loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)

The Playboy Next Door (Next Door Series #1)

jvxrodriguez · 72 chapters · 206,078 words

The Playboy Next Door

This is a BL novel.

Content Warning:  This book contains mature themes, including explicit sex scenes, sex references, sexual assault, dirty jokes, strong language, profanity, violence, abandonment, misogyny, bullying, homophobia, smoking, and other potentially distressing material. Reader discretion is advised.

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without the prior written permission of the copyright owner, except for the use of brief quotations.


NEXT DOOR SERIES

#1: The Playboy Next Door

#2: The Bully Next Door

#3: The Daddy Next Door

While you can read the stories in any order, for a better reading experience and to avoid spoilers, I recommend reading the books in the series chronologically.

Chapter 1

Trigger Warning: Sexual Assault

Tahimik sana ang buhay ko ngayon kung nakinig lang ako sa payo sa ’kin noon: “Mag-iingat ka sa lalakeng nakatira sa katabi mong kuwarto.”

Bago pa man ako lumipat sa apartment na tinutuluyan ko, ’yan ang iniwan sa ’king mga salita ni Manang Lucy. Si Manang Lucy ang landlady ng apartment building na tinutuluyan ko. Base sa itsura niya ay mga nasa sitenta na ang edad niya. Ayon sa kaniya ay isa raw siyang matandang dalaga. Halata naman dahil wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang alamin ang buhay ng bawat naninirahan sa four-story apartment building na pagmamay-ari niya. Pero sa lahat ng taong nanunuluyan sa building ay iisang pangalan lang palagi ang bukambibig niya: Pio.

Si Pio raw ang pinakadahilan kung bakit umalis ang dating naninirahan sa kuwartong lilipatan ko sa fourth floor. Gabi-gabi kasi ay may naririnig daw itong mga kalabog sa kabilang kuwarto at tila umuungol na babae kaya nahihirapan itong makatulog. Oo, gabi-gabi. Gano’n siya katindi. Pero ibahin n’yo ako. Lahat ay kaya kong tiisin para lang makapagtapos ako ng pag-aaral. Sa simula pa lang, ito ang pinakamurang Room for Rent na nakita ko na malapit sa school ko, kaya hindi ako nagdalawang-isip agad na kunin ito. At kaya kong magtagal dito kung gugustuhin ko.

Mula nang araw na lumipat ako ay palagi kong nakikita si Pio na nakatambay sa may pasilyo, sa harapan lang din mismo ng kuwarto niya. Mahilig siyang manigarilyo, isang bagay na pinakaayaw ko sa lahat. At palagi siyang walang damit pang-itaas.

Tingin ko ay mas matanda lang siya ng dalawang taon sa ’kin. Isa siyang mestizo—malago ang mga kilay, may pagkasingkit ang mga mata, matangos ang ilong, at may labing mapang-akit. Sinalo niya na yata lahat ng biyaya sa mundo, dahil bukod sa muscles at toned abs niya ay ang tangkad niya rin. Mga nasa six-foot ang height niya. Hula ko ay hindi lang siya magaling sa kama, kundi pati sa larong basketball. Lagi siyang nakasuot ng jersey shorts eh.

Siya ’yong tipo ng lalake na sa tuwing nakikita ko ay nagpapaalala sa ’kin ng mga insecurities ko. Kita mo, hindi ako gano’n kaguwapuhan. Mana ako sa Mama ko, payat at hindi tumataba kahit anong kain. Tumuntong na ng 18 years old lahat-lahat pero na-stuck sa 5’5“ ang height. Tapos ’yong balat ko naman ay tingin ko mana sa Papa ko, hindi pumuputi kahit ibabad ko pa ang sarili ko sa kojic soap ng isang taon. Okay naman din siguro ang tan skin—’yong mga kano nga ’yon ang pangarap na kulay eh.

Facial features ko ayon sa salamin: ’yong kilay ko sabog-sabog, ’yong ilong tama lang (hindi naman matangos pero at least hindi rin pango), ’yong bibig ko naman palaging namumutla (mas mukha pa nga akong naninigarilyo kaysa kay Pio), tapos ’yong mga mata ko… ’yong mga mata ko lang ang pinakagusto kong bahagi ng mukha ko. Pag naka-facemask nga ako ay napagkakamalan akong boy next door . Pero iba pa rin pala kapag natapat ka na sa literal na boy next door —este, sa playboy next door .

“Hi,” ito ang palaging bati sa ’kin ni Pio tuwing nakikita niya akong dumaraan. Sa lalim ng boses niya ay hindi bagay sa kaniya ang ngumiti. Gayunpaman ay palagi niya pa rin akong nginingitian, dahilan para magsilabasan ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

“Ang baho naman…” palagi kong sambit sa mahinang boses tuwing nadadaanan ko ang mausok na pasilyo. Natatawa naman ang loko tuwing sinasabi ko ito, na para bang nakikipagbiruan ako.

Hindi ako nakikipagbiruan.

Nang mga sumunod na araw na nadaanan ko na naman siya sa pasilyo pagkatapos mamili sa labas ay sinubukan niyang magpakilala sa ’kin.

“Pio nga pala.” Hinarang niya ang palad niya sa daan na para bang gusto niyang makipag-shake hands sa ’kin.

Lumusot lang ako sa ilalim ng maugat niyang bisig at hindi nagsalita. Pagkatapos ay dumiretso ako ng pasok sa kuwarto ko bago ko pa man maubos kakalanghap ang mga binuga niyang usok. Bago ko isara ang pinto ay kita kong bahagya siyang natawa sa ginawa ko.

Akala niya siguro ay nakikipagbiruan ako palagi.

Ilang linggo ang nakalipas at nasanay ako sa mga ungol at kalampag na maririnig sa kabilang kuwarto. Hindi na nito nadidistorbo ang tulog ko. Pero no’ng isang gabi na para bang tahimik ang lahat ay bigla akong nanibago. Hindi ito ang Pio na nakilala ko.

Habang kumakain ng binili kong siomai rice kaninang hapon sa may lamesa, ay may narinig akong ingay mula sa main door ng apartment ko. Ingay na likha ng door knob na tila pinipilit buksan. Napatigil ako sa pagsubo at marahang naglakad palapit sa may pintuan.

“S-Sino ’yan?” Ramdam ko ang kalabog ng puso ko.

Una sa lahat, wala naman akong pamilya sa Maynila kaya wala akong in-e-expect na bisita, at mas lalo na nang ganitong oras. Alas dose na ng gabi. Naisipan ko lang naman mag-midnight snack dahil biglang humilab ang sikmura ko. Ako na nga lang yata ang gising sa building.

Pagkalapit ko sa may pintuan ay idinikit ko ang tenga ko sa may pinto para pakinggan ang boses ng taong nasa harapan ng apartment ko.

“B-Bakit ayaw… Bakit ayaw mag… magb-bukas?” isang pamilyar na boses.

“Pio?” tanong ko, pero hindi ko pa rin muna binuksan ang pintuan. Mahirap na. Baka mamaya ay magnanakaw pala.

“S-Sino ka? A-Anong… Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?” sabi niya sa tila kalmadong boses.

Si Pio nga.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan at sinilip ang mukha ni Pio sa labas. Himala, hindi siya shirtless ngayon. Pero mukhang…

“Lasing ka ba?” tanong ko. “Hindi rito ang kuwarto mo.”

Kita kong hawak-hawak niya ang susi ng kuwarto niya sa kamay niya. Nang tuluyan ko nang buksan ang pinto ay nabahagian ang mukha niya ng liwanag. Patay na kasi ang ilaw sa corridor ng ganitong oras. Mamula-mula ang mga pisngi niya at amoy alak ang katawan. Nakasuot siya ng jeans at plain black T-shirt na mas lalo lang nagpaangat sa kaguwapuhan niya.

“M-Mona?” sambit niya nang makita niya ako. Sumandal siya sa gilid ng pintuan at ngumiti sa ’kin.

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

“Ikaw… Ikaw ba ’yan, M-Mona?” Tinitigan niya ako na para bang may binabalak siyang gawin sa ’kin.

Lasing na lasing ang gago. Akala niya siguro isa ako sa mga parausan niya.

“S-Sinong Mona? Hindi ako si Mona. Ako si Aaron.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit ko ang pangalan ko sa kaniya. “Kuwarto ko ’to. Do’n ka kaya nakatira sa kabila!”

Isasara ko na sana ang pinto ngunit bigla niya itong pinigilan.

“M-Mona,” sambit niya. “I-I love… I love you.”

Lumapit siya sa ’kin kaya mas lalong kumapit sa ilong ko ang amoy alak niyang hininga. Pinigilan ko naman siya sa balikat gamit ang dalawa kong kamay. Ang bigat ng katawan niya. Wala akong nagawa sa mga sumunod na nangyari.

“A-Anong—?” Sinunggaban niya ako ng halik. Ngayon ay tuluyan na siyang nakapasok sa kuwarto ko. Ninakaw niya ang first kiss ko! At nakakainis pa dahil ang pait ng mga labi niya! Dahil naman sa pagkabigla ay naitulak ko siya palabas, at mukhang napalakas yata ang pagkakatulak ko dahil natumba siya sa may pasilyo.

“S-Sorry.” Nilapitan ko siya at sinubukang itayo.

’Tang ina! Hindi dapat ako ang nagso-sorry! Siya ’tong bigla-biglang na lang papasok sa kuwarto ko nang walang paalam! And worse, bigla-bigla siyang nanghahalik!

“No.” Mukhang ang lala ng tama niya. Gumegewang-gewang pa nga ang ulo niya. “D-Don’t be. Ako dapat… ako dapat mag-sorry.”

“A-Ano bang pinagsasabi mo?” Inakbay ko ang matigas niyang bisig sa may balikat ko. “Dalhin na kita sa kuwarto mo. Hindi pa nga ako tapos kumain eh.”

Nang tuluyan na kaming makatayo pareho ay sinubukan ko siyang alalayan papunta sa apartment niya. Pero ang lakas din talaga ng loob niya at sumasalungat siya ng lakad. Parang gusto niya talaga pumasok sa apartment ko.

“Kainin mo ’ko,” seryosong sabi niya na siya rin namang ikinabigla ko.

“H-Ha?” Biglang nag-init ang tenga ko. “B-Baliw ka ba?”

“Oo.” Ngumisi siya. Pagkatapos ay bumulong siya sa tenga ko. “B-Baliw sa ’yo.” Nakakakiliti ang mainit niyang hininga.

“Gago ka ba?” Tinanggal ko na ang bisig niya sa balikat ko. “Bahala ka na nga diyan! Lasing na lasing ka eh!”

Pagpasok ko sa apartment ko ay hindi ko napansing mabilis din pala niya akong nasundan sa loob. Sinara niya ang pinto at pagkatapos ay sumandal siya rito. Pinindot niya ang lock ng door knob at tumingin sa ’kin—isang nakatutunaw na tingin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

“Pio!” Lumunok ako. “H-Hindi ako nakikipagbiruan sa ’yo ah!”

Nagkuyom ako ng kamao. Buong buhay ko ay wala pa akong nasusuntok na kahit na sino. Hindi ko nga alam kung paano sumuntok eh. Hindi naman ako tinuruan ni Tatay. Nakalimutan ko, lumaki nga pala akong walang tatay.

“Ako rin, h-hindi ako… hindi ako nakikipagbiruan.” Ngumisi na naman ang gago.

“Labas!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pinagtaasan ng boses. “Hindi nga ito ang kuwarto mo eh!”

Ang hirap makipag-usap sa lasing.

Tuloy pa rin siya sa pagngisi habang unti-unting hinuhubad ang kulay itim niyang T-shirt. Nang tuluyan na niya itong mahubad ay lumitaw ang maskulado niyang katawan—ang malapad niyang dibdib at ang kayumanggi niyang mga utong, ang abs niya na araw-araw kong nakikita, ang naglalakihan niyang mga bisig at braso, at ang v-line niyang nakamamatay kung titingnan. Nakasilip na ang garter ng boxer shorts niya mula sa kaniyang pantalon.

Ramdam kong nag-init ang katawan ko sa ginawa niya. At tila ba kinakapos ako ng hininga. Ang malas lang dahil nakalapag sa ulunan ng kama ang inhaler ko. Maya-maya pa ay naglakad siya nang marahan palapit sa ’kin.

“Huwag kang… huwag kang lalapit!” Umatras ako paunti-unti hanggang sa bumangga ang puwet ko sa may lamesa, dahilan para mapatigil ako.

“Don’t worry…” Tinanggal niya na ang butones ng pantalon niya. “I’ll be gentle.”

“H-Ha?” Wala na akong masabi pa. Nagkapkap ako patalikod hanggang sa maramdaman ko sa kamay ko ang tinidor na kanina lang ay gamit ko sa pagkain. Hindi lang siya ang may binabalak na gawin dito.

Tuluyan niya nang hinubad ang pantalon niya. Ang tanging tumatakip na lang sa pagkalalake niya ngayon ay ang brief at boxer shorts niyang kulay grey. Kita ko namang nakabukol ang alaga niya na parang gustong kumawala. Sa laki nito ay hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang “gentle.”

“Isa!” Nagsimula na akong magbilang.

“One!” Ginaya niya naman ang sinabi ko, sabay hubad ng boxer shorts niya. Brief na lang ang mayroon siya ngayon. “If you say two, I’ll also bring this down for you.”

Napalunok ako. Mukhang hindi siya nagbibiro.

“Isa’t kalahati!” Sa sobrang panic ay ito na lang ang nasabi ko.

“One and a half!” ulit niya sa sinabi ko. Bahagya niya namang binaba ang brief niya kaya lumitaw ang pubes niya. “Come on, just say the magic word already!”

Gusto nang kumawala ng puso ko ngayon, lalo pa’t isang hakbang na lang niya ay magdidikit na ang katawan naming dalawa.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa tinidor. Gulung-gulo na rin ang isipan ko ngayon. Ni kahit kailan ay wala pa akong karanasan sa ganito ,

at lalong-lalo na sa isang lalake. Naisip kong marahil dala lang ng kalasingan kaya nagkakaganito siya. Pero hindi ko siya mapapatawad kung may gagawin man siyang masama sa ’kin ngayon.

“Da—!” Nag-dalawang-isip muna ako bago magsalita.

Teka, kung sino man ang dapat matapang sa ’ming dalawa, ako ’yon! Una sa lahat, dito ako nakatira at isa siyang trespasser! Puwede ko nga siyang kasuhan sa ginagawa niya ngayon eh!

“Dalawa!”

’Tang ina, nadulas ’yong dila ko!

“Damn,” tanging sabi niya. “Now, you’re making it harder.”

Hindi ko inakalang tutuparin niya nga ang sinabi niya. Ngayon ay ibinaba niya na rin ang brief niya nang tuluyan, at bumungad sa ’kin ang buong pagkalalake niya. Nakatutok sa ’kin ang alaga niyang may pitong pulgada na tila galit na galit. Pumipintig-pintig ito habang nakatingin naman siya sa ’kin nang may mapungay na mga mata.

“G-Gago ka ba?” Ito na yata ang pinakamainit na gabi ng buhay ko.

“Yes,” sagot niya naman.

Gago nga siya.

Humakbang siya palapit sa ’kin. Ngayon ay magkadikit na ang katawan naming dalawa. Naramdaman ko ang pagtama ng matigas niyang alaga sa may pusod ko. Mas lalong tumapang ang amoy ng pagkalalake niya—pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo, at men’s body spray. Sa tangkad niya ay natakpan ng ulo niya ang liwanag ng ilaw sa may ceiling. Ngayon ay ang banaag na lang ng mukha niyang nakangiti ang nakikita ko… at ang hubo’t hubad niyang katawan.

Sinubukan ko siyang saksakin gamit ang hawak kong tinidor pero mabilis niya itong napigilan gamit ang kamay niya. Hinawakan niya ako sa may pupulsuhan sa kanang kamay ko nang mahigpit. Saka ko lang din napansin na may nakatusok pa pala na siomai sa tinidor. Puwersahan niya namang hinila ang kamay ko at inilapit sa bibig niya ang tinidor. Pagkatapos ay sinubo niya ang siomai. Matapos nguyain ay nilunok niya ito. Mas lalong nag-agaw pansin ang adam’s apple niyang nakabukol sa kaniyang leeg.

“Ngayon, ako na lang ang puwede mong kainin,” aniya sabay kagat sa labi.

Kung nakinig lang sana ako sa payo ni Manang Lucy sa simula pa lang, hindi sana mangyayari ito. Kung hindi ko lang siya pinagbuksan ng pinto, hindi sana siya nasa loob ngayon. Kung nag-ingat lang sana ako, wala sanang lalakeng humahalik sa labi ko ngayon, papunta sa baba, hanggang leeg, hanggang pusod, hanggang langit.

Ang kaso, nasa huli ang pagsisisi.

Pero bakit parang wala akong pinagsisisihan?

Chapter 2

Nagising ako nang maramdaman kong parang umiinit na ang mukha ko. Pagmulat ko ay sinalubong ako ng araw na nakasilip sa bintana sa may gilid ng kama ko. Mga ilang segundo rin bago tuluyang luminaw ang paningin ko. Pero malabo pa rin ang alaala ko sa nangyari kagabi.

Marahan kong inilibot ang tingin ko sa ’king maliit na studio type apartment—sa may banyo, papunta sa lababo, hanggang sa lamesa sa kanan ko, at sa pintong nakasara sa kasalukuyan.

Ano nga bang nangyari? Napakamot ako sa ulo.

Bumangon na ako sa higaan at naglakad papunta sa may lamesa. Umupo ako saglit. Pakiramdam ko talaga ay may nangyari kagabi. Kaso hindi pa ako totally gising. Hikab ako nang hikab. Gusto ko pa ngang bumalik sa kama kung hindi lang dahil pakiramdam ko ay may importanteng okasyon ngayong araw. Ano nga ba ’yon?

Nang mahagip ng mga mata ko ang malinis na pinggang nakapatong sa may lamesa, parang mayroon ako biglang naalala. Lalo na nang makita ko ang tinidor katabi ng kutsara.

“Shit!”

Agad na nagising ang diwa ko nang magbalik sa ’kin ang lahat.

Ayon sa makakayang tandaan ng aking memorya, habang kumakain ako kagabi ay nagkamali ng apartment na pinasukan si Pio, imbes na ’yong ikaapat na apartment ’yong puntahan niya ay pinuntahan niya ’yong ikalima—’yong apartment ko. Tapos, lasing na lasing siya, kaya siguro akala niya ay ako si Monica, o Mona, o kung sino mang babaeng ’yon. ’Yon na nga, ninakawan niya ako ng halik, at shit, hinubad niya ang lahat ng suot niya bago niya ako i-trap dito sa lamesa. Tapos ’yong… ’yong ano… ’yong kinakain kong siomai, kinain niya!

Inalog-alog ko ang ulo ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Alam ko pagkatapos no’n ay hinalikan niya ulit ako, pababa nang pababa. At bakit sa alaala ko ay para pa akong nasasarapan? ’Tang inang buhay ’to. Pumayag pa pala akong magpabuhat sa gago. Gano’n na ba ako kadesperado? O gano’n lang talaga siya kagaling?

Lumingon ako sa kama sa may likuran ko at muling nagbalik-tanaw.

Sa init ng mga pangyayari kagabi ay parang kusang nagpaubaya ang katawan ko. Initsa niya ako sa kama at pinaibabawan niya ako. Sa sobrang bigat niya ay nanikip ang dibdib ko, ngunit hindi ko ito inalintana. Matapos ay hinubad niya ang suot kong sando.

Teka, ba’t ako tinitigasan sa mga naaalala ko?

Pagkatapos niyang hubarin ang suot ko ay inilagay niya ang dalawa kong kamay sa may ulunan ko at ginapos ito gamit ang dalawa niyang kamay. Ang lapad ng mga palad niya at magaspang, halatang gamit na gamit. Naalala ko para akong sasabog sa nangyari kagabi, higit pa nang muli niyang akong halikan sa may labi at ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Ang mapait na laway niya ay unti-unting naging matamis para sa ’kin sa hindi maipaliwanag. Matapos ay naglakbay siya papunta sa may leeg ko at ubod-lakas itong sinipsip, na parang isa siyang hayop na hayok na hayok. Sa buong buhay ko ay wala pang nagpaungol sa ’kin nang kasinglakas ng ungol ko kagabi.

’Tang ina, nakakahiya. May nakarinig ba sa ’min—sa ’kin kagabi? Sana naman wala. Nasa pinakadulo naman ng 4th floor ang kuwarto ko eh. Wala naman sigurong nakarinig.

Matapos abusuhin ang leeg ko kagabi ay sinunod niyang ikuskos ang labi niya pababa sa kaliwang utong ko. Dahil wala nang damit na pumapagitan ay ramdam na ramdam ko na ang sensasyon. Para akong nasa ibang dimensyon. Tinusok niya ito gamit ang matulis niyang dila at pinaglaruan. Paikot-ikot. Para akong sinasapian dahil napatirik niya ang mga mata ko.

Gago siya. Hindi ko siya mapapatawad.

Sumunod na nangyari—Nga pala, wala na palang kasunod. Matapos paglaruan ang utong ko kagabi ay naramdaman kong parang tumigil siya sa kalagitnaan. Hanggang sa nakarinig ako ng mga hilik. Pagmulat ko nang tuluyan ay nakita ko ang gago na nakatulog na pala sa ibabaw ko. Ginawa pa akong unan. Kung kailan nasa climax na, tinulugan niya ako.

Mas lalong hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang ’yon.

Ang alam ko ay nagtapos ang lahat nang iwan ko siyang nakahiga sa kama ko. Tinakpan ko ng kumot ang alaga niyang unti-unti ay kumakalma na. Pagkatapos ay kinuha ko ang inhaler ko sa tabi ng unan ko. Nang mahabol ko na ang aking hininga ay nagpalabas ako sa banyo. Hindi ko kinaya ang ginawa niyang pagbitin sa ’kin.

Dito sa may lamesa ako natulog, ’yon talaga ang natatandaan ko. Tapos dahil sa pagod ay hindi ko na nagawang hugasan pa ang pinagkainan ko. Pero iba ang kinamulatan ko—bumangon ako sa kama at malinis na ang pinggan, kutsara, at tinidor na ginamit ko kagabi.

Siya ba ang naglipat at nagbihis ulit sa ’kin? Asan na nga pala siya? Wala na siya sa paningin ko paggising ko. Wala na rin ang mga pinaghubaran niya sa lapag.

Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng lamesa. Pagkabukas ko rito ay para akong binuhusan ng yelo sa bumungad sa ’kin.

     Alarm

     Alarm missed, ring again at Fri, 8:30 AM

Anak ng tokwa! May isa pa pala akong nakalimutan!

Orientation Day nga pala ngayon!


Kumaripas ako ng kilos. Hindi na nga ako naligo. Nagwisik lang ako ng tubig sa mukha tapos pinasadahan ng haplos ’yong leeg at dibdib kong punong-puno ng laway ni Pio. Hindi na nga ako nakapanalamin pa. Matapos magsuot ng white T-shirt at maong na pants ay agad kong kinuha ang bag ko at bumaba ng building.

Nadaanan ko si Manang Lucy sa may pasilyo ng 1st floor. Napahinto siya sa pagwawalis nang makita niya ako.

“O, Aaron”—kumunot ang noo niya—“anong nangyari diyan sa leeg mo?”

Late na nga ako lahat-lahat, pero dahil sa sinabi niya ay bigla akong natigilan.

“B-Bakit po?” Humawak ako sa kaliwang parte ng leeg ko. “A-Ano pong meron?”

Lumapit siya sa ’kin at hinawakan pa ng malambot niyang daliri ang kanang parte ng leeg ko. “Kagat ba ’yan ng hayop?”

“Ho?”

Kagat? Hayop?

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera nito. Mas may dapat pa pala akong ipag-alala. Ang hayop na ’yon ay nag-iwan pala ng chikinini sa leeg ko. Hayop talaga!

“Shi—!” Agad kong tinakpan ang parte na may chikinini. “K-Kagat nga lang po siguro. Nagpapantal po kasi ako ’pag kinakagat ako ng lamok tapos kinakamot ko.”

“Ah, gano’n ba?” Parang sinasabi ng mga mata niya na sinungaling ako. “Malamok ba sa kuwarto mo? Sensya na ah, dugyot kasi huling tumira do’n eh, binahayan tuloy ng lamok.”

Napakamot ako sa ulo, sabay bahagyang tumawa. “O-Okay lang po ’yon. Sige po, mauna na po ako. Late na po kasi.”

“O sige,” sabi niya naman. “Mag-iingat ka.”

Naglakad na ako palayo sa kaniya pero ramdam ko pa rin ang mga titig niya. Huwag naman sana ’yon ang iniisip niya. Hindi ako gano’ng klaseng tao! Hindi ako basta-basta na lang magpapabiyak kay Pio!

“ Ump, “ daing ko nang makagat ko ang aking dila. Mukhang pati katawan ko ay hindi naniniwala sa ’kin.

Usapang Pio, sumalubong ang mukha niya sa ’kin pagkalabas ko ng building. Nakasuot siya ng helmet habang sakay ng motor, pero agad ko siyang nakilala nang makita ko ang mga mata niya. Kagabi lang ay para niya akong lalamunin kung makatingin siya sa ’kin. Pero ngayon, balik na ang mga ito sa mapagbiro niyang pagkatao.

“Morning, Aaron!” bati niya sa ’kin. Ngumiti ang mga mata niya.

Nagsisisi pa rin ako na binanggit ko sa kaniya ang pangalan ko kagabi.

Saglit lang… parang wala lang nangyari kagabi kung makaasta siya ngayon ah! Nakalimutan niya na ba ang ginawa niyang pagte-trespassing sa loob ng apartment ko? Nakalimutan niya na bang isa siyang magnanakaw… ng halik? Tapos muntikan niya na ring nakawin… ’yong ano ko?

“Ina mo,” pabulong kong sabi.

Nilampasan ko siya. Matapos ay naglakad na ako palayo.

“Teka lang!” pahabol niya naman. Rinig kong binuhay niya na ang makina ng kaniyang motorsiklo. Maya-maya pa ay naabutan niya na rin ako. Mabagal lang ang patakbo niya sa motor, sinabayan nito ang tempo ng paglalakad ko. “Galit ka ba?”

Obvious ba? Kung may gusto man akong marinig sa kaniya, ’yon ay walang iba kundi…

“Sorry na…” tumbok niya naman sa gusto kong marinig. “Sorry sa nangyari kagabi…”

Tuloy lang ako sa paglalakad na para bang hindi ko siya nakikita. Steady lang naman ang pagpapatakbo niya sa gilid ng kalsada kung saan ako naglalakad. Nasa Mabini Street na kami ngayon kung saan maraming sari-sari store at karinderya sa gilid.

Tuloy niya, “Sorry kung nabitin kita.”

Biglang nandilim ang paningin ko. Okay na sana eh, nag-sorry na siya. Baka matanggap ko pa ang sorry niya kung makakahabol pa ako sa orientation ngayon. Ang kaso, sinundan niya ito na parang ginusto ko pa ang nangyari kagabi. Na parang kulang pa. Na parang gusto ko pa.

Tiningnan ko siya nang masama. “Gago ka?”

Tumango-tango naman siya.

Bakit ba tuwing tinatanong ko kung gago siya ay lagi siyang sumasang-ayon?

“’Di, biro lang,” aniya. “Sorry talaga. Nawala ako sa kontrol kagabi. Hindi ako ’yon! ’Yon ’yong demonyong version ko kapag nakainom!”

Nangatwiran pa nga. Pero tama nga siya, demonyo nga ’yong nakita ko kagabi. Demonyong uhaw na uhaw sa dugo, pati leeg ko sinipsip.

“Mga katulad mo ’di dapat umiinom eh…” pabulong kong sabi.

“Teka,” sambit niya, “ano ’yang nasa leeg mo?”

Napahinto ako sa paglalakad at agad na tinakpan ang bagay na siya rin mismo ang may gawa.

“Fuck!” Napapreno din siya. “Sorry, p’re! Ako ba may gawa niyan?”

Nanggigigil ako sa kaniya. “Ano sa tingin mo?”

“Awit!” Bahagya siyang tumawa. “Alam mo ba, compliment ’yan galing sa ’kin? Ibig sabihin, gano’n ka kasarap kaya ’di ako nakapagpigil!”

Dapat pala binaon ko na lang ’yong tinidor sa bahay para nasaksak ko siya rito sa daan. Male-late na nga ako lahat-lahat, dumagdag pa siya.

Tiningnan ko ulit siya nang masama. “Subukan mo lang ulit…”

“Ha?” Inilapit niya ang ulo niyang may helmet sa ’kin.

Nagkuyom ako ng kamao at nagkunot ng noo. “Subukan mo lang ulit gawin ’yon, makakatikim ka talaga sa ’kin!”

Napaatras ang ulo niya at sandali siyang natahimik. Natakot siguro. Dapat lang.

Maya-maya pa ay sinabi niya, “’Di nga, magpapatikim ka sa ’kin?”

Nagsalubong ang magkabila kong kilay.

Ina nito, kuhang-kuha lagi ang inis ko!

“Buang! ’Di ’yon ibig kong sabihin!”

“Ah,” sabi niya. “Pero ’di ba, natikman na kita? I mean, half lang. Pero parang gano’n na rin. Ako ’yong ’di mo pa natitikman talaga! Gusto mo bang makatikim sa ’kin?”

Hayop.

“H-Ha?”

“Joke lang ulit!” Humalakhak siya. “Seryoso mo naman!” May kinuha siya galing sa bulsa ng basketball shorts niya. “Ito o, band aid.” Sumenyas siya sa leeg niya. “Para sa…”

Prepared na prepared si gago. Expected na siguro niya ’to sa mga pinaparausan niyang babae.

Nagdalawang-isip muna ako kung kukunin ko ba o hindi. Pero dahil wala na akong oras para mamili sa tindahan ay hinablot ko ito sa kamay niya kahit nakakaubos ng dignidad. Pagkatapos ay tinapal ko ito sa chikinini ko.

“Wala man lang bang thank you?”

“Fuck you.” Tumuloy na ako sa paglalakad. “Wala na akong oras para sa ’yo. Male-late na ako.”

Pinaandar niya na ulit ang motor niya at sinundan ako. “Gagi, sabay ka na sa ’kin. J.A.M.A. punta mo, ’di ba?”

Napatingin ako sa kaniya. “P-Paano mo nalaman?”

“Ah, eh,” aniya, “nakita ko yung admission form mo sa ibabaw ng water jug sa kusina habang naghuhugas ako ng pinagkainan mo.”

“Pakialamero…”

“Same pala tayo ng school eh! Third year na nga pala ako. B.S.M.T. din. Tawagin mo akong Master Senpai kasi magiging senior mo ’ko!”

“Manyak senpai…”

Bahagya siyang natawa.

“Pero seryoso! Sabay ka na nga sa ’kin!” pilit niya. “Do’n din ako papunta ngayon. Tsaka alam kong male-late ka na. 8 o’clock madalas nagsisimula ang orientation. Anong oras na kaya.”

Tumingin ako sa kaniya at sa suot niyang damit. “Pupunta ka sa school nang nakaganiyan?”

Tinutukoy ko ang kulay navy blue niyang basketball jersey shirt at shorts.

“Oo, bakit? Varsity player ako eh. Tsaka may training kami ngayon. Next week pa talaga klase naming mga third year.”

“Varsity… Kaya pala ang yabang…”

“Sakay na nga! ’Pag nagbago isip ko, ’di mo na ’ko mapipilit! Dalawang street pa dadaanan mo papuntang school tapos wala pang tricycle na dumaraan. Ikaw rin, bahala ka.”

Lumunok ako. Oras na ba para isantabi ko ang pride ko?

“Isa!” Nagsimula na siyang magbilang.

Mas lalong gumulo ang isip ko. Sasakay ba ako o hindi?

“Isa’t kalahati!”

Gago ’to si Pio, ginagaya ’yong pagbibilang ko kagabi.

“Dalawa!” tuloy niya. “Pagbilang kong tatlo, aalis na ako.”

Shit.

“Tat—!”

“Oo na!” Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Pero ngayon lang ah.”

Huminto rin siya sa pagmamaneho. Kita kong nakangiti na naman ang mga mata niya.

“Puwesto ka na…” Itinuro ng ulo niya ang likurang upuan ng motor niya.

Wala rin pala. Kakainin ko rin ang pride ko. Umangkas din ako sa motor niya. Kung kanina ko pa sana ginawa, nasa school na sana kami ngayon.

Hinawak ko ang magkabila kong kamay sa puwet ng motor. “O, ano pang hinihintay mo?”

Lumingon siya patalikod, papunta sa ’kin. “Helmet mo.”

Inabot niya sa ’kin ang helmet na kulay pink. Hindi ko man lang napansin na dala-dala niya ito kanina pa. May ini-expect ba siyang ibang angkas bukod sa ’kin?

“Inang kulay ’yan…” Wala naman akong ibang nagawa kundi kunin ito. Matapos isuot ang helmet ay muli kong ipinuwesto ang magkabila kong kamay sa puwet ng motor at sinabing, “Okay na, ano pang hinihintay natin? Late na talaga ako.”

“Kapit sa abs,” aniya.

“H-Ha?” Umasta akong parang hindi ko narinig ang sinabi niya. “Ano?”

Nilakasan niya ang kaniyang boses. Akala niya siguro ay ’di ko siya narinig dahil naka-helmet siya. “Kapit sa abs, sabi ko!”

“Okay na ’ko dito!” diin ko. “Andar na, gago!”

“Hindi!” seryosong sabi niya sa malalim na boses. “Hindi tayo aandar hangga’t hindi ka humahawak sa abs ko! Safety first!”

Hayop talaga!

“Ayoko!” pagpupumilit ko.

Humawak siya sa kaliwang grip ng motor at ginamit ang kanang kamay niya para hablutin ang kanang kamay ko. Matapos ay sapilitan niya itong ipinuwesto sa matigas niyang abs. Sinubukan kong i-adjust ang kamay ko papunta sa may tagiliran niya pero pilit niya itong ibinalik sa kaniyang abs. Sunod niya namang hinablot ang kaliwang kamay ko at pinuwesto rin ito sa matigas niyang abs. Wala akong ibang nagawa kundi ang lumunok.

“Kapit nang mahigpit,” aniya. “Baka mahulog ka.”

Chapter 3

Sa wakas, pinaandar niya na rin ang motor. Ang daming pauso. ’Yon nga lang, nakakailang. Ramdam ko kasi sa mga daliri ko ang bawat hiwa ng abs niya. Nang-iinggit ba siya o ano? Edi siya na maganda katawan!

Habang umaandar ang motor ay nakatitig lang ako sa likod ng jersey sando niya kung saan naka-imprinta ang apelyido niya. Hanep naman talaga, pati apelyido niya ang guwapo pakinggan. Saan ka makakakita ng McMiller na nagsasalita ng Filipino? Hiyang-hiya naman ang apelyido kong Alcantara sa kaniya. At least, proud naman ako sa family name nina Mama.

Dahil naman sa rumaragasang hangin ay nababahagian ako ng pabango niya. Lakas makalalake. Tamang-tama lang dahil wala naman akong ligo. At kanino naman kaya ’tong helmet na ’to? Lumalaban din ang amoy sa loob. Lakas makababae.

“’Yong kamay mo…”

Nagising ako sa pagkatulala nang magsalita siya. Ang ingay ng makina ng motor niya kaya hindi ko siya masyadong narinig. “Ha?”

“Sabi ko, ’yong kamay mo,” ulit niya. “Sa abs lang ang hawak. Huwag ka nang bumaba. Tinitigasan ako sa ginagawa mo eh. Nawawala ako sa focus. Gusto mo ba bumangga tayo?”

Shit! Hindi ko man lang namalayan na bumaba na pala ang kamay ko papunta sa may puson niya.

“Baliw!” Nag-init ang mga pisngi ko. “Madulas kasi ’yong sando mo!”

Muli kong ibinalik papunta sa abs niya ang mga palad ko at pinakiramdaman ang bawat pandesal niya. Speaking of pandesal, hindi pa nga pala ako kumakain. Nakakagutom.

“’Yan, ganiyan lang muna,” aniya. “Huwag kang mag-alala, mahahawakan mo rin naman ’to.”

“Hoy!”

“Baka nga masubo mo pa.”

“Assuming!”

“O mapasukan ka pa.”

“Gago!”

Ayaw niya talagang tumigil. Kinurot ko tuloy siya sa isa sa mga pandesal niya.

“Ouch!” natatawang daing niya. “Mapanakit ka talaga. Kagabi muntikan mo na rin yata akong saksakin.”

Para sa isang lasing, ang lakas ng memorya niya ah. Naaalala niya kaya ’yong iba pa niyang ginawa na nagpaungol sa ’kin? ’Tang ina, huwag naman sana.

“Ingay mo kaya!” Ang totoo niyan, mas malakas pa boses ko sa kaniya. Napapatingin nga sa ’min ang iilan sa mga naglalakad sa gilid ng kalsada.

“Joke lang naman kasi,” pagbawi niya sa lahat ng sinabi niya, pero hindi ko ramdam sa boses niya na nagbibiro lang siya. “Sorry na ulit.”

“Mag-drive ka na lang.”

Bigla niyang binilisan ang pagda-drive kaya napayakap ako sa katawan niya sa takot na baka ay mahulog ako. “Hoy, bagalan mo lang!”

Mas lalong umingay ang tambutso ng motor niya.

Nilakasan niya ang boses niya. “Sabi mo male-late ka na?”

“Oo nga!” tugon ko naman. “Pero ayoko pang mamatay!”

“Sorry!” sambit niya. “Hindi ako sanay sa mabagal! Ngayon pa lang kailangan masanay ka na sa mabilis!”

Hindi ko na alam kung anong tinutukoy niya. Hindi na lang ako nagsalita para wala na rin siyang masabi na kung anu-ano pa.

Nagbunga naman ang ginawa niya dahil kinalaunan ay narating na rin namin ang Juan Amanpulo Maritime Academy—ngalan ng school namin. Malinaw naman sa pangalan kung anong courses ang ino-offer dito—Marine Transportation (course namin) at Marine Engineering. Pero meron ding ibang courses dito bukod sa nabanggit. Sikat din ang school na ’to sa mga gustong mag-aral ng Tourism, Hotel and Restaurant Management, at Customs Administration.

Walang maritime school sa probinsya namin, kaya lumuwas pa ako ng Maynila para lang tuparin ang pangarap ko. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga pangarap ang maging seaman. Pangarap ko lang yumaman para hindi na kailangang magpakapagod ni Mama sa palengke para lang buhayin ako. At ito lang ang nakikita kong tanging paraan para umahon kami sa kahirapan.

Ibinaba na ako ni Pio sa gilid ng covered gym kung saan matatagpuan ang parking area. Hindi na ako nagpasalamat sa kaniya. Hindi na kailangan. Kumaripas ako ng takbo papunta sa outdoor basketball court (nagsisilbing quadrangle ng school) kung saan makikitang nagtitipon ang mga freshman.

“Teka, Aaron!” sigaw ni Pio.

Hindi ko siya nilingon. Baka mamaya ay kung ano pa ang mabanggit ng matalas niyang dila. Nakakahiya, nasa school pa naman kami.

“’Oy!”

Tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa humina na ang boses niya sa pandinig ko.

Pagdating ko sa dulo ng pila ay napansin kong natinginan sa ’kin ang mga estudyante, pati ang mga nasa harapan ay napalingon din sa direksyon ko. Hindi ko alam kung bakit. Pare-pareho lang naman kami ng mga suot. Ang ilan ay parang natatawa pa nga. May mali ba sa ’kin? Alam ba nilang wala akong ligo ngayon? O amoy panis na laway ba ako ni Pio?

Sakto lang pala ang dating ko dahil mukhang kararating lang din ng facilitator.

“Good morning, cadets!” bati ng babae sa harapan.

Nawala na sa ’kin ang atensyon ng mga estudyante, napunta na sa matabang babae na may malaking nunal sa ilong. Sa sobrang puti ng make-up niya ay nagmukha siyang siopao na pinatungan ng pasas.

“Good morning, Ma’am!” tugon naman naming mga estudyante.

“Please, Ms. Jennylyn na lang.” Napahawak siya sa dibdib. “I’m your facilitator for today.”

Naglakad-lakad siya at sinaliksik ang mga estudyante gamit ang singkit niyang mga mata.

“Welcome to Juan Amanpulo Maritime Academy!” Ngumiti siya, dahilan para mas lalong lumubog ang mga mata niya. “From this day forth, this school will serve as your second home…”

Tuluy-tuloy lang siya sa pagsasalita, at napapasunod ang tingin sa kaniya ng mga estudyante. Nabanggit niya ang history ng academy, achievements nito, bilang ng mga successful na seaman na naka-graduate dito, at kung anu-ano pa. Nang makarating na siya sa dulo, sa bandang puwesto namin, ay natigilan siya. Huminto siya sa may harapan ko.

“Oh, meron pala tayong Power Ranger dito eh!” Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Ms. Jennylyn. Ako lang yata ang hindi. “See? Sikat na sikat talaga ang school natin, kahit superhero napapa-enroll.” Mas lalong lumakas ang mga tawanan.

“Psst!” sitsit ng morenong lalake sa kanan ko, bahagyang natatawa. Hinawakan niya ang ulo niya, parang may gustong ipahiwatig. “Nakalimutan mo.” Ngumuso siya.

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

Wala pa rin akong ka-ide-ideya.

“Helmet…” pabulong niyang sabi.

“Ay shit!” Agad ko namang hinubad ang helmet sa ulo ko na suot ko pala mula pa kanina.

