loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!

erolko11 · 46 chapters · 159,510 words

Prologue

Dedicated to lgbtPH

PAALALA

:

Hindi po ako isang propesyonal na manunulat. Ang kwentong i

nyong mababasa ay base lang po sa aking imahinasyon, tinatakbo ng isipan at nilalaman ng puso.

Hindi lang po iisa ang manunulat sa mundong ito kaya hindi niyo po masisisi ang sinuman sa amin na may pagkakahawig ang kwento, foreign man o lokal.

Take note:

Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. Para lang po ito sa mga taong may malaking pang-unawa. Ang mga salita at damdaming nakapaloob sa kwentong ito ay base lang po sa sarili kong opinyon at wala pong balak na makasakit ng damdamin ng iba dahil ginawa ko lang po ito para ipahayag ang nararamdaman ko sa malayang pagsusulat.

And lastly:

Kung feeling niyo po ay hindi niyo kayang magbasa ng ganitong kwento o

hindi niyo nagustuhan ay malaya po kayong lisanin ang kwentong ito

. Uulitin ko po. Hindi po ito para sa lahat

at hindi po ako ang ideal na otor niyo. Salamat.

P

ractice

Safesex

guys

. Always use

Condom

be a responsible Top. Be a Cleaner bottom. Be educated. Wala pong masamang pag-usapan ito “

Awareness

“ sa mga kalahi natin. Love ourself and our partner.

Free to read.. Free to vote.. Free to comment. Salamat.

Ang Pagkopya Ay Mahigpit Na Ipinagbabawal!

Enjoy reading :)


Gaano ba kahirap magkaroon ng pamilya? Ako hindi ko alam e. Alam niyo kung bakit? Eh hindi ko pa kase nararanasan kung paano magkaroon ng sariling pamilya. Ngayon lang.

Sabi nila kapag bakla ka, pera lang ang habol nila sayo. Sabi nila kapag bakla ka, walang magmamahal sayo ng tunay kase nga bakla ka. At sabi nila kapag bakla ka, asahan mong tatanda kang mag-isa. Ikaw naniniwala ka ba?

Ako? Oo, siguro noon. Pero nagkamali ako. Hindi lahat ng lalaki sa mundo ay pera lang ang habol nila sa bakla. Minsan kase, kasalanan din ng ibang bakla kung bakit bumababa ang tingin ng iba sa kanila. Wag kasing pairalin ang pera, para hindi pera ang mahalin sayo kundi ang buong pagkatao mo. Irespeto mo muna ang sarili mo bago ka irespeto ng iba.

Mahirap talagang makahanap ng totoong mamahalin mo sa buhay lalo na’t nabibilang tayo sa sinasabi nilang ikatlong lahi. Sabi nga nila tatanda kalang daw mag-isa kapag naging bakla ka. Hindi ako naniniwala diyan. Alam mo kung bakit? Nasasayo na yan kung bakit hindi ka makahanap hanap ng taong mamahalin mo sa buhay dahil diyan sa pagka-choosy mo.

Kaya dapat magmahal ka ng tao na hindi lang puro itsura, kundi may ugali din.

Ay sorry hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Jerol Ong-Madrid. I’m 20 years old. Sa maniwala kayo o sa hindi, kasal na ako at may anak narin. Di ba ang bata ko pa. Si Lionel Madrid, 21 years old ang Asawa ko.

Hindi kayo nagkakamali ng basa. Lalaki ang asawa ko at nakatira kami sa iisang bubong kasama ang mga anak namin. Siguro naman sa hinaba haba ng panahon. Its time naman para ibahagi sa inyo ang buhay naming mag-asawa, kasama ang asawa kong si Lionel.

Gusto ko lang kasing ipakita sa inyo o ibahagi sa inyo ang buhay namin bilang mag-asawa, tulad namin. Gay couple kami. Gusto ko rin iparating sa inyo na pwedeng maging posible ang imposible, basta gagawin mong posible ang lahat at hindi ka babase sa sasabihin ng mga taong makikitid ang utak.

Hindi lang babae at lalaki ang pwedeng magka-anak. Hindi lang babae at lalaki ang pwedeng bumuo ng pamilya. Kahit sino sa atin pwede. Tomboy, trans gender, Bisexual o kahit bakla ka man. Lahat tayo ay may karapatang mabuhay ng normal.

At isa pa! Hindi ko kelangan ipaintindi sa kanila kung sino o ano ako, lalo na sa mga taong mapanghusga na kung tutuusin ay makasalanan din naman tulad ko. Yun nga lang hindi ko sila hinuhusgahan dahil hindi ako sila.

Yung mga lalaki diyan na papasok sa isang boy to boy relationship. Tanggapin niyo muna sa sarili niyo ang buo niyong pagkatao bago niyo pasukin ang isang bagay na hindi naman pala kayo sigurado. Masakit ang maiwan at lokohin ka sana alam mo yan. Wag kana lang makipagrelasyon sa kapwa mo, kung alam mo naman pala ang tatahakin mo sa huli. Hindi kami isang bagay na pwede niyong pag-experimentuhan at kapag ayaw niyo na ay iiwan niyo na lang ng basta.

Kung gusto mong bumuo ng pamilya, then go! Pero, Wag ka naman sanang maging makasarili at manggamit pa ng bakla para lang diyan sa kalokohan mo. Tao ka, tao rin kami. Kung nasasaktan ka, mas lalong nasasaktan kami. Kung ikaw, gustong magkaroon ng normal na pamilya. Kami? Ang gusto naman namin ay ang mahalin, tanggapin at respetuhin kami. Kahit yun lang! Kahit yun nalang.

Alam ko namang may totoo paring mga lalaki diyan na kayang magmahal ng totoo sa tulad namin na walang hinihinging kapalit.

Ako? Mas pinili ko kung saan ako magiging masaya at hindi ang isipin ang sasabihin ng iba. Ang makasal at makasama sa habang buhay ang taong mahal ko ay wala nang hihigit pa. You only live once.

Ang asawa kong si Lionel Madrid. Kasama ang mga anak namin ay kakayanin namin ang hamon ng buhay. Hindi na ito ang nakaraan kung saan, ay nakakulong ka sa kadiliman. Iba na ang panahon ngayon kase mas nagiging vocal na ang tulad natin. Mas nagkaroon na tayo ng konting liwanag at pag-asa, na pwedeng dumating ang panahon na magiging normal na rin ang ganitong relasyon.

This is our Story! This is THE MODERN FAMILY!


*Ang basa po sa pangalan ni Lionel ay Liyo + nel = Liyonel.. Maganda lang yung spelling baka iba

ang

pagkakabasa niyo pinangunahan ko na kayo :)

If you dont like mahabang drama or thoughts sa bawat chapter you can skip it and mag focus kayo sa daloy ng kwento. Dont stress yourself.

Hello guys. Sana po ay suportahan niyo rin ito gaya ng pagsuporta niyo sa iba kong kwento. Pakibasa na rin po ang “Peymus” Hehehe.. please support!! :) :*

April 24, 2016

Chapter One

Dedicated to AwesomeDudeMiggy

Jerol’s POV

“Hon, kumain ka na oh, pinaghanda kita ng paborito mo” lumapit ako at hinalikan sya sa pisngi.

“Hmm.. ang bango naman ng niluto ng asawa ko, pwede bang pag katapos kong kumain ay ikaw naman ang kakainin ko?” At nagtaas baba ang kilay nito na akala mo’y may binabalak na masama.

“Heh!! Manahimik ka dyan at baka marinig tayo ng anak natin” ang pabulong na sabi ko dito. “Sige na, maupo kana dyan at tatawagin ko na sila” tumango lang ito.

Lalampasan ko na sana sya ng paluin ako nito sa pwet, Sinamaan ko lang ito ng tingin, pero itong asawa ko tawa lang ng tawa.

“Mamaya hon ah.. humanda ka sa akin” pahabol pa nito. Umirap lang ako.

Hayss!! Napaka pasaway talaga mg asawa ko. Napailing nalang ako sa kanyang kakulitan.

Unang ginising ko ay si jonel ang panganay naming anak. He is 8 years old. At Oo ampon namin sya.

16 years old palang ako nun ng maging kami ni lionel. Isa syang pasaway sa school namin. Babaero at higit sa lahat walang sineseryoso. Samantalang ako naman ay isang tahimik na estudyante. Alam ko na noon palang na gay na ako at tanggap ako ng pamilya ko. Ganoon din sa school, alam nila na bakla ako pero hindi yun naging hadlang para kaibiganin nila ako.

Sikat na sikat si lionel sa buong campus. Halos lahat ay nagkakandarapa sa kanya.

Paano kami nagkakilala? Nagsimula ito noong mailipat sya sa section namin. Sobra kase syang pasaway, sakit ng ulo, pati narin ng buong school. Inilipat ito sa section namin kase kami raw ang pinaka maayos at pinaka tahimik na section noong time na yun. Baka daw mahawahan namin si lionel ng kabaitan.

Pero wala paring pagbabago. Makulit at pasaway. Hanggang sa mapagtripan ako nito. Walang araw na hindi ako nito binubully. Walang araw na hindi ako nito ipinapahiya. Pero hanggat sa maari ay hindi ko ipinapakita dito na mahina ako. Ayokong ipakita na mahina ako.

Hanggang sa hindi ko na kinaya pa ang pang bubully nito sa akin. Hanggang sa hindi ko na nakayanan at umiyak ako sa harapan nito. Hindi ko mabasa ang reaksyon nya noong time na yun. Iniwan ako nito sa ganoong kalagayan.

Ilang linggo rin itong hindi nagpakita matapos ng nangyari. Hangang isang beses, naglalakad ako pauwe sa bahay namin ng may kumidnap sa akin na hindi ko mga kilala. Dinala ako ng mga kidnaper sa isang liblib na lugar sa beach resort na pagmamay-ari pala nila lionel. Hindi ko alam kung bakit ako nito pina kidnap. Nanatili kami dun ng mga tatlong araw na saktong sakto naman na walang pasok.

Humingi ito ng tawad sa akin. Sa tatlong linggo naming pamamalagi sa beach ay hindi sya sumukong suyuin ako. Inamin narin nya na may nararamdaman na ito sa akin. Noong una ay hindi ako naniwala. Paano ako maniniwala sa kanya kung laging kalokohan ang kanyang alam.

Hindi talaga ako kumakain, wala akong pinapansin ni isa sa kanila. Pero sa tatlong araw na yun ay doon ko napatunayan na totoo talaga sya sa kanyang hangarin. Na totoo sya sa kanyang nararamdaman para sa akin. Hangang sa hindi ko narin namalayan na unti unti na rin pala akong nagkakagusto sa kanya.

Hanggang sa sinagot ko sya at yayain ako nitong magpakasal sa kanya sa edad na disi otso. Para daw masiguro na nitong hindi na kami magkakahiwalay pa. Sa America kami nagpakasal at dahil nga sa mayaman ito ay sya narin ang gumastos para makasama ko ang buong pamilya ko papuntang america.

Sobrang saya ang naramdaman ko noong araw na yun. Akala ko ay hindi na matutupad ang pangarap kong makasal sa taong mahal ko. Pero si lionel, sya ang nagpatunay sakin na posible mangyari ang imposible kung gugustuhin mo.

Pinagpatayo kami ng mommy nya ng sariling bahay para duon tumira. Tumulong din ako sa mga gastusin sa pagpapagawa ng bahay para naman hindi nakakahiya.

Pagkatapos naming ikasal ni lionel ay naisipan nitong mag-ampon kami, para daw matawag na kaming isang pamilya. Nagtalo pa nga kami noong una kung babae ba o lalaki ang aampunin namin. Hangang sa magkasundo kami sa isang desisyon at yun ay si jonel. Limang taon ito noong inampon namin. Sobrang cute nang batang ito na talaga namang magugustuhan ng kahit sino.

Sa edad na disi otso. Kasabay ng pag- ampon namin kay jonel ay nagdesisyon din kaming sundan agad ito. Kumuha kami ng surrogate mother na mag ke-carry ng magiging baby namin.

Kay lionel sila kumuha ng sperm para sa magiging baby namin. Sobrang saya ang nadama naming mag-asawa dahil hindi lang isa ang magiging anak namin kundi dalawa.

After ilabas sa mundo si baby leon ay kinuha na namin agad ito sa kanyang nanay. Sobrang cute ng anak namin, kamukhang kamukha sya ni lionel. Noong una ay sobrang hirap ang dinanas namin sa dalawang yan. Si jonel kay lionel, ako naman ang kay baby leon.

Dahil bata pa kami at wala pa kaming karanasan sa ganito, ang pareho naming magulang ang syang tumutulong sa amin pag hindi na namin kaya. Pero nawawala din ang pagod namin tuwing makikita naming masaya ang anak namin.

Sa ngayon walong taon na si jonel, limang taon ito mula ng kunin namin sya. Samantalang magdadalawang taon palang si baby leon.

Pagkagising ko kay jonel ay pinuntahan ko naman si baby leon at binuhat ito. Sabay sabay kaming bumaba para sabayan ang asawa ko sa pagkain.

Hindi ko papala nasasabi sa inyo na isa nang manager ng restaurant si lionel. Dahil sa mayaman sila ay pinagpatayo sya ng mommy nya ng isang restaurant na sikat na ngayon sa bansa. Samantalang ako ay isang guro sa pampribadong paaralan.

Ayaw panga akong pagtrabahuhin ni lionel dahil ayaw ako nitong magtrabaho. Gusto nitong manatili lang ako sa bahay at alagaan ang anak namin. Pero hindi ako pumayag.

Noon pumayag ako kase masyado pang bata ang mga anak namin pero ngayon ay nagpumilit na akong magtrabaho kase hindi naman pwedeng nandito lang ako sa bahay. Mag-asawa na kami at dapat ang mag-asawa ay nagtutulungan.

Pumayag naman ito. Pero dapat daw ay hindi namin mapabayaan ang anak namin.

Pagkababa namin ay sinalubong kami ng asawa ko. Hinalikan nya sa pisnge si jonel at pinaupo na sa bangko, samantalang kinuha nito sa akin si baby leon.

“Kumusta na ang pinaka cute na baby namin? Kamusta na sya?” At hinipan ni lionel ang tiyan ni baby leon. Tumawa lamg ito ng tumawa. “Hon maupo ka na dyan. Ako muna magbubuhat sa bunso natin”

Sabay kaming naupo habang si baby leon ay nasa bisig ni lionel kahit na kumakain ito.

Kinuha ko naman ang kanin at pinagsandok si jonel sa pinggan.

“Papa gusto ko po ng hotdog at saka ng itlog” ang turo ni jonel sa ulam. Kinuha ko naman sya at pinaglagay sa pinggan.

“Salamat papa” ang masayang sabi nito.

“Hon, baka naman malate ka na nyan sa trabaho. Ako na dyan kay baby leon” ang sabi ko sa kanya. Umiling lang ito.

“Hindi na hon, nagtext na naman ako kay marta, sabi ko male-late ako. Gusto ko namang tulungan ang asawa ko sa pag-aalaga sa mga anak namin” kinindatan ako nito.

“Che! Ok lang naman hon, andyan naman si manang. Pwede naman nya kong tulungan”

“Hayaan mo na. Nakapagpaalam na naman ako eh.. ikaw ba hon. What time ang pasok mo?” Tanong nito.

“Maya pang tanghali hon. Tuwing friday kase, sa hapon lang ako nagtuturo”

“Ah ganun ba?”

“Oo hon” sagot ko dito. Binaling ko naman ang atensyon ko kay jonel “oh, jonel, pagkatapos mo dyan kumain anak. Hatid na kita sa school ha” ang sabi ko dito. Tumango lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Hon, sabay sabay na tayo. Medyo maaga pa naman. Hatid natin si jonel, isama narin natin itong isang cute nato” at kiniliti si baby leon.

Hays. Ang sarap nilang tingnan. Ang sarap talagang magkaroon ng pamilya. Hindi sya madali at hindi rin sya basta basta. Pero makita ko lang sila ay masaya na ako.

Pagkatapos naming kumain ay inutusan na namin si manang na bishisan na si jonel. Pagkabihis nito ay hinatid na namin ito sa kanyang school.

“Bye kuya” ang sabi ko kay jonel. Kuya kase ang tawag namin ni lionel kay jonel kase sya ang panganay namin. Humalik ito sa akin pati narin kay leon at lionel.

“Bye papa, bye dada” ang paalam nito. Dada ang tawag nya kay lionel at papa naman sa akin.

Aalis na sana kami ng marinig namin ang tanong ng ibang mga bata sa kanya.

“Jonel, tatay mo ba sila pareho? Pano nangyari yun? E di ba dapat babae ang isa?” Ang inosenteng tanong ng kaklase nya.

“Oo pareho ko silang magulang. Si papa at dada” ang proud na sabi nito.

“Wala kang mama?” Tanong ulit nito kay jonel.

“Wala. Silang dalawa lang ang parents ko” ang masayang sabi ni jonel.

“Bakla ba sila?” Pahabol pa nito.

“Hindi bakla ang magulang ko” ang naiinis na saad ni jonel. Nilapitan ko ito.

“Sige na kuya, pasok kana dun at baka ma-late kapa” nginitian ko ito at hinalikan sa pisngi. Habang tahimik lang si lionel.

Naglalakad na kami pabalik ng kotse ng kalabitin ako nito.

“Bakit ang tahimik mo? Dahil ba dun sa nangyari kanina?” Hindi ako umimik.

“Natatakot lang ako para kay jonel” ang hindi ko maiwasang mangamba. Hinawakan ako nito sa kamay.

“Wag kang matakot. Wag mong ipapakita kay jonel na mahina ka. Dadating ang panahon na magtatanong na sya at maguguluhan. Pero wag natin ipakita na mali ang pagmamahalan natin. Dapat ipaintindi natin sa kanya yun. Ngayon palang natatakot kana. Paano pa kaya kung dumating na yung oras na magtanong na talaga sya at kamuhian tayo. Dapat tatagan mo. Andito lang ako para sayo, para satin mahal ko” hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan.

“Hawakan mo lang ako jerol at asahan mong hindi ako bibitaw” dagdag pa nito. Dahil sa sinabi nito ay di ko maiwasang mapangiti.

“Akin nanga si baby leon” kinuha ko si baby leon sa kanya at pumasok na sa kotse. Pagkapasok namin ay inis-start na nito ang kotse at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

“Tara” at pinaandar na nito an sasakyan. Hinawakan nya ako sa kamay at nginitian.

“Tara”


*Uulitin ko po. Liyo + nel = Liyonel po ang basa sa Lionel. Nagandahan lang ako sa spelling kaya ganyan.

Don’t forget to Vote and comment guys.. Hope u like it :)

Chapter two

Dedicated to gholsky and kylejeric

Jerol’s POV

“Manang pwede po bang pakuha muna si baby leon.. maghahanda na po kase ako para sa pagpasok ko sa school” ang pagtawag ko kay manang ng makarating kami ni lionel sa bahay.

Tulog na tulog kase ang baby namin. Napagod siguro sa byahe. Humalik muna ako dito bago ibigay kay manang. “Kayo narin po ang bahala sa baby namin ah.. papasok na po kase kami ni lionel sa trabaho”

Pagkakuha ni manang kay baby leon ay umakyat na ito sa kwaro namin.

“Hon, sabay na tayo, ihahatid na kita sa school” ang sabi ni lionel sa akin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

“Sige hon. Magbibihis lang ako” ang sabi ko sa kanya. Maglalakad na sana ako paakyat sa kwarto ng hatakin niya ang braso ko at mabilis na binigyan ng halik sa labi. Akala ko ay mabilis lang pero hinawakan pa ako nito sa ulo at mas lalong idiniin sa kanya. Naging mapusok ang halikan namin. Hindi ko na rin natiis pa at gumanti narin ako sa mga halik nya.

“W-wait!” pag-awat ko saka tinakpan ang bibig ko. “Tama na! Baka ma-late pa tayo sa trabaho. Mamaya nalang” ang sabi ko. Halata na nabitin sya sa ginawa namin. Hindi ko naman maiwasang pisilin ang nguso nitong nanghahaba na dahil sa pagkabitin hahaha.. pilyo talaga.

“Sige! Pramis mo yan ah” ang parang batang pagmamaktol nito.

Hindi ko na siya pinansin pa at umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay niyaya ko na si lionel na ihatid na niya ako sa school. Hindi naman malayo ang school ni jonel sa school na pinagtuturuan ko halos malapit lang talaga na pwedeng lakarin.

Pagkarating namin sa school ay nagpaalam na ako dito.

“Salamat hon. Mag-ingat ka ha” paalala ko sa kanya at saka siya hinalikan sa labi.

“Susunduin ko kayo ni jonel mamaya, antayin niyo ako” ang sabi pa nito bago siya umalis.

Haixt! Mahal na mahal ko talaga yang mokong na yan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

“Good morning sir” ang bati sa akin ng mga estudyante sa tuwing makakasalubong nila ako.

Isa akong teacher at advicer ng 4th year high school na Grade 10 na ngayon. Mayroon kaming anim na section sa antas na ito. Ako rin ang naatasang magturo sa section 3. Actually rambol section kami pero ewan may ko kung bakit may label pa rin kung sino ang 1,2,3 and so on. Basta halo halo ang magagaling hehehe..

Sa totoo lang ay hindi madaling magturo lalo na sa mga highschool student ngayon. Makukulit, magulo, pasaway. Lalo na at ilang taon lang ang lamang ko sa kanila. Minsan nga ay napagkakamalan pa nila akong kaklase nila dahil sa bata ko pang itsura, sa height ko at siguro sa edad ko na rin.

“Good morning sir madrid” ang bati sa akin ng co-teacher kong si sir Marvin.. Marvin lopez, 24 years old at masasabi kong gwapo din siya. Si sir lopez ang kauna-unahan kong guro na naging kaibigan ko sa school na ito.

“Morning din sir” ang bati ko sa kanya.

“Sir ako na magdadala ng mga libro mo. Baka nabibigatan kana” ang pag-alok nito. Ngumiti lang ako at umiling sa kanya.

“Hindi na sir. Kaya ko naman eh” saad ko.

“Ok nga lang sir. Ako na ang magdadala nyan” pagpupumilit pa nito. Aixt! Ang kulit ha hehehe..

“Wag ka nang makulit, ok?” Ang saway ko sa kanya buti naman at hindi na ito nagpumilit pa. Ewan ko ba diyan kay sir marvin kung bakit ganun siya sa akin. Siguro ay ganun talaga siyang kaibigan.. sweet lang, ganun.

Habang naglalakd kami papuntang classroom ay nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano. Masasabi kong tunay ko siyang kaibigan. Alam narin niya at ng ibang co-teacher ko na may asawa na ako at alam din nila na lalaki ang asawa ko. Nakakatuwa nga kase tanggap nila ako at ok lang daw sa kanila iyon.

Una na akong nagpaalam kay sir Marvin dahil malayo pa ang room na pagtuturuan nito. Pagkapasok ko sa loob ay binati ako ng mga estudyante ko.

“Good morning sir” sabay sabay nilang bati.

“Good morning, maupo na kayo” sabi ko sa kanila. “Ok class.. makinig kayo sa akin. Sasusunod na lingo ay dapat niyo nang ipasa ang inyong proyekto. Nagkakaintindihan ba tayo?” Ang sabi ko sa kanila.

Nitong nakaraang linggo kase ay pinagawa ko sila ng proyekto upang madagdag ang kanilang grado o grades, especially yung mga bagsak. May mga tamad kasing estudyante kaya sa halip na bumagsak pinapagawa ko na lang ng projects. Pandagdag kumabaga.

“Tsk!” Ang rinig kong sabi ng isa kong estudyante.

“May problema ba tayo Mr. Paulo Chavez?” Ang tanong ko dito.

Siya lang naman ang pinaka pasaway at pinaka mayabang na estudyante sa buong school na ito. Oo..Sikat, gwapo palibhasa sila ang may ari ng school na ito kaya ang yabang.

“Wala sir. Kung meron man pong problema sa tingin ko, kayo yun!” Ang sagot nito sa akin.

“Mr. Chavez kung hindi ka marunong rumespeto sa klaseng ito ay respetuhin mo nalang ako bilang tao, bilang guro mo” ang sabi ko sa kanya.

“Respeto? Sayo pa talaga nanggaling ang salitang respeto.. e diba bakla ka? Salot ka? Kaya sinong maniniwala sayo at sa mga tinuturo mo? Baka nga puro kabaklaan lang ang ituro mo sa amin eh” ang walang habas na sabi nito.

Nakita ko namang nagtawanan ang ibang estudyante ko. Alam kong napahiya ako sa sinabi nya at parang nawalan ako ng kredibilidad dahil bilang isang teacher.. Insulto sa amin na sagut-sagutin ka sa harap ng tinuturuan mo.

“Mr. Chavez, marahil nga ay bakla ako. Pero itong baklang ito na nasa harapan mo ay may napatunayan na at may pinapatunayan pa sa buhay. Na ang katulad namin ay hindi lang basta isang bakla, kundi baklang may maipagmamalaki at maitutulong sa pamilya at bansa na ring ito. Eh, ikaw ba mister chavez? May napatunayan ka na ba? Hindi kaba pabigat at sakit ng ulo sa pamilya mo o sa bansa na ring ito? So sino sa atin ang salot ngayon? Ako na o ikaw?” Ang diretsang sabi ko sa kanya. Natahimik naman silang lahat. Hindi ko na kase nakayanan pang magtimpi dahil tuwing magsasalita ako ay lage na lang niya akong sinasalungat at ipinapahiya sa klase.

Wala na akong pakialam kung tanggalin man ako ng daddy nya. Sumusobra na kase siya. Nawawala na ang respeto nito sa tulad ko at sa iba pang mga teacher na ipinahiya niya.

Nakita ko namang natahimik ito. Naluluha na ako dahil sa galit pero pinipigilan ko. Tinawag ko ang class secretary at ipinagsulat sa kanya ang lesson namin sa blackboard.

“Class.. kopyahin niyo lahat ng isusulat ng secretary niyo at ipapaliwanag ko siya mamaya sa inyo.. Cr lang ako” ang paalam ko sa kanila. Lumabas muna ako ng classroom at nagtungo sa school playground. Hindi naman siya ganoon kalayo sa room namin. Huminga lang ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Hindi ko na kase kaya ang pagpapahiya niya sa akin. Lage nalang niya akong binabastos.

Ilang minuto rin akong nanatili dun hangang sa maisipan kong bumalik na sa klase. Kahit paano ay nabawasan ang stress ko. Pagkabalik ko dun ay hindi parin tapos magsulat ang mga estudyante ko. Hindi naman nawala sa paningin ko si Paulo. Nakaupo lang itong nakatingin sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Naging maayos naman ang klase namin. Hindi narin ako masyadong pinapansin pa ni paulo. Na sya namang ikinatuwa ko. Nakaka stress nadin kaya.

Lunch break na at sabay kaming kumain ni sir marvin at ni maam ana. Si maam ana ay kaibigan rin namin.

“Oh bakit nakatunganga kalang dyan? Hindi ka ba kakain?” Ang tanong ni maam ana sa akin.

“Ha?” Ang tanong ko sa kanila.

“Lutang nga” ang natatawang sabi ni sir marvin.

“Ano ba kase yun?” Ang pagmamaktol ko sa kanila.

“Eh bakit kaba nakatulala dyan?” Tanong ni maam ana.

“Wala lang.. Naisip ko lang yung nangyari kanina” ang sabi ko sa kanila.

“Hulaan ko. Si paulo na naman yan noh? Wala talagang ginawa yang batang iyan. Palibhasa ay sila ang may ari ng school na ito kaya pwede na tayong ganyan ganyanin” ang naiinis na sabi ni sir marvin.

“Kahit nga ako na babaeng tao ay hindi niya nirerespeto” ang pagsusumbong naman ni maam ana.

“Eh ano bang nangyari?” Tanong ni sir marvin.

Saka ko ikunwento sa kanila ang nangyari kanina.

“Hindi ko na kase napigilan pa ang galit ko kanina eh, sumosobra na sya” ang naluluhang sabi ko. “Hindi niya lang alam ang hirap na dinanas ko para lang magtagumpay at maging matatag sa mundong ito para lang matanggap kami tapos nilait niya ang kakayahan kong magturo dahil lang sa bakla ako”

Lumapit sa akin si sir marvin at hinagod ang likod ko.

“Shhh… tahan na. Wag mo nang isipin yun. Tama lang ang ginawa mo” ang pag-alo nito sa akin.

Pinunasan ko lang ang luha ko at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa aming mga classroom. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtuturo ay bigla akong pinatawag ni principal. Nagtataka naman ako kung bakit ako ipapatawag. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko ng pumasok na ako ng principal’s office.

“Buti naman at dumating kana Mister Madrid. Maupo ka” ang sabi ng principal namin. Pagkaupo ko ay nagulat ako ng makita ko si paulo sa kabilang upuan. Nakatingin lang ito sa malayo at nakasimangot.

“B-bakit po maam?” Ang kinakabahan kong tanong.

“Totoo bang nagkasagutan kayo kanina ni paulo sa oras ng klase nyo?” Ang seryosong tanong nito.

“O-opo maam”

“Alam kong nahihirapan kana Mister Madrid dahil kung tutuusin ay parang magkaklase lang kayong lahat dahil siguro sa batang edad mo at sa batang itsura mo.. Pero mr. Chavez” lingon nito kay paulo. “Matuto ka namang rumespeto sa iyong mga teacher. Hindi porke’t mas matangkad ka dito kay sir. Madrid mo ay pwede mo na siyang bastos-bastosin at ipahiya sa klase niyo. Wag mo namang ipahiya ang reputasyon ng iyong mga magulang” ang pangaral nito kay paulo. Nanatili lang akong tahimik.

“Tsk!” Ang murmur nito habang galit paring nakatingin sa malayo.

“Hmm..By the way, mr. Madrid. Dahil sa bilis ng balitang kumalat sa buong school at dahil na rin sa nangyari sa inyo ni mr. Chavez at sa kawalan nito ng respeto sayo, maging sa mga magulang nito ay napagkasunduan nila, i mean ng magulang ni mister chavez na itong si Mr. Paulo ay tuturuan mo simula monday to friday after class. Hanggang sa maka-graduate ito dahil ang baba lang naman po ng mga grades niyo sir paulo” ani ni maam.

“At kapag hindi siya sumunod at pumasa dito sa taong ito ay hindi talaga siya makaka-graduate. Sila na mismo ang nag-utos sa amin na walang special treatment dito kahit anak pa daw nila ito. Lahat ay pantay pantay kaya mister chavez.. Sorry to say na mas susundin namin ang magulang mo kesa sayo” ang mahabang paliwanag ni maam principal.

“Pero maam, bakit po ako? Bakit hindi nalang po iba?” Ang apila ko.

“Dahil pinatunayan mo sa buong school na hindi hadlang ang kasarian mo para magturo at maging matagumpay sa buhay, sa katunayan nga ay natutuwa panga sila sayo, i mean sila misis at mister chavez dahil matapang ka at nakakuha daw ng katapat ang anak nila. Ang babait nga ng mga magulang ni mr. Paulo.. yun lang maski sila ay hindi nila alam kung saan ito nagmana”

“Whatever!” Ang masungit na sabi ni paulo. “Tapos na ba? Pwede na ba akong bumalik sa klase ko?”

Bastos talaga.

“Umayos ka Mr. Chavez. Ang magulang mo na mismo ang nagpaubaya sa amin. Hindi ka daw nila bibigyan ng allowance hanggat me naririnig silang hindi maganda sayo. Kaya tuparin mo na ang kagustuhan ng mga magulang mo para sayo rin naman ang lahat ng ito” ang sabi pa ni maam.

“Yah! Yah! I know! Can i go now?” Si paulo talaga. Haixt wala talagang pagbabago.

“Simula bukas ay tuturuan kana ni Mr. Madrid sa ayaw at sa gusto mo. Isusumbong ka namin sa magulang mo sige ka”

“Ok fine! Bukas. Pwede na ba akong umalis Tanda?” Oh my god! Seryoso siya? Wala na ba talaga siyang galang sa matatanda?

“Anong sabi mo?!” Ang galit na galit na sabi ni maam. Halos mapatayo ito sa galit.

“Diba bukas pa naman ang simula? So sinusulit ko lang ang pagkakataon ngayon. TANDA” ang nang-aasar na sabi nito at dali daling lumabas ng office.

“Hay! See.. kaya good luck Mr. Madrid. Alam kong kaya mo yan. May tiwala kami sayo”

Hala? Bakit ako? Naman eh! Ang sabi ko sa isip ko.

“Sige po maam. Balik na po ako sa klase ko” ang paalam ko dito.

Habang naglalakad ako pabalik sa klase ko ay hindi ako makapaniwalang tuturuan ko ang anak nila mr/mrs chavez na si paulo. Ang pinaka pasaway at pinaka bastos na estudyante. Haixt!.

Habang naglalakad ako paliko sa hallway ay hindi ko inaasahang may nkasalubong pala akong tao. Pareho kaming nagkabanggan na syang naging dahilan ng aming pagbagsak. Masakit man ay hindi naman napuruhan ang ulo ko dahil prinotektahan nito agad ang ulo ko gamit ang kamay niya. Nakapatong ito sa akin habang nasa ilalim ako. Nanatili lang akong nakapikit.

“Ok kalang ba sir?” Ang tanong nito sa akin. Dahan ko namang iminulat ang mata ko. Pero hindi ko inaasahan ang taong nakadagan sa akin. Si paulo. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Halos maglapat na ang labi naming dalawa.

“O-ok lang ako” ang sabi ko sa kanya. Halos maduling naman ako dahil sa lapit ng mukha nya sa mukha ko. Ang ganda pala ng mata niya.

“Ahmm… pwede kanang umalis” ang nakangiting sabi ko sa kanya. Pero nanatili lang ito sa pwesto namin. Hindi naman ako makagalaw ng maigi dahil nakapulupot ang isa nitong kamay sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko din ang hininga nya na nalalanghap ko. Sh*t! Alam ko na ang gagawin niya! Wag!.

“P-paulo..”

“Sir.. ang cute mo pala noh? Ang pula pa ng labi mo. Pwede ba kitang—”

“No! Paulo, estudyante kita at teacher mo ako. Nandito tayo sa school. Kaya Umalis kana dyan please” ang utos ko sa kanya.

“Sir alam mo bang matagal na kitang crush. Ginagawa ko lang alibay ang panlalait ko sayo para lang maisantabi ko itong nararamdaman ko sayo” ang pagtatapat nito sa akin. “Straight ako sir at madami na akong naging girlfriends, pero ewan kung bakit humanga ako sa tulad mo dahil siguro sa tapang na ipinakita mo sa akin kaya siguro hinangaan kita. Pero hindi ko inaasahan na ang hanga palang iyon ay mas lalong lumalim. Kaya pinilit kong magalit sayo”

“Paulo may asawa na ako. At isa pa estudyante kita, teacher mo ako. Ang bata mo p—– hmmm” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko at bigla nalang ako nitong hinalikan sa labi. Nagulat ako sa ginawa nya. Buti nalang at oras pa ng klase kaya walang masyadong tao.

Ilang segundo ring tumagal ang halik nya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para itulak siya. Tumayo ako at pinunasan ang labi ko. Nagmadali akong bumalik sa classroom.

Halos hindi ako makapag focus sa pagtuturo dahil sa nangyari kanina. Grabe din ang kaba ko. Wala sanang makakita.

“Sir. Hindi ka pa ba uuwe? Kanina pa po nag bell” ang sabi ng isang estudyante ko.

“Ah.. oo, aayusin ko lang to” ngiti ko sa kanya. Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan. Ang bilis naman ng pangyayari. Hindi ko na alam kung bakit ang bilis.

Pagkalabas ko ng school gate ay nakita ko si paulo sa kabilang side nito na nakatingin sa akin. Hindi ko na sya pinansin pa. Bago palang ako maglalakad ay sinalubong na kaagad ako ng anak kong si jonel.

“Papa” tumatakbong sabi nito. Nang makalipit ito sa akin ay binuhat ko syia at hinalikan sa pisnge.

“Asan si dada?” Tanong ko sa kanya. Lumingon ito sa likuran namin at nakita ko si lionel na buhat buhat si baby leon. Nang makalapit ito sa akin ay hinalikan nya ako sa pisnge.

“Tara na hon” ang masayang sabi nito. Sa totoo lang ay hindi siya nahihiyang halikan ako sa labi sa harap ng maraming tao. Wala daw siyang pakialam sa kanila. Dahil hindi daw naman sila ang nagpapasaya sa amin.

“Tara” ang nakangiting sabi ko. Hinalikan ko din sya sa pisnge. Pero bago kami makalayo ay nasulyapan ko pa si paulo na malungkot na nakatingin sa akin. Nababaliw na ba siya para gawin yun?

Inakbayan naman ako ni lionel at hinalikan sa ulo habang naglalakad kami papuntang sasakyan.


Don’t  forget to Vote and Comment Guys!!! :) para sa mabilisang Update ;)

Chapter three

Jerol’s POV

“Jonel, anak. Umakyat kana sa kwarto mo at magbihis kana ha” ang utos ko dito.

“Opo papa” ang masayang sabi nito at mabilis na tumakbo paakyat ng kwarto. Ang cute na bata.

“Manang pwede po bang pakuha muna si baby leon? Ako po muna ang magluluto ng hapunan. Gusto ko po kasing ipagluto ang aking mag-ama” ang utos ko kay manang.

“Sige po sir. Asan na po ba si baby leon?” Tanong ni manang.

“Nandun pa sa sasakyan. Ewan ko ba diyan kay lionel. Ke-bata bata pa ng baby namin tinuturuan nang humawak ng manibela” ang natatawang kwento ko kay manang. Nakitawa narin si manang.

Hindi ko panga pala naipapakilala sa inyo si manang lydia. Sya din ang nagpalaki dito kay lionel noong bata pa ikaya naman napakalaki ng tiwala naming mag-asawa lalo na ng mga magulang ni lionel sa kanya.

“Hon, ang bilis matuto ng anak natin” ang natatawang kwento nito. Habang buhat buhat nito si baby leon sa kaliwang braso.

Lumapit naman si manang kay lionel at kinuha si baby leon. Umakyat sila sa kwarto ni jonel.

“Hon, magbihis kana rin. Magluluto lang ako ng hapunan natin” ang sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa kusina. Pero hindi ko inaasahan na susunod pala ako ni lionel. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko, habang ang baba naman niya ay nakapatong sa balikat ko.

“Bakit hindi ka pa magbihis?” Ang mahinahong sabi ko sa kanya habang naghihiwa ako ng mga sangkap sa pagluluto. Nanatili lang itong nakayakap sa akin.

“Eeee.. gusto ko munang yakapin ang mahal ko eh” ang malambing na sabi nito at inamoy amoy ang leeg ko.

“Ano kaba Nakikiliti kaya ako” ang natatawang sabi ko. Pero hindi sya tumigil. “Hon naman eh, paano ako matatapos niyan”

Nagulat nalang ako ng halikan ako nito sa leeg. Bagamat nadadala na ako sa ginagawa niya ay pinipilit ko paring hindi ito pansinin. Tumaas ang mga kamay nito papuntang dibdib ko habang ang isang kamay naman nito ay bumaba papuntang pagkalalaki ko. Bigla naman akong napatigil sa ginagawa ko at hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa pagkalalaki ko.

“Hon, baka makita tayo ng anak natin at ni manang” saway ko sa kanya.

“Pasensya na hon, hindi ko lang matiis ang kacute-an mo” ang natatawang sabi nito. Hinawakan niya ako sa balikat at ihinarap sa kanya.

“Bakit kaya ang cute cute ng hon ko” ang dagdag pa nito.

“Che! Bolero!” Ang natatawang sabi ko at pinalo ko sya ng mahina sa dibdib pero hinawakan niya lang ang kamay kong nakapatong sa dibdib nito.

Nakatitig sya sa aking mga mata.

Nakipagtitigan narin ako sa kanya hangang sa dahan dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ko. Pumikit nalang ako at hinintay ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Ang sarap ng halik niya. Hinding hindi ako magsasawang halikan ang labi nya. Banayad ang halik nito hanggang sa naging mapusok. Medyo nadadala narin ako sa ginagawa nya. Bumaba ang halik nito papunta sa leeg ko. Nagtagal sya doon ng ilang minuto hangang sa ipasok nito ang kanyang kamay sa loob ng t-shirt ko at dahan dahang itaas ito. Napahawak naman ako agad sa kamay niya upang pigilan ito.

“Hon, maya nalang po pwede?” Ang nangungusap kong sabi sa kanya.

“Yun na yun eh! Tsk! Sayang” ang dismayang sabi nito. Hahaha.. natawa ako sa kanya.

“Maya nalang po kase” ang sabi ko pa.

“Sige ha! Pramis mo yan” ang sabi nito habang nagtataas baba ang kilay.

“Oo nga! Ang kulit! Sige na at magluluto na ako ng paborito mong ulam. Magbihis kana dun” utos ko sa kanya.

“Sige na nga” halata parin sa boses nito ang pagkadismaya hahaha.. pero bago ito umakyat sa kwarto namin ay humiling pa ito ng isang halik.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy na ang aking pagluluto.

Haixt! Paano ko ba ito sasabihin kay lionel. Yung about sa nangyari kanina sa amin ng estudyante kong si paulo. Hindi naman ako makatanggi kela mr/mrs chavez kase pinagkatiwala na nila sa akin ang anak nila at ayoko namang masira ang tiwala nila o kahit na sino man.

Ah! Basta! Tuturuan ko lang sya at pipiliting ipaunawa sa kanya na bata pa sya at marami pa syang makikilalang iba. Mahal ko ang asawa ko at hinding hindi ko sya ipagpapalit kahit kanino.

Nang matapos akong magluto ay naghain na ako sa lamesa. Tinawag ko narin si jonel at lionel na parehong naglalaro ng video game. Tinawag ko narin si manang para sumabay sa amin. Hindi na bago sa amin si manang at parte na sya ng pamilya namin. Naniniwala kase ako na kapag mabait ka sa kasambahay mo at nagtitiwala ka sa kanila ay kabutihan din ang isusukli nila sayo.

“Hmmm.. ang sarap naman ng luto ng hon ko” ang masayang sabi ni lionel habang sabay sabay kaming kumakain. Nasa pagitan namin si jonel habang nasa harapan naman namin si manang kasama baby leon na pinapakain nito.

“Papa ang sarap po ng luto niyo” ang papuri ng anak ko. lumingon si jonel sa akin at nag thumbs up. Natawa naman ako sa kanya.

“Syempre paborito ni dada yan kaya talagang sasarapan ko” ang sabi ko sa kanya. Lumingon naman ito kay lionel.

“Talaga po dada? Paborito mo po ito?” Hinawakan naman ni lionel sa ulo si jonel at ginulo ang buhok.

“Oo anak! Paborito ito ni dada. Kaya dapat maging paborito mo narin ito para laging masarap ang luto ni papa, diba?” Napailing nalang ako sa sinabi ni lionel sa anak namin.

“Dahil paborito ito ni dada ay paborito ko narin po ito” ang masayang sabi ni jonel.

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa anak namin. Ganun din si lionel.

“Eh, ang baby bunso natin? Ano kayang paborito?” Ang tanong ni lionel kay baby leon na masayang kumakain.

“Dada” ang cute na bigkas ni baby leon. Magtatatlong taon narin naman ito kaya marunong narin syang magsalita kahit papaano.

“Anong gusto ng baby bunso namin?” Ang parang batang tanong nito kay baby leon.

“Hon, diba sabado bukas? Pasyal tayo” ang suhestyon sa akin ni lionel.

“Sige, ikaw bahala” ang sabi ko at nagpatuloy na ako sa pagkain.

Wala kase syang pasok ng sabado at linggo, bagamat wala din akong pasok ay bumabalik parin ako sa school tuwing sabado para sa ibang extra curicular activities pero ok lang naman kahit hindi. Nagpaparticipate lang naman ako minsan kung kinakailangan.

Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko muna si baby leon kay manang at pumunta kami sa salas. Tumabi ako kay lionel habang nakahiga sa hita nito si jonel. Nanunuod sila ng inside out.

“Hon tulog na ata si jonel” ang sabi ko sa kanya. Sinilip naman nito si jonel na nakahiga sa mga hita nito.

“Mukha nga hehehe” ang sabi nya.

Tiningnan ko naman ang batang kalong kalong ko at bising bisi ito sa paglalaro. Inakbayan naman ako ni lionel.

“Hon, ang saya saya ko talaga” ang biglang sabi nya. Napalingon naman ako sa kanya.

“Bakit naman?”

“Ang sarap kasing tingnan ng mga anak natin. Tapos kasama pa kita” ang sabi nya.

“Ako rin naman ah, masayang masaya lalo na’t nandyan ka para alagaan kami ng mga anak mo” ang sabi ko sa kanya. Hinawakan nya ako sa ulo at hinalikan dito.

“Kamusta naman trabaho mo hon?” Ang tanong nya.

“Ok naman hon. Medyo stress lang minsan. Lalo na sa mga pasaway at makukulit kong estudyante, ikaw ba?” Tanong ko sa kanya.

“Ok lang naman hon, hindi naman ako masyadong hirap e. Sabi ko naman kase sayo na dito ka nalang sa bahay.. alam mo namang Ayokong napapagod ka” ang sabi nito sa akin.

“Eee.. hindi naman pwede yun diba? At saka napag-usapan na natin to. Mag-asawa na tayo kaya natural lang na tulungan ko ang asawa ko” ang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

Ilang oras din kaming nanatili dun. Ang ganda pala ng kwento ng inside out. Kung gusto nyong malaman abay panuorin nyo nalang hehehe.. inaantok na kase ako para magkwento eh!

“Tulog na tayo hon” tumango lang ito sa akin at binuhat na si jonel.

Inakyat na niya si jonel sa kwarto. Minsan kase ay sa kwarto namin sya natutulog pero kapag alam mo na, pag may balak na naman ang mokong hahaha.. dun niya pinapatulog si jonel sa mismong kwato nya. Dun narin namin pinapatulog si manang para may kasama si jonel.

Si baby leon? Hahaha.. ganun din ang ginagawa ni lionel. Sama sama sila manang sa kabilang kwarto kapag may gustong gawin si lionel na alam mo na. Pero kapag ayoko ay sama sama kaming apat sa kwarto namin.

Pag-akyat ko sa taas ay kinuha sa akin ni lionel si baby leon at ibinigay kay manang. Doon na daw Patulugin na sa kwarto kasama ni jonel. Haixt!

“Hon doon nalang kaya natin patulugin si baby bunso sa kwarto natin” apila at pagdadahilan ko. Sana makalusot.

“No! Alam kong pagod at stress ka kaya hayaan mo muna sya kay manang.. hindi pa antok yung batang yun.. tara tulog na tayo” ang nakangising sabi nito. Napanguso nalang ako. Alam ko namang hindi nya ako papatulugin eh.. papagudin nya ako.

“Hon! Ano pang hinihintay mo dyan. Tara na. Pasok na sa loob” ang sabi nito habang nakasilip sa pinto. Dahan dahan naman akong pumasok sa loob. Ng makapasok ako sa loob ay sinara na nito ang pinto pero binuksan uli ito at sumilip.

“Sorry guys pero hanggang dyan nalang kayo ha! Bawal muna ngayon hehehe.. Next time ko nalang ikwento sa inyo” rinig ko pang sabi nito hangang sa maisara nito ang pinto.

Hala? Sinong kausap nun?

Tumakbo siya at dumagan sa akin at mapusok akong hinalikan sa labi.

Eto na guys!! . . . . . . . . . . . . “Hon, asan kana? Bilisan mo na dyan at umiiyak na itong si baby bunso natin.. naiinip na ata” ang pagtawag sa akin ni lionel.

“Eto na hon, wait lang..” ang sabi ko sa kanya. Pinag timpla ko muna kase si baby leon ng gatas baka magutom sya sa biyahe naming magpa-pamilya.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako papuntang salas. Sinalubong naman ako ni jonel.

“Papa ang tagal nyo po.. gusto ko na pong gumala eh” ang sabi nito sa akin at nagpabuhat siya.

“Sorry kuya, pinagtimpla ko pa kase ng gatas si baby bunso. Baka umiyak” ang sabi ko sa kanya.

“Hon tara na” ang pagtawag sa akin ni lionel.

Pumunta na kami ni jonel sa sasakyan at bumyahe na papuntang bayan. Ang gwapo ni lionel sa suot nya. Naka maong short lang ito at naka plain white t-shirt na bagay na bagay sa kanya. Syempre ganun din ang suot ko para daw terno kami nitong mokong na ito. Hindi talaga maalis sa mata ko ang ka gwapuhan nitong si lionel. Haixt! Naniniwala ako na kapag gwapo ka ay kahit simpleng kasuotan ay bumabagay sayo.

“Baka naman matunaw na ako nyan hon” ang sabi nito habang nakangising nakatingin sa unahan.

“Sira! Masama bang tumingin?” Ang mataray na sabi ko sa kanya.

“Hindi naman! Kaya wag kang mag-alala hon, itong gwapong ito ay asawa muna” sabi pa nito.

“Ang hangin” parinig ko sa kanya. Tumawa lang ito.

Kalong kalong ko si baby leon nandito kami sa tabi ni lionel sa may driver seat habang nasa back seat naman si jonel na bising bisi sa paglalaro ng tablet.

Una kaming pumunta sa isang restaurant dahil gutom narin kami. Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay napagkasunduan naming gumala sa park.

Buhat buhat ni lionel si baby leon sa kaliwang braso, samantalang nakahawak naman ang kanang kamay nito sa kaliwang kamay ko at sa kanang kamay ko naman ay si jonel. Ang gulo diba? Hahaha.. kahit ako naguluhan din eh.

Halos libutin namin ang buong park kalalakad, samantalang si jonel naman ay kung ano-anu ang pinapabili nito sa amin.

Nakakatuwang isipin na ang pangarap ko noon ay natupad na dahil sa tulong ng asawa ko.

Nang mapagod kami kalalakad ay naisipan muna naming maupo sa isang bench sa ilalim ng puno. Ng makaupo kami ay kinuha ko sa bag ko ang dede ni baby bunso. Alam kong gutom na ito.

“Gutom na ba ang baby bunso namin?” Ang sabi ko sa kanya habang kinikiliti ito sa tiyan.

“Papa” ang sabi nito habang pilit na inaabot ang dede nya. Hahaha.. nakakatuwa syang tingnan. Inabot ko kay lionel ang dede dahil sya ang may hawak sa baby bunso namin.

“Papa gusto ko po ng ice cream” ang turo ni jonel doon sa nagtitinda ng ice cream.

“Wait lang kuya, kukuha lang ako ng pampunas kay baby bunso” ang sabi ko sa kanya. Nang makakuha ako ng bimpo ay ibinigay ko na ito kay lionel.

“Hon, samahan ko lang si kuya bumili ng ice cream ha” ang sabi ko sa kanya.

“Hmm.. diba nag-usap na tayo kuya na bawal ang mga matatamis, masisira ang ngipin mo” ang pagpapaka-tatay ni lionel sa anak.

Bigla namang lumungkot ang mukha ni jonel. Naawa naman ako sa bata. Kung si lionel ay may pagka strikto, ako naman ay hindi.. Konti lang hahaha.. pero hanggat maaari ay ayoko namang malungkot ang anak namin. Masama lang kung sobra.

“Hindi naman madalas hon, pagbigyan mo na si kuya please” ang pagmamakaawa ko dito. Pag sinabi nyang hindi pwede ay hindi talaga pwede pag dating sa anak. Ayaw nya kasing ma-spoild ang mga anak kung maaari. Pero pagtalagang nakakaawa ang bata ay ako na talaga ang nakikiusap.

“Hay! Sige nanga. Baka magtampo pa sa akin ang papa mo” angg pagsuko nito habang pinapa dede pa rin si babay bunso.

“Yey!! Thank you po dada.. thank you papa” ang masayang sabi nito at niyakap kami pareho. Nagkatinginan lang kami ni lionel at ngumiti.

“Tara kuya” ang pagyaya ko sa kanya at hinawakan ito sa kamay. Medyo malayo layo din pala ang pwesto ng ice cream vendor. Pagkarating namin doon ay pinapili kami ng flavor ng ice cream.

“Anon gusto mo kuya?” Ang tanong ko sa kanya. Binuhat ko ito para makita nya ng maigi.

“Chocolate po papa” ang turo nito sa ice cream. Bigla namang may nagsalita sa katabi namin.

“Manong chocolate din po” ang singit ng lalaki. Napatingin naman ako sa kanya at ganun din sya.

“P-paulo?”

“S-sir.. kayo pala” ang gulat na sabi nito. Mukhang hindi niya rin alam na nandito kami.

“Sino po siya papa?” Ang tanong naman sa akin ng anak ko.

“Ah.. sya si kuya paulo mo. Estudyante ko sya anak” ang sabi ko dito. Wag naman sanang tanungin ako nito about sa nangyari. Baka kung anong isipin ng anak ko.

“Hello po kuya” ang masayang sabi nito.

“Hello din! Sya ba ang anak mo sir?” Ang tanong sa akin ni paulo. Bakit ang awkward.

“Oo.. si jonel” ang sabi ko sa kanya.

Nang maibigay sa amin yung ice cream ay nagmadali akong nagbayad.

“Sige paulo.. mauna na kami ha. Hinihintay na kase kami ng asawa ko” ang paalam ko sa kanya. Tumingin lang ito sa akin.

“Bye kuya paulo” ang sigaw ni jonel dito.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng sobra. Ayokong maungkat yung about sa nangyari dahil ayokong magkaroon ng problema lalo na kay lionel. Kilala ko kapag nagalit yan. Kahit bata pa si paulo ay uupakan niya ito.

Lumingon ako sa pwesto nya. Buti nalang at nandun parin sya. Haixt. Nang makarating kami kay lionel ay niyaya ko na itong umuwi.

“Tara na hon. Medyo hapon na, baka maambunan pa si baby bunso ay magkasakit pa ito” ang sabi ko sa kanya. Buti naman at pumayag ito.

Sana yung nangyari sa amin ni paulo ay last na iyon. Ayokong umasa sya sa akin.


Hello guys..

Wazzup? Sabaw ba? Hehehe..

Don’t Forget to Vote and Comment guys… inspirasyon lang para ituloy ko ang kwentong ito :)

Chapter four

Jerol’s POV

Wala kaming ginawa ni lionel noong weekends kundi ang mag family bonding. Napagkasunduan kase naming dalawa na ilaan naming pareho ang time sa mga anak namin tuwing wala kaming trabaho.

Ang sarap lang sa pakiramdam. Alam mo yung pakiramdam na kahit pagod na pagod kana sa trabaho mo basta makita mo at makasama mo lang ang mga anak mo at ang ma-alaga mong asawa ay masaya kana.

“Hon, hatid ko na kayo sa school ha” ang sabi sa akin ni lionel. Gusto kase niya siya ang maghahatid at sundo sa amin kahit gaano pa ito ka busy.

“Baka naman malate kana nyan sa trabaho mo hon, ok lang naman na mag commute kami ni jonel” ang sabi ko sa kanya.

“No! Ihahatid ko kayo. Responsibilidad ko yun bilang isang haligi ng tahanan na maging ligtas kayo sa pagpasok at pag-uwi” pagpupumilit nito haixt! Ano pa nga ba? Eh sya na ang nagsabi hahaha… pero ang sweet ng asawa ko. Nikikilig ako. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.

“Jonel anak, bilisan mo na dyan at baka malate na si dada mo sa work” ang pagtawag ko dito. Nasa kwarto pa kase sya binibihisan pa ni manang.

“Andyan na po papa” ang sigaw nito mula sa kwarto.

Pagkababa nila ay nagbilin lang kami kay manang at nagpaalam na kami dito.

Habang nasa byahe kami ay walang ginawa si jonel kundi ang kumanta ng kumanta.

Tatlong bibe.

“ May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat, mga bibe ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, sya ang lider na nagsabi ng kwak kwak.. kwak kwak kwak, kwak kwak kwak… “

Ang pagkanta nito habang sumasayaw na akala mo’y isang bibe. Nakakatuwa syang tingnan.

Ang cute cute cute ng panganay namin. Hindi ko kase sya masyadong makita dahil nasa back seat sya, samantalang ako naman ay nasa tabi ni lionel.

“Dada, sabayan mo po akong kumanta” ang sabi nito sa daddy lionel nya.

“Eee.. hindi ko alam yan anak. Si papa mo nalang kaya” ang pagpasa nito sa akin.

“Hmmpp.. ang kj kj mo naman hon” ang pagmamaktol ko dito. Pero tinawanan niya lang ako.

“Sige na hon. Sabayan mo na si kuya. Gusto ko yung may pagsayaw sayaw din ha! Yung parang bibe. Hahaha” pang-aasar nito sa akin. Napa-pout naman ako.

“Papa, dali na po. Sabayan nyo na po akong kumanta, ayaw po kase ni dada eh” ang pamimilit nito sa akin.

“O sige nanga” pagsang-ayun ko. Bigla naman itong nagtatatalon sa loob ng kotse.

“Yeheyy! Yeheyy! Kakanta kami ni papa” ang masayang sabi nito. “Ok papa! 1… 2…. 3…” ang pagbibilang nito at sabay na kaming kumanta.

“ May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat, mga bibe ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, sya ang lider na nagsabi ng kwak kwak.. kwak kwak kwak, kwak kwak kwak…

Habang sabay naming kinakanta at sinasayaw ni jonel ang tatlong bibe ay walang ginawa si lionel kundi ang tumawa ng tumawa. Kahit nakaupo ako ay hindi ko rin maiwasang kumembot na parang isang bibe.

“Ang cute po ni papa diba dada?” Ang sabi ni jonel sa daddy nito habang ako ay nakanguso lang dahil sa hiya at pamumula.

“Oo kuya, ang cute cute ni papa mo hahaha..” ang walang tigil na pagtawa nito. Pinalo ko naman sya ng mahina sa braso.

“Nakakainis ka naman eh! Bakit mo ako pinagtatawanan?” Ang nakanguso ko paring tanong dito.

Hinawakan nito ang kamay ko habang nakatingin sa kalsada.

“Dahil lalo akong naiinlove sayo” ang malambing na sabi nito at saka ako sinulyapan ng mabilis. Halos mamula na ako sa kilig.

Huminga ito ng malalim at nagsalita ulit.

“Tumatawa ako hon dahil masaya ako… Tumatawa ako dahil ano.. Dahil nakucute-an ako sayo, tumatawa ako dahil mas lalong nag-uumapaw ang pagmamahal ko sayo sa tuwa. At dahil dun tumatawa ako kase sobrang saya ko na masaya din kayo” ang nakangiting sabi nito.

Kinuha nya ulit ang kamay ko at hinalikan ito. Halos magsugat naman ang ibabang labi ko dahil sa pagkagat ko dito. Sobra kase yung kilig ko. Hindi ko na mapigilan.

“Hon naman eh”

“Oh bakit? Ano na namang ginawa ko?” Ang nakangiting tanong nito.

“Eeee.. lage mo nalang kase akong pinapakilig” ang nahihiyang pag-amin ko.

“Siyempre asawa kita, ama ka ng mga anak ko at mahal kita. Ano ba dapat ang gawin ko. Siyempre ang pa-ibigin ka” mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nito.

“Alam mo hon. Dapat ang pagmamahalan ng isang tao ay hindi lang natatapos kapag naging kayo na. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa tumanda kayong dalawa” ang malambing na sabi nito.

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Salamat hon” ang masayang sabi ko at saka ako lumapit sa kanya upang halikan ito sa pisnge ng bigla naman itong humarap ng mabilis na naging dahilan upang mahalikan ko siya sa labi.

“Ang sarap naman nun hon, Salamat din. Dahil kung wala ka ay hindi ko magagawa ang mga ito at sayo ko lang ito gagawin pramis” ang sabi niya ng maibalik niya ang tingin sa kalsada. Ngumiti lang ako sa kanya.

“I love you po papa, i love you din po dada” ang masayang sabi ni jonel. Lumapit ito sa aming dalawa at inakbayan kami pareho. Hinalikan ko naman sya sa pisnge.

Nang makarating kami sa paaralan ni jonel ay hinatid na namin ito. Sunod naman niyang hinatid ay ako. Hanggang tumigil kami sa tapat ng gate ng school namin.

“Bye hon, mag-ingat ka ha at wag kalimutang kumain” ang paalala ko sa kanya at saka sya hinalikan sa labi.

“Bye din hon, antayin nyo ako ni jonel mamaya ha at susunduin ko kayo” ang sabi nito bago umalis. Haixt! Kahit mag-asawa na kami ay hindi parin nawawala ang kilig na nararamdaman ko para sa kanya. Huminga ako ng malalim at masayang pumasok sa loob ng gate.

Habang naglalakad ako ay siya namang pagsulpot ni paulo sa tabi ko.

“Sir ako na po ang magdadala niyan” ang sabi nito. Tatanggi sana ako ng bigla nitong hablutin ang mga gamit sa kamay ko.

“P-paulo kaya ko naman eh. Ako na” ang kinakabahang sabi ko habang kinukuha sa kanya ang gamit ko pero iniwas lang nito. Kinakabahan ako hindi dahil may nararamdaman ako sa kanya kundi kung ano ang iisipin ng ibang tao tungkol sa amin.

“No Sir! Alam ko pong mabigat yang dala niyo kaya ako na. Paubaya niyo na sakin ito” ang nakangiti pang sabi nito. Haixt!

“Baka naman ma-awardan kana niyan ng pinaka matulunging award?” ang seryosong sabi ko sa kanya. Bigla naman itong tumawa.

“Oh anong nakakatawa doon?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya. Grabe, ang tangkad talaga nya bilang isang high school student at the age of 16, mas matangkad pa siya sa akin sa totoo lang.

“Joker din pala kayo sir noh? Kaya siguro mahal na mahal kayo ng asawa niyo at kung bakit ganoon ko na lang din kayo ka-crush” ang diretsang pagtatapat nito.

Ano ba yan, ang awkward naman ng sinabi nya. Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa aming classroom. Pagkapasok namin ay kinuha ko kaagad sa kanya ang mga dala kong gamit at pinapunta na siya sa upuan niya.

“Ok class, alam kong masaya kayo kase nakita niyo na naman ako. Kaya our lesson for today is about….” ang pagbuklat ko ng libro. “…..about love?”

What? Love? Hala!

“Ah.. ehh..” pano ba to? Ayoko namang magmarunong. Bahala nanga.

“Ok! Mag warm up muna tayo. Kung sino sa inyo ang curious at gustong magtanong about sa love ay magtaas lang ng kamay at sasagutin ko kayo kahit ano basta sa abot ng kaalaman ko” ang sabi ko sa kanila.

Nakita ko namang nagtaasan sila ng kamay. Mukhang interesado silang lahat ah pagdating sa usapang pag-ibig.

“Ms. Palana” ang turo ko sa estudyante kong babae. Tumayo naman ito.

“Ahmm.. sir, ano po ba para sa inyo ang love?” Tanong nito sa akin saka umupo.

“Para sa akin? Hindi ko rin alam ang eksaktong sagot dyan. Pero ang alam ko lang, kapag mahal mo ang isang tao ay wala kang maraming dahilan kung bakit mo siya minahal. Kase ang alam mo lang talaga kinikilig ka sa kanya” ang paliwanag ko sa kanila. Pero nagsitaasan ulit sila ng kamay. Mukhang gusto pa nilang magtanong.

“Bakit naman po sir kelangang walang dahilan kapag mahal mo ang isang tao?” Ang tanong ng isa ko pang estudyante.

“Eh paano kung mawala na yung mga dahilan na yun kung bakit mo siya minahal. Edi, Iiwanan mo nalang siya dahil wala na yung mga dahilan na yun para mag stay ka pa at ngayon doon na papasok ang pangloloko mo para humanap ng iba” ang paliwanag ko sa kanila. Nakita ko naman silang nagsitanguan at mukhang nagets naman nila.

“E Sir, hindi po ba masama ang ma-inlove sa kapwa nila lalaki o babae” ang tanong pa ng isa kong estudyanteng lalaki. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanila.

Eto talaga ang tanong na gusto kong marinig sa kanila. Dahil alam kong kapag love ang pinag-uusapan kasalanan na ang umibig sa kapwa mo.

“Alam kong meron sa inyo ang hindi sasang-ayon sa akin. Pero kung ako ang inyong tatanungin? Hindi naman masamang magmahal ng kapwa mo lalaki o babae, hindi dahil nagmahal na ako ng lalaki eh sumasang-ayon na ako sa ideyang yan ha. Nagmahal ako ng lalaki dahil yun talaga ang gusto ko at tinitibok ng puso ko. Bakit kapag nagmahal ba ako ng babae kahit hindi ko ito gusto ay sasaya na ba ako? Kung kriminal ang pagmamahal ng kapwa mo mas gugustuhin ko pang maging kriminal kesa maging straight ako pero tipikal naman akong pumapatay at nanloloko ng kapwa ko. Think of it class at wag tayong maging makitid ang utak dahil lang yun ang kinamulatan natin” nakita ko naman silang nagsitahimikan.

(

WARNING

: ang susunod na usapin ay medyo maselan lalo na sa mga taong relihiyoso diyan. Wala pong masamang naisin ang author ng kwento ito. Ito po ay base lang sa kanyang obserbasyon kung bakit nananatili pa ring makikitid ang utak ng karamihan sa atin. Kaya kung ayaw niyo po ng ganitong usapin ay marapat na basahin niyo na lang po ang NEXT CHAPTER o kung ayaw niyo po ay ok lang. Hindi po ito sapilitan. Salamat )

“Alam niyo kung bakit karamihan sa atin ay hirap na hirap pa rin tanggapin ang mga kapwa natin na nabibilang sa LGBT community ay Dahil ito ang itinuro at ipinamulat sa atin ng mga relihiyon at napasa sa magulang natin. Dahil para sa kanila ay makasalanan ang umibig sa kapwa nila lalaki o babae. Iyon ang kanilang paniniwala. E hindi ba sila itong nagsabi na masama din at kasalanan rin sa Diyos ang manghusga ng kapwa? Pero bakit ang simpleng aral na yun ay hindi nila magawa. Tayo ba talaga ang may problema o sila?

Akala ko ba ay kabutihang asal ang itinuturo ng simbahan sa atin pero bakit mismong sila pa ang nangunguna at nagtuturo sa kabataan na ang magawi sa ganitong katauhan ay isang kasalanan. Sabi nila masama ang manghusga pero bakit sila ang unang humuhusga at humahatol sa atin?

Mahal ko ang Diyos at alam kong mahal nya tayo at walang duda doon, pero aminin natin kung bakit hindi parin tayo matanggap tanggap sa mundong ito ay dahil sa paniniwalang makasalanan tayo. Kung bakit hindi mawala-wala ang diskriminasyon sa mundong ito ay dahil pa rin doon.

Dahil sa pagiging hipokrito ng mga tao (hindi naman lahat). Sa simula palang ay makasalanan na tayong lahat, mapa straight ka man o gay ka man. Kaya nga tayo niligtas ni Hesus sa ating mga kasalanan eh, dahil sa simula pa lang ay makasalanan na tayong lahat. Kaya wag natin isisi kung bakit tayo naging ganito o ganyan… dahil ito ang buhay na itinadhana para sa atin sa simula palang.

If a person who has that condition, who has good will, and who looks for God, who are we to judge?“ paliwanag at katanungang tinanong ko sa kanila mula kay pope francis.

Sang-ayon man sila o hindi ay wala na akong magagawa doon. Hiningi nila ang opinyon ko at sinabi ko lang sa kanila ang kaalaman ko bilang isang guro.

Gusto ko kasing ipa-intindi sa kanila na hindi kami immoral. Dahil iyon ba ang nakasulat sa bibliya? Kaya pwede na nila tayong husgahan at sabihin na makasalanan tayo?

I love God and i believe in him but i don’t believe in human who pretend to be God. (Author’s note: sorry sa english ko. Paki intindi na lang po :) )

Hindi ko kayo hinihikayat o pinipilit na maniwala sa akin. Dahil may sarili kayong paniniwala at nirerespeto ko yun.

Sumisimba ako pero hindi lahat ay pinapaniwalaan ko lalo na kung sino ang tama o mali.

Sabi pa ni pope.

“The church must ask forgiveness for not behaving many times — when I say the church, I mean Christians!” he added. “The church is holy, we are sinners!”

Hindi rin ako naniniwalang hindi imoral ang mga straight na tao dahil kahit sino sa atin ay pwedeng gumawa ng kasalanan. Kung tutuusin nga ay sila pa itong gumagawa ng masasama at sila pa nga itong mismong madalas manghusga at umabuso ng mga tao na nagiging dahilan ng kasamaan sa mundo… kaya lahat tayo ay pantay pantay lang.

Yung iba makakita lang ng dalawang lalaking nagmamahalan kasalanan na agad. Bible verse na agad ang panlaban. How about ikaw na ginagamit pa ang Diyos para manghusga ng tao? Paano yung mga straight na nang re-rape, nangloloko, at yung pagjajakol mo? Yung panonood mo ng Porn? Etc. Wag mo sabihing na bobo kana agad at nakalimutang kasalanan din yan? Ganyan ba ang mga nagmamalinis at straight kuno na tao? Mas pipiliin nila yan kesa sa taong dalawang nagmamahalan?

Remember, merong 7 billion plus na tao sa mundong ito at majority ng nakatira dito ay mga straight na tao at mostly ng mga nakakulong sa selda ay mga makasalanang straight na tao. Ano? Namimili ka lang ng kasalanan at pagsasabihan mo ng verse sa bible? Kase kung dalawang lalaki lang na nagmamahalan ang kakamuhian mo at babatuhin mo ng verse sa bible kesa sa mga taong totoo at PISIKAL na gumagawa ng masama sa tao. Di na mga member ng lgbtq+ ang may problema kundi ikaw na. Ikaw na mismo.

Saka may pinag-aralanan ka naman pero bakit naging limitado lang ang kaalaman mo pagdating sa kasalanan? Bible is a bible pero dont use it to understand what is love and what is a sin. A sin is in with you, in everyone of us. Kaya kung magmamalinis ka at magbabase ka lang sa bibliyang nababasa mo. Siguraduhin mong malinis ka talaga at wag mong gawin ang pagjajakol at panonood mo ng porn.

Pakisabi na rin sa lahat ng straight na tao sa mundong ito including you, kung Fan ka talaga ng Bibliya dapat alam mo ang 10 Commandments na mostly sinusuway ng lahat. So anong pinagkaiba nating lahat? Tandaan mo ginawa ang salitang Love para magmahal at hindi manakit.

Kaya ko ito sinasabi ay para sa mga taong makikitid ang utak at walang ginawa kundi gamitin ang Diyos at ang salita nito para magmalinis at para sabihing sila lang ang anak ng Diyos. Mahiya naman kayo! Walang kaalam alam ang Diyos sa inyo pero kayo pa mismo ang gumagamit sa kanya para gumawa ng masama sa iba.

Sinasabi ko rin ito para dun sa mga taong hirap na hirap na itago ang sarili nila. Hindi pagiging sakit yan at kahit kelan ay hindi ka gagaling dyan dahil sa simula palang ay ikaw na yan. Mahal ka ng Diyos kaya nabuhay ka sa mundong ito. Huwag mong sabihin na kapag pinilit mong magmahal ng taong hindi mo naman talaga gusto ay pwede ka nang gumaling. Very wrong.

First of all, kung hindi mo kayang magmahal ng babae o ng lalaki ay wag mong pilitin ang sarili mo para lang tanggapin ka. Hindi nila kelangan diktahan ang pagiging tao mo. Dahil niloko mo na nga ang sarili mo, nanloko ka pa ng ibang tao para pagtakpan yang katauhan mo. Magpakatotoo ka lang. Alam kong hindi madali at wag mong madaliin. Huwag kang manggamit ng tao para maging tama sa mata ng iba kung alam mo namang makasalan din sila tulad mo.

Kelangan lang nating maging bukas ang kaisipan para tanggapin ang isa’t-isa na ipinagkait sa atin ng karamihan sa atin sa simula pa lang.

Biglang natahimik ang buong klase. Sakto namang tumunog ang bell.

“Ok class napahaba ang discussion natin about dito so.. gusto kong gumawa kayo ng sarili niyong pagkaka-intindi about sa love. Ang mga sinabi ko ay aking opinyon lang ha at nasasa inyo parin ang huling desisyon. Gaya na lang kapag humihingi kayo ng payo sa mga kaibigan nyo. Nasasayo parin kung papakingan niyo sila o hindi. Kung makakatulong naman sayo bakit hindi mo kunin diba?” ang nakangiting sabi ko sa kanila bago ako lumabas ng class room.

Naglalakad na ako noon ng may tumawag sa akin.

“Sir wait!!” ang pagtawag sa akin ng estudyante ko. Lumingon naman ako dito at nakita kong si paulo pala na tumatakbo papalapit sa akin.

Haixt! Eto na naman siya.

“Congrats sir. Very well said” ang sabi nito ng makalapit siya sa akin at sumabay sa aking paglalakad.

“Hindi naman magiging kumplikado ang lahat kung walang diskriminsyon eh! We are all equal that’s why we live in one earth di ba?… mahirap bang intindihin yun?” ang sabi nito. Parang kelan lang nilait niya ako ha. Natawa naman ako sa pa-english english nya.

“Hayaan muna yung ibang makikitid ang utak. Pero ikaw dapat alam mo ang salitang may asawa na ha” ang paalala ko sa kanya.

“Eh paano sir kung mahal na mahal kita at gusto kong maging tayo?” Ang tanong nito sa akin.

“Paulo may asawa na ako at mahal ko ang asawa ko. Try mong ibaling sa iba”

“Hindi ko kaya sir eh. Matagal na kitang mahal” ang sabi pa nito.

“Huwag kang mag-alala tutulungan kitang makahanap ng ibang mamahalin” ang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng malungkot.

“Ako na po magdadala nyan sir” ang sabi nito. Ahmm.. Sabagay medyo mabigat nga. Hindi na ako tumanggi pa.

“ Mamahalin mo rin ako sir “ ang mahinang mahinang bulong nito. Dahil hindi ko masyadong marinig ay nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.


Sorry guys sa late Update.

Medyo light lang naman talaga ang kwentong ito. Yung happy lang at boring hehehhe…

Hindi po ako against sa mga relihiyon ah, actually sumisimba po ako at katoliko ako.

Yes. .

I’M A CATHOLIC BUT NOT A HYPOCRITE!

Saka nasasa inyo na yan kung sa tingin ay mali ako. May sarili kayong paniniwala at hindi ko na hawak yun.

Sana hindi lang tayo namimili ng kasalanan ng Tao. Sana hindi dahil pareho silang lalaki o pareho silang babae eh nakalimutan na natin ang kasalanan ng iba especially ang napakaraming kasalanan ng mga straight na tao.

Hindi lang sa bibliya nababase ang pagiging mabuti ng isang tao o kung paano mo ma memorize ang kada verse nito. Ito ay kung paano ka makitungo sa reyalidad na mundo.

Maniwala tayo sa Diyos. Pero huwag sa mga taong nagPapanggap na Diyos.

Love me or hate me. Sana nakuha niyo ang punto ko.

Vote and Comment guys :) :)

Chapter five

Jerol’s POV

Nagulat ang mga co-teachers ko ng makita nilang kasama ko si paulo papuntang canteen. Halos lahat sila ay nagtataka kung bakit ko ito kasama.

Nang makalapit kami sa pwesto nila ay binati ito ni paulo na akala mo’y isang masunuring bata.

“Magandang umaga po mga maam, sir” ang masayang bati nito sa mga kaibigan ko.

“Ano daw? Monster?” Ang tanong ni maam ana sa katabi. Halos mamatay naman ako sa katatawa dahil sa sinabi nito.

“Maam… sir po” ang mabagal na pag-uulit ni paulo sa kanila.

“Ah ganun ba? pagpasensyahan mo na si maam ah, medyo bingi na. Akala ko pa naman ay sinasabihan mo na kami ng monster. Naku, naku nakakamonter talaga minsan mga estudyante ko” ani pa ni maam ana hahaha..

Halos mamatay na talaga ako katatawa dito. Joker din pala itong si maam ana. Samantalang nakangiti lang si sir marvin.

Nilapag na ni paulo ang mga dala kong gamit sa lamesa.

“Sir eto na po ang gamit niyo, aalis na po ako” ang paalam nito sa akin sabay kamot sa ulo na tila nahihiya. Bigla ko naman itong pinigilan. Nakakahiya naman kung basta basta ko nalang siya papaalisin diba?

“Wait! Sumabay kana sa aming kumain” ang pag-alok ko sa kanya. I mean kumain na rin siya. Ngumiti lang ito sa akin at umiling.

“Hindi na po sir. Nakakahiya naman po sa inyo. Mga teachers ko kayo” ang pagtanggi nito sa akin. Wow, marunong pala syang mag “Po”.

“Sabagay” ang pagsingit naman ni maam ana.

Di na namin siya napilit dahil bawal din at pag-isipan siya ng ibang estudyante. Kaya naupo na lang ito sa isang table malapit sa teachers table. Saka itong batang ito, nilibre pa ako ng pagkain kahit pilit ko syang tinatanggihan.. Ayun wala parin akong nagawa. Siya na nagbayad ng pagkain ko. Hays.. Ang kulit talaga.

Humingi rin ito ng paumanhin kay sir marvin at kay maam ana sa mga nagawa nito sa kanila. Nakakatuwa lang kase mukha namang nagbabago siya.

Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian, kaya lang may time na masyadong pahalata itong si paulo. Nandyan yung ikukuha niya ako ng tubig at paminsan minsan ay lumalapit sa akin para bigyan ng ulam. Ayoko man dahil baka kung anong isipin nila pero hinayaan ko nalang ito dahil ayoko din naman siyang mapahiya sa harap nila maam.

Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga nitong magpa impress sa kanila o nagpapasikat lang ito sa akin. But hell no! Baka kung ano pang isipin ng mga co-teachers ko at mga estudyanteng makakakita sa amin.

Haixt!! Naniniwala na talaga akong may mga taong matitigas ang ulo at isa na siya doon. Medyo bumait na nga ito kung tutuusin kaya lang, parang sumubra naman ata ang bait sa akin.

“Salamat nga pala sa treat mo” ang sabi ko dito habang sabay kaming naglalakad patungong classroom. Pilit ko kasing tinatanggal ang “ilang” dahil ako nga diba ang magtu-tutor sa kanya at ayoko ring isipin niya yung kiss dahil ayoko ng alalahanin pa yun hay.

“At pwede ba Mr. Chavez. Wag mo nang ulitin yung ginawa mo kanina sa canteen ha, lalo na at nandito tayo sa school. Baka kung anong isipin nila patungkol sa atin. Teacher mo ako at estudyante kita”

“Bakit sir? Ano po bang ginawa ko?”

“Hay naku! Aminin mo nga sa akin ang totoo. Nagpapa-impress kaba sa kanila kanina o nagpapa impress ka sa akin?” ang tanong ko dito. Napakamot naman ito sa ulo.

“Pwede both?” Saad nito. Huminga lang ako ng malalim. Hays!

“Paulo, ilang beses ko bang sasabihin sayo na may asawa na ako. Estudyante kita at teacher mo ako” ang pag-uulit ko dito.

“Eh, masisisi nyo ba ako sir kung masarap kayong magmahal?” Ang sabi nito sa akin.

Ano daw? Mahal agad? Hindi ko nga pinaparamdam yung salitang mahal sa kanya eh. Another hays!

Ayoko naman siyang itaboy sa marahas na paraan baka kung ano pang gawin nitong hindi maganda.

“Pero–– aixt! Ang kulit mo naman eh! Hay naku! Basta hindi tayo pwede ok. Alam kong Makakahanap ka ng mamahalin mo. Yung single, mas bata at higit sa lahat hindi mo teacher” ang diretsang sabi ko dito.

“Umaasa parin ako sir! lalo na at nagkiss na tayo” ang nakangiting sabi nito. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya kaya agad kong tinakpan ang bibig nito.

“Ano ka ba paulo baka may makarinig sayo” ang sabi ko dito habang nakatakip parin ang kamay ko sa bibig nito.

Buti nalang at nasa corridor na kami ng building kung saan walang masyadong tao. Bigla naman nitong dinilaan ang kamay ko na siyang naging dahilan upang tanggalin ko ito sa pagkakatakip sa kanya.

“Bastos!” ang naiinis na sabi ko dito. Tinawanan niya lang ako.

Haixt! No doubt. Siya nga ang Pinaka makulit at Pinaka pasaway na estudyante sa buong school na ito.

“Sir ang bango talaga ng kamay mo at ang sarap” sabay kindat nito sa akin. Yuck! Ew!

“Paulo ano ba! Ituring mo naman ako bilang teacher ok. Nandito tayo sa school, mahiya ka naman” ang naiinis na talagang sabi ko dito. Bigla naman itong tumahimik at tumingin sa akin.

“Hindi ko kase mapigilan ang nararamdaman ko sayo sir eh, ganito pala talaga kapag nagmamahal ka. Parang masaya lang ang lahat kapag kasama mo ang taong mahal mo” sabay tingin nito sa akin. Hay! Ayoko ng humaba ang usaping ito at wala itong katapusan. Lumapit na lang ako dito at hinawakan ito sa balikat.

“Tara na at magsisimula na ang klase natin. Basta makakahanap ka ng taong tunay mong mamahalin. Basta wag ako. Tiwala lang” ang sabi ko dito at nagpatuloy na kami sa susunod na klase.

Naging maayos naman ang buong klase ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ako ang pinaka batang teacher na nagtuturo sa paaralang ito. Kung hindi lang daw ako naka uniporme na pang teacher ay talagang mapagkakamalan mo akong estudyante sa paaralang ito dahil sa bata kong itsura. Isipin niyo na lang yung itsura ni baby wayo sa (2 moons the series) kamukha ko daw siya.

Nang matapos ang klase ay tinext ko muna si lionel na siya na muna ang sumundo kay jonel dahil male-late ako ng uwi. Ngayon ko na kase tuturuan si paulo.

Every monday to friday ay kelangan ko daw syang turuan ng hindi bababa sa 30 minuto. Depende nalang daw sa akin kung kailan ko siya pwedeng turuan basta maturuan ko lang daw ito everyday. Bukas ay gagamitin ko nalang ang ibang oras namin sa lunch break para maaga akong makauwi at maasikaso ko ang aking asawa at mga anak.

Bigla namang nagreply si lionel sa akin na aantayin nalang daw nila ako. Ayaw daw nito akong umuwing mag-isa.

Eh ano panga ba? Eh, Asawa ko na mismo ang nagdesisyon at hindi rin yan magpapatalo.

Maglilibot-libot daw muna sila ng mga bata habang hinihintay ako.

Habang tinuturuan ko naman si paulo ay panay ang titig at ngiti nito sa akin. Adik!

“Hoy nakikinig ka ba? Paano ka matututo niyan kung hindi ka magfo-focus sa itinuturo ko sayo” ang sabi ko dito.

“Ok lang naman sir, kung hindi ako matuto diyan sa tinuturo mo, basta matutunan mo lang akong mahalin ay papasa na ako” Ano daw? Anong pinagsasabi nito habang nakatitig sa akin at naka ngiting aso.

“Mr. Chavez, kung hindi ka makikinig sa akin at magpi pick-up lines ka lang diyan eh uuwi na ako” ang sabi ko dito habang inaayos ang gamit ko sa lamesa. I’m serious. Kakainis eh.

“Ok fine! Makikinig na ako” ang pagsuko nito at naupo ng maayos.

Good!

Buti naman at nakikinig na nga ito sa akin. Medyo nagseseryoso na siya sa mga itinuturo ko. Nakakasagot narin siya tuwing tatanungin ko ito. Kung tutuusin ay kaya naman pala nitong pumasa. Tamad lang talaga mag-aral.

Halos isang oras ko din syang tinuruan. Ang oras kase ng uwian namin ay 4:30 bale 5:30 na ng matapos kami ni paulo. Nagpaalam na ako dito kaya lang dahil may taglay siyang kakulitan ay sinabayan niya pa akong makalabas ng gate.

“Bye sir” ang paalam nito sa akin sabay kindat. Napailing nalang ako sa kanya. Iba talaga kapag bata, makulit hahahaha… bata pa rin naman ako ah, i’m 20 years old.

Nakita ko namang nakakunot noong lumapit sa akin si lionel kasama si jonel.

“Sino yun ha!” Ang seryosong tanong nito. Halata ang inis sa boses nya. Eto na po ang pagka-over protective ng asawa ko.

“Ano ka ba, estudyante ko yun. Siya ang tinuturuan ko” ang sabi ko dito.

“High school palang ba yun? Ang tangkad ah” tanong nito.

“Oo eh! Anak siya ng may ari ng school na ito. Kaya no choice naman ako dahil sa akin ito ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang” ang paliwanag ko sa kanya.

“Eh, bakit may pakindat kindat pa yun? May sakit ba yun?” Ang inis na sabi nito. Natawa lang ako at Hinawakan siya sa nakakunot na noo nito at minasahe.

“Huwag mo ngang ikunot yang noo mo. Sige ka, baka pumanget ka” ang natatawang pananakot ko dito.

“Pag pumangit ba ako ay mamahalin mo parin ako?” Ang tanong ulit nito sa akin.

“Oo naman. Ikaw lang at wala nang iba pa” Nakita ko naman ang pag ngiti nito.

“Eh bakit ka nga nya kinikindatan?” Ayun, binalikan niya ulit. Isa rin itong makulit eh.

“Eeeee…ewan ko dun! Basta Huwag mo nalang siya pansinin hon. Siya lang naman kase ang pinaka pasaway sa buong school na ito kaya siya ganun. Ako lang daw kase ang may kakayahang patinuin ang batang yun kaya nila ito ipinagkatiwala sa akin”

Ayoko naman sabihin sa kanya na may crush ito sa akin at tiyak na papatulan talaga niya yang bata’ng yan at baka patigilin pa ako sa pagtuturo.

“Ganun ba?” ang nasabi na lang nito. Naramdaman ko naman ang paghawak ni jonel sa akin. Kinuha ni lionel ang mga dala kong gamit at dinala ito.

“Papa, uwi na po tayo” ang hila ni jonel sa kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya at Binuhat ito papuntang sasakyan. Pinagbuksan naman ako ni lionel ng pinto ng sasakyan at pinapasok sa loob. Kalong kalong ko parin si jonel dahil napagod siguro ito kalalaro.

“Saan ba kayo nagpunta hon at mukhang pagod na pagod itong si kuya” ang tanong ko sa kanya habang pinapatong ko ang ulo nito sa balikat ko upang doon siya humilig. Halatang halata na kase sa mata nitong anak ko na namumungay na dahil sa antok.

“Ah, naglibot libot lang kami dyan. Nagpupumilit kase itong si kuya na makisali doon sa mga batang naglalaro ng tagu-taguan kaya pinayagan ko na basta ba wag lang ito lalayo” ang sabi nito sa akin habang nakatutok parin ang tingin sa kalsada.

“Ah….. kaya pala” saad ko. Hinawi ko ang buhok nito sa noo at hinalikan doon. Napaka cute na bata talaga ng panganay namin.

“Ako ba hon, walang kiss?” Ang sabi nito habang nanunulis ang nguso. Natawa lang ako sa kanya.

“Mamaya nalang po hon at baka mabangga pa tayo” ang sabi ko sa kanya. Bigla itong napalingon sa akin at bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan.

“T-talaga? Ibig palang sabihin ay kelangan ko nang dalian ang pag da-drive para makauwi na tayo sa bahay at makapag exercise hahaha..” ang sabi nito habang nagtataas baba ang kilay.

“Che! Ang dami mong alam” ang masungit na sabi ko dito pero tinawanan niya lang ako.

Nang makarating kami sa bahay ay tinawag ko si manang.

“Manang asan na po si baby leon?” Ang tanong ko dito habang kinukuha nito sa akin ang tulog na tulog na si jonel. Namiss ko ang bunso namin.

“Nandun siya sa crib anak. Naglalaro” ang sabi sa akin ni manang. Umakyat ako sa taas at tinungo ang kwarto namin. Pinaparada pa kase ni lionel ang sasakyan.

Pagkarating ko sa kwarto namin ay nakita ko si baby bunso na nakahiga nga sa crib habang pilit nitong inaabot ang mga laruang nakasabit.

“Kamusta na ang baby bunso namin? Namiss ka ni papa anak” ang masayang sabi ko dito habang binunuhat ko ito.

“Papa” ang sabi nito. Hayss!! Nakakatanggal talaga ng pagod. Yun lang kase ang alam pa niyang sabihin ng malinaw.. ang papa at dada, kuya.

“Namiss mo ba si papa baby bunso?” Ang sabi ko dito at kiniliti ito ng kiniliti.

“Eh si dada namiss kaya ni baby bunso?” Ang biglang singit ni lionel sa kulitan namin. Lumapit ito sa amin at kinarga si baby leon.

“Magbihis ka muna hon. Ako na muna dito” ang sabi pa nya. Tumango lang ako sa kanya.

Kumuha ako ng damit at nagtungo sa cr upang duon magbihis at maglinis ng katawan. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na sa kanya si baby leon upang siya naman ang makapaglinis.

Pagkababa ko ay ibinigay ko muna si baby bunso kay manang upang makapag luto ako ng aming hapunan.

Nang matapos akong magluto ay sabay sabay naming pinagsaluhan ang hapunan. Buti nalang daw at maraming nakain kanina si jonel kaya hinayaan na lang namin siyang matulog.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kaming mag-asawa sa salas upang doon ay magpahinga ng kaunti. Magkatabi kami ni lionel habang kalong kalong nito si baby leon. Ako naman ay nakapatong lang ang ulo sa balikat niya habang nanunuod ng t.v.

“Ang pogi pogi naman ni baby bunso, manang mana kay dada” ang biglang sabi ni lionel. Sinakyan ko naman ang kalokohan ni lionel.

“Ok lang magmana kay dada baby bunso ah, basta ba wag kang magmamana sa kanya ng kakulitan at kaangasan ha” ang sabi ko din sa anak ko.

“Hon naman eh, noon yun hindi na ngayon dahil binago mo na ako” ang sabi nito habang nakangiting nakatingin kay baby leon.

Alam niyo sa totoo lang kinikilig parin talaga ako kahit mag-asawa na kami. Niyakap ko ang braso nito habang nakapatong parin ang ulo ko sa balikat nya.

“Oh, bakit namumula ka diyan?” Ang nang-aasar na tanong nito.

“Eee… ikaw kasi eh, nakakakilig ka kaya” ang nahihiyang sabi ko. Hinalikan niya lang ako sa ulo at ipinatong din ang ulo niya sa ulo ko.

“Hihihi.. syempre hinding hindi ako magsasawang pakiligin ka para hindi kana maghanap pa ng iba”

“Wow ha! Ako pa talaga ang maghahanap ng iba? Baka nga ikaw dyan eh” ang sabi ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ko upang mag holding hands kami. Waaahh!!! Kinikilig ako.

“Bakit naman ako maghahanap mg iba kung sa simula palang ay pinili na kita?”

Ayiieee.. Hahaha..

Nang sabihin nya iyon ay inangat ko ang ulo ko at mabilis siyang hinalikan sa pisnge. Nakakakilig talaga pramis.

“Iiihhhh… naman eh!” pabebe ko. “Tama na nga! Kilig na kilig na kaya ako” ang sabi ko dito. Huminga ito ng malalim at tinitigan ako sa mata. Kitang kita mo sa mata nito na nangungusap sya. Grabe ang ganda talaga ng mata ng asawa ko.

Nakipagtitigan din ako.

“Mahal na mahal po kita hon” ang malambing na sabi nya.

“Mas mahal na mahal kita hon” ang sabi ko rin.

“Pa-pa.. da-da..” ang tumatawang sabi ni baby bunso habang nakatitig ito sa aming dalawa. Bumalik kami sa reyalidad dahil sa sinabi nito. Kasama nga pala namin ang anak namin hahahaha..

“Pwede ko rin bang ikiss ang baby bunso namin?” Ang tanong ko dito. Ngumiti lang ito sa amin habang naka nganga. Hinalikan namin sya ni lionel sa tig kabilang pisnge.

“Tulog na tayo hon. Malamang ay hindi pa ito inaantok kaya ibigay na muna natin siya kay manang at doon na natin patulugin sa kwarto ni kuya” na naman? Nang sabihin yun ni lionel ay biglang naningkit ang mata ko.

“Lionel” saway ko dito.

“Hahaha.. nangako ka sakin hon kanina remember? doon sa kotse?”

Sh*t! Bakit pag sa ganitong bagay ay hindi niya nakakalimutan?

“Parang wala naman akong naaalala hon” ang pagsisinungalin ko kahit alam kong meron. Hahaha..

“Manang… pakuha nga po muna si baby leon. Doon niyo na po ulit siya patulugin sa kwarto ni jonel” ang pagtawag nito kay manang. Bigla itong tumingin sa akin at kumindat. “Ipapaalala ko sayo sa kwarto mamaya” sabay ngisi nito.

Pagkababa ni manang ay kinuha na nito si baby leon at umakyat na sila sa kwarto ni jonel.

“Tara na hon, medyo makakalimutin kana kaya naman…” bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal. “…kaya naman Ipapaalala ko na sayo ang ipinangako mo” at mabilis nitong tinungo ang kwarto namin at sinara ang pinto.

Dahan dahan nya akong ibinaba sa kama at mapusok na hinalikan Labi.

“Wait” ang pagpigil ko sa kanya habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa dibdib nito.

“Bakit?”

“Pagod na po kase ako hon pwede bang bukas na lang natin gawin? Hehe” pero hindi ako nito pinakinggan at mapusok ulit akong hinalikan sa labi.

Tinuunan ko ulit siya sa dibdib.

“Wait” pagpigil kong muli.

“Bakit na naman?” Nakakunot na niyang tanong. At mapusok ulit akong hinalikan sa labi pero pinigilan ko ulit siya.

Tinitigan ko lang siya. Aixt!

“Eeee…. sige nanga” walang pakyeme ko at ako na ang humalik sa kanya. Napangiti nman ito habang naghahalikan kami. E hindi ko rin naman kaya noh! Asawa ko naman sya at ako lang dapat ang titikim sa kanya.

Mapusok niya akong hinalikan sa labi pababa sa aking leeg. Nagtagal din sya doon ng ilang minuto hangang sa bumaba na ulit ang halik niya sa aking balikat. Dinilaan niya ang balikat ko pababa at pataas na akala mo ay humihimod ng ice cream. Napa aray naman ako ng kagatin niya ang balikat ko.

“Hon naman eh”

“Sorry, ang sarap mo talaga. Nakakagigil”

Tinanggal niya ang suot kong damit at ganoon din sya. Pareho na kaming naka boxer shorts ang suot. Pumunta siya sa dibdib ko at mapusok na dinilaan ang utong ko. Para siyang isang bata kung makahimod habang ang isang kamay naman nito ay nilalaro ang kabilang utong ko.

Tinulak ko siya upang mapahiga ito sa kama at ako naman ang pumatong sa kanya.

“Gusto ko yan” ang sabi nito. “Ayoko po. Tama na please.. Ayoko po” pag-arte nito. Ano to? Roleplay? Hahaha.. Baliw.

“Che!” Ang masungit kong sabi at mapusok siyang hinalikan sa labi habang ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa tig kabilang pisnge ng pwet ko. Nilamas-lamas nya ito habang nakatuwad ako. Bumaba ang halik ko sa kanyang dibdib at nilaro ang utong nito. Halos sabunutan na ako nito sa sarap. Bumaba ang halik ko patungo kung saan nanduon ang paborito kong kainin hahaha… joke lang. Pero Oo, ay ewan!

Hinawakan ko ito at hinimas himas. Ramdam na ramdam ko na ang katigasan nito. Dahan dahan kong tinanggal ang short niya ganoon din ako. Nang matanggal ko na at mawala na lahat ng saplot namin ay pumwesto ako sa tapat ng pagkalalaki nito. Aktong isusubo ko na ito ng biglang bumukas ang pinto.

“Ay juice colored, barabas ni hudas. Sinturon ni hudas” ang gulat na pitlag ko. Ganoon din si lionel. Pareho kaming nag takip agad ng kumot.

“Papa, dada” ang tumatakbong sabi ni jonel habang kinukusot ang mata. Halos atakihin naman ako sa puso dahil sa gulat.

“A-anak, b-bakit? Akala ko ba tulog kana?” Ang kinakabahang tanong ni lionel sa anak.

Sh*t pareho pa kaming hubad. Umakyat ito sa kama at pumagitna sa amin. Habang ako naman ay pulang pula ang mukha sa hiya. Urgh! Nakakahiya sa anak namin.

“Dito po ako matutulog” ang sabi niya.

Akala ko talaga ay tulog na ito. Sabagay, minsan ay ugali na talaga nitong gumising ulit at lumipat sa amin. Nasanay na kase siyang matulog sa tabi namin.

Hay!!

Paano ba ito.

“Bakit po kayo hubad ni papa, dada?” Ang inosenteng tanong nito kay lionel.

“Ah.. eh, mainit kase anak” palusot niya kahit na may aircon naman kami.

Tiningnan ko siya ng masama at bumulong na “Bakit di mo nilock ang pinto?” mukha namang naintindihan nya ang ibinulong ko.

Aktong makikisukob si jonel sa kumot namin ng pigilan siya ni lionel.

“Wait anak!” Ang sabi nito.

Buti nalang at nasa tabing sahig ko lang yung short ko kanina. Pinaharap ni lionel si jonel sa kanya upang hindi niya ako makita. Dahan dahan akong umalis sa kumot at mabilis na kinuha ang boxer short ko at sinuot.

“Bakit po dada? Ayaw niyo po ba ako dito matulog?” Ang malungkot na tanong nito sa ama.

“Naku, hindi anak. Syempre gustong gusto hehehe..” saad ni lionel. Nang makapagbihis na ako ay si lionel naman ang pinagbihis ko. Ganun din ang ginawa ko para makuha ang atensyon ng bata.

“Isara mo na ang pinto hon, at matulog na tayo” ang utos ko sa kanya ng makapag bihis ito.

Alam kong nabitin siya. Hahaha.. Bahala siya kung paano niya mailalabas yun. Basta ako matutulog na.

Nasa gitna namin si jonel habang naka patong ang paa nito sa tiyan ni lionel at ang kamay naman nito sa tiyan ko. Nakangiti akong nakatitig sa anak namin. Hinawi ko ang kanyang buhok at hinalikan sa noo.

“Good night anak” ang sabi namin.

“Good night din po papa” halik nito sa pisnge ko. “Good night din po dada” at humalik din sya sa pinge nito.

Hay! Muntik na yun ah. Kaya kayo kung gagawa kayo ng kababalaghan.. siguraduhin niyong nakalock ang pinto. “Lagi!” hahaha..

“Kainis naman… Yun na yun eh!” Ang dismayadong bulong ni lionel. Natawa lang ako.

“Bleh” dila ko sa kanya.


Vote ang Comment guys, pampagana lang :)

Huwag kayong mahiyang mag comment o magtanong sa akin. Hindi po ako snob dahil hindi naman ako artista at nag fe-feeling artista. Walang ikabubuti sa akin o sa atin ang pagmamalaki sa sarili di ba?

Basta po maayos lang ang tanong nyo ay sasagutin ko kayo :)

Chapter six

Jerol’s POV

Habang mahimbing akong natutulog ay naramdaman kong may humahaplos sa pisnge ko. Ididilat ko na sana ang mata ko ng maramdaman kong may humalik sa labi ko. Noong una ay dampi lang saka mawawala. Hanggang sa dumapi ulit at mawawala, dumampi ulit at mawawala. Yung totoo?

“Pramis last na” ang bulong nito at humalik ulit sa akin. Nanatili lang akong nakapikit.

“Last na talaga” at dumampi ulit ang labi nya sa labi ko. Nanatili parin akong nakapikit.

“Pramis, totoo na to! Last na” at saka ulit idinampi ang labi niya sa labi ko.

“Last, na last, na last na talaga” at saka nya ulit ako hinalikan sa labi.

Naramdaman kong humiwalay na ito sa paghalik sa akin pero nagulat ako ng sunggaban niya ako ng halik sa labi.. mapusok na halik. Doon na ako nagdesisyong imulat ang mata ko at takpan ang labi ko. Halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

“Hoy! Anong ginagawa mo ha?” Ang tanong ko sa kanya.

“Ginigising ka?” Ang tila nagtatanong nitong sagot na parang hindi siya sigurado. Hahaha…

“Ganun ba yun? Kelangang laplapin mo ng halik ang labi ko?” Ang kunwaring masungit na sabi ko.

“Ah.. eh..” sabay kamot nito sa ulo.

“Anong, ah.. eh.. ih.. oh.. uh.. ganun ba yun?” Ang masungit kong turan. Hahaha..

“Ang korni ng joke mo hon, hindi ma benta” ang sabi nito habang nakangiti at naniningkit ang mata.

“Ah… ganun?” Ang sabi ko at kumuha ako ng unan at pinaghahampas sya.

“Ganun pala ha! Etong sayo” at patuloy ko siyang pinaghahampas ng unan, pero itong asawa kong ito ay tawa lang ng tawa.

“Sorry na hon, ang sarap kase ng labi mo. Nakaka adik” saad nito habang pumapatong siya sa ibabaw ko at saka ako kiniliti sa tig-kabilang tagiliran.

“Waahhh!! Ahahaha.. wag dyan hon. Ayoko na po please.. nakikiliti ako. Alam mo namang malakas kiliti ko dyan eh, aahh!!” At bigla itong tumigil habang nakapatong sa akin.

Nakangiti siya habang tinitigan ako.

Ako naman ay nakatitig din sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Yung magkatitigan lang kayo kahit hindi kayo nagsasalita ay parang naiintindihan niyo na ang isat-isa.

“Hon, para kang paborito kong pagkain” ang sabi nito sa akin habang nakatitig parin siya sa mga mata ko.

“Bakit? Dahil masarap ako?”

“Hindi” saad nya.

“Dahil hindi ka magsasawa sa akin? Yun ba yun? Sus alam ko na yun eh.. hahaha” ang pambabara ko habang tumatawa pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Bigla itong sumeryoso.

“Hindi” napa kunot naman ako ng noo.

“Eh ano?” Tanong ko sa kanya.

“Dahil mahal kita” ang seryosong sabi nito habang nakatitig parin sa mga mata ko. Napakagat naman ako ng labi.

“Ano kayang connect nun?”

“Wala…” mabilis nyang sagot. “Wala, pero dahil dun! Nagkaroon tayo ng connection at nasabi ko sayong mahal kita”

Hindi ko man maintindihan ang kanyang pinagsasasabi ay nilukuban ako ng matinding kilig. Halos magsugat na naman ang labi ko kaka-kagat sa ibabang labi ko dahil sa sobrang kilig. Ayoko kasing ipakita dito na kinikilig ako. Magyayabang na naman iyan.

“Hon, namumula ka at pinagpapawisan” ang sabi nito.

“Eeee… pinapakilig mo ako eh.. Paanong hindi ako mamumula” ngumiti lang ito sa akin.

“Dahil paborito ko at gustong gusto kong nakikita ka kung paano ka kiligin ng dahil sa akin” ang sabi niya pa. Sus! Halos hindi na nga ako makahinga sa kilig.

“Lionel” sambit ko.

“Oh?”

At dahan dahan kong nilapit ang kanyang mukha ko habang nakadagan parin ito sa akin. Nang maidikit ko na ang labi ko ay hindi ko maiwasang mapangiti.

“I love you” ang sabi nya.

“I love you too”

Dahil sa kilig ay ibinaling ko ang tingin ko sa kabilang direksyon. Pero halos lumuwa naman ang mata ko ng makita ko ang anak kong si jonel na naka-indian sit at nakatingin sa amin. Halos maitulak ko ng malakas si lionel sa sobrang gulat.

Napa-upo kaming dalawa ni lionel sa kama. Sh*t!

“A-anak. K-kanina ka pa ba diyan?” Ang kinakabahang tanong ko.

“Opo papa” ang inosenteng sabi nito habang nakangiti.

“T-talaga anak?”

“Opo. Kanina ko pa nga po kayo pinapanood ni dada eh. Ewan ko nga po sa inyo at hindi niyo ako napapansin” ang sabi nito.

Halos sumabog ako sa hiya sa anak ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Urgh! Mamaya ka sa akin lionel. Ang matalim na tingin ko dito. Halos mamula din sya sa hiya.

“Ano pong ginagawa niyo ni dada kanina? Sasali po ba kayo sa teleserye? Ang drama niyo po eh” ang sabi nito at tumayo ito sa kama.

“Hindi pa po ba kayo papasok sa work?” Ang pahabol pa ng anak namin.

Hala??!!! Oo nga!! Anong oras na!

Pareho kaming nataranta ni lionel at mabilis na nagtungo sa cr.

“Ako po papa, dada. Hindi na po ba ako papasok ngayon?” Ang inosenteng tanong nito. Urgh! Kung anu-ano kasing nalalaman nitong si lionel eh pati ako nadadamay.

“Manang!! Pwede po bang paliguan niyo muna si jonel. Male-late na po kase kami” ang sigaw ko kay manang na halos umabot na sa kabilang bayan. Hahaha… syempre joke lang yun. Yung sapat lang sa buong bahay ang lakas.

Habang nasa cr kami ni lionel ay kinurot ko siya sa tagiliran at pinagpapalo.

“Nakakainis ka! Ang dami mong alam” ang sabi ko dito habang pinagpapalo ko siya. Pero tawa lang ito ng tawa.

“Baka gusto mo pang mag––” magsasalita pa sana sya ng kumuha ako ng tela at isinubo sa bibig niya.

“Dami mong satsat! Maligo kana lang diyan, ok” ang sabi ko sa kanya. Hindi ko narin maiwasang matawa. Nakitawa narin siya sa akin.

Pagkatapos naming maligo at magbigis ay tapos naring maligo si jonel. Buti nalang at maaga pa ng konti.

Pumunta muna ako sa kwarto ng anak naming si baby leon at binuhat ito.

“Sorry baby bunso ah! Si dada mo kase eh! Nadamay pa kayo sa kanyang kalokohan kaya ayan hindi kana nakatulog sa kwarto namin” ang sabi ko sa kanya habang kalong kalong ko ito. Pero nilalaro lang nito ang hawak niyang laruan. Ang cute! Hehehe.. wala siyang kaalam alam sa dada niyang pasaway.

Nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Ano ba yan hon! Kung ano-anung sinusumbong mo sa anak natin” ang sabi nito habang ipinulupot nya ang kanyang kamay sa bewang ko at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko.

“Kamusta na ang baby bunso namin? Namiss mo na ba sina dada at papa” ang sabi nito habang nakayakap sa likod ko. Hinawakan niya ang pisnge ni baby leon at kunwaring pinipisil.

“Hon, baka naman lawayin na ang anak mo niyan. Wag mo pisilin” ang saway ko dito.

“Eh, saan mo naman yun nakuha?”

“Ah basta! Bawal” ang sabi ko.

“Ok po” ang sabi niya at hinalikan ako sa pisnge. Biglang dumaloy lahat ng dugo ko sa mukha.

“Hon naman eh! Nanghahalik” ang sabi ko. Hunalikan niya ulit ako sa tig-kabilang pisnge.

“Papa, dada” ang tumatakbong tawag ni jonel sa amin habang suot suot nito ang malaking bag sa likod. Lumapit ito sa amin at niyakap kami sa binti. Humiwalay naman sa akin si lionel at kinalong si jonel.

“Hon tara na, baka ma-late pa si kuya” ang sabi nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at tinitigan si baby leon.

“Pakabait ka kay lola nang ha! Baby bunso” Ang pagka usap ko kay baby bunso at saka ito hinalikan sa pisnge. Lumapit naman sa amin si lionel habang kalong kalong si jonel.

“Kiss na kay dada at kay kuya” ang sabi ko kay baby bunso. Humalik si lionel sa anak namin. Humalik din si kuya sa lips ni baby bunso.

“Bye baby bunso” ang cute na sabi ni kuya dito.

“Manang si baby bunso po. Papasok na po kami” ang pagtawag ko ay manang at sabay sabay na kaming umalis.

Habang nasa byahe kami ay walang ginawa si jonel kundi ang kumanta lang kumanta. Sigurado akong paglaki nito ay magigi siyang isang singer.

Samantalang, ang asawa ko namang si lionel ay walang ginawa kundi hawak hawakan ang kamay ko. Tapos titingin at kikindatan ako.

“Alam mo para kang sira diyan” ang sabi ko. Eh, kanina pa siya pacute ng pa cute sa akin.

“Beacause i can’t help falling inlove with you 🎶” ang pagkanta nito at saka ako kinindatan. “Uyyyyy!! Kinikilig siya” ang panunukso pa nito sa akin.

“Hindi kaya” ang pagtanggi ko habang nakatingin sa labas ng side mirror.

“Hindi daw, eh namumula ka kaya” ang tumatawang sabi nito.

“Che!” pagtataray ko. Nanatili parin akong nakatingin sa labas ng sasakyan.

“Hon” pagtawag niya.

“Oh?” Hindi parin ako tumitingin.

“Hon” ang pagtawan niya ulit.

“Ano nga? Sabihin mo na” ang sabi ko habang nakatingin parin sa labas ng sasakyan.

“Tumingin ka kase sa akin” ang utos nito.

“Eh ano nga kase yun?” Ang tanong ko habang dahan dahan akong tumingin sa kanya.

Halos mamamatay ako sa kilig ng makita ko sa tablet na hawak hawak nito ang hugis puso na may nakasulat na…

“ I love you hon ko“

Inirapan ko lang siya. Asus! Ang tamis. Hahaha..

“I love you din hon ko” ang sabi ko. Habang pinorma ko ang dalawa kong kamay na hugis puso at itinapat ito sa dibdib ko.

🎵 “ Chuva Choo Choo (2x) 

O babe na-inlab ako with you 

Chuva Choo Choo (2x) 

Tumataba ang puso ko 

Chuv Choo Choo (2x) 

Sana ako ang syota mo 

Chuva Choo Choo (2x) 

O labs kita 

forever I will love you“

Ang pagkanta ko sa kanta ni jolina habang isinasabay ko sa pagsayaw ang kamay kong hugis puso na nakatapat sa dibbib ko.

Kinindatan ko siya.

Nginitian niya lang ako at kinindatan sabay kagat sa labi

Baliw! Hahaha.. . . . . . . . . . . Pagkarating namin sa school ni jonel ay nagpaalam na kami dito at sinabihang magpaka-bait siya. Sunod namang hinatid ni lionel ay ako.

“Bye chuva choo choo” ang sabi nito habang naka hugis puso rin sa kanyang dibdib ang kamay nito.

Pinorma ko rin yug sa akin at kinindatan siya.

“Bye din chuva choo choo” ang sabi ko at sabay kaming tumawa. Humalik muna ako sa kanya at nagpaalam na ito.

Hayy!!! Inggit ka noh?? Hahaha… sorry guys. Wala eh! Mas maganda ako sa inyo.    (^_- )    ( ^.- )

Uyyy!! Wag magpahalatang bitter baka mapagkamalan kang single hahaha.. chos lang.. sensya na mga guys.. epekto ng happy lang.

Masaya akong naglalakad sa loob ng school habang kinakanta ko parin ang kanta ni jolina.

Chuva choo choo.. chuva choo choo

O babe na-inlab ako with you.

Chuva choo choo.. chuva choo—

“Choo pa! Ay! Ano ba! Ay ano ba yan! Pa-paulo, ano kaba? Nanggugulat ka naman eh” ang gulat na sabi ko dito. Bigla nalang kase siyang sumulpot sa tabi ko. Buti nalang at walang masyadong estudyante.

“Anong sabi nyo sir? Chup–”

“Sige ituloy mo yan at ibabagsak kita sa klase” pananakot ko sa kanya. Tumawala lang ito at nag peace sign sa akin.

“Joke lang sir hehehe.. sabi niyo kase chup–” pinutol ko na siya.

“Kumakanta ako ng chuva choo choo ni jolina ng bigla kang sumulpot.. yun na yun.. Ok!” ang masungit na sabi ko.

“Ok. Hehehe” parang nang-aasar.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero nakasunod lang ito sa akin. Nang makapasok kami sa building ay bigla ako nitong inakbayan dahil mas matangkad siya sa akin ay tinanggal ko ito agad.

“Paulo ano ba! Nasa school tayo. Teacher mo ako, pwede ba?” Ang naiinis kong sabi sa kanya. Hindi ako magsasawaang ulit-ulitin na teacher niya ako.

“Sorry sir. Namiss lang kita” ang sabi nito at hinawakan niya ako sa bewang. Hay! Nakakasira ng araw itong batang ito. Buti na lang at walang masyadong estudyante.

“Paulo isa! Hindi ako nakikipag biruan ha!” Ang galit na turan ko dito.

Papasok na sana ako ng room namin ng nakawan niya ako ng halik sa pisnge saka siya mabilis na pumasok sa loob. Dahil sa gulat ay wala sa sarili kong naibato sa kanya ang librong hawak ko.

Urgh!! Nakakinis na siya ha! Hindi na niya ko nirerespeto bilang isang guro.

Nang makapasok ako sa loob ay halos lahat ng estudyante ko ay tahimik na nakatingin sa akin at pinapakiramdaman ang pagpasok ko.

Seryoso pa naman akong pumasok pero dahil sa pagtapon ko ng libro sa loob ay baka kung anong isipin nila. Sh*t! Baka sabihin ng mga nakakita sa akin ay bayolente ako. Huhuhu..

Tumayo ako sa harap nila at pilit na ngumiti habang naka taas ang dalawa kong kamay at nag peace sign. Tahimik parin silang nakatingin sa akin at naka nga-nga.

“May nakita ba kayong lamok?” Ang painosente kong tanong sa kanila habang tahimik parin ang mga ito at sabay sabay na umiling habang naka nga-nga parin.. siguro ay gulat na gulat parin sila sa pag bato ko ng libro ng dahil kay paulo.

“Wala po” ang sabay sabay nilang sagot.

“Buti nalang at nakita ko siya kaya binato ko na ng libro kundi baka madengue pa kayo hehehe… Ayun nawala na ang lamok” ang pagdadahilan ko at tumawa ng peke.

Pagtalikod ko sa kanila ay halos mamatay ako sa hiya. Para na kase kaming magbabarkada lahat ng mga estudyante ko. Pero nakakahiya parin.

Humarap ako sa kanila at tiningnan si paulo. Kumindat lang ito sa akin at nag flying kiss. Dahil sa inis ko ay dumampot ulit ako ng libro at aktong ibabato ko sa kanya ng mapansin kong nakatingin parin pala sila sa akin.

Napanganga na lang sila sa akin.

Napangiti naman ako at iwinagayway ang libro sa ere.

“Alive alive. Ang libro ay alive”

Realy? Seriously? Sh*t nakakahiya na ako. Urgh. kotang kota na ako sa hiya ng dahil kay paulo.

Nakatula parin ang mga estudyante ko at nakanganga pa rin.

“Kunin niyo ang mga libro niyo at basahin ang chapter 4” ang mao-toridad na sabi.

Halos mataranta silang lahat dahil sa pag sindak ko sa kanila. Bumalik na ulit ang ingay sa buong classroom. Dahil dun ay napangiti ako.

Hay!! Hirap kapag bata ka parin tapos bata din ang mga tinuturuan mo.

Humarap ako sa blackboard at nagsulat doon. Haixt! Nakakahiya talaga.

“Sir” ang pagtawag sa akin ng isa kong estudyante.

“Oh?” Ang sabi ko habang patuloy parin ako sa pagsusulat. Hindi ako tumingin sa kaniya.

“Sir” siya ulit.

“Oh?” Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na sya.

“Sino po yung nakasulat sa blackboard?” Ang sabi nito na siyang ipinagtaka ko. Napatingin naman ako doon at nagulat sa nakita ko.

Mahal na mahal kita lionel, hon ko.

Sh*t! Bakit nawawala ako sa sarili ngayong araw. Haixt.

“Ayiieee!” Ang tukso nils sa akin. Urgh! Agad ko naman itong binura. Halos mamatay talaga ako sa hiya. Humarap ako sa kanila at pilit sineryoso ang mukha ko.

“Quiet! Sorry, namiss ko lang ang asawa ko” ang seryosong sabi ko. Kita ko naman na palihim silang kinikilig. Alam kase nilang lahat na may asawa akong lalaki. Pero hindi nila alam na si lionel ang lalaking yun.

Napadako naman ang tingin ko kay paulo na tahimik habang nakatingin sa malayo.

Humarap ulit ako sa black board at nagpatuloy na sa pagsusulat. Hay!! Nasapo ko ang noo ko.

Narindi naman ako sa tilian ng mga estudyante ko. Ano ba yun? Bakit ang iingay nila. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa labas ng pintuan. Dahil doon din naman sila nakatingin habang tumitili.

“Hon?” ang nasambit ko.

Pagtingin ko kase doon ay nakita ko si lionel na Nakatayo habang may hawak hawak na isang malaking boquet ng bulaklak. At sa isang kamay nito ay puro chocolates. Dahan dahan itong lumapit sa akin habang hindi nawawala ang ngiti sa labi. Napaka gwapo ng asawa ko.

Mas lalong nagsitilian ang mga estudyante ko ng lumapit ito sa akin.

“Papaano? B-bakit ka nandito?” Ang naguguluhang tanong ko.

Hinalikan niya lang ako sa pisnge. Doon na nagwala ang mga estudyante ko sa nasaksihan nila. Mas lalo silang nagtilian.

“Happy anniversary hon” ang sabi niya. Hindi ko naman nakalimutan yun eh. Nagulat lang ako na nandito siya ngayon. Dito mismo sa classroom ko.

“Happy anniverary din hon” ang sabi ko.

Ngumiti lang ito at inabot sa akin ang bulaklak at chocolates.

“Bye hon, alam kong nasa klase ka pa kaya.. maya nalang po” ang paalam nito sa akin sabay kindat. Kumaway pa ito sa mga estudyante ko na akala moy nangangampanya. Naupo ako sa center table at inilapag ang bulaklak. Hindi ko maiwasang mangiti.

“Ayiieee” ang biro nilang lahat sa akin.

“Kopyahin niyong lahat yang nasa black board” ang utos ko at agad silang natahimik.

Hay!!! Lionel.


Hope kinilig kayo guys kahit hindi ko na alam kung paano kiligin hahahaa…..

Hahahaa… chuva choo choo, chuva choo choo..

Comment naman kayo guys and Vote narin.. atleast alam kong kayo ang nagpapakilig sa akin hehehe.. :)

Chapter seven

Jerol’s POV

Pagkatapos kong mag klase ay dinampot ko na ang mga gamit ko sa lamesa kasama na dun ang regalo ng aking pinakamamahal na asawa.

Hindi ko talaga inaasahan na susurpresahin niya ako kanina. Nang masigurado ko nang wala na akong naiwang gamit sa lamesa ay nagsimula na akong lumabas ng classroom.

Nagulat naman ako ng makita ko si paulo na nakasandal sa gilid ng classroom. Hindi ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero hinabol niya ako at sinabayan.

“Ang sweet ng asawa mo ah” ang sabi nito pero hindi ko parin sya nililingon. Naiinis parin ako sa ginawa niya kanina.

“Mahal na mahal ka talaga niya noh?” Saad pa nito. Nanatili lang akong tahimik habang naglalakad.

“Kaya ko rin namang bumili ng maraming chocolates at mamahaling bulaklak ah, kesa diyan sa asawa mo” sabi nito. Para naman akong nainsulto sa sinabi niya.

“Paulo ano ba! Ano bang tingin mo sa akin ha? Na ano.. Na madadala lang ako ng mga pera pera mo? Ganun ba yun ha? Mahal ko ang asawa ko at kahit wala siyang ibigay sa akin ay mamahalin ko parin siya at kung meron man ay bonus nalang iyon sa pagmamahalan namin! Hindi ako nabibili paulo! Hindi! At kung sila ay nadadaan mo sa ganyan, pwes ibahin mo ako” galit na sabi ko sa kanya at iniwan ko ito.

Hindi pa man ako nakakalayo ng hawakan ako nito sa braso.

“S-sorry” ang paghingi nito ng paumanhin. “Sorry sir. Hindi ko naman sinasadyang mainsulto ka sa sinabi ko eh”

Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumingon sa kanya.

“Paulo mahal ko ang asawa ko. At sana naman ay maintindihan mo iyon”

“Naiintindihan ko naman iyon eh. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay itong nararamdaman ko para sayo sir! Alam kong alam mo na hindi ito basta basta mawawala. Iba kase ang sinasabi ng isip ko, pero iba din ang sinasabi nito…” turo nya sa dibdib niya. “..nitong puso ko”

Hay! Hinawakan ko siya sa balikat.

“Bakit hindi mo subukang ibaling kay marky ang nararamdaman mo para sa akin, Diba matagal ka na niyang gusto?” Tanong ko sa kanya.

“Hell no! Hindi ako bakla sir. Sayo lang ako nakakaramdam ng ganito” saad niya.

“Cute naman siya ah, mabait, masipag mag-aral at matulungin. Diba siya ang gumagawa ng mga projects at assigments mo diba?” ang sabi ko sa kanya.

“Martyr yun eh! Umaasa sa wala! Kaya no choice ako kundi tanggapin ang mga tulong na ibinibigay niya”

“Kaya sinasamantala mo naman siya ganun? Paulo, masama ang namamantala ng kapwa. Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo! Wag mong gamitin!”

“Alam ko. Pero kung nandyan ka sana lagi sa tabi ko ay baka nag bago na ako” ang sabi pa niya. Hay!

“Paulo, siguro nga ay may mga taong makakapag pa bago sa atin. Pero ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili..” tinuro ko ang dibdib nya gamit ang daliri ko. “..at dyan sa puso mo magsisimula ang pagbabago. Hindi kung kanino”

Ngumiti ito sa akin at hinawakan ako sa kamay.

“Salamat sir, kaya magbabago na ako, magpapakabait, mag-aaral ng mabuti para mas lalo mo akong mahalin” ang masayang sabi nito.

“Paulo!” Ang naiinis ko na namang sabi.

“Hehehe.. joke lang sir, pipilitin ko! Pero hindi naman ito agad mawawala, diba?” Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Hindi naman talaga basta basta nawawala ang nararamadan ng isang tao eh, basta ba alamin mo lang ang limitasyon mo.

“Oo naman, basta pilitin mo ha at saka bagay na bagay talaga kayo ni marky” pang-aasar ko pa sa kanya.

“Sir!” Ang naiinis na sabi nito. Natawa naman ako sa kanya.

Pagkarating ko sa faculty ay nilapag ko na ang mga dala kong gamit, lalo na ang maka-agaw pansing bulaklak dahil sa laki nito.

“Ayiieee!!” Ang tukso sa akin ng mga co-teachers ko.

“Sir ha! Dinaig mo pa kami ng asawa ko” ang sabi sa akin ni maam ana.

“Hahaha.. baliw” saad ko habang tumatawa.

“Anong meron?” Tanong sa akin ni sir marvin.

“Ah ano, ah—”

“Pinuntahan siya dito ng asawa niya. Grabe ang gwapo” ang kinikilig na pag singit ni maam ana.

“Talaga? Eh bakit ka niya binigyan ng ganyan?” Tanong ulit ni sir marvin.

“Ah ano, ah—”

“Anniversary kase nila! Diba ang sweet at nakakakilig!” Ang pag singit ulit ni maam ana sa sasabihin ko. Sinimangutan ko lang siya.

“Sige na maam ana, ikaw na! Ikaw na! Ikaw na ang sumagot sa lahat ng tanong nila sa akin” ang sabi ko sa kanya. Tumawa lang ito.

“Eto naman, hindi na mabiro” ang tumatawang sabi nito. Nakitawa narin ako.

Pagkatapos naming kumain ay hinanap ko kaagad si paulo upang turuan na siya. Buti nalang at pursigido na itong matuto at makapagtapos dahil sineseryoso na nito ang aking mga itinuturo sa kanya.

Naging maayos naman ang buong klase ko pero hindi mawala wala ang paminsan minsang panunukso nila sa akin. Ang sweet daw ng asawa ko, ang pogi daw niya, sana ganun din daw ang asawa nila o ang magiging future nila. Haixt! napapailing nalang ako at natatawa sa kanila.

Pagkalabas ko ng gate ay sinalubong ako ni lionel at ng aming panganay na anak. Tumatakbo itong lumapit sa akin habang hawak hawak nito ang isang papel.

“Mag-ingat ka kuya” ang sigaw na paalala ni lionel sa anak. Nang makalapit ito sa akin ay niyakap nya ako at hinalikan sa pisnge.

“Papa tingnan mo po oh, perfect ako sa exam at saka may star po ako sa kamay” ang sabi nito.

Nang makalapit sa akin si lionel ay kinuha nito ang mga gamit ko at dinala sa sasakyan. Sobrang sweet at maalalahanin talaga ng mokong na yun. Nag squat naman ako para pantayan si jonel.

“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko” at saka ko ginulo ang buhok nito at binuhat.

“Behave ba naman dun ang anak ko?” Tanong ko sa kanya habang naglakakad kami papuntang sasakyan.

“Opo papa at saka nga po pala papa may project po kami” sabi nya.

“Anong project naman yan kuya?”

“Pipili daw po kami ng isang super hero at ipapaliwanag daw po namin bukas. Kelangan daw po na nandun kayo” ang sabi niya sa akin.

“Sige anak, sasabihin ko sa dada mo ah, may pasok kase si papa bukas baka hindi ako makapunta” kita ko naman ang paglungkot ng kanyang mga mukha.

Paano ba to? My pasok pa naman ako bukas.

“Ganito nalang anak. Kapag hindi pumayag si dada ay si papa nalang ang sasama ok?” Tumango siya pero naka yuko parin ang ulo.

Haixt! Bakit ba hindi ko matiis ang anak kong ito. Paano na kaya bukas? Tiyak na madaming makakamiss sa aming leksyon bukas kung hindi ako magtuturo.

Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan ay kinausap ko si lionel.

“Hon, pwede bang samahan mo ang anak natin bukas. May project daw sila sa school kaya lang, kelangan daw na nandun ang magulang” ang sabi ko sa kanya. Nag-isip muna ito ng ilang minuto.

“Meron eh, pasensya na hon. Madami kase kaming gagawin sa restaurant” ang paghingi nito ng paumanhin.

Ano pa nga ba! Ayoko namang wala ni isa ang pumunta sa amin ng asawa ko kaya ako nalang. Magpapaalam nalang ako sa principal namin.

Pagkarating namin sa bahay ay tumakbo na kaagad si kuya papasok sa loob ng bahay habang dala dala nito ang kanyang exam. Tiyak na ipapakita nito kay manang. Hehehe.. ang cute talaga ng anak ko. Biruin mo yun, grade two na siya parang kelan lang grade one lang siya.

Pagkatapos iparada ni lionel ang sasakyan ay nilapitan ako nito at niyakap ng mahigpit. Inamoy amoy nito ang leeg ko at saka hinalik halikan.

“Hon, ano ba? Nakikiliti ako at saka mahiya ka naman, nandito pa tayo sa labas oh” ang pagsaway ko sa kanya pero, parang wala itong narinig.

“Hon naman eh! Maya nalang po” ang sabi ko sa kanya.

“Ok tara na” hala? Ang bilis kausap hahaha…

Hindi ko naman siya matanggihan kase asawa ko siya at kelangan kong punan ang mga pangangailangan niya, lalo na sa ganitong bagay.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit mas lalong tumitibay ang pagmamahalan ng isang tao. At isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nangangaliwa ang isang tao.

Siguro nga ay bonus nalang ang sex sa isang relasyon pero tandaan niyo, na kahit bonus ay mahalaga. Lalo na at para sa mahal mo, para sa relasyon niyo at para mas lalo niyo pang pagtibayin ang inyong pagmamahalan. Malaki man o maliit na bagay ay kelangan niyong pahalagahan at pagtibayin.

Natawa nalang ako habang pumapasok kami sa loob. Pero unti unti itong nawala ng makita ko si manang na kalong kalong si baby leon habang si jonel naman ay nasa tabi nito na may hawak hawak na malaking tarpaulin na may prentang…

“ H

appy anniversary papa & dada“

“S-sinong naka-isip nito?” Ang tanong ko. Ngumiti lang sila sa akin at itinuro ang taong nasa tabi ko na ngayon ay naka-akbay na sa akin.

“Surprise hon, i love you.. mahal na mahal po kita, asawa ko” ang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

“Mahal na mahal din po kita asawa ko” ang tugon ko naman sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo.

“Bihis na tayo hon at saka sabay sabay na tayong kumain” ang sabi nito sa akin. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

Hinalikan muna namin sa pisnge ni baby bunso bago kami Umakyat ng kwarto at sabay na nagbihis, buti nalang at wala na itong ginawa pang kalokohan. Pagkababa namin ay niyaya na namin si manang na sumabay na kumain sa amin kaya lang busog pa daw ito.

Tinawag na namin si jonel at sabay sabay naming pinagsaluhan ang mga binili at niluto ni manang para sa aming selebrasyon.

“Nagustuhan mo ba hon, ang regalo at hinanda ko para sayo?” Ang tanong nito sa akin habang pareho kaming kumakain. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

“Oo naman hon, sobrang saya ko nga eh” ang sabi ko sa kanya habang patuloy parin ako sa pagkain.

Eto namang si lionel ay walang ginawa kundi ipagsalin ako ng mga pagkain. Gusto ata ako nitong patabain.

“Pasensya kana ha, kung hindi masyadong magarbo ang selebrasyon na hinanda ko para sa atin” ang paghingi nito ng paumanhin.

Huminto naman ako sa pag nguya at hinawakan ito sa kamay.

“No, hon” umiling ako. “Yung surprise mo pa lang at mga simpleng regalo sa akin ay masaya na ako. Paano pa kaya ngayon na kasama pa kita. Iyon ang mas importante hon, ang makasama ka at makasama kita habang buhay” ngumiti ito sa akin.

“Alam mo ba kung bakit normal lang ang mga pagkaing hinahanda ko para sa selebrasyon natin ngayon?” Ang tanong nito sa akin.

“Bakit?”

“Dahil ayokong maghanda ng maraming marami, ayokong regaluhan ka ng mamahalin, ayokong maranasan mo ang mala fairytale na tuwa sa loob lang ng isang araw. Dahil ayokong maranasan mo lang ito tuwing anniversary natin. Dahil ayokong maghintay ka na naman ng isang taon para lang maranasan mo ulit ang ganitong selebrasyon. Gusto ko ang bawat araw para sa atin ay pantay pantay. Dahil ang pagmamahal ko sayo ay hindi lang sine-celebrate ng isang araw, kundi araw-araw” ang naluluhang sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang tigkabilang pisnge nito at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking mga daliri.

Pasensya na kung bakit ganito kami kadrama. Bawat anibersaryo kase ay naaalala namin ang bawat araw na pinagdaanan namin. Na kahit gay couple kami nandito pa rin kami, magkasama, naamahalan at hindi naghihiwalay.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa labi.

“Mahal na mahal kita lionel” ang sabi ko sa kanya.

“Mas mahal kita jerol, ikaw at ako lang ha” ang saad nito at niyakap ako ng mahigpit.

Masaya naming pinagsaluhan ang aming dinner date. Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya ako sa sofa para doon kami mag bonding mag pa-pamilya.

Kalong kalong ko si baby bunso habang nakahiga naman si jonel sa mga hita ni lionel. Nakaakbay naman ito sa akin habang nakapatong ang kanyang ulo sa aking mga balikat.

“Pwede bang ganito nalang tayo habang buhay, hon?” Ang sabi nito sa akin. Habang naka patong parin ang kanyang ulo sa balikat ko.

“Aba! Oo naman. Kaya lang baka magutom ang mga anak natin kung ganun” ang natatawang saad ko.

“Oo nga noh? Hahaha..” mas lalo akong tumawa sa sinabi nya.

“Hon kiss mo ko dali na” utos nito sa akin.

“Eeee.. mamaya na! Nandito pa mga anak natin” ang nahihiyang sabi ko.

Don’t get me wrong ah. Wala naman akong pakialam sa iba kung ikiss niya ako. Ewan nahihiya lang ako sa mga anak ko. Ayoko lang isipin nila na ang harot namin hahaha..

“E ano naman? Kiss lang naman at saka mag-asawa na naman tayo ah” ang parang batang pagmamaktol nito.

“Oo na po. Kiss lang ah” bigla itong tumango sa akin at ngumiti.

Lumapit ako sa kanya at mabilis itong hinalikan sa labi. Nanood lang kami ng tv kahit na ang palabas ay puro cartoons. Ewan ko ba! Kahit na pambata ang pinapanood namin ay nanood parin kami. Ganun namin kamahal ang anak namin.

Yung ganito lang kayo. Yung nanood kayong magpa-pamilya habang nasa mga bisig mo ang bunso mong anak at nakahiga sa mga hita ng asawa mo ang panganay niyong anak. At syempre hindi magpapahuli ang iyong asawa na nakapatong ang ulo sa balikat mo. Hayy! Ang sarap mainlove, ang sarap mabuhay at ang sarap lumaban sa lahat ng pagsubok ng buhay.

“Papa bukas po ay pupunta kayo ni dada ha” ang pagpapaalala ni jonel. Hinimas naman ni lionel ang buhok ng anak.

“Si papa mo lang muna anak ang pupunta ha! May trabaho kase si dada” ang sabi ni lionel sa anak. Kahit kita mo ang lungkot sa mata ni jonel ay tumango lang ito.

“Wag ka mag-alala anak. Nandito naman si papa. Ano nanga ulit yung project niyo?” Tanong ko sa kanya.

“Pipili po kami ng idol naming super hero tapos ipepresent sa harap niyo” ang sabi niya.

“Eh, sino bang idol mong super hero anak?” Ang tanong ni lionel sa anak.

“Si superman po” ang sabi niya.

“Bakit naman si superman?”

“Dahil po nililigtas niya po ang buong mundo at saka lumilipad siya” sagot nito. “Eh, ikaw po dada? Sino po idol niyong super hero?”

“Ahmm.. sino nga ba? Ahmm si..” ang sabi nito na parang nag-iisip. “Si Wolverin”

“Bakit po siya?”

