The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
CengCrdva · 21 chapters · 44,082 words
Masked Gentlemen Series 1
This is the first book of MGS. A series collaboration with Miss Belle Feliz ( xoxoxxbelle ) of Precious Hearts Romances.
❤️
The Next Night
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means—whether electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without the prior written permission of the author. Unauthorized use, duplication, or sharing of this material is strictly prohibited and may result in legal action.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations, and incidents are products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is purely coincidental. The author has made every effort to ensure accuracy but assumes no responsibility for errors, omissions, or outcomes resulting from the use of the information contained herein.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.
(R-16) Read at your own risk!
—
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group:
CengCrdva Official Group
Instagram:
Cengcordova
Tiktok: Cengcordova
20
19
© CengCrdva
All rights reserved
BLURB
Blurb
She was just a fan… until the next night, he made her his.
Kina believes she isn’t pretty and never will be. Marami siyang tigyawat, maitim, at payat, kung i-describe ng prangka niyang best friend na si Sol.
Bukod sa pisikal na kakulangan, literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng kahirapan, nagawa nilang mabuhay nang maayos. Ngunit nang iwan sila ng kanyang ama ay tuluyan nang bumagsak ang langit at lupa sa kanyang pamilya.
Sa lahat ng bigat at lungkot sa buhay niya, isang boses lamang ang kanyang kinapitan. Ang boses na sa tuwing naririnig niya ay parang magic na nawawala ang lahat ng mga problema niya.
Her young and innocent heart fell in love with the soul behind the silvery voice. Kahit hindi niya nakikita ang kabuuan ng bokalista dahil sa maskarang nakaharang sa mukha nito, hindi nabawasan ni natigil ang wagas niyang pagmamahal at paghanga para rito.
Kina believes Uno is her soulmate, and she’ll do everything to prove it to him. But one day, she starts to feel that her love for him is slowly being drawn away by the man she hates the most—her boss.
Zackreus Tobias Venavidez was a ruthless, arrogant, and obnoxious man she needed to tame.
Ito na yata ang lalaking pinakamasama sa lahat ng taong nakilala niya. Magaspang ang ugali at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ngunit bakit, kahit sukdulan ang inis niya rito ay hindi niya magawang tumanggi sa kahit anong utos nito?
Bakit sa kada kibot ni Zeto, parang may kung anong hinahalukay sa puso niya?
Bakit sa tuwing tumatagal ang titig nito sa kanya, unti-unti niyang nakakalimutan ang lalaking ipinangakong mamahalin habang buhay?
Makakaya pa kaya niyang baguhin si Zeto, o siya at ang pusong para lang kay Uno ang unang mababago nito?
CHAPTER 1
Chapter One
Kinslett Eleana Zuniga
“Paano kasi ang pangit mo!” pinigilan kong masampal ang kaibigan kong si Sol dahil sa opinyon nito matapos kong ikwento na nagpa-cute ako kanina sa crush kong si Baldo pero hindi naman ako pinansin.
Oo nga at sanay naman akong matabil talaga ang tabas ng pasmado niyang dila pero hindi ko naman in-expect na mas personal at nakakadurog ang mga komento niya ngayon.
“Tignan mo ’yang mga tigyawat mo, kung hindi pula, kulay dilaw naman tapos minsan green pa! Malayo pa ’yung pasko pero naririnig ko na ’yung boses ni Jose Marie Chan sa mukha mo! Ang itim mo pa, Kina! Hindi uso ang black Christmas!” eksaherada niyang dagdag.
Umalis ang mga mata niya at naglakad pababa sa kabuuan kong parang gugustohin ko nalang na bumalik sa sinapupunan ni Mama kaysa ang marinig pa siya.
“May boobs ka nga at may kurba naman pero ang payat pa rin! Buto buto ka pero hindi ka naman bulalo!”
Magsasalita na sana ako para ako naman ang lumait sa buong pagkatao niya dahil talagang nanggigigil na ako sa kanya pero natigil ako nang makita ang paglapit niya sa akin pagkatapos ay hinawakan ang aking kulot at sabog na buhok.
“Tapos ito pa, ha!” gigil niyang kuyumos sa hawak na kulang nalang sabunutan ako! “Itong buhok na ’to magulo pa sa buhay mo! Ano ka ba, Kina? Wala ka ba talagang balak mag ayos nang sarili mo? Ni pulbos yata hindi kilala nang mukha mo eh!”
Mabigat akong napabuntong-hininga. Sa isip-isip ko, tama na kaya ang anim na taon na pinagsamahan namin at pwede nang tapusin ngayon? Baka pwede naman ’no? Matagal tagal na rin naman ’yon tsaka feeling ko sapat na rin ang lahat ng sinabi niya para putulin ang pagkakaibigang ito. It’s a mistake.
Napaismid ako nang makita ang pagtaas ng isang kilay niya na sinabayan pa nang paghalukipkip. Nakipagtitigan ako sa kanya, binabalanse pa rin ang pagkakaibigan namin kung matatapos na ba ngayon o pwede pang isalba.
Kung sabagay, kapag pinutol ko ang pagkakaibigan namin, sino nalang ang matitira sa akin? Eh simula noon, siya, ang kanyang Mama Salina at ang salon na ito nalang ang takbuhan ko sa tuwing magulo sa bahay at gusto kong huminga muna.
“Ano?!” singhal niya kaya kumawala na ang ganti ko.
“Grabe ka sa’kin Soledad ha! Para sabihin ko sa’yo, hindi ka perfect!” tumayo ako at pinantayan ang nanliliit niyang titig sa akin. “Ang taba mo nga eh tapos pandak ka!” ganti ko. “Para ka kayang gasul tapos hindi ka rin naman gano’n kaputi! Lamang ka lang ng isang tabong ligo sa akin dahil maraming tubig sainyo! Tapos ito!” ako naman ang humawak sa buhok niya at ginantihan ito nang kuyumos na mas ramdam niya. Nanggigigil talaga ako!
“Itong buhok mo! Hindi rin naman tuwid! Sabog rin naman, ah!” binitiwan ko. “Nakakasakit ka! Saktan na kita eh! Naku! Nanggigigil talaga ako sa’yo! Hmp!”
Umamba akong susuntukin siya sa mukha pero natatawa siyang umiwas.
“Kainis ka! Hindi ka na mabiro!” humahalakhak niyang tinampal ang kamay ko.
“Pangit ka?”
“Tayo!” giit ko.
“Pangit tayo?”
“Lalo ka na!”
Muling humagalpak ang malakas niyang tawa at pagkatapos ay ipinulupot na ang kamay sa aking braso.
“Ang pangit pala natin ’no? Halika na nga! Magpaayos nalang tayo nang buhok para mabawas-bawasan naman ang sumpa ng kapangitan!” humahagikhik niyang dagdag habang kinakaladkad ako sa isang upuan sa kanilang salon na may walong salamin at upuan para sa mga customer.
Ganito kami palagi ni Sol. Minsan kahit personalan, sa huli ay tatawanan nalang namin ang lahat dahil totoo namang hindi talaga kami magaganda. Aminado ako dahil medyo sinungaling rin si Mama pagdating do’n. Maganda si Mama, maputi taliwas sa kulay kong medyo morena na naging sunog na dahil sa kakasama kay Sol sa tuwing may reunion sila at naliligo sa beach.
Dut or Dark ugly ten. Iyon ang tawag sa amin sa school dahil hindi kami maputi, hindi rin maganda, payat ako at matangkad samantalang si Sol naman ay mataba’t pandak at kapag pinagsama ay parang number ten. Dark ugly ten.
Minsan nakakasakit pero sa tinagal-tagal na naming nabu-bully, namanhid nalang kami at wala na ring pakialam sa sinasabi nang iba. Maswerte pa rin ako dahil nariyan si Sol para samahan ako sa sakit, sa hirap at lalong lalo na sa saya kaya iyon nalang ang iniisip ko. Ang mga swerte ko at hindi ang mga malas.
Sol and I became best friends when we moved here in Manila six years ago. Palibhasa katapat lang ng salon at bahay nila ang inuupahan naming apartment at nag-iisa lang itong anak kaya madali kaming nagkasundo. Mayroon naman akong kapatid. Si Kenken na tatlong taon ang agwat sa akin kaya nga lang ay hindi ko siya pwedeng kalaruin dahil may hika at madaling magkasakit. Naiintindihan ko naman at hindi naman ako nagrereklamo dahil kung gaano kabait si Mama ay gano’n rin kabait ang Mama ni Sol na si Tita Salin sa akin. Ang bahay nila ang pangalawang bahay ko at hindi ako pinagbabawalang makipaglaro rito. Mas masaya sa bahay nila kapag naroon ako, sabi ni Tita. Nasa abroad rin kasi ang Papa ni Sol at minsan lang kung umuwi ng Pilipinas kaya silang dalawa rin lang ang tao rito.
“Kumusta na si Kenken?” tanong niya Ate Medusa, isa sa mga baklang stylist nang kanilang salon na kasalukuyang gumagawa nang treatment sa buhok ko.
Kung tutuusin ay hindi naman kailangan pero nakumbinsi na rin ako ni Sol pagkatapos nang laitan namin kanina. Ang pangit ko pala talaga ngayon lalo na’t naghuhumitik ang mga tigyawat ko. Magkakaroon na yata.
“Okay lang naman po. Medyo wala nang hika.”
“Kung bakit ba kasi lumipat pa kayo rito sa siyudad. Hindi ba mas okay kung nasa probinsiya dahil sariwa ang hangin doon?”
“Gusto rin naman po sana naming bumalik pero nag-aaral na po ako at may trabaho na ring maayos si Papa. Isa pa, gano’n pa rin po doon sa amin. Magulo pa rin.”
“Nag-aagawan pa rin ang mga kamag-anak niyo sa katiting na lupa?”
Nagtinginan kami ni Sol gamit ang salamin.
“Gano’n na nga po.”
Pasimple akong napabuntong hinga nang maalalang malapit na naman ang pasukan at wala pa akong perang pambili ng mga gamit. Kagabi kasi ay narinig kong nag-uusap si Mama at Papa na kulang ang sahod nito ngayon dahil sa mga gamot ni Kenken gawa nang muling pagsumpong ng hika nito.
Grade seven na ako ngayong pasukan pero gaya noon ay iisa pa rin ang problema namin. Pera. Ngayon nga ay hindi ko na alam kung makakapag-aral pa ba ako ng college. Kahit masipag si Papa, kulang na kulang pa rin ang sweldo niya bilang gwardiya ay kita sa pa-extra extra sa vulcanizing shop. Kung sana nga ay may kaya kami gaya nila Sol ay hindi ko na sana kailangan pang isipin ’yon.
“Parang ang lalim naman yata nang iniisip ng best friend ko?” napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Sol matapos akong tabihan.
Kasalukuyan kaming nasa tuktok nang kanilang bahay. Hindi sa attic o ano kung hindi sa mismong bubong. Ito ang secret hide-out naming dalawa. Ang maliit na bintana sa kanyang kwarto ang nagsisilbing pintuan namin patungo rito at dito lumalabas ang lahat ng sikreto at mga hinanaing namin sa buhay.
“Huwag mo nang isipin ’yon si Baldo. Hindi naman ka-gwapuhan ’yon tsaka minsan hindi ’yun naliligo! Maniwala ka!”
Naiiling akong natawa.
“Hindi naman ’yon. Iniisip ko kung anong mangyayari sa akin sa pasukan, baka mahuli na naman ako sa pagbili ng gamit. May sakit na naman si Ken at maraming gamot. Ang sabi ni Papa, nangutang na naman siya sa ka-trabaho niya at baka wala na siyang mautangan sa susunod.”
“Oh tapos?”
“Ibig sabihin, wala akong pambiling gamit. Butas na ang sapatos ko at pigtas na ang strap nang backpack ko.”
“Hindi na matatahi?”
“Nakailang tahi na ako doon. Grade four palang tayo no’n, Sol.” malungkot kong sabi. “Tapos yung mga notebook ko naman, hindi na rin pwedeng i-recycle dahil kakaunti nalang ang natira.”
Narinig ko ang pagbuntong hinga niyang nahawa na naman sa bigat ng mga problema ko.
“Mabigat nga… Parang gusto ko nalang ring matulala.” ibinigay niya sa akin ang limang chichiryang tig-pipiso na dinukot na naman niya sa tindahan nila. Siguro’y hindi na naman nabantayan ni Tita Salin.
Sinamahan niya akong matulala. Walang nagsalita. Parehas kaming tahimik at tulalang sumusubo ng maliliit na chichiryang galing sa nakaw pero napukaw ako nang maya maya’y marinig ang paghikbi niya.
Marahas kong naipilig ang aking mukha patungo sa kanyang direksiyon.
“Anong nangyari?” binitiwan ko ang hawak at inilapit sa kanyang matabang braso ang mga kamay ko.
Bahagya ko siyang niyugyog pero wala siyang imik. Patuloy pa ring lumuluha at tulala.
“Uy, Sol!” niyugyog ko ulit.
Natataranta ko siyang niyakap at inalo gaya nang dati na kapag nagsasabi ako ng problema ay nag-iiyakan nalang kami.
“Okay lang naman ako, Sol. Ilang linggo pa naman ang pasukan at makakapag-ipon pa si Papa. Huwag ka ng malungkot para sa’kin. Pwede pa rin naman sigurong tahiin ko ’yung bag ko at ’yon ang gamitin para makapasok ako. Huwag ka nang umiyak ha?”
Tumango tango siya at ngunit malungkot pa ring pinunasan ang kanyang mga mata.
“Okay lang naman ako.”
“Ako hindi.”
“Sol–”
“Nakagat ko nang matindi ’yung dila ko, Kina. Masakit kaya nakakaiyak.” muli siyang naluha pero natigil ako sa pag-alo sa kanya at pagpapaliwanag sana nang sitwasyon ko dahil hindi naman pala ’yon ang iniiyakan niya!
Handa na sana akong pagalitan siya pero hindi ko na nagawa nang bumuhos ang malakas na ulan. Nagkukumahog kaming pumasok pabalik sa loob at hindi na rin ako nagtagal sa kanila. Patakbo kong tinawid ang bahay namin kahit bumubuhos ang ulan at wala akong payong na dala. Sa huli, napagalitan ako ni Mama dahil aniya’y magkakasakit ako at dadagdag pa sa problema.
Hindi na ako nagsalita. Stress lang si Mama dahil sa gastusin at kakulangan sa pera pero kahit na nakakapagbitiw ito ng mga salitang mabigat ay alam kong hindi niya naman iyon sinasadya. Pinaghanda niya kami ni Ken ng cup noodles at iyon ang naging hapunan namin. Pagdating ni Papa ay muling bumigat ang presensiya sa aming bahay. Hindi ko maiwasang muling malungkot nang makita ang mga grasa sa kanyang magkabilang braso. Ilang araw ko nang nakikitang walang pahinga si Papa para sa amin pero anong magagawa ko?
“God bless you, Anak. Kumusta?” tanong niya matapos kong magmano at humalik sa kanyang pisngi.
“Ayos lang po, Papa. Kayo po?”
“Pagod pero okay na at nakita ko na kayo.”
Lumapit si Ken at Mama para batiin naman siya kaya tumabi ako sandali. Sa tagpong iyon ay parang bumagal ang takbo ng aming lumang orasan. Habang pinapanuod ko sila ay naibsan ang bigat sa aking dibdib. Sa nakangiting mukha ni Papa na parang napawi ang lahat ng pagod niya dahil sa mga yakap at halik namin ay napawi rin ang lahat ng lungkot sa puso ko.
Doon ko naisip kung gaano siya katatag at kahanga-hanga. May mga kaklase akong mayayaman at ni minsan ay hindi nagkaroon ng problemang pinansiyal pero malulungkot dahil hindi buo ang pamilya tapos ako… Heto, minsan ay nagrereklamo pero hindi ko naisip na ang mga pagkakataong ganito pala ang pinaka-importante sa lahat. Ako, si Mama, si Papa, si Kenken at hindi ang pera at estado sa buhay.
Wala sa sariling napangiti ako at dinaluhan sila sa kanilang yakapan at batian. Habang pumipikit ay parang gusto ko nalang ring lubusang tanggapin na pangit ako, maitim, payat at mahirap pero buo at masaya naman ang pamilya dahil sa tingin ko, iyon ang pinaka-mahalaga.
Pangit pero may mabuting kalooban. Mapayat pero busog sa pagmamahal. Maitim pero may maliwanag na bukas dahil sa pagsusumikap nila at mahirap pero masaya. Masaya at maswerte. Maswerteng maswerte…
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat :
Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 2
Chapter Two
Fix You
"Dut dut dut, dut dut dut!" paulit-ulit na kanta sa tonong budots ng mga bully naming schoolmate habang sinusundan kami ni Sol papunta sa aming classroom.
Katatapos pa lang ng flag ceremony sa unang araw nang klase ngayong taon pero maaga ring bumungad sa amin ang mga asaran nila. Hindi na ako magtataka. Habang magkahawak kamay naming binabaybay ang daan patungo sa aming silid ay wala akong inisip kung hindi ang mga positibo sa buhay ko't hindi ang mga nang-aasar. Kung gaano ako ka-swerteng nakapag-aral ako ngayong taon at mayroong kaibigan sa kabila nang kalupitan nang lahat sa akin.
Nagpapasalamat akong sinwerte si Papa at tumama sa jueteng na minsan lang kung tayaan. Dahil doon ay nakabili ako ng mga gamit at nagkaroon ng budget sa ilang linggong pambaon. Hindi ko naman na kailangan magbaon pa ng pera dahil si Sol ay sagana sa pagkain at lagi akong dinadamay pero gusto ni Papa na may extra ako para kapag may emergency o kailangang bilhin ay hindi na ako manghihingi pa. Madalas namang wala kaya naitatabi ko ang lahat ng baon ko.
"Hayaan mo na." pinisil ko ang matabang kamay ni Sol nang maramdaman kong papatol na naman siya sa mga undin at kulang sa ugoy ng duyan ng mga magulang.
"Naiinis na ako. Ang pangit ng boses nila at nakakainis na pero gusto kong sumayaw."
Pinigilan kong mapahagikhik sa ibinulong niya. Alam kong inis na inis na siya pero nagagawa pa ring gawing magaan ang sitwasyon.
"Sasayaw nalang tayo mamaya ng budots kapag wala nang epal."
Lumawak ang ngiti niya at tinanguan ako sabay hila sa akin para mas mabilis na kaming makarating sa aming silid.
Kung akala namin ay nakawala na kami sa mga masasamang iniluwal sa mundo, nagkakamali kami. Pagpasok palang kasi namin ay sabay sabay na silang nagtawanan. Nanguna doon ang reyna ng kulto ng kasamaan na si Eunice.
"Nandito na pala ang Dut!" malakas niyang hiyaw sabay turo sa amin dahilan para mas matawa ng malakas ang lahat. "Akala ko hindi na sila tinanggap rito sa school. Sila lang 'yung nakakasira ng image rito! Ang papangit!"
"Akala mo naman maganda." bulong ni Sol sa mahinang boses dahil sa maagap kong pagpindot sa palad niyang hawak ko pa rin.
Ipinilig ko ang aking ulo at hindi sila pinansin. Hinila ko si Sol sa dalawang bakanteng upuan pero bago pa kami makaupo ay nagmamadaling kinuha 'yon ng dalawang lalaking kampon ng kadiliman.
"Oops! This is occupied! Doon kayo." ngising demonyong sabi nang lalaki sabay turo sa kabilang upuang binakante nila para lang asarin pa kami lalo.
Hindi ko sila pinatulan kahit na napipikon na rin ako. Pumasok ako rito para matuto at hindi malait pero anong magagawa ko kung may mga tao talagang pinaglihi kay Satanas?
"Halika, Kina."
Si Sol naman ang humila sa akin papunta doon pero gaya kanina, bago pa kami makaupo ay nauna na doon si Eunice at ang tatlong alagad niya para upuan ang mga bakanteng silya na akala yata'y naglalaro kami ng trip to Jerusalem. Ang kaibahan lang, trip to hell ito dahil masasama silang tao.
"This is our seat, uglies!" ipinilantik niya ang mga daliri sa ere na parang pati kaluluwa namin ay itinataboy. "Alam niyo kung saan kayo bagay?" napaatras kami ni Sol nang humakbang siya palapit sa amin habang iritado kaming tinititigan. "Near the trash bin! Masyado kayong pangit para rito at doon lang kayo bagay!"
Ilang beses akong napalunok. Hindi dahil natatakot ako kung hindi para pigilan ang sarili. Oo nga at kahit kailan hindi naman kami gumaganti sa kanila pero sa totoo lang masakit rin. Nakakalungkot isipin na ang tanging pinunta ko lang rito ay matuto pero may mga taong maraming galit sa puso na nagagawang sa iba ibaling. Sa mga inosente at mahina na gaya namin ni Sol.
Nang maramdaman ko ang panginginig ni Sol ay inalis ko ang tingin kay Eunice at tinapik ang kaibigan ko. Buong puso ko siyang nginitian kahit na ang totoo ay gaya niyang naiiyak na rin ako.
"Doon tayo, Sol. Halika na." mas masaya kong sambit para matahimik na ang lahat.
Kahit na walang humpay ang asaran at tawanan nila ay taas noo kong iginiya si Sol patungo sa upuan malapit sa mga basurahan. Sinadya nilang ilagay iyon doon at ilayo ang iba para hindi mapadikit sa amin na parang mayroon kaming nakakahawang sakit.
"Okay lang..."
bulong ko sa sarili ko. Hindi naman ako narito para makipag-kaibigan. Narito ako para pumasok at mag-aral para sa kinabukasan ko at pamilya. Walang masakit na salitang magpapahinto sa akin dahil kaya ko. Kakayanin ko ang lahat at papatunayan kong may mararating ang lahat ng sakripisyo ni Papa. Muli akong napangiti at tuluyan nang isinara ang mundo sa mga negatibo.
Mabuti nalang at hindi na rin naman nagtagal ang sakripisyo namin dahil sa pagdating ng unang guro sa unang subject. Tahimik ang lahat habang nagsasalita si Miss Mendez, tila mga anghel ang kaharap pero mataas at buo na ang mga sungay.
Napapailing nalang kami lalo na ng marinig ang pag-po ni Eunice rito ng tawagin pero wala namang naisagot dahil said ang utak sa kaalaman. Nagtaas ako ng kamay.
"Science is a well organized body of knowledge that has been accumulated through ages carefully. Observation, experimentation, evaluation and reasoning." sagot kong nagpalawak ng ngiti ni Miss Mendez.
"Very well said Miss Zuniga!" proud niyang hiyaw na dahilan ng mga bulong-bulungan ng lahat pero gaya kanina, hindi ko nalang pinansin.
Ang mahalaga sa akin ay nakakasagot ako at nangunguna sa klase. Hindi na mahalaga kung bully-hin at iisa lang ang kaibigan dahil hindi naman iyon ang magbibigay sa akin ng tunay na kayamanan at saya.
Matapos ang ilan pang sumunod na klase at dumating ang break time ay agad kaming lumabas ni Sol at nagtungo sa canteen para maiwasan na rin ang galit ni Eunice na hindi ko alam kung saan galing niya hinuhugot. Akala namin nakaligtas na kami sa kampon ng kasamaan pero hindi pala. Marami palang branches ito na mas marami pa sa science kaya kahit saan kami nagpunta, hindi kami natahimik.
Sa huli, gaya ng mga nagdaang taon, sa girl's bathroom kami nauwi. Ito na ang nagsisilbing canteen at safe place namin. Hindi hadlang ang madumi at mapanghing cubicle sa masaya naming kainan at kwentuhan tungkol sa napag-aralan at ilang pahapyaw na rin sa mga bully. Ewan ko ba kung paano kami nakatagal pero hindi na 'yon importante. Ang mahalaga naman ay nakakaraos kami at natututo pa rin sa pagtapos ng araw.
Iyon ang naging sistema namin ni Sol. Sa mabilis na paglipas ng mga araw ay proud akong nakaka-survive pa rin kami.
Pagod kong inihiga ang katawan ko sa katre. Napagod ako sa araw na ito hindi sa mga gawain sa school kung hindi sa pagtakas sa mga bully na mainit ang dugo sa amin. Kahit ayaw kong malungkot, sa pagbaba nang araw at ako nalang mag-isa ay iyon ang nararamdaman ko.
Tamad kong inabot ang maliit na salaming nakasingit sa gilid ng kama namin ni Ken. Inayos ko ang aking buhok at hinanda ang sarili sa ambang pagtingin sa mukhang ayaw ng lahat. Napangiwi ako ng makita ang hitik na namang mga tigyawat. Hindi naman ako nagpupuyat. Maayos rin naman ang pagkain ko kahit papaano at minsan ay nagja-jogging rin kami ni Sol at exercise pero bakit kaya hindi maubos ubos ang mga ito?
Tinakpan ko ang ilang malalaki. Kung wala siguro ito, magbabago ang tingin ng tao sa akin. Baka hindi sila mandiri sa akin. Baka mas makita nila ang talino ko at personalidad kaysa sa mukhang ito. I sighed at that.
Sabi ni Mama, lilipas rin daw ang lahat dahil kasama ito sa pagdadalaga ko pero bakit parang hindi naman nababawasan? Kung ganito pala ka-pangit ang magdalaga, sana forever nalang pala akong bata.
Kumawalang muli ang malalim kong buntong hinga. Para akong nahilo sa muling pag-ulit ng mga masasakit na salitang natanggap ko kanina at nitong mga nakaraang araw. Kung paanong ako ang naging sentro ng katuwaan nila eh hindi naman ako mukhang clown. Mukha kaya akong pang-horror...
Inis kong ibinalik ang salaming iyon. May sumpa yata at hindi ako doon gaganda habang buhay. Kung totoo nga lang ang blusang itim, baka sinuyod ko na ang lahat ng mga ukay-ukay para lang ma-experience kong gumanda at mahalin ng lahat. Ang sarap siguro no'n 'no? Iyong tanggap ka at mabait sa'yo ang mga tao...
"Kina, kain na muna bago matulog!" si Mama sa pagod na boses sa labas ng kwarto namin ni Kenken kaya nagmadali akong lumabas.
"Si Papa po?" tanong ko nang mapansing wala pa ito.
Umupo ako sa silya. Tapos na siyang maghain.
"Mag-o-over time na naman ang Papa niyo ngayon at itong si Ken ay wala nang gamot."
Napatingin ako kay Ken na inosenteng tinitikman ang sabaw nang ulam naming tinola. Minsan naisip kong ito ang may kasalanan nang lahat ng paghihirap namin sa buhay pero hindi ko magawang sisihin siya. I love my sister so much just as much as I love my parents. Maganda si Kenken at maputi hindi tulad ko. Makinis rin ang balat at parang hindi dadaan sa mga pinagdaraanan ko ngayong ugly puberty.
Sana lang.
"Baka bukas ay hindi rin 'yon umuwi. Hindi bale, maglalabada ako para naman may extra tayong pera pambaon mo."
Hindi ako nakakibo. Mas lalong bumigat ang puso ko sa narinig. Hindi na nga magkanda-ugaga si Mama sa gawaing bahay, magdadagdag pa ng gawain para sa amin pero hindi ko naman magawang magsalita dahil iyon naman talaga ang kailangan namin ngayon at sa mga susunod pang bukas. Sa pagkakataong 'yon ay pakiramdam ko'y isinumpa na ako.
Mabigat ang dibdib kong bumalik sa kwarto pagkatapos ng hapunan at hindi na nakatulog hanggang madaling araw. Gusto kong i-text si Sol pero ayaw ko namang maging selfish at istorbohin pa siya. Kung tutuusin ay wala namang problema ang kaibigan ko. Nagkakaroon lang dahil sa kin. Minsan ay naaawa na rin ako sa kanya dahil nadadamay siya pero palagi niyang sinasabi na hindi niya ako iiwan dahil magkaibigan kami at magiging magkaibigan hanggang dulo.
Habang nakatulala sa bulok na kisame ay naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko. Sinabayan pa nang malungkot at mahinang tugtog nang radyo sa aking gilid. Hindi nagtagal ay bumuhos na ang aking mga emosyon. Paulit-ulit ang bigat at dagok sa aking puso dahil sa matinding lungkot na nararamdaman.
Everyone hates me... Ayaw ko mang isipin pero siguro pati ang Diyos ay ayaw sa akin dahil sa pahirap na nangyayari sa buhay ko. Tanging malinaw sa akin ngayon ay nasasaktan ako. Ang ilang araw na tiniis kong mga salita ay ngayon lang gumuhit sa aking inosenteng puso. Maya maya ay nanghihina na akong napahagulgol.
Mabuti nalang at wala sa tabi ko si Ken at nagpasyang sa tabi ni Mama matulog dahil kung hindi ay baka nagising ko siya. Tahimik kong niyakap at itinakip ang unan sa aking bibig para kalmahin ang sarili pero walang nangyari. Mas lalo lang akong nalunod sa lungkot na nararamdaman pero nang magbago ang kanta sa radyo at umagos mula roon ang maganda't malamig na tinig ng isang lalaki ay bahagya akong natigil.
"When you try your best but you don't succeed... When you get what you want but not what you need. When you feel so tired but you can't sleep. Stuck in reverse..."
Awtomatiko akong napalunok nang marinig ang isa sa mga paborito kong kanta. Natahimik ako. Pilit ko ring pinigilan ang sarili kong humikbi at gumawa nang ingay para lang mapakinggan ang malamyos at nakakapanindig balahibong tinig na 'yon na parang gusto nalang akong yakapin at aluin ngayon.
Nakinig ako pero pakiramdam ko'y napawi ang lahat ng lungkot ko nang marinig ang pagkanta niya ng chorus.
"Lights will guide you home... And ignite your bones. And I will try to fix you..."
Wala sa sariling napapikit ako kasabay nang paghigpit ng yakap ko sa aking unan. Habang nagpapatuloy ang pagkanta niya ay patuloy naman ang pag-aalo nito sa akin. Pakiramdam ko'y marahan akong inaangat nang boses niya palayo sa dagat ng kalungkutan. Para akong dinadala sa isang malayong lugar at sinasabing hindi ko kailangang malungkot dahil naroon siya. Hindi ko kailangang mag-alinlangan dahil hindi niya ako pababayaan. He will protect me and guide me no matter what...
"Lights will guide you home... And ignite your bones. And I will try to fix you..."
Hindi na lumuha ang mga mata ko. Hindi na nalungkot ang puso ko pero kusang dumilat ang mga 'yon ng matapos ang madamdamin nitong pagkantang tila kinakausap ako sa malalim na lenggwahe ngunit hindi nagawang magpaalam.
Natutuliro't nabibitin akong napatitig sa radyong dala ko pa galing sa probinsiya. Wala nang tunog iyon maliban sa static sound na masakit sa tenga hudyat na tapos na ang programa. Sarado na. Wala na. Pero ako, naiwang nakatitig, nakatulala at naghihintay...
I'm sure he is a singer at matagal na sa ginagawa pero bakit parang ngayon ko lang narinig ang boses na 'yon? Araw-araw nakabukas ang radyo ko pero ni minsan, hindi ko siya narinig. He is really good... Napakurap-kurap ako.
Who are you? Can you really fix me? Pwede nga ba 'yon? Pwede pa nga kayang umayos ang lahat? Pwede pa ba kitang marinig? Kahit isa pa? Kahit isa nalang?
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat :
Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 3
Chapter Three
Sleep Tonight
Hindi natinag ang malawak kong ngiti kahit na ilang oras na yatang nakatitig sa akin si Sol, ang kaibigan kong gasul.
Simula nang marinig ko ang boses na ’yon kagabi ay hindi na nawala ang ngiti ko. Mabilis rin akong nakatulog dahil doon. Kaninang umaga, maganda ang gising ni Mama at may pa-hotdog sa hapag at gatas. Mas maayos na rin ang lagay ni Ken at mas magana nang kumain kumpara nitong mga nakaraan.
Ang gwardiya pagpasok ko kanina ay unang beses rin akong binati na parang bagong estudyante ako’t ngayon lang nakita! Muntik ko na siyang yakapin sa tuwa ko! Punong-puno ng kasiyahan ang puso ko at alam kong nag-ugat iyon sa boses na walang kasing ganda. Pakiramdam ko, may swerteng dala ’yon.
Nababaliw akong napahagikhik habang nag-i-imagine ang mga nakakabaliw na bagay, pero napatikhim ako nang makita ang pag-nganga ni Sol kasabay ng panlalaki ng mga mata niya habang pinapanuod pa rin ako.
“Alam mo kinakabahan na ako sa ’yo!” aniya matapos ang matagal na pananahimik at pagtitig lang sa akin.
Kinagat ko ang aking labi at inalis ang tingin sa malayong mga estudyanteng nagkakasiyahan sa field. Ngayong umaga ay nakatago kami sa isa sa malaking puno sa school grounds para umiwas sa mga bully, pero kahit na yata babuyin nila ako ngayong araw ay hindi ako maaapektuhan.
Pakiramdam ko, walang puwang ang lungkot sa puso ko dahil sa nangyari at narinig kagabi. Pakiramdam ko, kahit saktan nila ako ay mapapawi iyon marinig ko lang ang boses na ’yon at sisiguraduhin kong maririnig ko siya ulit.
Alam kong simpleng bagay lang iyon at hindi ko na alam kung bakit ganito na lang ang epekto sa akin pero iyon ang nararamdaman ko. Saya.
“Bakit?” mas diniinan ko ang pagkagat sa aking labi para pigilan nang tuluyan ang pag-ngisi.
“Nakainom ka ba ng pagkaing may flavor na leptospirosis? Ang weird mo.”
Napahagikhik ako kaya nalilito siyang napahawak sa dibdib na parang na-offend.
“Ang OA mo, Soledad,” kinuha ko ang libro ko at binuklat ’yon kahit na wala naman akong kailangan at gustong basahin. “Maganda lang ang gising ko.”
“Bakit?”
“Anong bakit? Bawal ba ’yon?”
Mas lalong nagsalubong ang mga sabog niyang kilay gaya nang sa akin.
“Eh simula nang ipanganak ka sa mundo, alam kong palaging masama ang gising mo kaya nakakapanibago. Anong nangyari? Alam kong meron.” giit niya.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagbabasa sa mga nakasulat sa librong hindi ko naman maintindihan.
“Wala nga.”
“Hindi ako naniniwala kaya sabihin mo na.”
Napapikit ako at parang nababaliw na namang napangisi.
“Oh ayan! Ayan na naman ’yang mala-leptos mong ngisi! Ano ba? Pinansin ka na ba ni Baldo sa limang taon mong pagpapa-cute at pagsubok na patirin siya para lang mapansin ka?”
Doon na lumabas ang tawa ko.
“Hindi! Tsaka simula ngayon, hindi ko na crush si Baldo.”
Lumaki lalo ang pag-nganga niya na parang naghihintay na lang nang mansanas.
“Eh sino na?!”
Huminga ako ng malalim at tiniklop ang libro, sumusuko sa pagtatago ng sikreto kay Sol. Hindi ko pala kaya. Alam kong mawi-weirduhan siya sa sasabihin ko pero bahala na.
“May nangyari kasi kagabi.”
“Ano, Kina?! Bata ka pa!” malakas at eksaherada niyang hiyaw na kung naiistorbo lang ang mga puno ay nasipa na siya!
“Wala pa nga, Soledad!”
“Ano nga?! Ang bagal mong mag-kwento!”
“Wala! Simple lang! May narinig akong boses sa radyo kagabi at iyon na ang bago kong crush! Hindi na si Baldo!”
Napapapikit siyang nabaliwan sa mga sinabi ko. Umaawang ang bibig niya pero kusa iyong tumitikom na tila nawawala kaagad sa utak ang mga gustong sabihin.
“Ano kamo?”
“Ganito kasi,” umayos ako ng upo para harapin siya. “Kagabi malungkot ako, umiiyak tapos nung narinig ko ’yung kumakanta sa radio, natigil ako.”
“Sino? Si Freddie Aguilar? Rey Valera? O Janno Gibbs?”
Rumolyo ang mga mata ko. “Wala na bang mas tatanda pa sa mga singer na ’yan?”