’Tang ina, nakakahiya! Ngayon ko lang napansin. Kanina pa pala ako mukhang tanga! Tapos kulay pink pa kulay ng suot kong helmet. Baka kung ano na ang naiisip nila tungkol sa ’kin.

“Sorry po, Ma’am.” Yumuko ako sa hiya. “Hindi ko po napansin.”

“Joke lang, iho, ikaw naman.” Tinapik niya ako sa balikat.

Humina na ang mga tawanan.

“Sorry po,” ulit ko.

“Teka…” Sinuri niya ang mukha ko ngayong wala na akong suot na helmet. Sinuri nang maigi. Hanggang sa ’di na makita ang mga mata niya. “Kaano-ano mo si Captain Ramirez?”

“S-Sino ho?” sambit ko.

“Si Captain Ramirez, ’di mo kilala?” Di pa rin niya tinigilan ang mukha ko. Pati yata bilang ng pores ko ay alam niya na.

“Hindi po, eh,” diin ko naman.

“Ah, akala ko kasi…” aniya na parang may pagdududa. Bumalik na sa dating anyo ang kaniyang mga mata. “Nevermind. Anyways…”

Naglakad na siya pabalik sa harapan at nagpatuloy sa pag-discuss tungkol sa tamang gupit ng mga freshman, kung anong uniporme ang dapat suotin bawat araw, at iba pang bagay na ’di ko na masyadong maintindihan dahil naaalala ko pa rin ang ginawa kong katangahan.

Lintik na helmet ’to, ang sarap itapon!

“Ayos lang ’yan.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, ang morenong lalakeng nasa kanan ko na siyang nagsabi sa ’kin kanina na may suot akong helmet.

“Kahiya nga, eh,” tugon ko naman. Inayos ko ang buhok ko na nagulo ng helmet. “Pero salamat nga pala.”

“Wala ’yon.” Ngumiti siya, dahilan para lumitaw ang dimple niya sa pisngi “At least ’di mo makakalimutan first day mo.”

Sabi nila, first impressions last. Pero ’di naman ganito ang gusto kong maalala sa ’kin ng mga kaklase ko. Kasalanan talaga ’to ni Pio!

“Jonas nga pala.” Inalok niya ang kaniyang kamay sa ’kin.

Nakipagkamay naman ako sa kaniya. “Aaron.”

“Alam mo ba…” panimula niya. “Sabi sa ’kin ni Kuya, Ms. Hen Lin daw tawag sa kaniya ng mga estudyante dito.”

“Sino? Si Ma’am?”

Tumango siya. “Oo, kamukha niya kasi ’yong sa logo ng Hen Lin.”

Tumingin ako kay Ms. Jennylyn na tuloy lang sa pagsasalita sa harapan, sa mukha niya, at inalala ang logo ng Hen Lin. Saka napahagikgik. “Oo nga ’no?”

Unti-unti ay nawala ang hiya ko.

Ang guwapo rin nitong si Jonas. Bagay sa kaniya ang gupit niyang buzz cut, ’di tulad ng ibang estudyante na mukhang pugo. Malago ang kilay at nangungusap ang mga mata. May kaonti siyang bigote at trimmed naman ang balbas. Ang linis tingnan ng mukha niya. Mukhang anghel. Hindi tulad ni Pio na mukhang laging may gagawing masama.

“Cute ng helmet mo ah,” singit niya.

“Ah, hindi ’to sa ’kin.” Itinago ko ang helmet sa ’king likuran.

“Ah.” Ngumiti siya ulit.

Sa ilang oras na nakatayo kami sa quadrangle ay naramdaman kong pasulyap-sulyap siya sa ’kin. Parang gusto niya yatang makipagkilala. O baka mali lang siguro ako ng iniisip.


Nang mag-lunch time ay pumunta ako sa C.R sa may likod ng covered gym. Iniwan ko muna ang bag ko kay Jonas. Mukha naman siyang katiwa-tiwala. Kanina pa talaga ako naiihi, pinipigilan ko lang. Pumwesto ako sa pinakadulong urinal. Kanina lang ay solo ko pa ang buong C.R., nang may bigang dumating na pamilyar na mukha. Si Pio.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad akong umiwas ng tingin. Pero hindi ako nakaligtas, dahil mukhang sinadya niya talagang umihi sa urinal sa tabi ko.

“Yo.” Nagsimula na siyang umihi. “Musta, Power Ranger? Balita ko, sikat ka na ah.”

Dumistansya ako nang kaunti mula sa kaniya nang maramdaman kong dumikit ang siko niya sa ’kin. Naliligo siya sa pawis kaya nanlagkit ako sa kaniya. Mukhang kagagaling lang niya ng training dahil mamula-mula pa siya.

“Pakana mo ’yon ’no?” Tiningnan ko siya nang masama.

“Pakana?” Humagikgik siya. “Paulit-ulit kaya kitang tinatawag kanina. ’Di mo ako pinapansin.”

“Ewan ko sa ’yo.”

Nagpagpag na ako at isinara ang zipper ng pantalon ko. Paalis na sana ako pero nagmadali siyang tapusin ang pag-ihi niya para lang pigilan ako.

“Nga pala, ’yong helmet?” aniya.

“Nando’n sa bag,” may pagmamadali kong sabi. “’Wag kang mag-alala, ibabalik ko rin ’yon sa ’yo mamaya.”

Sinubukan ko siyang lagpasan pero agad din naman niya akong hinarangan.

“Itabi mo lang muna,” sabi niya. “Pero ingatan mo ah. Mahalaga sa ’kin ’yon.”

“Kahit ’wag na. ’Di naman na ako sasakay sa ’yo.” Tumikhim ako nang mapagtanto kong may mali sa nasabi ko. “I mean sa motor mo.”

Bahagya siyang natawa.

“Sige na, tabi.” Sinubukan kong dumaan sa gilid niya pero hinarangan niya pa rin ako.

“Wait lang.” Pinunasan niya ang kaniyang pawis sa mukha gamit ang kaniyang sando, dahilan para lumitaw ang toned abs niya at ang garter ng kaniyang brief.

Gigil na ako. “Bakit na naman?”

“Nakabili ka na ba ng uniform?” Ibinaba niya na ang kaniyang sando. Mas lalong kuminis ang mukha niya nang mapunasan ang pawis.

Gumagawa lang yata siya ng paraan para mapahaba ang usapan. Pero dahil nabanggit niya, naalala ko na naman kung gaano kamahal ang uniporme sa school na ’to. ’Tang ina, five thousand pesos para sa limang uniporme na iba’t ibang klase! Tapos kailangan sa Monday naka-uniporme na kami! Kapos na nga ako sa budget eh. Mapupurga na ako nito sa kauulam ng siomai para lang makatipid.

“Hindi pa.” Sinubukan ko ulit tumakas sa kaniya. Kumakalam na sikmura ko kaya taeng-tae na ako lumabas.

“May uniform ako pang-first year, ’di ko na nagagamit.”

Natigilan naman ako sa sinabi niya, tumingala sa mukha niya. “Weh?”

“Oo nga,” diin niya, bahagyang ngumiti. Ngiting demonyo. “Gusto mo ba bilhin?”

Ang hirap alamin kung nagbibiro ba siya o hindi. Mukha talaga siyang manloloko. Pero kung hindi siya nagbibiro, magandang opportunity ’to para sa ’kin. Malay mo ibenta niya ng two thousand, or mas mababa pa.

“Magkano?” seryoso kong tanong.

Hindi ko pa rin mabasa ang mukha niya. “Depende eh.”

“Magkano ba kasi?” Napapakamot na ako sa ulo sa inis. Ayaw nalang kasi sabihin agad! “Baka mamaya ’di ko kayanin.”

“Bakit…?” Tumaas ang kilay niya sabay ngisi. Matapos ay isinilid niya ang kanang kamay niya sa loob ng kanyang shorts. “Gaano ba kalaki ang kaya mo?”

Chapter 4

Napalunok ako.

Pera naman ang pinag-uusapan namin, ’di ba? ’Di ba?

Sandaling katahimikan. Tumulo ang pawis ko sa mukha. Dahil lang siguro sa init ng panahon. O dahil na rin siguro sa init niya. Hindi ko na alam.

“A-Ah…” Nauutal ako sa kaba.

“O, bakit parang kinabahan ka?” Tumawa siya. Tinanggal niya na ang kaniyang kamay sa loob ng shorts niya. “Inayos ko lang posisyon ni Junjun. Ikaw naman.”

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Mali lang pala ako ng iniisip.

“B-Baliw! Hindi ’yon ang iniisip ko!” buwelta ko naman. Pinunasan ko ang tumulong pawis sa pisngi ko gamit ang likod ng aking kamay.

Humakbang siya palapit sa ’kin. Ngiting demonyo na naman ang gago. “Bakit, ano bang iniisip mo?”

Napaatras ako, muling bumilis ang tibok ng puso. “H-Ha?”

Humakbang pa ulit siya palapit. “Iba ang iniisip mo eh.”

“H-Hindi ah!”

At palapit… “Alam ko iniisip mo.”

“A-Ano?”

Nang palapit. “Hindi mo kaya ’to ’no?”

Hindi ko namalayang nakasandal na pala ako sa pader, sa tabi ng pinag-ihian kong urinal.

Isinandal niya ang kaniyang kamay sa gilid ng aking kanang tenga at inilapit ang mukha niya sa akin. Lumitaw ang itim at malalagong buhok sa kaniyang kilikili. Mas lalo namang uminit ang pakiramdam ko dahil sa init na ibinabahagi ng kaniyang katawan. Tumulo ang pawis mula sa matangos niyang ilong papunta sa mukha ko. ’Tang ina, kapupunas ko lang ng mukha ah!

Umasta akong hindi alam ang tinutukoy niya. “H-Hindi kaya ang alin?”

Tumingin siya pababa. Itinuro ng kanyang mga mata ang nakabukol sa shorts niya.

“Gago!” Mahina ko siyang tinulak palayo. Binalik ko sa pera ang topic. “Magkano nga kasi? Sabihin mo na lang!”

Suminghot siya. “BJ lang sapat na.”

“B-BJ?” pag-ulit ko sa sinabi niya.

Seryoso ba siya? ’Yon lang? Kapalit ng uniform?

“Oo, BJ.” Mukhang seryoso naman ang mukha niya.

Sandali akong napaisip. Madalas ba siyang mauhaw dahil sa training nila? Mukhang kailangan niya nga yata ng hydration kasi nagda-dry ang mga labi niya ngayon.

“Ah, BJ lang pala eh!” Tumawa ako nang pilit. “Kahit maraming beses pa kita bigyan kung gusto mo!”

Naguhitan naman ng malapad na ngiti ang mukha niya, abot hanggang tenga. “Ang dali mo lang pala kausap eh.”

Ano raw? Sa aming dalawa, siya nga ’tong mas madaling kausap eh. Kung ibang tao siguro magde-demand ng pera. Pero siya, buko juice lang, sapat na? Ano ’yon?

“Asahan ko ’yan ah.” Pinisil niya ang ilong ko gamit ang kaniyang kanang kamay. “Kita tayo sa apartment ko mamaya.”

Pagkatapos ay nilisan niya na ang banyo. Naiwan akong mag-isang nakasandal pa rin sa pader. At naiwan din ang kakaibang amoy ng alaga niya sa ilong ko—pinaghalong amoy ng pawis, natuyong ihi, at fabric conditioner.

“Bastos!” pahabol kong sigaw.


Matapos ang lunchtime ay nilibot namin ang school. Una naming dinaanan ang Senior High building. Karamihan sa kanila ay STEM students, mga nagbabalak din siguro kumuha ng maritime course sa school na ’to. Sa gilid ng building ay ang swimming pool na abot hanggang seven feet ang lalim. Bakante ang pool ngayon, dahil siguro tirik ang araw. Sunod naming dinaanan ang Main Building D, kung saan matatagpuan ang classrooms ng Customs Administration. Sa labas ay may mga estudyanteng tila nagme-memorize habang may hawak na makakapal na libro. Dumaan din kami sa Main Building C, kung saan nagka-classroom ang H.R.M.. As usual, amoy pagkain ang building nila. May ilan na nag-aalok pa na bilhin ang ginawa nilang pagkain—part siguro ng project nila. Malas lang nila dahil karamihan sa ’min ay tapos nang kumain. At sa wakas ay nagising ang diwa ng mga kasama ko nang madaanan namin ang Main Building B, kung saan naninirahan ang mga diyosa, este, ang mga Tourism students.

Sa pagdaan namin sa bawat classroom ay napapasulyap ang mga kasama ko sa nakabukas na pinto. Nadi-distract din naman ang mga estudyante sa loob ng classroom.

“Cadets, pakihinaan ang boses, please!” paalala ni Ms. Jennylyn. Sa totoo lang, mas malakas pa ang boses niya kaysa sa ’min. “Pakikalma ang mga itlog!” Nagtawanan ang lahat sa sinabi niya.

Hindi maikakailang mas maganda ang mga estudyante sa building na ’to kumpara sa mga nauna naming dinaanan. Ang iba ay mukhang model. Mayroong simple lang ang dating. Mayroong matatapang ang awra. May iilan ding angat talaga ang mukha sa lahat. Amoy pabango ng babae at cosmetics ang building nila.

Tumabi sa ’kin si Jonas. “’Oy, ano masasabi mo?”

“Saan?” tanong ko.

“Sa kanila…” Ngumuso siya sa mga babaeng nasa loob ng classroom. “Gaganda ’no?”

May isang babae sa loob na nakakita sa ginawa niyang pagnguso. Sinuklay ng babae ang buhok nito sa may tenga, na parang nagpapapansin ito kay Jonas. Iba talaga ’pag pogi, kusang nilalapitan ng grasya.

“Okay lang,” tipid kong sagot.

“Pero kuwento sa ’kin ng kuya ko, walang-wala raw ’yang mga ’yan sa ganda ni Mona,” pagmamalaki niya.

“Mona?” ulit ko.

Parang pamilyar ang pangalan sa ’kin. Saan ko nga ba narinig?

“Oo,” aniya. “Kaso, next week pa yata sila papasok eh. Sayang, ’di pa natin makikita. Gusto ko rin sana malaman kung legit nga.”

Feeling ko talaga narinig ko na ang pangalan.

“Kaya nga eh.” Napilitan akong ngumiti.

“Single na pati raw ’yon ngayon,” tuloy niya. “Kaso ekis, didiretso muna kasi kay Captain ang mga magtatangkang manligaw sa kaniya. Kaya ’yon, walang nagtatangka. Takaw-tingin na lang.”

“Ah, gano’n?” tanging nasabi ko na lang.

Makakalimutin talaga ako. Bahala na nga. Kung sino man si Mona, edi siya na maganda.


Alas singko ng hapon nang matapos ang orientation namin. Bago umuwi sa tinutuluyan kong apartment ay bumili muna ako ng buko juice, tulad ng pangako ko kay Pio. ’Yong tig-sixty five pesos ang binili ko—jumbo—para wala siyang masabi. Siguro naman ay sapat na ’yon para sa six-footer na katulad niya.

Pagdating sa fourth floor, wala akong nakitang topless na lalakeng naninigarilyo sa hallway. Huminto ako sa tapat ng apartment ni Pio. Bahagyang nakabukas ang pinto. Nakauwi na siguro siya.

Kumatok ako. “Pio?”

Walang sumagot.

Muli akong kumatok. “Pio?”

Wala pa ring sumagot.

Inilapit ko ang aking tenga sa may awang ng pinto, pinakinggang mabuti ang kahit anong ingay na likha ng kuwarto niya. Walang umuungol na babae. Safe! Parang may tunog ng rumaragasang tubig. Nasa loob ba siya ng banyo? Kaya siguro hindi niya ako marinig.

Kumatok ako, mas malakas na kumpara sa mga nauna. Nilakasan ko na rin ang boses ko. “Pio?”

“Who’s that?” Sa wakas, sumagot na rin siya.

“Aaron ’to,” tugon ko naman.

“Come in.”

Nagdalawang-isip muna ako. Papasok ba ako o hindi?

“Okay lang, antayin na lang kita.”

“Ha? ’Di kita marinig!”

“Sabi ko, antayin na lang kita!”

“Matagal pa ako, pasok ka na muna sa loob!”

Bahala na nga.

“Pasok na ako ah, sabi mo eh!”

Marahan kong binuksan ang pinto, mas lalong lumakas ang tunog ng rumaragasang tubig. Hindi ko siya nakita. Tama nga ako, nasa loob siya ng banyo. Kahit pinahintulutan niya akong pumasok ay tumambay lang ako sa gilid ng nakabukas na pintuan, pinagmasdan ang kabuuan ng kuwarto niya. Nagkulay ginto ang paligid dahil sa sinag ng palubog na araw na sumisilip sa bintana.

Ang ganda na sana ng mood, kaso ’yong kuwarto niya amoy tamod.

Bwisit na Pio ’to, hindi naglilinis ng kuwarto. Ang gulo-gulo ng higaan niya. Araw-araw ba naman ginagamit. Tapos ’yong pinaghubaran niya ay nakalapag lang sa sahig, sa tapat ng banyo niya. Exposed na exposed ang brief niyang nakakabit pa sa basketball shorts. Hindi man lang siya nahiyang papasukin ako. Walang hiya talaga.

Sa may itaas ng kama niya, sa bandang uluhan, may nakasabit na gitara. Hula ko, props niya lang ’yan para ma-impress kuno ’yong mga babae niya. Hindi ko ma-imagine si Pio na kumakanta. ’Yong mukha niya hindi pang-kantatero, kundi pang—alam mo na. Sa may gilid naman ng kama niya ay may maliit na bedside table. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na picture frame. Sabi ko talaga hindi ako aalis sa kinatatayuan ko, pero na-curious ako kung ano ’yong nasa picture. Naglakad ako at nilapitan ito habang hawak-hawak ang buko juice at pink na helmet.

Sa picture ay may isang batang lalakeng nakangiti habang nakasaludo—maputi, cute, at mukhang inosente. Sinong mag-aakala na ang batang ’to ay magpapaiyak ng maraming babae paglaki? Sa kanan naman niya ay may nakatayong matipunong lalake na hula ko ay mga nasa trenta na. Nakasuot ito ng unipormeng pang-captain. At mukhang American. Guwapo rin tulad ng bata. Dito niya siguro nakuha ang kaniyang magandang apelyido. Sa kaliwa naman ng bata ay tila may nakatayong babae. Pero hindi siya parte ng picture. Mukhang sinadyang tanggalin siya dahil ang kamay lang niyang nakaakbay sa bata ang kita.

Bumalik na ako sa dati kong puwesto. “Pio, matagal ka pa?”

“Patapos na, wait lang.” Tuloy pa rin ang pagragasa ng tubig sa loob ng kaniyang banyo. “Hindi ka na ba makapaghintay?”

Makapaghintay saan?

“Ah, hindi naman,” tugon ko. “Saan na ba kasi ’yong uniform? Kunin ko na lang.”

“Wait mo na lang kasi.”

Naiinip na ako ah.

“Kunin ko na lang, saan ba?”

“Palabas na nga ako. Saglit lang.”

Saglit lang daw pero ang tagal niya.

“Bahala ka nga diyan.”

Lalabas na sana ako ng pinto nang magsalita siya. “Lalabas na ako, pasara naman ng pinto, please?”

Pasara? Ano ba ang kinahihiya niya? Palagi nga siyang tambay sa labas eh nang topless, tapos kailangan nakasara pa ang pinto ’pag lalabas siya ng banyo?

Dahil parehong may hawak ang dalawa kong kamay ay itinulak ko ang pinto ng apartment pasara gamit ang aking siko. “Okay na, sarado na.”

Bahagyang dumilim ang kuwarto. Ang sinag na lang ng araw ang nagpapaliwanag sa paligid.

“Salamat,” aniya. Tumigil na ang rumaragasang tubig. “’Yong uniform nasa storage box sa ilalim ng kama.”

Kung kanina niya pa sana sinabi! May pasara-sara pa siya ng pintong nalalaman! Kaya ko naman kunin mag-isa kung sinabi niya lang agad!

Naglakad ako palapit sa kama. Nilapag ko ang buko juice at helmet sa bedside table niya. Saka ako sumilip sa ilalim ng kama. Masyadong makipot ang ilalim ng kama kaya kinailangan kong lumuhod at ibaba ang aking ulo. Agad naman akong napatakip ng ilong sa tumambad sa ’kin.

’Tang ina, kaya pala nangangamoy tamod ang kuwarto, nagkalat ang mga pinaggamitan niyang condom sa ilalim ng kama! Bastos talaga!

“Saan ba dito?” Gumapang ako sa sahig. Masyadong madilim ang ilalim ng kama. Tinatamad na rin akong tumayo para buksan ang ilaw.

“Nandiyan sa may storage box,” sagot niya.

“Saan nga ’yong storage box?”

“Nandiyan sa ilalim ng kama.”

Pilosopo talaga ’tong gagong ’to.

“Wala nga rito.”

Dinig kong bumukas na ang pinto ng kaniyang banyo. Sa ilalim ng kama ay nasisilip ko ang pintuan ng banyo na ngayon ay nakaawang na. Mukhang palabas na siya.

Kinapa-kapa ko ang mga gamit sa ilalim nang may pagmamadali. Kadiri! Hindi ko na alam kung ano ’yong nahahawakan kong malagkit! Nang sa wakas ay may mahawakan akong parang matigas na bagay, hinila ko ito papunta sa ’kin. Sa wakas, nakuha ko na rin ang storage box!

“Kita ko na,” sabi ko.

Dinig ko ang pagsara ng pinto ng kaniyang banyo. Pagsilip ko, nakita ko na ang mga paa niya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.

“Sabi sa ’yo eh, nandiyan lang ’yan.” Nagsimula na siyang maglakad kaya umiwas ako ng tingin. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa storage box.

“Kunin ko na ah.”

“Sige lang.”

Binuksan ko na ang box. Sa loob nito ay ang mga nakatuping uniporme. Malinis naman at mabango, pero mas lumalaban pa rin ang amoy ng mga gamit nang condoms. Pinagpatong-patong ko ang mga damit sa iisang linya. Habang ginagawa ito ay ramdam kong palapit siya nang palapit sa ’kin.

“Sure ka sa ’kin na ’to lahat?” may duda kong tanong.

Hindi pa rin ako makapaniwalang gano’n na lang niya kabilis ipamimigay ang mga ito kapalit lamang ng napakasimpleng bagay. Kung ako siya, binenta ko na lang ’to sa iba. Kumita pa ako.

“Basta ’yong pangako mo, ah.” Bahagyang lumalakas na ang malalim niyang boses sa ’king pandinig.

“Alam ko.”

Nang matapos na ako sa pagliligpit ay hindi ko namalayang tuluyan na pala siyang nakalapit sa ’kin. Natigilan ako nang makita ko ang mabalahibo niyang mga binting nakatapat sa ’kin. Habang itinataas ko ang aking tingin ay mas lalo akong kinabahan. Ang hubo’t hubad na katawan ni Pio na nababalutan ng gintong sikat ng araw ang siyang tumambad sa ’kin.

“Now, give me a BJ.”

Chapter 5

Agad akong napapikit. Ramdam ko ring bumilis ang tibok ng aking puso. Kaunti na lang ay hihikain ako dahil sa kaniya. “Gago ka, Pio! Mahiya ka naman!”

“B-Bakit?” dinig kong sambit niya. “Anong problema?”

Hay naku! Pa-inosente pa!

“Bakit ka nakahubad?” Nakapikit pa rin ako. “Baliw ka ba?”

“Why? What are you so scared of?” Wala pa rin talaga siyang hiya. “I thought you were going to give me a BJ? You promised me.”

Kinapa-kapa ko ang sahig. “Oo nga! Nilapag ko na sa table mo ah!”

“Huh? What are you—?” Natahimik siya ng ilang segundo. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang napahalakhak. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong makita. “What the heck?”

Marahan kong iminulat ang aking kanang mata. Sumilip nang kaunti. Nang mapansin kong wala na siya sa ’king harapan ay gumaan na ang aking pakiramdam. Sakto naman, paglingon ko patalikod, tumambad sa ’kin ang maumbok niyang puwet. Nakatalikod siya sa ’kin, may kinuha sa bedside table.

“Ay, gago ka talaga, Pio…” pabulong kong mura.

Hindi pa rin nagtatapis si gago!

Lumingon siya paharap sa akin hawak-hawak ang binili kong isang cup ng buko juice. Muli ay tumambad sa akin ang ipinagmamalaki niya. Bumigat na naman ang aking pakiramdam.

Tuloy pa rin siya sa paghalakhak. “I thought you were going to give me a BJ! A real BJ!”

Hindi ko na lang tiningnan ang junjun niya. Pinilit kong hindi tingnan. “Hoy, hindi ’yan juice powder lang ah! Gawa ’yan sa totoong buko!”

Akala niya siguro pucho-pucho lang ’yong binili kong buko juice. Mahal kaya ’yon!

Humina na ang pagtawa niya at naglakad na siya palapit sa akin. Gusto nang kumawala ng puso ko. Tutok na tutok pa ang alaga niya sa direksyon ko, parang mananakit. “Seryoso ka ba? Hindi mo ba alam kung ano ’yong BJ?”

“P-Pio!” Nasasamid na ako sa sarili kong laway. “Huminto ka nga!”

“Hindi naman gano’n kahirap ang hinihingi ko sa ’yo, ’di ba?” Palapit na siya nang palapit. Paatras naman ako nang paatras, hanggang sa makapa ko ang mga nakatuping damit sa sahig.

“Ano ba!” Pinagpapawisan na ako. “Mahiya ka naman!”

Huminto na siya. Seryoso na ang mukha niyang kanina lang ay natatawa pa. “Let’s make a deal then…”

Lumunok ako. “Deal?”

“Yes, a deal.” Hinawakan niya ang galit niyang alaga gamit ang kaniyang kanang kamay, ang buko juice namang nasa cup ay hawak niya sa kaniyang kaliwang kamay. “One BJ in exchange for the uniforms.”

Napakapit ako nang mahigpit sa uniform sa ’king likuran. Napaisip. Seryoso ba siya?

“E-Edi sa ’kin na ’to!” Tumawa ako nang pilit. “Hawak mo na ’yong bayad eh.”

“Oo nga, hawak ko na.” Ngumisi siya. “Pero subo mo ba?”

Para akong mauubusan ng hininga. Huli na nang mapagtanto ko kung anong kabayaran ang tinutukoy niya. Sa simula pa lang, hindi ko na dapat siya kinasundo! Kung alam ko lang! Kung alam ko lang talaga!

“Baliw! Hindi ko sinabing—!”

“Blowjob?” tumbok niya sa nais ko sanang sabihin. “Well, hindi ko rin naman alam na buko juice ang interpretation mo sa BJ. I’m also a victim here. You’re a scam, now make me cum.”

Lakas mang-gaslight! Hayop!

“H-Ha?” Nanlaki ang mga mata ko. “Baliw ka na!”

“Then make me crazier.” Hinaplos niya na ang kaniyang kanang kamay papunta sa kaniyang adam’s apple sa leeg. Pagkatapos ay kinagat niya ang kaniyang labi, na parang nang-aakit.

Wala akong masabi. Hapong-hapo ako. Gusto ko na lang mag-teleport papunta sa ’king kuwarto.

“Ano? Deal?” Pumintig ang alaga niya. “Or no deal?” At pumintig ulit.

Mas lalo lang niyang pinabilis ang tibok ng puso ko. Time pressure! Tatanggapin ko ba? O hindi? Shit! Ano?

Suriin nating mabuti… Kung tatanggapin ko, isang beses lang naman! Isa lang! Wala naman sigurong masama. Kakainin ko lang naman ang pride ko—at ang ano niya—tapos, boom! May uniform set na ako! Hindi ko na kailangang gumastos. ’Yong pera na pambayad ko sana rito, puwede ko pang ilaan para sa pambayad ng apartment ko. Practicality!

Pero, pero, pero! Hindi ko kaya! Sa haba ng alaga niya ay paniguradong mabubulunan ako! At ang mas malala pa, baka hindi ako makahinga! Ayoko pang mamatay! May pangarap pa ako! At hindi lang ’yon, pareho rin kami ng school! Paano kung ipagkalat niyang sinubo ko siya? Ano na lang ang iisipin sa ’kin ng mga tao? Napahiya na nga ako kanina dahil sa helmet! Paano pa kaya kung mabansagan akong pokpok ni Pio. Hindi! Hindi puwede! Bahala na!

“I-Ina mo!” may hingal kong sambit. Gumapang ako patalikod, palayo sa kaniya. Pagkatapos ay tumayo na ako at kumaripas ng takbo palabas sa apartment niya. Agad naman akong pumasok sa ’king apartment at nag-lock ng pinto. Hinawakan ko ang aking dibdib. Hinahabol ko pa rin ang aking hininga.

Sa huli, hindi ako nagpadala sa tukso. Pero anong kapalit? Wala pa rin akong uniform.

Nanghinayang ako bigla.

Matapos magbihis ng pambahay ay umupo na ako sa may lamesa at napahawak sa ’king noo. Normal na ang aking paghinga ngayon. Kanina lang ay abot-tenga ang ngiti ko dahil sa naging kasunduan namin sa school. Hindi ko naman inakalang sa ganito ito hahantong.

Ang tanga kasi! Dapat pala nilinaw ko muna ang lahat bago ako pumayag sa kabayarang BJ! Edi sana napag-isipan ko pang mabuti. Hindi ’yong ganyan, biglaan. Tapos kailangan biglaan din ang desisyon pagkatapos malaman ang katotohanan.

May kumatok sa pinto. “Aaron?” Si Pio.

Nagdalawang-isip ako kung tatayo ba ako at bubuksan ang pinto. Baka sakaling nagbago na ang isip niya. Baka sakali rin namang nagbago na ang isip ko ngayon. Ngayong maluwag na ang aking paghinga, baka kaya ko na—Hindi, hindi, hindi! Ano ba ’tong naiisip ko! Ganito na ba ako kadesperado? Eh kasi naman, ang mahal talaga ng uniform sa J.A.M.A.! Parang gusto ko na lang umiyak.

Muling kumatok si Pio. “Hey.”

Bahala na talaga.

Kahit gulong-gulo ang isip ay tumayo na ako at naglakad papunta sa may pintuan. Marahan kong binuksan ang pinto. Sumilip ako sa kaunting awang ng pinto, sinuring mabuti ang lalakeng nasa labas. Sa wakas, nakasuot na siya ng shorts. Pero as usual, topless na naman siya. May hinihithit siyang sigarilyo.

“Bakit?” Umasta akong parang wala lang nangyari sa ’min kanina.

Sumilip siya sa awang ng pinto papunta sa direksyon ko. “Here.”

Nagtakip ako ng ilong at tuluyan nang binuksan ang pinto. Kita kong bitbit niya sa kaniyang kaliwang kamay ang magkakapatong na nakatuping uniporme. Sa tuktok nito ay may nakapatong din na pershing cap.

“No, thanks.” Akma ko na sanang isasara ang pinto.

Pero natigilan ako sa sinabi niya. “It’s for free.”

Ano raw? Libre na lang? Kanina lang ay may kapalit pa ang lahat ah. Okay lang ba siya? Pakulo na naman niya ba ’to?

Kumunot ang aking noo. “Niloloko mo ba ’ko?”

Mukhang hindi naman nagloloko ang mukha niya. Wala nga siyang emosyon. Badtrip ba siya? Hindi ko mabasa ang mukha niya.

“What did I say?” Muli ay humithit siya ng sigarilyo gamit ang kaniyang kanang kamay.

Kukunin ko na sana ang mga uniporme ngunit may pag-aalangan pa rin ako. “Sabihin mo na agad kung may kapalit.”

Imposible namang wala!

“Okay, kung ayaw mo, itatapon ko na ’to.” Naglakad na siya palayo.

Agad ko naman siyang hinabol at pinigilan sa balikat. “Teka, teka!” Pagkatapos ay kinuha ko ang mga uniporme sa kamay niya. “Akin na ’to.”

Humarap siya sa ’kin at naguhitan ng ngiti ang kaniyang labi. “Now, suck me.”

Sabi na eh!

“Ay gagi.” Agad ko namang tinangkang ibalik ang mga uniporme sa kaniya.

“Just kidding,” pagbawi niya, hindi tinanggap ang pagbalik ko sa mga uniporme.

“Ano ba talaga?” Inilapat ko ang mga uniporme sa ’king dibdib na may kasamang pershing cap para hindi ito mahulog. Siya na mismo ang nagsabi. Libre lang ’to. Libre. Kahit ano pang sabihin niya, wala nang bawian ’to.

“Yes, it’s yours.” Bumuga siya ng usok sa ’king mukha.

Dahil wala na akong takip sa ilong ay nasulasok ako sa amoy ng usok na binuga niya. “Puwede bang huwag sa mukha?”

“Sorry,” sabi niya, pero hindi naman siya talaga mukhang nagso-sorry. “Ayaw mo ba sa mukha tinatapos? Gusto mo ba sa loob ng bibig?”

“Bastos ka.” Nandilim ang paningin ko sa kaniya.

“I know, I know.” Kumamot siya sa malapad niyang dibdib. “But I am still sad. I really thought you would give me what I want. I even washed myself thoroughly for you.”

Ito na naman siya. Nagsisimula na naman.

“Huwag kang mag-alala. Bibilhan pa rin naman kita ng buko juice,” pag-iba ko sa tinutumbok niya.

“Okay, okay.” Tinaas niya sa ere ang dalawa niyang kamay, nakaipit ang sigarilyo sa kaniyang mga daliri. “Buko juice it is then.”

Sa wakas, pumayag din siya.

“But…”

“A-Ano?”

“I hope you consider it…”

“I-consider ang alin?”

Sumenyas siya sa kaniyang bibig na parang may sinusubo sa ere. “Real BJ.”

“Gago!”

Iniwan ko na siya.


Tuluyan nang sumilip ang buwan sa kalangitan. Oras na para bumili sa labas ng panggabihan. Pagbaba ko ng building ay may nakasabay akong babae sa hagdanan sa may third floor. Mukhang paakyat siya sa floor namin. Naka-uniporme pa siya. May itsura. Busy siya sa pagta-type sa cellphone.

Nang malampasan ko siya ay saka lang siya umimik. “Um, excuse me po.”

Nasa ibaba na ako ng hagdanan, siya naman ay nasa itaas na. “Yes po?”

“Dito po ba nakatira si Piolo McMiller?”

Piolo? Si Pio ba ang tinutukoy niya? McMiller daw eh.

“Ah, opo, sa fourth floor po,” tugon ko. “Room 404.”

Ngumiti ang babae. “Thank you po.”

Dumiretso na siya ng akyat pataas sa fourth floor. Ako naman ay tumuloy na sa paglalakad pababa.

Sino kaya ’yon? At ano kayang pakay niya kay Pio? Mali… ang magandang tanong ay ano kayang pakay ni Pio sa kaniya? Mukhang may maloloko na naman sa gabing ito.

Nang makarating sa first floor ay nadatnan ko si Manang Lucy na nakatambay sa gilid ng hagdanan. Bahagyang nagulat nga ako sa kaniya nang magsalita siya. Bigla-bigla na lang kasi sumusulpot. “O iho.”

Napahawak ako sa didib sa kaba. “M-Manang Lucy. Bakit po?”

“May pasok ka na sa Lunes, ’di ba?” Lumapit siya sa akin.

“Meron po.”

“Nga pala, mawawalan ng tubig sa Lunes mula alas tres ng umaga hanggang alas singko ng hapon. May balde naman do’n sa apartment mo, ’di ba?”

“O-Oho.”

“Mabuti. Maganda siguro kung gabi pa lang ng Linggo, mag-ipon ka na agad, para hindi ka na mamroblema.”

Hindi naman ako mamomroblema kung sakali, kasi puwede rin namang hindi ako maligo. Ha-ha!

“Gano’n ho ba? Sige ho, salamat ho sa paalala.” Naglakad na ako palayo sa kaniya. “Bili lang ho ako.”

“Pakisabi na lang din kay Pio,” pahabol niya.

“Oho.”

Tulad ng nakasanayan ay bumili ako ng siomai rice. Ito lang kasi ang pinakamurang pagkain na nakita ko sa labas. Para pangtanggal-umay ay sinabayan ko na rin ito ng palamig. Pasensya na lang sa mga bulate ko sa tiyan.

Nang makabalik sa building ay nasa gilid pa rin ng hagdanan si Manang Lucy. “Pakisabihan si Pio ah,” muli niyang paalala.

“Oho.” Paulit-ulit.

Pag-akyat ko sa fourth floor ng building ay pinauulit-ulit ko sa ’king isipan na paalalahanan si Pio tungkol sa pagkawala ng tubig sa darating na Lunes. Alam ko kasing may pasok na rin sila sa Lunes kasabay naming mga first year. ’Yong totoo, kailangan niya pa ba ng tubig? Kahit nga hindi siya maligo nang isang linggo ay mas mukha pa rin siyang fresh kaysa sa ’kin.

Sa may hallway pa lang ay may naririnig na akong kakaiba—pamilyar na tunog. Malayo pa nga ako ay mukhang alam ko na kung ano ito, at kung kanino ito galing. Nadaanan ko ang unang kuwarto; nakapatay ang ilaw dito. Gano’n din sa ikalawa. Gano’n din sa ikatlo. Marahil ay ito ang tamang panahon na hinihintay niya para gumawa ng kalokohan. Pasalamat siya at call center agents ang ibang tenants dito sa fourth floor, wala sa gabi. ’Yong pinalitan ko ngang tenant, napakamalas at estudyante rin. Hindi tuloy nakayanan. O baka baliktad—pasalamat ang mga tenants dito sa unang tatlong kuwarto at hindi nila kailangan danasin ang nakaririnding alingawngaw ng mga ungol ni Pio.

Nang makarating na ako sa tapat ng kuwarto niya ay mas lalong lumakas sa ’king pandinig ang mga ungol na ginagawa niya. Kaya naman pala, nakabukas ang pinto!

Nanlaki naman ang aking mga mata sa tumambad sa ’kin. Si Pio, nakaupo sa gilid ng kama, nakababa ang shorts at brief hanggang paanan sa may sahig. Bigkis niya sa kaniyang palad ang buhok ng isang babae na ginawa niyang pony tail. Nakahawak naman ang babae sa magkabilang hita ni Pio at nakaluhod sa sahig sa kaniyang harapan. Taas-baba ang ulo nito sa pagitan ng mga hita ni Pio. Ang dating na-i-imagine ko lang na nangyayari sa kabilang kuwarto tuwing naririnig ko ito, ngayon ay nasa harapan ko na.

Natigilan sa pag-ungol si Pio nang mapansin niya akong nakatigil sa harapan ng kaniyang pintuan. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Nag-lock na kasi ang aming mga mata. Wala na akong ibang nagawa kundi ang manuod sa mga sunod na nangyari.

Ipinatong ni Pio ang magkabila niyang hita sa balikat ng babae. Ramdam kong nabigatan ang babae sa ginawa niya. Matapos ay pinagkrus niya ang kanyang mga binti sa likod ng babae. Ngayon ay dalawang kamay na ang ginamit niya para hawakan ang babae sa ulo tali-tali ang buhok sa kaniyang mga palad. Sa puntong ito ay mas humigpit ang pagkakatali niya rito. Saka niya isinubsob ang babae sa ipinagmamalaki niyang alaga nang walang awa. Nagmistulang bola ng basketball ang ulo ng babae dahil ayaw itong pakawalan ni Pio.

Nabubulunan na ang babae sa ginagawa niya, napapatapik na sa mga binti niya, ngunit hindi siya nagpatinag. Tuloy lang siya sa pagtitig sa ’kin—isang malagkit na titig—habang nasa mainit na bibig ng babae ang kaniyang alaga. Hindi ko alam kung bubuhayin pa niya ang babae dahil paniguradong abot hanggang lalamunan nito ang kaniyang alaga. Tanging ang pagkabulon lamang ng babae ang maririnig. Nakababahala. Nakakakaba. At nakakapang-init. Hindi ko na maintindihan kung anong dapat kong maramdaman sa puntong ito.

Mga ilang segundo ang lumipas at saka siya nagpakawala ng sunod-sunod na ungol. Nanginginig ang kalamnan. Sumikip din ang mapandesal niyang tiyan. Naabot na siguro niya ang tuktok ng langit. Saka siya ngumiti sa ’kin—ang palagian niyang ngiting pangdemonyo. Nangungusap rin ang mga mata niya, na parang nagsasabing…

Ako sana ang nasa posisyon ng babae ngayon kung pumayag lang ako sa kasunduan namin kanina.

Ako sana.

Chapter 6

Pinakawalan na ng mga hita ni Pio ang babae. Napatakip ito sa bibig at kumaripas ng takbo papunta sa may lababo. Suka malala ang ate mo! Kulang na lang ay isuka nito ang kaniyang bituka. Ikaw ba naman sumubo ng seven inches. Punong-puno pa siguro ang bibig nito, nasalo ba naman lahat eh. Si Pio naman ay isinandal ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng kama sa kaniyang likuran at inunat ang katawan paatras. Tumingala siya, at parang natatawa pa nga. Masaya ba siyang pinahirapan niya ang babae? Sadista amputa. Pagyuko niya ay muli siyang tumingin sa akin. Sunod ay tumingin siya sa alaga niyang tayong-tayo, mamula-mula, at mukhang mainit pa. At muling tumingin at ngumisi sa ’kin na parang may nais ipahiwatig.

Nagising ako sa pagkatulala nang maramdaman ko ang pagpatak ng palamig sa ’king daliri sa paa. Hindi ko namalayang tabingi na pala ito sa ’king kamay kaya natapon ang ilang laman.

“Gago…” walang boses kong sabi sa kaniya nang matauhan ako. Naglakad na ako papunta sa ’king kuwarto.

Habang naghahanda sa lamesa ng pagkain ay dinig ko pa rin ang mga usapan sa kabilang apartment.