“Dahil matagal ang buhay niya” sagot ni lionel. Sabagay, matagal nga naman ang buhay ni wolverine dahil mabilis mag heal ang sugat nito.

“E ikaw hon? Sino bang idol mong super hero?” Tanong nito sa akin.

Sino nga ba?

“Di ko alam eh hehehe..” ang sabi ko.

Tinawanan lang nila ako dahil wala daw akong alam na super hero. Dahil sa inis ko ay nakitawa narin ako pati na rin si baby bunso ay nakitawa narin kahit hindi naman niya alam ang pinagtatawanan namin.

Pagkatapos naming mag family bonding ay pinatulog na niya si jonel sa kabilang kwarto kasama ang bunso naming anak. Haixt! Alam na this! Hahaha..

Pagkapasok namin sa kwarto ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi.

“Teka hon! Baka makita na naman tayo ng anak natin” ang pag pigil ko sa kanya.

“Ni lock ko na hon. Natuto na ako at ayoko nang mabitin pa” ang sabi nito at sinunggaban ako ng halik sa labi.

Habang naghahalikan kami ay dahan dahan niya akong ihiniga sa kama at doon pinatungan. Hinubad nito ang aking damit kasabay noon ang paghubad din nya ng kanyang suot na damit. Hinalikan niya ako ng mapusok sa labi pababa sa aking leeg.

“Ang sarap ng leeg mo hon! Kung bampira lang ako ay kanina pa kita kinagat at binuhay para, we live forever and ever” ang sabi nito. Natawa naman ako sa naisip nya.

“Ewan ko sayo hon. Lage ka nalang ganito kapag nag se-sex tayo. Kung sino-sinu o kung ano-anung nai-isip mo” ang natatawang sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang ito sa akin at hinawakan ang tigkabila kong kamay at itinaas ito sa bandang ulo ko na akala mo’y naka posas. At saka ako siniil ng halik. Halos mabaliw ako sa kanyang ginagawa, bumaba ang halik nito papuntang utong ko at doon niya sinuso ito. Halos masabunutan ko siya sa tindi ng pagkakahawak ko sa ulo nya. Sh*t! Ang sarap.

Bumaba ang halik nito papunta sa tiyan ko at sinipsip ito. Dinilaan niya mula tiyan paakyat hanggang utong ko hangang sa umakyat ulit ang pagdila nito sa aking leeg papuntang labi. Halos mapudpud na ang labi ko sa diin ng pagkakahalik nito sa akin. Wari mo’y sabik na sabik sa mga labi ko.

Itinulak ko sya pahiga upang ako naman ang umibabaw sa kanya. Mapusok ko siyang hinalikan sa labi pababa sa leeg niya hanggang sa umabot ako sa utong nito at dinilaan na akala mo ay kumakain ng ice cream. Kahit medyo masakit ang pagkakasabunot nito sa aking buhok ay mas lalo pa akong ginanahan sa mga pangyayari.

Bumaba ang halik ko papuntang tiyan nito hangang sa tumapat na ako sa kanyang boxer short. Ramdam ko ang pang gagalit nito dahil sa umbok na nakita ko.

Hinawakan ko ito at hinimas himas. Grabe ang laki. Pagka hubad ko ng suot nitong short ay hinawakan ko ang pagkalalaki nya at sinubo ito. Halos maduwal ako sa laki ng ari nya. Nagtaas baba ako sa mabuhok at malaki nitong pagkalalaki.

“Ahhhh…” ang ungol niya habang nakahawak ito sa aking ulo upang alalayan ako sa pagsubo ng kanyang ari. Dinilaan ko din ang mapupula nitong bayag. Ang bango talaga ng asawa ko.

Hinila nya ako pataas at mapusok na hinalikan sa labi habang ang isang kamay nito ay hinuhubad ang suot kong boxer short.

Humiga ito habang ako naman ay pinatayo niya at pinaupo sa kanyang bibig. Dinilaan nito ang butas ng pwet ko. Halos mabaliw naman ako sa kanyang ginagawang pagdila. Mas lalo pa nitong ibinuka ang aking pwet at mas lalong idiniin ang mukha niya sa butas ng pwet ko. Sobra na akong mababaliw sa ginawa ni lionel. Nagulat nalang ako ng ipasok nito ang isa niyang daliri hanggang sa maging dalawa, tatlo. Masakit man ay tinitiis ko.

Inalalayan nya ako hanggang sa tumapat sa butas ng pwet ko ang tt niya at doon ay dahan dahang ipinasok ang ari niya sa pwetan ko. Noong una ay masakit dahil hindi biro ang laki ng alaga ng asawa ko. Pero ng maipasok na nito lahat ay inalalayan niya akong magtaas baba sa ari niya.

“I love you hon”

“I love you too hon” at doon ko na sinabayan si lionel sa paghampas ng katawan niya sa katawan ko. . . . . . . . . . . .

“Salamat sa paghatid hon” ang sabi ko kay lionel ng ihatid kami nito sa tapat ng paaralan ni kuya.

“No problem hon, tara na” ang sabi nito. Aktong hihilahin niya ako.

“Ha?”

“Sabi ko. Tara na sa loob. Samahan na natin si jonel” ang masayang sabi nito, naguluhan naman ako sa kanyang sinabi.

“E, diba sabi mo may gagawin pa kayo sa restaurant?” ang nagugulan kong tanong sa kanya.

“Palusot ko lang yun hon, gusto ko kasing dalawa tayong sumuporta sa anak natin. Alam kong pag pumayag ako ay baka hindi ka makasama dahil sa pagtuturo mo” ang sabi niya.

Haixt!! Asawa ko nga ito.

“Alam mo naman yun diba hon? Hindi ganoon kadali ang magpaalam kay principal” ang sabi ko.

“Alam ko naman hon, pero gusto kong dalawa tayong nandyan sumusuporta sa anak natin” napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Niyakap ko ito at hinalikan ng mabilis sa labi.

“Ano, Tara na?” Ang tanong niya. Tumango lang ako at sabay kaming pumunta sa class room ni jonel.

Pagkarating namin sa loob ay halos lahat ng magulang ay nandito na.

Pinapasok na kami ng teacher ni jonel at pinaupo sa bandang hulihan ng room kasama ang ibang mga magulang.

Halos pagtinginan naman nila kami at base sa reaksyon nila ay halo halong emosyon ang makikita mo. May nanghuhusga, may natutuwa at may mga walang paki-alam.

“Ok kids.. alam kong nandyan na ang mga magulang ninyo kaya behave kayo ha” ang sabi ng teacher nila. Lumingon sa aming pwesto si jonel at kumaway, kumaway din kami ni lionel.

Proud parents here! Kahit di pa nagsisimula hehehe..

Tumingin na sa amin si maam at nagsalita.

“Kaya ko po kayo pinapunta dito mga butihing magulang ay para ipakita po sa inyo ang kanilang mga grades sa period na ito at para na rin po ma-obserbahan niyo sila sa loob ng klase” ang paliwanag ni teacher. Ah! Kaya pala.

“Ok po. Kids kelangan niyo nang pumunta isa-isa dito sa unahan at sabihin niyo kung sino at kung bakit siya ang iniidolo niyong super hero. Ok po ba yun?”

“Opo” ang sabay sabay na sagot ng mga bata. Hehehe.. Ang cute.

Hanggang sa isa isa nang tawagin ang mga bata at doon ay sinabi nila kung bakit iyon ang iniidolo nilang super hero.

“Ang susunod po ay si kuya Jonel madrid” ang sabi ng teacher nito. Hinawakan lang ako ni lionel sa kamay at saka ito ngumiti.

Nang makatayo si jonel sa unahan ay tumitig ito sa amin at ngumiti.

“Ang iniidolo ko pong super hero ay sina super papa at super dada” ang sabi nito habang nakangiting nakatitig sa amin. Halos magbulungan naman ang ibang mga magulang sa tabi namin.

Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi ni kuya.

“Super idol ko po talaga si superman, pero nagkamali po pala ako ng inidolo. Dahil ang totoo po palang super hero ay matagal ko nang kasama. Matagal na po silang nasa tabi ko. Wala man po silang kapangyarihan gaya ni superman, batman at kung sino pa man ay meron naman po silang kakayahan at kapangyarihang magmahal.

Siguro po ay pareho po silang lalaki. Pero hindi po nila ipinaramdam sa akin na hindi nila ako mahal. Hindi nila ipinaramdam sa akin na hindi kami normal. Dahil hindi naman po nakikita sa kasarian ang pagiging magulang at normal. Nakikita po yan kung paano mo itrato ang ibang tao bilang isang normal“ ang paliwanag ni jonel habang umiiyak itong nakatingin sa amin. Hindi ko narin mapigilang lumuha habang pinapatahan ako ni lionel.

“Papa, dada” ang umiiyak nitong sabi habang tinuturo kaming dalawa ni lionel. “Kayo po ang super hero ko. Kayo po ang nagligtas sa akin at nag bigay ng pag-asa bilang anak niyo. Mahal na mahal ko po kayo at hindi po ako magsasawang ipagtanggol kayo sa panlalait ng iba, dahil mas kilala ko po kayo bilang mabuting tao kesa sa sinasabi ng iba tao” lumapit ito sa amin at niyakap kami ng mahigpit.

Humalik ako sa pisnge nito at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit. Narinig ko naman na nagpalakpakan sila.

“Sa dami dami po ng super hero papa at dada. Kayo po ang pinaka super hero sa kanila” ang sabi nito. Pinisil ko naman ang pisnge nito at hinawi ang buhok.

Halos lahat sila ay natuwa kay jonel dahil siya lang ang bukod tanging inidolo ang kanyang magulang sa halip na mga fictional character.

Humingi din sila ng paumanhin sa amin dahil nahusgahan daw nila kami. Ang pagiging magulang ay depende kung paano mo ito sisimulan sa bahay at kung paano mo sisimulang turuan ang iyong anak sa loob palang ng inyong tahanan. Lalaki man kayo pareho o babae ay wala itong pinagka-iba kung marunong kayong magmahal at rumespeto sa iba.


Vote and Comment guys para ganahan ako sa next update.

;)

Chapter eight

Jerol’s POV

Pagkarating namin sa bahay ay hindi parin nawawala ang ngiti ko sa labi ng dahil kay jonel. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko lang ay masaya ako bilang tatay at nanay niya.

Hindi madali para sa amin ni lionel ang magpalaki ng isang anak. Anak na kung saan ay kaya kang ipagmalaki sa ibang tao. Sobrang saya ko dahil alam kong pinalaki namin siyang maayos.

“Hon” ang pagtawag sa akin ni lionel habang hawak hawak nito ang kamay ko. Nakasandal kaming dalawa sa head board ng kama habang nasa gitna namin si kuya na mahimbing na natutulog. Si baby leon naman ay nakaupo sa mga hita ko habang naglalaro ito.

“Oh?”

“Ang saya saya ko ngayon hon. Masasabi kong napalaki natin ng maayos si jonel at yun ay ng dahil sayo” ang sabi nito habang hinahalik halikan nya ang kamay ko. Umiling lang ako.

“Hindi hon! Hindi lang naman ako kundi tayong dalawa. Hindi ko ito magagawa kung wala ka sa tabi ko” tinitigan ko siya sa mata at hinaplos ang pisnge nito. Hinawakan niya naman ang kamay kong nakahawak sa pisnge niya at hinalikan ito. Tumingin siya kay baby leon at nginitian ito.

“Eh, ang baby bunso kaya namin? Parang makulit eh” ang sabi ni lionel sa anak habang kinukuha niya ito mula sa akin.

“Baka mana kay dada si baby bunso ah, hindi kaya?” Ang sabi ko habang tumatawa.

“Wag ka makinig kay papa mo baby bunso. Mabait na ngayon si dada ng dahil kay papa at kay kuya at syempre…. dahil sa baby bunso” ang sabi nito at kiniliti si baby bunso. Tumawa lang ito ng tumawa, pati ako ay hindi ko maiwasang tumawa dahil sa sayang nararamdaman ko.

Masasabi kong masaya na ako, kontento na ako at kahit alam kong hindi “normal” ang tingin nila sa ganitong uri ng pamilya ay wala akong magagawa. Wala sa amin ang problema kundi nasa sa kanila.

Paano ka mabubuhay ng normal kung lagi nalang buhay ng iba ang iniisip at pinoproblema mo? Ang mundong ito ay malaki! Hindi lang ikaw ang binuhay sa mundong ito para masunod ang mga ayaw at gusto mo. E di sana, gumawa ka nalang ng sarili mong mundo kung ayaw mo ng mga taong nasa sa paligid mo at kung saan ay matatawag mo ang sarili mong perpekto.

“Sana lumaki din si baby bunso na maging mabuting bata noh” ang sabi ko kay lionel habang magkahawak ang aming mga kamay at ang isang kamay naman nito ay nakaalalay kay baby leon.

“Oo naman, dahil tayo ang mga magulang nila. Patunayan natin sa kanila na kahit pareho tayong lalaki ay may kakayahan tayong maging mabuting magulang para kanila” tumango lang ako at ngumiti. Hinaplos ko naman ang buhok ni kuya at hinalikan ito sa noo.

“Tulog na tayo hon. Dito narin natin patulugin yang dalawang bata” ang sabi ko sa asawa ko. Ngumiti naman ito sa akin at ibinigay na si baby bunso.

Tumayo ito upang ipagtimpla ng gatas si baby leon. Nang makapag timpla na siya ng gatas ay ibinigay niya ito sa akin at ipinadede kay baby bunso.

“Matulog kana hon kung inaantok kana. Papatulugin ko muna itong makulit na batang to bago ako matulog” ang sabi ko sa kanya.

Umiling lang ito at nahiga sa kama habang nakatagilid itong nakatitig sa amin.

“No! Sabay na tayong matulog” ang sabi niya habang nakapatong ang kamay nito sa tyan ni baby bunso. Nakahiga kase ito sa katawan ko. Hehehe.. ang cute lang. Medyo pumipikit pikit na ang kanyang mata.

Nang masigurado kong tulog na ito ay ihiniga ko na siya sa crib katabi sa higaan namin at nahiga narin ako.

“Good night hon” ang sabi ko at hinalikan siya sa labi.

“Good night din hon” ang tugon naman nito at hinalikan din niya ako sa labi.

Halos mamula naman ang pisnge ko sa kilig. Nakatagilid kaming magkaharap habang nasa gitna namin ang tulog na tulog paring si kuya.

“Bakit pangiti-ngiti ka dyan ha?” Ang tanong ko sa kanya.

“Eee.. pano ba naman ako hindi mapapa-ngiti nito! Ni hindi pa nga ako natutulog ay ikaw na agad ang pumapasok sa panaginip ko” saad nito.

Hinawakan ko siya sa ilong at pinisil ito.

“Alam mo mr. Madrid. Pati ba naman hanggang sa pagtulog eh korni ka parin?” Ang natatawang sabi ko sa kanya.

“Korni nga pero halatang kinilig ka naman. Korni nga pero mahal mo naman, diba? Diba?” Sabay kindat nito sa akin.

“Syempre naman! Asawa kaya kita at mahal na mahal ko pa!” Saad ko. Kinindatan ko rin sya.

“Hon” pagtawag nito sa akin.

“Hmmm?”

“Bakit ang cute mo? Bakit ang sarap mo magmahal? Bakit kaya patay na patay ako sayo? Ano kayang gayuma ang ginamit mo?” Ang sabi nito. Pinalo ko naman siya balikat.

“Heh! Mahiya kanga. Wala akong ginamit na gayuma sayo noh? Ikaw nga dyan kung bugbugin mo yung mga lalaking lumalapit at nanliligaw sa akin noon akala mo sinasaktan ako hahaaha…” ang natatawang saad ko. Totoo naman eh. Sadista yan akala mo aagawan siya. Takot lang nila sa lalaking to hahaha.. Nakatitig lang ito sa akin habang nakangiti. Hinawakan niya ang pisnge ko.

“Ayoko kasing makita ka sa piling ng iba, bukod sa akin. Hindi ko yun kakayanin hon! Tatanda tayong dalawang magkasama, kasama ang mga anak natin at bibigyan sila ng magandang buhay” saad nito. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at nginitian siya.

Sarap ng ganitong lalaki. Yung iniisip niya ang future niyo. Eto talaga yung mga taong dapat mong hawakan.

“Oo naman. Tayong dalawa! Ikaw, ako, tayo” lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Dinama ko naman ang mga halik niya.

Naramdaman naming gumalaw si kuya sa gitna namin.

“Papa, dada” ang sabi nito habang nakapikit parin ang mga mata. Yumakap naman ito sa akin. Hindi ko maiwasang ngumiti sa ginawa niya kaya niyakap ko rin si kuya.

“Good night hon” ang pabulong na sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at tumango.

“Good night din asawa ko” ang sabi ni lionel. Haixt! Bakit kaya nakakakilig hahaha..

Humiga narin ito at niyakap kaming dalawa. . . . . . . . . . . . . . . “Sir, pagtitimpla ko lang po si baby leon ng gatas niya para may madede siya sa lakad niyo” ang sabi ni manang kay lionel. Habang ako naman ay busy sa pagbibihis kay jonel.

“Papa bibili niyo po ba ako ng bagong toys?” Ang tanong nito sa akin. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya habang sinusuotan siya ng damit.

“Anak, diba marami ka pang toys?” Ang sabat naman ni lionel sa anak.

“Gusto ko po kase ng bago” ang sabi nito sa dada niya.

“Bago pa naman ang mga laruan mo diba? Tama na muna yun anak” ang sabi nito kay jonel. Humarap naman sa akin si jonel at mukhang nagpapaawa.

“Papa” ang mahinang sabi nito habang nilalagyan ko ng fix ang buhok niya.

“Hon, ibili na natin si kuya” ang sabi ko kay lionel.

“No, hon! Masasanay ang anak natin. Hindi sa pinagdadamutan natin siya o kung ano, kundi matuto siya habang bata na pahalagahan ang mga bagay na pwede pang gamitin” ang sabi nito. Tama nga naman si lionel.

Malungkot naman akong tumingin kay kuya.

“Pwede pa naman yun diba kuya? Saka nalang ulit tayo bumili kapag nasira na mga laruan mo ha” ang sabi ko sa kanya habang nilalagyan siya ng pabango.

Nakayuko lang ito habang nanunulis ang kanyang nguso. Hahaha.. nakakatuwa siya, ang cute cute ng itsura niya. Hinawakan ko siya sa baba at tinaas. Tinitigan ko siya sa mata.

“Ay! Bakit nanghahaba na naman ang nguso ni kuya? Bad yan anak. Ang gusto lang ni dada ay wag aksayahin ang mga bagay na pwede pang gamitin. May mga bata nga dyan kuya na hindi makapag laro dahil wala silang pambili. Kaya wag kanang mag tampo ha” ang sabi ko sa kanya at hinalikan ito sa pisnge.

“Ngi-ngiti na yan. Ang pogi pogi ni kuya oh, tapos malungkot lang” pagbibiro ko sa kanya. Kahit alam kong pilit ay ngumiti na ito.

“Sir eto na po yung mga gamit ni baby leon” ang sabi ni manang habang kinuha naman ni lionel ang bag na maliit dito.

“Salamat po manang, kayo na po ang bahala dito sa bahay ha” ang sabi pa ni lionel.

Pagkatapos kong bihisan si jonel ay kinuha kuna si baby bunso sa crib.

“Hon, ilalabas ko lang yung kotse” ang paalam nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

Nakita ko naman si jonel na naka-upo sa sofa habang nilalaro ang kanyang laruan. Kahit alam kong medyo malungkot parin ito ay masasabi kong naiintindihan naman nito ang gusto naming ipahiwatig. Matalino kaya si kuya.

“Tara na kuya” ang pagtawag ko dito. Tumayo ito at tumakb papalapit sa akin.

Pagkalabas namin ng bahay ay binuksan ni lionel ang pinto ng kotse at pumasok na kami doon. Naupo ako sa unahan habang sa back seat naman si kuya.

Humalik muna itong asawa ko sa akin bago kami umalis. Hay!! Nakaka-inlove.

Pagkarating namin sa mall ay naglakad lakad muna kami. Kahit alam kong gustong gusto na ni kuyang magpabili sa amin ay nanatili lang itong nakahawak sa mga kamay ni lionel habang kalong kalong ko naman si baby bunso.

“Kakain na ba tayo hon?” Ang tanong sa akin ng asawa ko.

“Sige hon, baka gutom narin itong mga anak natin” ang sabi ko sa kanya.

Dahil sa hiling ng anak naming si jonel, ay dun kami kumain sa bida ang saya.

“ Hon, hanap na kayo ng pwestong kakainan natin. Ako na ang oorder“ ang sabi ni lionel. Tumango lang ako.

“Dada gusto ko po ng spaghetti at saka po hamburger at saka po chicken at saka po ng sundae ha” ang sabi ni jonel sa ama. Ang cute lang hehehe..

“Opo kuya, sumama kana kay papa ha, wag makulit at kalong pa nya si baby bunso” ang paalala nito sa anak at ginulo ang buhok.

“Opo dada” ang sabi nito kay lionel.

Naglakad na kami ni kuya para maghanap ng bakanteng upuan. Nang makakita kami ay naupo na kami doon. Kasya ang apat sa maliit na lamesa, may apat na bangko din ito.

Kumuha kami ng upuan na para lang kay baby bunso. Buti nalang at sa kainang ito ay meron silang ganun. Kinuha ko ang laruan at ibinigay dito. Si kuya naman ay naka-upo lang at paminsan minsan ay papatong sa bangko at hahanapin si lionel.

“Kuya, baba kana diyan. Baka mahulog ka pa” ang sabi ko sa kanya.

“Yey!! Papunta na dito si dada” ang masayang sabi nito.

Tiningnan ko naman ang direksyon ni lionel na papalapit sa pwesto namin. Nang makalapit ito sa amin ay nilapag nya ang kanyang mga pinamili.

“O, eto ang para kay kuya” ang sabi ni lionel sa anak.

“Yehey” at saka nito kinain ang spaghetti habang hawak hawak niya sa kabilang kamay ang hamburger. Natawa naman ako sa kanya.

“Dahan dahan anak ha, baka naman mabulunan kana na niyan” ang saway ko. Pero kain lang ito ng kain.

“Hon, eto para sayo” ang sabi niya at saka ako kinindatan. Napa-iling nalang ako.

“Baliw kana naman lionel ha, kumain kana nga dyan at gutom lang yan” ang natatawa kong sabi.

Naupo na ito sa katabi ni jonel habang ang katabi ko naman ay si baby bunso.

Tiningnan ko lang si baby bunso at hindi ko maiwasang mapangiti habang pilit nitong kinakagat ang sponge toy na hawak niya. Mamaya ko nalang siya padedehin.

Habang kumakain kami ay nagkwentuhan lang kami ni lionel ng kung anu-ano.

“Kuya, tingnan mo oh, amusin kana” ang sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang spaghetti sauce na nagkalat sa pisnge niya.

Pero nagulat ako ng may taong nagpupunas din sa gilid ng labi ko. Si lionel.

“Hon, ikaw rin naman eh, para kang bata kung kumain” natatawang saad nito habang nakangiti sya at nakatitig sa gilid ng labi ko. “Ayan, ok na. Sa susunod hon magdahan dahan ka naman sa pagkain, ang cute mo kase eh”

Hala!!! Tiyak na namumula na naman ang mukha ko sa kilig. Siya lang talaga ang may kakayahan nun.

“Che! Ikaw rin kaya” ang sabi ko. Napahawak naman siya sa gilid ng kanyang labi.

“Wala naman eh” ang sabi nito.

“Ayan, meron na” ang sabi ko pagkatapos ko siyang pahidan ng sauce sa gilid ng kanyang labi.

“Hala? Bakit mo ko nilagyan ng sauce? Ang daya naman eh” ang pagmamaktol nito.

“Hehehe..” ang sabi ko. Ngumiti lang ito sa akin.

“Kung wala lang tayo dito tiyak na–” pinutol ko na ang sasabihin niya. Alam kong kabastusan na naman yan.

“Masarap ba anak?” Ang tanong ko kay jonel at hindi na pinansin si lionel hahaha… Tumango lang ito habang hawak hawak ang fried chicken.

“Opo papa” saad nito. Hayss! May dumi na naman siya sa mukha.

Pagkatapos naming kumain ay naglibot libot pa kami sa mall. Bumili din kami ng diaper ni baby bunso at mga damit ni jonel. Nagpapabili ng laruan si kuya, kaya lang ay hindi ito pinayagan ni lionel. Buti nalang at naiintindihan naman siya ng anak.

Gusto sanang manuod ni jonel ng finding dory kaya lang ay bawal pa si baby bunso sa loob ng sinehan dahil madilim saka ang bata pa niya kaya sinabi nalang namin na sa susunod nalang kami manunuod.

Pumunta rin kami sa park mga bandang hapun para duon mag spend ng maraming oras.

“Nag-enjoy ba si kuya?” Ang tanong ni lionel sa anak.

“Opo dada” ang sabi nito. Kinuha ko naman ang dede ni baby bunso sa bag at pinadede ito habang nakahiga sa mga braso ko.

“Napagod ata si baby bunso, medyo inaantok na oh” ang sabi ko.

“Mahina pala si bunso sa galaan eh” ang sabi naman ni lionel at saka ito hinalikan sa ulo.

Lumapit naman si jonel kay baby bunso at pilit na nilalaro.

“Hayaan muna kuya, inaantok na si bunso oh, pumipikit-pikit na” ang sabi ko.

“Papa maglalaro po muna ako doon sa swing ha” ang paalam nito sa amin. Tumango lang ako.

“Wag kang lalayo ha at wag kang makikipag away kung kanino, behave lang” paalala ni lionel sa anak. Tumakbo ito papunta doon sa mga batang naglalaro.

“Tulog nanga si baby bunso” ang natatawang sabi ni lionel habang nakaupo kami sa damuhan sa ilalim ng malaking puno.

“Hon, nag-enjoy ka ba?” Tanong ni lionel sa akin.

“Oo naman hon, lalo na at kasama ko kayo” saad ko.

Tumingin kami sa direksyon ni jonel na masayang nakikipag laro sa mga bata.

“Lumalaki na ang mga anak natin noh?” Sabi niya.

“Oonga eh, alam kong lalaki silang mabuting bata”

“Syempre mana sa dada niya eh” sabay kindat nito sa akin.

“Ewan!” natatawang saad ko.

Nagtagal din kami doon ng mga ilang oras hanggang sa maisipan naming umuwi na. Sobrang dumi narin kase ni jonel dahil sa pakikipag laro.

Pagkarating namin sa bahay ay pinarada na ni lionel ang sasakyan at sabay na kaming lahat pumasok.

Pagkapasok namin sa loob ay nagtaka kami dahil may isang babaeng naka-upo sa sofa.

“Manang” ang pagtawag ko kay manang. Hindi rin naman nagtagal at lumapit ito sa amin. At kinuha ang mga dala namin.

“Sino po siya?” ang tabong ko kay manang.

“Cheska daw po ang pangalan” sagot naman ni manang. Lumapit kami doon sa sinasabi ni manang na cheska.

Pagkalapit namin ay bigla itong tumayo.

“Hello ako nga po pala si cheska…” ang pakilala nito. “ Ang nanay ni jonel“


Sorry guys if ngayon lang ako nakapag-UD. Medyo busy lang hehehe.. enjoy :)

Bakit kaya nagpakita pa yang cheska na yan? Hahaha.. may galit lang?

Vote ang Comment guys.. :)

Abangan ang next update…

Chapter nine

Jerol’s POV

“Ahmm.. manang pwede po bang i-akyat nyo muna sila sa taas” ang pagtutukoy ko kay jonel at kay baby bunso.

Kinuha naman ni manang si baby bunso mula sa akin at ini-akyat sila sa taas kasama si jonel. Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila makita.

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni lionel ang kamay ko at humarap kami pareho kay cheska.

“Maupo po muna kayo” ang pag-alok ko sa kanya.

Kung titingnan mo siya ay mukha siyang nasa trenta anyos pataas. Bakas din sa mukha nito ang pagiging maganda. Mukha rin siyang may kaya sa buhay base sa kanyang pananamit.

“Ano pong kelangan niyo?” Tanong ko sa kanya.

“Gusto ko lang makita at maka-usap ang anak ko” ang seryosong sabi niya.

Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni lionel.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa kabang nararamdaman ko. Naluluha narin ako ng hindi ko malaman.

Siguro ay dahil takot akong may marinig sa kanya na hindi ko magugustuhan.

“Bakit?” Ang tangi ko lang nasabi. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.

“Anong bakit?” Ang naguguluhang tanong nito.

Umakbay sa akin si lionel at marahang hinagod ang likod ko. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. Binalik ko ang tingin kay cheska.

Huminga ulit ako ng malalim.

“Bakit? Bakit kayo bumalik?” Ang diretsang tanong ko sa kanya.

“Gusto kong kuhain ang anak ko. Gusto kong mabuo ulit ang pamilya namin” ang diretsang ring sagot nito.

Hindi ko naman maiwasang tumawa sa sinabi nya.

“Nagpapatawa ba kayo? Mabuo? Talaga lang ha? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon nyo pa naisipan yan ha? Bakit hindi pa noon?” Ang nanginginig kong sabi sa kanya.

Ngumisi lang siya.

“Dahil magulang niya ako at ako ang nanay niya”

“Magulang? Maaari ngang kayo ang magulang ni jonel dahil kayo ang nagluwal sa kanya, pero hindi lang dapat duon natatapos ang pagiging isang magulang! Kundi, kung paano mo ito palalakihin, aalagaan, gagabayan at mahalin hanggang sa paglaki nito. Iniwan niyo siya, anak na namin siya at legal na proseso ang ginawa namin para maging amin siya. Uulitin ko po anak namin siya” ang nangingig pa ring sabi ko na ilang segundo lang ay maaari ng tumulo ang luha ko.

“Alam ko. Kaya nga ako bumalik eh, para makita ko ang anak ko. Para makasama ko ulit siya, para bawiin ang mga araw na hindi kami magkasama” ang naluluhang sabi nito. “Intindihin nyo naman ako. Ako pa rin ang nagluwal sa kanya”

Tumingin ako kay lionel at sinagot ulit si cheska.

“Inisip niyo ba at inintindi niyo ba ang kalagayan ng anak niyo noong iniwan niyo siya? Inintindi niyo ba kung anong pangungulila ang naranasan niya sa kanyang murang edad? Inintindi niyo ba kung kailangan niya ng pagkalinga ng isang ina? Tunay na ina? Diba hindi! Tapos sasabihin niyong babawiin niyo siya at bubuoin nyo ulit ang pamilya niyo? Paano kami? Ganun nalang po ba yun?” Ang naluluha ko ng sabi.

Niyakap ako ni lionel habang hinihimas nito ang ulo ko. Nanatili lang ako sa mga bisig niya habang umiiyak.

Alam kong ina siya ni jonel at wala kaming laban doon. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa! Kung kailan tinuring na namin siyang tunay na anak.

“Nagmamakaawa ako sa inyo. Mahal na mahal ko ang anak ko. Kaya ko lang siya iniwan noon ay para magtrabaho sa ibang bansa. Ginawa ko lang yun dahil sa hirap ng buhay, dahil wala akong maipakain sa kanya” ang umiiyak na sabi pa nito.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Alam kong magulang ka rin at alam na alam mong masakit na mawalay sa anak mo. Nagmamaka-awa ako misyer madrid. Sana hayaan mo akong makita ang anak ko, hayaan mong makasama ko siya” ang umiiyak na sabi nito habang nakatitig sa akin.

“Mahal ko rin po ang anak ko. Hindi na siya bago sa amin. Tinuring namin siya bilang tunay na anak. Paano nalang kami? Paano naman kami kung kukunin mo nalang siya ng ganun-ganun sa amin. Mahal na mahal ko ang anak ko. Sila na ang buhay ko. Sila na ang kaligayahan ko. Mahal na mahal ko si jonel” ang umiiyak na sabi ko dito.

Pero nagulat ako ng lumuhod ito sa harapan namin.

“Nagmamaka-awa ako sa inyo. Gustong gusto ko ng makita ang anak ko” lumapit ako sa kanya at inalalayan itog tumayo. Saka ko siya pinaupo sa bangko.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay lionel. Tumango ito sa akin bilang pag sang-ayon. Humarap naman ako kay cheska at ngumiti dito.

“Papayag akong makita mo si jonel pero ang kunin mo siya, hindi po maaari” ang sabi ko.

Ngumiti ito sa akin at nagpasalamat. Babalik nalang daw siya bukas.

Umakyat na ako sa taas para puntahan si jonel sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kwarto ay sinalubong na ako ni jonel ng isang mahigpit na yakap. Niyakap niya ako sa bewang ko.

“Papa sino po yung babae kanina?” Ang tanong nito sa akin habang nakatingala itong naka yakap sa bewang ko. Ngumiti naman ako sa kanya at ginulo ang buhok nito. Umupo ako upang pantayan siya at saka tinitigan sa kanyang mga mata.

“Anak. S-sya ang tunay mong magulang”

Pinipilit kong maging normal ang boses ko. Karapatan niyang malaman ito. Karapatan niyang makilala kung saan siya nagmula.

“Siya po ang magulang ko? Diba po, kayo po ni dada ang mga magulang ko? Bakit ko po siya naging magulang papa?” Ang inosenteng tanong nito sa akin. Tumitig lang ako sa kanyang mga mata at nginitian ito. Hinawakan ko siya sa tigkabilang pisnge.

“Siya ang tunay na mama mo anak. Siya ang nagluwal sayo” ang sabi ko sa kanya.

“Ibibigay nyo na po ba ako sa kanya papa? Hindi niyo na po ba ako mahal ni dada?”

Hindi ako makasagot. Hindi ko na alam! Mababaliw na ako. Alam kong hindi ako ang ina, pero alam ko ang pakiramdam na maging isang ina. Lahat tayo ay pwedeng maging ina at ama.

Kinagat ko ang labi ko at lumingon ako kay lionel na nasa likuran ko.

Alam kong nagtutubig na ang mga mata ko pero pinilit kong maging matatag. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

Humarap ako kay jonel at umiling ako.

“Hindi! Mali ka anak. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin ng dada mo” ang sabi ko sa kanya habang mas lalo ko pang kinagat ang labi ko.

Biglang lumiwanag ang mukha nito. Bakas sa mukha niya ang saya.

“Talaga po papa? Dada?” Ang tuwang tuwang sabi nito sa amin.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Doon na nagsilabasan lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Dada lapit ka po dito. Hug tayong tatlo”

“Aba! Oo naman anak” ang sabi naman ni lionel.

Yumakap ito mula sa likod ko. Pinag gigitnaan nila akong dalawa. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mahal ko si jonel. Mahal ko ang anak ko at hindi ko hahayaang mawala siya sa amin.

“Hala hindi na makahinga si papa! Hindi na ako makahinga anak” ang natatawa kong sabi.

Humiwalay silang dalawa sa yakapan namin at tinitigan ako ni jonel sa mata.

“Bakit anak?” Ang tanong ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at dahang dahan niya akong hinalikan sa pisnge.

“Papa naman eh! Ayoko pong nasasaktan ka” ang sabi nito. Hinawakan ko siya sa ulo at ginulo ang buhok.

“Sus! Ang anak ko talaga, marunong ng mambola. Manang mana talaga sa dada nya” ang sabi ko habang pinipisil ang pisnge nito.

“Oh, bakit naman napasama ang pangalan ko diyan hon?” Ang naka ngusong sabi ng asawa ko. Hindi ko naman maiwasang matawa sa itsura nito.

“Hindi po sayo bagay dada. Sa akin po bagay. Di ba po papa?” Ang sabi ni jonel at ngumuso ito sa harapan ko. “Kiss mo ako papa” ang sabi pa niya.

Napangiti naman ako sa kakulitan niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa lips.

“I love you papa”

“I love you anak” ang sabi ko.

“Eh paano naman si dada? Wala bang kiss at i love you mula kay papa?” Ang parang batang sabi ni lionel. Haixt! Mga baliw.

“Tara na nga po papa” ang hila sa akin ni jonel. Hahaha..

“Papa, pakiss din si dada” ang habol ni lionel sa amin. May saltik talaga itong asawa ko kahit kailan hahaha.. . . . . . . . . . . . . . “Hon, malapit na ang birthday ni jonel” ang sabi sa akin ni lionel habang pareho kaming nakahiga sa kama. Tiningnan ko naman si jonel na mahimbing na natutulog sa gitna namin. Hinawi ko naman ang buhok nito na tumatakip sa mukha niya.

“Parang ang bilis ng panahon noh? Parang kailan lang mula ng ampunin natin siya. Ang cute cute at ang liit liit pa niya. Naaalala ko pa nga noon na hindi yan pala-imik. Ni hindi rin nakikipag laro kahit kanino. Pero simula noon, simula ng yakapin natin siya sa pamilyang ito ay maraming nagbago, hindi sa kanya kundi sa ating lahat. Naging masayahin si jonel habang tayo ay naging isang responsableng magulang” ang sabi ko habang nakatitig sa kisame ng aming bahay. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito.

“Dahil hindi ka lang isang ama jerol, isa ka ring ina at mabuting asawa” saad nito. Lumingon naman ako sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

“Hon?” Pagtawag ko sa kanya.

“Hmm??”

“Masama ba akong asawa lionel? Masama ba akong magulang kung ipagkakait ko kay cheska ang anak niya?” Nakatitig lang ako sa kisame habang sinasabi yun.

Wala akong narinig mula sa kanya. Ilang minuto rin siyang nanatiling tahimik.

“Bakit mo naman naisip yan? Syempre hindi”

“Parang hindi ko kayang mawala sa atin si jonel, Hon” ang sabi ko sa kanya.

Makasarili ba ako kung ipagkakait ko si jonel kay cheska? Makasarili ba ako kung ipagkakait ko kay jonel ang tunay niyang ina?

Haixt!!

“Tulog na tayo hon” ang sabi sa akin ni lionel.

Tumango lang ako bilang tugon at sinundan ko siya ng tingin papuntang switch ng ilaw. Tumingin na ako sa kisame at tumitig duon.

“Hon, papatayin ko na yung ilaw ah” ang sabi nya.

“Opo”

Pagkasabing pagkasabi ko nun ay pinatay na niya ang ilaw. Nagulat naman ako biglang umilaw ang kisame namin. Glow in the dark sticker na may nakasulat doong “ i love you hon ko“

“Hon?” Ang tangi kong nasabi.

“Oh, para sayo” kanina pa pala ito nakangiti sa tabi ko habang inaabot sa akin ang bulaklak na glow in the dark din.

Kinuha ko naman ang bulaklak sa kanya at inamoy ito.

“Kelan mo naman yan ginawa ha?” Ang tanong ko sa kanya. Halata kasing sulat nya yun eh hahaha.. parang kinahig ng manok pero kinikilig ako. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

“Kanina lang. Alam kong malungkot ka kaya gusto kitang pasayahin. Ayokong nakikita kang malungkot dahil dobleng lungkot din ang hatid nito sa akin” ang sabi niya sa akin. Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso.

“Ang keso mo ha!”

“Syempre, mahal kita eh”

“Heh! Kung alam ko lang na may ganyang kang paandar, edi sana nakapag handa rin ako. Edi sana hindi ako kinikilig ng ganito” ang sabi ko sa kanya habang kinikilig akong nakayakap sa braso niya.

“A-chu-chu.. namumula yung hon ko oh! Mahal na mahal niya si dada niya” ang sabi niya.

“Hon naman eh! Hindi na nga po ako makahinga dahil sa kilig eh” ang sabi ko sa kanya habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya. Hinawakan niya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko.

“Sus! Sa akin kalang po dapat kiligin ah! Bubugbugin ko talaga ang magpakilig sayo.. mga paepal na yan” dagdag pa niya.

“Sira! Wala namang nagkakagusto sa akin maliban sayo eh” ang sabi ko.

“Wala? Talaga lang ha! Eh halos pila sa tren ang nagkakagusto sayo noon eh tapos sasabihin mong wala?” ang nakanguso niyang sabi. Pinisil ko naman ang labi nito.

“Noon yun hon! Iba na ngayon. Asawa na kita at saka ano ka ba! Paano pa sila lalapit sa akin eh takot nalang nila sayo” ang natatawa kong sabi.

Paano ba naman kase, noong may mga lalaking lumalapit sa akin ay bigla nitong babantaan at uupakan. May saltik lang noh?

“Matakot talaga sila at hinding hindi ko sila uurungan” ang sabi nya habang pinagmamayabang nya sa akin ang muscle nito.

“Ang yabang mo” sabay batok ko sa kanya.

“Aray naman hon” daing nito. Natawa naman ako sa kanya.

“Ano? Asan ang yabang mo ha? Takot ka pala eh” ang natatawang sabi ko.

Niyakap niya ako at inamoy ang leeg ko.

“Sayo lang naman ako takot eh! Sayo lang ako titiklop hon. Mahal kase kita at mamahalin pa kita habang buhay” ang masayang sabi nito.

Hindi ko rin maiwasang mapangiti at yakapin siya. Hahalikan na sana niya ako sa labi ng makita ko si jonel na nakaupo ito sa kama habang nakatingin sa amin.

“Papa, dada? Hindi pa po ba kayo matutulog? Ang drama niyo na naman po eh.. ano ba yan. Kakapanuod niyo po yan ng teleserye. hmmppp..” ang cute na sabi ni jonel at saka ito nahiga sa kama.

Para kaming naestatwa ni lionel. Biglang namula ang mukha ko sa hiya sa anak namin. Dahan dahan ko namang inilapag ang bulaklak sa side table at tiningnan si lionel. Nakatingin din ito sa akin habang nagtataas baba ang kanyang kilay. Bigla akong napangiti.

“1.. 2.. 3..” ang sabay naming bilang at pareho kaming tumalon sa kama at sabay naming kiniliti si jonel.

“Hahaha.. tama na po papa.. ahhhh.. dada ayoko na po hahaha” ang tumatawang sabi ni jonel.

Masaya ako dahil may baby leon kami. Masaya ako dahil may asawa ako at si lionel yun. Masaya ako dahil may panganay kaming anak at si jonel yun. Kaya ang mawala ang isa sa amin ay hindi ko ata makakaya.

Nakahiga na kaming tatlo sa kama.

“Good night po papa, good night po dada” ang sabi ni jonel habang hinahalikan kaming pareho sa pisnge.

Tumayo ako at hinalikan sa noo si jonel. Lumapit din ako kay lionel at hinalikan din ito sa labi. Ganun din ang ginawa ni lionel. Hinalikan niya sa noo si jonel. Lumapit ito sa akin at hinalikan rin ako sa labi.

“Wag mo munang isipin yun hon ah! Good night, i love you” ang sabi nito at hinalikan nya ako sa noo.

“I love you din po” ang sabi ko.

Buti nalang nandyan si lionel. Ang asawa ko.


Hello guys, sorry kung ngayon lang ako nakapag-UD.. binisita po kase ako ni juan tamad eh hahaha..

Sa mga readers at mga silent readers ko dyan.. kaway kaway ;)

May nagbabasa pa ba nito? Asan na kayo? Hahahaha.. comment naman kayo dyan at vote na rin!! :)

Chapter ten

Jerol’s POV

Sunday.

Napagka-sunduan namin ni cheska na tuwing hapon na lang niya bibisitahin si jonel. Buti naman at pumayag ito. Ayoko rin naman na ipagkait sa anak ko ang kanyang pinagmulan.

“Tulala ka hon?” Ang sabi ni lionel sa akin. Humiga ito sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

“Hon naman eh, hindi na po ako makahinga” ang sabi ko habang nanunulis ang nguso ko. E paano ba naman kung makayakap ay sobrang higpit. Bigla niya akong hinalikan sa labi.

“Waaahh!! Magnanakaw! Magnanakaw ka!” Ang sabi ko habang pinagpapalo ko siya sa braso. Tawa lang ito ng tawa.

“E ano naman? Hindi mo na po ba ako mahal?” Ang malungkot na sabi nito at saka tumalikod sa akin.

Hala? Nagtatampo ang asawa ko hahaha.. lumapit ako sa kanya at niyakap ito mula sa likod at saka ko ipinatong ang aking ulo sa balikat niya.

“Wag kana pong magtampo asawa ko. Syempre naman, mahal na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ni jerol mo” ang sabi ko at hinalikan ko siya sa pisnge habang nakayakap ako sa kanya.

“Talaga?” Ang parang batang sabi nito habang nagtatampo. Hay!! Sinumpong na naman itong asawa ko ng pagka-isip bata niya.

“Opo! Si jerol ay para kay lionel lang at…” ang sabi ko.

“At si lionel ay para kay jerol lang” ang pagtutuloy nito sa sasabihin ko. Humarap sya sa akin at hinalikan ako sa labi.

Umayos ako ng upo sa kama habang ito ay umupo paharap sa akin. Pareho kaming naka indian sit sa kama, habang pareho kaming magkaharap sa isa’t-isa.

Hinawakan niya ang tigkabila kong kamay at tinitigan niya ako sa aking mga mata.

Huminga muna siya ng malalim.

“Hon, ayokong nakikita kang hindi nakangiti. Nasasaktan ako. Ayokong nakikita kang problemado. Nasasaktan ako at ayokong nakikita kang malungkot. Sobrang nasasaktan ako” ang sabi nya. Hinalikan nya ang dalawa kong kamay at tumitig sa akin.

“Ang gusto ko ay makita ang masayang si jerol, ang hon ko, ang asawa ko at ang ama ng mga anak ko”

Hindi ko maintindihan ang nararamdam ko ngayon. Parang naghalo halo ang saya, kilig, at pagmamahal. Naiiyak ako. Napaka swerte ko sa kanya. Napaka swerte ko sa asawa ko.

“Salamat at nandyan ka…. asawa ko” pinisil ko ang pisnge niya at hinalikan ko sya sa labi.

“Syempre! Kaya nga kita pinakasalan eh, para mahalin ka! hindi ang saktan ka! Kaya nga kita minahal eh, para pasayahin ka, hindi ang pa-iyakin ka! Kaya nga kita minahal eh, para tumanda tayong magkasama! Kasama ang mga anak mo”

Dahil sa sobrang kilig ay sumubsob ako sa kanyang dibdib. Niyakap niya ako ng mahigpit habang tawa sya ng tawa.

“Naman eh! Lage nalang. Lage mo nalang ako pinapakilig. Nakakainis kang lalaki ka” ang sabi ko sa kanya habang naka subsob parin ako sa dibdib niya. Hinalikan niya ako sa ulo.

“Hahaha.. pulang pula na ng asawa ko oh! Ang cute cute talaga. Subukan lang talaga nilang agawin ka sa akin. Makikita nila ang hinahanap nila. Sh*t! Hinding hindi kita pagsasawaan hon ko. Sobra sobra sobra kitang mahal na mahal na mahal” saad niya.

Niyakap niya ako ng pagka higpit higpit. Na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Hinawakan nya ang baba ko para humarap sa kanya at saka nya ako tinitigan sa aking mga mata.

“Mahal po kita jerol, hon ko” ang sabi nya. Ngumiti ako sa kanya.

“Mas mahal kita lionel, hon ko” ang sabi ko. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang paglapat ng kanyang mga labi.

Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko at ayaw niyang mag over think ako.

Sh*t! Pero Kinikilig ako sa asawa ko.

“Papa, dada!”

“Ay sus maryosep! Maria clara, santa barabara. Ay ano ba! Ay ano nga? Hahaha.” Ang gulat kong sigaw. Halos mahulog si lionel sa kama.

“Kanina ka pa ba diyan anak?” Ang kinakaban kong tanong kay jonel.

“Opo! Ang drama nyo nga po eh! Akala ko po ba aalis na tayo? Pero nagdadramahan pa po pala kayo ni dada sa kwarto at nag sho-shooting. Ano ba yan. Kakapanood talaga ng teleserye yan eh.. hmmppff” ang sabi nito. At saka umalis habang nagkakamot sa ulo. Hahaha.. ang cute ng anak ko.

“Hindi mo na naman sinara ang pinto” ang sabi ko kay lionel. Napakamot lang ito sa ulo.

“Tsk! Sayang” ang bulong nito.

“Sira ka talaga! Tara na nga. Sabay na tayong maligo. Kanina pa pala bihis ang mga anak natin. Hmmppff..” ginaya ko ang anak ko.

“Hahaha.. wait lang hon” tawa nito. Inakbayan niya ako at mabilis na hinila papasok ng cr. Ni lock niya ito at syempre, alams na! May nangyari sa amin dahil sa kakulitan nito. Hay!! I love him so so much. . . . . . . . . . . . . . Pagkatapos naming magbihis ay nagpaalam na kami kay manang. Dahil linggo ngayon ay sumimba kaming buong pamilya. Pagkatapos naming magsimba ay dinala namin ang mga bata sa paborito nilang kainan. Sa isang sikat na fast food chain.

“Hon, hanap kana ulit ng pwesto natin. Ako na ang oorder” ang utos ni lionel sa akin at saka ako hinalikan sa noo.

Hala? Hindi ba siya aware na maraming tao dito sa fast food chain na ito? Sabagay, hindi nga yan nahihiyang ipagsigawan kung gaano niya ako kamahal eh.

“Kuya tara na” ang sabi ko kay jonel. Humawak ito sa laylayan ng damit ko at naghanap na ako ng bakanteng upuan. Nang makahanap ako ay naupo na kami doon.

“Grabe, ang bigat bigat mo na anak” ang sabi ko kay baby bunso. Lalo siyang tumataba e hehehe.. ang cute.

“Papa ako po ba mataba na?” Ang tanong ni jonel sa akin.

“Hindi ah, ang cute mo nga kuya eh” ang sabi ko sa kanya at pinisil ito.

Tinanaw ko naman si lionel kung nasaan na siya. Buti naman at naka order na ito, papalapit na siya sa amin. Nang malapit na ito sa pwesto namin ay nagulat ako ng may isang babaeng lumapit dito.

“Hi pogi. May kasama kaba? Kung wala nandito naman ako eh” ang malanding sabi nito. Napataas naman ako ng kilay.

“Mero––” hindi na niya pinatapos si lionel sa pagsasalita at sumingit na ito.

“Tara doon tayo” ang turo niya. Seryoso? Mas lalong nag-init ang ulo ko sa babaeng ito.

“Pasensya kana miss, kasama ko kase ang asawa ko at mga anak ko eh” ang sabi ni lionel sa babae. Ganun nalang yun? Paano nalang kung hindi kami kasama? Oo na seloso ako.

“Ay ganun, pwede ko ba makuha number mo?” Talaga bang iniinis ako ng babaeng ito? Lalo na si lionel. Hindi pa kase niya direstahin. Nakaka-inis!!

“Hon! Ang tagal naman niyan. Gutom na kami!” Ang sigaw ko. Napatingin naman yung babae sa akin at halata sa itsura nito ang pagka gulat. Tinarayan ko lang siya.

“Ano pang tinatayo tayo mo diyan Ha!!” Galit na sabi ko kay lionel. Bigla naman itong natauhan.

“Ah, pasensya kana miss. Naghihintay na kase ang asawa ko” ang paghingi nito ng paumanhin dun sa babae.

“Ah, ok. Sayang! Ang pogi mo pa naman. Di bale na nga lang” ang sabi nung babae at rumampa na ito paalis.

“Hon eto na pagkain natin oh” ang nakangiting sabi nito at naupo na siya sa tabi ni jonel.

“Talagang ini-entertain mo pa siya ah” ang nakangising sabi ko.

“Hindi naman sa ganun hon. Ayoko lang maging bastos, syempre babae parin yun. Ayoko siyang mapahiya” depensa niya.

“Mapahiya? Eh kaya naman sila umaasa lage dahil kahit alam niyong committed na kayo eh nang-eentertain pa kayo ng iba” ang naiinis kong sabi.

“Nagagalit kaba hon? Nagseselos kaba?” Ang sabi nito. Hindi ba halata? Kainis.

“Oo nagseselos ako!”

“Hindi naman ako ang lumapit sa kanya eh” saad nito.

“Edi sana hindi mo nalang siya kinausap” ang naiinis ko paring sabi. Ewan ko ba. Sobra akong magselos ngayon.

“Wag kana magalit hon. Ikaw naman ang mahal ko eh” ang sabi nya.

“Ako nga ang mahal mo. Pero, paano kung wala kami? Mahal mo pa ba ako” sarkastikong sabi ko.

“Wala naman diba? Bakit ganyan ka kung mag-isip” ang parang naiinis na ring sabi nito.

“Dahil bakla ako! Natatakot akong mawala ka sa akin kahit ako pa ang mahal mo. Lalaki ka pa rin lionel at hindi mo mai-aalis sa akin 100 percent na pwede ka pa ring magbago ng isip at magka gusto sa babae dahil bakla pa rin ako”

Ewan ko ba kung bakit ang maliit na bagay ay pinapalaki ko. Siguro natatakot lang talaga ako na baka kapag nag sawa na siya sa akin ay maghanap na siya ng iba.

Hindi nyo ako masisisi dahil bakla lang ako at alam ko na mahirap para sa atin ang makahanap ng taong seseryoso sa tulad natin. Mahaba pa ang panahon at hindi natin alam kung tatagal nga ba kami ni lionel kaya siguro naging advance ang isip ko dahil sa mundong ito ay marami talagang tukso ang lalapit sayo.

“Sorry, ayoko lang naman siyang mapahiya eh”

“Buti panga yung nararamdaman niya inaalala mo samantalang kami hindi mo inisip” ang sabi ko.

Hindi ko maintindihan ang mga lalaki tuwing mag dadahilan sila ng ganun. Hindi ba nila naisip ang mararamdaman mo kung nagseselos kana ba o nagagalit kana? Kaya hindi pu-pwede sa akin ang ganyang dahilan. Kung sa inyo ok lang, sa akin ay hindi. Magkakaiba tayo ng paniniwala pagdating sa pag-ibig.

“Sana dineretsa mo nalang na may kasama ka at umalis kana. Ganun kasimple” ang sabi ko.

“Papa, dada nag-aaway po ba kayo?” Ang naguguluhang tanong ni jonel sa amin. Para naman akong napahiya sa sarili ko dahil kasama nga pala  namin ang anak namin at sa mismong harapan pa nila kami nag-aaway.

“Hindi anak! Nag-uusap lang kami ng papa mo” ang sabi ni lionel sa anak. “Oh, kumain ka ng marami ah”

“Opo dada” ang sabi ni jonel sa ama. Tiningnan lang ako ni lionel. Hindi ko siya pinansin.

Siguro tama narin yung ginawa ko. Dahil kung mahal niya talaga ako at may lumapit uling babae sa kanya at kinausap niya ulit ito ang ibig sabihin nun ay hindi niya ako mahal. Kaya sa susunod, kung mahal niya talaga ako ay hindi na niya ulit sila papansinin.

Hindi makitid ang ulo ko ha. Ok lang sana kung normal na babae yung nagtatanong at hindi ako magseselos pero alam na alam na niyang nilalandi na siya noong babae eh tuwang tuwa pa siya.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang nag-iimikan sa amin. Siguro sumobra na rin ako pero mas ok na yun para alam niya na pwedeng may mawala sa kanya once na magloko ito. Mahal ko lang talaga siya at natatako akong mawala siya sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay dinala niya kami sa park. Hanggang sa maka baba kami ay wala paring nagsasalita sa amin. Naupo kami sa isang bench sa ilalim ng malaking puno.

“Papa, dada. Maglalaro lang po ako dun sa swing” ang paalam nito sa amin.

“Sige anak. Mag-ingat ka dun ah! Wag kang magpapagod masyado” ang sabi ni lionel kay jonel. Humalik muna ito sa aming dalawa bago tumakbo papunta sa may swing.

Kinuha ko ang dede ni baby bunso at pinadede siya. Nakahiga siya sa mga braso ko habang dumededeng nakatingin sa akin. Ang cute talaga ng anak ko.

“Hon” ang pagtawag ni lionel sa akin.

Medyo malayo siya ng kaunti sa akin. Alam nito kapag galit ako. Ayoko munang lumapit siya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako kay baby bunso.

“Hon, sorry na oh! Pramis hindi na po mauulit” ang sabi niya. Hindi ako umimik.

“Hon naman eh, ayokong nagagalit ka. Alam mo namang nasasaktan ako eh” ang malungkot na sabi nito. Tumingin ako sa kanya.

“Alam mo naman pala eh, bakit ginawa mo pa?”

“Hindi naman po ako yung lumapit eh at saka ayoko siyang mapahi—” pintol ko na ang sasabihin nito.

“Kung yan na naman ang dahilan mo lionel ay mabuti pang wag muna tayong mag-usap. Nakakasawa ang ganyang dahilan. Hindi pagiging bastos ang hindi pagkausap sa kanila kundi pagiging tapat sa taong mahal mo dahil ayaw mo itong masaktan. Kaya kung alam mong may masasaktan kang tao ay mas mabuti pang huwag mo nalang sila pansinin. Kung mahal mo ba talaga siya. Ako ba lionel, mahal mo ba talaga ako?” Tanong ko sa kanya.

“Ano bang tanong yan hon. Oo naman sobra! Mahal na mahal na mahal po kita.. sorry na hon. Kung meron mang lumandi sa akin ay hindi ko na sila papansinin at kakausapin. Mas mabuti nang maging bastos kesa naman masaktan at mawala ang taong mahal ko” ang naiiyak na sabi nito.

Yung lang naman ang gusto kong marinig at maintindihan nya eh.

“Sorry din hon kung sumobra na ako” ang naiiyak ko ring sabi. Tuwing umiiyak kase siya ay naiiyak din ako. Ganito pala talaga kapag mahal na mahal mo yung tao.

“Hindi hon, naiintindihan ko naman eh! Mahal na mahal mo lang talaga ako. Kaya natatakot ka lang na maagaw nila ako mula sayo” ang sabi nito. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa pisnge.

“Sorry din hon” ang sabi ko. Hinalikan ko siya sa labi.

“Tulog na tulog ang baby bunso natin ah! Ang hina talaga niyan sa galaan hahaha..” ang natatawang sabi nito.

“Ang bigat bigat nanga niya eh” ang sabi ko.

“Eh paano ba naman kase, ang takaw takaw sa dede” ang sabi ni lionel at hinalikan niya sa noo ang anak habang tulog na tulog parin itong si baby bunso.

Inakbayan ako ni lionel at hinalikan sa ulo.

“Sorry po hon, mahal na mahal kita” ang sabi nito. Tinitigan ko siya sa mata at nginitian ito.

“Mahal na mahal din po kita” ang sabi ko.

Nakatingin lang kami sa gawi ni jonel habang masaya itong nakikipaglaro sa ibang mga bata.

Hindi ko na naman maiwasang mag-alala, lalo na at ngayong araw na ito pupunta si cheska para makita ang anak.

Ilang oras din kaming nanatili sa park hanggang sa mapagkasunduan namin ni lionel na umuwi na. Sobrang dumi na kase ni jonel.

Pagkarating namin sa bahay ay nadatnan namin si cheska na nakaupo habang hinihintay ang pagdating namin.

“Magandang hapon” ang bati nito sa amin.

“Magandang hapon din” ang sagot ko. Ngumiti lang si lionel at inakyat na si baby bunso sa kwarto habang hawak hawak ko naman si jonel.

“Siya na ba ang anak ko?” Ang masayang tanong nito sa akin. Kitang kita ko naman ang galak sa mga mata nito. Ang mga namumuong luha dahil sa saya.

Ngumiti ako sa kanya kahit pilit lang.

“Anak” ang sambit ni cheska at lumuhod ito at lumapit sa anak. Humawak naman sa akin si jonel ng mahigpit na parang natatakot.

“Anak, jonel siya ang tunay mong mama” ang sabi ko kay jonel. Tumingala ito sa akin at tumingin na parang nagmamakaawa.

“Papa ayoko po sa kanya. Kayo po ni dada ang magulang ko diba?” ang sabi nito. Tiningnan ko naman si cheska. At kita ko ang lungkot sa mga mata nito.

Hay!!

Lumuhod ako at hinawakan ko ang tigkabila niyang pisnge.

“Anak, makinig ka kay papa. Magulang mo parin naman kami eh, yun nga lang may mama kana. Siya ang nagluwal sayo anak kaya nga nagkaroon kami ng kuya ni dada eh” ang sabi ko sa kanya.

“Pero papa, kayo lang po ni dada ang gusto kong maging mama at papa” ang sabi nito.

Tiningnan ko lang si cheska at walang tigil ito sa pag-iyak. Alam kong masakit bilang isang ina na ayawan ka ng  tunay mong anak.

Hay!! Hindi ko na alam kong saan na ako lulugar. Mahal na mahal ko si jonel at ayokong mawala sya sa amin at ipaglalaban ko siya pero ang makitang umiyak ang isang ina dahil hindi ito gusto ng kanyang anak ay masakit.

Hindi ko na alam kung ako ba ang kontrabida dito o hindi. Ang alam ko lang ay mas may karapatan si cheska sa anak niya pero ako? Anak ko narin siya. Hindi man siya nanggaling sa akin pero sa puso’t isipan ko ay tunay ko siyang anak.

“Anak…” kahit labag man sa kalooban ko ay bibigyan ko siya ng pagkakataong mapalapit sa anak. “…mahal na mahal ka ni papa at ni dada lagi mo yang tatandaan pero bigyan mo ng pagkakataon si mama mo na makilala ka ha” ang naiiyak kong sabi.

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito pero ayoko siyang ipagkait. Tumingin siya kay cheska. Nilahad naman ni cheska ang kamay sa anak.

“Sige na anak. Namiss kana ni mama mo” ang sabi ko. Tumango ito sa akin at inabot ang kamay ng ina. Halos hindi mapaglagyan ng tuwa si cheska dahil sa saya. Niyakap niya ito ng mahigpit.

“Salamat anak, babawi si mama ha” ang sabi nito.

Tumingin sa akin si cheska at sumenyas.

“Salamat” ang buka ng bibig nito. Ngumiti lang ako at tumayo na.

“Bihis lang ako ah. Sige, maiwan ko muna kayo dyan” ang sabi ko.

Ngumiti lang ako sa kanila at nagsimula nang lumakad. Paakyat na ako ng hagdan ng lingunin ko ang pwesto nila. Doon na nagsilabasan ang mga luha ko. Pinunasan ko ito gamit ang aking braso.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin ay bumungad sa akin ang naka ngiting si lionel. May hawak hawak itong bulaklak. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

“Para sayo hon” sabay abot ng bulaklak. Tinanggap ko naman ito.

“Salamat, anong meron?” Ang nagtatakang tanong ko sa kanya. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa bewang ko.

“Wala lang. Gusto lang kitang pasayahin. Alam kong nasaktan kita kanina tapos ngayon kay jonel…. hon, ayokong nakikita kang malungkot at umiiyak. Nasasaktan talaga ako” ang sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

“Salamat talaga hon. Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin at ang mga anak natin. Salamat talaga ha” at niyakap ko siya ng mahigpit.

“Hon, natatakot akong mawala sa atin si jonel. Pero ng makita ko kanina si cheska kung paano siya masaktan dahil sa ayaw sa kanya ni jonel ay naawa ako. Hon, ayoko mawala si jonel sa atin. Hindi ko kaya! Pero si cheska ang nanay ni jonel. Hindi ko na alam hon! Hindi ko na alam” ang umiiyak kong sabi.

“Shhh.. tahan na” ang sabi nito. Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.


Lumipas ang mga araw at lingo. Laging binibisita ni cheska ang anak at masasabi kong malapit na sila sa isa’t isa. Malungkot at masaya ako. Malungkot dahil hindi ko alam. Siguro natatakot lang ako na mawala ang pagmamahal ni jonel sa amin. Masaya dahil maayos na silang mag-ina.

“Maraming maraming salamat sa lahat dahil binigyan niyo ako ng pagkakataong mas makilala ko pa ang anak ko” ang pagpapasalamat nito sa amin.

“Walang ano man” ang sabi ni lionel habang naka akbay ito sa akin.

“Tatapatin ko na kayo. Ilang araw mula ngayon ay babalik na ako sa amerika. Gusto kong isama ang anak ko” ang seryosong sabi nito. Napakunot naman ako ng noo.

“Diba napagkasunduan natin na makikipag kita kalang sa kanya. Bakit ngayon isasama mo na siya?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Dahil gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Dahil gusto ko pa siyang mas makilala ng mas matagal” ang sabi nito.

“Pero napag-usapan na natin ito cheska. Malinaw ang usapan natin” ang galit na sabi ko. Hinagod ni lionel ang likod ko.

“Oonga! Pero ako nanay niya. Ako ang nagluwal sa kanya! At kahit balik-baliktarin mo pa ang mundo ay ako parin ang nanay niya! Ipagkakait niyo ba sa akin ang tunay kong ANAK?” Hindi ako naka-imik sa sinabi niya. Anong laban namin sa kanya.

“Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan nito ay hindi na sana kami pumayag pa” ang pagsingit ni lionel. Alam kong galit na rin ito.

“Nakakatawa kayo. Ipagkait? Sino ba ang nanay niya? Kayo ba ha? Isasama ko siya sa ayaw at sa gusto niyo. Tapos!” ang sabi nito.

Akmang aalis na ito ng hawakan ko siya sa kanyang mga kamay.

“Hon” rinig kong sabi ni lionel.

“Please cheska, nagmamakaawa ako. Wag mong kunin sa amin si jonel. Please..” ang umiiyak kong sabi. Halos mapa upo na ako sa pagmamakaawa sa kanya. “Mahal na mahal ko ang anak ko cheska! Mahal na mahal ko si jonel. Wag mo siyang kunin sa amin please.. cheska..”

Nakatalikod pa rin ito sa amin. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya.

“Salamat sa pag-aalaga kay jonel pero nakapagdesisyon na ako. Isasama ko siya sa amerika” at umalis na ito.

“Wag cheska! Wag!” Ang umiiyak kong sabi. Lumapit sa akin si lionel at niyakap ako.

“Shhh… tahan na” ang lumuluhang sabi nito. Nakatanaw lang ako sa papaalis na si cheska. “Tahan na hon. Please..”


Ano na kayang mangyayari kay jonel? Haixt! Ang hirap ng walang pinanghahawakan.

Vote and comment guys..

Pakibasa ;)

Salamat po talaga sa inyong pagsuporta, lalong lalo na sa mga walang sawang sumusuporta, nagvo-vote at nagco-comment sa mga stories ko…

Hindi nyo alam kung bakit excited akong mag-Update ay dahil sa inyo.

Kaya after naisipan ko ulit gumawa ng bago.

Dun naman po sa mga silent reader(s) ko dyan kung meron man. Uso na po ngayon ang magparamdam. “ No more hiding! “. “ Gay and proud! “ Hahaha… nakuha ko lang po yan sa x-men first class.. pero syempre yung gay, mutant talaga yun pinalitan ko lang hehehe…

By the way, high way! May new story po ako. “PEYMUS” paki search, pakihanap sa mga works ko at pakibasa nalang po ang new story ko na yan at kelangan ko rin ng COMMENT nyo dun para mai-push ko sya…. basahin nyo po chapter 1. Aasahan ko po yan.

……..

“ PEYMUS“

TEASER:

Paano kung ang inyong pagmamahalan ay pakitang tao lang?

Ipagpapatuloy mo pa ba o susuko ka na lang?

Para maintindihan. Basahin ang chapter one ;)

NOW NA!!!

Enjoy!! :) ;)

Chapter eleven

Jerol’s POV

Hindi ko alam na matagal na palang inaasikaso ni cheska ang mga papeles ni jonel para isama siya sa amerika, pati pag-aaral nito ay inasikaso na rin niya ng hindi namin nalalaman.

Isang araw. Maagang natapos ang klase ko at heto ako ngayon sa labas ng gate ng school namin habang hinihintay ko ang sundo ko. Hindi rin naman nagtagal at nakita ko na ang sasakyan ni lionel.

Masaya ko itong sinalubong. Hinalikan naman niya ako ng mabilis sa labi.

“Kamusta naman po ang asawa ko?” Ang nakangiting tanong nito sa akin.

“Ok lang naman po ang asawa niyo Mister madrid” ang natatawang sabi ko sa kanya.

Niyakap niya lang ako at hinalikan sa pisnge.

“Ang cute talaga ng asawa ko” sabay pinisil nito sa pisnge ko pero mahina lang naman.

“Teka hon, nasaan nga pala si jonel. Sinundo mo ba siya?” nagtatakang tanonh niya. Napakunot nama ako ng noo dahil ang alam ko siya ang sumusundo dito. Oo minsan ako pero madalas ay siya.

“Hindi hon, alam mo namang may tinuturuan ako diba? Saka late na ako umuwi” sabi ko sa kanya.

“Alam ko yun hon, pero kanina pagpunta ko sa school ni jonel. Naghinatay ako doon ng ilang minuto pero wala paring jonel na lumalabas. Kaya naman hindi na ako nakapaghintay at tinanong ko na ito sa teacher niya pero ang sabi lang ng teacher ni jonel ay sinundo may sumundo na daw sa kanya kanina pa, kaya naman naisip ko na baka ikaw ang sumundo” ang mahabang pagkukwento ni lionel.

Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko alam kong iiyak ba ako o ano. Pero bigla nalang tumulo ang luha ko.

“Hon..” ang umiiyak kong sabi. Niyakap ako ni lionel at hinagod ang likod ko. Ramdam ko din na kinakabahan siya.

“Shhh… tahan na hon, hahanapin natin si jonel” ang sabi nito sa akin.

“Paano kung.. paano kung..” ang umiiyak ko paring sabi. Ang daming mga negatibong pumapasok sa isip ko.

“Shhhh.. wag kanang umiyak hon. Babalik tayo sa school ni jonel at itatanong natin kung sino ang sumundo sa kanya. Tumahan kana” ang sabi nito. Tumango lang ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Hinalikan niya ako sa ulo at sumakay na kami sa sasakyan.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami sa loob ng school ni jonel. Nakahawak lang ito sa kamay ko. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Natatakot akong mawala ang anak ko, ang anak namin ni lionel.

Inangat niya ang kamay ko at hinalikan. Napatingin naman ako sa kanya.

“Hon, nandito lang ako. Wag mong ii-stress ang sarili mo” ang naka ngiting sabi nito kahit bakas sa mukha nito ang lungkot. Tumango lang ako at tinungo na namin ang room ni jonel. Buti nalang at hindi pa umaalis ang teacher nito.

“Magandang hapon po ma’am. Ahmm.. may itatanong lang po sana kami” ang sabi ni lionel. Inayos naman nito ang kanyang mga libro sa lamesa at lumapit sa amin.

“Magandang hapon din naman po Mister madrid, ano pong kelangan niyo?” ang bati nito sa amin.

“Ano kase, maam. Kilala niyo po ba yung sumundo sa anak namin kanina?” Ang kinakabahang tanong ko.

“Ah.. oo, yung babae kanina. Siya daw ang mama ni jonel. Sa katunayan nga po ay ayaw sumama ni jonel dahil hinihintay daw niya ang dada niya at baka daw magalit ito sa kanya” ang sabi ng teacher ni jonel.

Napahigpit naman ang pagkakakapit ko sa kamay ni lionel. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.

“Ah, ganun po ba? Sige po maam…Maraming salamat po” ang sabi ni lionel. Nagpaalam na kami sa teacher ni jonel.

Habang naglalakad kami palabas ng school ay halos hindi ako makapagsalita. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Halong galit at inis kay cheska. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero siya na mismo ang may sabi na kukunin niya ito sa amin. Pero bakit ngayon? Bakit agad agad?

“Hon..” ang mahinang sambit ni lionel.

Napalingon naman ako sa kanya at bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya para ipakita dito na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi.

Palabas na sana kami ng gate ng may tumawag sa amin.

“Mister madrid? Sir jerol?” Ang pagtawag nito sa amin.

Napalingon naman kami sa babaeng tumawag sa amin. Si maam diaz pala, ang principal ng school na ito. Kakikala na namin siya dahil natutuwa daw ito sa amin. Hindi daw madali ang maging magulang lalo na at pareho kayong lalaki pero dahil dun ay buong suporta ang binigay nito sa amin kaya medyo close na kami sa principal ni jonel.

“Kayo po pala maam diaz” ang sabi ni lionel kay maam. Nakipag kamay kami dito.

“Ililipat niyo na pala ng school si jonel? Bakit parang ang aga naman ata. Nasa kalagitnaan palang tayo ng taon” ang nagtatakang tanong ni maam diaz sa amin. Nagtaka naman ako sa sinabi nito kaya hindi ko na maiwasang sumingit sa usapan nila ni lionel.

“A-ano pong sinasabi niyo maam? Hindi ko po kayo maintindihan” ang kinakabahag tanong ko.

“E diba ililipat niyo na si jonel. Noong isang lingo niyo pa inaasikaso ang paglipat ni jonel. Nagtataka nga ako dahil wala namang ibang elementary school dito sa lugar natin eh, kaya naisip ko nalang na baka lumipat na kayo ng bahay” ang kwento pa nito. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ng noo.

“Inaasikaso? S-sino pong nag-asikaso maam? Wala naman po kaming balak ilipat si jonel” ang sabi ko sa kanya.

“May babae kasing pumupunta lagi dito sa school namin. Sabi niya ay pinapaasikaso niyo daw sa kanya.. O siya sige, may bibilhan pa ako sa labas. Una na ako” ang paalam ni maam diaz sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni lionel at bakas sa mukha nito ang galit.

“Hon, saan natin hahanapin si jonel?” Ang naiiyak na sabi ko sa kanya.

“May number ka ba ni cheska?”

“Oo”

“Tawagan natin” ang sabi niya. Tama! Tatawagan namin si cheska.

Kinuha ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko at dinial ang number ni cheska. Nakailang ring din ito bago sagutin ni cheska.

“ Hello “ ang sabi ko sa cellphone ko habang nakatingin kay lionel.

“Hello cheska! Nasaan si jonel! Nasaan ang anak ko?” Ang umiiyak at galit kong sabi.

“Kasama ko siya, kasama ko ang anak ko. Please jerol, ipaubaya mo na sa akin si jonel. Ako naman ang tunay niyang ina. Ako naman ang nagluwal sa kanya” ang sabi ni cheska sa kabilang linya.

“Alam ko cheska, alam ko… Pero paano kami? Paano kaming nagmahal kay jonel ng higit pa sa buhay namin. Cheska.. hindi lang siya basta anak namin. Mahal namin siya at siya na ang buhay namin. Nakikiusap ako sayo, ina sa ama, magulang sa magulang.. please cheska. Hindi ko kakayaning mawalay sakin ang anak ko…..” ang umiiyak kong pakiusap sa kanya. “…ang anak namin”

“Pasensya na jerol pero nakapag desisyon na ako. Aalis na kami ni jonel papuntang amerika at duon na kami maninirahan. Salamat sa pagpapalaki sa anak ko. Salamat dahil lumaki siyang mabuting anak” ang sabi nito.

“Papa… dada..” ang boses sa kabilang linya. Boses yun ni jonel. Boses yun ng anak namin. Biglang nagsilabasan ang mga luha ko sa mata.

“Anak.. anak ko… si papa ito, katabi ko si dada.. mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ka ni papa.. pakabait ka dun ah, pakabait ka anak ko” ang umiiyak kong sabi.

“Mahal na mahal ko din po kayo papa, dada.. gusto ko na pong umuwi sa inyo at si baby bunso kamusta na po.” ang inosenteng sabi nito sa kabilang linya. Lumapit sa akin si lionel at pinunasan ang tigkabilang pisnge ko.

“Hello, jerol! Sige na… salamat ulit” ang sabi ni cheska sa kabilang linya. Magsasalita pa sana ako ng bigla nitong putulin ang tawag. Hindi ko parin tinatangal ang cellphone ko sa tenga ko.

Patuloy lang sa pagtulo at umaasang maririnig niya ang sinasabi ko.

“Jonel anak. Wag mong kakalimutan si dada at papa mo ah at si baby bunso. Mahal na mahal ka po namin anak ko. Kumain ka ng marami, mag-aral ka ng mabuti at wag ka pong pasaway kay mama mo” ang humihikbing sabi ko sa kabilang linya at dahan dahan ko itong binaba.

“Hon” ang sabi nito. Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha nito.

“Hon, wag ka na pong umiyak hon ko. Nasasaktan po ako” ang sabi nito. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Ilang minuto rin kaming magkayakap hangang sa humiwalay ako sa kanya.

“Ok na po ako hon, tara na. Baka hinihintay na tayo ni baby bunso” ang sabi ko.

Kahit masakit ay gusto kong ipakita kay lionel na malakas ako. Pero, parang hindi sya kumbinsido. Alam kong alam niya na hindi parin ako ok.

Tumango lang ito sa akin at hinalikan ako sa ulo. Tahimik lang ako habang bumabyahe kami patungo sa aming bahay. Nakahawak ang isang kamay ni lionel sa hita ko habang nakapatong naman ang isang kamay ko sa ibabaw ng kamay nito na nasa hita ko.

Nakadungaw lang ako sa labas ng kotse habang nakatulalang nakatingin sa dinadaanan namin. Habang nasa ganoon akong pwesto ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang batang kasing laki lang ni jonel. Masaya itong naglalakad habang kumakain ng ice cream. Nakahawak naman ang isang kamay sa tatay niya.

Hindi ko maiwasang maalala ang napaka bibo at napaka cute kong anak na si jonel. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay lionel at humawak sa bintana ng sasakyan.

“Jonel..” ang bulong ko habang sinusundan ko ng tingin ang magtatay na nakita ko.

“Hon, wag kana pong umiyak please..” ang nag-aalala ng sambit nito. Umayos naman ako ng upo at tiningnan siya.

“S-sorry po hon. Naalala ko lang si jonel. Naalala ko lang po ang anak natin” ang sabi ko.

Hininto niya ang sasakyan at huminga ng malalim. Humarap siya sa akin at hinawakan ang tigkabila kong pisnge at pinunasan ang mga luhang dumadaloy dito mula sa aking mga mata.

“Mahal tayo ni jonel hon. Mahal na mahal tayo ng anak natin kaya wag ka nang umiyak please..” ramdam ko ang lungkot sa boses nito. Marahan niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

“Wag kana pong umiyak ha. Nalulungkot din po kase ako eh” ang sabi ng asawa ko. Hinalikan niya ako sa ulo.

“Tara na hon. Tiyak na miss na miss na tayo ni baby bunso natin” tumango lang ito at pinaandar na ang sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

Pagkarating namin sa bahay ay binalot kami agad ng katahimikan. Minsan kase ay tatakbo agad si jonel sa taas para magbihis at saka bababa ito papuntang sala para manuod ng cartoons. Bigla ko siyang namiss agad. Pinarada ni lionel ang sasakyan habang kinuha ko naman kay manang si baby bunso at kinalong ito. Hinalikan ko siya sa noo.

“Namiss ba ni baby bunso si papa at si dada? Si kuya kaya namiss din ni baby bunso?” Ang nakangiting tanong ko sa anak namin. Naramdaman ko nalang na may dalawang kamay na pumulupot sa bewang ko. Si lionel pala. Hinalikan niya ko sa pisnge pati narin si baby bunso.

“Ahmm.. Mga anak, nasaan si jonel?” Ang tanong ni manang sa amin. Walang nagsalita sa amin ni lionel.

“Ano kase manang, kinuha na siya sa amin ni cheska” ang malungkot na sabi ni lionel.

Hindi narin naman bago sa amin si manang at alam kong mahirap din para sa kanya na mawalay sa amin si jonel. Lalo na si manang dahil siya ang katuwang namin sa pagpapalaki dito.

“Ayoko mang manghimasok sa inyong dalawa pero hindi ako natuwa sa ginawa ng cheska na yan ha. Parang anak ko na rin yang batang yan tapos kukunin niya lang?” Ang parang naiiyak na sabi ni manang. Lumapit naman sa kanya so lionel at pinatahan ito.

“Masakit din po para sa amin manang, sobrang sakit. Pero wala kaming alam kung nasaan na ba sila ngayon o kung nakaalis na ba sila. Pero maraming salamat po manang… alam ko pong napamahal narin po sa inyo si jonel kaya hindi kami papayag na tuluyan siyang mawalay sa amin. Pero sa ngayon ay wala po tayong magagawa” ang sabi ni lionel kay manang.

“Sana nga.. sana nga bumalik na si jonel. Ipagdadasal ko na sana ay bumalik na siya” ngumiti lang si lionel sa kanya.

“Salamat po manang”

Nagpaalam na sa amin si manang na may gagawin pa daw siya. Umakyat na kaming dalawa ni lionel sa kwarto kasama si baby bunso. Pagkapasok namin sa kwarto ay inihiga ko muna si baby bunso sa crib at sabay nagbihis ni lionel.

Para akong lantang gulay.

Pagkabihis ko ay kinuha ko ulit si baby bunso sa crib at ihiniga sa kama.

“Hon, pwede bang ipagtimpla mo muna si baby leon ng gatas” ang pakiusap ko kay lionel. Tumango naman ito at nagtimpla ng gatas.

Pagka timpla nito ay humiga narin siya sa kama at inabot sa akin ang dede ni baby bunso. Nakaakbay lang sa akin si lionel habang nakasandal kami sa kama at pinapadede si baby leon.

Nakatingin lang sa amin si baby bunso habang dumedede ito. Kitang kita mo sa mga mata nito ang kainosentehan. Ang kacute-an at kagwapuhan ng anak ko. Habang nakatitig lang ako sa anak namin ay siya namang halik sa akin ni lionel sa ulo.

“Magiging maayos din ang lahat hon. Pangako yan. Mahal na mahal kita” ang sabi nito. Humarap ako sa kana at ngumiti. Hinalikan ko siya sa labi.

Nagpapasalamat ako dahil siya ang asawa ko. Napaka swerte ko dahil hindi lang siya mabuting tao. Mabuti rin siyang asawa at ama ng mga anak namin.


Lumipas ang ilang araw at hindi na namin ma-contact si cheska. Sa nakalipas na mga araw ay hindi tumigil si lionel sa paghahanap sa anak namin. Hindi kase siya naniniwalang nasa amerika na sila. Kaya Halos hindi na siya pumapasok sa trabaho dahil lang kay jonel. Ramdam ko din ang puyat at pagod niya para lang hanapin ang anak namin. Naawa na nga ako sa kanya dahil dadating yan na pagod na pagod.

Ako naman ay hindi narin minsan makatulog ng maayos dahil bigla nalang akong magigising tuwing madaling araw at bigla bigla nalang iiyak at hahanapin si jonel. Nahihirapan narin ako sa pagtuturo dahil sa kakaisip sa anak namin kung ok ba siya, kung kumain na ba siya.

Alam kong minsan ay napapabayaan na namin si baby bunso na siyang pinapaalala sa amin ni manang. Para naman akong natauhan. Oo nga pala may isa pa kaming anak.

Alam kong mali kami at naiintindihan naman namin iyon ni lionel kaya bumabawi kami kay baby bunso. Nagfocus kami sa kanya hanggang sa dumating amg araw ng kaarawan ni jone.

At ngayon na nga ang birthday ni jonel. Ito ang kauna-unahang kaarawan ng anak naming si jonel na hindi namin siya makakasama. Kahit ganun pa man ay tinuloy parin namin ang selebrasyon nito. Inimbitahan namin ang mga teachers at mga kaklase nito sa school.

Kahit alam kong malungkot na wala ang anak namin ay tinuloy parin namin. Miss na miss ko na talaga siya.

Miss ko na si kuya.. Ang anak ko.

“Ang daming tao hon noh? Ang daming nagmamahal sa anak natin” ang masayang sabi ni lionel.

Ngumiti lang ako ng pilit at kinuha ang kamera at pinicture-an ang mga bisita namin. Gusto kong ipakita ito kay jonel kapag bumalik na siya.

“Gusto kong ipakita itong mga litratong ito sa anak natin hon kapag dumating na si jonel. Tiyak na matutuwa ang anak natin.. Tiyak na tiyak ko yan” ang masayang sabi ko.

Tinitigan niya ako sa mata. Alam kong ang mga titig na iyon ay titig ng pag-aalala. Ginulo lang niya ang buhok ko at hinalikan sa noo. Ngumiti ako sa kanya.

“Tara lapitan natin sila” ang masayang sabi ko.

“Tara” ang nakangiting tugon naman nito. Lumapit kami sa mga bisita namin at kinamusta sila.

“Kain lang po kayo ng kain diyan ah.. kids kain lang kayo diyan” ang sabi ko sa kanila.

Kinuha ko ang kamera at pinicture-an ang mga batang masayang kumakain. Dahan dahan kong ibinaba ang kamera at pinunasan ko ang nanlalabong mata ko. Tumutulo na pala ang luha ko.

Huminga ako ng malalim at tinutok ko ulit ang kamera sa mga batang kumakain.

“Smile anak” mahinang bulong ko.

“Papa..”

Hindi ko alam pero bigla nalang nagsilabasan lahat ng luha ko sa mata. Nanginginig kong nilingon ang batang nagsalita.

Kitang kita ko si jonel sa tabi ni lionel. Nakangiti ito sa akin habang suot suot nito ang paborito niyang bag. Napaka cute ng anak ko. Masaya itong tumakbo papalapit sa akin habang naka sukbit parin ang malaking bag sa likod nito.

“Papa….” ang nakangiting sigaw nito.

“Anak..” ang bulong ko sa hangin kasabay ng pagtulo ng luha ko at sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap.

Happy birthday kuya..


Hello.. namiss ko kayo guys!

Vote and comment naman kayo diyan. Wag na pong madamot hehehehe.. pa flood votes and comment narin pang pagana lang po para sa pagsusulat namin para ganahan at sipagin pa ko lalo ;)

At please po.. paki support at paki vote narin po ang isa ko pang kwento “Peymus” may chapter 2 na po sya. Asahan ko po yan :) salamat ng marami :)

Chapter twelve

Jerol’s POV

Sobrang saya ko dahil hindi ko inaasahan na makikita kong muli ang anak ko. Basta ang alam ko lang ay masaya ako dahil nandito siya, sa araw ng birthday niya. Halos hindi siya mawaglit sa aking paningin habang masaya itong nakikipaglaro sa kanyang mga kaklase at kaibigan.

Hindi ko maitago ang labis na kagalakan na makita ang mga mumunting bata na masayang naglalaro. Pinunasan ko ang aking kaliwang mata kung saan pumatak ang luha ng kasiyahan. Hindi man kami normal sa paningin ng iba pero alam ko sa sarili ko na ang normal na pagmamahal ay walang kinikilala. Ito ay kung paano mo sila mamahalin sa kung ano o sino sila hindi kung ano ang gusto mo maging sila.

“Papa, bakit ka po umiiyak?” Ang tanong sa akin ni jonel na kanina pa pala nakalapit sa akin.

“Masaya lang ako anak. Masayang masaya lang si papa dahil nandito kana. Dahil napagmasdan ulit kita at nakikita ko ulit ang mga ngiti mo, anak” ang nakangiting sabi ko.

Lumapit ito sa akin at titinitigan ako sa mata. Sinuri niyang maigi ang tigkabila kong mata. Seryoso lang itong nakatitig sa akin hanggang sa sumilay sa kanyang mga labi ang kanyang matamis na ngiti. Pinunasan niya ang parte ng aking pisnge kung saan lumalagaslas ang aking luha.

“Papa nandito lang po ako, hindi ko po kayo iiwan at pababayaan nila dada at ni baby bunso. Wag kana pong umiyak papa please..” at niyakap niya ako ng mahigpit.

Bakit ganun? Kahit alam mong hindi siya galing sayo pero, parang magkadugtong na ang inyong mga puso’t kaluluwa. Ganito ba ang tunay na pagmamahal? Pagmamahal na makikita mo kahit kanino, kahit hindi mo siya ka anu-ano? Siguro ganun nga.

Hindi man siya nanggaling sa akin pero yung pagmamahal ko bilang ama. Sobra sobra.

Humiwalay siya sa yakapan namin at hinalikan ako sa pisnge.

“Papa wag kana pong umiyak ha. Iiyak din ako” ang naluluhang sabi nito. Natawa naman ako sa kanya at hinalikan ito sa ulo.

“Ang kulit naman ng anak ko manang mana talaga sa akin.. o siya, makipaglaro kana doon anak” ang sabi ko sa kanya.

Tumango lang ito sa akin at humalik ulit sa pisnge ko. Masaya itong tumakbo habang hindi nito inaalis ang ngiti sa labi, samahan mo pa ng maliit na bag na nasa likod nito na nagpa-cute pa lalo sa kanya. Nang makalapit ito sa kanyang mga kalaro ay lumingon ito sa akin at kumaway. Kumaway rin ako pabalik sa kanya.

Bilang isang bakla, ang makapagpasaya at mahalin ka ay sobrang saya na pero yung ganitong blessing na natatanggap ko bilang isang bakla ay sobra, sobra na.

Alam kong mahirap para sa atin ang mahalin ng tunay kaya pag may nagmahal sayo ng tunay… pahalagahan at pangalagaan mo. Dahil baka sa pangbabalewala mo eh mawala na siya ng tuluyan.

Masaya naming ipinagdiwang ang buong kaarawan ni jonel. Nakaupo kami ng asawa ko sa sala habang kaharap namin si cheska. Si jonel naman ay nasa kwarto na kasama si manang at si baby leon.

Tahimik kaming tatlo habang nagpapakiramdaman kami kung sino sa amin ang mauunang mag salita.

“Maraming salamat cheska dahil hindi mo sa amin ipinagkait na makita namin si jonel ngayong araw na ito”

“Wala yun, sa katunayan nga ay gustong gusto na niya kayong makita” ang masayang sabi nito.

Katahimikan.

Habang nasa ganoon kaming katahimikan ay biglang hinawakan ni lionel ang kamay ko ng mahigpit. Nginitian lang niya ako at tumango sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at saka humarap kay cheska.

“Ahmm.. kelan ang alis niyo?” Naka ngiti kong tanong sa kanya. Ngumiti ito sa akin at tumingin sa taas kung nasaan ang kwarto ni jonel.

“Bukas..” sabi nito. Mas lalong hinigpitan ni lionel ang pagkakahawak sa kamay ko.

Alam kong tutulo na naman ang luha ko. Mamimiss ko na ulit ang anak ko.

“Pero ang totoo niyan ay iiwan ko na siya sa inyo. Si jonel.. Ang anak niyo” lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.

“T-talaga?” Paniniguro ko. Tumango lang ito sa akin at ngumiti.

“Masaya sa amin bilang isang ina na magkaroon ng anak at maisilang sila sa mundong ito. Halos hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa loob ng halos ilang buwan na pagdadala ko kay jonel sa sinapupunan ko” yumuko si cheska at tumingin ulit sa amin.

“Akala ko ay sapat na ang maisilang sila at maibigay ang kanilang pangangailangan, gayon pa man ay mahirap talaga ang buhay. Kaya minabuti kong iwan muna si jonel sa bahay ampunan para maghanap ng trabaho sa ibang bansa. May kakilala kase akong nag-offer doon ng malaking sahod kaya hindi ko na pinalampas pa at nagdesisyon ako agad” naluluha na siya.

“Ayokong makita ang anak ko na nagugutom ito kaya nakapag desisyon ko munang talikuran siya. Oo mali. Maling mali pero tanga na ako noong oras na yun. Basta ko na lang iniwan ang anak ko para makaipon ng malaki at pagdating ng panahon ay babalikan ko siya sa bahay ampunan” nagpatuloy pa ito sa pagkukwento.

“Nakapag asawa ako sa amerika at nagkaroon kami ng anak. Mabait ang napangasawa ko. Mayaman. Halos nasa akin na ang lahat. Kaya simula noon ay nag desisyon akong bumalik sa pilipinas at bawiin ang anak ko sa bahay ampunan pero sa kasamaang palad ay nakuha na pala ito sa tulong niyo” ang mahabang kwento nito. Pinunasan niya ang kanyang mga luha.

“Nagalit ako ng malaman kong isang bakla palang mag-asawa ang nag-ampon sa anak ko. Inisip ko na baka maging bakla rin ito paglaki niya o kaya ay babuyin niyo lang ito. Alam kong nahusgahan ko kayo agad.. kaya naman desperado na akong makuha si jonel mula sa inyo. Noong sinama ko siya sa amerika ay labis ang kasiyahan na nadama ko. Dahil Sa wakas ay kasama ko na ang anak kong si jonel at maibibigay ko na sa kanya ang lahat ng kanyang pangangailangan. Pero wala itong bukambibig kundi kayo. Palagi niya kayong kinukwento sa akin. Mabait na bata si jonel at lumaki itong magalang. Aaminin ko napagbubuhatan ko ito ng galit at napagbubuhatan ng kamay sa tuwing babanggitin niya ang pangalan niyo na siyang ikinagagalit ko” hinawakan ko ang kamay niya at pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagpatuloy pa siya sa pagkukwento.

“Akala ko ay masaya na ako dahil nasa akin na ulit ang anak ko pero hindi. Akala ko ay makukumpleto na kami at mabubuo na ulit ang pamilya namin dahil nasa akin na ulit si jonel ko pero hindi. Akala ko ay sapat na ang mailuwal ko siya sa mundong ito pero hindi. Akala ko ay sapat na ang maging isang ina sa kanya pero hindi. Alam niyo bang tinuruan ako ni jonel kung paano maging isang ina, maging isang magulang?” ngumiti lang ako.

“Iyon ay dahil sa inyo. Pinatunayan sa akin ni jonel sa murang edad nito na kahit sino o ano pa ang magulang mo, kung hindi mo naman alam ang salitang pagmamahal ay hindi ito magiging makabuluhan. Kahit anong hirap at sakripisyo pa ang gawin mo sa taong mahal mo kung hindi mo naman alam kung paano mo ito ipakita o ipinaparamdam ay mababale wala lang ang lahat ng hirap mo” tumingin ako kay lionel, ganun din siya sa akin. Alam kong proud na proud siya sa anak namin.

“Siguro nga ay ako ang ina ni jonel pero sa puso’t isip niya ay kayo ang magulang nito. Wala akong pakialam kung lumaking bakla si jonel o ano. Ang mahalaga sa akin ay kung anong ugali ang babaunin nito sa kanyang pagtanda. Masaya ako na kayo ang nagpalaki sa kanya at sasaya ako kung kayo ang tutupad nito hanggang sa tumanda siya” ang mahabang sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Salamat cheska. Salamat at ipinagkatiwala mo sa amin si jonel, ang anak mo, ang anak namin. Magulang ka ni jonel kaya kahit anong oras o araw ay bukas ang pinto namin para sa iyo” ngumiti ito sa akin at tumango. Hinagod naman ni lionel ang likod ko at hinalikan ako sa ulo.

“O siya. Paano, aalis na ako dahil mag-aayos pa ako ng gamit na dadalahin ko sa amerika. Ingatan niyo si jonel ha. Ingatan niyo ang anak niyo” tumayo na ito at nakipag kamay sa amin. Aalis na sana siya ng tawagin ko siya.

“Cheska sandali” ang pagpigil ko sa kanya. Lumingon ito sa akin.

“Jonel anak halika muna dito” ang sigaw ko para tawagin si jonel sa taas. Tumatakbo naman ito papalapit sa amin.

“Bakit po papa?”

“Paalis na si mama mo. Kiss mo muna siya” ang utos ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin at tumakbong lumapit kay cheska. Hinalikan nito ang kanyang mama at niyakap ng mahigpit.

“Mag-iingat ka dito baby boy ha. Magpaka bait ka kina papa jerol at dada lionel mo. At lagi mong ipagtatangol si baby leon ha” ang lumuluhang sabi ni cheska sa anak at hinalikan ito sa noo.

“Opo mama” ang sabi ni jonel. Tumango lang kami kay cheska at kumaway na ito sa amin. Sinamahan pa namin siya sa labas ng bahay.

“Oh, paano aalis na ako” ang sabi ni cheska habang nakasakay ito sa kotse.

“Salamat cheska” ang sabi ni lionel. Isasara na sana nito ang pinto ng sasakyan ng biglang magsalita si jonel.

“Mag-iingat po kayo mama. Mahal na mahal ko po kayo” bagamat naluluha na si cheska ay ngumiti lang ito sa anak at isinara na ang pinto. Tinanaw lang namin ang sasakyan nito hanggang sa hindi na namin siya makita.

“Tara na sa loob” pag-aya sa amin ni lionel. Tumango lang kami ni jonel sa ama at pumasok na kami sa loob.

“I love you po papa, i love you po dada. Na miss ko po kayo” ang sabi nito habang magkakasama kaming nakahiga sa kama. Tulog na rin kase si baby leon.

“Mas mahal ka namin anak” ang sabi ko.

“Tama si papa mo anak. Mas mahal ka namin ng papa mo” ang sabi ni lionel at hinalikan nito sa noo ang anak.

Sobrang saya ko. Sa wakas ay nandito na ulit si jonel bilang parte ng aming pamilya. . . . . . . . . . . Nakaupo ako sa bench sa labas ng aming bahay habang nakaupo naman sa mga hita ko si baby bunso.

Pinapanuod kase namin si lionel at si kuya na naglalaro ng basketball sa loob ng bakuran namin. Meron kase kaming half court dito sa loob ng bahay namin. Tinuturuan kase niyang maglaro si jonel ng basketball.

Pinagyayabang lang naman niya kay jonel na siya daw ang pinaka magaling na basketball player noong nag-aaral pa ito. At dahil daw sa kanyang galing sa pagbabasketball ay nainlove daw ako sa kanya. Natawa na lang ako sa kayabangan ng asawa ko, pati ba naman sa anak namin ay hindi mawawala ang kayabangan nito?

“Hay naku anak. Wag kang magmamana ng kayabangan diyan sa dada mo ha” ang sabi ko kay baby bunso. Nakatingin sa mag-amang naglalaro ng basketball.

Nakita ko namang tumakbo palapit sa akin si jonel.

“O kuya, basang basa ka na ng pawis ah. Teka pupunasan kita sa likod at baka magkasakit ka” saad ko.

“Papa nakita mo po ba yun? Diba ang galing galing ko pong mag laro ng basketball. Diba po.. diba po” tuwang tuwang sabi nito.

“Hahaha.. Oo naman anak, eh…kanino ka pa ba magmamana? Syempre kay dada lionel mo diba?”

“Ops.. ops.. ops.. bakit parang naririnig ko ata ang magandang pangalan ko diyan?” Ang sabi ni lionel ng makapalit ito sa amin.

“Ang galing ko daw po dada sabi ni papa” ang pagmamayabang ni jonel sa ama. Hay! Eto na nga ang sinasabi ko.

“Syempre naman anak. Sa akin ka nagmana eh. Tingnan mo ang papa mo, inlove na inlove na naman yan sa akin” sabay kindat ni lionel sa akin.

Duh?

“Hoy mister madrid. Ang kapal mo ha! Mabuti pa ay tawagin mo na si manang para makapag bihis na si jonel at baka magkasakit pa ito” utos ko sa asawa ko.

“Aye! Aye! Captain!” sabay saludo.

“Sira! Bilisan mo na” natatawa kong utos sa kanya. Lalapit sana ito kay baby bunso para halikan ng pigilan ko siya.

“Hep! Hep! Hep! Pawisan ka. Maya nalang” ngumuso lang ito at pumasok na sa loob. Napaka-isip bata talaga nitong asawa ko hehehe.

Lumabas si manang dala ang bimpo at damit. Pagkatapos bihisan si jonel ay nagtatakbong pumasok ito sa loob. Manunuod daw siya ng cartoons. Binigay ko naman kay manang si baby bunso dahil gusto kong ipagluto ang pamilya ko ng meryenda.

“Hon, hindi ka pa ba papasok sa loob? Hapon na” tanong ko kay lionel. Naglalaro pa kase siya ng basketball.

“Hon halika dito, dali” ang pagtawag nito sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.

“Bakit?”

“Gusto sana kitang turuan mag-shoot ng bola” utos niya.

“Ha? E ayoko, hindi ako marunong niyan at hindi ko hilig yan” pagtanggi ko sa kanya.

“Dali na” ang sabi nito habang nakanguso.

“Alam mo mister lionel Madrid, may pagka-isip bata ka talaga” ang natatawang sabi ko.

“Eeeeyy.. dali na hon ko” ang pagpupumilit niya.

“Oo na! Nang matapos na” ang sabi ko. Hinablot niya ang kamay ko at niyakap ng mahigpit.

“Oh, akala ko ba ay tuturuan mo ako, e bakit mo ako niyakap?” Naguguluhang tanong ko sa kanya. Kahit amoy siyang pawis ay mabango parin para sa akin.

“Kasama yan sa pagtuturo ko. Kelangan ko munang yakapin ka para hindi ka mailang sa akin” nakangisi niyang sabi.

“Mailang? E parang nancha-chansing ka lang e!”

“Hindi ah” ang sabi nito habang nakayakap parin siya sa likod ko at ang mukha niya ay nakadikit na sa pisnge ko.

“Kelangan ba ganyan kalapit?”

“Oo ganito ka close” saad niya. Napakunot naman ako ng noo. Nilagay niya sa mga palad ko ang bola at pinosisyon ito.

“Relaks ka lang. Dapat ay medyo mahigpit ang hawak mo sa bola para hindi siya maagaw ng iba” bulong nito sa tenga ko na nagpatindig ng aking mga balahibo.

“Ganun ba? E talaga bang may kasamang kiss?” Tanong ko ulit. Ngayon lang kase ako nakapag laro ng basketball. Hindi kase ako masyadong sporty.

“Oo, para pampalakas ng loob” ang sabi nito at hinimas himas ang braso ko. Lalo akong kinilabutan sa kanyang ginagawa.

“Hinga ng malamin then shoot” ang sabi nito at ginalaw ang kamay ko para i-shoot ang bola. Ayun. Kapos! Humarap ako sa kanya at pinalo siya sa braso.

“Sabihin mo nga sa akin mister madrid. Ganito ka ba magturo ng basketball sa iba? Ha?” Ang mataray kong tanong sa kanya.

“Aray! Hindi ah, sayo lang ako ganito. Takot ko na lang sayo” ang sabi nito na kunwari hinihimas ang kanyang braso.

“Good! Kundi puputulin ko yang ano mo”

“Ang ano?”

“Yung ano mo!”

“Aling ano nga?”

“Basta yang ano mo” naiinis kong sabi. Tumawa lang siya.

“Alin nga kase?” Nakangisi nitong sabi. Lumapit naman ako sa kanya at dinakma ang kanyang pagkalalaki.

“Ito! Subukan mo lang at mawawalan ka ng kasiyahan. Sinasabi ko sayong lalaki ka” pagbabanta ko dito.

“A-aw! Tama na hon. Sige ka, kapag nagalit yan.. Gagawa tayo ng milagro dito sa labas ng bahay.. gusto mo ba yun?” pananakot nito habang nagtataas baba ang kilay.

“Heh! Umayos ka nga. Subukan mo lang talaga at mawawala yan” ang sabi ko pa. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

“Hahaha.. Takot nga ako sayo asawa ko. Kaya kalma ka lang diyan”

At hinalikan niya ulit ako sa labi.

“Tara na nga sa loob at pagluluto ko kayo ng makakain” ang sabi ko.

“Sige po hon” pagsang-ayon nito. Inakbayan niya ako at pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakita kong nanunuod ng tv sa sala si jonel habang si lionel naman ay umakyat muna sa taas upang magbihis. Si manang naman at baby bunso ay nasa sala din kasama ni jonel.

Masaya akong pinagluto sila ng miryenda. Masaya ako dahil kumpleto na ulit kami at hinding hindi ako magsasawang pagsilbihan sila.


VOTE AND COMMENT GUYS!

Wag niyo na pong ipagkait sa akin.. ano po sa tingin niyo ang chapter na ito?

Pakibasa ulit :)

Maraming maraming thank you sa magagandang komento at boto na natatanggap ko mula sa inyo. Kilala niyo kung sino kayo hehehe.. Antay lang po sa next update. Ayoko po ng update na basta mairaso lang, gusto kong update ay yung mapasaya kayo. #drama lang hahaha..

Dahil sa suporta nyo ay gusto kong ibahagi sa inyo bilang kapalit kung ano ang nagpapakilig sa akin araw-araw na pinaghuhugutan ko minsan ng inspirasyon.

Kung hindi pa po kayo fan ng Thai gay movie(s), actor(s) o what so ever ay dapat maging fan na kayo, now na!!! Dahil ako matagal na hahaha…. Iba kase ang thailand magpalabas ng mga gay movies and series. Parang normal lang sa bansa nila ang Boys Love. Kahit kissing scene ng dalawang lalaki ay normal sa kanila kahit ipalabas pa sa national tv. At talaga namang so-sobrang cute at ga-gwapo ng actor nila. Kaya yan tuloy. Naiingit ako hahaha..

Panoorin nyo po ang mga gay movies na napanood ko sa youtube kung gusto nyo lang para kiligin din kayo hahaha. Search niyo.

-Love of siam ( bida dyan si mario maurer ng ponds men commercial, sobrang ganda ng kwento nito una nyo tong panoorin hanapin nyo nalang eng. sub nya )

-waterboy (thai movie ang search nyo para hindi iba lumabas)

-love’s coming (the best, happy ending may part two pa. Love love you)

My Bromance

-love next door

-red wine in the dark night (may pagka spg sya pero maganda)


Kung gusto niyo naman ng tv series ay eto.

  1. “love sick the series.”

Sobrang ganda ng tv series na yan sa thailand. Search niyo sa youtube. Lalo na sa love team nila earn <3 pete. Kahit fan vid. Lang nila nakakakilig na. Kumpleto na rin mga episodes nila.

  1. “Make it right the series.”

OMG!!! guys! Pramis!! Panoorin niyo to o kaya kahit fan video lang nila.

“Frame & book - make it right” search nyo na sa youtube. Kahit Yung mga moments lang nilang dalawa i-search nyo. Sobrang nakakakilig, grabe!. Hahaha… OA na kung OA. Ganyan din mararamdaman nyo kapag napanood nyo na. Bagong tv series nila yan sa thailand. Panoorin nyo buong episode kung gusto nyo.


Super fan talaga ako ng Thai movie(s). Sorry sa mga Kpop fans dyan ah. Pero i think mas cute ang mga taga thailand.. in my opinion lang ha. Yung magreact dyan ay naku! Opinyon ko lang po. Tagalog naman baka di pa magets hahaha… Cute din naman mga korean pero mas cute sa akin ang mga taga thailand. Maraming fan girl sa thailand. Tangap na tanggap nila ang mga BL doon. Kahit gay love team ay sikat na sikat sa kanila. Dito? Ay ewan. Hahaha.. kaya panoorin nyo nalang.

Yun lang nai-share ko lang hahaha..

Wait for my next UD :)

Chapter thirteen

Dedicated to MisterKawaii

Maraming salamat. Mas lalo akong ginanahang magsulat dahil sa magaganda mong feedback.

Enjoy!


Jerol’s POV

Naka indian-sit ako sa kama habang gumagawa ng project ni jonel. Simula kase ng bumalik ulit ito sa aming puder ay talagang tinutukan namin siyang maigi. Parang natatakot na kaming mawala pa siyang muli sa amin. Mahal na mahal ko ang anak ko.

Habang bising bisi ako sa ginagawa ko ay siya namang takbo nito sa loob ng kwarto namin.

“Papa! Papa!” Ang tumatakbong sigaw nito papunta sa akin at nagtago sa aking likod. Nagsumiksik siya doon.

“Papa, ssshhh…wag ka po maingay ah. Itago niyo po ako kay dada” ang sabi nito. At nagtakip siya ng kumot sa likuran ko. Haixt! Napailing nalang ako.

Magtatype na sana ako sa laptop ng si lionel naman ang pumasok sa kwarto.

“Nasaan na kaya si kuya? Nakita mo ba siya baby bunso?” Ang tanong ni lionel kay baby bunso. Naka dapa ito sa mga braso ni lionel na akala mo’y si superman.

“Hindi ko siya makita anak. Gamitin mo na ang iyong kapangyarihan” ang sabi nito sa anak. Tawa lang ako ng tawa sa ginagawa ni lionel sa anak.

“Hala! Pinagtatawanan tayo ng ating kalaban super bunso. Kelangan nating ipakita ang ating lakas, kelangan nating magsanib pwersa” binato ko siya ng unan. Baliw.

“Lionel ang lakas ng tama mo ha! Hahahaha.. kung ano-anu ang itinuturo mo sa anak mo” ang tawang tawang sabi ko.

“Argh! Nakita mo ba yun super bunso? Ang lakas ng ating kalaban. Tinamaan ako… tinamaan ang puso ko.. sa kanya “ para namang nalunok ko ang dila ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa sa kanyang ka kornihan.

“Nanghina na siya super bunso kaya pwede na natin siyang lapitan” lumapit silang dalawa sa akin. Ang cute lang ni baby bunso dahil nakasuot ito ng superman outfit. Ibinigay sa akin si baby bunso at hinalikan ako ni lionel sa labi.

“Parang may tao ata dito sa loob ng kumot mo hon. Sino kaya ito” at binuklat niya ang kumot at kiniliti si jonel. Tawa lang ito ng tawa.

“Waahh!! Ahhhh!! Tama na po dada. Tulungan niyo po ako papa. Tulong.. Hahaha…” ang tumatawang sabi nito habang kinikili parin siya ni lionel. Hindi rin nagtagal at tumigil na sila.

Niyakap naman ako ni lionel mula sa likod at ipinatong ang kanyang baba (chin) sa balikat ko.

“Hindi ka pa ba tapos diyan hon? Pahinga ka muna” ang sabi nito at hinalikan ako sa pisnge. Talaga namang napaka sweet nitong aking asawa.

“Matatapos na rin ako. Kaya naman si super bunso ay kay dada muna ha. Tatapusin lang ni papa to. Maya na kita alagaan” ang sabi ko sa aking bunsong anak at hinalikan siya sa pisnge bago ibinigay kay lionel.

“Papa yan na po ba ang project ko? Wow ang ganda naman” ang manghang sabi ni kuya.

“Oo anak. Matatapos na si papa kaya kay dada muna kayo makipaglaro ah para mabilis matapos si papa” tumango lang ito sa akin.

Ayun. Nakahiga lang sa kama si lionel habang nasa tabi naman nito si baby bunso na pinapadede niya samantalang si jonel naman ay nakahiga din sa katabi ni baby bunso habang naglalaro sa cellphone.

Sarap lang nilang tingnan. Masarap silang maging parte ng iyong buhay. Alam kong hindi perpekto ang mundong ito kaya may mga pagsubok talagang dumadating sa ating buhay.

Gayon pa man ay dapat maging matatag kayo ng iyong partner at hindi basta basta magpapadala sa bugso ng damdamin. Pwedeng sa isang maling desisyon mo sa buhay ay pwedeng magbago ang lahat. Kaya naman. Bago kayo gumawa ng isang desisyon ay dapat pag-isipan niyo munang maigi kundi ay kayo din ang magsisisi sa bandang huli.

“Hon, tulog na si baby bunso” ang sabi sa akin ni lionel.

“Ganun ba? Sandali lang, papatayin ko lang itong computer” ang sabi ko. Pagka patay ko ng computer ay tinabi ko na ito at nilapitan si baby bunso. Binuhat ko siya at inihiga sa crib.

“Papa gutom na po ako” ang sabi ni kuya.

“Sige anak.. hon, buksan mo nga yung aircon. Baka mainitan itong makulit na bunso natin” ang utos ko kay lionel. Lumapit naman ito sa switch ng aircon at binuksan ito.

“Gusto ko po ng spaghetti papa” ang request ni kuya.

“Kumain na lang tayo ng kanin anak” ang sabi ni lionel sa anak.

Eto na naman po sila.

“E, dada gusto ko po ng spaghetti” si jonel.

“Sa susunod nalang anak. Magluluto pa niyan si papa mo. E pagod na si papa oh” ang sabi nito sa anak. Hindi na nagsalita pa si jonel at bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

“Hayaan mo na hon, i-order nalang natin siya ng spaghetti” ang sabi ko.

“Huwag na hon. Sa susunod nalang natin siya ipagluto o ibili. Lage naman tayong lumalabas di ba? At saka masasanay yan na laging masusunod ang kanyang gusto” ang sabi nito. Alam kong nagpapaka tatay lang siya.

“Hindi naman siya palaging humihingi eh, sige na hon” ang pakiusap ko sa kanya.

“Hindi. Madaming pagkain na niluto si manang. Yun nalang ang kainin natin” ang matigas na sabi nito. Kita ko naman ang labis na lungkot sa mata ni jonel.

“Pero hon”

“Hep! Wala nang pero pero..” ang sabi nito at lumabas na siya ng kwarto.

Ganito talaga kami. Ayaw kase ni lionel na ma-spoild ang anak namin, na siya namang hinahangaan ko sa kanya. Kaya lang may time talaga na naaawa ako sa anak ko lalo na at pagkain naman ang hinihiling nito at hindi material na bagay. Dahil sa awa ko kay jonel ay lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si lionel na nakaupo sa sofa habang nanunuod ito ng basketball.

Tumabi ako sa kanya at niyakap ito.

“Hon, payagan mo na po ang anak natin please.. Hindi naman laruan ang hinihiling niya eh, pagkain naman yun hon. Dali na” ang pagmamakaawa ko sa kanya. Huminga lang ito ng malalim at tumingin sa akin.

“Kahit na hon, baka ma-spoild mo na ang anak natin” saad nito.

“Hindi naman eh! At saka hindi naman masasayang yun kase pagkain naman ang gusto niya… dali na hon, pagbigyan mo na ang anak natin” paki-usap ko ulit sa kanya.

“Maraming niluto si manang diyan. Hayaan mo iyon na lang ang kainin niya” pagmamatigas pa rin nito. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

“E di wag!” Ang mataray kong sabi at iniwan ko siya sa sala. Bahala ka diyan.

Pagka-akyat ko sa taas ay naabutan ko doon si jonel na nakahiga lang sa kama habang malungkot pa rin ang kanyang mukha. Tumabi naman ako sa kanya at sinuklay ang kanyang  buhok gamit ang kamay ko.

“Sa susunod na lang anak ha, ayaw talaga ni dada eh. Wag kang magtatampo kay dada ha” ang sabi ko. Tumingin naman ito sa akin.

“Papa hindi na po ba ako mahal ni dada?” Ang malungkot na tanong nito sa akin. Nagulat naman ako sa kanyang itinanong.

“Syempre, mahal na mahal ka ni dada. Ayaw lang ni dada na masayang ang pagkain na nakahain na. May niluto na kase si manang na pagkain anak at ayaw ni dada na masayang iyon. Bakit mo naman natanong yan anak?” Ang sabi ko.

“Ayaw po kase ni dada akong bigyan ng spaghetti eh” ang sabi nito. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo.

“Wag na wag mong iisipin yan anak. Mahal na mahal ka namin ng dada mo pati ni baby bunso. Kaya ganun lang si dada anak, ay iniisip lang nito na may pagkain pa naman tayo at pwede ka pa naman magpabili sa sususnod e, buti pa nga tayo kase madami tayong nakakain ano mang oras, kaya dapat magpasalamat nalang tayo sa mga pagkaing nakahain sa hapag kainan. Hindi masama anak ang masunod ang gusto natin pero kapag alam mong meron pa ay pagtiyagaan mo muna ito. At kapag naubos nalang at saka tayo bumili para walang masayang na pagkain, ok ba yun anak?” Ang paliwanag ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin.

Ayoko kasing isipin niya na porke’t hindi nasunod ang gusto nito ay hindi na namin siya mahal. Ang ibig lang naming sabihin ay magpasalamat ka kung anong meron ka ngayon, dahil sagana ka pa sa pagkain. Samantalang yung iba diyan ay halos hindi na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya bawat kanin na nahuhulog diyan sa pinggan mo ay isipin mo nalang ang mga taong hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

“Naiintindihan ko po papa, sorry din po” ang sabi nito.

Ito ang gusto ko anak ko eh. Alam na niya at naiintindihan na niya ang kahalagahan ng maliliit na bagay. Kung para sa atin ang maliliit na bagay ay bale wala lang, para naman sa iba ay malaking bagay na iyon.

Hinalikan ko siya sa ulo at sabay na kaming bumaba para kumain. Habang kumakain kaming tatlo ay walang nag-iimikan sa aminng dalawa.. Lalo na ako at si lionel. Alam kong tama si lionel pero nagtatampo parin ako sa kanya. Basta.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ko parin siya iniimikan at kinakausap.

“O, anak magbihis kana ng pangtulog mo” ang sabi ko kay jonel. Tumango lang ito sa akin at tumakbo na paakyat ng kwarto.

Aakyat na rin sana ako ng hagdan ng marinig ko ang pagpapapansin ni lionel.

“Pssst.. hon” ang pagtawag nito sa akin. Inirapan ko lang siya at umakyat na ako papasok ng aming kwarto. Hindi ko alam na nakasunod na pala ito sa akin.

Kinuha ko sa crib si baby bunso at binuhat.

“Oh, saan ka pupunta?” Naguguluhang tanong nito sa akin. Habang palabas ako ng kwarto namin.

“Wala kang pakialam” pagsusungit ko at lumabas na ako ng kwarto pero hinawakan lang ako nito sa braso.

“Hon naman” pagmamakaawa nito sa akin.

“Lionel isa! Doon ako matutulog sa kwarto ni jonel. Mag-isa ka diyan” pagsusungit ko sa kanya.

“Sorry na hon. Doon ka na po matulog sa kwarto natin” ang paki-usap nito sa akin habang nanunulis ang kanyang nguso.

“Ayaw ko. Doon kami matutulog sa kabila”

“O sige, ganito na lang. Ibibili ko ng spaghetti si jonel” ang sabi nito.

“Ayoko, gabi na”

“Edi, oorder nalang ako”

“Ayoko, mahal ang bayad” saad ko.

“Edi, magluluto nalang ako”

“Ayoko, hindi ka masarap magluto” sabi ko.

“Edi, magpapatulong ako kay manang”

“Ayoko, pagod na si manang” pagmamatigas ko.

“Edi, gagahasain nalang kita”

“Ayoko! Ayoko! Ayoko! Magigising si baby bunso kapag sumigaw ako ng rape”

“Edi…”

“A-y-o-k-o! Good night!” At pumasok na ako sa kwarto.

Hiniga ko na sa crib ang mahimbing na mahimbing paring tulog na si baby bunso. Dalawa kase ang higaan nito. Sa kwarto namin ni lionel at sa kwarto ni kuya.

“Papa, dito po kayo matutulog?” Ang tanong sa akin ni jonel habang kinukumutan ko si baby bunso dahil baka lamigin ito sa aircon.

“Oo anak” ang sabi ko at tumabi na ako sa kanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

“E si dada po?”

“Doon nalang daw siya matutulog anak. Gusto kase niyang itodo ang aircon, baka lamigin lang ako” pagpapalusot ko sa kanya.

“Ganun po ba?” Tumango lang ako sa kanya.

Maya maya may kumatok sa pinto.

“Hon, buksan mo na itong pinto. Sorry na po. Dali na hon, buksan mo na ang pinto” ang sabi ni lionel at walang tigil ito sa pagkatok sa pinto.

“Papa diba si dada yun? Bakit ayaw mo po siyang papasukin?” Inosenteng tanong nito.

“Ay naku anak. Manghihiram lang yan ng kumot” palusot ko ulit.

“Parang hindi naman po” si jonel.

“Hon, pabukas na dali. Diyan din ako matutulog” paki-usap nito at tuloy tuloy parin siya sa pagkatok.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa tumigil ito. Ilang minuto ring tumahimik at hindi ito kumatok. Pero akala ko ay titigil na talaga ito pero kumuha lang pala siya ng duplicate ng susi ng kwarto ni jonel. Ganito kase kami lage kapag nagkakatampuhan kaming dalawa. Dito ako natutulog sa kwarto ni jonel. Kaya simula noon ay lage na siyang may duplicate ng kwarto ni kuya.

Pumasok si lionel na nakangiti at humiga sa tabi ko.

“Anak umusug ka nga dun ng konti dali. Tatabi si dada mo kay papa. Nagtatampo e” ang nang-aasar na sabi nito.

Umusog naman si jonel sa gilid kaya ako naman ang napagitnaan nilang dalawa. Humiga ako patalikod kay lionel pero niyakap niya lang ako ng mahigpit at isinubsob ang kanyang leeg sa aking batok. Hinalik halikan niya ito at inamoy amoy.

“Sorry na hon” ang naglalambing na sabi nito. “Sige, payag na akong ibili si jonel ng kahit na ano basta pagkain lang ha at dapat pili lang. Limitado lang sa sitsirya at sa mga pagkaing pwedeng makapag pataba at hindi healthy sa kanya. Ok po ba yun?”

Hindi parin ako nagsalita. Pero natuwa ako sa kanyang sinabi. Hindi masamang mag-aksaya ng pera basta sa pagkain. Wag lang sobra.

Hinalik halikan niya ulit ang batok ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Para siyang batang pinagalitan kapag nag tatampo ako hahaha.

“Hon, wag kana po magalit sa asawa mo please..” ang paki-usap nito. “Anak, tulungan mo nga si dada mo. Ayaw ako pansinin e” pakiusap nito sa anak.

“Patawarin mo na po si dada, papa” ang sabi ni jonel.

Hay naku!

“Oo na. Basta may usapan tayo ha” ang sabi ko.

“Opo hon. Ayoko kasing hindi ka nakakatabi sa pagtulog eh. Nalulungkot ang asawa mo” ang sabi nito. Kinilig naman ako sa kanya.

Humarap ako sa kanya at hinalikan ito sa labi.

“Wow! Ang sarap naman” ang sabi ng asawa ko at pinisil ang ilong ko.

“Yiieee! Ok na si papa at dada” ang tukso sa amin ni jonel.

“Syempre anak. Ayokong nagagalit itong papa mo. Mahal na mahal ko to eh.. asawa ko to” ang sabi ni lionel at niyakap ako ng pagka higpit higpit.

“Good night papa, good night dada” ang sabi ni lionel at hinalikan kaming pareho sa tigkabilang pisnge.

“Good night din anak” ang sabay naming sabi ni lionel at hinalikan namin si jonel sa pisnge. . . . . . . . . . . . . . . Lumipas ang mga araw na sobrang saya namin. Wala na talaga akong mahihiling pa. Tuloy pa rin ang pagtuturo ko kay paulo. May time talagang touchy itong batang ito. Nandyan yung aakbayan ka niya, palibhasa mas matangkad siya sa akin. Tapos, may time na habang naglalakad kami ay ililingkis niya ang kanyang braso sa aking bewang. Sobrang pasaway talaga ng batang yan. Akal ko naman nag-usap na kami. Hays..

Sa mga lumipas na araw ay mas lalo pa kaming napamahal kay jonel dahil sa pangalawang pagkakataon ay talagang anak na namin itong masasabi dahil sa pagpayag ni cheska at wala nang kukuha pa sa kanya.

Sobrang saya na ng pamilya namin, halos perpekto na ang lahat pero hindi pala lahat ng araw ay perpekto at hindi lahat ng mga sinasabi sayo ay totoo.

Na nagpabago sa akin.

Isang araw.

Kasama ko si manang at si baby bunso sa hospital dahil ipinacheck up namin ito. Wala namang sakit si baby bunso gusto lang namin siyang ipatingin lagi sa doctor para mas lalong mamonitor ang kanyang kalusugan.

“Wala naman pong problema sa kanya. Sa katunayan nga ay malusog ang inyong anak” ang sabi ng doctor sa amin.

“Ganun po ba? Maraming salamat po dok” ang pagpapasalamat ko sa kanya. Ngumiti lang si dok sa akin at nagpaalam na ito.

“Tara manang” ang pagyaya ko kay manang.

Habang naglalakad kami ay bigla akong kinabahan ng hindi ko malaman. Parang may mali. Parang may mangyayaring hindi maganda.

“Ahmm.. manang antayin niyo nalang po ako sa labas…. Cr lang po ako” ang paalam ko sa kanya. Tumango lang si manang at dumiretso na ako ng cr. Dahil medyo malayo ang cr ay pumunta pa ako sa may bandang dulo. Umihi lang ako at naghugas ng kamay. Hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Pagkalabas ko ng cr ay sa kabilang daan ako dumaan para shortcut. Memorize ko na rin kase itong hospital na ito.

Habang naglalakad ako ay may isang babaeng lumapit sa akin. Maganda siya. Parang nakita ko na nga siya e.

“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Dito ko pa talaga makikita ang baklang walang alam kundi ang mang-agaw ng asawa ng may asawa” ang mataray na sabi nito at tiningnan ako mula ulo hangang paa.

“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan” ang naguguluhang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam ang kanyang pinagsasabi.

“So ano? Ganun nalang yun? Porket na sayo na ang ASAWA ko ay kakalimutan mo nalang ang ginawa mo? Iba ka rin noh? Bakla!! Mang-aagaw!” Ang galit na galit na sabi nito. Halos maiyak na ako sa kanyang isiniwalat.

Niloloko lang ba ako ni lionel? Lahat ba ng ipinapakita niya sa akin ay pawang pagpapanggap lang? Hindi ko maiwasang punasan ang luha ko.

“Ikaw pa ang may ganang umiyak diyan? E ako na nga itong iniwan at niloko. Ako pa itong mukhang masama? Iba ka rin talagang bakla noh. Paawa!”

Sobra na akong nasasaktan.

“Tama na! Tama na!” Ang umiiyak na sigaw ko sa kanya. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa hospital. “Mahal ko ang asawa ko at wala akong inaagaw mula sayo”

“Wala? Eto ang dapat sayo, baka matauhan ka” at sinampal niya ako pisnge. Hindi naman siya ganun kalakas.

“Sana matauhan ka nang bakla ka. Hindi mo na inisip ang mga anak ko. Kahit hindi nalang ako. Kahit yung mga anak ko nalang eh” ang umiiyak na ring sabi nito.

Halos naguguluhan na ako sa mga pangyayari. Hindi ako makapaniwalang magagawa sa akin ni lionel ito. Akala ko kase sa maraming taon ng aming pagsasama ay tapat ito sa akin pero hindi pala.

Manloloko ka lionel. Manloloko ka. Ang umiiyak na bulong ko.

Biglang may lumapit sa aking lalaki.

“Sino ka?” Ang tanong nito sa akin.

“Sino ka rin?” ang tanong ko.

Wag mong sabihin na isa rin siya sa niloko ni lionel. Mukha kase siyang baklang bakla kesa sa akin.

“Cuuuuuut!! Cut!” Ang sigaw ng isa pang lalaki. Lumapit ito sa amin habang may suot itong malaking head phone.

“Sino ito?” Tanong niya dun sa babaeng nang-away sa akin at tinuro ako.

“Hindi ba siya yung ka-eksena ko direk?” Sagot nung babae doon sa naka head phone.

“Ako yun” ang sabi noong baklang lumapit sa amin.

Naguguluhan na ako.

“Ganun ba? Akala ko kase siya yung kaeksena ko, sayang naman yung galing ko kanina” saad nong babae.

“Bakit hindi niyo naman kaagad sinabi direk? Emote na emote pa naman ako” ang sabi ulit ng babae.

“Pasensya na. Akala ko rin kase siya yung ka eksena mo. Saan ka ba kase nanggaling ha?” Ang tanong nito dun sa bakla.

“E papasok na sana ako sa eksena ng biglang sumakit ang tiyan ko kaya bumalik ako ng cr” ang sabi nito doon sa direktor.

“Teka naguguluhan ako. Ano bang nangyayari?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanila.

“Gumagawa kase kami ng gay themed movie” ang paliwanag ng direktor.

Ano daw? Gay movie? Hay! Akala ko pa naman ay totoo na. Buti naman at akting lang pala.

“Hon” ang pagtawag sa akin ng lalaki mula sa malayo. Nilingon ko naman ito hanggang sa makita ko si lionel. Pagkalapit nito sa akin ay niyakap niya ako.

“Ayos ka lang ba hon? Bakit ka umiiyak? Sino may gawa nito sayo ha? Kanina ka pa daw hinihintay ni manang pero ang tagal mo daw bumalik. Kaya nag-alala ako at pinuntahan na kita dito” ang tarantang tanong nito sa akin. At niyakap ako ng mahigpit. Napansin siguro nito ang mga kasama ko.

“Ah, eh.. sino sila hon?” Pagtukoy ni lionel sa kanila.

“Hi! Ako nga pala si direk villanueva. Gumagawa kase kami ng gay themed movie. Bigla naman siyang pumasok sa eksena. Pero infairness ha, magaling siyang umarte. Nadala rin ako sa eksena kaya hindi ko na namalayang hindi na pala siya ang talent namin. Mukhang may pinaghuhugutan siya ah” ang paliwanag ng direktor.

“Ganun po ba? Ano po bang klaseng eksena yan at umiiyak itong asawa ko” ang tanong ulit ni lionel kay direk. Talagang hindi siya na hiyang sabihin na asawa niya ako. And that makes me proud.

“About kase sa babaeng inagawan ng asawa ng isang bakla at hindi matanggap ng babae ang mga pangyayari kaya naghiganti ito at inaway niya yung baklang ipinagpalit sa kanya” ang paliwanag ni direk.

“Ah… ang galing mo pala hon umakting hehehe”

“Gusto mo bang maging artista?” Ang tanong ng direktor sa akin. Umiling lang ako.

“Ayoko po direk. Bata pa po mga anak namin at gusto ko pong gabayan sila sa paglaki. Baka mawalan lang po ako ng time” ang pagtanggi ko.

“Ganun ba? Sayang naman. Pero maganda yang ideya mo”

“Sige po direk. Mauna na po kami. Goodluck sa movie. Hinihintay na pi kase kami ng mga anak ko” ang paalam ko sa kanila. Ngumiti lang sila sa akin.

Hay buti na lang. Halos manginig na ako sa mga pangyayari kanina. Akala ko ay totoo na. Hindi ko kakayanin yun pag nagkataon.

“Hon, ok kalang?” Tanong ni lionel habang bumabyahe kami pauwi.

“Ok lang ako hon” ang sabi ko. Bagamat, nadala parin ako ng eksena kanina.

“Iniisip mo ba yung nangyari kanina?” Tanong nito sa akin.

“Hon, may tanong ako”

“Ano yun?”

“May babae ka ba? O kaya ay may anak ka sa iba?” Ang kinakabahang tanong ko sa kanya. Wala lang.. Gusto ko lang malaman dahil parang hindi ko kakayanin.

Tumawa lang ito ng malakas.

“Bakit ka tumatawa”

“Bakit mo naman naisip yan ha? syempre Wala! Hinding hindi ko magagawa sayo yun hon. Mahal na mahal kita at ang mga anak natin” ang sabi nito.

“Totoo?” Paniniguro ko.

“Oo nga. At saka hon, gasgas na ang ganyang eksena sa mga kwento. Na laging makakabuntis kaming kasintahan niyo. Loyal to.. Buti pa itong si otor. Kakaiba” (author’s note: wow thank you naman kung ganun hahaha..)

“Sabagay” pag sang-ayon ko. “Pero subukan mo lang talaga. Kakausapin ko si otor na ihanap niya ako ng bagong mapapangasawa” pagbabanta ko sa kanya.

“Ay grabe siya oh. Wag naman. Hinding hindi ako makakabuntis sa kwentong ito. Pramis yan! Maliban nalang kung mabuntis kita.. si otor na bahala diyan” ang sabi niito. Binatukan ko naman siya. “Aray! Napaka nitong asawa ko. Maiba ko. Todo iyak ka daw kanina ah. Ang galing naman ng asawa ko. Artista na yan hahaha”

“Che! Nakakahiya nga eh” ang sabi ko habang tinatakpan ang mukha ko.

“Ang cute naman ng asawa ko” ang sabi nito at hinalikan niya ako sa kamay.


Waazzzuupp guys!!

Ayos ba? Hehehe.. wag niyo na pong ipagdamot sa akin ang Vote at Comment niyo.

Tinatanggap ko din ang flood votes.

Salamat :)

Chapter fourteen

Jerol’s POV

“Ok class, dismiss” kinuha ko na lahat ng gamit ko sa mesa at nilagay sa aking mga braso.

Palabas na sana ako ng room ng akbayan ako ni paulo. Siniko ko naman siya sa tagiliran.

“Umayos ka paulo ha! Nandito tayo sa school” ang naiinis kong sabi sa kanya. Eto na naman kase siya eh.

“Wala naman sigurong masama kung umakbay ako diba SIR? Kami naman ang may ari ng school na ito eh” pagmamayabang nito.

Napasimangot lang ako.

“Kahit na! Teacher mo ako at estudyante kita. Kung balewala lang sayo na pagchismisan tayo. Pwes, sa akin hindi. Isipin mo na lang ang pwedeng mangyari sa akin Paulo. Pwede akong tanggalin dahil iisipin nila na pumatol ako sa estudyante ko. At isa pa, may asawa na ako paulo” ang sabi ko sa kanya habang patuloy lang ako sa paglalakad.

“Ok. Sorry. E, bakit kase ang cute mo… SIR?“Ang nakangising saad nito. “Sa tuwing hahawakan ko ang labi ko ay labi mo ang na-aalala ko. Ang malambot at mapula mong labi na kay sarap halikan ng paulit-ulit” sabi nito. Napailing na lang ako. Ganun na ba ako ka-cute at kasarap? Hahaha.. joke.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin. Alam ko namang hindi siya titigil pag gusto niya ang isang bagay. Lalo na at lumaki itong mayaman. Ayaw nila na naapakan ang pride nila at nirere-ject sila. Ganoon kase karamihan sa mayayaman pero hindi ko naman nilalahat ha. Wag defensive hahaha..

Masyado kasing mataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Feeling nila ay sila na ang lumikha ng mundong ito, aminin mo man o hindi ay ganun ang pakiramdam ng mayayaman. Hahaha.. tamaan wag magalit. Wag defensive.

Ewan ko ba sa mayayaman. Wala naman akong galit sa kanila o ano. May napansin lang ako. Nakapag-aral naman sila sa magagandang school, nakakakain ng masasarap na pagkain, maganda ang estado sa buhay, nakukuha lahat ng gusto nila at sumisimba sa magagandang simbahan.

Pero bakit karamihan sa kanila ay matapobre? Hipokrito at Masasama ang ugali? Pa-english english na akala mo ikinatalino. Magaling lang sa english pero mahina ang pag-intindi. Wag ulit defensive ha? :)

Hindi ba dapat ay sila pa ang magaganda ang ugali dahil sa kanilang natatamasa? Hindi ba dapat ay sila pa itong mapagkumbaba at mabuting halimbawa sa ibang tao.

