pinagkakaabalahan mo Xander?” ang hindi makapaniwala kong reaksyon.
“Mmm-mmm.” sagot n’ya habang tumatango at nakayuko.
Napalo ko ang aking noo dahil sa pagkumpirma n’yang iyon.
Jusko! Ito ba ang dahilan kung bakit ko s’ya nakikitang nakangiti at natatawa?! Ito ba ang rason kung bakit hanggang madaling araw ay gising pa s’ya?! Kung bakit bigla na lang s’yang namumula?! At kung bakit kinikilig s’ya?!
Susme! Nagsayang lang ako ng luha at drama kanina! May paglayas pa akong nalalaman dahil sa sobrang selos sa mali kong akala!
“Grabe ka Xander! Ito lang ’yon?! Ito lang ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?!” tanong ko sa kanya.
Hindi s’ya agad na sumagot ngunit mabilis n’ya naman akong niyakap sa aking bewang.
“Eh kasi naiinggit ako sa kanila Master… Gusto ko silang gayahin lalo na ’yung mga ‘hokage moves’ sa mga partner nila… Saka ’yung mga exhibition ng couples para lang magkiss sila…” sagot n’ya sa aking nahihiya.
Hindi ako makapagsalita at makasagot sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Nagpatuloy pa s’ya sa kanyang mga paliwanag.
“Ini-imagine ko na ginagawa natin dalawa ’yun kaya kinikilig ako… Gusto ko silang gayahin kaso alam ko namang hindi ka papayag… Kaya nga tinatago ko ’yon sa’yo eh…” huling bahagi na kanyang paliwanag.
Naikagat ko na lamang ang aking ibabang labi dahil sa pinaghalong inis at panggigigil kay Xander. Hindi ko rin naiwasan na maikuyom ang aking kamao dahil sa pigil na inis. Pakiramdam ko kasi ay nakakahiya ang ginawa kong eksenang paglayas sana kanina.
Inangat ni Xander ang kanyang tingin sa akin kaya nagtagpo ang aming mga mata. Hindi n’ya rin inaalis ang kanyang pagkakayakap sa aking bewang.
“Master… sorry na…” paghingi n’yang muli ng tawad sa akin gamit ang kanyang nakakaawang mga mata.
Ilang segundo ko lang s’yang tiningnan bago ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Pinakalma ko ang aking sarili dahil naisip kong wala naman pala kaming dapat na pag-awayan. Purong kababawan lang pala ang dahilan ng pag-iisip ko ng hindi maganda.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay dahan-dahan n’ya naman akong iginaya upang maupo sa kanyang mga hita. Hindi naman ako nagpakita ng pagtutol kaya nakakandong na ako sa kanya habang yakap pa rin n’ya ako sa aking bewang.
“Bati na tayo ha? Ha? Master ha?” paglalambing n’ya sa akin.
“Nakakainis ka! Akala ko may iba ka na! Kung ano-ano na iniisip kong masama! ’Yun pala?! Hay naku talaga!” naiinis kong buska sa kanya.
“Luh?! Anong merong iba? Hindi ko ipagpapalit ang Master ’no! Ang cute-cute kaya ng Master ko! Parang baby! Ang bait-bait pa! Parang anghel! Tapos….” ang tuloy-tuloy n’yang sambit at hindi itinuloy sa huli.
“Tapos ano?!” kunwari ay naiinis ko pa ring tanong kahit alam kong maya-maya lamang ay mapapangiti na ako dahil sa ginagawang paglalambing ni Xander.
“Tapos….. ang bango-bango pa!” pagpapatuloy n’ya at hinalik-halikan ako sa aking leeg.
Dahil sa ginawang iyon ni Xander ay hindi ko na nagawa pang itago ang pagtawa ko. Kahit pigilan ko ito ay alam kong hindi ko na ito magagawa dahil alam ni Xander kung saan ang kiliti ko.
“Tama na Xander ano ba?!” pagpigil ko sa kanya habang patuloy ako sa pagtawa.
“Sabihin mo muna na hindi ka na galit sa akin! Sabihin mo munang bati na tayo!” pagbabanta n’ya sa akin at muli nanaman n’ya akong hinalik-halikan sa leeg.
“Oo na!! Oo na!! Basta itigil mo na ’to!!” pakiusap ko sa kanya sa pagitan ng pagtawa.
Agad naman s’yang tumigil sa pangingiliti sa akin.
“Talaga?!” tanong n’yang nakangiti sa akin.
“Oo na nga!” natatawa ko pa ring sagot.
“Talagang-talaga?! Hindi ka na lalayas?!” paninigurado n’ya pa.
“Ay? Gusto mo ituloy ko paglalayas ko ’pag hindi ka pa tumigil kakatanong?” pagbibiro ko sa kanya.
“Ay hinde! Joke lang Master! Pa-kiss na lang!” pagbawi n’ya naman.
Dahil sa panggigigil ko kay Xander ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis ko s’yang hinawakan sa magkabilang pisngi at madiin kong idinikit ang aking labi sa kanyang labi.
Sa sobrang diin ng ginawa kong paghalik sa kanya ay napahiga s’ya sa aming kama habang nasa ibabaw n’ya ako.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho na lamang kaming natawa.
Ilang sandali pa ay nagsalita s’ya habang nasa pareho pa rin kaming posisyon.
“Pero ayaw mo talaga subukan Master?” tanong n’ya sa akin.
“Ang alin?” tanong ko namang nagtataka.
“May napanood kasi ako. Habang nakahiga s’ya, binuhat n’ya ’yung partner n’ya sa pamamagitan ng dalawa n’yang paa habang nasa ibabaw n’ya ’to. Tapos nagkiss sila! Ako ’yung lalaking nasa ilalim tapos bubuhatin kita sa pamamagitan ng paa ko. Exhibition lang ’yun para magkiss tayo! Ano sa tingin mo?!” masaya n’yang mungkahi.
“Ayoko.” madiin kong sagot.
“Tsk! Ang KJ mo naman! Try lang naman eh!” pagpipilit n’ya pa.
“Mag-isip ka nga Xander! Delikado kaya ’yon! Eh kung malaglag ako?!” tanong ko sa kanya.
Bahagya naman s’yang napaisip sa aking sinabi.
“Iba na lang kaya? Meron din ako napanood eh. Ikaw naman ’yung nakahiga, tapos magpu-push up ako sa ibabaw mo! Tapos makakahalik na ako ng marami sa’yo! Tama! ’Yun na lang! Hindi masyadong delikado!” masaya n’ya nanamang suhestyon.
Naiikot ko na lamang ang aking mata dahil sa kakulitan n’ya.
Jusme! Ano ba naman ’tong mga naiisip n’ya?! Gagawa pa talaga ng stunts?! Eh sa kiss lang naman din magtatapos ’di ba?!
“Eh bakit kasi kailangan pa tayo gumawa ng ganung stunts kung pwede naman kitang i-kiss ng kahit ilang beses mo gusto?! Naghahanap ka lang ng sakit ng katawan, alam mo ba ’yon?!” buska ko sa kanya.
Napangiti naman ito ng malapad bago nagsalita.
“Talaga? Kahit marami?” tanong n’ya sa akin.
Ngumiti naman ako at paulit-ulit na tumango.
“Kahit sa leeg mo? Pwede?” tanong n’yang muli sa akin.
Tinaasan ko naman s’ya ng isang kilay.
“Subukan mo!” pagbabanta ko sa kanya.
“Sure ka Master? Susubukan ko?” tanong n’yang nakangiti na may halong pang-aasar.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang tanong. Alam ko na ang iniisip nito. At alam kong nanganganib nanaman ako sa mga oras na ito.
Akmang tatayo na sana ako ay mabilis n’ya naman akong niyakap ng mahigpit dahilan para hindi ako makaalis sa kanyang ibabaw.
Akala ko ay doon na nagtatapos ang lahat. Dahil sa mas malakas sa akin si Xander ay mabilis n’ya akong inikot sa aming kama dahilan para magpalit kami ng pwesto. S’ya na ngayon ang nasa ibabaw at nasa ilalim n’ya ako.
“Tingnan ko nga kung talagang makakahalik ako ng marami sa’yo?” mapanukso at pilyo n’yang tanong sa akin.
Gusto kong kumawala ngunit mabilis na hinawakan ni Xander ang aking mga kamay dahilan para lalo akong hindi makagalaw. Inilagay n’ya iyon sa magkabilang gilid ng aking ulo habang nadadaganan n’ya ako.
“Xander! Umayos ka! Subukan mo lang talagang kilitiin ako! Makakatikim ka talaga sa akin!” pagbabanta ko sa kanya.
Kinakabahan na ako. Hindi talaga ako titigilan sa kaharutan ng lalaking ’to!
“Ay grabe! Kinakabahan naman ako sa pananakot mo Master! Kabadong-kabado ako!” mapang-asar n’yang sagot sa akin.
Alam ko namang hindi s’ya tinalaban ng pananakot ko dahil nanatili s’yang nakangiti sa mga oras na ito.
Hindi nga ako nagkamali dahil unti-unti na s’yang yumuko para maabot ang leeg ko. Nag-ipon na ako ng sapat na hangin para sa pagbwelo ng pagtawa ko sa oras na maabot n’ya ang leeg ko. Napapikit na rin ako dahil mamaya lamang ay alam kong magaganap na ang kinakatakot ko.
Ngunit hindi pa nadidikit ang kanyang mukha sa aking leeg ay s’ya namang biglang pag-ring ng kanyang cellphone.
Napatigil si Xander sa balak nitong pangingiliti sa akin. Nabitawan n’ya rin ang aking kamay upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya.
Nang tuluyan n’yang makita kung sino ang tumatawag ay napasimangot ito.
“Kaasar naman si Mommy oh! Istorbo naman eh!” pagmamaktol nito.
Nakahinga naman ako ng maluwang dahil alam kong sasagutin iyon ni Xander. Alam ko kasing nagagalit ang kanyang Mommy sa tuwing hindi sinasagot ang tawag nito. Alam ko ang bagay na ito dahil kahit kay Daniel ay nangyayari rin ito noon sa tuwing tatawag ito.
“Yes Mommy?” may halong inis sa kanyang boses.
Nanatili si Xander sa aking ibabaw nang sagutin n’ya ang tawag kaya hindi pa rin ako makagalaw.
“Ah-eh… w-wala po Mommy… Si Tom po ang kausap ko… M-may pinag-uusapan lang po kami…” ang biglang pag-iiba ng kanyang reaksyon.
Nakita ko ang pag-aalala sa kanya.
“Ah talaga po? S-sige… Ingat po…” muli n’yang bigkas.
At ilang saglit pa ay nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Xander.
“What??!!!” gulat na gulat n’yang reaksyon.
Matapos iyon ay wala na s’yang nasabi pa. Nanlalaki ang kanyang mga mata at dahan-dahang ibinaba ang telepono mula sa tenga n’ya tanda na tapos na silang mag-usap ng Mommy n’ya.
“Bakit? Anong nangyari?” may halong pag-aalala kong tanong sa kanya.
“S-si Mommy… P-pupunta dito…” nauutal n’yang sagot.
Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil sa kanyang sinabi. Hindi pa kasi kami muling nagkakaharap ng kanyang ina. Noong nakita ko kasi ito sa party sa hotel ay hindi ko ito nakausap dahil mabilis din kaming umalis noon ni Xander upang umuwi dito.
“H-ha? Kung ganon, aalis muna ako dito. Baka maabutan n’ya ako dito.” puno ng pag-aalala ko ring sambit.
“Hinde… N-nasa labas na s’ya Master… Nand’yan s’ya sa living room…” sagot n’yang nauutal.
Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Kinakabahan ako dahil alam kong hindi ako tanggap ng kanyang ina. Alam kong hindi n’ya ako tanggap para sa anak n’ya.
“M-magtatago ba ako?” sagot kong wala sa sarili.
“Hindi. Kasi alam n’yang nandito ka. Nasabi ko nga na kausap kita ’di ba? Saka isa pa….” sagot n’ya at hindi itinuloy sa huli.
“A-ano?” kabado ko pa ring tanong.
“Gusto ka raw n’yang makita.” pagtuloy n’ya sa kanyang sinabi.
Lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Natulala na lamang ako dahil sa aking narinig.
Naghalo-halo na mga iniisip kong mangyayari. Hindi ko maiwasang isipin na baka may sabihin nanamang hindi maganda sa akin ang ina ni Xander.
Habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon ay nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti ni Xander. Inangat n’ya rin ang kanyang kamay upang haplusin ang aking ulo.
“’Wag kang mag-alala, nandito naman ako eh. Hindi kita iiwan.” wika ni Xander habang nakangiti.
Dama ko ang senseridad sa kanyang bawat salita. Malaki ang tiwala ko kay Xander kaya alam kong hindi n’ya ako iiwan. Alam kong hindi n’ya hahayaang may hindi magandang mangyari sa pagitan namin ng kanyang ina.
Kahit kabado pa rin ay nagawa kong magbitaw ng isang tipid na ngiti sa kanya.
“S-sige…” tangi kong naisagot sa kanya.
“Good.” sambit n’ya naman at hinalikan ako sa aking noo.
Matapos iyon ay mabilis na din s’yang umalis mula sa aking ibabaw. Hinawakan n’ya rin ako sa kamay para igaya patayo mula sa kama.
Mabilis kami sa aming pagkilos dahil nakakarinig na rin kami ng ilang mga pagkaluskos mula sa labas ng kwarto. Natataranta kaming inayos ang aming sarili dahil baka naiinip na ang ina ni Xander sa paghihintay sa aming paglabas.
Kahit tila may naghahabulang mga kabayo sa loob ng dibdib ko ay hinanda ko ang sarili ko. Nakapagdesisyon na ako na ano man ang mangyari ay haharapin ko ang ina ni Xander. At kung hihilingin man n’ya sa akin ngayon na layuan ang kanyang anak ay hinding-hindi ako papayag.
Nang buksan ni Xander ang pinto ng aming kwarto ay nasa likod lamang n’ya ako. Hawak ko ang laylayan ng kanyang damit habang dahan-dahan kaming humahakbang palabas dito.
“Mommy! Paano po kayo nakapasok dito?” ang biglang sambit ni Xander.
Sinubukan kong sumilip dahil nasa likod pa rin ako ni Xander.
“Is that how you greet your mother, Xander?” ang mataray na tanong ng kanyang ina.
Muli akong nakaramdam ng takot sa pagtatanong n’yang ito.
Huminga ng malalim si Xander bago dahan-dahang lumapit sa kanyang ina upang bigyan ito ng halik sa pisngi. Dahil sa ginawang paglapit ni Xander sa kanyang ina ay nabitawan ko ang ang tela ng kanyang damit.
“Sorry Mommy…” sambit ni Xander habang yakap ang kanyang ina.
Nakatingin lamang ako sa kanila habang makikitaan ako ngayon ng nerbiyos.
Matapos magbitaw sa pagkakayakap ang mag-ina ay muling bumalik si Xander sa aking harapan. Ngunit dahil sa ginawang ito ni Xander ay naging dahilan din ito ng pagtagpo ng mga mata namin ng kanyang ina.
“G-g-good afternoon po Ma’am…” nauutal kong pagbati at bahagyang yumuko.
Tiningnan lamang ako nito ngunit blangko ang kanyang ekspresyon na lalong nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko.
“Mommy, paano nga po kayo nakapasok dito?” ang pagputol ni Xander sa titigan namin ng kanyang ina.
Ngunit bago pa makasagot ang ina ni Xander ay nakarinig kami ng isang pagtawag mula sa kusina.
“Papa??!!!” masayang pagtawag ng batang babae.
Mabilis naman kaming napalingon dahil sa pagtawag na iyon. At nang makita ko ang imahe ng batang tumawag ay mabilis na sumilay ang ngiti sa aking labi.
“Baby Carla!!” masaya kong bati dito pabalik.
Mabilis na tumakbo si Carla papunta sa akin at agad ko rin s’yang binuhat upang mayakap.
Sobrang tuwa ko nang makita kong muli si Carla! Ang takot na nararamdaman ko ay bigla na lamang nawala at tanging pagtawa na lamang ang maririnig mula sa akin ganoon din kay Carla.
“Na-miss kita baby!! Miss na miss!!” masaya kong sambit at hinalik-halikan s’ya sa kanyang pisngi.
“Me too Papa!! Super kitang na-miss!!” sagot naman nito at ako naman ang hinalikan ng maraming beses sa pisngi.
Nasa ganoon kaming posisyon ni Carla nang biglang magsalita si Xander.
“At ang Papa mo talaga ang una mong nilapitan kesa sa Daddy mo ’no?” ang tila may pagtatampong tanong ni Xander sa kanyang anak.
“Oooppsss! Sorry Daddy!!” sambit naman ni Carla at mabilis na hinalikan si Xander sa pisngi.
Ngunit matapos halikan ni Carla si Xander ay muli nanaman ako nitong niyakap at hinalikan muli ng paulit-ulit.
Wala naman kaming nagawa ni Xander kundi ang matawa na lamang sa mga ikinilos ni Carla. Napakalambing n’ya talagang bata. Napakasaya kong muli kaming nagkita.
“Ehem! I hope naaalala n’yong nandito pa ako ’no?” ang seryoso at biglang pagsasalita ng ina ni Xander.
Dahil sa kanyang pagsasalita ay naalala kong naririto nga rin pala s’ya ngayon. Masyado kasi akong natuwa kay Carla kaya nakalimutan ko na s’ya.
“Sorry Lola! I just missed my Papa so much eh.” pagsabat naman ni Carla.
Napangiti naman ako sa naging sagot ni Carla. Hinigpitan ko rin ang pagkakayakap sa kanya dahil labis talaga akong natuwa.
Huminga naman ng malalim ang ginang bago muling nagsalita.
“I understand apo. Pero baka nakakalimutan mo kung bakit tayo nandito? Akala ko ba may gagawin ka ngayon dito kaya ka sumama sa akin?” pagkausap ng ginang kay Carla.
Nang sabihin iyon ng ginang ay nanlaki ang mga mata ni Carla.
“Oh! Thank you Lola for reminding me!” ang biglang sambit ni Carla.
Matapos iyon ay ako naman ang binalingan ng tingin ni Carla.
“Papa, I know how to make sandwich na po!” masaya nitong balita sa akin.
“Really?!” tanong ko namang nakangiti sa kanya.
“Yup! Tito Daniel taught me yesterday! He taught me how to make your favorite sandwich po! And gusto ko po gumawa for you!” masaya pa rin nitong pagkausap sa akin.
Nagningning naman ang mga mata ko dahil sa mga sinabi n’ya.
“Talaga?! Sige nga! Igawa mo nga ako!” masaya ko namang sagot sa kanya.
Nang isagot ko iyon ay mabilis si Carla na bumaba mula sa pagkakakarga ko sa kanya. Dire-diretso rin ito na bumalik sa kitchen upang gawin ang sandwich na sinasabi n’ya.
Masaya ko lamang na pinagmamasdan si Carla habang nasa kusina. Maya-maya pa ay narinig ko na lamang bigla si Xander na nagsalita.
“Gusto mo bang igawa kita ng paborito mong pasta Master?” tanong ni Xander at alam kong nakangiti ito.
Hindi ko kasi s’ya nililingon dahil tanging kay Carla lang ang atensyon ko.
“Ah, hindi na Master. Igagawa naman ako ni Carla ng sandwich eh. Okay na ako doon.” nakangiti kong sagot ngunit hindi pa rin s’ya nililingon.
Matapos iyon ay wala na akong narinig pang salita mula sa kanya. Nagtataka ako dahil sa tuwing aalukin ako nito ay magpipilit pa s’ya ng hanggang tatlong beses para lang makumbinse ako. Pero minsan kung talagang ayaw ko ay titigil na rin ito.
Dahil sa pagtataka ay unti-unti kong nilingon si Xander. Ngunit nawala ang pagkakangiti ko nang makita kong nakasimangot ito sa akin. Alam kong nagtatampo s’ya base na rin sa kanyang ekspresyon.
At para makaiwas sa sakit ng ulo na ibibigay sa akin ni Xander ay unti-unti na lamang akong nagpakawala ng isang alanganing ngiti sa kanya.
“Hehehe… Sabi ko nga Master… Gusto ko rin ng pasta ngayon. Sige, igawa mo rin ako.” ang pagbawi ko sa una kong sagot sa kanya.
Mula sa pagsimangot ay mabilis s’yang ngumiti sa akin.
“O sige, hintayin mo lang ha? Ipagluluto kita!” masaya nitong sambit at hinalikan ako bigla sa aking noo.
Mabilis din s’yang nagtungo sa kitchen kasunod ni Carla.
Napahinga na lamang ako ng malalim at marahang umiling dahil sa inaasal ni Xander. Alam kong kaya n’ya lamang din naisip ’yon ay dahil ayaw n’yang magpatalo sa kanyang anak pagdating sa akin.
“Since tayo na lang dalawa ngayon ang nandito, pwede na ba tayong mag-usap?” ang biglang pagsasalita ng ina ni Xander.
Mabilis akong napalingon dito dahil nakalimutan ko nanaman ang kanyang presensya dahil sa mag-ama.
Muling nagbalik ang kaba sa aking dibdib.
“S-sige po…” ang kinakabahan kong sagot.
Nauna na s’yang naglakad sa akin patungo sa living room. At kahit nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa labis na kaba at takot ay nagawa ko naman maihakbang ang aking mga paa upang sundan s’ya.
Nang tuluyan s’yang makaupo sa mahabang sofa ay dahan-dahan naman akong umupo sa sofa na mas maiksi na katapat n’ya.
“Bakit d’yan ka nakaupo? Sa tingin mo ba magkakaintindihan tayo kung hindi ka dito nakaupo sa tabi ko?” tanong n’ya sa mahinahong tono ngunit seryoso.
Hindi na ako tumutol pa. Nirerespeto ko ang ina ni Xander kaya ayaw kong isipin nitong bastos ako.
Dahan-dahan ay lumapit ako sa kanya at sa tabi n’ya umupo habang nakayuko.
Ilang minuto lamang kami sa ganoong posisyon at walang nagsasalita. Nanatili akong nakayuko at s’ya naman ay alam kong nakatitig lamang sa akin sa mga oras na ito.
“Masaya ka na ba?” ang bigla nitong tanong.
Napapitlag pa ako dahil sa labis na pagkabigla. Mabilis ko ring inangat ang mukha ko upang magtagpo ang aming mga mata.
“P-po?” ang tila nabibingi kong tanong sa kanya.
“Masaya ka na ba? Masaya ka na bang kasama mo na ngayon ang anak kong si Xander?” seryoso nitong paglilinaw sa kanyang katanungan.
Bago ko iyon sagutin ay tinitigan ko s’ya sa mga mata upang sagutin. Ipinahatid ko sa aking pagtitig na seryoso ako sa mga sasabihin ko sa kanya.
Nakapagdesisyon na ako. Kahit na ang ina pa ni Xander ang hahadlang sa aming dalawa ay magiging matatag ako. Hindi ko basta-basta na lamang iiwan ang anak n’ya kung ito ang kanyang hihilingin sa akin.
At nang maramdaman kong handa na ako sa aking sasabihin ay huminga muna ako ng malalim bago ko s’ya sinagot ng buong tapang.
“Opo. Masaya po ako Ma’am. Masayang-masaya po dahil sa wakas ay kasama ko na si Xander. Kasama ko na ang nag-iisang lalaking minahal ko sa buong buhay ko. Ang lalaking malaki ang naging sakripisyo sa akin kaya mas lalo kong minahal. Ang lalaking handa akong ipagmalaki kahit kanino. Ang lalaking nagturo sa akin ng tunay na pagmamahal. Ang lalaking malaki ang parte sa buhay ko. Ang lalaking mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako. At higit sa lahat, ang lalaking alam kong malaki rin ang parte sa inyo. Dahil ang lalaking lubos na minamahal ko ay walang iba kundi ang anak n’yo.” dire-diretso at puno ng determinasyon kong sagot sa kanya.
Hindi s’ya nakapagsalita sa aking mga sinabi. Nakita ko rin ang pagkagulat sa kanya dahil sa mga salitang binitawan ko.
Nagpatuloy pa ako sa aking mga sinasabi dahil maaaring ito na ang huling beses na makakausap ko s’ya. Kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat hanggat nasa harap ko s’ya dahil alam kong sa mga suaunod na araw ay tututulan n’ya lamang kaming dalawa ni Xander.
“Kaya po kung hihilingin n’yo sa akin Ma’am na hiwalayan ko si Xander, pasensya na po. Hindi ko po maibibigay ang hinihiling n’yo. Dahil kahit ano pong gawin n’yong pagpigil sa akin, hinding-hindi ako aalis sa tabi ng anak n’yo. Hinding-hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon nang iwan ko s’ya. Hindi ko hahayaang makaramdam s’yang muli ng pangungulila at lungkot dahil nawala ako sa tabi n’ya.” mahaba ko pang dugtong.
Matapos kong sabihin ang mga iyon ay natulala lamang ang ginang sa akin. Nakabuka pa ang kanyang bibig tanda ng pinaghalong pagkagulat at pagtataka sa haba ng litanya ko. Ngunit kahit ganoon ang naging reaksyon n’ya ay hindi ko pinuputol ang pagkakatitig sa kanya.
Ilang minuto lang kaming magkatinginan bago s’ya muling nagsalita.
“Grabe ka naman hijo. Kinamusta lang kita ang dami mo nang sinabi. Ganyan mo ba sasagutin ang magiging mother-in-law mo?” mahinahon n’yang wika sa akin.
Dahil sa aking narinig ay tila ba naguluhan ako.
“P-po?” puno ng pagtataka kong tanong.
At nang tanungin ko iyon ay natawa ang ginang. Ang kanina n’yang seryosong ekspresyon ay biglang nagbago. Lalo tuloy nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan s’ya sa kanyang pagtawa.
Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung talaga bang ganito ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Xander. Mabilis ang pagbabago ng mood.
Halos malu-luha pa ang ginang dahil sa kanyang ginagawang pagtawa. At nang tuluyan na itong makabawi ay nagulat ako nang hawakan n’ya ang mga kamay kong nasa ibabaw ng aking hita.
“Hijo, sino bang nagsabi na tutol ako sa relasyon n’yo? Kahit ang ama ni Xander ay walang pagtutol sa relasyon ninyong dalawa ng anak ko. Tanggap namin kayo.” natatawa pa rin nitong sambit.
Mas lalo akong nagtaka sa kanyang sinabi.
“Po? H-hindi ko po maintindihan. ’Di ba nga po pinalayas n’yo ako noon sa ospital nung dinalaw ko si Xander? Tapos galit na galit po kayo sa akin? Nakalimutan n’yo na po ba ’yon?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Huminga ng malalim ang ginang upang ihanda ang sarili sa kanyang pagsagot.
“Hijo, pasensya ka na sa bagay na iyon. Pero parte lamang ng palabas iyon. Isa pa, gusto ka lang naming iiwas ng asawa ko kay Josephine. Mas magiging convincing ang acting namin kung mapapalayas ka namin sa harap n’ya. Ang galing namin umarte ng asawa ko ’di ba? Nag-praktis pa kaya kami ng asawa ko sa bahay namin. ’Yun kasi ang utos sa amin ng anak kong si Daniel eh!” mahaba nitong pagsagot at nagpakawala nanaman ng malakas na pagtawa.
Literal na napataas ang isang kilay ko sa mga sinabi nito.
Dahil sa hindi ako nakapagsalita ay nagpatuloy pa ang ginang habang hawak pa rin ang kamay ko.
“Isa pa, alam na namin ang relasyon n’yo ni Xander noon pa. Alam din namin na kaya hiniling ni Xander na s’ya na lang ang mag-manage ng hotel ng asawa ko ay dahil para sa katuparan ng mga pangarap n’yo. Alam namin ang lahat dahil walang itinatago sa amin ang anak ko. At kung iniisip mo na tututol kami dahil pareho kayong lalaki, nagkakamali ka Tom. Dahil kung sino ang tunay na nagmamahal sa mga anak namin ng asawa ko, walang magiging problema sa amin. Mas mahalaga sa amin ang kaligayahan nilang pareho. Mas mahalaga sa amin na maalagaan sila ng mabuti kagaya ng pag-aalaga namin sa kanila.” wika nito sa akin.
Tila ba naging mabagal ang naging takbo ng aking utak dahil hindi agad nagproseso ang mga sinabi ng ginang sa akin. Ilang segundo lang kasi akong nakatingin sa ginang habang gulat na gulat ang aking ekspresyon.
“I-ibig sabihin… t-tanggap n’yo po ako p-para sa anak n’yo?” paninigurado ko sa kanya.
“Hijo, paulit-ulit lang ba tayo?” nakangiti nitong tanong sa akin.
At dahil sa naging sagot n’ya ay mabilis na gumuhit ang ngiti sa akin. Hindi ko na rin naiwasang yakapin ang ginang dahil sa labis na tuwa.
“Salamat po Ma’am! Salamat po!” mangiyak-ngiyak kong sambit habang yakap s’ya.
Hinaplos n’ya naman ang aking likod habang natatawa pa rin s’ya.
“Isa pa ’yan. Itigil mo na nga ang pagtawag sa akin na Ma’am. Dapat ay tawagin mo na rin akong Mommy simula ngayon. Dahil ikaw na ang makakasama ng anak ko. Ituring mo na rin akong nanay, Tom.” masaya nitong utos sa akin.
Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sa kanya habang may ngiti sa aking labi.
“S-sige po. Kung ’yan po ang gusto n’yo… M-mommy.” nahihiya kong sagot sa kanya.
Hinaplos naman n’ya ako sa aking pisngi bago nagsalita.
“Sounds better.” nakangiti nitong sambit.
Nasa ganoon kaming posisyon ng ina ni Xander nang marinig namin ang biglang pagsigaw ni Carla mula sa kitchen.
“Papa!” pagtawag ni Carla sa akin.
“Yes baby?!” malakas ko ring tanong pabalik.
“Where’s the mayonnaise po?!” tanong nito sa akin.
“Nand’yan lang baby sa ref!” sagot ko naman sa kanya.
“Wala po dito Papa! Tinago yata ni Daddy!” ang may halong inis n’ya namang pagsusumbong.
“Kunin mo na lang ’yung bagong stock d’yan sa cabinet! ’Yung nasa tabi rin ng ref!” utos ko na lamang sa kanya.
Matapos iyon ay hindi na ako nakarinig pa ng pagtawag mula kay Carla. Muli kong hinarap ang ina ni Xander upang makapag-usap pa kaming dalawa.
“Ah eh, M-mommy… Pasensya na nga po pala kayo kung nasaktan ko ang isa n’yong anak na si Daniel ha? Humihingi po ako ng tawad sa inyo.” sinsero kong pagkausap dito.
Muling ngumiti ang ginang bago ako sinagot nito.
“Mas humanga nga ako sa’yo Tom nang maging tapat ka sa nararamdaman mo. Oo nga at nasaktan mo s’ya. Pero mas masasaktan lang ang anak kong si Daniel kung patuloy na lamang s’yang aasa.” mahinahon naman nitong sagot sa akin.
Akmang magsasalita pa akong muli nang makarinig nanaman ako ng sigaw mula sa kusina.
“Papa!” pagtawag nanaman ni Carla.
“Yes baby?!” pagsagot ko rin.
“Ayaw po ipagamit ni Daddy sa akin ang oven toaster! Sabi n’ya dangerous daw po! Eh gusto n’yo po toasted ang bread ’di ba?!” pagsusumbong nitong muli.
Medyo nakakaramdam na ako ng inis ngayon kay Xander. Pwede n’ya naman kasing tulungan na lamang ang kanyang anak pero mukhang mas inaasar n’ya pa ito.
“It’s fine baby kung fresh bread lang! Basta ikaw ang may gawa okay lang sa akin!” sagot ko naman sa kanya.
“Okay! I love you Papa!” sigaw nitong muli sa akin.
Napangiti naman ako bago sumagot.
“I love you too baby!” sagot ko naman pabalik.
Matapos iyon ay narinig ko namang kinausap ni Carla ang kanyang Daddy.
“You heard it Daddy?! Papa loves me!” pagyayabang n’ya sa kanyang ama.
Natawa na lamang kaming pareho ng ina ni Xander nang marinig namin iyon.
Ngunit ang akala namin ay doon na magtatapos ang kompitensya ng mag-ama sa kusina. Kasunod kasi nito ay nakarinig kami ng isang sigaw na nagmula naman kay Xander.
“Master! I love you!” sigaw nito sa akin.
Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabing iyon ni Xander. Halata naman na ayaw n’ya lang magpatalo sa kanyang anak kaya s’ya nagkakaganito ngayon.
Dahil sa hindi agad ako nakasagot ay muli nanaman itong sumigaw.
“Master! Sabi ko I love you!!” mas malakas na nitong pagsigaw.
Naiikot ko na lamang ang mata ko dahil sa inasal ni Xander.
“Oo na! I love you too!!” sagot ko naman pabalik.
Matapos iyon ay narinig na lamang namin na ang anak n’ya na ngayon ang kanyang pinagbalingan.
“See? Akala mo ikaw lang?!” pagyayabang nito kay Carla.
“You just pushed Papa to say it, you know?” ang may katarayan nitong wika sa kanyang ama.
“Whatever.” ang may inis din na sagot ni Xander.
Hay Jusko! Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa!
Dahil sa naging pag-uusap ng mag-ama ay bigla na lamang natawa ang ina ni Xander.
“Paano ba ’yan Tom? Kakayanin mo bang makasama ang dalawang ’yan? Mukhang naging paborito ka ng buong pamilya namin ah?” natatawa nitong tanong sa akin.
Huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago sumagot.
“Kahit po siguro araw-araw silang ganyan, at kahit araw-araw nilang pasasakitin ang ulo ko, sobrang magiging masaya pa rin po ako. Kompleto na po ang araw ko kapag nakakausap ko ang dalawang makulit na ’yan.” sagot ko at natawa na rin ako.
Nagpatuloy pa rin sa pagtawa ang ginang nang magsalita itong muli.
“Ewan ko nga ba d’yan kay Xander! Sa’yo lang naman ’yan ganyan! Madalas ko na nga s’ya sermonan nitong huli eh. Hindi ko rin minsan maiwasan itanong sa kanya kung sino ba talaga ang mas matanda sa kanila ni Daniel?! Eh mas mature pa sa kanya mag-isip ang bunso n’yang kapatid eh!” natatawa nitong pagkekwento.
Maging ako ay natawa na lamang sa sinabing iyon ng ginang. May katotohanan kasi ang bagay na iyon. Seryoso kasi si Daniel kumpara sa kanyang Kuya.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ng ina ni Xander at abala sa pagtawa ay nakarinig na lamang kami ng malakas na pag-iyak ni Carla.
“Papa!!!!!” pagtawag nito sa akin habang ngumangawa.
Nataranta naman ako at mabilis na nilingon ang kusina kung saan sila naroroon ni Xander.
Nakita ko si Carla na papalapit sa akin habang hawak ang isang plato na may lamang sandwich.
Agad ko s’yang nilapitan at iginaya paupo sa aking hita. Kinuha ko rin ang hawak n’yang plato at inilapag iyon sa center table.
“Why baby? What happened?” nag-aalala kong tanong sa kanya habang pinupunasan ang kanyang luha.
“Si Daddy po kasi!! Kinain ’yung kalahati ng sandwich!! I made it for you kasi ’di ba?? Tapos kinain n’ya ’yung isa!!!” pagsusumbong nito sa akin habang umiiyak.
Nang tingnan ko ang platong bitbit n’ya kanina ay wala na nga ang kalahating hiwa ng sandwich.
Muli kong nilingon si Carla at nagbitaw ako ng isang tipid na ngiti bago s’ya kinausap.
“Okay lang baby. Baka gutom lang si Daddy kaya n’ya kinain.” pagkausap ko sa kanya habang pinupunasan pa rin ang luha n’ya.
“No Papa! Gusto n’ya lang po wala akong maibigay sa’yo kasi mas masarap daw ang pasta n’ya!!!” sagot naman nito sa akin.
Naku! Mukhang mapapasubo ako sa pagpapaliwanag dito sa batang ’to ah?
“It’s okay baby. Look! May natira pa naman ’di ba? May makakain pa naman ang Papa. Matitikman ko pa rin ang ginawa mo. Kaya ’wag ka nang umiyak please? Sige ka, malulungkot ang Papa ’pag nakikita n’yang umiiyak ang baby n’ya.” pagkumbinsi ko sa kanya.
Ginamit ko rin ang nakakaawa kong mga mata para mapatigil s’ya.
Mukhang naging matagumpay naman ako dahil nakita kong sinusubukan n’yang itigil ang kanyang pag-iyak. Tanging paghikbi na lamang ang kanyang ginawa habang nakangiwi.
“Sorry po Papa… Hindi na po ako magka-cry…” wika nito at niyakap ako.
Napangiti naman ako sa ginawang iyon ng bata. Napakalambing talaga ni Carla kaya hindi ko rin maiwasang hanapin s’ya kapag wala s’ya.
Habang magkayakap kami ni Carla ay s’ya namang paglabas din ni Xander mula sa kusina.
“Master! Tikman mo na ’tong niluto ko! Hindi rin s’ya masyadong maanghang kagaya ng gusto mo!” masayang wika ni Xander habang hawak din ang platong may pasta.
Nginitian ko naman s’ya ng peke at nagbitaw ng salita. Yakap ko pa rin si Carla at naririto rin ang kanyang ina kaya hindi ako pwedeng magpakita ng inis o galit dahil sa ginawa nito kay Carla.
“Mamaya mag-usap tayo Master ha?” nakangiting peke at may halong pagbabanta kong bigkas kay Xander.
“Sige-sige.” sagot naman nitong nakangiti na tila ba hindi apektado sa pagbabanta ko.
Mabilis din s’yang umupo sa aking tabi at inihanda ang pasta na ipapatikim n’ya.
Bumitaw si Carla sa pagkakayakap sa akin at kinausap ako.
“Papa, kainin mo na po ’yung ginawa kong sandwich.” malungkot nitong pakiusap sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa. Agad kong kinuha ang sandwich at tinikman ito.
Nang malasahan ko ito ay napangiti ako.
“Wow baby! Ang sarap ah? Ito ’yung gustong-gusto kong ingredients sa sandwich eh!” masaya kong pagbati sa ginawa n’ya.
Napahagikgik naman ang bata kahit may mga luha pa sa mga mata n’ya.
“Eh kasi nga po, Tito Daniel taught me how to make it eh. Next time naman daw po, he will teach me how to cook your favorite PASTA po!” ang masaya n’yang sagot at may diin.
Nang bigkasin n’ya rin ang salitang ‘pasta’ ay tiningnan pa nito ang kanyang ama na nasa aking tabi.
Seriously? Bata ba talaga itong kaharap ko? Eh parang matanda na ’to sa ugali n’ya eh!
Hindi ko naman narinig na nagsalita si Xander. Ngunit nagulat na lamang ako nang ilagay n’ya ang tinidor na may pasta sa aking bibig.
“Eto Master! Eto naman ang tikman mo! Tapos next time, ipagluluto naman kita ng paborito mong ULAM!” wika ni Xander na may diin din.
Ayaw talagang magpatalo sa anak n’ya ’tong lalaking ’to! Hindi ako makapaniwala na pati ang sarili n’yang anak ay kinokompitensya n’ya rin talaga!
Wala na nga akong nagawa dahil nasa bibig ko na ito. Isinubo ko na ito at hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil masarap talagang magluto si Xander.
“Ang sarap din Master! Sana dinamihan mo na rin ang luto para may makain din si Mommy.” wika ko sa kanya.
Agad naman na nagsalita ang ginang na kanina pa sa amin natatawa.
“Don’t worry Tom, busog pa naman ako. Tinitingnan ko pa lang kayo, nabubusog na rin ako.” natatawa nitong pagsagot.
Hindi pa ako nakakapagsasalita ay mabilis naman na kinuha ni Carla ang atensyon ko.
“Papa, ubusin mo po itong gawa ko ha?” wika nito at inilagay nanaman sa bibig ko ang sandwich na ginawa n’ya.
“Eto rin Master! Ubusin mo rin ’tong pasta!” wika naman ni Xander at sinusubuan nanaman ako ng pasta.
DEJA VU.
’Yan na lang ang salitang naisip ko.
Mukhang naulit nanaman ang pangyayari noong lumabas kaming tatlo. Ang hinihiling ko lamang ay sana hindi na ako magsuka sa pagkakataong ito.
Ganoon na nga ang nangyari. Salitan kong kinakain ang mga inihandang pagkain sa akin ng dalawang taong mahal na mahal ko. Ang ina naman ni Xander ay naging abala na lamang sa kanyang pagtawa habang pinagmamasdan kaming tatlo.
Nang sumapit ang hapon ay nagdesisyon naman kaming lumabas lahat. Kami na lamang ni Xander ang nagbihis dahil nakahanda na sina Mommy at Carla.
Nang tanungin ko si Xander kung saan kami pupunta ay sinabi n’yang sikreto raw muna sa ngayon. Hindi ko na lamang s’ya kinulit dahil baka may inihanda lamang itong sorpresa para kay Carla.
Habang nasa sasakyan kami ay walang tigil ang pagkakatuwaan namin ni Carla sa backseat ng kotse. Si Mommy naman ay nasa tabi ni Xander at tuwang-tuwa pa rin sa amin ni Carla hanggang ngayon.
Nang makarating kami sa lugar ay bahagyang napakunot ang aking noo. Nang makababa naman kami ng kotse ay agad na lumapit ako kay Xander at binulungan ito.
“Master, anong ginagawa natin dito sa restaurant mo?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman ito sa akin bago sinagot ang tanong ko. Dito n’ya kasi kami dinala sa isang restaurant n’ya sa Taguig.
“Mamaya, malalaman mo rin Master.” nakangiti nitong sagot sa akin.
Muli ay hindi na ako nagtanong pa sa kanya. Baka nga kasi may inihanda s’yang sorpresa para kay Carla o para kay Mommy. Ayaw ko naman na makahalata ang dalawa kaya hindi na lamang ako nangulit.
Matapos rin akong sagutin ni Xander ay binalingan n’ya ng tingin sina Carla at Mommy.
“Mommy, mauuna na po kami sa loob ha? Alam kong dadaan muna kayo ni Carla sa restroom kaya sumunod na lang po kayo.” utos ni Xander sa kanila.
“Sure anak. Hindi rin naman kami magtatagal sa restroom.” sagot naman ni Mommy.
Hindi na nga kami nagtagal pa sa pagkakatayo mula sa parking lot ng restaurant n’ya. Mabilis din kaming pumasok sa loob.
Lahat ay binati kami sa aming pagdating. Maging ang Manager dito na si Ma’am Karen ay sinalubong kami. S’ya na rin ang naghatid sa amin sa function room ng restaurant na iyon.
Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng function room ay napatigil muna kami ni Xander. Nagpasalamat muna s’ya kay Ma’am Karen sa paghatid sa amin dito bago namin muling hinarap ang pinto.
“Ikaw na ang magbukas.” ang biglang pagsasalita ni Xander sa aking tabi.
Nangunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Nang lingunin ko s’ya ay nakangiti lamang ito.
“Ha? Bakit?” pagtataka ko.
“Basta! Sumunod ka na lang!” nakangiti n’ya pa ring sagot.
Kahit puno ako ng katanungan ay wala naman akong nagawa. Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob ng pinto.
Mula sa maliit na siwang ng pinto ay nakita ko ang dilim ng buong function room. At nang tuluyan ko nang mabuksan ito ay nagulat ako sa biglang pagbukas ng mga ilaw.
“Surprise!!!!” ang sabay-sabay na pagsigaw ng mga taong naabutan namin sa loob ng kwarto.
Naroon ang lahat ng aming mga kaibigan at kasama sa trabaho. Magmula kina Cha, Ben, Dee, Dominic, Rigo, Randy, Ma’am Shai, Eunice, Sir Lojie at Olyn.
Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang tatlong taong nakatayo ngayon sa aking harapan.
Ang tatlong taong matagal ko nang hindi nakikita.
Ang tatlong taong mahalaga rin sa akin.
Ang tatlong taong dahilan kung bakit naririto rin ako at masayang nabubuhay sa mundo.
“Mama!! Papa!! Julius!!” malakas kong pagsigaw dahil sa labis na pagkabigla.
Mabilis din akong kumilos at tumakbo patungo sa kanila. Naging mabilis din ang aking mga kamay upang mayakap sila na mahigpit din nilang tinugunan.
“Anak!” sambit ni Mama at alam kong naiiyak s’ya.
“Kamusta ang panganay ko?” emosyonal ngunit nakangiting tanong ni Papa.
“Na-miss ka namin Kuya!” sambit naman ni Julius.
Dahil sa muli ko silang nakita ay hindi ko na naiwasan pang mapaluha. Matagal din akong nangulila sa kanila. Sa tuwing nalulungkot ako ay gusto ko silang yakapin at tawagan. Ngunit minsan ay pinipigilan ko dahil ayaw kong mag-alala sila sa akin.
“Na-miss ko po kayo… Na-miss ko kayong tatlo…” umiiyak kong sambit habang yakap sila.
Naging malakas ang pag-iyak ko dahil sa halo-halong emosyon ko sa mga oras na ito. Pero dahil sa nangyari ay mas nangingibabaw ang kaligayahan ko.
Hinaplos naman ni Mama ang ulo ko at paulit-ulit akong hinalikan sa pisngi. Si Papa naman ay hinahaplos ako sa aking likod upang mapakalma. Habang si Julius naman naririnig ko ang mahinang pagtawa tanda na masaya rin s’yang nakita akong muli.
Matagal namin iyong ginawa. Hindi kami nagbitaw sa pagkakayakap dahil sa matagal na pangungulila.
At nang tuluyan na kaming magbitaw ay naiwan ang mga ngiti sa aming labi.
“K-kelan po kayo dumating…? Nagulat po talaga ako dahil nandito kayo… Ang saya-saya ko po…” pagkausap ko sa kanila sa pagitan ng pag-iyak.
Si Papa na ang sumagot sa akin dahil si Mama ay umiiyak na rin.
“Kahapon lang anak. At doon kami tumuloy sa lumang bahay natin.” nakangiting pagsagot ni Papa.
“Si Kuya Xander ang nagpapunta sa amin dito Kuya. Tapos si Kuya Daniel naman at Kuya Popoy ang sumundo sa amin sa airport kahapon.” masaya rin na pagbabalita ni Julius.
“Miss na miss ka namin anak… Matagal ka na namin gustong puntahan dahil alam namin na kailangan mo ng karamay noong mga panahon na wala kang kasama… Pero sana maintindihan mo na may malaki kaming dahilan kung bakit hindi namin pwedeng gawin iyon…” mahabang wika naman ni Mama habang hinahaplos ang aking pisngi.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko.
“Hindi na po ’yon mahalaga Mama… Ang importante nandito na po kayo…” nakangiti kong sambit habang lulumuluha pa rin ako.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay s’yang paglapit sa akin ni Xander at inakbayan ako.
“Are you happy?” nakangiti nitong tanong sa akin.
“Sobra!” sagot ko sa kanya.
Mabilis ko rin s’yang niyakap dahil sa sorpresang ibinigay n’ya sa akin.
“Thank you Master… thank you…” wika ko sa kanya.
“I’m glad na nagustuhan mo ang surprise ko para sa’yo.” wika n’ya naman habang yakap din ako.
“Ayyyiieeee!!!!” ang sabay-sabay naman na kantyaw ng aming mga kaibigan.
Napabitaw naman ako sa pagkakayakap kay Xander habang natatawa. Maging si Xander at sila Mama ay natawa na rin sa mga kantyaw ng aming mga kaibigan.
Ilang sandali pa ay ang pagpasok naman ng ina ni Xander at ni Carla.
“Mars! It’s nice to see you again!” masayang pagbati pagkapasok ng ina ni Xander.
“Hello Lola! Hi Lolo! Hello Tito Julius!” masaya namang pagbati ni Carla sa pamilya ko.
Napatigil ako sa pag-iyak at nangunot ang noo ko. Tama ba ang dinig ko? Kilala ni Carla ang pamilya ko? Ang alam ko lang kasi ay isang beses n’ya pa lang na-meet si Mama. Pero sina Papa at Julius? Kelan pa?
Nagulat na lamang ako nang sinalubong ni Mama ang ina ni Xander at nagbeso sila. Sinundan din s’ya ni Papa at Julius at nagbeso rin sa ina ni Xander.
Akala ko ay mataas na ang isang kilay ko sa pagkakataong ito. Pero may itataas pa pala ito dahil sa mga nakikita ko.
“Kamusta po Tita Mavel? It’s nice to see you again po.” bati ni Julius kay Mommy.
“Ako rin hijo, masaya akong makita kayong muli.” sagot naman nito kay Julius.
“Ma’am Mavel, nagkita kami ni Boss Ian bago kami umuwi dito. Salamat po sa tulong ninyo. Maraming salamat po.” bigkas naman ni Papa kay Mommy.
“Walang anuman Nate. Saka ilang beses ko bang dapat sabihin sa’yo na tigilan mo na ang kakatawag ng Ma’am Mavel sa akin? Noon pa kita pinagsasabihan tungkol d’yan.” sumbat naman ni Mommy kay Papa.
“Hay naku Mars! Hindi pa rin daw kasi s’ya sanay na tawagin ka n’ya sa pangalan. Intindihin mo na lang. Alam mo naman na matagal din s’yang tinatawag kang ganyan ’di ba?” ang biglang pagsabat naman ni Mama.
Matapos ang salitan ng kanilang pag-uusap ay nagtawanan na lamang silang lahat.
Dahil sa naguguluhan na ako ay mabilis akong lumapit sa kanila.
“T-teka lang po ha? Ano po bang nangyayari? Magkakakilala po ba kayo?” puno ng pagtataka kong tanong sa kanila.
Hindi naman sila nakasagot sa akin. Salitan silang nagpapalitan ng tingin. Hindi malaman kung paano ako sasagutin.
Muli akong nilapitan ni Xander at inakbayan.
“Mas mabuti pa siguro kung maupo muna tayo at doon natin ’yan pag-usapan. Hayaan din muna nating kumain muna ang mga kaibigan natin.” pag-awat ni Xander sa amin.
Nang ilibot ko ang aking mga mata ay nakita ko ang aming mga kaibigan na tila nanonood ng isang teleserye. Bahagya akong nakaramdam ng hiya kaya muli kong hinarap si Xander. Tumango ako ng marahan tanda ng pagpayag sa kagustuhan n’ya.
Tahimik lamang kaming lahat na nagtungo sa isang couch na nasa loob ng function room na iyon. Narinig ko na rin si Randy na inutusan ang kanilang waiter para ipasok na ang mga nakahandang pagkain para sa amin. Si Carla naman ay kinuha muna nina Cha at Julius upang makapag-usap kaming lahat nina Papa, Mama, Xander at ng ina nito.
Nang tuluyan na kaming makaupo ay si Papa na ang unang nagsalita. Hinawakan muna ako nito sa kamay bago sinimulan ang pagpapaliwanag.
“Anak, sana hindi ka magalit kung sakaling malaman mo ang katotohanan ha? Hindi naman namin intensyong itago ito. Hindi rin naman namin alam na magkakaroon kayo ng espesyal na pagtitinginan ng anak nina Boss Ian at Ma’am Mavel eh. Wala rin ideya si Mama mo noon dahil matagal nga akong nawala ’di ba? Hindi n’ya alam na kilala ko ang mga magulang ni Xander.” umpisang paliwanag ni Papa.
Kahit na nagsimula nang magpaliwanag si Papa ay magulo pa rin ito sa pandinig ko.
“Hindi ko pa rin po maintindihan Papa eh. Pwede bang simulan n’yo sa umpisa?” sagot ko sa kanya.
Huminga muna ito ng malalim at umupo ng maayos dahilan para mabitawan n’ya ang kamay ko.
“Naaalala mo ba noon anak ang kwento ko na may boss akong tumulong sa akin sa ibang bansa noong makulong ako? Noong mapagbintangan ako sa hindi ko naman ginawa? Noong sinabi kong may nag-iisang boss ko na naniwala sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Papa sa akin.
“Opo. Hindi ko po nakakalimutan ’yon. Malaki nga po ang utang na loob natin sa kanila ’di ba? Pero hindi pa rin po namin sila nakikilala nila Mama at Julius. Hindi pa kami personal na nakakapagpasalamat sa kanila.” sagot ko sa kanya.
Totoo naman ang bagay na iyon. Kahit nasa Amerika pa kami ay hindi pa namin nakilala kahit minsan ang taong tumulong sa Papa ko. Kahit gusto kong personal na pasalamatan ito ay hindi ko magawa dahil lagi raw itong nasa labas ng bansa. Nagkalat din daw kasi ang negosyo nito sa Europe at Asia.
Sa pagkakataong ito ay si Mama na ang sumagot sa katanungan ko.
“Matagal na natin silang nakilala anak. Ang taong naniwala at tumulong sa Papa mo ay ang ama nina Xander at Daniel. Si Sir Ian. S’ya ang boss ng Papa mo na tumulong sa atin para magkasama-sama na tayo.” sagot ni Mama sa akin.
Tila ba tumigil ang oras dahil sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Naging dahilan din ito para hindi ako makapagsalita.
Habang nakatulala ako ay hinawakan ni Xander ang kamay ko.
“Hindi ko rin alam ito noong umpisa Master. Noong umuwi si Papa dito sa Pilipinas dalawang taon na ang nakakalipas, nagkita kaming dalawa. Kinumpirma n’ya kung ako raw ba ang anak ng boss n’ya dahil madalas daw kaming kinekwento ni Tito Ian sa kanya. Nagpapalitan sila ng kwento tungkol sa mga anak nila. Pero maski si Papa Nate ay nagulat nang malamang ako nga iyon. Natakot din s’ya dahil alam n’yang madadamay tayong dalawa sa problemang kinakaharap nila noon ni Tito Ian laban sa ama ni Josephine.” mahabang paliwanang ni Xander.
Hindi pa rin ako makapagsalita sa mga nalaman ko. Sa pagkakataong ito ay ang ina naman ni Xander ang nagpaliwanag.
“Tom, ’wag ka sanang magagalit sa amin kung inilihim namin ito sa’yo ha? Kinailangan lang namin proteksyonan ang pamilya n’yo dahil naging mahalaga na rin sa amin ang ama mo. Sa kanya namin nakuha ang loyalty na hinahanap namin sa isang tao. Kahit ang mga anak ko ay walang ideya noong una lalo na si Daniel. Pero noong nalaman namin ang paghihiganti ni Josephine, mas lalo namin hinigpitan ang seguridad ng pamilya mo.” mahinahong paliwanag sa akin ni Mommy.
Muling nagsalita si Xander matapos magpaliwanag ng kanyang ina.
“Noong ipinagkatiwala sa akin ni Tito Ian ang hotel, hindi ko pa alam na doon ka rin magtatrabaho. Kinailangan ko pang kumpirmahin ito kay Papa Nate pati kay Tito Ian. Kaya noong makumpirma ko ’yon, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya!” tanging nasabi ni Xander habang nakangiti.
Muli pang nagsalita si Papa.
“Kami anak, kami ni Boss Ian at Ma’am Mavel ang nagplano ng lahat. Sa simula pa lamang ay kami na ang nagplanong muli kayong magkita ni Xander. Si Boss Ian ang nagsabi sa akin na ipadala ka rito pabalik sa Pilipinas para tulungan si Xander sa pagpapatakbo ng bagong hotel. Para naman daw may inspirasyon si Xander. Eh hindi naman namin alam na ipapangalan n’ya sa’yo ang 25% ng kompanya! Kaya kahit kami nagulat sa naging desisyon n’ya! Sobrang saya n’ya kasi nung makita ka!” mahabang paliwanag ni Papa at bahagyang natawa.
Maging sina Mommy at Mama ay natawa sa sinabing iyon ni Papa. Si Xander naman ay napakamot na lamang ng kanyang batok dahil sa hiya.
Sa kabila ng mga nalaman ko ay hindi ko magawang magalit sa kanila. Kahit pa matagal nila itong itinago sa akin ay hindi maikakailang malaki ang utang na loob namin sa pamilya ni Xander.
“A-ang liit po ng mundo ’no?” ang tangi ko na lamang nasambit.
Ang ina naman ni Xander ang nagsalita sa pagkakataong ito.
“Talagang maliit ang mundo ng pamilya natin Tom. Sinong mag-aakala na ikaw pala ang anak nitong si Nate? At ikaw rin ang pinag-aagawan ng dalawang nagga-gwapuhan kong mga anak? Medyo nagkaproblema pa nga kami dahil iniisip namin ang mararamdaman noon ni Daniel eh. S’yempre, ayaw din namin s’yang masaktan. Pero dahil sa nakikita namin na mahal n’yo ni Xander ang isa’t-isa, mas pinaboran namin ang relasyon ninyong dalawa.” mahaba ring paliwanag ni Mommy.
Nakaramdam din ako ng hiya sa sinabing iyon ng ina ni Xander. Alam kong mahal n’yang pareho ang anak n’ya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkakonsensya nang banggitin nito ang tungkol sa nangyari sa amin ni Daniel.
“Nahihiya nga rin po ako sa inyo Mommy eh. Kasi ang laki po ng sakripisyo ni Daniel para sa amin. Pareho ko pong nasaktan ang anak n’yo. Sana po patawarin n’yo ako.” nahihiya kong wika sa ina nila Xander at Daniel.
Hinawakan naman ni Mommy ang aking kamay bago nagsalita.
“’Wag kang humingi ng tawad Tom. Dapat nga magpasalamat pa kami sa’yo at sa buong pamilya mo. Dahil ang hindi namin maibigay kay Daniel na hinahanap n’yang atensyon ay ibinigay ninyo. Alam namin kung gaano kasaya si Daniel noong naninirahan pa kayo sa Amerika.” wika nito sa akin.
Saglit s’yang tumigil at tinapunan ng tingin si Xander bago ito ibinalik sa akin.
“At para naman sa anak kong si Xander, salamat dahil ibinigay mo ang pagmamahal na matagal na n’yang hinahanap. Ang pagmamahal na ikaw lang ang may kakayahang ibigay sa kanya.” dugtong pa nito habang nakangiti.
Dahil sa narinig ko mula kay Mommy ay napangiti ako.
“Salamat po Mommy… salamat po sa lahat ng ginawa n’yo para sa pamilya ko. Salamat po sa pagtanggap sa akin. Salamat po sa suporta n’yo sa amin.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Wala ’yon hijo. At please lang, tama na ang paulit-ulit na pasasalamat. Lagi ko na lang ’yan naririnig sa mga magulang mo. Kahit sa tuwing magkikita kami sa U.S., walang tigil ’yang dalawang ’yan sa pasasalamat. Pati nga ang kapatid mong si Julius nahawa na rin sa kanila eh! Nabibingi na ako sa mga pasasalamat n’yong buong pamilya. Nakakasawa rin ’yon alam n’yo ba?” sunod-sunod nitong pagsasalita.
Wala na kaming nagawa kundi ang matawa na lamang. Hindi ko akalaing ganito lang kaliit ang mundo na aming ginagalawan. Lahat kami ay may koneksyon na hindi namin inaakalang mangyayari.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay ang biglang pagsulpot ni Sir Lojie mula sa aming likuran.
“Tapos na ba ang drama ng buong pamilya? Baka pwede nang simulan ang inuman Alex?! Kanina pa ako nauuhaw sa alak eh! Ayaw naman akong bigyan ni Karen sa labas hanggat wala raw go signal galing sa’yo! Mabuti na lang nakakadiskarte si Olyn! Kaso pakonti-konti lang! Nakakabitin eh!” sunod-sunod n’yang panunumbat.
Dahil sa mga nasabi ni Sir Lojie ay agad na sumabat ang ina ni Xander.
“Ikaw Lordelino! Kelan ka kaya titino?! Akala ko magbabago ka na once na dito ka na nakatira at nagtatrabaho sa Pilipinas! Bakit parang lumalala yata ’yang ugali mo?” panenermon ng kanyang tiyahin sa kanya.
“Luh?! Si Tita kung makapagsalita parang ang tino ng mga anak mo ah? Sinong may matinong utak ang magpapanggap ng patay sa loob ng dalawang buwan?! ’Yung luha ko Tita Mavel! Sinayang n’ya ’yung mga pagdrama ko! Alam mo bang nangumpisal pa ako sa simbahan dahil sising-sisi ako sa mga kasalanan ko kay Alex?! Pero ang hinayupak na ’to, pinapanood lang pala ang pagluluksa ko! Hutaena! Hindi ko nga alam kung pinagtatawanan ba ako nito nung iyak ako ng iyak nung kunwaring libing n’ya eh!” panunumbat naman ni Sir Lojie habang dinuduro si Xander.
Dahil sa mga sinabi ni Sir Lojie ay hindi na namin napigilan lahat na tumawa.
“Nakita n’yo ’yan?! Nagawa n’yo pang pagtawanan ako! Sana naging killer clown na lang ako! Para nung nalaman kong buhay pa pala ’tong si Alex, ako na mismo pumatay dito! Ang lakas ng trip eh!” sunod nitong sambit.
Kami naman ay tawa na lamang ng tawa dahil sa mga panunumbat na iyon ni Sir Lojie. At habang abala kami sa aming pagtawa ay ang biglang pagtawag ni Olyn sa kanya.
“Hoy Sir Lojie! Halika dali!” pagtawag ni Olyn sa kanya.
“Nyeta ka! ’Wag kang magulo! Hindi pa ako nakakaresbak dito!” sigaw naman nito pabalik kay Olyn.
“Bahala ka! Nakakita ako ng isang bote ng alak doon sa isang office! Eto na oh! Aayaw pa?!” wika ni Olyn habang hawak ang isang bote ng alak.
Nagulat ako nang biglang mapatayo si Xander mula sa aking tabi.
“Hoy Olyn! Saang office mo nakita ’yan?!” tanong nito kay Olyn.
“Secret, walang clue!” sagot naman ni Olyn sa kanya.
“Eh kung bigyan kaya kita ng termination letter sa hotel para wala ka nang trabaho?!” pagbabanta naman ni Xander.
“Ay hindi pala Sir Xander! May clue akong nahanap gamit ang mahiwaga kong map! Doon ko nakuha ’tong alak sa office na maraming picture ninyong dalawa ni Tom! Siguro office mo ’yon?!” pagbawi naman ni Olyn.
Nanlaki ang mga mata ni Xander nang marinig ang sagot ni Olyn. Akmang pupuntahan n’ya sana si Olyn nang harangin ito ni Sir Lojie.
“Oooppss! Saan ka pupunta Alex?!” tanong ni Sir Lojie dito.
“Kukunin ko ’yung alak na hawak ni Olyn! Paano n’ya nakuha ang mga ’yun kung naka-lock ’yun sa cabinet ko?!” sagot at tanong ni Xander kay Sir Lojie.
“Huh! ’Wag mo kasing minamaliit si Olyn! Dating kawatan ’yan, hindi mo ba alam?! Magaling sumalisi ’yan! Alam ko ring galing pa ng Argentina ’yang alak na hawak n’ya. Kaya nga kung ako sa’yo Alex, magpaulan ka na ngayon pa lang ng alak bago pa namin buksan ’yan!” nakangising pagbabanta ni Sir Lojie kay Xander.
Hindi naman nakaimik si Xander. Ngunit maya-maya pa ay binalingan nito si Randy.
“Randz!” pagtawag ni Xander kay Randy.
“Yes?” sagot naman nito habang nasa isang madilim na sulok at kaharap si Rigo.
Sa totoo lang ay naiilang ako sa dalawang ito sa tuwing makikita ko kahit pa noong nasa bahay pa ako ni Randy tumutuloy. Minsan kasi ay naaabutan ko sila sa awkward na posisyon. Kung minsan naman ay may pinag-uusapan sila na nakaka-damage ng pagiging inosente ko. Aminin ko man sa hindi, may pagkamalaswa sila minsan na dalawa.
“Mag-utos ka sa mga waiter natin na ilabas ang mga alak na gusto ng mga ulupong na ’to!” utos n’ya kay Randy habang dinuduro si Sir Lojie at Olyn.
Nakita ko ang marahas na pagkamot ni Rigo sa kanyang ulo.
“Tsk! Istorbo!” narinig kong sambit ni Rigo.
Wala naman sinabi si Randy. Umalis din agad ito sa harapan ni Rigo. Ngunit bago pa tuluyang makalayo si Randy mula kay Rigo ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Hinawakan kasi ni Rigo ang ibabang likuran ni Randy at kinurot pa ito. Hindi yata nila napansin na nakatingin ako sa kanila sa mga oras na ito. Ang iba kasi ay kay Xander at Sir Lojie nakatuon ang paningin.
Ang inaasahan ko ay magsusungit si Randy dahil ito na ang kanyang natural na ugali. Ngunit nagulat na lamang ako dahil hindi ito nagpakita ng pagkabahala. Ngumisi pa ito matapos iyon gawin sa kanya ni Rigo.
’Grabe talaga ang wild nitong dalawang ‘to!’
manghang sambit ko sa aking isip.
Matapos iyon ay sunod-sunod na nga ang mga alak na ipinasok sa loob ng function room. Naging masaya na rin ang kwentuhan naming buong pamilya kasama ang pamilya ni Xander.
Nalaman namin na nasa Baguio ang ama ni Xander kaya hindi ito nakasama ngayon dito. Kasama rin n’ya sina Daniel at Popoy para asikasuhin ang bubuksan nilang hotel doon na si Daniel naman ang magma-manage.
Tanging kasiyahan ang namayani sa buong gabi na iyon. Mas lalo pang nadagdagan ang saya dahil bumangka sa pagpapatawa ang mga komedyante sa aming mga kaibigan. Nakikita ko rin na wala nang namamagitang tensyon kina Cha at Olyn. Mukhang hindi na ni Cha pinagseselosan si Olyn ngayon dahil abala na rin s’ya ngayon sa kanyang boyfriend na si Ben.
Wala na akong mahihiling pa sa mga sandaling ito. Masayang-masaya ako dahil natapos na ang pinakamalaking pagsubok sa pamilya namin ni Xander. Mas lalo pa akong naging masaya dahil nalaman kong magtatagal dito sina Mama dahil nakabakasyon naman ngayon si Julius sa school. Marami kaming pagkakataon na magkasama-sama.
Lumipas pa ang ilang oras at kinailangan nang umalis ng ina ni Xander kasama si Carla dahil may pasok pa ito kinabukasan.
Naging malungkot pa si Carla dahil hindi n’ya nanaman daw ako makakasama. Nangako na lamang ako sa kanyang ako naman minsan ang dadalaw sa kanya na lubos n’ya namang ikinatuwa.
Habang nag-iinuman at nagkakasiyahan ang aming mga kaibigan sa loob ay naisip muna namin ni Xander ang magpahangin sa isang garden ng restaurant n’yang iyon.
Ito ang masasabi kong favorite spot ko sa restaurant n’yang ito. Ang restaurant n’ya kasi sa Alabang ay walang ganito dahil nasa mall ito nakatayo. Samantalang dito ay malawak ang area para sa mga gustong magpahangin dito sa labas. May mga nagkalat din na christmas lights sa mga halamang naririto na s’yang nagbibigay liwanag sa payapang gabi na ito.
Malamig na rin ngayon dahil nalalapit na rin ang pasko. Nasa likuran ko si Xander habang ang mga braso n’ya ay nakapulupot sa leeg ko.
“Ang saya ko Master. Ang saya-saya ko.” nakangiti kong bigkas.
Naramdaman ko ang pagngiti ni Xander dahil nasa tenga ko ang kanyang labi. Kanina pa kasi s’ya halik na halik dito simula nang pumunta kami sa lugar na ito.
“Masaya rin ako. Sobrang saya ko Master. Kasi sa wakas wala na tayong poproblemahin. Sa wakas wala nang hahadlang sa atin. Ako na siguro ang pinakamasayang tao na nabubuhay ngayon sa mundo.” mahina nitong sambit sa aking tenga.
Nang sabihin n’ya iyon ay dahan-dahan akong humarap sa kanya. Iniikot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg habang ang kanyang mga kamay naman ay nakapalibot sa aking bewang.
Tiningnan ko si Xander at nakita ko ang kasiyahan sa kanya. Nangniningning ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
“Salamat sa lahat Master… Salamat sa lahat ng sakripisyo mo… Salamat sa pagmamahal mo… Salamat kasi hindi mangyayari ang lahat ng magagandang bagay na ito kung hindi ka dumating sa buhay ko…” puno ng senseridad kong bigkas.
Nakita ko ang pagngiti ng pinakamagandang lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Ang lalaking kumukumpleto sa pagkatao ko.
“Paulit-ulit ka Master. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa’yo ’di ba?” nakangiti nitong pagkausap sa akin.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi n’ya. Wala ako maibigkas dahil alam kong katotohanan ang lahat ng salitang lumalabas sa bibig n’ya.
Muli n’yang itinuloy ang kanyang sinasabi habang nakatingin kami sa mata ng isa’t-isa.
“Lahat gagawin ko para sa’yo Master. Kahit ang pinaka-imposible ay gagawin kong posible. Dahil mahal…” ang bigkas n’ya at hinalikan ako sa noo.
“…na mahal…” wika n’ya at hinalikan naman ako sa ilong.
“…na mahal kita.” huli n’yang sambit at hinalikan naman ako sa labi.
Dinama ko ang mainit na paghalik na iyon sa akin ni Xander. At habang nakapikit kaming pareho ay tila ba nagliliwanag ang kapaligiran sa mga oras na ito.
Dama ko sa bawat pagganti ng aming halik ang pagmamahal namin sa isa’t-isa. Puno ng pananabik kahit pa lagi kaming magkasama.