“Mas matanda pa?!”
“Sol, hindi!” napa-‘tsk’ ako at muling napairap. “Hindi ko alam kung sino pero siguradong hindi pa siya matanda. Kagabi ko lang narinig ang boses na ’yon…”
Ipinilig ko ang aking ulo palayo sa kanya at pagkatapos ay marahang inihilig ang katawan sa puno. Tumingala ako sa kulay asul na langit na may mangilang ulap na marahang gumagalaw.
“I don’t know him… at hindi ko alam kung kailan ko siya makikilala pero sa ngayon, ang boses niya lang ang gusto kong marinig. Hindi ko na alam Sol… Hindi kaya siya na ang soul mate ko?”
Napapakurap-kurap pa ako nang sabihin ’yon pero ang lahat ng pananaginip ko ng gising ay mabilis na naglaho nang maramdaman ang mabigat na kamay niyang bumatok sa akin.
“Aray!”
“Para kang baliw!”
“Akala mo ba magaan ’yang kamay mo, ha?!” reklamo ko.
“Naiinis kasi ako sa’yo at kailangan mong magising! Kina, sa panahong ngayon hindi na uso ang soul mate! Hindi ’yon totoo at isa pa, kung singer nga talaga ’yan at maganda ang boses–”
“Singer at napaka-ganda nang boses!” pagpuputol ko pero hindi siya huminto sa panggi-gising kuno sa akin.
“Kung gano’n dapat sikat siya! At kung sikat man, hindi ka rin no’n papansinin! Si Baldo ngang kulang sa ligo hindi ka pinapansin, ’yon pa kaya?!” prangka niyang pagalit sa akin dahilan para mapanguso ako.
“Alam mo, wala talagang magandang lumalabas diyan sa bibig mo!”
Natawa siya at umayos ng upo sa aking tabi, ginaya ang pagsandal ko sa malaking puno.
“Kina, ang sa ’kin lang dapat marunong tayong mangarap nang sapat at ’yung kaya lang nating abutin. Kung sikat na tao ang papangarapin mo, habang buhay ka na lang mangangarap. Sa dulo, baka masaktan ka pa. Hindi ka pa ba sawang masaktan?”
Napabuntonghininga ako at maya maya’y napapikit na. Muli kong sinariwa ang madamdaming pagkanta niya kagabing tila hinaharana ako at inilalayo sa lahat ng sakit at problema. Pinipilit na dalhin sa isang mundo kung saan kami lang ang naroon… Lugar kung saan punong puno ng pagmamahal at walang kahit na sinong makakasakit sa akin…
Nagpapasalamat akong hindi na ako inistorbo ni Sol. Hindi ko na rin siya sinagot para hindi na humaba pa ang usapan. Sa totoo lang, sawa na rin naman akong masaktan pero anong magagawa ko kung mapanakit ang mundo? Kung siya ang soulmate ko at darating ang araw na masasaktan niya ako, alam kong magiging worth it ’yon sa lahat nang magiging saya ko kasama siya pero… Totoo nga kaya ang soulmate?
Hindi nawala sa utak ko ang katanungang iyon hanggang sa matapos ang klase at makauwi ako. Nagmadali akong kumain at ginawa kaagad ang mga kailangan kinabukasan sa school para abangan ang boses na ’yon pero naging payapa na lang ang maingay na kalsada sa labas ay bigo pa rin ako.
Namumungay sa antok ang mga mata kong tinitigan ang maliit na orasan na nakapatong sa lumang durabox laman ang mga damit namin ni Ken. Alas dos y media na at antok na antok na rin ako pero ang katawang lupa ko ay ayaw pang magpaawat!
I feel like I need to hear his voice again para magpatuloy ang swerte ko. Nagsimula ang araw kong masaya at natapos iyong payapa. Hindi ko alam kung paanong nangyari walang masyadong umaway sa amin ni Sol at pati siya ay nagtataka rin pero ako, ito ang alam kong dahilan.
May dalang swerte ang boses na ’yon and I need to hear it again. Kahit magkaroon ako ng ten kilos na eye bags ay maghihintay ako.
Lumipas ang limang minuto pero wala pa rin. Sampu, bigo pa rin. Dama ko ang pagbagsak nang mga mata ko at gusto ko na ring sukuan ang paghihintay pero ang lahat ng antok at pagod ay agaran at parang magic na nawala nang tumugtog ang mga instrumento sa panibagong kanta nang sumapit ang limang minuto bago ang alas tres ng madaling araw.
“Tell your goodnight to the light and close your eyes.
There’s a better place for you than to stay awake.
You’ll get closer to a paradise of dreamers in love.
You’ll get better like heaven has done something…“
Naramdaman ko ang mabilis na pagkalat ng tuwa sa aking mukha at mabilis na Nalaglag patungo sa aking puso. Hindi ko alam kung OA ba talaga akong tao gaya ni Sol pero sunod ko nalang nadama ang mabagal ngunit pulidong pagtulo ng mga luha ko. Na parang ang lahat ng pagod at panalangin ko ay sinagot na!
Napapikit ako habang pigil ang mga hikbi sa labi. Ni minsan ay wala akong inidolong singer lalo na rito sa Pilipinas pero ang isang ito, isang beses ko palang naririnig parang gusto ko siyang gawing tunog nang mundo ko bente kwatro oras.
“So lay now, I’ll take over the night. T
here’s no teardrop, you can count on me tonight
Or I’ll stay up with you…“
I wish Sol is with me right now. Kung maririnig niya ito, alam kong doon niya ako lubos na maiintindihan.
“Baby it’s alright
I’ll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby it’s alright
I’ll be just by your side
I’ll keep you on my sight
I’ll never leave ’til you sleep tonight…“
Nanatili akong nakapikit at yakap ang unan ko habang pinapakinggan siyang haranahin ang nagsusumamo kong puso pero gaya nang buhay, ang lahat ay may simula at katapusan. Habang kinakanta niya ang mga huling mga lyrics ng kanta ay dahan-dahan nang hinihila ang tuwa palabas sa puso ko at pinapalitan na nang lungkot pero wala na akong nagawa nang tuluyan siyang matapos.
Marahas akong napadilat at napatitig sa aking radyo, parang gusto kong magreklamo dahil tapos na ang kanta at wala na naman siya pero bago pa tumunog ang static sound ay narinig ko ang huling salitang “Zerea” nang posibleng isa sa mga kasali sa grupo bago tuluyang napalitan nang matinis na tunog ang katahimikan hudyat nang muling pagtatapos nang programa.
Natataranta akong napatayo at agad na napalapit sa radyo pero wala na talagang sumunod na ingay maliban do’n. Malakas ang pagkabog ng puso ko nang mapatingin sa orasan. Eksaktong alas tres na nang madaling araw. Gaya kagabi, gano’ng oras rin natapos ang program pero bakit sa tagal kong naghintay, isang beses lang silang tumugtog?
Nanghihina akong napabalik sa aking kama yakap ang radyong alam kong marami nang alikabok… Ibig bang sabihin isang kanta lang ang ginagawa nila araw-araw? Mga bampira ba sila para tumugtog nang dis oras nang gabi?
Pakiramdam ko’y sasabog na ang utak ko sa dami ng katanungan rito pero nang maisip ko ang huling narinig na sinambit nang isang boses nang lalaki ay parang may kung anong nabuhay sa kaibuturan ng puso ko.
“Zerea…” mahina kong bulong.
Iyon ba ang pangalan nang banda nila? Kung gano’n, totoo ngang hindi ko sila kilala dahil hindi sila sikat pero imposibleng sa galing nila ay wala pang nakaka-discover sa kanila.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama nang marinig ang pagtilaok ng manok. Akala ko makakatulog na ako kapag narinig ko nang muli ang napaka-gandang boses na ’yon pero mali ako. Parang mas lalo akong naging dilat na hanggang sa lumiwanag na lang ang paligid ay ni hindi nagawa nang mga mata kong pumikit nang matagal at magpatalo sa antok.
Kahit nabitin na naman ako, alam kong si-swertihin ulit ako ngayong araw. Nagpatuloy na naman ako sa pagdi-day dream. Wala nang pakialam kung wala akong tulog na papasok sa eskuwela.
Sa pagpikit ko nang marinig ang kaluskos sa kusina namin ay isang tanong ang kumawala sa utak ko.
Zerea… Totoo nga kaya ang soulmate?
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat :
Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 4
Chapter Four
Leaves
Nagpatuloy ako sa pag-aabang sa boses na iyon na tumatak na sa utak kong dahilan ng lahat ng swerte sa buhay ko. Hindi ko inintindi ang hitsura kong mas lalong pumangit sa paningin ng lahat mapakinggan lang ang boses na 'yon.
Sa araw-araw na ginawa nang Diyos, simula ng naging tampulan ako ng pambu-bully ay ngayon ko lang lubusang natanggap na hindi ko na mababago ang tingin ng mga tao sa akin. Na kailangan ko nang tanggapin kung ano ang gusto nilang paniwalaan at ang mahalaga ay mag-focus ako sa mga kasiyahan ko. Ang mga taong nakakapagpataba ng puso ko... Ang pamilya ko, sila Sol, at ang Zerea...
"Zerea?"
Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagtango-tango ko kay Sol. Ilang linggo ko ring sinarili at itinago sa kanya ang lahat dahil ayaw kong mabatukan niya ulit, pero ngayong halata na niyang mas lalong umitim at lumaki ang mga eye begs ko dahil sa kahihintay sa banda tuwing alas tres ng madaling araw ay wala na akong naitago.
"Bakit gano'n? Pambabae?"
Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko siya tinignan dahil baka mapangisi na naman ako't mapagalitan niya.
"Hindi na 'yon importante. Ang mahalaga, mahal ko sila at masaya akong napapakinggan sila."
"Mahal kaagad?!"
Nababaliw akong napahinto sa pagsusulat at natulala na naman.
"Idol na idol ko sila, Sol..."
"Alam mo baliw ka na, Kina."
Awtomatiko akong napabaling sa kanya dala ang lukot na mukha.
"Tignan mo... Sabi mo tuwing alas tres lang sila ng madaling araw tumutugtog at isang kanta lang, 'di ba?"
Tumango ako.
"Walang gano'n, Kina! Kung talagang magaling sila, bakit sa panahong tulog na ang mga tao sila kumakanta?"
Napaisip rin ako pero hindi ko nadepensahan ang grupo dahil sa muli niyang pagpapatuloy.
"Hindi kaya kulto 'yang mga 'yan? Masyadong pa-mysterious! Paano kung gumagana na pala sa 'yo 'yung spell nila at kaya ganyan ka na lang ngayon kabaliw ay dahil 'yun talaga ang purpose ng banda. Kumakanta para sa mga mahihinang babae na madaling ma-in love! Banda sila pero kulto talaga na nangunguha ng mga babaeng kahit hindi kagandahan okay lang basta virgin!"
Sa pagkakataong 'yon ay hinayaan ko na ang kamay kong lumipad patungo sa tuktok ng bunbunan niya para kaltukan siya ng malakas at gisingin!
"Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo! Hindi sila gano'n at totoong na-in love na ako sa kanila hindi dahil sa spell kung hindi dahil sa galing nila lalo na iyong bokalista."
"Oh anong pangalan?"
Naitikom ko ang aking bibig.
"Tignan mo! Ni hindi mo nga alam ang pangalan ng mga tao sa bandang Zerea na 'yon! Paano ka mai-in love sa taong hindi mo kilala maski pangalan? Imposible 'yon! May spell sila at kulto 'yan!"
"Grabe ka! Hindi ba pwedeng magaling lang talaga sila?"
"Magaling pero hindi sikat? Kapag magaling dapat sikat sila o maski man lang ipinapakilala nila ang mga sarili nila hindi lang ang banda. If they want people to listen to them, mag-i-invest sila nang oras para may ma-engganyo sa kanila–"
"Kaya nga sila kumakanta–"
"Pero hindi madaling araw at alas tres pa! Kina, Diyos ko! Labasan ng mga multo 'yon!"
Napanguso ako. Sa laki at taba ng bibig ni Sol ay alam kong hindi ako mananalo at baka sa huli'y kainin niya lang ako kaya imbes na makipag-away ay nanahimik na lang ako.
Kahit anong sabihin niya, may sarili akong pinaniniwalaan at iyon ang susundin ko. Isa pa, masaya ako kapag naririnig sila. Napapanatag nila ang loob ko at binibigyan ako nito ng baong saya sa tuwing papasok para panlaban naman sa mga taong hobby na ang manakit ng kapwa.
Sa kabila ng mga pagalit ni Sol sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi ko siya pinakinggan. Kahit na matalino ako't nakukuha ko naman ang punto niya, mas nananaig sa puso ko ang hayaan na lang ang kanyang opinyon.
Naniniwala kasi akong isang araw ay sisikat sila dahil talagang magaling sila. Hindi pa siguro ngayon o baka nahihiya pa silang magpakilala sa lahat pero isang araw... Alam kong isang araw ay iingay ang pangalan nila at hindi lang ako ang mamangha kung hindi ang buong mundo.
Halos mapangiwi ako nang lumakas ang pagsalampak ko sa sahig nang sumapit na ang limang minuto bago ang alas tres, oras kung saan tutugtog na ang banda.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking kaliwang dibdib ng marinig ang pamilyar na mga instrumento pero hindi gaya nga mga nauna, mas banayad ang kantang tutugtugin nila sa pagkakataong ito.
"I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one..."
Dumiin ang aking kamay sa aking puso... He's really good at imposibleng kukupas. His voice gently sent shivers down my spine. Parang may mga feathers na kumikiliti sa katawan ko partikular sa aking puso.
Ang naibigay nitong masayang pakiramdam sa akin noong una ay mas masidhi pa sa ngayon... How can you not love him? I bit my lip at that.
Hinayaan ko ang sarili kong mapapikit at namnamin ang bawat letra ng lyrics na banayad niyang sinasambit.
"Leaves will soon grow from the bareness of trees a
nd all will be alright in time..."
Napadiin ang kagat ko sa aking labi nang kantahin niya ang chorus. Narinig ko na ang kantang iyon sa original singer pero sa totoo lang ay mas magaling pa siya do'n... Silang lahat. Habang nakapikit at isinasapuso ang lahat ng naririnig ay parang gusto ko nang maniwala kay Sol.
Kung may spell man ang boses niya, hindi ako matatakot na maging lulong rito. I've never been addicted to something or someone pero hindi ko mapigilang maging adik sa kanila... Sa kanya...
Nang dumating siya sa bridge ay doon lang ako parang natauhan. Nagmamadali kong kinuha ang aking telepono para i-record doon ang boses na kinahuhumalingan ko pero ang huling parte na lang ang nakuha ko.
"'Cause all of this comes with a love that is real
I said all will be alright in time
I said all will be alright in time
I said all will be alright in time
All will be alright in time..."
Kahit na huli na ay nagpatuloy ako para iparinig ito kay Sol at kahit paano'y makumbinsi ko siyang magaling talaga ang mga ito. Nang tuluyang matapos ang kanta ay nanghihina akong napapikit at nayakap ang aking telepono, dala ang pag-asa at pagmamahal para sa kanila pero muli akong napadilat nang marinig ang pagsasalita ng DJ na unang beses nangyari!
"Thank you Uno and everyone for continuously sharing your talent with us. Once again, Zerea..." anito at nagpatuloy pa sa pang-huling mga salita para tapusin ang programa pero kahit gaano kahaba yo'n ay hindi ko nagawang kumurap!
Mabilis ang pagkalampag ng aking puso. Malakas at tila gusto nang lumabas!
Uno...
Pag-uulit ng utak ko.
Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang pangalan niya. Uno ang pangalan niya! Para akong baliw na tahimik na nagtatatalon sa kilig kahit na simpleng pangalan niya lang naman ang nalaman ko.
Hindi ako tumigil hangga't hindi ako napapagod. Feeling ko kasi ay sa bawat impormasyon na nalalaman ko tungkol sa kanila ay isang malaking achievement na kaagad para sa akin. I feel like I've known them for a long time at gano'n rin sila sa akin. Feeling ko nga ay sila lang ang nakakaintindi sa lahat ng mga nararamdaman ko at isang kanta lang nila ay napapawi na ang lahat ng problema ko. They're my unknown best friends... O pwede ring si Uno nga talaga ang hindi ko pa nakikilalang soulmate...
Napangisi ako. Hindi maawat ang puso ko sa kilig kahit na nakapikit na ako dahil sa pag-iisip ng mga scenario sa mga susunod na bukas.
Paano kaya kung makita ko sila? Paano kung isang araw ay siya pala talaga ang para sa 'kin? I asked myself these questions over and over again hanggang sa makatulugan ko na lang.
Natapos ang school year na medyo magaan na ang lahat sa para sa akin. Totoo pala talaga na kapag may kapayapaan sa loob ng puso mo at wala ka nang pakialam sa sinasabi ng iba dahil mas matimbang ang kasiyahan mo kaysa sa mga problema ay magiging masaya ka. Kahit mahirap at patuloy kang hinahamon ng buhay ay kakayanin mo basta alam mo kung ano ang totoong source ng mga kasiyahan mo.
"Ang literal na pangit naman ng araw natin!" maarteng sabi ni Eunice habang kasama ang mga kaibigan niyang kauri niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Sol pero agad ring natigil nang hawakan nito ang braso ng kaibigan ko.
"Balita ko crush mo raw si Ethan? Pwes gusto kong sabihin sa'yo na hinding-hindi ka magugustohan ng pinsan ko! Sa taba mong 'yan, baka madaganan mo lang kaya pwede ba! Huwag kang ambisyosa!"
"Eunice–"
Natigil ako sa paghawi ng kamay nito kay Sol nang ako naman ang balingan niya.
"Ikaw naman!" tinulak niya ako pero hindi ako masyadong natinag. "Huwag kang pakalat-kalat! Kung pupwede sa CR na lang kayo palagi dahil doon lang naman kayo nababagay!" nanlaki ang mga mata ko nang pisilin niya ng mariin ang braso ni Sol na nagpangiwi rito bago bitiwan!
"Ang papangit niyo! Umalis na nga kayo sa harapan ko at baka hindi ako makapagtimpi!"
Imbes na gumanti o magsalita ay nagmamadali ko na lang hinila si Sol palayo sa mga naghahalakhakang babae.
"Sol, tahan na..." malungkot kong pinunasan ang mga luha niya pero dahil sa tuloy tuloy niyang paghagulgol ay wala akong nagawa kung hindi ang ilabas na lang ang telepono ko at i-play ang isa sa mga ini-record kong kanta ng Zerea noong nakaraang taon.
"And all will be alright in time,
Oh you never really love someone until, you learn to forgive..."
Sinabayan ko pa 'yon at hindi ako tumigil sa pag-pi-play at pagkanta pa ng iba hanggang sa tumigil siya at pupungas pungas akong nginitian.
Malawak na rin akong napangiti at muling pinunasan ang mga luha niya.
"Huwag ka ng umiyak. Tayo lang ang matatalo kapag nagpaapekto tayo sa kanila."
She nodded. Kinuha niya ang aking telepono at ipinagpatuloy ang pakikinig doon. Umalis naman ako sa harapan niya at tinabihan siya habang hawak ang kanyang kamay.
"Thank you rito, Kina."
Masaya akong tumango. Hindi ito ang unang beses na naging dahilan ni Sol ang Zerea sa pagtahan niya. Simula nang iparinig ko rito ang unang maiksing record ko ay naengganyo na rin siyang pakinggan ang banda. Sabay na rin naming pinapakinggan ito tuwing madaling araw. Sabay na rin kaming mas pumangit dahil sa kaka-puyat at ang bago na naming motto ay,
'friends who gets ugly together, stays forever.'
Napagkasunduan na rin naming talagang may spell ang charm ng Zerea. Their band helps us to get through the battles of life, the hardest ones at iyon ang panangga namin sa lahat. Gaya nalang ngayon.
"You're always welcome. Hindi ba sinabi ko naman na sa'yong huwag kang magpapaapekto sa kanila? Kapag kasi naapektuhan ka, mas lalo ka nilang aasarin. Ang ending, mas lalo kang masasaktan at malulungkot. Gusto mo bang malungkot habang buhay?"
Umiling siya.
"Siyempre hindi." tinanggal niya sa magkabilang pisngi ang natitirang mga luha pero muli na naman siyang naiyak sa hindi malamang dahilan.
Naaalarma kong kinuha ang aking telepono at marahang niyugyog ang kanyang balikat.
"Oh, bakit umiiyak ka na naman? Tahan na."
Hindi siya sumagot.
"Sol, tahan ka na... Huwag mo ng isipin si Eunice at–"
"Hindi na ako umiiyak dahil do'n, Kina. Umiiyak ako kasi bigla akong nagutom dahil sa boses ni Uno kaya lang kailangan na nating pumasok dahil may klase na tayo at ibig sabihin lang no'n ay apat na oras mahigit pa akong maghihintay para makakain.., Kina, hindi na kaya ng mga bulate ko."
Imbes na maawa ay kumawala ang malakas kong tawang nagpatawa na rin sa kanya. Umahon ako sa pagkakaupo at inilahad sa kanyang harapan ang aking kamay. Nang kunin niya ay hinila ko siya patayo kahit na mukhang ilang guhit na naman ang nadagdag sa kanyang timbang.
"May biscuit akong baon. Iyon muna ang kainin mo habang naghihintay ng break time."
Hindi na siya nagreklamo pero hindi rin talaga niya tinanggihan ang pagkain ko! Sa huli, ako ang tuluyang nagutom sa klase hanggang sa sumapit ang recess.
Zerea plays an important role in our life. Iyon ang naging lakas ko at naging lakas namin ni Sol para mas intindihin ang sarili kaysa sa mga sinasabi ng iba.
Habang lumilipas ang panahon at mas naiintindihan ko ang buhay ay mas sumisidhi ang pagmamahal ko sa lalaking una palang ang hinuli na ang puso ko. I may not know him at hindi ko alam kung kailan ko siya makikita ulit pero hindi na maaalis sa puso ko kung ano ang itinitibok nito para sa kanya.
Uno... Ikaw ang numero uno sa puso ko ngayon, bukas at hanggang sa maraming bukas...
Wala sa sarili kong bulong habang nasa gitna nang klase at nakatitig sa lettering ng kanyang pangalan sa likod ng aking notebook.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat :
Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 5
Chapter Five
Dear Diary
Hindi mapawi-pawi ang lahat ng ngiti sa mga labi ko habang naghahanda sa muling pagsusulat sa diary na regalo sa akin ni Sol noong nakaraang birthday ko. Sabi niya, dito ko raw ilagay ang lahat ng mga nasa isip ko o gustong i-share para hindi ko makalimutan ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Nagsimula na akong magsulat, sinasariwa ang mga nangyari kahapong puro lamang saya.
Friday
Dear Diary,
Being a grade nine student is harder than I thought. Bukod sa hirap sa pag-aaral, hindi pa rin nawala ’yung hirap sa pagharap sa mga bully. Akala ko kapag nagsawa na sila sa amin ni Sol ay titigil rin sila pero hindi na yata ’yon posible. Pero hindi bale, mayroon naman akong Uno na palagi akong pinapasaya.
Alam mo Diary, kahit na hanggang ngayon ay boses at ilang detalye palang ang alam ko sa kanila, hindi ’yon naging hadlang para mas mahalin ko pa sila. It’s been two years since the day Uno made me happy… At hanggang ngayon, siya pa rin ang nagbibigay ng saya sa akin. Paano kaya kapag nagtagpo na kami? Will he continue to make me happy o gaya rin siya ng iba na mandidiri at aayawan ako?
“Kina! Halika na muna rito at tulungan ako!” sigaw ni Mama na nagpahinto sa akin sa pagsusulat.
“Andiyan na po!”
Nagmamadali kong tiniklop at itinabi ang aking diary sa pinakatagong lugar na hindi kailanman madidiskubre ng kahit na sino.
I love writing to it. Katunayan nga ay simula ng matanggap ko ’yon ay sa harapan ako ni Sol mismo nagsulat. I even asked her to sign the first page for me. Paalala ng araw, oras at alaalang pinasaya niya ako ng sobra.
“Tulungan mo muna akong kunin iyong mga sinampay at uulan na naman!”
Madali akong lumabas para gawin ang mga utos ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi na siya natigil sa paglalaba dahil hanggang ngayon rin ay sakitin pa rin ang kapatid ko. Si Papa ay gano’n rin. Minsan ay tatlong araw bago ito umuwi dahil sa pagtatrabaho ngunit nagpapasalamat naman akong maayos pa rin ang pamilya namin kahit na mahirap. I always pray that God will give them good health and long life. Sa ngayon ay wala akong hinangad kung hindi ang kabutihan ng pamilya ko… At isang araw ay makita rin si Uno.
“Ako na rin po ang magtutupi, Ma.” inilapag ko ang mga damit sa sofa at sinimulang tanggalin ang mga ito sa hanger.
“Salamat, Kina,” bumagal ang galaw ko ng maramdaman ang pagtabi ni Mama sa akin. Tuluyan na akong natigil ng umangat ang kanyang kamay patungo sa aking mukha at marahang inalis roon ang mga nakaharang na hibla ng buhok. “Pasensiya ka na anak kung hindi kita masyadong naaasikaso, ha?”
“Ma…”
“Pasensiya kung palaging si Kenken ang napapansin namin ng Papa mo at hindi ko nasasabi sa’yo kung gaano ako kaswerteng nagkaroon ako ng anak na gaya mo pero iyon ang totoo, Kina. Maswerte akong ako ang naging ina mo at habang buhay akong magiging proud sa’yo.”
My tears almost fell because of that. Ito ang unang beses na ganito ka-emosyonal ang takbo ng usapan namin ni Mama pero isa na ito sa mga paborito kong pagkakataon na kasama siya. Tama mang hindi nila ako napapansin dahil kay Ken pero may dahilan naman ang lahat ng ’yon at naiintindihan ko naman kaya ayos lang sa akin.
“Ma, naiintindihan ko po. Hindi naman po ako nagtatampo sainyo dahil gusto ko rin naman pong gumaling si Ken. Mahal ko po kayong lahat at masaya naman po ako kahit na minsan ay hindi na tayo nakakapag-usap.”
“Oh, Kina…” hinigit niya ako at niyakap.
“Pasensiya na kung mas mahirap ang buhay natin ngayon at hindi gaya noong nasa probinsiya pa tayo na pantay ko kayong naaalagaan ni Ken,” lumayo siya. “Sana mas maintindihan mo pang kailangan natin ng pera para sa upa rito sa bahay at pambaon mo kaya kailangan ko ring magtrabaho kahit ganito lang. Gusto ko ring tulungan ang Papa mo kahit paunti-unti.”
“Ayos lang po, Mama… Ayos lang po ako at wala po akong tampo sa inyo.”
Ngumiti siya at muling ikinulong ang aking mukha gamit ang kanyang mga kamay.
“Alam kong minsan marami kang reklamo sa school pero palagi mong tatandaan na mas importante ang gumawa ng mabuti sa kapwa. Iyon ang pinakamagandang ganti sa lahat. Kung may mga taong nang-aasar sa’yo kahit na wala ka namang ginagawa, hayaan mo na lang sila. Hindi solusyon ang makipag-away. Alam kong mabait ka at hindi mo kayang manakit pero kapag hindi mo na kaya nandito lang si Mama, ha? Pwede mo pa rin akong sabihan ng mga problema mo dahil iyon ang papel ko sa buhay mo, Anak.”
Pinilit kong ngumiti at magpakatatag sa harapan ni Mama. Tumango ako at nangako sa kanya pero alam kong kahit kailan ay hindi ko ’yon magagawa.
Hindi dahil wala akong tiwala sa kanya kung hindi dahil ayaw kong pati siya ay masaktan. Sigurado akong kung malalaman ni Mama ang lahat ng napagdaanan ko sa eskwelahan ay baka hindi niya kayanin. I know she will get hurt and I don’t want that. Kung pupwede at kaya ko naman ay sasarilinin ko na lang ang lahat. Kaya ko pa naman at kakayanin para sa kanila.
Saturday
Dear Diary,
Nag-usap kami ni Mama. Ito ang unang beses na narinig kong proud siya sa akin at masayang masaya ako ngayon. Wala naman akong tampo o galit sa kanila at naiintindihan ko naman ang lahat pero ang sarap pa rin pala sa pakiramdam na marinig ang mga salitang ’yon. She’s proud of me at alam kong gano’n rin si Papa kaya pag-iigihan ko. Gagalingan ko pa para sa kanila at ipapakita ko sa lahat na walang masakit na salita ang magpapatigil sa akin. I will do everything for them at sila ang magiging inspirasyon ko sa lahat.
Sunday
Dear Diary,
Hinarana ulit ako ni Uno kagabi at hindi ko na alam kung saan pa ilalagay ang sobrang tuwa sa puso ko. Iniisip ko, may iba pa kayang in love sa kanya maliban sa’kin? Siguro marami. Sa galing niya, hindi imposibleng mahalin siya ng lahat. Paniguradong ang mga babaeng nakarinig na sa kanya ay hulog na rin rito pero ang sa akin ang pinaka-wagas sa lahat ng pagmamahal kaya hindi siya malulugi kapag minahal niya ako pabalik! Magkakaroon rin kaya ng spell kapag nagkita na kami gaya ng spell noong minahal ko siya?
Wednesday
Dear Diary,
Masaya ang pasok ng bagong Linggo sa school. Na-suspend sila Eunice dahil sa pambu-bully sa isang babae nasa lower section. Gusto ko sanang tumulong pero kahit ako, wala akong magawa. Though I can see myself in her, mahirap pa rin palang makialam. I was so scared and I felt so guilty dahil wala akong ginawa kung hindi ang manuod. Mabuti na lang at pinagbigyan ang dasal ko at may naglakas ng loob na tumulong at isumbong pa ang mga ito sa guidance. Kahit hindi ako masyadong nakatulong ay masaya pa rin akong maparusahan sila. They deserve it and we all deserve justice.
Itinuloy ko ang pagsusulat. I can feel my heart being filled with so much joy when I finished it.
Nagpatuloy ang hagupit ng buhay at akala ko ay kontrolado ko na ang mga emosyon ko. I thought I can easily manipulate my mind thinking that everything will be better but I was wrong. Muling nagulo ang lahat ng dumating ang malaking dagok sa aming pamilya nang ma-diagnose ang kapatid ko ng leukemia at kinailangang manatili ng matagal sa hospital.
Wala si Mama, wala rin si Papa at naging mag-isa ako sa bahay at inaasikaso ang sarili. Araw-araw, pagkatapos sa eskuwela ay tinatapos ko ang mga assignments ko. Nagluluto ako ng mga pagkaing dadalhin sa hospital at pagbalik ay ipagpapatuloy naman ang mga labada ni Mama hanggang sa madaling araw. Wala akong pahinga simula ng ma-confine si Ken at tanging ang boses na lang ni Uno ang nagbibigay ng lakas sa akin pero siguro nga kapag minalas ka, minsan ay nagiging tuloy tuloy na.
I didn’t hear anything from Zerea a week after Ken was hospitalized. They didn’t perform that night and the next night after that. They just disappeared. Walang sabi, walang detalye at walang paalam.
Kung naniwala ako sa swerte, ngayon naman ay mas kailangan kong maniwala sa mga malas.
My life continuous to crumbles down when I failed one of my subject. Ang dahilan ay hindi na ako nakakapag-aral dahil sa trabahong iniwan ni Mama. Bukod sa pagiging abala kay Ken ay wala na rin akong katulong sa bahay at nahirapan akong mag-focus lalo na’t hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas sa dami ng problema.
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang lahat nang dumating ang araw na kinailangan umalis ni Papa at bumalik sa probinsiya para maghanap ng paraan para sa kalagayan ng kapatid ko. Before the school year ended, kinailangan naming lumipat sa mas maliit na bahay dahil hindi na kaya ang upa at pinapalayas na kami.
Ang tanging ipinagpapasalamat ko na lang ay kahit paano’y naging maayos naman ang kalagayan ni Ken dahil sa sapat na perang ipinadala ni Papa. Ang sabi ni Mama ay naibenta raw nito ang lupa namin sa probinsiya kaya malaki ang perang ipinadala pero simula rin no’n ay hindi na ito nagparamdam.
Gaya ng Zerea, si Papa ay naglaho na ring parang bula.
Pakiramdam ko ay pinagsasakluban ako ng langit at lupa sa tuwing nahuhuli kong umiiyak si Mama dahil sa bigat ng mga problemang sunod-sunod na dumating sa amin. Gustohin ko mang tumulong pero wala akong makitang tamang paraan para hindi na siya muling malungkot.
Sa sumunod na taon ay muntik na akong hindi makapag-aral. Mabuti na lang at kahit na magkalayo na kami ni Sol ay nariyan pa rin siya para sa akin gano’n na rin si Tita Salin. Sila ang dahilan kung bakit nakakapag-aral pa ako kahit na ang tanging inaasahan na lang namin ay ang kakarampot na kita ni Mama sa paglalaba at minsa’y paglalako ng mga kakanin sa daan.
“Okay lang talaga, Sol. May pera pa ako.” tanggi ko sa inaalok niyang pera sa akin.
Ayaw ko mang tanggihan iyon dahil kailangan ko pero sobra sobra na ang tulong na naibigay nito at ng pamilya niya sa pamilya ko. Isa sila sa dahilan kung bakit nakalipat kami ng bahay at malaki rin ang naging parte nila sa gamutan ng kapatid ko bukod sa huling padala ni Papa sa amin. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa nakakaya lalo na’t malupit na sa akin ang mundo ngunit mas malupit pa rin doon ang mga taong pinagtatawanan ako dahil lang sa hitsura ko.
Ingini-ngiti ko na lang ang lahat kahit na ang totoo, sa tuwing naririnig ko silang pinagkakatuwaan ako ay parang gusto ko na lang sukuan ang mundo.
“Kina, marami pa akong pera at hindi ko naman kailangan. Mas kailangan mo ’to ngayon kaya tanggapin mo na.” giit niya.
Gusto ko nang maiyak. Sa ilang buwan na naging malupit sa akin ang lahat ay kinaya ko pero nang yakapin ako ni Sol ay doon ko lang tuluyang naramdamang mahina ako. Mabilis na nag-umalpas ang mga luha sa aking mata at hindi na nagawang magpakatatag sa harapan niya.
“Shh… Tahan na, Kina… Okay lang ’yan. Nandito kami ni Mama palagi para sa inyo at hinding-hindi tayo pababayaan ni Lord.”
Nagpatuloy ako sa pagluha. Sarado na ang utak ko sa mga sinasabi niya at tanging ang gusto ko lang ay ilabas ang lahat ng bigat at lungkot na naipon sa aking puso. Hindi ako tumigil at hindi ko rin alam kung paano titigil ngunit nang marinig ko ang pagkanta ng boses na ’yon ay mabilis kong natutop ang aking mga labi.
“Lift your head, baby, don’t be scared Of the things that could go wrong along the way . ..”
Pupungas-pungas akong napatitig kay Sol na inaangat ang kanyang teleponong naka-play ang isa sa mga kinanta ng Zerea.
“Baby, you don’t have to worry ’Coz there ain’t no need to hurry No one ever said that there’s an easy way…”
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at pagkatapos ay mabilis na inayos ang sarili.
“Huwag ka na raw malungkot sabi ni Uno.” pag-aalo niya sa akin ngunit imbes na tuluyang maging masaya ay parang mas lalo lang akong nalungkot.
Ilang buwan na bang hindi ko naririnig ang boses na ’yon at ilang malulungkot na kwento na ba ang naisulat ko sa diary ko dahil doon? Hindi ko na mabilang.
Mapait akong napangiti. “Pati si Uno wala na rin naman, Sol.”
“Ano ka ba, babalik ’yon! Baka nagpahinga lang! Siyempre napapagod rin naman ’yung tao.”
Umiling ako at tulalang naupo sa bench na ilang hakbang lang ang layo sa amin.
“Kina, babalik ’yon!”
Hindi ako kumibo. Si Papa nga na may responsibilidad sa amin ay nagawa kaming iwan, si Uno pa kaya na hindi naman alam na may naghihintay sa kanya?