Hindi yung sila pa ang nagmamalaki at nagpapakita ng ikasasama nila. Hindi ba sila yung nakapag-aral sa magagandang eskwelahan, pero bakit hindi ata naituro sa kanila ang kagandahang asal. Ganoon na ba kahirap pag-aralan yun? Sa pagkakaalam ko ay hindi pinag-aaralan yun at hindi mo kelangang ituro pa yun dahil kahit sino ay kayang matutunan yun.

Ganun na ba kapag mayaman ka (Hindi nga lahat diba? Yung iba lang), hindi mo na alam kung paano magpakaTAO! Hindi ba dapat sila pa yung matatalino? E bakit parang hindi ata nila alam kung ano ang salitang talino?

Ang talino ay hindi lang ginagamit sa pag-aaral, ito ay ginagamit din kung paano ka makitungo sa ibang tao.

Wala namang masamang maging mayaman dahil sa ikakabuti yan ng pamilya mo. Sa ika-aangat ng estado ng pamumuhay mo. Pero wag mo lang sanang kalimutan na hindi porke mayaman ka o nakakatamasa ka ng kayamanan ay magiging matayog ka na.

Walang permanente sa mundong ito kaya dapat alam mo kung paano ka magpapakababa para kung bumagsak ka man ay merong mga taong magtataas sayo at tutulong para iangat ulit.

Hindi ako matalino kundi malawak lang ang pag-iisip ko. Hindi mo naman kelangang maging matalino para maintindihan mo ang lahat ng bagay sa mundo.

Kelangan mo lang tanggapin ng buo sa iyong sarili at lawakan ang pag-iisip mo na swerte ka para sa ganoon ay kaya mo ring tanggapin ang ibang tao.

Doon pa lang ay matalino kana. Ang mga tao kasing makikitid ang utak ay ay kahit anong paliwanag ang gawin mo kung hindi naman nila ito paniniwalaan at uunawain ay mababale-wala lang, lahat ng sinasabi mo dahil ang utak nila ay nasa tayog na kahit ang totoo ay nagmumukha na silang tanga at walang pinag-aralan.

Minsan kase sa bilib mo sa sarili mo ay nagiging bobo kana.

Sana hindi niyo ito tingnan bilang isang negatibo kundi, kung paano ito makakatulong sainyo para maging mabuting tao.

Hindi ko sinasabing mabuti akong tao. Dahil tao parin ako, nagagalit, nasasaktan, nagkakasala, pero ganun pa man alam ko sa sarili ko kung paano ko ito i-aaply sa sarili ko at kung paano intindihin ang negatibo at positibong pananaw.. Hindi yung pananaw mo lang ang iintindihin mo.

“Maghanap ka nalang kase ng iba, yung ka edad mo” sabi ko sa kanya.

“Yun naman ang ginagawa ko di ba? Pero hayaan mo muna akong ipakita sayo ang nararamdaman ko” saad nito.

“Tanggap ko naman yang nararamdaman mo sa akin paulo. Pero ayokong umasa ka sa wala. Mahirap umasa sa wala dahil masasaktan ka lang ng paulit-ulit hanggang sa makagawa ka na ng masama” ang pagtatapat ko sa kanya.

“Alam ko. Ang laki mo kasing tukso sir”

“Sira! Sadyang cute lang ako hahaha” biniro ko nalang siya para mawala ang tensyon saming dalawa.

“Sana pala ay maaga akong ipinanganak ni mama para naunahan ko ang asawa mo” sabi pa niya. Hindi ko maiwasang batukan siya. Ayan tuloy, nawala ang pagka teacher ko hahaha..

“Baliw! Mahal na mahal ko ang asawa kong yun. Kahit sira ulo yun at may pagka sinto sinto minsan ay hinding hindi ko siya ipagpapalit sa iba” ang natatawang sabi ko. Humawak naman siya sa batok niya.

“Aray! Sir naman eh, parang nagbibiro lang naman”

“Umayos ka kase” ang natatawa ko paring sabi. “Bata ka pa paulo at marami ka pang pagdadaan sa buhay at buhay pag-ibig, pero ito lang ang tatandaan mo. Masama ang mang-agaw ng taong may karelasyon. Yan ang wag na wag mong gagawin” pangangaral ko sa kanya.

“Edi wow” ang sabi niya. Binatukan ko ulit siya. Buti naman at kokonti ang tao sa aming dinadaanan. Napa-aray lang ito.

“Sir, naman e. Hahalikan talaga kita dito sige ka, pag binatukan mo ulit ako” pagbabanta niya.

“Subukan mo at ibabagsak naman kita hanggang sa hindi kana makagraduate” pagbabanta ko rin sa kanya. Napatikom lang siya ng bibig.

“Paulo gwapo ka, mayaman, sikat at mayabang hahaha. Kaya wag kang magmadali. Nakikita mo ba yun?” Turo ko sa kanya. “Malay mo kayo pala ang magkatuluyan” turo ko kay marky.

“Siya? Ewww.. e wala ngang ginawa yan kundi mag-aral ng mag-aral. Baka nga pakasalanan na niya yung libro e” nandidiring sabi nito.

“Ok. Tingnan natin” ang nakangising sabi ko. Alam ko namang wala pang nararamdaman itong si paulo sa kanya pero dahil madalas silang mag-away at magkasama sa mga groupings ay hindi maiiwasang may mabuo.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang canteen. Nakisabay na ito sa aming kumain. After lunch break ay nagturo ulit ako then tinuruan ko rin si paulo.

Nagtext sa akin si lionel na nasa bahay na daw ito kasama si jonel dahil half day lang daw siya. Ewan ko ba diyan sa asawa ko. Porke’t siya ang may ari ng restaurant ay pwede na siyang maglakwatsa. Sinabi ko rin sa asawa ko na wag na niya akong sunduin at bantayan nalang ang mga anak namin. Hindi siya pumayag pero ako parin ang nasunod sa huli.

Pagkarating ko sa bahay ay nagbayad na ako sa tricycle driver. Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong kaagad ako ni jonel na nasa sala, nanood ng tv.

“Papa” ang tumatakbong sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ko naman siya sa ulo.

“Hmmmm.. amoy araw ka anak. Maglinis ka mamaya ah” ang sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang mga dala kong gamit.

“Ang bait naman ng anak ko. Nasaan si dada?” Tanong ko sa kanya.

“Nandun po papa sa kusina. Nagluluto” ang sabi niya.

“Sige na anak. Puntahan ko lang si dada mo” ang sabi ko sa kanya at dinala na nito ang gamit ko sa taas.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko ang asawa kong bising bisi sa pagluluto. (Feeling ko nag-aaral na siyang magluto hihi)

Nakasuot ito ng boxer short, sando at apron. Kahit nakatalikod siya ay talaga namang napaka ganda ng kanyang tindig. Hay! Nakakainlove talaga itong asawa ko.

Napansin naman niyang may tao sa kanyang likuran kaya lumingon ito patalikod sa akin habang naka kunot ang noo.

“Bakit ngayon ka lang ha? Hindi mo ba alam na may asawa kang naghihintay sayo dito!” Ang galit na sabi nito.

Napakunot naman ako ng noo. Anong trip nito?

“Sinabi ko bang hinatayin mo ako! Sinabi ko ba? Sinabi ko ba! Ha?”

“Hindi! Dahil wala kang sinabi. Pero hindi mo man lang inisip na may mga anak kang naghihintay sayo! Hindi ka na naawa!” Sabi pa niya.

Wow ha!

“E ako ba? Kelan mo ba ako inisip at inintindi?” lumapit ako sa kanya at tnusok tusok ko ang dibdib nito gamit ang daliri ko.

“Hindi mo ba alam na nagpapakahirap akong magtrabaho para lang buhayin ang mga anak natin ha. Tapos anong isusukli mo sa akin? Galit? Mura! Ano?” Bulyaw ko sa kanya. Nanggigilid na ang luha ko.

“Yan!! Yan ka naman eh! Yung ginagawa mo lang ang napapansin mo, pero akong asawa mo ay napapabayaan mo na! Sagouin mo nga ako jerol. Mahal mo pa ba ako?” Tanong nito sa akin.

Tumalikod ako sa kanya at humawak sa lamesa para suportahan ang sarili ko. Para akong nanghina sa tanong niya. Huminga ako ng malalim habang wala paring pagtigil sa pagtulo ng luha ko.

“Bakit ganyan ka mag-isip Lionel? mahal kita. Mahal na mahal. Halos ibenta ko na ang katawan ko para lang buhayin ang mga anak natin. Tapos pati pagmamahal ko sayo ay kinukwestyon mo! My gad! Sige sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. Masama na akong asawa. Madumi na ako! Wala akong kwenta. pero, itong asawa mong ito ay nagpapaka-ama sa mga anak mo at nagpapaka-asawa sayo.. kaya ngayon sabihin mo sa akin na hindi na kita mahal. Sige sabihin mo! Sabihin mo!” Sigaw ko sa kanya.

Para naman itong napipi. Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto.

“Ay teka hon, baka masunog na yung niluluto ko.. hihi..” ang nagmamadaling sabi nito at agad patayin ang gasul. Bigla naman akong nakarinig ng palakpakan sa bandang likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko sila manang at jonel na pumapalakpak.

“Papa ang galing mo pong umarte” ang sabi ng anak ko habang naka ngiti itong pumapalakpak.

“Talaga anak? Salamat naman kung ganon” ang tuwang tuwang sabi ko.

Lumapit naman sa akin si lionel at inakbayan ako.

“E, si dada anak. Magaling din ba?” Ang tanong ni lionel sa anak ko.

“Medyo lang po dada. Pero si papa po kase may pa iyak-iyak effect pa.. makatotohanan” ang sabi ng anak ko.

Nagtawanan kami.

“Hay! Minsan naguguluhan narin ako sa bahay na ito. Mga baliw!” Ang sabi ni manang at nag walk out. Nagtawanan ulit naman kaming lahat. Binatukan ko naman si lionel.

“Hon namn eh. Bakit mo ako binatukan?” Tanong nito sa akin habang hinihimas ang ulo.

“Sira ka kase. Ayan tuloy, nadamay ako sa kabaliwan mo” ang natatawang saad ko.

Hinalikan naman niya ako sa labi. Yay, kilig much!

“Maka-alis na nga dito! Kapapanood talaga ito ng teleserye eh” ang cute na sabi ni jonel sabay walk out. Hahaha.. tumawa lang kami ni lionel sa kakulitan ng anak namin.

“Umaarte lang naman ako. Hindi ko naman alam na sasakyan mo pala ang pag-arte ko” ang sabi ni lionel. Inamoy niya ang ulo ko at niyakap ng mahigpit.

“Eee.. hindi parin kase ako maka move on sa eksena noong nakaraan eh hahaha.. feeling ko kase artista na ako” ang sabi ko.

“Artista ka man o hindi. Hindi pa rin noon mababago ang katotohanang asawa kita at asawa mo ako”

Habang sinasabi niya yun ay hinawakan niya ang tigkabila kong pisnge at tinitigan akong maigi sa aking mga mata.

Iba talaga kapag mahal mo at mahal ka. Hindi mawawala ang kilig, saya at pagmamahal niyo sa isa’t-isa.

Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Pumikit nalang ako. Hanghang sa maglapat ang aming mga labi. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si jonel na nakatingin sa amin.

“O anak. Akala ko ba ay umalis kana?” Tanong ko sa kanya.

“May nakalimutan po kase ako” ang sagot niya.

“Ano naman yun?” Ang tanong ni lionel.

“Kakain na po ba tayo? Hindi ko naman po alam na may part two pa po pala itong eksena niyo” ang sabi nito.

Halos mamula ako sa hiya. Nagkatitigan lang kami ni lionel.

“Ganun ba anak?” Ang sabi ni lionel. Tumingin naman sa akin si lionel at Kinindatan ako. “1.. 2.. 3.. go!”

At sabay naming hinabol si jonel na kanina pa pala nakatakbo papuntang sala. Nang maabutan namin ito ay pareho namin siyang kiniliti.

“Aaaahh!! Papa! Dada! Tama na po hahaha” tumatawang sabi nito habang patuloy kami sa pagkiliti sa kanya.

“Part two pala ha” ang sabi ni lionel at pinupog namin ito ng halik habang kinikiliti.

Sabay sabay naming pinagsaluhan ang hapunan. Puro kwentuhan at tawanan ang maririnig mo sa bahay. Gusto naming lumaki ang anak namin sa masayang pamilya. Dahil para sa tulad namin ni lionel alam namin na pwede siyang makatanggap ng pangungutya habang lumalaki sila at ayokong isipin nila na ang pagmamahal na meron kami ay masama dahil lang sa sinasabi nilang hindi kami normal.

Dahil ang pagmamahal ay parang isang hangin, hindi mo man siya makita ay mararamdaman mo naman ito.

Ayokong lumaki sila na mamili ng taong kanilang mamahalin at pakikisamahan. Ayokong lumaki sila na puro lungkot at away. Ayokong makita silang lumako na nanghuhusga ng tao. Dahil wala tayong karapatang husgahan ang sino man sa atin lalo na at wala naman itong ginagawa sayo o sa ibang tao. Gusto lang nila ay mabuhay ng maayos, mahalin sila at tanggapin.

Kaya wag kayong papasok sa isang bagay na alam mong hindi mo kayang panindigan. Wala namang masama kung mag-aasawa ka, basta ba alam mo yung salitang, responsibilidad, responsibilidad bilang isang asawa at magulang sa iyong magiging anak.

Hindi dahil naiingit ka lang ay gagawa na kayo ng isang desisyon na hindi niyo naman talaga ginusto lalo na at hindi mo naman mahal yung tao.

Ako? Mas pinili kong makapag-asawa ng lalaki. Dahil minsan lang tayo mabuhay. Siguro mahirap talagang tumanda na wala kang asawa at mga anak. Kaya karamihan sa mga baklang tulad ko ay nag-aasawa ng babae dahil hindi sila naniniwala na pwedeng tumagal ang ganitong relasyon. Wala naman imposible e, kung pareho niyong gagawing posible.

Walang bibitaw kung wala namang magpapabitaw.

Walamg kakabit kung walang magpapakapit.

Dalawa lang naman ang iisipin mo dun eh. Mag-aasawa ka ng babae kahit alam mo sa sarili mo na iba ang gusto mo. Kahit alam mo sa sarili mo na hindi ka malaya. Hindi ka buo. Hindi ikaw ang totoong ikaw.

Dahil iyon ang tama. Dahil iyon ang mas makakabuti. Dahil yun ang maganda sa paningin ng mga tao. Edi parang sinabi mo na rin at pinatunayan mo na tama sila.. na wala talaga tayong karapatang maging totoong tayo! Na wala tayong karapatang magkaroon ng pamilya.

Iisa lang ang buhay natin, kaya dalawa lang ang pamimilian mo. Habang buhay kang Nakakulong  sa sarili mong pagkatao o magpapakatotoo ka at ipapamukha sa kanila na hindi tayo iba sa kanila, na hindi sila ang magdedesisyon para sa buhay natin.

Sa huli. Ang mahalaga ay kung ano man ang maging desisyon mo ay panindigan mo. Ikaw ang may hawak niyan hindi kami.

Marami ang pwedeng magpayo at gumabay sa atin pero sa bandang huli ay ikaw at ikaw parin ang magdedesisyon sa sarili mo.

Kung meron mang sisisihin sa gagawin mong desisyon ay wag kang mandadamay o manisi ng iba dahil hawak mo ang desisyon at hindi ng ibang tao.

Minsan ka lang magmahal, minsan ka lang lumaban. Kaya pagpinalagpas mo pa ang pagkakataong ito ay baka hindi mo na masiguro kung yung sinasabi mong susunod na buhay ay meron ba talaga.


Nakahiga kami ni lionel sa kama habang nasa gitna namin si baby bunso at si kuya. Nasa tabi ko naman si baby bunso habang nasa tabi naman ni lionel si kuya. Gusto daw kase ni jonel na matulog sa tabi namin. Naglalaro ito sa tablet habang pinapadede ko naman itong cute na cute na si baby bunso.

“Hon, pssstt!” tawag ni lionel sa akin.

“Oh?” Ang sabi ko pero na kay baby bunso pa rin ang atensyon ko.

“pssstt! Hon”

“Oh? Ano?”

“Pssstt!!”

“Ano nga?”

“Pssstt!”

“Ano nga kase yun?”

“Eh, kung tumitingin ka kaya sa akin” ang sabi nito.

“Eh, pinapadede ko kaya si baby bunso. Sabihin mo na kasw” ang sabi ko habang nakatingin pa rin ako kay baby leon.

“Tumingin ka nga muna kase” ang naiinis na sabi nito. Naiinis naman akong tumingin sa kanya.

“Oh, ano na? Ano ba yun?” Ang mataray kong tanong.

“I love you” bulong nito sa hangin at kinindatan ako.

Napaikot lang ako ng mata.

Aaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!! Kinikilig ako sobra!! Yumuko lang ako at kinagat ang ibabang labi ko dahil pinipigilan kong tumili.

“Dada tingnan mo po si papa oh, namumula” asar ni jonel.

“Hayaan mo na si papa mo. Kinikilig lang yan” ang sabi nito.

“Talaga po? Kapag namumula si papa ay kinikilig siya sayo?” Ang tanong ni jonel sa ama.

“Oo naman anak. Jusko! Patay na patay sa akin yang papa mo” ang pagmamayabang nito sa anak.

Wow ha! Dinampot ko naman yung unan at ibinato sa kanya.

“Kapal ng mukha mo! Ikaw nga itong patay na patay sa akin e” ang sabi ko.

“Syempre mahal kita e” sabay kindat nito sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi.

“Ayiiee! Namumula na naman po si papa, dada. Crush ka ni papa” ang pagsingit ni jonel.

Sige pagtulungan niyo kong mag-ama.

“Aba! syempre anak. Dapat kay dada lang siya kiligin” ang sabi nito at hinalikan na naman ako sa labi. Bumalik na siya sa tabi ni jonel.

“Dada kiss mo rin po ako”

“Aba syempre naman” ang sabi ni lionel at hinalikan si kuya. “Mawawalan rin ba ng kiss ang aming bunso? Aba syempre hindi” Ang magiliw pang sabi ni lionel at hinalikan si baby bunso.

“E, sa asawa ko kaya?” Ang kunwaring nagtatampong sabi nito. Isip bata na naman po siya.

“Nakadalawang kiss kana kaya” sabi ko.

“Dapat tatlo. Para I love you” ang sabi niya.

Napailing nalang ako at hinalikan siya sa labi.

“Wow! Ang sarap naman nun” ang sabi niya.

Haixt! Swerte ko talaga dito sa asawa ko. Da best kung magpakilig.

Tinanggal ko na ang dede sa bibig ni baby bunso dahil ubos na ang gatas nito at tulog na rin siya. Inilipat ko na siya sa katabing crib ko.

“Good night bunso” ang sabi ko at hinalikan ko siya sa noo.

Humiga na rin ako sa kama.

“Anak matulog na. Tama na yang paglalaro sa tablet” ang sabi ko. Naglalaro kase sila ni lionel sa tablet.

“Opo papa” ang sabi nito.

Pagkapatay niya ng tablet ay kinuha ko na ito at nilagay sa cabinet. Pinatay ko na rin ang ilaw. Pahiga na sana ako sa kama ng bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito at binasa.

Good night asawa ko, i love you :* :* :*

-from: pinaka gwapong asawa mo.

Si lionel :p


Hello guys.

Wag kalimutang mag Vote at mag Comment…. na ikasasaya ko :)

Sana ay nagustuhan niyo.

Chapter fifteen

Jerol’s POV

Lumipas ang mga araw at linggo na tuluyan na ngang nawala ang pangamba ko na mawala ulit sa amin si jonel. Walang araw din na tumatawag kami kay cheska. Madalas pa nga kaming makipag skype sa kanya kapag may free time ito.

Masasabi kong masaya ang mga nagdaang taon na pinagsamahan namin ni lionel. Kahit paminsan minsan ay hindi mawawala ang tampuhan at away na mas lalo pang nagpapatibay sa relasyon namin bilang isang pamilya.

Hindi na mawawala sa isang relasyon ang problema. Depende nalang kung ipagsasawalang bahala niyo itong dalawa at hahayaang masira nito ang pagmamahalan niyo.

Sobrang mahalaga sa akin ang isang relasyon. Sabi nila kapag may nagawang kasalanan ang iyong mahal ay dapat mo itong patawarin. Tama! Pero, para sa akin ay kelangan din nila itong pagsisihan at paghirapang muli. Oo, Bakla lang tayo pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na natin deserve ang irespeto.

Sabi pa nila, hindi mo na daw kelangan pa itong pahirapan dahil hindi naman daw tayo babae! So, ok lang sa atin ang makipag talik sila sa iba, Dahil ba sa lalaki sila at may pangangailangan sila, ganoon ba yun? So, ok lang sa atin na lokohin tayo ng paulit ulit at gawing tanga, ganoon ba yun? Dahil ba, bakla lang tayo ay ok lang sa atin na gawin yun? Anong kaisipan meron ka at ganyan ka kakitid at katanga?

Mali! Respeto ang kelangan natin.

Pwes kung yan ang turo nila sayo wala na akong magagawa. Bahala kana kung mawalan na siya ng respeto sayo at gaguhin ka ng paulit-ulit.

Words is powerful.. Word is not enough.. Action and loyalty is true match :)

Kaya wag kang magpapaniwala kung niloloko kana tapos sasabihin pa sayong mahal ka niya. Tanga na lang maniwala dun.

Sabi pa nila, huwag muna itong pahirapan pa at baka sa pag-iinarte mo ay mawala pa ito. Alam mo kung anong ibig sabihin lang nun? Ibig sabihin lang nun na hindi ka talaga niya mahal. Dahil kung mahal ka niya ay hindi ito agad susuko sayo ng basta-basta. Dahil ang pagmamahal ay hindi basta basta sinusukuan.

Ok lang na magpatawad ka, pero kung paulit-ulit na ay hindi na ito maganda. Alam mo kung bakit ka niya niloko? Dahil hindi pa siya kontento sayo. Dahil hindi ka pa sapat para sa kanya. Dahil kung sapat kana ay hindi na ito maghahanap pa ng iba.

Kwento lang kami at ang lahat ng nababasa niyo ay ang mga totoong nangyayari din sa totoong buhay. Pero, wag naman sana nating hayaan na lokohin at gawin tayong tanga sa totoong buhay.

Alam kong marami sa tulad nating bakla ang nagpapaka tanga dahil bihira lang dumating ang lalaki sa buhay natin kaya natatakot tayong maiwan. Pero kung niloloko kana at ginagawa kanang tanga ng paulit-ulit ay hindi na ito pagmamahal.

Kung gusto mong mahalin ka bilang isang bakla, sana naman ay gustuhin mo rin mahalin ka bilang isang tao. Kahit bilang isang tao na lang. Hindi pampalipas oras lang.

Hindi masama ang mag-inarte. Pero wag lang sosobra. Dahil ang taong manloloko ay hindi na dapat pang sundan ng isa pang panloloko at mga taong handang magpaloko.

Hey! Grow up!

Hindi ko sinabing sumang-ayon kayo sa akin. Dahil ang pa ulit-ulit kong sinasabi. Sa bawat payo at pangaral sa inyong buhay ay ikaw at ikaw parin ang magdedesisyon niyan sa bandang huli.


“Papa tara na po” ang yaya sa akin ni jonel.

“Teka lang anak. Pagtitimpla ko lang ng dede si baby bunso para hindi siya magutom sa biyahe” ang sabi ko sa anak ko.

Magbabakasyon kase kami sa beach resort ng dalawang araw. Eto kasing asawa ko, gustong mag family bonding kami sa isang beach resort dito sa probinsya. Akala ko naman ay sa boracay na o sa puerto prinsesa hahaha… Yun pala ay dito lang. Pero ok lang, basta kasama ko sila ay masaya na ako.

Kagabi ko pa inayos ang mga gamit ni baby bunso. Ayokong may malimutan akong kelangan niya. Si lionel naman ang nag-impake ng mga dadalhin naming damit.

“Hon, tara na”

“Wait lang hon. Matatapos na akong magtimpla. Dalahin mo nalang muna itong mga laruan at unan ni baby bunso” ang sabi ko sa asawa ko.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisnge at kinuha na lahat ng gamit na pinapakuha ko sa kanya at saka ako kinindatan.

“Sira!” Ang natatawang sabi ko sa kanya. Napailing nalang ako.

Pagkatapos kong ipagtimpla si baby bunso ng dede ay bumaba na ako dala ang maliit na bag nito. Nakita ko siya buhat buhat ni manang.

“Ready na ba ang baby bunso namin?” Ang tanong ko sa kanya habang kinukuha ko siya kay manang.

“Ahmm.. manang, kayo na po munang bahala dito sa bahay ha. Baka po mga dalawang araw po kami doon” pagpapaalam ko kay manang.

“Oo naman anak. Mag-iingat kayo doon ha. At yang makulit na batang yan, hay naku! Sobrang cute” ang natutuwang sabi ni manang habang nilalaro ang kamay ni baby bunso.

Naramdaman ko namang may umakbay sa akin. Si lionel.

“Siyempre manang… manang mana siya sa dada niya eh” pagmamayabang nito. Siniko ko naman siya sa tagiliran.

“Awww!! Masakit yun ah” daing nito habang hinihimas ang kanyang tagiliran. Tumawa lang kami ni manang.

“O siya, mag-iingat kayo doon mga anak ah” si manang.

“Salamat po. Wag kayong mag-alala dahil parating na po ang inyong anak at apo” ang sabi ko kay manang. Napakunot naman siya ng noo.

“Anong ibig mong sabihin anak?” Ang nagtatakang tanong ni manang.

“Siyempre. Ayoko naman pong maiwan kayong mag-isa dito. Sakto naman pong walang pasok kaya napapayag ko po silang samahan kayo” masayang sabi ko dito. Labis naman ang tuwa ni manang.

“Salamat anak” at niyakap niya ako.

“Sige po manang, alis na po kami” ang paalam namin dito.

Nakaakbay sa akin si lionel habang naglalakad kami papuntang kotse. May time na inaamoy pa niya ang leeg ko at hinahalik-halikan.

“Lionel nakikiliti ako” ang pagsaway ko sa kanya habang patuloy parin kami sa paglalakad.

“Lionel isa! Para kang sira diyan” ang natatawang sabi ko.

“Ang bango talaga ng asawa ko. Nakakainlove” ang sabi nito habang patuloy niyang inaamoy ang leeg ko.

Pagkarating namin sa sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Pasok na po aking kamahalan at sa aking munting prinsipe” ang sabi nito sa amin habang inilalahad ang kanyang kamay.

“Maraming salamat aking minamahal asawa. Ikaw ay talagang ka ibig-ibig” ang patulang sabi ko.

Ayan! Nahahawa na tuloy ako sa kabaliwan ng asawa ko. Pumasok na rin siya ng sasakyan.

“Kuya. Wala ka bang nakakalimutan?” Tanong ko kay jonel na nakaupo sa back seat.

“Wala na po papa” ang sabi nito habang bising bisi siya sa paglalaro sa kanyang cellphone.

Hinawakan naman ni lionel ang kamay ko at hinalikan. Hindi ba nauubosan to ng kasweetan sa katawan? Aba, ewan! Hahaha…

Kinindatan niya ako.

“Aalis ba tayo o ano?” Tanong ko sa kanya.

“Sus! Pinapakilig lang naman kita e” ang sabi nito.

Namula na naman ang mukha ko.

“Oo na! Oo na!” Ang kinikilig kong sabi.

“Ayyiiee! Si papa namumula na naman kay dada.. Ayiieee!” tukso ng butihin kong anak.

Pinalo ko naman sa braso si lionel pero tinawanan niya lang ako.

“Tara na!” Ang sabi ko sa kanya.

Pinaandar na nito ang sasakyan. Hindi naman siya kalayuan. Siguro mga 30 minutes lang mula sa aming bahay. Kinuha ko sa bag ang dede ni baby bunso at pinadede ito.

Habang bumabyahe kami ay napapansin kong patingin tingin si lionel sa salamin at kikindat sa tuwing titingin ako.

“Hoy! anong trip yan mister madrid?” Ang mataray kong tanong sa kanya habang naka taas ang isang kilay.

“Kinikilig kase ako hon, kapag nakikita kong inaalagaan mo ang mga anak natin tapos kasama pa kita. Alam mo yun? Yung nag-uumapaw ang saya at kilig sa puso? Yun kase ang nararamdaman ko ngayon hon. Kaya hindi ko mapigiling agawin ang atensyon mo” ang nakangiting sabi nito.

Ako rin. Parang sasabog na ang puso ko sa kilig. Kahit asawa ko na siya ay parang nasa stage parin kami ng ligawan. Nginitian ko siya pabalik at kinindatan. Bigla namang namula ang mukha nito. Hahaha.. Kayang kaya ko rin siyang pakiligin noh. Mahal niya ako eh.

Hininto niya ang sasakyan at mabilis na hinalikan ako sa labi.

Aaaaaaaaaaaaa!!!! I can’t breath! I can’t breath! Kilig much.

“Sorry hon. Hindi ko na mapigilan eh” ang namumulang sabi nito. Halatang pinipigilan niyang kiligin.

“Hay! Kapapanuod talaga to ng teleserye. Hmmpff..” ang sabi ni kuya habang kinakamot ang ulo. Ginulo naman ni lionel ang buhok ng anak.

Pinaandar na ulit nito ang sasakyan. Pero yung kilig nandun parin. Para akong natuod sa aking kinauupuan. Para akong nanigas sa kilig. Tumingin ulit ako sa salamin pero kinindatan niya ulit ako. Hinawi nito ang kanyang buhok at nagpa-gwapo.

Duh?

“Kahit hindi kana magpa-gwapo diyan. Gwapo kana sa paningin ko” ang sabi ko sa kanya.

“Eh, kahit na! Baka lang naman mas lalo ka pang mainlove sa akin” sabay kindat ulit nito.

Kinuha ko naman ang unan ni baby bunso at pinalo sa kanya.

“Heh!” Pagsusungit ko.

Masayang kasama ang asawa ko at hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. At sabi ko nga na 30 minutes lang ang biyahe kaya nandito na kami. Biruin mo yun.

Bumaba na kami ng sasakyan habang kinukuha ni lionel lahat ng damit at pagkain na dala namin. Habang ako naman ang kumuha ng kwarto naming magpapamilya.

Maganda ang kwarto. May refrigirator, lutuan, isang malaking kama, aircon, tv at magandang view. Mahal pero sakto lang sa binayad mo. Nilagay na ni lionel lahat ng pagkain na dala namin sa ref. Habang si baby bunso naman ay hiniga ko muna sa kama dahil tulog na tulog na naman ito. Nilagyan ko ng unan sa tigkabilang gilid para hindi siya mahulog.

“Anak, wag kang lalayo ha” ang sabi ko kay kuya.

“Opo papa, dito lang po ako sa labas ng pinto” ang sabi nito habang dala dala ang laruan niyang kotse.

Maganda ang sikat ng araw.. bagay na bagay sa panahon ngayon.

“Magluluto na ako ng kakainin natin hon” ang sabi ko sa kanya.

Tumango lang ito sa akin habang inaayos niya ang iba pa naming dalang gamit. Dahil dalawa naman ang kalan, nagsaing ako sa kabila habang ulam naman sa isa.

Nakahiga lang sa kama si lionel katabi si baby bunso. Siguro ay napagod siya sa biyahe.

Pagkatapos kong magluto ay ginising ko na si lionel. Nakatulog kase siya.

“Hon, kakain na tayo. Tanghali na oh” ang sabi ko sa kanya. Tumayo na ito at dumiretso sa cr. Tinawag ko na rin si kuya na naka-upo sa harap ng pintuan habang naglalaro ng kotse kotsehan.

“Anak, mag hugas kana dun ng kamay. Kakain na tayo”

“Opo papa” pagsang-ayon nito.

Naghain na ako. Tulog pa rin sa baby bunso.

“Papa gusto ko po nun at saka iyan” ang turo ni jonel. Pinagsalin ko naman siya ng kanin at ulam. Habang pinagsalin naman ako ni lionel sa pinggan.

“Salamat hon”

“Wala yun hon. Siyempre Kelangan kong pagsilbihan ang asawa ko” ang sabi nito. Naupo na ako sa tabi niya.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain. May time na sinusubuan pa ako ni lionel at pupunasan ang gilid ng aking labi tapos isusubo niya. May sira talaga itong asawa ko pero nakakakilig lang.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin.

“Dada pwede po ba akong maglaro sa labas?” Pagpapaalam ni lionel sa ama.

“Mamaya na anak. Sobrang init pa oh” ang sabi nito sa anak. “Dito ka nalang muna maglaro sa loob.

Tumango lang si jonel at naglaro ng kotse kotsehan sa lapag.

Tanghali pa kase kaya sobrang tirik na tirik pa ang araw. Binuksan ni lionel ang tv at nanuod ng basketball. Humiga rin ako sa kama ni baby bunso. Pero itong si lionel ay lumipat pa sa bandang tabi ko.

“O, bakit lumipat ka pa?” Tanong ko sa kanya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Niyakap niya lang ako ng mahigpit habang tutok na tutok parin siya sa panunuod.

“Tsk! Ano ba yan. Lamang na sana eh” ang dismayadong sabi nito. “Pakiss nga hon” hinalikan niya ako sa labi.

Nilipat niya ang channel, sa horror naman.

“Ano ba yan. Hindi naman nakakatakot, pakiss nga ulit hon” ang sabi nito at ninakawan na naman niya ako ng halik sa labi. Napakunot naman ako ng noo. Nilipat niya ulit ang channel, sa romance naman.

“Tsk! Tsk! Tsk! Hindi naman nakakakilig. Pakiss nga ulit hon” ang sabi nito at hinalikan ulit ako sa labi. Binatukan ko naman siya.

“Awww! Hon naman eh” daing nito habang hinihimas ang ulo.

“Yung totoo lionel? Nanunuod ka ba talaga o gusto mo lang akong halikan?” Ang tanong ko dito.

Ngumiti lang siya at nagpacute sa akin. Napa roll naman ako ng mata. Niyakap niya ako ng mahigpit habang nakapatong ang kanyang ulo sa dibdib ko. Binatukan ko siya ulit.

“Bastos!” Ang sabi ko.

Pinisil pisil kase niya ang pwetan ko. “Umayos ka lionel ha” pagsaway ko sa kanya.

“Hehehehe” ang tumatawang sabi nito. Napaka pasaway talaga nitong asawa ko. Nag stay lang kami doon ng ilang oras hanggang sa mapagpasyahan naming lumabas.

“Hon tara na. Alas tres na, ok na yan” ang sabi nito sa akin. Gising narin si baby bunso.

Nagbihis lang ako ng short at white sando. Ganun din si lionel at si jonel. Sobrang gwapo talaga nitong asawa ko. Eh gwapo talaga kaya hindi ko siya maiwasang purihin.

Sinuotan ko naman si baby bunso ng shorts at sando gaya rin ng sa amin para terno kaming lahat.

Lumabas na kami. Dala ni lionel ang mga pagkaing lulutuin namin sa pagbabarbecue at ang iba pa naming pagkain. Pagkarating namin sa cottage ay nilapag na niya ito sa lamesang gawa sa kahoy. Buti nalang at may ihawan dito.

“Papa gusto ko pong maligo sa dagat” ang sabi ni jonel.

“Antayin mo muna si dada. Para may kasama ka sa paliligo” tumango lang ito sa akin.

Halatang excited na siyang maligo. Kinukuha pa kase ni lionel ang stroller nitong bunso namin. Para hindi daw ako mapagod kabubuhat sa kanya.

Pagkadating ni lionel ay hiniga ko na si baby bunso sa stroller at binigyan ng laruan.

“Hon, samahan mo daw si kuya sa dagat. Maliligo daw” ang sabi ko dito.

Tumango lang ito sa akin at niyaya na si jonel sa dagat.

Madaming naliligo ngayon sa dagat.

Nag-ihaw na ako ng barbecue at hotdog na kakainin namin para mamaya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa dalawang mag-ama ko. Naka sakay si jonel sa balikat ni lionel habang naliligo sila sa dagat.

Pagkatapos kong mag-ihaw ay tinawag ko na sila para kumain. Alam kong napagod sila kalalangoy.

“Papa gusto ko po ng hotdog ha” ang sabi nito habang nakapulupot sa kanya ang malaking tuwalya. Hehehe..

“Sige anak” ang sabi ko at inabitan siya ng hotdog.

Lumapit naman sa akin si lionel at niyakap ako ng mahigpit.

Napakalambing talaga ng mokong na ito.

“Hon naman eh! Basa ka kaya” ang sabi ko. Pero nakayap lang ito sa akin.

“Maligo kana hon. Amoy usok kana”

“E, sinong magbabantay kay baby bunso?”

“Ako” sabi niya. “Sige na. Maligo kana pagkatapos natin kumain. Ako muna magbabantay dito sa anak natin” dagdag pa niya. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Gusto ko rin naman maligo.

Pagkatapos namin kumain ay sinama ko na si jonel dagat.

“Papa turuan mo po akong lumangoy” sabi niya.

“Oo naman anak”

Pinadapa ko siya sa mga braso ko at inutusan na igalaw ang kanyang mga paa. Tiningnan ko naman si lionel sa kubo. Kalong kalong na nito si baby bunso habang nakatingin sa amin. Kinaway kaway pa niya ang kamay ni baby bunso.

Naligo at nagbabad lang kami ni jonel sa dagat hanggang sa magsawa kami. Medyo hapon na rin at wala ng masyadong araw.

“Hon, maglakad lakad tayo sa tabing dagat” ang sabi ni lionel sa akin.

“Eh, paano itong gamit at pagkain natin?” Tanong ko sa kanya.

“Ipasok ko muna sa loob. Hapon na rin naman” ang sabi nito. Hinintay ko munang maipasok ni lionel lahat ng gamit at pagkain saka ito nagyaya..

“Tara na hon” ang yaya nito.

Si lionel na ang nagbuhat kay baby bunso samantalang nakahawak naman sa akin si jonel. Naglakad lakad lang kami sa gilid ng dagat at pinagmamasdan ang mga nagtataasang bundok at kulay asul na karagatan.

“Papa hanggang kelan po tayo dito?” Tanong ni jonel sa akin.

“Tanong mo kay dada” ang sabi ko.

“Dada” sabay tingin niya kay lionel.

“Hanggang bukas pa tayo dito ng hapon anak. Kaya i-enjoy mo lang” ang sabi ni lionel sa anak.

“Talaga po? Yehey!” Ang masayang sabi nito.

“Hon, eto panyo oh. Punasan mo ng laway si baby bunso” ang utos ko sa kanya at inabot sa kanya ang panyo.

Pinunasan naman nito si baby bunso.

“Hay! Nilawayan mo na si dada anak” ang tumawatang sabi ni lionel kay baby bunso. At nakitawa na rin kami ni jonel.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad hanggang may lumapit sa aming tatlong babae na nakasuot lang ng bra at panty. Sexy at magaganda sila.

“Hello boys” ang bati nila sa amin. “Hi pogi” ang sabi nung nasa gitnang babae kay lionel. Ngumiti lang si lionel dito. Alam kase niyang seloso ako.

“Wala ba kayong mga asawang kasama?” Ang tanong ulit ng babae sa amin. I mean kay lionel. Halatang malalandi.

“Ah, sa katunayan niyan ay kasama ko siya” ang sabi ni lionel.

“Talaga? Nasaan siya?” Ang tanong naman nito habang nagpapalinga linga para hanapin kung sino.

“Eto siya oh” ang turo sa akin ni lionel. Ngumiti lang ako sa kanila. Pero tinawanan lang nila ito.

“Ikaw talaga. Hindi ka lang pala gwapo at yummy. Joker ka rin pala” ang tumatawang sabi nito. Nakitawa na rin ang mga alipores niya.

“Hindi ako nagbibiro” ang seryosong sabi ni lionel at kinabig niya ako sa ulo at mabilis na hinalikan sa labi. Halata naman ang gulat sa mukha ng mga babae.

“Sabi ko naman sa inyo diba? Asawa ko siya at eto ang mga anak namin” ang pagmamalaking sabi ni lionel. Bigla naman akong tinarayan noong babae.

“Wow! Hindi ko pala alam na bakla kayo? My god!” Ang mataray na sabi nito. Lumingon naman ako kay lionel.

“Hon, sige na.. mauna na kayo sa kwarto. Ipasok mo na itong si baby bunso at hapon na rin naman. Baka magkasakit pa siya” ang sabi ko sa asawa ko. Tumango naman ito sa akin. “Kuya sumama ka na rin kay dada hs”

“Opo papa” pagsang-ayun nito at humawak siya sa kamay ng kanyang dada at umalis na sila.

Narinig ko namng nagmurmur yung babae.

“Mga bakla nga naman. Ambisyosa! Magkano bang binayad mo o anong gayumang ginamit mo para lang mapa-ibig siya?” Ang mataray na tanong nito sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at humarap sa kanila. Ok lang naman sa akin na lait laitin nila ako. Pero wag lang sa harap ng mga anak ko.

“Wala akong perang binayad o gayumang ginamit sa kanya. Sadya lang talagang mas pinili niya ang tulad ko kesa sa tulad niyo” ang sarkastikong sabi ko.

Ngumisi lang ito sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

“Alam mo cute ka sana. Pinili mo bang maging bakla?” Mataray na tanong nito sa akin

“Hindi” tipid kong sagot. Nagtawanan naman silang tatlo.

“Girls hindi daw siya bakla. Nagpapatawa ba siya hahaha..” ang tumatawang sabi ng leader nila. Ngumiti lang ako.

“Oo hindi. Dahil Hindi ko piniling maging bakla ako. Alam mo kung anong pinili ko?”

“Ano?”

“Pinili kong maging masaya. Ikaw? Pinili mo bang maging babae?” Balik na tanong ko sa kanya.

“Oo naman” proud niyang sagot. Ako naman ang ngumisi.

“Mali ka! Dahil babae kana. Alam mo kung anong pinili mo?” Tanong ko sa kanya.

“Ano?” Mataray na sabi nito.

“Pinili mong maging masama”

Masasamang tingin naman ang ibinato nila sa akin.

“Kapal ng mukha mo. E, anong tingin mo sa sarili mo? Hindi ka ba nasusuka o nahihiya sa pinaggagawa mo?.Salot na nga kayo. Makasalanan pa ang ginagawa mo” ang galit na sabi nito.

“Mas makasalanan na pala ngayon ang magmahal ng kapwa kesa ang pumatay, magnakaw at manloko ng tao. Mas salot na pala kaming mga bakla na marunong magmahal ng totoo at tumulong sa magulang para iangat ang buhay kesa sa mga taong halang ang kaluluwa at mga taong mapang husgang kagaya niyo? Alam mo kung sino ang salot sa mundong ito? Kayo! Kayong mga makikitid ang utak na walang alam kundi ang magmalinis at magmarunong” ang mahabang sabi ko sa kanya.

“Kung sino nga naman ang unang pumutak siya pa itong malakas magpasa ng kanyang kasalanan. Mag kaiba ang salitang mahal sa kasalanan. Magiging kasalanan lang ito kung gagawa ka ng masama. Pero kung pagmamahal ang gagawin mo sa iyong kapwa ay kelan man hindi ito magiging kasalanan.” Dagdag ko pa.

Hindi siya nakaimik. Nakatitig lang ito sa akin. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Napa-atras ito ng konti.

“Anong ginagawa mo?” Nagtatakang tanong nito sa akin. Pero nginitian ko lang siya. Ipinatong ko ang kamay niya sa dibdib nito.

“Hindi kita kilala pero alam mo maganda ka” ang nakangiting sabi ko. “Pero alam mo kung saan mo matatagpuan ang tunay mong kagandahan? Diyan, diyan sa puso mo”

“Dapat hindi ka lang basta babae kundi babaeng ka respe-respeto” ang sabi ko sa kanya. Hindi naman sila naka-imik.

“Sige alis na ako” ang paalam ko sa kanila. Hindi pa man ako nakakalayo ng tawagin nila ako.

“Hoy!” Ang sigaw nito. Nilingon ko naman siya.

“Salamat” ang sabi nito.

“Wala yun. Hindi pa huli ang lahat. Basta tandaan mo lang….. nasa puso mo matatagpuan ang tunay mong kagandahan” ang naka ngiting sigaw ko sa kanya. Ngumiti lang sila sa akin.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay naabutan ko si jonel na naglalaro ng kotse kotsehan sa sahig. Habang nakahiga sa kama si lionel at si baby bunso habang nanunuod ng tv.

“Hon, ok ka lang?” Tanong nito sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit.

“Ok lang ako hon”

“Sinaktan ka ba nila?” Umiling lang ako.

“Tara kain na tayo” ang nakangiting sabi ko sa kanila.

Kung pwede ko lang ipaintindi sa lahat ang sinabi ko kanina ay gagawin ko.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang aming pinagkainan. Pinagtimpla ko na rin ng gatas si baby bunso.

“Nag-enjoy kaba anak?” Ang tanong ko kay kuya habang nakahiga ang ulo nito sa tiyan ni lionel. Katabi naman nito si baby bunso habang pinapadede ko siya. In short nasa gitna namin sila ni lionel.

“Opo papa. Napagod nga po ako kalalangoy eh”

“E, paanong hindi ka mapapagod kuya. E langoy ka ng langoy kanina. Ni hindi ka nanga umaahon eh” ang sabi ni lionel sa anak.

“Masarap po kasing maligo dada” ang sabi ni jonel sa ama. Ginulo naman ni lionel ang buhok ng anak at hinalikan sa ulo.

“Bakit hindi po naligo si baby bunso?” Inosenteng tanong ni jonel.

“Baby pa kase si bunso anak. Bawal pa siyang maligo sa dagat” sabi ko.

“Ganun po ba? Kawawa naman si baby bunso. Kiss ka nalang ni kuya” ang sabi ni jonel kay baby bunso at hinalikan ito sa pisnge. Ang cute lang.

“Hon, kiss rin tayo” ang sabi ng asawa ko.

Inirapan ko lang siya. Tumayo ito sa kanyang higaan at tumabi sa likod ko at niyakap akong mahigpit. Inamoy amoy niya ang leeg ko at hinalik halikan.

“Bango talaga ng asawa ko” ang sabi niya at patuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg ko. Likas na talaga kay lionel ang malambing.

Nakayakap parin siya sa likod habang Nakatagilid ako sa kanya at pinapadede si baby bunso. Hinawakan naman niya ang dede ni baby bunso.

“Gutom na gutom ka anak ah” ang pagkausap nito kay bunso. Tinitigan naman ako ni lionel at hinalikan sa pisnge.

“Hon”

“Hmm?” Ako.

“May knock knock ako” ang sabi niya. Napakunot naman ako ng noo.

“Anong ka kornihan na naman yan ha?” Natatawang tanong ko sa kanya.

“Eeyy…. basta. Knock knock” ang sabi niya. Napa roll lang ako ng mata.

“Who’s there?”

“Jerol”

“Jerol who?” Sabay irap ko sa kanya.

“Ehem!!” Pagtikhim nito. Natawa naman ako.

“ Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na ‘ko marinig

Ikaw pa rin ang buhay ko“ Pagkanta nito.

“Oh? Asan ang jerol dun?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin. Niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa labi.

“ Siyempre! Nandito sa puso ko “


Hello guys. Sorry sa late UD. Sisihin niyo sila frame at book ng Make it right the series. Halos maihi na ako sa kilig at kacute-an nila. Waaahh!!!

Alam niyo yung kilig na gusto mong sumigaw pero hindi mo magawa dahil maririnig ka ng magulang mo. Hahaha..

Btw. Sana nagustuhan niyo itong chapter na ito. Kaya kelangan ko ng Vote at Comment niyo. Pwede po ba yun ;) :)

Chapter sixteen

Jerol’s POV

Maaga akong gumising upang ipaghanda sila ng umagahan. Ginising ko muna si lionel upang tabihan si baby bunso sa pagtulog.

Dumiretso na ako sa kusina.

Pangalawang araw na namin ngayon dito sa beach at pauwi na rin kami mamayang hapon, kaya naman susulitin na namin ang buong araw na ito para sa aming magpapamilya.

Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako ng pagkain sa lamesa at saka ko sila tinawag. Naabutan kong nakahig sa tiyan ni lionel si baby bunso. Si jonel naman ay nakahiga sa tabi ng kanyang ama habang nanunuod ito ng tv. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng tingnan ko ang ayos nila.

“Hon good morning” bati ni lionel sa akin.

“Tara, kain na tayo” ang sabi ko naman. Lumapit ako sa kanila at kinuha sa kanya si baby bunso. Tumayo na rin si lionel at niyakap ako ng mahigpit.

“Good morning hon ko” at saka ako hinalikan sa labi. Napangiti nalang ako sa kanyang ginawa.

“Good morning po papa” ang bati ni kuya sa akin. Tumayo ito sa kama at hinalikan din ako sa labi.

“Good morning anak. Patayin na muna natin yung tv anak ha at kakain na tayo” ang sabi ko kay jonel. Tumango lang ito sa akin at pinatay ko na ang tv. Sabay sabay na kaming dumiretso sa kusina.

“Hon, kunin ko lang yung stroller ni baby bunso para makakain ka ng maayos” ang sabi ng asawa ko.

Tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayun habang si jonel naman ay dumiretso na sa lababo para maghugas ng kamay.

Pagkakuha ni lionel ng stroller ay nilagay ko na doon si baby bunso at binigyan siya ng tinapay. Pinagsalin ko na rin ng kanin at ulam si kuya.

Oh diba? Ang dami kong ginagawa bilang isang ama. At yun ang bumubuo sa akin kahit mahirap.

“Papa, gusto ko po ng fried chicken ha. Favorite ko po yan eh” ang turo ni jonel sa manok.

“Oo naman anak. Kahit ilan pa yan” nakangiting sabi ko.

“Baka naman tumaba na ang anak natin hon” ang pagsingit ni lionel.

“Ok lang naman na tumaba si kuya at saka bata pa naman siya eh” ang sabi ko sa kanya.

Nagsalin na rin ako ng kanin at ulam sa aking pinggan habang si lionel naman ay umupo na sa tabi ko.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain.

“Papa maliligo po ba ulit tayo sa dagat?”

“Oo naman anak. Liligpitin lang ni papa itong kinainan natin at pupunta na tayo sa dagat” ang masayang sabi ko. Halos hindi naman mapaglagyan ng tuwa ang kanyang mukha dahil nagtatatalon ito sa tuwa.

“O, anak. Baka naman ma-impatso ka niyan” ang saway ni lionel sa anak. “Mabuti pa ay manuod kana muna ng tv doon habang hinihintay natin si papa mo” dagdag pa nito.

“Sige po dada. Yehey!” Ang masayang sabi nito at nagtatakbo siyang umalis. Haixt! Manang mana talaga siya sa dada niya, makulit.

Nilagay ko na sa lababo ang aming pinagkainan at niligpit ang mga ito. Habang nagsasabon ako ng pinggan ay napansin kong nasa bandang kaliwa ko si lionel. Nakasandal lang ito sa tiles ng lababo at nakatitig sa akin.

“Gusto mo rin bang maghugas ng pinggan?” Tanong ko sa kanya. Umiling lang ito habang nakangiti. Pinagpatuloy ko na ang pagsasabon ng pinggan.

Huminto ako at tumingin sa kanya.

“Ano na naman bang trip mo ha? Mister madrid?” Ang tanong ko sa kanya.

Eh paano ba kase… Nakakailang yung mga titig niya tapos hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. May tama rin kase minsan itong asawa ko kaya pagpasensyahan niyo na.

Binanlawan ko na ang mga pinggang sinabunan ko pero itong asawa ko ay nasa tabi ko parin at eto nakangiting aso. Napailing nalang ako sa kanyang kalokohan.

Aktong isasalansan ko na ang mga hinugasan kong pinggan ng bigla akong pigilan ni lionel.

“Ako na diyan hon” sabay kindat nito sa akin. Hala? Kinilig ako doon ha. At ito na nga ang naglagay ng mga pinggan. Pero hindi parin niya inaalis ang kanyang malalagkit na tingin sa akin.

Nagpapa-cute ba siya?

Nilapitan ko na si baby bunso na nasa stroller at kinuha ito mula doon. Naglakad na ako patungo sa direksyon ni kuya. Hindi ko alam na nakasunod na pala sa amin.

Bakit kaya to titig ng titig sa akin?

“Alam mo lionel para kang sira diyan” ang natatawang sabi ko. “Sige ngumiti ka lang ng ngumiti diyan, mukha kang baliw” ang sabi ko sa kanya. Pero kinindatan niya lang ako.

Ano bang nakain nito? Yung totoo? Ganito na ba siya kapatay na patay sa akin? Ang ganda ko naman.

“Papa lalabas na po ba tayo?” Ang tanong ni jonel sa akin. Mukhang excited na naman siyang maligo.

“Oo anak, kaya tayo kana diyan” ang sabi ko sa kanya.

Kukunin ko na sana ang bag ni baby bunso ng unahan ako ni lionel.

“Ako na hon” sabay kindat ulit nito sa akin. Inirapan ko lang siya at lumabas na kami ng bahay.

Ang weird niya ha. I mean araw-arae naman hahaha..

“Hon, pssst” ang pagpapansin nito. Nasa hulihan ko kase siya eh kaya hindi ko siya makita.

“Ano ba yun?” Masungit kong tanong habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

“Pssst.. pssst..” tinusok tusok niya ang tagiliran ko. Nagpapa-pansin na naman siya. Humarap ako sa kanya pero sinabihan lang ako ng.. “I love you po”

Para naman akong nasamid.

“Alam mo hon..” sabay akbay nito sa akin at hinalikan sa pisnge ko. “..alam mo bang araw-araw mo akong pinaiinlove sayo?”

“Alam ko. Kaya nga araw-araw din akong nahuhulog sayo eh” ang pagsakay ko sa kalokohan niya which is true naman. Araw-araw akong nahuhulog lalo sa kanya.

Dapat kase sa isang relasyon, hindi lang isa ang marunong magpakilig kundi kayong dalawa. Para araw-araw kayong inlove sa isa’t-isa.

“Alam mo bang halos sumabog na ang puso ko sa sinabi mo?” Ang namumulang sabi nito.

“Eh, alam mo rin bang halos maihi na ako sa simpleng pagpapakilig mo?” Ang namumulang ring sabi ko. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

“Papa, dada baka naman po mangitim na si baby bunso niyan. Dito pa po kayo naglabing-labing sa ilalim ng sikat ng araw” ang panirang sabi ng anak ko. Lumapit si lionel kay kuya at ginulo ang buhok.

“Ikaw talaga anak. Panira ka ng diskarte kay dada” ang sabi ni lionel sa anak. Nagtawanan lang kaming tatlo.

Dumiretso na kami sa cottage. Kinuha na rin ni lionel ang stroller ni baby bunso at yung mga pagkain.

“Papa gusto ko na po uling maligo sa dagat.. Please.. Please..” ang paki-usap ni kuya sa akin.

“Hon, samahan mo na nga si kuya” ang sabi ko kay lionel.

Tumango lang ito sa akin at naligo na sila sa dagat. Ang dami pa ring taong naliligo. Haixt! Work na naman bukas pero atleast, masaya ang weekend naming magpapamilya.

Nakatingin lang ako sa direksyon nila habang tinuturuan ni lionel na maglangoy si kuya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Ang hot hot niya. Hindi lang siya mabuting asawa at ama. Mabuti rin siya bilang tao.

Hindi ko talaga aakalain na ang isang mayabang at buling katulad niya noon ay isa na ngayong responsableng asawa at ama sa kanyang mga anak.

Ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga hinangad na magka-asawa at magka-anak. Dahil alam kong imposible. Imposible sa mga katulad ko. Pero ang mga bagay palang hindi mo inaasam-asam ay ibibigay sayo ng hindi mo inaasahan.

Mahal na mahal ko si lionel.

Nilagay ko muna si baby bunso sa stroller at binigyan ito ng laruan. Magtatanghali na kase kaya naghain na ako ng kanin at ulam para sa aming tanghalian. Nang masiguro kong ok na ang lahat ay tinawag ko na sila para kumain.

“Papa marunong na po akong lumangoy. Tinuruan po ako ni dada” ang masayang sabi ni jonel. Kinuha ko naman ang tuwalyang nasa tabi at binalot sa kanya.

“Talaga ba? Mabuti naman kung ganun anak”

Pinaupo ko na siya sa mahabang upuan na gawa sa kawayan.

Paglingon ko kay lionel ay nakatitig na pala ito sa akin at nakanguso.

“Hon” tawag nito sa akin.

“Oh?”

“Nilalamig ako” paawa niya.

“Oh, ano gagawin ko?”

“Kuha mo rin po ako ng tuwalya at ibalot mo rin po sa katawan ko. Dali na hon” ang parang batang sabi nito.

Nagpapa-lambing na naman po itong asawa ko. Kumuha ako ng isa pang tuwalya at ibinalot sa kanyang katawan.

“Hon, nilalamig ako. Pwede bang ipunas mo siya sa katawan ko?” Hay! Inirapan ko lang siya at pinunasan ko ang katawan niya sabay tulak sa kanyang ulo.

“Aww! Hon naman eh” pagmamaktol nito.

“Nilalamig pala ha?” Ang naka ngising sabi ko.

E, paano ba naman. Manyakis! Bastos! Hinawakan niya pwetan ko.

“Alam mo hon.. kahapon pa ako nanggigigil sayo. Hindi ako maka-score eh” ang sabi nito. Lumapit ako sa kanya at piningot ito.

“Aww! Hon naman eh, nakakarami kana kaya”

“Maka-score pala ha. Ano ako basketball? Mahiya ka nga! Nandito ang mga anak mo.” ang pagsusungit ko sa kanya. Hinimas himas naman nito ang tengang piningot ko. Pero ngumiti ito na parang aso.

“Hon, mamaya pwede?” May pagtaas baba pa siya ng kilay. Hay! Ang kulit talaga.

“Oo na lang” ang sabi ko at inirapan ko siya ulit.

Napapadalas ata ang pag-irap ko ah! Nagmamaganda lang? Hahaha.. siyempre kahit mag-asawa na kami ay kelangan mo parin magpakipot noh! Masarap kaya yung lage ka niyang sinusuyo. Wag lang sobra! Dahil lahat ng sobra ay nakakasama.

Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian. Pagkatapos naming kumain ay tumambay lang kami sa cottage. Kinuha ko na si baby bunso sa stroller at pinadede ito. Habang si lionel at jonel naman ay nasa tapat ko, nagkukulitan.

“Papa si dada oh, ang kulit” ang sumbong ni kuya sa akin habang bumubulong si lionel sa kanya.

Ano na naman kayang ginagawa ng baliw niyang ama.

“Papa si dada po oh, ang kulit kulit po talaga” pagsusumbong ulit ni jonel sa akin.

“Lionel. Ano na naman ba yang itinuturo mo sa anak mo ha?” Tanong ko sa kanya.

Kiniliti lang ni lionel si jonel.

“Eh kase papa kinukulit po ako ni dada na sabihin ko daw po sa inyo na mahal na mahal ka daw po niya at kung pwede daw po ba siyang manligaw ulit sayo” ang sabi nito.

Para naman akong nanigas sa aking kinauupuan. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko. Halo halo na kase.

Tiningnan ko lang si lionel na nakatingin na pala sa akin. Kinindatan niya ako.

“Dada bakit niyo po mahal si papa?” Ang inosenteng tanong ni jonel sa lanyang ama. Nakaupo ito sa kanyang hita.

“Hindi ko alam anak… pero hindi kakayanin ni dada na hindi si papa ang makakasama ko habang buhay. Hindi ko kakayanin na hindi siya ang ang magiging ama ng mga anak ko. Na ngayon ay papa niyo na. Mas gugustuhin pa ni dada na hindi na lang siya magmahal kundi lang si papa mo makakasama ko. Ganun ko siya kamahal anak” ang sabi nito.

Bagamat kausap niya si jonel pero sa akin naman siya nakatingin. Kitang kita ko ang kanyang sinseridad.

“Ikaw anak, mahal mo ba si papa?” ang balik na tanong ni kuya.

“Opo dada, mahal na mahal po”

“E, bakit mo mahal si papa?” Tanong ulit nito sa anak. Nag-isip muna ng ilang segundo si kuya at saka ito tumingin sa akin at kay lionel.

“Hindi ko rin po alam dada, pero iiyak po ako ng sobra, sobra kung hindi po kayo ni papa ang magulang ko” ang sabi ng anak ko.

Napangiti ako. Ginulo ni lionel ang buhok ng kanyang anak at hinalikan ito sa ulo.

Tumayo si lionel at umupo sa tabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at ipinatong ang kanyang baba (chin) sa balikat ko.

“Iiyak din si dada ng sobra sobra anak, kapag hindi si papa ang makakasama niya habang buhay” yumakap ito ng mahigpit.

“O, bakit naiiyak ka diyan?” Ang naluluhang tanong ko sa kanya. Sinubsob niya lang ang kanyang mukha sa leeg ko.

“Mahal na mahal talaga kita jerol, natatakot akong mawala ka sa akin” ang naluluhang sabi nito. Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking mga kamay.

“Hinding hindi mangyayari yan hon. Aawayin ko si otor” ang sabi ko sa kanya.

“Talaga?” Ang nakasubsob pa ring sabi nito.

“Oo nga, pramis” Pero naramdaman kong hinahalikan nito ang leeg ko. Naramdaman ko pa ang pagdila niya sa leeg ko. Ayun pinalo ko siya sa ulo.

“Aray naman hon. Bakit mo ako pinalo sa ulo?” Ang sabi nito habang pinupok-pok ang kanyang baba (chin) pataas.

“Heh! Ewan ko sayo. Bastos!” ang pagtataray ko sa kanya.

Masaya ako na malaman ko… kung gaano ako kamahal ng asawa ko. Kung natatakot siyang mawala ako sa kanya, mas lalo naman akong natatakot na mawala siya sa akin. Hindi mo naman gagawin yun, Di ba otor? Friends naman tayo diba? I mean best friend pala hahaha… (A/N: no comment ako diyan :)

Niyakap ulit ako ni lionel mula sa likuran at hinawakan ang dede ni baby bunso. Siya na ang nagpadede dito habang nakayakap parin siya sa akin. Gawin ba naman akong palaman.

“Hon” ang bulong nito sa akin habang nakapatong ang kanyang baba (chin) sa balikat ko.

“Hmmm?”

“Lumalaki na ang baby bunso natin hon. Gusto mo bang sundan na natin siya?” Ang sabi nito. Siniko ko naman siya sa kanyang sikmura.

“Awww” daing nito.

“Saka mo na yan isipin. Halos magkanda kuba na nga ako kaka-alaga sa dalawang anak natin eh” ang sabi ko sa kanya. Yumakap ulit ito sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

“Alam ko hon, pero nandito lang naman ako ah… Ako na asawa mo”

Ok. Nakakakilig na.

“Baby bunso. Alam mo bang si dada lionel mo ay para lang kay papa jerol mo at…”

“..At si papa jerol mo naman ay para kay dada lionel mo din lang” ang dugtong ko sa kanyang sasabihin.

Nakatingin lang sa amin si baby bunso habang dumedede ito. Ang cute talaga ng anak namin.

“Dada ligo po ulit tayo sa dagat” ang hiling ni kuya sa ama.

“Sige na hon. Samahan muna si kuya para masulit niyo itong bakasyon natin at maya-maya ay uuwi na rin tayo” ang sabi ko sa kanya.

Tumango lang ito sa akin at naligo na sila sa dagat. Pinanuod ko lang sila na masayang naglalangoy.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng may isang lalaking lumapit sa akin. Gwapo siya at matangkad.

“Hi?” Ang bati nito sa akin.

“Hi”

“Kapatid mo?” Tanong nito sa akin.

“Hindi. Anak ko siya” ang sabi ko. Napatango naman siya.

“Ahmm.. kayo lang bang dalawa ng anak mo?” Tanong niya ulit.

“Hindi. Kasama ko asawa ko” ang sabi ko sa kanya. Napatango ulit siya.

“Ah, ganun ba? Alam mo Cute ka” ang diretsang sabi nito. Pero nakita kong may umakbay na lalaki sa kanya.

“Pare, anong kelangan mo sa asawa ko?” Ang seryosong tanong ni lionel sa lalaki.

“A-ano. W-wala naman pare. Napadaan lang ako” ang pagdadahilan nung lalaki.

“Mabuti naman kung ganun. Dahil dalawa lang naman ang pamimilian mo eh.. aalis ka ng kusa o aalis ka ng may pasa” ang pananakot ni lionel sa lalaki. Halos mamutla naman yung lalaki.

“Sige pare, alis na ako.. napadaan lang naman ako eh” ang kinakabang sabi nito at mabilis siyang umalis.

“Tinakot mo naman masyado” ang natatawang sabi ko.

“Matakot talaga siya dahil aalis siya dito na puro pasa” ang pagmamayabang nito. Binato ko naman siya ng panyo sa mukha.

“Yabang mo!” Sabi ko sa kanya.

“Matakot na talaga lahat ng lalaki dahil hinding hindi ka nila maagaw sa akin” ang sabi nito.

“Che! Maligo kana ulit doon” ang pagtataboy ko sa kanya.

“Ayoko! Baka may mga malalandi na namang lalaki na lumapit sayo. Masyado silang ambisyoso. E, ako lang naman ang mahal mo diba?” Ang sabi nito. Natawa naman ako sa pagka-over protective niya.

“Oo na lang”

Kinuha nito ang tuwalya at ibinalot sa kanyang katawan at lumapit sa akin.

“Baby bunso bakit hindi mo inaway yung mga lalaking lumalapit sa papa mo ha. Dapat si dada lang ang para kay papa” ang sabi nito sa anak. Tumawa naman si baby bunso kay lionel. Parang nagkaka-intindihan silang dalawa.

Inakbayan ako ni lionel at hinalikan sa pisnge.

“Tara na hon, baka gabihin pa tayo sa daan” ang pagyaya nito sa akin.

“Anak tara na! Uuwi na tayo” ang sabi ko sa anak ko. Lumapit na ito sa amin at humawak sa kamay ni lionel. Naglalaro pa kase siya ng buhangin.

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming mga lalaking naka top less at talaga namang mga gwapo. Maliligo siguro sila sa dagat.

“Asawa ko pre” biglang sabi nito. Ngumiti lang sila amin at dumiretso na sa dagat.

“Sira! Hindi naman nila tinatanong.. baliw ka talaga. Nakakahiya tuloy” ang nahihiyang sabi ko.

“Eee.. kahit na! Para malaman na rin nila na sa akin ka”

Hay! Handa talaga siyang ipagsigawan sa buong mundo at kahit kanino ang pagmamahal niya sa akin.

Habang naglalakad kami ay bigla niya akong tinawag.

“Hon”

“Oh?”

“I love you” bulong niya.


Wazzzuup guys!! Sobrang good vibes talaga ako sa story na ito. Minsan nga ay nagugulat nalang ako kung saan ko ba ito nakukuha samantalang hindi ko pa naman siya na-eexperience. Hahaha…

Vote and comment naman kayo diyan. Pampa-gana lang, salamat :)

Chapter seventeen

Dedicated to xakni_allyM

Jerol’s POV

Hindi pa rin ako maka move-on sa dalawang araw na family bonding naming mag-asawa lalo na at kasama namin yung dalawang bata.

Sobrang sweet, maalaga, mapagmahal, may pagka baliw at sobrang seloso man ng asawa ko ay mahal na mahal ko yan bilang asawa at ama ng mga anak ko. Ang umepal chugi. Hahaha..

“Sir, ok ka lang?” Ang tanong sa akin ng isa kong estudyante. Para naman akong natauhan bigla. Nandito nga pala ako nagkaklase.

“O-oo naman, ok lang ako bakit?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya.

Naka-upo kase ako sa teacher’s table. Pinapakopya ko sa kanila ang sinulat ko sa black board.

“Tulala po kase kayo diyan sir, tapos may pangiti-ngiti pa kayo. Akala nga po namin ay…”

Parang nag-alangan pa niyang sabihin.

“Ay?” Pagtutuloy ko naman.

“Na nababaliw na po kayo” na sinang-ayunan ng lahat.

Hala? ano ba naman yan! Nakakahiya tuloy! Si lionel kase eh. Namimiss ko tuloy siya. Namimiss ko na rin ang mga anak ko. Urgh! Kinikilig ako.

“Oo nga po sir. Siguro si kuya pogi po yan noh? Yung nagpunta dito. Ayiieeh!! Namumula si sir oh” ang tukso nito sa akin. Yung mga damuho ko namang estudyante ay nakitulad na rin sa kanya. Ayan ako ang tinutukso nila.

“Heh! Manahimik kayo kundi ibabagsak ko kayo” ang pananakot ko sa kanila. Nanahimik naman sila pero halatang pigil. Bubuklatin ko na sana ang libro ng biglang nagsitilian na naman ang mga estudyante ko.

“Ahhhh!!!” Tili nila. Napakunot naman ako ng noo. Halos lahat kase sila ay nagsitilian lalo na ang mga kababaihan at kabaklaan.

“I said quiet!” Saway ko sa kanila. Pero hindi sila nagpatinag.

“Sir….. Ahhh!!!” mas lalong lumakas ang tili nila saka tinuro ang pintuan. Napalingon naman ako sa gawing iyon kung saan sila nagkakagulo.

Sus! Isang naka-usling karatola lang naman pala na may nakasulat na “

hon, date tayo

.. Please <3 <3“

May heart, heart pa.

A-ok! Ok! Date daw kami! ANO?

“Aaaahhh!!!!” Ang malakas kong tili.

Sh*t!

Bigla naman silang nagsitahimikan. Nakatulala lang sila habang nakatingin sa akin. Parang gulat na gulat sila sa pagtili ko!

Teka! Teacher ako ah. Oo teacher nga ako, tama! Urgh! Nakalimutan ko nga palang teacher ako kaya umayos ka jerol. Inayos ko muna ang sarili ko at tiningnan ang mga naka nga-ngang estudyante ko.

Ngayon lang ba sila nakakita ng teacher na tumitili? Siguro… baka…. malay… datapwat. Ang lalim di ba? Ganyan kalalim ang pagmamahal ko asawa ko tsong! Kilig ka naman hahaha..

“Ehem..” pagtikhim ko. Kulang na lang ay tunog ng kuliglig para sa nakakabinging katahimikan. Tiningnan ko silang lahat.

Fierce look.

“Ayokong makarinig ng kahit na anong ingay. Nagkaka-intindihan ba tayo?” Galit galitan kong sabi. Tumango lang sila pero halatang pigil.

Tumayo na ako at tinungo ang pintuan. Pero bago palang ako lalabas ng pinto ng asarin na naman nila ako.

“Ayyiiieee!!!” Tukso nilang lahat sa akin. Inirapan ko lang sila. Hay! Ito talagang mga estudyante kong ito, suwail!

Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si lionel na parang baliw kung maka-ngiti. Kasama nito si baby bunso. Nakalagay siya sa baby carrier niya sa harapan. Sobrang cute nilang tingnan. Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisnge.

“Anong ka-ek-ekan na naman ito lionel ha? May pa karatola ka pa diyan!” ang natatawa kong sabi.

“Nagustuhan mo ba hon? Kinilig ka ba?” Tanong nito sa akin. Bigla namang namula ang pisnge ko.

“Kinilig? Sus! Korni kaya” ang pagdadahilan ko.

“Korni pala? E, bakit ka namumula diyan?” Ang naka ngiting tanong nito sa akin.

“Siyempre… Kahit korni man yang gawin mo ay hindi nito maitatanggi na mahal na mahal talaga kita” Natawa lang siya.

“Bakit ka nga pala nandito hon at kasama mo pa itong anak natin?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Hindi ko nga rin alam hon. Pero itong puso ko! Itong pagmamahal ko, siya ang nagdala sa akin dito” ang seryosong sabi nito.

Ganito ba kapag mahal niyo ang isa’t-isa? Mismong mga puso niyo na ang nagsasabi kung gaano niyo kamiss ang isa’t-isa?

Hindi ko lang basta mahal si lionel. Mahal na mahal pa.

Ngumiti ako sa kanya at nilapitan ito.

“Sa katunayan nga niyan ay namimiss talaga kita hon. Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatulala sa klase ko habang nakangiti at iniisip ka. Iniisip ko ang makasama ka at ang makasama kayong muli. Hindi mo alam pero ikaw lang talaga ang tumatakbo at nagpapatakbo dito sa puso’t isipan ko” ang seryosong sabi ko sa kanya.

Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko.

“Alam ko. At alam ko rin na ako lang ang nandiyan sa puso mo. Kung wala lang tayo dito sa school ay malamang nasiyahan ka na naman sa gagawin natin” ang nakangising sabi nito. Binatukan ko naman siya.

“Awww!” Daing nito. “Bakit mo ko binatukan hon?”

“Pervert ka kasi! Sige na at may klase pa ako. Lalabas na rin kami” ang sabi ko sa kanya. Lumapit ako kay baby bunso at hinalikan ito.

“Antayin ka nalang namin ng anak mo dun sa labas ah” paalam nito. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Tatalikod na sana ako ng tawagin niya ako.

“Psst.. hon”

“Oh?”

“Bilisan mo ah! I love you” kindat nito sabay kaway sa kamay ni baby bunso.

“Oo naman. I love you din” ang nakangiting sabi ko sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng room ay tanging katahimikan lang ang sumalubong sa akin. Bising bisi kase sila sa pagsusulat na akala mo naman ay totoo.

“Style niyo bulok!” ang pang-aasar ko sa kanila at doon na sila nagsipagtawanan. Paano ba naman. Kitang kita ko kaya sila sa salamin ng pintuan habang nakikinig sa usapan namin ni lionel. Mga tsismosa!

Hindi ko naman sinasadyang mahagip ng mata ko si paulo. Tahimik lang itong nakatingin sa labas ng bintana. Ni hindi man lang siya nakikisakay sa kalokohan ng kanyang mga kaklase. May problema kaya siya?

Sakto naman ang pagtunog ng bell.

“Ok class dismiss”

Dinampot ko na lahat ng gamit ko sa lamesa at mabilis kong tinungo ang daan papunta kay lionel. Naabutan ko itong nakaupo sa bench malapit sa gate ng school. Pinapadede nito si baby bunso. Marami ring mga babae at baklang estudyante ang nakapalibot sa kanya.

“Kuya pogi anak niyo po? Ang pogi naman.. Mana kay daddy” ang natutuwang sabi nung babae kay lionel.

“Asan na nga po pala ang asawa niyo kuya?” Ang tanong pa ng isa.

“Paparating na rin yun” ang sabi nito habang pinapadede parin si baby bunso. Pero hindi niya sinasadyang mapatingin ito sa gawi ko. Tumayo siya at ngumiti sa akin.

“Nandito na pala ang asawa ko. Sige, salamat sa time” ang pagpapaalam nito sa kanila. Gulat na gulat naman sila ng makita nila ako.

“Sir madrid. Kayo po pala ang asawa ni kuya pogi?” Ang tanong ng isang estudyante mula sa kabilang section.

“Oo” ang nakangiti kong tugon sa kanya. Bigla naman silang tumili ng malakas.

“Talaga po? Ang swerte niyo naman po” ang namamanghang sabi nito. Inakbayan naman ako ni lionel.

“Mali. Dahil ako ang swerte sa kanya” ang pagtatama ni lionel sa kanila. “Oh, paano. Aalis na kami ng asawa ko. Magde-date pa kase kami eh”

At hinila na ako nito palabas ng gate. Kinuha ko naman sa kanya si baby bunso at pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Pumasok na rin si lionel sa kabila at saka namin tinungo ang daan papunta sa school ni kuya.

“Hon, dito ka nalang. Ako nalang po ang susundo kay jonel. Baka may mga malalandi na namang lalaking lumapit sayo. Alam mo namang nagkalat sila sa paligid” lakas talaga ng tama ng asawa ko hays.. Tingnan mo nagnakaw pa ng halik sa labi.

Lumabas na ito ng sasakyan at sinundo si kuya.

Hindi rin naman nagtagal at kasama na nito si kuya. Bakas sa mukha nito ang saya habang may hawak hawak itong ice cream sa kabilang kamay. Pumasok na ito sa bandang likuran ng sasakyan.

“Kakain po tayo nila dada, papa? Yehey!” Ang masayang sabi nito at hinalikan ako sa pisnge. Hinalikan niya rin si baby bunso.

“Eee.. kuya naman eh. Malagkit na tuloy ang pisnge ko pati na rin si baby bunso” ang sabi ko sa kanya.

“Sorry po papa hehehe.. sorry din baby bunso” ang paghingi nito ng sorry. Inabutan ko naman siya ng panyo.

“O kuya. Pagkatapos mong ubusin yan ay punasan mong maigi yang kamay mo ah pati na rin yang mukha mo para hindi kana lagkitin” utos ko sa kanya.

“Opo papa”

Humarap naman ako kay lionel.

“Hon, bakit mo naman binili si kuya ng ice cream, dapat mamaya nalang pagka-kain natin” ang sabi ko sa kanya.

“Hayaan mo na hon. Masaya lang ako dahil magkakasama na naman tayo” ang nakangiting sabi nito sa akin. Pinaandar na niya ang sasakyan.

“Eh, lagi naman tayong magkakasama ah” ang sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mukha ni baby bunso.

“Siyempre. Iba parin kapag kasama ko kayo”

“Ano kayang na iba dun?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya. Tumingin lang ito sa akin ng seryoso at saka ngumiti.

“Alam mo kung anong iba dun? Yung…” saad nito at hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. “.. Yung ngayon”

“Alam mo ang keso mo” pag-iwas ko sa kakornihan niya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan si baby bunso na bising bisi sa kanyang paglalaro. Bigla namang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tanda na kinikilig ako.

Tumingin-tingin na lang ako sa tanawin saka ako nagsalita.

“Hon, saan ba kase tayo kakain?” Tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin at kumindat.

“Kung saan mo ako mamahalin lalo” ang nakangiting sabi nito. Inirapan ko lang siya.

“Wag ka ngang gumanyan hon… Lalo tuloy nahuhulog ang puso ko sayo” natameme naman ako sa kanyang huling sinabi. Ganito ba siya magmahal? Aba! Ay napaka swerte ko naman pala.

“Eh, paano kung mas nahuhulog ang puso ko sayo?” Ang tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

“Edi, sabay tayong magpahulog” ang nakangiti nitong sabi. Halos hindi na ako makahinga dahil pinipigilan kong tumili sa kilig. Urgh!

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang ganda ng paligid.

“Malayo pa ba tayo hon?” Tanong ko sa kanya.

“Malapit na” ang sabi nito. Binaba ko naman ang wind shield ng sasakyan at nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa lilim ng malalaking puno. Grabe napaka-aliwas. Ito kase ang sumasalag sa matinding sikat ng araw, tapos ang ganda pa ng mala berdeng kapaligiran sa naglalawakang palayan. At nag-aasulang  kalangitan sa bundok na nagtataasan.

Hay! I love nature.

Ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito. Siguro ay dalawang bayan mula sa amin. Umabot din kami ng isa’t kalahating oras bago kami makarating dito.

“Hon, nandito na tayo” ang sabi ng asawa ko ng maiparada nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Sobrang berde talaga ng paligid. Tapos yung mga ibon.. malayang malaya silang lumilipad sa kalangitan na kay gandang pagmasdan.

Kalong ko sa mga bisig ko si baby bunso habang hawak naman ni lionel si kuya sa kamay.

“Hon, ang ganda naman dito. Ang aliwalas ng hangin at ang sarap pagmasdan ng kapaligiran. Tiyak na magugustuhan kong pumunta dito araw-araw” ang tuwang tuwa at manghang manghang sabi ko sa kanya.

Lumapit naman ito sa akin at inakbayan ako. Nakatingin lang siya sa malayo habang ako naman ay nakatingin sa kanya.

“Bakit mo ako pinagmamasdan?” Ang nakangiting tanong ni lionel habang titig na titig pa rin ako sa kanya.

“Natutuwa lang ako dahil sobrang saya ang nadarama ko ngayon” ang sabi ko sa kanya.

Totoo naman eh. Alam na alam niya kung paano ako papasayahin at isang magandang factor yun bilang asawa.

Tumingin ito sa akin at hinalikan ako sa ulo.

“Makapangyarihan ang pagmamahal hon. Kaya dapat, lagi mo itong ipapakita kung gaano ito kabisa. Kaya naman hinding hindi ako mauubusan ng lakas hanggat ikaw ang nagbibigay lakas sa akin” ang seryosong sabi nito. Nakatanaw lang kami sa malawak na palayan at matataas na bundok habang nilalasap ko ang kanyang mga sinabi.

“Para sa mga anak natin hon. Para sa atin. Magiging matibay tayo” dugtong pa nito.

Lumapit ako sa kanya at mabilis itong hinalikan sa labi. Wala na akong pakialam sa mga taong makakakita sa amin. Ang alam ko lang ay hindi ito masama dahil pagmamahalan naman ang pinapakita namin. Hindi kung anong kahalayan. Yun, yun eh!

“Pasok na tayo sa karinderya hon. Alam kong gutom na itong mga anak natin” ang yaya nito sa amin.

Tumawid na kami ng kalsada bago kami pumasok ng karinderyang gawa sa kawayan. Nasa gilid ito ng kalsada habang sa paligid naman nito ang malawak na palayan. Simple pero maganda.

Kainan sa Palayan-

Ang pangalan ng karinderya.

“Hon, doon tayo sa may bandang bintana sa bandang huli. Gusto ko kasing pagmasdan ang malawak na palayan habang kumakain tayo. Nakakarelaks kase” ang sabi ko sa kanya.

Tumango lang ito sa akin at tinungo namin ang pwestong iyon. May apat na bangko bawat lamesa na saktong sakto sa aming pamilya. Yun nga lang, hindi pwedeng umupo si baby bunso. Haixt! Ang cute naman ng batang ito.

“Hon, order lang kami ng anak mo ha. Huwag kang magpapa-upo diyan ng lalaki at uuwi talags siyang pasa-pasa ang mukha” Ang maangas na sabi nito at ipinakita pa niya sa akin ang kanyang muscle. Kinurot ko naman siya sa tagiliran.

“Awww! Hon naman eh” Daing nito.

“Dami pa kasing sinasabi. Napakayabang mo talagang lalaki ka. Bilisan mo na nga diyan at ng makakain na tayo” ang utos ko sa kanya. Para naman siyang batang sunod sunuran. Takot kase yan sa akin. Under ko siya eh hahaha..

“Anak. Pawis-pawisan ka na oh” ang sabi ko kay baby bunso. Kumuha ako ng bimpo sa bag at pinunasan siya sa katawan. Kumuha rin ako ng baby powder at nilagyan ito sa likod. Sakto naman ang dating nila.

“Hon, ang dami naman niyan” ang sabi ko sa kanya. Para kasing may fiesta kung maka-order ito ng pagkain. Kahit maganda ang katawan niyan ay matakaw yan.

Halos lahat kase ng ulam dito ay inorder na niya, mula sa adobo, beef steak, fried chicken, menudo, etc. Sa panghimagas naman ay umorder siya ng halo halo na saktong sakto sa panahon.

“Handa kong ubusin lahat ng pera ko hon, basta wag lang maubos ang pagmamahal mo sa akin at sa mga anak natin” ang sabi nito habang namumualan siya sa dami ng pagkain sa kanyang bibig. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o hindi. Para kasing hindi siya kumain ng isang linggo. Kainis hahaha..

“Sira! Edi, hindi na nstin napag-aral ng kolehiyo itong mga anak natin kung wala na tayong pera” ang sabi ko sa kanya. Uminom siya ng tubig at lumunok. Tumingin siya sa akin.

“Oo nga noh?” Ang tanong nito sa sarili. At sabay kaming tumawa.

“Dada, gusto ko po ng halo halo” request ni kuya sa ama.

“Oo naman anak pero dapat ubusin mo muna yang pagkain mo ha” ang sabi ni lionel sa anak.

“Opo dada. Good boy po ako” ang inosenteng sabi nito. Lumapit naman sa akin si lionel at kinuha si baby bunso. Nagtaka naman ako.

“Ako na muna ang kakalong dito sa anak natin hon. Kumain ka na diyan. Alam ko namang hindi ka makakain ng maayos. Sa susunod ay magdadala na tayo ng baby chair” ang sabi ni lionel sa akin. Para namang hinaplos ang puso ko dahil sa pag-aalala nito sa akin.

“Ok lang naman hon. Sanay naman na ako” ang nakangiting sabi ko sa kanya.

“Kahit na! Kumain kana diyan at ako na munang bahala dito sa bunso natin” ang sabi ng asawa ko.

Hay! Ano pa nga bang magagawa ko? Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain. Samahan mo pa ng tahimik, maaliwalas, magandang kapaligiran at masarap na pagkain. Tiyak na babalik-balikan mo ito.

“Halos hindi na ako makatayo hon, sa kabusugan” ang sabi ni lionel habang hinihimas-himas ang kanyang tiyan. Natawa naman ako.

“Paanong hindi kana makatayo diyan. Eh, halos maubos mo na lahat ng pagkain dito” ang natatawang sabi ko sa kanya. Si kuya naman ay bising bisi lang sa pagkain ng halo halo.

“Anak, baka naman malagyan ang uniform mo ha. Eto oh.. Maglagay ka ng panyo sa dibdib mo” ang sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng panyo sa bag at nilagay sa dibdib nito.

“Hon, akin na si baby bunso” ang sabi ko sa kanya.

Binigay naman nito sa akin si baby bunso. Kinuha ko ang dede nito sa bag at pinadede ito. Pinagmamasdan ko lang siya habang dumedede ito. Tumabi naman si lionel sa upuan ko.

“Ang laki na ng anak natin noh? Salamat hon, dahil ikaw ang katuwang ko para palakihin sila” sabi nito.

“Siyempre naman hon. Asawa mo ako, asawa kita at anak natin sila. Pamilya tayo, kaya ginagawa ko lang ang pagiging asawa at ama ko” ang sabi ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin at tinitigan akong maigi sa mata. Halos ilang minuto rin siyang nakatitig sa akin kaya naman tinulak ko na ang noo nito gamit ang daliri ko.

“Wag ka ngang tumitig diyan! Nakakailang kaya” sabi ko sa kanya. Pero para itong baliw na nakangiting aso.

“Hayaan mo na hon. Hindi ka naman kase nakakasawang pagmasdan” Inirapan ko lang siya.

“Tara na hon. Kelangan ko pang bumalik ng school” ang pagyaya ko sa kanya.

Wala na kasing klase si jonel samantalang may meeting pa kami sa school ng 3:30. Hindi naman masyadong malayo kaya sa tingin ko ay abot pa naman ako. Tumango lang ito at tumayo na kami.

Paglabas namin ng karinderya ay nakakita agad ng ice cream vendor si kuya sa gilid. Kaya naman hindi ito nag-atubiling magpabili.

“Papa gusto ko po ng ice cream” ang hiling ni kuya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Favorite niya ang kase ice cream.

“Oo naman anak” ang sabi ko sa kanya. Biglang sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

“Pero hon…” si lionel.

“Hayaan muna” ang sabi ko sa kanya. Huminga ito ng malalim at ngumiti. Alam kong tutol siya kase kakakain lang niya ng ice cream kanina.

“Sige na nga” pagpayag nito. Lumapit kami sa nagtitinda ng ice cream at pinapili ito ng flavor.

Habang bumibili kami ay may dalawang lalaki ring lumapit dito.

“Kuya dalawang ice cream po” ang sabi noong lalaki. “Phun, anong gusto mong flavor?” Dagdag pa nito.

“Kahit ano” ang nakangiting sabi ng lalaki doon kay phun daw. Napakunot naman ako ng noo. Hmmm..

“Miguel?” Ang paniniguro ko. Napatingin naman ito sa gawi ko at bumakas ang gulat sa kanyang mga mata.

“S-sir, madrid? A-ano pong ginagawa niyo dito?” Ang tanong nito sa akin.

“Gusto kasing kumain ng asawa ko. Eh, dito niya kami dinala. Ang ganda pala dito” saad ko.

“Ganun po ba? Asan na po ang asawa niyo?” Tanong nito sa akin. Umakbay naman agad si lionel.

“Ako. Ako ang asawa niya. May aangal?” pagsingit ni lionel.

Itong lalaking ito talaga akala mo aagawan siya lagi. Akala mo laging naghahanap ng away hahaha. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. “At ito ang mga anak namin” dagdag pa ni lionel.

Parang hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan pero bumakas sa kanilang mga labi ang masayang ngiti.

“Kamusta po” ang sabi nila saka nakipag kamay.

Nakita ko namang bumulong yung cute na bata. Phun ang pangalan.

“ Teacher mo siya miguel? “ Ang bulong ng batang cute na kasama niya. Umiling lang si miguel.

Ako na ang sumagot sa tanong nito. Rinig na rinig kase ang bulong niya Hehehe..

“Magkalaban kase ang school namin every year. Doon ko nakilala si miguel dahil panlaban niyo siya Quiz bee. Matalino yang batang yan. Transferee ka noh?” tanong sa kanya.

Tumango lang ito sa akin at ngumiti.

“Miguel sino nga pala itong kasama mo?”

Tumingin lang si miguel dun sa cute na kasama niya saka ngumiti. Mukhang hinihingi nito ang permiso niya.

“Si phun po. Boyfriend ko po siya” ang masayang sabi ni miguel.

“T-talaga?” Ang nakangiting saad ko. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ito sa balikat. “Kung ano man yang nararamdan niyo sa isa’t-isa ay ipagpatuloy niyo lang ha. Walang imposible sa dalawang taong nagmamahalan. Huwag niyong pakinggan ang mga taong nagbabalat kayo na malinis sila, pero ang totoo ay makasalanan sila. O.. siya sige na at may meeting pa ako. Ingat kayo ha”

Pagpapaalam ko sa kanila. Ngumiti lang sila sa amin. Patawid na sana kami ng kalsada ng marinig ko ang usapan nila.

“Ang pogi naman nila miguel. Tapos ang cute pa ng mga anak nila” ang manghang sabi ni phun. Familiar na ang boses niya eh kaya siya yun.

“Oonga hahaha.. yun nga lang kapag nagka-anak tayo ay baka panget ang maging anak natin” ang tumatawang sabi ni miguel. Ilang segundo ring hindi nagsalita si phun.

“Kahit naman panget o hindi ang anak natin ay mamahalin ko parin naman ito. Kahit may kapansanan man o wala ay mamahalin ko parin sila. Ang mahalaga naman miguel ay nandiyan ka, nandito ako at sabay nating haharapin ang bukas ng magkasama” ang rinig kong sabi ni phun.

Tumawid kami ni lionel ng nakangiti. Alam kong narinig din niya ang sinabi nito. Talaga nga namang makapangyarihan ang pag-ibig, basta puso ang gagamitin mo at hindi ang iyong mapanghusgang mga mata ay makakatagpo ka ng iyong totoong pag-ibig.

“Hon, bilib ako sa dalawang yun, dahil ramdam ko ang totoong pagmamahal sa puso nila…. Parang tayo” ang sabi ko pagkapasok namin sa loob ng sasakyan.

“Tama ka diyan, kase mahal na mahal talaga kita jerol. Kung pagkabaliw ang sabi ito araw-araw please dalhin mo naman ako sa mental kasama ka dahil baliw na baliw na ako sayo” ang sabi nito sa akin. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

“Mabulag man ang mata ko hon. Pero itong puso ko hinding hindi mangyayari yun” ang nakangiting sabi nito. Anong meron bakit ang dami niyang hugot hahaha..

“Tara na. Masyado nang mahaba itong eksenang ito” ang natatawang sabi ko.

Tumawa rin siya at pinaandar na ang sasakyan. Hindi pa man kami nakakalayo sa karinderya ng makakita ako ng stall sa gilid ng kalsada na gawa sa bahay kubo. Puro kakanin at street foods ang tinda.

“Hon, itigil mo nga dun dali! Bibili ako ng bananacue” ang sabi ko sa kanya. Tinigil naman nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Naglilihi ka ba hon?” Tanong nito sa akin. Pinalo ko naman siya sa braso.

“Sira! Paborito ko yan” ang sabi ko.

“Alam ko. Baka lang naman naglilihi ka hihihi..” ang tumatawang sabi nito. Inirapan ko lang siya.

“Anak kay dada ka muna ah. Bibili lang si papa” ang sabi ko kay baby bunso.

“Teka hon. Ako na ang bibili” pagpigil ni lionel sa akin.

“Hindi na! Ako na”

“Baka…. aray!” Binatukan ko na siya. Alam ko na ang iniisip nito.

“Ikaw kase eh. May nakita ka bang lalaki na kasing gwapo at kasing baliw mo? Di ba wala?” Ang sabi ko sa kanya. Napaka seloso talaga ng laaking to.

Lumabas na ako ng sasakyan at tinungo ang stall kung saan merong bananacue. Dinamihan ko ng bili para sa amin.

“Ate tatlong bananacue nga po” ang sabi ko. Habang iniintay kong ibalot ni ate ang bananacue ay may narinig akong nag-uusap sa gilid. May upuan kasi doon.

“ Napapadalas na ang punta natin dito ah. Nagustuhan mo noh? Sabi ko naman sayo maganda dito “ ang sabi noong lalaki.

“ Oonga nga ang ganda nga dito. Simula kase nang dinala mo ako dito ay medyo nawawala lahat ng problema at bigat dito sa puso ko “ ang sabi noong isa. Na intriga naman ako sa dalawang taong nag-uusap kaya naman sinilip ko sila. Hindi ako tsismoso ha. Gusto ko lang tingnan.

Nagulat ako ng makita ko si blue.

“Blue?” Napatingin ito sa akin.

“Jerol?” Gulat na sabi nito.

“A-anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.

“Gumagala lang kami dito. Si nathan nga pala” ang pagpapakilala nito sa akin. Nakipag kamay naman ito sa akin. Cute siya ah.

“Nathan si jerol, pinsan ko. Magpinsang buo ang mama ko at ang mama niya” saad ni blue. Ngumiti lang ako sa kanya.

Pinsan ko siya pero diko alam kung second o third cousin.

“Mahilig ka rin sa bananacue?” Tanong ni nathan sa akin.

“Oo eh. Sa katunayan nga niyan ay paborito ko talaga ito” ang sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

“Ako rin eh. Paborito ko rin yan” saad nito. Parang magkakasundo kami nito ah.

“Takaw nga nitong si nathan eh. Makadalawa ba naman” ang tumatawang pagkukwento ni blue.

“Eh ano naman? Ako nga rin eh. Diyan kaya ako napasagot ni lionel” ang sabi ko.

“Talaga? Yan na rin ang gagawin ko hehehe… Asan na nga pala yung baliw mong asawa?” Tanong ni blue sa akin. Tinuro ko naman si lionel na nasa loob ng sasakyan. Nakasimangot na ito.

Galit na po siya.

“Hahaha.. seloso talaga yang asawa mo noh? Pagkamalan ba naman akong jowa mo noong una” ang tumatawang sabi ni blue. Natatandaan ko pa na halos magpuyos yan sa galit. Akala kase niya noong una ay may namamagitan sa amin ni blue.

“Hayaan muna yung asawa ko. May saltik talaga yan sa ulo” ang sabi ko sa kanya.

“May asawa kana? Parang ang bata mo pa ah” ang hindi makapaniwalang tanong ni nathan sa akin. 20 years old palang naman ako kaya hindi nagkakalayo edad namin sa isa’t-isa. Siguro mga 18 o 19 na ang edad ni nathan, ganun din si blue. Mukha lang talaga akong bata. Baby face kumbaga hahaha.. Nagbuhat ng sariling bangko eh.

“Ah, oo. Yan kasing asawa ko. Pinakasalan ako agad eh. Possesive” ang nakasimangot na sabi ko. Uy hindi sa nagsisisi ako ha kaya nakasimangot. Wala lang pacute lang hehehe.. Kinikilig ako eh.

“May anak na rin sila” dagdag pa ni blue habang nakaakbay kay nathan. Hmmm… may something.

“Talaga?” Di makapaniwalang tanong nito. Nginitian ko lang siya at nagpaalam na ako. Galit na kase ang asawa ko.

Kung nakikita mo lang yung nguso tinalo pa ang talong sa haba X)

Pagkapasok ko sa loob ay kinuha ko na sa kanya si baby bunso. Pinaandar na nito ang sasakyan.

“Tsk! May pahawak hawak pa ng kamay” ang nagtatampong sabi nito. Natawa naman ako sa kanyang inasta.

“Anak. Tingan mo si dada oh, mukhang bibe sa haba ng nguso. Kantahan kaya natin siya ng tatlong bibe” pang-aasar ko sa kanya.

Mas lalo pang nanulis ang nguso nito. Lumapit ako sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

“Para kang sira diyan. Kaibigan ni blue yun. Alangan naman hindi ako makipag kamay sa kanya” ang sabi ko.

“Kahit na” nagtatampo paring sabi nito.

“Ikaw lang po ang mahal ko. Ok! Kapag nagsungit ka pa diyan. Bahala ka, hindi ka makaka-score sa akin mamaya” bigla itong napatingin sa akin.

“Talaga?”

“Oo”

“Sobrang saya ko naman” saad nito. Tsk. Napakaseloso talaga hay!

Nakangiti itong nagdrive ng sasakyan. Napaka pervert talaga niya. Hay! Kaya naman mahal na maha ko siya eh.

Hinatid muna namin ang mga bata sa bahay bago ako nagpahatid sa school.

“Sunduin mo nalang ako ng 5:30 ha” ang sabi ko sa kanya. Humalik ako sa kanya at lumabas na ng sasakyan. Binaba nito ang salamin ng sasakyan.

“Hon”

“Oh?” Sabi ko. Pero kinindatan niya lang ako.

“Ano nga?” Pag-uulit ko pa. Ngumiti lang ito ng malaki.

“ Mag-ingat ka ah. Mamahalin pa kita “ ang malambing na sabi nito at pinaandar na ang sasakyan.


Alam ko sabaw. Sarry.

Pasensya na ulit guys sa late Update ha. Nagloloko kase itong cellphone ko. Pati cellphone ko niloloko na ako. Hahahaa… joke lang.

Hinabaan ko na ah para sa inyo. Sana ay magustuhan niyo. Hindi ko alam kung nakakakilig ba itong chapter na ito o boring. Nakulangan lang siguro ako sa inspirasyon hahaha.. sana magustuhan pa rin ito.

VOTE AND COMMENT guys. Para mas lalo akong ganahan mag-UD. Kahit yun nalang po salamat :)

Chapter eighteen

Jerol’s POV

After ng meeting namin ay lumabas na ako ng gate upang antayin ang asawa ko. Iniwan ko na sila maam ana at sir marvin dahil may kukunin pa daw sila sa faculty. Hindi ko naman inaasahan na maaga pala kaming papauwiin. 5pm palang ay tapos na ang meeting namin. Ang sabi ko pa naman kay lionel na 5:30 niya ako sunduin. Di bale, sasakay nalang ako.

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si paulo na nakaupo sa gilid ng kalsada at mukhang may hinihintay.

“Oh, paulo. Bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka pa umuuwi?” tanong ko sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa akin.

“Ah, ano.. ano kase sir. Ahmm.. ano, ahmm.. pwede ko po ba kayong ihatid?” Ang nahihiyang sabi nito.

Napakunot naman ako ng noo. Pero bigla na lang may umakbay sa akin. Nang lingunin ko ito ay si lionel pala.

“Bata umuwi kana at baka mapilayan pa kita. Sige na, nandito na ang asawa niya” ang pananakot nito kay paulo.

Siniko ko naman siya sa tagiliran. Baliw talaga itong lalaking to.

“Awww!!” Daing niya. Tumingin ako kay paulo at ngumiti.

“Sige na paulo. Salamat na lang” ang sabi ko sa kanya. Nakatitig lang ito sa akin. Halatang dismayado siya.

“Alis!” gulat na sigaw ni lionel. Bigla namang nataranta si paulo kaya mabilis itong tumakbo, lumingon ito kay lionel at dumila. Natawa na lang ako sa pagka-isip bata nito.

Masasabi kong bata pa talaga itong si paulo. Yun nga lang, sa mura nitong puso ay sa akin pa ito nahumaling. Madali para sa mga batang tulad niya ang mainlove. Hay! Pag-ibig nga naman, Oo.

Ang sarap magmahal. Ang sarap maging single, ang sarap maging taken pero ang sakit masaktan at maiwan.

Alam niyo kung bakit marami sa tulad natin mga nasa ikatlong lahi ang nananatiling single, hindi dahil sa bakla tayo o ano! Dahil mahirap talagang malaman kung sino nga ba ang taong papatol sa atin o sino ang taong tatanggap sa atin.

Diba ang hirap maghanap ng kagaya natin lalo na at karamihan pa sa atin ay nagtatago pa rin sa sarili nila. Hindi tulad sa mga babae na kahit hindi na sila gumawa pa ng paraan ay sila na mismo ang lalapitan ng mga lalaki para ligawan at pa-ibigin.

Samantalang tayo, pag hindi ka pa gagawa ng paraan para magkaboyfriend hindi ka talaga magkaka-jowa.

Ang hirap para sa tulad natin ang makahanap ng taong totoong mamahalin. Lalo na at libog at pera pera lang ang ang basehan natin upang mahalin. Wag mong isipin na walang forever hanggat nananatili kang bitter. Sana naman ay irespeto at mahalin mo ang pagiging tao mo.

Huwag ka ring tumunganga diyan at maghintay na ligawan ka o mahalin ka. Real talk to. Dahil aminin man natin o hindi ay hindi tayo babae. Kaya kung gusto mong magka-love life ka aba edi gumawa ka ng paraan hindi yung maghihintay ka ng isang lionel para lang mangyari ang pinapantasya mo. Merong mga lalaki na sila na ang manliligaw sayo tulad ni lionel pero pagwala pa rin.. You gotta, work, work work! Dahil ang pag-ibig ay hindi isang bayabas na aantayin mong mahinog para lang bumagsak sayo at mahulog.

Ama-right o ama-left? Hahaha..

Sabi nga nila, Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan.

Walang naman masamang magpakita ng motibo sa taong gusto mo, malay mo rin naman ay gusto ka rin pala niya at naghihintayan lang kayo kung sino ang mauuna.

Dalawa lang naman ang pamimilian mo diyan eh, it’s either maging kayo o hindi. At kung ano man ang kahinatnan ng gagawin mo o magiging desisyon niyo ay dapat niyo itong tanggapin.

Dahil ang pag-ibig ay hindi dapat ipinipilit. it’s all about sacrifices. Basta kung ayaw niya edi wag. Kung kaibigan ka niya at iwan dahil nalaman lang niyang gusto mo siya edi lumayo siya. Atleast you know na hindi siya totoong kaibigan mo. Dahil nagtapat ka lang naman at hindi mo hiniling na suklian ka niya. Kung mahalin ka man edi bonus na yun diba?

At saka ano naman kung malaman niyang may gusto ka sa kanya at sinabi niyang hindi niya ito masusuklian. Matatawag bang totoong kaibigan na basta kana lang iwan dahil sa nagtapat ka? Dahil sa ilang? Tsk!

Move-on. Hindi siya totoong kaibigan.

Ako? Kapag hindi ko mahal ang isang tao hindi ko pinapaasa. Mas mabuti nang diretsahin mo kesa ang lokohin at paligoy-liguyin mo. Kung hindi ka pa naman sigurado sa nararamdaman mo edi sabihin mo na maghintay siya At kung i-reject ka man. It means, nagpapakatotoo lang siya sayo. At isa pa! Wag kayong mainlove agad sa taong hindi niyo pa naman kilala ng lubusan dahil diyan madalas nagmumula ang inyong paghihiwalayan.

Makakita ka lang ng kaunting mali na hindi mo na kita sa noong una ay isusumbat muna. Mas mabuting magsimula muna kayo bilang magkaibigan bago kayo magka-ibigan. For me lang ha.

Hindi masamang mainlove at maging single pero hindi rin masamang masaktan at umiyak ng dahil sa pag-ibig lalo na’t ito ang magpapatatag at bubuo sayo bilang tao.

Matututo ka o mananatili kang mahina?

“Bakit mo naman tinakot yung bata lionel? Sira ka talaga” sabi ko sa kanya. Naka-akbay lang ito sa akin habang naglalakad kami patungong sasakyan. Hindi niya ako pinakinggan dahil bising bisi ito sa pag-amoy ng leeg ko. Fetish niya to eh. Hahaha..

Binatukan ko nga siya.

“Lionel naman eh. Hindi ka naman nakikinig sa akin eh” pagtatampo ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo.

“Hayaan mo na yun hon. Ke bata bata, lumalandi na. Buti nalang at dumating ako kundi nasa emergency room na yun” pagyayabang na naman nito kaya naman binatukan ko ulit siya.

“Hon naman eh. Nakakarami kana ah. Baka gusto mong..”

“Gusto mong ano? Sige ituloy mo!” Paghahamon ko sa kanya pero hinawakan niya lang ang tigkabila kong pisngi at mabilis na sinibasib ng halik sa labi. Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang ginawa. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata habang nakangiti ito sa akin.

“Hon, wag kang magpahalatang kinikilig diyan. Madaming nanunuod oh” ang sabi ng hinayupak kong asawa.

Nagpalinga linga naman ako kung totoo nga ba ang kanyang mga sinasabi at totoo nga. Urgh!

“Saya mo ah” pang-aasar ko sa kanya sabay walk out.

Pumasok ako sa loob ng kotse at nagtakip ng mukha. Sobrang pula ko na! Urgh! Lionel nakakainis ka!

Sinilip ko si lionel na nakatayo parin dun habang nakangiti itong kumakaway sa kanila. Ano to nangangampanya? Binaba ko ang salamin ng sasakyan at tinawag ito.

“Lionel!!” Sigaw ko sa kanya. Para kasing walang balak itong umalis doon.

“O Paano, tinatawag na ako ng asawa ko. Sige salamat” kumakaway na paalam nito sa kanila habang nakangiti itong lumapit sa akin. Inirapan ko lang siya.

“Ano na namang pinagsasabi mo doon at may pa kaway kaway ka pa diyan?” Tanong ko sa kanya ng makapasok ito ng sasakyan.

“Ah, yun ba? Sinabihan ko lang naman sila na akin ka at sayo ako. Yun lang, kaya kung gusto nilang mabuhay ng matiwasay at mapayapa ay wag silang um-extra dahil walang bayad ang extra. Tayo lang kaya ang bida sa kwentong ito” ang sabi ng butihin kong asawa at saka pinaandar ang sasakyan.

Hindi halatang mahal na mahal niya ako noh. Pansin niyo rin ba? Hahaha..

“Hon, kunin mo nga yung cellphone ko sa back seat” ang utos ni lionel habang patuloy ito sa pagmamaneho.

Tinanggal ko naman ang seatbelt ko at lumingon sa backseat upang kunin ang cellphone nito pero laking gulat ko ng makita kong may nakalagay doon na isang boquet ng bulaklak at apat na teddy bear. Dalawang malaki na may prentang dada lionel at papa jerol at dalawang maliit na may prentang baby leon at kuya jonel sa tiyan.

“Hon, anong meron? Bakit, bakit may ganito?” Ang tanong ko sa kanya.

“Para sayo at para sa mga anak natin yan hon” ang masayang sabi nito habang nakatutok ang kanyang paningin sa kalsada. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay kitang kita ko ang masayang ngiti.

“Salamat pero anong meron?” Ang naguguluhang tanong ko. Tumingin ito saglit sa akin at tumingin ulit sa kalsada.

“Hindi mo naman kelangan ng okasyon o espesyal na araw para lang iparamdam ko sayo o sa ng mga anak natin kung gaano ko kayo kamahal. Dahil ang pagpapayahag ng pagmamahal ay walang pinipiling araw. As long as mahal ko kayo araw araw ay araw araw ko itong ipaparamdam sayo at sa inyong pamilya ko” ang sabi nito.

Hindi ko alam na nakayakap na pala ako sa kanya at nakasubson sa kanyang dibdib habang umiiyak.

Siya lang! Siya lang ang kayang magpaiyak sa akin sa sobrang saya. Siya lang! Siya lang ang mahal ko.

“Shhh… wag ka ngang umiyak hon, naiiyak rin ako eh” ang sabi ng asawa ko.

Iniangat ko naman ang ulo ko at nakita kong lumuluha rin ito. Basta makita lang niya na umiiyak ako ay umiiyak na rin siya. Kung para sa iba ay korni o madrama kami. Maiintindihan niyo to kapag nagmahal na kayo ng totoo.

Hinalikan ko siya sa pisnge.

“Salamat hon” pagpapasalamat ko.

“Wala yun. Basta mahalin mo lang ako at ang mga anak natin hindi ako magsasawang ibigay ang lahat ng gusto niyo” ang sabi nito.

“Hindi naman namin kelangan ng mga yan hon, bonus na lang yun. Pero ikaw, ikaw ang mas kelangan namin. Gusto kong makita ka kung paano ka maging mabuting ama sa mga anak natin hanggang sa lumaki sila at tumanda habang ako naman ay magiging mabuting ama at asawa mo” ang sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang ito sa akin ng matamis at mabilis ring hinalikan sa labi.

Buong biyaheng nakayakap lang ako sa kanya habang nagmamaneho ito. Pagkarating namin sa bahay ay kinuha ko ang bulaklak at malaking teddy bear.

Si lionel naman ang nagdala ng tatlong teddy bear. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay sinalubong kaagad kami ni kuya.

“Papa” ang tumatakbong salubong ni kuya sa amin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Good boy ba si kuya kay lola nang? Hindi ba siya pasaway?” Tanong ko sa aking anak. Pinantayan ko ito at hinalikan sa pisnge. Mag-isa lang kasing nagbabantay si manang.

“Good boy po ako papa. Bakit po kayo may dalang teddy bear at bulaklak?” Ang inosenteng tanong nito.

“Bigay ni dada. May regalo rin siya sa inyo ni baby bunso” ang sabi ko.

“Talaga po papa?” Tumango lang ako sa kanya.

Pagkalapit ni lionel ay ibinigay nito sa anak ang teddy bear na may pangalan nito at dalawang chocolate bar. Hindi ko napansin yun kanina ah. Sabagay, baka natabunan lang ng mga bulaklak.

“Wow! Salamat po dada. Yehey!” Ang tuwang tuwang sabi nito. Nagtatakbo itong pumunta sa sala at doon naupo.

“Anak, kain muna tayo ng kanin ha bago mo kainin yan. Pwede po ba yun anak?” Tumango lang ito sa akin. Bakas na bakas sa mukha nito ang saya.

Sabay kaming umakyat ni lionel sa taas. Dumiretso siya sa kwarto ni kuya para kunin si baby bunso habang ako naman ay dumiretso sa kwarto namin para magbihis. Nilapag ko muna sa lamesa ang regalong binigay ni lionel at ngumiti.

Ang sweet ng asawa ko. Haixt!

Pagkabihis ko ay sakto namang pasok ni lionel kalong si baby bunso.

“Hon, kain na tayo” ang sabi nito ng makalapit siya sa akin. Kinuha ko naman sa kanya si baby bunso at hinalikan sa pisnge.

“Namiss ka ni papa anak” ang sabi ko.

Pumwesto naman si lionel sa likuran ko at niyakap ako ng mahigpit. Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko at tinitigang maigi si baby bunso.

“Ang cute ng anak natin noh? Tiyak na marami yang paiiyaking babae” ang sabi nito. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Hindi malabong mangyari yun.

“Paano hon kung maging katulad din natin siya. Paano kung maging bakla din ang anak natin. Ok lang ba sayo?” Ang tanong ko kay lionel.

Hindi malabong mangyari yun dahil sa pamilyang kinalakihan nito. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisnge.

“Oo naman hon, bakla man o hindi ang anak natin ang mahalaga ay pinalaki natin siyang mabuting tao, hindi ang manghusga ng tao. Wag nating pansinin ang mga mapang-husgang tao, na makasalanan din naman” ang sabi nito sa akin habang nakayakap parin siya sa likuran ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa lawak ng pag-iisip ng asawa ko.

Sabi ko naman sa inyo eh. Hindi niyo naman talag kelangan maging matalino. Dahil sa pagiging matalino niyo tumataas nga ang grado niyo pero bumababa naman ang ugali at pang-unawa niyo.

Karamihan ganyan. Masyadong bilib sa sarili na akala mo naman ay alam na ang lahat pero tanungin mo ng simpleng bagay hindi maunawaan at maintindihan. Dahil nagsisismula kaagad sila sa taas. Sa rurok ng kanilang kayabangan. Tinamaan ka ba? Buti naman. That’s life. Hindi mo matanggap? Pwes, kabilang ka sa matatalinong tao. Ipagmalaki mo yang kayabangan mo. Baka malayo ang marating mo.

Wala naman akong galit sa mga matatalinong tao! Sadyang bilib lang talaga sila sa sarili nila kaya hindi sila marunong tumanggap ng opinyon ng iba. One sided kumbaga. Yung side lang nila dahil matalino nga sila diba? Balance men. Kaya nga balance diba? Wag kalang titingin sa positive side. Tingnan mo din naman ang negative side.

“Alam mo hon, kahit teacher ako. Marami akong natututunan sayo. Hindi lang pala sapat ang mga natututunan mo sa paaralan kung ang iyong kaalaman ay hanggang doon lang” ang sabi ko sa kanya.

Hinalikan nito ang pisnge ko at bumaba na kami para kumain. Masyado nang mahaba ang diskusyong ito. Hahaha…

First step para maging malawak ang iyong pag-iisip at hindi maging makitid. Tanggapin mo lahat ang nasa paligid mo. Maganda man o masama, may kapansanan man o wala. Tiyak na hindi ka lang tatalino, magiging mabuting tao ka pa at lalawak ang kaalaman mo! As i said. Hindi ako mabuting tao, dahil tao parin ako nagkakasala. Pero mas napadali para sa akin ang tanggapin ang pagkaka-iba iba ng bawat isa sa atin kesa ang husgahan sila.

“Kuya kakain na tayo” pagtawag ko kay jonel ng makababa kami ni lionel. Dumiretso na kami sa lamesa. Dahil late na nga akong nakauwi ay si manang na ang nagluto ng hapunan namin.

Kinuha ko ang baby chair ni baby bunso at nilagay sa tabi ko. Si lionel naman ay umupo sa tabi ni kuya.

“Dada, pwede ko na po bang kainin yung chocolate mamaya?” Ang excited na tanong nito.

“Oo naman anak. Basta ba kumain ka ng marami ha” ang sabi ni lionel sa anak.

“Opo dada”

Bihira lang kase namin siyang bilhan ng matatamis na pagkain. Lalo na pagdating sa mga chocolates. Kaya siguro excited na excited siyang kainin ito.

Binigayn ko naman ng tinapay si baby bunso para kainin niya. Habang inaayos ko si baby bunso ay siya namang lapit sa akin ni lionel. Pinagsandok niya ako pagkain.

“Ako na diyan hon. Nilalagyan ko lang ng bimpo si baby bunso para hindi magkalat” ang sabi ko.

“Ok lang hon, basta alagaan mo lang ang anak natin. Ako na ang mag-aalaga sayo” ang naka-ngiting sabi nito habang nagsasandok siya ng kanin.

Lumapit ito sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Ang cute mo hon. Nahuhulog na naman ako sayo. Para akong lumulutang sa saya” ang sabi nito. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa sobrang kilig.

“Hon, naman eh. Lagi mo na lang akong pinapakilig” ang namumulang sabi ko.

“Talagang papakiligin kita araw-araw basta mamahalin mo rin ako araw-araw ha” ang sabi nito. Umupo siya sa tabi ko at sinubuan ako.

“Say…. Ahhhh” habang nakatutok ang kutsara sa bibig ko. Napanguso naman ako sa kanyang ginawa. Ginawa ba naman akong bata hahaha..

“Kaya ko na naman eh”

Ngumiti lang ito sa akin aka ako ninakawan ng halik sa labi.

“Eh, dali na” ang pagpupumilit pa nito.

Inirapan ko lang siya at dahan dahang binuka ang bibig ko. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa ulo.

“Ang bango mo talaga jerol”

“Bolero! Amoy pawis na kaya ako” ang sabi ko sa kanya.

“Eh, bakit hindi iyon ang naamoy ko, kundi ang pagmamahal mo”

Sabeee! Inirapan ko lang siya at tinulak pabalik sa kanyang upuan. Si jonel naman ay bising bisi lang sa pagkain.

“Che! Kumain kana nga dun. Para kang ano diyan… Para kang, telenovela…” ang pagatataboy ko sa kanya. “…Nakakainlove” dagdag ko pa.

Nakita ko namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Tahimik lang itong umupo sa kanyang upuan habang nakatitig sa akin. Hindi ko rin naman maiwasang titigan siya.

“Hon”

“Oh?” Ang sabi ko.

“Kain ka na rin” ang sabi niya habang sunod sunod ang pagsubo nito ng pagkain.

Pumikit ako at dahan dahang ngumiti.

“Oh, bakit nakapikit ka?” Tanong niya habang nakasubo sa bibig nito ang kutsara.

“Ewan hahaha.. Ang cute mo lang tingnan habang ang takaw takaw mong kumain” ang kinikilig kong sabi. Kumindat ito sa akin at ngumiti.

“Ehem… papa penge nga po ng ulam. Yung walang cheese” ang sabi ng anak ko. Bigla naman akong natauhan at napahiya dahil sa ka kesohan namin ni lionel. Talagang sa harap pa ng anak namin ah. Hahahah..

Humarap ako kay kuya at ngumiti.

“Wala naman tayong ulam na may cheese anak” ang sabi ko.

“Ah, wala po ba? Eh, bakit ang keso niyo po ni dada?” Ang tanong ulit nito. Napatingin naman ako kay lionel at kumindat.

“Keso pala ah” at sabay naming kiniliti si jonel. Tawa lang ito ng tawa. Hinalikan namin siya ni lionel sa tigkabilang pisnge.

“I love you po papa, i love you din po dada” ang masayang sabi nito. Tumingin sa akin si lionel at bumulong sa hangin.

“I love hon”

“I love you too”

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay ulit kami sa sala. As usual, yung paborito na naman ng anak namin ang palabas. Spongebob square pants. Kalong ko si baby bunso habang nakahiga naman sa mga hita ni lionel si kuya.

“Anak, cr lang si dada” ang paalam ni lionel. Tumayo ito at dumiretso sa taas. Natapos na ang dalawang episode nito at saka lang ito bumaba.

“Naligo ka?” Tanong ko sa kanya.

“Ah, oo” ang sabi nito. Lumapit ito sa amin at umupo sa tabi ko.

“Bakit ang bango mo ata hon? May lakad ka ba ngayon?” Tanong ko ulit sa kanya. Umiling lang ito.

“Ah, wala” ang sabi nito habang sinusuklay ang kanyang buhok habang nakatingin sa akin. Napakunot naman ako ng noo.

Hindi ko nalang siya pinansin at nanuod na lang ako ng tv. Nakatitig pa rin ito sa akin.

Nagpapacute ba siya?

“Lionel para kang sira diyan ha!” ang natatawang sabi ko.

“Pogi ba ako hon?” biglang tanong niya at saka nagpogi sign.

Napakunot naman akom

“Oo naman”

“Mabango ba ako?” Tanong niya ulit.

“Oo.. teka nga!” Ang pagpuputol ko sa kanya. “Naligo ka tapos, ang bango bango mo pa tapos, ang gwapo mo pa ngayon. Umamin ka nga lionel kung sino ang pinapagwapuhan mo ha? Umamin ka!” Naiinis kong tanong sa kanya.

Tahimik lang itong nakatitig sa akin. Wari’y sinusuri ang bawat sulok ng aking mata.

“ Ikaw “

Ang sabi nito habang sumilay sa kanyang mga labi ang nakakainlove na ngiti.

“Hindi mo naman kelangang magpagwapo lionel ah saka gabi na” ang sabi ko.

Huminga lang ito ng malalim at kumanta.

“ Tumingin sa ’king mata,

Magtapat ng nadarama,

Di gusto, ika’y mawala,

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo… sayo lang ang puso ko“

Ang pagkanta nito.

“Baliw!” Ang natatawang sabi ko. Ako na ang humila sa kanya. “…. Pakiss nga “


Sana ay nagustuhan niyo :)

Waaahh!! Nakakainis naman yung SAMPLE na nireregister ko sa halagang piso. Kuripot ni otor noh? Mahirap lang po ako hahaha.. Yun nga! Wala na :( … kaya asahan niyo ang madalang na UD. Pero dahil love ko kayo, gagawan ko naman yan ng paraan hehehehe…

VOTE and COMMENT guys.. kahit ito nalang pang motivate ko, salamat :)

Chapter nineteen

Jerol’s POV

Lumipas ang mga araw na masasabi kong masaya kami. Masaya kami bilang isang pamilya, hindi dahil bakla kami, hindi dahil makasalanan kami, hindi dahil imoral o salot kami kundi dahil pinili namin maging masaya. Ganoon kasimple.

May mga bagay kase na hindi mo naman kelangan gawing komplikado eh. Kung masaya ka kung ano ka, then go! Kung masaya silang hinuhusgahan ka, then go! As long as wala kang ginagawang masama at alam mong hindi mo sila tinatapakan at pinapakialaman ay piliin mo kung saan ka magiging masaya. Dahil hanggat sumasandal ka sa panghuhusga ng iba ay hinding hindi ka magiging masaya. Pagsubok yan! Mananatili kang mahina o mananatili kang matapang at pipuling maging masaya.

It’s your Choice.

Pinanganak tayo hindi para husgahan o manghusga. Pinanganak tayo hindi para gumawa ng kasalanan  o maging makasalanan. Pinanganak tayo para mabuhay at magmahalan. Walang sino man sa atin ang may karapatang magsabi o mamili kung sino lang ang pwedeng mabuhay sa mundong ito. Dahil lahat tayo ay ginawa para tanggapin ang isa’t-isa hindi para husgahan ang bawat isa. Hindi mo matanggap? Then punta ka sa planet pluto. Maghari ka dun. Kokoronahan pa kita ng Miss solar system.

Chaka nito!

Hindi naman kase lahat ng tao ay kaya mong i-please. Kahit nga simpleng bagay na madaling maintindihin hindi nila magawa, alam mo kung bakit? Dahil pilit nilang pinapaniwalaan ang mga bagay na hindi naman nila talaga alam o kahit alam na ipagpipilitan pa nilang mali ka.

Marami ang nakaka-alam pero kokonti lang ang may alam. Marami sa atin ang nakakaintindi pero kokonti lang ang marunong umintindi. Hindi lahat ng tama ay nakakabuti at hindi lahat ng mali ay nakakasama.


Pagkatapos kong maligo ay si lionel naman ang sumunod. Si manang naman ang nagpaligo kay kuya.

Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ko na si baby bunso na mahimbing na natutulog sa crib. Lumapit ako dito para buhatin. Ang cute cute talaga ng anak. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Napakunot naman ako ng noo ng bigla itong umiyak. Iyak siya ng iyak kaya kinabahan na ako. Iba kase ang iyak niya.

“Hon” pagtawag ko sa kanya. Naiiyak na rin ako.

“Hon” pagtawag kong muli. Lumabas naman ito ng cr.

“Bakit? Bakit ka umiiyak?” Ang natatarantang tanong nito.

“Nilalagnat si baby bunso. Dalhin na natin siya sa hospital please. Hon..” ang natataranta at naluluhang sabi ko.

Ngayon lang kase ito nilagnat ng ganito. Kaya pala siya iyak ng iyak. Bakit ang anak ko pa? Kahit ako nalang ang magkasakit eh.. wag lang ang anak ko. Wag lang si baby bunso. Please.. Please..

“Magbibihis lang ako saglit” ang sabi niya. Nagbihis ito agad.

“Manang pwede po bang kayo na po muna ang maghatid kay jonel sa school. Dadalhin lang po namin sa hospital si baby bunso. Nilalagnat po kase siya eh” ang sabi ni lionel. Halata ang sobrang pag-aalala sa boses nito. Kahit ako ay natatakot din.

Siguro ay simpleng sakit lang ito para sa iba. Pero yung labis na pag-aalala ko sa anak ko at pagmamahal ay hindi ko babaliwalain o ipapasawalang bahala nalang.

“Sige, dalhin niyo na yang anak niyo sa hospital at ako ng bahala kay jonel” ang sabi ni manang.

“Salamat po manang. Anak si lola nang muna ang maghahatid sayo ha. May sakit kase si bunso kaya dadalhin namin siya ni dada sa hospital” ang sabi ko sa anak ko.

“Opo papa” ang sabi nito.

Nagpaalam na kami sa kanila at tinungo ang hospital. Habang nasa biyahe kami ay hindi mawala-wala ang pag-aalala ko.

“Magdasal ka lang hon. Malakas kaya si baby bunso. Manang mana siya kay dada” ang sabi nito. Alam kong pinapalakas lang niya ang loob ko pero halata sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Habang nasa biyahe kami ay patuloy lang sa pag-iyak ang bunso ko. Hindi ko na alam kung paano siya papatahanin.

Pagkadating namin sa hospital ay pinacheck-up agad namin ito. Buti naman at hindi siya ganoon kalala. May sipon daw ito kaya siya nilagnat. Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Binigyan kami ng doktor ng reseta at vitamins para hindi siya agad mahawahan ng sakit.

“Sabi ko naman sayo hon eh, magtiwala ka lang kay God” ang sabi nito habang nagmamaneho. Nakatitig lang ako kay baby bunso na ngayon ay mahimbing na natutulog sa mga bisig ko. Ramdam ko parin ang init sa katawan niya.

Tumingin lang ako kay lionel at hinawakan ito sa hita. Lumingon naman ito sa akin.

“Nandito lang ako hon. Hinding hindi ko kayo pababayaan” ang sabi nito at tumingin na ulit siya sa dinadaanan.

“Salamat” ang mahinang sabi ko. Ngumiti lang siya. Parang gumaan ang loob ko. Nawala ang takot at pangamba dahil na rin sa tulong ng asawa ko.

Kinuha ko ang dede ni baby bunso at pinadede sa kanya. Alam kong gutom na rin siya.

“Hon” ang sabi nito habang nagmamaneho.

“Oh?”

Ngumiti lang ito at hindi nagsalita ng ilang segundo.

“I love you”

“Para saan?” Ang naguguluhan kong tanong.

“Para sa pag-aalaga mo sa mga anak natin. Tiyak na lalaki silang mapagmahal at mabuting tao dahil sayo” lumingon ito saglit at ibinalik ulit ang tingin sa kalsada. “Kinikilig ako hon, tuwing iisipin ko yun hahaha..” dagdag pa niya.

Baliw na naman po siya.

Syempre namula ang pisnge ko. Hindi ko alam kung tama bang kiligin ako gayung may sakit ang anak ko. Pero sobrang nakakakilig talaga ang mga binibitawang salita ng asawa ko eh hindi ko mapigilan.

Yumuko ako at tinitigan si baby bunso. Dahil sa kilig na nadarama ko ay hinalikan ko siya.. Sa kanya ko na lang ibinunton ang kilig ko.

“Pagaling ka baby bunso ha. Mahal na mahal ka ni papa” ang sabi ko sa kanya.

“Mahal na mahal din kita” ang sabi naman ni lionel.

Pagtingin ko dito ay nakatingin din pala ito sa akin. Bigla naman akong nataranta kaya yumuko ulit ako at pinaghahalikan si baby bunso sa pisnge. Lumingon ako ng panakaw kay lionel na nakatingin sa kalsada.

“Mahal na mahal din kita” ang mahinang sabi ko sa kanya. Lumingon ito sa akin at Ngumiti.

“Alam ko” sabi niya.

Pagkadating namin sa bahay ay dinala ko kaagad si baby bunso sa kwarto namin at inihiga sa kama.

“Hon, salamat ulit. Sige na, pumasok kana sa work mo. Ako nang bahala dito sa baby bunso natin. Magpapaalam nalang ako sa principal namin na aabsent ako ngayon” ang sabi ko sa kanya habang binibihisan si baby bunso. Lumapit ito sa akin at niyakap ako sa likod.

“Bakit naman kita iiwan? Bakit ko naman hahayaang maiwan ka ditong mag-isa. Asawa kita, asawa mo ako. Mahal kita at mahal ko ang mga anak ko. Kung iiwan kita, para iniwan ko na rin ang pagiging ama ko, ang pagiging asawa ko” ang sabi nito habang nakayakap parin siya sa likod ko. Napahinto naman ako sa aking ginagawa at hinawakan ito sa ulo.

“Sige. Pero sunduin mo si kuya mamaya ah” ang sabi ko kay lionel. Mas hinigpitan naman nito ang pagkakayakap sa akin.

“Opo. Basta ako lang po ang mahal mo ah” paniniguro niya. Hay!

“Wala na akong ibang mamahalin pa maliban sayo at wala na akong mamahalin pa bukod sayo” ang sabi ko sa kanya.

“Sige na hon, kumain kana dun. Alam kong gutom kana dahil hindi ka pa nag-uumagahan” dagdag ko pa.

“Sabay na tayo hon. Ikaw rin naman hindi pa kumakain” pag-aalala niya.

“Mauna kana hon, walang magbabantay kay baby bunso”

“Pero…”

“Wala nang pero pero, sige na” ang pagpupumilit ko sa kanya.

“Sige ganito na lang. Kukuha nalang ako ng pagkain sa ibaba at sabay na tayong kumain dito. Ok ba yun?” Ang masayang sabi nito.

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Pagkababa ni lionel ay tinabihan ko na sa higaan si baby bunso at pinagmasdan ito.

“Pinag-alala mo si papa anak. Alam mo bang umiyak ako kanina. Mahal na mahal ka ni papa at saka ni dada at saka ni kuya. Kaya pagaling ka ha. Wag mo na ulit pag-aalalahin si papa mo dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko” ang sabi ko sa anak kong mahimbing na natutulog. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap.

Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay si lionel.

“Hon, kain na tayo” ang sabi nito ng makabalik siya ng kwarto. May dala itong kanin at ulam sa tray. Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at saka umupo sa kama. Kinuha ni lionel ang lamesa at inilapit sa amin.

“Iisa lang kase ang available na pinggan at kutsara kaya share na lang tayo. Ok ba yun?” Ang sabi nito. Napa-roll na lang ako ng mata.

“Eh, di ba ang dami nating pinggan. Paano nangyari yun?” Ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Madumi kase lahat eto lang ang malinis. Hayaan muna yun hon, maii-stress ka lang” ang sabi nito.

Sumandok siya ng kanin at ulam sa pinggan at saka hinipan. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nakakapagtaka naman bakit madumi lahat ng pinggan. Pero naramdaman ko nalang na may humalik sa pisnge ko.

“Diba sabi ko naman sayo hayaan mo na yun. Ang mahalaga ay may isang pinggan na natira para sa atin” ang sabi nito habang nakatitig siya sa aking mga mata.

Humuhugot ba to o ano?

“Oo na. Huhugot kana naman eh” ang natatawa kong sabi.

“Atleast ikaw ang pinaghuhugutan ko” sabay kindat. Sus! Hahaha..

Sinubuan na niya ako. Malugod ko naman itong tinanggap.

“Namnamin mo yan hon. Dahil pagmamahal ko yan.. ayos ba?”

Yung totoo? Ako ba ang may sakit o ano? Kanina pa niya ako pinapakilig eh.

“Oh, bakit nakatitig ka sakin?” Tanong ko.

“Wala lang. Nasayo na kase ang pagmamahal ko kaya pinagmamasdan ko lang” Tinulak ko naman siya ng mahina sa noo.

“Dami mong alam! Ako na nga diyan” ang sabi ko. Aktong kukunin ko ang pinggan sa kanya ng ilayo ito sa akin.

“Bawal! Hayaan mo namang alagaan kita” ang sabi nito.

“Lagi mo naman akong inaalagaan ah” sabi ko sa kanya.

“Kahit na! Ang pagiging asawa ko sayo ay habang buhay hindi habang ako’y masaya pa. Magkaiba yun hon. Magsawa ka man sa akin ay hindi ako magsasawa sayo habang buhay, dahil ikaw na ang buhay ko” sabay kindat nito sa akin. “Pakiss nga!” Ang sabi pa nito at hinalikan niya ako sa labi. “Kaya mahal na mahal kita eh” dagdag pa niya.

Tsk! Ang keso ha. Hahaha.. Kakilig lang.

“Alam mo bang kapag namumula ka ay kinikilig ako” ang sabi niya. “Pero ang makita kang masaya ay naiinlove ako lalo”

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

“Hon naman eh. Tama na po ang pagpapakilig. Baka hindi na ako makahinga sige ka” tumawa lang siya.

“Kain na ulit tayo” ang malambing na sabi nito.

Pagkatapos niyang sumubo ay ako naman ang susubuan niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa iyon.

Wala pa akong nakikitang lalaki na ganito kalambing. Hindi naman masama kung itrato ka niyang babae dahil gusto lang niyang ipakita kung gaano ka niya kamahal at kung ayaw mong ginaganoon ka edi wag kang magtaka kung manlamig siya at humanap ng taong kayang pahahalagahan ang pagmamahal niya.

Love is love at kung marami kang rules and regulations na ayaw mo nito, ayaw mo ng ganyan ay mas mabuti pang maghanap ka nalang ng robot, baka mas bagay kayo. Hindi ka pa niya sasaktan at baka sundin pa niya lahat ng guusto mo.

Pagkatapos naming kumain ay binantayan lang namin si baby bunso. Pinapadede rin namin siya at pina-inom ng gamot base sa oras na nireseta sa amin.

Palitan kami ni lionel. Dahil maraming ginagawa si manang ay ako na ang nagluto ng aming tanghalin. Pagkatapos kong magluto ay kinuha ko na sa kanya si baby bunso at pinasundo si jonel.

“Ok na ba ang bunso namin? Padating na si kuya. Pagaling kana daw anak kase maglalaro pa kayo” ang sabi ko sa anak ko.

Medyo mainit parin siya. Pero hindi na gaya kaninang umaga na nag-aapos sa init. Buti nalang at naagapan namin. Nakaupo lang kami ni baby bunso sa sofa habang nanunuod ng tv.

Hindi rin naman nagtagal at narinig na kami ng tunog ng sasakyan. Tiyak na sila na yun. Tumatakbong pumasok naman si kuya ng bahay.