Nang maghiwalay ang aming labi ay nanatili namang magkadikit ang aming mga noo. Pareho rin namin suot ang pinakamaganda naming ngiti na ibinibigay namin sa isa’t-isa.
“Kompleto na ako. Masaya na ako ngayon sa buhay ko.” nakangiti kong wika sa kanya.
“Ako hindi pa Master.” sagot n’ya naman sa akin.
Nangunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Dahan-dahan ko ring hiniwalay ang pagkakadikit ng aming mga noo. Ngunit ang aming mga kamay ay nanatiling nakapalibot sa katawan ng bawat isa.
“Ha? Bakit? Hindi ka pa ba kuntento? May hihilingin ka pa ba? May kulang pa ba sa’yo Master?” tanong ko sa kanyang nagtataka.
“Mmm-mmm!” sagot n’ya naman habang tumatango pa.
“Ano naman ’yon?” nagtataka ko pa ring tanong.
Tumingin naman s’ya sa langit na puno ng bituin. Akala mo naman ay naroroon ang sagot na hinahanap n’ya.
“Naaalala mo pa ba noong nasa ospital ako?” tanong n’ya sa akin at muling yumuko para tingnan ako.
“Oh? Anong meron doon?” tanong ko sa kanya pabalik.
“’Di ba sabi ko sa’yo na sa oras na makabalik ako, bubuntisin na kita?” nakangiti n’yang pagsagot sa akin.
Nanlaki naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Alam kong namula rin ako dahil naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
Inilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang noo at marahang itinulak iyon.
“Baliw ka na Xander! Akala ko kung ano na! ’Yan na ang pinakaimposible na hindi mo magagagawa! Alam mo ’yan!” ang may halong inis kong bigkas.
Natawa naman s’ya sa akin. Maging ako ay hindi naiwasang matawa dahil sa naririnig kong pagtawa n’ya. Dama ko ang saya ni Xander dahil pareho kami ng nararamdaman sa mga oras na ito.
Ilang sandali pa ay tumigil na rin s’ya sa pagtawa ngunit nanatili s’yang nakangiti.
“Pero meron talaga Master! Meron pa akong hindi nagagawa para tuluyan na akong maging masaya!” wika nito sa akin.
“Eh ano nga kasi ’yon? Puro ka kasi kalokohan eh.” sagot ko sa kanya.
Inilagay n’ya muna ang kanyang hintuturo sa kanyang sentido at tumingala nanaman s’ya sa langit.
“Mmmm… gusto ko talagang gawin ’yon kasama ka eh…” wika n’ya habang nakatingala.
“Ano nga kasi ’yon? Sige na, kung kaya ko naman ibigay, ako na ang bahala. Basta makita lang kitang masaya.” pamimilit ko sa kanya.
Mabilis naman s’yang napayuko at tiningnan muli ako sa mata.
“Talaga?!!” masaya nitong sambit.
Sa naging reaksyon ni Xander ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Mukhang may kakaiba nanaman itong naiisip kaya hindi ko maiwasan ang mag-alala.
At dahil nakapagsalita na ako ay kailangan ko na rin itong panindigan.
“A-ahmm… O-oo… B-basta ’yung kaya ko lang.” utal kong pagsagot sa kanya dahil sa kaba.
“Talagang-talaga??!! Promise??!!” tuwang-tuwa nanaman n’yang tanong.
“P-promise…” sagot ko pa ring kinakabahan.
“Kung ganon! Gayahin natin ’yung mga napanood ko sa YouTube! ’Yung mga nakita mong stunts para mahalikan nila ’yung partner nila?!” dire-diretso n’yang sagot.
Jusko! Tama nga ako! May kakaiba nga s’yang naiisip sa mga oras na ito!
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Agad din akong napabitaw sa aming pagkakayakap kaya nagkaroon kami ng pagitan.
“Xander?! Akala ko ba nagkasundo na tayo tungkol d’yan kanina?! Sabi ko ayoko dahil delikado ’di ba?! Meron pa kasing pag-tumbling ’yung iba eh!” maktol ko sa kanya.
Ang kanina n’yang pagkakangiti ay biglang naglaho. Naging malungkot din ang kanyang mga mata.
“A-akala ko ba Master kahit ano pwede kong hilingin sa’yo basta kaya mo..? Simple lang naman ’yun ’di ba..? Tapos nagawa mo pang mag-promise. Kelan ka pa natutong hindi tumupad sa pangako Master?” malungkot n’yang tanong sa akin.
Bigla naman akong nakonsensya sa kanyang sinabi. Kitang-kita ko rin kung paano nawala ang sigla sa katawan ni Xander.
“Pero Master… ’di ba nga sabi ko sa’yo delikado ’yung mga stunts na pinapanood mo? Gusto mo bang mabagok ang ulo ko? O kaya mapilayan ako? Kasi kung ako ang tatanungin mo, hindi ko kayang mangyari ’yon sa’yo…” pangungumbinsi ko sa kanya.
Nagkamot naman s’ya ng kanyang ulo at napayuko.
“Kahit sana ’yung basic lang eh… ’yung alam kong hindi naman tayo parehong masasaktan…” mahina nitong pagpipilit pa rin.
Napipikon na ako. Sobrang kulit n’ya talaga!
“Hinde. Ayoko Xander. At kahit pilitin mo pa ako, hinding-hindi natin gagawin ’yon!” matigas kong wika sa kanya.
Mas lalo s’yang napayuko sa pagkakataong ito. Dahilan para makonsensya na talaga ako.
“G-ganon ba…? S-sige Master… hindi na kita pipilitin…” malungkot n’yang sambit habang nakayuko pa rin.
Dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon ay parang pinipiga ang puso ko. Pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan sa kanya kaya s’ya nakakaramdam ng kalungkutan ngayon.
Hindi ko s’ya kayang makita na ganito. Pero hindi rin ako papayag na magkakasakitan kami para lang sa halik na sinasabi n’ya. Pwede nga naman kasi namin iyon gawin nang walang panganib sa aming dalawa.
Iniiwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya upang hindi ko makita ang nakakaawa n’yang hitsura. Tumingin ako sa kaliwa para hindi ko masaksihan ang kanyang kalungkutan.
“Sige na Tom… bumalik na tayo sa loob… Magpaalam na rin tayo sa mga kaibigan natin na uuwi na tayo… Magpaalam na rin tayo kila Mama Lita at Papa Nate pati na rin kay Julius na mauuna na tayong umuwi…” malungkot n’ya pa ring pagyaya sa akin.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang dahan-dahan n’yang pagtalikod sa akin. Laglag pa rin ang mga balikat n’ya at nanatili pa rin s’yang nakayuko.
Napapikit na lamang ako sa kanyang inasal.
“Sandali.” ang bigla kong nasambit.
Hindi ko akalain na madadala ako ni Xander sa pinapakita n’yang ito. Akala ko ay ako lamang ang may kakayahan na mapasunod s’ya gamit ang nakakaawa kong mga mata.
Napahinto naman si Xander sa kanyang paghakbang at unti-unting lumingon sa akin. Suot pa rin n’ya ang kanyang malungkot na ekspresyon.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“’Yung basic lang. ’Yung walang mababalian ng buto. ’Yung hindi delikado.” wika ko sa kanya.
Nang sabihin ko iyon ay nakita kong bumalik ang pagningning ng mga mata ni Xander. Mabilis din s’yang napangiti at nagbalik ang sigla n’ya.
Jusko! Anong klaseng nilalang ba itong lalaking ’to?! Alam kong baliw na ako sa kanya! Pero baka matuluyan na talaga ako nito!
“Sige Master! Promise! ’Yung madali lang! Promise na promise ’yan!” masigla nitong sambit at tumakbo papalapit sa akin.
Napailing na lamang ako sa mga nakikita ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na may ganito pa palang tao na nabubuhay sa mundo. Mabilis na nagbabago ang timpla na hindi pa umaabot sa isang minuto.
“Sige na. Ano ba ang gusto mong stunts?” nanghihina kong tanong sa kanya.
“Simple lang Master! Ilagay mo lang ’yung mga braso mo sa leeg ko! Kagaya ng posisyon natin kanina?!” masaya n’yang utos sa akin.
Hindi naman na ako nagsalita pa. Unti-unti kong inilagay at iniikot ang aking mga braso sa kanyang leeg habang parang hinang-hina ang aking katawan.
Wala din naman problema sa akin dahil wala naman akong nakikitang tao ngayon dito sa garden bukod sa aming dalawa. Kaya hindi ako mahihiya kung mukha kaming tanga.
Mabilis din n’yang inilagay ang kanyang mga braso paikot sa aking bewang.
“Kumapit kang mabuti Master ha?!” masaya n’yang paalala sa akin.
Ganon na nga ang ginawa ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanyang leeg upang maghanda. Gusto ko na rin matapos ito para matigil na rin si Xander.
“Ready ka na?” masaya nitong tanong sa akin habang magkalapit ang mukha namin sa isa’t-isa.
Tumango naman ako bago sumagot.
“R-ready.” sagot ko namang kinakabahan sa kanya.
At matapos kong sabihin iyon ay nagulat na lamang ako nang bigla n’yang ilagay ang isa n’yang binti sa pagitan ng mga hita ko. Pinatid n’ya ang isang paa ko sa likuran gamit ang paa n’yang nasa pagitan ng aking mga binti.
Nawalan ako ng balanse sa ginawa n’yang iyon kaya mas napahigpit ang kapit ko sa kanyang leeg dahil babagsak na ako.
Ngunit ang inaasahan kong pagbagsak namin sa lupa ay hindi nangyari. Nakayuko lamang si Xander habang salo n’ya ang aking batok at likod. Ako naman ay halos nakahiga na sa mga oras na ito bagamat nakasayad pa rin ang mga paa ko sa lupa.
Para kaming sumayaw ng isang ballroom dance at ito ang huling bahagi ng aming steps.
Malapit din ang mukha namin sa isa’t-isa ngunit magkaiba ang aming ekspresyon. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa labis na pagkabigla habang s’ya naman ay suot ang kanyang pinakamatamis na ngiti.
“Mahal na mahal kita Tom. Kahit mawala ang lahat ng yaman ko, basta ikaw lang ang matira, kompleto na ako. Mahal na mahal kita Master ko.” puno ng pagmamahal n’yang bigkas.
At matapos n’yang sabihin iyon ay dahan-dahan n’yang inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.
Napapikit ako sa ginawang paghalik na iyon ni Xander sa akin. Ang isa kong kamay na nasa kanyang batok ay inilagay ko rin sa kanyang pisngi habang pareho naming tinutugunan ang halik ng bawat isa.
Ngayon ko masasabi na hindi ko pinagsisisihan na pumayag ako sa kagustuhan n’yang ito. Dahil damang-dama ko ang kaligayahan naming dalawa nang maganap ang kakaibang bagay na ito.
Nang magbitaw kami sa aming pagkakahalik ay naiwan kaming may ngiti sa aming mga labi. Marahan n’ya rin akong iginaya upang makatayo ng tuwid.
“Tara na. Balik na tayo sa loob Master! Sobrang saya ko na eh!” masaya nitong pagyaya sa akin.
Hinawakan n’ya rin ako sa kamay at sabay na rin kaming naglakad pabalik ng function room kung nasaan ang aking pamilya at mga kaibigan namin.
Nang makabalik kami ay nagpatuloy kami sa aming kasiyahan kasama ang lahat.
Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito maging si Xander. Matagal kaming nag-usap ng pamilya ko dahil sobrang na-miss ko sila!
At nang dunako na ang hating gabi ay kinailangan na rin naming umuwi. Sina Mama, Papa at Julius ay babalik sa dati naming bahay para doon magpahinga. Wala naman na kaming alalahanin doon dahil naaalagaan pa rin naman ang aming bahay kahit na bihira lamang kaming magpunta ni Xander doon. Nalilinisan din naman itong mabuti ni Aling Minda na naging katiwala na rin namin sa pagpapalinis nito.
Nangako na lamang kami ni Xander na pupuntahan sila Mama kapag uuwi kami sa trabaho. At kung minsan naman ay magsasalo-salo kami sa bahay nina Xander sa Manila para naman makasama rin namin si Carla.
Nang makauwi kami sa aming condo ni Xander ay saglit lang din kaming naligo. Matapos iyon ay diretso na rin akong nagpunta sa aming kama.
Nauna akong humiga kay Xander dahil kinuha pa nito ang kanyang laptop. Umupo muna s’ya saglit sa maliit na sofa na nasa loob ng aming kwarto habang hawak nito ang laptop dahil may kailangan pa raw s’yang i-check sa kanyang negosyo. At dahil na rin sa medyo nakainom ako ay mabilis din akong nakatulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mahihinang pagtawa na naririnig ko.
Nang lingunin ko si Xander sa aking tabi ay nagulat pa ako dahil nauna pa itong magising sa akin.
Nakatalikod ang pwesto nito sa akin at nakita kong hawak nanaman nito ang kanyang cellphone.
Naririnig ko nanaman ang kanyang mga paghigikgik tanda na kinikilig nanaman ito.
Dahan-dahan ako sa aking pagkilos upang silipin ang ginagawa n’ya sa kanyang cellphone.
Tila ba naalimpungatan pa ako dahil nakita kong nanonood nanaman ito ngayon ng video. Ngunit mukhang tuluyan nang nagising ang diwa ko nang makita kong kaming dalawa ang nasa video.
Ang video na magkadikit ang aming mga labi habang halos nakahiga ako at salo ako ng kanyang bisig.
Sa madaling salita, ang eksena na nangyari sa amin kagabi sa garden ng kanyang reataurant.
Parang nag-apoy bigla ang mga mata ko sa nakikita kong video.
“Ano ’yan?” puno ng pagtitimpi kong tanong sa kanya.
Masyado pang maaga para magalit ako kaya pinipigilan ko ito.
“YouTube.” kaswal naman na sagot ni Xander at hindi man lang ako nagawang lingunin sa kanyang likuran.
“Alam kong YouTube ’yan. Ang tanong ko, ano ’yang video natin na ’yan? Paano tayo nagkaroon ng ganyang video?” pigil sa galit ko pa ring tanong sa kanya.
Sumagot pa rin si Xander gamit ang masaya n’yang tono ngunit hindi n’ya pa rin ako nililingon.
“Inutusan ko kasi si Ben na kuhanan tayo ng video kagabi eh. Tapos pagdating natin dito sa bahay, nag-edit lang ako ng konte tapos in-upload ko sa YouTube. Ang saya nga eh! May 107 likes na agad!” masaya nitong pagbabalita.
Napapikit ako dahil sa kanyang mga sinabi. Naikuyom ko rin ang aking mga kamao dahil sa pinaghalong inis at galit sa nangyari.
Dahil sa hindi ako nakapagsalita ay nagpatuloy pa s’ya.
“Huh! Kala nila sila lang marunong ng galawang hokage ha?! Boom panes! Mas mahusay at mas nakakakilig ’yung sa amin ng Master ko!” pagmamalaki n’ya pa.
Sa pagkakataong ito ay dito na ako nagsalita. Gamit ang nagtitimpi kong tono ay kinausap ko s’ya.
“Xander, please lang. Hanggat nakakapagtimpi pa ako, tumayo ka na d’yan sa pagkakahiga mo. Dahil ’pag hindi ka pa tumigil d’yan sa ginagawa mo, makakatikim ka na talaga sa akin.” gigil na gigil ngunit mahina kong pagkausap sa kanya.
Mukhang hindi naman naapektuhan si Xander sa pagbabanta ko. Ngunit matapos kong sabihin iyon ay unti-unti na rin s’yang tumayo sa aming higaan. Pero ang nakakainis, hindi n’ya inaalis ang pagkakatitig sa kanyang cellphone.
Hindi ako nagsasalita dahil pilit ko pa ring kinokontrol ang galit ko.
Dahan-dahan s’yang naglakad patungo sa pinto ng aming kwarto habang nakatitig pa rin sa kanyang cellphone at tuwang-tuwa sa pinapanood nito.
“Magluluto muna ako ng breakfast Master. Tapos after natin magbreakfast, maligo muna tayo.” wika nito bago buksan ang pinto.
Pinanood ko lamang s’ya hanggang sa makalabas s’ya ng kwarto.
Ngunit ilang saglit pa ay muling bumukas ang pinto at lumitaw ang kanyang ulo. Ngayon n’ya lang ako tiningnan simula nang magising kaming pareho dahil nakatuon ang kanyang mata sa cellphone na hawak n’ya.
“Tapos after natin maligo, gawa ulit tayo ng video Master ha?!” masaya nitong pagyaya habang nasa pinto.
Tila ba may bulkan na sumabog sa dibdib ko nang sabihin n’ya ang bagay na iyon.
“XANDER!!!!!!!!!!!!!!”
malakas kong pagsigaw sa kanya dahil sa labis na galit ko.
Nataranta naman s’ya sa ginawa kong pagsigaw at mabilis na isinara muli ang pinto.
Naku! Talaga kang lalaki ka! Ang sakit-sakit mo sa ulo!!!!!!
A/N
Oy! Ayan ha? Sinulit ko ang huling chapter bago ang Pre-finale!! Ang haba nito!! Hahahaha!!
Sana po ay napasaya ko kayo dito. Salamat po sa patuloy na pagbabasa!
Comments and votes po please?
Kita-kits sa Pre-finale! Aylabyu guys!!
––cold_deee
Pre-Finale - tommy’s margarita
A/N
Homaygad!! Parang ayoko ituloy ang pagtatapos ng unang kwento na ginawa ko!! Chos! Makaarte lang eh noh? But seriously, nalulungkot talaga ako. Napamahal na sa akin ang kwentong ’to.
Anyway, para ’to kay
StephenDamasco
!! ’Yung nakikipagsabayan sa akin sa puyatan ’pag nagsusulat ako kahit magkalayo kami ng lugar?! ’Yung nand’yan s’ya simula pa lang ng book 1?! S’ya ’yon!! Hahahaha! Salamat kasi naging kaibigan kita kahit hindi tayo personal na nagkakilala!! Salamat kasi nakikinig ka mga kadramahan at kaartehan ko sa buhay! Salamat pa rin kahit minsan binubully mo ako!! Hahahahaha!
Enjoy reading Pre-Finale mahal kong readers!!
––> si Tom po sa media.
TOM POV
“Baby, sigurado ka bang okay lang sa’yo na ganito ang suot ko? Pwede ko naman gamitin na lang ang corporate attire ko para sa program n’yo.” nag-aalangan kong tanong kay Carla.
Hindi agad nakasagot si Carla dahil abala ito sa paglalaro sa kanyang iPad habang prenteng nakaupo sa sofa dito sa aming condo.
“Papa, you worry too much. Of course it is! I told my teacher that my Papa is a waiter.” sagot nito at hindi sa akin nakatingin.
Um-absent kasi ako sa aking trabaho para lamang sa nire-request n’yang ito. Mayroon daw silang malaking activity sa school na gaganapin malapit sa dito sa aming tinitirahang condo dito sa Alabang. Nagtataka nga ako kung bakit dito pa gaganapin ang kanilang activity samantalang masyado itong malayo sa kanilang school. Hindi na lamang ako nag-usisa dahil pabor din naman ito sa amin ni Xander dahil makakasama namin si Carla.
Ito raw ay bahagi ng kanilang malaking project bago sila magbakasyon mula sa school. Sinabihan sila na papuntahin ang pinaka-espesyal na tao sa kanila habang suot nito ang kanilang damit na nagpapakilala bilang kanilang propesyon.
Naging napakasaya ko naman noong ibalita sa akin ito ni Carla. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ako ang napili n’ya bilang espesyal na tao para sa kanya ’di ba? At dahil ako ang taong iyon ay mabilis naman akong pumayag kaya naglaan talaga ako ng araw para dito sa event nilang ito.
Ngunit ipinagtaka ko nang sabihin nitong dapat daw ay naka-uniporme ako ng isang waiter sa restaurant. Nagtataka ako dahil mas pinili nito na ganoong propesyon ang naisip n’ya bilang pagpapakilala sa akin.
Kasama naman namin si Xander sa event pero mananatili lamang s’ya sa baba ng stage upang panoorin lamang kami ni Carla. S’ya na rin ang nagpresinta na kukuha ng video kapag ipinakilala na ako ni Carla sa stage.
“Baby, bakit naman kasi waiter pa ang napili mong ipasuot sa akin? Pwede naman na bilang isang Manager ako ’di ba? Dahil ’yun naman talaga ang posisyon ko ngayon sa kompanya ng Daddy mo.” pagkausap ko pa rin sa kanya.
Sinagot naman ako nito pero nanatili pa rin ang kanyang mga mata sa kanyang iPad.
“Masyadong common na kasi Papa ’yung Manager. I’m sure my classmates will bring their parents na manager naman ng bank or whatever. Well at least, I have my Papa na waiter.” kaswal nitong sagot.
Napabuntong hininga naman ako sa kanyang sinabi.
“Iniisip ko lang naman baby ’yung sasabihin ng mga classmates mo eh. Or ’yung sasabihin ng parents nila. Ayaw ko na pag-uusapan ka nila.” pag-aalala ko pa rin.
Totoo naman ang aking sinabi. Hindi naman sa minamaliit ko ang pagiging isang waiter. Sa katunayan ay pinagmamalaki ko ito dahil marangal itong trabaho na minsan ko nang naging propesyon. Hindi ako makakarating sa kung ano ako ngayon kung hindi ako noon naging isang waiter sa restaurant ni Xander.
Pero ang inaalala ko ay ang sasabihin ng mga taong makikitid ang utak sa kanilang school lalo na at puro mayayaman ang mga nag-aaral dito. Nasa isang exclusive school kasi itong si Carla.
Aminin na natin, mayroon talagang mga mapagmataas na tao na akala mo ay perpekto na ang mga pamumuhay. Alam kong hindi naman lahat ng mayayaman ay ganoon, pero hindi maiiwasan na may mga ilan pa rin ang ganoon kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
“I don’t care Papa. Basta I’m proud of you no matter what. And I love you so much. Remember that.” kaswal nitong sagot ngunit alam kong galing sa kanyang puso.
Dahil sa kanyang naging pagsagot ay nilapitan ko s’ya habang suot ko ang aking ngiti. Umupo ako sa kanyang tabi at binuhat s’ya upang maupo sa aking hita.
Dahil sa ginawa kong iyon ay mukhang naistorbo ko s’ya sa kanyang paglalaro.
“Papa naman eh! Na-dead tuloy ’yung nilalaro ko!” maktol nito habang nakanguso.
Natawa naman ako sa kanyang naging reaksyon. Ang cute kasi ng baby ko! Nakakunot ang kanyang noo habang nakatulis ang kanyang nguso.
“Sorry baby! Gusto lang talaga kitang yakapin kasi ang cute-cute mo!” wika kong nakangiti at niyakap s’ya ng mahigpit.
Narinig ko naman ang kanyang pagtawa bago s’ya nagsalita.
“Syempre po! Mana ako sa Papa ko kaya cute din ako!” sambit n’ya sa masayang tono.
Nang sabihin n’ya iyon ay bahagya ko s’yang inilayo sa aking katawan. Nagniningning ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
“Sa tingin mo ba sa akin ka nagmana baby? Hindi kay Daddy?” tanong kong nakangiti sa kanya.
Mabilis n’ya naman inilagay ang kanyang hintuturo sa kanyang labi habang nakanguso ito.
“Ssssshhhh!!! Secret lang ’yun Papa! Don’t tell it to Daddy! He might get jealous! Baka awayin nanaman ako!” pakiusap n’ya sa cute na tono.
Mabilis naman akong tumango-tango sa kanya habang natatawa.
“Don’t worry! I won’t tell him! Promise!” sagot ko naman habang natatawa.
Matapos iyon ay sabay naming pinagsaluhan ang malakas na pagtawa naming dalawa.
Hindi ko malaman sa sarili ko, pero sa tuwing kasama ko si Carla ay walang mapaglagyan ang saya ko. Napakalambing n’ya kasi at napaka-cute pa.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay ang pag-ring naman ng cellphone ni Carla. Nagulat naman ako dahil tila ba excited ito sa pagsagot ng tawag n’yang iyon.
“Hello Kuya Renato??” masigla nitong pagsagot sa tawag.
Ang kanila palang driver na si Kuya Renato ang kanyang kausap. S’ya kasi ang susundo sa amin dito sa condo dahil wala si Xander para gawin ito. May mga kinailangan daw kasing asikasuhin si Xander sa kanyang restaurant dito sa Alabang.
“Sige po! Pupuntahan ka na lang po namin ni Papa!” masigla pa ring pagsasalita ni Carla.
Pagkababa n’ya ng kanyang cellphone ay mabilis n’ya rin akong hinarap habang nagniningning ang kanyang mga mata.
“Papa! Let’s go na po! Sunduin na lang po natin si Daddy! I-surprise po natin s’ya sa restaurant!” masigla nitong pagyaya sa akin.
“O-okay…” ang tila naguguluhan ko namang sagot sa kanya dahil sa kakaiba n’yang sigla.
Mabilis s’yang umalis sa pagkakaupo sa aking hita at tumayo ng tuwid. Humarap ito sa akin habang malapad ang pagkakangiti.
“I’m so excited na po Papa!” masaya n’yang sambit.
Dahil sa nakikita kong sigla sa kanya ay napangiti ako ng malapad. Hinawi ko ang kanyang mahabang buhok at inayos iyon dahil bahagyang nagulo.
“Talaga?” tanong kong nakangiti sa kanya.
“Yes Papa!” masigla n’ya namang sagot.
Ngunit muli kong inalala ang suot kong damit ngayon.
“Sure ka ba baby na okay lang na ganito ang isusuot ko?” pag-aalala kong muli.
Hinawakan n’ya ang kwelyo ng aking blue polo pati na rin ang black bowtie na tila ba inaayos n’ya ito. Suot n’ya ang kanyang magandang ngiti nang s’ya ay magsalita.
“Perfect! Ang pogi talaga ng Papa ko!” masaya n’yang sambit at hinalikan ako sa ilong.
Dahil sa kanyang ginawa ay nawala ang pag-aalala sa akin. Natawa ako dahil naaalala ko si Xander sa kanya. Parehong-pareho sila ng kanyang ama sa aspetong ito. Madali nilang napapagaan ang loob ko.
Marahan ko s’yang kinurot sa kanyang magkabilang pisngi.
“Ang baby ko bolera! Parang Daddy n’ya!” wika ko sa nanggigigil na tono.
Natawa naman s’ya sa aking sinabi. Ngunit matapos iyon ay hinawakan n’ya ako sa aking kamay at iginaya sa pagtayo.
“Let’s go na po Papa! Excited na po talaga ako!” excited n’yang sambit at hinihila ako para lumabas na ng aming condo.
Wala naman akong nagawa kundi ang magpadala sa kanyang mga paghila habang natatawa.
Narating namin ang parking lot ng condo building at naroroon na nga si Kuya Renato para sunduin kami ni Carla.
Habang nasa byahe kami ni Carla ay hindi napuputol ang aming pagkukulitan sa isa’t-isa. Nawala na rin ang aking alalahanin kung ano ba ang magiging reaksyon ng kanyang mga kaklase at magulang ng mga ito. Dahil base sa nakikita ko kay Carla ay hindi s’ya apektado sa usaping iyon. Tulad ni Xander ay makikitaan mo ng kompiyansa sa sarili ang bata. Bagay na nakuha o natutunan n’ya sa kanyang ama.
Saglit lamang ang aming naging byahe dahil malapit lang naman ang restaurant ni Xander sa condo namin.
Ngunit nang makarating kami sa tapat ng restaurant ay literal na nangunot ang aking noo.
“Closed???” puno ng pagtataka kong tanong.
Gulat na gulat ako dahil ang pagkakaalam namin ay naririto ngayon si Xander para magtrabaho at dahil iyon din ang paalam n’ya sa akin.
“Bakit closed Papa?” tanong din na nagtataka ni Carla.
“Hindi ko nga rin alam baby eh.” sagot ko naman na nagtataka pa rin.
Saglit kaming natahimik ni Carla. Ngunit maya-maya lamang ay nagsalita s’ya.
“What if mauna na tayo sa venue Papa? Papuntahin na lang po natin si Daddy doon.” suhestyon n’ya sa akin.
Dahan-dahan ay nilingon ko s’ya habang nakakunot pa rin ang aking noo dahil sa labis pa rin na pagtataka.
“S-sige baby… Baka mahuli rin tayo sa event eh. Tatawagan ko na lang ang Daddy mo.” utal na pagsagot ko sa kanya.
Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi ko rin maiwasang magtanong sa aking sarili kung nasaan ba ngayon si Xander.
Ang alam ko kasi ay may inaasikaso ito sa kanyang restaurant at maabutan namin s’ya sa kanyang opisina.
Maglalakad na sana kami ni Carla nang mag-vibrate ang aking cellphone sa aking bulsa senyales na may tumatawag.
Nang tingnan ko kung sino ito ay nakahinga ako ng maluwag. Pangalan kasi ni Xander ang nakalagay sa screen ng cellphone ko. Mabilis ko rin na sinagot iyon para alamin na rin ang nangyari kung bakit sarado ang kanyang restaurant.
“Hello Master?” sagot ko sa tawag.
“Hello Master!” pagbati n’ya naman pabalik.
“Nasaan ka? Andito kami ngayon ni Carla sa labas ng restaurant mo eh. Gusto ka sana namin i-surprise kaso kami naman ang na-surprise. Sarado kasi eh. Ano bang nangyari?” sunod-sunod kong bigkas na may pag-aalala.
Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga ni Xander bago ito sumagot.
“’Yun na nga ang problema Master eh. Akala ko kasi minor problem lang. Pero nung nagpunta ako d’yan kanina, sinabi sa akin ni Shai na may malaki kaming problema sa mga papeles ng restaurant sa city hall. Pwede ring mapasara ang restaurant ko kung hindi namin ito agad na maaayos. Kaya nga sarado din ’yan ngayon dahil hindi kami pinayagan na mag-operate hanggat hindi maayos ang lahat eh.” malungkot nitong pagsagot sa akin.
Lalo tuloy akong nag-alala dahil sa mga narinig ko. Marami na rin ang ala-alang meron ako sa restaurant n’yang ito kaya hindi pwedeng maipasara ito. Isa pa, labis akong nag-aalala ngayon kay Xander. Alam kong hindi madali para sa kanya ang kinakaharap n’yang ito.
“May pwede ba akong maitulong Master? B-baka may magawa ako para makatulong, handa ako.” wika ko sa kanya sa kinakabahang tono.
Saglit na hindi nakaimik si Xander. Mukhang nag-isip ng kanyang sasabihin dahil alam kong ayaw n’ya rin ako mag-aalala.
“Wala naman sa ngayon Master. At sa tingin ko, hindi ito ang tamang oras para makapagbigay ka ng tulong sa amin. Intindihin mo na lang muna si Carla. Susunod na lang ako sa inyo. Sorry Master ha? Pakisabi na rin kay Carla.” malungkot na pagkausap n’ya sa akin.
Dahil sa aking labis na pag-aalala ay nakalimutan kong mas kailangan nga pala ngayon ni Carla ang atensyon ko.
Muli kong nilingon si Carla at nakita kong nakatingin lamang din ito sa akin habang kausap ko si Xander. Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
“Sige Master. Ako muna ang bahala sa kanya. Pero pagkatapos nito, hayaan mong makatulong ako sa’yo ha?” wika ko sa mahinahon na tono.
Naramdaman ko kahit sa kabilang linya ang pagngiti ni Xander nang sabibin ko iyon. Dahil nang magsalita s’ya ay nagbago na ang kanyang tono. Naging masaya na ito.
“Oo naman Master! Sabay natin aasikasuhin ang lahat!” wika nito sa masayang tono.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig ko ang masigla n’yang boses. Alam kong malalampasan din ito ni Xander dahil naniniwala ako sa kakayahan n’ya.
“O sige-sige. Sumunod ka na lang sa event ha? Mag-iingat ka.” sambit ko.
“Sige Master. Magkita na lang tayo mamaya. I love you! Kayong dalawa ni Carla.” sagot n’ya at huling bahagi ng kanyang tawag.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Hinaplos ko ang pisngi ni Carla bago ko sinagot si Xander.
“We love you most Master!” nakangiti kong sambit.
Nakita ko ang pagngiti ng bata sa aking tabi. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Xander sa kabilang linya bago n’ya tuluyang ibinaba ang tawag.
“Tara na baby? Susunod na lang daw si Daddy.” nakangiti kong pagyaya kay Carla matapos ibaba ang aking cellphone.
“Okay Papa, let’s go!” masaya naman nitong sagot at hinawakan ako sa kamay.
Ganoon na nga ang nangyari. Nakangiti kaming pareho ni Carla habang papunta sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang program. Nalaman ko mula sa kanya na dito rin pala sa malaking garden ng mall iyon gaganapin kaya bahagya kong nakalimutan ang alalahanin ko sa problemang kinakaharap ngayon ni Xander sa kanyang restaurant.
Naalala ko kasi na doon mismo sa lugar na iyon nakilala ko si Xander. Doon ko rin nakilala si Carla noong ito ay nawawala.
Maraming ala-ala ang lugar na iyon sa akin dahil halos tatlong taon na rin ang nakakalipas noong maganap naman sa lugar na iyon ang malagim na kaganapan sa relasyon namin ni Xander. Noong mga panahon na ise-celebrate sana namin ang aming masayang monthsary ngunit nauwi sa hindi magandang pangyayari.
At nitong huli naman, noong muli rin kaming nagkahiwalay bago ang kanyang malagim na aksidente.
Kahit may kaba akong nararamdaman sa mga oras na ito dahil sa mga hindi magagandang bagay na nangyari noon sa lugar na pagdadausan ng event nila Carla ay kailangan kong maging matatag. Kailangan kong labanan ang aking takot dahil kailangan ako ni Carla. Magiging positibo ako at aalisin ko ang mga masasamang bagay na nagbabalik sa ala-ala ko.
Nang makarating kami sa magandang park ng mall ay hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa lugar na ito. Naroon pa rin ang man-made river na ipinatayo sa likod ng mall.
(A/N: Eto po ’yung eksaktong lugar na tinutukoy ni Tom. Ehem! Totoong may ganyang lugar sa Alabang!)

“Ang ganda dito Papa ’no?” ang biglang pagsasalita ni Carla habang hawak ko s’ya sa kamay.
Napangiti naman ako sa sinabi n’yang iyon.
“Yes baby. Nakakarelax dahil bukod sa malaki ’tong park, malinis pa.” nakangiti kong pagkausap sa kanya.
Muli naming ipinagpatuloy ang aming paglalakad hanggang sa matanaw na namin ang malaking stage na nasa kabilang dulo ng tulay na naroroon.
Maganda ang pagkakaset-up ng stage at mukhang ginastusan ito ng malaki ng kanilang school. Mayroong malaking LED screen sa likod ng stage at may iba’t-ibang kulay ng ilaw na ang naroroon. Napansin ko rin na may mga music instruments ang nasa ibabaw ng stage na iyon.
Kung pagmamasdan ito ay mas aakalain mong may malaking concert na magaganap dito maya-maya lamang.
Bahagyang nangunot ang aking noo nang mapansin kong wala pang mga nakalatag na upuan sa tapat ng stage. Pasado alas sais na kasi ng gabi at ilang saglit na lamang ay magsisimula na rin ang program nila Carla. Ang pagkakalam kasi namin ay seven o’clock ang simula ng event.
“Baby, sigurado ka bang dito magaganap ang event?” tanong kong nagtataka kay Carla.
Sinagot naman n’ya ako ng puno ng kompiyansa habang nakangiti.
“Yes po Papa! D’yan nga po ang event!” masayang pagsagot n’ya sa akin.
“Eh bakit wala pang masyadong students at parents? Saka tatayo lang ba tayo? Wala man lang provided na chairs ang school n’yo para sa atin?” sunod-sunod kong tanong kay Carla.
“Hindi ko din po alam Papa eh! Wala naman po sa amin sinabi ’yung teacher ko!” ganado n’ya pa ring sagot.
Muli kong nilingon ang malaking stage na may sumasayaw na mga ilaw habang nakakunot pa rin ang aking noo.
“Weird.” naibulong ko na lamang dahil sa labis na pagtataka.
Ilang saglit pa lamang habang nakatitig ako sa stage ay paulit-ulit na hinila ni Carla ang kamay kong hawak n’ya. Agad ko naman itong nilingon at nakita kong nakangiti pa rin ito.
Natutuwa ako sa pagiging masigla ni Carla ngayon pero hindi ko maiwasang magtaka. Kakaiba kasi ito sa siglang nakikita ko sa tuwing kasama namin s’ya ni Xander. Higit na mas masigla s’ya ngayon dahil hindi napuputol ang magandang ngiti nito.
“Papa! Remember the exact place where you found me when I got lost?” tanong nito sa akin sa masayang tono.
“A-ahm.. O-oo naman baby. Why?” utal kong pagsagot dahil sa pagtataka sa kanyang pagiging masaya.
“Can we go there? Hindi pa naman po magsisimula ang program namin eh!” pagyaya nito sa akin sa masayang tono.
“Ahm… Sure baby. Pero saglit lang tayo doon ha? Baka kasi mahuli tayo sa program n’yo. Ayokong mapagalitan tayo ng teacher mo.” pagpayag ko naman sa kanya.
“Yey!!!” masaya n’yang reaksyon at napatalon pa.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na rin ako ni Carla.
Nang mapadpad kami sa lugar na sinasabi ni Carla ay mabilis kaming umupo sa bench na naroroon. Ito ang eksaktong lugar kung saan ako umupo at matagpuan ang nawawalang si Carla dalawang taon na rin ang nakakalipas.
Hindi kami agad nakapagsalita ni Carla dahil tanaw namin mula sa inuupuan naming ito ang halos kabuuan ng magandang park na ito.
Nilanghap ko ang preskong hangin na tumatama sa mukha ko. Hindi ko rin maiwasan na ilibot ang mga mata ko dahil sa iba’t-ibang ilaw na nakikita ko sa buong park.
Napapikit pa ako habang nakangiti dahil sa pagbabalik ng ala-ala ko nang makilala ko si Xander sa lugar na ito.
“Alam mo Mister? Aminado naman ako na mali ako eh, na kasalanan ko. Pero sobra mo naman ako insultuhin na para bang may nagawa akong ikinasira ng buhay mo. ’Wag ka naman masyado mapagmataas at kung ituring mo kaming mga walang pera eh wala nang magiging silbi sa mundo!”
mga salitang binitawan ko noon kay Xander nang aksidente kong mabangga ang kamay n’yang may hawak na iced coffee dahilan para matapon ito sa kanyang suot na puting polo. Naalala ko pa noon na napaiyak pa ako matapos kong sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon.
“Oo nga pala, kung natapunan man kita ng kape, sa tingin ko deserve mo ’yan. Binabawi ko na ang paghingi ko ng paumanhin sa’yo. Ngayon, mas hinihiling ko pa na sana mainit na kape na lang ’yang binili mo! Para kahit konte nalapnos ’yang balat mo! Dahil kulang pa yan sa sakit na maidudulot mo sa mga taong nasa paligid mo! Sa susunod Mister na makita ulit kita, sisiguraduhin ko na kahit wala akong pera, bibili ako ng mainit na kape na isasaboy sa’yo kahit ipangutang ko pa!”
ang huling bahagi ng aking sinabi bago s’ya tuluyang iwan habang nakatulala s’ya sa akin.
Matapos kong alalahanin ang senaryong iyon ay bahagya akong natawa. Hindi ko akalain na magiging malaking parte ng buhay ko ang lalaking pinagbantaan ko na bubuhusan ng mainit na kape.
Nanatili ang pagkakangiti sa aking labi nang magsimula akong magsalita. Nanatili ang aking mga mata sa magandang kapaligiran sa aming harapan.
Gusto kong ibahagi kay Carla ang kwento namin ni Xander kung paano kami nagkakilala. Kung gaano nakakatawa ang una naming pagkikita at kung paano nakakatuwa ang aming muling pagkikita sa kanyang restaurant.
“Alam mo ba baby, bukod sa dito kita nakilala sa lugar na ito, dito ko rin nakilala ang Daddy mo.” unang bahagi ng aking pagkekwento habang nakangiti at nakatingin sa malayo.
“Hindi ko sinasadya na matabig ng ulo ko ang hawak n’yang iced coffee noon eh. Kaya galit na galit sa akin ang Daddy mo. Natapon kasi ’yon sa suot n’yang polo.” sunod kong sambit at bahagya pa akong natawa.
Hindi naman sumagot si Carla kaya nagpatuloy pa ako.
“Ang sungit-sungit ng Daddy mo noon! Nakakatakot nga s’ya eh! Kasi galit na galit talaga s’ya sa akin. Marami s’yang sinabi na hindi ko nagustuhan. Kaya nung pagkatapos n’ya akong sungitan, s’ya naman ang pinagalitan ko. Pinagbantaan ko pa nga s’ya noon eh!” pagsasalita kong muli at muli nanaman akong natawa.
“Pero alam mo baby? Nagpapasalamat din ako dahil nangyari ’yon sa amin. Dahil kung hindi iyon nangyari, baka hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala ko pa s’yang lalo. At mas nagpapasalamat ako dahil kung hindi nangyari ang bagay na iyon, hindi rin kita makikilala!” masigla kong pagkekwento pa rin kay Carla.
“Sobrang saya ko ngayon dahil nalampasan na namin ng Daddy mo ang pinakamahirap na sitwasyon na hinarap naming dalawa. Natapos na ang aming mga problema kaya wala na akong mahihiling pa.” nakangiti ko pa ring pagsasalita.
Hindi ako nakarinig ng kahit na anong reaksyon mula kay Carla. Para na nga akong nababaliw dito sa aking kinauupuan dahil nagsasalita ako na parang walang kausap. Pero hindi ko na alintana iyon. Iniisip ko na lamang na nakikinig lamang ng mabuti sa akin si Carla.
Matapos ang aking pagkekwento ay inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagngiti habang nakatingin sa mga halamang nasa aming harapan na napapalibutan ng mga Christmas lights. Napakaganda kasi ng kapaligiran ngayon dahil nagkalat ang mga Christmas lights na ito sa buong paligid ng park.
Matapos ang ilang minuto ng pagkakatulala habang nakangiti ay mabilis kong nilingon si Carla sa aking tabi upang yayain na itong bumalik sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang program.
“Tara na baby! Bumalik na ta——” ang hindi ko na naituloy pang pagsasalita.
Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil ang inaasahan kong imahe ni Carla sa aking tabi ay wala na ngayon.
“C-carla?” ng nabibigla kong sambit.
Ang pagkakangiti ko ay biglang naglaho. Ang kalmado at masaya kong pakiramdam ay bigla na rin nawala.
Binalot ako ng kaba dahil nawawala s’ya ngayon sa aking paningin.
Mabilis akong tumayo sa aking pagkakaupo at mabilis ko ring inilibot ang aking mga mata.
“Carla baby… N-nasaan ka na…?” mahina kong sambit habang nanlalaki ang aking mga mata dahil sa pagkabigla.
Napuno ng takot ang aking dibdib at hindi ko magawang maigalaw ang aking buong katawan.
“Carla!!! Nasaan ka?!!” ang malakas kong sigaw at pagtawag sa kanya.
Wala akong narinig na pagsagot mula sa kanya kaya lalong dumoble ang takot na nararamdaman ko.
“Carla!!!!” mas malakas ko nang pagtawag sa kanya habang nanginginig ang aking buong katawan.
Dahil sa may kadiliman na ay pilit kong inaaninag ang mga tao sa kapaligiran. Pilit kong tinitingnan ang bawat batang nakikita kong kasama ang kanilang mga magulang at kamag-anak. Ngunit sa bawat pagsusuri ko sa mga batang naroroon ay ang pagkumpirma ko na nawawala nga si Carla.
“Carla… N-nasaan ka na…?” kinakabahan kong pagtatanong sa aking sarili.
Kahit nanginginig ang buong katawan ko ay pinilit kong makagalaw at ihakbang ang mga paa ko.
“Carla!!!!” ang mas malakas ko nang pagtawag sa kanya habang mabilis sa aking paglalakad.
Sa bawat paglalakad ko ay ang sunod-sunod kong pagsigaw sa kanyang pangalan.
“Carla!!! Baby!!! Nasaan ka na??!!” ang mas malakas ko pang pagsigaw.
Nararamdaman ko na rin ang namumuong mga luha sa aking mga mata. Labis akong natatakot dahil sa pagkawala ng batang inaangkin ko na bilang sarili kong anak. Ang batang malaki na rin ang parte ng aking pagkatao.
“Carla!!!!” sigaw ko pang muli habang patuloy na iniikot ang aking mga mata sa paligid.
Pinagtitinginan na ako ng mga taong nadadaanan ko sa mga oras na ito dahil sa labis na pagsigaw. Nakukuha ko na rin ang atensyon ng mga taong nasa paligid ng park.
“Carla anak…. Magpakita ka na…” pakiusap ko sa kanya kahit alam kong hindi n’ya ako naririnig dahil walang senyales na naririto lang s’ya sa paligid.
“Carla!!!!!” mas malakas ko nang pagsigaw ng kanyang pangalan.
Paulit-ulit kong ginawa iyon. At nang wala pa rin akong marinig na pagsagot mula sa kanya ay tuluyan nang pumatak ang mga luha ko sa aking mga mata.
“Carla!!!!!!!!” sigaw kong muli habang umiiyak ng malakas.
At matapos kong isigaw ang pangalan ni Carla ay nakarinig na lamang ako ng malalakas na pagpito sa kapaligiran. Napahinto rin ako sa paglalakad dahil sa narinig ko.
Sinubukan kong lingunin kung saan nanggaling ang pagpitong iyon. At nang makita kong may dalawang papalapit na guard sa akin ay doon ko lamang naalala na maaari nga pala akong humingi ng tulong mula sa kanila.
Mabilis kong sinalubong ang isang guard na papalapit din sa aking pwesto.
“Sir! Tulungan n’yo po ako! N-nawawala po ’yung anak ko! Nawawala po si Carla!” natataranta kong pakiusap sa guard nang tuluyan kaming magkaharap.
Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa gwardya hanggang sa makalapit na rin sa amin ang kanyang kasama.
“S’ya ba ’yon?!” ang nakakatakot na reaksyon ng kadarating lamang na isa pang gwardya.
“Walang duda!” nakangisi namang sagot ng gwardyang nilapitan ko.
Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nilang sabihin sa mga katagang iyon. At wala na rin akong pakialam dahil mas importante ang pakay ko kung bakit ko sila nilapitan.
“Sir, tulungan n’yo po ako… ’Y-yung anak ko po kasi nawawala… Please… tulungan n’yo po akong makita s’ya…” muli kong pakiusap sa kanila.
Sa halip na sagutin nila ako ay nagulat ako nang bigla na lamang sumigaw ang gwardyang mas nauna kong pinakiusapan.
“Tahimik! Masyado kang maingay!” ang bigla nitong pagsigaw sa akin.
“S-sir?” pagtataka ko sa kanyang inasal.
Sa pagkakataong ito ay ang isang gwardya naman ang nagsalita.
“Hindi ka ba marunong umintindi?! Sinabi n’yang tumahimik ka! Nakakaeskandalo ka dito sa park alam mo ba?!” ang pasigaw din na tono ng isa pang gwardya.
Kung sa ordinaryong sitwasyon lamang ay baka hindi ko napalampas ang ginagawa ng mga ito na pagsigaw sa akin. Ngunit dahil si Carla na ang pinag-uusapan dito ay kailangan ko itong palampasin.
“Sir naman! Sabi ko po nawawala ang anak ko! Tulungan n’yo naman po ako!” mas malakas ko nang pakiusap sa kanila.
Hindi sila sumagot sa aking ginawang pakiusap. Sa halip, kinuha ng gwardyang nasa harap ko ang kanyang gamit na radyo at may kinausap dito.
“Nahuli na namin! Nandito na s’ya at hawak na namin!” ang narinig kong pagbabalita ng gwardyang tumawag sa kanyang radyo.
“Sige, dalhin n’yo na lang s’ya sa tulay para maaresto.” narinig ko namang sagot ng kausap n’ya sa kanyang police radio.
“Copy Sir.” ang naging huling sagot naman ng gwardya sa harap ko.
Nang marinig ko ang kanilang pag-uusap ay binalot ako ng katanungan sa aking isip. Naghalo-halo na rin ang kabang nararamdaman ko.
“T-teka po! A-ano pong sinasabi n’yong aarestuhin?! Ako po ba ang tinutukoy n’yo?!” nauutal at kinakabahan kong tanong sa dalawang gwardya.
Ngumisi silang pareho bago sumagot ang isa sa kanila.
“Ano sa tingin mo Mister? Nabibingi ka na ba? Kanina ka pa hindi makaintindi eh.” sagot nito sa akin.
Nang marinig ko ang kanyang pagkumpirma ay mabilis din akong umapela.
“T-teka! Wala akong ginagawang masama! Kaya nga ako lumapit sa inyo para humingi ng tulong ’di ba?! Dahil nawawala ang anak ko! Bakit n’yo ako aarestuhin?!” sunod-sunod kong tanong.
Sa pagkakataong ito ay ang isang gwardya naman ang sumagot.
“Bakit? Nagtanong ka pa talaga kung bakit?!” tanong pabalik ng isang gwardya.
Dahil sa pagtataka ay hindi ako nakasagot. Naghintay na lamang ako sa magiging sagot pa nila.
“Unang-una Mister, kanina ka pa namin hinahabol dahil sa pag-eeskandalo mo! Sigaw ka ng sigaw dito sa park at ginugulo mo ang pamamasyal ng mga tao dito sa River Park!” unang bahagi ng pagsagot ng isang gwardya.
Dahil sa paraan ng kanilang pakikipag-usap sa akin ay hindi ko na naiwasan ang pagtaasan sila ng boses.
“Dahil nga nawawala ang anak ko! Ano sa tingin n’yo ang gagawin ng isang magulang kapag nawawala ang anak nila?! Natural sisigaw ako para hanapin s’ya! Sa tingin n’yo ba mahahanap ko ang anak ko kung mananahimik lang ako sa isang tabi?!” mataas na boses kong pakikipagtalo sa kanila.
“Manahimik ka! Akala mo ba ’yan lang ang violation mo?!” sagot naman ng isa pang gwardya.
Tila ba nalunok ko ang sariling dila ko sa sinabi n’yang iyon. Hindi nanaman ako nakapagsalita.
Violation?!! Ano bang ginawa kong mali sa pagpunta sa lugar na ito?!
Dahil sa hindi ako nakaimik ay nagsalitang muli ang isang gwardya.
“Hindi namin alam kung hindi ka informed Mister na bawal ang magpakalat-kalat ang mga empleyado ng mall at restaurants dito sa park na ’to! Pero ang lakas ng loob mo na mamasyal pa talaga dito at suot-auot mo ’yang uniform mo sa pinapasukan mong trabaho!” sigaw nanaman ng isang gwardya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nilang iyon.
“P-po??!” tangi kong nasambit.
Muling ngumisi ang isang gwardyang nasa harap ko.
“Nabibingi na nga talaga Pare! Dalhin na lang natin ’yan para i-report sa Admin!” nakangising pagsasalita ng isang gwardya sa kanyang kasama.
Hindi pa ako nakakatutol ay mabilis na hinawakan ng isang gwardya ang aking braso. Hindi naman iyon mahigpit pero hindi ko s’ya hinayaang madala ako sa kung saan nila ako balak dalhin.
“Teka-teka! Hindi ako sasama sa inyo! Hinahanap ko pa ang anak ko! Hindi ako pwedeng basta na lang sumama sa inyo!!” pagpoprotesta ko.
Nang sabihin ko iyon ay hinawakan na rin ako ng isa pang gwardya sa aking braso.
“Kung ako sa’yo Mister, sumama ka na lang ng maayos! Tingnan mo ang paligid mo! Pinagtitinginan ka na ng mga tao dito! ’Yung iba vine-video na tayo! Hindi mo ba naisip na mas malaking eskandalo ito sa parte mo?! Pati ang kompanyang pinapasukan mo madadamay sa eskandalo dahil dito sa ginagawa mo!” sagot sa akin ng isang gwardya.
Nang ilibot ko ang aking mga mata ay nakumpirma kong totoo ang sinasabi sa akin ng gwardya. Naalala kong ang suot ko nga palang uniporme ay galing sa restaurant ni Xander. Ito rin ang isa sa parehong uniform na sinusuot ko noong panahon na namamasukan pa akong waiter sa kanyang restaurant. Binigyan n’ya lamang ako nito ngayon para lang may magamit ako sa program nila Carla.
Nang mapansin ko ito ay muli ko ring naalala na may malaki na palang kinakaharap na problema ngayon si Xander sa kanyang restaurant. Ayokong madagdagan pa iyon. Ayokong bigyan pa s’ya ng kahihiyan dahil lang sa kapabayaan ko.
Wala akong nagawa kundi ang itakip ang parehong palad ko sa aking mukha at ihilamos iyon sa marahas na paraan.
Halo-halo na ang nararamdaman ko. Patong-patong na ang problema ko.
Unang-una ay nawawala si Carla. Labis na akong nag-aalala. Iniisip ko kung paano ko ito ipapaliwanag kay Xander. Paano ko ipapaliwanag na nawawala ko ang nag-iisa n’yang anak dahil sa katangahan ko.
Pangalawa ay hindi ako makaalis dahil sa paghuli sa akin ng mga gwardya ng park dito.
“Ano Mister? Sasama ka ba ng maayos o gusto mong magkagulo pa tayo dito?” ang biglang pagsasalita ng isang gwardya.
Tiningnan ko lamang s’ya habang ang aking mga luha ay nagsisimula nanamang mamuo sa aking mga mata.
Nabitaw ako ng malalim na paghinga. Pilit kong pinakalma ang aking sarili para maging maayos ang lahat.
“Sige, sasama ako ng maayos. Pero sana, mapag-usapan natin ’to Sir. Nawawala po talaga ang anak ko ngayon. Parang awa n’yo na naman… Hindi ko alam kung paano ko s’ya mahahanap… Baka pwedeng tulungan n’yo muna akong makita s’ya…?” pakiusap ko sa kanila.
Hindi muna nagsalita ang dalawang gwardya. Nagkatinginan sila upang pag-aralan siguro kung nagsasabi ba ako ng totoo.
“Sir… Sige na naman po… Parang awa n’yo na… Tulungan n’yo muna akong hanapin s’ya… At ’pag nakita na natin s’ya, pangako po… sasama ako ng maayos sa inyo… Basta makita ko lang ang anak ko…” muli kong pakiusap.
At sa mga huli kong sinabi ay hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak. Labis na takot at pag-aalala na ang namamayani sa aking dibdib.
Mukhang nakumbinsi ko naman ang dalawa dahil hindi na sila nagsalita pa. Sumenyas ang isang gwardya sa kanyang kasama sa pamamagitan ng pagtango.
Matapos iyon ay pareho nila akong hinarap.
“O sige. Tutulungan ka naming mahanap s’ya. Pero sa ngayon, kailangan mo munang sumama sa amin para sa konting katanungan.” wika ng isang guard.
“Pero Sir?! Mas importante nga po na makita ko muna ang anak ko! Hindi n’yo ba naiintindihan ’yon?!” pagpoprotesta ko nanaman sa kanila.
Matapos kong sabihin iyon ay muli nanaman akong pinagtaasan ng boses ng isa pang gwardya.
“Timigil ka na nga! Gusto mong mahanap ang anak mo ’di ba?! Paano ka namin matutulungan na hanapin s’ya kung hindi mo ibibigay ang detalye tungkol sa anak mo?! Anong suot n’ya?! Anong kasarian n’ya?! Ilang taon na?! ’Yun ang kailangan naming alamin! Itatawag din namin sa iba naming mga kasama para matulungan nila tayo!” bulyaw nito sa akin.
Nang marinig ko iyon ay muli akong natahimik. Tama nga naman sila. Hindi ko lang naiwasan na pagtaasan sila ng boses dahil gulong-gulo na ako at alalang-alala.
Muling nagsalita ang isa pang gwardya ngunit sa mahinahon nang paraan ngayon.
“Isa pa, ’wag tayo dito mag-usap Sir. Sumama na lang kayo para hindi na rin tayo nakakakuha ng atensyon sa ibang tao pang naririto.” mahinahon nitong pakiusap sa akin.
Nang marinig ko iyon ay bahagyang nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Inisip ko na lamang na mas mahalagang mahanap ko ngayon si Carla. May mga makakatulong na rin sa akin kaya malaki ang posibilidad na makikita namin s’ya.
“S-sige po. Bilisan po natin dahil baka makalabas na s’ya sa park na ’to..” pakiusap kong mahinahon sa kanila.
Matapos kong sabihin iyon ay hindi na nila ako hinawakan sa kamay dahil kusa na rin akong sumama. Napapagitnaan nila ako habang patuloy kaming naglalakad sa lugar kung saan nila ako dadalhin.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay huminto ang dalawang gwardya sa kanilang paglalakad kaya napatigil din ako.
Dito kami huminto sa dulo ng tulay kung saan kami nakatayo kanina ni Carla. Habang ang kabilang dulo naman ay ang malaking stage kung saan dapat gaganapin ang program ng school ni Carla.
Napansin kong wala sa bilang ng mga tao ang inaasahan kong naroroon. Iilang mga bata lang kasi ang nakita kong nakatayo sa harapan ng stage kasama ang kanilang mga magulang at guardians. Ngunit ang stage ay mukhang handang-handa na sa pagkakataong ito.
(A/N: Eto po ’yung eksaktong lugar kung saan naroroon si Tom. Sa dulong bahagi ng bridge s’ya nakatayo, at sa kabilang dulo naman ang stage na nakikita n’ya. © to the owner of the photo.)

Gusto ko sanang mamangha sa lugar na ito ngayon dahil nasilayan ko na ang totoong ganda ng tulay na iyon. Ang mga ilaw kasi na nasa barrier ng bridge ay nag-iiba ng kulay matapos ang ilang segundo. Pero hindi ito ang oras para hangaan ko ito. Kailangan kong unahin ang totoong pakay ko.
Muli kong hinarap ang dalawang gwardya upang magmakaawa.
“Sir, baka po pwedeng hanapin na natin ang anak ko… Hindi ko na po alam ang gagawin ko…” maluha-luha kong pakiusap sa kanila.
Nakita ko ang paghinga ng malalim ng dalawang gwardya bago nagsalita ang isa.
“Sige, sandali lang at tatawagin ko ang iba pa naming mga kasama. Mahihirapan tayo sa paghahanap dahil madilim na, pero gagawin namin lahat ang aming makakaya.” mahinahong wika sa akin ng isang gwardya.
“Salamat po! Salamat!” nakangiti habang naluluha kong sambit sa kanila.
Nakita ko ang muling paghawak ng isang gwardya sa kanyang police radio. Senyales ito na tatawagan n’ya na ang kanilang mga kasama.
“Nandito na po kami. Ready na Sir.” pagkausap nito sa kabilang linya.
“Copy.” narinig kong sagot ng kanyang kausap.
Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil alam kong ilang sandali pa lamang ay darating na ang kanilang mga kasama para tulungan kami sa paghahanap kay Carla.
Ngunit matapos ang narinig kong pagsagot ng kausap ng gwardya ay ang biglang pagpatay ng ilaw sa buong paligid.
Narinig ko pa ang ilang mga pagsigaw ng mga tao dahil sa naganap. Wala na akong makitang liwanag sa mga oras na ito maliban na lamang sa mga restaurants na nagkalat malayo sa kinatatayuan ko.
Ang kaninang kaba ko ay biglang nagbalik. Muli kong naisip na paano pa namin makikita si Carla kung ganito na kadilim sa buong lugar.
Ngunit sa kabila ng takot na nararamdaman ko ay buong tapang pa rin akong nagsalita.
“Sir?! Sir, kahit po wala nang ilaw hanapin pa rin po natin ang anak ko! Hindi po tayo pwedeng huminto! Please naman po! Hanapin po natin ang anak ko!” nataranta kong pakiusap sa kanila.
Dahil sa kadiliman sa paligid ay hindi ko madaling naaninag ang imahe ng dalawang gwardya na kasama ko. ilang segundo ang aking hinintay hanggang sa makapag-adjust ang aking mga mata sa dilim. At matapos ang ilang segundo ay nagulat akong wala na akong katabi sa mga oras na ito.
“Sir??!!” pagtawag ko sa kanila.
“Sir nasaan na kayo?!!” pagtawag kong muli sa kanila.
Naghintay ako ng pagsagot mula sa kanila ngunit wala akong nakuha. Inilibot ko ang aking mga mata at hindi ko na naiwasang mapaiyak dahil sa pag-aalala at takot. Muli kong inalala si Carla na hanggang ngayon ay nawawala.
“Carla!!!!” muli kong pagsigaw ng malakas habang umiiyak.
Matapos kong isigaw ang pangalan ni Carla ay nakarinig ako ng isang pagputok.
At kasunod ng pagputok na iyon ay ang pag-ilaw ng kalangitan.
Dahan-dahan akong tumingala sa langit at nakita ko ang malaki at magandang fireworks. Nakakamangha ang ganda nito ngunit hindi ito naging dahilan upang mapatigil ako sa pag-iyak.
Kasunod ng isang pagputok ng fireworks ay nagulat ako sa biglang pagtugtog ng musika na nanggagaling sa stage na nasa kabilang dulo ng tulay kung saan ako nakatayo.
Madilim pa rin ang paligid ngunit ang stage na iyon ay puno na ng nagsasayawang ilaw sa mga oras na ito. Naaninag ko ang mga taong nakatayo sa ibabaw ng stage habang tunutugtog sila ng mga instrumentong naroroon. Hindi ko makita ang mga mukha ng mga taong tumutugtog sa mga oras na ito dahil walang ilaw na nakatutok sa kanila. Tanging mga anino lamang nila ang nakikita ko.
Nang magsimula ang kanta ay bahagya akong napatigil sa pag-iyak dahil tila ba pamilyar ang boses ng taong kumakanta.
(A/N: Paki-play po ng nasa media. ’Yan po ang naririnig na kanta ni Tom sa mga oras na ito.)
I can’t win, I can’t reign
I will never win this game
Without you, without you
I am lost, I am vain,
I will never be the same
Without you, without you
Hindi ko maiwasang mangunot ang aking noo dahil inaalala ko ang magandang boses ng taong kumakanta sa mga oras na ito.
Ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang kantahin na ang sumunod na linya ay ang biglang paglabas ng mga larawan ko na nasa malaking LED screen sa stage.
Nanlaki ang mga mga mata ko dahil puro larawan ko ang naroroon. Ang mga larawan ko 2 years ago habang nagtatrabaho pa ako sa restaurant ni Xander. Pati na rin ang mga bago kong larawan ngayong nagtatrabaho na ako sa hotel.
I won’t run, I won’t fly
I will never make it by
Without you, without you
I can’t rest, I can’t fight
All I need is you and I,
Without you, without you
Matapos ang linyang iyon ay literal kong naibuka ang aking bibig dahil nagkaroon na ng ilaw sa gitna ng stage.
Ngunit hindi ang bagay na ito ang nakapagpagulat sa akin. Nagulat ako dahil mula sa ilalim ng stage ay ang unti-unting pag-angat ng taong kumakanta sa mga oras na ito. Mayroong microphone stand sa kanyang harapan at ganadong-ganado s’ya sa kanyang ginagawang pagkanta.
Habang kinakanta n’ya ang huling mga linya at habang umaangat s’ya ay nakangiti itong nakatingin sa akin habang paulit-ulit na tinuturo ako.
“Xander….” mahina kong bigkas.
Kasunod pa ng pag-angat ni Xander mula sa ilalim ng stage ay ang paglabas ng mga nagsasayawang mga tao mula sa kung saan patungo naman sa tapat at ibabang bahagi ng entablado. Ipinapalakpak nila ang kanilang mga kamay habang tumatakbo patungo sa kani-kanilang pwesto. Kung titingnan nga sila ngayon ay para silang cheering squad dahil sa dami nila.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil sabay-sabay sila sa ginagawang pagsayaw sa kinakanta ni Xander. Siguro ay nasa 30 silang mga nagsasayaw ngayon. Flash mob ang tema ng kanilang ginagawa sa mga oras na ito.
Nakita ko na kabilang sa mga sumasayaw ay ang aming mga kaibigan na pinangungunahan nina Cha, Olyn at Jurnie kasama na rin ang mga dati kong katrabaho sa restaurant ni Xander. Ang mas nakakatuwa pa ay nasa gitna nilang lahat ang aking kapatid na si Julius na katulad ko ay magaling din sumayaw.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga kaibigan ko habang nagsasayaw. Lalo na sina Olyn at Cha na todo sumayaw at akala mo ay hindi na mauulit ang pagsayaw sa mga susunod na araw.
Oh oh oh!
You! You! You!
Without…
You! You! You!
Without…you
Paulit-ulit ang linyang iyon ngunit paulit-ulit din akong tinuturo ni Xander habang may ngiti sa kanyang mga labi. Maging ang mga sumasayaw ay tinuturo rin ako sa mga oras na ito bilang parte ng kanilang steps.
Can’t erase, so I’ll take blame
But I can’t accept that we’re estranged
Without you, without you
I can’t quit now, this can’t be right
I can’t take one more sleepless night
Without you, without you
Habang kinakanta naman ang mga linyang iyon ay nagulat na lamang ako nang may biglang humawak sa kamay ko.
Mabilis akong napalingon dito at muli nanaman akong nagulat dahil sa nakita kong tao sa aking tabi.
“Baby Carla!!!” nabibigla kong sambit.
Ngumiti muna ito sa akin. At matapos iyon ay may iniabot ito sa akin na isang bugkos ng sunflower.
“Sorry Papa if I made you worry. Part po kasi ’yun ng surprise ni Daddy eh!” masaya nitong wika sa akin.
Naikagat ko na lamang ang aking labi bago sumilay ang ngiti sa akin. Hindi ako nakapagsalita kaya muling nagsalita si Carla.
“Panoorin mo na po si Daddy, Papa! Para po sa’yo ’tong ginawa namin!” masaya nitong utos sa akin.
Tanging pagtango na lamang ng paulit-ulit ang naisagot ko sa kanya.
Ngunit matapos iyon ay mabilis akong hinatak ni Carla patungo sa gitna ng tulay. Wala naman akong nagawa kundi ang magpadala sa paghilang ginagawa sa akin ni Carla.
Nang makarating kami sa gitna ay nginitian ako ni Carla. Muli ko namang ibinaling ang aking mga mata kay Xander na nasa stage pa rin ngayon.
Ngayon ko lamang napansin na ang mga tumutugtog pala sa mga oras na ito ay sina Rigo at Sir Lojie na may hawak na mga gitara. Si Ben naman ay nasa keyboard, at si Dominic naman ang nasa drums. Napansin ko rin ang kaibigan naming DJ na si Anthony na nasa bandang gilid at nagsilbing DJ pa rin sa mga oras na ito. S’ya yata ang nagpadagdag ng magandang pagtugtog nilang lahat.
Sa magkabilang gilid naman ng stage ay naroroon sila Randy at Ma’am Shai na may mga headphones. Abala sila sa pagsasalita at halos pagsigaw na tila ba may kausap sila dito. Mukhang sila naman ang mga nagsilbing stage director sa mga oras na ito.
Muli kong ibibalik ang aking mga mata kay Xander. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa paghanga sa kanyang pagkanta. Para kasi talaga s’yang professional singer dahil sa ganda ng boses n’ya. Maging ang kanyang tindig ay mapapahanga ka dahil tila ba sanay na sanay s’ya sa kanyang ginagawa. Idagdag mo pa na napakagwapo n’ya ngayon dahil sa suot n’yang puting polo na tineternohan ng kanyang magandang ngiti.
I won’t soar, I won’t climb
If you’re not here, I’m paralyzed
Without you, without you
I can’t look, I’m so blind
I lost my heart, I lost my mind
Without you, without you
Matapos ang linyang iyon naman at nagulat ako nang sinabayan ng mga ilaw sa stage ang bawat beat ng kanta. Tila ba sinasabayan nito ang pagsayaw sa musika pati na rin ang mga taong nagsasayaw sa gitna kabilang na rin ang aming mga kaibigan at aking kapatid.
Oh oh oh!
You! You! You!
Without…
You! You! You!
Without…you
Habang kinakanta ni Xander ng paulit-ulit ang linyang iyon ay mas naging maganda ang kaganapan ng lahat.
Dahil sa bawat masayang pagkanta n’ya ng salitang ’ without you’ ay muling umilaw ang paligid. Ang mga ilaw kanina na biglang nawala ay nagbalik.
Mas lalo pa akong namangha dahil sinasabayan na rin ngayon ng mga water fountain na nasa man-made river ang pagsayaw sa tugtog. May mga iba’t-ibang kulay din ng ilaw ang water fountain kaya mas lalong naging maganda ito.
Ang mas nakakamangha pa ay nang muling umilaw ang langit dahil sa iba’t-ibang fireworks na naroon. Iba’t-ibang kulay ito at iba’t-ibang hugis ang nakikita ko.
Lahat ng nakakamanghang bagay ngayon ay nakikita ko sa harapan ko. Ang mga bagay na bihira kong makita sa buhay ko ay nasasaksihan ko sa mga oras na ito ng sabay-sabay.
Nang lingunin ko si Carla ay pareho ang aming reaksyon. Tanging pagkamangha habang nakatingala. Hindi na rin n’ya naiwasang tumalon-talon dahil sa labis na tuwa. Sinasabayan n’ya na rin ng pagsayaw ang kanyang pagtalon dahil sa magandang pagkanta ng kanyang ama.
I am lost, I am vain,
I will never be the same
Without you, without you
Without…you
Sa pagtatapos ng pagkantang iyon ni Xander ay nakarinig ako ng malalakas na palakpakan.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong marami na palang tao ang naririto ngayon sa park. Lahat sila ay makikitaan ng pagkamangha at paghanga.