Buong araw akong inaliw ni Sol para tuluyan kong makalimutan ang problema ko pero sa tuwing uuwi na ako sa bahay namin at muli kong makikita si Mama na hirap na hirap nang buhayin kami ay hindi ko maiwasang muling masaktan.
Doon ako nagsimulang magsumikap hindi lang sa pag-aaral kung hindi para na rin sa pamilya ko. Nagpapasalamat akong tinanggap ako ni Tita Salin bilang isa sa mga taga-linis ng kanyang Salon. Kahit na hindi ko naman iyon kailangang gawin dahil handa naman niya akong bigyan ng pera ay nagpumilit akong magtrabaho para kina Mama.
Nagsimula ako sa salon. Naging taga-bantay ng kanilang grocery store at minsan ay naglilinis rin sa kanilang bahay pero dahil hindi naman talaga nila ako kailangan ay lumipat ako ng trabaho. Naging cashier ako sa isang maliit na convenient store habang nag-aaral. Estudyante sa umaga at cashier naman sa gabi. Sa pangangailangan ko ay nagawa kong huwag mahiyang mang-alok na gawin ang project ng mga schoolmate ko para lang kumita. Doon unti-unti akong napalapit sa mga tao at talagang mas malaki ang kita ko kaya nagpatuloy ako hanggang sa matapos ang school year.
Nang makatuntong na ako ng grade twelve ay nagsimula naman akong mag-part time sa isang fast food chain. Hindi ko alam kung paanong nabago ang pagtingin ng iba sa akin pero isa lang ang sigurado ko, maraming nagbago.
“Kina, ikaw na ba ’yan?!” napakurap-kurap ako habang tinititigan ang nalilitong babaeng mangha mangha habang titig na titig sa akin na parang gusto na lang akong hilahin palabas ng counter upang mas masuri pa ng masinsinan.
Naiwan ang kamay ko sa machine na nasa aking harapan at hindi nagawang igalaw iyon. She looks and feels familiar but I can’t just remember her name.
“Ikaw nga!” bulalas niya na halos umabot na ang ngiti sa tenga.
“P-Po?” nababaliw na napasulyap na rin ako sa aking name plate. “Opo, Kina nga po ang pangalan ko.” nahihiya kong sabi na ikinatawa niya.
“Ano ka ba naman, Kina! Ako ’to ang Ate Medusa mo!”
Parang hinalukay ang utak ko sa narinig pero kahit na sinabi na niya ang pangalan niya ay hindi ko pa rin maalala kung saan ko ’yon narinig. Marami akong kilalang Medusa at… Namilog ang mga mata ko sa napagtanto!
“Ate Medusa?!” malakas kong hiyaw ng maisip na siya iyong isang hairstylist nila Sol na umalis sa kanila ilang taon ang nakalipas at nagpasyang magtrabaho sa Japan!
“Kina, ako nga!”
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umibis palabas ng counter para batiin siya! Mahigpit na yakap ang iginawad namin sa isa’t-isa pero bago pa ako mapagalitan ay bumalik ako sandali para magpaalam sa aking manager. Mabuti na lang at mababait sa akin ang tao rito hindi gaya noon sa school… Kung sabagay, parang dahan dahan na ngang naubos ang mga taong may galit sa akin.
“Kumusta ka na?! Ang laki na ng ipinagbago mo Kina! Ang tangkad mo na at may laman ka na rin! Medyo pumusyaw na rin ang kulay mo at kahit may mga tigyawat ay gumanda ka na!”
Nahihiya akong napayuko sa sinabi ni Ate Medusa.
“Ikaw ang mas nag-iba na Ate! Totoong hindi kita nakilala! Babaeng babae ka na!” inginuso ko ang dalawang malaking bola sa kanyang harapan. “At mas malaki na ang boobs mo kaysa sa mga tunay na babae!”
Napahagikhik si Ate sa sinabi ko. Kung hindi ko pa natitigan ang nunal niya sa gitna ng leeg ay hindi ko pa siya tuluyang makikilala. She looks really different. Kung noon ay simpleng bakla lang ang tawag at hitsura niya, ngayon ay maihahanay na siya sa ganda ng mga Miss Universe! Mas maganda pa nga siya sa ilang babaeng hinangaan ko noon!
“Ganito talaga ang nagagawa ng pera, Kina. Magastos ang magpaganda pero tignan mo naman. Hindi ba worth it?”
“Oo naman, Ate! Sobra sobrang ganda mo…” buong puso kong pamumuri sa kanya habang natutulala pa rin.
Nagkwentuhan kami ni Ate Medusa. Hindi ko alam kung paano niya ako naipagpaalam ng ilang oras sa boss ko para lumabas kami at kumain pero iyon ang nangyari. Naisip ko, kakaiba talaga kapag maganda ka kasi walang effort ang manghingi ng pabor sa ibang tao. Hindi gaya ng mga gaya kong pangit, inaayawan minsan ay tinataboy pa.
“Nabalitaan ko ang nangyari sa Papa mo at kapatid mo. Kumusta na nga pala si Kenken?”
Tipid akong ngumiti. “Ayos lang po si Ken. Medyo bumubuti dahil sa gamot at umaasa na gagaling pa rin.”
“Eh ang Papa mo?”
Umiling ako. “Wala na po kaming balita.”
Nakita ko ang paglukot ng mukha ni Ate Medusa. Hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.
“Kaya ba Ikaw ang nagtatrabaho ngayon para sa pamilya mo?”
I slowly nodded at that.
“Oh you poor baby! Pero sabihin mo sa aking nag-aaral ka pa, tama?”
“Oo naman Ate. Pinagsasabay ko po kahit na mahirap lalo na sa schedule pero kinakaya naman.”
Pinisil niya ang kamay ko bago ito tuluyang binitiwan. Pinanuod ko siyang hinahalungkat ang kanyang bag at maya maya pa ay may inabot na sa aking isang piraso ng papel.
“Kung may kailangan ka lalo na sa pag-aaral mo ay huwag kang mahiyang tumawag sa ’kin, ha?”
“Ate-”
“Handa kitang tulungan lalong lalo na sa pag-aaral mo dahil alam kong matalino ka at masipag kaya hindi ako malulugi sa pagtulong sa’yo.”
Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na naituloy dahil sa agaran niyang pagtayo.
“I have to go, Kina. Pasensiya na kung hindi kita maihahatid pauwi. I have a date with my husband and I need to meet him now.” tumayo na rin ako at muling sinalubong ang mahigpit niyang yakap. “Tawagan mo ako.” bulong niya.
“Opo Ate Medusa…”
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat matapos akong yakapin.
“It’s not Medusa, Kina. From now on you’ll have to call me Ate Ysa. That’s my name now.”
Tumango tango ulit ako sa kanya. Binayaran niya ang lahat ng mga kinain namin at sabay na kaming lumabas ng restaurant at doon na naghiwalay.
Tuliro akong nakatitig sa calling card ni Ate Ysa. Nakalagay doon na isa na siya sa may-ari ng ilang malalaking salon sa bansa at kanina ay napag-alaman kong cosmetic surgeon ang kanyang napangasawa. Napangiti ako. Hindi ko man alam kung tatawagan ko siya dahil nakakahiya iyon pero ayaw ko namang biguin si Ate Ysa.
Maingat kong isiniksik ang calling card sa aking bulsa at maglalakad na sana papunta sa gilid ng kalsada para pumara ng jeep pauwi pero natigil ako ng may lumipad at dumikit na ilang flyers sa oily kong mukha!
“Sorry, Miss!” nagkukumahog niya akong tinulungan at paulit-ulit pang nanghingi ng tawad.
“Sorry talaga! Sorry hindi ko sinasadyang mabitiwan!”
Ibinigay ko sa kanya ang lahat ng papel at tinulungan siyang pulutin pa ang ibang nalaglag.
“Okay lang ’yon.” pagkatapos kong maibigay sa kanya ang lahat ay nagpasalamat siya at akmang aalis na pero nang bumaba ang mga mata ko sa papel at nabasa ang isang salitang nakasulat doon ay parang may sumanib sa akin at nag-udyok na bawiin ang lahat ng iyon sa kamay niya.
“Miss!”
“Zerea…” hindi makapaniwalang sambit ko habang dumidiin ang mga daliri sa papel.
Kung nakakabutas nga lang ang titig ko ay baka nabutas nang lahat iyon lalo na ang sa may bandang ibaba na nakasulat ang mga salitang binanggit ko.
Inangat ko ang aking mukha pabalik sa babae. Dama ko ang panginginig ng mga kamay ko at ang mabilis na pagkalampag ng puso dala ng excitement!
“Zerea?”
She nodded slowly, still confused.
“I-Is this a live gig?”
“Yes but I don’t think you can get in.” binawi niya sa kamay ko ang lahat ng papel pero nakipag-matigasan ako sa kanya.
“Ito ba ang bandang Zerea?!”
“Miss—”
“Sagot!”
Nakita ko ang agarang pamumutla niya habang sumasagot ng oo.
“Pwes pupunta ako at pahinging isa!” determinado kong sabi sabay kuha, talikod at layo sa kanya.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Booklat :
Ceng Crdva
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 6
Chapter Six
Everglow
"Two thousand pesos?!" bulalas ni Sol habang titig na titig rin sa flyers na hinaklit ko sa isang babae noong isang linggo.
"At may isang linggo nalang ako para pag-ipunan 'yon." nakapangalumbaba kong sabi.
Inilapag niya sa harapan ko ang papel. "Kina, hindi mo pa nga sigurado kung sila nga 'to. Malay mo ibang banda pala 'to."
"I can feel that it's them, Sol."
"Hindi na pwede 'yang mga hula at assumptions mo Z lalo na kung may involved na pera. Paano nga kung iba? Masasayang ang pera mo at hindi basta-bastang kitain ang dalawang libong piso 'no!"
"Paano kung sila?"
"Paano kung hindi?" inilagay niya ang mga kamay sa kanyang malapad na bewang pero hindi ako nagpatalo.
"Sol, paano kung sila? Paano kung ito na ang pagkakataon kong makita sila ng live at masilayan si Uno?"
"How can you be so sure? Eh ang tagal na nga nilang wala, 'di ba?"
"Pero sabi mo babalik sila, 'di ba? Paano kung ito na ang come back nila?"
Marahas siyang napabuntonghininga. Sa pagkakataong 'yon ay alam na niyang hindi niya mapipigilan ang nasa utak ko. Hinayaan ko siyang hilahin pa ako palayo sa aking desisyon pero ang utak ko ay nasa punto na ng pagdedesisyon kung paano makakaipon ng dalawang libong extra para sa gig na 'yon. A-attend ako at bahala na kung sila o hindi ang maabutan ko!
"Five hundred 'to." malakas ang loob ko't hindi na nahiyang iangat ang presyo ng serbisyo ko.
"Ano? Bakit five hundred?! 'Di ba last time two hundred lang?"
Humigpit ang kamay ko sa mga hawak na detalye para sa project na gagawin ko sa kanya at maya maya'y inangat 'yon pabalik sa kanya.
"Lahat kailangang magmahal, Gino. Kung ayaw mo ikaw na lang ang gumawa ng project mo tutal marami na rin naman akong gagawing–"
"No. Sige na, sige na. Five hundred and you'll give me high score for it."
Hindi ako nagpakita ng kagalakan dahil sa pagpayag niya kahit na gustong gusto ko nang magtatatalon sa saya!
"Okay. Perfect ka rito, Gino. Akong bahala sa'yo."
"Kaliwaan pa rin ba?"
"No. Give me the money now."
Naiiling siyang natawa habang dinudukot akong kanyang wallet.
"Do you accept credit card?" pagbibiro niya.
"Credit is good but I need cash."
He sighed and then gave me the yellow bill. "Fine. Ibang iba ka na talaga, Kina. Kung wala lang akong girlfriend ngayon baka niligawan na kita."
Ako naman ang natawa. "Pwes ngayon palang bina-basted na kita."
Madrama niyang sinapo ang kanyang dibdib.
"You're too cruel! Bakit? Porket ba gumaganda ka na namimili ka na?"
Mabilis akong umiling para alugin ang pagkiliti sa aking utak ng mga salitang binitiwan niya.
"Hindi ako naniniwala sa'yo, pero hindi 'yon ang dahilan. Kapag naging girlfriend mo ako, ibig sabihin magiging labor of love na ang lahat ng paggawa ko ng projects mo kaya malulugi ang negosyo ko. Kung ako sa'yo, mahalin mo na lang 'yang girlfriend mo at ipagawa pa rin sa akin lahat ng kailangan mo, deal?"
Hindi nawala ang malawak niyang ngiti. Inangat niya ang kamay at inilahad sa akin.
"Deal."
Malugod ko iyong tinanggap at hindi na rin nagtagal kahit na paulit-ulit niyang binanggit na gumaganda ako. Alam kong binobola niya lang ako dahil may kailangan siya sa 'kin pero hindi ko pa rin mapigilan ang matuwa. Ito ang unang beses kong marinig ang mga salitang iyon sa taong walang malalim na koneksiyon sa akin.
Kahit na kalokohan lang, masaya rin pala sa pakiramdam. Habang naglalakad sa hallway ay hindi mapatid ang ngiti ko.
"Hi, Kina! Mamaya ha!" bati nang nakasalubong kong si Liam, isa sa mga regular na kliyente ko.
"Sige. I-text mo lang ako." sagot ko bago siya lagpasan.
Marami na nga talagang nagbago. Hindi ko alam kung talaga bang naging mabait na sila sa akin o mga matured na rin kaya hindi na gano'n kalupit pero malaki ang pagpapasalamat ko doon. Kung noon kasi ay ito ang pinakamabigat sa akin, ngayon naman ay malaki na ang naitutulong nito lalo na sa amin nila Mama. Tingin ko, ngayong pakiramdam ko'y bumabalik na ang Zerea at ang numero Uno sa buhay ko ay muli na akong si-swertihin.
Excited kong ginawa ang mga project ng mga kliyente ko bago gawin ang sariling home work. Minsan kahit na nahihirapan ako ay masaya ko pa rin iyong ginagawa dahil bukod sa nakakatulong at kumikita ay marami rin akong natututunan sa pagre-research.
Madaling araw na ng matapos ko ang ilan. Kinuha ko ang aking wallet at inilabas doon ang isang libong kita ko ngayon. Wala sa sariling napangiti ako. Kulang pa man iyon pambili ng ticket pero sisiguraduhin kong makakapunta ako. Pupunta ako!
Tatlong araw akong walang pahinga at tulog para lang makapag-ipon kaya ng kunin ko ang alkansiya kong mayroong dalawang tig-five hundred bill at isang libo ay parang gusto ko ng magtatatalon sa tuwa!
"Two thousand pesos!" maluha-luha kong sambit habang inaangat ang alkansiya kong pinakatago-tago.
Niyakap ko 'yon at dinala sa kama. Ngayon palang, hindi ko pa man alam kung sila nga ang tinutukoy sa flyers ay nai-imagine ko na ang lahat ng mga mangyayari. I will wear my favorite dress. Manghihiram ako ng sapatos at bag kay Sol at pakikiusapan si Ate Jinky, ang isa sa kanilang stylist na ayusan ako para naman kahit paano ay hindi matakot sa akin si Uno kapag nagkita na kami.
Impit na kumawala ang nababaliw kong sigaw nang maisip ang scenario. Kapag nakaharap ko na siya, ano ang una kong sasabihin? Should I say that I love him so much and I'm his soul mate? Napangiwi ako. That would be weird and cliché. Ano bang dapat kong sabihin kapag nakaharap mo na ang lalaking matagal mo ng mahal?
Ginugol ko ang ilang oras sa pag-iisip pero natapos na lang ang araw ay wala pa rin akong naging desisyon. Though I didn't want to expect that much, plantsado na ang plano ko at gagawing paghahanda para rito pero ilang araw bago ang date ng kanilang gig ay saka naman kinailangan ni Ken ng pambili ng gamot kaya wala akong nagawa kung hindi ang ibigay ang kalahati ng naipon ko.
Nanlulumo ko iyong inabot kay Mama. Ayaw ko naman maging madamot pero hindi ko maiwasang malungkot lalo na't matagal ko itong pinaghandaan. I even asked Sol to help me with everything pero paano ko ngayon sasabihin sa kanya na hindi na ako matutuloy?
"What?!"
"Okay lang 'yon. Kailangan ni Ken, eh. Tsaka mas importante naman ang kapatid ko. Siguro naman may iba pa silang gig at doon na lang ako pupunta–"
"Paano kung wala na? Paano kung come back at pamamaalam na pala nila ito?"
Napanguso ako. "You're not helping me, Soledad. Hindi ba ikaw na rin ang nagsabing baka hindi sila 'yon?"
"At sinabi mong sila kaya paano nga kung sila? Paano na ngayon ang mga pangarap mo kay Uno?"
Napabuntonghininga ako sa sinabi niya pero wala akong magawa. Hindi niya rin naman ako mapapahiram ngayon dahil kabibigay lang ng allowance niya at naubos na rin dahil sa pagbili ng mga personal na kinahihiligan.
"Bahala na siguro..." napatuwid ako ng upo ng biglang pumasok ang isa pang paraan para matuloy ang pagpunta ko sa gig!
"Uuwi na ako muna ako, Sol!" nagkukumahog akong tumayo at hindi na hinintay ang sagot niya. Pumara ako ng jeep pauwi at nang makarating sa bahay ay agad kong hinalungkat ang bag ko ng araw na 'yon.
Nang makita ko ang calling card ni Ate Ysa ay hindi na ako nagdalawang-isip na tawagan siya. Oo nga't nakakahiyang manghiram pero wala na akong maisip na may kakayahang tumulong sa akin ng bukal sa puso. Kung tutuusin ay kaya ko namang kitain iyon ng mabilisan pero gahol na ako sa oras.
"Ate Ysa?"
"Who's this?"
"S-Si Kina po ito... Kinslett." sagot ko sa kabilang linya.
"Kina? Oh, I've been waiting for your call! How are you?"
Nakipag-kumustahan ako sa kanya hanggang sa dumating na ang pagkakataong sabihin sa kanya ang pakay ko.
"Pwede ko po ba kayong makita? May kailangan lang po akong ipakiusap." bahagya akong napangiwi sa nasabi.
I know this is a stupid move pero desperada na ako. Besides, hindi naman ako manghihingi. Babayaran ko rin ang isang libong ipapahiram niya kapag kumita na ako ulit.
"You're a silly girl." she exclaimed when I told her what I needed. "Of course I can lend you a thousand bucks but can I ask where are you going to use it?"
Napalunok ako. I hate lying at hindi ko rin ito kayang pagsinungalingan siya kaya imbes na magkasala ay inilahad ko sa harapan niya ang gusot na papel na ilang gabi nang laman ng panalangin at mga panaginip ko.
Kunot noo niya iyong kinuha sa aking kamay.
"What's this?"
"Huwag po kayong magagalit Ate... Gusto ko po sana kasing um-attend sa gig na 'yan. Nakapag-ipon naman po ako kaya nga lang ay kinailangan ni Ken ng gamot kaya naibigay ko kay Mama pero huwag po kayong mag-alala! Hindi po ito hingi. Babayaran ko rin po kaagad kapag kumita ako at hinding-hindi ko kayo tatakbuhan! Ate Ysa, ito na lang ang hiling ko ngayong taon sa buhay ko kaya sana huwag kayong magalit kung mababaw ang dahilan ko at naperwisyo ko pa kayo–"
Naputol ako sa pagsasalita dahil sa mahinhin niyang tawa. Maging 'yon, hindi nakaligtas sa akin. She's really a different person now. Ibang-iba na ang panlabas na anyo pero ang puso ay napakabusilak pa rin.
"Walang problema, Kina. Hindi ka na iba sa akin at alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo ngayon. Isa pa, you deserve to have fun sometimes," nanlaki ang mga mata ko ng kunin niya ang wallet at agad na kumuha ng ilang kulay asul na bill para ibigay sa akin!
"Ate, isang libo lang–"
"Don't worry about it. Hindi ito bigay sabi mo nga."
"Pero hindi ko po kayang bayaran ito ng mabilis–"
"I'm not demanding you to pay me right away, Kina... Mabuti at naparito ka dahil may gusto rin akong hilingin sa 'yo."
"P-Po?"
"Gustong gusto kitang tulungan at ito ang simula. Hindi ko kailangan ng pera kapalit ng hiniram mo."
"Ate... Hindi ko po maintindihan."
"I want your service in exchange of my money."
Nahirapan akong lumunok dahil sa narinig. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay at wala sa sariling ibinalik ang pera sa coffee table.
"Ate, Ysa..." kinakabahan kong sagot ng umarangkada sa utak ko ang ilang kapit bahay namin sa probinsiya noon na naging japayuki. "Hindi ko po kaya ang sinasabi n'yo."
"Kina, madali lang ang gagawin mo. I have a lot of clients–"
"Virgin pa po ako!" mabilis kong pagpuputol sa kanya lalo na ng marinig ang salitang
'clients'
. "Ate alam n'yo namang kahit na mahirap lang kami ay hindi ko po kayang magbenta ng aliw. Pasensiya na po."
Ang nalilito niyang mukha sa umpisa ay hindi naipinta pero nang mapagtanto ang mga sinabi ko ay muling kumawala ang nakakaloko niyang tawa.
"What are you talking about! It's not what you think, Kina!" hindi naubos ang tawa niyang mas nagpalito sa akin. "I'm proposing a job to you. Kung tatanggapin mong maging secretary ko kapalit ng serbisyo mo at pagharap sa mga kliyente kong makukulit ay sasahuran kita. Alam kong matalino kang bata and even if you're still in senior high, alam kong kaya mo na ang lahat ng ipagagawa ko. Kapalit nito ay ang ng pag-aaral mo. Being gay isn't that easy. Ano pa kaya ang bakla na walang kamag-anak? Somehow, I see myself in your shoe,
"Noon pa man ay alam ko na ang pakiramdam ng kinukutya at inaayawan ng lahat pero gaya ko ay lumalaban ka sa hagupit ng buhay. Gaya ko ay matatag ka kaya gusto kitang tulungan ngayong may kakayahan akong tumulong. I want to share my blessings to you so you can help your family and others. Hindi ito permanente. Gusto ko lang na magtrabaho ka sa akin kapalit ng pag-aaral mo ng kolehiyo. If you finished it, malaya kang maghanap ng trabahong gusto mo. I can let you go but you will always and forever welcome in my home."
Sa haba ng litanya ni Ate Ysa ay wala na akong nasabi at tanging nagawa na lang ay ang matulala sa kanya.
"So what do you say?" she asked after five minutes of waiting for my answer.
"Ate..." suminghap ako. "Totoo ka po ba?"
That made he chuckled again. She pursed her lips and then nodded slowly at me.
"Let's help each other, deal?"
Doon na ako naluha. Hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo at nagmamadali siyang niyakap.
"Deal na deal Ate!" paulit-ulit kong sabi sa gitna ng paghagulgol.
Sanay naman na akong umiyak pero ibang-iba ang iyak na ito ngayon. I feel like this is my calm after the storm. I couldn't thank God enough for this luck!
"Wow naman, Kina! Is that you?" manghang tanong ni Ate Letty, ang isa sa mga manicurista ng salon sa akin habang sinisipat ang kabuuan ko.
Mangha ko ring sinipat ang repleksiyon ko sa nasa harapang salamin. Suot ang kulay yellow na dress na hanggang tuhod ay mas umangat ang kulay kayumanggi kong balat. Akala ko magiging negra ako pero tamang tama lang ang kulay nito sa akin. I wore Sol's doll shoes and her sling bag. My ears were glorified by the silver dangling my father bought for my eleventh birthday. Ang iilang tigyawat at imperfections ko ay madaling natabunan ng make up at ang mukha ko ngayon ay nagkaroon ng mas kaaya-ayang ayos.
I couldn't believe that I'm looking at my own reflection. Parang gusto kong maniwalang gumanda na nga ako at hindi na bagay na asarin ng pangit...
"Ang ganda ganda pala nitong si Kina kapag naayusan!" si Ate Jinky naman, ang nagmistulang fairy God mother ko.
"Thank you, Ate Jinky."
"Kina, nandito na ang..." natigil si Sol sa paglalakad papasok ng salon at paglapit sa akin ng madako ang kanyang mga mata sa aking ayos.
"Kina? Wow! Ikaw na ba 'yan?"
"Oh, hindi ba eh ke-gandang bata nire?" proud na sabi ni Ate Jinky.
"You're so beautiful, Kina!" dagdag ng kaibigan ko habang iniikot pa ako para suriin pa ng masinsinan!
"Thank you, Sol! Tingin mo mapapansin na ako ni Uno?"
"Aba oo naman! Bulag na siya kapag hindi ka pa napansin!"
"Hindi ka lang mapapansin no'n, Kina! Mamahalin ka pa!" si Ate Jinky.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ko pa man siya nakikita ay may mga paro-paro nang nagsisiliparan sa loob ng sikmura ko.
"Sige na Kina at baka mahuli ka pa!"
Hindi na ako nagreklamo sa pangangaladkad niya't pagtataboy. Hindi natigil sa pagwawala ang puso ko habang nasa taxi na pinara niya. Hindi naman talaga kailangan ng taxi dahil pwede namang jeep pero nag-alala ako ng sabihin niyang baka humulas raw ang make-up ko at pagdating ko sa bar ay pangit na ulit ako. I don't want Uno to hate me. Gusto ko, espesyal ang unang pagkikita namin...
"Ticket?" proud kong ibinigay sa bouncer na doble sa katawan ko at laki ang ticket na pinaghirapan ko kasabay na rin ang ID na pineke ko para lang makapasok.
Ilang segundo pa niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko pero nang ngumiti ako ay wala na siyang nagawa kung hindi ang papasukin ako sa loob.
Namangha ako sa laki ng resto-bar na 'yon pero madali rin akong nadismaya ng makita ang layo ng stage na may mga barikada pang nakaharang sa ibaba, imposibleng malapitan ang mga magpe-perform. It's too far from my seat. Palibhasa kasi ay general admission lang ang ticket ko.
Mayroong bandang kasalukuyang kumakanta pero hindi ko inintindi. Ipinakita ko sa isang empleyado ng bar ang aking hawak at iginiya niya ako sa tamang upuan. Habang nakaupo doon at lumalagok ng juice na inuunti-unti ko ay hindi ko mapigilan ang malakas at mabilis na pagwawala ng aking puso. Kahit na parang kuting lang ang laki ng mga nasa stage dahil sa pwesto ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-excite. Kahit na hindi ko pa sigurado kung sila nga ang tutugtog ay naghintay pa rin ako.
I was texting Sol the whole time, sinasabi ang mga nangyayari dahil excited na rin ito sa ibabalita ko. Hindi ko na namalayan na lumalalim na pala ang gabi. I texted Mama about my whereabouts pero hindi na rin ito nag-reply. Siguro ay tulog na. I'm glad that she let me do things like this. Ang sabi niya ay tiwala siya sa akin at gaya ni Ate Ysa, naniniwala siyang deserve ko rin ang ganito kahit paminsan.
Nang ma-bored ako at sinabi ni Sol na mag-retouch ako ay ginawa ko. Halos isang oras ang itinagal ko sa banyo para na rin mag-practice ng sasabihin kay Uno kapag nagkaharap na kami pero nang bumukas ang pinto at tumugtog ang isang kantang malapit sa aking puso ay parang gusto nang lumabas ng bagay sa aking dibdib!
Mabilis kong isinilid ang lahat ng mga gamit pabalik sa aking bag at patakbong lumabas ng bathroom ngunit nang lumukob na sa aking tenga ang pagkanta ng napakagandang boses na 'yon ay agad na bumagal ang paghakbang ng mga paa ko.
"Well, they say people come
The say people go
This particular diamond was extra special..."
I feel like my world is taking its time to spin. Ang mga tao sa paligid ko ay parang magic na nawala sa aking paningin at tanging ang lalaking naka-maskarang kumakanta sa gitna ng stage na lang ang nakikita ko.
Hindi ko na kailangang kumbinsihin ang aking sarili kung sino sila because clearly, it's Zerea. It's them.
"And though you might be gone, and the world may not know s
till I see you, celestial..."
He continued singing. Nakaupo silang lahat, naka-maskara. Uno is in the middle and in front of a grand piano, playing it like he's born to dominate the stage tonight. Ang dalawa sa kanyang gilid ay hawak ang gitara habang ang isa naman ay sa drums. Kahit na medyo dim ang ilaw ay malinaw sa mga mata kong nakapikit siya at buong pusong sinasambit at ipinadarama ang lungkot sa bawat lyrics na binibigkas.
Tahimik ang punong bulwagan dahil sa pagtugtog nila. Ang lahat ay tila nakikinig sa isang anghel na bumaba sa lupa upang mangharana. His voice continued to serenade me with that sad song. Kahit malungkot ang kanta ay tuwang tuwa at punong puno ang puso ko.
"It's them. It's him..." paulit-ulit na sambit ng aking utak habang tulalang nakatitig at nananaginip ng gising habang pinapakinggan siya.
Dahan-dahang nagpatuloy ang mga paa ko palapit sa kanya...
"Yeah, when I'm cold... Cold,
There's a light that you give me when I'm in shadow
There's a feeling within me, an everglow..."
Kusang umangat ang kamay ko sa aking nagwawalang dibdib.
Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mga mata habang hindi napuputol ang titig sa kanya.
It's you... You're here... You're finally here, Uno...
This story is completed and now FREE on Haloreads! Just download the app and follow CengCrdva to read this novel and other books.
CHAPTER 7
Chapter Seven
Real Beauty
Lumulutang sa alapaap ang puso ko habang patuloy na humahakbang palapit doon. Hindi ako tumigil kahit na para na akong mababaliw sa nararamdaman ko. I just want to be near him. Alam kong malalapitan ko rin siya. Malalapitan ko rin…
“Miss, can I see your ticket?” anang may ari ng baritonong boses at malapad na katawang humarang sa akin at pumawi ng lahat ng mahikang kasalukuyang umuukopa sa pagkatao ko.
“P-Po?”
“Ticket?” humakbang siya palapit kaya napaatras ako.
Kahit na ayaw ng mga mata kong tanggalin ang titig sa apat na kalalakihang nasa stage ay ginawa ko upang makausap ang kaharap.
“Show me.”
“Oh!” nagmamadali kong hinalungkat ang bag ko para ibigay sa kanya ang hinihingi.
Nang makita kong kumunot ang kanyang noo matapos titigan ang ticket ko ay nagsalita akong muli.
“I just need to talk to–”
“You are not supposed to be in this area Ma’am. You have to go back to your seat.” maawtoridad niyang sabi.
“Kuya, sandali lang ako–”
“I’ll escort you back there.” aniya at hindi na ako nakapagsalita nang maglakad siya’t manduhan akong sumunod.
Habang kinakanta ni Uno ang huling parte ng kanta ay bumabalik ang panlulumo sa aking puso. Gusto ko pa sanang makiusap sa lalaki pero natatakot akong malaman nitong hindi talaga ako pwede sa lugar na ito dahil peke ang ID ko.
Isang malalim na buntonghininga ang lumabas sa aking mga labi ng muli akong makabalik sa aking upuan.
Dahil tahimik ang lahat ay hindi na rin ako nag-eskandalo. Imbes na ang sariling kagustuhan ang isipin ay minabuti ko na lang makinig… Besides, ito lang rin naman talaga ang pinunta ko rito hindi ba?
Tulala akong nagpangalumbaba habang nakatuon sa malayong stage at sa mga lalaking ilang taon ko ng sinusubaybayan at minahal…
“Ang layo mo, Uno… Ang layo layo mo.” malungkot kong bulong.
Ilang beses pa akong nagpakawala ng malalalim na buntonghininga habang patuloy na kinukumbinsi ang sarili na ayos lang at maswerte pa rin akong nakita ko na sila. Tumuwid ako ng upo ng magbago ang tugtog. I sighed again when I see him move a bit before singing a new song. Napangiti ako.
“Baby, It’s been a long time coming
Such a long, long time…“
I swallowed hard again when the soul of his voice touches mine. Para akong idinuduyan ng malamig na hangin at idinadala sa isang payapang lugar… Tinutupad ang mga pangakong iingatan ako at hindi kailanman sasaktan. Mamahalin at sasambahin habang buhay…
Parang doon palang nag-sink in sa utak kong narito na ang mga taong noon ay pinapakinggan ko lang sa maalikabok kong radyo. Nasa harapan ko na ang taong nagmamay-ari ng boses na mahal na mahal ko… Lumakad ang mga mata ko sa kabuuan nila. They are wearing casual clothes at wala namang kakaiba sa kanilang mga suot maliban sa maskarang nakaharang sa kalahati ng kanilang mga mukha.
Ang isang gitaristang nasa kanyang kanan ay mayroong tattoo sa brasong nakalabas sa kanyang polo shirt. Mayroong hikaw na kumikinang sa magkabilang tenga at relo sa kanang kamay. Maliban doon ay wala na akong napansin. The rest didn’t have ear piercing, tattoos or even watch. Maging si Uno… He didn’t have anything in him aside from a mask that’s covering half of his face.
“Can you hear my heart beaten?
Can you hear that sound?
’Cause I can’t help thinking
And I won’t stop now…“
Hindi ako tumigil sa pagsipat sa kanyang kabuuan. Kahit na nakaupo, sigurado akong napakatangkad nito. Kahit na naka-maskara ay alam kong napakagwapo rin… Sayang nga lang dahil hanggang doon lang ako. I couldn’t even be near him. Masyadong malayo at imposible. This is a high end bar at alam kong kaunting maling galaw ko lang ay agad akong mapupuna. Ayaw ko namang mag-eskandalo because that wouldn’t be a nice first impression.
Sumuko na ako. Ilang kanta pa ang tinugtog nila bago ko marinig ang gitaristang nasa kanyang tabi na magsalita at agawin ang atensiyon ng lahat.
“Good evening everyone, thank you all for coming tonight. Once again we are Zerea. I’m, Gunner,” aniya bago ipakilala ang mga kabanda. “Cole, Fin and of course, Uno.” isa-isang itinaas ng mga ito ang kanilang mga kamay pero agad rin namang tumugtog ng panibagong kantang tila ayaw mag-aksaya ng oras.
Sa mga sumunod ay wala akong nagawa kung hindi ang matulala na lang sa kanila. Hindi ko na nabalitaan si Sol dahil ninanamnam ko ang bawat segundo ng kanilang presensiya. Wala sa sariling inangat ko ang aking telepono para sana kunan sila ng litrato o kahit mag-record man lang ng video pero agad na hinarangan ng panibagong bouncer ang cellphone ko.
Blanko ang ekspresyon ng mukha nito habang inaangat ang flyers na hindi ko napansing mayroong nakalagay na bawal ang pagkuha ng video maski litrato sa mga ito. Sinenyas niyang ibaba ko ang aking hawak na agad ko namang ginawa.
I can feel my heart beating with so much sadness but instead of feeding it with more negativity, I diverted my attention on the band, for the last time.
Natulala, namangha at muli akong nagmahal pero binalikan ako ng realidad ng makita ang pagtayo ni Uno pagkatapos ng huling kanta kasabay rin ng pagsisitayuan ng lahat.
Mabilis ang mga pangyayari. I found myself running towards the men para man lang makapag-hi sa kanila pero gaya kanina ay mabilis ulit akong naharang nga mga alertong bouncers as if like talking to the band or even be near them is forbidden.
“Kuya wait! Uno!” sigaw ko ng makitang malapit na ito sa exit.
“Uno!” pag-uulit ko at nadagdagan pa ng ilan pero hindi niya ako narinig.
I remember shouting so loud but none of them heard me. Nagpaulit-ulit ako sa pagsigaw habang inilalabas ako ng mga bouncer sa restobar na ’yon pero nang tuluyang mawala si Uno sa paningin ko ay doon ko na naitikom ang aking bibig, tinatanggap ang pagsuko.