“Papa” ang tumatakbong sabi nito. Nang makalapit ito sa amin ay hinalikan niya agad si baby bunso at niyakap.

“Papa ok na po ba si baby bunso?” Ang nag-aalalang tanong nito at saka ako hinalikan sa pisnge.

“Hindi pa anak. Pero pagaling na siya dahil kiniss mo na siya eh” ang pagpapagaan ko ng loob sa kanya. Halata kasing nag-aalala siya sa kanyang kapatid. Sakto namang pasok ni lionel.

“Hon, kain na tayo. Anong ulam ang niluto mo?” Ang tanong nito sa akin ng makalapit ito sa amin.

“Adobo” sabi ko.

“I love you too” ang sabi niya at kinuha sa akin si baby bunso. Napakunot naman ako ng noo habang naglalakad kami papuntang lamesa.

“Ha?” Yun nalang nasabi ko. Hindi kase siya magsink in sa isip ko.

“Ang sabi… ko i love you too”

“Hindi naman kita sinabihan ng i love you ah” ang sabi ko sa kanya.

“Eh, ano bang sinabi mo?” Ang tanong nito ng makaupo kami sa lamesa.

“Sabi ko kaya ay Adobo” at pinagsandok ko na sila ng kanin at ulam sa pinggan.

“Adobo ba? Akala ko kase i love you, magkatunog kase eh… hayaan mo na hon. Mahal naman kita” ang sabi nito.

Napatigil naman ako sa paglalagay ng ulam sa pinggan ni jonel. Tiningnan ko si lionel pero busy lang ito sa pagsubo ng kanin at ulam.

“Papa bakit ka po namumula? Kinikilig ka na naman po ba kay dada?” Ang inosenteng tanong ni kuya. Bigla naman akong natauhan kaya pinagpatuloy ko na ulit ang paglalagay ng ulam sa pinggan nila.

Sinulyapan lang ako ni lionel at ngumisi. Dinilaan ko naman siya pero kinindatan niya ulit ako.

“Good boy naman si kuya sa school?” pag-iibs ko ng usapan.

“Opo papa. Highest po ako sa test namin kanina” ang masayang sabi nito.

“Talaga anak? Proud na proud sayo si papa at si dada” ang sabi ko sa anak ko. Ngumiti lang ito sa akin.

Napakahalaga na sabay sabay kayong kumain sa hapag kainan. Dahil dito mabubuo ang inyong matibay na pagsasamahan. Siyempre, depende pa rin yan sa inyong napag-usapan.

Pagkatapos naming kumain ay pinaghanda ko naman si kuya ng baon niya para sa break time niya. Sandwich at juice lang.

“O anak. Wag kang masyadong magpapawis ah. Baka magkasakit ka” ang bilin ko sa anak ko at saka ko binigay ang baunan nito.

“Opo papa” at saka siya humalik sa akin. Humalik din si lionel sa akin.

“Papasok ka rin?” Tanong ko kay lionel. Baka lang naman hahaha..

“Oo pagbalik ko papasukin kita” ang nakangising sabi nito. Ewww.. Pinalo ko nga siya sa braso niya.

“Awww!! Hon naman eh”

“Sige na! Ihatid mo na si jonel. Dami pang alam” ang sabi ko sa kanya.

“Talaga?” At nagtaas baba ang kilay nito.

“Sira! Sabi ko bilisan muna!” Ngumiti lang ito sa akin.

“Tara na nga anak” ang sabi nito at ninakawan na naman niya ako ng halik sa labi at nagtatatakbo siya palabas ng bahay.

Urgh!

“Tara na nga anak, akyat na tayo sa taas masyadong madaming alam si dada mo” ang sabi ko sa anak ko.

Umakyat na kami sa kwarto at ihiniga ito. Medyo mainit parin siya pero napapansin kong sumisigla na siya ng konti. Binigyan ko lang ito ng laruan at pinagmasdan maigi. Nakahiga kaming pareho sa kama ng maramdaman kong may yumakap sa akin.

“Bakit ang bilis mo ata?” Ang tanong ko sa kanya habang nakayakap ito sa akin. Sinubson niya ang mukha niya sa leeg ko at hinalik halikan ito.

“Nakalimutan mo na ba?”

“Ang alin?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Yung ano.. yung…” at saka niya idinikit ang ano niya sa likuran ko. Napakabastos niya.

Humarap ako sa kanya at binatukan ito.

“Urgh! Hon naman eh” daing nito.

“Sira ka kase! Mahiya ka nga sa anak mo. Kung ano-anung kabaliwan ang naiisip mo” ang pagsaway ko dito. Tinawanan niya lang ako at niyakap ng mahigpit.

“Joke lang hon. Siyempre pinapasaya lang kita”

“Pagpapasaya mo mukha ko” at Inirapan ko siya.

Wala kaming ginawa kundi ang bantayan at alagaan lang si baby bunso. Siya ulit ang sumundo kay kuya ng hapong iyon. Habang ako ay walang tigil sa pagbabantay at pag-aalaga sa baby bunso namin.

“Good night papa, good night dada, good night baby bunso” ang masayang sabi ni kuya at hinalikan kami sa pisnge.

Sama sama kaming nakahiga sa kama ng kwarto namin. Nasa kabilang dulo si lionel habang nasa gita namin si kuya at baby bunso. Malaki naman ang aming kama kaya naglagay ako ng malaking unan sa pagitan ni kuya at ni baby bunso. Medyo malikot kasing matulog si kuya baka madaganan.

Chineck ko ulit si baby bunso kung medyo bumaba na ba ang lagnat nito at hindi naman ako nagkamali. Pero hindi parin ako mapalagay dahil sa pag-aalala sa anak ko. Tulog na si kuya pero hindi ko magawang makatulog.

“Hon, bakit hindi ka pa natutulog?” Amg tanong sa akin ni lionel.

“Hindi kase ako makatulog hon. Masyado akong nag-aalala sa anak natin” ang sabi ko sa kanya.

“Wag mo namang pagudin ang katawan mo hon. Ako na muna ang magbabantay sa anak natin” ang saad nito.

“Hindi na hon. Hindi rin naman ako makatulog eh” ang sabi ko sa kanya.

“Pero….”

“Wala nang pero pero, alam ko namang pagod ka rin” ang nakangiting sabi ko sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.

“Tulog lang ako ng konti hon tapos ikaw naman” ang sabi nito.

“Sige”

Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Nakatingin lang ako sa anak ko. Paminsan minsan kase ay umuungol ito kaya hindi ako magka-mayaw sa pag-aalala sa kanya.

Kaya ang ginagawa ko ay niyayakap ko lang siya para pagpawisan. 2:30 am ng abutan ako ng antok. Buti naman at gising na si lionel. Siya na ang pumalit sa akin para tabihan si baby bunso. Pagkahigang pagkahiga ko pa lang sa tabi ni kuya ay nakatulog na ako.

Habang nasa malalim akong pagkakatulog ay naramdaman kong may gumigising sa akin.

“Aaaaahhhh!!!” ang malakas kong sigaw ng magising ako.

“Hon, ok ka lang ba? Binabangungot kaba?” ang nag-aalalang tanong ni lionel sa akin.

“O-ok lang ako hon” ang sabi ko sa kanya.

“Ano ba kasing napanaginipan mo at napasigaw ka?”

“Napanaginipan kase kita hon eh” ang sabi ko sa kanya.

“O eh bakit ka sumigaw diyan! Hindi ba maganda ang napanaginipan mo tungkol sa akin?” Umiling ako sa kanya.

“Hindi hon. Sa katunayan nga ay mahal na mahal mo daw ako eh” ang pagkukwento ko sa kanya.

“O, e bakit ka nga sumigaw?”

“Kinilig kase ako” ang sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ako sa mata ng seryoso. At dahan dahang sumilay sa kanyang mga labi ang matatamis na ngiti nito.

Sus! Pogi points na naman siya. Hahaha..


Pasensya na guys, nagkasakit kase si otor kaya hindi kaagad nakapag-UD. Sana ay magustuhan niyo ang UD ko ngayon :)

Papakilala ko na sa inyo ang boyfriend ko, si……. si lionel! Hahahaha… masyado na akong nagparaya kay jerol. Siguro naman ay panahon na para bawiin ko siya. Lionel, ako ulit! Ako nalang ulit! Hahaha.. may hugot?

Wag niyo naman pong kalimutan mag VOTE at mag COMMENT lalo na pag online kayo kase hindi siya narereceive kapag offline. Salamat ;)

Chapter twenty

Jerol’s POV

“Hon may tanong ako” ang sabi ko kay lionel habang nilalaro nito ang buhok ko. Nakahiga kase ako sa mga hita niya.

“Ano yun hon?” Ang sabi nito habang busy parin siya sa paglalaro sa buhok ko.

“Sa tingin mo ba hon, straight ako dati o bakla na talaga ako?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya. Sinuklay nito ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Ahmm.. ahmm.. ano nga ba..” ang nag-iisip na sabi nito. “Siguro hon, siguro ay bakla na talaga tayo noon pa lang. Noong pinanganak na tayo”

“Paano mo naman nasabi?” Tanong ko sa kanya. Hinawakan ko rin ang hibla ng buhok nito at sinuklay. Huminga siya ng malalim at tumitig sa aking mata.

“Ewan, hindi ko rin alam hon, pero sa tingin ko ay kung bakla ka, bakla ka na talaga at walang dapat ikahiya doon. Ito’y sa aking pananaw lang naman” ang sabi nito.

“Pwede ko bang sabihin na straight ako before tapos naging bisexual o gay na ako ngayon dahil asawa na kita? Ganoon ba yun?” Ang naguguluhang tanong ko ulit sa kanya. Kita ko namang napaisip ito.

“Sa tingin ko hon, pinanganak na talaga tayong ganito at wag na natin pang sabihin o gawing excuse na naging straight tayo before na parang nagsisisi ka kung ano o sino ka ngayon. Dahil kung straight ka, straight ka talaga! Kahit Balik-baliktarin mo man ang mundo kung straight ka ay hindi ka papatol sa kapwa mo. Parang hindi rin tama yung kasabihan na “ Hindi porket pumatol kana sa bakla ay bakla kana sadyang nagmahal ka lang naman “ Parang hindi ako naniniwala sa kasabihang yan. Ang salita kasing straight ay basehan natin para sabihing at patunay wala silang bahid ng pagiging bakla. Yung hindi naaattract sa kapwa niya lalaki/babae dahil pag sinabi nating straight as in sa babae o sa opposite sex lang tayo naaattract at kung patuloy nating paniniwalaan ang mga ganyang kasabihan eh lahat na tayo ay magdedeny sa sarili natin. Kaya nga nagkaroon ng pagsasaliksik at nahati sa dalawa o ilan man ang uri kasarian para malaman natin kung saang sexualidad tayo nabibilang. Heterosexual at homosexual. Heterosexual kung saan Attracted ka lang sa opposite sex mo na kung tawagin ay “Straight”. At Homosexual naman kung saan nabibilang ang LGBTQ+ member that means you’re not straight or fully straight or confuse kaya nga sineperate siya sa pagiging straight eh. Sobrang mahaba talagang usapin pagdating dito. Hindi naman mahirap intindihin kung magsasaliksik ka at tatanggapin mo kung ano ka…. Ito ay sa aking pananaw lamang. Kaya siguro natin nasasabi na kaya tayo naging ganito o naging ganyan ay dahil  sa naging karanasan natin noong kabataan. Maybe, siguro pero wag naman nating isisi sa iba kung bakit tayo naging ganito ngayon. Oo siguro malaki ang chance para ma-confuse ka o tuluyang maging bakla ka pero may choice ka eh.. Choice mo pa rin yan kung anong gusto mo sa buhay. Tayo pa rin ang magpapatakbo ng buhay natin kaya kung ano ka ngayon desisyon mo na yan at hindi dahil sa naranasan mo o ginawa sayo noong kabataan mo. Alam kong hindi maganda at di dapat yun pero kung ayaw mo talagang humantong sa pagiging bakla, dapat di ka gagawa ng bagay na alam mong di ginagawa ng mga straight na tao“ sabay ngiti ko nito. Ngumiti rin ako sa kanya.

“Alam mo hon, nakatadhana na talaga tayong maging ganito. Siguro ay hindi talaga tayo pinanganak na straight sa aking pananaw ha. Kaya lang naman natin nasasabi yun ay dahil iyon ang pilit na ipinamumulat sa atin ng ating mga magulang. Kaya nahihirapan tayong kilalanin kung sino o ano tayo ay dahil sa kanilang pinaniniwalaan kesa ang alamin ang ating pinagdadaanan” napatango naman ako. Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya.

“Alam kong dati ay deny ako ng deny sa sarili ko dahil naguguluhan din ako at normal lang naman na ma-confuse ka. Pero ngayon ay tanggap ko na kung sino o ano ako. Bakla ako hon. Bakla! At wala akong ikinahihiya doon lalo na at ikaw ang ipagmamalaki ko sa kanila. Siguro ay naaatract parin ako sa mga babae pero hindi ko gagamitin ang salitang bisexual kung ito naman ay gagamitin mo lang bilang excuse o pabanguhin ang iyong sarili upang hindi ka lokohing bakla. Wala akong galit sa mga taong nagsasabing bisexual sila. Karapatan nila yan. Pero parang hindi pa rin nila matanggap sa sarili nila kung sino o ano talaga sila. Yun lang! Anong masama kung tanggapin mo sa sarili mo na isa kang bakla as long as alam mo kung paano mo ito iaapply sa sarili mo. Hindi porket bakla kana ay kelangan mo nang magdamit pambabae o kumilos babae. Ikaw parin ang maghahandle sa iyong sarili.

Wala ring masama kung magsuot ka ng pambabae o panlalaki basta irespeto mo lang ang iyong sarili at huwag kang gagawa ng ikabababoy mo ay walang masama doon. Dahil naniniwala akong wala iyan sa pananamit o kasarian. Nakikita yan sa ugali at kung paano ka makitungo sa kapwa mo.

Hindi naman mahalaga sa akin hon, kung anong itawag nila sa akin o sa atin. Ang mahalaga ay masaya ako, masaya tayo, marunong akong magmahal at kaya kong tanggapin ng buo ang sarili ko. Hindi naman masamang magpaka-totoo. Pero wag mo naman sanang lokohin pati ang sarili mo! Kung bisexual ka panindigan mo. Mamili ka sa dalawa kung sino ang mahal mo hindi yung manggagamit ka pa ng iba para lang pagtakpan yang sarili mo at punan ang kalibugan mo.

Mahal kita, mahal ko mga anak ko. Kelangan ko pa bang ituwid ang sarili ko para sa kasiyahang alam kong hindi ako magiging malaya?“ Ang mahabang sabi nito.

Inangat ko ang ulo ko at hinalikan ito sa labi.

“Salamat hon. Kahit papaano ay naliwanagan ako. Sabi nga nila. Nasasayo parin ang huling desisyon kung maniniwala ka o hindi. Pero ako? Naniniwala ako sayo. Siguro nga ay bakla na talaga ako noong nasa tiyan pa lang ako ni mama. Hindi ko lang matanggap noong una dahil iyon ang kinamulatan natin at pilit na ipinapamulat sa atin. Inaalisan na tayo ng karapatan para ihayag ang ating totoong nararamdaman” pagsang-ayon ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at piningot ang ilong ko. Hinawakan nito ang tigkabila kong pisnge.

“Hindi ako mapapagod na mahalin ka at kung mapagod man ako. Isang ngiti mo lang ay mamahalin ulit kita” ang seryosong sabi nito. Siya naman ngayon ang piningot ko sa ilong.

“Bakit kaya may mga taong kaya kang pa-ibigin at sa bandang huli ay lolokohin ka rin naman pala” ang sabi ko habang nakatingin sa kisame. Humiga ito sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Sinubsob nito ang kanyang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang hininga nitong dumadampi sa aking balat.

“Marahil ay sila yung klase ng taong hindi marunong makuntento sa mahal nila, kung mahal nga ba talaga nila. Pero ako hon? Bakit pa kita lolokohin kung ang pagmamahal ko naman sayo ang siyang bumubuhay sa pagkatao ko. Mahal kita. Mahal mo ko at kung may kulang pa dun ay pupunan ko” Ang malambing na sabi nito. Nilingon ko siya habang nakasubsob parin sa leeg ko.

“Sana ay hindi ka lang puro salita. Dahil masakit para sa akin ang makita kang masaya sa piling ng iba” ang sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata. Bawat titig niya ay nakakatunaw. Bawat kisap ng mata niya ay nakakabuhay.

“Mas masakit sa akin hon kung ang apelyido mo ay apelyido nang iba. Pinakasalan kita, dahil mahal kita. Pinakasalan kita, dahil akin ka. Pinakasalan kita dahil hindi ko kayang harapin ang bukas na wala ka at hindi ka kasama. Kaya wag mong isipin na lolokohin kita. Dahil sa puso’t isipan ko, ikaw lang sapat na” ang sinserong sabi nito.

Hindi masamang maging seryoso. Dahil sa pag-ibig ay kelangan mong maging sigurado. Bata pa kami ni lionel at alam kong marami pa kaming pagdadaanan sa buhay. Masaya ako dahil alam kong totoo ang pagmamahal nito sa akin.

“Kain tayo hon. Ipagluluto kita ng paborito mong itlog at hotdog” ang sabi nito. Binatukan ko nga siya.

“Bastos!” Ang kunwaring naiinis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

“Hala? Ano bang iniisip mo hon? Pero kung gusto mo naman ay pwedeng pwede ako diyan” ang naka-ngising sabi nito habang nagtataas baba ang kilay. Napangiti nalang ako sa kakulitan ng asawa ko.

“Heh! Ewan ko sayo” ang pagsusungit ko sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto para kumain. Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin.

Nagtataka ba kayo kung bakit wala si baby bunso at si kuya? Nandoon sila kana mama, sa tunay kong magulang.

Hindi pa kase gumagaling ang bunso kong anak kaya tinawagan na namin sila mama at papa para humingi ng tulong. Sobra na kase akong nag-aalala sa anak ko pati nga si lionel ay hindi na rin alam ang gagawin. Buti na nga lang at medyo ok na daw ang apo nila kaya naman babalik na ulit sila dito mamaya. Hindi ko lang alam kung anong oras.

“Bakit mo naman ako iniwan doon?” Ang nagtatampong sabi nito. Napangiti lang ako sa pagka-isip bata nito.

“Alam ko namang susundan mo ako at saka hindi mo naman siguro hahayaang malayo ako sayo. Diba?” Ang nakangiting saad ko. Niyakap niya lang ako mula sa likod at hinalikan sa pisnge.

“Oo naman. Ang tanga ko namang asawa kung papakawalan pa kita” sabi nito at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

“Magluluto na ako hon” ang malambing na sabi ko dito. Hinalikan niya lang ako sa pisnge at humiwalay. Kumuha siya ng Apron at saka isinuot.

“Ako na hon. Hindi ka lang masasarapan sa luto ko, baka mainlove ka pa sa akin ng todo todo” pagyayabang na banat nito.

Asus!

“Sige nga! Baka naman puro yabang ka lang ha” ang pagsakay ko sa kayabangan niya. Hindi nga yan marunong magluto eh, hanggat hindi mo tutulungan. Pero sige, pagbigyan hahaha..

Kumuha siya ng itlog at hotdog sa ref. saka nilagay sa sangkalan. Umupo lang ako sa bangko at pinagmasdan ang kanyang ginagawa. Binasag at binati nito ang itlog na nasa mangkok at nilagyan ng asin. Nice. Marunong na siya hahaha.. tumingin ito sa akin at kumindat.

“Kelangan ba yun?” Ang natatawang tanong ko sa kanya.

“Hayaan mo na hon, Kumukuha lang ako ng inspirasyon” sabay kindat ulit.

Pinanuod ko lang ang bawat ginagawa niya. Una niyang niluto ang itlog saka sinunod ang hotdog. Infairness naman sa asawa ko. Hindi siya sunog hahaha.. edible na.

“Mukhang marunong ka nang mag prito ah”

“Siyempre naman hon. Kaw kaya inspirasyon ko” pagyayabang na naman nito.

“Asus, asus.. Ikaw ha” panunukso ko sa kanya. Naghain na ito ng kanin at ulam at saka tumabi sa akin.

“Inom daw tayo hon sabi ni bayaw” ang sabi nito habang pinagsasalin niya ako ng kanin at ulam sa pinggan.

“Si kuya talaga, napakatakaw sa alak” saad ko. Sinubuan niya ako at hinalikan sa pisnge.

“Hahaha… hayaan mo na hon. Ngayon nga lang ulit pupunta dito si bayaw eh, pagbigyan mo na” sinubuan niya ulit ako at hinalikan sa labi.

“Namimiss ko na ang anak natin hon” ang nakangusong sabi ko.

“Ako nga rin eh” ang sabi niya naman at hinalikan ulit ako sa labi.

“Sana ok na ang baby bunso natin noh?” hindi kase ako mapalagay. Sinubuan niya ulit ako.

“Magiging ok ang anak natin hon. Magtiwala ka lang.. Manang mana kaya kay dada yun” ang pagyayabang niya ulit at hinalikan niya ulit ako sa labi. Tinitigan niya lang ako sa mata.

“Bakit mo ko tinititigan?” Tanong ko sa kanya.

“Ewan ko hon. Bakit ganun? Bakit mas lalo akong nahuhumaling sayo? Siguro ay ginayuma mo ako ano?” Ang nakangiting asong sabi nito.

Teka! Nagpapa-cute ba siya?

“Sira! Bakit naman kita gagayumahin, eh wala pa nga akong ginagawa.. inlove na inlove ka na sa akin” ang natatawang sabi ko sa kanya. Bigla naman itong ngumiti ng malaki.

“Sus. Siyempre naman! Eh, mahal kaya kita” saad nito. “Hon, pumikit ka nga” utos nito. Napakunot naman ako ng noo.

“Bakit?”

“Basta! Dali na” pagpupumilit nito. Inirapan ko lang siya at saka ako pumikit.

“Diba ang dilim?” Sabi nito.

“Ang korni mo hon ha! Alam ko na yan eh.. sasabihin mo na ganyan kadilim ang mundo mo kapag wala ako.. tama diba?” Ang proud na proud na sabi ko. Nanatili lang akong nakapikit habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin pero tanging katahimikan lang ang maririnig mo.

“Hon” ang pagtawag ko sa kanya habang nakapikit parin.

“Hon” pagtawag kong muli. Hindi kase siya sumasagot.

“Paghindi ka pa sumagot diyan imumulat ko na ang mata ko” ang sabi ko pa. Ilang segundo rin akong naghintay.

“Sige na! Imulat mo na ang mata mo” utos niya.

Dahan dahan ko namang iminulat ang mata ko. Halos hindi mapaglagyan ng tuwa ang puso ko ng makita kong kalong kalong nito si baby bunso na dumedede habang nasa tabi naman nito si kuya. Nakatayo naman sa likod sila mama at papa kasama si kuya jenson.

“Surprise hon” ang masayang sabi ni lionel. Lagi na lang ako nitong sinusurpresa.

“Teka! P-paano? K-kelan?” Ang di makapaniwalang tanong ko.

“Kanina pa nagtetxt sa akin sila mama. Hindi ko lang ipinaalam sayo dahil gusto ka naming surpresahin” ang nakangiting sabi nito. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa labi. Kinuha ko naman sa kanya si baby bunso at kinalong ito.

Lumapit ako kay mama at papa para mag mano.

“Nakakainis kayo ma! Hindi niyo man lang ako sinabihan na ngayon na pala kayo pupunta dito. Hindi tuloy kami nakapaghanda” ang kunwaring nagtatampong sabi ko.

“Ang panget mo anak. Hindi bagay sayo ang mag-inarte” ang biro ni mama.

“Ma, naman eh! Papa tingnan mo nga po si mama” ang pagsusumbong ko kay papa. Ngumiti lang ito at hinalikan ako sa ulo.

“Ito talagang anak kong ito. Palasumbong parin kahit matanda na” ang sabi ni papa. Sinimangutan ko lang siya. Close kami ni papa. Ganun din naman kami ni mama kaya lang kakampi ko si papa eh hahaha.. Ewan ko nga diyan kay papa. Hindi ko man lang naramdaman sa kanya na nagalit ito noong nalaman nitong bakla ako… dahil wala daw siyang anak na babae kaya ako na lang daw ang prinsesa niya, pero joke lang yun. Ang sabi niya, kahit ano o sino pa daw ako ay matatanggap at matatanggap niya pa rin ako. Kaya love ko tong si papa eh.

“Pa naman eh” pagmamaktol ko. Binatukan naman ako ni kuya. Isa pa tong lalaking to. Kaya hindi kami magkasundo eh, para kaming aso’t pusa kung mag-away.

“Papa si kuya oh, nam-babatok” pagsusumbong kong muli.

“Jenson, wag mo nang ganyanin ang kapatid mo. May asawa na yan ginaganyan mo pa” ang pagsaway ni papa dito.

“Sorry, Pa! Wala na kase akong mabully sa bahay eh” ang pang-aasar ni kuya jenson. Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Woah! Woah! Chillax” ang pagsuko nito. Kainis.

“Ma, ok na po ba ang apo niyo?” Ang tanong ko kay mama.

“Oo anak. Medyo ok na ang apo ko”

“Kumain na po ba kayo?”

“Oo anak. Magpapahinga na lang muna kami ng kuya at papa mo doon sa salas. Napagod kami sa biyahe eh” ang sabi ni mama. Tumango lang ako sa kanya.

“Sige ma, tatapusin ko lang po itong kinakain ko” ang sabi ko sa kanya. Kinuha naman nito sa akin si baby bunso at nagtungo na sila sa salas kasama si papa at si jonel. Nagpaiwan naman si kuya ko.

“Panget mo” ang pang-aasar ni kuya jenson sa akin. Dinilaan ko lang siya.

“Heh! Mag-asawa ka na kase” ang pang-aasar ko sa kanya.

“Palibhasa masaya ka lang” sabi nito sa akin. “Pareng lionel, ginayuma ka lang niyan maniwala ka sa akin” at nginisan ako ni kuya. Ngumiti lang si lionel at tumitig sa akin.

“Kung gayuma nga ito pare. Wag niyo na akong pagalingin. Dahil hindi ko gugustuhing mawala ang bisa nito sa akin. Mahal na mahal ko kaya itong kapatid mo” ang sabi ni lionel. Bigla naman akong namula sa kilig.

“Ewan ko sa inyo! Inom na lang tayo mamaya! Sige na pare, doon muna ako sa pamangkin ko. Nakakabanas dito.. masyadong korni” ang sabi ni kuya jenson. Baliw talaga yan. Hay! Taliwas talaga ang ugali namin. May pagka mayabang din kase si kuya kaya magkasundo sila ni lionel eh hahaha..

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko habang nakatitig lang sakin si lionel. Hindi ba siya nauumay sa akin? Hahaha.. May saltik talaga tong asawa ko.

“Nakakailang kaya pramis” ang natatawang sabi ko sa kanya. “Wala ka bang balak na hindi ako titigan?”

Umiling lang ito. Kada susubo kase ako eh hahalikan niya ako sa labi. Oo masarap at malambot ang labi niya. Pero paano ako makakapag focus sa pagkain kung ang puso ko ay hindi mapakali sa kilig na dulot nito.

Pagkatapos kong kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan. Naglalaba kase si manang kaya ako na lang muna ang gagawa. Habang nagliligpit ako ay nakayakap lang sa likuran ko si lionel. Yung totoo? Linta ba to? Matindi kase ang kapit eh hahaha..

“Hon, dun ka kaya muna. Hindi ako makagalaw eh” ang sabi ko sa kanya.

“Ma!” sigaw nito. “Si jerol oh, hindi na po ata ako mahal ng anak niyo” ang pagsusumbong nito kay mama. Baliw talaga tong asawa ko. Palasumbong. Narinig ko namang sumagot si mama mula sa salas.

“Anak, ano ka ba! Wag mo ngang ganyanin ang asawa mo! Mamaya ka sa akin” ang pagbabanta ni mama.

“Ma! Wala naman po akong ginagawa kay lionel eh” ang pag depensa ko dito na parang nagpapaawa.

“Pa!” ako naman ang sumigaw “Pinagtutulungan nila ako oh” pagsusumbong ko naman kay papa.

“Ikaw naman kase anak. Wag mo namang awayin ang asawa mo” ang pangaral sa akin ni papa.

Ok. Sila na ang close. Botong boto kase sila dito sa baliw kong asawa. Tiningnan ko lang ng masama si lionel pero nagpa-cute lang ito sa akin at niyakap ako mula sa likod kaya naman siniko ko siya sa sikmura.

“Aww” daing nito pero hindi siya nagpatinag. Mas lalo niya akong niyakap. Ayun! Ang siste. Nakayakap siya habang naghuhugas ako ng pinggan.

Buong maghapon lang kaming Nag bonding magpapamilya. Pinaakyat na namin si baby bunso at si jonel sa kwarto nila mama para patulugin sila. Dito kase sila matutulog nila papa dahil gusto nitong mag-inuman kami nila kuya jenson at lionel. Marami naman kaming kwarto kaya ok lang na magpalipas sila ng gabi.

Magkatabi kami ni lionel sa sofa habang nasa tapat naman namin si papa at kuya jenson. Diba nakiki-bagets pa si pudrakels. Hahahaha..

Unang tagay si lionel.

“Ang sarap nito. Wooh!!” Ang sabi niya matapos uminom.

Lambanog kase ang madalas naming inumin dito sa probinsya. Sumunod namang tumagay si kuya.

Naisipan ko siyang asarin.

“Bakit hindi ka pa mag-asawa kuya? Maganda na naman ang trabaho mo. Saka tmatanda kana rin” ang asar ko sa kanya. 23 pa lang naman siya. Gusto ko lang siyang asarin. Pambawi kumbaga.

“Edi wala nang kasama doon sila mama at papa. Maaga ka kasing lumandi” ang asar din nito sa akin.

Sinimangutan ko lang siya. Wala talagang preno ang bibig niyan. Hay! Yumakap ako sa braso ni lionel, hinalikan naman niya ako sa ulo.

“Naks! Misis lang?” Pang-aasar ulit ni kuya. Noong una ay nagagalit si lionel kapag inaasar ako ni kuya jenson dahil may pagka matabil ang talaga ang dila nito hahahaha.. pero kalaunan ay nasanay na din siya dahil ganito talaga kami magturingan.

“Che!”

“Teka. Baka naman mag-away na kayong magkapatid ha” ang pagsingit ni papa habang tumatagay ito ng alak.

“Hindi po, Pa! Malandi lang talaga yang anak niyo” ang sabi ni kuya jenson. Binato ko nga siya ng unan na nasa tabi ko. Wala lang nagawa si lionel kundi ang tumawa.

“Ang sungit mo kase kaya hindi ka magka-lovelife” dinilaan ko siya.

“Tama na ang usapang yan” pagsaway ni papa. Sunod na tumagay ay ako.

“Hon, konti lang ah” ang paalala ni lionel sa akin. Tumango lang ako sa kanya at niyakap ito.

“Tsk!” Si kuya. Napaka KJ talaga ng lalaking ito.

Bitter.

Halos abutin kami ng alas dose ng hating gabi pag-iinum. Ganito kase sila kapag nagagawi dito. Paumagahan kung paumagahan ang inuman. Halos maubos na namin ang dalawang litro ng lambanog este sila lang pala. Sinasalo kase ni lionel ang tagay ko para daw merong aalalay sa kanya mamaya kapag nalasing ito. Siyempre misis na misis ako doon hahaha.. inakyat na ni kuya jenson si papa dahil lasing na lasing na ito.

“Hon, tama na kaya. Lasing ka na rin eh” ang sabi ko sa asawa ko. Namumungay na kase ang mata nito habang nakatitig sa akin.

“Nasa langit na ba ako?” Ang tanong nito. Napakunot naman ako ng noo. Ano na naman kayang kalokohan to?

“Anong pinagsasabi mo na naman diyan? Nababaliw kana naman lionel ha!” ang natatawang sabi ko.

“Hindi eh! parang nasa langit na talaga ako..  Nakakakita na kase ako ng anghel, anghel sa harapan ko” ang sabi nito habang naka ngiting aso. Nagpapa-cute na naman siya. Hay! Hinawakan ko ito sa tigkabilang pisnge at inalalayan ang ulo para mahiga sa balikat ko.

“Tagay” ang malakas na sabi ni kuya jenson ng makabalik ito. “Mahina ka pala pareng lionel eh. Ayoko pa naman sa mga mahihina sa inuman lalo na at asawa pa ng kapatid ko”

Para namang nabuhayan si lionel.

“Wooh!! Pare ang tagal mo naman. Akala ko pa naman ay napabagsak na kita” ang sabi ni lionel.

Nagpapalakas na naman ito kay kuya. Medyo nahirapan kase siyang kuhain ang kamay ko noon. Oo magkasundo ang ugali nila pero hindi siya agad natanggap ni kuya para sa akin.

“Kuya tama na nga ng inom. Lasing na kayo oh, lasing na rin si lionel” pagsaway ko sa kanila.

“Matulog kana dun! Kj mo ha” ang sabi nito.

“Heh! Ewan ko sayo” ang nakasimangot na sabi ko.

“Hayaan mo na hon. Ngayon lang ulit kami nag-inom ng kuya mo” talagang sinang-ayunan pa niya si kuya ah! Pinatayo ako nito saka pinaupo sa unahan niya. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko. Alam kong nahihilo na siya.

“Ano ba yan. Kelangan ba talagang inggitin niyo ako ha at sa harapan ko pa talaga?” Ang naiinis na sabi ni kuya matapos tumagay.

“Seryosong usapan kuya. Bakit hindi ka pa mag-asawa? Ok lang naman daw kina mama at papa” ang sabi ko

Tumagay ulit ito at tumingin sa malayo.

“Hindi ka parin ba nakaka-move-on?” Tanong ko sa kanya.

“Wala ka nang pakialam doon” pagsusungit nito. Matagal na ata silang hiwalay ng girlfriend niya pero, parang hindi pa rin siya maka move-on.

“Ok. Whatever!” ang sungit niya talaga.

Ito namang asawa kong ito ay nakapatong parin ang baba niya sa balikat ko habang tumatagay. Alam kong hindi na talaga niya kaya. Pinipilit lang niya sng sarilu para hindi mapahiya kay kuya.

“Hmmm.. ang bango mo naman asawa ko” ang sabi nito habang hinahalik halikan ang leeg ko. Sinabunutan ko nga siya.

“Mahiya ka nga kay kuya” pagsususngit ko sa kanya.

“Pare oh. Yung asawa ko inaaway ako” pagsusumbong nito.

“Hiwalayan mo na pare” biro ni kuya. Alam kong loko lang yun ni kuya pero nakaka-inis ah! Ngumisi lang si lionel at hinalikan ako sa pisnge. Syet! Ang sarap sa feelings.

“Hinding hindi mangyayari yan pare! Mahal na mahal ko itong asawa ko. Tandaan mo yan” kinabig nito ang ulo ko at mapusok na hinalikan sa labi.

“Ok, ok! Naniniwala na ako. Pwede bang wag niyo naman ipamukha sa akin na masaya kayo?” Ang natatawang sabi ni kuya saka tumagay ulit ito. Uhaw lang?

Buti naman at mga limang tagay na lang at tapos na sila. Pipikit pikit na kase talaga ang mata nitong si lionel habang si kuya naman ay parang may tanke sa loob ng tiyan. Ang tagal malasing eh.

“Akyat na ako. Inaantok na ako eh” paalam ni kuya at iniwan na kami.

“Hon tara na. Iaakyat na kita sa taas” ang sabi ko sa kanya.

Halos hindi na ito makapagsalita sa sobrang kalasingan. Eto na nga bang sinasabi ko eh! Inalalayan ko siya hanggang sa kwarto namin. Pagkahiga ko sa kanya ay bumaba ns ako para linisin ang pinag-inuman namin. Kinuha ko rin ang mga boteng ginamit namin kanina, pati na rin ang mga junk foods na pinulutan namin. Ayoko kase talaga ng mga heaving pulutan. Atleast ang sitsirya hindi mabigat sa tiyan.

“Hon..”

“Hon…” rinig kong tawag ng lalaki. Napakunot naman ako ng noo ng makita ko si lionel na pa-gewang gewang itong naglalakad pababa ng hagdan. Nilapitan ko naman siya para alalayan.

“Hon.. hinahanap kita pero wala ka sa tabi ko” ang sabi nito habang pumipikit pikit pa ang mata.

“Eh, bakit mo naman ako hahanapin eh nandito lang naman ako at saka nililinis ko kaya itong pinag-inuman natin” ang sabi ko sa kanya.

“Hindi kase ako makatulog kapag wala ka sa tabi ko e! Ayan tuloy, namiss kita ng sobra” ang malambing na sabi nito. Tinulak ko naman ang noo niya.

“Itsura mo! Ilang minuto lang akong nawala sa tabi mo miss na agad?” Ang pagsakay ko sa kalokohan niya.

“Pagmahal mo, mahal mo! Kaya mahal kita” Ang sabi nito.

Ano daw? Haixt! Lasing nga.

“Iaakyat na ulit kita sa taas. Tatapusin ko lang ito pramis” ang sabi ko sa kanya.

“Ayoko! Dito lang ako. Baka mamaya eh may lalaki ka ng pinapapasok dito habang natutulog ako. Sasapakin ko talaga yang mga yan! Lalo na yang mga higad na yan” saad nito. Natawa na lang ako sa kanya.

Inalalayan ko ns siya hanggang sofa at saka ito tinulak ng malakas.

“Aww! Hon naman eh. May galit ka ba sa akin ha?” Daing nito habang hinihimas ang pwetan niya.

Arte? Kutson naman ang binagsakan hahaha..

“Manigas ka diyan!” Sabi ko at saka pinagpatuloy ang paglilinis pero napansin kong nakadilat lang ang dalawang mata nito habang nakatingin sa akin.

“Para kang tanga diyan lionel” natatawang sabi ko. Hindi talaga siya kumukurap pramis.

“Kahit lasing ako hon, hindi ko ito ipipikit. Baka may lalaki ka ng kinakatagpo ng hindi ko nalalaman. Maigi ng idilat ko iton mata ko para wala na silang ligtas sa akin” dinampot ko naman ang unan malapit sa akin at saka ito binato.

“Kung anu-anong iniisip mo! Ikaw lang naman ang mahal ko” ang sabi ko sa kanya.

“Talaga?” Paniniguro niya.

“Oo”

“Talagang talaga?”

“Oo nga”

“Talagang talagang talaga?”

“Oo nga! Ang kulit!” Ngumiti lang ito sa akin kaya naman napangiti na rin ako. Pagkatapos kong maglinis ay umakyat na kami ni lionel sa taas.

“Hon”

“Oh? Ano na naman?” Ang sabi ko habang nakahiga kami sa kama at nakayakap ito sa akin. Bumulong ito sa tenga ko at hinalikan ako sa pisnge.

“Please” pagmamakaawa nito.

“Eeee.. pagod ako hon. Pwedeng bukas na lang?” Pagtangi ko. Ngumuso lang ito.

“Dali na hon”

“Bawal”

“Eeee.. naman eh” pumatong ito sa akin at mapusok akong hinalikan sa labi. Akala ko ba ay lasing ito? Bakit ang lakas niya? Humiwalay siya sa halikan namin at hinawi ang buhok ko. Tinitigan niyang maigi ang mata ko. Para na akong matutunaw sa mga titig niya.

“Mahal mo ko hon?” Tanong nito sa akin.

“Oo naman. Sobra!” Sagot ko.

“Pero mas mahal kita” sabi niya. “Mas mahal na mahal kita”

Hinalikan niya ulit ako sa labi.

“Hon pikit ka” utos niya.

“Bakit?”

“Basta” edi pumikit naman ako.

“Ang dilim noh?”

“Oo nga” pagsang-ayun ko.

“Sige imulat muna ang mata mo” dahan dahan ko namang iminulat ang mata ko.

“Anong nakikita mo?”

“Ikaw” sagot ko. Ngumiti lang ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

“Eto ang tatandaan mo hon. Kada pipikit ka ay pwede kang makulong sa kadiliman pero wag mong kalimutan na nandito lang ako! Ako na makikita mong naka-ngiti tuwing imumulat mo ang mata mo”


Ang sarap mainlove noh? Yun nga lang hindi pa nararanasan ni otor hahaha.. joke!

Pansin niyo ba? Laging natatapos ang chapter sa kwarto o matutulog sila? Hahahaa.. hayaan niyo na wink

Pakibasa po o paki-add ang mga short stories ko. Hanapin niyo na lang po sa mga works ko. “Maikling Kwento ni Erol” ang title. Asahan ko yan. Tnx.

Pero wag niyo pong kalimutang mag VOTE at mag COMMENT sa chapter na to. Hindi po siya sapilitan. Sa may mga gusto lang naman na nakaka-appreciate ng mga gawa namin.. salamat ulit :)

PAK! GANERN! Hahaha..

Oct. 8 2016

Chapter twenty one

Dedicated to MiscritsFlue

Salamat sa pagdedicate mo sa akin sa kwento mo at sa magagandang kumento sa kwentong ito at sa akin. Dahil na-inspired kita Tnx :)


Jerol’s POV

“Ma, Pa! Salamat po sa pag-aalaga niyo sa mga apo niyo” ang sabi ni lionel sa magulang ko habang nakaakbay ito sa akin.

“Wala yun anak. Mahal na mahal namin itong mga apo ko eh” ang naka ngiting sagot ni mama habang kalong kalong si baby bunso. Hindi ko naman maiwasang mapa-ngiti habang tinitingnan silang mag lola. Kitang kita kase sa kanilang mga mata kung gaano sila kasaya na magkaroon ng apo.

“Ma, bakit naman uuwi na kayo agad? Sabado naman ngayon ah” tanong ko kay mama.

“Pasensya na anak. May pupuntahan pa kase kaming event ng papa mo. Tatlong araw lang naman kami doon pero wag kang mag-alala anak pagkatapos namin doon ay babalik ulit kami dito ng papa mo. Siyempre mamimiss ko itong mga apo ko eh” ang magiliw at tuwang tuwang saad ni mama at pinaghahalikan sa pisnge si baby bunso.

“Ako po lola. Wala po ba akong kiss?” Ang sabi ni jonel kay mama habang nakakalong ito kay papa.

“Aba! Hindi naman pwedeng mawalan ng kiss ang aking panganay na apo mula kay lola” ang sabi ni mama at hinalikan din si kuya sa pisnge.

“Lolo pwede po bang pasalubungan niyo po ulit ako ng mgs chocolates pagbalik niyo?” Ang hiling ni jonel sa lolo niya.

“Oo naman apo. Malakas ka kay lolo eh” ang sabi ni papa kay jonel at nag Hi-five silang dalawa. Yan na naman sila. Ini-spoild na naman nila ang kanilang apo. Hay!

Nilingon ko naman si lionel na naka akbay pa rin sa akin. Naka ngiti lang ito. Alam kong masayang masaya siya. Dahil mahal na mahal nila ang mga apo nila. Eto yung pangarap naming dalawa. Yung tanggap at masaya lang.

“Ma, Pa.. Ok na yung sasakyan. Tara na” tawag ni kuya jenson ng makapasok ito ng bahay. Humalik muna sina mama at papa sa kanilang mga apo bago nito ibigay amin. Kinuha ko si baby bunso habang si lionel naman kay jonel.

“Sige na anak” paalam ni mama sa amin.

“Mag-iingat po kayo sa biyahe niyo mama, papa” paalam ni lionel sa kanila. Tumango lang sila at ngumiti.

“Wag mong awayin yang asawa mo jerol! Lagot ka sakin” pagbabanta ni mama. Yung totoo? Sila ba ang tunay na mag-ina?

“Buti na lang Ma at pina-alala niyo. Hindi na po ata ako mahal ng anak niyo eh” ang malungkot na sabi nito. Binatukan ko naman siya.

“Awww! Hon naman eh! Mama tingnan niyo na po” pagsusumbong nito kay mama habang hinihimas ang ulo.

“Jerol!” Ang seryosong sabi ni mama.

“Ma, wala—” Aangal pa sana ako ng bigla namang sumingit itong si lionel.

“Wala ka nang magagawa hon kundi ang mahalin ako at ako lang! Di ba po mama? Mahal na mahal ko kaya itong anak niyo! Akin lang to eh” sabay kindat nito sa akin. Inirapan ko lang siya. Hindi ba siya nahihiya sa mga magulang ko?

Sh*t kinilig ako doon ah hahaha…

“Tingnan mo na anak. Tapos aawayin mo lang yang asawa mo! Kaya sayo ako lionel” sabi ni mama sabay thumbs up.

“Sayo din ako lionel” si papa naman. Di ba napaka supportive nilang magulang sa akin.

“Ma naman. Mahal na mahal ko kaya itong asawa ko kahit may pagka baliw minsan” ang nakangusong sabi ko.

“Paano namang hindi ako mababaliw hon. E.. ikaw lang naman ang laman nitong puso’t isipan ko. Wala na akong alam gawin kundi ang mahalin ka! Kayo ng mga anak ko” ang seryosong sabi nito habang nakatitig sa aking mga mata.

“Ehemm..” pag tikhim ni kuya jenson. “Ano na Ma? Papanoorin na lang ba natin ang ka-kornihan ng dalawang yan? Hindi pa ba tayo aalis?” Pagsingit ni kuya jenson. Inirapan ko lang siya.

“Bitter” pang-aasar ko pa. Dinilaan niya lang ako. Tsk! Isip bata.

“Sige na anak. Alagaan niyong mabuti yang apo ko ah” ang sabi ni papa. Humalik na ulit sila sa kanilang apo at saka nagpa-alam.

“Bye Ma, bye Pa. Bye kuya jenson. Ingat po kayo” paalam namin sa kanila habang papalayo ang sasakyan.

“Ehem… Ehem…” pagtikhim ni lionel habang nakatanaw kami sa papalayong sasakyan nila mama.

“Ehemmm..” mas nilakasan pa nito ang pagtikhim.

“Pssst.. hon” pagtawag nito sa akin. Nilingon ko naman siya pero sinalubong niya lang ako ng matamis na ngiti.

“Oh?”

“Wala lang hehehe.. sabi kase ni mama ay kelangan mo daw akong mahalin”

“Eeee… mahal naman kita ah. May nagbago ba?” ang nakangiting sabi ko.

“Oo nga noh” pagsang-ayon niya.

“Anong gagawin natin ngayon hon?” Tanong ko sa kanya. Siya kase ang madalas magdesisyon tuwing weekend.

“Edi, magde-date tayo” ang sabi nito habang pumapasok kami ng bahay.

“Date? Saan naman tayo magde-date?”

“Saan nga ba. Hmm..” saad nito habang nag-iisip. “Ah! Alam ko na! Dito na lang kaya tayo magdate hon. Kagagaling lang ng bunsong anak natin baka magkasakit pa ulit ito kung lalabas pa tayo” sumang-ayon naman ako sa kanya.

“Oonga hon. Sige, magluluto na lang ako ng ating kakainin tapos dun tayo sa half court para makapag laro naman ang anak natin” ang suhestiyon ko sa kanya.

“Sige, sige. Pakiss nga” at hinalikan niya ako sa labi.

“Parang ano eh… parang.. isa pa nga hon” at hinalikan niya ulit ako sa labi.

“Hindi ko ma-ano eh.. hindi ko ma… pakiss nga ulit” at hinalikan na naman niya ako sa labi. Napa kunot naman ako ng noo. Yung totoo?

Nakita ko namang pinalo siya ni baby bunso sa pisnge. Hahaha..

“Anak bakit mo naman sinampal si dada?” Ang tanong nito sa inosenteng bunsong anak namin pero tumawa lang ito. Nakakatuwa ang mga bata noh? Minsan papaluin kana oang ng hindi mo alam hshaha..

“Nakakarami ka na raw kase hahaha” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang si lionel at hinalikan ulit ako sa labi pati na rin si baby bunso.

“Sige na hon. Magluluto na ako. Ikaw na muna ang bahala dito ah, bantayan mo ang mga anak natin” ang sabi ko sa kanya at ibinigay ko na sa kanya si baby bunso. Si kuya naman ay nasa sa sala habang nanunuod ng cartoons.

“Sarapan mo ah.. i love you” at hinalikan ako nito sa noo.

“I love you too” at tinungo ko na ang kusina.

Dahil magtatanghali pa lang ay nagluto ako ng paborito nilang ulam lalo na ang panganay kong anak na si jonel. Nagluto ako ng fried chicken, kaldereta at beef steak. Oh diba! Fiesta lang hahaha.. nagluto na rin ako ng sauce para sa spaghetti na kakainin namin sa meryenda. May juice na rin akong ginawa at sandwich. Si manang naman ay pinauwi ko muna sa kanila para makapag pahinga naman ito at makapag liwaliw. Bukas ng linggo ang balik niya dahil may pasok na ulit kami sa lunes. Kaya naman hands-on muna kami ni lionel sa mga anak namin. Which is mas mapapatibay namin ang pagsasamahan namin buong pamilya.

Pagkatapos kong magluto ay pinuntahan ko na sila sa salas. Naka-upo si lionel sa mahabang sofa habang naka-upo naman sa mga hita niya si baby bunso na sinusubo ang hawak nitong laruan. Si kuya naman ay naka baluktot na nakahiga sa tabi ni lionel habang tutok na tutok sa panood kay spongebob square pants (My favorite :).

Lumapit ako sa kanila at tumabi kay lionel. Hinalikan naman niya naman ako sa ulo.

“Napagod ba ang asawa ko sa pagluluto?” Ang tanong nito habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.

“Hindi naman hon. Tara kain na tayo at saka tayo lumabas” yaya ko sa kanya. Tumayo na ako at kinuha sa kanya si baby bunso.

“Hon kunin mo muna yung baby chair ni baby bunso ah” utos ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin at kinuha ang baby chair. “Kuya mamaya na ulit manood. Kakain na tayo”

“Opo papa” ang sabi nito at pinatay na ang tv. Sabay na kaming nagtungo sa hapag kainan.

Lumapit sa akin si lionel at kinuha si baby bunso para ilagay sa baby chair malapit sa upuan ko.

“Salamat hon” ang sabi ko sa kanya.

“Sus! Wala yun. Ano pa’t naging asawa kita. Sa hirap at ginahawa, sa sarap at ligaya” ang nakangising sabi nito na may halong kabastusan. Siniko ko naman siya sa tagiliran. Lumapit ako sa kanya at bumulong

“Mahiya ka nga hon. Nandyan mga anak mo. Halatang halata kamanyakan mo ha” saway ko dito.

“Wala namang masama sa sinabi ko ah. Ikaw ha. Siguro iniisip mo yung ano.. Yung..”

“Wala pala ah” at siniko ko ulit siya sa tagiliran.

Paano kase nakahawak na siya ngayon sa pwetan ko. Buti na lang at nakaharap kami kay jonel at hindi nito kita ang ginagawa ng kanyang mapang-samantalang ama. Hahaha.. pero tinawanan niya lang ako.

“Umupo ka na dun” utos ko sa kanya.

“Opo boss” at ninakawan na naman niya ako ng halik sa labi. Hay! Ang sarap lang.

Puro siya kiss, yakap at lambing noh. Korni man sa inyo at nakakasawa pero para sa akin.. eto ang gusto ko at ayokong dumating yung panahon na pagsisihan kong hindi niya ginagawa sa akin ito dahil sa kaartehan ko.

Pinagsandok ko na sila ng kanin at ulam habang si lionel naman ang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko.

“Hon, pakiabot nga ng tinapay ni baby bunso. Para naman may makain siya” utos ko sa asawa ko.

Kinuha naman nito ang tinapay na nasa tabi niya at ibingay sa akin. Kumuha lang ako ng isa at ibinigay kay baby bunso.

“Papa gusto ko pa po ng fried chicken” hiling ni kuya.

“Anak, may fried chicken ka pa oh” singit ni lionel.

“Hayaan muna hon” pag kontra ko kay lionel.

Alam kong Nagpapaka-tatay na naman siya. Ayaw kase nito ng nagsasayang ng pagkain. Gusto kase nito na ubusin muna ang nasa pinggan bago kumuha ulit ng bago.

“Pero…” tiningnan ko lang ito ng nakakaawang tingin. Huminga ito ng malalim at ngumiti.

“Kain na tayo hon” ang sabi ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at ulam at sinubo ko sa kanya. Malugod naman nitong tinanggap.

“Hmmm.. ang sarap talagang magluto ng asawa ko. Kaya mahal na mahal ko to eh” ang nagpapa cute na sabi niya. Inirapan ko lang siya.

Habang kumakain kami ay panay lang ang tingin nito sa akin at kapag titingnan ko rin siya ay ngingiti lang ito at kikindat.

“Lionel para kang sira diyan ha” ang natatawang sabi ko.

“Bakit hon? Masama na bang magpa-cute sa asawa ko? Masama na bang kiligin kapag tinititigan ka? Masama na bang maging masaya tuwing iisipin ko ang kinabukasan ko kasama ka?” Ang malambing na sabi nito. Para naman akong nanigas sa aking kina uupuan.

Duh? Charot! Hahaha..

“Heh! Ewan ko sayo” ang kunwaring pagsusungit ko pero sa loob loob ko ay kilig na kilig na ako. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan.

“Bulaklak para sayo” ang sabi niya.

Ha?

“Teka saan mo naman nakuha yan? Parang wala ka namang hawak na bulaklak kanina ah” ang nagtatakang tanong ko. Nginuso niya si jonel.

“Ang anak mo ang kumuha niyan para ibigay sayo” ang naka ngiting sabi nito.

He is full of surprises. Ayaw na ayaw niya talagang maging boring ang relasyon namin.

“Salamat hon. Salamat anak” ang tuwang tuwang sabi ko.

“Hon titigan mo nga ako” utos niya.

“Ha? Bakit?”

“Eeee.. Basta titigan mo lang ako” humarap naman ako sa kanya at tinitigan ito sa mata. Huminga ito ng malalim at hinawakan ako sa tig kabilang kamay. Ngumiti ito at tinitigan akong maigi sa mga mata.

“Hon ayoko ng pagmamahal na hindi ko ramdam, yung hindi mo ramdam. Gusto ko yung pagmamahal na totoo, yung tunay, yung nararamdaman mo. Yung pagmamahal na hindi lokohan at hindi sapat lang” ang seryosong sabi nito.

Napangiti na lang ako sa kanyang mga binitawang salita. Kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal ay higit pa sa pagmamahal na inaakala niya. Hindi ko maiwasang mapaluha.

OA? Dahil umiiyak ako? OA? Dahil ang saya ko dahil sa pagmamahal niya? OA? Dahil ramdam mo kung gaano ka niya pahalagahan? OA? OA na ba ako, kung umiiyak ako? Siguro nga! Siguro nga ay OA ako dahil may taong kaya akong mahalin ng totoo at hindi Mahal “LANG!”

Walang masama kung ibibigay mo ang lahat ng pagmamahal mo. Kung hundred percent pa yan at kung hindi parin sapat sa kanya ay baka hindi ka lang talaga niya mahal.

Oo masakit, pero wag na wag mong pagsisihan na ibinigay mo ang lahat. Dahil ang pagmamahal ay hindi pinagsisisihan. Dahil kung mahal ka niya, kung mahal ka talaga ay hinding hindi ka niya magagawang iwan at lokohin. Dahil kung sapat ka sa kanya ay hinding hindi na siya maghahanap pa ng ibang mamahalin maliban sayo. Kanya kanyang paniniwala lang yan.

Pwede kang maging bobo sa pag-ibig pero wag ka naman tanga sa katotohan.

“Salamat hon” ang sabi ko habang pinupunasan nito ang mga luha ko.

“Salamat saan?”

“Dito. Dito sa pagmamahal mo” ang sabi ko. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

“Ginagawa ko to dahil gusto kong tumagal ang pagmamahalan natin. Gusto kong ipakita na hindi mo kelangan maging tama sa mata ng mga tao para magmahal ka. Dahil ang pagmamahal ay hindi nagsisimula sa bibig at mata ng iba. Ito ay nagsisimula sa puso mo… sa puso kung saan ka totoo” saad nito.

Alam kung bakla lang ako at nagtatataka kayo kung bakit ang baklang ito ay sobrang pahalagahan ng lalaking ito. Simple lang. Kung totoo ang pagmamahal mo ay hinding hindi ka mag-sasayang ng panahon sa isang taong hindi mo naman mahal.

Girl to Boy? Boy to Boy? Girl to Girl? Anong pinagkaiba nila? Anong diperensiya? Yang mata mo? Yang bibig mo? Yang ugali mo? O yang paniniwala mo? If you are the one who Created me then you can judge me. (AN: Sorry po sa english ko. I’m not perfect. Ang mahalaga po ay yung mensahe ko hahaha :)

Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian. O diba? Para na rin kaming nag date ng asawa ko hahaha.. araw-araw naman eh. Araw-araw niya akong minamahal.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami saglit at lumabas na kami ng bahay. Pumunta kami sa half court kung saan may maliit na play ground para sa mga anak namin at basketball court naman madalas paglaruan nilang mag-ama. Naupo lang ako sa ilalim ng puno habang pinaupo ko si baby bunso sa mga hita ko. Nakatingin lang kami kay lionel at kuya na masayang naglalaro ng basketball.

“Hon” sigaw ni lionel.

“Oh?”

“Para sayo to” at tumira siya ng 3 points. Napaka-yabang talaga. Hindi na mawawala yun Hahaha.. “galing ko noh? Nandiyan ka kase”

“Asus! Naka-tsamba ka lang naman eh” pag-aasar ko.

“Anak naka-tsamba lang daw si dada. Totoo ba?” ang tanong nito sa anak. Talagang kumukuha pa siya ng kakampi ah.

“Hindi po papa. Talaga pong magaling si dada” at nag hi-five silang dalawa. Ok!

“Hon panoorin mo kung gaano kita kamahal” at tumira na naman siya ng 3 points. At shoot nga!

“Ano namang connect ng pagtira mo sa pagmamahal mo?” Naguguluhang tanong ko.

“Para ipakita sayo na hindi lang ako puro salita” saad nito at drinibol ang bola.

“Panoorin niyo lang ako ni baby bunso ha, dahil alam kong mas lalo kang maiinlove sa galing at kagwapuhan ko” Hay! Yabang alert again. Nagpakitang gilas na naman ang mayabang kong asawa. Hahaha..

“Anak tuturuan kita kung paano ko napa-ibig ang papa mo. Dahil noong basketball player pa lang si dada ay humaling na humaling na ang papa mo sakin”

“Kapal ha! Kaya pala… Kaya pala lage kang nakabantay sa akin noon” ang natatawang sabi ko.

Ngumisi lang siya.

“At alam mo anak. Crush na crush ako ng papa mo. Galit na galit yan sa mga babaeng lumalapit sa akin noon. Gwapo ko eh” pagkukwento pa nito. Abat!

“Kaya pala lionel Kaya pala yang dada mong yan ay laging natutulog sa amin noon kahit nanliligaw pa lang ito para hindi daw ako malapitan ng iba” ang pag-aasar ko sa kanya. Possesive yan noon pa lang. Sus!

“Tama si papa mo anak. Hahaha..” pag-amin nito. “Ganyan ko siya kamahal eh. Kaya dapat. Ang paglalaro sa basketball ay hindi dapat ginagawa sa tao ha” ang pangaral nito sa anak. Lumingon ito sa akin at kumindat. Yumuko lang ako para hindi niya makita ang matinding kilig na nadadama ko.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

Nagpatuloy lang sila sa paglalaro. Tinuturuan pa rin ni lionel si jonel magbasketball. Habang ako naman ay binibihisan ang bunsong anak namin. Kumuha ako ng diaper at pinalitan ang basang diaper nito. Pinalitan ko rin siya ng damit at short. Nilagyan ko rin siya ng baby powder sa likod, sa dibdib at sa leeg.

“Ang bango muna anak ko” at halikan ko siya sa pisnge. Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko at inakbayan ako.

“Napagod ako dun hon. Pakiss nga” at hinalikan ako nito sa labi. “Sarap naman”

Aktong hahalikan niya si baby bunso ng pigilan ko ito.

“Hep, hep, hep! Amoy pawis ka” ang pagpigil ko sa kanya. Ngumuso lang ito ng pagkahaba-haba.

“Edi sayo na lang” at hinalikan niya ulit ako sa labi. Naghubad ito ng sando at tanging shorts lang ang natira. “Wag mo kong masyadong titigan hon. Alam kong abs ko pa lang ulam na”

“Yabang! Ewan ko sayo” pagsusungit ko. Inakbayan niya ako at hinalikan sa leeg. Ibayong kiliti naman ang naramdaman ko. “Hon, Umayos ka nga. Magbihis ka dun” utos ko sa kanya.

“Eee… wag na. Alam kong nag-eenjoy ka pa eh” pang-aasar nito. Kinurot ko nga siya sa tagiliran.

“Awww! Hon naman eh” daing nito. Saksakan talaga ng yabang.

“Heh! Ewan ko sayo. Kaya ikaw baby bunso.. Wag na wag kang magmamana dito ng kayabangan sa dada mo. Hay naku!” Ang sabi ko sa anak ko. Narinig ko namang tumawa si lionel at niyakap ako.

“Oh, makinig ka kay papa ha. Pero gayahin mo si dada pagdating sa pagmahal” at hinalikan na naman ako ni lionel sa pisnge habang nakayakap ito sa akin. Labis labis na ang pamumula ko.

“Umusog ka nga dun. Amoy pawis ka kaya” ang pagdadahilan ko pero ang totoo ay hindi naman siya talaga mabaho. Naiilang lang ako.

“Asus! Kinikilig na naman si papa mo baby bunso! Kinikilig siya kay dada ayiiee” ang pang-aasar nito habang nakayakap parin sa akin.

“Lionel” sambit ko. “Bawas bawasan ang kayabangan ha” pero nagpacute lang ito sa akin. Urgh! Nakakakilig. Hay! Ewan! Relaks lang.

“Ehemm.. ehemm.” Pagtikhim nito.

“Oh? Ano na naman?”

“Bakit? Tumitikhim lang naman ako ah” saad niya habang sumisipol sipol. Dahan dahan itong lumapit sa akin.

“Hon tingnan mo yun oh” turo nito sa kaliwang bahagi ko. Lumingon naman ako doon.

“Ang alin?”

“Ayun oh”

“Wala naman eh”

“Basta ayun oh” turo pa niya.

“Niloloko mo naman ako eh” ang nakanguso kong sabi at nilingon ako sa kanya. Pero sa paglingon ko ay nagdikit ang aming mga labi.

“Oh ayan. Nakita mo na” at kinindatan niya ako ng nakakatunaw.

Hay!

“Dami mong alam” ani ko. Tumawa lang siya.

Nakaupo lang kami dito ni lionel sa bench sa ilalim ng malaking puno habang pinapanuod namin si kuya na mag-isang naglalaro ng basketball. May maliit din kase siya ring.

“Anak. Kain ka muna. Mamaya kana ulit mag laro” ang pagtawag ko kay jonel.

“Opo papa” ang sabi nito at tumakbo siya papalapit sa amin. Kinuha naman ni lionel ang meryenda namin sa loob ng bahay at nilabas ito. Sandwich, spaghetti at juice lang ang nagawa ko.

“Hmmm.. ang sarap naman po ng spaghetti niyo papa” ang pagpupuri ng anak ko sa luto ko.

“Siyempre anak. Sinarapan ko talaga yan para sayo” ang natutuwang sabi ko. Masaya ako kapag pinupuri ang luto ko. Si lionel ay ganun din. Halos mapuno na ang bibig nito kakakain. Favorite kase nilang mag-ama ang spaghetti.

Pansin ko lang sa lalaking to. Ang lakas lakas kumain pero ang ganda pa rin ng katawan.

“Hon dahan dahan naman at baka mabilaukan ka na niyan” ang natatawang sabi ko. Habang ako naman ay sandwich lang ang kinakain. Pinapadede ko kase si baby bunso sa mga bisig ko kaya hindi ako makakain ng maayos.

“Sarap kase hon. Parang gawa sa pagmamahal kaya nilulunok kong maigi” ang sabi nito. Natawa lang ako sa kabaliwan niya.

“Ewan ko sayo” ang pagsusungit ko. Sumandok ito ng spaghetti sa tinidor at pinasubo sa akin. “Salamat”

“Wala yun! Mahal kita eh”

Ganun ang siste. Susubo siya, susubuan niya ako. Si kuya naman ay bising bisi lang sa kanyang kinakain.

Kahit sa bahay lang ang family date namin ay walang pinagka-iba sa labas. As long as na-eenjoy at masaya kayong magkasama ay wala itong pinagkaiba.

Naglaro ulit sila habang nakaupo lang kami ni baby bunso at pinapanuod sila. Kitang kita mo ang saya sa kanilang mga mata. Sayang hindi mapapantayan ng kahit na sino. Lumingon sa akin si lionel at kumindat.

Ang gwapo talaga ng asawa ko. Hindi ko talaga akalain na ang tulad niyang pasaway at mayabang ay marunong pa lang magmahal ng tapat at totoo. Kakaiba siya.

“Hay! Napagod ako dun ah” ang sabi nito ng makaupo siya ulit sa tabi ko.

“Hon” siya.

“Oh?” Ang sabi ko habang nakatingin kami kay jonel.

“Bakit kaya umiinit at lumalamig noh?” Ang tanong nito habang nakatingin pa rin siya kay kuya.

“Bakit?” Tanong ko naman habang nakatingin din ako sa naglalarong si jonel.

“Hindi ko rin alam hon. Pero sa tingin ko ay ginawa yan para sabihin ko sayong… Lumamig man ang panahon, hinding hindi ako manlalamig sayo. Uminit man ay mas lalo kong pagliliyabin ang pagmamahal ko sayo… at sa mga anak natin” ang nakangiting sabi nito habang nakatingin parin kay kuya. Lumingon ito sa akin at kumindat.

“Alam mo lionel. Minsan sa mga ganyan mong banat ay mas lalo akong nahuhulog sayo” ang sabi ko.

“Dapat lang. Dahil ako’y para sayo at ikaw ay akin lamang 🎶 “

Naks. Nakuha pa niyang kumanta hahaha..


Hope kinilig kayo. Ayiieee!!

Guys ok lang naman sa akin na ipush niyo akong mag-UD para mas lalo akong ganahan. Para alam kong may nag-aabang ng kwento ko. Wag lang masasakit na salita ah hehehe… ok na sa akin na kahit tag iisang push kayo.

At pasensya na nga pala dun sa “ Peymus “ kundi pa ko makapag-UD. Gusto ko kase muna ng good vibes kaya dito ako madalas mag-UD hope u understand. Pero wag kayong mag-alala mag-UUD ako dun. Wait niyo lang.

Don’t forget to vote and comment. Sa may gusto lang po. Hindi siya sapilitan. Salamat :)

Chapter twenty two

Dedicated to akoposibluerose

My nu

mber one idol si bluerose at pakibasa na rin po mga stories niya.

Konting kaalaman lang po sa akin kung bakit ako nagsulat. Though hindi kami close o magkakilala talaga ni bluerose.

“BLUE learning to love again” po ang favorite kong kwento mula sa kanya halos lahat naman. Nakakalunglot lang kase underrated po siyang otor pero pramis ang galing at ang lawak po ng utak niya.

Way back noong sa facebook pa po ko nagbabasa ng bxb story. May first story na nabasa ko at first otor na hinangaan ko hanggang ngayon siya pa rin po talaga kahit marami na akong nabasa dito sa wattpad. For me lang ah.

Btw.

Love ko sina blue ranger at red ranger eh yieee <3 :)

Btw.. Enjoy reading..


Jerol’s POV

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng cr. Naabutan ko lang si lionel na nakahiga sa kama habang nilalaro nito si baby bunso buti naman at bihis na rin ito. Si kuya naman ay takbo lang takbo sa loob ng kwarto habang pinapalipad nito ang kanyang laruang eroplano. Nakatapis lang ito ng tuwalya hanggang bewang.

“Hon” saad ko. Tumayo naman ito at sumaludo sa akin.

“Yes boss?”

“Bihisan mo muna itong si kuya para madali tayo. Ako na muna diyan kay baby bunso” utos ko sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Ang bango bango naman ng asawa ko. Kaya naman humaling na humaling ako sayo eh. Akin ka lang ha” ang bulong nito saka hinalik-halikan ang pisnge ko ng paulit-ulit. Hindi ko naman maiwasang mamula sa kilig.

“Ahmm.. hon… ano.. ah.. pwede bang bihisan muna si kuya para naman makapagbihis na rin ako” Sabi ko sa kanya habang tinutulak ang mukha nito hahaha. Humiwalay naman ito sa akin at tinitigan ako sa mata nakipagtitigan din ako sa kanya. Napakaganda talaga ng mata ng asawa ko. Mata pa lang niya ay mahuhulog kana. Ngumiti ito sa akin at kumindat.

“Hon, mahal kita” ang malambing na sabi nito. Inirapan ko lang siya at tinungo ang cabinet saka kumuha ng damit. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Nakatayo lang ito habang nakatingin sa akin.

“Bihisan mo na yang anak mo. Wag kang mag-alala, mahal din kita” saad ko. Kita ko lang ang ngiti niya. Lumabas na sila ng kwarto para bihisan si kuya sa kwarto nito.

Pagkatapos kong magbihis ay nilapitan ko si baby bunso na sinusubo ang kamay. Napakacute talaga ng anak ko. Lumapit ako dito at hinalikan ito sa pisnge.

“Bibihisan ka muna ni papa ha” Kinuha ko ang bag nito at binihisan siya. Linggo kase ngayon kaya sisimba kaming magpapamilya. Pinolbohan ko si baby bunso at saka binuhat.

“Hmmm.. ang bango muna anak” hinalikan ko ulit siya sa pisnge. Sobrang cute kase niya eh. Sakto namang pumasok si lionel kasama si kuya.

“Hon pwede bang buhatin mo muna itong si baby bunso. Pagtitimpla ko lang siya ng dede” sabi ko sa kanya lumapit naman ito sa akin at hinalikan ako sa labi saka kinuha si baby bunso.

“May ganun?” Natatawang saad ko. Nagpacute lang ito sa akin.

“Hon gwapo ba ako?”

“Oo naman. Bakit mo naman natanong?”

“Wala lang. Kinikilig lang ako” saad niya. Napailing lang ako. Hay! Asawa ko ba talaga to? Hahaha.. pero mahal na mahal ko yan.

“O siya. Sige na! Pagtitimpla ko na ng dede itong anak natin” ang sabi ko. Kinuha ko na ang tsupon nito at saka nagtimpla. Naramdaman ko namang may humahalik sa batok ko. Nakikiliti ako.

“Hon para kang baliw diyan. Umayos kanga hindi ka ba nagsasawang halikan ako ha? Pati anak mo dinadamay mo sa kalokohan mo” pagsaway ko dito. Tumawa lang ito. Paano kase, hahalikan niya ako tapos papahalikan din niya si baby bunso sa batok ko edi syempre nakikiliti ako.

Pagkatapos kong magtimpla ay kinuha ko na ang bag ni baby bunso na naglalaman ng damit, diaper at gatas nito. Lumapit ako kay lionel at kinuha sa kanya si baby bunso.

“Tara na hon” pag-aya ko.

“Wala kanabang nakakalimutan?”

“Wala hon. Tara na” at naglakad na ako pero hindi pa man ako nakakalayo ng hatakin ako nito at halikan sa labi.

“Ayan. Wala ka nang nakakalimutan.. tara na” saad nito at naglakad na papuntang pinto. Naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Lumingon ito sa akin at kumindat.

“Wag kang masyadong kiligin diyan. Baka mainlove ka sasaluhin naman kita eh”

“Heh! Ewan ko sayo. Kuya tara na” tawag ko kay jonel.

“Opo papa” lumapit ito sa akin at humawak sa laylayan ng damit ko.

Pagkalabas namin ng bahay ay sumakay na kami ng sasakyan. Kinuha na ako ang dede ni baby bunso at pinadede ito.

“Dada saan po tayo pupunta?” Ang tanong ni kuya sa ama.

“Sisimba muna tayo anak tapos gagala”

“Talaga po dada? Gagala po tayo? Yehey!” Ang tuwang tuwang sabi ni kuya. Tumingin naman sa akin si lionel at kumindat. Inirapan ko lang siya. May psipol-sipol pa siyang nalalaman.

“Ehem.. ehemm..” pagtikhim nito. “Hon ehemm..” pagpapapansin niya. Napakunot naman ako ng noo.

“Ano na naman?”

“Wala bang..” nguso nito.

“Anong..?” Nguso ko rin.

“Wala bang kiss?” Hay! Yun lang pala.

“Ikaw na lang lumapit sa akin hon. Pinapadede ko kase si baby bunso” ngiti ko sa kanya. Lumapit ito sa akin saka ako hinalikan. Hialikan din niya si baby bunso sa ulo.

“Ako din po dada” ang sabi ni kuya. Hinalikan din ni lionel si kuya at saka pinaandar ang sasakyan.

Wag na kayong magtaka kung bakit uulan ng kiss dito. Sisihib niyo si lionel hahaha.

Alas dyis ng makarating kami sa simbahan. Si lionel na ang nagbuhat kay baby bunso habang ako naman ang humawak kay kuya. Pagkapasok namin sa loob ay pinagtitinginan kami. May mga matang nanghuhusga at may matang walang pakialam. Hindi na lang namin sila pinansin at pumwesto na kami sa bandang unahan.

See? Hindi naman sa nilalahat ko pero pansin ko lang, kung sino pa ang madalas na sumisimba ay sila pa itong mapang-mata at mapang-lait. Sana lang ay isa puso natin ang aral at salita ng Diyos hindi para mang husga at gamiting paraan para diktahan at husgahan ang ibang tao kung ano o sino sila. Dahil ang alam ko ay hindi tinuro ng Diyos na Husgahan mo ang iyong kapwa. Kaya bago mo gamitin ang kanyang mga salita ay itanong mo muna sa sarili mo kung naiintindihan mo ba talaga ang kanyang hangarin. Itanong mo muna sa sarili mo kung ito bang salita ng Diyos na ibinabato mo sa iba ay nagamit muna sa sarili? Think of it at wag maging hipokrito sa sarili mo.

Tumingin lang ako sa bandang kaliwa ko kung saan nakita kong nakikinig lang ng mabuti si lionel sa nagsasalitang pari. Napansin siguro nito na nakatingin ako sa kanya, kaya lumingon ito sa akin at ngumiti.

“Bakit?” Tanong niya. Umiling lang ako at ngumiti.

“Wala. Masaya lang ako” ang sabi ko.

“Bakit ka masaya?”

“Ewan. Hindi ko alam hon. Basta masaya ako” lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo. Napangiti lang ako at nakinig na ulit siya sa pari.

Taimtim lang kaming nakikinig sa sinasabi ng pari. May time na tumitingin tingin sa akin si lionel saka ngingitian. Gusto ko nga sana siyang sawayin dahil nadidistract talaga ako. Saka alam kong maling kiligin lalo na at nasa loob kami ng simbahan pero kase itong si lionel eh.. tingin pa lang niya nakakainlove na.

Hanggang sa matapos ang simba ay lumabas na kami at dumiretso sa sasakyan. Medyo mainit na kase tanghali na rin. Si baby bunso naman ay mahimbing na natutulog sa mga bisig ko. Siguro ay inaantok na siya sa sobrang init.

“Hon pwede bang lagyan mo muna si kuya ng bimpo sa likod baka kase pagpawisan ito ng todo” ang sabi ko sa asawa ko. Tumango lang ito. Kumuha na siya ng bimpo sa bag at inabot sa akin

“Kelangan bang may kiss muna bago gawin yun?” Natatawang tanong ko sa kanya.

“Hayaan muna hon. Pampagana lang hehehe.. love you”

“Ewan ko sayo! I love you din” Saka ko siya Inirapan. Hahahaha..

“Anak magpalagay ka muna kay dada ng bimpo sa likod Para hindi ka ubuhin” ang sabi ko kay kuya. Tumango lang ito sa akin saka lumapit sa ama. Pagkatapos lagyan ni lionel ng bimpo ang anak ay saka nito pinaandar ang sasakyan.

Nakatitig lang ako kay baby bunso habang sinusuklay ko ang buhok nito gamit ang daliri ko. Ang cute talaga ng anak ko. Parang pinaliit na lionel hahaha.. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinititigan siya.

“Cute ng anak natin noh?” Lingon ni lionel sa akin. Tumingin naman ako sa kanya saka tumango. Ngumiti ito saka Humarap sa kalsada.

“Hon, sabi nila.. makasalanan daw ang pagmamahalang meron tayo. Makasalanan daw ang umibig sa kapwa mo” tumingin siya ulit sakin at ngumiti.

“Hon hindi ako mapapagod magdasal sa Diyos araw-araw para hingin sa kanya ang kapatawaran. Hindi ako mapapagod hon na pagbayaran ang ating mga kasalanan. Mahal kita hon! Mahal ko kayo! Mahal na mahal.. nasasaktan ako kapag hinuhusgahan kayo. Hon, kahit ako na lang eh! kahit ako na lang eh… hon ganun ko kayo kamahal! Lahat aakuin ko wag lang kayo” ang lumuluhang sabi nito. Hindi ko naman maiwasang lumuha din.

“Hon ayokong mawala ang ngiti diyan sa labi mo. Hon diba matatag tayo? Para sa mga anak natin, para sa pamilyang to. Diba papalakihin pa natin sila diba hon?” Ang sabi nito habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang kanyang braso. “Hay! Ang drama ko na! Hon pakiss nga” natatawang sabi nito. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan ito sa labi.

“Papa bakit po kayo umiiyak?” Inosenteng tanong ni jonel. Pinunasan ko naman ang mumunting luhang tumulo sa mata ko.

“Wala to anak. Si dada kase eh.. pinapakilig niya ako” pagdadahilan ko.

“Ganun po ba? Mahal na mahal ko po kayo papa at saka po si dada at saka si baby bunso” ang nakangiting sabi nito.

“Halika nga dito anak” lumapit naman ito sakin. Hinalikan ko lang siya sa ulo at ginulo ang buhok.

“Dapat good boy ka lage anak ha. Kahit anong sabihin nila sayo anak ay wag kang makikipagsakitan. Ipakita mo na hindi ka masama. Dahil ang tunay na mabuti ay hindi kayang manakit at manghusga ng kapwa” alam kong bata pa siya para maintindihan ang mga sinasabi ko. Pero tumingin lang ito sa akin at tumitig.

“Papa ang pagmamahal daw po ay makapangyarihan. Kaya mahalin niyo lang po kami at tiyak na lalakas na kami. At ipagtatanggol ka namin ni dada. Diba po dada?” Tanong nito sa ama.

“Oo naman anak. Si papa ang lakas natin. Kaya hanggat mahal niya tayo ay hinding hindi tayo manghihina! Hindi tayo susuko anak” ang sabi ni lionel sa anak habang nakatitig sakin.

“Kaya papa wag kana pong umiyak ha. Nandito po kami ni dada at ni baby bunso. Mahal na mahal ka po namin. Ako po kaya si super kuya” ang magiliw na sabi ni jonel.

“Ikaw naman po dada” tumingin sa akin si lionel at tinitigan ako sa mata.

“Ako? ako lang naman ang magmamahal sa inyo ng Super.. ng sobra sobra” ang nakatitig na sabi nito sa akin saka siya tumingin sa kalsada at ngumiti.

“Hon” saad ko.

“Oh?” Habang nakatuon pa rin ang atensyon nito sa kalsada.

“Thank you” pagpapasalamat ko.

“Thank you saan?”

“Sa walang sawang pagmamahal mo at pagmamahal sa mga anak natin”

“Sus! Yun ba? Wala lang lahat ng yun kung wala ka, wala kayo. Kaya hon. Ako lang ha”

“Oo ikaw lang. Ikaw lang naman ang mahal ko eh” ang natatawang sabi ko.

“Asus! Baka naman may lalaki kana diyan ha! Gulpi talaga sakin yan” pinalo ko naman siya sa braso.

“Heh! Ewan ko sayo” pagsusungit ko sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay ko saka hinalikan. Pagkarating namin sa karinderya ay pumili na si lionel at si kuya ng pagkain habang kami naman ni baby bunso ay naghanap na ulit ng mapupwestuhan. Simula ng dinala kami dito ni lionel ay dito na kami madalas kumain after naming sumimba. Halos kakilala na rin namin ang may ari ng karinderya. Si manang norma. Katuwang nito ang kanyang panganay na anak na si robert.

Sobrang sarap kase ng mga luto nila. Lutong bahay na tiyak na magugustuhan mo, tapos ang ganda pa ng view. Kaya siguro ganito na lang namin kamahal ang lugar na ito. Hindi rin naman nagtagal at dumating na sila.

“Yehey! Yehey! May fried chicken ako” ang tuwang tuwang sabi ni kuya habang nakahawak ito sa kamay ng ama habang tumatalon talon papalapit samin.

“Tuwang tuwa ka kuya ah” ang nakangiting sabi ko. Umupo ito malapit sa ama.

“Binili po kase ako ni dada ng fried chicken” ang masayang sabi nito. Hay! Paborito talaga niya ang fried chicken. Ngumiti lang si lionel at ginulo ang buhok ng anak.

“Ay teka hon. Kunin ko lang yung baby chair ni baby bunso” ang sabi ni lionel. Nagdala na kami diba noon wala pa kaming dala. Humalik muna ito sa akin saka tinungo ang sasakyan. Pagkabalik nito ay pinaupo niya si baby bunso malapit sa akin.

Naglagay lang ako ng tinapay sa armchair nito para may makain din siya habang kumakain kami. Hindi rin nagtagal at dumating na ang order namin.

“Mga anak eto na order niyo” ang sabi ni manang norma.

“Salamat po nay” ang sabi ko. Ngumiti lang ito samin.

“Paborito pala nitong si jonel ang fried chicken noh” sabi ni manang norma.

“Ay opo nay. Nakakadalawa o tatlo pa nga minsan yan eh” tumatawang sabi ni lionel.

“Ang ku-cute naman ng anak niyo. Isa pa tong maliit na ito hahaha..” ang tuwang tuwang sabi ni nay norma kay baby bunso.

“Sobrang kulit na rin po niyan nay tapos ang lakas pang dumede. Kaya medyo bumibigat na rin po hehehe” saad ko.

“Ok lang yan anak. Bata pa naman mga anak niyo eh. O siya sige ha, hindi ko na kayo aabalahin sa pagkain niyo, tutulungan ko pa dun si robert” hinawakan nito ang ulo ni kuya at ni baby bunso. “God bless mga apo..”

Tumingin samin si nay norma.

“Magpaka-tatag kayo ha para sa mga apo ko.. dahil sa inyo sila huhugot ng lakas para lumaking matibau” ang nakangiting sabi ni nay norma.

“Oo naman po nay. Mahal na mahal ko po itong asawa ko at itong mga makukulit kong anak” ang sabi ni lionel habang nakatitig sa akin. Kinindatan niya ako. Umiwas naman ako ng tingin.

“Lapitan niyo lang ako kung may kelangan pa kayo ha. Nanay niyo na ako kaya hindi na kayo iba sa akin. O siya, enjoy eating..” nagpaalam na sa amin si nay norma.

Hindi ko akalain na ganun niya kami kabilis matatanggap. Pero ang sabi lang ni nay norma na hindi na bago sa kanya ang ganitong relasyon. Dahil marami daw ditong kumakain na katulad namin. Yung nga lang. Kami pa lang daw ni lionel ang may anak sa ngayon.. ang pagkukwento nito. Kaya simula noon ay naka-sanayan na namin ang kumain dito. Parang may magic ang lugar na ito at dito pinagbubuklod ang mga tulad namin.

Sobrang bait kase ni nanay sa mga anak namin. Minsan nga ay libre na itong si kuya sa ice cream. Sila din pala ang may ari ng ice cream na binilhan namin.

“Pssstt” si lionel. Bumalik na lang ako sa reyalidad ng agawin nito ang atensyon ko.

“Oh? Bakit hon?”

“Tulala ka kase.. baka naman iniisip mo pa ko niyan ah, nandito lang naman ako o baka naman nandiyan ako sa puso mo” ang nang-aasar na sabi nito.

Sumandok lang ako ng kanin at ulam saka ito isinubo sa kanya.

“Alam mo lionel kumain ka na lang diyan. Dami mong sinasabi hahaha..” tumatawang saad ko. Ngumuso lang ito.

“Akala ko pa naman ay ako na ang iniisip mo” ang nagtatampong sabi nito.

“Heh! Ewan ko sayo… alam mo lionel. Ikaw lang naman ang nasa isip at puso ko. Maghahanap pa ba ako ng iba kung ang lahat lahat ay nasayo na?”

“Aba malay ko” lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

“Ay Oonga! Ako nga lang ang mahal mo hahaha… sarap” sabi niya. At bumalik na ulit sa upuan. Napakunot na lang ako ng noo. May pagkabaliw talaga itong asawa ko. Hay!

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. In-enjoy namin ang napakasarap na luto ni nay norma. Si kuya naman ay naka dalawang fried chicken na. Si baby bunso naman ay amusin na. Nagkalat na kase sa buong mukha niya ang kinakain nitong tinapay. Hahaha.. ang cute lang. Ito namang baliw kong asawa ay walang ginawa kundi ang magpacute sa akin. Tapos hahawakan ang kamay ko at hahalik-halikan. Yung totoo?

“Lionel para kang sira diyan” ang natatawang sabi ko habang pinupunasan ang mukha ni baby bunso.

“Hayaan mo na hon.. inlove lang ako sayo” hindi ko naman maiwasang mamula sa sinabi niya.

Halos mataranta naman ako sa pagpupunas ng mukha ni baby bunso dahil sobrang amusin niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay nanay norma. Napagdesisyonan kase namin ni lionel na pumunta sa park malapit dito.

Pagkarating namin sa park ay makikita mo ang mga batang masayang naglalaro dito sa park. Naghanap kami ni lionel ng pwede naming tambayan. Doon kami sa ilalim ng malaking puno naupo.

“Dada pwede po ba akong makipag laro sa kanila?” Pagpapaalam ni kuya. Tumingin muna sa akin si lionel. Tumango lang ako.

“Sige anak pero mag-ingat ka ha at saka wag kang makikipag away” bilin nito sa anak.

“Yehey! Opo papa.. good boy po ako” humalik muna ito sa amin at saka tumakbo papunta doon sa mga batang naglalaro.

Nakatanaw lang kami ni lionel kay kuya. Nakakatuwa itong pagmasdan dahil Hindi ito nahirapang makipagkaibigan. Likas kase sa kanya ang makipagkaibigan na sobrang layo sa jonel noon na tahimik at ayaw makisalamuha.

Naramdaman kong umakbay si lionel sa akin. Pinapadede ko kase si baby bunso habang nakahiga ito sa mga braso ko. Alam niyo yun? Yung mga batang pinapadede tapos nakatitig lang sa inyo habang dumedede siya hahaha.. ang cute diba.

“Gusto ko kapag lumaki na ang mga anak natin hon ay magmana sila sayo.. sana manahin nila ang pagiging maalaga at mapagmahal mo” ang sabi nito habang nilalaro ang kamay ni baby bunso.

Lumingon naman ako sa kanya pero nakatitig lang ito kay baby bunso. Tinitigan ko lang siya.

“Ako? Gusto ko kapag lumaki ang mga anak natin ay manahin nila ang pagiging makulit pero malambing na tulad mo. Mayabang pero totoo sa sinasabi niya. Matapang pero mapagmahal. At higit sa lahat bilib sa sarili pero kayang ibigay ang lahat para sa taong mahal niya. Hindi man nila maintindihan ang ugali mo hon pero para sa amin? Ikaw ang klase ng ama na handang isakripisyo ang lahat maging masaya lang kami. Hon gusto kong lumaki silang tulad mo. Gusto kong maging matapang sila at handang harapin ang lahat.. tulad mo lionel” saad ko.

Tumingin ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

“Mangyayari yan hon. Mangyayari yan dahil tayo ang magulang nila diba? Kaya mahalin mo lang ako.. kase mas mamahalin ko kayo” nakangiting saad nito.

“Alam mo ba noong simula ng mahalin mo ako jerol. Doon ako nagsimulang mangarap. Mangarap na sana ay ikaw ang magiging ama ng mga anak ko. Na ikaw at ako ang magkasama sa pagpapalaki sa kanila. Na ikaw ang magiging dahilan kung bakit ako gumigising araw-araw. Kaya hon.. ikaw na ang buhay ko. Syempre ikaw lang ang mahal ko” sinubsob nito ang kanyang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang mga luhang dumadaloy mula sa leeg ko.

Hinawakan ko siya sa ulo at hinaplos ito. Ganito ba niya ako kamahal? Ketchup lang naman hiniling ko eh.. sinamahan pa ng fried chicken. Ang natatawang sabi ko sa isip ko habang hindi ko maiwasang lumuha din.

“Pasensya na hon. Sobra lang akong nasisiyahan. Sobra lang kase kitang mahal eh” ang natatawang sabi nito saka ako hinalikan sa pisnge.

Nagkwentuhan lang kami ni lionel ng kung anu-ano. Hanggang sa lumapit sa amin si kuya.

“Pawis pawisan kana anak” ang sabi ko kay jonel. “Hon palitan mo nga muna ng damit yan. Pakipunas na rin ang likod tiyak na basa yan” utos ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin.

“Dada gusto ko po ng ice cream. Bili niyo po ako please..” ang turo niya dun sa mag a-ice cream. Ayan, nakakita na naman siya ng favorite niya.

“Sige na hon. Ibili muna” ang nakangiting sabi ko. Tumango lang ito sa akin saka ako ulit hinalikan sa labi. Kinindatan pa talaga niya ako hahaha..


Lionel’s POV

“Dada gusto ko po ng chocolate flavor ha” ang sabi ng anak ko habang nakahawak ito sa kamay ko. Tumango lang ako sa kanya. Nilingon ko naman ang pwesto ni jerol habang pinapay-payan nito ang aming bunsong anak.

Sa totoo lang tuwing titingnan ko si jerol ay hindi ko maiwasang maging emosyonal. Sobrang mahal ko talaga siya. Mahal na mahal. Hindi mahirap maging tapat kung totoong mahal mo ang isang tao. Hindi mahirap maging totoo kung siya lang sapat na.

Hay! Humugot lang ako ng malalim na hininga saka ngumiti. Sa akin kase kapag humanap ka ng iba ibig sabihin lang nun na hindi pa siya sapat sa pagmamahal. Dahil kung talagang mahal mo siya ay hinding hindi ka hahanap ng iba para lang sa panandaliang kasiyahan na hindi mo makita sa kanya. Dahil doon pa lang ay ipinamukha muna sa kanyang kulang pa siya.

Nang makalapit kami sa nagtitinda ng ice cream ay hindi mawala-wala sa mukha ni kuya ang kasiyahan. Paboritong paborito niya talaga ang chocolate flavor ice cream.

“Dada gusto ko po yung nasa cone ha” ang sabi nito.

“Oo naman anak hehehe” at ginulo ko ang buhok niya. Humugot ako ng pera at nagbayad. Maibili nga rin ang asawa ko. Alam kong mahilig din siya sa malalamig na pagkain.

“Kuya tatlong ice cream nga na nasa cone lahat”

Habang hinihintay namin ang ice cream ay may bumili din dito. Siguro nasa 30 plus na tong lalaki, may kasama siyang bata kasing edad lang siguro ni jonel. Gwapo siya pero hamak na mas gwapo ako.

“Dahan dahan anak. Baka naman sumakit ngipin mo niyan” ang sabi ko kay kuya. Kinain na kase niya ang unang bigay ni manong.

“Anak mo pare?” tanong nung lalaki.

“Ah.. Oo” feeling close? Tsk.

“Cute ng anak mo ah. Asan nga pala asawa mo?” Feeling close talaga.

“Ah, nandun pare” turo ko sa pwesto ni jerol. Tiningnan niya naman ito ng may halong pagtataka.

“Lalaki ang asawa ko pare yung may hawak na baby. Aangal ka?” angas ko dito. Hindi ko talaga uurungan ang isang to! Bangasan ko na kaya siya ng makita niya ang tapang ko.

Tumawa lang siya.

“Chillax pre! Hindi ako aangal” at nagtaas ito ng kamay na parang sumusuko. Tsk! Wala pala siya sakin eh. Ang weak!

“Asawa ko yun. Kaya wag mo ng subukang agawin siya sa akin dahil uuwi ka talaga ng pasa-pasaan ang mukha” pagbabanta ko sa kanya.

“Woah! Woah! Relax. May asawa na ko pare” ang natatawang sabi nito.

“Buti naman at nagkakaintindihan tayo. Anak mo pare?” Tanong ko sa kanya.

“Ah oo, si erol nga pala anak ko tapos si baby denver bunso kong anak yung nandun” pagpapakilala niya sa mga anak niya. Tumango naman ako.

“Si jonel nga pala anak ko saka si baby leon din yung bunso kong anak. Asan nga pala asawa mo?” Tanong ko sa kanya.

“Nandun” turo niya malapit sa pwesto namin. Siguro dalawang bench lang ang pagitan. Hindi ko sila napansin kanina ah. Sabagay busy nga pala ako sa asawa ko hahaha.. sh*t kinikilig ako.

Nakita ko lang na may isang babaeng nakaupo doon at may kasamang isang batang lalaki. Baka pamangkin niya. Ang layo din kase kaya di ko makita masyado.

“Ah…” yun na lang nasabi ko.

Pagkatapos naming makuha ang sukli ay bumalik na kami pero nakisabay pa itong lalaking ito sa akin. Malaman ko lang talaga na may gusto siya kay jerol pasensyahan kami.

“Cute ng asawa mo ah” ang sabi niya habang naglalakad kami.

“Pare akin yan. Umayos ka” naiinis na sabi ko. Tinawanan niya lang ako.

“May asawa na nga ako pare. Sadyang cute din lang ang asawa mo” hindi na lang ako nagsalita baka masapak ko pa to. Medyo magkasundo na ang mga anak namin. Naglalaro na sila eh. Nang malapit na kami ay nagpaalam na ito sa akin.

“Salamat pare. Ano nga palang pangalan mo?” Tanong niya. Tsk. May gusto pa ata sa akin to.

“Lionel pare” ang sabi ko.

“Shone. Shone ang pangalan ko” ang sabi niya at nakipagkamay sa akin. Tinanggap ko naman ito.

“O sige pare.. nice to meet you. Alagaan mo asawa mo ah. Maging loyal ka” pang-aasar ko.

“Loyal to pare. Mahal na mahal ko si jess” ang nakangiting sabi niya. So, jess pala ang pangalan ng asawa niya.

“Jess pala pangalan ng asawa mo? Maganda siya ah” ang sabi ko. Bigla naman itong tumawa.

“Anong nakakatawa pare?”

“Oo maganda talaga siya sa paningin ko” ang sabi niya. Biglang may lumapit sa aming lalaki. Ito siguro yung pamangkin niya. Cute din siya ah.

“Babe tara na. Aalis na daw si ate mae at baka gabihin pa siya sa biyahe niya papuntang manila” babe? Tumango lang ito.

“O paano pare. Aalis na kami. Si jess nga pala asawa ko” ngumiti lang si jess at umalis na sila.

Ibig sabihin? Mag-asawa sila? Napailing na lang ako. Akala ko pa naman yung babae ang asawa niya. Hahaha.. Sabagay, makapangyarihan nga talaga ang love.

“Hon ice cream” inabot ko sa kanya ang isang cone ng ice cream at naupo sa tabi niya.

“Salamat. Sino nga pala yung kausap mo kanina?”

“Shone daw ang pangalan. Biruin mo yun hon. Lalaki din ang asawa niya saka may anak din silang dalawa. Parang tayo lang” natutuwang kwento ko. Hinalikan ko siya sa ulo.

Inubos lang namin ang binili kong ice cream saka napagdesisyunan naming umuwi. Mag-aalas singko na rin nun ng makarating kami sa bahay. Tulog na tulog si baby bunso. Napagod siguro sa biyahe hahaha.. pinarada ko lang ang sasakyan at saka sumunod sa kanila. Buti na lang at nakauwi na si manang. Siya na ang nag-alaga kay baby bunso. Si kuya naman ay dumiretso agad sa tv saka nanuod.

“Anak bihis lang ako ha” ang sabi ko sa kanya. Umakyat na ko sa taas.


Jerol’s POV

Nagbibihis ako nun ng maramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.

“I love you hon” ang sabi niya. Hinalikan ko naman siya sa pisnge.

“I love you too din. Magbihis kana ah. Magluluto lang ako ng kakainin natin” ang sabi ko sa kanya. Aktong aalis na ako ng hatakin niya ang kamay ko na naging dahilan ng pagbagsak namin sa kama. Nasa ibabaw niya ako.

“Hon teka. Magluluto pa ako” palusot ko. Alam ko na kase kasunod nito hahaha…

“Bakit ang cute mo?

“Aba! Malay ko”

“Eh bakit mahal kita?” Sabi niya.

“Aba malay ko rin” ang natatawang sabi ko.

“Eh bakit..”

“Bakit ano?”

“Hindi pala bakit. Kundi kung paano. Paano na lang kundi kita minahal. Paano na lang kundi kita nakilala. Paano na lang ako? Paano ako sasaya ng ganito.”

Tinitigan ko lang siya sa mata saka ngumiti.

“Mahal kita lionel”

“Mahal din kita jerol at kung hindi man ikaw ang una kong nakilala tinitiyak ko naman sayo na ikaw ang huli kong makakasama” at masuyo niya akong hinalikan sa labi.


Wazzup? Hehehe.. sensya na po sa late UD. Medyo nawalan lang po ako ng inspirasyon. Sana ay nagustuhan niyo pa rin.

Sa totoo lang ay hindi ko po siya alam kung paano tatapusin hahahaha.. parang ang light lang kase ng kwento kaya parang ayoko pang matapos.

Please read my new published “Maikling Kwento ni Erol” nasa mga works ko po pakihanap na lang.

Wag pong kalimutang magVote at magComment. Sa may gusto lang po.. salamat sa support :* :*

Chapter twenty three

Lionel’s POV

Urgh! Ano ba to? Lunes na lunes nakakabagot. Namimiss ko tuloy ang asawa ko. Sh*t! Mahal na mahal ko talaga yung maliit na yun. Namimiss niya kaya ako? Urgh! Kainis. Mahahalikan ko talaga sa labi yun.

Pinagmasdan ko lang ang picture naming apat sa cellphone ko at hindi ko maiwasang mapangiti dahil ito ang pangarap ko. Ang pangarap na gustong gusto kong mangyari. Ang pangarap na makasama si jerol bilang asawa at ama ng mga anak ko. Sh*t! Kinikilig talaga ako pramis.

Habang tinititigan ko ang picture naming apat ay bigla namang may kumatok mula sa pinto.

“Pasok” ang sabi ko. Dumungaw naman sa pinto si marta, ang assistant ko sa restaurant na ito. Mabait siya at talaga namang mapagkakatiwalaan. Magkaibigan na kami niyan noon pa lang. Hindi ko na tanda kung kelan basta in good terms sila ni jerol hahaha..

Pumasok ito kasama ang isang babae.

“Ah Sir lionel. Eto na po ang aplikante niyo” ang sabi ni melinda. Tumango lang ako sa kanya saka ito lumabas. Napagmasdan ko naman ang babaeng nasa harapan ko. Nakatayo lang ito pero halata mo sa kanya ang kompiyansa. Maganda, sexy, maputi ang legs at malaki ang hinaharap. Halos sumabog na nga ito sa laki eh.

“Maupo ka” mahinang saad ko. Naupo naman ito sa harap ng table ko. Talagang niliyad pa niya ang kanyang boobs para mas lalo ko itong makita. Hinawi pa nito ang kanyang buhok patalikod at saka ako tiningnan ng nakakaakit. Napangisi lang ako.

“Good morning po sir” mahinang saad nito na may halong pang-aakit.

“Good morning din miss beautiful” saad ko naman. Kinuha nito ang kanyang resumè at inabot sa akin. Tiningnan ko lang ito saka tumingin sa kanya.

“Maganda ang nilalaman ng resumè mo, maraming experiences.. ayos to”

Ngumiti lang ito sa akin.

“Ahhhh.. sir, ahhhh..” pinatong nito ang kanyang dalawang siko sa table saka inipit ng braso niya ang boobs para mas lalong umusbong ang cleavage nito. Kinagat pa nito ang kanyang ibabang labi saka tumingin sa akin ng malagkit.

Mukhang may gusto to sa akin ah. Patay tayo diyan.

“Miss…” saad ko habang binabasa ang pangalan niya sa resume. “Miss Malani? Right?”

“Ahah! Ahah!” Ang parang hinihingal na sabi nito habang dinidilaan ang ibabang labi. Dahan dahan pa nitong ibinaba ang strap ng kanyang suot para ipakita sa akin ang balikat niya. Napatayo naman ako sa aking kina-uupuan at nilapitan ito. Kita ko naman ang pag-ngisi niya. Hindi ko maiwasamg hawakan ito sa tig-kabilang braso.

Ang ganda niya sa malapitan, ang pula ng labi at talagang Nakaka-akit.

Ngumiti ako at dahan dahang itinaas ang kanyang damit sa balikat. Labis naman ang kanyang pagtatataka. Sinuotan ko rin siya ng jacket ko at saka ito tinitigan ng maigi sa mata. Huminga muna ako ng malalim saka ngumiti.

“Hindi mo kelangang ibaba ang dignidad at pagkababae mo para lang makamtan ang mga bagay na hindi mo naman pinaghirapan. Maganda ka at alam kong ginagawa mo lang ito para sa pamilya mo at para sa sarili mo. Pero tandaan mo, mas maganda kong gagawin mo ito sa mabuting paraan at hindi sa paraang alam mong pagsisihan mo sa bandang huli. Respetuhin mo muna ang sarili mo para hindi mawala ang respeto nila sayo. Ipakita mo ang halaga mo bilang isang babae” ang sabi ko sa kanya. Dahan dahan namang pumatak ang luha nito sa mata.

“Sasabihan ko na lang kay marta kung kelan ka magtetraining ha. Ayos ba?” Tumango lang ito sa akin. Nakita ko namang nagpunas siya ng luha.

“S-salamat po sir” ang humihikbing sabi nito. Inabutan ko naman siya ng tissue.

“Ipakita mo ang halaga mo… Halaga mo bilang isang babae. Maghanap ka ng lalaking handang magbihis sayo kapag nakita kang nakahubad at sasabihin sayong ang tulad mong babae ay hindi dapat sinasamantala kundi nirerespeto ka. Pero wag ako ha? May asawa na ako at mahal na mahal ko yun. Sobrang mahal na mahal na mahal. Ganun ko siya kamahal” ang nakangiting sabi ko.

Natawa naman siya sa huli kong sinabi. Tinawagan ko na si marta telepono para sunduin si miss malani. Hindi rin nagtagal at dumating ito saka sila lumabas.

Hay! Kahit ata maghubad yun o bumukaka sa harapan ko ay hinding hindi ko siya papatulan. Tukso? Dahil lang ba sa lalaki ka ay hindi mo na ito maiiwasan? O baka naman hindi lang ganun katibay ang pagamamahal mo sa kanya, kaya ka nadadala ng tukso.

Dahil kung matibay ang pagmamahal mo sa isang tao ay hinding hindi ka magpapadala sa tuksong pwedeng sumira sa inyo. Mas matibay ang paniniwala kong mahal ko si jerol kesa ang saktan ang damdamin niya. Yan si lionel. Gayahin si lionel. Hahaha.. realtalk yan men.

Dahil sa sobrang pagkamiss ko sa asawa ko ay minabuti kong umuwi na lang at ipagluto ng tanghalian ang asawa ko. Doon na lang kami kakain sa school. Hay! Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

Pagkalabas ko ng opisina ko ay nakita ko miss malani na nakaupo sa isang table kasama si marta.

“Marta ikaw na muna ang bahala dito ha. Emergency lang” ang sabi ko sa kanya. Napangisi lang ito.

“O siya, o siya! Style mo bulok. Hahaha..” alam kase nitong pupuntahan ko lang ang asawa ko.

Pagkalabas ko ng restaurant ay sumakay na ako ng sasakyan at tinungo ang bahay namin. Dahil gusto kong maging espesyal ang tanghalian namin ay ako na ang nagluto. Siyempre si manang ang tagapag turo ko hahaha.. baka sa halip na mainlove sa akin ang asawa ko eh, magalit pa yun.. wag naman hahaha..

Nagluto ako ng fried chicken na paborito ni kuya saka menudo para sa amin ng asawa ko. Nang matapos akong magluto ay nilagay ko na ito sa tupperware. Nagdala na rin ako ng tatlong paper plate at tatlong plastic na baso. Pinabihisan ko na rin kay manang si baby bunso dahil hindi pwedeng mawala ito sa family date namin. Urgh! Nakakakilig talaga.

“Manang si baby bunso po? Aalis na kami” ang sigaw ko habang sinusuot ang baby carrier sa katawan ko

(a/n: sensya na hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko o hindi. Yung parang bag na sinusuot sa katawan mo para sa mga baby hahaha.. Tinatamad si otor mag-search)

Nasa taas pa kase sila.

“Andyan na sir” ang sabi ni manang habang bumababa sila ng hagdan.

“Manang naman eh. Wag niyo na kong tawaging sir” ang sabi ko.

“Nasanay na kase ako anak na tawagin kayong sir” ang sabi nito ng makababa sila.

“Eee.. basta. Nanay na po namin kayo ni jerol kaya hindi na kayo bago sa amin” kinuha ko na sa kanya si baby bunso. Hinalikan ko muna ang anak ko sa pisnge bago ito ilagay sa carrier na nasa harapan ko.

“Ang bango naman ng anak ko. Miss mo na ba si papa at si dada at si kuya?” Ang magiliw na sabi ko. “Paano manang. Kayo na po munang bahala dito sa bahay ha. Magde-date lang po kami ng buong pamilya”

Tumango lang ito sa akin.

“Mag-iingat kayo anak ha. Ingatan mo ’tong apo ko” bilin ni manang.. ngumiti lang ako sa kanya at saka nagpaalam.

Bitbit ko lang sa kaliwang kamay ko ang tupperware at mga gamit para sa lunch date namin mamaya.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay pinaandar ko na ito. Nilagay ko muna sa katabing upuan ko ang ulam namin habang si baby bunso naman ay nakaupo lang sa lap ko.

Ok naman si bunso kase sinusuportahan naman siya ng suot kong carrier kaya ok lang na hindi ko siya hawakan. Binigyan ko rin ito ng sponge na laruan para hindi siya umiyak.

Habang bumabyahe kami ay tawa lang ito ng tawa. Minsan pa nga ay papaluin nito ang kanyang laruan na kunwari ay nagagalit. Hahaha..

Sinundo ko muna si kuya bago kami nagtungo sa school ng asawa ko.

“Anak dito ka muna sa sasakyan ha. Bibili lang si dada ng tissue baka meron dito” ang sabi ko sa anak ko. Tumango lang ito.

Lumabas na ako ng sasakyan at tinungo ang sari-sari store sa tapat ng school. Humugot ako ng pera sa bulsa habang ang isang kamay ko naman ay nakaalalay kay baby bunso.

“Sir” saad ng babae sa tabi ko. Habang humuhugot ako ng pera sa bulsa.

“Pasensya na miss.. may asawa na ako” pagtanggi ko sa kanya.

“Sir”

“Sorry talaga miss ha, mahal na mahal ko talaga ang asawa ko” napakunot naman ito ng noo.

“Sir”

“Miss mahal ko nga ang asawa ko at eto nga anak namin oh… pasensya na talaga. Humanap ka na lang ng iba” ang sabi ko.

Napasimangot naman siya.

“Itatanong ko lang naman sana kung anong bibilhin niyo! Ang dami niyo nang nasabi hmmpp! Nakakainis naman.. Oo!” Ang naiinis na sabi nito saka pumasok sa loob ng tindahan.

Dumungaw ito sa butas saka ako tiningnan ng masama.

“Anong bibilhin niyo SIR?”

Natameme naman ako. Hahaha..

“Ahmm.. may tissue ba kayo? Pabili nga” ang nahihiyang sabi ko. Padabog naman nitong kinuha ang tissue saka binigay sa akin. Dinamihan ko na.

“45 pesos” saad niya. Nagkibit-balikat na lang ako.

Pagkalapit ko sa sasakyan ay pinarada ko lang ito sa maayos na paradahan at sabay sabay kaming pumasok sa loob ng paaralan. Nakahawak sa kaliwang kamay ko si kuya habang sa kanang kamay ko naman bitbit ang aming ulam at kagamitan sa pagkain.

Napangisi na lang ako sa naisip kong magde-date ulit kami ng asawa ko. Hay! Mahal na mahal ko talaga siya.


Jerol’s POV

Bakit kaya bigla kong namiss ang asawa ko? Yung totoo. Magkadikit na ba ang mga puso’t isipan namin? Hay ewan.

“Ok class.. wag niyo kong pangunahan. Narinig kong nag ring yung bell. Akala niyo ha” ang sabi ko sa kanila.

“Akala po kase namin ay hindi niyo na naman narinig. Tulala na naman po kase kayo diyan sir. Siguro ay iniisip niyo na naman po si kuyang gwapo noh?” Pang-aasar nila.

“Ewan ko sa inyo. Lumabas na kayo at kumain ng marami para naman makapasa kayo sa subject ko” pang-aasar ko sa kanila.

Inipon ko lahat ng gamit ko sa lamesa ng maramdaman kong may nakatayo sa harapan ko.

“Hi, sir, musta? Long time no see ah” bati nito sakin.

“Ewan ko sayo paulo.. umalis ka na nga. Kumain ka na dun” pagtataboy ko sa kanya pero bigla nitong inagaw ang libro ko. “Abat!”

“Ako na magdadala nito sir” nakangiting sabi nito.

“Paulo ako na!” ang sabi ko habang inaagaw ko sa kanya ang libro. Bigla naman itong tumakbo palabas ng pinto. “Paulo isa!”

“Dalawa” pagtutuloy niya.

Urgh! Nakakainis tong batang to ha. Ang kulit kulit. Huminga lang ako ng malalim saka naglakad palabas ng pinto para sana habulin ito ng bigla na lang may yumakap sa akin. Si jonel.

“A-anak? Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Ako” rinig kong sabi ng lalaki. Nang tingnan ko naman ito ay nakangiti lang ng todo ang asawa kong si lionel. Kasama nito si baby bunso.

“H-hon? Anong meron? Anong ginagawa niyo dito?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya ng makalapit ako dito. Hindi kase niya ako nainform. Hinalikan lang niya ako sa pisnge saka ngumiti. Kinuha ko naman sa kanya si baby bunso at kinalong ito.

“Namiss lang kita hon.. nakakabagot kase sa opisina kaya pinuntahan ko lang ang happiness ko at kayo yun. Lalo na ang pinakamamahal kong asawa” saka ako kinindatan. Halos mamula naman ang mukha ko sa kilig.

“Heh! Ewan ko sayo. Tara na nga” ang namumulang sabi ko. Tumingin naman ito sa lalaking nakatayo sa gilid niya. Si paulo.

“Akin na nga yan” agaw ni lionel sa libro ko kay paulo.

Ay oo nga pala nandito pa pala siya hahaha.. nakalimutan ko tuloy ang pakay ko sa kanya.

“Kumain kana bata at saka mag-aral ka ng mabuti ha, ng ang buhay mo naman ay bumuti. Ayos ba?”

Natawa naman ako sa huling sinabi ng baliw kong asawa. Kahit kelan talaga ay mapagpatol siya sa mga bata. Umalis si paulo na nanghahaba ang nguso.

“Hon wag mo na ngang patulan. Ikaw talaga” ang sabi ko. Ngumiti lang ito sa akin at inakbayan ako.

“Baka kase palitan muna ako eh. Yung mas bata, mas sariwa at mas malakas” kinurot ko naman siya sa tagiliran.

“Aww.. hon naman eh. Isusumbong kita sa guidance councilor niyo. Sige ka” sabi nito habang hinihimas ang parte na kinurot ko. Halos pigilan ko naman ang sarili ko sa pagtawa. Ang cute niya kase.

“Alam mo lionel para kang sira! May anak na tayo tapos mahal na mahal pa kita. Maghahanap pa ba ako?” Ang sabi ko sa kanya.

“Naniniguro lang hon hehehe… Siyanga? Mahal mo talaga ako?” Malambing na tanong nito.

“Oo nga! Kaya wag kang ano diyan, tara na” ang natatawang sabi ko.

Nakaakbay lang ito sa akin Habang naglalakad kami papuntang school play ground. Dumiretso kami sa parteng malilim, sa ilalim ng puno kung saan ay sa damuhan kami mauupo. Parang picnic lang ang style.

Pumwesto kami sa hindi masyadong dinadaanan ng mga estudyante para masolo namin ang lugar at ang isa’t-isa.

Sakto lang ang lilim na nagmumula sa malaking puno na aming kinatatayuan.. para humarang sa tindi ng sikat ng araw. Sabayan mo pa ng Maaliwalas na simoy ng hangin. Ang mga ibong nagliliparan sa kalangitan. Ang kulay puting ulap. Ang ganda ng lugar.

Hay! Naglatag na lang kami malaking tela sa damuhan para makaupo kami ng maayos at para maka-gapang rin si baby bunso.

Nilabas nito ang tupperware na naglalaman ng ulam at mga gamit tulad ng pinggan, baso at pati na rin tissue. Kumpleto ah. Si kuya naman ay nilalaro lang si baby bunso.

“Pinaghandaan mo talaga to ano?” Tanong ko sa kanya. Habang nagsasandok siya ng kanin sa pinggan namin.

“Aba.. Oo naman.. gusto ko kasing ipatikin sayo ang luto ko. Luto mula sa puso ko para sayo” ang sabi niya.

Pinipigilan ko naman ang sarili kong ngumiti. Kaya Inirapan ko ns lang siya.

“O bakit ka nakatitig diyan?” Tanong ko. Nagpacute lang ito.

“Wala lang. Mahal na mahal lang kita. Masama ba yun?” oo na, sus. Hahaha…. Inabot na niya sa akin ang pinggan na may lamang pagkain.

“Salamat” saad ko.

“Salamat? Salamat saan? Sa pagkaing binigay ko o sa pagmamahal ko? Alin dun?” Nang-aasar na tanong nito sa akin. Ngumiti lang ako.

“Salamat sa lahat. Salamat kase hindi mo hinayaang malowbat ang pagmamahalan natin. Salamat kase hindi ka napapagod na mahalin at pakiligin ako. Salamat kase napaka-effort mo at salamat talaga dahil nagbago ka para sa amin” mahinang saad ko.

“Choice ko yan hon. At pinili ko kung saan ay makikita ko ang sarili kong masaya. Kaya nga ikaw at ang mga anak ko ang happiness ko diba? Wala akong karapatang mapagod na mahalin kayo. Siguro mapagod man ang katawan ko pero hinding hindi ang puso ko” saad nito. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa labi. Tinitigan niya lang ako sa mata.

“Kayo lang naman ang lakas ko eh, isang ngiti at halik mo nga lang ay handa na ulit akong harapin ang pagsubok.. pagsubok sa buhay natin. Ako ang armor mo, ako ang sibat mo, ako ang alipin mo, ako ang tagapagtanggol mo.. pero hon, ikaw ang kahinaan ko” ang madamdaming sabi nito. Ang drama namin noh? Wala eh, madrama talaga kapag nagmamahalan. Masanay na kayo. Dahil wala na kayong choice dahil ganito kami kasweet. Hahaha..

“Lionel para kang sira diyan. Kumain na nga tayo. Ayan tuloy naluluha na ako” ang natatawang sabi ko.

Lumapit lang ito sa akin at hinalikan ako sa ulo. Ang drama noh? Pasensya na ha. Mahal kase namin ang isa’t-isa at wala akong dapat ikahiya doon. Show your love before its too late to show how much you love him/her.

(Authors note: sorry ulit sa english ko. Hindi na kase ako nagche-check ng grammar hahaha.. my bad).

“Kuya eto na pagkain mo” pagtawag ni lionel sa anak.

“Opo dada. Andyan na po” ang sabi nito. Tumayo na siya sa pagkakadapa at kinuha kay lionel ang pagkain. Nakikipaglaro kase siya kay baby bunso.

“Yehey! Fried chicken. My favorite” tuwang tuwang sabi ng anak ko. Pareho naman kaming napangiti ni lionel.

“Niluto ko talaga yan anak para sayo” ang proud na proud na sabi ni lionel.

“Salamat dada” si jonel.

“Ikaw talaga nagluto nito hon?” Di makapaniwalang Tanong ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa pagluluto niya o sa sala. Hindi lang talaga siya masarap magluto hahaha..

“Oo naman hon. Pagmamahal at pagmamahal talaga ang main ingredients na ginamit ko diyan. Ikaw pa nga ang inspirasyon ko eh” pagmamalaki nito. Matanong nga si kuya.

“Anak masarap ba luto ni dada?” Tanong ko kay jonel.

Kinindatan ko siya. Mukha namang nagets niya.

“Ahhmm.. ahmmm.. masarap naman po papa” ang parang nang-aasar na sabi ng anak ko. Halos matawa naman ako dahil nakuha niya ang tinutukoy ko. Napanguso lang si lionel hahaha..

“Parang napipilitan ka lang naman anak eh” ang nagtatampong sabi ni lionel. Para siyang bata. Kaya hindi na napigilan pa ni kuya at tumawa na ito pati na rin ako.

“Hahaha.. joke lang po dada. Masarap po talaga siya”

“Ikaw anak ha. Jino-joke muna si dada. Na victim niyo ko dun ah” ang sabi ni lionel habang ginugulo ang buhok ng anak. “Anong tinatawa tawa mo diyan hon, ha?”

“Wala hahaha.. ang cute mo lang magtampo” ang sabi ko. Pero nagulat na lang ako ng nakawan niya ako ng halik sa labi.

“Kain na tayo” ang nakangising sabi nito habang sumusubo ng pagkain. Natameme lang ako.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkaing niluto ng asawa ko. Siyempre hindi mawawala ang kwentuhan at paminsan minsan ay sinusubuan pa niya ako. Sobrang sweet, caring at mapagmahal talaga si lionel kaya araw-araw din akong naiinlove sa kanya eh.

Nang matapos kaming kumain ay tumambay lang kami kami sa ilalim ng puno. May ilang minuto pa naman kaya ok lang na tumambay muna. Ganun din si kuya.

Nakasandal si lionel sa puno habang pinapadede ko naman si baby bunso. Si kuya naman ay naglalaro sa initan. Buti na lang at lagi akong may baon na sando.

Nakatitig lang ako kay baby bunso habang dumedede ito, nakakatuwa pa dun ay nakikipagtitigan rin siya sa akin hahaha… Hinaplos ko ang ulo nito.

“Hon penge nga ng baby wipes. Pawisan na kase itong si baby bunso” utos ko sa kanya. Kumuha naman ito ng baby wipes sa dala nitong bag saka inabot sa akin. Pinunasan ko lang si baby bunso.

Napansin ko namang pinagpapawisan na si jonel sa initan, ganun din si lionel kaya pinagsabihan na niya ito.

“Kuya wag masyadong magpawis may pasok ka pa” ang sabi ni lionel sa naglalarong si jonel.

“Opo dada” sagot nito sa ama.

Lumapit ito kay lionel saka nagpabihis.

“Lagyan mo na rin ng powder hon para fresh si kuya” tumango lang ito sa akin. Habang binibihisan ni lionel ang anak ay siya namang pagdaan ni sir marvin kaya tinawag ko ito.

“Sir marvin saan ka galing?” Tanong ko sa kanya.

“Ah, diyan lang, napadaan lang ako dito” saad nito.

“Ganun ba? Si maam ana asan?”

“Baka nasa faculty pa yun. Hinahanap ka nga nun eh” ang sabi nito.

“Ah.. “ ang tangi kong nasabi.

“O siya. Paano, una na ako sir” tumingin ito kay lionel. “Una na ako pare” paalam pa nito sa amin. Magkakilala na naman sila ni lionel. Suplado lang talaga itong asawa ko.

“Tsk!” Rinig kong sabi ng katabi ko.

Tiningnan ko naman siya ng masama.

“Bakit?” maang nito. “Nag “tsk” lang naman ako ah“ pagdepensa niya.

“Defensive. Napaghahalataan” panunukso ko. Hahaha..

“Ewan ko sayo hon. Halikan kita diyan eh” ang sabi nito.

“Edi halikan mo”

“Wag mo ko hamunin hon. Re-rapi— hhmm” hinalikan ko na siya sa labi at kung anu-ano na namang sasabihin niya sa harap ko. As if na wala dito ang mga anak namin.

“Umayos ka hon ha. Nandito mga anak natin” sabi ko sa kanya.

Ayoko lang makarinig ng hindi angkop sa edad ni jonel. Baka akala niya yung salitang bastos ay ok lang. Eto pa namang asawa ko walang preno.

“Opo” pagsang-ayon niya.

“Good! O siya, ihatid mo na si kuya at baka malate na ito” ang sabi ko. Niligpit ko muna ang aming kinainan saka nilagay sa plastic. Binigay ko na rin sa kanya si baby bunso.

“Wag malikot sa school anak ha. Behave lang kay teacher” ang sabi ko sa kanya at hinalikan ito sa ulo. Hinalikan ko naman sa pisnge si baby bunso. “Ikaw din baby bunso ha. Wag pasaway kay lola Nang at kay dada” ang magiliw na sabi ko sa bunsong anak namin.

“O paano hon. Susunduin ko na lang kayo mamaya ha” paalam ni lionel sa akin. Tumango lang ako.

“Hon Mag-ingat kayo sa byahe” paalala ko sa kanya.

“Yes boss” saludo nito. “Pakiss nga” at hinalikan niya ako sa labi. “Sarap naman” ngumiti lang ako.

“O sige na. Ihatid muna si kuya sa school” saad ko. Hinalikan niya ulit ako labi saka kami naglakad na magkahiwaay. Ako sa kaliwa, sila saa kanan.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman ito.

“ Hello “ saad ko.

“ Hello “ siya.

“ Bakit ?“ Tanong ko sa kanya habang naglalakad ako.

“ Tumingin ka sa likod mo “ utos niya.

Edi… Tumingin naman ako sa likuran ko. Nakita ko lang si lionel na nakangiti habang tumatawag sa cellphone.

“Oh, bakit?”

“May nakalimutan ka” sabi niya.

“Ha? Nakalimutan? Parang wala naman ah” nagtatakang sabi ko.

“Haixt! Ako na nga lang magsasabi…. I love you hon ko” ang sabi nito. Kahit malayo siya ay kitang kita ko pa rin ang mga ngiti niya.

“Dami mong alam hon. I love you din. Mahal na mahal din kita” nakangiting saad ko.

“Asus! Kinikilig siya oh” panunukso nito.

“Heh! Oo na! Kaya ihatid muna si kuya”

Daming pakulo talaga ng lalaking to. Hindi ko na rin alam minsan kung bakit ako kilig na kilig sa kanya. Hay naku!

“ O sige na hon. Turuan mo sila ha. Turuan mo sila kung paano mahalin ang bawat isa. Pero ikaw… Sa Akin ka lang ha “ saad nito saka pinatay ang tawag.

Halos manigas naman ako sa aking kinatatayuan sa sobrang kilig.


Ayos ba? Hehehe..

Guys.. please read my short stories sa “Erol Side Story” ibat ibang uri po siya ng kwento tungkol sa dalawang lalaking nagmamahalan. Sana ay suportahan niyo din po :)

VOTE and COMMENT. Salamat :)

Chapter twenty four

Jerol’s POV

Nakahiga lang sa kama si baby bunso habang binibihisan ko at pinapalitan ko ito ng diaper. Maaga kase akong nakauwi ngayon dahil half day kami ngayong biyernes. Tinext ko na rin si lionel na huwag na niya akong sunduin dahil nakauwi na ako ng bahay.

May pagkabaliw yang asawa kong yan, kahit nasa trabaho yan kapag nalaman niyang wala na akong pasok o hindi pa ako nakakauwi ay malamang sa malaman.. iiwan niya ang kanyang ginagawa para lang maihatid ako hahaha.. tinext ko na rin siya na kung pwede ay ibili niya ako ng paborito kong bananacue, namiss ko na kasing kumain nun eh. Pero wala akong reply na natanggap.

Pagkatapos kong lagyan ng diaper si baby bunso ay nilagyan ko naman ito ng powder sa buong katawan. Nakatingin lang ito sa akin habang ginagawa ko iyon. Nakakatuwa lang kase ang cute cute ng anak ko.

“Fresh kana ulit ang anak ko. Pakiss nga si papa.. pakiss si papa sa pinaka makulit at pinaka cute na anak ko” ang magiliw na sabi ko habang hinalikan ko ang tig kabilang pisnge nito. Tawa lang siya ng tawa.

“Ang cute cute naman ng anak ko. Mana kay dada. Mana kay papa” ang masayang sabi ko habang nilalaro ko ang kamay nito.

Naramdaman ko namang bumukas ang pinto ng kwarto. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si lionel na nakangiti. Napakunot naman ako ng noo.

“Surprise hon. May dala akong paborito mong bananacue” ang nakangiting sabi nito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likod. Hinalikan niya ako sa pisnge.

“Hon. Akala ko ba nasa trabaho ka? Bakit nandito ka? Umabsent ka na naman noh?” Tanong ko sa kanya pero hinalikan niya lang ako sa pisnge.

“Hayaan mo na hon. Mas mahalaga pa ba ang trabaho ko kesa sayo? Aba! Ay hinding hindi ko naman ipagpapalit ang makasama ka kesa ang mabagot at maupo lang dun habang iniisip ka. Saka may nagbabantay naman dun eh.. Kaya ikaw… ikaw na lang ang babantayan ko. Ako ang iyong armor at ikaw ang aking prinsesa. Ayos ba hon?” Ang mahaba at makabuluhang sabi nito.

Ano daw? Hahaha.. sira talaga itong asawa ko. Tinulak ko nga ang noo niya.

“Prinsesa ka diyan” ang natatawang sabi ko.

“Asus. Edi, ikaw na lang ang prinsipe ko at ako naman ang iyong sundalo na handang magtanggol at magpa-alipin sayo. Pakiss nga sa pinaka mamahal kong kamahalan” ang malambing na sabi nito at hinalikan ako sa labi. Halos mahimatay naman ako sa kilig. Urgh!

“Akin na nga yang bananacue” agaw ko sa kanya ng bananacue.

Lumapit ito kay baby bunso at hinalikan sa pisnge.

“Kamusta na ang baby bunso ko? Hindi ba siya pasaway kay papa? Wag pasaway kay papa ha. Mamahalin pa natin yan” ang sabi nito habang nakatingin sa akin. Napairap lang ako habang sinusubo ang bananacue.

Kinindatan niya pa ako. Napaiwas lang ako ng tingin dahil sa mga binibitiwan nitong salita na nagpapakilig sa akin.

Kinuha ko na lang ang bananacue na hawak ko at nilantakan ito. Wala namang tigil ang bunganga ko sa pag nguya habang nakanguso. Hahaha.. Pero tinawanan lang ako ni lionel.

“Hon, hindi naman halatang kinikilig ka noh? Namumula ka kase tapos ang cute mo pa. Haixt! Halika nga dito” ang sabi niya.

Sa halip na ako ng lumapit ay siya ang lumapit sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Saka ako hinalikan.

“Ayan. Ok na” ang sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko rin maiwasang titigan siya. Lumalaklak ba ito ng enervon araw-araw? Taas ng energy eh.

“Bakit mo ko tinititigan?” Tanong ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa akin.

“Eeee… ewan, hindi ko alam. Basta bumibilis na lang ang tibok ng puso ko kapag tinititigan ka” ang seryosong sabi niya.

“Mahal mo ko noh?” Pang-aasar ko sa kanya. Ngumiti lang ito.

“Bakit mo nalaman? Hay! Secret ko lang yun eh” ang natatawang sabi nito.

“Sira! Hahaha.. umayos ka nga lionel. Baka mafall na naman ako sayo sige ka” pagsakay ko sa kalokohan nito.

“Dapat lang. Dahil hiniling ko na sana.. hindi pala sana kundi hiniling ko talaga na makasama ka habang buhay” ang sabi niito saka kumagat sa bananacue na kinagatan ko. Napangiti na lang ako.

“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

“Oo. Kumain na ko sa restaurant. Buntis na ba ang hon ko? Himala, nagpabili ka sakin ng bananacue ah.. mukhang naglilihi kana” Ang nakangising sabi niya. Kinurot ko naman siya sa tagiliran.

“Heh! Ewan ko sayo. Paano ako mabubuntis eh hindi naman ako babae” ang sabi ko habang nakanguso.

Pinisil niya lang ang pisnge ko.

“Joke lang hon. Hindi ka man mabuntis. Ang mahalaga sa akin ay ang tapat na pagmamahal ko mo sa akin. Yun lang wala nang iba. Masayang masaya nako at kontento” ang seryosong sabi nito at hinalikan niya uli ako sa labi.

Niyakap ko naman siya.

“Lionel naman eh..” ang sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinaplos lang nito ang buhok ko at hinalikan sa ulo.

“Nood tayo hon. Mag movie marathon tayo” suhestiyon niya. Tumango naman ako.

“Sige. Gusto ko rin manood ng movie eh” ang sabi ko.

“May dala akong flash drive dito hon. Nagpapasa kase ako kanina doon sa mga katrabahador ko ng movie. Biruin mo yun hon. May train to busan na sila, iba na talaga nagagawa ng technology. Nakakatakot daw to ok lang ba sayo?”

Mahilig kase kami ni lionel sa mga horror movies. Buti na lang at may pasok si kuya ngayon ayaw pa naman niya sa mga nakakatakot na palabas kaya walang makakapigil sa amin hahaha.. may TV naman kami dito sa loob ng kwarto pero bihira lang kami dito manood. Mas gusto kase naming manood sa sala tuwing magbo-bonding kaming magpapamilya. Pero pagdating sa mga ganitong movie marathon ay napapagkasunduan namin na dito na lang sa kwarto para madilim at para ka na ring nasa sinehan.

Inayos na ni lionel ang TV na papanooran namin habang pinagtitimpla ko naman ng gatas si baby bunso. Pagkatapos kong magtimpla ay ibinigay ko muna ito kay manang para patulugin buti na lang at wala itong masyadong gagawin. Baka kase umiyak si baby bunso kapag nakakita ito ng mga zombies.

Kumuha kami ng pop corn at tsitserya tulad ng paborito kong piattos, nova at choco knots. Lahat ng binili naming grocery ay paborito ko at ni kuya. Simula kase ng ligawan niya ako ay inalam na nito lahat ng ayaw at gusto ko. Na gusto na rin niya hahaha.. ayaw kase nito na may pinagtatalunan kami maliban na lang kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa. Baliw to eh.

Dumapa na ako sa kama habang si lionel naman ay dumapa na rin sa tabi ko.

“Hon maganda ba to nakakatakot ba to? Nakakaiyak o ano?” Tanong ko sa kanya.

“Relaks lang hon. Kaya nga tayo manood eh. Wag nating pangunahan ang mga bagay bagay” ang natatawang sabi nito. Binatukan ko naman siya.

“Heh! dami mong alam” pagsusungit ko. Ginulo lang nito ang buhok ko at hinalikan sa pisnge. Inirapan ko lang siya.

Binuksan nito ang piattos at Nova saka nilagay sa harapan namin.

“Salamat hon” ang nakangiting sabi ko. Nagpacute lang ito sa akin saka pinisil ang pisnge ko.

“Awww.. hon naman eh. Kanina mo pa pinipisil pisil pisnge ko. Baka lawayin ako” daing ko habang nakasimangot.

“Pasensya na hon. Nafafall kase ako sayo eh. Pakiss nga ulit” at hinalikan na naman niya ako sa labi.

“O siya. Manood na tayo” ang sabi ko sa kanya.

Nagsisimula na kase ang istorya ng Train to busan. Medyo ok naman ang simula yun nga lang naagaw ng subtitle ang atensyon ko kesa sa mga galaw nila pero hindi ko maiwasang matakot. Talagang tutok na tutok ako sa palabas habang walang tigil ang bibig ko sa pag nguya.

Si lionel? Eto,walang ginawa kundi ang yakapin ako tapos isusubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Tapos aagawin niya ang atensyon ko saka ako hahalikan sa labi. Tapos Lalaruanin niya ang buhok ko. Kikilitiin at kung anu-ano pang pagpapapansin sa akin. Hindi ko nga alam kung nanonood ba to o ano?

“Lionel nanunuod ka ba o hindi?” Ang tanong ko sa kanya habang nakadagan ito sa likod ko.

“Ah.. eh..” ang sabi niya habang nakadagan sa akin at nakayakap ng mahigpit. Inamoy amoy pa nito ang buhok ko.

“Lionel naman eh.. nakikiliti ako” pagsaway ko sa kanya. Hinalikan kase niya ang batok ko. May kiliti ako doon.

“Hindi mo kase ako pinapansin eh” pagtatampo niya.

“Pinapansin naman kita ah.. umayos kana kase” ang sabi ko sa kanya.

Nahiga na ito sa tabi ko at niyakap akong mahigpit. Hinalikan niya ako sa pisnge tapos hahalikan ulit, tapos hahalikan ulit, tapos hahalikan ulit tapos..

“Yung totoo lionel? Nababaliw kana naman ano?” Natatawang sabi ko sa kanya.

“Asus. Baka sabihin mo kinikilig ka lang” panunukso niya.

Tinulak ko nga ang noo niya at inirapan. Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa panood ko. Medyo dumadami na rin ang mga zombies. Napalingon naman ako sa kaliwa ko. Nakatitig lang sa akin si lionel habang nakangiti. Trip talaga ako ng lalaking to.

Hay!

“Lionel sino ba talagang pinapanood mo ako o yung nasa TV?” Tanong ko sa kanya.

“Ikaw” ang nakatulalang sabi nito sa akin habang hindi mawala-wala ang titig sa akin.

“Anong kalokohan na naman ito mister madrid?”

“Walang kalokohan dito hon. Sadyang mas maganda ka lang pagmasdan kesa ang manood ng pelikula” ang sabi nito habang nagpapacute sa akin.

Pinisil ko naman ang ilong niya.