Ang mga fireworks ay natigil na rin sa pagputok. Pati ang mga water fountain sa man-made river ay tumahimik rin sa pagkakataong ito.
Napatigil na rin sa pagtugtog ang aming mga kaibigan. Pati ang mga nagsasayaw sa ibaba ng stage kabilang na ang iba pa naming mga kaibigan ay nanatili sa kanilang posisyon habang nakaturo ang kanilang mga kamay sa akin.
Naging tahimik ang lahat at tila ba nakikiramdam sa mga susunod pang mga pangyayari.
Nang muli kong balikan ng tingin si Xander sa stage ay nakangiti lamang ito sa akin. Dahil sa mga nangyari ay hindi ko rin naiwasang magbitaw ng isang malapad na pagngiti pabalik sa kanya.
Ilang saglit pa ay dahan-dahang kumilos si Xander pababa ng stage na iyon. At habang ginagawa n’ya iyon ay ang marami pang pagpalakpak at sigawan ang narinig ko mula sa paligid.
Nang tuluyan nang makababa si Xander sa stage ay naging mabilis din itong naglakad patungo sa aming pwesto ni Carla.
Dito sa gitna ng tulay at dito sa gitna ng malaking park na naging saksi sa simula at maraming ala-ala naming dalawa ni Xander.
Nang tuluyan s’yang makalapit sa aming pwesto ni Carla ay hindi ko napigilan ang aking sarili na salubungin s’ya ng mahigpit na yakap.
Naging mahigpit din ang yakap ni Xander sa akin pabalik.
At habang yakap namin ang isa’t-isa ay hindi ko rin napigilan ang aking sarili na mapaluha.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Naroon ang nag-uumapaw na saya dahil sa malaking sorpresang ibinigay ni Xander sa akin. Naroon din ang sobra-sobrang pasasalamat dahil pakiramdam ko ay tuloy-tuloy na ang masasayang kaganapan sa buhay namin at sa relasyon naming dalawa.
Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sa sobrang saya. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong mahihiling pa.
Dahil ang magkaroon ako ng isang katulad ni Xander ay sobra-sobra pa sa hinihiling ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng tao ngayon dito sa mundo.
“A-ang saya-saya ko Master…. Ang saya-saya ko dahil dumating ka sa buhay ko… Salamat sa’yo…. Mas pinasaya mo ang simpleng buhay ko… Mas binigyan mo ng kulay ang mundo ko…” sunod-sunod kong bigkas sa pagitan ng pag-iyak.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Xander habang hinahagod n’ya ang likod ko.
“Sabi ko naman sa’yo Master eh… Lahat gagawin ko mapasaya ka lang… Lahat ng imposible gagawin kong posible mapangiti ka lang…” narinig kong sambit n’ya sa aking tenga.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. Nagbitaw kami ng dahan-dahan sa aming pagkakayakap habang suot namin ang aming mga magandang ngiti.
Hawak ni Xander ang aking mga kamay habang magkaharap kami nang magsimula s’yang magsalita. Ang mga sunflower naman na hawak ko kanina ay kinuha ni Carla mula sa aking kamay.
“Naaalala mo ba Master noong una tayong magkita?” tanong n’ya sa aking nakangiti.
Natawa naman ako habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko. Tumango ako bilang pagsagot sa kanyang katanungan.
“Dito mismo sa lugar na ’to una tayong nagkakilala. At dito rin mismo sa lugar na ’to naganap ang hindi ko inaasahang pagbabago sa buhay ko.” sunod n’yang sambit.
Ako naman ay nanatiling nakangiti lamang habang s’ya ay nagsasalita. Wala akong salitang mabigkas dahil nagbabalik din muli ang mga ala-alang iyon. Ang mga ala-alang pareho kay Xander ay naging malaking pagbabago sa buhay ko.
Nagpatuloy pa si Xander sa kanyang sinasabi. Ngunit bago n’ya simulan iyon ay natawa muna s’ya ng bahagya.
“Itong suot kong polo ang parehong polo na natapunan mo noon ng kape. Naalala mo Master?” natatawa nitong tanong sa akin.
At nang kilatisin ko ang kanyang suot na polong puti ay nakumpirma kong totoo ang kanyang sinasabi.
Hindi ko naiwasang matawa rin dahil sa pag-alalang iyon.
Muli pa s’yang nagpatuloy sa kanyang pagsasalita habang hawak pa rin n’ya ang aking dalawang kamay.
“Gusto ko kasi balikan ang kaganapang iyon sa buhay ko Master. Dahil isa iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Dahil sa kaganapang iyon, nakilala ko ang isang Axyll Tom Perez na magiging malaking parte pala ng pagkatao ko.” nakangiti n’yang pagpapatuloy.
Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko nanaman naiwasang muling mapaluha. Labis na kaligayahan ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.
“Sorry nga pala Master kung ganyan ang pinasuot ko sa’yo ha? Joke lang naman talaga na may program si Carla sa school eh! Part lang talaga ’yan ng sorpresa ko sa’yo.” ang natatawa n’yang sambit.
Matapos n’yang sabihin iyon ay binalingan n’ya ng tingin si Carla sa aking tabi. Itinaas n’ya ang kanyang kamay at nag-thumbs up dito.
“Good job anak!” nakangiti n’yang pagpuri kay Carla.
Tinugunan naman iyon ni Carla ng pag-thumbs up din habang tumatango-tango pa. Ang cute nilang mag-ama sa gesture nilang iyon kaya hindi ko nanaman naiwasang matawa.
Muli akong hinawakan ni Xander sa kamay at tiningnan akong muli sa mga mata.
“Kaya ganyan din ang pinasuot ko sa’yo dahil naaalala ko kung paano tayo nagsimula. Kung paano kita naging empleyado sa restaurant ko, at kung paano mo naging boss ang gwapong katulad ko!” ang bilib na bilib sa sarili n’yang pagkekwento.
Muli akong natawa sa kanyang sinabi.
“Oo na lang!” natatawa kong sagot sa kanya.
Dahil sa aking maikling sagot ay hindi n’ya rin naiwasan ang matawa.
Muli n’yang ipinagpatuloy ang kanyang mga litanya.
“Pero higit sa lahat, sa suot mong ’yan kasi lalo kitang napansin. Mas lalo mong kinuha ang atensyon ko. Na halos ayaw kong maputol ang tingin ko sa’yo. Ang cute-cute mo kasi Master sa ganyang uniform eh.” wika n’ya habang nakangiti.
“Kung pwede nga lang na dalawa ang ipasuot ko sa’yo! May isa ka pa kasing uniform na black ’di ba? Tapos may red na neck tie? Tapos ako pa nga ang nag-ayos noon isang beses ’di ba? Kaso, baka hindi ka na makita ng mga guard na inupahan ko kung puro itim ang isusuot mo ngayong gabi na ’to!” pagpapatuloy n’ya pa.
Matapos n’yang sabihin iyon ay nagulat na lamang kami nang biglang sumabat si Carla.
“Daddy! Mag-i-story telling na lang po ba tayo dito? Tell Papa your real purpose na!” ang tila naiinip na pagsasalita ni Carla.
Nagawa pa nitong magkamot sa kanyang ulo kaya hindi ko nanaman naiwasang matawa dahil ang cute-cute n’ya.
“Sandali lang anak! Kinakabahan pa nga ang Daddy eh!” nagdadabog namang sagot ni Xander sa kanyang anak.
Hindi naman na sumagot si Carla ngunit nanatiling nakabusangot ang mukha nito at nag-cross arms pa.
Ako naman ay nanatiling natatawa dahil sa pagkaaliw sa nakikita ko sa mag-ama.
Muling ibinaling ni Xander ang kanyang tingin sa akin. Nakita ko pa ang paghinga n’ya ng malalim bago nagpatuloy sa kanyang pakikipag-usap sa akin.
May ideya na ako sa mangyayari dahil na rin sa mga nasaksihan ko kanina pati na rin sa mga sinabi ni Carla. Ngunit pinili kong manahimik at hintayin ang mga sasabihin ni Xander dahil gusto ko rin masaksihan ito.
“Master Tom….” ang pagtawag nito sa akin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
“Yes Master Xander?” malambing at nakangiti ko namang pagsagot sa kanya.
“Hindi ko alam kung paano ko ’to sisimulan. Pero pagkatapos nito, sana marinig ko ang bagay na hinihiling ko simula pa noong maging tayo.” sumunod n’yang sambit.
Matapos ang mga katagang iyon ay ang dahan-dahang pagluhod ni Xander sa aking harapan. Nakarinig pa ako ng mga ilang pagsigaw mula sa mga tao sa paligid.
Ako naman ay nanatiling nakangiti at nakatingin pa rin kay Xander habang nakaluhod s’ya sa aking harapan. Nanatili rin ang aming mga kamay na magkahawak habang nasa gitna pa rin ng tulay ng park na ito.
“Master, gusto kong sa panibagong yugto ng buhay ko ay kasama kita. Kasama kitang mangangarap, kasama kitang tatawa, kasama kitang iiyak, kasama kitang haharapin ang lahat ng pagsubok, at kasama kitang malalampasan ang mga iyon. Gusto kong sa bawat tagumpay na matatamasa ko ay dahil sa inspirado ako dahil ikaw ang nasa tabi ko.” unang bahagi ng kanyang pagsasalita.
“Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama ka hanggang pagtanda ko. Wala na akong naiisip pa kundi ang magkakasama tayo ng anak ko sa iisang bubong habang masaya tayong tatlo. At wala na akong nanaisin pa kundi ang mayakap at makapiling ka habang natutulog tayo.” pagpapatuloy n’ya pa.
Matapos iyon ay may kinuha s’ya sa kanyang bulsa. Kahit pa inaasahan ko na ito ay hindi ko pa rin maiwasang masorpresa.
Kinuha n’ya mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na box at binuksan iyon sa harap ko.
Nang tuluyan n’ya na itong mabuksan ay nakita ko ang simpleng disenyo ng singsing na may pinaghalong gold at silver sa kulay nito. May napansin rin akong iilang maliliit na diamonds na nakadikit dito.
“Master Tom, sa harap ng mga tao sa park na ito. Sa harap ng mga kaibigan natin na tumutugtog at tumutulong para mapaganda ang mini concert ko sa stage na nasa harap mo. Sa harap ng mga kaibigan natin na sumasayaw at nangangawit na ngayon sa kanilang posisyon. Sa harap ng mga kaibigan natin na nasa back stage kabilang na si Dee para sa pagbibigay ng instruction sa mga nangangasiwa ng fireworks at dancing water fountain. At higit sa lahat, sa harap ng anak ko na magiging anak mo na rin, gusto ko itong itanong sa’yo…..” ang unang bahagi ng kanyang pagsasalita.
Huminga muna s’ya ng malalim at ilang segundo ang kanyang pinalipas bago ito ipinagpatuloy.
“……Gusto mo bang makasama ang isang gwapo at aroganteng lalaki na handa kang samahan hanggang sa pagtanda mo? Handa ka bang pakasalan ang nag-iisang lalaki na bumihag sa cute mong puso?” ang pagpapatuloy n’ya rito.
Natawa ako sa haba ng kanyang litanya. Ngunit habang natatawa ako ay naroroon din ang luha ko sa aking mga mata dahil sa labis na kaligayahan at tuwa. Pakiramdam ko ay may mga fireworks din sa dibdib ko na nakikisabay sa pagdiriwang ng kaligayahang nararamdaman ko.
Hindi pa man ako nakakasagot ay narinig namin ang biglang pagsasalita ni Sir Lojie mula sa stage gamit ang microphone.
“Pumayag ka na Tom! Para matahimik na ang hubad at malaswang kaluluwa ng taong ’yan!!” sigaw nito na ikinatawa ng mga tao.
Hindi rin nagpatalo si Cha at Olyn na nasa baba ng stage at nanatili sa kanilang posisyon na nakaturo ang mga kamay sa akin.
“Oo nga Bessy! Nakakangawit na oh?!” reklamo ni Cha.
“Nyemas naman Tom! Gusto mo bang magkakulani na kami dito bago ka pa sumagot?!” reklamo naman ni Olyn.
Natawa naman ako sa mga sinabi nilang iyon. Maging ang mga taong nanonood ay hindi naiwasang matawa dahil sa kakulitan ng mga kaibigan namin.
Hindi ako makapagsalita dahil patuloy lamang ako sa pagtawa. At habang natatawa ako ay narinig ko ang biglang pagsasalita ni Xander sa kanyang anak gamit ang malungkot n’yang tono.
“Baby, tulungan mo naman akong mapa-oo ang Papa mo please..?” pakiusap nito kay Carla sa aking tabi.
Nang lingunin ko si Carla ay nakita ko ang nakikiusap nitong mga mata sa akin.
“Please Papa… say yes na po… Para po maging official Papa ko na kayo… Sige na naman po….” pangungumbinsi ni Carla sa akin.
Jusko! Sino pa ba ang makakahindi kung marami na ang pumipilit sa’yo? Isama mo pa itong cute na cute na si Carla na gusto ko na rin angkinin bilang tunay na anak.
Muli kong ibinaling ng king tingin kay Xander habang may malapad na ngiti sa aking labi.
“Kapag humindi ba ako sa’yo Master papayag ka?” natatawa kong tanong sa kanya.
“Hindi!” mabilis naman n’yang sagot habang paulit-ulit na umiiling pa.
Muli nanaman akong natawa.
“See? Sa tingin mo ba may choice ako? S’yempre naman oo! Kahit araw-araw mo pang pasasakitin ang ulo ko, kahit araw-araw ko pang maranasan ang halo-halong saya at lungkot sa buhay ko, basta ikaw ang kasama ko, ako pa rin ang pinakamaswerteng tao sa mundo. Dahil mayroon akong gwapong Xander sa buhay ko.” natatawa kong sagot sa kanya.
Nangningning ang mga mata ni Xander matapos kong sabihin iyon. Nakita ko rin ang kanyang mumunting mga luha sa kanyang mga mata habang malapad din ang kanyang pagkakangiti.
Nakita kong nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinatanggal ang singsing mula sa maliit na box. Naging mabilis s’ya sa kanyang pagkilos at isinuot iyon sa daliri ko.
Nang tuluyan n’ya na itong maisuot ay iginaya ko na rin s’ya para makatayo mula sa pagkakaluhod. At nang tuluyan na s’yang makatayo ay ako na ang gumawa ng hakbang upang pasalamatan s’ya.
Mabilis ko s’yang hinawakan sa magkabilang pisngi at binigyan ng isang masuyong halik sa labi. Saglit lamang ang ginawa kong paghalik at matapos iyon ay niyakap namin ang isa’t-isa ng mahigpit.
“Mahal na mahal kita Tom… salamat… salamat sa lahat….” emosyonal na sambit ni Xander habang yakap ako.
“Mas mahal na mahal kita Xander… Tandaan mo ’yan…” nakangiti ngunit naluluha kong pagsagot.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ni Xander ay narinig namin ang biglang pagsasalita ni Carla sa aming tabi.
“Bakit hindi ako kasama sa hug?” tanong nito sa amin.
Nagbitaw kami ni Xander sa aming pagkakayakap at napansin namin ang nakangusong si Carla.
Hindi na kami nagsalita pa ni Xander. Mabilis s’yang kinarga ni Xander at muli kaming nagyakap na tatlo.
“Yey!! I love you Daddy! I love you Papa!! Congratulations po!!” masayang sambit ni Carla habang yakap namin s’ya ni Xander.
“We love you more baby!!” sagot naman namin ni Xander ng sabay habang tuwang-tuwa.
Habang magkakayakap kami ay tila ba may naalala si Xander dahilan para bumitaw ito sa aming pagkakayakap na tatlo.
“Sandali!” bigla nitong sambit.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Dahil naging mabilis si Xander sa pagkilos paharap sa stage kung nasaan ang aming mga kaibigan.
Itinaas n’ya ang kanyang kamao at masaya s’yang sumigaw.
“Next level na!! Invited kayo sa kasal namin ng Master ko!!!” malakas na pag-anunsyo ni Xander.
Matapos n’yang sabihin iyon ay nagpalakpakan ang mga tao na nanonood dito sa park.
Matapos din ang ang pag-anunsyong iyon ni Xander ay muling umilaw ang kalangitan dahil sa umuulang mga fireworks. Maging ang mga water fountain na may sari-saring ilaw ay sinabayan na rin ang musika. Nagkaroon din ng pagsabog ng confetti sa barriers ng tulay dito sa aming tabi.
At matapos ang masayang pagbabalita ni Xander na iyon ay muling tumugtog ang aming mga kaibigan na pinangungunahan na ngayon ni Rigo sa pagkanta bilang kapalit ni Xander. Ipinagpatuloy na rin nina Cha, Olyn, Jurnie at Julius pati na rin ang iba pang dancers ang kanilang pagsasayaw.
Lahat ay naging masaya sa gabing ito. Lahat ay may ngiti sa bawat labi ng nakasaksi sa espesyal na araw ng buhay namin ni Xander.
Ito na ang simula ng walang hanggan naming pagsasama.
Ito na rin ang simula sa panibagong yugto ng buhay naming dalawa.
Ang maganda at makasaysayang kwento ng pag-iibigan ng dalawang nilalang na may parehong kasarian.
Ang pag-ibig na naniniwalang hanggat wala tayong nasasaktan ay wala tayong magiging kasalanan.
Ito ang pag-ibig namin ni Xander.
Ang tunay na lasa ng pag-ibig na kahit sino ay malayang makadama.
A/N
Emeged… Finale na ang kasunod.. Sana kasama pa rin kayo ng #TomXan at #XanTom hanggang sa huli.
Siguro naman may idea na kayo sa next at final chapter ’di ba??
Kita-kits na lang po tayo doon mahal kong readers!!
Don’t forget to leave your votes and comments na din po.
Ingat kayo!
––cold_deee
FINALE (PART 1) - alexander #1
A/N
Waaaaahhhh!!! This is it!!!! Ito na ang pinakahihintay ng lahat!!
Guys, hinati ko sa dalawang part ang Finale dahil sobrang haba eh.. hahahaha! Saka sinulit ko talaga! Sinaid ko ang brain ko para dito! May bonus pa ’yan na Restricted Chapter! Say n’yo?!! Charot!
Please, paki-download din ng full version song na ‘From This Moment On’ ni Shania Twain. Para po ’yan sa isang scene, para mas dama ang bawat eksena.
Para pa rin sa’yo ’to
StephenDamasco
kagaya ng promise ko. Lahat ng promise ko kaya ko tuparin, ’wag mo lang ipagawa sa akin ang pagtalon sa ere! Salamat sa support kapatid! Salamat sa pagiging mabuting friendship! Magkikita rin tayo. Gaganti ako sa mga pambubully mo! Tandaan mo ’yan! Walang spaghetti ’pag hindi ako nakaganti! Hahahahaha!
Enjoy reading mga mahal kong readers! Mami-miss ko kakulitan ang mga kachikahan ko sa comment box. Salamat sa support guys!
––> si Xander po sa media.
XANDER POV
Mula sa pagkakatulala ay umalis ako mula sa aking kinatatayuan. Pabalik-balik ang ginawa kong paghakbang habang kagat-kagat ko ang hinalalaking parte ng daliri ko sa kamay.
Sa lahat ng kaganapan sa buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ibayong kaba at takot ang namamayani ngayon sa dibdib ko.
“Kuya ano ba?! Kanina ka pa pabalik-balik d’yan ah?! Nahihilo na kaming lahat sa’yo! Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang dito sa tabi ko?!” ang may halong pagkairitang tanong sa akin ng kapatid ko.
Huminto ako sa aking ginagawang paglalakad. Dahan-dahan ko rin s’yang nilingon na may pag-aalala sa aking mukha. Alam ko rin na unti-unti na rin na namumuo ang aking mga luha sa mata dahil sa pag-aalala.
“Daniel……” nasambit ko lamang matapos ibaba ang aking kamay mula sa aking bibig.
“Ano?! Sasabihin mo nanaman na kinakabahan ka?! Na natatakot ka?! Na baka hindi s’ya magpunta?! Na baka hindi s’ya sumipot?! Ganon?!” iritable n’ya pa ring tanong.
“Eh paano nga kung hindi nga s’ya magpakita?!” tanong ko naman sa kanya pabalik habang marahas na kinakamot ang aking batok at pinapadyak ang aking mga paa.
Kahit gusto kong kamutin ng marahas ang aking ulo ay pinipigilan ko. Ayaw kong magulo ang aking buhok dahil makakabawas ito sa pagkagwapo ko.
Napailing na lamang si Daniel sa naging pagtatanong ko.
“Baliw ka na talaga Kuya! Hindi ka na mapakali d’yan! Eh may 30 minutes pa naman para mag-umpisa!” irita nitong buska sa akin.
Mabilis akong humakbang patungo sa kanyang harapan at hinawakan s’ya sa magkabilang balikat. Hindi pa ako nakuntento roon, inuga-uga ko rin ang kapatid ko.
“Daniel! Isang linggo kaming hindi nagkita ni Tom! Baka nagbago na ang isip non! Baka ayaw n’ya na akong pakasalan ngayon!” dire-diretso kong pagsasalita na halos pasigaw.
Hindi naman makapagsalita si Daniel dahil patuloy ko s’yang inuuga.
“Bakit ba kasi kailangan pang hindi kami magkita ng isang linggo ’di ba?! Hindi naman babae si Tom eh! Bakit may ganung pamahiin pa?! ’Di ba bunso?! ’Di ba?!” natatarantang tanong ko pa rin sa kanya.
Marahas naman ang ginawang pagkilos ni Daniel upang makawala mula sa pagkakahawak ko.
“Kuya naman eh! Nakukusot ang suit ko sa’yo oh!!” reklamo n’ya naman habang nakasimangot ito.
Nawala sa isip ko na naka-suit din pala si Daniel sa mga oras na ito. Nakalimutan ko ito dahil sa pagkataranta ko.
“S-sorry…” nasambit ko dahil sa pagkapahiya.
Inayos n’ya muna ang kanyang sarili lalo na ang kanyang necktie bago s’ya sumagot sa akin.
Nakita ko ang paghinga n’ya ng malalim bago ako kalmadong kinausap.
“Kuya, pwede bang huminahon ka muna? Kumalma ka naman muna please lang? Gusto mo bang ’pag nakita ka n’ya mamaya, ganyan ang hitsura mo? Para kang may LBM na ewan!” pakiusap n’ya sa akin.
Napatigil naman ako dahil sa narinig ko. Mukha na ba akong may diarrhea ngayon?
“Saka isa pa Kuya, intindihin mo na lang. Si Tom ang nakiusap sa’yo na susulitin n’ya lang ang isang linggo na makasama ang pamilya n’ya bago mo s’ya kunin sa kanila! Kung hindi ka ba naman kasi atat na atat d’yan sa pagpapakasal, eh ’di sana sinusulit n’yo pa ang pagiging engaged ’di ba?!” panenermon n’ya sa akin.
Tama naman s’ya sa bagay na iyon. Excited kasi ako sa kaganapan na ito kaya minadali ko talaga ito.
Napaisip rin ako sa sinabi ni Daniel. Natahimik ako dahil naisip kong hindi maaaring makita ako ni Tom sa ganitong reaksyon. Dapat ay makita n’ya ang ngiti ko na mas nakakadagdag sa kagwapuhan ko.
Dahil sa hindi ako nakapagsalita ay saglit ding natahimik si Daniel habang nakatingin sa akin.
At matapos ang ilang segundo ay nagsalita nang muli ito. Ipinatong n’ya ang isa n’yang kamay sa aking balikat at mahinahon akong kinausap.
“Kuya, sa tingin mo gagawin sa’yo ni Tom ’yon? Sa tingin mo ba ngayon n’ya pa maiisipang umatras?” tanong n’ya sa akin.
Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong. Tanging pagtitig lamang sa kanya ang aking nagawa dahil sa pag-iisip sa kanyang tanong.
At dahil hindi ako nakasagot ay muli nanaman s’yang nagsalita. May ngiti sa kanyang labi ngunit batid kong may kalungkutan s’yang nararamdaman sa mga oras na ito.
“Kuya, kahit masakit sa akin ang katotohanan na kayong dalawa ang tinadhana ni Tom, masaya pa rin ako. Dahil ngayong araw na ito, masasaksihan ko ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong mahalaga sa akin. Ako ang isa sa mga taong naging parte at saksi ng matagal n’yong pakikipaglaban para sa relasyon n’yo. At dahil nakita ko ang katatagan ninyo, alam kong mangyayari na ngayon ang matagal n’yo nang pinapangarap na dalawa.” mahaba at madamdaming wika ni Daniel.
Kitang-kita ko ang bigat ng nararamdaman ngayon ng kapatid ko. Pero sa kabila nito ay alam kong taos sa kanyang puso ang bawat salitang binibigkas n’ya.
Dahil sa kanyang mga sinasabi ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Napayuko ako dahil pakiramdam ko ay sanhi ako ng kalungkutan n’yang iyon.
Ngunit dahil sa aking pagyuko ay mukhang napansin ni Daniel ang nararamdaman kong pagsisisi sa mga oras na ito. Dahil matapos kong yumuko ay mabilis n’ya akong tinapik-tapik sa aking balikat.
“Ayan ka nanaman Kuya eh! Sabi ko naman sa’yo, ’wag n’yo akong isipin ni Tom! Mas lalo lang akong naaawa sa sarili ko ’pag ganyan ang nakikita kong reaksyon galing sa inyo! Kaya please lang? Itigil n’yo na ’yan?! Baka pagsisihan ko pa ang pagpaparaya ko kung ganyan kayo! Sige kayo!” natatawa nitong sambit.
Kahit natatawa s’ya sa mga oras na ito ay alam kong malungkot s’ya base na rin sa kanyang boses. Hindi ito kasing sigla tuwing nakakaramdam s’ya ng tuwa.
Pero dahil sa kanyang kahilingan ay gusto ko s’yang pagbigyan. Napag-isip-isip kong tama s’ya. Dapat ay ipakita namin sa kanya na masaya kaming dalawa ni Tom. Dapat ay iparamdam namin sa kanya na naging tama ang naging desisyon n’yang pagpaparaya. Dapat ay makita n’yang may magandang resulta ang mga sakripisyo n’ya.
Muli kong inangat ang aking tingin at tiningnan s’ya sa mata habang may munting ngiti sa aking labi.
“Salamat Daniel. Salamat sa lahat.” wika ko sa kanyang nakangiti.
Napangiwi naman s’ya sa aking sinabi.
“Ang drama mo Kuya! Hindi bagay sa’yo!” pang-aalaska naman nito.
Alam kong gusto n’ya lang pagaanin ang loob ko. Alam kong gusto n’ya lang maramdaman kong wala akong dapat na alalahanin sa kanya.
Niluwagan ko ang pagkakangiti ko habang nakatingin pa rin sa kanya ng tuwid.
“Pwede na ba akong ilaban sa mga batikang aktor ng drama sa pelikula?” pagsakay ko sa kanyang biro.
“Asa ka Kuya! Sa comedy pwede pa!” sagot n’ya naman pabalik.
Matapos iyon ay sabay naming pinagtawanan ang isa’t-isa. Nagtagumpay si Daniel na mapagaan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ilang saglit pa matapos ang aming pagtawa ay muli s’yang nagsalita habang may ngiti sa kanyang labi.
“Kung ako sa’yo Kuya, ilibot mo na lang ang paningin mo. Tingnan mo kung gaano kaganda ang buong lugar para sa espesyal na araw n’yo ni Tom. Kasi ’pag pumasok na si Tom, hindi mo na makikita ’yang mga ’yan dahil sa kanya na lang nakatuon ang mga mata mo.” payo n’ya sa akin habang nakangiti.
Sinuklian ko naman iyon ng isang pagtango habang nakangiti. Ngunit bago ko pa igala ang aking mga mata upang suriin ang lugar ay nagpahabol pa si Daniel.
“Samantalahin mo na ang paglibot sa kapaligiran. Sayang naman ang laki ng nagastos mo kung hindi mo ’yan makikita.” pahabol n’ya habang natatawa.
Dahil sa kanyang sinabi ay natawa na lamang din ako. Hindi ako nagbigay ng ano mang komento dahil naisip kong totoo ang kanyang sinabi.
Dahan-dahan kong tinalikuran si Daniel at humarap sa sinasabi n’yang lugar kung saan gaganapin ang pag-iisang dibdib namin ni Tom.
Nakatayo kami ni Daniel sa nagsisilbing altar ng function hall ng isang hotel namin dito sa US. Si Daniel kasi ang magsisilbing best man ko sa kasal. S’ya na rin ang humiling sa bagay na ito. Sinabi n’yang gusto n’yang maging parte ng pag-iisang dibdib ng dalawang espesyal na tao sa kanya.
Oo, nasa US kaming lahat ngayon para sa espesyal na araw na ito sa amin ni Tom. At dito sa bagong hotel ni Tito Ian na kabubukas pa lamang namin naisipang idaos ang aming kasal.
Matapos ang naging proposal ko kay Tom sa Pilipinas ay inasikaso agad namin ito. Ang inaakala ni Tom ay may ilang buwan pa kaming aasikasuhin ito. Pero nagulat s’ya nang malamang sa loob lamang ng isang buwan ay isasakatuparan ko na rin ito.
Hindi n’ya ako tinantanan ng sermon dahil paano pa raw sila ng kanyang pamilya magkakaroon ng oras para sa pagbabakasyon ng mga ito sa Pilipinas? Wala naman akong maisagot sa kanya kundi puro pagngiti. Minsan naman ay nilalambing ko na lamang s’ya upang mabawasan ang kanyang pagkainis.
Oo na, makasarili na kung makasarili. Pero gusto ko na talagang maisakatuparan ang bagay na ito dahil natatakot akong makawala pa si Tom! Baka kasi maisipan n’ya pang gumala nang hindi ako kasama! Naiisip kong baka ’pag may makakakita sa kanya at kukunin na lang s’ya bigla! Ang cute pa naman ng Master ko! At least kung makita nilang may asawa na s’ya, lalayo na sila!
Isa pa, hindi din ako papayag na mangyari ang bagay na ’yon. Kailangan muna nilang mamili kung distansya o ambulansya kung mahal pa nila nga buhay nila!
Kung tungkol naman sa mga magulang ni Tom, bago pa mangyari ang proposal ko ay nagpaalam na ako sa kanila. Kaya nga naroroon din si Julius na parte ng sorpresa kong iyon kay Tom. Mabuti na lamang at hindi sila kumontra. Sa katunayan ay masayang-masaya pa sila.
Naalala ko rin noong matapos mangyari ang sorpresa kong iyon kay Tom ay diretso kaming lahat na nagpunta sa hotel namin. Naroon na rin ang mga magulang namin upang ipagdiwang ang inihanda kong engagement party namin.
Hindi ko makakalimutan ang pagkagulat sa reaksyon ni Tom noong gabing iyon. Paulit-ulit n’ya akong tinanong kung paano ko raw napaghandaan ang lahat ng iyon nang hindi n’ya nalalaman o hindi man lang n’ya naramdaman. Wala naman akong maisagot kundi ang linyang
‘SI ALEXANDER ALVAREZ PA BA?!’.
Mayabang na kung mayabang. Pero kung may kagaya ni Tom ang tulad ko, dapat lang talaga akong magyabang! Iba ang epekto sa akin ng Master ko! S’ya ang hangin at tubig ko! S’ya ang dahilan kung bakit humihinga ako!
Natawa ako dahil sa kilig nang maisip ko ang bagay na iyon. At dahil sa ginawa kong iyon ay mukhang hindi iyon nakaligtas sa mata ng kapatid ko.
“Tss! Baliw na talaga! Kanina hindi mapakali! Ngayon naman tumatawa na lang bigla!” mahinang pagsasalita ni Daniel.
Hindi ko s’ya pinansin at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagmamasid sa paligid.
Sa lugar kung saan ako nakatayo ay kitang-kita ko ang kagandahan ng buong lugar. Nagkalat ang maraming bulaklak. Pinaghalong puting rosas at sunflower ang napili naming kombinasyon ni Tom. Sa bawat bugkos naman ng bulaklak ay may mga maliliit na ilaw ang naroroon na lalong nagpaganda sa kanila.
Sa malaking function hall ay sari-saring chandelier din ang nakikita ko sa itaas. Napakaganda ng mga ito dahil tila mga dyamante itong nagkikislapan.
Nasa harapan naman namin ang mga pamilya at kaibigan namin ni Tom. Abala sila sa kanilang pagkekwentuhan. Nakikita ko rin ang excitement at tuwa sa kanilang lahat. Sila ang magiging saksi sa pag-iisang dibdib namin ni Tom.
Naroon sina Mama Lita at Papa Nate habang masayang kausap sina Mommy at Tito Ian. Naroon din ang mga matalik kong kaibigan na sina Randy, Shai, Rigo at Dominic. Narito rin sina Anthony at mga kamag-anak nito na business partners namin ni Tom sa aming hotel sa Pilipinas. Ang iba pa naming business partners pati na rin ang mga business partners ni Tito Ian ay naririto rin.
Sa kabilang side naman ay sina Ben, Charm, Dee, Eunice at Popoy na masaya ring nagkukulitan sa mga oras na ito. Nasa bandang likuran naman nila sina Lojie at Olyn na mukhang abala. Seryoso ang kanilang pag-uusap habang may pinapanood sa cellphone. Maya-maya naman ay bigla na lang silang tatawa ng malakas sa hindi namin malamang dahilan. Hinahayaan na lamang namin dahil may sariling mundo talaga ang dalawang ’yan.
Wala sa function hall na ito ang anak kong si Carla. Nasa kwarto kasi ito kung nasaan ngayon si Tom sa pati na rin ang bunso nitong kapatid na si Julius. Hiniling ito ni Tom na makasama n’ya si Carla hanggang sa magsimula ang seremonya.
Sa ibang bahagi naman ng mga upuan na naririto ay ang mga ilang bisita pa namin ni Tom. Naririto ang ilang mga kaibigan ni Tom at Daniel noong sila ay naninirahan pa rito sa Amerika.
Dalawang linggo na kaming naririto ni Tom ganoon din ang kanyang pamilya upang asikasuhin ang lahat. Noong unang linggo ay magkasama pa kami ni Tom ngunit nang sumunod na linggo ay hiniling nito sa akin na ibigay ko na lamang ang isang linggo sa kanya kasama ang kanyang pamilya.
Hindi na rin ako kumontra dahil sumunod din naman agad ang pamilya ko kabilang na sina Mommy, Tito Ian, Daniel at ang anak kong si Carla kaya nagkaroon din kami ng oras para mag-bonding. Ang hindi ko nga lang maintindihan ay kung bakit kasama nila itong si Popoy na dumating dito kaya feeling kapamilya na rin s’ya. ’Yun nga lang, araw-araw s’yang nakakatikim ng pambu-bully sa amin ni Daniel.
Hindi naman s’ya naging kaawa-awa dahil lagi n’yang kakampi si Mommy at Tito Ian. Dinagdagan pa ito ng pagkampi galing sa anak kong si Carla. At dahil sa mga naganap, masasabi kong kahit hindi kami nagkasama ng Master ko ng isang linggo ay naging masaya pa rin ako.
Hindi ko makakalimutan noong unang linggo na naririto kami ni Tom. Nagkita-kita si Tom at ang mga kaibigan n’ya dito sa Amerika noong nag-aaral pa s’ya rito pati na rin noong nagtatrabaho s’ya.
Dahil sa hindi ako pamilyar sa kanila ay iisa ang naging reaksyon nila nang malamang ikakasal na si Tom. Lahat sila ay nagulat dahil ang inaasahan nila ay si Daniel ang pakakasalan ni Tom. Nagtataka sila na ibang lalaki ang ipinakilala ni Tom na pakakasalan n’ya.
Noong una ay nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Ngunit kung paano ako ipinakilala ni Tom sa kanila at kung paano n’ya ako ipinagmalaki ay napawi ang lahat ng kalungkutang naramdaman ko. Hindi n’ya rin kinalimutang sabibin na bago pa nila nakilala ang kapatid kong si Daniel ay ako na ang unang nagpatibok sa puso ni Tom at hindi iyon nagbago kahit na nagkahiwalay pa kami ng dalawang taon.
Dahil sa mga naging paliwanag ni Tom sa kanila ay bumalik ang self-confidence ko sa aking sarili. At kapag bumalik ang self-confidence kong iyon, alam n’yo naman siguro ang mangyayari.
Buong tapang at buong pagyayabang kong ibinida ang aking sarili sa kanila! Wala akong pakialam kung nabibingi na sila sa pagkekwento ko kung gaano ko kamahal ang Master ko. Wala akong pakialam kung naiinis na sila sa paulit-ulit kong pagbigkas na walang dapat na makatuluyan si Tom kundi ako!
Mabuti naman at kahit ganoon ang nangyari ay nakuha ko pa rin ang loob ng kanilang mga kaibigan. Dahil sa bandang huli ay binati nila kami at naging masaya sila para sa aming nalalapit na kasal.
Muli kong iginala ang aking tingin. Nasa aming likuran ni Daniel ang magdedeklara maya-maya lamang ng pagiging isa namin ni Tom. Kagaya ko ay naghihintay na lamang ito ng tamang oras sa taong hinihintay namin sa mga oras na ito.
Sa tulong na rin ni Papa Nate ay isang judge na Pilipino rin at nakabase dito sa US ang magkakasal sa amin. Pinili namin ni Tom na ganito ang magiging set-up ng lahat dahil mas mararamdaman namin ang espesyal na araw na ito kung sa wikang Pilipino rin kami magbibigay ng mensahe maya-maya sa isa’t-isa. Sa tingin namin ay mas mararamdaman at makikita rin ng lahat ang bawat pangyayari kung sa ganitong paraan namin ito gagawin.
Habang nasa pagkakatulala ako dahil sa pag-alala sa mga nangyari nitong huli ay hindi ko namalayan ang paglapit ng babaeng nagsisilbing wedding planner namin ni Tom. Kaibigan s’ya nina Tom at Daniel dito sa Amerika at nagkataong ganito ang kanyang propesyon.
“Xander, malapit nang mag-umpisa. Nasa labas na ang kaibigan ko. Ihanda mo na ang sarili mo.” nakangiti nitong pagkausap sa akin.
Dahil sa mga narinig ko ay sumilay ang ngiti sa labi ko. Alam kong may namumuong mga luha na rin ang mga nasa mata ko habang nagniningning ang mga ito dahil sa labis na tuwa.
Mabilis kong nilingon si Daniel sa aking tabi at muli ko s’yang hinawakan sa magkabilang balikat. At tulad kanina, inuga-uga ko nanaman s’ya.
“Daniel! Narinig mo ’yon?! Dumating s’ya! Sumipot si Tom!!” tuwang-tuwa kong sambit.
Dahil sa nagulo ko nanaman ang nananahimik kong kapatid ay nagsimula nanaman itong mairita. Marahas nanaman ang ginawa n’yang pagkakawala sa paghawak ko sa kanya.
“Oo na! Narinig ko at hindi ako bingi Kuya!” sambit n’ya matapos makawala sa akin.
Muli n’yang inayos ang kanyang suit at necktie. Ngunit kung kanina ay nahiya ako sa ginawa kong panggugulo sa kapatid ko, ngayon naman ay hindi ko maalis ang pagkakangiti ko.
Sobrang saya ko kasi sa mga oras na ito. Walang mapaglagyan ang kaligayahang nararamdaman ko dahil ilang minuto na lamang ay alam kong magaganap na ang pinakahihintay ko.
“Kuya naman! ’Wag ’yung suit ko ang pagdiskitahan mo! May suit ka rin ’di ba?! ’Yan na lang ang guluhin mo! Para ’pag nakita ka ni Tom, lalabas na lang s’ya ulit dito sa hotel dahil nakakahiya ang hitsura ng taong pakakasalan n’ya!” pang-aasar nito sa akin.
Narinig ko ang pagtawa ng babaeng nasa harap namin. Ang kaibigan nina Tom at Daniel na wedding planner ng kasal namin ni Tom.
“Oo nga Xander, mag-ayos ka na lang kesa iba ang inaabala mo. Dapat pagpasok pa lang ni Tom, ikaw na agad ang mapapansin n’ya. Dahil ’pag hindi ka presentable sa paningin n’ya, baka si Daniel na lang ang lalapitan n’ya!” dagdag na pang-aalaska ng kaibigan nilang ito.
Naging dahilan din ito ng pagtawa ng kapatid kong si Daniel.
Kung hindi lang ito babae baka pinatulan ko na ito. Pasalamat s’ya at kaibigan pa rin s’ya ni Tom kaya nakakapagtimpi pa ako. Para kasing may pinapaboran s’yang tao na dapat ay makatuluyan ni Tom eh!
Sa kabila ng pang-aalaska ng dalawang tao sa harap ko ay hindi ako nagbigay ng reaksyon. Kahit nag-aapoy na ang mga mata ko sa inis ay pinakita kong kalmado lamang ako. Ayaw kong masira ang araw na ito dahil lang sa kanila. At kahit ano pang sabihin nila, hindi mababago ang katotohanan na ako pa rin ang pinili ni Tom na pakasalan.
Habang natatawa silang dalawa ni Daniel ay nagbitaw ako ng pagngisi sa babae. Ngunit ang mga mata ko ay nag-aapoy na nakatingin sa kanya.
“Magtatawanan na lang ba tayo dito? Akala ko ba magsisimula na? Gusto ko nang makasal kami ni Tom kaya please lang? Kumilos ka na rin d’yan?” pagsusuplado ko sa babae.
Dahil sa ginawa ko ay napatigil sa pagtawa ang babae. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata kaya gusto kong matawa sa reaksyon n’ya.
Alam kong kapag inatake ako ng selos at pagsusungit ay nakakatakot talaga ako. Si Tom lang naman ang kaya akong palambutin at patiklupin kaya ’wag silang umasa na masisindak ako sa kanila.
Mukhang natauhan naman ang babae dahil mabilis din itong nagpaalam sa amin.
“S-sige. M-maghanda na kayo. Tatawagin ko na rin ang mga nasa entourage.” natataranta nitong pagpapaalam sa amin.
Ganoon na nga ang nangyari. Nagpunta na s’ya sa mga taong makakasama sa entourage para masimulan na.
“Grabe ka naman Kuya. Tinakot mo naman si Lovely.” ang biglang pagsasalita ni Daniel.
Tinaasan ko naman s’ya ng kilay bago ko s’ya sinagot.
“Makulit s’ya eh. Malas n’ya, mas makulit ako sa kanya.” masungit kong sagot kay Daniel.
Napailing na lamang si Daniel sa akin habang natatawa.
Habang naghahanda ang lahat ay inihanda ko na rin ang sarili ko. Muli kong tiningnan ang white suit ko at inayos ang silk na blue necktie ko. Pati ang buhok ko ay hindi ko kinalimutang i-check kung nagulo ba ito.
Napangiti ako dahil nang makita ko ang suot kong suit ay nagbalik sa aking ala-ala noong panahon na hindi ko pa nare-realize na nagkakainteres na ako kay Tom. Noong mapanaginipan kong ikinakasal kaming dalawa at ganitong-ganito ang suot ko.
Sinong mag-aakala na mangyayari ang panaginip kong iyon? Ang iniiwasan kong bagay na mangyari sa panaginip ko noon ay magiging katotohanan na ngayon. Pero kung noon ay iniiwasan ko ito, ngayon ay tila ba gustong-gusto kong paulit-ulit na mangyari ang bagay na ito.
Nang masiguro kong handa na ako ay mas lumapad ang pagkakangiti ko. Hindi na rin ako mapakali dahil nasasabik na ako sa mangyayari. At nasasabik na rin ako dahil muli ko nang makikita ang Master ko na hindi ko nakasama ng isang linggo.
Ilang sandali pa ay nakita ko na ang pagsenyas mula sa pinto ng wedding planner na kaibigan ni Tom. Sinabihan n’ya na kaming maghanda kaya ganon na nga ang aming ginawa.
Naging tahimik ang buong kapaligiran. Wala kang maririnig na kahit na ano mang ingay dahil lahat ay nakatuon ang atensyon sa magaganap.
Ngunit dahil sa katahimikang iyon ay muling nagbalik ang kaba sa aking dibdib. Nang mapag-isip-isip ko ang mangyayari ngayon ay hindi ko maiwasang balutin ng iba’t-ibang emosyon.
Kinakabahan ako dahil magkakaharap na kami ni Tom. Iniisip ko kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
Nasasabik ako dahil ito na ang huling hakbang upang maging opisyal na kaming mag-asawa. Ito na ang pinakahihintay naming dalawa.
Nag-uumapaw ang kasiyahan ko dahil sa wakas ay nakamit na namin ang pinakamagandang regalo para sa relasyon naming dalawa.
Napakasaya ko dahil sa wakas ay tapos na ang malaking pagsubok sa aming relasyon. At higit sa lahat, wala nang makakahadlang pa sa aming dalawa.
Ilang minuto lang ang aming hinintay. Nagsimula na rin patugtugin ang mga kantang kami rin ni Tom ang personal na namili.
Ang mga kantang naging malaking bahagi ng aming pagsasama simula nang maging kami at maging opisyal dalawang taon na ang nakakalipas hanggang sa mangyari ang sandaling ito.
Nagsimula na rin sa pagpasok ang entourage. Pinangungunahan ito ng magulang namin ni Daniel. Kitang-kita ko ang kasiyahan kina Mommy at Tito Ian. Nagawa pa nilang kumaway sa amin ni Daniel habang naglalakad sa mahabang aisle at may nakalatag na red carpet. Sinuklian din naman namin iyon ni Daniel ng pagkaway habang may ngiti sa aming mga labi.
Sumunod na naglakad ay ang pares nina Shai at Randy. Nakangiti silang pareho habang suot ang kanilang magagarang mga damit.
Sumunod ay si Rigo at Eunice. Habang naglalakad sila ay nagawa pa ni Rigo na itaas ang kanyang kamao at nagsalita.
“This is it Xandz! This is it!” masaya nitong sambit.
Ginantihan ko naman iyon ng thumbs up habang nakangiti.
Ang sumunod na naglakad ay ang couple na sina Dominic at Dee.
“Sunod na kami Pare! Tandaan mo ’yan!” pagyayabang ni Dominic.
Nakita kong siniko s’ya ni Dee bilang pagsaway na ikinatawa na lamang namin ni Daniel.
Ang sumunod naman ay sina Charm at Ben. Nakita ko ang pagiging emosyonal ni Charm dahil ikakasal na ang kanyang best friend. Naiisip kong maraming sasabihin at magiging payo itong si Charm sa akin bago ko tuluyang ibahay si Tom. Alam kong dadaigin n’ya pa ang mga magulang ni Tom para pangaralan ako sakaling magkakaroon kami ng tampuhan ni Tom.
“Idol! Ang galing mo talaga! Ikaw na!” masayang pagbati sa akin ni Ben.
Natawa na lamang ako sa sinabi n’yang iyon.
Napukaw ang atensyon ng lahat nang sumunod nang maglakad ang dalawang tao sa gitna ng aisle.
Sina Lojie at Olyn na makupad pa sa pagong ang ginagawang paglalakad. Habang nakasabit ang isang kamay ni Olyn sa braso ni Lojie ay kumakaway-kaway sila sa mga taong naririto. Kung titingnan mo sila ay parang hindi sila sa isang kasalan nagpunta. Para silang nasa isang awards night at sila ang mga inaabangang artista.
Hindi pa doon natapos iyon. Dahil nang makarating sila sa gitnang harapan malapit sa aming pwesto ni Daniel ay bigla silang tumigil na dalawa.
Itinaas ni Lojie ang kanyang kamay habang hawak n’ya rin ang isang kamay ni Olyn. Nagulat ang lahat dahil umikot si Olyn at humiga na lamang bigla habang salo s’ya ni Lojie.
Natawa ang mga nakasaksi sa eksenang iyon ng dalawa. Ngunit ako ay napailing na lamang dahil hindi talaga nagpapatalo sa pag-eksena sila.
Nang tuluyan na silang makatayo ng tuwid ay dahan-dahan na rin sila sa kanilang paghihiwalay dahil nasa magkabilang bahagi sila ng uupuan.
Dahan-dahan ang kanilang pagbitaw sa kanilang mga kamay habang humahakbang palayo sa isa’t-isa.
“Paalam mahal ko… hanggang sa muling pagkikita.” ang kunwaring nalulungkot na pagsasalita ni Olyn.
“Paalam mahal ko… magkikita rin tayo sa gaybar mamaya. Hahanap tayo ng jowa.” ang kunwaring nalulungkot din na sagot ni Lojie.
Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa kalokohan nilang iyon. Pero ang mga naririto ay tawa ng tawa sa kanila.
Kasunod nila ay si Popoy na solong naglalakad sa gitna ng aisle. Nakarating ito malapit sa aming kinatatayuan ni Daniel tulad ng mga naunang naglakad. Ngunit bago pa ito magtungo sa upuan na para sa kanya ay huminto muna ito sa aming harapan.
“Hindi ko alam kung bakit wala akong partner dito. Kasama rin ba ’to sa pambu-bully n’yo?” tanong nito sa amin ni Daniel.
“Hoy wala akong alam d’yan Popoy!” sagot naman ni Daniel habang dinuduro s’ya.
Iminuwestra ni Ronnie ang kanyang isang kamay sa amin ni Daniel. Senyales na ’wag kaming magsalita.
“Relax lang Danny boy! Malawak ang pang-unawa ko kaya iniisip ko na lang na napakaespesyal kong tao sa kasalang ito.” mayabang n’yang pakikipag-usap kay Daniel.
“Tss!” naging reaksyon lang ni Daniel.
Matapos iyon ay ako naman ang binalingan ng tingin ni Popoy.
“Hindi ako ang ikakasal sa’yo Xander kaya nagsosolo ako ngayon na naglalakad.” una n’yang sambit sa akin habang nakangisi.
“Sinong may pake?” nakataas kong kilay na tanong sa kanya.
Hindi naman s’ya nagpatinag at nanatili sa postura n’yang umaapaw ang confidence.
“Pasalamat ka na lang Xander dahil kinuha mong bestman ’yang kapatid mo….” mayabang n’ya pa rin na pagsasalita.
Gusto ko pa sanang makipagtalo sa kanya ngunit muli n’yang iminuwestra ang kanyang kamay upang patigilan ako sa aking tangkang pagsasalita.
At dahil sa hindi ako nakapagsalita ay ipinagpatuloy n’ya ang kanyang sinasabi.
“Dahil kung hindi mo naging best man ’yan….?”
sambit n’ya at itinuro si Daniel na nasa aking tabi.
“……s’ya ang kasabay kong naglalakad sa aisle na ito habang hawak ang kamay ko!”
pagpapatuloy n’ya sa kanyang sinasabi at itinuro ang sahig kung saan s’ya nakatayo.
Nangunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Ngunit bago pa ako makapagbigay ng komento ay narinig ko na lamang ang biglang pagsasalita ni Daniel.
“Ah talaga? Baka kamo habang naglalakad tayo d’yan, mahigpit kong hawak ’yang leeg mo! Siraulo!” inis na sagot ni Daniel.
Si Popoy naman ay hindi na sumagot pa. Ibinulsa n’ya na ang kanyang dalawang kamay sa kanyang pantalon. Matapos iyon ay umalis na rin s’ya sa aming harapan. Taas-noo s’yang naglalakad habang sumisipol pa.
“Gago talaga!” inis na bulong ni Daniel sa aking tabi.
Hindi na lamang ako nagbigay ng reaksyon dahil nakuha na rin ng dalawang taong naglalakad ngayon sa aisle ang aking atensyon.
Ang mga magulang ni Tom.
Nakangiti silang nakatingin sa akin ngunit mula sa aking kinatatayuan ay nakikita ko ang mga luhang nagmumula sa mga mata ni Mama Lita.
Huminto silang dalawa sa gitna ng aisle at doon pumwesto sa magkabilang side. Hindi pa sila umaabot sa aking pwesto dahil kailangan nilang hintayin mula roon si Tom. Bahagi ito ng aming kasal ni Tom.
Kasunod na naglakad sa gitna ng aisle na iyon ay ang kapatid ni Tom na si Julius. Wala rin s’yang kasabay na naglalakad dahil s’ya naman ang tumatayong bestman ni Tom.
Kagaya ni Tom ay lumalaki rin na magandang lalaki ang bayaw ko. Nanatili itong mabait at down to earth na tao. Huminto s’ya sa gitna ng aisle upang punasan ang luha ng kanyang ina na patuloy pa rin sa pag-iyak. Mukhang pinapagaan n’ya ang kalooban nito.
Matapos iyon ay nagpatuloy na si Julius sa kanyang paglalakad patungo naman sa pwesto ko.
Nang tuluyan itong makalapit sa akin ay niyakap ako nito.
“Kuya Xander, ’wag mong pababayaan ang Kuya ko ha? Da best Kuya ko ’yan kaya sana alagaan mo. Nag-iisa lang ’yan.” wika nito sa akin.
Napangiti ako sa sinabing iyon ni Julius. Tinapik-tapik ko s’ya sa likod bago ako nagsalita.
“’Wag kang mag-alala, hinding-hindi ko s’ya pababayaan. Isa pa, hindi ka naman n’yan iiwan. Hindi ka n’yan matitiis dahil nag-iisang kapatid ka lang din n’ya. Dapat nga matuwa ka pa. Dahil ngayon, may dalawang kuya ka na.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Naramdaman ko ang kanyang pagngiti bago kami bumitaw sa aming pagkakayakap.
“Salamat Kuya.” tangi n’yang sambit.
Tumango-tango lamang ako sa kanya habang nakangiti.
Matapos iyon ay nakipagkamay muna s’ya sa akin bilang pagbati at umalis na rin s’ya sa aking harapan.
Muli akong lumingon sa dulo ng aisle para tanawin ang huling bahagi ng entourage. Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi nang masilayan ko ang munting anghel ng buhay ko.
Si Carla.
Ang anak kong hindi ko kailanman inisip na hindi nanggaling sa akin. Ang anak kong naging malaki ang bahagi ng pagbabago ng buhay ko. Ang batang kung wala siguro noon sa buhay ko ay naging miserable ako. S’ya ang naging inspirasyon ko para magpatuloy ako. S’ya ang naging dahilan noon para maging matatag ako at harapin ang lupit ng mundo.
Ang batang ngayon ay nagsasaboy ng bulaklak sa gitna ng aisle ay sinasalubong ako ng kanyang napakagandang ngiti.
Habang tinititigan ko s’ya sa kanyang paglalakad ay hindi ko naiwasan ang pagpatak ng aking luha habang may ngiti sa aking labi.
Masayang-masaya ako dahil alam kong masayang-masaya rin ngayon ang anak ko. At alam ko ang dahilan ng kasiyahan n’yang iyon.
Dahil sa wakas ay matutupad na rin ang matagal n’ya nang hinihiling na kompletong pamilya. Na kahit hindi man gaya sa normal n’yang nakikita ay mararamdaman naman ang kabuuan nito.
Nang tuluyan na s’yang makalapit sa aking pwesto ay tumakbo na ito para yakapin ako. Binuhat ko s’ya habang yakap namin ang isa’t-isa.
“I’m so happy for you Daddy! Finally, you’re complete! You found the one!” masaya nitong sambit.
“No baby… I’m happy ’coz we both found the one… We found the one that will complete us both… He came to make our dream come true… To start and have a wonderful family that we’re both wishing for…” emosyonal kong sagot sa kanya.
Narinig ko ang mahihinang pagtawa ni Carla bago ito bumitaw sa akin. Hinalikan n’ya ako sa aking ilong bago s’ya nagsalita.
“Hindi na po kita iki-kiss sa lips Daddy ha? Kasi si Papa na po ang new owner ng lips mo! Sa nose na lang po saka sa cheeks ha?” nakangiti nitong bigkas sa akin.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Ewan ko kung saan n’ya nakuha ang ganitong patakaran, pero natutuwa ako sa ideya n’yang iyon. Alam kong darating din naman ang panahon na ititigil din ni Carla ang paghalik sa aking labi lalo na kung magdalaga na ito. Pero hindi ko akalain na ganito kaaga.
“Ganon ba? Pero pwede namang last na ngayon ’di ba?” natatawa kong tanong sa kanya.
Inilagay n’ya naman ang kanyang hintuturo sa kanyang sentido na tila nag-iisip bago ito muling nagsalita.
“Uuummm…. Sige na nga!” masaya n’yang sambit at mabilis akong hinalikan sa labi.
Natatawa na lamang ako habang unti-unti ko na rin s’yang ibinababa mula sa pagkakabuhat ko sa kanya.
Bago pa s’ya tuluyang umalis sa harap ko ay nagsalita pang muli ito.
“Good luck Daddy! Ang pogi-pogi at ang cute-cute ni Papa ngayon!” masigla n’yang sambit at tuluyan nang tumakbo patungo sa tabi ng kanyang Lolo at Lola.
Nang sabihin iyon ni Carla ay unti-unti kong nilingon ang pintuan kung saan nanggaling ang mga naging parte ng entourage. At habang dahan-dahan ako sa ginagawa kong paglingon ay ang pagbabalik ng kabang nararamdaman ko.
Si Carla na ang huling manggagaling sa pintuang ’yon bago ang inaasahang pagpasok ng pinakahihintay ko.
Ang pagpasok ni Tom.
Nang tuluyang madako ang tingin ko sa pinto ay natigilan pa ako. Dahil nakita kong nakasarado nang muli ito sa mga oras na ito.
Napapitlag ako sa biglang pagtapik ni Daniel sa aking balikat.
“Kalma lang Kuya. Bubuksan ulit ’yan maya-maya. Kaya kung ako sa’yo, ihanda mo na ’yang sarili mo.” nakangiting wika sa akin ni Daniel.
Tanging pagtango lamang ang naging tugon ko dahil tila ba naputulan na ako ng dila. Dahan-dahan din ako sa pagkilos upang tumayo ng tuwid at humarap sa pinto na ilang metro rin ang layo mula sa pwesto ko.
Ramdam ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Dahil ilang segundo lamang ay masisilayan ko na mula sa pintong iyon ang pinakahihintay ko.
Ang taong matagal kong ipinagdasal na dumating sa buhay ko.
Naging tahimik ang lahat ng naririto. Wala kang maririnig na nag-uusap at wala kang nakikitang gumagawa ng kahit na ano mang pagkilos. Lahat ay nakatanaw sa pinto kung saan ako nakaharap upang salubungin ng tingin ang taong papasok.
Ilang sandali pa ay namatay ang ilang mga ilaw sa loob ng function hall kabilang na ang mga chandeliers. Ang natitira na lamang ay ang mga ilaw kung saan ako nakatayo pati na rin sa gitnang bahagi ng aisle hanggang sa dulo nito na isang metro naman ang layo mula sa pinto.
Lalo kong naramdaman ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko na rin naiwasan ang panginginig ng katawan ko. At kahit malamig sa lugar na ito ay pinagpapawisan na rin ako.
Hindi napuputol ang tingin ko sa pintong nasa dulo ng aking pwesto. Hindi ko rin magawang kumurap dahil bawat segundo ay mahalaga sa mga oras na ito. Gusto kong masaksihan ang pagpasok ng taong pinakamamahal ko.
Ang pagpasok ni Tom na ilang minuto na lamang ay tuluyan nang magiging asawa ko.
Ilang sandali pa lamang ay nagsimula nang tumugtog ang isang kanta na si Tom mismo ang namili para sa gagawin n’yang pagpasok at paglalakad sa aisle.
Binilinan n’ya rin ako na pakinggan kong mabuti ang bawat linya ng kanta. Iyon daw kasi ang isa sa mga mensahe n’ya sa akin para sa espesyal na araw na ito sa aming dalawa.
(A/N: Guys, paki-play po ng nasa media. ’Yan po ang nagpe-play ngayon.
Song title: From this moment on-by Shania Twain-FULL VERSION
)
Sa simula ng kanta ay tila isang mensahe lamang ito.
(I do swear that I’ll always be there.
I’d give anything and everything and I will always care.
Through weakness and strength, happiness and sorrow,
for better for worse, I will love you with
every beat of my heart.)
Habang tinutugtog ang intro na iyon ay nanatili lamang na nakasara ang pinto. Lahat ay nakatitig at nag-aabang sa pagbubukas nito.
Ngunit matapos iyon ay ang pagtugtog naman ng instrumental na unang bahagi ng kanta.
At sa pagtugtog ng instrumental na iyon ay ang unti-unting pagbukas ng pintong kanina pa inaabangan ng lahat lalong-lalo na ako.
Nanlaki ang mga mata ko dahil nasaksihan ko ang unti-unting pagkakabuo ng anino ng taong nakatayo sa likod ng pintong iyon.
Tanging anino n’ya lamang ang nasisilayan ko dahil ang ilaw na nakatutuok sa kanya ay nanggagaling mula sa likurang bahagi ng kanyang kinatatayuan. Mayroon ding mga usok na nagmumula sa mga fog machine ang ngayon ay pumapalibot sa kanya.
Pero kahit hindi ko pa maaninag ang kanyang mukha sa mga oras na ito ay hindi ko maikakailang ang taong nasa pwestong iyon ay ang taong makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Dahil kilalang-kilala ko ang imaheng iyon kahit pa balutin kami ng dilim.
Dahil sa nakumpirma kong naririto na s’ya ngayon ay hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak. Ngunit ang mga luhang aking inilalabas ay luha ng kaligayahan sa mga oras na ito.
Nandito na s’ya.
Dumating s’ya.
Makikita ko na s’ya.
Si Tom.
Naikagat ko ang aking labi habang patuloy akong umiiyak dahil sa labis na saya. Tila ba nahihirapan na rin akong huminga dahil pinipigilan ko ang makagawa ng malakas na ingay dahil sa pag-iyak ko sa mga oras na ito.
Matapos ang unang bahagi instrumental ay nasaksihan ko ang pagkilos ng taong hininhintay ko. Dahan-dahan itong humakbang patungo sa lugar kung nasaan ako nakapwesto.
At nang tuluyan s’yang makatapak kung saan nagsisimula ang liwanag na dala ng ilaw ay tuluyan nang bumuhos ang marami ko pang mga luha.
Dahil nang marating n’ya ang liwanag na iyon ay nakumpirma kong naririto na nga s’ya sa harap ko.
Nasilayan ko na ang ngiti ng taong mahal ko.
From this moment life has begun
From this moment you are the one
Right beside you is where I belong
From this moment on
From this moment I have been blessed
I live only for your happiness
And for your love I’d give my last breath
From this moment on
Dahan-dahan s’ya sa kanyang paglalakad habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. At habang magkatinginan kaming dalawa ay suot n’ya ang ngiting naging dahilan kung bakit masaya ako sa tuwing gigising ako sa umaga.
Matapos ang isang linggong hindi namin pagkikita ay parang ilang taon ang lumipas. Tanging pagkasabik ang nararamdaman ko.
Hindi ko na namalayan na habang nakatitig pala ako sa kanya ay ang unti-unting pagkilos ng mga paa ko.
Ngunit bago ko pa maihakbang ng tuluyan ang mga paa ko ay ang pagpigil ng isang kamay sa aking braso.
“Kuya! Saan ka pupunta?!” takang tanong ni Daniel.
Nilingon ko naman s’ya habang patuloy pa rin ako sa pagluha.
“K-kay Tom… Gusto ko s’yang yakapin Daniel… Gustong-gusto ko na s’yang makasama…” umiiyak kong sagot sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko.
“Baliw ka ba?! Aalis ka rito at maiiwan ako?! Ano?! Gusto mo bang ako na lang ang maghintay dito kay Tom?! ’Yun ba ang gusto mo?!” irita n’yang tanong at pananakot.
Natigilan naman ako sa kanyang mga sinabi at hindi nakapagsalita. Ilang segundo lamang ay napailing si Daniel. Ngunit matapos iyon ay ngumiti s’ya at kinausap ako ng mahinahon.
“Kuya, dito mo na s’ya hintayin. Pagmasdan mo na lang s’yang mabuti habang papalapit s’ya sa’yo. Hintayin mo ang pagdating dito ng magiging asawa mo.” nakangiting payo nito sa akin.
Dahil sa kanyang sinabi ay muli kong ibinalik ang tingin ko kay Tom. Naroon na s’ya sa bahagi na sasalubungin s’ya sa gitna ng kanyang mga magulang para ihatid dito sa kinatatayuan ko.
Nakita ko ang pagiging emosyonal ng kanyang mga magulang habang yakap s’ya ng mga ito. Ngunit nang tingnan ko ang reaksyon ni Tom ay mas lalo akong nakaramdam ng tuwa.
Dahil kitang-kita ko na hindi napuputol ang maganda n’yang ngiti. At sa bawat ngiti n’yang iyon ay nababasa kong masayang-masaya rin s’ya sa mga oras na ito. Pinahihiwatig n’yang masaya s’ya sa magaganap na pagbabago sa kanyang buhay.
Muling naglakad silang tatlo upang tunguhin ang lugar kung saan ako nakatayo. At dahil doon ay muling nagtagpo ang aming mga mata ni Tom.
Tila ba naging slow motion ang lahat. Sa bawat paghakbang n’ya ay ang mas mabilis pa na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko maiwasang punahin ang lahat ng magagandang katangian ni Tom sa mga oras na ito. Para s’yang anghel na bumaba mula sa langit upang yakapin ako.
Hindi na ako nag-abala pang punasan ang mga luha kong patuloy pa rin sa pag-agos.
Sa bawat paghakbang din ni Tom patungo sa akin ay nagliliwanag ng paunti-unti ang kapaligiran habang patuloy na tumutugtog ang kantang inihahandog n’ya sa akin.
Suot n’ya ang kanyang white suit na pareho nang sa akin. Habang ang necktie n’ya naman ay silk na kulay pula.
Tama nga ang sinabi ni Daniel sa akin kanina. Na kapag dumating na ang oras na magtagpo na ang aming mga mata ni Tom ay hindi ko na makikita pa ang kabuuan ng lugar. Dahil sa mga oras na ito ay si Tom na lang ang nakikita ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay kaming dalawa na lamang ang naririto sa lugar na ito.
Ilang hakbang pa ang kanilang ginawa ay nakarating na rin sila sa harapan ko.
“Hi Master… Na-miss kita.” nakangiti n’yang pagsalubong sa akin.
Muli kong narinig ang magandang tinig n’ya.
Hindi na ako nagpapigil pa. Dahil matapos n’yang bigkasin ang mga salitang iyon ay mabilis ko s’yang niyakap habang naglalandas ang aking mga luha.
“Na-miss kita Master… Miss na miss…” tangi kong nasambit habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.
Naging malakas din ang pag-iyak ko dahil sa labis na galak at kaligayahan ko.
Hindi ko maikakailang sa loob ng isang linggong hindi namin pagkikita ay katumbas ito ng ilang taong paghihiwalay naming dalawa. Naroon ang hindi ako matahimik dahil sa labis na pag-aalala. Sa dami ng aming mga pinagdaanan ni Tom ay hindi ko maiwasan ang bagay na ito. Labis akong nakakaramdam ng takot sa tuwing hindi ko s’ya kasama.
“Salamat Tom… salamat at nandito ka… Akala ko kasi… A-akala ko hindi ka pupunta…” wika ko pa rin sa pagitan ng pag-iyak.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tom bago s’ya nagsalita. At habang ginagawa n’ya iyon ay marahan n’yang hinahaplos ang aking likod.
“Pwede ba namang hindi ako magpunta? Isa ito sa mga araw na pinakahihintay ko… At hindi matutuloy ’to kung hindi ikaw ang kasama ko…” malambing n’ya namang pagsagot sa akin.
Mas lalo kong nahigpitan ang pagkakayakap sa kanya na malugod n’ya ring tinugunan.
Ramdam ko sa bawat yakap namin ang pananabik sa isa’t-isa. Ramdam ko rin ang maraming mensahe rito kagaya na lamang ng kung gaano kami kasaya sa mga oras na ito.
Naputol na lamang ang mahigpit naming pagkakayakap nang magsalita ang ama ni Tom na si Papa Nate.
“Ahm… mga anak, mag-uumpisa pa lang tayo ha? Baka lang nakakalimutan ninyo?” ang biglang pagsasalita ni Papa Nate.
Dahil sa sinabi n’yang iyon ay naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap ni Tom sa akin. Hindi ko s’ya binitawan dahil gusto ko na lamang s’ya ikulong sa mga bisig ko sa mga oras na ito.
Ngunit dahil sa hindi ako nagpaawat sa tangkang paghihiwalay ni Papa Nate sa pagkakayakap namin ni Tom ay nagsalita na rin si Daniel na nasa likuran ko.
“Ano Kuya? Ganito na lang tayo? Hindi ka na bibitaw? Gusto mo ba talagang maging asawa si Tom o hinde? Kasi kung hindi mo pa rin s’ya bibitawan, dumiretso na kayo pag-uwi. Pero ’wag kang umasa na matatawag mo s’yang asawa.” wika ni Daniel sa sarkastikong tono.
Si Mama Lita naman ngayon ang nagsalita. Bagamat alam kong emosyonal pa rin s’ya ay nagawa n’ya pa ring tumawa.
“Oo nga Xander. Hindi naman aalis ang anak ko sa tabi mo. Kaya huminahon ka na d’yan. Simulan na natin ang espesyal na okasyong ito para sa inyo.” pagpapakalma nito sa akin.
Naramdaman kong muli ang mga paghaplos ni Tom sa aking likod. Tanda ito na pinapakalma n’ya ako.
At dahil sa ginawang iyon ni Tom ay unti-unti na ring kumalma ang pakiramdam ko. Si Tom lang talaga ang may kakayahan na baguhin ang nararamdaman ko.