Nanghihina ako matapos iwan ng mga bouncer sa labas ng pasilidad. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ang lahat ng eskandalong ’yon at paano natapos pero wala na akong magagawa pa upang baguhin ang mga nangyari. Pagod at tulala akong naglakad hanggang sa may gutter ng kalsada. Doon ako nanatili ng matagal at hindi ko na alam kung paano pa ako nakauwi ng maayos matapos ang kahihiyang iyon.
“O-Okay lang.” sagot ko kay Sol ng tanungin niya ako tungkol sa nangyari kagabi.
“Anong klaseng sagot ’yan? Mag-kwento ka!”
“Okay nga lang.”
“So sila nga?”
Tumango ako.
“Sila nga at nakita ko na silang lahat pati si Uno.”
Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya na sinasabayan pa ng pagkurap-kurap na akala mo’y isang prinsesang kaharap ang kanyang prince charming.
“Oh tapos?” she asked curiously.
“Tapos… nanuod ako hanggang sa matapos.” pag-iwas at pagtatapos ko ng kwento.
“’Yun lang?!” dismayado niyang bulalas. “Nanuod ka lang? Hindi kayo nagkita?”
“Nakita ko nga siya.” giit ko.
“Eh ikaw ba nakita niya?”
Nag-iwas ako ng tingin.
“Hindi kayo nagkaharap?!” hindi makapaniwala niyang bulalas.
Malungkot akong umiling at nag-isip nalang ng maayos na dahilan.
“Masyadong maraming tao at alam kong hindi niya rin ako mahaharap kaya hindi na ako nagpumilit.” pagsisinungaling ko.
Kanina, paggising ko ay doon ko lang naisip ang lahat ng mga nagawa ko. Nakakahiya ang lahat ng iyon pero anong magagawa ko kung ang mga emosyon ko na ang nag-udyok sa akin na gawin ang eskandalo? I just wanted to meet him personally. Gusto kong paniwalaan na mayroon kaming matagal ng koneksiyon at kapag nakita niya ako ay mararamdaman niya… ’Yung spell, ’Yung magic… Lahat ng mga nararamdaman ko.
Napapitlag ako ng sapuin ni Sol ang kanyang noo.
“Sayang ang dalawang libo!”
“Hindi naman! Nakita ko naman sila at sumaya naman ako.”
“Pero ayaw mong mag-kwento kaya tingin ko hindi worth it. ’Yung totoo, nadismaya ka ’no? He’s not what you imagined, tama?”
I sighed at that. “He’s more than what I imagined Sol,” natutulala ulit ako sa kawalan. “He’s more than everything…”
“Oh my… Details please! Paano ’yung mga mata niya? Anong kulay? Matangos ba ang ilong niya? Mapula ang mga labi? Nag-iigting ang mga panga? Malaki ang katawan at mukhang maraming abs?”
Parang gusto kong matawa sa mga tanong ng kaibigan ko. Kahit ako ay gusto ko ring malaman ang lahat ng iyon lalo na ang huling parte pero hindi ko siya kayang bigyan maski isang malinaw na detalye.
“Basta gwapo siya.” sagot ko na lang.
“Ano ba naman klaseng sagot ’yan?! Alam mo Kina, nagbago ka na! Ang damot mo na grabe ka!”
Napanguso ako at napapikit sandali at nag-isip ng mga sasabihin.
“Hindi ko ma-describe kung ano ang bawat detalye ng mukha niya, Sol. They’re wearing masquerade masks. But yes, siguradong magaganda at expressive ang mga mata niya at matangos rin ang ilong. Medyo magulo nga lang ang buhok… Sa katawan naman, hindi ko alam kung maraming abs ang kanyang tiyan dahil hindi ko naman naaninag. Masyadong malayo ang upuan ko sa gawi ng stage at maraming bantay kaya hindi man lang ako nakalapit kahit ilang dipa.”
Umawang ang kanyang bibig sa narinig.
“Hindi mo nalapitan?”
“It’s impossible to be near them. No one dared to take pictures or even video. It’s prohibited. Maraming bantay.”
“That’s weird…”
“But they delivered what they promised on the show. They gave us an amazing night. Sobrang galing nila.” para akong nananaginip ng gising habang sinasariwa ang lahat ng nangyari kagabi.
“How old are they based on their appearance? I hope hindi gaya ni Rey Valera!”
Natawa ako’t napahagikhik. Isinara ko ang laptop na ipinadala ni Ate Ysa sa akin kagabi.
“They are on their mid twenties I think.”
“Hot.” wala sa sarili niyang bulong sa sensual na tono.
“Very hot…” I answered with the same tone and then bit my lip when I imagined Uno closing his eyes while pouring his heart on his first song.
Our conversation went on and on hanggang sa tinawagan ako ni Ate Ysa para pag-usapan ang deal namin at ang lahat ng mga detalye ng trabaho ko. Sol knew about it. Masaya siya para sa akin at excited na rin siyang makita si Ate Ysa pero sa ngayon ay hindi na muna dahil marami pa kaming kailangang pag-usapan.
Isinama ko sa bahay nito sila Mama at Ken gaya na rin ng request niya para ipagpaalam ang lahat ng plano sa akin.
Everything went well but I couldn’t hold back my tears when I see my mom crying. Maya maya ay naiyak na rin si Ken ng sabihin ni Ate Ysa na pati ito ay tutulungan niya sa gamutan. Tamang tama ang timing dahil kagabi lang ay nahuli ko na namang umiiyak si Mama at namomroblema kung saan kukuha ng pambili ng gamot ng kapatid ko. Ate Ysa is a miracle for all of us and I will always and forever be thankful to her. Isang mahigpit at mahabang yakap ang iginawad ko sa kanya pagkatapos ng pag-uusap na ’yon.
I decided to quit my job the next day and started working for her while still studying. Nagpapasalamat ako’t matiyagang mag-train sa akin si Ate Ysa sa mga kailangan kong gawin para maging personal assistant slash secretary niya. I learned how to handle client calls properly. Hindi nagtagal ay ako na rin ang gumagawa ng schedules niya pati na rin ang ilang reports na kanyang kailangan.
Una palang ay alam kong mababago na ni Ate Ysa ang buhay ko pero hindi ko akalaing pati ang buhay ng pamilya ko ay magbabago rin dahil sa lahat nga naitulong niya sa akin. Bukod sa allowance at pagpapaaral ay binibigyan niya pa ako ng extrang pera para sa mga personal kong kagustuhan. Doon ko kinuha ang pambili ng siyam pang ticket sa show ng Zerea na pinuntahan ko. ’Yon nga lang, hanggang general admission pa rin ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalapit sa kanila dahil hindi ko afford at kayang iwaldas ng gano’n ang kita ko lalo na’t marami pa ring pangangailangan ang pamilya ko.
Just like the first time, gano’n pa rin kahigpit ang security lalong lalo na sa pagkuha ng pictures at videos kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong remembrance sa kahit na anong show nila maliban sa pinunit na parte ng ticket.
Nanatili ako sa pangangalaga ni Ate Ysa hanggang sa magsimula na ang buhay ko sa kolehiyo. Hindi gaya noon na palagi akong puyat, ngayon ay marami na akong pahinga dahil hindi ko na kailangang gumawa ng projects ng mga ka-eskwela ko para lang kumita ng kakarampot na pera. Ang extrang pera na ibinibigay ni Ate Ysa sa akin ay sobra sobra na para sa mga pangangailangan ko. Dahil do’n ay nakaipon ako’t nakalipat kami sa mas maluwag na apartment at nakabili na rin ng aircon para kay Ken. Hindi na rin kami nauubusan ng pagkain at mas nakakaluwag na kaysa dati na minsan ay walang wala talaga pero ang pinakapaborito ko sa lahat ng pagbabago ay ang makita si Mama na hindi na umiiyak at inaalala ang mga pangangailangan namin.
Napapitlag ako sa pagtunog ng aking telepono ng mag-text si Ate Ysa. Kinuha ko ’yon at binasa kaagad.
Ate Ysa:
Have you booked our appointment to Dr. Belo tomorrow?
Nagtipa kaagad ako ng reply.
Ako:
Yes, Ate.
Ate Ysa:
Good. After that you’ll need to squeeze some shopping time in my schedule. I need to attend to this party and I want you to come with me.
Ako:
Kasama po talaga ako?
Ate Ysa:
Of course, Kina. May ipapakilala ulit ako sa’yo kaya huwag ka ng tumanggi at sana ay huwag mo na ring tanggihan ang isang ito. Aba, ikaw nalang yata ang kilala kong hanggang ngayon ay takot pang mag-boyfriend! Daig ka pa ni Sol na ilang lalaki na ang napaiyak!
Napangisi ako sa nabasa. That’s right. Gaya ko ay marami na ring pinagbago ang buhay at pisikal na anyo ni Sol. She’s still chubby pero hindi na gaya noon na talagang lumba-lumba. Napakaganda na rin lalo na’t natutong maglagay ng mga kolorete sa mukha. She’s now studying in one of the finest university in the country at talagang high class na rin. Though marami ng pinagbago sa kanya-kanyang buhay, nananatili pa rin kaming magkaibigan kahit na minsan na lang kung magkita.
Ako:
Isang taon pa po bago ako maka-graduate ng college. Sayang naman po kung hindi ko matatapos ’yon dahil lang sa lalaki. I don’t want to disappoint you Ate.
Ate Ysa:
Oh, Kina! You will never disappoint me! I know how brilliant you are at alam kong alam mo ang tama at mali kaya may tiwala ako sa’yo. I just want to give you a little inspiration.
Ako:
Sa lalaki po ba nakukuha ’yon? Huwag na po. I’m good with what I have and I’m not currently looking for more.
Ate Ysa:
It’s still Uno, is it?
Pinagdiin ko ang aking mga labi ng mabasa ang pangalang iyon. Parang kahit na pangalan lang ay biglang pumiglas ang puso ko.
Zerea didn’t play on the radio anymore. Bukod sa live gigs ay wala na silang ibang appearances kaya doon nalang ako umaasa… And it’s true… It’s still Uno all this time. Wala namang nagbago. What I feel for him the first time the magic of his voice touches my broken heart is still the same.
Ako:
Wala lang po talaga sa isip ko ang mag-boyfriend.
Ate Ysa:
Ilang beses mo na nga bang sinabi ’yan sa ’kin kahit na alam naman natin ang totoo?
Alam kong nababaliwan na naman siya sa akin kaya bago pa masira ang relasyon namin ay pumayag na lang ako sa lahat ng mga sinabi niya ngunit hindi naman nangako ng sobra. I told her that I’m willing to entertain other boys but that’s just it. Hanggang doon lang ako dahil ngayon palang ay alam at kilala ko na ang soulmate ko and clearly, I will never meet him on that party or anywhere else except in Zerea’s gigs.
Sa pagtatapos ng usapan ay muli kong binalikan ang aking sarili sa harap ng salamin. Sinipat ang lahat ng pagbabago saka napagtantong, ito ang pinakamatindi.
Since I’ve been with Ate Ysa, nahawa na ako sa mga skin care routine niya. I began working out with her, taking care of myself like how she trained me to. Sabi niya, bukod sa kaalaman sa trabaho ay pagagandahin niya pa ako para raw kapag wala na ako sa poder niya ay hindi na ako mahihirapan at hinding-hindi ko na mararanasan ang mga naranasan kong pagmamalupit ng mga tao noon sa akin.
Bumaba ang mga mata ko sa maliit na litratong isiningit ko sa bagong bili kong tokador. Kuha iyon noong mga panahong isinusumpa ako ng lahat. Maitim, payat, maraming tigyawat at sabog ang buhok. Umangat ang aking mga mata at nakipagtitigan sa aking repleksiyon.
I smiled sweetly at the mirror. Lumabas ang maliit kong dimples sa aking kanan at makinis na pisngi na hindi ko alam na naroon pa rin dahil ilang taon iyong natabunan ng mga busog na tigyawat. My hair is long, healthy and has big curls. My body improved a lot too.
Kung noon ay buto-buto, ngayon naman ay pwede na raw akong sumali sa contest ng mga sexiest woman sa bansa. I have a huge bosom, maliit ang bewang na pwedeng dangkalin at may kalakihan rin ang pang-upo. My long legs were my favorite bukod sa morena kong kulay. While everyone is busy whitening their skin, ako naman ay gustong panatilihin ang pagiging kayumanggi.
Ate Ysa told me to not take any glutathione. Aniya’y maganda na ang balat ko at hindi na kailangan pang baguhin. Mas maigi pa rin daw ang natural. She said na ang lahat ng pagbabago sa akin ngayon ay mas bagay na sa personality ko and I couldn’t thank her enough for everything.
Minsan, kahit marami ng lalaki ang nagsabi sa akin kung gaano ako kaganda at nagparamdam na rin ng pagkagusto ay hindi ko pa rin magawang maniwala ng tuluyan. It’s happening so fast… Like my life is taking three sixty degrees turn na sa sobrang bilis ay nakakakaba at nakakatakot mag-explore. I feel like I was re-born. Ibang ako na ang nakikita ng mga tao dahil sa panlabas kong anyo ngunit wala naman akong pinagbago sa loob. I was the same Kina who was being bullied and hated so many years ago.
It’s sad to think that many eyes wanted to see real beauty but didn’t want to look from within… and it is so devastating to realize that we live in a world where being different is ugly.
Malungkot akong napangiti. It’s a sad truth… in a sad world that we’re living in.
This story is completed and now FREE on Haloreads! Just download the app and follow CengCrdva to read this novel and other books.
# CHAPTER 8
Chapter Eight
No One Can Tame
"It's nice to meet you too, Bailey." masaya kong sabi sa lalaking posturing postura sa aking harapan.
Sa pagkakatanda ko, Ate Ysa told me that the guy is a son of one of her business partner kaya kahit na labag sa loob kong makipagkilala ay ginawa ko pa rin para sa kanya.
Hindi niya binitiwan ang kamay ko nang subukan kong higitin iyon palayo.
"Do you want to continue this party to my place?" kampante niyang tanong na parang gano'n na lang ako kadaling utuin.
Oo nga at wala pa naman akong karanasan sa pagmamahal pero tama si Ate Ysa. Alam ko ang tama at mali at ang lalaking ito ay isa sa mga maling dapat kong iwasan.
"I have a lot to do here. Thanks for the invite though." matamis akong ngumiti at agad na hinila ang kamay bago siya tinalikuran ngunit hindi pa ako nakahahakbang palayo ay muli na akong natigil ng mahawakan niya ang aking kamay.
Napapikit ako ng mariin at dahan-dahang humarap pabalik sa kanya habang tinatanggal ang mga kamay na 'yon.
"Yes?" pormal kong tanong kahit na naiirita na ako.
"Don't hesitate to call me if you change your mind. I'll be waiting for you."
Tumango ako at tinanggap ang calling card na ibinigay niya bago mabilis na naglakad palayo. Nang makita ko ang isang basurahan ay madali ko iyong tinapon. This is what I don't like about guys. Ang ilan, porket mayaman at gwapo ay akala nila mga bagay na lang ang babae na madaling kunin kapag ginusto.
Ang totoo, kahit na natutuwa ako sa positibong atensiyon na nakukuha ko ngayon sa lahat ay hindi pa rin ako komportable. Kung si Ken pa nga, hindi raw ako marupok. I disagree. Minsan madali ay rin naman akong madala at maniwala sa mga salita pero may isang tao pa ring hinihintay ang puso ko na gagawa ng lahat ng iyon sa 'kin. Kapag nagkataon, hindi ako magdadalawang-isip na maging marupok ng tuluyan sa kanya.
Tahimik akong naupo pabalik sa upuan namin ni Ate Ysa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Sol para malibang at mawala ang inis.
Ako:
How to avoid flirty guys?
Sandali lang akong natulala doon dahil sa madali niyang pag-reply.
Sol:
You can't, Kina. Sa panahong ngayon dapat masanay ka na lalo na't malaki na ang pagbabago sa'yo. Tanggapin mong baliktad na ang mundo ay ikaw na ang tinitingala ng lahat kaya seize the moment. Eh bakit ba kasi ayaw mong mag-try kahit isang lalaki lang? Kahit fling fling lang?
Ako:
Paano si Uno? Paano kung pumayag ako tapos saka kami magkaharap?
Sol:
Oh God! Hanggang ngayon talaga si Uno pa rin?
Ako:
Noon, ngayon at bukas.
Sol:
Fine! Sa ngayon ipagpatuloy mo na lang 'yang ginagawa mong pagtataboy sa mga lalaki. One day, kapag nakaharap mo na ang lalaking para sa'yo at magiging malaking parte ng buhay mo, hindi ka na makakatanggi.
Ako:
Si Uno nga.
Sol:
Uno na kung Uno! Sige na siya na para sumaya ka na! I gotta go! I have a date tonight. I miss you and see you soon, okay?
Napangiti ako.
Ako:
See you and I miss you too! Ingat.
Ibinaba ko ang aking telepono. I'm glad that Sol is still there whenever I needed her. Gaya ngayon, kung kanina ay naiinis ako, ngayon naman ay natutuwa na ako sa kakaisip sa kanya.
I never thought of her being wise when it comes to guys. Noon ay walang ni isang nagtatangkang lumapit sa amin pero tignan mo naman ngayon, napapaligiran na kami at palagi ng napapansin. Sol loves the opportunity. Ako naman, patuloy na lumalayo at patuloy na naghahabol sa isang lalaki.
Napatuwid ako ng tayo ng makita si Ate Ysa na palapit sa akin kasama ang isang lalaking siguro'y nasa late fifties na.
"Mr. Venavidez, I want you to meet my personal assistant, Kinslett Zuniga," parang nalula ako ng mapagtantong ang lalaking ito ay isa sa mga tinitingala ng lahat ng narito sa party!
Nahihiya ko siyang binati. I knew who this guy is. Ilang beses ko na siyang nakita noon sa mga magazine na nakatambak sa opisina pero ngayon ko lang ito tuluyang nakaharap! He looks exactly like the images printed on the glossy paper except the intimidating aura! Ngayon ay parang wala itong mataas na barikadang gawa ng estado sa buhay!
"This is Mr. Archelaus Venavidez, the chairman of the largest food and beverage corporation in the Philippines and Southeast Asia and one of the country's leading businessman."
"Absolut corporation!" I excitedly exclaimed.
Natawa ang kadaupang palad ko saka ako nginitian ng malawak.
"That's right Miss Zuniga," nilingon niya ang katabi. "And that's a lot of information, Mrs. Yanai." magiliw na komento nitong nagpatawa sa akin.
"It's a pleasure to meet you Sir!" buong puso kong pag-uulit.
"Pleasure is mine, hija."
Kahit na namamangha ako't natutulala sa kaharap ay naging maayos naman ang pagtatapos ng aming usapan.
"Kaibigan n'yo po talaga?!" hindi makapaniwala kong tanong rito habang nasa sasakyan kami at pauwi na.
Tumango si Ate Ysa. "He's a great friend of my husband. Mr. Venavidez first love is Japan aside from his wife. He started with a humble beginning at talagang sobrang bait lalo na sa kanyang mga empleyado. He captured the heart of his employees at dahil do'n ay lumago ang kanyang negosyo at isa na ngayon sa nangunguna sa ating bansa."
Nakinig ako sa mga kwento niya. Simula sa kung paano naging magkaibigan ang kanyang asawa at ang lalaki hanggang sa paano niya ito nakilala. Kung noon ay tanging paghinga lang sa yaman nito ang nararamdaman ko, ngayon ay mas lumalim 'yon ng malaman ko kung gaano nito kamahal ang kanyang mga nasasakupan na itinuturing nang pamilya.
I've learned that the guy invested in a lot of charities too. Simula ng mamatay ang asawa nito ilang taon ang nakalipas ay hindi na siya ang itinuring na pinakamayaman sa bansa dahil ang ilan sa kanyang mga pera ay inilaan sa mga charities.
Napuno ang puso ko ng impormasyon at paghanga sa lalaki. Ate Ysa also told me that the guy built a temple for his late wife. Sa sobrang pagmamahal at pangungulila rito ay iyon ang pinagkaabalahan niya habang nagpapatuloy sa buhay.
Simula ng gabing 'yon ay hindi na nawala sa utak ko si Mr. Venavidez. Sa bawat araw ay hindi ako nauubusan ng oras para alamin ang kalagayan at kalakaran ng kanyang kompanya at ang ilan pang detalye sa buhay nito. Araw-araw ay panibagong impormasyon ang nalalaman ko hanggang sa dumating ako sa puntong gusto ko na ring maging parte ng kanyang kompanya. I just admire him so much dahil kahit na gaano siya kayaman ay hindi ito nagiging hadlang sa pag-abot niya sa mga mahihirap.
"Congratulations, Kina!" masayang bati ni Mama sa akin matapos kong tanggapin ang aking diploma bilang magna cum laude ng university na pinasukan ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "This is all for you and Ken, Ma."
"Thank you, Anak... Thank you for everything." naluluha na niyang sabi kaya hindi ko na rin napigilan ang maluha.
Ate Ysa throw a big party for me. Dumalo ang mga college friends ko, ang pamilya ni Sol at ang ilan pang mga kakilala.
"Congratulations, Kina."
Malawak akong napangiti ng makita si Baldo na may dala pang bulaklak.
"Is that for me?" nahihiya kong tanong hindi dahil kinikilig ako kung hindi dahil naaalala ko ang mga pagpapansin at kabaliwan kong ginagawa sa kanya noon.
"Yes." kinuha ko ang bulaklak sa kanyang kamay.
"Thank you, nag-abala ka pa."
Nahihiya itong napakamot sa ulo. Magsasalita na sana ito pero agad na natigil nang dumating si Sol at hinila ako palayo rito at dinala sa ilang mga kaibigan niyang kasama.
Everything seems so perfect. Totoong masaya akong isang yugto na naman ng buhay ko ang natapos at panibago na naman ang sisimulan. Masaya akong masuklian ang lahat ng paghihirap ni Ate Ysa at Mama sa akin pero nang sumagi sa utak ko si Papa ay hindi ko maiwasang malungkot.
Nasaan na kaya siya? Is he happy? Kung narito siya, magiging proud rin kaya siya sa 'kin? Magiging masaya ba siya?
Napayuko ako at napatitig sa red wine na hawak ko. Kahit na ilang taon na siyang hindi nagpaparamdam ay wala akong maramdamang galit dahil sa pag-iwan niya sa amin sa gitna ng hirap. Alam kong may dahilan siya at kung isang araw ay magagawa niyang bumalik, buong puso ko siyang tatanggapin. I'm ready and willing to take him back para maiparanas ko rin sa kanya ang kaluwagan sa buhay na ni minsan ay hindi niya naranasan. How I wish he was here. Siguro kung narito siya, hindi ko mararamdaman ito. Siguro purong saya lang ang lahat ng madarama ng puso ko...
Maingat kong inangat ang hawak kong baso at dahan-dahang sumimsim doon.
Nagpatuloy pa rin ako sa pagta-trabaho kay Ate Ysa pagkatapos kong maka-graduate pero hindi pa rin nawala sa utak ko ang pagta-trabaho sa ibang kompanya. Kahit na hindi naman niya ako sinisingil ay gusto ko siyang bayaran sa lahat ng ginawa niya sa buhay ko at hindi ko 'yon magagawa kung mananatili ako sa kanya.
Nakita ako ang sarili kong naghahanap ng trabaho pero bigo ako. Pakiramdam ko, walang trabaho ang nababagay sa akin pero nagbago ang lahat ng 'yon ng makita ang isang advertisement ng kompanyang ilang buwan kong sinubaybayan.
Muling umulit sa utak ko ang unang beses na nakita ko si Mr. Venavidez at kung ano ang dahilan ng paghanga ko sa kanya. I began searching about his company again ngunit nanlumo ako ng makitang marami ang nagbago sa kompanya.
Ang sabi sa mga article na nabasa ko ay hindi na raw ito ang pinakamayaman sa bansa dahil sa mas pagtulong nito sa mga mahihirap lalo na ngayong taon. Mr. Venavidez is giving all his money away, said one article. Marami ang tinututulan ang mga plano niya para sa mga mahirap at nangangailangan. They said that the man is depressed at kailangan ng professional help.
Sa dami ng mga negatibong nabasa ko ay hindi ko mapigilan ang mapabuntonghininga ng malalim.
"Oh, bakit mukhang pasan mo ang daigdig?" bungad ni Ate Ysa ng maabutan ako sa gano'ng posisyon.
"Totoo po ba 'to?" ipinakita ko sa kanya ang mga article na nabasa ko pero mas lalo yata akong nalungkot nang kumpirmahin niya 'yon.
Iniwan niya ako at dumiretso sa kanyang desk pero ang mga mata ko ay sumunod sa kanya.
"He is not the richest man anymore. He maybe depressed and helping a lot of people but that's his way of coping up for the loss of his wife. It's his money anyway kaya walang pwedeng magdikta sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin. Pinaghirapan niya 'yon at nasa kanya kung saan niya gustong waldasin."
"But what about his children? Anong mamanahin nila kapag nagkataon?"
"His son," pagtatama niya. "That guy is stubborn, Kina. Walang pakialam sa mamanahin sa ama. He doesn't even want to help his father. Walang amor sa kompanya na siya lang ang tanging magmamana."
Napaawang ang bibig ko sa narinig kaya hindi ko nagawang magsalita.
"And speaking of the guy, kasalakuyan pa rin 'yong kinukumbinsi ng ama na palitan na ang pwesto niya pero dahil hindi naman sila gaanong malapit sa isa't-isa, walang silbi. No one can tame Zackreus Tobias Venavidez. May sariling mundo ang isang 'yon at hindi papadikta sa kahit na sino."
"Pero bakit po?"
Nagkibit siya ng balikat.
"Kahit na mabait si Archelaus ay mahigpit naman ito bilang ama kay Zeto. Palibhasa ay nag-iisang anak kaya gano'n na lang ang mga mando nito sa anak na siguro'y hindi naintindihan ng bata hanggang sa lumaki. Tanging ang asawa lang ni Archelaus na si Tonina ang may kayang paamuhin ang batang iyon pero ng mawala ay mas lalong naging masalimuot ang relasyon ng mag-ama."
Ang panlulumo ko ay lumala para kay Mr. Archelaus. Tumayo ako at tumapat kay Ate Ysa sabay lapag ng ilang mga papel na kailangan niyang pirmahan ngayon araw. Habang nakatayo ako ay nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.
"That guy is genius like his father pero talagang walang balak sa pwesto ng ama kahit na alam niyang isang araw ay babagsak iyon kapag hindi natutukan ng maigi."
"Ang sama naman pala niya."
Napanguso ako ng marinig ang pagtawa ni Ate Ysa.
"At hindi mo siya gugustohing makilala, Kina..." she paused, matagal at maya maya pa ay parang may naisip na itong kung ano kaya naibaba ang hawak na ball pen, tumuwid ng upo bago ako pinasadahan ng tingin simula ulo hanggang paa. "Or maybe you should,"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig pero bago pa makapagreklamo ay sunod ko ng nakita ang pag-abot niya ng isang calling card sa akin na nababaliw ko namang kinuha.
"I've heard that he needs another secretary after the forty ninth girl resigned two days ago. This will be the craziest idea I've ever had but I want you to apply for the job, Kina. Besides, hindi ko muna kakailanganin ang serbisyo mo sa mga susunod na buwan dahil sa pagbalik namin ni Hiroshi sa Japan."
"P-pero Ate–"
"I'll give you five months to convinced Zeto to run his father's company."
"P-Po?!" nawiwindang kong bulalas!
"I don't think you'll want to be with that guy for a long time but I still want you to try. I want you to help Archelaus with his company. Bonus na doon kung magkaroon ng maayos na relasyon ang ama but I know you can do it," pilit niyang inabot ang kamay ko at marahang pinisil kaya napalunok na lang ako.
"Try, Kina... Just try for me please?"
This story is completed and now FREE on Haloreads! Just download the app and follow CengCrdva to read this novel and other books.
CHAPTER 9
Chapter Nine
Basta Driver, Sweet Lover
“I’ve been spending some time
Thinking I’d be alright
Don’t know if I could
Really make it tonight…“
Nanatili akong nakatulala kay Uno habang kinakanta nito ang malungkot na kantang iyon. Hinayaan ko ang sarili kong pakinggan siya dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila mapapanuod. Kung kailan ko ulit siya makikita.
Inikot ko ang aking daliri sa rim ng basong may lamang alak na nasa sa aking harapan. I don’t usually drink but when I do, tama na sa akin ang isang baso lang sa kada party na napupuntahan ko. Just enough to calm me pero ngayon, parang kailangan ko pa ng marami.
I don’t know what to expect tomorrow. Ang instructions lang sa akin ni Ate Ysa ay kailangan kong galingan ang interview bukas at kailangang makuha ko kaagad ang loob ng anak ni Mr. Venavidez… Pero higit at una sa lahat, kailangang matanggap ako.
“You’re turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down…“
Marahan kong inangat ang hawak kong inumin at sumimsim doon. Bumaba ang mga mata ko sa nakalatag na flyers sa aking harapan ng ibalik ko sa lamesa ang baso.
The Next Night featuring Zerea… Basa ko.
I sighed when I remember that this night will be my last night with them. Alam kong hindi biro ang papasukin ko bukas at magiging abala na ako kaya baka magtagal bago ako makabalik.
Ang sabi ni Ate Ysa, I need to prepare for the worst case scenario and I shouldn’t underestimate Zeto. Kahit na wala akong narinig na maganda tungkol rito ay hindi ko nagawang tumanggi. Ang iniisip ko na lang ay ang ama niya. Alam kong hindi madali ang pinagdaanan nito para itayo ang kompanyang ngayon ay namamayagpag at may posibilidad na bumagsak kaya gagawin ko ang lahat matulungan lang ito… Sana nga makatulong ako.
“Every time I hurt you
Well it’s hurting me too
Don’t know if
I could really stay here tonight…“
Bumalik ang mga mata ko sa bokalistang buong puso pa ring kumakanta sa harapan.
“Huwag kang malulungkot kapag hindi ako makanuod sa susunod, huh? Magiging busy lang ako pero hinding-hindi kita makakalimutan, Uno,” ipinatong ko ang aking mga kamay sa lamesa bago muling nagpangalumbaba. “I will miss you… Kung sana naririnig mo lahat ng mga bulong ko… Kung sana alam mong palagi akong nag-aabang sa’yo, eh ’di sana mami-miss mo ako kapag nawala ako.” malungkot akong napangiti.
“Baby you don’t understand
Our love lies lost
But you’re still
Holding my hand…“
Muli akong napabuntonghininga nang marinig ang sunod na lyrics na kanyang kinanta.
“Gaano ba kasakit at kabigat ’yang nararamdaman mo? Masakit na masakit ba talaga? Uno, nandito lang ako… Nandito lang palagi para sa’yo.” nababaliw kong bulong.
Sa lahat ng live show nilang napuntahan ko ay wala itong kinantang masaya. Minsan nakakapag-selos na pero dahil ni hindi ko siya malapitan, wala akong magawa.
If I can only be near him… Touch him… Baka maibsan ang nararamdaman niya. Siguro kapag nalaman niyang hindi niya kailangang malungkot sa sawing pagmamahal dahil narito ako at handa siyang saluhin ay hindi na siya malulungkot.
“Mami-miss kita, Uno. Sana sa pagbalik ko masaya ka na. Kapag hindi, hanapin mo lang ako at ako na ang bahalang magpasaya sa ’yo…” dagdag ko habang muling inaangat ang aking baso at muling umiinom doon.
My night ended after their performance. Marami pang sumunod na tumugtog pero hindi na ako nagtagal.
Kinabukasan ay muli kong kinwestiyon ang sarili kong mga desisyon. I don’t know how the odds convinced me to do this Save-Archelaus-And-Zeto thing but I’m doing it anyway!
Ibinaba ko ang aking palda nang umangat iyon matapos kong bumaba sa taxi na sinakyan ko. Today is my interview day at sinabing susunduin daw ako ng driver ng lalaki para ihatid rito pero inugat na lang akong nakatayo habang suot ang sapatos kong may three inches na takong at tumirik na lang ang araw ay wala pa ring driver o sasakyang magara na humihinto sa harapan ko!
Marahas akong napalunok dahil ilang beses ko nang sinubukang tawagan ang numerong iyon pero walang sumasagot. Tumulo na rin ang ilang pawis sa noo ko at alam kong humulas na rin ang make-up na inilagay ko sa aking mukha pero ni anino ng sasakyan ay wala akong nakita!
I really hate waiting! Oo nga’t ito ang unang beses kong sumubok na mag-apply sa normal at tradisyon na paraan pero tiyak kong wala namang ganitong klaseng interview! Bakit ako susunduin kung pwede naman akong pumunta na lang kung nasaan ito?
Inis kong inangat ang paa ko at bahagyang inunat dahil sa pangangalay. Sampung minuto pa ang lumipas pero bigo pa rin ako. Ginawa ko nang pamaypay ang suot kong coat at halos mapiga ko na ang panyong dala ko gawa ng pawis ngunit wala pa ring dumarating!
Gigil kong kinuha ang aking telepono at tinawagan ang driver pero nagpatuloy lang ito sa pagri-ring. Huminga ako ng malalim at handa na sana sa paglabas ng galit, iritasyon at pagod nang sagutin nito ang tawag pero bago pa lumabas ang mga mararahas na salita sa aking bibig ay agad ng umibis ang isang itim na sasakyan sa aking harapan.
Hindi ako nakagalaw ng rumolyo pababa ang bintana nito kasabay ng pagdungaw ng lalaking nakaputing uniform habang nakasuot ng itim na salamin. Hindi ko na siya napagalitan ng ituro niya ang back seat na parang sinasabing sumakay na lang ako at huwag ng magtanong pa!
Sa inis ko ay nalakasan ko ang pagsara ng pinto ng makapasok sa loob kaya napatingin siya sa akin gamit ang rear view mirror. Sandaling kumunot ang kanyang noo na parang siya pa ang galit kaya mas lalong sumilab ang inis ko sa kanya. Kahit na gusto ko nang sumabog ay nagawa ko siyang ngitian sa pinaka-plastic na paraan.
Kalma Kina! Kalma!
“Magandang umaga… Tanghali.” pormal kong bati rito. “Tanghali na pala. Bakit naman ang tagal niyo, Kuya?”
Nagsimula na siyang mag-drive palayo at patungo sa lalaking walang kaakibat na magandang salita.
“Sorry, Ma’am.” tipid niyang sagot na hindi ko alam kung sarkastiko ba o hindi.
Well, siguro nga naa-adapt rin ang ugali. Kung masama ang ugali ng boss ay masama rin ang ugali ng mga nasasakupan nito.
Inayos ko ang mga gamit na dala ko sa ibabaw ng aking hita.
“Late na ako ng thirty minutes sa interview ko. Saan ho ba tayo?” tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.
“Sa golf club. Naroon na si Sir Zeto.” anito.
Napaangat ang tingin ko sa kanya ng marinig ang pangalang iyon. Kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi ko siya magawang pagalitan. Paano ba naman, bukod sa malaki siyang tao ay hindi ko rin sigurado kung pumapatol siya sa babae.
“Doon ba ang interview?”
“Siguro.”
“May business meeting ba siya doon kaya doon na lang gaganapin ang interview? Marami ba kami?”
Nagkibit ng balikat ang lalaking. Pinigilan kong rumolyo ang mga mata ko. Ang laki niya kasing tulong. Inalis ko ang tingin rito at inilipat sa labas ng bintana. Maya-maya ay napapikit na ako.
“Lord, kayo na po ang bahala mamaya. Sana naman kahit ngayon lang hindi maging masama ang ugali ng lalaking ’yon. Sana tanggapin niya ako dahil kung hindi, hindi niya pwedeng gawin ’yon. Dapat niya akong tanggapin. Please give him reasons to be good today. Alam ko naman pong imposibleng magbago ang kagaspangan ng ugali niya pero sana kahit ngayong araw lang ay may mangyaring himala! Kahit sa interview ko lang at sana–”
Natigil ako at marahas na napadilat ng marinig ang sarkastikong pagtawa ng intrimitidong driver nito.
“Anong nakakatawa? May nakakatawa ba?” mataray kong tanong na nagpatikhim sa kanya’t nagpahinto.