“No! Hindi na ako ulit pupunta dito!” boses ng babae.

“I’m so sorry. Nadala lang ako,” ani Pio. “It won’t happen again.”

“Sorry your face! Muntik na akong malagutan ng hininga dahil sa ginawa mo!”

“Wait lang, Faye.”

“Hindi Faye ang pangalan ko! Elise!” Inis si ate. “Huwag mo na ulit akong kakausapin! Bye, fuckboy!” Nakarinig ako ng padabog na mga yabag. Mukhang lumisan na ang babae.

Wala talagang nagtatagal na babae sa kaniya. Mula no’ng unang lipat ko pa lang dito, palaging pagalit na lumilisan ang mga nagiging babae niya. Iisa lang lagi ang reklamo: masyado siyang mahaba, at malaki. Dati, ang buong akala ko ay ganito ang gusto ng mga babae. Pero ibang usapan na pala kapag nandiyan na mismo, nakahain sa ’yo. Buti na lang at katamtaman lang ang laki ng akin. Filipino size.


Kinaumagahan, sinukat ko na ang mga unipormeng bigay ni Pio. Masyado pala itong mahaba at malaki—parang alaga niya lang. Sa payat ko ay nagmistulang hanger ang aking balikat. ’Yong pantalon naman ay pilit na bumababa kahit anong higpit ko sa sinturon. Tapos ’yong zipper ay mukhang sira. Hanep, mukhang gamit na gamit palagi.

Habang nagsusukat ng damit ay napa-video call naman si Mama sa Messenger. Ipinatong ko ang aking cellphone sa gilid ng baso sa lamesa. Kasalukuyang nasa palengke si Mama, mukhang wala pang masyadong bumibili.

“Hello, Ron!” Kumaway siya sa camera. “Kamusta ka naman diyan? Sorry, ngayon lang ulit nakatawag. Masyadong busy eh.”

“Okay lang ho, Ma,” tipid kong tugon habang binubutones ang unipormeng aking suot.

“Wow naman! Ang guwapo ng anak kong seaman ah!” bola niya sa ’kin. “Kamukha mo na ’yong pa—” Sandali siyang natigilan, naalala sigurong hindi niya dapat binabanggit ang taong ’yon.

“Hindi, Ma,” sambit ko. “Sa inyo ako nagmana.”

Tumawa siya nang pilit. “Naman! Sa ’kin ka kaya nagmana.” Sabay kamot sa ulo. “Nga pala, kumpleto na ba ’yan? Sabihin mo lang kung kulang ’yong pinadala kong pera ah para madagdagan ko.”

Tinanggal ko na ulit paisa-isa ang mga butones ng uniporme. Kahit itong ikalawang uniporme ay sobrang luwag. Paniguradong gano’n din ang mga susunod. Mukhang kailangan ko pang ipasadya sa tailoring shop. “Ma, okay na. Kumpleto na. Sakto lang ’yong pinadala mo, huwag kang mag-alala.”

“Mabuti naman kung ganoon.” Nilapit niya ang kaniyang mga mata sa screen ng kaniyang cellphone at sinuri akong mabuti. “Hindi ba masyadong malaki ’yang nabili mo, ’nak?”

Nagmadali ako sa paghubad ng uniporme ni Pio. Baka mamaya ay mapansin niyang second hand lang ito. Panigurado ay magpupumilit siya na bumili ako ng bago. Pero ibig sabihin din no’n ay kailangan niyang magbabad sa palengke para matustusan ang mga pangangailangan ko. Ngayon pa nga lang ay mukhang pagod na pagod ang mukha niya, ano pa kaya kung sabihin ko sa kaniyang kukulangin ako sa pera ngayong buwan kapag bagong uniform set ang bibilhin ko. Hay, ang hirap maging mahirap.

“Hindi, Ma, sakto lang naman. Maganda nga ’yan para may allowance, puwede ko pang magamit sa mga susunod na school year,” palusot ko.

“Sa bagay,” pagsang-ayon niya naman.

Itinabi ko na ang hinubad kong uniporme. Hindi ko na muna sinukat ang iba pa dahil baka makahalata na si Mama. Iniba ko na lang ang usapan. “Kayo diyan, Ma, kamusta naman?”

“Ito, okay lang naman.” Pero iba ang sinasabi ng mukha niya. “Nakakapanibago pa rin, kasi wala ka na. Mag-isa na lang ako sa bahay.”

Kung meron lang sana akong kapatid, meron sana siyang kasama ngayon. Hirap din mamuhay nang mag-isa. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako sanay, ano pa kaya siya.

“Hayaan n’yo, Ma, pagdating ng sembreak namin, uuwi ako diyan sa probinsya.” Pinilit kong ngumiti para mapalakas ang loob niya.

“Sabi mo ’yan, ah,” saad ni Mama. Muli ay inilapit niya ang kaniyang mga mata sa cellphone. “Ron, ano pala ’yang nasa leeg mo?”

Shit! ’Yong chikinini na gawa ni Pio, napansin niya!

Agad kong tinakpan ang aking leeg. “Ah… ano lang po… kagat lang po ng hay—”

Mabuti na lang at may biglang kumatok sa pinto ng apartment ko.

“Tao po?” singit ng isang hindi pamilyar na boses, sabay katok ulit sa pinto.

“O, ’nak, mukhang may bisita ka. Unahin mo muna,” ani Mama.

Nakahinga ako nang maluwag at saka naglakad papunta sa pintuan bitbit ang cellphone sa ’king kamay. “Sino ’yan?”

“Delivery po,” sagot ng tao sa labas.

Delivery? Wala naman akong pina-deliver ah.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa ’kin ang isang delivery rider. Nakasuot pa ito ng helmet.

“Ah, kuya, wala naman ho akong pina-deliver,” sabi ko. “Baka ho sa kabilang apartment.”

“Hindi po ba ’to ’yong Room 405?” Binasa niya ang mga detalye sa sticker na nakadikit sa parcel na kaniyang hawak. “Aaron Alcantara?”

Ako nga.

Nanlaki ang mga mata ko. “Hala, kuya, wala naman ho akong pina-deliver,” may pagkabahala kong sabi. “Wala ho akong pambayad diyan ah.”

“Eh bayad na ’to, Sir.” Inabot niya sa ’kin ang parcel at wala naman akong ibang nagawa kundi ang kunin ito. Bayad na raw eh.

“Picture ho tayo, Sir.” Bigla siyang bumunot ng cellphone sa bulsa at itinutok sa ’king mukha ang camera.

“One…”

“Teka—”

“Two…”

Kusang napatindig ang aking katawan at inilapat ko ang parcel sa ’king dibdib. “Kuya, wait—”

“Three…”

At napangiti ako nang wala sa oras. Saka tumunog ang click ng camera sa kaniyang cellphone. Parang natatawa pa siya sa ’kin dahil kita kong nanginginig ang mga kamay niya. “Okay na, Sir. Salamat.” May pagmamadali niyang isinilid ang kaniyang cellphone pabalik sa kaniyang bulsa.

Paalis na sana siya kaso nagsalita pa ako. “Ano ho ba ’to?”

Mukhang nagpipigil pa rin siya ng tawa. “Kunwari ka pa, Sir…”

“Ha?” Sinuri ko ang parcel na hugis parisukat. Kahina-hinala ’to ah. Sino kaya ang nag-order nito? At bakit kaya pinangalan sa ’kin? Tamang-tama rin ang address. “Wait lang, Ma, ah.” Sinilid ko muna ang cellphone ko sa bulsa ng aking shorts. Pinunit ko na ang balot ng parcel hanggang sa makita ko ang laman nito.

“Dildo ho ’yan, Sir.” Huli na nang sabihin ito ni kuyang rider. “Mga ganiyan lang naman di-ne-deliver ko galing sa shop.”

Sa transparent na plastic packaging ay may makikitang kulay pink na dildong nakalagay sa loob. Maugat ito. Sa labas ay may description na ‘SEVEN INCH SILICONE COCK.’

“Una na ako, Sir.” Lumisan na ang rider.

“Kuya!” Pagsilip ko sa hallway ay wala na siya. Ang tanging nakita ko na lang ay ang topless na si Pio, hagalpak ang tawa habang nakasandal sa may balcony railing sa tapat ng kaniyang kuwarto, nakahawak pa nga sa tiyan. Halos ’di na makita ang mga mata niya.

“’Nak, ano ’yong dildo?” rinig kong tanong ni Mama.

Potek! Nakalimutan kong magka-video call pa pala kami!

Agad kong kinuha sa ’king bulsa ang cellphone at itinago sa ’king likuran ang packaging ng dildo. “Ah, wala ho, Ma. Ano ho… um… kulay pink po na…” Napakamot ako sa sintido, nag-iisip ng palusot. “Kulay pink po na siomai. ’Di ba merong puting siomai… tapos dilaw… Ito naman pink.”

Buset, kinabahan ako do’n ah!

“Pink na siomai?” Kumunot ang noo ni Mama. “May gano’n ba talaga, Ron?”

Ngumiti ako nang pilit. “Oo naman, Ma. Kahit ako nga ’di makapaniwalang meron eh.” Saka umiwas ng tingin.

“Mukhang masarap ’yan ah,” ani Mama na walang kamalay-malay. “Dala ka nga rito niyang dildo pag-uwi mo. Gusto kong matikman.”

“Ah… eh…” Tumingin ako nang masama kay Pio sa labas na mas lalong napahalaklak dahil sa sinabi ni Mama. Naka-loud speaker nga pala ang phone ko.

“Sino ’yon, ’nak?” Napansin ni Mama ang boses ni Pio.

“Ah wala ho, Ma. ’Yong ano lang po… ’yong kapitbahay ko rito na parang baliw.”

Baliw naman talaga. Malibog pa.

“Magkano po isang kilo?” dinig kong sabi ng tila’y customer ni Mama sa palengke.

“O sige na, Ma. Mukhang may customer ka na. Ba-bye na muna,” paalam ko sa kaniya. Baka kapag di ko pa in-end ang call ay kung ano pang matanong niya tungkol kay Pio.

“Sige, ’nak. Labyu.” Nag-flying kiss siya sa cellphone.

“Labyu too.” Pinindot ko na ang end call button.

Ngayong hindi ko na kausap si Mama, oras na para makipagtuos sa demonyong may pakana ng lahat ng ’to. Wala namang ibang gagawa nito sa ’kin bukod sa kaniya. Nagsuot ako ng seryosong mukha bago lumabas sa aking apartment. Bitbit ang packaging ng dildo ay hinarap ko siya, saka sinigawan. “Hoy! Ano ’to?”

Unti-unti ay tumigil na siya sa pagtawa. “Oh, that’s pink siomai,” hirit niya, sabay balik ulit sa pagtawa.

Pilosopo amputa.

“Baliw!” Inihagis ko ang packaging ng dildo papunta sa kaniya. Agad niya rin naman itong nasalo. Palibhasa basketbolista. Itinabi niya ito sa kaniyang tagiliran. “Hindi ka nakakatawa!” may inis kong sabi.

Humina na ulit ang kaniyang pagtawa. Pinunasan niya ang kaniyang maluha-luhang mata. “W-Why?”

“Nagtanong ka pa talaga!” Tumaas ang kilay ko. “Tingin mo kailangan ko niyan?”

Biglang sumeryoso ang mukha niya. “D-Does it mean kaya mo na ’ko?”

Ano bang pinagsasabi nitong lokong ’to? Nanghahamon ba siya ng suntukan?

“Ha?” Kumunot ang noo ko. “Kaya?”

Bigla niyang dinakma ang harapan ng kaniyang navy blue na jersey shorts, at bumakat ang matigas niyang alaga rito. “This,” sabi niya. “Kaya?”

Lumunok ako. “A-Ang gago mo.”

“I know,” tugon niya naman. “Pero mas gago ako sa kama. Kaya ngayon palang dapat mapaghandaan mo na. And this…” Itinaas niya ang packaging ng dildo sa isa pa niyang kamay. “… this is your training ground.”

Parang kailan lang nang sabihin niyang magiging gentle siya, tapos ngayon…

“Wala akong dapat paghandaan…” Parang iba lagi ang nagiging dating ng mga sagot ko ah. “I mean, hindi ko na kailangang maghanda kasi wala namang mangyayari. Kaya sa ’yo na ’yan. Hindi ko kailangan niyan.”

Tiningnan niya ang dildo at nagkunwaring malungkot. “Sayang naman ’to. Pinili ko pa naman ’to kasi kasing-size lang ni Junjun . One-k pa naman ’to.”

Nangonsensiya pa nga.

“Eh ba’t ka ba kasi bumili niyan?” Napakamot ako sa ulo.

“Para nga sa ’yo.” Pinalambing niya ang kaniyang malalim na boses. “Kasi naisip ko, baka bigla kang natakot dahil sa nakita mo kagabi. Baka ayaw mo nang i-consider.”

Ang kulit!

“Ewan ko sa ’yo.”

Umalis siya sa pagkakasandal sa may railing at lumapit sa ’kin. “This will help you, para hindi ka magaya kay Jenny kagabi.” Muli niyang inalok ang packaging ng dildo sa ’kin.

“Elise!” pagwasto ko naman sa binanggit niyang pangalan at saka winahi ang kamay niyang may hawak na packaging ng dildo.

Bahagya siyang natawa. “Sabi ko nga… Elise… Para ’di ka matulad kay Elise. Para makuha mo rin ang tamang technique. Para masanay ’yang gag reflex mo.”

“Gag—?” Sandali akong natigilan. Nang mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya ay tumaas ang aking boses. “Gago!” Hindi ako magsasawang tawagin siya nito nang paulit-ulit. “Kung ako sa ’yo, itapon mo na ’yan. Kung ayaw mo, ipasak mo diyan sa puwet mo.”

“Ah, iba ka rin.” Napakamot siya sa kilikili. “Gusto mo sa kuweba agad ang pasok. Noted, p’re, noted.”

Hinampas ko siya sa dibdib. “Loko!”

“Awts,” mahinang daing niya. Napasinghot siya gamit ang kaniyang kamay na ginamit pangkamot sa kilikili. “Pero hindi kasi puwedeng biglain agad ang kuweba eh. Kailangan padulasin muna ’to . Kung hindi, masakit ’pag pinasok. Ako na nagsasabi sa ’yo, baka ilang araw kang ’di makalakad. Matutulad ka kay Sheena.”

Ibang babae na naman. ’Yong totoo, nakailang babae na ba siya?

“Pake ko.”

“Meron namang lube kung ’di sapat ang laway,” tuloy niya. “Sa sobrang haba nito , laging bitin pampadulas ang laway.”

Napakayabang talaga. Porket may maipagmamayabang eh.

“Bahala ka na nga.” Umirap ako. “Pasok na ’ko.”

Pinigilan niya ako sa braso nang tinangka kong maglakad papunta sa ’king kuwarto.

“Hey.” Inalok niya na naman ang dildo. “You forgot this.”

Dahil sa inis ay hinampas ko ito pababa kaya bumagsak ito sa sahig. Kita ko namang pinulot niya ito. Pagkatapos ay nagmadali akong pumasok sa loob ng aking kuwarto at padabog na isinara ang pinto.

“Don’t worry,” pahabol niyang sabi sa labas kahit napagsarhan na siya ng pinto, “I’ll save this for later!”

Later niya mukha niya! As if naman merong later. Pero teka, parang may nakalimutan akong ipaalala sa kaniya. Hindi ko na matandaan. Ano nga ba ’yon?

Chapter 7

Inantay ko ang hapon bago lumabas ng bahay. Nakakatakot kasi ang heat stroke, kaya pinahupa ko muna ang init kaninang tanghali. Inantay ko ring mawala sa hallway ang kapitbahay kong nangcho-choke. Bitbit ang kulay green na eco bag—na may lamang mga uniporme—ay marahan kong isinara ang pinto ng aking apartment. Matapos ay binitbit ko sa kabila kong kamay ang aking tsinelas at naglakad sa tapat ng apartment ni Pio nang patingkayad, iniiwasang lumikha ng ingay.

Nang malagpasan ko na ang room niya at ang katabi pa nitong room ay saka na ako nagsuot ng tsinelas. Malakas ang kutob ko na kapag nakita o narinig niya ako ay susunod siya, manggugulo, at tuluyan nang masisira ang buong araw ko. Kanina lang nang order-an niya ako ng dildo. Inis pa rin talaga ako. Buti na lang paglingon ko pabalik ay wala siya. Hindi niya ako napansin. Safe!

Pagbaba ko sa first floor ng building ay nadatnan ko si Manang Lucy na nakaupo sa upuan sa labas ng kaniyang kuwarto. Dito rin siya nakatira sa building. Sa kaniya ’yong pinaka-unang kuwarto kadikit ng hagdanan sa pinakagilid. May yakap siyang litrato na wallet size sa dibdib at tila naluluha ang mga mata habang nakatitig sa kulay gintong langit.

Nasira ko yata ang pagmo-moment niya dahil nang mapadaan ako ay agad niyang itinago ang litrato sa bulsa ng kaniyang floral na duster. Pinunasan niya ang kaniyang maluha-luhang mga mata at tumayo. “O, Aaron, saan punta mo?”

“Ah, ano po…” Ipinakita ko ang aking hawak na eco bag. “May ipapasadya po sana akong mga damit. May alam po ba kayong patahian?”

“Patahian?” ulit niya. “Bakit, masyado bang malaki ’yong mga nabili mong uniporme?”

Ngumiti ako nang pilit. “Ah, opo, second hand po kasi. Matangkad at malaki po ang huling gumamit.”

Tumaas ang kilay niya. “Matangkad? At malaki?” Napaisip siya. “Teka, teka, galing ba ’yan kay Pio?”

“Ah…” Hindi ako makasagot.

Kung sasabihin ko ang totoo, na kay Pio nga ito galing, ay tiyak na mididismaya siya sa ’kin.

“Ah, galing nga sa kaniya,” tumbok niya.

Bistado na ako. Napakamot na lang ako sa ulo. “O-Opo eh…”

“Nagiging malapit na ba kayo?” tanong niya.

Muli ay hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

Pansin ko nga ay parang nagiging malapit na kami ni Pio. Ang dami nang nangyari sa ’min magmula nang gabing

iyon . Panigurado ay mas lalo siyang madidismaya kapag nalaman niyang hindi ko sinunod ang payo niya—na hindi ako nag-ingat sa lalake sa katabi kong kuwarto.

Napabuntong-hininga na lang siya. “Ito, Aaron, huwag mong mamasamain… Pero, may nararamdaman ka ba para kay Pio?”

Sa puntong ito ay sunod-sunod na akong hindi makasagot sa mga tanong niya. Napanganga na lang ako, at kahit anong gawin ko ay walang salitang lumalabas mula sa ’king bibig.

May nararamdaman nga ba ako para kay Pio?

Oo… May nararamdaman ako… May nararamdaman akong inis. Putang ina niya, napahiya ako sa ginawa niya kanina! Tinawanan ako ng delivery rider dahil sa in-order niya! At panigurado, naka-post na ang mukha ko sa kung saan mang website niya iyon binili! Inis lang ang nararamdaman ko sa kaniya! ’Yon lang! Period.

“Aaron?” Nagising ako sa pagkatulala nang marinig ko ang boses ni Manang Lucy.

“Ah, wala po.” Ngayon ay nakasagot na rin ako. “Wala po akong feelings sa kaniya.” Tumawa ako nang pilit. “Hindi po mangyayari ’yon.”

Hinuhusgahan na naman ako ng mga mata niya. Para talaga siyang human lie detector. “Hmm… Mabuti naman kung gano’n,” aniya. “Ito, payo ko lang sa ’yo ah… Walang masamang magmahal sa kapwa mo lalake… Pero dapat alam mo rin kung sigurado sa ’yo ang taong mamahalin mo… Kung hindi…” Tumingin siya pababa, naguhitan ng lungkot ang mukha. “Kung hindi… matutulad ka sa ’kin.”

Nagtaka ako sa sinabi niya. Paano ako matutulad sa kaniya? Sinasabi niya rin bang tatanda akong binata?

“O siya…” tuloy niya, muling tumaas ang mukha. “Merong patahian sa Rizal Street, do’n sa may footbridge kung saan may botika. Lakad-lakad ka lang do’n, nasa tabi-tabi lang ng mga salon. ’Yon na ang pinakamalapit na alam ko. Hindi lang ako sigurado kung gaano sila kabilis gumawa. Paano ’yan kung hindi agad magawa? Anong gagamitin mo sa Lunes?”

“Ah, ako na po bahala,” tugon ko naman, ngumiti. “Salamat po pala.”

Mabuti naman at sinabi niya sa ’kin na may malapit palang patahian dito. Kay Pio sana ako magtatanong pero hindi kasi naging maganda ang usapan namin kanina.

“Walang anuman,” sabi ni Manang Lucy, ngumiti rin. “Sige na.”

“Sige po.”

Lumisan na ako sa apartment building. Pero naiwan pa rin sa ’kin ang mga sinabi niya.

Hindi naman siguro aabot sa punto na magkakagusto ako kay Pio…

Hindi naman siguro…

Hindi talaga.


Nang makarating ako sa Rizal Street ay hindi ako nahirapang hanapin ang patahiang tinutukoy ni Manang Lucy. Madali lang naman, pagtawid sa footbridge katapat ng botika, may mga barber shop at mga salon na nakahilera. Sa bandang dulo nito ay may nag-iisang patahiang nakatayo. At agaw-pansin talaga ang pangalan nito.

“Tailor Swift…” pabulong kong basa sa signage sa itaas ng tailoring shop. “Mura na, mabilis pa,” basa ko rin sa tagline nito. “ Pft. “ Tikom-bibig akong natawa.

Kakaiba talaga mag-isip ang mga pinoy.

Masakit sa mata ang kulay ng pintura sa labas ng shop—dilaw na dilaw. Ang harapan nito ay gawa sa makapal at transparent na salamin. Sa likod ng salamin ay may makikitang mga nakasampay na maong pants, na siyang unang bubungad sa ’yo. Sa gilid naman, sa loob ng shop, ay may mga nakasampay na tila uniporme galing sa iba’t ibang school—kasama na rin ang sa school namin. Sa gitna ay may makikitang matandang lalake na nagtatahi ng kulay sky blue na uniporme, na mukhang pang-elementary student. Nakasuot ito ng eyeglasses at nakikinig sa kantang ‘Love Story’ ni Taylor Swift.

“Romeo, take me somewhere we can be alone…” Napapasabay pa nga ito sa kanta habang inuusog ang tela sa ibabaw ng sewing machine. Sinasabayan ng pagpadyak nito ang beat ng kanta.

“Tao po…” ang sabi ko nang makalapit ako sa tapat ng salamin.

Tila hindi ako naririnig ng matandang lalake. Tuloy pa rin ito sa pagkanta at pagpadyak. “You’ll be the prince and I’ll be the princess…”

Kumatok na ako sa makapal na salamin. “Tao po…”

“Baby, just say yes…”

“Tao po…”

“Oh, oh, oh…”

“Tao po!”

“’Cause we were both young when I first saw you.”

Sa wakas, natapos na rin ang kanta!

“Tao po!” pang-ilang ulit ko nang sabi.

Huminto na rin ang matandang lalake sa pagpadyak sa makina. “Sino ’yan?” Inayos nito ang sinulid sa makina bago tumayo. Pagkatapos ay naglakad na ito palapit sa ’kin.

“Magpapasadya po.” Pinatong ko ang aking dalang eco bag sa mahabang patungan sa harap ng shop na abot hanggang dibdib.

Sumilip ito sa nakabukas na mini-door na nakakabit sa salamin—na kasing-level lang din ng dibdib—at inayos ang eyeglasses niyang lumalaylay na sa dulo ng ilong niyang may naglalakihang pores. “Ilan ba ’yan?”

Ang sungit ng mukha niya ah. Ang gaspang din ng boses.

“Ah,”—nilapit ko ang eco bag sa harapan ng mini door at pinakita ang loob nito—“limang pares po ng uniform.”

Nagtaas siya ng kilay. “At kailan mo kailangan?”

“Sa Lunes na po,” sagot ko naman.

At mas lalo pang sumungit ang mukha niya. “Ay naku, hindi kakayanin ’yan.”

“Ho?” Kumunot ang aking noo. “Bakit ho?”

“Marami pang nakapilang mas nauna sa ’yo.” May tinuro siya sa kaniyang likuran at umusog pagilid. “Kita mo ba ’yan?”

At nakita ko nga ang mga nakasampay na damit sa may likuran. Mukhang marami nga talagang mas nauna sa ’kin. Dapat pala mas inagahan ko pa.

Napakamot ako sa nangangati kong chikinini sa leeg. “Hindi ho ba kayo tumatagap ng rush ?”

“Tumatanggap naman…” aniya. “Two-k para diyan sa lima. Bukas mo rin agad makukuha.”

“Ho?” may gulat kong sambit. “Ang taas naman…”

Akala ko ba ‘Mura na, mabilis pa’ ang motto ng shop nila? Saan na ’yon napunta?

“Puwes, kung wala kang pera, sa iba ka na lang magpagawa.” Hindi ako sigurado kung inirapan niya ako. Namalikmata lang yata ako.

Shit… paano na ’to ngayon? Saan naman kaya ako magpapagawa?

“Kuya, baka naman po…” Nagbakasakali ako.

“Hindi ako ‘Kuya!’” biglang nagbago ang tono ng magaspang niyang boses, nagkaroon ng gay accent. “Ay naku, umalis ka na nga, mas lalo mong pinapainit ang ulo ko!”

Napahawak siya sa sintido niya nang may halong kaartehan—kunwari ay sumakit talaga ang ulo. Ngayon ko lang napansin na kulay violet pala ang mga kuko niya sa daliri. Huli na ang lahat. Ngayong mas lalo siyang nagalit, mukhang hindi ko na talaga siya makukumbinsi pa. Kung kasing-gwapo lang siguro ako ni Pio, baka sakaling pumayag pa siya…

“Miss Beautiful…” Biglang may mabigat na brasong umakbay sa balikat ko.

Boses ’to ni Pio ah…

“… baka naman puwede n’yong pagbigyan ang pare ko?”

’Tang ina, boses ’to ni Pio ah!

Paglingon ko sa ’king kanan ay tumambad ang isang matangkad na lalake—ang nag-iisang Pio. Nakasuot siya ng kulay itim na sando. Kaya naman, litaw na litaw ang kaguwapuhan niya—ang maputi niyang balat at ang naglalakihan niyang muscles sa dibdib at bisig.

Anong ginagawa niya rito?

“Jusme…” Napatakip sa bibig ang matandang lalake—o matandang bading. Kanina lang ay ang sungit-sungit niya sa ’kin, tapos ngayong kaharap niya na si Pio ay biglang nagliwanag ang mga mata niya. “My Romeo…” aniya.

Ngumiti si Pio, lumitaw ang dimples sa pisngi. “Ako nga…”

Ang taas talaga ng confidence ni Gago.

Ginalaw ko ang aking balikat kaya bahagyang lumaylay ang braso ni Pio sa ’king likod. “Ba’t ka nandito?”

Tumingin sa ’kin si Pio. “Bakit nga ba? Ah… kasi ang boring sa apartment.” Ibinalik niya ang pagkakapuwesto ng maugat niyang braso sa ’king balikat. “Tapos nasilip kita sa bintana… Ba’t ka pa nag-ingat sa paglalakad? Hindi naman ako tulog.”

Hanep. Akala ko safe na ako. Sinundan niya pala ako.

“Assuming ka,” sabi ko. “Ayoko lang mag-ingay dahil baka natutulog ’yong mga taga-call center.”

“Okay, okay.” Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa matanda. “So, Miss, puwede namang rush , ’di ba?”

“Puwedeng puwede…” Napakagat sa labi ang matanda. “Basta ikaw.”

Ang landi.

“Sabi ko na nga ba, hindi ka lang maganda, mabait ka pa.”

Ang bolero.

“Naku, Pio, huwag na,” singit ko. “Two-k ’yan, ’di ko kaya.”

“Hoy,” sabi sa ’kin ng matanda. “Two-k sa ’yo… One-k kay Romeo…”

Ina neto. May favouritism.

Tipid na tumawa si Pio at yumuko, bumulong sa ’king tenga. “Ako na ang bahala…” Sabay angat ng ulo at tumingin sa malanding bading. “Miss, puwede ba akong pumasok?”

“P-Pumasok?” anang matandang bading, tila na-excite. “Ay oo naman, my Romeo!”

Tumingin sa ’kin si Pio. “Diyan ka lang ah.” Inalis niya na ang kaniyang pagkakaakbay sa ’king balikat. “Saglit lang ’to.” Pagkatapos ay hinawakan niya ang aking dry na buhok at ginulo ito.

Pumunta na ang matandang lalake sa main door ng shop at pinagbuksan ng pinto si Pio. Agad namang pumasok si Pio sa loob ng shop. Mula sa salamin sa labas ay nasilip kong pumunta sila sa isang tagusan sa bandang dulo, sa likod ng mga nakasampay na damit. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na mga nangyari. Pero meron akong hinala.

Mga tatlong minuto rin akong naghintay sa labas, nagtataboy ng mga langaw na dumadapo sa ’king binti. Maya-maya pa ay nasilip kong lumabas na si Pio mula sa lagusan sa loob ng shop. Mukhang kasusuot niya palang ng shorts dahil inangat niya ito pataas. Sunod namang lumabas ang matandang lalake, abot tenga ang ngiti nito. Paglabas ni Pio ng shop ay lumapit siya sa ’kin at muling umakbay.

“Tapos na…” Suminghot siya.

“Anong nangyari?” tanong ko.

“Nothing…” tanging tugon niya. Inayos niya pa ang posisyon ng kaniyang alaga sa shorts.

Sabi na nga ba eh… Mukhang tama nga ako ng hinala…

“Weh?” duda ko.

Kumunot naman ang kaniyang makinis na noo. “W-Why are you looking at me like that?” aniya, kumurap-kurap.

“O, iho,” singit ng matandang bading sa likod ng harang na salamin. “Pasalamat ka kay Romeo…”

Ano raw? Pasalamat? Kay Pio?

At ba’t ko naman gagawin ’yon?

“Ho?” saad ko.

“Libre na lang ’yan…” aniya.

“Ho?” muli kong sambit sa mas mataas na tono. “Libre?”

“Oo nga, pajulet-julet.” Tumingin ang matandang bading kay Pio at tila kinilig, sabay balik ng tingin sa ’kin at nagmukhang masungit. “Bukas ng umaga mismo, puwede mo nang makuha. Uunahin ko na ’yan.”

Napanganga ako at tumingala sa mukha ni Pio. “A-Anong—?”

“Sabi sa ’yo, ako na ang bahala.” Kumindat sa ’kin si Pio.

Ngayon ay sigurado na ako…

Mayroong nangyari sa loob ng shop.

Chapter 8

Ngayon ay magkahalo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil libre na lang ang pagpapasadya sa mga uniporme at agad ko ring makukuha. O dapat ba akong mandiri. Mandiri sa matandang bading. Mandiri kay Pio. Mandiri sa ’king sarili.

Sa matandang bading, dahil mukha siyang manyakis.

Kay Pio, dahil kung kani-kanino siya pumapatol—kahit sa isang matandang bading.

Sa ’king sarili, dahil hindi ko man lang naisip na baka ay isa lamang ako sa kanila —na baka ang tingin ni Pio sa ’kin ay isang parausan lamang.

Kaya niya ba ako hinalikan nang gabing iyon ?

Dahil lang ba ’yon sa tawag ng laman?

O may iba pang dahilan?

’Di bale. Hindi naman na mauulit ’yon.

Matapos kunin ang body measurements ko ng matandang bading ay umalis na kami ni Pio sa Tailor Swift shop—na hindi naman mura at hindi rin mabilis kung ang customer ay hindi kamukha ni Romeo. Iniwan ko na roon ang limang set ng unipormeng pinaglumaan ni Pio. Pina-note ko rin na ayusin ang mga zipper na nilaspag ni Pio. Sabi naman ng matanda ay huwag daw akong bida-bida dahil alam niya na kung anong gagawin kahit hindi ko na sabihin. Edi okay! Ang init ng ulo niya sa ’kin. Sa ’kin lang talaga!

Sinundan ako ni Pio sa paglalakad sa gilid ng highway. Wala yata siyang magawa sa buhay. Binilisan ko na lahat-lahat ang paglalakad ay naabutan niya pa rin ako dahil sa haba ng mga binti niya.

“Wala man lang bang ‘Thank you?’” ang sabi niya nang magkapantay na kami habang naglalakad.

“Thank you saan? Nag-enjoy ka rin naman.” Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad para maunahan siya.

At muli ay naabutan niya ako. “Nag-enjoy saan?”

Kunwari pa siya. ’Yong totoo, hindi man lang ba siya nandiri sa ginawa niya? Wala ba siyang standards? Bakit niya pinatos ’yong matandang ’yon?

“Wala.” Umiwas ako ng tingin, pinagmasdan ang mga kamoteng motorcycle riders na humaharurot sa may bike lane.

“Saan na tayo punta?” tanong niya.

Lumingon ako sa kaniya. “Tayo?” Kumunot ang aking noo. “Walang tayo.”

Tinusok niya naman ang tagiliran ko, kaya nakiliti ako nang bahagya. “Well, do you want us to be—?”

“Gago, hindi ’no!” saad ko naman, hinampas ang kamay niya. “Ibig kong sabihin, ako lang may lakad ngayon. Huwag mo nga akong susundan!”

“What if gusto kitang sundan?”

“Edi sisigaw ako.”

“Sisigaw ng?”

“Magnanakaw! Magnanakaw!” sigaw ko, itinuro si Pio. “Ninakaw ang wallet ko!”

Nagtinginan sa ’kin ang dalawang babaeng nakasalubong namin at tiningnan ako nang masama.

“May baliw…” sabi ng isang babae.

Sa ginawa ko ay ako pa tuloy ang napahiya. Sino ba naman kasing maniniwala na magnanakaw ang isang makisig at guwapong lalake na animo’y model ng Bench Body na naglalakad sa kalye.

Natawa naman si Pio sa ginawa ko. Inakbayan niya ako at sumigaw din ng, “Yes po, magnanakaw po ako! Ako po ang nagnakaw sa virginity niya!”

Biglang kinilig ang mga babae sa ginawa niya.

“Ang pogi…” dinig kong bulong ng isa sa kanila nang malampasan na namin sila.

“Gago ka?” Siniko ko siya sa may tagiliran. “At paano mo namang nasabing ikaw ang nakauna sa ’kin?”

“It’s easy,” aniya. “I have slept with different girls. Alam ko kung sino ang totoong virgin pagdating sa halik at kung sino ang nagvi-virgin-virgin-an.”

“Sus,” pabulong kong sabi, umiwas ng tingin. “Hindi lang kamo babae…”

“Ano ’yon?” sabi niya. “May sinasabi ka ba?”

Inirapan ko siya. “Wala.”

Dahil sa kadaldalan ni Pio ay hindi ko namalayang narating ko na pala ang sunod kong pupuntahan—ang barber shop. Na-mention kasi sa orientation namin na kailangan daw namin magpagupit nang manipis, kundi uukaan ng guard ang buhok namin sa may entrance ng school. Si Jonas nga advanced na agad ang gupit bago pa man ang Orientation Day. Bagay naman sa kaniya ang manipis na buhok eh. Bagay din kaya sa ’kin?

“Ah, magpapagupit ka pala.” Hinawakan ako sa ulo ni Pio gamit ang isa pa niyang kamay nang mahinto kami sa tapat ng barber shop.

“Justin Barber…” basa ko sa signage sa itaas ng shop.

Hay naku, singer na naman. Hindi na ako natawa. Ang sama kasi ng experience ko kanina sa Tailor Swift. Tapos ngayon naman, Justin Barber. Umay. Corny. Bad service.

“Ba’t dito?” tanong ni Pio na nakaakbay pa rin sa ’kin. “Panget dito, p’re, magkakaroon ka ng poknat.”

Mukhang tama nga siya. Kita ko kasi na parang napapadaing ’yong customer sa loob dahil parang kakayurin na ng barbero ang anit nito sa sobrang diin ng razor.

“Edi sa kabila…” Maglalakad na sana ako papunta sa isa pang barber shop sa kanan ngunit bigla niya akong hinila pakaliwa.

“Doon tayo…” saad niya. “Mas masaya ro’n.”

Sa sobrang bigat niya ay wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod kung saan man siya papunta.


Lintik na Pio. Sumakit ang paa ko dahil sa kaniya. Tumawid na naman kasi kami sa footbridge. Pagkatapos ay dinala niya ako sa isang salon sa tabi ng botika. R&R Salon ang ngalan. Sa wakas, mukhang mapagkakatiwalaan ang pangalan ng salon. Kaso, mukhang sosyalin din dahil gawa sa full glass panel ang harapan nito at sliding door naman ang nakakabit sa pintuan.

“Ano ’to?” Kumunot ang aking noo.

“Salon,” tipid na sagot ni Pio.

“Alam ko, salon,” sabi ko. “Pero bakit tayo nandito? Hindi naman ako babae.”

“Bakit, babae lang ba puwedeng magpa-salon?” banat niya naman.

“Eh ba’t nga dito? Meron namang mga salon do’n sa kabilang kanto kanina ah,” tugon ko. “’Tsaka, mukhang mamahalin dito. Ayoko rito.”

Aalis na sana ako pero binalik niya ako sa kaniyang tabi at h-in-eadlock pa nga sa kaniyang maskuladong braso. “Ako bahala sa ’yo…”

Ayan na naman siya. Kinakabahan ako sa kaniya. Baka mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya.

“Gagi…” Ibinaba ko ang kaniyang braso sa ’king leeg dahil bahagya akong nahirapang huminga. “Do’n na ako sa barber shop. Mukhang panget magpagupit dito.”

“No.” At ibinalik niya na naman ang kaniyang braso pataas sa ’king leeg. “I am your Master Senpai. Obey me.”

Hindi ko siya kinibo.

“Say, ‘Yes, Master.’” Hinawakan ng amoy sigarilyo niyang kamay ang aking baba at ginalaw pataas-baba. “Yes, Master,” aniya sa ipit at matinis na boses.

Pinalo ko ang kamay niya. “Basta, ikaw ang magbabayad.”

“Sure.” Isinilid niya ang kaniyang kaliwang kamay sa loob ng bulsa ng kaniyang shorts at tila may kinapa. “I still have a lot left.”

Pagpasok namin sa loob ng salon ay sumalubong sa ’min ang pinaghalong amoy ng lavender essential oil at hair care products. Sobrang liwanag sa loob akala mo kukunin ka na ni Lord. Ang dami kasing pendant lights na nakakabit sa ceiling na naglalabas ng puting liwanag. Bawat swivel chair ay may sariling ilaw—sa kasulukuyan ay mayroong anim na bakanteng upuan. Sa harap naman ng bawat upuan ay may naglalakihang salamin, na may maliliit na bumbilya sa kulay itim na frame ng mga ito. Malamig din sa loob dahil may aircon. Sa bandang dulo ay may makikitang cashier desk, kung saan may dalawang taong nag-uusap. Isang babae—mali, isang transgender na may suot na kulay pink na crop top, at isang machong lalake na halos kasingtangkad ni Pio. Narinig ko ang usapan nila sa may dulo…

“Oo, eh… Biglang nagkaroon ng problema… Kawawa naman si Mama sa probinsya kung ’di ko pauuwiin si Bayaw…”

“Nasabi mo na ba ’yan kay Mamang?”

“Hindi pa nga eh. Kanina lang din kasi sinabi ni Peter. Ikaw ba, hindi ka puwede?”

“Ay, Kuya Roman, hindi ako puwede eh. Alam mo naman, ’di ba? Magbabakasyon kami ng jowa ko next week.”

“Oo nga pala. Pero basta, kapag may kakilala ka, sabihan mo nalang ako. Malaki kamo ibabayad ko.”

“Oo naman, Kuya. Malakas ka sa ’kin eh.”

Biglang tumikhim si Pio kaya naistorbo ang usapan ng dalawang tao sa may dulo at napatingin ang mga ito sa direksyon namin. Sandali silang natigilan. At nang tila ay makilala nila ang katabi ko ay sabay silang ngumiti.

“Papa P!” ang sabi ng trans na may mahabang buhok.

“Pio!” bigkas naman ng machong lalake.

“Sweety! Coach!” Nagtaas ng kamay si Pio at ngumiti.

Mukhang kakilala ni Pio ’tong mga ’to ah. Kaya siguro dito niya ako dinala.

“Papa P!” Ora-oradang naglakad ang trans palapit sa ’min—palapit kay Pio—nang nakabukas ang dalawang braso. Umalog-alog ang harapang dibdib nito. Nang makalapit na ito sa ’min ay bumitaw na si Pio sa pagkakaakbay sa ’kin at mainit na tinanggap ang yakap ng tinawag niyang Sweety. Inipit ni Sweety ang kaniyang malaking joga sa ilalim ng nakatagong abs ni Pio. Tumingin naman sa ’kin si Pio, nagtaas ng kilay, at tipid na ngumiti.

“Bakit ngayon ka lang bumisita?” tanong ni Sweety sa boses na pinaghalong lalake at babae. Napatingala siya sa mukha ni Pio. “Miss na miss na kita.”

Huwag mo sabihing pati siya pinatos ni Pio? Hanep talaga, walang pinipili!

“Wala eh, na-busy sa training,” sagot ni Pio. “Palapit na kasi nang palapit ang game. Nuod ka ah.”

“Oo naman…” Kumawala na si Sweety kay Pio. Litaw na litaw ang cleavage niya mula sa kaniyang suot na crop top. Agaw-pansin naman ang mabalahibo niyang mga binti dahil sa kaniyang maikling maong shorts. “Ikaw pa ba.”

