TBM 2: Chasing Shadows (BXB, PAUSED)
deuceiv · 31 chapters · 96,669 words
CHASING SHADOWS
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING.
MWAPS
.
BLURB
Matapos ang ilang taong pagkukunwari bilang si ‘Ryleigh Agustin’ sa internet, si Rhysand din ang napagod.
Oo, masayang sa kanya lamang ang atensyon ni Keegan at masarap sa pakiramdam ang malamang mahal siya nito. But at the same time, he wanted to ask for more although things will be more complicated.
Every revelation comes with a price, after all.
Alam niya sa sariling hindi siya kayang mahalin ni Keegan dahil ‘kapatid’ ang turing sa kanya ng binata at alam niya rin kung ano ang kahihinatnan niya sa oras na umamin siya.
But Rhysand wanted to hope that he’ll stand a chance… Kahit hindi siya sigurado kung kahit anino ba ni Keegan, kaya niyang abutin.
THE BEST MISTAKE: BOOK 2
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.
Simula
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
SIMULA
WHEN RHYSAND WAS given a chance to fight for his love, he didn’t waste any time to sway Keegan’s heart. In all of that three months, he acted as the ‘best’ version of himself and stayed true to him— although, he expects that he’ll never be able to rebuild his relationship with Keegan. He won’t trust Rhysand anymore but still… He gripped onto a thin sliver of hope that things will work out.
Bumuntong hininga si Rhysand habang pinagmamasdan ang skrin ng cellphone niya. Nakasampung text message na yata siya kay Keegan at limang chat sa account nito na susunduin niya ito nang makakain sila sa labas pero naka-delivered lang ang mensahe niya. Sa inbox naman niya, walang reply. Magmula noong araw na malaman nitong siya ang tao sa likod ng katauhan ni ‘Ryleigh’, nanlamig si Keegan.
Hindi niya masasabing nagbago dahil ito ang inaasahan niyang ganito ang pagtratong matatanggap niya sa pagbabalik niya. But still, he’s trying his best. May tatlong buwan siya at kahit na madalang, nasusuyo naman niya si Keegan. Nakikita naman niya ang binata dahil pumapayag ito o hindi kaya’y ko-corner-in niya para magtagpo ang mga landas nila.
Rhysand even came to a point that he memorized Keegan’s schedule so he’d be able to set him up.
Alam na nga nina Renzo na bumalik na siya sa Pampanga kahahabol niya kay Keegan, e. Nalaman din nitong alam na ni Keegan ang totoo at ang tanging sinabi lamang nito ay…
“Sinabihan kita noon, Rhysand. Walang mangyayari kahit na anong tago mo. ‘Di ka magugustuhan ni Keegan.”
He received a lot of nagging from Renzo. Pinaka-focus nito ay hindi raw siya magugustuhan dahil pareho silang lalaki. It seems like Renzo’s unaware that Keegan used to like his college professor and actually… Loved ‘Mark’ too . Ang isang tama lang sa sinabi ni Renzo ay hinding-hindi siya lilingunin ni Keegan dahil kapatid ang turing sa kanya ng binata.
Muli siyang bumuntong hininga at nagpahalumbaba. Hindi na siya makapag-focus sa pagri-record ng mga quiz at activities ng mga estudyante niya dahil hinihintay niya ang reply ni Keegan na siguro… Hindi na darating.
“What’s with the long face, Sir?”
Natigilan si Rhysand noong marinig ang isa sa mga teacher sa bagong eskwelahan na pinapasukan niya. It’s one of those professional teachers who has a lot more experience and knowledge to impart— and fortunately, Rhysand grew close with her. Katabing table niya rin ito. Noong lumipat siya rito, ito ang pinaka nagga-guide sa kanya at madalas niyang makausap.
Aaron Gonzales .
He trusts him since he’s been treated well. Para siyang may isa pang nakatatandang kapatid bukod kay Keegan na… Nagustuhan niya kalaunan. Even so, Rhysand couldn’t tell him that he has a boyfriend. Ang alam nito, babae ang jowa ni Rhysand.
“Hindi ka na naman ba niri-reply-an ng girlfriend mo?” nakangiting tanong nito ngunit may bahid ng pag-aalala sa boses nito. “Nabanggit mo na in bad terms kayo noong bumalik ka rito. Ayos lang ba kayo?”
Rhysand sweat dropped and his eyes widened a bit. No, they’re not fine. Siya na lang ang nagbubuhat sa relasyon nila ni Keegan. Wala na itong pakialam sa kanya mula noong lumabas ang totoo. Ni hindi na siya nito matignan nang diretso t’wing magkikita silang dalawa at mabilis uminit ang ulo nito t’wing siya ang kaharap. They’re not fine… They’re already in the verge of breaking up and no matter how much he fights for love, he already knows where all of this will lead him.
Dahil malalim ang iniisip niya, hindi niya napansin na mataman na pala siyang pinanonood ni Sir Aaron. He only noticed when he heard him clear his throat, and that was why he immediately sat up straight. Ibinalik niya ang mga mata kay Sir Aaron at pilit itong nginitian.
“We’re fine.” Isang malaking kasinungalingan na palagi niyang isinasagot kay Sir Aaron.
Noong makita niyang maningkit ang mga mata nito at tila ba hindi naniniwala sa sagot niya, awtomatiko siyang tumikhim at mas inayos ang itsura. Pati ang tono ng pananalita niya, inayos niya dahil naisip niyang ang pangit naman kung may mag-aalala pa sa kanya samantalang laban nila ni Keegan itong kinahaharap nila.
“Pasensya na, Sir. Mukhang nag-alala ka. But we’re really fine. Madalas lang talaga kaming mag-clash,” aniya.
Nagpahalumbaba si Sir Aaron at humimig. “Ah. Now that you’ve mentioned that, I suddenly remembered a certain someone.”
Rhysand blinked in confusion and tilted his head. But when Sir Aaron noticed how he looked like, the man chuckled and waved a hand as if he’s telling Rhysand to shrug off whatever he heard.
“It’ll be fine. Sigurado akong maaayos ninyo ang relasyon niyo. Ganyan talaga sa una, lalo na kung magkaiba kayo ng paniniwala at gusto,” Sir Aaron said rather fondly but at the same time, there seemed to be something in his words.
Dahil hindi ugali ni Rhysand na makiusyoso sa buhay ng iba, hindi na niya pinakaisip pa ang sinabi ni Sir Aaron. He maneuvers a different life, after all. Baka nagkataon lang na mayroon itong naalala dahil hindi niya masabing hindi talaga sila magkasundo ni Keegan ngayon.
Rhysand nodded slowly. “I hope so.”
But they didn’t.
Umuwing dismayado si Rhysand at hinanap si Keegan sa gym na madalas nitong pagtrabahuan. Sinabi ng security guard na umalis na raw si Keegan kasama ang kaibigan nito, so he assumed that he’s with Lyle. Ayaw naman niyang humabol dito o mag-set up na naman ng pekeng senaryo para makita ang binata. Kahit na… Iyon ang gustung-gusto niyang gawin.
Still, time’s ticking. It passes by quickly and for him, although it’s not yet the end of fhe world, he feels as though the world will soon end.
Humigop siya ng malalim na hininga’t pinaglandas ang mga daliri sa sariling buhok. He had a pained expression plastered on his face but he hid it with his hand. Though, he’s not sure if it’s effective. Siguradong mayroon pa ring nakakita sa kanya na tumigil sa gitna ng daan at malungkot.
“I want to see you, Keegan,” bulong niya sa sarili.
KAHIT ILANG BESES pumalya si Rhysand na makita at makasama si Keegan, hindi siya sumuko na habulin ito. Umaasa siyang kahit anino man lang sana nito, mahabol niya. Kahit hindi sapat, umaasa siyang kahit na kaunti’y malalapitan niya si Keegan.
Kasi paano siya mabibigyan ng tsansa ni Keegan kung ayaw siya nitong kausapin o kitain? Isang linggo na lang at matatapos na ang hiningi niyang oras kay Keegan pero ni minsan, hindi siya rito nagkaoportunidad na patunayan ang sarili.
Putang ina. Ngayon nagsi-sink in sa kanya na para siyang bata na malapit nang maabandona. Alam na niya kung anong mangyayari.
“Kee,” mahinang tawag niya sa binata na noo’y blangko ang mukhang hinihintay ang halo-halong binili nila. “Keegan.”
Sumagitsit ang binata. “Anong kailangan mo?”
Ngayong araw na ito, hinayaan siya ni Keegan na makita ito. Sabi niya, malapit nang matapos ang tatlong buwan na hiningi niya rito at kung pupwede ba silang magkita. Ngunit hindi na naman ito nag-reply. Nataon lamang talaga na nahabol niya si Keegan at napilit na sumama sa kanya kahit na inaway siya nito sa harap ng pinagtatrabahuan nito.
Keegan said things like ‘bakit ba ipinipilit mo pang makita ako?!’ at hindi naitago ni Rhysand ang pagbagsak ng mga balikat pati na rin paglandas ng lungkot sa mga mata niya nang marinig ang pangtataboy nito sa kanya.
He expected all of this and yet… It still hurts.
“Pwede ba tayong kumain do’n sa madalas nating tambayan noon? Sa second phase,” pag-uusisa niya.
Pupwede naman nilang lakarin iyong maliit na covered court na madalas nilang puntahan noon. Kung gusto naman nito, pwede rin silang mag-tricycle, siya ang magbabayad nang hindi ito gaanong gumastos. ‘Tsaka anong oras na. Sigurado si Rhysand na wala na gaanong estudyante roon.
“Hindi pwede,” sagot ni Keegan na ikinatigil niya.
Ipinilig niya ang ulo bago tumango. “Okay. Dito lang ba tayo kakain?”
“Kung pwede nga lang na ‘di tayo magkasamang kakain, iyon ang gagawin ko e.” Nilingon siya ni Keegan. Kunot ang noo nito at matalim ang tinging ibinato sa kanya. “Kailan mo nga ako titigilan, Rhysand?”
Napasinghap siya noong malamang mukhang ang inaabangan ni Keegan ay iyong pagtigil ng pagpaparamdam niya rito. Nag-isang linya ang mga labi niya at hindi siya kaagad na nakapagsalita. Ngunit sa bawat segundong lumilipas na wala siyang masabi, lalo lamang sumisimangot si Keegan.
“Wala akong pakialam kung masaktan ka. Gano’n din naman ang mangyayari kahit anong paikot mo ng mundo. ‘Di mo man lang naisip na ako ang niloloko mo samantalang pinagkatiwalaan kita? Iniwan mo ‘ko tapos babalik kang—” Tumigil si Keegan sa pananalita at napahilamos na lamang ng mukha. Hindi nagtagal, marahas itong bumuntong hininga. “Masaya ka bang napaglaruan mo ‘ko, Rhysand? Umamin ka nga.”
Pasimpleng hinawakan ni Rhysand ang dibdib para damdamin ang paninikip noon. His heart was slowly shattering into pieces again. Although this is what Keegan has been doing ever since he revealed himself. Humigop siya ng malalim na hininga at pagak na tumawa.
Alam niyang kahit sabihin niyang guilty siya, hindi siya pakikinggan ni Keegan. Rhysand tainted his own image and probably, Keegan views him as someone selfish and greedy.
But at the same time, he’s just someone who wanted to be loved by Keegan. He knows how big his fault was… He practically covered his entire existence by spouting lies. He is selfish… and greedy. Keegan’s right. He took the risk knowing that he’ll lose Keegan… Still, he tried.
Hindi siya nakuntento na maging kaibigan na lang at naghangad pa ng sobra. He’s… Stupid.
“I’m sorry,” was all that he could say.
Kumibot ang isang kilay ng binata. “Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, ‘yan lang ang maririnig ko? Kung sa bagay, at least ikaw nag-sorry. Putang ina, pero ‘di matutunaw ang sama ng loob ko sa ‘yo.”
Kung hindi lang siguro naibigay iyong halo-halo nilang dalawa ni Keegan, baka hindi ito tumigil sa pang-aaway sa kanya. But as he was about to invite Keegan to eat with him, the man left without uttering a single goodbye… And he’s left all alone.
Bumuntong hininga siya at pinasadahan ng tingin ang hawak na halo-halo. Medyo nagtagal ang tingin niya roon dahil nawalan din siya ng ganang kumain noong umalis si Keegan. And Rhysand eats a lot. He likes food. But…
Hindi nagtagal, napansin niyang nakatingin sa kanya iyong tindera kaya nginitian niya rin ito kahit pilit… Dahil mukha itong nag-aalala sa kanya.
No, they’re not fine and Rhysand’s not hoping for a plot twist or miracle to happen. Not anymore .
That was why when Keegan asked to see him on the day where the three month bargain was about to end, Rhysand didn’t really expect much. Ni hi o ho. Basta noong maramdaman lang ni Keegan na nakarating na siya sa tabi nito, malamig lamang ang tinging ibinato nito sa kanya.
The park where they went was near Keegan’s address or maybe farther, he can’t say because he doesn’t know where Keegan currently resides, apparently. He’s unfamiliar of the place where he was asked to go. Hinanap niya lang sa Google Maps kaya siya nakarating nang maayos. Fortunately, nothing bad happened and he didn’t get lost.
“Break na tayo.”
Iyon kaagad ang ibinungad sa kanya ni Keegan noong oras na makumpirma nitong malapit na siya rito. Malamig ang tinging ibinato sa kanya ng binata, maging ang pakikitungo nito, maihahalintulad sa malamig na simoy ng hangin.
At ano pa nga ba ang laban ni Rhysand? Wala.
Mapait siyang ngumiti. Hindi niya gustong lumayo rito. Kung siya lang, gusto niyang ipaglaban pa ang pagmamahal niya kay Keegan. Pero sigurado siyang mananawa sa kanya ang binata. Mas lalo lamang itong madidisgusto sa kanya. Mas lalo lamang lalayo hanggang sa hindi na niya ito makikita. At ayaw ni Rhysand iyon.
Kahit sa malayo lang… Gusto niyang patuloy na makita si Keegan. Kahit hindi madalas. Kahit aksidenteng makakasalubong lang sa daan o sa grocery, gusto niya itong makita kahit panandalian lang. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang lumayo sa taong sobra pala niyang minahal magmula noong bata siya. Iyong lalaking pinaniwalaan niya kahit na ang daming ibinatong pagsubok dito noon.
“Alright.” Ito na ang huling beses na makikita niya ang binata kaya gusto niyang sulitin habang nakatayo pa ito sa harap niya. “Thank you for tolerating me, Kuya Keegan.”
Rhysand kept on staring at Keegan and the other male also examined his face, as if he’s memorizing every inch of Rhysand’s appearance— but maybe, just maybe, it’s just him being delusional.
“Kung ibang tao ba ‘ko, kung ‘di mo ba ako naging kaibigan at kababata, magugustuhan mo ba ‘ko?” he asked randomly, which made Keegan’s eyebrow twitch.
Ngunit kahit na nagtanong siya, hindi siya pinansin ni Keegan. Umalis lang ito at hindi na siya binigyan pa ng sagot.
Maybe it was a ‘no’ , then. Mukhang kahit ano ngang gawin niya, wala talaga siyang pag-asa kay Keegan.
NOW RECALLING all of those memories, especially that one time when Keegan finally broke up with him and cut ties with him, it still hurts. His heart still ends up weeping knowing that he can’t be the man that Keegan would want. Mula noon hanggang ngayon, dismayado siyang hindi siya binigyan ng pagkakataon ng binata.
It has been two years already… He doesn’t know how he managed to cope up but he survived.
Kasalanan naman talaga niya na ganito sila ngayon ni Keegan at ayos lang. Matagal na rin naman iyong nangyari. Lumipas na rin ang dapat na ikalawang anibersaryo nila kaya tapos naging abala siya sa pag-a-adjust sa bagong eskwelahan. Marami ring nagbukas na pinto ng oportunidad sa kanya kaya hindi niya namalayang ang tagal na pala nilang hiwalay ni Keegan.
Natigilan si Rhysand sa pagbubuhat ng mga materials na gagamitin sa pagdidisenyo ng kwarto at magsisilbing ‘stage’ para sa mga grade 9 students na magpi-perform sa susunod na araw. There are nine sections who’ll compete apparently, and since Rhysand’s handling grade 9 students this time, it’s only natural that his classes will be participating in the competition.
Anyway, the reason he stopped was because Sir Aaron has been watching his every move intently. Ganito ito kapag una, aasarin siya— at pangalawa, kung mayroon itong napansin sa kanya.
“Sir Rhysand,” tawag nito sa kanya at kahit inaasahan niyang tatawagin din siya nito, natigilan pa rin siya.
Takang-taka niyang nilingon ang guro bago ipinilig ang ulo. “Bakit, Sir Aaron?”
Pakiramdam niya, mayroon siyang nailagay na kahon sa maling lugar dahil parang naghuhukay ng butas si Sir Aaron sa ulo niya habang mataman siya nitong pinanonood kanina.
Dahil ang tagal sumagot ni Sir Aaron, lihim nang kinakabahan si Rhysand. At noong mapansin nito ang pagkakuryoso’t nerbyos niya, mahina itong tumawa na tila ba pinaglalaruan siya. That was why he exhaled sharply after seeing the reaction from Aaron.
He sweat dropped. “Mayroon ba ‘kong nagawang mali?”
“Wala.” Sir Aaron continued to snicker despite the denial. “You look nervous. Itatanong ko lang naman kung pwede ka ba mamaya. Well, the elders won’t be able to join anyway but, do you want to go to a drinking bar? Kasama natin ang ibang guro pa.”
“Wouldn’t that tarnish our reputation as teachers?”
“It would, if you wear your uniform when you go there.” Nagkibit balikat ang binata at nginisian siya. “Come on, don’t be so serious and have some fun. Iniimbita kita dahil lagi kang abala sa trabaho. Cut yourself some slack.”
Rhysand pondered for a bit and glanced at the box that he’s carrying. “I guess you’re right.”
Mukhang naging workaholic siya noong makipag-break si Keegan sa kanya pero ito kasi ang paraan niya para i-distract ang sarili nang hindi ito gaanong maisip.
“‘Tsaka a-attend din ang banda ng dati kong estudyante. Gusto kong i-flex iyong aso — este, batang iyon,” dagdag pa ni Sir Aaron na pumukaw ng atensyon niya.
Banda? Bigla niyang naalala sina Keegan at Renzo. Mayroon ding banda ang dalawang iyon at kahit matagal na ang lumipas, hindi pa rin nabubuwag ang grupo nila. It wouldn’t be them, right? Because Rhysand isn’t ready to see Keegan’s face yet.
Kalaunan, tumango siya. He was hesitant but something was urging him to come. “Sige, Sir.”
“Good.” Tumango-tango ito. “Icha-chat ko kayo sa GC mamaya kung anong oras at kung sa’n tayo magkikita. Don’t be late. Also, try to wear something great. Malakas ang appeal mo, Sir Rhysand. You better make good use of it.”
“Huh?” Mas lalo siyang naguluhan pero kalauna’y tumango. “Okay.”
In all honesty, Rhysand didn’t plan on attending despite confirming his attendance. Balak nga sana niyang kalimutan ang pag-aaya ni Sir Aaron pero noong pumatak ang alas nuebe, dali-dali siyang nag-ayos at nagbihis nang maayos. Sinabihan siyang pumorma kaya iyon ang ginawa niya. Though, Rhysand still preferred wearing comfortable clothes.
“Wow,” manghang-manghang sabi ni Sir Aaron. Nakatago ang ngisi nito sa likod ng basong pinag-iinuman pero alam ni Rhysand na tuwang-tuwa ito na um-attend siya. “Akala ko, ‘di ka na pupunta dahil ‘di ka mahilig sa maiingay na lugar at workaholic ka.”
Rhysand pressed his lips together and looked away. Totoo naman. Ayaw niya sa mga drinking bar dahil bukod sa maingay, baka makasalamuha niya si Keegan. Pero ayaw niya ring magmukhang KJ. Since it’s Saturday tomorrow and most of the young teachers in their school attended, he thought not to let the opportunity to interact pass, anyway.
“Muntik kong makalimutan na pumunta,” he responded in a volume that would be enough for Aaron to hear amidst the music that’s been playing from the guest band.
Humimig ang nakatatanda’t mahinang tumawa. “But you still came since you’d feel guilty. That’s enough reason to be glad that you’re here.”
“I don’t think so, but okay.”
“Anyway…” Aaron trailed off and planned to change the subject. “Dati kong estudyante ang magpi-perform mamaya. Gusto ko lang talagang i-flex kaya ko kayo inimbita. Also, the bartender’s a friend of mine. Feel free to approach him to order your drink.”
Tipid na tumango si Rhysand at sinunod ang sinabi ni Aaron. Dumiretso siya sa bar at nilapitan ang bartender nang sa ganoo’y makapag-order ng iniinom. Mukha siyang walang alam sa una pero dahil sa NCR siya lumaki at madalas din siyang hilain nina Trixie at Louie noon na mag-chaperone sa mga ito, kung saan-saan din siya nakarating. This isn’t his first time to go to a bar.
Habang naghihintay si Rhysand sa iinumin niya at nakikipagkwentuhan sa bartender, he was taken aback when someone suddenly yanked his arm. Muntik siyang matumba’t mahulog sa stool na kinauupuan niya pero nabawi niya ang tindig at nabalanse ang sarili.
Pero sumimangot siya. Sino ba ang bigla-bigla na lang hihila sa kanya? Isa ba sa mga kasama niya sa trabaho?
Rhysand hissed and raised his head to find the culprit. But even before his eyes could find this stranger’s gaze, the air he breathed got stuck in his throat after he heard a familiar voice.
“Anong ginagawa mo rito?” Keegan asked in a hostile voice, which made Rhysand’s face pale. In fact, Keegan even kind of sounded like he growled.
Napasinghap siya’t mabilis na nag-angat ng tingin. Natagpuan niya ang mga mata ng binata ngunit tulad ng itsura nito noong huli niya itong nakita, nakasimangot pa rin ito sa kanya at tila ba siya ang kahuli-hulihang tao na gusto nitong makita. Ni hindi na napansin ni Rhysand ang suot nitong pang-‘rock’ ang dating dahil naka-all black ang binata— he can’t go into details but it’s been so long since he last saw Keegan.
But was he happy? No.
He was hurt to see him again.
“Doggie~”
Rhysand immediately looked away from Keegan to search for another familiar voice, only to see Aaron approaching them. Noong makita sila nito at matagpuan nitong nakahawak si Keegan sa braso niya, natigilan ito sandali hanggang sa kumurba ang mga labi nito pataas.
“Oh, it looks like you two knew each other,” Aaron teased.
Kumunot ang noo ni Rhysand pero noong marinig niyang inilapag na ang inuming in-order niya’t mag-sink in na sa kanya ang mga nangyayari, mabilis niyang inagaw ang braso mula kay Keegan na noo’y nagulat din sa ginawa niya.
Nginitian ni Rhysand si Aaron. “No, we don’t. Mukhang napagkamalan lang niya akong kakilala niya, Sir Aaron.”
Kabanata 1
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 1
NOONG KONTAKIN SIYA kaninang tanghali ng dati niyang propesor sa Alma Mater, hindi maiwasan ni Keegan ang sumama ang pakiramdam. Pupunta raw ito sa bar kung saan sila maggi-gig kasama ang ibang guro sa kasalukuyan nitong pinagtatrabahuan na eskwelahan. Nakshuta talaga.
Ang tagal na niyang inisip na i-unfriend si Aaron pero hindi niya nagawa dahil distracted siya sa mga kaganapan sa buhay niya. Things were just sinking low, since he broke up with a certain someone. Pero hinayaan na lamang ni Keegan na lumipas ang nakaraan. Ibinabaon na rin niya sa isip iyong mapait na alaala at bigat ng loob niya.
Parang ayaw na niyang mag-perform ngayon, a.
“H’wag ganyan ang itsura, baka bigla tayong mapa-trouble e,” biglang sabi ni Renzo ‘tsaka siya binatukan.
Mahina siyang napaaray noong napayuko siya dahil sa pambabatok ni Renzo tapos ang bigat pa ng kamay nito. “Ang sakit. Wala ka talagang awa sa ’kin ’no, Kuya Renz?“
“Anong awa-awa? Pa’no ako maaawa sa ’yo e nakasimangot ka. Ano bang nangyari sa ’yo? Nagparamdam na ba si Rhysand?”
Muntik siya masamid sa sariling laway noong banggitin ni Renzo ang pangalang ni hindi niya kayang bigkasin. Para pang na-stuck sa lalamunan niya ang mga gustong isinghal sana kay Renzo. Hindi siya nakapagsalita. Bakit ba lagi nitong binabanggit si Rhysand t’wing ganito siya? Ang unnecessary dahil hindi naman umiikot ang mundo niya sa batang iyon.
Ano ba? Ang tagal na nilang hiwalay ni Rhysand at ni minsan, hindi na niya nakita ulit ang anino nito. Mabuti dahil malayo ang tinitirhan niya sa isang iyon. Isang jeep din. Maging ang account nitong ‘Ryleigh’, parang bulang nawala matapos nilang maghiwalay at wala na rin siyang pakialam.
“Masama rin loob ko sa ’yo,” paalala niya kay Renzo.
Tang ina. Alam pala ni Renzo na si Ryleigh at Rhysand ay iisa pero ni minsan, wala itong sinabi sa kanya!
Inismiran siya nito. “Ilang beses kitang binigyan ng hint, ’di mo lang ako pinapakinggan. Mas tiwala ka kay ‘Ryleigh’ kaysa sa ’kin.”
“Kahit pa! Ba’t ba kasi nag-puzzle puzzle ka pa e pwede mo naman akong diretsuhin na si Rhysand ’yon?”
“E kasi, alam kong nagsususpetya ka na rin. Ang timely rin ng pagdating at pag-alis ni Rhysand sa buhay mo. Aba, ’di ko kasalanang bobo ka.”
“Kahit pa!” Ang vague pa rin ng pinagsasasabi ni Renzo. Ano ba siya? Manghuhula?!
Sa sobrang sama ng loob niya kay Renzo, muntik siyang bumuwag sa banda nila. Pero dahil nanghinayang siya sa kita niya sa pagiging gitarista at dahil ayaw niyang madamay pa sina Paolo at Angelo sa gulo nila, nanahimik siya. Pasikreto na lang din silang nag-aaway ni Renzo ngayon pero mas maayos na ulit ang relasyon nila kaysa noong una na nalaman niyang may alam si Renzo tungkol kina Ryleigh at Rhysand.
Tumigil lamang sila sa pagtatalo noong marinig nila ang pagpasok nina Angelo at Paolo. Galing ang mga ito sa smoking area at bumalik na dahil ilang minuto na lang, magsisimula na ang performance nila. Excited siya— pero sa t’wing maiisip niyang nasa crowd ang dati niyang propesor sa Ingles na first love niya rin, para siyang pinanghihinaan ng tuhod.
Aasarin na naman siya. Panira talaga ng buhay ang mga Gonzales.
Nonetheless, Keegan still acted nonchalant. Ang plano niya ay hindi pansinin si Aaron kung sakaling magkrus ang mga landas nila. Apat na kanta bago matapos ang naunang banda sa kanila, nag-aya na si Angelo na lumabas para raw kahit paano ay makainom sila bago magsimulang mag-perform. Ayaw sana ni Keegan pero nahila na rin siya ng mga kabanda kaya nagpatangay na lamang siya.
But what he doesn’t expect upon going to the drinking bar was to see Rhysand sitting on one of the stools and casually talking to one of the female bartenders. Hindi nakatakas sa mga mata ni Keegan na mukhang siyang-siya si Rhysand na makipagkwentuhan doon at maging ang kausap nito, tila ba nagiging interesado sa binata.
Something about it didn’t sit right with him.
But what made him feel more furious was the fact that Rhysand’s here. Hindi ba siya nito sinabihan na titigilan siya ng binata at hindi susundan kahit saan? E anong ginagawa nito rito?!
“Hindi ba si Rhysand ’yon?” biglang saad ni Renzo. Mukhang pati ito, nagulat nang makita ang binata.
Naramdaman ni Keegan na pinasadahan siya nito ng tingin at bilang ayaw niyang makarinig pa ng kung anu-ano mula rito, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Keegan at malalaki ang mga yabag itong lumapit kay Rhysand.
He yanked Rhysand’s arm which almost caused the taller male to fall down from his seat if not for his immediate grip on the table. Hindi naalis ang tingin nito sa bartender na noo’y mukhang nagulat din ngunit hindi rin nakatakas sa mga mata ni Keegan ang pagsimangot nito.
“Anong ginagawa mo rito?” Keegan tried not to growl at Rhysand but traces of it still escaped his mouth.
Samantala, natigilan ito at nagulat nang marinig ang boses niya. Dali-dali itong nag-angat ng tingin para hanapin ang mga mata niya at noong magtagpo ang mga paningin nila, para itong estatwang naitulos sa kinauupuan.
There were… A mix of emotions that danced across Rhysand’s eyes but Keegan was sure as fuck that even this man seemed not to expect to see him tonight. Pero hindi niya magawang maniwala sa emosyong nasa mga mata nito dahil sa isip-isip niya, umaarte lamang si Rhysand.
Nagawa nga siya nitong lokohin ng ilang taon e. Paano pa ngayon? At hindi. Hindi siya magpapauto rito.
Keegan doesn’t know how long has it been since their ‘staring contest’ has began but he’s sure growing tired of it. Gusto rin sanang sigawan ni Keegan si Rhysand, sumbatan ito dahil sa bibig mismo nito nanggaling na hinding-hindi na ito magpapakita sa kanya pero bakit ito nandito ngayon? But then again, these words were left unsaid when Aaron approached them and Rhysand immediately snatched his own arm from Keegan’s grip… And denied to know him.
Napatanga si Keegan noong sabihin ni Rhysand na hindi sila magkakilala because no… He knows this guy a lot. Since his childhood, they were stuck together like glue. Ngayon lang naman niya ito ikinakastigo pero ang sabihing hindi siya nito kilala?
And Aaron. When Keegan looked over to his previous college professor, Aaron Gonzales seemed to be suspicious about their relationship too. Lalo na’t nakasimangot si Keegan at mas lalong lumukot ang mukha niya noong magpaalam si Rhysand sa bartender at lumapit sa dati niyang propesor.
But hopefully, Aaron would drop the topic now— or any conversation that might tackle the possible relationship between him and Rhysand.
He didn’t even want to maintain eye contact with this older Gonzales! But Rhysand kept on snatching his attention even though he’s not doing anything to capture his eye. Kaya matik na mapapatingin din siya kay Aaron o nasasakop ng paningin niya ang pigura ni Aaron na nakatayo sa tabi ni Rhysand.
Now looking at it, parang mas matangkad pa si Rhysand dito. Ah, hindi. Magkasingtangkad lamang ang dalawa. And knowing these two, they’re obviously taller than him.
Shit, why is he focusing on their heights?
“O, nakakuha ka na ng maiinom. You seem to know your way around parties, Sir Rhysand. Mabuti na lang at inimbita kita,” ani Aaron bago ito mahinang tumawa.
Rhysand hummed. “Yes. My cousin and her boyfriend often dragged me before, so I picked up a knowledge or two from them.”
“Mabuti naman kung gano’n. Akala ko mula noon hanggang ngayon ay wala kang alam sa ganito. It’s good to know that I thought wrong.”
“That’s… That’s impossible.”
Habang pinakikinggan ni Keegan ang dalawa na mag-usap, ang daming tanong na namuo sa isipan niya. Bakit magkakilala sina Aaron at Rhysand? E sa pagkakaalala niya, hindi naman ito propesor sa kolehiyo? Lumipat ba ito ng pinagtatrabahuan?
“Oo nga pala,” pag-iiba ni Aaron sa usapan at noong bigla-bigla siya nitong imuwestra, napatayo siya nang tuwid. “Tutal nandito ka na rin naman Rhysand, ipapakilala ko na sa ’yo ang dati kong estudyante.”
Napasinghap siya noong ilipat sa kanya ni Rhysand ang tingin pero hindi tulad kanina na punung-puno ng gulat at kung anu-anong emosyon ang mga mata nito, blangko lamang ang mukha siyang pinagmasdan ng binata. Tipid din siya nitong nginitian na dahilan para sikreto niyang maikuyom ang mga kamao.
What’s with this?
Kasama ba sa sinabi nitong lalayo ang magkukunwaring hindi siya nito kilala at wala silang pinagsamahan? Ni hindi man lang siya nakarinig ng kahit anong paliwanag kung bakit ito narito at kahit nabanggit ni Aaron na ‘inimbita’ nito si Rhysand, mabigat pa rin ang pakiramdam niya. O pride niya lang ito at severe na distrust kay Rhysand kaya kahit na may sinabi na si Aaron, iniisip niyang staged ang lahat?
Paano kung alam pala ni Aaron na mag-ex sila?
Kahit na nakasimangot siya’t matatalim ang mga tinging ibinato kina Rhysand at Aaron, hindi nagpatinag ang dalawang nasa harap niya.
“This is Keegan,” pakilala sa kanya ni Aaron bago ito napahalakhak. “Estudyante ko siya noong nagtatrabaho pa ’ko sa kolehiyong pinagka-graduate-an ng batang ’to. He’s quite rowdy but don’t mind him.”
Rhysand took a glance at Aaron and nodded. “I see. It’s nice to meet you, Keegan.”
Putang ina? He’s not—
Lihim na nagngitngit ang mga ngipin niya pero pilit niyang nginitian si Rhysand.
“Keegan, ito naman si Rhysand. Co-teacher ko sa bagong high school na pinagtatrabahuan ko. I suppose that you know that I transferred schools, right? Baguhan lang si Rhysand do’n pero mabait ang batang ito,” pakilala naman ni Aaron kay Rhysand.
Yeah, right. Medyo sinungaling din.
Imbes na magsalita ay tinanguan lamang niya ang binata na sinundan naman nito. Pagkatapos noon, nagpaalam si Rhysand na pupuntahan daw muna ang mga kasamang guro kaya tinuro ni Aaron kung saan daw ang table na nakareserba para sa mga ito.
Noong tumalikod si Rhysand at magsimulang maglakad paalis, kahit na medyo madilim at likod na lamang nito ang nakikita niya, hindi naalis ang mga mata ni Keegan kay Rhysand. Gusto niya pa rin itong singhalan. Pero dahil sobrang nakatuon ang atensyon niya kay Rhysand, hindi niya napansin na mataman pala siyang pinanonood ni Aaron at mayroon na itong nalaman base pa lamang sa tinginang ibinabato niya sa umalis na binata.
“Magkakilala kayo,” Aaron said nonchalantly. As if it was the most obvious thing in the world and hiding it was futile.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang dating guro. “Siya na mismo nagsabing napagkamalan ko lang siyang kakilala, ’di ba?”
“Yeah, but the way you look at him… I don’t know if you have any grudge on him or if you long for him. So, do you know each other?”
“H’wag mo nga ’kong english-in.” Nagpameywang si Keegan at naiiritang nilinis ang tenga gamit ang hinliliit. “Hindi nga kami magkakilala. May kamukha lang siya.”
Mahina siyang napamura noong makita niyang ngisian siya ni Aaron. Tipong hindi ito kumbinsido sa sagot niya dahil sa paraan ng pagpapalitan nila ng tingin ni Rhysand, parang ang daming sikretong nakatago. Parang punung-puno rin ng galit at sama ng loob ang itsura niya t’wing dadapo ang mga mata niya kay Rhysand na noo’y pabalik-balik din ang tingin sa kanila ni Aaron.
Ano? Huwag nito sabihin sa kanyang mayroon din itong gusto kay Aaron? Putang inang iyan. Good luck dito.
Kalaunan, nagkibit balikat ang kaharap. “Sabi mo, e. Ang sama ko namang amo kung ’di ako maniniwala sa alaga kong aso.”
“Putang ina—” Bago pa man matapos ni Keegan ang pagmumura, natigilan siya noong biglang may nagtakip ng bibig niya.
Nang pasadahan niya ng tingin kung sino, nakita niya si Renzo na tinatapunan siya ng masamang tingin at tila ba sinasabihan siyang huwag makikipag-away sa bar dahil doon nakasalalay ang sahod nila. May mangilan-ngilan na rin kasing customers na inaway si Keegan sa tuwing naggi-gig sila.
E sa ang kukulit ng mga iyon, paanong hindi niya aawayin?!
“Pasensya na sa batang ’to,” paumanhin ni Renzo kay Aaron.
Namilog naman ang mga mata ni Aaron at muntik itong matawa dahil parang bata siyang nabusalan ng bibig bago pa man magpaiyak ng kapitbahay na bata. “Nah, it’s fine. It’s been great talking with my previous student. Pikon lang talaga siya, ano?”
Namamangha siyang nilingon ni Renzo at tila ba hindi ito makapaniwalang ang inaaway niya ay dati pala niyang guro. Kaya mabilis niyang inalis ang kamay nito sa bibig niya at bruskong dinuro-duro si Aaron na noo’y natatawa lamang sa kanya.
“Kasing-edad mo lang ’yan, Kuya Renz! Kilala ko na rin ’yan kasi ginawa akong babysitter ng kapatid niya! ’Tsaka nakakainis naman talaga ’tong si Aaron!” pagsusumbong niya pero blangko lamang ang mukha siyang pinagmasdan ni Renzo.
Meanwhile, Aaron clutched his chest and dramatically sighed. “Nakakasama naman ng loob na dinuduro-duro mo lang ako at sinasabihang nakakainis. I looked after you when you were still a student because you’re about the same age as my precious little brother.”
“Neknek mo namang binantayan mo talaga ako!”
Hindi alam ni Keegan kung paano sila natapos mag-usap at kung paanong natagpuan niya ang sarili sa ibabaw ng stage kasama ang mga kabanda. Things unfolded too quickly that he failed to follow. Basta sa isang iglap, nag-aayos na sina Angelo kaya ginaya niya ang mga ito. Kahit na wala naman dapat siyang inaayos dahil sariling gitara niya ang dala-dala niya.
But while he’s busy tuning his guitar (although it’s already perfectly tuned), he can’t help it but to search for Rhysand in the crowd. Then he hissed when he realized that Rhysand wasn’t facing their band, instead, his back was facing them. Mukhang mas abala rin ito sa pakikipag-usap sa mga kasama sa trabaho at walang oras para pasadahan siya ng mabilis na tingin.
Putang ina. Hindi naman dapat siya concerned.
“Ano naman?” napipikon niyang bulong pero narinig pa rin ni Paolo ang sinabi niya dahil ito ang pinakamalapit sa kanya.
Nginisian siya nito. “Ano Keegan, nakahanap ka na ng bagong chics?”
“Sa gitara ko lang ako nakatingin,” bagot niyang tugon.
Natigilan sina Keegan at Paolo noong makita nila si Renzo na muwestrahan silang maghanda na dahil magsisimula na ang pagkanta nito. And so, both he and Paolo started to play their guitars as soon as they saw Renzo gestured them to do so.
Ang unang kantang papatugtugin nila ay ‘Sa Ngalan ng Pag-Ibig’ ng December Avenue.
Gawa ng pagsisimulang tumugtog, sandaling na-immerse si Keegan sa paggigitara hanggang sa umabot sa bridge ng kanta at napukaw ang atensyon niya noong makita niyang tumayo si Rhysand mula sa kinauupuan. Noong hindi, ang akala ni Keegan ay pupunta lamang ito sa banyo pero napansin niyang tumatango-tango ito at kumakaway sa mga kasama.
Aalis na ba ito?
Fortunately for Keegan, he needn’t to ask anyone a question and could still somehow focus on playing his guitar when he saw Rhysand began to walk towards the exit of the bar. Hindi siya magsisinungaling kung sasabihin niyang na-out of tune sandali ang pagpapatugtog niya pero mabilis naman siyang nakabawi. But instead of pouring all of his attention to the song they’re playing, Keegan still glanced at Rhysand until he finally left the bar.
’
Magsisigarilyo
?’ tanong niya sa sarili kahit hindi naman niya alam kung naninigarilyo ba ito.
Keegan secretly waited. Hindi niya alam kung bakit dahil ayaw naman na niyang maging involved pa kay Rhysand matapos ng nangyari noon pero… Hinintay niyang bumalik ang binata. But that didn’t happen. Although Keegan checked the entrance/exit of the bar, he never saw Rhysand return.
Noong makuha na nila Keegan ang sahod matapos mag-gig, nag-aya na ring umuwi ang mga kasama niya dahil may pasok pa ang mga ito kinabukasan. At habang nagdadahilan siya kung bakit gusto niya sanang magpaiwan, hindi inalis ni Renzo ang mga mata sa kanya pero wala itong sinabi hanggang sa nauna nang lumabas sina Paolo at Angelo. Noong sila na lamang ang naiwan sa dressing room at inaayos ni Keegan ang mga gamit.
“H’wag mo sabihin sa ’king hahanapin mo iyong batang ’yon?” pag-uusisa ni Renzo. Naniningkit ang mga mata nito at para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao niya. “Kung sa bagay, alam kong ’di mo matitiis iyong batang ’yon dahil kayo naman talaga ang madalas magkasama noon.”
Ah. Siguro tinutukoy nito ang maagang pag-alis ni Rhysand nang magsimula silang tumugtog.
Tumigil siya sandali sa ginagawa at pinasadahan ng tingin si Renzo bago nangunot ang noo niya. Anong hahanapin? Bakit naman niya hahanapin si Rhysand? Ulul. Sayang enerhiya. Hindi ba pwedeng iinom lang siya kaya magpapaiwan siya sandali?
Lihim na sumagitsit si Keegan at nagdadabog na zinipper ang case ng gitara niya. “Hindi ko siya hahanapin. Iinom lang ako mag-isa dahil wala akong pasok bukas. Naka-leave ako, Kuya Renz.”
Hindi niya nagustuhan na tila ba nakahinga nang maluwang si Renzo nang malamang hindi niya hahanapin si Rhysand. Something about it didn’t sit right. Oo, nag-cut na ito ng koneksyon sa kanila pero kung kausapin man niya ito, ano naman kay Renzo? Kung hanapin niya (na hindi naman
niya
gagawin
) , bakit parang big deal? Pwe.
“Kung hanapin ko man, labas ka ro’n. Tinigilan ko na nga ’yang kababanggit kay Rhysand, e. Ikaw lang naman ang hukay nang hukay ng nakaraan samantalang lumayo na rin siya,” dagdag pa niya.
Hindi niya alam kung bakit nang-aaway din siya pero nag-iinit talaga ang ulo niya mula noong makita niya si Rhysand lalo na noong umalis ito sa kalagitnaan ng performance nila.
Dumilim ang mukha ni Renzo bago ito napaismid. “Nagsinungaling sa ’yo iyong tao tapos gusto mong hanapin? Pa’no ako ’di —”
“Hinayaan ko siyang magsinungaling. May pagkakamali rin ako, pero ’di ko na hinukay ’yong nakaraan ngayon kasi nangyari na. ’Tsaka wala naman nang kami. Ba’t ba ’di mo na lang kalimutan iyong dati, Kuya Renz? ’Di ikaw ang naagrabyado, ako .” Kinuha ni Keegan ang mga gamit at isinukbit ang mga iyon sa braso niya. “Kalimutan mo na, pwede ba? Dalawang taon na, Kuya. Ako nga, ’di ko na iniisip si Rhysand. Ikaw na lang ang panay banggit.”
Kabanata 2
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO
IA-UNPUBLISH
, FEEL FREE TO REREAD HABANG
NAGRI-REREAD
AT
NAGCHI-CHECK
DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 2
“NAKITA MO KAMO si Rhysand sa bar na pinag-gig-an niyo?” namamanghang tanong ni Lyle bago nito inilapag ang hawak-hawak na baso ng iced tea sa table nito.
Tumango lamang si Keegan. Hindi niya alam kung paano ba siya maggu-go into detail sa nangyari pero naisip niyang huwag na lang. Sandali lang naman niyang nakita si Rhysand. Itinanggi rin naman nitong magkakilala sila at umalis din kaagad habang nasa kalagitnaan sila ng pagtugtog. Baka nga sampung minuto hanggang bente minuto lamang itong nanatili sa bar na kinaroroonan nila e.
Keegan inwardly hissed. Kung umasta ito, parang ito pa ang masama ang loob sa kanilang dalawa.
“Anong ginawa mo? ’Di ba hinahanap mo siya?”
Natigilan siya nang marinig ang idagdag ni Lyle at noong mag-sink in sa kanya ang tinutukoy nito, namilog ang mga mata niya kasabay ng pagsinghap. Then, he choked in his own drink when it came down on the wrong pipe. Kaya para siyang tangang naibuga ang iniinom at parang mamamatay na napapaubo.
Mabuti na lang at bago pa man niya maibuga ang iniinom, kinuha ni Lyle ang tray sa gilid ng lamesa nila’t hinarang ang ibinuga niyang tubig! Kaya disente pa rin itong tignan noong abutan siya ng tisyu para punasan ang sarili.
“Gag- Gago ka!” asik niya sa kaibigan ’tsaka niya ito pinakyuhan. “Anong hinahanap?! Anong pakialam ko sa batang ’yon?!”
Marahas niyang inagaw ang tisyu mula rito nang sa ganoo’y mapunasan niya ang bibig. Tang inang ’yan!
Lyle chuckled. “Gumaganyan-ganyan ka but you can’t deny that you still treasure him. Kahit pinagtaksilan ka, ’di ba kapatid pa rin turing mo sa kanya?”
“Hindi! Gago ka ba?! Ang tagal ko nang pinutol ’yong relasyon naming dalawa!” sagot niya.
“Gago ka rin. Ako pa lolokohin mo e matagal na kitang kilala. Sa ’kin nga lumalabas totoo mong kulay, e.”
Anong totoong kulay?! Napapantastikuhan siyang napatitig sa kaibigan. Hulog na ang panga niya. Naikuyom na niya ang isang kamao. Nagpipigil na lang siyang batukan si Lyle. Pero worth it ba? Matutuwa siyang masaktan ito pero dahil kaibigan niya rin ang asawa nito at alam niyang magrireklamo iyon, pinigilan niya ang sarili.
Pangit talaga magkaroon ng mga kaibigang patay na patay sa isa’t isa e. Nakakadiring panoorin.
Humigop nang malalim na hininga si Keegan para pakalmahin ang sarili dahil kung patuloy silang magtatalo sa café ng asawa nito kung saan kita at pinanonood na sila ng ibang customer, baka umiyak pa si Gian. Ang isang iyon pa naman, napakababa ng loob. Sinubukan na niyang i-train si Gian - pakapalin ang mukha - pero sa huli, wala itong natutunan kaya isinuko na ni Keegan.
Noong pakawalan niya ang hiningang hinigop kani-kanina lang, ’tsaka niya narinig na umismid si Lyle. Kumibot ulit ang isang kilay niya. Hindi ba siya patatahimikin nito? Sabi nang hindi nga niya hinanap si Rhysand at hinding-hindi niya hahanapin dahil anong pakialam niya sa batang iyon? Kung hindi sana ito nagkunwaring ibang tao, baka ayos lang talaga sila.
“Anong iniismid-ismid mo riyan?” tanong niya rito.
Lyle allows a forced smile curl on his lips. “Wala. Naawa lang ako sa kababata mo before. Anyway, that’s your life. Mukhang ’di ka rin naman nagsisising ni-let go mo siya.”
“Hindi nga. Maayos naman ako, a?”
Dalawang taon at maayos naman siyang nabuhay. Hindi naman siya naapektuhan noong wala si Rhysand dahil, kahit ayaw niyang aminin, kinaya naman niyang mabuhay na wala si Rhysand. Noon pang nasa Cavite ito, hindi niya kasama, at magkahiwalay sila ng landas. Na-exercise na siyang wala ang binata noon kaya bakit niya kakailanganin ngayon?
“Pero gumwapo ba lalo? I mean, ’di ba kamo na-starstruck ka noong nakita mo ulit kasi ’di mo nakilala? So he must’ve glowed up lalo,” biglang sabi ni Lyle na nakapagpangiwi sa kanya.
Dinuro niya ito. “Kapag narinig ka ni Gian, paniguradong iiyak ang isang ’yon.”
“Nagtatanong lang naman ako, a! Naghahanap ako ng inspiration kaya nagtatanong-tanong ako. Gian allowed me to find someone else too so that I can expand my horizons.”
“E bakit siya pa ang tinanong mo? Pwede namang ako!”
“Ayoko nga sa ’yo. Dejoke,” sagot nito ’tsaka siya maarteng inirapan. “Anyway, I’ve only seen Rhysand twice or thrice yata pero ang lakas ng appeal niya. He’s scary, though. Maybe because he’s huge. Kung ’di ko siya nakilala, iisipin kong baka huminga lang ako, sasapakin na niya ako. But he’s surprisingly soft.”
Nagpahalumbaba siya’t tinaasan ng kilay si Lyle. “Ilang beses mo lang nakita pero nahusgahan mo agad ang personality.”
“In all fairness, ang fault lang naman niya ay tinago niya sa ’yo identity niya for years. Siguro mahal na mahal ka no’n.”
What the fuck is he saying? Pasimple man pero itinago ni Keegan ang kalahati ng mukha sa palad na ginamit niyang panghalumbaba. He inwardly hissed and involuntarily recalled the past - pero hindi niya alam! Hindi niya pinagtuunan ng pansin si Rhysand noong malaman niyang ito si ‘Ryleigh’, hindi niya ito magawang tignan sa mata kaya ano bang alam niya kung henuwino ba si Rhysand sa kanya?
O kahit henuwino man, hindi pa rin siya bibigay. Masama ang loob niya rito. Ano iyon, nag-sorry lang, marupok ulit siya? ‘Kapatid’ ang turing niya sa batang iyon!
Anak shuta. Bakit ba parang biglang uminit? Bakit ba lahat ng dugo niya, umakyat sa mukha niya? Ano naman kung ‘mahal na mahal’ siya ni Rhysand? Nagsinungaling pa rin iyong tao sa kanya! Anong magandang dulot no’n kung hinayaan niyang nangyari lang at ipinagsakibit balikat niya? Wala!
“But he looks really kind,” Lyle added which made his eyes squint.
Mabuti na lang at hindi nakatingin sa kanya ang kaibigan dahil makikita nitong namumula na ang mga pisngi niya. Mabuti na lang at focused ito sa asawa nitong nasa cashier yata dahil tumawa ito noong mapaatras iyong customer nang makita si Gian. Proud na proud si Lyle na ang gwapo ng asawa nito. Kung siya ang ganyan, baka sinako niya si Rhy- hindi, wala siyang isasako. Putang ina.
Bakit ba ang batang iyon ang unang pumasok sa isip niya? Kababanggit ni Lyle sa pangalan noon, naaapektuhan din siya ng bayrus. Bwisit.
Noong makuntento ito kapapanood sa asawa, roon pa lamang muling bumaling sa kanya si Lyle at mabilis niyang inipon ang tindig nang hindi siya mapahiya.
“H’wag mo sabihing magdidisenyo ka talaga ng damit na ang inspirasyon mo, si Rhysand?” he asked through gritting teeth.
Tumawa si Lyle at umiling. “Inaasar lang kita. Plus, I want to talk about your TOTGA.”
“Putang ina mo, walang TOTGA-TOTGA rito!”
Noong tapos nang mag-lunch si Keegan at nagbabalak nang bumalik sa trabaho, ’tsaka pa lamang niya nabigyang pansin ang mga palamuti sa cafe ni Gian. Siguro dahil malapit na ang Valentine’s Day kaya puro puso at namumukadkad ang kulay pula’t rosas sa paligid niya kaya ganito? Pero ngayong nagsi-sink in sa kanya na para siyang pumasok sa ‘romantikong’ lugar dala na rin ng aesthetic ng lugar, hindi niya naiwasan ang pagpawisan sa noo.
“May plano ba kayong umalis na naman ni Abellardo?” pag-uusisa niya kay Lyle habang hinahatid siya nito sa entrance/exit ng cafe.
Mahinang tumawa ang kaibigan at tinapik ang balikat niya bago nanatili iyon sa tungki ng parteng iyon ng kataqan niya. “Kee, baka nakakalimutan mong Abellardo na rin ako. Sino sa ’min ang tinutukoy mo niyan?”
“Kilala mo naman kung sino!” Inalis niya ang kamay ni Lyle sa balikat niya sa pamamagitan ng pag-ikot ng braso. Effective naman. “Si Gian! Aalis ba kayo ni Gian sa lintik na Valentine’s na ’yan!”
Lyle seemed to be taken aback with his question to the point that his friend stared at him in confusion while blinking. His eyes weren’t exactly wide but it does hint that exact word- baffled! Hindi tuloy naiwasan ni Keegan ang magngitngit ang mga ngipin dahil bigla siyang nahiyang magtanong. Baka ang dating, nanghihimasok siya sa relasyon ng kaibigan niya.
Noong tumigil sila sa harap ng entrance/exit, nagbabalak na si Keegan na ipagsakibit balikat na lamang ang tanong niya. Babawiin na niya! Ang dating kasi, pangit na nagtanong pa siya! E kaso inisip niya ring wala namang kasong makuryoso, ano?
“Oo, may balak kami ni Gian na mag-date. Ewan ko lang kung matuloy, a? May a-attend-an kasi akong event,” kalauna’y sagot ni Lyle noong sa wakas ay mag-sink in dito ang itinanong niya.
Good. Akala niya, hindi na siya makakatanggap ng kahit ano mula rito. Parang bigla niyang gustong maghukay six feet under the ground ’tsaka niya ililibing ang sarili sa hiya, e.
Napansin niyang nag-iwas sandali ng tingin si Lyle sa kanya pero hindi niya ito pinansin, nanatili pa rin sa kaibigan ang mga mata niya.
“Ikaw ba, Kee? May balak ka ba sa Valentine’s day?” nangingising tanong nito.
Kumunot ang noo niya. “Ba’t mo ’ko tinatanong e wala naman akong jowa? Nananadya ka ba?”
“Hindi naman. Nagtanong lang ako sandali. May dadaan pala, baka gusto mong… Ilabas?”
“Ha? Ulol! Aalis na ’ko!” singhal niya rito.
Hinawakan ni Keegan ang hawakan ng glass door sa cafe pero bago pa man niya iyon maitulak, inboluntaryo siyang napaabante noong saktong mayroong humila roon. Muntik siyang mawalan ng balanse sa sarili kung hindi lang siya nasalo noong bigla ring humila sa pinto.
What greeted him when he almost fell is a pair of seemingly strong hands. Kumunot tuloy ang noo niya dahil mayroong kung ano sa mga ito na pamilyar- at lalo siyang sumimangot nang makita niyang ngumisi lalo si Lyle kaya nagmamadali niyang tinulak ang sarili mula sa nabangga niya!
Magsu-sorry sana si Keegan pero naunahan siya.
“Sorry,” simpleng sabi ng nabangga na ikinatigil niya. “Hindi ko alam na itutulak mo rin iyong pinto.”
Keegan gasped- no, his breathe got stuck on his throat before he looked at the direction where this deep and familiar voice came from. Noong nakita niya si Rhysand na nakatingin sa kanya at tila ba nakokonsensya rin, namilog ang mga mata niya. There was awkwardness dancing in his eyes and though it’s so out of character for him, he was just there, gaping at Rhysand.
Anong ginagawa nito rito?! Pasimpleng bumaba ang tingin ni Keegan sa suot nito at natagpuan niyang nakasuot pa ng uniporme si Rhysand na pangguro. Wala rin itong dalang gamit- lunch break?
“Hello, Rhysand!” bati ni Lyle rito na parang wala lang.
Rhysand looked at Lyle and nodded. “Hello.”
“Anong ginagawa mo rito?”
“Ah, um…” Rhysand sweat dropped and looked away from them as if he had forgotten what was he doing in the cafe.
So, Keegan’s initial thought was that- this is too much for a coincidence so Rhysand might have found him here and decided to come. That is, until he followed Rhysand’s gaze and noticed that there was a smaller figure standing beside him. And by the looks of it, Rhysand was asking her for help.
Tumaas ang isang kilay ng kasama nito bago ito napangiti. “Ano ’yan, Sir Rhy? Cat got your tongue?”
“Yeah… Mukhang gano’n na nga.” Bumuntong hininga ito at yumuko bago sila iminuwestrang dalawa ni Lyle. ’Tsaka naman humarap ang dalaga sa kanila. “Sorry, Ma’am Fey.”
Keegan’s eyebrow twitched when he’s met with a teacher who’s probably just around Rhysand’s age. She’s petite and has blond hair- also, she has a really nice pair of eyes! Mapungay ang mga mata nito at tsokolate rin yata ang kulay.
“Hello po,” bati sa kanila ng kasama ni Rhysand, Ma’am Fey daw. “Mag-o-order po kaming dalawa ng cake.”
Noong sabihin iyon ng kasama ni Rhysand, bahagya siyang itinulak ni Lyle at para bang kuminang ang mga mata nito sa narinig. Malamang, pera ang involved e. ’Tsaka business ’to ng asawa nito kaya susuportahan talaga ni Lyle.
“Oh! Pumunta lang kayo sa cashier! Nando’n asawa ko, siya na mag-a-assist sa inyong dalawa!” masiglang sabi ni Lyle sa mga ito.
Tumango naman sina Rhysand at nagpaalam bago naglakad paalis, palampas sa kanya. Nandilim pa ang mukha ni Keegan noong hindi man lang siya pinasadahan ng tingin ni Rhysand at noong kumapit sa braso nito ang babaeng kasama. Pinipigilan na lang din niya ang pagsagitsit dahil kasama niya si Lyle. Hindi siya nito titigilan kung mayroon siyang gagawin o sasabihin at baka mag-iba ang ‘mensahe’ rito.
Noong wala na sina Rhysand at kay Gian na nakabaling ang atensyon, pasimple siyang siniko ni Lyle. Mayroong ipinapahiwatig.
Bagot niya itong binalingan. “Ano?”
“Girlfriend ba ni Rhysand ’yon?” pagtatanong nito. Mukhang naka-turn on na naman ang pagiging Marites nito. Dapat hindi ito idinidikit kina Ridge at Leon, e.
Noong hindi siya sumagot, tumaas ang isang kilay ng binata. Para itong concerned na concerned sa kanya kung pagmasdan siya samantalang blangko lang naman ang mukha niyang nakatitig pabalik sa kaibigan.
“Kung sa bagay, dalawang taon naman na kayong hiwalay.” Nagkibit balikat si Lyle at tinapik ang likod niya. “Ayos lang ’yan, Kee.”
Namamangha niya itong tinaasan ng isang kilay. “Gago ka. Anong ayos lang? Wala naman akong pakialam kung may bago siya. Si Ryleigh ang gusto ko, hindi siya!”
Imbes na sumagot ay tumango-tango lamang si Lyle na para bang naiintindihan siya nito pero alam naman niyang hindi! Imposibleng maintindihan siya nito dahil iba ang naiisip nito sa reaksyon niya! Gusto niya tuloy itong awayin pero bago pa man niya ito masinghalan, naagapan siya nito.
“Hindi ba may pasok ka pa? ’Di ka ba mali-late, Kee?” pilyong tanong ni Lyle na naging dahilan para mapatulala siya.
Mahina siyang nagmura nang nagmura hanggang sa pinakyuhan niya si Lyle. “Tang ina mo talaga, Villariza!”
BAKIT YATA PARANG napapadalas ang pagkikita nila ni Keegan nitong nakaraan? Were his efforts in vain? Alam ni Rhysand na maliit lang ang mundo at hindi maiiwasang magkrus ang landas nilang dalawa pero may kung ano pa rin kasing kumikirot sa puso niya t’wing makikita niya ang mukha nito.
Hindi dahil hindi siya nito nagustuhan. Nanghihinayang lang siya na kahit paano niya pagbalik-baliktarin ang mundo, hindi aayon sa gusto niya si kupido.
The frustrating part is… It’s been two years and yet Rhysand still finds it difficult to move on completely. May nagbago, oo. Pero nandoon pa rin iyong si Keegan lang talaga iyong gusto niya. Na kahit paano niya ipilit ang sarili sa iba, si Keegan lang iyong gusto niyang uwian.
Rhysand came to the point that he’s been gaslighting himself that he’s just attached to these feelings that’s why he’s clinging onto it like hell, that if he were to let go, he’d lose his mind. But if he does let it go, it’s game over.
A part of him doesn’t want his love towards Keegan to end.
Maybe it’s the younger him who’s still hoping that there could be a day that things would go according to what he dreamt.
He wonders if his feelings make sense.
“Sir Mark! Sir Mark! May tanong po kami!”
Rhysand was forcibly pulled from his reverie when he heard a couple of his students call his name. When he checked, most of them looked interested to the point that their eyes almost sparkled although he doesn’t know what’s so… Interesting?
When he looked around the classroom and saw the heart designs all over, he sweardropped as the realization dawned upon him. Valentine’s day nga pala. Baka related sa event ngayon ang tanong sa kanya ng mga estudyante niya.
Rhysand smiled at his students as he rose from the teacher’s seat. Katatapos lamang niyang ayusin iyong mga dinala niyang gawain sa silid-adalan at balak na sanang iwanan ang mga estudyante dahil araw nila ito. He just checked on them, that’s all. But he doesn’t really plan on staying here until later.
“Pupwede ba ’kong umiwas sa tanong niyo?” he awkwardly asked, knowing what exactly they would ask.
Isa-isang lumapit sa table niya ang mga estudyante niya hanggang sa magkumpulan na ang mga ito rito. Dumating pa sa puntong iyong ibang estudyante niya, tinitignan iyong mga testpapers sa sulok ng lamesa niya kaya tinakpan niya ang mga scores at pangalan.
Sa kabilang section kasi iyong nakapangibabaw na mga papel. Ayaw naman ni Rhysand na baka magkaroon pa ng kumparahan ng grades.
“Hindi po pwede, Sir! Importante po ’to ’tsaka po curious kami!” ani Gabrielle bago ito natigilan noong tignan niya. Mukha itong nahiya nang magtama ang mga mata nila kaya itinulak nito ang kaibigan na tinapunan din ito ng masamang tingin. “Si Risa po ang magtatanong, Sir Mark!”
Suminghap si Risa. “Bakit ako? Kayo kaya nakaisip na magtanong!”
“Dali na kasi, Ris! Ikaw kaya malakas ang loob sa ’tin,” sabad naman ni Tricia ’tsaka nito bahagyang itinulak din si Risa kaya medyo bumangga ito sa gilid ng table niya.
Rhysand pursed his lips to hold back his chuckle. Nakakaaliw panoorin ang mga ito at kahit papaano ay nakumbinsi siyang aliwin ang mga ito kahit sandali lang. There’s no harm in sharing a little bit about his love life. His students are also in that stage of their lives that they are curious about it, anyway. He can’t stop them so he’ll entertain them a bit.
“Tinatanong nila Sir kung mayroon ka na raw bang jowa,” si Marvin na ang naglaglag ng tanong sa kanya kaya pinasadahan niya rin ito ng tingin.
His eyebrow raised before he tilted his head. He expected them to ask about his current relationship status but actually hearing it still surprises him. Ilang beses na rin naman siyang natanong dati pero hindi talaga siya nasasanay.
“No, wala akong jowa.” And he’s not interested in meeting someone since he’s still in the middle of moving on and not moving on.
Like, attempting to take a step away from Keegan but at the same time, wanting to stay at place just in case something would change between them. And it’s an insane idea knowing that it’s impossible because none of them really makes a move.
Moreover, it seems like Keegan has already gotten over him.
Ngumiwi siya noong tumili o sumigaw ang mga estudyante niya. He doesn’t understand where their joy comes from but alright.
It was then when another student asked, “’di po ba kayo ni Ma’am Fey, Sir? Nakikita po kasi namin kayong magkasama madalas!”
“We’re not dating,” he immediately responded.
“May tsismis po na naging kayo!” sabi pa ng isa sa kanila.
Umiling-iling siya. “No, we never dated. Walang namagitan sa ’min ni Ma’am Fey niyo.”
Lies. He and Fey used to have a ‘thing’. Si Fey ang unang lumapit sa kanya noon at umaming mayroon itong gusto sa kanya. And he liked her. He was attracted to her. Not because she’s bold, funny, and makes the atmosphere brighter and more fun whenever she’s around… But because he remembers Keegan through her.
Noong mapagtanto niyang hindi rin henuwino ang nararamdaman niya para kay Fey, siya mismo ang pumutol ng namamagitan sa kanila. He liked her because she’s very much like Keegan, not because she sees her as a woman, and he can’t prolong that ‘something’ between them if he’s like this. Mananakit lang siya’t magiging toxic. Baka siya rin ang masakal dahil hindi naman si Keegan si Fey.
Of course, he still owned up to his mistake of entertaining Fey when he’s not really interested in her. But at the same time, he can’t blame himself because when she happened, he was confused and longing for Keegan.
And these kids don’t need to know about that issue nor the truth.
“Ano na lang pong type niyo, Sir Mark?” pag-iiba ng usapan ni Tricia.
Rhysand’s eyebrows raised in confusion. “Type? ’Di ako sigurado kung meron ba ’ko no’n. Basta ang alam ko, ’pag gusto ko iyong tao, gusto ko sila.”
Keegan Chavez - the simplest definition of what his type in people are. At the same time, the only person that he really liked and was serious with.
Natigilan si Rhysand noong mapansin niyang mukhang nagdi-daydream na ang mga estudyante niya. Probably because they knew what his type in people are but for some reason, he’s been struck by the idea that he’s not safe. May mga estudyante kasi siyang mayroong gusto sa kanya. May iba pang pinursue talaga siya bagamat alam ng mga ito na malaki ang age gap.
They were scary because he doesn’t want to be stripped of his teaching license. He likes teaching but every now and then, kids nowadays are too wild for their own sake. Naiintindihan niyang natural sa mga itong magkagusto sa mas matanda sila at ayos lamang ang ganoon, huwag lang iyong bigla-bigla siyang bibigyan nang kung anu-ano.
“I’ve had issues with my students before when they found out that I don’t have a certain type so I’ll make things clear.” He cleared his throat but before he could speak, upon seeing the expressions of his students, Rhysand ended up sighing. “I draw the line for people younger than me. Hindi ako pumapatol sa estudyante ko. Itigil niyo na ’yan.”
Rhysand shook his head when his students began to whine. Sabi pa ng mga ito, sayang daw dahil hindi naman malaki ang age gap ng mga ito sa kanya. Tumaas tuloy ang kilay niya. They’re just minors! Anong hindi malaki ang age gap samantalang bente siyete na siya!
The student nearest to him sighed. “Kahit po ba si Ma’am Fey, wala pong pag-asa? Ship po namin kayo!”
“Wala. I’m not interested in anyone.” Bukod kay Keegan, walang pakialam si Rhysand sa ibang tao. “Aalis na ’ko. Behave yourselves and enjoy the Valentine’s day.”
Now thinking about it… He can’t really be into a relationship where he’s genuinely in love with the other person, huh. And it’s been two years …
Kabanata 3
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 3
‘SI RYLEIGH ANG gusto ko, hindi si Rhysand!’ Punyeta, hindi maintindihan ni Keegan kung bakit paulit-ulit kung mag-replay sa utak niya ang mga salitang binitawan kay Lyle nitong nakaraan. Tama naman ang sinabi niya pero siguro nanibago siyang naipunto niya ang totoong nararamdaman? Noon kasi, hindi niya masabi kung bakit siya nakipaghiwalay kay Rhysand bukod sa ‘kapatid’ ang turing niya rito.
Si Ryleigh ang gusto niya- oo , nagustuhan din niya si Mark pero noong isinawalat sa kanya ang katotohanng si Rhysand pala ang mga taong minahal niya, he cringed hard. Hard.
Para siyang sinampal ng realidad noong nalaman niyang iyong taong nang-iwan sa kanya— i
yong
tinuring
niyang
kapatid
— ang siyang totoong katauhan sa likod ng mga taong minahal niya. Kaya naman pala sa tuwing kausap niya noon si Ryleigh, kumportable siya dahil pakiramdam niya ay kilala siya nito. Nakampante siya. Totoo iyong sinabi sa kanya noon na wala siyang pakialam. Ang unsuspicious niya kay Ryleigh kahit ang daming red flag.
Wala, e. Nabulag siya ng pagmamahal. Pero hindi naman umabot sa puntong kaya niyang patawarin nang basta-basta si Rhysand at hayaan itong makipag-relasyon sa kanya. Hindi siya ganoon katanga.
Though, sure. Rhysand, as himself , has a lot of qualities worth falling for, but Keegan never thought of falling for him. Sino ba naman ang tangang bigla-biglang mahuhulog sa kaibigan nila?!
“Ako.”
Napasigaw si Keegan noong marinig niya ang malamultong boses ni Ridge sa tenga niya kasabay ng pag-ihip nito ng hangin sa leeg niya. Putang inang ’yan! Bakit ba ang daming epal sa pagmumuni-muni niya?!
Noong makabalik siya sa huwisyo, mabilis siyang lumingon para harapin si Ridge na noo’y tuwid nang nakatayo at pilyong nakangisi sa kanya habang hawak iyong maliit na basong pinag-iinuman nila. Bagamat moreno ito, bakit parang halatang namumula ang mga pisngi nito? Lasing na ba si Ridge? Kanina pa ba ito umiinom?
Kalaunan, madramang bumuntong hininga ang binata. “I didn’t think that you’d be talking shit about me, Doggie~”
“Anong— Anong pinagsasasabi mo?! ’Di ikaw ang tinutukoy ko! Sinalo mo lang talaga sinabi ko!” singhal niya sa binata. Hindi lingid sa kaalaman niyang napukaw niya ang atensyon ng ilan sa kanila dahil biglang umakbay sa kanya si Leon. “Anong ginagawa mo rito?”
“Nakatunog akong may tsismis,” nakangising sagot nito.
Sumagitsit siya’t inalis ang braso nito sa balikat niya. “Kaya ayaw ko kayong kainuman e! Mukha niyo, tsismis!”
“Pero ano bang sinabi mo?” kuryosong tanong ni Leon.
Mula sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang nag-aabang din ng sagot niya sina Lyle, Zachariel, Zamiel-putang ina lahat sila! Kahit si Gian na ayaw magpahalata e parang lumalaki ang tenga para lang makinig sa kanya! Bakit ba ganito ang mga ito? Bakit ba nahila si Lyle sa barkadang ito-hindi, bakit pati siya, nahila rito?!
“Alam mo Leon, ang sabi niya— ‘sino ba ang tangang magkakagusto sa sarili nilang kaibigan?’ Ah, the pain of being struck right into the heart~ Mapanakit ka, Keegan. Akala ko pa naman tanggap mo kami,” madramang sagot ni Ridge bago nito sinalo ang dibdib.
Umarte pa itong nasasaktan— ang pangit talaga ng isang ’to mag-inarte . Putang ina. Kung talent acquisition siya, iri-reject niya itong si Ridge. Imbes na sumagot ay pinakyuhan niya ang binata. Bakit ba kasi nito sinalo iyong iniisip niya? ’Tsaka bakit parang maluwang na naman ang turnilyo ng bibig niya? Private thoughts niya iyang dahilan ng pagdadrama ni Ridge, a!
Aksidente niyang naibulgar, putang ina talaga.
Meanwhile, Zamiel sipped on his drink loudly before he turned his face away. “Wow, who would’ve thought that I’d suddenly regret being engaged to Ridge after seeing him act?”
“Gago, ngising-ngisi ka nga. Sino bang niloloko mo?” nakangisi namang sabi ni Zachariel.
“Wow, double kill. Alam ko namang ’di mo talaga ako tanggap, Zamiel,” pagdadrama lalo ni Ridge.
“Putang ina mo, pakyu!” sigaw naman ni Zamiel sa fiancé nito.
Ayan, ganyan. Tama ’yan. Ganitong mga klase ng senaryo ang gustung-gustong nakikita ni Keegan mula sa mga kaibigan lalo na kung kasal na o ikakasal pa lang. Iyong magbabardagulan sila imbes na maglandian. Hindi masakit sa mata. Sina Lyle at Gian kasi, 24/7 akala mo maghahalikan palagi. Kaya ayaw niyang kasama pareho, e.
Mabuti na lamang at pagkatapos na magkulitan ng mga kasama niya, namatay din ang isyu tungkol sa aksidente niyang nasabi. Umalis na rin si Leon sa tabi niya’t nakipagkwentuhan kay Zachariel. Hindi nagtagal, nagkaraoke ang dalawa. Maganda naman ang boses nila pero mas magandang mabusalan sila ng bibig dahil habang tumatagal, mas nagiging lasing na ang tono ng pagkanta nila. Basta iyong patapon na ang sinasabi’t hindi na maintindihan! Iyong mga tipo ng boses pangkanto t’wing may inuman.
Sina Gian at Zamiel na lamang ang naghiwalay sa dalawa pero hindi rin natapos ang gabing na-push sila isa-isa na kumanta. Kahit siyang ayaw sana, biglang kumanta ng laklak kaya tawa nang tawa sina Leon-oo, ito iyong pinakamalakas ang boses at ang lakas mang-asar, akala mo naiintindihan pa magsalita e kung anu-ano na pinagsasasabi.
Binato niya tuloy ito ng mic. Nasapo lang ni Ridge kaya hindi talaga tinamaan ang binata. Sayang.
Matapos kumanta, bumalik si Keegan sa tabi ni Lyle na noo’y aliw na aliw lamang na pinanonood ang lahat. Hindi pa ito lasing tulad ni Ridge, Zamiel, at Gian-siya, si Zachariel, at si Leon lang talaga ang tinamaan na ng alak kaya pare-pareho na silang sabog.
Tang ina kasi ni Leon. Bakit niya ba ’yan kinaibigan? Bakit bigla silang naging malapit na magkaibigan? Kasalanan ito ni Lyle, nagpainom kasi noong kasal nito. Tapos naka-vibe pa niya si Leon dahil pareho pala sila ng taste sa musika.
“Iyong kanina…” Lyle trailed off. Napatingin tuloy si Keegan sa kaibigan ’tsaka niya ito natagpuang nakangiting nakamasid sa asawa na noo’y inaalalayan si Zachariel dahil kumakanta at gumegewang na. “Iniisip mo pa rin si Rhysand? Akala ko ba, wala ka nang pakialam?”
“Wala naman talaga akong pakialam,” sagot niya ’tsaka siya nagsingasing. Kalaunan, kumunot ang noo niya bago niya ipinilig ang ulo. “Naisip ko lang siya bigla pati iyong sinabi ko sa ’yo na si Ryleigh naman talaga ang nagustuhan ko at hindi si Rhysand.”
“Doesn’t that still equate to liking Rhysand?”
“Ano?”
Naniningkit ang mga mata at gulung-gulo niyang tinignan si Lyle. Mabuti na lamang at nakatunog itong hindi niya naintindihan ang sinasabi nito kaya trinanslate nito sa Tagalog ang sinasabi.
Hindi raw ba pareho lang iyon? Tutal iisa lang naman si Ryleigh at Rhysand-si Mark at si Rhysand. Hindi ba ibig sabihin noon, si Rhysand pa rin ang minahal ni Keegan?
“Hindi pareho ’yon!” sagot niya at halos mabigwasan niya ang kaibigan kung hindi lang nito hinawakan ang magkabilang braso niya para pigilan siyang gumawa ng kahit ano. “Siguro, ewan ko? Basta! Kung hindi sana si Rhysand si Ryleigh, baka tatlong taon na rin kaming magkasintahan ngayon! Apat? Ewan ko! Wala naman akong pakialam kung lalaki siya. Ang akin, bakit kailangang siya pa si Rhysand?”
Nakakainis. Hindi mapigilan ni Keegan ang bibig niya sa kadadaldal. Kahit na gusto niyang tumigil, hindi na niya makontrol ang bibig at ang isipan. Gusto niyang magkwento nang magkwento at sa dami ng pinagsasasabi niya, mabuti na lamang at binibigyang pansin pa rin siya ni Lyle. Mataman siya nitong pinagmamasdan at kahit gusto niya itong sabihan na pigilan siyang magsalita, hindi niya magawa.
“Keegan,” tawag nito sa kanya na ikinatigil niya.
Sa wakas, nagkaroon din ng pause ang bibig niya. Pagod na siyang magsayang ng boses samantalang wala naman ang saysay ang pinagsasasabi niya. It’s the alcohol, after all. His mind’s hazy because he’s already drunk-but not to drunk not to be aware of what he’s doing. Hindi niya lang talaga mapigilan ang sarili dahil kung anu-ano ang pinagsasasabi niya.
“Ihahatid ka namin ni Gian mamaya, a? I’m worried about you. Kung anu-ano na sinasabi mo,” dagdag pa nito.
His forehead creased. “Bakit, ano bang sinasabi ko?”
Imbes na sumagot ay makahulugang ngumiti sa kanya si Lyle kaya itinikom na talaga niya ang bibig. Doon pa lamang talaga siya natauhan. Mukhang mayroon siyang nasabi na hindi dapat nito malaman, a.
Is it his sexuality? Is it-
“Puro si Rhysand lang bukambibig mo. But that itself is concerning,” Lyle responded which made his eyes widen. “Maybe seeing him twice is really taking a toll on you.”
NOONG MAGISING SI Keegan at binalikan na ng katinuan, ‘tsaka pa lamang niya naintindihan ang sinabi ni Lyle sa kanya kagabi. Kaya pala ayaw na siya nitong iwanan dahil panay na ang banggit niya kay ‘Ryleigh’ at kung bakit ba kailangang si Rhysand pa ang maging tao sa likod ng pekeng katauhan nito. Kung bakit nanghinayang siya kasi ayos naman sana silang dalawa ni Rhysand kung hindi lang sana ito si Ryleigh—at kung paanong magtatagal sana sila’t posibleng nagsasama na ngayon kung hindi siya napaglaruan.
Hindi niya na alam kung ano pa iyong iba niyang sinabi pero mukhang punung-puno siya ng rant sa buhay. Tang ina, is it because he was almost drunk last night that he said things that he was supposed to keep ‘til his death? Dalawang taon na ang lumipas at balak ni Keegan na pagtakpan iyong mga tanong at pagsisisi niya!
Anyway, lesson learned. Hindi na siya makikipag-inuman sa mga ito! Bwakanang shit—ah! Punyeta.
Nakalukob sa kumot na bumangon si Keegan. Mabigat ang katawan niya’t masakit pa rin ang ulo niya. Hindi naman siya sobrang nalasing pero dahil marami-rami siyang nainom kagabi, medyo tinamaan pa rin siya ng sakit ng ulo. Hindi naman sobra. Mabuti na lang talaga’t day off niya ngayon kaya hindi niya kailangang magkumahog mag-ayos.
Pumunta si Keegan sa kusina para uminom ng tubig at maghanap ng gamot sa hangover pero noong mapagtanto niyang wala, naniningkit ang mga mata niyang nakipagtitigan sa lalagyan ng gamot niya. Kailan pa siya naubusan ng ibuprofen? Makakabili rin ba siya niyan sa tindahan?
Napahilamos siya ng mukha’t naiinis na sumigaw. “Putang ina naman, o! Kagigising ko lang, wala na agad tumatakbo ng naaayon sa gusto ko!”
Ito ba ang kabayaran sa pagbanggit sa pangalan ni Rhysand? E kasi dapat limot na niya ito. Putol na rin naman ang koneksyon nila sa isa’t isa at hindi na nagkukrus ang landas nila pareho! Ang mahal naman pala ng bayad kahit hindi naman niya sinumpa si Rhysand!
Whatever.
Pupunta na lang siya sa malapit na convenience store. Roon na rin siya bibili ng pang-almusal para diri-diretso na, tutal tamad naman din siyang magluto ng lugaw.
Bago siya magpunta ro’n sa malapit na bilihan na gamot, nagtanong muna si Keegan sa mga malapit na tindahan. Ngumiwi pa siya noong matanto niyang tanghali na pala’t late na siyang gumising. Dapat pananghalian na ang inaasikaso niya at hindi agahan, tang ina.
Noong malamang walang ibuprofen sa mga tindahan na pinuntahan niya (
walang
kwenta
,
pwede
na
sila
magsara
) , naisipan niyang lumayo-layo. Mas lalo siyang nahihilo dahil ang init ng panahon—pero nakahinga siya nang maluwang nang makarating siya sa 7/11.
“Panis naman ‘yong mga ulam nila rito,” bulong niya sa sarili ‘tsaka siya lumapit sa lalagyan noong mga binibentang de karton na pagkain. Iyong kumpleto rekados pero pa-expired na. “Pwede naman akong mag-fast food pero… May gamot ba sila rito?”