“Eh bakit nagyaya ka pang manood kung ako rin lang naman pala ang papanoorin mo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.

“Hay! Siyempre para matitigan kang mabuti. Ang cute mo kase tapos nakakaiinlove pa, alam mo yung feeling na excited akong mapangiti ka? Makita yang ngiti mo na lalong nagpapahumaling sa akin. Asawa na kita pero bakit parang araw-araw gusto ko ulit umibig? Jerol pwede bang kunin mo na itong puso ko para naman hindi kana nito hanapin pa at mamiss” ang sabi nito habang nakatitig sa akin.

Nakahiga siya sa kama habang ang aming mga mata ay magkatitigan. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ito sa labi. Nakapikit lang kaming pareho habang magkalapat ang aming mga labi.

“Kinikilig ako hon” ang sabi niya saka pinisil ang ilong ko.

Kung alam din lang niya na kanina pa ako kinikilig sa mga hirit niya naku. Haysss.. Lionel, lionel, lionel. Nakatitig na naman ito sa akin saka nakangiting aso.

“Wag mo nga kong titigan hon nababaliw ka na naman ha. Gusto mo wag na natin tapusin tong movie?” ang sabi ko saka ko siya inirapan. Natawa lang ito.

“Siguro ay kilig na kilig kana sa akin noh? Aminin mo na kase hon na ako lang sapat na. Diba hindi kana maghahanap pa ng ibang lalaki diba hon?” Tanong nito. Ako naman ang natawa sa kanya. Lakas ng apog nitong lalaking to hahaha..

“Alam mo lionel para kang sira diyan. Bakit mo naman naisip na maghahanap pa ako ng lalaki ha? E tatlo na kaya kayong lalaki sa buhay ko. Si kuya, si baby bunso tapos ikaw… ikaw na baliw kong asawa. Maghahanap pa ba ako?” Ang sabi ko.

Tinapat lang nito ang mukha niya sa mukha ko saka nagpacute.

“Ayyyiieee.. namumula siya oh. Ikaw hon ha! Sabi ko na nga ba eh. Crush mo ko” panunukso niya.

Ano to? Teenager lang? Crush ganun?

“Heh! Oo na! Manood na nga lang kase tayo” pag-iba ko sa usapan. Namumula na kase ako.

“Pakiss muna” ang sabi niya.

“Ayoko”

“Eeee.. dali na hon. Pakiss muna” pagpupumilit niya. Hirap talagang magkaroon ng asawang makulit hahaha.. pero mahal na mahal ko yan.

“Oo na” at dahan dahan kong nilapat ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko namang napangiti siya habang magkalapat ang aming mga labi.

Kilig, ang sarap sa pakiramdan, ang saya ko, lahat na ata ng pwede kong maramdaman ay nararamdaman ko sa tuwing maglalapat ang aming mga labi. Parang araw-araw ay nagliliyab ang aming pagmamahalan.

“I love you hon” ang nakatitig na sabi nito.

“I love you din” sagot ko.

Paglingon ko ay tapos niya.

“Ayan, natapos na yung palabas, hindi ko na naintindihan ikaw kase eh” pagmamaktol ko.

Tiningnan niya lang yung tv. Puro pangalan na lang ang lumalabas.

“Hahaha.. pasensya na hon. Hindi man natin napanood ang horror movie na yan pwede pa naman natin yang ulitin pero ang moment nating dalawa ay hinding hindi ko ipagpapalit. Mahal na mahal kita eh” ang seryosong sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko.

“Asus! Ewan ko sayo.. anong oras na ba? Sunduin mo na si kuya, saka na lang tayo ulit mag movie marathon at baka hindi ko lang ito matapos dahil sa napaka pasaway kong asawa”

Tiningnan niya ang oras twenty minutes pa bago sila mag-uwian.

“Maya ng konti hon, twenty minutes pa naman. Dito muna tayo” ang malambing na sabi nito.

Magkayakap lang kami habang nakasubsob ang ulo ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang bango na nagmumula sa asawa ko habang Nilalaro nito ang buhok ko. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa sunduin na nito si kuya.

“Hon Susunduin ko na si kuya ah. Baka mamiss mo ko. Wag ganun men, wag ganun hahaha…” ang sabi nito. Pinalo ko naman siya ng unan pero tinawanan niya lang ako.

“Kapal” saka ko siya inirapan.

Tumayo na ako, tumayo na rin siya at sabay kaming lumabas ng kwarto. Pagkababa namin ay nakita lang namin si manang sa baba habang kalong nito si baby bunso. Kinuha ko naman ito sa kanya.

“Salamat po manang” ang sabi ko dito.

Nagpaalam ito sa amin na may nakalimutan pa daw siyang gagawin. Tumango lang kami sa kanya.

“Musta na ang baby buso namin? Inaantok na ata eh, pumipikit na ang mata oh” Ang parang batang sabi ni lionel habang nilalaro nito ang kamay ng anak.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila.

“O sige na hon. Susunduin ko na si kuya. Alagaan mo anak natin ha” pa-alala nito. Humalik muna siya kay baby bunso bago ako hinalikan sa labi.

“Ingat kayo hon” ang sabi ko.

Pagkaalis ni lionel ay naupo lang kami ni baby bunso sa sofa. Buti na lang at may gatas itong natira na nakapatong sa table. Pinadede ko na ito dahil mukhang hindi na niya kaya ang antok hahaha.. habang dumedede ito ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang aking anak habang sinusuklay ko ang buhok nito. Napaka-amo ng mukha niya. Kamukhang kamukha niya talaga si lionel. Kaya mahal na mahal ko rin ang isang ito eh. Hinalikan ko siya sa ulo dahil mukhang tulog na nga.

“Anak bakit mo naman tinulugan si papa? Ayan tuloy wala na akong makakwentuhan” ang natatawang sabi ko sa anak ko.

Binuksan ko na lang ang tv para hindi ako mainip habang hinihintay ko ang mag-ama ko. Ilang minuto rin ang lumpas at narinig ko na ang sasakyan ng asawa ko. Tumatakbong pumasok si kuya habang may dala dala itong laruan. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa piange.

“Papa binili po ako ni dada ng toys dahil perfect po ako sa test” pagmamalaki ng anak ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at ginulo ang buhok nito.

“Wow. Ang galing naman ng anak ko. O sige na, magpapalit kana ng damit kay lola nang” ang utos ko sa anak ko.

“Opo papa” ang masayang sabi nito at umakyat na siya sa taas.

Nakita ko naman si lionel na kapapasok lang ng bahay. May bitbit itong malaking plastic.

“Hon ano yan?” Tanong ko.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi. Nilapag niya muna sa lamesa ang plastic na dala nito at tinabihan niya ako sa upuan saka niyakap.

“Gatas at diaper yan ni baby bunso hon. Mukha kasing paubos na ang gatas at diaper nitong makulit kong anak eh kaya naisipan na ni dada na ibili siya ng gatas” ang magiliw na sabi nito sa anak.

Napangiti lang ako.

“Ako na muna ang kakalong kay baby bunso hon. Pahinga ka muna” ang sabi niya habang kinukuha nito sa akin ang tulog na tulog na si baby bunso.

Tatayo na sana ako para dalhin ang mga pinamili nito sa kwarto ng pigilan niya ako.

“O, saan ka pupunta? Dito ka lang, tabihan mo kami ng anak mo. Mamaya mo na yan iakyat” hila nito sa akin.

May magagawa pa ba ako? Hahaha.. naupo lang ako sa tabi ng asawa ko habang nasa bisig nito ang tulog naming anak. Habang nanunuod kami ay narinig kong pababa ng hagdan si kuya. Nang makalapit ito sa amin ay pinakita nito ang kanyang exam at naupo siya sa mga hita ko.

“Papa tingnan mo po oh. Highest score ako sa exam namin” ang tuwang tuwang sabi niya habang nakaupo sa mga hita ko.

Tiningnan ko naman ito at hindi ko maiwasang maproud sa anak ko.

“Ang galing naman ni kuya. Mana kay papa” ang sabi ko.

“E paano naman ako hon?” Pagsingit ng asawa ko.

“Huwag kang mag-alala hon. Mana naman sayo si kuya ng kakulitan” ang natatawang sabi ko.

“Asus itong asawa ko… hindi man ako matalino hon, pero hindi naman ako nagkamali noong minahal kita” ang nakangiting sabi.

Ok! Tumingin lang ako sa tv at pinipigilan ang sariling kiligin.

“Dada kinikilig na naman po si papa oh” panunukso ng anak ko.

“Hayaan mo lang si papa anak. Mahal na mahal niya lang talaga si dada” sagot nito sa anak saka ako kinindatan.

“Heh! Ewan ko sa inyong mag-ama. Pinagtutulungan niyo ako” pagtatampo ko.

Niyakap naman ako ng mahigpit ni jonel.

“Joke lang po papa.. i love you po” ang malambing na sabi nito sa akin saka ako kiniss sa pisnge.

“I love you din anak” ang sabi ko at hinalikan ko rin siya sa pisnge.

“I love you hon” ang sabi ng katabi ko.

Nilingon ko naman ito na kanina pa pala nakatingin sa akin. Nakipagtitigan din ako sa kanya.

“I love you too” ang sagot ko.

Nakita ko namang ngumiti siya. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Tumingin ako kay jonel na nakaupo sa lap ko pero nakatingin ito sa tv. Kita ko rin ang pagpipigil niya ng ngiti.

“Anak dito ka muna kay dada ha. Magluluto na ako ng hapunan natin at saka ilabas mo yang ngiti mo anak wag mo nang pigilan” ang natatawang sabi ko.

“Sorry po papa, ang korni niyo po kase ni dada eh” ang humahagikgik na sabi nito.

“Ah.. korni pala ha” at kiniliti ko siya ng kiniliti pero tawa lang ito ng tawa.

“Tama na po papa hahaha.. nakikiliti po ako hahaha..” ang tumatawang sabi nito. Tinigilan ko na ang pagkiliti sa kanya at pinupog ito ng halik sa mukha.

“O siya, dito ka muna kay dada ha at magluluto pa ako ng hapunan natin” ang sabi ko sa anak ko.

Tumayo na siya sa pagkakaupo sa hita ko at naupo sa tabi ng ama.

“Hon gusto mong kunin ko yung stroller ni baby bunso para dun mo siya ihiga?” Tanong ko kay lionel.

“Wag na hon. Kaya ko namang buhatin ang anak natin. Ang hindi ko lang kaya eh ang mawala kayo sa buhay ko” ang seryosong sabi nito.

Hugot? Binato ko naman siya ng unan sa mukha.

“Awww.. hon naman eh. Bakit mo ko binato?” Nagtatakang tanong nito.

“Ang korni mo kase” ang nakangiting sabi ko. “Pero nakakakilig” at naglakad na ako papuntang kusina ng lingunin ko ito ay nakatitig lang ito sa akin. Unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi saka ako kinindatan.


Sabaw diba?

Pasensya na guys, kung medyo boring… pinilit ko lang pong mag-update ngayon. Sana ay nagustuhan niyo pa rin at suportahan niyo pa rin ang mga kwento ko. Nawawalan lang inspirasyon si otor kaya medyo matagal mag-UD.

Guys basahin niyo po ang “Erol side story” completed na po ang una kong short story doon. Marami pang mga shorts stories na mababasa kayo dun. Sana ay basahin niyo rin.

Vote and Comment… salamat :))

Chapter twety five

Jerol’s POV

Nakahanda na ang lahat ng damit na dadalhin namin papunta sa lolo at lola ng mga anak namin sa magulang ni lionel. Kararating lang kase nila galing amerika at ngayon ay nasa manila na sila. May bahay din kase sina lionel doon. Sabi ko naman sa inyo diba na mayaman sila hahaha.. Ilang buwan din kase silang hindi umuuwi dito sa pilipinas dahil sa kanilang negosyo doon sa amerika, kaya kung umuwi man sila dito sa bansa ay para lang magbakasyon at bisitahin ang apo nila.

Doon na rin sa amerika nag-aaral at naninirahan ang mga kapatid ni lionel na sina kuya lenmar na mas matanda kay lionel ng dalawang taon at si loisa na eight teen years old lang. Itong si lionel lang naman ang nagpaiwan dito sa pilipinas dahil nandito daw ang kanyang buhay, mga anak at ang taong mahal niya. Siyempre ako yun hehe..

Yung magulang naman ni lionel ay parang magulang ko rin, mababait din sila kahit sa una ay nahirapan silang tanggapin kami at natural lang naman siguro iyon sa mga magulang na hindi kami agad natanggap. Pero simula noon ng maipaglaban ako ni lionel ay doon ko rin nalaman na may pagkabaliw din pala ang mommy nito habang ang daddy naman nito ay seryoso man pero marunong makipagbiruan. Ewan ko lang kay kuya lenmar na sobrang sungit din.

Nagpapansinan naman kami ni kuya lenmar pero isang tanong isang sagot lang ang usapan namin, masungit kumbaga parang kuya ko rin masungit rin kaya hindi ko maiwasang isipin na may pagkakapareho talaga ang pamilya namin ni lionel.

Ganoon naman ata ang mga kuya, strikto. Habang si loisa naman ang pinaka-close ko dahil madalas itong mag-open up sa akin ng topic about sa kanyang mga crushes niya. Sa totoo lang ay nagseselos na itong asawa ko sa kanila dahil kapag nandoon ako sa kanila ay hindi na daw niya ako masolo-solo hahaha… Kung hindi daw nakay mommy ako, si loisa naman ang kasama ko. Baliw talaga itong asawa ko pagselosan ba naman ang kapatid at mommy niya hahaha…

“Hon ok na?” Ang tanong ni lionel sa akin ng makapasok ito ng kwarto.

Alam niyo sa totoo lang. Hindi dahil asawa ko siya ha o ano. Sobrang gwapo talaga nitong si lionel. Sobra.

“Oo. Si kuya bihis na?” Tanong ko din sa kanya. Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likod.

“Bihis na” tugon nito.

Inamoy niya ang ulo ko at hinalikan ito.

“Ang bango mo naman asawa ko. Baka naman may mahumaling sayong iba ah.. Hinay hinay sa pagpapabango. Naku naku!” ang sabi nito. Siniko ko naman siya sa tiyan.

“Awww.. hon naman eh. Bakit mo ako siniko?” Daing niya. Natawa lang ako.

“Ikaw kase eh, kung anu-ano na naman yang sinasabi mo diyan. Bakit naman sila mahuhumaling sa akin eh may asawa na ako at mahal na mahal ko pa. Amoyin nila ako hanggat gusto nila dahil yun lang kaya nilang gawin” ang sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang ito at pinisil ang pisnge ko.

“Joke lang hon, hehehe. Pero manigas sila diyan katitingin sayo dahil akin kana at lulunurin kita sa pagmamahal ko. Diba hon? Akin ka lang?” ang paglalambing niya.

Napa-irap lang ako sa pagka-isip bata na naman nitong asawa ko. Syempre hindi ko naman maiwasang kiligin.

“Oo na. Kaya tara na, hinihintay na tayo ng mga anak natin sa baba” ang sabi ko. Humiwalay ito sa yakapan namin at hinawakan ang kamay ko. Hay! Para akong kinukuryente sa totoo lang.

“Mamaya kana kiligin hon. Alam ko namang kinikilig ka na, sa akin ka lang naman namumula ng ganyan diba?” ang pang-aasar nito sa akin at hinila na ako palabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako. Dahil sa kilig na idinudulot nito sa akin.

Pagkababa namin ay naabutan lang namin doon si kuya na nakikipaglaro sa mga apo ni manang habang kalong nito si baby bunso. Ayaw naman naming iwan si manang dito na mag-isa kaya pinasundo na namin ang kanyang anak at mga apo.

“Papa pupunta na po ba tayo kina lolo at lola?” Ang excited na tanong nito sa akin habang kinukuha ko kay manang si baby bunso.

“Oo anak. Hinihintay na tayo nina lolo at lola mo doon” ang sabi ko sa kanya. Nagpakalong ito kay lionel.

“Dada may pasalubong po ba sa akin sina lolo at lola ko?” Ang inosenteng tanong ni kuya sa ama.

“Siyempre naman anak. Ikaw pa ba makalimutan ng lolo at lola mo tiyak na marami silang pasalubong sayo” ang nakangiting sabi ni lionel sa anak at ginulo ang buhok nito.

“Yehey! Gusto ko na pong makita sila dada” ang masayang sabi nito. Natawa lang si lionel.

“Eeee.. excited ka lang atang makita ang pasalubong sayo nina lolo at lola mo eh” ang pang-aasar ni lionel sa anak.

“Hihihi..” tawa ni kuya. Hindi ko naman maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ko silang dalawa.

“Ikaw talaga anak. Mana ka kay dada” ang sabi ni lionel at hinalikan ito sa pisnge. Tumingin ito sa akin.

“Tara na hon. Hindi na makapaghintay itong anak mo” ang pag-aya ni lionel sa akin. Tumango lang ako.

“O paano manang. Kayo na po muna ang bahala dito sa bahay ha” ang pagpapaalam namin dito.

“Sige mga anak. Mag-iingat kayo sa biyahe niyo ha” bilin ni manang sa amin.

“Salamat po, kayo rin po dito” saka nagpaalam na kami.

Nauna ng sumakay si kuya sa kotse. Hindi naman halata na excited itong anak ko.

“Ikaw ba baby bunso. Miss mo na rin ba sina lolo at lola mo?” Ang tanong ko sa bunsong anak ko. Sinusubo lang nito ang kanyang kamay. Ang cute.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan namin ng unahan ako ni lionel.

“Pasok na hon” ang sabi nito habang nagpapacute sa akin.

Asus! Pa-gentleman si mokong.

“Salamat”

“Wala yun. Asawa kita eh” ang nakangiting sabi nito.

Hinalikan niya ako sa ulo at saka si baby bunso. Ngumiti lang ako.

“Pasok kana hon” sabay kindat pa nito sa akin.

Hindi ko alam ang mararamdam ko basta kinikilig akong naupo sa loob ng sasakyan. Nakita ko namang tumakbo ito sa kabilang side ng kotse saka pumasok.

“Let’s go?” Tanong nito sa akin.

“Let’s go” pagsang-ayon ko.

Pinaandar na nito ang sasakyan. Medyo malayo-layo rin ang manila. Aabot siguro ng mga 4 o 5 oras ang biyahe depende sa traffic ng maynila.

“Papa pwede po ba akong maglaro ng games?” Tanong ni kuya sa akin. Lumingon naman ako sa kanya.

“Oo naman anak. Basta wag mo lang masyadong ibabad ang mata mo sa screen at baka sumakit ang ulo mo” paalala ko sa kanya.

“Salamat po papa, i love you po” ang magiliw na sabi nito.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang tinititigan ang anak ko. Sobrang saya ko kase alam kong tatanda siyang mabuting tao. Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko.

“Wag kang mag-alala hon. Hanggat nandito tayo ay gagabayan natin sila. Normal man o hindi sa paningin ng iba ang mahalaga ay ang mga aral na ituturo natin sa kanila. Hindi naman mahalaga sa akin hon kung anong tingin nila sa pagiging magulang natin. Ang mahalaga ay kung paano natin sila tuturuan na hindi maging katulad nila. Hindi ito tungkol sa pagiging bakla natin hon, kundi, tungkol ito sa kung paano tayo makikisalamuha sa iba. Hindi rin ito nasusukat sa pagka-lalaki o pagka-babae ng isang tao, ito ay nasusukat kung paano ka makitungo bilang tao sa kapwa mo. Kaya yung mga taong nagmamalinis diyan ay sila talaga yung taong totoong makasalan. Dahil ang alam lang nila ay ang kasalanan ng iba pero bulag naman pagdating sa sarili nila” ang mahaba at makabuluhang sabi nito.

Hindi ko maiwasang humanga sa kanyang mga ipinahayag.

“Alam mo hon. Dahil sa mga sinabi mo. Hindi ko talaga maiwasang humanga sayo” pagtatapat ko sa kanya.

“Diba sabi ko naman sayo. Ako ang alipin mo pero ako rin ang taong mahal mo na handang ipagtanggol ang pamilyang ito. Dahil hindi mo lang ako minahal hon, ginawa mo pa akong tao… taong marunong masaktan, magmahal at umintindi. Kaya kung meron mang aapi sa inyo ako muna ang makakalaban nila”

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Naniniwala akong kahit seryoso siya sa mga sinasabi niya ay nagdudulot ito ng kilig sa akin.

Tinitigan ko naman ang anak ko sa aking mga bisig. Napaka amo, napaka inosente. Hindi ko maiwasang matuwa dahil pinatunayan sa akin ni lionel na kahit bakla ako ay may karapatan akong ituring bilang ako. Hindi bilang isang lalaki, hindi rin bilang isang babae at lalong lalo na hindi bilang isang bakla kundi bilang ako. Ako mismo.

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko habang nakaupo ito sa mga hita ko. Hindi namin kailangan ipagpilitang ipaintindi sa iba ang uri ng pamilya namin. Sa tingin ko ang kailangan nilang intindihan ay ang sarili nila. Dahil wala sa amin ang problema kundi nasa makikitid na pag-uutak nila.

Dalawang oras na rin ang nababiyahe namin. Pababa na kami ng bundok. Puro bundok kase ang dadaan mo kapag galing ka sa probinsya namin.

“Dada nagugutom na po ako” ang daing ni kuya.

“Sige anak. Maghahanap lang si dada ng makakainan natin ha.. kumain ka muna ng tinapay diyan” ang pakiusap nito sa anak.

“Sige po dada”

Narinig ko namang umiiyak si baby bunso. Kinapa ko ang diaper nito pero hindi naman puno.

“Ahmm.. anak pwede bang paki-abot kay papa ang dede ni baby bunso nandiyan sa loob ng bag sa tabi mo. Umiiyak na kase itong bunsong kapatid mo eh, baka nagugutom na rin” ang utos ko sa anak ko.

Kinuha naman ni kuya ang bag ni baby bunso at hinanap sa loob ang gatas na tinimpla ko kanina. Natahimik naman itong bunso kong anak ng dumede na siya. Pinahiga ko siya sa braso ko para hindi ito mahirapan.

“Yun lang pala ang gusto ng anak ko eh. Nagugutom na pala ang anak ko kaya umiiyak na” ang paglalambing ko dito.

Nakatitig lang ito sa akin habang dumedede siya at pilit na inaabot ang baba ko. Hahaha..

Nakita ko namang nakangiti si lionel habang nagmamaneho ito.

“Oh, bakit naka ngiti ka diyan?” Tanong ko sa kaniya. Umiling lang ito pero hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi.

“Eee.. bakit nga hon?” Pagpupumilit ko. Tumawa lang ito. Napasimangot naman ako. Ako kase yung tao na inaalam ang mga bagay bagay lalo na at patungkol sakin hehehe..

“Ewan ko hon pero kinikilig talaga ako kapag nakikita kong inaalagaan mo ang mga anak natin. Parang ang saya saya lang. Para akong naiinlove sayo lalo. Parang ang sarap talagang magmahal ng isang tulad mo”

Lihim naman akong napangiti. Lumingon ito sa akin at kumindat.

“Ok lang yan hon. Ilabas mo lahat ng kilig mo, sige ka baka manigas ka diyan hahahah..” pang-aasar nito.

“Heh! Kapal mo. Feeling ka mandin lionel” pagsusungit ko sa kanya.

“Asus, itong asawa ko oh… alam mo bang mahal na mahal kita” ang sabi niya.

“Alam ko… Pero alam mo rin bang mas mahal na mahal kita?” Balik na tanong ko sa kanya.

“Ahhmmm..” kunwari ay nag-iisip siya. “Depende kung hahalikan mo ako ngayon sa labi baka maniwala ako na mas mahal mo ako” ang nakangising sabi nito.

Inirapan ko lang siya.

“Pinapadede ko po kaya si baby bunso kaya hindi kita pwedeng halikan” saad ko.

“Edi ako na lang ang hahalik sayo” bigla nitong tinigil ang sasakyan at mabilis akong hinalikan sa labi. Ang nakakainis lang eh kinagat pa niya ang ibabang labi ko.

“Aray! Bakit mo naman kinagat ang labi ko?” Ang naiinis na daing ko sa kanya saka ko siya kinurot. Oo kinurot ko talaga siya. Masakita kaya pero itong mokong na ito tinawanan niya lang ako.

“Pasensya na hon. Nakakagigil kase yang labi mo. Ayokong may ibang humahalik diyan ah, maliban sa mga anak natin at sa akin. Bugbog talaga sila sakin” ang sabi nito saka pinaandar ang sasakyan.

“O-oo naman. Ikaw lang naman ang humahalik sa labi ko” ang pagsusungit ko. Ngumiti ito. Tinitigan ko naman ang anak kong dumedede. Mukhang hindi pa siya inaantok. Siguro ay nagutom lang siya kanina kaya umiyak.

Ilang minuto rin ang binyahe namin hanggang sa makakita kami ng jollibee (Hindi po ito sponsered :).

Alam kong paborito ni kuyang kumain dito dahil sa fried chicken, burger yam at spaghetti. Pinarada muna ni lionel ang sasakyan at saka sabay sabay kaming pumasok sa fast food. Inorder namin lahat ng gusto nitong anak ko habang kami ni lionel ay chicken at rice lang.

Alam kong marami ang tumitingin sa amin pero habang tinitingnan nila kami ay mas lalo namang ipinapakita ni lionel kung gaano siya ka proud sa pamilya namin. Dahil sa kanya ay lumakas din ang loob kong ipakita sa kanila na walang mali sa pagmamahalan namin.

Pagkatapos naming kumain ay umorder pa kami ng maraming burger para kung magutom man kami sa daan ay may kakain kami.

Mga dalawa o tatlong oras pa kase depende talaga sa traffic sa manila bago kami makarating sa bahay nila. May bahay sila sa isang subdivision doon.

“Nabusog ka ba anak?” Ang tanong ko kay kuya.

“Opo papa. Nabusog po ako hehehe..”

“Eh, paanong hindi mabubusog yang anak mo hon. E, halos lahat na ata ng pagkain sa jollibee ay inorder niyan hahaha” ang natatawang sabi ni lionel habang nagmamaneho ito.

Tiningnan ko lang si kuya pero nakitawa din lang ito sa ama.

Naiintindihan ko ang sinasabi ni lionel. Kinikilig siya kapag nakikita niyang inaalagaan ko ang mga anak namin. Ganun din naman ako sa kanya. Kinikilig din ako kapag nagpapaka-tatay siya sa mga anak namin.

“Baka naman matunaw na ako niyan hon” pang-aasar ni lionel. Habang nakatingin ito sa dinadaanan namin.

“Ewan ko sayo lionel. Masama na bang titigan ang asawa ko?” Tanong ko sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ko saka niya hinalikan.

“Hindi masama hon. Ang masama ay makita kong nakatitig ka sa iba. Masakit yun hon, sobrang sakit nun pero hinding hindi ako papayag na humantong ka doon dahil noong minahal kita at sumumpa tayo sa isa’t-isa.. Ipinangako ko sa sarili ko, na mapako man ang mga ito at hindi ko man matupad lahat ng pangako ko.. Pero asahan mo hon, hindi marunong sumuko itong puso ko” ang sabi niya habang tinuturo ang puso niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Yung puso ko parang ang bilis ng tibok. Parang napaka swerte ko. Alam kong ang hirap maghanap ng lalaking magmamahal at seseryoso sa tulad ko, pero bakit? Bakit may lalaking handang sayangin ang buong buhay niya sa tulad ko? Bakit?

“Bakit hon?” Tanong ko sa kanya.

“Anong bakit?”

“Bakit sinasayang mo ang buhay mo sa tulad ko? Bakit mo ko pinag-aaksayahan ng panahon ang tulad ko, Bakit?”

Tahimik lang ito habang nakatitig sa kalsada. Pinagmasdan ko lang siya.

“Hon, nakikita mo ba si jonel? Nakikita mo ba si baby bunso? Hahayaan mo bang ang mga batang yan ay hindi natin maging anak? Hahayaan mo bang ang pagmamahal nila at pagtanggap sa atin ay sasayangin lang natin? Hindi hon! Hindi! Dahil hindi importante sa mga anak natin kung sino ang magulang nila, ang importante sa kanila ay ang mga taong handang mahalin sila. Kaya kung tatanungin mo ako kung bakit? Sasagutin kita ng bakit naman hindi? Mahal kita at mahal mo ko. At hindi lang yun hon. Ama tayo ng mga anak natin kaya kung kukwestyunin mo ulit ang pagmamahal ko sayo ay hinding hindi ako mangingiming rape-in ka ng paulit-ulit para ipadama sayo na ikaw lang sapat na” ang nakangiting sabi nito. Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso.

“Rape talaga?” ang sabi ko. Ngumiti lang ito sa akin.

Sana, kung meron mang gaya ni lionel. Ay maranasan din ito ng iba.

Hapon na noon ng makarating kami sa subdivision na tinutuluyan ng mga magulang ni lionel. Pero bago yun ay bumili muna kami ng pasalubong para sa kanila. Alam kong sila ang may pasalubong sa amin pero siyempre dapat may pa-welcome din kami, lalo na’t ilang buwan din silang hindi nakakauwi dito sa bansa.

Pagkarating namin sa mismong bahay ni lionel ay hindi ko talaga maiwasang humanga sa laki at ganda nito. May half court at swimming pool pa sila.. habang half court lang ang meron kami sa probinsya. Meron din naman silang sariling bahay sa probinsya at doon sila lumaki. Basta marami silang bahay hahaha..

Pagkapasok namin sa loob ng gate ay sinalubong na kami agad ng magulang at kapatid ni lionel. Hawak ni lionel si kuya habang kalong ko naman si baby bunso.

“Apo!”

Tumakbo naman si kuya papalapit sa kanila saka nagmano. Kita mo sa mukha nila na miss na miss na talaga nila ang mga apo nila. Nagpakalong ito sa kanyang lolo.

“Lolo may pasalubong po kayo sa akin?” Ang excited na tanong ni jonel sa kanyang lolo. Nagtawanan silang lahat.

“Aba siyempre naman apo. Makakalimutan ba yan ni lolo at ni lola mo. Malabong mangyari yun apo?” Niyakap lang ni jonel ang kanyang lolo at hinalikan sa pisnge.

“E paano naman si lola?” Pagtatampo ni mom. Mom na kase ang tawag ko sa kanya ganoon din si lionel para pareho daw kami. Nagpakalong ito sa kanyang lola at hinalikan din niya ito sa pisnge.

“Musta na anak?” Ang tanong ni mom sa amin. Inakbayan naman ako ni lionel.

“Ok lang naman kami nitong asawa ko mom” ang sabi niya. Lumapit kami kay mom at dad saka nagmano.

“E yang batang makulit na yan? Miss niya kaya sina lolo at lola niya?” Ang magiliw na sabi ni mom kay baby bunso. Kinuha naman ni lionel si kuya mula kay mom at binaba ito. Kinuha ni mom sa kanya si baby bunso. Tuwang tuwa sila sa kanilang mga apo.

“Mahiram ko muna itong mga apo ko ha, namiss ko itong mga batang ito eh. Pasok na muna kami sa loob” dagdag pa ni mom.

“Apo tara sa loob. Papakita ko sayo mga pasalubong namin ng lola mo” yaya ni dad kay jonel.

“Yehey! Yehey!” Ang tuwang tuwang sabi ng panganay kong anak. Pumasok na ang maglolo sa loob. Kaming apat na lang ang naiwan dito sa labas. Bigla akong nilapitan ni loisa saka niyakap.

“Jerol Namiss kita. Alam mo bang wala akong makausap doon sa america. Nakaka-nosebleed kayang mag-english ng mag-english kung alam mo lang” pagkukwento nito sa akin.

“Ah, eh.. namiss din naman kita hahaha”

“Inaaway ka ba nitong si kuya? Pag inaway ka niya akong bahala sayo. Ihahanap kita ng bagong mapapangasawa yung mas gwapo sa kanya” pang-aasar ni loisa sa kanyang kuya.

Kinutusan naman ito ni lionel. Palihim naman akong natawa.

“Umayos ka loisa ha! Baka gusto mong bugbugin ko lahat ng manliligaw mo, sige ka?” Pananakot naman ni lionel sa bunsong kapatid.

“Joke lang kuya eto naman.. sineseryoso masyado.. Baka mamaya niyan eh wala na ngang manligaw sa akin. Sobrang ganda pa naman ng kapatid mo” natawa naman kaming lahat sa kanya. Magkapatid nga sila hahaha..

“Aral muna bago landi ha… At saka bakit ko naman sasaktan itong asawa ko eh mahal na mahal ko kaya ito, kahit na patay na patay ito sa akin” ang sabi niya at bigla niya akong hinalikan sa pisnge.

Namula naman ako bigla, samahan mo pa ng malakas na tili ni loisa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi yakapin ang asawa ko sa kilig.

“Tsk!” ani ni kuya lenmar. “Tara na sa loob. Ang kokorni niyo” ang masungit na sabi nito. As usual seryoso siya.

“Nandiyan ka pala bro. Hindi mo naman sinabi hahaha..” pang-aasar ni lionel.

“Kuya oh, binabara ka ni kuya lionel” paggatong ni loisa.

“Alam niyo! Kayong dalawa… lagi niyo na lang akong pinagtutulungan ha” ang sabi ni kuya lenmar saka ginulo ang buhok nilang dalawa habang nakaakbay parin sa akin si lionel.

“Musta po kuya?” Ang sabi ko kay kuya lenmar. Tiningnan niya lang ako ng seryoso.

“Ok lang. Tara na sa loob” ang pag-aya nito sa amin.

Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sa kanya o kaya ay hindi pa rin niya kami tanggap. Ewan ko lang. Ang awkward kase at halatang iniiwasan niya ako.

Tumingin muna ako kay lionel na kanina pa pala nakatingin sa akin. Hinalikan lang ako nito sa noo.

“Tara hon” saad niya. Tumango naman ako.

Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan at mag-asaran. Kitang kita mo rin sa mukha ni jonel na kahit hindi niya masyadong nakakasama ang kanyang lolo at lola ay hindi ito naging malayo sa kanila. Kita mo rin sa magulang ni lionel na sobra nilang na miss ang kanilang apo dahil sa pag-aalaga dito.

Simula ng dumating kami dito ay hindi na ako masyadong pinapansin ni kuya lenmar. Alam ko namang noon pa lang ay ganito na siya sa akin pero hindi ko talaga alam kung bakit o anong dahilan. Ang Iniisip ko na lang ay masungit talaga siya tulad ng kuya ko.

Noong gabing iyon ay napagkasunduan naming mag-inuman. Si kuya lenmar, loisa, ako at si lionel. May videoke rin kaming ginamit. Doon kami pumwesto sa kubo sa tabi ng pool side. Nakahiga sa mga hita ko si jonel, hindi kase siya sanay na hindi kami katabing matulog lalo na kapag nasa ibang lugar kami. Habang si baby bunso naman ay pinapatulog na nila mom at dad sa kwarto nila.

“Anak doon ka muna kina lolo at lola mo ha, mag-iinom lang kami nila tito at tita mo” ang sabi ko sa kanya.

“Sige po papa” ang inaantok na sabi nito. Binuhat naman ito ni lionel at inakyat sa kwarto nila mom.

“Ang cute ni talaga jonel. Saka ang bibong bata” ang sabi ni loisa.

“Oo nga eh. Matalino at mabait na bata yang si jonel kaya naman tuwang tuwa kami ng kuya lionel mo. At napaka swerte naming dalawa na kami ang naging magulang niya” ang sabi ko habang tumatagay. Tahimik lang si kuya lenmar.

“Alam mo kapag nagkaanak ako. Gusto ko rin maging katulad niyo. Maalaga, mapagmahal at saka mabuting halimbawa. Mag-aanak ako ng tatlo” ang pagkukwento ni loisa. Binatukan naman siya ng kararating na si lionel. Natawa naman ako.

“Anak agad? Di ba sabi ko sayo aral muna bago landi” ang sabi ni lionel dito.

Pagkaupo niya sa tabi ko ay inakbayan niya ako. Kinuha nito ang tagay kay loisa saka ininom.

“18 na naman ako kuya eh kaya pwede na akong mag-asawa” sabi ni loisa.

“Hindi pa nga pwede ang kulit mo” ang naiinis na sabi ni lionel sa kapatid. Halata namang inaasar lang ni loisa ang kanyang kuya.

“E diba, 18 ka rin noon nung lumandi ka at saka ang bata mo pa kaya noong nagpakasal kayo ni jerol” ang sabi ni loisa habang tumatagay. Tahimik lang talaga si kuya lenmar.

“Basta bawal pa! Ayoko lang maunahan ako ng iba dito kay jerol kaya pinakasalan ko na itong asawa ko. Hindi ko kakayanin na may ibang aangkin sa kanya bukod sa akin” ang sabi ni lionel saka ako hinalikan sa ulo. Namula naman ako.

“Wag nga kayong ano diyan. Anong akala niyo sa amin ni kuya dito? Audience? Tapos kayo ang love team?” Ang natatawang sabi ni loisa.

Nagtawanan kaming lahat maliban kay kuya lenmar na pilit lang.

Masaya kaming nag-inuman at nagkantahan. Hindi talaga mawawala kay lionel ang pagiging sweet sa akin. May time pa ngang siya na ang sumasalo sa mga tagay ko eh.

“Ikaw kuya musta na ang love life mo?” Tanong bigla ni lionel kay kuya lenmar. Kumuha muna nito ang tagay saka sumagot.

“Saka na yan. Ang importante sa akin ngayon ay etong pag-aaral ko. Sakit lang ng ulo yan” ang seryosong sabi nito.

“Ewan ko ba diyan kay kuya. Ang daming babae namang nagkakagusto sa kanya sa america pero deadma lang ang peg nito” pagsingit ni loisa.

Gwapo talaga si kuya lenmar. Actually silang lahat magaganda ang lahi.

“Tsk!” singhal ni kuya lenmar.

“Mag-asawa ka na kase kuya para naman hindi kana sumungit ng ganyan hahaha..” ang natatawang biro ni lionel. Pero parang hindi natuwa si kuya lenmar.

“Ewan ko sa inyo! Mag-inuman na nga lang tayo hindi yung buhay ko ang inuusisa niyo. Kainis” ang naiinis na saad nito.

Nagpatuloy lang kami sa aming pag-iinom. Medyo lasing narin kami lalo na itong si lionel. Halik na ng halik sa labi ko. Hindi naman sa ayaw ko pero nahihiya kase ako sa  harap ng mga kapatid niya.

Unang na knock out si loisa hahaha.. lasing na daw siya kaya natulog na ito sa kwarto niya. Kaming tatlo na lang ang natira. Hindi rin naman nagtagal at umayaw na kami.

“Hon, hindi ko na kaya” ang sabi ko sa kanya.

“Sige hon, lasing na rin kase ako eh” ang sabi ni lionel.

“Ikaw kuya? Hindi ka pa ba matutulog?” Tanong ko kay kuya lenmar. Umiling lang ito.

“Ipapasok ko na muna itong mga pinag-inuman natin ha saka aakyat na ako sa kwarto natin lionel sumunod ka na lang” ang sabi ko sa asawa ko. Hahakbang na sana ako ng hablutin nito ang kamay ko at mabilis akong hinalikan sa labi.


Lionel’s POV.

Pagkapasok ng asawa ko sa loob ay kami na lang dalawa ni kuya lenmar ang natira dito sa labas. Nakasandal lang ito sa upuan habang nakatingin sa ibang direksyon. Tahimik lang kaming dalawa.

“Hindi ka pa rin ba nakaka move on kuya?” Pagbasag ko sa katahimikan.

“Ano bang sinasabi mo diyan ha?” Maang nito.

“O kuya! Wag na tayong mag lokohan pa dito. Bakit hindi mo pinapansin ang asawa ko ha?” Naiinis na tanong ko sa kanya.

“Pinapansin ko naman ah at saka Ano bang pakialam mo? May nawala ba?” May taas na tonong sabi nito.

“So.. Hindi ka pa nga nakakamove-on? Tsk! Kuya naman… Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina mo pa hindi pinapansin ang asawa ko ha? Malungkot siya kuya, malungkot dahil may isang tao lang naman dito na ayaw mamansin. Alam mo bang malungkot din ako kapag malungkot ang asawa ko ha. Lalo na at kapatid ko pa ang dahilan”

“O edi pupuntahan ko siya saka ko papansinin. Ano? Ok na? Masaya kana?” sarkastikong sabi nito. Napangisi naman ako.

“Nagbibiro ka ba? Tsk! Ang tagal na kuya pero ganyan ka pa rin. Nakakainis kana ha!” Saad ko. Siguro sa sobrang lasing ko ay napagtataasan ko na rin siya ng boses.

Tumayo ito at hinablot ang damit ko.

“Wala kang pakialam! Umayos ka lionel at baka makalimutan kong kapatid kita” nanggagalaiting sabi nito.

Matatalim na titigan lang ang binato namin sa isa’t-isa.

“Ano? Sasapakin mo ako diba? Sige! Akala mo uurungan kita ha!” Hamon ko sa kanya.

“Tsk! Kawawa ka lang sa akin lionel” sabi nito. Napangisi lang ako.

“Talaga ba? O baka naman ikaw ang kawawa diyan! Tingnan mo nga yang sarili mo. Umaasa ka sa wala hahaha..” ang natatawang sabi ko.

Aktong susuntukin niya ako ng magsalita ulit ako.

“Ano pang hinihintay mo? Ituloy mo! Ituloy mo! Talunan!” ang sigaw ko sa kanya at naramdaman kong tumama ang kamao niya sa mukha ko.

Napahawak naman ako sa labi ko. May konting dugo. Tumayo ako saka sinapak ko rin siya. Nagsuntukan kami. Matagal na akong nagtitimpi kay kuya kahit papano ay ginagalang ko pa rin siya bilang kapatid. Matagal na kase itong may gusto kay jerol. Kaya noong kinasal kami ay hindi na niya ito pinapansin. Masakit sa akin bilang kapatid na.. Nasa iisang tao lang ang minamahal namin at masakit para sa akin ng dahil kay jerol ay nagkakaganyan siya.

“Tang *na mo! Wag mo namang ipakita kay jerol na hindi mo siya gustong makita! Dahil nasasaktan ako! Nasasaktan ako kuya eh.. mahal na mahal ko yun eh.. mahal na mahal ko ang asawa ko.” ang naiiyak na sabi ko. Nakatitig lang ito sa akin.

Hanggang sa may nagsalita na nagpatigil sa amin.

“Lionel”

Sabay kaming napatingin sa taong nagsalita.


Sorry sa paghihintay guys. May nagbabasa pa ba nito? Hahaha..

Wag pong kalimutang mag Vote at mag Comment.. salamat :)

Chapter twenty six

Lenmar’s POV

“Lionel”

Sabay kaming napatingin sa taong nagsalita.

“Lenmar? Ano to? Bakit kayo nag-aaway ng kapatid mo?” Ang gulat na gulat na sabi ni mommy.

Nagtitigan lang kami ni lionel ng masama sa isa’t-isa. Walang gustong magpaawat, walang gustong magpatalo.

“Ito kasing si kuya mom eh. Hindi ko na alam kung ano bang problema meron siya at hindi niya pinapansin ang asawa ko” nakita kong nagpunas siya ng luha. “Mommy nasasaktan ako eh, nasasaktan ako kapag ginaganun ang asawa ko eh. Mahal na mahal ko yun eh. Mahal na mahal ko yung asawa ko eh. Inaalagaan niya ako pati mga anak namin mom tapos ganyan si kuya” ang umiiyak na sabi nito.

Napaiwas naman ako ng tingin. Ganun ba niya kamahal si jerol? Ganito ba siya magmahal? Tsk!

“Lenmar, bakit hindi mo naman pinapansin si jerol?. Tingnan niyo nga yang sarili niyo. Magkapatid kayo tapos makikita kong nag-aaway kayo at nakuha niyo pang magsuntukan. Gusto niyo bang malaman ito ng daddy niyo ha?” Ramdam ko ang galit sa boses ni mommy pero sa malumanay na pagsasalita.

“Buti na lang at bumaba ako dito para tingnan kayo pero ano? Ito ang maabutan ko! Umayos kayong dalawa ha! Isa ka pa lenmar, ikaw ang panganay dito tapos ganyan ka” ani pa ni mommy.

“Wala akong ginagawang masama mom. Masyado lang itong si lionel kung magsalita” pagdepensa ko.

“Wala? Talaga lang ha! E bakit hindi mo aminin kay mommy na kaya hindi mo pinapansin si jerol eh, dahil may gusto ka sa kanya. Dahil hindi ka pa nakaka-move-on sa kanya. Ano kuya? Bakit hindi mo sabihin” hamon nito sa akin.

Napatingin naman ako kay mommy. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya.

“T-totoo ba ito anak?” Ang di makapaniwalang tanong ni mommy. Umiwas naman ako ng tingin.

“N-noon yun mom, pero ngayon n-naka move on na ako” ang mahinang saad ko.

“Tsk!” rining kong sabi ni lionel.

“Anak naman asawa yan ng kapatid mo. Naiisip mo ba yun ha?” ang sabi ni mommy.

“Alam ko mom. Pero hindi ko naman sinasadyang nagkagusto ako sa kanya eh. At saka.. n-nakamove on na nga ako diba?”

“Nakamove on kuya? Ganyan ba ang nakamove on? Kaya pala hindi mo pinapansin ang asawa ko dahil nakamove on kana. Ano? Habang nandito kami hindi mo siya papansinin dahil nakamove on ka na? Wag ako kuya. Wag ako!” Ang naiinis na sabi nito. Ganoon niya ba talaga kamahal si jerol at ganito siya kagalit sa akin?

“Matutulog na ako” ang walang ganang sabi ko. Maglalakad na sana ako paalis ng hawakan ni lionel ang braso ko. Sa sobrang inis at dala na rin ng alak ay nasigawan ko ito.

“Ano bang problema mo ha! Di ba sinabi ko na sayo na nakamove-on na ako!” Naiinis kong sabi. Tinggal ko naman ang pagkakahawak nito sa braso ko pero hinawakan niya ulit ito. Napipikon na ako ha! Nagtitigan kami mata sa mata.

“Wag mo kong subukan lionel” pagbabanta ko sa kanya. At hinawakan ko rin siya sa braso.

“Wag mo rin akong subukan kuya” angil nito sa akin.

“Hindi ba talaga kayo titigil ha! Pag bilang ko ng tatlo at wala isa sa inyo ang nagbitaw. Tatawagin ko talaga ang daddy niyo” ang sabi ni mommy.

Matatalim na titigan lang ang ginawa naming dalawa.

“Isa..” bilang ni mommy.

Ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni lionel sa braso ko habang nakatitig ito ng masama.

“Dalawa..”

Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kanya. Tinapunan ko rin siya ng masasamang tingin.

“Tatlo..”

At sabay kaming nagbitaw ni lionel. Pareho kaming tumingin sa ibang direksyon.

“Ano bang nangyayari sa inyo mga anak ha?. Bakit kelangan niyo pang magsakitang dalawa! Lenmar naman, nakikita mo ba yang sarili mo? Asawa na siya ng kapatid mo at ikaw naman lionel kuya mo pa rin siya” pangaral sa amin ni mommy. Napatingin naman ako kay lionel. Halatang lasing na lasing itong kapatid ko.

“Hinayaan ko ang pangbabalewala ni kuya sa asawa ko mom simula ng dumating kami dito kanina eh pero konting imik lang hindi niya maibigay. Ayoko ng ginaganun ang asawa ko mom eh, nasasaktan ako. Yun ang hindi ko maintindihan sa kanya mommy. Tapos sasabihin niyang nakamove-on na siya? Hahaha.. wag ako kuya” ang naiinis pa ring sabi nito.

“Hindi ko na nga siya gusto. Ano ba! Paulit-ulit na lang ba tayo dito lionel ha? Patulugin niyo na nga yan mommy. Lasing na lasing na” ang sabi ko.

Wala itong patutunguhan. Kilala ko to, hindi ito magpaoatalo.

“Hindi ako lasing. Baka ikaw ang lasing. Dahil isa ka lang namang talunan!” ang pang-aasar nito.

Parang nagpantig ang tenga ko kaya sa sobrang inis ko ay sinapak ko siya. Halos napasigaw si mommy sa gulat. Tumayo si lionel at sinapak din ako. Nagsapakan kaming dalawa. Walang magawa si mommy kundi awatin kaming dalawa.

“Ano ba! Hindi ba kayo titigil ha!” ang sumisigaw na pag-awat sa amin ni mommy.

Dahil nga sa presensya ng alak ay hindi kami nagpaawat na dalawa. Kilalang kilala ko itong kapatid kong ito. Kapag may ipinaglalaban yan, hindi yan basta basta sumusuko. Madalas talaga kami niyang mag-away lalo na at hindi nalalayo ang edad namin sa isa’t-isa, pero magkakampi kami niyan sa lahat kapag pamilya na ang pinag-uusapan.

Habang nagbubuno kaming dalawa ni lionel sa damuhan ay patuloy lang sa pag-awat sa amin si mommy. Malakas din kase itong kapatid kong ito eh. Habang nasa ganoon kaming pagbubuno ay may pumukaw sa aming atensyon.

“Lionel…”

Kilala ko ang boses na yun.

Napatigil at napalingon kaming tatlo sa taong nagsalita.

“H-hon?” Ang gulat na gulat na sabi ni lionel. Para siyang inalisan ng kaluluwa ng makita nito si jerol.

Tumayo kaming dalawa at inayos ang sarili. Lalapit na sana si lionel sa kanyang asawa ng pigilan siya nito.

“Diyan ka lang!” ang seryosong sabi ni jerol sa kanyang asawa.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

“Nakikita mo ba yang sarili mo lionel ha! Anong gusto mong makita ng mga anak mo? Na nakikipag-away ka sa kapatid mo?! Ganun ba yun lionel?”

Parang nalunok ni lionel ang kanyang dila dahil hindi ito nakasagot agad.

“Hon hindi naman ako ang unang–”

“Kahit na! Hindi ka dapat nakikipagsuntukan sa kuya mo. Hindi ka man lang ba nahihiya sa mommy mo ha?!” ang may diing sabi nito.

Ramdam na ramdam ko ang inis sa boses ni jerol. Alam kong kasalanan ko naman dahil ako yung unang sumuntok. Napayuko na lang ito sa sinabi ng kanyang asawa.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa kapatid ki. Eh tiklop pala itong kapatid kong ito eh. Tapang na tapang sa iba at sa akin tapos parang maamong tupa pagdating kay jerol.

“May pasa ka pa sa mukha mo. Gusto mo bang ipagmalaki yan sa mga anak mo? Na nakipagsuntukan ka sa kapatid mo? Gusto mo bang lumaki yung dalawang bata na magsuntukan din sila ha! Wag kang tatabi sa amin sa pagtulog” ang sabi ni jerol saka ito pumasok sa loob.

Halos maiyak naman si lionel kaya sinundan niya ito.

“Hon naman eh” ang sabi ni lionel habang sinusundan ang asawa.

Tsk!

Pumasok ako sa loob ng kubo saka naupo. Sinundan naman ako ni mommy. Sakit ng panga ko ah. Napahawak na lang ako dito dahil sa sobrang sakit.

“Anak”

“Yes mom?” Naupo siya sa harapan ko.

“Bakit mo naman sinuntok yung kapatid mo anak. Hindi mo ba alam na makikita yan ng daddy mo. Tiyak na magagalit yun sa inyo. Alam mo namang napakabait ng daddy mo pero masama itong magalit” sabi ni mommy.

Nakatingin lang ako sa malayo. Alam ko kung paano magalit si daddy at tiyak na hindi ko magugustuhan dahil alam kong sa akin ito magagalit, dahil ako ang panganay, ako ang unang sumuntok. Sa totoo lang ay ngayon lang ulit kami nag-away ng pisikal nitong kapatid ko. Elementary at high school pa kami noon ng huli kaming mag-away dahil lang sa laruan, dahil bata pa kami kaya normal lang yun. Pero ibang-iba na ngayon. Dahil hindi na kami bata.

“Alam ko mom. Nainsulto lang ako sa sinabi ni lionel na talunan ako kaya hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko” Narinig kong bumuntong hininga si mommy at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko.

“Anak asawa na siya ng kapatid mo. Hindi naman ata magandang tingnan na may gusto ka sa kanya tapos nasa iisang pamilya lang tayo diba? Naiintindihan kita pero mas naiintindihan ko ang kapatid mo kung bakit siya nagkakaganoon. Siguro ay masakit para sa kapatid mo na makitang isa sa pamilya niya ang bumabalewala sa taong mahal niya at ayaw niyang mangyari yun na tuluyan kayong masira dahil lang mahal mo din siya. Kitang kita mo naman diba kung gaano kamahal ng kapatid mk si jerol kahit sino o ano pa siya” nanatili lang akong nakatingin sa malayo.

“Siguro noon mom. Siguro noon, mahal ko pa siya pero iba na ngayon” ang sabi ko.

“Yun naman pala anak eh… E, bakit hindi mo pinapansin si jerol?”

“Basta mom… Sige na po, alam kong pagod na kayo at saka wag kayong mag-alala handa naman po ako sa galit ni daddy dahil alam kong kasalanan ko naman eh” ang sabi ko saka ko siya hinalikan sa noo.

“Sorry din po pala sa nagawa ko kanina. Hindi ako nakinig sa inyo” Tumango lang si mommy at hinawakan ako sa balikat.

“Kung ano man yang dinadala mo sa dibdib mo anak, sana ay makayanan mo. Hindi maganda na nag-aaway kayo ng kapatid mo ng dahil lang sa iisang tao. Hindi ka pa ba matutulog?”

“Susunod na po ako mom. Magpapahangin lang ako ng konti” ang sabi ko sa kanya. Naiwan ako mag-isa sa kubo. Ang sakit ng pisnge ko. Iba talaga itong kapatid ko. Kinuha ko ang natitirang alak sa lamesa at tinungga ito.

Sumandal ako sa kawayan at tumitig sa swimming pool. Ang ganda ng tubig sa dilim, kulay asul dahil sa reflection ng buwan na makikita mo dito. Hay! Kelan ba ako nagkagusto kay jerol? Simula ba noong maging sila ng kapatid ko? Siguro. Baka, ewan. Basta noon nasusuka ako sa kabaklaan nila. Naiinis ako sa mga ngiti niya. Naiirita ako kapag nakikita ko siya. 16 years old pa lang siya noon ng maging sila ng kapatid ko habang ako naman ay 19 years old at ang nakakatawa pa doon ay kakabreak ko lang sa girlfriend ko. Lagi ko siyang nakikita sa amin. Minsan naman ay hindi na umuuwi si lionel sa bahay dahil kahit hindi pa daw sila ay doon na ito natutulog. Sobrang possesive niyan kay jerol. Madalas nga ay nagseselos na ako sa kapatid ko dahil sa closeness nilang dalawa ay naiisantabi na nito ang pagiging magkapatid namin dahil sa kabaklaan nila.

Hanggang sa ipakilala na ni lionel sa amin ang mga magulang nito at doon sinabi ni lionel na gusto na niyang pakasalan si jerol kapag nag-18 na ito. Tsk! Ano kayang kabaklaan na naman ang pumasok sa utak ng kapatid ko noong panahong iyon. Saka naririnig ba niya ang kanyang sarili noong mga oras na yun na magpapakasal siya sa isang lalaki? Sa isang bakla pa? Mas lalo akong nainis dahil kay jerol dahil inisip ko na ginayuma niya lang ang kapatid ko.

Unang taon nila sa kolehiyo ng kuhain na ni lionel sa mga magulang nito si jerol. Sa bahay na namin siya umuuwi at natutulog. Ramdam kong hindi pa tanggap ni daddy ang relasyon nila pero dahil kakaiba nga itong kapatid ko ay nakapalagayan ito agad ng loob ni daddy. Simula ng tumira siya sa amin ay madalas ko na itong nakikita at nakakasama sa bahay dahil sa magkaibang schedule nila ni lionel. Pero hindi mawawala sa kanila ang labis na pagmamahal sa isat-isa.

Sa mga nagdaang araw ay lagi niya akong kinakausap pero hindi ko siya pinapansin. Ganun ko siya ka ayaw. Hanggang dumating yung araw na may pasok silang lahat at tanging ako lang ang naiwan sa bahay. Hindi ko naman inaasahan na magkakasakit pala ako noong araw na yun. Maagang umuwi si jerol, hinatid pa nga siya ng kapatid ko eh. Ewan ko ba diyan kay lionel, kung paano siya nakalabas ng school kung may pasok ito. Pero pagkatapos noon ay bumalik rin si lionel sa school. Kaming dalawa na lang ang naiwan sa bahay.

Tinatanong niya ako noong time na yun kung kumain na daw ba ako, kung ok daw ba ako. Tanging tango lang ang sagot ko. Pero parang hindi siya nakontento at nilapitan pa niya ako para ilapat ang kamay niya sa noo ko.. para suriin.

Simula noon ay inalagaan na niya ako, pinakain at inasikaso. Hindi ko alam kung anong gayuma meron siya at kinakabahan ako tuwing magdidikit ang balat namin. Aaminin ko, cute siya, maputi, medyo maliit nga lang pero sobrang lakas makahatak ng lalaki. Kung ang mga babae ay natural na nakaka-attract ng lalaki.. Si jerol naman kahit lalaki ito ay may natural talaga siyang karisma na kahit hindi mo siya pansinin, mapapansin at mapapansin mo. At doon ko nakita kung bakit siya nagustuhan at minahal ng kapatid ko.

Dahil na rin sa pagiging maasikaso at maalaga nito ay talaga namang gugustuhin mong maging kabiyak siya ng puso mo kahit sino o ano pa ito. Na isa sa gusto ko sa isang tao. Ang maalaga.

Doon ako nahulog, doon ako nagkagusto. Mas naging close kami pero ang pagmamahal ko ay hanggang patago lang. Pero dahil sa lakas ng pagmamahal ni lionel kay jerol ay nalaman nitong may gusto ako sa magiging asawa niya.

Nagkasagutan pa kami niyan. Sinabi niya sa akin na alamin ko kung saan ako lulugar dahil hindi siya papayag na tanging kapatid pa niya ang makakalaban nito. Umiyak pa nga ito sa akin. Ayaw niyang masira ang pagiging magkapatid namin.

Doon ako humanga sa kanya noong oras na yun. Na ang pagmamahal pala ay hindi mo makikita sa kasarian nito kundi sa nilalaman ng bawat puso niyo. Walang tama, walang mali. Basta mahal mo lang. Hindi mo kelangang magpaliwanag.

Galit ba ako kay jerol kaya hindi ko siya pinapansin?

Nagseselos ba ako sa kapatid ko?

Hindi!

Sa totoo lang ay gusto ko siya, pero hindi ko na siya mahal. Magkaiba yun. Magkaiba yung noon at ngayon.

Noon mahal ko siya pero ngayon?

Gusto ko siya, gusto ko siya para sa kapatid ko.

Galit? Kay jerol? Oo, siguro, siguro ay siya ang napagbubuntunan ko ng galit simula ng umalis kami ng pilipinas matapos magkaroon ng negosyo sila mommy sa amerika. dahil sa kanya ay nakikita ko ang sakit, sakit na idinulot sa akin ng pagmamahal, ng pagmamahalan namin kanyang kuya. Nang kuya niyang si jenson.


Jerol’s POV

“Hon” tawag nito sa akin.

“Hon naman eh”

Hindi ko siya pinapansin. Nakahiga lang ako sa kama habang nasa tabi ko si baby bunso. Akala ko ay susunod na ito sa akin kanina matapos kong linisin ang mga kalat ng pinag-inuman namin. Pero ano? Hindi pala siya sumunod sa akin.

Lasing ako pero hindi ko kayang maglasing ng sobra dahil may anak pa kaming inaalagaan. Alas dyis pa naman kaya minabuti kong bumaba muna. Pinabantayan ko muna si baby bunso sa kasambahay nila mommy. Pero ng maabutan ko ito sa baba ay nakikipagsuntukan na siya sa kanyang kapatid at halos hindi na alam ni mommy ang gagawin niya. Kaya hindi ko na naiwasan at nainis na ako at nagalit.

Narinig ko naman lahat eh, at alam kong gusto niya lang akong ipagtanggol sa pakikitungo sa akin ni kuya lenmar. Alam kong ayaw niya akong nalulungkot pero ayoko namang makipagsuntukan siya sa kapatid ng dahil lang sa akin at sa mismong harap pa ng mommy niya.

“Hon” pagmamakaawa nito habang nakatayo siya sa paanan ng kama.

Para siyang batang pinagalitan.

“Hon sorry na po”

“Doon ka matulog sa labas o kung gusto mo ay diyan ka matulog sa kabilang kwarto” pagsusungit ko.

“No! Ayoko. Dito ako matutulog”

“O edi diyan ka matulog sa lapag” ang sabi ko. “O eto ang unan at kumot” sabay hagis ko sa kanya.

“Hon naman eh”

“Bakit ka nakipagsuntukan sa kuya mo ha? Akala ko ba sumunod kana sa akin kanina” Tanong ko.

“Ano.. ah, kase.. ano eh..”

“ANO?” Sikla ko sa kanya

“M-may gusto kase sayo si kuya kaya hindi ka niya pinapansin. Ayoko lang namang nakikita kang malungkot” ang sabi nito.

“Kaya naman nakipagsuntukan ka ganun ba?”

“O-oo. I mean Hindi! Si kuya kase eh, siya ang unang nanuntok sa akin kaya lumaban lang ako” pagdadahilan niya. Napakunot naman ako ng noo.

“Gusto mo bang makita yan ng mga anak mo lionel at gayahin ka?”

“Hindi. Ayoko!” Madiin niyang sabi.

“Yun naman pala eh.. hindi ka man lang nahiya sa mommy mo. Sige na, matulog ka na. Inaantok na ako” ang sabi ko sa kanya. “Pakipatay na lang ang ilaw”

Naglagay ako ng maraming unan sa gilid ng anak ko para hindi ito mahulog. Malawak naman yung kama. Pinatay na ni lionel ang ilaw at tanging ilaw lang sa lamp shade ang natira. Nakita kong nahiga na ito sa sahig.

Walang nagsasalita sa amin. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay hindi parin ako inaabutan ng antok.

Bigla akong naawa sa asawa ko. Hay!

“Hon” pagtawag niya.

Huminga muna ako ng malalim.

“Sige na. Mahiga ka na dito. Wag mo nang uulitin yun ah”

“Opo! Opo. Hindi ko na po uulitin” ang tuwang tuwang sabi nito saka siya nahiga sa tabi ko at niyakap ako.

“Hep! Hep! Hep! Maglinis ka muna don. Amoy kang alak. Hindi ka ba nahihiya sa amoy mo?” ang utos ko sa kanya.

Hinalikan niya muna ako sa pisnge saka siya dali daling dumiretso sa cr para maglinis at magbihis. Pagkatapos nito ay nahiga na siya ulit sa tabi ko saka niya ako niyakap at paulit-ulit na hinalikan sa pisnge at sa labi.

“Sorry hon ah. Nasasaktan kase ako kapag nakikita kang malungkot” ang malambing nitong sabi.

Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at hinalik-halikan doon.

“Hon bakit ang bango bango mo pa rin? Bakit ang hina hina ko pagdating sayo” bulong niya sa tenga ako.

Hindi ko naman maiwasang hindi kiligin.

Inirapan ko siya.

“Umusog ka nga dun” ang natatawang sabi ko.

Hindi ko talaga kayang patagalin ang away naming mag-asawa syempre naiinis pa rin ako ng konti. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang lambing talaga ng asawa ko. Kaya mahal na mahal ko to eh. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin saka siya tumingin ang anak namin.

“Pakiss nga si dada anak” ang sabi nito sa natutulog na anak saka kiniss si baby bunso sa pisnge. Si jonel naman ay nasa kwarto nila mommy at daddy.

Nahiga na ulit si lionel sa tabi ko. Hinawi niya ang buhok ko sa noo saka hinalikan.

“Hon, mahal na mahal kita ah. Nalulungkot ako kapag nalulungkot ka. Ang bigat sa puso. Minahal kita, pinakasalan, at eto may pamilya na tayo. Kaya handa kong isugal ang buhay ko para sa inyo. Sa inyo ng mga anak ko” ang malambing na sabi nito.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya.

“Bakit?” Natatawang tanong niya.

Umiling lang ako saka ko siya niyakap ng mahigpit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kinukuryente sa kilig. Hinawakan nito ang pisnge ko saka pinisil.

“Hindi ka man magsalita sa akin hon pero kitang kita ko sa mga mata mo na mahal, na mahal, na mahal mo daw ako. Alam mo ang sagot ko? Siyempre, titigan mo rin ako sa mga mata ko at hinding hindi ka nito bibiguin. Mahal na mahal din kita hon” lumapit ako sa kanya at binigyan ito ng halik sa labi.

Bigla naman itong nagpacute sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa dibdib ko at pinakinggan ang bawat pagtibok nito. Tumingala siya sa akin habang pinapakinggan ito.

“Hon alam kong hindi ka perpekto pero ang mahalaga sa akin ay ikaw. Ang hindi mo perpektong kabuuan. Dahil diyan ako nainlove, diyan ako nangarap at diyan ako kumukuha ng lakas para mabuhay.. Hindi ko hangad ang maging perpekto ka. Ang hangad ko ay ang taong kukumpleto sa buhay ko. Kasama ka, kasama mo sa pagtanda ko” hinawakan nito ang kamay ko at pinag hawak.

“Pogi ba ako hon?” Nagpapacute na tanong niya. Natawa naman ako.

“Oo naman. Aaminin ko na pogi ka pisikal. Pero mas pumopogi ka sa paningin ko kapag nagiging asawa at ama kana. Kaya ayusin mo ha. Papalakihin pa natin itong mga batang to” ang sabi ko. Tumango naman ito sa akin saka ako hinalikan sa labi.

“Ako na ata ang pinaka-masayang asawa sa buong mundo hon dahil sayo.. basta mahalin mo lang ako ha. Ako nang bahala sayo tuwing gabi” ang nang-aasar na sabi nito habang nagtataas baba ang kilay.

Tinulak ko naman siya. Pero tinawanan niya lang ako.

“Heh! Ewan ko sayo. Doon ka nga” pagsusungit ko.

Tumalikod na ako paharap kay baby bunso at niyakap ito. Pero naramdaman kong pumulupot ang kanyang braso sa bewang ko at bumulong sa tenga ko.

“Asus! Itong asawa ko oh. Mahal na mahal po kita jerol” ang malambing na sabi nito. “Hindi mo lang alam hon kung gaano ako ka-kaba tuwing kasama kita. Hindi mo lang nakikita pero kinakabahan at bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong maging panget sa paningin mo, ayokong maging boring kapag kasama mo, dahil ayokong mawala ka sa buhay ko” ang mahinang sabi nito sa tenga ko. Halos kiligin naman ako sa kanyang sinabi.

“Awww.. hon naman eh, bakit mo naman ako siniko ko?” Ang daing nito.

E paano naman hindi ko siya sisikuhin eh, inaabot na naman siya ng pagka-L niya.

“Umayos ka lionel ha. Naiinis pa rin ako sayo kanina” ang sabi ko.

“Sorry na hon. Pero Bukas ba pwede?” Ang nakangising tanong nito habang nagtataas baba ang kilay. Inirapan ko lang siya.

“Oo na! Matulog na tayo” pagsang-ayon ko. Yumakap ito sa akin.

“I love you hon” ang sabi niya saka ako hinalikan sa labi.

“I love you din” pagtugon ko naman. Pero naramdaman kong hinipo na naman nito ang pagkalalaki ko.

“Lionel!!!” Pero tinawanan niya lang ako.


Hope nagustuhan niyo :)

Hindi ko maintindihan yung mga taong nang-iwan sayo noon tapos kung kelan naka-move on kana saka sila magpaparamdam at magsisisi at ngayon hihingi sila ng pag-asa dahil ngayon lang nila narealize ang worth mo. Hahaha.. sorry pero wala na talaga eh.

Kaya sana kayo. Kapag may nagmahal sa inyo ng sobra ay wag niyo ng pakawalan. Nakakasakal man ito o hindi basta hindi ka nito sinasaktan ng pisikal ay pahalagahan mo…

VOTE and COMMENT guys.. salamat sa support :)

Chapter twenty seven

Same sex marriage? Alam kong marami sa inyo ang hindi sasang-ayon sa akin pero ano bang masama kung maging legal ito. Karapatan ng bawat isa sa atin yan, lalo na sa mga tulad nating nangangarap na makasal sa taong lubos nating minamahal.

Sabi nila ang kasal daw ay sagrado at para lang ito sa babae at lalaki. Pero para sa akin, naniniwala ako na ang kasal ay pagsusumpaan ng dalawang taong nagmamahalan at hindi ng inyong kasarian at pinaniniwalaan. Dahil sa paniniwala ko hindi labag sa Diyos ang pagmamahal.

Kung sapat na sayo na hanggang magkasintahan lang kayo o eh di ok, ikaw naman yan eh.. pero para sa iba ay mahalaga ito bilang pundasyon ng kanilang relasyon.

Siguro nga ay hindi mo na kelangan pang magpakasal para lang patunayan kung gaano niyo kamahal ang isa’t-isa pero iba pa rin na may pinanghahawakan ka, kayo, iba pa rin na may sumpaan kayo, iba pa rin na handa kayong patunayan sa lahat na mahal niyo ang isa’t-isa, iba pa rin na matatawag niyong asawa ko siya, asawa niya ako at may patunay kami sa pamamagitan ng kasal.

Eh ano naman kung maging legal ang same sex marriage! Ang tanong.. Magpapakasal ka ba? Hindi? O, Yun naman pala eh… so useless naman pala sayo ang same sex marriage, anong pinuputok ng butchi mo diyan? Bakit? Labag na naman ba sa paniniwala mo yan at sa Diyos? Hanggang kelan mo ba gagamitin ang Diyos para maging makitid ka ng ganyan. Pati Diyos ginagamt mo to hate everyone na akala mo ang linis linis mo at ikaw lang ang anak ng Diyos. Sabihin mo nga sa akin kung hindi pagiging makitid yan?

Matatawag mo pa bang malinis ka kung ikaw mismo ang komokontrol sa kanila? Matatawag mo pa bang nasa panig mo ang Diyos sa mga pinaggagawa mo?

Wag tayong maging hipokrito sa buhay ng mundong ito. Straight people have rights, so why dont LGBTQ+ have also. Hindi balanse ang mundong ito.

(Sorry for my english.. Tinatamad akong magcheck ng grammar. Trying hard lang hahaha..)

No one can judge us, kaya wag mong pangunahan ang Diyos, dahil hindi ka Diyos para sabihin ang mangyayari sa isang tao :)

Alam mo kung bakit? Kase hindi naman ito para sa lahat eh, hindi naman ito sapilitan, para lang ito sa mga taong gustong maglevel up ang kanilang relasyon, ang kanilang pagsasamahan. 

Minsan ay wag puro sarili na lang natin ang ating isipin. Usapan ito ng pagmamahal at karapatan ng bawat isa sa atin. Bakla ka man o hindi. Pare-pareho tayong tao. Pare-pareho tayong nilikha at pare-pareho tayong may karapatan. At kung aalisin mo ang karapatan ng bawat isa sa atin. Siguro ay hindi ka matatawag na tao. As long as wala silang ginagawang masama at gusto lang nilang maging masaya sa paraang magpapasaya sa kanila ay sino ba naman tayo para pigilan sila diba? Paano kung alisin din ang karapatan mo at magpapasaya sayo? Sasaya ka ba?

Maging legal man o hindi. Basta ako, sang-ayon ako. Hindi ko alam kung tanggap mo ba talaga ang sarili mo bilang isang bakla, dahil sa sarili mo mismo hindi mo kayang tanggapin ang lahat.

Siguraduhin mo muna sa sarili mo kung isa ka talagang bakla, dahil hindi ito isang laro na pwede kang umayaw kapag ayaw muna. Masakit man isipin pero sa mundong ito ang pagmamahal sa tulad natin ay kelangan limitahan, ang kilos, at karapatan ng bawat isa.

Ito ay sariling opinyon ko lang. At nirerespeto ko kung hindi man kayo sasang-ayon sa akin. Magkakaiba po tayo ng paniniwala. Gaya nga ng sabi ko. Hindi ito tungkol sa kung sino o ano ka. Ito ay tungkol sa kung ano ka… dapat tanggapin mo at maging masya ka.


Jerol’s POV

“Lionel” yugyog ko sa kanya.

“Hmmm..” ungol nito habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

“Pagtimpla mo nga ng dede yung anak mo. Nagugutom na oh” utos ko sa kanya. Gising na kase si baby bunso saka iyak siya ng iyak. Pero itong mokong na to ay nakayakap lang sa akin.

“Hon” pagtawag ko ulit.

“Hmmm?”

“Pagtimpla mo na kase yung anak mo. Umiiyak na oh” ang utos ko sa kanya. Pupungas pungas itong bumangon at tinungo kung saan nakalagay ang gatas ni baby bunso.

Pagkatapos nitong magtimpla ay binigay niya sa akin at nahiga ulit sa tabi ko saka natulog.

“Anak oh, pinagtimpla ka ng dede ni dada. Wag ka ng umiyak anak ha” ang malambing na sabi ko dito saka siya pinadede.

Medyo inaantok pa rin ako. Ang aga kasing magising ng batang ito. Kaya kahit pagod kaming pareho sa trabaho at puyat ay ok lang basta sa anak namin. Dinoble ko na rin ang unan sa gilid ng anak ko at baka bigla akong makatulog ay hindi ko maramdamang naggapang na ito.

“Lionel” paggising ko sa kanya.

“Hmmm?” Ang inaantok na sabi nito.

“Doon ka nga sa kabilang side ng anak mo at baka gumapang ito” ang utos ko sa kanya.

“Kiss muna” sang sabi nito habang nakanguso. Pinitik ko naman ang kanyang ilong.

“Isa”

“Eeee.. ang damot naman eh” ang pagmamaktol nito at mabilis akong hinalikan sa labi at saka siya lumipat sa kabilang side ni baby bunso at niyakap ito.

“Tingnan mo si papa anak oh. Ayaw magpakiss.. sayo na nga lang” ang magiliw na sabi nito sa anak habang hinahalik halikan niya sa pisnge si baby bunso.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa pagka-isip bata talaga nitong asawa ko.

“Mamaya kana makipaglaro sa anak mo hon. Matulog ka na muna para may lakas ka mamaya sa biyahe natin pag-uwi ng probinsya” ang sabi ko dito. Tumingin ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

“Ayiiee.. anak oh, mahal na mahal ako ni papa mo.. ayiiee kinikilig si dada” Ang pang-aasar nito sa akin habang kinikiliti ako gamit ang kamay ni baby bunso.

Si baby bunso naman ay nakatingin lang sa amin habang dumedede. Inirapan ko lang si lionel.

“Wag ka nga lionel. Para kang sira diyan. Pati anak mo dinadamay mo sa kalokohan mo” pagsusungit ko sa kanya pero pinisil lang nito ang ilong ko.

“Asus.. itong asawa ko oh, nagsusungit na naman” ang pang-aasar nito sa akin.

“Heh! Wag mo nga kase akong titigan” pagtataray ko sa kanya.

“Eh ano bang masama kung tititigan kita. Asawa naman kita at saka mahal na mahal ko pa” ang sabi nito. Halos malunok ko naman ang dila ko sa kilig.

Dumampot ako ng unan at ipinalo sa kanya.

“Awww.. hon naman eh ayan kana naman. Mapanakit hahaha… Anak tingnan mo nga si papa oh. Sinasaktan si dada” ang pagsusumbong nito sa anak. Si baby bunso naman ay wala lang pakialam sa amin. Dumedede lang ito habang pinagmamasdan kaming dalawa. Ang cute.

“Che! Matulog ka na nga. Tingnan mo nga yang mukha mo kitang kita yang pasa” ang sabi ko.

Hinawakan naman nito ang kanyang mukha kung saan may pasa.

“Pogi pa rin naman ako diba hon? Diba anak, pogi pa rin naman si dada” ang tanong nito sa anak. Talagang humahanap pa siya ng kakampi ah. Sinabunutan ko nga siya.

“At talagang nakuha mo pang magbiro ah. Lagot ka sa daddy mo” pananakot ko sa kanya.

“Tatanggapin ko naman hon kung ano mang parusa ang makuha ko mula kay daddy. Kasalanan ko din naman kung bakit ako sinuntok ni kuya”

“Good. Kaya ikaw lionel umayos ka ha. Wag na wag mo nang uulitin yun, ang makipagsuntukan sa kapatid mo. Ako talaga ang bibigwas sayo. At saka yan ba ang gusto mong ipagmalaki sa mga anak mo? Makipag basag ulo?” Ang pangaral ko sa kanya.

“Sorry na nga po eh. Hindi na po talaga mauulit. Gusto lang talaga kitang ipagtanggol sa pangbabalewala sayo ni kuya”

“Hon, wala namang masama na ipagtanggol mo ako, kami ng mga anak mo. Pero wag naman sanang humantong pa sa ganito. Sa Kapatid mo pa at parte pa siya ng buhay natin. Siguro nga masakit para sa akin na hindi niya ako pansinin pero naiintindihan ko naman ang kuya mo… may dahilan nga siya diba. Pero kung maari ay wag ka naman makipagsuntukan sa kapatid mo. Mahalaga rin naman siya bilang kuya sayo diba?” Nakita ko namang ngumiti siya.

“Pero hindi mo ako masisisi hon kung iba na ang aapi sa inyo. Hindi ko talaga sila uurungan” sabay pakita nito ng muscles. Hay! Ano pa nga ba. Mayabang ang asawa ko eh hahaha..

“Bahala ka. Pero wag ka ng makikipagsuntukan sa kuya mo ha. Apektado kami, ang mga magulang mo at ang pagiging magkapatid niyong dalawa” ang sabi ko sa kanya. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

Nakita kong pinalo ni baby bunso si lionel sa mukha. Hahaha… bakit kaya ang hilig mamalo ng mga bata noh? Nakatitig lang si baby bunso ng seryoso sa ama habang dumedede.

“Awww.. anak bakit mo na naman sinampal si dada?” Ang tanong nito sa bunsong anak namin. Lumapit si lionel at hinalikan ito sa pisnge.

“Bad ka daw kase. Ayan tuloy nagalit sayo ang anak mo hahaha..” natatawang sabi ko.

“Akala ko ba anak. Magkakampi tayo? Diba mahal mo si dada?” Ang kunwaring pagtatampo nito sa anak.

Pero narinig ko lang ang mahihinang tawa ni baby bunso habang demedede ito.

“Hahaha.. tinawanan ka lang ng anak mo. Napapangitan siguro sayo” pangloloko ko.

“Panget pala ah. Eh bakit crush na crush mo ako?”

“Heh! Sinong may sabing crush kita? In your dreams. Hindi kaya” pagsisisnungalin ko.

“Sus. Alam ko namang takam na takam ka sa akin. Biruin mo yun. Ang pinakagwapo at pinaka pinagpapantasyahan ng marami noon, ngayon asawa mo na at sayong sayo pa” pagmamayabang nito sabay kindat. Binato ko ulit siya ng unan.

“Kapal mo! Matulog ka na nga”

“Asus. Anak oh, si papa mo tumi-teen ager. Nagpapakipot pa” ang pang-aasar nito sa akin. Inirapan ko lang siya.

“Umusog ka nga dun” pagtulak ko sa kanya. “Halika dito anak. Tayo lang ang magkakampi” sabay yakap ko sa anak ko pero naramdaman kong nakiyakap din si lionel. Hinalikan nito sa ulo si baby bunso saka ako mabilis na hinalikan sa labi.

“Tutulog muna si dada anak ha. Para may lakas siya magdrive” ang sabi nito. Hindi ko naman maiwasang ngumiti.

“Oh? Bakit ka ngumingiti ngiti diyan? Naiinlove ka na naman sa akin noh?” feeling talaga nito. Natawa na lang ako.

“Sapak gusto mo? Feeling ka lionel ha. Lakas mo tsong!”

“Asus, kung alam ko lang.. gustong gusto mo na akong gahasain ngayon sa kagwapuhan ko” kinurot ko nga siya ng mabawas bawasan naman ang kanyang kayabangan. Umaapaw na eh.

“Aww.. Aww… anak si papa oh, inaaway talaga ako. Hindi na ata ako love ni papa” ang malungkot na sabi nito saka niyakap ng mahigpit si baby bunso.

“Alam mo lionel nababaliw kana naman ha! Ganyan ba kapag nasasapak. Nakakalog ang utak?”

“Makalog man ang utak ko o mabaliw hon, sinisiguro ko naman sayo na hinding hindi ka nito malilimutan” sabay turo niya sa dibdib niya. “Dahil dito.. nakatatak kana sa puso ko at ikaw lang naman ang mamahalin nito magpakailanman” kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

“I love you hon.. mahal na mahal ko kayo ng mga anak mo” ang nakangiting sabi nito.

Lumapit ito sa akin saka ako hinalikan sa labi.

“Mahal na mahal din kita hon. Ayokong nakikipag-away ka nasasaktan din kaya ako” ang sabi ko sa kanya. Ayoko kase siyang nakikitang nakikipag-away.

Hinaplos nito ang pisnge ko saka ngumiti.

“Tulog na muna ako hon. Paghinanap ako ni daddy sabihin mo tulog ako ha” ang natatawang sabi nito.

Tingnan muna. Takot siya.

“Anong tulog? Gigisingin kita akala mo ha” pang-aasar ko sa kanya.

“Sige at gagahasain naman kita” pananakot naman nito sa akin.

Bigla ko namang tinakpan ang kanyang bibig.

“Bunganga mo nga! Mahiya ka naman sa anak mo lionel. Kung anu-anong pinagsasabi mo” sabay lamutak ko sa nguso niya. Hahaha.. hinawakan nito ang kamay ko at dinilaan.

“Yuck! Eww!! Kadiri ka! Bastos ka! Manyak” ang naiinis na sabi ko habang pinagpapalo ko siya pero tawa lang siya ng tawa.

“Tama na hon. Ok na, hindi na po hahaha..” pagsuko niya. Huminto naman ako.

“Matulog kana kase” saad ko.

“Eto na. Pipikit na nga po eh” saka siya pumikit pero nakangiting nakakaloko.

“Sige mang-asar ka pa. Lilipat kami ng kwarto nitong anak mo” sabi ko sa kanya. Pero naramdaman kong hinawan nito ang kamay ko at pinag hinang.

“Wag! Dito lang kayo” ang sabi niya habang nakapikit.

Wala akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Pinadede ko lang si baby bunso habang si lionel ay tuluyan ng nakatulog. Mga ilang oras ding natahimik ang buong kwarto. Hindi na ako inabot pa ng antok dahil gising na gising pa rin si baby bunso at bising bisi ito sa paglalaro. Minsan nga ay gumagapang pa ito sa katawan ng kanyang ama at kinakagat ito sa braso hahaha.. pero itong loko loko kong asawa ay mahimbing lang ang pagkakatulog.

Narinig kong bumukas ang pinto.

“Papa” ang sabi ng anak kong si jonel. Sumampa ito sa kama at nahiga sa gitna namin.

“Papa bakit po hindi niyo ako ginsising kagabi. Ayan tuloy. Doon po ako natulog sa kwarto nina lolo at lola” ang nagtatampong sabi ng panganay kong anak. Hinawi ko naman ang kanyang buhok.

“Hayaan muna anak. Ngayon lang naman nandito sina lolo at lola diba? Love mo naman sina lolo at lola” ang sabi ko sa anak ko.

“Opo papa. Love na love ko po sina lolo at lola at saka po sina tito at tita at saka po kayo ni dada ta saka po si baby bunso” ang inosenteng sabi nito.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kacute-an nitong anak ko.

“Love naman pala tayong lahat ni kuya eh” ang sabi ko dito.

Niyakap niya si baby bunso na nakapatong sa tulog na tulog na ama.

“Nakita mo na ang mga pasalubong sayo nina lolo at lola?” Tanong ko sa anak ko.

“Opo papa. Madami po akong toys at chocolates” ang masayang sabi nito. Sumakay ito sa tiyan ng kanyang ama. Silang dalawa ni baby bunso at nangabayo.

“Yeee.. tigidig tigidig. Yeee.. tigidig tigidig” ang sabi ni kuya na parang nakasakay talaga sa kabayo. Habang hawak hawak ko naman sa damit si baby bunso na tawa ng tawa.

“Anak baba na kayo diyan at natutulog pa si dada” ang pagsaway ko sa kanila pero mukhang enjoy na enjoy sila sa pangangabayo sa tiyan ng ama.

“Urgh!” Ang daing ni lionel ng magising ito.

“Bakit may dalawang bata na nangangabayo sa akin ha” ang nakangiting sabi ni lionel ng magising ito saka niyakap ang dalawang bata at pinaghahalikan.

“Ahhhh! Tama na po dada hahaha..” ang tumatawang sabi ni kuya. Si baby bunso naman ay tawa lang din ng tawa. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kanila. Mahilig talaga si lionel sa mga bata kaya siguro mahal na mahal din siya ng kanyang mga anak. Kaya mahal na mahal ko rin siya eh.

Natahimik silang tatlo at nagbulungan. Tumingin sila sa akin ng nakakaloko.

“Ready anak?” Ang tanong nito kay kuya.

“Opo dada” at kiniliti nila ako. Tawa naman ako ng tawa.

“Ahhh.. tama na. Lionel isa” ang pagpigil ko kay lionel habang walang tigil ako kakatawa. Tumigil naman sila.

“I love you papa” ang malambing na sabi ni kuya at saka ako hinalikan sa pisnge.

“I love you din anak” at hinalikan ko din siya sa pisnge. Nakita ko namang nakangiti si lionel.

“Oh? Bakit?” Tanong ko sa kanya.

“Wala lang hehehe.. i love you hon” at hinalikan niya ako sa labi.

“Mahal din kita” sagot ko sa kanya.

“Eh yung isang bata kaya diyan na sobrang kulit?” Ang natatawang sabi ko patungkol kay baby bunso. At pinupog namin ito ng halik.


“Hon naayos mo na ba yung mga gamit natin?” Ang tanong ni lionel sa akin matapos nitong maligo.

“Oo hon. Nakaayos ko na lahat” ang sabi ko sa kanya.

“Yung mga anak natin?”

“Ah. Nandun sa lolo at lola niya. Pumunta dito kanina. Swerte mo nga at wala ka hahaha..” natatawang sabi ko sa kanya.

Nakatapis lang ito ng tuwalya hanggang bewang. Kitang kita mo ang ganda ng katawan ng asawa ko. Ang abs at kagwapuhan nito. Hay. Sino nga bang hindi maiinlove sa mokong na ito. Sobrang swerte ko talaga sa kanya.

“Baka naman matunaw nako niyan hon” inirapan ko lang siya at pinapatuloy ang pag-aayos ko ng aming mga gamit. Pero naramdaman kong nakalapit na ito sa akin at hinalikan ako sa leeg. Halos kilabutan naman ako sa kiliti. Pinagpapalo ko nga siya pero tawa lang ito ng tawa.

“Doon ka nga” pagtataboy ko sa kanya pero niyakap niya lang ako at hinalikan sa pisnge.

“Ang bango naman ng asawa ko”

“Eeee.. doon ka muna hon. Para ready na mga gamit natin” ang sabi ko sa kanya.

“Sige na nga. Kung hindi lang kita mahal diyan eh” ang sabi nito.

Kinilig naman ako doon.

“Che. Magbihis kana kaya” pagsusungit ko sa kanya.

Nginisian lang ako nito saka kinindatan. Hay! Pag-ibig nga naman. Lahat susuungin mahalin ka lang.

Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay na kaming bumaba ni lionel. Naabutan namin silang lahat sa baba. Kinuha kaagad ni lionel si jonel at kinalong saka bumulong sa anak.

Nakita ko naman si daddy na masama ang tingin kay lionel.

“Lionel mag-usap tayo” ang seryosong sabi ni daddy.

“S-sige po” ang kinakabahang sabi ng asawa ko.

“Doon tayo sa labas. Pati ikaw lenmar” maotoridad na sabi ni daddy.

“Lolo mag-aaway po ba kayo?” Ang biglang tanong ni jonel. Bigla naman silang natigilan at nagtitigan.

“Ah.. eh.. h-hindi apo. Mag-uusap lang kami ng dada at ng tito lenmar mo” pagpapaliwanag ni daddy sa kanyang apo.

“Pwede po ba ako sumama?” Ang tanong nito. Napangiti naman ng lihim si lionel habang ako ay napakunot ng noo. Parang may mali.

“Ah.. eh.. hindi talaga pwede apo eh”

“Daddy hayaan muna itong apo mo. Baka umiyak pa sige ka” ang pagsakay ni lionel sa kanyang anak.

May mali talaga eh. Lumapit ako sa likuran ni lionel at palihim itong kinurot. Napahawak naman siya sa parteng kinurot ko. Bumulong ako sa kanya.

“Talagang ginamit mo pa yang anak mo sa kalokohan mo ha. Mamaya ka talaga sa aking lalaki ka” ang naiinis na sabi ko sa kanya.

Nakakainis ha. Ginamit pa talaga niya ang anak niya.

Nanggigigil ako. Tiningnan ko siya ng matatalim na tingin.

“Ah.. dad ok na pala hahaha… Hindi kana sasama diba anak?” ang tumatawang sabi nito habang hinahaplos ang parteng kinurot ko.

“Good! Jerol anak ikaw na muna ang kumalong diyan sa anak mo. Mag-uusap lang kami sa labas” ang utos ni daddy.

Tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon at kinuha si jonel mula kay lionel saka ito dinilaan.

“Good luck” bulong ko sa hangin.

Pagkalabas nila ay naupo ako kung nasaan si mommy at loisa.

“Mom pabalik na rin po ba kayo ng amerika?” Ang tanong ko sa kanya.

“Oo anak eh. Pero pupunta muna kami sa baguio tapos aalis na rin kami bukas. Sana nga eh kasama kayo eh kaya lang may pasok naman kayo bukas” ang malungkot na sabi ni mommy.

“Oonga jerol. Hindi tuloy tayo nakapagbonding ng matagal” ang sabi ni loisa.

Nginitian ko naman siya.

“Ok lang naman po mommy. May susunod pa naman po eh at saka maraming salamat nga po pala sa pasalubong niyo sa mga apo niyo” ang sabi ko. Hinawakan nito ang kamay ko.

“Oo naman anak. Mahal na mahal ko itong mga apo ko eh. Basta tatagan niyo lang dalawa ha at lagi niyong iisipin ang anak niyo sa tuwing mag-aaway kayo para alam niyo kung saan kayo kakapit” ang nakangiting sabi ni mommy.

“Salamat po mommy” at niyakap ko ito.

Ilang minuto rin ang lumipas at pumasok na silang tatlo. Medyo ok na sila pero halata pa rin ang lungkot sa mukha ni kuya lenmar. Naging maayos naman at masaya ang buong araw namin. Nagpaabot pa kami ng tanghali para makasama sila. Medyo ok na rin kami ni kuya lenmar. Iniimikan na niya ako.

“O paano dad, mom, bunso, kuya aalis na kami” ang pagpapaalam ni lionel sa kanila.

“Mag-iingat kayo sa biyahe ha. Ingatan mo yang mga apo ko” ang bilin ni mommy. Kalong kalong pa rin nila si baby bunso habang kalong naman ni daddy si jonel.

“Salamat po ulit daddy, mommy. Kayo rin po mag-iingat rin po kayo sa biyahe niyo” ang sabi ko sa kanila.

Nagpaalaman na kami sa isa’t-isa. Humalik muna sila sa kanilang apo, ganun din si kuya lenmar at loisa.

“Tara na hon sa labas” ang yaya ni lionel. Nilabas na kase nito ang sasakyan. Nailagay na rin namin lahat doon ng gamit at pasalubong nila. Nauna na si kuya sa loob ng sasakyan habang kalong kalong ko si baby bunso.

Nakaakbay lang naman sa akin si lionel.

“Hon anong pinag-usapan niyo ng daddy mo at ni kuya lenmar?” Tanong ko sa kanya.

“Ah yun ba? Siyempre nagalit si daddy sa amin. Halos tanggalan na nga ng luho si kuya eh. Naawa naman ako sa kanya kaya ayun kinausap ko si daddy. Kasalanan ko rin naman kung bakit naudyok siyang suntukin ako. Pinaliwanag ko kay daddy ang dahilan. Biruin mo yun hon. May nakaraan pala sila ng kuya mo” ang dirediretsong sabi nito habang naglalakad kami.

Ano daw? Nabingi ako dun ah. Napakunot naman ako ng noo.

“Ha? May nakaraan? Sino? Si kuya jenson at si kuya lenmar?” Ang di makapaniwalang tanong ko.

“Ah.. eh..” napatakip siya ng bibig.

“Sige magsinungalin ka sa akin at hindi talaga kita papansinin” pagbabanta ko sa kanya.

“Haixt! Oo na nga sasabihin ko na. May gusto sayo si kuya lenmar noon pa lang. Kaya madalas kami mag-away noon. At pinilit ko siyang magmove-on dahil hindi ako papayag na kami pa ang mag-away dahil sayo” ang sabi nito. Ah..

“Hanggang sa makilala niya ang kapatid mo at naging sila daw. Pero noong nagkanegosyo sina daddy sa ibang bansa at kasama sina kuya sa paglipat doon ay doon na nagsimulang magkalabuan silang dalawa. Ayaw ng kuya mo na umalis si kuya lenmar pero wala itong nagawa dahil doon na ito mag-aaral at para may makasama sila mommy at daddy sa amerika. Ayun naghiwalay. Kaya pala sa tuwing makikita ka ay naaalala niya ang kuya mo. Ang akala ko nga ay hindi pa siya nakakamove-on sayo. Kaya ayun sinabihan ko siyang talunan kaya sinuntok niya ako. Pero ang ikinasasama daw ng loob nito ay Ang bilis daw bumitaw ng kuya jenson mo. Hindi man lang daw siya ipinaglaban nito. Ni hindi man lang daw siya tinanong kung gusto ba niyang sumama sa amerika o hindi. Basta na lang ito nakipaghiwalay” pagkukwento nito.

Hindi naman ako makapaniwala sa mga narinig ko.

“Pero nagka-girlfriend si kuya. Isang taon pa lang silang hiwalay” ang sabi ko.

“Eh mas nauna naman ang pagmamahalan nila  kuya kesa doon sa ex-gf niya. Noong kinasal tayo ay palihim na pala silang nagmamahalan” ang sabi pa nito. Kaya pala ganoon sa akin si kuya lenmar.

“Hayaan mo na sila hon. Problema na nila yun. Baka hindi talaga sila sa para isa’t-isa. Kase kung sila talaga. Ipaglalaban nila ang isa’t-isa kahit si tadhana pa ang maglayo sa kanila. Tingnan mo tayo, ako! Ipaglalaban kita kahit si kupido o si tadhana pa ang humadlang, akin ka eh. Hanggat mahal mo ako at mahal kita ipaglalaban ko to” ang determinadong sabi nito at hinalikan ako sa ulo.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

Pagkalapit namin sa sasakyan ay may dumaang mga lalaki na naka-basketball uniform. Siguro ay kalaro niya dari.

Inakbayan ako lalo ni lionel at tinawag sila.

“Mga pare asawa ko. Mahal na mahal ko to pare. Kaya kayo maging loyal kayo ha” ang pagyayabang nito sa kanila saka ako hinalikan sa labi.

“Sige ba pare. Sabi mo eh” ang sagot naman nila.

Siniko ko naman siya sa tagiliran.

“Sira ka talaga. Hindi ka naman nila tinatanong” ang saway ko sa kanya.

“Hahaha.. hayaan mo na hon. Hindi mo naman sila kilala hahaha.. at saka kilala ko ang mga yan. Manloloko ang mga yan di tulad ko. Mahal na mahal ka. Kase ang tulad niyo hindi lang dapat minamahal, kundi pinapahalagahan din. Mawala man ang pagmamahal niyo sa isa’t-isa ang pagpapahalaga at respeto nandoon pa rin dapat. Dahil wala ng mas hahalaga pa sa akin hon kundi ang mahalin ka” ang sabi nito. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

Kilig? Siguro, Oo. Hahaha..


Shabaw!

Sana nagustuhan niyo parin hahaha.. :) Si jerol at si baby bunso yung nasa picture ^_^

Hope u also read “Erol side story at Peymus” ;)

Sa gustong magpadedic. Sa next chapter. Pm lang. And wait for my next update :)

Vote and comment guys :)

Chapter twenty eight

Dedicated to mysteryjhecs

Pakifollow at pakibasa na rin po ang mga gawa niya :)


Jerol’s POV

Monday na naman at eto kaming lahat. Bising busy sa pag-aayos para sa pagpasok namin sa trabaho at sa school.

Binihisan ko muna si baby bunso. Gusto ko kasing pagsilbihan muna ang aking anak bago kami pumasok sa trabaho. Nakahiga ito sa kama habang pinapalitan ko ng damit. Nilagyan ko na rin siya ng diaper at powder sa katawan para mabango ito. Pagkatapos ko siyang bihisan ay binuhat ko na ang aking anak.

“Ang bango bango na ng anak ko oh” ang magiliw na sabi ko dito habang hinahalikan ko siya sa kili kili pero itong anak ko ay tawa lang ng tawa hahaha.. ang cute.

Habang nasa ganoon kaming senaryo ay siya namang pagpasok ni lionel.

“Hon tara na. Nakaayos na ang sasakyan” ang sabi nito pagkalapit sa amin.

Hinalikan niya lang ako sa labi at saka kinuha si baby bunso.

“Yung anak mo bihis na ba?” Tanong ko dito patungkol kay kuya.

“Kanina pa hon. Ikaw lang naman ang iniintay namin ng anak mo” ang natatawang sabi nito habang naglalakad kami palabas ng kwarto.

Tiningnan ko siya ng masama pero nagpacute lang ito sa akin.

“Siyempre binibihisan ko pa itong anak mo. Tingnan mo nga oh ang bango bango na at ang cute cute pa” ang sabi ko dito saka pinisil ang pisnge ni baby bunso.

“Asus.. itong asawa ko oh hahaha… Siyempre joke lang at saka basta sa anak natin. Ok na ok yan. Pano pa’t naging pamilya tayo kung wala tayong time sa isa’t-isa. Yan ang pinaka-importante sa isang relasyon, sa isang pamilya “Ang Time”. Kaya hon dapat lagi kang may time sa akin ha“ ang sabi nito.

Niyakap ko naman siya sa bewang.

“Sira! Kelan ba ako nawalan ng time sayo ha? Eh, gusto mo nga lagi akong nasa tabi mo eh”

“Dapat lang! Tatanda tayong magkasama eh” sabay kindat nito sa akin.

Inirapan ko lang siya pero tinawanan niya lang ako.

Pagkababa namin ay naabutan namin si kuya na bising busy sa pagpapalipad ng kanyang eroplano na bigay ng kanyang lolo at lola. Pagkakita nito sa amin ay lumapit ito at hinalikan kami. Pilit niya namang kinakalong si baby bunso.

“Anak baka hindi mo kayanin si baby bunso” ang sabi ko dito.

“Kaya ko na po papa. Big boy na po ako at saka gusto ko pong ipakita sa inyo na malakas na po ako. Na kaya ko na pong ipagtanggol si baby bunso at saka po kayo” ang sabi nito.

Para namang kinurot ang puso ko sa sinabi ng anak ko. Hindi lang siya matalino, mabait na bata din.

Napatingin naman sa akin si lionel at saka tumango.

“Alam ko anak. Dahil mana ka sa amin ng papa mo eh..” ang sabi ni lionel saka ginulo ang buhok ng anak.

Binigay ni lionel si baby bunso kay kuya at saka binuhat ito.

Medyo maliit pa rin naman itong si kuya eh. Maliit man siya pisikal pero alam kong malaki ang pagkatao niya. Hindi man siya galing sa amin, hindi man niya nakuha ang pisikal na kaanyunan namin pero alam ko at alam namin ni lionel na hindi siya magkukulang sa pagmamahal na kaya naming ibigay. Dahil naniniwala ako na ang pagiging magulang ay hindi nasusukat sa dugo at laman na nanggaling sayo. Ito ay nasusukat kung paano mo siya mamahalin. Mamahalin ng higit pa sa buhay mo.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si kuya. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

“Papa kaya ko na po oh. Nabubuhat ko na po si baby bunso. Paglumaki na po ako. Aalagaan ko rin po kayo ni dada” ang inosenteng sabi nito.

Hindi ako makapaniwala sa takbo ng kanyang murang kaisipan. Masaya sa amin bilang magulang ang makarinig ng ganoon salita. Hindi kami perpektong pamilya, hindi rin kami normal sa paningin ng iba. Pero ang mahalaga ay ang buhay namin na magkakasama. Yun lang naman ang importante sa akin eh, ang maging masaya sila.

“Naniniwala kami sayo anak. O sige na. Ibigay mo muna si baby bunso kay lola Nang ha” ang sabi ko dito.

Tumango lang ito sa akin at tuwang tuwang ibinigay sa lola niya.

“Kayo na po munang bahala kay baby bunso manang ha” ang sabi ko kay manang. Humalik muna kaming lahat kay baby bunso saka nagpaalam na sa kanila.

Una naming hinatid si kuya bago ako.

“Paano hon, mag-ingat ka sa byahe ha. Behave” ang sabi ko dito.

“Behave po ako. Kung gusto mo naman eh dito na lang ako sa school. Titigan ka buong maghapon. Ok ba yun?” Sabay kindat nito sa akin. Natawa naman ako hahaha..

“Sira! Sige na. May tiwala naman ako sayo eh” sabay halik ko sa labi niya.

“May tiwala din ako sayo hon” ang sabi nito at hinalikan ako sa labi.

“I love you” ako.

“I love you too”

Hinintay niya munang makapasok ako sa loob ng gate bago siya umalis. Haysss.. nakakakilig talaga itong lalaking ito.

Habang naglalakd ako sa hallway ay biglang may lumapit sa akin si sir marvin.

“Morning sir” ang bati nito sa akin.

“Uy! Morning din sir. Gumagwapo ka ngayon ah.. meron na ba? Ayiiee!” Ang panunukso ko rito. Natawa lang siya.

“Hahaha..” tawa nito. Yun lang?

“Kilala ko ba yan sir?” Tanong ko ulit habang naglalakad kami papuntang room.

“Kilala mo siya matagal na” ang nakangiting sabi nito. Napaisip naman ako. Sino kaya yun? Si maam anna? Hindi naman siguro may asawa na yun eh.

“Si maam kristine noh? Ayiiee!” kinikilig na sabi ko.

Si maam kristine at si sir marvin na lang kase ang single na teacher dito sa school. Kaya madalas silang tuksuin.

“Loko ka talaga hahaha..” ang sabi nito at saka ginulo ang buhok ko. “Ako na sir ang magdadala niyang gamit mo” pag-alok nito.

“Hindi na sir. Kaya ko naman eh” ngiti ko dito. Napangiti rin siya.

“Weh? Sa liit mong yan?” Sabay tawa nito.

“Baliw. Nakakaoffend ha” ang kunwaring pagtatampo ko dito.

“Joke lang sir hahaha.. ang cute mo talaga” sabay pisil nito sa pisnge ko.

Sinimangutan ko lang siya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nagkukwentuhan.

“Mga sir’s Sandali!” ang hinihingal na sabi ni maam ana. Natawa naman kami dito.

“Kanina ko pa kayo tinatawag frend pero dedma lang ang peg niyo sa akin. Kayo ha! Ayan hinihingal ang kaseksihan ko” Ang nagtatampong sabi nito.

Hindi talaga namin mapigilang matawa sa kanya. May pagkachubby kase itong si maam anna kaya halata ang pagkahingal nito.

“Sorry maam. Napasarap lang ang kwentuhan namin nitong si sir marvin” ang sabi ko dito.

“Akala ko pa naman dedmabels na talaga ako sa inyo eh” ang sabi pa nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

“Wag kana magtampo maam hahaha..” ang natatawang sabi ni sir marvin.

“Che! Isa ka pa” at doon na kami nagsipagtawanan. “Sabay sabay tayong maglunch mamaya ha” dagdag pa nito.

“Opo. Kaya wag kanang magtampo diyan. Masisira ang beauty mo” ang pang-aasar ko kay maam. Nagpaganda naman ito.

“Maganda talaga ako sir pero iba pa rin talaga ang ganda mo. Ang gwapo ng asawa mo eh, ang ku-cute at ga-gwapo pa ng anak mo.. kung hindi mo lang asawa yun pinikot ko na yun eh” ang natatawang sabi nito. “Pero syempre joke lang sir hahaha. Mahal ko kaya yung asawa kong yun”

Nakahinga naman ako ng maluwag.

“Baliw. O paano maam, sir. Dito na ako kita na lang tayo mamayang lunch” paalam ko sa kanila. Tumango naman sila.

“Bakit?” Ang tanong ko kay sir marvin.

“Wala. Naisip ko lang, sino nga bang hindi magkakagusto sayo kahit siguro straight na tao kaya mong paibigin eh” ang sabi nito.

“Bola. Sige na sir marvin, maam anna. Pasok na ko sa room ko” ang paalam ko sa kanila at pumasok na ako sa room.

Pagpasok ko sa room ay nakita ko si paulo sa bandang dulo. Nakatingin lang ito sa malayo. Kapansin-pansin ang pagiging tulala nitong mga nakaraan.

May problema kaya siya? Nilapag ko muna ang mga dala kong gamit sa lamesa at tiningnan silang lahat. Hay! Umagang umaga ang gugulo.

“Good morning class”

“Good morning sir” ang bati nilang lahat sa akin. Napatitig lang sa akin si paulo.

“Mister chavez. Pwede bang pakisulat ito sa pisara” ang utos ko sa kanya. Para naman magka-energy siya.

Tulala lang siya.

“Mister chavez nakikinig ka ba?” Ang pag-uulit ko rito. Para naman itong natauhan.

“Ah.. eh.. a-ano ba yun sir?” Ang natatarantang tanong nito.

“Ang sabi ko pakisulat nitong hawak ko sa pisara. Make sure na hindi lang katawan mo ang nandirito kundi ang iyong malay. Nagkakaintindihan ba tayo” dali dali naman itong pumunta sa unahan at kinuha ang lesson plan na hawak ko.

“Pasensya na sir. Nakakatulala kase ang kacute-an mo” banat nito sabay kamot sa ulo. Narinig ko naman ang mahihinang pag-ayiiee ng mga estudyante ko.

“Quiet! Akala niyo hindi ko kayo naririnig ha. Minus ten points ang mag-ingay” ang pananakot ko sa kanila.

Nagsitahimikan naman sila pero halata parin ang pagpipigil ng tawa.

“Cute daw kayo sir. Hindi naman malabo yun, crush ko nga ata kayo eh” ang sabi naman ng isang estudyante kong lalaki. Eto namang mga kaklase niya ay sinakyan ang kalokohan nito.

“Heh! Magsitigil kayo. Hindi ako nakikipagbiruan ha. Minus ten talaga” pagsusungit ko sa kanila. Kelangan consistent.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa dahil sa mga papuri nila na cute daw ako. Hindi naman dahil minsan ay hindi na nila ako sineseryoso. Mukha daw talaga akong bata sa paningin nila kaya siguro ganito na lang sila kalapit sa akin pero natutuwa naman ako kapag nagseseryoso na ako sa pagtuturo kase nakikinig at nakakapasa naman sila.

Natahimik naman ang mga ito at kinopya ang mga isinusulat ni paulo sa black board. Pagkatapos nilang magsulat ay ipinaliwanag ko naman ito at nagpa quiz na rin. Hanggang maglunch break.

Nag-aayos na ako ng gamit ko ng lapitan ako ni paulo sa table ko.

“Sir”

“Oh?”

“Ahhmm.. pwede ba kitang maimbitahang kumain?” Ang nahihiyang alok nito.

“Ah.. ano.. ano kase paulo nakapagpramis na kase ako kina maam anna at sir marvin. Kung gusto mo ay sumabay ka na lang sa amin kumain” ang sabi ko dito at tumayo na ako sa aking kinauupuan at dinampot ang aking mga gamit.

“Gusto ko kase sir tayong dalawa lang eh. May importante lang akong sabihin”

“Baka naman pwedeng ngayon muna sabihin. Nagsisilabasan na rin naman sila oh” ang sabi ko dito. At tiningnan ang buong kwarto.

“Dali na sir, kahit ngayon lang please..” pagmamakaawa nito.

“Bukas na lang”

“Ngayon na sir. Please.. please..” pagpupumilit nito.

“Pero..”

“Please..” pagsusumamo pa nito.

“Paulo kase..” pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko at nagpaawa.

“Please sir kahit ngayon lang… please.. please..” hay! napabuntong hininga na lang ako.

“Oo na! Sige na. Bitawan mo lang yung kamay ko. Itetext ko na lang sina maam anna at sir marvin para tumigil kana” ang pagsuko ko sa kakulitan nito. Nakita ko naman ang pag ngiti at pag yes niya.

“Saan ba kase tayo kakain?” Tanong ko dito. Pero hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

“Diyan lang sa labas” ang sabi nito habang naglalakad kami palabas ng gate.

Pagkalabas namin ay tamawag ito ng tricyle at sinabi ang lugar na aming pagkakainan. Naitext ko na rin sina maam anna at sir marvin. Kahit labag daw sa kalooban nila ay kelangan ko daw bumawi bukas hahaha… ito namang katabi kong ito ay todo lang ang titig sa akin.

“May problema ba?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ang weird niya kase.

“Wala sir. Ang cute niyo talaga sa malapitan noh” ang sabi nito. Inirpan ko naman siya. “Lalo na kapag nagsusungit ka”

“Paulo ha! Uulitin ko na naman ba yung sinabi ko? Paulit-ulit na naman ba tayo? Sinamahan lang kita.. kase sabi mo may importante kang sasabihin sa akin. Yun lang yun”

“Alam ko naman yun eh. Wala pa naman akong ginagawang masama diba?” ang sabi nito. Napakunot naman ako ng noo.

Parang may mali sa sentence niya.

“Anong sabi mo ulit?”

“Ah.. eh.. ang sabi ko. Wala naman akong ginagawang masama ah at saka masama na bang titigan ka at hangaan ang isang tulad mo?” Sabay kindat nito sa akin.

Natawa naman.

“Ewan ko sayo. Malapit na ba?”

“Oo malapit na sir. Wag kang excited” ang natatawang sabi nito. “Manong pakitigil na lang po doon sa kanto” at itinigil nga kami ni manong sa kanto.

Pagkabayad namin ay dinala ako nito sa isang restaurant. Maganda siya, kung titingnan mo ay may pagka-modern na hinaluan ng ambyans ng probinsya na mas lalong nagpaganda dito at mas makaka-akit ito ng mga turista. Mga labin limang minuto rin lang ang byahe mula sa aming paaralan.

Pagkapasok namin sa loob ay dinala niys ako sa bandang sulok. Doon kami naupo. Umorder at sabay kumain. Sa totoo lang ay gustong gusto ko talaga yung mga restaurang simple pero maganda.

Namimiss ko na tuloy kumain sa kinainan sa palayan kasama si lionel. Ang simple kase ng lugar na yun at ang ganda sa paningin. Yun talaga ang mga type kong kainan. Feeling at home ba at maka-kalikasan ang itsura.

“Sarap sir noh?” Ang sabi nito habang punong puno ang bunganga.

Naalala ko ang asawa ko sa itsura niya hahaha… Salita kase yun ng salita kahit punong puno ang bibig.

“Bakit ka tumatawa sir?” Ang naguguluhang tanong nito.

Napailing lang ako habang hindi pa rin mapigilang tumawa.

“Wala. Sige na ipagpatuloy mo na yang kinakain mo” ang sabi ko dito.

“Ay! Tatawa tapos wala.. Ano kaya yun?” ang sabi nito.

“Wala nga ang kulit. Naalala ko lang yung asawa ko” ang natatawang sabi ko dito. Bigla naman itong natahimik.

“O bakit natahimik ka diyan?”

“Wala. Ang sarap lang ng pagkain” ang masungit na sabi nito at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Hindi na siya nagsalita pa kaya ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi na ito nagsalita. Tahimik lang kaming dalawa.

“Ah.. paulo di ba may sasabihin kang importante? Sige sabihin mo na” Ang pagbasag ko sa katahimikan.

Tumingin lang ito sa akin ng seryoso. Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita.

“Sir kase ano..”

“Ah.. Eh.. wait lang paulo naiihi na kase ako eh” ang pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Ang tagal kase magsalita kaya ayon. Dali dali akong pumasok ng cr. Naghanap kaagad ako ng cubicle at doon nagpalabas ng ihi. Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay at saka nanalamin. Sakto namang lalabas na ako ng cr ng biglang pagpasok ni paulo.

“Iihi ka rin ba Paul—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong itulak sa pader at mapusok na hinalikan sa labi. Labis ang pagkabigla ko. Hindi kaagad ako nakareak. Nang matauhan ako ay buong pwersa ko siyang itinulak.

“Paulo ano ba! Ano na naman to ha?” Ang naiinis na sabi ko. Habang pinupunasan ang labi ko.

“Sir hindi ko na kaya. Hindi ko na mapigilan itong nararamdaman ko! Sa tuwing makikita kita, nababaliw ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko” ang sabi nito.

“Pero paulo may asawa na ako diba? Gaano ba kahirap intindihin yun ha?! Mahal na mahal ko ang asawa ko! Naiintindihan mo ba?” ang sabi ko dito.

Nakita ko naman ang pagpatak ng luha niya.

“Hindi! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Alam kong mali ito pero gustong gusto talaga kita jerol. Araw araw kong hinihiling na sana maghiwalay na kayo ng asawa mo at sa akin ka mapunta. Desperado man pakinggan pero mahal na mahal kita sir” ang sabi nito habang pinupunas ang kanyang luha.

Napailing naman ako saka ngumisi.

“Napaka imposible mo. Baliw kana paulo. Mabuti pang umuwi na tayo” ang walang ganang sabi ko dito.

Maglalakad na sana ako palabas ng cr ng humarang ito sa pinto. Medyo natakot talaga ako sa pagharang niya. Wala akong laban sa laki nito sa akin. Siya kase ang isa sa pinaka matatangkad na basketball player ng school namin.

“Paulo hindi ako nakikipagbiruan ha” ang natatakot na sabi ko.

“Hindi rin ako nakikipagbiruan jerol” ang seryosong sabi nito.

Lumapit ako sa pinto at nagpumilit lumabas pero hindi talaga siya nagpatinag.

“Isusumbong kita sa daddy mo paulo. Kapag hindi mo ako pinalabas dito. Hindi na talaga ako natutuwa sayo” ang pananakot ko dito.

Ngumisi lang siya..

“Edi magsumbong ka. Sinong paniniwalaan nila ikaw? O ako? Tandaan mo sir. Estudyante mo lang ako at teacher kita. Pwede kong baliktarin ang kwento. Ang lahat lahat” ang sabi nito.

Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko maiwasang lumuha. Naalala ko ang mga anak ko.

“Paulo ano bang gusto mo?” Ang nanginginig na tanong ko sa kanya.

“Ikaw! Ikaw lang naman ang gusto ko”

“Paulo hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha at hindi ibig sabihin na nakuha mo na ako ay magiging masaya na tayo. Magkaiba ang gusto lang sa gustong sumaya. Maaring makuha mo ako pero hinding hindi ang puso ko. Masakit man pakinggan pero totoo. Mahal ko si lionel higit pa kung kanino” ang diretsang sabi ko sa kanya. Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko. Napatungo siya.

“Paulo mahal kita! Pero ang pagmamahal ko sayo ay pagmamahal bilang isang guro mo, kaibigan at kuya mo. Paulo pwede mo akong mahalin sa ganoong paraan. Hindi sa paraang alam mong hindi tayo magiging masaya. Alam kong maangas ka, masungit, matapang, mapride at lahat ng gusto mo nakukuha mo pero naniniwala akong sa lahat ng yun ay kabaliktaran ng nilalaman ng puso mo, mabuting tao ka. Tatandaan mo kapag nagmahal ka, dapat hindi lang isa sa inyo ang may gusto kundi pareho niyong gustong dalawa. Hindi pwedeng masaya ka pero siya hindi. Ganoon ang pagmamahal paulo at sana naiintindihan mo iyon. Alam kong bata ka pa pero wag mong madaliin ang lahat” saad ko.

Binalot kami ng katahimikan. Natauhan na lang kami ng may kumatok mula sa labas ng cr. Pinagbuksan naman nito. Doon na ako kumuha ng pagkakataon para makalabas ng cr at dali daling umalis pabalik ng school. Hindi ko na siya nakuha pang antayin dahil sa takot.

Pagkarating ko sa school ay nakita ko si sir marvin papasok din ng gate. Napansin naman nito ang presensya ko.

“Sir madrid san ka galing? Bakit pawis na pawis ka?” Ang tanong nito.

“Ah.. ano diyan lang, ang init kase ng panahon. Asan nga pala si maam anna bakit hindi mo siya kasama?” Ang pag-iiba ko sa usapan.

“A-ano hindi ko rin alam. Kanina ko pa nga rin siya hinahanap eh” ang sabi nito.

“Ganun ba? Tara. Baka malate na tayo sa klase natin” ang sabi ko dito. Baka kung ano pa ang itanong nito sa akin.

Hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman ko. Buong maghapon akong wala sa sarili. Hindi rin ako makapagturo ng maayos. Buti na lang at hindi na pumasok si paulo.

Pagkatapos ng klase ay hinintay ko ang sundo ko. Ilang minuto rin akong naghihintay sa labas ng gate pero hindi pa rin dumadating si lionel. Tinext at tinawagan ko na ito pero hindi niya sinasagot.

Sasakay na sana ako ng tricycle ng may humintong sasakyan sa harapan ko, si lionel. Hindi niya ako pinansin na siyang ipinagtaka ko. Tahimik lang akong pumasok sa loob ng sasakyan.

“Hon si kuya?” Ang tanong ko dito ng makapasok ako.

“Nasa bahay na” ang tipid na sagot nito at pinaandar na ang sasakyan.

Hindi niya ako nilingon. Lalapitan ko sana siya para halikan ng lumayo ito.

“Hon may problema ba?” Ang nagtatakang tanong ko dito.

Hindi siya nagsalita.

Buong byahe kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi parin niya ako pinansin. Naguguluhan na ako sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya ganito dati.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nakita ko sa sala si kuya na nanunuod ng tv habang kalong kalong naman ni manang si baby bunso.

“Manang pwede po bang iakyat niyo muna yung dalawang bata” ang utos ni lionel dito.

Pagkaakyat nilang tatlo ay naiwan kaming dalawa ni lionel.

“Lionel may problema ba?” Ang nag-aalalang tanong ko sa kanya.

“Kelan pa?” Ang seryosong sabi nito. Napakunot naman ako ng noo.

“Ang alin? Hindi kita naintindihan lionel” ang naguguluhang tanong ko.

“Kelan PA! Kelan mo pa ako niloloko ha!” Asik nito habang hindi natitinag ang galit na galit na tingin niya sa akin.

“Lionel hindi kita niloloko. Hindi ko magagawa sayo yun” ang naluluhang sabi ko.

“Talaga lang ha!” At may kinuha siyang envelope sa ibabaw ng tv at Ibinato sa akin. Labis ang pagkagulat ko sa ginawa niyang yon. Ito ang kauna-unahang beses na ginawa niya sa akin iyon. Ang batuhin ako ng malakas.

Naluluhang dinampot ko naman yung envelope at tiningnan ito. Akala ko ay sapat na ang pagkagulat ko sa ginawa niya sa akin pero hindi pa pala. Mas lalo akong nagulat ng makita ko ang nilalaman nito.

Puro litrato naming dalawa ni paulo na magkahalikan. Unang picture ay noong nakadagan ito sa akin sa may corridor, marami pang iba na magkasama kami at ang ipinagtaka ko ay yung nangyari sa amin ni paulo kani-kanina lang. Sa restaurant sa cr.

Doon na nagsilabasan lahat ng luha ko.

“Jerol bakit? Bakit ngayon pa? Bakit kung kelan may anak na tayo?” Ang naluluhang tanong nito sa akin. Hindi ko na rin maiwasang lumuha habang tinititigan si lionel.

“Jerol bata pa yun. Bata pa yun eh…… Pwede kang makasuhan diyan sa KALANDIAN MO!” ang sigaw nito sa akin.

“Lionel mali ka ng iniisip mo. Hindi ko ginusto yun”

“Pero hinayaan mo!” Ang pagputol nito sa sasabihin ko. “Ganyan ba talaga kayong mga bakla? Basta may lalaking magpakita sa inyo ng motibo ay sugod kayo ng sugod? Naging tapat ako sayo jerol, sobrang tapat ko sayo pero hindi ko akalain na ikaw pa itong lalandi sa iba. Oo nga pala. Tsk! Isa ka nga pa lang bakla” ang panghuhusga nito sa akin. Sobrang sakit. Tinitigan ko siyang maigi.

“Ganyan ba ang tingin mo sa akin lionel ha?! Ganyan mo na lang ba ako kadaling husgahan?” Ang naiiyak na tanong ko sa kanya.

“Anong gusto mong gawin ko jerol? T*ng *na naman oh! Matuwa ako na makita ko ang asawa kong nakikipaghalikan sa iba! Yun ba jerol? Alam mong seloso ako pero ANO?! Habang nagtururo ka pala may tinuturuan ka ring iba? Ganyan ka ba KALANDI! Hindi kana nahiya! Pumatol ka pa sa mas bata sayo! Yan ba gusto mong ituro sa mga anak mo ha? Yab ba? Yang kalandian MO?!” Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya ng malakas.

Tinitigan niya lang ako ng matalim at mabilis siyang umakyat sa kwarto. Napabuntong hininga naman ako at pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pag-agos.


Eto na! Ano kayang mangyayari sa kanilang pamilya?

Handa na ba kayo sa dagok ng kanilang pagsasamahan? Hahaha… (kayo talaga ang tinanong eh)

Abangan ang kapanapanabik sa susunod na kabanata.

Sorry sa late update.. hope u understand. Anong masasabi niyo sa chapter na ito.

VOTE AND COMMENT guys… salamat ulit :)

Chapter twenty nine

Jerol’s POV

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang pinupunsan ko ito. Hindi man lang niya nagawang pakinggan ang paliwanag ko. Mas inuna pa nitong husgahan ako kesa ang pakinggan ako. Sobrang sakit lang isipin na minaliit niya ang pagkatao ko.

Oo, alam kong kasalanan ko. Kasalanan ko dahil naglihim ako. Oo kasalanan ko dahil hinayaan ko. Pero ang lahat ng yun ay hindi ko ginusto! Hindi ko inasahan. Dahil ang paghalik na iyon ay biglaan. Kaya hindi ko na alam kung sino sa amin ang sisisihin ko. Si paulo ba o ang sarili ko?

Siguro ako. Dahil gaya ng sabi ni lionel, bakla ako.

Pagkaakyat ko sa taas ay dumiretso ako sa kwarto ni kuya kung saan nandoon sila ni manang. Nakita ko lang syung mga bata na naglalaro sa sahig. Nakadapa si baby bunso sa sahig habang nakikipaglaro sa kanya si kuya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kacute-an nilang dalawa.

“Ah, manang, sige na po magpahinga na po kayo. Ako na pong bahala dito” ang sabi ko sa kanya.

“Kaya ko pa naman anak. Ikaw nga dapat ang magpahinga diyan eh dahil alam kong pagod ka sa trabaho” ang sabi nito. Sobrang bait talaga ni manang.

“Hindi na po manang, Ok lang po ako, kayang kaya ko pa naman pi, ako pa ba?” Ang natatawang sabi ko dito.

“Sige na po” ang pagpipilit ko dito. Lumapit ako kay baby bunso at kinalong ito. Nakatitig lang sa akin si manang.

“Jerol anak, ayos ka lang ba?” Ang nag-aalalang tanong nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya bilang pagtugon at saka ngumiti. Pinipigilan ko naman ang sarili kong umiyak.

“A-ayos lang po ako manang” ang nakangiting sabi ko at saka iniwas ang tingin.

Tinitigan niya lang akong maigi. Kumuha ito ng tissue sa ibabaw ng lamesa at pinunasan ang mga luhang hindi ko na napigilang tumulo.

“Nandito lang ako anak. Kung kelangan mo ng tulong lapitan mo lang ako ha. Nanay mo na rin ako” ang sabi ni manang saka hinagod ang likod ko. Niyakap ko naman siya.

“Salamat po manang” ang sabi ko dito.

“O sige na anak, may aayusin pa ako sa baba. Magpahinga kana rin ha. Alam kong pagod ka sa trabaho. Wag mong pagurin masyado ang sarili mo” tumango lang ako sa kanya at lumabas na ito.

Tinitigan ko lang si kuya habang bising busy pa rin sila sa paglalaro. Si baby bunso naman ay sinusubo ang kanyang kamay. Ang kulit, siguro ay gutom na itong batang ito.

“Gutom kana anak?” Ang malambing na tanong ko dito.

Nakatitig lang siya sa akin saka ngumiti. Hay! Iba talaga kapag nginitian kana ng anak mo. Parang napapawi nito ang lahat ng pagod at bigat na dinadala mo.

Pinunasan ko munang maigi ang mata ko. Ayokong makita ni jonel na umiiyak na naman ako, ayokong isipin niya na nag-aaway na naman kami ng dada niya. Lumapit ako dito at hinawaan siya sa ulo. Tumingin naman ito sa akin saka ngumiti.

“Papa”

“Kumain kana ba anak?” Ang tanong ko kay kuya.

“Opo papa. Kumain na po kami nila dada kanina” ang sabi nito at tinitigan ako.

“Papa nag-aaway po ba kayo ni dada?” biglang tanong nito sa akin. Para namang nalunok ko ang lalamunan ko. Hindi ko magawang sagutin ang aking anak.

“Ah..eh.. ano, anak tama na yang laro. Itabi mo na yan at maaga pa tayo bukas” ang utos ko dito.

Nakatitig lang siya sa akin saka tumango.

“Opo papa” ang sabi nito at niligpit na niya lahat ng kanyang mga laruan.

Hanggat maari ay ayokong maging burara ang mga anak ko pagdating sa mga gamit nila na ikinatuwa ko kay jonel.

Pagkatapos ligpitin ni jonel ang kanyang mga laruan ay tinungo na namin ang kwarto namin ni lionel. Nandoon kase lahat ng mga damit at gatas ni baby bunso. Pagkapasok namin sa loob ay nakahiga lang sa kama si lionel patalikod sa amin. Ramdam ko pa rin ang galit nito sa akin. Tumakbo si jonel sa kama at nagtatalon ito sa katawan ng kanyang ama.

“Dada laro po tayo ng kabayo-kabayuhan dali na po” ang magiliw na sabi ng anak ko.

Habang ako naman ay tinungo ang crib at nilagay doon si baby bunso. Hindi pa kase ako nagbibihis.

“Sa susunod na lang anak. Masama ang pakiramdam ni dada” rinig kong sabi nito sa anak habang nagbibihis ako.

Wala na akong narinig na salita mula sa kanila kaya nilingon ko ito. Nakikipaglaro na si jonel sa kanyang bunsong kapatid habang si lionel ay nakahiga pa rin patalikod. Pagkatapos kong magbihis ay pinagtimpla ko na ulit ng gatas si baby bunso at kinuha ito sa crib. Naupo ako sa kama at ihiniga ito sa mga braso ko at pinadede. Si kuya naman ay naglalaro ng games sa cellphone ko. Binaling ko ang tingin ko kay lionel. Ayokong ganito kami.

“Hon” ang pagtawag ko dito pero hindi niya ako pinansin.

Alam kong hindi pa siya tulog.

“Hon” pagtawag kong muli pero gaya ng nauna ay hindi niya ako pinansin.

Hinawakan ko ito sa braso pero tinanggal lang niya. Hindi na ako nagpumilit pa at baka magalit pa ito lalo sa akin na ayoko namang mangyari sa harap ng mga anak ko.

Halos maiyak na lang ako habang tinititigan ko si baby bunso. Ang sakit lang. Ngayon lang kami naging ganito. Ngayon ko lang nakitang magalit ito ng husto. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Halos dalawang oras na pala akong nakatulala sa kawalan habang nakaupo sa kama at tinititigan si baby bunso. Tulog na tulog na ito, ganun din si kuya.

Marahan kong pinunasan ang luha ko at pinagmasdan ang likod ni lionel.

“ Hinding hindi kita magagawang lokohin lionel. Sobrang mahal kita.. sobra, sobra “ ang bulong ko. . . . . . . . . . . . . . . . . Pagkagising ko kinaumagahan ay nakita kong bihis na silang lahat. Ako na lang pala ang hindi. Kaya nagmadali akong naligo pero paglabas ko ng cr ay wala na sila sa kwarto.

Siguro ay hinihintay lang nila ako sa baba. Kaya dali dali akong nagbihis. Binihisan ko na rin si baby bunso gaya ng ginagawa ko tuwing umaga. Sabay kaming lumabas ng kwarto ng anak ko para ibigay siya kay manang.

Pagbaba ko ay agad kong tinungo ang kusina kung nasaan si manang. Tinanong ko rin dito kung nasaan yung mag-ama dahil hindi ko na sila makita.

“Manang si lionel at jonel po?” Ang tanong ko dito.

“Ay naku anak, kanina pa umalis. Sabi ng asawa mo magcommute kana lang daw kase marami pa daw siyang gagawin sa restaurant” ang sabi nito.

Nagpunas muna ito ng kamay sa Apron at kinuha sa akin si baby bunso.

Huminga na lang ako ng malalim at saka ngumiti.

“Ah, sige po manang. Kayo na po munang bahala sa makulit na batang ito ha.. baka po malate na ako sa school, sasakay na lang po ako ng tricycle” ang nakangiting paalam ko dito.

Nag-aalalang tinitigan lang ako ni manang.

“Manang naman eh, wag niyo po akong titigan ng ganyan. Ok lang po ako. Ayoko rin naman pong malate sila ng pasok” pagkumbinsi ko dito.

Tumango lang ito sa akin ng alanganin. Humalik muna ako kay baby bunso at tinungo ang daan palabas ng bahay.

Dali dali ko namang kinapa ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mga luhang hindi ko na mapigilan.

Nagiging iyakin talaga ako pagdating sa pamilya ko.

Nang makita kong may tricycle na dumaan ay pinara ko ito agad.

Habang umaandar ang sasakyan ay hindi ko makalimutan ang galit sa mukha ni lionel. Alam kong naging tapat ito sa akin kaya siguro ganoon na lamang ang kanyang galit.

Naiintindihan ko naman eh. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya ako hinatid sa paaralan.

Pagkarating ko sa school ay nakita ko si paulo sa labas ng gate. Hindi ko siya pinansin dirediretso lang akong pumasok.

“Sir sandali” ang pagtawag nito sa akin.

Pero mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko.

“Sir sandali, mag-usap naman tayo oh” ang habol nito sa akin.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Nang makita ko ang cr ay dali dali akong pumasok doon para sana magtago pero sa bilis ni paulo ay nakapasok din ito.

Nilock niya ang pinto.

“Paulo ano ba! Ganyan kana ba kadesperado ha!” Asik ko dito.

Ayoko na kase ng gulo.

“Gusto lang kitang makausap” ang sabi nito.

“Anong pa bang pag-uusapan natin paulo? Walang tayo at kahit kelan ay hindi magiging tayo! Ay oonga pala. Sinira mo nga pala ang relasyon namin ng asawa ko. Kaya meron nga pala tayong pag-uusapan. Ano masaya kana?” Ang galit na galit na sabi ko dito.

Tinitigan niya lang ako sa mata ng nagtataka.

“A-anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan” ang nagugulang tanong nito.

“Wow Paulo! Gasgas na yan sa mga pelikula at mga kwentong nababasa ko sa wattpad. Wala na bang bago? Bakit hindi mo na lang aminin na ikaw ang nagpadala ng mga litrato nating dalawa sa asawa ko. Ano masaya kana? Masaya kanang nagkakaganito kami? Masaya ka ng unti-unting nasisisra ang pamilya namin? Ha!” Ang nanggigigil na sabi ko dito.

Sa totoo lang ay nanginginig na ako sa galit. Alam kong wala akong laban sa kanya pero hindi ko na talaga kaya ang sakit. Natatakot ako, natatakot akong tuluyang masira ang pamilya namin.

“Tsk” singhal nito. “Hindi ko alam yang sinasabi mo. Wala akong pinapadala sa asawa mo! Eh ano naman kung galing nga sa akin ang litrato o hindi. Kasalanan ko bang magalit siya sayo? Baka naman wala lang talaga siyang tiwala sayo” ang nakangising sabi nito.

Natuod lang ako sa aking kinatatayuan. Tama siya. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya niloloko. Pero ano nga bang saysay ng mga paliwanag ko kung hindi niya ako pagkakatiwalaan.

“Nagmamakaawa ako sayo paulo. Please.. lubayan mo na ako” ang pakiusap ko dito.

“Hindi ko maipapangako yan” ang tipid nitong sagot.

Napapikit na lang ako saka huminga ng malalim. Imposible na to. Mas mabuti pang umalis na lang ako dahil tulad niya ay wala ring saysay ang mga pakiusap ko.

Naniniwala na ako na sobrang makapangyarihan nga ang pag-ibig dahil lahat kaya nitong gawin. Makasakit ka man, basta umibig ka lang.

Lalapitan ko na sana yung pinto ng humarang siya. Tinitigan ko naman siya ng masama.

“Paulo palabasin mo ’ko” ang seryosong sabi ko dito.

“Ayoko!”

“Isa! Paulo may klase pa tayo. Nababaliw kana ba ha?” Ang natatarantang sabi ko sa kanya.

Ano na lang iisipin nila kung makita nila kaming nakakulong sa cr. Nakakapang init na talaga siya ng ulo. Ganito ba talaga ito kakulit? Sabagay siya lang naman ang sakit ng ulo dito sa school na ito pati na rin sa mga magulang niya.

“Paulo hindi ganito ang pagmamahal. Hindi mo siya pwedeng takutin at pilitin. Sana lang wag mong maranasan ang mga naranasan ko ngayon dahil masakit” ang diretsong sabi ko dito.