“Coach.” Nagtaas ng mukha si Pio sa kalalapit lang sa ’min na machong lalake.

“Pio.” Tumaas din ang mukha ng machong lalake bilang pagbati. “Conditioning tayo sa Wednesday.”

“Opo, Coach,” ani Pio.

Napakaguwapo ng lalake. Hula ko ay mga nasa bente-nwebe o trenta na ang edad nito at mukhang may anak na rin. Moreno ang kulay ng balat niya at mas malaki ang katawan kaysa kay Pio. Ngayong mas malapit na siya ay para akong nanliit bigla sa sarili ko. Sila ni Pio, parang silang dalawang posteng nakatayo sa sobrang tangkad. Mas matangkad nga lang nang kaunti si Pio. Pero mas malakas ang dating ng coach niya.

Nang mapansin ni Pio na tila napatulala ako sa coach niya ay muli niya akong inakbayan at itinabi sa kaniya.

“Sino ’yan?” tanong ng coach. “Girlfriend mo?”

Mukha ba akong babae?

“Schoolmate ko, Coach,” sagot ni Pio. “At kapitbahay.”

“Ah,” ang tanging sabi ng coach sa boses na mas malalim pa kay Pio. Tila sinuri ako ng mga mata niya. Maya-maya pa, sinabi niya sa ’kin, “Magaling ka ba?”

“Po?” Napanganga ako.

Magaling saan?

Tuloy ng coach, “Magaling ka bang su—?”

“Huwag ’to, Coach,” biglang singit ni Pio. Mas lalo niya akong inipit sa kaniyang tagiliran. “Akin ’to.”

Hindi ko na alam kung anong pinag-uusapan nila. Pero ’di ko nagustuhan ’yong sinabi ni Pio. Anong sa kaniya ako? Ano ako, bagay na pagmamay-ari niya?

“Biro lang…” Bahagyang natawa ang coach. Matapos ay tinapik niya ang balikat ni Pio. “Nga pala, una na ako. Bibili pa ako ng panggabihan namin nina Rojan.”

“Sige, Coach. Ingat,” ani Pio.

“Sweety, una na ’ko,” paalam din nito kay Sweety. Matapos ay tumingin siya sa ’kin at nagtaas ng mukha. “Boy.”

Yumuko ako. “Ingat po,” sabi ko kahit ’di ko naman siya kilala.

Bago umalis ay lumapit siya sa ’kin, hinawakan ang aking balikat, at may mahinang binulong sa ’king tenga. “Ingat ka rin diyan kay Pio. May dahilan kung ba’t ka niyan nilalapitan.” Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng salon.

Anong ibig niyang sabihin?

May dahilan kung ba’t ako nilalapitan ni Pio?

At ano naman kayang dahilan?

“Bye, Kuya Roman!” pahabol ni Sweety, may pa-flying kiss pa sa coach.

Nang makalabas ay kumaway si Coach Roman sa ’min bago tuluyang isara ang sliding door. Ngayon ay kaming tatlo na lang ang natira sa loob ng salon.

“Nga pala, anong sadya mo Papa P?” Tinusok ng mahaba at matulis na kuko ni Sweety ang kanang parte ng dibdib ni Pio. “Magpapagupit ka ba?”

“Ah, not me.” Tumingin si Pio sa ’kin. “Him.”

“Sino ba ’yan?” tanong ni Sweety. Inangat niya ang ibabaw na tela ng kaniyang crop top para matakpan ang kaniyang nakalitaw na cleavage. Ngayon ko lang napansin na may nginunguya pala siyang bubble gum sa kaniyang bibig. Pinalobo niya ito habang tinititigang mabuti ang aking mukha. Ang laki ng mga mata niyang may suot na itim na contact lenses, parang kita niya lahat ng blemishes ko sa mukha. Ang haba-haba pa ng mga pilikmata niya. Mga ilang saglit pa nang pumutok ang pinalobo niyang bubble gum at dumikit ito sa kaniyang matitingkad at mapupulang mga labi. “Ay shuta! Ngayon ko lang napansin!” bulalas niya. “M-May kamukha siya!”

“Sweety, huwag—” ani Pio. Mukhang gusto niya yatang pigilan sa pagsasalita si Sweety ngunit huli na ang lahat.

Mabilisang lumapit sa ’kin si Sweety. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at napabitaw naman si Pio sa pagkakaakbay sa ’kin. Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang mahahabang kuko sa ’king balat sa mukha. Ang naglalakihan naman niyang mga mata ay mas lalo pang lumaki. Sa pagkakataong ito ay muli niyang sinubo ang pumutok na bubble gum sa kaniyang bibig at mas minabuti ang pagsuri sa ’king mukha—lalong-lalo na sa ’king mga mata.

Nagulat man ako ay wala akong ibang nagawa kundi ang kumurap-kurap habang kaharap ang mukha niyang nababalot ng makapal na make-up. “A-Ano po ’yon?”

“Kamukha mo siya!” sambit niya.

“Sino po?” taka ko.

“Si Mona!”

Chapter 9

Alam ko ay hindi ito ang unang beses na narinig ko ang pangalang binanggit ni Sweety. Nabanggit na rin yata ’to ni Jonas no’ng Orientation Day. At meron pang isang beses na narinig ko ito… Pero ang labo… Ang labo na ng memorya ko… ’Di ko na maalala…

“Mona?” ulit ko. “S-Sino ho siya?”

“Oo!” sagot naman ni Sweety. “Siya ’yong-!”

“Sweety!” Biglang pumagitna sa ’min si Pio kaya natanggal ang pagkakahawak ni Sweety sa ’king mukha. “Ano… do’n tayo…” At hinila niya si Sweety palayo sa ’kin.

“P-Pero…” ani Sweety, nakaturo pa sa direksyon ko.

Habang hinihila ni Pio si Sweety ay lumingon siya sa ’kin at sinabing, “Upo ka muna diyan, p’re.”

Litong-lito na ako sa mga nangyayari. Sino nga ba si Mona? At anong kinalaman niya sa ’kin? Kay Pio?

Dahil kanina pa nananakit ang mga binti ko ay naisipan ko nang umupo sa gitnang swivel chair sa may kanan. Kunwari ay pinagmamasdan ko ang magulo kong buhok sa salamin, pero ang totoo ay sumisilip-silip ako kina Pio at Sweety sa may cashier desk, at pinakikinggan ang usapan nila sa abot ng aking makakaya.

“Huwag na, Sweety… ’Di niya naman kailangang malaman… ’Di na importante ’yon…”

“Loko ka talaga, Papa P…”

“Nga pala, tawag ka na ng maggugupit. Baka inip na inip na ’yong kasama ko…”

“Oo na, oo na…” Lumapit si Sweety sa nakasarang pinto sa dulo. Pagbukas niya rito ay biglang nagkaroon ng ingay-ingay na nanggaling sa loob ng tila isang kuwarto. Mukhang may extension room ang salon na ’to. Samot-saring ingay ang maririnig sa loob-pinaghalong ingay ng boses ng mga bading at ng tugtog na pang-party. Kaya pala walang tao pagpasok namin, karamihan pala sa kanila ay nasa loob ng kuwarto. Si Sweety lang ang tanging bantay sa cashier desk. Hindi ko alam kung ilang sangkabaklaan ang nasa loob dahil sa dami ng boses na naririnig ko, pero hula ko ay mga nasa anim. “Customer!” sigaw ni Sweety.

“O, customer daw!” sabi ng isang boses sa loob.

“Sino nang taya?” sabi naman ng isa pa.

“It’s your turn, Summer!” at isa pa.

“Ano ba ’yan, di pa nga ako tapos lumafang!” at sabi ng tila bading na tinawag nilang Summer.

“G mo na ’yan, tapos balik ka na lang ditey.”

“Go, Summer! Para sa ekonomiya! Pak, ganern!”

Lumabas na ng kuwarto ang baklang tinawag ng mga ito na Summer. “Asan ba?” tanong nito kay Sweety, napakamot sa mukha.

Itinuro ako ng mahabang nguso ni Sweety. “There oh.”

“Ay, lalake pala. Mabilis lang ’to,” ani Summer. Naglakad na ito papunta sa direksyon ko. Nakasuot ito ng kulay dilaw na T-shirt at pekpek shorts. Mahaba rin ang buhok nito tulad ng kay Sweety, pero ang kaniya ay naka-double ponytail samantalang nakalugay naman ang kay Sweety. Mas magaspang din ang tekstura ng mukha nito at maitim ang kulay ’di tulad ni Sweety na mukhang lumaklak ng Glutathione.

Habang nakaharang na naglalakad si Summer ay sinubukan ko pa ring silipin sina Pio sa may likuran nito.

“Sige na, Papa P, pasok ka na sa loob…”

“Okay na ’ko, Sweety. Katatapos ko lang kanina…”

“Minsan lang naman eh, ito naman…”

“Masakit na tiyan ko eh, ’di na yata kaya…”

“Sige na, Papa P, pagbigyan mo na kami…”

Mukhang napatingin si Pio sa direksyon ko, pero hindi ko nakitang mabuti dahil nakaharang ang payat na katawan ni Summer.

“Okay…” ito na lang ang tanging narinig ko mula kay Pio.

“Yas!” si Sweety.

Matapos ay pumasok na silang dalawa ni Sweety sa loob ng kuwarto. Bago magsara ang pinto ay may narinig akong mga hiyawan mula sa mga baklang nasa loob nito nang tila makita nila si Pio.

“’Tang ina…” pabulong kong mura, nakatingin nang masama sa pintong nakasara na ngayon.

Nanumbalik ang katahamikan. Habang ako naman ay nalulunod na sa pag-iisip.

Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nakikilala. Habang tumatagal ay mas lalong sumasama ang tingin ko sa kaniya. May sukdulan pa ba ’tong ginagawa niya ngayon?

“Hi!” bati sa ’kin ni Summer. Kung anong iginanda ng pangalan niya ay siya ring inilalim ng kaniyang boses.

Nabaling na ang atensyon ko sa kaniya. “H-Hello po.”

Nang makalapit na siya sa ’kin, sa may likuran ng swivel chair, ay kinuha niya ang nakasampay na kapa sa sandalan nito at isinuot sa ’king katawan hanggang leeg. “Ilang taon ka na?” tanong niya.

“Eight… Eighteen na po,” sabi ko, bahagyang kinabahan.

“May jowa ka na?” tanong niya.

Alam ko na kung sa’n papunta ’to.

“M-Meron na po,” sinungaling kong sagot.

“Okay.” Cl-in-ip niya na ang kapa sa ’king leeg.

Tiningnan ko siya mula sa salamin. “Puwede pong magtanong?”

“Ay, sorry,” mabilisan niyang tugon, “taken na ako eh.”

Assuming naman neto.

“Hindi po ’yon…” Napahawak ako sa ’king tuhod.

Napatakip naman siya sa bigbig at bahagyang natawa. “Ay, sorry… Ano ba ’yong tanong mo?”

Tanong ko, “Ano pong meron sa loob?”

Lumingon siya sa direksyon ng nakasarang pinto malapit sa may cashier desk, sabay balik ng tingin sa ’kin at ginalaw-galaw ang aking buhok. “Ah, may kasiyahan lang…”

“Kasiyahan?” Kumunot ang aking noo.

“Oo…” Kinuha niya na ang razor sa may patungan sa harapan ng salamin. Pagkatapos ay bumalik siya sa ’king likuran. “Meron ding kainan.”

“Kainan?”

“Oo. Gusto mo bang kumain?”

“Ah, hindi po.”

Gago talaga ’tong si Pio. Ba’t ba siya pumasok sa loob? ’Di ba katatapos niya lang kanina ro’n sa matanda? At saka ang dami nila ! Sa sobrang guwapo niya ay malamang pinagpipiyestahan na siya ngayon sa loob ng kuwarto! Dugo na ang lalabas sa kaniya! Kadiri! Nakakasuka!

“Ano ba gupit mo?”

“Ah, crew cut po.”

“Sige, be. Sa harap lang ang tingin para maayos ang gupit.”

Habang ginugupitan ako ni Summer ay may natanong ako sa kaniya.

“Ate, kilala n’yo po ba si Mona?”

“Ay hindi, be. Sorry, bago lang ako rito…”

“Ay, okay po.”

Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay natapos na rin sa paggugupit sa ’kin si Summer. Nagkalat ang mga ginupit kong buhok sa kulay puting tiles. At masasabi kong malinis talaga ang pagkakagupit niya sa ’kin. Walang poknat o kahit anong dungis. Nang tanggalin niya na ang kapang nakasuot sa ’king katawan ay sakto ring paglabas ni Pio mula sa mahiwagang kuwarto. Mukha itong pagod na pagod dahil hindi ito makatayo nang tuwid at tila nakahawak sa tiyan.

“P’re…” walang lakas nitong bati sa ’kin mula sa dulo.

“Salamat, Papa P, at pinagbigyan mo kami…” ani Sweety paglabas nito sa kuwarto kasunod ni Pio. Nagpunas ito ng bibig at sinipsip ang hinlalaking daliri. Matapos ay isinara na nito ang pinto mula sa labas.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya-sa kanila. Wala akong masabi. Pero ang mga mata ko na mismo ang nangungusap kay Pio, hinuhusgahan ang buo niyang pagkatao.

“Cute mo…” mahinang sambit ni Pio.

Inirapan ko siya. Pinagmasdan ko na lang ang aking mukha-ang aking ulo. Bagay naman pala ang manipis na buhok sa ’kin kahit papano. Pero ’tang ina pa rin talaga ni Pio.

“Sa cashier na lang ang bayad, be,” bilin sa ’kin ni Summer.

“Ay, Summer, bayad na ’yan,” singit naman ni Sweety. “Si Pio na ang nagbayad.”

Napakuyom ako ng kamao. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako pumunta rito.

Paglabas namin ng R&R Salon ay nakahawak pa rin si Gago sa kaniyang nananakit na tiyan at tila napapadaing.

“Ang sakit…” Mukha siyang natatae.

Napahalukipkip ako, tumingin sa harapan nang magkasalubong ang magkabilang kilay. “Karma mo na ’yan.”

Sa kasalukuyan ay naglalakad na kami sa kanto pabalik sa apartment building. Mga ilang segundo ko siyang hindi pinansin.

“W-Why are you so quiet?” taka niya.

“Wala,” tipid kong sagot.

“Why?” Tinangka niya akong akbayan.

“Kadiri ka…” At agad ko rin namang tinanggal ang braso niya mula sa ’king balikat. “Magpa-test ka nga! Baka mamaya may sakit ka na!”

“Hindi kita gets. Why should I get tested?” tanong niya. “I’m not sick. I’m perfectly active and healthy.”

“Ewan ko sa ’yo.”

“Are you mad? Why? Ayos naman gupit sa ’yo, ah. Mas lalo ka ngang naging cute.” Hinimas-himas niya ang aking ulo.

“Ba’t naman ako magagalit?” Kinalma ko na ang aking mukha.

Oo nga… Ba’t nga naman ako magagalit? Kung ano man ang mga kalokohang ginagawa niya, labas na ako ro’n. Hindi niya naman ako girlfriend para magselos. O nanay para mag-alala sa kalusugan niya.

“By the way, ano nga palang sinabi sa ’yo ni Coach Roman?” Bumaba na ang kamay niya mula sa ’king ulo papunta ulit sa balikat.

“Wala…” Ginalaw ko pataas ang aking balikat ngunit hindi pa rin natanggal ang pagkakahawak niya rito.

“Ano nga?” At ngayon ay tuluyan na siyang nakaakbay sa ’kin.

“Wala nga,” diin ko. Tumingin ako sa nahihirapan niyang mukha. “Eh si Sweety, ano sanang sasabihin niya?”

Kusang napatanggal ang kaniyang braso mula sa ’king balikat. “Wala…”

“Weh?” duda ko.

“Wala nga,” diin niya naman, ginaya ang aking boses.

“Sino si Mona?”

“Sinong Mona?”

“Si Mona!”

“Ah… si Bona! Si Bona ’yong baliw sa kanto ng J.A.M.A. na mahilig sa guwapo.”

“ Ha-ha-ha! Nakakatawa.“

“Why? Why do you want to know?”

“Ha? Siyempre… na-curious lang.”

Bigla siyang napahinto at napatitig sa kawalan. Ang kanina’y natatae niyang mukha ay biglang naging seryoso.

“Well, she is…” panimula niya.

Napahinto rin ako. Unti-unti ay napukaw niya ang atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero parang may nararamdaman akong lungkot habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha.

“She is a girl…” aniya sa seryosong tono.

Ano bang gusto kong marinig? Na mahalaga sa kaniya si Mona? Kung oo, bakit parang mas lalo akong malulungkot? Bakit parang mas gusto ko na lang na hindi malaman ang totoo? Bakit?

“She is a girl…” tuloy niya. “… who has two hands…” Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay. “… the left…” At itinaas niya rin ang kanan. “… and the right.” Sabay halakhak.

Putang ina. Invested na ’ko eh.

“Baliw!”

Hinampas ko siya sa tiyan kaya napahawak siya rito at napatigil sa paghalakhak. Nanumbalik ang natatae niyang mukha.

“Kung ayaw mong sabihin edi wag.” Bumalik ako sa paghalukipkip. “Wala akong pake. Hindi naman ako apektado.”

“Hindi ba talaga?” duda niya.

“Hindi!”


Dumating ang araw ng Lunes na parang kay bilis. Mabuti at kahapon ng umaga ay nakuha ko na ang mga pinasadyang uniporme mula ro’n sa Tailor Swift shop. Sulit naman din palang masungitan no’ng matandang bading dahil maganda ang pagkakagawa niya sa mga ito. Saktong-sakto lang din sa ’kin ang sukat-hindi manipis, hindi rin maluwag. Nalabhan ko na rin ang mga ito at pinatuyo sa sampayan sa tapat ng aking apartment.

Maaga akong nagising para bumili ng champoradong sobrang tamis sa isang karinderya sa Mabini Street. Pagkatapos kumain ay nanghiram ako ng plantsa kay Manang Lucy at inayos ang lahat ng gusot sa ’king summer white uniform-ang unipormeng dapat suot namin kapag Monday. Pinakintab ko na rin ang aking black shoes na gamit ko pa no’ng Senior High. Ayos na ang lahat. Ligo na lang ang kulang.

Naghuhad na ako ng damit at papasok na sana sa loob ng banyo, nang may biglang nagkakatok sa pinto ng aking apartment. “P’re! P’re! P’re!”

Si Pio na naman. Siya lang naman lagi.

“Ano?” pasigaw kong tanong.

“Buksan mo, dali!” aniya. Mas lalong bumilis at lumakas ang mga katok niya. Pansin ko ring parang napapahalinghing siya, akala mo’y nakakain ng sandamakmak na siling labuyo. “Ang hapdi!”

Mahapdi ang alin?

Kumaripas ako ng lakad papunta sa pintuan, nadamay sa pag-panic niya, at nakalimutang wala na nga pala akong suot na kahit anong damit.

“Ano na naman?” may halong inis kong sabi nang makalapit sa pintuan.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad ang hubo’t hubad ding katawan ni Pio. Nababalot pa ng bula ang basa niyang katawan. Ang kaniyang basang buhok ay nakataklob din sa kaniyang noo. At nakapikit ang mga mata niya nang mahigpit. Namumula ang ilalim ng mga ito.

“Walang tubig!” Kumapa-kapa siya sa ere. “Bakit walang tubig?”

Ay, shit. Shit. Shit! Nakalimutan ko nga palang sabihin sa kaniya ang bilin ni Manang Lucy na mawawalan ng tubig ngayong araw! Sabi na nga ba! Ugh!

“Bastos ka!” Napatakip ako sa mata gamit ang aking kaliwang palad. “Ba’t ka na naman nakahubad? Nasa labas ka kaya!”

“But I can’t see anything! Not even my shorts! I’m going blind!”

Ang O.A. amputa.

Umiwas na ako ng tingin. “Anong gusto mong gawin ko?”

“Let me in,” sabi niya.

Pagsilip ko ulit sa kaniya mula sa pagitan ng aking mga daliri ay nakapa niya na pala ang magkabilang gilid ng pintuan at ngayon ay bahagya na siyang nakapasok sa loob ng aking apartment. Nang makita ko ang nakalitaw niyang alaga ay muli akong napaiwas ng tingin at nagtakip ng mata.

“Gagi, maliligo na ako.” Napaatras ako, iwas na iwas na makapa ng mga kamay niya.

“Sabay na tayo,” alok niya. “Do you have water?”

“Ano?” bulalas ko. “Wala… Wala akong tubig!”

“Kakasabi mo lang na maliligo ka.”

“Oo, sinabi kong maliligo ako!” diin ko. “Ako, hindi ikaw! Sapat lang ’yong naipon kong tubig para sa ’kin. Sorry na lang.”

“Please, let me in. Sige na. My eyes are in pain. Napasukan kasi ng shampoo. Please, please, please,” sambit niya sa nakakaawang boses.

Sa huli ay nakumbinsi niya ako.

Sabi ko, “Oo na… Sige na… Basta isang tabo lang ha.”

“Isang tabo lang,” ulit niya naman sa sinabi ko.

“Hawak ka sa kamay ko,” alok ko habang nakatuon ang aking tingin sa kaliwa-sa direksyon papuntang banyo. Inunat ko ang aking braso at tinangkang iabot ang aking kanang palad sa kaniya.

“Where? I can’t see!” Tuloy pa rin siya sa pagdaing. “Aw-aw-aw!”

“Para kang aso! Ito oh!” Inunat ko pa ang aking braso papunta sa kaniya, hanggang sa mahawakan ko na ang isa sa mga daliri sa kaniyang kamay. “’Yan. Sunod ka lang.”

“Okay,” tipid niyang tugon. “Keep going.”

Ramdam kong parang nanahimik siya bigla. Kanina lang ay panay daing siya, tapos ngayon…

Parang may mali.

“Pio?” bigkas ko sa kaniyang pangalan habang ginagabayan ko siya papunta sa banyo.

“Yes?” tugon niya naman.

“Bakit parang lumalaki ang daliri mo?” tanong ko.

“What finger?” sagot niya.

“Ha?” Natigilan ako.

“Ha?” Natigilan din siya.

“Eh ano ’yong hawak ko?”

Chapter 10

Nag-loading saglit ang utak ko. Nang naramdaman kong mas lalo pang lumalaki at tila mas humahaba ang bagay na hawak ko ay saka lang nag-register ang lahat. Tinanggal ko na ang palad na nakatakip sa ’king mata at dahan-dahang lumingon patalikod, animo’y nasa horror movie.

Sabi niya nang nakapikit pa rin, “I-I think you’re holding my d—”

Huli na nang sabihin niya ito.

“Ba’t ngayon mo lang sinabi?” pasigaw kong sambit.

Para akong nasilaw sa kaniyang galit na galit na alaga. Agad ko itong binitiwan at saka humiyaw.

“Shet, shet, shet!” Kinuskos ko ang aking kamay na pinanghawak sa kaniya. “Ang bastos mo, ang bastos mo, ang bastos mo!”

“W-Why?” aniya. “I told you I can’t see.”

“Sinadya mo!”

“H-Hindi ah.”

Hindi raw pero parang nangingiti siya.

Nagkunwari ulit siyang napapadaing sa sakit. Hinawakan niya ang kaniyang nakapikit na mga mata. “My eyes… Aaron, I need water.”

“Wala!” Muli ay umiwas ako ng tingin. “Bastos ka eh!”

“Hindi ko nga sinadya,” diin niya. “Please, Aaron, mabubulag na ako. Hindi na kita makikita kahit kailan.”

Ang dramatic ampotek.

“T-Tumalikod ka…” utos ko. “Ayokong makita ang ano mo.”

“Ang ano ko?” Pumintig ang alaga niya. “Hindi ba nakita mo na ’to nang ilang beses?”

Suminghap ako. “K-Kahit na…”

“Sabi sa ’yo mahahawakan mo rin ’to eh.” Humagikgik siya.

“At tuwang-tuwa ka pa talaga!” Kinusot ko ang aking mga matang masyado nang maraming nakita. “Lumabas ka na nga!”

Tumigil na siya sa paghagikgik. “Sorry, sorry.” Nagtaas siya ng kamay, akala mo’y nahuli ng police. “Ito na nga, boss.” At tumalikod na siya. “N-Nakatalikod na ba ako?”

Ngayon ay ang matambok niya namang puwet ang siyang tumambad sa ’kin.

“’Y-Yan.” Umiwas pa rin ako ng tingin. “Ganiyan ka lang.”

“Okay.”

Tumalikod din ako sa kaniya at naglakad nang paatras. Nang masilip kong malapit na ako sa kaniya ay inunat ko patalikod ang magkabila kong braso. Pagkatapos ay inalok ko ang aking mga kamay.

“H-Hawak ka ulit,” utos ko. “Nasa likod mo ang kamay ko.”

“Where?”

Kakasabi ko lang na nasa likod.

“Nasa likod nga!” ulit ko.

“Oh, okay.”

Parang ang tagal niyang hanapin ang kamay ko. Magkalapit na nga kami lahat-lahat.

“Ano na?”

“I’m sorry… I’m trying.”

Maya-maya pa ay may bigla siyang nakapa.

“Is this it?” tanong niya.

“Hoy!” sigaw ko. “Puwet ko yan!”

“What?” aniya, at pinisil pa nga ang kaniyang hawak.

Agad kong kinuha ang kaniyang magkabilang kamay. At ngayon ay sigurado na akong mga kamay nga ang hawak ko dahil sa bilang ng mga daliri na naramdaman ko. “Sumunod ka na lang!”

Nagsimula na kaming maglakad—ako paabante; siya paatras.

“I didn’t know you were undressed,” sabi niya.

Hindi ko nga rin alam. Potek na ’yan.

“Manahimik ka na lang,” sabi ko.

Tuloy pa rin kami sa paglakad. Kaunti na lang ay maaabot na namin ang banyo.

“Hirap maglakad patalikod,” daing niya. “Puwede ba akong humarap sa ’yo habang nakatalikod ka sa ’kin? At least hindi mo makikita ang alaga ko.”

Wow, napakagandang offer. Putang ina.

“Hoy, alam ko ang binabalak mo.” Lumunok ako. “M-Magtiis ka kung gusto mo pang makakita.”

“Yes, boss. Sabi ko nga. Magtitiis hangga’t puwede na.”

Pinagsasabi neto.

Nang marating na namin ang tapat ng banyo ay humarap na ako sa nakatalikod niyang katawan—iniwasang hindi makita ang kaniyang puwet—at saka maingat siyang hinawakan sa magkabilang tagiliran.

“Kilos,” utos ko.

“Yes, boss.”

Ginabayan ko ang kaniyang katawan. Para siyang naglalaro ng pukpok palayok. At nang matapat na ito sa premyo—ang banyo—ay saka ko siya binitiwan.

“Lakad ka na paharap. ’Yan na ’yong banyo.”

“Salamat boss.”

Kumakapa-kapa siya sa ere hanggang sa mahawakan niya na ang magkabilang gilid ng nakabukas na pintuan ng banyo. Bago siya pumasok ay may tinanong muna siya.

“Hindi ka ba sasabay?”

“Hindi! Kaya bilisan mo na! Male-late na ako!”

“Yes, boss.”

Nang makapasok na siya sa loob ay agad kong isinara ang pinto ng banyo. Saka ako nagbantay sa labas. Nang mapagtanto kong makakakita na nga pala siya kapag nagbanlaw siya ay agad kong kinuha ang pinaghubaran kong brief sa gilid ng banyo at sinuot ito.

“Where’s my water?” tanong niya sa loob.

“Nandiyan lang ’yan!” sagot ko. “Yumuko ka kasi, ang tangkad-tangkad mo eh!”

“Ah, okay na.”

Baliw.

Mga ilang saglit pa nang makarinig ako ng pagbuhos ng tubig…

Unang buhos…

Pangalawang buhos…

Pangatlong buhos!

“Hoy, gago ka! Sabi ko isang tabo lang!”

Kinakabahan ako. Baka mamaya ay wala nang matira sa ’kin.

“Ay, sorry, sorry!” sabi niya sa loob. “Nakalimutan ko.”

“Lumabas ka na!” Marahas kong kinatok ang nakasarang pinto ng banyo. “Labas!”

Maya-maya ay binuksan niya na ito. At muli ay tumambad ang hubo’t hubad niyang katawan sa ’kin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

“Ooh, you’re so sexy.” Pagsilip ko sa kaniya ay nakita kong pinagmamasdan niya na pala ang aking katawan.

Agad akong napatakip sa magkabilang utong. “Hoy, Manyak Senpai, lumabas ka na diyan! Maliligo na ’ko!”

“But I’m not done yet,” sabi niya. “Malagkit pa rin ang katawan ko.”

“Kasalanan ko?” ang sabi ko naman.

Bigla niya akong hinawakan sa isang brasong nakatakip sa ’king dibdib. “Well, sabay na tayo.” Sabay hila sa ’kin papasok sa loob ng banyo at nagsara ng pinto.

Sa loob ay kasalukuyan kaming nakatayo nang harapan. Nilibot-libot ko ang aking paningin. Nagsimula nang bumilis ang tibok ng aking puso. At habang tumatagal ay parang mas lalo akong nahihirapang huminga. Sa kwadradong espasyong ito ay para akong nakakulong kasama siya. Okay lang sana, pero pareho kaming nakahubad. Well, may takip ’yong akin. ’Yong kaniya naman ay wala. Kahit ilang beses ko na itong nakita ay hindi pa rin talaga ako masanay. Ayokong masanay.

Nang mapansin ko ang baldeng may kalahati na lang na lamang tubig ay saka ko siya nagawang tingalain at tingnan nang masama sa mata. “Shit, bakit mo inubos?”

Hinawakan niya ako sa utong, ngumiti, sabay sabi ng, “Meron pa nga, masyado ka…”

Agad kong hinampas ang kaniyang kamay. “H-Hoy, no touch!”

“I’m sorry… I can’t resist it.” Umalik-ik siya. “But okay, no touch.”

“M-Maliligo na ako,” paalam ko.

“Sure. Pagtapos mong mag-shampoo at magsabon, sabay na tayong magbanlaw.”

Yumuko ako at hinawakan ang tabo sa loob ng balde. “Diyan ka lang ah, huwag kang gagalaw.”

Nang makakuha na ako ng kalahating tabo ng tubig ay itinuwid ko ang aking katawan saka nagbuhos. Binasa ko ang aking ulo na may manipis na buhok at dinamay na rin ang katawan habang nakabantay lang ang tingin sa mga mata niyang nakasunod sa lahat ng aking ginagawa. Nakangiti lang ang loko. Anong ikinatutuwa niya?

“Paabot ng shampoo,” may inis kong utos. “Diyan sa likod mo.”

At sinunod niya naman ako. Kinuha niya ang pakete ng shampoo mula sa rack at tila binasa ang harapan nito. “Palmolive…” Tumingin siya sa ’kin at mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti. “Ikaw ah, pambabae pala gusto mo.”

“Tangeks! Malamang, dry kasi buhok ko!” buwelta ko naman. Hinablot ko ang shampoo mula sa kaniyang kamay. “Akin na nga ’yan!”

Matapos mag-shampoo ay pinabalik ko na sa kaniya ang pakete nito at sunod na pinakuha ang sabon.

“Kojic ba ’to?” usyoso niya. “Bakit ka nagko-kojic?”

At hinablot ko ito sa kaniyang kamay. “Bakit? Babae lang ba puwedeng mag-kojic?”

Nagsimula na akong magsabon. Pinabula ko muna ang kojic at saka pinahid-pahid sa ’king katawan ang bula.

“Hindi mo naman kailangang pumuti eh,” sabi niya sa seryosong boses. “Cute ka na ngayon pa lang.”

Inirapan ko siya. “Nasasabi mo lang ’yan kasi maputi ka…” pabulong kong sambit.

Sa minalas-malas, habang sinasabon ko ang aking likod, ay biglang dumulas ang sabon sa ’king kamay at nahulog. Sandali akong natigilan.

“O, nahulog ’yong sabon mo.” Napansin din pala ito ni Pio. “Kunin mo na.”

Kunwari ay tumuloy ako sa paghaplos sa katawan. “Hindi na, kalahati lang naman ’yan.” Pero ang totoo niyan ay nanghihinayang ako sa nalaglag na sabon.

Bahagya siyang tumawa. “Kunin mo na.”

“Ayoko.” Sayang talaga ’yong sabon.

“Bilis na. Wala naman akong gagawing masama.” Pero sinasabi ng mukha niya na meron.

“Okay lang.” Hindi okay. Sayang talaga!

“Dali na.”

“Kung may pinaplano ka… ako na nagsasabi sa ’yo…” Sa huli ay nanaig ang panghihinayang ko. “Diyan ka lang.” Tumalikod na ako sa kaniya at tumuwad para kunin ang nalaglag na sabon.

Plano ko sanang mabilisang kunin ang sabon. Pero ’yong lintik na sabon, parang may sariling buhay! Sa bawat tangka ko kasing abutin ito ay parang mas lalo ako nitong nilalayuan. Mas minabuti ko pa ang pagtuwad sa puntong ito. At nang makuha ko na ito…

“McMiller tumira ng tres!” Naramdaman kong may biglang mabilisang dumampi sa hiwa ng aking puwet. “Shoot!”

’Tang ina!

Agad akong napaluhod kaya hindi niya ako tuluyang napasok. Mabuti na lang talaga at may suot din akong brief kaya mayroon akong ekstrang proteksyon. Ulo pa nga lang ng alaga niya ang nakaabot sa entrance pero nakaramdam na ako ng kaunting sakit dahil sa laki nito.

“G-Gago ka, Pio!”

Humarap ako sa kaniya nang nakaluhod pa rin sa basang sahig—bagay na hindi ko dapat ginawa. Nakatutok tuloy ngayon ang tigas na tigas niyang alaga sa ’king bibig. Pareho kaming natigilan. Ako—dahil hindi ko in-expect na makakaharap ko ito nang malapitan. Siya—dahil ’di niya rin yata in-expect na mauuwi sa ganito ang kaniyang walang kuwentang prank.

“Ga—!” Nasamid ako sa sariling laway.

Wala na. Nablanko na ang utak ko. Oo, hindi ito ang unang beses na nakita ko ito . Pero ngayon ko lang ito nakaharap nang ganito kalapit! Kaunti na lang ay dadampi na ito sa ’king bibig. Kaunti na lang! Mabalahibo ang pinagtubuan. Maugat at makinis ang katawan. Mamula-mula ang ulo.

Teka, bakit ako napapa-describe? ’Ta-ta-ta-tang ina!

“Isubo na ’yan… Isubo na ’yan… Isubo na ’yan…” Nag-cheer pa nga si Gago.

Hindi ko maintindihan ang aking katawan. Ramdam kong tila uminit ang aking pisngi. At mas lalong humirap ang aking paghinga. Parang may demonyong nag-uudyok sa ’kin na sunggaban ko ito . Pero ayaw rin namang magpatalo ng aking anghel.

Please, angel, lumaban ka.

“Isubo na ’yan…” tuloy pa rin siya sa pag-cheer. Sa puntong ito ay may paggalaw pa siya ng kamay na akala mo’y nakikibaka.

Mukhang lumalaban pa naman ang angel ko. Bigla kasing sumagi sa isip ko ang mga nangyari no’ng Sabado. ’Yong matanda sa tailoring shop… Si Sweety at ’yong mga bading sa R&R Salon… At ’yong alaga ni Pio… ’Yong alaga niyang kung kani-kaninong butas o bibig na pumasok… ’Yong alaga niyang walang pinipiling tao… Kung susunod ako sa tawag ng laman, mawawalan na ’ko ng respeto sa ’king sarili. At mawawalan na rin siya ng respeto sa ’kin. Hindi ako tulad nila . Hindi ako parausan lamang.

Tinampal ko ang matigas niyang alaga. “Gago!” tuloy ko sa naudlot kong mura.

Agad siyang napahawak at napatakip sa sumakit niyang alaga. Napatalon pa nga. Malamang, nilakasan ko kasi ang tampal—’yong pang-Maricel Soriano level.

“Ang sakit!” daing niya, napapahiyaw sa sakit.

Tumayo na ako. “Bastos ka kasi!”

Para matapos na sa pagligo at makaalis sa nakakakabang sitwasyon ay agad akong kumuha ng isang tabo ng tubig at binuhos ito sa ’king katawan nang mabilisan.

“’Ey, wait!” sabi niya nang maka-recover. “Tir’han mo ’ko!”

Hinawakan niya ang tabong hawak-hawak ko rin. Lumaban naman ako. “Ayoko! Manigas ka!”

“Matigas na,” banat niya naman. Ngayon ay nakuha niya na ang tabo—mas malakas kasi siya sa ’kin. “Halika nga rito.” Hinawakan niya ako sa tagiliran at inilapit sa kaniya. Tumusok ang kaniyang alaga sa ’king pusod.

“Hoy!”

“Wala akong gagawin,” aniya. “Just bear with it. Please. Kakalma rin naman ’yan.”

Wala akong nasabi. Hinabol ko na lang ang aking hininga.

Yumuko siya at kumuha ng isang tabo ng tubig sa balde. Ramdam kong unti-unti na ngang kumakalma ang kaniyang alaga, tulad nga ng sabi niya. Nang hindi na ito galit ay mas inilapit pa niya ako sa kaniyang maskuladong katawan. Nagdarampi na ang aming mga balat ngayon. Ang napulot ko na sanang sabon ay muling nalaglag mula sa ’king kamay.

Humarap siya sa ’kin. Saka nagbuhos ng tubig. Mula sa kaniyang basang buhok ay dumaloy ang tubig papunta sa ’king ulo, pababa sa ’ming katawan—sa pagitan ng aming magkadikit na mga balat. Wala akong ibang naririnig kundi ang pintig ng aking puso at ang lagaslas ng tubig. Lumunok na lang ako at umiwas ng tingin.

Hindi ko maintindihan…

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko…

Naguguluhan ako…

Pagkatapos ng lahat ay bumalik na si Pio sa kaniyang apartment at nagpasalamat sa ’kin. Walang nangyari sa ’min. Hindi ko hinayaang may mangyari sa ’min.


Sa may tricycle-an ay nadatnan ako ni Pio na nakatayo sa isang mahabang pila. Hindi ko naman kasi in-expect na ganito pala karami ang pasahero ngayong balik-eskwela na rin ang mga third at fourth year students sa J.A.M.A.. Mayroon ding mga estudyanteng galing sa ibang school na dumagdag pa sa mahabang pila. Dahil sa takot na ma-late ay napilitan na lang akong maki-angkas sa motor ni Pio.

Hindi tulad no’ng Biyernes, ang daming tao sa labas pagdating namin ni Pio ng J.A.M.A.. Makikita ang mga estudyanteng may suot na summer white uniform at pershing cap sa ulo—mga kumuha ng maritime courses tulad ko at ni Pio. Mayroon ding mga nakasuot ng kulay kremang uniform shirt at kulay navy blue na pants at neck tie—mga kumuha ng Tourism. At mayroon pang iba na hindi ko na pansin dahil naghalo-halo na sila sa ’king paningin. Iisa lang din naman ang patutunguhan nila—’yong makipot na entrance sa kanan. May dalawang linya para sa lalake at babae. Kita kong umaabot ang linya hanggang sa gilid ng kalsada kaya napapa-adjust na lang ang mga nagdaraang sasakyan. Bawat estudyante ay iniinspeksyon ang bag, at hinahanapan ng admission form ’yong mga wala pang I.D. tulad ko. Kita ko nga ring mayroong mga lalakeng estudyante na pinapatabi sa gilid sa loob—’yong mga may mahahabang buhok. Malamang ay uukaan sila ng buhok mamaya. Mabuti na lang at nakapagpagupit na ako.

Dahil may dalang motor ay sa kaliwang entrance kami tumungo ni Pio, kung saan mayroong nakabukas na malaking sky blue na gate. Sa kaliwang gilid nito ay mayroong guwardiyang nakabantay. May nauna pa sa ’ming sasakyan—isang kulay itim na kotse na may dikit na puting ship steering wheel sticker sa likurang parte. Kita kong mayroon itong dalawang taong sakay—isang lalake sa driver’s seat at isang babae naman sa back seat.

“Captain, gandang umaga.” Yumuko ang guwardiya at sumaludo sa lalakeng nasa loob ng kotse.

Kita ko namang bumukas ang bintana ng kotse sa may parteng harapan at sumaludo pabalik ang lalakeng driver sa guwardiya. Napansin kong tila napaiwas ng tingin si Pio. At nang muling magsara ang bintana ng kotse ay saka lang niya naibalik ang kaniyang tingin sa harapan. Umabante na ang kotse papasok sa loob.

Kami naman ang sunod na pumasok sa entrance.

“Bay, morning.” Tumaas ang mukha ni Pio sa guwardiya bilang pagbati. Sandali kaming nahinto.

“Idol.” Tumaas din ang mukha ng guwardiya bilang pagbati kay Pio. “Siya ulit?”

Ako yata ang tinutukoy ng guwardiya. No’ng Biyernes kasi ay nakita niya rin akong nakaangkas sa motor ni Pio.

“Oo, Bay,” sabi ni Pio.

“Eh si Ganda?” anang guwardiya. “Mukhang ’di na ikaw ang naghahatid ah.”

“Wala eh,” ani Pio.

“Patay tayo diyan.” Tipid na tumawa ang guwardiya.

“Sige, Bay. Una na kami.”

“Ge, idol.”

Pagpasok namin sa loob ay hininto ako ni Pio sa tapat ng covered walkway sa gitna, bagay na katakataka dahil hindi pa naman talaga ito ang dapat naming babaan—ito ang alam ko. Dapat talaga ay sumunod kami sa kotseng nauna sa ’min kanina papunta sa kaliwa, dahil meron din doong parking area para sa mga kotse at motor. At isa pa, para kaunting lakad na lang ang gawin namin para makapunta sa Main Building A, kung saan matatagpuan ang classroom naming mga maritime students.