“Sorry. Hindi ko lang mapigilang matawa. Ito ba ang unang beses mong mag-a-apply kay Sir Zeto?”
Nilunok ko ang lahat ng inis sa kanya kahit purong puro na siya sa akin dahil kailangan ko rin ng impormasyon tungkol rito. Tumuwid ako ng upo at muling sinipat ang lalaki.
“Oo pero anong nakakatawa ro’n?
“Wala.”
Napairap ako. Oo nga’t hindi naman ako madalas na mataray o bad mood pero kapag dumarating naman ang oras na may dahilan akong ma-badtrip ay talagang hindi ko mapigilan.
“Bakit? Hindi ba totoong masama ang ugali ng boss mo?” diretsahan ko nang tanong.
Muli siyang sumulyap sa rear view para tignan ako pero dahil masyadong tinted ang suot niyang salamin ay hindi ko alam kung ano ang nasa utak niyang pwede kong mabasa sa kanyang mga mata.
“Masama,” he answered.
Sa baba ng tono niya ay parang nakaramdam ako ng awa. I can imagine how unfortunate he is for being that guy’s driver. Hindi imposibleng palagi siya nitong pinapagalitan dahil base sa narinig ko kay Ate Ysa ay wala itong sinasanto.
“Kaya kung ako sa ’yo ay magdasal ka pa. Mamaya kapag nakaharap mo na si Sir Zeto baka pauwiin ka kaagad.”
Nalaglag ang panga ko sa sunod nitong sinabi.
“A-Ano kamo? Bakit niya naman gagawin ’yon?” umangat pa ng bahagya ang pwet ko sa aking kinauupuan dahil sa mga sinabi niya.
Gumalaw ang ulo ng lalaki at sinipat na naman ako. “Bukod sa napakasama ng ugali no’n, ayaw no’n sa mga babaeng hindi masyadong maganda at sexy–”
“Excuse me?!” nanggigigil kong putol sa mga sasabihin niya.
“Mapili ang lalaking ’yon kaya kung ako sa’yo, huwag ka na lang tumuloy sa interview mo. Kung ayaw mong mapahiya at palayasin huwag ka–”
“Itabi mo!”
“Anong–”
“Itabi mo sabi!” hiyaw kong muli ng magpatuloy siya sa pagmamaneho.
Nalilito man ay ginawa nito ang utos ko. Nang tuluyang huminto ang sasakyan ay nagmamadali akong bumaba at lumipat sa tabi niya. Agad kong hinubad ang suot kong coat at mabilis na sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Ibinaba ko ang sun visor at mas inayos pa ang sarili, madalian kong dinagdagan ang pula kong lipstick at naglagay rin ng kaunting face powder bago siya muling binalikan.
“Hindi pa ba maganda?” inayos ko ang katawan ko para ipakita naman sa kanya ang kurba ng maliit kong bewang na kinaiinggitan ng lahat lalo na noong nasa kolehiyo ako. “Hindi ba sexy?! Kapag nakita ako ng boss mo ngayon sa tingin palalayasin niya pa rin ako?”
Nang makita ko ang pagrolyo ng bagay sa kanyang lalamunan habang nakatutok ang mga mata sa akin ay natigilan rin ako. Wait… Wow… bulong ng aking utak ng matitigan ko ang kaharap.
I didn’t expect that his boss is very picky. I mean look at his driver… Hindi lang matangkad ang isang ito, gwapo rin! Kahit na nakasuot ito ng salaming pang bulag dahil sobrang tinted ay parang naiisip ko na ang kabuuan ng kanyang mukha. Makakapal ang kilay niya, matangos ang ilong, may mapupulang labi at matalas ang pangang parang kapag nasagi mo ay masusugat ka.
“Wow…” wala sa sariling sambit ng mga labi ko habang nakatulala lang sa kanya.
Akmang bababa na ang mga mata ko patungo sa kanyang malapad at mukhang matigas na katawan pero natigil ako ng tumikhim ito.
“Anong ginagawa mo?”
“W-Wala…” tuliro ko pa ring sabi.
Para akong nababaliw na napangiti ng pagkatamis-tamis. Matamis pa sa mga ngiting ibinigay ko noon kay Baldo! Oh God! Ipinilig ko ang ulo ng makita ang mas lalong pagsasalubong ng kilay niya.
“I-I just want you to answer my questions. Talaga bang pangit ako at hindi sexy kaya tingin mo hindi niya ako tatanggapin?”
He didn’t answer. Hanggang ngayon, parang nawi-weirduhan pa rin at nababaliwan sa akin.
“Paano kapag nalaman niyang matalino ako? Aayaw pa rin siya?” I asked again.
“Hindi ko–”
“Totoo bang ako ang pang limampu niyang sekretarya kapag tinanggap niya ako?”
Hindi na ito gumalaw at parang ayaw na ring magsalita.
“Oh my God…” pakiramdam ko’y sasabog na ang utak ko sa napagtanto!
Kung may gwapong driver si Zeto at lahat ng babaeng naging sekretarya niya ay pinalalayas niya at pinagmamalupitan, hindi kaya bakla ito?
“Bakla si Zeto?! Bakla ang boss mo?!”
“What are you talking–”
“Sinasabi ko na nga ba! Kaya walang tumatagal na babaeng sekretarya sa kanya dahil lalaki ang gusto niya! I mean look at you! You don’t look like a driver! Sabihin mo ang totoo, lover ka niya ’no?! Lover ka ng lalaking ’yon na nuknukan sa sama ang ugali! Aminin mo!” tulirong konklusyon ko habang dinuduro-duro pa ang lalaking totoo namang hindi mukhang driver!
Ilang minuto siyang natigil at walang ginawa kung hindi ang titigan lang ako kahit na mukhang nag-uumpisa na ring mairita’t magalit sa akin!
“Basta driver, sweet lover!” nagmamadali kong dagdag ng makita ang akmang pagsasalita niya.
I heard him groaned irritably.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paglabasan ng ilang ugat sa kanyang kaliwang kamay nang humigpit ang kapit nito sa manibela. Gusto ko pa sana siyang idiin pero natigil ako ng umayos siya ng upo para harapin ako.
Kahit na wala pa naman siyang ginagawa o sinasabi ay ramdam na ramdam ko na ang pagkalampag ng aking puso pero mas tumindi iyon ng sa pag-angat ng kanyang kamay patungo sa kanyang mukha. He gently removed his sun glasses and when his dark hooded eyes finally met mine, I couldn’t help myself but to gasp noticeably. I felt like I’m staring sightlessly into the darkness. Lumakas at mas bumilis ang tibok ng puso ko ng tumagal ako sa pagtitig doon. Hindi na ako nakapagsalita.
“Kapag hindi ka tumigil, ngayon palang palalayasin na kita. I don’t fucking care who sent you pero isa pang salita mo hindi na ako magdadalawang-isip na panindigan lahat ng kasamaan kong alam mo. And yes, you are not pretty nor sexy so shut the fuck up.” aniya sa matigas at nakakanginig na ingles.
This story is completed and now FREE on Haloreads! Just download the app and follow CengCrdva to read this novel and other books.
# CHAPTER 10
Chapter Ten
What He's Looking For
Hindi maarok ng utak ko ang mga sigaw nitong hindi lang basta driver ng lalaking nilait-lait ko ang kaharap ko kung hindi ito mismo! He's a good actor! Parang gusto ko siyang bigyan ng malaking trophy sa galing niyang magpanggap!
Hindi ko sinubukang lumingon o titigan maski ang anino niya kung mayroon man. Nanatili ang mga mata ko sa daan habang nakatuwid ng upo at ni hindi magawang huminga ng maayos. Pakiramdam ko, kahit na tahimik siyang nagmamaneho ay gusto na niya akong patayin ngayon. Napangiwi ako ng muling maisip ang mga sinabi ko. Simula sa masama ang ugali nito gaya ng kwento ni Ate Ysa hanggang sa bakla ito at may lover.
Shit!
"What's your name?" maya maya'y tanong niya pagkatapos ng nakakabaliw na katahimikan.
Kahit na parang nagka-stiff neck ako ay nagawa kong bumaling sa kanya. Nilunok ko ang lahat ng mga bara sa aking lalamunan bago sinubukang magsalita ulit.
"I'm Kina... Kinslett Eleana Zuniga and I'm–"
"I don't care." he cut me off.
Muli akong napalunok sa pagpuputol niya sa akin. Nananatiling magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang nakikipagtitigan sa daan na animo'y niyayaya ang kalsada ng suntukan.
"B-But you're asking me–"
"Your name and that's it. Kung anong tanong ko 'yon lang ang sasagutin mo." masungit niyang pagbara muli sa mga sasabihin ko.
"O-Okay."
"Who sent you?"
"No one!" agaran kong sagot.
"Liar," he commented. "Look, I hate being lied to kaya ngayon palang simulan mo ng maging totoo kung gusto mong matanggap sa posisyon–"
"I'm being honest!" giit ko kahit na totoo ring nagsisinungaling ako.
"Wrong answer."
"Totoo!"
Pumihit ako sa gawi niya para harapin siya ng mas maayos pero pakiramdam ko'y para akong pusang binuhusan ng malamig na tubig ng lumipad ang matatalim niyang mata sa akin.
"I don't believe you."
"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka? I'm just here for the job, 'yon lang." walang arte kong iginalaw ang katawan ko para abutin ang mga gamit kong naiwan sa back seat.
Nagmamadali kong kinuha doon ang aking resume. Sakto namang huminto ang sasakyan sa tapat ng nakapulang traffic light kaya inabot ko sa kanya 'yon.
Bumaba ang madilim niyang titig sa papel na nakalahad sa kanyang harapan.
"This is my resume. You can read it para makita mo kung qualified ako–"
Naputol ako ng kunin niya iyon sa akin pero bago pa ako nakapag-salitang muli para magpabida't magkaroon siya ng dahilan na ako nga ang kunin ay napa-nganga na ako dahil sa mabilis na pagdalo ng isa niya pang kamay sa papel at walang ano-ano'y pinunit 'yon!
"I. Don't. Fucking. Care." madiin at malinaw niyang sabi pagkatapos ay binuksan ang bintana at itinapon doon ang resume ko bago muling iharurot ang kanyang sasakyan!
Napakapit ako ng mahigpit sa aking kinauupuan hindi lang dahil sa kaba dahil sa bilis ng takbo namin kung hindi sa kaba dahil sa huling ginawa niya! God! Tama nga ang lahat ng mga sinabi ni Ate Ysa sa akin! He's really cruel pero kahit na parang gusto ko nalang itigil ang kabaliwang ito ay mas nanaig ang determinasyon ko.
Nang muling huminto ang sasakyan ay hinarap ko siya habang hinahalungkat ang dala kong folder.
"Naku, mabuti nalang pala at marami akong nai-print kagabi! Hindi bale, ito oh," inilahad ko ulit sa harapan niya ang panibago. "Meron pa akong extra at kahit punitin mo 'to, marami pa ako rito."
Nilawakan ko ang ngiti ko ng makitang mas lalong namutawi sa mukha niya ang iritasyon sa akin.
"Ayaw mong basahin?" I asked.
He didn't respond. Bukod sa matalim na titig na mukhang hindi talaga kayang matuwa sa pagmumukha ko pagkatapos ng lahat ng mga nasabi ko kanina ay wala na siyang ibang ipinakita sa akin.
Napanguso ako ng ibaling niya ang mukha pabalik sa daan at pinaandar muli ang sasakyan ng hindi ako sinasagot.
Huminga ako ng malalim at itinutok ang mga mata sa resume kong hawak.
"Kinslett Eleana Zuniga, twenty one years old from #15 Sunog Apog St. Brgy. Walang Balahibo Ibaba, Manila. I took up business administration major in operations management and I graduated magna cum laude in University of the Philippines. I also have five years of secretarial experience in Yanai Corporation and–"
"What are you doing?" he spat, muli, mukhang gigil na naman sa akin.
Muli akong ngumiti na prang wala ng bukas! Kahit na parang gusto niya akong sunugin gamit ang mga matang 'yon ay hindi ako nagpatinag.
"I'm reading my resume para hindi mo na kailangang basahin. Mabuti na ring nagpa-practice na tayo dahil kapag kasama mo na ako araw-araw, ako na ang gagawa ng schedules mo at marami pang iba kaya magsasawa ka sa bibig ko dahil alam kong–"
"And how can you be so sure that I'll hire you?" matigas niyang tanong pero imbes na magpaapekto sa lahat ng kabang nararamdaman ay madali kong nakalma ang aking sarili.
Tame Zeto... Tame him!
"Well," I cleared my throat bago ibalik ang resume sa folder ko at harapin siya dala ang mas mataas na confidence. "Aside from being certain that I will be a perfect candidate for the job, I am also confident that I will bring this same level of professionalism to Absolut corporation. I am a loyal person, I utilise discretion and maintain confidentiality. I am very professional in appearance and demeanor and I know I could be of great help to you as your new personal secretary."
Sa haba ng sinabi ko ay hindi ko na namalayang nakapasok na kami sa sinasabi nitong golf club kanina. Sa paghinto ng sasakyan ay hindi na nag-aksaya ng panahon si Zeto na kausapin ako. Mabilis niyang binuksan ang pintuan sa kanyang gawi at nagmamadaling lumabas doon.
"Shit!" natataranta na rin akong lumabas sa kanyang sasakyan at hinabol siya pero dahil malalaki at mabilis ang mga hakbang niya ay madali akong naiwan.
"Mr. Venavidez!"
Hindi siya lumingon ng pumasok sa loob ng establisyimento.
"Mr. Venavidez!" sigaw ko ulit pero lumiko na ito kasama ang ilang mga lalaking nagkukumahog na sumalubong.
Susundan ko pa sana ito pero naharang na ako ng gwardiya.
Bagsak ang balikat kong naupo sa sofang naroon. Hindi ko alam kung anong oras babalik si Zeto o babalikan niya pa ako pero kahit walang kasiguruhan ay naghintay ako. Tahimik kong pinanuod ang orasan kong umikot hanggang sa antukin ako. I contacted Sol when I see her online.
Ako:
Masama nga talaga ang ugali.
Sol:
Oh, tumuloy ka pala talaga?
Ako:
May choice ako?
Sol:
Marami.
Ako:
Ano pang gagawin ko nandito na ako.
Sinamahan ko pa 'yon ng malungkot na emoji at nag-text ng panibago ng umiiyak namang emoji. Sol replied with a laughing gif.
Sol:
Gusto mo 'yan kaya panindigan mo!
Ako:
Parang gano'n na nga talaga.
Sol:
Kaya mo 'yan! Pero wait, anong hitsura? 'Di ba ang gwapo nung tatay niya kahit na may edad na? Eh 'yang anak kaya? Like father like son ba?
Napanguso ako at gigil na nagtipa ng reply.
Ako:
Okay lang pero masama nga ang ugali. Hindi mo ba nabasa? Masama ang ugali! Aba't pinunit ba naman ang resume ko! Ang kapal ng mukha!
Sol:
What?! Omg! Why?
Napapikit ako at bahagyang nasapo ang noo ng maalala ang unang pagkikita namin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tawagan siya at ikwento ang lahat.
"What the hell! Anong feeling na 'yung nilalait mo pala ay 'yung kaharap mo?! Ang shunga mo Kina!" tawang tawa niyang pang-iinis sa akin.
Kung alam ko lang na hindi pala siya makakatulong ay hindi ko nalang siya tinawagan! Walang silbi!
"Aba malay kong siya 'yon at hindi driver niya!"
"Bakit hindi mo alam?! Hindi ka ba nag-research tungkol sa lalaking 'yon? Sa mukha niya?!"
"No! At kahit i-search ko, wala akong makikitang mukha no'n! Sinubukan ko na rin isang beses noong 'yung tatay niya palang 'yung ini-stalk ko."
Tumawa siya ulit.
"Tsaka paano mo malalamang hindi siya 'yung driver eh nakasuot ng puting polo na mukhang uniform tapos nakasuot pa ng itim na salamin! Tsaka ito pa ha, magaling um-acting ang loko! Sinabi niyang driver siya ni
Sir Zeto
kaya naniwala ako!" ginaya ko pa ang paraan ng pagbanggit nito at pagsi-sir sa sarili.
Siraulong dimunyu!
Hindi naubos ang pagtawa ni Sol sa kabilang linya na tuwang tuwa sa kahihiyang nangyari sa buhay ko.
"Eh hindi pala mukhang driver dapat doon palang alam mo na!"
"Sinabi ko ngang hindi siya mukhang driver pero sinabi ko ring bakla si Zeto at lover niya 'to!"
"You're crazy, Kina! Mabuti't hindi ka sinapak nung tao!"
Wala sa sariling napahawak ako sa aking pisngi.
"Kapag ginawa niya, bakla talaga siya."
Nagpatuloy si Sol sa pagtawa at pagpaparamdam sa akin na talagang pumalya ako ngayong araw. Sa haba ng tawag na 'yon ay bahagyang nawala ang antok ko pero wala pa ring Zeto na bumabalik!
Tumayo ako at tinanong sa reception kung anong appointment meron ito ngayong araw pero wala siyang maisagot. Bukod sa private daw 'yon ay wala rin naman akong karapatang malaman.
Pagod kong ibinalik ang katawan ko sa sofa at inihilig ang ulo sa sandalan nito. Dahil nahahagip ako ng hanging galing sa aircon ay muli na naman akong sinapian ng antok. Sa unang minuto ay nalalabanan ko pa pero sa huli ay natalo pa rin ako.
Nagising nalang ako sa yugyog ng gwardiyang humarang sa akin kanina.
"Miss? Anong oras mo balak gumising? Kanina pa umalis si Mr. Venavidez." aniyang dahilan ng panlalaki ng mga mata ko't pag-awang ng bibig!
"Ano?!" nagkukumahog kong inayos ang aking sarili at agad na tumayo't kinwelyuhan ang lalaking nabigla rin sa ginawa ko pero hindi naman gumalaw.
"Bakit ngayon mo lang sinabi, Kuya?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?!" ginalaw galaw ko ang damit niyang hawak ko pero imbes na patulan ako ay kalmado lang itong nagkibit ng balikat.
Napapikit ako ng mariin at pagkatapos ay sinulyapan ang suot kong orasan. Pababa na ang araw at may kailangan pa akong tapusing huling report para kay Ate Ysa at late na late na ako!
Imbes na makipagtalo pa sa gwardiya ay nagmamadali ko nalang dinampot ang lahat ng mga gamit ko't nagpatulong sa reception para magpatawag ng taxi palabas sa lugar na ito!
Bigo ang puso ko habang pauwi sa bahay. Ilang beses kong tinawagan ang numerong pwede kong tawagan para itanong kung nasaan ang lalaki at saan ko ito pwedeng kitain pero wala silang maibigay na sagot. I tried calling his number, iyong gamit ng
driver
niya kuno kanina pero palagi ako nitong pinapatayan!
Pagdating sa bahay ay ginawa ko na ang lahat ng kailangan ni Ate Ysa. Pagkatapos ko ay sakto naman ang pagtawag nito. Pagod kong isinalaysay sa kanya ang lahat ng mga pangyayari ngunit gaya ni Sol, tawang tawa rin ito at siguro'y natatangahan rin sa akin.
"Oh poor, Kina! I knew this would happen. Kung bakit ba kasi hindi mo tinanong sa akin kung may picture ako ni Zeto nang hindi ka niya nabiktima?"
Napahilot ako sa aking sintido. It's too late for that. Hindi na rin 'yon kailangan dahil mukhang bigo na ako sa misyon kong save Archelaus and his company through Zeto.
"It's too late Ate. I'm sorry I failed you and Mr. Venavidez–"
"You're giving up already? Parang hindi naman yata si Kina ang kausap ko. Wala sa Kina'ng kilala ko ang salitang pagsuko."
"P-Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"I want you to try again tomorrow. Hindi niya naman sinabing hindi ka niya tinatanggap 'di ba?"
Napatuwid ako ng upo dahil sa narinig.
"Pero saan ko po siya hahanapin? He's rejecting my calls at wala na akong ibang mapagtanungan kung nasaan siya."
"Anong silbi ko kung gano'n?"
The playfulness of her voice made me swallowed the bile in my throat.
"I'll text you about Zeto's whereabouts. Sa ngayon matulog ka na at maghanda para sa muling pagkikita niyo bukas. Get some beauty rest so that Zeto will realize that you're what he's looking for. Ipakita mong hindi ka madaling sumuko at talagang gusto mo ang trabahong 'yon. If he fooled you today, it's your chance to get back at him tomorrow."
Pakiramdam ko'y may nabuhay na kung ano sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Sa pagbaba ng tawag ay agad kong sinunod ang kanyang mga bilin. Napangiti ako ilang minuto ang makalipas ng ma-receive ang kanyang text.
"Bingo..." nakangisi kong sambit habang binabasa ang chat ni Ate Ysa kung saan ko matatagpuan si Zeto bukas.
Ate Ysa:
8 A.M. Cafe Maxims,
Resorts World Manila.
Basa nang utak kong ibinulong ang mga huling salita na gaya nang sa commercial nito.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Booklat :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 11
Chapter Eleven
Best Actress
Napangiti ako ng makita ang lalaking pakay ko ngayong araw na kasalukuyang nakatitig na naman ng matalim sa screen ng kanyang laptop habang umiinom ng kape. Actually, kanina pa ako narito. Isang oras bago siya dumating ay nandito na ako at nakaharap sa dyaryong binili ko pa kanina sa bangketa. Sinadya ko talagang maaga pumunta rito dahil unang una, hindi na rin ako nakatulog kagabi at pangalawa, gusto ko na rin talagang gumanti!
Marahan kong ibinaba ang hawak ko para muli siyang sulyapan. Nagpapasalamat akong busy siya dahil kung hindi ay baka kanina niya pa ako napansin. Sino ba naman kasing magandang babae ang may tyagang magbasa ng dyaryo sa lugar na ’to? I mean, come on! Hindi na ’to uso.
Maingat kong ibinaba ang dyaryo at madaliang inayos ang sarili. Nang makita kong sandali siyang huminto sa pagta-type sa keyboard at muling uminom sa kanyang kape ay wala na akong inaksayang panahon. Bitbit ang parehong folder na dala ko kahapon ay halos inisang hakbang ko lang ang distansiyang namamagitan sa amin. Madali kong kinuha ang upuan sa kanyang harapan ay walang ano anong umupo doon.
“Good morning, Mr. Venavidez!” abot langit ang tuwa kong bati sa kanya kahit na mukhang hindi pa nakakahango ang mood niya sa impyerno.
Sandali siyang natigil sa pag-inom habang nalilitong sinisipat ang kabuuan ko na parang nag-iisip kung saan banda ng purgatoryo niya ako nakilala.
“What are you–”
“It’s good to see you too!” pagpuputol ko sa kanya nang matantong nakilala na niya ako.
Inilapag ko sa lamesa ang yakap kong folder at muling ngumiti.
“I’m sorry kung nakatulog ako kahapon at hindi na kita naabutan but I’m here now and I’m so ready for this interview!” masigla kong litanya at pagkatapos ay inilagay ang mga kamay sa ibabaw ng gamit ko.
Itinuloy niya ang pag-inom ng kape. Nang ibaba niya ’yon ay pinigilan kong mapalunok ng makita ang pag-igting ng kanyang panga kasabay ng pagbaon na naman ng mga madidilim na matang iyon sa akin.
Shit!
“What the fuck are you doing here?”
Hindi ako nagpaapekto sa matalas niyang dila. Siguro nga ang swerte kong si Sol ang naging kaibigan ko dahil nasanay ako sa pagiging prangka nito kaya wala ng dating ang mga pagsusungit ni Zeto sa akin ngayon.
“Well, as far as I can remember Mr. Venavidez, hindi niyo pa ako nai-interview kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para hindi niyo na ako kailangang sunduin para lang do’n. I’m here and I’m ready for this!”
Sarkastiko siyang natawa.
“Sa tingin mo may tyansa ka pa sa trabahong ’yon? You already lost your chance–”
“Hep! Sandali! Sa pagkakatanda ko ikaw ang nagka-problema kahapon at nang-iwan kaya dapat ay may chance pa ako!” giit ko.
“No. I don’t want you to be–”
“But why? Pangit ba talaga ako? Hindi ba talaga ako sexy? ’Yon ba talaga ang basehan mo sa pagtanggap ng bagong empleyado? That’s lookism!”
Nauubusan ng pasensiya niyang isinara ang kanyang laptop at tamad akong tinignan. Mas pinalungkot ko pa ang mukha kong umaarteng masama ang loob dahil sa mataas niyang standards.
“I just don’t like you to be my personal assistant, isn’t that clear enough? Akala ko ba matalino ka? Simpleng bagay hindi mo maintindihan.”
Madiin kong kinagat ang aking pisngi dahilan para mangilid ang aking mga luha.
“B-But… I need this job…” parang gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil ng sabihin ko ang huling salita ay sumabay ang paglaglag ng mga luha ko.
Iniwas ko ang mga mata ko ng makita ang paglunok niyang mukhang nataranta sa pag-iyak ko.
“Mr. Venavidez…” sinadya kong panginigin ang boses ko. “Please… I need this job. May sakit ang kapatid ko at kapag hindi ako natanggap rito… Mamamatay siya…” humagulgol na ako.
Narinig ko ang muli niyang pagmumura pero dahil hindi niya pa sinasabing pumapayag na siya sa interview ay mas nilakasan ko ang iyak ko.
Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya ng makitang ang lahat na ng mga taong nasa cafe ay nasa amin na ang atensiyon.
“What are you doing–” nagmamadali akong lumuhod sa harap niya pagkatapos ay agad na hinawakan ang kanyang kamay.
“Please give me another chance… Pangako, magiging magaling akong empleyado at masipag ako. Ibibigay ko lahat ng gusto mo tanggapin mo lang ako! Kahit katawan ko handa ko ng ibigay kaya sige na. Please give me another chance Mr. Venavidez kailangang kailangan ko ’to parang awa mo na!” mas malakas kong sabi, wala ng pakialam sa bulong bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin.
Hindi ko binigyan ng pagkakataon si Zeto na makawala sa pagkakahawak ko kahit na ilang beses niyang hinila ang kamay niya palayo sa akin. Nakayuko ako at natatawa habang patuloy siya sa pagmumura pero dahil wala pa rin akong naririnig ay nagpatuloy ako.
“Please! I’m begging you… Please!”
“Don’t make a scene! Goddamn it!” gigil niyang pagalit pero hindi ko siya pinakinggan.
Nagpatuloy ako sa mala-oscars kong pag-arte. Minsan, mabuti rin pa lang marami kang kahibangang naipon sa buhay dahil magagamit mo talaga lahat kapag nagipit ka.
“Ako nalang ang inaasahan ng pamilya ko lalong lalo na ng kapatid ko kaya parang awa mo na bigyan mo ako ng pagkakataon na mapatunayang ako ang nararapat sa posisyon ’yon! Kahit anong posisyon, Mr. Venavidez kaya kong gawin!”
Napangiwi ako sa huling sinabi. Kahit na alam kong pagsisisihan ko lahat ng mga ginawa ko ay hindi ko na naawat ang sarili ko. It’s now or never! Kung hindi niya gusto ang unang impresyon sa akin, pwes ito na lang ang paraan para matandaan niya ako. Isang baliw na babaeng handang ibigay ang lahat maging ang malinis na puri para lang sa trabaho. Thank you teleserye!
“Get up!”
Hagulgol ang isinagot ko sa kanya kahit na parang gusto ko nang bumulahaw sa kakatawa dahil alam kong nag-aalala na rin siya’t kaunti nalang ay pagbibigyan na ako.
“No… Please, give me–”
“Fine! Get the fuck up!” mahina ngunit gigil na gigil na niyang bulong sa akin para lang tumigil ako.
Muli kong kinagat ang gilid ng pisngi ko para muling kumawala ang mga luha bago siya titigan. Hindi ko na alam kung anong hitsura ko pero bahala na. Pupungas-pungas akong nag-angat ng tingin sa kanya, nananatili ang nakakaawang mukha para pagbigyan niya.
“Tatanggapin mo na ako?”
Nag-igting ang kanyang panga. Handa na sana akong pumalahaw ulit at ilabas ang pang-finale na acting dahil sa hindi niya pagsagot pero bago iyon ay tumayo siya’t inangat na ako.
“Fix your goddamn self and follow me.” aniya sabay balik ng kulay asul na aviator sa kanyang mga mata at kuha ng laptop bago nagmamadaling umalis.
Napangisi ako at agad na inayos ang sarili na parang sinabi na ng direktor na tapos na ang mabigat na scene na ’yon. Nakita ko ang pag ngiti at pag-iling iling ng mga empleyadong nakakita sa tagumpay kong mukha. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Binilisan ko ang mga hakbang ko matapos kunin ang lahat ng gamit para lang maabutan ang lalaking naniwala sa pang-malakasan kong acting.
Sinundan ko si Zeto hanggang sa makarating kami sa parking lot at makasakay sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na gawin ang lahat ng ’yon pero dahil mukhang successful naman ay alam kong hindi ako dapat magsisi.
Mabilis kong tinanggal ang ngiti ko ng lingunin niya ako. I composed myself again. Gaya nang malungkot at nagmamakaawang empleyadong ito na lang ang tanging pag-asa sa buhay.
Tahimik kong kinuha ang panyo ko at kunwaring nagpunas ng luhang pinilit ko lang ilabas kanina.
“I’m sorry for what I did, Mr. Venavidez…” malungkot kong sambit habang nakatingin sa kanya na seryoso lang na nagmamaneho. “Ako na lang kasi ang inaasahan ng pamilya ko. This job really mean so much to me… Lalo na sa kapatid ko.” muntik na akong mabulol doon.
Though totoo namang ginagawa ko ang lahat ng ito para sa pamilya ko at kay Ken pero hindi ko kailangang magmakaawa dahil sapat naman ang perang naipon ko sa gamutan nito. ’Yon nga lang, talagang kailangan kong magmakaawa dahil ito na lang ang natitirang alas ko. If this is the only way to help his father, then so be it. Bahala na kung anong tingin niya sa akin ngayon basta ang mahalaga ay magawa ko ang misyon ko.
He didn’t respond. Ni hindi niya ako nagawang titigan ng matagal kahit na ilang beses pa akong humingi ng tawad. Maya maya pa ay umibis na ang kanyang sasakyan sa isang establisyimento. This is their main office. Muling nagbunyi ang utak ko pero pinanatiling pormal ang sarili.
Sinundan ko ang matikas na paglalakad ni Zeto hanggang sa opisina nito. Ang sabi niya ay sundan ko lang siya kaya iyon ang ginawa ko.
“Sit.” maawtoridad niyang sabi habang sinusulyapan ang upuan na nasa harapan ng kanyang lamesa.
Ngayong mukhang nasaid ko na ang pasensiya niya ay muli akong kinabahan. Nang ilahad niya ang kanyang kamay ay agad kong ibinigay ang resume ko. Habang binabasa niya ’yon ay ramdam kong lumalakas ang kalampag ng aking puso.
Hindi ko napigilang mapalunok ng umangat pabalik sa mga mata ko ang seryosong titig na ’yon.
“There are a lot of companies requiring this kind of job but why did you choose to apply here?” kumalabog ang puso ko sa narinig.
Hindi ako makapaniwalang binibigyan niya na nga ako ng panibagong tyansa sa trabahong ito! Tumuwid ako ng upo at nag-ipon ng sapat na lakas para sagutin siya.
“Apart from the reasons that I’ve told you earlier, I’m also amazed with your reputation in the industry and I would be proud to work for a company with such an excellent track record and a strong example of leadership in the industry–”
“What reputation?” he cut me off.
Hindi ako nakapagsalita doon. I almost shit my pants when his eyes darkened.
“Masama ang ugali? Magaspang? Bakla?” sarkastikong dugtong niyang nagpangiwi at nagpayuko sa akin.
“I’m sorry, Mr. Venavidez…”
Hindi na ako makatingin pabalik.
“I apologize too, Miss Zuniga.”
Narinig ko ang tuluyang pagbagsak ng lahat ng emosyon ko. Alam kong tapos na ang pag-asa ko. Balewala na ang lahat ng mga pagpapanggap ko at hinding-hindi ko na matutulungan si Mr. Archelaus dahil wala na akong maisip na salitang magpapalubag sa loob ni Zeto matapos ko siyang laitin ng harap-harapan.
Napatingala lang ako’t naibalik ang tingin sa kanya ng maramdaman ko ang pagtayo niya. I want to say sorry over and over again but my lips were already sealed. Kitang kita ko ang pagkadismaya sa kanya habang nakapamulsang umiikot sa kanyang lamesa at tinatahak ang daan patungo sa labas ng kanyang opisina.
Nanghihina akong umahon sa aking kinauupuan. Gusto ko sana siyang tawagin, pigilan at kumbinsihin pa ulit na bigyan pa ako ng pagkakataon bago siya makalabas pero bigo ako.
Handa na sana akong kunin ang mga gamit ko at umuwing luhaan pero natigil ako sa pag-galaw ng maramdaman ang paghinto niya habang hawak ang pintuan at muling ibinabalik ang buong atensiyon sa akin.
“Ngayon pa lang nagpapaumanhin na ako dahil simula bukas… I’ll make your life miserable,” walang amor niyang sabi na nagpaawang sa bibig ko. “You still have less than twenty four hours to back out so think about it.” aniya pagkatapos ay tinalikuran na ako’t iniwan.
This story is completed and now FREE on Haloreads! Just download the app and follow CengCrdva to read this novel and other books.
# CHAPTER 12
Chapter Twelve
Miss Five Days
"Oh my God, Kina! I knew you'll get the job! Congratulations!" masayang bati ni Ate Ysa sa akin matapos kong ibalitang bukas ay umpisa na ng trabaho ko kay Zeto.
Maging ako ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. Kahit na alam kong may pagbabanta siya at dapat akong matakot ay tanging tuwa lang ang nararamdaman ko.
"Thank you Ate!" masaya kong sagot.
Natapos ang usapan namin ng hindi ko na ikini-kwento ang mga napagdaanan ko bago makuha ang trabahong iyon. Nang gumabi ay sinabi ko na rin kay Mama na bukas ay simula na ng trabaho ko pero gaya ni Ate Ysa ay kampante itong makukuha ako kaya hindi na rin masyadong nabigla.
"Salamat anak, ha? Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin ni Ken." emosyonal niyang sabi ng mapag-isa kami sa sala matapos ang hapunan.
"Ma, mahal ko po kayo at gagawin ko ang lahat para sa inyo." niyakap ko siya.
Tinapik-tapik niya ang kamay ko at bahagyang hinaplos.
"Kung sana hindi tayo iniwan ng Papa mo..."
"Ma..." putol ko ng marinig na naman ang matinding kalungkutan sa kanyang boses. "Tapos na po 'yon at dapat pa rin tayong magpasalamat dahil kung hindi umalis si Papa ay hindi naman ako magpupursigi ng ganito. Kung nandito si Papa, hindi niya ako hahayaang tumulong kahit na hirap na hirap na tayo."
"Pero kung nandito ang Papa mo, hindi ka mahihirapan–"
"Mama, hindi naman po ako nahihirapan dahil para sa atin ang lahat ng 'to. Masaya akong buhay tayo at magkakasama kahit na dumanas tayo ng hirap... Kahit na wala si Papa," hindi ko hinayaang matabunan ng lungkot ang puso ko.
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at muli siyang nginitian ng buong puso.
"Alam ko pong may dahilan si Papa kaya niya tayo nagawang iwan. Ang ipagdasal nalang po natin ay nasa maayos siya at balang araw ay babalik rin para makasama tayo. Let's stay positive, Ma..."
Kahit mahirap tanggapin ay sumang-ayon na lang siya sa lahat ng mga sinabi ko. Hanggang ngayon ay pinaninindigan ko pa rin ang sinabi kong tatanggapin si Papa kung sakaling bumalik ito. Kahit kailan kasi ay wala talaga akong naramdamang galit sa ginawa niya.