Tinitigan niya lang ako sa mata nakipagtitigan din lang ako sa kanya. Walang gustong bumitaw, walang gustong magpatalo. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang gustong kumawala mula rito. Parang ano mang oras ay bibigay na ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang masasakit na sinabi ni lionel sa akin. Mas masakit pa yun sa ginagawa ni paulo ngayon.

Hindi ako nagpatinag sa titigan namin hanggang sa tumulo na ito ng kusa. Hindi ko na napigilang lumuha. Lumuha ako sa harap ng estudyante ko.

Huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin. Dahan dahan siyang umalis sa harapan ng pinto at nag bigay daan. Nginitian ko naman siya at nagpasalamat. Alam kong mabait na bata si paulo, nagpapadala lang ito sa kanyang kabataan at bugso ng kanyang damdamin. Gaya ni lionel ay sobra lang ito kung magmahal. Yun nga lang nasa maling sitwasyon at maling tao ang kanyang ipinaglalaban.

Pagkalabas ko ng cr ay sakto namang nakita ko si maam anna.

“M-maam anna?” ang gulat na sabi ko.

“S-sir madrid, i-ikaw pala. Ginulat mo naman ako” ang kinakabahang sabi nito. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib.

“Kanina ka pa ba?” Ang tanong ko dito.

“Ah.. eh.. ano, kararating ko lang. Tara na at baka malate pa tayo sa klase” ang yaya nito sa akin.

Nakahinga naman ako ng konti. Tumango lang ako sa kanya at sabay naming tinungo ang silid aralan.

Buong klaseng wala ako sa sarili. Minsan nga ay tinatanong na ako ng mga estudyante ko kung ok lang daw ba ako. Tanging ngiti at tango lang ang sagot ko sa kanila. Hindi ko na rin magawang tingnan pa si paulo.

Isang oras na akong naghihintay sa labas ng gate at nagbabakasakaling susunduin ako ni lionel pero walang lionel na dumadating kaya minabuti ko na lang na sumakay na ulit ng tricycle. Pagkarating ko sa bahay ay nakita kong sabay sabay na silang kumakain. Sakto namang pagdaan ko ay napansin ako ng aking anak na si jonel.

“Papa” pagtawag nito sa akin. “Kain kana po” ang yaya nito sa akin ng makita niya ako.

Nginitian ko lang siya.

“Salamat anak… magbibihis pa kase si papa baka hindi ako makasabay sa inyo pagkain. Kumain ka ng marami ha” ang nakangiting sabi ko sa anak ko.

Nakakatuwa lang na enjoy na enjoy ito sa kanyang kinakain. Patuloy lang ito sa pagkain habang hindi ako tinitingnan ni lionel. Alam kong masakit para sa kanya ang nangyari pero mas masakit para sa akin ang ginagawa niya. Ang pangbabalewala niya.

Malungkot akong umakyat sa taas at nagbihis. Hindi ko na rin magawang kunin si baby bunso dahil baka maiyak lang ako sa sakit at awa sa mga anak ko. Ayoko silang madamay.

Ilang oras din akong nakaupo sa kama habang nakatingin sa kawalan. Bumalik na lang ako sa katinuan ko ng pumasok ng kwarto si manang kasama si baby bunso. Lumapit sila sa akin.

“Anak ayos ka lang ba? Kumain kana ba?” Ang nag-aalalang tanong ni manang sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha si baby bunso.

“Ok lang po ako manang. Sobrang pagod lang po siguro sa trabaho. Ang kukulit kase ng mga estudyante ko eh hahaha.. parang si baby bunso ko ang kulit” ang magiliw na sabi ko at pinupog ko ng halik si baby bunso sa kanyang pisnge.

“Mahal na mahal ko itong batang ito eh” ang naluluhang sabi ko habang tumatawa. Naramdaman ko namang hinagod ni manang ang likod ko.

“Anak gusto mong kausapin ko na si lionel?” Napailing naman ako.

“Naku! Hindi na po manang. Away po naming mag-asawa ito. Ayoko pong madamay pa kayo sa away namin, kilala niyo naman po si lionel diba? Ayaw niya ng pinagtutulungan” mukha namang nakumbinsi ko si manang. Ayaw kase ni lionel na pinagkakaisahan siya.

Binihisan at pinatulog ko na si baby bunso hanggang sa pumasok ng kwarto ang mag-ama. Dumiretso kaagad ng tulog si lionel habang pinipilit naman akong pakainin ni kuya. Sinabi ko na lang dito sa anak ko na kumain na ako sa labas kaya busog pa ako. Alam kong pagsisinungalin iyon pero wala na rin kase akong ganang kumain.

Nakakatuwa lang kase sobrang maalaga ng anak ko sa akin.

Habang mahimbing silang natutulog ay nakatitig lang ako sa likuran ni lionel. Hindi ko na mabilang kung ilang na oras akong nakatitig sa kanya. Namimiss ko na ang kakulitan at paglalambing niha. Namimiss ko na ang buong siya. Ang lahat ng siya.

Lumipas ang mga araw na ganoon pa rin ang turingan namin. Maaga itong papasok sa trabaho, tutulog pag-uuwi Hindi na talaga niya ako pinapansin. Hindi na nga niya ako hinahatid at sinusundo sa school eh. Halos araw araw na rin akong umiiyak dahil sa malamig na pakikitungo nito sa akin. Ilang beses ko na rin siyang kinakausap pero wala talaga. Minsan nga ay nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko na baka hindi na niya ako mahal.

Mag-aalas singko na noon ng hapon at nandito pa rin ako sa school dahil pinatawag kami ng aming prinsipal para kausapin.

Sinabi lang nito ang mga bagong patakaran at mga events na dapat naming paghandaan sa buwang ito. Habang nagmemeeting kami sa faculty ay may taong tumawag sa akin mula sa pinto na siyang ipinagtaka ko.

“Excuse me po mga maam, mga sir. May naghahanap po kay sir madrid” ang sabi ng guard.

Napatingin naman ang mga co-teachers ko sa akin. Sino naman kaya iyon.

“Ahmm.. kuya sino daw po iyon?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Anak niyo daw po” ang sabi nito.

Napakunot naman ako ng noo. Anak? Si jonel? Bakit? Hindi pa ba siya sinusundo ni lionel?

“Ah, maam pwede ko po ba munang puntahan ang anak ko?” Ang paalam ko sa prinsipal namin na sinang-ayunan naman nito.

Habang binabaybay ko ang daan papunta sa labas ng gate ay labis ang pagkabahala at pag-aalala ko sa anak ko. Saan naman kaya nagpunta si lionel at pati ang anak namin ay pinabayaan na nito.

“Papa” ang sabi nito ng makita niya ako. Bigla ko naman siyang niyakap.

“Anak asan si dada? Hindi ka ba niya sinundo hapon na ah?”

“Hindi po papa. Kanina pa nga po ako naghihintay doon kay dada eh pero hindi parin po siya dumadating. Buti na nga lang po at hinatid ako ni teacher dito” ang sabi ng anak ko.

Halos madurog naman ang puso ko sa sinabi ng anak ko. Halong inis at lungkot ang naramdaman ko. Binuhat ko ang anak ko at hinalikan ito sa pisnge. Naiiyak na ako sa awa sa anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa nangyayari pero nadadamay sila.

“Ganun ba anak. Magpapaalam lang si papa kay principal ha. Maglaro ka muna dito sa loob. Wag kang lalabas ng gate” ang pakiusap ko dito.

“Opo papa” ang inosenteng sabi nito.

Huminga lang ako ng malalim at hinalikan ilit ito sa pisnge.

Sakto namang pagkarating ko sa faculty room ay nag-aayos na sila ng gamit.

“Sir marvin tapos na ang meeting?” Ang tanong ko dito.

Wala na kase yung iba at si principal.

“Ah, oo katatapos lang. Wag kang mag-alala. Yung sinabi ni maam kanina yun din lang yun” ang nakangiting sabi nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Hay! Dali dali kong kinuha ang mga naiwang gamit ko sa table at pinuntahan ko kaagad ang anak ko.

Sumakay na lang kami ng tricycle ng anak ko. Habang bumabyahe kami ay halos hindi ko siya binibitawan. Sobra talaga akong natakot para sa kaligtasan ng anak ko. Paano na lang kung mawala na naman siya sa amin? Paano na lang kung may masamang mangyari sa anak ko! Hindi ko na ata kakayanin yun.

Pagkarating namin sa bahay ay tinanong ko agad si manang kung nasaan si lionel.

“Manang si lionel po?” Ang tanong ko dito.

“Hindi pa dumadating eh. Hindi niyo ba siya kasama? Hindi ba niya kayo sinundo?” Ang tanong nito sa akin.

“Hindi nga po eh. Ni hindi nga rin niya sinundo si jonel sa school. Buti na nga lang po at hindi pa ako nakakauwi. Paano na lang kung may nangyaring masama sa anak ko. Hindi ko kakayanin yun manang. Buti na nga lang po at hinatid siya ng teacher niya sa school ko” ang naiinis na pagkukwento ko kay manang. Kita ko naman ang gulat sa mukha nito.

“Hindi sa nakikialam ako anak ha. Pero mas mabuti pang pag-usapan niyo na ito kesa lumala pa ang away niyo. Tingnan niyo, pati ang mga anak niyo nadadamay na sa away ninyong mag-asawa” ang sabi ni manang.

“Naiintindihan ko po manang. Pero ilang beses ko na po siyang gustong kausapin pero mailap ito sa akin. Hindi ko na nga po alam ang gagawin ko eh” ang pagsusumbong ko dito.

Nakita ko naman ang pag-aalala sa kanyang mga mukha. Lumapit ito sa akin at hinagod ang likod ko.

“Gusto kitang tulungan anak pero hindi ko alam kung paano o sino sa inyo ang papanigan ko. Pareho ko kayong mahal at ayokong nakikita kayong nagkakaganito. Sana maayos niyo ito agad” ang pakiusap nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at niyakap ito.

Mahimbing nang natutulog ang dalawang bata habang ako ay hindi pa rin dinadapuan ng antok dahil sa pag-aalala ko kay lionel. Alas onse na ng gabi at hindi pa rin siya umuuwi. Usually mga 6 pm o mas maaga pa ay nandito na siya. Kaya minabuti ko na lang na bumaba muna para uminom ng gatas pampatulog.

Nasa crib naman si baby bunso kaya hindi ito mahuhulog habang si kuya naman ay nilagyan ko rin ng dalawang unan sa tigkabilang side.

Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso ako agad sa kusina at nagtimpla ng gatas. Pagkatimpla ko ay naupo ako sa sofa. Sakto namang pag-upo ko ay siyang pagbukas ng pintuan. Iniluwa nito si lionel. Hindi man lang niya ako pinansin. Dire-diretso itong naglakad paakyat ng hagdan kaya pinigilan ko siya.

“Lionel pwede ba tayong mag-usap” ang pakiusap ko ditom

Hindi ko na kase kayang hayaan na ganito kami. Pati anak namin nadadamay na. Tumigil siya pero hindi niya ako nilingon.

“Lionel ano bang pinaggagawa mo at hindi mo sinundo yung anak natin ha! Hindi mo ba alam na delekado na ang panahon ngayon?” Ang diretsong na sabi ko dito.

Ngumisi lang siya.

“Tsk! Oo nga pala delikado na ang panahon ngayon. Sa sobrang delikado pati bata pinatulan mo” ang nang-aasar na sabi nito.

Hindi ako dapat magpadala sa init ng ulo lalo na ng isa’t-isa. Bumuntong hininga na lang ako at tiningnan siya.

“Ano bang gusto mong gawin ko lionel para mapatawad mo na ako?” Ang malumanay na sabi ko dito. Tinitigan niya lang ako sa mata at ngumisi.

“Umalis kana sa paaralang iyon kung gusto mo pang isalba ang relasyong ito” ang sabi niya.

Parang sa way ng pananalita niya ay tinatakot niya ako sa pwedeng kahinatnan ng aming relasyon.

“Lionel alam mo namang may anak tayong pinapaaral at sinusuportahan at saka hindi basta basta ang pag-alis doon” ang sabi ko dito.

“Yun naman pala eh. Ano pang saysay ng pag-uusap na ’to!” Asik nito.

Kitang kita sa mga mata nito ang poot at galit. Aktong aakyat na ito sa taas ng hawakan ko ito ng mahigpit.

“Dahil ba yun sa picture na nakita mo lionel? Yun ba? Yun ba ang dahilan kung bakit ka nagagalit sa akin ng ganyan ha! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko siya ginusto at kahit kelan ay hindi ko siya gugustuhin. Biglaan lahat ng yun at hindi ko alam na kinukuhaan pala kami” ang nanginginig na sabi ko dito.

“Pero hindi mo siya piniglan!” Sigaw nito

“Pinigilan ko siya!” pagtutol na sigaw ko.

“Pero hinayaan mo! Hinayaan mo pa rin na gawin niya sayo yun!” Bulyaw nito.

“Hindi ko siya hinayaan. Lionel ano ba! Estudyante ko siya at mismong magulang niya ang nag-asign sa akin para turuan siya. Kaya wala akong choice kundi gawin ang trabaho ko” ang naiiyak na sabi ko dito.

Napa-tsk! Lang siya.

“Yun! Yun naman pala eh…. kaya naman pala ok lang sayo na ginaganun ka kase may permiso naman pala ng magulang. At ano? Tinuturuan mo siya? Ang sarap mo naman palang magturo jerol kaya enjoy na enjoy sayo ang mga estudyante mo. Gusto mo mambabae ako ha! “ Pananakot nito sa akin. Para namang nagpantig ang tenga ko.

“ Edi mambabae ka!

Ako tatakutin mo?“ laban ko dito.

“Talaga!” Sigaw nito.

“Gusto mo samahan pa kita eh! Ano samahan pa kita ha! Sana pala totoo na lang na niloko kita para atleast deserve ko ang mga masasakit na salita mo. Pero hindi eh, masakit na akusahan ka sa mga bagay na hindi mo naman ginawa” ang naiiyak na sabi ko dito.

Biktima lang naman ako ah. Kung ginusto ko yun edi sana matagal ko na siyang hiniwalayan. Pero hindi eh.

Nakatingin lang ito ng seryoso sa akin. Ramdam na ramdan ko pa rin ang galit nito at wala siyang balak na pakinggan ako.

“Luma na yan jerol. Sawang sawa na ako sa mga ganyang palusot. Ewan ko ba kung tama bang pinakasalan kita” ang sabi nito.

At that moment para akong nanigas sa aking kinatatayuan. Hindi ko magawang gumalaw sa binitawan nitong salita. Para akong tinusok ng libo-libong karayom sa mga oras na ito. Doon na bumuhos ang lahat ng luha ko. Iniwan ako nitong umiiyak. Nilalamon na siya ng matinding galit.

Pinagsisisihan niya bang pinakasalan niya ako? Ganun na lang ba yun? Hindi ko alam na kanina pa pala nakatingin sa amin si manang.

Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Sobrang sakit. Sobrang sakit na pinagsisisihan niyang pinakasalan niya ako.

“Shhhh… tahan na anak” ang pagpapatahan nito sa akin.

“Manang hindi ko na po alam kong kakayanin ko pa” ang sabi ko dito. Hinagod lang nito ang ulo ko

Pagkaakyat ko sa taas ay wala sa kwarto si lionel. Marahil ay nasa kwarto ito ni jonel natulog. Umiiyak akong nahiga sa kama. Habang nakahiga ako ay naramdaman kong niyakap ako ni jonel.

Lumipas ang mga araw na mas lalong nagpalala sa away naming mag-asawa. Madalas na itong umuwi ng lasing. Hindi na rin niya magawang ihatid at sunduin ang aming anak.

Kahit pagod at puyat ako sa trabaho ay hindi ko naman kayang pabayaan na lang ang asawa kong lango sa alak. Inaasikaso ko ito tuwing dadating itong lasing. Sinisisi niya rin ako kung bakit daw siya nagkakaganoon. Mahal na mahal niya daw ako pero niloko ko siya. Alam kong wala akong kasalanan pero hindi ko magawang sisihin ng paulit-ulit ang sarili ko sa mga paninisi niya.

Minabuti ko na ring ihabilin muna ang dalawang bata kina mama at papa. Ayoko namang madamay pa ang mga ito sa away naming mag-asawa. Napapabayaan na namin sila. Nagtataka nga si mama kung bakit ko sila hinabilin. Gusto ko sanang sabihin ang totoo pero mas minabuti ko na lang na tumahimik. Lalo na kay papa at kuya jenson. Ayokong makisali pa sila.

Pero ang hindi ko inaasahang pangayayari ay ng totohanin nito ang kanyang sinabi.

Habang hinihintay ko si lionel sa sala ay minabuti ko munang buksan ang tv dahil alam kong, kung anong oras na naman ito dadating. Mag-aalas onse na rin noon ng marinig ko ang pagparada ng sasakyan nito. Huminga lang ako ng malalim at hinintay itong makapasok.

Pero sa pagpasok nito ay hindi ko inaasahang may kasama itong babae. Nakaakbay ito sa babae at masaya silang nagtatawanan. Sobrang ganda at sexy nung babae. Hindi ko na napigilan pa at bumuhos na ang luha ko.

“Babe saan ang kwarto mo? Uy! Andito pala ang kapatid mo. Bakit siya umiiyak? Inaway mo na naman ba” Ang malanding sabi ng babae kay lionel.

“Hayaan mo siya babe. Doon tayo sa taas” ang utos ni lionel.

Ang sakit! Sobrang sakit! Bakit sa harap ko pa? Bakit sa harapan ko pa lionel? Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko silang dalawa at sinampal sila, lalo na yung babae. Dahil siguro sa takot nito ay bigla na lang itong tumakbo palabas ng bahay. Tiningnan ko naman ito ng masama. Yung tingin na sobrang nasasaktan. Yung tingin na hindi ko na kaya.

“Lionel eto ba! Eto ba ang gusto mong mangyari ha! Eto ba!” Ang bulyaw ko dito habang pinagsusuntok ko siya at pinagsasampal.

Oo.. Lahat ng lakas binuhos ko sa kanya. Hindi niya ako nilalabanan. Hinahayaan niya lang ako. Halos mapatid na ang litid ko sa leeg kakasigaw sa kanya.

“Lionel eto diba? Eto ang gusto mo? Sabihin mo!” Ang umiiyak na sigaw ko. Nagwawala na ako sa galit.

“Pwede mo namang sabihin na ayaw mo na eh, pwede mo namang sabihin ng diretso… lionel bakla lang naman ako diba? Bakla lang ako gaya ng sabi mo” pinunasan ko ang luha ko.

Nakatingin lang ito sa akin. Nakakapagod din pala. Huminga lang ako ng malalim at tinitigan siya.

“Sige. Mas mabuti pa ngang maghiwalay na tayo. Pero eto lang ang tatandaan mo lionel…” ang humahagulgol na sabi ko dito at niyakap siya. Humugot ako ng malalim na hiniga.

“Tandaan mo na mahal na mahal na mahal kita.. ikaw lang, ikaw lang lionel. Pero lionel sumuko kana eh, pagod na ako. Hindi naman pwedeng suko kana habang ako lumalaban pa. Hindi pwedeng mag-isa lang ako lionel. Dapat pareho tayong lumalaban. Lionel naman eh…” ang umiiyak na sabi ko dito at dahan dahang hinugot ang singsing sa daliri ko at inabot sa kanya.

Nakita ko naman itong umiiyak.

“Lionel sinusuli ko na sayo itong singsing ko. Hindi dahil sinuli ko na ito sayo ay hindi na kita mahal… dahil sa puso ko….” ang humahagulgol na sabi ko. “..Dahil dito” sabay turo sa dibdib ko. “Mahal na mahal ka nito. Mahal na mahal kita.. Wag mong pababayaan ang sarili mo ha” at hinawakan ko ang kamay nito at iniwan doon ang singsing na tanda ng pagmamahalan namin. Pilit naman niya itong ibinabalik sa akin. Nilagay ko na lang ito sa lamesa at nagsimula na akong lumakad hanggang sa naramdaman kong may yumakap sa likuran ko.

“Hon sorry na… sorry na po” ang umiiyak na sabi nito pero tinanggal ko lang ang pagkakayakap nito sa akin.

Dali dali akong Umakyak sa taas at isa isang nilagay lahat ng damit at gamit ko sa bag pero pilit niya itong kinukuha at ibinabalik sa cabinet.

“Hon..” ang humahagulgol na sabi nito habang inaagaw sa akin ang mga damit ko.

Lumuhod ito sa sahig at nagmakaawa sa akin.

“Hon patawarin mo ako.. hon naman eh” ang nakaluhod na sabi nito habang nagmamakaawa.

Pinunasan ko lang ang luha ko gamit ang braso ko at pinagpatuloy ang paglalagay ng gamit ko sa bag pero naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Aalis na sana ako ng pilit nitong hinihila ang bag ko.

“Hon patawarin mo ako, wag mo akong iwan please.. nakikiusap ako hon. Mahal na mahal kita eh” pagsusumamo nito.

“Lionel kaya kong tiisin lahat para sayo at sa mga anak natin. Ayokong paniwalain ang sarili ko na wala kang tiwala sa akin pero lionel wag mo naman sanang kalimutan na tao rin ako. Masakit sa akin na hinusgahan mo ako agad! Pero alam mo kung anong mas masakit? Yun, yung pinagsisisihan mong pakasalan ako. Lionel sobrang sakit nun. Dahil kahit kelan hinding hindi ko pagsisisihan na pinakasalan kita. Lionel bakit ganun mo lang kadaling itapon ang pagmamahalan natin? Bakit?” ang umiiyak kong tanong dito at buong pwersa kong hinila ang bag mula sa kanya at mabilis kong tinungo ang daan palabas ng kwarto.

Dali dali akong bumaba ng hagdan palabas ng bahay ng maramdaman kong may yumakap na naman sa akin ng mahigpit. Doon na bumuhos ang luha ko. Ayokong gawin ito pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kelangan mong magpatawad. Sinubsob nito ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman kong basang basa na ng luha ang damit ko.

“Hon naman eh.. hindi ko kayang iwan mo ko. Hindi ko kakayanin jerol. Wag please.. Wag” pagmamakaawa nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Yakap na ayaw akong pakawalan.

Pumikit na lang ako ng mga oras na yun at dinama ang kanyang mga yakap. Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa mapagdesisyunan kong tanggalin na ang pagkakayakap nito sa akin.. mabilis kong nilisan ang bahay.

Naririnig ko pa ang pagtawag nito sa akin pero pilit kong sinasarado ang tenga ko habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko.

Ang buhay ay hindi perpekto. May nananatili, may umaalis pero hindi lahat ay permanente.

Mahal kita lionel pero minsan ang pagmamahal ang sumisira sa atin.


The end na ba ang pagmamahalan ng mag-asawa Awww… wala daw forever eh hahaha… sobrang intense ba? Pwede na bang pang drama? Hahaha… pagpasensyahan niyo na si otor kung bakit matagal mag-UD. Sa totoo lang ay nawawalan ako ng inspirasyon kaya hindi ko siya magawa agad. Sana ay nagustuhan niyo parin give me some inspiration guys.. salamat.

Subaybayan ang mga kapanapanabik at nag-iisang drama sa tangahalan. Hahaha…

Don’t forget to Vote and magcomment guys. :) ;)

Chapter thirty

Jerol’s POV

Hindi naman dahil iniwan ko si lionel ay hindi ko na ito mahal. Hindi ko lang hahayaan ang sarili ko na gawin niya sa akin iyon. Oo bakla tayo pero hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay tayo na lang lagi ang magpapatawad at maghahabol sa kanila. Tayo na lang lagi ang iintindi at uunawa sa kanila. Hindi dahil bakla tayo ay hahayaan na lang natin na lokohin tayo. Kung para sa iba ay ok lang na ginagago at niloloko sila pwes ako hindi! Oo bakla ako pero hindi ako bakla LANG. Alam ko ang halaga ko at ang halagang iyon ay papahalagahan ko bilang isang tao.

Ok lang sana kung kasalanan ko pero hindi eh. Pinagsalitaan niya ako ng masasakit. Niloko niya ako. Madaling magpatawad pero hindi madaling mawala ang sakit.

Yung ginawa ko? Ginawa ko lang yun para marealize ni lionel na hindi sa lahat ng pagkakataon kami ang maghahabol. Oo bakla ako, pero kung mahal niya ako ay babalikan niya ako at hindi niya ako magagawang lokohin.

Bakla? Lalaki? Babae? Tomboy? Kahit sino naman diyan ang mahalin mo, kung marunong ka lang makontento.

Wag niyong hayaan na pagsabayin kayo. Dahil ang tulad mo ay hindi dapat niloloko at ginagago. Kayo rin ang gumagawa ng paraan kung bakit bumababa ang tingin nila sa inyo, dahil hinahayaan niyo silang pagtripan ka at gawing pampalipas oras lang.

Kung ayaw na, wag mo ng pilitin. Dahil kung mahal ka niya, kahit ano pang dahilan yan hinding hindi ka nito magagawang iwan.

Ang dami pa namang nagke-claim na bisexual sila sa panahon ngayon. No offense pero pakiramdam ko ginagawa na lang nilang katuwaan ang pakikipagrelasyon sa kapwa nila. Minsan ay pampalipas oras na rin. Kaya hindi tayo ginagalang at sineseryoso dahil mismong tayo ang gumagawa ng paraan para paglaruan at di seryosohin.

Kapag gwapo ka at pumatol ka sa lalaki bisexual ka pero kapag panget ka diretso bakla kana.

Bisexual o Bi-curious. Confused o ano man. Mga taong lito sa sarili nila kaya hirap maghanap ng taong iibigin nila. Alam mo kung bakit? Maghahanap at maghahanap yan ng iba kase hindi siya marunong makontento dahil hindi nila alam kung kanino o sino ba talaga ang gusto nila. Maaring trip trip ka lang o lust ka lang. Bi nga diba? Bi means two, two is more. Hindi naman po nilalahat, ewan ko na lang iba!

Gay? Ewan sa tingin ko mas totoo silang magmahal at mamahalin ka ng totoo at hindi trip trip lang. Nasasayo naman yan kung kanino ka maiinlove at wala na akong karapatam doon. Wala namang problema kung Bi o gay ka. Basta wag ka lang manloloko kung alam mong hindi naman ito totoo. Buhay mo yan. Hindi ako matalino pero masasabi kong may alam ako.

Tandaan niyo na hindi ibig sabihin na bakla ka ay kelangan mo ng magdamit pambabae o magsuot ng wig. Yan ang hirap sa atin eh.. papasukin niyo ang isang bagay na hindi niyo naman talaga alam ng lubusan o limitado lang ang inyong kaalaman. Ibig sabihin pag Gay ka mas tanggap nila ng buo at walang pag-aalinlangan ang sarili nila. Aminin mo man o hindi, pag sinabi mo sa sarili mo na Bi ka o bisexual ka ayaw mong tinatawag kang bakla at ayaw mong niloloko kang bakla.

Kung tutuusin nga eh hindi naman natin kelangan magkaroon ng tawag sa sarili natin eh.

Mahal kita lionel, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakapitan ko ang salitang “mahal”. Dahil minsan ito na ang sumisira sa dignidag at pagkatao natin. Pati nga respeto sa sarili natin nawawala na.

“Mahal” ang salitang kinakapitan mo kahit pinagmumukha ka na nitong tanga!


Tatlong araw na rin magmula ng umalis ako ng bahay. Buti na lang at nagpaalam ako sa principal namin na magle-leave muna ako. Lagi ko ring tinatawagan at kinakamusta ang mga bata kina mama at papa. Tinatanong nga nila ako kung nasaan daw ba ako pero ang sabi ko lang wag silang mag-alala sa akin.

Miss na miss ko na sila, miss na miss ko na ang mga anak ko pero kelangan ko munang bigyan ng space ang sarili ko. Alam kong lagi lang akong pupuntahan ni lionel samin kung nandoon ako. Sabi nga nila. Mas malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito. Sana lang matauhan si lionel sa mga bagay na sinabi niya. Hindi ako santo para patawarin siya agad. Tao pa rin ako. Hindi mataas ang pride ko sadya lang na kelangan din nating ipakita sa kanila na hindi lang tayo bakla na pwedeng ganun-ganunin lang.

Nandito ako ngayon sa anak ni manang kung saan ako nanunuluyan. Si ate maria at ang asawa nitong si kuya conrad kasama ang dalawa nitong anak na babae at lalaki. Dito ko minabuting manuluyan muna dahil alam kong hindi ito maiisip ni lionel. Hindi sa tinataguan ko siya. Gusto ko lang mahanap niya ako sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal kung mahal niya ba talaga ako. Ganoon ako katiwala sa kanya.

“Ah sir jerol. Nagugutom na po ba kayo?” Ang tanong sa akin ni ate maria habang naghahain ito ng pagkain sa lamesang gawa sa kahoy. Nakatayo ito sa ilalim ng malaking puno habang ako naman ay nakaupo sa malalaking ugat dito sa punong ito. Nakamasid lang kase ako sa mga taong nagtatanim ng palay doon sa malawak na lupain.

“Naku ate maria. Jerol na lang ang itawag mo sa akin. Parang pamilya ko na rin po kayo ni manang.. ano ka ba” ang nakangiting sabi ko dito.

“S-sige” ang nahihiyang sabi nito.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at naupo sa bangko na gawa rin sa kahoy.

“Basta jerol na lang ang itawag mo sa akin ate wag ng sir. Ate na kita diba?” ang makulit na sabi ko dito kay ate maria.

“Sige na nga sir.. este jerol” at sabay kaming tumawa.

Sa tatlong araw na panunuluyan ko dito ay masasabi kong medyo close na kami ni ate maria. Hindi kase sila mahirap pakisamahan. Gaya ni manang ay maalaga rin ito sa akin.

“Gutom kana ba jerol, gusto mo na bang kumain?” Ang tanong ulit nito.

Medyo alanganin pa siyang tawagin ako sa pangalan ko pero alam kong makakasayanan din niya ito.

“Hindi pa naman ate. Sabay sabay na lang tayong kumain. Matatapos na ba sila sa pagsasaka?” Ang tanong ko dito.

“Ah oo. Mag-aalas dose na rin naman kaya matatapos na sila, anong oras na ba? Ay eto na pala sila oh” sabay turo nito sa kanila.

Napalingon naman ako doon.

Sabay sabay silang naglakad papalapit sa amin. Kasama si kuya conrad na asawa ni ate maria. Sila kase ang katiwala ng palayang ito. Pagkalapit nila sa amin ay tinanggal na nila ang kanilang sombrero at naghugas ng kamay. Mga sampo din sila.

Pagkatapos nilang maghugas ng kamay ay kanya kanya sila ng upo. Boodle fight style ang ginawa namin ni ate maria. Magkatabi silang mag-asawa habang may tumabi naman sa aking lalaki. Yung sa tabi ko na lang kase ang bakante. Siguro ay mag kaedad lang sila ni lionel. Pinoy na pinoy ang itsura nito at masasabi kong gwapo rin siya. Nakasuot ito ng long sleeve na blue habang nakatupi ang manggas nito hanggang siko. Bakas din sa suot nito ang putik mula sa lupa.

“Ah mga pare si sir jerol nga pala. Doon nagtatrabaho ang nanay nitong asawa ko” ang pakilala sa akin ni kuya conrad sa kanila. Nahiya naman ako.

“Musta po” ang bati ko sa kanila. Napatingin naman sa akin yung lalaking katabi ko.

“Ako nga pala si dustin” pakilala nito saka nilahad ang kamay.

Nakipagkamay naman ako sa kanya.

“Ang lambot naman ng kamay niyo sir” ang sabi pa nito. Bola rin ang isang ito eh. Hahahaha..

Ganoon na ba ako katanda para i-sir nila?

“Ah eh hehehe..” yun na lang ang nasabi ko.

Napangiti lang siya. Problema nito? Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan sila.

“Wag niyo na po akong tawaging sir. Bata pa naman po ako” ang sabi ko sa kanila.

“O siya magsikain na tayo” ang sabi ni ate maria. Kanya kanya kami ng kain. Ang sarap lang ng ganito. Yung sabay sabay kayong kumakain. Hay! Namimiss ko na ang mga anak ko.

“Eto tikman mo oh” ang alok sa akin ng katabi ko at binigyan niya ako ng kamatis at tinapa.

“Salamat” ang nahihiyang sabi ko. Pinaghimay pa niya ako ng isda. “Uy ano ka ba. Ako na diyan” ang pagpigil ko dito pero hindi siya nagpatinag.

“Hayaan muna baka matinik pa yang maganda mong kamay. Sayang naman” ang sabi nito. Ano daw? Para namang nangamatis ang mukha ko. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa hiya. Kung anu-ano kasing sinasabi ng lalaking ito eh.. Ang dami kayang tao..

“Jerol ok lang po ba kayo? Bakit ang pula pula ng mukha niyo?” Ang nag-aalalang tanong ni ate maria.

“Ok lang ako ate. Wag mo kong alalahanin. Medyo mainit lang yung kanin. Napaso lang hehehe..” ang walang kwentang pagdadahilan ko. Mukha namang nakumbinsi ko siya.

Hay!

Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian. Doon ko din mas nakilala si dustin na ngayon ay 22 years old na. Hindi na daw ito nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Siya na lang daw kase ang inaasahan ng kanyang mga magulang. Buti na nga lang daw at tinulungan siya ni ate maria at kuya conrad na makapagtrabaho sa palayang ito para kahit papano ay may pagkakitaan siya. Kung tutuusin nga ay pwede siyang maging modelo o artista pero dahil limitado lang ang kanyang kaalaman sa mga social media na pwedeng makatulong dito ay maaring hindi nito alam. Marami pa kaming napagkwentuhan.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang sila ng ilang oras at nagsibalik uli sa pagsasaka.

Tinulungan ko naman si ate maria na impisin lahat ng aming pinagkainan. Tinulungan ko rin siyang magluto at maghanda ng kanilang meryenda para mamaya. Nakwento rin ni ate maria na mabait ang mga amo nito dahil hindi daw sila tinitipid sa pagkain. Minsan nga ay sobra sobra pa daw ang ibinibigay nilang pagkain dito. Nakakatuwa lang kase hindi naman pala sayang ang pagod nila sa maghapong pagbababad sa ilalim ng sikat ng araw.

“Ate maria asan na nga pala yung mga anak mo?” Ang tanong ko dito.

“Nasa school pa sila. Doon na rin sila kumakain ng tanghalian para hindi na sila mapagod pang magpabalikbalik” ang sabi nito. Sabagay, tama nga naman.

Grade six at grade five na rin naman ang mga anak nila kaya hindi na nila kailangan pa itong sunduin.

“Ate pwede magtanong?”

“Oo naman. Ano bang itatanong mo” ang sabi nito habang naglalagay siya ng puto at pancit sa pinggan. Nakitulong na rin ako.

“Nakwento kase sakin ni dustin na kayo daw po ang tumulong sa kanya?”

“Ah oo.. naaawa nga ako sa batang yan eh. Ang sipag, sipag tapos ang tiyaga yun nga lang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Hirap na hirap kase sila sa buhay tapos ang dami pa nilang magkakapatid. Bakit mo nga pala naitanong? Hmmpp.. ikaw ha” ang panunukso nito.

“Hala si ate. May asawa na ako at saka hindi lang ako makapaniwala sa kagwapuhan niya. Kung tutuusin nga ay pwede itong maging modelo eh” tiningnan lang ako ni ate ng nakakaloko. “Ate para kang sira diyan”

“Hahaha.. joke lang. Asan ba ang asawa mo?” Ang tanong nito sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagsasalin ng pancit.

“Ok na ba ang dami nito ate?” Tanong ko sa kanya para ilihis sa ganoong usapin pero tinitigan niya lang ako sa mata.

“Hmmm.. nag-away kayo noh? Sabi ko na nga ba eh. Sinabi sa akin ni nanay pero hindi ko lang inoopen sayo” para talaga siyang si manang. Tumango lang ako. Gusto ko talaga ng taong may mapagsusumbungan nahihiya lang ako kay ate maria. Huminga muna ito ng malalim at hinawakan ako sa balikat.

“Hindi ko alam ang puno’t dulo ng away niyong mag-asawa at wala rin ako sa tamang posisyon para makialam sa inyo. Hindi rin naman perpekto ang relasyon naming ng kuya conrad mo pero ang masasabi ko lang ay ganyan talaga ang buhay mag-asawa. Diyan din masusukat ang pagmamahalan niyo sa isa’t-isa kung susuko ka na lang ba o ilalaban mo pa”

“Pero ate hindi niya ako pinakinggan at pinagkatiwalaan eh. Ang masakit pa doon eh hinusgahan niya ako agad at pinagsalitaan ng masasakit. Pero wala pa palang mas sasakit kapag niloko ka” ang pagsusumbong ko dito. Hinagod niya ang likod ko. Matagal ko ng gustong ilabas itong bigat na nararamdaman ko. Si manang lang kase ang pinagsasabihan ko. Ayoko kina mama at papa kilala ko ang mga yun.

“Tatagan mo lang jerol. Alam kong iba ang pamilya niyo pero kung mahal ka nito at buong puso ang tiwala niya sayo ay kahit kelan hindi ito magiging iba. Ngumiti kana, ang cute mo pa naman. Tingnan mo si dustin oh, nakatingin sayo” ang panunukso ni ate sa akin.

“Ate naman eh” pero tinawanan niya lang ako. Niyakap ko naman siya. “Salamat”

“Asus” para tuloy akong nagkaroon ng kapatid na babae.

Nagtimpla na kami ng juice. Oras na kase ng meryenda nila. Nilapitan ako ni ate at binulungan. O diba? Close na close na kami ni ate hahaha..

“Jerol pwede bang pakiabot kay dustin to” ang bulong ni ate maria at binigay sa akin ang pinggan na may lamang pancit at puto. Tiningnan ko lang ito ng masama pero nginitian niya lang ako. Pagkatingin ko kay dustin ay naghuhugas na ito ng kamay at paa. Puro putik kase.

“Ah, ano. Dustin pinabibigay nga pala ni ate maria” ang sabi ko dito. Kinuha naman niya sa akin yung pinggan at saka ngumiti.

“Salamat. Gusto mo salo na lang tayo?” Alok nito sa akin. Napailing ako agad.

“Hindi na. May pinggan na rin kase ako” pagtanggi ko sa kanya. Pagkalapit ko kay ate maria ay inirapan ko lang ito. Masaya kaming lahat na nagmeryenda. Naiilang na nga ako kay dustin dahil sa akin lagi ito tumatabi.

“O mga pare. Inom tayo sa bahay mamaya ha” ang sabi ni kuya conrad.

“Ayos yan. Dustin sama ka ha” ang sabi ng kumpare nito. Tumingin muna ito sa akin saka sumagot.

“Oo ba” sagot nito. Napaiwas lang ako ng tingin.

“Umiinom ka po ba sir jerol?” Ang tanong naman sa akin ng payat na kumpare ni kuya conrad.

“Ah.. eh.. hindi po eh hehehe..”

“Ganun ba” ang dismayadong sabi ng kumpare nito.

Pagkatapos nilang magmeryenda ay bumalik na ulit sila sa pagsasaka at nagtanim ng palay. Habang kami naman ni ate maria ay niligpit na lahat ng kalat sa lamesa at dinala sa bahay nito. Mag-aalas singko na at paniguradong nakauwi na ang mga anak nito.

Medyo napagod ako kaya minabuti ko na lang munang mahiga sa kwarto.

Gawa sa kahoy ang bahay nila at masasabi kong kahit ganoon ay maganda at malinis naman sila sa bahay. Hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ako. Alas sais na noon ng magising ako. Nakita kong nandito na rin ang mga katrabaho ni kuya conrad. Mga lima na lang sila.

“Buti na lang at gising kana. Tara sabay sabay na tayong kumain” ang yaya ni ate maria sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at dumiretso sa cr para umihi at maghilamos. Pagkalabas ko ay nasa lamesa na silang lahat doon sa labas ng bahay nila na parang tambayan ata hindi ko alam pero may bubong siyang gawa sa pawid. Makikita mo siya sa mga bahay sa probinsya.

Sabay sabay na kaming kumakain. Pinaupo naman nila ako sa tabi ni dustin. Trip talaga nila kami noh?

“Akala namin umalis kana jerol. Alam mo bang Kanina pa tanong ng tanong itong si dustin sa amin” ang sabi ng kumpare ni kuya conrad.

Napatingin naman ako sa tabi ko na hindi makatingin sa akin. Nahihiya ata.

“Dinapuan po kase ako ng antok kanina kaya hindi ko na po namalayang nakatulog na pala ako sa kwarto hehehe” ang sabi ko sa kanila. Palihim naman akong lumapit kay dustin at bumulong.

“Totoo ba yun dustin? Bakit mo nga pala ako tinatanong? May kelangan ka ba?” Ang mahinang sabi ko dito. Sapat lang na marinig naming dalawa.

“W-wala naman. Natanong ko lang” ang nahihiyang sabi nito.

Nagulat nalang ako ng pagsalin niya ako ng kanin sa pinggan. Napatingin naman ako sa mga kasamahan namin na nakatingin na pala sa aming dalawa.

Napayuko ako sa hiya.

“A-ako na diyan dustin. Kaya ko naman eh” ang pag-agaw ko sa kanya ng sandok.

“Sir jerol single po ba kayo? Single kase itong si pareng dustin eh” ang tanong sa akin ni kuyang mataba saka inakbayan si dustin.

Napailing lang ito sa kalokohan ng kumpare niya.

“Ah, eh.. meron na po kase akong asawa eh.. Hehehe..” pagtatapat ko sa kanila. Gulat na gulat naman sila sa sinabi ko.

“May asawa kana? Parang ang bata mo pa para mag-asawa ah” ang nagtatakang tanong ng isa sa kumpare ni kuya conrad.

“Ilang taon ka na ba?” Tanong pa ng iba.

“20 na po” ang tipid kong sagot.

“Sa katunayan nga mga pare eh, may anak na rin itong si sir jerol, di lang isa kundi dalawa pa” ang pagkukwento ni kuya conrad. Parang hindi talaga sila makapaniwala.

“Seryoso pare? Akala namin 16 years old pa lang itong si sir jerol eh. Ang bata pa kase ng itsura niya” ang saad nito. “Sino naman kayang maswerteng babaeng ang napa-ibig nitong si sir jerol?”

Para naman akong nahiya sa mga papuri nila hehehe.. Pero teka! Ano daw babae?

“Ah eh.. Hindi po babae. Lalaki po” ang nakangiting pagtatama ko.

“T-talaga?”

Bagamat hindi sila makapaniwala ay hindi ko naramdaman ang panghuhusga sa mga mata nila. Mukhang open minded sila di gaya ng mga sinaunang tao.

“Ang swerte naman pala ng lalaking yan pare. Kahit sino nga naman ay magugustuhan itong si sir jerol, ang puti na at ang kinis pa ng balat. Halatang anak mayaman. Wala ka pala pareng dustin eh. Taken na pala itong si sir jerol eh” ang sabi ng katabi nito. Tinulak naman niya ito.

“G*go! Hindi naman talaga ako magugustuhan ni sir jerol. Mayaman siya at mahirap lang ako. May asawa na nga diba?” ang medyo malungkot na sabi nito.

“Eto naman hindi mabiro”

“Tagay na nga lang tayo” ang sabi pa ni dustin.

Inimpis na namin ni ate maria ang mga pinagkainan dahil magsisimula na silang mag-inuman. Bigla na lang nagbago ang itsura ni dustin. Parang naging tahimik na ito habang nag-iinuman sila. Nakaupo kase ako sa loob ng bahay habang nanunuod ng tv, may time kase na napapatingin ako sa labas ng bintana kung saan sila nag-iinuman. Puro ganoon ang sitwasyon namin. Titingin siya sa loob tapos iiwas naman ako at kapag ako naman ang titingin sa kanila iiwas din ito ng tingin.

Ewan ko ba sa kanya. Mukhang lasing na rin sila medyo maiingay na sila doon sa labas. Hindi pa kase ako dinadapuan ng antok dahil nakatulog ako kanina kaya minabuti ko nalang manuod muna ng tv. Yung mga anak naman ni ate maria ay tulog na rin. Tinawagan ko din sila mama para kamustahin ang mga bata. Hindi ko na nagawa pang itanong si lionel at alam kong uulanin lang nila ako ng tanong.

“Hindi ka pa ba matutulog?” Ang tanong sa akin ni ate maria.

“Ay hindi pa ate. Ako na lang magsasara ng pinto” ang sabi ko dito.

“O siya sige at titingnan ko muna ang kuya conrad mo doon sa labas ha at mukhang lasing na lasing na. Sila na lang kase ni dustin ang nag-iinom na dalawa”

“Mukha nga ate. Ang tibay pala ng dalawang yan sa inuman. Napatumba yung iba nilang kainom” ang natatawang sabi ko.

Bigla namang lumapit sa akin si ate at tiningnan ako ng nakakaloko.

“Alam mo bang gusto ka ni dustin” ang bulong nito. Napakunot naman ako ng noo.

“Uy ate, isyu ka ha baka naman mali yang nabalitaan mo” ang pagdepensa ko dito.

“E hindi naman nagtatagal yan sa inuman eh, nagtagal lang naman yan noong nandito kana at saka habang nagtatanim daw sila ng kuya conrad mo kanina ay tanong daw ito ng tanong patungkol sayo. Sabi nga ng kuya mo ay bakit hindi daw siya ang magtanong sayo. Ayon natotorpe daw ang mokong at baka daw hindi mo siya magustuhan dahil sa estado nito sa buhay” ang pagbubuking ni ate.

“Hala si ate. Doon kana nga! Sunduin mo na si kuya conrad mo” ang pagsusungit ko dito.

“Asus haba ng hair. Ang hirap na talagang makahanap ng straight na lalaki sa panahon ngayon” ang murmur nito habang naglalakad palayo.

Pagkalabas ni ate ay sinulyapan ko sila sa labas. Nakatingin sa akin si dustin habang tumatagay ito ng alak. Nakita ko pang kumindat siya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin. Ano ba yan. Mukhang lasing na nga siya.

“Jerol mukhang hindi na ata kaya ni dustin umuwi. Diyan mo na lang siya patulugin sa sala o kung gusto mo naman ay doon sa kwarto mo kasama mo” ang nakangising sabi ni ate habang nakaakbay sa kanya si kuya conrad na papikit pikit na ang mata hahaha.. nakapasok na pala sila ng hindi ko namamalayan.

“Heh! Sutil ka rin eh” ang sabi ko dito pero tinawanan niya lang ako. Umakyat na silang dalawa sa kwarto.

Alas onse na rin at sobrang madilim na nga para umuwi pa itong lalaking ito. Haixt. Pagtingin ko sa labas ay patuloy lang siya sa pag-inom. Lumabas naman ako ng bahay at tiningnan ito.

“Ah ano dustin. Inaantok kana ba? Sabi kase ni ate maria dito ka na lang daw matulog” ang sabi ko sa kanya.

Naupo ako sa isang bakanteng upuan. Huminga lang ito ng malalim at tumingin sa malayo.

“Kaya ko pa naman eh.” ang sabi nito.

“Gusto mo bang mag-alala sina ate maria at kuya conrad sayo kung uuwi ka ng ganitong oras tapos mag-isa ka lang?” Pangungunsensya ko sa kanya.

Hindi ito sumagot. Nakatingin pa rin ito sa malayo.

“Masarap bang magmahal?” Ang biglang tanong nito. Tumingin siya sa akin.

“Ah, eh, oo naman lalo na at mahal niyo ang isa’t-isa. Bakit hindi mo pa ba nararanasan?” tanong ko.

Nagsalin muna siya ng alak at ininom ito.

“Hindi pa nga eh. May gusto akong isang tao pero malabong mapasaakin. Lalo na at mayaman ito habang ako mahirap lang” sabay tagay ulit ng alak.

“Natotorpe ako sa kanya kapag nakikita ko siya” pagkukwento pa nito. Nakikinig lang ako sa kanya.

“Hindi ko alam kung kelan nagsimula itong nararamdaman ko para sa kanya basta gusto ko siyang mapasaakin” mukhang lasing na lasing na nga ang isang to.

“Ewan ko ba! Ang dami namang babaeng lumalandi sa akin pero pakiramdam ko niloloko ko siya kahit hindi naman kami” Naks! Mukhang loyal din ang isang to ah.

“Bakit hindi mo sa kanya aminin?” Ang diretsang sabi ko.

“Paano ko nga aaminin kung nalulunok ko ang dila ko tuwing makikita ko siya”

“Eh walang mangyayari sayo kung puro ka ganyan. Kung puro ka katorpehan. Baka dahil diyan sa kabagalan mo eh maunahan ka ng iba, sige ka” pagbabanta ko sa kanya hahaha… Tumagay ulit ito.

“Sana nga ganoon kadali yun. Anong ipagmamalaki ko sa kanya? Paano ko siya bubuhayin kung eto lang ako. Kung ganito lang ako?” Ang sabi nito.

Mukhang tinamaan talaga ang isang toh.

“Shhh.. wag mo ngang idown ang sarili mo. Kung talagang mahal ka niya kahit ang kamalian mo o ang estado mo sa buhay ay mamahalin niya. Gwapo ka dustin at kahit sino makukuha mo pero ang nilalaman ng puso mo ang hindi nila maaagaw sayo. Walang mawawala kung hindi mo susubukan” ang pagapalakas ko ng loob dito.

Tumingin lang ito sa akin at ngumiti.

“Alam mo noong una palang kitang nakita. Parang ikaw siya. Maputi, makinis, cute at higit sa lahat mayaman. Kaya nga noong nakita kita baka sakaling magkaroon ako ng pag-asa sayo kase hindi ka mahirap pakisamahan. Yun nga lang may asawa kana pala, saklap hahaha..” ang natatawang sabi nito.

Iba talaga kapag mga lasing. Ang lakas ng loob magtapat ng damdamin.

“Sino ba kase yang maswerteng taong yan?” Tanong ko sa kanya.

“Si justin. Gaya mo siya mayaman, mabait pero kapag nandyan na siya sa harapan ko natotorpe talaga ako. Sila ang may ari nitong lupaing pinagtatrabahuhan namin. Bihira lang itong pumunta dito pero sa mga oras na yun nahulog ako. Parang gusto ko siyang alagaan at pahalagahan. Pero nawawala ang mga yun kapag iniisip ko na langit siya lupa ako” ang naiiyak na sabi nito.

Hay! Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod nito.

“Naniniwala ako na magiging kayo tiwala lang at lakas ng loob bro!” Ang pagtataas ko ng kumpiyansa na ikinatawa niya.

“Bro talaga?”

“Oo hayaan mo na bro” natatawang sabi ko. “Pero ipangako mo sa akin na susubukan mo ha”

“Sige ba bro. Pakiss nga” aktong hahalikan niya ako ng itulak ko ang noo nito.

“Dustin ha! Tara na nga sa loob, matulog na tayo. Pero doon ka sa sala matutulog ha” ang sabi ko sa kanya hindi na ito tumanggi dahil siguro sa lasing at pagod.

Pagkaimpis at pagkasara ko ng pinto ay umakyat na rin ako sa taas. Natulog na rin si dustin sa sala. Binigyan ko siya ng kumot at unan. Kahit papaano ay nawala ang bigat at sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko mula ng manirahan ako dito ng ilang araw. Salamat at nakikilala ko silang lahat.

Alas nuwebe na noon ng umaga ng magising ako dahil sa taong kumakanta mula sa baba. Bigla namang bumukas ang pinto ko at pumasok si ate maria.

“Jerol may gustong manligaw sayo. Puntahan mo na sa baba dali” ang kinikilig na sabi nito.

Ha? Ano daw?

“A-ano ate? Tama ba ang narinig ko? Manliligaw? Sino?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Eee.. basta bumaba ka na diyan ng makita mo. Bilis” ang kiniklig pa ring sabi nito at saka ako iniwan.

Napakunot naman ako ng noo habang nagtatakang lumabas ng kwarto. Sino naman kayang mangangahas na manligaw ng ganitong oras at excuse me sa akin? Ay ewan!

(Pakiplay po ng kantang “Kay tagal ni Mark carpio” sa multimedia sobrang ganda po pramis sabayan at namnamin niyo ang lyrics. Nakakakilig lahat ng kanta niya)

🎶

Akala ko’y di pa handang

Muling tumibok ang damdamin

Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko

Hindi kailangang umimik

Nagdadaldalan lang sa tingin

Saan ka ba nanggaling bakit ngayong lang?

Oh kay tagal kitang hinanap

Oh kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka

Oh aking mahal…

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh anong saya ang nadarama

’di kailangang magpanggap

Walang kailangang baguhin

Sadyang ginawa para sa isa’t isa

’di kailangang magmadali

Buti na lang ’di pinilit

Alam ko naman na ikaw ay darating

Oh kay tagal kitang hinanap

Oh kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka

Oh aking mahal…

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh anong saya ang nadarama

Oh heto ako ngayo’y iyong iyo

Bago mag-alala nais kong malaman mo

Ooh

Oh kay tagal kitang hinanap

Oh kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka

Oh aking mahal…

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh anong saya ang nadarama

Oh anong saya ang nadarama

Akala ko ay ’di pa handang

Muling tumibok ang damdamin

Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko… 🎶

Pagkatapos nitong kumanta ay natulala lang ako sa kanya. Ang ganda ng boses ni mokong. Paano kaya niya ako nahanap? Nakasuot ito ng barong tagalog at black pants. May hawak pa siyang malaking boquet ng bulaklak sa kanang kamay at malaking teddy bear naman sa kaliwa. Sobrang gwapo niya sa suot niya. Nakangiti ito ng todo na akala mo ay totoong umaakyat ng ligaw. Hindi nga ba? May dalawa pa siyang alipores sa likuran niya na naggigitara.

“Sige na mga pare iwan niyo na muna kami ng asawa ko” ang rinig kong sabi ni lionel sa dalawa.

Todo ngiti naman itong lumapit sa akin at inabot ang mga regalo. Aktong hahalikan niya ako sa labi ng umiwas ako.

“Anong ginagawa mo dito? Paano mo ko nahanap?”

“Kahit saan ka magpunta hon. Mahahanap at mahahanap ka nitong puso ko” ang nakangiting sabi nito.

“Umalis kana Lionel hindi ako nakikipagbiruan” ang seryosong sabi ko.

“Hindi rin ako nakikipagbiruan jerol at kung kelangan kitang ligawan ng paulit-ulit ay gagawin ko. Hindi ako aalis dito hanggat hindi kita kasama ng hindi ka nagiging akin ulit” ang seryosong sabi nito.

“Sinira mo na lionel ang pagmamahalan natin”

“Pero hindi ko sinira ang pagmamahal ko sayo” siya.

“Pero nasaktan mo na ako”

“Dahil nagkamali ako. At handa kong gawin ang lahat para itama ang mga mali ko” ang sabi niya.

“Hindi lahat ay naitatama lionel”

“Pero hindi lahat ay mananatiling mali” saad niya.

“Hindi na kita mahal” pagsisisnungalin ko.

“Sabihin mo sa akin yan ng hindi nanggagaling sa bibig mo” ang sabi niya.

“Hindi basta basta ang pagpapatawad at hindi basta basta ang pagkalimot” ang pagdadahilan ko.

“Alam ko. Hindi mo naman kelangan kalimutan ang lahat ang kelangan mo lang ay pakinggan ako”

“Bakit? Pinakinggan mo ba ako noong gusto kong magpaliwanag sayo?” Inis kong sabi.

“Hindi! Oo hindi! Dahil nabulag ako sa galit. Nilamon ako ng selos. Pero dahil lang sa buong pagmamahal ko sayo yun. Kaya nga ako nandito jerol eh para pagbayaran lahat ng yun dahil sobra kitang mahal. Sobra jerol!” ang naiiyak na sabi nito.

“Bakit mo ko nagawang lokohin lionel. Bakit mo ko nagawang ipagpalit sa babae!” Ang sigaw ko dito.

“Hindi kita niloko at hindi kita ipinagpalit” siya.

“Nagawa mo na eh! E sino yun? Sino yung babae mo ha? Ano yun kaibigan lang lionel? Ganun? Friends with benefits ha?”

“Ano ka ba jerol. Diba sawa na ang mga mambabasa sa mga kwentong nakakabuntis at babaeng umeeksena sa kwento para lang pagandahin ito. Gasgas na yan. Ibahin mo ko! Ibahin mo si otor. Loyal ako at kahit kelan hinding hindi kita magagawang lokohin hindi gaya sa ibang kwentong nababasa mo! Sawa na sila! Sawa na rin ako. Yung babae na yun ay pinsan ko si ate baby lyn. Babe daw ang itawag ko sa kanya para pagselosin ka dahil kinwento ko sa kanya ang tampuhan natin. Sakto naman at hindi mo pa siya kilala dahil sa amerika na ito naninirahan. Hinatid niya lang ako dito dahil kagagaling niya lang ng america. Ayun natakot ata sayo ng sampalin mo siya. Kaya naman lagi akong lasing ay dahil kadamay ko ang kuya jenson mo” ang pagtatapat nito.

“Kahit na! Nasaktan pa rin ako sa mga sinabi mo” huminga ito ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

“Kaya nga ako nandito eh. Para ipakita sayo na nagsisisi na ako. Na, nabigla lang ako sa mga nasaksihan ko kaya ayun na-out of control ang galit ko. Masakit din naman sa akin jerol na makita kang may kahalikang iba”

“Hindi ako madaling magpatawad” sabi ko.

“Hindi rin ako madaling sumuko” saad din niya. Inirapan ko lang siya.

“Che! Basta, hindi sapat na dahilan yun para pagsalitaan mo ako ng ganyan. Hindi pa rin ako kumbinsido” at pumasok na ako sa loob ng kwarto. Rinig ko naman ang mga pagkatok nito.


Ganda ni jerol noh? Ganun talaga. Hahaha…

Ito ang pinakamahabang update ko sa lahat. Nainspired kase ako sa mga comments niyo noong last chapter eh.

Vote and comment guys… salamat :)

Chapter thirty one

Jerol’s POV

“Jerol! Buksan mo na ’tong pinto. Tanghali na lumabas kana diyan at kakain na tayo” ang katok ni ate maria mula sa labas ng pinto.

“Mamaya na ate. Tinatamad pa ako” ang pagdadahilan ko. Baka kase nandiyan pa si lionel.

“Yung asawa mo nandun sa labas nagsisibak ng kahoy kanina pa yun ang init pa naman” ang sabi nito.

“Ha? Hindi pa ba siya umaalis?”

“Hindi at hindi daw siya aalis hanggat hindi ka niya kasama” ang sabi pa ni ate.

“Sabihin mo sa kanya umalis na siya” utos ko.

“Ayaw nga makinig eh. Pinipigilan kong magsibak ng kahoy pero ayun magpapa-inpress daw siya sayo” napakunot naman ako ng noo.

Urgh!

Binuksan ko ang pinto at dali daling tinungo kung nasaan si lionel. Nakita ko lang itong nagsisibak ng kahoy sa bakuran habang suot pa rin ng barong tagalog. Baliw ba siya? Hindi niya ba alam na sobrang init ng panahon tapos ang init pa ng suot niya?

“Hoy lionel! Nasisiraan kana ba ng ulo? Bakit nagsisibak ka ng kahoy na ganyang ang suot mo? Tingnan mo nga yang itsura mo at yang likod mo. Pawis pawisan kana. Magbihis ka nga dun at baka magkasakit ka pa” utos ko dito. Binaba lang nito ang hawak niyang palakol at ngumiti sa akin.

“Asus. Nag-aalala yung asawa ko oh” ang panunukso nito sa akin sabay kindat. Inirapan ko lang siya at huminga lang ako ng malalim.

“Hindi ako nakikipagbiruan lionel ha. Magbihis ka dun at umuwi kana” ang seryosong sabi ko.

“Ha? Bakit mo ko papaalisin kung nandito ang asawa ko?” Ang sabi nito at dahan dahang tinanggal yung suot niyang barong hangang sa white t-shirt na lang ang natira. Hay! Ang gwapo talaga nitong mokong na to.

“Wala kang dalang damit kaya umuwi kana” pagmamatigas ko.

“May dala ako” sagot nito.

“Wala kang tutulugan. Umalis kana” sabi ko.

“Meron sa tabi mo. Sa tabi mo kung saan mo ako mamahalin ng todo” sabay kindat sa akin. Ewww… nakakakilig hahaha..

“Ayoko! A-Y-O-K-O” pagdidiin ko.

“E paano ba yan hon. Gusto ko as in G-U-S-T-O ko at wala ka nang magagawa doon” lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit at inamoy ang leeg ko. “Pakiss nga” sabay nguso nito. Tinulak ko nga siya.

“Doon ka nga lionel para kang sira diyan” ang pagsusungit ko sa kanya.

“Asus itong asawa ko talaga. Sige na nga magbibihis na ako. Kakain na ba tayo hon?” Ang sabi nito.

Magsasalita pa sana ako ng dirediretso itong pumasok sa loob. Napapanganga na lang ako.

“Abat!” Nagwalk out ang loko.

Sumunod na rin ako sa loob at pinuntahan sina ate maria at kuya conrad na ngayon ay naghahain na ng pagkain sa lamesa.

“Oh, maupo kana diyan. Yung asawa mo nagbihis na ba? Grabe naman pala ka gwapo yun. Artista ba yun?” Ang nalolokang tanong ni ate maria. Baliw! Hahaha..

“Hindi ate mukha lang” ang sabi ko at naupo na ako sa bakanteng upuan. Naupo na rin sila sakto namang baba ni lionel.

“Yes gutom na ako” ang magiliw na sabi nito at Naupo na siya sa katabing upuan ko. Nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa pisnge. Para namang nagtaasan lahat ng dugo ko sa mukha.

“Wow! Sinigang na baboy. Gusto ko yan” ang manghang sabi pa nito at humigop siya ng sabaw. “Ang asim. Tikman mo hon. Ang sarap ng luto ni ate maria” ang sabi nito habang pinagsasandok ako ng kanin at ulam. Nakatingin lang kami sa kanya.

“Oh? Bakit nakatunganga lang kayo diyan. Kain na” ang natatawang alok ni lionel. Para naman silang natauhan.

“Ayos pala itong si pareng lionel eh. Magkakasundo kami” ang natutuwang sabi ni kuya conrad. Mukhang nakakuha pa ng kakampi itong si lionel.

“Siyempre pare. Mahal na mahal ko ’tong asawa ko eh” sabay akbay nito sa akin at halik sa ulo ko. Inirapan ko lang siya.

“Umusog ka nga dun ang init init dito ka nagsusumiksik sa tabi ko” ang pagtataboy ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.

“Naks! Pare oh, tingnan mo yung asawa ko ang sungit sungit sa akin. Kaya mas lalo ko ’tong minamahal eh” sabay kindat at pacute nito sa akin.

Itsura nito. Inirapan ko lang siya.

“Mukha nga pare hahaha” at nagtawanan silang dalawa. Hay naku!

“Ikaw conrad? Kelan mo mamanahin yang kasweetan ni lionel” ang nagtatampong sabi ni ate maria sa asawa. Tiningnan naman siya ng kanyang asawa at hinalikan sa pisnge.

“Hindi man ako kasing sweet ni pareng lionel, maria. Sinisiguro ko naman sayo na ikaw lang ang maria ng buhay ko” nakita ko namang kinilig si ate maria. Asus. May paganun-ganon pa si ate hahaha..

“Magsikain na nga lang tayo baka tumamis na itong ulam nating sinigang” ang kinikilig na sabi ni ate maria. Yung katabi ko naman ay bising bisi lang sa kanyang paglamon. Halos mapuno na ang bibig nito.

“Magdahan dahan ka nga lionel para kang mauubusan lagi ng pagkain diyan” ang saway ko dito. Nginuya muna nito ang pagkaing nasa kanyang bibig at saka tumingin sa akin.

“Pasensya na hon. Punong puno kase ang pagmamahal ko sayo eh kaya ninanamnam ko lang hihihi” saka bumalik ulit ito sa pagkain. Ano daw? Sumulyap pa ito sa akin at ngumiti.

Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian. Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko na si ate sa pagliligpit habang yung dalawang mokong naman ay nandun sa labas. Nakaupo sa ilalim ng malaking puno at nagkukwentuhan.

“Jerol umamin ka na. Artista yang asawa mo noh? Wag mo ng itanggi” Ang pagpupumilit ni ate habang naghuhugas kami ng pinggan at nakatingin sa asawa kong nakahubad tapos nakasampay sa balikat ang kanyang damit. Nakatambay kase sila sa labas doon sa may upuan sa ilalim ng puno ng mangga.

“Hindi nga ate. Hahaha.. mukha ba yang artista? E puro kayabangan yan eh” ang sabi ko dito.

“Pero aminin mo. Napakaswerte mo sa kanya” si ate maria.

“Oo ate sobrang swerte ko sa kanya” ang sabi ko. Tumingin ako sa gawi ni lionel. Napatingin din ito sa gawi ko at bumalik din sa kausap niyang si kuya conrad.

“Pinatunayan niya sa akin na pwede pala akong mahalin ng totoo, na pwede pala akong magkapamilya” ang nakangiting pagkukwento ko dito.

“Pero minsan pala ay kahit gaano niyo kamahal ang isa’t-isa. Masakit pa rin pala na makarinig ka ng panghuhusga mula sa kanya. Mula sa taong inakala mo’y tanggap kana” ang naiiyak na sabi ko. Hinagod naman nito ang likod ko.

“O-ok lang ako ate, ikaw talaga hehehehe..” ang tumatawang sabi ko.

Hindi naman na ko galit kay lionel eh. Pero hindi pala ganoon kadali mawala ang sakit. Sabi nga nila mas madali pa daw gumaling ang sakit mula sa sugat pero ang sakit mula sa puso ay hindi mo alam kung kelan ito mawawala. Madaling magpatawad pero hindi madaling makalimot. Kumabaga sa tattoo, tanggalin mo man yan ng ilang beses mag-iiwan at mag-iiwan pa rin ito ng marka.

Hindi ako nag-iinarte o ano pero hindi lang mawala sa isip ko na dumating sa punto na parang pinagsisisihan na niya na pinakasalan ako. Oo nga’t bakla lang tayo, pero wag naman sanang LANG, langin lang tayo. Mahal ko si lionel. Sobra! Sobrang mahal, pero sa mga sinabi niya. Parang ipinakita lang nito na hindi pa niya ako ganoon katanggap.

Wag sana kayong magalit kay lionel. Alam kong bugso lang yun ng damdamin.

“Hon may problema ba?” Ang tanong sa akin ni lionel.

Nakapasok na pala ito ng bahay ng hindi ko namamalayan. Tumingin sa akin si ate maria.

“Ah ano, maiwan ko muna kayo ha. May nakalimutan pa pala akong gagawin sa labas” ang paalam ni ate maria.

Tumango lang ako bilang sagot. Tumalikod naman ako kay lionel at naghugas ng luha. Ilang minuto ring walang nagsasalita sa amin.

“Hon”

“Hmmm?” Ang sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

“I love you” ang malambing na sabi nito.

Napatingin naman ako sa kanya pero sa paglingon ko ay nakita ko na may hawak itong tatlong pirasong bulaklak.

“Para sayo” sabay abot sa akin. kinuha ko naman ito.

“S-salamat” ang nahihiyang sabi ko.

“Hindi man ganoon karami ang bulaklak na yan pero masasabi kong galing naman yan sa puso ko” ang nakangiting sabi nito.

“Paano naman manggagaling yan sa puso mo aber? eh wala ka namang lupa diyan para pag taniman” ang masungit na tanong ko dito.

“Hon naman eh.. ang korni ng joke mo. Wala mang lupain dito sa puso ko para pagtaniman nitong mga bulaklak na hawak mo pero masasabi kong sayo lang ito at this heart is only belongs to you, for my jerol only. Urgh! Kinikilig ako hon” ang kinikilig na sabi nito.

Natawa naman ako sa kanya. Kahit kelan talaga ay hindi ito marunong magtago ng kanyang nararamdaman sa akin.

“Heh! Ewan ko sayo” irap ko sa kanya.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ilang minuto rin kami sa ganoon posisyon. Dinama ko lang ang mga yakap niya. Miss na miss ko na ang asawa ko. Miss na miss ko na si lionel. Pero aaminin ko na hindi pa ako ganoon kabuo para patawarin siya. Madaling ibigay ang kapatawaran. Pero hindi madaling maging bukal sa pusong nasaktan ng lubusan.

“Miss mo na ba ang mga anak natin hon? Alam mo bang miss na miss kana nila. Lalong lalo na si kuya at si baby bunso… lalong lalo na ako” ang sabi nito. Parang gusto kong umiyak pero wag na lang. Wag na lang..

“Miss na miss ko na rin sila. Sobra! Sobrang ko na silang miss” ang sabi ko dito.

Gusto ko kapag humarap ako sa mga anak ko ay buong buo na ulit ako. Ayokong maramdaman nila na may pag-aalinlangan ako sa sarili ko. Aaminin kong nawalan ako ng tiwala sa sarili ko mula ng sabihin sa akin ni lionel yun. Parang nagduda ako, parang bumaba ang tingin ko sa sarili ko.

Hay! Hinalikan niya ako sa ulo.

“Tara sa labas hon” yaya nito sa akin tumango lang ako sa kanya.

Paglabas namin ay nakita namin si ate maria at kuya conrad na nakaupo sa tambayan sa ilalim ng puno habang nakatingin sa amin ng nakakaloko.

“Ayos ba pareng lionel?” Ang tanong sa kanya ni kuya conrad ng makalapit kami dito.

“Ayos na ayos pare. Kahit maliit itong asawa kong ito, inii-BIG ko naman siya” sabay kindat nito sa akin.

Hanudaw? Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o makokornihan sa kanya. Basta! Hahaha..

“Che!” sabay irap ko.

“Asus. Alam ko namang mahal na mahal mo ako eh” sabay halik nito sa pisnge ko. Siniko ko naman siya sa tagiliran.

“Awww..” daing nito. Narinig ko namang nagtawanan sina ate maria at kuya conrad. “Pare, mapanakit talaga tong asawa ko. Pero kahit ganoon siya. Siya at siya lang talaga ang gusto kong mapangasawa” sabay pacute nito sa akin.

“Naks naman pare. Halata nga hahaha..” ang tumatawang pagsang-ayon ni kuya conrad. Lumapit naman sa akin si lionel at saka bumulong.

“Hon, ewan ko pero kinikilig talaga ako” ang sabi nito na nagpapula ng mukha ko.

Habang masaya kaming nagkakasiyahan ay siya namang dating ni dustin.

“Magandang hapon ate maria kuya conrad” ang bati nito saka tumingin sa akin at ngumiti.

“Magandang hapon sayo jerol. Eto nga pala, may dala akong puto at suman para sayo, sana magustuhan mo” ang nahihiyang sabi nito sabay abot sa akin.

Kukunin ko na sana ng agawin ito ng katabi ko.

“Patikim nga pare, mukha namang hindi masarap” at kinain nito ang dala ni dustin. “Pwede na rin pala kesa wala. Akin na to ah” ang sabi pa nito at kinain niya lahat. Oo as in lahat isinubo niya at pinagkasya sa bibig niya. Hindi naman kase siya ganoon karami.

“Pare, para kay jerol yan eh” ang pigil ni dustin dito.

“Wala kang pakialam pare. Asawa ko yang pinopormahan mo. Gusto mo suntukan tayo ha!” Hamon ni lionel dito. Binatukan ko naman siya.

“Awww.. hon naman eh.. nakakarami kana po” ang nakangusong sabi nito.

“Gusto mo pingutin ko pa ang tenga mo diyan ha. Yan kana naman sa kayabangan mo” ang sabi ko dito.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Sorry na po” ang malambing na sabi nito habang nagpapaawa effect.

Sus. Tumingin ako kay dustin at humingi ng paumanhin.

“Pasensya kana dustin ha. May sayad lang talaga itong asawa ko” ang paghingi ko dito ng paumanhin.

“Ok lang” ang nakangiting sagot naman nito.

“Hon bakit ka humihingi ng pasensya diyan. Bugbugin ko pa yan eh” kinurot ko siya sa tagiliran niya.

Itong lalaking to talaga. Akala mo laging may kaaway.

“Gusto mo ako bumugbog sayo ha!” Banta ko dito.

“Ok lang hon na bugbugin mo ako basta tandaan mo. Akin ka lang at wala ng ibang aangkin sayo kundi ako lang! Selfish man pakinggan pero ang mapasaakin ka ay di ko na papakawalan. Kinikilig to the max na naman ako hon. Pwede ba tayong mag quicky ngayon?” Ano daw quicky? Binatukan ko ulit siya.

“Umayos ka lionel ha. Para ka na namang sira diyan. Haixt! Hirap magkaasawa ng baliw” pagsaway ko dito.

Ang bastos talaga ng lalaking to. Nakita ko namang nakatingin sa akin si dustin.

“Ah, jerol mauna na ako ha. Dinalhan lang talaga kita ng puto at suman. Salamat rin kagabi” sabay ngisi nito at tingin kay lionel.

“Abat!” Susugurin sana niya si dustin ng yakapin ko ito ng mahigpit. Hanggang sa makaalis ito ay yakap yakap ko pa rin si lionel.

“Bakit mo ko pinigilan hon. Edi sana nasa emergency room na yang malanding yan ngayon. Kalalaking tao humaharot” singhal nito.

Galit na galit talaga siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Napakaseloso talaga ng lalaking to. Hay!

Eh bakuran kaba naman na parang babae noong high school. Yung ayaw kang palapitin sa mga lalaki, kahit hindi pa kayo, eh sa bahay niyo na tumitira at natutulog. Mama at papa na rin ang tawag sa magulang ko. Bata pa lang kami hinahanda na niya ang kasal namin, pinaplano na rin niya ang magiging anak namin. Nakakainis man ang ugali niya minsan pero aaminin ko sa sarili ko na kahit sinong bakla ay iiyak kapag ganyang lalaki na ang nagplano sa buhay niyo. Pero ang mas ikinaiyak ko ay ng tuparin talaga nito ang lahat ng plano niya kasama ako.

Wala siyang pakialam kahit bakla pa ang makasama niya sa buhay. Ang gusto niya ay yung taong magpapasaya sa kanya ng totoo at hindi sa mata ng mga taong nagfefeeling totoo.

Kapag tinanong mo yan kung sino ang asawa niya ipagmamalaki ka pa niyan ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung may lalaki bang tulad niya o may lalaking tutulad sa kanya. Basta ang alam ko at ang alam namin, masaya kami sa buhay na pinili namin.

Oo, masarap na ituring ka bilang isang babae, pero alam mo kung anong mas masarap? Yun yung ituring ka bilang ikaw! Hindi bilang isang babae o lalaki kundi bilang isang bakla. Bakla na tanggap at mahal na mahal ka.

“Hindi pa kita pinapatawad lionel dadagdagan mo pa” ang sabi ko dito.

Nakita ko naman siyang natahimik at tinitigan ako sa mata. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Hon sorry na po. Mahal na mahal po talaga kita. Hindi ko alam ang gagawin ko kung iiwan mo ako ng tuluyan” ang mahinang sabi nito habang nakayakap sa akin.

“ Sabi ko sayo magkakabati yang dalawa eh “ rinig kong bulong ni ate maria.

“ Parang hindi naman nag-away“ ang sabi naman ni kuya conrad.

“ Nag-away yang dalawa. Pero bakit ang sweet pa rin. Ikaw conrad. Kelan tayo magiging ganyan ha? “ Ang bulong ni ate dito.

“ Sshhhh.. wag kang mainggit sa love life ng iba. Dahil ako lang naman ang love mo at ikaw naman ang life ko “

“ Asus bola! “ Ang kinikilig na sabi ni ate maria.

“Ehemm..” pagtikhim ko. Kanina pa kami nakikinig ni lionel sa dalawang to. “Ah.. eh.. sorry kung nakakaabala kami sa moment niyo ha”

“Hindi ayos lang. Kayo nga ang may moment diyan eh” ang sabi ni ate maria.

“Talaga ba? Parang hindi naman hahaha..” at nagtawanan kaming lahat.

Buong maghapon lang kaming nagkwentuhan, asaran at nagkakilala ng lubusan. Hindi ko akalain na kapag tumingin ka pala sa kabilang direksyon ay makikita mo na may mga taong handa kang tanggapin at pasayahin. Minsan pala ay hindi mo kelangan mamili ng taong kakaibiganin kase minsan yung mga taong akala mong hindi mo kalevel ay sila pa itong lubos kung magpasaya sayo.

Hindi makikita sa itsura ng isang tao kung paano mo ito magiging kaibigan, ito ay makikita mo kung paano ka niya pangitiin sa simpleng bagay lang. Kung meron man ay sila yung taong nahuhusgahan na nga sa pisikal na kaanyuan sinasabayan pa ng kaugalian. Ika nga. Wag mong iayon ang itsura mo sa ugali mo.

Nasa kwarto na kaming dalawa ni lionel. Pinapauwi ko na nga siya eh pero itong lalaking to ayaw. Ang sabi niya. Paano daw mabubuo ang isang pamilya kung wala ang isa. Kahit pareho daw kaming papa ng mga anak namin dapat daw may katuwang siya sa pag-aaruga sa aming mga anak para naman matawag na kaming pamilya. Edi natahimik ang lola niyo. Pinabayaan ko na lang.

“Hon maghuhubad na ako ha” paalam nito. Sinimangutan ko siya.

“Bakit kelangan mo pang magpaalam sa akin ha?! Wala akong pakialam kung maghubad ka diyan o hindi. Don’t talk to me ok!” Mataray na sabi ko dito.

“Eto naman. Siyempre nirerespeto lang kita. Ayoko namang maghubad sa harap ng taong nililigawan ko. Lalo na’t walang permiso mula dito. Ayoko namang magahasa ako ng wala sa oras lalo na’t hindi galit si junj—” binato ko na siya ng unan sa mukha. Kalalaking tao ang daldal.

“Bastos ka! Manyak! Eewww…” sabi ko.

“Ewww?? Kaya pala ahhh… Ahmm.. hon… ahhhh.. ahhhmmmm..” nang-aasar na ungol nito. Pinaghahampas ko siya ng unan.

“Kapal ng mukha mo! Kadiri ka. Feeling gwapo hindi naman”

“Ako? Hindi gwapo? E bakit patay na patay ka sa akin ha”

Tiningnan ko siya head to toe at inirapan.

“Wow! Ang lakas men.. Grabe ang hangin! Magkape ka minsan ha! Para naman nerbyusin ka minsan ha” saad ko.

“No need na hon. Sayo pa lang takot na takot na ako. Pero mahal na mahal” sabay kindat nito.

Duh? kilig much hahaha..

“Matulog ka na nga diyan. Wag kang tatabi sa akin doon talaga kita papatulugin sa labas” banta ko dito.

“May nanliligaw bang sa labas matutulog? Paano kung marape ako doon”

“Edi ba gusto mo naman yun? Enjoy ka pa” sabi ko dito.

“Paano ako mag-eenjoy sa isang makamundong bagay kung puro libog lang at walang pagmamahal! Mas gugustuhin ko pang gamitin ang kamay ko atleast wala akong inaalalang masasaktang tao. Ganoon kita kamahal hon. Kung gagawin ko man yun, parang pinatay ko na rin ang sarili ko dahil ang lokohin ang taong mahal mo ay hindi na pagmamahal yun. Kaya hon pag ginawa ko yun ibig sabihin lang nun na hindi na kita mahal. Kaya asahan mo. Hinding hindi ko gagawin sayo yun. Hinding hindi ko magagawang lokohin ka. Mahal na mahal kita jerol. Ang pangalan mo ay nakatatak na sa ulo ko pero ang puso mo ang siyang nandito sa puso ko” ang seryosong sabi nito.

Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakayakap sa kanya habang dinadama ang bawat pagtibok ng puso nito. Lahat ng sinabi niya ay tagos sa puso ko. Naiiyak ako na ewan! Hinalikan niya ang ulo ko at inangat para titigan ako sa mata.

“Hon, naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal kita. Hindi ko talaga makita ang bukas na hindi ka kasama. Ang dami namang babae at bakla diyan pero hon! Bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo. Ikaw lang ang nagpabaliw sa akin ng ganito. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami ko pang gustong gawin pero ayokong matapos lahat ng yun kase gusto ko araw-araw kang mainlove sa akin” ang naiiyak na sabi nito.

Sobrang swerte ko naman na iyakan ako ng isang lalaki. Nang isang lalaking tulad niya.

Niyakap ko lang ito ng mahigpit.

Ayoko munang magsalita, ayoko munang magreact. Dahil kapag nag-open ulit ako sa kanya baka kalimutan na naman nito ang kanyang mga binitiwang salita. Hindi dahil mataas ang pride ko, hindi dahil nag-iinarte ako. Dahil gusto kong marealize ni lionel ang mga sinabi niya sa akin. Ang panghuhusga at pagsisisi sa kasal namin. Masakit sa part ko yun lalo na at wala akong ginagawang masama para pagsisihan niya ang bagay na sabay naming pinagsumpaan. Haixt!!

“Tulog na tayo” yaya ko dito. Tumango lang siya.

Kung alam mo lang lionel. Lahat ng mga sinabi mo kanina ay tumagos sa puso ko. Ang sarap marinig mula sayo ang mga yun.

Nakayakap lang sa akin si lionel habang natutulog kami. Hindi pa kase ako dinadapuan ng antok. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Sobrang gwapo talaga ni lionel. Sobrang kinis at puti ng balat. Kung tutuusin nga ay hindi ito bagay sa akin. Siguro kung nag-asawa ito ng babae ay baka perpektong pamilya na sila. Maganda at gwapong mag-asawa at sobrang cute ng mga anak. Habang iniisip ko yun ay hindi ko maiwasang malungkot. Malungkot dahil tinatanong ko minsan ang sarili ko kung tama lang ba na pinakasalan ako ni lionel. Pero eto siya at nakayakap sa akin.

Hinawi ko ang buhok nito at nginitian siya. Dahan dahan naman itong nagmulat ng mata. Ngumiti siya sa akin at tinitigan ako sa mata.

“Bakit?” Ang tanong nito.

“Ha? Anong bakit?” Maang ko.

“Bakit mo ko tinititigan?” Nakangiting tanong niya.

“Lionel may tanong ako”

“Ano?”

“Minsan ba naisip mo na sana babae na lang ang katabi mo sa pagtulog? Na sana babae na lang ang nanay ng mga anak mo? Na sana normal ang buhay mo ngayon. Na sana… sana..” Ang kinakabahan kong tanong sa kanya.

Tinitigan niya lang ako sa mata at dahan dahang nawala ang ngiti sa labi nito.

“…Na sana hindi mo na lang tinanong sa akin yan” ang seryosong sabi nito habang nakatitig sa akin. Parang ginagalugad nito ang bawat sulok ng mata ko.

“Sa tingin mo ba jerol mamahalin kita ng ganito kung tumitingin ako sa kasarian ng isang tao? Sa tingin mo ba magiging ganito ako kabaliw sayo kung hindi kita mahal? Jerol kung pagiging tama ang basehan ng pagiging masaya sa tingin mo ba sasaya ako? Ikaw lang ang nagpatino sa akin ng ganito. Ikaw lang ang nagpamulat sa akin na ang tulad niyo ay dapat sineseryoso at nirerespeto. Pagpapahalaga jerol. Pinatunayan mo sa akin na hindi lahat ng tulad niyo ay kelangan saktan at pagsawaan. Mahal kita. At kung sa tingin mo mas magiging normal ang buhay ko kapag nagmahal ako ng iba, mali ka! Kase jerol ang normal na tao ay yung taong malawak ang pag-iisip at marunong magmahal at kayang tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa sa atin” ang seryosong sabi nito.

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Palihim lang akong umiyak. Hanggang sa makatulog ako ay nakayakap lang sa kanya.

Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na sa tabi ko si lionel. Niligpit ko na rin ang pinaghigaan namin at bumaba na ako ng bahay. Nakita ko doon si ate na nagluluto ng pagkain.

“Ate si lionel po?” Ang tanong ko dito.

“Nandoon sa bukid kasama ng kuya conrad mo nagsasaka ng palay” ang sabi nito.

“Ha? E hindi marunong yun eh”

“Ah, oonga pala pinapasabi ng asawa mo na ganoon daw talaga ang nanliligaw. Kelangan daw niyang magpa-impress sayo hanggang sa makuha ka niya hahaha.. ganyan ba talaga yang asawa mo? E kahit sino ata maiinlove sa kanya” ang natatawang sabi ni ate maria.

Napasimangot lang ako.

“Ano nga palang ginagawa mo ate?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Eto pinaghahanda sila ng pagkain at meryenda” sabi nito.

“Tulungan na kita” sabay lapit ko sa kanya.

“Sige..”

Pagkatapos naming ihanda lahat ng pagkaing dadalhin namin ay nagpatulong kami sa kapit bahay nila ate maria para dalhin ang mga niluto namin sa palayan.

Pagkarating namin doon ay naabutan namin silang nagtatanim ng palay. Kitang kita ko doon si lionel na pawis pawisan na base sa basa nitong damit. Nang makita niya ako ay bigla itong kumaway at mas lalong binilisan ang pagtatanim. Bigla namang namula ang mukha ko.

“Ayyiieee” rinig kong sabi ng katabi ko. Inirapan ko lang si ate.

“Diyan ka lang ah. Tatawagin ko na sila para makakain tayo” Ang sabi pa nito.

Tinawag na ni ate maria silang lahat. Pagkarating nila sa pahingahan ay nakita kong lumapit agad sa akin si lionel.

“Hi hon” ang nakangiting bati nito.

“Bakit ka nagsasaka eh hindi ka naman marunong niyan. Tingnan mo nga yang sarili mo pawis pawisan kana! Magbihis ka nga dun!” Ang naiinis na sabi ko dito. Baka kase magkasakit siya.

“Opo magbibihis na po. Wag kana pong magalit hon. Gusto lang naman kitang ligawan eh” ang sabi nito.

“Hindi naman kelangan at saka wag mong pahirapan ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman kaya”

“Hugot?” Basag nito.

“Urgh! Magbihis ka na dun at baka magkasakit ka pa!” Utos ko sa kanya.

Nakakainis. Ang lakas mambasag.

“Oo na po. Pero gusto ko punasan mo muna likod ko” ang nakangusong sabi nito.

Hay! Napabuntong hininga na lang ako. Buti na lang at may dala akong bimpo. Hinila ko siya sa upuan at pinaupo doon. Hinubad ko na rin ang damit nito at pinunasan ang mukha at buhok nito. Pinunasan ko rin ang buong katawan niya. Habang ginagawa ko yun ay nakayakap lang siya sa akin at ngiting ngiti ang loko.

“Salamat hon. Ang sweet mo hihihi” ang sabi nito. Napairap lang ako.

“Sweet ka diyan! Ewan ko sayo. Kumain kana dun”

“Sabay na po tayo” ang sabi niya.

“Oona bilis na” pagsang-ayon ko.

Habang kumakain kami ay wala itong ginawa kundi ang yakapin at halikan ako sa pisnge. Hindi ko alam kung aware ba siya na may mga taong kasama kami dito. Baka kase akala niya nasa iisang kwarto lang kami.

“Umayos ka nga lionel” saway ko dito.

“Eh bakit ba! Niyayakap lang naman kita ah”

“Marami kayang tao mahiya ka nga”

Wala po siyang pakialam. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ulit sila sa pagtatrabaho. Habang pinagmamasdan ko sila ay parang baliw itong si lionel at nakikipagkompitensya kay dustin. Nakikipag-agawan siya ng lupang tataniman eh ang lawak lawak ng lupain. Baliw talaga tong asawa ko. Titingin sa akin at magpapakita ng muscels sabay kindat. Hahahaha… Ang lakas.. siyempre kinilig ang lola niyo.

“Tara pare, inuman tayo sa bahay” yaya ni kuya conrad matapos silang magtanim. Alas singko na rin nun ng matapos sila.

Noong gabi ring iyon ay nag-inuman nga silang lahat. Nakipag-inuman rin si lionel habang ako naman ay niyaya ni ate maria na mag-inom. Pumayag na rin ako.


Lionel’s POV

Habang nag-iinuman kami dito sa labas ay nakatitig lang ako sa asawa ko sa loob ng sala kasama si ate maria na nagtatagay rin. Apat na oras na rin ang nakakalipas mula ng magsimula kaming magtagay. Medyo hilong hilo na ako.. kita kong lasing na rin ang asawa ko base sa mukha nito. Pulang pula at imik na ng imik si jerol base sa pagbuka ng bibig nito. Bihira lang yan mag-inom. Ayoko lang lalo na at wala ako sa tabi niya. Bakit ba.

Pinagmasdan ko ulit siya sa loob. Sobrang cute at mahal na mahal ko talaga siya. Hay! Sarap mainlove. Gusto kong lagi siyang nasa mga bisig ko. Mamahalin at poprotektahan ko siya ng todo todo.

Kinuha ko ang tagay ko at nilagok ito.

Pagkatapos naming mag-inom ay dumiretso ako sa asawa ko na ngayon ay lasing na lasing na.

“Lionel iakyat mo na yang asawa mo. Masama pala yang malasing. Ayaw ng tumigil kakainom” ang natatawang sab ni ate. “O siye.. Aakyat na ako ha. Inaantok na rin ako eh” ani ni ate maria.

“Sige ate” ang sabi ko sa kanya. Tiningnan ko naman ngayon ang asawa kong lasing na lasing.

“Hon tara na sa taas” ang nakangiting sabi ko dito.

“Shino ka? hik” ang lasing na sabi nito. Natawa naman ako.

“Si lionel. Ang pinakamamahal mong asawa tara na hahaha..” ang sabi ko habang tinatahak namin ang daan papuntang kwarto.

“H-hindi ikaw shi yonel hik mahal na mahal shi yonel.. wag mo nga kong hawakan baka magselos yun hik” ang bulol na sabi nito napailing lang ako.

Nang makarating kami sa kwarto ay dahan dahan ko itong hiniga sa kama at binuksan ang electric fan.

“Ako to si lionel”

“Shabing hindi ako naniniwala shayo eh” ang nakapikit na sabi nito.

Hay! Lasing nga. Huhubarin ko na sana ang damit nito ng pigilan niya ako.

“Wag! Magagalit si lionel. Baka sabihan na naman niya ako ng masasakit na salita. Baka isipin niya na ganito kaming mga bakla. Baka pagsisihan niya lalo na pinakasalan ako.. wag please..” ang umiiyak na sabi nito. Para namang sinementuhan ang sarili ko. Hindi ako makagalaw.

“Ayokong magalit na naman siya sa akin. Ngayon lang may nagmahal sa akin ng totoo.. ayokong mawala siya. Wag please.. ayoko. Mahal ko si lionel” ang humahagulgol na iyak nito.

Napaiyak na rin ako.

“Kahit masakit ang mga sinabi niya sa akin at parang isang malaking pagkakamali lang ako sa kanya ay mahal na mahal ko pa rin ito. Kunin mo na ang lahat kuya wag mo lang gawin ang gusto mo. Magagalit ang asawa ko.. please… natatakot akong maiwang mag-isa” ang umiiyak pa ring sabi nito.

Parang nalusaw ang puso ko. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Parang gusto kong sumigaw ng pagkalakas lakas. Sobrang bigat sa dibdib. Sobra ko pala siyang nasaktan.

“Hon..” ang tanging nasabi ko.

“Salamat” ang nakapikit na sabi nito at ngumiti siya. Nakatitig lang ako sa kanya habang tumutulo ang luha nito sa pisnge.


Jerol’s POV

Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si lionel. Hindi ko na rin masyadong maalala ang mga nangyari kagabi. Napangiti na lang ako ng makita kong may iniwan itong sulat sa ibabaw ng lamesa. Ang sweet naman.

Pagkabuklat ko ng sulat ay binasa ko ito agad.


Hon :)

Kumain ka ha. Alam kong nababasa mo itong sulat ko ngayon. Sorry nga pala sa mga sinabi ko sayo. Hindi ko alam na sobra na pala ang mga salita ko. wag mo sanang isipin na nagdalawang isip ako noong pinakasalan kita. Dahil kahit kelan ay hinding hindi ko yun pagsisisihan. Nadala lang ako ng galit. Sorry hon hindi ko sinasadya. Ang sama kong asawa. Kinuha kita sa mga magulang mo para alagaan at mahalin ka pero eto, ako pa pala ang mananakit sayo. Kinuha kita kase masaya ako na pamilya na tayo pero pinaiyak kita. Naging malungkot ka ng dahil sa akin. Pasensya na hon kung hindi ako naging mabuting asawa sayo. Nandyan nga pala yung singsing. Hinihintay kita sa bahay. Kapag sinuot mo yan ibig sabihin mahal mo pa ako pero kapag hindi na. Wag naman hon. Hindi ko kakayanin :( :(

Pinunasan ko ang luha ko na walang tigil sa pagpatak. Nanlalabong dinampot ko ang singsing sa ibabaw ng lamesa. Ang singsing ng aming pagmamahalan. Mahal kita lionel. Mahal na mahal. Pero hindi ko na alam kung sapat ba ako para sayo. Marami pang taon tayong lalagpasan at hindi ko na alam kung kakayanin pa natin. Nagdududa na ako sa sarili ko.

Tinitigan ko lang ang singsing na hawak ko at nilagay ito sa bulsa ng aking pantalon. Siguro nga ay walang poreber…


Lionel’s POV

Nandito na ako sa bahay namin. Sinundo ko na rin ang dalawang bata. May pasok na kase si kuya bukas. Nakaupo lang kaming mag-ama sa sofa habang pinapadede ko si baby bunso.

“Wait mo lang si papa anak ha. Dadating din yun” ang nakangiting sabi ko sa bunsong anak ko.

“Dada dadating na po si papa? Yehey!” Ang tuwang tuwang sabi ng panganay kong anak. Napangiti lang ako.

“Oo anak dadating si papa” tiwala lang. Ang malungkot na sabi ko.

Habang pinapadede ko si baby bunso ay narinig ko ang pagdoor bell. Tumayo ako at tinungo ang pinto ng aming bahay habang kalong kalong ko si baby bunso.

Pagbukas ko ng pinto ay siya namang bumungad sa amin si jerol.

“Hon” ang masayang sabi ko.

Lalapitan ko na sana siya ng mapansin kong hindi nito suot ang singsing na ibinigay ko. Doon na ako nagpunas ng luha gamit ang aking braso. Ang sakit! Para akong batang umiiyak dahil sa sakit.

“Hon b-bakit?” Ang umiiyak na tanong ko. “Hon hindi mo na ako mahal? Hon naman eh..” ang humahagulgol na sabi ko habang patuloy pa rin ako sa pagpunas ng luha ko.

“Hindi mo na ba ako mahal? Sorry na please… nagmamakaawa ako hon.. wag mo kong iwan” ang umiiyak na sumamo ko.

Lumapit ito sa akin at sinuli sa aking kamay ang singsing na hawak niya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Doon na rin siya nagpunas ng luha.

“Hon..” ang sabi nito.

“G-gusto kong ikaw ang magsusuot ng singsing sa akin, lionel ko” ang nakangiting umiiyak na sabi nito habang nagpupunas siya ng luha.


May nagbabasa pa ba nito? :)

Sorry talaga guys sa late UD. Naging busy na kase si otor. Namiss ko talaga ng sobra itong karakter na ito.

Ano masasabi niyo sa UD ko?

May new story akong gagawin. Makikilala niyo na si Tonyo at sina Terry at Enzo soon..

Don’t forget to Vote and Comment guys… salamat :)

Chapter thirty two

Jerol’s POV

Nagluluto ako ng pagkain namin ngayon para sa aming tanghaliang magpapamilya.

“Papa” ang tawag ni jonel sa akin habang hinihila nito ang damit ko. Yumuko naman ako sa kanya at pinantayan ito at nginitian.

“Bakit anak?” Ang tanong ko dito habang hinahawi ang kanyang buhok. Napakacute talaga ng batang ito. Hinawakan nito ang tigkabilang pisnge ko at tinitigan akong maigi sa mata. Napakunot naman ako ng noo.

“Papa sabi po ni dada wag mo na daw po siyang iiwan ah. Papa wag mo na pong iiwan si dada ha. Kahit ako na lang po ang pagalitan niyo, kahit paluin niyo pa po ako. Iiyak po ako pero titiisin ko. Ok lang po sa akin yun papa basta mahalin niyo lang po ni dada ang isa’t-isa. Mahal na mahal ko po kayo papa. Kahit laitan pa po nila ako. Kahit anong tingin nila sa akin. ang mahalaga po ay yung tanggap niyo ko. Masaya po ako na kayo po ang naging magulang ko. Na kayo po ang forever ko papa..” ang malambing na sabi nito. Dahan dahan itong ngumiti at niyakap ako at hinalikan sa pisnge.

Kanina pa pala nanggigilid ang luha ko. Niyakap ko din siya pabalik at hinalikan ito sa ulo.

“Hinding hindi gagawin ni papa yan anak. Nag-aaway kami ng dada mo para malaman namin kung sa kabila ba nito ay hindi kami susuko. Mahal ko kayo anak. Kaya wag mong isipin na iiwan ko ang dada mo. Edi nawalan kayo ng pasaway na daddy” ang nakangiting sabi ko. Ngumiti na rin siya.

“Salamat po papa… ayoko pong mawalan ng dalawang daddy. Hindi ko po kelangan ng mommy para mabuo ang isang pamilya. Pagmamahal at pagtanggap niyo pa lang po sa akin ay higit pa po sa isang pamilya yun” ang sabi nito.

Nakatitig lang ako sa anak ko. Hindi ko alam kung bata ba talaga itong kausap ko o ano. Ginulo ko na lang ang buhok nito.

“Ikaw talaga anak. Manang mana ka sa dada mo” ang sabi ko sa cute kong anak

“Mana po ako sa inyong dalawa papa hihihi.. dahil pinalaki niyo po akong maigi” ang proud na sabi nito.

“Eh baby ka pa kaya namin” asar ko dito. Napasimangot naman ito. Hahaha.. Nakakatuwa talaga.

“Eeeeee… si papa naman eh. Big boy na po ako. Ako nga po di ba ang tagapagtanggol niyo” ang cute na maktol nito.

“Basta! Baby ka pa namin ng dada mo” pagpupumilit ko.

“Hay si papa talaga.. Kuya na po ako.. si baby bunso po ang baby” ang nakasimangot pa ring sabi nito.

“Edi kayong dalawa na lang ni baby bunso ang baby namin hahaha”

“Papa naman eh.. gusto ko na pong lumaki para ako na pong magtatrabaho para sainyo. Para ako na po mag-aalaga sa inyo” ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pisnge. Hay! Hinawakan ko ito sa tigkabilang balikat. Ang swerte ko naman sa anak ko.

“Anak makinig ka kay papa ha…”

“Opo”

“Anak. Wag mong madaliin ang lahat. Ienjoy mo ang pagkabata mo. Wag mo kaming isipin ng dada mo. Kami muna ang magpoprotekta sayo at kahit tumanda pa kami, kami at kami ng dada mo ang magpoprotekta sa inyo ng kapatid mo kase anak ko kayo at mahal na mahal ko pa” sabay kindat ko dito. Nag ok sign naman siya sa akin.

“Ang swerte ko po papa kase po papa kita”

“Mali ka anak. Kami ang swerte ni dada sainyo ni baby bunso dahil sa inyo naging mas masaya kami ng dada mo”

“Si papa talaga. Ayaw magpatalo” ang nakangusong sabi nito.

“Che! Para kang dada mo” ang pagsusungit ko. Nagpacute lang ito sa akin at niyakap ako.

“Si papa naman eh.. siyempre loves ko po kayo tulad ni dada. Pogi po kaya ako” ang sabi nito.

“Oo naman anak. Ikaw talaga.. asan ba ang dada mo?” Ang tanong ko dito.

“Inaalagaan po si baby bunso” ang sabi nito.

“Ganun ba. O sige, matatapos na rin itong niluluto ko. Tawagin mo na sila” ang sabi ko dito.

“Sige po papa” ang masayang sabi nito.

Pagkatapos kong magluto ay sakto namang dating ni lionel kasama ang aming dalawang anak.

“Hon, asawa kong mahal na mahal ng sobra, sobra, sobra. Anong niluto mo” ang magiliw na sabi nito.

Ano na naman kayang nakain ng kumag na to at nagkakaganito siya. Napakunot lang ako ng noo pero siyempre kinilig din

“Ano na namang kaek-ekan yan lionel ha!” Ang mataray na sabi ko dito.

“Grabe ka naman hon hindi ba pwedeng mahal na mahal lang talaga kita at ayokong mawala ka sa akin” ang sabi nito at hinalikan ako sa labi.

Kukunin ko sana sa kanya si baby bunso pero hindi niya ibinigay.

“Wag na hon. Maupo ka nalang diyan. Ako ng bahala dito sa cute na batang ito at saka alam kong pagod ka sa pagluluto” ang sabi nito.

Wala naman akong nagawa kundi maupo na lang habang kalong kalong nito si baby bunso. Ipaghahain ko na sana ng pagkain si kuya ng pigilan ako ni lionel.

“Wag hon. Ako na lang. Kaya ko naman eh” ang nakangiting sabi nito.

Nakatitig lang ako sa kanya habang pinagsasandok nito ng kanin at ulam si jonel. Magsasandok na sana ako ng kanin ko ng agawin niya ang sandok sa akin.

“Hon ako na” ang nakangiting sabi nito habang tuwang tuwa siyang pinagsasalin ako ng kanin at ulam. Hindi ko siya maintindihan pramis.

“Alam mo lionel nagpapakahirap ka lang tapos kalong mo pa si baby bunso. Ako na kase. Kaya ko naman eh” ang sabi ko dito. Aktong kukunin ko sa kanya yung pansandok ng ngitian niya ako.

“Ok  nga lang hon, mas ok ng mahirapan ako basta nandiyan ka. Basta nakikita kita, basta nahahawakan kita, basta nakakasama kita. Ok lang talaga hon. Basta wag mo lang akong iiwan. Mas mahirap yun kesa sa hirap na ginagawa ko ngayon. Hon, natatakot akong maiwan mo. Natatakot akong baka mawala yang pagmamahal mo. Hon hindi mahalaga sa akin kung ano o sino ka. Ang mahalaga ay yung pagmamahal mo” nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi iyon.

“Lionel naman eh..” ang nakangusong sabi ko. “Di mo naman kelangan iparamdam sa akin ng ganito eh.. alam mo lionel. Hindi ko naman talaga gustong magkaboyfriend noon eh. Takot akong masaktan, takot akong maiwan at lokohin ulit. Lahat kinakatakutan ko na. Pero lionel. Bakit? Bakit sa lahat ng kinakatakutan ko ay ikaw pa? Natatakot akong baka masanay ako sa kagaganyan mo at dumating ang araw na hangang alalala na lang ito. Lionel natatakot ako..” lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo.

“Nakikita mo ba yang mga batang yan jerol? Pamilya na tayo. Kung lolokohin man kita. Sana noon pa. Noon pa lang para hindi na ako nababaliw ng ganito sayo” hinaplos nito ang buhok ko at nginitian ako.

“Hindi ako gaya ng iniisip mo hon. Kung meron mang magpapatunay na loyal ako sayo. Si author yun at ang mga taga basa nito” natawa naman ako at pinalo siya ng mahina sa dibdib.

“Heh! Dinamay mo pa si author”

“Siyempre mahal tayo niyan eh. Pero siyempre ikaw lang ang pinakamamahal ko” ang sabi nito sabay kindat sa akin.

“Kumain na nga tayo. Masyado ng madrama ang eksenang ito” ang natatawang sabi ko.. humalik muna ito sa labi ko at naupo siya sa katabing upuan ko. Si baby bunso naman ay nakaupo lang sa mga hita ko habang dinudutdot nito ang kutsara ng kanyang ama.

“Kain na!” Ang magiliw na sabi ni lionel. “Sabi nga nila “ The family the eats together, love each other “ aayyiiee.. i love you na hon” sabay flying kiss at kindat nito sa akin.

Nabaliw na naman hahaha..Inirapan ko lang siya habang namumula ang psinge ko.

Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian. Nakakatuwa lang kase kinalat ni baby bunso ang pagkain ni lionel sa lamesa hahaha.. paglaruan ba naman. Ayun. Naligo ng wala sa oras kase nanlalagkit na daw siya. Si kuya naman ay ayun nanunuod ng cartoons sa sala habang tinutulungan ko si manang na maglinis ng bahay. Si baby bunso ay pinatulog ko muna sa crib.

Nilinis namin ang buong first floor at second floor. Nang matapos kaming maglinis ni manang ay naligo na rin ako. Nakita ko naman yung mag-ama na nasa kama habang naglalaro. Nakasakay sa likod ni lionel si jonel na parang nangangabayo. Nakakatuwa silang pagmasdan. Pumasok na ako sa cr at naligo.

Papalabas na sana ako ng cr ng marinig kong nag-uusap yung mag-ama. Hindi muna ako lumabas at pinakinggan lang ang pinag-uusapan nila.

“Anak sinabi mo na ba kay papa yung sinabi ko sayo?” Ang tanong nito kay jonel.

“Opo dada. Hinding hindi ka daw po niya magagawang iwan… mahal na mahal ka daw po ni papa dada. Ayyiieee si dada oh, kinikilig kay papa..” ang panunukso ng anak ko sa kanyang ama.. hahahaha…

“Ayos! Sabi ko naman sayo anak eh. Mahal na mahal ako ni papa mo. Ewan ko ba diyan sa papa mo. Nagwapuhan siguro sa akin ng todo tapos ang galing ko pa sa basketball, habulin pa ng chicks.. wag kang maingay anak ha. Pero crush na crush ako ni papa mo. Pinikot niya lang ako ha sshhhh… ka lang diyan” ang pagmamayabang na naman nito sa anak. Napakayabang talaga ng lalaking ito.

“Talaga po papa?” Eto namang anak ko manghang mangha sa kanyang ama.. haysss.. lionel.

“Oo anak. Kaya nga kayo binuhay ni God para ibigay sa amin ng papa mo eh.. alam mo ba anak. Gwapo talaga si dada eh.. gwapo talaga ako kaya ako nagustuhan ng pa—” binato ko na siya ng damit na hawak ko. “Hon naman eh..” maktol nito.

“Ikaw lionel ha! Tinuturuan mo ng kayabangan yang anak mo. Gusto mo pingutin kita diyan ha?” Nakita ko namang humagikgik ang anak ko. Ngumuso lang si lionel.

“Hindi naman eh..” ang kunwaring malungkot na sabi nito.

“Hindi? Talaga lang ha! Ano bang sabi mo? Gwapo ka tapos habulin? At ano? Crush na crush kita? Ewww… mahiya ka nga sa balat mo lionel. Ikaw kaya ang may crush sa akin” ang mataray na sabi ko dito.

“Ah.. anak di ba sabi ko crush na crush ko si papa mo di ba anak, ako talaga ang may crush sa kanya diba?” Ang pagsusumbong nito sa anak.

“Hindi po dada. Sabi niyo po si papa po ang may crush sa inyo eh hihihi” ang tumatawang sabi ng anak ko. Napanguso lang si lionel.

“Anak naman eh..”

“Sorry dada, i love you po” nakita ko namang ngumiti si lionel.

“I love you too din anak. Proud si dada kahit under siya ni papa hehehe.. hindi ikabababa ng pagkalalaki ko yun anak… mahal lang ng sobra ni dada si papa.. pati kayo mahal na mahal ko” tumingin si lionel sa akin sabay kindat. Napangiti lang ako ng palihim.

Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na si baby bunso at inalagaan ito. Nilinisan ko na rin siya habang yung mag-ama ay magkasama sa baba, nanunuod ng tv. Pagkatapos kong bihisan si baby bunso ay bumaba na rin kami. Didiretso na sana ako sa kusina para dalhin doon lahat ng maduming dede ni baby bunso ng tawagin ako ni lionel.

“Pssst.. hon halika nga rito” tawag nito sa akin.

“Ha? Bakit? Mamaya na, dadalhin ko pa itong maduduming dede ni baby bunso sa kusina”

“Eeee… basta” ang parang batang sabi nito sabay kaway na lumapit ako sa kanya. Hay! Ano pa nga ba? Edi lumapit ako.

“Oh. Ano?” Tanong ko dito ng makalapit ako. Tumayo ito at mabilis akong hinalikan sa labi pati na rin si baby bunso saka siya ulit naupo na parang walang nangyari.

“Woohh… anak ang galing ni sponge bob. Woooh!! Idol ko na siya” ang masiglang na sabi ni lionel habang nagtatas baba ang kamay. Napakunot naman ako ng noo ng tingnan ko yung tv.

“Dada eh wala pa naman po diyan si spongebob e. Commercial pa naman po yan” ang inosenteng sabi ng anak ko. Napatingin naman sa akin si lionel at napahiya.. hahaha…

“Idol pala ha.. ewan ko sayo hmmpp.. diyan ka na nga” ang mataray na sabi ko at naglakad na ako papuntang kusina habang kalong kalong ko si baby bunso. Bago ako makapasok ng kusina ay nilingon ko pa si lionel. Kanina pa pala ito nakatingin sa akin. Kinindatan niya ako sabay flying kiss.. Napailing na lang ako. Hay, ang dami talagang alam ng asawa ko.

Nanuod lang kami buong pamilya habang ang palabas ay ang paborito ng aming anak. Cartoons syempre hahahaha.. siyempre yung anak namin ang masusunod.

“Hon, magbihis ka. May pupuntahan tayo dali” ang sabi ni lionel sa akin habang nakasubsob ang kanyang mukha sa leeg ko.

“Ha? Eh saan naman tayo pupunta? Parang wala naman tayong pinag-usapan ah” ang nagtatakang tanong ko dito.

“Basta. Magbihis ka na dali” ang sabi nito sa akin.

“Eee… saan nga tayo pupunta?”

“Hon naman eh.. basta magbihis ka na lang ang kulit” pagpipilit nito sa akin. “Akin na si baby bunso” sabay kuha nito sa akin.

Wala akong nagawa kundi pumunta ng kwarto at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko silang nakabihis na rin. Sobrang cute ng mga anak ko habang may suot silang animal stuff sa ulo na monkey at elepante parang sumbrero ata. Siyempre sobrang gwapo naman ng asawa ko sa suot niya kahit simple hehehe..

“O saan na tayo ngayon?” Ang tanong ko sa kanya.

“Basta sumunod ka na lang sa akin” sabay ngisi nito.

“Itsura mo lionel ha. Saan nga? Ngayon ka lang kase nagyaya ng hindi ko alam kung saan tayo pupunta” ang nakangusong sabi ko.

“Wag ka ngang gumanyan hon. Baka ma-rape lang kita” ha! Ano daw? Lumapit ako sa kanya at kinurot ito sa tagiliran. “Awww.. hon naman eh” ang daing nito.

“Yang bibig mo nga! Talagang sa harap pa ng mga anak mo ha! Gusto mo kurutin pa kita?” Banta ko dito. Ngumiti lang siya.

“Halika nga dito hon, kaya mahal na mahal kita eh?” Sabay halik nito sa labi ko. “Ganito ba naman ang asawa ko. Lolokohin ko pa ba? Tama ba si dada anak?” Ang paghingi nito ng suporta sa anak.

“Tama po si dada, papa. Mahal na mahal ka po namin ni dada. Hinding hindi ka po namin pababayaan” sabay yakap ni jonel sa bewang ko. Ginulo ko lang ang buhok nito.

“Ano? Tara na?” Si lionel.

“Tara” ang pagsang-ayun ko.

Kalong nito si baby bunso habang nakahawak naman sa kamay ko si kuya. Nagtaka ako ng umikot lang kami ng bahay.

“Hon akala ko ba may pupuntahan tayo?”

“Oonga. Meron” ang nakangiting sabi nito sabay turo sa chapel sa likod ng aming bahay.

“Bakit?” Ang nagtatakang tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Hinawakan niya lang ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Nakita ko doon si manang na nakabihis habang masaya itong nakangiti sa amin.

“Lionel ano na naman to?”

“Basta. Ibibigay ko muna itong cute na anak natin kay manang” ang sabi nito. Humalik muna siya sa anak ko at nilapitan ako. Hinila niya ako papuntang sa harap ng altar.

“Lionel…” ang tanging nasabi ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ito. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisnge sabay yakap ng mahigpit.

“Jerol hubarin mo ulit yung singsing dali” utos nito sa akin. Nakatulala lang ako sa kanya. Naramdaman ko na lang na siya na ang nagtanggal ng singsing ko sa kamay. Hinubad din niya ang singsing niya at binigay sa akin.

“Hon, gusto kong mangako ulit tayo kay God. Gusto kong masaksihan ulit niya at ng mga anak natin ang pagmamahal natin na nasira kamakailan lang” huminga ako ng malalim at nginitian siya at saka tumango.

“Oo ba! Yun lang ba? Kahit ilang beses natin tong ulitin lionel. Hinding hindi ako mapapagod na sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Ikaw pa ba? E ang kulit mo” sabay pisil ko sa pisnge ng asawa ko.

“Ikaw na ang mauna hon” ang sabi nito. Sumang-ayon naman ako. Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan.

“Alam mo lionel. Isa lang naman talaga ang gusto ko sa buhay noon. Ang mabuhay ng masaya, masaya kahit mag-isa. Pinangarap kong magka-anak pero natawa ako ng malaman kong hindi ko talaga kayang pumatol sa babae. Nilayo ko ang sarili ko sa mga lalaki dahil ayokong mainlove. Ayokong masaktan at ang pinaka ayoko sa lahat ay ang maiwan” huminga ako ng malalim at umiling.

“Wala pa akong nakitang tumanda na parehong lalaki. Pasensya na lionel kung araw araw akong natatakot na baka malaman mo sa sarili mo na isa lang pala akong pagkakamali sayo. Pareho pa tayong bata lionel at pwede ka pang makakilala ng higit pa sa akin. Lionel ok lang kung iwan mo ako.. ok lang sa akin kung dumating ang panahon na malaman mong hindi pala talaga ako ang para sayo.. lionel…” hindi na ako nakapagsalita ng yakapin niya ako ng mahigpit. Rinig na rinig ko ang mga hikbi niya.

“Jerol naman eh…”

“Lionel. Pinapangako ko kay God na ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Tanggapin mo itong singsing na hawak ko. Alam kong isang bagay lang ito pero ang bagay na ito ang magpapaalala sa atin na mahal natin ang isa’t-isa” kinuha ko ang kamay niya at dahan dahang isinuot doon ang singsing na hawak ko. Ngumiti ako at pinunasan ang luha niya.

“O ikaw na” ang natatawang sabi ko. Ngumuso lang siya. Hinawakan niya rin ang kamay ko. Nakatitig lang siya sa kamay ko.

“Jerol bakit ang liit mo?” Ang pang-aasar nito sa akin.

“Lionel naman eh..” tinawanan niya lang ako. Pinisil niya ang pisnge ko at saka dumila. Isip bata talaga tong asawa ko.

“Hay… jerol ko. Buhay ko. Ano pa bang dapat kong sabihin at gawin para masabi kong akin ka at ako’y sayo? Ang alam ko lang naman noon ay bakla ka. Nakakainis, nakakairita, maliit, ang hinhin, ang sarap bulihin” napasimangot naman ako.

“Pero ng makita ko kung paano ka umiyak. Bakit ang sakit? Bakit gusto kitang protektahan? Bakit gusto kong lagi kang masaya? Bakit baliw na baliw ako sayo ng ganito! Jerol ang laki ng pinagbago ko, ang laki ng nabago sa buhay ko simula ng makilala kita. Natuto akong makontento, natuto akong magmahal ng tapat at totoo. Jerol hindi ako ito eh. Iba ako noon at noong nakilala ka. Gago ako noon. Gago pa rin ako ngayon pero nagiging gago lang ako kapag may umaaway na sa pamilyang ito. Babaero ako noon, pero bakit sobrang loyal ko na ngayon? Ang dami kong gustong sabihin hon kung gaano mo ako nabago. Kung paano ako naging better. Kaya wag mong isipin na iiwan kita at magbabago ang pagtingin ko sayo. Dahil Jerol kung panandalian lang itong nararamdaman ko sayo sasabihin ko na agad. Bibitawan na kita agad dahil ayokong lokohin ang tulad mo. Hindi ka man babae at perpektong asawa para sa kanila, pero hon. Para sakin ikaw at ikaw lang ang nakikita kong magiging asawa ko habang buhay. Ikaw lang..” ang sabi nito.

Huminga siya ng malalim at hinalikan ang kamay ko.

“Hon tanggapin mo itong singsing na hawak ko. Wag na wag mo na yang isusuli sakin ah. Rerape-in talaga kita ng isang daan beses. Kung akala mo nagbibiro ako pwes subukan mo lang talaga at papatunayan ko talaga sayo” ang sabi nito.

“Sira! Hindi ko na po uulitin yun” ang nakangiting sabi ko.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Tumagal din ng dalawang minuto ang halikan namin hanggang sa bumitaw ako. Ayaw pa nga niya akong pakawalan eh.

“Bakit ang cute mo hon?” Ang nakangising sabi nito.

“Aba malay ko sayo. Mang-aasar ka na naman” ang nakangusong sabi ko. Hinalikan niya lang ako sa labi.

“Wait. Diyan ka lang ah” ang sabi nito at pumunta siya sa maliit na altar at lumuhod.

“Bro. Alam ko pong ang dami kong kasalanan sa inyo at sa mga taong nasaktan ko. Gusto ko lang po ulit lumapit at humiling sa inyo. Pinapakilala ko nga po pala ang asawa kong si jerol at ang mga anak naming si jonel at si baby leon. Alam ko pong kasalanan daw sa inyo ang magmahal ng kapwa, yan po ang laging sinasabi nila sa amin. Tatanggapin ko po yun. Kung may kasalanan man po kaming haharapin sana po ay ibuhos niyo na lang po sa akin lahat ng parusa niyo. Kahit ako na lang po ang inyong parusahan wag lang po ang asawa at mga anak ko. Mahal na mahal ko po sila. Kaya ko pong isakripisyo ang buhay ko at ang buong pagkatao ko para sa kanila”

Nakita kong humihikbi ito at nagpupunas ng luha gamit ang kanyang braso.

“Bro. Ngayon lang po ako makikiusap sa inyo ng ganito. Sana po ay iligtas niyo kami. Sana po ay tumagal pa ang pamilyang ito at maging mas matibay. Mahal na mahal ko po talaga sila at gusto ko pong makitang lumaki ang mga anak namin. Bro, nakikita mo po ba yung lalaking yun” sabay turo ni lionel sa akin.

“Bro siya lang naman po ang pinakamamahal ko. Nagdududa daw po siya sa pagmamahal ko. Bro ingatan mo po yan ah. Mahal na mahal ko po yan. Pero syempre ako din po para may magpoprotekta sa kanila dito sa lupa. Yun lang po salamat” ang sabi nito.

Tumayo na ito at lumapit sa akin.

“Narinig mo ba yun hon? Si God ang saksi sa hiling ko. Kaya ang gagawin mo lang ay mahalin ako ha! Habang ako naman ang sandalan at sandata niyo. I love you hon” ang malambing na sabi nito habang nagpapacute sa akin.

“Che. Ewan ko sayo.. I love na nga rin” at hinalikan ko siya sa labi.


Guys pagtiyagaan niyo na muna itong update ko ah. Sobrang busy po talaga sa work at pagod lagi kaya wala akong masyadong ideyang maisip. Alam kong boring.

Gusto niyo bang mag-insert pa ko ng character o ex ni jerol?

Vote and comment guys para sa inyong REAKSYON salamat. Sana suportahan niyo parin kahit matagal ang update ko :)

Chapter thirty three

Lionel’s POV

T*ng *na pare. Kinikilig talaga ako kapag tinititigan ko ang asawa ko at sinusungitan ako. Pasensya na kung napapamura ako pero pakshet! Bakla man siya, wala akong pakialam basta loyal ako sa kanya. Kaya girls sorry talaga kung lalandiin niyo lang ako humanap na lang kayo ng ibang malalandi kase mukha lang talaga ni jerol ang nakikita ko. Hindi ko talaga siya kayang lokohin. Mas mahal ko kaya tong lalaking to kesa sa panandaliang sarap na ibibigay niyo. Kahit bihira lang kami nitong mag-anuhan, ok lang sa akin. Ang mahalaga naman sakin eh yung pagmamahal at pag-aalaga niya. Hay! Pag-ibig nga naman oo.

“Hoy tukmol. Bakit ka pangiti ngiti diyan ha? At saka wag mo nga akong titigan” sabay irap nito sa akin habang binibihisan ang anak namin na nakahiga sa kama. Katatapos niya lang kasing paliguan si baby bunso.

“Ang sungit naman ng asawa ko oh” ang sabi ko habang tinititigan parin siya hahaha.. nakakainlove pare.

“Heh! Ewan ko sayo” diba ang sungit ng asawa ko. Hahaha..

“Pssstt.. hon” pagtawag ko ng pansin dito.

“Uii.. pssst”

“Ano?” Ang sabi niya. Kinindatan ko ito at sinipulan.

“Witwiw… pwede po ba kitang angkinin at gawing asawa?” pang-aasar ko dito sabay tawa pero sumambulat lang sa mukha ko ang unan na ibinato nito sa akin. Binuhat nito si baby bunso at nagwalk out.

“Ui.. hintayin mo naman ako” ang habol ko dito.

Pagkalapit ko sa kanya ay inakbayan ko ito at inamoy. Grabe! Ang bango talaga nitong asawa ko kaya bantay sarado ako dito eh… uso pa naman ngayon ang agawan at mga taong mang-aagaw. Akala mo tunay na lalaki pero nagpapanggap lang pa lang lalaki dahil takot siyang lokohin kung ano o sino talaga siya.

Gustuhin talaga itong asawa ko. Biruin mo yun. Sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kanya kahit yung mga taong lihim na umiibig dito eh ako parin ang nakakuha ng puso niya. Wala, ganun talaga. Gwapo ko eh hahaha..

“Lionel nawiwirduhan na ko sayo ah. Nababaliw kana ba. Bakit ba kase ngiti ka ng ngiti diyan?” Ang nagugulang tanong nito sa akin.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa pisnge. Nakita ko namang namula ang kanyang mukha.

“Hindi lang ako makapaniwala hon na ako na ang asawa mo. Parang dati ang gusto ko lang naman eh maging boyfriend ka pero noong naging magboyfriend tayo parang gusto na kitang maging asawa at ng maging asawa kita parang gusto kong araw araw na kitang makitang masaya para ang pagmamahalan nating ito ay lumago at maging matibay. Gusto kong bigyan natin ng masayang pamilya ang mga anak natin hon. Kaya pangiti ngiti ako kase natutupad na ang mga pangarap ko kasama ka. Paano na lang hon kung walang jerol na tutulong sa akin? Paano ako mabubuo? Paano ako magiging si lionel? Ikaw lang ang asawa ko jerol. Period.” ang nakangiting sabi ko dito.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. Hinalikan niya ako sa labi. Yemas pards. Kinilig ako doon ah hihi.

“Hindi rin ako makapaniwala lionel na isang tulad mo ang mahuhulog sa akin. Wag kang mag-alala kung paano ko kayo alagaan noon hanggang sa tumanda tayo walang magbabago tandaan mo yan, nasa tabi mo lang ako” ang sabi nito.

“I love you hon. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang pamilya ko eh” ang sabi ko dito habang nagpapacute ako sa kanya. Akala niyo si jerol lang ang cute ha. Ako rin hahaha.. Siyempre kelangan yun para mas lalo siyang mahumaling sa akin.

“Itsura mo nga lionel” sabay irap nito sa akin habang namumula hahaha..

“Bihis na ba yung anak mo?” tanong pa nito.

“Oo hon, kanina pa nga Excited yung batang yun eh. Pakiramdam ko, masayang masaya siya tuwing lalabas tayong magkakasama” ang sabi ko dito.

“Masaya ang anak natin hon kase pinaparamdam natin sa kanila na walang kulang, na mahal natin sila at ang pinaka-importante ay ang pamilyang ibinibigay natin sa kanila” ang sabi nito.

Hay! Ang ganda talaga ng mata ng asawa ko brown na brown. Sa sobrang pagkasabik ko sa kanya ay Lumapit ako dito at hinalikan ito sa labi. Sa sobrang sarap ay hindi ko naiwasang kagatin ito sa gigil. Kinurot niya ako. Ang sakit pre!!

“Awww.. hon naman eh. Bakit mo ko kinurot? Ang sakit kaya” ang daing ko dito habang hinihimas ang parteng kinurot niya.

“E bakit mo ko kinagat ha? Ano ako pagkain” ang naiinis na sabi nito habang binibilisan ang paglalakad. Hala! Nagalit.

“Hon. Sorry na. Nanggigil lang naman po ako eh” ang paghingi ko dito ng paumanhin. Tiningnan niya lang ako ng masama. Sht! Nagsugat nga ang labi niya. Fck! Ang tanga mo lionel.

“Hon….” magsasalita pa sana ako ng sumingit ito.

“Tara na lionel. Tawagin mo na si jonel” ang seryosong sabi nito habang dinadampot ang bag ni baby bunso.

Nakita ko pang pinunasan niya ang labing nakagat ko. Nagdugo ito. F*ck! Di ko talaga mapigilan kagatin eh. Ang sarap kase.

“Hon naman eh..” di niya ko pinansin.

“Jonel, Anak. Aalis na tayo” ang tawag nito sa anak.

“Hon..” iignorahin na naman sana niya ako ng yakapin ko silang dalawa ni baby bunso mula sa likod. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at isinubsob ang mukha ko sa leeg nito.

“Sorry na hon. Bakit kase ang sarap sarap m—urgh!” Siniko na naman po niya ako sa sikmura.

“Bunganga mo lionel ha” ang saway nito sa akin.

“Eeee.. sorry na nga po kase” ang pagmamakaawa ko habang hinahalikan siya sa leeg.

“Anak si papa oh nagagalit na naman kay dada. Tulungan mo naman si dada anak ko” ang paghingi ko ng tulong kay baby bunso. Nakatingin lang ito sa akin. Ang cute talaga ng anak ko.

“Umalis ka nga sa likod ko lionel. Nabibigatan ako” ang sabi nito.

“Hindi ako aalis hanggat galit ka. Hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo ko pinapatawad. Sorry na po hon. Wag kana pong magalit please…” ang pagmamakaawa ko.

“Mukha ba akong aso? Kaya kinagat mo ako ha!” Ang mataray na sabi nito.

“Eeee.. hon naman eh. May sinabi po ba akong ganun?” Ang malambing na tanong ko dito.

“Wala! E bakit mo nga kase ako kinagat. Alam mo namang lalabas tayo” may diing sabi nito.

“Sorry na nga po eh. Lagi kase akong naiinlove sayo kaya masisisi mo ba ang asawa mo kung manggigil siya sayo ng todo?” Ang sabi ko dito habang hinahalikan siya sa pisnge. Umirap lang ito sa akin at ngumiti ng palihim. Napangiti rin ako.

“Oo na! Bati na tayo. Umalis kana sa likod ko. May tumutusok eh. Ang aga aga lionel ha” ang natatawang sabi nito.

F*ck! Hahaha.. turn on na naman ako. Umalis ako sa likod nito at hinarap ko siya sa akin. Tinitigan kong maigi ang labi niyang nakagat ko. Hinalikan ko ito at niyakap siya ng mahigpit.

“Tsk. Ayos ka lang po ba ang asawa ko? Pasensya na ha. Nasaktan tuloy kita. Sa susunod mag-iingat na po ako” ang sabi ko dito habang hinihimas ang buhok niya. Naramdaman ko namang yumakap din ang bunso kong anak sa amin.

“Gusto rin atang magpayakap ng bunsong anak ko ah. Halika nga kay dada anak” ang natutuwang sabi ko dito.

Kinuha ko ito mula kay jerol at kinalong.

“Diyan ka muna sa pasaway mong daddy anak. Pagalitan mo yan ah kapag gumawa ng masama” ang sabi ni jerol. Napangiti naman ako habang tinititigan siya.

“Bakit?” Tanong nito.

“Ha? Anong bakit?”

“Bakit mo ko tinititigan?” Siya.

“Ang cute mo kase”

“Heh! Ewan ko sayo lionel. Mga banat mo ang korni” pagsusungit nito. Mas lalo ko siyang Tinitigan. “Wag mo nga kong titigan. Sige ka baka matunaw ako”

“Hahaha.. edi nakakatunaw pala ang titig ko kung ganun” ang nakangising saad ko. Sakto namang dating ni kuya. Tumatakbo itong lumapit sa amin habang pinapalipad ang laruan niyang si superman at si batman.

“O anak. Saan ka galing?” Ang tanong ni jerol dito.

“Naglaro lang po ako sa mini playground natin papa” ang sabi nito. Kinalong ko rin siya. Silang dalawa ni baby bunso.

Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit hindi kami normal sa paningin ng iba. Masasabi kong masaya kami at mas gagawin kong mas masaya kami kesa sa couple na sinasabi nilang tama sa paningin nila. Siguro nga makasalanan ang ginagawa namin pero wala akong nabasa na ayaw niya sa amin. Haharapin ko ng walang takot ang parusang pwedeng kaharapin namin pagdating ng panahon pero ang maging masaya sa buhay ay hindi matatawaran ng pagkakataon. Mahal ko si jerol, mahal ko ang mga anak ko kaya wala akong karapatang pigilan ito.

“Jerol”

“Hmmm?” Ang sabi nito habang bumabyahe kami papuntang mall.

Kalong na nito si baby bunso habang ang makulit kong anak ay walang ginawa kundi isubo lahat ng laruang mahawakan niya hahaha.. akala siguro ng mga bata pagkain lahat ng mahawakan nila.

“Kung yayayain ba kitang magpakasal ulit. Magpapakasal kaba sakin?” Ang diretsang tanong ko dito. Tumingin ito sa akin.

“Hindi naman tayo nagpa-annual ah” ang sabi nito.

“Hindi nga. Pero magpapakasal kaba ulit sakin if yayain kitang magpakasal?”

“Oo naman. Mahal na mahal kita lionel. Kahit simpleng kasal pa yan. Hinding hindi kita tatanggihan. Alam kong sa panahon ngayon ay marami ng hindi naniniwala sa kasal. Masaya na sila na magkasama sila. Pero ako lionel. Mas gusto kong magpakasal. Kase pakiramdam ko may karapatan na ko sayo. Na may pinagkasunduan tayo. Na iisa na tayo. Kaya bakit ako tatanggi kung yayayain mo kong magpakasal ulit” ang nakangiting sabi nito.

Humarap ako sa unahan at matamis na ngumiti.

Hindi rin nagtagal at nakarating kami sa mall. Tuwang tuwa ang panganay kong anak habang hinihila nito ang kamay ko. Ang cute nilang dalawa ni baby bunso sa suot nilang animal stuff sa ulo.

“Sandali lang anak baka naman madapa kana niyan” ang sabi ko dito.

“Dada kain na po tayo dali” ang sabi nito. Gutom na itong anak ko.

“O sige anak. Hon, Kain daw muna tayo” ang sabi ko kay jerol.

“Sige” pagsang-ayon nito.

Habang naglalakad kami ay nakita ko si paulo. Biglang nag-init ang ulo ko.

“Hon may problema ba?” Ang tanong sa akin ni jerol.

Tiningnan niya din kung saan ako nakatingin.

“Lionel kasama natin ang anak natin. Kumalma ka” bagamat yun lang ang sinabi nito pero alam ko kung anong ibig niyang sabihin.

Ako kase yung klase ng tao na walang inuurungan pag naiinis ako. Kahit sina mommy at daddy hindi nila magawang pigilan ako. Tanging si jerol lang talaga ang may kakayahang patinuin ako.

“Pasalamat siya at hindi niya tayo nakita. Kundi basag talaga ang mukha niyan sa akin” ang maangas na sabi ko.

Naramdaman ko namang kinurot niya ako. Ang sakit pa naman nitong magurot ng asawa ko.

“Lionel yan ngang mga salitaan mo naririnig ng mga anak mo. Baka isipin nila normal lang yung mga pinagsasabi mo” Ang sabi nito.

Ngumiti lang ako at hinalikan ito sa pisnge. Alam na alam talaga niya kung paano maging isang magulang. Hindi ako nagkamaling piliin siya.

“Hon diba may nagpadala sayo ng mga picture namin” ang tanong nito.

“Oo”

“Nakita mo ba kung sino yun?”

“Hindi eh. Bigla na lang kasing may nagdoorbell noon sa bahay ng tingnan ko naman walang tao tanging envelope lang na naglalaman ng mga litrato niyo ng gagong yun” ang naiinis na turo ko kay paulo. Pinitik nito ang bibig ko. Sakit ah.

“Sa tingin mo hon sino kaya yun?”

“Wala rin akong ideya hon kung sino yun eh” ang sabi nito.

“Baka yang paulong yan. Gusto ata niyang manira ng pamilya eh” nag-iinit na naman ulo ko.

“Sshhh.. hindi naman siguro. Wag na muna natin yan isipin. Ang mahalaga ngayon ay masaya tayo at araw ng mga anak natin ngayon kaya dapat enjoy lang” ang nakangiting sabi nito.

Napangiti rin ako at inakbayan ito. AKIN LANG TO!

Kumain kami sa jollibee, pinaglaro namin sila sa kids station, libot sa mall, kain ulit at ngayon nandito na kami sa loob ng department store para ibili ng damit at laruan ang mga bata.

“Nag-enjoy ka ba anak?” Ang tanong ko kay kuya habang kalong kalong ko ito.

“Opo dada” ang cute na sabi ng anak ko.

“E mukhang pagod kana ata anak eh” ang natatawang sabi ko.

“Hindi pa po kaya dada. Ikaw po ah” ang nakangusong saad nito.

Hinalikan ko lang siya sa pisnge at tiningnan ang taong pinakamamahal ko sa aking tabi. Nakakatuwa silang tingnan ng bunso kong anak. Bakla man pakinggan mula sa akin pero kinikilig talaga ako kapag nakikita kong alagang alaga ni jerol ang anak namin. Hay!

“Bakit hon?” Ang tanong nito habang tinititigan ko siya. Umiling lang ako saka ngumiti.

“Wala. Ang saya ko lang talaga” sabay kindat.

“Heh! Ewan ko sayo. Nababaliw ka na naman lionel”

“Oo na. Nababaliw na ako… baliw na baliw sayo” sabay nakaw ko ng halik sa pisnge nito.