Nang tuluyan na kaming magbitaw ay nakita kong nakangiti pa rin sa akin si Tom sa mga oras na ito. Ako naman ay wala pa ring tigil sa aking paghikbi at pag-iyak.
Hindi ni Tom binitawan ang isang kamay ko. Ang isa n’ya namang kamay ay ibinulsa n’ya at may kinuha mula roon.
Inilabas n’ya ang kanyang puting panyo at marahang pinunasan ang aking mga luha sa pisngi.
“Tahan na Master… Hindi ako aalis… Nandito lang ako hanggang sa matapos ang okasyong ito… Hinding-hindi na rin kita iiwan kaya alisin mo na ’yang pangamba sa dibdib mo…” nakangiti n’yang wika habang patuloy na pinupunasan ang aking mga luha.
Dahil sa mga kataga n’yang iyon ay mas dumoble pa yata ang mga luhang inilalabas ko. Sa bawat salitang binibigkas n’ya ay napapatunayan kong hindi na panaginip ang lahat ng ito. Mangyayari na ang pinapangarap ko.
Hindi ko magawang magsalita. Tanging sa mga luha ko ipinararating ang mga salitang gusto kong sabihin. Kung gaano ako kasaya sa mga oras na ito at kung gaano ako nagpapasalamat na mangyayari na ang pinagdarasal ko.
Ilang sandali pa ay nilapitan ako ni Mama Lita at niyakap rin ako. Malugod ko naman na tinugunan ito na naging dahilan upang mabitawan ko ang mga kamay ni Tom.
“Xander, ikaw na ang bahala sa panganay namin ha? Alagaan mo s’yang mabuti kagaya ng pag-aalaga namin sa kanya.” wika sa akin ni Mama Lita.
“O-opo Mama… Pangako po… pangako, hinding-hindi ko s’ya pababayaan…” sagot ko naman habang umiiyak.
Naramdaman ko ang mga pagtango ni Mama Lita bago ito bumitaw sa akin.
Sumunod naman si Papa Nate upang yakapin din ako.
“Malaki ang tiwala ko sa’yo anak, simula pa noon hanggang ngayon. Kaya masaya akong sa iyo namin ipagkakatiwala ang anak namin.” nakangiting sambit naman nito sa akin.
“Salamat po Papa… salamat po…” tangi ko lamang nasabi.
Matapos iyon ay nilapitan naman ni Daniel si Tom. Inilahad n’ya ang kanyang kamay na malugod din namang tinanggap ni Tom.
“Ikaw na ang bahala sa Kuya ko Tom ha? Alam kong maaalagaan mo s’ya kaya masaya kami ng buong pamilya para sa inyong dalawa.” nakangiting wika ni Daniel kay Tom.
Alam kong sa pagngiting iyon ni Daniel ay may kirot sa kanyang puso itong itinatago. Hindi iyon maikakaila sa mga mata n’ya kaya alam kong mapapansin iyon ni Tom sa kanya.
Sa halip na magsalita si Tom ay dahan-dahan n’yang inilapit ang kanyang sarili kay Daniel at niyakap ito.
“Salamat Daniel… malaking bahagi ka ng magandang relasyon naming ito… Makakaasa ka rin na hindi ka namin bibiguin ng Kuya mo… Umasa kang lahat ng naging sakripisyo mo ay may magandang patutunguhan…” mga nasabi ni Tom habang yakap ang kapatid ko.
Mas lumapad ang pagkakangiti ni Daniel at makikita mo na ngayon ang senseridad sa ngiti n’yang iyon.
Tanging pagtango lamang ang naisagot ni Daniel at mahigpit pang niyakap si Tom.
Ilang segundo sila sa ganoong posisyon habang pinapanood namin sila nina Mama Lita at Papa Nate. Napansin kong parang gusto pa yata nila ito paabutin ng ilang minuto.
“Tama na…..” ang bigla kong pagsasalita habang umiiyak pa rin.
Natigilan naman ang dalawa at dahan-dahan akong nilingon habang may pagtataka sa kanilang mga mukha. Naghihintay silang pareho sa idudugtong ko sa mga salitang iyon.
“Tama na ang yakapan…. ikakasal na kami Daniel eh… tama na ’yan…” wika ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nagkatinginan muna silang dalawa at ilang segundo lang ay sabay din silang natawa. Habang natatawa rin sila ay ang tuluyan nilang pagbitaw sa pagkakayakap nila.
Mabilis kong hinawakan si Tom sa kanyang kamay at inilayo ng paunti-unti kay Daniel.
Mas lalong natawa ang apat na taong ito sa harap ko. Gusto ko sanang itanong kung anong nakakatawa pero hindi ko na magawa dahil sa patuloy na pag-iyak ko.
“Sige na Tom. Dalhin mo na ’yang si Kuya dahil kanina pa ’yan masisiraan ng bait kakahintay sa’yo.” natatawang wika ni Daniel kay Tom.
Tanging pagtawa pa rin ang naisukli ni Tom sa kanya.
Muli akong hinawakan sa kamay ni Tom at nginitian ako ng malapad.
“Halika na Master. Excited na akong makasama ang magiging asawa ko.” nakangiti at malambing nitong pagyaya sa akin.
Dahil sa kanyang sinabi ay tila ba may mga nagliparang paru-paro sa sikmura ko.
Si Tom lang ang nakakagawa nito. Sa kanya ko lang nararanasan ang mga bagay na tulad nito.
Sa gitna ng altar ay sabay kaming tumayo ni Tom. Hindi namin tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak ng aming mga kamay.
Hindi ni Tom pinuputol ang kanyang pagkakangiti habang nakatingin sa harapan. Ako naman ay hindi pa rin tumitigil sa pagluha dahil sa labis pa rin na kaligayahan.
“Friends and Family of Tom and Xander, welcome and thank you for being here on this important day.
We are gathered together to celebrate the very special love between Tom and Xander, by joining them in marriage.
All of us need and desire to love and to be loved.
And the highest form of love between two people is within a monogamous, committed relationship….“
ang umpisang pagsasalita ng pastor sa aming harapan.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang pastor na iyon at lahat ay taimtim s’yang pinakikinggan.
Sa bawat salitang sinasabi ng pastor ay hindi ko pa rin maiwasang maging emosyonal. Hindi na tumigil ang mga luha ko sa pagpatak.
Madalas kaming nagkakatinginan ni Tom habang may ngiti sa aming mga labi. Damang-dama namin ang bawat salitang ibinibigkas para sa amin ng pastor. Ramdam namin ang magandang kaganapan ng seremonya.
Habang patuloy rin sa pagpatak ng aking mga luha ay wala ring sawa si Tom sa ginagawa n’yang marahang pagpunas nito gamit ang kanyang panyo.
Nakangiti n’ya itong ginagawa. Ngunit sa tuwing gagawin n’ya ito ay nakikita ko rin ang mga luhang nangingilid din sa kanyang mga mata.
Nakikita ko kung paano n’ya pinipigilan ang kanyang emosyon. Nakikita ko rin ang labis n’yang tuwa dahil sa wakas ay nangyayari na ang pinapangarap naming dalawa.
Dumating na ang oras para sa pagsuot ng bagay na sumisimbolo sa tuluyan naming pag-iisa.
Oras na para magpalitan na kami ngayon ng aming mga singsing.
Hindi na kami nag-abala pa ni Tom na bumili ng aming mga singsing na gagamitin para sa kasal naming ito.
Dahil ang mga singsing na simula pa lamang ay naging palatandaan na ng aming pagmamahalan ang napili naming gamitin sa espesyal na araw naming ito.
Ang mga singsing na kauna-unahang naging simbolo upang patunayan na s’ya ay para sa akin lamang, at ako para lamang sa kanya.
Ito ang mga singsing na binili namin noong ipagdiwang namin ang unang buwan ng aming relasyon dalawang taon na ang nakakalipas.
Ang mga singsing na naging saksi sa lahat ng kaganapan sa buhay naming dalawa.
Ang mga singsing na may nakaukit na pangalan naming dalawa sa bawat isa.
Ang mga singsing na hindi pa namin kailanman naisuot sa aming mga daliri.
Ito ang singsing na nakasabit lamang sa kwintas naming dalawa.
Ang mga singsing na sa wakas ay maisusuot na namin sa isa’t-isa.
Bago namin ito isuot sa bawat isa ay kailangan muna naming ibigay ang mensahe para sa isa’t-isa.
Hawak ng pastor ang mga singsing na iyon at hihintayin n’yang matapos ang bawat mensaheng sasabihin namin ni Tom sa isa’t-isa bago ito isuot.
Magkaharap kami ni Tom at magkahawak ang aming mga kamay. Hindi namin pinuputol ang aming pagkakatitig sa isa’t-isa nang simulan kong magsalita.
Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan dahil napag-usapan namin ni Tom na dito na lamang namin sasabihin ang mga mensaheng gusto naming sabihin sa bawat isa.
Mas naniniwala kami na mas magiging makabuluhan ang kasal naming ito kung ang bawat salitang bibigkasin namin ay manggagaling sa aming puso.
Sinimulan kong ibuka ang bibig ko kahit medyo nahihirapan ako dahil sa patuloy na pag-iyak ko.
“Master… Alam mo kung gaano ko hinintay ang pagkakataong ito… Alam mo kung gaano ko ipinagdasal na mangyari ang pinapangarap kong ito… Ang tuluyan kang maging akin nang walang makakasagabal sa atin…” una kong bigkas sa pagitan ng pag-iyak.
Tumango-tango naman si Tom habang nakangiti. Naroon pa rin ang mga nangingilid n’yang luha sa kanyang mga mata.
“Ang dami na… ang dami na nating pinagdaanan… Ang dami na nating pagsubok na hinarap… umabot pa ’yon ng dalawang taon… Pero sa kabila noon, heto tayo ngayon at mas naging matatag pa… Salamat Tom… salamat Master dahil hindi mo ako nagawang kalimutan… salamat at sa bandang huli ay ako pa rin ang nilalaman n’yang puso mo…” sunod kong sambit.
Saglit akong tumigil para kumuha ng marami pang hangin. Nahihirapan na akong magsalita dahil sa paghikbi ko sa mga oras na ito.
Muli nanamang pinunasan ni Tom ang mga luha sa pisngi ko.
Bago ko ipagpatuloy ang aking sinasabi ay huminga muna ako ng malalim bilang pagbwelo. Ngunit nang maibigkas ko ang mga susunod kong linya ay kasabay na iyon ng paghagulgol ko.
“Bumabalik sa ala-ala ko noong mawala ka sa akin dalawang taon na ang nakakalipas… A-akala ko… akala ko hindi na kita ulit makakausap Master… Akala ko hindi na kita mayayakap… Akala ko hindi na kita makakasama… P-pero heto ka, nasa harap ko at sinasalubong ng magandang ngiti mo… Ang saya-saya ko… ang saya-saya ko Master……” wika ko habang humahagulgol.
Muling pinunasan ni Tom ang aking mga luha. Nakangiti n’ya pa ring ginagawa ang bagay na iyon. Ngunit sa kabila ng mga ngiti n’yang iyon ay hindi na rin napigilan ng kanyang mga luha ang pumatak dahil sa mga naging mensahe ko sa kanya.
Huminga muli ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili at magpatuloy. Ito na rin ang huling bahagi ng aking mensahe para kay Tom.
“Simula sa araw na ito Tom… nangangako ako… nangangako akong hindi na aalis sa tabi mo… nangangako akong mas aalagaan at poprotektahan pa kita pati ang relasyon na ’to kapalit man ’yon ng buhay ko… nangangako akong ito ang simula ng araw na iiyak ka na lang dahil sa kasiyahan na ibibigay ko sa’yo… Hinding-hindi ka na iiyak dahil sa lungkot… dahil gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya mo…” ang unang bahagi ng panunumpa ko kay Tom.
Kinuha ko mula sa judge ang singsing na may nakaukit na pangalan ko at inihanda na itong isuot kay Tom.
“Master Tom ko, ito ang singsing na sumisimbolo ng walang hanggang pagmamahal ko sa’yo… Ang singsing na naging saksi sa kasiyahan at kalungkutan nating pareho… Ang singsing na naging malaking bahagi sa relasyon nating ito…” panimula ko.
Ilang segundo ang pinalipas ko bago magpatuloy dahil gusto kong maging malinaw ang susunod kong sasabihin.
“Sa oras na maisuot mo ito, ito na rin ang oras para sa panibagong yugto ng buhay nating dalawa… Dahil sa oras na suot mo na ’to, hudyat na rin ito na ikaw na ang nag-iisang taong bumubuo sa kalahati ng pagkatao ko… Dahil ikaw…. ikaw na ang pinakamamahal na asawa ko….” huling bahagi ng pagsasalita ko.
Matapos iyon ay unti-unti ko nang isinuot ang singsing sa kanyang daliri. At nang tuluyan n’ya na itong maisuot ay mabilis kong hinalikan ang kamay n’yang may suot ng singsing na iyon.
At habang nakadikit ang aking labi sa malambot na kamay ni Tom ay ang panibagong mga luhang naglandas mula sa aking mga mata.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Umaapaw sa kasiyahan dahil sa wakas ay opisyal nang bahagi ng buhay ko si Tom. Masaya rin ako dahil natapos na ang mga paghihirap naming dalawa. Natapos na ang pakikipaglaban namin para makasama na namin ang isa’t-isa.
Matapos iyon ay inihanda ko na rin ang aking sarili para pakinggan naman ang magiging panunumpa sa akin ni Tom.
Tulad ko ay hawak n’ya rin ang mga kamay ko nang magsimula s’yang magsalita.
Diretso ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Naroon pa rin ang ilang mga luhang nasa kanyang mga mata.
“Master, alam mo bang walang ibang laman ang utak ko ngayon kundi ang taos puso kong pasasalamat sa’yo?” unang bahagi ng kanyang pagsasalita.
Nanatili lamang akong nakikinig sa kanya habang patuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha.
“Masayang-masaya rin ako dahil sa wakas ay nandito na tayo. Alam mo bang masaya na ako na makasama ka lang hanggang sa pagtanda ko? Pero hindi ko akalain na kaya mo pa rin higitan ang pangarap kong iyon. Hindi ko kailanman naisip na may katuparan pala ang pinapangarap kong maikasal sa’yo. Akala ko kasi imposible eh. Pero dahil ikaw nga si Alexander Alvarez, nagagawa mong posible ang mga imposible para lang sa akin.” wika n’ya at nagbitaw s’ya ng mahinang pagtawa.
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Totoo kasi ang bagay na iyon. Lahat ay gagawin ko para lang sa kanya. Dahil para sa isang katulad ni Tom, nararapat lamang na maibigay ko ang kasiyahang hinahanap n’ya.
“Sa bawat araw na nagdadaan Xander, ipinagpapasalamat ko dahil muli kitang nakasama. Nabigyan muli ako ng pagkakataon na mahawakan ka. Na mayakap ka. Na makausap ka habang hawak ko ang mga kamay mo. Sobra-sobra ang pasasalamat ko… Sobrang saya ko…” sambit n’ya.
At sa huling pagbigkas n’ya sa mga salitang iyon ay tuluyan nang umagos ang mga luhang kanina n’ya pa pinipiglan. Naikakagat n’ya pa ang kanyang labi habang patuloy sa pagluha. Ngunit alam kong sa mga luha n’yang iyon ay katumbas ng walang patid na kaligayahan.
“Tama ka Master… tama ka… Ang dami-dami na nating pinagdaanan na dalawa para lang makamit ang bagay na ito… Pero alam mo ba kung bakit nagkaroon ng katuparan ang lahat ng mga ito..?” tanong n’ya sa akin habang umiiyak.
Hindi ako tumugon dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak gaya n’ya. Naghintay na lamang ako sa mga idudugtong n’ya.
“Natupad ang lahat ng ito dahil sa’yo… Dahil ikaw ang naging matatag sa ating dalawa… Dahil hindi mo ako isinuko… Dahil hindi ka bumitaw… Dahil hindi ka tumigil sa pakikipaglaban para sa akin… K-kahit na… kahit na umiiyak ka noon, nagawa mo pa rin na maghintay para sa pagbabalik ko… Nagawa mo pa rin akong protektahan sa kabila ng paghihirap ng kalooban mo… Hindi ka tumigil sa pagmamahal sa akin Xander… hindi ka sumuko…” dugtong n’ya sa pagitan ng pag-iyak.
Kinuha ko ang panyo na ipinapahid n’ya sa luha ko kanina. Dito ko napansin na halos basang-basa na ito dahil sa mga luha ko.
Kahit na basa na ang panyo ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagpahid ng mga luha n’ya.
Mula sa mga taong nakakasaksi sa aming pag-iisang dibdib ay nakakarinig na rin ako ng pag-iyak. Nadadala na rin sila sa mga mensahe namin ni Tom sa isa’t-isa.
Ilang sandali pa ay nagpatuloy s’ya ngunit hindi na rin tumigil ang mga luha n’ya sa pagbagsak.
“Maraming salamat Xander… maraming salamat sa pagmamahal mo… Maraming salamat sa pagtupad ng mga pangako mo… maraming salamat sa pagtupad ng mga pinapangarap ko… Napaka-swerte ko… napaka-blessed ko dahil dumating ka sa buhay ko… maraming salamat Xander… maraming salamat Master… salamat…” wika n’ya sa pagitan pa rin ng pag-iyak.
Matapos iyon ay kinuha n’ya na ang singsing na may nakaukit ng pangalan n’ya mula sa pastor.
Inihanda n’ya na ito upang maisuot sa aking daliri.
“Master Xander ko… ito ang singsing na sumisimbolo ng wagas na pagmamahal ko sa’yo… Ito ang katibayan na kahit ilang taon pa tayong paghiwalayin ay magtatagpo at magtatagpo pa rin tayo… Dahil naniniwala ako na nakatadhana kang maging akin, at nakatadhana akong maging sa’yo…” una bahagi ng kanyang panunumpa.
“At sa oras na maisuot mo ito, simula na rin ito ng mga bibitiwan kong pangako sa’yo… Aalagaan kita ng higit pa sa inaasahan mo… Pasasayahin kita na higit pa sa inaakala mo… At nangangako akong mamahalin ka ng higit pa kanino… Lahat ng pangako kong iyan ay tutuparin ko… Dahil simula ngayong araw at simula ngayong oras na ito… ikaw na ang kalahati ng pagkatao ko… Ikaw na ang kaisa-isang dahilan ng mga pagngiti ko… Dahil simula ngayon…. ikaw na ang asawa ko…” huling bahagi ng kanyang panunumpa.
Kasunod ng mga panunumpa n’yang iyon ay dahan-dahan n’yang isinuot ang singsing na hawak n’ya sa aking daliri.
At nang tuluyan ko nang maisuot ito ay hinalikan n’ya ng mabilis ang kamay ko habang patuloy na dumadaloy ang mga luha n’ya sa kanyang mga mata.
Matapos iyon ay hinawakan ko s’ya sa kanyang dalawang pisngi upang pahiran ang kanyang mga luha. Nakita ko ang mga paghikbi n’ya sa mga oras na ito. Nasaksihan ko ang pinaghalong ngiti at pagluha n’ya.
Habang hawak ko s’ya sa kanyang mga pisngi ay inangat n’ya rin ang dalawa n’yang kamay at inilagay rin iyon sa magkabilaan ko mga pisngi. Pinunasan n’ya rin ng kanyang mga palad ang aking mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos simula pa kanina.
Pareho kaming may luha habang nakangiti at magkatitigan sa isa’t-isa. Damang-dama namin ang kaligayahan na nararamdaman sa bawat isa.
Narinig namin ang mga palakpakan sa loob ng function hall na iyon. At sa bawat palakpak na aming naririnig ay nararamdaman namin ang kasiyahan at pagdiriwang ng lahat dahil sa aming pag-iisa.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay narinig namin ang masayang pagsasalita ng pastor sa aming tabi.
“Throughout this ceremony, Tom and Xander have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other.
They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings.
Therefore, it is my pleasure to now pronounce them… husbands in life.“ ang unang anunsyo ng pastor.
Saglit s’yang tumigil upang ibahagi ang huli n’yang sasabihin.
At ito ay ang pagdedeklara n’ya sa amin ni Tom bilang opisyal nang mag-asawa.
“Tom and Xander, you may now kiss each other as forever partners.”
ang huling bahagi ng kanyang anunsyo.
Dahil sa aming narinig ni Tom ay gumuhit na ang pinakamalapad at pinakamaganda naming ngiti sa isa’t-isa. Nangniningning ang aming mga matang nakatingin sa bawat isa kahit pa may mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga ito.
Habang hawak namin ang pisngi ng bawat isa ay dahan-dahan kaming naglapit.
Mula rito ay ang unti-unti ring paglalapit ng aming mga mukha.
Lumiit ang distansya ng aming mga mukha hanggang sa tuluyan nang magtagpo ang aming mga labi.
Napapikit kaming pareho nang madama ang labi ng bawat isa.
Ito ang halik na naging bago sa aming pakiramdam.
Dahil ito ang unang halik namin bilang mag-asawa.
Banayad lamang iyon at dinama namin sa bawat paghalik ang pagmamahal sa isa’t-isa.
Ang mga palakpakan na aming naririnig kanina ay mas lumakas pa. May mga ilang sumigaw pa dahil sa nasasaksihan nila. Alam naming masayang-masaya rin sila sa naging pagdedeklara ng panibagong yugto ng buhay namin ni Tom.
Matapos ang masuyong paghalik namin ni Tom ay nagbitaw na ang aming mga labi. Ngunit nanatiling magkadikit ang aming mga noo. Hawak pa rin naming pareho ang pisngi ng isa’t-isa at suot pa rin namin ang aming mga ngiti.
“Mahal na mahal kita Tom… mahal na mahal kita Master ko… ang pinakamamahal na asawa ko…” nakangiti kong bigkas sa kanya.
“Mas mahal kita Xander… mas mahal kita Master ko… ang pinakamamahal na asawa ko…’ tugon n’ya sa aking mga sinabi.
Matapos ang mga katagang iyon ay paulit-ulit naming hinalikan ulit ang isa’t-isa. At sa bawat maglalayo ang aming mga labi ay paulit-ulit din naming ibinibigkas ang salitang ‘Mahal kita’.
Hindi ko nabilang kung ilang beses na nagdikit ang aming mga labi at kung ilang beses namin sinabi sa bawat isa ang salitang ‘mahal na mahal kita’. Ngunit nagtapos ito sa mahigpit na yakap namin bilang pagdiriwang sa masayang kaganapan.
Ito na ang huling bahagi ng seremonya. At sa pagtatapos nito ay maipagmamalaki na namin sa lahat na opisyal na kaming mag-asawa.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ni Tom ay umulan ng mga petals ng bulaklak sa aming dalawa. Nagmula iyon sa aming pamilya at mga kaibigan na naririto sa kasalang ito.
Doon na lamang kami nagbitaw ni Tom sa pagkakayakap. At nang tuluyan na kaming magbitaw ay mabilis din kaming sinalubong ng aming anak na si Carla.
Binuhat naming dalawa s’ya ni Tom at niyakap ng mahigpit.
“Congratulations Daddy and Papa! Ang saya-saya ko po!” masaya n’yang bati sa amin habang yakap kami.
“Thank you anak!” masaya kong sagot at hinalikan ko s’ya sa pisngi.
“Salamat baby!” sagot naman ni Tom at hinalikan din s’ya sa pisngi.
Matapos kaming batiin ni Carla ay nagsunod-sunod na rin ang paglapit at pagbati ng aming mga pamilya at kaibigan. Lahat ay nagkakatuwaan at nagkakasiyahan. Lahat ay masayang-masaya para sa aming dalawa. Nagkaroon pa ng mga pictures taking na bahagi rin ng okasyong ito.
A/N
Okay, kinailangan kong hatiin talaga ito dahil marami pa ang magaganap. Sorry na, pero sa next chapter na po ang susunod.
Tara na dali! May sorpresa ang mag-asawa sa inyo!
Cheese!
—–cold_deee
FINALE (PART 2) - alexander #2
A/N
Eto po ang second part ng FINALE. Baka lang po nalampasan n’yo ang part 1 ha? Balik po! Balik dali! Hahahahaha!
Enjoy the continuation of TomXan/XanTom wedding!
––> si Tom po sa media.
X
ANDER POV
Matapos kaming batiin ni Carla ay nagsunod-sunod na rin ang paglapit at pagbati ng aming mga pamilya at kaibigan. Lahat ay nagkakatuwaan at nagkakasiyahan. Lahat ay masayang-masaya para sa aming dalawa. Nagkaroon pa ng mga pictures taking na bahagi rin ng okasyong ito.
Naging masaya ang kaganapan ng lahat hanggang sa makarating kami sa mas malaking function hall kung saan naman nakahanda ang elegante at magarang set-up ng reception.
Mas malaki ang lugar na ito dahil dito na rin nagtungo ang ilan pang mga bisita na hindi kasama sa seremonya. Ang pamilya ng ilan naming mga kaibigan ay naririto rin.
Napakarami at masasarap rin ang mga nakahandang mga pagkain. Nakakatuwa rin na nag-usap pala ang ang aming mga kaibigan na magbe-bake sila ng kanya-kanyang version ng cake bilang bahagi ng isa sa mga regalo nila. Kaya wala kaming nagawa ni Tom kundi ang tikman ito ng isa-isa. Nagkaroon kasi sila ng paligsahan kung kanino ang pinakamasarap para sa aming dalawa ni Tom.
Kami ni Tom ang nagsilbing judge. Ngunit dahil sa marami ang nakahandang cake at mahihirapan kaming dalawa na magdesisyon ay humingi kami ng tulong sa pamilya ni Tom at sa pamilya ko. Nagsilbing judge din ang mga ito. Baka nga kasi pagmulan pa ito ng tampo sa isa sa kanila lalo na kay Charm kung hindi sa kanya ang mapipili ni Tom na masarap na cake.
Naging napakasaya ng bahaging iyon ng programa lalo na nang sinabi ni Tito Ian na ang mananalo ay bibigyan n’ya ng isang brand new sports car.
Tuwang-tuwa naman silang lahat sa balitang iyon ni Tito Ian. Lalong-lalo na si Lojie at Olyn na halos sakalin na ang isa’t-isa nang malaman ang magiging premyo. Kahit ang mga hindi naman marunong magdrive ng kotse ay umaasa ring makuha ang premyo. Nakarinig pa ako sa ilan sa kanila na ’pag sila ang nanalo ay ibebenta o ididisplay lamang ito.
Lahat ng disenyo ng cake ay napakaganda at makikita mong pinaghirapan talaga. Ngunit may kaisa-isang cake ang pinagtawanan ng lahat maging ng mga ilang bisita. Wala kasi itong tinatawag na art dahil parang basta na lamang nilagyan ito ng icing sa ibabaw na iba’t-iba ang kulay.
At ang may gawa ng cake na iyon? Walang iba kundi ang matalik na kaibigan ni Tom na si Popoy.
Lahat tuloy ay binato s’ya ng pang-aasar at kantyaw lalong-lalo na sa aming dalawa ni Daniel. Pasalamat na nga lang si Popoy at sinasaway ako ni Tom. Dahil kung hindi, baka nagtago na s’ya sa ilalim ng mesa dahil sa kahihiyan.
Nang matapos namin lahat tikman ang cake ay si Tito Ian na rin ang nag-announce ng magiging winner. Nagbigay na lamang kami ng aming mga boto sa kanya sa pamamagitan ng pagsulat sa papel.
Lahat ng mga kaibigan namin ay kabado dahil lahat ay naghahangad na makuha ang premyo. Pero ang matalik na kaibigan ni Tom na si Popoy ay walang pakialam at patuloy lang sa kanyang pagkain.
Ngunit nang tuluyan nang tawagin ni Tito Ian ang winner ay napataas ang kilay ko. Paano ba naman, kung sino pa ang walang kaeffort-effort sa paggawa ng cake ay s’ya pang idineklarang panalo ni Tito Ian.
At walang iba ’yon kundi ang walang malay na si Popoy na patuloy pa rin sa pagkain kahit noong ideklarang s’ya ang nanalo.
Hindi pa kami makapaniwala noong una. Nilapitan pa namin ni Daniel ang mga papel kung saan nakasulat ang aming mga boto upang kumpirmahin. Ngunit hindi nga nagkamali sa pag-anunsyo si Tito Ian. Dahil lahat sila, maliban sa amin ni Daniel ay ang cake ni Popoy ang napili.
Sinubukan pa namin umapela ni Daniel. Pero nang ipaliwanag ni Tom na ang basehan ay ang lasa at sarap ng cake at hindi ang appearance nito ay nanahimik na lamang kaming dalawa ng kapatid ko. Sino pa ba sa amin ni Daniel ang makakakontra ’pag nagsalita na si Tom ’di ba?
Naging masaya naman ang lahat noong una. Pero habang tumatagal ay hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari.
Paano ba naman, kanina pa kaming dalawa ni Daniel kinakaladkad ni Tito Ian at kung kani-kanino pinapakilala. At lahat ng aming nakikilala ay mga business partners n’ya na nagmula pa kung saan-saang bansa at inimbitahan n’ya rito.
Natutuwa naman ako dahil nakita ko kung paano kami ipagmalaki ni Tito Ian sa mga bisita n’yang iyon kahit hindi n’ya naman kami mga tunay na anak. Alam kong masaya rin si Daniel sa mga ginagawang ito ni Tito Ian. Pero ako, hindi ko na maiwasang mapasimangot dahil gusto ko nang balikan at puntahan si Tom na kasama naman ngayon nina Mommy at ng pamilya n’ya.
Nakikita ko mula sa aming pwesto kung gaano sila kasayang nagkekwentuhan habang kalong ni Tom ang aming anak na si Carla. Naiinggit ako dahil kanina pa sila magkakasama. Samantalang ako, simula nang matapos ang seremonya ng kasal namin ni Tom ay saglit lamang s’yang nakatabi at nakasama dahil agad din akong pinatawag ni Tito Ian matapos kaming batiin nito.
“Hoy Kuya! Ayusin mo nga ’yang mukha mo! Kaharap natin ’yung magiging business partner ko sa hotel natin sa Baguio! Tapos nandito pa ’yung mga kaibigan ni Tito Ian!” ang biglang pagsaway ng pabulong sa akin ng kapatid ko.
Dahil sa nakatitig ako sa pwesto nila Tom ay dahan-dahan kong nilingon si Daniel habang suot ko ang nakasimangot kong ekspresyon.
“Pakialam ko sa business partner mo? At kahit business partner ko pa ’yan o ni Tito Ian, hindi na magbabago ang expression ko. Dahil naiinis na ako! Naiirita na ako! Wala na bang katapusan ang pagpapakilala sa atin? Ilan bang business partners ang inimbitahan ni Tito Ian para sa kasal ko? Wala na yatang katapusan ’to eh!” naiirita kong pagsagot kay Daniel.
“Sssshhh! Ano ba?! ’Wag mong lakasan ’yang boses mo! Baka marinig ka nila!” nag-aalalang pagsaway naman ni Daniel sa akin.
Medyo malakas din kasi ang boses ko. Sila Tito Ian naman at mga kasama n’ya ay abala sa kanilang pag-uusap.
“Pakialam ko rin kung marinig nila?! Mabuti nga ’yun ’di ba?! Kasi gusto ko na bumalik doon sa ASAWA KO! Kanina ko pa s’ya hindi nakakasama dahil sa lintik na walang katapusang pag-introduce sa atin ni Tito Ian!” sagot ko naman sa kanya at mas nilakasan ko pa ang boses ko.
Binigyan ko rin ng diin ang salitang ‘ASAWA KO’ dahil feel na feel kong tawagin si Tom ng ganon.
Dahil sa mga sinabi ko ay hindi na rin naitago ni Daniel ang pagkairita sa akin.
“Tsk!” tangi n’yang nasabi habang nakasimangot at nagkakamot ng marahas sa kanyang ulo.
Wala akong pakialam kung mainis s’ya. Kasi mas naiinis naman ako ngayon dahil sa mga nangyayari.
Muli kong nilingon ang pwesto nila Tom sa isang malaking mesa. Nakita kong nakatingin silang lahat sa akin kabilang na ang aking anak. May sinasabi sa kanya si Mommy na hindi ko malaman kung ano dahil nga malayo ang pwesto ko sa kanila.
Matapos magsalita ni Mommy habang nakatingin silang lahat sa akin ay sabay-sabay din silang lahat na nagtawanan sa mesang iyon.
Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng inis sa tagpong iyon. Maski si Tom ay nakikita kong natatawa rin ngayon. Mukha silang naaaliw habang pinagmamasdan ako.
Muli kong nilingon sa aking tabi si Daniel.
“Bunso, tanungin mo nga ’yan si Tito Ian kung pwede na ba akong umalis?! Nakakainis na eh! Inabot na tayo ng gabi kakapakilala n’ya sa mga kaibigan n’ya! Dinaig n’ya pa ang isang politician sa dami ng kakilala n’ya! Pati tayo dinadamay! Nakakainis!” sunod-sunod kong pagmamaktol sa kapatid ko.
“Eh bakit hindi ikaw ang magsabi?! Dinamay mo pa ako! Ayusin mo nga ’yang mukha mo Kuya! Hindi ka mapakali! Parang hindi naman kayo magkikita mamaya ni Tom!” buska naman nito sa akin.
Tsk! Wala talagang pakinabang ’tong si Daniel eh!
Wala tuloy akong nagawa kundi ang kamutin na lamang ng marahas ang aking ulo dahil sa labis na inis.
Nasa ganoon kaming tagpo nang makita kong lumapit si Mommy sa amin. Nilapitan n’ya si Tito Ian at may ibinulong s’ya rito habang natatawa.
Inirapan ko na lamang sila at tinalikuran dahil naiinis na talaga ako. Pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang gabing ito.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mabigat na kamay ni Tito Ian sa aking balikat. Inakbayan n’ya ako na ikinagulat ko. Iniwan n’ya rin saglit ang kanyang mga kaibigan na kausap n’ya kanina upang makausap ako.
“Hey son! Are you okay?” tanong nito sa aking nakangiti.
Tinaasan ko lamang s’ya ng kilay habang nakasimangot ako. Sanay na s’ya sa reaksyon kong ito kaya hindi naman ito sa akin magagalit.
Nagtatanong pa s’ya kung okay ako? Eh kanina pa nga ako walang imik dito!
“Tito Ian, Kuya wants to tell you something.” sabat naman ni Daniel.
Nakita ko kung paano lumapit si Mommy kay Daniel. Ipinulupot ni Mommy ang kanyang braso sa braso ni Daniel at nagbitaw ito ng mahinang pagtawa.
“What is it son? Tell me.” natatawang tanong naman sa akin ni Tito Ian.
Mas lalong nagsalubong kilay ko at hindi ko pa rin s’ya sinagot. Ngunit naging dahilan naman iyon ng pagtawa nilang tatlo.
Nakakainis! Wala pa nga akong sinasabi tapos tatawa na sila! Ano bang nakakatawa?! Nakikita na nga nila ang pagsimangot ko pero ganito pa rin ang reaksyon nila!
“Sige na anak, sabihin mo na sa Tito Ian mo ang gusto mong sabihin.” ang natatawang utos naman sa akin ni Mommy.
Tinapik-tapik pa ako ni Tito Ian sa balikat upang sabihin na sa kanya ang gusto kong sabihin.
Hindi nagbago ang ekspresyon ko. Nakasimangot pa rin ako nang sagutin ko ang tanong ni Tito Ian.
“When is this going to be finished? I wanna go back to my Master Tom, Tito! Can’t you see? It’s our wedding day! But you keep on dragging me and Daniel to meet your friends! Can we just do this some other time?! For Pete’s sake! Not now!” sunod-sunod kong pagmamaktol sa kanya.
At habang sinasabi ko iyon ay hindi ko na rin napigilan ang mas diinan ang pagkakamot ng aking ulo dahil sa labis na inis.
Nagkatinginan naman silang tatlo dahil sa inasal ko. At matapos iyon ay ang pagtawa nila ng malakas.
Nagtataka naman akong tinitingnan sila. Ano bang nakakatawa?!
Halos maluha-luha pa sila sa ginagawa nilang pagtawa sa akin. Napapalo pa ni Mommy si Daniel dahil tuwang-tuwa s’ya.
“Grabe Kuya! Ang tanda mo na saka may asawa ka na pero ganyan ka pa rin!” natatawang sambit ni Daniel.
“Anak, ganyan ka na ba kaatat makasama ang asawa mo? Hindi ka na ba makapaghintay?” natatawa ring tanong ni Mommy.
Hindi ko sila pinansin.
Oo! Atat na atat na ako! At konti na lang, lalayasan ko na sila dito at hihilain na lang si Tom palabas sa function hall na ito! Dahil gustong-gusto ko na s’yang masolo!
Ilang saglit pa ay muling tinapik-tapik ni Tito Ian ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin. Natatawa pa rin s’ya ngunit nagawa n’ya naman magsalita.
“I get it, I get it. You wanna leave this place, am I right?” mahinahon at natatawa pa rin nitong tanong sa akin.
“Exactly!” mabilis ko namang sagot sa kanya.
Mas lalo pa itong natawa sa aking sagot.
“Okay okay!” wika nito at inangat pa ang kanyang dalawang kamay na tila ba sumusuko s’ya sa mga oras na ito.
Hindi na ako nagsalita pang muli dahil naiinis na talaga ako. Sina Daniel naman at Mommy ay nanatiling natatawa.
Bahala sila!
Ilang sandali pa ay inakbayan akong muli ni Tito Ian at nagsalita ito.
“I understand son. Well then, leave this to us! We can manage everything here. You may now go back to Tom. And if you want, you may send him home!” ang mga nasambit ni Tito Ian sa masigla n’yang tono.
Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay nagliwanag ang mga mata ko.
“Really?! A-are you sure?!” mangha kong tanong.
Natawa muna ito bago sumagot.
“Of course! Besides, Bunso is here. I know he can manage to entertain some business talks. This will be a good training for him too.” nakangiti nitong sagot habang nakatingin kay Daniel.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong niyakap si Tito Ian. Sunod naman ay si Mommy at Daniel.
“Okay! Thank you! I’ll just see you some other time! I love you guys!” mabilis kong pagsasalita habang naglalakad palayo sa kanila.
Naiwan naman silang hindi makapaniwala. Siguro ay nagtataka dahil sa mabilis na pagpapalit ng mood ko. Habang nagpapaalam kasi ako sa kanila ay nakangiti ako at nagawa ko pang ikaway ang kamay ko.
Matapos iyon ay halos takbuhin ko ang lugar kung nasaan si Tom. Nakita kong kausap na nito ngayon sina Popoy at Charm. Hindi ni Tom napansin ang paglapit ko dahil abala s’ya sa pagtawa habang nagsasalita sina Charm at Popoy.
Hinanap ko ang anak kong si Carla at nakita kong kasama nito ngayon si Shai na abala naman sa picture takings nilang dalawa. Close din kasi ang dalawang ’yan. Balibhasa, laging binobola ni Carla si Shai. At si Shai naman ay lagi s’yang isinasama sa pagsa-shopping. Sana lang ay hindi lumaking shopaholic ang anak ko.
Nang makarating ako sa pwesto nila Tom ay mabilis ko s’yang hinawakan sa kamay at pinatayo mula sa kanyang pwesto. Alam kong nagulat si Tom sa ginawa ko pero mamaya na lang ako magpapaliwanag sa kanya.
“Hoy! Saan mo dadalhin ang kaibigan namin?!” ang biglang pag-awat nina Popoy at Charm sa akin.
Magkakaibigan nga sila, sabay-sabay pa kung magsalita eh.
Naramdaman ko rin ang pagtigil ni Tom senyales na dapat rin akong tumigil sa paghatak sa kanya.
Wala naman akong nagawa kundi ang tumigil ngunit hindi ko inaalis ang pagkakahawak sa kamay ni Tom.
Dahan-dahan ay nilingon ko si Tom. Tiningnan n’ya ako at tinaas ang isang kilay n’ya senyales naman na naghihintay s’ya ng sagot ko sa tanong ni Popoy.
Hindi ako makapagsalita. Ngunit ginamit ko ang pagmamakaawa sa aking mga mata ng mga nais kong sabihin sa kanya. Gusto kong iparating sa mga tingin kong iyon na sumama na s’ya sa akin at iwan na namin silang lahat dito.
Habang magkatinginan kami ni Tom ay s’yang paglapit naman ni Mama Lita sa aming dalawa. Hinawakan n’ya sa kamay ni Tom at natatawa itong nagsalita.
“Sige na anak, sumama ka na sa asawa mo. Kanina pa ’yan gustong-gusto kang masolo.” natatawang pagkausap ni Mama Lita kay Tom.
Dahan-dahan naman ay nilingon ako ni Tom at tiningnan ako sa mata. Hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin ko na may pagmamakaawa sa kanya.
Ilang sandali pa ay nagbuntong-hininga s’ya. Nilingon n’yang muli si Mama Lita at ngumiti ng tipid sa kanya.
“Sige Ma, pero okay lang po ba kayo dito?” tanong n’yang may halong pag-aalala.
Mas lumapad ang ngiti ni Mama Lita bago ito sumagot.
“Oo naman anak! Nakita mo naman, nag-eenjoy kaming lahat dito! Isa pa, gusto ko rin makasama pa ang apo kong si Carla kaya hayaan mo muna kami dito.” masayang sagot nito kay Tom.
Naging malawak ang ngiting pinakawalan ni Tom. Alam kong napanatag na s’ya sa naging pagsagot ni Mama Lita sa kanya.
“Sige po, mauuna na po kami ni Xander. Puntahan na lang po namin kayo bukas sa kwarto n’yo. Kayo na lang din po magsabi kay Papa at Julius na nauna na kami ni Xander sa kwarto namin.” pagpapaalam na ni Tom.
Dito rin kasi sa hotel na ito tutuloy ang lahat ng aming mga kaibigan at pamilya. S’yempre hindi ko hahayaang gumastos sila sa espesyal na okasyon na ito sa amin ni Tom. Kaya kahit ang airfare nila ay sinagot ko.
Matapos magpaalam ni Tom ay hinalikan nito si Mama Lita sa pisngi. Ako naman ang sumunod na humalik kay Mama Lita bilang pagpapaalam.
“Mag-enjoy kayo ha? Xander, dahan-dahanin mo lang.” huling sambit ni Mama Lita bago s’ya tuluyang umalis sa aming harapan.
Nilapitan na nito sina Charm at Popoy na s’yang umawat sa pag-alis namin ni Tom.
Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabing iyon ni Mama Lita. Nag-init ang pisngi ko at alam kong namula ako.
“Anong mag-enjoy ang sinasabi ni Mama, Master?” ang biglang pagtatanong ni Tom.
Nang lingunin ko s’ya ay nakita ko ang pagtataka sa kanya.
Dahil sa reaksyon n’ya ay napabuntong hininga na lamang ako.
Grabe kasi itong si Tom! May asawa na at lahat, inosente pa rin sa mga bagay na ganon.
“Wala ’yon Master. Siguro sinasabi n’yang mag-enjoy tayo sa pagpapahinga.” pagpapalusot ko na lamang sa kanya.
“Eh ano naman ’yung dahan-dahanin mo lang daw?” tanong n’ya pang muli.
“A-ah… B-baka dahan-dahanin ko lang ang paggalaw sa pagtulog natin… Baka ganun?” pagmamaang-maangan ko naman.
“Aahhhh….” naging reaksyon n’ya na lamang habang tumatango pa.
Buti na lang at naniwala! Tsk!
Bakit ba kasi napaka-slow pa rin ni Tom hanggang ngayon?
Pero kung sabagay, mas cute s’ya ’pag ganito s’ya!
“Huy Master! Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?” ang biglang pagtatanong nanaman ni Tom.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa mga oras na ito. Epekto kasi ng mga naiisip ko.
“W-wala! Halika na nga! Pumunta na tayo sa kwarto!” pagsagot ko naman sa kanya.
Hindi ko na s’ya hinayaang makapagtanong pa. Mabilis ko s’yang hinawakan ulit sa kamay at hinila upang makalabas na ng function hall na iyon.
Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay namin ni Tom habang tinutumbok ang pintuan palabas. Ngunit bago pa namin marating ang pintuan ay ang pagsulpot naman ng dalawang hudas!
Humarang ang mga ito sa aming dadaanan ni Tom.
“Ooopppsss!! Saan kayo pupunta?!” tanong sa amin ng ulupong na si Olyn.
“Pupunta na kami sa kwarto namin! Bakit? May problema ka?” sagot at tanong ko pabalik kay Olyn.
Bumabalik nanaman ang inis ko dahil alam kong walang kakwenta-kwenta nanaman ang sasabihin ng mga ito.
“Hoy Alex! Hindi porket sinagot mo ang lahat ng gastos sa kasalang ito ay basta mo na lang kami iiwan dito ha? Bisita mo kami kaya dapat ay kasama namin kayo sa buong magdamag!” sabat naman ni Lojie.
Inangat ko ang aking kamao at inilagay ’yon sa harap ni Lojie.
“Ito gusto mo?! Abala kayo eh ’no?! ’Yung pamilya nga namin hindi kami pinigilan! Kayo pa?!” pagbabanta ko sa kanya.
“Master ibaba mo nga ’yan!” pagpigil naman ni Tom sa akin at pilit na ibinababa ang aking kamao.
“Nakakainis kasi eh!” naisagot ko naman kay Tom.
Totoo naman kasi! Kanina pa ako naiirita dahil parang hindi na kami makaalis sa lugar na ito! Gustong-gusto ko nang masolo ang asawa ko!
Huminga ng malalim si Tom at hinarap sina Lojie at Olyn.
“Sir Lojie, Olyn, pasensya na ha? Pero mauuna na kami ni Xander. Pagod na rin kasi s’ya eh. Baka kailangan n’ya na rin magpahinga.” pangungumbinsi ni Tom sa kanila.
“Lels! ’Wag kami Tom! May binabalak lang ’yan kaya ’yan kating-kati na makaalis dito!” sagot naman ni Lojie.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakasagot dahil guilty ako.
“Oo nga Tom! Nauutog lang ’yan sa flowerette mo!” makahulugang pagsang-ayon naman ni Olyn.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Olyn.
Kahit na hindi ko naiintindihan ang salitang ginamit ni Olyn ay alam ko ang nais n’yang ipahiwatig.
“Utog? Flowerette? Ano ’yon?” tanong naman ni Tom na nagtataka.
Eto na, umaandar nanaman ang curiosity n’ya.
Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Tom. Hinila ko rin s’ya at ipinuwesto sa aking likuran.
“Ano ba talagang gusto n’yo?! Umuulan naman ng alak ’di ba?! Alam kong ’yan ang gustong-gusto n’yo! Kaya nga hindi ko ’yan kinalimutan sa okasyong ito dahil alam kong kukulitin n’yo nanaman ako ’pag nabitin kayo sa iniinom n’yo!” inis kong tanong sa kanila.
Sinabi ko rin ang mga bagay na iyon bilang paglilihis sa usapan. Baka kasi masagot pa nila ang katanungan ni Tom at mabuking pa ako.
Sa halip na maapektuhan ang dalawa ay napangisi pa sila. Nagkitinginan sila habang nakangisi na parang mga siraulo.
Ilang saglit pa ay nagsalita si Olyn ngunit nagbago na ang ekspresyon nito. Naging malungkot na ang kanyang mga mata maging ang kanyang tono.
“Gusto kasi sana namin na makainuman pa kayo eh. Kaso mukhang nagmamadali naman kayo.” wika nito sa amin.
“Kahit isa lang sana Tom, pwede ba ’yon? Isang inom lang Tom, tapos makakaalis na kayo. Hindi mo ba kami mapapagbigyan kahit ngayon lang?” pagpipilit rin ni Lojie na naging maamong siraulong tupa na rin ngayon.
Hindi pa doon nakontento ang dalawa. Sinundan pa iyon ng pag-iinarte ni Olyn na akala mo ay nagdadrama.
“Oo nga Tom. Ngayong may asawa ka na, mababawasan na rin ang mga panahon mo sa amin. Mababawasan na ang bonding natin kaya sobrang nalulungkot talaga kami.” lungkot-lungkutan nitong pagsasalita.
What the?!
Ilang segundo kaming natahimik. Ako ay nagpipigil sa galit sa dalawang nasa harap ko. Ngunit ang dalawang ito ay pinanindigan ang kaartehan nilang dalawa.
At dahil sa pagdramang iyon ng dalawang takas sa mental ay mukhang nauto naman ang asawa ko. Dahan-dahan kasi s’yang umalis sa aking likuran at muling hinarap ang dalawa.
“S-sige na nga… Isa lang ha?” ang naging sagot ni Tom.
Mabilis ko s’yang nilingon habang suot ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon. Tiningnan n’ya rin ako at nagbitaw sa akin ng isang tipid na ngiti.
“Sige na Master, isa lang naman eh. Pagbigyan na natin.” pangungumbinsi n’ya sa akin.
Naihilamos ko na lamang ang aking palad sa aking mukha bilang pagsuko. ’Pag si Tom na kasi ang nagdesisyon ay wala na akong magawa. Lalo na kapag ginamitan na ako nito ng kanyang powerful puppy eyes.
Muli n’yang nilingon ang dalawa.
“Saan ba tayo uupo para makainom na tayo?” tanong n’yang mahinahon sa dalawa.
Matapos iyon itanong ni Tom ay nagulat na lamang kami nang biglang iabot ni Olyn ang hawak nitong isang baso ng champagne kay Tom.
“Hindi na tayo uupo Tom! Eto na oh! Inumin mo na!” masiglang alok ni Olyn sa kanya.
Napataas naman ako ng kilay sa ginawang iyon ni Olyn.
Akala ko ba ay mag-iinom kaming lahat? Bakit isa lang ang hawak nila at si Tom lang ang inalok?
Pipigilan ko pa lang sana si Olyn ngunit nagulat ako nang bigla na lamang inabot ni Tom ang champagne at dire-diretso itong ininom.
Nang tingnan ko ang reaksyon ng dalawang ulupong sa aming harapan ay napangisi sila.
Ano ba talagang plano nila?!
Naubos ni Tom ang laman ng basong iyon nang hindi pa yata umaabot ng isang minuto. Matapos iyon ay mabilis din na kinuha ni Olyn ang baso mula sa kanya.
“Nasaan ’yung para sa atin? Akala ko ba mag-iinom tayong apat? Bakit si Tom lang ang binigyan n’yo?” tanong ko sa kanila.
Gusto ko kasing malaman kung anong binabalak nila kaya nag-iimbestiga ako.
Naging malikot ang mga mata ng dalawa. Tila hindi alam ang isasagot nila.
Si Olyn ang unang nagsalita.
“A-ahm… N-nakalimutan namin eh…” sagot nitong hindi makatingin sa akin ng tuwid.
“Ano??!!” hindi makapaniwala kong reaksyon.
Si Lojie naman ang nagsalita ngayon.
“Oo nga! Nakalimutan namin! At dahil sa nakalimutan namin, ’wag na lang pala tayong mag-inom!” kaduda-dudang wika nito.
Magtatanong pa sana ulit ako ngunit mabilis na hinawakan ni Lojie si Olyn sa kamay at hinila paalis sa aming pwesto.
“Mauna na kami ni Olyn ha? Sige na, pahinga na kayo! Enjoy!” pagpapaalam ni Lojie habang kinakaladkad si Olyn.
Nanatiling nagtataka ang aking mukha. Iniisip ang kakaibang kinikilos ng dalawa.
Habang pinagmamasdan ko ang papalayong baliw ay narinig ko ang pagsasalita ni Tom sa aking tabi.
“Hay! Buti na lang nakaligtas tayo Master! Buti na lang nakalimutan nila ’no?” tanong nito sa akin.
Para akong masisiraan ng ulo sa mga nasaksihan ko ngayon lang. Una ay ang kakaibang ikinikilos nina Lojie at Olyn. Pangalawa ay hindi ako makapaniwala na wala man lang kakaibang napansin si Tom sa dalawa.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay nagulat na lamang ako nang hilain na ako ni Tom sa aking kamay.
“Halika na Master! Baka may pumigil nanaman sa atin eh! Alam kong gusto nang magpahinga ng asawa ko kaya dapat samahan ko s’yang magpahinga.” masaya nitong pagyaya sa akin.
At dahil sa mga narinig ko sa kanya ay nawala na ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Labis na tuwa ang naramdaman ko nang marinig ko mula sa kanya ang pagtawag sa akin na kanyang asawa.
Nagpadala na lamang ako sa kanyang mga paghila habang may ngiti sa aming mga labi.
Dito sa loob ng malaking hotel na ito ay ibinigay sa amin ni Tom ang pinakamahal at pinakamagarang kwarto. Isa raw ito sa regalo ni Mommy sa amin ni Tom. At ang pinakamaganda pa ay kami pa lamang ni Tom ang kauna-unahang makakagamit dito.
Dito rin ako pinatuloy nila Mommy at Tito Ian bago pa magtungo sa function hall kung saan ginanap ang aming kasal. Ang mga gamit namin ni Tom ay naririto na rin dahil ipinaayos ko na rin ito.
Nang marating namin ang aming kwarto ay naroroon na sa labas ang isang staff ng hotel para ibigay sa amin ang card key nito. Nagpasalamat na lamang kami sa kanya at agad din naman s’yang umalis.
Pagkabukas pa lang namin ng kwartong iyon ay nakita ko na ang pagkamangha sa mukha ni Tom. Napaka-elegante kasi ng disenyo nito at napakalaki para lamang sa aming dalawa.
Kung pagmamasdan mong mabuti ay para kang tumutuloy sa isang palasyo. Magkahawak ang kamay namin ni Tom na nilibot ang buong kwarto. Hindi maiwasan ni Tom ang maglabas ng pagkamangha sa kwartong iyon. Maging ako ay hindi ko naiwasan kanina ang purihin ang bawat parte nito. Kahit kasi ang kwarto ng hotel naming dalawa sa Pilipinas ay hindi maikukumpara sa ganda ng kwartong ito.
Sa bahagi ng living room ay may malaking glass wall na matatanaw mo ang nagkikislapang mga ilaw na nasa ibaba dahil sa ilang mga kabahayan at establishments na nakatayo sa baba. At kung titingala ka naman ay ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit.
Sa bandang kitchen naman ay ang maganda at eleganteng disenyo nito. Nakita pa namin na may mga nilalaman na ring mga appliances na naroroon kagaya ng built in refrigerator. Kung maisipan man namin ni Tom ang magluto ay naririto na ang lahat ng aming kakailanganin. Nakita rin namin ang isang wine cellar na malapit sa lugar na ito.
Ngunit mas namangha si Tom nang pasukin namin ang bedroom sa kwartong iyon. Ilang hakbang lang kasi mula sa malaking kama na aming gagamitin ay ang malaking aquarium. At hindi lang basta aquarium ito! Dahil buong wall side na iyon ay ang malaking aquarium na makikita mo ang iba’t-ibang klase ng isda at corals. Kung dito ka kasi pepwesto sa harap nito ay para ka na ring nasa ilalim ng dagat dahil sa laki nito.
Hindi pa doon iyon natatapos. Dahil kung lalabas ka naman sa isang pinto ng kwartong iyon ay mapapansin mo naman ang malaking jacuzzi ng kwarto. At kung nasa loob ka ng jacuzzi na iyon ay matatanaw mo naman ang lawak ng karagatan sa labas at ibaba ng hotel. Nasa itaas na bahagi kami kaya mas lalong nagpaganda ito sa aming natatanaw. May malawak na salamin lamang dito na s’yang nagsisilbing harang sa parteng iyon.
Halos hindi mapatid ang ngiti ni Tom dahil sa kanyang mga nakikita ngayon. Para s’yang isang bata na tuwang-tuwa. Napag-usapan pa namin ni Tom na bukas na bukas din ay babatiin namin si Tito Ian sa pagkakaroon ng magandang hotel na kagaya nito.
At dahil nalibot ko na ito kanina ay hindi na ako ganoon namangha hindi gaya ni Tom. Ang tangi ko na lamang ginawa ay bantayan ang bawat magiging reaksyon ni Tom sa kanyang mga makikita.
Masaya akong nakikita ang kanyang pagkamangha at tuwa. Hindi napatid ang kanyang pagkakangiti at kung minsan pa ay tuloy-tuloy ang kanyang pagpuri at pagsasalita. Sayang nga lang at huli ko na naisip na kuhanan s’ya ng video dahil naaliw na ako sa panonood sa kanya.
Nang makaramdam ng pagod si Tom ay saka lamang ito tumigil sa paglilibot sa buong kwarto. Sinabi n’ya sa akin na maghanda na raw kami para sa pagligo upang magpahinga na sa gabing ito.
Nang sabihin n’ya ang bagay na iyon ay nakaramdam ako ng tuwa. Sino ba namang hindi kung sa wakas ay magaganap na ang simula ng honeymoon naming dalawa?
“Master, ikaw na muna ang maligo. Mamaya na lang ako pagkatapos mo.” ang biglang pagsasalita ni Tom.
Napataas naman ako ng isang kilay sa kanyang sinabi. Ang inaasahan ko kasi ay magsasabay kami. Naroon din ang imahinasyon kong naliligo kaming pareho sa jacuzzi.
“B-bakit Master?” nauutal kong tanong sa kanya.
Suot pa rin namin ang aming white suit na ginamit sa aming kasal hanggang ngayon. Tinatanggal ko na ang necktie ko para sa paghahanda sanang maligo. Ngunit si Tom ay naroon sa ibaba ng kama at nakasalampak sa carpet.
“Gusto ko kasing pag-aralan kung paano gumawa nito. Ang galing kasi oh!” sagot n’ya sa akin at tinuro ang nasa ibabaw ng kama.
Naroon ang dalawang towel na inayos ng mabuti upang maging hugis swan. Dalawang swan na magkadikit ang mga tuka at napapalibutan ng petals ng mga rosas.
(A/N: Paki-tingnan po ’yang nasa ibaba. ’Yan po ang tinutukoy ni Xander.)

“Eh Master pwede ka naman magpaturo sa staff ng hotel natin n’yan sa Pilipinas eh!” pagkontra ko sa kanya.
Gusto ko kasi sabay nga kami maligo ’di ba?!
“Eh gusto ko rin matuto na ngayon eh!” pakikipagtalo n’ya rin sa akin.
“Master naman!” sambit kong naiinis.
Hindi umimik si Tom. Ngunit ginamitan n’ya nanaman ako ng mga nakakaawa n’yang tingin. Ayaw ko sanang magpatalo sa kanya, pero mas makapangyarihan ang mga ganoong tingin n’ya.
Putek! Naunsyami nanaman Xander!
Wala na nga akong nagawa. Dahan-dahan akong kumilos patungo sa loob ng banyong iyon.
Kainis! Kainis! Kainis!
Sinimulan ko na ngang maligo. At habang nasa ilalim ako ng shower ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-isip.
“’Wag kang mawalan ng pag-asa Xander, mangyayari pa naman ang pinapantasya mo!” pagkausap ko sa aking sarili.
Nagbalik ang ngiti sa aking labi. Naisip kong kahit hindi kami magsabay ni Tom na maligo ay mangyayari pa rin ang bagay na iyon.
Nagbalik ang sigla sa aking katawan. Inihanda ko na lamang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagligo ng maiigi. Gusto kong malayo pa lang ay maaamoy na ako ni Tom. Gusto kong ’pag nakita n’ya pa lang ako ay maaakit ko na s’ya!
Para na akong baliw na natatawa ngayon na mag-isa dito sa loob ng banyo. Hindi ko na nga alam kung gaano na ako katagal dito.
Matapos ang maraming seremonya para sa ikakagwapo ko at ikakabango ko ay taas-noo akong naghanda para lumabas sa banyong iyon. Suot ko ang bathrobe ko na mas lalong nakadagdag sa nag-umaapaw na sex appeal ko. Nakalabas kasi ng bahagya ang dibdib ko.
At gusto kong mapansin ’yon ni Tom!
Kinagat ko muna ang labi ko para mas mapula ito sa oras na makita ako ng Master ko. Nakayuko pa ako nang lumabas ako ng banyo para mas dramatic ang arrive ko.
Ngunit paglabas na paglabas ko ng pintuan ay nagulat ako nang salubungin ako ni Tom. Pero ang mas nakakagulat doon ay nilampasan n’ya lang ako habang nakayuko s’ya at dumiretso papasok ng banyo.
Mabilis n’ya ring isinara ang pinto at ini-lock iyon. Wala s’yang kahit na isang salitang binanggit. Hindi ko rin makita ang kanyang ekspresyon dahil nakayuko ito.
Naiwan akong puno ng palaisipan at pagtataka.
“Anyare dun?” tanong ko sa aking sarili.
Dahan-dahan ako sa mga naging paghakbang ko palayo sa pintuan ng banyong iyon. Tulala ako hanggang sa makarating ako ng kama at umupo rito.
Itinaas ko ang dalawa kong mga kamay at inamoy ang sarili ko.
“Mabango naman ako.” sambit ko matapos ko suriin ang aking amoy.
Sa katunayan ay suot ko ang paboritong pabango ko na madalas purihin ni Tom. Kaya laking pagtataka ko kung bakit ganoon na lamang ang ikinilos ni Tom.
Hindi ko maiwasang manghina sa mga naganap. Pakiramdam ko ay nanliliit ako sa aking sarili sa mga oras na ito. Para kasing nawalan ng saysay ang lahat ng mga naging effort ko.
Hindi na ako nakagalaw simula nang maupo ako sa kamang ito. Tanging panghihina ang nararamdaman ko.
Gusto ko na ngang magbihis sa totoo lang. Kaso ay hindi ko naman magawang gumalaw dahil sa panghihina ng aking katawan.
Nilingon ko unti-unti ang maliit na cabinet na malapit sa aming kama na hihigaan. Dahan-dahan ay binuksan ko iyon at nakita ko ang lube na inihanda ko kanina bago pa kami makarating sa kwartong ito ni Tom.
“Sayang ka naman kung hindi ka magagamit.” mahina kong sambit habang nakatingin sa lube.
Ilang minuto rin yata akong nakatitig lamang sa lube na iyon dahil sa labis na pag-iisip. At naputol lamang iyon nang makarinig ako ng ingay na nagmunula sa banyo kung nasaan si Tom. Tila ba may nalaglag na isang bagay sa sahig ng banyong iyon.
Ngayon ko nga lang napag-isip-isip na kanina pa s’ya roon at wala man lang akong narinig mula sa kanya kundi ang paglagaslas ng tubig mula sa shower.
Dahil sa narinig kong ingay ay hindi ko maiwasang makaramdan ng pagkabahala. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng banyong iyon at kumatok.
“Master?” pagtawag ko sa kanya habang kumakatok.
“Master okay ka lang ba d’yan?!” pagtawag kong muli.
Inulit ko pa iyon ng ilan pang beses ngunit wala pa rin akong narinig na kahit na anong pagsagot mula sa kanya.
Ang kaninang pagtataka ko ay napalitan na ng kaba at pagkabahala. Naisip kong bigla ang kakaibang ikinikilos ni Tom simula nang pumasok ito ng banyo.
“Master!!” mas malakas ko nang pagtawag sa kanya.
Sinubukan kong pihitin ang doorknob ngunit naka-lock iyon.
“Tom!!” ang pagtawag ko na sa kanyang pangalan na may halong pag-aalala pa rin.
“Tom! Buksan mo ’tong pinto! Ayos ka lang ba d’yan?!” tanong kong muli sa kanya.
Matapos ang mas malakas kong pagtawag na iyon ay bahagya na akong nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay sumagot na s’ya.
“M-master… A-ayos naman ako… ’Wag kang mag-alala…” sagot n’yang mahina mula sa loob.
“Sigurado ka ba?!” paninigurado ko.
Ngunit sa tanong kong iyon ay hindi nanaman s’ya sumagot.
Muling nagbalik ang pag-aalala at kaba ko. Muli kong hinawakan ang doorknob at pinilit na buksan ang pinto habang patuloy rin ako sa pagkatok.
“Tom! Lumabas ka nga d’yan! Magpapatawag na ako ng tulong! Nag-aalala na talaga ako!” pagsasabi ko ng totoo.
Labis na kasi talaga akong nag-aalala. Maayos naman kasi kami kanina na nagpunta rito. Pero simula nang lumabas ako ng banyo ay naging kakaiba na ang ikinikilos nito.
Dahil sa mga huli kong sinabi ay mukhang nagkaroon iyon ng epekto kay Tom. Mabilis din kasi s’yang sumagot ngunit naramdaman kong sa sagot n’yang iyon ay may bahid ito ng pag-aalala.
“’Wag! Please Xander… ’W-wag kang magtatawag ng na kahit sino…” pakiusap n’ya sa akin.
Nangunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Ano ba talagang nangyayari sa kanya? At bakit hindi pa s’ya lumalabas hanggang ngayon?!
“Sige, hindi ako magtatawag! Pero lumabas ka na d’yan! Ngayon na!” utos ko sa kanyang madiin.
Hindi ako nakarinig muli ng sagot mula sa kanya.
“Ano ba Tom?! Nag-aalala na ako dito oh! Hindi ka ba lalabas d’yan o sisirain ko ’tong pinto?!” pagbabanta ko na sa pagkakataong ito.
Hindi ako nagbibiro. Sobra na akong nag-aalala sa kanya. Mabilis na ang pagtibok ng puso ko dahil sa labis na kaba.
Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay naramdaman ko sa hawak kong doorknob ang paggalaw nito. Senyales ito na hawak na rin ni Tom ang doorknob ng pintuang iyon.
Dahan-dahan ay binitawan ko ito at umatras ng kaunti palayo upang mabigyan si Tom ng daan kung sakaling lalabas s’ya.
At hindi nga ako nagkamali. Dahil maya-maya lamang ay nakita ko ang maliit na siwang ng pintuang iyon.
Hinayaan ko s’ya sa mabuksan n’ya ang pintuan hanggang sa tuluyan ko s’yang makita. Kagaya ko ay nakasuot din ito ng bathrobe. Bagong ligo rin ito dahil basa ang kanyang buhok. Naamoy ko rin ang kanyang pabango at gamit na conditioner sa buhok tanda na maayos rin naman s’yang nakaligo.
Ngunit ang nakakapagtaka sa kanya ay nakayuko nanaman ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
Dahil sa wala pa rin s’yang paggalaw ay unti-unti ko na s’yang nilapitan. Hinawakan ko s’ya sa magkabilang pisngi at inangat ang kanyang mukha para makita ko ito.
Kung titingnan ko s’ya ay mukhang maayos naman s’ya. Ngunit napansin kong namumula ang kanyang mga pisngi sa mga oras na ito.
“Master, okay ka lang ba talaga?” tanong kong nag-aalala.
Hindi nanaman s’ya sumagot at nakatingin lamang s’ya sa aking mga mata. Ngunit nakakapagtaka dahil kakaiba ang mga mata n’yang nakatingin sa mga oras na ito. Mapupungay ito at hindi ko mabasa kung ano ang ibig n’yang ipahiwatig sa mga tingin n’yang iyon.
Ilang sandali pa ay gumalaw ang kanyang mga mata. Tiningnan n’ya ako pababa papunta sa ilong at bahagya s’yang nagtagal sa aking labi.
Hindi pa roon natapos iyon. Dahil ang sumunod na tinumbok ng kanyang mga mata ay ang aking dibdib na nakalabas sa suot kong bathrobe ngayon.
Nangunot din ang aking noo dahil nang madako ang tingin n’ya sa aking dibdib ay napakagat s’ya sa kanyang ibabang labi.
“Hey… Are you really okay?” malambing kong tanong sa kanya.
Muli n’yang ibinalik ang kanyang mga mata sa akin ngunit hindi pa rin s’ya nagsasalita.
Dahil sa wala akong makuhang sagot sa kanya ay hinawakan ko na lamang s’ya sa kanyang kamay at marahang iginaya patungo sa kama. Mabuti naman at nagpapadala lamang s’ya sa pagyaya ko sa kanya.
Nang makarating kami sa aming kama ay dahan-dahan ko s’ya pinaupo roon. Ako naman ay nanatili sa kanyang harapan at muli s’yang hinawakan sa magkabilang pisngi.
Pinagpantay kong muli ang aming mukha at malapitan ko s’yang kinausap.
“Master… Okay ka lang ba? Tell me, may masakit ba sa’yo?” malambing kong tanong na may pag-aalala.
“W-wala… O-okay lang ako…” sagot n’yang mahina at nauutal.
“Are you sure? May hindi ka ba magandang nararamdaman? Gusto mo ba lumabas tayo para magpa-check up ka?” tanong kong muli at hinaplos ko ang kanyang mga pisngi.
Napansin kong habang tinatanong ko ang mga bagay na iyon ay hindi s’ya diretsong nakatingin sa aking mga mata. Sa labi ko s’ya nakatingin at napansin kong mas lalong namula ang mga pisngi n’ya.
Ilang saglit pa habang hawak ko pa rin s’ya sa kanyang magkabilang pisngi ay inangat n’ya ang isa n’yang palad at idinampi n’ya iyon ng marahan sa aking mukha.
Magmula sa aking kilay, mata, ilong at nagtapos s’ya sa paghaplos sa aking labi.
Nakakunot pa rin ang aking noo habang ginagawa n’ya iyon dahil sa pagtataka sa kakaibang ikinikilos n’ya.
“Xander….” ang pagtawag n’ya sa akin sa mahinang tono.
“B-bakit Tom?” nag-aalala kong tanong.
Hawak n’ya ako sa pisngi sa mga oras na ito habang patuloy n’yang hinahaplos ang aking labi sa pamamagitan ng kanyang isang daliri.
At habang ginagawa n’ya iyon ay muli n’yang ibinalik ang kanyang tingin sa aking mga mata.