Siguro nga nakatulong na marami akong napagdaanan sa school noon at naging matatag ako. Marami akong natutunan at isa na doon ang intindihin ang lahat maging ang mga bagay na napakahirap intindihin. There's always a reason, at kahit na siguro mahirap tanggapin ang magiging rason niya ay matatanggap ko pa rin. I will still accept him because he is my father and I will not be here without him.
"May kailangan ka pa, Ate?" magiliw na tanong ni Ken habang sinisipat ang kabuuan kong posturang postura para sa unang araw ng trabaho ko.
Napangiti ako ng makita ang suot kong Louboutin na bigay ni Ate Ysa noong nakaraang birthday ko na hindi ko akalaing magagamit ko na. I'm saving this for something special pero kahit na hindi espesyal ang araw na 'to ay iyon ang gagamitin ko. I still need to impress Zeto. Kailangan kong kunin ang loob niya para maisagawa ko ang mga plano ko.
"Okay na ako. Ikaw? Do you need something?"
Mabilis siyang umiling. "Thank you Ate sa lahat. Wala na akong gusto. I wish you good luck on your first day of work."
I smiled and held her hand. Iginiya ko siya sa gilid ng aking kama. "Thank you, Ken."
She nodded.
"Magpakabait ka, ha? At kung sumama ang pakiramdam mo tawagan mo kaagad ako, maliwanag ba?"
Lumawak ang ngiti niya. "Ate naman. Ayos na ako. Matagal na akong magaling at tapos na ang mga paghihirap mo kaya hindi mo na ako dapat pang alalahanin."
Lumawak ang ngiti ko at niyakap siya bago nagpaalam sa kanya.
Mabilis na naman ang pintig ng puso ko pero mas bumilis at lumakas iyon ng huminto ang taxi sa establisyimentong kinaroroonan ng lalaking magpapahirap sa buhay ko. Well, sana nga magtagumpay rin siya. Kung iyon ang misyon niya, pwes mas gagalingan ko ang sa 'kin.
"Good morning!" masaya kong bati sa halos lahat ng mga empleyadong nakasalubong ko.
Simula sa guard, sa reception maging sa mga maintenance na nadaanan ko. Pinuno ko ng tuwa ang aking puso dahil alam kong kailangan ko no'n para kapag nagkasagupa na naman kami ni Zeto ay hindi ako masaid.
"First day?" tanong ng lalaking nag magandang loob na ihatid ako kung nasaan ang boss ng mga boss. I mean, future boss nilang lahat.
"Yes."
Tumango lang ito at nagsalita lang ulit ng bumukas ang pintuan para sa huling floor at makalabas ako.
"Good luck to you Miss five days."
"W-What?" nalilito kong tanong pero tumawa siya at sumagot ng pasara na ang pintuan ng elevator.
"Hanggang five days lang ang pusta kong itatagal mo kaya 'yon ang pangalan mo. Kaya mo 'yan!" bumungisngis siya bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Hinabol ko pa ang pagsara ng pinto pero bigo na ako! Nakanguso ko na lang na sinapak 'yon.
"Five days pala, huh... Sus!" sinapak ko ulit pero ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa pinakamalaking silid na nasa kanan ay nahinto ako sa muling pagsapak.
Mabilis kong itinikom ang aking bibig at inayos ang tindig ng makita ang kabuuan ng bago kong boss. Wow... Holy guacamole!
Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ang matikas na lalaking kahit mukhang katatapos lang makipag-usap kay Satanas ay nananatiling ma-appeal sa paningin ko gaya noong una.
He's wearing a navy blue suit. May mamahaling relo sa kaliwang kamay na tingin ko'y Rolex at ang buhok ay parang dinilaan ng malanding kambing dahil sa kintab at ayos nitong gustong mahiya ang buhok kong linggo linggong ipinapa-salon noon ni Ate Ysa.
"Well, hello there, Mr. Venavidez!" hindi ko naiwasan ang bakas ng landi sa boses ko sa hindi malamang dahilan pero madali kong ipinilig ang ulo ko ng maalalang pagtataksil kay Uno ang ginagawa ko.
Kina, you're just here because of Zeto's father and Ate Ysa! Hindi kailangang haluan ng pleasure ang business at isa pa! Hindi siya si Uno kaya magtigil ka! Ikaw ay para lang kay Uno at hindi kailanman magiging kay Zeto!
sigaw ng utak ko pero hindi nawala ang ngisi sa mga labi sa kabila ng mga pagalit nito.
Naiiling ang lalaking napangisi na rin ng mala-demonyo habang nababaliwan sa akin pero hindi naman ako binati. Imbes na 'yon ang gawin ay mabilis siyang bumalik sa loob ng pinanggalingan niya pero iniwang nakabukas ang pintuan.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Sinundan ko siya doon pero bumagal ang mga hakbang ko ng makita ang kabuuan ng malaking opisinang 'yon. Magkahalong itim at gold ang kulay ng kanyang opisina. Simula sa ceiling, sa ding ding, sa sahig hanggang sa mga gamit. Naka-pwesto sa dulo ng silid ang kanyang mahabang lamesa't mga gamit.
Sa likuran ay naroon ang malaking bookshelf na nagsisilbing background niya na mukhang hindi kilala ang salitang alikabok. Sa bandang kanan ay may living room habang sa kaliwa naman ay mayroong mahabang lamesa na mayroong labing dalawang upuan, lahat ay kulay itim.
Hindi ko napigilang mapatingala at mamangha sa magarang chandelier sa gitna ng kwarto na nagsisilbing puso ng kanyang opisina. Oo nga't ilang beses naman na akong nakapunta sa iba't-ibang klase ng opisina pero naiiba ang isang ito. Parang match na match sa budhi niya... Maitim.
Napapitlag ako ng patunugin niya ang kanyang mga daliri para kunin ang lutang kong pag-iisip.
"Well, hello there, Miss Zuniga." aniyang malaki ang pagkakangisi, pero bago pa ako mabaliwan ay natanto ko na ang gusto niyang sabihin ng bumaba ang kanyang mga mata sa ga-bundok na tambak ng papel na nasa gilid ng kanyang lamesa.
"You're not here to just stand and waste time. Magsimula ka ng magtrabaho dahil marami ka pang kailangang gawin." maawtoridad niyang sabi na tinanggal na ang ngisi bago bumalik sa kanyang upuan.
Naiwan akong nakatayo at nawiwindang habang ibinabalik ang mga mata sa nagkalat na papel sa sahig na hindi ko napansin kanina!
"The clock is ticking. Kung ngayon pa lang ayaw mo ng gumawa sabihin mo lang para–"
Nagmamadali akong tumakbo para kunin ang ilang mabubuhat kong papel kaya nahinto siya sa pagsasalita.
"Gustong gusto ko 'to! Challenging! Ito lang ba? Wala na bang iba, Sir?" parang gusto kong masuka sa huling salitang sinabi ko.
Pakiramdam ko ay hindi ako kailanman masasanay na tawagin siyang Sir. Parang ngayon pa lang ang doon ako mas mahihirapan. Nangangati ang dila ko.
He didn't answer me. Pagtayo ko ay nakatuon na siyang muli sa kanyang computer. Pinagdiin ko ang aking mga labi at inayos ang mga papel sa pagkakahawak ko saka naglakad palayo.
I get it, ayaw niya ng istorbo at bago pa siya tuluyang magalit ulit at palayasin ako ay naglakad na ako palayo sa kanya. Pumihit ako papunta sa mahabang lamesang naroon.
"Where are you going?"
Awtomatikong nahinto ang mga paa ko. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili sa muling pagngiti sa pagharap sa kanya.
"You said I should not waste time, right? Magtatrabaho na ako." I answered positively, but he doesn't look impressed by that.
"I know but why are you going to my corporate table?" bahagya niyang ibinaba ang nasa gilid na laptop at pagkatapos ay buong atensiyon akong tinitigan.
"I..." natigil ako't litong nilingon ang mahabang lamesa.
Lumakad pa ang mga mata ko palibot sa kabuuan ng kinaroroonan namin pero bukod sa lamesang iyon ay wala ng ibang naroon.
"W-Where am I supposed to work?"
Doon muling lumabas ang pilyong ngisi sa labi niya at pagkatapos ay ipinatong ang isang siko sa lamesa bago ilagay ang kamay sa kanyang bibig at sinulyapan ang pintuan palabas. Nalilito akong napasunod ng tingin doon pero bukod sa nakasaradong pintuan ang wala na akong nakita.
"S-Sa floor?" kabado kong tanong pero hindi nagbago ang ekspresyon niya.
"Do you think I'll let you work in the same room with me? Are you stupid?"
Napangiwi ako pero gaya ng sabi ni Ken kapag pinapagalitan ako ni Mama noon, ipasok lang sa kanang tenga at ilabas sa kabila.
"Sa labas ako?" tumaas ang isang kilay niyang sinusubukan ang katalinuhan ko. "Oo nga! Sabi ko nga sa labas ako!" itinuro ko ang pinto.
"Babalikan ko na lang 'yung iba." I smiled sweetly at him pero mukhang hindi na talaga magkaka-mood ang lalaking ito.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Kahit huwag ka ng bumalik." aniyang bulong sa sarili pero alam kong sinasadya pa rin para marinig ko.
"Babalik ako. Baka ma-miss mo ako, eh!" ganti ko habang naglalakad naman palabas doon.
Binilisan ko ang mga hakbang ko ng marinig ang pagbagsak ng kung ano!
Shit!
Dahil sa taas ng takong ng suot kong sapatos at bilis ng galaw ko palabas ng opisina ni Zeto ay bahagya akong hiningal at napasandal pa sa pinto habang yakap ng mahigpit ang ilang papel na dala ko.
Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili. Sa pagdilat ko ay nagsimula akong maghanap ng lamesa sa mahabang hallway pero mas lalo akong nanlumo ng makita ang pakay ko. Isang maliit na lamesang mayroong lumang computer, lumang telepono at mono block na upuan ang naabutan kong naghihintay sa akin sa likod ng hanggang bewang na halaman.
Well, at least may pa-halaman pa siyang nalalaman para bigyan ako ng oxygen at lakas na tumagal rito. Mukhang wala kasing balak talaga.
Pwes, ngayon pa lang Zeto, nagkakamali ka na.
Bulong ng utak ko kahit na ang totoo ay parang gusto ko na nga rin talagang mag-back out.
Bagsak ang balikat kong naglakad patungo sa lamesa. Napabuntonghininga ako matapos maibaba ang lahat ng mga gamit ko sa ibabaw nito. It was an empty side of this floor. Mukhang sinadyang ilipat rito imbes na sa malapit sa pinto niya't elevator para hindi niya ako makita maging ng mga pumupunta rito... Kung meron man. Ilang minuto kong binigyan ang sarili ko ng sapat na oras bago siya balikan.
Pasimple siyang lumingon sa akin ng muli kong buksan ang pinto pero hindi ako tuluyang tinitigan. Parang multo lang akong dumaraan sa paningin niya. Tahimik kong kinuha ang ilan pang mga papel doon. Nakatatlong balik pa ako bago iyon maubos. Akala ko wala na siyang balak magsalita pero sa huling balik ko ay muli ko siyang narinig.
"Call someone to move these cabinets to your space. I want them gone within twenty minutes." utos niyang ni hindi man lang tumingin sa akin.
"W-What cabinets..." doon na nagmura ang utak ko ng makita ang limang cabinet na ang laki ay kalahati ng katawan ko.
Bumalik ang atensiyon ko ng maramdaman ang pagtayo niya.
"Gone, when I get back." tamad niyang sabi at walang ano ano'y isinara ang kanyang laptop at naglakad palayo sa lamesa niya.
Nakita ko ulit ang mapang-asar na ngising iyon ng magtapat kami pero hindi ko na 'yon pinansin. Dahil alam kong sinusubukan lang ako ng lalaki kung hanggang saan ang itatagal ko ay mas lalo kong ipapakita sa kanyang hinding-hindi na niya ako maitataboy!
Nang mawala ang aura niya maging ang naiwang maskulado't mabangong amoy ay nagmamadali na akong bumalik sa pwesto ko. Hinanap ko kaagad ang numerong pwede kong tawagan pero halos baliktarin ko na ang mga gamit na naabutan ko ay wala akong nakita.
Sa huli, wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba at maghanap ng taong pwedeng makatulong sa akin. Mabuti na lang at mababait ang mga taong nakilala ko. Ayos naman ang lahat bukod sa tawag nila sa aking Miss five days. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nila dahil mas prioridad ko ang mga utos ni Zeto.
My heart filled with so much happiness when the guys finished the job within fifteen minutes! Madali nilang naayos ang lahat ng cabinet na gagamitin ko at kahit na marami pa akong kailangang gawin ay buhay na buhay pa rin ang katawang lupa ko. Unti-unti nang nagkakaporma ang espasyong ito. Hindi bale, unang araw ko pa lang at kapag tumagal ay magiging bahay na ulit ito. Baka dito pa tumambay si Zeto kapag nakita niyang mas maganda na ang lugar ko kaysa sa kanya.
I began filing the documents. Dahil ito ang unang natutunan ko noon kay Ate Ysa ay hindi naman ako masyadong nahirapan pero sa dami ay lumipas na lang ang mga oras ay hindi pa ako nakakaabot sa kalahati.
Zeto is in his room. Siguro'y nagbubunyi na sa mga paghihirap ko pero hinayaan ko siya. Nang sumapit ang alas singko ay umalis na ito gaya ng nasa lumang schedule nitong nakalagay na sa isang folder na inuna ko sa lahat. I need to ask him for his schedules dahil mukha panahon pa ni kopong-kopong ang huling update nito.
Binilisan ko ang pagkilos. Dahil akala ko super hero na ako't matatapos ang trabaho ng mabilis ay hindi ko na namalayang lumipas na pala ang oras pero hindi pa rin ito maubos-ubos.
Kahit na ramdam kong nangangalay na ang likod ko, napapagod at nagugutom na rin ay hindi ako tumigil. Hindi ko man balak ang mag-over time sa unang araw pero parang iyon na nga ang mangyayari.
"Forty nine girls..." hindi makapaniwala kong sabi habang patuloy sa ginagawa. "Ikaw ba naman ang magtaboy ng apatnapu't siyam na empleyado, tingnan ko lang kung hindi talaga matatambakan. Kung bakit ba kasi–put tongue in a mug!"
Mabilis akong napahawak sa dibdib ko ng umalingawngaw ang teleponong nasa harapan ko! Muntik na akong atakihin! Oh my God!
Sapo pa rin ang dibdib kong sinagot 'yon.
"H-Hello?"
"First day over time Miss Five days? Aba, baka tumagal ka niyan ha!" kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag ng marinig na totoong may tumatawag nga at hindi lang ako minumulto ng mga kaluluwang itinaboy ni Zeto!
"Baynes?" hula ko sa boses ng babaeng unang sumaklolo sa akin kanina para maghanap ng maglilipat ng mga cabinet.
"Yes, yes yes! Anong oras mo balak mag-out? Meron ba o wala para sabihin ko na sa guard na may kasama siya rito tonight?"
Napanguso ako at pagod na napatitig sa tambak na trabahong kailangan ko pang gawin.
"Are you going home now?"
"Yep! Wala sa bokabolaryo ko ang salitang over time kaya tara na! May bukas pa!"
"P-Pero–"
"Tamang tama may party ngayon 'yung mga taga-HR! Sumama ka sa 'min para naman makilala ka pa namin!"
Natawa ako.
"Eh pangalan ko nga ayaw n'yong malaman."
"Kaya nga halika na para hindi na five days ang itawag namin sa'yo! Malay mo, one week na!" tumatawang sabi niya sa kabilang linya.
Sinulyapan ko sa huling pagkakataon ang trabaho ko ngunit sa huli ay nagdesisyon na ring putulin muna 'yon. Hindi dahil gusto kong sumama kina Baynes kung hindi alam kong kailangan ko ring makipag-kilala para mayroon akong mapaghihingahan sa mabigat na relasyon namin ni Zeto.
"Okay. Hintayin niyo ako, bababa na."
"Yay! See you!"
Muli akong napangiti at napabuntonghininga ng sabay. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagmamadaling bumaba para kitain sila.
Ilang sandali pa ay napadpad na kami sa isang restobar. Masaya naman akong marami akong nakilalang mga bagong mukha pero hindi nawala sa utak ko kung paanong atake ang gagawin bukas.
"Nag-filing ka buong araw?" tanong ni Baynes matapos akong abutan ng alak.
"Oo at marami pang natira."
Napahagikhik siya na parang normal na iyon.
"Naku, ewan ko lang talaga kung hanggang saan ka. Alam mo, talagang ganyan si Sir Zeto. Gustong sa filing pa lang sumuko na para hindi na mapakialaman ang mga agenda niya sa buhay."
"But that's my job now."
"I know pero baka nakakalimutan mo, hindi niya talaga gustong magkaro'n ng secretary o personal assistant. Kung hindi lang dahil sa malasakit ng ama niya para hindi ito mahirapan kahit paano sa trabaho ay hindi naman talaga kukuha ng bagong empleyado para sa kanya. Sumuko na kaming lahat kay Sir Zeto at tinitiis na lang namin para kay Mr. Archelaus."
Napatuwid ako ng upo. Dahil sa narinig ay parang mas lumalim pa ang determinasyon ko sa ginagawa! Nagpatuloy siya sa pagkukwento pero ang utak ko ay lumilipad na sa pag-iisip na tapusin ang lahat ng unang pagsubok niya para maipakitang hindi ako madaling sumuko at hindi na niya ako maitataboy pa kahit kailan.
"Well, well, well, Zackreus... Tignan natin ang hagupit mo." nababaliw kong bulong sa sarili habang ang mga kasama ko ay nagsasayawan na sa harapan ko.
This story is completed and now FREE on Haloreads! Just download the app and follow CengCrdva to read this novel and other books.
CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Boyfriend
Maaga akong umalis sa bahay kinabukasan kaya madilim pa ng dumating ako sa opisina. I’m glad that the guard didn’t ask that much. Nang sabihin kong marami akong trabahong kailangang tapusin ay hinayaan na niya akong makapasok. Siguro’y alam na rin kung ano ang hirap na pinagdaraanan ko ngayon.
Kahit na medyo napuyat kagabi ay desidido akong tapusin ang trabaho lalo na’t ang sabi ni Soledad ay ililibre niya ako ng VIP ticket sa The Next Night concert ng Zerea sa isang linggo. Kapag hindi ko natapos ang lahat ng pag-aayos sa delubyong naiwan ng mga pinalayas ni Zeto sa loob ng limang araw ay tiyak na hindi na ako makakapunta, at iyon ang hindi pwedeng mangyari.
I missed Uno… Pakiramdam ko, kahit na for a cause ang misyon ko ngayon ay may kulang sa puso ko. Mabuti na nga lang at kahit na naka-dalawang palit na ako ng telepono ay hindi pa rin nawawala ang na-record kong pagkanta nito ilang taon ang nakalipas.
Napabuga ako ng hangin habang hinihintay ang elevator na ihatid ako huling floor. Naiisip ko palang kasi ang dami ng kailangan kong i-organize ay parang sumasakit na ang ulo ko. May pagka-OC pa naman ako kaya kailangan ay nasa ayos ang lahat dahil kung hindi ay hindi ako mapakali.
Nang makalabas sa elevator ay binuksan ko ang lahat ng mga ilaw para hindi ko maisip ang mga posibleng kaluluwa ng mga namatay na empleyado sa building na ’to. Though I don’t believe in ghosts, natatakot pa rin ako dahil hindi naman ako sanay ng mag-isa at sa malaking palapag pang ito.
Naupo ako sa monoblock chair at inilapag na ang mga gamit. Buong puso akong ngumiti ng maisip na hindi ako dapat matakot na mag-isa, ang mas dapat kong ikatakot ay ang mukha ni Zeto kapag nagalit na naman sa akin.
Nagsimula na akong magtrabaho matapos magdasal. Sa ngayon ay ’yon na lang rin ang kinakapitan ko bukod sa pag-iisip sa galit ni Zeto. Lumipas ang mga oras, lumiwanag ang paligid at naikabit ko na rin ang ilang palamuting dinala ko para maging komportable naman ako sa bago kong opisina pero kahit na nakarami na ako ng trabaho, marami pa ring kailangang gawin.
Saktong alas otso diez ng umaga tumunog an elevator kaya nagmamadali akong tumayo para batiin ang bagong dating na tiyak kong si Zeto lang naman.
Awtomatikong lumawak ang ngisi ko ng makita siyang lumabas doon pero imbes na sulyapan ako ay nagpatuloy siya sa paglalakad kaya wala na akong nagawa kung hindi ang kunin ang kanyang atensiyon.
“Good morning, Mr. Venavidez!”
Nakita ko ang agaran niyang paghinto na parang hindi alam na nag-i-exist na ako sa mundong ginagalawan niya.
“Magandang umaga, Ginoo!” dagdag ko pa nang dahan-dahan siyang pumihit paharap sa akin, pero imbes na batiin ako pabalik ay mas lalo lang yatang nalukot ang mukha niya.
Tumuwid ako ng tayo ng sipatin niya ang kabuuan ko.
“You’re still here?”
“Of course! And I will stay here!” maagap kong sagot.
Dismayado siyang umiling at tinalikuran na ako pero bago pa ito nakapasok sa loob ng kanyang opisina ay nakasigaw pa ako nang, “Smile! God loves you!” pagkatapos ay napangiwi nang marinig ang medyo padabog na pagsarado niya ng pinto.
“Joke lang… Hindi ka niya love…” nakasimangot kong bulong sa sarili.
Pumihit ako pabalik sa pwesto ko kanina at nagsimula ng magtrabaho ulit dahil ano pa nga bang aasahan ko sa lalaki? Wala. Kung sabagay, mahirap baguhin ang nakasanayan pero positibo akong maraming magbabago pagkatapos nito.
Sa gitna ng trabaho ay ilang beses akong tinawagan ni Baynes para tanungin kung anong oras ako kakain, pero peraho lang ang mga naisagot ko. I don’t know if I can eat. Bukod sa marami pang kailangang gawin, may goal ako at deadline kaya wala sa utak ko ang salitang pahinga.
Dalawang oras makalipas ay umalis si Zeto at hindi naman nagpaalam kung saan pupunta. Bumalik ito matapos ang dalawang oras at umuwi ng alas singko.
Gano’n ang naging routine ko sa mga sumunod na araw. Mabuti na lang at nagagawa akong pabaunan ni Mama kaya hindi na ako gutom masyado. Nag-grocery na rin ako ng ilang biscuit at chips para may mangata habang nagpapaalila sa lalaking walang amor at walang balak na kumustahin ang trabaho ko.
Kahit na hindi kami nag-uusap at tanging pagsusungit lang ang ginagawa niya sa ’kin, hindi ’yon naging hadlang para araw-araw kong lagyan ang pintuan niya ng sticky notes na may pangmalakasang lettering na nakalagay ang mga salitang, “Smile! God loves you!” Kahit na hindi ko sigurado kung totoo nga ’yon dahil araw-araw niya rin ’yong tinatanggal at itinatapon lang ng basta para ipakita sa ’kin.
“Ayos lang ba talaga?” concerned na tanong ni Ate Ysa ng tawagan niya ako isang gabi na sakto namang kinailangang mag overtime para matapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin bago ang gabi ng concert.
“I’m okay, Ate Ysa.”
Ngumiti pa ako pero hindi siya naging kumbinsido.
“Be honest with me, Kina.”
“I’m being honest, Ate. I’m good here. Totoong masama ang ugali niya, pero buhay pa naman ako kaya siguro ayos lang!”
Naiiling siyang natawa. “Baliw ka talaga. I’m glad to hear that pero kinakabahan ako para sa’yo. It’s very unusual that Zeto is not doing anything to fire you, yet. Hmm, I really can’t imagine him being that calm.”
“Siguro nadala sa pagiging mahirap ko’t sa sakit ni Ken.”
“Nah… I don’t think he’s capable of giving mercy. Wala akong maisip na dahilan sa ngayon but one thing is for sure, he will literally make your life miserable like what he told you so be prepared for it.”
Napalunok ako’t biglang kinabahan sa narinig.
“P-Paanong prepared, Ate? Like, hahati-hatiin ang katawan, ilalagay sa malaking itim na drum at lalagyan ng simento bago itapon sa ilog kind of prepared?”
She chuckled at that. Hindi ko tuloy alam kung dapat akong mas kabahan sa tawang iyon.
“Basta be prepared. From now on, you need to be smarter so you’re always one step ahead from his plan. Do you have his schedule?”
Pakiramdam ko’y biglang napawi ang natitirang tuwa sa puso ko.
“Hindi pa ako tapos sa pag-aayos ng unang utos niya. Hindi pa kami nag-uusap ulit tungkol sa trabaho at wala naman siyang ibang inuutos kaya hindi ko pa naharap.”
“That’s your next plan. Tapusin mo na lahat ’yan para makuha mo na ang schedule ni Zeto at kapag nangyari na, mas magkakaro’n ka na ng chance na mauna sa lahat ng mga plano niya.”
Napangiti ako. “Copy, Ate.” isinulat ko ’yon sa aking maliit na notebook.
Hindi na nagtagal ang usapan. Bumalik ako sa trabaho pero ng tumunog ang elevator ay mabilis akong nahinto kasabay ng pagkalat ang kaba sa aking puso dahil bukod sa multo ay wala ng ibang pwedeng pumunta rito!
I remember Baynes telling me the story na walang pwedeng umakyat sa floor na ’to maliban na lang kung kailangang kailangan kaya gano’n na lang ang pagkalabog ng puso ko dahil wala na akong maisip na ibang aakyat kung hindi kaluluwang ligaw!
“Who is that?!” nagmamadali akong umibis at inulit pa ang mga salita sa mas malakas na boses pero natigil ako ng makita ang pamilyar na bultong ngayon ay nakatalikod sa akin.
“M-Mr. Venavidez?” lutang kong tanong na hindi rin sigurado dahil bukod sa ilaw na nasa desk ko ay wala ng ilaw na nakabukas.
Pumihit siya paharap sa akin at ng masiguro kong siya na nga ’yon ay nakahinga ako ng maayos kahit paano. ’Yon nga lang, hindi ko pa rin naiwasan ang kaba ng sinalubong ng mga mata niya ang akin.
“What are you doing here?” he asked in a baritone voice that made me swallowed.
“I-I’m still working. Ikaw? What are you doing here?”
“This is my building,” aniyang umalog sa lutang kong pag-iisip. “And I will go here whenever the fuck I want.” aniya sa matigas na ingles at hindi na nag-aksaya ng panahong kausapin ulit ako.
Sa pagsara niya ng pinto sa kanyang silid ay napahigpit ang yakap ko sa aking notebook. I don’t know what he’s doing here at kahit gusto kong malaman ay wala rin naman akong karapatan kaya hindi ko na inabala ang sarili ko.
Habang tinatapos ang kaya kong tapusing trabaho ngayong gabi ay hindi ako natigil sa pagsulyap sa loob ng opisina niyang maliwanag. Ano kayang ginagawa niya? Palagi ba siyang pumupunta rito tuwing gabi? Is he working too?
Pagod kong ipinilig ang ulo ko’t pilit na nilabanan ang antok. Dahil hindi matapos tapos ang mga katanungan sa utak ko tungkol sa posibleng ginagawa ni Zeto ay inukopa ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng mga kanta ni Uno sa aking telepono. Ngunit gaya ng una, para pa rin akong idinuduyan ng boses nito kaya sa huli ay nakita ko na lang ang sarili kong humihilig sa lamesa at hinahayaan ang sariling malunod sa ganda ng boses niya’t sa antok na gusto akong dalhin sa isang napakagandang paraiso kasama siya…
“There’s a light that you give me when I’m in shadow.
There’s a feeling within me, an everglow…“
Maliban sa paulit-ulit na panghaharana ni Uno ay wala na akong narinig. I feel like I was smiling the whole time. Kahit na masakit ang leeg ko ay masaya ako. Masayang masaya hanggang sa marinig ko ang malakas na pagtikhim ng boses na ’yon dahilan para mapapitlag ako’t magising!
“Uno!” hiyaw ko habang nagmamadaling inaayos ang sarili pero imbes na anghel ang makita ay isang lalaking nakapamulsa habang nakabusangot ang mukha ang bumalandra sa bagong mulat kong mga mata.
“M-Mr. Venavidez!” I exclaimed!
He tilted his head and looks down on my phone.
“S-Sorry! Sorry!” pasimple kong sinulyapan ang wrist watch ko.
It’s past ten in the evening! Halos dalawang oras akong nakatulog?! Nababaliw kong ibinalik ang mga mata ko sa kanya.
“Kung hindi mo na kaya umuwi ka na. You’re not allowed to sleep here even if you’re working over time.” aniyang punong-puno ng kamaldituhan.
Inayos ko ulit ang sarili ko at ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng aking lamesa.
“I-I’m sorry…”
“You’re disturbing me with that shit too.” mas tumalim ang mga mata niya sa telepono kong nagpapatuloy sa pagkanta.
Nagmamadali ko iyong pinatay!
“Sorry! Hindi ko sinasadyang makatulog!”
Hindi siya nagsalita.
“A-And sorry kung maingay…”
Tumaas ang isang kilay niya.
“A-Ang boyfriend ko…” I added.
Hindi ko maiwasang ma-offend ng marinig ang mahina niyang pagtawa na akala mo’y isang rare na joke ang sinabi ko.
“Oh, you have a boyfriend?” tanong niyang humila sa confidence ko bilang isang malupit na alagad ni Eba!
Umayos ako ng upo bago siya sagutin. “B-Bakit? Mukha ba akong walang boyfriend?” matapang kong tanong sa kanya.
“Hindi ba obvious sa tanong ko?”
Pinigilan ko ang panggagalaiti ng mga mata ko para hindi siya mairapan dahil nananatili sa boses niya ang tuwa na parang isa na akong malaking joke ngayon sa harapan niya!
“Yes, Mr. Venavidez,” sagot kong walang kurap at bahid ng kahinaan. Inangat ko ang telepono ko sa mukha niya. “Singer ang boyfriend ko. Bokalista, may banda at—”
“I’m not interested,” putol niya sa ’kin. “Let me make this clear to you, Miss Zuniga, you are here to work and do what I ask you to do. This is not a motel for sleeping or a bar for playing music, so read between the lines.”
Nahihiya akong napayuko. “Sorry.”
“Wala akong pakialam kahit na sino pang Pontio Pilato ang pinakikinggan mo kaya huwag mong idahilan ’yan.”
“It will not happen again, Mr. Venavidez. Pagpasensiyahan mo na… I-I just missed him dahil matagal na kaming hindi nagkikita kaya—”
Nahinto ako sa pagsasalita ng maramdaman ang paggalaw niya’t paglapit sa aking desk sabay tukod ng mga kamay doon pagkatapos ay hinuli kaagad ang mga mata ko ng mag-angat ako ng tingin. Pakiramdam ko’y dumami ang mga tambol sa puso ko dahil sa ginawa niya. Maging ang sariling pagdaloy ng dugo ko ay narinig ko na.
“Do you think I care?” he asked sarcastically.
Lutang akong umiling.
“N-No—”
“Exactly. So shut up.” aniya sabay tanggal ng kamay sa lamesa ko’t hindi na ako binigyan ng pagkakataong magsalita pa.
Napangiwi ako ng marinig ang malakas na pagbagsak ng kanyang pintuan. Nasapo ko ang aking noo. I made him mad again. Tuliro kong kinuha ang telepono ko’t wala sa sariling napatitig na lang sa recording na nanatili sa aking screen.
“Sorry, Uno… Kung bakit ba kasi pinatulog mo ako?” malungkot akong napangiti.
Kung kanina ay mabilis ang kalampag ng puso ko dahil sa presensiya ni Zeto, ngayon naman ay sa pagka-miss kay Uno na iyon.
“Hayaan mo, tatapusin ko kaagad lahat ng trabaho ko para makita kita. Uno, next week makikita na kita ng malapitan at sisiguraduhin kong mapapansin mo ako kaya mag-ready ka na, ha?” napakagat labi pa ako dahil sa pagsipa ng kung ano sa puso ko.
Kinumbinsi ko ang sarili kong walang masamang mangyayari dahil kasama ko ang boses na ’yon. Muli kong sinulyapan ang orasan ko at ipinagpatuloy na ang trabaho.
Nang sumapit ang alas onse ng gabi ay nagpasya na akong umuwi. Naroon pa rin si Zeto sa loob ng kanyang opisina pero hindi ko na siya inistorbo para magpaalam. Alam ko naman wala siyang pakialam gaya ng sinabi niya kaya hindi na ako nag-abala.
Kailan ba nagkaro’n ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya ang isang ’yon? At kailan pa nga ba magkakaroon? Posible pa nga kaya?
This story is completed and now FREE on Haloreads! Just download the app and follow CengCrdva to read this novel and other books.
# CHAPTER 14
Chapter Fourteen
First Wave
Tomorrow night is the night! Napangiti ako sa organized na mga papel na ngayo'y maayos nang nakasalansan sa mga cabinets na noo'y nakatambak lang sa loob ng opisina ni Zeto.
Lumakad ang mga mata ko sa kabuuan ng espasyo ko noong walang kabuhay-buhay. It was decorated perfectly. May mga isinabit akong paintings na ako mismo ang bumili sa mumurahing antique shop. I just replaced the cheap frames with not so expensive ones. Sakto para lang magmukhang ipininta ng isang kilalang artist. I also bought some plants to make me feel comfortable. Para na rin mayroon ang malalanghap na sariwang oxygen kapag nag-alburoto na naman si Zeto.
Halos mapapikit ako ng isandal ko ang aking likod sa malambot at bagong upuang ibinigay ni Baynes sa akin. My computer and plain desk was replaced too. Kung gusto akong pahirapan ni Zeto, nagtagumpay na siya pero nasa akin pa rin ang alas.
Ang mga daliri ko ay hindi tumigil sa pagpilantik sa magkabilang arm rest ng aking inuupuan. Katatapos ko lang mag-ayos at hinihintay na lang ang pagdating niya para itanong sa kanya ang sunod kong trabaho. I'm sure he'll be so surprised.
Inayos ko ang mga paa ko't inilapat sa simento pagkatapos ay hinila ang upuan palapit sa telepono. I'm excited to talk to Baynes and other people who called me Miss Five days because obviously, they need to change it now.
"Hello?"
"Hi Baynes..."
"Oh, Kina?" napangiti ako ng mabanaag ang tuwa sa kanyang tinig lalo na't ito yata ang unang beses na natatandaan kong tinawag niya ang pangalan ko sa pormal na paraan.
"Right. That's right."
She chuckled on the other line. Mukhang alam na ang ibig kong sabihin.
"Fine. Mali na kaming lahat pero hindi mo masasabing hindi ka pa rin matatanggal," she paused when other people greeted me on her line. "No one can make our Boss change," dagdag niya matapos ang sandaling kumosyon. "Malupit siya kung malupit kaya hindi kami nawawalan ng pag-asang tama kami."
Ako naman ang natawa. Kung tutuusin, gusto ko ng maniwalang hindi totoo ang lahat ng sinasabi nila sa lalaki. I think they misjudge him. Siguro may ginawang malaking pamamahiya si Zeto at ang isang pangyayaring 'yon ang tumatak sa kanila kaya simula no'n ay naging masama na ito sa paningin nilang lahat. Ilang araw ko na ring kinumbinsi ang sarili kong baka mali lang rin si Ate Ysa dahil nakaharap ko na si Zeto. At sa halos isang linggong lumipas ay wala namang nangyaring masama sa akin.
Maliban sa matalas niyang dila na kayang humila sa namamayagpag kong confidence ay wala na akong nakitang kalupitan niya. Given na rin na ginagawa niya 'yon dahil talagang ayaw niya sa akin at may nagawan ko siya ng mali kaya hindi ko siya masisisi.
"Gusto niyo talaga akong mawalan ng trabaho 'no? Akala ko ba friend niyo na 'ko?" may pagtatampo kong sabi sa kanya.
"Grabe naman, Kina! Siyempre naman friends na tayo at mananatili tayong friends kapag natanggal ka."