Nakita ko namang namula siya habang natataranta ito kay baby bunso kung anong gagawin hahaha…

Pumunta kami sa baby corner para ibili ng mga bagong damit at gamit si baby bunso. Ganun din si kuya. Nagpabili naman ito ng laruan. Hindi talaga ako yung klase ng ama na iniispoild ang anak. Kapag sinumpong lang ako at kapag yung asawa ko na ang nagpumilit sa akin doon mo ko mapapapayag pero kapag sinabi kong hindi ay hindi talaga pwede. Pagkatapos naming mamili ng gamit ng mga bata ay pumunta na kami sa super market.

“Hon anong gusto mong ulam?” Ang tanong ni jerol sa akin.

“Kahit ano hon. Basta luto mo, basta kasama ka, kahit tuyo o asin pa yan. Kakainin ko yan kase mahal na mahal kita” ang sabi ko. Napakunot siya ng noo at tumawa.

“Hay! Ang daming nasabi. Parang nagtanong lang ng ulam eh” ang cute na sabi ng asawa ko. Nakakainlove naman.

Habang namimili kami ay biglang may tumawag sa asawa ko. Medyo malayo kase ako ng konti kay jerol. Nagpapahanap kase ng pagkain si kuya.

“Jerol?” ang rinig kong sabi ng lalaki.

Sino na naman tong tukmol na to? Lumapit yung lalaki sa asawa ko, kitang kita mo sa mukha nito ang saya. Tsk. Sino ba siya? Mukha naman siyang tuko. Ang Panget pa sa totoo lang. Hindi sa nanlalait ako ah pero panget talaga siya.


Jerol’s POV

Habang namimili kami sa super market ay biglang may tumawag sa akin. Nagpalinga-linga ako upang hanapin kung saan nanggaling ang boses na yun pero nagulat ako ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Ibang iba na siya ngayon. Kung gwapo siya noon ay mas lalo pa siyang gumwapo ngayon.

“Jerol” ang masayang sabi nito ng makalapit siya sa akin.

“G-gino?”

“Oo, Ako nga jerol. Ang tagal na nating hindi nagkikita ah. N-namiss kita” ang parang nahihiyang sabi nito. Napatingin ito sa batang hawak ko.

“Kapatid mo?” Ngumiti lang ako at saka umiling.

“Hindi. Anak ko, si baby leon” kita ko naman ang gulat sa mukha niya. Bigla itong natahimik at hindi nagsalita.

“Ah… G-ganun ba? Hehehe… ang swerte naman pala ng asawa mo. Asan nga pala siya?” Ang tanong nito.

Lilingon na sana ako para hanapin si lionel ng maramdaman kong bigla na lang itong humalik at yumakap sa akin ng mahigpit.

“Hon. Wag ka ngang lumayo sa akin. Ang dami pa namang masasamang loob na nagkalat sa panahon ngayon” ang nakasimangot na sabi nito habang nakatingin ng masama kay gino.

Hay! Eto na naman po siya.

Tumingin ako kay gino.

“Ah, Gino. Si lionel nga pala asawa ko” pagpapakilala ko dito.

Ngumisi lang si lionel na parang nagyayabang at nagmamalaki na asawa ko siya. Ano pa nga ba? Hahaha..

“Nice to meet you pare” ang sabi ni gino. Makikipagkamay sana siya kay lionel pero itong asawa ko snob.

“Sino ba yan ha?” Ang tanong ni mokong sa akin.

“Si Gino hon….”

“…Ex niya” Dugtong ni gino.

Nakita ko namang nagulat si lionel sa ibinunyag ni gino. Tumingin ito sa akin na parang naiinis. Alam kong galit na ito. Tumingin siya kay gino saka nginisian.

“Ah. So EX ka pala nitong asawa ko? Pare! Buti naman at EX ka na lang” ang nang-aasar na sabi ni lionel. Ngumiti lang si gino.

“Yun na nga pare eh. Ex niya na lang ako. Pero mas nauna niya akong minahal bago ka. Sarap kaya sa feeling na mas nauna ka niyang minahal. Diba? Pare?” pang-aasar ni Gino.

“Abat” angal ni lionel pero pinanggulatan ko lang siya. Baka gumawa na naman kase ito ng eksena. Naku kasama pa naman namin yung dalawang bata.

Napailing lang ito saka tumingin ng masama kay gino.

“Ok lang pare. Hindi naman ikaw ang huli. At wala ng huhuli pa kundi babangasan ko talaga ang mukha ng umEXtra. By the way, salamat sa pang-iiwan mo sa kanya. Edi sana hanggang ngayon malungkot parin ako at alam mo pare? Asawa ko lang naman ngayon itong si jerol at buhay ko na. Kaya kung gusto mo pang mabuhay matuto kang dumistansya kundi madadala ka ng ambulansya”

“Don’t worry pare. Wala akong balak agawin sayo si jerol. Mas priority ko ngayon ang pag-aaral ko. O pano? Maiwan ko na kayo” ang nakangiting paalam ni Gino.

Napatingin ako sa dala nitong plastic bag na puro gamot.

“Teka gino” pigil ko sa kanya.

Tumingin muna ako kay lionel saka ibinalik ang tingin kay gino. Alam kong galit na galit na talaga itong asawa ko pero nagtataka lang ako kung bakit anf dami ng gamot na dala ni gino

“Bakit jerol?” Ang nakangiting tanong nito.

“Bakit ang dami mong dalang gamot?”

“Ah eto ba? Gamot ko kase to. Yung iba naman ay idodonate ko sa mga batang may sakit rin” labis ang gulat ko sa sinabi niya. Hindi ko alam na may sakit pala itong dinadala.

“A-anong sakit mo?” Ang di ko maiwasang itanong sa kanya. Tumingin ito kay lionel at sa akin saka ngumiti.

“Mahina kase ang resistensya ko, lalo na ang puso ko. Wag kang mag-alala jerol pagaling na rin ako. Yun nga lang. Huli na ang lahat para sa atin. O siya, sige na pare aalis na ako. Alagaan mong mabuti yang asawa mo. Kung wala lang talaga akong dahilan noon para iwanan yan hinding hindi ko yan iiwan.. Sobrang swerte mo sa kanya. Wag na wag mo yang lolokohin ah” ang nakangiting sabi nito. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Pagkaalis ni gino ay biglang binalot kami ng katahimikan.

“Hon” ang pagtawag pansin ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang sasakyan.

“Pssst.. hon” pero hindi pa rin niya ko pinansin.

“Lionel ano ba?” Eto na naman kase kami eh. Huminto ito sa paglalakad saka tumingin sa akin ng seryoso.

“Bakit di mo sinabi sa akin na may ex ka pala? Jerol ang tagal na nating magkasama pero hindi mo man lang nakukwento sa akin”

“Importante pa ba yun?”

“Oo” ang naiinis na sabi nito.

“Nagtanong ka ba?”

“Hindi”

“Yun naman pala eh”

“So hanggat hindi ko pala itatanong sayo hindi mo sasabihin sa akin? Ganun ba yun jerol?” Napailing lang ako.

“Lionel naman. Ano na naman ba to? O sige. Hindi ko nga sinabi sayo, ano magagalit ka? O sige, hindi ko nga siya sinabi or kinwento sayo. May magbabago ba? Alam mo ba kung bakit? Dahil past ko na siya. Dahil hindi na siya importante sa akin dahil nakaraan ko na siya. Ang importante sa akin ngayon lionel tayo, ang meron satin at ang kinabukasan ko kasama ka”

“Pero hindi ka pwedeng umusad kung hindi dahil sa nakaraan mo” ang pagputol nito sa sasabihin ko.

“Paano ka uusad kung parati ka na lang nakabase sa nakaraan mo? Lionel mas mahal ko ang ngayon at ang bukas natin. Magalit ka kung mahal ko pa siya pero lionel hindi eh. Kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya kase simula ng makilala kita at paibigin mo ako kahit baliw ka.. Kahit siraulo ka.. Kahit pasaway ka.. Kahit ang hirap mong intindihin.. mahal na mahal kita” ang malumanay na sabi ko.

Nakita ko naman itong natahimik. Peeo yung galit nandun pa rin.

“Lionel kung tinanong mo ako about sa past ko sasagutin naman kita eh. Hindi ako maglilihim sayo. Hindi ko siya kinwento kase mas binubuo ko ang masayang ala-ala natin mula noong makilala kita. Mas mahalaga itong dalawang anak natin. Hindi na importante sa akin ang nakaraan ko. Isa na lang silang alala na pwede mong balikan pero hindi mo pwedeng tambayan at gawing dahilan para sirain ang ating kinabukasan. Mahal kita lionel ano ba!” ang inis na sabi ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin saka ako hinalikan sa pisnge.

“Sorry hon. Nakakainis lang kase… bakit ba kase lapitin ka ng mga lalaki. Alam mo namang akin ka lang” ang nakangusong sabi nito. Napangiti lang ako.

“Baliw. Naiipit na yung anak mo oh” ang natatawang sabi ko dito. Lumayo ito at saka kinuha sa akin si baby bunso.

“Ay, sorry anak. Naipit ka tuloy ni dada hehehe” ang sabi nito sa anak.

Habang bumabyahe kami papuntang bahay ay walang ginawa si lionel kundi magpacute sa akin. Tapos laging magtatanong kung haggard na daw ba siya. Kung panget na daw ba siya sa paningin ko. Kung mabaho na daw ba siya. Ewan ko ba diyan sa kalokohan ng asawa ko. Gusto niya daw laging maayos siya sa paningin ko. Na-insecure sa sarili. Hahaha…

Pagkarating namin sa bahay ay biglang nagtatakbo si kuya papasok sa loob dala dala ang mga laruang pinamili namin sa kanya. Kitang kita mo ang saya sa mukha niya.

“Ang laki na ng anak natin hon noh?” Ang sabi ni lionel.

“Oonga hon eh. Sunod naman itong baby natin” ang sabi ko dito sa batang kalong kalong ko.

“Hehehe… papalakihin natin silang dalawa ha. Ibibigay natin lahat ng makakaya natin para gumanda lang ang buhay nila” ang sabi nito.

Tumango lang ako habang nakaakbay ito sa akin papasok ng bahay.

Si lionel na muna ang nag-alaga kay baby bunso habang ako naman ay busy sa pagluluto para sa aming hapunan. Gustong gusto ko talaga na pinagluluto ang asawa ko. Alam kong pareho pa kaming bata at walang alam sa pagpapalaki ng mga anak pero dahil sa pagtutulungan naming dalawa kasama ang mga magulang namin ay masasabi kong kakayanin namin. Kaya namin.

Naalala ko na naman si Gino. Hindi ko alam na may sakit pala ito. Sana ay gumaling na siya. Paano kami naghiwalay? First year high school ako noon ng maging kaklase ko siya. Lagi itong nangongopya sa akin. Lagi niya akong pinaggagawa ng project niya. Kaya simula noon lagi ako ang takbuhan niya hanggang sa tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya.

Hindi naman ito nagalit noong nagtapat ako sa kanya kase obvious daw naman sa kilos ko na gusto ko siya. Naging kami almost 2 and a half years hanggang sa iwan niya na lang ako bigla, walang paalam. Sobra akong nasaktan at nanghinayang sa realsyong binuo namin kaya simula noon ay wala na akong lalaking pinagkatiwalaan. Lahat sila sinusungitan ko at pinapalayo sa akin para maiwasan kong masaktan at maiwang muli. Natuto akong maging tahimik.

“Hon luto na ba?” Bumalik na lang ako sa reyalidad ng tanungin ako ni lionel.

“Ah oo hon. Maghahain lang ako” ang sabi ko dito.

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan. Pagkatapos naming kumain ay tumambay kaming lahat sa sala. Habang naglalaro si kuya sa sahig ay ito namang bunsong anak ko ay gustong bumaba at makipaglaro sa kanyang kuya. Nakakatuwa lang hehehe.. naglagay kami ng protection sa sahig para kay baby bunso. Nakaupo lang kami ni lionel sa couch habang tinitingnan ang dalawang batang masayang naglalaro.

“Hon”

“Hmmm?” Ang sabi ko habang hindi nawawala ang ngiti ko sa mga bata.

“Mahal kita” biglang sabi nito.

Bigla akong napatingin sa kanya. Tiningnan ko lang siya ng seryoso at dahan dahang ngumiti. Huminga ako ng malalim.

“Mahal din kita hon” ang sabi ko din.

Lumapit ito sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. Nagulat kami ni lionel ng biglang tumayo si baby bunso at dahan dahan itong naglakad papalapit sa amin. Bigla kaming nataranta ni lionel kaya nagmadali kaming lumapit dito baka kase matumba ito. Pero napahinto kami ng makita namin ang ngiti sa mukha ng bunso naming anak habang natututo itong ihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa amin.

Parang tumalon ang puso ko sa tuwa. Marunong ng maglakad ang anak namin. Lumingon ako sa lalaking nasa tabi ko. Kitang kita mo sa mukha ni lionel kung gaano siya kasaya habang pinagmamasdan si baby bunso. Dahan dahan itong Lumingon sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Parang tumigil ang mundo ko sa ganda ng kanyang mga ngiti. Dahan dahan nitong hinawakan ang kamay ko at sabay naming sinalubong ang aming bunsong anak.

4 years ago..

“Mr. Madrid. Simula ngayon ay sa section na ito kana papasok”

Itutuloy…


Abangan ang High school love story nila. Vote and comment guys para sa chapter na to. Malapit na siyang matapos :(

Dont forget to vote and comment :)

Chapter thirty four

Dedicated to czarvinlee

~~

PAST

~~

Bago ko simulan ang aking kwento ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Jerol Ong, half Pilipino, half chinese. Makinis ang balat, maputi, hindi katangkaran. Sabi nila cute daw ako at kung isusurvey mo daw ako sa mga gay at bisexual. Siguro ay ligawin ako o gustuhin. Yun ang sabi nila.

Fourth year high school na ako at malapit ng grumaduate sa paaralang ito. Hindi na kami inabot ng K to 12. Naging masaya, malungkot at makabuluhan naman ang taon ko sa eskwelahang ito. Hindi kase ako yung klase ng tao na naniniwala sa pag-ibig.

Pag-ibig? Para lang naman yan sa mga taong ayaw mabakante. Ayaw mag-isa.

Naglalakad na ako papasok ng room ng makita ko ang best friend kong si joshua. Yeah, he’s gay like me.

“Bes, ano na?”

“Anong ano na?” Ang natatawang sabi ko dito.

“Baliw ka talaga bes. Kami na” ang sabi nito.

“Ha? Kayo na? Nino?” Ang naguguluhang sabi ko.

“Kami na ni Rod” ang kinikilig na sabi nito. Ah kaya pala. Kaya pala niya ko sinalubong para ibalita lang yun. Sus!

“Happy ako sayo bes” ang masayang sabi ko.

“Eh ikaw bes? Kelan ka magboboyfriend?” Para naman akong nasamid kahit wala akong kinakain o iniinom.

“Sira! Mas importante ang pag-aaral ko kesa sa mga lalaking yan. Lolokohin ka lang niyan bes. Gagamitin ka lang nila tapos iiwan kapag nagsawa na. Ganyan sila”

“Ay wag ganun bes? May hugot? Ang bitter ha” ang nakangusong sabi nito.

Ganito talaga ako ka-straight forwad pagdating sa pag-ibig. Ayoko siyang mag-expect at masaktan dahil mahal ko tong kaibigang kong ito..

“Alam mo bes, hindi ka talaga magkakalovelife kapag ganyan ka. Cute ka naman, kamukha mo pa nga si Gump ng thai gay movie na Love love you (love’s coming 2) tapos manirism mo yung ka-cute-an ni Bas ng 2 moons the series tapos ayaw mong magpaligaw? Kumbaga sa pelikula pinipilahan ka. Pero ano? Nirereject mo lang? Ganda mo eh”

“E, basta! Ayoko! Ayoko! At ayoko! Tama na yung mag-aral ako ng mabuti” ang sabi ko dito pero hindi siya nakikinig sa akin. Nakatulala lang siya. Napairap lang ako.

“Ui bes..” ang pagtawag ko dito. Nang tingnan ko kung saan ito nakatingin ay napaikot lang ako ng mata.

“Tara na nga sa loob ng room” ang sabi ko dito.

Aktong hihilahin ko siya pero pinalis niya ang kamay ko at ngumiti siya ng todo na akala mo yung pinaoangarap niya eh nakita nakuha na niya. Tsk!. Rinig na rinig ko naman ang tilian ng mga malalanding babae. Basta gwapo mahal na? Duh!

“Bes ang gwapo ni lionel” ang kinikilig na sabi nito.

“Gwapo yan? Sus! Ewan! Tara na” hila ko sa kanya. Pero hindi siya nagpahila.

“Bes sandali lang naman” ang sabi nito. Hinila niya ako patabi dahil dadaan yung tatlong pinakapasaway ng school na ito.

“ Tsk. Mga feeling “ ang bulong ko sabay irap. Lakas kase maka-F4.

Bigla silang tumigil na tatlo. Hala! Narinig ata. Paktay. Lumapit sila sa akin at tiningnan ako ng masama.

“May sinasabi ka?” Ang maangas na sabi nito.

“Ah.. eh.. w-wala hehehe” ang natatakot kong sabi. Yah! Takot ako. Akala ko lang naman hindi maririnig kaya malakas loob ko. O ano ngayon tiklop ako hahaha..

“Magsalita ka kung kaya mo kami. Hindi yung magsasalita ka kapag nakatalikod kami. Alam mo bang kaya kitang tirisin sa liit mong yan” ang sabi nito.

Narinig ko namang nagbulungan ang mga estudyanteng nakakakita sa amin. Para akong nanliit, actually maliit na pala talaga ako hahaha.. Tinapunan lang naman ako ng mga fantards ng masasamang tingin. Napayuko lang ako. Humarap ito sa kanila.

“Sa susunod na may gusto kayong sabihin sa akin o sa amin. Sabihin niyo ng harapan. Hindi yung magsasalita kayo kapag nakatalikod kami pero takot niyo namang panindigan kapag kinausap kayo. Naiintindihan niyo ba yun ha?!” Ang sigaw nito sa kanila. Napayuko lang ako. Para akong binalot ng kahihiyan.

“Tara na guys”

Pagkaalis nila ay pinagtaasan lang nila ako ng kilay.

“ Sino ba kase yan?“

“Papansin”

“Baka nagpapapansin lang para magustuhan siya”

“ Eww…hindi yan magugustuhan ni lionel. Hindi yun pumapatol sa mga bakla “

Ang rinig kong sabi nila.

“Ano bes? Sikat kana?” ang sabi ng mabuti kong katabi.

“Che! Wala akong paki. Tara na sa loob” ang sabi ko dito.

Buong maghapon lang naman akong pinag-usapan sa school na ito. Hot topic. O diba! Lakas makabash ng tagasunod ng ulupong na yun. Nakikita ko si mr. Yabang na kung sino sinong babae ang kanyang kasama. Feeling talaga. Akala niya nakasentro sa kanya ang mundo. Sus! Basta gwapo mayabang, hindi seryoso, manloloko, manggagamit. Lahat lahat na.

Yun na ata ang huling encounter ko sa tatlong sikat kuno ng school na ito. Naging maayos naman ang mga araw, linggo at buwan na lumipas sa school kong ito. Napag-alaman kong 3rd lang si lionel noong lumipat siya sa school na ito. Wala kase akong pakialam sa kanila. Oo madalas ko silang makita noon pa lang. Pero ni crush o ano wala akong maramdaman sa kanila. Siguro ay natuto na akong turuan ang puso ko. Turuan itong huwag umibig o magkagusto. Because of Gino.

Lagi din silang pinapatawag ng principal dahil kung kani-kanino sila nagkikipagsuntukan. Paano ko nalaman? Siyempre kay joshua, ewan ko ba diyan sa baklang yan kung may boyfriend ba talaga siya o ano? Para kasing wala. Updated kase siya lagi kay lionel. Hindi ko lang talaga maisip kung bakit ba sila patay na patay sa mga ganyang klaseng lalaki na wala namang alam kundi humanap ng away, mambabae at manoloko.

Ganyan na ba ang mga iniidolo nila ngayon o talagang sa itsura na lang sila bumabase kahit na ang sama na ng ugali nito. Hay! Ewan ko sa kanila.

Habang naglalakad ako papasok ng school ay nakita ko ang grupo ni lionel kasama ang dalawa nitong kaibigan. Maraming babae na naman ang lumalapit sa kanila at siyempre tuwang tuwa naman ang mga mokong. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagkarating ko sa room ay kanya kanya sila ng pinag-uusapan. Nagkibit balikat na lang ako at naupo sa upuan ko. Hindi kami magkatabi ni joshua kase letter B ang apelyido niya samantalang letter O naman ang sa akin. Pero itong bes kong ito ay malayo ang nararating. Pupunta o lalapit yan sa pwesto ko para lang magkwento ng kung anu-ano. Speaking of..

“Bes.. urgh!” Ang na-eexcite na sabi nito saka naupo sa bakanteng upuang katabi ko.

“Ano na naman yun bes at mukhang masayang masaya kana naman?” ang tanong ko dito.

“Bes kase ano.. keshe.. urgh. Peeno ke be te sesebehen?” ang pabebeng sabi nito. Sarap batukan. Ang arte arte magsalita. Kainis.

“E kung batukan kaya kita diyan” ang naiinis na sabi ko. Natawa lang ito.

“Bes, ganito kase yun…”

“Ok class take your seat. I mean your own seat” ang maootoridad na sabi ni maam. Napanguso lang itong katabi ko. Nagdadabog siyang tumayo at dirediretsong naupo sa unahan. Hahaha.. Hindi kase natuloy ang chismiss niya.

“Alam kong ang section na ito ang may pinakadisiplinado at isa sa pinaka magagaling na section sa buong 4th year. Kaya napagkasunduan namin. Naming mga teacher na dito ilipat ang tatlong estudyante na pasaway lang naman sa buong school na ito. Alam kong mahirap para sa inyo ito lalo na’t hindi kayo ganoon ka-pasaway. It’s a challenge guys, girls.. Sana ay maimpluwensyahan niyo sila. May tiwala ako sa inyo” ani ni maam at saka pinapasok ang tatlong lalaki.

Halos magtilian namsn lahat ng babae at binabae sa room na ito. Napaikot lang ako ng mata.

“Ok. Magpakilala na kayo. Gusto kong ipakilala niyo ang inyong sarili sa wikang tagalog” ang utos ni maam. Tumango lang silang tatlo. Humakbang yung isa saka nagpogi pose. Tsk.

“Ako nga pala si Dave Baston. Labing anim na taong gulang. Gwapo matangkad at magaling magbadmenton. Naniniwala sa kasabihang wag mo kong titigan kung ayaw mong masaktan” ang sabi ni Dave sabay kindat. Nagsitilian naman yung mga mahaharot na babae.

Ano kaya katili-tili dun? Mga baliw.

“Next..” ang seryosong sabi ni maam. Humakbang naman yung isa sa unahan.

“Ako naman Anthony De leon, labing anim na taong gulang, magaling magsoccer, Gwapo syempre, seryoso at naniniwala sa kasabihang ibigin mo ng lahat, basta sa akin ka lang babagsak” at kumindat ito. As usual, tilian na naman sila.

“Quiet” ani ni maam. Natigilan naman sila. “ Mr. Madirid. Simula ngayon ay sa section na to kana papasok at wala ka ng magagawa doon. Nagkakaintindihan ba tayo?“

Napangisi lang si lionel at humakbang ito paunahan. Rinig na rinig mo ang mahihinang tilian ng mga babae at mga binabae. Halatang marami ngang humahanga sa lalaking ito.

“Ako si Lionel madrid. Labing pitong taong gulang. Loyal” ang tipid nitong sabi at doon na nagwala ang mga kababaihan sa kanya. Tsk. Yun lang? Ano Loyal? Saang parte? Eh halos araw araw ata eh may bagong babae yan eh. Asan ang loyal dun? Pakiexplain.

“O siya, o siya, tama na yang kalandian niyo. Mister Baston maupo kana sa tabi ni mister Bernabe, ikaw naman Mister De leon sa tabi ni Miss Dorado at ikaw Mister Madrid. Maupo ka sa tabi ni Mister Ong” ang sabi ni maam. Biglang nanlaki ang mata ko.

“Alam kong mapapatino ka ni mister Ong dahil isa siya sa nangunguna sa klaseng ito. O sige na maupo na kayo ng makapagsimula na tayo”

Kanya kanya sila ng upo habang ako naman ay diretso lang ang tingin sa unahan. Kita ko sa peripheral vision ko na nakangising nakatingin ito sa akin. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang upuan hudyat na mauupo na siya. Nanatili lang akong nakatitig sa unahan. Naramdaman kong lumapit ito sa akin at bumulong sa tenga ko.

“Kung sinuswerte ka nga naman. Isang baklang pakialamero pa ang makakatabi mo. Humanda ka sa akin” pananakot nito.

Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa kanya para sana magpaliwanag pero hindi ko inaasahang sa paglingon ko pala ay magdidikit ang aming mga labi. Halos manlaki ang mata naming dalawa. Bigla itong lumayo at tinulak ako ng malakas. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng kanyang pagkakatulak.

“P*tang na mo! bakla ka! Tngi na mo! Bakit mo ko hinalikan? Bakla ka talaga hayop ka!” ang gigil na gigil na sabi nito.

Aktong susuntukin niya ako ng yakapin ko ang tuhod ko at isubsob doon ang ulo ko dahil sa takot. Umiyak ako ng mahina. Hinintay ko ang pagsuntok nito pero wala akong naramdaman.

“Anong kaguluhan na naman ito mister madrid? Kabago bago mo pa lang sa section ito away na agad ang sinalubong mo” sabi ni maam.

Napaangat naman ako ng tingin habang nakaupo pa rin ako sa semento. Nakita kong pinipigilan siya ng kanyang mga kaibigan.

“Eto kasing p*tang *nang baklang to hinalikan ako” ang nanggigigil na sigaw nito.

“Maghinay hinay ka sa mga pananalita mo mister madrid. Pwedeng pwede kitang ipatanggal sa paaralang ito ngayon din” ang pagbabanta ni maam. Para naman itong natauhan.

Lumapit sa akin si Dave at tinulungan akong makatayo.

“Ok ka lang?” Ang tanong nito. Tumango lang ako.

“Wag mong tulungan yan. Baka lapain ka rin niyan” ang nakangising sabi ni lionel. Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Ano lalaban ka?” Ang maangas na sabi nito.

“Pare tama na” ang awat ni anthony.

“Kapag hindi kayo tumigil na dalawa diyan pareho ko kayong tatanggalin sa paaralang ito”

“Pero maam.. wala naman po akong ginawang masama” pag depensa ko.

“Wala nga pero kung hindi kayo titigil diyan pareho. Lalabas ako dito at dadalhin ko kayo sa principal’s office”

Hinawi ni lionel ang kamay ng kanyang kaibigan saka naupo ito sa tabing upuan ko. Naupo na rin ako sa upuan ko.

“Good. Malaman ko lang na nag-aaway na naman kayo. Hinding hindi talaga ako mangingiming ihakbang itong mga paa ko papunta sa ating punong guro”

Bumalik na si maam sa pagtuturo habang ako ay diretso lang ang tingin sa unahan. Ayokong pansinin itong mayabang na katabi to at baka matanggal pa ako sa paaralanh ito masayang lang ang mga pinaghirapan ko.

Naririnig ko na naman ang mga bubuyog sa paligid ko na may kanya kanyang komento patungkol sa akin. Pilit ko na lang na iniignora ang mga sinasabi nila. Sawa na ako sa mga pamumuna nila sa akin. Ewan ko ba kung bakit insecure na insecure sila sa akin eh bakla naman ako.

Natapos ang buong klase na puro kami na naman ang Topic. Habang ang kaibigan ko namang si joshua ay tuwang tuwa na nakatabi niya si Dave. Ni hindi man lang niya kinamusta kung ok ba ako o hindi eh. Sobrang maalaga talaga itong besfriend ko.

Paglabas namin ng gate ay bigla na lang may tumama sa mukha ko. Isang paper plate na punong puno ng icing. Nang tingnan ko kung sino iyon ay walang iba kundi ang grupo lang naman nila lionel na halos mamatay na sa katatawa. Huminga lang ako ng malamin at dire-diretsong naglakad habang pinupunasan ko ang mukha ko.

Pag-uwi ko sa bahay ay tinanong ako nila mama at papa kung anong nangyari sa akin nagsinungalin na lang ako at dire-diretsong umakyat sa kwarto. Ayokong mamroblema pa sila sa akin.

Simula noon ay araw araw na akong nakakatanggap ng kung anu-anong pangbubully mula sa kanila especially kay lionel. Pinagsasawalang bahala ko na lang ito dahil ayokong masira ang pag-aaral ko ng dahil lang sa lalaking yun.

May time pa nga hihilahin nila ang upuan ko at bigla na lang akong babagsak sa sahig, susugurin sa CR at huhubaran at saka itatago ang uniform ko, o kaya ay sasadyaing patamaan ng bola sa mukha. Lahat ng yun ay tinanggap ko, lahat ng pambubully nila ay tiniis ko. Pinilit kong maging matigas sa harap ni lionel. Ayokong makita niya ulit akong mahina. Ayokong maging mahina ulit sa harap niya.

Naglalakad na kami ni joshua noon papuntang canteen ng makita ko na naman ang grupo ni lionel. Nakangisi itong nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinila si joshua papasok sa loob ng canteen. Pero nagulat ako sa pagpasok namin sa loob ng canteen ng pagbabatuhin nila kami ng pagkain. Halos lahat sila ay tumatawang binabato kami. Nakatayo lang ako habang sinasalo ang kanilang ginagawa. Kinuyom ko lang ang kamao ko at huminga ng malalim.

Nanghihina kong tinungo ang direksyon ni lionel. Tinitigan niya lang ako habang lumalapit sa kanya.

“Oh. Ganyan kana pala kumain. Sabog sabog? Ang dugyot mo naman” Ang tumatawang sabi nito. Pumikit lang ako at huminga ng malalim.

“Baka naman gusto mo pang dagdagan ko bakla! Hahaha..” ang sabi pa nito at binuhusan niya ako ng softdrinks sa ulo. Huminga lang ulit ako ng malalim.

“Ano? Kilalanin mo kase ang kinakalaban mo. Hindi yung papansin ka ng papansin sa akin. Bakla ka na. Salot ka pa. Isa kang Salo—” hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil sinampal ko na ito ng malakas.

Nangigigil ko siyang tinitigan sa mata. Kinuyon nito ang kanyang kamao at tinitigan ako ng matatalim. Hindi ako nagpatinag sa kanyang mga titig.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko na kinaya at sunod sunod ng lumabas ang mga luha ko.

“Lionel pwede mo naman akong suntukin o bugbugin na lang eh kung yan ang magpapasaya sayo… kahit yun na lang lionel para maramdaman ko ang sakit. Para kahit doon pwede siyang gumaling. Pero lionel yung gawin mo sa akin to araw araw? Sobrang sakit na eh.. ang sakit na” ang umiiyak na sabi ko dito habang pinupunasan ang luha ko gamit ang braso ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at nagmakaawa akong suntukin niya na lang ako.

“Suntukin mo na lang ako lionel. Suntukin mo na lang ako parang awa mo na” ang nakaluhod na sabi ko dito habang pinupunasan ko ang luha ko. Pilit ko ipinapalo ang kamay niya sa ulo ko pero pinipigilan niya ito.

“Lionel naman eh..” ang humihikbing sabi ko dito.

Alam kong pinagtitinginan na nila ako pero mas pinili kong mas maramdaman ang sakit kesa ang unti unti kang nasasaktan emosyonal.

Hinila ni lionel ang kamay niya at dali dali itong umalis. Hindi ko mabasa ang expression niya. Nilapitan ako ni joshua at dinala sa CR para maglinis ng katawan.

Iyak lang ako ng iyak habang naghihilamos ng mukha.

“Bes, mas mabuting sa amin kana muna dumiretso. Papahiramin na rin kita ng damit para hindi kana tanungin sa inyo kung anong itsura meron ka ngayon. Tiyak na magagalit yung mga yun lalo na si tito” ang nag-aalalang sabi ng bestfriend ko.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Yun nga ang nangyari. Tumuloy muna ako sa bahay nila bes at doon nagpalipas ng sama ng loob. Pinagaan niya ang damdamin ko. Buti na rin lang at hindi nakakahalata sina mama at papa pati na rin si kuya sa mga nangyayari noong makauwi ako.

Kahit ayokong pumasok kinabukasan ay pinilit ko dahil nasa 3rd quarter na rin kami ng taon lalo pa’t graduating kami kaya kahit ayoko ay kelangan kong pumasok.

Lahat ng mga estudyanteng makakakita sa akin ay pinagtitinginan ako. Huminga ako ng malalim at hindi na lang sila pinansin.

Buong maghapong hindi nagpakita si lionel. Nakahinga naman ako dahil kahit papaano ay ayoko munang makipagtalo o makaharap siya.

Dumating ang kinabukasan at hindi pa rin ito pumapasok hanggang sa umabot ng isang linggo ay hindi pa rin ito nagpapakita. Tinatanong siya ng mga teachers namin kina dave at anthony pero kahit sila ay tanging hindi alam ang sagot.

~~

PRESENT

~~

“Ok class dismiss” ang sabi ko sa mga estudyante ko.

Pagkatapos kong ligpitin lahat ng gamit ko ay nakita ko lang si paulo na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at lumabas na ako ng room.

“Sir sandali” ang pigil nito sa akin. Tumigil naman ako.

“Ano yun?” Ang casual kong sagot.

Teacher niya pa rin ako kaya kelangan kong gampanan ang pagiging guro ko sa kanya habang nasa loob ako ng eskwelahang ito.

“Sir sorry sa ginawa ko” ang paghingi nito ng paumanhin.

“Hindi ito ang tamang oras para sa ganyan paulo. Nasa loob pa tayo ng paaralan kaya wag mo sanang kalimutan na teacher mo ako paulo” ang sabi ko dito at iniwan na siya.

Alam kong hahaba na naman ito kung makikipagtalo pa ako sa kanya.

Dumiretso na ako sa canteen para bumili ng aking tanghalian.

“Sir madrid” napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin.

“Ikaw pala sir marvin. Si maam anna?” Tanong ko dito.

“Ewan. May pupuntahan daw”

“Ganun ba? Parang napapadalas na ata ang pag-alis nito ah. Ano kayang problema nun?” Ang nagtatakang tanong ko sa kanya habang pumipili kami ng pagkain.

“Mukha nga siyang balisa kanina pa eh. Hindi makausap ng maayos” ang sabi ni sir. Marvin.

Napatingin naman ako sa kanya.

“Ganun ba? Baka naman may problema lang siya”

“Siguro” ang tipid na sagot nito.

Pagkatapos naming magbayad sa counter ay sabay na kaming kumain. Wala kaming ginawa ni sir marvin kundi ang magkwentuhan at magtawanan. Namiss ko siyang kasabay kumain yun nga lang wala si maam anna. Hindi ko siya maintindihan kung bakit parang umiiwas ito sa amin.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa pagtuturo. Binilhan pa ako ni sir marvin ng chocolates. Meryenda ko daw para mamamaya. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Habang nagtuturo ako ay napansin ko si paulo na nakatulala habang nakikinig sa akin. Bakas din sa itsura nito ang pamamayat ng katawan. Nabahala na ako kaya pagkatapos ng klase ay minabuti kong kausapin na ito. Niyaya ko siya sa school play ground. Naupo kami sa swing. Walang gustong magsalita. Nakatitig lang kami sa kawalan.

“Paulo” ang sabi ko dito habang nakatingin pa rin ako sa malayo.

“Hmmm?”

“Alam mo bang si lionel ay parang ikaw?” Sa wakas. Tumingin ito sa akin ng nakakunot. Ngumiti lang ako at tumingin ulit sa malayo.

“Alam mo bang isang barumbado at gago din yang si lionel. Pasaway at hindi marunong makinig. Matigas ang ulo, basagulero, mapagmura. Halos lahat na ata nasa kanya” ang sabi ko.

“Sir hindi naman ako ganun ka gago. Gago lang pero hindi ganun ka sobra” ang pag depensa nito sa sarili. Natawa naman ako. “Bakit kayo tumatawa?”

“Wala..wala.. hahaha” ang hindi ko mapigilang tawa.

“Sir naman eh” tumigil ako sa pagtawa at pinilit maging seryoso. Tumingin ako sa malayo at dinuyan ang aking upuan.

“Masarap maging bata. Masarap mainlove habang bata pero hindi ibig sabihin noon ay sisirain mo na ang buhay mo dahil umiibig ka lang” tumingin ako sa kanya. “Paulo ang gwapo mo”

“Alam ko. Hindi mo nga ako magustuhan eh”

“Baliw”

“Ako Sayo” dugtong niya. Huminga ako ng malalim at dinuyan ulit.

“Akala ko noon wala ng magmamahal sa akin ng totoo at seseryoso. Pero alam mo bang lahat ng kagaguhan ni lionel ay nawala ng dahil sa isang baklang tulad ko. Biruin mo yun paulo. Isang hamak na bakla lang naman ako na handang umibig at masaktan at handang maiwan. Ganoon ang buhay naming mga bakla. Gagamitin ka at pag-eexperementuhan habang gulong gulo pa sila sa kanilang kasarian at kapag nalaman nilang walang patutunguhan ang pagmamahalan niyo sa isat isa kahit matibay pa ang pagmamahalan niyo. Iiwan at iiwan ka pa rin nito at pipiliin na mamuhay ng normal. Yun daw kase ang normal paulo, yung mag-aasawa ka ng babae at bibigyan ka ng anak” huminga ako ng malalim at ngumiti.

“Nandyan lang sila sayo habang bata pa sila habang hindi pa sila nagsesettle down pero pag pakiramdam nila na tumatanda na sila, iiwan kana kase wala ng patutunguhan ang relasyon niyo. Hindi kana kasama sa mga pangarap na hinangad niya pagtanda niya. Dahilan kase nila ay gusto nilang tumada ng may kasama at mag-aalaga sa kanila. Paano naman kami? Hindi rin ba kami nangarap ng ganun na sila ang gusto naming makasama? Yun kase ang isang bagay na hindi namin kayang ibigay sa kanila..” ang sabi ko.

Tumingin ako sa mga estudyanteng naglalakad.

“Hindi mo sila kayang bigyan ng anak” ang sabi ko.

“Kayang kaya ka nilang mahalin pero ang ipaglaban ka? Malabo yun paulo”

Napaiwas naman ito ng tingin.

“Paulo alam kong hindi ka si lionel. Pero pwede kang maging paulo sa sarili mo. Pwede kang magmahal ng tulad namin pero wag mo sanang kalimutan na nagmamahal at nasasaktan din kami. Ginawa ni lionel ang lahat para maging tapat sa akin, bigyan niya ako ng anak ng hindi niya ako sinasaktan. Mahalin ako ng walang katapusan. Paulo wag mong sirain ang buhay mo dahil nagmahal ka sa akin. Siguro kung hindi ko nakilala si lionel noon baka pwede pa. Pero paulo. Ayokong ipagpalit si lionel eh. Mahal na mahal ko siya eh mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko” ang sabi ko dito.

“Alam ko” tipid niyang sagot.

“Hindi lang ako ang tao sa mundong ito paulo. Malay mo babae pala ang makakatuluyan mo o kaya ay kapwa mo lalaki. Pero kung magkaganun man. Ang tanging paalala ko lang sayo ay wag mong lokohin ang sarili mo at lokohin ang iba para lang sa pansarili mo” hinawakan ko ang kamay nito. Tumingin siya sa akin at tinitigan ako sa mata.

“Isipin mo na lang na panget ako o ano. Basta maghanap ka ng ikakaturn off mo sa akin” ang sabi ko. Natawa naman siya.

“Parang ang hirap naman ata niyan sir. Ang perfect mo kase sa paningin ko kaya pati asawa mo bantay sarado” ang tumatawang sabi nito.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tumatawa ito. Ang gwapo lalo ni paulo kapag tumatawa siya.

Naniniwala akong makakahanap din ito ng taong makakapagpatino sa kanya. Kung hindi man ngayon alam kong malapit na.

“Ang gwapo mo paulo kapag tumatawa ka”

“Siyempre naman ako pa” pagmamayabang nito.

“Heh! Pramis mo sa akin na lagi ka ng tatawa ha. Maniwala ka. Mahahanap mo rin ang taong para sayo. Maniwala ka lang” ang sabi ko.

Tumango lang ito sa akin. Hay! Napahinga lang ako ng malalim saka umalis na ito.

Buti naman at nakangiti na siya ngayon. Sana ay magtuloy tuloy na ito. Dahil ang laki talaga ng ipinayat niya.

Hay!

Tumayo na ako at kinapa ang cellphone ko baka tumatawag na sa akin ang asawa ko. Nang hindi ko ito makapa ay naisipan kong bumalik na sa room. Baka naiwan ko sa sulong ng table ko. Kaya dali dali akong bumalik ng room para kuhain ang cellphone ko. Pagkarating ko doon ay naabutan ko si sir marvin na hawak hawak ang cellphone ko at parang may kinakausap sa cellphone.

“Sir marvin” ang sabi ko dito. Bigla itong napatingin sa akin.

“Ah.. sir madrid ikaw pala. Dadaanan sana kita dito para sabay na sana tayong umuwi ng makita kong wala ng tao dito sa room niyo at narinig kong may tumutunog na cellphone kaya sinagot ko na ito” ang sabi nito at dali daling inabot sa akin ang cellphone. Napabuntong hininga naman ako.

“Hay salamat. Akala ko nawala ko na. Tara uwi na tayo” ang yaya ko dito.

“Tara” ang tipid na sagot nito.

Hahakbang na sana kami ng biglang may nalaglag na envelope sa librong hawak niya. Napakunot naman ako ng noo ng mamukhaan ko ang envelope na ito. Dali dali ko siyang dinampot at tiningnan ang nilalaman nito. Tumingin ako kay sir marvin ng nagtataka at hindi makapaniwala.

~~

PAST

~~

Madilim na rin ng matapos akong magresearch sa library. Palabas na sana ako ng gate ng school ng may biglang nagtakip ng tela sa bibig ko kaya hindi ako nakasigaw. Sabay buhat sa akin papasok ng sasakyan. Tinakpan nila ang mata ko hanggang sa magdilim ito at wala na akong makita.

Itutuloy


Abangan ang kapanapanabik na tagpo at ang pagpapatuloy ng kanilang High school love story.

*Sana Basahin niyo rin ang bago kong Story. “Terry at Enzo” tiyak na mawiwindang kayo sa first chapter pa lang. Aasahan ko ang vote at comment niyo dun at siyempre dito :)

KHOB KHUN KHAB (Thank you in thai)

Chapter thirty five

~~

PAST

~~

Nagising na lang ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang taong nakayakap sa tabi ko ay biglang nanlaki ang mata ko. Tinulak ko siya ng malakas na naging dahilan nito para mahulog sa sahig.

“Aray! Ano ba! Bakit mo ko tinulak. Alam mo namang natutulog yung tao eh” ang pupungas pungas na sabi nito habang tumatayo siya at nahiga ulit sa kama.

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Sinubsob pa niya ang mukha niya sa leeg ko at inamoy-amoy ito. Biglang namula ang mukha ko. Paano ba naman kase nakasuot lang ito ng boxer shorts at walang damit pang itaas.

“Bitawan mo nga ako” ang pagpupumiglas ko dito pero itong mokong na ito nakangiti lang habang nakapikit ang mata. “Lionel nang-aasar ka ba ha?”

“Wag ka ngang malikot. Natutulog pa yung boyfriend mo oh” ang sabi nito. Ha? Ano daw? Siniko ko nga siya sa sikmura.

“Awww.. Masakit yun ah. Bakit mo ko siniko?” Ang naiinis na sabi nito.

Tumayo ako at pinaghahampas siya ng unan.

“Iuwi mo na ako. Nakakainis ka” ang walang tigil na hampas ko dito.

Tawa lang siya ng tawa. Umayos ito ng higa at nilagay ang dalawang kamay sa ulunan at ginawang unan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at saka ngumiti. Lalo kong napagmasdan ang maganda nitong katawan.

“Lionel gusto ko ng umuwi” ang sabi ko dito.

Minulat niya ang kanyang kaliwang mata at pinikit ulit.

“Hindi tayo uuwi hanggat hindi mo ko pinapatawad” ang sabi nito. Napaikot lang ako ng mata.

“Yun lang pala. O sige, pinapatawad na kita. Pwede na ba akong umuwi?”

“Ayoko”

Nakakainis na talaga. Urgh.. napaka kapal talaga ng mukha. Nakakadistract pa yung katawan niya.

“Lionel hindi ako nakikipagbiruan ha!” ang seryosong sabi ko dito.

“Hindi rin ako nakikipagbiruan”

“Ano pa bang gusto mong gawin ko! Pinatawad na nga kita diba?”

“Iba yung sinasabi ng bibig mo kesa sa sinasabi ng puso mo. Ang gusto ko yung pagpapatawad na galing sa puso mo” ang sabi niya.

“Edi wag! Aalis na lang ako mag-isa dito kung ayaw mo” ang sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at dali dali akong lumabas ng ewan kung bahay ba ito o kubo o ano. Mukha siyang cottage na pwedeng tulugan. Tama yun nga! Pagkalabas ko ay namangha ako sa ganda ng dagat. Ang daming taong naliligo.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa puno ng niyog. Naupo ako doon at pinagmasdan ang bawat pag-alon ng dagat. Ilang minuto rin akong nakaupo doon hanggang sa maramdaman kong may naupo sa tabi ko. Tinanaw din niya ang dagat habang seryoso itong nakatingin doon.

“Sorry” sapat na para marinig ko.

Ngumiti siya at tumingin sa akin. Tumingin din ako sa kanya ng seryoso at tinitigan ito. Oo alam kong gwapo siya. Pero bakit wala akong maramdamang crush o ano sa kanya. Hindi ako nagsalita. Tumayo ako at bumalik sa lugar na aming tinutuluyan. Alam kong malayo ang lugar na ito at hindi ko kayang umalis ng mag-isa. Nahiga ulit ako sa kama at tinitigan ang kisame.

Ayoko muna siyang sagutin. Ayoko munang magpatawad ng hindi bukal sa loob ko. Pumasok ito at nahiga din sa tabi ko.

“Jerol sorry” ang paghingi na naman nito ng paumanhin.

“Lionel bakit kelangan mo pa itong gawin? Bakit kelangan mo pa akong dalhin sa ganitong lugar para lang hingin ang kapatawaran ko?” Ang naguguluhang tanong ko sa kanya.

Siya naman ang hindi nakapagsalita. Huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mata hangang sa makatulog ako.

Sa loob ng dalawang araw na yun ay hindi ko talaga siya pinapansin. Hindi rin ako kumakain kapag nandiyan siya. Tinaas ko ang pride ko noong araw na yun dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya pa ito kelangan gawin. Hingi lang siya ng hingi ng tawad.

Nakaupo lang ulit ako sa ilalim ng puno habang tinititigan ang bawat pag-alon ng dagat. Pangatlong araw na namin ito. Hindi ko alam kung kelan kami aalis sa lugar na ito. Ang alam ko lang ay nag-eenjoy at narerelax ako habang pinagmamasdan ang mga tao at paglubog ng araw sa dagat. Habang nasa ganoon akong posisyon ay naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Tinanaw din niya ang dagat.

Sa dalawang araw na lumipas ay hindi siya nawawala sa tabi ko. Kung saan ako pumunta ay nandoon din siya. Lagi ako nitong inaasikaso, inaalagaan. Narinig kong bumuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko.

“Alam mo bang gago ako?” Ang sabi nito habang tinititigan ang dagat.

Nakatingin lang ako sa kanya. Siya yung klase ng tao na bad boy kung titingnan. Mukha pa lang matapang na.

“Alam mo bang mahilig ako sa babae?” dagdag pa niya. Napairap lang ako.

“Alam ko” ang mahinang sabi ko.

“Pero alam mo ba kung bakit kita dinala dito?”

“Oo. Para humingi ng sorry?” ang sabat ko. Ngumiti siya at tumingin sa akin.

“Mali” ang sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

“Mali kase.. urgh! Fck! Pano ba to? Sht Natotorpe ako” ang sabi niya.

“Ha?” Ano daw?

“A-ano kase.. kinakabahan ako. First time kong kabahan ng ganito. Pero ayokong bitawan ang kamay mo. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Ang weird man pakinggan jerol pero sh*t! Pwede mo ba akong maging boyfriend?” Ang sabi nito. Biglang nanlaki ang mata ko.

Tumayo ako pero hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko.

“Lionel kung pinagtitripan mo na naman ako hindi na uubra sa akin yan” ang sabi ko.

“Jerol hindi ako nangtitrip o ano. Hindi ito gaya ng mga napapanuod mo at nababasa mo sa mga kwento na porket nahalikan lang naging bakla na at nainlove na. Mali ka! Tang* na Naman oh. Alam kong ang bilis pero Ayokong nakikita kang umiiyak. Alam mo bang noong umiyak ka at nagmakaawa sa harap ko. Parang sinaksak ang puso ko sa sakit. Parang gusto kong alagaan ka. Tang* na! May nabuhay sa puso ko na siyang nagtutulak sa akin ngayon para angkinin ka. Ewan di ko alam kung bakit ganun kabilis. Siguro para sa akin ka talaga.. Hindi ka lang nito nahanap agad” sabay turo sa puso niya.

“Kung bakla ako. Oo na, sige na! Sige na! Bakla na ako. Tang* na! Mahal kita! Jerol” ang sabi nito habang nakayakap sa akin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makahinga. Hindi naman mahigpit ang yakap niya. Pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ganun? Bakit ngayon nahuhulog na ako sa kanya.

“Jerol kahit ngayon lang oh. Maniwala ka naman sa akin na mahal kita” ang sabi nito. Ramdam na ramdam ko ang pagkasinsero sa mga sinasabi niya.

“Lionel hindi ko alam kung dapat ba o hindi ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung Oo o hindi ang sagot ko. Hindi ko alam” ang naguguluhang sabi ko.

“Basta Boyfriend na kita ha. Liligawan kita. Akin kana” ang sabi nito.

“Pero…” hindi na niya ko pinagsalita dahil hinila na niya ako pabalik ng cottage.

Teka! Hindi pa ko pumapayag diba? Boyfriend na agad?

Habang naglalakad kami ay hindi nito binibitawan ang kamay ko.

Alam kong maraming pumipigil sa akin para magmahal ulit pero bakit ganun? Bakit nagkakaroon ako ng lakas para lumaban ulit, para masaktang muli. Bakit ganun? Anong meron kay lionel? Hindi ko pa siya lubos na kilala. Kung tutuusin nga ay hindi ang tulad niya ang gusto ko eh. Mas gusto ko yung lalaking mabait, mapagmahal sa magulang at higit sa lahat hindi barumbado. Pero bakit napapangiti niya ako sa maikling panahon? Bakit?

Tumigil ako sa paglalakad na naging dahilan para tumigil din ito.

“Lionel”

“Hmmm?”

“Pumapayag na akong ligawan mo pero hindi pa kita boyfriend noh” ang sabi ko.

“T-talaga?” Ang gulat na gulat na sabi nito. Tumango lang ako.

“Yes! Yes! Wooohhh!!” ang nagsisisgaw na sabi nito.

“Basta boyfriend na kita. Basta pagtinanong ka nila kung ano mo ako sabihin mo boyfriend mo na ako. Pero liligawan pa rin kita hanggang sa makuha ko ang matamis mong Oo” Aktong hahalikan niya ako ng tuunan ko ang noo niya.

“Tsk. Halik lang naman eh” ang nakangusong sabi nito. Napangiti lang ako.

Buong maghapon niya akong inaasikaso. Sinusubuan pa nga niya ako kapag kumakain eh, lagi rin siyang nakayakap sa akin. Ang bilis noh? Nasa bilis ba yun? Ewan ko rin. Hindi ko alam na ang ganitong klaseng lalaki pala ay may kakayahang maging sweet. Hindi halata sa maangas at bad boy nitong itsura.

Lunes na bukas kaya’t nagdesisyon na rin kaming umuwi. Sa totoo lang ay ayaw pa nitong umuwi kami dahil mas gugustuhin pa daw nitong mabuhay doon kasama ako. Napag-alaman ko rin na sila pala ang may ari ng resort na yun. Napapatanong nga ako kung bakit ganoon na lang siya mag-isip sa gayong wala pang isang linggo ang aming relasyon.

Gabi na ng makarating ako sa bahay. Hindi ko na rin pinagpilitang ihatid ako ni lionel dahil alam kong iinterviewhin siya nina mama at papa. Hindi pa ako handang ipakilala si lionel bilang boyfriend ko. Manliligaw ko pa lang siya noh pero gusto niyang boyfriend na daw para wala ng umagaw sa akin. Napaka possesive naman ng lalaking yun.

Hindi naman isyu kina mama at papa ang pagiging bakla ko. Hindi sila tulad ng mga sinaunang tao na ayaw sa mga bakla at tomboy lalo na si papa, tanggap niya ako kung sino o ano ako. Kaya mahal na mahal ko yan eh. Minsan nga binebaby pa niya ako.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko sila sa sala kasama si kuya na nanunuod ng tv. Napatingin silang lahat sa akin.

“Aba! Buti naman at umuwi ka pa. Ano? Buntis kana?” Ang mataray na tanong ni mama.

“Ma! Ang OA niyo ha”

“Tsk. Dapat nga hindi na yan umuwi eh. Puro kalandian lang ang alam niyan” ang sabi ni kuya.

“Heh! Ewan ko sayo. Papa si kuya oh” ang pagsusumbong ko dito.

Hindi ako pinansin ni papa. Alam kong galit ito sa akin. Ayaw na ayaw pa naman ni papa na hindi ako nagpapaalam sa kanya.

“Mama si papa oh” ang paghingi ko ng tulong kay mama pag ayaw akong pansinin ni papa. O diba parang bat lang.

Dahan dahan akong lumapit kay papa at niyakap ito. Diretso pa rin ang tingin nito sa tv.

“Papa naman eh” ang paglalambing ko dito.

“Saan ka ba galing ha? Ni hindi ka man lang nagpaalam sa amin ng mama mo. Jerol kahit ganyan ka mahal na mahal kita. Nag-aalala ako sayo” ang sabi ni papa.

Parang dinurog ang puso ko sa sinabi nito. Mahal na mahal talaga ako ni papa. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisnge.

“Papa naman eh. Sorry na po.. n-nagpunta lang po ako sa kaklase ko” pagsisinungalin ko.

“Tatlong araw? Nagpunta sa kaklase ng tatlong araw? Sino ba yun ha?” Magsasalita na sana ako para idepensa ang sarili ko ng marinig namin ang pagkatok sa pinto.

Tumayo si mama para buksan ang pinto. Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang taong yun.

“Magandang gabi po mama” sabay mano nito. “Ako po si lionel. Boyfriend po ako ng anak niyo. Pasensya na po sa abala. Ang lakas po kase ng ulan at saka medyo gabi na rin kaya kung maari po ay dito na po muna ako makitulog” ang magalang na sabi nito.

Ano daw? Mama? Baliw ba siya? Nagtatakang sumilip si mama sa labas.

“Parang hindi naman umulan” ang mahinang sabi ni mama. “O siya. Sige pasok ka”

Ha? Ni hindi pa nga niya kilala itong lalaking ito tapos pinapasok lang ni mama ng ganun ganun? Sabay silang pumasok sa loob. Lumapit si lionel kay papa at nagmano.

“Magandang gabi po papa. Ako po si lionel ang boyfriend po ng anak niyo” halos mapanganga lang ako sa kanyang ginagawa. Ni hindi ba siya natatakot o ano? Tumingin sa akin si papa ng seryoso habang nakangisi si kuya.

“Sabi ko na nga ba eh. Lumandi yan” ang mahinang sabi nito na rinig ko rin naman. Napailing lang si papa. Tumayo ito at umakyat sa taas. Sinundan ko lang siya ng tingin.

“Ah, eh.. lionel anak. Ikaw ba ay boyfriend talaga nitong anak ko?” Ang tanong ni mama dito.

“Manliligaw po pero doon din po ang diretso namin” lumapit si lionel sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Biglang namula ang mukha ko.

“Mama alam ko pong bago pa lang po kami nitong anak niyo pero mahal na mahal ko po talaga siya eh. Wala naman po sa ikli ng pagkakilala namin yun eh. Nasa haba po yun ng pagsasamahan namin at sa pagtanggap ng bawat pagkakamali namin sa isa’t-isa” anong pinagsasabi ng lalaking to?

“Hindi sa kinukwestiyon ko ang pagmamahal mo sa anak ko ha pero ang gwapo mo kase tapos ang angas mo pang tingnan. Babd boy. Hindi ka ba ginayuma nitong anak ko?” ani ni mama.

“Ma, naman” ang nakangusong sabi ko. Akaa ko naman ipagtatanggol niya ako. Tsk! Umiling lang si lionel at hinalikan ulit ako sa pisnge. May manliligaw bang ganito?

“Hindi po mama. Sa katunayan nga po eh baka ako pa ang mang-gayuma sa anak niyo” ang nakangiting sabi ng mokong na ito.

“Pare, tandaan mo bakla ang kapatid ko. Kahit ganyan yan at binubully ko yan hinding hindi ko gugustuhing umiyak yan dahil sa panloloko mo. Mas kaya ko pang makitang umiyak yan gawa ko pero ang umiyak yan gawa niyo. Mali na yun pare” ang sabi ni kuya. Ramdam ko ang pagka kuya niya.

“Wag kang mag-alala pare, mukha man akong gago sa paningin niyo pero kapag nagmahal ang gagong ’to, tandaan mo hinding hindi ko iiwan ’to” ang seryosong sabi ni lionel. Nakita ko namang napangiti si mama.

Hindi ko alam kung saan nakuha ni lionel ang tapang niya para harapin ang pamilya ko. Basta ang alam ko lang masaya ako na kaya niyang magpakilala ng walang takot sa magulang ko.

“O, sige na. Jerol doon mo na patulugin yang boyfriend mo. Lionel, anak. Alam kong hindi babae itong anak ko. Pero sana hindi lang hanap ng katawan mo ang hanap mo sa anak ko. Pinalaki namin yan sa pagmamahal kaya sana kahit respeto lang ang ibigay mo sa kanya” ang sabi ni mama.

“Opo mama. Wag po kayong mag-alala, kaya ko pong magbago para sa anak niyo” ang sabi ni lionel. Ngumiti lang si mama.

“Ang korni naman. Inaantok na ko” ang sabi ni kuya saka dire-diretso itong umakyat sa kwarto.

Aalis na rin sana si mama ng tawagin ito ni lionel.

“Mama”

“Ano yun anak?” Ang sabi nito kay lionel. Anak na rin?

“Gusto ko po kayong maging mama” ang sabi nito. Tiningnan lang siya ni mama ng seryoso.

“O-oo naman. Welcome ka sa pamilyang ito. Basta mahal ng anak ko mahal kana rin namin” kitang kita mo sa mukha ni lionel ang labis na kasiyahan.

“Salamat po mama”

Pagkaalis ni mama ay tumingin sa akin si lionel at nagpacute.

“Tara na hon. Inaantok na ko” ang sabi nito.

“Hon?”

“Bakit ayaw mo ba? Cute kayang pakinggan”

“Hon mo mukha mo! Doon ka matulog sa lapag” ang masungit na sabi ko dito saka ako umakyat sa taas. Nakasunod lang ito sa akin.

“Hon naman eh. Ganyan kaba sa boyfriend mo?” Hindi ko siya pinansin. Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ay nagbihis na ako. Pinatalikod ko siya kase nakatitig lang ito sa akin. Nang siya naman ang magbibihis ay bigla akong nagtakip ng mata. Paano ba naman kase, walang habas kung maghubad sa harapan ko.

Hello?

Doon ko siya pinatulog sa sahig. Hindi naman ito umangal. Pero habang lumalalim ang gabi ay hindi ako mapalagay. Iniisip ko si lionel, boyfriend ko na ba talaga siya? Diba dapat ligawan niya muna ako? At saka parang ang sama ko namang boyfriend kung hindi ko siya papatulugin sa kama ko. Pumunta ako sa gilid ng kama at sinilip ito. Kahit madilim ay kitang kita ko na nakatitig lang ito sa kisame.

“Pssst.. lionel”

“Hmmm?” Ungol nito.

“Dito kana mahiga” ang mahinang tawag ko dito “Pero kung ayaw…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil parang kidlat itong tumayo at nahiga sa tabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisnge.

“Thanks hon” ang sabi nito.

“Magdamit ka nga. Bakit ba kase naka-boxer short ka lang?”

“Hayaan mo na hon. Sanay kase akong matulog kapag nakaganito. Saka sayong sayo lang ito”

“Heh! Ilayo mo yang ano mo lionel ha. Tumutusok. Isa!” Saway ko dito.

Kumuha siya ng unan saka tinakip sa parteng nasa ibaba niya. Manyak.

Sobrang kulit talaga ng lalaking ito. Nagulat nga ako na may uniform na siyang dala para bukas. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung mga yun eh basta ngayon ko lang napansin. Napangiti na lang ako ng tingnan ko ang lalaking nasa tabi ko. Tingnan mo ang himbing na kaagad ng tulog. Komportableng komportable ah.

Dahan dahan kong hinawi ang buhok nito pataas para makita ko ng maayos ang maangas nitong mukha. Hindi talaga siya mukhang good boy. Oo gwapo kung sa gwapo talaga itong lalaking to pero mukha talaga siyang bad boy na katatakutan ng kahit sino eh. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang sarap ng yakap niya, ang sarap sa pakiramdam na nasa bisig niya. Ngumiti ako at dahan dahang ipinikit ang mata ko. Naramdaman kong humigpit ang yakap nito at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Nakatulog akong may ngiti sa labi.

Pagkagising ko kinaumagahan ay tulog pa rin itong nasa tabi ko. Feel at home talaga siya. Nang tingnan ko ang oras ay bigla akong nataranta. Ginigising ko siya agad pero hindi siya nagpapagising. Hay!

“Lionel pag hindi ka talaga diyan bumangon hinding hindi na kita papatulugin dito” ang banta ko sa kanya.

Bigla itong bumangon at dali daling kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa C.r pero bigla din itong lumabas at saka lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisnge.

“Morning hon” saka ulit siya bumalik sa cr. Naiwan akong namumula ang mukha.

Pagkatapos niyang maligo ay ako naman ang sumunod. Sabay sabay din kaming nag-umagahan kasama sina mama, papa at kuya. Ramdam ko pa rin ang tampo ni papa. Ramdam ko ding hindi niya gusto si lionel.

“Mama, papa aalis na po kami ng ng anak niyo. Ok lang po bang mag tricyle na lang po muna kami? Hindi pa po kase ako marunong magdrive ng kotse eh, pero wag po kayong mag-alalala. Iingatan at aalagaan ko po itong si jerol” sabay kindat nito sa akin. Inirapan ko lang siya.

“Oo naman anak. Mag-ingat kayong dalawa ha” ang sabi ni mama. Umakbay si lionel sa akin at hinalikan ako sa ulo.

“Opo mama”

Sumakay kaming dalawa ni lionel ng tricycle. Pareho kaming nasa loob. Siya yung nasa may bungad habang nakaprotekta ang kamay nito sa ulo ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang seryoso itong nakatingin sa kalsada. Nang lumingon ito sa akin ay bigla itong ngumiti at nagtaas baba ang kilay at bumalik ulit ang tingin sa kalsada. Napangiti lang ako.

Pagdating namin sa school ay pilit nitong hinahawakan ang kamay ko pero kahit ayoko ay talagang mapilit siya kaya wala akong nagawa kundi ang hawakan nito ang kamay ko habang maraming matang nakatingin sa akin.

Pagpasok namin sa room ay tanging pagtataka lang ang makikita mo sa mukha nila. Naupo kami ni lionel sa aming upuan.

“Pssstt..” ang tawag ni mokong sa lalaking nakaupo malapit na bintana. Lumingon yung kaklase namin.

“Bakit?”

“Palit nga tayo” ang sabi ni lionel.

“Ha? Ayoko magagalit si maam”

“Gusto mo suntukin kita?” Ang banta nito.

“Eto na nga. Lilipat na” ang sabi nito. Tumayo yung kaklase namin at naupo sa pwesto ni lionel.

“Hon lipat ka nga dun sa dulo” ang utos nito sa akin.

“Ha? Bakit?” Ang nagtatakang tanong ko sa kanya. Akala ko ba ay siya ang lilipat doon.

“Eee… basta. Doon kana” ang sabi nito.

Inirapan ko lang siya at naupo ako sa gilid. Wala akong katabi kundi ang bintana at itong si lionel. “Good” ang nakangiting sabi nito saka siya naupo sa pwesto ko. Bale kaming dalawa ang nasa gilid. Ako yung malapit sa bintana. Walang katabi kundi siya lang.

“Bakit mo ba kase ako pinalipat?”

“Para ako lang ang katabi mo” ano daw?

“Ewan ko sayo” ang sabi ko.

Kinausap din nito ang dalawang lalaking nasa unahan at likod ko. Subukan lang daw nilang landiin ako makakatikim sila ng bugbog mula sa kanya. Ang tapang talaga nitong mokong na ito.

Nagtataka nga ako noong magkaroon kami ng group project. Nang malaman kase nitong hindi ko siya kagrupo ay kinausap nito si maam na kami na lang daw dalawa ang magkagrupo saka kami na lang daw dalawa sa isang grupo kase ang isang grupo ay binubuo ng lima. Ayaw daw niyang may ibang lalaki sa grupo maliban sa kanya. Kahit babae ayaw din niya basta gusto daw nito na siya lang ang pag-aaksayahan ko ng oras. Unti unti na rin nalalaman ng mga kaklase ko na magboyfriend kami.

Naglalakad na ako papuntang canteen dahil may inasikaso pa kase ako sa library. Sabi kase ni lionel ay aantayin niya na lang daw ako doon kaya pumayag ako. Habang naglalakad ako ay biglang may sumabay sa aking 3rd year high school. Matangkad at gwapo rin.

“Kuya di ba ikaw yung president ng Student Government?”

“Ah oo eh” ang nahihiyang sabi ko. Hindi kase ako sanay maging sikat.

“Siguro ang talino mo kuya” ang sabi pa nito habang naglalakad kami.

“Maka kuya ka naman diyan. Mas matangkad ka pa nga sa akin eh” ang sabi ko dito. Natawa naman siya.

“Ok lang. Cute ka naman eh” ang sabi nito.

“Baliw. Saan ba punta mo?”

“Sa canteen. Gusto mo sabay na tayong bumili?” Ang alok nito sa akin.

“Ah… sorry may kasabay na kase ako eh”

“Ganun ba? Sayang naman. O sige kuya. Nice to meet you”

“Nice to meet you din” ang nakangiting sabi ko dito.

Nang makita ko si lionel ay dali dali kong nilapitan ito. Hahawakan ko na siya ng bigla nitong hinawi ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Tumayo ito sa pagkakaupo at dire-diretsong lumabas ng canteen. Naguguluhang sinundan ko siya.

“Lionel sandali” ang pagtawag ko dito.

“Lionel ano ba! Bakit ka ba nagkakaganyan ha?” Ang pigil ko sa kanya. Pero tuloy tuloy lang ito sa paglalakad hanggang makarating kami sa likod ng school.

“Lionel pag hindi ka tumigil diyan hinding hindi na kita kakausapin” tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. Punong puno siya ng galit.

“Ano bang problema mo lionel ha?”

“Ikaw!” Ang sigaw nito.

“Ha? Bakit ako? Ano bang ginawa ko. Lionel hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo?”

“Dahil nagseselos ako! Nagseselos ako kapag may ibang nagpapangiti sayo! T*ng *na naman oh! Ngayon na nga lang ako nainlove ng ganito tapos ang sakit pa! Ayokong may ibang nagpapasaya sayo maliban sakin! Ayokong ipagpalit mo ako” ang naiinis na sabi nito. Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan.

“Pero lionel wala ka namang dapat ikatakot o ipagselos eh, boyfriend na kita ano ka ba” ang mahinang sabi ko. Ang gulo namin noh. Boyfriend o manliligaw, ay ewan. Sya may gusto eh hahaha.. Huminga lang ito ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. Ilang segundo itong natahimik.

“Sh*t” singhal nito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Sorry” sinuklian ko din ang yakap niya.

“Wala yun hon” ang sabi ko. Humiwalay ito sa akin at tinitigan niya ako ng nakangiti.

“T-tinawag mo akong hon?” Tumango lang ako. Lumapit ito sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Lionel kung pwede lang ay bawas bawasan mo yang pagmumura mo ha. Ayokong naakakarinig ng ganyan mula sayo” ang sabi ko dito.

“Opo hon. Iiwasan ko na po” at saka nagpacute ito sa akin.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na mas lalong nagpatibay at nagpasaya sa aming relasyon. Madalas na rin itong matulog sa amin. Sabi nga ni mama kulang na nga lang daw eh dalhin niya na doon lahat ng kanyang gamit dahil bihira na itong umuwi sa kanila. Lahat kase ng lalaking kaklase ko o mga lalaking lalapit sa akin ay binabantaan nito at inaaway kaya bantay sarado to sa akin.

Ok na rin naman kami ni papa pero lagi nitong sinasabi na hindi niya pa rin gusto si lionel para sa akin. Kase sa mukha pa lang daw nito ay hindi na daw ito marunong makontento, mukha daw babaero at higit sa lahat bad boy at walang patutunguhan.

Ayaw niya lang daw akong masaktan sa huli. Humanap na lang daw ako ng lalaking mabait at matino. Tulad daw ng kaibigan kong si Gino na kasa-kasama ko noong mga unang taon ko sa high school. Kung alam lang ni papa. Hindi na lang ako nagsalita patungkol doon basta ok na kami ni papa at love na niya ulit ako.

Biyernes na at malapit ng mag-uwian. Maagang lumabas ng klase si lionel kanina dahil magtatry out daw ito sa basketball. Sinabihan niya ako na puntahan ko na lang siya sa court if hindi pa sila tapos magtry out. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase ay tinungo ko na agad ang court kung nasaan si lionel.

Pagdating ko doon ay wala akong nakitang lionel. Kaya tinanong ko ang ibang tao sa court kung nakita ba nila si lionel. Kanina pa daw natapos ang try out kaya dali dali kong hinanap ito baka kase susunduin niya ako sa classroom.

Dahil malayo ang room kung dadaan pa ako sa 1st year building ay minabuti ko na lang na sa kabilang way na lang ako dumaan sa third year high school building. Habang naglalakad ako ay may napansin akong tatlong lalaki. Kilala ko ang mga yun. Yung dalawa ay kaibigan ni lionel. Nasa loob sila ng classroom ng 3rd year. Walang masyadong tao dahil uwian na nga. Dahan dahan akong lumapit doon para kumpirmahin kung sila nga iyon pero habang lumalapit ako ay parang biglang bumibigat ang mga hakbang ko ng hindi ko malaman.

Nang makalapit na ako sa pinto ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nakaupo si lionel sa bangko habang nakaupo naman sa ibabaw nito yung cheerleader ng buong school habang nagtatawanan sila.

Mukhang enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa. Hindi ko sinasadyang mabangga ko ang isang upuan na naging dahilan para mapukaw ang atensyon nila. Hindi ko na rin napansin na nakapasok na pala ako sa loob. Bigla silang napalingong lahat sa akin. Lumayo agad si lionel doon sa babae.

“Ikaw pala mister president. May kelangan ba kayo?” Ang tanong noong babae sa akin.

“Ah. W-wala naman. Napadaan lang ako. May hinahanap kase ako eh. S-sige aalis na ako” ang nakangiting paalam ko.

Pagtalikod ko ay bigla nalang may pumigil sa kamay ko.

“Bitawan mo ako” ang mahinang sabi ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Ihahakbang ko na sana ulit ang mga paa ko ng mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

“Nakikiusap ako. Bitawan mo ’ko” ang walang ganang sabi ko.

“Hon naman eh” ang sabi nito.

“Lionel bitawan mo ’ko!” ang may diing sabi ko.

“Ayoko” ramdam ko ang pag crack at pagsisisi sa boses nito.

“Lionel bitawan mo na ako. Nakikiusap ako sayo” ang pakiusap ko sa kanya dahil baka hindi ko na kayanin. Pero niyakap niya lang ako. Nanatili lang akong nakatayo na parang naubusan ng lakas.

“Lionel please.. bitawan mo na ako” ang pakiusap ko.

Pero gaya kanina ay mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin. Hindi ako gumalaw. Ilang minuto kami sa ganoong posisyon ng unti unti itong humiwalay sa akin. Dahan dahan kong hinakbang ang mga paa ko palabas ng pinto at dire-diretsong naglakad hanggang sa may kamay na namang pumigil sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nanggigigil ko siyang hinarap at sinampal ng ubod ng malakas.

~~

PRESENT

~~

Bigla na lang itong bumagsak sa sahig dahil sa lakas ng suntok ni lionel.

“Tang* na mo! Ikaw pala ang may kagagawan ng lahat ng ito kaya muntik na kaming masira ng asawa ko. Hayop ka!” ang nanggigigil na sigaw ni lionel.

Aktong sasapakin na naman niya si sir marvin ng hawakan ko ang dalawang kamay nito at harangan siya.

“Wag mo kong pigilan hon. Hayaan mong bugbugin ko yan” ang nanggigigil na sabi nito.

“Tama na hon” ang awat ko dito. Tumingin siya kay sir marvin at tinitigan ng masama.

“Ano ha!” Ang maangas na sabi ni lionel kay sir marvin.

Pinunasan ni sir marvin ang kanyang dugo sa labi at tumingin ito sa amin.

“Oo. May gusto ako kay jerol matagal na. Oo, ako ang kumuha ng litrato nila ni paulo. Oo ako ang nagpadala sayo ng mga yun. At Oo nandoon ako kung nasaan si jerol dahil nagmahal ako sa maling tao. Dahil nakita ko kung gaano ka kaswerte sa kanya. Oo sabihin mo ng baliw ako at gusto kong sirain ang pamilya niyo. Pero hindi ko gustong sirain ang buhay niyo habang buhay. Nagkamali ako at inaamin ko yun. Nagkasala ako pero hindi ibig sabihin noon ay masama na ako. Tanggap ko na. Tanggap ko na naman, na hindi siya mapapasa akin kaya balak kong sunugin na itong mga litratong pinadala ko sayo para itapon itong nararamdaman ko. Balak ko sanang humingi ng paumanhin pero alam kong hindi niyo ito matatanggap agad”

“Pinapatawad na kita” ang biglang sabi ko. Hindi makapaniwala si lionel na tumingin sa akin.

“Pero hon..” ngumiti lang ako.

“Totoo ang sinasabi niya hon. Mabait si sir marvin. Siguro nasaktan niya tayo pero hindi ibig sabihin noon na sasaktan na niya ulit tayo habang buhay. Madali lang sabihin ang salitang patawad pero ang sakit ay hindi madaling mawala” ang paliwanag ko.

“Naiintindihan ko” ang sabi ni sir marvin tumayo ito.

“Alam kong hindi pa ganoon kabuo ang tiwala niyo sa paghingi ko ng tawad pero hihintayin ko yun na mapatawad niyo ako ng buo. Sorry kung ang pagmamahal minsan ang nagtutulak para sumira ng isang relasyon” ang dagdag pa nito.

Ngumiti lang ako. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Naniniwala ako kay sir marvin dahil naging kaibigan ko ito ng matagal na panahon. Kaya alam kong nagsisisis na siya sa sinasabi nito.

“Sige na sir marvin. Baka hindi ako makapagtimpi” sarkastikong sabi ko. Syempre naiinis pa rin ako. Tumango ito sa akin at dali daling lumabas.

“Naks. Ang tapang naman ng asawa ko” ang sabi ni lionel.

“Baliw. Tara na”

“So ganun na lang yun hon?”

“Oo. Hayaan muna. Hindi ko pa siya lubos na pinapatawad pero masyado na kasing mahaba yung eksena niya tama na yun. Baka sumikat pa siya” ang biro ko. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa pisnge.

“Nagpapabili na naman ng laruan yung mga anak mo” ang sabi nito.

“Edi ibili natin. Tara daan tayo sa palengke. Pagluluto ko kayo ng masarap na ulam. Doon na rin lang natin ibili ang mga bata ng laruan” ang yaya ko dito.

“Yes boss” sang-ayun nito.

~~

PAST

~~

Dahan dahang tumulo ang luha ko.

“Ano yun lionel? Ano yun ha?” Ang sigaw ko dito.

“N-nagkabiruan lang kami ng mga kaibigan ko” napangisi ako at umiling habang pinupunasan ang luha ko.

“Ganyan ka ba? Ganyan kaba pumasok sa isang relasyon. Hindi mo man lang inisip ang mararamdman ng taong niloloko mo? Akala ko ba mahal mo ako? Mahal mo lang ba ako dahil may kelangan ka sa akin o nag-eenjoy ka pa kase masarap akong laruanin. Ganun ba yun lionel?” Ang umiiyak na tanong ko dito. “Hindi ka pa ba nakontento?”

“Hon mali ka” ang umiiyak na ring sabi nito. “Hon please hindi na mauulit. Nagmamakaawa ako” ang humahagulgol na sabi nito. Tumango tango lang ako.

“Talagang hindi na mauulit dahil pagod na akong umintindi. Pagod na akong intindihin ang tulad niyong mga manloloko at walang isang salita! Pagod na akong paglaruan. Pagod na ako lionel kaya kung sa tingin mong mauulit pa ito. Nagkakamali ka dahil sawa na ako! Sawa na akong lokohin. Break na tayo at please lang lumayo kana sa buhay ko!” ang umiiyak na sigaw ko dito. Tumalikod ako pero bigla niya akong niyakap.

“Hon naman eh” ang humihikbing sabi nito.

“Lionel ayoko ng ganitong relasyon. Ayokong habang wala ako sa tabi mo o hindi kita nakikita ay may iba kang pinagkakaabalahan. Tinanggap ko ang pagseselos mo at pagka-over protective mo kahit nakakasakal dahil mahal kita pero lionel hindi lang dapat ako ang makikinig sayo dapat marunong ka ring makinig sa akin. Dapat mo ring isipin na mali pa rin ito, biro man o hindi. Minahal kita lionel pero ayokong masaktang muli at masaktang muli kapag pinatawad kita. Alam kong uulit-ulitin mo na naman ito. Ganyan kayo diba? Madali lang magsabi ng sorry kapag nakagawa ng kasalanan pero mahirap namang panindigan” ang sabi ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap nito sa akin. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko ng pigilan ulit nito ang kamay ko. Sa sobrang inis ko ay sinampal ko na naman siya ng malakas.

“Sana matauhan ka! Na hindi dahil gwapo ka, gago ka at habulin ka ng mga babae ay makukuha mo na lahat! Kung hindi mo kayang magtino wag kang magmahal ng taong sasaktan mo! Sana…. sana hindi mo na ito gawin pa sa iba”

Tumalikod na ako at hinakbang ang paa ko. Hindi pa man ako nakakalayo ng sumigaw ito.

“Jerol!!!” ang sigaw nito na nagpahinto sa akin habang umiiyak siya.

“Gagawin kitang ASAWA tandaan mo yan. Papakasalan kita!” ang sabi nito.

Huminga lang ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad ko habang pinupunasan ang luha ko.

Itutuloy

….


Ayos ba?

Gusto ko mabasa ang comment niyo guys. Kung ok pa ba siya o ano? Hahaha…

Salamat :)

Chapter thirty six

~~

PAST

~~

Humugot lang ako ng malamin na hininga at dahan dahang binuksan ang pinto ng aming bahay. Nakita kong nanunuod silang lahat sa sala.

Dire-diretso akong sa umakyat sa taas. Alam kong tinatawag ako ni mama pero hindi ko na ito pinakinggan dahil ayokong makita nilang umiyak ako. Pagkarating ko sa kwarto ay nagbihis at nahiga lang ako sa kama habang tinititigan ko ang kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin doon basta ang alam ko lang ay nakatulala ako sa kawalan.

Gwapo si lionel, habulin siya ng babae, sikat sa school, kahit saan pinagtitinginan siya. Halos lahat na ata ng magagandang katangiang pampisikal na makikita mo sa isang lalaki na hinahanap ng mga babae at mga bakla ay makikita mo na sa kanya. Hay! Alam kong isang panaginip lang ito. Hinding hindi nila kami magagawang mahalin ng pang matagalan dahil may hinahanap sila na hinding hindi namin kayang ibigay sa kanila.

Isa ka lang bakla jerol na nagmamahal sa lalaki at kahit kelan ay hinding hindi ka nito magagawang mahalin sa paraang gusto mo. Pwede silang makaramdam ng pagmamahal sayo pero hindi ito tatagal sa panahong naisin mo.

Bakit ko nga ba pinapanindigan ang pagiging ganito ko kung sa gayung alam ko naman na hindi nila ako kayang mahalin ng habang buhay.

Alam mo kung bakit? Simple lang naman. Mahal ko ang sarili ko at hinding hindi ako magbabago sa gusto lang ng kung sino. Hinding hindi ko lolokohin ang sarili ko. Ako ito at kung tumanda man akong mag-isa, choice ko na yun.

Hindi lang naman pag-ibig sa lalaki nakikita o nahahanap ang forever ng isang tao. Alam kong gasgas na ito pero pwede mong mahalin ang mga taong nagmamahal sayo tulad ng mga kaibigan mo, kaklase, kabarkada at lalong lalo na ng pamilya mo. Hindi ka man swertihin sa pag-ibig pero yung tanggapin ka lang nila at mahalin ay sapat na.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng maramdaman kong may taong natutulog sa tabi ko. Paglingon ko sa kanya ay biglang nanlaki ang mata ko. Himbing na himbing ang tulog nito habang nakaharap sa akin. Kita ko rin ang mga mumunting luha nito sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito na naman tong lalaking ito. Wala ba siyang bahay? Biglang tumunog ang cellphone ko na naging dahilan para magising ito. Dahan dahan itong nagmulat ng mata. Halatang halata ang pamumula sa kanyang mga mata.

“Hon” ang sabi nito.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso. Bakla ka jerol lagi mong tatandaan yan. Hinding hindi kayo magtatagal kaya tama lang ang desisyon mo. Ang sabi ko sa sarili ko.

“Anong ginagawa mo dito?” Ang walang emosyong sabi ko at naupo ako sa kama.

“Hon sorry na… hindi ko na po talaga uulitin” pakiusap nito. Naupo rin siya.

“Ganun ba? Good for them dahil hinding hindi na mauulit sakin yan dahil wala ng tayo lionel. Umalis kana” ang malamig na sabi ko dito.

Tumayo ako at dire-diretsong pumasok sa c.r at naligo. Paglabas ko ay nandun pa rin siya. Hindi ko siya pinansin nagbihis lang ako at kinuha ang bag ko.

“Jerol naman eh” pagmamakaawa nito.

Hindi ko talaga siya pinansin. Pagbaba ko ay naabutan ko lang doon sina mama habang kumakain.

“Ma, anong ginagawa ni lionel dito?”

“Ha? Malamang boyfriend mo yan. Namumugto nga ang mata niyan kagabi eh. May problema ba kayo?” ang pagkukwento ni mama habang tahimik lang si papa. Umiling lang ako.

Hay!

Napabuntong hininga ako. Hindi nga pala nila alam ang tungkol sa nangyari sa amin. Naupo na lang ako at kumain. Ilang minuto rin ang nakalipas ng biglang may naupo sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon tuloy lang ako sa pagkain.

“Magandang umaga po mama, papa” ang magalang na bati ni lionel sa kanila.

Parang totoo ah. Tsk! Mapagpanggap. Kainis.

“Magandang umaga rin anak. Sige na, kain kana diyan” ani ni mama.

“Opo” at tumingin ito sa akin.

Sumandok siya ng kanin at nilagay sa pinggan ko. Inirapan ko lang siya. Sumandok din siya ng ulam at aktong ilalagay sa pinggan ko ng bigla akong tumayo.

“Nawalan na po ako ng gana. Ma ,Pa alis na po ako” ang paalam ko sa kanila matapos ko silang halikan sa pisnge habang wala lang pakialam sa akin si kuya.

“Ah.. mama, papa aalis na rin po ako. Sabay na po kami ni jerol” at nagmano siya sa kanila.

“Eh, hindi ka pa kayo nakakakain oh” ang sabi ni mama sa amin.

“Ok lang po mama. Doon na lang po kami kakain sa school ni jerol” hindi ko na siya hinintay at dali dali na akong lumabas ng bahay.

Nag-abang lang ako ng jeep o tricycle na pwedeng sakyan. Habang nag-aabang ako sa labas ng bahay namin ay siya namang lapit sa akin ni lionel.

(author’s note: guys ngayon ko lang narealize na baka mali ang basa niyo sa pangalan ni lionel ha. Ang basa diyan ay LIYO-NEL.. yun lang. Mas maganda kase ang spelling kung lionel di ba? :)

“Hon ako na magdadala ng bag mo” ang alok nito habang kinukuha ang bag sa akin.

“Wag na. Kaya ko na”

“Hindi hon ako na” ang nakangiting sabi nito.

“Lionel ano ba? Ayoko nga di ba?”

Saktong may tumigil na jeep. Dali dali akong Sumakay ng jeep at naupo sa bandang gitna dahil medyo kokonti pa ang sakay pero itong lalaking ito naupo sa likuran ko at idinikit pa ang kanyang katawan sa akin. Para tuloy kaming magjowa na makikita mo sa ibang jeep. Tuwing uusog ako eh susunod siya kaya hinayaan ko na lang. Alam kong pinagtitinginan na kami pero itong lalaking ito ibinaba pa ang kamay niya sa bewang ko at pinulupot doon. Tiningnan ko lang siya ng masama pero nginitian niya lang ako.

“Hay ano ba yan ang bilis naman magpatakbo ni kuya” ang rinig kong sabi nito habang nakahawak pa rin sa bewang ko. Bumulong ito sa akin. “Lagi ka lang dumikit sa akin hon ah. Dahil maniwala ka man o sa hindi. Poprotektahan kita”

Dahil sa sinabi niyang iyon ay napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang ito sa labas ng jeep. Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya hanggang sa mapansin nitong nakatingin ako sa kanya. Pagtingin nito ay bigla ko siyang inirapan.

Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa school una siyang bumaba ng jeep at ng pababa na ako ay bigla niya akong inalalayan pero hindi ko ito tinanggap. Dire-diretso akong naglakad papasok ng gate habang nakasunod lang sa akin si lionel. Habang naglalakad kami ay biglang may lumapit na grupo ng mga babae kay lionel. Halatang kilig na kilig sila habang itong lalaking ito hinahayaan lang na ginaganun siya. Malalandi tsk.

Hindi ko na sila pinansin at dire-diretso akong pumasok ng room. Naupo ako sa bakanteng upuan. Ayokong makatabi si lionel naiinis ako.

“Mukhang bad mood ka ah” ang rinig kong sabi ng katabi ko. Nang lingunin ko ito ay hindi ko siya masyadong kilala.

“Ah.. hindi naman” ang tipid kong sagot.

“Wag kang gumanyan. Sige ka mabawasan ang kacute-an mo” sabi nito.

“Wala kang paki” pagsusungit ko. Tinawanan niya lang ako. “Anong nakakatawa?”

“Wala.. wala.. hahaha.. ang sungit mo pala”

“Eh ano naman?” Pagatataray ko.

Hinding hindi na ulit ako magtitiwala sa mga lalaking paasa. Paasa sa salita at gawa.

“Ako nga pala si mateo” pagpapakilala nito.

Tiningnan ko lang siya. Maputi, gwapo at malinis tingnan. Ibang iba siya kay lionel na bad boy at sobrang angas tingnan.

“Kaklase ba talaga kita?” Ang diretsang tanong ko dito.

“Oo kaya. Paano mo ako makikilala eh, halos ang kasama mo lang eh yung kaibigan mong si joshua” ang sabi nito.

“Ganun ba? Sorry hehehe.. hindi talaga ako friendly eh at saka ayoko ng magtiwala” ang sabi ko.

“Hugot?”

“Hindi ah” Sakto namang pasok ni lionel. Hindi ko siya pinansin tuloy lang kami sa pag-uusap ni mateo.

“Asan na nga pala yung katabi mo?” Ang tanong ko dito.

“Absent. Buti na nga lang umabsent siya eh. Atleast nakausap kita ngayon” ang nakangiting sabi ni mateo.

“Baliw. Pwede mo naman akong kausapin” tumawa lang siya pero biglang may sumipa sa upuan nito mula sa likod. Nang tingnan namin kung sino iyon ay walang iba kundi si lionel.

“Bakit?” Maang na tanong ni lionel.

Hindi na lang namin siya pinansin, nagpatuloy ulit kami sa pagkukwentuhan. Masaya pala siyang kausap pero sa pangalawang pagkakataon ay sinipa na naman nito ang upuan ni mateo. Tumingin ulit kami sa kanya.

“May ipis akong nakita kaya sinipa ko. May problema ba?” ang pagdadahilan ni lionel.

Tiningnan ko lang siya ng masama at ibinalik ulit ang tingin kay mateo.

“Sabay na tayong kumain mamaya. Ok lang ba?” Ang tanong sa akin ni mateo.

Sasagot na sana ako ng biglang sinipa na naman ni lionel ang upuan ni mateo. Sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang pagakakasipa niya. Tumayo silang dalawa at nagtitigan ng masama.

“May problema ka ba ha? Pare!”

“Oo meron. Ikaw?” Ang nanggigigil na sabi ni lionel. Tumayo na ako at pinaggitnaan silang dalawa.

“Ano bang ginawa ko? Ako pa pala ngayon ang may problema” ang palaban na sabi ni mateo.

“Oo tang *na mo! Boyfriend ko yang nilalandi mo eh” ang nagmumurang sabi ni lionel kay mateo.

“Tang *na mo rin. Wag mong sabihing hindi kita lalabanan” si mateo.

“Tama na ano ba!” Ang pigil ko sa kanilang dalawa. Halos lahat ng estudyante sa room ay nakatingin na sa amin.

“Suntukan na lang tayo. Gag* ka pala eh” ang hamon ni lionel kay mateom

“Mas gag* ka! Kung tutuusin nga eh hindi ka bagay kay jerol eh. Manloloko ka” ang sabi nito. Kita kong nagpantig ang tenga ni lionel. Aktong susugurin niya si mateo ng pigilan ko siya.

“Lionel tama na” ang awat ko dito pero itong lalaking ito pilit talagang kumakalas sa akin at gustong sugurin si mateo.

“Bakit sinong gusto mo ikaw? Eh gag* ka rin pala no! Tang* na mo” ang nagmumurang sigaw ni lionel. Mas lalo ko namang hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Gag* ka rin” isa pa tong si mateo.

Haixt! Susugurin na rin si lionel. Hinawakan ko silang dalawa sa mga dibdib nila para paglayuin pero ayaw talaga nilang magpaawat. Nahihirapan na ako ah. Asan na ba si joshua?

“Wag mo kong murahin p*tang na mo! Bubugbugin talaga kita” ang matapang na sabi ni lionel.

“Gawin mo. Wag kang puro salita” ang hamon naman ni mateo.

“Ano ba! Tama na. Isa ka pa mateo. Tama na!” Ang naiinis na saway ko dito.

“Buti nga” ang tumatawang sabi ni lionel. Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Isa ka pa! Umayos ka lionel” ang sabi ko rin dito. Napahinto siya sa pagtawa.

“Hayaan mong bugbugin ko yan” ang proud pa na sabi nito.

“So proud ka pang nakikipag-away? Mahal mo ba talaga ako lionel?” Ang wala sa wisyong tanong ko dito.

Bigla itong napahinto at napatingin sa akin.

“O-oo naman hon, sobra” saad niya.

“Kung mahal mo talaga ako kaya mo bang magbago sa isang baklang tulad ko? Ayoko sa basagulero. Ayoko sa babaero, ayokong nagmumura ka. Gusto kong mag-aral ka ng mabuti. Madami akong ayoko at hindi ko alam kung makakaya mong magbago para sa akin. Yun ang gusto ko sa isang lalaki lionel. Yun ang pangarap ko. Pero lionel ng makilala kita ay sinubukan ko ulit magtiwala sa lalaki, sa tulad mo. Minahal kita. Hindi ko naman hiniling na magbago ka para sa akin eh. Ang akin lang maging loyal ka dahil ayokong mahalin mo lang ako kapag nakikita at nakakasama mo ako” nagpunas ako ng luha.

“Gusto kong mas mahalin mo ako kapag wala ako sa tabi mo. Para malaman mo kung totoo ba yang pagmamahal na sinasabi mo. Takot akong lokohin lionel, takot akong masaktan at maiwan. Isipin mo lagi na bakla lang ako lionel para maisip mo kung karapat dapat ba akong ipaglaban” ang naiiyak na sabi ko dito.

Kinuha ko ang bag ko at naupo sa dati naming pwesto. Tumingin lang ako sa labas ng bintana habang pinupunasan ko ang luha ko. Naramdaman ko namang naupo si lionel sa tabi ko. Tahimik lang kami. Rinig kong napabuntong hininga ito.

“Jerol hindi ko alam kung kaya kong magbago pero susubukan ko. Oo basagulero ako, mapagmura, gago, siraulo lahat na. Pero jerol kapag nagmahal ako maniwala ka naman sa akin na loyal ako. Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ako perpekto at alam kong hindi dahilan yun para gumawa ulit ako ng kasalanan sayo. Maniwala kang hindi na kita lolokohin, ikaw at ikaw lang ang nasa puso ko” ang sabi nito.

“Pero hindi ako ang nandiyan kapag malayo ka, kapag wala na ako sa tabi mo” ang sagot ko dito.

“Siguro noong una sumakay ako sa mga biro nila pero ngayon kahit anong gawin nila hinding hindi ko na ulit-uulitin yun. Hinding hindi ko na ulit sasaktan ang taong mahal ko”

“Madaling magbitaw ng mga salita pero mahirap sabayan ng gawa. Lionel bakit hindi na lang iba? Bakit ako pa?”

“Dahil mahal kita”

“Dahil yun ang tingin mo, dahil yun ang pinaniniwalaan mo”

“Mali. Dahil yun ang nasa puso ko” sabi niya.

“Eh bakit mo ko niloko?”

“Dahil nagkamali ako. Dahil akala ko lalaki parin ako kapag ginawa ko yun at maiintindihan mo yun gaya ng mga baklang martyr na makikita mo. Pero itong p*tang *nang puso ko. Ayoko pa lang nasasaktan ka at niloloko ka dahil hindi ko pala kaya. Dahil ayokong saktan ang taong mapapangasawa ko” ang sabi nito bigla akong napatingin sa kanya.

“Wag mo kong paibigin sa mga salita mo. Marami ng gumawa niyan na hindi rin nagtagal. Lionel naiintindihan mo ba? Bakla ako. Bakla. Hindi ako babae. Gumising ka nga”

“Bakit ba kase ayaw mong maniwala sa akin ha?” Ang naiinis na sabi nito.

“Dahil pagod na akong maniwala”

“Dahil takot kang mawala ako kaya tinatatak mo diyan sa puso at isipan mo na layuan ako” ang sabi niya.

“Kapal mo. Eh wala namang tayo” ang sabi ko.

“Dahil iniwan mo ko. Sinukuan mo ko”

“So kelangan pala ako pa ang laging iintindi sayo? Ako pala ang mag-aadjust sa mga kalokohan mo. Mabuti na lang at tama ang desisyon ko” ang sabi ko sa kanya. Napahilamos lang siya ng mukha.

“Jerol ang hirap mo namang pagpaliwanagan”

“Edi sukuan mo na ako. Sumuko kana. Hindi naman kita pinipilit eh”

“Urgh!” Ang sabi nito At bigla nitong hinablot ang ulo ko at mapusok na hinalikan sa labi. Halos magsigawan lahat ng mga kaklase ko sa room. Nanlaki na lang ang mata ko.

Tumayo si lionel at pumunta sa unahan at nagsalita.

“Wala akong pakialam kung anong tingin niyo sa akin o sa amin. Pero subukan niyo lang saktan at agawin yang lalaking yan..” sabay turo nito sa akin. “..Yan ang mapapangasawa ko. Tandaan niyo ito. Mapapangasawa ko yan at kung hindi kayo naniniwala sa akin. Edi wag! Wala akong pakialam. Pero ipinapangako ko sa harap ng maraming tao na mahal kita jerol hindi dahil cute ka o bakla ka kundi dahil mahal talaga kita dahil yun ang sinasabi ng puso ko. Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin. Ok lang, pero ako? Naniniwala ako sa sarili ko na bubuo tayo ng pamilya at yang pangalan mo ay susundan ng apelyido ko. Tandaan mo yan jerol” Sabay walk out palabas ng room.

Napanganga lang ako sa kanyang mga sinabi habang ang mga kaklase ko naman ay nakatingin s Akin. Buti na nga lang at dumating na si maam.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagtuturo ay siya namang dating ni lionel.

“Mister madrid. Bakit Late ka?” ang tanong ni maam dito. Seryoso lang ito at hindi nagsalita. “O siya sige pumasok kana doon sa upuan mo”

Tahimik lang itong naglakad at naupo sa tabi ko. Diretso ang tingin nito sa unahan at hindi lumingon sa akin.

“Eto binilhan kita ng spaghetti at burger. Kainin mo mamaya” ang sabi nito habang seryosong nakatingin sa unahan. Dahan dahan ko naman itong kinuha. Ngumiti lang ako at tiningnan siya.

“Salamat” ang tipid kong sabi.

Sinulyapan niya ako at ibinalik ulit ang tingin sa unahan.

“Wala yun. Tungkulin ko yun bilang boyfriend at mapapangasawa mo” at dahan dahan itong ngumiti.

Lumingon ulit siya sa akin at tinitigan ako sa mata. Nakipagtitigan ako sa kanya. Dahan dahan nitong kinuha ang kamay ko at pinaghawak. Tumingin ito ng diretso kay maam habang seryosong nakikinig. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam.

Pagkatapos ng klase ay pinagsaluhan naming dalawa ang binili nitong spaghetti at burger. Tuwing may dumi sa gilid ng labi ko ay pupunasan niya ito ng kanyang daliri at isusubo sa kanya. Baliw talaga itong lalaking ito.

Hindi pa malinaw ang totoong ugnayan namin sa isa’t-isa pero ang alam ko. Mahal na mahal ko talaga siya at natatakot lang ako sa pwedeng mangyari sa amin. Baka maiwan at masaktan na naman ako kaya pilit ko na lang siyang pinapalayo.

Habang naglalakad kami palabas ng gate ni lionel ay biglang may lumapit ditong babae. Hinawakan ang kamay nito at niyakap siya ng mahigpit.

Nakatingin lang ako sa kanila. Tinulak siya agad ni lionel at tiningnan ako na parang gusto niyang magpaliwanag.

“Namiss kita lionel. Kakauwi ko lang galing canada. Dito na ulit ako mag-aaral” ang excited na sabi ng babae. Tumingin siya sa akin at nakipag kamay. “Ako nga pala si liza. Girlfriend ni lionel”

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

“Ah ganun ba? Nice to meet you liza. Ahmm… Sige alis na ako baka may gagawin pa kayo eh” maglalakad na sana ako ng biglang hablutin ni lionel ang kamay ko.

“Jerol” ang sabi nito.

“Hmmmm? Ok lang ako lionel kita na lang tayo bukas. Hinihintay kana ng girlfriend mo” ang nakangiting sabi ko. Umiling lang ito at naiinis na tumingin sa akin.

“Yan! Yan kana naman eh. Aalis ka na naman. Iiwan mo na naman ako. Hindi mo na naman ako papakinggan. Jerol ano ba! Alam kong nasasaktan kana naman eh. T*ng ina naman oh! Hindi ko na yan girlfriend. Ex ko na yan at matagal na yun” tumingin siya dun sa babae.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito ha! Kung babalikan mo ko pwes nagkakamali ka ng babalikan mo dahil hindi na kita mahal. I mean hindi naman kita minahal”

“Awww. Ang sakit naman nun. So bakla kana pala ngayon? Hindi halata ah. Pagkatapos mong pagsawaan kaming mga babae mo iiwan at ipagpapalit mo na lang kami sa isang bakla? Wow ha” Ang naiinis na sabi ni liza. Pumikit lang si lionel. Halatang nagtitimpi siya.

“Insultuhin mo na ang lahat sa akin wag lang itong taong mahal ko. Sinasabi ko sayo papatulan kita kahit babae ka”

“Ganyan mo ba yan kamahal ha? Mabibigyan ka ba niyan ng anak? Anong mapapala mo diyan, pera? Ano sinuhulan kaba niya? Ginayu—” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla itong sampalin ni lionel. Natahimik lang si liza.

“Kaya kong irespeto ang pagkababae mo pero hindi ko kayang hayaan ang kahayupan mo. Hindi porket babae ka kelangan irespeto ka. Kung gusto mong irespeto ka matuto kang rumespeto sa iba o kahit irespeto mo na lang siya bilang siya. Wag mong gamitin ang pagkababae mo para pagtakpan ang sarili mo at ang madumi mong pagkatao” lumapit sa akin si lionel at hinablot ang kamay ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad kami sa gilid ng palayan. Huminto ito at naupo sa tabi ng kalsada. Humarap siya sa bundok at pinagmasdan ang paglubog na araw.

Naupo rin ako sa tabi niya at pinagmasdan rin ang araw. Ilang minuto rin kaming walang imikan.

Mga sasakyan at huni ng ibon lang ang maririnig mo. Huminga ito ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

“Gusto ko kapag nagkaanak tayo jerol gusto ko dalawa. Aalagaan natin sila at palalakihin sa pagmamahal. Alam kong 4th year High school pa lang tayong dalawa pero alam ko na sa sarili ko na ikaw na talaga ang gusto kong mapangasawa. Sabihin na nilang baliw o nasisiraan ako ng ulo basta ikaw lang sapat na” ang seryosong sabi nito.

Tumingin ito sa akin at ngumiti.

“Wag mo kong iiwan ah. Dahil kapag iniwan mo ko ulit. Sabihin mo lang para alam ko kung saan kita hahanapin. Maniwala ka sa akin jerol. Gagawin kitang asawa. Aalagaan nating mabuti ang magiging anak natin. Gusto ko mahalin mo lang ako” tumayo ito at nagpunas ng luha. Tumayo na rin ako.

“Tara bili tayo ng ice cream. Gusto ko yung nasa tinapay. Ikaw hon?” Ang tanong nito.

“Gusto ko yung gusto mo rin” ang nakangiting sabi ko. Bigla itong ngumiti.

“Pano ba yan eh ikaw ang gusto ko” ang sabi niya.

“Edi gusto ko na rin ang sarili ko hahaha”

“Hon naman eh” nakangusong sabi nito.

“Joke lang. Lionel hindi ako selfish na tao pero kung lolokohin mo din lang ako… iwan mo na lang ako para atleast alam ko. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang makita ka sa piling ng iba. Alam kong sila ang lumalapit sayo pero kung hahayaan mo silang gawin yun sayo parang sinabi mo na rin na hindi mo ko mahal. Lion––”

“Shhh…” pagpigil nito sa sasabihin ko. “Jerol simula ng makita mo ko sa room na may ginagawa akong hindi dapat at iwan mo ko. Tinatak ko na sa sarili ko na kapag nagpadala ulit ako sa tukso. Hinding hindi ko na alam ang purpose ko sa buhay ko. Dahil alam kong ikaw lang talaga ang magiging ama ng mga anak ko. Maniwala ka hinding hindi na ulit mauulit yun”

“Naniniwala naman ako lionel eh” ang sabi ko dito.

Bumili kami ng ice cream. Kinain namin ito habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Doon ulit siya natulog sa amin. Medyo ok na sila ni kuya jenson pero pakiramdam ko hindi pa ganoon kabuo ang tiwala ni kuya dito pati na rin si papa. Gwapo daw kase itong mokong na ito tapos bad boy pa kaya talagang magugustuhan ito ng mga babae.

Nag-aalinlangan kase silang tanggapin ito para sakin kahit na madalas na nila itong nandito sa amin. Alam kong tatahi-tahimik lang si kuya jenson pagdating sa lovelife ko pero isa yan sa pinaka over protective sa akin.

Ayaw na ayaw niya ng may dinadala akong kaibigang lalaki lalo na’t alam nitong hindi ito seryoso kaya bihira lang ang pumapasa sa kanila ni papa at kuya. Minsan nga kapag ok na kay papa at ayaw naman ni kuya ayaw na rin ni papa. Pero hindi umubra kay lionel ang paghihigpit nila papa dahil hindi ito takot sa pwedeng gawin sa kanya. Basta wag ko lang daw siyang iiwan.

~~

PRESENT

~~

“Hon”

“Hmmmm?” Ang sabi ko habang nilalagyan ko ng diaper si baby bunso.

“Pirmahan mo nga itong mga papel. Kelangan eh” ang sabi niya habang kinukuha ang mga papel sa cabinet niya.

“Sandali lang hon”

“Sige po” ang mabait na sabi nito.

Tumingin lang ako at tinitigan siya. Kinindatan niya lang ako.

“Heh! Bihisan mo na rin si kuya para makatulog na sila” ang sabi ko.

Ayokong nagpupuyat si jonel lalo na’t bata pa ito. Baka makasanayan niya.

“Sige po hon” Ano naman kayang nakain nitong asawa kong ito ngayon. Ang weird niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagbibihis kay baby bunso. Ang kulit kulit na rin kase ng batang ito. Gusto laging naglalakad lalo na at kalaro ang kanyang kuya.

Pagkatapos kong bihisan si baby bunso ay naupo ako sa study table namin sa kwarto at pinirmahan ang papel na pinapapirma nito. Babasahin ko sana pero ayaw niya ipabasa. Tinakpan niya.

“Salamat hon” ang sabi nito.

Ano ba kase yun? Minamadali kase ako ni lionel dahil kelangan na kelangan na daw yun. Pagkatapos nun ay nahiga na kami. Nasa gitna namin yung dalawang bata. Tulog na rin silang dalawa.

“Hon” ang sabi nito.

“Hmmm?”

“Gising ka pa?”

“Malamang hahaha..” ang natatawang sabi ko.

“Namiss kita” sabi niya.

“Namiss? Eh lagi nga tayong magkasama”

“I mean namiss kong yakapin ka sa pagtulog. May dalawa na kase tayong makukulit na bata sa gitna natin oh hahaha..” ang natatawang sabi niya.

“Ok lang yan hon. Alam ko namang maparaan ka eh”

“Siyempre ako pa. Hahaha… pero alam mo hon. Kahit nasa tigkabilang dulo na tayo ng kamang ito. Masayang masaya ako tuwing makikita ko ang bunga ng ating pagmamahalan. Hindi man sila mismong nagmula sa ating dalawa pero ang makita kong isang pamilya tayo sobra! Sobra! Sobrang saya ko. Hon wag kang maiingit kung hindi babae ang isa sa atin. Ang isipin mo mahal natin ang isa’t-isa at hindi natin kelangang itama ang lahat. Ang kelangan lang eh mahalin mo ko”

“Eh mahal naman kita ah”

“Dapat lang. Dahil mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita” ang sabi ko.

Ngumiti lang ako at tinitigan ang dalawa naming anak. Hays. Lumalaki na nga sila. Tumingin ako kay lionel na nakatitig sakin.

“Bakit mo ko tinititigan?”

“Bakit naman hindi? Hindi ka kase nakakasawang pagmasdan at mahalin eh”

“Sus. Kelangan araw araw mo kong papakiligin? Ganun?”

“Aba siyempre” ang sabi nito. “Dahil walang ibang magpapakilig sayo kundi ang bad boy at gagong tulad ko lang” tumayo ito sa kanyang kinahihigaan at lumapit sa akin. Hinawi niya ang buhok ko sa noo at hinalikan.

“Good night hon” ang nakangiting sabi nito.

“Good night din” lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi. Ngumiti siya at bumulong sakin.

“ Sex tayo “ biglang namula ang mukha ko. Dinampot ko ang unan ko at ibinato sa kanya. Pero tong lalaking to nakaiwas at nahiga na sa kabilang dulo. Inirapan ko lang siya.

“Hon”

“Ano?” Ang masungit na sabi ko.

“I love you”

~~

PAST

~~

Nandito na ko sa room. Si lionel? Ayun tulog pa. Ang hirap nga gisingin. Eh anong oras na oh? Bahala siya.

Ilang minuto na lang at magbebell na ng bigla itong pumasok sa room. Napakunot ako ng noo ng makita kong may pasa at black eye ito sa mukha.

Pagkaupo niya sa tabi ko ay naiinis na kinausap ko ito.

“Lionel ano yan ha? Ano na naman bang ginawa mo! Bakit puro ka pasa sa mukha?” Pero hindi niya ko sinagot. Kumuha lang siya ng gamit sa bag at nilagay sa table niya.

“Lionel sagutin mo ako. Di ba ayoko ng nakikipag away ka”

“Ok lang ako hon. Wag mo kong alalahanin” ang nakangiting sabi nito.

“Lionel hindi ako nakikipagbiruan ha. Pag hindi mo ko sinagot ng matino hihiwalayan kita. Lionel ayoko ng ganito” ang banta ko sa kanya hindi ito nakaimik.

“Lionel isa…” bilang ko dito. Nanatili lang siyang tahimik.

“Dalawa..” ang naiinis na bilang ko. Tumingin ito sa akin.

“Pag bilang ko ng tatlo at hindi ka pa nagsalita diyan. Ito na ng ang huli. Sinasabi ko sayo” ang sabi ko dito. Biglang tumulo ang luha niya.

“Tatl––”

“Sinapak ako ni kuya jenson at ni papa” ang biglang sabi nito. Bigla naman akong natahimik at nagulat sa isinawalat niya.

“B-bakit?” Ang kinakabahang tanong ko.

“Dahil kinukuha na kita sa kanila! Dahila gusto na kitang pakasalan”

Itutuloy

….


GUYS ILANG CHAPTER NA LANG.. MATATAPOS NA SIYA… support support lang salamat :)

Chapter thirty seven

~~

PAST

~~

Tahimik lang kaming dalawa ni lionel habang nakaupo sa sofa nila. Sobra ang kabang nararamdaman ko sa oras na ito. Hinawakan nito ang kamay ko saka ngumiti.

“Ah… mommy, daddy si jerol po. Boyfriend ko” ang pagpapakilala ni lionel sa kanila. Tahimik lang ang mga magulang nito. Walang reaksyon.

“Jerol sila ang mga magulang ko at magiging magulang mo na rin simula ngayon” ang sabi nito. Tumingin ako sa kanila at bumati.

“Magandang hapon po sa inyo” ang magalang na bati ko. Pero nanatili pa rin silang tahimik.

“Ah, eh lionel, anak hindi mo naman pala sinabing may kasama ka pa lang kaibigan. Ikaw talaga anak. Mapagbiro ka talaga anak hahaha..” ang tumatawang sabi ng mommy nito.

“Mommy hindi po ako nagbibiro. Boyfriend ko po talaga siya at papakasalan ko po itong taong to kaya pinapakilala ko na siya sa inyo” ang seryosong sabi ni lionel. Bigla namang natahimik ang mommy nito.

“Tama na ang kalokohang ito lionel. Sige na kumain na tayo” ang biglang singit ng daddy ni lionel saka tumayo. Napayuko lang ako.

“Daddy boyfriend ko nga siya at papakasalan ko siya. Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin ha!” Ang mataas na tonong sabi ni lionel. Humarap ang daddy nito sa amin at tumingin ng masama.

“Naiintindihan mo ba yang sinasabi mo Lionel ha? Hindi ka bakla at hindi ko matatanggap na may bakla sa pamilyang ito! Tapos!” Ang maotoridad na sabi ng daddy nito.

Aktong maglalakad na ang daddy nito papuntang kusina ng magsalita si lionel.

“Anong gusto niyo? Magka-amnesia ako? Magkasakit, maaksidente o ano gaya ng nababasa at napapanuod niyo sa TV para lang tanggapin niyo kami. Ganun po ba yun daddy, mommy? Kahit anong mangyari. Hinding hindi na magbabago ang isip ko. Pakakasalan ko si jerol at magiging magulang niya na kayo sa ayaw at gusto niyo” aalis na sana kami ni lionel ng biglang magsalita ang mommy nito.

“S-sandali anak” ang pigil nito sa amin.

“Mom, Kung hindi niyo rin po kami kayang tanggapin ni jerol please lang… Wag niyo na po kaming pigilang umalis dahil hinding hindi na magbabago ang isip ko. Doon na lang po kami sa taong pwede at kaya kaming tanggapin” ang diterminadong sabi nito.

“Ah.. eh.. ano kase anak. Tanggap ko naman talaga kayo. Akala ko lang kase nagbibiro ka” ang sabi ng mommy nito. Lumapit ito sa akin.

“Di ba ikaw si jerol?” Tumango lang ako.

Tiningnan niya lang ako ng seryoso saka ngumiti.

“Ang cute naman nitong boyfriend mo anak. Bagay na bagay kayo” ang tuwang tuwang sabi ng mommy nito saka niya ako niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Ang saya ko… Akala ko ay hindi kami matatanggap ng mommy nito. Para din pala siyang si mama.

“Salamat mommy sa pagtanggap. Mahal na mahal ko po talaga itong si jerol at kung hindi niyo po siya kayang tanggapin sa pamilyang ito parang sinabi niyo na rin po na hindi niyo ko kayang tanggapin” ngumiti lang ang mommy ni lionel at hinawakan ito sa kamay.

“Anak wala namang kaso kay mommy kung ganyan ka o kahit maging sino ka pa. Lagi mong tatandaan. Kung tunay mo kaming magulang, matatanggap at matatanggap ka namin dahil sa amin ka ng galing. Nagulat lang talaga ako saka hindi ako makapaniwala na ang isang maangas at matapang kong anak ay mapapaibig ng isang cute na batang tulad niya. Wala ka pa kayang dinadala ditong babae kaya hindi ako makapaniwala.”

Umakbay naman sa akin si lionel at hinalikan ako sa ulo.

“Ewan ko nga ba mommy. Akala ko nga rin eh isa ako sa mga lalaking magpapaiyak ng maraming babae pero ako ata itong iiyak kapag iniwan ako ni jerol. Mahal na mahal ko talaga siya mommy at handa akong ipaglaban siya kahit kanino” ang sabi nito.

Nakatingala lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Pinisil niya ang ilong ko.

“Halata nga anak na mahal na mahal mo siya” ang sabi ng mommy nito saka lumapit sa asawa. Napatingin naman ako sa daddy niya.

“Dee ano ka ba. Ang cute kaya nilang tingnan. Tingnan mo nga yung anak mo oh. Mas sweet pa sayo. Naiinggit tuloy ako” ang sabi ng mommy ni lionel.

“Mee talagang kinukonsinte mo pa sila ha!” ang seryosong sabi ng daddy nito bigla namang nagsalita si lionel.

“Daddy alam kong nadidissapoint ka ngayon dahil hindi babae ang dinala ko dito sa bahay at hindi ko kayo mabibiyan ng apo sa paraang gusto niyo. Pero daddy, hindi pagawaan ng bata ang kelangan ko para maging masaya kayo, para maging masaya ako. Kayo po ang nagbigay ng buhay sa akin pero hindi po ibig sabihin na habang buhay kayo ang mamimili ng makapapagpasaya sa akin. Ang kelangan ko po ay ang taong mamahalin ko. Oo nga’t mas maganda pa rin na may anak ako. Pero kaya naming gawan yan ng paraan. Daddy kung babae ba ang dadalhin ko dito magiging masaya kana? Pero ako? Magiging masaya po ba ako kung hindi naman siya ang gusto ko? Daddy hindi lang po kasiyahan niyo ang dapat niyong alalahanin kundi ang kasiyahan ko rin.. kasiyahan kong magmahal ng higit sa inaakala niyo” hindi nakaimik ang daddy nito.

Basagulero man si lionel pero alam kong matalino siya.

“Hindi ko naman po hinihingi na tanggapin niyo kami. Ang akin lang po gusto kong ipakilala siya sa inyo ng walang takot at pag-aalinlangan. Kase kung hindi ko talaga siya mahal. Hinding hindi ako maglalakas loob na harapin ang galit niyo para lang sa taong sinasabi niyong bakla” Tumingin si lionel sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

“Kung ano siya, ganun din ako. Kung mahina siya, ako ang magiging lakas niya. Kung malungkot siya, ako ang magpapasaya sa kanya. Kung ayaw niyo sa kanya, ako gustong gusto ko siya at kung hindi niyo siya kayang tanggapin sa pamilyang ito, ako ang magiging pamilya niya at gagawa kami ng sarili naming pamilya at bubuo ng mga anak… hindi dahil babae ang isa sa amin kundi dahil mahal namin ang isa’t-isa” kitang kita ko ang labis na pagmamahal ni lionel sa akin.

Nakatingin lang sa kanya ang daddy nito.

“Mommy, daddy aalis na po kami nitong manugang niyo. Babalik na lang po kami kapag tinanggap niyo na siya” ang magalang na sabi ni lionel.

Aalis na sana kami ni lionel ng biglang magsalita ang daddy nito.

“Sandali. Sumabay na kayong kumain sa amin, masamang pinaghihintay ang pagkain at saka ang babata niyo pa gusto niyo kasal agad?” ang seryosong sabi ng daddy nito saka dire-diretsong pumunta sa hapag kainan.

Tumingin lang sa akin si lionel. Tumango lang ako saka ngumiti. Alam kong hindi pa kami ganoon katanggap ng daddy nito pero alam kong sinusubukan niya, mali alam kong gusto niyang tanggapin kami.

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan. Asikasong asikaso ako ni lionel kahit kaharap namin ang mga magulang nito. Nagtataka nga daw ang mommy nito dahil ako pa lang daw ang kauna-unahang tao na ipinakilala niya sa bahay na ito.

Ang kwento pa ng mommy nito na madalas daw nitong makita na may iba’t-ibang kasamang babae si lionel pero ang ipakilala sa kanila ay hindi daw nito magawa. Kaya sana mapatawad ko daw siya kung nag-alinlangan ito sa amin noong una.

Kitang kita ko naman sa itsura ng mommy nito na hindi siya hadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Hay! Buti naman.

Doon ko din nakilala ang mga kapatid nito na si loisa at kuya lenmar. Sobrang daldal at makulit si loisa habang si kuya lenmar naman ay napakasungit. Hindi rin maitatanggi ang kagwapuhan ni kuya lenmar. Doon na rin kami natulog sa kanila. Alam kong hindi masyadong nagsasalita ang daddy nito pero ramdam kong gusto niya akong makilala.

Ama siya ni lionel at alam ko ang pakiramdam ng isang ama kapag nalihis ang anak nito. Ewan ko lang kay daddy kung bakit ng malaman nitong bakla ako eh, tinanong pa niya ako ng “eh ano naman?” Edi napanganga lang ako. Bihirang bihira lang kase ang isang amang marunong umintindi ng pagkakaiba ng gusto ng bawat isa. Biniro pa nga ako ni papa na kaya baka hindi daw sila magkaroon ng anak ng babae ay dahil ako na daw ang magpapakita sa kanila na ang pagmamahal ay nanggagaling sa puso at hindi sa kung anong meron ka sa ibaba mo. (Yung ano.. yung.. basta yun hahaha..)

Yun nga lang, ayaw ni papa na magboboyfriend ako ng alam niyang lolokohin lang ako. Kaya siguro hindi niya matanggap tanggap si lionel dahil sa kagwapuhan at pagka-bad boy look nito. Baka lokohin, iwan at paglaruan lang daw ako.

Ewan ko ba dito sa lalaking katabi ko sa higaan at parang sawa kung makayakap at makangiti. Tuwang tuwa siya pramis.


Nandito ako ngayon sa riser ng court habang tinitingnan si lionel kasama ang mga kateam nito sa basketball. Katabi ko si joshua na bising bisi sa Boyfriend niya. Ano pa nga ba? Hahaha..

Sobrang daming tao sa court at ang daming nagche-cheer sa kanila lalong lalo na ang mga babae at binabae na humahanga sa kanila. Wala na akong marinig na salita mula sa kanila kundi puro apelyido ni lionel. Nang mapansin ni lionel na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito at nagpaalam sa coach at mga kateam mate niya saka dumiretso sa akin.

“Oh, bakit pumunta ka pa dito? Magsisimula na ata yung game niyo” ang sabi ko.

Tinaas niya lang ang hawak nitong extrang jersey at ibinigay sa akin.

“Eto hon. Suotin mo yan ha. Apelyido ko yan, dahil magiging asawa na kita kaya dapat dala dala mo ang apelyido ko at siyempre bilang suporta mo na rin sa akin” sabay kindat at nakaw ng halik nito sa pisnge ko at dali-daling bumalik sa coach niya.

Napangiti na lang ako ng makita ko ang nakasulat sa likod ng jersey. “Ong - Madrid” apelyido ko at apelyido niya.

Hindi ako yung klase ng tao na sumisigaw kapag chine-cheer ko ang isang team o ang taong sinusuportahan ko basta ngumingiti lang ako at pumapalakpak kapag nakakapoints sila. Naiirita na nga ako kay lionel eh, puro kindat at papansin na lang ang ginagawa sa akin. Pinapagalitan na nga siya ng coach niya na kelangan daw nitong magseryoso at magfocus baka matalo sila.

After ng second quarter ay lumapit ito sa akin. Kinuha ko ang towel sa bag na hawak hawak ko at pinunas ito sa likod niya. Nakanguso lang ito habang ginagawa ko iyon.

“Oh, bakit nanghahaba ang nguso mo diyan ha?”

“Eh ikaw kase eh” ang nakanguso pa ring sabi nito habang nagtatampo.

“Ha? Eh wala naman akong ginagawa ah” ang takang saad ko habang patuloy ako sa pagpunas ng likod niya.

“Meron kaya. Hindi mo sinuot yung jersey nating dalawa. Isuot mo na hon para mas lalo akong ganahan dali na”

“Opo isusuot ko na. Pagkatapos ng game magbihis ka kaagad ha para hindi ka ubuhin at magkasakit at saka wag na wag kang magbabasa agad ng tubig para hindi ka mapasma ok po ba yun?” Ang paalala ko dito habang patuloy pa rin ako sa pagpunas ng katawan niya.

Tumingin ito sa akin at nagpacute.

“Uyyy… nagpapraktis na siya bilang asawa ko. Ayiiee si hon oh hahaha… opo! Sinabi mo yan eh kaya susundin ko. Asawa na kita kaya dapat kong sundin ang ilaw ng aking tahanan at ikaw yun hon, samantalang ako naman ang haligi mo. Pero kapag nagka-anak na tayo ako na ang magiging haligi niyo”

Nakatingin lang ako habang sinasabi niya yun. Nang matauhan ako ay dali-dali kong kinuha ang powder sa bag ko at binudbod sa likod nito. Tinawanan niya lang ako. Pulang pula na kase ng mukha ko.

“Sige na hon, balik na ako dun. Salamat” ang nakangiting sabi niya.

“Galingan mo ha. Matalo man o manalo, mahal pa rin kita” ang pampalakas loob ko dito.

Para naman siyang na full charge dahil sa pagka-hyper nito. Ninakawan na naman niya ako ng halik saka bumalik sa mga kagrupo niya. Lumingon pa ito sa akin at kumindat. Nagpalinga-linga lang ako dahil sa hiyang nararamdaman ko. Maraming mga babaeng inirapan ako at mga baklang nakasimangot. Hindi ko na lang sila pinansin.

Nagsimula na ulit ang 3rd quarter. Sobrang galing ni lionel kaya lang hindi talaga mawawala ang kayabangan nito lalo na kapag nakakashoot siya. May pahugis hugis puso pa siyang nalalaman. Asus!

Habang naglalaro sila ay napatingin ako sa dalawang katabi ko na nawala na pala na parang bula. Naglampungan na naman siguro kung saan yung dalawang yun haixt!

“Pwedeng makiupo?” Ang tanong sa akin ng lalaki habang tinuturo ang bakanteng upuan sa kaliwa ko. Tumango lang ako at tinutok ulit ang atensyon sa basketball.

“Galing nila noh?” Ang sabi ng lalaking tumabi sa akin.

Tumango lang ako habang nasa paglalaro pa rin ang atensyon.

“Anong pangalan mo?” Ang biglang tanong nito. Napatingin naman ako sa kanya.

“Jerol” pagpapakilala ko saka ngumiti.

Gwapo siya ah.

“Ako nga pala si chard”

“Ah nice to meet you kuya chard”

“Ang cute mo pa lang ngumiti” ang sabi niya.

“Ah.. eh, salamat hehehe” ang natatawa ko na lang na sabi. Magsasalita pa sana ito ng bigla na lang may tumamang bola sa kanya.

“O-ok ka lang kuya chard?” ang nag-aalalang tanong ko.

Nagpalinga linga ako ng tingin para hanapin kung saan ng galing ang bolang tumama sa mukha ni kuya chard hanggang sa makita ko ang masamang tingin ni lionel at naiinis na naupo ito sa tabi ng coach niya. Pansin ko rin na pinagsasabihan siya ni coach. Mukhang pinapagalitan.

“O-ok lang ako salamat” ang sabi ni kuya chard.

Nagpatuloy ang paglalaro pero nasa bangko pa rin si lionel. Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinila niya ang kamay ko at dinala sa unahan kasama ng team mate niya.

“Wag niyo siyang lalandiin ha. Babangasan ko talaga mga mukha niyo. Mainit ang ulo ko ngayon” ang naiinis na sabi ni lionel sa kanila.

Tahimik lang ako habang tinititigan siya. Naupo ito sa tabi ko. Tahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong kinaiinisan nitong lalaking ito at ganito ang mood niya ngayon samantalang kanina eh ok naman siya.

Lilingon sana ako sa taas para tingnan si kuya chard at icheck kung ok ba siya ng biglang hawakan ni lionel ang ulo ko at ipinatong sa balikat niya.

“Wag kang kung saan saan tumingin. Nagseselos ako” ang sabi niya. Ha? Ano daw?

“Hon nakikipagkilala lang naman yung tao” ang mahinang sabi ko.

“Pero wala akong tiwala sa kanya. Pasensya na hon kung medyo nakakasakal ang pagkaseloso ko pero mahal lang talaga kita. Sana wag kang magsasawang intindihin ako ha” ang sabi nito.

Ngumiti lang ako sa kanya at pinisil ang pisnge nito at hinalikan siya sa pisnge. Kahit alam kong madaming tao eh kinapalan ko na lang ang mukha ko para ipakita kay lionel na handa ko rin isugal ang buhay ko para sa kanya.

Bumalik na ito sa game dahil last quarter na. Bumalik na rin ang sigla nito sa paglalaro. Todo suporta naman ako sa kanya.

“Nakakatakot pa lang magselos yang boyfriend mo ano” ang biglang sabi ni coach.

“Ah eh.. oonga coach hehehe..”

“Nagulat na nga lang ako kanina habang nasa kalagitnaan ito ng paglalaro at mapansin nitong may kausap kang iba ay bigla na lang nitong inagaw yung bola at malakas na ibinato doon sa katabi mo. Shooter nga siya. Sapol sa mukha hahaha..” ang natatawang pagkwento ni coach.

“Baliw talaga yang lalaking yan” ang nakangiting sabi ko habang tinitingnan si lionel maglaro.

“Pero alam mo. Lagi niyang sinasabi sa amin kung gaano ka niya kamahal. Ipinagmamalaki ka niya sa amin. Sa isang tulad mo lang daw siya titiklop” kwento ni coach habang nakatingin sa kanila. Nakikinig lang ako.

“Alam mo bang kinakatakutan yan dito sa school dahil walang sinasanto yan at higit sa lahat. Lagi yang napapaaway dahil sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Yung mga nababasa at napapanuod mo sa tv na bad boy at play boy ay makikita mo talaga sa katauhan niya….. pero noon yun. Noong hindi ka pa niya nakikilala”

Tumingin sa akin si lionel saka kumindat. Nagpatuloy ulit ito sa paglalaro.

“Alam ko coach. Madalas hindi ko talaga siya maintindihan. Pabago bago ng mood, mahilig sa away, mapagmura pero kapag naglambing yan sobrang ramdam ko. Sobrang maalaga. Hindi man siya perpektong tao pero kung paano siya magmahal ay talagang gugustuhin mo” hinawakan ako ni coach sa balikat saka ngumiti. Ngumiti rin ako.

Natapos ang buong laro na pabor sa team ni lionel.


“Pano ba yan hon. Nanalo ako sa game, so magdedate tayo ngayon. Ang swerte mo nga eh. Isang gwapong tulad ko ang makakadate mo” ang mayabang na sabi nito habang naglalakad kami sa kalsada. Naka-suot pa rin siya ng pang basketball tapos may hawak na bola sa kaliwang kamay.

“Hangin pa more” ang natatawang sabi ko. Kinurot ko siya sa tagiliran.

“Awww.. hon masakit yun ah” daing nito.

“Ikaw kase. Bakit mo binato ng bola sa mukha si kuya chard? Kawawa naman yung tao”

“Sus! Ipagtatanggol mo pa yun eh mukha namang tuko”

“Ewan ko sayo. Yang pagkaseloso mo ha. Naku!” pagsusungit ko.

Lumapit ito sa akin at umakbay. Sobrang tangkad talaga ng lalaking to. Kung titingnan mo ay para lang kaming magkapatid dahil sa liit ko.

Habang naglalakad kami sa kalsada sa tabi ng palayan ay biglang may dumaang nagtitinda ng ice cream. Hinila ako ni lionel papalapit doon at bumili. Inunahan pa nga niya yung mga batang bumibili. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pagka-isip bata niya.

“Lionel para kang sira diyan hahaha.. Bakit ba kase nakikipag-unahan sa mga bata ha?” Ang sabi ko dito.

“Ah.. eh… ano kase hahaha… Basta hahaha” ang natatawang sabi nito, natawa narin ako.

Habang kinakain namin ang ice cream pauwi ng bahay ay hindi ito nauubusan ng sasabihin at tuwing may makakasalubong kaming gwapo ay bigla nitong sasabihan ng panget. Tapos tatanungin niya ako at pipilitin pa niya akong sumang-ayon sa kanya. Siya lang daw dapat ang gwapo sa paningin ko wala ng iba. Haixt! Mahal na mahal ko nga siya.

Pagkarating namin sa bahay ay sabay kaming nagbihis, sabay sabay din kaming naghapunan buong pamilya. Medyo ok na sila ni papa pero kinakapa pa ni lionel si kuya jenson. Pareho kase sila ng ugali kaya alam ni kuya ang pwedeng gawin ni lionel sa akin.

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ni lionel at niyaya nito si papa na mag-inom sila. Labag man sa kalooban ni papa dahil sa mura nitong edad ay pumayag na rin ito. Para daw mas makilala nito si lionel at lumabas lalo ang tunay nitong pag-uugali. Minsan daw kase ay makikita mo ang ugali ng isang tao kapag lasing ito, kung paano niya ihandle ang kanyang sarili kapag wala na ito sa sarili niyang katinuan.

Nakaupo silang dalawa sa sala habang may lamesa silang maliit sa gitna at doon nakalagay lahat ng pulutan at inumin nila. Nakaupo naman ako sa tabi ni lionel habang nanunuod ng tv.

“Papa malakas po ba kayo sa inum?” tanong ni lionel.

“Tsk. Ako pa ba? Eh mang-iinom kaya ako. Paano ba yan baka matalo kita” ang hamon naman ni papa dito.

“Hindi po ako papatalo papa, malakas po akong uminom” ang sabi nitong katabi ko saka siya tumagay.

“Ang bata mo pa ah. Saan ka natutong uminom?” Ang nagtatakang tanong ni papa habang tumatagay.

“Second year po ako noon papa ng matuto akong uminom dahil sa mga kabarkada ko” kumuha si lionel ng baso at naglagay ng alak.

“Lionel ayoko ng taong nagbibisyo para sa anak ko” ang seryosong sabi ni papa.

Tumagay muna si lionel saka ngumiti kay papa.

“Wala na po yun papa. Bihira na po akong umiinom ngayon at saka depende na po kay jerol yun kase siya na po ang magiging asawa ko habang buhay. Hindi na po ako gaya ng dati simula ng makilala ko ang anak niyo”

Naglagay ulit ito ng alak sa baso saka inabot kay papa.

“Papa alam ko pong Hindi pa ganoon kabuo ang tiwala niyo sa akin para kay jerol, sa anak niyo pero handa po akong hintayin ang pagtanggap niyo at handa rin po akong ipakita sa inyo araw-araw kung gaano ako ka seryoso sa kanya. Sana po ay wag niyo lang po akong husgahan base sa panlabas na nakikita niyo kase sa totoo lang po ay mahal na mahal ko po talaga si jerol” inakbayan ako ni lionel saka hinalikan sa ulo.

Napatingin lang ako kay papa. Oo showy ako kay papa kapag naglalambing ako dito pero nahihiya ako kapag ganito kami ng boyfriend ko sa harap niya, baka kase mailang si papa at hindi niya magustuhan ang ginagawa namin.

Ngumiti lang si papa.

“Ano ba yan. Ang tagal mo naman tumagay” ang natatawang sabi ni papa.

Para namang nanalo sa lotto si lionel. Hindi man ni papa maiparamdam pero alam kong unti-unti na niya itong nagugustuhan.

“Patagalan pong malasing papa ah” ang masiglang sabi ni lionel.

Tumango lang si papa saka ngumiti.

Tumayo ako at lumapit kay papa. Niyakap ko ito at hinalikan sa pisnge.

“Papa salamat po”

“Ha? Salamat? Saan naman anak?”

“Sa pagtanggap niyo po sa amin ni lionel” ginulo lang ni papa ang ulo ko.

“Anak kita. Saan ka ba ng galing diba sa akin? Kung bakla ka edi baka may gay side din ako hahaha.. Hindi mapabong mangyari yun. Yung iba galit na galit pagbakla ang anak eh sa kanila naman nanggaling yung anak nila. Basta ako tanggap kita at mahal na mahal pa” ang tumatawang sabi ni papa, ngumuso lang ako. Ang swerte ko talaga.