Bakit siya pumunta ng 7/11 na hindi alam kung may gamot ba rito?
Lumapit si Keegan sa cashier para magtanong kung mayroon ba silang gamot dito pero noong sinampal siya na ‘
wala
’ —hindi naman literal na sinampal, alam din naman niyang wala talaga pero nagbaka sakali siya dahil ayaw niyang manatili sa labas dahil mainit.
Nadidismaya man dahil lalabas na naman siya para mag-hunting ng ibuprofen (kung bakit ba naman kasi walang malapit na drugstore sa tinitirhan niya at ospital agad) , handa na siyang makipagsapalaran ulit sa labas. Nakakainit ng ulo dahil nakikipag-sabayan sa init ng araw ang maiksing pisi ng pasensya niya pero wala siyang magawa. Siya nagdala sa sarili sa ganitong sitwasyon e.
Keegan heaved a sigh and was about to start walking to the nearest fastfood chain when his eyes seem to have stolen a glimpse of something familiar. Kumunot ang noo niya pero nilingon niya kung ano iyon para kumpirmahin kung tama ba ang nakita niya o niloloko lang siya ng mga mata pero noong matagpuan niya si Rhysand na naglalakad patungo sa kanya ngunit nakatingin sa semento, kumibot ang isang kilay niya.
And it seemed like Rhysand felt his gaze or probably saw him too because he raised his head and his eyes instantly widened when met with Keegan’s.
Ngayon, pareho silang nakatangang nakatitig sa isa’t isa. Anong ginagawa nito rito?! Tumigil din sa paglalakad si Rhysand ilang hakbang ang layo sa kanya at tila ba nawalan ito ng pakialam kahit na babad ito sa araw.
Wala sa sarili niya itong dinuro. “Ikaw na naman! Sinusundan mo ba ako, ha?!”
Shit, wait. Dapat ba niyang tinanong ito ng ganito? Paano kung mayroon na naman itong kasama na sasalo sa presensya nito kung bakit nagkrus na naman ang landas nila? Putang ina, parang hindi pa lang niya bukambibig ang binata kagabi noong medyo nalasing siya’t lumuwang ang turnilyo sa bibig niya, a?!
Dahil mataman siyang pinagmamasdan ni Rhysand at hindi malaman ni Keegan kung anong nararamdaman nito o reaksyon na nagkrus na naman ang landas nila, hindi niya naiwasang kabahan at mag-iwas ng tingin. Ganito rin ito noong una silang magkita. Nagulat sandali pero hindi naman niya mabasa kung anong tumatakbo sa isipan nito!
Pero, ha! Katitingin niya sa pigid, nakumpirma niyang wala itong kasama kaya imposibleng mayroong magba-back up dito.
Keegan shivered when Rhysand cleared his throat to compose himself and possibly, reply to him. “Magkikita kami ng mga kaibigan ko, Keegan.”
‘Keegan’ —Parang gusto niyang magmura dahil kahit na sobrang pamilyar ng pangalan niya’t napakanatural lang na binigkas ni Rhysand, kahit na walang bahid ng kahit ano sa tono nito, hindi niya maintindihan kung bakit parang kulang.
Kasi walang ‘
Kuya
’ ? Samantalang Kuya Keegan ang tawag sa kanya noon ng binata. But Rhysand removed the kinship—no, he stopped addressing him as his brother since he came back here.
“Hindi mo ba talaga ako sinusundan?” Maybe he’s just delusional. After all, it’s been two years and he’s pretty sure that this guy already moved on from him. Well, he could hope.
Noong kumurba ang nanunudyong ngisi sa mga labi ng binata, kumunot ang noo niya. “Bakit naman kita susundan? I was the one who told you that I’ll never get close to you after the three-month relationship bargain. And it’s been two years. ‘Di naman ako patay na patay sa ‘yo, Keegan.”
“Sana nga.” Ipinagkrus niya ang mga braso. “E ba’t litaw ka nang litaw kung nasa’n ako?”
“Malay ko.” Nagkibit balikat si Rhysand at umiling-iling. Ang itsura nito, kahit na malaking bulas ito, tila ba batang hindi rin maintindihan ang nangyayari sa kapaligiran nito. “Hindi ko rin alam kung ba’t kailangan kitang makita pagkatapos ng dalawang taon, Keegan.”
Now looking back, this is the first time that they’ve held a semi-proper conversation. Dalawang beses na silang nagkita. Noong nakaraang buwan at kahit nitong dalawang linggo lamang ang nakalilipas. But that doesn’t make him a bit happier! He doesn’t want to see Rhysand’s face after his betrayal, after all!
Nagngitngit ang mga ngipin ni Keegan kasabay ng paglunok niya’t pagkuyom ng mga kamao. Hindi na niya alam kung paano sasagutin si Rhysand! Gusto na nga lang niyang murahin o hindi kaya, magwu-walk out na lang siya dahil gutom na siya pero para siyang kandilang naitulos sa kinatatayuan! E nasa harap pa naman siya ng 7/11. Mabuti na lang at dalawa ang pinto kaya hindi siya considered na nakaharang dito.
“Namumutla ka. Are you alright?” Rhysand soon asked after a while of silence. He looked concerned about him with the way how his forehead creased and his eyebrows furrowed. “Mayroon akong biogesic dito kung gusto mo.”
Aanhin niya ang biogesic? Hangover ang meron siya kaya ibuprofen ang hina-hunting niya! O hindi kaya gamot na hindi mati-trigger ang acid niya dahil una sa lahat, wala pa siyang kain.
Inismiran niya ito. “Ano namang pakialam mo?”
Mabuti na lang at nagtanong si Rhysand dahil doon pa lamang nagkaroon ng lakas ang mga binti niyang lumakad paalis. Bumalik ang kontrol niya sa katawan kaya natalikuran niya ito pero dahil mas mataas ang pride niya kaysa sa height—sa tingin niya, hindi niya naisip tumingin sa daan kaya hindi niya napansin iyong kadenang hindi niya alam kung anong saysay sa mundo!
Basta pa-vertical iyon. Nakasabit sa bubong tapos sa may drainage ang kabilang dulo. Medyo pikit pa yata si Keegan maglakad dahil bumangga siya roon at muntik na matumba kung hindi lang biglang mayroong humapit ng beywang niya’t hinawakan ang braso niya bago pa siya makipaghalikan sa semento.
At base pa lang sa sapatos na biglang lumitaw kung saan, mukhang nahabol siya ni Rhysand bago siya matumba.
Putang ina, kailan pa siya naging clown?! Wala sa planong maging clumsy sa harap ng kaaway—ewan! Hindi niya kaaway! Basta! Marami ring tao sa paligid nila kaya paniguradong nakita siya ng mga itong mapahiya! At alam niyang maraming nakatingin sa kanya kaya ayaw niyang mag-angat ng tingin pero dahil ma-pride rin siya, bigla niyang inangat ang ulo pero nauntog naman siya sa baba ni Rhysand.
“Putang in—ano ba?!” singhal niya rito bago siya napaupo sa semento dahil nabitawan din siya ni Rhysand. Sapo niya ang likod ng ulong nauntog habang mahina siyang nagmumura.
Natigilan si Keegan noong makita niyang yumukyok din si Rhysand sa tabi niya. Sasabihan niya sana itong umalis na dahil putang ina, ang daming maling nangyayari sa kanya tuwing nagkukrus ang landas nila! Una, nagtalo sila ni Renzo. Tamang hinala rin kasi ang isang iyon, noong nakita nila si Rhysand sa drinking bar ng lugar kung saan sila nag-gig. Pangalawa, na-distract siya nang malamang mayroong kasamang iba ang binata kaya na-late siya sa trabaho!
Ngayon, ito! Malas! Malas! Kung ganito pala ang kapalaran niya tuwing sila ni Rhysand ang magkikita, mas magandang huwag na ulit magkrus ang mga landas nila! E bakit ba kasi parang ayaw makiayon sa kasunduan nila ang tadhana?!
Mabilis na nilingon ni Keegan si Rhysand para sabihang umalis na noong tila ba malunok niya ang dila nang hawakan nito ang likod ng ulo niya. Of course, their hands collided—but he instantly retreated so all he could feel then was Rhysand’s hand on his head. Namilog ang mga mata niya dahil ang kapal ng mukha nitong hawakan siya? Pero wala siyang nasabi nang makita niyang sapo rin ni Rhysand ang baba at medyo naluha ang isang mata nito sa pagkauntog kanina.
“Anong nangyayari sa ‘yo?” tanong ni Rhysand. He hissed but later on, he shook his head as if it was an unnecessary action. “Ayaw mo ba talagang uminom ng gamot?”
Siguro dahil magkalapit silang dalawa ngayon kaya naamoy ni Keegan ang pabango nito. It wasn’t a strong scent but it’s manly and for some reason, made an illusion in his eyes that Rhysand looked one hundred times better than he usually is. Napangiwi tuloy siya dahil nagiging delusyonal na naman siya.
But seriously —this is the first time that he’s able to observe Rhysand’s face, too. Since he wasn’t able to the first and second time they met. Putang ina, may lalaki bang habang tumatagal ay parang pokemon na nag-e-evolve at mas lalong gumagwapo?! Because Rhysand looked like he was favored by God to the point that every thing he does looked great.
He’s like a figure created by a professional sculptor.
Tang ina. Kailan pa siya nagkaroon ng oras na mainggit?
Noong mahimasmasan si Keegan, sinampal niya ang kamay ni Rhysand nang sa ganoo’y maalis sa ulo niya. Tinapunan niya rin ng masamang tingin ang binata. Natigilan tuloy ito at naitikom ang bibig pero noong napagtanto nito kung ano ang ginawa, huminga ito nang malalim at tumayo. Napasinghap naman siya’t hinabol ng tingin ang binata.
“Sorry,” Rhysand then said before he took something from his bag and gave it to him. “Aalis na ‘ko, baka hinahanap na ‘ko ng mga kasama ko.”
Takang-taka man at ayaw man niyang tanggapin ang iniaabot nito sa kanya, wala nang nagawa si Keegan noong ilagay ni Rhysand sa tuhod niya ang gamot na hawak nito— ipinilit iyong biogesic. Namamangha niyang pinagmasdan ang ibinigay nito dahil ang utak niya, lumilipad, binubulungan siya na ayaw na siyang hawakan ni Rhysand matapos niyang sampalin ang kamay nitong nasa ulo niya.
And something about the thought squeezed his heart.
“I also hope that we’d stop seeing each other,” kalauna’y dagdag pa ni Rhysand na nakapagpasinghap sa kanya.
Ngunit noong gusto niya itong tignan at singhalan sana pabalik, natalikuran na pala siya ni Rhysand at naglalakad na ito palayo sa kanya. Habang siya, nakatangang pinanonood na mawala sa paningin niya ang likod nito.
Suddenly, he felt like he was… abandoned .
Kung hindi lang talaga niya naramdaman ang mga tinging ibinabato sa kanya ng mga ‘audience’ nila kaya nilingon niya ang mga ito at tinapunan ng masamang tingin para magtigil na. Walang palabas! Bakit ba nakiki-Marites ang mga ito sa kanila?! Bwisit.
Padabog na tumayo si Keegan at pinagpag ang pwitan. Nahulog iyong gamot na ibinigay sa kanya ni Rhysand sa semento at balak sana niyang iwanan iyon doon dahil aanhin ba niya? Pero hindi niya rin natiis at pinulot niya bago siya umalis.
Pakshet na ‘yan. Hindi niya alam kung anong ginagawa niya sa buhay niya!
Kabanata 4
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 4
SO, HOW DID A piece of medicine he can’t use turned out to be his “most treasured possession” ?
Nagsimula lahat noong para siyang gagong nakipag-korean drama na bungguan sa kadenang naka-display doon sa malapit sa sakayan sa Main Gate. Noong bago pa man siya makipaghalikan sa sahig, bigla siyang sinalo ni Rhysand pero inuntog naman niya ang ulo sa baba nito kaya pareho silang parang gagong napaupo. Noong hinawakan ni Rhysand ang ulo niya para pawiin ang sakit ng pagkakauntog niya kahit na masakit din naman ang baba nito at noong sampalin niya ang kamay nito dahil… Wala, e. Hindi niya na alam kung anong gagawin sa ganoong senaryo.
Nablangko lang talaga si Keegan noon. Manghang-mangha pa nga siya sa itsura ni Rhysand hanggang sa bigla siyang mahimasmasan at ang pinakauna niyang ginawa ay marahas na alisin ang kamay ng binata mula sa ulo niya. Dahil ayaw man niyang aminin, mas lalo siyang nahiya!
Puta, mas maliit siya rito pero pakiramdam niya ay mas lalo lang siyang nanliit sa ginawa nito! Foul! Ang karma niya tuloy ay ang masabihan na sana’y hindi na ulit magkrus ang mga landas nila ni Rhysand-at putang ina, sa sobrang pagmamahal ni Lord dito ay sinunod nito ang gusto ni Rhysand! Gago!
Pero nauulol na yata siya. Ano bang pakialam niya? Siya itong parang tangang pinagbibintangan si Rhysand na sinusundan siya tapos ngayong magdadalawang buwan na niyang hindi nakita, hinahanap niya? Bobo ba siya? Hindi niya kailangan si Rhysand! At bakit ba siya parang tangang parang miss na miss ang isang iyon? Nangingilabot siya sa sarili.
Oo, nauulol na nga yata siya dahil kanina pa niya pinaglalaruan sa kamay iyong gamot na biogesic. Nakaangat ang braso niya sa hangin at pinagmamasdan ito habang marahan niyang iniikot-ikot. Sa tuwing mahihimasmasan naman siya, mapapatanong na lang siya sa sarili kung bakit niya tinatago. Akala naman niya rito nakasalalay ang buhay niya!
“Hoy, may biogesic ba kayo? Masakit ulo ko, tang ina,” rinig niyang reklamo ni Paolo pero lumabas din sa kabilang tenga niya ang tinanong nito.
“Ayan si Keegan o, parang gagong nakatitig do’n sa gamot niya. Tignan mo kung mahihingi mo ‘yon,” sagot naman ni Angelo sa lalaki ‘tsaka siya sabay na nilingon ng mga ito.
Biyernes. Nagpraktis ulit sila ng mga kabanda niya ng kanta dahil naisip ng mga itong gusto nila mag-gig. ‘Tsaka dahil mayroon ding natanggap na imbitasyon si Angelo na pupwede raw silang kumanta sa debut ng anak ng kakilala nito at babayaran naman daw sila tapos libreng pagkain, pumayag na silang dalawa. Hindi lang nga alam ni Keegan kung saan ba iyang tutugtugan nila. Basta may lumpiang shanghai, mananahimik naman siguro siya.
Natigilan si Keegan kasabay ng pagsimangot niya noong biglang nawala sa mga kamay niya ang hawak na biogesic-bigla-bigla na lang inagaw sa kamay niya, tang ina! At pagkatapos niyang mablangko sandali, natagpuan niya si Paolo na hawak-hawak na iyong gamot na pinakaiingatan niya.
“Akin na lang ‘to, Keega—” Hindi na natapos ang sinasabi ni Paolo noong bigla siyang tumayo’t inagaw iyong biogesic dito pero bago pa man niya iyon maabot, nailayo na ni Paolo.
Putang ina, ang bilis ng reflexes! Mali ‘yan!
“Tang ina Kuya Pao, sasapakin talaga kita ‘pag ‘di mo ‘yan binalik sa ‘kin. Tamo,” banta niya rito habang inaayos ang manggas ng suot niyang long sleeve.
Umuulan kasi sa labas at dahil malamig gawa rin ng aircon, nag-long sleeve siya. Kaso parang naka-cancel na iyong lamig dahil uminit kaagad ulo niya noong biglang nawala sa kamay niya iyong biogesic, muntanga!
Nanlalaki ang mga mata siyang pinagmasdan ni Paolo. “Ba—Bakit ka nambabantang mananapak?! Hinihingi ko naman nang maayos ‘tong gamot, a?!”
“Wala! Akin na ‘yan! Nunkang ibibigay ko ‘yan sa ‘yo, bumili ka na lang sa labas! Magpabili ka kay Kuya Renzo!” singhal niya rito.
“Ha?! Napapa’no ka, pati gamot pinagdadamot mo?!”
“Kasi mahal pagkakabili ko niyan! Akala mo ginto kung ibenta no’ng tindahan!” pagsisinungaling niya. “Akin na! Makikita mo, Kuya Pao. Sasapakin na talaga kita, napipikon na ‘ko.”
Impromptu lang. Hindi nga siya makapaniwalang ang bilis niyang nakaisip ng dahilan pero sa totoo lang-matagal na niyang pinapraktis ‘to dahil inasahan niyang mayroong eepal na mang-aagaw ng gamot na iyon sa kanya. Kaya ang dali-dali lang na mag-isip ng isang dahilan mula sa isang daan yatang inihanda niya.
“Gago ka!” natatawang sagot ni Paolo ‘tsaka sinapo ang ulo. “Nananakit lalo ulo ko sa ‘yo. Wala pa mang dalawang minuto na ‘di mo hawak ‘tong gamot pero galit na galit ka!”
He groaned. “Akin na nga kasi, putang ina naman o. ‘Di ka na nakakatuwa, Kuya Pao. Akin na!”
“Nakshuta, ang damot naman. Parang gamot lang e! Gelo, chat mo nga si Renzo! Tutal matagal siya sa labas!” pagsuko ni Paolo ‘tsaka ibinalik sa kanya ang gamot na ibinigay sa kanya ni Rhysand.
Noong mahawakan ulit niya iyon, halos kuminang ang mga mata niya sa tuwa. Nakahinga siya nang maluwang. Akala niya end of the world na dahil mag-aaya talaga siya ng suntukan kahit mababaw ang dahilan. Mabuti’t ibinalik! Dahil kung ito, nalulon ni Paolo, habang buhay niyang isusumpa na sana mabulunan ang kaibigan! Habang buhay siyang magtatanim ng galit! Pero bago niya iyon gawin, ibinalik niya na sa wallet ang biogesic. Baka bigla pa ulit hablutin ni Paolo, mahirap na.
Teka nga, bakit ba siya ganito e gamot lang naman ito? ‘Tsaka si Rhysand ang nagbigay, ‘di ba dapat ipinapalulon na lang niya kung kani-kanino itong biogesic? Pero parang hindi niya rin kaya.
“Magkano ba bili mo ro’n sa gamot? Bilhin ko na lang kaya kung ginto pala binenta sa ‘yo,” biglang bulong ni Paolo sa tabi niya. Ni hindi alam ni Keegan kung kailan ito nakalapit sa kanya.
Nanggagalaiti niyang pinakyuhan ang kaibigan. “Tumahimik ka riyan, Kuya Pao. Wala akong balak ibenta. Baka ‘di mo pa matumbasan presyo. Ginto nga, ‘di ba?!”
“Utut mo! Baka nga mamaya binigay lang ‘yan sa ‘yo!”
Oo pero hindi na dapat nito malaman iyon! Basta hinding-hindi niya isusuko itong kapirasong biogesic na ‘to! Sagasaan muna siya ni Paolo sa bike nito bago niya isuko. Pwe.
Na-drop lamang ang topic tungkol sa gamot noong dumating si Renzo. Ito ang pinakahuling dumating dahil bukod sa nag-overtime ito, mahirap humanap ng sasakyan t’wing tag-ulan. Pero ang kinagandahan ng late nitong pagdating ay nagdala nga ito ng gamot para kay Paolo na inihagis lamang nito sa binata. Tuwang-tuwa pa sila pareho ni Paolo pero sa magkaibang dahilan.
Ligtas iyong biogesic na binigay sa kanya!
“Iba ka talaga, lider!” sigaw ni Paolo habang masayang-masaya nitong binubuksan ang gamot na ibinigay ni Renzo rito. “Oy, pahingi ngang tubig!”
Keegan huffed. “Pati ba naman tubig wala ka, Kuya Pao?”
“H’wag kang epal. Pagkatapos mong ipagdamot ‘yang akala mo gintong biogesic mo? Foul! Pahinging tubig!” anito pa.
KEEGAN KNOWS HOW stupid it was to hide something like a piece of medicine and treasuring it like his own child. Hindi naman bigla-biglang magkakapaa o katawan itong piraso ng biogesic na ito, bakit itinatago pa niya? Walang saysay! Sayang pa sa espasyo sa wallet niya kaya noong nahimasmasan na siya, inilagay niya ang biogesic sa drawer niya para kalimutan.
Pero mukhang dapat ay dinala na lang niya ngayon, a. Kung hindi lucky charm, paniguradong malaki maitutulong ng biogesic na iyon sa sakit ng ulo niya.
Bumuntong hininga si Keegan habang nililinisan ang tenga gamit ang hinliliit. Kanina pa siya nakukulele sa Ate niyang bigla na lamang lumitaw sa kung saan samantalang hindi naman ito ang binisita niya kung hindi ang mga pamangkin niya. Mahigpit din niyang sinabihan ang mga ito na puntahan siya sa basketball court dahil ang hirap kausap ng Ate niyang mukhang walang pakialam sa sarili nitong mga anak.
Hindi rin natutuwa si Keegan dahil iyong laway ng Ate niya, paminsan-minsa’y tumatalsik sa mukha niya kaya mas lumalayo siya pero putang ina, mas lalo itong lumalapit. Gusto niyang bangasan – bahala na nga.
“Pagkatapos mong ‘di magpakita sa ‘min nang matagal, iyong mga anak ko lang ang kikitain mo? Pa’no ako? Ate mo ‘ko!” singhal sa kanya ng Ate niya.
Ngumiwi si Keegan at ibinalik ang mga mata rito. Kanina pa siya nakatingin sa mga pamangkin niyang tila ba nagsu-sorry dahil mukhang sinundan ang mga ito ng Ate Katelyn niya pero nginitian lamang niya ang mga ito. Hindi naman nila kasalanang nandiyan ‘yan. Nataon lamang na mautak ito.
“Ikaw, wala ka talagang pakialam sa ‘min, ‘no?!” Dinuro-duro siya ng Ate niya kaya mas lalo siyang napasimangot. “Kami iyong pamilya mo pero kung mas ituring mo ‘yong Belinda-ng ‘yon ‘tsaka iyong Edward na ‘yon, ‘kala mo ‘di mo bitbit ‘yang apilyido nina Papa!”
Napaismid siya. “Hindi mo alam kung ga’no ko kagustong apilyido na lang ni Nang Belinda ang dalhin kaysa sa ‘Chavez’. Ano bang problema mo? Alam mong ‘di ikaw ang ipinunta ko rito pero kung pumapel ka, akala mo bida ka sa teledrama.”
“Aba’t! Ang bastos talaga ng bibig mo! Ganyan ba ang pagpapalaki sa ‘yo ni—”
“Ganito niyo ako pinalaki,” agap niya sa Ate Katelyn niya bago siya napailing-iling. “Pwede ba? Kung mag-eeskandalo ka lang at walang gagawing matino, umalis ka na. Kanina ka pa pinanonood ng mga kapitbahay. Ako pinapalabas mong mali samantalang ikaw ‘tong dumidikit lang naman sa ‘kin dahil asang-asa ka sa ‘kin.”
Napaatras ang Ate niya. She was also speechless. Pero noong mabawi nito ang tindig ay dinuro siya muli nito ngunit sa pagkakataong ito, mas malapit na sa kanya ang nakatatandang kapatid at ang hintuturo nito’y nasa dibdib niya. Medyo itinutulak din siya nito gamit ang isang kamay.
“Malamang aasa ako sa ‘yo. Responsibilidad mong magbigay sa ‘kin dahil Ate mo ‘ko, pamilya mo ‘ko. Kaya ‘di ko maintindihan kung ba’t prayoridad mo ‘yang Belinda na ‘yan at Edward. Wala kang puso. Wala kang kwenta. Ni mga pamangkin mo, ‘di mo maasikaso,” pamimintang nito sa kanya na dahilan para mapaismid siya ulit.
Ipinilig niya ang ulo at tila ba nanunudyo – hindi, nangmamaliit niyang tinignan ang Ate Katelyn niya. “Kung magsalita ka, parang ako ang nag-ire sa mga ‘yan, a? ‘Tsaka inaasikaso ko sila. Ikaw, ikaw lang talaga ang problema at ‘yang lasinggero mong asawa. Pareho kayong parang gagong ‘di man lang magtrabaho nang maayos. Gusto niyo, sarap buhay lang kayo’t ako ang magpapalaki sa mga anak mo.”
“Malamang! Sino pa bang ibang magpapaaral sa kanila bukod sa ‘yo?! Kamag-anak ka nila!”
“Kamag-anak lang ako pero ‘di ako ang tatay ng mga ‘yan! Isa pa, ginagawa ko kung anong trabaho ko dahil Tito nila ako pero ‘di ko salo lahat dahil anak mo ‘yan! Responsibilidad mo ‘yan!” Siya naman ngayon ang nanduro sa Ate niya. Nanggigigil na siya. Kung hindi lang ito mas matanda sa kanya at kung wala lang ang mga pamangkin niya sa isang gilid, susuntikin niya ito e. “Kung ‘di ka ba naman tangang mag-aanak anak tapos ‘di mo naman pala kaya? Ang tali-talino mo pero kung umasta ka, parang nasa pwitan mo ‘yang utak mo!”
“Keegan! Ayus-ayusin mo ‘yang pananalita mo’t hindi mo alam kung anong kayang gawin ng mga anak ko! Sila ang mag-aahon sa ‘min sa hirap at ‘pag nangyari ‘yon, wala kang makukuha!”
Hindi na maalala ni Keegan kung paano siya natapos makipag-trash talk-an sa Ate niyang basura rin ang ugali. Basta ang alam niya, ang sakit ng ulo niya dahil mas lalo siyang nabobo sa pakikipag-away dito. Biruin niya ba namang ang talino ng Ate niya, ‘pride’ ng mga magulang nila noon, pero hindi man lang magamit ang utak sa paghahanap ng trabaho. Ang gusto nito, habang buhay itong Prinsesa!
Ah, naaalala na niya. Dumating din iyong nanay nila’t sumabay pa sa pagiging sakit ng ulo. Nakita na lang sila ng kapitan noon at dahil kilala siya ng chairman, hindi siya ang pinigilan at sa halip ay ang Ate’t nanay niya. Ito pa ang nagsabing hindi naman daw basagulero si Keegan at lahat ng reklamo na natatanggap nito noong nakaraan, ang prospect ay ang nanay at nakatatanda niyang kapatid.
“Tito Keegan,” nanginginig ang mga boses na tawag sa kanya ng mga pamangkin ‘tsaka kumapit sa dulo ng damit niya sina Kaira’t Gabriel.
Marahas siyang napabuga ng hangin ‘tsaka niyakap ang mga ito. Hindi naman kasalanan ng mga itong nakasunod si Katelyn sa kanila pero kung makonsensya ang mga ito, parang ang mga batang ito pa ang nagdala sa kanya sa pahamak. Hindi naman nila sadya – tulad ng sinabi niya, mautak lang talaga iyong Ate niya.
Habang kinu-comfort niya sina Kaira at Gabriel, natigilan si Keegan noong mapansin si Garrett na nakatayo hindi kalayuan sa kanila’t nakayuko. Hawak nito ang dulo ng sariling damit at tila ba sa tatlong pamangkin niya, ito ang pinaka nagi-guilty.
“Oy. Kasasabi ko lang na ‘di kayo ang may kasalanan e,” aniya ‘tsaka minuwestrahan si Garrett na lumapit na rin sa kanya. “Ayos lang ‘yan. Anong gagawin sa inyo ng Mama niyo? Kung gusto niyo, kina Nanang Belinda muna kayo makitira.”
Marahang umiling si Garrett ‘tsaka kumapit sa braso niya’t doon ibinaon ang mukha. “Hindi kami papapasukin na naman sa school ni Mama ‘pag ‘di kami umuwi.”
“Ni hindi nga niya kayo maalagaan nang maayos. Lagi kayong gutom. Tapos—” Tapos parang iyong ginawa sa kanya ng buong pamilya niya noong high school pa lamang siya, ipinararanas ng Ate Katelyn niya sa mga anak nito. “Kung ako lang, kukunin ko kayo e.”
“Kunin mo kami, Tito!” sigaw ni Gabriel na ikinatawa naman niya – pero hindi tawang nanunuya. Sa halip, nanghihinayang.
“Kapag nakaipon ako,” simpleng aniya ‘tsaka ginulo ang buhok ng bunso niyang pamangkin.
Iyon ang plano pero kung ilaban iyon sa korte, paniguradong talo siya dahil hindi naman niya bayolohikal na anak ang mga pamangkin niya. Sadyang mas alam lang niya kung paano alagaan ang mga ito. ‘Tsaka nananawa si Keegan panoorin ang mga pamangkin na dinadanas ang dati niyang pinagdaanan. Iyong struggle na magtatrabaho siya kahit menor de edad pa lanang siya nang may maipangtustos sa pang-araw araw at kahit paano’y makapag-aral?
Naranasan din niyang masabihan noon na kulang lang siya sa tiyaga kaya sila naghihirap – bakit siya pa ang may kakulangan at hindi ang mga magulang niya? Iba rin talaga utak ng ibang guro at sana, hindi iyon naririnig ng mga pamangkin niya. Hindi nila deserba lalo na’t sila-sila lang din ang may alam kung ano ba ang nangyayari sa loob ng pamamahay ng mga ito.
Noong mas lalong magsiksikan ang mga pamangkin niya sa kanya’t parang wala na siyang balak pakawalan, pagak siyang natawa. Hindi siya makakilos nang maayos, paano niya niyan bibigyan ng pera ang mga pamangkin niya pangtustos ng mga ito sa sarili? At nang mabili ng mga ito ang mga gusto.
“Tito Keegan, kukunin mo kami, a! Pramis mo ‘yan!” biglang sigaw ni Kaira na dahilan para mapapitlag siya.
Sinamahan ito ni Gabriel. “Ayoko na po kay Mama ‘tsaka Papa ‘tsaka Lola kasi lagi silang nagagalit sa ‘min, Tito!”
“Ayaw na namin sa kanila, Tito!” dagdag pa ni Garrett.
GUSTO NANG UMUWI ni Keegan. Matapos niyang ilibre ang mga pamangkin at bilhan ang mga ito ng gamit, binigyan niya rin ang mga ito ng pera. Nagbigay siya ng sobra para iyon ang ibigay ng mga ito sa Ate Katelyn niya nang hindi nito pakialamanan ang ibinigay niya sa mga pamangkin. Iba rin ang ugali noon, e. Siguradong pati iyong pang-araw araw ng mga pamangkin niya para makapasok sa eskwelahan, kukunin pa nito nang mabili ang sariling luho.
Sa ngayon, naglalakad pauwi si Keegan. Hinahanap niya iyong kapitan nila pero wala raw ito sa bahay nito. Magpapasalamat lang naman si Keegan ‘tsaka mangungumusta. Lalo na, Ate at nanay niya iyong inilayo sa kanya – magsu-sorry na rin dahil kahit lagpas sampung taon na ang nakalilipas, sakit pa rin sa ulo ang mga ito, salot pa rin sa lipunan.
Sa paghahanap niya, dinala siya ng mga paa sa isang pamilyar na street. Dumaan siya sa shortcut na alam niya mula noong pagkabata – iyong magbabayad pa ng piso bago siya makadaan. At noong makarating siya sa pamilyar na masikip na kalye, para siyang binisita ng mga alaala. Habang naglalakad siya, habang pinagmamasdan niya ang mga bahay sa paligid niya – ‘tsaka lang napagtanto ni Keegan na nasa street siya kung saan nakatira ngayon si Rhysand, tang ina!
‘Putang inang – ba’t nandito si captain?!’ namamanghang tanong niya sa sarili at kinakabahan na rin siya dahil baka mamaya, makita pa niya si Rhysand. E balak na nga niyang inumin iyong biogesic dahil tinatamad na siyang bumili sa tindahan, mayroon naman siya sa apartment niya – walang relate. Galing lang talaga kay Rhysand iyong gamot.
“Kapitan!” natataranta niyang tawag dito noong sa wakas ay nakita na niya.
Putang ina, hindi niya rin gets kung bakit siya natataranta na gustong magmadali samantalang wala naman dapat siyang pakialam kung dito nakatira si Rhysand ngayon! Baka nga wala rin naman sa bahay nito ang binata o hindi kaya ay nakakulong lamang sa kwarto, e!
Noong marinig ang boses niya, nilingon siya ng kapitan nila. “O, Keegan? Anong ginagawa mo rito?”
“Kap! Magpapasalamat lang sana ako!” Pagak at kinakabahan siyang tumawa habang tumitingin sa paligid. Hindi rin siya mapakali at gustung-gusto nang umalis dahil baka mahuli pa siya ni Rhysand. “Iyong kanina, no’ng pinagtulungan na ‘ko ni Ate Kate at Mama.”
“Sus! Wala lang ‘yon! E ikaw, ayos ka lang ba? Parang naiihi ka a.”
“Hindi! Hindi!” Anong naiihi?! Hindi pa naman sasabog ang pantog niya at kanina pa siya pinagpapawisan kaya hindi na napadpad sa ibaba iyong tubig na nainom niya. “Alis na ‘ko, Kap! Sa susunod na lang kita ililibre, bye-bye!”
Tumaas ang isang kilay ng kapitan at namamangha siya nitong pinagmasdan noong nagmamadali siyang umalis. Paatras din sana ang gagawin niya, pabalik sa pinanggalingan niya, pero dahil malapit naman na ang highway mula sa kinaroroonan niya’t ayaw na niyang magbayad ng piso pa dahil saktong pamasahe pauwi na lamang ang bitbit niyang pera, nilunok na niya ang pride at nagpatuloy.
Syempre, kinabahan siya noong madadaanan na niya iyong bahay ni Rhysand. Doon siya sa kabilang banda ng kalsada dumaan, malayo sa pamamahay nito at panay siyang tingin hanggang sa makatapat siya sa gate nito nang makasigurong wala si Rhysand.
Pero noong hindi naman niya nakita, para siyang nanghinayang na ewan. Bad trip.
Kabanata 5
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 5
IT WOULDN’T BE a lie if Keegan would say that his new trainee really made him nervous. Dahil baguhan iyon at mukhang mahina ang stamina, hinanda kaagad ni Keegan ang magiging regimen nito kada punta sa gym. And well, he didn’t expect her to be weaker than he originally thought. Kaya nagpaalam siyang babaguhin at iri-revise ang plano dahil mukhang kinakapos na ito ng hininga.
Magsabi na rin siyang magbi-break kaya iyon din muna ang gawin nito, ngunit matapos niyang makapanigarilyo sa likod at nang bumalik siya sa gym, hindi niya agad nakita ang trainee niya. Nagtanong pa siya sa mga kasama niya hanggang sa ituro ng mga ito kung sino ang nasa balcony ng gym kaya tinignan niya.
And there she was. Goddamn it.
Napahilamos ng mukha si Keegan at bumuntong hininga dahil ang buong akala niya, umalis na ito. Baka napagod kaagad sa paggy-gym at naisipang umuwi o baka lumipat ng pupwedeng pag-exercise-in pero mukhang hindi ganoon ang ganap. Mabuti naman dahil paniguradong kakausapin siya ng boss niya kapag nataon.
Lumapit siya sa trainee niya ngunit mukhang hindi nito napansin ang presensya niya dahil abala itong tumingin sa ibaba. Well, he must admit that it’s kinda nice to be high up from the ground. Dahil nasa commercial building ang gym na pinagtatrabahuan niya at hindi naman sakop ng buong gym ang lugar.
Ibig sabihin, mayroon pang ibang establisyimiyento sa ibaba. Sa unang palapag ng building ay ang Susie’s Cuisine at iyong M Lhuillier tapos sa second floor naman ay iyong malaki at sosyaling internet shop. Third floor lang ang sakop ng gym nila ngunit malaki’t malawak na rin ang lugar. Kasya lahat ng equipment at mayroon pang espasyo para sa lockers, palikuran, at semi-bodega – basta storage.
Nang nasa tabi na siya ng trainee niya, tinapik niya ang braso nito na dahilan para ikapitlag nito. Ngunit nginitian lamang ni Keegan ang dalaga bago niya ipinilig ang ulo.
“Akala ko umalis ka na. Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Nagpapahangin lang po ako.” Ipinilig ng trainee niya ang ulo. “Start na po ba ulit ng ano…?”
Nagpapahangin? Samantalang wala namang puno kahit saan kaya puro usok lamang ang malalanghap mula rito sa third floor. Medyo filtered na dahil nasa mataas silang lugar pero mainit pa rin ang hangin kung sakaling mayroong iihip. Kahit magpahangin dito, parang ang balik din e pawis.
Tumango siya ‘tsaka ipinakita rito ang clipping board niya. “Inayos ko na ‘yong regimen mo nang sa gano’n, ‘di ka na ga’nong mahirapan.”
Ipinaliwanag ni Keegan kung anong gagawin ng trainee niya dahil isang malaking sorpresa talaga na malamang mas mahina pa pala ito sa mahina. Nasabihan siya pero na-overestimate niya yata. Para sa babae, mabilis din itong mapagod – mukhang ngayon nga lang yata ito lumabas e, pero sino ba siya para manghusga? Baka may health problems lang kaya ganito.
Habang ipinapaliwanag ni Keegan ang bagong plano para sa trainee niya, naisipan ni Keegan na tumingin sa ground floor – sa parking-ang nasa gilid lamang ng kalsada dahil parang mayroong pumupukaw ng atensyon niya roon. Kaya pasimple siyang sumandal sa barustrada ng teresa at tumingin sa ibaba.
Then, he paused when he saw a familiar figure walking towards a car.
Kumunot ang noo ni Keegan. May bitbit ang lalaki na mga pinamili galing sa Susie’s Cuisine at mayroon itong kasamang babae na nauna nang pumasok sa kotse. He thought that maybe, he just remembered someone from that man below until that person looked up all of the sudden and their eyes met – anak shuta, si Rhysand!
Napapitlag tuloy si Keegan at biglang napaatras sa teresa. Nagtago siya pero hindi gaanong lumayo sa trainee niya nang magkarinigan pa rin silang dalawa. Ngunit batid din niyang nagtataka ang trainee niya dahil biglaan na lamang siyang umalis sa may balustrada samantalang mukhang mayroon siyang tinitignan sa ibaba.
Pero hindi naman ito nagtanong, mabuti. Kaso, nagambala na siya’t hindi na matahimik ang isipan noong maalala niyang mayroong kasama si Rhysand tapos pumasok pa sa kotse nito. Of course Keegan knew that that guy recently bought a secondhand car – ilang beses nito iyong dinala rito sa gym t’wing sinusundo siya ng binata noon pero hindi madalas dahil sa pagkakaalala niya, ayaw din ni Rhysand na nagpapa-gas.
Fuck, he’s bothered. Sino iyong kasama ni Rhysand?
Bago pa man siya lamunin ng mga isipin, mabuti na lamang at nauna na ang trainee niya sa equipment na gagamitin nito, susundan na lamang niya maya-maya dahil mayroon siyang titignan sandali sa ibaba.
But when he checked Rhysand’s car, it was in the middle of getting out of its parking space.
“Putang ina mo,” bulong niya kahit na hindi naman maririnig ni Rhysand na minura niya ito.
Galing ng Susie’s Cuisine dahil mayroong mga bitbit na pinamili? Mukhang may isi-celebrate ito. Pero sa lahat ng lugar, kailangan bang dito talaga?
Sa kabila ng kulay itim na bintana ng sasakyan ni Rhysand, natigilan si Keegan noong maaninag niya ang imahe ng babaeng nasa loob ng sasakyan nito. Of course, he couldn’t see who it was and he’s not supposed to see since the window’s tainted in black but – this woman pressed her face on it that Keegan was able to somehow see a shadow – a glimpse of that person. Hindi niya pa rin kilala ang dalaga pero… Mayroon kung ano na hindi tama.
Ang dating kasi noong sumisilip sa bintana, parang pilit na hinahanap kung nasaan siya e. O baka siya lang iyon. Bahala na, may trabaho pa nga pala siyang aasikasuhin.
“COULD YOU PLEASE stop peeking from the window like that?” sita ni Rhysand sa pinsan habang hinihila niya ito mula sa kwelyo paalis mula sa bintana.
Pupwede naman nitong irolyo iyon pababa pero imbes na iyon ang gawin, pinipilit ni Trixie na silipin si Keegan kahit alam naman nitong magmumukha itong clown kung may makakita man dito. Well, he doubts that someone would see her. Kaso sa paraan ng pagkakadikit ng mukha nito roon sa bintana? Baka nakita nga ito ni Keegan.
“Trixie!” naiiritang tawag niya rito.
Mabuti na lamang at sa pagkakataong ito, nilingon na siya sa wakas ng dalaga’t lumayo na ito mula sa bintana. Ang pangit lang na nag-attitude pa ito samantalang ito nga ang kumikengkoy sa sarili.
Nakasimangot ang dalagang pinagmasdan siya. “Ano ba, Mark? I was just checking your Kuya Keegan kasi sabi mo, nasa third floor siya! What’s on that floor, anyway? Also, I saw him staring here pala. Nakasimangot.”
He doesn’t care. Nagtama lang naman ang mga mata nila kanina at paniguradong naba-bad trip na naman iyon sa kanya dahil ayaw nitong nakikita siya kung saan-saan. Noon ngang aksidente silang magkita sa may Astro, sinigawan pa siya’t itinatanggi. And he learned from that, so he’ll shrug him off too.
“Wala ka man lang bang sasabihin? Keegan was watching us the entire time!” anito pa.
Umikot ang mga mata niya. “Just get off the window, will you? ‘Di ako makapag-drive nang maayos dahil sa ginagawa mo.”
“Excuse me! ‘Di naman kita napipigilan from driving ‘no. It’s your choice na hila-hilain kaya ako.”
Imbes na pansinin pa si Trixie, ibinaling na lamang ni Rhysand ang atensyon sa pagda-drive. Dumating na iyong boy na magga-guide sa kanila paalis sa parking space nila at noong matapos na, binayaran niya ito. Makakauwi na rin sila sa wakas – kanina pa siya gutom at hindi naman dapat siya bibili ng mamahaling pagkain kung hindi biglang sumugod si Trixie rito sa Pampanga.
Nag-away daw sila ni Louie at dahil ayaw daw nitong makita kaagad ang binata, naisipan nitong bumyahe bigla papunta rito. Nagulat na lang si Rhysand noong tinatadtad na siya ng tawag ni Trixie at nag-aalalang hinahanap na rin ng Tito at Tita niya itong pasaway niyang pinsan. Kahit si Louie, tinatanong kung siya raw ba ang pinuntahan ni Trixie.
Oo, ang sakit na nga ng ulo niya dahil naligaw pa ito at kinailangan pa niyang sunduin.
“Is he a gym trainer pa rin ba?” biglang tanong ni Trixie sa kabila ng katahimikang namutawi sa kapaligiran.
Rhysand’s forehead furrowed and he took a glance over his cousin before he hummed. “Oo, bakit?”
“Have you… Have you tried going to the gym ulit tapos sa facility nila?”
“No. I wouldn’t dare to do that.”
Naguguluhan siyang pinagmasdan ng dalaga. “Why not? Don’t you like him pa? I think you still do kasi kanina, I found you staring at him longingly bago ka pumasok e. If ‘di mo pa sinabing si Keegan ang nakita mo kanina, I wouldn’t even bother. I’ll just ask why you’re throwing someone a gaze like that e ‘di naman sila si Keegan.”
“I still love him, sure.” The truth that he wanted to bury six feet under the ground but keeps on pestering him in the end. It’s been years and yet it’s still haunting him. “Pero ‘di naman ibig sabihin no’n, hahabulin ko pa. ‘Di naman sapat na gusto ko siya kung si Keegan mismo nagsabi sa ‘king layuan ko siya.”
“Wait, seriously? It’s that bad?”
“Haven’t I told you?”
Hindi na magawang tignan ni Rhysand si Trixie pero dama niya ang kuryosidad nito dahil hindi inalis ng dalaga ang mga mata sa kanya. He sweatdropped. Sa pagkakaalala niya ay kinuwento niya noon kay Trixie ang nangyari nang makabalik siya rito sa Pampanga at kung paanong mabilis na nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Keegan.
Not that he expected Keegan to be accepting, anyway. Even Louie warned him that something would change if Keegan would know that he’s the Rhysand whom he grew up with. Disappointed lang siya noong nangyari nga ang sinabi nito. Hindi siya galit dahil inasahan niyang hindi siya tatanggapin ng binata.
“He even said that the person he loved was Ryleigh and Mark, not me.” How can he miss such detail? When it was the first thing that Keegan told him after his grandiose reveal. “‘Tsaka ako rin nagsabi sa kanya na lalayo ako ‘pag natapos iyong bargain relationship na hiningi ko sa kanya. All is well, though it’s unfair that he shut me down before I could prove a thing, it’s understandable.”
Natigilan si Rhysand noong marinig niyang mag-‘sob’ si Trixie. Napangiwi tuloy siya dahil hindi niya inaasahan ang reaksyon nito. He would assume that Trixie wasn’t listening to him this whole time and that’d be fine, but as soon as he took a glimpse over his cousin, he found her wiping some of her crocodile tears which made his eyebrow twitch. Inalis tuloy niya ang kamay mula sa kambyo para hilain ang buhok nito nang matigil ito sa kadramahan.
Of course, Trixie said ‘ow’ and threw glares at him but she couldn’t really get back on him because he’s assigned to maneuver the wheels. If she did, they’d be caught in an accident.
“Inaano ka ba?! I was sympathizing with you!” she complained and touched the part of her hair that he pulled. She combed it with her fingers as he brought his hand back to the clutch. “Can’t I feel your pain ba, ha? Just tell me. You’re stressing me out! I was trying to wear your shoes e. If Louie did that to me, I’ll really be devastated!”
Umikot ang mga mata niya. “You’re not one to talk, you’re ghosting your boyfriend.”
“Oh, just like what you did to Keegan before as Ryleigh, ‘no?”
“Fuck off.” That was foul! It was a memory from the past that shouldn’t be brought up anymore since he’s already grown out of that… That shitty attitude!
Malapit na siyang magdesisyong ipasundo itong si Trixie kay Louie. Sasabihin na lamang niya ang address niya sa binata rito sa Pampanga nang ito na ang humila sa pinsan niya pauwi! Sure, it’s fun having her here. Pero isang araw pa lang ito rito, lalong nadadagdagan ang stress niya.
Ni wala pa nga siyang natatapos na paperwork dahil nga ang gulu-gulo ni Trixie simula kaninang umaga. She caused a huge chaos, literally.
“What if mag-gym tayo tomorrow? Sunday naman bukas!” Trixie suddenly said, obviously planning to see Keegan up close and dragging his ass to the gym where he works.
Umikot ang mga mata niya. “Dream on. Uuwi ka bukas.”
“What? I’m on leave and I don’t want to return pa! Maiinis lang ako kay Louie!”
“Ipapasundo pa rin kita sa kanya. Inii-stress mo ‘ko e. You’re even trying to subtly bring up Keegan here,” he responded to which made Trixie cross her arms.
“Duh, I’m just trying to act like a matchmaker here. Kasi naman, you still like him and since he’s checking this car out earlier, baka hinahanap ka rin niya! I just think you two could still… you know .”
Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingina ng dalaga. Her words held ‘meaning’ and ‘malice’ as if she’s also already planning the most brilliant thing she could ever think of. Although for Rhysand, it’s only a waste of time and her words held nothing but a void.
He’s pretty sure that the reason why Keegan was looking at his car earlier was because he saw Trixie – the woman who acted as ‘
Ryleigh
’ . And he’s probably double-checking if he got that right. Maybe he’ll even try to approach Trixie because he said it before… The person he liked wasn’t him but that persona of his and possibly, the woman who acted as Ryleigh’s face.
Kung ganoon ang mangyari sa oras na pumunta sila sa gym ni Keegan, paniguradong masasaktan suya. At hindi rin niya pupwedeng ilabas ang sakit na posibleng maramdaman dahil ayaw niyang isipin ni Keegan na gusto pa rin niya ito. Sinabi naman niya rito na naka-get over na siya’t mapayapa nang namumuhay.
“We’re not doing that,” he soon said in a raspy voice and before Trixie would notice it and turn to him in a worried expression, he immediately cleared his throat to regain composure. “Plus it’s his day-off tomorrow.”
There’s no way that they’ll meet Keegan if they go tomorrow, and possibly, they won’t go anytime.
SIKE, PUTANG INA. Napagtulungan si Rhysand. Noong pinapunta niya si Louie sa pamamahay niya noong magsawa siya kay Trixie at gusto na itong itapon sa matino nitong boyfriend, hindi niya naisip na mas lalaki pala ang problema niya.
For several days, Trixie has been bugging him about going to the gym. Kaso may pasok siya kaya madalas ay olats ito. Hindi rin siya maaya ng hapon dahil kahit nakauwi na galing trabaho si Rhysand, naghahanda pa rin siya madalas ng lesson plan at instructional materials. Most of the time, he intentionally finishes his job at 7 o’clock in the evening so that Trixie would lose all hope about dragging him to the place where Keegan works.
But eluding from the idea ended up in a waste after Louie came.
Nang dumating ito, hindi alam ni Rhysand na maayos na pala ang relasyon ng dalawa. Naayos na ang away. Talagang sinusulit lang ni Trixie ang pagbabakasyon dito sa bahay niya at nakatagpo ito ng kakampi noong oras na sunduin ni Rhysand si Louie mula sa terminal.
That was the first trick. The second happened on his first day off – Saturday .
Pinagbantaan niya naman sina Trixie at Louie pero hindi epektibo ang mga ginawa niya. Nahila pa rin siya sa gym na pinagtatrabahuan ni Keegan at para masigurong hindi siya bigla-biglang tatalon sa balcony o tatakas, pati iyong dalawa e naisipang mag-gym na rin.
“Sa’n ka? Papasama ako kay Louie to do liftings,” Trixie asked as she raised her arm to show him her invisible biceps.
Naniningkit ang mga mata niyang pinagmasdan ang dalaga bago nag-iwas ng tingin. “I’ll probably do some leg work.”
Iniisip kasi ni Rhysand na kung sasama siya kina Trixie, baka mas lumaki ang tsansang makita niya si Keegan. He can’t let that happen. Hiyang-hiya at parang gusto nga niyang magpalamon sa lupang umapak dito e, ang makita pa kaya ang mukha ng binata.
He’ll probably just shoo him away again and Rhysand doesn’t want to go through that.
“I’ll wear my mask pala,” Trixie suddenly said as he was wearing his ear buds. Lumapit si Louie sa dalaga at inabot ang face mask nito. “Baka ako ang makita niya, I don’t want him to call me by your persona’s name.”
Inismiran ni Louie ang dalaga. “Mark used your face for that persona we’re talking about, remember? So of course, Kuya Keegan will recognize you with that name.”
“Yeah but like, the goal is for him to see Mark! Not me! Plus, anong gagawin niya sa ‘kin? I’m already taken. Kay Mark na lang siya since single pa and of course, my cousin is really handsome.”
Umikot ang mga mata niya’t walang ganang pinakyuhan ang dalawa. “And I hope that we won’t see each other.”
Matapos sabihin iyon ay pumunta si Rhysand sa parte ng gym kung nasaan ang equipment para sa leg work. Sa totoo lang, gusto na niyang umuwi’t tumakas na lamang pero bantay sarado siya. Nasa bandang entrance/exit ng gym ang lifting equipments kaya roon nagpaiwan sina Trixie at Louie nang makita siya kung bigla-bigla ba siyang aalis.
He’d love to do the lifting too, really. But he’ll probably do it next time when he’ll be attending the recent gym he’s been going to (not this place).
Well, anyway… It’s not like he’s been able to go to that other gym since things have become busier.
Around his second year of teaching sa eskwelahang pinapasukan niya ngayon, palagi na siyang inaasahan sa kung saan-saan. Lalo na sa events ng eskwelahan. Of course, the Head Teacher is still Sir Aaron but that guy also drags him around. Kung nasaan ito, dapat daw kasama siya dahil reliable raw siya.
Rhysand blew out a loud breathe after he was done doing some stretches so as to avoid getting cramps during the exercise. Once he’s done, he proceeded to do the walking lunge. It’s the easiest thing to do right now before he goes to do some squats later.
Since he was occupied with what he’s doing and was also somehow deaf since he’s blasting music through his earbuds, he didn’t hear a thing said by the person behind him. But sure, he did feel like someone was staring at him… It’s just that, he doesn’t care because it’s normal around. Some men admiring men – and Rhysand doesn’t want to brag but he does have a muscular body.
While Keegan – as illegal as it is to think about him – only has muscles on the right places. Well, he is slightly muscular – still muscular, but he’s not that buffed or rigged.
Maybe it was after five to ten minutes that he finished the lunge and after he placed the dumb bells on its proper place, Rhysand heaved a sigh and removed one of his ear buds. Only to hear Keegan’s voice echoing.
“Kaya pala hindi mo ako narinig kasi naka-ear buds ka,” anito na ikinagulat niya, dahilan din para mapalingon siya kung saan niya narinig ang boses nito.
Rhysand’s eyes widened as he turned around and saw Keegan standing with his arms crossed and a raised eyebrow as if he’s been waiting for him to notice his presence. He’s wearing a white fitted shirt and of course, a black workout shorts and rubber shoes – his hair was fixed in a bun and Rhysand can’t remember when did his hair got longer.
“Hi,” simpleng bati sa kanya ng binata ngunit mayroon ding kung ano sa tono ng boses nito.
Napaatras siya’t napalunok. “Yeah, hi.”
Fúck. He knows that he’ll see Keegan here since this is his workplace and had tried to avoid him but maybe, the place is just too small for him to never be spotted.
Kabanata 6
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 6
THIS IS UNCOMFORTABLE. Hindi mawari ang itsura ni Keegan habang nakikipagtitigan siya kay Rhysand na noo’y mukhang gulung-gulo sa mga nangyayari. Kung umasta ito ay parang hindi nito alam na rito siya nagtatrabaho samantalang kung babalikan ang nakaraan, sinusundo pa nga siya ng binata kada matatapos ang shift nito sa eskwelahan!
Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso. Nagbago na siya. Hindi na niya ulit ito aakusahan na sinundan siya dahil siguradong itatanggi rin naman ni Rhysand. ‘Tsaka sinampal siya ni Rhysand noon ng katotohanan na ilang taon na rin naman ang lumipas, ba’t sa kanya iikot ang mundo nito? Hindi naman siya gwapong-gwapo sa sarili noong nag-assume siya ‘no?
“Hindi kita sinundan dito. Hindi rin ikaw ipinunta ko,” biglang dipensa ni Rhysand bagamat wala pa naman siyang sinasabing kahit ano.
Nagkibit balikat siya. “Hindi ko rin naman sinasabing baka sinundan mo ‘ko.”
“I know. Kaso sa dalawa o tatlong beses na nagkita tayong dalawa, lagi mo ‘kong inaakusahan.”
Cat got his tongue. Sa kanya mismo galing na asyumero siya pero noong isapak na naman sa kanya ni Rhysand iyong ugali niyang ‘yon, ang tindi ng pagkapahiya niya.
Shuta. Hindi tuloy siya mapakali. Namumula ang mga pisngi niyang nag-iwas ng tingin at iginala ang mga mata sa buong paligid. Lilibangin na muna niya ang sarili sa panonood sa mga bagong punta rito sa gym nila.
Nawala iyong lakas ng loob niyang kausapin si Rhysand at parang gusto niyang mag-walk out na lamang tapos magkunwaring walang nangyari at hindi niya ito nilapitan! Umalis na kaya siya? Isang beses pa lang pero pakiramdam niya mado-double kill siya.
Because Keegan was so occupied with his thoughts, he didn’t notice that Rhysand had been staring at him, taking notes of the little changes in Keegan’s body and what was new. He still had that same body frame – still muscular but not so. He just had muscles on the right places but he’s a little bit smaller than Rhysand. By height, too.
At dahil hindi nga alam ni Keegan na kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Rhysand, noong makaipon na ulit siya ng lakas ng loob para magpaalam at iwanan ito (kahit hindi naman kailangan), napaatras siya noong makita na mataman pala siya nitong tinitignan.
Keegan sweatdropped. “Ano? Naghahamon ka ba ng away? Suntukan?”
“Ba’t ko naman gagawin ‘yon?” naguguluhan nitong tanong. “Nagtataka lang ako kung ba’t ang tahimik mo ngayon. You’re usually rowdy if I’m around…”
“Maraming tao,” simpleng aniya ‘tsaka iminuwestra ang mga tao sa gym pati na rin ang mga kasamahan niya sa trabaho. “Palagay mo ba uulitin ko iyong ginawa ko sa Astro? Ulol, napahiya ako no’n! Marunong naman akong matuto sa isang pagkakamali!”
Rhysand snorted. Amusement danced in his eyes. “Pero tatlong beses mo ‘kong inakusahan na sinusundan ka. Even though I told you that even though I exert the best effort to avoid you, it’s just impossible if we’re walking in this small world, right?”
Naitikom ni Keegan ang bibig. Iyan—Ibang usapan ‘yan! Gusto niyang dipensahan ang sarili kay Rhysand pero wala siyang masabi. ‘Tsaka malay ba niya kung sinasadya ba talaga ni Rhysand na magkita sila?! Mabuti sana kung nag-inform ang mundo na tapos na itong makisama sa kanila ni Rhysand at madalas na ulit magkukrus ang mga landas nila! Malay niya ba sa ganoon?! ‘Tsaka may expiration date ba talaga dapat ang ganito?!
Ah, but fúck… Rhysand’s correct. It took him time to make peace with that fact but he managed, alright?!
Still, it’s unfair. Si Rhysand mismo ang nagsabing lalayo ito kaya noong unang beses na magkrus ang landas nila sa drinking bar na pinag-gig-an nila, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Noong hindi niya alam na madalas nang magkukrus ang mga landas nila, medyo paranoid siya dahil baka naging stalker si Rhysand.
Kaso siya lang iyon. Asyumero lang siya.
“Sorry, ayos ba?” kalauna’y aniya noong sa wakas ay naipon na niya ang tindig mula sa bawat sulok ng katawan niya. Hanggang kilikili. Muntik pa ngang maubos, e. “Hindi ko naman alam. Malay ko ba. Malinaw naman kasi usapan natin noon.”
Keegan was gritting his teeth when he apologized but ironically, he’s really sincere. Nahihiya lang siyang mag-sorry. Pakiramdam niya, nanliliit siya.
“Tinanggap ko nang aksidente lang iyong mga nauna,” dagdag niya pa.
Nag-iwas ng tingin mula rito pero noong magsawa siyang tumingin sa isang naggy-gym na mukhang hirap na hirap mag-lift… Hanggang sa mayroon siyang maalala na nakapagpakunot ng noo niya.
Naniningkit ang mga mata niyang tinignan ulit si Rhysand. “Pero ano pa ring ginagawa mo rito? Putang ina, tinanggap ko nang magkukrus nang magkukrus ang landas natin mula no’ng magkita ulit tayo pero ‘di counted ‘tong nandito ka mismo sa pinagtatrabahuan ko! Alam mong dito ako nagtatrabaho, e!”
“It wasn’t me? Hinila ako rito,” dipensa naman ni Rhysand ‘tsaka nito mabilis na itinaas ang mga kamay para sumuko. “Wala na ‘kong nagawa dahil nandito na rin ako… They tied me in the car.”
“Ano?” namamangha niyang balik dito. Pakiramdam niya, comical din ang ginawang ekspresyon ng mukha niya dahil napaismid si Rhysand habang pinagmamasdan siya. “H’wag kang tumawa-tawa, ‘di ako natutuwa. Nag-a-alibi ka lang ba?!”
“Hindi.” Rhysand closed his eyes and swallowed the laugh he was trying his best to hold. “Totoo iyong sinabi kong hinila lang ako rito, Keegan.”
Tumaas ang isang kilay ni Keegan dahil ang defensive nitong pakinggan. Rhysand, on the other hand, seemed like he’s anxious because he’s staring at him intently. Tinitignan lang naman niya kung totoo ba ang sinasabi nito dahil parang ang peke pakinggan na mayroong hihila kay Rhysand dito.
Pupwede naman itong tumanggi at magpahila sa ibang gym? Bakit dito pa?
“My cousin knows you…” Rhysand slowly said later on, which made him tilt his head while the former gulped. “She and her boyfriend.”
Marahan ang pagkurap na ginawa ni Keegan. “At ba’t naman nila ako makikilala? Bukod sa ‘yo, Lola mo lang naman ang nakilala ko.”
“You don’t know them but they know you because I—”
Natigilan ito nang tila ba mayroong mahagip ang mga mata. Napansin din ni Keegan dahil nag-iwas ito ng tingin sa kanya tapos bigla itong mayroong itinuro. During that time, he looked like he was panicking.
“Ayan sila! Kinaladkad nila ako rito!” pagsusumbong nito. Para itong bata na nakasimangot habang mayroong inaakusahan.
He looked cute. He was reminded of the days when he used to babysit this piece of shi– no , he actually looked stupid. What was he thinking?
Napailing-iling si Keegan bago niya naisipang sundan ng tingin ang direksyong itinuturo ni Rhysand. And he was met with a couple, both looking familiar as if he’d seen them somewhere.
And hell, it was awkward. Pare-pareho silang nakatingin sa isa’t isa tapos kahit na maingay ang background noises nila dahil sa kwentuhan at mga equipment, parang ang tahimik sa lugar nilang apat. Rhysand still looked like a child who’s allegedly blaming his cousins, Keegan looked confused, and the couple near them seemed oblivious of what’s happening.
Well, they only looked oblivious until the woman looked at him and her eyes widened after she seemed like she recognized Keegan.
“Magkasama na kayo ng crush mo!” bigla nitong sabi ‘tsaka ito mahinang tumili at nagtago sa likod ng boyfriend nito. “Oh-em-gee, Mark! Kaya pala hindi mo kami pinupuntahan ni Louie because you’re with Keegan na pala!”
What… What the fuck?
Akala ba niya ay kinaladkad lamang si Rhysand dito sa gym? E bakit parang hindi iyon ang labas base pa lang sa reaksyon nitong babae?
Marahang ibinalik ni Keegan ang mga mata kay Rhysand at naguguluhan niya itong pinagmasdan noong makita niyang naguguluhan din ito. What the hell is that reaction? Hindi tuloy naiwasan ni Keegan ang mapakibot ng isang kilay dahil parang pinagti-trip-an ang itsura nito. Parang offended na ewan.
Gusto niyang matawa na ewan.
“Ikaw, a? You didn’t even text me! We could’ve given you the quality time that you wanted!” pang-aasar pa noong babae kay Rhysand.
Rhysand looked dumbfounded at first, but when he came back to his senses, he scowled at the woman. “Putang ina? Stop this madness, Trix! Hinila niyo lang ako ni Louie rito!”
“Ba’t parang kasalanan namin?” ‘Trix’ responded. She even looked offended. “We just did what you wanted!”
“What did I want?!”
“Sabi mo, gusto mong makita si Kuya Keegan mo! You were whining last night, Mark! We were just helping you kaya!” Then the woman nudged the man beside her. Base sa reaksyon nito, para itong nanghihingi ng saklolo sa kasama nito. “‘Di ba, babe? Sinisira ni Mark ang good deed natin e we helped him lang naman to see his beloved Kuya Keegan!”
Bakit… Bakit parang nahihiya rin siya habang pinapakinggan itong babae? Bakit may secondhand embarrassment siya kahit hindi naman dapat dahil si Rhysand ang inaatake at nilalaglag dito?
Still, his cheeks felt hot. Hindi siya masaya sa naririnig. Blangko lang. Nahihiya lang talaga siya para kay Rhysand. Sabi na nga ba’t dapat kanina pa siya nag-walk out.
Hindi pa nakatulong na tumango-tango iyong lalaking kasama nito. “Sa totoo lang Mark, nakakasama nga ng loob. ‘Di ba ikaw pa ang nagmakaawa sa ‘ming gusto mo siyang makita?”
“Kailan ko ginawa ‘yon?!” nasisiphayong singhal ni Rhysand sa mga ito bago ito napahilamos ng mukha. “Nonsense! I didn’t do anything! Mas lalong ‘di ako nagmakaawang makita si Keegan!”
Para siyang nanonood ng sitcom. Naaaliw siya kahit na panay nada-drag ang pangalan niya.
“No, you kept whining and begging us to help you kaya!” sagot ulit noong babae. She even wiped a fake tear which made Keegan snort, amused of the poor acting skills she has. “Concerned lang naman kami sa ‘yo, Mark. You were lovesick and we know naman na ‘di mo pa kayang mag-move on even though it’s been two years kaya we decided to give you our full support!”
Then, the man nodded. “Nandiyan na siya, Mark. H’wag mo sabihing natotorpe ka kaya ginagamit mo kaming scapegoat?”
“What the fuck. This isn’t right—” Rhysand paused before pulled his hair and suddenly, he grabbed Keegan by the wrist which took him by surprise.
Legit iyong pagtalon niya noong maramdaman niya ang palad ni Rhysand sa palapulsuhan niya! Bakit ang lamig? Tapos pawis pa? Putang ina naman ng batang ‘to!
Namamangha niyang pinagmasdan si Rhysand at bago pa man siya mahila nito sa kung saan, hinawakan din niya ang palapulsuhan ng kamay nitong nakahawak sa kanya. Gusto niya iyong alisin dahil hindi naman kailangang umabot sa ganito ang lahat! Hindi na rin naman siya naniniwala sa mga kasama nito dahil ang bullshit ng kwento tapos ang out of character mula sa Rhysand na kilala niya!
Oo, maniniwala siya kay Rhysand dahil putang ina, hindi naman kailangang umabot sa maghahawakan sila dahil para siyang nakukuryente!
“Rhy—” Keegan paused when he noticed how small and helpless his voice sounded. Parang hindi siya, gago. Kaya tumikhim siya’t tumindig. “Bitaw.”
Ngunit kahit na sinabi niya iyon, seryoso lamang siyang pinagmasdan ni Rhysand. He looked like he’s in rage and suddenly, he looked more… fine? Ah, basta! Putang ina basta ang bottom line ay natigilan siya noong makita si Rhysand na ganito ang itsura at parang nanghina ang mga tuhod niya – normal ba ‘to o nababaliw na siya?
Mali ito! Tumikhim ulit si Keegan at ibinuka ang bibig para sana magsalita ngunit bago pa man siya may masabi, pinangunahan siya ni Rhysand.
“Let’s talk.”
Keegan’s jaw dropped and his brain short-circuited. Two words in and he’s swept away. Completely. He’s suddenly out of himself that when Rhysand began to pull him somewhere, his body just followed.
WOW. ASTIG. Isa siyang malaking bobo at kahihiyan.
Huli na noong mapagtanto ni Keegan na hinila siya ni Rhysand palabas ng gym at work hours pa niya! Ni hindi nga siya naka-break at naiwan lamang iyong trainee niya roon – pwe, hindi bale. Si Ridge lang naman iyon ‘tsaka kasama naman ng isang iyon ang fiancé nito. Aalalahanin pa ba niya iyon? Pero ayun nga, work hours pa rin niya!
Tang ina niya talaga. Ang bobo. Ni hindi na nga niya maalala kung paano siya biglang nawala sa sarili. Basta nagkaroon yata ng sariling utak ang katawan niya’t nagpahila kay Rhysand!
And now what?
Mukhang noong napansin din ni Rhysand na sila na lamang dalawa at biglang tumahimik ang kapaligiran, ‘tsaka lamang ito nahimasmasan. Nabitawan pa siya nito at para itong napapaso kung umasta bago lumakad palayo sa kanya nang magkaroon silang dalawa ng distansya mula sa isa’t isa.
Bakit nga siya hinila rito? Hindi naman pwedeng magtitigan na lang sila ni Rhysand dahil may trabaho pa rin siya sa itaas. Problema niya rin e kung nakita pa ng magaling na Gonzales iyong hinila siya ni Rhysand. Putang ina baka isipin noon, may namamagitan sa kanila ni Rhysand – ni hindi nga nito alam na naging boyfriend niya itong kababata niya!
Ah! Dini-distract niya na lang talaga sarili niya pero magfo-focus na siyang tapunan ng masamang tingin si Rhysand!
Keegan swallowed before he cleared his throat. Walang mangyayari sa kanilang dalawa kung magtititigan lang sila. May sakit sa ulo pa siyang kailangang balikan.
“Tang inang ‘yan. Alam mo namang ‘di mo ‘ko kailangang hilain dito, ano?” panimula niya. It took his all, too.
Rhysand pleaded guilty. He nodded and lowered down his gaze. “I’m sorry. Na-toxic-an lang ako sa pinsan ko and… I don’t like how they keep on fabricating stories to have things go in their way.”
Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso’t sumandal siya sa pinakamalapit na pader. Then, he snorted. Kasasabi lang naman niyang hindi rin siya naniniwala dahil ang out of character ng bersyon ni Rhysand sa mga ito bersus sa Rhysand na kilala niya. Kaso, hindi na niya nasabi sa isang ito dahil bigla na lang hinablot iyong palapulsuhan niya ‘tsaka siya dinaan sa “let’s talk”, putang ina.
Hindi niya talaga maiintindihan kung paanong biglang nagkaroon bigla ng sariling utak ang katawan niya’t na-sway ng dalawang salita. Bobo, Keegan.
Ah. Natigilan siya noong tila ba mayroong mapagtanto. Napatitig din siya kay Rhysand na noo’y mukhang guilty na guilty pa rin sa bigla nitong ginawa sa kanya.
“It also frustrated me because they were desperate to make it sound like I’m craving to see you,” biglang sabi pa ni Rhysand na muling humila kay Keegan mula sa pag-iisip ng malalim. “Kasi kung gusto talaga kitang makita, ako mismo ang pupunta sa ‘yo. Hindi rin ako magpapakita sa ‘yo, Kee.”
Natulala siya. His eyebrow twitched but there’s nothing much on his facial expression as he heard Rhysand’s additional explanation. Wala e, hindi kaagad rumehistro sa kanya kaya wala siya sa sariling tumango at humimig pero mukhang nagtaka naman si Rhysand sa reaksyon niya.
Noong nagtataka nitong hinanap ang mga mata niya’t nagtama ang mga paningin nila, noong mapansin ni Keegan na naguguluhan yata si Rhysand, kumunot ang noo niya.
Ano bang sinabi nito at ganyan ang itsura?
“Bakit?” suplado niyang tanong dahil sa lalim ng iniisip niya kanina, hindi na nagawang mag-sink in ng sinabi ni Rhysand.
The male blinked in confusion before he slowly shook his head. “Ah. It’s nothing… I just… It still feels off when you shrug me off.”
“Ha? Bakit?”
Naniningkit ang mga mata siyang pinagmasdan ni Rhysand bago nito ipinilig ang ulo. “Seryoso ka ba—no, actually, never mind. Wala. ‘Wag mo na lang pansinin iyong sinabi ko, Keegan.”
Bakit? Ano bang sinabi nito? Pero dahil sinabi ni Rhysand na hayaan na lamang, ipinagsakibit balikat na lang din niya.
Nag-iwas ng tingin si Keegan mula rito at napatitig sa mga halamang nasa gilid ng pintuan. Bongga iyong may-ari ng gym, nagtanim dito para raw kahit paano may makikita itong halaman.
Napaisip din siya kung may pag-uusapan pa ba silang dalawa hanggang sa lumapit sa kanya si Rhysand.
Napaayos tuloy siya ng tayo ngunit bago pa man niya ito pigilan, napansin niyang hindi ito tumigil sa harap niya kung hindi ay nakipagsiksikan sa kanya sa pintuan nang makabalik sa gym.
Nanlalaki tuloy ang mga mata niya itong tinignan. “Hindi ka ba pwedeng mag-excuse me?!”
“I did?” naguguluhang tugon sa kanya ng binata. “Nagsabi rin ako sa ‘yong babalik na ‘ko sa itaas dahil kakausapin ko sina Trixie.”
He did?
Umatras si Keegan para bigyang espasyo si Rhysand. “Ah. Sorry.”
Tang ina, masyado ba siyang bangag para hindi mapansing kanina pa siya kausap ni Rhysand? Naguguluhan niya itong pinagmasdan hanggang sa napansin niyang kumudlit ang hindi mawaring emosyon sa mga mata nito bago ito bumuntong hininga.
“Excuse me,” was all Rhysand said before he left Keegan downstairs.
FOR A GOOD WHILE, he was in a daze. Hindi siya makapag-focus sa trabaho dahil nakausap niya si Rhysand nang solo tapos si Ridge, biglang lumapit sa kanya para magtanong kung sino raw ba si Rhysand. Syempre, hindi niya ito sinagot. Bakit? Dapat ba malaman pa nito kung sino iyong Marcus Rhysand Fajardo na ‘yan? Hindi na!
‘Tsaka kaagad siyang nilamon ng iniisip noong matanto niyang nakita nga ni Ridge na hinila siya ni Rhysand palabas ng gym e. Pero hindi rin nagtagal iyon dahil mabilis na lumipat ang utak niya sa ‘mas importante’ raw na alaala kanina noong magkausap sila ni Rhysand.
“Kasi kung gusto
talaga
kitang
makita, ako mismo ang
pupunta
sa ‘yo. Hindi rin ako
magpapakita
sa ‘yo,
Kee
.”
Keegan slapped himself with his clipboard when he realized what Rhysand was implying when they were left alone. Nagngingitngit ang mga ngipin niyang ginulo ang sariling buhok, nasisiphayo dahil hindi naman na dapat pumasok pa sa isipan niya ang sinabi ni Rhysand kanina pero taksil ang utak niya’t binalikan ang mga oras na magkasama silang dalawa!
Hindi pa nakatulong na bigla niyang narinig na tumawa si Ridge. Ang masama pa, ang lapit nito sa kanya kaya siguradong alam nito na may nangyayaring hindi makabuluhan.
“Huwag kang magsasalita,” banta niya kay Ridge kahit halos i-glue niya ang mukha sa clipboard niya. Dinuro-duro niya rin ito kahit hindi siya sigurado kung nasaan ba ito nakatayo. “Ayokong marinig ang sasabihin mo, maba-bad trip ako. Baka ibalibag talaga kita sa balcony, makita mo.”
“Wow, scary.” Ridge sneered. “So, care to share who’s the hot guy that dragged you out earlier?”
Inalis ni Keegan ang mukha mula sa clipboard ‘tsaka niya iyon inilapag sa equipment na pinakamalapit sa kanya. Habang si Ridge, nakangisi ngunit napaatras na noong magtama ulit ang mga mata nila ni Keegan.
He was obviously agitated because something random struck his mind and this guy just barged in to tease him more about it. Sa bagay, hindi naman niya maiisip kung hindi rin biglang lumapit sa kanya si Ridge pagbalik niya para magtanong kung sino si Rhysand.
Then, Ridge ran and suddenly shouted Zamiel’s name.
Putang ina, mahawakan niya lang iyang tang inang ‘yan, ibabalibag talaga niya.
Kabanata 7
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 7
HINDI MAALALA ni Keegan kung gaano katagal bago siya naka-move on mula sa pag-iisip tungkol sa sinabi sa kanya ni Rhysand. Muntik niyang maisip na isang malaking stalker ang binata kaya mas napapadalas ang pagtingin niya sa paligid hanggang sa maisip niyang hindi naman dapat siya naaapektuhan ng sinabi nito. Siya lang din ang dahilan kung bakit para siyang masisiraan ng bait, e.
Utak niya lang din ang umiimpluwensya sa kanyang mataranta at maging paranoid.
Sus. Si Rhysand? Ii-stalk-in siya? Ha! Ni wala na nga itong gusto sa kanya at kumpirmado iyon noong sabihan siya nitong hindi naman sa kanya umiikot ang mundo nito. Dalawang taon na, nangako itong lalayo sa kanya at magpahanggang ngayon, hindi nito sinira ang pangako. Nataon lang na tadhana mismo ang sumira.
Medyo sinungaling si Rhysand pero ang huling beses na niloko siya nito ay ilang taon na rin ang lumipas. ‘Tsaka baka nagbago na ito. Hindi na niya magagamit ang parehong katwiran para i-describe si Rhysand.
“Uuwi ka na ba?”
Natigilan si Keegan noong marinig niya ang boses ng isa sa mga kasamahan niya sa trabaho. Noong lingunin niya ito, sakto namang naglalakad din ito palapit sa kanya. Pawis din ito tulad niya pero mas refreshed siya dahil nga tapos na ang shift niya’t kahit paano ay nakapaghilamos siya.
Inayos ni Keegan ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya bago niya tinanguan ang kasamahan. “Oo. Mayroon din akong sideline na hahabulin niyan, e.”
“Naks. Ang sipag talaga. Ingat,” anito ‘tsaka ito tumango-tango’t tila ba minuwestrahan siyang umalis na.
Inungusan niya tuloy ito. “Pinapaalis na ‘ko, ila-lock ko pa ‘tong locker ko, boy.”
“Ay, may ila-lock ka pa bang locker,” natatawa nitong sabi ‘tsaka ito umiling-iling.
Pinasadahan lamang ng mabilis na tingin ni Keegan ang kasama sa trabaho bago niya tuluyang iniwanan ang locker. Naka-lock na iyon, napindot na niya iyong parang trigger para mag-click iyong padlock, e. Nagpaalam na rin si Keegan na mauuna na dahil baka magreklamo sina Paolo kung mahuli siya.
Noon kasing na-late si Angelo dahil natrapik ito, medyo nag-tantrums din si Paolo dahil gusto na raw nitong umuwi’t makikipaglaro pa ito sa anak. At oo, pamilyado na sina Angelo at Paolo. Siya at si Renzo na lang ang hindi – lalo na’t nitong nakaraan e ang balita niya, nakipaghiwalay din si Renzo sa ka-live in nito.
Magulo ang buhay nila pero siya, chill lang.
Pero chill nga ba talaga?
Pakiramdam ni Keegan, medyo nagulo ang takbo ng buhay niya noong gabing magkita ulit sila ni Rhysand. Ah. Sa t’wing maiisip niya iyon, lagi ring papasok sa isipan niya na sa pagkakaalala niya, panay tingin ito noon kay Aaron Gonzales— sandali, nakalimutan niyang itanong dito noong minsan silang magkita kung may gusto ba ito kay Aaron! Masyado siyang abala sa kaiisip kung sinundan ba siya nito o ano kaya hindi na niya nakumpirma ang hinala.
At wala naman talaga siyang pakialam kung may gusto si Rhysand kay Aaron dahil kahit siya, aminadong otherworldly ang itsura ng mga Gonzales pero hindi ba’t kasal na si Aaron doon sa long-time boyfriend nitong ipinambasted sa kanya noong kolehiyo siya?
Tang ina, ang habang deskripsyon no’n. Hindi niya alam kung bitter ba siya o ano, e.
Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ni Keegan bago niya ginulo ang sariling buhok. Bwisit. Bakit ba concerned siya kay Rhysand? Ano naman kung may gusto ito kay Aaron at kung baka hindi nito alam na kasal na pala ang isang iyon sa ‘first love’ nito? Hindi na niya problema kung mawasak ba ulit ang puso ng isang iyon.
Mahinang napamura si Keegan noong sa wakas ay nakalabas na siya ng building kung nasaan ang gym na pinagtatrabahuan niya.
Ang init. Ilang segundo pa lang siya rito pero nararamdaman niyang namumuo na naman ang pawis niya’t ilang minuto mula ngayon ay tagatak na naman siya noon. Hindi pamo mahangin nitong nakaraan dahil palaging makulimlim. Iyon lang, pero hindi naman umuulan. Sakit ng combination ng panahon na ‘to.
Habang naglalakad si Keegan patungo sa kalsada, napansin niyang mayroon na kaagad dyip na pupunta sa paroroonan niya kaya nagmamadali niya iyong pinara noong medyo makalapit siya sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at nahabol niya pero medyo malayo-layo rin ang itinigil ng dyip mula sa kanya. Amputa. Naglakad pa tuloy siya para makasakay.
Noong makaupo na siya matapos makipagsiksikan, napansin ni Keegan na para bang na-tense ang katabi niya. Tse, baka nagulat lang ito na pawisan siya o hindi kaya, nag-iinarte ito. Pasensya na, a. Ang init sa labas. Natural na pagpawisan.
Pero noong mag-angat siya ng tingin para magpaabot sana ng bayad, natigilan siya nang mahagip ng mga mata niya ang side view ng katabi niya. Hindi ito nakatingin nang direkta sa kanya pero tinitignan din siya nito.
“… Rhysand?” hindi niya makapaniwalang tawag sa binata.