Napangiwi ako. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa o ikainis ang mga sinabi niya. Sa huli ay hindi ko na lang siya pinatulan dahil sigurado akong kung may pustahan man sila, hindi mananalo ang mga pumustang matatanggal ako. I will never give up and I'm damn ready to win this fight.
Ilang minuto pagkatapos ng tawag ay tumunog na ang elevator. Nagkukumahog na naman akong tumayo para batiin siya pero sanay yata talaga ang lalaki sa laro ng bulag bulagan.
"Smile! God loves you!" hiyaw kong itinuturo pa siya kasabay ng pagbagsak ng balikat ko nang walang pakialam niyang ibinagsak ang pintuan at wala man lang sulyap na iniwan ako.
Bumalik ako sa upuan at nagpangalumbaba ng ilang minuto. Ilang beses kong tinignan kung ano pang pwede kong gawin pero wala na akong maisip.
Nalaglag ang mga mata ko sa aking monitor na mayroong mga nagtatalbugang bubbles. Kung siguro na kay Ate Ysa ako, baka ngayon ay abala na ako sa pakikipag-usap sa mga ka-meeting niya at pag-aayos ng lahat ng mga ganap niya sa buhay unlike now...
Iginalaw ko ang mouse at desididong hinalungkat ang mga laman ng computer na 'yon. I'm searching for Zeto's personal email nang sa gayon ay maitanong ko sa kanya kung anong klase ng serbisyo ko ang sunod niyang kailangan pero halos baliktarin ko na 'yon ay wala akong nakita.
Tulalang bumalik ang mga mata ko sa loob ng kanyang opisina.
"Shit..." bulalas ko ng maisip na wala akong ibang choice kung hindi ang harapin siya.
Bago pa ako lamunin ng kaba at tumayo na ako't mabilisang inayos ang sarili. Kahit na nag-aalburoto na naman ang bagay sa loob ng aking dibdib ay nagawa kong kumatok sa pintuang iyon.
Ilang beses akong napalunok nang hindi ito bumukas. Kumatok ulit ako kahit na alam kong imposibleng marinig niya ako. I did it thrice before opening the door. Napahigpit ang hawak ko sa seradura ng makita ang pag-angat ng kanyang mukha para bigyan ako ng atensiyon.
"I-I...I..." mabilis kong itinikom ang aking bibig dahil hindi gumagana ng utak ko gawa ng matinding kaba!
Binitiwan ko ang pinto at ibinalik iyon sa hamba bago inilakad ng dahan-dahan ang mga paa palapit sa kanya kahit na parang hinihigop ng matatalim na matang iyon ang lahat ng lakas ko.
Nang itaas niya ang kanyang hintuturo ay agaran akong nahinto.
"I'm finished with the task you gave me and I need to do something else."
Muli kong nilunok ang lahat ng bumara sa lalamunan ko ng ipilig niya ang kanyang ulo para matitigan ako ng mabuti.
"Like what?"
"I-I don't know. You said that I'm here to work, right? Then give me something to do para hindi naman masayang 'yung ibinabayad mo sa 'kin–"
"Who told you to come inside?" putol niya sa akin imbes na pakinggan ako.
"No one."
"Did I ask you to talk to me?"
"N-No."
Umangat ang isang gilid ng kanyang labi at pagkatapos ay itinukod ang magkabilang siko sa ibabaw ng lamesa bago 'yon ipagsalikop sa kanyang harapan.
"Then that's your job, Miss Zuniga. Stay away from my space and do not talk to me. You'll be paid by just doing that. Don't you think it's a win win situation?""
"But that's not what I signed up for," muli, hindi ko na napigilan ang sarili kong maging matapang dahil alam kong kapag hindi ako gumawa ng hakbang ngayon ay ide-delay lang ni Zeto ang lahat at iyon ang hindi ko pwedeng hayaang makawala. Oras.
"I need to organize your schedules, meetings, travel plans, your emails, everything, Mr. Venavidez. That's my job."
"It's good that you know your job description, Miss Zuniga. I'm impressed,"
Inangat niya ang isang ball pen at bumalik sa pagkakahilig sa kanyang swivel chair habang nilalaro ang ball pen sa kanang kamay.
"But I'm your boss," he stopped playing with his pen and looks straight into my eyes.
Hindi ko naiwasan ang muling pagsipa ng kaba. Hindi naman talaga ako madaling kabahan pero hindi ko maintindihan bakit pagdating sa lalaki ay talagang may kung anong humahalukay sa puso ko't nagpapahina rito.
"And I will tell you what you need to do and when to do it." maawtoridad niyang sabi. "Do you want to know what I want you to do right now?"
Wala sa sariling napatango na lang ako. Parang asong nakadikit sa dashboard ng isang jeep.
"Walk back to your space, don't bother me and if possible, play dead."
"Mr.–"
"Now."
Nang marinig ko ang pamilyar na pagbabanta sa boses niya ay wala na akong nagawa kung hindi ang umatras at magmadaling lumabas sa silid niyang 'yon! Para akong hinabol ng aso ng makabalik sa upuan ko't mapasalampak ng upo.
Inis kong pinukpok ang ulo ko. My first attempt was a mess! Dapat inasahan ko na ang lahat ng pagmamatigas niya pero anong magagawa ko? Time is running fast. If he will not take his father's offer at the end of the year, masasayang ang lahat. Hindi dahil malulugi sila kung hindi mapipilitan ang kanyang ama na ibigay ang kompanya sa taong hindi nito kadugo.
Zeto is the best candidate to run Absolut Corporation. Bukod sa iyon ang pangarap ng kanyang ama, alam kong mas kaya niyang palaguin ang lahat ng pinaghirapan ng huli.
Lumipas ang mga oras na nakatulala ako. Sa ilang oras na 'yon ay maraming minuto rin akong naging patay gaya ng sinabi niya kaninang gawin ko dahil talagang wala akong kakayahang gumalaw sa bigat ng mga bagay na pumasok sa utak ko.
Nakagalaw lang ako ng maisip na sa isang araw na ang the next night concert. Napahilot ako sa aking sintido. Kailangan kong magpaalam sa kanya na maaga akong uuwi sa araw na 'yon para maghanda pero ngayon palang ay alam kong hindi ito magiging magandang idea. Unang una, wala pa akong karapatang mag-leave at hindi ko alam kung paano magdadahilan sa kanya. Napabuntonghininga ako't napakurap-kurap ng sumagi sa utak ko ang bagay na tanging magpapasaya sa 'kin.
Makikita ko na si Uno ng malapitan sa unang pagkakataon. Sol said that we're not on the front row pero malapit na malapit 'yon kaysa sa mga naunang ticket na binili ko sa mga show nila. Isa pa, hindi biro ang presyo ng ticket na regalo niya and I will be doomed if I will not make it. Kaya bago dumating ang araw ng concert ay kailangang matapos ko ang mga kung anong ipapagawa ni Zeto sa 'kin... Ang dapat ko lang ipagdasal ay hindi 'yon tumapat sa araw ng concert.
Dalawang araw akong walang ginawa kung hindi ang tumunganga at maghintay sa kanyang utusan ako. Ilang beses ko ring sinubukang kausapin siya tungkol doon pero gaya ng mga nauna ay itinaboy niya ako.
Sabi niya, mas maganda pang hindi niya ako nakikita para nakakapag-focus siya sa mga dapat niyang gawin. Kapag nag-play dead rin daw ako, baka bigyan niya pa ako ng maraming bonus!
Umikot ang mga mata ko ng umulit sa utak ko ang mala-demonyong boses ni Zeto. Sa tuwing umuuwi sa bahay ay wala akong ginawa kung hindi ang isipin 'yon. Sinabi ko rin kay Ate Ysa ang nangyayari pero maging siya ay walang ibang payo kung hindi ang sundin muna si Zeto.
Aniya, isang araw ay magiging busy rin ako kaya paghandaan ko. Kasapi siya nila Baynes na naniniwalang darating ang araw na maghihirap ako gawa ng lalaki at hindi ko inasahang darating nga 'yon.
I was standing in front of his door. Nag-iisip, naghahanda at nagpapalakas ng loob bago pumasok sa una't huling pagkakataon. Hindi para manghingi ng trabaho kung hindi para magpaalam na magha-half day ako ngayon dahil sa concert ng Zerea.
Nang makakuha ng sapat na lakas ng loob at hindi na ako nag-atubiling pumasok sa loob. Nakita ko mang muli ang pagpait ng mukha niya ng makita akong pumasok at hindi huminto kahit na itinaas niya ang kanyang kamay sa ere ay hindi ako nagpapigil. Kung hindi siya makuha sa santong dasalan, idadaan ko na lang sa santong paspasan!
Nakita ko ang pag-iling niya't paglabas muli ng hindi makapaniwalang ngisi ng tumapat ako sa kanyang harapan at wala ng inaksayang oras.
"I'm not here to ask you to give me something I can do to help you. Narito ako para magpaalam na magha-half day ako ngayong araw–" natigil ako ng tumuwid siya ng upo.
I'm glad that I have his full attention now but I'm also scared of what he has to say.
"Half day?"
"Yes, Mr. Venavidez. Tutal wala naman akong trabaho, I'm taking a half day off."
"And why do you think I'll allow you to leave?"
The authority in his voice made me anxious. Hindi ko napaghandaan ang tanong niya pero sinagot ko pa rin sa abot ng aking makakaya.
"B-Because... I'm tired of playing dead."
"Not a valid reason. That's what I asked you to do."
"Fine. I need to go because of my sister."
"The one with leukemia?"
"Yes yes!"
Nakakita ako ng pag-asa ng maisip na pwede kong idahilan si Ken.
"What happened to her?" tanong niyang mas seryoso't nanunuri hanggang sa kaloob-looban.
"S-She... She's in the hospital."
"Hospital, huh?"
Hindi ako nakagalaw. As much as I want to lie, hindi ko pala kayang ilagay sa hospital ang kapatid ko kahit pa 'yon na lang ang rason ko para makawala sa lalaking ito. Thinking about it makes me sick.
"I don't buy it. Now tell me the truth, Miss Zuniga. You know I hate liars, right?"
Nakagat ko ng wala sa oras ang pang-ibaba kong labi. Nagtalo ang utak ko sa kung ano ang dapat sabihin sa kanya pero dahil nanliliit ako sa paraan ng kanyang pagtitig at mga salita ay wala na akong nagawa kung hindi ang magsabi ng totoo. Bahala na kung anong sasabihin niya.
"I need to go home before two in the afternoon. May mahalaga't importante akong okasyon na kailangang puntahan."
"What occasion?" he asked again.
For some reason, kahit na gusto ko pa ring magsinungaling ay hindi ko na nagawa.
"I need to attend to this concert..."
"A concert, huh?" he murmured sarcastically.
Nilunok ko ang lahat ng mga kahinaan ko para patuloy siyang sagutin na parang criminal na nakaharap sa isang pulis habang may bumbilyang nakatutok sa ibabaw ng ulo.
"Yes. M-My boyfriend... He's a big hit gaya ng sinabi ko sa'yo at kailangan niya ako mamayang gabi sa tabi niya–"
His laugh cut me off.
"What are you? His guardian? His microphone? He's a vocalist and he only needs a microphone on that stage. Not you."
"Mr. Venavidez... I'm asking you a favor. Kahit ngayon lang. I promise pagkatapos nito, hindi na mauulit. I just need to be with him tonight and–"
"Okay."
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Kahit na nakangisi siya't nababaliwan sa mababaw kong dahilan para umalis ng trabaho ay hindi ko na 'yon pinaulit. Maliwanag na sa utak ko ang sinabi niya at tama na 'yon dahil baka magbago pa ang ihip ng hangin!
"Now, leave."
Halos magtatatalon ako sa tuwa dahil sa pagpayag niya pero kinalma ko ang sarili.
"Thank you so much, Mr. Venavidez."
Isang ngisi lang ang isinagot niya sa akin habang sinusulyapan ang pintuan pero hindi ko na 'yon inintindi. Habang pabalik ako sa pwesto ko ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto! I'm seeing Uno tonight! I'll finally see him!
Hindi napatid ang pagbubunyi ko. Tinawagan ko kaagad si Sol para sa gagawin namin mamaya. She said that the banner I asked her to make for the band is now ready. Kahit na napakasama ng ugali ni Zeto sa paningin ng lahat ay parang gusto ko siyang purihin ng paulit-ulit ngayon.
Ang lahat ng tuwa sa puso ko ay nag-uumapaw pero sandali iyong naputol ng makita ang pagdating ng isang mensahe sa aking email.
Nagmamadali ko iyong binuksan at muling nalaglag ang panga ko ng makita ang buong pangalan ng lalaking gusto kong ipagpasalamat sa Maykapal.
Zackreus Tobias Venavidez:
Come inside.
Napakurap-kurap ako ng mabasa iyon pero hindi na nag-reply. Bumalik ako sa loob ng kanyang opisina pero ang lahat ng excitement ko ay dahan dahang hinila pababa at pilit na pinalitan ng kaba ng makita siyang nakatayo at nakadungaw sa ibaba ng building kung saan tanaw ang kabuuan ng siyudad.
"Mr. Venavidez?"
Hindi niya ako sinulyapan. Nakita kong may inangat siyang baso at uminom doon. Tubig? Alak? I don't know.
"How many hours left before you'll go home?"
Sinulyapan ko ang relo sa aking kamay.
"Two hours."
"Two hours... Good," mas lalong lumakas ang kalabog ng puso ko dahil sa kapilyuhang nakahalo sa kanyang boses.
I know I'm facing the calm before the storm and my eyes refused to blink while staring at it. Napatuwid ako ng tayo ng humarap siya sa 'kin at pagkatapos ay sinulyapan ang gawi ng kanyang lamesa.
"You're looking at what you asked me to give you. My schedules, appointments, meetings, travel plans, your job... And I need you to organize everything before you leave."
Marahas na napabalik ang ulo ko sa kanya.
"B-But I will not finished it in two hours–"
Lumawak ang ngisi niya.
"It's not my problem, Miss Zuniga. It's your job, right? I need you to finish everything today. Hindi ko na problema kung hindi mo matatapos lahat bago sumapit ang alas dos. I am paying you to do your job so do it." maawtoridad niyang sabi na tuluyang nagpabagsak sa magkabila kong balikat.
Pakiramdam ko'y bumagal ang pagdaloy ng hangin sa aking baga. In that moment, I knew that I'm now facing the first wave of his storm. Ito palang ang simula at wala na akong magagawa kung hindi ang salubungin ang lahat ng 'yon.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 15
Chapter Fifteen
Marriage Proposal
“Uno…” ilang beses akong suminghap habang patuloy na pinupunasan ang mga luha sa mata ko.
Matapos ibigay ni Zeto ang sunod kong gagawin ay wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak. Pero syempre, ginawa ko ’yon ng makalabas ako sa loob ng opisina niya. I can’t let him see how weak and fragile I am right now. Kailangan kong ipakita na kahit nanalo siya ngayon ay hindi ko susukuan ang pinasok ko.
“Uno, Sorry…” nanginig ang boses ko sa muling pagsambit ng pangalan niya habang pinapakinggan ang boses niya galing sa earphones na suot ko.
Nanlulumo man ako’t bagsak ang damdamin pero nagpapatuloy ako sa trabaho. ’Yon nga lang, hindi ko mapigilang huminto dahil dumarating sa punto na napapahagulgol ako sa sobrang kalungkutan.
Nang hindi ko na mapatahan ang sarili ko ay tinawagan ko na lang si Sol. Sinabi kong hindi na ako matutuloy dahil hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko. I know Zeto would fire me if I do that. Isa pa, alam kong isa ’to sa mga challenge niya sa ’kin… Or pagmamalupit. It’s the same thing.
“What?!”
“I’m sorry…” mabilis kong nakagat ang labi ko.
Nagpatuloy ang mga paa ko sa paglalakad. Pabalik-balik dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag napirmi ako sa isang pwesto. Tingin ko ay maiiyak na naman ako ng sobra.
“Pero bakit? Akala ko ba ayos na? Akala ko ba nagpaalam ka na sa boss mo?”
“I did…”
“Oh tapos? Kina, this is your only chance to see Uno. Mas malapit na at tiyak na kapag tumakbo ka mamaya para lapitan siya’t yakapin ay hindi ka mahaharang ng mga bouncer!”
Napapikit ako ng maalala ang plano namin. Pagkatapos ng huli nilang kanta, tatakbo ako sa gawi ni Uno at wala ng sasayanging oras. Yayakapin ko siya ng pagkahigpit-higpit at sasabihing ako ang nawawala niyang soul mate. Hindi ko siya bibitiwan hangga’t hindi siya naniniwala. Pero paano ko na ’yon gagawin kung ganitong ni hindi ko alam kung anong oras ako makakalabas sa building na ’to?
“I know but something came up.
“What? Ano ba kasing nangyari?”
“The first wave is here.”
Sandaling natahimik ang linya niya. Tila natanto na ang ibig kong sabihin.
“Sa dami ng pagkakataon, ngayon talaga?”
“It’s my fault. Kung siguro hindi ko sinabi sa kanya ay baka pinayagan niya ako. Kung sana nagsinungaling na lang ako’t si Ken na lang ang idinahilan ko ay baka pumayag siya. Madali lang namang magkumpisal. A little lie won’t hurt and God will still forgive me with that but I’m stupid enough to tell him the truth… And now, wala na akong magagawa.”
“Paano na ’yan, Kina?” malungkot niyang tanong.
Binilisan ko ang paglalakad ko ng paulit-ulit para ma-distract at hindi muling bumuhos ang mga luha.
“I don’t know. I can’t finish everything in two hours at baka kahit matapos ang araw na ’to ay hindi ko pa ’to matatapos. I’m sorry, Sol…”
“Kina… I’m sorry.”
“It’s okay. It’s okay. Ikaway mo na lang ako kay Uno,” hindi ko mapigilang mahinto sa ginagawa matapos banggitin ang pangalan niya. Nanginig na naman ang mga labi ko. “Sol, isigaw mo na lang kay Uno na kilala mo ang soul mate niya. Sabihin mo busy lang ako but I will see him soon! In God’s time.” marami pa sana akong gustong idagdag na mga habilin, pero dahil sa pag-alpas ng emosyon ko at muling pagtulo ng mas masasaganang luha ay nanghihina akong nahinto.
Matagal kong pinaghandaan ito. Matagal naming plinano ni Sol at bukod do’n ay matagal ko na ring hindi nakikita si Uno… Hindi naririnig ang boses niya. What if he’s still sad? Paano ko siya pasasayahin gamit ang yakap ko kung hindi ako makakapunta?
Umangat ang mga kamay ko patungo sa aking bibig. Ilang taon kong hinangad na mapalapit sa kanya. Matitigan, mayakap. Alam ba niyang ready na akong maging dikya pagkatapos ng set nila?
“Sol, ikaw na ang bahala kay Uno.” gumagaralgal ang aking boses nang sabihin ’yon pero agad kong itinikom ang aking bibig at agad na pumihit paharap sa direksiyon ng lamesa ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa lungga ng best friend ni satanas.
Madali kong nilunod pabalik sa lalamunan ko ang aking mga hagulgol.
“I can freaking hear you, you know. Why the hell are you crying?” napapikit ako ng mariin ng marinig ang baritonong boses na ’yon sa aking likuran.
Bukod sa utak kong nagwawala na naman, ilang beses ring napamura si Soledad sa kabilang linya!
“Hey!” kuha niya sa atensiyon ko pero ni hindi ko nagawang gumalaw.
Mariin kong kinagat ang aking labi at nang marinig ang mga yapak niya palapit sa akin ay agad akong humakbang ng dalawang beses palayo.
“What?! You’re kidding, right?!” malakas at eksaherada kong sigaw dahilan para tumigil si Zeto sa paglapit. “Are you really proposing over the phone?! Baby, you’re making me so happy! Oh my God! I’m literally crying right now!”
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung anong nasa utak ng lalaking nasa likuran ko pero wala na rin akong maisip na dahilan para isalba ang sarili kung hindi ito. Tears of joy.
“Yes yes! Of course, Uno! Of course I’ll marry you! I’ll marry you!” buong puso kong hiyaw na kung may mga audience lang sa paligid ay nagsi-iyakan na rin silang lahat. Konti na lang mag-a-artista na talaga ako.
“Anong kagaguhan ’to, Kina?” si Sol na litong lito na sa mga pinagsasasabi ko sa kabilang linya.
“Baby! Ano ka ba! Oo naman! Ano?! Susunduin mo ako? What?! May flowers and chocolates pa? Oh, Uno! It’s too much! Ikaw lang sapat na! Ikaw talaga!” pinilit kong magmukhang over the moon ang saya ko sa kabila ng lahat ng kalungkutan para lang hindi mapahiya sa lalaking balakid sa lahat ng mga plano ko sa buhay!
“Kina, ang baliw mo!” si Soledad na tumatawa na lang sa kabaliwan ko.
Binalewala ko ang mga pagalit ni Sol at nagpatuloy sa pag-arte. Hello, big brother? Ako ’to, si Kina. Si Kina lang ’to.
“Yes! Okay I’ll see you soon! I’m sorry I can’t make it. Huwag kang magtatampo, ha? I promise I’ll be cheering you next time. Happy ten year anniversary, baby! I’ll see you soon and I love you so much too! Hihintayin kita mamaya.” kunwaring pamamaalam ko bago patayin ang tawag.
Madalian kong inayos ang sarili ko bago harapin ang lalaking kanina pa nakikinig. Alam kong mawi-weirduhan siya sa kasiyahan ko dahil sa pamumugto ng aking mga mata pero wala na akong pakialam ngayon. Kahit paano, ito lang ang paraan para hindi ako magmukhang talunan sa harapan niya.
“S-Sorry about that.” nakayuko kong paumanhin ng harapin siya.
Zeto didn’t answered right away which is unusual dahil handa na akong muling marinig ang mga pagalit niya pero dahil wala akong narinig ni isang salita ay naobliga akong mag-angat ng tingin pabalik sa kanya.
“I-I’m going back to work.” nagmamadali akong pumihit patalikod ngunit hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay narinig ko na ang pagtawag niya sa ’kin.
“Zuniga.”
Napapikit ako’t hindi nakagalaw.
“Kung hindi mo kaya ang trabaho mo, ngayon palang magbitiw ka na. I don’t want to hear you crying everyday because of your stupid work so I’m giving you a chance to resign–”
“No,” matapang kong hinarap muli ang delubyong nasa harapan ko. “I said I’m going to work now Mr. Venavidez so if you’ll excuse me.” kahit mabigat ang loob ko ay nagawa ko siyang ngitian bago bumalik sa trabaho.
I don’t know how long he stood there pero hindi ko na rin inintindi. I texted Sol everything I forgot to say. Gaya ng ginagawa ko sa tuwing bagsak na bagsak ako, pinakinggan ko ulit ang mga recordings ni Uno sa aking telepono. Hindi naman ako nagkamali. Dahil do’n ay gumaan ang pakiramdam ko at kahit paano’y nabawasan ang bigat sa aking dibdib.
Sandali akong bumaba para kunin ang pagkaing ipina-deliver ko. Lumipas ang mga oras hanggang sa matapos ang oras ng uwi ni Zeto pero hindi pa ito lumalabas sa kanyang silid. Sa dami ng dapat kong gawin at sa deadline kong hanggang ngayong araw lang, malamang aabutin ako ng hating gabi bago matapos ang lahat… O baka nga ilang araw pa.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikinig kay Uno at pagta-trabaho. Nang sumapit ang alas siete at nakaramdam ako ng pagod ay napatungo ako sa lamesa. Hinilot ko ang aking leeg at pagod na napabuntonghininga. I want to sleep. Nahihilo na rin ako pero dahil kay Uno ay nagawa kong magpatuloy. Muli kong sinulyapan ang silid ni Zeto na kasalukuyang bukas pa ang ilaw.
Ano kayang iniisip niya? Nako-konsensiya kaya ang isang tulad niyang sanay sa pagpapahirap ng mga tao? Gaano na ba kaitim ang budhi ng isang gaya niya?
Napakurap-kurap ako’t inayos ang sarili sa lamesa bago hinayaang pumikit ang mga mata. Muli, nakatulog ako sa pakikinig doon. Mabuti na nga lang at tumawag si Sol ng dumating na ang oras ng concert ng Zerea.
“A flock of birds
Hovering above
Just a flock of birds
That’s how you think of love…“
Naramdaman kong muli ang pangingilid ng mga luha ko ng marinig ang pamilyar na boses na ’yon.
“His voice sounded so much better live.” komento ni Sol sa boses na manghang mangha rin.
Wala sa sariling napapikit ako. Ini-imagine na katabi ko ito’t parehong nakatunganga sa lalaking muli na namang hinaharana ang puso ko. Wala talaga siyang kupas kahit kailan. Kahit na pasimple lang ang tawag na ’yon ay malaking malaki ang naitulong nito sa akin para hindi na manghinayang sa pagkakataon.
I know time will come that we’ll meet. Mangyayari ’yon hindi lang dahil soul mate ko siya kung hindi dahil alam kong maliit lang ang mundo. I also believe that the love I have for him has a reason. Sadya iyon at may malaking dahilan kung bakit siya dumating sa buhay ko.
“I’ll see you soon, Uno… Soon.” nananaginip kong bulong habang sinasariwa’t isinasapuso ang malamig at malinaw niyang boses.
Habang nakikinig sa malamyos niyang boses ay tuluyan na rin akong nagpadala rito sa mundo kung saan una kaming nagkita. Sa mundong walang may kakayahang manakit sa ’kin. Sa mundong ayaw ko ng iwan.
My tears left my eyes when he finished his last song. Hindi ako makapaniwalang naubos ang pighati sa puso ko ngayong muli ko siyang narinig. Kahit hindi kami nagkita ngayon, masayang masaya pa rin ako.
Pagkatapos magpaalam ni Sol ay bumalik ang mga mata ko sa opisina ni Zeto. He is still here and because of that, marami akong kailangang gawin. Kinuha ko ang telepono ko’t nagtipa ng mensahe kay Sol tungkol sa huling problema ko ngayong gabi. Hindi lang kasi problema ang dala ng anak ni Archelaus, pati na rin gastos.
Ako:
Sol, can you buy me flowers and chocolates and have it delivered here in the office? Dagdagan mo na rin ng cheesy message at malaking pangalan ni Uno sa labas ng card? Sa labas, kuha mo?
Sol:
What? Why?
Ako:
Nakalimutan mo na kaagad? I’m engaged.
Sol sent fifty laughing emojis. Nag-reply naman ako ng isang nagsusungit bago nagtipang muli.
Ako:
My boss is still here. Narinig niya kanina ang buong performance ko about over the phone marriage proposal kaya sige na. I promise babawi na lang ako sa ’yo. I have so many things to do and I don’t have time to order something para panindigan ’yon. Please?
Sol:
Fine. Anything else?
Ako:
Nothing. Thank you.
Ibababa ko na sana ang telepono ko pero naudlot ’yon ng muli akong mapatitig sa posibleng gawi ni Zeto sa loob ng opisinang ’yon. I texted Sol again.
Ako:
Actually, I need one last thing. I need you to book the fanciest grab and choose the most handsome driver available to fetch me tonight. I need a proxy for my fiance.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 16
Chapter Sixteen
Operation Fiancé
Hindi ako tumigil sa pagtatrabaho habang hinihintay ang delivery ni Sol upang suportahan ako sa lahat ng mga kalokohan ko. Dahil nakaidlip ako ay nakaipon ako ng energy na bilisan ang ng ginagawa pero kasabay no'n ang paulit-ulit ko ring sulyap sa kwarto ni Zeto.
I wonder what he's doing inside. Oo nga't minsan ay tumatagal rin naman siya rito pero hindi ko alam ngayon kung anong oras ang uwi niya.
Nang sumapit ang alas onse ay sandali akong bumaba para kunin ang mga dumating na regalo para sa 'kin. The guard was smirking and teasing me. Ako naman, dahil feel na feel ko ay inartehan ko na lang ring kinikilig ako para makatotohanan na talaga ang lahat at hindi gastos ang delivery na 'to.
Pagsakay ko ng elevator ay napawi ang lahat ng tuwa ko't ang mga balikat ay bumagsak. This thing looks expensive at alam kong malaki na naman ang magiging utang ko kay Sol. Ipinilig ko ang aking ulo at hinanda ang sarili sa paglabas ng mapalapit na ang elevator sa floor kung nasaan ang main stage ng acting career ko.
Tamad kong inayos ang sarili ngunit ang lahat ng pagkalugmok ko ay mabilis kong pinalitan ng walang humpay na kasiyahan ng makita ang sakto namang paglabas ni Zeto sa kanyang opisina kasabay ng pagbukas ng elevator.
"H-Hi." nahihiya kong bati habang inaayos ang pagkakayakap sa mga bulaklak at tsokolateng hawak ko.
See this, huh? Bigay 'to ng fiance ko!
Gusto ko sanang sabihin pero alam ko namang wala siyang pakialam kaya taas noo ko na lang iyong ibinalandra sa kanyang harapan.
Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya ng maglakad na ako palabas ng elevator at bumaba ang mga mata niya sa hawak ko.
Mas inayos ko 'yon. Sa pagbalik ng mga mata niya sa mukha ko ay proud akong ngumising parang nanalo ng Miss Universe, kulang na lang kumaway ako.
"Why are you still here?" iritado niyang tanong.
"I'm not finished yet... Kinuha ko lang 'tong padala ng fiance ko sa baba." pinilit kong isingit sa usapan ang bagay na 'yon kahit na wala siyang balak na pakinggan.
He tilted his head. Hinanda ko ang sarili ko sa mga sunod niyang sasabihin pero wala na akong narinig. Sandali niyang sinulyapan ang lamesa ko pabalik sa akin at umiling bago pumasok pabalik sa loob ng kanyang opisina.
Hindi nawala ang ngisi sa mga labi ko na kinagat ko na lang para matigil. Dahil do'n ay para akong tinurukan ng droga para mas ganahang tapusin ang trabaho.
The chocolates pumped me too. Wala pang alas dose ay nakikita ko na ang liwanag. Isang oras pa ang lumipas ay tumigil na ako. Marahan kong hinilot ang sintido ko ng makita ang malinis at maayos na pagkakagawa ng lahat ng trabaho ko ngayong araw.
I texted Sol if she already booked my service tonight pero ilang minuto ang lumipas ay hindi ito sumagot. I tried calling her but she's not answering. Nasapo ko ang aking noo at muli siyang tinawagan pero gano'n pa rin. Inayos ko na lang ang mga gamit ko.
Hindi naman siguro kailangang magpaalam ako, 'di ba? Kung hindi ako na-book ni Sol ng grab, pwede na akong maunang umuwi kay Zeto at hindi niya malalaman na wala akong sundo.
Nang maayos ko ang mga gamit ko't handa na sanang umalis ay saka naman tumawag ni Mama.
"Kina, nasaan ka na? Late na anak."
"Pauwi na po ako, Ma."
"Sinong kasama mo? Delikado na. Mag-text ka kapag malapit ka na sa kanto para maabangan kita."
"Ma, hindi na po. Kaya ko na pong mag-isa at huwag kayong mag–"
Natigil ako sa pagsasalita at agad na napatuwid ng tayo ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Zeto!
Kapag sinusuwerte ka nga naman!
"Tatawag na lang po ako ulit, Ma! Huwag na kayong mag-alala ayos lang ako." hindi ko na hinintay pang sumagot si Mama.
Mabilis kong pinatay ang telepono't kabadong hinarap ang lalaki. Kinuha ko kaagad ang lahat ng mga gamit ko't hinabol siya bago pa bumukas ang elevator.
"Mr. Venavidez, tapos ko na ang lahat ng ipinagawa mo–"
"Good for you." tamad niyang sagot na nagpatango na lang sa akin.
I get it. He's tired at wala ng oras na mainis pa sa akin lalo na't madaling araw na kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.
Tahimik akong tumabi sa kanya at sabay na hinintay ang elevator. Sa pagbukas ay sumunod ako sa kanyang pumasok. Gaya sa taas, tahimik pa rin ako habang pababa kami kaya hindi ko napigilang mapapitlag ng magsalita siya.
"It's almost two in the morning. Kaya mo bang umuwi ng mag-isa?"
Napanganga ako. Kahit na walang amor ang boses niya ay hindi ko mapigilang mamangha. Is he really asking me that?
"I'll drop you off–"
"Gusto mo akong kasabay umuwi?" nababaliw kong tanong na nagpatawa sa kanya ng sarkastiko.
"Of course not. Baliw ka ba?"
Napanguso ako't pasimpleng umirap. "Ayaw mo naman pala bakit mo pa tinatanong? Bakit nag-o-offer ka?"
Hindi ko siya sinulyapan ng makita ko sa gilid ng aking mga matang inilagay niya ang mga kamay sa kanyang bulsa.
"Ayaw ko sa lahat ang nako-konsensiya. Kapag na-hold up ka, na-rape, pinatay at itinapon sa daan dahil sa uwi mo galing sa trabaho, malaki ang babayaran ko sa'yo. It will not hurt to drop you off your house or somewhere safer."
Napahigpit ang kapit ko sa aking bag dahil sa mga sinabi niya. I really can't believe how evil he is! 'Yung totoo, may kakambal si Lucifer?
Itinaas ko ang noo ko para isupalpal sa kanyang hindi ko kailangan ng tulong niya. I'm a strong independent woman and I don't need him!
"There's no need for you to be concerned, Mr. Venavidez. My fiance will fetch me at ayaw ko namang magselos siya kapag nakita niyang hinatid mo ako. There's no need for you to do a good deed. Baka ako pa ang makonsensiya kaya tank you na lang."
He didn't answer. Lumabas siya kaagad ng bumukas ang pintuan samantalang ako naman ay nagkukumahog na tinawagan si Sol! Pigil ang paghinga ko at napakawalan lang 'yon ng sumagot na ito.
"Kina! I'm sorry! The driver is on the way!"
"Oh thank, God!"
Dinala ako ng mga paa ko sa labas at naabutan doon si Zeto. Buong tapang akong lumapit at tumapat sa kanya. He's probably waiting for his car or something.
"Yes! See you baby! I'm outside the building waiting for you," muli kong drama at parinig kay Zeto. "Yes. See you soon! I love you!"
"Shut up. I'm drunk, Kina! You're making me puke!" si Sol dahilan para matawa ako ng malanding tila may kausap nga talagang fiance sa kabilang linya.
Hindi ko na pinatagal ang tawag. Naglarong muli ang ngisi sa mga labi ko ng makita ang paglingon ni Zeto sa akin. Hindi ko alam kung nandidiri siya dahil sa paraan ng titig niya pero hindi ko na inintindi.
Nang umibis ang sasakyan niya sa harapan at lumabas ang driver para pagbuksan siya ay nanatili itong nakatayo.
Wala sa sariling napalunok ako ng sulyapan niya ang kanyang wrist watch at pagkatapos ay nilingon ako.
"What time he'll arrive?" aniyang parang close na kami kahit na nananatili ang pagsusungit sa tinig.
"H-He..." my mind screamed when I remember the grab driver! Hindi ko naitanong kay Sol kung papasa ba 'yon bilang si Uno. "He's almost here!"
"Alright," binalingan niya ang kanyang driver. "We'll wait for a while, Joseph."
"Yes, Sir." masigasig namang sagot nito.
"W-What?!" nanlalaki ang mga mata kong bulalas. Pakiramdam ko'y nangilo ang utak ko ng harapin niya ako.
"Hangga't hindi dumarating ang sundo mo, hindi ako aalis rito. Tell the guy to hurry the fuck up and don't keep you waiting."
Marahas akong napalunok pero ang kaba ko ay kusa nang nag-uumalpas sa puso ko.
"No! I'm okay. Sige na umalis na kayo. Kaya ko ng mag-isa."
"Didn't you hear me?"
Shit talaga!
Bahagya akong napangiwi.
"Mr. Venavidez–"
"We'll wait." pinal niyang putol sa akin kaya naisara ko nalang ang bibig ko at wala ng nagawa kung hindi ang hayaan siya.
Habang naghihintay kami ng sundo ko ay hindi ako natigil sa pagdarasal na sana ay mala-adonis ang lalabas sa letseng grab na 'yon na magpapanganga kay Zeto o magpapa-bakla sa kanya ng tuluyan para manalo ako!