“Pero anak, alam kong mahirap sa akin na tanggapin ka noong una alam mo yan pero ewan ko ba kung bakit mas gusto pa nga kitang makitang ganyan ka eh, feeling ko natuto kami ng mama mo kung paano maging bukas sa lahat ng bagay, bagay na hindi pare-pareho at kelangan mong irespeto”

“Papa naman eh” naiiyak na sabi ko. Niyakap ko ito at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Ngumuso sa akin si papa.

“Tingnan mo yung mapapangasawa mo oh. Naiingit ata” ang biro ni papa.

Tumingin naman ako kay lionel na kanina pa pala nakatingin sa amin habang nakangiti. Mukhang lasing na rin ang isang to. Namumungay na ang mata eh.

“Hoy mokong tama na nga ang inom” ang sabi ko dito.

“Hon naman eh, kainom ko pa si papa oh” ang sabi nito.

Tumingin naman ako kay papa. Lasing na lasing na rin siya.

“Eh pareho na kayong lasing eh. Tama na yan” saway ko sa kanila.

Tumayo ako at nilapitan si lionel. Nakangiting aso naman ito saka ako hinila at pinaupo sa mga hita niya at hinalikan sa pisnge.

“Anak hayaan muna. Nagkakasiyahan pa kami nitong magiging anak ko eh”

“Sige po papa pero konti na lang po ah” ang sabi ko. Tumango naman silang dalawa.

Alam niyo sa totoo lang. Na-OP ako sa kanila hahahaha.. puro kase basketball ang usapan nila habang palihim na humahalik sa leeg ko si lionel kapag hindi tumitingin si papa. Tumagal din ng halos tatlong oras ang inuman nila hanggang sa malasing na sila ng tuluyan.

“Papa shabi kho naman pho sha inyo eh, malakashh.. akong uminom” Ang bulol na sabi nito habang pumipikit pikit ang mata. Si papa naman ay lasing na rin.

“Oonga anak. Gusto ko na itong boyfriend mo para sayo. Magkakasundo pala kami nito sa inuman eh.. Hahaha… Isang bote pa tayo” ang hiling pa ni papa..

“Papa tama na po” ang sabi ko. “Sa susunod na lang po ulit”

“Kaya ko pa naman hon eh” ang singit ni lionel. Tiningnan ko lang siya ng masama. Yung tingin ng isang tigre. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin. Takot niya lang sa akin.

“Tama na. Lasing kana oh. Sa susunod na lang ulit”

“Anak hayaan muna” ani ni papa.

“Pa naman eh” ang sabi ko.

“Ah eh, papa sa susunod na nga lang po ulit. Baka magalit na itong asawa ko saka po handa akong magpa-under sa kanya hehehe” ang sabi nito. Inirapan ko lang siya.

“O siya, siya sige na nga. Aakyat na ako sa taas. Mga bata talaga oo. Kayo ng bahala dito ah” tumango lang ako at hinalikan si papa sa pisnge.

Pagka-akyat ni papa ay kami na lang dalawa ni lionel ang naiwan sa sala.

“So paano ba yan hon, ikaw at ako na lang ang naiwan dito.. hihi..” ang sabi nito na parang nawala ang lasing. Kinulong niya ako sa yakap niya at mapusok na hinalikan sa labi. Ilang segundo rin ang halikan naming iyon hanggang sa itulak ko siya.

“Magtooth brush ka nga. Ang baho ng bibig mo” utos ko sa kanya.

“Ayaw mo na ba sa akin hon? Panget na ba ako sa paningin mo?”

“Heh! Tumahimik ka. Lasing kana” ang sabi ko dito. Tumayo ako para ligpitin lahat ng kalat sa lamesa ng hawakan ni lionel ang bewang ko at marahang pinaupo sa mga hita niya.

“Lionel isa”

“Eh hon naman eh.. naglalambing lang naman ako”

“Umayos ka kase. Magtooth brush ka nga muna. Wag ka talagang tatabi sa akin na amoy alak ka. Doon talaga kita patutulugin sa labas sinasabi ko sayo” banta ko dito.

“Oo na nga po magtotooth brush na po” ang nakangusong sabi nito saka umakyat sa taas. Pagkadating niya sa taas ng hagdan ay tinawag niya ako.

“Hon” tawag nito.

“Oh?” Ang sabi ko habang pinupunasan ang lamesa.

“Sumunod ka kagad ah. Walang mag-aasikaso sa akin” tiningnan ko lang siya sa taas ng hagdan saka inirapan.

“Heh! Bilisan mo na diyan” ang sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

“I love you hon!!” ang malakas na sigaw nito.

Bigla namang namula ang mukha ko. Inulit ulit nitong isigaw ang salitang i love you. Oo sobrang lakas ng sigaw niya na pwedeng gumising ng mga taong natutulog. Tumakbo ako paakyat ng hagdan at tinakpan ang bibig nito.

“Wag ka ngang maingay hon. Natutulog na sila mama at papa. Sige ka magising sila” ang saway ko dito pero hinalikan niya lang ang kamay ko.

“Sabay na kase tayong matulog” ang hiling nito.

Hay! Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Alam kong may pagkamakulit siya.

Pagkapasok namin sa kwarto ay bigla itong naghubad. Tanging brief lang ang suot. Sobrang ganda talaga ng katawan ni lionel.

“Oh! Baka naman matunaw na ang asawa mo niyan” ang nakangising sabi nito.

“Che! Asawa ka diyan”

“Masanay ka na. Dahil tutuparin ko yan” ang nakangiting sabi nito at saka dire-diretsong pumasok ng cr.

Mapapangasawa ko ba talaga siya? Parang isa itong panaginip. Pagkatapos niyang maglinis ay ako naman ang pumasok sa cr. Nagtooth brush at naghilamos lang ako. Naabutan ko si lionel na nakahiga sa kama habang nakangisi.

“Bakit ka pangiti ngiti diyan ha?” Ang masungit kong tanong habang nagbibihis ako ng sando at nagpapalit ng maiksing short.

Kinuha ko ang lotion sa ibabaw ng cabinet saka naupo sa gilid ng kama. Hinaplos ko ang lotion sa binti ko pero naramdaman kong may yumakap sa akin.

“Hon ang bango mo” ang sabi nito.

“Alam ko”

“Hon ang cute mo” ang sabi nito habang hinahalikan ang leeg ko.

“Alam ko”

“Hon ang sarap mong mahalin”

“A-a-alam ko” hinawakan nito ang kamay at baba ko saka hinarap sa kanya.

“Ang ganda ng mga mata mo. Ang pula ng labi mo. Hon nanggigigil ako sayo. Gusto kitang halikan”

Dahan dahan itong lumapit sa akin at masuyo akong hinalikan sa labi. Inalalayan niya ako pahiga sa kama habang wala itong tigil sa paghalik sa akin. Tanging boxer shorts lang ang suot niya. Ramdam ko rin ang pagkalalaki niya. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya saya ko kapag lumalapat ang labi niya sa labi ko.

Ilang buwan na rin kaming magboyfriend ni lionel pero tanging halik lang ang namamagitan sa aming dalawa hindi na lumalagpas pa doon. Humiwalay ito sa halikan namin at nahiga sa tabi ko.

“Hon?”

“Hmmm?” Ang sabi ko habang tinititign siya.

“Ano kase.. ah.. eh”

“Ano nga?”

“Kase ano hon.. ahmm” natawa naman ako.

“Lionel ano nga kase yun?”

“Nahihiya kase ako hon”

“Ikaw? Nahihiya? Meron ka ba noon? Hahaha”

“Eeee.. hon naman eh” ang nakangusong sabi nito.

“E ano nga kase yun?”

“Nahihiya nga ako”

“Isa! Ano nga yun?”

“Pwede ba tayong magsex?” Ang biglang tanong nito.

Parang nalunok ko naman bigla ang dila ko sa sinabi niya. Binalot kami ng matinding katahimikan.

“Hon?” Ang pagbasag nito sa katahimikan.

“Ano? Ah.. kase lionel..”

“Ok lang naman hon kung ayaw mo. Ngayon lang kase ako nagkalakas ng loob na yayain ka dahil nakainom ako” ang pagsingit nito. Tumingin ako sa kanya at niyakap ito.

“Hon hindi naman ako tumatanggi. Hindi naman ako nag-iinarte. Ayoko lang na yayain mo ako kapag nakainom ka. Gusto ko yayain mo ako na matino ang isip mo. Yung hindi ka lasing, yung linaw ka. Gusto kong marinig yan na pareho tayong nasa katinuan” ang sabi ko dito. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Alam mo hon kahit lasing ako o hindi noon kapag may niyaya akong babae walang hiya hiya sa akin, sugod agad. Pero ngayon ewan ko! Bakit lahat ng tapang ko nawala sayo. At ang nakakatawa pa. Sa isang baklang tulad mo na mahal na mahal ko pa” tumingala ako sa kanya at hinalikan ito sa labi.

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

“Akala ko dati kapag nakipagsex ako kahit kanino ang saya saya ko na. Ang gwapo gwapo ko na, lalaking lalaki ako pero alam mo hon mas masaya pa palang magmahal ng may respeto. Proud ako na kahit hindi ako makascore sayo basta mahalin mo lang ako sapat na” niyakap niya ako ng mahigpit. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangiti.

“Oh? May dumi ba ako sa mukha ko?” Ang natatawang tanong nito. Umiling lang ako.

“Wala.. wala.. mas lalo ka lang gumagwapo sa mga sinasabi mo”

“Siyempre naman. Ako lang kaya ang mapapangasawa mo kaya dapat ako lang lagi ang maganda sa paningin mo”

“Oo na po mister madrid” ang nakangiting sabi ko.

“Magiging madrid kana rin hon. Excited na akong dalhin mo ang apelyido ko hihihi… kinikilig ako” ang sabi niya.

Kung titingnan mo lang talaga siya hindi mo mababakas sa itsura nito ang pagiging malambing. Oo, ang ganitong itsura ang pwede mong sabihing babaero pero handang maging seryoso.

~~

PRESENT

~~

“Papa kelan po uuwi si dada?” Ang tanong sa akin ni jonel.

Nakaupo kaming mag-aama sa sa sala habang nanunuod ng tv. Si baby bunso naman ay nakaupo sa mga hita ko habang dumedede. Tiningnan ko lang ang anak ko saka ginulo ang buhok nito.

“Hindi ko rin alam anak eh pero wag kang mag-alala uuwi rin si dada” ang sabi ko dito.

Ngumiti lang ito sa akin at tinuon ulit ang atensyon sa tv. Napatitig lang ako sa anak ko habang iniisip ang pag-alis ni lionel.

Bigla na lang kase itong umalis ng hindi nagpapaalam sa amin. Nagising na lang kami kinaumagahan ng wala na ito. Apat na araw mula ng umalis ito. Ni text o tawag ay hindi man lang ito nagpadala. Hindi ko na rin nga alam kung ano pang dahilan at palusot ang idadahilan ko sa anak ko dahil sa pagtatanong nila sa kanilang ama.

Hindi ko siya maintindihan. Parang noong nakaraang araw lang ok kami, masaya at nagkakaintindihan pero bakit ganito? Bakit bigla na lang siyang umalis.

Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin namin ito makontak. Hirap na hirap na rin ako pagsabayin ang pagtuturo at pag-aalaga sa dalawa bata. Pwede naman niyang sabihin kung may problema siya o ano pero bakit kelangan pa niyang mawala ng parang bula.

Nakahiga na kaming mag-aama sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang numerong tumatawag sa akin. Unknown number. Nag-aalinlangan pa akong sagutin ito pero kinalaunan ay sinagot ko na rin.

“H-hello” rinig ko ang mga hikbi sa boses nito.

“L-lionel?” Mas lalong narinig ko ang pag-iyak nito.

“Hon. Miss na miss ko na kayo. Kayo ng mga anak ko. Pasensya na kung hindi ako makatawag o makatext sa inyo ha. Hon, i love you. Lagi mong tatandaan yan” ang umiiyak na sabi nito. Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya.

“Lionel asan ka ba kase? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Alam mo namang may anak tayo lionel eh. Lionel naman eh.. Umuwi kana kase” ang naiiyak na ring sabi ko dito.

Huminga ito ng malalim.

“Hon, hindi ko pwedeng sabihin. Pasensya na hon. Sobrang miss na miss ko lang kayo.. pwede ko bang marinig ang boses ng anak natin?” Ang sabi nito. Para namang nagpantig ang tenga ko.

“Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha! Lionel nasan ka ba kase at hindi mo masabi?” Ang naiiyak na bulyaw ko dito.

Hindi ito nakaimik.

“Hon hindi ko nga pwedeng sabihin..”

“Edi hindi! Hindi mo rin pwedeng marinig ang boses ng mga anak mo” ang matigas na sabi ko dito.

“Jerol hindi mo ko naiintindihan”

“Talagang hindi kita maiintindihan” halos sumabog na ako sa inis. “Lionel mahal mo pa ba kami?” Ang wala sa wisyong tanong ko.

“O-oo naman. Mahal na mahal ko kayo. Bakit mo naman naisip yun?”

“Eh bakit nga wala ka dito? Bakit hinayaan mo kong mag-isa ngayon? Lionel kung mahal mo ako, sasabihin mo kung nasaan ka ngayon”

Hindi ito nagsalita. Ilang minuto rin akong naghinay sa kasagutan nito pero wala akong natanggap na salita mula sa kanya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pagod ako buong maghapon sa pagtuturo at pag-aalaga sa mga anak ko kaya wala na akong lakas pa para makipagtalo sa kanya.

“Sige na hon. Pagod ako ngayon, ingat ka diyan…”

“Jerol naman eh” ang umiiyak na sabi nito.

“Ok lang kami ng mga anak mo. Tulog na sila. Wag kang mag-alala. Kapag nagising sila sasabihin ko tumawag ka” ang walang ganang sabi ko.

“Hon naman eh.. mahal na mahal kita diba alam mo yan” ang humihikbing sabi nito.

“Lionel isang linggo yun. Isang linggong wala kaming alam sayo. Lionel anong gusto mong gawin ko? Anong gusto mong isipin ko? Maging masaya ako? Hindi ko nga alam na baka may iba kana diyan eh, baka may iba ng nagpapasaya sayo.. pwede mo namang sabihin sa akin eh.. Lionel naman eh” ang sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

“Hon, hindi ko magagawa yun” ang sabi nito.

“Lalaki ka lang diba?” ang sarkastikong sabi ko “Sige na lionel, good night na”

“Hon…”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at pinatay ko na ang tawag. Nagpunas muna ako ng luha at nahiga sa kama. Tinitigan ko lang ang dalawa kong anak.

“Papa si dada po ba ang kausap niyo?” Ngumiti lang ako at tumango.

“Oo anak. Sige na, matulog kana” ang sabi ko dito. Ngumiti ito at lumapit sa akin.

“I love you po papa” at kiniss niya ako sa pisnge. Hinalikan ko silang dalawa sa noo.

Pagkahiga ko sa kamay ay tiningnan ko lang ang picture naming apat.

Lionel ikaw ang nagbigay lakas loob sa akin para maniwala sa pag-ibig, pag-ibig na mahirap hanapin sa tulad namin. Sana naman ay wag mo kaming iwan ng basta na lang… lionel bakla ako.. Oo bakla ako pero wag mo naman sanang saktan ang tulad ko..

Itutuloy

..


Forever is not enough..

Malapit na siyang matapos guys.. comment kayo diyan pampagana lang salamat..

Pagpasensyahan niyo na si otor ha kung medyo boring itong kwento hehehe.. sana magustuhan niyo pa rin :)

Chapter thirty eight

~~

PAST

~~

Simula ng maging ok sila ni papa ay natuto na itong tanggapin si lionel. Dito na rin tumitira itong lalaking ito. Araw-araw kaming magkasama. Kung nasaan ako nandoon din siya, sobrang protective nito sa akin. Wala siyang pakialam kung lambingin niya ako sa harap ng maraming tao. Wag daw kaming dumepende sa panghuhusga at pangmamata ng iba para maging masaya. Dahil ang pagiging masaya ay hindi nakikita sa bibig at salita nila kundi sa puso mo.. sa sinasabi ng puso mo. Yan ang sabi nitong mapapangasawa ko. Kahit barumbado at magulo ang pag-uugali ng lalaking ito. Aaminin ko, walang araw na hindi ako kinilig sa kanya. Siya yung klase ng taong kaya kang ipagtanggol at mahalin ng walang pag-aalinlangan.

Swerte ko ba kase sa dami ng babaeng nakilala niya. Sa akin lang siya naging ganito?

“Mister madrid. Pwede bang ikaw na lang ang maging escort ng section natin? Ikaw lang kase ang tinuturo ng mga kaklase mo eh” ang sabi ni maam kay lionel.

Tiningnan lang ni lionel ang muse namin.

“Maganda siya ah..” ang sabi nito. “Maam alam ko pong gwapo ako at habulin ng mga babae pero pasensya na po talaga. Ayokong magalit itong mapapangasawa ko. Madali lang pong sumikat at hangaan ng marami pero ang maging masaya sa piling ng taong mahal mo. Sobrang hirap po. Ayoko pong nakikita siyang nasasaktan kapag nasa piling ako ng iba. Humanap na lang po kayo ng taong pwede niyong itambal sa kanya wag lang ako” ang sabi nito saka kumindat sa akin.

Inirapan ko lang siya, tong lalaking to talaga. Lumapit ako sa kanya at binulungan ito.

“ Lionel hindi naman ako magagalit eh. Ok lang sa akin pramis, sige na pumayag ka ng maging escort niya “ ang bulong ko dito.

“Hon ayoko. Basta ayoko. Ayokong isipin nila na mas bagay kami kesa mas bagay tayo. Jerol naman eh, sayo lang ako! Mahal na mahal kita at ayokong humantong na masaktan ka pa” bigla naman akong natameme sa sinabi nito.

Natauhan na lang ako ng maramdaman kong hainalikan niya ako sa pisnge. Pagtingin ko sa kanya ay pasipol sipol ito at palihim na tumingin sa akin at tumingin ulit sa unahan at saka ngumiti. Napakunot noo na lang ako sa kabaliwan nitong boyfriend ko.

“O bakit ka ngumingiti ngiti diyan?” Tanong nito.

“E baliw ka kase.. alam mo namang nandito tayo sa class room tas ikikiss mo ako saka baka makita tayo ni maam”

“E ano naman kung makita nila tayo? Edi matuwa sila, mandiri sila. Sila ba ang magpapasaya sa akin? May ginawa ba tayong hindi kanais-nais? Kiniss lang naman kita ah, to show you how huch i love you and how much kilig you gave to me hihihi” ang sabi nito.

Another Hay! Kinukha ko na lang ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.

“Makinig ka kay maam ah. Pipingutin talaga kita diyan kapag nagpasaway ka” sabi ko. “Mahal na mahal din kita lionel”

“Hon naman eh.. gusto na tuloy kitang pakasalanan”

“Mukha mo! Mag-aral ka muna ng mabuti para may mapakain tayo sa mga anak natin” ang sabi ko dito.

“Yes boss! Gagalingan ko para ipakita sayo na kaya ko kayong buhayin” ikikiss nanaman niya sana ako ng iharang ko ang notebook na hawak ko. Hahaha.. napanguso lang siya.

“Mamaya ka hon sa akin, pupudpudin ko yang labi mo ng halik sa bahay” ang nakangising sabi nito.

“Susumbong naman kita kay papa” banta ko dito.

“Isusumbong din kita kay papa at mama na hindi mo na ako mahal”

“Heh! Makinig ka nga kay maam” saway ko dito.

“Paano ako makikinig kung lahat ng atensyon ko ay nasasayo?” Napairap lang ako ng mata at palihim na kinilig.

“Alam mo ba hon, araw araw kitang ginagawang inspirasyon. Kung noon eh wala akong pakialam kung bumagsak ako sa klase o hindi, kung makagraduate man ako o hindi. Pero simula noong mahalin kita, ng makilala ka. Ipinangako ko na sa sarili ko na kapag hindi ako nagseryoso sa pag-aaral at hindi nakagruduate sa school na ito. Ay hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi tayo nagkatuluyan at napakain ang mga anak natin”

“Lionel? Bakit gustong gusto mo kong mapangasawa? Bakit ako pa?”

“Bakit naman hindi?” Ang biglang sagot nito. “Hindi naman sa bibig ko nagmumula ang pagmamahal ko sayo eh kundi dito sa puso ko”

Bigla kaming natahimik na dalawa. Sobramg tahimik ng buong klase. Pagtingin namin sa paligid ay lahat pala sila ay nakikinig sa amin.

“Ehem..” ang pagtikhim ni maam. Lahat ng mga kaklase ko ay humarap kay maam at nakinig na parang walang nangyari.

“Ah, eh.. as i said… ang ckfjjdkkfkd” bumalik na ulit sa pagtuturo si maam, hindi ko na rin masyadong naintindihan ang sinasabi nito dahil hinawakan ni lionel ang kamay ko na nagpabingi sa buong sistema ko dahil sa lakas ng tambol ng puso ko.

Pagkatapos ng klase ay sumakay na kami ng jeep pauwi ng bahay. Siyempre doon na talaga umuuwi itong lalaking ito.

Sakto namang wala pang nakaupo sa dulo malapit sa bungad ng jeep kaya doon kami naupo. Ako yung nasa pinakang hulihan malapit sa bungad habang kasunod ko naman si lionel pero hindi ko akalain na ang kasunod pala nito ay isang magandang babae.

Oo maganda siya at sobrang bango dahil nalalanghap ko ang amoy nito na dumadaloy sa hangin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos kahit hindi naman dapat. Pagtingin ko kay lionel ay nakatingin pala ito sa babaeng kasunod niya. Kung titingnan mo sila, ay sila yung klase ng magjowa na makikita mo sa jeep na walang habas kung maglampungan. Ngumiti lang ako ng lihim at tumingin sa labas ng jeep.

Nakakaramdam na ako ng selos kahit konting bagay lang, kahit wala itong ginagawang masama. Sobra ko na talagang mahal si lionel kaya pinapangunahan na ako ng takot na baka iwan na niya ako. Na ayaw ko namang mangyari.

Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng jeep malayo sa pwesto ni lionel. Ayokong makita siyang nakatingin sa iba maliban sakin. Kaya ako na ang umiwas. Nasasaktan ako kapag may tinititigan siyang iba.

Naramdaman ko nalang na biglang may humawak sa kamay ko at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.

“Hon?” Ang mahinang sabi nito.

“Hmmm?” Tumingin ito sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

“Wag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan. Maganda siya hon at kahit sinong lalaki gugustuhin talaga siyang maging girlfriend at hindi na ito papakawalan pa. Alam mo ba hon ng tiningnan ko siya napangiti ako. Alam mo kung bakit? Kase ang sabi ko sa sarili ko. Buti na lang at ikaw ang minahal ko. Dahil kundi, manloloko na naman ako ng mga babae, magiging mayabang na naman ako dahil maganda ang girlfriend ko, lust over love na naman ang paiiralin ko. Pero ng tingnan kita. Ang simple simple mo. Ang cute cute mo sa uniform mo. Ang sungit sungit mo pero, hinding hindi ako magsasawang suyuin ka, pero hinding hindi ako magdadalawang isip na ipagyabang ka dahil ang swerte swerte ko” huminga siya ng malalim.

“Jerol kapag naging asawa mo na ako, titiyakin kong tayo pa rin hanggang huli ha. Ayoko mangako dahil tutuparin ko”

Pinatong niya ulit ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako ng mahigpit. Wala siyang pakialam kung pagtinginan kami o pandirihan ng mga tao sa loob ng jeep. Ang alam niya lang ay wala silang karapatang magmalinis lalo na’t gumagawa din sila ng kasalanan.

Habang nakasakay kami sa jeep ay wala itong ginawa kundi ang magpapansin sa akin. Habang yung babae namang nasa unahan nito ay halatang nagpapansin sa boyfriend ko. Atras kase siya ng atras papunta kay lionel at sa tuwing titigil ang jeep ay nagpapadala ito para mapasandal sa katawan ni lionel. Nang mabakante ang kabilang side ng jeep ay hinila na ako ni lionel at doon kami naupo. Siguro ay naramdaman na nito na naiinis na ko.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe habang nakapatong pa rin ang ulo nito sa balikat ko at ang mga kamay naman nito ay nakapulupot sa bewang ko. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil nakasubsob ito sa leeg ko. Naramdaman ko na lang ang mahihinang hilik nito na nagpangiti sa akin. Hay! Kaya pala nananahimik tong lalaking to eh. Nakatulog na.

Pagtingin ko sa paligid ay may mga matang walang tigil sa pagtingin sa amin. Alam kong hinuhusgahan na nila kami pero wala na rin akong pake! Kung kaya akong ipaglaban ni lionel sa iba dapat kaya ko rin siyang ipaglaban sa iba.

Nang tumigil ang jeep ay biglang may sumakay na matanda. Tinapik ko agad si lionel para umayos ng upo. Pupungas pungas itong nagkusot ng mata at tumingin sa akin.

“Hon, lapit ka pa dito sakin ng makaupo si nanay” ang sabi ko dito.

Tumango naman ito sa akin. Pagkaupo ng matanda ay umusod paunahan si lionel para makaupo yung matanda pero parang hindi pa rin siya kasya kaya ang ginawa nito ay umalis siya sa upuan niya at lumabas para sumabit.

“Hon baka mahulog ka diyan” ang nag-aalalang sabi ko dito.

“Hindi hon. Ok lang ako para makaupo ng maayos si nanay sa loob” ngumiti ito sa akin at kumindat.

“Salamat anak” ani ng matanda kay lionel.

“Wala po yun nay. Kasintahan ko nga po pala yang katabi niyo” ang walang habas na sabi nito. Nang tingnan ko ang itsura ng matanda ay labis ang pagkagulat nito pero napalitan din ito ng ngiti.

Habang bumabyahe ang jeep ay hindi ko binibitawan ang laylayan ng damit nito. Natatakot kase ako baka mahulog siya. Hindi kase siya sanay sumabit lalo na at lumaking mayaman ito. Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang titigan siya. Kahit hindi halata sa mukha nito ang pagiging magalang ay meron pala itong itinatagong kabutihan asal para sa nakatatanda sa kanya na lalong nagpahanga sa akin. Kung alam mo lang lionel, lalo mo kong pinabilib at pina-ibig sa mga pinaggagawa mo. Sumulyap ito sa akin at ngumiti.

“I love you hon” ang bulong nito sa hangin.

Parang hindi ako makahinga. Tumingin lang ako sa ibang direksyon at doon nilabas ang kilig na aking nadarama.

Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa aming bahay. Siya talaga ang taga dala ng lahat ng gamit ko pagpasok at pag-uwi ng bahay. Halos wala na nga akong bibitbit eh.

“Ang galing ko kanina hon noh?” Ang proud na proud na sabi nito.

“Ha? Anong magaling doon?” Pagkukunwari ko.

“Ideal man kaya ako. Biruin mo yun umalis pa ako sa upuan ko para lang paupuin si nanay. Sino kayang hindi magkakagusto sa akin noon? Ang gentleman ko kaya”

“Ewan ko sayo” ang yabang talaga ng lalaking to. Ngumiti lang siya at inakbayan ako at hinalika sa pisnge.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nagmano ito kina mama at papa. Binati rin nito si kuya. Ok na sila ni kuya.

“Ma, tiyak na lumandi na naman yang anak niyo” ang masungit na sabi ni kuya.

Kahit kapatid ko to hindi ko siya maintindihan minsan. Pinaglihi ba ito ni mama sa sama ng loob? Hahaha..

“Ang sungit sungit mo talaga kuya. Kaya hindi ka nagkakalove-life eh”

“Wag mo ngang pakialaman ang love life ko”

“O siya, tama na nga yan. Mag-aaway na naman kayong magkapatid. Kain na tayo” ang singit ni mama.

Humalik muna ako kay mama saka kay papa. Niyakap ko naman si kuya.

“Layuan mo nga ako” naiinis na sabi ni kuya. Hahaha..

“Papa si kuya po oh” ang pagsusumbong ko dito.

“Jenson bakit mo ba ginaganyan yang kapatid mo ha” ang sabi ni papa.

Niyakap ko si papa na parang batang nagsusumbong. Dinilaan ko si kuya.

“Tsk. Napaka-isip bata talaga”

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami ni lionel sa kwarto. Naglinis na rin kami ng katawan. Nakasuot lang ito ng boxer shorts at walang pang-itaas habang ako naman ay naka maiksing short at loose na sando. Paghiga namin sa kama ay bigla niya akong niyakap.

(ANG SUSUNOD NA EKSENA AY PARA LANG SA MGA TAONG HINDI PA-VIRGIN AT KAYANG UMINTINDI NG GANITONG EKSENA. SALAMAT :))

“Hon?” Ang sabi nito sa akin habang pupungay-pungay ang mata.

“Ano yun?” Humalik ito sa pisnge ko saka ako hinalikan sa labi.

“Ano kase hon..” parang ayaw na gusto niyang sabihin. Ewan hahaha..

“Sabihin mo na kase”

“Hon p-pwede na ba tayong mag-sex?”

Ramdam ko sa boses nito ang kaba. Ngayon na lang kase siya ulit nagkalakas ng loob na yayain ako sa ganoong bagay. Huli noong nalasing ito.

Ilang minuto rin walang nagsalita sa amin.

“Gusto mo na ba talaga?” Ang tanong ko dito.

“Hon kase ano.. ok lang naman sa akin kung hindi ka pa handa at saka nirerespeto kita pero gusto ko rin namang mas maramdaman mo at maramdaman ko na iisa na tayo, na iisa na ang katawan natin pero ok lang talaga sa akin hon kung aya–”

Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil hinalikan ko na ito sa labi. Naramdaman kong ngumiti ito.

Sa edad na 16, ito ang first time ko na makikipagtalik ako sa isang tao at sa isang lalaki pa, si lionel at si lionel lang ang pinapayagan kong gumawa nito sa akin. Handa na akong ibigay sa kanya ang lahat, lahat ng sa akin.

Humiwalay ako sa halikan namin.

“Lionel hindi ako marunong, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka hindi ka mag-enjoy” ang pagtatapat ko dito.

“Shhh… ok lang hon. Ito rin ang first time kong makipag sex sa lalaki. Pero nagresearch ako at nanuod ng ilang videos. Parang ganoon din lang naman sa babae” ang sabi nito.

“Ah eh hon may pagtatapat ako sayo” ang sabi ko.

“Ano yun?”

“Kase, noong nalasing ka tapos niyaya mo ako. Bigla akong nacurious kaya nagresearch din ako kung paano tayo magsesex. Kung paano kita mapapasaya” ang namumula at nahihiyang pagtatapat ko dito. Bigla nitong ginulo ang buhok ko saka ako hinalikan sa labi.

“Ahmm.. magsisimula na ba tayo hon?” Ang paghingi nito ng permiso.

“Ikaw? Ikaw bahala” ang sabi ko.

Dumagan ito sa akin at tinitigan niya ako sa aking mga mata. Mapusok niya akong hinalikan sa labi. Nagtagal din siya doon ng ilang minuto hanggang sa bumaba ang mga halik nito sa leeg ko. Nakayakap lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Hindi ko alam kung anong sensasyon ang nararamdaman ko pero ang sarap sa pakiramdam. Bumaba ulit ang halik nito papunta sa balikat ko pababa sa nipples ko. Dinilaan niya ang kaliwang nipples ko habang ang kamay nito ay nakahawak sa kanang dede ko. Halos mabaliw na ako sa kanyang ginagawa. Sinasabunutan ko na nga rin siya pero patuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

“Ahhh.. lionel..” ang impit na ungol ko.

“Hon mahal na mahal kita” ang rinig kong sabi nito.

Nahiga siya sa kama habang ako naman ay naupo sa gilid nito at tinitigan siya. Hinawi ko rin ang buhok nito na humaharang sa gwapo nitong mukha. Sobrang gwapo talaga ni lionel. Ang ganda pa ng katawan. Hindi ko alam pero parang ang perpekto niya para ibigay sa akin.

“Ang gwapo ko noh?” Ang mayabang na sabi nito.

“Che! Oo na” ang pagsang-ayon ko.

Ngumisi lang ito at hinila ang kamay ko padapa sa katawan niya.

“Galit na galit na si little lionel ko hon oh” ang nakangusong sabi nito. Hinalikan ko naman siya sa labi.

“Oonga eh. Ramdam na ramdam ko na nga siya hahaha..”

“Sayo lang magagalit yan hon. Wala ng iba pa”

“Weh? Totoo ba yan?” Paniniguro ko.

“Oonga. Kung magalit man si little lionel sa iba. Hinding hindi nila matitikman to. Sayong sayo lang toh noh”

Ngumiti ako at hinalikan siya ulit sa labi. Alam kong hindi ako good kisser pero ewan ko ba dito kay lionel. Ngiting ngiti siya kapag naglalapat ang labi namin.

Ginawa ko rin ang mga ginawa niya sa akin kanina. Hinalikan ko ito sa leeg pababa sa nipples niya. Ilang minuto rin akong nagtagal doon. Bumaba ang halik ko sa tiyan niya pababa sa pusod nito habang hinihimas ang pagkalalaki niya. Grabe ang kaba at pawis ko.

Umangat ako at dahan dahang tinanggal ang boxer shorts nito. Kitang kita mo rin sa mukha nito ang labis na kasiyahan.

Pagkatanggal ko ng boxer shorts nito ay tumambad sa akin ang nanggagalaiting pagkalalaki nito. Sobrang laki at taba ng kanyang pagkalalaki. Hindi maikakailang pinagpala talaga itong lalaking ito. Hinawakan ko si little lionel, ay hindi pala little. Big lionel at dahan dahan akong yumuko. Isusubo ko na sana ito ng bigla niya akong pigilan.

“Bakit hon?” Ang naguguluhang tanong ko dito.

“Wag na hon. Hindi mo kelangan gawin” ang nakangiting sabi nito.

“Pero yun kase ang nabasa at napanuod ko. Kelangan mo daw itong isubo para mapasaya ang katalik mo” ang sabi ko.

Naupo ito at tinitigan ako sa mata.

“Basta ayoko. Hindi ko pa kayang tingnan ka na sinusubo mo si big lionel ko” ang sabi nito.

Humalik ito sa pisnge ko at pinisil.

“Ang cute cute mo talaga hon. Ang sarap mo talagang maging asawa hihihi.. hon alam mo bang nahihiya ako sayo kanina habang hinahalikan mo ang katawan ko. Basta, nahihiya ako sayo” pagtatapat niya.

“Ako rin naman eh. Nahihiya kaya ako”

“Ang puti puti mo nga eh saka ang kinis-kinis pa ng balat mo hon. Ayoko talagang may ibang hahawak sayo ah. Babangasan ko talaga sila. Akin kalang ha” pang-aangkin nito sa akin.

“Opo sayo lang ako” at mapusok niya akong hinalikan sa labi.

Marahan niya akong hiniga sa kama. Walang tigil kami sa paghahalikan. Dahan dahan nitong tinanggal ang suot ko. Bigla ko namang tinakpan ang pagkalalaki ko dahil sobrang pula na ng mukha ko sa hiya.

“Bakit mo tinakpan?” Ang natatawang sabi nito.

“Eeee.. hon naman eh. Nahihiya ako”

Ngumiti lang ito at tumapat siya sa parteng ibaba ko. Hinalikan niya ang kamay ko na tumatakip sa pagkalalaki ko.

“Hon, lahat ng parte ng katawan mo tanggap ko at mahal ko. Kaya wag kana mahiya sa akin. Dahil sobra sobra na kitang minamahal at hindi ko hahayaang may ibang laway ng lalaki ang didikit sayo kundi ako at ako lang”

“Laway talaga?” Ang natatawang tanong ko.

“Eeeee.. siyempre. Akin ka lang eh” ang sabi nito at dahan dahang tinanggal ang kamay ko.

Tinitigan niya ito saka tumingin sa akin. Pinikit ko lang ang mata ko dahil ayokong makita ang reaksyon niya.

“Hon imulat mo nga yang mata mo”

“Ayoko nga baka pagtawanan mo ako” ang sabi ko.

“Bakit naman kita pagtatawanan? Ang cute nga eh”

“Heh! Cute ka diyan” ang nakangusong sabi ko saka ko minulat ang mata ko pero sa pagmulat ng mata ko ay bigla niya akong hinalikan. Sinabayan ko naman ang bawat paggalaw ng kanyang labi. Dahan dahan nitong iniangat ang binti ko at ipinatong sa balikat niya. Patuloy lang kami sa paghahalikan ng maramdaman kong tumutusok ang pagkalalaki nito sa pwetan ko.

“Lionel kinakabahan ako” ang natatakot na sabi ko. Yun kase ang sabi nila. Masakit daw ito sa una.

“Hon ok lang kung hindi na natin ituloy” tinitigan ko lang siya.

Kahit alam kong may konting panghihinayang sa boses nito ay ramdam ko pa rin ang pagrespeto nito sa akin. Kinuha ko ang lubricant na nasa tabi ko at naglagay ako sa kamay. Pagkatapos kong malagyan ang kamay ko ay Hinawakan ko ang pagkalalaki nito at hinaplos doon ang lubricant saka itinapat ito sa butas ko.

“Sinabi ko bang ayoko?” Ang nakangiting sabi ko. Biglang nagliwanag ang mukha nito.

“T-talaga hon? Itutuloy na natin?”

“Oo naman. Nandito na tayo eh. Ayoko namang bitinin ang mapapangasawa ko” sabi ko sa kanya.

Sa sobrang tuwa niya ay bigla niya akong hinalikan sa labi. Kahit natatakot ako ay pilit kong itinatago sa kanya. Ang dami na niyang isinakripisyo sa akin. Ang paligayahin man lang siya ay hindi ko na dapat pang ipagdamot sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit ng maramdaman kong unti-unti na nitong ipinapasok ang kanyang pagkalalaki sa butas ko. Sobrang sakit! Halos mamilipit na ako sa sakit. Nang mapansin nitong nasasaktan ako ay huminto siya. Tinitigan niya ako sa mata. Pinunasan niya rin ang mga luhang pumapatak mula dito.

“Sorry hon” hinalikan niya ako sa pisnge at niyakap ng mahigpit. “Sorry, sorry talaga” aktong huhugutin nito ang kanyang pagkalalaki ng yakapin ko siya lalo ng mahigpit.

“Wag hon. Ituloy mo lang”

“Sigurado ka?” Ang nag-aalalang tanong nito.

“Opo. Mahal na mahal kita lionel”

Kahit sobrang sakit ay tiniis ko para sa kanya. Makita ko lang na masaya siya, sobrang saya ko na rin. Nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa habang walang tigil kami sa paghahalikan. Ang sakit na idinudulot nito kanina ay unti-unti na ring napapalitan ng sarap.

“Ahhh… lionel” ang ungol ko.

Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero ang sarap sa pakiramdam. Dahil ramdam na ramdam mo ang pagrespeto niya, ang pagrespetong mahirap hanapin sa iba.

Hindi rin nagtagal at nilabasan ito. Naka dalawa o tatlong beses ata kami. Pero hindi na mahalaga kung ilan beses nangyari yun. Ang mahalaga ay ginagawa namin yun dahil mahal namin ang isa’t-isa.

Dahil sa pagod ay nakatulog kami. Nagising na lang kami ni lionel ng katukin kami ni mama. Bigla akong napabalikwas dahil baka makita kami sa ganitong ayos.

“Mga anak bumangon na kayo diyan. Kakain na tayo. Nakahanda na sa lamesa ang kakainin natin. Masamang pinaghihintay ang pagkain” ang turan ni mama.

“Opo ma! Susunod na po kami ni lionel” ang sabi ko kay mama. Rinig ko ang mga yapak ni mama na hudyat na umalis na ito.

Tiningnan ko lang ang lalaking nasa tabi ko. Sobrang himbing ng tulog niya habang nakayakap sa akin.

“Psstt.. lionel bangon na. Tinatawag na tayo ni mama” paggising ko dito.

“Hmmm.. mamaya na hon”

“Eh, nakahain na ang pagkain sa mesa. Ayaw ni mama ng pinaghihintay ang pagkain, sige ka” ang sabi ko dito. Bigla naman itong bumangon.

“Tara na hon. Gutom na ko eh” pero sa halip na matawa ako eh bigla nalang namula ang mukha ko na parang kamatis. Nakalimutan ata niyang wala siyang suot na kahit ano. Dimampot ko lahat ng unan sa kama ko at pinagbabato ito.

“Bastos!” Ang sigaw ko pero tawa lang siya ng tawa. “Bastos ka! Magbihis ka nga dun. Eee… bastos” ang nakatalikod na sabi ko.

“Eh, nag-anuhan na nga tayo kagabi eh saka nakita mo na kaya ito”

“Kahit na! Magbihis ka dun” ang namumula pa ring sabi ko. Rinig na rinig ko lang ang pagtawa nito.

Habang naglalakad kami sa hagdan ay naka-alalay ito sa akin. Hindi sa OA ako o ano pero masakit talaga yung balakang ko. Yung parteng likod ko. Hindi talaga ako makalakad ng maayos kaya inalalayan ako nito. Makailang round ba naman kami. Pagkarating namin sa hapag kainan ay inusisa kami agad ni mama at papa.

“Oh, bakit ganyan ka maglakad anak?” Ani ni papa.

“Ah.. eh..” hala! Ayoko sanang magsinungalin kana mama at papa pero.. “kase pa, kase ano po.. ahmm..”

Pinaupo muna ako ni lionel sa bangko at hinalikan sa ulo saka siya nagmano kina mama at papa. Lumapit ito sa upuan ko saka hinawakan ang kamay ko.

“Ma, pa” ang sabi ni lionel. Tumingin naman sila dito. “Alam ko pong may pangako po ako sa inyo. At alam ko pong nagtitiwala kayo sa akin. Sana po ay patawarin niyo po ako kung meron pong nangyari sa amin ng anak niyo kagabi. Sorry po talaga mama, papa. Hindi naman po namin ginawa yun dahil sa tawag lang ng laman. Ginawa po namin yun dahil mahal po namin ang isa’t-isa. Oonga po at hindi babae si jerol pero kahit hindi po siya ganun ay labis labis naman po ang pagrespeto ko sa kanya”

“Eh bakit niyo pa rin ginawa?” Ang seryosong sabi ni papa.

Hindi nakaimik si lionel. Tumingin ako kay lionel saka ibinalik ang tingin kay papa.

“Papa ginusto ko rin po” ang pagsingit ko.

“Tsk! Tingnan mo na papa. Ang landi talaga ng anak niyo” ang sabi ni kuya.

“Kuya naman eh” ang nakangusong sabi ko.

“Hahahaha.. hindi nakatiis. Sinuko agad ang bataan” ang natatawang pang-aasar ni kuya habang tahimik lang si lionel at si papa. Si mama naman ay nakikinig lang.

“Di ba may ipinangako ka sa amin lionel?” Ani ni papa.

“Opo”

“So paano ka namin pagkakatiwalaan ulit kung sa simula pa lang ay sinira mo na ito” ang dismayadong sabi ni papa.

“Pa, naman eh” ang naiiyak na sabi ko. “Mahal na mahal ko po si lionel”

Napailing lang ito.

“Mahal mo kase nandiyan pa siya sa tabi mo ngayon, mahal mo kase pakiramdam mo hindi ka niya iiwan, mahal mo kase napapasaya ka niya ngayon pero paano kung dumating ang araw na mawala ang pagmamahal niya sayo? Anak mahal kita at aminin man natin o hindi, lalaki pa ring maituturing si lionel, may itsura, maganda ang katawan at mayaman. Hindi sa nagiging advance ang pag-iisip ko. Mahal kita anak kaya ayokong dumating ang oras na masaktan ka” ang sabi ni papa.

Natahimik lang ako. Parang nalunok ko ang sarili kong dila. Tama si papa. Baka masyado akong nagpapakampante na tatagal kami. Baka dumating ang araw na iwan din ako ni lionel.

Hinawakan naman ni lionel ang kamay ko at ipinaramdam sa akin na kelangan kong magtiwala sa kanya.

“Pa mahal na mahal ko po si jerol. Hindi naman po porket nagkamali na kami ng isa eh mali na kami sa lahat at sa mga susunod pa. Papa hindi ko po sinaktan ang anak niyo. Hindi porket nagsesex ang dalawang tao eh laging bastos na lang ang papasok sa isipan natin. Papa pinaramdam ko lang po kay jerol na mahal na mahal ko siya. Hindi po namin pinilit ang isa’t-isa. Kung paparusahan niyo po ako. Sige, parusahan niyo po ako pero ako lang po sana wag niyo ng idamay pa si jerol. Ang hiling ko lang po sana ay wag niyo siyang ilayo sa akin dahil papakasalan ko pa po itong anak niyo at hindi lang siya basta pangako kundi gagawin ko po”

Bigla kaming natahimik lahat. Nakatitig lang ako kay lionel habang nakayakap ito sa akin. Pumikit si papa at minasahe ang noo. Huminga siya ng malalim at tumingin sa amin.

“Ano pang ginagawa niyo diyan? Diba ayokong pinaghihintay ang pagkain? Kain na. Bigyan mo ng maraming fried chicken yang si jerol paborito niya yan” Ang sabi ni papa kay lionel. Tumango naman si lionel saka nakangiting pinagsandok ako ng ulam.

“Naks hindi na siya virgin” ang pang-aasar ni kuya.

“Kuya/anak” ang sabay naming sabi ni mama.

Habang kumakain kami ay hindi mawala sa paningin ko si lionel. Sobrang tapang talaga ng taong ito. Handa niyang gawin ang lahat para sakin. Sa ginawa at ipinakita niya mas lalong tumataas ang kumpiyansa ko sa sarili. Mas lalo kong natatanggap ang sarili ko. Mas lalo ko siyang minamahal.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa maka graduate kami. Ako ang tinanghal na valedictorian at sa maniwala kayo at sa hindi. Grumaduate lang naman si lionel na 2nd honor. Sobrang bilib na bilib sina mama at papa ganun na rin ang mga tunay nitong magulang.

Hindi talaga nila akalain na ang akala nilang pasaway at hindi marunong magseryoso sa buhay ay eto at pinatunayan sa kanila na kaya niyang magbago. Na kaya niyang matuto.

Proud na proud ako sa kanya habang ito naman ay walang ginawa kundi ipagyabang ako sa mga nakakasalubong niya na ang boyfriend niya daw ay isang valedictorian at sa kanya lang daw ako. Hindi ko alam pero kinikilig talaga ako.

After naming makagraduate ng high school ay nag-aral kaming pareho ng college sa manila. Kumuha ito ng condo at doon kami nagsama.

~~

PRESENT

~~

Pagkatapos ng gabing yun. Pagkatapos ko siyang babaan ng telepono ay wala akong ginawa kundi ang umiyak.

Lunes na ngayon at naghanda ako ng gamit papasok ng trabaho. Binihisan ko na rin si baby bunso ganun na rin si kuya. Binilin ko na rin si baby bunso kay manang dahil simula ng umalis si lionel ay madalas itong matulog sa kwarto kasama namin.

Pagbaba namin ng hagdan ay kinuha ko lang sa ref. Ang babaunin ng anak ko sa school. Pagkatapos naming maiayos lahat ng dadalhin namin ay saktong palabas na kami ng pinto ni jonel ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si….

Si lionel.

“Hon..” ang umiiyak na sabi nito.

Labis naman ang pagkagulat ko.

“Anong ginagawa mo dito?” Seryosong sabi ko.

“Hon..” ang umiiyak pa ring sabi nito. Kahit naiiyak na ako ay pinigilan ko pa rin ito.

“Bakit bumalik ka pa?” Ang walang ganang sabi ko.

“Hon naman eh”

“Ano?” Ang nanginginig na sabi ko.

Yumuko lang siya.

“Lionel ano?” Sigaw ko. “Babalik ka kung kelan mo gusto? Babalik ka kung kelan nasaktan mo na ako? Lionel mahal mo pa ba kami para iwan mo ng isang linggo na walang dahilan ha?” Hindi siya nakapagsalita. Nagpunas lang siya ng luha.

Tsk!

“Ano!! Iniwan mo kong mag-isa lionel. Iniwan mo kami ng mga anak mo na walang paalam tapos babalik ka na lang ng basta basta? Sagutin mo ako!!” Ang naiinis na sabi ko dito. Bigla itong lumuhod at saka kinuha ang box sa bulsa niya.

“Hon…“ang humihikbing sabi nito. Nagpunas muna siya ng luha saka ako tinitigan sa mata. “ Hon, handa ka bang pakasalan ulit ako? “

Itutuloy


Guys pagtiyagaan niyo na muna to ah. Sana intindihin niyo din po si otor na busy sa work, stress at pagod kaya hirap na gumana ang brain cells. Tatapusin ko to pramis. Ilang chapter na lang naman siya.

Hope magustuhan niyo pa rin kahit ang drama drama na hahaha.. :)

Show me your love guys. Vote and comment guys.. especially comment gusto kong marinig ang hinaing niyo hahahaa… :)

Chapter thirty nine -FINALE!

Napangisi lang ako habang tinititigan siyang nakaluhod sa harapan ko habang walang tigil ito sa pagpunas ng kanyang luha.

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya.

“Aalis ka lionel tapos ano? Tapos luluhod ka sa harapan ko ngayon para hingin ang Oo ko? Lionel naman hindi kita maintindihan. Abisuhan mo naman kami para hindi kami nalilito ng ganito”

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang itong nakaluhod habang nakatitig sa akin at nakalahad ang kanyang mga kamay na naglalaman ng singsing.

Hindi niya pinansin ang hinaing ko.

“Hon tinatanggap mo ba ang singsing na ito bilang maging kabiyak muli ng puso ko?”

“Lionel tumayo ka nga diyan. Hindi na ko natutuwa sayo ha”

“Hon simula ng makilala kita. Binulag mo na ako”

“Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?” Nagtatakang tanong ko.

“Simula ng dumating ka sa buhay ko. Natuto akong mangarap”

“Lionel nababaliw ka na” nagpunas siya ng luha.

“Simula ng mahalin kita nagkaroon ng direksyon ang buhay ko” nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon.

“Lionel tumayo ka na kase diyan”

“Alam mo ba hon. Pangarap kong magkaroon ng anak at magkaroon ng mabuting asawa noon. Yung babaeng pangarap ng lahat” ang malambing na sabi nito.

Tumingin lang ako sa ibang direksyon.

“Pero habang pinagmamasdan kita. Hindi ko maiwasang ngumiti at kiligin. Hon, gisingin mo naman ako oh. Para kasing nakulong ako sa isang paraiso na punong puno ng mahika. Wala na kase akong ibang nararamdaman kundi ang labis na kasiyahan. Hon gusto ulit kitang pakasalan. Sagutin mo naman ako oh.. please naman oh..” biglang tumulo ang luha ko.

“Alam mo hon. Umiiyak ako tuwing nasasaktan ka. Umiiyak ako tuwing wala ka. Hon naman eh.. ang sakit sakit kapag nawala ka sa buhay ko” ang humahagulgol na sabi nito.

Biglang lumapit sa kanya si jonel at niyakap ang daddy niya.

“Dada tama na po. Wag na po kayong umiyak please..” ang paglalambing ng kanyang anak.

“Anak mahal na mahal ko si papa mo eh at kahit kelan hindi naging mali na piliin ko siya. Mahal ko siya anak eh.. mahal na mahal ko si papa mo eh”

“Pero bakit ganun lionel? Bakit mo kami iniwan ng ilang linggo ng walang pasabi tapos bigla kang dadating at luluhod sa harapan ko at tatanungin ako kung pwede ba kitang pakasalan? Sa tingin mo ba hindi ako magtataka sa mga nangyayari ha? Bakit ba kase?”

“Dahil mahal kita”

“O dahil nagsinungalin ka” ang sabi ko.

“Hon hindi ako nagsinungalin”

“Eh bakit nawala ka nga ng ilang linggo?”

“Dahil…” suminghot siya at tinitigan ako sa mata.

“Lionel ano? Sabihin mo na kase sakin kung bakit ka nawala ng ilang linggo?” Ang nagtitimping sabi ko. “Bakit di mo masabi?”

“Hon…”

“Ano?” Bulyaw ko. “Dahil ano?”

“ Dahil …“

~~

PAST

~~

Dahil magkasama na kami ni lionel sa kanyang condo, sa iisang tahanan ay para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Hatid sundo niya ako sa school. Ayaw nitong ginagabi ako ng uwi. Kung uuwi daw ako ng gabi kelangan lagi ko siyang kasama. Ako kase ang may pinaka-maraming activities sa school maliban sa kanya. Ewan ko ba dito sa lalaking ito at ayaw sumali sa mga ganoong bagay.

Sa loob ng isang taon naming pagsasama bilang magkasintahan ay masasabi kong hindi naging ganoon kadali. May time na nag-aaway kami. Alam niyo naman si lionel sobrang seloso. Lahat pinagselosan niyan pero ang kinakatuwa ko sa kanya ay pinanindigan talaga nito ang kanyang pagiging loyal sa akin. Wala akong narinig mula sa mga kaklase niya na may ginagawa itong hindi maganda, na niloko niya ako. Ang maririnig mo lang mula sa kanila ay KJ daw ito. Gusto laging umuwi at makasama ang minamahal nito.

Hindi ko naman siya pinagbabawalan o ano. Pero tuwing sasabihin ko yun sa kanya ang tanging sagot lang nito sa akin ay choice niya daw yun, choice niyang piliin na makasama ako kesa masayang ang oras na malayo ako sa kanya. Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano. Basta sobra akong kinikilig.

“Hon date tayo” ang yaya nito sa akin habang pupungas pungas ang mata ko. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.

Kagigising ko lang. Anong oras na naman kase kami natulog ng lalaking ito kagabi. Pinuyat niya kase ako. Kinulit niya ako sa isang bagay na alam niyo na hahaha… Wag niyo na alamin.. basta yun, yun.

“Saan naman tayo magdedate?”

“Mall na lang tayo hon”

“Ikaw bahala” pagsang-ayon ko.

“Yieee.. hon hindi ko maimagine na almost 1 and a half year na tayong magkasama sa iisang bubong. Alam mo bang sa halip na magsawa ako eh araw araw pa akong naiinlove sayo. Winish mo ko kay God noh?” Ang panunukso nito.

“Heh! Winish ka diyan. Baka nga ikaw, winish mo ko kay God eh, na sana maging tayo hanggang huli?” Panunukso ko rin sa kanya.

“Oo naman po boss.. hiniling talaga kita kay God, pinangarap at ngayon patuloy akong nangangarap na magiging tayo habang buhay. I love you jerol. Akin ka lang ah at ako’y sayong sayong sayo lang. Pakiss nga sa lips”

“Eee… hindi pa ko nagtotooth brush eh”

“Kahit na. Pakiss na po kase ko please..” pagsusumamo nito. Natawa lang ako.

“Isa lang ah” ang sabi ko.

“Tatlo na para….. Ako’y sayo at ika’y akin lamang” sabi niya habang nagpapacute sakin. Kanta ata yun. Urgh! Ok. Kalma.

“Teka! Tatlong words ba yun?”

“Mahalaga pa ba yun hon. Tatlo man o higit pa. Ang mas mahalaga ay itong nararamdaman ko para sayo. Dahil wala ng mas hihigit pa sayo” kinindatan niya ako saka ngumuso sa akin para halikan. Tinulak ko naman ang noo niya.

“Che! Itsura mo nga lionel. Para kang sira diyan”

“Eh, sira na naman talaga ako eh… nabuo lang naman ako nung maging tayo”

“Oo na. Sige na, maligo kana dun. Sus! Huhugot kana naman eh” ang sabi ko sa kanya. Natawa lang siya.

“Sabay na tayo”

“Eeee.. ayoko. Tatagal lang tayo sa CR. Kilala kita lionel. Yang pagka-L mo ha! Bawas bawasan mo. Hay naku”

“Eh pakiss na kase”

“Oo na nga. Eto na po” pumikit ako at hinintay ang paghalik niya sa akin pero ilang segundo rin akong naghintay pero walang labing dumikit sa akin kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko. Sa pagmulat ko ay nakita ko si lionel na nakatitig sa akin habang nakangiti.

“Ah.. eh.. b-bakit mo ko tinititigan” ang kinakabahang tanong ko. Umiling lang ito habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

“Ang sarap mong titigan hon” hinawi niya ang buhok ko sa noo at hinalikan doon.

“Isang halik sa noo na nagpapakita ng pag respeto. Hon sobra sobra po kitang nirerespeto”

Ewan ko pero may something sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Lumapit ulit siya sa akin at Hinalikan ako sa pisnge.

“Hon, isang halik sa pisnge na nagpapatunay na masaya akong nakilala ka” ngumiti lang ako habang nanlalabo ang mata ko.

“Oh bakit ka naiiyak diyan?” Ang naluluha at natatawang tanong niya.

“Hon naman eh.. may date tayo ngayon eh. Bakit mo ko pinapaiyak?”

“May isa pang halik na gustong gusto kong gawin sayo” at marahan niya akong hinalikan sa labi.

“Halik sa labi na nagpapatunay na mahal na mahal kita jerol. Mahal na mahal kita lagi mong tandaan yan”

Niyakap ko ito ng mahigpit habang basang basa ang likod nito dahil sa pag-iyak ko. Ang swerte ko naman sa kanya. Ang swerte ko.

Pagkatapos naming maligo at magbihis ay dumiretso na kami sa mall. Lagi itong nakaakbay sa akin habang nililibot namin ang buong mall. Nang may nakita akong magandang movie ay bigla akong naexcite.

“Hon may magandang movie doon oh, dali” ang tuwang tuwang sabi ko. Tatakbo na sana ako papunta sa ticket booth ng bigla nitong hawakan ang laylayan ng damit ko na naging dahilan sa paghinto ko.

“Bakit?” Nagtatakang tanong ko.

“Wag kang basta basta lumayo sa akin hon. Dito ka lang lagi sa tabi ko” ngumiti siya at inakbayan ako.

“Baka kase may ibang humawak sayo kapag binitawan kita. Mahal na mahal pa naman kita”

Ha? Ano daw?

“A-ano ba yang pinagsasabi mo diyan. Tara na nga” ang namumulang sabi ko.

Hinalikan niya ako sa ulo at pasipol sipol itong naglakad papuntang ticket booth. Tuwing magtatama ang mata namin ay bigla itong iiwas ng tingin at ngingiti na parang sira. Kinikilig ba siya?

Enjoy na enjoy ako sa panonood sa loob ng sinehan habang itong butihin kong boyfriend ay nakaunan sa balikat ko at mahimbing na natutulog. Yung totoo?

Natapos na lang ang pelikula tulog pa rin siya hays! Ako lang ang nag-enjoy.

“Hoy mokong. Akala ko ba magdedate tayo ha? Eh bakit tinulugan mo ako sa sinehan?” Ang naiinis na sabi ko ng makalabas kami ng sinehan.

“Eeee.. sorry na hon. Hindi ko na kase kinaya yung antok saka hindi ko trip yung movie”

“Edi sana hindi na natin pinanuod yun”

“Eeee.. hon naman eh. Gusto mo yun eh. Hindi mo naman trip yung mga trip ko like action movies. Ikaw ang boss ko kaya ikaw ang masusunod. Wag ka na pong magalit diyan oh” panunuyo nito sa akin.

“Oo na. Ano pa bang magagawa ko?” Ngumiti siya at nilapitan ako.

“Kain tayo hon” tumango lang ako.

Kumain kami sa jollibee siyempre ang kinain ko ay ang paborito kong spaghetti at burger at chicken. Ganun din ang inorder ni lionel. After naming kumain ay naglaro kami sa quantum at WOF. Enjoy na enjoy ako habang itong lalaking ito ay nakaupo lang sa isang tabi at pinapanuod ako.

“Lionel laro tayo” ang yaya ko dito.

“Sige lang hon. Nabusog ako sa kinain natin kanina eh” ang nakangiting sabi nito.

Napasimangot lang ako at padabog na dimapot yung bola at naiinis na shinoot sa ring.

After nun ay tahimik lang kaming naglakad-lakad sa loob ng department store. Ayoko siyang kausapin. Naiinis pa rin ako. Habang tumitingin ako ng damit at pantalon ay tahimik lang ito at pahikab-hikab.

“Kung inaantok ka pala edi sana hindi na lang tayo lumabas para magdate” ang sabi ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng mall.

Para kasing wala siyang gana sa date namin ngayon eh. Nakakasama lang ng loob.

“Hindi naman hon. Wag kana po magalit”

Hindi na lang ako nagsalita pa ayokong sirain ang araw namin, tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa condo nito. Hindi ko siya pinapansin. Pagkatapos naming magbayad sa jeep ay dire-diretso akong pumasok ng building habang si lionel ay nakasunod lang sa akin.

“Hon sorry na please..” habol nito.

“Hon naman eh.. pakinggan mo naman ako”

Naiinis ko siyang hinarap.

“Lionel naman eh” ang sabi ko. “Pinalagpas ko yung pagtulog mo sa sinehan kanina, pinalagpas ko rin yung pagka-walang gana mo sa paglalaro kanina tapos pinalagpas ko rin yung pagiging antukin mo sa loob ng department store kanina pero lionel naman. Kung pagod ka pala at wala kang gana sa lakad natin at hindi ka rin pala mag-eenjoy sa date natin edi sana nanatili na lang tayo dito sa loob ng condo mo”

Ang sakit lang kase eh.. kanina halos mamatay ako sa kilig pero ang aakalain kong date na masaya ay mauuwi lang pala sa ganito.

Hindi siya nagsalita. Tinitigan ko lang siyang maigi sa mata. Kitang kita mo sa mata nito ang matinding antok at pagod.

“Sorry..” yun lang ang tanging nasabi niya.

Hindi nako nagsalita pa at binuksan ko na ang pinto ng condo namin. Pagpasok ko sa loob ay bigla na lang akong napahinto at binalot ng matinding hiya at panliliit.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang nakasulat sa dingding ng aming bahay.

“HAPPY 18th B-DAY HON”

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Kahit pangit ang gawa nito at sulat kamay lang siya ay makikita mong pinagpuyatan niya ito. Nagpunas muna ako ng luha.

“Hon sorry..” ang sabi ko dito saka dahan dahan ko siyang hinarap pero sa pagharap ko ay mas lalo akong nagulat at unti-unti ng nag-unahan ang luha ko sa mata. Nagpupunas na rin ito ng kanyang luha habang hawak hawak nito ang kapirasong papel na may nakasulat na…

“ Hon, handa ka bang pakasalan ang lalaking tulad ko? “

Lumuhod siya at nagpunas ng mata na parang bata.

“Hon hindi ako perpektong lalaki na mababasa mo sa isang kwento o mapapanood mo sa mga gusto mong pelikula at teleserye pero hon ako yung lalaking magpapatunay sayo na hindi lang sa kwento pwedeng mahalin ang tulad mo. Jerol paulit-ulit ko tong sinasabi sayo na pagdating mo ng disi-otso papakasalan kita. At heto ako ngayon sa harapan mo. Hinihingi ang Oo mo bilang kabiyak ng puso ko” suminghot siya at ngumiti sa akin.

“Naniniwala ako na ang kasal ay hindi lang para sa babae’t lalaki. Hindi lang ito tungkol sa relihiyong pinaniniwalaan mo kundi sa pagmamahal na pinapakita mo. Hindi ito sobra o labis. Ito ay nagpapatunay na isang katibayan na walang mali sa pagpapakasal, na walang limitasyon sa pagmamahal. Dahil kung lilimitahan lang nila ang pagmamahalang meron tayo parang sinabi na rin nila na kelangan ganito ka at ganyan ka. Hindi tayo robot hon na pwedeng diktahan kung saan lang tayo aayon, kung paano lang tayo kikilos sa gusto nila. Hon tao ako, tao ka at kung mahal mo ko. Sasagutin mo ako ng Oo”

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinunasan ang luha nito.

“May magagawa pa ba ako? Eh mahal na mahal kita. Oo hon, Oo ang sagot ko” kinuha ko ang singsing sa kamay nito at sinuot sa daliri ko.

Tuwang tuwa siyang tumayo at mapusok akong hinalikan sa labi.

Sobrang saya ko. Hindi ko na alam kung paano pa ko magpapasalamat gayong sobra sobra na ang biyayang natatanggap ko.

After matapos ng sembreak ay nagtungo kaming buong pamilya sa america para ganapin doon ang kasal namin ni lionel. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay wala itong ginawa kundi ang magpunas ng kanyang luha. Parang hindi siya nauubusan ng luha hanggang sa magpalitan kami ng vows sa isa’t-isa.

Sobra sobra daw ang kasiyahan nito na nakilala niya ako. Ang taong pinapangarap niya noon ay heto at totoong asawa na niya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pagmamahal nito sa akin. Kung tutuusin nga ay walang lalaking iiyak ng ganito sa isang baklang tulad ko eh.

Pagkatapos ng kasal namin ay nanatili lang kami ng ilang buwan sa america tapos bumalik na rin kami sa pilipinas. Pagbalik namin sa pilipinas ay labis ang pagkagulat ko ng malaman kong may sarili na pala kaming bahay. Matagal na daw itong hiniling at pinag-iipunan ni lionel para sa aming dalawa. Halos lahat ng luho niya sa mommy at daddy nito ay inipon niya para lang daw sa tahanang pagsisimulan namin ng pamilya.

Sa maniwala kayo at sa hindi. Bago magsimula ang ikatlong taon ko sa kolehiyo ay masasabi kong kasal na ako, kasal na kami at may asawa na ako.

“Hon mag-anak na tayo please..” ang pakiusap nito sa akin.

“Ha? Hindi naman ako mabubuntis ah” ang sabi ko dito habang nakadapa ako sa kama at gumagawa ng assignments ko.

“Eeeee.. hon naman eh. I mean mag-ampon na tayo please.. gusto ko ng magkaroon tayo ng anak tapos tatawagin ka na niyang papa”

“Pero hon…” sinara nito ang notebook na hawak ko at hinalikan ako sa pisnge.

“Please…”

Tinitigan ko lang siya sa mata. Dahan dahan akong tumango at ngumiti.

Isang linggo mula ng magdesisyon kami ni lionel na mag-ampon. Alam kong hindi madaling mag-ampon dito sa pilipinas pero dahil sa tulong na rin ng mga magulang nito ay napadali ang pag-aampon namin. Nagtatalo pa nga kami ni lionel kung babae o lalaki ang aampunin namin. Pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko ang babae para atleast meron na kaming ate, gusto kong magkaroon ng panganay na babae. Alam ko kasing pangarap ni lionel na dalawa ang maging anak namin kaya lang ng pumunta kami sa bahay ampunan ay meron agad naka agaw ng atensyon namin.

Si jonel. Isang cute at tahimik na bata. Hindi siya masayadong nakikipaglaro sa mga batang nandoon, basta nakaupo lang siya sa isang tabi at tahimik na nagsusulat sa lupa.

Hindi ko alam pero biglang kinurot ang puso ko. Sinabi ko kaagad kay lionel na kung pwede ay siya na lang ang maging anak namin. Kahit siya ay iba rin ang naramdaman sa batang iyon. Para bang nakatadhana siyang mapasaamin. Kaya sa huli ay napagdesisyunan naming dalawa ni lionel na si jonel na lang ang kunin namin bilang anak.

Walang masama sa pagiging ampon as long as mahal mo ito at nagiging magulang ka dito ay pwede kang tawaging magulang. Hindi dahil totoong anak mo eh Nanay kana at tatay kana. Ang pagiging magulang ay panghabang buhay, hindi lang dahil isinilang mo ito sa mundong ibabaw ay tapos na ang pagiging magulang mo.

Mahirap maging magulang, akala namin ni lionel ay madali lang ang pagiging magulang. Hinati namin talaga ang oras nsmin sa pag-aalaga kay jonel. Limang taon pa lang ito at sobrang kulit na. Oo, simula ng mapunta siya sa amin ay natuto na itong tumawa, ngumiti at maglambing. Talagang pinaramdam namin kay jonel na anak namin siya, na mahal namin siya. Na kahit hindi siya sa amin nanggaling pwede siyang magkaroon ng bagong pamilya, pamilyang pwedeng ituring sa katauhan namin.

Buti na nga lang at tinutulungan kami nila mommy at mama sa pag-aalaga kay jonel.

Dahil sabay ang pag-aaral at pag-aalaga sa anak namin ay napagkasunduan namin ni lionel na magpalit kami ng schedule. Ako ang pang-umaga habang si lionel naman ang panghapon. Noong una ay ayaw nitong pumayag dahil gusto daw niyang sabay parin kaming pumasok at umuwi ng bahay pero sa bandang huli ay naintindihan din nito na may anak na kami at kelangan din namin itong pagtuunan ng pansin.

Sobrang hirap palang magkaroon ng anak, pero ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mo itong tumatawa.

“Lionel sundan mo nga yung anak mo oh. Kung saan saan na naman yan magsusuot” ang utos ko dito.

Kagagaling ko lang kase sa school. Nagbibihis kase ako ng makita ko si jonel na tuwang tuwang tumatakbo habang dala dala nito ang kanyang laruang si spongebob. Ang cute tingnan ng anak ko hehehe..

“Opo hon” sabay saludo nito.

“Baliw”

Pagkatapos kong magbihis ay nakita kong buhat buhat na nito si jonel.

“Hon ako na diyan. Sige na magbihis kana para sa pagpasok mo sa school” ang sabi ko dito.

“Wag na lang kaya akong pumasok hon. Tutulungan na lang kitang alagaan itong anak natin”

“Hep! Hep! Hep! May pangako ka sa akin. Kelangan nating magtapos at magsumikap para sa mga anak natin. Kaya maligo kana diyan” napanguso lang siya hahaha..

“Eeee… sige na nga po” kinuha niya ang tuwalya at nakangusong pumunta sa c.r. Pagkatapos nitong maligo ay nagbihis na siya habang si jonel ay nakahiga na sa kama at dumede.

“Pasok na ako hon” paalam niya.

“Sige ingat ka” humalik ito sa labi ko saka hinalikan din si jonel. Lalabas na sana ito ng kwarto ng tawagin ko siya.

“Hon”

“Po?”

“Bili ka ng gatas ni jonel ah pag-uwi mo” ngumiti lang ito at tumango sa akin.

Pagkaalis ni lionel ay pinatulog ko muna si jonel sa crib saka ako naglinis ng bahay. Kumain at naglinis din ako ng katawan ko dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako.

Nagising na lang ako ng makita ko si baby jonel na tumatawang mag-isa habang kalaro si spongebob. Pagtingin ko sa orasan ay mag-aalas syete na pala ng gabi. Dapat mga 5:30 nandito na si lionel eh pero wala pa ito kaya minabuti kong tingnan ang cellphone ko. Wala din text mula sa kanya. Tinext at tinawagan ko rin ito pero hindi nito sinasagot.

Wala ng gatas ang anak ko at alam kong pwede siyang magutom anytime. Nakashort at sando lang akong lumabas ng condo kasama ang anak ko. Pagbalik namin sa condo ay nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan kong si junrey na nasa bar daw sila kasama ang mga kaklase namin pero ang hindi ko inaasan ay ng sasabihin nito na nakita daw niya si lionel sa bar kasama ang barkada rin nito.

Tinanong ko kung saang bar sila naroon at sinabi naman nito sa akin. Buti na lang at nandito sa manila si kuya lenmar kaya nakisuyo akong bantayan muna ang anak ko.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at nagbihis ako’t tinungo ang bar na sinasabi nito. Pagpasok ko sa loob ay hinanap ko si junrey. Buti na lang at madali ko lang itong nahanap.

Walang paligoy ligoy kong tinanong ito kung nasaan si lionel. Tinuro naman nito sa akin kung nasaan siya. Naka VIP sila at halos lahat ng mga kaklase niya ay may mga babaeng kasama. Siya lang ang wala pero mukhang enjoy na enjoy siya. Naiinis kong kinuha ang iniinom ng mga kaibigan ko at walang habas na nilaklak ito. Inubos ko muna ang isang boteng hawak ko saka dumampot ulit ng isa. Dahil siguro may tama na rin ang mga kasama ko ay wala na silang pakialam sa pinaggagagawa ko.

Nang medyo tinamaan ako ng alak ay napangisi akong lumapit sa pwesto ni lionel. Hindi niya ako siguro napansin. Humila ako ng lalaki kung saan saan at sinayawan ito. Wala na akong pakialam kung straight ba siya o hindi dahil ang mata ko ay nakay lionel nakatutok.

Sayaw ako ng sayaw sa lalaking hinila ko at alam mo kung ano ang nakakatuwa? Sinasabayan niya rin ako sa pagsayaw kahit hindi kami magkakilala. Nang tumama ang ilaw sa mukha nito ay masasabi kong gwapo rin siya. Hinawakan niya ko sa bewang at patuloy lang kami sa pagsayaw.

Alam kong mali pero ewan. Hindi ko na alam.

Pagtingin ko sa direksyon ni lionel ay nakatitig na pala ito sa akin. Ngumiti ako at kumindat sa kanya. Dala na rin siguro ng kalasingan ay niyakap ko ang lalaking kasayaw ko pero wala pang ilang segundo ay bigla na lang may humila sa akin palabas ng bar.

“Anong ginagawa mo dito ha at sino yung kasayaw mo?” Ang naiinis na tanong nito.

“Ikaw? Tatanungin kita. Anong ginagawa mo dito?”

“Hindi ako ang pinag-uusapan dito jerol. Bakit ka nandito ha? Sinong nag-aalaga sa anak natin?” Sigaw niya sakin.

“Ikaw tatanungin ko. Anong ginagawa mo dito?” Tumingin siya sa ibang direksyon.

“N-niyaya lang ako ng mga kaklase ko”

“Yun naman pala eh. Same reason din. Niyaya lang ako ng mga kaklase ko. Tara na sa loob, baka hinihintay kana ng mga kaklase mo at saka baka hinihintay na rin ako ng mga kasayaw ko”

“Jerol lasing kana. Umuwi na tayo”

“Mamaya na. Nag-eenjoy pa ako eh”

“Jerol ano ba!” Sigaw nito sakin. Bigla naman akong natahimik.

“Bakit!” Sigaw ko.

“Jerol umuwi na tayo” hila nito sa akin.

“Ayoko! Bitawan mo ko!”

“Umuwi na tayo ano ba!” ang sabi niya.

“Ayoko nga eh!” pagmamatigas ko.

“Bakit ba ang kulit mo ha?”

“Dahil ayoko” hinila ko ang kamay ko sa kanya. Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok.

Huminga ako ng malalim. Binalot kami ng matinding katahimikan at dahan dahan akong naglakad palayo sa bar. Tahimik lang itong sumunod sa akin.

“Hindi ka ba napapagod maglakad? Ang layo na ng nilalakad natin oh” mahinahong tanong niya.

Humarap lang ako sa kanya at umiling. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Hon uwi na tayo” sabi pa niya.

Tumigil lang ako at naupo sa gilid ng kalsada ganun din siya. Ang lalim na ng gabi. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang kalangitan.

“Ang daming bituin noh?” Ang sabi ko sa kanya.

“Hon sorry kung hindi ako nagpaalam sayo” tumingin ako sa kanya at ngumiti.

“Ok lang” ang sabi ko at tumingala ulit ako sa langit. “Lionel nasasakal ka na ba sakin?”

“Ha? Hindi ah. Baka nga ikaw ang nasasakal na sakin eh”

“Lionel masaya ka bang pinakasalan ako?” Ang tanong ko.

“Oo.. oo naman sobra! Sobrang saya ko” ang sabi nito.

“Lionel, bakit ganun? Alam mong may anak tayo pero bakit nakuha mo pang mag bar” ang tanong ko sa kanya. Napayuko lang ito.

“Hon sorry.. pero maniwala ka sakin wala akong babaeng nilandi o ano” ang sabi nito.

“Alam ko” tumingin ako sa jeep na dumaan. “Alam kong hindi mo magagawa sa akin yun kase naniniwala ako sayo lionel. Pero may responsibilidad kana bilang ama. Lionel hindi na tayo bata. Hindi kita pinipigilan sa gusto mo pero wag mo sanang kalimutang dalawa na tayo. Asawa na kita at ama kana” lumapit ito sa akin.

“Hon”

“Hmmm?” Ang sabi ko. Tumayo ito at pumunta sa unahan ko.

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ako sa kamay.

“Hon alam kong pagod kana, alam kong nasasaktan kana, alam kong mahirap akong intindihin pero hon, mahal na mahal kita”

“Sshhh.. tumayo ka nga diyan” ang sabi ko at hinila siya paupo sa tabi ko.

Niyakap niya ako.

“Hon sorry talaga. Sorry. Pagod kana ba sakin?” Ang tanong niya. Tinitigan ko lang siya sa mata.

“Hindi. Hindi ako mapapagod mahalin ka pero hindi ko alam kong kakayanin ko pang intindihan ka. Hon alam kong marami pa tayong haharapin bilang mag-asawa pero kung palagi tayong magpapadala sa tuksong pwedeng sumira sa atin ay pwede tayong masira”

“Hindi ko alam jerol kung bakit ako sumama sa mga kaklase ko, siguro ay napagtanto ko na mahirap pa lang maging magulang, mahirap pa lang maging tatay dahil lahat ng pwede mong gawin ay hindi mo na pwedeng gawin ngayon. Pero tuwing makikita kitang inaalagaan ang mga anak ko, ang anak natin ang sarap sa pakiramdaman. Sabihin na nating nadala ako ng tukso dahil akala ko madali lang maging tatay, pero ng makita kita, mas mahirap pa lang mag-alaga ng anak at intindihin ang tulad kong pasaway na asawa. Hon… jerol ko, hindi ako perpekto pero hindi tanga ang puso ko na ikaw lang nilalaman nito”

Ngumiti ako at hinalikan ito sa pisnge. Tumingin ako sa mga bituin.

“Sabi nila kahit gaano daw kadilim ang gabi, may liwanag at liwanag pa ring uusbong mula dito at may liwanag na sisilay pagdating ng umaga. Lionel isa akong bakla at dahil sayo natuto akong hintayin ang liwanag mo” ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

~~

PRESENT

~~

“Dahil ano?” Sigaw ko.

“Dahil tiniis ko ang lahat, tiniis kong hindi ka makita, dahil tiniis kong hindi kayo makasama, dahil sa mga araw na lumipas, dahil sa mga araw na yun, araw araw akong umiiyak at nangungulila sa inyo. Jerol dahil doon ginawa ko ang lahat para ayusin ang kasal natin”

Hindi ako nakapagsalita.

“P-pero hindi mo naman kelangan gawin yun”

“Kelangan!” bigla niyang sabi. “Kelangan hon. Kelangan kitang pakasalan ng maraming beses. Kelangan marami tayong kasunduan at papel na pinanghahawakan para kapag nagsawa kana sakin at mapagod kana ay marami akong dahilan para pigilan ka. Para kahit hiwalayan mo ko ng maraming beses, maraming beses din tayong may panghahawakan. Natatakot akong mapagod ka sa akin jerol. Natatakot ako. Oo bakla ka! Jerol bakla ka! Pero t*ng *na! Mahal na mahal kita!!!! Mahal na mahal kita!! Akin ka lang eh!! Akin ka lang eh!!” Ang umiiyak na sabi nito. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang singsing na hawak nito at hinalikan siya sa labi.


MAY EPILOGUE PA GUYS. LAST CHAPTER NA..

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG SUMUBAYBAY SA KWENTONG ITO. Especially doon sa walang sawang sumuporta sa akin. Kayo po ang inspirasyon ko at pagsuporta para sumulat ng ganitong kwento.

Hope magustuhan niyo po ang likha kong ito kahit wala na po talaga akong maisip at hindi ko alam kung paano ito tatapusin.

Wala rin po akong karanasan about family life. Basta ito po ang nararamdman ko, shinare ko lang :)

Vote and comment ^_^

Epilogue

Jerol’s POV

Hindi kami perpektong pamilya. Isa rin lang kami sa milyon milyong pamilya na makikita mo sa mundong ito. Si lionel ang klase ng tao na kapag nagkamali ang kanyang anak ay dinidisiplina niito sa pamamagitan ng pamamalo. Madalas lumalabas ang pagiging ama nito kapag lumalabas ang kakulitan ng kanyang anak. Hindi ako kumikibo kapag alam kong mali ang anak ko pero kapag alam kong sobra na ang asawa ko ay pinagsasabihan ko na ito. Wala kaming pinagkaiba sa ibang pamilya diyan, ang pinagkaiba lang namin ay pareho naming minahal ang isa’t-isa kahit na pareho kami ng kasarian ay hindi ito naging hadlang sa amin.

“Hon..”

“Hmmm?” Ang sabi ko habang nagbibihis ako.

“Ang sexy mo talaga hihihi” inirapan ko lang siya.

“Sexy ka diyan” ang tumawang sabi ko habang binibihisan nito si kuya.

Linggo kase ngayon kaya family day namin.

“Dada bakit po kayo pangiti-ngiti diyan habang tinititigan niyo si papa?” Ang rinig kong tanong ng anak ko.

“Ikaw talaga anak. Mamaya kiligin si papa mo niyan. Buo na naman araw niya”

“Heh! Kapal mo lionel ha” ang namumulang sabi ko.

“Eeee.. dada kayo naman po ata ang kinikilig eh hindi si papa” ang inosenteng sabi ng anak ko.

Nakita ko namang ginulo ni lionel ang buhok ni kuya saka ito hinalikan sa pisnge.

“Kung alam mo lang anak. Araw-araw sinisipag si dadang gumising para lang masulyapan ang ngiti at mukha ni papa at siyempre kayo na ring mga anak ko” at kiniliti nito si jonel.

“Waahhh! Tama na po dada nakikiliti na po ako hahaha..”  lumapit si lionel kay jonel at bumulong.

“ Anak tingnan mo si papa oh nakatitig satin. kinikilig

talaga yan sakin “ napasimangot lang ako. Anong klaseng bulong yun rinig na rinig ko.

“ Oonga po dada.. siguro po ay mahal na mahal po talaga kayo ni papa hihihi “

“ Wag kang

maingay anak ha. Baka marinig ka ni papa. Naku! Crush na crush ako niyan “

“ Eeee.. dada naman eh, nakatingin na po kaya sa atin si papa

oh “ ang nakangusong sabi ng anak ko. Ang cute.

“ Hala? Ganun ba!

Narinig na nga tayo ni papa “

Kumindat si lionel sa kanyang anak saka tumango. Mukhang sumang-ayon naman ang anak ko.

“ Pagbilang ko ng tatlo anak ha alam mo na.. “ tumango lang si jonel. Ano kayang pinagbubulungan nila?

“ 1.. 2.. 3.. “ at bigla silang tumakbo papalapit sa akin at kiniliti nila akong dalawa. Tawa lang ako ng tawa habang masaya kong tinititigan ang kanilang mga ngiti.

Parang bumagal ang oras. Parang gusto kong ihinto at picturan ang bawat galaw namin. Tuwang kusang lumalabas sa mga mukha namin, sayang nangagaling sa puso namin.

Pagkatapos naming magbihis at magkulitan ay kinuha ko na kay manang si baby bunso. Una kaming pumunta sa simbahan at pagkatapos naming sumimba ay ginala namin ang mga bata sa mall.

Pinasyal rin namin ang mga bata sa zoo at theme park. Hindi kami pwedeng magpagabi kase dadating ang mga magulang ko ngayong araw. Noong nakaraan araw kase ay sa bahay naman nila lionel kami pumunta kaya ngayon ay sina mama at papa naman ang pupunta sa amin para bisitahin ang kanilang apo at magspend ng time sa amin.

“Nag-enjoy ka ba anak?” Ang tanong ni lionel sa anak.

“Opo dada. Sobra po akong nag-enjoy” lumapit si kuya sa nagdadrive na ama at hinalikan ito sa pisnge. Lumapit din ito sa akin at kay baby bunso at hinalikan kami sa pisnge.

“Para saan naman yun anak?” Ang naguguluhang tanong ni lionel dito. Ngumiti lang si kuya.

“I love you po papa. I love you din po dada”

“I love you din anak” ang sabay naming tugon ni lionel.

Nagpatuloy lang kami sa pagbiyahe hanggang sa makarating kami sa isang lugar na matagal na naming hindi napupuntahan.

Bumaba kaming lahat habang hawak hawak ni lionel sa kamay si kuya. Nakita namin ang mga batang masayang tumatakbo habang kalaro nila ang ibang mga bata.

Pagpasok namin sa bahay ampunan ay sinalubong kami agad ni sister.

“Magandang araw po sister” ang bati namin sa matandang nagbabantay sa mga batang naglalaro sa playground.

“Magandang araw din naman mga anak” ang sabi ni sister ng mapatingin ito kay jonel ay bigla itong napangiti.

“Teka! S-si jonel na ba yan?”

“Opo sister” ang masayang sabi ko.

Dahan dahan naman itong lumapit sa anak namin at hinawakan ito sa pisnge.

“Ang laki mo na anak. Mukhang lumalaki kang masayahing bata” tumingin sa akin si jonel at tumingin ulit kay sister.

Parang humihingi siya ng permiso sa amin.

“Opo sister. Dahil po sobra sobra po ang pagmamahal nila papa at dada sa akin”

Tumingin sa akin si kuya at ngumiti. Napangiti lang ako gayun din itong asawa ko. Nakakaproud.

Tumayo si sister at nilapitan kami.

“Hello baby.. anong pangalan mo?” Ang tuwang tuwang sabi ni sister sa batang hawak ko.

Hinawakan ko naman ang kamay ni baby bunso at winagayway ito sa hangin at nagboses baby ako.

“Hello po sister ako po si baby leon. Ang bunso pong kapatid ni kuya jonel”

Natawa lang si sister habang narinig ko namang tumawa rin ang anak ko.

“O siya, libutin niyo na muna itong buong bahay ampunan. May aasikasuhin lang ako” ang paalam ni sister.

Tumango lang kami kay sister saka ito naglakad palayo sa amin pero bigla rin itong tumigil at tumingin sa amin ng seryoso.

“Alam kong babae at lalaki lang ang nilikha sa mundong ito pero hindi ibig sabihin nun na naniniwala na akong babae at lalaki lang din ang may karapatang magmahal. Masaya akong makita kayong nagmamahalan. Naniniwala ako sa inyo” at dahan dahang ngumiti si sister.

Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam. Parang may nawalang tinik sa lalamunan ko. Nakakatuwa lang na kahit isa siyang makarelihiyosang tao ay hindi naman sarado ang isip nito para kami’y intindihin at paniwalaan.

Nabalik na lang ako sa katinuan ng maramdaman kong may humalik sa pisnge ko.

“Ninakawan mo na naman ako ng halik?” Ang nakangusong sabi ko.

“Nakaka-fall ka kasing tingnan alam mo ba yun”

“Hay naku lionel. Asawa na kita pero gusto mo parin akong mahulog sayo. Buhatin mo nga muna itong anak mo. Samahan ko lang si kuyang libutin itong bahay ampunan”

Kinuha naman nito sa akin si baby bunso. Hinawakan ko ang kamay ni kuya at nilingon si lionel.

“Hon psst..” pagtawag ko dito.

“Yes hon?” Ang nakangiting sabi nito.

“Alam mo bang….” huminto ako saglit at ngumisi. “…alam mo bang Kinikilig ako sa kakornihan mo” ang nakangiting sabi ko at iniwan siyang nakatulala hahaha..

Nilibot lang namin ang buong lugar. Nan mapagod kami ay nagyaya itong maupo muna sa swing.

“Papa pwede po ba akong makipaglaro sa mga bata?”

“Oo naman anak” ang nakangiting sabi ko dito.

Nakatitig lang ako sa kanya habang tumatakbo ito papalapit sa mga batang naglalaro. Masasabi kong malaki na ang pinagbago ni jonel. Mas marunong na siyang ngumiti at intindihin ang mga bagay bagay.

Hindi ko sinasadyang mapatingin kung saan namin dati nakita si jonel. Naaalala ko pa noon ang isang batang tahimik at walang ginawa kundi ang magsulat sa lupa habang nag-iisa. Hindi nakikipag-usap. Ayaw makipaglaro. Hindi ko alam noon pero parang may humila talaga sa akin para kilalanin siya. Kaya noon pa lang alam kong siya na talaga ang para sa amin. Alam kong kaya namin siyang pasayahin at buhayin. Dahil anak ko siya, dahil mahal ko siya, dahil papa niya ako.

Hindi man siya galing sa dugo’t laman ko. Galing naman siya sa puso ko.

Hindi ko alam pero ang saya ko. Hindi lang si lionel ang ibinigay sa akin ng Diyos kundi ang mga anak ko.

Nagpunas lang ako ng luha dahil sa sobrang saya.

“Papa”

Napabalik na lang ako sa katinuan ng biglang magsalita ang anak ko.

“Papa ok lang po ba kayo?”

“O-ok lang naman ako anak. Bakit bumalik kana? Di ba nakikipaglaro ka pa sa kanila?” ang sabi ko. Hinawakan lang nito ang pisnge ko at dahan dahang pinunasan ang mga luha ko.

Niyakap niya ako.

“Nag-aalala po kase ako sa inyo papa kaya bumalik ako”

“Hala! Bakit naman anak? Ok lang si papa oh, ikaw talaga. Ang cute cute mo talaga anak” sabay halik ko sa tigkabilang pisnge nito.

“Papa naman eh.. puro na ko laway niyan”

“Che! Tumalikod ka” utos ko dito. “Ayan oh, pawisan kana agad. Asan na ba yung bimpo mo?” Ang tanong ko dito.

“Nasa bag ko po” kinuha ko sa bag nito ang bimpo at pinunasan ang likod nito.

“Basta lagi mong tatandaan anak ha na kapag pinawisan ka, maglagay ka ng bimpo sa likod mo para di ka ubuhin at magkasakit” tahimik lang ito habang pinupunasan ko siya sa likod niya. “Saka uminom ka ng maraming tubig para hindi ka madehydrate”

Tahimik pa rin siya habang ginagawa ko iyon.

“Papa”

“Hmmm?” Ang sabi ko habang patuloy lang ako sa pagpunas ng kanyang likod.

“Papa pinagmamalaki ko po kayo kahit kanino. Pinagmamalaki ko po kayo ni dada bilang magulang ko” ang malambing na sabi nito. Lumingon ito sa akin ng seryoso at dahan dahang ngumiti.

“Anak naman eh..” ang nakangusong sabi ko.

“Hala si papa. I love you po papa kong cute”

“Heh! Bolero ka rin anak eh, mana ka talaga sa Dada mo” ang nakanguso ko pa ring sabi ko.

Tumawa lang siya at Pinisil ang tigkabila kong pisnge gamit ang maliliit niyang kamay. Hahaha..

“Cute talaga si papa anak” sabay kindat ko dito.

“Siyempre naman po papa kaya mahal na mahal ka po ni dada eh saka lagi po niyang sinasabi na crush na crush ka daw po niya. Secret lang po natin yun ha. Wag niyo sasabihin kay dada hihihi..”

Hay naku! Ginulo ko lang ang buhok niya at hinalikan ito sa pisnge.


Lionel’s POV

Nakaupo lang kami ni baby bunso dito sa bench sa ilalim ng puno ng mangga habang itong batang ito ay nakaupo sa mga hita ko.

“Anak. Ang bigat bigat muna. Ang payat pa naman ng papa mo at saka ang liit liit pa nun. Wag mo kong isusumbong sa papa mo ha na sinabihan ko siya ng maliit naku! Magagalit yun kay dada hahaha.. Mahal na mahal ko pa naman yung papa mong yun anak” ang sabi ko dito sa batang hawak hawak ko habang sinusubo niya lang ang kanyang kamay.

Hay! Ano ba yan. Miss ko na agad yung asawa kong maliit. Ooppss.. hahaha.

Tumingin lang ako sa mga batang naglalaro sa damuhan. Ang sarap nilang panuorin. Napakainosente. Kitang kita mo ang saya sa kanilang mga mukha.

Hindi ko makakalimutan ang araw na dumating sa buhay namin si jonel. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ng makita ko ang ngiti ng asawa ko.

Wala na akong paki-alam kung hindi ako maging masaya basta makita ko lang masaya ang asawa ko masaya na rin ako. Oo, t*ng *na! Ganun ko siya kamahal. Kahit kaligayahan ko ibibigay ko sa kanya wag niya lang ako iwan.

“Hon tara na” ang rinig kong sabi ni jerol. Napaangat lang ako ng tingin saka ito tinitigan.

“Bakit ang tagal mo ha” Pagsusungit ko.

“Ewan ko sayo Lionel! Tara na. Dadrama ka na naman diyan”

Tumayo ako at ngumiti.

“Hehehe.. joke lang hon. Tara na nga, namiss ka na kaya ni baby bunso” palusot ko. Siyempre ako yun.

Naningkit lang ang mata nito at sinipat ang mata ko. Sh*t! Tingin pa lang niya nakita ko na ang kinabukasan ko. Hahaha..

“Namiss? O baka naman ikaw lang ang naka-miss” pang-aasar nitong asawa ko.

Yown! Nahuli niya. Tsk! Kung wala lang talagang kami sa public area at walang mga bata dito kanina ko pa to nahalikan.

“Bakit naman kita mamimiss? Eh sa pagkaka-alam ko gwapong gwapo ka sakin” sabay kindat ko dito.

Yung kindat na nagpabihag sa kanya.

Inirapan niya lang ako.

“Ewww.. tara na nga”

“Sungit”

“Mayabang”

“Hala? Mayabang ba ko, sadyang gwapo lang ako kaya ka nahulog sakin hon” ang natatawang sabi ko.

Inirapan na naman niya ako saka ito nagwalk-out. Tingnan niyo na ang sungit sungit ng asawa ko.

“Pssst.. hon”

“Pssst..” pagtawag kong muli habang naglalakad kami papuntang sasakyan.

“Ano?” Ang masungit na sabi nito.

“I love you” Bigla siyang namula. .

Nakita ko ring namula ang tenga niya. Hahaha.. kinikilig na naman siya.

“Hay jusko ang init” ang biglang sabi nito.

Palusot pa more.

“Weh? Mainit ba o baka naman kinikilig ka lang sa akin hahaha.. di ba anak kinikilig si papa, diba? Diba?” Tumango lang sakin si jonel saka nag-ok sign.

“Ewan ko sa inyong mag-ama. Tara na nga” at pumasok na ito sa loob ng sasakyan.

Sh*t! Ako ang Kinikilig eh hahaha..

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami nila mama at papa. Mga magulang ni jerol. Nagmano naman ako sa kanila habang si jonel naman ay tuwang tuwa sa kanyang lolo at lola.

“Ako na ang magbubuhat diyan paakyat anak” ang sabi ni mama kay jerol.

Tulog na tulog na kase si baby bunso. Nakatulog sa biyahe.

“Sige po mama. Kumain na po ba kayo?” Ang tanong ni jerol sa kanyang mga magulang.

“Oo anak. Kumain na kami saka wag mo kaming intindihin. Intindihin mo yang asawa mo alam kong pagod yan pagdadrive” ang sabi ni mama saka ito kumindat sa akin wooohh.. ang lakas ko talaga kay mama.

“Tingnan muna hon. Buti pa si mama may concern sa akin” ang nakangusong sabi ko.

“Heh! Magpalit kana ng damit mo dun” utos nito sabay irap.

“Mama, oh! Yung anak niyo po inaaway na naman po ako” ang pagsusumbong ko.

“Sus! Maniwala ka naman diyan mama” saad ni jerol. Hahaha ang cute ng asawa ko.

“Lagi na lang ba kayong maglalandian sa harap ko? Nakakairita na ah” ang singit ni kuya jenson, kuya ni jerol. Kung hindi lang talaga to utol ng asawa ko nasapak ko na ito hahaha.. pero ok na kami niyan.

Nilabas namin ni kuya jenson ang ihawan malapit sa gilid ng pool dahil mag-iinuman ulit kami nila papa. Nag-short at sando lang ako habang ang asawa ko at si mama ay nasa taas binabantayan yung dalawang bata.

Binabantayan ni mama si baby bunso habang si jerol naman at si kuya ay nagbibihis dahil gusto ng anak kong maligo sa pool.

“Ano ok na ba ito dito?” Tanong ni pareng jenson.

“Ok na yan pare. Kukunin ko lang yung mga iihawin nating pulutan”

“Sige, sige”

Pumasok na ako sa loob ng bahay at tinungo ang ref. namin. Pagbalik ko sa pool ay nakita ko si papa at pareng jenson na naghahanda na para sa gagawin naming inuman. Nilagay ko lang sa lamesa ang mga dinala kong isda at karneng baboy na ibinabad pa ni manang kagabi. Malapit na ring magdilim.

“Anak dito kana. Hayaan muna diyan si jenson ang mag-ihaw” ang sabi ni papa. Tumango lang ako at pumasok sa loob ng cottage. Naupo ako sa upuang gawa sa kawayan.

“Pa, kamusta naman po ang biyahe niyo nila mama kanina?” Tanong ko kay papa habang inaabot ang tagay nito.

“Ok naman kami anak. Miss na miss na nga namin yang mga apo ko lalo na yang mama mo. Miss na miss na niya yung dalawang bata” ang natatawang sabi nito.

Natawa rin ako. Pagkatapos kong tumagay ay tinawag naman ni papa si kuya jenson.

“Anak tagay muna”

“Sige ’Pa” ang sabi ni pareng jenson at lumapit ito sa amin at tinagay ang basong may lamang alak. “Malapit ng maluto yung ibang isda. Masarap na pulutan yan”

“Eh, wala ka namang ibang ginawa kundi ang mamulutan eh” ani ni papa. Natawa lang kami.

Sobrang close nilang mag-ama. Yung iba kase hindi kayang makipag-inom sa kanyang ama.

“Pa naman. Hindi ako ganun ah” ang pagtanggi ni jenson. “O siya sige. Iihawin ko muna yung iba para dire-diretso ang inom ko. Tawagin niyo na lang ako kapag tagay ko na”

Tumango lang kaming dalawa ni papa at pinagpatuloy ang pag-inom. Hindi rin nagtagal at bumaba na si jerol kasama ang anak naming si jonel. Napatitig lang ako sa kanya habang naglalakad ito papalapit sa amin. Nakasuot lang ito ng maiksing short na halos kalahati lang ng maputi niyang hita. Lalo kong nasilayan ang makinis nitong hita habang ang pang-itaas nito ay puting sando na lalong nagpa-cute sa kanya. Para talaga siyang bata. I mean bata pa naman kami. Nasa 20’s pa lang kami pero itong asawa ko mukha talagang 16.

“Dada maliligo po kami ni papa sa pool ah” ang paalam ng anak ko. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sila.

Sh*t! Namanyak ko ang asawa ko hahaha..

“Ah, eh.. Oo naman anak. Andyan naman si papa” sabi ko.

“Halika nga dito apo. Pakiss muna si lolo dali” ang sabi ni papa. Lumapit naman si jonel at humalik sa lolo niya.

“Kumain na ba kayo anak?” Ang tanong pa ni papa kay jerol.

“Opo papa. Kumain na po kami nitong apo niyo”

“Ganun ba? Eh good boy naman pala itong apo ko eh”

“Oo naman po lolo. Mana po kaya ako kay papa”

Napasimangot naman ako.

“E kay dada anak?” Ang pagsingit ko.

“Mana rin naman po ako sayo dada hihihi”

“Tingnan mo na papa mana din sa akin yang apo niyo” ang tuwang tuwang sabi ko.

“Mana po talaga ako kay dada.. mana po ng kakulitan hahaha” ang tumatawang sabi ng anak ko.

“Ah ganun ha? Makulit pala si dada ah. Makulit talaga ako” at kiniliti ko siya. Tawa lang ng tawa ang anak ko.

“Eee… dada tama na po hahaha.. nakikiliti na po ako eh hahaha..”

“Eh makulit si dada sabi mo eh” at patuloy lang kami sa pagkukulitan ng anak ko.

Pagkatapos naming magkulitan ay naligo na yung mag-ama ko sa pool habang kaming tatlo nila kuya jenson at papa ay pinagpatuloy ang pag-iinom.

Nakatitig lang ako kay jerol habang inaalalayan nito ang anak ko. Sobrang puti talaga ng asawa ko, makinis ang balat, payat na sakto lang sa katawan niya, maliit pero sobrang cute, laging mabango, ang lambot ng balat, tapos ang iksi pa ng short na mas lalong nagpasilaw sa legs niya, urgh! Wag kayong ano diyan ha. Hindi ko minamanyak ang asawa ko pramis, hindi talaga sh*t! Pwede bang hilahin ko muna siya saglit sa kwarto? Saglit lang naman. Ano ba yan! Tinatamaan na ako ng alak.

“Hon pssstt..” sigaw ko sa kanya. Napatingin naman ito sa akin.

“Ano?”

“Basta” at kinaway ko ang kamay ko para lumapit siya sa akin.

Napakamot lang ito ng ulo at may sinabi kay jonel. Kahit hindi ko rinig alam kong sinabihan nito ang anak ko na wag muna maligo hanggat wala siya.

Umahon na sa pool si jerol at lumapit sakin.

Sh*t! Mukha talaga siyang anghel sa paningin ko.

“Bakit?” Tanong nito ng makalapit siya. Nagpacute lang ako at hinalikan siya sa pisnge.

“O siya, sige na hon bumalik kana dun. Bantayan mo anak natin ha” ang sabi ko.

Grabe! Kinikilig ako bay! Hahaha..

“Aray! Bakit mo ko binatukan?” Ang nakangusong sabi ko.

“Pinalapit mo lang pala ako para halikan? Urgh!” at bigla itong nagwalk out hahaha.. ang cute talagang magalit ng asawa ko.

“Hon. I love you” sigaw ko pa dito. Tumingin lang ito sa akin at umirap.

“Anak tagay muna” ang sabi sakin ni papa. “Hindi mawala-wala yang ngiti mo ah” dagdag pa nito.

“Syempre Pa! Maging asawa mo ba naman si jerol. Hindi pa ba ako magiging masaya?” Tumagay na ako saka inabot ang baso kay pareng jenson.

“Lionel” ani ni papa.

“Po?”

“Hindi ka ba nagsisising pinakasalan mo ang anak ko?” Seryoso na si papa.

Ngumisi lang ako at ngumiti. Tumingin lang ako sa gawi ni jerol at ng anak ko na masayang naliligo sa pool.

“Nagdududa pa rin po ba kayo sa pagmamahal ko para kay jerol. Sa anak niyo papa?”

“Hindi sa ganun anak”

“Kung iniisip niyo po na baka pagsisihan ko balang araw na pinakasalan ko siya dahil bakla siya. Nagkakamali kayo. Ang pagmamahal ko sa kanya ay dahil mahal ko siya, hindi dahil kung anong kasarian meron siya” Ngumiti ako at inagaw ang tagay kay pareng jenson.

“Abat! Tagay ko yan eh…” angal nito.

“Hahaha.. ang tagal mo kasing uminom” saad ko. Napakamot lang ito sa ulo. Biglang tumahimik ang kapaligiran.

“Isa ako na handang ipagtanggol ang relasyon niyo. Naniniwala ako sayo lionel” ang sabi ni papa.

“Ako rin. Naniniwala rin ako sayo pare kahit malandi yang kapatid ko” ang singit ni pareng jenson.

Tumango lang ako sa kanila at ngumiti. Kumuha ako ng pulutan at kinain.

Pagtingin ko sa pool ay nakatingin pala sa akin si jerol. Bigla itong umiwas ng tingin. Nakita ko pa siyang binibiro ng kanyang anak habang namumula ang mukha nito hahaha.. Para tuloy kaming teenager. Kinikilig na naman sakin yan.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nag-iinuman. Basta ang alam ko lang eh lasing na itong dalawa. Sa totoo lang ay lasing na rin ako pero ayoko ipahalata kay papa na mahina ako sa inom. Pinatulog na ni jerol si kuya sa taas kanina pa at eto na ang asawa ko kalalabas lang ng bahay. Bihis na rin siya. Lumapit ito kay papa at pareng jenson para gisingin.

“Papa, kuya gising na po dun na po kayo matulog sa kwarto niyo” ang paggising nito sa kanila. Pupungas pungas naman yung mag-ama. Hahaha.. sabi ko na nga ba eh ako ang pinakamatibay dito.

Tumayo naman si pareng jenson at papa at pumasok na sa loob. Kaming dalawa na lang ni jerol ang naiwan dito sa cottage.

“Hon..”

“Hmmm?” Ang sabi nito.

“Lapit ka nga dito sakin” lumapit naman siya “Panget na ba ako? Baka maturn off kana sakin ah”

“Sira! Hay kung naku lionel kung ano-anu na namang pinagsasabi mo! Lasing na lasing kana naman”

“Uy di ah! Linaw pa kaya ako. Tingnan mo nga oh. Ang ganda ganda mo pa rin sa paningin ko”

“Maganda ka diyan. Hindi ako babae noh”

“Alam ko. Kaya nga kita mahal eh, hindi ibig sabihin na maganda kelangan babae na. Maganda ka kase maganda ka sa paningin ko, kase nga! Mahal kita”

“Sus, bola! Tara na sa loob” hinawakan nito ang kamay ko at nilagay sa balikat niya.

“Kaya mo ba ko hon? E ang liit liit mo” ang biro ko dito. Pero sinikmuraan niya lang ako. Sabi sa inyo eh. Ayaw na ayaw siyang tinatawag na maliit.

“Aray! Bakit mo naman ginawa sakin yun ha?”

“Gusto mo gawin pa nating dalawa para mas masaya ha?” Ang masungit na sabi nito. Ayaw niya talagang sinasabihan ko siyang maliit kahit hanggang balikat ko lang siya.

“Hehehe.. ang cute mo talaga hon kapag nagagalit”

“Oo na. Maglakad na tayo ang bigat mo kaya”

Pinisil ko ang ilong nito.

“Pakiss nga” ang sabi ko pa.

“Heh! Ayoko!” Kumindat lang ako at naglakad na kami paakyat ng hagdan.

Ang bango bango talaga ni jerol. Habang naglalakad kami ay walang tigil ko siyang hinahalikan sa ulo, tenga at leeg.

“Lionel isa ha! Ay ang kulit kapag nalalasing” inis na po siya. Hahaha..

“Di ba ako lang ang totoong minahal mo. Hindi mo naman talaga minahal ng totoo yung mga ex mo diba, diba?” Pangunglit ko dito. Tiningnan niya lang ako ng masama.

“Oo na! Ikaw lang po ang minahal ko ng totoo. Hayss.. ang kulit” ang pagsuko nito. Hahaha..

Alam niyo yun guys? Yung lasing na lasing kana pero alam mo pa rin ang ginagawa mo. Yun nga lang ang kulit ko na.

“Lagi mo na lang akong tinatanong kapag nalalasing ka kung gaano kita kamahal” sabi nito.

“Kase kahit lasing ako, gusto ko pa ring marinig mula sayo kung gaano mo ko kamahal, kung gaano mo ko mahalin kahit wala na ko sa katinuan ko”

Napatigil siya sa paglalakad at tinitigan lang ako sa mata.

“Alam mo ang korni mo!” Ang natatawang sabi nito.

Sumeryoso naman ang mukha ko pero nagpacute lang ito sa akin. Tsk! Hindi niya ba alam na cute na siya, sus!

“Alam mo ikaw.. hinding hindi na magbabago ang pagmamahal ko sayo kaya wag kang ano diyan” dagdag pa nito sabay kindat.

Hay jerol! Iba ka talaga.

“Hon”

“Oh..”

“Kinikilig ako” pagtatapat ko.

Sh*t! Hindi ako ganito paglinaw eh.

Umiwas lang siya ng tingin at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hahaha.. Yes! Walang mga bata ngayon nasa kwarto silang lahat ng lolo at lola nila. Solong solo ko ang asawa ko hihihi.

Pagkapasok namin sa loob ay hiniga ako nito sa kama.

“Oh bakit para kang baliw diyan at ngiti ka ng ngiti ha?” Ang sabi nito.

“Eeee.. solo na ulit kita”

“So?” Ang mataray na sabi nito. Naupo ako sa gilid ng kama at hinubad ang damit ko.

“Ang macho ko noh?”

“Duh? E ano ngayon?” Sunod kong hinubad ang maong short ko. Hanggang sa Boxer shorts ko na lang ang natira. Kinindatan ko siya ng nakakaakit.

“Maligo ka nga dun. Ayokong makatabi ang amoy alak” ang sabi nito.

Ayaw na ayaw niya talaga akong katabi kapag uminom ako tapos hindi ako naglinis ng katawan. Sa sahig niya talaga ako pinapatulog lalo na at nandito ang mga anak namin.

“Oo na po” ang nakangusong sabi ko.

Syempre solo ko siya ngayon kaya dapat mabango ako sa kanya hahaha..

Pumasok na ako ng c.r halos abutin nga ako ng kalahating oras doon eh. Nagtapis lang ako ng tuwalya sa bewang ko. Paglabas ko ay nakita ko itong nakadapa sa kama at nagko-computer. Mukha siyang kinikilig. Napasimangot naman ako ng noo. Seloso ako eh. Lumapit ako sa tabi niya.

“Hon ano ba yang pinapanuod mo ha? At mukhang kilig na kilig ka diyan” ang naiinis na sabi ko.

“Nanunuod lang ako. Ano ka ba! Lagi ko kaya itong pinapanuod sa Youtube at sa dailymotion”

“Eh ano ba kase yan?”

“2MOONS the series hon. Ang cute kaya ni Wayo at ang hot at gwapo ni P’Pha. Alam mo namang fan ako ng BL series ng Thailand diba?” ang kinikilig na sabi nito.

Alam kong lagi itong nanunuod sa computer ng mga tv series at movies at super fan siya ng thai series especially Boys love like “Sotus the series” at iba pa at alam ko yun at hinahayaan ko lang siya sa gusto niya pero grabe kase eh.. grabe yung kilig niya dito. Sobrang ganda ba talaga ng pinapanuod niya pati akong asawa niya nakakalimutan na niya? Hayss..

Selos alert! Pasensya na mapagmahal lang.

“Mas mahal mo na ba yan kesa sa akin?” Ang nagtatampong sabi ko.

Huminga ito ng malalim at pinause ang pinapanuod niya. Tumingin siya sa akin ng seryoso at pinisil ang ilong ko.

“Mr. Lionel madrid. Ikaw lang ang kinakikiligan ko ng totoo at ang mahal ko. Fan lang nila ako, kase kaya nilang gumawa ng ganitong palabas sa bansa nila na parang normal lang. Kahit mga babae dun ay gumagawa pa ng fans club na kahit pareho silang lalaki ay sumisikat talaga sila at nakakapag-guest pa sa ibang bansa kesa sa mga straight love team nila. Masaya lang ako hon at kinikilig sa kwento nila pero kung kilig at pagmamahal sa totoong buhay. Sayong sayo ko lang mararamdaman yun” dahan dahan akong ngumiti at hinalikan ito sa ulo.

“Patingin nga niyan” ang sabi ko. Plinay niya ulit yung pinapanuod niya. “Hon kasing cute mo yung maliit. Sino siya?”

“Si Wayo yan hon tapos si P’pha naman yung crush na crush niya sa series na ito” hay! Kitang kita mo sa mukha niya na kinikilig talaga siya at nag-eenjoy sa pinapanuod niya pero ok lang sa akin hahaha..

“May pagka similarities kayo ni wayo hon. Sobrang cute niyo pareho hehehe… pero ikaw lang ang mahal ko”

“Heh!!”

Hinubad ko na ang suot kong towel at umibabaw ako sa likod niya.

“Hon, please…” alam niyo na ibig kong sabihin hahaha..

“Ayoko”

“Please please please..” ang pagpapacute ko dito.

Hindi ko kase ugali na mamilit kapag hindi niya gusto. Ganun ko siya nirerespeto.

“Eeee…” ang nakangusong sabi nito. Hinalikan ko naman siya sa labi.

“Ang sarap naman ng labi ng asawa ko”

“Siyempre. Akin lang din yang labi mo ah” ang parang batang sabi nito hahaha.. nagiging posessive na rin siya sakin yieehhh hahaha..

Hinawakan ko ang pwet niya. Nakatanggap lang naman ako ng malakas na hampas ng unan.

“Susuntukin kita diyan lionel, gusto mo!” ang banta ni jerol hahaha..

“Baka nga hindi ako masaktan eh”

“Yabang mo”

“Mayabang lang naman ako kapag pinagmamalaki kita sa iba, pero takot ako kapag nagalit kana. Magkaiba yun hon”

Under niya ako eh hahaha.. inirapan niya na naman ako kaya gustong gusto ko talaga kapag nagsusungit siya sa akin dahil lalong nahuhulog ang puso ko sa kanya.

“Oh bakit pinatay mo na yang computer mo, paano na yung pinapanuod mo?” Nagtatakang tanong ko.

Nilagay niya lang sa table yung laptop nito. Tumingin ito sa akin at saka ngumuso. Sh*t! Ang cute.

“Oo na! Kung di lang kita mahal diyan eh” ang pagpayag nito hahaha..

“Yun na nga eh mahal na mahal mo ako kaya di mo ko matitiis hehehe”

“Che! Yabang mo”

Then, nangyari nga ang dapat mangyari hahaha.. everytime na may chance ako na gagawin kay jerol yun. Ipinapangako ko sa inyo na hindi ko ipinaparamdam dito na libog lang ang ginagawa namin kundi purong pagmamahal. Just trust me guys.

Kinabukasan…

“Bihis na ba kayo hon?” Ang tawag ni jerol mula sa baba ng hagdan. Binuhat ko naman si baby bunso at bumaba na kami. Nakita ko lang silang nakaupo sa sofa kasama si kuya.

“Dada gusto ko po ng paborito kong fried chicken ah” ang sabi agad ng anak kong si jonel ng makababa kami ng hagdan.

“Oo naman anak Ikaw pa ba! Hahaha.. ikaw talaga, ni hindi pa nga tayo nakakaalis eh” at ginulo ko ang buhok nito.

“E syempre po dada. Mana po ako sa inyo eh” at tumawa kaming dalawa.

Kinuha sa akin ni jerol si baby bunso. Ninakawan ko naman ito ng halik sa pisnge sabay kindat.

“Sige na. Paandarin muna yung sasakyan” ang sabi nito.

Nagpacute muna ako sa kanya at pinisil ang pisnge nito.

“Mahal kita” ang biglang sabi ko. Hindi siya makatingin sa akin dahil sa kilig hahaha…

“M-mahal din k-kita” ang sabi nito, kita ko naman ang pamumula ng mukha niya.

Tumalikod na ako sa kanila at sumilay sa akin ang malaking ngiti sa mukha.

Nagsimba, gumala ulit sa mall, binili ng mga gamit at laruan ang mga bata at pumunta sa paborito naming kainan dito sa probinsya.

Pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pinagbuksan ko sila ng pintuan at kinuha sa kanya si baby bunso.

Tinanaw ko lang ang buong paligid.

“Hon, ang tagal na nating hindi nakakakain dito ah. Namiss ko to” saad ko.

“Oonga. Medyo naging busy tayo at sinubok tayo ng tadhana kaya pati ang mga bagay na ginagawa natin noon ay naiisantabi na natin”

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mata. Napakaswerte ko naman sa kanya.

“Hon, ayokong mangako dahil tutuparin ko. Hinding hindi ko na hahayaang isantabi ang mga bagay na makapagpapasaya sa atin. Oo, alam kong hanggang nabubuhay tayo ay susubukin tayo ng tadhana. Hon ayoko ng umibig pa ng iba, ayoko ng tumingin pa sa iba dahil alam ko at alam ng puso ko na ikaw lang.. ikaw lang talaga”

“Oo na! Tara na sa loob” ang namumulang sabi nito hahaha..

Kumain kami at binili ng paboritong pagkain si jonel. Nilibot ko lang ang mata ko sa paligid. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang ganda ng lugar na ito.

Napapalibutan pa rin siya ng mga tanim na palay habang makikita mong tirik na tirik ang sikat ng araw sa labas. Iba talaga ang naiidulot ng kalikasan sa akin. Huminga ako ng malalim at tinitigan si jerol habang kumakain.

Natatandaan ko pa noon, noong bata pa kami. Bawal pa akong magdrive ng kotse kaya sinusundo ko siya lagi gamit ang bike at inaangkas sa harapan ko. Oo, hatid sundo ko siya sa school kase ganun ko siya kamahal.

“Hon..”

“Po?” Ang sabi ko.

“Bakit di ka pa kumain diyan?”

“Hehehe.. eto na nga hon kakain na ako” ang sabi ko. “Anak dahan dahan lang sa chicken ah”

“Opo papa” ang sabi ni jonel.

Tiningnan ko lang si baby bunso sa tabi ng asawa ko habang nakaupo ito sa baby chair at nilalaro ang biscuit na hawak nito. Napailing lang ako at napangiti.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko na silang umuwi dahil maggagabi na.

“Hon may naiwan pala ako ako sa kotse pahanap naman oh” ang sabi ni jerol ng makarating kami sa bahay. Pumasok na sila sa loob.

Bumalik naman ako sa kotse para hanapin ang pinapahanap nito. Napakunot noo lang ako. Hindi ko nga pala alam ang hahanapin ko. Haixt! Aalis na sana ako ng makita ko ang dede ni baby bunso. Ay baka ito na nga ang pinapahanap niya. Kinuha ko ito at pumasok na ako sa loob.

Pagbukas ko ng pinto ay nagataka ako dahil sobrang dilim. Pumasok ako at dahan dahang sinara ang pinto. Kinapa ko naman ang switch ng ilaw pero Nagulat ako ng bigla itong lumiwanag. Bumungad sa harapan ko ang nakangiting si jerol. Ang asawa ko.

“Lionel” panimula nito at ngumiti siya. Anong meron? Nagugulugan ako.

“Salamat hon, salamat kase minahal mo ako. Salamat kase ginawa mo akong tao. Tao na walang label, walang basehan. Basehan para mahalin mo ang isang tulad ko. Lionel sobra sobra na ang pagmamahal mo sa akin. Sobra mo na akong pinapasaya. Lionel gusto kong pasayahin ka naman. Gusto kong surpresahin ka naman. Gusto kong ipakita sayo na sobrang mahal kita”

Hindi ko alam mga pards pero naiiyak ako.

“Lionel simula ng hawakan mo yang tsupon na yan. Naramdaman kong totoo ka sa mga sinasabi mo. Nang makita kong nagpuyat ka para sa mga anak mo naramdaman kong seryoso ka” nagpunas ako ng luha.

“Nang makita kong pagod kana. Nagagawa mo pa ring pangitiin ako. Pasayahin ang mga anak mo. Lionel..”

Tahimik lang akong humihikbi habang tinititigan siya.

“ Happy anniversary . Mahal kong asawa “ . . . . . . . . . Parang bumalik sa akin ang mga ala-ala…. Mga Ala-alang mahirap kalimutan. Mga salitang aking binitawan at mga pangakong patuloy naming tinutupad…

Eto ang tatandaan mo jerol. Magiging asawa kita. Magiging ama ka ng mga anak ko.

Sa edad mong disi-otso papakasalan kita!

Wala tayong pinagkaiba sa ibang pamilya diyan. Ang pinagkaiba lang natin ay mas mahal natin ang isa’t-isa.

Jerol kaya kong isakripisyo ang lahat para sayo, para sa inyo ng mga anak ko.

Jerol mahal kita. Mahal na mahal kita. Akin ka lang ha.

Si jerol ay para kay lionel lang at si lionel ay para kay jerol lang.


Kahit bakla ka

Kahit panget ka

Kahit ano ka pa

Wag kang mawalan ng pag-asa

Dahil ang pagmamahal ay kaakibat ng respeto at pagpapaka-totoo.

Wag kang matakot mangarap

Wag kang matakot sumubok

Kung umiyak ka, iiyak mo lahat.

Kung lokohin ka, wag kang magpaloko

Dahil ang tulad mo ay hindi dapat sinasaktan at niloloko

Dapat sayo ay NIRERESPETO at minamahal ng TOTOO!

Alam kong kahit sino sa atin ay naghahangad ng lionel sa buhay pero minsan kelangan mo ring maging lionel na tapat at totoo sa mga binibitawang salita

.

.

.

.

.

.

Ako si

lionel at siya naman ang mahal kong asawang si jerol


THE END

!!!

______________________________________________

Salamat sa support guys! Salamat ng marami.

-Hope basahin niyo pa rin ang iba kong story at mga gagawin ko pang kwento salamat ulit sa suporta ❤

-July 22, 2017

# Special Chapter

~

Makalipas ang ilang taon..

Ang bilis ng panahon noh? Biruin mo yun eto ako gwapo pa rin at patay na patay pa rin sa akin ang asawa kong si jerol. Well ganun talaga mga pare kapag mapagmahal at loyal at syempre kapag gwapo ka.

"Aray Hon! Bakit mo ko binatukan?" ang daing ko dito.

"Puro ka pacute diyan. Eh kung Sinusundan mo yung mga anak mo doon" ang utos nito sa akin.

Naghahabulan na naman kase yung dalawang bata. Aixt. Ang kukulit.

Napangiti lang ako sa kanya. Napansin naman ito ng asawa ko.

"Alam mo Lionel para kang sira diyan" Mas lalo namang lumapad ang ngiti ko. Hahaha... Putek nakakakilig pare.

Ang sarap!

Nakagat ko lang ang ibabang labi ko habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Pakshet pre! Ang manyak manyak ko pero ang cute niya talaga eh. Hays.

Inirapan niya ako.

"Lionel mukha kang manyak sa pinaggagawa mo. Gusto mo dalhin na kita sa mental ha?" ang natatawang sabi nito.

Ang cuuutteee..

Hinapit ko siya sa bewang at kinulong sa mga braso ko.

PRE! Ang bango bango niya. Nakakabaliw ang amoy niya. Oo baliw ako. Baliw na baliw dahil sa pagmamahal niya. 

Mas lalo ko pang kinagat ang ibabang labi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Sarap niyang... Teka. Oo nga noh? Mukha nga akong manyak sa pinaggagagawa ko hahaha..

Eh bakit ba sa patay na patay ako sa maliit na to eh.

Nagpapogi ako at kinindatan siya ng malupit.

"Alam mo hon hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka. Mahal na mahal kita tandaan mo yan ha. Walang ibang mag mamay-ari sayo kundi ako lang. AKO LANG at walang iba! Hay.. Ang Gwapo ko talaga alam mo ba yun?" pagyayabang ko dito.

"Eh kahit naman sabihin kong hindi ka gwapo, ipagpipilitan mo pa rin namang gwapo ka eh hahaha.." saad nito. Napanguso lang ako.

"Hon naman eh. Ipipick up line ko sana yun sayo eh. Basag ka naman oh. Tanong mo na lang kase sa akin kung bakit dali" natawa ako ng mapabuntong hininga siya Sh*t! Cute.

"Ok... Ok... Bakit?" ang pagsuko nito.

Tinitigan ko muna siya sa mata. Yung titig na sobrang lapit. Yung titig na punong puno ng pagmamahal.

"Kase ang swerte ko.. Swerte ko kase.." hindi ko tuloy mapigilang ilapit ang mukha ko sa mukha niya. Kitang kita ko ang pamumula sa mukha ni joren. Halos maduling na nga kami sa pagtitigan namin eh.

"Kase Hon, ikaw na ang asawa ko. Ikaw na ama ng mga anak ko. Ikaw na ang nagbibigay ng dahilan para mabuhay ako. Sa lahat lahat jerol, ikaw na ang buhay ko"

At doon hinalikan ko siya ng masuyo sa labi. Ilang segundo ring magkalapat ang mga labi namin ng bigla niya akong itinulak. Tumalikod siya agad. Halos hindi siya makatingin sa akin dahil sa sobrang pamumula ng mukha niya. Nice. Napangisi lang ako.

"Kinilig ka noh?"

"Che! Ang dami mong alam Mister Madrid" ang nakatalikod parin na sabi nito. Humarap ito sa akin at ngumiti. "Sige na hon, asawa ko at buhay ko. Sundan mo na yung dalawang bata at baka kung saan na naman magsuot ang mga yun. Kasing kulit mo pa naman sila"

Tumango naman ako sa kanya at sumaludo. Grabe yung kilig na nararamdaman ko sa totoo lang. I can't hide it. Feeling ko talaga ako na ang pinakagwapong tao sa buong mundo. Wala akong pakialam kung under niya ako, alipinin, gawing katulong o ano pa. Handa akong pagsilbihan siya habang buhay. Basta ang alam ko lang mahal na mahal ko siya at handa akong ipakita na kinikilig ako ng dahil sa kanya.

Siya ang asawa ko.. Siya ang pinakasalan ko.. At dahil ang swerte ko. Diko kayang maghanap ng iba para iwan siya.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko habang hinahanap yung dalawang bata. Ipagluluto kase kami ni jerol ng paborito naming pagkain. Ang swerte ko diba?

Hay!!

Isang Malalim na buntong hininga. Ang sarap magmahal noh?

Napailing na lang ako habang hinanap yung dalawang bata. Marunong na kasing maglakad si baby leon. Simula ng matuto itong maglakad ay halos hindi na namin mapigilan ang kakulitan ng bunso naming anak lalo na at kalaro pa niya ang kuya niyang si jonel. Sobrang swerte namin kay kuya kase maalaga ito sa kanyang bunsong kapatid.

Naabutan ko sila sa sala na naglalaro sa sahig. Kunwari silang mga aso dahil sa nakalagay na stuff toy hat sa kanilang ulo hahaha.. Ang ku-cute nilang tingnan. Binuhat ko si baby bunso at naupo kami sa sofa. Pinaghahalikan ko siya sa pisnge dahil sa kacute-an niya. Tawa naman ito ng tawa. Tinawag ko rin si kuya para palapitin.

"Halika nga rito kuya ng makiss ka rin ni dada" ang sabi ko sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at yumakap.

"Pakiss ako sa dalawa kong makukulit na anak" ang magiliw na sabi ko sa kanilang dalawa. Tawa lang sila ng tawa.

"Hindi naman po ako makulit dada diba?" ang sabi ni jonel.

"Hindi nga eh itong maliit na batang ito. Kanino kaya nagmana at sobrang kulit" ang sabi ko kay baby bunso. Pilit itong bumaba sa pagkaka-kalong ko. Hay mga bata nga naman gusto lagi nasa baba at naglalaro hahaha..

"Parang sayo po ata dada eh.. hihihi.." ang cute na sabi ni kuya at bigla itong tumakbo papalapit kay baby bunso.

"Ah ganun. Sa akin pala ha. Heto na ako raaawwrr!" pag gaya ko sa leon. 

Namataan ko na lang na pareho na silang tumakbo papunta sa kusina. Ang bibilis ah. Hinabol ko sila agad. Pagkarating ko doon ay nakita kong nagtatago sila sa mga binti ng kanilang papa jerol.

"Hmmm.. Asan na kaya yung dalawang yun. Mukhang tinataguan ako ah" ang kunwaring hindi ko alam.

Hagikhikan lang yung dalawang basta sa binti ni jerol. As if na hindi sila kita eh maliit din ang papa nila hahaha.. 

"Hon may nakita ka bang dalawang makukulit na bata diyan?" tumingin sa akin si jerol at nginuso pababa. Hahaha..

"Aha! Andyan pala kayo ha" at naglilikyaw silang dalawa sa tuwa. Nilapitan ko sila at binuhat pareho.

"Papa naman eh. Bakit niyo po kami tinuro kay dada. Ayan tuloy nahuli po kami" ang nakangusong sabi ni kuya. Shet. Cute nila hehehe.. Habang nagtatawanan kami ay siya naman pagsasalita ng bunso naming anak.

"Papa.. Dada.." Ayyy... Eto pa lang kase ang alam niyang sabihin. May sinasabi siyang iba kaya lang bulol pa at hindi namin maintindihan.

Buhay nga naman parang life. Ang sarap.

"Kamusta naman hon ang niluluto mo?" tanong ko sa kanya.

"Eto patapos na. Sige maupo na kayo diyan at kakain na tayo" ang sabi nito.

"Yehey! Yehey! Kakain na kami. Yehey!" ang excited na sabi ng panganay ko habang sumasayaw sayaw pa siya. Nakigaya na rin sa kanya ang bunso nitong kapatid.

Naupo na si jonel sa upuan niya habang si baby bunso naman ay doon ko pa rin pinaupo sa pang baby na upuan para hindi maglikot. Hindi yan magtitino naku! Paglalaruan lang niya lahat ng pagkain.

"Tulungan na kita hon" ang sabi ko ng makita ko itong naghahain ng pagkain.

"Naks! Ang Gentleman naman ng asawa ko" pang-aasar nito.

"Bakit hon. Hindi ba ako gentleman sa paningin mo? Natuturn off kana ba sa akin?" ang paawa effect na sabi ko.

"Sira! Yang kabaliwan mo lionel ha. Umaandar na naman" ang natatawang sabi nito. Ninakawan ko naman siya ng halik sa pisnge.

"Uy si papa kinikilig. Tumi-teenager Yiiieee!" ang panunukso ng panganay kong anak. Nag thumbs up ako sa kanya dahil effective ang panunukso nito sa amin. Ayiieee... Namumula si jerol.

"Che! Kumain na nga tayo" ang pag-iiba nito ng topic. Hindi talaga mawala-wala ang ngiti ko sa labi.

Habang tumatagal ang relasyon namin mas lalong nag-aalab ang pagmamahal ko sa kanya.

Pinaghain ko sila ng pagkain. Pati anak ko ay pinaghain ko na rin at syempre ang asawa ko rin. Sasandok ako ng pagkain at isusubo sa kanya. Sasandok ulit ako ng pagkain at isusubo ko naman sa akin.

Laway niya, laway ko na rin. Walang arte.. mahal ko siya, mahal niya ako at lahat ng meron siya tanggap ko at mamahalin ko. Ganun naman talaga ang relasyon. Kung gusto mo talagang mahalin siya ng totoo.. Mahalin mo muna lahat ng mali sa kanya. Dahil kung mamahalin mo siya sa magandang bagay na nakikita mo. Maaring iwan mo siya kapag hindi mo na gusto ang maling bagay na ayaw mo sa kanya.

Dapat kapag mamahalin mo siya. Mahalin mo lahat. Yun na yun. Kung iwan ka man niya atleast ipinakita mo ang pagmamahal ng isang taong panghihinayangan niya pagdating ng panahon.

Tingnan mo ko. Nakatitig ngayon sa akin ang namumula kong asawa. Mahal niya ang lahat sa akin, ang kabaliwan ko, ang pagiging seloso ko, ang pagkasira ng ulo ko, ang kayabangan ko, ang pagiging mayabang at matapang ko. Lahat yan minahal niya. Kaya eto ako ngayon. Hindi ko maiwasang lumuha dahil sa galak at sayang nararamdaman ko. 

Yumuko ako at pinunasan ang luha ko.

"Hon ok ka lang?" ang nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Wa-wala hon. Ok lang ako" ang humuhikbing sabi ko. "Ang saya ko lang talaga. Nakakarindi mang ulit-ulitin ito pero ang saya ko talaga dahil ang pangarap ko ngayon eto na. Natutupad na. Hon patunayan natin sa lahat na hanggang pagtanda tayo pa rin. Kahit magpa plastic surgery pa ako para lang hindi kana maghanap ng iba gagawin ko. Ako lang hon ha. Mahal na mahal kita hon. Baliw na baliw po ako sayo. Baliaw na baliw" ang sabi ko.

Nakita kong naluluha na rin siya.

"Sira! Hindi mo kelangan baguhin ang itsura mo para mahalin kita. Hindi naman ang istura mo ang una kong minahal sayo.. Ang una kong minahal sayo ay noong minahal mo ko. Doon pa lang alam kong handa na akong ipaglaban ka, ipaglaban sa lahat ng bagay" ang sabi nito. Ngumiti lang ako sa kanya habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.

Humalik ito sa akin at hinaplos ang pisnge ko.

"Tara kain na tayo" ang yaya nito sa akin.

Tumingin ako baby bunso at nagpunas ng luha. Sunod kong tiningnan ang panganay kong si jonel. Hindi ko maiwasang ngumiti sa kanya. Sila ang mga anak ko. Sa mga hindi nakakakilala. Sila ang produkto ng pagmamahalan namin ni Jerol. Sila yung anak na hindi kelangan manggaling sa sinapupunan mo para sabihing ina ka, para sabihing ama ka. Sila yung anak na dapat pinupuno ng pagmamahal mula sa pagiging magulang mo.

Hindi man kami normal sa mata ng iba pero yung kakayahan naming maging magulang sa kanila. Yun, yun ang mahalaga.

Huli kong tiningnan si jerol. Tumango ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.

Kahit lalaki ka wag mong ikahiyang ipakita ang tunay mong nararamdaman at kung gaano mo siya kamahal.

Wag mong ikahiyang lalaki ang minahal mo dahil sa pagmamahal, wala kang dapat ikahiya. Ang ikahiya mo ay yang kaduwagan mong manindigan sa totoo mong nararamdaman.

Kung iniisip mo ang panunukso ng iba wag mo nang subukang magmahal ng kapwa mo. Dahil sa pagmamahal di mo kelangan maging duwag. Ang kelangan mo ay manindigan kahit bakla pa ang itawag nila sayo.

"Hon subuan mo ko ha" ang paglalambing ko sa kanya. Tumango ito at nag-ok sign sa akin. Hahaha.. Hindi siya marunong pero ang cute niya.

Simpleng araw.. Pero punong puno ng saya at pagmamahal.

Wag mawalan ng pag-asa. Wag tumigil mangarap. Love is love.. Always Remenber.. Lovewins <3

-From Madrid Family.

______________________________________

Thanks sa inyong lahat guys. Wag kalimutang suportahan at basahin lahat ng kwento ko.

-

Mali bang magmahal?, Kwento ni Miguel, The Modern Family, Peymus, Lover's Quarrel at Tonyo Berde.

Para po sa gustong basahin ang karakter ni Paulo nasa 
Lover's Quarrel
 Book po siya.

Hanapin niyo na lang po sa profile ko. Dun sa mga works ko :) :) :)

Salamat ulit.

# Guys eto na!

Guys eto na. Hahaha.. Hanapin niyo na po sa mga works ko yung..

The Modern Family 2: Sana Lahat Loyal (MPREG)

Support niyo po ah..

Salamat ulit :)

# Promote!

Guys read my new story ako na pinamagatang "
Try natin"

Hanapin niyo lang sa mga works ko. Salamat  :)

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.