Napahigop nang malalim na hininga ang binata at tumango bago siya hinarap ulit sa wakas. “Keegan.”
Parang estatwang naitulos si Keegan sa kinauupuan nang tawagin nito ang pangalan niya tapos ang lalim pa ng boses nito. Anak shuta. Parang gusto niyang bumaba kaagad ng jeep, a! Sino ba naman ang mag-aakalang magkukrus na naman ang landas nilang dalawa ni Rhysand?!
“Hindi ba may kotse ka?” Muntik masampal ni Keegan ang sariling bibig noong imbes na mangumusta nang maayos ay parang naiirita pa siyang nagtanong dito. “Pasensya na, nagulat lang ako na nag-commute ka.”
Seryoso siyang pinagmamasdan ni Rhysand bago ito humimig. “Mayroong problema iyong makina ng kotse ko. Pinaayos ko kaya nagko-commute ako ngayon.”
“Lampas ka na rin sa tinitirhan mo. Anong ginagawa mo rito? H’wag mo sabihing nadala mo pa sa malayo iyong sasakyan mo kaya ka bumabyahe?”
“What? Of course not. Mamaya ko kukunin iyong sasakyan ko. Mayroon lang kaming pupuntahan ni Sir Aaron.”
Awtomatiko ang pagngiwi ni Keegan noong marinig ang pangalan ni Aaron Gonzales. Masama ang kutob niya kaya wala sa sarili niyang iniabot ang pera pambayad ng pamasahe kay Rhysand na noo’y inabot naman sa drayber ang bayad niya.
“… Sir Aaron?” marahang tanong niya kay Rhysand. May bahid ng paniniguro ang boses niya.
Naguguluhan naman siyang nilingon ng binata. “Yeah?”
Tapos ay napansin ni Keegan na mayroon itong pinasadahan ng tingin mula sa katapatan nilang upuan. Napalunok tuloy siya. Masama talaga ang kutob niya. Ayaw niyang lingunin iyong bigla na lang mahinang tumawa noong mukhang may napagtanto siya.
Mukhang hindi lang pala si Rhysand ang kasama niya sa dyip kung hindi maging si Aaron!
“Fufu. Anong itsura ‘yan, Doggie?” dinig niyang tanong ni Aaron.
Ipinikit ni Keegan ang mga mata bago siya yumuko. Ayaw talaga niya itong tignan pero tang ina, nandiyan na! Ano pang magagawa niya kung naririyan na iyong isa sa mga delubyo ng buhay niya?! At kasama pa si Rhysand!
Ikinuyom ni Keegan ang mga kamao’t nagngingitngit ang mga ngipin niyang hinarap ang dating guro. “Bawal ‘yan. Nakikipag-date ka sa iba. Kilala ko asawa mo.”
“Anong nakikipag-date?” sabad ni Rhysand sa usapan. Base sa boses nito ay parang hindi nito aprubado ang pang-aakusa niya. “I know you’re stupid but I didn’t know it could go this worse…”
“Ano?!” namamangha niyang singhal dito.
Natakpan pa niya ang bibig noong napalakas ang boses niya dahil bigla ring napalingon sa kanya ang mga kasama nilang pasahero. Kahit iyong drayber ng sasakyan, tinignan siya mula sa rear mirror nito kaya napalunok siya’t halos itago ang mukha gamit ang kwelyo ng suot na t-shirt. Pakiramdam niya, hinuhusgahan na sila ng mga kasama nila rito dahil pare-pareho silang mga lalaki pero kung mag-usap tungkol sa pagloloko e akala mo, hindi sila tao—este, parang ikinahihiya pa sila.
Pero kahit ganoon ay tinapunan niya pa rin ng masamang tingin si Rhysand at ibinalik naman ng binata sa kanya ang intensidad ng pagkakatitig niya rito. Para bang sinusukatan nila ng tingin ang isa’t isa, gano’n.
“Inaakusahan mo naman akong nagloloko samantalang mahal na mahal ko si East,” madramang sabi naman ni Aaron, dahilan para maputol ang pagtingin niya ng masama kay Rhysand. ‘Tsaka naman niya nakitang tila ba nanunudyo sila nitong pinagmamasdan. “Akala ko ba, ‘di kayo magkakilala? E diri-diretso mong tinawag si Sir Mark, mukhang alam mo pa kung sa’n nakatira. May namamagitan ba sa inyo?”
“Wala,” sabay nilang sagot ni Rhysand. Pasigaw nga lang iyong kanya tapos si Rhysand, parang walang emosyong sumagot.
Aaron hummed in a mischievous way. “I don’t buy it.”
Imbes na i-entertain si Aaron, parehong nag-iwas ng tingin sina Rhysand at Keegan mula sa binata. Sa magkaibang direksyon din sila nakaharap. Si Keegan, sa pintuan ng dyip nakamasid habang si Rhysand naman ay sa daang tinatahak ng drayber. Sumagitsit din siya noong biglang pumreno iyong sasakyan at magtama iyong mga braso nila ni Rhysand.
Tang ina, hindi tama ‘to. Gusto na niyang bumaba kaso noong paglagpas naman nila sa may intersection, ‘tsaka naman tumigil iyong dyip malapit sa may McDo. Magtatagal pa yata sila sa iisang sasakyan. E ayaw na ring bumaba ni Keegan, nakapagbayad na siya e. Sayang sampung piso.
It was then when Aaron sighed. “Ang defensive niyong dalawa. ‘Di niyo man lang isiping napahiya ako no’ng pinakilala ko kayo sa isa’t isa e magkakilala naman na pala kayo.”
“Ang dipensa ko naman, alam mo nang magkakilala kami. Pakiramdam ko nga, inasar mo lang kami e. Ugali niyo ‘yon ng kapatid mo,” asik naman niya sa binata na noo’y umusog noong may sumakay na pasahero at sa tabi nito ang bakante.
“Well…” Aaron trailed off before he shrugged. “I wanted to see how things could get more interesting if I try to introduce you two.”
Marahas na bumuntong hininga si Rhysand. “Sir Aaron, that wasn’t funny.”
“It was amusing though,” Aaron defended and Rhysand wasn’t able to respond after that. Mukhang ayaw na rin nitong makipagtalo kay Aaron dahil ipipilit nitong natuwa itong panoorin silang dalawa na itanggi ang isa’t isa. “Nakukuryoso lang ako kung ba’t niyo itinanggi ang isa’t isa noong gabing ‘yon.”
Trip namin – was what Keegan wanted to say but no word really escaped his mouth. Parang na-stuck iyong mga sasabihin niya sa lalamunan niya. Kahit si Rhysand na noo’y hinihintay niyang sumagot para sa kanya, hindi rin nagsalita’t nag-react. Ibinalik lamang nito ang atensyon doon sa mga bagong pasaherong nagpapaabot ng bayad. E, sa dulo kasi ito nakaupo kaya matik na nagkaroon ito ng voluntary part-time.
Kung siya siguro ang laging inaabutan ng pamasahe, baka nairita na siya’t bumaba ng dyip. O baka ulirang bata talaga itong si Rhysand.
Lihim na bumuntong hininga si Keegan noong mapansin niyang tila ba drinop na rin ni Aaron ang pang-aasar nito sa kanila ni Rhysand. Sure, he still feels Aaron’s gaze lingering between them. Panay ang paglipat-lipat ng tingin nito sa kanila na noo’y tahimik na at sa magkaibang direksyon din nakatingin pero hindi na ito ulit nagsalita o nagkomento tungkol sa pagiging magkakilala pala nila ni Rhysand.
“Come to think of it, sa’n ka pupunta, Keegan?” pag-iiba ng usapan ni Aaron.
Marahas siyang bumuntong hininga. Olats talaga. Nakahanap pa ng oras si Aaron makipagtsimisan sa kanya. “Mayroon kaming praktis ng banda ngayon. Sandaling rerun lang. May dadaluhan kasi kaming kasal sa Linggo tapos kami iyong nabayarang kakanta.”
“Mukhang umuunlad kayo sa gig niyo. Have you ever thought of applying to any music company out there yet? Magagaling naman kayo.”
Nagkibit balikat siya. “Hindi naman kami nag-i-aim ng ganyan. Bukod sa hindi kami gwapo lahat, mayroon nang pamilya iyong dalawa sa mga kabanda ko. Mahirap nang magpalaki pa ng pangalan kung schedule pa lang, iniraraos na lang namin ‘yong gig. Sideline lang.”
“Point taken. Sayang lang. Dapat matagal niyo nang ginawa kung gano’n.”
“Ayos lang ‘yon. Ayoko rin namang sumikat.” Baka masira rin kaagad ang pangalan niya sa industriya dahil paniguradong makikipapel ang Ate Katelyn niya at ang nanay niya.
Stuck pa rin sila noon sa McDo dahil pinupuno ng drayber iyong sasakyan nito hanggang sa para silang sardinas na nagsisiksikan. Naba-bad trip na rin siya dahil ang init sa Pinas at samu’t saring amoy na ang nalalanghap niya pero kahit paano ay tila ba naliligtas din ang ilong niya dahil sa amoy ni Rhysand.
Hindi niya alam kung ganito ba ang lahat ng guro dahil hindi na rin niya maalala kung naamoy ba niya ang pabango ni Aaron noong kolehiyo siya pero… Ang bango ni Rhysand?! Hindi naman siguro siya nababaliw pero imposibleng hindi niya rin maamoy ang binata. Magkatabi lang sila e.
How does he describe it? Rhysand smells manly – hindi niya maipaliwanag nang maayos kung anong amoy nito pero basta, amoy rich kid na cool. Iyong tipong conyo sa Manila pero hindi masakit sa ilong ang pabango.
Keegan paused when he felt the jeep finally moving. Hindi pa puno ang sasakyan pero mukhang may puso rin ang drayber dahil masikip na ang sasakyan nito – o talagang kumilos lang ito dahil wala nang sumasakay at halos limang minuto na silang stand by sa tapat ng McDo. But because the jeepney finally moved, Keegan took a glimpse over the driver to cuss at him internally.
Ayun lang, hindi maiiwasang mahagip din ng mga mata niya ang sideview ni Rhysand.
Tumaas ang isang kilay niya. Mukhang paboritong-paborito ng Diyos ang isang ito. What’s with the chiseled jaw? At sino ba ang mag-aakalang iyong kababata niyang hindi naman ganito ang katawan noon e bigla-bigla na lang mag-iitsurang habulin ng babae?
Rhysand used to be small and chubby but look at him now! He’s gotten far!
‘
Tapos
sa ‘kin ‘to
nagkagusto
?’ namamangha niyang tanong sa sarili pero noong mapagtanto niya kung ano ang iniisip niya, namutla ang mukha niya bago siya dramatikong napasinghap.
Rhysand seemed to have noticed that he gasped, thus he immediately turned to look away. Nagkunwari siyang walang alam at ipinagkrus pa niya ang mga braso, iniisip na malapit naman na siyang bumaba ngayong umaandar na ulit ang dyip hanggang sa marinig niya ang paghagikhik ni Aaron sa isang tabi. And so… he cursed under his breathe.
Pinamulahan siya ng mga pisngi at biglang nakaramdam ng hiya. Akala niya, nakawala siya mula sa pagtingin sandali kay Rhysand pero nalimutan niyang hindi lang silang dalawa ng binata ang nandirito’t magkakilala!
Marahang nilingon ni Keegan si Aaron. Napalunok pa siya dahil noong mahanap niya ang mga mata nito, natagpuan niya itong aliw ding nakamasid sa kanya. Then, Aaron brought his index finger near his lips.
“No worries, I won’t tell him,” Aaron mouthed and on that very same moment, Keegan felt like an immense pressure suddenly dropped on his shoulders.
He’s doomed.
Kaya ayaw niya sa mga Gonzales, e!
AH, PUTANG INA. Halos sampung minuto lang naman silang magkakasama sa iisang sasakyan pero pakiramdam ni Keegan, para siyang iniwan sandali ng Diyos tapos pinasa kay Satanas.
Kung si Rhysand lang kasi ang nasa sasakyan noong mga oras na iyon, ang nag-iisang kakilala niya, madali lamang kay Keegan na ipagsakibit balikat ang presensya nito. Madali lang ding magkunwaring walang nangyari pero naroon kasi si Aaron! Nakalimutan niyang hindi iniwan ng mga mata nito ang pigura nilang dalawa ni Rhysand! Mataman silang pinanonood at inoobserbahan silang dalawa. Gago talaga!
Mabuti na lang at nakaalis na siya roon pero hindi niya maiwasan ang mabagabag dahil wala siyang tiwala kay Aaron Gonzales.
Anong hindi nito sasabihin kay Rhysand na inobserbahan niya ang mukha nito? Neknek naman ni Aaron na maniniwala siya rito! Hindi naman siya bobo. Ilang beses na rin siyang nabiktima ng mga Gonzales at hindi na siya papauto, ano!
Nakakainis pa na noong nagpara siya, pilyo siyang nginisian ni Aaron. Si Rhysand, tinanguan lang siya e. Mukhang hindi pa nga yata ito lilingon sa kanya kung hindi niya siniko (hindi niya rin alam kung bakit niya pa siniko dahil wala naman talaga siyang balak magpaalam dito pero nagkusa ang katawan niya), pero si Aaron? Si Aaron na alam niyang maloko ang ugali? Putang ina talaga!
Keegan squeezed the packet of juice that he was drinking. Kabibili lang niya noong Plus sa may tindahan pero dahil sa uhaw niya at sa mga bumabagabag sa kanya, wala man yatang dalawang minuto e ubos na niya ang iniinom. Ang sarap talagang magmura tapos magwala.
Hindi niya alam kung paano siya magmu-move on. Habang buhay niyang iisipin iyang kalokohan ni Aaron.
Hindi bale na. Kung malalaman naman ni Rhysand at kung malaman niyang sinabi nga ni Aaron dito na tinitignan pala niya kanina ang binata, aayain niya ito ng suntukan. Syempre, matik na siyang panalo dahil buto’t balat lang naman ang mga Gonzales. Biro lang, si Ridge, medyo nagkalaman mula noong simulang hilain ni Zamiel ang fiancé sa gym. Pero si Aaron naman ang susuntukin niya, olats na ang isang iyon pagdating sa kanya.
Ah. Hindi pa rin siya matahimik kahit na pinapakalma niya ang sarili sa pagpaplanong i-one shot ng suntok si Aaron.
Wala namang alam ang isang iyon kung anong iniisip niya habang pinagmamasdan si Rhysand kanina. Hindi naman nito alam na naiinggit siya sa binata dahil parang Diyos na mismo ang personal na humulma sa itsura nito kaya ang lakas ng dating ni Rhysand mula noong huli niya itong makita dalawang taon na ang nakalilipas. Kaso, base sa ngisi sa kanya ni Aaron kanina, parang iba ang tumakbo sa isipan nito nang mahuli siya.
Baga, iba ang na-decipher ng utak nito habang tinititigan niya si Rhysand.
Noong makarating si Keegan sa lugar kung saan sila madalas mag-praktis ng mga kabanda, natigilan siya noong may makitang grupo ng mga high school students sa isang studio. Nagpapraktis ng sayaw ang mga ito kaya ang akala ni Keegan, para sa school project hanggang sa mabanggit sa kanya ng may-ari ng studio na cover group daw iyon na sumasayaw ng k-pop. May a-attend-an daw na event ang mga ito kaya may makakasama sila.
Hindi bale, soundproof naman iyong mga studio. Nagulat lang si Keegan na noong mahagilap niya ang mga nasa isang studio, bilang mayroong clear glass na design din ang pinto sa gitna para masilip ang mga nandoon, may mga tao. E madalas kapag nandito sila, iba ang kasabayan nila.
“Ako po ba nauna kina Kuya Pao?” pagtatanong niya kahit halata namang mukhang siya nga ang nauna.
Humimig ang may-ari ng studio. “Wala pang tao ro’n sa studio pero mag-ingat ingat ka ro’n, hijo. Ganitong oras kasi, may nauuna pa sa inyo sa studio niyan.”
“Po?”
Imbes na magpaliwanag pa iyong may-ari ng studio, minuwestrahan lamang siya nito na ayaw nitong pag-usapan ang nangyayari. Hindi tuloy naiwasan ni Keegan ang maguluhan habang naglalakad siya tungo sa studio sa ikalawang palapag. Bago pa man siya tumapak sa hagdan, tinawag ulit siya noong may-ari.
“Namamatay-matay ulit iyong ilaw, Keegan. Nagloloko e wala namang problema sa starter o linya ng kuryente sa itaas. ‘Pag mayroon kang nakita, bumaba ka na lang ulit. Hintayin mo na mga kasama mo rito,” anito pa.
Mas lalo tuloy siyang naguluhan. Baka naman daga lang? Imbes na pansinin pa ito, tumango lamang si Keegan at umakyat na. Masyado siyang maraming iniisi para idagdag pa iyong babala sa kanya ng may-ari ng studio.
Nag-o-overlap pa rin sa isipan niya iyong nangyari kanina sa dyip, e. Mula kay Rhysand at sa pagiging pilyo ni Aaron. Mukhang mahihirapan siyang mag-move on. At sa sobrang okupado ng isipan niya, hindi niya napansin ang kilabot na naramdaman banda sa likuran niya. Naramdaman niya na lamang na parang may mali noong makarating na siya sa pinto ng studio na nirentahan niya para sa mga kasama sa banda.
Parang mas madilim iyong ilaw ngayon. Mukhang malapit nang mapundi.
Keegan shrugged and instead, cursed under his breathe while he opened the door to the studio. “Parang gusto kong hanapin bigla si Aaron. Babantaan ko sana…”
Tang ina kasi. Kung bakit ba naman ibinaba niya iyong guards niya’t nakalimutan niyang hindi nga lang pala sila ni Rhysand ang nasa dyip noong mga oras na iyon.
Noong mabuksan na ni Keegan ang pinto ng studio, papasok na sana siya noong may mahagip siyang pigura ng babae sa gilid ng studio. Naguguluhan niya iyong nilingon at nakita itong magulo ang buhok at nakasuot ng puti. Lahat ng buhok nito, nakatakip sa mukha nito. At siya lang ba o… Malabo ang itsura nito? E halos iilang metro lang naman ang layo ni Keegan sa babae.
“Ah, sorry. Hindi ko alam na may tao pa pala.” Masyado siyang okupado sa pag-iisip kay Rhysand kaya hindi niya napansin.
Bago siya ulit lumabas ng studio, nakita niyang parang hindi nakatapak sa sahig ang babae pero hindi niya iyon kaagad naiproseso sa isipan. Basta, lumabas siya sa studio ulit at bumaha sa first floor hanggang sa matigilan siya.
It took time for him to process things but when he remembered that the studio was locked before he opened it so there’s no way that someone would be in here left him quite a shock.
Ha.
Sandali.
Nakakita lang ba siya ng multo sa itaas? Sa sobrang gulat ni Keegan sa napagtanto, nanlalaki ang mga mata niyang nilingon ang hagdang pinanggalingan niya. Did he… Did he just ignore something supernatural while his mind was full of that stupid bastard (Aaron) and Rhysand?! Bukod sa multo, hindi siya makapaniwalang hindi niya iyon napansin dahil sa batang— batang iyon! (Si Rhysand!)
Kabanata 8
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 8
HINDI MAKAPANIWALA SI Keegan na nakakita na siya’t lahat-lahat ng multo, si Rhysand pa rin ang laman ng isipan niya! Pero anak ng pucha, nakakakilabot talaga iyong ilang metro lang ang distansya niya sa multo tapos halos makikita na sana niya iyong mukha kung hindi lang malabo. Hindi alam ni Keegan kung mata ba niya ang problema o ano pero sabi ni Paolo, kahit naman ito ang naka-face to face noong babaeng nakita rin niya, malabo raw ang mukha nito na mas nakakakilabot.
“Sabi ko sa inyo mayroong multo sa studio na ‘to, e! Dapat sa susunod, sa first floor na tayo! Agahan niyo kasing dumating!” reklamo ni Paolo sa kanila. Yakap-yakap nito ang sarili at pinangingilabutan ito.
Nakakrus ang mga brasong umismid naman si Renzo. “Sige pero ikaw kumausap sa Boss kong agahan akong palabasin sa trabaho ‘pag magpapraktis tayo, a?”
“Baka naman nagwapuhan sa ‘yo iyong multo kaya naka-face to face mo?” pang-aasar naman ni Angelo rito. “Kayo naman, baka nagpa-aircon lang naman iyong multo tapos takot na takot kayo sa kanya. Nabulabog niyo pa. Ano palang itsura, Keegan?”
Hindi alam ni Keegan kung bakit pinag-uusapan pa rin nila iyong multo samantalang nasa studio room sila kung nasaan niya nakita iyong babae. Kahit si Paolo, kanina pa lingon nang lingon kung saan-saan dahil kahit apat na lalaki sila rito sa studio room, baka bigla raw e makita pa rin nila. E noon pa namang halos nakumpleto sila, namatay-matay na naman iyong ilaw pero sinisi na lamang nila iyong starter. Baka pinagti-trip-an sila ng may-ari ng studio, ganoon.
Well, that’s what he hoped but Keegan knows that it wasn’t just a prank. Alam niya kung anong nakita niya kanina at paanong lulutang sa hangin ang isang buong babae? Wala naman siyang nakitang tali kahit saan at isa pa, naka-lock nga itong studio room bago niya rentahan. Siya na lang iyong nagbukas.
“Mukhang tao,” mahinang aniya. Tang ina. Nadagdagan pa tuloy iyong iniisip niya. Pwede bang isisi kay Rhysand iyong bigla siyang minulto? “Seryosong ‘di mukhang multo. Akala mo tao lang din kaya nga kinausap ko pa. Kakong gano’n, pasensya na kasi ‘di ko naman alam na may tao pa pala rito. Huli na noong napagtanto kong naka-lock itong studio room bago ako dumating tapos lumulutang iyong babae mula sa sahig.”
Kinikilabutan siya habang kinukwento niya at sa hindi niya malamang dahilan, parang nanunubig ang mga mata niya. Putang ina, bakit siya naluluha dahil lang kinukwento niya iyong karanasan niyang hindi pangtao?! Hanep!
“Ikaw Paolo, anong itsura no’ng nakita mo?” tanong naman ni Angelo rito. Bakit ba ito kuryoso?
Basta, hindi halatang multo sa una. Kaya nga naka-face to face ni Keegan nang hindi siya natatakot. Huli na noong napagtanto niyang kaluluwa na pala iyong hiningan niya ng pasensya. Siya pa pala ang nakagambala, a? Kaya pala siya binabalaan noong may-ari kanina dahil nagloloko-loko nga raw iyong ilaw kanina.
Kaya rin pala ang dilim noong pasilyo kanina. E ang alam ni Keegan, maliwanag iyon. Basta! Hindi niya maipaliwanag nang maayos pero noong umakyat ulit siya at kasama na ang mga kabanda niya, parang mas naging maliwanag iyong ilaw sa pasilyo. Parang may fog kanina noong siya lang mag-isa, e.
“Mukha ring tao?” hindi siguradong sagot ni Paolo. “Ang alam ko kasi, ginaya iyong mukha ng asawa ko. Ilang beses pa ‘kong kinakalbit bago ako nagising. Kaya akala ko talaga nandito, sinusundo ako kako. Nakatitigan ko pa nang ilang minuto bago ako nagpaalam na matutulog ulit e. Noong patulog na lang ako, ‘tsaka ko napagtantong imposibleng nandito si Shayna kasi nasa studio room nga pala ako!”
Aliw na humimig si Angelo ‘tsaka nito nilingon si Renzo at pilyong nginisian. “Oy, Renzo! Mag-ghost hunting muna kaya tayo?! ‘Wag na tayong magpraktis!”
“Ano ka, bata? Bakit tayo magghu-ghost hunting e nandito ka naman na?” sagot naman ni Renzo rito bago umikot ang mga mata nito. “At ba’t magghu-ghost hunting? Lintik ka, mas importante ang pera sa ‘kin kaysa sa babaeng multo na ‘yan!”
“Hindi ba pwedeng magpraktis na tayo?” sabad niya sa usapan dahil nananakit na ang ulo niya kakapakinig sa mga kabandang pag-usapan iyong multong nakita niya.
ILANG ARAW NA ang lumilipas pero matagal mamatay iyong usapan nila tungkol sa multo. Nag-evolve na rin iyong topic. Naging inside joke na. Madalas pang-asar kay Paolo dahil ito ang pinakatakot sa multo sa kanilang apat. And for some, it may sound ridiculous but… Each of them has something to fear. Syempre, hindi multo iyong kay Keegan kung hindi iyong makita na naman si Rhysand.
Para kasing nagiging haywire ang utak niya sa t’wing makikita niya ito.
“Sa’n ka pupunta?” kunot noong tanong sa kanya ni Renzo noong mapansin nitong tumatakas na nga siya e halos limang minuto pa lang noong matapos silang tumugtog sa kasal. “H’wag ka munang umalis, ibibigay sa ‘tin iyong bayad maya-maya.”
Nginiwian niya ang binata bago siya tumawa. “Labas lang ako. Maninigarilyo. Babalik din ako.”
“Ah, o sige. Bumalik ka kaagad. Kakain na rin tayo niyan.”
“Sige, sige.”
Ngayon ang araw ng kasal na inimbitahan sila para tumugtog sa reception. Base sa narinig ni Keegan, kaibigan ni Paolo iyong groom habang iyong babae naman na pinakasalan nito, iniidolo raw sila. Si Renzo raw ang pinakagusto nito kaya mayroong friendly rivalry sa groom at sa kaibigan niya. Ipinakilala rin sila sa mga ito at ang awkward noong pinapasalamatan na sila at nagpapa-picture pa sa kanila iyong bagong kasal.
Well, all is good. Mabait iyong bagong mag-asawa at lahat ng bisita, tuwang-tuwa rin sa kanila. Libre rin ang pagkain nila ni Keegan dito, bukod pa iyong ipinangakong bayad sa kanila. Tapos mukhang na-big shot din sila dahil may mangilan-ngilang nagtanong kung pupwede ba raw silang rentahin sa araw ng kasal ng mga ito o sa birthday party. Sina Angelo at Renzo na rin ang kumausap sa mga ito dahil ang mga ito talaga ang negosyante sa kanila. Kwela lang ang ambag ni Paolo sa banda nila habang siya, siya iyong sakit ng ulo.
Noong makalabas na siya mula sa reception venue, natagpuan niya ang sarili sa parking lot. Ilang beses na lumingon si Keegan sa paligid para sana maghanap ng pupwedeng panigarilyuhan pero medyo matagal bago siya nakahanap ng lugar na medyo malayo sa mga tao.
Bumuntong hininga si Keegan noong makarating din siya sa ilalim ng punong paninigarilyuhan. Then, he looked around. Madilim ang paligid lalo na sa kinaroroonan niya. Ang tanging liwanag na natatanaw ni Keegan ay iyong galing sa venue at sa kalapit na highway. At bilang madilim na nga, natural na wala nang taong naliligaw sa kinaroroonan niya.
Well, unless someone would have sex around here. He hoped not. Lumayo nga siya para tahimik ang paninigarilyuhan niya’t magkaroon siya ng peace of mind tapos biglang mayroong magsi-sex malapit sa kanya? Kokonyatan niya ang mga ito’t palilipatin kung ganoon.
Natigilan si Keegan at parang estatwang naitulos sa kinatatayuan noong marinig niyang mayroong nabaling sanga malapit sa kanila. E sa pagkakaalala niya, wala siyang kasama sa paligid.
Huwag niya namang sabihing minumulto na naman siya?!
He quickly turned to the direction where he heard the rustling noises and swallowed before he spoke, “sinong nandiyan?!”
Kapag walang sumagot, tatakbo siya pabalik sa venue.
“Tang ina, minumulto na naman ba ako?” Handa na si Keegan na itapon ang sigarilyo niya’t kumaripas ng takbo! Hindi pa nakatulong na naalala niyang nasa ilalim siya ng puno ng mangga ngayon at baka kapre ang narinig niya. “Hoy! Wala ba talagang tao riyan?!”
Napalunok siya’t napaatras hanggang sa dumikit ang braso niya sa puno noong marinig niyang mayroong kumaluskos ulit sa paligid niya. Tang ina, mabuti sana kung aso lang ito e. Mas gugustuhin niyang makagat ng aso kaysa makakita ng multo, ano! Mas malaki survival rate sa rabies kaysa sa biglang hablutin ng kapre.
“Putang ina.” Nakakabingi ang katahimikang sumunod mula noong magtanong si Keegan sa kawalan kaya naisip niyang bilisan ang paninigarilyo nang makaalis na.
Priorities.
Ayun lang, sa huling paghipak niya, napahigop siya nang sobra dahil biglang mayroong humablot ng palapulsuhan niya – dahilan para halos masakal na mabilaukang ewan siya dahil sa usok tapos muntik pa niyang mahigop iyong sigarilyo mismo. Tang ina talaga!
Hindi pa siya makasigaw at sa halip, natatarantang umubo-ubo! Sinubukan pa niyang kumawala sa humawak sa kanya pero tang ina, ang lakas ng kapit! Sapakin kaya niya—
“Keegan.”
Natigilan siya’t parang nablangko ang utak niya noong marinig niya ang boses ni Rhysand. Unti-unting nag-relax ang katawan niya’t marahan siyang lumingon para harapin ang binata ‘tsaka siya nagulat noong mahagip ng mga mata niya ang imahe nito. Madilim ang kapaligiran pero sigurado si Keegan na si Rhysand ang kaharap niya, tao ang kasama niya at hindi kapre.
Napalunok siya pero noong mahimasmasan, kaagad niyang binawi ang palapulsuhan mula rito ‘tsaka niya ito binatukan. Natural, umaray naman ang isa.
“Gago! Kung nandiyan ka pala sa gilid-gilid, magsalita ka! Muntik akong atakihin sa puso dahil sa ‘yo!” Muntik din niyang mahigop iyong sigarilyo niya, nasamid pa siya sa paghipak niya tapos napuno sandali ng usok ang lalamunan niya.
Ang sakit kaya! Parang nakita na nga ni Keegan ang pinto papuntang langit dahil sa nangyari e!
“Pucha, ang sakit,” dinig niyang bulong ni Rhysand pero wala siyang pakialam dahil mas importante ang sarili niya at dinanas niya sa ginawa nito. “Anong ibig mong sabihin? Halos kararating ko lang dito.”
Kumibot ang isang kilay niya’t namamangha niya itong tinitigan. “Ako e tigil-tigilan mo. Kanina ka pa nariyan! Kinakausap nga kita at nagtatanong ako kung may tao ba sa paligid ko! Ano ‘yon, nag-teleport ka bigla papunta riyan?”
“What? No! Kararating ko lang talaga rito.” Nasisiphayo nitong pinaglandas ang mga daliri sa sariling buhok. “Uuwi na sana ako kaso narinig ko boses mo kaya hinanap kita. Who were you even talking to?”
“H’wag mo nga akong pinaglololoko!” Tang ina. Mas gugustuhin niyang hindi itinanggi ni Rhysand na ito ang gumagambala sa kanya dahil ngayon pa lang, pinapangilabutan na naman siya. “At saka, anong ginagawa mo rito?”
“Kasal ng co-teacher ko? Imbitado ako,” simpleng sagot ni Rhysand bago siya nito tinignan mula ulo hanggang paa.
Ewan ni Keegan kung bakit pero parang luminaw bigla ang mata niya kahit madilim dahil kitang-kita niyang pinagmamasdan siya ni Rhysand at tinignan nito ang damit niya mula ulo hanggang paa. Anong tinitingin-tingin nito sa kanya? Gusto ba nitong makipagsapakan?
Samantala, mukhang napansin ni Rhysand na tinataasan na niya ito ng kilay kaya nag-iwas ito ng tingin at tumikhim.
“Nagulat na lang ako no’ng nakita ko kayo ni Kuya Renzo na tumutugtog. Dapat aalis na ‘ko no’n kaso pinigilan ako ni Sir Aaron. I was only able to slip away a few minutes ago, then I saw you here,” pag-iiba nito ng usapan. Halata ring umiiwas ito na matanong dahil tinitignan siya nito.
Wow. Pasensya na, a. Hindi magara itong suot niyang suit dahil hiniram niya lang ito kay Angelo. Edi si Rhysand na ang mayaman dahil mukhang bagong bili ang suot nitong suit.
Napasagitsit siya’t kinurot ang pisngi ni Rhysand na muli na namang napaaray. “H’wag mo ngang tignan itong suot ko. Oo, hiniram ko lang ‘to! Edi ikaw na ang magara!”
“That wasn’t what I was thinking?” Hinawakan ni Rhysand ang kamay niya’t inalis sa pisngi nito habang pakiramdam naman ni Keegan ay para siyang nakuryente. “Iniisip ko lang na bagay mo iyang suot mong suit.”
Ha? Ano raw? Keegan’s brain short-circuited. Hindi niya na naman naiproseso sa isipan ang sinabi ni Rhysand. No, he did. It just took time. Muntik niya pang masapak ang binata noong mapagtanto niyang pinupuri nito ang itsura niya. Aba’t putang ina, matatanggap niya kung lalaitin siya nito pero iyong bigla siyang pinuri?! Gusto niyang manakit! Puriin na siya ng lahat, huwag lang ang batang ito!
Nanggigigil siya.
Kung hindi lang talaga nahawakan ni Rhysand iyong kamao niyang ipangsasapak sana niya rito, baka talagang nasaktan niya ito. Gulung-gulo naman ang itsura nito at mukhang hindi alam kung bakit bigla niyang gustong manakit e pinuri nga siya nito.
“May nasabi ba ‘kong hindi mo nagustuhan?” paniniguro nito.
“Wala.” Pucha. Bakit hindi niya masabing ayaw niya na si Rhysand ang pumupuri sa kanya? Para siyang mauulol na ewan. “Tang inang ‘yan. H’wag mo nga ‘kong pinaglololoko. Mas gugustuhin ko pang diretsuhin mo ‘ko na lalaitin e.”
“Ba’t naman kita lalaitin e bagay mo naman talaga ‘yang suot mo. ‘Tsaka… Ngayon lang kita nakitang mag-ayos din ng buhok. It looks good on you.”
“Mayroon akong dalang scotchtape riyan, baka gusto mong ilagay sa bibig mo?” Hindi pa manahimik, e. “Hindi ka pa umalis?! ‘Di ba kamo, uuwi ka na?!”
Rhysand hesitated. “Ah. Yes. But…”
Kunot noong hinintay ni Keegan ang sasabihin nito pero bago pa man matapos ni Rhysand ang nais ipahiwatig, natigilan silang pareho noong marinig nila ang boses ni Renzo.
“Keegan! Bumalik ka na rito, oy!” sigaw nito na siyang dahilan upang mapapitlag silang dalawa.
Mukhang palapit din sa kinaroroonan nila ang boses ni Renzo at hindi alam ni Keegan kung anong nangyari pero natigilan siya noong biglang hapitin ni Rhysand ang beywang niya’t igiya para magtago sa likod ng puno kung nasasaan silang dalawa. His breathing hitched, the air he was supposed to let out got stuck in his throat that he almost choked. Hindi pa nakatulong na naramdaman niya ang likuran na nakadikit na sa puno tapos magkalapit pa ang katawan nilang dalawa ni Rhysand.
Anak shuta. Bakit siya biglang nahila sa ganito?!
“Anong ginagawa mo?! Baka binigay na ‘yong sahod namin sa gig!” pabulong niyang sigaw kay Rhysand. Ang gulo pero ganoon ang ginawa niya.
At ewan niya ba kung bakit siya bumubulong samantalang pupwede naman niyang sigawan nang malakas ang binata. Maybe it’s because it didn’t sit right with their situation? Ayaw din naman ni Keegan na matagpuan sila ni Renzo na naka-kabedon siya sa puno, ano! Ang dilim pa ng paligid, baka kung anu-ano pa ang maisip nito tungkol sa kanila ni Rhysand! Maling impresyon pa ang maiwan dito!
Rhysand hushed him while he peeked from the tree where they are to check Renzo. Hindi nagtagal, nagtago rin si Rhysand at mas napalapit ang katawan nilang dalawa sa isa’t isa. Napasinghap tuloy siya at halos pigilan ang sarili mula sa paghinga nang maamoy niya na naman ang pabango ni Rhysand.
Alright, he smells good! But the scent doesn’t need to rub off his nose! Damn it. Ano ba ang pabango nito?
Sa sobrang hindi kumportable ni Keegan sa pwesto nila, sinubukan niyang ayusin ang posisyon. He tried to lean forward. Wala sa sarili at isip na baka may mangyaring hindi kaaya-aya. But as he pushed himself from the tree, he froze when his lips landed onto something soft.
Keegan froze. Rhysand gasped slightly.
Madilim sa paligid at kahit anong kurap ang gawin ni Keegan, hindi niya makikita nang maayos si Rhysand. Ang alam lang niya ay magkalapit silang dalawa ng binata, hindi iyong kung gaano ba sila kalapit sa isa’t isa. Naaaninag niya ang pigura nito pero dahil hindi naman niya naramdaman ang paghinga nito sa parte ng katawan niya, hindi siya na-inform na ilang pulgada na lang pala ang pagkakalayo ng mga mukha nila.
Needn’t to guess, Keegan knew that he accidentally kissed Rhysand – on the lips, at that!
Noong mag-sink in sa kanya, kahit ilang segundo na siyang late, itutulak niya sana si Rhysand nang sa ganoo’y matapos na ang kahibangang ito. It was unfortunate for him, though – because Rhysand had other plans.
Napasinghap siya nang kahit papaano’y mailayo niya ang mga labi mula sa binata nang bigla siya nitong habulin. Rhysand held the back of his head and pressed his lips against Keegan’s, and it wouldn’t be a joke when he says that he almost forgot how to breathe then. Bumilis ang tibok ng puso niya nang itulak pa siya ni Rhysand para sumandal sa puno, and though his lips were unmoving, Keegan gradually felt his knees growing weak.
Napakapit siya kay Rhysand noong hawakan nito ang baba niya matapos itong humiwalay sandali nang sa ganoo’y maianggulo ang ulo niya sa posisyong gusto nito.
But this isn’t right.
This shouldn’t be happening.
Impit na umungol si Keegan at sinubukang sipain ang binti ni Rhysand ngunit para siyang natunaw noong sa wakas ay gumalaw ang mga labi ng binata – that was the time Keegan really lost it – especially when he felt Rhysand deepening their kiss.
Their surrounding wasn’t supposed to fall in deep and indescribable silence. But it did. And Keegan’s sure as fuck that the world stopped to give them some time to savor this time.
He’s not on the right mind anymore. He gave in.
Before he knew it, Keegan already wrapped his arms around Rhysand’s neck as he leaned against the tree behind him. He was pulling Rhysand closer, erasing even the slightest distance between them. Keegan feels something tingly in his stomach and he may have let out an almost hushed moan when he felt Rhysand biting his lower lip. When he gasped due to the pain that it caused him, Rhysand took it as an opportunity to slid his tongue inside his mouth – slowly, as time passes by, they became more and more needy.
But just as he was supposed to let himself drown in the situation, si Rhysand naman ang humiwalay at siya naman ang naghabol sa mga labi nito. Pero noong magsisimula na naman sana silang maghalikan, natigilan siya nang marinig ang boses nina Paolo hindi kalayuan sa pinagtataguan nila.
“Hoy Renz, nakita mo na ba si Keegan?!” pasigaw na tanong nito, siyang dahilan para mapasinghap siya’t mapalayo nang kaunti kay Rhysand.
“Sorry,” Rhysand then whispered, his breath barely touching Keegan’s lower lip and it made him frown… Until he realized what they did.
“Hindi ko siya makita kahit saan. Baka napalayo na naman. I-text niyo nga,” sabi naman ni Renzo sa mga kasama.
Keegan felt like he was electrocuted when he realized how doomed he was for giving into the kiss. Naitulak niya si Rhysand na noo’y bahagyang napaatras lamang ‘tsaka niya pinunasan ang mga labi gamit ang braso niya. His lips still feel tingly but at the same time, he flipped and persuaded himself that it felt wrong and disgusting.
And he wasn’t supposed to feel like this because he doesn’t mind liking men! Nagkagusto siya noon kay Aaron pero hindi naman kasi niya iyon nahalikan. Si Rhysand ang first kiss niya sa lalaki. Ngayong inaalala niya kung gaano kasira ang reputasyon nito sa kanya at kung paanong nagbago ang impresyon niya rito mula noong bago ito umamin na may gusto sa kanya, pinangingilabutan siya!
Keegan hissed and in a hushed voice, he asked, “ba’t mo ‘yon ginawa?!”
Hindi siya makasigaw dahil nasa malapit lamang sina Renzo at naririnig pa rin niyang mag-usap ang mga ito. Ngayon pa lang din nag-aayang umalis si Paolo dahil babalik naman daw si Keegan kapag tapos nang manigarilyo. Pero kung wala lang siguro sila sa malapit, baka nasinghalan at nasapak niya si Rhysand.
Unfortunately for him, he can’t see how guilty Rhysand looked when he also realized what he did. Ang masama kasi sa lugar na kinaroroonan nila, hindi naman ito naaabutan ng ilaw mula sa reception venue. Kaya anino lang ang nakikita niya rito.
“Sorry,” was all that Rhysand could say after a while of silence. “I was wrong. Nagpadala ako dahil aksidente mo ‘kong nahalikan.”
Kabanata 9
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO
IA-UNPUBLISH
, FEEL FREE TO REREAD HABANG
NAGRI-REREAD
AT
NAGCHI-CHECK
DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS .!
KABANATA 9
HINDI MAALALA ni Keegan kung paano siya nakabalik sa loob ng reception venue. Basta ang alam niya, punung-puno ang utak niya ng tungkol sa nangyari sa kanila ni Rhysand at ang bigla nitong paghingi ng paumanhin sa ginawa. Hindi raw nito alam ang pumasok sa sarili at bigla na lang hinabol ang mga labi niya nang aksidente niya itong mahalikan. ‘Tsaka na lang daw siya natauhan noong unti-unting luminaw sa pandinig nito na nasa paligid pa raw ang mga kabanda nila.
“I didn’t mean to kiss you… I just… Something ignited within me and before I knew it, I was trying to chase your lips. I’m sorry, Kee.” Ito ang sinabi sa kanya ni Rhysand at imbes na matahimik ang kaluluwa niya sa pagdadahilan nito, na-bad trip siya lalo kaya sinapak niya ang binata.
Putang ina. Kapag naaalala niya, lalong nag-iinit ang ulo niya e. Deserve ni Rhysand iyong sapak. Kaso, hindi naman niya maintindihan kung bakit inis na inis siya.
He tried to rationalize his course of action.
Bakit niya sinapak si Rhysand samantalang nag-sorry naman iyong tao? ‘Tsaka ba’t siya nanakit samantalang hindi nagtagal e bumigay din naman siya’t halos todo bigay nang makipaghalikan.
His thoughts made him shiver. Anak shuta, anong todo bigay makipaghalikan?!
Napahilamos ng mukha si Keegan habang naglalakad siya palabas ng banyo. Ilang araw na ang lumipas mula nang gumawa sila ng kababalaghan ni Rhysand pero hanggang ngayon, hindi nawawala sa isip niya iyong ginawa nila. At sa tuwing biglang magfa-flashback sa isip niya lahat tapos detalyado pa, hanggang sa kung anong naramdaman niya pagkatapos noong ginawa nila – nangingilabot siya.
Pagkatapos noong kilabot, naiinitan siya. But that would also heighten the disgust that he feels!
Rhysand is technically his former childhood friend, the little brother he never had, and his ex-boyfriend.
He was someone whom he looked after for when they were younger . A man who lied to him about his identity, someone who tricked him so that they could be in a relationship – and remembering all these things, Keegan is sure as fuck that he still holds a grudge against him!
But recently, he feels like he’s been harboring sexual attraction towards Rhysand just because of one kiss. It’s wrong! It’s unimaginable! Abominable, even!
Keegan plopped on his bed, face first, and tried to steer himself away from his indecent thoughts.
Punyeta. Nahalikan lang siya’t nahawakan sa beywang, kung umasta naman siya e parang tangang gusto biglang madala sa kama. Ano naman kung parang gusto niya pang umulit? Ano naman?! Hindi naman talaga siya papaulit!
Wait… Wait.
Namimilog ang mga matang itinulak ni Keegan ang sarili mula sa kama. Malalalim na paghinga ang ginawa niya hanggang sa oras na makapa niya ang mga salitang nais niyang itanong sa sarili.
“Pa’no kung ‘di naman talaga ako attracted?” pagtatanong niya sa sarili. Kabado pa siyang tumawa bago siya umupo nang maayos sa kama.
Kasi kung iisipin, simula noong mag-break sila ni Ivy ay hindi na talaga nakaranas ng “sexual intimacy” si Keegan kahit kanino. Well, he used to have indecent thoughts about “
Ryleigh
” and “Mark” before. But his imagination doesn’t count and Rhysand’s other identities shouldn’t matter either. Pero naiirita ba siya sa tuwing maaalala niya ang tungkol sa dalawang ‘identity’ na iyon ni Rhysand?
Malamang!
He did the thing… With his palm, while imagining Rhysand’s other identities.
Putang ina talaga.
Anyway, that’s not the point! Ang iniisip kasi ni Keegan na dahilan kung bakit parang kating-kati at uhaw na uhaw siyang mahawakan noong gabing naghalikan sila ni Rhysand ay dahil noon lang ulit niya naranasan ang sexual contact. Iyong aktwal na physical contact, hindi imahinasyon lang niya. Noon lang ulit niya naranasang mahalikan.
Tapos pucha, iba pa ang dating ng paghalik ni Rhysand kaysa sa naaalala niyang paraan ng paghalik sa kanya noon ni Ivy.
Rhysand was more rough… He’s aggressive. He was acting like he’s been touch-starved, too. The way he holds Keegan, there and then, he knows that if Rhysand didn’t snap back to reality, Keegan would have been a goner. Baka kinabukasan, magigising na lang siya sa kama nito.
The thought made him shiver.
Ha. Pagak siyang napahalakhak kasabay ng pagtatakip niya ng mukha. “He would have been a goner” – yes! Because he doesn’t know how to do it with a fellow man but Rhysand acted like he knew how. And from how Rhysand held him that night, Keegan might have ended up beneath him and that can’t be!
Bukod sa ayaw niyang mapadpad sa ibaba, ayaw niya ring may kaniig na lalaki! Hindi siya marunong! Like, how do Lyle and Gian even fuck?! Ang alam niya lang, sa puwitan ipinapasok ang ano pero masakit ‘yon! Gago naman!
As indecent thoughts came to rush inside his head, Keegan felt more and more frustrated. His thoughts are going haywire.
Ginulo niya ang sariling buhok. “Tang ina mo talaga, Rhysand!”
ILANG ARAW NA ang nakalilipas mula noong huling magkita sina Rhysand at Keegan pero hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng aftershock sa kanya noong nangyari sa kanilang dalawa. Hindi kalamidad. Hindi lumindol at walang humabol na tsunami pero ang sakit pa rin sa ulo na kada pikit ni Keegan, mukha ni Rhysand ang unang-unang bumubungad sa kanya.
Lumipad lang ang isip niya nang kaunti, iyong pakiramdam naman ng labi nito ang pinakaunang ipinapaalala sa kanya.
He wasn’t supposed to get a hangover just because of one kiss.
But he did.
Sinubukan na ni Keegan na bigyan ng rasyonal na eksplanasyon itong pinagdadaanan niya at meron din naman, kaso ang hirap pa rin talagang kumbinsihin ng sarili niya na wala lamang iyong halik. Nadala lang sila ng busgo ng damdamin. Nabigla pareho noong mapaabante siya’t mag-landing ang labi niya kay Rhysand.
So, what if he was aggressive? What if Rhysand acted like he was about to devour him? He doesn’t care. Pwe.
“—eegan. Keegan. Keegan!”
Napapitlag siya noong marinig na paulit-ulit na palang tinatawag ang pangalan niya.
Napaupo siya nang tuwid at ilang beses na napakurap-kurap, kinukumbinsi ang sarili na gising na siya, nasa huwisyo na ulit. ‘Tsaka rumehistro sa isipan niyang si Edward pala ang kaharap niya at nakabusangot ang binata.
“Ba—bakit?” nauutal niyang tanong.
Kumibot ang isang kilay ni Edward bago ito marahas na bumuntong hininga. “Ito na naman tayo. Ba’t ba ang dalas mong lutang ngayon? Seryoso nga ‘tong pinag-uusapan natin, oy! H’wag ka munang mawala sa sarili! Kulang ka ba sa tulog?”
“Ha? Hindi-”
Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay nabatukan na siya nito, dahilan para mapayuko siya nang inboluntaryo. Ang sakit pa naman sa leeg dahil nabigla siya sa pagyuko! Hayop ‘tong si Edward?!
“Anong hindi? Kanina pa kita kinakausap ‘tsaka tinatanong kung maayos ba tulog mo pero pagkatapos mong sumagot nang oo, bigla ka ulit mawawala sa huwisyo!” naiinis nitong reklamo.
Napanguso siya. “Sorry na nga. ‘Di ko rin alam anong nangyayari pero maayos naman tulog ko, pramis. Ano nga ulit ‘yong pinag-uusapan natin, Kuya?”
“Hindi ano, ‘sino’ ang pinag-uusapan natin.” Umikot ang mga mata nito. “Bwisit na nga ‘yong Ate mo, ‘di ka pa makakwentuhan nang maayos. Iyong totoo, pumapag-ibig ka na naman ba?”
Nasamid si Keegan sa sariling laway at mabilis na napaatras. Namamangha rin niyang pinagmasdan si Edward na noo’y mas lalong naningkit ang mga mata nang makita ang reaksyon niya.
Masama ang kutob ni Keegan sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Edward! Baka bigla nitong sabihin, tama ang hinala nito samantalang wala namang kinikita si Keegan nitong nakaraan! Ni hindi nga siya makahanap nang interes na maghanap ng bago!
“Anak ng pucha, hindi!” tanggi niya.
Pilyo siyang nginisian ni Edward. “Ganyan na ganyan din sinabi mo sa akin no’ng tinatago mo iyong… Ano ngang pangalan no’n? Ryleigh?”
Napanganga siya. Kinilabutan din. Bakit bigla-bigla na lang may pa-name drop?! Hindi siya handa!
“Wala na ‘yon!” dipensa niya ‘tsaka siya umayos nang upo. “Hindi ako pumapag-ibig, wala akong bagong kinikita! Ikwento mo na lang ulit si Ate Katelyn. Magko-concentrate na ako ngayon, pramis.”
Inismiran siya ni Edward. “Ayusin mo. Lumutang lang talaga ‘yang isip mo, uulit-ulitin kong banggitin iyang pangalan ng first love mong tinago mo pa sa ‘min ni Mama. Nako! ‘Di ko pa naman nasaan ‘yon dahil bigla mo na lang sinabing wala na kayo!”
Puta, nakukulele siya. Magkwento na lang, ang daming sinasatsat e.
“Hindi nga! Magkwento ka na lang. Ang dami pang kuda, e!”
Bagamat nambabanta pa rin at pilyong tignan si Edward, pinilit ni Keegan na ituon ang atensyon sa kinukwento nito sa takot na banggitin na naman ni Edward ang pangalang ‘Ryleigh’.
Kapag kasi mababanggit ang pekeng pangalan na iyon, awtomatiko siyang dadalhin ng isipan sa imahe ni Rhysand, tapos ipapaalala na naman sa kanya iyong nangyaring halikan. Tapos mami-miss— este, pangingilabutan na naman siya sa pakiramdam na naghahalo iyong laway nilang dalawa ng isang iyon. Kadiri!
“Nakikinig ka pa?” may bahid ng paniniguro ang tono ni Edward. Talagang tinitignan na kung nakikinig ba talaga siya at hindi lumilipad ang isip.
He grumbled. “Oo, nakikinig ako.”
Si Katelyn lang naman ang kinukwento nito. Ngayon lang nalaman ni Keegan, matapos ang mahabang panahon na hindi pagbisita rito, na naghiwalay na pala ang Ate niya at iyong lasinggero nitong asawa. Tsismis iyon sa buong street nila kaya natural lamang na makarating kay Nay Belinda tapos kay Edward, ‘tsaka naman ihahatid sa kanya iyong balita.
Ang kwento, pinalayas daw ng Ate niya iyong asawa nito dahil naabutan daw na may kasamang ibang babae. Tapos nag-away sa harap ng bahay kaya halos buong street, alam ang nangyari. Bumalik pa raw iyong asawa nito at nagbato ng bote ng alak sa tapat ng bahay nila, may nabasag na bintana, tapos nagbantang kukunin iyong mga pamangkin niya dahil wala naman daw kwenta ang Ate niya.
“Pagkatapos no’ng away nila, ilang araw no’n, nakasalubong ko ‘yang Ate mo sa palengke. Kasama ko no’n si Elliana kasi nga, rito siya natulog tapos bumili kami ng pagkain para hanggang hapunan sana,” kwento nito. Naiinis na sumagitsit si Edward bago napailing-iling. “Noong nakita kami noong Ate mo, nagpapasimple pa siya pero noong umalis sandali si Elliana, lumapit sa ‘kin tapos nagtanong kung girlfriend ko ba kasama ko. Sabi ko, malamang! Sa tanda kong ‘to, ano bang akala niya sa akin? Balak na tumandang binata?”
Nakangiwi niyang nginitian si Edward. “Tapos, anong sabi?”
Nagpakawala ng marahas na hininga ang binata. Kung posible lang na may lalabas na usok sa ilong nito, baka nangyari na. “Ang sabi ba naman, ‘di naman daw kagandahan si Elliana pero ba’t daw iyon ang pinalit ko sa kanya? Bobo ba siya? Sinita ko ba siya no’ng pinagpalit niya ako sa tambay na madalas kainuman ng tatay mo? E ni walang laban sa ‘kin ang isang ‘yon?! Kahit maligo siya nang ilang beses, ‘di magbabago itsura no’n sagad ugali!”
Kung anu-ano pa ang kinwento ni Edward dahil noong pabalik na raw si Elliana, biglang sinabi raw ng Ate Katelyn niya na mas maganda raw sana kung dati raw ay si Edward na lang ang pinili noong Ate niyang may sapi. Syempre, nangilabot si Edward. Hinila raw nito paalis si Elliana sa pinagbibilhan nila ng grocery noong bumalik ito.
Kung iisipin naman, sinubukan habulin ni Edward si Katelyn noong maghiwalay ang mga ito. Saksi siya sa mga kaganapan noon.
Kaso may problema talaga ang Ate niya at kahit na alam naman nitong ang “better choice” ay si Edward, para raw mawala ang lalaki sa buhay nito e nagpabuntis ito sa madalas kainuman ng tatay nila. Ang wirdo na ngayong malapit nang magpakasal si Edward at nang iwanan ng asawa ang Ate niya, ‘tsaka ito lalapit-lapit kay Edward na parang wala itong ginawa noon.
“Kausapin mo nga ‘yang Ate mo! Baka pumunta pa sa kasal ko tapos mang-wreck. King ina niya. Siya itong nang-iwan noon, siya ngayon ang hahabol-habol?” inis na rant sa kanya ni Edward.
He scoffed. “Magulat ka baka bigla niyang sabihin sa ‘yo na anak mo si Garrett. Kahawig mo pa naman.”
“Nakshuta! Matagal na kaming break no’ng nabuntis ‘yan sa kainuman ng tatay niyo, ano! Ako lang ang napaglihian. Ang dalas tumambay dito ng Ate mo no’ng buntis, e!”
“Pero kukunin mo ba si Garrett ‘pag gano’n?”
“Kung akin! E kaso, no’ng nabuntis ‘yang Ate mo e wala naman nang nangyayari sa ‘min. Matagal na kaming hiwalay ‘tsaka shinut down na ‘ko no’n. Ikaw na nga lang ang madalas kong kausap. H’wag siyang umarte-arte riyan. Ano ‘yon, late ang sperm ko kaya ilang buwan pa lumipas bago niya nalamang buntis siya?”
Pareho silang natigilan ‘tsaka malakas na natawa noong nag-sink in iyong ‘late ang sperm’ kaya ‘late rin na nabuntis’ ang Ate niya. Imposible iyon. Alangan namang tumambay sa may bukana nito iyong sperm ni Edward tapos ‘tsaka pa lang nabuo si Garrett? Imposible.
Matapos nilang magtawanan, natahimik silang dalawa. ‘Tsaka lamang nagkaroon ng tsansa si Keegan na igala ang mga mata sa buong sala ng pamamahay nina Nay Belinda. Nami-miss niya rito tumira. Mas attached siya sa bahay na ito kaysa sa bahay na tinitirhan niya noon. Kaso ayaw niyang bumalik dahil pakiramdam niya e magiging pabigat ulit siya. ‘Tsaka, mag-aasawa na si Edward. Ang pangit tignan noon.
“Kailan ka?” biglang tanong ni Edward na dahilan para matigilan siya.
Ipinilig ni Keegan ang ulo. “Anong kailan ako?”
“Sus. Aarte ka pa e alam mo naman kung anong tinutukoy ko. Kailan ka magjo-jowa ulit? ‘Di naman tayo pabata. Simula no’ng naghiwalay kayo niyang Ryleigh na ‘yan, parang ‘di ka na ulit umulit.”
Imbes na sagutin si Edward ay mataman niyang tinitigan ang binata.
Sa totoo lang… Hindi niya rin alam. Pakiramdam ni Keegan, pinakamalala iyong ‘heartbreak’ na naranasan niya noong malaman niyang iisa lamang si Ryleigh at Rhysand. Pakiramdam niya, hindi lang puso niya iyong nawasak noong araw na iyon, natrayidor pa siya’t naloko. Umasa siyang ibang tao, e.
Ang mahirap, alam din ni Keegan na hindi dapat niya trinato nang masama si Rhysand noong panahong nagmakaawa ito sa kanya na bigyan ito ng tsansa, kahit kakarampot lang. Kaso galit si Keegan. Ayaw niya ring i-invalidate iyong nararamdaman niya. Kapatid lang ang turing niya kay Rhysand. Oo, nagkakagusto siya sa lalaki pero kahit kailan, hindi niya ito makikita bilang lalaki.
“Baka hindi na?” Hindi rin siya sigurado kung magiging interesado pa ba siya ulit. Depende.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Edward. “Wala naman akong problema kung ayaw mo pero pakiramdam ko, interesado ka pa rin. Naging shut-in ka lang nitong minsan at narinig kong ayaw mong makakilala ng bago.”
“Ba’t alam mong shut-in ako?”
“Naging ka-close ko rin naman ‘yang lider niyo sa banda. Siya nagsabi sa ‘kin.” Nag-iwas ito ng tingin sa kanya ‘tsaka ito nagpahalumbaba. “Iba rin pakiramdam ko sa isang ‘yon, e. Wala naman akong pakialam pero nitong nakaraan, nagbago ‘yang kaibigan mo.”
“Sino? Si Kuya Renz?”
Nagkibit balikat si Edward ‘tsaka siya nito nginisian. “Nagkakagusto ka ba sa lalaki, Keegan? Baka lalaki ang para sa ’yo, e.”
Parang nawala lahat ng emosyon sa mukha ni Keegan noong marinig ang tanong ni Edward. Bagamat nagulat siya’t bahagyang napaatras dahil ‘oo’ lang naman ang sagot doon sa tanong, hindi niya makuha sa sarili na umamin kahit alam niyang wala namang pakialam ang binata kung ano ba ang sekswalidad niya.
Mulat iyan. Call center agent, e.
Napahinga siya nang malalim. “Hindi ka makausap nang maayos, ‘no?”
“Wow!” Napapantastikuhang dinuro ni Edward ang sarili. “Kuryoso lang naman ako, Keegan?!”
NANG MAKAPAGHAPUNAN kina Nay Belinda, inaya rin siya ng mga ito na matulog na sa pamamahay ng mga ito at bilang gabi naman na rin at tamad nang bumyahe si Keegan pauwi, pumayag siya.
“O, ba’t ka sumasandok diyan? Gutom ka pa?” tanong ni Edward sa kanya.
Alas diyes na noon ng gabi pero may nakapagsabi sa kanya na hindi na naman daw pinapakain sa bahay iyong mga pamangkin niya. Kaya sinabihan din siya ni Nay Belinda na puntahan dahil mayroon pa naman silang sobrang ulam kanina.
Katatapos lang maligo yata ni Edward dahil mayroon pang nakasabit na tuwalya sa leeg nito at basa ang buhok nito. Lumapit ito sa kanya para panoorin ang ginagawa niyang pagbabalot ng pagkain bago nito naisipang kumuha ng tubig para sa sarili.
“Para kina Garrett. Nagpaalam naman ako kay Nay Bel,” aniya.
Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi na naman pinapakain ng Ate mo? Ano bang akala niya sa mga anak niya, aso?”
“Malay ko ro’n. Nabibwisit ako.”
Umismid si Edward. “Iniwanan na siya ng asawa niya, ‘di pa niya maasikaso iyang mga anak niya. Hanggang kailan magiging ganyan iyang Ate mo?”
“Ayoko nang umasang magbabago pa siya. Naiirita nga ako na madalas niyang sabihan sina Garrett na sila raw mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Ni wala nga siyang ginagawa para asikasuhin mga anak niya.”
Pagkatapos niyang magbalot ng kanin at ulam, pati na rin naglagay ng styro na plato at plastik na kutsara sa dala niya, ‘tsaka siya nagpaalam na lalabas para hanapin ang mga pamangkin.
Alas diyes na ng gabi pero noong makita siya ng Ate niya, wala man lang itong pakialam na tinignan siya. Akala nga niya lalapitan siya para kuhaan na naman ng pera o hindi kaya, kunin iyong dala-dala niyang pagkain, pero nag-iwas lamang ito ng tingin sa kanya at inirapan siya.
Tutal, nasa labas naman ito ng pamamahay nito, nilapitan niya ito.
Pupwede naman niyang sakmalin ‘yang Ate Katelyn niya kung biglang hablutin itong bitbit niyang pagkain.
Iyon lang, hindi siya nito sinagot nang diretso. Ang sabi lang nito, nasa paligid daw ang mga anak. Baka nagsusuot lang sa kung saan-saan at naghahanap ng pagkain. Nasita niya ang Ate niya, pero bago pa man humaba ang away nila, iniwanan niya ito dahil sigurado siyang gutom na sina Garrett.
Nabibwisit siya.
Kung hindi ang tatay ng mga ito ang kukuha sa mga pamangkin niya, siya ang kukupkop!
“Garrett! Kaira! Gabriel!” tawag niya sa mga pamangkin noong makita niya ang mga ito.
Anak shuta, malalim na ang gabi, kung saan-saan pa nakarating ang mga ito nang makakain! Kinakabahan na pamo siya dahil mukhang walang pakialam iyong Ate niya!
Lakad takbo siyang lumapit sa mga pamangkin niya ‘tsaka niya lamang napagtantong kumakain ang mga ito sa harap ng tindahan. Napakunot tuloy ang noo niya, ‘tsaka niya naisip na baka naghanap pa ng kalakal ang mga ito nang sa ganoo’y makakain.
“Tito Keegan!” sabay-sabay na tawag sa kanya ng mga pamangkin bago dali-daling tumayo ang mga ito mula sa kinauupuan para tumakbo patungo sa kanya.
May napansin siyang matangkad na lalaki na napatingin sa mga ito habang abalang kumain ang mga bata pero hindi niya pinansin kaagad kahit na napatingin ito sa direksyon niya.
“Anong ginagawa niyo rito?! Kanina ko pa kayo hinahanap!” aniya bago siya lumuhod para salubungin ang mga ito.
Yumakap sa kanya sina Kaira at Gabriel pero si Garrett, tumigil lang sa harap niya. He looked guilty.
“Ano po kasi Tito… ‘Di po kami pinakain ni Mama kaya po naghanap po kami ng pagkain,” paliwanag ni Garrett bago ito nagbaba ng tingin.
Napapantastikuhan niya itong tinignan. “Nangalakal na naman kayo? Ni ‘di man lang kayo lumaban sa nanay niyo? Wala naman silang ginagawa para alagaan kayo.”
“Pinakain po kami ni Mama ng umaga, pero po no’ng gabi nakita niya po si Papa kaya po bigla-bigla nagwala po siya tapos natapon pagkain,” si Gabriel naman ang nagpaliwanag sa kanya.
Nagngitngit ang mga ngipin niya. Sumasakit ang ulo niya.
Iniabot niya ang plastik ng pagkain kina Garrett. “Kakausapin ko si Nay Bel, do’n muna kayo sa kanila. Nando’n naman ako. Sagot ko kayo hanggang bukas tutal walang pasok at Linggo.” Natutuwang kinuha nina Kaira at Gabriel ang bitbit niya bago pa man iyon makuha ni Garett. ‘Tsaka naman kumamot sa likod ng ulo ang pamangkin niya.
“E, ano po kasi Tito… Busog na po kami. ‘Tsaka po nilibre po kami ng Kuya ro’n,” anito ‘tsaka ito mayroong tinuro sa tindahan.
“Kuya ro’n?” Halos maningkit ang mga mata niya bago niya inilibot ang mga mata sa paligid pero nang hanapin niya, wala naman siyang makitang lalaki sa tindahan.
Sandali.
Napalunok siya. Ngayong nagkaroon siya ng pagkakataong igala ang mga mata sa kapaligiran, ngayon lang niya napagtantong nasa street siya nina Rhysand! Tapos ang lapit pa ng mga ito sa bahay ng binata. Ilang bahay lang ang distansya! Anak ng pating! Ang layo ng narating nina Garrett!
Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang bahay ni Rhysand at nang matantong nakapatay na lahat ng ilaw, nakahinga siya nang maluwang. Tulog na iyon. Imposibleng nakita pa nito ang mga pamangkin niya.
Lumingon din si Garrett sa tindahan nang mapansing gulung-gulo siya pero natigilan ito at nagtatakang napahimig. “Ah! Umalis na si Kuya!”
Sabay na napalingon sina Kaira at Gabriel sa sinasabi ni Garrett bago sumimangot si Kaira. “Hala! Hindi tayo nakapag-thank you sa kanya! Sabi ko kasi sa inyo, mag-thank you muna tayo bago tayo kumain e! Ang bait pa naman niya!”
Napangiwi si Keegan at ibinalik ang mga mata sa mga pamangkin.
“Hindi bale na, baka makita niyo pa iyon. Anong itsura noong lalaki na tumulong sa inyo?” pag-uusisa niya nang sa ganoo’y makasiguro na maayos ang mga pamangkin at hindi napakain ng kung ano.
Si Kaira ang sumagot, “gwapo siya, Tito! Matangkad pi na lalaki na moreno tapos ang gwapo po! Tapos po mabango!”
Kumibot ang isang kilay ni Keegan. Gwapo, matangkad, moreno, mabango? Muling naibalik ni Keegan ang mga mata sa bahay ni Rhysand ‘tsaka siya pasimpleng napalunok.
Surely, it wasn’t him, right? Madilim na ang bahay nito at mukhang tulog na rin ang binata.
“Anong pangalan niya?” tanong niya ulit.
Ipinilig ni Gabriel ang ulo. “Hindi po niya sinabi, Tito. Pero po mabait siya tapos po nilibre niya rin kami Coke!”
“Bakit po, Tito? Kilala niyo po ba?” Si Kaira.
He smiled and shook his head. “Baka lang kilala ko, pero marami namang lalaki na katulad ng sinabi niyo. Baka mali ako. Tara na.”
Kabanata 10
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 10
LUMILIPAD ANG isipang nakatingin si Rhysand sa kisame ng faculty. Siya lang mag-isa ngayon dito dahil ang karamihan sa mga kasama niya, mayroong klase at iyong iba naman, lumabas sandali nang makakain daw.
Honestly, he doesn’t mind being alone. He likes the silence that braces the four corners of this room, although it’s not exactly void of noise as they are people outside, students that passed through the hallways, and their proud and loud voices resounding. Hindi maipaliwanag ni Rhysand pero payapa siya sa mga oras na ito at nakakapag-isip isip nang maayos.
“Ah…” he trailed off. He wanted to raise his hand and stretch his arms but he chose not to move an inch. “I don’t know how would I approach him anymore. I feel bad.”
Several days and nights has already passed and yet, Rhysand still felt guilty for kissing Keegan. Hindi niya itatangging nagustuhan niya, and sure, he misses the sensation that Keegan sent him when they kissed. He liked how surprisingly soft Keegan’s lips were even though he looked really rough on himself – but that doesn’t mean that it’s right to like something that he forced.
Hinawakan niya ang bahagi ng mukha na nasapak ni Keegan. Wala na ang pasa roon pero parang masakit pa rin. “I don’t know how to apologize.”
Rhysand wouldn’t be able to act around him like he normally does without feeling awkward and guilty.
Nawala siya sa huwisyo kasi nahalikan siya. Noong naramdaman niyang mag-landing sa mga labi niya ang labi ni Keegan, parang mayroong nakakawala sa loob niya’t bigla niyang hinabol ang binata.
Keegan pushed him, but he didn’t budge.
He acted like an animal and he knew that he did something worse than faking his identity to be loved and seen by Keegan.
And he wouldn’t know that he’s still as desperate until the night he lost his control over himself.
“Sir Mark!”
Rhysand pursed his lips when he heard Ma’am Fey’s voice on the background. Nang hanapin ng mga mata niya ang pigura nito, ‘tsaka niya natagpuan ang dalaga na papalapit sa kanya. And based on the drink that she was holding, it seemed like she was outside either.
“Anong ginagawa mo rito? Ba’t ikaw lang mag-isa? Wala ba si Sir Aaron?” pag-uusisa nito.
Rhysand’s forehead creased slightly. Seriously, not because he’s chummy with Sir Aaron and they’re buddies meant that they should be together all the time. Both of them have lives and Sir Aaron just attended to his third period.
He mentally sighed. “Pumunta na siya sa klase niya. Bakit?”
“Ah, wala. Nanibago lang ako. ‘Di ka ba nababagot na ang tahimik dito? Ikaw lang mag-isa, o. Wala kang kausap.” sagot naman ni Ma’am Fey.
No? He doesn’t mind staring at the ceiling if the first image he’d see inside his head would be Keegan. “Hindi naman. ‘Tsaka kailangan ko rin talaga ng oras na mapag-isa. I was rethinking about my life decisions.”
“Oh? Ayaw mo na maging teacher?”
Lumapit sa desk niya si Ma’am Fey at inokupa ang upuan sa harap ng table niya. She rested her cheek on her palm and faced him, like a child who was curious about what he was going to say. Kaso napakunot lang lalo ng noo si Rhysand, napaatras din siya’t napaupo nang tuwid.
“No,” he replied before he tilted his head to the side. “I was thinking about the person I like and how should I apologize to them.”
Napaatras si Ma’am Fey at natulala sa kanya. “Wait, you like someone?”
“Ano bang akala mo sa ‘kin, walang pakiramdam? Walang abilidad na magkagusto sa iba?”
“Would I be rude if I said yes?” She smiled apologetically at him. “Well, you know… You suddenly stopped courting me out of nowhere and wouldn’t tell me why, then I’d found out that you’re starting to like someone again. Surely, that’s not infatuation, right?”
He scoffed. “What? Are you concerned?”
“Yes, medyo paasa ka e. Umasa kaya akong magiging tayo. I was so ready for you, too.”
Imbes na sumagot ay mabilis na nag-iwas ng tingin si Rhysand sa dalaga. He sweatdropped, while she laughed at him. Inasar pa siya nito dahil ngayon lang daw siya nito nakitang ‘flustered’ dahil inasar niya.
“But… Do you really have someone you like ulit?” Ma’am Fey asked after a while of teasing him.
Mahina siyang humimig. “I don’t think I ever had anyone else that I like to the point of wanting to be with them forever—” Natigilan si Rhysand noong biglang paluin ni Ma’am Fey ang braso niya kaya marahas siyang napabuntong hininga. “Don’t get me wrong. When I was still intoxicated with the thought that I might end up with you and you, being the best woman I ever met, I also imagined myself living with you. Pero iba ‘to.”
Umikot ang mga mata ni Ma’am Fey. “Whatever. But I still don’t like it when I hear you talking about this person like they’ll be the end of you.”
But Keegan would be the end of him.
Imbes na sang-ayunan pa ang sinabi ni Ma’am Fey ay nanahimik na lamang si Rhysand. Kahit ang dalaga, mataman ding napatitig sa kanya at tila ba sinusukat siya nito at hinuhusgahan ang buo niyang pagkatao.
He was at that point of his life where everyone he liked ended up finding him awful.
It bothers him.
“I’m sorry,” he trailed off before his fingers began to tap on the table. “But do you find me disdainful?”
Napangiwi si Ma’am Fey. “What?”
“You know. I told you once that I liked you but when shit came down, I just stopped courting you.” Not to mention, everyone was looking forward for them to date and end up with each other. “I’m well aware of the fact that you began disliking me since then, but at the same time, I’m confused that you stayed as a friend.”
Ma’am Fey stared at him intently, with a blank expression, and Rhysand couldn’t pinpoint the emotion dancing on her eyes. Mataman na lamang tuloy nilang pinagmasdan ang isa’t isa hanggang sa mamula ang mga pisngi ng dalaga at umiwas ito ng tingin sa kanya. She forced a smile to curl across her lips but even Rhysand could tell that she was trying to maintain her composure.
“I think… I think you mistook me. How could I ever hate you?” mahinang sabi ni Ma’am Fey bago siya nito tinignan mula sa sulok ng mga mata. “If I really… began to dislike you on the day that you stopped pursuing me, I wouldn’t even be your friend. ‘Di—‘Di ba nga, I let you keep me by your side even though I remind you of your cousin?”
He snorted. “Sorry for cousin-zoning you.”
“Oh my God! Tumigil ka na nga!” Mabilis na tumayo si Ma’am Fey mula sa kinauupuan nito bago nito ibinagsak ang mga palad sa lamesa. “It’s been months since you did that and I’m fine! I couldn’t say that I don’t like you anymore but it’s in the past! And don’t mind me when I say these things, I know I don’t make any sense!”
Ma’am Fey pressed her lips together. Bahagyang naningkit ang mga mata nito habang ang kanya naman e lumaki. Halos mahulog din ang panga ni Rhysand nang sabihin nitong may gusto pa rin ito sa kanya.
As far as he knows, this woman has been seeing one of their co-teachers from the Science department. But even though he’s curious, he wouldn’t bother to ask anymore – although he was worried about the new guy she’s seeing. It’s not important, that’s not his problem.
Keegan, his head would always spiral in an endless pit, thinking about the man he still likes. Ah. So much for saying that he already moved on…
Nag-iwas sandali ng tingin si Rhysand sa dalaga bago siya tumikhim. “Are you not busy? Malapit nang matapos ang break mo, ‘di ba may klase ka?”
Ma’am Fey stilled and scoffed. “I still wanted to talk to you about this new person that you like and how come I’ve never heard of them.”
“You didn’t because it’s not a new person,” he admitted before he heaved a sigh. “It’s fine. I’ll figure things out on my own.”
“Do you like her?”
“I love them. Very much.” Since he was a child, he always found Keegan mesmerizing. “You should really be preparing for your next class—”
“Can’t I be her? I know that I’m better. I just know,” agap sa kanya ni Ma’am Fey noong pinapaalalahanan niya ito tungkol sa susunod nitong klase.
Sandaling natulala si Rhysand ngunit noong rumehistro sa kanya ang nga sinabi nito, marahas siyang napabuntong hininga.
“I know that you’re a better choice. Even I admit that if I have chosen you, I would be in a better relationship,” Rhysand trailed off before he smiled at her apologetically. “But I can’t. I fell hard, Faith. I can’t get over it, I’m head over heels and even though they’re out of my reach, I don’t think I’d ever stop chasing their shadow.”
Mataman nilang pinagmasdan ang isa’t isa hanggang sa unti-unting umatras si Ma’am Fey. He could see several emotions dancing in her eyes but he chose not to pay attention and to ignore.
“That’s sappy.” Pagak na tumawa ang dalaga. “Maybe I do dislike you after all, Sir Mark.”
Nginitian niya ito. “I told you.”
“I HEARD that you were with Ma’am Faith earlier. That’s amusing. Naiwan kayong dalawa?”
Ganito ang bungad na natanggap ni Rhysand mula kay Sir Aaron noong makabalik ito sa faculty room. Halos kalalapag lamang nito noon sa mga gamit bago ito pabagsak na umupo ‘tsaka pinasadahan ng tingin ang buong faculty.
Alas onse na noon ng umaga at malapit na ang lunch. Bilang walang klase sina Aaron at Rhysand, mukhang maiiwan na naman silang dalawa kasama si Sir Inarez na nasa tapat lamang nila. But he’s busy with his paperwork and he’s wearing headphones, so he’s sure that he won’t be listening to their conversation.
“Wala na kayong klase?” tanong ng isa sa mga senior nila. Noong sabay silang umiling ni Aaron, napangiwi ito. “Hay naku, sana all talaga at maluwang ang schedule.”
Nagpaalam ang guro na iyon na aalis na dahil may klase pa ito, kaya naiwan silang tatlong lalaki sa faculty. Noong wala na ang mga kasama nila’t palagay ni Sir Aaron ay malaya na silang makakapag-usap na dalawa ni Rhysand, pasimple siya nitong nilingon kasabay ng mahinang pagtawa.
“So, why were you two together?” Aaron asked.
Rhysand shook his head slowly. “Sir Aaron, please refrain from acting like my boyfriend. Daig mo pa si Keegan.”
“He’s not even your boyfriend anymore.” Aliw na aliw na humalakhak si Aaron bago ito nagpahalumbaba. “Don’t avoid my question. Kalat na naman sa ibaba na magkasama kayo.”
“Let them be. Ni wala nga kaming sampung minutong magkausap.”
Aaron shrugged. “You know how gossips work. Nagtatanong din ako dahil sigurado akong pag-iinitan ka na naman ni Sir Guillermo.”
“Wala na kami ni Ma’am Fey.” Pinasadahan niya ng tingin si Aaron na noo’y nagkukunwaring hindi sila nag-uusap habang pinapasadahan ng tingin si Sir Inarez. “Plus I didn’t call her. I didn’t even expect that she would approach me again. Kung may problema siya, si Ma’am Faith ang kausapin niya.”
Natahimik silang dalawa habang si Aaron naman, sumandal sa likod ng kinauupuan nito. He stretched his arms and yawned like a cat. Noong matapos ito, kinuha nito ang wallet mula sa bulsa para tignan ‘tsaka siya nito pinasadahan ng tingin.
“Would you mind if we get lunch early? ‘Di ako nakakain kanina sa bahay dahil maaga akong pinaalis ni Easton,” anito.
Rhysand shook his head. “I don’t mind. I was just supposed to tell you that I’m starting to get hungry either, anyway. Pinalayas ka ba ni Kuya Easton kaya ka maagang nandito kanina? Because that’s so unlike you.”
“H’wag na nating pag-usapan.” Nakangiwi itong nag-iwas ng tingin mula sa kanya. “He always get mad at me. It’s our dynamic and this is pretty normal.”
“I’m starting to get worried about your definition of normal.” Pero hindi naman niya relasyon ang kina Aaron at Easton kaya hindi na siya magkokomento pa.
Pilyong tumawa si Aaron. “If Keegan ever fell in love with you before and you two are together right now, or if ever he falls in love with you in the near future, I’m pretty sure that you two would be bantering a lot. He’s pretty short-tempered.”
He’s not sure if Aaron should really be talking about that at a time like this either.
Noong makalabas sila mula sa eskwelahan, hinang-hina si Aaron bagamat hindi naman tinatamaan ng araw ang balat nito. He’s using an umbrella and had been complaining of how how it is and how he might melt anytime soon, and Rhysand could only view him as someone who likes to exaggerate things. Sa huli, noong ang bagal na talagang maglakad ni Aaron at halos magmakaawa na ito sa kanya, ‘tsaka lamang niya inakay ang lalaki.
“You act like an old man,” he commented.
Aaron sighed exasperatedly. “I am near 40s. I am old. ‘Pag nasa edad na kita, ‘tsaka mo malalaman kung ga’no kahirap maging matanda. My joints are starting to rust, every move I do makes my bones crack here and there. My back even begins to hurt even when all I do was to lay in bed. I wish I could be young again.”
“You’re only like that because you eat less and you don’t exercise, Sir Aaron.”
“Hush now, child.” Aaron pressed his index finger on his own lips. “Don’t invalidate an old man’s feelings.”
Is this a thing…? He had never seen anyone act this exhausted and weak whenever they’d be under the sun. Nakapayong na nga ito at lahat pero kung mamutla’t umasta, parang mahihimatay.