Sa bawat paglipas ng oras ay parang natutuyuan na ako ng laway sa bibig. Dama ko ang malakas na tambol ng puso ko habang nakatayo isang dipa sa lalaking desidido sa gagawin kahit na hindi naman kailangan!
Akala ko'y mapapanatag ako kapag dumating na ang grab pero kabaliktaran no'n ang nangyari! Kahit na isang BMW naman ang tumigil sa harapan ko, hindi ko mapigilang magdasal na kunin na lang ako ng lupa ng marinig ang mahinang pagtawa ni Zeto sa tabi ko ng lumabas doon ang isang lalaking naka-coat, mukhang disente naman pero mukhang ilang buffet muna ang inararo bago makapunta rito! He's short too, too big, at medyo may katandaan na! Tuluyan akong naloka ng kumaway ito sa 'kin!
Oh good Lord, take me!
"Your fiance has arrived." mahinang pang-aalaska ni Zeto sapat para manuot sa magkabila kong tenga.
Para akong binubuhusan ng malamig na tubig sa bunbunan habang hinihingal na lumalabas sa sasakyan ang driver at sumisenyas naman si Zeto kay Joseph na pagbuksan na siya ulit.
"He's not–"
"Congratulations, Miss Zuniga. I can definitely hear the wedding bells!" nakangising habol pa ng demonyo habang inaayos ang sarili papasok sa loob ng kanyang sasakyan.
Nang makapasok na siya sa loob ay doon lang ako binalikan ng lakas ng loob na gumalaw at humakbang palapit sa gawi niya.
"He's not my fiance!" nagmamadali kong sigaw kasabay ng pag-iisip ng ilang malupit na alibi para hindi mapahiya! "He's just the driver of my Uno and he's inside to fetch me!"
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Zeto bago isara ni Joseph ang pinto. Nginitian lang niya ako at nagkukumahog na ring sumakay sa driver's side para paandarin palayo ang sasakyan.
Sa pag-alis nito ay saka lang nakalapit sa akin ang lalaki. Nakangiwi kong sinapo ang noo ko!
"Ma'am, ikaw po si Miss Kina? Ako po ang grab driver niyo."
Bagsak ang balikat kong tumango na lang. Gusto ko sana siyang lecturan sa pagiging healthy pero itinikom ko na lang ang bibig ko. It's too late for that. Late na rin akong magpaliwanag kay Zeto na hindi ito ang fiance ko at gwapong gwapo 'yon hindi ganitong mukhang marami nang pinapakain!
Tahimik ako buong biyahe. Gising pa si Mama pagdating ko pero hindi ko na rin nagawang makipag-kwentuhan sa kanya dahil baon na baon ako ngayong araw. Pagod na nga, disaster pa ang plano kong operation fiance!
Inihampas ko ang mga kamay at paa ko sa kama sa sobrang inis at kahihiyang nararamdaman habang naghahanda na sa pagtulog. Ilang oras akong binangungot ng tawa ni Zeto habang inaasar ako sa hitsura ng fiance na ipinagmamalaki ko.
"Kainis!" hinampas ko ang niyakap na unan at kinuha ang telepono para i-text si Sol.
Ako:
Huwag ka munang magpapakita sakin ha. Hindi muna tayo friends at pag-iisipan ko kung gusto ko pang makipagfriends sayo.
She replied within a minute.
Sol:
What happened?!
Ako:
Sabi ko gwapong driver, Sol! G.W.A.P.O!
Sol:
Hindi ba gwapo?
Muli akong napapikit ng mariin at binitiwan na lang ang telepono dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya!
Pinilit kong pumikit pero kung hindi si Zeto ang nakikita ko, iyong lalaki naman. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko bukas. I know he will still tease me about that. Ugh! Bahala na nga!
Napuyat, napagod at napahiya. Iyon ang umikot sa utak ko hanggang sa muling pag gising kinabukasan pero naisip kong titiisin ko na lang dahil pagkatapos nito, may dalawang araw akong pahinga.
Pagdating sa opisina ay tahimik ako. Ni hindi ko ginawa ang mga normal kong pagbati sa kanya gamit ang mga sticky notes at super creative na lettering dahil gusto kong magtago sa kanya buong araw. I don't know what will going to happen today o kung may ipapagawa siya sa akin pero sana ay wala. Sana utusan niya na lang ulit akong mag-play dead dahil ngayon ay iyon lang ang gusto kong gawin.
Napasiksik ako sa dingding ng marinig ang pagbukas ng elevator. Ilang sandali pa ay bumukas at sumara naman ang pintuan ng opisina niya kaya nagpatuloy ako sa paghinga. Masaya at ayos na sana ang lahat pero bago pa ako tuluyang mapanatag ay nalaglag na ang mga mata ko sa nasa harapang computer ng may dumating na email doon na nagpamura na sa nanghihina kong katinuan!
Zackreus Tobias Venavidez:
Come inside.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 17
Chapter Seventeen
Broken Pieces
Malakas ang pagwawala ng dibdib ko habang iniikot ang seradura ng pinto ni Zeto at yakap ang tablet na laman ang mga schedule niya. Noong unang beses na pinadalhan niya ako ng email na may mga salitang ‘come inside’ ay may delubyong dumating at alam kong delubyong muli ang haharapin ko hindi pa man ako nakakalapit sa kanya.
Kinain ko ang lahat ng takot ng matanaw siya. He stopped doing everything when I stood in front of him pero ang lahat ng tapang na inipon ko ay parang agad na pinilas ng titigan niya ang aking mga mata kasabay ng muling pagsilay ng kanyang nakakalokong ngisi.
“How’s your night, Miss Zuniga?” He asked sarcastically.
Pinilit kong maging matatag. Para sa pamilya at sa misyon ko. Iyon na lang ang ipinasok ko sa utak ko.
“Good. I got home safely–”
“Of course…” he interjects playfully. “Your fiance can be a bouncer and I bet he’ll make you safe no matter what, right?”
“I told you, he’s not my fiance. He’s just the driver–”
“No wonder he’s a good vocalist like what you’re bragging. Malaki ang tambakan niya ng hangin.”
Nagpintig na ang tenga ko sa pang-iinsulto niya’t pagputol sa mga sinasabi ko!
“Excuse me?!”
Mas lalo namang naglaro ang kapilyuhan sa mga labi niya.
“Why do you look so mad? I’m complimenting your fiance. You should be happy.”
“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga siya ang fiance ko? He’s his driver. Malaking tao at sikat ang mapapangasawa ko kaya hindi siya basta-bastang lumalabas ng sasakyan dahil dudumugin siya.”
“Oh, really?”
“Yes, really!” giit ko.
Muli siyang natawa ng malakas pero agad ring nagseryoso matapos ang pagbaon sa akin sa kahihiyan. This is what I get for lying. Ito na ang karma ko pero bakit naman ang aga, Lord? Bakit ako kaagad ang inuna mo at hindi ’yung mga may malalaking kasalanan? Paano po bang maging favorite niyo? Hello?
Umayos ako ng tindig ng muling magsalita si Zeto.
“You’re done with everything, right?” sinulyapan niya ang hawak ko kaya kahit paano ay natanggal ang ilang hibla ng iritasyon ko sa kanya.
“Yes.”
“What’s for today?” seryoso na niyang tanong bago balikan ang kanyang laptop.
“You’re free until twelve…” nagpatuloy ako sa pagsambit sa ilang mga meeting na kailangan niyang daluhan ngayong araw.
Dahil direkta na rin sa telepono ko ang mga malalaking taong may kailangan kay Zeto ay sinabi ko sa kanya ang pakay ng mga ito. Sinabi niya ang mga sagot niya sa ilan pero nagpaalalang kapag hindi urgent ang tawag ay huwag ko na raw i-entertain.
“You’re coming with me today.”
“W-What?”
Tamad niyang ibinalik sa akin ang nagsusungit na namang titig.
“Your my what again, Miss Zuniga?”
“S-Secretary.”
“Or personal assistant. Isn’t it your job to keep minutes of my meetings?”
“I-It is.”
“Good. I’ll tell you what time we’ll leave.”
Ilang segundo akong nanatiling nakatayo pero ng maisip kong hindi na siya magsasalita ay lumabas na rin ako. Sa paglabas ay napalitan ang inis ko ng tuwa. Kahapon kasi ay puro tungkol sa akin ang nangyari at hindi ko na naisip na nagagawa ko na ang mga plano ko!
I’m now officially his secretary! Parang gusto kong magtatatalon dahil alam kong ilang linggo pa ay makakausap ko na siya kahit pahapyaw tungkol sa kanyang ama. Excited na akong maging intrimitida!
Zeto emailed me when I finished my lunch. Pagkatapos kong mag re-touch ay sakto naman ang paglabas niya’t pagmando na aalis na kami. We did two meetings. Una ay kasama ang kanyang mga tauhan sa building na ito at pangalawa ay sa board members. Wala naman masyadong problema dahil bilang lang naman sa kamay na nagsalita si Zeto. Nakikinig lang siya sa mga pinag-uusapan ng mga nakatataas sa kanya. Kahit na alam kong siya lang ang nababagay sa pinag-aagawang posisyon ngayon ay nakikita ko namang kahit isang porsiyento ay gusto niya rin iyon… O baka iyon lang ang gusto kong paniwalaan?
“Ate, okay ka lang?” tanong ni Ken ng pabagsak akong naupo sa sofa pag-uwi ko.
I’m drained. Mabilis ang naging pag-ikot ng araw ko at napagod ang katawang lupa ko. Bukod sa mga meeting, marami pang inutos sa akin si Zeto. Bumili ng kape sa coffee shop tatlong kanto simula sa building namin. Bukod doon, ang hirap pang bilhin ng kapeng gusto niya dahil maraming add-ons!
Pangalawa, ilang beses rin akong inutusan ng loko pababa at paakyat para sa ilang mga papeles na kailangan niya na ni hindi naman tinignan ng iabot ko. I’m busy answering his calls too. Maraming gustong makipag-meeting at makipag-usap sa kanya kaya tuyong tuyo ako.
“Ang dami kong ginawang trabaho, Ken.”
Tumabi siya sa akin.
“Okay lang ’yan, Ate. ’Di ba off mo naman bukas? Gusto mong mag-mall tayo? May naipon akong pera sa allowance ko. Pwede tayong manuod ng sine, Ate.”
Wala sa sariling napangiti ako’t napatango. “Siguro sa Linggo na lang pagkatapos nating magsimba. May meeting ako bukas kay Mr. Venavidez, eh.”
“Ha? Eh wala kang trabaho bukas bakit kayo magmi-meeting?”
“Hindi ang boss ko. ’Yung tatay niya.”
“Oh…”
Napahilot ko ulit ang sintido ko. Mabuti na lang at nariyan si Ken para hilutin iyon. Wala naman talaga kaming usapan ni Mr,. Archelaus tungkol sa anak niyang patinuin ito pero dahil nalaman na nitong mayroong tumatagal na secretarya ng kanyang anak ay gusto raw ako nitong makilala.
I’m sure he’ll be surprised to see me again and I just really hope that he still remembers me. Bukod sa amin ni Ate Ysa, wala na ring nakakaalam na gusto ko siyang tulungan sa suliranin niya tungkol sa kanyang anak. Ewan ko ba… I don’t know why I’m really fond of the guy. Siguro dahil noon pa man ay talagang nakasubaybay na ako sa kanya. At ngayon, I felt like I’m fulfilling a long time dream. ’Yon nga lang, napunta ako sa pinaka-worse case scenario.
Maaga akong nagising kinabukasan. Suot ang casual na dress na napili kong isuot sa meeting namin ni Mr. Archelaus ay wala na akong naging balakid. Dumating ako sa restaurant thirty minutes before our meeting pero malayo palang ako ay natanaw ko na siyang mukhang ilang oras ng naghihintay sa akin.
Kabado man ako habang palapit sa kanya ay nagawa ko pa rin siyang batiin ng pormal.
“Mr. Venavidez?”
Marahang umangat ang kanyang ulo paalis sa nasa harapang laptop para titigan ako. Sandaling kumunot ang kanyang noo ngunit ng ngumiti ako ay tila nakuha nang ako nga ang kikitain ngayon.
“Kinslett Zuniga?” tumayo siya at nalilitong inilahad ang kamay sa aking harapan.
Mukhang inaalala kung saan kami eksaktong nagkita.
“Mr. Venavidez, it’s so nice to see you again.” magalang kong bati dahilan para luminaw sa kanya ang lahat.
“Oh, I remember you. You’re the secretary of Ysa, right?”
Lumawak ang ngiti ko habang tumatango at umuupo sa silyang katapat ng kanya.
“It’s good to see you too again, Hija. What a surprise!”
Ilang minuto kaming nagkumustahan. Noong una ay mga maliliit na bagay lang ang topic namin habang kumakain na rin ng tanghalian hanggang sa mapunta na kami sa topic na dahilan ng lahat ng ito.
“How’s my son?”
Hindi ko maiwasang malamatan ng lungkot ang puso ko sa tanong na ’yon. Kahit na hindi naman gano’n kalungkot ang boses niya, alam kong mahirap iyon dahil imbes na dapat siya ang unang nakakaalam ng mga nangyayari sa anak niya ay kailangan niya pang kumausap ng iba para malaman kung ano ang kalagayan nito.
I carefully wiped the sides of my lips before answering him.
“Zeto is doing good. He’s busy but he’s doing just fine, Mr. Venavidez.”
Luminaw ang ilang pangungulubot ng mukha ng aking kaharap ng lumawak rin ang ngiti niyang tila masaya sa nalaman. Samantalang ako, tuluyan nang nalungkot.
Ngayon ay parang nagkakalinaw na sa akin ang lahat ng mga sinabi ni Ate Ysa. I don’t know what happened between them and how their relationship was ruined but I’m sure there’s a huge reason behind it. Hindi ko na nagawang magtanong.
“And you? How is he as a boss? Hindi ka ba niya pinapahirapan?”
Napangiwi ako. Kung si Ate Ysa siguro ang kaharap ko ay nagsumbong na ako kung gaano kasama ang budhi ng lahi nila pero hindi ko nagawa sa matanda.
“Zeto is a good boss, Mr. Venavidez.”
Naningkit ang mga mata niyang may pagdududa kaya nagsalita ako ulit.
“Bukod sa marami talagang naiwang trabaho, hindi naman siya nagrereklamo sa mga natatapos ko. He’s so patient with me.” tuloy tuloy kong dagdag kahit na parang gusto kong masuka sa pagsisinungaling.
“Really?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin na para bang isa iyong malaking himala.
Magiliw akong tumango tango para segundahan ang mga kasinungalingan ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi ko na magawang bawiin ang lahat at sabihin ang totoo. I felt like I need to say what he wants to hear and that’s what I did.
“Good to know that, Hija. I’m happy that you’re not like the other girls. Iyong isang huli kong nakausap ay umiyak pa sa harapan ko dahil sa kalupitan ng anak ko.”
Bumagal ako sa pagkain at namamanghang napatitig sa kanya.
“K-Kausap niyo po?”
He nodded slowly.
“You see, una palang ay gusto ko ng makilala ang mga nagiging sekretarya ng anak ko. I’m giving compensations to those who’s been hurt by my son.”
Doon na ako napatulala sa kanya.
“Now the reason why I want to meet you is not only to know you as his secretary but also to know your needs just in case my son…” pinutol niya ’yon at ikinumpas ang isang kamay para doon ilagay ang hindi magandang mga salita. “You know…”
Mabilis naman akong tumango ng maintindihan pero hindi pa rin ako makapaniwala sa huling nalaman.
“Mr. Venavidez, ibig sabihin nagbibigay kayo ng tulong sa lahat ng mga taong nasaktan ni Zeto partikular sa mga pinalayas niyang empleyado?”
“Well, the world is too cruel and helping other people won’t hurt. Bilang ama ni Zackreus, marami akong pagkukulang na alam kong mahirap nang punan kaya dito na lang ako bumabawi. It’s just my way of building something out of the pieces of our broken relationship. I’m still his father and it’s my responsibility to mend the consequences of his cruel deeds.”
Sa pagkakataong ’yon ay parang gusto ko nalang siyang pakinggan buong maghapon, buong magdamag. Alam ko naman na noon pa ay mabait na talaga siya at may puso para sa mga nangangailangan pero iba pa rin pala talaga kapag ikaw na ang nakaka-experience no’n. It’s amazing to really meet someone like him.
“But I don’t want you to tell him that, please.”
“O-Of course, Mr. Venavidez!” maagap kong sagot.
He smiled genuinely at me.
“Kaya Kina, kung mayroon kang kailangan o kapag sinaktan ka ng anak ko ay huwag kang mahihiyang magsabi. I’m one call away.”
“I will, Sir!”
He chuckled.
“I’m really happy to meet you, Hija. I don’t want to build an alliance with you because treachery is not really my thing but I want you to call me when there’s a problem. Hindi ako perpektong ama at wala man kaming maayos na relasyon ng anak ko ay mahal na mahal ko ang batang iyon. It’s too late to lecture him about being good but I’m still hoping that one day he will change.”
“He will!” maagap ko ulit na sagot sa kanya.
Nang makita kong hindi siya palagay sa sinabi ko ay nagpatuloy ako sa masigasig na pagsagot.
“He will change, Sir! Naniniwala po akong kung ano ang puno ay siya ring bunga. Sa inyo nagmana si Zeto na mabait. Hindi pa man lumalabas sa ngayon ang mga kabaitang ’yon pero hindi pa huli para magbago siya. Zeto is just like you, Sir.”
Kahit na iniluluwa iyon ng labi ko dahil maging ako ay hindi rin sigurado pero hindi ko na nagawang baguhin ng makita ang pagiging emosyonal niya’t buong pusong pasasalamat sa akin.
Sa durasyon ng tanghalian namin ay mas lalo pa akong nalungkot para rito. They’re a family. Sila nalang dalawa ang magkasama sa buhay pero para itong nanlilimos ng impormasyon sa sariling anak. At kahit na maliit, nakukuntento siya.
Kung siguro may kapangyarihan lang ako sa pagkakataong ito ay baka binago ko na ang lahat. Hindi para kay Zeto kung hindi para sa kanyang ama. Mr. Archelaus deserves so much love… Ngayong wala na ang asawa nitong tanging nagkokonekta sa kanila ng anak ay wala na akong maisip na ibang kayang magbigay sa kanya ng kasiyahan… He must be lonely… Very lonely.
Our meeting ended well. I told Ate Ysa about it and he’s happy to know that I made Mr. Archelaus happy. Gaya ko ay parehas kami ng goal na bigyan ng kasiyahan ang matanda, and we did.
“But the clock is still ticking, Kina. You only have four months and two weeks to tame the guy and convince him to replace his father. Do you think you can do it?”
Napapikit ako’t napakapit sa aking telepono. “I will try, Ate.”
“It’s not the Kina that I want to talk to.”
“Yes, Ate…”
“Yes, what?”
“I can do it. No, I will do it!”
“Good! I’m sure you can, Kina. All my bets are on you so do everything to win this.”
Kahit na alam kong daraan ako sa butas ng karayom ay nagawa kong mangako sa kanyang kaya kong gawin ang lahat para sa ama nito. Para sa pamilya ko, para kay Ate Ysa at para sa kanyang ama.
This will be my last update for this story here in Wattpad. You can only read the full/original version on Patreon or VIP group. Subscribe to www.patreon.com/cengcrdva or message
Ce
ng
C
rdva facebook page
with 134k followers
for details.
GCash payment is available.
# CHAPTER 18
Chapter Eighteen
Unpleasant
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at gano'n rin kabilis na humulas ang ganda ko dahil sa kabi-kabilang trabahong ibinibigay sa akin ni Zeto. Sa dami ay hindi ako nahihinto kahit na rest day ko. May mga pagkakataong kahit madaling araw ay dinadala ko sa kanya ang kung anong kailangan niya kahit na alam kong walang kwenta.
Gaya noong isang araw na pinapunta niya ako sa Naga para lang kunin ang ilang mga dokumento na hindi ko alam kung para saan at nang ibigay ko sa kanya ay ni hindi man lang sinulyapan. Ni hindi rin nagpasalamat.
I was exhausted. Para akong nanganak ng sampu sa trabahong ibinibigay niya idagdag pa doon ang pahirap na hindi na ako nakaka-attend sa concerts nila Uno. Totoo ngang pahihirapan niya ako pero hindi na 'yon mahalaga sa akin. Ang goal ko ay tumagal pa ng tatlong buwan sa mokong na 'to!
"Are you okay?" nakangisi niyang tanong habang inaayos ang sun visor at hawak na golf club sa kanang kamay.
Hindi ako nakapagsalita dahil patuloy ang pagtagaktak ng pawis ko. I'm wearing office attire at may mataas ring heels pero anong ginawa niya?! Pinaghihintay niya ako sa ilalim ng tirik na araw!
Hindi ako na-informed na sun bathing ito at hindi pang-opisinang trabaho! Kung alam ko lang sana ay naglagay ako ng sunscreen sa buong katawan at kung pwede nag two piece na rin ako para achieve na achieve ko naman ang tan gaya ng plano niya ngayong idaing ako!
"Quit, Zuniga."
Pinilit kong ngumiti ng pagkatamis-tamis kahit na alam niyang natatalo na ako ngayon.
"It's not an option, Mr. Venavidez." I answered gladly.
Nakangisi niyang sinulyapan ang kanyang relo.
"Good. We'll stay here until dawn."
"Dawn?!" hindi ko napigilang ibulalas!
For Pete's sake! Ala una palang ng tanghali! Ibig sabihin ay ita ang magiging peg ko pagkatapos ng araw na 'to?!
He tilted his head and looks at me again with the same grin. "I feel like practicing golf the whole day. Bakit? Hindi mo na kaya?"
Naningkit ang mga mata ko.
"Quit now and thank me later."
Natawa ako. "Buong araw lang ba ang kaya mo? Diyos ko naman, Mr. Venavidez! Kahit isang buwan pa go ako!" ganado kong kinuha ang mga gamit na kailangan niya at kinabog ang golf assistant na simula pa kaninang pagpunta ko ay hindi na natanggal ang titig sa 'kin.
Napawi ang ngisi ni Zeto sa sinabi ko at pagkatapos ay mabilis akong tinalikuran. Napangisi ako habang pinapanuod siyang i-shoot sa kung saang saang butas ang puting bolang iyon. Kahit na hindi ko sigurado kung hanggang anong oras ang itatagal ko, nanatili ako sa tabi niya.
Mabuti na lang at naawa na ang lalaking kasama at pinayungan ako. Tututol pa sana si Zeto pero ng makita niyang tinanggal ko ang suot kong coat at muli niya akong tinalikuran.
Isang oras pa ang lumipas ay naniwala na akong hanggang sa pagbaba nga ng araw kami mananatili rito. Tinanggap ko na rin ang kapalaran ko dahil ito naman ang gusto ko. Parte ito ng misyon ko kaya sige lang.
Nang sandaling tumigil si Zeto at nagpahinga ay nasa gilid niya ako habang patuloy nagpupunas ng pawis. Kahit na malakas ang ihip ng hangin ay mainit naman 'yon kaya pinagpapawisan pa rin ako. Tumaas ang isang kilay niya ng mahuli akong nakatitig sa kanya. Isang ngisi lang ang isinagot ko.
"May four hours pa kayo, Mr. Venavidez kaya go go go!" sabi kong hindi na napigilang gamitin ang boses ni Ruffa Mae Quinto sa huling mga salita.
Umiiling-iling na lang ito. Napangiwi ako ng tanggalin niya ang titig sa akin at makipag-usap ng tungkol sa golf sa lalaking kasama namin.
Muli kong pinunasan ang tumatagaktak na pawis sa noo, pisngi at leeg pero dahil hindi ko na napigilan ang pagkairita gawa ng init ay napagdesisyunan kong itali na lang ang aking buhok.
Normal lang naman na itinatali ko ang buhok ko pero bigla akong natigilan ng mapansing tumahimik ang dalawa at ngayon ay nakatitig na pala sa akin. Mabilis na lumipat ang titig ko kay Zeto pero mas mabilis siyang nag-iwas ng tingin sabay tungga sa hawak na tubig.
"Let's go." masungit na utos niya sa lalaki na nabibitin namang sumunod sa kanya pero ako ay naiwan sa golf cart.
Dumaloy ang tuwa sa utak ko nang may mapagtanto. Nakangisi kong ibinaba ang mga gamit ko sa golf cart at inunat ang buong katawan. Umayos ako ng upo at pinanuod silang muli. Habang ginagawa 'yon ay mas lumawak ang ngisi ako.
I know
that
look. Ayaw kong maging assuming pero alam ko ang ibig sabihin ng titig na 'yon. He is curious... Or amazed? Kinagat ko ang labi ko ng may maisip.
Nanatili akong nakasunod kung saan sila mapunta. Naghihintay ng tamang tiyempo at nang dumating ang oras ng muling pagsulyap niya sa 'kin ay agaran kong binuksan ang isang butones ng suot kong button down blouse. Natigil ang akma niyang pagyuko para muling maglaro at nanatili ang titig sa akin.
Para naman akong baliw na kumaway sa kanya.
"Three more hours! Take your time." magiliw kong sabi sabay baling ng leeg sa kabilang banda para ipakita sa kanya ang pagpupunas ko ng pawis sa mabagal at nang-aakit na paraan.
Hindi ko na alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Kung gusto niya akong paghintayin at kung ito lang ang magpapasira ng mood niya, then I'll do it. Ano? Siya lang ang laging panalo? No no no! Never!
Sa muling pagbalik nila sa pwesto ko ay ramdam kong badtrip na ito. Hindi ko alam kung dahil sa laro, sa akin o both pero nag-e-enjoy ako. Just imagining his wrath excites me. Ito na ang ganti ko sa mga oras na hindi ko nakasama ang Uno ko at sa lahat lahat ng mga pagpapahirap niya sa buhay ko.
Bumalik siya sa laro at bumalik rin ako sa paglalaro sa kanya pero ilang minuto palang ay nagkaroon na ng pyesta ang puso ko ng makita ang iritadong mukha ni Zeto habang mabilis na lumalapit sa 'kin!
"What the fuck are you doing?!" nagngingitngit sa iritasyon niyang tanong dahilan para umayos ako ng upo at ibaba ang mga kamay galing sa aking leeg.
Well, this isn't what I imagine when you seduced someone. Shit! Did I really seduce him? Damn! I'm just trying to piss him off pero bakit ngayong gumana na, bigla naman akong kinabahan?
"N-Nagpupunas ng pawis. B-Bakit?" nauutal kong tanong dahil alam kong kasalukuyan akong nasa mata ng delubyo.
"You're into something I don't want to know, Zuniga. Stop playing dumb."
Napaatras ako habang hawak ang dibdib. Ipinapakitang na-offend sa mga sinabi niya.
"Masamang magpunas ng pawis, Mr. Venavidez? Kung sana hindi mo ako sinama rito ay hindi ako pagpapawisan. I don't think na kasama rin sa pinirmahan kong trabaho na dapat wala akong pores."
Mas lalong nagtangis ang bagang niya pero imbes na matakot ay parang may kung ano lang sa kaibuturan ng puso kong nagtutumalon sa tuwa.
"You're fucking distracting me." he said harshly.
Wala sa sariling napangisi ako habang tumatayo para harapin siya ng tuluyan.
"You're distracted by that?" paghahamon ko.
Bago pa siya makasagot ay humangin na ng malakas kaya bahagyang lumihis ang kwelyo ng damit kong nakabukas ang dalawang butones dahilan para malaglag ang mga mata niya doon. Marahas akong napalunok pero pinigilan ko ang sarili kong gumalaw kahit pa nakatitig na siya sa masasaganang bundok ni Eba.
"O mas nakaka-distract 'yan, Mr. Venavidez?" untag ko ng tumagal 'yon kaya muli niyang inangat ang titig sa akin.
Nanatili naman ang pang sundalo kong confidence para kalabanin siya.
"Are you trying to seduce me?" he asked but I didn't let my guard down.
"Are you seduced?" matapang kong tanong.
Kahit na nanlalambot ang kalamnan ko gawa ng matatalim niyang titig ay hindi ko nagawang magpakita ng kahinaan lalong lalo na sa harapan niya.
He grins and stepped closer to me. Doon na ako napaatras. Ngumisi siya at muli akong sinubok, nakita siguro ang pag-asa niyang manalo ulit.
"Do you think you can easily seduce me, huh?"
Naitikom ko ang aking bibig.
Shit!
Hindi ko talaga kayang labanan ang titig at angas niyang 'yon! Ang mga barikada ko ay unti-unting natibag.
"Zuniga..." he said playfully that his voice sent shivers in every part of my body. "It takes more than that to seduce me."
Napigil ko ang aking paghinga!
"Do you know why I'm distracted? Because you're always and will be unpleasant to me. Huwag kang ilusyunada. Go fix yourself at huwag kang magkalat rito." aniyang iniwanan pa ako ng isang nakakapunit ng pusong tingin bago talikuran.
Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng mga paa matapos pumasok sa kanang tenga ko ang mga salita niya pero hindi na lumabas sa kaliwa. Umakyat ang mga masasakit na salitang iyon patungo sa aking utak at wala ng nagawa kung hindi ang hayaan ang lungkot at kahihiyang kumalat sa aking kabuuan.
Habang bumabalik sa pwesto ko'y tumatakbo sa utak ko ang mga dahilan kung bakit ako nandito. Kung bakit nagtitiis ako kahit na hindi naman dapat.
Nilunok ko ang lahat ng lungkot. Napayuko ako't nanlalatang inayos ang damit at ang sarili. My emotions were like fireworks. Mabilis na umakyat at namayagpag sa madilim na kalangitan pero agad ring bumulusok paibaba. Hindi na ako nagsalita at nagreklamo. Ang buong lakas ko ngayong buwan ay natapos sa araw na 'yon.
Tinapos niya ang laro pero kahit kumakain na kami ng meryenda ay tahimik lang ako. I didn't even look at him. Gano'n rin naman siguro siya. 'Di ba nga sabi niya unpleasant ako sa paningin niya? Kaya bakit niya ako titignan?
Buong araw na 'yon ay para akong dahong robot na sumasagot lang kapag kailangan at nagpapadala naman sa kung saan ako dalhin ng kapalaran.
Isang thank you na lang ang ginawa ko ng lumabas sa sasakyan niya't nag-abang ng jeep pauwi. Paglabas ko do'n ay hindi ko na siya nilingon. Kahit na naramdaman kong hindi siya kaagad umalis, hindi ko na rin inintindi.
Sumakay kaagad ako sa dumating na jeep kahit na iba ang ruta makawala lang sa kanya. Ang ending, late na akong nakauwi. Lutang pa rin pero at least nakauwi.
"Bakit ka naman nagpatalo sa demonyong boss mo!" pagalit ni Sol sa akin.
Napanguso ako't kinuha ang bote ng beer sa lamesang nasa harapan namin. Dahil sa sama ng loob ko sa Zeto na 'yon, nagawa kong magyaya ng inuman. Parang tanga lang, hindi naman ako umiinom ng marami pero ako pa ang may pakana sa gabing ito. Si Sol naman, dahil raw may problema ako, go lang siya pero alam kong kahit naman wala akong problema ay sasamahan niya ako dahil opisyal na siyang party girl.
"Ang sakit kayang marinig na unpleasant ako."
"Sus, Kina! Para ka namang pabago-bago! Nagsisinungaling 'yang boss mo! Kung noon niya sinabi 'yan, maniniwala ako pero ngayon? Asan ang unpleasant diyan? Kahawig mo nga si Liza Soberano na may boobs at katawan ni Pia Wurtzbach, eh! And that's what you called puberty kaya tumigil nga siya!"
Uminom ulit ako. Tiniis ang mapait na lasa ng beer na aking hawak pero hindi nagsalita. Ayaw ko mang aminin pero totoong naapektuhan ako sa mga sinabi ng lalaking 'yon. Demonyo talaga.
"Alam mo kung anong dapat mong gawin?"
Tinitigan ko siya.
"Magdala ka ng picture mong luma at ipakita sa kanya saka mo sabihing 'yon ang unpleasant at hindi 'yang mukha mo ngayon!"
Mas lalong walang nasagot. Hindi ko alam kung compliment pa ba 'yon o gusto niyang isiksik sa utak kong galing ako sa kampon ng kapangitan. Napaismid ako't uminom ulit. Akala mo siya hindi miyembro... Muntik na nga siyang maging founder noon dati eh.
"Oh, ano 'yang titig na 'yan? Hindi ba tama naman ako?! Hindi ka pangit, okay? Hindi na ngayon."
"Noon lang?"
"Ay nagtatanong pa?"
Inirapan ko na. "Sira ulo ka talaga."
Humalakhak ang gasul kong friend pero agad naman akong niyakap. Pasalamat talaga siya at hindi na niya peg ang gasul dahil kung hindi ay baka siya ang nilait-lait ko ngayon!
"Ang sinasabi ko, huwag kang magpapa-apekto at magpapatalo sa boss mo. 'Di ba alam mo namang ginagawa niya lang ang lahat para mapaalis ka? O sa tingin mo ngayon sinong nananalo?"
"Hindi naman ako aalis kahit kaladkarin niya ako palabas ng building na 'yon, 'no."
"Exactly pero ngayong nagpakita ka ng kahinaan, ibig sabihin panalo na siya. Hindi malabong isang araw ay kaladkarin ka talaga niya dahil ngayon palang ay alam niyang talo ka na sa laro niya."
"Hindi 'no! Hindi pa tapos! 'yung boxing nga twelve rounds eh! This is only a battle I've lost, but the war is still on!"
Masaya niyang tinapik-tapik ang balikat ko.
"'Yan! 'Yan! Sabihin mong hindi pa tapos ang laban!"
"Hindi pa!" sigaw ko naman, nagpauto sa kanya.
"Sabihin mong ikaw ang mananalo! Ikaw ang tatanghaling kampiyon sa labanang ito at ilalampaso mo siya!"
"Ilalampaso ko siya!"
"Isigaw mo!" untag niya.
"Ilalampaso kita, Zeto!"
"Isa pa!"
"Ilalampaso kita Zackreus Tobias Venavidez at dudurugin ko 'yang ego mo! Kung pwede pati 'yang balls mo dudurugin ko! Ano?! Unpleasant? Gago! Spell unpleasant! Sira ulo ka! Hindi ako pangit! Bwisit ka! Bwisit kayong mga lalaki!" tumayo ako at dinuro iyong lalaking nababaliwan habang nanunuod sa akin.
"Anong tinitingin-tingin mo, ha?! Isa ka pa! Gusto mong basagin ko rin 'yang balls mo?!"
"Kina, sandali..." hinila ako ni Sol para pigilan pero hindi niya ako nagawang pabalikin sa upuan ng bar na kinaroroonan namin.
"Ano, ha?! Bwisit 'yang mga lahi niyo ni Adan! Mga ugat ng kadiliman! Mga salot sa lipunan! Mga bwisit kayo bukod sa Uno ko!"
"Kina, tama na. Tama na." kinakabahang pigil ni Soledad.
"Nanggigigil ako sa'yo ha!" pagpapatuloy ko naman.
Paulit-ulit kong inaway 'yong lalaki na wala namang kinalaman sa mga hinanakit ko sa buhay. Kahit na mukhang kararating niya lang, umalis na lang ito ng umiiling habang si Sol ay patuloy akong pinipigilan sa kabaliwan ko.
I drunk too much alcohol. Ganito pala ang nalalasing pero hindi ko akalaing ang unang paglalasing ko ay aabot sa puntong palalayasin kami sa bar na 'yon.
Para kaming baliw ni Sol na nagtatawanan habang minumura ang mga lalaking nakasalubong namin palabas. Mabuti na lang at walang pumatol sa aming dalawa dahil baka... Baka iyon ang ikatalo ko sa laro ni Zeto.
Kapag pumasok akong may black eye, 'yon ang tingin kong totoong unpleasant at hindi 'yon dapat mangyari. Hindi kailanman!
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
Cengseries
Twitter :
CengCrdva