“Halikan mo nga ako…” malambing n’yang utos sa akin.
Tila ba tumigil ang oras nang marinig ko iyon.
Ano daw?!!
“A-anong sabi mo?!” ang tila naguguluhan kong tanong.
“Sabi ko, halikan mo ako…” malambing na pag-uulit n’ya sa kanyang sinabi.
Nangunot ang aking noo dahil sa pagtataka.
“S-sigurado ka bang okay ka lang Master? Ano bang nangyayari sa’yo?!” tanong ko sa kanya na puno pa rin ng pagtataka.
Hindi s’ya sumagot sa akin. Ngunit matapos ang ilang segundo ay tinanggal n’ya ang kanyang kamay na nasa aking pisngi. Hindi pa iyon natapos doon, dahil tinanggal n’ya rin ang dalawang kamay ko na nakahawak sa kanyang pisngi.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis nyang hinawakan muli ang aking dalawang pisngi at siniil ako ng halik.
Dahil sa ginawa n’yang iyon ay natigilan ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko nagawang tumugon at nanatili lamang ang aking mga mata na nanlalaki.
Sa paraan ng ginagawang paghalik ni Tom ay kakaiba ito. Nakapikit din ang kanyang mga mata at damang-dama n’ya ang kanyang ginagawa. Ramdam ko sa paghalik n’yang iyon ang pananabik at hindi ko maikakailang nadadala ako.
Ngunit nang maalala ko ang kakaibang ikinikilos n’yang ito ay mabilis ko s’yang hinawakan sa magkabilang balikat at inilayo sa akin dahilan para magkahiwalay ang aming mga labi.
“M-m-master! A-a-ano bang nangyayari sa’yo?!” nauutal kong tanong sa kanya.
Sa halip na sagutin ako ni Tom ay ngumisi ito. Matapos iyon ay nagulat na lamang ako nang hawakan ako nito sa magkabilang balikat at iginaya sa pag-upo sa kama.
Habang ginagawa n’ya rin iyon ay unti-unti rin s’yang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanatili ang kanyang pagkakangisi at sinasabayan na rin iyon ng pagtitig sa akin ng mga mapupungay n’yang mga mata.
Nagkapalit na kami ngayon ng posisyon. S’ya na ngayon ang nasa aking harapan at ako na ngayon ang nakaupo sa mga oras na ito.
“T-tom….” tanging naibigkas ko habang suot pa rin ang ekspresyon kong nagtataka.
Ilang segundo pa s’yang tumitig sa akin bago nagsalita. Ngunit bago n’ya nagawang magbigkas ng salita ay kinagat n’ya muna ang kanyang ibabang labi habang nakangisi.
“Xander…..” pagtawag n’ya sa aking pangalan.
Hindi ko nagawang sumagot dahil matapos n’yang bigkasin iyon ay hinawakan n’ya ako ng isa n’yang kamay sa pisngi at marahang hinaplos iyon. Yumuko rin s’ya upang magpantay ang aming mukha. Napakalapit n’ya at ang ekspresyon n’ya ay tila ba nang-aakit s’ya sa mga oras na ito.
“Bakit ba ang gwapo-gwapo ng asawa ko…?” malambing n’yang tanong.
Kung sa normal na pagkakataon lamang ay tatalon na ako sa tuwa dahil sa kanyang sinabi. Pero sa pagkakataong ito ay wala akong maramdaman kundi kaba.
“Sagutin mo nga ako Xander… Bakit ba ang gwapo mo…?” tanong n’yang muli sa akin at kinagat muli ang kanyang labi.
Dahil sa tagpong iyon ay hindi ko naiwasang mapalunok ng ilang beses. May kakaiba kay Tom sa mga oras na ito. Hindi ito ang normal na Tom na nakakasama ko.
Dahil sa nakikita ko sa kanya ay hindi ko maiwasang isipin na nasasapian na ito ng masamang espirito.
“Sagot… Bakit ba ang gwapo ng asawa ko…?” tanong n’ya pang muli.
Napalunok akong muli bago ko nagawang makasagot.
“H-h-hindi ko alam….” natatanga kong sagot.
Natawa s’ya sa naging pagsagot ko. Pero ang tawa n’yang iyon ay nakakaakit sa pandinig ko.
“Hindi mo alam…?” tanong n’yang nakangisi.
Sinagot ko naman s’ya ng marahang pagtango habang nanlalaki ang mga mata ko.
“Sige… Ito na lang ang sagutin mo…” una n’yang sambit.
At matapos n’yang sabihin iyon ay inilapit n’ya pang muli ang kanyang sarili sa akin hanggang matagpuan ng kanyang bibig ang aking tenga bago s’ya bumulong.
“Bakit ang bango ng asawa ko…?” tanong n’yang nakakaakit sa akin.
Nanigas ako sa aking pwesto dahil matapos n’yang itanong ang bagay na iyon ay dinilaan n’ya ang aking tenga.
Lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan dahil sa labis na pagkabigla.
“Sagot…” utos n’ya nanaman sa akin ng pabulong.
Hindi ko magawang ilingon ang ulo ko nang sumagot ako.
“K-k-kasi… b-bagong ligo lang ako…” nauutal ko nanamang sagot.
Muli nanaman s’yang natawa sa sagot ko. Ngunit nanatiling nakadikit ang kanyang bibig sa aking tenga.
“Alam ko… Pero alam mo ba…? Kahit naliligo ka ng pawis, mabango ka pa rin…?” wika n’ya pa rin ng pabulong sa aking tenga.
Halo-halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaba dahil baka kung ano nang nangyaring hindi maganda sa kanya dahil sa kakaiba n’yang ikinikilos. At pagkasabik dahil sa ginagawa n’yang pang-aakit.
Hindi nanaman ako nakasagot at nanatili lamang akong tulala.
Sunod n’yang ginawa ay umatras s’ya ng bahagya upang magtagpong muli ang aming mga mata. Ilang pulgada lamang ang layo namin kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng kanyang mukha.
Hindi agad s’ya nagsalita. Nakatitig s’ya sa akin gamit ang kanyang mapupungay na mga mata hanggang sa muli n’yang ibuka ang mga bibig n’ya.
“Sagot… Bakit kahit naliligo ka ng pawis, mabango ka pa rin…?” pag-uulit n’ya sa kanyang katanungan habang nakangisi.
“H-h-hindi ko… a-alam…” sagot ko pa rin sa kanyang nauutal.
Nakita ko kung paano n’ya kinagat muli ang kanyang labi matapos kong sumagot. Lalo na akong hindi nakagalaw dahil naiilang ako sa ginagawa n’ya ngayong pagsusuri sa bawat parte ng mukha ko. Nagtagal s’ya sa bandang labi ko na ngayon ay bahagyang nakabuka.
Ilang sandali pa ay inilagay n’ya ang kanyang isang kamay sa aking batok. Dahan-dahan din ay inangat n’ya ang kanyang tingin mula sa aking bibig papunta sa aking mga mata bago ito nagsalita.
“Kung ganon Xander………..
……….gusto mo bang maligo ngayon ng pawis…?“
tanong n’yang nakangisi.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.
Hindi pa man ako nakakasagot sa kanya ay nagulat na lamang ako nang bigla n’yang hilain ang aking batok papunta sa kanya hanggang sa magdikit ang aming mga labi.
Hindi nanaman ako makatugon dahil sa labis na pagkabigla. Nanatiling nanlalaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa.
Mapusok ang ginagawa n’yang paghalik na nangyayari lamang sa tuwing ginagawa namin ang pag-iisa sa ibabaw ng kama.
Dahil sa kanyang ginagawa ay hindi ko na rin napigilan ang mapapikit dahil sa sensasyong dala ng paghalik n’ya. At ilang sandali lamang ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na sinusuklian ang paghalik n’yang iyon.
Bawat pagtugon namin sa halik ng bawat isa ay dama ang pagkasabik at pagmamahal namin sa isa’t-isa. Tila ba nasa ibabaw kami ng ulap at isinasabay kami ng hangin sa pagsayaw nila.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon at naputol lamang iyon nang tumunog ang aking cellphone mula sa ibabaw ng maliit na cabinet na nasa tabi ng aming kama.
Dahil sa pagtunog ng cellphone kong iyon ay tila ba natauhan din ako. Nagising rin ako sa katotohanang hindi ko dapat sinasamantala si Tom sa ganito n’yang kalagayan. Muling nagbalik sa aking kaisipan ang kakaibang ikinikilos n’ya sa mga oras na ito.
At dahil sa pagbabalik ng katotohanang iyon ay nagbalik din ang kaba at pag-aalala ko. Napalitan ang mabilis na pagtibok ng aking puso ng pangamba na baka may hindi magandang mangyari sa mahal ko.
Napabitaw ako sa paghalik kay Tom. Ngunit nang gawin ko iyon ay tila ba mas naging agresibo s’ya. Ang kanyang paghalik sa aking labi ay naglakbay patungo sa aking pisngi hanggang sa aking tenga.
Mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa pagbabakasakaling isa sa mga kaibigan at pamilya namin ito. Nahirapan naman akong gawin ito dahil mas naging agresibo si Tom sa ginagawa n’yang paghalik sa akin.
Nang makita kong si Lojie ang nasa screen ng aking cellphone at tumatawag ay nabuhayan ako.
“Hello Lojie!!” malakas kong pagsagot sa kanyang tawag.
“Hello Ale—–” ang hindi n’ya na naituloy na pagsasalita dahil mabilis ko na s’yang pinutol.
“Lojie tulungan mo ako!!” paghingi ko ng saklolo sa kanya.
Matapos kong sabihin ko iyon ay naramdaman kong iginagaya na ako ni Tom upang makahiga sa aming kama habang patuloy pa rin s’ya sa ginagawa n’yang paghalik sa aking pisngi at tenga. Naging dahilan din ito upang pumaibabaw s’ya sa akin.
Naisuporta ko naman ang isa kong siko habang hawak ko ang aking cellphone upang hindi ako tuluyang mapahiga. Ang isa ko namang kamay ay nakayakap na ngayon sa bewang ni Tom upang maalalayan s’ya.
“Bakit?! Anong nangyari sa’yo Alex?!” tanong naman ni Lojie na may pag-aalala.
“Si Tom!!” sagot ko naman sa kanya na natataranta.
“Oh bakit?! Anong nangyari kay Tom?!” tanong n’ya pa rin pabalik.
“Lojie si Tom!! May hindi tamang nangyayari sa kanya!! Tulungan mo ako!! Sinasapian s’ya!! Para s’yang sinasaniban ng—– aaaahhhh…..” sunod-sunod kong pagsasalita ngunit hindi ko naituloy.
Paano ko ba naman maitutuloy ang pagsasalita ko?! Eh binaba na ni Tom ang halik n’ya papunta sa leeg ko! Naging dahilan tuloy iyon ng pag-ungol ko!
Kinontrol ko ang sarili ko. Hindi ako dapat magpadala sa ginagawa ni Tom sa akin sa mga oras na ito.
Naghintay ako sa isasagot ni Lojie ng ilang segundo ngunit tila ba nawalan ako ng kausap sa kabilang linya.
“Hello Lojie?! Lojie!!” pagtawag ko sa kanya.
“H-hello Alex…” ang mahina n’yang sagot.
Akala ko ay nawala na ito sa kabilang linya.
“Sabi ko tulungan mo ako!!” sigaw ko na sa kanya dahil sa pagkataranta.
Habang abala ako sa pakikipag-usap kay Lojie ay naging abala rin si Tom sa aking ibabaw sa paghalik sa aking leeg. Hindi ko nanaman tuloy maiwasang mapapikit dahil sa kanyang ginagawa.
“Alex?” pagtawag ni Lojie sa aking pangalan.
Sa tono ng kanyang pagtawag sa akin ay tila ba wala na rito ang pag-aalala. Nakaramdam tuloy ako ng inis sa kanya.
“Alex ka d’yan?! Narinig mo ba ang sinabi ko?! Sabi ko tulungan mo ako!!” sigaw ko na sa kanya.
“A-ah.. A-alex? Tama ba ang narinig ko sa’yo kanina? Umuungol ka ba?” tanong nito sa akin.
Nangunot naman ang aking noo at alam kong sa reaksyon ko ngayon ay may ekspresyon akong hindi makapaniwala.
“Ano bang pinagsasabi mo Lojie?! Narinig mo naman siguro na natatanranta na ako dito ’di ba?! Kung ano-ano pa ’yang tinatanong mo! Ang sabi ko tulungan mo ako dito kay Tom dahil sinasaniban na s’ya ng masamang espirito!!!” sigaw ko na sa kanya.
“Okay okay! Relax ka lang d’yan! Sige, ano ba kasing nangyayari kay Tom?! Saka itigil mo nga ’yang sanib-sanib na ’yan! Ang tanda mo na may pagsanib ng espirito ka pang nalalaman! Sa espirito lang ng alak ako naniniwala tandaan mo ’yan!!” sigaw din nito sa akin pabalik.
Gusto ko s’yang patulan pero hindi ito ang tamang oras para dito. Kailangan ni Tom ng tulong ngayon.
Huminga ako ng malalim bagamat naaapektuhan pa rin ako sa patuloy na paghalik ni Tom sa aking leeg.
“Si Tom kasi kakaiba. Kanina okay naman s’ya eh. Pero ngayon? Parang… parang iba na s’ya! Para s’yang sinapian dahil kakaiba ang mga kinikilos n’ya!” paliwanag ko sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay napapikit nanaman ako dahil mas naging madiin ang paghalik ni Tom sa aking leeg.
“Kagaya ng?” tanong ni Lojie sa mahinahong tono.
“’Y-yung mata n’ya kakaiba! Parang nag-aapoy tapos namumungay pa! Tapos… tapos ang weird pa ng mga sinasabi n’ya! Pucha! Puro nakakaakit ’yung mga salitang sinasabi n’ya eh! Hindi naman s’ya ganito eh! ’Di ba?! Sabihin mo kung normal pa ba s’ya kung ganito s’ya!” natataranta kong paliwanag.
Hindi agad nakapagsalita si Lojie nang sabihin ko iyon. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay narinig ko ang malakas nitong pagsigaw.
“Hunyeta Olyn!! Halika dito!! Umepekto na ang magic ko!!” sigaw nito sa kabilang linya.
Muli nanamang nangunot ang noo ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
Ano bang problema ng pinsan kong ’to?! Napakawalang kwenta talaga!!
“Anyare?! Anyare?!” narinig ko pa sa kabilang linya.
At base sa boses na iyon ay mukhang si Olyn na nga ang lumapit kay Lojie.
“Hukingina! Sabi ko sa’yo effective ’yun eh!” narinig kong sambit ni Lojie na may halong pagyayabang.
“Umepekto na?! ’Di nga? Ma-elya na si Tom?! Umaariba na ba?!” sunod-sunod na tanong ni Olyn.
Dito na ako hindi nakapagtimpi.
“Lojie ano ba?!! Tutulungan n’yo ba ako o baka gusto mong pagbuh—– aaahhhh… sh*t!!” ang pagsigaw ko sana kay Lojie ngunit hindi nanaman natuloy.
Naramdaman ko kasi ang pagkagat ni Tom sa aking leeg na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon.
“Oo nga bes! May paghalinghing na si Sir Xander!” narinig kong sambit ni Olyn sa kabilang linya.
“Sabi sa’yo eh! Gimme five!” sambit naman ni Lojie at nakarinig ako ng paglapat ng palad nilang dalawa.
Dahil sa mabilis nilang pagpapalitan ng pag-uusap ay mukhang pareho nila akong naririnig. Mukhang naka-loud speaker ang tawag kong iyon sa cellphone ni Lojie.
Pucha talaga ’tong dalawang ulupong na ’to! Mga walang silbi!
“Mga siraulo!! Tulungan n’yo na lang ako dito pwede?!!” sigaw kong muli sa kanila.
Saglit na katahimikan pa ang lumipas bago nagsalitang muli si Lojie ngunit sa mahinahon nang tono.
“Alex, makinig kang mabuti. May sasabihin kaming instruction sa’yo. May advice kami ni Olyn na makakatulong sa’yo at hindi mo na kakailanganin pa ang tulong namin.” utos nito sa akin.
“Ano?! Bilisan n’yo kasi!” natataranta ko pa ring sagot.
Nagbilang muli ako ng ilang segundo bago sumagot muli si Lojie.
“Alex, i-enjoy mo lang ’yan.” maikli nitong sagot.
Muling nangunot ang aking noo.
“Ano??!!!!!” tanong kong punong-puno nang pagtataka.
Matapos kong sumigaw ay nagulat ako nang muling iangat ni Tom ang kanyang mukha at mabilis akong hinalikan sa labi.
“Uummpp!” naisatinig ko dahil magkalapat muli ang labi namin ni Tom.
Hindi ko magawang tugunan ang halik n’yang iyon dahil naguguluhan na ako. Para na akong mababaliw dahil halo-halo na ang nararamdaman ko.
Dahil siguro sa hindi ako makatugon sa halik ni Tom ay saglit itong tumigil sa paghalik sa akin at nagsalita.
“Xander… Ibaba mo na ’yang tawag mo… Mamaya na ’yan… Magpapawis muna tayo…” mapang-akit nitong utos sa akin.
Kasunod ng sinabi n’yang iyon ay hinalikan n’ya naman ang aking buong mukha.
At hindi pa man din ako nakakasagot ay narinig ko mula sa kabilang linya ang naging reaksyon ng dalawa sa narinig nila mula kay Tom.
“Woahh!!! Amazing!! Ang lupit ni Tom!!” sigaw ni Lojie.
“Pakingshet!! Ako’y nanlalagket!! Isa pa nga!! Isa pa nga bes!!!” ang tila pagkanta naman ni Olyn.
Pambihira! Ano ba namang klaseng karanasan ’to?! Hindi ito ang ine-expect ko!!
“Alex!!” ang muling pagtawag sa akin ni Lojie.
“Mga ulupong kayo!! Hindi kayo nakakatulong!! Hindi ko na alam ang gagawin dito!!” sigaw ko nanaman sa kanya.
“Sir Xander, don’t panic! Everything is under control! Relax ka lang d’yan!” pagpapakalma sa akin ni Olyn.
“Oo nga Alex! ’Wag kang mag-alala. Ipagpalagay mo na lang na nakatanggap ka ng magandang regalo mula sa aming dalawa ni Olyn!” sunod na sambit ni Lojie.
Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na rin alam kung sino ang uunahin ko. Kung ang pakikipag-usap ba sa dalawang walang kwentang nilalang sa telepono o ang pakalmahin si Tom sa harapan ko.
Mabuti naman at hindi na ako hinayaan pa nina Lojie at Olyn na sumigaw. Dahil mabilis din na nagpaliwanag agad si Lojie.
“’Wag kang mag-alala Alex. Walang sapi o sanib ’yan ngayon si Tom. Lilipas din ’yan maya-maya lang. Epekto lang ’yan ng nainom n’ya kaya s’ya ganyan. Kaya sa halip na mag-panic ka d’yan, i-enjoy mo na lang ’yan dahil minsan lang ’yan! Ikaw rin, bukas hindi na mauulit ’yan.” mahaba nitong pangungumbinsi sa akin.
Muli nanaman akong nagtaka sa kanyang sinabi.
“Teka teka teka?! Anong pinagsasabi mo na epekto ng nainom n’ya ’to?!” naguguluhan kong tanong sa kanila.
Sa pagkakataong ito ay si Olyn na ang sumagot.
“Naalala mo Sir Xander ’yung pinainom namin kanina kay Tom? May konting magic ’yon!” wika ni Olyn.
“Ano???!!!!” pasigaw ko nanamang tanong dahil sa pagkabigla.
Sinasabi ko na nga ba at may binabalak kanina na masama ang dalawang ’to eh!
“Tama si Olyn, Alex. Konting magic sarap lang ang nilagay namin doon para mas makabuluhan ang unang gabi n’yo ni Tom bilang mag-asawa!” ganadong sagot ni Lojie.
Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Olyn na parang mababaliw na.
“Anong pinainom n’yo sa kanya?! Sumagot kayo!!” nag-aalala kong tanong.
Iniisip ko kasi na baka hinaluan nila ito ng maaaring makaapekto sa kalusugan ni Tom. At hindi ako papayag na mangyari ’yon!
“I told you Alex, just relax! It’s just a pill para tumaas ang drive ni Tom sa… alam mo na?! Konti ang naman ’yon na hinalo namin sa alak n’ya kanina.” sagot ni Lojie.
Naiintindihan ko na. Dahil nga sa may saltik sa utak ang pinsan ko at natural sa kanya ang pagiging siraulo ay marahil may gamot itong pinainom kay Tom.
Hindi ko maiwasang makaramdam sa kanya ng galit dahil pakiramdam ko ay pinaglaruan n’ya si Tom.
“Tang*na ka Lojie!! Kapag may nangyaring hindi maganda kay Tom, bumalik ka na sa London at magtago!! Dahil hindi ko patatahimikin kahit ang kaluluwa mong hayup ka!!!” sigaw ko sa kanya.
Sa halip na maapektuhan s’ya sa aking sinabi ay narinig ko pa ang pagtawa nilang dalawa ni Olyn sa kabilang linya.
“C’mon Alex! Ibigay mo lang kay Tom ang kailangan n’ya. Pagbigyan mo lang s’ya. At kapag ginawa mo ’yon, trust me! Pasasalamatan mo rin ako!” pagyayabang n’ya pa.
Mahigpit kong nahawakan ang aking cellphone dahil sa labis na inis. At hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis din na nagsalitang muli si Lojie.
“O paano Alex? Ayaw na namin kayong istorbohin ha? Busy din kasi kami ni Olyn sa pag-inom eh. Enjoy na lang kayo d’yan ha?” pagpapaalam nito.
“Oo nga Sir Xander! ’Wag kang mag-alala, okay naman ’yang si Tom. Walang hindi magandang mangyayari sa kanya. Kaibigan namin s’ya kaya hindi namin ’yon gagawin. Basta gawin mo lang kung may ipag-uutos s’ya! Pagbigyan mo lang s’ya sa desire n’ya!” payo naman ni Olyn at nagpakawala nanaman ng tawa.
Matapos ang mga sinabi nilang iyon ay mabilis din nilang ibinaba ang tawag nilang iyon.
Halos maibato ko ang aking cellphone nang maibaba ko ito dahil sa labis na inis sa dalawa.
At habang nasa ganoon akong posisyon ay muling umatras si Tom upang magtagpo ang aming mga mata.
“Xander…” mapang-akit nitong pagtawag sa akin.
Ilang segundo ang aking pinalipas bago ko s’ya sinagot na puno ng may kaba.
“B-b-bakit?” utal kong pagsagot.
“Pakiramdam ko kasi… nabo-bored ako…” sagot n’ya habang nakangisi.
Nabo-bored daw s’ya pero nakangiti s’ya sa mga oras na ito!
“A-anong gusto mong gawin Master? G-gusto mo ba matulog na lang tayo?” suhestyon ko sa kanya.
Naisip ko kasing baka mawala na ang ganitong ikinikilos n’ya kung makakatulog na s’ya.
Nasa ibabaw ko pa rin s’ya ngayon. Ako naman ay nanatiling nakahawak ang isang kamay sa kanyang bewang pa rin bilang suporta.
Bago s’ya sumagot ay nagulat akong bigla itong natawa ng mahina. At matapos n’yang tumawa ay hinaplos n’ya ng marahan ang aking dibdib sa pamamagitan ng kanyang hintuturo.
“A-yo-ko.” wika n’yang natatawa.
Napalunok nanaman ako dahil sa paraan ng pagsagot n’yang iyon. Mas nakakaakit na kasi s’ya sa pagkakataong ito.
“A-ahm… A-ano bang gusto mong gawin natin Master?” kinakabahan kong tanong.
Naisip ko ang sinabi kanina nina Lojie na dapat ay pagbigyan ko lamang si Tom sa kanyang mga kagustuhan. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon ni Tom kung sakaling hindi ko gawin ang kanyang inuutos.
Bago s’ya sumagot ay ngumiti muna s’ya habang kagat ang kanyang labi.
Tom naman! ’Wag naman ganito! Hindi ko na alam kung anong uunahin ko! Papatulan ko ba ang pang-aakit mo o aalagaan na lang kita hanggang sa mawala na ang epekto ng gamot na pinainom sa’yo?!
“Gusto ko Master…. maglaro tayo…” sagot n’yang nakakaakit.
“L-laro? A-anong laro naman ang naiisip mo?” tanong ko nanaman sa kanya.
Mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti nang itanong ko iyon sa kanya.
“Sabihin mo muna Master na pumapayag ka…” wika n’ya pa rin sa akin.
Ano daw? Hindi pa nga n’ya sinasabi ang laro na naiisip n’ya pero gusto n’ya pumayag ako!
Gusto kong kumontra sa kanya pero muli ko nanamang naalala ang naging payo nila Lojie at Olyn na sundin ko lamang si Tom.
“S-sige… P-pero ano bang laro ang naiisip mo?” pagpayag at tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pangningning ng mga mata ni Tom nang sabihin ko iyon.
“Talaga??!!” masaya n’yang reaksyon na tila hindi pinansin ang tanong ko sa huli.
Lalo na akong nakaramdam ng kaba dahil sa reaksyon n’yang iyon. Wala kasi akong ideya sa gusto nitong mangyari.
“O-oo… Basta ikaw… B-basta sa ikakasaya mo…” sagot ko naman na kinakabahan.
Lalong naging masaya si Tom matapos kong sabihin iyon. Totoo naman kasi ang bagay na iyon. Kahit ano ay gagawin ko para mapasaya lang s’ya. Pero ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon na gagawin ko iyon ng may kaba.
“Sige! ’Wag kang aalis dito ha? Dito ka lang ha?” ganado nitong utos sa akin.
Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na umalis si Tom sa aking ibabaw. Mabilis din s’yang nagtungo sa banyo at habang wala pa rin akong galaw sa aking pwesto.
Siguro ay may dalawang minuto akong hinintay bago ko nakitang papalabas na s’ya mula sa banyong iyon.
Ngunit ang ipinagtaka ko ay ang mga bagay na nasa mga kamay n’ya ngayon.
Mula sa pinto ng banyo ay naging dahan-dahan ang kanyang paghakbang papalapit sa akin.
Mas lalong dumoble ang kaba ko dahil habang papalapit s’ya sa akin ay nag-aapoy nanaman ang kanyang mga mata habang may ngisi sa kanyang labi.
Dahil sa nakikita ko ngayon ay hindi ko naiwasang mapaatras sa kama patungo sa headboard nito.
“M-m-master…?” kinakabahan kong pagtawag sa kanya.
“Yes Master…?” mapang-akit n’yang sagot sa akin.
Patuloy ako sa pag-atras habang s’ya naman ay patuloy sa paghakbang papalapit sa akin.
“B-b-bakit may hawak kang necktie?” kinakabahan kong tanong.
Hawak n’ya kasi ang mga necktie namin na ginamit namin kanina sa aming kasal.
Narating ni Tom ang dulo nang kama at nasaksihan ko ang dahan-dahan n’yang pag-akyat at paggapang dito patungo sa aking pwesto.
“’Di ba maglalaro tayo…?” sagot n’ya sa akin habang patuloy sa kanyang paggapang.
Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko iyon. Lalo pa akong kinabahan nang maramdaman ko na dumikit na sa aking likod ang headboard ng kama. Nangangahulugan iyon na wala na akong maaatrasan pa.
“Eh b-bakit may hawak ka n’yan? Kailangan ba natin sa laro natin ’yan?” tanong ko pa rin.
Tumango-tango s’ya bilang pagsagot habang nakangiti.
Nagpatuloy s’ya sa kanyang paggapang hanggang sa lumiit ang aming distansya.
“A-ah eh… M-master… A-ano bang lalaruin natin?” ninenerbyos kong tanong.
Hindi s’ya agad na sumagot. Ngunit nang tuluyan na s’yang makalapit at ilang pulgada na lamang ang layo nang aming mukha sa isa’t-isa ay mas lumapad ang pagkakangiti n’ya.
“Anong lalaruin natin…?” tanong n’yang nakangisi sa akin.
Amoy na amoy ko na ang mabangong hininga ni Tom dahil napakalapit na ng mukha n’ya sa akin.
Dahan-dahan akong tumango at naghintay sa magiging sagot n’ya.
Ngunit nang marinig ko ang kanyang sagot ay naibuka ko ang aking bibig at nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.
“HA-BU-LAN GA-HA-SA.” sagot n’yang nakangiti.
ANO RAW?!!!!!!!!
Habulan-gahasa????!!!!!!!!!!
(a/n: Oy! Masyado nag-enjoy! Hahahaha!! S’yempre ang kasunod na eksena ay wala sa chapter na ito. Makikita n’yo lamang ito sa Restricted Chapter na nasa profile ko! Madali! Doon n’yo hanapin ang TOATL 2-FINALE chapter. At alam n’yo naman na hindi n’yo iyon mababasa kung hindi n’yo pa ako nafa-follow ’di ba? Good luck guys!)
.
.
.
.
Matapos ang umaatikabong laban sa pagitan namin ni Tom kanina ay naririto na kami sa malambot na kama at nakahiga.
Nakaunan si Tom sa aking braso habang yakap ko s’ya. Nahihimbing s’ya sa kanyang pagkakatulog sa mga oras na ito.
Habang tinititigan ko ang maamo n’yang mukha ay natawa ako. Naalala ko kasi kanina ang kanyang mga ginawa. Akala ko nga ay hindi na ito makakaramdam ng pagod dahil bukod sa ilang beses namin iyon ginawa ay mas naging agresibo pa si Tom.
Hindi ko maiwasang matuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa n’ya sa akin ang bagay na iyon. Kung hindi pa pala s’ya makakainom ng tinatawag ni Lojie na magic sarap ay hindi pa ito magpapakita ng ganoon katinding performance.
At dahil naalala ko ang ginawang iyon ni Lojie ay mabilis kong kinuha ang aking cellphone. Nasa tabi lang naman kasi ito ng aming kama at nasa ibabaw ng maliit na cabinet.
Dali-dali kong hinanap sa aking contact list ang pangalan ni Lojie.
“Hello Lojie!” ang pabulong kong sambit nang masagot ni Lojie ang aking tawag.
Baka kasi magising si Tom kaya kailangan kong hinaan ang aking boses.
“Nyeta! Istorbo! Ano ba ’yon Alex?!” irita nitong tanong.
Magsasalita na sana ako ngunit nasundan naman iyon ng pagsaway ni Lojie kay Olyn.
“Animal ka talaga Olyn! Umayos ka nga! Basang-basa na pantalon ko sa laway mo eh!” sambit nito.
Narinig ko ang mga pag-ungol ng isang babae sa kabilang linya.
Ang bastos talaga ng dalawang ’to!
“Hoy Lojie! Itigil n’yo nga ’yang kababuyan n’yo ’pag nag-uusap tayo sa telepono!” pagsaway ko kay Lojie.
Dahil sa sinabi ko ay nag-iba ang tono ng pagsasalita ni Lojie. Napalitan ito ng pagtataka.
“Luh? Anong kababuyan pinagsasabi mo?!” tanong n’yang nagtataka.
“’Yan! ’Yan sinasabi mong basa na pantalon mo sa laway ni Olyn!” sagot ko naman sa kanya.
“Lul! ’Wag mo ako igaya sa’yo! Sinasaway ko lang si Olyn dahil nakasubsob ’yung mukha n’ya sa junior ko!” buska nito sa akin.
Ano?! Wala raw kababuyang ginagawa pero nakasubsob si Olyn sa ano n’ya!
“Nakita mo ’yan?! Hindi ba kababuyan ’yan?! Ang lalaswa n’yo!” buska ko pabalik.
“Pakyu ka! Nakasubsob s’ya dahil lasing na lasing! Naliligo na ng laway n’ya ’yung pantalon ko dahil hindi na kayang tumayo! Lecheng babae ’to eh! Iniwan ko tuloy ’yung kotse ko sa bar para magtaxi na lang! Gusto pa kasing lumipat kami ng bar eh! Sinabi ko na lang na flat ’yung gulong ng kotse ko para manahimik!” mahaba nitong paliwanag sa naiinis na tono.
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa panghuhusga ko sa kanilang dalawa. Naging dahilan tuloy iyon para hindi ako makapagsalita.
Eh sino ba naman ang hindi mag-iisip ng hindi maganda kung ganon ang maririnig mo sa kanya ’di ba?
Dahil sa hindi ako nakasagot ay muling nagtanong si Lojie.
“Oh, bakit ka nga pala napatawag?!” tanong nito sa akin.
Nang tanungin n’ya iyon ay muli kong naalala ang aking pakay kung bakit ko s’ya tinawagan. At nang sagutin ko iyon ay gumuhit ang ngiti sa aking labi.
“Wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sa’yo, sa inyong dalawa ni Olyn.” sagot kong nakangiti.
Ilang segundo bago nakasagot si Lojie. Tila ba pinoproseso pa ang dahilan kung bakit ako nagpapasalamat.
At nang sumagot s’ya ay alam kong nakangiti na s’ya sa mga oras na ito.
“Wala ’yon gago ka! Sabi ko naman sa’yo pasasalamatan mo rin ako ’di ba? Nag-enjoy ka ba?” mayabang nitong tanong.
“Sobra.” sagot ko naman sa kanya.
“Taena ka, sino ngayon ang malaswa?!” tanong nito sa akin.
Hindi na ako nakasagot dahil natawa na lamang ako sa kanya.
“Sige na sige na! Magpahinga ka na rin maharot ka! Aasikasuhin ko pa ’tong gagang Olyn na ’to!” ang pagpapaalam n’ya na sa kabilang linya.
“Sige, sige. Salamat ulit.” sagot kong natatawa pa rin sa kanila at ibinaba na ang tawag.
Matapos iyon ay muli kong ibinalik ang aking cellphone sa maliit na cabinet.
Ngunit nang pumosisyon na ako para sana mahiga na ng maayos at makapagpahinga ay s’ya namang biglang paggalaw ni Tom.
Dahan-dahan itong umupo mula sa pagkakahiga at itinukod ang isa n’yang kamay sa kama.
Mukhang naistorbo ko ang asawa ko ah?
Nang makaupo s’ya ay kinusot-kusot n’ya pa ang kanyang mata habang nakapikit pa ito.
Ang cute!
Dahil sa nakaupo s’ya ngayon ay nakita ko ang katawan n’yang wala ring suot na damit ngayon. Pareho kaming hindi na inabala pang magsuot ng pang-itaas matapos naming maligo kanina.
Kitang-kita ko ang mga marka na naiwan ko sa kanyang makinis at maputing katawan dahil sa nag-aalab na kaganapan sa amin kanina.
“Sinong kausap mo?” tanong n’ya sa inaantok pang tono.
Dahil natutuwa ako sa kanya ngayon ay nakaisip ako ng kapilyuhan.
“Ah, wala ’yon. ’Yung kabit ko lang ’yon. ’Yung babae ko?” sagot kong kunwari ay walang gana.
Dahil sa sinabi ko ay mukhang tuluyan nang nagising ito.
Naidilat n’ya ang singkitin n’yang mga mata. Ibinaba n’ya rin ng paunti-unti ang kanyang kamay na ginamit n’ya sa kanyang pagkukusot sa mga ito.
Sinuri n’ya ang aking ekspresyon kung may halo bang pagbibiro iyon. Ngunit dahil sa natutuwa nga ako sa kanya ay ipinakita ko na kunwari ay seryoso talaga ako.
Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon lang. Habang patuloy n’ya akong sinusuri ay hindi ako nagpatalo sa pag-arte na kunwari ay seryoso. Siguro ay naghihintay rin s’ya na bawiin ko ang sinabi ko.
At nang wala s’yang makuhang kahit na isang salita mula sa akin ay saka na lamang s’ya nagtanong.
“M-may babae ka Xander…?” mahina n’yang tanong sa akin.
Hindi ako tumugon at nanatiling seryoso ang aking mukha.
Hindi na s’ya muli pang nagtanong. Mukhang nakukumbinsi ko na ito ngayon. Pero ilang sandali pa habang nakatitig s’ya sa akin ay nakita ko ang kanyang mga mata na unti-unti nang may namumuong mga luha.
Ang asawa ko talaga! Alam n’ya naman na hindi ko ’yon magagawa sa kanya pero nagpapaniwala pa rin sa kalokohan ko!
Dito na rin ako umaksyon!
Mabilis ko s’yang niyakap at pinahiga sa kama.
“Joke lang Master!!” pagbawi ko at dinaganan s’ya habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko.
Ang cute kasi ng asawa ko!
Nakita ko kung paano nagbago ang kanyang ekspresyon. Ang kanina n’yang mga mata na mangiyak-ngiyak ay unti-unti nang nanlilisik ngayon.
Kaya bago pa ako makatanggap ng katakot-takot na sermon ay hinalikan ko s’ya ng mabilis at maraming beses sa lahat ng parte ng mukha n’ya.
Hindi na s’ya makapagsalita o kahit ang umangal dahil sa aking ginagawa. Alam na alam ko ang mga bagay na makakapagpagaan sa kalooban n’ya. Alam na alam ko ang magpapabago sa inis o galit na nararamdaman n’ya.
“M-master! Ump! T-tama na! Puro na ako laway!!” reklamo n’ya.
See? Tinawag na akong Master ’di ba? Ibig sabihin hindi na ’yan galit sa akin!
Dahil sa hindi nanaman makahinga ang mahal ko dahil sa ginagawa ko ay itinigil ko na rin ito. Ngunit hindi ko maiwasang matawa dahil sa naging reaksyon n’ya. Ang cute n’ya kasi talaga!
Nasa ibabaw n’ya pa rin ako hanggang ngayon habang natatawa.
“Ang saya mo ’no? Naisipan mo nanamang asarin ako!” wika n’ya habang nakasimangot.
“Ang cute-cute kasi ng asawa ko ’pag nagseselos eh! Pati ’pag naiinis! Lalo na ’pag pinapaliguan ko ng maraming kiss!” sagot ko namang natatawa.
Wala naman s’yang naisagot kundi ang pagnguso na lalong naging dahilan ng panggigigil ko sa kanya. At dahil sa nakanguso nga s’ya ay hindi ko napigilan ang aking sarili na bigyan s’ya ng madiin na halik sa labi.
Siguro ay mga ilang segundo rin ang pagkakadikit ng aming nga labi bago ko s’ya pinakawalan. Ngunit matapos iyon ay hindi pa rin ako umaalis sa aking pwesto. Nanatili akong nasa kanyang ibabaw.
Kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha ni Tom. Nakangiti s’yang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
Mula sa kanyang mga mata ay dahan-dahan kong iginala ang aking paningin mula sa kanyang noo, ilong labi at mga pisngi.
Dahil sa ginawa kong iyon ay hindi naiwasan ni Tom ang maglabas ng mahinang pagtawa.
“Baka matunaw naman ako n’yan Master?” natatawa n’yang pagsita sa akin.
Kahit na sinabi n’ya iyon ay hindi ako tumigil sa aking ginagawa. Iniangat ko pa ang aking palad at hinaplos s’ya sa kanyang pisngi. Hindi ko pa naiwasang pati ang kanyang dimple ay paulit-ulit kong hinaplos.
Hindi ako makapaniwala na nasa bisig ko na ngayon ang taong naging dahilan upang magkaroon ng kulay ang mundo ko. Kasama ko na s’ya ngayon at hindi na kailan man malalayo sa akin. Higit sa lahat, makakasama ko na s’ya hanggang sa pagtanda ko.
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon Tom. Hindi mo lang alam kung gaano ko gustong isigaw sa mundo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.” malambing kong wika sa kanya.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa akin.
“Ako rin Xander. Ikaw ang nag-iisang tao na hindi ko hinangad pero dumating. Sobra-sobra ang saya ko. Hindi ko inakala na mangyayari ang lahat ng ’to. Salamat Master… Salamat dahil dumating ka at nananatili sa buhay ko.” malambing n’ya rin na sagot sa akin.
Matapos iyon ay binigyan namin muli ng masuyong paghalik ang isa’t-isa.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay hindi pa doon natapos ang mga salitang gusto naming sabihin sa isa’t-isa.
“Master Tom, asawa na kita ngayon. Ikaw na ang magiging boss ko!” masaya kong sambit sa kanya.
Natawa s’ya sa aking sinabi.
“Talaga! At lahat ng sabibin ko, dapat susundin mo!” sagot n’ya namang natatawa.
Wala naman akong naisagot kundi ang pagtawa lang din.
Ilang sandali pa ay may naalala ako na minsan ko nang sinabi sa kanya. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito para buksan muli ang usapan naming iyon.
“Master…” pagtawag ko sa kanya sa seryosong tono.
“Hhhmm?” sagot n’ya naman.
Ilang segundo ang aking pinalipas bago ko itinuloy ang aking sasabihin.
“Sa tingin mo ba, sa nangyari sa atin kanina, mabubuntis na kita?” tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang itanong ko iyon.
Ngunit ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang kanyang mahapding pagpingot sa aking tenga.
“Aray aray aray! Ouch! Ang sakit!” reklamo ko at hinihimas ang aking tenga na kanyang piningot.
“Kung ano-ano kasing naiisip mo!” buska n’ya naman at mahinang pinitik ang aking ilong.
Napanguso naman ako sa kanyang sinabi.
“Gusto ko lang naman magkaroon pa ng another cute version ng Master ko eh…” pagdadahilan ko habang nakanguso sa kanya.
“At sa tingin mo ba mangyayari ’yon?!” masungit n’yang tanong pabalik.
“Oo naman… Saka gusto na agad ni Carla ng kapatid eh…” pagpupumilit ko pa rin.
Tinaasan n’ya naman ako ng isang kilay bago s’ya sumagot.
“At anong gusto mo?! Mambuntis ako ng babae para lang sa little Tom-tom mo?!” masungit n’yang pagtatanong.
“’Wag!!” maagap ko naman na pagtutol.
S’yempre hindi ako papayag na may ibang makakahawak sa katawan ng mahal ko! Dapat ako lang!
“Ayun naman pala eh! Manahimik ka na lang d’yan kung ayaw mong madagdagan ’yang pingot mo!” panenermon n’ya pang muli.
Wala naman akong nagawa kundi ang mapakamot na lamang sa aking ulo.
“Malay mo lang naman magkaroon ng himala ’di ba?” wika ko. Hindi kasi ako nawawalan ng pag-asa.
Hindi s’ya agad nakatugon. Pero makalipas ang ilang sandali ay muling nagsalita ito.
“Hay jusko Xander! Sige, kung makahanap ka ng paraan para matupad ’yang kahilingan mo, sige, gawin natin! Pero sa ngayon, pwede bang tayong dalawa muna ang isipin natin pati si Carla? Ngayon ko pa lang masusulit na makasama s’ya eh! Baka naman pwedeng sulitin muna natin ’di ba?” mahaba n’yang pagsasalita.
Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. May punto s’ya sa bagay na iyon. Isa pa, ngayon lang mararanasan ng anak ko ang magkaroon ng kompletong pamilya.
Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa akin.
“Sige na nga!” masigla kong sagot sa kanya.
Inikutan lamang ako ng mata ni Tom at bahagyang pinalo ang kanyang noo.
Alam ko ang nasa isip nito ngayon. Marahil ay kausap n’ya ang kanyang sarili at sinasabing bipolar ako dahil mabilis na nagpapalit ang mood ko.
Dahil sa ginawa n’yang pagpalo sa kanyang noo ay nasilayan ko ang kamay n’ya na suot na ngayon ang singsing na simbolo ng pagiging mag-asawa namin.
Inangat ko rin ang aking kamay na may suot ng singsing na kapareho ng sa kanya. Inilagay ko ang mga daliri ko sa pagitan ng mga daliri ni Tom na iyon hanggang sa mahigpit na naming hawak ang kamay ng isa’t-isa.
“Asawa ko… asawa ko… asawa ko!” masigla kong sambit.
Natawa nanaman si Tom sa akin.
“Bakit asawa ko? Asawa ko! Asawa ko?!” natatawa n’yang pagtawag din sa akin.
Napangiti nanaman ako ng wagas.
“Hay! Ang sarap pakinggan! Sa wakas nangyari na rin ’to!” masaya ko pa ring sambit.
Mas lumakas ang tawa ni Tom dahil sa sinabi ko.
“Ako rin! Sobrang saya ko dahil sa wakas, narating na natin ’to. Salamat sa pagtupad ng mga pangarap ko Xander. Salamat sa patuloy na pagpapasaya sa akin.” malambing n’yang tugon.
Hinalikan ko muna s’ya sa ilong bago ako nagsalita.
“Sabi ko naman sa’yo ’di ba? Lahat gagawin ko dahil mahal na mahal na mahal kita Master.” sagot ko sa malambing na tono.
“At mas mahal na mahal na mahal kita Master….” sagot n’ya rin sa akin.
Tinapos namin ang mga katagang iyon sa isa nanamang mainit at masuyong paghalik sa isa’t-isa.
Ito na ang pinakahihintay na sandali ng buhay ko. Ang magkaroon ng katuparan ang simpleng kahilingan ko.
Ang makasama ang taong nagpabago sa mundo ko.
Ang mahalin ng sobra-sobra pabalik kagaya ng pagmamahal ko.
Hindi man ito ang relasyon na iniisip ng iba, ito naman ang perpektong relasyon na hinangad ko at ipinagdasal ko sa buong buhay ko.
Salamat at dumating s’ya.
Dahil simula sa araw na ito, mawala man sa akin ang lahat, masaya na ako dahil alam kong mananatili s’ya sa tabi ko hanggang sa pagtanda ko.
Ang kumokumpleto sa pagkatao ko.
Ang nagparanas ng tunay
lasa ng pag-ibig ….
….si Axyll Tom Perez na ngayon ay Axyll Tom Alvarez….
ang pinaka-cute at pinakamamahal na asawa ko.
-WAKAS-
A/N
Emeged!! May epilogue pa guys!! pero ngayon pa lang naiiyak na ako! Sana naman napasaya ko kayo! Salamat sa lahat! Sa votes, comments, at lalong lalo na sa support n’yo . Kayo ang mga naging inspirasyon ko sa unang kwento na ginawa ko sa buong buhay ko.
Sa susunod na iba kong message ha?
Comments and votes na rin po please?
Kahit ngayong finale na lang, sana may marinig akong comments galing sa inyo lalo na sa mga silent readers d’yan. Maganda man ’yan o pagpuna sa sinulat ko, maa-appreciate ko. Dahil makakatulong ’yan para mapaganda ang pagsusulat ko.
Salamat ulit guys! Mahal ko kayo! At mas mahal na mahal kayo nina Xander at Tom.
––cold_deee
EPILOGUE - perfect manhattan
A/N
Eto na po ’yun oh! ’Yung hinihintay na tunay na pagtatapos ng kwento.
Waaahhh! Ayoko mag-goodbye sa mga bida! Kaya makakasingit pa sila sa susunod na gagawin kong kwento. Hahahaha!
Para po sa’yo ’to
mangestong
kagaya ng pinangako ko sa’yo dati. Nandito na rin ’yung pinag-usapan natin na pangalan na hinihintay mo. Hahahaha!
Anyway, enjoy reading sa huling bahagi ng unang story na ginawa ko. Salamat ulit guys sa suportang nakuha namin nina Xander at Tom ganoon din ng ibang cast. Wow ah? Nakisali talaga ako. Sorna!
Sige na, bago pa ako maiyak! Charot!
Paki-play na lang din po ang nasa media. ’Yan po ang official theme song ng epilogue.. May pa-ganern???
––> si Tom Xendré po sa media. Sino s’ya? Alamin sa mababasa n’yo. ;)
© to the owner of the photo.
Makalipas ang dalawang taon……..
TOM POV
“Master??” pagtawag ko kay Xander pagkapasok ko ng pinto ng aming bahay.
Kararating ko lamang dahil galing ako sa paghatid kay Carla sa school. Ako na kasi ang araw-araw na naghahatid sa kanya dahil gusto kong ako mismo ang personal na mangangalaga sa panganay namin ni Xander. Babae ang anak ko kaya kailangan nito ng dobleng proteksyon. Kaya nga kahit ang pagmamaneho ng sasakyan ay pinag-aralan ko na para makasigurado ako sa kaligtasan ng pinakamamahal naming anak.
Ito na rin ang naging routine ko simula nang lumipat kami ni Xander dito sa bago naming bahay sa Manila. Nasa isang exclusive subdivision kami at naninirahan sa malaking bahay na niregalo sa amin ng mga magulang ni Xander matapos naming ikasal dalawang taon na rin ang nakakalipas.
Aaminin kong nasorpresa ako noon dahil masyadong malaki ang bahay na ito para sa aming dalawa ni Xander. Hindi na nga bahay ito kung tutuusin, kundi isa nang mansyon sa sobrang laki. At kahit pa sabihing kasama na namin si Carla dito ngayon ay masyado pa rin itong malaki para sa aming tatlo.
“Master??!” pagtawag kong muli sa kanya dahil wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
Umakyat ako ng second floor upang doon s’ya hanapin.
Nadaanan ko ang apat ng guest rooms namin ganoon din ang kwarto ni Carla dito sa mansyon. Nasa dulo kasi ng pasilyo sa mansyon ang isa pang kwarto kung saan alam kong naroron ngayon si Xander.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kwartong tinutukoy ko ay hindi na ako kumatok. Natigilan din ako dahil naririnig ko mula rito sa labas ang malakas ng pagtawa ng dalawang tao mula sa loob nito.
Dahan-dahan ay pinihit ko ang doorknob ng pinto at unti-unti kong sinilip ang nasa loob.
Nang tuluyan ko silang masilayan ay gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi.
“There you go! Mabango na ang baby Drey ko!” masayang sambit ni Xander.
“Yeyy! Daddy! Daddy!” masaya rin namang pagsagot ng kanyang kausap habang nakataas ang dalawang kamay nito.
Mukhang katatapos lang paliguan ng asawa ko ang unico hijo namin na si Tom Xendré. Nakita ko kasing bagong bihis na ang bata at sinusuklayan na s’ya ni Xander sa mga oras na ito. Si Xander ay ganoon din. Bagong ligo rin ito ngayon na nakasanayan n’ya na ring gawin bago paliguan ang aming anak.
Mas lalo akong napangiti dahil nagbalik sa aking ala-ala ang kaganapan noong katatapos pa lamang ng kasal namin ni Xander dalawang taon na rin ang nakakalipas.
Akala ko kasi noon ay nakumbinsi ko na s’ya na magko-concentrate muna kaming pareho sa pagpapalaki kay Carla at sa pagbuo ng aming pamilya. Pero kinabukasan ay natanong ng aming mga magulang kung may balak ba kaming bigyan ng kapatid si Carla at madagdagan ang kanilang apo. Hindi ako nakapagsalita ganoon din si Xander dahil nga may nabuo na kaming desisyon tungkol dito.
Marami silang ibinigay na suhestyon kagaya ng pag-ampon at kung saan kami maaaring lumapit kung gugustuhin namin. Pero noong magsalita na si Julius ay mas nabuhayan ang lahat hanggang sa ako na lamang ang hindi nakapagsalita.
Paano ba naman, nang malaman ni Xander ang tungkol sa surrogacy ay nakisabay na rin s’ya sa usapin ng aming pamilya. Kitang-kita ko ang kasiyahan at excitement sa kanya noong malaman n’ya iyon. Kulang na nga lang din ay magtatalon s’ya sa tuwa noong mga oras na iyon. Nagpapasalamat na lamang ako dahil napipigilan ko s’ya dahil nasa isang restaurant kami at ayaw kong nakakaagaw kami ng atensyon sa iba pang taong naroroon.
Sinubukan ko rin noon na humingi ng saklolo kay Carla upang pigilan ang kanyang ama. Ang gusto ko lang naman kasi ay magkaroon pa kami ng mahabang panahon upang magkasama pa kaming tatlo. Pero mukhang sa pagkakataong iyon ay hindi ko nakuha ang hinihingi kong tulong mula kay Carla. Dahil nang sabihin sa kanya ng kanyang Daddy na magkakaroon na s’ya ng kapatid ay mas naging makulit pa ito sa pamimilit sa akin na mangyari ang bagay na iyon.
Sa huli ay wala na nga akong nagawa dahil kahit hindi pa ako tinatanong ni Xander ay nagsimula na s’yang mag-inquire at mag-asikaso sa pagpo-proseso ng surrogation.
Akala ko rin noong una ay sa kanya manggagaling ang pagpupunla pero nagulat ako nang sabihin n’yang sa akin iyon magmumula. Sa huli ay wala rin akong nagawa dahil ang buong pamilya naming dalawa ay naging excited at kulang na lang ay mag-angat sila ng kani-kanilang pompoms at banner habang nagchi-cheer sa aming dalawa ni Xander.
At eto na nga ang naging bunga ng bagay na iyon. Nabigyan kami ng cute na cute na baby boy na kamukhang-kamukha ko at magdiriwang na rin ngayong araw na ito ng kanyang ikalawang kaarawan.
Si Tom Xendré Perez Alvarez.
Si Xander na ang pumili ng ipapangalan sa aming anak at gusto nitong manggaling ang pangalan nito sa pinagsamang pangalan namin. S’ya na rin ang nagdesisyon sa magiging palayaw nito at isinunod naman sa kanyang pangalan na Xendré o Drey.
“Gusto ba ng anak ko na hindi ulit papasok si Daddy? Para mamaya sa birthday party mo kasama mo lang ako buong maghapon?” masayang pakikipag-usap pa rin ni Xander habang kalong n’ya ang aming anak.
“Yesh! Daddy! Daddy!” masayang sagot din ni Drey habang litaw na litaw ang isang dimple sa kanyang pisngi gaya ng sa akin.
Dahil sa narinig kong pag-uusap ng mag-ama ay nangunot ang noo ko. Hindi na rin ako nagpapigil pa na sumabat sa kanilang pag-uusap sa mga oras na ito.
“Hinde. Papasok ang Daddy mo today anak.” pagkausap ko sa aming anak habang naglalakad ako papasok ng nursery room na kwarto nito.
Kapwa sila nagulat sa pagpasok kong iyon. Gusto ko sanang matawa dahil pareho sila ng reaksyon. Pareho silang nakanganga habang nakatingin sa akin. Pinigilan ko lamang ang pagtawa dahil kailangan ay kausapin ko ng seryoso si Xander.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay kinuha ko mula sa pagkaka-kalong ni Xander si baby Drey. Dama ko pa ang hindi agad pagbitaw ni Xander sa aming anak.
“Master….” ang malungkot na pagtawag ni Xander sa akin.
Hindi muna ako sumagot. Habang karga ko si baby Drey ay yumuko ako para bigyan ng halik sa labi ang aking asawa. Saglit lamang iyon tanda ng pagbati. At matapos magbitaw ng aming labi ay nginitian ko s’ya ng peke.
“Papasok ka ngayon sa ayaw at sa gusto mo Xander. Naiintindihan mo?” wika kong nakangiting peke sa kanya.
Hindi n’ya inalis ang kanyang malungkot na ekspresyon. Sa katunayan ay mas lumala pa ito. Sinusubukan n’ya kasi akong bigyan ng nakakaawang mukha upang makumbinsi ako.
Inayos ko ang pagkarga kay baby Drey at tinalikuran ang nagpapaawang si Xander.
“Tumayo ka na d’yan Master. Magbihis ka na dahil may pasok ka pa sa hotel. At ’wag mo akong daanin sa pagpapaawa mong ganyan dahil hindi na ’yan tatalab sa akin. Ilang araw ka nang umaabsent sa trabaho dahil babad na babad kayo ng anak mo sa paglalaro.” sermon ko sa kanya habang papalabas ako ng nursery room na iyon.
Ang anak naman naming buhat ko ngayon ay nililingon pa ang kanyang ama at nakamwestra pa ang dalawang kamay na tila ba gustong bumalik sa kanya.
“Daddy….” malungkot pa nitong pagtawag sa kanyang ama.
Nang tuluyan na akong makalabas ng nursery room ay tinungo agad namin ang kwarto namin ni Xander. Naramdaman ko rin sa aking likuran ang pagsunod sa amin ni Xander.
Ibinaba ko muna si baby Drey sa kanyang crib at binigyan ng paborito n’yang stuff toy na teddy bear. Ang teddy bear na unang ineregalo sa kanya ni Xander noong bagong panganak pa ito.
Agad naman iyong niyakap ng anak namin habang may ngiti sa kanyang labi.
Ang cute n’ya talaga!
Matapos iyon ay kumuha na ako ng maisusuot ni Xander pamasok sa hotel mula sa aming cabinet.
“Master….” pagtawag muli sa akin ni Xander sa malungkot na tono.
Dahil nasa likuran ko s’ya ay dahan-dahan ko s’yang nilingon habang seryoso ang ekspresyon ko.
“Xander ha? Ilang araw ka nang uma-absent at kung minsan naman ay late kang pumapasok o maaga kang uuwi para lang sa pakikipaglaro kay Drey. Baka mapabayaan mo na ang trabaho mo.” sermon ko nanaman sa kanya.
“Hindi naman ah… Ngayon lang ako na-late ng konte. Kasi nga naghahanda ako sa birthday ng anak natin.” paliwanag n’ya sa malungkot na tono.
Totoo naman ang bagay na iyon. Dito ako bumibilib sa asawa ko. Dahil kahit na naging abala s’ya sa pag-aalaga sa aming anak ay hindi n’ya napapabayaan ang kanyang trabaho. Kaso nga lang ay hindi pwede sa araw na ito.
“Master, ilang beses ka na bang hindi sumisipot sa meeting kasama ang ibang shareholders? Lagi na lang ako ang humaharap sa kanila. Hindi ko na alam ang gagawin kong palusot kapag hinahanap ka nila sa akin.” pangungumbinsi ko pa rin sa kanya.
Nakita ko ang mas lalong paglungkot ng kanyang ekspresyon. At sa pagkakataong ito ay alam kong wala nang halong drama iyon.
Dahan-dahan s’yang lumapit sa akin at niyakap ako.
Ito ang gusto ko kay Xander sa tuwing sesermonan ko s’ya. Hindi s’ya nakikipagtalo o nagbibigay ng dahilan lalo na sa tuwing alam n’yang may mali s’ya.
“Sorry na… Hindi ko lang kasi kayang mag-concentrate sa meeting lalo na kung iniisip ko ang anak natin…” panunuyo n’ya sa akin habang yakap ako.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang pagmamahal ko kay Xander ay mas nadadagdagan sa bawat araw na magkasama kami.
Kahit na alam n’yang hindi sa kanya galing ang aming anak ay mahal na mahal n’ya ito. Hindi ito maikakaila dahil s’ya mismo ang umaasikaso sa aming anak.
Noong kapapanganak pa lamang ni baby Drey ay hindi ko s’ya narinig kahit minsan na nagreklamo sa tuwing iiyak ito ng madaling araw kapag nagugutom o kinakailangang palitan ang diaper nito.
Kahit pagod s’ya sa aming trabaho ay s’ya pa rin ang personal na umaasikaso sa aming anak sa mga pangangailangan nito. S’ya ang nagpapakain, nagpapaligo, naglilinis at laging nakikipaglaro rito kahit na nariyan na si Nanay Elise na dating yaya ni Randy upang asikasuhin ang aming anak.
Hindi ko rin makakalimutan noong nagkaroon ng konting lagnat si baby Drey dahil lang sa magkakaroon na ng ngipin ito. Halos mabaliw si Xander sa kakaiyak dahil sa labis na takot. Naroong tumatawag s’ya sa kanyang ina at kay Mama upang alamin ang mga dapat gawin. Halos takutin n’ya rin ang pediatrician ng aming anak dahil sa kakasigaw n’ya noong mangyari ang bagay na ito.
Kung minsan nga ay napapatanong na lamang ako sa aking sarili kung sa akin ba talaga nanggaling si baby Drey dahil mas close ito kay Xander kesa sa akin kung saan s’ya nagmula. Kung hindi ko lamang kamukhang-kamukha si baby Drey ay mapagkakamalan talagang sila ang tunay na mag-ama.
Niyakap ko rin si Xander pabalik at hinaplos ang kanyang likod. Ipinaramdam ko sa kanya na wala s’yang dapat alalahanin at hindi ako galit sa kanya. Nagbitaw din ako ng malalim na paghinga bago ko sinimulang magsalita.
“Master, naiintindihan naman kita. Alam kong gusto mong nandito ka ngayon para personal na mag-asikaso sa birthday party ng anak natin. Pero ngayon din ang araw na kailangan mong um-attend sa meeting kasama ang mga shareholders ni Daddy sa branch n’yo sa US. At hindi mo pwedeng i-postpone ’yon dahil bumyahe pa sila from US para rito.” pagtukoy ko sa kanyang ama at pangungumbinsi ko pa rin sa kanya.
Totoo kasi ang bagay na iyon. Wala na rin kaming magawa dahil ngayong araw lang magkakasabay-sabay ang mga schedule ng mga shareholders ng kanilang hotel sa US. Malaking paghahanda rin ito para kay Xander dahil sa oras na magretiro si Daddy Ian ay s’ya na rin ang papalit dito.
Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Xander tanda ng pagsuko. Mukhang nakumbinsi ko rin s’ya at alam kong wala rin s’yang mapagpipilian sa mga oras na ito.
Hinigpitan n’ya ang pagkakayakap sa akin at halos isayaw n’ya ako dahil sa panggigigil.
“Mmmmm! Mami-miss ko ang mga anak ko lalo na ang asawa ko!” gigil n’yang sambit habang yakap ako.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi.
“Para namang sa ibang bansa ka pupunta Master! D’yan ka lang sa hotel natin pupunta oh! At uuwi ka rin dito mamayang hapon!” natatawa kong sambit sa kanya.
“Kahit na! Ilang oras ko kaya kayong hindi makakasama.” sagot n’ya naman sa akin.
Mas lalo akong natawa sa sinabi n’yang iyon. Hindi pa rin nagbabago si Xander kahit lumipas na ang dalawang taon. Kung tutuusin ay mas naging malambing pa s’ya ngayon lalo na noong dumating na sa buhay namin si baby Drey na bagong miyembro ng aming pamilya.
Ilang sandali pa kami sa ganoong posisyon bago ako muling nagsalita. Dinama ko rin ang init ng yakap ng aking asawa. Kahit naman kasi ako ay nami-miss din si Xander sa tuwing hindi ko ito nakakasama ng ilang oras.
“Hayaan mo Master, ’pag natapos na lahat ng commitment natin, sabay tayong mag-file ng leave at lalabas tayo ng bansa kasama ang mga bata. Susulitin natin ang bakasyon magpamilya. Tutal naman malapit na rin ang bakasyon ni Carla sa school ’di ba?” wika ko sa kanya.
Mabilis na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Xander ngunit nanatili s’yang nakahawak sa aking mga balikat. Nagniningning din ang kanyang mga matang nakatingin sa akin habang malawak ang kanyang pagkakangiti. Ako naman ay hawak s’ya sa kanyang bewang.
“Talaga???” masaya nitong tanong sa akin.
“Mmmm-mmm!” sagot ko naman habang tumatango at nakangiti.
Mas lalong nagliwanag ang kanyang mga mata at mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti tanda ng labis na kasiyahan. Alam kong sa ganitong paraan ay mababawasan ang kanyang kalungkutan.
Dahil sa labis n’yang tuwa ay mabilis n’ya akong hinawakan sa magkabilang pisngi. Naging mabilis din ang pangyayari nang gawaran n’ya ako ng madiin na halik sa aking labi.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay nakarinig kami ng pagtawag sa aming dalawa.
“Daddy! Papa! Me too! Me too!” ang tinig ng isang anghel.
Mabilis naman kaming napalingon ni Xander dahilan upang magbitaw kami sa aming masuyong paghalik.
Nakita namin si baby Drey na tumatalon sa kanyang crib habang tuwang-tuwang nakatingin sa amin. Mabuti na lamang at matibay at malaki ang crib n’yang nasa aming kwarto na niregalo naman sa kanya ng kanyang mga Tito na sina Daniel at Popoy.
Natawa na lamang kami ni Xander dahil sa nakikita namin sa aming anak. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng isang anghel sa isang tahanan. Sa mga simpleng ginagawa nito ay nababawasan ang lungkot at pagod mo sa bawat araw na kasama mo ito.
Nilingon ko muna si Xander at ibinigay sa kanya ang kanyang damit na susuotin.
“Magbihis ka muna Master. Mamaya mo na buhatin si baby Drey dahil baka lalong ma-late ka sa trabaho.” utos ko sa kanya.
Tinanggap n’ya naman iyon kaya minabuti ko na lamang na lapitan ang aming anak. Binuhat ko ito at umupo muna kami sa kama habang pinapanood ang kanyang ama sa ginagawa nitong pagbibihis.
“Daddy, weh you going?” ang medyo bulol na pagsasalita ng aming anak.
Tinapos muna ni Xander ang pag-aayos ng kanyang necktie bago n’ya kami nilapitan ni baby Drey. Ito na rin ang huli n’yang gagawin at handa na rin s’yang pumasok sa kanyang trabaho.
Ako naman ay hindi papasok ngayon dahil kailangan kong maiwan para tumulong sa paghahanda ng birthday party ng aming anak. Simula pa kahapon ay hindi na ako pumasok dahil nakapag-file ako ng leave ng dalawang linggo.
“Magwo-work muna si Daddy ha? I’ll be back before your birthday party starts. Okay?” sagot naman ni Xander na nakangiti ngunit alam kong medyo malungkot ito ngayon.
“Les go, les go!” sagot naman ng anak namin na tila excited dahil tumatalon-talon pa ito habang nakaupo sa hita ko.
Iniisip n’ya nanaman na kasama s’ya sa pag-alis ng kanyang ama.
Nilingon ako ni Xander at lalo s’yang nalungkot sa sinabi ng bata.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa nangyayari ngayon sa dalawa. Eto na, magsisimula na ang drama sa pagitan ng mag-ama. Ang dramaserye na lagi kong napapanood sa tuwing papasok si Xander sa trabaho.
Alam ko na ang dapat na gawin dahil halos dalawang taon ko na rin itong ginagawa. Sa madaling salita, nakasanayan ko na ito.
Binuhat ko si baby Drey at iniabot s’ya kay Xander na mabillis n’ya ring kinarga. Kinuha ko na rin sling bag at suit ni Xander ganoon din ang susi ng kanyang kotse.
“Sorry anak… Hindi ka pwedeng sumama kay Daddy…” malungkot na pakikipag-usap ni Xander sa aming anak.
“No! Les go! Les go Daddy! Les work!” pakikipagtalo naman sa kanya ni baby Drey.
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto at alam ko nang susunod na rin sa akin ang dalawa. Hindi na ako nagsalita dahil sa tuwing aalis si Xander ay iisa ang senaryo sa dalawang ito.
“Les work! Les work!” masayang sambit nanaman ng aming anak.
“But baby, hindi ka pa pwede magwork kasama ni Daddy…” pagkausap naman ni Xander dito.
Papunta na kami sa garahe namin at patuloy pa rin sa pag-uusap ang dalawang lalaki sa likod ko.
“No! I wan nu go wid Daddy! Les work!” sagot pa rin ni baby Drey.
Alam n’yo na kung kanino nagmana sa kakulitan ang anak namin. Hindi ko na kailangan sabihin.
Alam kong sa pagkakataong ito ay nalulungkot nanaman si Xander dahil hindi na s’ya nakasagot pa.
Naiikot ko na lang ang mata ko dahil sa naririnig ko sa kanila. Sa dalawang taon na nangyayari ito ng paulit-ulit ay sanay na ako. Memoryado ko na nga ang bawat linya nila.
Nakarating kami sa aming garahe kung nasaan ang kotse ni Xander. Ako na rin ang nagbukas ng pinto ng kanyang kotse at inilagay ang mga gamit n’ya sa loob.
Matapos iyon ay nilapitan ko na rin ang mag-ama.
“Drey, magba-bye ka na kay Daddy.” utos ko sa aming anak habang kinukuha ito mula kay Xander.
Pareho silang nagulat sa aking sinabi at sabay na napalingon sa akin.
Jusme! Kahit araw-araw na itong nangyayari sa amin may paggulat pa rin sila hanggang ngayon kapag ginagawa ko ’to!
“No! I wan nu go wid Daddy!” pakikipagtalo na sa akin ngayon ni baby Drey.
Matapos n’ya rin iyon sabihin ay mahigpit n’yang niyakap si Xander.
Eto na po! Eto na ang tunay na simula ng dramaserye nila!
Nakita ko rin ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni Xander habang naluluha sa pangyayari.
“Drey, ’wag matigas ang ulo. May work pa si Daddy, uuwi rin s’ya mamaya kaya hintayin mo na lang s’ya, okay?” pagkumbinsi ko naman sa bata.
Kahit sabihin ko iyon ay hindi pa rin bumibitaw ang dalawa sa pagkakayakap.
“Master….” ang pagtawag sa akin ni Xander sa pagmamakaawang tono.
Hala s’ya?! Paulit-ulit na nangyayari na lang ’to eh! Hindi pa ba sila nagsasawa?!
Pinandilatan ko na lamang si Xander ng mata tanda na pinapatigil ko s’ya sa pagdadrama nilang mag-ama.
Mas lalong nalungkot si Xander ngunit wala naman s’yang kahit na isang salitang sinabi sa akin. Mas lalo n’ya na lamang hinigpitan ang pagkakayakap sa aming anak at hinalikan ng paulit-ulit sa ulo.
Dito na ako nakakuha ng pagkakataon upang kunin sa kanya si baby Drey.
Hindi ako nagpatalo sa dalawa kahit na mahigpit ang pagkakayakap nila sa isa’t-isa.
“Baby Drey, that’s enough. Male-late na si Daddy.” pagsaway ko nanaman sa aming anak.