It didn’t take long when they arrived at the place where he and Aaron usually eats. Karinderya na malapit sa eskwelahan tapos madalas mag-serve ng karne at gulay na gustung-gusto naman nilang dalawa ng kapwa guro. When they took their seat, Rhysand couldn’t describe the relief Aaron must’ve felt when his buttcheeks had finally rested.
Seriously.
“Mukhang hindi mamomroblema si Keegan sa ‘yo ‘pag tumanda na kayo. You’re unbelievably strong. You were even able to carry an old man like me,” Aaron said.
Rhysand’s sure that he said it as a compliment but it just don’t strike him greatly.
Napailing-iling siya. “Hindi naman mahina si Keegan. ‘Tsaka dahil instructor siya sa gym, sigurado akong mas kaya niya ang sarili.”
Not to mention that even when they were children, he already began working at a young age. Madalas ito kumayod tuwing tanghali at gabi, mayroon pang oras na naabutan niya ang binata noon na mag-cutting para maging utusan sa palengke.
Suddenly, he felt bad for Keegan again.
He’s not living the best life and perhaps, one of the reasons why Rhysand was so fixated onto him was because he wanted to give Keegan everything that he deserved. He thinks that he’s the one who could provide it to him, he didn’t even consider the fact that for Keegan, it could be someone else.
Rhysand was pulled back from his reverie when Aaron snapped his fingers in front of his face.
“Stop spacing out, Sir Mark. Focus. Baka kung anu-ano nang iniisip mo tungkol kay Doggie e kaharap mo ‘ko, pandidirihan kita,” pang-aasar sa kanya ni Aaron, dahilan para mapaupo siya nang tuwid.
Rhysand almost choked in his own spit. “I’m not thinking about anything else aside from the fact that Keegan started working at a young age.”
Nginisian siya ng binata. “Ah. I know. I heard that even though he was taken in by his neighbors, he still worked his ass off to compensate with them. Anyway, isn’t he a nice guy? He just fucked up when he did not choose you.”
“There’s layers in the story that I haven’t told you.” Bumuntong hininga siya. “In my case, I can’t blame Keegan for getting mad at me. I did years worth of committing mistakes, anyway.”
Hindi nagtagal, tinawag si Rhysand na luto na raw ang kanin. Ito ang dahilan kaya hindi sila nakakain kaagad, e. Noong nag-order siya kanina e nasabihan siyang niluluto pa ang kanin at limang minuto pa raw bago makakapag-serve ulit. He guessed that that five minutes has already passed. Ang bilis ng oras.
Noong makabalik si Rhysand bitbit ang mga order nila, natagpuan niya si Sir Aaron na kumuha pala ng mga baso’t kubyertos. Mayroon din itong hawak na pitsel.
Medyo special treatment sila rito dahil madalas silang kumain sa karinderya na ito.
“I just remembered something,” Aaron said when Rhysand finally settled back on his seat. “Are you free next weekend?”
Natigilan siya’t nagtatakang pinagmasdan ang binata. “Bakit?”
“Oh, it’s nothing. I just wanted to invite you somewhere.”
Hindi siya sinagot ni Aaron at sa halip, kinuha nito ang cellphone ‘tsaka mayroong tinype roon. Hindi na rin pinansin ni Rhysand ang ginagawa nito hanggang sa biglang umilaw ang skrin ng cellphone niya na noo’y nilapag niya sa gilid ng lamesa.
His eyebrows met and he glanced at Aaron who smirked at him. “Ano ‘yong chinat mo, Sir Aaron? Pupwede namang sabihin sa ‘kin.”
“Hindi ako sigurado kung kaya mong makamemorya ng address, Sir Mark. Kaya mas magandang i-text ko na lang sa ‘yo.” Aaron shrugged and began to eat.
He’s confused. “Pakiramdam ko, libre naman ako. May mangyayari ba sa darating na Biyernes?”
“Well…”
Aaron trailed off before he heaved a sigh. There’s a ghost of a smile that’s creeping across Aaron’s lips but Rhysand can’t confirm.
“Mayroon lang akong natanggap na magandang balita nitong minsan kaya inaaya kita. Gusto mo bang sumama sa ‘kin?” anito.
Rhysand didn’t let it show on his face but he inwardly frowned. “Ba’t naman ako ang inaaya mo, Sir Aaron?”
“Because I think it’ll be beneficial for you. ‘Tsaka minsan ka na lang mabuhay, Sir Mark. Sayang ang panahon kung sa malayo ka lang.”
“… Anong ibig mong sabihin, Sir Aaron?”
“Just trust me and go to the address that I sent you if you’re free. Next weekend pa naman ‘yon. Pupwede ka pang mag-isip isip kung gusto mong pumunta o hindi.”
Hindi sumagot si Rhysand at sa halip, mataman na pinagmasdan ang guro kahit na side view lamang nito ang maayos niyang nakikita. Aaron did take a glance at him every now and then but it was only when they reached the open grounds when Aaron let out an amused chuckle. Habang siya naman, tumikhim dahil palagay niya’y napapasobra na ang pagtitig niya.
“Why are you doing this?” he asked, although he’s still unsure about Aaron’s intentions.
Aaron’s eyes danced in amusement and he shrugged. “I only want to help a friend in need. Isa pa, kung palagay mo naman ay mayroon na ‘kong tinatawid na boundaries, pwede mo namang tanggihan ang alok ko o ‘wag pumunta sa address na sinend ko.”
That’s fair. Hindi naman siya pinipilit ni Sir Aaron. Sinabi lang nito na pagkatiwalaan siya pero ang palagay ni Rhysand, sinabi iyon ng binata nang sa ganoo’y hindi niya isipin na mayroon itong masamang balak. Well, Rhysand had never been in trouble because of Sir Aaron, anyway. He’s a reliable senior and friend - just a little bit weird , but he’s really helpful.
Sa huli, sumuko rin si Rhysand at tumango. “Pag-iisipan ko, Sir Aaron.”
Ngumisi ang binata at para bang naaliw sa sagot niya. “That is what I wanted to hear. Good choice.~”
Kabanata 11
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 11
RHYSAND COULDN’T TAKE it anymore. Matagal na mula noong huli niyang makita si Keegan at gusto niya itong makita. Una, sa kadahilanang gusto niya ulit na mag-sorry at pangalawa, gusto niya lang talaga itong makita. At some point, he was thinking that Rhysand was just making an excuse to see Keegan, and maybe he was just doing that.
Well, whatever. He wanted to apologize and he’s sincere.
Though, he was also aware that his effort would be futile since it’s already been three weeks since the thing happened.
Paniguradong naka-move on na si Keegan at ibabalik niya lang iyong alaala kapag nag-sorry pa siya. Now, he’s conflicted. He even bought Keegan something as an apology gift.
Rhysand heaved a deep breathe as he adjusted the face mask that he was wearing. The lower half of his face was starting to sweat but he couldn’t take his cover off.
It’s not because he’s hiding from Keegan, it’s just that… He has a bad cough recently and he doesn’t want the bacteria to spread in the air.
Baka akusahan pa siyang may COVID kahit ang tagal-tagal nang walang pandemic.
“Okay na po Ser,” saad noong nagbabantay sa gym na kausap niya. Nilingon niya ito at natagpuan itong nakangiti sa kanya. “‘Di ba talaga kayo magri-register as new member, Ser? May discount kami ngayon ‘tsaka marami kaming trainers na mag-a-accommodate sa inyo.”
Pilit niyang nginitian ang lalaki. “Pag-iisipan ko. Maraming salamat.”
Tumango iyong nagbabantay sa gym pero bakas pa rin sa mukha nito na parang gusto siya nitong kumbinsihin na magpa-register bilang miyembro ng mga ito. Kung wala lang siyang membership sa ibang facility, baka pumayag siya e.
But he’s just doing this for Keegan.
He just wanted to see him.
Nang makapasok na sa looban ng gym, ilang beses na lumingon si Rhysand sa paligid para hanapin ang binata, ngunit dahil malawak ang lugar at baka mayroong ginagawa ang binata, hindi niya ito makita kahit saan.
In the end, Rhysand stopped looking for him. Ito rin naman ang lalapit sa kanya kung sakaling ma-spot-an siya nito.
He’ll probably go with that old question: “Anong ginagawa mo rito?” Just thinking about it right now makes him smile.
And so, Rhysand focused on his routine.
Noong matapos siya sa pagja-jogging at bumaba ng treadmill, napapitlag si Rhysand noong lumingon siya’t matagpuan si Keegan na nakapameywang at naniningkit ang mga matang nakatitig sa kanya.
“Hinila ka na naman ng pinsan mo rito pati ng jowa niya?” masungit na pag-uusisa nito.
Rhysand removed one of his earplugs. “Anong sinabi mo?”
He heard Keegan, actually. Loud and clear. But he pretended that he didn’t. Ewan niya kung ang goal niya ba ay mang-asar o makakita ng interesanteng reaksyon mula rito.
Kumunot ang noo ni Keegan. “Tinatanong kita kung nandito ka na naman ba dahil hinila ka ng pinsan mo?”
“No,” diretsong aniya kaso napaisip siya.
How should he say that he’s here for Keegan? Maybe never.
“I arrived late at our gym and it’s crowded. Ayoko namang maghintay kaya rito na ‘ko pumunta,” pagdadahilan niya.
Mas lalong lumalim ang wrinkles sa noo ng binata. “Pa’nong maraming tao? Imposible namang crowded ang gym mo.”
Imbes na sumagot, nagkibit balikat lamang si Rhysand. Sana hindi na ito mag-usisa pa dahil malalaman nito kalaunan na nagsisinungaling lang siya. Hindi gaanong crowded ang gym. In fact, hindi naman marami ang pumupunta roon bagamat nasa itaas ng mall.
He’s just making excuses so that he could talk to Keegan for longer.
Then, he wondered how should he give the gift he bought for him. It’s nothing special, it’s just a bracelet he happened to see on shopee and it reminded him of Keegan. Wala siyang maisip na paraan na maibigay iyon nang hindi siya nasasapak.
He sighed inwardly.
Natigilan siya nang mapansing bumaba ang tingin ng binata sa suot niyang face mask.
“May sakit ka?” pag-iiba nito ng usapan nang mapansing nakasuot siya ng face mask. “Ba’t ‘di ka na lang nagpahinga?”
Rhysand’s eyebrows raised. Keegan’s voice sounded really irritated but at the same time, he caught a glimpse of kindness and concern on the way he spoke. He must be hallucinating. Or maybe, he’s reading through things a lot.
Dahil sa kaiisip niya, nagkamali siya ng paghinga kaya na-trigger ang pag-ubo niya. Shit.
“It’s not that serious,” was what he said after a while of coughing. Hinila niya ang face mask pababa nang makainom siya mula sa bote ng tubig na dala. “Wala rin naman akong COVID. There’s no need to be alarmed.”
Tinaasan siya ni Keegan ng isang kilay. “Anong alarmed-alarmed? Wala akong pakialam kung may COVID ka o wala. Kung may sakit ka, kung masama ang pakiramdam mo, ‘di ba dapat nagpapahinga ka ngayon? Pa’no kung lumala ‘yan?”
“Ubo lang ‘to. Uminom na ako ng gamot. And I don’t want to use my cold as an excuse to skip my weekly exercise. Baka tamarin ako.”
What a lame excuse, was what he wanted to tell himself. Gusto niyang batukan ang sarili dahil kahit yata sino ay hindi maniniwala sa ginamit niyang dahilan.
Napapantastikuhan siyang pinagmasdan ni Keegan at kahit wala itong sabihin, alam ni Rhysand na hindi ito naniniwala sa kanya. Kahit naman siya, hindi naniniwala sa sarili. Noong nagsinungaling siya kay Keegan, alam ni Rhysand na naging clown siya. Baka nga siya ang buong circus.
“Ulol ka ba?” kalauna’y tanong ni Keegan sa kanya.
It took all his might to prevent himself from bursting into a fit of laughter because Keegan looked dead serious when he asked the question and at the same time, Rhysand can’t keep up to his lies anymore. It’s becoming funny.
Lihim na kinagat ni Rhysand ang loob ng mga pisngi para hindi niya matawanan si Keegan. Mabuti at hindi halata ang ginagawa niya dahil nakasuot pa siya ng face mask, kaso ang kapalit noon, hindi rin siya nakasagot sa binata.
“Sinong pinaglololoko mo? Ako? Tang ina mo,” blangko ang mukhang tugon sa kanya ni Keegan. Napahilamos ng mukha ang binata at napailing-iling. “Teka nga, pinadala ako rito ng manager ko. Putang ina, ‘kala ko kung sinong bagong client na gusto niyang ipakumbinsing maging member ng gym, ikaw pala. Anak shuta talaga, ba’t ba ‘di ako nakaramdam?!”
Rhysand pressed his lips together when he remembered the face of the man he was talking to earlier.
Manager pala iyon? At si Keegan ang ipinadala para kausapin ulit siya nang makumbinsing maging miyembro ng gym nila?
“You know what, I might consider—” bago pa man niya matapos ang sinasabi, naagapan na siya ni Keegan.
Tinapunan siya nito ng masamang tingin. “Ayusin mo desisyon mo sa buhay, ayaw kitang makita rito. Magdadahilan na lang ako na ayaw mo talaga.”
“Pero pa’no ako tatanggi kung ikaw ‘yong pinadalang kukumbinsi sa akin?” he mischievously replied. Hindi siya seryoso. Interesado lang siya sa magiging sagot ni Keegan.
“Hep!” pigil sa kanya ng binata ‘tsaka ito sumagitsit. “Nasa tamang pag-iisip ka ba? Naaalala mo ba ‘yong usapan natin noon?”
Nginisian niya ito. “Marami tayong napag-usapan noon. Alin ba sa mga iyon ang dapat kong alalahanin?”
“Seryoso ka ba?”
He let out a small smile, though it was futile since Keegan wouldn’t have seen it anyway since he already pulled up his facemask.
Bumuntong hininga at sumuko. Baka bigla pa siyang sapakin ni Keegan dahil mukha siyang seryoso samantalang inaasar niya lang naman ito. Plus, it’s enough that Keegan didn’t bring up the ‘akala ko ba lalayuan mo ako’-card because he’s sure as fuck that he would have an argument with him. Pinilit naman niya e, kaso simula noong magkita ulit silang dalawa e parang nawalan ng saysay ang pag-iwas niya.
At napagtanto niyang ayaw naman talaga niyang mapalayo rito.
“Nakausap ko na ‘yong manager mo kanina, Keegan. I already refused his offer. Ayokong magbayad sa dalawang facility lalo na’t nitong nakaraan lang naman ako naging miyembro no’ng orihinal kong pinupuntahan,” paliwanag niya ‘tsaka siya nagkibit balikat.
Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso. “Kung sa bagay. Hindi rin naman mura ang bayad sa membership. Lalo na’t ‘di naman isang beses lang iyon.”
“I’m glad that you can understand.” Rhysand’s eyes squinted as he smiled widely. “Hindi naman ako mayaman, Kee. Kaya ‘wag kang mag-alala, guest lang ako rito.”
Plus, he has another agenda that’s why he’s here.
Itinikom sandali ni Rhysand ang bibig at hinayaan ang sariling malunod sa mga iniisip. He’s with Keegan right now, so he could probably tell him that he has something to give him as an apology gift from the last time they met?
Ibinalik ni Rhysand ang mga mata sa binata at nang mapansing ang nonchalant lang nito at parang hindi naman nao-awkward sa kanya, napabuntong hininga siya.
He can’t say that he’s relieved and satisfied upon seeing his reaction.
Perhaps, Rhysand wanted to see something else from Keegan. He wanted to see him uncomfortable around him because they made out, but maybe because Keegan did it with him, he chose to just bury it in his mind and act like nothing happened.
“Right. May ibibigay nga—” Bago pa matapos ni Rhysand ang sasabihin, naagapan siya ni Keegan nang bigla nitong palagatikin ang mga daliri.
“Kakausapin ko na si Manager tutal nasabi mo naman na pala sa kanyang ‘di ka interesado,” anito.
Bumagsak ang mga balikat ni Rhysand nang hindi man lang niya maisingit na may gusto sana siyang iabot na regalo rito. Mukhang hindi ito ang tamang oras? Kaso kailan ba dapat siya magbibigay ng regalo?
Nasa kalagitnaan na ng panghihinayang si Rhysand noong bigla siya nitong lingunin. Napapitlag siya nang mapansing matalim ang tingin nito sa kanya.
“May sinasabi ka ba kanina bago ako magsalita?” tanong nito.
Rhysand pursed his lips together. “I…”
He wanted to say that it was nothing but at the same time, he doesn’t want his efforts to end up in vain, and he doesn’t want to keep the gift he bought Keegan in his pocket until the day he dies; Rhysand braced himself.
“May ibibigay ako sa ‘yo,” panimula niya bago kinapa ang bracelet sa bulsa niya. He’s sure as fuck that it was there because he remembered slipping it in his pocket before he left his bag in the locker, but it seems like… He was just hallucinating things.
Nakakunot ang noo na pinanonood siya ni Keegan. “Ibibigay? Ano ‘yan, sumpa o gayuma?”
He grumbled. “Sana nga makapal ang mukha ko’t sarado ang isipan ko para gayumahin ka.” Keegan deserves better. “I’m not like that, obviously.”
“E, ano ‘yang ibibigay mo?”
“Apology gift,” he said which made Keegan still.
Pagak na tumawa ang binata at napapantastikuhan siyang pinagmasdan. “Apology gift?”
For some reason, Keegan sounded bitter. Natigilan sandali si Rhysand para tignan ito pero kahit nakita niyang busangot ang mukha ng kaharap niya, mas pinili niyang huwag iyong pagtuunan ng pansin at hinanap na lamang ang dapat na hanapin.
But sure, it made him wonder. Why was Keegan offended just because he said that he has an apology gift to give? Wala lang talaga sa hulog niya ang ma-concern dito kaya hindi siya nag-delve sa isiping iyon.
“Ah,” he finally said when he was done searching for the bracelet in his pockets. “Mukhang nasa bag ko pa.”
Pero sa totoo lang, kinakabahan siya dahil baka mahulog pa sa bulsa niya iyong bracelet kahit wala namang butas ang suot niyang jogging pants.
Keegan hissed. “Hayaan mo na! Wala naman akong oras para sa rega-regalo na ganyan. Diyan ka na nga, kakausapin ko pa iyong Manager ko.”
“Ah, but—” Bago pa man makapagsalita si Rhysand, tinalikuran na siya ni Keegan at iniwanan. Mabibilis at malalaki ang mga hakbang na ginawa nito kaya kaagad siyang naiwan. “… I wanted to give it to you.”
It wasn’t like he ‘had’ to, but he ‘wanted’ him to have it.
Muling bumagsak ang mga balikat ni Rhysand ngunit sa mga oras na ito, nawalan na siya ng pag-asa.
“I’ll find him later,” he muttered to himself before he went to the lockers. “Hanapin ko lang ‘yong bracelet.”
TAKANG-TAKA na pinagmamasdan ni Rhysand si Keegan noong muli niya itong matagpuan sa harap niya.
Halos kalalabas lamang niya noon sa banyo matapos mahanap ang bracelet at naguguluhan siya dahil parang natatae na ewan ang binata habang nakatingin sa kanya nang masama. Nakanguso rin ito pero bagamat ang cute ng ekspresyon sa mukha nito, mas nag-alala si Rhysand dahil nakasimangot si Keegan.
What did he do?
“Magbabanyo ka ba?” tanong niya ‘tsaka tinuro ang pinto ng banyo sa likuran niya. Nakatayo pa rin kasi siya roon at hindi makadaan dahil nakaharang si Keegan sa daan.
Gumilid siya noong hindi sumagot ang binata. Minuwestrahan niya pa itong dumaan dahil sapat naman ang distansya para hindi magtama ang mga balat nila kung gugustuhin nito. The thing is, Keegan wouldn’t budge. He wouldn’t even move on his place and rather, would just follow Rhysand’s figure through his gaze.
“Did I do anything to offend you?” nag-aalala niyang tanong.
Keegan grunted and his eyebrow twitched. “Wala pero bad trip ako dahil pinabalik ako para ‘ligawan’ ka! Anak shuta, sinabi ko naman nang may iba ka nang gym pero ang sabi sa ‘kin, subukan daw kitang kumbinsihin na itigil ang membership mo roon at dito lang!”
Sumagitsit si Keegan bago napahilamos ng mukha. Habang siya, nakangiwi lamang na pinanonood ang binata na mamroblema.
He stilled when suddenly, Keegan cornered him. Na-kabedon siya nang wala sa oras at conflicted siya kung gusto niya bang mag-celebrate at hapitin ang beywang ni Keegan o manatili na lamang na nakatayo. But if he selected the first choice he thought of, it might only add up to the mistakes he did to Keegan.
Ah. He would rather not.
“Ba’t ba kasi ayaw kang pakawalan ni Manager?” nanggigigil nitong tanong sa kanya.
Seriously, how was he supposed to know? “I don’t know. Maybe he thought that I was handsome?”
Since Rhysand doesn’t know how to deal with what’s happening between them right now, he would just play along and annoy him—which he knew he shouldn’t be doing but it’s fun.
Ngumiwi si Keegan at mataman itong napatitig sa mukha niya pagkatapos. “Alam kong gwapo ka pero mukha ba ‘kong nakikipaglokohan sa ‘yo?”
He smiled. “I know you weren’t playing but what am I even supposed to answer? ‘Di ko rin alam kung ba’t ako pinahabol ng manager mo sa ‘yo, Keegan.”
Sa wakas, umatras din si Keegan at lumayo sa kanya. Sakto ring mayroong lumapit na iba pang client ng gym sa kanila kaya mas mabilis na nagbigay ng distansya sina Keegan at Rhysand nang makaraan ito. Still, they stood by the door and Keegan kept on stealing glances at his direction.
“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko,” kalauna’y anito ‘tsaka ito bumuntong hininga. “Pa’no kita kukumbinsihin e ayaw din naman kitang nandito?”
Rhysand forced to smile. He shouldn’t have said that because he knew that Keegan was just putting up with him. “Pero kung iisipin, marami rin naman talagang advantage sa ‘kin kung magsa-sign up akong miyembro ng gym niyo. Bukod sa malapit sa tinitirhan ko, madalas pa kitang makikita.”
“Akala ko ba naka-move on ka na?”
Akala niya rin, pero imbes na sagutin si Keegan ay kinuha niya na lamang ang bracelet na noo’y nasa bulsa ‘tsaka iyon iniabot sa binata.
“Here, apology gift,” aniya habang inaabot ang accessory na nasa kamay.
Imbes na kunin iyon, matamang pinagmasdan ni Keegan ang kamay niyang nakayukom dahil tinatago niya ang hawak na bracelet. Base sa reaksyon nito, mukha itong nagda-doubt na mayroon siyang ibibigay na matino, kaya kinuha niya ang palapulsuhan ni Keegan kahit na ayaw nito, ‘tsaka niya pilit iniabot ang bracelet dito.
“Ano ba?! ‘Di ko kailangan ng regalo galing sa ‘yo, ‘tsaka para sa’n ba ‘to?!” naiiritang tanong ni Keegan pero huli na dahil nasa kamay na nito ang bracelet. Mas lalo tuloy itong napasimangot. “Bracelet? Aanhin ko naman ‘to?”
“Subukan mong kainin. Balita ko masarap ‘yan e,” pamimilosopo niya. Noong tapunan siya ng masamang tingin ni Keegan, mahina siyang tumawa. “Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo? It’s an apology gift, Keegan.”
“Para saan?”
“Noong gabi na hinalikan kita.” Hininaan ni Rhysand ang boses nang banggitin ang ispesipikong salita—hinalikan—nang sa ganoo’y walang ibang maisip na masama ang ibang tao tungkol kay Keegan.
Keegan’s face paled. “Ha—”
Napansin ni Rhysand na lalabas na ulit iyong client nina Keegan mula sa banyo kaya tumabi siya noong hindi umayos ang kaharap sa pagkakatayo. And when that guy was out the restroom, Rhysand was also supposed to follow and leave. Wala na siyang gagawin dito. Nakausap na niya si Keegan, nakita na niya, naibigay na rin niya iyong apology gift niya.
Kaso, bago pa man makaalis si Rhysand at maiwanan si Keegan sa banyo, nabigla siya nang biglang hablutin ni Keegan ang kwelyo niya at muli na namang harangan ang daan niya. He was surprised and his jaw almost dropped, confused as to what drove Keegan this way—is it the frustration from his manager?
Pupwede naman itong magdahilan, a? Gumawa ng istorya dahil nakausap na niya ang manager nito at malinaw na niyang sinabi na ayaw niyang maging miyembro ng gym.
But is it really that? As time passes by, he’s growing more and more confused. E kaso, hindi naman niya makita ang itsura ni Keegan dahil nakayuko ang binata.
“Kee, kung tungkol sa pangungumbinsi sa akin, alam nating pareho na pupwede ka namang gumawa na lang ng kwento—” Hindi na natapos ang sasabihin ni Rhysand nang pangunahan siya ni Keegan.
Keegan took several deep breaths before he raised his head to face him.
“Ikaw kumausap kay manager,” simpleng anito ‘tsaka lamang siya nito binitawan.
Naguguluhan niya itong pinagmasdan nang umatras ito. “What? Keegan, pupwede kitang tulungan pero nakausap ko na siya kanina. Malinaw ko ring sinabi na ayoko.”
“Ang sabi mo sa kanya, pag-iisipan mo. ‘Di mo sinabing ayaw mo.”
Wait, really? Kinamot ni Rhysand ang pisngi. “I don’t know, but you could’ve just told him that I wasn’t really planning to even though I told him that I’d think about it.”
“H’wag mo nga akong ini-ingles ingles!” Pinakyuhan siya ni Keegan ‘tsaka siya nito tinalikuran. “Ikaw kumausap sa kanya! ‘Di ko na alam gagawin ko sa isang ‘yon. Habang buhay ang akong kukulitin no’n kung ako.”
Well… He guess that that’s okay but…
“I wouldn’t mind but… Have lunch with me,” he said which made Keegan pause from his tracks as he was just about to leave.
Nanlalaki ang mga mata nitong nilingon siya. “Ano?”
“Ayos lang sa ‘kin kung kakausapin ko siya, but you’re asking me a favor, aren’t you? Kasi pwede namang ikaw na lang ang kumausap pero gusto mo pang ako.” Bumuntong hininga si Rhysand. “So I guess that I could ask you something in return, right?”
Keegan stared at him incredulously. “Namimihasa ka, a?”
“If it’s not alright, you could’ve just said no.” He massaged his nose bridge.
“Pero hindi mo siya kakausapin kung hihindi ako, ‘di ba?”
Kakausapin niya pa rin, pero gusto niya itong mapaisip kung talaga bang kakausapin niya ang manager nito o hindi. Plus, he’s trying to take chances here and since this would be a one-time opportunity to have lunch with Keegan again, he thought of trying to play his cards carefully.
Pakiramdam ni Rhysand, hindi na rin naman magiging bothered si Keegan sa presensya niya. Na-kabedon na nga siya at nakwelyo pa, halos ilang sentimetro lang din ang pagitan ng mga mukha nila noon. So, he would assume that Keegan had completely gotten over the fact that they kissed during his co-worker’s wedding. Siya na lang naman yata ang may hangover.
But that was just him, because he would never know how Keegan’s mind was a mess because of his “trade”.
Keegan had never once moved on from the way how Rhysand kissed and held him. The memories still haunt him and it always gave him shivers. Kaya nga nang makita siya nito kanina sa treadmill, hindi niya malaman kung ano ang gagawin. He tried to act nonchalant but there was this small voice inside his head that urged him to be close to Rhysand.
Kaya nga ang lakas ng loob niyang burahin ang distansya nilang dalawa nang dalawang beses pero takot nang sumobra pa sa dapat.
The questions ‘what should I do?’ and ‘what should I tell him?’ kept on spiraling inside Keegan’s head.
But Rhysand wasn’t really expecting the best answer.
“Kukunin ko lang ang mga gamit ko,” paalam niya pero hindi niya sinabi kung kakausapin niya ba ang manager ni Keegan o uuwi na siya. Or maybe he’ll do both.
Parang nanginig si Keegan noong makitang maglalakad na paalis si Rhysand kaya kahit mukhang hirap itong mag-isip ng isasagot sa kanya, mabilis nitong hinablot ang palapulsuhan niya. Napapitlag si Rhysand at napapantastikuhan niyang nilingon noon si Keegan, then he found him looking at him in a way that he couldn’t describe.
Keegan groaned later on, and forced the words out of his mouth. “Iyon lang ba kapalit?”
“Huh?” His forehead creased. “Kapalit ng…?”
Nagbago ang itsura ni Keegan at nairita ito sa kanya. “Hindi ba kakausapin mo manager ko kung papayag akong mananghalian na kasama ka?!”
“Oo?” Sana, kung papayag ito.
“Sige, ‘yon lang naman pala e,” anito ‘tsaka siya pinakawalan.
Napapantastikuhan siyang napatitig dito. He was just messing with Keegan, Rhysand didn’t know that he would actually take his ‘offer’ seriously.
“Hindi ko gets ba’t ‘yon ang gusto mo pero ayaw kitang kwestyunin dahil natural ka namang wirdo simula no’ng nahiwalay ako sa ‘yo,” dagdag pa ni Keegan.
Napalunok siya. Wala pa rin siya sa sarili niya noon. “Matagal na kitang ‘di nakakasabay kumain. Noong kolehiyo ako, ro’n lang kita huling nakasabay kumain, Keegan. Kaya gusto ko sanang… Sabay tayo kumain ng tanghalian.”
Keegan looked dumbfounded. Perhaps, he wasn’t expecting Rhysand’s reason for his unreasonable request.
Hindi na nagtaka si Rhysand nang mabilis pa sa ala singkong dumistansya sa kanya ang binata. Para itong napapasong lumayo dahil parang gumawa pa ito ng maiiksi at maliliit na talon.
“… But I was just messing with you,” Rhysand added which then, made Keegan’s jaw drop.
“Ano…?” he asked, perplexed.
“Inaasar lang kita no’ng inaya kitang sabay kumain,” pag-i-elaborate niya bago niya ito nginitian. “Pero wala nang bawian, a? Let’s eat together.”
“Ga—Gago amputa! Akala ko ba ‘di mo kakausapin ang manager ko kung ‘di ako papayag sa gusto mo?!”
Tumango siya. “I never said something like that. Ang sabi ko, pabor ‘yong hinihingi mo sa ‘kin kaya ‘di ba dapat, may kapalit?”
Napasinghap si Keegan kasabay ng panlalaki ng mga mata nito. Base pa lamang sa reaksyon nito, ang dating ni Keegan ay iyong tipo ng taong nauto tapos nahulog sa patibong niya. And though it wasn’t intentional and it’s not supposed to be funny, Rhysand’s eyes danced in amusement. Nag-iwas lang siya ng tingin mula rito nang ilang beses din siyang iduro ng binata.
“Putang ina, pinaglololoko mo lang pala ako?! Ilang minuto ko ring pinag-isipan ‘yang tanong mo ta’s malalaman kong ang tanga-tanga ko palang naniwala ako sa ‘yo?!” namamangha nitong tanong sa kanya.
Nginisian niya ito. It’s a shame that Keegan couldn’t see how amused he was. “Pero wala nang bawian. I’ll talk to your manager before lunch.”
“Anak shuta talaga!” nanggigigil na sinabunutan ni Keegan ang sarili, nagulo tuloy ang kaliwang bahagi ng buhok nito na ikinatawa niya. “H’wag kang tumawa-tawa riyan! Aba’y putang ina, ang seryoso kong nag-iisip dito tapos pinagti-trip-an mo lang pala ako!”
Kabanata 12
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 12
THE THING about his and Keegan’s relationship was they’re not exactly strangers to each other but at the same time, they’re certainly not friends either. There’s a fine line that separates Rhysand from Keegan, he just can’t describe what it is. And though it might seem depressing, the bright side to parting ways with Keegan was that he escaped the cursed connection between the two of them.
He’s not Keegan’s brother anymore. That sort of thing remained from the past.
If Keegan would permit, the slim chance of becoming his boyfriend was slightly wider than before. If Keegan would let Rhysand in his heart, there would be an opportunity for the two of them.
But it would only happen if Keegan would want him. Looking at things right now, it feels impossible to be wanted.
It feels cold.
Kung sanang malakas lang ang loob niyang sumubok ulit pero natatakot siya na baka ma-reject na naman siya. Ayaw niyang danasin na maignora ulit at matrato na parang hangin lang.
“Sa’n mo gustong kumain?” tanong ni Keegan sa kanya nang mabalikan siya nito.
Pinasadahan niya ng tingin ang binata habang nag-aayos siya ng gamit. “Diyan lang. Sa carinderia o sa Jollibee kung gusto mo. Libre ko rin.”
“Wow. Naisip mo pa ‘yon. Mabuti. Kinausap mo na ba si Manager?” Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso at tinitigan siya nang matagal. “Dahil kung hindi, kakaladkarin kita sa opisina niya.”
Bumuntong hininga siya. “Nakapagpaliwanag na ‘ko, Boss. Pakipaalalahanan ako sa susunod na ‘wag maging vague sa sagot ko, Keegan. Wala akong balak pumunta rito linggu-linggo.”
“Ba’t kita papaalalahanan, sino ka ba?”
Naniningkit ang mga matang ipinilig ni Keegan ang ulo na para bang may narinig itong hindi tama mula sa sinabi niya. Rhysand, in return, also tilted his head just in case he said something wrong.
“‘Tsaka, ‘di ka pupunta rito linggu-linggo pero may balak kang bumalik?” pagtatanong ni Keegan noong saktong iinom sana ulit si Rhysand dahil parang nanunuyo ang lalamunan niya.
Muntik niyang maibuga ang tubig na noo’y malulunok na niya. Kung hindi lang niya naipon ang tindig, baka nagkalat siya sa ggym
But the repercussion to forcing himself to choke down the water he had in the middle of his throat was to cough uncontrollably. Ang sakit sa lalamunan! Para na nga siyang magkakasakit dahil sa ubo niya, nadagdagan pa dahil muntik siyang mabulunan ng tubig.
Nagulat si Keegan sa reaksyon niya at dali-dali itong lumapit sa kanya para tapikin ang likod niya hanggang sa kumalma siya.
Damn it. Ayaw niyang pansinin ang paligid pero hindi niya maitatangging nakaka-bother na kanina pa nakatitig ang ibang customer sa kanya. Palibhasa’y naantala niya ang pag-eehersisyo at pag-uusap ng mga ito sa bigla niyang pagbulahaw ng ubo.
“Hoy, ayos ka lang ba?! Kung hindi, ipilit mo! ‘Wag kang mamatay sa harap ko baka kasuhan ako ng murder!” natatarantang sabi ni Keegan sa kanya at kahit gustong matawa ni Rhysand, hindi niya magawa dahil parang ang susunod na mangyayari sa kanya ay sinukin.
Siya pa ang mag-a-adjust samantalang kasalanan ni Keegan kung bakit siya ganito ubuhin!
He shook his head before he removed Keegan’s hand on his back. Medyo kalmado na siya at traces na lang naman ng pag-ubo ang pinuproblema. “At sinong may kasalanan na ubo ako nang ubo? Alangan namang ako?”
“Oo. Sino pa ba?” masungit nitong balik sa kanya pero kumunot din ang noo nito. “Alangan namang ako e ikaw ‘yong umiinom? Tanga ka ba, Rhysand?”
Ah, fuck. “Binigla mo ‘ko! Malamang kasalanan mo!”
“Anong binigla?! Nililinaw ko lang kung tama ba ‘yong pagkakaintindi ko sa sinabi mo!”
“No, it’s not!” Maybe. Natigilan siya’t napaisip. On second thought, maybe Keegan’s actually correct. “Hindi ko alam. Depende sa gym na pinupuntahan ko.”
“Pwes, kausapin mo sila. Alangan namang ako pa ang mag-a-adjust sa ‘yo?” Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso at tila ba nangmamaliit siya nitong pinagmasdan. “Ba’t ba kasi sa lahat ng pwedeng puntahan, bakit dito?”
Rhysand stared at him ludicrously. Gusto niyang tanungin ito kung may iba pa ba siyang choice nang sa ganoo’y makita niya kahit paminsan-minsan si Keegan at kung meron, pupwede itong mag-share ng ideya pero hindi na niya iyon ginawa. Baka bigla lang siyang sapakin ng binata at tanungin na naman na ‘akala ko ba nag-move on ka na?’
Well damn, he also thought he did! Kaso nasira lahat noong unang beses ulit silang nagkita matapos ang dalawang taon!
“Pwede bang umalis na tayo?” tanong niya kay Keegan na noo’y napatayo nang maayos. “Anong oras na at malapit ka nang mag-lunch, ‘di ba?”
Kinamot nito ang ulo. “Oo nga pala. Hintayin mo ‘ko. Anak shuta talaga, naisahan ako. Sigurado ka bang wala ka nang gusto sa ‘kin?”
“Kung meron pa ‘kong gusto sa ‘yo, anong gagawin mo?”
Natulala si Keegan. Ilang beses na nagbukas sara ang bibig nito pero hindi na hinintay ni Rhysand ang sasabihin nito at sa halip, isinukbit ang strap ng bag sa balikat at naghandang umalis na. Baka mahuli pa si Keegan sa second half ng shift nito.
“Forget it, I don’t care. Alam ko namang ipagtutulakan mo lang ako ulit kahit harapin kita ngayon bilang ako at ‘di na si Ryleigh o Mark,” sabi pa niya.
Dahil nag-iwas ng tingin si Rhysand mula kay Keegan nang sa ganoo’y makita niya ang labas kung mainit ba, hindi na nakita ni Rhysand ang paglunok ng binata.
Keegan looked regretful but he said nothing, and instead, he clenched his fists and steeled himself. Wala rin naman itong sasabihin kay Rhysand. Nagulat lang ito na alam niya kung ano ang mga aksyong uulit at uulit lang kung ipagpipilitan ni Rhysand ang sarili kay Keegan.
FIVE MINUTES LATER, nakarating din si Keegan sa may hagdan kung saan naghihintay si Rhysand. He doesn’t really want to let him be since he might stood him up. Nagulat si Keegan nang makita siyang nag-aabang sa may hagdan pero wala itong sinabi bukod sa pagkakainan nilang dalawa.
“Sa carinderia lang tayo. Mayroon pa pala akong gagawin pagkatapos kong kumain,” anito nang muwestrahan siyang maunang bumaba ng hagdan.
Rhysand obliged. “I don’t really plan on further wasting your time, too. So it’s fine.”
Umikot ang mga mata ng binata. “Anong ‘di mo balak e ngayon pa nga lang, sinasayang mo na.”
“Ang sabi mo, ayos lang na mananghalian tayo nang sabay. Syempre, walang bawian.”
“Naisahan mo lang naman ako! Kung sigurong nakita ko ‘yong katotohanan sa likod niyang pang-aasar mo, baka ‘di naman ako um-oo.”
“It’s a win-win situation for both of us, anyway.”
“Anong win-win?” Tumigil sa paglalakad si Keegan. “Baka ‘di mo alam na ikaw lang ang masaya sa ‘ting dalawa?”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “So, you weren’t happy that I saved your ass from trouble?”
“Anong ‘saved your ass’? Neknek mong niligtas mo ‘ko e ikaw din naman may kasalanan ba’t muntik akong ma-hot seat dahil ‘di kita makumbinsing maging miyembro ng gym!”
“I talked to him, and it just so happened that your manager was stubborn. So, ‘di ka ba masaya na ako pa ang lumapit sa kanya tulad nang sinabi mo para ‘di ka mapagalitan? It’s a win-win situation, Kee.”
Mataman nilang pinagmasdan ang isa’t isa. Para silang nagtatagisan kung sinong mas matagal tumitig pero dahil mayroong nakiraan sa pagitan nila, inevitably, naputol ang pagtititigan nila. At bilang ayaw na nilang maging harang pa sa daan ay minabuti nilang bumaba na rin.
“Anong win-win situation e kung ‘di ka naman pumunta sa gym, ‘di ako maii-stuck sa gano’ng posisyon,” dinig niyang bulong ni Keegan.
Napaismid siya. “Parang kasalanan kong ‘di ko alam na gano’n pala ang manager mo. ‘Di naman ako nagtatrabaho sa gym niyo at ngayon lang pumarito nang mag-isa. Malay ko bang ipapadala ka para kumbinsihin akong lumipat na lang sa gym niyo?”
“Ba’t ka ba nakikipagtalo sa ‘kin?”
“I wasn’t supposed to, but you’ve been picking a fight with me. Sinabi ko naman nang win-win situation sa ‘tin ‘to.”
“At anong win sa ‘yo? Ang makasabay akong kumain?”
Imbes na sumagot kaagad, nginitian muna niya ang binata, dahilan para matigilan ito. “Hindi ba sinabi ko naman sa ‘yo kanina na matagal na no’ng huli kitang nakasabay na kumain? So, yes. This is still some sort of a reward for doing you a favor. It isn’t much, but it’s enough.”
After hearing his response, Keegan looked flustered.
Mas mabilis pa sa ala singko siya nitong inunahan maglakad pababa ng hagdan hanggang sa hindi na niya makita ang itsura nito.
“Dalian mo! Ang bagal-bagal kumilos,” reklamo ni Keegan nang nasa ground floor na ito.
Napaubo siya. “Nag-leg work ako ngayon, pakiramdam mo ba kaya kong buhatin ang sarili ko nang maayos?”
“Linggu-linggo mo ‘tong ginagawa, h’wag mo sabihing nanghihina na nga ‘yang mga tuhod mo?”
“I’m almost thirty.”
“At trenta na ‘ko! Umayos ka! Mas malakas pa yata ang kasu-kasuan ko kaysa sa ‘yo!”
Imbes na sumagot ay pinaikutan na lamang ng mga mata ni Rhysand si Keegan. It didn’t even take long before he got to his side and the man had already said a lot in just a short time. Nakapag-rap na ito, pwede nang magsulat ng sariling kanta.
If only Rhysand doesn’t consider Keegan’s talkativeness as endearing or a part of his charm, he would’ve butted in and rapped alongside with him. Kidding aside, Rhysand would probably add more fuel to Keegan’s “fire”. He wasn’t even like this when they were younger… Perhaps, it’s the lack of romance in his life? Wait, doesn’t Keegan have someone even after they broke up?
“Ang ingay mo, Kee. Tumatanda ka na ngang binata, ikaw pa ‘yong tipong oras-oras naghahanap ng away. Is it because you’ve been single for so long?” Rhysand asked naughtily.
Pinakyuhan siya ng binata. “H’wag mong tinitignan ‘yang parteng ‘yan ng buhay ko. ‘Tsaka ka magsalita kung meron ka na ring nahanap na iba.”
“Mayroon akong nahanap, hinihintay ko lang. Magkaiba tayong dalawa.”
Napasinghap si Keegan at mayroong kumudlit na emosyon sa mga mata nito pero bago pa man malaman ni Rhysand kung ano, mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Shaddap! Narinig kita pero ‘di kita pakikinggan!” asik nito sa kanya.
Wala na sa mga mata nito iyong nakita niyang emosyon kanina. Perhaps, he was just imagining things?
Hinayaan na ni Rhysand si Keegan dahil nakalabas na sila mula sa gilid ng building at malapit na sa tawiran. Dahil maraming sasakyan at hindi naman mababait ang karamihan sa mga drayber, kailangan niyang maging alerto rito.
Kaso noong patawid na sila, natigilan si Rhysand nang mayroong lumapit kay Keegan at bigla-bigla na lamang hinablot ang braso nito. He was not particularly bothered at first but he was curious, while Kedgan almost jolted in surprise that he almost let go of his water bottle by accident.
Nang mahanap ni Rhysand kung sino ang tao sa likod ng biglaang panggugulat, ‘tsaka niya natagpuan si Lyle na noo’y nakakapit kay Keegan. Noong una, hindi siya kaagad na napansin nito pero nang mahagip ng paningin ni Lyle ang pigura niyang nakatayo sa gilid ni Keegan, ‘tsaka ito natigilan.
Even Keegan, who seemed to have been malfunctioning like a robot since he paused and stood motionless possibly due to shock, was just staring at Lyle in confusion and surprise.
“Huh… Hello?” gulat at takang-takang bati ni Lyle sa kanya at kay Keegan. Then, he gasped. “Ba’t magkasama kayong dalawa? Kayo na ba ulit?”
Rhysand’s eyes widened in surprise and he almost stopped breathing but when he did somehow regain composure, he got caught in a coughing mess.
No! They’re not together again!
IT TURNED out that Keegan was supposed to have lunch with his friend, but actually forgot their schedule.
Sinundo pa ito ni Lyle mula sa pinagtatrabahuan at nang makita na magkasama silang dalawa, mas mabilis pa sa kidlat silang napagkamalang nagbalikan na. And though he wasn’t exactly problematic since he knew that Lyle was just messing with them, Keegan has been extremely defensive about what was possibly going on between them, which was extremely out of character but he found it amusing.
But Rhysand did explain that nothing’s going on between him and Keegan, for the sake of the latter’s peace of mind.
Sinabi lang niya ang kasinungalingang ginawa kanina, na napadpad lang siya sa gym nina Keegan, nag-abot siya ng ‘apology gift’, at iyong kanina tungkol sa pagpupumilit ng manager nito na maging miyembro siya ng gym bagamat hindi niya gusto.
‘Are you happy now?’ was what Rhysand wanted to ask Keegan when he saw the relief wash over the male’s entirety, but he kept his mouth shut.
Sa huli, bagamat labag sa loob ni Rhysand ang magpakumbaba dahil miminsan na lang naman niyang makakasama si Keegan, ipinaubaya niya ang binata kay Lyle dahil tutal, mas nauna itong gumawa ng appointment habang impromptu lang naman ang paglabas nila ni Keegan.
To be honest, he didn’t want to give way for Lyle. If Rhysand was to be given a chance to be selfish, he’d wrap Keegan in an embrace and act like a child who doesn’t want to share his property.
Kaso hindi naman sila ni Keegan. Masasabihan lang siyang delusyonal at entitled.
“Sigurado ka ba?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Lyle sa kanya. The male blinked in confusion and something about the expression painted across his face made Rhysand contemplate about his decision for a bit. “Pupwede namang hiramin mo muna si Keegan ngayon. Madalas naman kaming magkita na dalawa ‘tsaka nakalimutan niya rin namang may lakad kami…”
Tumango siya at ngumiti kahit na natatakpan sa likod ng suot niyang face mask ang mukha. “It’s fine. Impromptu lang naman akong nag-aya sa kanya na mananghalian kami. ‘Di rin naman ‘yon importante.”
“Ano…?” napapantastikuhang tanong ni Keegan sa kanya. Tila ba namamangha pa ito at pinasadahan niya lamang ito ng tingin bago ibinalik ang mga mata kay Lyle.
Rhysand wasn’t supposed to mind Keegan’s reaction weird, but he sure looked offended. Pero ipinagsakibit balikat na lamang niya iyon at baka nagha-hallucinate na naman siya.
“But you helped this guy out…” Lyle trailed off and also took a glance at Keegan who still seemed lost. “Isa pa, nakapayag na rin siya sa ‘yo?”
Kaya sabay-sabay silang manananghalian? Rhysand inwardly scoffed but outwardly, he just waved a hand and acted more nonchalant about their supposed lunch.
“It’s honestly fine, though? At nakabyahe ka naman na. I’m also not sure if I could stay with him for long during that appointment because I have some work to do,” he reasoned out.
Humigop nang malalim na hininga si Rhysand nang mapansin niyang nagtinginan sina Keegan at Lyle.
As a result, Rhysand scratched his cheek before he excused himself from Keegan and Lyle. Sure, he’ll miss this opportunity and will regret his decision of letting of the chance to eat lunch with him but it doesn’t matter that much either. Like he said, he was just being selfish. For once, he wanted his greed to drive him and actually spend some more time with Keegan.
He wouldn’t blame himself for desiring something that was out of his reach. He’s just human. Of course, he’d want Keegan’s attention and time.
Because of the heat from the raging sun, even though Rhysand thought that he already walked far from Lyle and Keegan, it feels as though he’s being slowered down. Naiirita siya dahil ang bigat ng bawat hakbang niya pero ganoon naman yata talaga kapag harap-harapan nang piniprito ng araw ang buong katawan niya.
Rhysand heaved a sigh and looked at his wristwatch.
12:15 pm. May oras pa siya para mamalengke at magluto ng ulam na maisipan niya. He’s craving for something quick to cook and was actually resorting to noodles of some sort… Until someone grabbed the back of his collar and yanked him back while he was in the middle of walking.
Natural na masasakal siya! Natural din na muntik siyang matumba! Pero noong sisinghalan sana niya ang gumawa sa kanya nito, parang nalunok ni Rhysand ang dila nang makita si Keegan na naghahabol ng hininga at parang hinabol siya mula noong iwanan niya ito at si Lyle.
“Sa’n ka pupunta?!” naiiritang tanong nito sa kanya bago siya nito binitawan. “Mukha ba ‘kong pumayag no’ng sinabi mong si Lyle na ang bahala sa ‘kin? Paladesisyon ka ring gago ka!”
Rhysand’s eyes widened and underneath his mask, he mouthed a ‘what’. It took him time when he realized that Keegan wasn’t able to see what he muttered, so instead, Rhysand gathered his composure and stood properly before he dusted himself. Namamangha pa rin niyang pinagmamasdan si Keegan na noo’y pinupunasan ang mukha at leeg nito dahil pinagpapawisan ito.
He was even complaining about running under the sun and how he feels like he was about to collapse, and was wondering why he hadn’t heard Keegan shout his name several times when he wasn’t even wearing any of his earbuds.
“Hindi ba dapat si Lyle ang kasama mo ngayon?” takang-taka pa rin niyang tanong. “Inaya ka niyang mag-lunch, Keegan. Nauna siya sa ‘kin, bumyahe pa ‘yong tao.”
Sumagitsit si Keegan at sinipa ang binti niya, pero nakaiwas siya kaya mas lalo itong na-bad trip. “Hayaan mo ‘yon! Babalik na lang daw siya ng café at sasabayan ‘yong asawa niyang kumain. ‘Di naman dolyar ang nawala ro’n!”
“Pero sinundo ka pa niya para makapananghalian kayo nang sabay…” Sayang iyong effort ng tao kaya nga ayos lang din sa kanyang magpaubaya kung hindi talaga niya makakasabay sa pagkain si Keegan.
Umikot lamang ang mga mata ng binata. “Kahit anong oras at kahit kailan kami magkita, makakapag-usap kami. Ano? Sasabay ka pa ba sa ‘kin na kumain o hindi?”
Rhysand can’t explain how he should feel about the sudden change in the situation.
Una, nagi-guilty si Rhysand dahil mukhang ipinagtabuyan pa ni Keegan ang kaibigan nito. Nagi-guilty rin siyang hinabol pa siya ng binata pero hindi niya rin alam kung bakit hindi niya ito narinig na tumawag sa kanya. Ang pangalawa… Gusto niyang tumalon-talon sa tuwa at magpa-party. Nagpapasalamat siya sa kung ano o sinong espiritu ang gumabay sa kanya at binago ang takbo ng sitwasyon niya.
Surely, they felt sorry for him.
“Sumagot ka!” asik pa sa kanya ng binata na para bang ang tagal-tagal nitong naghintay ng sagot niya. “Gusto mo pa bang kumain na kasabay ako o ano?!”
He doesn’t understand what happened earlier and how it drove Keegan to chase him but he feels like even if he’s ever caught in a car accident, he’d keep a smile on his face remembering this time.
“Gusto ko.” Dahil para saan pa ba kung palalampasin pa niya ang oportunidad na kusang lumapit sa kanya?
Kabanata 13
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 13
“AH. TO BE young and in love. Isn’t it magical?”
Kumunot ang noo ni Rhysand noong umagang batiin siya ng ganito ni Aaron. Here he goes again, he’s acting weird. Hindi niya pinansin ang guro bagamat nakatuon ang buong atensyon nito sa kanya at mataman siya nitong pinanonood na ilapag ang mga gamit niya sa lamesa.
“Inuubo ka pa rin? Nagpa-check up ka na ba?” pag-iiba nito ng usapan.
“It’s nothing serious. Sinabihan akong mag-water therapy na lang nang mas mabilis mawala ‘yong ubo,” sagot niya.
Tumango si Aaron at nag-stretch. “Anyway, how’s your weekend? Abot-tenga ‘yang ngiti mo. Did something good happen during our rest days?”
Ngumiwi siya. Nothing specifically good happened last Saturday. Sabay lang naman silang kumain ni Keegan pero hindi ibig sabihin noon e nag-usap sila o ano. Wala lang, kumain lang talaga sila tapos umuwi na siya.
But still, to have his request granted even though Lyle came to fetch Keegan was a dream come true. Ito yata ang unang beses na pinili siya ng binata mula noong bago pa nito malaman ang kalokohan niya. It feels great, he was contented despite their silent interaction. It didn’t feel cold. Surprisingly, Keegan gave him a comfortable silence.
“Wala,” kalauna’y sagot niya pero alam naman niyang hindi kumbinsido si Aaron. “Ikaw, Sir? Masyado kang maaga pumasok. Lunes na lunes, this is so unlike you.”
Mabilis na pumalya ang ngiti sa mga labi ni Aaron, then he groaned. “You didn’t need to bring this up, Sir Mark.”
“Napalayas ka na naman ba ng asawa mo?”
“Don’t phrase it like that. But yes, dito na ‘ko nagkape’t agahan dahil kay Easton.” Nagpahalumbaba ito at sumagitsit. “It’s just one of our childish banterings. You could say that it is our love language.”
After their short conversation, they were interrupted when Ma’am Fey and Sir Inarez arrived at the same time. Naabutan silang dalawa ng mga ito sa mga desk nila at nagtititigan. Rhysand wouldn’t even know that they were doing a staring contest until Sir Inarez pointed it out.
“Pupunta ka ba sa Biyernes?” pag-iiba ng usapan ni Sir Aaron.
Nag-aayos noon ng mga gamit si Rhysand dahil flag ceremony at pagkatapos noon, didiretso siya sa advisory class. Habang si Sir Aaron, hinihintay lamang siya dahil wala naman itong klase hanggang mamayang alas otso. Napapa-sana all si Rhysand sa ganyan kaso naalala niyang wala rin naman siyang magagawa’t hindi naman siya ang nagdidesisyon ng schedule nila at ng hahawakan nilang klase.
“Still thinking about it,” tipid niyang sagot ‘tsaka tsinek kung wala na ba siyang naiwan. Iniisip niya kung kukuha pa ba siya ng chalk dahil itsitsek lang naman niya ang mga libro ng mga estudyante niya. “Pero siguro, malapit naman na ang bakasyon.”
Humalakhak si Aaron. “Next week, yeah? Kaya kita inaaya e. Marami kang magagawa habang bakasyon.”
Pagak siyang tumawa. “Sana nga, pero kailangan pa rin natin pumunta rito t’wing weekdays.”
“And seminars. ‘Di marami pero meron, but since we won’t really be dealing with our students for two months, you’d have more time to flirt and focus on your love life, right?”
“Don’t put it that way.” But yes, he would have more time to see Keegan. Luluwang kahit papaano ang schedule niya sa oras na matapos ang school year. Mga forms na lang naman ang gagawin nila noon at hindi rin iyon matagal dahil advisory lang nila ang aasikasuhin nila.
Once he was good, the two of them went downstairs where the flag ceremony would be held. Sumama na rin sa kanya si Sir Aaron dahil wala naman itong gagawin at hindi raw ito ang magpi-prayer ngayong umaga.
“Ba’t hindi ikaw?” he asked out of curiosity, because most of the time, Aaron would be the one leading the prayers.
Umismid ang binata. “I’m a creature of darkness. ‘Pag isang beses pa ‘kong nagdasal baka masunog ako nang tuluyan.”
That’s stupid but Rhysand let him be.
Ten minutes later, natapos na walang aberya ang flag ceremony bukod sa nagloko sandali na speaker. Rhysand was supposed to go to his class but before he could do so, Aaron said that he’d tag along. Pero dahil wala itong dalang gamit, bumalik muna ito sa itaas para kunin ang mga files na dapat asikasuhin.
Mostly, grades ng mga students.
“I hate this week,” he grumbled under his breath as he watched his students riot because of their ‘lost’ books.
Mahinang tumawa si Aaron pero ang atensyon nito, nakatuon pa rin sa mga grades na inaasikaso nito. “Kaya ako tumanggi na mabigyan ng advisory class dahil hassle lalo na ‘pag retrieval of books. Bukod pa ang stress sa pagko-compute ng grades.”
“It’s not like you can refuse to take any advisory class…”
“You could,” Aaron slowly spoke before he began to draw circles on the air with his index finger. “Ako head ng English Department. Pumunta ka sa Biyernes, gawan natin ng paraan na wala kang advisory sa susunod na taon.”
Mahina siyang natawa. “The offer’s tempting. Let me think about it.”
Isang oras pa ang lumipas at sa wakas, nakumpleto rin ang mga libro ng mga estudyante niya. Ang iba, hinanap pa iyong mga libro sa ibang klase dahil pinahiram daw ng mga ito tapos hindi na binalik.
Now looking back at it, this was what Rhysand experienced during when he was at their age. Noong first year siya, dahil pinilit niya na samahan si Keegan sa eskwelahang pinapasukan nito, naranasan niya na mawalan din ng libro. He and his classmates even had to roam around the entire grade seven classrooms just to find their lost books or else they would pay a hundred for those lost books.
“Kumpleto na ba ‘yong mga libro mo?” tanong ni Sir Aaron. Mukhang nagpapahinga ito ngayon dahil natagpuan niya ito na inaabutan ng juice ng estudyante niyang inutusan nito.
He smiled and nodded. “It took an hour. Kung saan-saan pa nahanap ng mga estudyante ko ‘yong mga libro nila.”
“This is why you don’t lend your books to other class, kids,” sabi pa ni Aaron sa mga estudyante niya na nakaupo noon sa harap at pareho silang pinanonood. “Noong kami dati, nag-aaway pa kami para lang sa libro. Palagay ko, sinapak ko pa si Easton no’n dahil inangkin niya ‘yong English book ko.”
Wasn’t that his husband?
Hindi alam ni Rhysand kung ano ang sasabihin kaya napahilamos siya ng mukha’t napailing.
Nginiwian niya ito. “Why did you go as far as that for one book?”
“Trust me, it was necessary. Mas magandang siya iyong magbayad ng isang daan kaysa ako. ‘Tsaka mayroon akong kopya ng code ng libro ko, itatago pa niya.” Nagkibit balikat ito habang sinasaksak iyong straw sa juice na hawak nito. “And listen, if I didn’t hit him, I probably wouldn’t have met my husband. So I say na sapakin mo rin kaya ‘yong sa ‘yo?”
“Thanks, but no thanks.”
SINCE IT’S almost the last week of school, maraming hinahabol si Rhysand lalo na pagdating sa atraso sa kanya ng mga estudyante. Every now and then, he would remind each class presidents to contact their classmates who hadn’t complied to the project he asked them to accomplish. Mayroon namang maghahabol sa kanya pero minsan talaga e mayroong mga walang pakialam ngayon tapos magugulat sa releasing of cards.
He needs to rest.
And by ‘rest’, Rhysand doesn’t mean staying indoors and sleeping all day since he suddenly found Aaron’s invitation to be tempting.
“I knew you’d come,” bati sa kanya ni Aaron.
Tumango lamang si Rhysand at pinasadahan ng tingin ang isang pamilyar na bar.
He’s been here because Trixie searched for a place to drink one time she paid him a visit and dragged him here. Sa pagkakaalala niya, mayroong mga banda na tumutugtog dito at noong nahila siya rito, isa sa mga inasahan niya ay ang banda nina Keegan pero sa kasamaang palad, hindi ang mga ito ang guests noong gabi na iyon.
He should have known something was up when Aaron asked him to come. Hindi niya kasi alam na sa bar siya dadalhin ng address na ibinigay nito noong una.
“Mukhang alam mong pupunta ako,” aniya.
Aaron snickered and threw his cigarette on the ground, then he stepped on it. “I just know that you’d come. ‘Di mo rin naman ako kinontak na ‘di ka makakarating mula kanina, e.”
Yumuko si Aaron at pinulot ang sigarilyo ‘tsaka nito iyon tinapon sa malapit na basurahan.
He shrugged. Fair point. “Ikaw lang ba ang nandito?”
Umiling ito. “I’m with my husband. You see, he’s been showing interest to underrated bands recently.”
There, the major hint.
Rhysand secretly clenched his fists and swallowed. Something inside him was building up and it’s the excitement to see Keegan after a while.
“… So Keegan,” he concluded.
“I know that you’re not dumb but you’re sharp.” Minuwestrahan siya nitong sumunod dito. “Tara na sa loob. Ipapakilala kita sa asawa ko at sa kapatid ko, pati na rin sa asungot niyang fiancé.”
Sumunod si Rhysand kay Aaron papasok ng gym and unlike the usual scenario he last saw in the place, the drinking bar looked a lot calmer. Inilibot ni Rhysand ang mga mata at napansing mas matao ngayon kaya mas lalo siyang nagtaka dahil hindi magulo.
Hindi rin madilim at sa halip, dim ang buong paligid. Naninibago siya. Para siyang nasa café pero panggabi at alak na ang sini-serve.
“Nasa’n nga pala sila?” tanong niya.
“I’ll tell you later. ‘Di pa naman sina Keegan ang tutugtog at mayroon ka pang isang oras,” pilyong anito ‘tsaka mayroong itinurong table, which is the one that they’re approaching. “Hey, babe.”
Rhysand paused from his tracks when a beautiful man turned to face them. Although he looks pale and sickly, he can’t deny that the man looked angelic. Kung delusyonal lang siya, baka inisip niyang anghel ang kaharap niya.
“Don’t be fooled by how my husband looks,” bulong sa kanya ni Aaron. “That guy has a sharp tongue, it’s poisonous.”
Napangiwi siya. “What do you mean…?”
“Hi,” bati sa kanya ng asawa ni Aaron nang makalapit sila rito. “Ikaw pala ‘yong kaibigang sinasabi ng asawa ko. I hope he’s not being too much.”
The tone of his voice sounded kind but for some reason but Rhysand noticed the underlying sternness from the way he spoke. Ito yata ang sinasabi ni Aaron.
“He’s not.” Bahagya siyang yumuko. “Hi, I’m Rhysand.”
“I know, he mentioned you quite a lot. I’m Easton.”
Lihim na siniko ni Rhysand si Aaron dahil bagamat na-warning-an siya, hindi niya maiwasang maging hindi kumportable dahil napakatalim ng tono ni Easton habang nakikipag-usap sa kanya. He’s too straightforward and though he looks extremely kind, Rhysand can’t help it but to feel a little bit intimidated by him.
He heard about Easton to the point that he felt comfortable calling him ‘Kuya’ on his back but he didn’t know that he’d be this intimidating.
Dahil sa pagsiko niya, napaaray si Aaron bago nito sinapo ang parte ng tagiliran nitong nasaktan niya. “Babe, you’re scaring my colleague. Nasiko pa tuloy ako.”
Natigilan ang binata bago ito mahinang tumawa. “Sorry, sanay lang akong makipag-usap nang ganito. I’m pretty straightforward because I’m doing business and in my line of work, even my saliva is as precious as gold.”
Tumango siya. “It’s alright. Sorry.”
“No, no, it’s my fault.” Bumuntong hininga ito ‘tsaka pinasadahan ng tingin ang asawa. “I guess you really have to teach me how to properly interact with others, huh.”
Aaron snickered. “You’ve always been like this. Since high school. You’re such a headache.”
It didn’t take long when the couple asked him to sit with them, and so he did. Nag-order pa ang mga ito ng iinumin niya at nang magsabi siyang babayaran niya, si Aaron mismo ang tumanggi.
“I invited you here. Sagot kita hanggang mamaya,” anito.
Aaron likes to talk about something so casually but with a deeper meaning, this is what Rhysand recently knew about him.
“He’s here to see the band with us, right?” Easton asked after he sipped from his alcohol.
Tumango si Aaron. “He likes the guitarist, so I thought of helping him.”
Parehong napatingin sa kanya ang mga ito kaya pakiramdam niya, naestatwa siya sa kinauupuan. Putang ina, gusto niyang murahin bigla si Aaron dahil hindi nito kailangang ipagsabi na mayroon pa rin siyang gusto kay Keegan pero bilang wala rin naman siyang mapapala kung itatanggi niya, tipid lamang siya na tumango kahit nilalamon na siya ng hiya.
“Who? That rowdy student of yours?” pagtatanong ni Easton, but even though the question was directed to Aaron, his eyes never left Rhysand.
He nodded while Aaron chuckled.
“He’s not even denying it. Kahit sinabi niya noon na naka-move on na siya,” pang-aasar nito sa kanya.
Naaaliw na humimig si Easton. “Well, we all came to that point of our lives. Kahit naman ako e dineny ka no’n.”
“Kung ikukumpara naman si Rhysand sa ‘yo, mas mababaw ang dahilan mo.”
Habang abala ang mga ito, kinuha ni Rhysand ang inumin niya’t dinala sa mga labi niya at uminom. Hindi nagtagal, napansin niyang may dalawang lalaki pa ang lumapit sa kanila.
Since it caught his attention, Rhysand looked towards their direction and found a man who looked almost as exactly as Aaron but more languid-looking (plus with shorter hair), and a man who stood beside him and looked just as angelic as Easton, and just as intimidating.
Kumunot ang noo niya ‘tsaka nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Aaron at sa lalaking nasa harap nila. The alcohol’s probably getting him though he had only done one sip of his drink.
“Doppelganger?” he asked.
Napalabi si Aaron habang ang tatlo namang kasama nila ay napasinghap. It didn’t take long when the man who looked exactly like Aaron spoke kasabay ng pagbulahaw ng halakhak noong kasama nito.
“How rude. H’wag mo ‘kong kinu-compare sa kanya,” anito ‘tsaka nito dinuro si Aaron na noo’y parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Aaron chuckled nervously. “Ri—Ridge, magkapatid tayong dalawa kaya natural lang na magkamukha tayo. Don’t deny me, aren’t I your precious brother?”
Rhysand pursed his lips. So, this is Aaron’s brother. The one he’s been told that Aaron’s overprotective of to the point that he’s always mistaken for having a brother complex. They look exactly alike pero ngayong mas nakikita niya nang maayos ang kapatid nito, mas maliit ito kaysa kay Aaron at mas batang tignan.
“Fuck off,” ‘Ridge’ responded bago siya ulit hinarap. His forehead creased for a bit before he tilted his head, acting as if he recognized him. “You… ‘Di ba ikaw ‘yong biglang humila kay Doggie no’ng nakaraan?”
Muntik mapatalon si Rhysand nang maramdaman niya ang pag-upo ng kapatid ni Aaron sa tabi niya. Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya and… He’s cute? Not as cute as Keegan but since he’s on the charming and alluring side, Rhysand was a bit taken aback.
Hindi nagtagal, nginitian siya nito. “I’m Ridge Gonzales, his little brother.” Sabay turo nito kay Aaron na noo’y nagda-drama pa rin. “Sorry if I surprised you, it’s just that I came across you one time. Ikaw ‘yong nilapitan niya ta’s hinila mo siya palabas ng gym, ‘di ba?”
Ridge Gonzales … Rhysand pursed his lips together and his eyes slightly widened. He heard about his name and Keegan once mentioned that one of his clients was a model of the same name.
What the fuck? And to think that he’s Aaron’s little brother. Their connections are uncanny.
After he remembered who Ridge is, napasinghap siya ‘tsaka naalala ang tinutukoy nito. Rhysand was reminded of that chaotic day where Trixie and Louie dragged him to the gym where Keegan was working and they were forced to meet.
Tipid siyang tumango, ‘tsaka naman biglang mayroong humila sa kwelyo ni Ridge at nang tignan niya kung sino, nakita niya ang kasama nitong masama ang tingin na itinatapon sa kapatid ni Aaaron.
“What? Kumakalkal lang ako ng tsismis,” dipensa ni Ridge rito.
Mas lalo itong sumimangot. “You didn’t have to get that close, are you stupid?”
“You’re so jealous.” Bumuntong hininga si Ridge ‘tsaka ibinalik ang tingin kay Rhysand bago nito itinuro ang kasama. “He’s Zamiel Chastain, my fiancé. Don’t be fooled by his looks. He may appear angelic but he’s actually really evil. Also, he’s just jealous because he’s not as handsome as you.”
Ganyan din ang winarning sa kanya ni Aaron kanina, ‘di ba?
But this time, Rhysand could see that Zamiel’s more aggressive and short-tempered while Easton’s more composed and passive-aggressive.
“Could you fucking shut that mouth?” sabad noong Zamiel.
“Thought you like it open?” pamimilosopo ni Ridge.
“Don’t quote something from a movie you just heard from the clock app!” Zamiel hissed before he faced Rhysand and smiled apologetically. “Sorry, I’m Zamiel. Don’t hesitate to make yourself comfortable, walang nangangagat sa ‘min bukod sa magkapatid na ‘to.”
“I agree,” sabi naman ni Easton.
Tumango si Rhysand pero sa kaloob-looban niya, nakangiwi na siya.
What is with the mischievous Gonzales siblings and their angelic-looking partners with sharp tongues? Bukod sa magkamukha ang dalawa, hindi niya inaasahang pareho rin ng taste ang mga ito sa tao.
It must be running in their blood since they needed someone to ground them… Maybe.
Nakipag-usap sandali si Rhysand sa mga ito and surprisingly, he finds all of them interesting because of their imperfectly perfect dynamics. Naging kumportable na rin siya at nasasanay na rin sa pagiging pilyo ng magkapatid na Gonzales dahil may mga pumipigil sa mga ito – Easton and Zamiel.
“Eh… So you like Keegan,” naaaliw na sabi ni Ridge.
‘Tsaka naman tumikhim si Aaron. “If it’s okay with you, you can tell them about your relationship with Keegan before, and the two of them are on the same friend group with Keegan.”
He isn’t sure. He doesn’t know the other three he’s with. Si Sir Aaron, kilala niya dahil bukod sa kasama niya sa trabaho e ito ang parang naging kuya-kuyahan niya nang mawala si Keegan sa buhay niya. But Ridge, Zamiel, and Easton…
“You don’t have to force yourself to tell us if it’s private,” sabi naman ni Easton ‘tsaka nito mahinang binatukan ang asawa. “Don’t go around deciding for other people, Aaron.”
Naguguluhan itong pinagmasdan ni Aaron matapos umaray. “I didn’t force him, I was giving him a choice. Plus Ridge here might help him since he’s a friend of Keegan.”
“Eh… No.” Umiling-iling si Ridge. “I rather not. Mas gusto kong makitsismis na lang sa buhay ni Keegan.”
“That’s new,” komento naman ni Zamiel.
Mahinang humalakhak si Ridge. “I just don’t see myself fit for the job when there is Lyle and they’re much closer.”
This wouldn’t end if he lets them be. “I appreciate your thoughts but I think I can do fine all by myself.”
Aaron hummed, clearly amused by his answer. “Kung sa bagay, malaki ka naman na. But I do hope that you wouldn’t mind us lending you a hand every now and then since Keegan seemed to always have his guards raised around you.”
“I’m actually thankful that you invited me here,” he replied before he smiled at Aaron. Nagbaba siya ng tingin sa mga baso nilang nasa lamesa ‘tsaka siya nagpakawala ng buntong hininga. “Pero hindi niyo kailangang pilitin ang ayaw.”
MAYBE IT’S because he was able to satisfy them with his firm answer but Easton changed the course of their conversation and brought up something about his career. Tinatanong siya nito kung gusto ba niya maging modelo dahil hiring daw ang mga ito.
He considered the offer, but as of the moment, he doesn’t have any plans of becoming a model.
“Rhysand,” biglang tawag sa kanya ni Aaron.
Nilingon ni Rhysand ang binata ‘tsaka niya ito natagpuang tumayo mula sa kinauupuan. He tilted his head for a bit until he saw Aaron gesture him to follow him. So, he obliged.
Then, Aaron brought him in a quiet place at a corner.
“Kaya pinakilala kita sa kanila e para makapatay ng oras. Keegan and his band just arrived ten minutes ago,” Aaron told him as he looked to his wristwatch.
Kumunot ang noo niya. “How do you know that…?”
“Magkausap kami ni Keegan kanina. Sinabi kong nandito kami nina Easton.” Aaron smiled at him. “H’wag kang mag-alala, ‘di ko sinabi sa kanya na kasama ka namin.”
He mentally snorted. Right, but he’s also sure that Keegan isn’t stupid not to know that Aaron invited him here.
“He’s probably at the back right now,” Aaron paused when he remembered something and pointed at a door near them. “Pupwede kang dumaan diyan, siguradong makikita mo si Keegan kung maglalakad-lakad ka nang kaunti.”
Rhysand nodded. “Before I go… Why are you doing this…?”
“What?”
“I appreciate that you invited me here to see Keegan but you’re actually giving me his whereabouts, Sir Aaron. Surely, wala kang kailangan sa ‘kin, ‘di ba?”
Natigilan si Aaron nang marinig ang tanong niya. The two of them fell silent for a moment before his co-teacher snorted and let out a chuckle.
“Just think of this as my way of looking after you.” Tinapik nito ang balikat niya. “If you’re uncomfortable with these little favors, I could just wait for you to come at me next time. But this one is just a reminder that cowardice won’t bring you anywhere. If Keegan makes you happy, chase him.”
Hindi nagtagal, bumitaw sa kanya si Aaron at umatras habang umaaktong sumusuko.
“Now go and meet him, Rhysand.”
Kabanata 14
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 14
KEEGAN PUFFED the smoke from cigarette and watched it waft on the air until it vanished.
Bumuntong hininga siya.
Bago siya umalis ng bahay, nakatanggap si Keegan ng text mula kay Edward. Nagrereklamo ito dahil pinapabarangay daw ito at si Nay Belinda ng pamilya niya dahil mukhang sinapian na naman ang dalawa ng kademonyohan.
Noon daw kasing nakita ni Nay Belinda ang mga pamangkin niya, tinawag daw nito ‘tsaka binigyan ng pagkain. Pinagsasabihan din ni Nay Belinda ang mga ito pero saktong nadaanan daw sila ng nanay niya.
“Pucha. Kung anu-ano sinabi nila sa barangay. Porket kinuha ka raw namin mula sa kanila tapos ngayon, mga pamangkin mo naman ang aagawin namin. Hindi ba marunong mag-isip ‘yang pamilya mo? Kung ‘di lang alam ni Kap iyong totoong storya, baka kami ang nadehado. Putang ina, ang problematic. Minamasama pagtulong namin.” Ganitong-ganito ang sinabi sa kanya ni Edward kanina.
Nahihiya nga siya dahil kung hindi dahil sa kanila ng mga pamangkin niya, baka hindi naman madadamay sina Nay Bel at Edward sa gusot e. Kaso laging ito ang mga napag-iinitan mula noong kunin siya ng mga ito sa DSWD.
Noong nag-sorry siya, nagulat si Edward. Sinasabi lang daw nito ang mga nangyari sa kanya dahil habang tumatagal daw e lumalala rin ang pamilya niya. Pinapaalalahanan lang daw siyang ingatan ang mga pamangkin dahil baka isa sa mga ito ang magaya sa kanya noon.
He clenched his fist. Hindi pwedeng ganoon.
“Found you.”
Napasinghap si Keegan noong marinig niya ang boses ni Rhysand. Ang akala niya, nagkamali siya ng dinig pero noong hanapin niya ang binata, ‘tsaka niya ito natagpuang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.
His mouth fell agape. Anong ginagawa nito rito?
Noong tumigil ang binata sa harap niya, ‘tsaka pa lamang naitikom ni Keegan ang bibig. Napaatras siya at namutla noong maramdamang napasandal na naman siya sa puno. Hindi naman siya cornered, siya ang kumorner sa sarili niya.
Madilim ang paligid tapos sila lang dalawa ang naririto sa likod ng bar. May ilaw naman pero medyo malayo sa kinaroroonan nila. Still, he’s able to see Rhysand’s face this time. Iyon lang, alert siya.
Bakit ngayon pa ito dumating samantalang namomroblema nga si Keegan?
Bagamat ilang beses nang nakumbinsi ni Keegan ang sarili na naka-move on na siya sa halikan nila ni Rhysand, biglang nag-flashback sa kanya lahat ngayong parang madu-duplicate pa iyong alaala sa isipan niya.
“A—Anong ginagawa mo rito?” nauutal niyang tanong.
Rhysand’s nose wrinkled when he seemed to have smelled something unpleasant. Nang magbaba ito ng tingin, nakita nitong naninigarilyo siya.
“Oh. You’re smoking…” Rhysand trailed off before he looked away and coughed.
Kumunot ang noo niya. “Hindi mo sinagot ‘yong tanong ko. ‘Tsaka ‘di mo ba gusto ang amoy ng sigarilyo?”
“I don’t usually mind it but yes, I don’t like it.” Nagkibit balikat si Rhysand. “Naninigarilyo rin si Sir Aaron at ‘pag magkasama kami, madalas mahawi sa ‘kin ‘yong usok. I think I attract it… I’m not sure.”
May mga tao lang talaga na hinahabol ng usok at sa kaso ni Rhysand, isa ito sa mga ganoong klase ng tao.
His eyebrow twitched. “Anong ginagawa mo rito?”
Ito na ang ikalawang beses na magtatanong siya. Siguro naman, papansinin na ni Rhysand?
Rhysand pursed his lips. Needn’t to say, he was just asking for confirmation. Alam ni Keegan kung bakit ito naririto. Naalala niya kasing nasa loob ng bar ang magkapatid na Gonzales kasama ang sari-sariling mga partner.
At bilang nasa loob si Aaron tapos ito lang naman ang ‘mutual’ connection nila ni Rhysand, alam na ni Keegan na inimbitahan ng isang iyon ang kaharap niya rito.
“Si Aaron ba humila sa ‘yo rito?” pagtatanong niya nang hindi sumagot si Rhysand.
Hindi narinig ni Keegan ang mahinang paghimig ni Rhysand.
“I wanted to see you,” anito sa maliit na boses.
His heart leaped and he almost held his chest. Anak shuta, dapat pangilabutan siya pero bakit parang halos sumabog ang puso niya sa sinabi nito?! Anong meron sa kagustuhan ni Rhysand na makita siya para matuwa siya? Wala. Wala!
His jaw tensed. “Tinatanong kita kung si Aaron ba ang humila sa ‘yo rito ngayon. ‘Wag kang sumagot nang malayo!”
“Hindi naman malayo ang sagot ko?” Kinamot ni Rhysand ang likod ng ulo. “Sure, Sir Aaron might’ve invited me over but it was my choice to come. I wanted to see you.”
Bakit ba siya nahihiya?
Sinimangutan ni Keegan si Rhysand nang sa ganoo’y hindi ito makaramdam sa kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. He even growled lowly just so Rhysand would have the idea that he’s pissed. Kaso sa kaloob-looban niya, para siyang nakikiliti. Naiirita siya.
Tang ina. Hindi gusto ni Keegan na ganito ang reaksyon ng sistema niya.
Sana hindi ito makahalata.
Rhysand scoffed. “Were you mad that I told you that I wanted to see you?”
Inismiran din niya ito. “‘Di ba sinabihan kita dati na ‘wag akong inglesin? Ano bang akala mo sa ‘kin, magaling mag-English?”
“Ang ibig kong sabihin, galit ka ba sa ‘kin dahil sinabi kong gusto kitang makita?” ulit ni Rhysand pero mabuti naman at tinagalog na nito.
Napasapo si Keegan ng mukha. This is bad, he’s feeling hazy. Muntik na siyang masinok noong marinig niya nang mas maayos ang tanong ni Rhysand pero mabuti na lamang at napigilan niya.
“Ubos na sigarilyo mo, Kee. Sigurado ka bang hahawakan mo lang ‘yan hanggang mamaya?” pag-iiba ni Rhysand ng usapan, dahilan para mailipat ni Keegan ang mga mata sa hawak na sigarilyo.
His eyes widened when Rhysand pointed out the reason why he feels the tip of his fingers burning. Nakalimutan niyang bago pa dumating ang binata rito, paubos na ang sigarilyo niya at kailangan nang patayin! Dapat papatayin niya rin muna sana ang apoy pero na-distract siya nang makita si Rhysand.
