
The Nurse Psychopath (Book 1)
Ang pinakamapanganib na halimaw ay hindi nagtatago sa dilim. Nakasuot ito ng puting uniporme at may hawak na scalpel. Si Julian Castellano ay hindi iโฆAng pinakamapanganib na halimaw ay hindi nagtatago sa dilim. Nakasuot ito ng puting uniporme at may hawak na scalpel. Si Julian Castellano ay hindi isang ordinaryong nurse. Sa likod ng kaniyang malinis na reputasyon ay ang utak ng isang psychopath at ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamalaking sindikato sa Asya. Pinili niyang maging isang nurse hindi para manggamot kundi para paglaruan ang mga kahinaan ng tao. Ngunit ang nakakabagot niyang laro ay tuluyang nagbago nang makilala niya si Gabriel Valdemor. Isang bilyonaryong kasing dumi at kasing panganib niya. Nang dalhin siya ni Gabriel sa eksklusibong Alta Veridia Medical City, ang simpleng pagpapabaliw sa mga doktor ay naging isang madugong paglilinis ng kapangyarihan. Sa ilalim ng isang alyansang nabuo sa kama at karahasan, uumpisahan ni Julian ang pagwasak sa Limang Haligi ng ospital. Sa mundong pinapatakbo ng mga sindikato at ng Sampung Angkan, tanging ang pinakawalang-awang halimaw ang mananatiling nakatayo.
If you enjoyed this story
You Might Also Like

ELIAS (Book 1)

Accidentally Summoned to Another World (On-Going)

Behind The Command (PTR)

Breeding The Champion (PTR)

H&J's Special Mission (PTR)

IS #1: Jayson

Pizza King (PTR)

BOOK 3: "Taking My Ideal Gay" (on going)

The Killer (Boys Love Series #8)