“No Papa! I wan nu go wid Daddy! No! No!” pagsigaw na nito ngayon habang nagpupumiglas sa pagkakakuha ko sa kanya.
Hinawakan ko na rin ang kamay ni Xander para bumitaw na s’ya kay baby Drey.
“Baby ko….” naisambit naman ni Xander habang naluluha pa ngunit nagawa naman na unti-unting bumitaw sa bata.
Naging matagumpay ako sa pagkuha sa aking anak. Karga ko na ito ngayon ngunit simula na rin ito ng aking kalbaryo.
“Daddy! Daddy! Don’t go Daddy! Daddy!!!!” pagwawala na ni baby Drey.
Hindi na rin napigilan ng bata ang umiyak ng pagkalakas-lakas habang nagpupumiglas sa pagkakakarga ko. Mabuti na lamang at mahigpit ko s’yang hawak kaya hindi rin s’ya malalaglag.
Ganito kami sa loob ng halos dalawang taon. Hindi ko na mapaghiwalay ang dalawang ito na daig pa ang magkadugo. Kung minsan nga ay nagtataka na talaga ako kung ano bang pinakain nila sa isa’t-isa at ganito sila ka-close.
“Sige na Master, pumasok ka na sa kotse. Ako na ang bahala sa anak natin.” utos ko kay Xander.
Hindi s’ya umimik at tiningnan n’ya lamang ako gamit pa rin ang nagmamakaawa n’yang mga mata. Muli n’ya rin sinulyapan ang aming anak habang naluluha pa rin s’ya.
“Pumasok ka na! Isa!” madiin kong utos sa kanya at pinandilatan ko nanaman s’ya ng mata.
“Daddy!!!” iyak nanaman ni Drey at pilit na inaabot ang kanyang ama.
Sa huli ay wala naman nagawa si Xander. Mabilis n’ya na lamang hinalikan si baby Drey sa noo.
“Babalik agad si Daddy after ng meeting ha?” mangiyak-ngiyak n’yang pagkausap sa aming anak.
“No!! Daddy!!!!” iyak pa rin ni Drey.
Matapos iyon ay mabilis din akong hinalikan ni Xander sa labi bilang pagpapaalam.
Kasunod ng mabilis n’yang paghalik ay mabilis din s’yang pumasok sa loob ng kanyang kotse. Nakita ko pa s’yang nagpahid ng kanyang luha dahil sa naganap.
Maryosep! Akala ko mapapahaba pa ang dramahan ng dalawa! Araw-araw na lang ganito. Wala nang pagbabago!
Pinanood na lamang namin ang pag-alis ni Xander hanggang sa hindi na namin ito matanaw sa labas ng malaki naming gate.
Matapos iyon pumasok na rin ako ng bahay habang karga ko pa rin si baby Drey. At habang karga ko s’ya ay wala pa rin s’yang tigil sa malakas n’yang pag-iyak habang patuloy na tinatawag ang kanyang ama.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay muli ko s’yang dinala sa kwarto namin ni Xander. Patuloy pa rin s’ya sa pag-iyak nang ibigay ko sa kanya ang paborito n’yang stuff toy. Nang mahawakan n’ya iyon ay unti-unti na ring humina ang kanyang iyak hanggang sa maging paghikbi na lamang ito. Marahil ay naaamoy n’ya sa stuff toy na iyon ang kanyang ama kaya bahagya s’yang kumalma.
Alam kong matapos ang senaryo kanina ay makakaramdam na rin ito ng pagod kaya inihanda ko na rin ang kanyang feeding bottle upang painumin s’ya ng gatas. Pinahiga ko muna s’ya sa aming kama at ibinigay na sa kanya ang gatas n’ya na mabilis n’ya ring ininom. Mabuti na lang din at tumigil na rin ito sa kanyang pag-iyak.
Kalmado na ako sa ganitong sitwasyon. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, sanay na sanay na akong gawin ito dahil araw-araw naman na ganito ang nangyayari sa amin.
Habang patuloy si baby Drey sa pag-inom ng kanyang gatas ay marahan ko s’yang tinatapik sa kanyang hita habang nakahiga ako sa kanyang tabi.
Nasaksihan ko ang paunti-unting pagpikit ng aming anghel habang may feeding bottle sa kanyang bibig. At habang pinagmamasdan ko s’ya ay hindi ko maiwasang ngumiti.
“Mas lalong sumaya ang bahay simula nang dumating ka sa amin alam mo ba? Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming lahat. Magmula sa akin, sa Ate mo, at lalong-lalo na sa Daddy mo.” pagkausap ko sa aking anak ng pabulong.
Iniingatan kong magising s’ya dahil alam kong hahanapin n’ya sa akin ang ama n’ya.
Lubos akong nagpapasalamat dahil nagkaroon kami ng masayang pamumuhay ni Xander kasama ang aming mga anak.
Hindi man ito gaya ng normal na pamilyang tinatawag ng marami, hindi naman nito mapapantayan ang sayang hatid nito sa aming lahat. Para sa amin ay ito pa rin ang perpektong pamilya dahil punong-puno ng pagmamahalan ang aming tahanan.
Hinalikan ko ng marahan at maraming beses ang aking anak habang ito ay nahihimbing.
Ang bango-bango talaga ng baby ko lalo na ’pag ang Daddy n’ya ang nagpapaligo.
Habang nasa ganoon akong posisyon ay ang marahang pagbukas ng pinto ng aming kwarto.
“Natapos na ba ang drama ng mag-ama?” nakangiting tanong ng Yaya ni baby Drey.
Bahagya akong natawa sa sinabi ng matandang ginang. Maski s’ya ay sanay na sa ganitong mga kaganapan sa amin.
“Opo Nanay Elise. Akala ko nga po mahihirapan ako eh. Mabuti na lang at marunong matakot si Xander sa akin kaya nagagawa kong mapaghiwalay ang dalawa.” sagot kong mahina habang natatawa.
Si Nanay Elise na dating yaya at nanay-nanayan ni Randy ang tumatayong tagapag-alaga ngayon ng mga anak namin ni Xander. S’ya na rin ang nagpresenta tutal naman daw ay malaki na si Randy at hindi na nito kailangan pa ng pangangalaga. Lalo na ngayon at may tagapag-alaga na rito na itago na lamang natin sa pangalang Rigo.
“O s’ya sige na Tom. Asikasuhin mo na ang mga dapat mong gawin ngayon. Ako na muna ang bahala sa Daddy’s boy na ’yan.” natatawa n’yang utos sa akin.
Muli kong hinalikan sa noo ang aking anak bago ako dahan-dahang tumayo sa kama.
“Sige po Nanay Elise. Parating na rin sina Daniel at Popoy para tulungan ako. Sina Randy at Rigo po ba? Anong oras daw darating?” tanong ko sa kanya.
Ipinagpatuloy ni Nanay Elise ang pagtapik sa binti ni baby Drey upang mas mapahimbing pa ang tulog nito.
“Mauuna si Randy dito dahil s’ya ang in-charge sa catering dito mamaya. Si Rigo naman susunod na lang daw ’pag naisara na ang restaurant.” sagot nitong mahina.
Napangiti na lamang ako. Hanggang ngayon ay mapagkakatiwalaan pa rin ang dalawang iyon ganoon din ang iba pa naming mga kaibigan. Nakakatuwa rin dahil kahit marami na ang nagbago sa mga buhay namin ay napanatili namin ang aming magandang samahan.
“Ganoon po ba? Sige, hintayin ko na lang po si Randy para makapagsimula na rin kami.” nakangiti kong sagot sa kanya.
Tumango na lamang ang matanda at ipinagpatuloy na rin ang paghehele kay baby Drey.
Masaya akong may kagaya rin ni Nanay Elise sa aming bahay dahil busog sa pag-aalaga ang aming mga anak kahit wala kami minsan ni Xander. Hindi na rin kataka-taka na napalaki n’ya ng maayos ang dati n’yang alaga na si Randy.
Iniwan ko na rin sila sa kwarto dahil marami pa talaga akong aasikasuhin para sa paghahanda ng birthday party ng aming anak ni Xander.
Dito rin sa garden na katabi ng swimming pool sa aming bahay ni Xander gaganapin ang pagdiriwang ng ikalawang kaarawan ni baby Drey. At bilang paghahanda, siniguro naming magiging masaya ito kahit na hindi namin kilala ang mga imbitado.
Bakit?
Dahil napagdesisyunan namin ni Xander na imbitahin na lamang ang isang institution na nangangalaga sa mga batang walang mga magulang. Sa madaling salita, ang aming mga bisita ay mga bata mula sa bahay ampunan na napili naming tulungan ni Xander.
Ito rin ang hiniling ni Carla sa amin dahil gusto n’yang mabigyan ng pag-asa ang mga batang walang mga magulang. Nais daw n’yang ibahagi sa lahat na ’wag silang mawawalan ng pag-asa gaya n’ya. Gusto n’ya rin daw ipaalam sa mga ito na dapat ay maging positibo sila sa pagharap sa kanilang mga buhay.
Nang marinig namin iyon ni Xander mula kay Carla ay hindi ko maiwasang maluha. Labis na kaligayahan ang naramdaman ko dahil sobrang proud ako na may anak kaming kagaya ni Carla na napakatalino at napakalawak ng pang-unawa.
Dahil sa magandang ideya ng aming panganay ay napagdesisyunan din namin ni Xander na hindi tatanggap ng kahit na ano mang materyal na bagay o regalo ang anak naming si baby Drey. Napag-usapan namin na sa halip na ibigay iyon kay baby Drey ng aming mga kaibigan ay ipamahagi na lamang ito sa mga batang maiimbitahan mamaya.
Nang bisitahin ko ang aming garden ay natuwa ako sa magandang set-up nito. Marami na ang nagkalat na balloons at mas naging maganda pa ito dahil sa tema nitong Superheroes.
Dahil sa aking nakikita ay hindi ko maiwasang mapangiti habang naglilibot sa paligid. May mga taong inupahan ni Randy ang tumutulong na mag-ayos sa buong lugar para mapaganda pa ito.
Nakakaramdam na rin ako ng excitement dahil sa magaganap mamaya para sa espesyal na araw ng aming bunso ni Xander.
Nakakalungkot nga lang isipin na hindi makakapunta ang aking pamilya dahil sa susunod na araw naman ang graduation ni Julius sa US kaya abala rin sila. Naisip na lamang namin na kami na lamang ang pupunta sa kanila matapos ang birthday party ni baby Drey upang masaksihan ang pagtatapos ng aking kapatid.
Natupad na ang isa sa mga pinapangarap ko noon na makatapos ito ng pag-aaral kaya lubos akong nagpapasalamat dito.
Ang mga magulang ni Xander ay ganoon din. Nasa UK naman sila dahil may mahalagang bagay itong inaasikaso para sa isa pang hotel na kanilang bubuksan doon.
Naiintindihan naman namin ni Xander ang bagay na iyon. Isa pa, ngayon lang naman sila hindi makakapunta sa espesyal na araw sa amin. Dahil sa mga nagdaang okasyon sa buhay namin ay naririto sila para magbigay ng suporta.
Muli kong iginala ang paningin ko sa kabuuan ng aming garden. At dahil sa naeengganyo na rin ako sa nakikita kong pag-aayos sa paligid ay nakisama na rin ako sa pag-aayos nito.
Siguro ay nasa ilang oras na rin akong nakikitulong sa pagse-set up ng mga tables and chairs nang maramdaman ko ang pagtapik sa aking likod.
“Tom, hayaan mo na sila d’yan. Kaya na nila ’yan.” sambit ng bagong dating.
“Randy!” pagtawag ko sa kanya at napangiti ako.
Mabilis din akong tumayo at niyakap s’ya bilang pagbati.
“Nand’yan na ’yung mga pagkain. Nasa labas na ’yung catering truck ni Xander kaya magse-set up na rin sila.” seryoso n’yang pagsasalita.
Hindi na talaga nagbago si Randy. Lagi pa rin seryoso ang kanyang ekspresyon. Pero nakikita ko ngayon sa kanya na positibo na s’ya at alam kong malaking bahagi nito ay si Rigo.
“Ganun ba? Sige, alam na naman ng guard namin ang gagawin d’yan. Pumasok muna tayo sa loob.” pag-imbita ko sa kanya.
Nagpaalam na lamang ako sa mga nag-aayos doon para makapag-usap kami ni Randy sa loob ng bahay. Agad din naman kaming umupo sa aming sofa at nakisuyo ako sa aming kasambahay na bigyan kami ng maiinom.
“Sabay-sabay na raw silang darating mamaya. Ewan ko lang ’yung dalawa mong bayaw.” wika nito habang pinipindot ang kanyang cellphone.
Siguro ay si Rigo nanaman ang katext. Kahit kasi magkahiwalay ang dalawang ito ay bantay-sarado nila ang isa’t-isa dahil pareho silang seloso. Kung minsan nga ay natatawa na lang kami dahil kahit walang dapat pagselosan ay pinagtatalunan nila ito. Pero sa huli ay si Rigo naman ang sumusuyo kay Randy.
“Nagtext sa akin si Popoy, on the way na yata sila ni Daniel.” wika ko naman at binigyan s’ya ng juice na nasa center table.
“Please lang. Sana mamaya na sila dumating dahil naiingayan ako sa kanila.” wika nitong nakasimangot at nanatiling nakatingin sa kanyang cellphone.
Natawa na lamang ako sa kanyang sinabi. Ngunit matapos n’yang sabihin ang bagay na iyon ay ang malakas na sigaw na nagmula sa aming main door.
“We’re home!!” malakas nitong sigaw.
Sabay kaming napalingon ni Randy at nakita namin si Popoy na nakataas pa ang dalawang kamay at ang saya-saya ng ekspresyon.
“Mmm! Ang ingay ng bibig mo! Baka natutulog ang pamangkin ko!” pagsaway naman kay Popoy ng kanyang katabi at binigyan ito ng isang batok.
“Aray ko naman mhyloves! Hangsakit ah?!” reklamo naman ni Popoy habang hinihimas ang kanyang ulo.
“Daniel! Popoy!” masaya ko namang pagbati sa kanila.
Mabilis ko rin silang nilapitan at niyakap.
“Speaking of the devils.” bulong ni Randy ngunit sapat na para marinig naming tatlo.
“Oy! Andito pala ang nanay naming mga devils! Yo mother devil!” pagpansin naman ni Popoy kay Randy na may halong pang-aasar.
Hay naku! Ganyan sila kakukulit, walang pinagbago. Pero ang maganda, walang pikunang nagaganap.
Nasa ganoon kaming posisyon nang marinig namin ang pagsasalita ni Nanay Elise na pababa ng hagdan.
“Nandito na pala ang mga Tito ng baby namin oh.” wika nito habang karga pala ang aming anghel.
Kagigising lang ni baby Drey at nagkukusot pa ito ng kanyang mga mata.
Ang cute talaga ng anak ko.
“Baby Drey!! Happy birthday!!!” masayang bati nina Daniel at Popoy.
Mabilis din nila itong nilapitan at kinuha mula kay Nanay Elise. Si Randy naman ay nilapitan si Nanay Elise upang magmano rito.
Matapos iyon ay saglit na nagpaalam si Nanay Elise upang asikasuhin naman ang paghahanda sa birthday party ng aking anak.
“Kamusta ang cute na pamangkin ko?” nakangiting tanong ni Daniel kay baby Drey habang kalong ito nang sila ay makaupo.
Si Popoy naman ay panay ang halik sa kamay ng anak ko dahil gigil na gigil ito.
“Tito Danny, Tito Poppy… weh is Daddy?” bulol na tanong ni baby Drey sa dalawa.
“Nagwork lang si Daddy, baby Drey. Babalik din s’ya mamaya.” nakangiti namang sagot ni Daniel.
“Yes baby! At habang wala si Daddy mo, dito ka muna sa team mhyloves sumama ha? Play tayo! Okay okay?!” masaya ring paliwanag ni Popoy at pagtutukoy sa kanilang dalawa ni Daniel.
Hindi naman sumagot si baby Drey sa kanila. Maya-maya pa ay nilingon nito si Randy na tahimik pa rin at abala sa kanyang cellphone.
“Tito Yandy, weh is Daddy?” tanong naman nito kay Randy.
Unti-unting nilingon ni Randy si baby Drey habang seryoso ang kanyang ekspresyon.
“He’s gone baby. He was swallowed by a big monster.” seryosong sagot ni Randy kay baby Drey.
Hindi sumagot ang anak ko. Ngunit makalipas lang ang ilang sandali ay unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng anak ko at nagsimula na itong ngumiwi senyales na papaiyak na ito.
Ngunit bago pa mangyari ang tuluyang pag-iyak ni baby Drey ay mabilis na ngumiti si Randy at kinuha ito mula kina Daniel at Popoy.
“Joke lang baby! Daddy is working right now! He’ll be back soon to see his cute little monster!” masayang pagbawi ni Randy habang gigil na niyayakap ang anak ko.
Natawa na lamang kami nina Daniel at Popoy dahil dito. Lagi naman kasing binibiro ni Randy ang anak ko ng gaya nito. Nakakatuwa rin na si baby Drey lang ang kayang palabasin ang ngiti ni Randy bukod kay Rigo.
“Naku naku naku! Ito lang talagang batang ’to ang nakakapag-pagaan ng loob ko!” dagdag pa ni Randy habang gigil na gigil pa rin sa anak ko.
Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan habang hinihintay pa ang iba naming mga kaibigan. Sina Daniel at Popoy ay walang ginawa kundi ang panggigilan si baby Drey habang kami naman ni Randy ay pinag-uusapan ang magiging program mamaya.
Ilang sandali lang din ay dumating na rin ang isa pang anghel ng buhay namin ni Xander.
“Papa! I’m home!” bati nito pagkapasok at niyakap agad ako bago ako ginawaran ng halik sa pisngi.
“Baby Carla!” masaya kong bati pabalik at niyakap rin ito.
Matapos iyon ay sa mga Tito n’ya naman s’ya humalik bilang pagbati rin.
Hinalikan n’ya rin ang kanyang kapatid na sinundan naman ng yakap ng aming bunso. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil close na close din itong mag-ate.
“Ate… weh is Daddy?” tanong ni baby Drey sa kanyang Ate.
“Nasa work lang baby. Wait mo lang s’ya ha?” sagot ni Carla sa kanya at muli nanaman s’yang hinalikan.
Kahit si Carla ay nasanay na rin sa paulit-ulit na pagtatanong at paghahanap ni baby Drey sa kanilang ama kaya alam n’ya na rin ang isasagot dito.
Kasunod nito ay iginaya ko si Carla paupo sa aking hita at hindi na kami mapaghiwalay sa aming pagkakayakap.
Ito ang bagay na lubos na ikinatutuwa ko, lumalaki si Carla na mas nagiging close sa akin. Kung tutuusin ay mas close na nga kami kesa sa kanilang dalawa ni Xander. Mabuti na nga lang din at wala nang selosang nagaganap dahil may baby Drey na rin kami na kay Xander naman naging close.
“How’s school? Sorry kung hindi kita nasundo.” pagkausap ko sa kanya sa malungkot na tono.
“Okay lang po Papa. Sinundo naman ako ni Tita Shai and Tito Carl eh.” sagot naman nito.
Kasunod ng sinabi ng panganay ko ay ang pagpasok din ni Shai kasama ang kanyang boyfriend na si Carl.
“Oh Gahd! Sorry, na-late ba kami ng uwi ng anak mo Tom? Sinama ko muna kasing mag-shopping eh.” wika ni Ma’am Shai.
“Okay lang, nagpaalam naman si Carla kanina sa akin thru text eh. And besides, alam kong safe ang anak ko sa inyo.” sagot ko namang nakangiti sa kanya.
Ini-isa n’ya rin kaming hinalikan sa pisngi bilang pagbati.
“Naku Tom! Iba pala ’pag magkasama ’yang anak mo at itong honey ko! Parang wala nang bukas!” reklamo naman ni Carl.
Si Carl ang boyfriend ni Ma’am Shai na isang taon na rin ang tagal. Nakakatawa nga noong malaman ito nina Xander. Nagulat na lamang kasi kami nang ipakilala ito ni Ma’am Shai na boyfriend n’ya samantalang wala naman itong sinasabi na may manliligaw s’ya.
Nagplano noon ang magkakaibigan na Xander, Rigo at Dominic na kastiguhin at kilatisin ang lalaking ito. Isinama pa nila sa kalokohan si Randy na walang magawa kundi ang pumayag dahil wala s’yang makuhang kakampi. Hindi raw kasi papayag ang tatlo na basta na lamang magkakaboyfriend ang prinsesa ng kanilang grupo nang walang pahintulot galing sa kanila.
Ngunit nang malaman nilang magaling na abogado pala ang boyfriend ni Ma’am Shai ay sabay-sabay silang nanahimik na tatlo. Wala rin silang nagawa kundi ang yayain na lamang itong sabayan sila sa pag-iinom. Kami naman ni Randy ay walang nagawa kundi ang tumawa dahil sa nangyari.
Sa huli ay nagkasundo rin silang lahat dahil mabait naman si Carl.
“How’s the prince?” tanong ni Ma’am Shai at hinalikan sa pisngi si baby Drey.
“Tita Shai… weh is Daddy?” tanong naman pabalik ni baby Drey.
“This kid! Always looking for his Daddy! Can you at least tell me that you missed me?” tanong nanaman ni Ma’am Shai sa kanya at napabuntong hininga.
Si Carla na ang sumagot habang natatawa ito.
“Why you never get used to our baby, Tita Shai? Si Daddy lang naman po ang kilala n’yan. ’Di ba Papa?” natatawang sambit ni Carla.
“Oo nga. Nakakaselos na nga minsan eh.” sagot ko naman na natatawa.
“Don’t be Papa. I have you and you have me.” wika naman ni Carla at muli akong niyakap at hinalikan.
Ang anak kong ito, alam na alam kung paano ako mapapangiti.
Natawa na lamang ako ngunit hindi ko napigil ang sarili kong panggigilan si Carla kaya nayakap ko ito ng mahigpit na mahigpit.
“Oh, enough na ’yang lambingan n’yong mag-ama. Magsisimula na ang party in just an hour kaya magbihis na rin kayong lahat.” ang biglang pagsasalita naman ng bagong dating.
“Rigo!” sabay-sabay naming sambit dahil sa biglang pagsulpot nito.
Nagtuloy-tuloy lang s’ya sa paglalakad hanggang sa makarating s’ya sa harap ni Randy at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi.
“Aayyyiiiee!” kantyaw naman ng barkada.
Si Randy naman ay napaikot na lamang ng mata habang nakasimangot.
Kunwari pa ’to eh, kinilig din naman. May pagsimangot pang nalalaman.
“Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamaya ka pa?” inis na tanong ni Randy kay Rigo.
“Takot ko ba naman sa’yo! Halos tadtarin mo ako ng text kung nasaan na ako ’di ba? Kaya maaga ko pinasara ang restaurant ni Xander.” natatawang sagot ni Rigo.
Tinawanan na lamang namin ang sinabing iyon ni Rigo.
“Tito Yigo… weh is Daddy?” ang tanong nanaman ng batang makulit.
“Sorry Drey, hindi ko s’ya kasama. Pero kasama ko naman ang iba mo pang mga Ninong at Ninang.” sagot naman ni Rigo kay baby Drey.
Kasunod ng sinabing iyon ni Rigo ay ang pagsulpot ng kumukumpleto sa aming mga kaibigan.
“Surprise!!!” sigaw nina Cha, Ben, Dominic, Dee at Eunice.
Nakakatawa sila dahil suot na nila ang kanilang mga superhero costumes kahit mamaya pa naman kami magsisimula.
Mukhang naaliw naman si baby Drey sa kanila kaya saglit n’yang nakalimutan ang paghahanap sa kanyang ama. Nagniningning ang kanyang mga mata habang pinapanood sina Ben at Dominic na kunwari ay naglalaban sa mga oras na ito.
Kahit kami ay walang ginawa kundi ang pagtawanan sila dahil nakisabay na rin si Cha at Eunice sa kalokohan ng dalawang lalaki. Samantalang si Dee naman ay piniling buhatin si baby Drey upang mas makalapit sa apat na baliw na patuloy sa kunwarian nilang action scenes.
Natutuwa akong pagmasdan na kahit lumipas ang dalawang taon ay walang nagbago sa amin. Masaya pa rin kaming lahat at sa tuwing may pangangailangan ang bawat isa ay naririyan pa rin ang lahat para magtulungan.
Napapangiti ako dahil malaki na rin ang pagbabago sa dalawang pinakamalapit kong kaibigan na sina Ben at Cha. Medyo naging matured na rin kasi silang mag-isip kaya nagsisimula na rin silang magplano para sa kanilang hinaharap.
Si Cha ay nanatiling nagtatrabaho kay Xander habang sinisimulan na ring pag-aralan ang business ng kanyang pamilya. Habang si Ben naman ay may maganda na ring posisyon bilang supervisor sa aming hotel dahil na rin sa kanyang sipag at tiyaga.
Si Ben na rin ang nakatira ngayon sa maliit na condo ni Xander sa Taguig dahil wala na rin maaaring manirahan doon ngayon. Habang ang isang condo naman ni Xander sa Alabang ay hinihintay na lamang sa pagdating ng kapatid kong si Julius mula sa Amerika upang s’ya naman ang manirahan doon para simulan na rin ang pagtatrabaho sa aming hotel.
Si Dominic naman at Dee ay naghahanda na rin sa nalalapit nilang kasal. Last month lamang ay hindi na napigilan ni Dominic ang magpropose kay Dee dahil sa takot nitong makawala pa ang nag-iisang babaeng nagpatino sa kanya.
Si Eunice naman ay nagsisimula na ring magtayo ng sarili n’yang clothing business ngayon. Dahil sa angking galing n’ya sa fashion ay marami ang humanga sa kanya kaya ito na rin ang naging daan upang buksan n’ya ang ganitong klaseng negosyo.
“What’s with the commotion?!” tanong naman ng lalaking bagong dating.
“What’s the current event?!” tanong naman ng babaeng bagong dating lang din.
Dahil sa hindi ko inaasahan ang kanilang pagdating ay napatayo ako mula sa aking inuupuan at sinalubong sila ng yakap.
“Sir Lojie! Olyn!” sambit kong tuwang-tuwa habang yakap sila.
Narinig ko ang kanilang pagtawa habang yakap din nila ako.
“Kelan pa kayo dumating?” tanong kong tuwang-tuwa sa kanila matapos kong bumitaw sa pagkakayakap sa kanila.
“Kahapon pa! Pero ngayon lang talaga kami nagpakita para mas dramatic ang entrance!” sagot ni Sir Lojie.
“Grabe! Ang init talaga dito sa Pinas!” reklamo naman ni Olyn.
Natawa kaming lahat dahil sa sinabi n’yang iyon.
“Kung makaarte ka naman Olyn! Sa Baguio ka lang nakarating pero parang nanggaling ka na sa Russia! Eh what more kung sa Edsa ka galing?! Baka sabihin mo naman ang init sa India?!” pambabara sa kanya ni Sir Lojie.
“Hayaan mo na! Pinaghahandaan ko lang naman ang pag-arte ko para sa pagpunta natin sa US next season!” sagot naman ni Olyn sa kanya.
“Burgis ka! Walang snow dun ngayon ’pag nagpunta tayo!” ang hindi rin pagpapatalo ni Sir Lojie.
Sasagot pa sana si Olyn ngunit naunahan na s’yang magsalita ni baby Drey na sumingit sa usapan.
“Tito Yojie, Tita Oyin… weh is Daddy?” ang walang kapagurang tanong ni baby Drey.
Sa halip na sagutin ang anak ko ay napasigaw ang mga ito.
“Happy Birthday baby Drey!!!” sigaw nina Lojie at Olyn.
Mabilis din nila itong nilapitan at hinalikan.
Naku! Lamog na ang anak ko sa mga kaibigan namin. Pero ayos lang, nakakatuwa nga ang bagay na ito dahil nakikita kong maraming nagmamahal sa aming anak ni Xander.
“Mukhang kompleto na tayo ah? Magbihis na rin kaya kayong lahat para makapagsimula na?” biglang pagsasalita ni Cha.
“Oo nga, isa pa parating na rin ang mga bata galing sa orphanage. Nagtext na sa akin ang namamahala sa kanila na papunta sila.” sagot naman ni Randy.
“Wooohh! Excited na ako sa costume natin mhyloves!” masayang sambit naman ni Popoy kay Daniel.
“Ikaw tigilan mo nga ako sa kaka-mhyloves mo! Nasusuka na ako!” inis na sambit naman ni Daniel at siniko si Popoy.
“Wala bang premyo ngayon? Nasaan sina Tito Ian at Tita Mavel?” tanong ni Dominic.
“Mukha kang premyo! Wala sila dito dahil nasa UK sila. Nasabi ko na ’yon sa’yo ’di ba? Saka dapat ikaw ang nakakaalam n’yan kesa sa akin dahil ikaw ang kaibigan ni Sir Xander!” pagsaway naman ni Dee sa kanyang fiance.
Simula talaga nang maging opisyal itong dalawang ’to, mas naging madaldal na si Dee. Hindi ko maiwasang matawa dahil dati ay bilang lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Dee.
“Oy, tama na ’yan. Tom, nasaan na ba ang mga costumes namin? Bakit itong lima lang ang meron?” tanong ni Sir Lojie habang tinututo sina Ben na suot ang kanyang Gambit costume, si Cha na si Storm, si Dominic na si Wolverine, si Dee na si Jean Grey at si Eunice na si Black Widow.
’Yang mga ’yan ang napili nilang costumes noong in-order namin ni Xander ang mga ito mula pa sa ibang bansa. Gusto kasi namin ay espesyal itong mga mangyayari dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ihahandog namin ito para sa iba at hindi para sa amin.
Bukod pa sa dahilang ito, may sandamakmak na photo album kasi si Xander sa lahat ng kaganapan kay baby Drey. Gusto nito na maging espesyal ang lahat ng events sa buhay naming pamilya.
“Nandon na sa taas. Nasa guest room kung saan tumutuloy sina Daniel at Popoy ’pag umuuwi sila rito.” nakangiti kong sagot sa kanila.
Kasunod ng pagkakasabi kong iyon ay sunod-sunod na rin silang tumayo mula sa kanilang mga inuupuan para magtungo sa itinuro kong kwarto sa kanila.
Si Carla naman ay pinuntahan na si Nanay Elise para magpalit na rin ng kanyang Super Girl costume. Sigurado akong bagay na bagay ’yon kay Carla dahil napakagandang bata ng aking anak.
Ako naman ay umakyat na sa kwarto namin ni Xander kasama si baby Drey para makapagbihis na rin. Nadaanan ko pa sa kwarto nina Daniel at Popoy na nagkakagulo sila doon sa loob. Mukhang nagtatalo-talo sila kahit na may mga kanya-kanya nang pangalan ang mga costumes na gagamitin nila.
Napailing na lang ako habang natatawa. Para pa rin silang mga bata.
Habang binibihisan ko si baby Drey ay wala pa rin itong tigil sa pagtatanong kung nasaan na ba ang kanyang ama. Kahit na paulit-ulit lang naman ang naisasagot ko ay hindi naman ako nagsasawa rito. Alam kong miss na miss lang ng aking anak ang kanyang ama kaya s’ya ganito.
Napangiti ako nang mabihisan ko na ng Captain America costume si baby Drey.
Ang cute-cute n’ya!
Saglit kong inilagay sa crib si baby Drey habang pinapadede ito upang makapagpalit na rin ako ng Spiderman costume ko.
Dumating na ang oras para magsimula ang party. Natapos na rin kaming lahat sa aming pagbibihis kaya naghanda na kaming lumabas para salubungin ang mga batang imbitado sa birthday party ni baby Drey.
Buhat ko si baby Drey habang tuwang-tuwa s’yang pinagmamasdan ang mga batang imbitado sa kanyang party. Palibhasa kasi ay si Carla lang ang batang nakakalaro nito kaya ganoon na lamang ang galak n’yang makita na maraming bata ngayon dito sa aming garden.
Halos hindi mapatid ang ngiti ng mga batang sumalubong sa amin nang sabay-sabay kaming pumunta sa garden. Ang ilan nga ay tumalon-talon pa habang pumapalakpak dahil sa labis na tuwa. Para kasi talaga kaming mga superheroes at full force na dumating.
Si Randy na Dare devil ang costume, si Rigo na Iron Man naman ang suot, si Daniel na nagsilbing Green Lantern, si Popoy na nag-costume ng The Flash, si Ma’am Shai na naka-Wonderwoman na talagang bagay na bagay sa kanya, at ang boyfriend n’yang si Carl na nakasuot ng Superman na talagang bumagay sa kanya dahil sa angking kakisigan nito. Hindi rin nito tinanggal ang kanyang eyeglasses na talagang nagpadagdag sa pagiging ma-appeal nito.
Lahat ay handa na ngunit isa na lamang ang kulang dahil wala pa ang aking pinakamamahal na asawa.
Sina Sir Lojie at Olyn ang magsisilbing host ng party suot ang kanilang Batman and Catwoman costume. Nakakatuwa sila dahil alam nila kung saan ilulugar ang kanilang sarili sa mga ganitong sitwasyon. Hindi sila nagpapakita ng kabulastugan tulad ng kanilang normal na ginagawa. Tanging pagpapasaya lang sa mga bata ang kanilang ginagawa.
Habang naglalakad kami papunta sa lugar kung nasaan ang mga pumapalakpak na mga bata ay napatigil kami sa aming paghakbang.
“Sandali!!!” sigaw ng bagong dating habang naka-megaphone pa yata ito dahil sa lakas ng boses.
Lahat kami ay dahan-dahan sa paglingon sa aming likuran. At doon namin nakita ang pinakamagandang costume na aking nasilayan.
Suot nito ang full costume ni Black Spiderman. Dahil sa ganda ng hubog ng katawan nito ay hindi ko naiwasang suriin s’ya simula ulo hanggang paa. At kahit nakasuot pa ito ng maskara ay kilalang-kilala ko ang tindig n’yang iyon.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil nakatayo sa aking harapan ang totoong superhero ng buhay ko.
“Master.” nakangiti kong bigkas habang nakatitig sa aking asawa.
Dahan-dahan ay hinubad n’ya ang kanyang suot na maskara. Hingal na hingal pa s’ya na wari mo ay galing ito sa mahabang pagtakbo.
Tahimik naman kaming lahat maging ang mga batang naririto habang pinagmamasdan s’ya.
Salubong ang kanyang mga kilay at seryoso ang kanyang ekspresyon nang magsalita s’ya.
“With great power comes with great responsibility.” seryoso n’yang sambit sa kilalang linya ni Spiderman.
Nawala ang pagkakangiti ko at napataas ang isang kilay ko dahil sa kanyang sinabi.
Naitanong ko sa aking sarili kung ano bang connect ng sinabi n’yang linya sa kasalukuyang sitwasyon.
Ngunit nang mapag-isip-isip kong ang magaling ko nga palang asawa ito ay napailing na lamang ako. Minsan ay naitatanong ko na lamang din sa aking sarili kung nahawa na ba ito sa pagiging agaw eksena nina Sir Lojie at Olyn.
Natigil na lamang ako sa pag-iisip nang bigla na lamang sumigaw ang aking anak na si baby Drey.
“Daddy!! Daddy!! Daddy!!!” sigaw n’yang nakangiti habang nakamwestra ang kanyang mga kamay para magpakuha sa Daddy n’ya.
Halos masikmuraan na rin ako nito sa lakas ng kanyang mga pagsipa dahil sa labis na tuwa habang karga ko s’ya.
Ang seryosong mukha ni Xander ay biglang nagbago at napalitan ito ng tuwa. Mukhang nakalimutan n’ya na rin panindigan ang kanyang Black Spiderman character nang masilayan n’ya ang kanyang bunso.
“Baby Drey!!! Na-miss kita anak!!” tuwang-tuwa n’yang sambit at mabilis na lumapit sa amin upang kunin mula sa akin ito.
Jusko! Kung makapagyakapan naman sila ngayon parang ilang taon na hindi nagkita! Paulit-ulit pa ang pagtawag nila sa isa’t-isa na akala mo ay nangulila ng ilang dekada.
“Ano? D’yan na lang kayo? Hindi na tayo magsisimula? Naghihintay na ang mga bisita oh?” nakataas na kilay kong tanong sa kanila.
Doon lang yata ni Xander naalala na may mahalagang kaganapan ngayong mga oras na ito. Hindi n’ya tinanggal ang pagkakayakap kay baby Drey habang buhat ito nang lumapit s’ya sa akin para bigyan ako ng halik sa noo. Ganoon din ang ginawa n’ya sa panganay naming si Carla.
“Sige na, simulan na natin ang birthday party ng cute na Captain America ko!” masaya n’yang sambit.
Matapos iyon ay ipinagpatuloy na rin namin ang naunsyaming paglalakad naming lahat patungo sa maliit na stage na naka-set up sa unahan. Doon na rin sinimulan ang programa para sa mga batang naririto.
Kitang-kita namin ang kasiyahan sa mga bata dahil sa konseptong pinagtulungan naming paghandaan. Hindi rin mapatid ang aming mga ngiti dahil nakikita namin ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Walang katumbas ang ngiting ibinibigay nila sa mga oras na ito.
Ilang mga palaro na dinaluhan naming lahat kasama ang mga bata. May production number din na ibinigay ang mga bata bilang pagpapasalamat sa amin kaya hindi rin napigilan ng mga babae naming kaibigan ang mapaluha.
Kahit naman ako ay naging emosyonal habang pinapanood sila. Lalo na noong sabayan silang kumanta ni Carla sa gitna.
Masayang-masaya rin kaming lahat habang pinagsisilbihan ang mga bata sa kanilang pagkain.
May story telling din na naganap na pinangunahan nina Daniel at Popoy. Kahit na minsan ay nagkakasalungat sila sa pagkekwento at pagbibigay ng komento ay nagawa pa rin nilang patawanin ang mga batang naririto.
Sina Ben, Cha, Dominic at Dee naman ay walang sawang nakipaglaro sa mga batang gustong ma-experience ang pagiging superheroes. Doon nila iyon ginawa sa aming playground na halos makumpleto na ang kagamitan sa paglalaro dahil na rin sa kasipagan ni Xander na bilhin ang mga ito para sa aming mga anak.
Sina Ma’am Shai at Carl naman ang namahala sa photo booth na inarkila rin namin para sa mga gustong magpakuha rito. Habang sina Rigo at Randy naman ang nasa Art section para turuan gumuhit at magkulay sa mga batang interesado sa arts.
Ang amin namang anak na si Carla ay nakipagsabayan sa kantahan at sayawan sa ibang bata dahil nag-set up din kami ng videoke para sa kanila.
Ang mag-ama ko naman ay masayang-masaya at kung saan-saan naglilibot sa buong garden upang bisitahin ang iba’t-ibang activities na naririto.
Habang iginagala ko ang aking paningin sa masayang kaganapan na nakikita ko ay hindi ko maiwasang mapangiti. Naitanong ko sa sarili ko, may mahihiling pa ba ako?
Kung naririto ang buong pamilya ko at mga kaibigan, at kung nagagawa naming maibahagi ang mga blessings na natatanggap namin sa iba, sa tingin ko wala na akong nanaisin pa.
Nagtagal pa ang kasiyahan ng ilang oras hanggang sa kailangan nang umuwi ng mga bata sa kanilang tinutuluyan. Naiwan na lamang kaming mga magkakaibigan hanggang sa sumapit ang dilim. May mga humabol pang mga empleyado ni Xander mula sa kanyang restaurant at sa aming hotel.
Naging masaya rin ang lahat at hindi natapos ang kanilang picture taking. Ito na rin kasi ang nagsilbing reunion naming lahat dahil naging abala na rin kami sa kanya-kanya naming bubay.
At dahil naririto sina Olyn at Sir Lojie na hayok sa kasiyahan at alak ay umulan ng maiinom na makakapawi sa kanilang pagod. Nagkaroon pa ng agawan sa microphone para sa mga gustong kumanta.
Ang anak naman naming si Carla ay nauna nang magpahinga dahil sa pagod. Ganoon din si baby Drey na nakatulog ng nakangiti habang nasa bisig kanina ni Xander. Doon lang din napaghiwalay ang mag-ama dahil dinala na s’ya ni Nanay Elise sa aming kwarto upang hindi mabulabog ng ingay.
“Nag-enjoy ka ba sa party Master?” tanong ko kay Xander habang naglalakad kami dito sa playground na bahagi ng aming garden.
Magkahawak rin ang aming mga kamay. Ngayon ko lang yata nahawakan ang kamay ng asawa ko simula kanina dahil sila ni baby Drey ang laging magkasama.
Huminto kami sa ilalim ng monkey bars na madalas nilang pwestuhan ng aming anak. Naririnig pa namin ang kantahan ng aming mga kaibigan sa garden ngunit sapat na rin ang aming privacy para makapag-usap kami ng maayos.
“Ako talaga ang nag-enjoy?! Hindi ba dapat ’yung mga anak muna natin?” pagsasalungat n’ya sa akin.
Natawa naman ako sa naging sagot n’ya.
“Eh kasi parang ikaw ang may birthday eh! Nangunguna ka sa kantahan at paglalaro kanina! Hindi nga kita makausap eh!” pagbibiro ko sa kanya.
Inangat n’ya ang aking kamay at hinalikan iyon ng madiin.
“Na-miss mo naman ang asawa mo?!” pagbibiro n’ya pabalik.
Kahit na dalawang taon na kaming magkasama ni Xander bilang mag-asawa ay hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya at mamula kapag bumabanat s’ya ng ganito.
“Ang kapal ah… Hindi kaya!” depensa ko naman.
Tumawa s’ya ng mahina tanda na hindi s’ya naniniwala sa sagot ko. Ngunit matapos iyon ay niyakap n’ya ako na masuyo ko ring tinugunan.
“Ang saklap naman! Samantalang ako miss na miss ko ang asawa ko. Na-miss ko ’yung yakap at halik n’ya ng ilang oras!” wika n’ya habang yakap ako.
Hindi ko naiwasang matawa sa kanyang sinabi. At ayaw ko mang aminin, kinilig din naman ako sa binitiwan n’ya salita.
Bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya at tiningnan s’ya sa mata.
“Sige nga, pa-kiss nga sa asawa ko!” paglalambing ko sa kanya.
Naningkit ang kanyang mga mata tanda ng panunukso.
“Hhhmmm… Na-miss mo rin ang kiss ko ’no?” paglalambing n’ya pabalik.
“Mmm-mmm!” sagot ko naman habang tumatango-tango.
Ganito kami ni Xander. Kahit na lumipas na ang dalawang taon ay hindi kami nagsasawa sa lambingan naming ganito.
“Sige, sandali.” wika n’ya at mabilis na kumalas mula sa aming pagkakayakap.
Nangunot naman ang aking noo. Dahil matapos n’yang sabihin iyon ay mabilis s’yang kumilos upang tumalon at abutin ang pinakamataas na hawakan ng monkey bars na nasa aming itaas.
“Hoy Master! Anong gagawin mo?” tanong kong nagtataka sa kanya.
Habang nakataas ang kanyang mga kamay ay saglit n’ya akong sinagot.
“Relax ka lang d’yan.” wika n’yang nakangiti.
Nakita ko rin ang excitement sa kanyang mga mata.
Hindi na ako nagsalita pa. Pinanood ko na lamang s’ya sa kanyang ginagawa.
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang iangat n’ya ang kanyang mga paa at isabit iyon sa mataas na bahagi ng monkey bar. At kasunod nito ay bumitaw s’ya sa pagkakahawak sa monkey bar.
Ang posisyon n’ya ngayon ay nakasabit ang dalawang binti sa monkey bar habang nakaharap ng pabaliktad sa aking pwesto. Sa madaling salita, nakalaylay ang kanyang ulo ngunit nakaharap naman s’ya sa aking pwesto.
“Mag-e-exercise ka?” tanong ko sa kanyang nagtataka.
Hindi na kasi ito bago sa akin. Ito ang madalas n’yang ginagawa sa monkey bar na naririto. Paraan n’ya raw ito para mapanatili ang kanyang perpektong 6 pack abs.
“Hindi. ’Di ba na-miss mo ang kiss ko? Ayan! I-kiss mo na ako dali!” sagot n’ya habang nakabaliktad.
“Ha???!! N-nababaliw ka nanaman ba Xander?? Ano nanaman ’to??!” tanong kong gulat na gulat.
Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga tricks na pinapagawa n’ya sa akin noon dalawang taon na ang nakakalipas. Noong panahon na in-upload n’ya sa YouTube ang aming video kung paano kami nag-kiss matapos gawin ang exhibition na naisip n’ya.
“Sige na Master! Tingnan mo, perfect nga ang timing eh! Naka-Spiderman costume ka tapos ako naman naka-Black Spiderman costume din! Sayang nga lang kasi hindi ko nasuot ’yung maskara ko para tanggalin mo!” pagpupumilit n’ya pa rin.
Hala ka! Nababaliw nanaman si Xander! Jusko! Nagsimula nanaman s’ya!
“Eh hindi naman ako si Mary Jane eh! Saka ako ang dapat na nakasabit d’yan dahil hindi si Black Spiderman ang nakasabit doon!” pakikipagtalo ko naman sa kanya.
Totoo naman eh! Si MJ ang humalik sa movie habang nakabaliktad si Spiderman!
“Sige na naman Master! Hindi ako bababa dito hanggat hindi mo ako kini-kiss! Bahala ka, mapupunta na sa ulo ko lahat ng dugo ko! Gusto mo ba ’yon?!” pananakot n’ya na sa akin.
Aba! At nanakot pa!
Jusko! Ang lalaking ’to wala nang pinagbago sa loob ng dalawang taon! Kung anong maisip at gustuhin, ’yun ang gagawin at ’yun ang dapat masunod!
Napakagat na lamang ako ng labi dahil sa inis. Pero dahil si Alexander Alvarez nga ito, alam kong wala rin naman akong magagawa.
Naku! Naku talaga! Kung hindi ko lang mahal itong asawa kong ito baka dinampot na ’to sa kanal dahil sa inis ko!
Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga. Nakita ko ang pagngiti ng aking asawa dahil alam n’yang suko na ako sa kanya.
Matapos iyon ay wala na akong binitiwan pang salita. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at marahang hinawakan s’ya sa mukha.
Habang nakabaliktad s’ya at hawak ko s’ya sa kanyang mukha ay saglit ko muna s’yang tinitigan.
Sino ang mag-aakala na sa nakalipas na dalawang taon ay heto pa rin kami at masayang nagsasama? Sinong mag-aakala na walang magiging happy ending ang istorya ng pagmamahalan ng dalawang lalaki?
Walang makakapagsabi sa mangyayari sa hinaharap. Walang sino man ang maaaring manghusga sa kahihinatnan ng bawat relasyon.
Hanggat mahal n’yo ang isa’t-isa, hanggat paninindigan n’yong pareho ang pinili n’yong landas, at hanggat ipaglalaban n’yo ang pagmamahalan n’yong dalawa, wala nang mas sasaya pa sa magiging resulta nito.
Dahil ang kasiyahan ay hindi nabibili. Hindi ito kailanman maididikta ng kahit na sino.
Walang may karapatan na pigilan ito dahil hindi naman ibang tao ang makikinabang dito.
Kundi kayong dalawa na bahagi ng relasyong binuo n’yo at hindi isinagawa ng ibang tao.
Ilang segundo ang aking pinalipas dahil sa maikling pag-iisip. Ngunit matapos iyon ay gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Dahan-dahan ang pagkakalapit namin hanggang sa maramdaman naming pareho ang init ng labi ng isa’t-isa. Pareho kaming napapikit dahil sa kaligayahang pareho naming nararamdaman sa mga oras na ito.
Tulad ng dati ay parang nagliliwanag pa rin ang kapaligiran sa tuwing maglalapit ang aming mga labi.
Walang nagbago.
Kung tutuusin ay parang ito pa rin ang kauna-unahang halik na pinagsasaluhan naming dalawa dahil sa labis na tuwa at pagmamahal sa isa’t-isa.
Matapos ng ilang masuyong paghalik ay bumitaw kami nang may ngiti sa aming labi. Nanatili ring magkalapit ang aming mga mukha habang hawak ko pa rin s’ya sa magkabilang pisngi.
“Mahal na mahal kita Xander… Mula noon hanggang ngayon…” wika kong nakangiti sa kanya.
Nagbitaw ng mas malapad na pagkakangiti si Xander bago sumagot.
“Mas mahal na mahal kita Tom… Magmula noon hanggang sa habang panahon…” sagot n’yang puno ng lambing.
Matapos iyon ay muli ko s’yang binigyan ng isa pang halik ngunit nagtagal lamang iyon ng ilang segundo.
Lumayo muna ako sa kanya ng bahagya upang bigyang daan s’ya sa kanyang pagbaba.
“Bumaba ka na d’yan Master. Mamaya wala nang matirang energy sa’yo ’pag napunta na sa ulo mo lahat ng dugo mo.” makahulugan at natatawa kong utos sa kanya.
At dahil nga sa mabilis ang utak ng asawa ko sa mga ganitong pagpaparamdam ko ay mabilis din n’yang inangat ang kanyang sarili at halos talunin pa ang pagbaba sa monkey bars na kinakapitan n’ya.
“Totoo Master?? G-gagawin natin ’yon mamaya??” hindi makapaniwala n’yang tanong sa akin nang tuluyan s’yang makababa.
Halos maalog naman ang utak ko dahil habang tinatanong n’ya iyon ay hawak n’ya ako sa magkabilang balikat at niyuyugyog ako.
Nagkamali pa yata ako sa ginawa kong panunukso sa kanya! Para kasi s’yang nakainom ng limang bote ng energy drinks sa sobrang hyper!
“Alugin mo pa ako para ako naman ang mawalan ng malay dito!” sambit ko sa kanya.
Mabilis n’ya namang itinigil ang pag-alog sa akin.
“Ay sorry! Sorry!” wika n’ya at hinalikan ako sa noo ng paulit-ulit.
Natawa na lamang ako sa kakulitan ng asawa ko. Sa bawat araw talaga na nagdadaan ay hindi ito nagmimintis sa pagpapangiti at pagpapatawa sa akin.
“Tara na nga! Balikan na natin ang mga kaibigan natin. Baka lasing na rin ang mga ’yon!” pagyaya ko sa kanya.
Nawala na kasi ang maingay na kantahan nila sa aming garden at tahimik na sa mga oras na ito.
Hinawakan ko na s’ya sa kamay upang makapagsimula na rin kaming maglakad pabalik ng garden.
“Hayaan mo na sila! Malalaki na ’yung mga ’yun! Akyat na lang tayo sa kwarto natin tapos gawa tayo ng baby Tom-tom! Sundan na natin si baby Drey!” ganado n’yang sambit.
Napag-usapan na namin ito ni Xander. Na matapos ang tatlong taon ay muli kaming babalik ng Amerika para naman sa panibagong surrogation na gagawin. At sa pagkakataong ito, sa kanya naman magmumula ang pagpupunla. Gusto rin kasi namin ay hindi nalalayo ang edad ng aming pangatlong anak kay baby Drey.
“Akala ko ba next year pa? Tatlong taon ang usapan natin ’di ba?” tanong kong nagtataka.
“Oo nga! Gagawa pa lang naman tayo eh! Alangan naman next year pa ang hihintayin ko para lang maangkin ko ulit ang asawa ko?! S’yempre hindi ako papayag non! Kung wala nga lang akong inaalagaang baby Drey ngayon baka inaraw-araw kita eh!” mahaba n’ya namang pagsalungat sa akin.
Jusme! May balak pa ba ’tong buhayin ako? Parang gusto na akong katayin eh!
“Oo na, oo na! Hindi naman ako mananalo sa’yo eh!” pagsuko ko na lamang sa kanya.
“Yes!!!” masaya n’ya namang sambit habang nakakuyom ang knyang kamao at nakaangat sa itaas.
’Yung totoo?? Nanalo sa lotto??
Napailing na lamang ako habang natatawa sa kanya. Iba talaga itong si Xander, hanggang ngayon hindi pa rin s’ya nagbabago sa aspetong ’yon. Ganadong-ganado pa rin s’ya basta’t magaganap sa amin ang bagay na iyon.
Naglakad kami pabalik sa garden na puro tawanan at lambingan lamang ang naganap.
Nang makabalik kami sa garden ay halos hindi ako makapaniwala sa aming nakita.
“Anong nangyari sa kanila Daniel?” tanong kong nagtataka sa aking bayaw.
“Ano pa nga ba? Edi bumulagta ’yang mga bisita natin! Nagpa-contest ba naman si Carl sa tequila shot eh! Ayan! Pati si Popoy hindi na halos makatayo!” reklamo ni Daniel habang tinuturo lahat ng aming mga kaibigan.
Paano ba naman kasi, lahat sila nakalugmok na sa mesa habang suot pa rin nila ang kani-kanilang costumes. May ilan pang mga lalaki ang nakahiga ngayon sa bermuda grass dahil sa kalasingan. Maski ang mga kababaihan ay magkakatabi habang nakasandal sa isa’t-isa at nakanganga. Tanging si Daniel lamang ang nakatayo sa mga oras na ito.
“Nasaan ang Ate Shai mo at ’yung abogado?” tanong ni Xander sa kanyang kapatid.
“Ayun! Pagkatapos magpa-contest, sabay din silang sumibat!” ang may halong pagkairitang sagot ni Daniel.
“Eh sina Randy at Rigo?” tanong muli ni Xander.
“Asa ka pa sa dalawang ’yun! Nauna nang umuwi dahil hindi na makatiis sa tawag ng laman sa isa’t-isa! Akala mo hindi nagsasama sa iisang bubong eh!” reklamo pa rin ni Daniel.
Dito na ako sumingit sa usapan nila.
“Teka teka! Tama na yan. Nand’yan na ’yan eh. Asikasuhin na lang natin sila. Unahin mo na lang Daniel ’yang boyfriend mo, umakyat na kayo sa kwarto n’yo.” pag-awat at utos ko kay Daniel.
Si Xander naman ang nilingon ko.
“Master, pakitawag mo na lang ’yung isang guard natin pati na rin ’yung driver natin para magtulong-tulong kayo sa pagbubuhat sa mga lalaki sa guest rooms. Ako naman ang tatawag sa mga kasambahay para naman sa mga babae.” suhestyon at utos ko naman kay Xander.
Wala naman ang nagsalita sa kanilang dalawa bilang pagpayag. Hindi rin naman sila makaka-kontra dahil alam kong wala rin silang pagpipilian.
Agad na inalalayan ni Daniel si Popoy na nakalugmok sa isang mesa.
“Nakakainis ka naman eh! Bibigyan mo pa ako ng trabaho para linisin ka!” hindi mapigilang reklamo ni Daniel kay Popoy.
“Mhyloves….. inaaway mo nanaman ang Popoy mo… Ishushumbong na talaga kita kina Mommy at Daddy….” sagot naman ng lasing na si Popoy habang namumungay pa ang mga mata.
“Edi magsumbong ka! Magtulong-tulong pa kayo!” balik naman ni Daniel sa kanya.
Tumawa ng tipid si Popoy bago nanaman s’ya sumagot.
“O shige hindi na… Kish mo na lang ako Danny boy ko…” wika nito at pinisil si Daniel sa pisngi.
“Gusto mong suntukin ko ’yang mukha mo?! Paisa lang ako! Banas na banas talaga ako sa’yo eh!” mataas na boses nang banta ni Daniel sa kanya.
Mas lalong natawa si Popoy sa sinabing iyon ni Daniel.
“Shige ba! Bashta pa-kish pagkataposh ah?” wika naman ni Popoy sa kanya.
Hindi na yata makatiis si Daniel kaya nilingon na nito si Xander.
“Kuya oh!” pagsusumbong na ni Daniel kay Xander.
Hindi naman nagsalita ang asawa ko. Ngunit mabilis itong lumapit kay Popoy at malakas na pinitik ito sa tenga.
Nagulat kami ni Daniel sa ginawang iyon ni Xander. Malakas iyon dahil narinig ko ang pagdaing ni Popoy.
“Kuya!! ’Wag naman ganon! Bakit kelangan mong saktan si Popoy?!” reklamo ni Daniel sa kanyang Kuya.
Mabilis n’ya rin hinawakan ang tenga ni Popoy na pinitik ni Xander at hinilot-hilot iyon.
Nangunot ang noo ni Xander bago binalikan si Daniel.
“Tingnan mo ’to! Susumbong-sumbong ka tapos ngayon magrereklamo ka! Hindi ka na nagbago! Iakyat mo na nga ’yan! Nakakairita na rin ang ingay n’yo eh! Para kayong mga bata!” sermon nito kay Daniel.
Napataas naman ako ng isang kilay sa sinabi ni Xander.
Akala mo naman kung sino ’tong makapagsalita! Eh isa rin naman s’yang isip bata!
Hindi na sumagot si Daniel ngunit parang pinapatay n’ya na si Xander sa sobrang sama ng tingin n’ya dito.
Hindi ko maiwasang matawa sa kanila. Nakakatuwa rin na ganito ang kinahinatnan ng relasyon nina Daniel at Popoy. Perfect combination talaga sila.
Matapos ang pagtatalo ng magkapatid ay umakyat na sina Daniel at Popoy sa kanilang kwarto. Kami naman ni Xander ay inasikaso na rin ang mga kaibigan naming halos hindi na magawang tumayo.
Siguro ay may halos isang oras din kaming nag-asikaso sa kanila kasama ang aming mga kasambahay. At nang makasigurong maayos na sila sa guest rooms ay saka na lamang kami ni Xander pumasok sa aming kwarto.
Naunang naligo si Xander dito sa loob ng aming kwarto dahil gusto n’ya nang mahalikan si baby Drey. Nahihimbing naman ang batang makulit sa crib na katabi lang ng aming kama ni Xander. Hanggat maaari kasi ay ayaw ni Xander na didikit s’ya sa aming mga anak kung hindi pa s’ya nakakapaglinis ng kanyang katawan.
“Tapos mo nang titigan ang anak natin?” tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng towel sa aking buhok.
Katatapos ko lamang maligo at nakita kong nakahiga na si Xander sa aming kama. Tinungo ko s’ya at umupo sa kanyang tabi.
“Oo. Ang cute talaga ni Drey kapag natutulog! Parang ’yung Master ko lang!” wika n’ya at niyakap ako sa bewang.
Kinurot ko naman s’ya ng marahan sa kanyang ilong.
“Style mo Xander! Alam ko na ’yang mga galawan mong ’yan!” balik ko sa kanyang natatawa.
Kilala ko na ’to eh. Mamaya lang sasabihin na nito ang magic word n’ya.
Natawa s’ya sa aking sinabi. Ngunit kasabay ng kanyang pagtawa ay umupo rin s’ya sa kama habang yakap pa rin ako sa aking bewang.
Inilapit n’ya pa ang kanyang sarili upang bumulong sa akin. Amoy na amoy ko ang bagong ligo na asawa ko.
“Sige na Master. Saktong-sakto oh, nahihimbing ang lahat. Tayo lang ang gising na gising. Gawa na tayo ng baby.” malambing n’yang bulong sa akin.
Nakaramdam ako ng kiliti sa ginawa n’yang pagbulong kaya hindi ko maiwasang magpakawala ng mahinang pagtawa.
“Eh paano ’pag may nagising? Ang ingay mo pa naman!” tanong ko sa kanya habang magkalapit ang aming mukha.
“Hindi ’yan! Pipigilan ko mag-ingay! Promise!” sagot n’ya naman at inalog-alog ako habang yakap pa rin ako.
Nakikita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.
“Sige na Master! Sige na! Isang linggo na tayong walang ganun oh! Sige na!” pamimilit n’ya pa.
Muli akong natawa sa kanya. Bilang na bilang n’ya talaga ang araw na hindi namin nagagawa ang bagay na iyon bilang mag-asawa. Masyado kasi s’yang naging abala sa aming mga anak kaya minsan ay hindi na namin iyon magawa.
Kitang-kita ko ang namumungay n’yang mga mata habang may pagmamakaawa rito. Mukhang sabik na sabik ang asawa kong gawin namin ang bagay na iyon.
Dahil sa naaawa na rin ako sa nakikita ko sa kanya ay binigyan ko s’ya ng isang mapanuksong ngiti. Marahan ko ring hinaplos ang kanyang pisngi habang nakatitig ako sa kanyang mga mata.
Gusto kong kahit sa bagay na iyon ay mapaligaya ko si Xander. Maliit na bagay lamang iyon kumpara sa pagmamahal na ibinibigay n’ya sa aming buong pamilya.
“Gusto mo ba ulitin ko ’yung ginawa ko sa’yo sa hotel n’yo sa US two years ago? ’Yung gabi pagkatapos ng kasal natin doon?” tanong ko sa kanya sa nakakaakit na tono.
Nanlaki ang mga mata ni Xander nang sabihin ko iyon. Naibuka n’ya rin ang kanyang bibig dahil sa labis na pagkabigla. Paano ba naman, iyon ang una at huling beses na ginawa ko iyon sa kanya kaya alam kong hindi n’ya iyon makakalimutan.
“I-ibig sabihin itatali mo ulit ako??!!” ang hindi n’ya makapaniwalang tanong.
Mas lumapad ang pagkakangiti ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa paghaplos sa kanyang pisngi.
“Hinde… Kasi this time, hahayaan kitang ako naman ang itali mo… Gawin mo sa akin ang gusto mong gawin… Hindi kita pipigilan sa gusto mo…” sagot ko sa mas nakakaakit na tono.
Nagningning ang mga mata ni Xander. Alam kong masayang-masaya s’ya sa kanyang narinig. Ngunit nang makabawi ay unti-unti s’yang ngimisi. Naikagat n’ya pa ang kanyang ibabang labi.
“Ganon ah… Sige, maghanda ka na!” wika n’ya habang nakangiti.
Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil mabilis n’ya akong hinawakan sa aking batok at hinatak papunta sa kanya upang magtagpo ang aming mga labi.
Naging mapusok ang kanyang halik na sinuklian ko naman ng kapareho sa kanya.
Nagsimula na rin gumapang ang kanyang mga kamay sa aking katawan habang patuloy pa rin naming dinadama ang init ng labi ng bawat isa.
Habang nakaupo kami ay dahan-dahan kong hinatak ang aming kumot at itinakip iyon sa aming katawan.
May isang lamp shade din na bukas at lalong nakadagdag sa ganda ng aming tagpo.
Sinimulan ko nang gawin ang aking pakay. Takip ng nag-iisang kumot ay iginaya ko si Xander pahiga habang patuloy lang kami sa aming ginagawang paghalik sa isa’t-isa.
Dama ko ang pananabik n’ya ganoon din ang pinipigilan n’yang paggawa ng ingay sa mga oras na ito.
Pumwesto ako sa kanyang ibabaw habang nasa ilalim ng nag-iisang kumot na naging tahanan naming dalawa.
Ilang sandali pa ay bumaba ang kanyang halik sa aking leeg dahilan para umangat ako at lumabas ang aking ulo mula sa kumot.
Inabala ni Xander ang kanyang sarili sa paghalik sa aking leeg. Hinayaan ko rin s’yang igala ang kanyang mga kamay sa bawat parte katawan ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong itinataas n’ya na ang aking sando senyales na magsisimula na s’yang ibigay ang kaligayahan na s’ya lang ang makapagbibigay sa akin.
Napapakagat na ako sa aking labi dahil sa ganap sa aming dalawa ni Xander. Ngunit habang nasa ganoon akong posisyon ay natigilan ako ganoon din si Xander na nasa ilalim pa rin ng aming kumot.
“Papa….” narinig kong tinig mula sa aming tabi.
Para kaming naging bato ni Xander dahil sa pagtawag na iyon. Nanigas kaming pareho at hindi nakagalaw.
“Papa….” muling sambit ng isang tinig.
Dahil ako lamang ang nakalabas mula sa kumot na iyon ay wala akong mapagpipilian kundi ang lingunin ang bahagi kung saan nanggaling ang naliit na boses na aming narinig.
Dahan-dahan kong nilingon ang lugar kung saan namin narinig ang pagtawag. Alam kong sa mga oras na ito ay nanlalaki ang mga mata ko.
Doon ko nakita si baby Drey na nakatayo sa kanyang crib habang hawak nito ang kanyang teddy bear. Nagkukusot pa ito ng isang mata habang nakatingin sa akin.
“B-baby Drey…” naisambit ko lamang habang nakatingin ako sa aming anak.
Hindi pa rin ako makaalis sa aking pwesto. Ganoon din si Xander na nasa ilalim ko.
“Papa… weh is Daddy…?” tanong nito sa akin sa malungkot na tono.
Hindi ko magawang makasagot sa kanyang tanong. Tila ba naputulan ako ng dila dahil sa labis na pagkabigla.
Dahan-dahan ay nilingon ko si Xander na nasa aking ilalim. Nakita ko rin ang panlalaki ng kanyang mga mata at pagkaestatwa.
Ngunit makalipas ang ilang segundo ay binitawan nito ang aking sando na halos nasa kalahati na ng katawan ko ang pagkakahubad.
Inangat n’ya ang kanyang mga palad at madiin na hinilamos sa kanyang mukha.
Matapos iyon ay marahan n’ya akong iginaya upang makaalis mula sa kanyang ibabaw. Napaupo ako sa kanyang tabi at pareho kaming hindi makapagsalita.
Mula sa ilalim ng kumot ay dahan-dahan s’yang lumabas mula rito at tumayo pababa sa aming kama.
Nakita ko ang pagningning ng mga mata ng aming anak nang masilayan ang kanyang hinahanap.
“Daddy!! Daddy!! Daddy!!” tuwang-tuwang sambit ni baby Drey habang tumatalon-talon pa sa kanyang crib.
Nakamwestra rin ang mga kamay nito tanda na nagpapakuha s’ya sa kanyang ama mula sa kanyang pwesto.
Si Xander naman ay walang imik na nilapitan ang aming anak habang tila hinang-hina ito.
Mula sa crib ay binuhat ni Xander si baby Drey na hanggang ngayon ay tuwang-tuwa sa pagkakita sa kanyang ama.
Jusko! Sa ganitong moment talaga dapat magising anak?!
Gusto ko sa kanyang itanong iyan ngunit alam kong wala naman akong makukuhang sagot mula sa kanya.
Habang karga ni Xander si baby Drey ay humakbang ito patungo sa pinto ng aming kwarto. Ako naman ay pinapanood lamang sila sa kanilang paglayo mula sa akin.
“Anak naman… alam mong mahal na mahal ka ni Daddy… Gustong-gusto kitang kasama… Pero bakit naman of all time ngayon pa?!” narinig kong tanong ni Xander kay baby Drey.
“Daddy! Daddy!” sagot naman ni baby Drey na tuwang-tuwa habang yakap ang kanyang ama.
Alam kong dadalhin lamang ito ni Xander sa nursery room dahil iyon ang favorite spot nila bukod sa aming playground sa labas. Iyon na rin kasi ang bonding nilang dalawa. Ito rin ang lugar kung saan pinapatulog ni Xander si baby Drey.
Habang pinagmamasdan ko ang paglabas nilang dalawa sa aming kwarto ay natawa na lamang ako habang napapailing.
Ngunit sa kabila ng pagtawa kong iyon ay isang reyalisasyon ang sumagi sa aking isip.
Sa tingin ko ay mas magiging masaya pa ang bawat araw na magkakasama kaming buong pamilya. Dahil sa bawat araw na nagdadaan ay bagong karanasan sa aming lahat.
At bawat karanasan na iyon ay alam kong puno ng kaligayahan ang hatid at puno ng pagmamahal.
Hindi lang bilang magkakasama….
….kundi bilang isang masaya at kompletong pamilya.
A/N
Ayan na! Eto na talaga ’yun! Ang tunay na pagtatapos ng kwentong nagpasaya, nagpalungkot at nagpakilig sa ating lahat.
Maraming-maraming salamat sa inyo! Sana ay subaybayan n’yo pa rin ang mga kwentong gagawin ko sa hinaharap. Wala akong masabi kundi purong pasasalamat sa inyo dahil sa pagtanggap ng kwentong una kong ginawa.
Ayokong magba-bye kasi magkakausap pa naman tayo sa susunod kong stories.
At!!! Speaking of new stories, ’wag n’yo po muna sana burahin ang kwentong ito sa library n’yo please???
Bakit?
Dahil dito ko po ipa-publish ang teaser ng susunod kong story na gagawin. Ayokong magdamot kaya ibibigay ko na ang title! Hahahaha!
“NO STRINGS ATTACHED”
’Yan po ang story nina Rigo at Randy.
Sana po abangan n’yo dahil ilang araw akong hindi pinatahimik ng kwento nilang ito. Kaya nga rin ako natagalan sa epilogue nitong ‘Taste Of a True Love’ dahil sa kanila. Masyado ako na-excite! Hahahahaha!
Anyway, feel you there na lang po!
Mahal na mahal ko kayo! Walang joke ’yan! 👬 Promise na promise!
#LoveWins
––cold_deee
RANDY & RIGO
Mga bes, yooohooo!!!
Kamusta naman kayo? Hahahaha! Na-miss ko kayo! 😊😊
Alam kong nakapangako ako na ilalagay ko ang teaser ng story nina Randy at Rigo dito. Mga bes, patawarin n’yo ako… kasi sobrang na-excite ako i-publish ’yun eh. Hahahaha!
Ayun nga, wala akong mailalabas na teaser ng ‘No Strings Attached’, pero makikita n’yo sa works ko ang book na ’yon dahil nai-publish ko na. Pakihanap na lang po ha?
Sana mag-enjoy kayo doon. Feel you there mahal kong readers!
Maraming salamat!! 😄😄
Hugs and kisses!