Keegan threw the cigarrette on the ground and stepped on it. Mabuti at hindi mahapdi iyong pasong nararamdaman niya, palapit pa lang kasi ang baga ng sigarilyo sa mga daliri niya nang ipunto ni Rhysand. When he was done putting off the fire, Keegan picked up his cigarrette again and went to the nearest trash bin.
Nang matapos siya, nilingon niya ulit si Rhysand.
“Ba’t mo ‘ko gustong makita?” Sa totoo lang, ang hirap itanong nito dahil ito yata ang unang beses na umamin si Rhysand at hindi nagdahilan.
Rhysand fixed his posture. “Kailangan bang mayroon akong rason ‘pag sinabi kong gusto kitang makita?”
“Ewan ko. Ano bang malay ko? Baka mayroon ka lang sasabihin sa ‘kin kaya ka nandito.”
Kinamot ni Keegan ang batok, ‘tsaka niya napansing nakatingin si Rhysand sa palapulsuhan niya.
He stilled when he realized that he wore the bracelet that Rhysand gave him recently. Putang ina, sumakto kasing bagay sa get-up niya kaya niya hinablot sa lamesa kanina. When he was about to hide it, it was already too late as Rhysand showed him a contented smile.
Ang akala ni Keegan, ipupunto ni Rhysand ang bracelet pero wala itong sinabing kahit ano.
“Wala akong maisip na sabihin. Aaron did give me an advise but I don’t think you’d accept it anyway,” he said before shrugging.
Kumunot ang noo ni Keegan at kahit paano, mas naging relaxed na siya. Pasimple niyang inalis iyong bracelet para itago sa bulsa niya. Mamaya na niya ulit isusuot kapag nasa stage na sila.
“Anong sinabi niya sa ‘yo?” pag-uusisa niya.
Ngumiti si Rhysand. Hindi ito verbal na sumagot pero noong umabante ito at lumapit sa kanya, awtomatikong napaatras si Keegan. Dinuro niya pa ang binata bago nito mabura ang distansyang naghihiwalay sa kanilang dalawa.
“A— Aba’t! ‘Wag kang lalapit! Social distancing!” natataranta niyang singhal dito. Ang unreasonable pero kinabahan siya, puta! “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na habang nariyan ka! ‘Di mo kailangang lumapit sa akin!”
Ayaw niyang ma-déja vu, gago ba itong si Rhysand?!
“Susuntukin kita!” banta pa niya rito.
Pero sa kabila ng pinagsasasabi niya, para siyang estatwang naitulos sa kinatatayuan nang matagpuan niya si Rhysand na nakatayo sa harap niya. He’s not exactly close but he’s not far either. Mayroon pa rin siyang personal space pero kahit ganoon, para siyang nauubusan ng hininga kahit medyo malayo ang binata.
He almost hiccuped when Rhysand reached out his hand and ruffled his hair. Suddenly, Keegan felt warm and fuzzy. His heart began to beat erratically against his chest and any moment now, he was about to lose his cool.
“You don’t have to know,” simpleng sabi ni Rhysand na siyang dahilan para mapasinghap siya.
Hindi niya ma-gets kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan niya.
Is it because he kept on having flashbacks about the night they kissed or is it because he was expecting Rhysand to claim his lips again? But his guards were up and Keegan was afraid that if he looked away, Rhysand would suddenly cup his cheeks and lean closer to him.
Noong mahimasmasan si Keegan at mabawi ang nawalang tindig, agad niyang sinampal ang kamay ni Rhysand na noo’y nasa ulo pa rin niya. He didn’t mean to be harsh but if they kept contact, he’s afraid that he would be swooned so easily.
Sure, he already missed Rhysand’s hand on his head—he liked the feeling of being praised and comforted in such way, although it sounds weird—but that doesn’t mean that he would just let Rhysand have his way.
Samantala, mukhang hindi nagulat si Rhysand sa ginawa niya dahil tipid lamang itong ngumiti bago tinignan ang kamay na noo’y binawi nito. Hindi nagulat pero nadismaya—this is a more appropriate way to describe how Rhysand looked.
“Babalik na ‘ko sa loob,” aniya.
Hindi ito ang gusto niyang isaboses. Katunayan, marami sana siyang sasabihin kay Rhysand pero sa hindi malamang kadahilanan, ito ang lumabas sa bibig niya.
And it’s not a bad thing considering the fact that Renzo might start looking for him if he doesn’t return anytime soon.
Rhysand nodded slightly. “Sure, I’ll just see you there.”
Sumimangot siya. “Ha? Nakita mo na ‘ko, ‘di pa ba ‘yon sapat para umuwi ka?”
“Hindi ako pauuwiin ni Sir Aaron.” Rhysand smiled at him. “Plus, it would be nice if I could see you perform.”
“Nakita mo na ako noon—” Natigilan si Keegan noong bigla niyang maalala na noong una silang nagkita ni Rhysand ulit, umuwi ito agad bago pa man nila nasimulang tumugtog. “Umuwi ka agad no’n…”
“Huh? Kailan?”
“Wala!” Naglakad siya tungo kay Rhysand para lagpasan ito pero nang magtapat silang dalawa, sinadya ni Keegan na banggain ang braso nito.
Fuck! Even that slight contact made him feel electricity and it was quite a shock! It was just one kiss and it’s not like it happened yesterday and yet—a lot has changed and it’s the worst!
Hindi napansin ni Keegan na natigilan pala siya noong para siyang nakuryente nang magtama ang mga braso nila ni Rhysand. Kaya laking gulat niya noong tawagin siya ng binata at mapansin niyang nagtataka ito dahil para siyang nawala bigla sa sarili.
“Kee, are you okay?” was what Rhysand asked him.
Sa sobrang gulat niya, nilingon niya ito sandali bago siya tumakbo.
And he knows that it was stupid but his fight or flight reflex kicked in and he chose the latter! There was no way that he would stay by that guy’s side for fuck’s sake!
Mabilis —halos madapa pa si Keegan katatakbo dahil hindi naman niya malinaw na makita ang daan, pero ang alam niya, kaagad siyang nakarating pabalik sa dressing room at naghahabol ng hininga.
Mabuti na lang at si Angelo ang unang nakakita sa kanya dahil kung si Renzo pa, baka napagalitan na naman siya.
“O, nanigarilyo ka lang. ‘Wag mo sabihing nakakita ka na naman ng kapre sa likod?” pag-uusisa ni Angelo habang nakangisi.
Simula noong nakakita siya ng multo, palagi na siyang inaasar ng mga ito. Mabuti na lamang at hindi siya utu-uto. Isang beses lang naman siyang napakitaan ng multo, bakit siya matatakot?
“Sa’n nagpunta sina Kuya Renz at Kuya Pao?” tanong niya rito pabalik ‘tsaka siya dali-daling pumunta sa mga gamit niya nang sa ganoo’y hanapin iyong dala-dala niyang bimpo.
Noong makita niya, mabilis siyang nagpunas ng mukha.
Nagkibit balikat si Angelo. “Kinausap ‘yong manager. Mayroong sira yata ro’n sa speaker kaya tinatanong nila kung makakapag-proceed ba ‘yong gig nang maayos.”
“May nauna na sa ‘tin, a?” pagpupunto niya. Paano nakatugtog ang mga iyon?
“Sila nga ‘yong nakasira. Naatrasan noong kasama nila tapos ayun, nahulog. ‘Di naman yata lahat, sira. Makakatugtog pa rin tayo.”
Habang nagpapaliwanag si Angelo, hindi napansin ni Keegan na muli na naman siyang natulala’t nawala sa sarili. Iyong mga sinasabi at ipinapaliwanag ng kasama, bigla na lamang naging background noise.
Ngunit kaiba sa mga gumagambala sa kanya kanina, mas bothered siya na nandiyan si Rhysand sa audience at makikinig sa kanila.
“Na-settle mo na ba ‘yang problema mo?” tanong ni Angelo.
Iwinasiwas niya ang isang kamay. “Ayos na ‘ko.”
Humigop siya nang malalim na hininga. Slight lang na ayos siya. Nasa audience si Rhysand, e.
He clenched his fist.
Hanggang magsawa ito at umuwi, titiisin ni Keegan na tumugtog nang hindi nagkakamali.
NOONG makabalik si Rhysand sa upuan nila, natagpuan niya na sina Aaron at Easton lamang ang narooon. He looked around to try and search for Ridge and Zamiel but the two were nowhere to be found. Nag-alangan siyang lumapit kina Aaron dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Hindi pa nakatulong na biglang sumimangot si Aaron at para bang makikipagtalo kay Easton kaya mas lalo siyang umatras.
Nope, this may be not the right time to return.
He hesitated to approach them, and that’s real.
Bumuntong hininga si Rhysand at muling inilibot ang mga mata sa paligid hanggang sa dumako ang paningin niya sa drinking bar. He stole a glance over Easton and Aaron’s direction before he decided to go there for the mean time. Makakabalik naman siya mamaya, tapusin muna ng mga ito ang gusot.
“Vodka Martini,” simpleng aniya sa bartender na noo’y agad napansin ang paglapit niya.
“Coming right up,” anito naman ‘tsaka inasikaso ang inumin niya.
Waiting for his drink was one thing. The silence wasn’t deafening but it wasn’t exactly comfortable either. Kahit paminsan-minsan, kakausapin siya ng bartender dahil baka raw mayroon siyang natitipuhan sa mga customer na noo’y nasa stool din kasama niya, umiiling lamang siya’t tatawa. He’s got his eyes focused on someone else already, Keegan was more than enough.
“Marami pa namang gustong magpakilala sa ‘yo, Sir,” sabi pa noong bartender bago nito iniabot ang inumin sa kanya.
He merely scoffed before he waved a haand. “I already have my eyes fixed on someone else.”
Pagkasabing-pagkasabi niya noon, nahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na pigura. Kinuha muna niya ang baso ng inumin niya bago niya tinignan ang nakita niya para lang makasigurong hindi niya ito kilala, but as soon as he raised his eyes, he was met with Renzo’s gaze. Natigilan tuloy siya’t parang estatwang naitulos nang kumunot ang noo nito at para bang kinikilala siya.
Fuck.
Rhysand immediately paid for his drink and brought it back to where Aaron and Easton was.
He wasn’t panicking, it was just that he didn’t want Renzo to confront him and maybe fight with him. Nandito siya para panoorin si Keegan at hindi para makipagtagisan dito.
“Sa’n ka galing?” tanong ni Aaron sa kanya noong makabalik siya sa table nila.
Sandali niyang pinasadahan ng tingin si Easton at napansin na mukhang maayos na ang dalawa. Mukhang naresolba ng mga ito ang problema.
“Ang tagal niyo yatang nag-usap ni Keegan? Magsisimula na sila,” dagdag pa nito.
Rhysand flashed him a small smile. “No. I came back right away, I just went to the drinking bar.”
“Hindi kayo nakapag-usap?”
“Nakapag-usap naman. Umalis lang siya kaagad.” Rhysand would like to think that Keegan was flustered when he saw him.
When he looked back to where he saw Renzo, he found him along with Keegan and their other bandmates. Paakyat na ang mga ito sa entablado at magsisimula nang tumugtog, ‘tsaka naman pumalakpak ang mga nasa audience. He heard someone whistle too, and it was amusing.
Habang umaakyat ang mga ito, napansin ni Rhysand na kanina pa palingon-lingon si Keegan na para bang mayroong hinahanap. When his eyes landed onto their table, he hissed and looked away. Though for some reason, Rhysand seemed to have seen him let out a sharp breath—for what? Relief? Rhysand doubts.
“We’re back,” Ridge’s voice suddenly popped out of nowhere and when Rhysand looked, he was with Zamiel.
Both looked disheveled and messy but he didn’t mind even when the two sat beside him. Even when they reeked of something Rhysand does not want to point out since his mind might start drifting off again, and he would imagine Keegan with him. That’s a no—he shouldn’t, at least not in public.
“Sakto lang pala pagbalik natin, Zam,” sabi pa ni Ridge sa fiancé nito na noo’y tipid na tumango.
Then, Zamiel hissed. “We wouldn’t even be able to return in time if I didn’t drag your ass back here. Fiancé mo ‘ko, ‘di tagabuhat.”
The couple stopped bantering when they heard the mic screech. They all flinched and cringed until Renzo took the microphone and turned to one of their bandmates who was checking the sound system. When he received an OK sign, he faced the audience and chuckled nervously.
Renzo explained the situation, which most audiences understood. Ipinaayos naman na raw kaya late na umakyat ang mga ito kahit sampung minuto na ang nakalilipas noong dapat ay nagsimula sila.
It didn’t take long when Renzo began to say something that would relate to their first song and Keegan along with their bandmates began to play an intro relating to their first number, although it doesn’t really start with something like that. Hindi nakapakinig si Rhysand dahil mataman niyang pinanonood ang bawat pagkilos ni Keegan at pakiramdam niya, alam iyon ng binata dahil parang naiilang itong kumilos. He looked so careful, which wasn’t like him.
Then, Aaron chuckled. “He’s usually loud whenever they play.”
“He does,” pagsang-ayon naman ni Ridge. “Ang tahimik niya ngayon, is it because of you?” he asked, pertaining to Rhysand.
He chuckled nervously. Perhaps. He did make him feel uncomfortable earlier, after all.
🎶 Binibini
Alam mo ba kung pano nahulog sayo
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sakin
Ang
tumatakbo
sa
isip
mo
Kung
mahal
mo na rin ba 🎶
They started by singing ‘Binibini’ by Zack Tabudlo.
This is the first time that Rhysand heard Renzo sing. This is also the second time that he felt envious and jealous over someone.
Rhysand can’t say that he has the best voice since his voice sounded baritone and deep. But Renzo’s voice was something that Rhysand would like to have – clear, smooth, and mellow.
Pinasadahan ni Rhysand ng tingin si Keegan, balak itsek kung anong reaksyon nito. Nang mapansing ni hindi man lang nito pinasasahan ng tingin si Renzo, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Mukha namang napansin ni Keegan ang mataman niyang panonood dito at nang magawi ang paningin sa kanya, bigla itong napaiwas ng tingin.
It was so obvious that Keegan was avoiding someone’s gaze that he noticed someone point it out.
🎶 Isayaw
mo ako
Sa
gitna
ng ulan
mahal
ko
Kapalit
man
nito’y
buhay ko
Gagawin
ang
lahat
para sayo
Alam kong
mahal
mo na rin ako
Binibini
Sabi mo noon sakin
Ayaw
mo pa
Pero ang
yakap
ngayo’y
kakaiba
Hindi
ka
ba
nalilito
Totoo
na bang gusto ako
Wag ng
labanan
ang
puso
Alam kong
mahal
mo na ko
Kung ganon
halika
na’t
wag
lumayo 🎶
“Anong masasabi mo?” biglang tanong sa kanya ni Aaron.
Sandali niya itong nilingon para tapunan ng naguguluhang tingin.
“I was talking about their performance,” dagdag pa nito.
Rhysand pressed his lips together and began to think. Wala naman talagang ibang impact sa kanya ang performance ng buong banda—but yes, they’re good. He understood why Aaron would bring his husband to watch their performance, it’s because they’re not a waste of talent.
But of course, his eyes had always been focused on only one person.
Rhysand knew, even before Keegan had joined Renzo’s band, that he was good. Noong kilala pa siya nito bilang si Ryleigh, madalas siya nitong send-an nang kung anu-ano. VM, videos—name it. Keegan was sweet enough to send him every single thing that he does in their band and while he was learning how to play the bass.
🎶 Isayaw
mo ako
Sa
gitna
ng ulan
mahal
ko
Kapalit
man
nito’y
buhay ko
Gagawin
ang
lahat
para sayo
Alam kong
mahal
mo na rin ako oh yeah
Isayaw
mo ako
Sa
gitna
ng ulan
mahal
ko
Kapalit
man
nito’y
buhay ko
Gagawin
ang
lahat
para sayo
Alam kong
mahal
mo na rin ako oh 🎶
“You know what I would say, right?” Rhysand replied which made Aaron smile.
The man nodded. “Does it make you want to keep him all for yourself?”
Imbes na sumagot, tinaasan lamang ni Rhysand ng isang kilay si Aaron.
Wasn’t the answer too obvious?
Kabanata 15
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 15
PAGKATAPOS NG ilang kanta, natapos tumugtog ang banda ni Keegan. Ni ‘di man lang inasahan ni Rhysand na kakanta rin ito kanina at nang muli niyang marinig ang boses ng binata, parang bumagal ang oras at tumigil ang mundo niya.
There was a sense of familiarity upon hearing Keegan’s voice.
Memories from the past flashed inside his mind and Rhysand was reminded of the collection he had—no, he still has, all dedicated to the man who taught him how to love. His heart beat erratically against his ribcage and he was terrified that it might jump out of his body.
Over time, the tone of Keegan’s voice changed but it doesn’t matter.
He loved Keegan’s voice and until now, he still fell for it.
Keegan’s voice suited songs with music that blasts. He always sounded rough but there was always a hint of sweetness to it that Rhysand can’t describe. After all the years he spent of collecting Keegan’s voice messages, which he had saved in a flash drive, Rhysand knows that he purposely wanted to sound aggressive and loud as that was the only time he could let his emotions show.
Some people wouldn’t like how Keegan sings. Some of them would want to hear him sing a ballad, and based on how Keegan sang earlier, it seemed like he was learning how to adjust for the sake of their audiences.
“I told you that he’s talented,” Aaron pointed out to Easton who was sipping his drink.
Umismid naman ang asawa nito. “Aaron, wala naman akong sinabing ‘di siya magaling. Kaya nga ‘ko pumayag na maaya mo rito, ‘di ba? I know you wouldn’t brag about someone without knowing their capabilities.”
“Sinasabi ko lang naman.” Mahinang tumawa si Aaron bago bumaling sa kanya na noo’y tahimik na pinanonood ang dalawa. “Ikaw, Rhysand? Anong masasabi mo sa performance ngayon?”
“They’re great,” he simply said.
Muntik siyang hindi makapagsalita dahil hindi niya inaasahang kakausapin siya ni Aaron. He was busy talking to his husband, after all. And Rhysand found their interaction interesting, which was why he was watching them intently. Ni wala nga siyang pakialam kung may matanggap na negatibong komento sina Keegan mula kay Easton, lalo na’t mukhang metikuloso ito sa ganyang bagay.
“No, I wasn’t asking about their performance as a band. I was asking about what can you say to your beloved princess’ performance,” Aaron then said which took him aback.
Napangiwi siya. Kung maririnig lang ni Keegan ‘to, baka nagwala na ‘yon.
“He was great.” Kung siya nga lang, baka ni-record pa niya ang performance ni Keegan nang sa ganoo’y maidagdag niya sa koleksyon niya.
Rhysand, along with Aaron and his family decided to stay in the bar after the band’s performance for the sole reason of ‘getting wasted’. Hindi naman iyon seryoso, pero bilang matagal-tagal naman na raw mula noong uminom ang mga ito, inaya na rin siyang manatili dahil gusto raw siyang kilalanin ni Ridge at Zamiel.
And honestly, Rhysand feels something off.
Ridge was a mischievous man, just like his brother, but he looked more naughty. Zamiel, on the other hand, had been sending him signals to ‘warn’ him just in case Ridge does something he doesn’t like.
Rumors and information—these are the things that Ridge wanted from him. Nagbibigay naman si Rhysand noong harmless at hindi nito magagamit sa kalokohan. Fortunately, Ridge wasn’t pushing him too much either. He was just asking about things that he could know about his relationship with Keegan, and if it makes him uncomfortable, he would change the question.
Hindi alam ni Rhysand kung ilang oras na ba sila rito pero narinig niya mula kay Aaron na sa tuwing may gig si Keegan, inaalok ang mga ito ng libreng alak. So probably, Keegan was out there, getting wasted just like him.
“Oh, that explains why Leon has been asking Keegan if he could join their band. He isn’t a bad singer but… You know, he’ll do anything for the booze,” Ridge said.
Bumuntong hininga si Easton. “Leon used to be a sweet child. Who would have known that he would turn into a drunkard when he grew up?”
Habang nakikinig si Rhysand sa usapan ng mga ito, ibinaba niya ang hawak na baso ng beer. Napansin iyon ni Aaron at nang tignan niya ito, mukha itong nagtatanong kung anong nangyari sa kanya. Sumenyas na lamang siya na nahihilo na siya at hindi pwedeng lasing siyang magda-drive pauwi.
Umayos nang upo si Rhysand at balak na mag-relax nang sa ganoo’y mapawi ang pagkalasing noong mapansin niyang mayroong lumapit sa kanila. He leaned against the backrest of his chair and allowed his nape to feel the headrest.
He didn’t pay attention to them and instead, he closed his eyes.
“Sinong sinusundo mo?” Ridge asked mischievously and in a sing-song manner.
Rhysand exhaled sharply. Mukhang mayroong kakilala ang mga ito na bumisita, a.
“Bawal ka rito,” sabi naman ni Zamiel na para bang nang-aasar din.
“Sinong nagsabi?” sagot naman noong kausap ng mga ito.
Noong makilala ni Rhysand ang boses na narinig, mabilis siyang nagmulat ng mata at napaupo nang tuwid sa kinatatayuan. Namamangha rin siyang lumingon sa direksyon kung saan niya narinig si Keegan ‘tsaka niya natagpuan ang binatang nakatayo sa harap ng table nila.
It must be because it was so out of character for him to suddenly jolt from his seat but he did catch Aaron and the others’ attention.
Natawa pa si Easton dahil gulat na gulat siyang makita si Keegan sa harap niya. Well, he suppose that he was indeed funny when he jumped.
“Rhysand,” simpleng sabi ni Keegan.
Ang awkward dahil lahat ng mata sa table nila, sa kanya nakatuon. He felt pressured and allche could do to ease his uneasiness was to swallow. Hinihintay kasi ng mga ito ang sasabihin niya.
But Rhysand took his time to stare at Keegan’s face, and was it only hun or he looked red? His cheeks were flushed and his eyes were droopy. Surely, this wasn’t how he usually look like.
“Are you…?” Hindi tinapos ni Rhysand ang sasabihin dahil tumayo siya para lapitan ang binata.
He could feel everyone from their table cheering for him, he felt embarrassed. But he steeled himself by taking a deep breath.
“Rhysand,” namamaos na tawag sa kanya ni Keegan. Before he knew it, Keegan fell on his body as soon as he was close enough to catch him.
Excitement —it was the first feeling that enveloped Rhysand’s body as soon as he had Keegan in his arms. He was giddy and for a second there, he almost lost all his rationality. Mabuti na lamang at narinig niya ang boses ni Aaron. He snapped out of his fantasy and was able to take a better look at Keegan who was, right this moment, staring at him intently.
Their faces were only inches away from each other and when it finally sank into him, he was surprised.
“Are you drunk?” was what he managed to ask after a while.
Nang marinig ang tanong niya, mahinang tumawa si Keegan. His breath fanned near Rhysand’s scope of smell so he was able to notice the trace of alcohol. Lasing nga si Keegan.
“Hindi. Ba’t ako malalasing?” Itinulak ni Keegan ang sarili palayo sa kanya ‘tsaka nito flinex ang braso nito. “Malakas ako sa alak. ‘Di ako agad nalalasing.”
Rhysand thought otherwise. Mukhang kahit sina Aaron ay napansin na iba ang tono ng pananalita ni Keegan—this was so unlike him.
“Nalalasing pala siya?” napapantastikuhang komento ni Zamiel.
Ridge shrugged. “Ngayon ko lang din nalaman. Madalas silang mag-inuman ni Leon, e.”
“Kung tumungga lang siya nang tumungga, malalasing nga siya agad. At least, nakumpirma nating ino-offer-an din sila ng libreng alak kada gig nila, ‘di ba?” Aaron mused, pero nabatukan ito ni Easton dahil para itong nakikipagpustahan kung magsalita.
Easton turned to them and watched Keegan stagger from the place he was standing. “Ihatid mo na siya pauwi. Mukhang hinanap ka talaga para ikaw ang maghatid sa kanya, e.”
Ilang beses na nagpabalik-balik ang mga mata ni Rhysand kay Keegan at sa mga kasama niya hanggang sa parang baliw na tumawa si Keegan. It sounded awful and creepy, thus he resigned. Nagpaalam siya kina Aaron at nang pumayag ang mga itong mauna na siya, inakay niya si Keegan para lumabas ng bar.
Noong nasa parking lot na sila, ‘tsaka nagsisisi si Rhysand dahil hindi na makausap nang maayos si Keegan. Tinanong niya kasi kung anong address nito pero ang tanging sagot nito sa kanya ay “sa puso mo”. Gago ba si Keegan? Mukha ba siyang nakikipagbiruan dito?
“Kee, seryoso ako. ‘Di ko alam kung anong address mo,” aniya.
Sumandal si Keegan sa harapan ng kotse niya. Mapaglaro ang mga ngiti sa labi nito at may kung ano roon na hinihila si Rhysand, kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito.
“Don’t just smile at me. Parang malalaman ko kung sa’n ka nakatira ‘pag nginitian mo ako, a?” he asked sarcastically.
Keegan snickered. “Hindi ba, marami ka namang alam tungkol sa ‘kin? Dapat alam mo kung sa’n ako nakatira!”
“I’m not your stalker!”
Napahilamos ng mukha si Rhysand nang pagtawa lamang ang sinagot sa kanya ni Keegan. Anong nakakatawa sa pagpapahirap nito sa kanya? He’s frustrated, if Keegan doesn’t know!
Marahas na bumuntong hininga si Rhysand hanggang sa mayroon siyang maalala. Naisip niyang ihatid na lamang si Keegan sa address ng kumukop dito matapos makalaya. Siguro naman, hindi bababuyin ni Keegan ang address na iyon dahil iyon ang nag-alaga rito matapos makulong dahil sa sariling pamilya, ano?
Rhysand raised his head to ask Keegan about the address but before he could mutter a thing or two, he didn’t notice that Keegan stretched his arm and held his chin.
He was stunned, lalo na noong paglandasin ni Keegan ang daliri sa baba niya bago hinawakan ang labi niya gamit ang hinlalaki.
What was this?
How did things turn out like this?
Napalunok si Rhysand nang maramdaman niya ang namumuong tensyon sa paligid.
Keegan was staring at him with hooded eyes. His gaze was intense and alluring, the way he fluttered his eyelids slowly made Rhysand feel things, and when Keegan’s lips gradually etched into an alluring smile, Rhysand almost lost it.
“Hindi mo ba ‘ko iuuwi?” Keegan asked.
Nahila si Rhysand pabalik sa huwisyo nang pangilabutan siya sa tanong ni Keegan.
Iuuwi? What?
Mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan ni Keegan noong paglandasin din nito ang hinlalaki sa mga labi niya. Hindi nagtagal, binitawan niya ito ‘tsaka siya naglakad paatras nang bigyang distansya ang sarili mula sa binata.
Sasagutin din sana ni Rhysand si Keegan, pero bago pa niya maibuka ang bibig, nakarinig siya ng mga yabag na sinundan pa ng isang pamilyar na boses.
“Keegan!”
Parehong natigilan sina Rhysand at Keegan nang marinig nila ang boses ni Renzo. Mukha ring natigilan ito noong makarating sa parking lot at maabutan silang magkasama.
Silence filled the entirety of the place—an awkward and dangerous silence and between that stood Keegan who decided to ignore Renzo and turn to him.
Renzo immediately scowled when he processed what was happening. He even gritted his teeth. “Kaya pala biglang nawala si Keegan, ikaw pala ang kasama. Pinuntahan mo ba siya sa dressing room namin?”
“What?” naguguluhan niyang tanong. “Ba’t mo ako pinagbibintangan?”
Siya pa ang nasisi samantalang si Keegan ang pumunta sa table nila’t bigla-bigla siyang tinawag!
“At ba’t ‘di ka pagbibintangan?! Alam nating pareho na patay na patay ka kay Keegan,” anito pa.
Lalong naguluhan si Rhysand. “Kuya Renz, alam kong ikaw ang pinakaunang nakaalam na gusto ko si Keegan pero ba’t ang pangit naman yata ng tingin mo sa ‘kin? I didn’t matter back then, right? My feelings didn’t matter before.”
“It didn’t, hanggang sa biglang naging kayo ni Keegan.”
“Nag-break kami agad and that was all in the past,” mabilis niyang sagot. “Ang problema ko, ba’t mo ‘ko pinag-iinitan? Tingin mo ba talaga, pupunta ako sa dressing room niyo para kunin si Keegan? Edi sana nakita ako ng mga kasama niyo.”
“Umiinom kami—” Bago pa matapos ang sinasabi ni Renzo, nabigla sila nang tumayo si Keegan mula sa kotse niya’t lumapit sa kanya na para bang dinidipensahan siya nito.
Keegan let out a small growl. “Uuwi na kami.”
Pakiramdam ni Rhysand, para siyang timang na nakatitig kay Keegan. At hindi lamang siya ang ganoon dahil maging si Renzo, natulala noong bigla na lamang makisabad si Keegan sa kanilang dalawa.
“Keegan, lasing ka na,” kalauna’y pagsuko ng binata. Napahilamos ito ng mukha bago nilahad ang isang kamay kay Keegan. “Umuwi na tayo, alam ko naman ‘yong address mo.”
Umiling-iling si Keegan. “Ayoko.”
Hindi alam ni Rhysand kung matutuwa ba siya sa pagtanggi ni Keegan o mananakit lalo ang ulo niya. Sure, he doesn’t want to give Keegan to anybody else—especially not Renzo!—but at the same time, dealing with him while he’s drunk was a huge pain in the ass. Conflicted siya.
“Keegan,” mariing tawag ni Renzo rito. “Lasing ka lang kaya siya ang pinipili mo. Umuwi na tayo.”
Tumaas ang isang kilay ni Keegan. “Bingi ka ba, Kuya Renz?”
“Ni hindi nga niya alam kung sa’n ka nakatira! ‘Tsaka wala akong tiwala sa batang ‘yan na ihahatid ka nang maayos! Pa’no kung bigla kang bastusin nang ‘di mo alam?!”
“Ano bang tingin mo kay Rhysand, manyak? Hinalikan niya lang ako nang isang beses pero ako kasi talaga humalik sa kanya no’n!”
Keegan!
Gustong isigaw ni Rhysand ang pangalan nito at busalan ang bibig nito. He’s drunk! Like drunk, drunk! Sino ba ang nasa tamang huwisyo ang isisigaw na naghalikan silang dalawa?!
Rhysand could feel Renzo’s death glares burying holes against his forehead but even he would shoot himself if Keegan would suddenly spill what they did about a month ago! It was about a month ago already!
“Keegan,” mahinang tawag niya sa binata na mabilis namang lumingon sa kanya.
And Rhysand wouldn’t lie, he looked like a puppy that wagged his tail in front of him. Shit, he couldn’t get mad.
“Kay Kuya Renzo ka na magpahatid.” Nang matapos din ‘to.
Keegan’s face dropped at what he said. “Ikaw din?! ‘Di mo ba narinig sinabi ko? Ikaw mag-uuwi sa ‘kin! Ayoko sa kanya!”
“Pero—”
“Tumahimik ka riyan!” Parang batang tumalikod sa kanya si Keegan bago ito lumapit sa kotse niya. Dahil nabuksan na rin ni Rhysand ang pinto ng kotse niya kanina at hindi lamang sila pumasok dahil ini-interview pa niya ang binata kung saan ito nakatira, mabilis itong nakapasok sa loob.
He gasped and was left astounded along with Renzo.
“Tara na!” dinig pa niyang pagmamaktol ni Keegan sa loob ng kotse niya. “Hayaan mo ‘yan! Ayoko nga sa kanya!”
IN THE END, Keegan went home with him. Ilang beses siyang binantaan ni Renzo pero lahat ng sinabi nito, lumabas din sa kabilang tenga niya dahil napapaisip siya.
Rhysand wasn’t stupid not to know that Renzo disliked him when he really began dating Keegan. But that was the weirdest thing about it.
Noong hindi pa silang dalawa, hindi nito pinansin ang namumuo pala niyang nararamdaman para kay Keegan. Maybe because he thought that Keegan won’t let him in his heart, but the tables turned when Rhysand did manage to date Keegan even for a bit. Nang malaman ni Renzo na naging silang dalawa, nag-iba ang tingin nito sa kanya.
It must be because he catfished Keegan, right?
And it must be because Renzo knew that Rhysand liked Keegan a lot, and from the way he acted, he looked at him differently.
Nakakainsulto.
Renzo, back in the days and in his memories as a child, used to be the kindest person in the internet café he and Keegan used to stay a lot. Ngayon, parang nag-ibang tao ito.
“Anong iniisip mo? ‘Wag kang mag-isip nang kung anu-ano. Sa ‘kin ka lang mag-focus,” saad ni Keegan na siyang nakapagpatigil sa kanya.
Nasa kalagitnaan sila noon ng highway at nagda-drive si Rhysand pauwi. Hindi niya kasi madala si Keegan sa kahit saan dahil wala siyang alam na address nito. Ang alam niyang bahay ni Keegan e iyong tinitirhan ng Ate Katelyn nito, iyon lang.
Dahil tahimik noon ang paligid bago ito magsalita, natural na nagulat siya dahil ang akala niya’y nakatulog na ito. Hindi kasi nagsasalita si Keegan kanina pero nang pasadahan niya ito ng tingin, ‘tsaka niya nalamang pinapanood pala siya ni Keegan mag-drive.
“Ang lakas ng loob mo ngayong lasing ka.” Keegan even takes the initiative. Kung nasa huwisyo ito, ilang beses na siyang naitulak.
Mahinang tumawa ang binata. “Malakas talaga ang loob ko kahit ‘di ako lasing.”
Hindi niya ito sinagot. Totoo naman, pero ibang lakas ng loob ang sinasabi niya. Unfortunately, Keegan was too drunk to realize what he meant.
Approximately thirty minutes later, he and Keegan arrived in front of his house. Hindi niya pinalabas si Keegan noong binubuksan niya ang gate pero nagmamaktol ito dahil ayaw maiwan sa kotse niya. It was a lot of work to get him inside, and once they were in the living room, he realized that it was a miracle that they didn’t got into an accident because he, too, was somehow drunk.
All of a sudden, Keegan giggled. “Ito pa rin itsura ng bahay mo. Ganito ‘to no’ng huli akong nakapunta rito, a?”
Imbes na pansinin si Keegan ay mahina lamang na tumawa si Rhysand. He was thinking how should he deal with him. Mukhang hindi naman ito magsusuka anumang oras kaya inakay niya ito hanggang sa kwarto niya. Pero noong nandoon na sila, ayaw namang humiga ni Keegan at magpahinga.
Sumasakit ang ulo niya dahil parang timang na nakatayo ang binata sa harap ng kama niya.
“Gusto mo bang maghilamos muna?” he asked, though it’s useless because Keegan was spacing out.
Despite acting like a statue, Rhysand proceeded to lend Keegan some of his clean clothes. Nakahanap naman siya ng kasya rito. Medyo malaki nang kaunti dahil hindi hamak na mas malaki ang katawan niya kay Keegan pero mas mainam ito kaysa sa magsuot nang masikip na damit ang binata.
When Rhysand looked back at Keegan, he paused when he realized that he was already sitting at the edge of his bed. He was flailing his feet and removing his shoes in a lazy demeanor but he didn’t really mind. Mamaya na niya iyon ililigpit.
“Kinuhanan kita ng damit, maghilamos ka muna. ‘Di kita matutulungan sa loob pero sa labas lang ako dahil baka bigla kang maaksidente,” aniya.
Lumapit siya kay Keegan at inilapag ang mga damit na ipinapahiram niya sa tabi nito. Keegan, on the other hand, was watching him intently. Every move he made, the shorter male made sure that he would see.
At ayos lang naman sana sa kanya na ganito ito kaso…
Masyadong tahimik si Keegan.
He sweatdropped and forced a smile. “May problema ba, Kee?”
Unfortunately, Keegan didn’t answer. But it also didn’t take long when he pointed at his lips, which made Rhysand confused.
“Ayaw mo ba ‘kong halikan?” kuryosong tanong nito.
Kabanata 16
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO
IA-UNPUBLISH
, FEEL FREE TO REREAD HABANG
NAGRI-REREAD
AT
NAGCHI-CHECK
DIN AKO NG SOMETHING.
MWAPS.
KABANATA 16
NOONG MAGISING SI Keegan, kabadong-kabado siya dahil hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo siya dinala ng kalasingan.
He wasn’t in his room and he was nervous in case he accidentally hooked up with someone while he was drunk. Mabilis na tsinek ni Keegan ang suot na damit pero noong mapagtantong hindi niya damit ang suot, para siyang nahilo na ewan. Napahiga pa nga ulit siya sa kama dahil sumakit ang ulo niya.
“Nasa’n ba ako? Kaninong kwarto ‘to?” tanong niya sa sarili.
Marahang inalis ni Keegan ang kumot na noo’y nakabalot pa rin sa pang-ibabang bahagi ng katawan niya, then he took the opportunity of this silence to look around.
Baka makakita siya ng clue kung nakaninong bahay ba siya.
As Keegan looked around the place, the first thing he noticed was how clean and organized the entire room was. Masyadong malinis para maging kwarto ng lalaki kaya bumilis na naman ang tibok ng puso niya.
Wala siyang maalala kagabi bukod sa parang nakita niya si Renzo at tinawag siya nito, pero hindi niya ito pinansin. May alaala rin siyang mayroon siyang inaasar pero hindi niya alam kung sino.
Tinuktukan niya ang sarili.
Muntanga! Sumama pa sa kung kanino imbes na roon sa lider ng banda na kasali naman siya! Hindi hamak na mas kilala niya iyong tao kaysa rito sa sinamahan niya, ano!
“Bobo, Keegan! Ngayon, panagutan mo ‘yang sinamahan mo!” Kaso paano naman niya malalaman kung noong nagising siya, wala siyang kasama sa kama? Solong-solo niya, pero mayroong traces na parang may katabi siya bago siya nagising.
Habang tinitignan ni Keegan ang kabuuan ng kwarto, natigilan siya nang may mapansing picture frame sa study table. His forehead furrowed when the photo looked familiar, so he approached it slowly. Noong makalapit siya nang kaunti, ‘tsaka niya nakita ang imahe roon.
It was Rhysand and him.
He stilled. Parang tumigil ang mundo niya noong maisip niyang posible na si Rhysand ang nag-uwi sa kanya kagabi.
Keegan couldn’t remember a thing about what happened last night but vague memories of taunting someone.
Napalunok siya. Was it Rhysand?
Perhaps, he was paying too much attention to the picture frame that he didn’t notice that someone had opened the door. Iniluwa noon si Rhysand na naguluhan nang matagpuan si Keegan na nakatulala sa harap ng study table niya.
“Kee,” simpleng tawag nito sa kanya.
Muntik mapapitlag si Keegan nang marinig ang boses ng binata. Mabilis pa sa ala singko niya itong nilingon at nanlalaki ang mga mata niyang napatitig dito nang matagpuan itong halos kaliligo lang yata.
This was the first time after several years that he’d seen Rhysand with his hair down and he doesn’t look like this back then. Mukha itong basang sisiw noon kapag natatapos maligo. But right now, Rhysand looked unbelievably hot.
Mukhang sinagasaan ito ng glow up tapos iniwasan si Keegan, gago.
He inwardly gasped when he realized what was he thinking. Napatikhim din siya para bawiin ang tindig. “Go—Good morning?”
Putang ina! Bumati pa! Ano ba kasi ang dapat niyang sabihin?!
Tumango si Rhysand. “Good morning. Sorry, nagulat ka yatang nasa kwarto kita. Tinatanong kita kagabi kung sa’n ka nakatira para roon kita maihatid pero ang sabi mo sa ‘kin, iuwi kita.”
Nag-short circuit yata si Keegan noong marinig ang sinabi nito.
Siya? Nagpapauwi kay Rhysand?! Napatayo siya nang tuwid at napaatras hanggang sa mabangga niya ang study table ni Rhysand. Doon na rin siya kumapit dahil nanghihina siya sa hiya, ‘tsaka niya dinuro ang binata.
“At inuwi mo naman ako! Ga—Gago ka! Dapat sinapak mo ‘ko para matauhan ako! Edi sana nasabi ko iyong address ko nang ‘di mo ako inuuwi rito?!” singhal niya.
Parang namroblema si Rhysand sa sinabi niya dahil ngumiwi ito. “Sira ulo ka ba? Ba’t naman kita sasaktan dahil lang ‘di mo makuha ang address mo?”
“Edi sana iniwan mo na lang ako sa kalsada!”
Kumibot ang isang kilay nito sa pagkakataong ito. “Why do you keep on suggesting absurd things? Para namang iiwanan kita sa kanto dahil lasing ka. Edi nanakawan ka pa. Baka napag-trip-an ka pa. Pa’no kung bigla kang kidnap-in tapos kunin ‘yang mga lamang-loob mo?”
Napayakap naman si Keegan sa sarili. “Si—Sinasabi ko lang naman na pwede mo akong iwan kahit saan, ‘di mo kailangang mag-isip nang kung anu-ano! Ang morbid naman niyang imagination mo?!”
“Sinasabi ko lang naman. Kung papabayaan kita sa daan, posibleng may hindi pa magandang mangyari sa ‘yo. Masyado kitang gusto para lang iwanan sa daan.”
Keegan’s jaw dropped. Nasisiphayo siyang napahilamos ng mukha bago napadpad ang mga kamay niya sa buhok niya, tapos ginulo niya iyon. Ayaw na niyang kausap si Rhysand, habang tumatagal e kung anu-ano ang naririnig niya, baka bigla siyang sumabog dito. Nakakairita.
“Ah! Ba’t ba ‘di ako sumama kay Renzo kagabi?!” gigil niyang tanong sa sarili.
Narinig niyang umismid si Rhysand. “Sinabihan din kitang kay Kuya Renzo na magpahatid, pumasok ka naman bigla sa kotse ko.”
“At talagang gusto mo pa ‘kong ipahatid sa kanya!”
Rhysand’s forehead furrowed and he looked at him ludicrously. “What are you saying…? Sinasabi ko lang naman na iyon ang ginawa ko kagabi dahil naipunto mo ngayon. E ba’t ka galit?”
“Ewan ko! Putang ina mo rin!”
Pagkatapos niyang murahin si Rhysand, namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. The man still looked at him in a baffled expression, as if he was trying to make sense of why Keegan was making none of it, but gave up in the end.
Naningkit ang mga mata niya nang bumuntong hininga ang binata at pumasok sa kwarto nito.
Ayaw din sana ni Keegan, pero sino ba naman siya e hindi naman niya ito kwarto? Ano siya, special?
Bahagya siyang ngumuso habang matamang pinanonood si Rhysand na lumapit sa cabinet nito. Since Rhysand’s side view was facing Keegan, he was able to see him in a different angle, and watching him up close made his eyes squint even more. Hindi ganito ang itsura noon ni Rhysand pero ngayong nagsi-sink in sa kanya na ang laki ng binago nito, mas lalo siyang nabi-bitter.
Keegan also worked on his appearance during the years, of course. Mainly because he felt bad for himself after Ivy chose Joshua. Pero iba naman yata itong si Rhysand dahil hindi na makita ni Keegan ang trace noong bata na dati’y sunod nang sunod sa kanya.
Rhysand looked cute before, like a hamster with puffed cheeks.
Ngayon, hunk na ito. Napag-iwanan siya bigla.
“Bakit iba ‘yong suot kong damit? May ginawa ka ba sa ‘kin?” tanong niya kay Rhysand noong maalalang nag-iba bigla ang suot niya.
Of course, there was still the possibility that he might have made a mess and puked on himself last night but Keegan wanted to squeeze an interesting reaction from Rhysand.
Kaso, nag-backfire.
“Wala akong ginawa sa ‘yo. Ikaw, ikaw ang may ginawa sa ‘kin,” seryosong anito.
Napatayo tuloy siya nang tuwid. “Ha? Ano namang gagawin ko sa ‘yo e hindi naman ako interesado sa katawan mo?!”
Bumuka ang bibig ni Rhysand at para bang may sasabihin sana ito pero nang makita ang ekspresyon niya, mukha itong mayroong napagtanto kaya muling itinikom ang bibig. The two of them stared at each other for a while before Rhysand gave in and sighed.
“Mukhang ayos na rin na ako ang nag-uwi sa ‘yo kagabi. If you’ve done those things in front of someone else, I might lose it. ‘Di ko alam kung anong gagawin ko sa kanila. Tusukin ang mata? I don’t know,” kalauna’y anito na siyang dahilan para kutuban siya nang masama.
Keegan’s face went pale. “Ano bang ginawa ko sa ‘yo?! Para namang interesado ako sa ‘yo, a!”
“Things…” Rhysand trailed off and looked at him seriously, which also made him flinch and stand straight. “Things that you shouldn’t do in front of anyone else but me.”
Gago ba itong si Rhysand?
Kumibot ang isang kilay niya. Ang dami niyang gustong sabihin dito pero ni isa sa mga iyon, wala naman siyang maisaboses. Napapamura na lang siya, e.
“Ang kapal naman ng mukha mo? Batas ka ba?” naiirita niyang sabi rito.
Iyon lang, hindi siya pinansin ni Rhysand at sa halip ay inabutan ng malinis na damit, sagad hanggang pangloob. He almost choked on his own spit when he realized that Rhysand would be lending him clothes. Hindi niya gustong kunin pero hindi niya rin alam kung nasaan iyong mga damit niya kagabi.
“Ayos lang ba sa ‘yo ‘to? Malalaki naman ang damit ko kaysa sa ‘yo pero baka ‘di mo gustong isuot dahil sa disenyo o kulay,” nag-aalalang sabi naman ni Rhysand. Hindi nito pinagtuunan ng pansin iyong pang-aaning niya kanina. “May tuwalya na rin sa banyo.”
Keegan stared at his clothes for a while before he eyed Rhysand. “Nasaan ba iyong mga damit ko?”
“Nilabhan ko,” simpleng anito bago ito bumuntong hininga. “Makukuha mo ‘yon mamayang tanghali bago ka umalis. May dryer naman ako.”
Nakanganga lang na pinagmamasdan ni Keegan ang damit ni Rhysand na noo’y nasa kamay niya. And since he won’t respond, Rhysand excused himself and told him that he’d be downstairs. Magluluto raw ito ng agahan nilang dalawa dahil siguradong gutom na siya’t mayroong hangover.
Come to think of it, masakit nga ang ulo niya.
Kaso hindi alam ni Keegan kung dahil ba nagising siya sa kwarto ni Rhysand, dahil isusuot niya ang damit nito, dahil nahubaran siya kagabi’t binihisan nito, o dahil nga lasing siya kagabi. Maraming posibilidad sa sakit ng ulo niya pero baka una ang stress.
Noong kahit paano’y makabawi si Keegan, lumabas siya ng kwarto para hanapin ang banyo nito. He looked around the place and sweatdropped since this was the exact place in his memories—this house, which he used to go to whenever Rhysand invited him, hasn’t changed over the years. Nagbago lang siguro ang pintura at ang mga gamit pero mayroon pa ring traces ng pagkabata nilang dalawa rito.
“Sa’n ‘yong banyo?” nag-aalangang tanong niya kay Rhysand noong silipin niya ito mula sa pintuan ng kusina.
Mahina siyang napamura dahil sa dating ng binata. Ang malewife. Hindi ito nag-a-apron habang nagluluto tulad noong mga anime character na nakikita niya pero ang manly nito habang naghihiwa ng sibuyas at bawang. Pucha. Nasa punto na rin si Keegan ng buhay niya na iniisip niyang kung hindi siguro sila magkakilalang dalawa ni Rhysand noon, baka matagal na talaga niya itong jowa kahit na-catfish siya’t lalaki talaga ito.
Shit. These weird thoughts.
Nilingon siya ni Rhysand at tinuro ang isa pang pinto na nasa kabilang banda ng kusina. He paused. Ibig sabihin, papasok siya ng kusina para makarating ng banyo—which he doesn’t mind—but being near to a man as hot as an adult Rhysand? Ha! Baka mawala siya sa sarili’t biglang sumampa roon sa countertop para magpahalik.
Hindi, joke lang.
Tumakbo si Keegan papunta sa banyo at narinig niyang tawanan siya ni Rhysand. Tinanong pa nga siya kung allergic ba siya rito pero nagmamadali siyang nagsara ng pinto kaya hindi niya ito nasagot.
Noong siya na lang mag-isa, nasapo ni Keegan ang dibdib.
Tang ina, hindi magandang manatili malapit kay Rhysand. Kung anu-anong masasamang espiritu ang bumubulong sa tenga niya tapos napupukaw nito ang atensyon niya!
Hindi bale, aalis siya kaagad kapag natuyo na ang damit niya!
Keegan mentally patted himself. Kapit lang, makakauwi siya nang maayos at buo, walang mintis at walang bawas bukod sa kalalakihan.
“AYAW MO ba akong halikan?”
Rhysand’s eyes widened when Keegan asked him that. He pressed his lips together and was unsure of how to respond. It didn’t even help that Keegan looked more alluring and charming now that he was drunk, and Rhysand would be lying if he’d say that sometimes, thoughts about making him his didn’t cross his mind.
He was conflicted.
But in the end, he said ‘no’ . Namilog ang mga mata ni Keegan nang marinig ang sagot niya’t halos maluha ito sa sinabi niya bagamat nakaismid at namamangha siyang pinagmamasdan.
Keegan looked hurt and offended last night.
He looked desperate even, to the point that he abruptly pulled Rhysand to lay down on his bed, before Keegan sat on his stomach and cornered him. He was still asking for the ‘kiss’ but Rhysand just wouldn’t respond.
That went on and on until Keegan fell asleep.
“Dumbass,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang pinto ng banyo. “It was better that you did that to me and not to someone else. Baka nakapatay ako kung sakali, Keegan.”
Fifteen minutes later, Keegan went out of the bathroom and when they saw each other, the two of them instantly paused. Siya, dahil ang gwapo ni Keegan na bagong ligo at ganoon din naman ito sa kanya. Also, it’s because Rhysand had already finished cooking fried rice and it smelled good that was why Keegan had to pause from his tracks and savour the smell.
Hindi nagtagal, namula ang mga pisngi nito. “Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mo bang tusukin ko ‘yang mga mata mo?”
Rhysand smiled in return. “Iniisip ko lang naman na ang gwapo mo ‘pag bagong ligo pero dahil minamasama mo, titigil na ‘ko. Tuyuin mo na ‘yang buhok mo, magluluto lang ako ng ulam.”
Imbes na sundin siya, lumapit si Keegan sa kanya. He didn’t stand beside him but he was a few meters away. Mataman siya nitong pinanonood habang nagluluto siya at medyo hindi kumportable si Rhysand na parang binubutasan ng binata ang gilid ng ulo niya.
“May tanong ako,” kalauna’y sabi ni Keegan sa kanya.
Rhysand turned to him. “Ask away.”
Mataman ulit siyang pinagmasdan ni Keegan imbes na magtanong kaagad. Then, he noticed that he took a deep breath. “Wala ba ‘kong ginawang kalokohan kagabi?”
“Hindi ba malinaw ang sagot ko kanina?” tanong niya pabalik.
Sumimangot si Keegan. “Gago ka ba? Ang abstract mo sumagot. ‘Di mo na lang ako diretsuhin kung may ginawa ba ‘ko o wala—”
“Meron.”
Natigilan si Keegan nang agapan niya ito’t diretso siyang umamin na may kalokohan ito kagabi. Totoo naman. Hindi rin balak itago ni Rhysand iyon sa binata pero hindi naman kasi nagtanong nang detalyado si Keegan kanina kaya wala siyang sinabi.
But did he answer him vaguely earlier? Yes. And since Keegan was not the smartest guy in town, maybe he should stop doing that.
Inasikaso muna ni Rhysand ang kakainin nila pero habang abala siyang nagpiprito ng itlog, nabigla siya nang hablutin ni Keegan ang braso niya. Nilingon niya ito sandali at naabutan itong namumula ang mga pisngi, tapos ibinalik niya ng mga mata sa niluluto.
“Anong ginawa ko sa ‘yo kagabi?” tanong ni Keegan.
Humimig siya’t ngumiwi. “Hindi naman seryoso. Tinatanong mo lang ako kung gusto ba kitang halikan. Noong humindi ako, bigla mo ‘kong hinila pahiga sa kama ko ‘tsaka ka pumaibabaw sa ‘kin. Tapos tinanong mo ‘ko kung ba’t kita ayaw halikan. Sabi ko sa ‘yo, ayoko gawin nang lasing ka—”
Rhysand was in the middle of describing what happened last night in detail when Keegan suddenly covered his mouth.
“Hinalikan mo ba ‘ko?” tanong ni Keegan bago nito marahang inalis ang kamay sa bibig niya.
Sinimangutan niya ito. “Keegan, kung hinalikan kita baka nakahubo kang gumising kanina. Of course not! Ba’t kita hahalikan e tanggi nga ako nang tanggi kagabi, narinig mo ba ‘ko?”
“Nagtatanong lang naman ako! Malay mo!”
“Anong malay ko? I wouldn’t take advantage of you just because you’re drunk. ‘Di naman ako manyak.”
Keegan’s cheeks was red, perhaps it was from the embarrassment, and Rhysand could only smile and cover half of his face before this guy would start bursting out in anger.
Binalikan niya ang niluluto niya at hinayaan niyang mamutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Keegan allowed the silence to brace their atmosphere either and he stood beside Rhysand as he waited for their breakfast to finish.
It didn’t take long when he was done cooking, and the two of them ate. Rare were the conversations they had but Rhysand didn’t mind at all. He wasn’t given the cold shoulder nor they dwelled in an awkward silence.
“Here.”
Tanghali na noon at tapos nang magbihis si Keegan. Suot na ulit ng binata ang mga damit nito kagabi at naghahanda itong umalis para umuwi. Inabot ni Rhysand dito ang bracelet nito dahil muntik pa nitong maiwan sa kanya—and as the person who gifted this to Keegan, he wouldn’t feel good if it was left in his place.
Matamang pinagmasdan ng binata ang bracelet sa kamay niya. Hindi alam ni Rhysand kung gaano katagal pero noong tila ba mahimasmasan si Keegan, kinuha nito ang bracelet.
“Aalis na ‘ko,” paalam ni Keegan habang sinusuot ang bracelet na binigay niya rito.
Nginitian niya ang binata. “Ayaw mo ba talagang magpahatid?”
“Bobo ka ba?” Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso’t tinaasan siya ng isang kilay. “Ayoko ngang may makakitang magkasama tayo!”
He shrugged. “I don’t think anything would change since you’d still be going out of my house, Kee.”
Nagpakawala ng ‘urk’ na tunog si Keegan kasabay ng pagkibot ng isang kilay nito. Then, he scowled. Ilang beses nitong binuka-sara ang bibig pero ni isang salita, walang lumabas mula sa mga labi nito.
“Hindi ka pa ba aalis?” tanong niya kay Keegan dahil halos tatlong minuto na silang nagtititigan sa may pinto ng bahay niya.
Keegan flinched. Inayos din nito ang pagkakasukbit ng case ng bass nito at mas tumalim ang tinging ibinabato sa kanya. “Hindi ka ba makapaghintay? Sandali lang.”
Kumunot ang noo niya pero wala siyang sinabi. Sa halip, pinanood niya si Keegan na humigop nang malalim na hininga.
Once he was done, Rhysand was surprised when Keegan suddenly grabbed the collar of his shirt. Nagbaba siya ng tingin dahil naguluhan siya at magtatanong din sana siya kung anong ginawa niya rito pero bago pa man siya makapagsalita, sinubukan siyang hilain ni Keegan.
But he didn’t budge.
Natulala si Keegan habang siya, naguluhan lalo dahil kahit binigla nito ang paghigit sa kanya, hindi man lang siya sobrang napalapit dito.
“Putang ina—” Hindi na tinapos ni Keegan ang pagmumura noong hawakan na lamang nito ang magkabilang pisngi niya.
Rhysand was perplexed, and he was supposed to ask what he was doing when suddenly, Keegan leaned towards him and claimed his lips.
Being surprised—was an understatement.
He was stupified, he was dumbfounded.
Nahigit ang hininga ni Rhysand at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya habang dinadama ang labi ni Keegan sa kanya. Everything happened so fast that he wasn’t sure how and what to react. Mabuti na lamang at bagamat lumipad ang isip niya, alam ng katawan niya ang gagawin.
Rhysand closed his eyes and immediately wrapped his arms around Keegan’s waist. When Keegan’s lips moved, Rhysand followed along.
‘Tsaka lang din siya binalikan ng huwisyo.
Just what the fuck was happening? Rhysand wanted to ask Keegan but he didn’t want to break the kiss. It wasn’t one that he initiated, it was Keegan’s.
Why did Keegan kiss him? He’s not drunk anymore. He’s sober and Keegan was already at that state of his mind where he could easily punch Rhysand if he wanted.
When Keegan seemed to have ran out of breath, he broke away from the kiss—and though it was tempting to chase those lips of his, Rhysand held himself back and allowed Keegan to regain his composure.
“… Why?” was the first and only question that he could ask. But there was a lot from that word alone that he wanted to tell Keegan.
Imbes na i-entertain ang tanong niya, mataman muna siya nitong pinagmasdan at tinapunan ng masamang tingin bago ito lumayo sa kanya.
“May tinignan lang ako,” kalauna’y anito na siyang dahilan para mas lalo lamang siyang maguluhan, mas lalo lamang dumami ang tanong niya sa isipan.
Pagkatapos noon, tinalikuran siya ni Keegan.
“Aalis na ako,” paalam nito bago ito nagmamadaling lumabas ng bahay niya.
And Rhysand, who got stolen a kiss was left dumbfounded, staring at the closed door in front of him while he listened to the gate open and close—in a hurried manner, of course.
Wala sa sariling tinakpan ni Rhysand ang kalahati ng mukha.
He felt hot. He’s uncomfortable.
“Shit, that doesn’t make any sense,” bulong niya sa sarili.
**
EDIT: Baka may hindi pa nakakakita so promote ko na, may one-shot story po sina Aaron at Easton soon! Kung interesado rin kayong magbasa, though blurb pa lang makikita niyo, pakihanap na lang sa profile ko. Have a good day!
Kabanata 17
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 17
HINDI ALAM NI Keegan kung ilang araw na ang lumipas mula nang iuwi siya ni Rhysand at halikan niya ito bago siya umuwi. Basta sa paningin ng mga taong nakapaligid sa kanya, mukhang nasiraan siya ng bait.
Paano ba naman kasi e halos hindi niya tantanan katititig iyong biogesic na noo’y binigay sa kanya ni Rhysand.
Akala nga niya, nainom niya na ito dahil madalas manakit ang ulo niya gawa ng stress pero mukhang naitago niya nang mabuti dahil nasa pinakasulok itong kapirasong biogesic na hawak niya.
“Ayos lang ba siya?” nag-aalalang tanong ni Gian sa asawa.
Bisita noon si Keegan sa bahay ng mga Abellardo. Kaharap niya rin ang mag-asawa pero imbes na makipagkwentuhan sa mga ito e mas pinili ni Keegan na titigan na naman iyong biogesic. Kanina pa nga nagbabanta si Lyle na kukunin iyon mula sa kanya pero hindi naman ginawa. Lyle was just really taunting him to snatch his attention. Iyon lang, hindi talaga effective dahil kada limang minuto, babalik din sa pagkakatulala si Keegan.
Lyle exhaled sharply and rested against the backrest of his seat. He had a pout on his face and had his arms crossed. Pinanonood nito ang kaibigan kasama ang asawa.
“Hindi ko alam. Ngayon lang naman ‘yan natulala bukod no’ng bigla na lang hiniwalayan ng ex-girlfriend niya,” anito.
Gian chuckled nervously. “Ang i—ibig mo bang sabihin e mayroon ulit bago si Keegan pero brineak ulit siya?”
“I doubt. Kung mayroon man siyang bago, ako ang pinakaunang makakaalam dahil ako tinatakbuhan niya.” Lyle turned his head to his husband and smiled. “Does watching him make you uncomfy? Kung gusto mo, ituloy mo muna trabaho mo. You were reviewing your monthly income, right?”
Marahang umiling ang binata. “I—I’m fine. Nag-a—Nag-aalala rin naman ako kay Keegan. Will it be okay…? If I stay here?”
“Of course. Mukhang matatagalan pa bago bumalik sa huwisyo itong si Keegan. Should we think of ways how to snap him out of it?”
“Si—Sige!”
Para kay Keegan, kahit kasama niya sina Lyle at Gian, background noises lamang ang pag-uusap nila. He’d hear their conversation and some words would register in his head but it wouldn’t really be enough to snap him out of thinking too much. Masyadong okupado ang isipan niya at puro si Rhysand lang ang laman.
He’s bothered, after all.
Why did he kiss him? Why was he curious about feeling Rhysand’s lips against his? Ano ba ang pinapatunayan ni Keegan sa sarili noong hinalikan niya si Rhysand?
Ten years ago, he already made peace with the fact that he could get attracted with both men and women—given the fact that he fell for Aaron and had been in a relationship with Ivy. But before that, Keegan already established it to himself that he would never see any of his close friends as a lover.
That was until Rhysand came back in his life. Not as him, but as Ryleigh.
If he had known that Ryleigh was Rhysand, he would’ve stopped himself from falling and rejected Ryleigh on the spot. But no, he fell for that persona of his—and even fell in love with ‘Mark’ before he met Rhysand again.
That was when Keegan broke things off between him and Rhysand.
When that guy told him that his drunk self wanted to be kissed by him, Keegan became curious. Bakit ang inner desire niya e mahalikan ni Rhysand? Kaya mula noong nagluluto ito ng ulam pang-agahan hanggang sa umalis siya, iniisip niya kung paano niya hahalikan ang binata. In the end, he decided to do it before he left his house. Because that way, Keegan wouldn’t have to deal painful hours with him after he kissed him, he could just leave right away.
He kissed him because he wanted to know why he wanted Rhysand that night. But his question wasn’t even answered even when Keegan claimed his lips, he only became even more confused, because something unpleasant sparked within him as they shared that one kiss.
“They’re not friends anymore.”
Natigilan si Keegan noong marinig ang usapan nina Lyle at Gian. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at ang bilis niyang naibalik sa huwisyo.
Sinong pinag-uusapan ng mga ito?
Because Lyle and Gian were in their little world, they didn’t notice that Keegan flinched and had already dragged himself from his reverie. Walang alam ang mga ito na nakikinig na siya sa mga ito.
“It was even awkward because we’re working in the same company. Madalas kong makita na magkasama sina Kaleb at Kai noon kaya naninibago ako. Although they belong to different departments and would seldomly run to each other, it’s still worrisome to watch them be uncomfortable around each other’s presence,” Lyle added.
Ipinilig ni Gian ang ulo. “I—I think they’ll figure things out. Naaapektuhan ba ang work flow niyo?”
“Fortunately, no.”
Keegan couldn’t describe how relieved he was that Lyle and Gian weren’t talking about him and Rhysand. It turned out that they were talking about Lyle’s assistant and his relationship with a co-worker.
Pero masama ba kung sasabihin niyang kinabahan siya noong bigla na lamang mabanggit ang mga ideyang hindi na magkaibigan ang mga ito.
Dahil pakiramdam ni Keegan, sa kanya nakadirekta ang mga salita na iyon.
Hindi na sila magkaibigan ni Rhysand—this should be an established fact after he had cut his connection and relationship with him. Noong malaman niyang si Mark at Ryleigh ay katauhan lamang nito at napaibig siya ng binata nang hindi niya alam.
Keegan shouldn’t be seeing Rhysand as his brother anymore.
It was all in the past. He and Rhysand—he’s not Keegan’s little brother anymore. He turned into a stranger, one that he doesn’t know of.
Ngayon lang nag-sink in sa kanya ito. It’s natural that Rhysand would feel familiar, they grew up together. But at the same time, he oddly became a stranger.
Kissing him wasn’t wrong anymore.
Being curious about Rhysand as a man wasn’t a mistake.
“Keegan?”
His lips protruded as soon as he heard Lyle’s voice, calling him. Mabilis siyang nahigit pabalik sa huwisyo sa pagkakataong ito at mukhang nakahinga rin nang maluwang ang mag-asawang Abellardo nang makita siyang nakakausap na ulit. Keegan was aware that he couldn’t maintain a conversation up until now, but he guessed that he would be fine now.
Keegan grinned, but his face remained apologetic. “Pasensya na. ‘Kala ko ayos na ‘ko kaya ako pumayag bumisita ngayon. Ano ngang pinag-uusapan niyo?”
Lyle let out an exasperated sigh. “Si Kaleb lang. Ayos lang naman na tulala ka pero sana sinabi mong ‘di ayos ang pakiramdam mo nang ‘di kita pinilit pumunta rito. Kanina ka pa nakatingin diyan sa biogesic, masakit ba ulo mo?”
“Hindi,” mabilis niyang sagot ‘tsaka bumaling kay Gian na ni-refill ang baso ng tubig niya. “Hindi nga masakit ulo ko. Sadyang may iniisip lang ako!”
“Nag—Nag-aalala kami ni Lyle sa ‘yo!” sabi naman ni Gian.
Alam niya, pero hindi naman yata siya ganoon katagal na tulala kaya hindi niya pinansin ang mga ito. Imbes na sagutin din ang suhestiyon ni Lyle na inumin iyong biogesic, umasta siyang para niya iyong ipinagdadamot ‘tsaka niya iyon itinago sa wallet niya.
And there he saw Lyle’s face become crooked. “Para sa’n pa ‘yang biogesic kung ‘di mo rin naman pala inumin?”
“For the record, ‘di ko naman ‘to dinala para inumin. Gusto ko lang talagang titigan. May sentimental value sa ‘kin ‘tong gamot.”
“Sentimental value?” napapantastikuhang ulit ni Lyle bago ito napaismid. “Ano ‘yan, gold? Kung itrato mo parang hinanap mo pa sa minahan ‘yan. Sino bang nagbigay niyan, crush mo?”
Napaubo si Gian sa tanong ng asawa at mabilis itong tumayo. Hindi rin kailangan magtanong ni Keegan kung bakit ito aalis. Sigurado namang na-awkward-an ito at pakiramdam e hindi na dapat ito nakikinig sa usapan nilang ganito.
Well, Keegan doesn’t mind.
Naningkit ang mga mata niya habang ibinabalik ang intensidad ng pagkakatitig ni Lyle sa kanya. “Ba’t mo naman naisip na may bago ako? Hibang ka ba?”
“Ako pa talaga! E ganyan ka lang kumilos ‘pag may nagugustuhan ka ulit na bago,” dipensa naman ni Lyle.
“Natulala lang ako kasi may problema ako. Ang bilis mong nag-assume na may bago na nga!”
“I mean, two years na no’ng huli kang nagjowa! The last one was Rhysand! ‘Di ko nga alam kung feeling mo, bata ka pa rin o dahil hung-up ka sa kanya kaya ayaw mong maghanap nang bago.”
“Hindi mo man lang ba naisip na baka kaya ako single e dahil pakiramdam ko, ayos lang sa ‘kin na mag-isa ako?”
Lyle stilled upon hearing his response. May bahid ng katotohanan sa sinabi niya— pagod na siya . Mula noong nagkagusto siya kay Aaron, kay Ryleigh, kay Ivy na kalauna’y mas pinili ang ibang lalaki, pabalik kay Ryleigh na si Rhysand pala; walang magandang nangyari sa lovelife ni Keegan. Parang kada magkakagusto siya sa isang tao, bad news ang kalakip noon.
Kaya nga hindi niya gets bakit nakuryoso siya kay Rhysand.
It all started because of the kiss, and from there, Keegan gradually became curious of him—peeking to the rabbit hole which was just a few steps away from him. Kung may tutulak sa kanya, siguradong mahuhulog siya kaya hangga’t maaari, tumitingin lang siya. But what happened the last time they met was unexpected, unplanned; Keegan allowed his curiosity to take over and kissed Rhysand.
Ang dami pa rin niyang tanong sa sarili. Hindi niya alam kung ano ang unang ia-address.
“How about Rhysand?” Lyle suddenly asked which made him still.
Namutla si Keegan kasabay ng pagbaba niya ng tingin sa glass table na nasa harap nila. “Anong meron sa batang ‘yon?”
“Hindi ba nagkita ulit kayo? Wala man lang bang nagbago sa tingin mo sa kanya? I mean, he was a good boyfriend.”
Rhysand was, but that doesn’t mean that Keegan was interested enough to pay attention to him before. Pakiramdam lang niya noon, pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Every time they were together when they were still ‘dating’, Keegan had contempted Rhysand.
But that was before, because Keegan still saw Rhysand as his ‘younger brother’ until the day they broke up. Ngayon, hindi na niya ito kilala.
Kumibot ang isang kilay niya kalaunan. Puta. Hindi niya masabi kay Lyle kung ano iyong ginawa niyang kalokohan nitong minsan. Iyong mga aktibidad nila ni Rhysand, kahit hindi sobrang intimate, wala siyang lakas ng loob na ipagsabi dahil natatakot siyang baka sa oras na may sabihin si Lyle, madala na naman siya tapos iisipin niyang posible na naman ang sinabi nito.
“Tingin mo ba… Magkakagusto ako kay Rhysand?” marahang tanong niya rito.
Nginisian naman siya ni Lyle. “I can’t see why not? Tignan mo ako, sinabi ko dati na ‘di ko magugustuhan si Gian kasi gusto ko i-preserve friendship namin pero kasal na kami ngayon, nagpaplano na ring mag-ampon.”
He let out an ‘urk’ sound. “Natural! Matagal mo nang gusto si Gian noon, pinigilan mo lang dahil pakiramdam mo, patay na patay ka pa rin kay Ridge. Ang tinatanong ko, tingin mo ba talaga e magkakagusto ako kay Rhysand e mula noon hanggang ngayon, ‘di ko naman siya nagustuhan!”
Pagkatapos niyang singhalan si Lyle, namutawi ang katahimikan noong bumalik si Gian mula sa kusina na may bitbit na mga miryenda. He looked confused and his cheeks were flushed. Hindi lingid sa kaalaman ni Keegan na narinig nito ang usapan nila ni Lyle dahil malakas ang boses nila at hindi naman maingay ang paligid.
“Nagustuhan mo siya though,” Lyle slowly responded as soon as Gian placed their snacks on the table.
Maging ang asawa nito, natulala kay Lyle.
The side of his lip twitched. “Anong nagustuhan? Kahit kailan, wala akong gusto kay Rhysand.”
Naghahamon siyang pinagmasdan ni Lyle. “I beg to differ. Nagustuhan mo si Rhysand, Kee. As Ryleigh and as Mark—you liked Rhysand. Denial ka lang kasi ‘di mo tanggap na sa lahat ng magugustuhan mo after Ivy, it had to be your cute ‘little brother’.”
It would be a lie if Keegan would say that Lyle didn’t take him by surprise. Sa sobrang gulat niya, napatayo siya. Pulang-pula ang mga pisngi niya’t hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil parang nagbuhul-buhol ang utak niya. Ilang beses niyang sinubukang magsalita pero puro incomprehensible na kung anu-ano lang ang lumabas sa bibig niya, ni hindi siya makaporma nang maayos na pangungusap.
Meanwhile, Lyle smiled at him victoriously, which made him groan.
Dinuro niya ito. “Umamin ka, inaasar mo lang ako ‘no?! King ina, Lyle! ‘Di ko talaga gusto ‘pag pinagti-trip-an mo ako!”
“Oy, hindi kita pinagti-trip-an! Totoo namang nagustuhan mo si Rhysand! Denial ka lang talaga!” dipensa naman ng kaibigan bago nito hinarap ang asawa. “Sabihin mong hindi, Gian? ‘Di ba napansin mo rin ‘yon?!”
Inilipat ni Keegan ang mga mata kay Gian na noo’y tila ba hindi malaman kung ano ang gagawin. It didn’t take long when he covered his face with his palms in an attempt to hide his flushed cheeks and red ears. Alam naman nila na ayaw nito sa ganitong posisyon pero dahil desperado silang dalawa ni Lyle sa kakampi, pareho silang nag-aabang ng sagot nito.
“Hi—Hindi ko alam,” Gian mumbled.
Keegan growled. “Ano?! ‘Di ka namin marinig!”
“Keegan! ‘Wag mong sinisigawan si Gian!” sabad naman ni Lyle.
“Ba’t ako e ikaw humila sa asawa mo sa gusot natin?!” sagot naman niya.
It was then when Gian peeked at them through his fingers. “Hi—Hindi ko alam! Wala akong alam sa lovelife ni Kee—Keegan. Hindi ko nga kilala si… Si Rhysand!”
Parang nag-echo ang boses ni Gian nang sigawan sila nito. Keegan and Lyle were both astounded—this is the first time that Keegan saw Gian burst out, and though he wasn’t angry, it was a nice change. Halos mahulog nga ang panga ni Keegan dahil sa pagkamangha samantalang si Lyle, biglang natakpan ang bibig.
“Shit,” biglang mura nito. Takang-taka niyang hinanap ang mga mata ng kaibigan at natagpuan itong nakatitig noon sa asawa. “Gi—Gian, babe? Don’t tell anyone about what we’ve talked about today, ‘no?”
Ha? Kumunot ang noo ni Keegan at naguguluhan niya itong pinagmasdan.
Samantala, tipid namang ngumiti si Gian. “A—alam ko, pero nagulat ako kasi… ‘Di ako makasunod sa inyo. Sino si Rhysand?”
“Ha?” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Anong pinagsasasabi mo, Gian? Ba’t ‘di mo kilala si Rhysand e ‘yon si Ryleigh! Ex-boyfri—oh. Sandali.”
Unti-unting lumiit ang boses ni Keegan habang isinisiwalat niya ang relasyon nila noon ni Rhysand, kasabay na rin noon ang dahan-dahang pagbaba ng tingin niya sa kawalan. Hindi nagtagal, nasapo niya ang noo.
Hindi kilala ni Gian si Rhysand kasi hiningan niya ng pabor si Lyle na huwag sabihin kahit kanino ang tungkol sa katotohanan sa likod ng katauhan ni Ryleigh.
His previous relationship with Rhysand… Was supposed to be a secret.
Supposedly.
“Lalaki si Ryleigh?” walang kamuwang-muwang na tanong ni Gian.
“Boom, tanga,” Lyle whispered and looked away. “Shit talaga.”
Parang pinangilabutan si Keegan noong maikonekta na ni Gian ang puzzle pieces. It wasn’t a joke when his face paled and almost turned violet because aside from being horrified, Keegan literally stopped breathing. Muntik pa siyang matumba pabalik sa sofa kung hindi lang nakahawak sa pader.
What a dumbass!
Gian panicked because Keegan plopped back on his seat and began to stare into space, while Lyle covered his mouth because he didn’t mean to send his friend to oblivion. Pareho silang nakalimot na wala nga palang ibang nakakaalam tungkol sa nangyari sa kanila ni Rhysand bukod sa kanya, kay Lyle, at kay Renzo. No one ever spoke about the fact that Keegan was catfished and everyone thought that he and ‘Ryleigh’ broke up because she lied to him.
Fuck. Keegan felt like his soul left his body.
“Kee-Keegan!” halos natatarantang tawag sa kanya noong mag-asawa nang humiga siya sa sofa.
In the end, Keegan and Lyle explained the situation to Gian. Alam niyang kilala nito si Ryleigh at ang kailangan lang naman nilang gawin ay linawin kung ano ba talaga ang totoong pagkatao ng isang iyon. Keegan revealed that Ryleigh Agustin’s real name was Marcus Rhysand Fajardo, who also happened to be Keegan’s childhood friend.
Gian was astounded, of course.
Ang sabi pa nito, hindi lingid sa kaalaman nito na talamak ang catfishing pero hindi raw nito inaasahan na si Keegan pa ang mabibiktima. But it was so easy to dupe him since Rhysand used his cousin’s face. Lahat ng sinabi nito sa kanya, makatotohanan dahil umaayon ang ‘face claim’ sa may-ari ng account.
“Um… Ba’t… Ba’t siya nag-catfishing? Pwede ka namang sabihan, ‘di ba?” pagpupunto ni Gian.
Lyle let out an exasperated sigh. Nakangiwi rin nitong pinagmasdan ang walang kamuwang-muwang na asawa bago ito umiling-iling. “Principle ni Keegan na ‘wag patulan ang mga kaibigan niya, Gi. Maybe Rhysand liked him too much that he knew he’d only get rejected if he confessed upfront.”
“A—Ah. I understand.” Nagbaba ng tingin si Gian. “I feel bad, though. Kasi naloko si Keegan, ta—tapos nag… nagmahal lang naman si Rhysand.”
“I don’t blame anyone,” sagot naman ni Lyle bago nito ipinagkrus ang mga braso. Hindi nagtagal, ipinilig nito ang ulo’t bumuntong hininga. “Naiintindihan ko si Kee dahil kababata niya si Rhysand, nakababatang kapatid din turing niya ro’n. But like you said, I also feel bad for Rhysand. ‘Di kami pareho ng experience pero ang bottomline e nagmahal lang din siya.”
Tumango-tango si Gian. “Even I loved you so much before that I’d do stupid things to get noticed.”
“Yeah.” Lyle nervously chuckled and looked away. “Ayoko na alalahanin iyong mga ginawa ko. I’m just glad that we worked out.”
“Ye—Yeah,” pagsang-ayon naman ni Gian.
Keegan clicked his tongue. Napapagod siya sa usapang ‘to kaso wala sa puso niyang pigilan ang mga ito. Sa harap ba naman niya maglandian, ang gagaling. Sino ba siya para um-extra e bisita lang naman siya?
Nakasimangot niyang pinanonood ang mag-asawa na maglandian sa harap niya. Siguro, kung hindi pa siya napasadahan ng tingin ni Lyle, baka hindi nito naalala na magkakasama pa rin sila. Mga walang respeto talaga, pero dapat din kasi umalis na siya nang hindi niya naiistorbo ang mga ito.
Lyle faked a gasp. “Nandito ka pa pala, Kee.”
Kumibot ang isang kilay niya’t pilit siyang ngumiti. “Wow, maraming salamat naman at napansin mo. Talagang pinag-usapan niyo pa kami ni Rhysand sa harap ko, a?”
“Akala ko umalis ka na,” nanunudyo nitong sabi pero noong mas lalo siyang sumimangot, tumawa ito.
Bwisit talaga itong si Lyle.
Kabanata 18
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 18
FORTUNATELY FOR Keegan, he was spared. Matapos na makipagkumustahan kina Lyle at Gian at matapos niyang makinig sa usapan ng dalawa, nakauwi rin siya. Sawang-sawa siyang makinig sa mag-asawang iyon lalo na at sila lang din naman ni Rhysand ang pinag-uusapan.
Was he and Rhysand really a big deal?
“Aka—Akala ko ’di pumapapatol sa lalaki si Keegan tulad ni Leon,” komento ni Gian matapos nilang pag-usapan ang relasyon nila ni Rhysand.
Both Lyle and Keegan fell silent, and it didn’t take long when his best friend from college eyed him suspiciously. Parang matapos ang ilang taon, ngayon lang din nag-sink in dito na imbes na makipag-break kay Rhysand on the spot, tumagal pa silang dalawa nang ilang buwan bago tuluyang naghiwalay. Anyway, Keegan didn’t like how Lyle was throwing daggers at him during that time.
Wala rin siyang sinabi.
He’s sure that Lyle had already assumed that Keegan doesn’t mind dating the same sex, but since there wasn’t any confirmation from him, perhaps he doesn’t want to jump into that conclusion. But if ever, Keegan wouldn’t stop Lyle from doing so.
Bumuntong hininga si Keegan noong makapasok siya sa apartment niya. Halos pabagsak siyang umupo sa pinakamalapit na sofa bago hinayaan ang katawang bumagsak sa malambot na foam.
Then, he spaced out.
Noong nasa bahay siya ni Gian at Lyle, matapos niyang matulala sa biogesic na binigay sa kanya ni Rhysand noong nakaraan, nawala kahit paano sa isipan niya ang binata e. Na-distract kasi siya, ’tsaka sila rin ni Rhysand ang pinag-uusapan at parang ayaw niyang mawala sa sarili dahil baka hindi niya alam, nato-talkshit na pala siya.
Umayos nang higa si Keegan sa sofa. He laid on his back before he covered his eyes with his arm.
He’s tired from thinking about Rhysand.
E ang binata kaya? Kailan matatapos katatakbo sa isipan niya? Hindi na siya nilubayan, puta.
“Hindi ko pa rin talaga gets,” bulong niya sa sarili noong bisitahin na naman siya ng alaala na hinalikan niya si Rhysand. “Hindi ko alam anong tinignan ko no’ng araw na ’yon.”