“Dito na lang?” tanong ko.

“Oo,” sagot niya, parang nagmamadali.

“Bakit hindi ro’n?” Tinuro ng mukha ko ang pinuntahan ng itim na kotse kanina.

“Eh kasi… May… Pupunta pa ako sa locker room…” rason niya. “Doon na lang ako magpa-park sa gilid ng covered gym.”

Feeling ko talaga may iniiwasan siya.

“Sige.” Bumaba na ako ng motor. “Salamat nga pala.”

Dahil nadala na ako ay hindi ko na nakalimutang hubarin ngayon ang kulay pink at mabangong helmet. Ibinigay ko na ito sa kaniya.

“Anytime.” Ngumiti siya sa ’kin. Pansin kong tila tumagos ang kaniyang tingin sa direksyon ng kotseng nakarating na sa dulo ng parking area ngayon. Sabay balik ng tingin sa ’kin at kinuha na ang helmet. “See you later.”

Nag-drive na siya papunta sa mabatong daan sa kanan, kung saan matatagpuan ang covered gym.

Nilakad ko ang mahabang covered walkway sa gitna. Kulay navy blue ang bubong ng walkway. Sa magkabilang gilid nito ay mayroong mga nakatanim na box hedge plants na umaabot hanggang dulo. Medyo nakakapanibago. Hindi tulad sa dati kong school sa probinsya ay wala akong mamukhaan sa mga estudyante at professor na nakakasabayan ko. Sa una lang siguro ’to.

Sa hinaba-haba ng walkway ay narating ko na rin ang Main Building A sa wakas. Binagtas ko ang isang mahabang corridor at nadaanan ang ilang classroom. Para hindi mailang sa tingin ng mga estudyanteng nasa loob ng bawat classroom ay sa kanan na lang ako tumingin, kung saan abot-tanaw ang mga benches at covered gym. Bagaman ay nakaharang ang madahon na mga puno ng mangga ay nakita ko si Pio sa dulo—sa gilid ng covered gym—na mukhang kabababa lang ng motor. Naghubad ito ng helmet.

Bigla namang nilapitan si Pio ni Ms. Jennylyn—kilala rin bilang Ms. Hen Lin—na siyang naging facilitator namin no’ng Orientation Day. Parang may pinag-uusapan ang mga ito. Kung naririnig ko lang sana… Kaso ang layo nila sa ’kin. Parang kilig na kilig si Ms. Hen Lin—este, Ms. Jennylyn—habang kinakausap si Pio. Si Pio naman ay napapakamot sa ulo. Akala mo naman talaga. Maya-maya pa ay biglang hinila ni Ms. Hen Lin si Pio papunta sa likod ng covered gym, kung saan mayroon ding mga C.R.. Ang alam ko’y ang mga C.R. doon ang pinakamalimit na puntahang C.R. ng mga estudyante dahil nga tago. Kadalasan ay mga varsity player lang ang gumagamit doon o ’yong mga nahihiyang tumae sa C.R. na may mas maraming tao. Lumingon-lingon pa si Pio pabalik habang hinihila, mukhang kinakabahan na baka ay makakita sa kanila. Mukhang alam ko na kung anong sunod na mangyayari sa kanila.

Ngayon ay tuluyan na akong nawalan ng respeto sa kaniya.

’Yon ba ang dahilan kung bakit sa gilid ng covered gym niya napiling mag-park? Wala ba ’yong kinalaman sa nauna sa ’ming itim na kotse kanina? Nakakapanlumo.

Ito na yata ang sukdulan ng mga ginagawa niya. Sinong mag-aakala na papatol siya maging sa isang guro? Wala na akong masabi. Nakakadismaya. Hindi na ulit ako makiki-angkas sa kaniya. At puputulin ko na ang ugnayan naming dalawa.

Ibinaling ko na ang aking tingin sa harapan at tumuloy lang sa paglalakad. Kahit lumilipad ang aking isip ay meron akong napansing tila kakaiba sa ’king paligid. Ang mga taong nasa harapan ko ay tila kakaiba ang kinikilos. Napapahinto sila sa paglalakad. At halos lahat sila ay napapatingin sa akin. Nagbubulungan.

Anong meron?

Kinapa-kapa ko ang aking ulo at sigurado naman akong wala na akong suot na helmet ngayon, ’di tulad no’ng Biyernes. O baka kaya sila napapatingin dahil naalala nila ako—’yong lalakeng tinawag na Power Ranger ni Ms. Hen Lin? Hindi pa ba nila nakalimutan ’yon? Nakakahiya.

Nang tumagal-tagal ay saka ko lang din napansin. Tumatagos pala ang tingin nila sa ’kin, napupunta sa ’king likuran. Paglingon ko sa ’king likuran ay tumambad sa ’kin ang estudyanteng siya palang puno’t dulo ng lahat, hindi ako. At tila bumagal ang takbo ng oras sa pagdating nito…

Isang babaeng nakasuot ng unipormeng pang-Tourism. Morena. Maganda ang pangangatawan. Mahaba at tuwid na tuwid ang buhok na umaabot ang haba hanggang dibdib. May katamtamang kapal ang kilay. May katangusan ang ilong. At ang mga labi nito ay kulay rosas. Pero kung mayroon mang pinakamagandang parte ng kaniyang mukha, ito ay walang iba kundi ang kaniyang mga mata. Mga matang mas lalong pinatitingkad ng kaniyang makakapal na pilikmata. Mga matang may pagkasingkit. Mga matang tila nang-aakit.

Lahat ay walang ligtas sa taglay nitong kagandahan. Maging ako. Ang mga kalalakihan ay nahuhumaling. Ang mga kababaihan ay tila naiinggit. Animo’y dumaan ang isang anghel na nahulog mula sa langit.

Lahat sila ay isang pangalan lang ang bukambibig…

Mona.

Chapter 11

Kusang nahati sa gitna ang mga nagkumpulang tao sa corridor, animo’y may napadaang reyna. Maging ako ay napatabi at walang ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang taglay nitong kagandahan. Hindi nga nagsisinungaling ang kuya ni Jonas. Walang-wala nga ’yong mga babae rito sa taglay nitong kagandahan… sa taglay na kagandahan ni Mona.

Ngayong nakita ko na siya ay nanumbalik sa ’kin ang mga sinabi na Sweety sa salon—na kamukha ko siya. Paano ko naging kamukha ang isang babaeng ubod ng ganda? Hindi ako makapaniwala.

Nang mapadaan si Mona sa ’kin ay binigyan niya ako ng isang sulyap. At nagtama ang aming mga mata. Mayroon akong nadamang hindi ko maipaliwanag. Pagkabighani. O inggit. Hindi ko na alam. At nang malampasan niya na ako ay saka bumalik ang oras sa normal nitong takbo. Naiwan akong nakatulala sa kaniyang likuran. At naiwan din naman ang kaniyang halimuyak—ang parehong amoy ng pink na helmet na kanina lang ay suot ko pa.

May kutob ako. Sa kaniya. Sa ’kin. At kay Pio.

Pakiramdam ko ay lahat konektado. At pakiramdam ko ay malapit ko nang malaman ang totoo.

Tumuloy ang daloy ng mga nagkumpulang tao sa corridor ngayong nakalayo na si Mona. Dinig ko pa ang mga bulung-bulungan nila…

“Ang ganda, p’re. Shet.”

“Gagi, baka marinig ka ni Captain.”

“Anong name no’n sa Facebook?”

“Mona Ramirez yata.”

Tumuloy na rin ako sa paglalakad. Mas lalong nalunod sa pag-iisip.

“Aaron!” dinig kong bigkas ng isang lalake mula sa ’king likuran sa ’king pangalan.

Usapang anghel, paglingon ko sa ’king likuran, ay tumambad ang guwapong mukha ni Jonas. Nang makalapit siya sa akin ay inakbayan niya ako sa balikat. Mas matangkad lang siya nang kaunti sa ’kin. 5’6“ ’ata height niya. Hindi niya naman kailangang maging sobrang tangkad tulad ni Pio para mas maging attractive, dahil ngayon pa lang ay kita kong pinagtitinginan na siya ng mga babaeng kasabayan namin sa corridor.

“’Oy, Jonas,” may hiya kong banggit sa kaniyang pangalan. Tipid akong ngumiti.

“Kita mo ba ’yon? Si Mona?” may pagkatuwa niyang sabi.

“Oo,” sagot ko.

“Ang ganda!” Labas-ngipin siyang ngumiti. Lumitaw ang dimples sa kaniyang mga pisngi. “Kaya naman pala crush na crush ni Kuya Jason!”

Tumawa ako nang pilit. “Oo nga, eh. Ang ganda.”

“Hawakan mo dibdib ko,” mungkahi niya.

At hinawakan ko nga ang dibdib niyang may katamtamang laki.

“Nahulog na yata ako sa kaniya,” pabiro niyang sabi. Idiniin niya pa ang aking kamay sa kaniyang dibdib. At naramdaman ko ang tibok ng puso niya. Malumanay at kalmado, tulad ng kaniyang pagkatao.

Nahawa ako sa maganda niyang ngiti. “Lahat naman ’ata eh.”

Inalis niya na ang kaniyang pagkakahawak sa ’king kamay kaya tinanggal ko na rin ang akin sa kaniyang dibdib.

“Pero, ’tol, parang may napansin ako…” Tumingin siya sa ’kin. Sa ’king mga mata. “Parang magkamukha kayo.”

“’Oy, hindi ah,” tanggi ko, nahiyang tumingin sa kaniya. “Ang panget-panget ko eh, ang ganda-ganda no’n”

“Ha?” taka niya. “Sinong may sabing panget ka?”

“Ako,” sabi ko. “Wala ngang nagkakagusto sa ’kin.”

“Akala mo lang ’yon…”

Narating na namin ang classroom sa dulo ng Main Building A.

Alinsunod sa admission form ay sa Room A-110 (first floor) kami pumasok ni Jonas. Pastel blue ang kulay ng loob ng classroom. Sa harapan ay mayroong magkahating blackboard at whiteboard. Sa gitnang harapan naman matatagpuan ang matangkad at kulay sky blue na teacher desk. Sa kabuuan ay mayroong mahigit apatnapung silya na dark brown ang kulay sa loob ng classroom. Bente sa kanan—apat na column at limang row; at bente sa kaliwa sa parehong bilang ng row at column. Sa kaliwang gilid ng classroom ay mayroong dalawang sliding windows at dalawang pintuan sa magkabilang gilid. Sa kanan naman ng classroom ay maroon ding dalawang sliding windows kung saan tanaw lang ang parking area sa labas.

Pumuwesto ako sa pinakadulong upuan sa may first row sa kanang bahagi ng classroom. Tinabihan naman ako ni Jonas. Dahil walang sabitan sa unahan ay isiniksik ko na lang ang aking bag sa ’king likuran. Ginaya rin ako ni Jonas.

Nag-usap kami ni Jonas tungkol sa iba’t ibang bagay. Nagpakilalahan. Nalaman kong varsity player din pala ang kuya niyang si Jason at ka-team pala ito ni Pio sa basketball. At kapag varsity player daw ay may libreng scholarship mula sa school. Salat din pala sila sa buhay tulad ko. Dahil hindi raw marunong mag-basketball si Jonas at hindi rin magaling sa ibang sports ay nag-apply na lang ito bilang wedding staff para may pantustos sa sariling pag-aaral. Sila ’yong mga nag-aayos ng design sa wedding venue o ’di naman kaya ay nagse-serve bilang waiter—paiba-iba ang tungkulin depende kung ano ang ma-assign sa ’yo. Nagtanong din ako sa kaniya kung puwede niya akong ireto sa trabaho niya. Gusto ko rin kasi sanang magkaroon ng source of income, para naman kahit papaano ay may pandagdag-baon at dagdag-pambayad sa renta ko sa apartment. Siyempre hindi ko sasabihin kay Mama. Sige raw, sabi ni Jonas. Sasabihan niya na lang daw ako.

Napakagaan niyang kausap. Gusto ko pa siyang mas makilala.


Walang masyadong nangyari sa apat na oras na nasa loob kami ng classroom. Inayos lang ang aming seating arrangement. Magkatabi pa rin naman kami ni Jonas sa parehong upuan na pinuwestuhan namin pagpasok sa loob, dahil parehong A ang aming apelyido. Sa second subject namin ay pinayuhan kami ng professor namin na magpakuha na ng litrato para sa I.D.. Nagpakilala rin kami sa isa’t isa—sa mga estudyante at professors namin sa bawat subject. At kapag dumarating na sa punto na ako na ’yong nagpapakilala ay palaging napapatanong ang mga professors ng…

“Kaano-ano mo si Captain Ramirez?”

Palagi ko ring itinatanggi na wala akong kinalaman dito. Hindi ko kilala ang tinutukoy nila.

Pagpatak ng alas dose, tumunog na ang school bell—hudyat ng lunch time—na siyang labis kong ikinatuwa. Kanina pa kasi sumasakit ang aking tiyan. Napasama yata ako sa kinain kong champoradong sobrang tamis kaninang umaga. Expired na yata ’yong hinalong gatas no’ng tindera. Agad akong napatayo pag-alis ng professor namin sa ikaapat na subject.

“O, ’tol, sa’n ka?” tanong ni Jonas nang makita niya akong tila namimilipit sa sakit habang nakahawak sa tiyan.

“C.R. lang,” sagot ko naman. “Number two.”

“Ah.” Ngumiti lang siya. “Sige, sa canteen lang ako.”

“Sunod na lang ako.” Kumaripas na ako ng takbo palabas ng classroom.

Pagdating sa corridor ay umasta akong walang iniinda. Pero medyo mabilis pa rin ang tempo ng aking lakad. Alam ko na kung saan ako pupunta. Doon ako magna-number two sa C.R. sa likod ng covered gym para walang masyadong tao.

Matapos ang mahigit dalawang minuto ay natunton ko na rin ang pinakalikod ng covered gym. Papasok na sana ako sa C.R. dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang pururot ko, pero may narinig akong usapan sa kaliwang kanto ng gym.

“Mona, I’m so sorry…” isang pamilyar na boses. “I really am. Can you come back to me, please? Can you be my girlfriend again?”

“Pio, anong ginagawa mo rito?” malambot na tinig ng isang babae. “What if Dad sees us?”

Tila napaurong ang aking pururot sa hindi maipaliwanag. Kumalma rin ang nangangasim kong mukha, nabalot ng kuryosidad. Hindi ko tinuloy ang pagpasok sa C.R. at naglakad ako papunta sa kanto, sa kaliwang gilid ng gym. Pagsilip ko sa kanto ng pader ay nakita ko si Pio. At si Mona. Magkaharap silang dalawa.

“I know I did bad things,” ani Pio. Hinawakan nito ang mga kamay ni Mona. “And for you, I am willing to change.”

Mabilisang ibinaba ni Mona ang kaniyang mga kamay at nabitawan ito ni Pio. “You’re sorry?” anito sa tila galit na mukha. “Ilang beses mo nang sinabi ’yan, Pio! At ilang beses din kitang pinagbigyan! Pero anong ginawa mo?” Tumingin pababa si Mona, huminga, kumuha ng lakas, at muling tumingala kay Pio. “You will never change! And I will never forgive you!”

Aalis na sana si Mona, pero hinawakan ito ni Pio sa pupulsuhan. “Mona, wait—”

Sinampal ni Mona si Pio. Sa lakas nito ay napailing si Pio nang wala sa oras at namula ang kaliwang pisngi. Tila nagulat din si Mona sa kaniyang ginawa. Pero sa huli ay muli siyang nagsuot ng galit na mukha. “This will be the last time that I’ll see you.”

Matapos ay nag-walk out na si Mona papunta sa ’king direksyon. Dahil sa kaba ay umalis na ako sa pagkakasilip at napasandal sa pader, nagkunwaring nagce-cellphone at walang nakita o narinig. Nang madaanan ako ni Mona ay napatingin siya sa ’kin. Kita kong naluluha ang mga mata niya. Pero dahil siguro napansin niya ako ay kinalma niya ang kaniyang mukha—tulad ng kung paano ko siya unang nakita sa corridor kanina—at saka nag-ayos ng buhok. Ngunit nang malampasan niya na ako ay kita kong tila napahawak siya sa bibig at napahagulgol nang tikom.

“Bakit ba kasi ako pinapunta rito…?” pabulong niyang sabi.

Nang mawala na siya sa ’king paningin ay muli kong isinilid ang aking phone sa loob ng bulsa ng kulay puti kong pants. Sinilip ko si Pio. Nakatayo pa rin siya sa parehong puwesto. Nakayuko. At tama ba ’tong nakikita ko? Umiiyak siya.

Ang alam ko ay siya ’tong madalas magpaiyak ng mga babae. Hindi siya ’yong pinaiiyak ng mga ito. Pero si Mona. Iba si Mona. Mahalaga si Mona sa kaniya. Lubhang mahalaga. Kita ito sa kaniyang mga matang puno ng panghihinayang. Dati silang magkasintahan.

At ako. Ano ba ako sa kaniya? Kaya niya ba ako nilalapitan dahil kay Mona? Ako lang ba ang ginagamit niyang pampawi sa pangungulila sa dati niyang nobya?

Ngayon ay malinaw na sa ’kin ang lahat.


Pagsapit ng hatinggabi ay hindi na ako nakatulog. Wala namang mga ungol na maririnig sa kabilang kuwarto para dumistorbo sa ’kin. Sadyang tumatakbo lang talaga sa isip ko nang paulit-ulit ’yong mga nangyari kanina. Si Pio. Si Mona. At ang nakaraan nila.

Sa simula pa lang ay dapat nakuha ko na ang mga senyales. Senyales kung bakit palagi akong binabati ni Pio sa pasilyo. Senyales kung bakit naligaw siya sa ’king kuwarto no’ng gabing iyon . Senyales kung bakit palagi niya akong sinusundan.

Ako ’yong mukha ng babaeng hindi niya na kayang balikan.

Ang tanga-tanga ko. Sana pala ay pinigilan ko siya no’ng gabing iyon . Sana pala no’ng natumba siya sa may pasilyo ay hindi na ako nag-alala at pinagsar’han ko na lang siya ng pinto. Sana pala ay hindi ko hinayaang may mangyari sa ’min. Sana pala ay pinigilan ko ang aking sarili.

Ngayon ay punong-puno ako ng pagsisisi habang nakatitig lang sa kawalan—sa langit sa labas ng bintana na punong-puno ng mga bituin at bilog na buwan. Nahihiya ako sa sarili ko. Bakit ko ba hinayaang umabot pa ang lahat sa ganito? Kung nakinig lang sana ako sa payo ni Manang Lucy sa simula pa lang, wala sana ako sa sitwasyong ito. Hindi sana ako nasasaktan.

“A-Aaron?”

May narinig akong pamilyar na boses sa labas kaya agad akong napabalikwas sa kama, napatingin sa diresyon ng nakasarang pinto.

“C-Can you… Can you please… Can you please let me… let me… let me in?”

Anong ginagawa niya sa labas ng apartment ko?

Alam ko na ang tagpong ito…

Mauulit na naman ang gabing iyon …

Parehong lugar…

Parehong pangyayari…

“P-Please, Aaron?”

Ang pinagkaiba lang ay tama na ang banggit niya sa pangalan ko ngayon…

Marahan akong naglakad papunta sa pintuan. Dinig kong tila pilit niyang pinipihit ang door knob.

“Aaron, please…”

Heto na naman ako… Tatanga-tanga…

Sa huli ay binuksan ko ang pinto at sinilip ang lalakeng nakatayo nasa labas—si Pio. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa ’king kuwarto. Nabahagian naman ng liwanag ng buwan na naggagaling sa bintana sa ’king likuran ang kaniyang mamula-mulang mukha. Tulad ng gabing iyon ay tila lasing na naman siya ngayon. Naliligo kasi sa amoy ng alak ang kaniyang katawan. Nakasuot pa siya ng summer white uniform at hindi pa nga naghuhubad ng pershing cap sa ulo.

“Pio?” sambit ko.

“A-Aaron…” Kita kong ngumiti siya habang gumegewang-gewang ang ulo. “M-May I… May I come in?”

Hindi ko pa rin binuksan ang pinto.

“Lasing ka, Pio,” sabi ko. “Hindi rito ang kuwarto mo.”

Isasara ko na sana ang pinto pero bigla niya itong hinawakan at pinigilan.

“A-Aaron… I just need to—”

“Hindi nga rito ang kuwarto mo!” sigaw ko. Pinilit kong itulak pasara ang pinto pero mas lalo niyang nilakasan ang pagtulak din dito kaya tuluyan na itong bumukas ngayon.

Sa madilim na pasilyo ay nayakap na nang buo ng liwanag ng buwan ang kaniyang katawan.

Humakbang siya papasok sa kuwarto. “P-Puwede mo ba akong—?”

“Ano ba, Pio!” At agad ko siyang itinulak palayo kaya tumilapon siya sa labas.

Makokonsensya na sana ako sa ginawa ko. Pero naalala ko ang gabing iyon . Kung hindi ko na naman pipigilan ang sarili ko ngayon, malamang ay may mangyayari na naman. Ngayon pa lang ay dapat ko nang tuldukan ang lahat.

“G-Galit… Galit ka ba?” Mula sa pagkakatumba ay tumingala siya sa ’kin.

Suminghap ako. “Oo, galit ako!”

“B-Bakit?” taka niya.

“Bakit hindi?” bulyaw ko. “Pio, ginagawa mo akong gago!”

Tumayo na siya at nakakuha ng balanse. Nagising yata siya sa ginawa kong pagtulak. “A-Anong—?”

“Umalis ka na,” may diin kong sabi. Ramdam kong sumisikip na ang aking dibdib. “Pio, umalis ka na!”

“B-Bakit ka ba…?” Muli ay naglakad siya palapit sa ’kin. “B-Bakit ka ba nagagalit?”

Mas lalong kumapit ang amoy ng alak sa ’king ilong nang lumapit siya.

Kumuha ako ng lakas ng loob, at saka sinabing, “Pio, hindi ako si Mona! Kaya puwede ba? Umalis ka na! At tigilan mo na ’ko!”

Kumunot ang kaniyang namumulang noo. “A-Ano? W-Wala akong… Wala akong si—”

“Si Mona ang dahilan, ’di ba, kung bakit mo ako nilalapitan?” Nagkuyom ako ng kamao at lumunok.

“P-Paano mo—?”

“O baka kaya ka nandito kasi malungkot ka lang?”

“Aaron—”

“Kasi gusto mo lang na may magpasaya sa gabi mo?”

“Hindi—”

“Kasi gusto mo lang makaraos mula sa lungkot na nararamdaman mo?”

“Aaron, please—”

“’Tang ina, Pio! Hindi ako gano’ng klase ng tao!” Hingal na hingal na ako sa kasisigaw. “Hindi ako tulad no’ng matandang bading do’n sa tailoring shop, o no’ng mga bakla o trans doon sa salon na pinatos mo! Hindi ako puta!” Uminit ang aking mukha. “Putang ina mo kung ’yon ang iniisip mo sa ’kin!”

“What?” tuwid niyang sabi. Tinangka niya akong hawakan sa magkabilang braso. “Aaron, you don’t think that—”

Agad kong winahi ang kaniyang mga kamay. “O bakit, hindi ba totoo?”

“No.” Unti-unti ay nagiging tuwid na ang kaniyang pananalita at nagiging steady na rin ang kaniyang balanse sa katawan at ulo.

“Hindi ba’t ’yon naman talaga ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon? Kasi gano’n ang tingin mo sa ’kin?”

“I don’t see you that way—”

“Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? No’ng gabing ’yon , pumasok ka rito sa kuwarto ko! Oo, lasing ka! Pero hindi mo man lang ba naisip kung gaano ako natakot no’n? Hindi kita kilala! Hindi tayo magkakilala! At kasalanan ko bang kamukha ako ng taong malapit sa ’yo? Hindi mo dapat ’yon ginawa! Hindi mo ako dapat hinalikan! Hindi mo dapat ako tinangkang…!” Hinabol ko ang aking hininga. “Tinangkang pagnasaan!”

“Aaron, I’m sorry if—” Muli siyang lumapit sa ’kin.

At muli ko siyang itinulak pero hindi na siya natumba sa puntong ito. “Puro ka sorry! Hindi ka naman talaga sorry! Lahat kasi nakukuha mo! Gagamitin mo lang ’yang itsura mo… at ’yang… at ’yang alaga mong kung saan-saan lumalabas-pasok!”

“I-I don’t understand you.” Nalungkot ang kaniyang mga mata. “Do you really believe I would—?”

“Oo!” diin ko. “Kaya ka nga hiniwalayan ni Mona!”

Nagulat siya sa sinabi ko.

Sandaling katahimikan ang nanaig sa malalim na gabi.

Napayuko siya nang may lugmok na mukha. “Look, I’m really sorry for what I did to you that night …” sabi niya sa malalim ngunit malumanay na boses, saka tumingin sa ’kin nang may naluluhang mga mata. “I really am…”

Tuloy lang ako sa paghabol sa ’king hininga. Palalim nang palalim ang bawat habol habang pinakikinggan lang siyang magsalita.

“I’m sorry if I entered your room…” tuloy niya. “I’m sorry if I kissed you… I’m sorry if I thought you liked it… And I’m… I’m sorry if I tried to… to do a very bad thing to you.”

Ang nakakuyom kong kamao ay unti-unting kumakalas habang tuloy lang siya sa pagsasalita.

“I-I… I am sorry that I saw you differently that night… I’m sorry if it was too late for me to apologize to you… and to tell you how I deeply regretted doing that bad thing to you… I stopped… That night, I stopped myself and pretended to sleep… because… because I saw fear in your eyes…

“And I am sorry if I kept… if I kept on chasing after you… If I only knew how uncomfortable you are, I would’ve stopped sooner…”

Ngayon ay marahan na siyang tumingin sa ’king mga mata. Lumitaw ang mukha niyang puno ng pagsisisi.

“You know… I don’t see you that way… I don’t see you the way I see them …

“And maybe you should know…

“ That afternoon … at the tailoring shop… I saw your face… You were so worried about not having your uniforms fixed… and so I stepped in…

“Pumasok ako sa loob ng shop kahit mukhang may pagnanasa sa ’kin ’yong matandang ’yon… At binigyan ko siya ng pera… higit pa sa hinihingi niya… para lang unahin ka niya… para lang ngayong araw ay may masuot ka na… Kaya nga tuwang-tuwa ang matanda…

“At ni-request ko rin na huwag sabihin sa ’yo… kasi… kasi ayokong isipin mo na ginagawa ko lang ’yon bilang kapalit ng hinihingi ko sa ’yo… hininging ko sa ’yong… B-BJ…”

Hindi… Hindi ako naniniwala sa kaniya… No’ng hapong ’yon ay itinaas niya ang kaniyang shorts at—

“At masakit din ang tiyan ko no’ng time na ’yon… kasi nga, nakalimutan kong inumin ’yong binili mong buko juice para sa ’kin… Dahil bigay mo, pinilit kong inumin kinabukasan kahit panget na ang lasa…

“Kaya nagpaalam ako sa matanda… Nagpalam ako kung puwede akong makigamit ng banyo… At pumayag siya… Kaya bahagya akong nakaraos… Nakaraos sa sakit ng tiyan… At no’ng sumabay ako sa ’yo… pinilit kong hindi ipahalata sa ’yo… kasi… kasi ayokong isipin mong ikaw ang dahilan… Eh kasalanan ko naman eh… Dapat pala ay ininom ko na agad ang bigay mo…”

Tuluyan nang bumuka ang kanina’y nakakuyom kong palad.

“Eh si… si Sweety… ’Yong mga bakla ro’n sa salon…?” Suminghap ako, pinilit na taasan ang aking nanghihina nang boses. “A-Alam ko ang ginawa n’yo sa loob ng kuwarto! Pinagpiyestahan ka nila, ’di ba?”

“Ano?” Kumunot ang kaniyang noo. “Si Swee… Si Sweety? Napakabait ng taong ’yon, Aaron… At malaki ang utang na loob niya sa ’kin…” Mas lalong lumungkot ang kaniyang mukha. “Dati siyang nakatira dito sa apartment building natin sa second floor… Binubugbog siya ng dati niyang jowa… so… so I only did the right thing… Binugbog ko rin ang jowa niyang lalake at binantaan na huwag na siyang balikan…

“Ako rin… ako rin ang nagpasok sa kaniya sa parlor nina Mamang at Coach Roman kasi nawalan siya ng trabaho… Eh paano, nagnakaw ng pera ang jowa niya kung saan siya dating nagtatrabaho… And ’yong pagpasok ko sa loob ng kuwarto kasama siya… ’yon ba ang pinaghihinalaan mo?”

“Oo!” sambit ko. Tila kumakalma na ang aking paghinga. “Kunwari ka pa, pero ang totoo, pinagpapasa-pasahan ka na nilang sinusubo sa loob!”

“Oh, God, Aaron…” Suminghap siya. “I didn’t know you think of me that way…”

Bakit hindi? Kunwari pa siya.

“It was Sweety’s birthday that day kaya pinapapasok niya ako sa loob ng kuwarto nila kung saan may handaan… Remember, masakit na ang tiyan ko… so I reasoned out na kumain na ako… na katatapos ko lang… but she insisted… and so I said yes…

“She also requested one thing in exchange for your haircut… One thing… That I sing for her… That I sing for them… And I… I said I can pay for it since I still have a lot of money left in my pocket…

“But she… Sweety… she loved to hear me sing… It was her comfort during her worst times… And it was so long since she last heard me sing… and so I gave in… I went inside… They were so happy… Alas! They don’t need to listen to that party music anymore because no one from them can sing… I grabbed the microphone… I sang for them…

“And after that, they insisted na kumain ako ng handa… kung hindi… kung hindi ay masasayang dahil mahihina silang kumain… kaya nga ang payat-payat no’ng Summer… ’yong gumupit sa ’yo… At paglabas ko… mas lalong sumakit ang tiyan ko… dahil sa dami ng kinain ko… Hindi ko na nakayang itago… Kaya nga ang asim ng mukha ko no’n…”

Ayoko pa rin siyang paniwalaan. Pero hindi nagsisinungaling ang kaniyang mga mata.

“Tingin mo maniniwala ako sa ’yo?” Nagsalubong ang magkabila kong kilay, pinilit na magmukhang galit. “Ikaw, magaling kumanta? Ha! Ang alam mo lang naman ay kuman—!” Hindi ko tinuloy ang dapat kong sabihin.

Gusto ko nang pigilan ang sarili ko. Ang kaso, mas umiiral ang pride ko sa puntong ito. Naguguluhan na ako. Dapat ba akong maawa sa kaniya?

“What?” Pinunasan niya ang kaniyang naluluhang mata. “Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa ’kin?”

Tama na, Pio. Huwag mo nang guluhin ang damdamin ko.

“Oo!” Sandali akong natigilan, napaisip kung dapat ko pa bang ituloy ang aking sasabihin. Pero sa huli ay nasabi ko ito. “’Yon kasi ang totoo! Kaya nga pati si Ms. Jennylyn pinatos mo!”

“W-Who? Ms. Jennylyn? Ms. Hen Lin?” Umatras siya. “A-Aaron, do you really think I would stoop that low?”

“N-Nakita ko kayo…” Lumunok ako. “Dinala ka niya sa C.R., sa likod ng covered gym, hindi ba?”

Umatras pa siya palayo sa ’kin. Habang tumatagal ay mas lalo kong pinagsisisihan ang lahat ng aking mga sinasabi.

“Si Ms. Jennylyn…” tuloy niya, “… dinala niya ako sa likod ng covered gym dahil may plano siya… Gusto niyang… Gusto niyang magkabalikan kami… kami ni Mona… Ang sabi niya… pumunta raw ako sa kanto ng covered gym… Uutusan niya raw si Mona ro’n… na pumunta… na pumunta ’pag lunch time… kaya pumunta rin daw ako… para magkaayos kami… kahit hindi alam ni Mona na pupunta ako…

“Aaron, oo, kung sino-sinong babae ang pinapatos ko… Alam kong… Alam kong mali ang mga ginagawa ko… Pero hinding-hindi ako papatol sa isang prof… sa mga bading do’n sa salon at kay Sweety… at lalo na sa matandang bading do’n sa tailoring shop…”

Kita kong pumatak na ang luha sa kaniyang namumulang pisngi.

“You know what? I’m just really sad today…” Napahagulgol na siya, bagay na hindi ko inakala. “And… And I just really need a shoulder to cry on… That’s why… That’s why I came here… That’s why I came to you…

“Everything just feels so shitty right now… My mom… Mona… and now… you…”

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko inakalang iiyak siya sa harapan ko. Pero ramdam kong tila unti-unti na ring nagtutubig ang aking mga mata.

“Maybe you’re right…” aniya. “Maybe you don’t really know me…” Sinubukan niyang pigilan sa pag-iyak ang sarili. “And maybe you don’t plan to…”

At naglakad na siya palayo sa ’kin nang nakabagsak ang mukha. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay bigla siyang napahito, lumingon pabalik, at malalim na tumitig sa ’king mga mata.

“But, Aaron, I just want you to know…”

Bago tuluyang maglaho sa ’king paningin ay may iniwan siyang mga salita…

“You’re the only guy I’ve ever kissed. And you’re the only guy I’ll ever make love with.”

Pagkatapos ng mga sinabi niya ay hindi na kami muling nagkapansinan. At tuluyan nang naputol ang aming ugnayan. Bagay na labis kong pinagsisisihan.

Chapter 12

Isang linggo nang walang paramdam si Pio. Kapag pumapasok ako sa academy ay madalas nauna na siyang pumasok. May mga pagkakataong nadadaanan niya ako sa mahabang pila sa tricycle station sa Mabini Street pero nilalampasan niya lang ako. At kapag umuuwi naman ako ay hindi ko na siya nakikitang nakatambay sa may balcony railing sa tapat ng kaniyang apartment. Palagi ring nakasara ang pinto nito. Nakakapanibago.

Wala na ring maririnig na mga ungol mula sa kabilang kuwarto. Ngunit habang tumatagal ay parang mas lalo akong nahihirapang matulog. Nakabibingi ang katahimikan sa gabi. Mas lalo akong nalulunod sa pag-iisip at pagsisisi sa lahat ng nasabi ko sa kaniya no’ng huli kaming mag-usap. Mabuti na lang at kahit papano ay mayroong ingay na likha ang ceiling fan. Sinusundan ko na lang ang bawat ikot ng elise nito hanggang sa mapagod ang mga mata ko.

Martes ng umaga nang mapansin kong matagal ko na palang hindi naibabalik ang plantsang hiniram ko kay Manang Lucy no’ng first day of school. Bago umalis ng apartment building ay nadaan muna ako sa apartment sa first floor kung saan siya nakatira. Nadatnan ko siyang nagdidilig ng mga halamang nakasabit sa balcony railing sa tapat ng kaniyang apartment. Siya lang yata ang bukod tanging may alagang halaman dito sa building.

“Manang Lucy,” panimula ko pagbaba ko ng hagdanan.

Umalis siya sa pagkakayuko at humarap sa ’kin nang may hawak na maliit at kulay berdeng watering can. “O, Aaron. Pasok ka na?”

“Opo.” Itinaas ko ang plantsa. “Nakalimutan ko nga po palang ibalik. Sorry po.”

Inilapag niya ang maliit na watering can sa sahig, pagkatapos ay kinuha ang plantsa mula sa ’king kamay. “Ano ka ba? Wala ’yon.” Winahi niya ang kaniyang kabilang kamay sa ere. “Bihira lang naman ako magplantsa ng damit dahil dito lang umiikot ang buhay ko sa apartment.”

Mukha ngang dito lang umiikot ang buhay niya. Hindi ba siya nababagot? Mabuti sana kung may anak siya o apo na puwedeng magpasaya sa kaniya. Pero mukhang namumuhay lang talaga siya nang mag-isa. Ni kahit minsan ay wala pa akong nakita na ibang dumalaw sa apartment niya bukod sa mga tenants dito o sa mga tagahatid ng bills sa kuryente at tubig. Kaya nga siguro kilala niya na halos lahat ng tenants dito.

Usapang tenants, bigla kong naisipang itanong sa kaniya ang tungkol sa isang bagay—isang tao. “Nga po pala, may kilala po ba kayong ano… uh…?” Napakamot ako sa gilid ng aking tenga. “S-Sweety?”

Kumunot ang kulubot niyang noo. “Sweety?”

“Opo,” sagot ko.

Gusto kong malaman kung nagsisinungaling lang ba si Pio. Mali, gusto ko palang marinig kung ano lang ang gusto kong marinig. Na walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya. Na nagsinungaling lang siya no’ng gabing iyon. Para sa ganitong paraan ay gumaan na ang nararamdaman kong pagsisisi.

“Ah, si Sweety, ’yong dating tenant na transgender ba sa second floor?” tumbok niya.

Parang mas lalong bumigat ang aking pakiramdam sa ’king narinig. Sana pala ay hindi ko na lang tinanong.

“O-Opo, siya nga po,” tugon ko.

“Oo naman. Adik ’yong ka-live in no’n eh. Ilang beses ko na ’yon silang sinubukang paalisin kasi nagrereklamo ’yong mga katabi nilang tenants. Kaso naaawa ako roon sa transgender.” Biglang napintahan ng pagkainis ang kaniyang mukha. “Palagi kasi ’yong binubugbog no’ng tarantadong ka-live in niya. Kalalakeng tao, pumapatol sa babae. Mabuti nga at nawala na ’yon eh. Alam mo ba? No’ng nandito pa ’yong lalakeng ’yon eh laging nawawalan ng mga gamit ’yong mga tenants dito. Magnanakaw din pala kasi! Naku, kung nakita mo lang ’yong mukha no’n, matatakot ka rin. Palagi kasing lubog ’yong mata! Mabuti nga at binanatan ’yon ni Pio. Ayon, bahag naman pala ang buntot!” Unti-unti ay kumalma na ang kaniyang mukha. “’Yong si Sweety, ang alam ko eh doon na siya nagtatrabaho sa isang salon sa may Rizal Street pag-alis niya dito. At may bago na rin yata siyang jowa. Eh mabuti na rin ’yon para sa kaniya.”

“Ah…” tipid kong sabi.

“Eh ba’t mo nga pala natanong, Aaron?” usisa niya.

“Ah, eh, wala naman po.” Nagpunas ako ng ilong. “May… May nagkuwento lang po sa ’kin.”

“Ah, gano’n ba?” aniya. Pero hindi naniniwala sa ’kin ang kaniyang mga mata.

“Sige po, una na po ako.” Tipid akong ngumiti. “Salamat po ulit.”

“O sige. Mag-iingat ka.”


Pagpasok ko sa classroom ay wala pa si Jonas. Dahil siya lang naman ang madalas kong kausap ay wala akong ibang nagawa kundi ang mag-review na lang para sa short quiz mamaya sa third subject. Pero mukhang mahihirapan yata akong mag-review. Ang ingay kasi ng dalawang lalake na nasa likuran ko. At buti sana kung maganda ang pinag-uusapan nila. Kaso hindi.

“’Tang ina, erp! Kita ko na naman si Mona kanina! Ang lalaki ng cocomelon!” may tuwang sabi ni Briones. “Ummm, sarap hawakan!”

“O? Dapat nilamas mo!” ang sabi naman ni Castro. “Kapag nakasalubong ko ’yon, ako lalamas do’n!”

Sa tatlumpu’t isang kaklase ko, lahat ay lalake. Pero sa lahat ng lalake, sila ang pinakamadumi ang dila at pinakahindi ko gusto. Si Briones ay maitim ang balat at kirat ang kanang mata. Si Castro naman ay maputi at mataba ang pangangatawan. Puro butas ang mukha nito dahil yata sa katitiris ng tigyawat. Bagama’t magkaiba ng itsura at personalidad ay mayroon naman silang iisang agenda: ang palaging pag-usapan si Mona. Buti sana kung tulad ni Jonas ay magkukuwento lang sila kung gaano kaganda si Mona. Pero hindi. Bawat usapan nila ay punong-puno ng pantasya at pambabastos sa babaeng hindi naman nila lubusang kilala. Mga hangal. Akala mo naman talaga ay papatulan sila ni Mona.

“Share na lang tayo, erp!” tuloy ni Briones. “Pagkatapos, pagtulungan natin sa kama!”

“Sige ba! Basta ako sa likod, tapos ikaw sa ulo!” natatawang tugon ni Castro.

“Tingin mo papayag ako?” ani Briones. “Ako sa likod, ikaw sa ulo!”

“Gago, mas malaki ako sa ’yo! Mas gusto ni Mona ’yong akin!” saad ni Castro.

“Erp, wala ’yan sa laki, nasa performance ’yan!” sambit ni Briones. “Kaya ako ang mas pipiliin ni Mona! Kasi babarurutin ko siya 24/7!”

“Gago, sa ’yo na si Bona, akin lang si Mona!”

“Sa ’kin, erp! Sa ’yo na ’yon si Bona! Ang baho ng tahong no’n!”

Nagtawanan ang dalawang putang ina. Kapag tinuloy-tuloy nila ’to ay isusumbong ko na sila. Kakalap lang ako ng ebidensya. Hindi tama ’tong ginagawa nila eh.

Lumingon ako sa likurang row kung saan sila nakaupo. “Puwedeng pakihinaan?” maayos kong pakiusap. “Nagre-review lang ako.”