😘😘😘
––cold_deee
PATALASTAS
Hello po! Baka may ilan sa inyo na gusto pang kilalanin ang mga bida sa kwentong ito, maaari n’yo silang i-add sa kanilang mga facebook account. Be friends with them at saksihan ang kanilang mga kalandian, kakornihan at kalokohan.
Naririto po ang kanilang mga Facebook account:
ALEXANDER ALVAREZ’s profile:

AXYLL TOM PEREZ’s profile:

Isingit na rin natin si,
RANDY LIAM DE TORRES profile:

Usap-usap na lang po tayo doon!
Maraming salamat!
–– cold_deee
SPECIAL CHAPTER 1
A/N
At dahil mahal namin kayo nina Xander at Tom, eto ang special chapter nila. ❤
Shout out kay
alkie02
!! Ihanda ang pagsayaw natin, bhe!! Ahahahahaha!
Paki-download n’yo na lang din po ang ‘Despacito’ ni Justin Bieber. Magagamit natin ito. Sasayaw at kakanta tayo! Charot!
Paano po, enjoy reading ha? Hindi ito ang unang special chapter kaya sana ay hindi n’yo rin ito alisin sa library n’yo.
Yey! Simulan na!
––> sina Xander at Tom po sa media.

Paalala: ’Wag malito kung kayo ay nagbabasa ng No Strings Attached nina Randy at Rigo. Opisyal na sila rito at tahimik na ang pamumuhay. Tapos na ang sigalot sa kanilang mga buhay. Charot para sa term na sigalot. 😂
TOM’s POV
“Good night, Papa.” malambing na pagsasalita ni baby Carla.
Inayos ko muna ang kanyang kumot at siniguradong magiging komportable s’ya sa magiging pagtulog n’ya.
“Good night, baby.” sagot kong nakangiti at hinalikan s’ya sa noo.
Hindi n’ya agad ipinikit ang kanyang mga mata. Nakita kong hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin s’ya.
“Papa, are you really okay? I know you’re sad kasi hindi n’yo nai-celebrate ang anniversary n’yo ni Daddy ngayon.” malungkot nitong pagsasalita.
Saglit akong natigilan. Nabawasan ang pagkakangiti ko ngunit mabilis ko rin na ibinalik iyon. Ayaw kong mag-aalala ang panganay namin ni Xander.
“Okay lang, baby Carla. Busy lang talaga si Daddy kaya hindi namin nai-celebrate ngayon. Saka don’t worry, pwede naman namin i-celebrate ’yon sa ibang araw.” paliwanag ko sa kanya.
Hindi s’ya nakasagot, tila ba hindi ito kumbinsido. Matalinong bata talaga ang panganay namin kaya alam kong kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya ng mabuti.
“Baby, lahat ng ginagawa ni Daddy, para sa atin ’yon. Nagsusumikap s’ya para sa future n’yo ni baby Drey. Kaya kung may special events man na hindi n’ya mapupuntahan, intindihin na lang natin. Besides, ’pag may time naman s’ya, instead na magpahinga, inaalagaan n’ya tayo, ’di ba? Kahit pagod s’ya sa trabaho, he always make sure na masusulit ang oras n’ya kasama tayo.” mas mahaba kong paliwanag sa kanya.
Saglit s’yang nag-isip, mukhang pinoproseso ng kanyang isip ang aking mga sinabi. Ilang sandali pa lamang ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
“Yeah. Naiintindihan ko na, Papa. He is the best Dad in the whole universe!” masaya nitong reaksyon.
Napangiti rin ako sa sinabi n’yang iyon. Malawak talaga ang isip ng anak naming ito.
“O, sige na, matulog ka na, anak. May pasok ka pa sa school bukas.” nakangiti kong utos sa kanya.
“I love you, Papa. Please tell Daddy that I love him too.” pakiusap n’ya sa akin.
“I will, baby. We love you too.” sagot ko naman sa kanya at muli s’yang hinalikan sa noo.
Sa wakas ay ipinikit na rin n’ya ang kanyang mga mata para matulog. Ilang minuto pa akong nanatili sa kwarto ni baby Carla bago ako tuluyang lumabas doon. Sinigurado ko munang tulog na s’ya bago iwan.
Sunod kong pinuntahan ay ang aming kwarto ni Xander para tingnan naman ang aming bunso na si baby Drey.
Napangiti ako nang makita kong nahihimbing pa rin ito sa kanyang crib. Abala ito sa pagsipsip sa kanyang pacifier at halatang maganda ang kanyang panaginip dahil paminsan-minsan itong ngumingiti. Nasisilayan ko na naman ang kanyang dimple na katulad sa akin.
“Sleep well, anak.” bulong ko at hinalikan din s’ya sa noo.
Dahan-dahan ako sa aking paglalakad at umupo sa malaking kama namin ni Xander. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko inisip ang mga kaganapan nitong nagdaang mga araw.
Tulala ako at malayo ang tingin habang iniisip ang aking mahal na asawa.
Tama si Carla, masyado na nga naging busy si Xander nitong huli kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Gabing-gabi na ito kung umuwi. Minsan ay makakatulugan ko na lang ang paghihintay sa kanyang pagdating. Ilang araw na rin na nauuna akong umuwi dahil kailangan ko pang sunduin si baby Carla sa school. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang panganay namin.
Sa pagkakaalam ko, abala ito sa bubuksan naming bagong hotel sa Cebu. Mas marami s’yang alam sa pagpapatakbo ng mga negosyo namin kaya nanatili lamang akong nasa kanyang likod para suportahan s’ya. Isa pa, katulong n’ya rin si Randy para mas maging maayos ang pag-aayos ng mga kakailanganin dito.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil parang wala akong maitulong sa asawa ko. Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong asawa sa kanya. Hindi naman s’ya nagrereklamo ngunit alam kong minsan ay napapagod na rin ito.
Dahil sa aking mga naisip ay hindi ko napigilan ang aking mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. Marahan ko iyong pinunasan ngunit nasundan pa iyon ng ilang mga pagpatak pa.
Napapahikbi na ako ngunit tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking palad dahil baka magising ang aming bunso.
Isa sa mga dahilan kung bakit ako nalulungkot ay dahil sa mga negatibong naiisip ko.
Paano kung dahil sa wala akong maitulong kay Xander ay magsawa na s’ya sa akin?
Paano kung mawala na ang pagmamahal sa akin ng asawa ko?
Paano kung maibaling n’ya sa iba ang hindi n’ya makita sa akin?
Paano kung ipagpalit na n’ya ako?
Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin kung magkatotoo man ang mga iniisip kong iyon.
Dahil sa mga bagay na aking naisip ay mas lumakas ang pag-iyak ko kaya mabilis akong lumabas sa aming kwarto habang takip ng dalawang palad ko ang aking bibig. Baka kasi magising ang anak namin.
Paglabas ng aming kwarto ay napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Lalo pa akong napaiyak dahil naalala kong ngayon ang ikatlong taon ng anibersaryo ng kasal namin ni Xander. Pero sa halip na kasama ko s’ya ay nasa trabaho pa rin ito kahit ilang oras na lang para maghating-gabi. Hindi namin ito nai-celebrate tulad ng mga nagdaang taon dahil mukhang nakalimutan na rin n’ya. Kahit noong gumising kami kaninang umaga ay hindi n’ya man lang ako nagawang batiin.
“Nagkukulang na yata talaga ako sa’yo, Xander.” pagkausap ko sa kanya habang umiiyak.
Nanatili lang ako sa aking pagkakaupo. Patuloy na lumuluha at patuloy na sinisisi ang aking sarili.
Ilang minuto pa akong nasa gano’ng posisyon hanggang sa makarinig ako ng boses mula sa unang palapag ng aming mansyon.
“Hindi, Nanay. Kailangan ko s’yang makausap! Nasaan s’ya?!” mataas na boses ng taong nasa baba.
Agad na nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Randy..?” sambit ko sa pangalan ng taong naririnig ko.
“Ano ka ba naman, anak! Ang ingay mo! Natutulog na ang mga bata! Baka magising sila dahil sa lakas ng boses mo!” narinig kong pagsaway sa kanya ni Nanay Elise.
“Kaya nga tawagin mo na si Tom, Nanay. Dahil ’pag inabot na naman ako ng topak dito, magigising talaga ang mga bata sa ingay ko.” pakikipagtalo sa kanya ni Randy.
“At sa lagay mong ’yan hindi ka pa talaga tinotopak, anak?” hindi rin pagpapatalo ni Nanay Elise.
“Nanay, naman e! Tawagin mo na kasi s’ya!” mas mataas nang boses ni Randy at may kasama nang pagdadabog ito.
Doon ko na tuluyang tinapos ang pakikinig lang sa kanila. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at halos takbuhin ko ang pinagmumulan nila. Mabilis ang aking mga paghakbang habang pinupunasan ang mga natitirang luha ko.
Habang pababa ng hagdan ay nakita kong nasa living room na nag-uusap ang mag-ina.
“Randy!” pagtawag ko sa kanyang pangalan. “Anong ginagawa mo rito? Gabing-gabi na ah?” sunod kong tanong sa kanya habang patuloy na bumababa sa hagdan.
“Sa wakas nagpakita ka rin, Tom.” sambit n’ya at naihilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.
Habang papalapit sa kanyang pwesto ay pinag-aralan ko ang kanyang ekspresyon sa mga oras na ito. Kitang-kita ko ang panggigigil n’ya at tila nagtitimpi sa kanyang galit na emosyon. Hindi s’ya mapakali at parang gusto na talagang manakit ngayon.
Iniisip ko kung may atraso ba ako rito o kung may nakaaway na naman ito. Napakataray pa naman ng kaibigan naming ito.
“Anong problema?” tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
“Ikaw. Ikaw Tom ang problema!” sagot nito sa mataas na boses at nagawa pa akong duruin.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.
“Ako?!! T-teka lang, Randy! Anong ginawa ko?! Anong atraso ko sa’yo?!” tanong ko sa kanyang naguguluhan.
Sumabat si Nanay Elise.
“Oo nga, anak. May nagawa ba s’yang hindi maganda? O may naisip ka lang na hindi maganda?” tanong ni Nanay Elise sa kanya.
Mas lalong gumuhit ang inis sa mukha ni Randy.
“’Yon na nga ang problema e! Wala s’yang nagagawa! Nandito lang s’ya at walang ginagawa! Habang ang asawa n’ya at si Rigo, nandoon! Nandoon at nagloloko!” mas mataas na n’yang boses habang dinuduro ang labas ng aming mansyon.
“Ha??!!!” sabay naming reaksyon ni Nanay Elise dahil sa pagkabigla.
“Ha-ha ka d’yan, Tom?! ’Yan lang ba ang magiging reaksyon mo dahil sa kataksilan ng asawa mo?!” bulyaw nito sa akin.
Sa tuwing may nakakabiglang pangyayari o may kakaibang bagay akong naririnig ay mabagal magproseso ang utak ko. Aminado naman ako, slow talaga ako. Pilit ko mang itago ang katangian kong ito ay madali pa rin itong napapansin sa akin ng ibang tao.
“Ano, Tom? Mananahimik ka na lang d’yan?! Akala mo ba nagbibiro ako?! Kagagaling ko lang doon sa restaurant kung saan nila kinakatagpo ang mga kabit nila! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pambababae nila!” galit na galit na pagsasalita pa rin ni Randy.
Natulala na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Randy. Sa ilang taong pagsasama namin ni Xander ay hindi ko pa narinig kahit minsan na nagkaroon ito ng patagong relasyon. Naging tapat ito sa akin at hindi nagkulang kahit minsan. Lagi s’yang may oras para sa akin at lagi kaming magkasama kahit saan magpunta ang isa.
Maliban na lang nitong mga huling araw tulad na rin ng nabanggit ko kanina.
“Anak, naman! Ano ba ’yang mga sinasabi mo?! Mabait sina Xander at Rigo! Alam mong hindi nila magagawa ang pagtaksilan kayo! Wala silang magiging babae!” pagtatanggol ni Nanay Elise sa dalawang lalaki.
“’Nay, akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Kitang-kita ng dalawang mata ko! Meron!” sagot sa kanya ni Randy at tila ginamit pa ang famous line ni Carlo Aquino sa pelikula noon. Ang tagal na no’n pero ginamit n’ya pa rin.
Nanatiling tikom ang bibig ko. Nanatili akong pinapakinggan ang kanilang pagtatalo. Ngunit habang patuloy silang nagtatalo ay unti-unti na ring namumuo ang mga luha ko.
Ito na ba? Ito na ba ang kinakatakot ko? Ang ipagpalit ako ng asawa ko?
Nagising ako sa mahabang pagkakatulala nang hawakan ng mahigpit ni Randy ang kamay ko.
“Halika, Tom! Sumama ka para mapatunayan mong nagsasabi ako ng totoo! Kailangan matapos na ang kataksilan nilang ito! Sawang-sawa na ako! Pagod na pagod na ako!” panggagaya n’ya na naman sa isang linya sa pelikula habang hinihila ang mga kamay ko.
“Teka, teka!” pagpigil ko sa kanya.
Napahinto naman ito at nilingon ako sa likuran n’ya. Tinaasan n’ya lang ako ng isang kilay, naghihintay sa dahilang maibibigay ko kung bakit nagpapigil ako sa kanyang paghila.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan si Randy, matatakot talaga ako sa mga tingin n’yang iyon.
“Naka-short at t-shirt lang ako, Randy. Magbibihis lang muna ako.” pagsagot ko sa kanya.
Mas lalong tumaas ang isang kilay n’ya. Nakakatakot talaga.
“Punyeta naman, Tom! Nambababae na ang asawa mo! Kailangan ba naka-business attire ka pa na haharap sa kabit n’ya?! Hindi ’to business meeting, okay?! Confrontation ’to ng mga legal na asawa at mga kabit nila!!” inis na inis nitong pakikipagtalo sa akin.
Tama s’ya. Naisip ko rin na kung magbibihis pa ako, baka hindi na namin sila maabutan.
Tumango na lang ako ng marahan kay Randy bilang pagsang-ayon. At nang makita n’ya iyon ay ibinalik n’ya rin ang paghila sa aking kamay.
“Nanay Elise, kayo na po muna ang bahala sa mga bata!” pakiusap ko kay Nanay Elise habang patuloy akong nagpapakaladkad kay Randy.
Sakay ng kanyang kotse ay mabilis ang ginawang pagmamaneho ni Randy.
“Mga punyeta sila! Mga taksil! Makikita nila! Maghahasik talaga tayo ng lagim!” galit na galit na pagsasalita ni Randy sa aking tabi habang nagmamaneho.
Sa halip na sang-ayunan ang kanyang sinabi ay nagtanong ako.
“A-anong gagawin natin pagdating natin doon, Randy?” tanong kong nag-aalala.
“Ano pa nga ba, e ’di kokomprontahin sila! Dapat nang matapos ang kalokohan nilang ’to! Dapat din natin bigyan ng leksyon ang mga babae nila! Mga punyeta! Alam nang may mga asawa, nilalandi pa rin! Dapat nilang malaman ang karapatan nating mga legal! Mga punyeta talaga!” sagot naman nito at paulit-ulit na nagmumura.
Iyon lang ang naitanong ko kay Randy at ibinaling ko na sa labas ng sasakyan ang tingin ko. Kagat ko ang dulo ng daliri ko dahil sa labis na kaba.
Hindi ko pa nararanasan ang ganito kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Paano nga kung totoong may babae ang asawa ko? Paano ko s’ya kakausapin? Paano ko rin haharapin ang babaeng pinagpalit n’ya sa akin? Baka pagtawanan pa ako nito dahil malalaman n’yang lalaki ang asawa ni Xander?
Dahil sa aking mga naisip ay nagbalik ang lungkot sa dibdib ko. Hanggang ngayon ay hindi ko maisip na may iba nang taong binibigyan ng oras si Xander. Noon kasi ay ako lang at mga anak n’ya.
Mabilis kong pinunasan ang aking mga luhang hindi napigilang pumatak. Ayaw kong makita ni Randy na pinaghihinaan ako. Kailangan kong maging matapang para harapin ang sitwasyong ito.
“Nandito na tayo.” sambit ni Randy at inihinto ang kotse.
Malapit lang pala sa tinitirahan naming village ang restaurant na kanyang tinutukoy. Hindi ako makapaniwalang dito pa talaga sa lugar na malapit sa amin dadalhin ni Xander ang kanyang kalaguyo.
Mabilis na lumabas si Randy ng kotse kaya sinundan ko rin agad ito.
“Dito tayo, Tom, bilis!” utos nito sa akin.
Hinila n’ya ako sa mga halamanan para makapagtago kami. Nakayuko kaming pareho at sinisilip ang loob ng restaurant.
“Ayun sila!” pagturo naman ngayon ni Randy sa isang pwesto sa loob ng restaurant.
Mabuti na lang at gawa sa salamin ang paligid ng restaurant kaya madali kong nakita ang tinuturo nito.
At nang tuluyan ko itong mapagmasdan ay halos manghina ako sa nakita ko. Ang asawa ko, katabi ang isang magandang babae at masayang nakikipag-usap dito. Sopistikada ito at kagalang-galang manamit. Lalo akong nanghina dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na hawak ni Xander ang kamay ng babaeng iyon. Hinahaplos ng babae ang kamay ng asawa ko.
“Nakita mo na, Tom?! Ngayon mo sabihin sa akin na nagsisinungaling ako! Ngayon mo sabihin sa akin na gumagawa lang ako ng kwento!” mahinang pagsasalita ni Randy ngunit sa pasigaw na paraan. Iniiwasan n’yang may makarinig sa amin.
Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luha ko. Hindi ako nakatugon sa sinabi ni Randy dahil kung magsasalita pa ako ay siguradong sasabayan ko iyon ng malakas na pag-iyak.
“Tingnan mo rin si Rigo! May katabi ring isang lamang dagat! Punyeta! Mga haliparot! Mga taksil!” mas galit na galit nitong pagturo kay Rigo.
Tiningnan ko si Rigo. Tama nga s’ya, may katabi rin ito, ngunit walang katotohanan ang sinabi n’yang isang lamang dagat ang babaeng iyon. Dahil kapareho ng kausap ni Xander, maganda rin ito at mukhang edukada.
“Humanda kayo sa amin!” sambit muli ni Randy.
Kinuha nito ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at matagal s’yang pumindot doon. Tila ba may tinext ito.
“Tinext ko si Rigo. Kailangang matapos na ang kahibangan nilang ’to!” pagsasalita n’ya matapos magtext.
“A-anong sinabi mo?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
“Sinabi kong nakikita natin sila. Sinabi ko rin na maghanda na sila dahil may paparating na ikatlong digmaang pang-daigdig! Alam na ni Rigo kung anong ibig sabihin no’n kaya maghanda na rin tayo!” sagot nito sa akin at muling binulsa ang kanyang telepono.
Wala nang nagsalita sa amin ni Randy matapos iyon. Muli naming inabala ang aming mga sarili sa pag-obserba kay Rigo sa oras na matanggap nito ang text mula kay Randy.
Maya-maya pa ay nakita namin na natigilan si Rigo. Iminuwestra nito ang isa n’yang kamay sa kausap n’yang babae upang itigil pansamantala ang kanilang pag-uusap. Kasunod nito ay kinuha nito ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa.
Pinagmasdan naming mabuti ang reaksyon ni Rigo habang nagbabasa sa kanyang cellphone. Mukhang natanggap na n’ya ang text ni Randy.
Ilang segundo lang ang aming binilang at nasaksihan namin kung paano nanlaki ang mga mata ni Rigo habang nakatitig pa rin sa kanyang cellphone. Ilang beses din s’yang napalunok at mukhang pinagpapawisan na ito.
Bilib na talaga ako kay Randy, ganyan kalaki ang takot sa kanya si Rigo.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Xander at hindi ko maiwasang mas malungkot pa sa pagkakataong ito. Hindi ako likas na madaling mainggit sa ibang tao, pero sa nakita kong naging reaksyon ni Rigo dahil sa isang text lang ni Randy, ngayon ay nararamdaman ko na ito. Isa pa, si Rigo ay kausap lang ang isang babae, samantalang si Xander, hawak pa ang kamay ng babaeng kausap n’ya.
Ilang segundo pa ay nakita namin na unti-unting kumilos si Rigo para kalabitin si Xander sa madiin na paraan. Hindi inaalis ni Rigo ang pagkakatitig sa text ni Randy habang paulit-ulit na kinakalabit si Xander.
Maraming beses na kinakalabit s’ya ni Rigo habang ang ekspresyon nito ay hindi na maipinta. Pero ang magaling kong asawa, tinatabig lang din ng paulit-ulit ang kamay ni Rigo na kumakalabit sa kanya. Hindi n’ya rin magawang lingunin si Rigo dahil patuloy pa rin ito sa masayang pakikipag-usap sa babaeng kaharap n’ya.
Ang sakit. Sobrang sakit ng nakikita ko.
Tutulo na sanang muli ang aking mga luha nang biglang hawakan ni Randy ang aking kamay.
“Ready ka na ba, Tom? Handa ka na bang makaharap sila? Gigil na talaga ako!” tanong nito sa akin.
Ilang segundo akong natigilan. Ilang beses din akong lumunok dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko, selos, inggit, galit at awa sa aking sarili. Lahat iyon ay sabay-sabay kong nararamdaman sa mga oras na ito.
Makalipas ang ilang segundong pag-iisip ay nagawa kong sagutin si Randy sa pamamagitan ng marahang pagtango.
Tumayo kami ng tuwid ni Randy. Magkaharap kami at hinawakan n’ya ako sa magkabilang balikat.
“Good! Maging matapang ka, Tom. Maging mahinahon tayo ’pag nakaharap na natin sila. Ipakita natin sa kanila na hindi tayo ang klase ng mga legal na asawang eskandalosa. Kailangan kalmado lang tayo sa harap nila. Dahil kung mag-eeskandalo tayo, magmumukha lang tayong katawa-tawa at mas magmumukha lang tayong kawawa. Maging mahinahon lang, okay? Naiintindihan mo ba, Tom?” mahaba nitong paalala sa akin.
Nasaksihan ko pa kung ilang beses na huminga ng malalim si Randy para magpakalma. Makakaasa naman s’ya sa akin pagdating sa bagay na ito dahil hindi naman ako eskandalosong tao.
“Okay. Let’s go.” mahinahong pagyaya sa akin ni Randy at sinimulan na n’yang maglakad papasok ng restaurant. Ako naman ay tahimik lang din na sumabay sa kanya.
Binati kami ng babaeng receptionist ng restaurant. Sinubukan pa nitong magtanong sa amin ngunit iminuwestra lang ni Randy ang kanyang isang palad sa tapat ng mukha ng receptionist kaya hindi na ito nakapagsalita pa.
“Kalma lang, Tom, ha? Kalmado lang dapat.” muling paalala sa akin ni Randy habang naglalakad na kami ngayon sa pwesto nina Xander at Rigo kasama ang kanilang mga babae.
“S-sige.” kinakabahan ko naman na sagot kay Randy.
Pagdating namin sa tapat ng table nina Xander ay abala pa rin si Xander sa masayang pakikipag-usap sa babae. Ngunit nang tingnan ko si Rigo ay natigilan na ito ng tuluyan dahil sa dalawang imahe na ngayon ay nasa kanilang harapan. Mula sa paa ni Randy ay nanlalaki ang mga mata nitong inangat ang kanyang tingin hanggang sa tumigil ito sa mukha ni Randy. At nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kitang-kita ko ang pagtulo ng mga pawis ni Rigo dahil sa takot kay Randy.
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Xander na hindi pa rin kami napapansin hanggang sa mga oras na ito.
’Huminahon ka, Tom. ‘Wag kang mag-eeskandalo. Isipin mo ang mga sinabi ni Randy kanina. Ikaw ang original kaya hindi ka dapat magmukhang cheap sa harap ng kabit ni Xander. Sabi ni Randy, huminahon lang dapat. Hinahon lang daw dapat.’
pakikipag-usap ko sa aking sarili habang nagbibitaw ng malalalim na paghinga.
“Mga punyeta!! Ang kakapal ng mukha n’yo!! Kaya pala hanggang ngayon hindi pa kayo nakakauwi dahil lumalandi pa kayong mga hampas-lupa kayo!!”
Napaatras ako sa gulat habang nanlalaki ang aking mga mata dahil sa biglang pagsigaw na iyon ni Randy.
Akala ko ba hihinahon lang kami?! Bakit nag-eeskandalo na s’ya ngayon dito?!
Jusko! Kaya pala minsan sinasabihan ako ni Xander na ’wag basta-basta maniniwala sa sinasabi ng best friend n’yang ’to!
Biglang napatayo si Rigo at nakikita kong nanginginig na rin sa takot ito. Ang magaling ko namang asawa ay natigilan na rin sa wakas dahil sa lakas ng pagsigaw ni Randy. Dahan-dahan s’yang lumingon sa akin at nasaksihan ko kung paano nangunot ang noo nito nang makita ako.
“Master?” nagtatakang pagtawag nito sa akin.
Hindi ko s’ya sinagot. Mabilis na nanlisik ang mga mata ko at nagdikit na rin ang mga ngipin ko. Salitan ko silang pinagmamasdan ng babaeng katabi ni Xander. Nakita ko kung paano ako nginitian ng babaeng hindi pa rin binibitawan hanggang ngayon ang kamay ng asawa ko.
“L-liam… P-please, let me explain…” kinakabahang pagsasalita ni Rigo. Tinawag din n’ya si Randy sa pangalawa nitong pangalan na s’ya lang ang pwedeng gumawa. Kami kasi ay nakasanayan nang tawagin itong Randy.
Akmang lalapitan din nito si Randy ngunit agad din s’yang pinigilan nito.
“’Wag na ’wag mo akong hahawakan, Rigo! Ayokong madikitan ako ng kamay mo lalo na kung pinanghawak mo sa kabit mong ’yan!” pagpigil ni Randy habang dinuduro ang kausap ni Rigo.
“What?!!” sabay na reaksyon ng dalawang babae na kasama nila. Halatang gulat na gulat sila.
Natigilan naman si Rigo. Wala na itong nagawa kundi ang maihilamos ang mga palad sa kanyang mukha.
Sa pagkakataong ito ay nakapagsalita na rin si Xander.
“Randy, ano ba ’to?! Ano bang pinagsasabi mo d’yan?!” tanong ni Xander kay Randy sa naiinis na tono.
Hindi s’ya sinagot ni Randy. Mabilis akong hinarap ni Randy habang nanlilisik pa rin ang mga mata nito dahil sa galit.
“Ito na ang pagkakataon mo, Tom. Tanungin mo na ’yang magaling mong asawa! Idinamay n’ya pa sa kalandian n’ya si Rigo! Nagsabwatan pa ang mga ulupong! Sige, Tom! Magsalita ka!” utos nito sa akin.
Hindi nagbabago ang ekspresyon ko nang simulan kong komprontahin si Xander.
“Kaya pala late ka na kung umuwi. Kaya pala tuwing uuwi ka, pagod na pagod ka dahil ito ang pinagkakaabalahan mo. Alam ko naman na hindi ako naging perpektong asawa, pero hindi ’to dahilan para gawin mo sa akin ’to, Xander.” mahinahong sumbat ko sa asawa ko.
Mas lalong rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Xander.
“Ha???!!!! M-m-master, ano ba ’yang mga sinasabi mo?!!” gulat na gulat nitong tanong.
Sasagutin ko na sana si Xander ngunit muli akong kinausap ni Randy na nasa tabi ko.
“Ano ka ba, Tom! Sigawan mo si Xander! Ilabas mo ’yang galit mo!” utos nito sa akin.
Hindi ko na talaga maintindihan si Randy. Kanina paulit-ulit n’ya akong sinasabihan na huminahon, pero ngayon inuutusan n’ya naman akong sumigaw.
Sumabat si Xander sa pag-uusap namin ni Randy.
“Hoy, Randy! Ano na naman ba ’to?! Ikaw na naman siguro ang pasimuno ng gulong ’to ano?! Siguro kung ano-ano na naman ang sinabi mo sa asawa ko kaya s’ya nagkakaganyan!!” bulyaw nito kay Randy.
Nagtataka na rin ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin lumalapit na manager ng restaurant dahil sa ingay namin. Pero mabuti na rin ’yon para magkalinawan na kaming lahat na naririto.
Hindi pinansin ni Randy si Xander. Nagbalik ito sa pakikipag-usap sa akin.
“Ayan, Tom! ’Yang kabit n’ya naman ang komprontahin mo! Nakita mo, hanggang ngayon hawak pa rin n’ya ang kamay ng asawa mo! “ utos nito sa akin habang tinuturo ang kausap ni Xander.
“Liam, tama na ’yan, please?” pakiusap ni Rigo kay Randy.
“Manahimik ka, Rigo! Sa labas ka talaga matutulog mamaya ’pag sumabat ka pa d’yan! Gigil mo talaga si ako!” sagot naman nito kay Rigo kaya nanahimik na rin agad ito.
Ang gulo-gulo na talaga namin sa mga oras na ito.
Binalingan ko ang babaeng kausap ni Xander. Tama nga si Randy, hawak pa rin nito ang kamay ni Xander kaya naninikip na ngayon ang dibdib ko.
Nang mapagmasdan ko ang mukha ng babae ay tila ba pamilyar ito sa akin. Hindi ko lang alam kung saan at kailan pero sigurado akong nagkita na kami minsan.
“Hi, Tom! Long time no see!” nakangiti nitong bati. Binitawan na rin n’ya sa wakas ang kamay ni Xander dahil nagawa n’ya pang kumaway sa akin na parang close kami.
Kung gano’n, tama nga ako. Nagkita na kami minsan base na rin sa ginawa n’yang pagbati. Pero hindi ko talaga s’ya matandaan.
“Nakita mo, Tom?! Feeling close pa ang gaga! Sige, Tom! Ilabas mo ’yang galit mo! Sampalin mo!” sulsol sa akin ni Randy.
Muli s’yang sinaway ni Xander.
“Ikaw, Randy, ha?! Tinotopak ka na naman ’no?! Best friend kita pero ’pag hindi ako nakapagpigil, masasapak na talaga kita!” banta ni Xander kay Randy at halatang inis na inis na ito ngayon sa matalik n’yang kaibigan.
Si Rigo naman ang sumabat sa pagkakataong ito.
“Hoy, Xander! Sinisigawan mo ba si Liam?! Baka gusto mong ikaw ang upakan ko d’yan?! Tarantado ka rin ’no?! Hindi ko nga magawang saktan ’yan tapos ikaw lang ang gagawa?! Ano bang gusto mo?! Away o gulo?! Sabihin mo lang! Kahit kaibigan kita papatayin talaga kita ’pag sinaktan mo si Liam!” sigaw nito kay Xander.
“E nakita mo naman ang ginagawa n’ya sa asawa ko! Dinedemonyo n’ya! Lumabas na naman ang buntot at sungay n’ya, dinamay pa ang asawa ko!” sigaw ni Xander pabalik kay Rigo.
“Sige nga, baby Rigz! Sapakin mo ’yan si Xander! Sa kanya na ako nanggigigil ngayon, hindi na sa’yo!” si Randy naman ngayon na mahinahon nang kausap si Rigo.
Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko. Sobrang gulo na namin dito. Ang dalawang babae sa harap namin at salitan na lang kaming pinapanood sa tuwing may magsasalita.
“Sandali. Pwede bang pag-usapan n’yo ng maayos ’to? Sa tingin ko may hindi pagkakaintindihan dito e.” sabat ng babaeng kausap ni Rigo kanina.
“Manahimik ka, babae! Isa ka pa! Baka gusto mong kaladkarin kita?!” bulyaw ni Randy sa kanya.
Akmang lalapitan n’ya nga ito para gawin iyon ngunit mabilis s’yang niyakap ni Rigo para awatin.
Wala na, sa eskandalo na talaga kaming lahat nauwi.
Muli kong binalingan ang babaeng kausap ni Xander kanina.
“Ikaw, Miss. Alam mo naman siguro na may asawa na si Xander, ’di ba? Bakit nilalandi mo pa rin?” tanong kong mahinahon sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang mga luha kong pumatak mula sa aking mga mata.
Sa halip na sagutin ako agad nito ay tumawa ito. Napapailing din ito nang simulan n’yang magsalita.
“Alam mo, Tom, maganda sanang reunion ito dahil matagal tayong hindi nagkita. Pero sa tingin ko kailangan n’yo munang mag-usap ng asawa mo.” wika nitong natatawa.
Sumabat na naman ang guardian devil kong si Randy sa aking tabi.
“Sabunutan mo na ’yan, Tom! Kung makaarte akala mo close talaga kayo! Pwe! Mga style ng mga kabit! Kaya sige na, kalbuhin mo na ’yan!” sulsol na naman nito sa akin.
“Liam, I said, enough!” saway na naman ni Rigo sa kanya habang yakap s’ya.
Si Xander ay naisuklay na lang ang dalawa n’yang kamay sa kanyang buhok at napayuko. Mukhang nagtitimpi na talaga s’ya sa mga oras na ito. Nang tingnan ko naman ang babaeng kausap n’ya ay nakangiti itong kinukuha ang kanyang mga gamit. Inilagay na rin n’ya ang kanyang bag sa kanyang balikat. Mukhang naghahanda na itong umalis.
“Cherry, let’s go.” pagyaya nito sa isang babae na kausap ni Rigo kanina. Si Xander naman ang kanyang nilingon matapos iyon. “Xander, next time na lang natin ituloy ang meeting. Isama mo na rin si Tom para maiwasan ang ganitong mga pangyayari.” pagpapaalam naman nito sa asawa ko.
Tanging marahang pagtango lang ang naisagot ni Xander.
“Tom, see you next time.” nakangiting pagpapaalam ng babae sa akin.
“Bye, Tom!” paalam naman ng isa pang babae sa akin. Ngayon ko lang din napansin na pamilyar din ang babaeng iyon na kausap ni Rigo kanina.
Tumayo na sila at nilampasan na kaming lahat.
“Ngayon, tatakas na lang kayo! Bumalik kayo rito at nang magkasubukan tayo, mga punyeta kayo!” pahabol ni Randy sa kanila.
Sinubukan ni Randy na sundan sila ngunit mahigpit na hawak s’ya sa kamay ni Rigo. Mabuti na lang at malakas si Rigo kaya hindi makaabante si Randy para mahabol ang dalawang babae na ngayon ay nakalabas na ng restaurant.
“Liam, tama na! Hayaan mo na sila!” pagsaway na naman sa kanya ni Rigo.
“Hindi pa ako tapos sa kanila, Rigo! Hindi ko pa nasasampal ’yung babaeng kausap mo!” pakikipagtalo ni Randy sa kanya.
Nanatili na lang kami ni Xander na nanonood sa kanila.
“’Wag na nga! Wala naman ginagawang masama ’yung tao!” si Rigo.
“Anong wala?! Sa’yo, wala! Pero sa akin, meron! Makakasama sa kalagayan ko ang ginawa n’yang paglalandi sa’yo!” sigaw ni Randy pabalik.
“Liam, nag-usap lang kami! Nakita mo naman ’yon, ’di ba?! Kaya paano mo nasabing makakasama ’yon sa kalagayan mo?!!” naiinis na rin si Rigo.
“Dahil BUNTIS ako, Rigo!!! Buntis ako at makakasama ’yon sa batang dinadala ko!!!” malakas na sigaw ni Randy.
‘Kroooo….. Kroooo…..’
“……….” ako.
“……….” si Xander.
“……….” ang mga customers at staff sa restaurant.
“……….” ang music na pinapatugtog sa loob ng restaurant.
Narinig ko pa ang pagkabasag ng isang bagay mula sa aming likod matapos ang rebelasyong iyon ni Randy. Mukhang dahil sa pagkabigla ng isang tao ay nabitawan nito ang hawak n’yang baso.
Nang tingnan ko ang reaksyon ni Rigo ay kalmado lamang ito. Mukhang hindi na s’ya nagulat sa ibinalitang iyon ni Randy. Pero kami ni Xander ay halos malaglag ang panga dahil sa labis na pagkabigla.
Inilagay ni Rigo ang kanyang isang kamay sa tabi ng kanyang bibig para bulungan kami ni Xander.
“Sakyan n’yo na lang. Alam n’yo naman ang pinagdaanan n’ya ’di ba? Isang taon na n’yang sinasabi sa akin ’yan pero hanggang ngayon walang batang lumalabas sa kanya.” pakiusap nito sa amin.
Napatango kami ng marahan ni Xander habang nakabuka pa rin ang aming mga bibig.
Muling nilingon ni Rigo si Randy. Sa pagkakataong ito ay napalitan na ang ekspresyon ni Rigo. Gumuhit ang malawak na ngiti sa kanya at tila ba tuwang-tuwa s’ya.
“Talaga, Liam?! Magiging Daddy na talaga ako?!!” masaya nitong tanong kay Randy.
Hindi agad nakasagot si Randy. Naging malikot ang kanyang mga mata at tila hindi alam kung paano sisimulang magsalita. Mukhang ngayon n’ya lang napag-isip-isip ang kalokohang isinigaw n’ya.
“U-uhm… O-oo, Rigz… M-magiging Daddy ka na…” nauutal n’yang sagot kay Rigo.
Halatang-halata na gumawa lang s’ya ng kwento!
“Talagang-talaga??!! Ilang buwan na?!! Gaano ka nang katagal delayed sa menstruation mo?!!” pagsakay pa rin ni Rigo sa kabaliwan ni Randy.
Nagkamot si Randy ng kanyang ulo. Sa pagkakataong ito ay mahinahon na s’ya ngunit hindi mapakali dahil sa kagagawan n’ya.
“A-ano… m-mga… mga three minutes na akong delayed…” pahina ng pahina nitong sagot. Pinaninindigan talaga ang kasinungalingan n’ya.
“Ang saya ko, Liam!!!” biglang sigaw ni Rigo at niyakap ng mahigpit si Randy.
Napapailing na lang kami ngayon ni Xander habang nakatingin sa kanila.
“Kung gano’n, kailangan na pala natin umuwi para makapagpahinga! Bawal sa buntis ang nagpupuyat, ’di ba?!” masaya pa ring pakikipag-usap ni Rigo kay Randy.
Hindi na hinintay pa ni Rigo na sumagot si Randy dahil mukhang natulala na lang ito ngayon. Bahagya s’yang kumalas sa pagyakap kay Randy at hinarap kami ni Xander.
“Xandz, Tom, mauuna na kaming umuwi ha? Baka makasama sa baby namin kung magpupuyat si Randy. Tatawag na lang ako sa inyo bukas!” pagpapaalam ni Rigo sa amin.
Tanging pagtango lang ang naitugon namin.
“Teka, batiin n’yo naman si Randy! Magkakababy na kami!” masayang pakiusap na ngayon ni Rigo sa amin.
“Ha??!!!” sabay na reaksyon namin ni Xander. Hindi na talaga namin napigilan ang mas magulat sa pagkakataong ito. Sinasakyan n’ya talaga ang kasinungalingan ni Randy.
Dahil sa naging reaksyon namin ni Xander ay pinandilatan kami ng mga mata ni Rigo. Pinaparating n’ya sa mga tingin n’yang iyon na makisang-ayon na lang kami sa sinabi n’ya. Pinagbabantaan na rin n’ya kami gamit ang mga tingin n’yang iyon.
“A-ah… C-congrats, Randy…” nauutal kong pagbati kay Randy.
“Congrats, best friend. Nawa’y maging maayos ang pagle-labor mo d’yan sa magiging anak n’yo ni Rigo.” walang ganang pagbati ni Xander at naiikot na lang ang kanyang mga mata.
Wala na nga kaming nagawa kundi ang sakyan sila hanggang sa huli.
“S-salamat…” nahihiyang sagot ni Randy at napayuko na ito. Niyakap n’ya rin si Rigo para matakpan ang kanyang mukha dahil sa kahihiyang kanyang ginawa.
Sinimulan nilang maglakad palabas ng restaurant. Pilit na kinukubli ni Randy ang kanyang mukha sa dibdib ni Rigo habang yakap s’ya nito.
“Masyadong ini-spoil ni Rigo si Randy kaya pati s’ya nahawa na sa kabaliwan n’ya.” walang ganang pagpuna ni Xander.
Pinagmamasdan ko lang ang asawa ko habang tumatayo ito mula sa pagkakaupo.
“Tara na, umuwi na tayo. Kanina pa kami nakapagbayad dito. Pauwi na rin sana kami pero dumating kayo at gumawa ng nakakalokong eksena rito.” seryosong pagyaya sa akin ni Xander nang makarating ito sa aking pwesto.
Sinimulan n’yang maglakad at nasa likod lang n’ya ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pananakit ng dibdib dahil sa pinapakita ng asawa ko. Dati-rati ay hinahawakan nito ang kamay ko sa tuwing maglalakad kami, pero ngayon ay nasa unahan ko lang s’ya at mukhang s’ya pa ang galit sa mga oras na ito.
Baka nga nagsawa na talaga sa akin si Xander? Baka nga talagang ayaw na sa akin ng asawa ko?
Nakarating kami sa kanyang kotse na walang namamagitang usapan sa aming dalawa.
Pagpasok namin sa loob ay hindi n’ya muna agad pinaandar ito. Tuwid lang ang kanyang tingin at nagbitaw s’ya ng malalim na buntong hininga.
Naghihintay ako na magsimula s’yang magsalita pero mukhang wala s’yang balak gawin iyon. Ako naman ay tahimik lang sa kanyang tabi at malalim ang mga iniisip. Nagsimula na naman akong malungkot dahil sa pinapakita ng mahal na asawa ko.
Matapos ang maikling katahimikan ay kumilos s’ya para simulan nang magmaneho. Habang nagmamaneho s’ya ay hindi n’ya pa rin ako nililingon. Hindi rin s’ya umiimik at nanatiling seryoso ang kanyang ekspresyon.
Hindi n’ya ako magawang tingnan.
Hindi n’ya ako magawang tawagin na ‘Master’ tulad ng aming nakasanayan.
Kinalimutan na nga n’yang anniversary namin ngayon, pero heto at s’ya pa ang nagagalit ngayon.
Wala na yata talaga akong halaga pa sa kanya. Siguro nga ay naging iresponsable akong asawa para sa kanya. Siguro nga ay iniisip n’yang dapat pala ay babae na lang ang pinatulan n’ya. Siguro ay malaki na ngayon ang pagsisisi n’ya. Iniisip na siguro n’ya ngayon na makipaghiwalay sa akin lalo na at nakagawa na naman ako ng bagay na ikakapahiya n’ya. Dahil siguro sa ginawa naming eksena sa restaurant kanina.
Dahil sa malapit lang naman ang restaurant na iyon sa aming village ay naging maikli lang ang aming naging byahe. Ipinarada ni Xander ang aming sasakyan malapit sa aming garden dito sa aming mansyon.
Hindi agad ako bumaba. Hinintay ko si Xander na unang bumaba sa aming kotse para pagbuksan ako ng pinto na dati n’yang ginagawa. Kahit pa minsan ay hindi ako pumapayag na gawin n’ya iyon ay nagmamatigas pa rin s’ya dahil asawa raw n’ya ako at mahal na mahal n’ya raw ako. Responsibilidad daw ng isang mabuting asawa ang pagsilbihan ang kagaya ko.
Pero ngayon, tahimik pa rin s’ya at nakatingin lang sa kanyang harap ng diretso. Nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa amin dito sa loob ng kotse dahil walang nagtatangkang magsalita o kumilos sa mga oras na ito.
Habang tahimik kami ay inabala ko na lang na titigan ang aking asawa sa tabi ko. Nasaksihan ko ang ilan pang mga buntong hininga ni Xander habang nakatulala ito.
Kaya ba s’ya ganyan ngayon dahil iniisip na n’ya ang makipaghiwalay? Nagsasawa na ba talaga s’ya sa akin? Pero tatlong taon pa lang kaming kasal. Maiksing panahon pa lang para kami ay magkahiwalay.
Habang nakatitig sa aking asawa ay hindi ko na naiwasan ang mapaluha. Labis na lungkot ang nararamdaman ko dahil sa nangyayari sa amin ni Xander. Ang asawa kong mahal na mahal ko simula pa noon hanggang ngayon, ang unang lalaking inibig ko at pinakasalanan ko, ngayon ay iniisip na yatang hiwalayan ako.
Dahil sa hindi ko napigilang emosyon ay nakagawa ako ng ingay dahil sa paghikbi ko. Doon lamang ako nilingon ni Xander at mabilis na nanlaki ang mga mata nito nang makitang umiiyak ako.
“Hala! Anong nangyari sa’yo, Master?!” natataranta nitong tanong at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang dalawang palad.
Mas lumakas pa ang pag-iyak ko nang marinig kong tinawag n’ya akong ‘Master’. Pakiramdam ko ay matagal ko nang hindi iyon naririnig mula sa kanya.
“Hala, tahan na, Master! Ano bang nangyari?!” tanong n’ya pa ring nag-aalala.
Sa pagkakataong ito ay nagsalita na ako. Ngunit ginawa ko ito habang patuloy pa rin sa pag-agos ng mga luha ko.
“Ako ang dapat na nagtatanong sa’yo, Master… Anong nangyari…? Bakit may kasama kang babae kanina at magkahawak pa ang kamay n’yo…? Kaya ba ginagabi ka na umuwi dahil napapadalas ang pagkikita n’yo…?” sunod-sunod kong tanong sa kanya sa pagitan ng pag-iyak ko.
Rumehistro ang pagtataka sa kanya.
“Ha?!” tanging reaksyon n’ya.
“Sabihin mo nga ang totoo, Master… Dahil ba sa wala akong kakayahan na tulungan ka sa negosyo kaya pinagpalit mo na ako…? Gusto naman kitang tulungan, alam mo ’yan… Pero lagi mong sinasabi na ’wag ko nang gawin ’yon at ikaw na lang ang pagsilbihan ko… Ano ba talaga ang totoo…?” tanong kong muli sa kanya.
“S’yempre gusto ko ako lang ang pinagsisilbihan mo! Hindi ko hahayaan na makikipag-usap ka pa sa ibang kasosyo ko dahil baka may makapansin na cute ang asawa ko! Baka maagawan ako!” mabilis n’yang sagot sa akin.
Hindi ko magawang matuwa dahil parang napakababaw ng dahilan n’yang iyon.
“E bakit bigla kang nagbago…? Ang sabi mo abala ka sa pagtatrabaho pero maaabutan kitang may kahawak na ibang babae doon… Kung hindi pa ako dinala doon ni Randy, hindi ko malalaman na pinagpalit mo na pala ako… Tapos parang galit ka pa sa akin dahil hindi mo ako pinapansin simula pa kanina… Dapat nga ako ang magalit sa’yo, ’di ba..? Dahil naabutan ko kayo ng babae mo..!” sumbat ko sa kanya.
Mas lalo s’yang nataranta nang humagulgol na ako.
“Sh*t! Tahan na, Master! Kinakabahan ako ’pag umiiyak ka e! Alam mo naman na ayaw kong nakikitang ganyan ka ’di ba?!” paulit-ulit n’yang pinupunasan ang luha ko.
“Magsabi ka na lang kasi ng totoo! Ayaw mo na ba sa akin?! Iniisip mo na bang hiwalayan ako dahil naging iresponsable akong asawa sa’yo?! Sana binigyan mo naman ako ng pagkakataon ng magbago, Master! Sana sinabi mo kung ano ang problema para may nagawa ako!” sumbat ko pa rin sa kanya.
Mas lalo s’yang nabigla sa mga panunumbat kong iyon.
“Ano??!!! Saan mo naman nakuha ’yang mga sinasabi mo, Master?! Wala kang naging pagkukulang! Sobra-sobra pa nga ang nagagawa mo! Maaga kang gumigising para asikasuhin kami ng mga anak natin. Inihahatid mo pa si Carla sa school tapos papasok sa trabaho! Sa hapon naman susunduin mo s’ya tapos uuwi kayo para naman alagaan si baby Drey. Tapos hihintayin mo ako sa gabi para lang pagsilbihan ako! Sa tingin mo ba may hahanapin pa ako?! Ang swerte-swerte ko sa asawa ko! Mahal na mahal ko ang asawa ko kaya hindi mangyayari kahit kailan na ipagpapalit ko s’ya!” mahaba nitong sagot sa pasigaw na paraan.
Natigilan ako nang marinig ko ang mga sinabing iyon ni Xander. Alam kong galing iyon mula sa kanyang puso dahil halos mabingi ako sa pagsigaw n’yang iyon. Kilala ko na s’ya at alam kong nagsasabi s’ya ng totoo.
Pero hindi pa rin ako nakukumbinsi kaya kailangan ko pang magtanong sa kanya.
“E sino nga ’yong mga kasama n’yo kanina ni Rigo?! Saka bakit magkahawak pa kayo ng kamay?!” tanong ko sa kanya. May mga luha pa rin ako ngunit tumigil na rin ako sa pag-iyak.
Napayuko si Xander at tila naguguluhan. Mukhang hindi alam kung paano sisimulan ang kanyang paliwanag.
Ilang saglit pa ay muli n’yang inangat ang kanyang tingin. Hawak pa rin n’ya ako sa magkabilang pisngi nang simulan n’yang magsalita.
“Master, hindi mo ba talaga sila nakikilala?” tanong n’ya sa akin.
“Kaya nga ako nagtatanong ’di ba?!” inis kong tanong pabalik sa kanya.
“Master, sina Julie at Cherry ’yon. Nakilala natin sila noong nasa Batangas tayo para magbakasyon almost six years ago. ’Yung babaeng kausap ni Rigo, si Cherry ’yon. S’ya ang nakapartner mo sa sayaw noon habang nasa stage tayo. Si Julie naman ’yung partner n’ya na kausap ko naman. At kagaya natin, kasal na rin sila.” mahaba nitong pagbabalik tanaw.
Saglit akong nag-isip para alalahanin ang bagay na iyon. At nang mapagtanto ko kung sino nga sila ay halos mailuwa ko ang mata ko dahil nanlalaki na ito.
“’Y-yung dalawang babae sa resort na nilapitan tayo?? N-nung binigyan mo ako ng surprise birthday party?!!” nauutal kong paninigurado.
“Oo, sila nga. Natatandaan mo na?” tanong n’yang muli.
Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit tila pamilyar silang dalawa sa akin. May mga suot kasi silang make up kanina at mas gumanda na rin sila.
Pero nang may maalala ako ay nagbalik ako sa pagtatanong kay Xander habang naiinis ang aking ekspresyon.
“E bakit magkahawak kayo ng kamay ni Julie?! Dapat ba may gano’n?!” tanong kong muli sa kanya.
Huminga ng malalim si Xander para pakalmahin ang kanyang sarili. Bago n’ya sinimulang magsalita ay nagulat ako nang halikan n’ya ako ng mabilis at madiin sa labi habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi ko.
Bakit kahit naiinis ako sa asawa ko ay mabilis akong napapasuko sa tuwing hahalikan ako nito? Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin ni Xander simula pa noon hanggang ngayon. Sa tuwing hahalikan n’ya ako ay nag-iinit pa rin ang mukha ko at alam kong namumula pa rin ako.
“Master, kasi dine-demo n’ya sa akin ang mga products nila na kukunin natin sa bago nating hotel sa Cebu. Pinapahid n’ya sa akin ang lotion na isa sa products nila kaya hawak n’ya ang kamay ko. Balak na rin natin magpalit ng mga products sa hotel natin dito sa Manila at Baguio dahil hindi na makapagbigay ng sapat na supply ang luma nating supplier, ’di ba? Alam mo naman ’yon, ’di ba? ’Yon ang business nila ni Cherry. In fact, may ilang branches na sila ng spa sa buong Pilipinas kaya kilala na rin sila.” mahaba nitong paliwanag sa mahinahong paraan.
Parang nalunok ko ang dila ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ako nakapagsalita at natulala na lang ako dahil sa pagkapahiya.
“Master, kung sa tingin mo nagagalit ako sa’yo dahil hindi ako kumikibo, ’yon ay dahil pilit kong kinakalimutan ang ginawa ni Randy kanina. Nakakahiya ang pag-eeskandalo n’ya. Nakakahiya rin kina Cherry at Julie dahil sa mga pinagsasabi n’ya. Mabuti na lang at naikwento ni Rigo sa kanila kanina kung ano ang mga pinagdaanan nila ni Randy kaya inunawa na lang nila si Randy noong nag-eskandalo s’ya.” muli n’yang paliwanag.
Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya. Hiyang-hiya ako kay Xander dahil parang nawalan ako ng tiwala sa kanya.
Kailan pa nabawasan ang tiwala ko sa asawa kong alam kong mahal na mahal ako?
“S-sorry, Master…” ’yan lang ang lumabas sa bibig ko.
Sa halip na magalit si Xander dahil sa nangyari ay unti-unting ngumiti ito. Kasunod ng kanyang pagngiti ay hinalikan nito ako sa labi at niyakap ako.
Hindi ko maiwasang mapaluha habang nasa bisig ako ng asawa ko.
“No. Ako ang dapat na humingi ng sorry sa asawa ko. Ilang araw ka nang nagpupuyat dahil late na akong nakakauwi. Ayaw mo naman magpapigil dahil sa pag-aalala. Gusto mong makasiguro na ligtas akong makakauwi ng bahay. Kaya nga mahal na mahal ko ang asawa kong ’to e.” malambing nitong pagsasalita habang yakap ako.
Ginantihan ko iyon ng mas mahigpit pang pagyakap sa kanya.
Napakaswerte ko talaga kay Xander. Naisip ko na kung mabibigyan ako ng pagkakataon na muling mabuhay sa mundo, gusto kong s’ya pa rin ang magiging katuwang ko. Wala akong masasabi sa pagiging responsable at mapagmahal n’yang asawa.
“Mahal na mahal kita, Master Tom ko.” muli n’yang pagsasalita sa malambing pa ring tono.
“Mas mahal na mahal kita, Master Xander ko.” malambing ko ring sagot sa kanya. Sa pagkakataong ito ay suot ko na ang ngiti ko.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon. Sa ilang gabi na nawawalan kami ng oras na makapag-usap ng mahaba ni Xander ay parang ayaw na namin matapos ang tagpong ito.
Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin ni Xander. S’ya pa rin ang dating Xander na nagpapabago sa normal na tibok ng puso ko. Sa ilang taon na magkasama kami ay nadadagdagan pa sa bawat araw ang pagmamahal ko sa kanya. Alam kong gano’n din s’ya dahil paulit-ulit n’ya itong sinasabi sa akin sa bawat araw na nilalambing n’ya ako.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay naramdaman kong tila ba natigilan si Xander. Mabilis din s’yang kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako habang hawak ang magkabilang balikat ko.
“Sandali, Master! A-anong oras na?!” natataranta nitong tanong.
Tiningnan ko ang digital clock na nasa kotse n’ya.
“Ahm… Twenty minutes bago maghating-gabi.” sagot ko at ibinalik kong muli ang tingin sa kanya.
Mas lalo s’yang nataranta kaya napabitaw ito sa akin.
“Sh*t! Bumaba na tayo, Master!” utos n’ya sa akin at lumabas na s’ya ng aming kotse.
Dire-diretso itong nagpunta sa aking pwesto para pagbuksan ako ng pinto.
“Halika, bilis!” pagmamadali nito at hinila ang kamay ko ng marahan para makababa.
Nagtataka na ako sa kanya kaya nakakunot na rin ang aking noo sa mga oras na ito habang nagpapadala sa paghila n’ya.
Hawak n’ya ang aking kamay nang magtungo kami sa likod ng kanyang kotse.
“Master, ano bang meron?” hindi ko na napigilan ang magtanong.
Hindi n’ya agad ako sinagot. Inabot n’ya sa akin ang susi ng kanyang kotse bago nagsalita.
“Buksan mo, Master.” nakangiti n’yang utos sa akin habang tinuturo ang compartment sa likod ng kotse namin.
Alam kong hindi naman ako ipapahamak ng asawa ko. Alam kong hindi n’ya gagawin na i-frame up ako sakaling may bangkay dito sa likod ng kanyang kotse. Higit sa lahat, alam kong hindi kayang pumatay ng asawa ko.
Dahan-dahan akong kumilos at sinunod ang kanyang utos. Inilagay ko ang susi at marahan sa ginawa kong pag-angat sa compartment na iyon.
Nang tulyan kong mabuksan ang kanyang compartment ay napaatras ako sa gulat dahil sa nakita ko.
Maraming pula at puting lobo ang lumipad patungo sa langit kaya sinundan iyon ng mga mata ko. Dahil sa dilim ng gabi ay mabilis din iyon nawala sa paningin ko kaya muli akong yumuko.
Nang tuluyan kong makita ang laman ng loob ng compartment ay napanganga ako sa pagkasorpresa.
Maraming sunflower ang naroon at mga stuff toys habang hawak ang pictures naming dalawang magkasama na nakalagay sa frame. Simula nang maging opisyal kaming dalawa hanggang sa ikasal kami at magkaroon ng mga supling ay naroroon ang aming litrato. Halos magsiksikan ang laman ng compartment n’yang iyon sa loob, mabuti na lang at hindi nasira ang pagkakaayos ng mga ito. Marahil ay dahil sa mga lobong inilagay n’ya kanina kaya hindi nawala sa mga posisyon ito.
“Happy anniversary, Master.” malambing na pagbati ni Xander sa akin mula sa likod ko.
Mabilis ko s’yang hinarap at niyakap ng napakahigpit.
“Akala ko nakalimutan mo…” maluha-luha kong reaksyon.
Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa.
“Makakalimutan ko ang sarili ko, pero ang asawa ko, hinding-hindi. Mahal na mahal kita, Master. Simula noon hanggang ngayon, walang nagbago doon. Nadadagdagan pa nga sa bawat araw na nakakasama ko ang cute na asawa ko.” masaya nitong pagsasalita.
Parang sasabog sa saya ang dibdib ko. Kanina lang ay iniisip ko ang bagay na iyon at heto na nga s’ya ngayon, sinasabi na naman iyon.
“Happy anniversary, Master. Gano’n din ako. Sa bawat araw na kasama kita, lalo akong naiinlove sa napakabait at responsableng asawa ko.” sagot ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
Muli s’yang natawa.
“Kulang ’yung description mo sa akin, Master.” pagpuna n’ya sa akin.
Natawa rin ako sa kanyang sinabi. Alam ko na ang bagay na kulang sa mga sinabi ko. Tutal naman ay anniversary namin ay pagbibigyan ko s’ya. Sasabihin ko na ang gustong-gusto n’yang naririnig para mapasaya ito.
“Sa bawat araw na kasama kita, lalo akong naiinlove sa napakabait at responsableng asawa ko. Halos himatayin din ako sa kilig tuwing nakikita ko ang GWAPONG asawa ko!” may lambing pa rin ngunit may diin sa salitang ‘gwapo’.
Ganyan ang makakapagpasaya sa asawa ko, ’pag sinasabihan s’yang gwapo.
“Aww!! Kinikilig ako!” sambit n’ya habang yakap pa rin ako.
Sa pagyakap naming iyon ay damang-dama ko na walang nagbago sa masayang samahan namin ni Xander sa nakalipas na tatlong taon. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nabigyan ako ng higit pa sa hinihiling ko. May asawa akong sobrang mahal na mahal ako.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon nang may maalala ako. Dahan-dahan akong bumitaw kay Xander at nag-aalala kong tiningnan ito.
Nasaksihan ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Mula sa pagkakangiti ay napalitan ito ng pag-aalala.
“Bakit, Master? May problema ba? Hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko sa’yo? Sorry kung ganyan lang ang naihanda ko. Naging busy kasi tayo nitong huli, ’di ba?” sunod-sunod nitong pagtatanong na nag-aalala.
Umiling ako ng maraming beses.
“Hindi ’yon, Master! Gustong-gusto ko nga eh! Saka kahit anong gawin mo, lahat ’yon gusto ko!” maagap kong sagot sa kanya.
“E bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nag-aalala ka?” tanong n’yang muli.
Muli ay natigilan ako. Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang hiya sa aking asawa.
“Kasi, Master, wala akong naihanda para sa anniversary natin. Samantalang ikaw kahit sobrang busy ka, nagawa ko pa rin ito. Gusto kong may magawa pero magtatapos na ang araw na ito para i-celebrate ang eksaktong araw ng anniversary natin.” malungkot kong sagot sa kanya.
Nagbalik ang kalungkutan sa aking sarili. Pakiramdam ko ay nagiging iresponsable na akong asawa para sa kanya.
Sa halip na malungkot si Xander ay ngumiti ito sa akin. Hinalikan n’ya ako sa noo, sunod sa ilong at huli sa labi bago n’ya ako kinausap muli.
“Wala kang kailangan gawin, Master. Ang manatili ka lang sa buhay ko, sapat na. Ang mahalin mo lang ako habang-buhay, sobra-sobra na. Wala na akong mahihiling pa.” malambing nitong pagsasalita.
Halos matunaw ako sa mga salitang iyon ni Xander. Mahal na mahal n’ya talaga ako.
Pero…..
“Hindi! Hindi ako papayag na wala akong magagawa para sa’yo! Hindi ko hahayaan na wala akong maibibigay para sa mahal na asawa ko! Kaya kahit anong hilingin mo, Master, gagawin ko para lang mapasaya ka ngayong araw na ’to! Kahit ano! Mahal na mahal kita kaya hindi ako matatahimik kung magtatapos ang araw na ito na wala akong nagagawa!” sunod-sunod kong pagsasalita sa mataas kong boses.
“’Wag na nga. Okay lang naman talaga, Master.” pakikipagtalo nito sa akin at muli akong hinalikan sa labi.
“Hindi ’yon okay para sa akin, Master! Kailangan may hilingin ka bago magtapos ang araw na ’to! Kaya sige na! Humiling ka na! Kung kinakailangan kong bilhin ’yon bukas, walang problema! Basta hilingin mo lang sa akin bago lumampas ang alas-dose ng gabi!” pagmamatigas ko pa rin.
“Wow! Isa ka bang genie, Master?” pamimilosopo n’ya.
“Bilisan mo na! Malapit na mag-twelve! Matatapos na ang anniversary natin!” nagpapanic na talaga ako.
“Sure ka?” natatawa n’yang tanong.
“Oo! Kahit ano! Bilisan mo na kasi!” natataranta kong utos sa kanya.
Mukhang nakumbinsi ko na s’ya. Tumigil na kasi s’ya sa pagtawa at tinitigan ako na tila ba sinusuri ang mukha ko. Pero habang nakatitig s’ya sa akin ay nakaramdam ng kaba ang dibdib ko.
Nagkamali ba ako sa pamimilit ko kay Xander para sa kahilingan nito?
Naging mapungay kasi ang mga mata n’yang nakatitig sa akin. Napangisi pa ito at kagat na n’ya ang ibabang labi nito.
Jusko! Nakalimutan kong pilyo nga pala ang asawa ko! Sigurado akong may naiisip na s’yang kakaiba sa mga oras na ito.
“Kahit ano, Master..?” tanong n’yang nakaka-akit.
Napalunok ako.
“A-ahm… O-oo… K-kahit ano…” nauutal ko nang sagot sa kanya dahil sa kaba.
Mas lumapad ang pagkakangisi n’ya.
“Hhhmmm…” sambit n’ya at tumingala sa langit.
Ganyan! Ganyan s’ya ’pag may naiisip na s’yang siguradong pagsisisihan ko!
Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko. Sinubukan kong unti-unting kumalas sa pagkakayakap sa kanya ngunit nagulat ako nang hilain n’ya ako pabalik sa mahigpit n’yang pagyakap sa aking katawan.
‘Tom, maghanda ka na.’
Kinakausap ko na ang aking sarili sa aking utak.
Muling ibinalik ni Xander ang tingin n’ya sa akin at hindi nawawala ang mapang-akit n’yang mga mata. Muli s’yang nagsalita at mas nakakaakit na ang boses n’ya ngayon.
Naglalandi na sa akin ang asawa ko. Kinakabahan na talaga ako.
“Matagal-tagal ko nang hindi nakikitang sumasayaw ang asawa—”
Tinakpan ko ng aking palad ang kanyang bibig para ’wag n’yang ituloy ang kanyang balak na sabihin.
“Stop! Hindi ko gagawin ’yan, Xander!” pagputol ko sa kanya.
Habang takip ng aking palad ang kanyang bibig ay kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mga mata. Mula sa nagliliwanag n’yang mga mata dahil sa tuwa ay napalitan ito ng lungkot.
Maryosep! Ginagamitan na n’ya ako ng kapangyarihan n’yang pagpapaawa!
“Master, iba na lang. ’Wag ’yon.” may diin kong pagsasalita sa harap n’ya at tinanggal ko na ang kamay kong nasa bibig n’ya.
“Akala ko ba kahit ano? Hindi ako humihiling ng materyal na bagay. Sumayaw ka lang, mapapasaya mo na ako.” malungkot n’ya pa ring pagsasalita.
“Ayoko nga, Master! Nakakahiya!” pagtanggi ko pa rin.
“Nakita ko na ang lahat sa’yo. Memoryado ko na nga kung saan banda ang mga nunal mo. Hindi ka na dapat nahihiya sa akin. Isa pa, wala naman makakakita sa’yong sumasayaw dito bukod sa akin dahil tulog na ang mga kapit-bahay pati na rin ang mga kasambahay natin!” pamimilit n’ya.
“Iba na lang! Kung gusto mo magtumbling ako ng ilang beses, pero ang sasayaw ako, NO!”
“Pero nami-miss ko na ang galing mo sa pagsasayaw. Saka para hindi ka mahiya, sasabayan ko na lang ng pagkanta ko.”
“Xander, ha? Hindi na ako natutuwa!” pagbabanta ko na.
Natigilan s’ya dahil sa sinabi kong iyon. Huminga s’ya ng malalim at bakas sa kanya ang pagsuko. Binitiwan n’ya ako habang paunti-unti s’yang yumuko.
Jusko! Eto na ang damdamin kong hindi sumasang-ayon sa mga salitang binibitawan ko. Sa tuwing nalulungkot si Xander ay hindi ko rin maiwasan ang malungkot. Hindi ko makayanan na nakikita s’yang ganito!
“Happy anniversary na lang ulit, Master. Salamat sa araw na ’to. Salamat sa tatlong taon na pagiging mabuting asawa ko. Kahit na hindi ko natanggap ang regalong hinihiling ko, gusto kong malaman mo na hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa’yo.” mas malungkot na n’yang pagsasalita.
Ayan na, kinokonsensya na n’ya ako.
Hindi ako nakapagsalita hanggang sa talikuran n’ya ako.
“Tara na, pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga. Maaga pa tayo bukas para pumasok sa trabaho. Five minutes na lang din naman tapos na ang anniversary natin kaya wala nang dahilan para mag-stay pa tayo dito sa labas.” panibagong pangongonsensya n’ya at pagyaya.
Ngayon naman pine-pressure na n’ya ako. Alam din n’yang bibigay ako sa totoo lang. Dahil kung may balak na talaga s’yang pumasok sa mansyon, naglakad na sana s’ya palayo sa akin.
Pero heto s’ya at nakatayo pa rin sa harap ko!
Huminga ako ng malalim at ibinuka ang bibig ko.
“Master, sana minsan ibahin mo naman ang style mo. Alam mong ’pag nagkakaganyan ka na, hindi na kita matitiis, ’di ba?” tanong kong nanghihina sa kanya.
Hindi s’ya nakasagot, nanatili s’yang nakatalikod sa aking pwesto. Pero dahil kilala ko na ang asawa ko, alam kong nakangiti na s’ya ngayong mga oras na ito!
Naku! Kung hindi ko lang talaga ’to mahal, sinakal ko na talaga ’to dahil sa pagiging isip-bata nito!
“Ano? Akala ko ba gusto mo akong makitang sumayaw? Akala ko ba five minutes na lang ang natitira? ’Pag hindi ka pa humarap dito, mauubos na talaga ’yang five minutes na sinasabi mo.” tuluyan ko nang pagsuko.
Nang sabihin ko iyon ay mabilis s’yang humarap sa akin. At tama nga ako, abot-tenga na ang ngiti n’ya!
“Sige, wait lang! Bubuksan ko lang ang stereo ng kotse natin!” mabilis n’yang paalam at agad na umalis sa harap ko.
“Hinaan mo lang, baka may magising tayong kapit-bahay.” hinang-hina kong utos sa kanya.
“Sige-sige!” full of energy n’yang sagot. Naka-milo lang?
Maya-maya pa ay bumalik s’ya at hinawakan ang kamay ko para maglakad pabalik sa likod ng kotse. Umupo s’ya sa nakabukas na compartment ng kotse naming iyon habang nakatayo ako sa harap n’ya.
“Game na, Master! Pipindutin ko na lang ’tong cellphone ko kasi naka-connect na sa bluetooth speaker!” masaya n’ya pa ring pang-eengganyo.
Ang bilis n’ya talagang makapag-isip ng paraan.
Iniisip ko ang magiging hitsura ko habang sumasayaw. At habang iniisip ko iyon ay hindi napigilan ng aking mukha na mag-init. Alam kong pulang-pula na naman ako kaya naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha.
“Nahihiya talaga ako, Master…” reklamo ko.
“Three minutes na lang tapos na ang anniversary natin.” pagsasalita nito.
Tinanggal ko ang aking kamay sa aking mukha at naiinis akong tiningnan s’ya.
Sa halip kasi na damayan ako dahil sa hiya, lalo n’ya pa akong pinepressure!
“Game na, Master, dali! Kakanta rin ako para hindi ka mahiya!” pamimilit n’ya pa rin.
Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Hinintay ko na lang s’yang patugtugin ang napili n’yang kanta.
Ilang sandali pa ay hinawakan na n’ya ang kanyang cellphone para simulang magpatugtog. Hindi na maalis ang ngiti ng asawa ko at alam kong masayang-masaya ito.