His feelings? His sexuality— which was already confirmed bisexual? Or Rhysand’s lips? Rhysand’s kiss, and the way Keegan felt when he touched him?
Bumusangot siya at bahagyang ibinaba ang braso na nagtatakip sa mukha para sumilip sa kisame. “Ba’t ba ako kuryoso sa kanya?”
Gusto niyang burahin sa isipan si Rhysand.
At sa kaiisip niya noon, hindi niya napansing nakatulog na pala siya.
“LET’S go out.”
Maybe fate was playing tricks on him again.
Parang estatwang naitulos si Keegan mula sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Rhysand. Hindi siya matalino pero hindi rin siya tanga para hindi malaman kung anong ibig sabihin ng binata.
Sila? Lalabas? As in date?
Keegan’s cheeks turned beet red and he began to stammer. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig para subukang magsalita, but all of his attempts fell in vain as he was only able to utter incomprehensible words.
Napipikon siya sa sarili dahil wala naman siyang speech impediment pero hirap na hirap siyang magsalita!
“Keegan.”
Rhysand’s voice was deep and intense, it made Keegan shiver. Naitikom niya ang bibig at napatitig siya rito. Until now, he still couldn’t comprehend what the fuck was going on and couldn’t bring himself to react properly, he couldn’t even speak!
He’d scowl at Rhysand but today, he was flustered.
It was Saturday – day off ni Rhysand. It has been long since he dropped by the gym where Keegan worked but today, he had come to exercise in the facility. Keegan wanted to kick him out but he wasn’t so stupid when he saw the bags under Rhysand’s eyes.
Mukhang pagod na pagod ito ’tsaka lamang naipuntong galing ito sa tatlong araw na seminar.
He could’ve just rested but no, Rhysand forced himself to never ruin his weekly exercise. Sabi nito, minsan lang ito mag-ehersisyo, hihindi pa ba? Aba’y ewan.
Of course, Keegan scowled and secretly snarled him out so that he’d leave for two reasons: for Rhysand to rest and for Keegan to not feel bothered around him. But Rhysand pointed out that he doesn’t even own the place and if his manager saw him kicking him out, Keegan might get in trouble.
He was speechless.
And now, this?
Pinanood lang naman ni Keegan si Rhysand na abalahin ang sarili sa pag-eehersisyo. Baka kasi matumba. Baka umalis na kung papanoorin niya. He has done nothing wrong! Nasa malayo siya’t gina-guide pa rin ang kliyente niyang sa ganitong araw din bumibisita. Kaya nang lapitan siya ng binata at biglang kausapin, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa— hindi, para siyang biglang inakbayan ni Satanas at binulungan ng sumpa.
How did things turn like this?
“Sasama ka ba sa ’kin o ano?” muling pagtatanong ni Rhysand.
Kung hindi ito nagsalita, baka hanggang mamaya pa tulala si Keegan. Nahigit siya mula sa malalim na pag-iisip nang sabihin ni Rhysand ang keyword na ‘sasama’. Saan? Aalis ba sila?
Keegan frowned. “Sasama saan?”
“I asked you to go out with me,” sabi ulit ni Rhysand na dahilan para mamilog ang mga mata niya.
Napasinghap siya. “Sira ulo ka ba?! Ba’t mo ’ko inaayang lumabas?! Pakiramdam mo ba, papatulan kita?!”
Anak shuta, kinikilabutan siya! Nayakap pa ni Keegan ang sarili dahil mabilis na bumisita sa isipan niya iyong sinabi ni Lyle sa kanya noong minsan.
May gusto siya kay Rhysand noon?
Wala! Si Ryleigh at Mark ang nakapukaw ng atensyon niya at kahit si Rhysand din ang dalawang iyon, hindi ibig sabihin noon e nagkagusto siya sa binata kailanman! They’re all the same but very different!
Keegan let out growling noises as he turned his head to the left. Tang ina, ang dami niyang gustong sabihin pero ayos na iyong sinigaw niya kay Rhysand. ’Tsaka hindi inaalala ni Keegan kung may makarinig man sa kanila. Maraming tao sa gym at maingay ngayon, it’s impossible for everyone to hear what they’re saying.
And it’s not like they’d talk about them anyway.
Magsasalita sana ulit si Keegan para murahin at muli na namang tanggihan si Rhysand dahil hindi! Kahit kailan, hindi sila magdi-date na dalawa liban na lamang kung biglang magkaroon ng himala’t bumaliko ang pananaw niya sa binata!—Noong mapansin niyang naguguluhan pala siya nitong pinanonood.
Keegan wasn’t impressed. Kung pagmasdan siya ni Rhysand, parang nahusgahan na nito ang buong pagkatao niya. Pwede kaya siyang pumuslit ng sapak?
But before he could do anything, Rhysand said something.
Rhysand arched a brow. “Anong pinagsasasabi mo, Keegan?”
“Iyong sinabi mo! Tinetanggihan ko ’yang offer mong makipag-date sa ’yo o maging boyfriend mo! Tanga ka ba? Ni ’di ka man lang manligaw—” Naputol ang sinasabi ni Keegan noong agapan siya ni Rhysand.
“Inaaya kitang lumabas sa baba dahil mag-uusap tayo. Sa’n naman nakarating ’yang imahinasyon mo?”
Para siyang kandilang naitulos sa kinatatayuan noong marinig ang sinabi nito. The man just cleared their misunderstanding. Mukhang nasa magkaibang pahina sila. Like, how could Keegan think that Rhysand was asking him out for a date? Ang layo ng interpretation niya sa tinutukoy ng binata.
Baga sa kakainan, imbes na sa malapit na carinderia na lamang kumain si Keegan e napadpad pa siya sa Angeles para lang kumain dahil akala niya, mas makakamura siya samantalang sa pamasahe pa lang, patay na ang wallet niya.
“Hindi mo ako inaayang lumabas…? Date?” parang robot niyang tanong. Perhaps, the shock has gotten the good out of him which was why he couldn’t compose himself and act normally.
Kumunot ang noo ni Rhysand. But there was a ghost of a smile playing across his lips and his eyes danced in amusement. “Hindi kita inaayang makipag-date sa ’kin o maging boyfriend ko. But I’ll consider, sabi mo lang naman e manligaw ako ’di ba? Kaya kong gawin ’yo—”
Bago pa matapos ni Rhysand ang sinasabi, napatalon si Keegan mula sa kinatatayuan at tinakpan ang bibig nito. Then in a hushed voice, he said, “gago! Naniniguro lang naman ako! ’Di ko sinabing seryosohin mo!”
“Buff I wash sheryus—” Sumimangot si Rhysand at kinuha ang kamay niya para alisin sa bibig nito. “Seryoso ako, Keegan. Kung magkakatsansa naman pala ako sa ’yo, ba’t ’di ko papatulan?”
“Nagkamali lang ako nang akala! Sino bang nagsabi sa ’yong may pag-asa?!”
“Ikaw,” he nonchalantly replied which made Keegan blew out a sharp breath.
“Akala ko ba naka-move on ka na?!”
Lumayo si Keegan kay Rhysand noong ismiran siya nito. “Trust me, akala ko rin wala ka na sa ’kin.” Bumuntong hininga ito. “Tara na sa labas, marami akong itatanong sa ’yo, Keegan.”
For some reason, Keegan felt nervous. Pakiramdam niya, ang itatanong ni Rhysand e iyong ginawa niya bago niya ito iwanan sa pamamahay nito. Kaso, anong isasagot ni Keegan? Na curious siya? That wouldn’t suffice and it would only make Rhysand more curious.
Damn it.
Siya nga mismo, hindi alam ang sagot sa posible nitong itanong e. Pareho silang ma-haunt ng nangyari, bahala na.
Keegan was beyond speechless when Rhysand cleared out their misunderstanding. Gusto niyang tumanggi na sumama rito dahil parang wala na siyang mukhang ihaharap sa binata pero ang makitang parang naghihintay ito sa kanya, ang labas e wala siyang ibang mapagpipilian. So, he turned to his client who was still in the middle of their training, approached them, and told them that he’d be back in a minute.
Pero hindi biro na ang bigat ng bawat yabag niya habang sinusundan niya si Rhysand.
“Importante ba ’yang itatanong mo?” marahan niyang tanong habang pababa sila sa hagdan.
Humimig si Rhysand. “Dapat matagal ko nang itatanong sa ’yo kaso maraming nangyari nitong nakaraang linggo. The school year ended, tapos magkasama kami ni Sir Aaron sa seminar. I just got back today. Madaling araw.”
Keegan suddenly felt embarrassed. If it was a pending question, then there’s no doubt that it would be about the kiss that he stole from Rhysand.
“Tungkol ba sa ano ’to…” he trailed off. Keegan hesitated to continue what he was saying even when Rhysand took a glance over him, but he just couldn’t bring himself to speak. “Ayokong banggitin pero iisa naman siguro ang nasa isip natin, ano?”
“I’m not sure.” Rhysand shrugged. “Magkaiba tayo ng utak. Baka ang ideya mo, iba sa iniisip ko.”
Pero wala namang ibang direksyon ang pag-uusapan nila bukod sa kalokohan niya!
Dapat sasabihin ni Keegan iyon kay Rhysand kaso nakababa na sila. At noong makita niyang maraming tao sa labas ng gym, naitikom niya ang bibig. Mayroon kasing apartment sa tapat lang ng building nila at mukhang mayroong mga bisita roon, marami ring kotse na nakaparke.
If Keegan shouts at Rhysand right now, people would hear him and everyone would know that he kissed him.
Hindi iyon kaso kung iisipin dahil hindi naman sila kilala ng mga ito pero baka matandaan kasi ang mga mukha nila. That would be troublesome. Lalo na kung kakalat pa sa iba na mayroon siyang boyfriend— not that it matters but it would be uncomfortable!
“Doon tayo,” pagsusuhestiyon niya noong mapansin na hindi rin kumportable si Rhysand na maraming tao ngayon.
Rhysand turned to him and saw him pointing at the highway, but his face crooked. Base sa ekspresyon nito, parang hindi nito inqaprubahan ang suhestiyon niya. Well, the place wouldn’t be quiet but no one would really eavesdrop on them since noises would bury the words they’d say.
“Mas maraming makakarinig sa ’tin do’n. ’Di mo man lang ba naisip ’yon?” pag-uusisa ni Rhysand.
He knew it. Umikot tuloy ang mga mata niya. “At sa’n mo naman gustong mag-usap? E wala ngang lugar dito. ’Tsaka maingay naman sa kalsada, matatabunan din ng ingay ’yang pag-uusapan nating dalawa.”
“Fuck, right.”
Nanlaki ang mga mata ni Keegan dahil ito yata ang unang beses na narinig niyang magmura si Rhysand. Dala ba iyon ng pagod? Pagkairita? Hindi niya ma-pinpoint pero naaliw siya dahil bago iyon sa pandinig.
Keegan always saw Rhysand as a proper man. Hindi santo pero mabait at mayroong disiplina. Sure, he has his loose ends here and there but he’s more decent than him.
“Hindi tayo pwedeng lumayo,” kalauna’y dagdag ni Rhysand bago ito marahas na bumuntong hininga. “Well then, let’s make it quick.”
Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso’t lalakad na sana siya tungo sa highway nang magtanong bigla si Rhysand. His voice was almost hushed but it was enough for him to hear. Natigilan tuloy siya’t awtomatikong namula ang mga pisngi dahil nabigla.
“Why did you kiss me that day? Anong tinignan mo?” was what Rhysand straight up asked.
Napalingon siya sa binata at napasinghap noong makitang seryoso siya nitong pinagmamasdan.
Just… what the hell?! Nagsuhestiyon siya ng lugar tapos dito rin pala sila mag-uusap na dalawa?! E pa’no kung mayroong makarinig sa kanila?! Hindi naman sobrang layo noong kumpol ng mga tao malapit sa kinaroroonan nila!
“Gago ka ba?!” napapantastikuhan niyang tanong dito. “Pa’no kung may makarinig sa ’tin?!”
“Walang makakarinig sa ’tin kung hindi ka sisigaw. Just lower down your voice, Kee. ’Di naman siguro matatapakan ang pride mo sa gano’n,” anito.
Keegan looked at him incredulously before he glanced at the side of the highway. ’Tsaka niya narinig na tumikhim si Rhysand.
“Mas maraming makakarinig sa ’tin kung doon tayo,” he slowly spoke. “So, yeah. Wouldn’t it be better if we just keep our voices low?”
Nagngitngit ang mga ngipin niya’t mataman niyang pinagmasdan si Rhysand. Of course, it was natural for Keegan to hesitate and answer! Maraming tao. Baka kung ano pa ang isipin sa kanilang dalawa. But then again, bro talks were frequent, right? They could just assume that they’re having a normal conversation and it wouldn’t be about kissing.
“Hindi ko alam,” kalauna’y sagot niya.
Tulad nang sinabi ni Keegan sa sarili kanina, kahit siya mismo, walang makapang sagot kung bakit niya hinalikan si Rhysand. ‘May tinignan’ was merely just an excuse. Gusto niya lang halikan si Rhysand noon kasi nakuryoso siya kung bakit iyon ang gustung-gusto niyang ipagawa rito noong lasinh siya.
“Tinignan ko lang,” he nonchalantly added when he saw the dissatisfaction on Rhysand’s face. “Iniisip ko kung ba’t gusto kong magpahalik sa ’yo no’ng lasing ako. Ano bang meron sa ’yo?”
Ipinagkrus niya ang mga braso’t nag-iwas siya nang tingin dito. Hindi siya kuntento sa sariling sagot. Surely, there was a deeper reason, right? Sigurado si Keegan na may iba siyang habol noong halikan niya si Rhysand. Hindi niya lang alam kung ano.
Kumunot ang noo ni Rhysand. “Nalaman mo naman ba kung ba’t mo ako gustong halikan noong lasing ka?”
“Hindi. At kung nalaman ko man, neknek mo namang sasabihin ko.” Keegan pressed his lips together and lowered his head. “Ang weird, ano? Gusto lang kitang halikan. Gusto ko ring magpahalik sa ’yo. Shuta, may problema yata ako sa utak.”
“Is it because I’m a good kisser?”
Napanganga si Keegan at muntik matumba mula sa kinatatayuan kahit wala namang dahilan. Then, he turned to Rhysand. Gusto niyang angalan iyang si Rhysand kaso naalala niyang nanghina ang tuhod niya noong hinalikan siya ng binata. And he did like how aggressive Rhysand was when he kissed him. Iba iyong intensidad, iba sa pakiramdam, parang mas naramdaman niya kaysa sa noong si Ivy ang nahalikan niya.
There was something different about kissing a man and Keegan wasn’t sure if it was normal. Ayaw din naman niyang magpahalik kung kani-kanino para kumpirmahin dahil hindi naman siya malandi. Mayro’n siyang delikadesa!
“Ma—Malay ko!” nauutal niyang sagot. Mahina pa siyang napamura dahil punyeta, bakit siya mauutal e si Rhysand lang naman ’yang kaharap niya?!
There was mischief in Rhysand’s eyes which made Keegan even more ashamed. Sa susunod, hindi na niya papansinin ang isang ’to. Sa una, mabait at matinong kausap pero pumikit lang sandali, daig pa ang demonyo sa sobrang random at kapilyuhan.
Keegan huffed. “Bakit mo tinatanong? Do’n mo kukunin boost niyang pride mo?”
“What? Of course not.” Nagkibit balikat si Rhysand. “Gusto ko lang malaman kung magaling ba ’kong humalik.”
Malay niya, punyeta! Kung alam man niya, hindi niya sasabihin dito dahil baka iba ang balik sa kanya. Medyo safe siya dahil matao rito sa baba pero mas mainam nang makasigurong walang gagawin si Rhysand sa kanya na kahit ano.
“Wala ka na bang itatanong?” napipikon niyang tanong dahil baka mamaya, ma-counter na naman siya nang kung ano.
Rhysand stared at him for a good moment before he sighed. “Gusto ko lang malaman kung ba’t mo ako hinalikan, that’s all.”
“Nasagot ko na.”
“And if I court you…” Rhysand trailed off which made him still. Nag-tense rin yata ang buong katawan ni Keegan. “May pag-asa na ba ako? We’re not friends anymore, Kee. ’Tsaka mas madalas mo ako mahahalikan nang hindi nakaw kung—”
“Tu— Tumahimik ka!” Fuck this guy! Alam niyang maluwang ang turnilyo ni Rhysand pero hindi niya inasahang ganito ito ka-agresibo ngayon!
Ang init ng mukha niya. Anak shuta, hindi siya mapakali. Gusto na naman niyang takbuhan si Rhysand.
Pinakyuhan niya ito. “Magkukunwari akong walang narinig! Gago ka talaga!”
Gusto talagang magtago ni Keegan dahil hiyang-hiya siya sa pinagsasasabi nito. Kaso, hindi naman pwede. Saan niya itatago ang sarili? King ina, para naming magkakasya siya kung lulusot siya sa mga suluk-sulok. Tatalikuran na lang niya si Rhysand tapos magkukunwari siyang walang narinig na kahit ano. Kahit mukhang seryoso ito na manliligaw at parang interesado nga si Keegan—ayaw naman niyang magpadala dahil lang parang nakikiliti siya. Ang dating, para siyang kulang sa atensyon e.
“Pero Kee, would you mind? Kung manliligaw nga ako,” Rhysand suddenly said just as when he was about to go back upstairs.
Keegan paused from his tracks and stilled. “Gusto mong… mag-ano?” Marahan niyang nilingon si Rhysand at nang makita itong seryosong nakatingin sa kanya, nag-panic siya mentally.
“Gusto kong manligaw,” ulit nito.
Keegan’s brain… short-circuited. Napalunok siya’t napatitig dito. Natatakot din siya dahil baka mayroong ibang nakarinig kay Rhysand pero noong wala naman siyang nakitang reaksyon mula sa mga bisita roon sa kalapit na apartment, nakahinga siya nang maluwang.
Then, he took his time to process things.
Manliligaw daw si Rhysand—manliligaw! Pucha, bakit parang nae-excite siya sa ideya na madalas na naman silang magkikita at susuyuin na naman siya? Ganoon ba siya kakulang sa atensyon na gusting-gusto niya ngayong bumigay dito?
Napailing siya. “Kung ako sa ’yo, ’wag na. Magsasayang ka lang nang oras sa ’kin, baka umasa ka lang na mayroon kang tsansa kahit wala.”
“But does that matter?” Rhysand replied. “Wala akong pakialam kung ’di mo ako sagutin, Keegan. Gusto kong manligaw dahil marami akong natanto noong halikan mo ’ko.”
“Pwede mo bang itigil iyong pagpapaalala mo sa ’kin na hinalikan kita?!”
“Hindi. Marami kasi akong natanto no’ng halikan mo ako.”
“Rhysand!”
“Wala akong pakialam kung ayaw mo ’kong sagutin o umabot nang ilang taon ’yong panliligaw ko, Kee. I don’t mind if I get hurt— basta … Hanggang sa mawala ’tong nararamdaman ko sa ’yo dahil ang sabi sa ’kin, huhupa rin ’to kung imbes na pigilan at itago ko e ipapahayag ko sa ’yo.” Rhysand averted his gaze somewhere else and scratched the back of his head. “Hanggang sa araw na ’di na kita mahal… I hope that you’d let me show you how much I love you.”
Mahinang napamura si Keegan.
He must be selfish. Noong sabihin ni Rhysand na hayaan itong ipahayag ang nararamdaman sa kanya hanggang sa wala na, naisip niyang ayaw niyang bigla-bigla na lang maka-move on ang binata sa kanya. If he could, he would let Rhysand drown in those emotions until the day they both die—Keegan couldn’t imagine him stopping from loving him.
It’s selfish, but he wanted Rhysand to keep those feelings for him until the end of time.
Samantalang wala naman siyang balak na mag-reciprocate. Pucha. Nalilito siya.
Kabanata 19
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 19
IT WOULD be a lie if Keegan wouldn’t say that he hoped that Rhysand would stop courting him immediately. Ang buong akala niya, mabilis itong mabo-bored sa kanya dahil hindi naman siya nagri-reciprocate at hindi nagpapakita ng motibo o hindi kaya e pinagti-trip-an lang siya nito at dahil wala siyang reaksyon, titigil din. He really thought that if he allowed Rhysand to do whatever he wanted, things would pass and he would forget what he told Keegan.
But no.
Rhysand was more than serious about wooing him. Ang akala ni Keegan na panandalian lang at mawawala rin kinabukasan, umabot pa ng dalawang linggo. Kaya noong mag-sink in sa kanya ang sinseridad ni Rhysand, natulala na lang siya’t halos hindi na naman makausap nang maayos.
He was selfish about wanting Rhysand even though he doesn’t want to take him as his boyfriend but… This was beyond his expectations.
“Ano na namang ginagawa mo rito?” pag-uusisa ni Keegan kay Rhysand.
Halos kabababa niya lamang noon galing sa gym na pinagtatrabahuan niya noong makita niya ang binata sa may parking lot ang binata. Nakatayo ito noon sa sasakyan nito at noong oras na makita niya ito, bigla niyang naalala iyong mga panahong sila pa tapos sinusundo rin siya nito pero ang problema kasi noon, hindi niya ito pinapansin at kaya niyang huwag ituon ang atensyon dito. Ngayon, halos hindi na niya maialis ang mga mata sa binata e.
Rhysand fixed his posture and approached him. Napaatras pa si Keegan dahil hindi niya inaasahang lalapit ito sa kanya. Delikado, ang gwapo pa naman ni Rhysand sa uniporme nito. Hindi niya napapansin noon pero ngayon, talagang napupukaw ni Rhysand ang atensyon niya. Something changed - he knew, but he just couldn’t help it but to try and ignore what’s impossible to neglect.
Akala ba niya e bakasyon na nito? E bakit ito nakasuot ng uniporme? Bwisit, agaw-pansin.
“Hello,” nakangiting bati nito sa kanya. Halos maningkit ang mga mata ni Rhysand nang batiin siya, halatang siyang-siya itong makita siya, e. “Nag-overtime ka ba?”
Imbes na pansinin ang tanong ni Rhysand, inismiran niya ito. Pero oo, nag-overtime siya kasi nakita niya ang binata bago siya mag-out. Siya nag-volunteer dahil ayaw sana niya itong makasalamuha at natutulala siya pero wala, e. Hinintay talaga siya nito.
Natigilan siya noong mapansing nakangisi siya nitong pinagmamasdan.
Keegan frowned. “Ang saya mong tignan, a. May kalokohan ka bang gagawin?”
Ibinuka ni Rhysand ang bibig para sana magsalita noong biglang bumaba na rin ang mga kasama ni Keegan sa trabaho at noong makita sila nito, mabilis itong umatras at lumayo nang kaunti sa kanya. Keegan, on the other hand, greeted his co-workers. Ang hirap magkunwaring walang nangyayari sa kanila ni Rhysand lalo na kung dama niyang malagkit ang tinging ibinabato nito sa kanya. Awit talaga.
Noong magpaalam na ang mga kasama ni Keegan, hinawakan niya sa palapulsuhan si Rhysand at hinila niya ito pabalik sa kotse. Mas mainam na roon na sila mag-usap at baka kung sino pa ang makarinig sa kanilang dalawa ng binata.
“Buksan mo ’yang sasakyan mo,” utos niya kay Rhysand.
Rhysand hummed. “Nakabukas naman na ’yan. ’Di naman ako umalis diyan e.”
Pinasadahan niya nang mabilis na tingin ang sasakyan ni Rhysand at pinihit iyong bukasan ng sasakyan nito. Noong makumpirma niyang totoo nga ang sinasabi ni Rhysand, nauna siyang pumasok sa passenger’s seat. Siya na ang nagkusa, at kita naman mula sa mga mata ng binata na gulat na gulat ito dahil noong sila pa, halos lumuhod at magmakaawa si Rhysand na pumasok lang siya sa loob ng kotse nito.
Just how fast the night changes.
“Ano pang hinihintay-hintay mo riyan? Pumasok ka na! Mag-usap tayong dalawa!” aniya.
Rhysand stared at him, he was in awe. “Pwede ba kitang dalhin sa gusto kong lugar?”
“Ano?” Sumimangot siya. “P’re, wala ako rito para maki-joyride! Mag-uusap tayong dalawa!”
“Yes, I know. Kaso ayoko namang sa gilid lang ng highway tayo mag-usap, Keegan. Pwede bang sa paborito kong lugar?”
“H’wag mo ’kong paraan-paraanan, ’di ka makakaisa ng date sa ’kin.”
Rhysand sighed and his shoulders fell. “It’s not that bad to hope. Baka lang naman gusto mong mag-usap sa mas tahimik na lugar e hindi naman sa iisang lugar lang nakakumpol ang mga tao sa lugar na ’yon.”
Pero ayaw nga kasing kasama ni Keegan si Rhysand! Tang ina. Kung hindi lang talaga niya nakitang mukhang dismayado ito dahil natanggihan na naman at kung hindi lang siya naawa sa binata, full force niya itong hihindian. Kaso nakonsensya siya. Hindi niya obligasyong maawa dahil si Rhysand ang may gusto sa kanya pero ayaw niyang maging masama rito.
And knowing this kid for years… He’s not someone who’d push his buttons to see where his limits would be.
“Sa’n?” kalauna’y tanong niya noong sumakay na rin si Rhysand sa driver’s seat at inaayos nito ang seatbelt.
Rhysand took a glance at him, his forehead was furrowed. Siguro hindi nito naintindihan ang tinanong niya. “Anong sa’n?” He spaced out for merely a few second before Keegan could answer him when finally, things clicked. “Pumayag ka na?”
Pumayag na ba siya?
Hindi naman talaga dapat. Kaso naawa si Keegan kay Rhysand. Seeing him down made him guilty. ’Tsaka minsan lang naman niya ito pagbigyan. Madalas, si Rhysand ang nag-a-adjust sa kanya. Hindi rin naman matatapakan ang pride niya kung pupunta sila sa paboritong lugar ng binata.
Kuryoso rin naman siya.
What has he been up to lately? What change happened in his preferences? His favorite places, food, things, color. Although Keegan doesn’t want to openly admit it or accept it, he was curious about Rhysand. He was curious about how this man would make him feel if, and only if, he’d give him a chance.
’Tsaka sabi ni Rhysand, titigil din ito kapag napagod na’t nagsawa. Kaya niyang tiisin ang panliligaw nito hanggang sa dumating ang oras na hindi na sa kanya umiikot ang mundo nito.
“Nakita ko lang punto mo,” aniya sa maliit na boses. Sinubukan niyang itago ang hiya pero sa panliliit niya, parang hindi epektibo ang ginawa. “Pangit nga naman kung dito tayo mag-usap. Baka may makarinig pa sa ’ting dalawa. Pa’no kung bigla akong sumigaw sa inis? Edi olats.”
Rhysand busied himself with starting the car as he hummed. “Kaya nga kita inaaya na sa ibang lugar tayo magkita. I’d prefer a quiet place but I’m actually asking you to accompany me to an open space.”
“Marami bang tao ro’n?”
“Weekdays ngayon. Pakiramdam ko ’di naman sobrang marami ang tao ngayon. Plus, it’s still early. Kung gusto mo, sa malapit na kainan na rin tayo kumain.”
“Sa’n ba tayo pupunta?”
“Somewhere,” Rhysand replied, mischief was evident in his voice and Keegan sweatdropped the moment he recognized that very tone.
Hindi niya gusto ang nararamdaman. Pakiramdam niya, dapat siyang mag-ingat kay Rhysand. “Hindi mo naman siguro ako papatayin, ano-”
Bago pa man niya maakusahan si Rhysand na mamamatay tao, nahigit ang hininga niya noong biglang lumapit sa kanya ang binata at ang tanging nagawa lamang ni Keegan noon ay magmura sa isipan. Ewan niya kung ilang beses. Namura na niya yata lahat ng santo at santa lalo na noong maamoy niya ang shampoo ni Rhysand. Halos mahilo siya hindi dahil sa bagsik ng pabango nito kung hindi dahil sa epekto ng pagkakalapit sa kanya ng binata.
Shit. Was he still breathing? Parang tumigil siyang huminga noong maamoy niya ang shampoo ni Rhysand dahil kung anu-ano ang naiisip niya.
But just as when he was about to scowl at Rhysand, he noticed that he had the seatbelt on his hand. Napaatras lalo si Keegan sa backrest ng kinauupuan hanggang sa umayos si Rhysand at mai-seatbelt siya. Still, the action didn’t register to him since he was face to face with this guy.
Punyeta. Hindi niya maintindihan!
Dalawang beses nang naglapit ang mukha nila ni Rhysand at nagkahalikan na silang dalawa, bakit para siyang timang na tameme’t halos hindi makapagsalita ngayon?! Gusto niyang singhalan si Rhysand, hindi niya lang magawa dahil napapangunahan siya ng tensyon. Nalunok na rin yata niya ang dila niya.
But just as Rhysand was about to speak to him, even he was taken aback when he realized how close they were. Dapat lang!
Hindi lang dapat si Keegan ang parang mauulol na hindi malaman ang gagawin, ano! Kung aabante ba siya’t hahalik o aatras at lalayo! Tang ina, madalas siyang maganito ni Rhysand. Bwisit.
“You didn’t do your seatbelt,” anito noong oras na mabawi ang tindig. He also stepped back and sat properly. “Tinted ang kotse ko pero kung mai-spot-an tayo ng pulis, mahirap na.”
Keegan scowled at him. “Wow, boss. Pasensya na pero pwede mo naman akong sabihan imbes na bigla-bigla kang lalapit, ‘di ba?”
Rhysand didn’t reply. Nag-iwas nang tingin sa kanya ang binata bago nito inabala ang sarili sa pagkalikot ng kotse. Keegan didn’t notice that Rhysand already started the engine and the only reason why he leaned forward was because he noticed Keegan’s seatbelt.
Still, his point stands.
Pakiramdam niya, nadaya siya. O baka naman nawala lang din sa isip ni Rhysand ang ganoon. Baka by pure habit na lang kaya ito lumapit sa kanya? Pero sino naman ang paggagawan ni Rhysand nang ganoon?
Napasimangot siya.
Puta. Bakit sumasama ang loob niya sa naiisip?
“Sorry. Nakasanayan ko lang. Ganyan din kasi ang ginagawa ko sa pinsan ko,” saad ni Rhysand.
Hindi napansin ni Keegan na hindi pala naalis ang mga mata niya kay Rhysand. Baka dahil din sa talim nang tingin niya rito kaya naisip nitong binubutasan na niya ang ulo nito.
“It’s Trixie,” Rhysand said slowly. For some reason, he also sounded careful. “You’ve met her before.”
Sumagitsit siya’t hindi sumagot. Sa halip, humarap na lamang sa bintana at inabala ang sarili kakatingin sa labas. Napansin pa nga niyang bumalik sa gym ang mga kasama niya sa trabaho kahit out na ng mga ito.
Oo, kilala niya si Trixie. Iyon iyong pinsan ni Rhysand na hiniraman nito ng mukha para kay Ryleigh, e. Isang beses lang din niya ito nakita sa personal pero masasabi niyang maganda talaga. Ayun lang, may boyfriend pala. Sa bagay, ayaw din naman ni Keegan sa dalaga. Hindi sa ano pero tinolerate kasi ng isang iyon ang pangka-catfish ni Rhysand.
Eh. Mukhang mabait naman. Kaso naiirita si Keegan.
Noong magsawa siya sa labas dahil magkaka-motion sickness yata siya sa paggalaw ng mga nakikita niya, tumingin si Keegan sa rear mirror ng sasakyan. ‘Tsaka niya napansin ang sandamakmak na plastik sa likod ng kotse ni Rhysand, dahilan para kumunot ang noo niya.
“Namalengke ka?” Huwag nito sabihing planado ang pag-alis nilang dalawa ngayon? May balak talaga itong magtanong sa kanya?
Rhysand took a glance at him and noticed that he was looking at the rear mirror. Then, he shook his head slowly. “Ah. Those are from work. Gusto mo bang kumain kaya ka nagtanong? May pagkain ako sa bag.”
Ngumiwi siya’t hindi makapaniwalang napatitig sa mga gamit ni Rhysand sa backseat. Ganoon ba talaga karami ang trabahong inuuwi ng mga guro? Pero hindi ba’t bakasyon nito? Edi dapat wala na itong ginagawa gaano. Dapat sa bahay na lang ito at nagchi-chill, ‘di ba?!
“Akala ko ba bakasyon mo? E ba’t sandamakmak ‘yang iuuwi mo?” Keegan tried to sound casual, para hindi maisip ni Rhysand na may pakialam siya rito.
Pero ang interes ni Keegan e kasiyahan para kay Rhysand. Hindi niya iniisip na may pag-asa siya, natutuwa lang siya na hindi tulad noon e hindi na malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi na rin siya parang walang buhay na estatwa para rito.
If only Rhysand knew that all it would take was their two years separation, even though it hurts, he would have let him go right away.
“May mga dokumento pa ‘kong kailangang ilakad para sa mga bata? Ah, but that doesn’t mean that I’m not tired. Mas maluwang lang nang kaunti ang schedule ko pero iyon pa rin ang ginagawa ko,” paliwanag nito.
Tumaas ang isang kilay ni Keegan. Dokumento? “Ano namang klaseng dokumento?”
“Good moral, form-137 and stuff. Iyong cards ng mga bata, iri-release rin namin ngayong linggo. May mga fina-follow up pa ‘ko sa ibang guro dahil hindi pa nila naibibigay iyong grades sa akin.”
“Ikaw din ang nagko-compute noon?”
“Bukod sa subject ko, iyong general average ng mga estudyante ko. It’s a hassle, isn’t it?”
Imbes na sumagot ay humimig lamang siya. Nag-iwas din siya nang tingin mula sa mga gamit ni Rhysand. There were a lot of stuff. Ayaw niyang mag-exaggerate pero parang ang hirap palang maging guro. Mabuti na lamang at hindi niya pinangarap.
Kung sa bagay, naririnig naman na niyang takaw oras ang pagtuturo. Bukod sa mag-aaral nang mag-aaral si Rhysand buong buhay nito para magparanggo’t tumaas ang sahod, marami pang sakripisyo ang gagawin nito para maging eligible na maging Principal o maging doctor of education. But of course, Keegan wasn’t sure if Rhysand would like to be one. Mapera ito ‘tsaka bata pa naman, marami pang maaabot sa buhay.
Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa sa SM. Kumunot pa ang noo ni Keegan dahil dito sila tumigil at mag-a-assume na sana siyang ito ang ‘paboritong lugar’ ni Rhysand hanggang sa pangunqhan siya ng binata at sabihang bibili lang daw sila ng miryenda rito.
“Ba’t mo naman naisip na paboriting lugar ko ‘to?” nakangiwing tanong sa kanya ni Rhysand habang naglilibot sila para humanap ng makakain.
Nanatili ang mga mata ni Keegan sa mga inuming nasa shelf bago siya mahinang humimig. “Mukha kang pagkain mula no’ng bata tayo, e.”
Pagkatapos sumagot, pinasadahan nang mabilis na tingin ni Keegan ang mga pagkaing nasa pushcart. Si Rhysand halos ang namili. Sabi pa nito, kung ayaw niya ng chichirya, dumaan din daw sila sa mga drive thru. Para namang magtatagal talaga silang dalawa sa lugar na pagdadalhan nito sa kanya.
Pagabi na’t ang pangit naman ng picnic nila kung madilim na ang kalangitan? Pwe.
Thirty minutes in and when they’ve settled with their snacks and drinks (na noong sinabi niyang alak ay tinabi agad ni Rhysand ‘tsaka ito kumuha ng C2), pumunta na sila sa cashier. Mabilis lamang na nagbayad sina Rhysand at Keegan dahil wala gaano tao sa pinuntahan nilang counter.
The problem occurred when Keegan offered to share some pocket money for their food and Rhysand stubbornly refused. Muntik pa silang magtalo pero naiabot na pala ni Rhysand ang pera sa cashier habang distracted siyang makipag-away dito. King ina. Naisahan siya ro’n.
“Rhysand!” halos habol hininga niyang tawag dito dahil mabilis na nakalayo sa kanya ang binata nang makuha ang mga pinamili nila. “Punyeta, iiwanan kita e!”
Keegan gritted his teeth when Rhysand almost immediately stopped from walking fast after he threatened him. Titigil din pala, pinahirapan pa siya. Hinabol niya ang binata at nang makalapit dito ay umamba siya ng batok, kaso mabilis na nakaiwas si Rhysand sa kanya.
“Violence would never be the answer,” Rhysand casually said which made him even more pissed.
Pinakyuhan niya ito. “King ina mo. Talagang pinapainit mo ulo ko.”
AFTER EVERYTHING that was told and done, bandang ala singko nang hapon e nakarating din sila sa loob ng Clark. It wasn’t that special. Ilang beses nang nakapunta si Keegan sa CDC dahil madalas siya ritong hilain ni Lyle, ngayon e kasama na ang barkada ni Gian. The place was a good spot if someone would like to have their picnic here and cozy dates, there were even times that the nearby citizens would choose this place to jog and do biking.
Eh. So-so. Maganda’t malawak ang gitna ng CDC pero ang paboritong parte ni Keegan sa kapaligiran e iyong highway sa tabi at iyong naglalakihang puno. Kung magpapa-picture kasi siya roon, lalabas siyang parang nasa ibang bansa.
He paused when he noticed that Rhysand was working with their snacks and drinks. Nilapag iyon ng binata sa malapit na metal na audience seat. It was nice that they found one vacant. Halos kasi ng nadaanan nilang dalawa e puro puno ng tao at mga magjowang naglalandian.
Tahimik na pinanood ni Keegan si Rhysand hanggang sa maupo ito at kumuha ng malaking chichirya mula sa paper bag. Mabilis iyong nabuksan ng binata at nang makitang nakamasid pala siya rito, inalok muna siya ng pagkain bago ito kumuha ng sariling malalantakan.
Nagpameywang siya. “Ang chill mo riyan. Ano bang akala mo? ‘Di tayo mag-uusap nang masinsinan?”
“Para sa’n ba kung kakabahan ako e alam ko na rin naman kung anong sasabihin mo sa ‘kin?” Rhysand replied after he swallowed what was in his mouth.
Keegan’s eyebrow twitched. “Nagsayang na tayo nang halos dalawang oras kaya didiretsuhin na kita. Kailan ka titigil manligaw?”
Imbes na magulat si Rhysand, nawala lamang ang ekspresyon sa mukha nito at sa walang buhay na mga mata ng binata, alam ni Keegan na sawa na agad itong makinig sa kanya bagamat ngayon lang niya brining up ang usapang panliligaw.
It didn’t take long when Rhysand heaved a sigh. “Akala ko ba malinaw kong nasabi sa ‘yo na titigil lang ako ‘pag wala na akong nararamdaman para sa ‘yo?”
Ipinagkrus niya ang mga braso. “Dalawang linggo na at ‘di ko sinasagot ‘yang mga aksyon mo. ‘Di ka pa rin ba kumbinsidong mag-move on?”
“Alam mong ‘di gano’n kadali iyon, ‘di ba? That doesn’t work that way. Wala rin naman akong pakialam kung ‘di mo i-reciprocate ang nararamdaman ko para sa ‘yo.”
“Pero dapat, warning na iyon sa ‘yo na wala kang mapapala sa akin.”
Ngumiwi si Rhysand at tumango. “Wala rin naman akong inaasahan sa ‘yo, Keegan.”
Natahimik siya nang walang emosyong sabihin iyon ni Rhysand. Nagpatuloy lang ito sa pagkain, mataman din siyang pinagmasdan dahil iyon ang ginagawa niya rito. Keegan’s jaw dropped and he was speechless. Kahit na ilang beses siyang kumapa ng masasabi, wala talagang lumalabas sa isipan niya.
Rhysand’s indifference made Keegan feel odd.
Hindi nagtagal, umismid ang binata. “Kee, wala akong pakialam kung ‘di mo ako sagutin o ilang beses mo akong ipagtulakan at i-reject. I just wanted to express my feelings to you. ‘Di ba sinabi ko na sa ‘yo?”
“Sinabi mo…” he trailed off. Keegan almost sounded like he only choked those words, honestly. “Naaano lang naman ako dahil baka sa kaloob-looban mo, umaasa ka sa ‘kin.”
“Hindi ba ‘yon normal?” Rhysand tilted his head. “Oo, sinabi kong wala akong inaasahan pero sa kaloob-looban ko, iniisip kong baka magbago isip mo. But well, I don’t want to force you to love me.”
That wasn’t what Keegan wanted to hear from Rhysand and it infuriates him even more.
“Putang ina, bobo,” bulong ni Keegan pero siniguro niya na maririnig ni Rhysand ang sinabi niya.
He inwardly smiled when Rhysand frowned. Alam niyang hindi siya nito maintindihan pero siya rin naman, hindi niya rin gets ang sarili. Ayaw niyang nililigawan nito tapos may gusto siyang marinig? Kung hindi siya tanga at red flag sa lagay na ‘to, ewan na lang niya.
Ano bang gusto niya? Magpalambing? Putang ina, hindi naman tatalab kay Rhysand!
Rhysand exhaled sharply. “Ako pa ang bobo samantalang malinaw ko naman na ‘tong sinabi sa ‘yo bago ako nagsimulang man—”
Before Rhysand could even finish what he was about to say, Keegan strode towards him and erased the distance that separated them. Then, he bent and leaned forward to Rhysand, only to get the man taken aback. It wouldn’t be an exaggeration if Keegan would say that Rhysand’s eyes widened to the point it could bawl out from its sockets, he even stopped breathing, and if Keegan wasn’t distracted by the noises around them; he’d probably hear Rhysand’s heartbeat.
“Nagpapalambing ako, bobo ka ba?” aniya.
Hindi pa iyan nagsi-sink in sa kanya kaya malakas ang loob niya. Ewan niya saan niya rin nahugot ‘yan pero iba talaga dapat ang sasabihin at gagawin ni Keegan.
Baka patayin ni Keegan ang sarili kapag rumehistro na sa kanya ang pinagsasasabi niya.
Kabanata 20
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 20
HALOS isang minuto pa lang nakayuko si Keegan kay Rhysand pero parang ang tagal na niyang malapit sa mukha nito. He took his time to memorize Rhysand’s face and even cursed him for having no acnes, as well as for looking youthful, when he realized that the man in front of him finally calmed down too. Kumakain na rin nang maayos si Rhysand at parang wala lang dito ang sinabi niya kahit harap-harapan na niyang sinabi na gusto niyang magpalambing.
Ewan niya. Sino ba ang walang sweet bone sa kanilang dalawa? Manliligaw ba talaga ito?
’Tsaka ano nga iyong sinabi niya rito? Magpalambing, ano?
Keegan stilled when he realized that he had a slip of the tongue. Hindi pagpapalambing ang gusto niyang sabihin kay Rhysand! Gusto niya itong tumigil na sa panliligaw sa kanya dahil wala rin naman itong mapapala kung magpapatuloy! Sayang lang ang oras nito at wala ring silbi ang pakikinig nito kay Aaron.
Perhaps for Rhysand, he was doing this to have no regrets.
But for Keegan, he was just wasting his time.
Pero magpalambing? Sa lahat ng pwede niyang sabihin, iyon pa?!
When Keegan realized that he fucked up, Keegan almost jumped as he distanced himself from Rhysand. Para siyang batang halos tumalon-talon paatras kaya lihim na ngumiti ang binata, pero dahil malayo na siya’t hindi na niya malinaw na nakikita ang mukha ni Rhysand, wala siyang kaalam-alam sa ekspresyong ginawa nito.
“Pu-Pucha! Mali ’yong sinabi ko! ’Di ako nagpapalambing sa ’yo!” singhal niya kay Rhysand kahit na wala rin naman itong naging reaksyon sa sinabi niya kanina.
Niyakap niya ang sarili at umaktong diring-diri sa sinabi. Anak shuta, sino ba naman kasi ang gustong magpalambing kay Rhysand?! Siya, pero masyado pang maaga para aminin iyon sa sarili.
Tapos punyeta. Hindi alam ni Keegan kung maiinis siya sa indifference ni Rhysand o sa bibig niya.
Rhysand smiled brightly, he also looked relieved which made Keegan pause. Marahan na bumagsak ang mga balikat niya’t unti-unti siyang kumalma sa sinabi nito. He had a lot of question that ran inside his head. Bakit parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Rhysand nang bawiin niya ang sinabi?
“Mabuti naman,” Rhysand said before he heaved a sigh. “Akala ko seryoso ka talaga sa sinasabi mo, Kee. Nag-alala ako sa ’yo.”
Naguguluhan niya itong pinagmasdan. “Hindi mo man lang naisip na baka nadulas ako’t iyon talaga ang gusto kong gawin?”
“Uh. Imposible?” Rhysand pressed his lips together and smiled. “Ba’t ka magpapalambing sa ’kin? Don’t you hate me?”
Hate, that was a strong word. Hindi rin naman kinamumuhian ni Keegan ang batang iyan. He just disliked what Rhysand did to him two years ago. That was all.
“Pero pa’no nga kung gano’n ang gusto ko?!” aniya.
Rhysand pressed his lips together and looked dubious. “Kung gano’n, ang gulo mo. Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko? Tumigil sa panliligaw o lambingin ka? Pa’nong lambing din ba ang gusto mo?”
Itinabi ni Rhysand ang chichirya na kinakain bago nito nilinisan ang daliri. Then, he stood from his seat while Keegan remained silent and watched him intently. Noong matapos si Rhysand sa ginagawa, lumapit ito sa kanya. Pinilit din ni Keegan na huwag umatras dahil sino ba ang isang iyan para atrasan niya? Bwisit, gulung-gulo rin siya sa sarili.
When Rhysand was finally in front of him, the male looked around the place and observed the people around them. Gabi na pero medyo matao pa rin sa lugar, hindi ispesipikong sa tabi nila pero meron pa rin. Nasa tabi-tabi lang.
“Maraming tao rito,” anito kalaunan nang ibalik nito ang paningin sa kanya.
Keegan arched a brow. “Bakit? Ano naman? Ano bang gagawin mo?”
“Lalambingin ka, ’di ba iyon ang gusto mo?”
NOONG makauwi si Keegan, tulala siya. Daig pa niya iyong nakasalubong ng multo o hindi kaya e nakasakayan niya sa putla ng mukha niya. Noon ngang kinausap siya ng mga kapitbahay dahil nanghihingi ng tulong sa kanya para ayusin iyong tubo ng mga ito, tumango-tango lang siya pero hindi siya sigurado kung anong hininging tulong ng kapitbahay niyang iyon. Basta ang wirdo niya kumilos, kaya pinauwi na rin siya noong kapitbahay at bukas na lamang daw kakausapin.
But Keegan wasn’t weary or exhausted. May mental shock lang siya.
Bobo niya, e.
Umamin siyang nagpapalambing tapos noong hinawakan ni Rhysand ang palapulsuhan niya’t hinila siya para tumabi rito, para siyang timang na natulala. Sinubukan pa siyang subuan ni Rhysand dahil unresponsive na siya, kaso noong wala talaga itong mapigang reaksyon sa kanya; tumawa ito at nag-aya nang umuwi. Pinadala rin sa kanya ang ibang chichirya na pinamili nila kaya may kakaining snacks si Keegan kapag nakabalik sa huwisyo.
And oh, Rhysand also asked for his number.
Wala naman siya sa sariling ibinigay iyong cellphone niya nang mai-save nito ang numero sa cellphone niya, ’tsaka nito tinawagan ang sarili para mai-save ang numero niya.
Gusto niyang tawagan si Lyle. Tatanungin niya dahil baka hibang na siya. Kaso kahit anong isip niya ng mga gagawin, wala talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang bumagsak sa kama’t tumitig sa kisame. Hindi niya alam gaano katagal, pero nahimasmasan na lang siya nang mapansing umilaw ang cellphone niya na noo’y nakalapag sa tabi niya, sa may unan.
Ngayon lang din niya naisip pero kung kakausapin niya si Lyle ngayon, baka mayroon siyang mapagtantong hindi dapat.
Tamad na tamad niya iyong kinuha at nang bumungad sa kanya ang pangalan ni Rhysand, mabilis siyang napatayo mula sa kama.
Ha, putang ina!
Rhysand
:
Hey, it’s me.
Nakauwi
ka
na ba?
Ihahatid
sana
kita
sa inyo
dahil
natakot
akong
tulala
ka
na lang.
Kaso
bigla kang
lumabas
ng
kotse
.
I’m worried. Text me if you’re home at one piece.
Keegan bit his lower lip as he hissed. Parang biglang uminit ang kwarto niya kaya binuksan niya muna iyong electric fan. But even when the wind touched his skin and attempted to cool him, his blood still rushed, and he felt that his blood rushed up to his cheeks.
“Tulala lang ako, ’di ako nakalimot pa’no umuwi nang maayos,” pagkausap niya sa sarili bago muling humiga para magtipa ng iri-reply kay Rhysand.
Me:
Nakauwi
ako
Gumilid siya nang higa habang pinagmamasdan ang skrin ng cellphone niya. Dahil hindi sa messenger nangyayari ang usapan nila ni Rhysand, hindi niya malaman kung na-seen na ba nito ang reply niya, o kung nag-deliver lang ba. Baka kasi busy si Rhysand, o baka masyadong dry ang reply niya kaya hindi na nito naisip na mag-reply.
His nose scrunched and he exhaled sharply. Ano naman kung hindi nagri-reply si Rhysand?
Me:
Ikaw?
Pwede namang siya na lamang ang mag-adjust at mag-text ulit kung hindi ito sasagot kaagad!
Napahilamos si Keegan ng mukha ’tsaka siya gumulong sa kama. Bobo, tanga, inutil. Anong klaseng pag-iisip iyon? Dini-deny nga ba talaga niya si Rhysand o ini-entertain? Pero hindi naman siguro masamang magtanong kung nakauwi na ba ang binata lalo na’t hinatid siya nito pauwi. Hindi hanggang sa bahay kung hindi sa SM lang (dahil malapit doon ang tinitirhan niya) pero ganoon pa rin, iniwanan niya sa parking lot ng SM si Rhysand dahil doon siya nagpababa.
Kaso, sampung minuto na yata siyang nag-aabang na mag-reply ito at na-chat na yata niya si Lyle, wala pa ring reply mula kay Rhysand. He felt frustrated because there was supposed to be something! Kaso ni hi o ho mula sa binata, wala siyang natanggap na kahit ano.
Nakakasiphayo.
Kalahating oras - nakapag-genshin na siya’t nasa kalagitnaan ng pagdo-domain tapos ’tsaka lang siya nakatanggap ng reply mula kay Rhysand! Hindi rin biro kung sasabihin niyang mabilis niyang pinause ang nilalaro para makita ang mensahe ng binata sa kanya. Anak shuta, akala niya nakalimot na ito.
Tapos bad trip pa, naghintay siya! Bwisit.
Rhysand
:
Kakauwi
ko lang
Hm? My messages won’t send.
Keegan, did you block me?
No, that was stupid, this ain’t messenger.
Keegan… Kumain
ka
na ba?
I still like you.
That was random but I was hoping that would send. It didn’t.
Sorry, Keegan. Akala ko
blinock
mo ’ko,
puro
message failed kasi error message ng text ko. Wala lang pala akong load.
Sorry.
Nagpaload
na ko.
This is
embarrasing
, it won’t happen again.
Napasinghap si Keegan dahil na-flood siya ng mga mensahe mula sa numero ni Rhysand. Akala niya, nanakaw ang cellphone nito at bilang siya ang pinakahuli nitong nai-text, pinag-trip-an siya. Tapos nabasa niya iyong huli. What the fuck? Gusto niyang matawa dahil kung umasta ang binata, parang hindi sanay na mag-text.
Napatakip si Keegan ng bibig.
Gusto niyang matawa. What? This clumsiness was kinda cute!
Keegan’s lips etched into a small smile. His amusement danced on his eyes as he snickered to himself and made fun of Rhysand in his head.
Nai-imagine niya iyong panic nito noong hindi nag-send ang mga message nito para sa kanya. Iyong tipong naisip nitong na-block niya ang number nito kaya walang naggo-go through ni isang mensahe niya. Ni hindi man lang yata naisip ni Rhysand na regular load pala ang gamit nito (ito ang ina-assume ni Keegan dahil imposibleng pagkatapos ng tatlo o apat na text, wala na agad load ang isang iyon).
Keegan could make fun of him over and over. He could talk about him, bring professional in handling technology and yet, a simple text message and lack of load made him panic.
“Putang ina,” bulong niya ‘tsaka siya humalakhak.
Dapat mabilis lang siyang tatawa. Pero biglang pumasok sa isip niya ang nabasa’t muli na naman siyang natawa… Hanggang sa tatlong minuto niya yatang tinawanan si Rhysand dahil sa katangahan nito.
Ni hindi nga alam ni Keegan kung anong iri-reply niya sa binata na hindi ito minumura sa kabobohan nito, e.
Damn. It has no business to be this funny, but it was!
Natigilan si Keegan noong mapansin niyang mayroon ulit bagong text mula kay Rhysand. Sa kabila ng sandamakmak na na-flood nito kanina, alam niyang may pumasok na bago dahil parang nadagdagan pa iyong mensahe sa thread nila. Anak shuta, mabuti may kapal pa ng mukha si Rhysand pagkatapos ng epic fail na iyon? Kung siya ang ganyan, nagtago na siya sa kuweba’t hindi na lumabas.
Saludo siya sa binata, mukhang pursigido talagang ligawan siya.
Rhysand
:
Kumain
ka
na, oras na
tayong
umuwi
.
Bumagsak ang mga balikat ni Keegan noong mabasa niya ang mensahe nito. Ang tino. Nawalan tuloy siya ng ganang asarin ang binata.
“Dapat nahiya ka pa,” pagkausap niya sa sarili, nanghihinayang sa oportunidad na mang-asar. Humikab siya’t nagtipa ng mensahe rito.
Me:
Mamaya pa ko.
Idlip
muna ako.
Kain
mabuti
.
Humimig si Keegan at binitawan ang cellphone. Sa unan niya rin iyon nilagay para maramdaman niya kung may bagong ganap man.
Habang hinihintay niyang bumigat ang talukap ng mga mata niya, ipinag-isang linya niya ang mga labi noong makitang luminaw ang ilaw ng cellphone niya. Nag-reply si Rhysand.
Sinilip niya iyon pero hindi niya ni-reply-an ang binata. Tinatamad na siya, e. Kaya napaismid na lamang siya.
Rhysand
:
Good night. I love you.
He didn’t have to tell him this. Rhysand knew that his efforts would end up in vain, anyway.
But that last bit did make Keegan smile and fuck that.
Hindi alam ni Keegan kung gaano katagal siyang nakatulog pero nagising na lamang siyang mayroong kumakatok nang malakas sa pinto niya. If the person outside could bang and wreck his front door, they probably would, and Keegan would have to deal not only with the repairs but also with the suspicious person.
Naiinis na kinamot ni Keegan ang ulo. Bumabawi muna siya, pilit na bumabalik sa huwisyo ‘tsaka siya kumuha ng kahit anong mahahablot panghampas sa putang inang nang-istorbo ng tulog niya’t gustong mag-akyat bahay sa kanya.
What he grabbed was a metal bar. Nakita lang ni Keegan iyan noong naglilinis siya ng bahay at itinago na para pang-self defense.
Ano naman kasing mananakaw nito sa bahay niya? Wala! Wala siyang pera!
Patayo na si Keegan mula sa kama niya’t naghahanda na kung paanong lalapitan ang taong nasa labas hanggang sa makarinig siya ng pamilyar na boses.
“Keegan! Buksan mo ‘tong pinto!” It was Renzo and the realization made him let go of the metal bar he held.
Itinago niya iyon ‘tsaka niya hinablot ang cellphone bago siya lumapit sa pinto para pagbuksan si Renzo. He took a quick glance on his phone and saw several messages from Rhysand—but he forced himself to focus on the time, of course! ‘Tsaka niya napagtantong mag-a-alas nuebe pa lamang ng gabi.
Noong nakauwi siya, ang alam niya e malapit na noong mag-alas otso. Anak shuta, ibig sabihin hindi man lang siya nakatulog nang matagal at nakaepal na kaagad si Renzo. Kaya pala masakit ang ulo niya’t parang winawarak.
Once Keegan arrived at the front door and opened it to welcome Renzo, he was greeted with a sharp glare and a furrowed forehead. Parang nagngingitngit pa ang mga ngipin ng lalaki, mukhang gigil na gigil sa kanya.
Really, over the years, Renzo’s personality changed—this man used to be kind and level-headed but look at how the tables have turned. Parang mas kalmado pa siya kaysa rito e.
“Kanina pa kita tinatawag, ba’t ‘di ka sumasagot? Naliligo ka ba?” tanong ni Renzo.
Hindi kaagad sumagot si Keegan at sa halip, matamang pinagmasdan si Renzo. Wala pa siya sa sarili kaya may random thought sa isip niya na baka clone itong Renzo na kaharap niya. Tapos noong nagbaba siya nang tingin, ‘tsaka niya nakitang may dala-dala palang plastik ng pagkain si Renzo.
Napangiwi siya. Wala na siyang gana kumain dahil naparami ang kain niya noong magkasama sila ni Rhysand. Hindi healthy dahil puro chichirya pero nandoon ang punto!
Nagpakawala si Keegan ng malalim na buntong hininga. “Natutulog ako kaya ‘di kita narinig. Ba’t mo ba sinisira pinto ko, Kuya Renz? Ikaw ba magpapaayos ‘pag nakita mong ayos lang ako? Naistorbo mo pa ‘yong mga kapitbahay e gabi na. Pwede mo naman akong tawagan sa cellphone.”
Renzo paused and when Keegan looked back at him, it looked like he was suddenly hit with a realization. His face was suddenly drained of color and he looked away. He did appear guilty as he reached for the back of his head and based on he cleared his throat.
“Pasensya na. Nag-panic kasi ako kaya ‘di ko iyon naisip. ‘Kala ko may nangyari sa ‘yo,” nahihiyang anito.
“Natutulog lang ako. ‘Tsaka sinong maglalakas-loob pumasok sa bahay ko sa laki ng katawan ko?” mayabang niyang saad pero natigilan din siya noong maalala niya si Rhysand.
Rhysand’s body was—as odd as it may sound—bigger than his and Keegan always wondered why. Noong unang beses niya yatang nakita si Rhysand noong bumalik ito sa Pampanga, iniisip niya yata kung ilan ang abs nito.
Pero ilan nga ba? Puta. Siya dapat ang mas malaki ang body frame dahil mula noong mga bata pa sila, siya ang madalas magtrabaho ‘tsaka sporty rin siya pero ngayong matatanda na sila, nagulat siya sa evolution ni Rhysand. Oo, hindi ito pokemon at dapat e glow up ang tawag niya sa pagbabago ng binata pero mas bagay kasing evolution e.
Keegan sweatdropped and looked away, his cheeks suddenly felt like it was burning, so he tried to hide what kind of expression and covered the lower half of his face. Syempre, hindi lingid sa kaalaman niya ang pagngiwi ni Renzo at ang pagkagulo sa mga mata nito. Halos mapangiwi nga ito sa kakatitig sa kanya e, baka nawirduhan na.
“Malaki nga katawan mo, ba’t ka umaastang nahihiya?” kalauna’y tanong ni Renzo.
“Anong nahihiya?” Keegan forced himself to scoff to appear confident. “Hindi ako nahihiya, a! May naalala lang ako kaya ako natigilan sandali.”
Ganito lang siguro siya umasta dahil hindi pa niya nari-reply-an si Rhysand, nadi-distract siya. Pero hindi rin naman dapat, hindi ba? Ah, ewan na ni Keegan. Parang masisiraan muna yata siya ng ulo.
“Pumasok ka muna,” sabi niya kay Renzo noong naalala niyang kanina pa ito nasa labas at baka naghihintay itong papasukin niya. “Kahit h’wag mo na alisin ‘yang sapatos mo. Magwawalis din naman ako mamaya.”
The first thing that Renzo did as soon as he got inside Keegan’s apartment was to sit on the couch. Bumili si Keegan nitong minsan dahil natanto niyang kasya naman at gusto niya ng kumportableng mauupuan sa bahay niya. May kamahalan nga lang pero kinaya naman ng ipon niya.
“Ba’t ka pala napabisita?” tanong niya noong iabot sa kanya ni Renzo ang mga pinamili nitong pagkain.
It turned out that those were cooked foods. Hindi niya alam kung saang karinderya ito nakabili ng pagkain samantalang gabi na. Hanep talaga. Paiinitin muna niya ito.
Before Keegan could turn his back on Renzo, he paused when he heard the man’s answer.
“Ngayon lang ako nagkaoras bisitahin ka ‘tsaka tanungin kung anong nangyari sa inyo ni Rhysand. Siya ang nag-uwi sa ‘yo no’ng lasing ka, ‘di ba? Nag-aalala akong baka may ginawang masama sa ‘yo ang isang iyon. ‘Di mo pa naman alam kung anong tumatakbo sa isip no’n,” anito.
Hindi nagbibiro si Keegan kung sasabihin niyang dahan-dahan niyang nilingon si Renzo at tila ba mukhang natakot din naman ang isa dahil maging ang paggalaw ng mga mata niya, nahuli sa ulo. Oo, ginagaya niya iyong mga nasa horror movie pero dahil iyon sa hind niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol kay Rhysand.
Iyon? May gagawin sa kanya?
E siya nga iyong may ginagawa kay Rhysand!
“Ano namang gagawin sa ‘kin ng batang ‘yon?”
Isang beses lang naman siya hinalikan ni Rhysand e siya, noong lasing siya e kung anu-ano pa pala ang pinanggagagawa niya roon tapos bago siya umalis sa bahay nito, nagnakaw pa siya ng halik.
Rhysand even said sorry for kissing him—he was infuriated but he couldn’t stop him. Maayos ding nanliligaw si Rhysand ngayon. He never really asked for anything. It was Keegan who demanded vaguely.
Kumunot ang noo ni Renzo. Halata sa mga mata nito na hindi ito natuwa noong subtle niyang ipagtanggol si Rhysand at hindi rin lingid sa kaalaman ni Keegan na may bad blood si Renzo sa batang iyon pero—ang unreasonable na nahusgahan si Rhysand. Hindi pa makatotohanan ang bintang ni Renzo rito.
“Hindi ba sa ‘yo mismo nanggaling na hinalikan ka ng batang ‘yon?” balik tanong ni Renzo sa kanya.
Keegan immediately shrugged. “Kailan ko sinabi ‘yan?”
“Noong lasing ka.”
That made sense. May hinala si Keegan na baka kahibangan niya rin kung bakit nalaman ni Renzo na nahalikan siya ni Rhysand pero nakakakilabot pala malaman na tama ang iniisip niya.
Nag-iwas siya nang tingin kay Renzo. “Ako ‘yong humalik kay Rhysand no’n. ‘Di ko rin ba nasabi sa ‘yo?”
Natameme si Renzo noong isiwalat niyang siya talaga ang humalik kay Rhysand. Well, there was some truth behind it. Noong gabi ng kasal ng kliyente nila, si Rhysand lamang ang nagpalalim noong halik pero siya talaga ang aksidenteng nag-trigger noon. He didn’t mind because Rhysand was surprisingly a good kisser but Keegan did feel uncomfortable that he felt something from that.
Nakakatawang panoorin si Renzo na mapakurap-kurap na lang at ewan ni Keegan, nakaramdam siya ng satisfaction sa sinabi kaya tinalikuran niya ito at iniwanan para hayaan itong iproseso ang detalyeng sinabi niya.
Pero bago siya makalayo rito, dinagdagan niya ang sinabi.
“Oo nga pala Kuya Renzo, tiwala ka sa ‘kin… Walang ginagawa si Rhysand sa ‘kin. Alam kong ayaw mo sa kanya pero ‘wag mong dungisan ‘yong pangalan niya na wala naman palang katuturan ‘yong sasabihin mo. Ayun lang. Diyan ka lang, aasikasuhin ko na ‘tong pinamili mo,” aniya ‘tsaka tuluyang iniwanan si Renzo sa sala niya.
Dahil umalis si Keegan, hindi niya alam kung anong naging reaksyon ni Renzo sa sinabi niya. Hindi niya alam kung paanong marahang ikinuyom ni Renzo ang mga kamao’t nagngitngit ang mga ngipin nito kasabay ng pagkalugmok nito sa mga iniisip.
Renzo didn’t like the development between Keegan and Rhysand.
Kabanata 21
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 21
ㅤㅤㅤㅤKEEGAN knew that something was strange. Nasasanay na siya kay Rhysand na magmintis lang itong sunduin siya nang isang araw dahil busy ito sa trabaho, parang gusto niyang mag-alburoto, mag-tantrums, mag-astang bata nang malambing siya nito. Ang irasyonal kaya tuwing magkakaroon siya ng ganitong isipin, pupunta siya ng banyo para maghilamos.
Para mahimasmasan, para maalis iyong walang kwenta niyang iniisip. Ayaw niya iyong bersyon ng sarili niyang ganoon, e. Kailan pa ba siya naging clingy? Wala sa karakter niya iyon pero tuwing magkasama sila ni Rhysand, parang ang dami niyang naa-unlock tungkol sa sarili, mga bagay na ngayon lang niya nalalaman, at gustong itago habang buhay dahil nakakahiya.
Keegan realized that he didn’t know himself when he’s with Rhysand, and he always wondered what made him so different when he’s around that guy.
“Nakita ko pala ulit sa labas ‘yong kotse ng bestfriend mo sa labas, Kee. Ang tagal naming ‘di nakikita ang isang iyon, a. Bati na kayo?”
Keegan paused from taking his things from his locker. Nilingon niya ang kasamahan sa trabaho at pagak na tinawanan.
‘
Bestfriend
’ – kailan pa niya naging bestfriend si Rhysand samantalang nang jowain siya noong batang iyon, nasira rin ang pagkakaibigan nila? It was ruined for a moment and right now, it seemed to be transforming. Ayaw pa ni Keegan na i-welcome iyong pagbabago.
But it would be inevitable one day, he thought. Nanliligaw si Rhysand. Siya mismo, tanggap na iyon pero malalaman din ng publiko ang namamagitan sa kanila ng binata sa susunod. He wondered if he’d be ever ready for that.
Keegan maintained a smile on his face before he tilted his head. “Naging busy lang ang isang ‘yon ‘tsaka nito-nito lang kami nakapag-usap nang maayos ulit kaya nandiyan.”
“Mabuti naman. ‘Di ba madalas iyon sa gym natin nitong minsan? Nakita ni manager e, ‘di niya lang namukhaan agad,” anito pa.
Keegan averted his gaze to look at the remaining things he left in his locker, then he exhaled sharply. “Napupuno raw kasi iyong gym na madalas niyang puntahan sa Angeles kaya nagpupunta siya rito.”
“Sa Angeles pa siya naggy-gym? Taga-roon ba siya?”
“Hindi, malapit lang siya rito.”
“O ba’t doon pa siya? Kamo, magandang lumipat na lang dito para magkita rin kayo madalas.”
Hindi nakasagot si Keegan at sa halip ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito. His face paled but since he looked at the other side of their locker room, his co-worker couldn’t see the face he made. Naitikom niya ang mga labi at halos nguyain niya ang loob ng mga pisngi. Alam ni Keegan na hindi dapat siya kabahan pero malaman ang sinabi ng kasama, parang mayroong ipinapahiwatig.
God, Keegan couldn’t tell them that the reason Rhysand couldn’t use the gym here that often was because he told him not to. But if their relationship went better the first time they dated and if Keegan didn’t build any walls around him during the time that Rhysand first wooed him, he would most likely be a member of this gym.
“Oo nga pala, single ba ‘yon?” pag-iiba ng usapan ng kasama.
Keegan slightly turned his head to them, but his eyes never really followed the direction of his face. His gaze remained at the inside of his own locker. And he sweatdropped. “Oo, single pa ‘yong batang ‘yon. Bakit?”
“Wala, gwapo e. Pumapatol ba sa lalaki ‘yon? Baka naman.”
Hm? Tumaas ang mga kilay ni Keegan at saka pa lang niya ibinalik ang mga mata sa kasamahang mukhang nag-aabang ng sagot niya. Something within him boiled. He didn’t like the question, he felt offended and agitated, even though he didn’t have to. Parang na-overlook siya sa tanong samantalang wala namang nakakaalam na nanliligaw si Rhysand bukod sa kanya, sa binata, at kay Renzo.
Goddamn, though. Keegan forgot that some of his co-workers weren’t straight, too.
“Ano nga, Keegan? Single ba?” There was a hint of hope in his co-workers voice.
Marahang umiling-iling si Keegan. His lips formed a thin line but after he inhaled, he forced his lips to curl upwards. “Mayroon na ‘yong nililigawan.”
ㅤㅤㅤㅤNOONG makababa si Keegan mula sa building nila’t sinalubong siya ni Rhysand noong makarating siya sa may parking-an, kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang binatang nakasandal sa kotse nito at abalang nagsi-cellphone. Mukhang naglalaro ng mobile game si Rhysand dahil nakatagilid ang pagkakahawak nito sa cellphone. Siguro nabagot itong maghintay sa kanya, mas maaga kasi itong lumabas sa trabaho kumpara sa kanya.
Dahil hindi napansin ni Rhysand ang pagdating niya, mabagal ang lakad na lumapit siya rito. Ini-intake niya kung anong itsura ng binata nang sa ganoo’y mas maintindihan kung bakit nagtatanong iyong katrabaho niya kung single ba si Rhysand.
Hindi sa hindi niya alam na gwapo ang binata.
Alam niya! Mula naman noong mga bata pa sila, cute na talaga ito kahit na chubby pero ngayon e aakalain ng ibang tao na modelo ang binata dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Rhysand perfectly depicted the ‘tall, dark, and handsome’ category. Nakapaloob na rin doon na mabait din ito at mahaba ang pasensya sa kanya. Isa lang naman ang ayaw ni Keegan dito pero matagal na kasi nang magsinungaling ito sa kanya tungkol sa katauhan nito.
What Keegan had in front of him was the real thing.
Also, shouldn’t it be illegal to be that hot? Rhysand’s furrowed forehead and his gritted teeth caused by his focus on the game he was playing made him extremely attractive. Mukhang pikon na ito pero iba ang translation sa mga mata ni Keegan. What? He couldn’t remember being down bad.
Noong iilang hakbang na lamang ang layo niya mula kay Rhysand, ‘tsaka lamang siya nito napansin. Ibinaba ni Rhysand ang cellphone at tumingin sa direksyon niya tapos noong makita siya nito, awtomatikong lumiwanag ang mukha nito.
Hindi literal pero noong matagpuan siya ni Rhysand, halos abot-tenga ang ngiting kumurba sa mga labi nito. That boyish grin made Keegan pause for a bit and he felt his cheeks beginning to burn. Mapapamura na lang talaga kahit sino kung babatiin ng ganito— o baka siya lang.
“Hi. Kanina ka pa ba? Naglalaro ako kaya ‘di kita napansin e,” saad nito ‘tsaka iniangat ang cellphone para ipakita sa kanya.
Pinaglaruan din iyon ng binata sandali bago nito ibinalik sa bulsa ang gadget habang si Keegan naman, tahimik lang na pinanood si Rhysand hanggang sa maisuksok na nito sa bulsa ang cellphone. A random thought of stealing that phone of his to check what he played and inspect the entire thing came to his mind, but Keegan stopped himself from doing so. Ang wirdo ng iniisip niya.
Keegan closed his eyes and heaved an exasperated sigh. He realized that he was not in the mood since his co-worker asked about Rhysand.
Selos? Napaisip si Keegan. Hindi naman. Hindi nanikip ang dibdib niya nang magtanong ang katrabaho, mas lalong hindi siya nainis. He just felt uncomfortable and uneasy, that was all. Na-offend lang din siya na parang nonexistent siya samantalang siya palagi ang ipinupunta ni Rhysand dito pero maaalala rin naman niyang sikreto ang panliligaw ng binata.
Natigilan siya nang mayroong lumapat sa noo niya. Napamulagat si Keegan at napaatras, ‘tsaka niya napagtantong palad ni Rhysand ang nakalapat sa noo niya kanina, animo’y tinitignan ang temperatura niya.
“Bakit ka nambibigla?!” Keegan immediately held his chest. The realization of Rhysand’s warmth on his skin made his heart skip, only to begin beating erratically. “Pa’no kung nasuntok kita?!”
Napapatanga siyang pinagmasdan ni Rhysand bago nito wala sa sariling binawi ang kamay na noo’y nakatigil na lang sa ere nang umatras siya. Rhysand stared at his palm for a while before the man clenched it. Tapos ay ibinalik nito ang mga mata sa kanya para ngitian siya.
“Tinignan ko lang naman ‘yong temperature mo. You weren’t answering me when I was speaking with you. Akala ko mayroon kang sakit dahil bigla ka na lang pumikit ta’s nangunot noo mo,” paliwanag nito.
Napasinghap si Keegan noong makitang strainer ang itsura ni Rhysand. Hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pag-atras pero mukhang tinanggap na lang din nito na iyon ang pinakanormal na reaksyong mapipiga ng binata mula sa kanya. And suddenly, Keegan felt bad. Wala na siyang defensive walls sa paligid ni Rhysand dahil unti-unti iyong natunaw, talagang nabigla lang siya nang maramdaman ang palad nito sa noo niya.
Keegan was about to say something about it until Rhysand’s expression changed and he looked like he remembered something. Pinalagatik pa nito ang mga daliri habang siya naman e nagtatakang pinanood ang binata.
“May surpresa ako sa ‘yo,” anito habang nakangisi. Naalala niya tuloy ang itsura nito noong bata pa sila at excited si Rhysand sa isang bagay.
Cute – it was Keegan’s initial thought and it was genuine. Nakalimutan na niyang ipaliwanag ang sarili noong lumayo siya rito pero naisip niyang hindi iyon importante. Instead, he let Rhysand gesture the passenger’s seat on him before the man quickly walked around the car to go to the driver’s seat.
Rhysand’s excitement was contagious and though Keegan wasn’t one to get giddy over something, he suddenly felt this spark of interest in his chest.
Naputol ang pag-iisip niya nang marinig niyang tawagin siya ni Rhysand. He looked like a puppy wagging his tail when he did, and Keegan grinned at the image his imagination spat. Hindi nagtagal ay binuksan niya ang pinto ng kotse nito at natigilan nang makitang mayroong isang pirasong rosas ang nakapatong sa upuan.
Tumaas ang isang kilay niya’t yumuko siya para tignan si Rhysand sandali bago niya kinuha iyong rosas nang makaupo siya nang maayos.
“Wow.” Keegan didn’t even bother to sound impressed but he laughed soon after. “Tang ina, akala ko pa naman ang garbo ng surpresa mo. Gago ka, Rhysand.”
Natigilan si Rhysand sa pagsisimula ng makina ng sasakyan at nagtatakang tumitig sa kanya. Noong nakita nito ang rosas na hawak niya, mahina rin itong natawa. “Ah. Nakita ko sa palengke na meron silang stock kaya bumili ako niyan para sa ‘yo… It’s kinda sad that it’ll wither later on but don’t you think that it’s still worth a shot?”
“Hindi ko alam. Siguro.” Hindi naman kasi mahilig si Keegan sa rosas at sanay siyang babae lang ang binibigyan ng bulaklak.
At the same time, Keegan knew that their time was evolving and receiving a rose, even though he was a man, would be nothing out of the ordinary.
‘Sa
bagay
, ‘di naman problemang makatanggap ng rosas mula kay Rhysand, ’ pagkausap niya sa sarili. Romantiko rin ang dating ng ganito. Ayun lang, hindi na bago sa kanya.
Dinala ni Keegan ang bulaklak malapit sa ilong para amuyin iyon pero hindi niya alam kung may sipon lang ba siya o ano pero wala siyang nalanghap na kahit ano. Sinungaling talaga iyong mga nasa palabas na nagsasabing mabango ang rosas, e.
Never mind. Magda-drive na si Rhysand kaya magsi-seatbelt na siya.
“Right, the surprise!” Rhysand suddenly blurted out which made Keegan turn to him. “Nasa likod ng sasakyan, Kee. Ayokong ilagay sa passenger’s seat dahil diyan ka uupo. Iyang rosas lang ang iniwanan ko riyan.”
“Ha?” Kung hindi ito iyong surpresa… Edi ano?
Umayos nang upo si Keegan para silipin ang nasa likod ng sasakyan noong matagpuan niya ang plastik ng Jollibee roon. Mayroon pang isang bucket ng fried chicken at halos lumuwa ang mga mata niya kaiisip kung magkano ang ginastos ni Rhysand ngayong araw na ito!
“Hoy, tanga! Magkano ginastos mo?!” Putang ina, parang fiesta naman iyang binili ni Rhysand samantalang mukhang silang dalawa lang naman ang kakain! “Rhysand!”
Natatawa-tawang umiling ang binata. “It’s fine! Nag-ipon ako nang mabili ko ‘yan.”
Pero ang dami niyang tanong. Una sa lahat, bakit pagkain?
“Bumili ka ba niyan kasi…?” Keegan lowered his head and communicated to Rhysand like that.
Tumango naman ito. “I’m hungry, I wanted to eat with you. Tara sa bahay?”
“Bahay ni? Sa ‘yo?” With all that stuff going on? Keegan was sure as fuck that he’d have a heavy belly and won’t be able to move an inch just because he was full! So, he scoffed. “Hindi sa bahay mo! Sa apartment ko, kamo.”
Baka may saltik si Rhysand – iyon ang pinakaunang ideyang pumasok sa isip niya noong halos pasali na sila sa highway tapos bigla nitong tinapakan iyong brakes. Mabuti na lang at mahinang uga lang iyong nangyari sa sasakyan, walang natapong pagkain sa likuran, pero namamanghang tinignan ni Keegan si Rhysand dahil bigla-bigla itong tumitigil e hindi naman dapat!
“Napa’no ka ba?” takang-taka niyang tanong dito nang lumingon ito sa kanya habang namimilog ang mga mata.
Rhysand looked like he was in the middle of processing something that was out of this world. Ano bang asta iyan?
“Sa apartment mo?” naninigurong balik ng binata sa kanya.
Keegan averted his gaze away from Rhysand. He was unsure why Rhysand made it sound so malicious when he only invited him over because Keegan had no plans of moving after he had his stomach full… But yeah. Now that he did, it kind of sounded weird.
Kumunot ang noo niya at humigop siya nang malalim na hininga bago niya ibinalik ang tingin kay Rhysand. Keegan shot him with daggers. “H’wag mong lagyan ng malisya ‘yong pag-aaya ko sa ‘yo, tanga! Baka bigla kong pagsisihan na niyaya kita sa apartment ko, e!”
“I wasn’t! I was just surprised!” dipensa naman ni Rhysand pero hinampas niya ang braso nito.
“Walang mangyayari, gago. Mag-drive ka na! Baka bigla ka pang businaan no’ng mga jeepney drivers sa kalsada! Harang-harang ka kasi, bwisit!”
ㅤㅤㅤㅤKEEGAN wanted to laugh his ass of while he watched Rhysand enter his house. He looked so modest and humble, shy that he had just entered his crush’s house— if Keegan could be considered as Rhysand’s crush. Maybe he was, Rhysand wouldn’t court him if he wasn’t.
The bottom line was… Rhysand looked cute as he looked around Keegan’s place and familiarized himself with the shitty interior design that he made up the moment he moved in! Kung ikukumpara sa bahay ni Rhysand, walang-wala iyong kanya. Hindi makalat pero hindi rin na-organize nang maayos.
Ang lalagyan niya ng sapatos, nasa gilid at natatakpan ng pinto t’wing nakabukas iyon. Katabi noon e kabinet na kinalalagyan ng kung anu-anong binibili niya. Mayroong figurine roon ng Bleach na napanalunan niya sa raffle tapos iba pang gamit tulad ng headset niya, remote, tapos may maliit na plastik na halaman na binigay sa kanya ni Nanay Belinda. Tapos iyong maliit na telebisyon ang katabi tapos sa kabilang banda ng sala na iyong computer na nabili niya, nasa gilid din ng PC desk iyong sala ‘tsaka iyong lamesa para kainan.
May sofa naman siya’t mauupuan sa bahay niya. Mayroon pa ngang foot rest diyan na maliit. Maliit lang ang lugar ni Keegan pero kasya lahat ng pangangailangan niya. Pangdalawang tao rin talaga itong apartment niya kaya kung gusto niyang mag-uwi o magkaroon ng kahati sa babayaran na renta, pwede naman siyang mag-aya ng kakilala.