At mas lalo pa nilang nilakasan ang kanilang tawanan. Tiningnan ko naman sila nang masama. Pero hindi sila nagpatinag. Bumalik na lang ako ng tingin sa aking notebook at pinilit na ipasok ang lahat ng aking binabasa sa ’king kokote. Habang nakatalikod ako sa kanila ay akala nila ’di ko maririnig ang mga bulungan nila…

“’Yan na lang, erp. Kamukha ni Mona…”

“Gago, talo tayo diyan. May lawit din ’yan…”

“At least may butas pa rin na puwedeng pasukan…”

May araw din sila.

“’Tol!” bungad sa ’kin ni Jonas pagpasok nito sa kanang pintuan ng classroom. Nakangiti na naman ang mga mata nito.

Sa wakas, dumating na rin siya. Natahimik na ang dalawang ungas sa likurang row nang umupo na si Jonas sa tabi ko. Kita kong unti-unti na ring napupuno ang classroom sa pagdating ng iba ko pang mga kaklase. Kaya siguro hindi na sila makapag-ingay.

“’Oy, ikaw pala.” Tumaas ang mukha ko kay Jonas bilang bati. “Musta?”

“Ay’s lang.” Pawis na pawis ang kaniyang morenong mukha. Nagtanggal siya ng unang dalawang butones sa kaniyang unipormeng pang-itaas. Black liberty ang tawag sa uniporme namin kapag Tuesday—kulay black ang pants at kulay puti ang shirt na ang pinagkaiba lang sa summer white shirt ay mayroon itong dalawang bulsa sa dibdib, na may black border line sa itaas. Lumitaw naman ang mabalbon niyang dibdib tulad ng kaniyang mga braso. “Akala ko male-late na ako.” Tipid siyang tumawa. “Anong oras na kasi ako nagising. Late na natapos ang kasal kagabi.”

“Ah,” sabi ko. “Buti nakaabot ka.”

“Tumakbo ako eh.” Halata nga, dahil parang hinahabol niya pa rin ang kaniyang hininga. Bigla siyang lumapit sa ’kin at itinaas ang kaniyang shirt na bahagyang nakabukas sa may dibdib. Dahil sa ginawa niya ay hindi sinasadyang nasilip ko ang tiyan niyang mayroong katamtamang abs. Mula dibdib hanggang puson ay pakapal nang pakapal ang kaniyang balbon. “Amuyin mo nga ’ko.” At ginawa ko nga. Naamoy ko ang body spray niyang pang-good boy. “Baho ko na ba?”

Umiling ako. “Hindi naman.”

Nilayo niya na ang kaniyang katawan sa ’kin. Pagkatapos ay sininghot niya ang magkabila niyang kilikili. “Sorry ah. Ang baho ko na yata.”

“Hindi nga,” diin ko naman. “Mabango ka naman.”

Lumapad ang ngiti niya. Paborito niya yatang i-flex ang dimples sa kaniyang pisngi. “Sure ka ah.”

Tumango naman ako at ngumiti rin.

“Nga pala,” aniya, “in-add kita sa Facebook kagabi.”

“Ha?” Agad kong binunot ang cellphone mula sa ’king bulsa. Sabay open ng Facebook. Sa listahan ng Friend Requests ay unang bumungad ang kaniyang pangalan: Jonas Alcalde. “Ay sorry, tagal ko nang hindi naka-open ng Facebook.”

Totoo naman. Madalas ay Messenger lang ang gamit ko dahil nakaka-stress sa Facebook. Puro reklamo ’yong mga kamag-anak ko sa probinsya. Lalo na ’yong pinsan kong batang ina. Sa edad na bente singko ay mayroon na ring singkong anak. Tapos magpo-post ng #FeelingBlessed kahit wala nang makain.

“Ay’s lang,” aniya.

Pinindot ko na ang confirm button. “Oks na.”

“Huwag mo ’ko i-stalk ah.” Nagtaas-baba ang kaniyang malalagong mga kilay.

Bahagya akong natawa. “Stalk kita.”

Pagbalik ko ng tingin sa ’king cellphone ay may napansin akong isa pang pangalan sa listahan ng Friend Requests: Piolo McMiller. May larawan ito ng isang batang mahigit nasa limang taong gulang habang buhat-buhat ng amang mukhang kano. Nasa barko yata sila dahil dagat ang background at nakasuot ang ama ng damit pang-seaman. Pamilyar ang mukha ng mga ito. At saka ko naalalang nakita ko na rin pala ang mag-amang ito sa isang picture frame dati—sa family picture ni Pio. Ang kaso, tulad sa picture frame ay silang dalawa lang ang nasa profile picture ng account—walang kasamang ina. One week ago na pala nang mag-send siya ng friend request.

Pinindot ko ang Facebook profile ngunit naka-lock pala ang account niya. Mukhang kailangan ko muna siyang i-confirm para makita ang mga posts niya. Nakapagtataka. Kadalasan sa mga guwapong katulad niya ay naka-public ang profile para makakuha ng atensyon mula sa maraming tao. Pero heto siya, pamisteryoso. O baka kaya naka-lock ang kaniyang profile ay dahil pinagtataguan niya ’yong mga babaeng naloko niya? Pipindutin ko na sana ang confirm button nang biglang magsitayuan ang mga kaklase ko, pati na rin si Jonas, kaya kusa akong napasabay sa kanila. Kapapasok lang pala ng classroom ng professor namin sa unang subject. Agad kong isinara ang Facebook app at isinilid sa bulsa ng aking pants ang cellphone. Si Jonas naman ay agad na isinara ang kaniyang mga nakabukas na butones.

“Cadets!” hudyat ng class president na nakaupo sa kaliwang first row na batiin namin ang kapapasok lang na professor.

“Good morning, Sir!” sabay-sabay naming bati sa professor nang may buong boses.

“Good morning,” bati naman pabalik ng professor, sumenyas na umupo na kami.

At bumalik na kami sa pagkakaupo.

Pagdating ng professor sa teacher’s desk ay ipinatong nito ang dala nitong libro sa ibabaw. Saka nito kinuha ang nakasabit na eyeglasses sa parteng dibdib ng damit at isinuot ito. Si Professor Salvacion ang pinakamatanda naming professor. Bilang na ang mga buhok nito sa ulo. Mahilig magsuot ng checkered polo shirt. At mabagal magsalita. Sa sobrang bagal ay walang makasasalba sa ’yo sa antok habang nakikinig sa pabasa nito. Makakatulog ka talaga kung hindi mo kukurutin ang sarili mo. At hindi mo rin gugustuhing makatulog dahil palalabasin ka ng classroom kapag nahuli. At kapag nasa labas ka ng classroom habang nagtuturo ito sa loob ay pagtatawanan ka ng mga senior. Kasi naman, danas na nila ’yong mga dinaranas pa lang namin.

Pabukas pa lang ng libro si Prof. Salvacion nang biglang may kumatok sa kanang pinto ng classroom.

“Excuse me po, Prof. Salvacion,” isang pamilyar na boses.

Napatingin si Prof. Salvacion sa pinanggalingan ng boses at saka nag-ayos ng eyeglasses, sinuring mabuti ang mataba at singkit na babaeng nakatayo sa may pintuan. “O, Ms. Jennylyn,” sabi nito sa mabagal at garalgal na boses. “Ikaw pala.”

“Sorry, Sir. Puwede po bang mag-announce?” paalam ni Ms. Hen Lin—o Ms. Jennylyn.

“Oo naman. Sige lang,” pagpayag naman ni Prof. Salvacion.

Sandali kaming naisalba mula sa nakaaantok na pabasa.

“Thank you, Sir.” Naglakad na si Ms. Hen Lin sa gitna. Tumabi naman si Prof. Salvacion at pumuwesto sa tapat ng whiteboard malapit sa ’min. “Good morning, cadets!” bati ni Ms. Hen Lin sa ’min.

Tatayo na sana kami pero agad itong sumenyas na kahit nakaupo na lang namin siyang batiin.

“Good morning, Ma’am!” sabay-sabay naming bati nang nakaupo.

Napatakip ito sa bibig at tila kinilig. “Na-miss n’yo yata ako, ang sigla ng pagbati n’yo.”

Binola naman siya ng mga kaklase ko.

“So,” tuloy nito. “I have an important announcement…”

Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata nito. Marahil ay nahihiya ako sa ’king sarili dahil hinusgahan ko siya noon. Dahil inisip kong pumapatol siya sa isang guwapong estudyante tulad ni Pio.

“Next, next week, we’ll be having our annual Mr. and Ms. J.A.M.A.. And so, so, so, we are looking for participants—students with gorgeous faces, or average, or whatever, as long as may face—who want to join. Meron ba sa inyong gustong sumali?” Ngumiti si Ms. Hen Lin. Hindi na makita ang mga mata nito.

Nagturuan ang mga kaklase ko.

“’Oy, sali ka na.”

“Talo na ako agad diyan.”

“Hindi ako puwede diyan.”

“Kasali kaya si Mona?”

Mahinang binangga naman ni Jonas ang aking balikat at sinabing “’Tol, ikaw na ’yan. Sali ka na.”

Agad akong napailing sa sinabi niya. “Hindi ah. Ikaw kamo. Ikaw ’yong guwapo eh.”

“’La? Seryoso ka?” sabi niya nang nakataas ang magkabilang kilay. “Eh ikaw nga ’tong mas guwapo.”

Kumunot naman ang aking noo. “Ikaw kamo. Ang panget ko kaya.”

“Alam mo? Ang baba ng self-confidence mo. No’ng nakaraan, ayaw mong maniwala na kamukha mo si Mona. Tapos ngayon naman…” Umakbay siya sa ’kin. “Hindi mo ba napapansin? Pinagtitinginan ka ng mga babae ’pag dumadaan ka sa corridor.”

Seryoso ba siya? Sa ’ming dalawa ay siya nga ’tong pinagtitinginan, hindi ako.

“Hindi ah.” Umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko na bahagyang uminit ang aking pisngi.

“Anyone?” tanong ni Ms. Hen Lin.

At wala pa ring nag-volunteer. Puro turuan pa rin ang mga kaklase ko.

“O, ’yong dalawang pogi diyan sa dulo. Wala ba sa inyo ang gustong sumali?” Pagsilip ko ay nakatingin na pala si Ms. Hen Lin sa direksyon namin ni Jonas.

“Ay, Ma’am, ’di ako puwede,” sambit ni Briones sa ’king likuran.

“Ako rin, Ma’am, hindi ako puwede,” sabi naman ni Castro. “Sorry.”

Nagtawanan ang buong klase liban sa ’kin at kay Prof. Salvacion na mahina na ang pandinig.

“Hindi kayo,” natatawang sabi ni Ms. Hen Lin. At itinuro kaming dalawa ni Jonas ng bibig nito. “Sila.”

Mas lalong lumakas ang mga tawanan nang supalpalin ni Ms. Hen Lin sina Briones at Castro. Nang bahagyang humina na ito ay saka na nagsalita si Jonas.

“Ay, sorry po, Ma’am. May… May sideline po kasi ako kaya hindi ako puwede.” At tumingin sa ’kin si Jonas. “Ito, Ma’am, si Alcantara.”

Ituturo sana niya ako pero agad kong ibinaba ang kaniyang braso. “Hoy.” Yumuko ako at umiling. “Hindi, Ma’am. Um… May ano po… May… Tumutulong po ako kay Mama sa palengke,” sinungaling kong tugon.

“Ha?” taka ni Jonas. “Akala ko ba nasa probin—?”

“Shh…” mahina kong saway sa kaniya.

“Oh, okay,” ani Ms. Hen Lin. “That’s sad. ’Di bale, meron naman nang pambato ang B.S

M.T.. And for sure, he’ll win. Support n’yo na lang siya. He’s your senior. Okay?“

“Yes, Ma’am!” sabay-sabay naming sabi.

“That’s all.” Tumingin si Ms. Hen Lin sa kanan, kay Prof. Salvacion. “Sir, thank you so much po.” Tumango naman si Prof. Salvacion. At nagbalik ng tingin si Ms. Hen Lin sa gitna. “Thank you, cadets!” Kumindat ito. “Kita-kits!”

Lumisan na si Ms. Hen Lin at nagpaalam na rin kami rito.

Oras na para sa pabasa ni Prof. Salvacion.


Mabuti pa sa klase ni Prof. Salvacion ay inaantok ako. Pero nang sumapit na naman ang tahimik na gabi ay hindi na naman ako makatulog sa apartment dahil sa dami ng aking mga iniisip. Si Sweety. Si Ms. Hen Lin. Pareho ko silang nahusgahan. At lalong-lalo na si Pio. Ngayon tuloy ay punong-puno ako ng hiya sa ’king sarili. Para hindi mag-overthink ay tiningnan ko na lang ang elise ng ceiling fan at inisip na isa itong propeller ng barko. Kakalkulahin ko na lang ang RPM nito para mawala na ’tong bigat na nararamdaman ko. Kaso ayaw pa rin talagang mawala. Paikot-ikot. Paulit-ulit. Bumabalik ang lahat sa ’kin. Mukhang hindi na yata tumatalab ang pagtitig ko sa ikot ng elise. Magbibilang na lang siguro ako ng tupa.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at saka nagbilang sa isip.

Isang tupa…

Isa’t kalahating tupa…

Dalawang puta…

Putang ina n’yo, Briones at Castro…

Tatlong tupa…

Siyam na… tupang… ina…

Kaunti pa.

Labinlimang puting tupa…

Ayan na. Nakararamdam na ako ng antok.

Dalawampu’t pitong… puting… tupang… ina mo ka…

Malapit na.

Tatlum… Tatlumpu’t… tatlong… bibe… akong nakita…

Tuluyan na sanang hihimlay ang aking diwa nang may kakaibang tunog akong narinig sa kalaliman ng gabi. Hindi katok. Hindi ungol. Kundi isang tunog na ngayon ko lang narinig dito. Isang tunog ng gitara.

Ni kahit minsan ay wala pa akong narinig na tumugtog ng gitara dito sa fourth floor. At hindi rin ganito na parang malapit lang ang pinanggagalingan ng tunog—parang sa tapat na pasilyo ng katabi kong apartment. Muling napamulat ang aking mga mata dahil sa kuryosidad. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano, dahil hindi naman masakit sa tenga ang tunog nito. Bagkus ay masarap pa ngang pakinggan. Nakakakalma. Napabalikwas ako sa kama at marahang naglakad papunta sa harapang bintana ng aking kuwarto. At saka ako sumilip sa labas mula sa kaunting awang ng jalousie window.

Madilim ang pasilyo sa tapat ng aking apartment dahil sa nakasarang pinto at sa bahagyang nakasara na bintana. Ngunit medyo maliwanag naman ang sa katabi kong apartment. Ngayon ay alam ko na kung ano—kung sino ang lumilikha ng tunog. Mula sa liwanag ng buwan na nanggaling sa loob ng kuwarto nito, at tumatagos sa harapan nitong bintana, ay nagkahati-hati ang liwanag na nakayakap sa walang damit pang-itaas at maskuladong katawan ng lalakeng nakayuko. Nakasandal ito sa may balcony railing. Ang kaliwang paa ay nakaapak sa sahig ng pasilyo. Ang kanang paa naman ay nakatukod sa kalahating sementong pader ng balcony railing, bilang suporta sa nakapatong na gitara sa ibabaw ng shorts sa hita nito. Ang kaliwang mga daliri ay nakadiin sa strings sa bandang leeg ng gitara. Ang mga kanang daliri naman ay ginagamit pang-strum habang nakaalalay ang braso sa ibabang gilid ng gitara. At natigilan ako nang magsimula na itong kumanta.

“You are always on my mind…

“Sitting here I am waiting…

“Ones like you, they make me shy…

“Innocently intimidating…”

Sa hindi maipaliwanag ay nasitayuan ang aking mga balahibo. At napalunok ako. Nalunok ko yata ang lahat ng nasabi ko tungkol sa kaniya. Na hindi siya marunong kumanta.

“I still can’t figure you out…

“You’re the kind that drives me mad…”

Saksi ang mga bituin at buwan sa ganda ng tinig nito. Malamig, mataas, at malambing na tinig. Malayo sa kung paano ito magsalita.

“Are you here looking for love…

“Or do you love being looked at…?”

At napatingin ito sa direksyon ng aking nakasarang kuwarto.

“You’re so beautiful…

“I don’t want to turn away…”

Naramdaman kong tila may gusto itong ipahiwatig.

“You’ve been here before…

“Make me feel like I’m a…”

Na para bang gusto nitong ibalik ang lahat sa dati.

“Wild animal…

“Shaking you are my prey…”

Ngunit hindi nito alam kung paano.

“You’re all I want…”

Paano nga ba?

Chapter 13

Napuyat ako sa pa-concert ni Pio kagabi. Hindi pa nakatulong ang pabasa ni Prof. Salvacion sa unang subject. Hindi ko alam kung alin ang mas nakababagot, kung ’yong boses niya ba o ’yong tinuturo niyang subject na Readings in Philippine History. Bakit ba namin kailangan ’tong pag-aralan kung sasakay din naman kami ng barko papunta sa ibang bansa? Babagsak na sana ang mukha ko sa armrest ng kulay kapeng silya kung hindi lang ako dinadaldal ni Jonas. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kaniya at sa dimples niya na tanging nagpapagising sa ’king diwa.

Pero bakit nga ba ginawa ’yon ni Pio? Bakit kagabi lang siya ulit nagparamdam? Para sa ’kin ba ’yong kantang inawit niya? Senyales ba ’yon ng pakikipag-ayos niya? Hindi ko na matandaan ang lyrics pero masarap iyon pakinggan. Hanggang ngayon nga ay nagpi-play pa rin ito sa ’king isip.

Naisalba ko ang aking sarili mula sa antok sa unang subject. At nagtagumpay rin ako hanggang ikalawang subject. Ikatlo. At ikaapat. Hanggang sa dumating ang lunchtime. Naisipan kong mag-CR muna dahil kanina pa ako naiihi. Pumasok ako sa men’s restroom sa gitna ng first floor ng Main Building A, na siyang pinakamalapit. Kapag natatae ay doon ako pumupunta sa CR sa likod ng covered gym. Pero ngayon, hindi pa naman ako natatae.

Pagpasok sa loob ng men’s restroom ng Main Building A ay unang bubungad sa ’yo ang pandalawahang wall-mounted lavatories na may iisang mahabang salamin. Sa kaliwa nito ay may apat na urinals, at pumuwesto ako sa pinakadulo, sa gilid ng pader. Sa tapat ng urinals ay may dalawang cubicles; ang isa ay kasalukuyang nakasara. Pabukas pa lang ako ng zipper ng aking itim na pants nang may dalawang pamilyar na mukha akong nakita. Mga nakababanas na mukha. Sina Briones at Castro. Nagtatawanan pa sila no’ng una, pero nang makita nila ako ay tila nanahimik sila. Pumuwesto silang dalawa sa una at ikalawang urinals. May bakantang urinal ngayon sa pagitan namin ni Briones. Dahil sa kagustuhang makaraos mula sa nananakit na pantog ay hindi ko na lang sila pinansin at nagsimula na akong umihi. Akala ko ay makakaihi ako nang payapa. Pero hindi pala.

“Alcantara, kaano-ano mo si Mona?” biglaang tanong ni Castro na nasa kanan ni Briones. “Magkamukha kayo eh. Ate mo ba ’yon?”

“Ha?” Kumunot ang aking noo. Bobo ba siya? Alam niya namang magkaiba kami ng apelyido ni Mona. “H-Hindi. Hindi ko siya kaano-ano,” sagot ko nang nakadiretso lang ang tingin sa bughaw na pader.

“Gano’n ba?” ani Castro. “Sayang. Kung ate mo lang ’yon, magpapareto sana kami sa ’yo.”

Ang kapal ng mukha nito. Ang gaspang pa.

“Oo nga, Alcantara,” ang sabi naman ng isa pang may makapal na mukha at kirat na mata—si Briones. “Pero ’di bale, at least araw-araw ka naming nakikita sa classroom. Mukha mo pa lang solve na kami. Sayang nga lang, wala kang cocomelon.”

Nagtawanan ang dalawa.

Hindi na lang ako nagsalita at pinilit na bilisan ang pag-ubos sa aking ihi. Pero mukhang marami pang natitira.

Humina na ang kanilang tawanan.

Tumikhim si Briones bago muling magsalita. At nang handa na siya ay tinanong niya ako. “Nga pala, erp, sumusubo ka ba ng etits?”

Parang nandilim bigla ang paningin ko sa sinabi niya. Napangiwi ang aking bibig at sumikip ang aking dibdib. Hindi ko inakalang pati ako ay babastusin niya na. Sobra na siya.

“Ako rin. Subo mo rin ako,” dagdag pa ni Castro.

Sobra na sila.

Haharapin ko na sana sila at sasagutin nang biglang magkaroon ng ulan sa loob. Oo, ulan. Imposibleng magkaroon ng ulan sa loob dahil napapalibutan naman ito ng mga pader at wala namang umaanggi mula sa nakabukas na bintana sa itaas ng pader sa ’king kaliwa. At sa hindi maipaliwanag, tila kina Briones at Castro lang bumubuhos ang tubig.

“Putang ina!”

“Shet! Naulan!”

Naghiyawan ang dalawang asungot at nagmadaling mag-zipper.

“Ay, sorry, sorry,” singit ng isang pamilyar na boses. “May tao pala diyan?”

Paglingon ko sa ’king likuran ay nakita ko ang pinanggagalingan ng tubig—sa loob ng nakasarang cubicle, sa tapat ng urinals na pinuwestuhan nina Briones at Castro. At mukhang hindi lang aksidente ang nangyari, dahil nakita ko ang nakalitaw na kamay ng lalake sa loob ng cubicle na may hawak-hawak na bidet. Pinalusot nito ang bidet sa awang sa ilalim ng pinto ng nakasarang cubicle. Ginagalaw-galaw ito para masigurong parehong mababasa sina Briones at Castro.

“Dumulas yung bidet,” sinungaling nitong sabi. “Katatapos ko lang pati gamitin panghugas ng puwet. May tae-tae pa ’yan.”

Nagsitakbuhan sina Briones at Castro papunta sa may lavatories. Agad namang hinugot ng lalake sa loob ng cubicle ang kamay nito paloob kasama ang bidet.

“Puta ah!” bulyaw ni Castro, nakatingin sa nakasara pa ring cubicle. “Hindi nakakatawa ah! Hindi nakakatawa!”

“Shet! Nabasa kami!” daing naman ni Briones. Tumingin ito sa salamin at pinagmasdan ang basang-basang polo shirt uniform na suot. “Kadiri!” Napabanlaw ito ng buhok at mukha sa faucet nang wala sa oras.

“Sorry, mga p’re! Hindi sadya!” paghingi ng paumanhin ng lalake sa loob ng cubicle.

Pagkatapos maghilamos at magbanlaw ng ulo ay nagparinig sina Briones at Castro sa nakatagong lalake bago tuluyang lumabas ng banyo.

“’Tang ina mo, kung sino ka man!”

“Pakyu ka, erp!”

Dahil umurong na ang aking ihi sa nangyari ay nagpagpag na ako at nagsara ng zipper. May pagtataka kong tiningnan ang nakasarang cubicle. Nang madaanan ko ito ay may narinig akong mahihinang hagikgik sa loob nito. Isang pamilyar na hagikgik.

Mukhang kilala ko kung sino ang nasa loob.

Bumalik ako ng classroom dahil nakalimutan ko ang aking wallet sa loob ng bulsa ng aking bag. Mukhang nauna na si Jonas sa canteen. Pero panigurado ay hihintayin pa ako no’n bago siya um-order. Ewan ko ba kung bakit siya gano’n. Lagi niya rin akong nirereserbahan ng upuan. Puwede naman siyang kumain nang wala ako. Ang gentleman masyado.

Habang dumudukot sa bulsa ng aking bag ay nakita ko sina Briones at Castro na nakatingala sa wall fan sa gitnang dulo ng classroom. Nagpapahangin. Dinig ko pa rin ang mga daing nila. Tuwang-tuwa ako sa loob-loob ko habang pinakikinggan silang ngumawa.

“Putang ina no’ng lalakeng ’yon! Kilala ko ’yong boses no’n eh!” may inis na sabi ni Castro. “’Yong ano ’yon… ’yong pakboy na basketball player!”

“Si McMiller?” tanong ni Briones. Ginagalaw-galaw nito ang kaniyang buhok para agad na matuyo.

“Oo, ’yong hilaw at matangkad na player!” tugon ni Castro habang iniaangat ang uniporme sa may dibdib.

Sabi na eh. Si Pio nga ’yong nasa loob ng cubicle. Pero bakit niya ginawa ’yon? Pinagtanggol niya ba ako kina Briones at Castro?

“Kaya pala mayabang! Kasi varsity player! Gago ’yon ah, binasa tayo!” ani Briones. “Dumaan lang ’yon sa kanto namin, babanatan ko talaga ’yon!”

“Nagalit yata eh, napag-usapan kasi ’yong ex niya.” Tumalikod si Castro sa wall fan at sunod na pinahanginan ang basang likod. Dahil nakatuwad ay nagmukha siyang baboy na nile-lechon. Nahagip ako ng mga mata niya kaya ibinaling ko agad ang aking tingin sa loob ng bulsa ng aking bag at nagkapkap.

Nahawakan ko na talaga ang aking wallet. Pero dahil interesado ako sa pinag-uusapan nila ay nagkunwari akong hindi pa rin ito nakikita.

“Eh ba’t siya magagalit? Wala na nga sila no’n eh!” buwelta naman ni Briones. “Palibhasa ’di niya matikman si Mona! Balita ko, ayaw daw no’n pumayag makipag-sex hangga’t ’di pa sila kinakasal. Conservative kasi ang pamilya ni Mona. Kaya ’yon, tumikim ’yong gagong McMiller ng iba’t ibang babae! Sinayang niya si Mona ko! Kung ako ’yon, maghihintay ako! Hihintayin ko si Mona! My virgin coconut Mona! Oh, so fresh!”

Natigilan ako dahil sa narinig ko. At tila magkahalo-halong emosyon ang naramdaman ko.

Inis. Tuwa. Lungkot.

Inis, dahil ang bastos ng bibig ni Briones.

Tuwa, dahil kinarma sila ni Castro.

Lungkot, dahil may napagtanto ako.

No’ng gabing naligaw si Pio sa loob ng aking kuwarto, hindi lang ang pangungulila niya kay Mona ang naaalala ko. Kundi pati ang kagustuhan niyang makipagtalik dito. At dahil kamukha ko si Mona, sa ’kin niya ibinubos ang kaniyang masidhing pagnanasa. Kung gano’n, anong ibig sabihin no’ng sinabi niyang ako lang ang bukod-tanging lalakeng nahalikan niya? Na ako lang ang bukod-tanging lalakeng ikakama niya? Kung mahal niya pa rin si Mona, eh ano ba ’ko sa kaniya?

Litong-lito na ako.


Hanggang uwian ay hindi pa rin ako matigil sa pag-iisip. Kinakausap ako ni Jonas—na palagi kong kasabay umuwi—habang naglalakad kami sa kanto malapit sa J.A.M.A., pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Para bang lumalabas-pasok lang sa ’king tenga ang mga binibitawan niyang salita. Habang ako ay panay tanong pa rin sa loob-loob ko.

’Yong ginawa niyang pagbasa kanina kina Briones at Castro sa banyo, dahil nga ba ’yon kay Mona?

Dahil pinag-uusapan ito nang masama ng dalawa?

Hindi dahil sa ’kin?

Hindi dahil gusto niya akong ipagtanggol?

At bakit siya tumikim ng iba’t ibang babae dahil lang hindi niya makuha si Mona?

Baliw ba siya?

Ang ganda-ganda ni Mona eh. Walang-wala nga ang mga babaeng pinatos niya sa mukha nito. Kaya bakit pa siya humanap ng iba?

Kahit sinong lalake ay kakayaning maghintay ng kasal para lang makuha ang isang katulad ni Mona. At kahit sino—

“Aaron!”

Biglang nagising ang aking diwa sa sigaw ni Jonas. At tila dumaan si kamatayan nang biglang may mabilis na humarurot at bumusina sa ’king kaliwa. Isang puting van. Para akong nabingi dahil sa kaba. Muntik na pala akong masagasaan dahil lumampas na ako sa gilid ng kalsada. Pero naligtas ako. Ang bilis ng mga pangyayari. Basta’t ang alam ko ay agad na hinablot ni Jonas ang aking katawan. Nakalampas na ang puting van at kita kong tila sumisigaw ang driver nito sa ’kin pero wala akong marinig. Wala akong ibang marinig. Kundi ang mabilis na tibok ng aking puso. At ang tibok ng puso ng lalakeng kasalukuyang nakayakap sa ’kin. Si Jonas. Magkadikit ang aming mga dibdib habang nakahawak siya sa aking likod. At tila mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso nang magkalapit ang aming mga mukha. At gano’n din ang nadama ko sa kaniya.

Nagkatitigan kami. Mata sa mata. Parehong sumisinghap. At sa ’king paningin ay tila nawala ang lahat ng taong nagdaraan sa paligid. Siya lang ang nakikita ko. Dahil lang ba sa takot na mamatay kaya kumakawala ang aking puso? Dahil din ba sa takot na mawala ako kaya mabilis ang tibok ng puso niya?

“Okay ka lang?” may pagkabahala niyang tanong.

Unti-unti ay nahimasmasan na ako at bumalik ang aking pandinig. Marahang hiniwalay ko na ang aking katawan sa kaniya at tinanggal niya naman ang kaniyang madiing pagkakahawak sa ’king likod. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Ramdam kong nag-init ang aking mga pisngi. “S-Sorry.”

Hinawakan ko ang aking dibdib at sinubukang pakalmahin ang aking paghinga. Tinapik-tapik ko ito ngunit ayaw pa rin talaga. Inakbayan niya naman ako sa balikat at dinala sa tabi, sa labas ng marking ng kalsada kung saan mas ligtas. At nagpatuloy na kaming maglakad.

“M-Muntik na ’yon ah.” Tumawa siya nang pilit para mapagaan ang sitwasyon.

Tumawa rin ako nang pilit habang nakaiwas pa rin ang tingin. “Oo nga eh.”

“Kinabahan ako sa ’yo, tol. Promise! Hawakan mo dibdib ko oh.” Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinuwesto ito sa ibabaw ng kaniyang dibdib. “Mas mabilis pa tibok ng puso ko ngayon kaysa no’ng unang beses na nakita ko si Mona.”

Tama nga siya. Malumanay ang tibok ng puso niya no’ng araw na una niyang nakita si Mona sa corridor. Pero ngayon…

Hindi ako makasagot. Sa halip ay may pagkabalisa ko na lang na tinanggal ang aking palad na nakapatong sa kaniyang dibdib. Dahil kasi sa ginawa niya ay mas lalo akong nahirapang huminga.

“Huwag mo na uulitin ’yon ah,” sambit niya. Sinubukan kong tingnan ang kaniyang mukha na ngayon ay nakangiti na. Pero mas lalo lang uminit ang aking mga pisngi. “Ingat ka palagi ’pag naglalakad. May nagmamahal pa sa ’yo.”

“H-Ha?” Napanganga ako sa sinabi niya.

“I mean, ’yong mama mo… mahal ka pa ng mama mo. ’Tsaka… ’tsaka ’yong mga kamag-anak mo sa probinsya.” Inipit niya ang kaniyang mga labi at napaiwas ng tingin sa ’di malamang dahilan.

“Ah…” tipid kong sagot. Umiwas din ako ng tingin.

Tila nagkahiyaan kami sa isa’t isa.

Litong-lito na nga ako kay Pio, pero ngayon ay dumagdag pa ’tong si Jonas. Unti-unti ay naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko para sa kaniya.

Chapter 14

Kagabi ay hindi na naman naging maganda ang tulog ko, dahil narinig ko na namang kumanta si Pio sa labas ng kaniyang apartment. Pakiramdam ko talaga ay gusto niya nang makipag-ayos sa ’kin, pero nahihiya lang siya. Gano’n din naman ako. Kaya nag-isip ako ng paraan para maramdaman niya na humihingi ako ng tawad sa lahat ng maling nasabi ko sa kaniya. Pero siyempre, gusto ko pa rin lagyan ng boundaries. Mukhang hindi pa rin kasi siya nakaka-move on kay Mona. At wala naman akong intensyon na pumagitna sa kanilang dalawa. Gusto ko lang talagang mawala ang bigat na nararamdaman ko.

At isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nang maayos ay dahil sa nangyari sa ’min ni Jonas kahapon, nang muntik na akong masagasaan ng puting van. Kung hindi niya ako sinagip, malamang ay pilay na ako ngayon. O tigok. Ang tulin magpatakbo no’ng driver na ’yon, tapos ang lakas ng loob niyang sigaw-sigawan ako? Sa bagay, may mali rin naman ako dahil lumagpas na ako sa kalsada. Pero buti na lang talaga at niligtas ako ni Jonas.

Nang dumating ang lunchtime sa school ay sa karinderya sa labas na namin naisipang kumain ni Jonas. Naumay na kasi kami sa mga pagkain sa canteen. Malamig na nga ang kanin at ulam, ang mahal pa ng presyo. Tubong lugaw na nga, masungit pa ang bantay kapag naiistorbo ito sa pagbabasa ng pocketbook. Pagkatapos kumain ay naglakad na kami ni Jonas sa kanto pabalik sa J.A.M.A.. Pero sa puntong ito ay siya na ’yong pumuwesto sa tabi ng kalsada habang nakaakbay sa akin. Gusto niya yatang masiguro na hindi ulit mangyayari ’yong nangyari kahapon.

“Sarap ng pagkain do’n ah. Nabusog ako.” Hinimas-himas niya pabilog ang kaniyang tiyan. Ngumiti siya sa ’kin. “Nabusog ka rin?”

“Oo, sarap nga.” Tipid din akong ngumiti sa kaniya. “Masarap ’yong Bicol Express.”

Paminsan-minsan ay hindi rin pala masamang kumain ng ibang pagkain bukod sa siomai rice.

“Parang kailangan ng panulak,” sabi niya.

“Itulak kita,” biro ko naman.

Ang corny ko. Hindi siya natawa.

“Gusto mo ba?” seryoso niyang tanong.

“Ang alin?” sambit ko. “Itulak ka?”

Mas lalong naging corny.

“Hindi… I mean, gusto mo ba?” Sandali siyang natahimik habang nakatingin sa akin. At maya-maya pa ay nagpatuloy siya. “BJ MOKO?”

“H-Ha?” Natigilan ako.

Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng dinig dahil malabong manggaling sa malinis na bibig ni Jonas ang ganito kabulgar na salita. Hindi ito ang Jonas na lagpas isang linggo ko nang kausap. Hindi ako makapaniwala. Baka ay sumapi ang espiritu ng kalibugan ni Pio sa kaniya?

“H-Hindi… I mean…” may balisa niyang sabi. Pagkatapos ay may tinuro ang kaniyang nguso lagpas sa akin. “’Yon oh.”

At nang lumingon ako sa ’king kanan ay tumambad sa ’kin kung ano ’yong tinutukoy niya. Saka ako nakahinga nang maluwag. ’Tang ina, ’yong buko juice stand lang pala ang tinutukoy niya. BJ MOKO kasi ang eksaktong pangalan nito. Ewan ko ba kung bakit palaging abnormal ang pangalan ng mga shop na nakikita ko. Natatandaan ko pa ito dahil dito ako bumili ng jumbo buko juice noon na binigay ko kay Pio. Na siyang nagpasakit sa kaniyang tiyan. Na siyang naging dahilan para pag-isipan ko siya nang masama. Para pag-isipan nang masama ’yong matandang bading sa tailoring shop. At para pag-isipan nang masama sina Sweety at ang mga baklang kasamahan nito sa R&R Salon.

Agad na nanumbalik ang magandang imahe ni Jonas sa ’kin. Sabi na eh, hinding-hindi siya magsasabi ng gano’ng klaseng salita. “A-Ah… Akala ko…” Napakamot ako sa sintido.

“Akala mo alin?” Inipit niya ang kaniyang mga labi. Pero kita ko pa rin ang nakakubli niyang ngiti.

“Ah, wala…” Umiwas ako ng tingin papunta sa ’king kanan. Inipit din ang aking mga labi. Saka nagyaya. “Tara, buko juice?”

“G.”

At nilapitan namin ang buko juice stand.

“Kuya,” panimula ni Jonas sa lalakeng nakasuot ng kulay berdeng polo shirt na may tatak na logo ng kaning shop—BJ MOKO. Imagine, may lumapit sa ’yo, tapos ganito suot mo. Paniguradong pagtatawanan ka. Pero professional si Jonas bumili. Walang halong tawa. “Isa nga pong buko shake. Medium.” Tumingin siya sa ’kin. “’No sa ’yo, ’tol?”

Tumikhim ako. “B-Buko juice po sa ’kin, kuya. Medium size din po.”

“Okay,” ani kuyang tindero.

“Ayaw mo ng buko shake?” usisa ni Jonas.

“Hindi naman. Busog na busog lang kasi ako sa kinain natin. Lalo akong magbo-bloat sa buko shake,” paliwanag ko naman.

“Ah…” sabi niya. “Sayang, masarap pa naman ang buko shake.”

Sagot ko naman, “Masarap din naman ang BJ.”

At agad kong pinagsisihan ang aking sinabi nang matahimik siya.

“I-I mean, buko juice…” may pagkabalisa kong paliwanag. “Buko juice… Masarap ang buko juice.”

“O-Oo. Masarap din naman,” ani Jonas.

Hanep. Ilang beses na akong napapahamak dahil sa term na BJ. Hindi pa yata ako natuto. Pero usapang BJ, naalala kong nangako nga pala ako kay Pio na bibilhan ko pa rin siya ng buko juice kapalit ng mga unipormeng binigay niya. Ngayong hindi na kami nagpapansinan, dapat siguro ay tuparin ko pa rin ang pangako ko. Oo nga. Wala namang masama kung bibilhan ko pa rin siya nito. Gagawin ko lang ’to bilang bayad sa mga uniporme. Kung hindi dahil sa kaniya, malamang ay wala akong suot na summer white uniform ngayon, na siyang gamit namin tuwing Lunes at Huwebes.

Pahabol ko, “Ah, kuya, isa pa nga pong buko juice. Jumbo size po.”

Para kay Pio.

“Sige,” saad ng tindero habang ginagawa ang aming mga in-order.

“O, akala ko ba bloated ka? Bakit dalawa?” tanong ni Jonas.

“Ah, hindi… Ano… May pagbibigyan lang ako… Ibibigay ko ’yong isa…” sagot ko.

“May crush ka sa campus?” Kumunot ang kaniyang noo. “Sino?”

“H-Ha?” Tumikhim ako. “W-Wala ah.” At umiwas ako ng tingin, ibinaling ang aking atensyon sa pagproseso ng tindero sa ’ming order. “May ano lang… Meron lang akong utang na loob sa isang tao.”

“Hmmm…” ani Jonas. “Kala ko may crush ka eh.”


Gamit ang natitirang labinlimang minuto ng lunchtime ay nagpasama ako kay Jonas sa Varsity House—tawag sa tuluyan ng mga varsity players—para gawin ang isang bagay. Naalala ko kasing kinuwento sa ’kin ni Jonas na ka-team ni Pio sa basketball ’yong kuya niyang si Jason. At sa kaniya ko balak ipaabot ang isa pang buko juice na binili ko para kay Pio.

May tatlong Varsity Houses sa campus. Tig-iisa bawat sport: badminton, volleyball, at basketball. Meron ding swimming team ang J.A.M.A., pero doon matatagpuan ang house nila sa pool area sa gilid ng Senior High Building. Samantalang ang sa tatlo namang unang nabanggit ay matatagpuan sa kanto ng malubak na daan papuntang covered gym. Naglakad kami sa initan ni Jonas hanggang sa marating na namin ang Varsity House ng basketball team, na siyang pinakamalapit sa covered gym at ikalawang parking area ng campus.

Parang bahay lang din ang disenyo ng Varsity House. Iisa lang ang palapag at gawa sa bughaw na yero ang bubong. Ang kaliwang pader nito ay gawa sa kalahating kongkreto ang ibaba at metal grills naman ang sa itaas, kaya kita mula sa labas ang mga bagay sa loob. Para magkaroon ng privacy ay hinarangan na lang ang mga butas sa grills ng dalawang tarpaulin kung saan may naka-imprintang logo ng basketball team: MARINERS. Lagi kong nakikita ang logo na ito sa harap ng jersey sando ni Pio. Ang kanang parte naman ng Varsity House ay gawa sa buong kongkreto ang pader. Tingin ko ay itong parteng ’to ang sleeping quarter nila. Sa labas, kung saan medyo madamo, ay may nakatayong pahabang drying rack na gawa sa metal. Kasalukuyang may nakasampay na isang tuwalya dito. Paglakad namin palapit sa pintuan ay tumambad ang mga nakasampay na damit sa itaas na sampayan, sa ilalim ng bubong. May nakilala akong underwear at boxer shorts sa ipit-ipitan—’yong suot ni Pio no’ng gabing naligaw siya sa ’king apartment. Dahil sa kaba na baka ay bigla siyang sumulpot ay nagtago ako sa likod ni Jonas.

“Sino nga sadya mo rito?” tanong ni Jonas.

“Pio,” sagot ko naman. “Piolo McMiller. Puwedeng ikaw na lang mag-abot nito sa kuya mo?” Itinaas ko ang cup ng buko juice. “Tapos pasabi iabot kay Pio.”

“Ah, ’yon ’yong ex ni Mona, ’di ba?” usisa niya. Hindi niya pa rin kinuha ang buko juice mula sa ’king kamay. “Close pala kayo?”

“Ah, hindi, hindi,” tanggi ko. “Hindi kami close. Magkatabi lang kami ng apartment. At may… may utang na loob lang ako sa kaniya.”

“Sinong mas pogi sa ’min?” biglaan niyang tanong.