Sinimulan na n’yang i-play ang kantang alam na alam naming pareho. Maging si baby Carla ay alam ito dahil sabay naming kinakanta ito sa tuwing sakay kami ng aming kotse at may pupuntahan. Pero pagdating sa Spanish na parte ng lyrics ay si Xander lang ang may kakayahang kumanta dahil marunong s’ya ng lenggwaheng iyon. Pareho sila ni Daniel na alam ang karamihan ng lenggwahe sa buong mundo dahil sinanay sila noong mga bata pa sila. Subject daw nila iyon sa school noong mga nag-aaral pa sila kaya hindi na sila nahihirapang intindihin ito. Ganyan yata talaga ’pag rich kids!
(A/N: Eto na, paki-play ang nasa media. O kung may na-download na kayong ganitong kanta, pakiplay na lang para sabay-sabay tayong mapasayaw at mapakanta. Charot!
Song title: DESPACITO - by Justin Bieber ft. Luis Fonsi & Daddy Yankee
)
Nagsimula ang intro at umayos na rin si Xander sa kanyang pagkakaupo habang nasa harap n’ya ako.
Hindi ako makagalaw dahil sa hiya nang simulan ni Xander ang kumanta.
Come on over in my direction
So thankful for that, it’s such a blessin’, yeah
Turn every situation into Heaven, yeah
(Oh, you are…)
Ang galing talaga kumanta ni Xander. Maganda talaga ang boses n’ya. Parang gusto ko na lang pakinggan ang maganda n’yang pagkanta. Nanatili lang akong walang galaw habang nakatingin sa kanya.
My sunrise on the darkest day
Got me feelin’ some kind of way
Make me wanna savor every moment slowly, slowly
Matapos ang linyang iyon ay mas naging mapang-akit pa ang mga mata ni Xander habang nakatitig sa akin at patuloy pa rin sa pagkanta. Hanggang ngayon ay kinakabahan ako sa harap ng aking asawa kaya wala pa rin akong kakilos-kilos.
You fit me, tailor-made love, how you put it on
Got the only key, know how to turn it on
The way you nibble on my ear, the only words I wanna hear
Baby take it slow so we can last long
Sinimulan n’ya akong hawakan sa kamay para igaya papalapit pa sa kanya. Sa hawak n’yang iyon ay ineengganyo na n’ya akong gawin ang kahilingan n’ya.
[Verse 1: Luis Fonsi & Daddy Yankee]
Oh, tú, tú eres el imán y yo soy el metal
Me voy acercando y voy armando el plan
Sólo con pensarlo se acelera el pulso
Iginaya ako ni Xander na pumwesto sa kanyang harap habang ang kanyang mga binti ay nasa pagitan ng dalawa kong hita. Ang landi talaga ng asawa ko. Gusto n’yang magsayaw ako sa kanyang ibabaw.
Inilagay n’ya rin ang isa kong braso paikot sa kanyang leeg kaya mas malapit na ang aming distansya. Nasa pagitan na ng mga hita ko si Xander at pwede na akong umupo sa kanyang mga hita habang nakaharap sa kanya at nakabukaka.
Oh, yeah Ya, ya me está gustando más de lo normal
Todos mis sentidos van pidiendo más
Esto hay que tomarlo sin ningún apuro
Unti-unti na n’ya akong ginagabayan na igalaw ang aking katawan. Ginagawa n’ya iyon sa pamamagitan ng kamay n’yang nasa bewang ko.
At nang magsimula ang chorus ay natagpuan ko na lang ang sarili kong sumasayaw sa ibabaw ng aking asawa habang hindi napuputol ang pagtitig namin sa isa’t-isa.
Marahan lamang ang ginagawa kong pagasayaw dahil nahihiya talaga ako sa harap ni Xander. Ang posisyon ko kasi ngayon ay parang isang macho dancer na nagsasayaw sa kanyang ibabaw.
[Coro: Luis Fonsi, Daddy Yankee & Justin Bieber]
Despacito
Quiero respirar tu cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes si no estás conmigo
Patuloy pa rin ako sa pagsayaw sa kanyang ibabaw habang s’ya naman ay patuloy pa rin sa pagkanta. Ginagawa namin ito habang titig na titig pa rin kami sa isa’t-isa.
Nang magkaroon ng pagkakataon si Xander na magsalita ay mapang-akit nitong binigkas ang mga salitang….,
‘Landian mo pa.’
mapang-akit n’yang utos sa akin.
Ginawa ko ang sinabi n’yang iyon. Naisip kong asawa ko naman ang kaharap ko. Lahat ng magpapasaya sa kanya ay gagawin ko.
Despacito
Quiero desnudarte a besos despacito
Firmo en las paredes de tu laberinto
Y hacer de tu cuerpo todo un manuscrito
(Sube, sube, sube
Sube, sube)
Matapos ang marahan kong mga pagsayaw ay mas nakakuha ako ng lakas ng loob para pasayahin pa ang asawa ko. Tuluyan ko na s’yang ikinulong sa aking dalawang braso, yakap ko na ang leeg ni Xander at idinikit ko na rin ang aking noo sa kanyang noo.
Inangat ko rin ang aking isang tuhod para ilagay sa tabi ni Xander. Iyon ang naisip kong mas makakapagpasaya sa kanya.
Nagpatuloy ako sa paggiling na parang macho dancer at ginamit ko ang aking istilo sa pagsasayaw noon na nagugustuhan ng mga taong pinapanood ako. Naging mapang-akit ang mga mata ko at ngumiti ako habang paminsan-minsang kinakagat ang ibabang labi ko.
[Bridge 1: Luis Fonsi & Daddy Yankee]
Quiero ver bailar tu pelo
Quiero ser tu ritmo
Que le enseñes a mi boca
Tus lugares favoritos
(Favorito, favorito, baby)
Déjame sobrepasar tus zonas de peligro
Hasta provocar tus gritos
Y que olvides tu apellido
Mukhang nagustuhan naman ni Xander ang istilo kong iyon kaya mas ginanahan ako sa ginagawa kong pagpapasaya sa kanya.
Niyakap ni Xander ang aking bewang gamit ang dalawa n’yang mga braso. Patuloy pa rin s’ya sa pagkanta ngunit alam kong iba na ang nararamdaman n’ya sa mga oras na ito.
Sa madaling salita, umeepekto na ang pagiging mahusay kong dancer sa harap ng asawa ko.
Napatunayan ko iyon nang maramdaman kong hinahaplos na n’ya ang iba’t-ibang parte ng aking katawan at paminsan-minsan n’yang pinipisil ito.
Halos hindi na namin natapos ang aking pagsayaw at ang kanyang pagkanta dahil maging ako ay naaakit na rin sa kanya. Mabilis ko na lang s’yang niyakap at umupo sa harapan n’ya.
“Tama na, Master! Nahihiya na talaga ako!” maagap kong pagsasalita habang yakap ko s’ya.
Malakas ang naging pagtawa n’ya at niyakap ako pabalik. Tumayo ito at binuhat ako dahil nanatili kaming magkayakap.
“Ang cute-cute talaga ng asawa ko ’pag nahihiya! Ang galing-galing pa rin sumayaw kaya mas nakakagigil!” sambit n’yang natatawa.
Hindi ako makatugon sa sinabi n’yang iyon. Parang sasabog na kasi ang mukha ko sa sobrang init dahil sa hiya.
“Mmmm!!! I love you, Master!!!” halos isigaw n’ya iyon at inikot ako habang buhat n’ya pa rin ako.
“I love you more, Master…” mahina kong pagtugon habang nakanguso.
Paulit-ulit n’yang hinalikan ang leeg ko matapos iyon.
Akala ko ay bibitawan na ako ni Xander dahil ibinaba n’ya ako. Ngunit halos mapasigaw ako nang yakapin n’ya ang aking mga binti at ikarga ako sa kanyang balikat.
“Master!! Ibaba mo ako!!” reklamo ko habang pinapalo ko ang kanyang likuran. Nasa mukha ko kasi ang kanyang likod. Mahigpit naman n’yang yakap ang aking mga binti na nasa dibdib n’ya para hindi ako malaglag sa kanyang likod.
“Ayoko! Papasok na tayo sa kwarto! Ihanda mo na rin ’yang sarili mo dahil masyado mong ginalingan, Master! Ginising mo tuloy ang natutulog na
‘la verga grande’
ko!“ natatawa nitong sagot.
Hindi ko naintindihan ang ginamit n’yang salita. Pero sa ginamit n’yang pangungusap, alam kong si ‘Little Xander’ ang tinutukoy n’yang ginising ko.
Hindi na ako nakapagreklamo pa. Inihanda ko na lang ang aking sarili para sa pakikipagdigma.
Nanatili na lang akong tahimik at nagpapadala sa pagbitbit ng aking magaling na asawa. Laylay ang aking mga kamay at hinang-hina.
Bakit ba kasi nilandian ko pa? Ayan tuloy, patuloy pa rin si Xander sa pagkanta habang naglalakad papasok sa aming mansyon. Halatang masayang-masaya s’ya.
Tumigil si Xander sa paglalakad sa hindi ko malamang dahilan. Wala kasi akong makita kundi ang kanyang likod.
“Gising pa po pala kayo, Nanay Elise! Makikisuyo naman po ako na paki-lock ng kotse ko sa labas. Nakalimutan ko kasi dahil sa pagmamadali.” masayang bati ni Xander kay Nanay Elise nang makapasok kami ng mansyon.
“Patawarin, Xander! Ano ba ’yang ginawa mo sa asawa mo? Parang baboy na kinatay kung bitbitin mo!” paninita nito matapos kunin ang susi ng kotse kay Xander.
Nanatili na lang akong nakikinig sa kanilang pag-uusap.
“Hindi ko pa po s’ya kinakatay, Nanay. KAKATAYIN pa lang.” makahulugang sagot ni Xander at may diin. Alam kong nakangiti pa rin s’ya sa mga oras na ito.
“Kayo talaga! O, sige na, magpahinga na agad kayo pagkatapos n’yong magkatayan.” pagpatol naman ni Nanay Elise.
Nagpatuloy na si Xander sa paglalakad.
“Nanay Elise! Kayo muna po ang matulog sa kwarto namin ni Tom para may titingin kay baby Drey! Doon muna kami sa guest room ng Master ko!” pahabol pa ni Xander habang naglalakad.
“Sige, mga anak!” sagot lang ni Nanay Elise.
“Despacito Quiero desnudarte a besos despacito Firmo en las paredes de tu laberinto Y hacer de tu cuerpo todo un manuscrito….” pagpapatuloy ni Xander sa pagkanta habang bitbit pa rin ako.
Wala na talaga. Kailangan ko na lang maghanda para sa isang makasaysayang paggiling mamaya. Mas nakakapagod pa ang aming gagawin kesa sa pagsasayaw na ginawa ko.
Pero sa kabilang banda, masaya ako, sobrang masaya ako. Dahil sa nakalipas na mga araw, buwan at taon, ako pa rin ang mahal ng asawa ko. Walang nagbago, mas tumindi pa ito tulad ng nararamdaman ko.
Wala akong masasabi kundi purong pasasalamat dahil may Xander sa buhay ko. May mga anak kami na kumukumpleto sa aming masayang pamilya.
Wala na akong mahihiling pa. Lahat ng hiniling at pinagdasal ko ay nasa akin na.
A/N
Hoho! Kamusta po? Nagustuhan n’yo ba? Sino ang mga napasayaw kagaya ko?! Hahahaha!
Salamat sa mga nag-abang at nagbasa! Simula ngayon, puro special na lang ang ilalagay ko rito dahil mahal na mahal namin kayo ng ating mga bida!! ❤
Kung gusto n’yo silang maging friend sa Facebook para makibalita ng kaganapan sa kanila, hanapin lamang ang kanilang mga pangalan sa Facebook:
-
XANDER ALVAREZ
-
AXYLL TOM PEREZ
-
CARLA PEREZ ALVAREZ
-
RANDY LIAM DE TORRES
-
RIGO SILVESTRE
Paano po? ’Til next special chapter na lang ha? Salamat sa mga patuloy na nagbabasa sa aking mga sinusulat!
Salamat sa mga magbibigay ng comments at votes! Mahal ko kayo!
–– cold_deee
SPECIAL CHAPTER 2
A/N
Surprise! Merry Christmas sa inyo!
At para merry ang Pasko, naririto ang Special Chapter ng mag-asawa para sa inyo.
Para sa ’yo,
AngelChillax
! Ilqng beses mo na bang nabasa ang TOATL?! Iba ka talaga! Hahahaha! Aylabet! ❤
Paki-play na lang din po ang nasaedia para mas dama ang eksena ngayong kapaskuhan! (Song title: A Perfect Christmas - by: Jose Marie Chan)
––> Sina Xander at Tom po sa media.

XANDER POV
Hinihingal akong nakarating sa aming mansyon. Sa kanto pa lang ng aming street ay nagpababa na ako sa sinakyan kong taxi dahil baka may makahuli sa akin dito kung hanggang sa gate ay magpapahatid ako.
Aaminin ko, nawawalan na ako ng pag-asang maabutan ang pamilya kong gising pa sa mga oras na ito. Hindi ko nahabol ang oras ng Noche Buena dahil sa dami ng nangyari bago ako makauwi rito.
Miss na miss ko na ang mga anak ko lalo na ang asawa ko. Halos dalawang linggo rin kaming hindi nagkasama dahil kailangan kong asikasuhin ang business namin sa US. Dapat nga ay doon ko ipagdiriwang ang kapaskuhan, pero ginawa ko ang lahat para makaabot sa espesyal na okasyong ito.
Gusto kong makasama ang buong pamilya ko ngayong Pasko, gusto kong sabay-sabay naming ipagdiwang ang mahalagang araw na ito. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nahuli ang flight ko pauwi rito sa Pilipinas at naharang pa ako sa airport noong makalapag naman ang eroplanong sinasakyan ko.
“Ang bobo mo naman kasi, Xander! Ang tanga mo talaga paminsan-minsan!” paninisi ko sa aking sarili.
Nang makapasok ako sa aming gate ay napahinto ako. Saglit kong ibinaba ang aking mga luggage at pinagmasdan ko ang kabuuan ng tinitirahan namin ng pamilya ko.
Namayani sa akin ang lungkot dahil tahimik na sa mga oras na ito. Mukhang tapos na ang pagdiriwang nila ng Noche Buena at mukhang nagpapahinga na ang asawa at mga anak ko.
Tiningnan ko ang aking wristwatch at lalo akong nalungkot dahil malapit na palang mag-alas tres ng madaling-araw. Ngayon ay sigurado na akong natutulog na silang lahat kaya hindi na nila maaabutan ang sorpresa ko.
Pinagmasdan ko ang aking sarili. Suot ang costume ni Santa Claus at nag-effort pa akong maglagay ng puting balbas. Gusto ko kasing sorpresahin sila sa pagdating ko ng Noche Buena. Hindi nila inaasahan na uuwi ako kaya hindi rin ako nagparamdam sa mga tawag ni Tom sa akin kahapon bago ako sumakay ng eroplano.
Huminga ako nang malalim at muling hinila ang mga luggage ko. Nang makapasok ako sa mansyon ay sinalubong naman ako ng katahimikan. Bukas pa ang ilang ilaw at nakita kong may naganap dito kaninang kasiyahan. Alam kong naririto sina Mama Lita, Papa Nate at Julius para masamahan sina Tom at ang aming mga anak ngayong Pasko. Pero mukhang pati sila ay nagpapahinga na rin sa mga oras na ito.
Kasama din nilang nagdiwang ang aming mga kasambahay na hindi nakauwi sa kani-kanilang pamilya ngayong Pasko. Ang wala lamang ngayon ay si Nanay Elise dahil isinama ito ng mag-asawang Randy at Rigo sa ibang bansa para puntahan naman ang Lolo at Lola ng anak nilang si Ar-Ar. Doon na rin sila nagdiwang ng Pasko at babalik na lamang sila bago naman sumapit ang bagong taon.
Naiinis ako. Inis na inis ako sa sarili ko!
Una ay dahil na-delay ang flight ko pauwi rito dahil sa kapal ng snow sa US. Hindi tuloy nakaalis ng maaga ang eroplanong sasakyan ko.
Pangalawa naman, dahil sa excitement ay sinuot ko na itong Santa costume sa airport pa lang noong makarating ako rito sa Pilipinas. Ang nangyari tuloy ay pinagkaguluhan ako ng mga tao paglabas ko ng CR kung saan ako nagbihis. Natuwa sila sa akin lalo na ang mga bata kaya hinarang ako para makapagpapicture silang lahat.
Wala akong nagawa kundi ang pagbigyan na lang sila lalo na at nakikita kong masaya silang nakita ang inaakala nilang si Santa. Namigay pa ako ng ilang tsokolate sa kanila bilang regalo. Iyon din sana ang pasalubong ko kay Carla pero naipamigay ko. Pero ayos lang, ang mahalaga ay napasaya ko ang mga batang iyon. Pwede ko namang ipamili si Carla ano mang oras.
Nang makarating ako sa tapat ng malaki naming hagdan dito sa mansyon ay nanghihina ang katawan kong binuksan ang luggage na dala ko. Mula roon ay kinuha ko ang tatlong regalo na para sa mga anak ko at para sa mahal na asawa ko.
Naging mabagal ang bawat paghakbang ko sa hagdan. Gusto ko nang maiyak dahil sa lungkot ngayong Pasko na hindi namin magkakasamang naipagdiwang.
Nakarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto namin ni Tom. Alam kong naririto rin ngayon ang mga anak ko dahil walang makakasama si Tom sa pagtulog. Ganito naman tuwing nagiging abala ako sa pagtatrabaho lalo na kung lilipad ako sa ibang bansa dahil pa rin sa aming negosyo. Nalulungkot ang asawa ko tuwing wala ako sa tabi nito.
Pinihit ko ang doorknob nang dahan-dahan, at nang tuluyan kong masilayan ang kabuuan ng buong kwarto ay tila nanghina ang buong katawan ko.
Naroon at mahimbing nang natutulog ang aking pamilya. Si baby Drey ay nasa kanyang crib habang may subong baby pacifier. Si Carla naman ay nasa tabi ng aking asawa at pareho na silang nakapikit at yakap ang isa’t isa.
Wala na talaga, hindi na ako nakaabot na gising sila.
Humakbang ako nang dahan-dahan patungo sa kanila. Siniguro kong wala akong magagawang ingay dahil baka magising sila.
Una kong pinuntahan ay ang crib ng aming bunso na si baby Drey. Dahan-dahan kong inilapag ang aking regalo sa tabi nito. Kasunod nito ay hinalikan ko ang noo nito.
“Miss na miss ka ng Daddy, anak… Na-miss ni Daddy ang paglalaro kasama ka… Merry Christmas…” pagbati ko sa kanyang may tipid na ngiti.
Naging emosyonal na ako. Matapos kong batiin si baby Drey ay kusa nang tumulo ang luha ko.
Miss na miss ko talaga sila. Halos dalawang linggo ko silang hindi nakasama. Gustuhin ko man na lagi silang nasa tabi ko, hindi naman pwede. Nagsusumikap ako para sa kanila, para sa kinabukasan nila. Gusto kong bigyan sila ng magandang buhay kaya kahit mahirap sa kalooban na mapalayo ako sa kanila ay tinitiis ko. Mahal na mahal ko ang pamilya ko kaya handa akong magsakripisyo.
May ilang minuto rin akong nakatitig sa mala-anghel na mukha ng aking bunso. Matapos iyon ay dahan-dahan naman akong nagtungo sa tabi ng panganay ko.
Inilagay ko sa kanyang ulunan ang regalong binili ko naman mula pa sa US. Kasunod nito ay dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi.
“Merry Christmas, baby Carla… Miss na miss ka ni Daddy… Sorry kung hindi ako kasama ni Papa mo noong Christmas Party mo, ha..? Hindi ko tuloy napanood ang pagkanta mo sa classroom ninyo…” bulong ko sa aking panganay.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Malaki na ang anak ko. Ilang sandali na lang ay magdadalaga na ito. Marami na siyang sinasabing plano at nagsimula nang mangarap para sa kinabukasan nito. Nakakatuwa dahil nanatili siyang masipag sa pag-aaral at nanatiling mabuting bata ito. Labis din akong natutuwa dahil kitang-kita ko na masaya itong kasama ang kanyang Papa Tom at ang bunso niyang kapatid. Nagsimula na rin siyang maging mature at umaasta na talagang nakatatandang kapatid para kay baby Drey. Mahal na mahal niya ito at lagi niya itong inaalagaan.
“Daddy loves you so much, baby Carla… Merry Christmas…” muli kong pagbati sa aking panganay. Kasunod nito ay dahan-dahan akong yumuko para halikan din ito sa noo.
Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman ko ang pagkilos mula sa tabi ng panganay ko. Inangat ko ang aking paningin at natagpuan ko ang pinakamamahal kong tumayo mula sa pagkakahiga. Pupungas-pungas pa ito at nagkukusot ng kanyang mga mata. Mukhang nagising siya sa aking presensya.
Sa ilang taon na pagsasama namin ay walang nagbago. Siya pa rin ang taong dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Tuwing makikita ko siya mula sa matagal naming hindi pagsasama ay natutulala ako. Natitigilan ako at namamangha pa rin ako sa kanya.
“M-master…” mahina kong bulong habang nakatingin ako sa kanya.
Dahan-dahan ay tinanggal niya ang kanyang kamay mula sa mga mata niya. Kasunod nito ay unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata.
Parang gusto kong maiyak nang tuluyang magtagpo ang aming mga paningin. Miss na miss ko siya. Miss na miss ko ang aking mahal na asawa.
Makalipas ang ilang sugundong pagkakatitig namin sa isa’t isa ay nasaksihan ko kung paano siya ngumiti kasabay ng paglaki ng mga mata niya. Muli na namang nagpakita ang isa niyang dimple na naging dahilan kung paano ako unang nahulog sa kanya.
“Santa????” namamangha niyang sambit makalipas ang ilang minutong tinginan naming dalawa.
Eh? Santa?
“Santa?! Ikaw nga!” mas masaya niyang reaksyon at mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya.
Hindi ako nakagalaw, hindi rin ako nakapagsalita dahil sa naging reaskyon niya. Nagulat ako dahil hindi niya ako nakilala kahit pa magkalapit kaming dalawa.
Gano’n na ba kaganda ang costume ko para hindi ako makilala ng sarili kong asawa?! At kahit pa sabihing may suot akong balbas ni Santa, hindi niya man lang ba nakilala kahit ang aking mga mata?! Halata rin na naka-disguise lang ako dahil itim ang kilay ko! Isa pa, moreno ako at hindi mataba!
Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Tom habang inililibot niya ang kanyang paningin sa aking katawan at mukha.
“Santa!! Sabi ko na nga ba, totoo ka!! Ang saya ko! Ang saya-saya ko kasi nakita na rin kita!! Mas mataba ka lang sa mga picture! Nag-diet ka ba?!” muli niya pang pagkamangha.
Gusto kong paluin ang noo ko. Ang cute-cute ng asawa ko. Pero ngayong hindi niya ako nakikilala ay parang gusto kong mainis sa kanya.
Pagsasabihan ko sana si Tom, pero nang makita ko ang labis na saya sa kanya ay muli akong natigilan. Pinagmasdan ko rin ang kanyang mga mata at napansin kong tila ba naiiyak siya sa tuwa.
Ganito ang gusto ko, ang laging mapasaya ang asawa ko. At ngayong nakikita ko ang ganitong reaksyon nito ay nakapagdesisyon na rin ako. Pagbibigyan ko ang kasiyahan niyang ito.
“Ho! Ho! Ho! Ako nga ito, Tom! Merry Christmas sa ’yo!” pagbati ko sa kanya gamit ang pinalaking boses ko.
Ganoon na nga ang ginawa ko, ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap bilang Santa Claus sa harap ng asawa ko.
Naitakip niya ang dalawa niyang palad sa bibig niya. Kasunod nito ay muli niya iyong ibinaba para hawakan si Carla.
“Baby Carla, gumisin— Ump!!”
“Ssshhhh!!!” mabilis kong pagpigil sa kanya at tinakpan ko ang bibig niya dahil sa tangkang paggising kay Carla. “’Wag mo na siyang gisingin! Baka mapuyat ang bata!” sunod ko pang utos sa kanya gamit na ang tunay kong boses.
Ang akala ko ay mapapansin na ni Tom na ako si Xander na kanyang asawa, pero nagulat ako nang ibaba niya ang kamay ko nasa bibig niya.
“Sige! Secret lang natin na nakita kita! Ang saya ko, Santa! Ang saya-saya ko!” mas mahinang boses niyang pagsang-ayon sa sinabi ko.
Pwede bang magmura? Hindi naman ang asawa ko ang mumurahin ko! ’Yung lampshade na lang na walang kamuwang-muwang at nakasindi lang sa mga oras na ito.
“Santa, ’wag tayong mag-usap dito! Doon tayo sa terrace namin dahil baka magising ang mga anak ko!” pagyaya nito sa akin habang ang isa niyang hintuturo ay nasa dulo ng bibig nito.
Naiikot ko na lang ang mga mata ko.
“Ho! Ho! Ho! Sige, doon na nga lang tayo, Master, este, Tom!” sagot ko naman sa kanya gamit muli ang pinalaking boses ko.
Dahan-dahan kaming tumayo mula sa pagkakaupo sa kamang kanilang hinihigaan ni Carla, ang kama rin naming dalawa. Bago pa siya umalis sa tabi ng aming panganay ay ibinalik niya pa ang kumot nito at nagtabi pa ng stuff toy dito.
“Dito tayo, Santa, bilis!” pangungulit sa akin ni Tom habang humahakbang siya patungo sa aming terrace dito sa kwarto.
Nanghihina naman ang aking katawan na sinundan siya. Hindi talaga ako makapaniwala na hindi niya ako nakilala.
Nang makarating kami sa aming terrace ay agad siyang humarap sa akin suot pa rin ang namamangha niyang ekspresyon.
“Santa, gusto kitang yakapin!” sambit niya habang bahagyang nakatingala sa akin. Mas matangkad kasi ako sa kanya.
Nang marinig ko iyon ay kusang gumuhit ang ngiti ko. Nawala rin ang kaninang lungkot na nararamdaman ko.
Ito na ang pinakahihintay ko! Mayayakap ko na ang asawa ko! Napakasaya ko!
Hindi na ako nagsalita pa, agad kong ibinuka ang aking mga braso para yakapin ang mahal kong asawa dahil na-miss ko talaga siya.
Humakbang na ako at ilang pulgada na lamang ang pagitan naming dalawa. Kaunti na lang ay mayayakap ko na siya.
Pero….
“Diyan ka lang, Santa! Diyan ka lang! ’Wag mo akong yakapin! Hindi pwede!” mabilis niyang pagpigil sa akin matapos ang ilang pag-atras niya.
Anak ka ng tipaklong naman talaga!! Nandoon na, eh!! Konti na lang!! Mayayakap ko na siya!!
Huminga nang malalim si Tom at naging malungkot ang kanyang ekspresyon.
“Sorry, Santa, ha? ’Wag ka sanang magagalit sa akin… Kahit gusto kitang yakapin, hindi kasi pwede, eh…” malungkot niyang paliwanag at napakamot pa sa kanyang batok.
Ibinaba ko ang dalawa kong kamay bago nagtanong.
“Ho! Ho! Ho! Bakit naman, Tom?! Ako ito, ako si Santa kaya malaya ang kahit na sino para mayakap ako!” pagpapanggap ko na naman bilang Santa Claus.
“Alam ko po… Alam kong pwede kayong yumakap kahit kanino… At kahit gustuhin ko, hindi po talaga pwede…” malungkot niya pa ring paliwanag. Saglit din siyang tumigil at tumingin sa mga mata ko. “May asawa na po kasi ako at napakaseloso niyang tao. Hindi po ako pwedeng yumakap kahit kanino lalo na kung wala siya rito. Ayaw kong isipin niya na pinagpalit ko na siya kahit si Santa Claus pa po kayo.” sunod niya pang paliwanag.
Nang marinig ko iyon sa kanya ay agad na nawala ang nararamdaman kong pagkadismaya. Hindi na ako nalulungkot dahil lalo kong napatunayan na kahit magkalayo kaming dalawa ay mapagkakatiwalaaan ko siya. Hindi ako mangangamba na maagaw siya ng iba.
“Gano’n ba? Ho! Ho! Ho! Sige, Tom, hindi na lang kita yayakapin kung ’yan ang nais mo.” pagsang-ayon ko na lang sa kanya.
Nang marinig niya iyon ay nagbalik ang ngiti niya.
“Salamat sa pag-unawa, Santa! Saka kahit ipilit n’yo pa po, hindi talaga ako papayag. Hindi rin po ako makakapagsinungaling sa asawa ko dahil may mga CCTV camera siyang pina-install dito. Ayun po, oh? Saka ayun pa! “ masaya na niyang pagsasalita habang tinuturo ang mga CCTV na pinakabit ko.
“Ho! Ho! Ho! Gano’n ba?! Napakasegurista naman pala ng asawa mo?!” naging reaksyon ko naman.
“Mmmm!! Gano’n nga po!” sagot din niya pabalik habang tumatango.
Natural, magiging segusrista ako! Mamaya ay kung sino pang umakyat dito sa aming kwarto at nakawin ang cute na asawa ko!
Ilang segundo pa kaming magkaharap. At sa nakalipas na ilang segundong iyon at hindi pa rin siya nakakahalata sa aking pagpapanggap.
Cute ang asawa ko tuwing nagiging slow siya, pero hindi ko inisip na ganito kabagal ang pagproseso ng isip niya.
“Dito tayo, Santa! Kwentuhan mo muna ako bago ka bumalik sa pamimigay ng regalo!” pagyaya na naman sa akin ni Tom patungo sa bars na naririto sa aming terrace.
Sinundan ko naman siya at magkatabi kaming nakatayo na dalawa. Natatanaw namin sa itaas ang nagliliwanag na kalangitan dahil sa mga bituin, at sa ibaba naman ay ang umiilaw ngayon na swimming pool namin.
“Kamusta ka, Santa? Marami ka bang naipamigay na regalo ngayong Pasko?” tanong niya sa aking masaya.
Gusto ko sana siyang sagutin ng oo at naipamigay ko iyon kanina sa airport noong makababa ako ng eroplano. Pero dahil masaya siyang si Santa Claus ang kanyang kausap ay iba na lang isinagot ko.
“Ho! Ho! Ho! Oo, Tom. Marami akong nabigyan ng regalo dahil maraming nagpakabait na bata ngayong taong ito. Kaya naririto rin ako sa bahay ninyo ay dahil nagbigay ako ng regalo sa mga anak natin, este, sa mga anak mo. Naging mabait kasi silang bata sa buong taong ito.” mahaba kong sagot sa kanya.
“Gano’n ba? Salamat, ha? Maraming salamat sa regalo. Mababait po talaga ang mga anak ko.” pagmamalaki niya sa aming mga anak.
Katahimikan na ang sumunod doon. Ang akala ko ay tatanungin niya kung ano ang matatanggap niyang regalo mula sa akin bilang Santa, pero hindi na siya nagsalita matapos iyon.
“Ikaw ba, Tom? Kamusta ka ngayong Pasko? Naging masaya ba ang pagdiriwang mo?” tanong ko na sa kanya upang mawala ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Matapos kong itanong iyon sa kanya ay mabilis na nabawasan ang pagkakangiti niya. Hindi niya agad ako sinagot, humarap muna siya at tumingin sa kalangitan bago nagsalita makalipas ang ilang segundo.
“Masaya naman, Santa. Masaya dahil kasama ko ang buo kong pamilya. Nandito ang mga magulang at kapatid ko. Nandito rin ang mga anak ko. Ang kaso, hindi gano’n kasaya tulad noong mga nakaraang taon dahil hindi namin kasama ang asawa ko.” may tipid na ngiti niyang sagot sa akin.
Nanikip ang dibdib ko sa naging sagot niya. Pakiramdam ko ay may malaking kasalanan ako dahil hindi ako nakahabol para magkasama kami kaninang Noche Buena.
Hindi ako nakapagsalita. Nagpatuloy siya habang nakatanaw pa rin sa nagliliwanag na kalangitan sa itaas.
“Nasa ibang bansa kasi ang asawa ko. Abala siya sa pagtatrabaho. Masipag ang asawa ko, Santa. Isa siyang ulirang ama para sa amin ng mga anak niya. Sinisiguro niyang mabibigyan kami ng masagana at magandang buhay. Kaya kahit na alam kong nalulungkot siya dahil hindi kami magkakasama, tinitiis niya ’yon para sa amin ng mga bata.” mahaba niya pang pagkekwento sa malungkot niyang tono.
Nang marinig ko ang mahaba niyang salaysay ay hindi ko naiwasang lumuha ngunit mabilis ko ring pinunasan iyon. Mabuti na lamang at medyo madilim dito sa terrace kaya hindi niya rin ito mapapansin.
“Gano’n ba?” una kong reaksyon. “Ikaw rin naman, Tom, mabuti ka ring asawa. Lagi mong pinapasaya ang asawa mo. Sa bawat araw na kasama mo siya, lagi mong pinaparamdam ang suporta at pagmamahal mo sa kanya. Hindi ka nagmimintis na mapangiti siya. Lagi kang nariyan para sa kanya at sa mga bata. Ulirang ama ka rin para sa kanila.” mahaba kong sagot sa mga sinabi niya.
Sa mga sandaling ito ay para kaming nagko-confess sa isa’t isa. Sinasabi namin ang mga nararamdaman namin habang nagsasama. Ang kaibahan nga lamang ay hindi niya alam na ako ang asawa niyang tinutukoy niya.
“Iyon lang naman po ang magagawa ko sa kabila ng mga naging sakripisyo sa akin ng asawa ko, ang iparamdam ang pagmamahal ko. Sa dami ng magagandang bagay na nagawa niya sa akin, kung tutuusin ay kulang pa iyon. Kaya nga nangako akong hangga’t nabubuhay ako, mananatili ako sa tabi ng asawa ko. Mahal na mahal ko siya, Santa, kahit ano pa ang pagsubok na darating sa buhay naming dalawa.” mahabang pahayag ni Tom.
Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa labis na saya.
Ikaw rin, Tom, mahal na mahal kita. At hangga’t nabubuhay ako, ikaw lang din ang mamahalin ko.
May ilang minutong katahimikan ang namayaning muli sa amin. Sa tingin ko ay may malalim siyang iniisip kaya hinayaan ko muna siyang manahimik.
Matapos ang ilang minutong iyon ay muling gumubit ang pagkamangha sa kanya.
“Alam ko na!” bigla niyang sambit at humarap sa akin.
“A-ano ’yon?! Ho! Ho! Ho!” nauutal kong pagtatanong dahil nagulat ako sa lakas ng boses niya.
Ngumiti muna siya akin bago muling nagsalita.
“Kanina ko pa iniisip kung anong hihilingin ko sa ’yo, Santa! Pero ngayon, naisip ko na talaga!” sagot niya sa akin.
Gusto ko sanang matawa sa kanya. Base kasi sa kanyang reaksyon ay parang isa akong Genie na pwede niyang hilingan ng kahit na anong gustuhin niya. Pero dahil mahal na mahal ko ang aking asawa ay nakisakay na lang ako sa kanya.
“Ho! Ho! Ho! Ano ba ang ’yang kahilingan mo, Tom? Hayaan mo at gagawin ko iyon dahil naging mabuti kang tao ngayong taon!” tanong ko sa kanya.
“Iniisip ko kanina, Santa, kung pwede mo bang isakay ang asawa ko sa sleigh mo. Gusto ko sanang umuwi muna siya rito dahil miss na miss ko na siya. Kaso lang, alam ko namang hindi ka papayag dahil baka mabigatan ang reindeers mo. Kaya ito, nag-isip na lang ako na kung pwede, ibigay mo na lang ang regalo ko para sa kanya ngayong Pasko.” mahaba niyang paliwanag at pagsagot sa tanong ko.
At talagang naniniwala siyang may dala akong sleigh na hila ng reindeers, ’no? Mabuti at hindi niya sa akin hinanap ang grupo ni Rudolph? Dahil ’pag ginawa niya iyon, hihilain ko na lang ang mga aso ng mga kapit-bahay namin dito sa aming village. Sigurado naman akong makukumbinsi ko siyang reindeers ang mga iyon dahil mabilis maniwala si Tom. Kakabitan ko na lang ng kamatis ang ilong ng isang aso sa mga iyon.
“Ho! Ho! Ho! Sige, Tom! Ako na lang ang magdedeliver sa iyong asawa! Nasaan ba?” sagot ko sa kanya at paghahanap sa regalo niya.
Medyo nakaramdam ako ng excitement sa regalong matatanggap ko mula sa kanya. Hindi ako mapili sa mga ibinibigay niya. Kahit ano pa iyon basta’t nanggaling sa kanya, taos-puso kong tinatanggap iyon.
“Halika, sumunod ka! Nandoon sa ilalim ng Christmas tree, eh!” pagyaya na naman niya sa akin at agad na nagtungo sa glass door pabalik ng aming kwarto. “Bilisan mo! Malapit nang mag-umaga! Baka sikatan ka na ng araw?!” sunod niya pang utos.
Ano ba naman itong asawa ko?! Ginawa pang aswang si Santa Claus na takot sa liwanag!
Dahan-dahan kaming humakbang palabas ng aming kwarto. Pareho naming iniiwasan na magising ang mga anak naming natutulog sa mga oras na ito.
Nang makababa kami ng hagdan ay diretso rin kaming nagtungo sa aming sala kung saan nakatayo ang malaking Christmas tree na magkakasama naming itinayo bago sumapit ang Pasko.
Nagliliwanag ang Christmas tree dahil sa Christmas lights na nakakabit dito. Pero ang mas nakapagpaganda rito ay ang mga nakasabit na mga larawan naming pamilya na nagsilbing palamuti nito.
“Upo ka, Santa! Dito ka sa tabi ko pero ’wag masyadong malapit, ha?!” pagyaya nito sa akin nang makaupo siya sa mahabang sofa.
Gusto ko na talagang matawa sa kanya. Ang cute-cute niya talaga!
Nang makaupo ako sa kanyang tabi ay may kinuha siyang isang regalo mula sa ilalim ng Christmas tree. Ang regalong iyon ay binalot ng isang maliit na special paper bag.
“Ito ang regalo ko para sa asawa ko, Santa. Hindi ko sa kanya maibibigay ngayong Pasko kaya pakibigay mo na lang sa kanya.” wika niya habang ipinapakita ang regalong para sa akin.
Aabutin ko na sana iyon mula sa kanya nang bawiin niya itong muli at inilayo sa aking mga kamay.
“Sandali,” una niyang sambit. “Gusto mo bang ipakita ko muna sa ’yo? Tapos, sabihin mo sa akin kung magugustuhan ba ito ng asawa ko? Medyo kinakabahan kasi ako, eh. Hindi kasi ako nakapagtanong sa iba kaya ikaw na lang ang tatanungin ko.” sunod niya pang kautusan.
Gusto ko sanang ako ang personal na magbubukas ng regalong iyon, pero dahil sa ito ang gusto ni Tom ay sinang-ayunan ko na lamang iyon.
“Ho! Ho! Ho! Sige nga, ipakita mo nga?” pang-e-engganyo ko sa kanya.
Nang sabihin ko iyon ay ngumiti siya. Kasunod nito ay dahan-dahan niyang tinanggal ang ribbon na nasa taas ng paper bag na iyon. Siniguro niya rin na magiging maingat siya sa pagtanggal ng laman no’n.
Nang mailabas niya ang laman ng paper bag ay nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Isa itong box na mas malaki lang ang size kumpara sa box ng singsing. Hindi lang iyon, pamilyar na pamilyar din ang box na iyon.
Inilapit sa akin ni Tom ang box na iyon at inihanda na niya sa aking ipakita ang laman nito.
“Heto, Santa. Ito ang regalo ko sa asawa ko. Sabihin mo ang opinyon mo, ha? Kung maganda ba? Kung magugustuhan niya ba?” sunod-sunod niyang pakisuyo.
“Ho! Ho! Ho! Sige, Tom, patingin nga?” utos ko rin pabalik sa kanya.
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Kasunod nito ay ibinaling na niya sa box ang kanyang mga mata.
Dahan-dahan si Tom sa pagbukas ng box na iyon. At nang masilayan ko ang laman nito ay literal na nanlaki ang mga mata ko.
“Ito ang regalo ko sa asawa ko, Santa. White gold na bracelet na alam kong bagay sa kanya. May naka-engrave din diyan na pangalan ko. Mayroon na kasi kaming singsing na dalawa, eh. Isa noong magboyfriend pa lang kami, at isa naman noong ikinasal kami. Kaya heto, naisip kong bracelet naman ang ibibigay ko sa kanya ngayon.” pagbabalita sa akin ni Tom habang ipinapakita ang bracelet na iyon.

Hindi ako nakaimik dahil sa pagkamangha. Hindi ko inaasahan ito. Ang regalo ng asawa ko para sa akin ay kapareho rin ng regalo ko sa kanya na ngayon ay nasa bulsa ng pantalon ng Santa costume ko. At kapareho ng naisip niya, naka-engrave din ang pangalan ko sa bracelet na ibibigay ko sa kanya.
Ngayon ay naiintindihan ko na. Kaya pala abalang-abala siya noong minsan ko siyang naabutan na gumagamit ng computer sa office namin ilang buwan na rin ang nakakalipas. Tinanong ko siya noon kung anong ginagawa niya pero sinabi niyang wala.
Hindi magaling magsinungaling si Tom kaya napansin kong may itinatago siya sa akin noong mga oras na iyon. Kaya noong makalabas siya sa kanyang opisina ay tiningnan ko ang history ng computer niya. At doon ko nakitang tumitingin siya ng mga design ng bracelet sa on line shops na pinupuntahan niya. Nakita ko rin ang history kung paano siya nag-inquire sa isang shop at napansin kong interesado siya sa disenyong ito.
Ang iniisip ko ay gusto niyang magkaroon ng bracelet na iyon kaya agad ko rin iyong hinanap. Nagkataon din na sa US matatagpuan ang shop na pinagbilhan niya kaya doon ko na rin binili iyon pagkarating ko pa lang sa US.
“Maganda ba, Santa?” tanong ni Tom sa akin.
Hindi pa rin ako makaimik dahil sa pagkamangha. Ang tanging naisagot ko lamang sa kanya ay ang marahang pagtango habang nakatingin sa kanyang mga mata.
“Talaga?! Kung gano’n, pakibigay mo na lang ito sa kanya! Ingatan mo, ha? ’Wag mong iwawala!” masaya niya nang utos sa akin ngayon.
Tumango akong muli nang dahan-dahan bilang pagsagot sa kanya.
Matapos iyon ay isinara na niyang muling ang box at maingat na ibinalik sa paper bag.
Habang abala si Tom sa pagbabalik ng ribbon sa paper bag ng regalo niya para sa akin ay napansin ko ang pagbaba ng isang tao mula sa aming hagdan. Natagpuan ko ang bayaw kong si Julius na pababa mula roon. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa ito dinadalaw ng antok kaya bumaba muna ito.
Nang makita niya ako ay napahinto siya at nanlaki ang mga mata nito.
“K-kuya???” mahina niyang pagtawag sa akin.
“Ssshhh….” senyas ko naman sa kanya habang ang isa kong hintuturo ay nasa aking nguso.
Nangunot naman ang noo niya dahil sa pagtataka. Kasunod nito ay pinagmasdan niya ang kanyang Kuya Tom na nasa aking tabi at abala pa rin sa pagri-ribbon ng aking regalo.
Nang maiproseso na ng isip ni Julius ang mga nangyayari ay ngumiti ito sa akin bago tumango. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad at diretso na ring nagtungo sa kusina namin dito.
Mabuti pa ang bayaw ko ay nakilala agad ako. E, kamusta naman ang asawa ko? Kanina ko pa siya kasama pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakahalata na ako ito!
“Ayan! Maayos na ulit ang regalo ko!” sambit ni Tom makalipas ang ilang minuto habang iniaangat ang regalo.
Matapos iyon ay maingat niya rin iyong ibinigay sa akin.
“Salamat, Santa, ha? Alam ko namang hindi mo siya makakausap ’pag hinatid mo na ’yan sa kanya. Sa chimney ka naman kasi dadaan, ’di ba? O, kaya sa bintana niya?” tanong niya.
“O-oo, Tom. Tama ka. Ho! Ho! Ho!” pagpapanggap ko pa rin bilang Santa.
“Pero kung sakaling mahuli ka niya katulad ng nangyari sa atin ngayon, pwede bang sabihin mo sa kanyang miss na miss ko na siya? Miss na miss na namin siya ng mga bata. Saka ang pinakaimportante, pakisabi mo namang Merry Christmas!” sunod-sunod niyang pakiusap.
“Sige, Tom! Makakaasa ka! Ho! Ho! Ho!” sagot ko naman sa kanya.
Matapos kong sumagot sa kanya ay naligaw ang mga mata niya sa Christmas tree na nasa aming tabi.
“Ay, teka lang, Santa! May nakalimutan pa pala ako!” biglang sambit ni Tom.
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil mabilis din siyang tumayo at nagtungo sa Christmas tree na nakatayo. May kinukuha siya roon at hindi ko napansin kung ano iyon dahil nakatalikod siya sa aking pwesto.
“Baka kasi hindi mo siya makilala, Santa. Kaya heto, tingnan mo ang mukha ng asawa ko. Sa kanya mo ibigay ang regalo ko.” nakangiti niyang utos nang makaharap siya sa aking pwesto at iniabot ang maliit na frame na nakasabit kanina sa Cristmas tree.
Kinuha ko iyon mula sa kanya at doon ko nakitang picture pala namin ang kinuha niya. Napangiti pa ako dahil sa labis na kilig habang pinagmamasdan ang picture naming dalawa. Nakatingin kasi ako sa camera habang si Tom naman ay nakatagilid ang pwesto at nakahalik sa pisngi ko.
“Ang gwapo niya, ’no?! Ang gwapo-gwapo ng asawa ko!” wika ni Tom habang nakatayo siya sa aking tapat.
“Sobra!! Sobrang gwapo niya!! Ho! Ho! Ho!” mas malakas kong pagsang-ayon sa kanya.
Anong magagawa ko? E, gwapo naman talaga ako.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tom. Nakatutok lang kasi ang aking mga mata sa larawan naming dalawa.
“Pero ’wag mo nang sasabihin sa kanya na gwapo siya, Santa, ha? Mabilis kasing lumaki ang ulo ng asawa ko. Lagi siyang bilib na bilib sa sarili niya. Ibig kong sabihin, gwapo naman talaga kasi siya. Kaso lang, masyado na siyang kinakain ng sistema ng pagkagwapo niya. Natatakot akong baka pumutok na lang bigla ang ulo niya sa sobrang laki ’pag lumobo pa!” mahabang pagbabalita ni Tom at saka siya tumawa.
Mabilis na nawala ang pagkakangiti ko dahil sa narinig ko. Nakakaloko pa naman ang tawa niyang napapakinggan ko.
Okay na sana, eh. May kung ano-ano pa siyang sinabi! Pasalamat lang talaga siya at mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kayang makipagtalo!
Makalipas ang ilang segundong pagtawa ni Tom ay kumalma na rin ito. Nasa tapat ko pa rin siya at nakatayo hanggang sa magsalita muli ito.
“’Wag mo na sa kanyang sasabihin na gwapo siya, Santa…” wika niyang muli at bahagyang naging malungkot ang kanyang tono. “Pero, nakikiusap ako sa ’yo… Pakisabi mo naman sa asawa ko na mahal na mahal ko siya…” pahabol pa nito at mas naging malungkot na rin ang tono nito.
Natigilan ako. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa akin ni Tom.
Dahil sa narinig ko mula sa kanya ay dahan-dahan kong inangat ang aking mukha para tingalain siya. At nang magtagpo ang aming mga mata ay nakaramdam ako ng panghihina.
Natagpuan ko si Tom na nakangiti, pero sa kabila ng ngiti niyang iyon ay nasaksihan ko ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
“Miss na miss ko na ang asawa ko, Santa… H-hindi mo lang alam kung gaano na ako nag-aalala simula pa kahapon dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko… Natatakot ako… Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda kaya paulit-ulit na lang akong nagdadasal… Na sana… sana, ligtas siya… Na sana, hindi niya napapabayaan ang sarili niya… Na sana, makauwi na siya para makasama na namin siya… Miss na miss ko na talaga siya… Sobra-sobra…” mahabang paglalahad ni Tom sa pagitan ng pag-iyak niya.
Dito na ako tuluyang bumigay. Sa lahat ng ayaw kong mangyari ay ang makita kong umiiyak si Tom. Ito ang kahinaan ko, ang nakikita siyang malungkot at umiiyak lalo na sa harap ko.
Hindi ko na kaya pang tagalan ang pagpapanggap ko. Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang lahat at nagpapanggap lang ako.
Na naririto na ako. Na hindi na siya dapat pang malungkot at mag-alala dahil nakabalik na ako.
Mabilis akong tumayo para yakapin ang asawa ko.
Pero….
“Aray!!” pagdaing ko dahil sa naipit ng katawan ko ang braso ko. Natagpuan ko na lamang din ang aking sarili na nakahiga sa sofa na kanina lang ay inuupuan ko.
Hindi ako makapaniwala!!
Itinulak ako ng asawa ko!!!
At ang lakas!!
“Ang kulit mo naman, Santa, eh! Sinabi nang hindi mo ako pwedeng yakapin dahil magseselos ang asawa ko! Bakit ba ang kulit mo?!” sumbat sa akin ni Tom matapos niya akong itulak noong muntik ko siyang yakapin. Pinagagalitan niya ako kahit pa patuloy ang kanyang pag-iyak.
Dito na lalong nabuo ang desisyon kong magpakilala kay Tom. Mabilis akong tumayong muli sa kanyang tapat at tinanggal ang suot ko na sumbrero at balbas ni Santa Claus.
“Master, ako ’to!! Nagbalik na ako!!” halos pasigaw ko nang pagpapakilala sa kanya habang tinuturo ko ang sarili ko.
Natigilan si Tom. Maging ang kanyang pag-iyak ay napahinto. At kung titingnan mo siya ngayon ay para siyang nakakita ng multo. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako simula ulo hanggang paa ko.
“Sorry kung hindi agad ako nagpakilala sa ’yo!! Akala ko kasi, makikila mo agad ako!! Pero dahil gusto kitang mapasaya, ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap bilang Santa!!” sunod-sunod kong pagbubunyag sa kanya dahil hindi siya nakapagsalita.
Nasaksihan ko kung paano niya naiangat ang dalawa niyang palad para itakip sa bibig niya dahil sa labis na pagkabigla.
“H-hindi ito totoo… I-ikaw si Santa… ’Wag mo akong linlangin… H-hindi ikaw si Xander… Hindi ikaw ang asawa ko…” nauutal niyang pagsasalita habang marahang umiiling. Para tuloy siyang nasa isang palikula.
Naihilamos ko na lang ang aking mga palad sa aking mukha.
“Master, naman!! Ako nga ito!! Tingnan mo!! Tingnan mo ang mukha ko!! Ako nga ito!! Bumalik ako para magkasama tayo ngayong Pasko!! Pinilit kong makahabol sa Noche Buena pero nahuli pa rin ako!!” sunod ko pang paliwanag sa kanya habang tinuturo ko ang aking mukha.
Matapos kong isigaw iyon ay nanatili siya sa kanyang posisyon. Nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata at tila hindi pa rin siya kumbinsidong hindi talaga ako si Santa.
“Ayaw mong maniwala?!” may kalakasan kong tanong sa kanya. Kasunod nito ay kinuha ko ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa bibig niya at pwersahan iyong inilagay sa aking mukha. “Ayan, para mapatunayan ko sa ’yo! Ako ito, Master!! Si Xander!! Ako ang nag-iisang gwapong asawa mo!!” halos pasigaw ko nang pagpapakilala habang hawak ang kamay niya na nasa aking mukha.
Kung kanina ay nanlalaki lang ang mga mata niya, ngayon ay naibuka na niya ang bibig niya dahil sa labis na pagkabigla.
Mukhang tagumpay na ako! Mukhang nakilala na talaga ako ng asawa ko dahil hawak na niya sa wakas ang mukha ko!
“Grabe… A-ang galing… Akala ko, namimigay ka lang ng regalo, Santa… Pero kaya mo rin palang manggaya ng mukha..?” nauutal niyang reaksyon dahil sa pagkamangha makalipas ang mahabang minutong pagkakatitig niya sa aking mukha.
Nanghihina akong nabitiwan ang kamay niya na nasa aking mukha. Kasunod nito ay nasabunutan ko na ang aking sarili at nagpaikot-ikot ako sa aking kinatatayuan dahil sa naganap.
“Pambihira naman, Master! Ano bang gusto mong gawin ko para lang maniwala kang ako ito?! Ako nga ito! Si Xander! Ang lalaking pinakasalan mo!! Bakit ba ayaw mong maniwala?!” halos pasigaw ko nang pakikipag-usap.
Frustrated na ako! Paano ko ba siya makukumbinsi?! Masyado siyang naniwala na ako talaga si Santa Claus!
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nanatili na lamang akong nakatingin sa asawa ko.
Makalipas ang ilang segundong katahimikan naming dalawa ay nasaksihan ko kung paano unti-unting ngumiti si Tom kahit pa may mga luha siya. Humakbang din ito palapit sa akin at inangat niya ang isa niyang kamay para tusukin ang aking kili-kili.
“Ayyieee~ Siguro naaawa ka lang sa akin, Santa, ’no? Kasi umiiyak ako at alam mong nami-miss ko ang asawa ko. Kaya ang ginawa mo, para hindi na ako malungkot, ginaya mo na lang ang mukha ng asawa ko. Mahusay ka, Santa. Pero ang mismong asawa ko pa rin ang gusto kong makita ngayon at makasama.” wika niyang may nakakalokong ngiti habang patuloy sa pagpindot-pindot sa aking kili-kili.
Gusto ko na talagang magmura!! Tang*nang sofa talaga!!
“Hindi na ako natutuwa, Tom.” seryoso ko nang pagkausap sa kanya habang nanlilisik ang aking mga mata.
Dahil doon ay natigilan siya sa pagkiliting ginagawa sa akin. Nawala na rin ang kanyang pagkakangiti at bakas na sa kanya ngayon ang pag-aalala dahil sa aking sinabi.
“Matatanggap ko pa kung hindi mo agad ako nakilala. Pero ang tulad nito na kitang-kita mo na ang mukha ko pero ayaw mo pa rin akong paniwalaan, parang hindi na nakakatuwa sa parte ko.” madiin ko nang pagsasalita.
Hindi pa rin siya nakaimik kaya nagpatuloy pa ako. Ngunit sa pagpapatuloy kong iyon ay bahagya nang naging malungkot ang ekspresyon ko.
“Ito ba ang isasalubong mo sa akin ngayong Pasko? Pinilit kong makauwi para lang makasama ka, kayo ng mga anak natin. Dahil parang hindi kaya ng konsensya ko na hindi kayo makasama sa okasyong ito. Tapos ito pa ang aabutan ko? Ang hindi ako makilala ng sariling asawa ko dahil lang sa costume na ’to?” may panunumbat ko nang pagtatanong habang tinuturo ang kasuotan ko.
Mukhang ngayon lang natauhan si Tom dahil gumuhit na ang pagkabigla sa kanya. Pero tulad kanina ay nanatili lang itong nakatingin nang diretso sa aking mga mata.
“Hindi ka pa rin kumbinsido, Master?” tanong ko sa kanya.
Hindi pa rin siya nakasagot. At dahil sa tuluyan na akong binalot ng pagkadismaya at lungkot ay marahan akong kumilos para kunin ang regalo ko na para sa kanya mula sa aking bulsa.
“Sige. Para matapos na rin ito,” una kong sambit at inilabas ang box ng bracelet na regalo ko para sa kanya ngayong Pasko. “Ayan, Master. Regalo ko ’yan sa ’yo. Kahit na ganito ang nangyari sa atin, umaasa pa rin akong isusuot mo ito.” sunod kong pagsasalita matapos kong buksan ang box at sapilitang inilagay iyon sa kanyang kamay.
Nasaksihan ko ang paglaki ng kanyang mga mata habang nakatingin sa bracelet na kapareho ng ibinigay niya sa akin.
Habang abala siya sa pagtingin sa regalong ibinigay ko ay umatras ako nang bahagya saka ako nagpatuloy sa pagsasalita.
“Hindi ka pa rin naniniwala?” tanong kong muli kaya bumalik din siya sa pagkakatitig sa akin.
Habang magkatapat kami ay mabilis at marahas kong hinubad ang aking Santa costume sa mismong harap niya. Magmula sa pang-itaas hanggang sa pantalon at boots na aking suot ay hinubad ko iyon. Ang tanging itinira ko na lamang ay ang boxer shorts na binili niya sa akin noong nagpunta kami sa mall.
Doon na siya tuluyang nabigla nang mapatitig siya sa boxer shorts ko na puro sunflower pa ang nakaimprenta.
Matapos ang ilang segundong pagkakatitig sa aking harapan, este, sa aking boxer shorts ay muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa mga mata ko.
“M-master..?” nauutal niyang pagtawag sa akin.
Sa wakas! Sa wakas ay nakilala na rin niya ako! Dapat ko bang ipagpasalamat sa boxer shorts ko ito?!
“Ako nga, Master. Ako nga ang asawa mo. Merry Christmas, ha?” may pagkasarkastiko kong panimula. “Pero kahit ganito ang nangyari, gusto kong malaman mo na mahal pa rin kita. Hindi ’yon nabawasan. Mahal na mahal pa rin kita.” pahabol ko naman pagsasabi ng totoo.
Wala, eh! Kahit na nalulungkot ako, mahal na mahal ko pa rin ang asawa ko.
Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay dinampot ko na rin ang Santa costume na nasa sa sahig at kaninang suot ko. Hindi na rin ako nagsalita pa. Kasunod nito ay dahan-dahan akong humakbang para lampasan siya.
Wala na, tuluyan na akong nadismaya. Nakakalungkot dahil ito pa ang nangyari ngayong Pasko sa aming dalawa.
May ilang hakbang na rin ang aking nagawa palayo sa kanya nang matigilan ako. Naramdaman ko na lamang din ang mga brasong ngayon ay nakapalibot sa bewang ko.
“M-master… sorry na… Sorry kung hindi agad ako naniwala… Sorry kung hindi agad kita nakilala… Sorry kung nagalit ka… Maniwala ka… hindi ko sinasadya…” malungkot na saad ni Tom habang nakayakap sa aking bewang. Kasunod nito ay narinig kong muli ang kanyang impit na pag-iyak.
Ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita. Sa kabila ng nangyari ay hindi ko pa rin matiis ang aking asawa. Ayaw ko siyang nakikitang malungkot. Higit sa lahat ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak.
“K-kasalanan ko, Master… Sorry na… Patawarin mo na ako… Ako dapat ang unang makakakilala sa ’yo dahil ako ang asawa mo… Pero dahil sa paniniwalang nakilala ko na sa wakas si Santa, hindi ko sinasadyang masaktan ka… ’Wag ka nang magalit… Promise, hindi na mauulit…” wika niya pa rin sa pagitan ng kanyang pag-iyak.
Napapikit na lamang ako. Tuluyan na rin akong bumigay dahil sa narinig kong pag-iyak ng asawa ko.
Dahan-dahan ay inangat ko ang aking dalawang kamay para hawakan ang kanyang mga brasong nasa bewang ko. Hinaplos ko ang mga ito at pinaramdam kong wala na siyang dapat pang ipag-alala at napatawad ko na ito.
Makalipas ang ilang mga paghaplos ay dahan-dahan ko namang pinaluwag ang pagkakayakap niya sa bewang ko para magkaharap kaming pareho. Ibinalik ko rin naman ang mga braso niyang iyon sa aking bewang nang tuluyan akong makaharap sa kanya.
Nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata na patuloy na lumuluha. Pinunasan ko ang mga luha niyang iyon sa pamamagitan ng aking mga palad.
“Tahan na, Master… ’Wag ka nang umiyak… Sorry rin kung naging OA ako… Nalungkot lang kasi talaga ako… Pero ’wag ka nang mag-alala, hindi naman ako galit sa ’yo… Alam mo namang himdi kita matitiis, ’di ba..?” wika kong may tipid na ngiti sa kanya.
“S-sorry… Sorry, Master…” muli niya pang paghingi ng tawad.
Sa halip na makipagtalo pa akong muli ay iginaya ko na lamang ang kanyang mga kamay para ipalibot sa leeg ko. Kilala ko na siya, hindi siya titigil sa paghingi ng tawad hangga’t hindi ko napapatunayang maayos na kaming dalawa.
“Grabe! Na-miss ko ang asawa ko! Miss na miss kita, Master ko!” wika ko habang mahigpit ang yakap ko sa kanyang katawan.
Sa wakas ay mukhang nakumbinsi ko na siya. Naramdaman ko ang mahigpit niya ring pagtugon sa aking yakap at narinig ko na rin ang mahina niyang pagtawa.
“Ako rin, Master… Miss na miss na miss kita… Akala ko, hindi ka namin makakasama ngayong Pasko… Ang saya ko dahil nandito ka… Sobrang saya ko!” sagot niya rin at alam kong nakangiti na siya sa mga oras na ito.
Sinulit namin ni Tom ang mga araw na hindi namin nayakap ang isa’t isa. Parang isinasayaw ko na siya habang nakakulong siya sa aking bisig at parang ayaw ko nang bitiwan pa siya.
“Merry Christmas, Master…” pagbati niya sa akin ngayong Pasko.
“Merry Christmas din, Master…” sagot ko rin pabalik sa kanya. Kasunod nito ay hinalikan ko nang paulit-ulit ang leeg niyang napakabango.
Wala, eh! Na-miss ko ang paglalambing ko sa kanya tulad nito. Na-miss ko ang pagtawa niya na naging musika na sa pandinig ko.
“Tama na, Master! Nakikiliti ako!” pag-awat niya sa akin dahil sa patuloy kong paghalik sa kanyang leeg.
“Ang bango talaga ng asawa ko! Hhhmm!! Amoy baby!!” wika ko pa at kinagat-kagat ko na rin nang marahan ang leeg niya dahil sa labis na panggigigil.
“Tama na!! Nakikiliti ako, Master!! Hindi na ako makahinga!!” reklamo niyang tumatawa.
Doon lamang ako tumitigil sa tuwing kinikiliti ko siya, tuwing sinasabi niyang hindi na siya makahinga.
Matapos ang senaryong iyon ay hindi pa rin kami nagbitiw sa pagkakayakap ni Tom. Hinayaan ko muna siyang makabawi ng hangin sa katawan mula sa aking pagkiliti. Ang nagawa ko na lamang ay titigan ang maganda niyang mukha na parang anghel at bumaba mula sa langit.
“Okay ka na?” tanong kong nakangiti sa kanya.
“Mmmm!!” sagot niya ring tumatango sa akin habang nakangiti.
Nanatili lang kaming magkalapit at nakatingin sa mata ng isa’t isa.
“Na-miss talaga kita, Master.” wika ko habang nakatingin sa kanya nang tuwid.
“Ako rin. Sobrang na-miss din kita, Master.” sagot niya ring malambing.
Hinalikan ko ang dalawa niyang pisngi dahil nakita kong may bakas pa iyon ng kanyang mga luha mula sa pag-iyak niya kanina.
“Sorry kung hindi ako nakaabot sa Noche Buena. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi pa rin kinaya, eh.” paliwanag ko na ngayon sa kanya.
Umiling naman siya nang marahan bilang pagtutol sa aking sinabi.
“Okay lang ’yon, Master. Pasko pa rin naman, eh. Bisperas lang tayo hindi nagkasama. Saka ang importante, nandito ka na. Mas mahalaga na ligtas kang nakauwi at makakasama ka na namin ulit nina baby Drey at baby Carla.” sagot niya sa aking sinabi.
Dahil sa tuwa ay hinalikan ko naman siya ngayon sa ilong.
“Ang swerte ko talaga sa asawa ko! Mabait na, cute pa!” papuri ko sa kanya.
Natawa siya nang bahagya.
“Swerte rin kaya ako sa asawa ko! Masipag na, ulira pang ama!” pagmamalaki niya rin sa akin.
Teka, bakit walang salitang gwapo? Samantalang kanina ang sabi niya, ang gwapo-gwapo ko!
’Di bale na nga! Ang importante ay kasama ko na siya ulit ngayon! Saka marami pa namang next time para masabi niya ’yon! Ako pa ba? Si Alexander Alvarez pa ba? Deym!
“Tara na, Master. Matulog na tayo. Alam ko namang pagod ka rin sa mahabang biyahe mo. Saka baka ’pag nagising si baby Drey, hindi ka na niyan makatulog? Sigurado naman akong kukulitin ka na naman no’n! Ilang araw ka rin niyang hinanap sa amin. Kung hindi pa kayo makakapagvideo call, hindi rin siya matatahimik.” pagyaya sa aking natatawa ni Tom makalipas ang ilang sandali.
Hindi ko naiwasang matawa dahil doon. Naalala ko kung paano kami mag-usap ni baby Drey kahit na wala siyang ibang sinabi kundi puro Daddy tuwing magkausap kami sa video call.
“Pa-kiss muna sa asawa ko!!” request kong bigla habang nakanguso ako.
Si Tom naman ang natawa ngayon. Pero makalipas ang ilang sandali ay mabilis siyang kumilos hanggang sa magdampi ang aming mga labi.
“Ang bilis naman?!” reklamo ko dahil naging napakabilis ng ginawa niyang paghalik.
Namula naman ang kanyang magkabilang pisngi habang may suot siyang alanganing ngiti.
Ito ang isa sa mas minahal ko kay Tom. Walang pagbabago sa kanya. Namumula pa rin siya tuwing nilalambing ko siya, tanda na hanggang ngayon ay napapakilig ko pa rin siya.
“Ehh… Ikaw na kasi ang humalik…” nahihiya niyang utos at hindi na sa akin makatingin nang tuwid.
Grabe! Ang cute niya talaga! Nakakagigil!
Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko na sinayang ang pagkakataong mahalikan muli ang aking asawa.
Dahan-dahan ay hinawakan ko ang kanyang baba upang maibalik niya sa akin ang kanyang paningin. At nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata ay nagbitiw ako ng matamis na ngiti sa kanya.
“Merry Christmas, Master. Mahal na mahal kita. Walang nagbago roon. Sa bawat taon na magkasama tayo, mas lalo pa akong nahuhulog sa ’yo.” malambing kong pagbibigay mensahe sa kanya.
Nagliliwanag ang mga mata ni Tom at gumuhit din ang magandang ngiti niya.
“Merry Christmas din, Master. Mas mahal kita. At sa bawat taon na lumilipas, mas lalo pa kitang minamahal. Lagi mong tatandaan na mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita.” malambing niya ring sagot sa akin.
Matapos ang pagpapalitan ng aming pagbati ay kusa na lamang kaming gumalaw upang lalo pang magkalapit. Kasunod nito ay ang aming pagpikit, at ang pinakahuli ay ang mga labi naming ngayon ay magkadikit.
Gaya nga ng sinabi ko kanina, walang nagbago sa aming dalawa. Sa tuwing nagpapalitan kami ng halik ay ramdam pa rin namin ang nag-uumapaw naming pagmamahal sa isa’t isa. Hindi nagbabago iyon sa paglipas ng mga taon.
Ilang segundo rin naming pinagsaluhan ni Tom ang aming matamis na halik. At nang maghiwalay ang aming mga labi ay suot pa rin namin ang aming mga ngiti.
“I love you…” bulong ko sa kanya habang magkadikit ang noo naming dalawa.
“I love you more…” bulong niya ring sagot sa akin.
Isang mabilis na halik pa sa kanyang labi ang naging pahabol ko bago kami tuluyang magbitiw sa yakap namin.
“Tara na, Master! Matulog na tayo! Ilipat na lang din natin si baby Drey sa kama para magkakatabi tayong matulog na pamilya! Nami-miss ko na rin katabi ang mga anak ko!” pagyaya ko sa kanya habang hawak ang isang kamay niya.
“Teka, teka!” biglang niyang pagpigil sa akin. “Hindi ka ba nilalamig? Boxer shorts lang ang suot mo, Master! Suotin mo ulit ang mga ’to!” sunod niya pang utos habang dinadampot ang Santa costume na nasa sahig na ngayon dahil binitiwan ko ito.
Agad ko namang inagaw iyon mula sa kanya at itinapon muli sa sahig.
“’Wag na, Master! Okay na akong lamigin kesa naman isuot ko ulit ang mga ’yan tapos makalimutan mo namang asawa mo ako!” may kalakasan ko nang pagtutol sa kanya.
Sinagot niya naman ako ng alanganing pagtawa habang nagkakamot ng batok niya. Hindi na rin siya kumontra pa at nagpatuloy na rin kami sa paglalakad patungo sa kwarto naming dalawa.
Hindi man kami nagkasama ngayong taon sa Noche Buena, mas mahalaga pa rin na sa bawat araw ay kasama ko sila. Pwede naman naming ipagdiwang ang kapaskuhan kahit araw-araw pa.
Isa pa, naniniwala akong hindi Noche Buena ang pinakamahalaga tuwing sasapit ang kapaskuhan. Marami ang nagdiriwang na walang nagaganap na handaan.
Sa tingin ko, ang pinakamagandang bahagi sa okasyong ito ay ang nakakasama mo ang pamilya mo. Na buo kayo at nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa buhay ninyo.
A/N
Yey! Finally, nasundan din ng special chapter ang mga Master!
Sana po ay natuwa kayo rito! Merry Christmas po ulit sa inyo! Hanggang sa muli!
–– cold_deee❤