He just didn’t want to because living solo was the best.
“Tama na kakatingin mo sa sala ko!” sita niya kay Rhysand noong pulutin nito ang Bleach na figurine niya. “Tara rito, hoy! Tulungan mo akong ayusin iyang hapagkainan diyan.”
Saktong sinabi niya iyon, inilapag niya ang mga pinamiling pagkain ni Rhysand sa lamesa. Now that he thought about it, when Rhysand bought these food, Keegan was reminded of his younger version. Mula noon hanggang ngayon, mukhang isa talaga ang pagkain sa drive nito.
Mabilis na itinabi ni Rhysand ang figurine at sumunod sa kanya. “Ikaw lang ba mag-isa rito, Kee?”
“Obvious ba? May nakikita ka bang iba?”
“No, I just wanted to make sure…” Rhysand trailed off before his attention was snatched by the refrigerator that Keegan had. It was a small one, compared to what Rhysand had, but his eyes glinted in excitement after he saw it. “Nabalitaan kong nag-a-apartment din si Renzo kaya naisip kong baka magkasama kayo sa iisang bubong.”
“Hindi, ‘no. Tinanong niya ‘ko kung pwede bang hati na lang kami sa renta kung dito siya makikitira pero tumanggi ako. Gusto kong solo manirahan.” Liban na lang kung bigla siyang magkaroon ng jowa.
Minuwestrahan ni Keegan si Rhysand na sumunod sa kanya dahil kukuha sila ng mga plato at baso, ‘tsaka malamig na tubig kung sakaling magsawa sila sa softdrink, pero bago pa man sila makapag-proceed sa gagawin e nabigla siya noong marinig niyang bumulong si Rhysand.
“But what if I want to live with you too?” It was just a simple question, Rhysand asked him in a small voice, but it was enough for him to hear.
Nilingon niya si Rhysand at napaisip kung anong isasagot. Inisyal niyang naisip na sabihing ayaw niya rin itong kasama pero parang habang tumatagal e lumalaki iyong posibilidad na maging sila. Parang lang naman.
Keegan pressed his lips when he found Rhysand staring at him but in the midst of the silence that enveloped their atmosphere, Keegan was surprised when he heard Rhysand’s stomach grumble.
Parehong bumaba ang tingin nila sa parteng iyon ng katawan ng binata. Namamangha siya habang si Rhysand naman e mukhang nahiya nang mag-alburoto ang tiyan nito kung kailang kakain na sila, tumigil lang sandali dahil nagtanong ito nang napakawirdo.
Hindi nagtagal, pareho silang natawa ng binata. At least, his stomach destroyed whatever tension and deafening silence filled the room earlier! Nakatulong iyon para ibalik ang light lang nilang atmospera.
Hinawakan ni Rhysand ang tiyan. “Sorry, nagugutom na nga pala ako. Pwede na ba tayong mag-ayos ng makakain?”
Keegan snickered and nodded. “Kung gutom ka na pala, magsabi ka. Ang tagal pa tuloy nating tumigil dahil diyan sa tanong mo.”
“Seryoso akong nagtatanong no’n.” Rhysand let out a helpless sigh before he shook his head. “But I guess my stomach did get the best of me.”
Bumalik sila sa katatawa hanggang sa marinig din nila na kumulo ang tiyan ni Keegan. Rhysand was even defensive and told him that it wasn’t his stomach, until he realized that it was Keegan’s.
Hindi nagtagal, hinawakan ni Rhysand ang magkabilang balikat niya na siyang nakapagpatigil sa kanya. Malapit na rin sana siyang magreklamo noong bigla siyang paikutin ng binata at mahinang itulak.
“Lead the way,” Rhysand whispered on his ear.
Napanganga siya’t nilingon ang binata. “King ina, pwede ka namang hindi bumulong sa tenga ko!”
Kabanata 22
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 22
ㅤㅤㅤㅤMAG-A-ALAS nuebe na nang gabi noong magpaalam kay Keegan si Rhysand na uuwi. Pareho nilang hindi namalayan ang oras hanggang sa marinig nilang malakas na pala ang buhos ng ulan sa labas ng apartment ni Keegan. Bago sila mahimasmasan, napatitig pa sila sa isa’t isa bago sila nagmamadaling mag-ayos ng mga pinagkainan nila.
Sa loob ng halos apat na oras, nag-usap sila kung anong nangyari sa kanilang dalawa noong matapos sila mag-break. There were details that Rhysand obviously cut out from his story, but Keegan didn’t want to pry. Sa sobrang libang niya sa pagkukwento ni Rhysand, halos nag-uunahan silang magtapon ng basura kanina’t maghugas ng pinggan.
“Uuwi ka pa ba talaga?”
Iyan ang pinakaunang tanong ni Keegan kay Rhysand noong matapos siyang ilagay ang mga pinggan at baso sa tamang kalalagyanan. Pagbalik niya kasi sa sala, natagpuan niya si Rhysand na nakalabas ang kalahati ng katawan at naka-stretch ang isang braso. Palagay ni Keegan ay tinitignan nito kung kakayanin ba nitong sumuong sa lakas ng ulan.
Mayroon itong sasakyan pero nabanggit ni Keegan sa binata na bumabaha sa kanto ng apartment niya’t hindi masayang experience iyon.
Saktong narinig ni Rhysand ang tanong niya, sumandal si Keegan sa pader at ipinagkrus ang mga braso. Nilingon siya ng binata tapos noong makita siya nitong inoobserbahan ito, tipid itong ngumiti bago pumanhik pabalik sa loob ng apartment niya.
Rhysand shook off his wet arm outside before he wiped it at the hem of his uniform. “Kailangan kong umuwi, mayroon pa ‘kong pasok bukas at iba ang kulay ng uniporme namin sa araw na ‘yon.”
Ipinilig ni Keegan ang ulo’t tinaasan ng isang kilay ang binata. “Ano naman? Malakas iyong buhos ng ulan, o. Pwede ka namang maaga umuwi kung gusto mo.”
“I think I can manage. Nandiyan lang sa labas iyong kotse ko. Lalabasin ko lang naman. ‘Di rin ako maii-stranded sa kalsada. Mas malaki pa rin ang baha sa Manila, Kee. Kinaya ko namang suungin ‘yon.”
Keegan looked unimpressed, though. Muli nilang tinitigan ni Rhysand ang isa’t isa ngunit sa blangko ng ekspresyon niya sa mukha, si Rhysand din ang sumuko. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at tila ba kinakabahang tumawa.
Hindi sa hindi naniniwala si Keegan kay Rhysand. Nag-aalala lang naman siya.
Pero totoong hindi ganoon kataas ang baha sa kanto nila kung ikukumpara sa mga naranasan ni Rhysand sa Manila. Alam ni Keegan dahil madalas na nasa balita ang tungkol sa baha roon. Hanggang tuhod? Ha! Problema sa drainage na hindi naaayos hanggang ngayon.
“Pwede ba ‘kong humiram ng payong?” kalauna’y tanong ni Rhysand. Iyon din ang bumasag sa nakabibinging katahimikan sa kapaligiran.
Mas lalong nangunot ang noo ni Keegan. Talagang tutuloy pa e nagkukusa na nga siya. ‘Tsaka mayroon siyang extrang kumot at unan diyan. Kasya rin naman yata kay Rhysand ang mga damit niya dahil hindi naglalayo ang mga katawan nila.
“Kung wala kang payong, dito ka na lang matulog,” aniya.
Rhysand blinked before he ended up chuckling. “Meron akong payong sa kotse. Naiwan ko lang do’n kasi mukhang ‘di uulan kanina. I’ll sleep here… If you want, just not now.”
“Gago ampupu. Pinapatulog lang kita ngayon dito dahil ‘pag nadisgrasya ka sa labas, sagot ko dahil ako iyong huli mong kasama, ano. May payong diyan sa gilid.”
Keegan pursed his lips and pointed at a certain direction through his mouth.
“Sigurado akong ‘di ka makokontak kung maaksidente ako, Keegan.” Lumingon ito sa direksyong itinuro niya gamit ang labi. “Saan dito?”
“Diyan! ‘Wag kang bulag, may makikita kang payong diyan.”
Bumuntong hininga si Keegan noong makita ni Rhysand ang payong at kinuha iyon. Then, the man turned to him and they exchanged glances. Needn’t to say, Rhysand told him that he’d be off. Pasimpleng ngumuso si Keegan ‘tsaka niya niliko ang mga labi sa kaliwang bahagi ng mukha.
“Ibabalik mo ‘yan, a? Wala akong gagamitin kinabukasan kung a-arborin mo ‘yan!” paalala niya rito noong palabas na si Rhysand sa apartment niya.
Malalaki ang mga hakbang na ginawa niya nang sa ganoo’y mabilis siyang makalapit kay Rhysand na noo’y nasa labas na’t nakatayo sa gitna ng ulan gamit ang payong niya. Bad trip lang na mayroong tumatalsik sa kanya na tubig pero napansin iyon ng binata kaya ito mabilis na lumayo.
“Ibabalik ko, sandali lang ako,” anito.
And true to Rhysand’s words, kinuha lamang ng binata ang sariling payong mula sa kotse nito pero bumalik din ito maya-maya para iabot sa kanya ang hiniram na gamit. Keegan’s face slightly turned crooked. Hindi niya magawang makumportable sa ideyang aalis na si Rhysand, kaso ang hirap din nitong pigilan.
Kanina habang nag-uusap sila, ang daming napagtanto ni Keegan.
He missed Rhysand and he missed the old ‘them’. Kaso ang hirap bumalik sa nakaraan lalo na kung kailanma’y hindi na siya makikita ni Rhysand na kaibigan.
Rhysand fell for him despite just doing the bare minimum and if Keegan wanted to keep this guy in his life, that just meant that he should take him in as a lover.
Kaso ayaw ni Keegan. He liked Rhysand and was irrationally possessive, he didn’t get why was he like this, but he also knew that his feelings wasn’t similar to Rhysand’s. Gusto niya maging rasyonal, pagkakaibigan lang ang hinahanap niya.
Habang inaabot ni Rhysand sa kanya ang payong, napatitig siya sa kagamitan bago niya iyon kinuha mula kay Rhysand. Nasa kailaliman pa rin siya ng mga iniisip, nandoon pa rin iyong tanong na ‘paano kung pwedeng bumalik sa dati?’ kahit na mayroon ding boses na kumukontra sa kanya.
Napansin niyang ngumuso si Rhysand kaya kumunot ang noo niya. “Anong nginunguso-nguso mo riyan? ‘Wag mo sabihin sa ‘king gusto mong magpahalik?”
Rhysand’s pout immediately turned into a smile as he chuckled. “Nagtataka lang ako kung ba’t ka nakatitig sa ‘kin nang ganyan pero ngayong nabanggit mo ‘yan, pwede ba ‘kong magpahalik?”
“Hindi! Umalis ka na!”
ㅤㅤㅤㅤILANG araw ding inisip ni Keegan ang tungkol sa gusto niyang pagbalik sa dati kasama si Rhysand, iyong relasyon nilang dalawa noon na matalik na magkaibigan, kaso mabilis din siyang nasampal ng katotohanan na suntok sa buwan ang gusto niya.
Rhysand loved him more than he knew. Nararamdaman niya iyon, kaya mabuti na rin sigurong hindi niya naitanong dito kung ayos lang ba kung gusto niyang bumalik sa dati. ‘Tsaka alam naman ni Keegan ang sagot, imposible . Noong mahulog sa kanya si Rhysand at nang sinubukan nitong ipilit ang sarili sa kanya, dapat alam na ni Keegan na malabong mangyari na maging magkaibigan ulit silang dalawa.
Dalawa lang talaga ang mapagpipilian ni Keegan – ang maging nobyo ni Rhysand o ang malayo rito. Hindi niya alam kung kaya ba niyang malayo ulit kay Rhysand samantalang noong bata-bata pa sila, gustung-gusto niyang nasa tabi niya ang isang iyon lalo na’t noong wala siyang makapitan, si Rhysand lang ang kakampi niya.
“Kumusta pala ang lovelife mo?” biglang tanong ni Lyle na nakapagpahila sa kanya sa huwisyo.
Natigilan si Keegan sa pag-iisip nang marinig ang boses ng kaibigan. Hinanap ng mga mata niya ang kinaroroonan ni Lyle hanggang sa matagpuan niya itong nakaupo sa tapat niya’t nakangisi nang malapad. Lyle didn’t look mischievous but entirely curious. Napabuga tuloy ng marahas na buntong hininga si Keegan.
Food court, SM. Iyan ang lokasyon ni Keegan ngayon dahil dito siya pinaghintay ni Lyle. Magkikita kasi silang dalawa lalo na’t halos isang buwan na naman silang hindi nagkakitaan ng mukha dahil nasa ibang bansa ito noong nakaraan, ‘tsaka mayroon daw itong pasalubong sa kanya.
“Kanina ka pa ba nandiyan?” bagot niyang tanong dito.
Humimig si Lyle at umayos nang upo. “Five minutes ago. Kaso sobrang busy mo mag-isip nang kung anu-ano kaya ‘di mo na naman napansin pagdating ko. Ba’t ka ba madalas lutang nitong nakaraan?”
Keegan’s nose scrunched. Ipinatong niya ang mga braso sa lamesa bago ipinahinga ang ulo sa kaliwang braso. “Wala, may iniisip lang ako.”
“Mukha kang constipated. Problema ba ‘yan sa pera? Akala ko ba, tinaasan iyong sahod mo sa gym kasi matagal ka na ro’n?”
“Hindi pera.” Nag-iwas ng tingin si Keegan kasabay ng pagngingitngit ng mga ngipin niya. “Tao.”
“Mayroon ka na namang nakaaway?”
“Wala! Ba’t naman ako makikipag-away? Tapos na ‘ko sa phase na ‘yon.”
Ipinilig ni Lyle ang ulo’t naguguluhan siyang pinagmasdan. “Kasi ‘di ba, ex-convict ka? Akala ko lang mayroon na namang nang-aano sa ‘yo.”
Umiling siya. “Wala. Naka-move on na mga tao ro’n ‘tsaka mababait mga kliyente sa gym. Halos, pero mapagtatiyagaan naman sila hangga’t ‘di ko nakakahalubilo.” Tumigil si Keegan ‘tsaka matamang tumitig kay Lyle bago niya sandaling iwinagayway ang isang kamay. “Alam mo, hayaan mo na. Anong gusto mong gawin?”
Mukhang hindi nagustuhan ni Lyle ang sinabi niya dahil kumunot ang noo nito. “Wala na, invested na ‘ko kung sino. Sabihin mo na lang kaya?”
“Kaya ayaw kitang pinadidikit kay Ridge, e! Nahawa ka na sa kanila! ‘Di ka gumaya sa asawa mo na good boy!”
Masama ang tinging ibinato nina Keegan at Lyle sa isa’t isa, nagtatagisan, nagpapalakasan, nagpapatigasan. Kung hindi lang naalala ni Lyle ang bitbit nitong paper bag para sa pasalubong nito kay Keegan, baka hindi sila nabalik sa realidad kaagad.
Bumuntong hininga si Keegan noong makitang umatras si Lyle at hinila mula sa paanan nito ang paper bag ‘tsaka iyon ipinatong sa lamesa. His friend had a proud smile on his face, he looked excited, and though Keegan appreciated this man, he was actually embarrassed.
Sinabihan na niya si Lyle na ayaw niya ng pasalubong pero ayun at binilhan siya para raw i-celebrate ang matagal na nilang pagkakaibigan. Binigyan niya rin naman si Lyle ng monthly card sa paborito nitong laro kaya quits, nahihiya lang siya na materyal na bagay ang ibibigay nito sa kanya.
“As promised, ‘yong pasalubong ko!” masigla nitong sabi ‘tsaka itinulak ang gamit patungo sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at kinuha iyon ‘tsaka nagpahalumbaba si Lyle sa lamesa. Nang obserbahan ni Keegan si Lyle, halos kuminang pa ang mga mata nito habang naghihintay na buksan niya ang pasalubong nito sa kanya.
“P’re, tigmamagkano lang binigay ko sa ‘yo,” aniya.
Umismid si Lyle. “Ano naman? Buksan mo na ‘yan tapos ang bonus mo sa ‘kin, sabihin mo kung sino ‘yong bumabagabag sa ‘yo. Pwede naman natin awayin ‘yan.”
Ayaw naman ni Keegan na awayin ni Lyle si Rhysand, pero binuksan nga niya ang regalo ng kaibigan sa kanya. Nahihiya siyang hindi nito makikita ang live niyang reaksyon sa binigay nito sa kanya.
Rubber shoes – the cool ones. Nike na original tapos iyong air zoom, itim na design, swak sa tipo ng sapatos na madalas bilhin ni Keegan sa Angeles. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng sapatos mula kay Lyle pero nagtataka siya dahil mukhang work shoes ang bitbit nito kaya nag-angat siya ng tingin at bagamat namamangha, naguguluhan din siya.
Lyle grinned widely. “Napansin ko kasing iyong lumang rubber shoes mo suot mo sa trabaho kaya bumili ako. Alam kong afford mo pero gusto ko ring kumportable ka sa trabaho, ano.”
Natawa si Keegan at napailing. “Alam mo kung ‘di mo lang pinakasalan ‘yang si Gian, baka ako nanligaw sa ‘yo.”
“Mandiri ka nga,” Lyle said and chuckled with him. “May Rhysand na nag-aabang sa ‘yo sa sulok. Ayokong makipaglaban do’n, ano! Nakakatakot pa naman tignan si Rhysand.”
“Hindi siya masamang tao.”
“Alam ko. He’s like… A huge but sweet bear,” Lyle said dreamily. Muntik mapikon si Keegan sa narinig hanggang sa humalakhak ang kaharap. “Wala lang tatalo sa shy-type kong asawa. Sa’n ko ba pwedeng ikumpara si Gian? Hindi siya aso, e. Hindi rin pusa.”
ㅤㅤㅤㅤNANG magsawa si Lyle kakatanong sa kanya kung ano raw bang klase ng hayop ang nababagay sa asawa, muli nitong binalikan iyong taong laman ng isip niya noong dumating ito. Dapat walang sasabihin si Keegan, pwede niya namang i-distract ang kaibigan at maiintindihan naman nito, kaso nadulas siya kaya wala na siyang mailagan.
“Lagi mo siyang iniisip ‘no? Walang araw na ‘di included sa thoughts mo si Rhysand,” natatawa-tawang komento ni Lyle. “Grab mo na kaya? Siya lang manliligaw mo, o. ‘Tsaka malakas pakiramdam kong siya lang magpu-put up diyan sa ‘yo, Keegan.”
Wow, tang ina. In-offend pa talaga siya. “Bakit? Ano bang klase ng ugali ang mayroon ako sabihin mong siya lang ang kaya mag-put up sa ‘kin?”
“Hindi sa sinasabi kong may mali sa ‘yo,” panimula ni Lyle bago ito bumuntong hininga. “Pero mula no’ng nag-break kayo ni Rhysand, wala ka na rin talagang kinater na bago.”
“E sira na nga kasi tiwala ko lalo na sa pag-ibig na ‘yan. Si Ivy, mas pinili si Joshua kaysa sa ‘kin tapos si Rhysand, nagsinungaling kung sino ba talaga siya.”
“Gets ko. Actually, sa side mo rin ako. Kaso ‘di ko masabing ‘di ko naiintindihan si Rhysand kasi dumating din ako ro’n sa puntong handa akong magsinungaling para lang kay Ridge bago ako nahimasmasan. ‘Tsaka, ‘di ba nagsisi rin si Rhysand?”
Keegan looked at Lyle in a blank face and pointed a finger at his friend. “Mali pa rin. Ako ‘yong nadehado, e.”
Pagak na tumawa si Lyle at bumuntong hininga. “Wala naman akong sinabing tama si Rhysand, sinasabi ko lang na naiintindihan ko kung ba’t ganoon siya. Everyone gets blinded by love every now and then. Parang ‘di ka naging gano’n kay Ivy noon.”
Hindi sumagot si Keegan at sa halip, inaya nang kumain si Lyle. Nagugutom naman din talaga siya, kanina pa sila nasa food court pero wala silang mapiling makakain. Lyle did suggest ramen, and Keegan bit the trap. Siya ang nag-order para sa kanila pero sa kalagitnaan noon, natigilan siya nang mayroong tumabi sa kanya.
The figure looked familiar so he turned, then he saw Rhysand.
Napanganga si Keegan noong napansin niyang nakasalamin ito. He looked different! Parang mas lumakas ang appeal ni Rhysand. Wala siyang something sa salamin pero dagdag kagwapuhan yata talaga iyo.
Sa kasamaang palad, hindi siya agad napansin ng binata dahil abala ito sa pag-o-order. It took time before Rhysand felt his stares and he looked at his direction. Noong matagpuan nito ang mga mata niya, bahagyang naghiwalay ang mga labi nito.
“Hi?” hindi siguradong bati sa kanya ni Rhysand.
Keegan blinked twice before he gulped. “Oo. Hi. Anong ginagawa mo rito?”
Pasimpleng bumaba ang tingin ni Keegan sa kasuotan ni Rhysand ‘tsaka niya napansing kaswal ang outfit nito. He was wearing a black shirt and white jeans. Simple lang ang suot ng binata pero hindi lingid sa kaalaman ni Keegan na ang daming napapatingin dito.
“Bumisita rito iyong kaibigan ko galing Cavite. Mayroon daw kasi silang seminar dito kaya nagkita kami,” paliwanag ni Rhysand.
Tinapos nila ang pag-o-order at lumayo nang kaunti sa cashier. Iginala sandali ni Keegan ang mga mata at nang makita si Lyle na nakatingin sa kanila ni Rhysand, bumusangot siya samantalang napahagikhik naman ito at nagkunwaring nag-iwas ng tingin.
“Sinong kasama mo?” tanong ni Rhysand sa kanya.
Itinuro ni Keegan ang pwesto nila ni Lyle. “Sino pa ba? Si Lyle lang naman madalas. Sa’n ‘yong kasama mo?”
Napansin ni Keegan na mayroong hinanap si Rhysand sa food court at nang makita nito ang hinahanap, ipinilig nito ang ulo. “Nasa tabi ng pwesto niyo ni Lyle.”
Tinignan ni Keegan iyong kaibigang tinutukoy ni Rhysand at saka niya napagtantong mayroon ngang nakaupong lalaki sa katabing table nina Keegan at Lyle. Kanina pa ito nakatingin sa kanila ni Rhysand at nang mapansing tinitignan niya rin ito pabalik ay malawak itong ngumisi, sakto namang biglang tinakpan ni Rhysand ang mga mata niya.
“H’wag mo siyang tignan. Baka siya bigla iyong magustuhan mo,” parang batang sabi ni Rhysand.
Sumimangot siya’t inalis ang kamay nito mula sa mukha niya. “Ang lakas talaga ng amats mo. Ba’t ako magkakagusto sa kaibigan mo?!”
“Hindi ko alam. Alam ko ring imposible pero naiirita ako sa naisip ko ngayun-ngayon lang.”
“Ikaw pala ang problema, e.” Nagpameywang si Keegan bago marahas na bumuntong hininga. Pagkatapos ay minuwestrahan niya si Rhysand para magpaalam. “Mag-aabang ka lang ba ng order dito? Tawagin mo na lang ako ‘pag amin na ‘yong sinabi.”
Rhysand’s forehead furrowed. “I don’t mind… Kaso ‘di ko naman alam iyang order number niyo.”
“Thirteen,” aniya ‘tsaka mabilis na bumalik sa tabi ni Lyle.
ㅤㅤㅤㅤ ANG AWKWARD – ganito maipapaliwanag ni Keegan ang atmospera ngayon sa food court mula noong malaman niyang katabing upuan lamang nina Lyle sina Rhysand at ang kaibigan nito. Hindi siya makakilos nang malaya dahil ang pakiramdam niya, pinanonood ang bawat kilos niya.
Hindi alam ni Keegan kung alam ba nitong kaibigan ni Rhysand na may gusto ito sa kanya pero napapansin niyang panay ang pagpasada nito ng tingin sa kanya, tapos biglang mag-a-aray dahil sinisipa ni Rhysand sa ilalim ng lamesa. Matagal din iyon hanggang sa magsimulang mag-usap ang dalawa tungkol sa trabaho.
Keegan wasn’t build for eavesdropping too but since Lyle had been influenced by Ridge and his friends, they stayed in their seats as Lyle slowly consumed his food.
“Hanggang kailan ka rito, Leroy?” tanong ni Rhysand dito.
Humimig si Leroy. “Tatlong araw lang, par. Kasama ‘to e kaso tapos na nga iyong seminar kaya ako bumisita sa ‘yo. Mabuti nga nakontak pa kita! Dalawang taon kang ‘di sa ‘kin nagpaparamdam!”
“Malamang, busy ako. ‘Tsaka teacher tayo, para namang ‘di rin natatabunan reply ko sa ‘yo dahil ang daming tanong.”
“Pero tahimik ngayon, bakasyon e.”
Rhysand sneered. “Patapos na. Back to school na naman.”
Ito lang naman ang laman ng pag-uusap nina Rhysand at Leroy pero habang pinanonood ni Keegan si Lyle, parang kaunti na lang ay lalaki na ang tenga nito kakapakinig sa usapan ng mga ito. Sinipa na nga niya mula sa ilalim ng lamesa pero sinimangutan lang siya. Invested samantalang wala namang mapipiga mula sa mga ito.
“Kumusta iyong lalaking binalikan mo rito?” pag-iibang usapan ni Leroy.
Rhysand paused and threw sharp glares at Leroy’s direction while Keegan immediately looked away and pretended that he was interested to eat again. Anak shuta.
“Ah—! Ay, sorry! Nakalimutan kong mga kakilala mo rin ‘tong nasa kabilang table,” dagdag pa nito.
Bumuga ng marahas na hangin si Rhysand. “Nah, it’s fine. They know. ‘Tsaka pwede bang iba ang pag-usapan natin? Wala ka naman siguro rito para lang magtanong kung anong progress ko, ano?”
Pilyong ngumiti si Leroy. “Ayun nga ang ipinunta ko rito, e. Dalawang taon na! Wala man lang balita! Kumusta na?!”
Muntik masamid si Keegan noong mapagtantong nagtatanong nga ang kaibigan ni Rhysand tungkol sa kanilang dalawa. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin mula rito at bumulong nang bumulong ng kung anu-anong mura habang si Lyle naman ay makahulugang nakatitig sa kanya.
Bwisit!
“Hindi ka pa ba tapos kumain?” tanong niya kay Lyle nang sa ganoo’y ma-snatch ang atensyon nito mula sa usapan nina Rhysand.
Natahimik din kasi ang kabilang mesa at mukhang hindi makapaniwalang nakatitig si Rhysand kay Leroy.
“Wait lang, ang dami kong in-order o. Gusto kong sulitin. ‘Tsaka pagtayo natin, ‘di mo naman ako titigilan sa kakalakad ‘no,” anito.
Napapantastikuhang pinagmasdan ni Keegan ang kaibigan noong mas binagalan nito ang pagkain. At talagang dedicated ito sa pagiging invested sa tsismis!
Then, Lyle took his phone out and began to type something. Pinanood niya ang kaibigan hanggang sa bitawan nito ang cellphone at iyong kanya naman ang umilaw.
It looked like Lyle sent a text to him.
Pinasadahan ng tingin ni Keegan ang cellphone at napaisip kung kukunin na ba niya iyon, ‘tsaka niya pasimpleng tinignan sina Rhysand at ang kaibigan nito na noo’y nakatitig pa rin sa isa’t isa. Noong masiguro niyang walang nakapansin na nag-text sa kanya si Lyle, kinuha niya ang cellphone at binasa ang sinend nitong mensahe sa kanya.
‘Hindi ka ba curious kung anong sasabihin ni Rhysand tungkol sa inyo?’ was what Lyle texted him.
Napahilamos ng mukha si Keegan nang tumawa si Lyle. Fuck, alright. Nakuha siya nito roon. Kuryoso nga siya.
Kabanata 23
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 23
ㅤㅤㅤㅤHINDI na maalala ni Keegan kung gaano katagal na ba mula noong huli niyang makita si Rhysand pero magmula noong makasalubong nilang dalawa ni Lyle ang binata sa SM kasama ang kaibigan nito, ni anino ng binata ay hindi niya nakita.
Kahit ang sagot nito sa tanong ng kasama nito noong araw na iyon, hindi man lang nakuhang marinig ni Keegan dahil nagkayayaan na silang umalis ni Lyle— this… was besides the point, but yeah. He hadn’t seen Rhysand since the day he and Lyle left that mall’s food court.
Sure, Keegan would receive messages from Rhysand every now and then, but that was all about it. Naisip niyang baka busy ang binata nitong nakaraan pero mula nitong nakaraan, panay ito sa pagbanggit ng pangalang ‘Leroy’—iyong pangalan din ng kaibigan nito.
Palaging magpapaalam si Rhysand sa kanya na hindi siya nito masusundo dahil ganito ganyan—nagpapasama raw si Leroy sa ganitong lugar, sinusulit daw ang bakasyon dahil sa oras na bumalik daw ito sa Cavite, hindi na naman magkikita ang dalawa. Gets din ni Keegan, dalawang taon ba namang hindi nagkita ang mga iyon, at isa pa’y sino ba naman siya para makiepal?
Katulad na lang ngayon…
From Rhysand
Hey, Kee. I can’t pick you up today.
Nagpapasama ulit sa ‘kin si Leroy. Sinusulit punta niya rito.
From Rhysand
‘Di rin kita masusundo hangga’t nandito siya. Uuwi
naman si Leroy sa susunod na araw, iti-text na lang kita madalas. Kahit ‘di ka na mag-reply pero babalitaan kita tungkol sa ‘kin.
Ang hindi niya maintindihan, napipikon siya sa t’wing palagi niyang iluluklok ang sarili sa tamang pupwestuhan sa buhay ni Rhysand. He’s a nobody. Nililigawan siya pero hindi siya jowa, pero inis na inis siya dahil ang buong atensyon ni Rhysand na nitong nakaraan ay sa kanya lang nakatuon, naagaw pa.
To Rhysand
San kayo pupunta ngayon? Hanggang anong oras kayo dun?
Kung magsasabi siya ngayon kay Lyle na ganito ang nararamdaman niya sa tuwing maiisip na iba ang kasama ni Rhysand nitong nakaraan, ang dami na nitong nasabi sa kanya. Hindi rin naman bobo si Keegan, gusto lang niya maging rasyonal dahil kahit paano niya pagbalik-baliktarin ang mundo, ex niya si Rhysand at sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang gusto roon sa tao.
Natutuwa siya sa atensyong ibinubuhos nito sa kanya, sa effort, at sa oras na kusa nitong gugugulin kasama siya.
Kaso ang irasyonal. Bakit siya matutuwa kay Rhysand? Kasi matagal na siyang single at ni minsan, mula nang mag-break sila, wala ni sinuman ang nagbuhos ng atensyon sa kanya?
Inismiran niya ang sarili. Kailangan niyang iayos ang desisyon niya sa buhay at kailangan din niyang alamin kung ano bang lugar ni Rhysand sa buhay niya bago siya magganito sa binata.
Natigilan si Keegan sa pag-iisip noong mapansing mayroong bagong mensahe na pumasok sa cellphone niya. Nang tignan niya’t nakita na galing iyon kay Rhysand, napangisi siya dahil nakalagay sa reply nito ang pupuntahan nito kasama ang kaibigang si Leroy, pati na rin kung hanggang anong oras mananatili ang mga ito roon.
Kaso kalaunan, nainis siya. Kung bakit ba naman kasi naging isang linggo pa yata ang dapat ay tatlong araw lang?!
ㅤㅤㅤㅤSTILL, Keegan did it. Pinuntahan niya si Rhysand sa lugar na pagmi-meet up-an daw nito at noong kaibigan nitong si Leroy at ang orihinal na plano, magkukunwari si Keegan na aksidente lang siyang napunta sa lugar na iyon kahit na ang totoo’y sinasadya niyang hanapin si Rhysand—iyon ay kung hindi siya tinamaan ulit ng realisasyong para siyang gago sa ginawa niya.
Sure, Keegan regretted going to this place to pretend that he only accidentally met Rhysand around. When he had that realization, Keegan did think about going to the nearest market to buy stuff but it was what it was .
Maagang nag-out si Keegan sa trabaho, limang minuto bago ang talagang end shift niya, nagpaalam na si Keegan na aalis. Mabuti at hinayaan siya ng boss niya dahil hindi naman makakasakit ang limang minutong mas maagang pag-a-out, medyo kaltas nga lang iyon sa sahod pero ano naman? Mas importante sa kanya noong mga oras na iyon si Rhysand at hindi siya mapipigilan ng isa o dalawang pisong kaltas sa sahod niya.
Kaso hindi niya nakita si Rhysand sa food court kung saan ito nagsabi na aabangan ang kaibigan kaya naisip ni Keegan na baka wala pa ito. Nagkaroon kasi ng meeting bago matapos ang shift sa trabaho si Rhysand—mabilis lang daw, pero ano bang malay ni Keegan? Baka na-traffic ang isang iyon pagkatapos o baka mayroon pang inasikaso sandali kaya naisip niyang sa MiniSo muna magpalipas ng oras.
He was in the middle of checking out some tupperwares and tumblers when someone suddenly approached him, and Keegan had no time for anything or anyone that time that he planned to ignore whoever was beside him, caught by his peripheral vision, until that person spoke.
“Mabuti nandito ka rin?”
Hindi biro kapag sinabi ni Keegan na bumilis ang tibok ng puso niya at awtomatikong nawala ang atensyon niya sa hawak na tumbler nang marinig ang baritonong boses ni Rhysand. His jaw dropped a bit as he allowed himself to feel his heart inside his chest and oh, how it wanted to jump out when he slowly turned to Rhysand.
Rhysand was still wearing his uniform, but man, he looked extra handsome today it was getting weird. His hair was slightly disheveled but suddenly, Rhysand’s hands moved to fix it when he probably realized that he looked out of this world. Anyway, his eyeglasses was a touch of perfection, it added to whatever charm Rhysand had. And he looked weary, maybe it was because he had a lot to do at work.
Isinara ni Keegan ang bibig para lumunok dahil kanina pa yata siya nakanganga ‘tsaka niya iyon ibinuka ulit para subukang magsalita pero sa isang beses na pagsubok niya, ni hi o ho ay walang lumabas mula sa kanya.
Keegan was utterly speechless, perhaps it was because he hadn’t seen Rhysand in a while, or because the man wore glasses and it affected him in ways that he wouldn’t have ever imagined.
Ika nga ni Ridge nitong nakaraan, pampalakas appeal ang salamin sa mata. Malay ba ni Keegan na kasama sa mga pinagpala ng dobleng sex appeal si Rhysand kapag nakasuot ng salamin? Hindi siya prepared.
‘Nandito ka na nga?’ —Ito pa ang muntik masabi ni Keegan, muntik pa siyang madulas, at muntik malaman ni Rhysand na ito ang pakay niya rito. Awkward iyon. Paniguradong maraming pupwedeng isipin si Rhysand, posible pang maghinala itong may gusto siya rito kahit para sa kanya, wala naman.
The corner of Rhysand’s lips curled upwards, it wasn’t exactly out of happiness since Keegan could see a hint of embarrassment in that awkward smile of his, when Rhysand realized that Keegan was still taken aback. Still, in Keegan’s eyes, Rhysand looked rather cute—it was a sight to behold, his cheeks that flushed, and that contemplation that danced in his eyes… Keegan abnormally liked it all .
Dahil siguro ang tagal na mula noong huli niya itong makita.
“H’wag mo akong titigan gaano, Kee. ‘Di ko alam kung anong iisipin ko ‘tsaka nahihiya ako, baka makalat o marumi akong tignan ngayon. Marami akong ginawa sa trabaho,” nahihiyang anito.
Keegan blinked and slowly let his eyes travel around Rhysand’s uniform, but aside from his newly-fixed hair, there don’t seem anything to be embarrassed about. “Mukha ka namang malinis sa paningin ko. Anong pinagsasasabi mo?”
“Kanina ka pa titig na titig sa ‘kin ‘tsaka hindi ka nagsasalita. Bilang nagpapa-impress ako sa ‘yo, ‘di ko alam kung anong iisipin ko kung blangko lang ‘yang ekspresyon mong nakatingin sa ‘kin, ‘di ba?”
“Nagtataka lang naman ako kung ba’t ka nasa harapan ko. ‘Di ba may lakad kayo kamo ng kaibigan mo? E ba’t nandito ka?”
“Wala pa siya kaya naisipan kong tumingin-tingin ng gamit dito sa MiniSo tapos nai-spot-an kita. Mabuti nandito ka rin?”
Hindi nakasagot si Keegan noong siya naman ang matanong. Hindi niya alam kung paano sasagot, e. Sasabihin ba niyang nataon lang? Pupwede naman niyang sabihin na nasira iyong tumbler niya at naghahanap siya ng bago. Mukhang matibay pa naman ang mga tinda rito sa MiniSo nang sa ganoon, hindi maghinala si Rhysand sa kanya. Kaya lang, halos kabibili lang niya talaga ng tumbler.
“Gusto ko lang mamili. Kakasahod ko lang e. Biglaang shopping,” Keegan replied in a low voice as he averted his gaze away from Rhysand.
Itinuon niya ang atensyon sa mga produktong nasa tabi at humablot ng random na utensil set mula roon.
“Nabalitaan ko lang na mas matibay daw iyong mga gamit dito kaya tinitignan ko. Sabi noong isa kong kasama, rito raw siya namimili ng mga gamit ‘pag may pera e.”
Pucha. Plausible na ba itong pagsisinungaling niya? Bakit parang siya mismo, hindi kumbinsido? Wala pa naman siyang kasama sa trabaho na mag-aabalang pumunta sa SM at sa MiniSo para lang mamili ng gamit. Puro palengke lang ang mga iyon tulad niya, may malapit naman mula sa gym.
Pakiramdam ni Keegan, tinignan din ni Rhysand iyong mga set na nasa tabi nila bago niya ibinalik ang mga mata sa utensil set na noo’y hawak-hawak pa rin ni Keegan. Nagkunwari tuloy siyang interesado talaga roon sa hawak niya kahit na sa kaloob-looban niya, iniisip niyang paniguradong wala namang pagkakaiba ang hawak na utensil set mula sa nabibiling utensils sa ibang lugar.
Then, Rhysand smiled. “Not really, pero hayaan mo na. Masaya ako na nakita kita rito. Ilang araw na kitang ‘di nakikita, e.”
The fake smile on Keegan’s face as he scanned the utensils in his hands almost faltered. Muntik siyang masamid kahit na wala namang dapat ikasamid. Bwisit. E kung hindi siguro pina-priority nitong si Rhysand ang dayo nitong kaibigan, edi nakita siya nito! But no, this guy couldn’t help it but to an old friend like a VIP.
Ang nakakasiphayo, alam ni Keegan sa sarili na kung siya ang nasa pwesto ni Rhysand, ganyan din ang gagawin niya. He was just too pissed off to think about it properly.
“Nasa’n na iyong kaibigan mo?” pag-iiba niya ng usapan ‘tsaka niya ibinalik mula sa pinagkuhanan ng utensil set.
Rhysand took a glance around and shrugged. “Ewan ko. I’m too busy with you right now, I don’t even want to check my phone.”
Nak ng, punyetang english! Pero gumana iyong banat ni Rhysand sa kanya dahil bukod sa naintindihan niya ang sinabi nito, biglang ang lakas ng dating ng binata dahil doon.
Keegan scoffed. “Baka kanina ka pa hinihintay no’n.”
“Oh. Let him be. Kanina pa ‘ko rito sa SM at naghihintay pero ni anino ng isang iyon, ‘di ko nakita,” Rhysand nonchalantly replied.
Keegan sweatdropped and he frowned. “Pauwi na rin naman ako niyan.”
“Really?” Biglang bumagsak ang mood ni Rhysand kasabay ng pagbagsak ng mga balikat nito. Hindi rin magsisinungaling si Keegan kung sasabihin niyang tuwang-tuwa siyang makita na dismayado si Rhysand. “Kailangan mo na ba talagang umuwi? Wala ka bang oras ngayon? ‘Di ba pwedeng dito ka muna habang inaabangan ko si Leroy?”
Hindi alam ni Keegan kung aware ba si Rhysand sa mukhang ginagawa nito ngayon. He looked cute in those puppy eyes and Keegan knew that his defenses were gradually breaking. Pinilit niyang mag-iwas ng tingin para hindian si Rhysand pero ang totoo, gusto lang talaga niyang makitang nagpapaawa sa kanya ang binata.
Only if he could. In the end, Keegan lowered his head and slowly nodded.
Punyeta. Hindi niya natiis.
ㅤㅤㅤㅤDAHIL sa pagpayag ni Keegan kay Rhysand, halos hindi na sila mapaghiwalay kakasunod sa kanya ng binata. It wasn’t that uncomfortable but it was awkward because Keegan couldn’t drop the act of finding something to buy somewhere in SM. Sa huli tuloy, kung anu-ano pa ang nabili ni Keegan hanggang sa dumating na ang kaibigan nitong si Leroy.
The second Leroy saw the two of them, the guy’s forehead immediately creased and his eyes slightly narrowed as he stared at Keegan.
Noong una, ang akala niya ay may gusto rin ito kay Rhysand. Sa gwapo ba naman ng isang iyon, pero habang tumatagal ay unti-unting naintindihan ni Keegan ang ipinapahiwatig ng mga titig na ibinabato ni Leroy sa kanya. Hindi iyon gawa ng rivalry kung hindi pangingilala.
“Sinong kasama mo?” tanong ni Leroy habang pabalik-balik ang tingin nito sa kanya at kay Rhysand. “Parang nakita ko na.”
Rhysand slightly leaned to him. “Siya si Keegan. Alam kong kilala mo na siya, ‘wag kang magsasalita nang kung anu-ano baka iba pa ang masabi mo.”
Leroy’s face instantly lit up and he snapped his fingers. “Ah! Oo! Iyong mahal mo!”
Nginiwian lamang ni Keegan si Leroy na noo’y bumaling sa kanya at malawak na ngumiti. Imbes na batiin, tipid niya lamang itong tinanguan ‘tsaka siya ulit bumaling kay Rhysand na noo’y para bang naging constipated mula nang makita si Leroy. Not that they know the feeling, but his face looked sour and he seemed to be annoyed.
“Ay, puta. Parang kasalanan ko pang dumating ako,” narinig ni Keegan na bulong ni Leroy.
Pinasadahan niya nang mabilis na tingin si Rhysand na noo’y bumuntong hininga na lamang. “Anong oras na? Ba’t ngayon ka lang dumating?”
“Nagsabi ako sa ‘yo na mali-late ako nang kaunti, uy. Nakailang text pa ‘ko, naubos na load ko!‘Di ba kako nag-enjoy iyong seminarista? ‘Tsaka mayroong mga pa-activities, ayun. Olats. Na-late ako sa lakad natin.”
Pabalik-balik ang tingin ni Keegan sa dalawa. Patuloy pa rin sa pagdadahilan si Leroy habang si Rhysand naman ay naniningkit ang mga matang pinagmamasdan ang binata. Tapos siya, ito, naghahanap ng pagkakataon at oras na maibubwelong aalis na siya.
Nakita naman na niya si Rhysand, ‘tsaka wala na siyang ganang pumagitna pa sa lakad nito dahil halos kalahating oras din yata silang magkasama. Nawala na sa isip niyang umepal. ‘Tsaka ewan niya, noong makita niya si Leroy, parang bigla siyang nabunutan ng tinik sa dibdin nang mapanood ang interaksyon nito kasama si Rhysand.
And maybe if Leroy arrived thirty minutes earlier, he’d try to get Rhysand’s attention and intervene with their third day get-together.
“Rhy,” tawag niya kay Rhysand noong mapansing hindi na nag-uusap ang dalawa. Nang hindi siya nito sagutin, inabot niya ang balikat ng binata’t dalawang beses itong tinapik-tapik. “Rhysand, oras na. Uuwi na ‘ko.”
Rhysand stilled when he heard what Keegan said and as he slowly turned to him, Keegan saw how disappointed the guy was. Pero ano bang gusto nitong gawin? Oras na, ‘tsaka ayaw namang umepal ni Keegan sa lakad nito lalo na’t hindi naman niya kakilala iyang si Leroy.
Dahil magkatitigan sila ng binata, hindi niya napansin na pinanonood din pala sila ni Leroy. Noong magsawa na ito sa katahimikan, lumapit ito kay Rhysand at pasimpleng siniko ang binata.
“Ba’t ‘di mo na lang siya isama kung ayaw mo pang pauwiin?” bulong nito kay Rhysand pero medyo malakas ang boses nito kaya narinig din ni Keegan.
Keegan almost scoffed. Nasa punto na siya noon na ang balak niya, tumanggi dahil nakita naman na niya si Rhysand at mukhang ayos din naman si Leroy, nagtataka nga siya bakit threatened siya pero ipinagsakibit balikat na lamang niya ang naiisip. Basta, ibubuka niya ang bibig at tatanggihan ang alok ni Leroy na isama siya—
“Kee, ayaw mo bang sumama sa ‘min?” Rhysand asked which instantly cut his train of thoughts.
Pumikit si Keegan at nagpameywang. Mayroon ding naglalarong ngisi sa mga labi niya bago niya ito sumagot, “gusto ko.”
Keegan paused when something didn’t feel right. Parang mali yata ang nasabi niya.
The side of his lip began to twitch as he remembered what he just said, and when he realized that he replied something that was the total opposite of his intended answer, his first reaction was to facepalm and curse himself.
Tanga-tanga kasi! Sino na naman sa nonexistent na limang personalidad niya ang sumagot?!
Inalis ni Keegan ang pagkakahilamos ng mukha’t iminulat ang mga mata para tignan si Rhysand at bawiin ang sagot ngunit noong makita niyang nakangisi si Leroy sa kanya habang parang batang nakangiti si Rhysand, natigilan siya. Umatras bigla iyong dila niya, parang nalunok pa nga yata niya.
And before he knew it, tinangay na siya ni Rhysand na sumama rito nang mahawakan ulit nito ang kamay niya.
ㅤㅤㅤㅤNOONG balikan si Keegan ng katinuan, natagpuan na lang niya ang sariling nakaupo sa table na pinili nina Rhysand at Leroy. Kaso ngayon, silang dalawa lamang ni Leroy sa kadahilanang nagpaalam si Rhysand na magbabanyo muna sandali. Keegan didn’t mind being left with his friend, but since it was awkward and Keegan didn’t really know a thing about them, he silently hoped that they’d initiate a conversation.
Kaso hindi.
Kanina pa siya tinitignan nito pero ni minsan, wala siyang narinig ni ho o hi mula sa binata. So, Keegan decided to do it himself. Nang sa ganoo’y hindi naman sila kainin ng katahimikan.
But, yeah. His mouth ran wild on its own.
“Kailan ka aalis?” Sa lahat ng pwedeng itanong, ito pa talaga ang pinakaunang lumabas sa bibig niya. Parehong nanlaki ang mga mata nila ni Leroy pero bago pa ito tuluyang ma-offend sa kanya ay tumikhim siya. “Ang ibig kong sabihin, kailan mo nakilala si Rhysand?”
Yawa. Bakit ba ang pasmado ng bibig niya ngayon? Nahihiya siya para sa sarili ‘tsaka para siyang lalamunin ni Leroy dahil mukhang aliw na aliw ito sa kanya. Biglang lumawak ang ngisi nang tanungin niya kung kailan ito aalis tapos binawi, e.
“Sa susunod na araw pa ‘ko aalis,” natatawa nitong sagot na mas nakapagpadagdag pa sa hiyang nararamdaman niya. “Tagal ko nang kilala si Rhysand! Sabay kaming nag-apply ro’n sa private school na pinagtatrabahuan namin noon ta’s malapit siya sa edad ko kaya siya una kong nilapitan. Kabait na tao, may pagkasuplado pero mabait.”
Gusto ni Keegan magpalamon sa lupa. Parang ang dating niya sa mga oras na ito, iniimbestigahan si Leroy. Parang nasa posisyon siya, a? Nililigawan lang siya, hindi boyfriend.
Nagpahalumbaba si Leroy at bahagyang ipinilig ang ulo. “Mayroon nga pala akong narinig kay Mark! Ang sabi niya, break na raw kayo no’ng umuwi siya rito pero mabuti madalas pa rin kayong magkasama? Sabi niya, nanliligaw siya pero mukhang wala naman daw pag-asa. Mukhang ‘di naman.”
“Anong mukhang hindi naman?” he asked, sweatdropping.
“Mukhang may gusto ka rin naman kay Mark, Kuya Keegan! May pag-asa na ba manok namin? Tagal na niyan! Sinikreto ka sa iba pero sa ‘kin lang sinabing ikaw daw ang gusto niya.”
Itinulak ni Keegan ang sarili palayo mula sa lamesa nang sa ganoon ay makaupo siya nang tuwid. Napapantastikuhan siyang napatitig kay Leroy, namimilog ang mga mata at hindi malaman kung paano sasagutin ang binata.
Hindi mabilang ni Keegan kung ilang beses siyang napamura sa isipan noong kumabog ang puso niya. Kung sinumang makakakita sa kanya, baka ang isipin ay nahuli siya sa isang krimen.
When Keegan managed to gather his composure, he cleared his throat and attempted to act nonchalant. “Sa’n mo naman ‘yan nakuha? Mukhang may alam kang ‘di ko alam, a.”
Tang ina, kailan ba babalik si Rhysand mula sa banyo? ‘Tsaka bakit ang daldal ng kaibigan nito?
Lumawak ang pagkakangisi ni Leroy. “Hindi mo siguro napansin kasi ikaw ‘yan pero bigla mo kasi akong pinapaalis. Magkaibigan lang kami ni Rhysand, ‘wag kang mag-alala! Lumalabas lang kami para pambawi sa dalawang taon na ‘di kami nagkikita.”
“Ba’t mo naman pinaparating na para akong nagseselos?” he asked again.
“Hindi ba? E kasi parang ang wirdo naman kung ang unang tanong mo sa ‘kin sa unang beses nating pag-uusap, kailan ako aalis. Ayoko no’ng may bumibigat pakiramdam dahil sa ‘kin.”
As weird as it might sound, the atmosphere between Keegan and Leroy became deafening despite the background noises around them. Hanggang sa dumating si Rhysand, doon na lang nabasag ang hindi maipaliwanag na enerhiya sa palibot nila ni Leroy. And when Rhysand arrived, the first thing that Leroy did was to laugh mischievously as he eyed him and Rhysand.
Damn it. Sabi na nga ba’t maling desisyon na sumama rito sa pupuntahan nila ni Rhysand. Bakit ba kasi hindi niya natiis na mukhang tuta ang binata? Ngayon tuloy ay inaasar sila ni Leroy.
And shit. Hindi niya inasahang mayroon siyang kaaayawan sa unang pagkikita pa lang.
Leroy seemed alright to him earlier, until he opened his mouth and accused Keegan that he might like Rhysand romantically. Certainly not!— But somehow, Leroy’s words made sense to him, he just despised the idea that he was hearing it from someone whom he didn’t know well.
“Ayoko sa kaibigan mo,” sabi ni Keegan kay Rhysand noong oras na nagkahiwa-hiwalay na silang tatlo ng landas at naiwanan sila ng binata.
Rhysand looked at him weirdly before he glanced at the way where Leroy disappeared. “Did he bother you? He’s a talker. Nakakasawa minsan ang bibig niya.”
“Hindi siya masamang tao,” Keegan trailed off. “Pero kanina pa ako inaasar porket namali ako ng tanong sa kanya.”
“Ano bang tinanong mo?”
“H’wag mo nang alamin.” Kapag nalaman pa ni Rhysand na iyong subconscious niya ay pinapaalis na niya si Leroy, baka matuwa pa ito sa sarili. Hindi kaya ng pride niya iyon.
Kabanata 24
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 24
ㅤㅤㅤㅤMAYBE Lyle and Leroy were right after all. Baka nga may gusto si Keegan kay Rhysand, hindi niya masabi dahil kahit siya ang nakaaramdam, hirap siyang i-pinpoint ang alin sa alin. Maybe after all these years, love became a stranger to Keegan. After getting his heart broken by the truth behind Ryleigh and Mark’s identity, Keegan erased in his memories how love felt like.
“Lyle…” mahinang tawag niya sa kaibigan.
Lyle hummed and took a quick glance at him but he immediately looked back at his sketchbook. Abala noon ang kaibigan na mag-sketch na naman ng mga panibagong design.
“May itatanong ako sa ‘yo,” dagdag niya.
Tipid na tumango ang binata. “Then ask away.”
“Hindi mo ba ‘ko huhusgahan?”
“Depende sa sasabihin mo. I mean, sa ‘ting dalawa, mas madalas naman akong walang sense at faulty compared sa ‘yo.”
Nasa café sila noon ni Gian dahil tinawag siya nito para gawing inspirasyon sa susunod na set na isasali nito darating na fashion event. At long last, after more than ten years of friendship, Lyle finally looked at him and told him that he wanted Keegan to be his next inspiration. Ang tagal ng prusisyon, dito rin pala mauuwi.
Marahil nabagot si Lyle kakahintay sa itatanong dapat niya, isinara nito ang sketchbook ‘tsaka inalis ang eyeglass na suot nito para mataman siyang pagmasdan. Habang siya, kahit na nakatingin pabalik sa kaibigan ay parang mas malayo pa rin ang tingin.
“Ano nang itatanong mo, Kee?” Lyle asked. His tone didn’t sound like he was getting impatient and rather, worried.
Ah. Right. Na-distract siya sandali. Umayos sa pagkakaupo si Keegan at nagpahalumbaba. Medyo matagal niyang tinitigan si Lyle bago siya humigop nang malalim na hininga para ihanda ang sarili.
Bahala na si Batman.
“Pa’no mo nalamang in love ka na pala kay Rhysand?” Keegan asked.
He didn’t even notice that he mentioned the wrong name and was just confused when Lyle’s forehead creased.
Then, Lyle scoffed. “Huh? Ba’t naman ako mai-in love kay Rhysand?”
Pareho silang napatitig sa isa’t isa. Matagal. Si Keegan kasi, iniisip kung bakit pangalan ni Rhysand ang binanggit ni Lyle samantalang si Gian ang ‘binanggit’ niya habang si Lyle naman, nagtataka kung saang lupalop nahugot ni Keegan ang ideyang mayroon siyang gusto sa long-time admirer niya.
It took the two of them some time before things fell back to its rightful places.
Kasabay ng pagsinghap ni Keegan ay ang realisasyong maling pangalan ang nabanggit niya habang si Lyle naman, biglang natawa na lamang.
Sumimangot siya. “Putang ina, ‘yan ang una mong reaksyon? Ni ‘di ka man lang ba talaga nagulat?!”
“I mean, I’ve been expecting?” Lyle mused as he tilted his head. “Alam ko rin namang involved pa rin kayo sa isa’t isa simula no’ng nagkita ulit kayo.”
Keegan let out an ‘urk’ sound. “Anong involved sa isa’t isa? Ang tagal naming nag-iwasan. Ah, hindi. Ako lang ang umiwas!”
“Hindi halata. Kasi no’ng inaya ka niya ng lunch tapos saktong tayo dapat ang sabay na manananghalian no’n, mas pinili mo si Rhysand kaysa sa ‘kin.”
“Ikaw ang nagsabing babalik ka na lang no’n sa café dahil mukhang inaya rin pala ako ni Rhysand! ‘Wag mong baguhin iyong nangyari no’ng araw na ‘yon, oy!”
“E pa’no ba naman kasi, nakakaawa kang tignan no’ng umalis bigla si Rhysand no’ng araw na ‘yon! At bilang mabuting kaibigan, nagpaubaya ako para na rin sa ikauunlad ng lovelife mo.”
Nagtatagisan na pinagmasdan nina Keegan at Lyle ang isa’t isa hanggang sa pareho rin silang magsawa sa ginagawa. Umupo na rin ulit si Lyle at muling kinuha ang sketchbook nito. Lyle probably planned on going back to his work but since Keegan’s silence concerned him, he checked up on him. Nakahalumbaba si Keegan noon at nakatingin din sa sketchpad nito at bagamat nakatalikod ang gamit sa kanya, para bang napukaw noon ang atensyon niya.
“So, Kee… Feeling mo ba, may gusto ka ulit kay Rhysand?” tanong ni Lyle noong ito mismo ang magsawa sa pananahimik niya.
Keegan groaned in response. “Malay ko. Ang tagal na no’ng huli akong na-in love, ‘di ko masabi kung may gusto rin ba ‘ko kay Rhysand o niloloko ko lang sarili ko. Kaya nga ako nagtatanong kung pa’no mo napagtantong may gusto ka kay Ridge o kay Gian.”
“Si Rhysand kaya tinatanong mo sa ‘kin. God, Kee, I’m already a married man,” natatawang pang-aasar ni Lyle ‘tsaka ito napailing-iling nang tapunan niya ito ng masamang tingin.
Nagtatanong kasi siya nang seryoso tapos pagti-trip-an siya? Alam naman nitong nagkamali lang siya e.
Bago pa tuluyang ma-bad trip si Keegan, napansin niyang iniisip na ni Lyle ang sagot sa taong niya.
It didn’t take long when Lyle hummed. “Depende kasi sa sitwasyon iyon, Kee. Ikaw lang din makakalutas kung gusto mo na ba talaga si Rhysand o iniisip mo lang na gusto mo siya. Pwede mo rin namang tanungin sarili mo, e. Baka sakali na matulungan kang i-guide noong mga isasagot mo sa dapat mong malaman.”
Kumunot ang noo niya. “Ano namang itatanong ko?”
“Marami kang pwedeng itanong sa sarili mo, oy.”
“Tulad ng?” Keegan pursed his lips together and when he thought that this wouldn’t help him realize what he had to see, he waved a hand at Lyle. “Ah. Kalimutan mo na nga, ikaw na lang magtanong sa ‘kin. Baka may mas magandang maidudulot pa ‘yon!”
Mahinang natawa si Lyle sa pagsuko niya. Tang ina, siya ang napapagod sa sarili’t kaiisip kung ano ba si Rhysand sa kanya. Interesado ba siya o natutuwa lang? Malay niya! At ayaw naman niyang habang buhay siyang lito lalo na’t nitong nakaraan lang ay parang pinapaalis na niya iyong kaibigan ni Rhysand.
Iba ang dating noong tono at tanong niya, e. Mayroong undertone.
Pupwede rin namang tuklasin ni Keegan mag-isa kung ano iyon, edi sana hindi siya nahuli kaagad ni Lyle, pero siya kasi mismo ang umaayaw kaya itinutulak niya ang trabaho sa kaibigan. Knowing that he could trust Lyle, since they’d been friends for a long time, it wouldn’t hurt his pride if Lyle saw Keegan in his weakest and dumbest moments. Siya rin naman ay ganito rito, e.
Para quits.
‘Tsaka para mabawasan lahat ng buhat niyang hassle sa buhay.
Lyle seemed to hesitate to ask him—no, it looked like Lyle didn’t know how to ask Keegan since he probably appeared like he’d physically hurt someone, so his friend gathered courage and decided to play it nice.
“Palagi mo bang iniisip si Rhysand nitong minsan?” paunang tanong ni Lyle.
Tipid na tumango si Keegan. “Oo. Madalas. Hanggang pagtulog ko ‘tsaka pagkagising, siya rin.”
“Wow,” namamanghang anito. Lyle was obviously taken aback since he didn’t expect Keegan’s honesty. “Okay pero, ‘di mo ba napapansing ang dalas mo siyang banggitin nitong nakaraan?”
“Hindi. Nababanggit ko ba siya madalas?”
“Hindi sobra pero kung mag-squint ako, yes.”
“Nira-rant ko lang si Rhysand,” he deadpanned.
Lyle smiled mischievously. “Same thing, Kee. ‘Di mo naman ira-rant iyong tao kung ‘di ka naba-bother sa presensya ‘tsaka ginagawa niya, e. I don’t think Rhysand would be the type to annoy you intentionally, too.”
Imbes na sumagot ay nagpahilamos na lamang ng mukha si Keegan. Hindi na siya makikipagtalo rito, sige. Ang ginawa na lang niya, minuwestrahan si Lyle na mag-isip ng ibang tanong na siyang ginawa naman kaagad ng kaibigan.
“Oh. Does he make you feel happy?” muling tanong ni Lyle.
Napaisip si Keegan. “Pa’nong masaya?”
Inismiran siya nito. “Kailangan pa ba talagang specific?” Napailing-iling ang binata at bumuntong hininga. “Simple lang iyong tanong, Keegan. Sa t’wing kasama mo ba si Rhysand, nalilimutan mo iyong mundo? You don’t even notice how time quickly passes by. Basta ‘pag nandiyan si Rhysand, occupied ang isip mo at ayaw mo nang umalis siya.”
Nag-isang linya ang mga labi ni Keegan. Nag-aalangan man, tumango pa rin siya. His answer made Lyle happy and he seemed content. Parang sa reaksyon pa lang nito, dapat alam na ni Keegan ang sagot sa tanong niya.
“Ito last,” Lyle suddenly spoke in a low and hushed tone. Minuwestrahan siya nitong lumapit dito kaya bagamat nagtataka, sumunod si Keegan sa kaibigan. “Kee, ni minsan ba naramdaman mo ang pagkagustong halikan si Rhysand ta’s angkinin?”
Nanlaki ang mga mata ni Keegan kasabay ng pamumula ng mga pisngi niya. He suddenly felt hot and… guilty. Kaya ang ginawa niya, lumayo kay Lyle at binatukan ito.
“Gago! Kasama pa ba talaga ‘yan?!” napipikon niyang tanong dito.
Napaaray si Lyle at noong harapin siya, nagngingitngit ang mga ngipin nito at para bang napikon sa kanya. “Ikaw nagpapatulong ta’s ida-doubt mo ako?! ‘Tsaka sa maniwala ka’t hindi, crucial ‘yan! If you want him, grab him!”
“Sira ulo!”
Pero oo rin ang sagot ni Keegan sa tanong na iyon ni Lyle. Bwisit. Mukhang may gusto nga yata talaga siya kay Rhysand.
ㅤㅤㅤㅤFINE. Siguro nga may gusto talaga si Keegan kay Rhysand. E ano naman? Hindi naman niya iyon kaagad masasabi sa binata dahil kahit na anong ikinalakas nitong loob niya, umaatras madalas ang dila’t tapang niya pagdating kay Rhysand. Sure, he did have his moments, but that was all there was to it. Hindi espesyal ang tapang niya kung urong-sulong siya kay Rhysand.
“Kee, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Rhysand sa kanya.
Mula noong umalis si Leroy, kung hindi abala si Rhysand mula sa trabaho, aayain ni Keegan ang binata na pumunta sa bahay niya. They’d hang out for hours and play games—one of which was something that they were both extremely familiar with, Mobile Legends.
Paminsan-minsan, maaalala ni Keegan na dahil sa larong ito kaya nagkrus ulit ang landas nila ni Rhysand pero nagkukunwari pa noon ang binata na si Ryleigh. Kapag natawa siya, magtataka si Rhysand at papasadahan siya ng naguguluhang tingin, pero hindi niya ito pinapansin at sa halip ay sa laro lamang ibubuhos ang buong atensyon.
Kung babalikan ni Keegan ang nakaraan, nakakagulat na ang bilis niyang nahulog kay Ryleigh—hindi—kay Rhysand. He had dedicated songs to him and sang him songs. Sometimes, he would daydream a life with him. Hindi pa niya noon alam na si Ryleigh si Rhysand pero sa pagkakaalala ni Keegan, nakapagplano na siya ng buhay kasama ito kahit hindi niya ito lubusang kilala. He was that… easy back then.
Noong bumalik naman ito sa buhay niya, parang naging cycle na ang rumupok kaagad kay Rhysand. Putang ina. Magkakagusto siya tapos madidismaya kaya maghihiwalay sila ng landas—iyon ang paulit-ulit na nangyayari sa kanila at parang ganoon din ang dynamic nila.
But if he were to have a serious relationship with Rhysand, that cycle had to stop.
Kung sa bagay, mayroon pa ba siyang ikadidismaya? Nabubuhay sila sa modernong panahon kung saan normal na lamang ang makakita ng magjowang pareho ang kasarian. ‘Tsaka wala nang maisip si Keegan na posible pang itago sa kanya si Rhysand. He was sitting near him in all of his glory and he wasn’t pretending to be someone else before.
So, what could go wrong if they’d change a bit more?
Kaya nitong dalawang round na nilaro nila, nawala bigla sa sarili si Keegan at hindi makapag-focus sa nilalaro. Kaya ayun, lose streak sila. Siya rin ang na-badtrip kaya sinabihan niya si Rhysand na magpahinga muna sila, pero habang umiinom ng tubig ang binata, naisip nitong kausapi siya.
Only that, Keegan ignored him on purpose.
“Keegan,” Rhysand called again. The man slid to erase the distance that separated them until he was almost beside Keegan. “Are you okay? Kanina ka pa ‘di nakakalaro nang maayos.”
Pinasadahan niya ng tingin si Rhysand. “Sinisisi mo ba ‘ko? Baka iniisip mong kasalanan ko kung ba’t tayo lose streak.”
“Wala akong sinabing ganyan. Nag-aalala lang ako dahil noong nagsimula tayo, maayos ka pa naman. May bumabagabag ba sa ‘yo? Na-bother ka ba no’ng mayroong nag-chat sa ‘yo at ininsulto ka?”
Magagalit sana si Keegan kay Rhysand dahil kahit itinanggi nitong sinisisi siya nito kahit iyon ang na-transcribe ng utak niya pero pinigilan niya ang sarili. Rhysand’s voice was laced with concern and he looked genuinely worried about him. Kaya kahit na anong inis ang nararamdaman niya, ang bilis din noong matunaw.
“Ba’t naman ako magagalit sa gano’n? Wala naman akong balak pumatol sa manlalarong mukhang may gatas pa sa labi’t menor de edad pa,” aniya.
Mataman siyang pinagmasdan ni Rhysand bago ito tumango. “E ano ‘yong dahilan kung ba’t ka biglang natahimik? You’ve been snickering every now and then a while ago. Tapos bigla ka na lang nanahimik pagkatapos.”
Silence.
A deafening silence met them as soon as the words left Rhysand’s lips. The two of them stared at each other—Rhysand waited for his answer while Keegan tried to form a proper sentence to say.
Pero noong hindi makapagdesisyon si Keegan kung ano ang uunahing sabihin, hinayaan na lamang niya ang bibig na tumakbo mag-isa.
“Mahal mo ba talaga ako?” Keegan asked randomly.
Rhysand, on the other hand, was taken aback as he blinked in confusion. The man probably wondered why Keegan asked him something ludicrous and obvious. It showed on how Rhysand’s face contorted after a while.
Siguro napaisip na rin ang binata kung bakit siya nagtatanong nang ganito ngayon samantalang kanina, naglalaro lang naman silang dalawa. Talking about Rhysand’s feelings—ha! Ni minsan ay hindi naisip ni Keegan na pag-uusapan nila ito.
“Oo, mahal kita,” seryosong sagot ni Rhysand. Halos hindi ito kumurap nang sagutin siya.
Keegan pressed his lips together and looked away. Hindi niya rin kinaya ang intensidad ng pagkakatitig sa kanya ng binata. “Isang buwan ka na ring nanliligaw sa ‘kin, Rhysand. Tingin mo, kailan kaya mawawala ‘yang nararamdaman mo para sa ‘kin?”
“Hindi ko alam, but I’m sure that it wouldn’t be anytime sooner. I like being with you.”
“Akala ko ba nanliligaw ka para mawala ‘yang nararamdaman mo para sa ‘kin?”
“Oo nga.” Rhysand shrugged. “Pero ‘di ibig sabihin no’n e iyon nga ang mangyayari sa ‘kin. I wasn’t exactly resolved in moving on when I asked to court you. Gusto ko lang talagang manligaw dahil hinikayat ako ni Sir Aaron at naisip kong tama siya—ako rin ang magsisisi kung tititigan lang kita mula sa malayo.”
After that, the two of them fell silent again. Hindi na ulit siya nakatingin kay Rhysand at sa halip, sa nakapatay na telebisyon nakatuon ang atensyon niya. Pinanonood niya ang repleksyon nila ni Rhysand mula sa skrin bagamat alam niyang hindi kikilos ang mga iyon kung hindi sila ang mauuna. Still, it gave Keegan the access to see what Rhysand was doing.
He wasn’t an idiot not to feel and see it from his peripheral vision but to watch Rhysand’s reflection from the TV screen made him feel things. Bagamat nakaiwas ang tingin niya sa binata, mataman naman siya nitong pinagmamasdan. His eyes never left Keegan’s face and he looked like he had been waiting for something.
Marahil alam ni Rhysand na mayroon pa siyang iba pang itatanong bukod sa kumpirmahin ang nararamdaman nito para sa kanya at naghihintay lamang ito sa kanya.
The corner of his lips twitched when he saw Rhysand move and set an even more proper distance between them. Malapit ito sa kanya kanina pero hindi sobrang lapit na ini-invade na nito ang personal space niya. Sa pag-usog, nasagi pa ni Rhysand iyong plato ng boy bawang na binili nila kaya may natapong kaunti, pero nilinisan din agad ng binata iyon.
Since Rhysand’s attention was focused on cleaning, Keegan took it as an advantage to stare at Rhysand’s face and wonder whether he’d want to be in a relationship with him.
Walang problema si Rhysand sa pisikal na kaanyuan, e. He’s handsome, charismatic, and hot; and Rhysand knew it. He had a tan complexion which accentuated his appeal, but that was just the start. Makakapal ang mga kilay ni Rhysand at maging ang mga pilikmata nito. Though, most men like him really had thick eyelashes, Rhysand’s eyelashes made him look bold and intimidating. Matangos ang ilong ni Rhysand, and his lips looked kissable—no joke. Sakto lang, average lips, but in his eyes, they looked really kissable, Keegan thought that he’d nibble Rhysand’s lips if he had the chance.
Voice—oh, how Keegan liked Rhysand’s voice. It was manly and deep, yet it always sounded gentle. Masarap pakinggan ang boses ni Rhysand at mayroong pakiramdam si Keegan na kung kakanta pa ito ay baka maitapon na niya ang nag-iisang braincell palabas ng apartment niya. Kaya huwag na itong kumanta, ayaw niyang biglang maulol.
Kung ugali naman, wala ring masasabi si Keegan. Rhysand, ever since they were children, was a kind young man. He’s extremely understanding and careful around him, and there wasn’t a time where he’s being dishonest. Rhysand was genuine from the start. Isa lang naman ang mapi-pick na mali ni Keegan kay Rhysand at matagal na iyong nangyari. Hindi invalid pero kung titignan niya ang binata ngayon, mukhang marami nang nagbago rito. Nasa mukha naman ni Rhysand na hindi na nito uulitin ang mga pagkakamali mula sa huli nilang relasyon.
“Natapon pa iyong suka,” narinig niyang bulong ni Rhysand ‘tsaka siya nito tinignan. “Sorry. Kee, nasa’n ‘yong pamunas mo ng sahig?”
Hindi kaagad sumagot si Keegan at sa halip, mataman niyang pinagmasdan si Rhysand. Matagal-tagal siyang napaisip at baka ang akala ng binatang kaharap, hindi niya maalala kung saan niya nailagay ang mga basahan kaya siya tahimik. Little did Rhysand know, Keegan didn’t really hear his question and was thinking about something else.
Noong ibuka ni Keegan ang bibig, ang buong akala ni Rhysand ay sasabihin nito kung saan nito itinago ang mga basahan.
Iyon lang, iba ang sinabi ni Keegan.
“Mahal pa rin yata kita, Rhysand,” aniya.
Keegan’s sudden confession took Rhysand to a halt. This wasn’t the answer Rhysand was anticipating from him yet he couldn’t deny that he liked what he heard—but at the same time, he was doubtful and confused. Although Rhysand’s heart burst inside, he just stared at Keegan blankly and processed the confession.
Hindi bobo si Keegan para hindi malamang nagdadalawang isip si Rhysand kung maniniwala ba ito sa kanya, pero mukha ba siyang sinungaling? Kaya noong mapikon siya na wala pa rin siyang natatanggap na sagot mula sa binata, hinawakan niya ang kwelyo nito’t hinila ito papalapit sa kanya at sa isang iglap, nang mabura ang distansyang naglalayo sa kanila’t maglapit ang mga mukha nila, hinalikan ni Keegan si Rhysand.
The kiss felt warm even though it was just a quick smack. When Keegan felt Rhysand’s lips against his, he felt giddy, something from within him danced and celebrated. It was as though he longed to kiss Rhysand again.
Nang maghiwalay sila nang kaunti, muling nagsalita si Keegan, “ano? Naniniwala ka na ba?”
Kabanata 25
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 25
ㅤㅤㅤㅤRHYSAND was dumbfounded when Keegan suddenly pulled him for a quick kiss. Halos kaaamin lamang noon ng binata na mahal din siya nito at hindi niya pa iyon naipoproseso pero nabati na kaagad siya ng bagay na mas makakapagpruweba ng nararamdaman ni Keegan. But for some reason unknown, Rhysand felt really conflicted. He really loved Keegan and now that he was here, being told that Keegan loved him too, felt surreal that he didn’t want to believe it.
Nananaginip ba siya? Pina-prank ba siya? Sinusubok ba siya ni Keegan? O itong utak niya, iba ang pagkaka-transcribe sa pag-amin ni Keegan? Baka basted talaga siya? Pero hinalikan siya, e. Posible bang ma-basted nang hinahalikan?
Hindi nagtagal, kinamot ni Keegan ang ulo. Mukha itong nasiphayo nang wala itong matanggap na maayos na reaksyon mula sa kanya. “Ano na?! Tingin mo ba, umamin ako sa ‘yo para matulala ka lang diyan? Tang ina, lamon na lamon ako ng hiya rito, ‘di ka man lang sumagot. Kung ayaw mo na bigla sa ‘kin dahil may gusto na ‘ko sa ‘yo, sabihin mo! Wala ‘kong pakialam kung nangla-lovebomb ka o ano. Kailangan ko ng sagot!”
“Sandali lang…” Rhysand trailed off. “Nagtatanong lang kasi ako kung nasa’n ang basahan dahil natapon ko ‘yong suka tapos bigla ka na lang—”
“Importante pa ba ‘yon? Nandiyan lang ‘yong basahan!” agap sa kanya ng binata at base sa tono ng pananalita nito, mukhang tuluyan nga itong nairita sa kanya. “Rhysand…”
Rhysand blinked as he watched Keegan cover his face. Sa mga oras na iyon, napansin niyang namumula ang tenga’t leeg nito. Hindi masabi ni Rhysand kung dahil ba napipikon pa rin ito sa kanya o dahil tuluyang nag-sink in dito ang pag-amin.
Keegan was bold, Rhysand always knew. But when things start to sink in to him, he’d act really shy.
“What are we then? Anong gusto mong mangyari sa ‘tin ngayon, Keegan?” Rhysand soon asked. Mukhang natigilan si Keegan kaya sumilip ito mula sa pagitan ng mga daliri nang matignan siya. “Mahal kita at mahal mo ‘ko, ayokong isipin na sinasagot mo na ‘ko dahil ‘di naman porket sinabi mong mutual tayo, gusto mo ‘kong maging boyfriend. Baka ‘di ka pala handa, baka gusto mo lang i-assure sa ‘kin na may pag-asa ako pero kailangan kong maghintay pa. Ayaw kitang pangunahan kasi kung ako lang, kahit tangayin mo pa ‘ko para magpakasal na, sasama’t sasama lang ako sa ‘yo.”
Keegan stared at him ludicrously and sneered. “Kailan ka pa naging overthinker?”
“Pagdating sa ‘yo, lagi naman akong nag-iisip nang kung anu-ano, Kee.”
“E ba’t ako aamin sa ‘yo kung ‘di ko naman pala kayang panindigan kung anong mangyayari na susunod? Tingin mo ba, nagsayang ako ng laway para sabihin sa ‘yo na may gusto ako sa ‘yo?”
Rhysand’s heart fluttered when he heard that Keegan repeated the words that he liked him. Of course, he was happy. Kung pupwede lang niyang atakihin ng yakap si Keegan, iyon ang gagawin niya pero nilulukob pa kasi ng takot ang dibdib niya. Pero tama rin siguro si Keegan, baka nag-iisip lang siya nang kung anu-ano.
“Mahal kita,” he randomly said and as he blurted out those words, Keegan was flustered.
Napalunok wi Keegan habang tahimik na pinanood ni Rhysand ang paggalaw ng Adam’s apple ni Keegan. “O—Oo, alam ko. Mahal din kita.”
Rhysand hummed lightly. “Anong gusto mong mangyari sa ‘tin ngayon?”
“Putang ina. Pakiramdam ko alam mo kung anong gusto ko, ba’t mo pa ako tinatanong?”
“Para sigurado. Para walang bawian.”
Keegan hissed. “Para makonsensya ako kung sakaling pagsisihan ko ‘to?”
The corner of his lips lifted. “Hindi ko sinabi ‘yan. Gusto ko lang na sa ‘yo mismo manggaling, Kee. Ano na ba tayo ngayon? Sa’n ang nagbago?”
Pareho nilang pinagmasdan ang isa’t isa, nakikiramdam. Hanggang sa unti-unti nang rumirehistro pabalik sa ilong ni Rhysand ang amoy ng suka, ‘tsaka niya sinira ang eye contact nilang dalawa ni Keegan. His nose scrunched, displeased that the smell might have stuck in his slacks now, but Keegan reached out to him and patted whatever crumbs was left on the side of his slacks.
“Gusto kita maging boyfriend,” ani Keegan ‘tsaka tinabi nang mas maayos iyong bowl ng boy bawang nang matapos ito sa pagpagpag ng slacks niya. “Iyon e kung gusto mo.”
Mahinang natawa si Rhysand at inabot ang kamay ni Keegan para hawakan. It was the same hand that cleaned his slacks and he didn’t mind that it was dirty or it smelled bad. Hinalikan lamang niya ang likod ng palad ni Keegan bago siya mahinang tumawa.
“Gusto ko,” he simply said as he met Keegan’s gaze. His lips curled upwards and his eyes almost squinted, but his eyes danced in mirth. “Gusto kong maging boyfriend mo ulit, Keegan.”
Bahagyang ngumuso ang binata sa ginawa niya ngunit noong sa wakas ay nakabawi ito, inismiran siya nito kasabay ng pag-agaw nito sa sariling kamay para ang pisngi naman niya ang tapikin.
“Mabuti. Tamang sagot. Tamang desisyon.” Then Keegan gestured him to go. “Nasa ilalim ng lababo ‘yong basahan. Dalian mo, nangangamoy suka ka na, Rhysand. Kukuhaan kita ng damit do’n nang makapagbihis ka rin, ang baho mo.”
“And whose fault is it?” he mused. “Kaninang nagtatanong ako kung nasa’n iyong basahan, bigla ka na lang umamin.”
“Tumahimik ka na lang at pumunta na ro’n, mababatukan pa kita nang wala sa oras e.”
“It’s our first day as a couple… Tapos balak mo agad akong saktan? How heartless.”
Pinaikot ni Keegan ang mga mata bago siya nito pabirong tinulak pero may naglalaro pa ring mga ngiti sa labi nito. “Puro reklamo, roon na!”
ㅤㅤㅤㅤKANINA pa tinatapunan nang masamang tingin ni Keegan si Rhysand mula noong magpaalam itong uuwi. So, although he did it begrudgingly, Keegan still asked if he could see Rhysand off. Fortunately, Rhysand approved. Suot pa rin noon ng binata ang mga damit niya’t tuwing maliligaw ang mga mata ni Keegan sa katawan ni Rhysand, ‘tsaka niya maiisip na bibili siya ng panibagong set ng mga damit na mas kakasya rito. Ang sikip tignan ng mga damit niya kay Rhysand, e.
Since it was already ten o’clock in the evening, the streets were quiet. Kakaunti na lamang ang lumalabas pa mula sa kani-kanilang mga bahay kaya malaya silang gawin ang kahit ano rito, walang makakakita sa kanila’t walang mag-aabalang tumingin.
Noong matapos si Rhysand na ibalik ang mga gamit nito sa loob ng sasakyan, isinara nito ang pinto ng backseat at lumingon sa kanya. Tapos ay ngumiti ito na mas lalong nakapagpasimangot sa kanya.