“Ha?” Tila nahirapan ako sa tanong niya. Kung pisikal na kapogian ang pag-uusapan ay mas lamang si Pio. Kung kagandahan naman ng loob ay… “S-Siyempre ikaw.”

Napangiti siya. Isang malapad na ngiti.

Nahinto na kami sa labas ng nakabukas na pintuan ng Varsity House. Nasa likod pa rin ako ni Jonas, nagtatago sa pader sa kanan.

“Tawagin ko na si Kuya ah?” aniya.

Tumango naman ako bilang pahintulot.

“Kuya Jason!” Sumenyas siya para palabasin ang kaniyang tinawag na lalake sa loob. “Labas ka muna! Saglit lang!”

“Ano ba ’yon?” dinig kong sabi ng isang lalake sa loob sa malalim na boses.

Maya-maya pa ay lumabas na ang pinanggalingan ng boses. Isang guwapong lalake na nasa 5’8“ ang tangkad. Nakatambad ang itaas na katawan habang may sampay na jersey sando sa kaliwang balikat. Tulad ni Jonas ay moreno rin ang lalake. Pero hindi tulad ni Jonas ay batak na batak ang katawan nito. Hulmado ang mga muscles na lalong pinakikinang ng tumatagaktak na pawis. May pagkakapareho ang mukha nila ni Jonas, pero mas maigting ang mga panga niya. Mayroon din siyang trimmed na balbas at bigote. Ang basa niyang buhok ay kasalukuyang nakataklob sa noo. Ganito siguro ang itsura ni Jonas kung mahaba lang ang buhok niya, kaso matagal-tagal pa bago kami makapagpahaba ng buhok. ’Pag senior siguro ay puwede na. O baka exempted lang talaga ang varsity players? Amoy na amoy ko ang pawis sa kaniyang katawan, pero hindi naman ito masakit sa ilong.

“Ah, ano, Kuya Jason…” Tumabi si Jonas kaya nabunyag na ang aking pagkatao sa astigin niyang kuya. “Si ano nga pala… si Aaron.”

Bahagyang tumaas ang kilay ng kuya niyang si Jason nang makita ako. Tila natigilan. At kita kong unti-unting nanlaki ang mga mata nito. “T-Teka, ito ba ’yong sinasabi mo?”

Lumapit sa ’kin si Kuya Jason—I mean, ’yong kuya niyang si Jason—at yumuko. Sinuri ang aking mukha. Mas lalong kumapit ang amoy ng pawis niya sa ’king ilong at bahagya din akong nabahagian ng init ng kaniyang hubad na itaas na katawan.

“Oo, siya nga. ’Di ba magkamukha sila?” may tuwang sabi ni Jonas.

Nilayo na ni Kuya Jason ang kaniyang mukha mula sa akin. Bumaba na rin ang kaniyang kilay. Pero nababalot pa rin ng pagkamangha ang kaniyang mga mata. “O-Oo nga, ’no? Kahawig niya nga.”

Madalas nga palang ikuwento ni Jonas kung gaano ka-crush ng kuya niya si Mona. Malamang ay si Mona ang tinutukoy nila. Si Mona lang naman ang laging sinasabi ng mga tao na kamukha ko. Minsan naman ay si Captain Ramirez daw. Ewan. ’Di ko pa nga nakikita ’yon eh.

Yumuko ako at bumati. “H-Hello po.”

Tumaas lang ang magkabilang kilay ni Kuya Jason bilang bati pabalik sa akin.

“Sabihin mo na, ’tol,” singit ni Jonas.

“Ah, ano po… Andiyan po ba si… si Pio?” Inipit ako ang aking mga labi.

“Wala. Lumabas.” Nagkamot si Kuya Jason sa gitna ng malapad niyang dibdib. “Bakit?”

“Ah, gano’n po ba?” Tumingin ako kay Jonas. Nagpahiwatig.

At mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. “Ah, Kuya, may ipaaabot lang sana si Aaron.” Sinanggi ako ng siko niya. “Paabot na lang daw do’n kay Pio pagbalik niya.”

Ipinakita ko naman ang cup ng buko juice kay Kuya Jason. Pero sa hindi maipaliwanag ay tila nagkaroon ng inis sa mukha niya. At tinitigan lang niya ang cup na hawak ko. “Para sa kaniya ’yan? Bakit ba ang daming nagbibigay ng pagkain do’n sa pakboy na ’yon?”

Kinahaban ako, dahil bukod sa ang tapang ng mukha niya—hindi gaya ni Jonas na mukhang anghel—ay parang nainis din siya sa pakiusap ko na iabot ang buko juice kay Pio.

“Kuya.” Sumenyas si Jonas sa kaniyang kuya na kunin na ang cup mula sa ’king kamay.

Ngumisi naman si Kuya Jason at kinuha na ang buko juice mula sa ’king kamay habang bahagyang magkasalubong ang magkabilang kilay. “Huwag mo sabihing pati ikaw ay nahulog sa gagong ’yon?”

“A-Ah, hindi po…” tanggi ko. “Wala po akong gusto sa kaniya…”

“Gagong ’yon. Ako ’yong naunang manligaw kay Mona eh. Tapos sumingit siya.” Balot na balot ng inis ang kaniyang mukha. “Palibhasa kasi mayaman. Kung mayaman lang din sana ako, panigurado ay tatanggapin agad ako ng pamilya ni Mona. Lalo na ni Captain Ramirez.” Ibinaba niya ang kaniyang tingin sa hawak niyang cup ng buko juice. “Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Mona sa pakboy na ’yon. Mas guwapo pa nga ako ro’n. Mabuti nga at naghiwalay na sila. Puwede ko na ulit ligawan si Mona.”

“Kalma lang, Kuya,” ani Jonas. “Baka ’di mo na ibigay ’yan do’n kay Pio ah?”

“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Kuya Jason kay Jonas, “makakaabot ’to sa kaniya.” Sunod siyang tumingin sa ’kin at nagtaas ng mukha. “Ako na bahala… Aaron, tama?”

“O-Opo,” tugon ko naman. “Salamat po pala.”

“Wala ’yon.” Tinapik niya na si Jonas sa balikat. “Balik na ’ko, Nas.”

“Ge, Kuya.” Tumaas ang mukha ni Jonas sa kaniyang kuya. “Salamat ah.”

Pagkatapos ay bumalik na si Kuya Jason sa loob ng Varsity House dala ang cup ng buko juice.

Mukhang may katunggali na si Pio sa panunuyo kay Mona. Sana ay si Kuya Jason ang manalo…

Teka, bakit ako napapasabi ng ganito?

Chapter 15

Limang minuto na lang ang natitira sa lunchtime namin kaya kumaripas kami ng takbo ni Jonas mula Varsity House, papuntang quadrangle, paakyat sa mababang hagdan sa gitna ng Main Building A, at nilakbay ang kahabaan ng corridor. Para akong hihikain dahil sa init ng panahon. Pero pinilit kong abutan si Jonas na mabilis ang takbo. Halos wala nang masyadong mga estudyante sa labas—sa corridor. Malamang ay maaga silang nagsibalikan ng classroom dahil mahigpit ang mga professors pagdating sa late. Kung si Prof. Salvacion ay nagpapalabas ng mga estudyanteng natutulog, ang iba namang professors ay hindi nagpapapasok ng mga latecomers. Bandang Room A-106 nang biglang may nabangga akong isang estudyanteng naglalakad sa gitna ng corridor. At hindi sinasadyang nagsiliparan sa ere ang mga hawak nito sa kaniyang kamay. Umulan ng yellow papers. At pareho kaming natumba paupo sa sahig ng estudyanteng nabangga ko. Isang babae. Magandang babae. Ubod ng ganda. Si Mona.

Nakasuot siya ng kulay kremang uniform shirt at women’s tie na navy blue. Mabuti na lang at navy blue rin ang kulay ng kaniyang pants, hindi tulad sa ’kin na puting-puti. Panigurado ay nababalot na ng mantsa ang puwetang parte ng aking pantalon ngayon dahil sa pagkatumba sa sahig.

Natigilan din sin Jonas sa pagtakbo. “Aaron!” sambit niya sa pangalan ko.

Pero mukhang hindi ako ang dapat niyang alalahanin, kundi ’yong nabangga ko. Kita ko kasing napadaing si Mona, dahil hindi tulad ko, ay mukhang hindi naging maganda ang pagkakatukod ng kaniyang kamay sa sahig.

“Sorry, sorry po.” Nilamon ako ng sobrang hiya. Hindi ko naman sinasadyang banggain siya. Nahilo lang kasi ako katatakbo kaya siguro hindi ko siya naiwasan. “Sorry po, ate.” Todo yoko ako at panay hingi ng tawad.

“O-Okay lang,” aniya. Nagpakawala siya ng mahihinang halinghing.

“Sorry po… Sorry po talaga.” Natataranta na ako sa hiya.

“It’s okay.” Sinubukan niyang huwag magpahalatang nasasaktan. “I’m okay.” Umahon siya mula sa pagkakatumba at tinangkang kunin paisa-isa ang mga papel na bumagsak sa sahig habang nakayukyok.

Agad din akong umahon at yumukyok para tulungan siya. Mukhang answer sheets ng section nila ang mga dala-dala niya.

“’Tol, male-late na ta—!” Hindi natapos sa pagsasalita si Jonas nang makita ang magandang babaeng kaharap ko. At agad din siyang yumukyok para makitulong na rin sa amin. Napapasulyap siya kay Mona, at sa ’kin, at kay Mona, at sa ’kin ulit, habang pinupulot ang mga papel. Tila pinagkukumpara ng mga mata niya ang mukha naming dalawa.

“Sorry po talaga, ate, ’di ko po sinasadya.” Nakakahiya talaga. Parang gusto ko na lang na magpalamon sa lupa. Lalo pa’t nang makita ko ang nagasgasan niyang palad. Binahiran ko ng dumi ang makinis at banayad niyang balat.

Tumingin siya sa ’kin at ngumiti. At nagliwanag ang kaniyang mukha. Na para bang sinasabi niya na wala akong dapat ipag-alala. Pero hindi ko maiwasang mag-alala kaya may pagkabalisa ko paring pinulot ang mga papel sa sahig.

Sa gitna namin ni Mona ay mayroong isang papel. At sabay namin itong nahawakan. Sabay din kaming nagkatinginan sa isa’t isa. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang ganito kalapit. At ngayon ay parang naniniwala na akong may pagkakahawig kami sa isa’t isa. Para akong nakatitig sa salamin at nakikita ang aking repleksyon. Nagkatalo lang kami sa labi, dahil mas mapula ang kaniya at maputla naman ang akin. Siguro ay gano’n talaga kasi babae siya. Ngunit kung meron mang pinakamagkatulad sa ’ming dalawa, ’yon ay ang aming mga mata.

“Ako na,” saad niya sa malumanay na boses, kaya binitiwan ko ang papel. Kinuha niya ito at inipit sa kaniyang kanang palad. Saka siya naghawi ng buhok na sumasayad sa kaniyang makinis na kaliwang pisngi. “Mukhang male-late na kayo. Kaya ko na ’to.”

At mas lalo akong nahiya. Ayokong maging panget ang first impression niya sa ’kin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero parang ang gaan ng loob ko sa kaniya. At gusto ko siyang makalapit. Pero mukhang hindi naging maganda ang panimula ko.

“O-Okay lang po, ate.” Tumingin ako kay Jonas. Alam kong late na kami kaya humingi ako ng tawad sa kaniya gamit ang aking mga mata. Pero sumenyas din siya gamit ang kaniyang mga mata para sabihing okay lang. Saka ngumiti. Mukhang masaya pa nga yata siya dahil pati siya ay nakalapit nang ganito kay Mona.

“Salamat ah,” ani Mona.

Hindi lang siya maganda. Ang bait niya pa.

“Wala po ’yon,” sabi ko naman. “Pasensya nga po pala, masyadong mabilis ang takbo ko.”

“I’m sorry, too,” aniya. “Hindi kasi ako nakatingin sa harapan. I was distracted.”

Ako na nga ang may kasalanan eh, tapos siya pa ’tong humihingi ng tawad. Parang awa mo na, lupa, kainin mo na ’ko.

Pinansin ko ang kaniyang kanang palad na may gasgas. “Nasugatan po kayo?”

Agad niya naman itong itinago sa ilalim ng mga papel na kaniyang hawak. “Ah, dati pa ’to. It’s not because of… Don’t worry.”

May anghel palang kayang magsinungaling? Bakit ganito siya? Bakit ang bait niya? Sa mukha lang yata kami nagkapareho, hindi sa ugali. Kung ako ang nasanggi ng isang tumatakbong estudyante, malamang ay maghihimutok ako sa inis. Pero heto siya, kalmado. Nakangiti pa nga.

Si Jonas ay palipat-lipat pa rin ang tingin sa ’ming dalawa. Hindi yata siya makahanap ng tamang salita para sumingit sa usapan namin.

“By the way, are we related to each other?” Kumunot ang noo ni Mona. “You look… You look a lot like Dad when he was younger.”

“S-Si Captain Ramirez po?” hula ko.

“Yes.” Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. “Magkakilala kayo ni Dad?”

Umiling ako. “Ah, hindi po. Lagi lang kasing nababanggit ng mga prof, kaya… ’Tsaka wala po akong kamag-anak dito sa Maynila. Lahat po nasa probinsya.”

“Ah, I see,” sabi niya. “For a moment I thought Dad had a love child. You really look like him in his twenties.”

Nagkataon lang siguro. Ang daming magkakamukha sa mundo.

Tumikhim si Jonas. Mukhang nakaisip na siya ng sasabihin. “K-Kayo rin po… Magkamukha rin kayo…”

“’Oy, hindi ah,” may hiya kong tanggi.

“Marami ngang nakapagsabi sa ’kin.” Ngumiti si Mona kay Jonas. At saka sunod na ngumiti sa akin. “And I bet they’re right. It’s like I’m looking at my boy version.”

Napayuko lang ako dahil sa hiya. Naramdaman ko ring bahagyang uminit ang aking mga pisngi. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakatanggap ka ng papuri sa isang diyosa? Isang malaking karangalan ang maging kamukha niya.

Naubos na naming pulutin ang mga papel sa sahig. Ibinigay ko na ang mga nakolekta kong papel kay Mona. At gano’n din ang ginawa ni Jonas. Matapos ay sabay-sabay kaming tumayo.

Muli kong sambit, “Sorry po uli, ate…”

“Mona,” pakilala niya sa sarili habang nakangiti pa rin. Hindi niya naman na kailangang magpakilala. Siya ang pinakasikat dito sa campus. Mas marami kasing lalakeng estudyante rito. Sunod ay si Pio—obvious naman kung bakit.

“Sorry po, Ate Mona.” Bahagya akong yumuko bilang paghingi ng paumanhin.

“No problem.” Inilapat niya sa kaniyang dibdib ang mga hawak na papel. “And you are?”

Tama ba ako? Gusto niyang malaman ang pangalan ko? Hindi ako makapaniwala. Hindi rin ako makapagsalita.

“Aaron po…” Inakbayan ako ni Jonas sa balikat at siya na mismo ang nagpakilala sa ’kin kay Mona. “Siya po si Aaron Alcalde.”

Napatingin ako kay Jonas nang wala sa oras. Hindi naman Alcalde ang apelyido ko. ’Yon ’yong apelyido niya. Nalito lang ba siya?

Nang mapagtanto niyang tila may pagtataka sa ’king mga mata ay saka niya sinabing “Ay, sorry. Alcantara po pala. Aaron Alcantara.” Kumamot siya sa ulo. “Ako po ’yong Alcalde. Jonas Alcalde.”

Ah, kaya… Gusto niya lang din yata magpakilala kay Mona.

“Jonas, Aaron, thank you,” sabi ni Mona. “I guess I’ll have to go now.”

Ngumiti ako. “W-Wala po ’yon, Ate Mona.”

“Kayo rin, baka late na kayo,” saad niya.

“Sige po,” sagot ko. “Bye po.”

“Bye po, Ate Mona,” si Jonas.

“Bye.” Naglakad na palayo si Mona. Bago tuluyang lumisan ay lumingon muna siya sa ’kin at may sinabi. “Aaron, talk to you soon. Marami pa akong gustong itanong sa ’yo.” Ngumiti naman ako bilang tugon. Pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang kabilang dulo ng corridor. Ang tanging naiwan na lang ay ang kaniyang halimuyak. At kami ni Jonas. Na parehong nakatulala. Hindi makapaniwala. Hindi makapaniwalang—

Late na kami! Putang ina!

Itinuloy namin ni Jonas ang naudlot naming pagtakbo hanggang sa makarating na kami sa Room A-110. Balewala naman pala ang pinagpaguran namin dahil huli na ang lahat. Pagdating namin ay nakita naming nasa loob na si Prof. Batumbakal—’yong pinakamasungit naming prof sa Navigational Instruments with Compasses—at nagsimula na itong magturo. Sa tapat ng kanang pintuan ng classroom ay hingal na hingal kaming tumayo ni Jonas at sabay na itinuwid ang katawan. Pinagtinginan kami ng mga kaklase namin. At mukhang alam na nila kung anong kahihinatnan namin. Pero nagbakasakali pa rin kaming baka ay may milagrong mangyari. Baka ay mahabag ang pusong bato ni Prof. Batumbakal.

Kumatok ako nang tatlong beses sa gilid ng nakabukas na pintuan at sumaludo. “Midshipman Aaron Alcantara. Permission to come aboard, Sir!”

At gano’n din ang ginawa ng aking katabi. “Midshipman Jonas Alcalde. Permission to come aboard, Sir!”

Naglakad palapit sa ’min ang lalakeng mahigit nasa singkwenta na ang edad—si Prof. Batumbakal. As usual, nonchalant na naman ang mukha niya. Nakasuot siya ng itim na pantalon at leather jacket kahit mainit ang panahon. Idol niya yata si Robin Padilla. Habang palapit siya nang palapit ay mas lalo ring bumibigat ang aming pakiramdam. At tila mas lalong nawawala ang pag-asa naming makapasok sa loob ng classroom. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng padabog na pagsara ng pinto. Hanggang sa wala na kaming ibang makita ni Jonas sa ’ming harapan kundi ang bughaw na pinto rin mismo.

Napagsarhan kami.

Hayup.


Dahil sa pagka-late ay hindi namin nasundan ang tinuro ni Prof. Batumbakal kanina. Nanatili lang kami ni Jonas sa labas ng classroom buong magdamag sa subject niya, habang tinatawanan ng mga nagdaraang seniors. Ni hindi man lang siya naawa sa ’kin kahit bahagyang namumutla na ang mukha ko kanina dahil sa hika. No’ng sumunod na subject pa ako nakagamit ng inhaler na nasa loob ng bulsa ng aking bag. Tapos, ito pa, may pa-short quiz daw bukas. Mabuti na lang at pinahiram ni Mr. Class President ang filler notebook niya sa amin para may makopyahan kami ni Jonas. Hindi niya naman kailangang mag-review dahil matalino na siya.

Sa malapit na convenience store sa kanto ng J.A.M.A. kami tumambay ni Jonas para kopyahin ang mga notes ni Mr. Class President. Palubog na ang araw. Pati sa pagsusulat ay napag-iiwanan ako ni Jonas. Hindi naman kasi tulad niya na parang doktor ay maingat ako magsulat. Kailangang pantay ang mga letra sa linya ng aking papel. Tapos dapat consistent din ang font style. Pasikreto nga yata niya akong tinatawanan dahil gumagamit din ako ng highlighter. O ewan. Basta kapag natatapos na siya sa isang pahina ay tahimik niya lang akong pinagmamasdan, nakapangalumbaba, hinihintay akong matapos.

Mayroon pang mahigit tatlong pahinang natitira. Nang mauna ulit na matapos si Jonas ay naisipan niyang um-order ng pagkain sa counter para hindi makahalata ’yong cashier na kanina pa kami nakatambay. Nang matapos um-order ay bumalik siya sa kaniyang upuan at inilapag ang isang piraso ng siopao na special at Coke Mismo sa tabi ng aking notebook.

“Kain ka muna,” alok niya. Kumagat siya sa siopao na kaniyang hawak at ngumuya. “Maya na ’yan.”

Napahinto ako sa pagsusulat nang malanghap ang nakatatakam na siopao. Lumunok. “Sa ’kin ’to?” tanong ko kahit obvious naman. “Magkano?”

“Libre ko na ’yan.” Ngumiti siya kaya lumobo ang kaniyang mga pisnging may lamang pagkain. Nagmukha siyang panda.

“’Di nga?” seryoso kong tanong. “Magkano nga?”

“Libre nga.” Inilapag niya ang kaniyang hawak na siopao sa pahabang lamesa. Pagkatapos ay kinuha niya ang siopao na inalok niya sa ’kin, binalatan ito, at saka inilapit sa aking bibig. “Ah…”

Ngumanga siya kaya kusa akong napagaya. Ngumanga rin ako, kumagat sa siopao, at ngumuya. At saka ito kinuha mula sa kaniyang kamay. “Libre ’to ah?” may laman sa bibig kong sabi.

“Oo nga.” Kinuha niya pabalik ang kaniyang siopao at nagpatuloy sa pagkain. “Libre ’yan. Malaki kasi ’yong natanggap kong tip galing sa kasalan no’ng nakaraang gabi.”

Ngumiti naman ako. “Sana all.”

Itinabi ko muna ang aking notebook para maitukod ko ang aking mga siko sa lamesa habang kumakain. Saka ako tumingin paharap. Mula sa transparent na glass wall ay tumagos ang aking tingin sa kalsada kung saan mayroong iilang nagdaraang mga sasakyan, papunta sa kabilang kanto na abot-tanaw lang kung saan mayroong maliit na tindahan. Habang ngumunguya ay may nakita akong pamilyar na mukha. Si Pio. Nakasuot ito ng jersey shorts at sando. Pawis na pawis. Katatapos lang yata nitong mag-practice. Sa kaliwang kamay nito ay mayroon itong bitbit. Isang bagay na mukhang galing sa ’kin—ang jumbo cup ng buko juice. Kita kong may binili ito sa maliit na tindahan. Isang sigarilyo. Pagkatapos makisindi ay hinithit nito ang sigarilyo sa kaniyang kanang kamay. Sabay buga ng usok. At uminom ng buko juice. Mabuti naman at tinanggap nito ang bigay ko.

Nang mapalingon si Pio paharap—papunta sa direksyon ko—ay agad akong napaiwas ng tingin. Kunwari ay hindi ito nakita. Nilakasan ko pa ang aking pagnguya sa malagkit na tinapay ng siopao at ibinaling kay Jonas ang aking tingin. Naghintay ako ng mga ilang sandali. Akala ko ay natanggal na ang tingin nito sa akin, ngunit nang sumilip ako ay hindi pa rin pala. Taimtim pa rin itong nakatingin sa ’kin habang humihithit ng sigarilyo. Napagpasyahan kong kay Jonas na lang talaga ako titingin hanggang sa matapos si Pio sa paninigarilyo sa kabilang kanto.

Ngumiti ako kay Jonas. “Ang sarap ng siopao.”

“Gusto mo pa ba?” Uminom siya ng soft drink.

Umiling ako. “Ah, hindi. Okay na ’to. Solb na.”

“Sabi ka lang ah.” Mahina siyang dumighay. “Excuse me.”

Maya-maya pa ay narinig kong biglang bumukas ang pinto ng convenience store malapit sa kaliwa ni Jonas. Noong una ay kinabahan ako, dahil inakala kong baka ay si Pio ang paparating. Pero hindi. Isa lang pala itong babae na nakasuot ng duster na tulad ng kay Manang Lucy pero tropical ang design at bahagyang madungis. Mga nasa bente na ang tanda base sa itsura. Maitim ang balat. Maikli at kulot ang buhok. Bilugan ang mukha. May pagkasingkit ang mga matang bahagyang magkadistansya sa isa’t isa. Flat ang ilong. Maiitim ang mga labi. At malapad ang pangangatawan. Nakasuot ito ng pulang tsinelas.

“O, Bona, andito ka na naman? Lumabas ka nga,” taboy sa kaniya ng lalakeng cashier sa counter sa dulo. “Manggugulo ka na naman eh.”

Parang pamilyar ang pangalan ng babae.

“Hindi ako gulo.” Umirap ’yong tinawag na Bona. “Hanap lang si Bona jowa. Pogi… Daming pogi rito…” Tila kinilig ito habang malagkit ang titig sa ’min ni Jonas.

Parang nagsitaasan ang mga balahibo ko bigla.

“Hay, ang kulit,” may pagkadismayang sabi ng cashier. Wala itong nagawa dahil mayroon nang kakapila lang na customer sa counter.

Nang maglakad palapit sa ’min si Bona ay inurong ko ang aking upuan palapit kay Jonas. Sumubo ako ng pagkain at nagkunwari na hindi ko nakatagpo ang kaniyang mga mata. Nagtaka naman si Jonas sa kinilos ko, pero kinalaunan ay napangiti siya abot tenga ngayong magkalapit na kaming dalawa.

“O, bakit?” nakangiti niyang tanong.

“May baliw,” pabulong kong sabi.

“Ha?” Kumunot ang kaniyang noo.

“Hi!” Sabay kaming nagulat ni Jonas sa malakas at matining na boses. Nang marahan akong lumingon patalikod ay kita kong nakatayo na pala si Bona sa likuran namin. “Ako si Bona, kikikikik !”

Pamilyar talaga ang pangalan niya. Ito ba ’yong tinutukoy ni Pio dati na baliw sa kanto ng J.A.M.A. na mahilig sa guwapo? Akala ko ay biro niya lang ’yon. At meron pa… Ito ba ’yong pinagtatawanan nina Briones at Castro dahil daw mabaho ang tahong nito? Siya yata ’yong ginagawa nilang parody ni Mona. Pero hindi naman siya mabaho. Amoy araw lang.

Nasamid si Jonas. At nang maka-recover ay nagpunas siya ng bibig saka tumingala kay Bona. “Ha? Ikaw si Bonak?” tanong niya sa seryosong mukha.

At nakatanggap siya ng malutong at matunog na kaltok sa ulo mula kay Bona. “Bona! Ako Bona! Hindi Bonak! Bobo!”

Impit akong natawa sa nangyari. Pero agad ko itong pinigilan nang marinig ang mahinang daing ni Jonas habang hinihimas ang nanakit na ulo. “Aray ko.” Kita kong bahagyang natawa din siya habang nakatingin sa ’kin.

Bigla na lang umupo si Bona sa bakanteng upuan sa ’king kanan. Habang nakaupo siya dito ay inusog niya ito palapit nang palapit sa akin at sumakit ang aking tenga sa bawat kaluskos na ginagawa niya sa sahig. Hindi na lang kasi buhatin. At tila lalong nagsitayuan ang aking mga balahibo nang hawakan ako ng mabigat niyang kamay sa kanang balikat. Hindi ako makagalaw. “Pogi ka,” sabi niya sabay bungisngis.

“Crush ka yata,” natatawang sabi ni Jonas.

“’Oy, Jonas, tulungan mo ’ko rito,” mahinang pakiusap ko sa kaniya. “Alis na kaya tayo?”

“Wala ’yan. Huwag mo na lang pansinin,” aniya.

Paano ko hindi papansinin? Ang lagkit ng titig sa ’kin ni Bona. At malakas ang pakiramdam ko na parang may gagawin siyang mali.

“Sa ’yo to?” Itinuro ni Bona ang Coke Mismo sa tabi ng aking notebook. Hindi ko siya sinagot. “Sa ’kin na ’to.”

Puta, kinuha niya ang soft drink na bigay ni Jonas sa ’kin at ininuman ito. Hindi ko pa nga nababawasan. Matapos uminom ay dumighay siya nang malakas. Pagkatapos ay tumayo na siya. Nanalangin akong sana ay umalis na siya ngayong nakuha niya na ang soft drink ko. Pero hindi. Bumalik ulit siya ng tayo sa likuran namin ni Jonas. Sabay naman kami ni Jonas na napatingala patalikod sa kaniya. At sabay din naming sinubo ni Jonas ang natitira naming mga siopao dahil baka mamaya ay kunin pa ito ni Bona.

“Pogi n’yo pareho!” may gigil na sabi ni Bona. “May… May girlfriend na kayo? Kikik .”

“Wala,” sabay naming sabi ni Jonas habang ngumunguya.

Hindi ko alam na single din pala si Jonas. Sa pogi niyang ’yan?

“Hmm, ’di nga?” Pareho kaming inakbayan ni Bona sa magkabilang balikat. Dumikit ang malaki niyang tiyan sa pagitan ng magkadikit naming mga balikat. “Mag-boyfriend ba kayo? Kikikikik.”

Tila sabay kaming nabulunan ni Jonas sa kaniyang tanong. Pinilit kong lagukin ang pagkain kahit hindi nanguya nang maayos. At sabay din kaming nagsalita ni Jonas.

“Hindi,” sabi ko.

“Oo,” sabi naman ni Jonas.

Nagkatinginan kami sa isa’t isa. “Ha?” sabay naming sabi. Pareho kaming nagtaka. Tumaas ang kilay ko. Nanlaki naman ang mga mata niya.

Putol kong tanong, “Anong—?”

“Dapat sinabi mong oo. Hindi tayo titigilan niyan,” pabulong niyang paliwanag.

“Ah,” walang boses kong sabi nang mapagtantong tama nga siya. Pagpasok ni Bona kanina ay sinabi nitong jowa ang kaniyang hanap. ’Pag nalaman niyang single ako ay hindi niya ako titigilan. Lumingon ako kay Bona at iniba ang aking sagot. “O-Oo.” Sabay balik ng tingin kay Jonas at napalunok.

Tila ngumiti ang mga mata ni Jonas. Sana ay gumana ang strategy niya. Sana nga ay lubayan na kami ni Bona ngayong nagkunwari kaming mag-boyfriend.

Please, please, please, umalis ka na, Bona. Umalis ka na—

“Sige nga, kiss nga kayo?” utos ni Bona. “ Kikikikik .“

Pareho kaming hindi makapagsalita ni Jonas. Pero kita kong napatitig siya sa ’king mga labi. Sabay balik ng tingin sa ’king mga mata. Sa hindi maipaliwanag ay napatitig din ako sa mga labi niya. Pero ibinalik ko rin agad ang aking tingin sa kaniyang mga mata.

“ Yieeh ! Kiss-kiss na ’yan!“

Huli na nang maramdaman kong biglang hinawakan ni Bona ang likod ng aking ulo at gano’n din ang ginawa niya kay Jonas. Pagkatapos ay bigla niyang pinag-umpog ang aming mga ulo. Napakabilis ng mga pangyayari. Sobrang bilis! Basta’t ang sunod na alam ko ay nakadikit na pala ang aking mga labi sa mga labi ni Jonas. Sobrang dikit! Sabi na nga ba, may gagawin siyang mali! At ito na ’yon!

Napatili si Bona sa sobrang kilig. Agad naman naming pinaghiwalay ni Jonas ang aming mga labi, pinilit na kumawala mula sa mga kamay ni Bona. Namula ang mga pisngi ni Jonas. Ramdam ko namang nag-init ang akin. At sabay kaming nagpunas ng bibig. Nagkaiwasan din ng tingin. Siya sa kaliwa. Ako naman sa kanan. Habang si Bona ay parang kinakatay sa sobrang kilig, kami naman ni Jonas ay tila napipi sa sobrang hiya.

Hayop na Bona, ang lakas ng tililing!

Parang gusto ko na ulit magpalamon sa lupa.

At ’pag nilamon ako ng lupa, isasama ko talaga siya!

Samantala, pag-iwas ko ng tingin ay nahagip ng aking mga mata si Pio na nakatayo sa kabilang kanto. Marahan akong sumilip sa direksyon nito. Hindi pa rin pala ito nakakaalis. Pero mukhang tapos na itong manigarilyo. Sa hindi malamang dahilan, habang nakatingin ako sa direksyon nito, ay bigla nitong niyupi sa kaniyang palad ang cup ng buko juice habang matalim na nakatitig pabalik sa ’kin—sa ’min ni Jonas.

Chapter 16

Ang daming nangyari kahapon. Mga nakakahiyang pangyayari. Una, nabangga ko si Mona sa corridor. Tapos, nagasgasan ’yong palad niya. Pero sa kabila ng lahat, sinabi niyang gusto niya akong makausap ulit dahil marami pa siyang gustong itanong sa ’kin. Tungkol saan naman kaya? At bukod sa banggaan namin ni Mona ay mayroon pang isang banggaang naganap. Nagbanggaan ang mga labi namin ni Jonas habang nasa loob kami ng convenience store. Ang salarin? Walang iba kundi si Bona.

Naaalala ko pa rin kung paano kami nagkahiyaan ni Jonas. Halos ilang minuto rin kaming hindi nakaimik habang nakaiwas ang tingin sa isa’t isa. Parang mayroon ding kuryenteng dumaloy sa ’ming katawan nang aksidenteng magkahalikan kami at hindi kami makakilos nang maayos. Ngunit nang tumagal ay si Jonas na mismo ang nagkusa na maunang magsalita sa ’ming dalawa. Sabi niya, mauuna na raw siya, kasi may raket pa siya. Ang sabi ko naman, sige, dalhin niya na ’yong notebook. Pero hindi niya ginawa. Sa halip ay kinunan niya na lang ng litrato ang bawat pahina nito at iniwan sa ’kin. Sabay kaming lumabas ng convenience store palayo kay Bonak—este, kay Bona.

Naghiwalay kami ng landas ni Jonas nang tumawid na siya sa intersection sa kanan ng convenience store, habang ako naman ay tumawid sa kalsada papunta sa kabilang kanto. Pansin kong tila nakasunod pa rin ang tingin ni Pio sa ’kin habang nakatayo ito sa tapat ng maliit na tindahan. Nang makatawid naman ako ay kita kong naglakad siya palapit sa ’kin. Akala ko ay ’yon na ang pagkakataon para magpansinan kami kaya huminto ako at tumingin din sa kaniya. Pero hindi pala. Naglakad lang pala siya papunta sa basurahan ng tindahan malapit sa ’kin at nagpakawala ng mahinang “Tch.” Pagkatapos ay naglakad na siya pabalik sa campus nang hindi ako pinapansin. Anong problema niya?

Nang sumapit ang gabi ay nangharana na naman siya sa may pasilyo. Paulit-ulit ang inaawit niyang kanta kaya halos na-memorize ko na ang tono at lyrics nito. ‘Chance With You’ pala ang pamagat nito nang i-search ko ito sa Google. Isa itong kanta para sa taong puno ng pagsisisi. May kirot sa dibdib kung pakikinggan. Lalo na’t kung maaalala mo ang mga bagay na hindi mo na mababalikan. Kung gusto niyang ibalik ang lahat sa dati, bakit hindi na lang siya gumawa ng paraan? Hindi ’yong ganito, idinadaan niya ang lahat sa kanta. At sa kalagitnaan pa talaga ng gabi.

Kulang na kulang na nga ako sa tulog dahil sa sunod-sunod na gabing kumakanta siya. Mabuti na lang at Biyernes na. Bukas ay wala nang pasok. Sa Linggo ulit para sa NSTP 1—National Service Training Program 1. Para akong zombie habang naglalakad mula sa babaan ng tricycle papuntang entrance ng school. Ang pait din ng aking panlasa kahit nagsipilyo naman ako kanina. Gusto nang bumigay ng aking mga mata, pero agad na nagising ang aking diwa nang makasabay ko sa paglalakad si Bona.

“Hi!” Ito na naman ang malakas at matining niyang boses. “Good morning, pogi! Kikikik !”

Mas lalong nasira ang umaga ko nang makita ko ang kaniyang madungis na mukha, lalo na ang mga mumo ng kanin sa kaniyang bibig. Dahil sa takot ay binilisan ko pa ang aking paglalakad. Pero agad niya akong naabutan kahit na maikli ang kaniyang mga biyas.

“Kamusta ka? Okay lang ako,” sabi niya. “Kumain ka na ba? Kumain na si Bona. Kikikik !”

Sariling tanong, sariling sagot. Galing.

“Do’n ka nga,” mahinang taboy ko sa kaniya.

Binilisan ko pa ang aking lakad. At agad niya rin akong nahabol.

Sabi niya, “Alam mo, may kamukha ka…”

Alam ko na ang sasabihin niya. Tulad ng marami ay sasabihin niyang kamukha ko si Mo—

“Kamukha mo si Jungcock,” tuloy niya.

Kumunot ang aking noo. “Ha? S-Sino?”

“Si Jungcock,” seryoso niyang sagot, “’yong K-pop.” Bumungisngis siya. “Asawa ’yon ni Bona.”

May gano’n ba? O baka namali lang siya ng bigkas? Hindi ko alam. Hindi ako masyadong nanunuod ng K-pop. Pero paano naman ako magiging kamukha ng isang K-pop artist eh hindi naman ako maputi? Baliw nga ’to. At hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-usap sa isang baliw. Sa bagay, napagtiyagaan ko ngang kausapin si Pio dati.

Tumango na lang ako. “Ah…”

“Bakit ’di mo sabay boyfriend mo?” tanong niya.

Dahil sa sinabi niya ay naalala ko na naman ’yong nangyari kahapon. At mas lalo akong nainis sa kaniya.

“Kasi wala siya,” pilosopo kong sagot.

“Bakit wala siya?” seryoso niyang tanong.

Ang kulit neto.

“Kasi nawawala siya.” Ginaya ko ang bungisngis niya, pero walang emosyon ang akin. “Kikikikikik!”

“Ha? Nawawala siya?” Napatakip siya sa bibig. At kita kong parang totoong may pag-alala sa mga mata niya. “Ang boyfriend mo nawawala?”

“Ewan ko sa ’yo…” bulong ko.

Maya-maya pa ay bigla siyang napasigaw—isang mangiyak-ngiyak na sigaw. “Tulong! Tulong! Nawawala ang boyfriend niya! Tulungan n’yo kami!”

“’Oy, gago…” Agad akong napadistansya sa kaniya.

Nilapitan niya naman ako at itinuro. “Tulungan n’yo siya! Maawa kayo! ’Yong boyfriend niya nawawala!”

Nagsitinginan sa ’min ang mga estudyanteng nagdaraan at nagsitawanan. Agad naman akong napatakip sa mukha gamit ang aking kamay. At nang makapasok na ako sa makipot na entrance ng school ay hindi niya na ako nahabol pa dahil pinigilan siya ng guwardiya. Dapat pala ay hindi ko na siya pinatulan. Napahiya tuloy ako sa ginawa niya. Sa bagay, sino ba namang maniniwala sa sinabi niya? Na may boyfriend ako? Ang tingin sa kaniya ng mga tao ay baliw. At walang sumeseryoso sa kaniya.

Sa paglalakad ko sa corridor ng Main Building A ay nakita ko ang mga nakapaskil na papel sa harapang pader ng bawat classroom, kung saan may nakasulat na ‘MR. AND MS. J.A.M.A.’ at kung kailan ito gaganapin. Ilang araw na lang pala ang natitira. Sino kaya ang tinutukoy ni Ms. Hen Lin na pambato namin?

Nang madaanan ko ang men’s restroom sa bandang gitnang corridor ay nakita kong biglang lumabas mula rito si Jonas. Mukhang katatapos niya lang maghilamos dahil nagpunas siya ng mukha gamit ang kaniyang pulang bimpo. Hindi niya ako napansin no’ng una kahit na kasabay niya lang ako maglakad. Pero nang matapos na siya sa pagpunas ay bigla siyang nagulat nang makita ang aking mukha.

Napahawak siya sa dibdib. “’O-Oy, ikaw pala… ’tol.”

“I-Ikaw pala ka,” bulol kong sabi. “Ikaw ka pala—” Putang ina, ang dali-dali na lang ng dapat kong sabihin, hindi ko pa masabi nang maayos. “I-Ikaw pala.” Hayop.

’Yon lang ang naging usapan namin habang nilalakad ang mahabang corridor. Pareho kaming hindi makatingin sa isa’t isa. Kasalanan talaga ’to ni Bona.

Nang marating na namin ang Room A-110 ay nagkahiyaan pa kami kung sino ang mauunang pumasok sa pintuan.

“Ikaw na,” sabi niya.

“Hindi, ikaw na muna,” ang sabi ko naman.

“Hindi, ikaw na,” pilit niya.

“Hindi, ikaw na nga,” giit ko naman.

“ Tch ,“ dinig kong sabi ng dumaang estudyante sa corridor sa likuran namin. “ Ikaw na. Ikaw na nga, “ paggaya nito sa usapan namin ni Jonas sa ipit at tila naiinis na boses. “ Heh . Para papasok lang sa loob. Aarte.“

Paglingon ko rito ay nakalampas na ang matangkad at nakatalikod na lalakeng siyang pinanggalingan ng boses. Nakasuot din ito ng Black Liberty uniform tulad namin. Parang si Pio.

Dahil ayaw magpatalo ni Jonas ay nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng classrom. Pero hindi ko naman inakalang sasabayan niya rin pala ako. Ang ending, pareho kaming na-stuck sa may pintuan. Agad din naman kaming napaatras palabas.

Tumingin siya sa ’kin. “A-Akala ko—?”

“S-Sorry, akala ko rin—” Kumamot ako sa ulo. “D-Doon… Doon na lang ako sa kabilang pinto.” May pagkabalisa akong tumalikod sa kaniya.

Shit. Ano ba ’tong nangyayari sa ’min? Kasalanan talaga ’to ni Bona! Sana ay makagat niya ang kaniyang dila sa tuwing maiisip ko ang kaniyang pangalan.