“Naiinis ako sa ‘yo,” he blurted out after a momentary silence enveloped their surroundings.
Mahinang tumawa si Rhysand at napailing-iling. “Sorry. Alam mo namang may pasok ako bukas ‘tsaka hindi ako nakapagdala ng uniporme dahil random ka lang namang nagtanong kanina kung gusto ko bang tumambay sa bahay mo.”
“Pupwede ka namang maaga na lang umalis bukas. Anong oras ba ang pasok mo? ‘Di ba sa susunod na linggo pa ang pasukan?”
“Ala siyete ng umaga.”
Rhysand leaned against his car and gestured him to come over. Siya naman, sumunod agad. Noong makalapit siya sa binata, ang una nitong ginawa ay ipulupot ang mga braso sa beywang niya, habang siya naman ay humawak din sa ibabang parte ng mga braso ng binata, malapit sa palapulsuhan.
Then, Rhysand laughed like a child. “I’m happy.”
Inismiran niya lamang ito. “Sana all. Nabibwisit ako sa ‘yo, e.”
Mas lalong natawa si Rhysand. “Maniwala ka sa ‘kin, kung ako lang e mag-a-absent talaga ako sa trabaho bukas pero marami pa ‘kong gagawin. Susunduin naman kita bukas.”
Hindi nakasagot si Keegan at sa halip, bumuntong hininga na lang. E kung halikan kaya niya si Rhysand ngayon tapos akitin niya? Baka pumayag bumalik ang binata sa loob ng apartment niya.
Noong hindi nakatiis si Rhysand, ipinilig nito ang ulo’t pinatakan ng halik ang noo ni Keegan. “How about this weekend? Wala akong gagawin no’n. I could stay until Sunday evening.”
Weekend? Napaisip si Keegan sa offer ni Rhysand. “Mula anong araw ka nandito?”
“Friday night. Pagkatapos ng shift ko sa trabaho.”
Fuck this shit. Alam ni Rhysand paano makipag-bargain! Pekeng tumikhim si Keegan at nag-iwas ng tingin. Ipinagkrus niya ang mga braso’t biglang naging interesado sa kalapit bahay niyang wala na namang ilaw ang bahay.
Then, he snorted. “Siguruhin mo lang na matutuloy ka sa Biyernes, Marcus Rhysand. Kahit ‘di ka na magdala ng damit, bibili na lang ako ng extra mo.”
Muling ibinalik ni Keegan ang mga mata sa katawan ni Rhysand at lihim na ngumiti noong malapitang makita na hapit sa katawan ng binata ang t-shirt na ipinahiram niya rito.
Napansin ni Rhysand ang pagtitig niya sa dibdib at mga braso nito kaya ito tumawa. “What the hell? Pinapakita mo agad sa ‘kin itong side mong ganito. That’s bold, Keegan.”
“Anong bold?” His nose scrunched. “At anong side? Ina-appreciate ko lang naman ‘yang katawan mo. ‘Di ako ang gym trainer mo pero ang galing ng ginawa niya sa ‘yo.” Rhysand looked ravishing.
Nang-aasar itong humimig. “Sabi mo, e. O siya, lumalalim na ang gabi, uuwi na ‘ko.”
Napanganga si Keegan nang mabalik sa ayaw niyang mangyari ang ganap. Nakalimutan niyang halikan si Rhysand at tangayin pabalik ng apartment niya! Kahit naman maganda ang offer nito sa darating na weekend, ayaw ni Keegan pakawalan ang isang ito matapos nitong mag-enjoy enjoy kasama si Leroy nang ilang araw!
When Rhysand let go of his waist, Keegan felt like the Heavens castigated him. He felt cold and abandoned, like a puppy who was suddenly disliked by its master—or a puppy who had a master that was about to go to work? Perhaps the second one was more befitting to describe him.
“Sandali, sandali, sandali,” paulit-ulit na sabi ni Keegan ‘tsaka mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa magkabilang palapulsuhan ni Rhysand.
Rhysand tilted his head. “O, may problema ka pa rin?”
“Marami,” he deadpanned.
Hindi na nagpadalus-dalos pa si Keegan. Binitawan niya ang mga palapulsuhan ni Rhysand ‘tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata para hilain ito at mahalikan. This time, their kiss lasted for a while. Keegan was relaxed because he knew that no one would see them being intimate outside but Rhysand was vigilant and moved his head a bit. He could do it after they broke their kiss but didn’t. Hindi rin sobra ang pagkilos nito, sapat lang para makita nito ang buong kapaligiran bago nito hinawakan ang likod ng ulo ni Keegan para mas palalimin pa ang paghahalikan nila.
Keegan hummed in satisfaction when Rhysand finally began to respond in his kisses, and he didn’t mind anymore if someone actually, just by accident, saw them making out.
Pero noong malapit na silang kapusin ng hininga, naghiwalay sila ni Rhysand. A string of saliva followed them when their lips separated and it was too hot for Keegan to handle, he ended up clenching his fists.
Ah! Normal bang ma-turn on agad sa ganito?!
Naputol ang pag-iisip ni Keegan noong bigla siyang pitikin ni Rhysand sa noo na sinundan ng naaaliw na tawa. He yelped, of course! Napahawak din siya sa noo pero si Rhysand, patuloy lang sa pagtawa. His baritone voice echoed through the streets and although he was loud, it was oddly pleasant in the ears.
“Ba’t mo ‘ko pinitik?!” nanggagalaiti niyang tanong.
Pakshit. Ibig sabihin, failed ang attempt niyang i-seduce si Rhysand pabalik sa apartment niya!
Rhysand clicked his tongue when he was over with the laughing. “Baby, you’re being aggressive tonight. I’d want to give in but…” Rhysand leaned close to him and Keegan tensed when he felt his breath against his ear. “I really want to touch you too but…”
Keegan’s blood probably rushed below when he heard Rhysand’s husky and seductive voice. But as soon as he realized what was happening, he muttered a string of curse.
“Anong but-but?!” asik niya sa binata.
Pinangilabutan si Keegan noong tumawa si Rhysand. Dahil malapit pa rin sa tenga ang bibig nito, parang kung anu-ano ang nagising ng binata sa katawan niya. Mga side niyang hindi alam ni Keegan na nandoon pala.
Bakit…? Bakit parang baliktad?
Siya dapat ang nang-aakit pero bakit siya ang naaakit?!
Mabuti na lang at madilim! Walang makakakita na mayroong nagising sa ibaba niya dahil kay Rhysand!
Natigilan lamang siya nang bahahyang kagatin ni Rhysand ang tenga niya bago ito umatras para ngitian siya. “Priorities first. May pasok tayo bukas. I’ll see what I can do this Friday night.”
Hindi pa tumigil si Rhysand sa pang-aasar nang hawakan nito ang pisngi niya’t paglandasin ang hinlalaki sa mga labi ni Keegan. He even slightly pressed his thumb on his lower lip and at that moment, Keegan’s mind was already a mess.
“I love you,” Rhysand blurted out before he leaned in for another quick kiss. “Bukas na lang ulit.”
Hinawakan ni Keegan ang sleeve ng suot ni Rhysand para malaman nitong ayaw niya itong paalisin pero kalaunan, bumuntong hininga rin siya at sumuko. “Mahal din kita. Ingat ka sa pag-uwi, pero pakyu ka pa rin.”
“Unique ng I love you mo, may kasamang mura.”
Imbes na sumagot, tinulak lamang ni Keegan si Rhysand.
ㅤㅤㅤㅤMABUTI na lang at mabilis lumipas ang oras dahil kung hindi, namatay na sa pagkabagot si Keegan. The next day, the two of them agreed to meet. Napaalalahanan siyang mayroon silang praktis sa banda ngayong araw kaya sinabi niya kay Rhysand na hindi rin sila magtatagal na magkasama, much to his dismay; and curiosity since he never knew that he’d once grow this clingy again.
The two of them walked around Astro Park and casually strolled together. May hawak sila na lalagyan ng fishball para habang naglalakad, nakakapagmiryenda sila. Natatawa nga lang siya paminsan-minsan kay Rhysand dahil marami itong binili at punung-puno na iyong pinakamalaking plastic cup na kinuha nito. So, every now and then, Rhysand would offer him food.
“Anong oras na?” tanong ni Keegan sa binata.
The sun hadn’t set yet and there were still a lot of people who either had a picnic, strolled just like them, or jogged around the place. Sa may gitna ng Astro, mayroong grupo ng mga estudyanteng nagba-bartending. Maingay ang buong paligid at paminsan-minsan, matitigilan sina Keegan sa paglalakad dahil mayroong mga batang magtatakbuhan sa harap nila’t naghahabulan.
Rhysand glanced on his wristwatch and sighed in relief. “May trenta minuto pa tayo bago kita ihatid sa studio.”
Napaismid siya. “Ang convenient pala magkajowa ng may kotse. Kung wala ka lang, baka ngayon pa lang naglalakad na ‘ko papunta ro’n.”
“Hindi ko alam sa ‘yo. Boyfriend mo na ‘ko noon, pinakawalan mo pa ‘ko.”
“Utang na loob—e malay-malay ko bang sa kaloob-looban ko, wala akong pakialam kung ikaw nakaharap ko’t ikaw pala boyfriend ko? Malamang magpapatangay ako ro’n sa ideya na kapatid turing ko sa ‘yo dahil hanggang nitong nakaraang buwan, iyon naman talaga tingin ko sa ‘yo!”
“Hindi talaga sumagi sa isip mo na iyong ‘kapatid’ mo e iyong ako no’ng highschool lang tayo? Lumayo na ‘ko’t lahat. You should’ve at least thought that even though we’re familiar with each other, we’ve also become strangers throughout the years.”
Pumalatak siya. “Huwag mo ‘kong english-in. ‘Tsaka ‘di ‘yan sumagi sa isip ko.” Tumigil si Keegan sa pagsasalita para kainin iyong fishball na ibinibigay sa kanya ni Rhysand. “Ano, hayaan mo na nga. Dati pa ‘yon. Iba na ngayon. Tayo naman na ulit, ano pang problema?”
“Wala,” Rhysand replied nonchalantly, but he sighed. “Kaso ang tagal ng prusisyon natin. Kung ‘di mo lang ako brineak baka may pamilya na tayo ngayon.”
Mahina siyang humimig.
Pamilya—this word and this idea had a lot of history in Keegan’s life, so he didn’t know how to respond.
Sa totoo lang, simula noong itakwil siya ng sariling pamilya, i-frame bilang drug dealer sa murang edad, at nang abandonahin siya ng mga ito ay nagkaroon ng trauma si Keegan. Salamat kay Nay Belinda at Edward, hindi naman iyon lumala at bilang lalaki, bumalik ang kagustuhan niyang maging tatay isang araw.
Then came Ivy. Ang akala niya, ang babaeng iyon na ang end game niya. Ibinigay niya lahat para sa dalaga at handa rin siyang isakripisyo ang sarili para lang magkaroon ng mas maayos na ama ang dinadala nitong bata sa sinapupunan, kaysa kay Joshua naman mapunta ang mag-ina.
Naalala pa niya noon, kahit mapait at mabigat sa puso, ang iniisip ni Keegan ay ayos lang kahit iba ang tatay noong bata; basta siya ang piliin ni Ivy. Masaya rin naman siya dahil ang ibig sabihin noon ay magkakaroon sila ng pamilya ng dalaga. Well, things didn’t turn out the way he wanted it to be. Ivy chose Joshua although he wronged her, and Keegan once again, never felt the desire to become a father.
Bumuntong hininga siya. “Alam mo ba no’ng naging tayo kahit si Ryleigh pa ang pakilala mo, iniisip ko kung pa’no kita ia-approach para sabihang ayoko magkapamilya.”
Rhysand paused and turned to him in disbelief. “Bakit, ‘di ka ba tinatayuan? It’s alright, I still love you and that doesn’t matter.”
Namamanghang napatitig si Keegan sa katabi kasabay ng pagtigil niya sa paglalakad. Noong mapansin iyon ni Rhysand, tumigil din ito ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Tapos nagngitngit ang mga ngipin niya at nang hindi niya natiis, sinipa niya si Rhysand.
Muntik pa noong matumba ang binata at muntik ding matapon ang totobits na bitbit nito pero nabawi ni Rhysand ang balanse, ‘tsaka siya nito napapantastikuhang pinagmasdan.
“What was that for?! Sayang ‘yong pagkain kung natapon, Kee!” Rhysand scowled.
Mas lalo siyang sumimangot. Tang ina ng batang ito, pagkatapos siyang sabihan na hindi tinatayuan, mas concerned pa rin ito sa pagkaing hawak?! Mukhang hindi naman pala nagbago ang isang ito kahit ang dami nitong drama kanina, e!
“Tanga! Sa’n mo nakuha ‘yong ideyang hindi ako tinatayuan?!” asik niya rito ‘tsaka niya ito muling sinipa, kaso nakaiwas na sa ikalawang pagkakataon si Rhysand. “Tang ina mo, bumalik ka nga rito!”
“I just assumed! Baka ‘di ka na tinatayuan!” Rhysand exclaimed as he shook his head. “Alam kong imposible dahil… May nakita akong ‘di kaaya-aya noon pero… Ayun.”
Naguguluhan niyang tinignan si Rhysand. “Anong nakita mong ‘di kaaya-aya?”
The two of them paused for a moment before Keegan aggressively shook his head.
“Ang layo na tuloy nang narating ng pinag-uusapan natin!” aniya ‘tsaka siya napahilamos ng mukha. “Bumalik ka rito, Rhysand. May sasabihin pa ‘ko sa ‘yo.”
Nagkibit balikat ang binata. “Depends if you’d hit me again.”
“Bumalik ka rito, baka tamaan ka talaga sa ‘kin kapag nagsimula akong magbilang.”
“Ba’t mo ba ‘ko tinatratong parang bata?” reklamo ni Rhysand pero bumalik din ito sa tabi niya.
Imbes na sumagot ay tahimik lamang na pinanood ni Keegan si Rhysand na lumapit sa kanya. Muli itong tumabi sa kanya at nang mapansing hindi naaalis ang tingin niya rito, nilingon siya ng binata at tipid na nginitian. Then, Rhysand motioned him to walk and he’d follow. Iyon naman ang ginawa ni Rhysand.
“So, what about not wanting kids?” Rhysand asked later on, just as when they were enjoying their snack once again.
Nagkibit balikat si Keegan. Noong una lang naman niya gustong kausapin si Ryleigh—este Rhysand na ayaw niya nang magkapamilya. Gawa lamang iyon ng namuong pagkabagabag sa puso niya mula noong maiwanan siya ni Ivy pero wala na iyon, lumipas na.
“Hayaan mo na ‘yon,” kalauna’y aniya. His answer made Rhysand’s eyebrows raise out of curiosity. “‘Di na mahalaga ‘tsaka tapos na ulit ako sa phase na iyon. Ayos lang sa ‘kin kung gusto mong magkapamilya. Ikaw?”
Rhysand didn’t answer right away, but he soon let out a small hum. “Ayos lang din sa ‘kin kung ayaw mo. But time would tell. Marami tayong oras, Kee. Pupwede pa nating pag-isipan at pag-usapan ‘yan. Kakasimula lang ulit natin, enjoy-in muna natin isa’t isa.”
“Huh.” Ipinilig ni Keegan ang ulo at namamangha niyang pinagmasdan si Rhysand, hanggang sa abutin niya ang ulo nito at bahagya niyang guluhin ang buhok nito. Of course, Rhysand did complain, but he didn’t remove Keegan’s hand. “Ang mature mo nang pakinggan! Ang dalas kong manibago dahil para sa ‘kin, bata ka pa rin.”
Rhysand pursed his lips and groaned. “Mag-move on ka na, nasa late twentys ko na ako.”
Oo nga. Kailangan na nga niyang ipukpok sa ulo niyang hindi eleven years old na Rhysand ang kaharap niya ngayon kung hindi bente siyete anyos na bersyon ng Rhysand na kilala niya noon.
Tama rin si Rhysand noong sabihin nitong hawak naman nila ang oras nila. Maraming panahon para magdesisyon kung gusto ba niya ng pamilya o hindi. They need no rush and Keegan didn’t need to fake the desire to have a family, Rhysand would understand.
Pakshet. Kung anu-ano naiisip nila. Bago lang naman sila. Yawang buhay.
Kabanata 26
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 26
ㅤㅤㅤㅤNOONG sumapit ang Huwebes, pagkauwing-pagkauwi ni Keegan mula sa band practice nila nina Renzo ay naglinis kaagad siya. Hindi kasi niya maaasikaso ang bahay bukas dahil mayroon siyang pasok at ayaw ni Rhysand na mag-leave siya para lang dito. It was really thoughtful but for Keegan, Rhysand was dumb. Mag-a-absent nga siya para rito nang makapagpa-impress dahil simula noong maging sila, si Rhysand palagi ang kumikilos.
Not that Keegan didn’t try to do anything. Sadyang nauunahan lang siya ni Rhysand.
Ang problema lang ni Keegan, kasama niya sa pag-uwi si Renzo. Although he was grateful that Rhysand didn’t fetch him on the way home from practice since he had other things to do, Keegan still found the guy troublesome. Palagay ni Keegan ay marami itong rason para iyon ang gawin, magkakaibigan nga naman sila nina Rhysand mula noong mga bata pa sila, and Rhysand’s little prank turned out serious—the one whereas he pretended as Ryleigh to surprise Keegan? Pero ayun nga.
Basta. Hindi maipaliwanag ni Keegan kung bakit simula noong bumalik si Rhysand sa Pampanga, mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya kay Renzo.
“Nagmamadali kang umuwi para maglinis?” nagtatakang tanong ni Renzo noong bumalik siya sa sala na may dala-dalang walis tambo at dustpan. “Hindi mo ba pwedeng gawin ‘yan mamaya, mayroon kang bisita, o?”
“Hindi ka bisita,” mabilis na sagot ni Keegan. Bagamat pabiro ang tono niya, seryoso siya sa sinabi. Kalaunan, nagpeke siya ng tawa. “Diyan ka lang, Kuya Renz. Mabilis lang ‘to. Hindi naman sobrang dumi ng apartment ko, may itatapon lang ako na kaunti.”
“Kaya nga. E ba’t ngayon mo gagawin samantalang pwede namang mamaya?”
Every second matters—ang gusto niyang sabihin pero natatakot si Keegan na magsalita dahil baka mali ang grammar niya’t maningkit pa ang mga mata ni Renzo.
Kinamot niya ang ulo. “Importante ang oras? Time is gold?”
Mataman siyang pinagmasdan ni Renzo, hindi kumbinsido sa sagot niya ang binata kaya ito bumuntong hininga. “H’wag mo sabihing may bisita ka bukod sa ‘kin kaya ka naglilinis? Sino? May bago ka na naman bang girlfriend? O ka-MU? Lumagpas ka na’t lahat sa kalendaryo, ngayon ka lang nakahanap?”
“E ano naman? Ang mahalaga, nakakita.” Sumagitsit si Keegan at pabirong iniangat ang walis sa mukha ni Renzo. “H’wag ka ngang epal, Kuya Renzo! Maglilinis lang naman. ‘Tsaka bukas pa dating no’n, e kaso wala akong oras maglinis bukas kaya ngayon ko na lang gagawin.”
Mahinang tumawa si Renzo. “Edi ikaw na ang masaya. Sino pala ‘yang bago mo? Imposibleng si Rhysand, matagal na kayong walang koneksyon ng isang ‘yon at palagay ko, ‘di naman na kayo nagkikita.”
God forbid he knew. Nag-iwas ng tingin si Keegan mula sa binata at nagsimulang magwalis-walis sa sulok. Si Renzo, iniangat ang mga binti sa upuan nang sa ganoo’y hindi maging sagabal sa pagsisimula niyang maglinis. He didn’t even care to touch the food that was on the table. Lahat iyon nakaplastik pa. Ang nagalaw lang ay iyong hinanda ni Keegan na maiinom nilang juice sa lamesa at ang baso ni Renzo na kalahati pa ang laman.
His place, just like he said, wasn’t a huge mess. Wala naman siyang alagang aso at siya lang din mag-isa sa bahay kaya hindi mahirap linisin ang apartment niya. Madalas din siyang wala rito at bilang nasanay na siyang walang nag-aalaga sa kanya, alam niya kung paano mag-maintain ng titirhan. Keegan wasn’t sheltered nor was spoiled, so cleaning wasn’t much of a problem.
“Hoy.” Binasag ni Renzo ang namutawing katahimikan noong mapansing anumang oras ay hindi sasagutin ni Keegan ang tanong nito. “Ibang tao na ‘yang jowa o ka-MU tinutukoy mo, ano?”
Keegan paused for a while and stared at Renzo intently. Sa huli, tipid siyang tumango’t mahinang humimig. There was neither a confirmation or a denial—meaning, he wasn’t erasing the idea that the person he was very well acquainted to could be Rhysand. Kaso, depende iyon kay Renzo kung paano nito ita-transcribe ang sagot niya.
“Ba’t ka ba tanong nang tanong? Daig mo pa sina Kuya Edward sa pag-iimbestiga mo, a?” he jokingly said.
Kahit naman gustong kumpirmahin ni Keegan na hindi si Rhysand ang boyfriend niya, mayroong maliit na boses sa isipan niyang pilit siyang kinukumbinsing huwag sumagot nang maayos.
“Wala lang. Gusto ko lang makasigurong ‘di ka sa batang iyon mapupunta. Sayang lang na…” Renzo halted midsentence, clenched his fist, brought it in front of his face, and cleared his throat. “Pero mabuti na lang at ‘di na naman si Rhysand. Ang pangit naman kung pati ngayon na matatanda na kayo, kayo pa rin sa huli. Dapat natuto na kayo noong nakaraan ninyong relasyon.”
Mukhang nabunutan ito ng tinik sa dibdib nang makumpirmang hindi si Rhysand ang jowa niya. But Renzo didn’t know every word he spat pricked Keegan’s heart. Offended siya, wala lang masabi si Keegan dahil ayaw niyang magkagulo.
“Ang tagal-tagal ka pa namang hinabol ng isang ‘yon, mabuti at naisipan na niyang tumigil.” Renzo clicked his tongue and leaned against the backrest of his seat. “Walang mabuting maidudulot kung kayong dalawa ang magkakatuluyan.”
Habang nakikinig, hindi maiwasan ni Keegan ang mairita kay Renzo pero imbes na isaboses ang pagkainis, pilit niyang nginitian ang binata ‘tsaka siya nag-isip ng ibang sasabihin.
“Anong ibig mong sabihin na walang magandang dulot kung maging kami ni Rhysand?” pag-uusisa niya.
Renzo looked at him as if he asked something ridiculous. “Hindi ka ba nandidiri? Lalaki kayong dalawa ni Rhysand.”
“Oo nga. ‘Di rin naman ikaw ‘yong tipong against sa LGBTQ, a?”
“Hindi,” Renzo trailed off before he looked away. “But it would really be distasteful if you two ended up together. Naririndi ako ‘pag maaalala kong sa lahat ng lalaki sa mundo, sa ‘yo pa magkakagusto ang batang iyon. Kung anu-ano pa ang ginawang kalokohan sa buhay nang sa noon, kayo rin ang magkatuluyan.”
O, ano naman?—Iyan ang gustong itugon ni Keegan kay Renzo pero kinagat niya ang dulo ng dila. And Keegan could bet a hundred peso that Renzo would be astonished beyond belief if he’d know that Keegan actually chose to be with Rhysand in the end.
Pagkatapos nang ilang taon na paghihiwalay, ilang buwan na pagkikita, isang buwan na panliligaw; nakumbinsi rin si Keegan na kahit paano niya itaob ang mundo, niloloko niya na lang ang sarili kung hindi niya sasabihing ang tagal niyang hinintay na bumalik si Rhysand sa buhay niya.
Habang naglilinis, lihim na bumuntong hininga si Keegan. Gusto niya talagang sagutin si Renzo pero pilit niyang kinakagat ang pang-ibabang labi nang makaiwas sa diskursong siya rin naman ang palalabasing talo. Sayang enerhiya.
ㅤㅤㅤㅤLAKING gulat ni Rhysand noong makita si Aaron na imprentang nakaupo sa table nito. Halos kadarating lang yata ng binata sa trabaho dahil nakasukbit pa rin ang bag nito sa mga balikat bagamat nakaupo na sa upuan nito.
Rhysand doubted his eyes. Ilang linggo nang hindi pumapasok si Aaron sa eskwelahan dahil marami itong seminar na ina-attend-an at mas gusto raw nitong nagtatrabaho sa bahay. Makikita niya naman ang binata kung bigla itong pumasok pero hindi rin naman madalas magtagal si Aaron. Isang oras, dalawang oras—hindi ito nananatili sa eskwelahan nang lalagpas sa tatlong oras dahil pupunta lang ito kung mayroong iri-report o hindi kaya’y may meeting.
When Aaron noticed his presence, the man looked over to him and smiled. “Good morning. Ang sipag niyo namang pumasok.”
His forehead creased and he looked at his own table for a while before he scratched his cheek. “May meeting ba, Sir Aaron? Ba’t mo bitbit ‘yang bag mo? Next, next week pa ang pasukan.”
“Oh. I know. I’m just…” Humikab ang binata. “Meeting mamaya. Since we’re all tasked to discuss about each section’s schedule, I had no choice but to stay, much to my dismay.”
Rhysand pursed his lips. Ah. Oo nga pala, wala pa silang schedule at bilang malapit na ang pasukan, kailangan nilang malaman kung paano ang arrangement ng bago nilang klase. He forgot.
Aaron snickered after a while. “You’ve been taking advisory classes since you came here. Fortunately, you’ve been diligent recently. Do you want to make some requests?”
Ibinaba ni Rhysand ang bag sa upuan. Hihindi dapat siya hanggang sa maalala niyang boyfriend na pala niya si Keegan at kung kukuha siya ng advisory class, malaki ang mababawas sa oras na pupwede niyang gugulin kasama ang binata. Even though he thought about this, he actually smacked himself mentally—it was a selfish thought. Nandiyan lang naman si Keegan, hindi aalis.
But he also wanted to give in to temptation. It’s just once. He had been diligently taking advisory classes ever since he started teaching because he liked managing his students. But this time, he wanted to have some time for himself and Keegan. So once… Just once.
“Kung papayag sila, pwede bang wala muna akong advisory class this year?” he asked Aaron after giving it some thought.
Aaron stared at him, expression indescribable. Hindi niya alam kung ano ang sumasayaw mula sa mga mata ng kapwa guro. Was it amusement or curiosity? It was only then when the side of Aaron’s lips lifted that Rhysand knew what he was thinking.
“Keegan?” Aaron asked, and from that one word, nothing else could be said; Rhysand just understood.
Tumango siya. “We just started dating this week. So, I was thinking if I could… Refuse to take an advisory class this school year.”
Aaron’s eyes remained onto him. Rhysand wasn’t even a bit confused when he appeared unsurprised and expectant. Kung sa bagay, matagal naman nang nai-call ni Aaron na mayroon pang pag-asa si Rhysand. Idini-deny lang naman siya dahil kapatid ang turing sa kanya—who would have known that a relationship from the past could hinder him from pursuing Keegan, though?
Most of the time, as far as Rhysand read in romance novels, the most popular trope was childhood friends to lovers; so he expected that he and Keegan might end up with each other without being friends as a hurdle.
“Good for you, good for you,” sabi ni Aaron habang marahan itong tumango-tango. Mayroong naglalarong multo ng ngiti sa mga labi nito ‘tsaka ito umayos nang upo. “Ako nang bahala sa ‘yo, Sir Mark. Dalawang taon ka na rin namang kumukuha ng advisory classes at palagay ko kung rejected ka o ‘di pa rin alam kung anong posisyon sa buhay ni Keegan, kukuha ka pa rin ng advisory class.”
Rhysand’s smile fell and he heaved a sigh. “Sir, ‘wag mo naman ipamukhang distraction ko ang pagkuha ng advisory class nang ‘di ko siya maisip.”
“Totoo naman!” Aaron snorted. “Mabuti nga’t gano’n ang distraction mo. Wala namang masama sa gano’ng practice. Maganda ngang itinutuon mo atensyon mo sa trabaho kaysa sa ibang bagay.”
Tipid siyang tumango. “Maraming salamat. Balitaan mo na lang ako mamaya, Sir Aaron. Kung ‘di sila pumayag sa request ko, ayos lang din. Keegan wouldn’t mind, anyway.”
“No, trust me, they’ll approve.”
Matapos nilang pag-usapan ni Aaron ang tungkol sa pagbabago ng schedule at ang request niya, roon pa lamang nagsimulang magdatingan ang mga kasama nila sa faculty. It wasn’t like he and Aaron were the only ones in the room, some of their co-teachers arrived earlier than them, but most of them probably left for a bit to get breakfast or perhaps, did something much more important. Basta noong makita ng mga ito si Aaron sa table nito na imprentang nakaupo, nagulat ang mga ito.
“Himala! Anong ginagawa mo rito, Sir Aaron?!”
“Oy, ngayon nga pala ‘yong meeting tungkol sa schedule natin. Dali, kausapin niyo na si Sir Aaron kung sinong ayaw magka-advisory!”
Naaaliw lamang na napailing-iling si Rhysand habang tahimik na pinanonood ang mga kasamahan na magkumpulan sa paligid nila’t kulitin si Aaron tungkol sa schedule.
“Out of ten, apat lang sa ‘tin pwedeng tumanggi sa advisory class. Si Sir Mark na nauna magpareserba. Pagbigyan niyo na rin, ngayon lang naman ‘yan nag-request,” sabi ni Aaron.
Sakto namang sumandal si Ma’am Faith sa table ni Rhysand. “Mabuti tumanggi ka, Sir Mark? Hindi ba dati, g na g ka magkaroon ng advisory?”
“Ah.” Rhysand felt awkward seeing her up close. He actually wanted to get away but all he could do was to simply push himself further from his table so that there would be a proper distance set between him and Faith. Then, he smiled. “Change of pace lang.”
Rhysand sweatdropped and gulped. He couldn’t just possibly tell them that he refused to take an advisory class so that he’d have more time with his boyfriend, right? He also didn’t want to make his previous class as an excuse. He had fun with them, they weren’t that stubborn and chaotic just like how other teachers made them to be.
Still, his co-teachers probably thought that he was stressed from his previous class from how they threw him a knowing look.
“Oo nga, bali-balita ko nga palang makukulit iyong mga dati mong estudyante, Sir Mark,” pakikisimpatya noong kasamahan nila.
Sumang-ayon din ang isa. “Mabuti na rin ‘yan, Sir! Magpahinga ka muna pero next year, bawal na ‘yan! Salitan tayo!”
Pagkatapos magwala ng mga ito dahil sa schedule, napaalalahanan din ang mga kasama nila na may gagawin pa sila. Not that there were anything that they would have do, Rhysand even thought about taking a half day since he’d sleep over to Keegan’s place tonight, plus he was pretty much here for the sake of attendance. Kaso kahit mag-half day siya ay hihintayin pa rin niya si Keegan galing trabaho.
“Wala ka na bang gagawin?” tanong ni Aaron habang abala itong maghanda tungkol sa meeting.
Umiling-iling siya. “Magbabasa-basa lang ako ng previous lesson plans ko, Sir. Titignan ko kung ano pwedeng i-revise nang madali akong makakapagturo.”
Umismid si Aaron. “Ang sipag. This is why Easton often wondered why I won’t take after you.”
“As long as you’re doing a great job,” Rhysand trailed off as he chuckled. “I think you’re good.”
ㅤㅤㅤㅤJUST like what Aaron promised him, no one asked why he shouldn’t have an advisory class this year. Bumalik na lamang ang binata na sinasabi ang bago nilang schedule at wala nga siyang advisory. Rhysand felt weird because this would be the first time that he’d only attend second periods but at the same time, a burden was lifted from his chest.
“Naninibago ka ba?” tanong ni Aaron noong mapansin nitong kunot ang noo niyang nakatingin sa bago niyang schedule.
Mahinang humimig si Rhysand bago niya bahagyang iniangat ang salamin sa lamesa nang doon maisuksok ang schedule niya. Noong mailagay niya iyon sa gilid ng lamesa kung saan mabilis iyong makikita, hinarap niya si Aaron.
“‘Di ko rin alam. Siguro,” aniya.
Napailing-iling si Aaron. ‘Tsaka niya napansin na nag-aayos na ito ng gamit. “Ngayon lang ‘yan. You’d actually feel pretty good when you started. Mas marami kang oras sa sarili mo.”
“I guess so.” Idagdag pa na ang a-attend-an niya ay mga grade nine at grade seven. Just how did Aaron manage to get him this schedule? “Mabuti na lang kaibigan kita, Sir Aaron.”
Natigilan ang binata nang marinig ang sinabi niya ‘tsaka ito napaismid. “Nagpapasalamat ka? As you should. It wasn’t easy to get that schedule for you. Mas maganda nga lang iyong sa ‘kin.”
“But isn’t it by default that you couldn’t get an advisory class because you’re the Head?”
“Even as the Head, I’m still fucked with the amount of work outside teaching. Anyway,” Aaron trailed off as he stood from his seat, carrying his bag on one shoulder. “Mauuna na ‘ko. Schedule niyo lang talaga inasikaso ko. Umuwi ka na rin, ikaw na lang maiiwan niyan dito, pauwi na rin si Ma’am Fey niyan.”
“Ah, yeah. Salamat ulit, Sir. Ingat sa pag-uwi.”
“Sila mag-ingat sa ‘kin… At kay Easton.” Aaron pondered for a while before he smiled and teased, “sige na, sunduin mo na rin iyong asawa mo.”
Heeding Aaron’s words, Rhysand also began to pack his things. Ang orihinal niyang plano ay sagarin ala singko ang pananatili rito dahil ala sais pa ang out ni Keegan pero may punto si Aaron. Siya na lang ang maiiwan niyan dito, ‘tsaka wala naman siyang magandang gagawin kung dito lang siya, wala nang matitirang guro bukod sa kanya at sa iba pang masipag galing ibang department.
Noong matapos si Rhysand na siguruhing wala siyang naiwan at nakabunot na lahat ng wire sa faculty, isinukbit niya ang bag sa balikat at tumungo sa isa sa mga pinto ng faculty para isara. Isang susi lang ang meron siya, siguro ang isa ay na kay Ma’am Faith.
But just as when he was about to lock one of the doors, he was surprised when someone tapped his shoulder. Nang lumingon siya, nakita niya si Faith na nakangiti sa kanya.
He tilted his head. “Oh. Wala sa ‘kin iyong isang susi kaya ito lang isasara ko, ‘wag kang mag-alala.”
“Nasa sa ‘kin,” Faith replied before she sighed. “Ang aga mong uuwi ngayon, Sir? ‘Di pa natin out, a?”
“May pupuntahan kasi ako.”
Ang buong akala ni Rhysand, magtatanong pa si Faith kung saan siya pupunta at kung importante ba dahil maaga siyang uuwi kumpara sa madalas niyang gawin; but miraculously enough, she silently let go of his arm and smiled. Makahulugan ang ngiting iyon kaya kahit na umalis na ang dalaga, naguguluhan niya lang itong sinundan ng tingin.
“Congratulations,” Faith suddenly blurted out which took him aback.
Rhysand, although curious, didn’t have the heart to ask why did she act that way. Sa halip, pinasadahan niya ng tingin ang orasang pambisig at nagsimula nang maglakad paalis. He stole a glance from inside the faculty room, though, and he watched Faith pack her own things in that deafening silence.
Did she congratulate him because he didn’t get any advisory class this year or was it because she knew something that he didn’t? Was it a closure from the last time they talked? Rhysand would probably never know but somehow, he felt a burden lifted from his shoulders.
Maybe Faith did mean something, she just couldn’t tell him yet what it was.
Kabanata 27
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 27
ㅤㅤㅤㅤNOONG makarating si Rhysand sa trabaho ni Keegan, isa sa mga naging hobbies niya ay ang paulit-ulit na tignan ang orasang pambisig at mag-countdown sa isip. It must only be him but he couldn’t help it but to get excited to see his boyfriend.
Hindi naman sila madalas na mawalay sa isa’t isa pero siguro dahil bago ang relasyon nila’t malaya na niyang makikita si Keegan kahit kailan niya gusto, nandoon palagi iyong pakiramdam na parang sasabugan siya ng puso sa saya kapag magkikita sila.
Mas lalo ngayon dahil matutulog pa siya sa apartment ng binata sa loob ng ilang araw. Then, he’d tell Keegan about his last seminar before classes would start. Kaya susulitin nila ang oras na magkasama dahil tatlong araw din siyang wala sa Pampanga.
‘Honestly, if I’d known that Keegan would be my boyfriend, I wouldn’t have drowned myself in school projects,’ Rhysand thought.
Kung sa bagay, isa sa mga inaasahan niyang mangyayari noon ay mari-reject siya. Seriously. Malay-malay ba ni Rhysand na hahalikan na lang siya bigla ni Keegan? Kung sasabihin niya iyan sa Rhysand noon, baka ma-excite rin iyon.
‘I won in life,’ dagdag pa niya habang marahang tinatanguan ang sarili. ‘My highschool crush is dating me and likes me back. What else could’ve I asked for?’
Habang pina-pat ni Rhysang ang sarili sa isipan, kahit na relieved siya sa magagandang nangyayari sa buhay niya, at kahit masaya siyang nakuha na niya ang gusto, nandoon pa rin iyong multo ng pag-aalala. Ayaw lang niya pagtuunan masyado ng atensyon dahil ang dating ay parang tamang hinala siya.
‘What wasn’t calculated was Keegan would be more cold-’ , Rhysand paused and turned to look at himself on his car’s side mirror. Bahagyang nangunot ang noo niya ‘tsaka niya inismiran ang sarili. ‘He’s sweeter with Ryleigh, no?’
Hindi . Baka ganito lang si Keegan dahil matapos ang ilang taon ay ngayon lamang ito ulit nagkajowa. Kung iisipin, baka naging rusty na si Keegan. Mas mature rin ito, baka nakadagdag iyon sa rason kung bakit hindi sobrang sweet ang binata sa kanya. Keegan’s still playful, and that’s enough. It should be. Magwa-warm up din ang kasintahan sa kanya kung madalas silang magkasama.
Bakit ba siya nag-ooverthink? Napailing-iling siya. He should get a grip of himself.
As Rhysand closed his eyes and shook his head slowly, he was surprised when he heard light knocks on the window. Ang buong akala niya, nandiyan ulit iyong matandang inaabutan niya ng pagkain pero noong bumaling siya sa gilid niya, ‘tsaka niya nakita ang imahe ng kasintahan sa labas ng sasakyan niya.
Rhysand’s jaw dropped slightly and he was supposed to open the door to the passenger’s seat when he heard Keegan say ‘stop’ , so he paused. Ang akala kasi ni Rhysand, hindi niya nabuksan iyong pinto sa passenger’s seat at sinasabihan siya ni Keegan na buksan iyon, pero habang tinititigan niya ang kasintahan ay ‘tsaka ito sumenyas na ibaba niya ang salamin ng sasakyan.
So Rhysand did.
“Ba’t mo binubuksan ‘yong pinto ro’n? ‘Di pa naman ako sasakay.” Ito ang ibinungad sa kanya ni Keegan.
Of course, he was confused.
Kumunot ang noo ni Rhysand. “Akala ko papasok ka na,” then he paused and took a quick glance over Keegan’s entirety. “Where’s your bag?”
“Hindi pa ako tapos, may meeting kami saglit,” Keegan heaved a dramatic sigh and reached for Rhysand’s left cheek to give it a light pinch.
Ipinikit ni Rhysand ang kaliwang mata nang makaramdam ng namamanhid na sakit mula sa parte ng pisngi niyang kinurot ni Keegan. Nang matapos si Keegan sa pagkurot sa kanya, binawi nito ang braso, ‘tsaka mayroong iniabot sa kanya na papel.
“Imbis na hintayin mo ako, sinulat ko lahat ng ingredients para sa kakainin natin mamaya, Rhy. Tapos kasama rin diyan ang snacks nating dalawa. Pero ano, ikaw muna ang magbayad, a? Naiwan ko kasi wallet ko sa locker, baka magsimula kami nang ‘di ko naiaabot sa ‘yo ‘yan,” paliwanag ni Keegan.
Rhysand stared at Keegan for a while and at the paper he was handling him. Then, his lips protruded slightly. Sa isip-isip niya, hindi sweet si Keegan pero ang thoughtful nito dahil naisip nito na babain muna siya bago ito magkaroon ng meeting sa trabaho. It touched his heart. Keegan might not be as sweet as before but it could be because he was still adjusting.
Walang kwenta iyong pag-ooverthink niya kanina.
Walang silbi at mukhang henuwino si Keegan noong sabihin nitong nagmamadali itong bumaba para puntahan siya.
“I love you,” he blurted out— which was not he was supposed to say but the words escaped his lips before he could realize.
Pareho tuloy silang natigilan ng binata ngunit mas napaatras si Keegan dahil bukod sa nanlaki ang mga mata nito, tinakpan nito ang kalahati ng mukha kahit kitang-kita pa rin kung paano namula ang mga pisngi, tenga, at leeg nito.
Napangiti siya nang makita ang reaksyon nito habang si Keegan, yumuko’t sumandal saglit sa bintana para huminga nang malalim.
“Sira ulo,” bulong ni Keegan bago ito sumagitsit.
Nang iangat nito ang ulo, hindi na sobrang namumula ang mga pisngi nito at may naglalaro na ring ngisi sa mga labi nito.
Napahalakhak siya. “Kinilig ka naman.”
“Oo malamang.” Then, Keegan pushed the list of things he’d need to buy to his chest. “Kunin mo na nga ‘to nang makaalis ka na! Baka hinahanap na rin ako sa taas.”
“Okay. Balik na lang ako, text mo ako. Sunduin kita.”
“Huwag na. Dumiretso ka na sa apartment ko. Papahirapan mo pa sarili mo, e. Sayang gas, Rhy.”
Bahagya siyang ngumuso. “Paano ka? Mamamasahe ka pauwi?”
“Oo. Hindi naman hassle ‘yon. Ngayon lang naman. Sige na, baka pagalitan na ako ni Manager.”
“But…”
Mahal ang pamasahe — ang gusto niyang sabihin nang sa ganoon ay makumbinsi niya si Keegan na magpasundo. Ngunit bago pa man kumawala sa mga labi niya ang nais sabihin, naunahan na siya ng binata.
“Pwe,” agap sa kanya ni Keegan bago ito umatras mula sa sasakyan niya. “Umalis ka na, kita na lang tayo mamaya. Siguruhin mong kumpleto mabibili mo. Ingat Rhy.”
Rhy nodded and took the list that fell to his lap. Hindi na siya nag-abalang tignan iyon at sa halip, ibinulsa agad nang sa ganoon ay masimulan na niya ang makina ng kotse. Habang si Keegan naman, palinga-linga at mukhang hinahanap iyong matandang madalas na nagga-guide sa kanya t’wing magpa-park o aalis sa parking.
“Wala ba akong I love you bago ako umalis?” pilyong tanong niya kay Keegan na siyang dahilan para matigilan ang binata.
Keegan looked at him incredulously which made him laugh, then he sighed in defeat. “Ogag ka ‘no? Nasa labas tayo.”
“So?”
Keegan shrugged. “Sa bagay, walang may pakialam. I love you. Ingat ka ro’n. Palapit na si Manong, bigyan mong tip.”
“Opo, opo.” Rhysand smiled while he nodded his head. “See you later, Kee.”
ㅤㅤㅤㅤPAGKATAPOS magpaalam sa isa’t isa, bumyahe na si Rhysand para tumungo sa grocery. Rhysand was supposed to go to Jenra but since Keegan told him that it would be nearer if he’d go to Hypermarket, that was what he did.
Dahil hapon na’t uwian na rin ng ibang trabahador mula sa kani-kanilang mga kumpanya, natural lamang na maraming tao sa SM. But still, it wasn’t that many within Hypermarket. So it’s still fine for him. Mapagtitiisan.
But things… Didn’t go smoothly as planned.
Rhysand sweatdropped as he stared at the crying face of the child in front of him. Kanina pa siya nakangiwi’t palipat-lipat ang tingin sa paligid ngunit tinitignan lamang siya ng mga napapadaan.
This wasn’t even his kid!
“Uwah… Huhuhu.”
Rhysand heaved a sigh and face palmed. Halos limang minuto na ang nakalilipas nang pumunta si Rhysand sa condiment section para kumuha ng ingredients nang biglang may batang humabol sa kanya. Noong una, hindi niya pinansin dahil baka namali lang ito, pero noong kumapit ito sa pantalon niya, natigilan siya’t wala nang nagawa kung hindi ang ma-trap sa sitwasyong ito.
Nang lumakas ang pag-iyak ng batang kaharap, doon sumipa ang pagkataranta kay Rhysand.
“H—Huwag kang umiyak!” Baka pagkamalan pa siyang nanakit ng bata, nakauniporme pa naman siya!
Sa kasamaang palad, hindi ito kumalma at mas nilakasan lamang ang pagngawa na dahilan para bumagsak ang mga balikat niya. He likes kids… He likes them—was what he was trying to remember, but he didn’t know how to deal with a crying child. And he probably would’ve never, if he didn’t remember how Keegan used to calm him down.
“Tahan na…” malambing niyang sabi ‘tsaka inabot ang ulo ng bata nang sa ganoo’y matapik-tapik ito.
Rhysand pursed his lips in amusement when he noticed that the child somehow calmed down. Hindi katulad nang kanina na halos ngumawa ito at pagtinginan sila ng mga tao, hindi na ito sobrang maingay at halos hikbi na lamang ang ginagawa. Panay din ang punas nito ng mga mata at nang matapos ay tumingin sa kanya.
It must be just his eyes but when the child finally removed his hands that covered half of his face, Rhysand was able to see him clearly. It must be just his vision playing with him but this child resembles Keegan a lot.
Napalunok siya.
Alam niyang walang anak si Keegan pero mayroong lumukob na negatibong pakiramdam sa dibdib niya. But it must be just a coincidence, right? There’s a lot of people around the world who could look like Keegan.
That’s right. Rhysand mentally nodded and convinced himself that the world was so huge, coincidences like this was inevitable. Nitong minsan nga, nakakita siya ng kamukha ng kapatid ng kaibigan niya pero hindi naman nila kaanu-ano. He was just overthinking— and maybe, afraid because of the ties Keegan had with ‘her’.
“Hindi ikaw Papa…” marahang sabi nito, bahid ang pagkadismaya sa maliit nitong boses.
Ngumiwi siya’t tumango. “Hindi nga. Anong pangalan mo?”
Matamang tumitig kay Rhysand ang bata. Mukha itong nag-aalangan ngayong napagtantong ang nahabol pala nito ay hindi ang tatay nito kung hindi isang estranghero. Siguro ka-height niya o ka-body build ang tatay ng batang ito at marahil sa kaiiyak, hindi nito napansin ang suot niyang damit.
“Nasaan ba sina Mama at Papa mo?” Rhysand asked again when the child seemed to still hesitate about giving his name.
Ilang beses na bumuka ang bibig ng bata, tila ba maraming gustong sabihin pero sa huli ay nagbaba ito ng tingin at mahigpit na kumapit sa dulo ng suot nitong t-shirt. “Kasama ko po si Mama…”
“Hindi mo kasama Papa mo?”
Tanging pag-iling at mahinang pagsinghot na lamang ang naging sagot nito kay Rhysand kaya bumuntong hininga siya.
“That’s okay. Alam mo ba kung saan ka nawala?” tanong ulit niya.
Umiling ito. “Hindi po. Nakasunod lang po ako kay Mama tapos sabi niya, aalis siya saglit po. Pero hindi na po siya bumalik.”
What the hell was that?
Pasimpleng kumibot ang isang kilay ni Rhysand at bagamat pinilit niyang itago ang pagngiwi, hindi niya napigilan ang reaksyon sa narinig. He was so displeased but at the same time, he tried to be open— maybe this child’s mother didn’t mean to leave him. Baka mabilis lang na nainip ang bata kaya umalis ito kung saan ito iniwanan.
Hypermarket’s a big place and without any entertainment, this child could get bored easily. That’s how kids were. Maiiksi ang pasensya.
“Kiefer po…” dinig ni Rhysand na bulong ng bata na siyang nakapagpatigil sa kanya. “Kiefer po pangalan ko.”
Bago pa man mag-react si Rhysand, nagulat siya nang lumapit sa kanya ang bata at yumakap sa kanya. Then, the child started crying again. Binubulong nito ang salitang ‘Papa’ na para bang ang tatay nito ang nag-iisang pag-asa nito para makabalik sa kanila.
Reaching out for this child’s head and gently patting him to calm down, Rhysand carried the child in his arms and picked up his basket.
“Tara ro’n, ipapahanap natin mga magulang mo,” he said so reassuringly.
Naramdaman niyang tumango ang bata ngunit hindi na ito kumibo pa.
ㅤㅤㅤㅤIT DIDN’T take time when Rhysand was able to get some help from the security guards and some staff to look for Kiefer’s parents. Habang nag-aabang, nilaro-laro pa niya ang bata hanggang sa ito na ang kusang tumawag sa kanya ng ‘Tito Mark’.
They were both comfortable. Siguro dahil kamukha ni Kiefer si Keegan kaya gustung-gusto ito ni Rhysand. He was being reminded of how Keegan used to look like when they were still in elementary, but Kiefer looked softer. Also, Rhysand didn’t mind if he’d be late to his appointment with Keegan because Kiefer was finally enjoying although he was still lost, but it all came down to the part when Kiefer’s parents arrived.
Ang tatay ni Kiefer ang pinakaunang dumating. Lakad takbo itong lumapit sa kinaroroonan nila ng bata at nang makita ang anak ay natataranta nitong tinawag si Kiefer. And of course, the child immediately turned around, and ran towards his father.
Kahit nadidismaya si Rhysand, may kung ano sa tatay ni Kiefer na nakapagpatigil sa kanya’t gumulo sa isip niya.
He looked familiar.
“Kiefer! Kanina pa kita hinahanap,” nag-aalalang sabi ng lalaki sa anak. Panay ito sa pagyakap sa bata at paghalik sa noo nito habang si Kiefer naman ay nagsimula nang umiyak. “Where were you?! Iniwanan ka raw ng Mama mo…”
Rhysand rose from the place he was crouching at and he slowly approached the father and son. Hindi pa siya sobrang nakalalapit, nabigla siya nang mayroong lingunin ang lalaki at may banggiting pamilyar na pangalan.
“Ivy! Nagsisimula ka na naman! Ba’t mo naman iiwanan ang anak natin dito?!” anito sa babaeng nakatayo pala hindi kalayuan sa kanila.
It was just one name but Rhysand’s head brought him to memory lane. His heart skipped a beat and fear immediately washed through his entirety. Para siyang naestatwa lalo na noong lingunin din niya ang asawa ng tatay ni Kiefer at makita ang pamilyar na mukha na madalas niyang i-stalk noon bilang si Ryleigh.
Ivy still looked beautiful and youthful, but somewhat stoic and lifeless. Even so, even though it had been years, just one glance at her brought all the insecurities Rhysand had about himself to life.
Natulala siya sa babae kahit na naririnig niya ang pagtatalo nito at ng asawa nito.
But it all made sense as to why Kiefer’s dad looked familiar. It was Keegan’s college friend and the person Ivy married after breaking up with Keegan.
The problem lied on Kiefer, though.
Nang ibalik ni Rhysand ang mga mata sa pigura ng batang kasama kanina, ‘tsaka siya natigilan nang mapansing nakamasid pala sa kanya ang ama ni Kiefer.
“—hey? Hi,” anito at tipid na tumango.
Rhysand did the same with a small smile. “Hi.”
“Maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko. Mabuti at ikaw ang nakahanap sa kanya. Maraming salamat talaga,” sunud-sunod na sabi ni Joshua kay Rhysand habang sunud-sunod din ang matitipid na pagtangong ginagawa nito. “Maraming salamat.”
“Tito Mark, aalis na po kami!” masiglang sabad ni Kiefer.
Damn it. Nothing sank in to him anymore. Nakatulala na lamang siya sa mag-ama at nginingitian ang mga ito. Ni hindi na niya halos maintindihan ang sinasabi ni Joshua at hindi na maiproseso ni Rhysand sa sarili kung paano pa siya nakakasagot kahit wala siya sa sarili. Pabalik-balik na lamang ang mga mata niya sa pigura nina Kiefer at Joshua tapos paminsan-minsa’y mapapadpad ang paningin niya kay Ivy.
As far as he could remember though, Joshua was trying to say that this wasn’t the first time that his spouse tried to lure their son away. Palagi lamang may nakakakita kay Kiefer o hindi naman kaya ay talagang hahalughugin ni Joshua ang lugar na pinag-iwanan sa bata para mahanap ito. Rhysand couldn’t understand why Ivy would do that… But there was a story behind it and he was no stranger to it thanks to Keegan.
Still, he was worried.
“Hindi ko kamukha ang anak namin, ‘no?” Pagak na tumawa si Joshua pero bagamat dismayado ang boses nito ay niyakap pa rin nito si Kiefer. “Iba ang napaglihian at wala na akong nagawa nang sa ibang lalaki isinunod ang pangalan ng anak ko.”
Rhysand knew, but he couldn’t say that he knew who it was from.
Hanggang sa umalis ang pamilya ni Kiefer, nakatanaw si Rhysand sa likuran ng mga ito. Not even once did he hear Ivy’s voice but he knew that she was displeased and unsatisfied with her life. But that was what she got after she chose Joshua over Keegan— and it was for the better.
Kasi kung si Keegan ang pinili ni Ivy noong araw na iyon, hindi alam ni Rhysand kung saan niya pupulutin ang sarili.
ㅤㅤㅤㅤNANG makarating si Rhysand sa apartment ni Keegan, haggard siya’t tulala. Hindi na naka-move on sa mga nangyari’t nakilala sa mall noong nandoon pa siya.
He just met Ivy and Joshua, after all. And a child who looked exactly like Keegan. Mayroong bumabagabag kay Rhysand nang makita ang bata at mapagtantong anak pala ni Ivy si Kiefer pero gusto niya ring maniwala kay Joshua na rito ang bata at hindi kay Keegan.
Siguro matagal pang malulunod si Rhysand sa mga iniisip kung hindi biglang hinawakan ni Keegan ang noo niya. At bilang halos kagagaling lamang nito sa banyo’t basa ang mga kamay nito nang salubungin siya, malamig ang palad nitong dumapo kay Rhysand, dahilan para mapatalon siya.
Ngunit mukhang bukod sa kanya, maging si Keegan pala ay magugulat sa reaksyon niya.
“Oy?! Pota. Huwag kang mambigla!” asik sa kanya ni Keegan. Napaatras pa ito mula sa kanya pero kalaunan ay lumapit din para simangutan siya. “Anong nangyari sa ‘yo at namumutla ka? Nakakita ka ba ng multo sa SM?”
Rhysand blinked in confusion before he tilted his head. “Multo… Hindi. Mas malala pa ro’n, Kee.”
“Ano?”
Nagkibit balikat siya. “Wala lang iyon. Nakita ko lang mga kaklase ko noong highschool.”
Hinding-hinding sasabihin ni Rhysand kay Keegan na nakita niya ang ex-girlfriend nito kasama ang buo nitong pamilya.
Kabanata 28
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 28
ㅤㅤㅤㅤAYAW mag-assume ni Keegan pero parang ang tahimik ni Rhysand ngayon. Kanina pa niya ito kinakausap pero nakatulala o hindi naman kaya’y uulitin pa niya ang tawag bago kumibo. Alam niyang may nangyari rito dahil nang huli niya itong makita bago ipadala sa SM, maayos pang nakakausap ang binata. Kaso ngayon? Parang kumakausap si Keegan ng bato.
Dahil wala sa sarili ang boyfriend, hindi rin maalis ni Keegan ang mga mata kay Rhysand. Kada galaw nito sa apartment niya, susundan niya nang tingin. Halos maningkit ang mga mata niya tuwing mayroon itong aksidenteng mabubunggo o mahuhulog. Naiisip na nga niyang bilhan ng battery iyong remote ng telebisyon niya dahil ilang beses na iyong naihulog ni Rhysand.
Hindi rin naman siya naiirita.
Nag-aalala lang siya dahil kahit hindi sobrang likot ni Rhysand, hindi rin naman ito ganito kalampa.
“Rhysand,” tawag niya sa binata noong patayin niya ang stove sa sinaing. Bumuntong hininga siya nang hindi kumibo ang binata kaya muli niya itong tinawag. “Oy, Rhysand. Kanina ka pa.”
Ang sabi nito, nakita lamang nito ang mga kaklase nito noong highschool. Hindi rin naman siguro napakalala noong pagkikitang nangyayari o iyong napag-usapan kaya bakit siya ganyan umakto?
“Rhysand…” Medyo pagod na siya katatawag dito e hindi rin naman malakas ang volume ng telebisyon. At saka, walang magandang papanoorin bukod sa balita na halos bad news ang hatid.
Mabuti na lamang at sa ikatlong beses na pagtawag niya rito ay kumibo na ito at mahinang humimig. Doon din siya nagsimulang lumakad palapit dito.
Noong makaupo si Keegan sa tabi ni Rhysand, ‘tsaka ito lumingon sa direksyon niya’t kuryoso siyang pinagmamasdan. Hindi kaagad nagsalita si Keegan. Umupo lang siya sa tabi ni Rhysand at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ang mga kamay niya, isinuksok niya sa bulsa ng suot na shorts bago niya ipinilig ang ulo.
“Kee,” mahinang tawag sa kanya ng binata.
Base sa tono ni Rhysand, para itong nasasaktan na kung ano. Hindi mawari ni Keegan kung anong nais ipahiwatig ng kasintahan dahil ayaw naman nitong magkwento kapag magtatanong siya.
Ayaw ding ipilit ni Keegan dahil baka makulitan ito sa kanya. Hihintayin na lamang niyang maging ayos ito at kumportable sa pagsasabi ng problema sa kanya.
“Ginagawa mo?” Sinubukan ni Keegan na magtunog mapaglaro nang hindi na dumagdag pa sa stress ni Rhysand sa buhay.
Naaawa na siya rito, sinabihan na niyang magbihis ng pambahay pero inalis lamang ang butones ng uniporme pero hindi na kumilos pa.
“Sabi ko sa ‘yo magbihis ka, hinihintay mo bang ako pa maghubad niyang damit mo?” pilyo niyang tanong.
Umismid lamang si Rhysand bago ito umiling. Matapos iyon ay nag-adjust ito nang makahiga sa sofa na kinauupuan nila. Balak sanang umalis ni Keegan nang bigyan ito ng espasyo pero hinapit ni Rhysand ang beywang niya bago siya nito niyakap nang mahigpit.
Natameme tuloy siya.
Hindi niya alam kung matataranta ba siya o kikiligin. Lalo na noong simulan ni Rhysand na halik-halikan ang pisngi niya.
Walang masama. Sadyang sobra lang itong ginagawa ni Rhysand sa kanya at natataranta na siya sa kaloob-looban niya. Hindi siya sanay samantalang natanto niya nang una’t sapul ay si Rhysand din naman pala ang gusto niya.
“Kee,” mahinang tawag sa kanya ni Rhysand.
Mahina siyang humimig at ipinilig ang ulo para harapin si Rhysand. “Ano? Kanina mo pa ayaw magsalita, magshi-share ka na ba ngayon?”
Ngumiwi si Rhysand bago ito mahinang tumawa. “May anak ka siguro, ano?”
Pilyo ang boses ni Rhysand nang magtanong at noong marinig ito, awtomatiko ang pag-upo ni Keegan nang tuwid. Hindi siya makapaniwalang napapatitig dito— hulog ang panga, kunot ang noo, ang mga mata at maging butas ng ilong niya, medyo lumaki pa! Muntik pang mahulog si Rhysand dahil sa biglaan niyang pagkilos ngunit mabuti na lamang ay mabilis itong nakapag-adjust.
“Anong anak?! Gago ka ba? Wala akong nabuntis!” tanggi niya. Hindi ba nga at nabuntis ng ibang lalaki ang ex-girlfriend niya?!
Muling tumawa si Rhysand ngunit sa hindi malamang dahilan ay para itong nakahinga nang maluwang. “Buti naman. Akala ko may anak ka na. Iyon kasi isyu ng nakita ko kanina e sa pagkakaalala ko… Kayo ni Ivy…”
“Ano?” naghahamon niyang pag-uusisa nang hindi na ituloy ni Rhysand ang nais sabihin. Alam naman na niya kasi. “Sige nga, ano?”
Umiling-iling ang binata. “Wala. Wala naman akong sinasabi.”
“Mabuti. Kapag sinabi mo pa ‘yan baka masapak kita. Nabuntis nga ng iba ‘yon!”
“Nakita mo na ba iyong bata?”
Naguguluhang pinagmasdan ni Keegan si Rhysand. Bakit ito nagtatanong tungkol sa anak nina Ivy at Joshua samantalang matagal na niyang ibinagsak— kinalimutan ang tungkol sa nakaraan? At mukhang nag-aalangan ngayon si Rhysand.
“Umamin ka nga. Sina Ivy ba nakita mo sa SM?” tanong niya. Kahina-hinala kasi.
Umismid si Rhysand at umiling. “No. Sabi ko nga sa ‘yo may nahagip lang akong isyu galing sa mga kaklase ko noon ta’s ikaw una kong naisip. Because… You had ties with Ivy before and I am no stranger to the fact that you two used to do the deed.”
Tumaas ang isang kilay niya. E ano namang kinalaman noon? Samantalang kay Ivy naman mismo nanggaling na hindi sa kanya ang batang dinala nito. Ano rin ba ang problema ni Rhysand at talagang ibinabalik ang nakaraan?
“Anong kinalaman ko ro’n? Ano bang problema nila at kung anu-ano iyang naiisip mo?” Kasi hindi sila matatapos hangga’t hindi titigil si Rhysand sa kakaganyan.
Kakaisang linggo pa lang nila, may problema na naman.
Nagkibit balikat si Rhysand. “Kamukha kasi ng isa naming kaklase iyong anak niya. Kaya noong nakita ko, tinanong ko talaga kung iyon ba ang tatay.”
“O iyong kaklase niyo raw ba ang tatay?” pag-uusisa niya.
Umiling-iling ang binata. “Nataon lang daw na sa kanya ipinaglihi pero hindi naman daw kanya iyong bata.”
“Ayun naman pala! E anong tinutula-tulala mo riyan?!”
“Wala lang. Naisip ko lang kung nakita mo na ba anak nina Ivy at Joshua ‘tsaka kung minsan ba naisip mong baka iyo iyong bata.”
Panggago naman itong tanong ni Rhysand. Bumuntong hininga si Keegan bago niya binatukan ang binata.
Sa totoo lang, maliit pa iyong bata noong huling nakita ni Keegan ang litrato pero hindi lingid sa kaalaman niyang may hawig sa kanya iyong bata. Nabanggit iyon ni Edward sa kanya pero hindi na niya tsinek dahil alam naman niya sa sariling hindi sa kanya iyong bata. Nabanggit din ni Nang Belinda sa kanya na baka raw ganoon ay dahil noong naghiwalay siya at si Ivy, mahal na mahal pa rin siya ng dalaga.
Napaglihian — ganoon ipinaliwanag ni Nang Belinda sa kanya ang nangyari. At saka kung titignan naman daw nang mabuti iyong anak nina Joshua at Ivy, malaki ang pagkakahawig nito kay Joshua. Nagmumukha lang na siya sa unang tingin.
“Maliit pa iyong bata noong huli kong nakita,” pag-amin niya. Kasal pa iyon nina Joshua at Ivy tapos ringbearer iyong bata. Pinakita sa kanya iyon ni Lyle. “Pero noon namang nakita ko, malaki ang pagkakahawig kay Joshua at hindi sa akin.”
Ayos na bang paliwanag iyon?
Nag-iwas sandali ng tingin si Keegan mula kay Rhysand para tignan ang balitang naka-feature sa telebisyon. Naririnig niya iyong sinasabi ng reporter pero hindi iyon rumirehistro sa isipan niya. Wala siyang maintindihan dahil bagamat sa skrin nakatuon ang paningin niya, ang atensyon naman niya ay na kay Rhysand na noo’y panay ang pagtango at mahinang paghimig.
“I see, I see,” paulit-ulit na bulong nito na siyang dahilan para kumibot ang isang kilay niya. “Akala ko hindi mo pa nakikita iyong anak nina Ivy.”
Pumalatak siya. “Sa litrato lang pero hindi sa personal. ‘Tsaka toddler pa iyong bata noong huli kong makita. Baka nasa elementary na iyon ngayon.”
“Siguro.”
Matapos sumagot ni Keegan, awtomatikong namutawi ang katahimikan. Kahit na gaano kalakas ang volume ng telebisyon at iyong pagdaan ng mga bata sa labas ng apartment niya dahil pinapauwi na ang mga ito, parang nabibingi si Keegan dahil hindi naman boses ni Rhysand ang naririnig niya.
Normal ba siya?
At saka bakit tahimik pa rin si Rhysand? Hindi ba ito kuntento sa sagot niya? Hindi na mabilang ni Keegan kung ilang beses siyang nag-iwas ng tingin sa binata dahil naiilang siya sa matamang pagtitig nito sa kanya, naiirita pa siya dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito.
Ibinuka ni Keegan ang bibig para sana sitahin si Rhysand sa ginagawa nang magpakawala ng malalim na hininga ang binata at tapikin ang hita niya.
“Kain na tayo. Nagutom ako kaiisip,” pag-aaya ni Rhysand bago ito umayos nang upo.
Natulala si Keegan kay Rhysand pero noong lingunin ulit siya ng binata, roon siya nahigit pabalik sa huwisyo.
“May sasabihin ka ba?” tanong din ni Rhysand dahil mukhang nakabuka pa nang bahagya ang bibig ni Keegan.
Kumurap-kurap siya hanggang sa mapailing. “Wala, wala. Tara na, baka kapag pinatagal ko pa sabihin mong ginugutom kita, unang linggo palang natin.”
“Hindi ko sasabihin ‘yan?!”
Mahina siyang tumawa. “Magbihis ka na muna. Ako na ang magsasandok. Kanina pa kita sinasabihang magbihis kasi, ayaw mo makinig.”
Ngumuso si Rhysand. “Nag-alala ako e. Sorry na. Huwag ka muna mag-ayos, bibilisan ko lang pagbibihis.”
“Ha! Mag-unahan nalang tayo.”
“Kee!”
ㅤㅤㅤㅤPAGKATAPOS ng walang kabuluhang pag-aalala ni Rhysand, naisip ni Keegan na overthinker ang kasintahan. Bagamat tahimik ang binata at walang sinasabi, pakiramdam niya ay ang daming tumatakbo sa isipan nito kaya kahit tapos na ang usapan nila tungkol sa nakita nitong mga kaklase sa SM, tinatanong pa rin ni Keegan kung ayos lang ba si Rhysand. Mabuti na lamang at hindi tulad kanina, mas maayos nang nakakausap ang binata.
Nakapangako pa nga si Rhysand na maglalaro silang dalawa ng Mobile Legends kahit mukhang pagod na ito, e. Iyon lang ay pagtungo nila sa kwarto niya at paghiga ni Rhysand sa kama niya, awtomatiko naman itong na-knock out. Edi wala rin! Na-talkshit lang nang wala sa oras si Keegan!
Humikab siya’t ibinaba ang mga cellphone nila sa lamesa sa kwarto niya. Dahil gabi na’t maglalaro na lamang sila, nagsabi si Rhysand na sa kama na sila kaagad humilata para diretso tulog na raw pagtapos ng isang laro.
Kaso trap pala iyon. Paghigang-paghiga kasi ni Rhysand, nakatulog ito agad. Gago.
“Usapan kasi isang laro,” nasisiphayong bulong ni Keegan sa sarili bago kinamot ang ulo.
Sinisiguro niyang nagcha-charge ang mga cellphone nila at nang makita na charging pareho, humarap siya sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang boyfriend.
“Galing. Sa susunod hindi ko agad ‘to pahihigain,” aniya pa. Nagbibiro lang naman siya dahil alam naman niya na walang-wala ang workloads ni Rhysand sa kanya.
Marahan siyang naglakad palapit sa kama at nang naroon na, hindi siya kaagad na humiga; bagkus, ipinatong ang mga tuhod sa foam at dahan-dahang naglakad para masilip ang itsura ni Rhysand.
Gwapo si Rhysand, alam ni Keegan iyon higit kaninuman.
May itsura ito noong mga bata sila pero ngayong tumanda sila? Ha! Ano nga ang phrase para ipaliwanag ang ganitong ganap sa itsura ng isang tao? “He aged like fine wine” — iyon yata.
Ilang segundo pa ang lumipas, mahinang natawa si Keegan. Tinatawanan niya ang sarili dahil hindi siya makapaniwalang iyong magiging boyfriend niya, iyon din palang bata na pinulot niya noong elementary pa siya. Iyong niligtas niya sa mga bully kahit na ang gusto lang naman nito ay mag-share ng makakain.
Iba talaga ang tadhana, ang galing maglaro.
Pero ayos na rin siguro ang ganito dahil hindi purong estranghero si Rhysand sa kanya. Nandoon ang familiarity at bilang matagal na silang magkakilala ng binata, alam niyang magiging maayos ang relasyon nila. Lalo na ngayong hindi na nito kailangang magkunwari bilang si Ryleigh, hindi na nito kailangang magsinungaling para maging sila dahil gustung-gusto niya rin naman si Rhysand.
“Cute mo,” bulong niya kahit hindi naman siya naririnig ni Rhysand.
Mahina siyang tumawa nang kumunot ang noo nito. Kaya ang ginawa ni Keegan, yumuko para halikan ang noo ni Rhysand. Pagsilip niya pagkatapos, nakasimangot pa rin ang binata kaya humiga na rin siya’t yumakap sa beywang nito.
“Anong napapanaginipan mo? Ba’t nakasimangot ka?” tanong niya bago sinundot ang kunot sa noo ni Rhysand. Pilit niya iyong inaalis pero ipipilig lamang ng binata ang ulo. “Natutulog ka ba talaga o nagtutulug-tulugan para makahalik ka na naman?”
Biro lang naman iyon.
Hindi rin inasahan ni Keegan na magigising si Rhysand at hindi nga talaga. Tulog na tulog ang binata at wala nang kibo kahit mahina nang sinampal-sampal ni Keegan ang pisngi nito.
Napangiti siya nang matapos niyang guluhin si Rhysand, nawala na ang kunot sa noo nito. Ayun lang, mukhang nagising niya ang binata dahil bahagya nitong iminulat ang mga mata.
Gising na si Rhysand. Kaso mukhang wala sa sarili.
“Hoy, matulog ka ulit!” aniya. Hindi naman niya sadya na gisingin ito, ano!
Mahinang umungol si Rhysand pero pumikit ulit. “Kee…”
“O? Napa’no ka?”
“Kee…” muling tawag sa kanya ni Rhysand bago ito umusog palapit sa kanya at yumakap. Nagulat noong una si Keegan pero yumakap din siya pabalik. “… Love you.”
Awit. Songs talaga!
Muntik mapatalon si Keegan nang mag-I love you si Rhysand. Nagising ang diwa niya lalo na nang matantong may katabi siyang lalaki sa sariling kama— na hindi naman dapat bigyan ng malisya kung hindi niya boyfriend si Rhysand!
Gusto niyang sumigaw. Bigla siyang nahiya.
Pero dahil nakapulupot na ang mga braso ni Rhysand sa katawan niya at mukhang wala siyang ibang pagpipilian kung hindi manatili sa kinahihigaan, humigop na lamang ng malalim na hininga si Keegan.
Isa, dalawa, tatlo. Pinakalma niya ang sarili bago siya ulit yumakap kay Rhysand nang mahigpit. Tinignan niya pa sandali ang binata at nang makitang mahimbing na ulit ang tulog nito, nakagat ni Keegan ang pang-ibabang labi.
Ang gwapo ni Rhysand.
Ang bilis ng tibok ng puso niya nang sabihin nitong mahal siya nito.
Parang hindi siya makakatulog kaagad.
Posible ba ang ganito? Posible bang bigla na lamang maisip ni Keegan na mahal na mahal niya rin si Rhysand? Ang random. Wala lang naman ito sa sariling nagsabing mahal siya nito pero parang sasabog ang puso niya. Iyong tampo niya nang hindi sila nakapag-Mobile Legends, ang bilis na nawala!
“Madaya,” nasisiphayo at namamaos niyang bulong kay Rhysand bago niya ulit ipinilig ang ulo nang makita ang itsura nito.
Hindi niya alam paano niya haharapin si Rhysand bukas dahil hiyang-hiya siya sa sarili. Malay ba niyang ganito niya kagusto ang isang iyan? Ang akala niya, nagbibiro si Lyle noong sabihin nitong si Rhysand talaga ang itinitibok ng puso niya!
ㅤㅤㅤㅤMALAY ni Keegan kung paano siya nakatulog. Ang alam lang niya, buong gabi siyang nag-iisip kung paano niya sasabihin kay Rhysand na mahal niya rin ito. Naisip niyang magtulug-tulugan din tapos bubulungan na lang niya si Rhysand na mahal niya ito. Gagayahin niya iyong ginawa sa kanya kagabi.
Kaso failed. Kasi nauna siyang bumangod kay Rhysand. Ang puta, tinanghali ng gising. Bad trip na bad trip tuloy na pinagmamasdan ni Keegan si Rhysand lalo na’t kanina pa niya ito hinihintay tumayo.
“Oras na,” pagkausap niya sa tulog na si Rhysand. Nakasimangot siya’t naniningkit ang mga matang tinititigan ito. “Ampots. Wala pa yatang balak gumising.”
Baka naman
patay
na? — Ito ang intrusive thought ni Keegan noong maisip na hindi pa rin gumigising si Rhysand. Baka nabangungot tapos hindi niya alam? Kaya imbes na mukha ni Rhysand ang pagmasdan niya, awtomatikong lumipat ang mga mata niya sa tiyan ng binata.
Tinitigan niya sandali kung umaangat pa ba ang tiyan nito, hudyat ng paghinga, at nang makitang maayos pa si Rhysand, bumuntong hininga siya.
Pakaba iyong isip niya.
“Rhysand,” tawag niya kay Rhysand ‘tsaka niya hinawakan ang balikat nito para gisingin ito. “Gising na, boy. Tanghali na. Mamamalengke pa tayo.”
May pang-agahan pa naman silang dalawa pero para hindi na sila lumabas mamaya, maganda kung aalis na sila. At saka, alas otso na ng umaga. Oras na, baka maubusan pa sila ng fresh na bilihin sa Angeles. Gaganda pa naman ng produkto roon kapag maaga pupunta.
Nang marinig ni Keegan na umungol si Rhysand at tila ba nagrereklamo dahil ginigising ito, mahina niyang tinapik ang noo ng binata.
“Tinulugan mo na nga ako kagabi, hindi ka pa gigising nang maaga. Aba! Hanep ka!” Hindi na masabi ni Keegan na pumalya pa iyong plano niyang mag-I love you pabalik dahil hindi pa rin ito gising pagmulat ng mga mata niya. Nabulilyaso e buong gabi niya iyong pinag-isipan.
E nahihiya nga siya! Makapal ang mukha niya madalas dahil noong unang gabi nila ni Rhysand, siya pa ang humalik dito pero ngayong sabihan ng nararamdaman, naoolats siya! Ngayon lang naman, masasanay din siya.
“Rhysand!” pasigaw niyang tawag dito.
At mukhang doon pa lamang nagising ang binata. Kahit na dahan-dahan, pinilit ni Rhysand na imulat ang mga mata. Naniningkit ang mga mata nitong tumingin sa paligid nang magising ang diwa kahit paano at bahagya itong bumangon.
“Huh?” Parang wala pa itong sarili na pabalik-balik ang tingin kay Keegan at doon sa bintana. “Umaga na?”
Bumuntong hininga si Keegan bago siya napahilamos ng mukha. “Oo, good morning din. Kako nga, tinulugan mo ako kagabi.”
“Pero ‘di ba… Maglalaro tayo?” tanong ni Rhysand bago ito humiga ulit. Naningkit ulit ang mga mata ni Keegan na sinundan ito ng tingin pero nang makitang nililinisan ni Rhysand ang mukha, tumigil siya. “Hindi mo nalang ako ginising?”
Nginiwian niya ito. “Ogag ka ba? Dati ka bang may saltik? Nakakahiya naman kung gigisingin pa kita e ang sarap-sarap ng tulog mo.”
“Pero…” Hindi kaagad tinuloy ni Rhysand ang sinasabi nang humikab ito. “Sabi ko sa ‘yo… Lalaro tayo.”
“Hayaan mo na ‘yon. Bumangon ka na. Maghilamos na tayo, mamimili pa tayo sa palengke.”
Mahinang humimig si Rhysand. “Wait. Gisingin ko lang diwa ko… Sabay tayo maghihilamos?”
Huh? Napatanga sandali si Keegan dahil parang may malisya ang sinabi niya kay Rhysand.
“Maghihilamos ng mukha,” simpleng aniya at saka tinuro ang labas ng kwarto. “Gago ka. Parang iniisip mo agad na maghuhubad ako sa harap mo. Ayos, manyak.”
Nang marinig ni Rhysand na tawagin niya itong manyak, awtomatikong napatayo ang binata mula sa pagkakahiga na siyang dahilan para matawa si Keegan. Umalis na rin siya mula sa pagkakahiga sa kama para mas maayos niyang matawanan si Rhysand na mukhang na-offend pa sa pang-aasar niya.
“Hindi ako manyak!” dipensa nito.
Natatawa namang napailing-iling si Keegan. “Lokohin mo lelang mo. Kung anu-ano ngang naiisip mo noong sinabi kong maghilamos tayo nang sabay!”
“I was just asking! Pa’no ako naging manyak?! Baka ikaw!”
Imbes na sumagot, tinawanan na lamang ni Keegan si Rhysand habang naglalakad siya palabas ng kwarto at alam niya, nakasunod si Rhysand sa kanya.
Anak shuta. Hindi pa rin niya nababalik kay Rhysand ang sinabi nito sa kanya kagabi.
Kabanata 29
TEMPORARY LANG ‘TO. SABIHAN KO KAYO KAILAN KO IA-UNPUBLISH, FEEL FREE TO REREAD HABANG NAGRI-REREAD AT NAGCHI-CHECK DIN AKO NG SOMETHING. MWAPS.
KABANATA 29
ㅤㅤㅤㅤISANG malalim na buntong hininga ang kumawala mula sa mga labi ni Rhysand habang nakikipag-usap sa pinsan na si Trixie. Apparently, she and Louis had another problem, and though it could be easily resolved since they weren’t kids anymore, their grandmother wanted to play a role. Hindi nga dapat naii-stress sa problema ng iba si Rhysand lalo na at kasama pa niya si Keegan…
Kaso hindi naman niya pupwedeng huwag pansinin si Trixie. Buntis ito at emosyonal. Bagamat may tiwala siya kay Louis na paninindigan ang pinsan, nasisiphayo siya sa takbo ng kapalaran ng mga ito.
Ipinikit ni Rhysand ang mga mata nang marinig ang pagsinghot ni Trixie sa kabilang linya.
She broke down again because their grandmother called her names for bearing Louis’ child. Kung umasta ang Lola nila, parang walang balak na magpakasal ang dalawa.
“Sorry…” Trixie said lowly, her voice sounded really apologetic. “Bebe time mo with Keegan then I snatched some of your time pa.”
“Doesn’t matter. Nagpaalam ako kay Keegan ‘tsaka para namang ‘di kita pinsan,” malumanay niyang sagot.
Mahinang humimig ang pinsan. “Are you planning to let him meet Lolay? I mean, she knows him naman ‘di ba?”
“Plano lang. Ewan ko kung matutuloy.”
“Why not?”
“Well…” It’s a long story but Rhysand couldn’t forget how their grandmother judged Keegan even though he was a victim.
She also said a lot of things behind Keegan’s back just because he was poor and worked at a very young age. Because Keegan smelled, because he looked dirty, and his clothes were worn out— things like these that Rhysand couldn’t bury in his head.
“Nagdadalawang isip ako kay Lola. ‘Tsaka kayo nga pinahirapan, kami pa kaya,” pagdadahilan niya.
Hindi naman kasinungalingan ang sinabi niya. Mahihirapan sila ni Keegan na pakalmahin ang Lola niya kung malalaman nitong lalaki ang gusto niya at sa lahat ng pupwedeng magustuhan, iyong batang pasikreto pa nitong nilalait-lait noon.