Pagtalikod ko kay Jonas ay nahagip ng aking mga mata ang lalake sa hagdanang katabi ng aming classroom—’yong nanggaya sa ’min kanina lang. Nakahinto ang isang paa nito sa unang baitang ng hagdan. Nang mapansin ako nito ay may pagmamadali itong umiwas ng tingin at saka tuluyan nang umakyat ng hagdan, papunta sa itaas kung saan matatagpuan ang classrooms ng seniors. Si Pio nga. Ano kayang problema niya? Parang kahapon pa siya gano’n. Hindi ko na muna siguro siya bibilhan ng buko juice. Baka mamaya ay yupiin niya na naman.

Pumasok na ako sa loob ng classroom gamit ang kabilang pinto.


Salamat sa notes ni Mr. Class President at nakakuha ako ng perfect score sa pa-short quiz ni Prof. Batumbakal sa fifth subject. Si Jonas naman ay may isa lang na mali. Binura niya pa kasi ’yong isang sagot niya. Bawal erasure dito. Bagaman ay pareho kaming nakakuha ng mataas na marka ay si Mr. Class President lang ang pinuri ng prof dahil sa perfect score. Natatandaan niya pa rin yata ’yong pagka-late namin kahapon. ’Yon kasi ’yong pinakaayaw niya daw sa lahat. At ngayon ay mayroon na naman kasing na-late—sina Briones at Castro naman—kaya mas lalong uminit ang kaniyang ulo. Para maibsan ang kaniyang pagkamuhi sa ’kin ay nagpresenta na akong magbuhat ng puting projector—na pinabitbit niya lang din sa mga estudyante kanina—pagkatapos niyang magturo.

“Sir, ako na po sa projector,” alok ko.

Tumayo naman si Jonas at tila nagpresenta rin na tumulong. “Sir, ako rin po. May bubuhatin pa po ba?”

Para ma-survive ’tong unang taon, kailangan ay magkaroon ako ng magandang imahe sa mga professors. ’Di ba nga, tulad ng lagi kong sinasabi, first impressions last? At ayokong magkaroon ng panget na first impression sa isang terror na prof, dahil baka ay panget na grades din ang ibigay sa ’kin. Mukhang pati si Jonas ay gusto ring linisin ang kaniyang pangalan. Nagsusumikap talaga siya para maka-graduate. Tulad ko ay gusto niya rin kasing makaahon sa hirap.

“Hmmm…” Tiningnan kaming dalawa ni Prof. Batumbakal nang may pagdududa. Pero kinalaunan ay pumayag ito na kami na ang tumulong sa kaniya. “Isa sa laptop bag.”

“Sige po,” ani Jonas.

“Dalhin n’yo sa Room A-310,” utos ni Prof. Batumbakal. “Mauna na kayo do’n. CR lang ako.”

“Opo,” sabay naming sabi ni Jonas.

Lumabas na ng classroom si Prof. Batumbakal.

“Cadets!” hudyat ng class president.

Tumayo ang mga kaklase namin at sabay-sabay na nagsabi ng “Goodbye, Sir!” Nang tuluyan nang makalabas si Prof. Batumbakal ay nagsibalik na sila ng upo. Nakahinga nang maluwag. Nakapag-ingay na. At nakapasok na rin sina Briones at Castro sa loob. Mabuti nga at na-late sila. Hindi na sila nakapag-short quiz. Sumusunod-sunod na ang karma nilang dalawa. Sana masundan pa. Ha-ha!

Sabay kaming umakyat ni Jonas ng hagdan. Sa ’ming dalawa ay siya ’yong nagpumilit na magbuhat ng projector dahil mas mabigat ito—sanay daw siyang magbuhat. Ako na lang ’yong nagbuhat ng laptop bag. Habang naglalakad sa hagdan ay ramdam ko pa rin ang pagkailang namin sa isa’t isa. Ang totoo niyan, kanina pa kami hindi nagkikibuan mula first subject. Sabay din kaming nag-lunch kanina sa canteen, pero hindi kami masyadong nag-usap, puro kain lang. Hindi puwede ’yong ganito. Hindi na nga kami nagpapansinan ni Pio. Tapos pati ba naman siya? Ako naman siguro ang dapat maunang mag-approach.

“Sorry kung—”

“Sorry sa—”

Bigla kaming nagkasabay magsalita. At muling nanumbalik ang ilang sa pagitan naming dalawa. Sandaling katahimikan.

Maya-maya pa ay muli kong tinangkang maunang magsalita.

“Ikaw muna—”

At muli ay nagkasabay na naman kami at magkapareho pa nga ng nasabi. Habang tumatagal ay lalong lumalala ang pagkailang namin sa isa’t isa.

“Okay, ako muna, ’tol,” suhestiyon niya.

“Sige,” pagpayag ko.

“Sorry sa nangyari kahapon,” aniya. “Kasalanan ko. Dapat kasi hindi na kita kinumbinse na magkunwaring mag-boyfriend tayo. ’Yon tuloy.” Inilipat niya ang kaniyang tingin mula sa ’king mga mata papunta sa ’king mga labi, saka lumunok.

Yumuko naman ako at may pagkailang na ngumiti. “O-Okay lang ’yon. Sorry din kung… kung nahalikan kita.” Inipit ko ang aking mga labi.

“Wala ’yon.” Nanumbalik na ang kaniyang ngiti—ang malapad niyang ngiti. At lumitaw na naman ang kaniyang dimples sa pisngi. “Alam mo ba? Ikaw una ko.”

“O? ’Di nga?” taka ko. “Wala ka bang naging girlfriend?”

Imposible naman. Ako ang first kiss niya? Paano nangyari ’yon?

“Oo, ikaw,” nangingiti niyang sambit. “Nagka-girlfriend na rin ako dati. Pero, hindi ko siya nahalikan. Wala pa kasi kami sa tamang edad no’n.”

Masyado naman siyang maginoo.

“Naku, sorry kung gano’n,” pagkabahala ko. “Hindi ko… hindi ko naman sinasadya na ako ’yong… ’yong maging una mo.”

“Hindi mo kailangang mag-sorry,” tugon niya. “Ako nga dapat mag-sorry eh. Baka ako…? Ako rin ba ’yong una mo?”

Natigilan ako sa tanong niya. Anong sasabihin ko? Na hindi siya ang unang nakahalik sa ’kin? Kundi si Pio? Ano na lang ang iisipin niya sa akin?

“A-Ah… ano… may… may naging girlfriend na rin ako dati… siya ’yong… siya ’yong first kiss ko… s-sa pisngi.” Nakagat ko ang aking dila. “ Umph .“

Ang totoo niyan, wala pa akong nagiging girlfriend. Hindi talaga magaling magsinungaling ang katawan ko.

“Ah,” walang boses niyang sabi. Umiwas siya ng tingin at dinig kong bumulong siya sa sarili. “Yes. Ako pa rin nauna.”

“Ha? Ano ’yon?” Hinawakan ko ang nanakit kong dila habang hindi siya nakatingin.

Nang bumalik siya ng tingin sa ’kin ay agad kong ipinasok ang aking dila sa loob ng aking bibig. “W-Wala,” aniya.

Unti-unti ay nagiging komportable na ulit kami sa isa’t isa.

“Nga pala,” bigla niyang singit, “hindi talaga kayo close no’ng Pio?”

“H-Hindi.” Nagtaka ako sa tanong niya. “Bakit?”

“Eh kasi, kahapon, nakita ko siya sa kabilang kanto. Ang sama ng tingin niya sa ’kin no’ng… no’ng pinag-kiss tayo ni Bona. Tapos kanina…” Kumunot ang kaniyang noo. “Wala namang gusto sa ’yo ’yon, ’di ba?”

“W-Wala… Wala ah,” tanggi ko. “Iba gusto no’n. Si Mona pa rin habol no’n, ’yong ex niya.”

“Oo nga. Eh kamukha mo si Mona,” punto niya.

Sandali akong natahimik. Nanumbalik na naman sa ’kin ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa ’king isipan. Kaya lang ba ako nilalapitan ni Pio noon dahil kamukha ko si Mona? Teka, bakit ko pa ba kailangang problemahin ’to? Hindi naman na kami nag-uusap. At hindi niya rin naman na ako nilalapitan. Kung wala naman siyang gusto sa ’kin, eh bakit niya ako inaawitan gabi-gabi? At kung wala siyang gusto sa ’kin, bakit parang apektado siya sa nangyari sa ’min ni Jonas kahapon? Kanina? Hindi ko pa rin siya maintindihan.

“Wala ’yong gusto sa ’kin,” giit ko.

Nang marating namin ang third floor ng Main Building A ay huminto kami sa tapat ng Room A-310—classroom ng third year students. Maingay sa loob, marahil ay dahil wala pa si Prof. Batumbakal. Habang nasa labas kami ng pintuan ay may nasilip akong pamilyar na mukha sa kanang-harapan na bahagi ng classroom—isang matangkad at maputing lalake na nakasandal sa pader habang tila may kausap na nakaupong estudyante sa first row. Dito pala ang classroom niya. Dahil sa kaba ay bigla akong napaurong at nagtago sa likod ni Jonas.

“Jonas, ikaw na mauna,” sabi ko.

“Bakit?” taka niya.

“Basta,” saad ko.

“Sige.” At nauna na ngang maglakad si Jonas sa loob habang nakabuntot ako sa kaniya.

Sinikap kong huwag ibunyag ang aking mukha sa pamilyar na lalake sa pamamagitan ng pagtingin sa blackboard. Sandaling natahimik ang buong klase nila sa pagpasok namin. At nang tila makita nila ang gilid ng aking mukha ay nanumbalik ang kanilang ingay.

“’’Oy, ’yan ’yong kamukha ni Mona o.”

“’Yan ba ’yon?”

“Oo nga, ’no?”

“Hi, Mona.”

Nakaramdam ako ng pagkailang habang naglalakad. Ngayon ay tuluyan nang nabunyag ang aking pagkatao kahit pa nakaiwas ako ng tingin. Mga ilang sandali pa nang mabangga ko ang likod ni Jonas. Dahil nakaiwas ako ng tingin ay hindi ko napansin na tumigil na pala siya sa paglalakad. Paglingon ko sa kaniya, mayroon na palang matangkad na lalakeng nakatayo sa harapan niya. Ang lalakeng iniiwasan kong makita ako. Si Pio. Siya lang. Walang iba.

“Akin na,” sabi ni Pio sa malalim na boses. Hinawakan nito ang projector na hawak ni Jonas. “Ako na maglalapag.”

Sa hindi maipaliwanag ay hindi naman ito pinaubaya ni Jonas. “Hindi, ako na.”

Tila sumama ang tingin ni Pio kay Jonas. “Akin na, p’re.”

Tila mas lalo namang lumalim ang boses ni Jonas. “Akin, ’tol.”

Bakit parang may tensyong namumuo sa kanilang dalawa? Projector lang ’yan eh. Inipit ko na lang ang aking mga labi habang pinakikinggan silang dalawa.

“P’re, nahawakan ko na. Ibigay mo na.” Pinilit hugutin ni Pio ang projector mula sa kamay ni Jonas.

Pero hindi nagpatinag si Jonas. “Ako nauna, ’tol.”

“Ikaw nga ba?” Ngumisi si Pio.

Teka, projector pa rin ba ang pinag-uusapan nila?

“Eh bakit ’di natin tanungin?” mungkahi ni Jonas.

“Go ahead,” may kumpiyansang sabi Pio.

Lumingon patalikod si Jonas. “Aaron, sino nga nauna sa ’min?”

Sabay na napatingin sa ’kin ang dalawang naggaguwapuhang lalake sa ’king harapan, na taimtim na naghihintay sa aking sagot. Habang ako ay napanganga. Hindi makagalaw. Hindi alam kung anong sasabihin.

Chapter 17

Napalunok ako.

Projector naman ang pinag-uusapan nila, ’di ba? ’Di ba?

Tuloy pa rin silang dalawa sa pagtitig sa ’kin. Bawat galaw yata ng aking bibig ay napapansin nila. Tila pareho rin silang naghihintay na mabanggit ng aking dila ang pangalan ng isa sa kanila. Sa hindi maipaliwanag ay bumilis ang tibok ng aking puso. At tumulo rin ang pawis sa ’king mukha.

“U-Um…” panimula ko.

Mas mahirap pa ang pa-short quiz ni Prof. Batumbakal kaysa rito, pero hindi ko pa rin alam ang isasagot. Hindi naman kasi malinaw ang tanong. Nauna saan? Sa projector? Edi si Jonas. Obvious naman eh. O may iba pa ba silang tinutukoy? At bakit parang kahit anong isagot ko ay mali ang kalalabasan?

Kita kong tumaas ang kilay ni Pio. Kumurap-kurap naman si Jonas.

“A-Ano…” tuloy ko. “Um…”

Shit.

Dinig kong biglang nanahimik ang mga kaklase ni Pio. Maya-maya pa ay tumayo na ang isa sa kanila at humudyat ng pagbati. “Cadets!”

At sabay-sabay silang nagsitayuan. “Good morning, Sir!” sabay-sabay nilang bati sa buo at malalim na boses.

Saved by the bell.

Paglingon ko patalikod ay nakatayo na pala si Prof. Batumbakal sa may pintuan. “Morning,” bati nito pabalik, saka sumenyas na umupo na ang klase. At nagsiupo ang mga kaklase ni Pio at hindi na muling nagbulungan pa tungkol sa ’kin. Iba talaga ang nagagawa ng terror na prof, ang mga estudyante ay kusang napapatiklop.

“Bigay mo na, p’re,” mahinang utos ni Pio kay Jonas.

Lumingon pabalik sa kaniya si Jonas at tila ipinaubaya na ang projector ngayong nandito na si Prof. Batumbakal. “Ito lang ibibigay ko,” aniya sa mahinang boses. “Ako pa rin nauna, ’tol.”

Tipid na ngumisi si Pio. “Antayin mo ’ko. ’Pag bumalik ang lahat sa dati, mawawala ka na sa eksena.”

“Asa,” banat naman ni Jonas. “Bitiwan mo muna ’yong isa.”

Tila asar-talo ang mukha ni Pio sa huling sinabi ni Jonas at hindi na ito nakasagot pa.

Hindi ko pa rin alam kung anong pinag-uusapan nila. Ngayon lang sila nagkita pero bakit parang punong-puno sila ng tensyon? Kulang na lang ay magsapakan sila. At saka ang bait-bait ni Jonas sa ’kin. Tapos pagdating kay Pio, parang beast mode siya. Bakit?

“What’s happening?” tanong ni Prof. Batumbakal paglapit nito sa ’min.

Humarap na si Jonas sa ’min ngayong naipasa niya na kay Pio ang projector. At tila mabilis niyang nabago ang kaniyang ekspresyon sa mukha dahil nagsuot siya ng magandang ngiti. “Ah, Sir, wala po. Pinapahawakan ko lang po nang maayos. Baka kasi mabitiwan.”

“Hmm…” tanging sabi ni Prof. Batumbakal. Nag-ayos ito ng leather jacket.

Nang madaanan ako nito ay ipinasa ko na sa kaniya ang bag ng laptop. “Ah, Sir, ito po.”

“Salamat,” tipid niyang tugon nang kunin mula sa ’king kamay ang laptop bag. Sana naman ay gumanda na ang imahe namin ni Jonas sa kaniya. “Balik na kayo.”

Tumango kami ni Jonas.

“Sige, Sir,” ani Jonas.

“Sige po,” ang sabi ko naman.

Nang maglakad kami ni Jonas palabas ng classroom ay inakbayan niya ako sa balikat at saka lumingon pabalik kay Pio, tila ngumisi. Ramdam ko pa rin ang titig ng mga estudyante sa ’kin. At ramdam ko rin ang matalim na titig ni Pio sa ’min habang isini-setup nito ang projector sa teacher’s desk. Hindi ko na lang ito pinansin.

Habang naglalakad kami ni Jonas pababa ng hagdan ay wala siyang ibang bukambibig kundi si Pio. Si Pio. Si Pio.

“Alam mo, ’tol? Masama timpla ko ro’n sa Pio na ’yon,” pang-ilang banggit niya na sa pangalan nito.

“B-Bakit naman?” taka ko.

“Sama ng titig sa ’kin eh.” Panay galaw ang kaniyang katawan habang nakaakbay sa ’kin. “Tingin ko talaga naiinggit ’yon.”

“Inggit?” Kumunot ang aking noo. “Bakit?”

“Kasi mas pogi ako sa kaniya,” may kumpiyansa niyang sabi.

Napanganga ako. “Ha?”

“O bakit?” Kumurap-kurap siya. “’Tol…” Bigla niyang tinanggal ang kaniyang pagkakaakbay sa ’kin. “Huwag mo sabihing mas pogi ’yon?” Napahalukipkip siya, sumimangot na parang bata, at saka umiling. “Nakakatampo ka naman.”

Hinawakan ko ang manggas ng kaniyang uniporme at mahina itong hinila. “’Oy, wala naman akong sinabi.”

“Wala, wala.” Hindi ko alam kung umaarte lang ba siya dahil hindi ko makita ang kaniyang mukha. “Sabi mo kahapon, mas pogi ako. Tapos ngayon…”

“Oo na, sige na,” pagsang-ayon ko.

Lumingon na siya sa ’kin nang may nangingiting mga mata. “Sure ’yan ah?”

“Sure-sure,” sabi ko.

Tuluyan na siyang napangiti. “Ay’s.” At muli niya akong inakbayan.

Ngayon ay nasa hagdanan na kami pababa sa first floor.

“Pogi ka pala eh, dapat sumali ka na sa Mr. and Ms. J.A.M.A.,” mungkahi ko. “Siguradong taob lahat sa ’yo ’yon.”

“Wala eh, may sideline kasi ako. ’Tsaka kung sasali ako ro’n, maraming makakakita sa abs ko. May swimwear portion do’n eh. Ikaw pa lang kaya nakakakita nito.” Nagtaas-baba siya ng kilay saka ngumiti.

Sinadya niya yatang ipakita sa ’kin ’yong mabalbon niyang katawan dati. Nabunyag ba ang mga mata kong nakatitig sa katamtaman niyang abs noon?

Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya. “H-Hindi ah.” Tumawa ako nang pilit, sabay balik ng tingin sa kaniya nang may pagkailang. “Wala… Wala kaya akong nakita.”

“Edi tingnan mo ulit.” Hinawakan ng kabila niyang kamay ang pinaka-itaas na butones ng kaniyang uniporme at tinangka itong tanggalin sa pagkakabuton.

Agad ko namang pinigilan ang kaniyang kamay. “’Oy, hindi—huwag—”

Bigla siyang napahagikgik. “Joke lang, ’tol.” Binitiwan niya na ang butones ng kaniyang damit. “Seryoso mo masyado.”

Kinabahan ako. Akala ko ay gagawin niya talaga. Nakababa na pati kami sa corridor kung saan may naglalakad na mga estudyante.

“Nga pala, suportahan natin si Kuya Jason ah,” singit niya.

“Saan?” tanong ko naman.

“Sa Mr. and Ms. J.A.M.A.,” sagot niya. “Kasali siya do’n.”

“Ah,” sabi ko, “siya pala ’yong pambato natin?”

“Oo.”

Naglakad na kami pabalik sa loob ng aming classroom. Mabuti at wala pa ’yong sumunod na prof.


Sa sobrang kapuyatan ay wala akong ibang ginawa buong araw ng Sabado kundi ang matulog. Humilik. Tumihaya. Humilik. Dumapa. Humilik. Naglaway sa unan. Humilik. Muling tumihaya. Humilik. Napakamot sa singit. Humilik. Napanaginipan si Bona. Humilik. Nang humilik. Nang humilik. Sa sobrang himbing ng aking tulog ay hindi ko na nga namalayang umulan pala nang malakas no’ng hatinggabi. Kaya siguro hindi ako nagising sa pagkanta ni Pio—kung kumanta man siya. Naniwala na lang akong umulan nga talaga nang kinabukasan ay nadaanan ko ang mga nakasabit na halaman ni Manang Lucy sa first floor na tila nalunod sa tubig. Basa rin at maputik ang kalsada sa Mabini Street. At pagdating ko sa campus ay nakita kong basa pa at matubig-tubig ang quadrangle. Kaya naman, sa loob ng covered gym kami tumungo para sa National Service Training Program 1.

Hindi ko alam kung nakatulong ba ang ulan sa matinding init ng panahon, dahil alinsangan ang dulot nito nang tumila na. Hindi pa nga nagsisimula ang aming training ay tumatagaktak na ang pawis sa ’king katawan. Eh paano ba naman? Ang kapal ng suot naming ROTC uniform. May suot pa kaming sumbrero sa ulo kaya namamawis na ang aming mga anit. Wala pa man ding masyadong hangin na dumadaloy mula sa nakabukas na bungad ng covered gym. Kanina pa walang hangin. Hinigop yata lahat ni Bona dahil panay sigaw ito sa labas ng school kanina. Nagpupumilit kasi itong pumasok sa loob ng campus nang makita ako. Sabi nito ay nakita na raw nito ang nawawala kong boyfriend. Grabeng hiya ko kanina. Buti na lang at walang masyadong estudyante sa campus ngayong Linggo bukod sa mga maritime students na may NSTP 1 subject.

Malawak ang covered gym kaya nagkasya ang mahigit tatlumpung freshmen students sa loob. May dalawang magkabilaan na portable basketball hoops—isa bandang bungad at isa sa likuran. Sa magkabilaang gilid ay may magkaharapang bleachers na gawa sa kongkreto—mayroon itong tigtatatlong columns. Ang sahig ay pang-basketball court ang disenyo. Sa may bandang likuran ng isang portable hoop ay may stage na abot hanggang bewang ang taas. Kita kong tila paunti-unti nang nabubuo ang dekorasyon sa stage para sa paparating na Mr. and Ms. J.A.M.A.. Malamang ay dito ito gaganapin. Multi-purpose ’tong covered gym. Dito puwedeng mag-basketball, mag-volleyball, mag-badminton. Madali lang maglagay at magtanggal ng net sa gitna at puwede ring ilabas ang portable basketball hoops kahit kailan. Suki rin ito ng events. Madalas nga raw itong rentahan ng mga junior high schools para sa JS Prom. Libre naman itong pinapagamit ng J.A.M.A. sa ibang schools kapalit ng isang bagay—endorsement bago magsimula ang event. Kaya ang ending, dito nagsisi-enroll ng Senior High ’yong mga junior high students.

Habang ginagawa ang aming drills ay pinanonood kami ng mga varsity players at tila pinag-uusapan. Wala yata silang magawa sa Varsity House, kaya tumambay na lang sila sa labas ng kasalukuyang nakasara na folding gate sa bungad ng gym. Abot hanggang dibdib ang taas ng bughaw na folding gate. Marahil ay hinihintay din nila kaming matapos para magamit na nila ang gym. Mahina silang nagtatawanan kapag may nagkakamali sa amin—lalo na ’yong mga seniors. Akala mo naman hindi sila dumaan sa ganito.

Usapang seniors, kita kong nakikinood din sina Pio at Kuya Jason sa bandang kaliwang tabi ng gate. Kay Jonas nakatuon ang atensyon ni Kuya Jason. At tila sa ’kin naman nakatuon ang atensyon ni Pio. O baka sa ’ming dalawa ni Jonas dahil magkatabi kami? Ewan.

Nang matapos ang foot drills ay oras na para sa morning calisthenics. Kahit kumpleto naman ako sa tulog—o sobra pa nga—ay nakaramdam ako ng pagkahilo habang nagpu-push-up. Two minutes ba naman eh. Tuloy-tuloy. Ang tumigil ay masisigawan ng commanding general. Habang tumatagal ay naramdaman kong parang sumisikip na ang aking dibdib. At mas lalo lang lumala ang sitwasyon nang dumating na ang oras para sa sumunod na exercise—ang two-minute sit-ups. With partner.

Ang partner ko? Walang iba kundi si Jonas. Kasalukuyang nakahawak ang kaniyang dalawang kamay sa ’king suot na mga itim na bota. Nakaluhod siya sa sahig paharap sa akin habang nakatihaya naman ako, nakabaluktot ang mga tuhod pataas, naka-krus ang mga braso sa dibdib. Nakatitig ako sa mataas na bubong ng covered gym, tila lumalabo ang paningin. Kahit malamig ang sahig ay hindi pa rin maalis ang pagkaasiwa ko dahil sa alinsangan.

“Two minutes, cadets!” Itinaas ng lalakeng commanding general ang stopwatch nito sa ere. “First batch! Start! Now!”

Umingay ang paligid nang magsimulang magbilang ang mga kadete.

“’Tol, start na,” ani Jonas.

“O-Oo,” sabi ko kahit hindi pa ako handa.

Maingat kong inangat ang aking katawan. At sa unang ahon ay tumambad sa ’kin ang guwapong mukha ni Jonas.

“One,” bilang niya.

Parang tumalon ang puso ko nang bahagyang magkalapit ang aming mga mukha at nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga. Dahil sa kaba ay mabilisan akong bumalik sa pagkakatihaya.

Ngayon ay oras na para sa ikalawa. Muli akong umahon. At muli ay tumambad na naman ang kaniyang mukha. Ngunit tila palapit ito nang palapit sa akin.

“Two,” tuloy niya.

Isa pa ulit.

“Three.”

At isa pa.

“Four.”

Nakaka-ilang segundo na ba?

“Five.”

Painit nang painit ang aking mga pisngi.

“Six.”

Palapit talaga nang palapit ang mukha niya.

“Seven.”

Para akong mauubusan ng hininga.

“Eight.”

Sobrang lapit na niya.

“Nine.”

Para akong hihimatayin.

“Ten.”

Umiwas na ako ng tingin sa muli kong pagtihaya. Paglingon ko sa ’king kanan ay nakita ko si Pio. Tila nanlaki ang mga butas ng ilong nito habang tikom-bibig na nakamasid sa amin.

“Nice, Nas,” nangingiting sabi naman ni Kuya Jason na katabi nito.

Dali-dali kong ibinalik ang aking tingin pataas sa bubong. Oras na naman para umahon. Nahihilo na ako. Gusto ko nang matapos ’to.

“Elev—” Natigilan sa pagbilang si Jonas dahil sa mabilisan kong pag-ahon. Dalawang pulgada na lang kasi at magdidikit na ang aming mga labi kung hindi lang agad ako napapreno. Ngayon ay damang-dama ko na ang init ng kaniyang hininga sa ’king mga labi. Nagkatitigan din ang aming mga mata. At kita kong ibinaba niya ang kaniyang tingin sa ’king mga labi.

Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. At naramdaman ko rin ang pag-overheat ng aking mga pisngi at ang pag-akyat ng asido mula sa ’king sikmura papunta sa lalamunan. Hindi na ako mahinga. Mas lalo ring naging sensitibo ang aking pang-amoy at kahit ang asim ng ibang mga kadete ay sumasagi na sa ’king ilong.

“Jonas…” nanghihina kong sambit sa kaniyang pangalan. Kinalas ko na ang naka-krus kong mga braso at hinawakan siya sa magkabilaang manggas ng kaniyang kulay lumot na uniporme. “Nahihi…”

“’Tol?” Kita kong nagkaroon ng pag-aalala sa kaniyang mukha. “Okay ka lang, ’tol?”

“Nahi… Nahihilo ako…” Gumewang-gewang ang aking ulo. Nandidilim na rin ang aking paningin.

“’Tol?” Hinawakan niya ang nag-iinit kong mukha. “Anong problema?”

Unti-unti ay parang humihina na rin ang aking pandinig. “Inhaler…” naduduling kong sabi. “Hangin…”

“’Oy, anong—?” may tarantang sabi niya. Inalog-alog niya ang aking mukha. “’Tol, kinakabahan ako sa ’yo. Anong nangyayari sa ’yo?”

Paglingon ko sa kaliwa ay kita kong napatigil sa pag-sit-up ang katabi naming magkaparis at tila napatingin sa ’kin.

“Gagi, mahihimatay na yata si Alcantara.”

“’Oy, tingnan n’yo si Alcantara.”

“Ang putla niya.”

“Alcalde, i-CPR mo.”

Mas lalo akong nahilo sa ’king narinig.

“CPR?” ulit ni Jonas. “’Tol, kailangan mo ng CPR?”

Bagama’t nanghihina ay umiling-iling ako. “H-Hin…” Mas lalo akong kinapos ng hininga. “Hindi…”

“Cadets, what’s happening here?” anang commanding general sa buong boses.

“S-Sir, namumutla po partner ko. Hindi po yata makahinga,” garalgal na sabi ni Jonas.

“What?” gulat ng commanding general.

Mga ilang saglit pa nang maramdaman kong bumigat na ang aking katawan. Dahil sa pagkabalisa ay hindi na nahawakang maigi ni Jonas ang aking mukha kaya bumagsak ako sa sahig. Naramdaman ko ang mahinang pagkabagok ng aking ulo. Mas lalo ring lumabo ang aking paningin. Kita kong pinagtitinginan na ako ng mga nakatayong kadete sa ’king kaliwa. Nagbubulungan sila pero hindi ko na masyadong marinig. Mas nangibabaw ang tunog ng aking pag-agahas habang pinipilit na sumagap ng hangin.

Dahil naguguluhan ako sa mga kadeteng nakatingin sa ’kin ay marahan kong inilipat ang puwesto ng aking ulo papunta sa kanan. Malabo man ang aking paningin ay naaninag ko ang tila isang maputi at matangkad na lalakeng tumatakbo papunta sa ’king direksyon. Nasilaw ako sa puting liwanag sa likuran nito. “Aaron!” mahinang dinig ko na bigkas nito sa aking pangalan.

Mas lalong dumilim ang aking paningin.

“Lumayo kayo!” sigaw ng commanding general sa mga kadete. “Layo! Huwag n’yong palibutan!”

“’Tol! Aaron!” Maingat na inangat ni Jonas ang aking ulo mula sa sahig at ipinuwesto ito sa kaniyang braso. Nang mapapikit na ang aking mga mata ay humiyaw siya ng “Gising! ’Tol!”

Umalingawngaw ang magkakahalong boses sa ’king pandinig.

“Bring him to the clinic! Now!” utos ng commanding general.

“Yes, Sir!” Naramdaman kong umalsa ang aking katawan mula sa sahig nang tumayo si Jonas buhat-buhat ako. Nakarinig ako ng mahinang halinghing mula sa kaniya. Marahil ay nabigatan siya sa ’king katawan. At tila nanghina rin ang kaniyang mga braso dahil bahagyang bumaba ang aking katawan habang buhat-buhat niya.

“Give him to me,” may pagmamadaling sabi ng isang pamilyar na boses.

“Ako na, ’tol. Kaya ko na ’to.”

“Give him to me! You’re weak. I’ll carry him.”

“Ako na nga, ’tol!”

Ramdam kong lumaylay ang isa kong kamay sa ere.

“Damn it! Hand him over now!”

“Nas, sige na. Ibigay mo na.”

Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong inilipat ang aking katawan sa tila mas mahahaba at naglalakihang mga braso. Parang mas umalsa din ako sa ere dahil sa tangkad ng sunod na bumuhat sa ’kin. Kumapit din sa aking ilong ang pamilyar na amoy ng men’s body spray na sa isang tao ko lang naman laging naaamoy. At umalog-alog ang aking katawan nang magsimula na itong tumakbo habang buhat-buhat ako.

“Midshipman Alcalde, stay here!”

“Pero, Sir—”

“Stay here! Find a new partner!”

“Y-Yes, Sir.”

“Everyone, back to your positions!”

“Yes, Sir!”

“Resume the training! Now!”

“Yes, Sir!”

“One of you, officers, follow them to the clinic… Make sure he’s okay.”

“Yes, Sir.”

Nawala na ang mga boses nila sa ’king pandinig. Ngayon ay wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kalabog ng aking dibdib, ang aking pagsinghap, at ang pagsingap din ng lalakeng nakabuhat sa ’kin.

“Aaron! Please! Hang in there!” Bakas sa boses nito ang labis na pag-aalala. “I’m sorry!” At tila takot na takot ito na mawala ako. “Stay with me!”

Tuluyan nang nawala ang aking malay.

Chapter 18

Sunod kong natagpuan ang aking sarili na nakaratay sa isang malambot na kama. Malamig na ang aking pakiramdam ngunit malabo pa rin ang aking paningin at tila nanghihina pa rin ang aking katawan. Bahagyang lumuwag na rin ang aking paghinga dahil sa oxygen mask na nakasuot sa aking mukha. Pero hindi pa rin ako makakuha ng lakas para bumangon. Sa halip ay tinitigan ko na lang ang marahas na liwanag ng ilaw sa may ceiling at pinakinggan ang sarili kong paghinga. May narinig din akong mahinang usapan ng tila isang babae at lalake sa may dulo kung saan nakaturo ang aking mga paa.

“Nurse, okay na po ba siya?” tanong ng pamilyar na boses ng isang lalake.

“Yes, nagiging normal na ang paghinga niya,” sabi ng matining na boses ng babae. “Thank God at may oxygen tank dito sa clinic. Kung hindi, kakailanganin sana siyang isugod sa ospital.”

Suminghap ang lalake. “Oh, God. For a second, I really thought…”

“Kumalma ka, pogi. Okay na siya.” Bahagyang natatawa na sabi ng babae, “Baka mamaya ay ikaw naman ang mahimatay. Isang oxygen tank lang pati meron tayo.”

“Alright…” Sinubukang habulin ng lalake ang paghinga nito. “I’m alright.”

“Parang concerned na concerned ka yata sa kaniya? Close friend mo ba?” usisa ng babae.

“No,” sagot naman ng lalake. “He’s more than that.”

“Ah…” anang babae. “’Di bale, okay naman na siya.”

“But, Nurse, may I know what happened? Why did he collapse all of a sudden?”

“Base sa medical records niya, meron siyang asthma.”

“Asthma?”

“Yes. At dahil sa matinding training siguro kaya na-trigger and kondisyon niya.”

“I didn’t know.”

“Akala ko ba more than close friends kayo?”

“He never told me about his condition. And we don’t talk anymore.”

“At least alam mo na.”

“How to prevent that from happening again—him collapsing?”

“Maraming puwedeng mag-trigger ng hika. Pagkain, allergies, gamot, stress, extreme physical activity, alikabok, usok… Sa kaso niya, mukhang hindi niya kaya ’yong masyadong mabigat na training. ’Pag nagpatuloy ’tong ganito, na aatakihin siya ng hika tuwing may training, may tsansa na patigilin na siya sa program.”

Patigilin? Ako? Hindi puwede… Masasayang lahat ng pinagpaguran ni Mama… Masasayang lahat ng pangarap ko…

Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko magawa dahil nanghihina pa rin ang aking katawan. Napapapikit din ang aking mga mata. Parang kailangan ko pa ng mas mahabang pahinga.

“For sure he wouldn’t like that,” anang lalake. “Well, is there no other way? For him to continue with the program?”

Bumuntong-hininga ang babae. “Hindi ko rin alam. Para sa ’kin, mas mahalaga ’yong kalusugan niya. Mas maigi siguro kung mag-shift na lang siya ng course. Marami pa namang iba diyan.”

Hindi! Hindi puwede! May gusto pa akong marating. May gusto pa akong patunayan. Kay Mama. Gusto kong maranasan niya ang maginhawang buhay. Kay Papa. Gusto kong malaman niya na kaya ko nang wala siya. Na kaya namin. At hindi ako mapipigilan ng lintik na hika na ’to!

Kusang tumulo ang luha sa aking mata pababa sa aking tenga.

“That would hurt him a lot.”

“Gano’n talaga ang buhay, pogi.”

“No. I’ll make a way.” Nakarinig ako ng langitngit na tila gawa ng upuan na inusog sa sahig. “I’ll talk to Captain Ramirez, even though—”

“O, saan ka punta? Iiwanan mo siya? Akala ko ba?”

“I didn’t want to. But I have to.”

“Bakit naman?”

“He hates me… more than I hate myself.”

“Gano’n ba? Nga pala, ngayon lang kita nakitang pumunta rito. Ikaw ba ’yong nanalo last year sa Mr. and—?”

“ Shh , he might wake up. But, yeah, it’s my first time here. I rarely get sick, that’s why.“

“Halata nga. Ang laki-laki ng katawan mo eh. Ang tangkad-tangkad mo pa. At ang guwapo-guwapo mo.”

“When he wakes up, please tell him Nas saved him.”

“Sino ’yon?”

“His classmate. Short, brown, not that good looking. Anyways… I’ll go now. Please look after him for me.”

“Oo naman. Wait, ano nga palang name mo sa Facebook?”

“I don’t have one.”

“Ah, sabi ko nga. Sige, pogi, sana magpunta ka ulit dito ’pag may time.”

“I don’t have time. Bye.”

“O-Okay, bye…”

Tuluyang nagsara ang aking mga mata kahit na hindi ko ginusto. Nakarinig ako ng pagsara ng pinto.

“Sayang… Akala ko ba babaero ’yon? Malaki naman dyoga ko ah? Dinedma lang ako.”

Pagkatapos ay wala na akong ibang narinig na ingay kundi ang aking paghinga sa oxygen mask. Hanggang sa maging blanko ang lahat.


Sa muli kong pagmulat ay nakahiga pa rin ako sa malambot na kama. Ngunit tila kaya ko nang igalaw ang aking katawan. Nawala na rin ang aking pagkahilo. Dahil kagigising ko lang ay ilang segundo ang kinailangan para tuluyang luminaw ang aking paningin. Maingat akong bumangon sa higaan. At sa ’king pagbangon ay tumambad si Jonas na payukong nakaupo sa isang silya sa sulok—sa tabi ng berdeng oxygen tank. Nang marinig nito ang aking pagbangon sa higaan ay agad itong tumayo at nilapitan ako.

“’Tol!”

Inilibot ko ang aking paningin. Nagkaroon ako ng panandaliang sakit sa ulo kaya napahawak ako dito. “Anong… Anong nangyari?”

“Nahimatay ka, ’tol!” Napahawak si Jonas sa dibdib.

“H-Ha?” Maya-maya pa ay nagbalik sa ’kin ang mga nangyari kanina lang. At nang maramdaman ko ang masikip na oxygen mask na nakasuot sa aking mukha ay maingat ko itong tinanggal at inilapag sa tabi ng puting kama. Mukhang balik normal na ang aking paghinga.

“Bumulagta ka sa sahig kanina!” tuloy niya sa mataas na boses. “Alam mo ba? Sobra mo ’kong pinakaba! Akala ko kung ano nang mangyayari sa ’yo kung ’di lang—!”

Tinitigan ko siya sa mukha nang may pagtataka, inantay na tapusin niya ang dapat niyang sabihin. Pero tila hindi siya makapagsalita. Kaya ako na mismo ang kusang nagtuloy. “K-Kung ’di lang alin?”

“Kung…” Tumingin siya pababa. “Kung ’di lang kita nadala d-dito sa clinic…”

Tumaas ang aking mga kilay. “Ikaw ang nagdala sa ’kin dito?”

Binasa niya ang kaniyang mga labi habang hindi pa rin makatingin nang diretso sa ’kin. “Ah, o-oo…” Sabay ngiti nang pilit. “Bigat mo nga eh…”

Sigurado akong ibang tao ang bumuhat sa ’kin kanina. Mas malalim ang boses no’n at mas pamilyar ang amoy.

“’Di nga?” duda ko.

“Oo nga.” Tumingin na siya sa ’kin at lumunok. “B-Buti okay ka na, ’tol! Kinabahan talaga ako!”

Muli kong inilibot ang aking paningin sa maaliwalas at amoy preskong paligid. Sa dulo kung saan nakaturo ang aking mga paa ay may kulay kapeng desk, ngunit walang tao. Ang tanda ko ay may nag-uusap ding dalawang tao rito kanina sa loob ng clinic.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Jonas. “S-Salamat.”

“Wala ’yon, tol!” Nakiupo siya sa kama at inakbayan ako sa balikat. Tinapik-tapik ng kaniyang kamay ang dulo nito. “Ano? Okay ka na?”

“Okay na… Okay na ’ko.” Ngumiti ako nang pilit. Sinubukan kong talasan ang aking memorya. Alam ko talaga ay iba ang bumuhat sa ’kin papunta rito.

“Mabuti naman, ’tol.” Ngumiti siya. “Akala ko talaga… Anim na oras ka kayang ’di nagising! Kanina pa kita hinihintay. Buti at gising ka na ngayon.”

Kumunot ang aking noo. “A-Ano? Anim?” Akma akong tumayo nang may mapagtanto. “Teka, ’yong train—”

Dinagan ni Jonas ang kaniyang kamay sa ’king balikat. “O, o, huwag ka munang tatayo. Oks na ’yong training. Wala ka nang dapat ipag-alala.”

“Ha?” Ang alam ko ay may narinig ako kanina tungkol sa… sa tsansang tanggalin ako sa program dahil sa kondisyon ko. “Paanong okay na?”

“Okay na, as in, okay na,” sagot niya.

“Tanggal na ba ’ko?” may pagkabahala kong tanong.

“’Oy, ano ka ba? Hindi, ’tol,” aniya. “May kumausap na sa dean. Tuloy ka pa rin.”

“S-Sino?” Mas lalo akong nabalot ng pagtataka.

“Hindi na mahalaga ’yon. Ang mahalaga okay ka na.” Labas-ngipin siyang ngumiti. “Hindi mo naman sinabi sa ’kin na may hika ka pala, ’tol.” Mahina niyang niyugyog ang aking balikat. “Kung alam ko lang, edi sana…”

Umiwas ako ng tingin. “Sorry.”

Sorry kung mahina ang katawan ko. Hindi ko naman ginustong magkaganito. Pero gusto ko pa ring matupad ang pangarap ko. Mabuti na lang at hindi pa tapos ang lahat. Pero paano kaya nangyaring okay na? Na tuloy pa rin ako? Sino ang kumausap sa dean?

“Hindi. Ako ’yong dapat mag-sorry.” Bumuntong-hininga siya. “Sorry kung hindi ko agad napansin. Nauubusan ka na pala ng hininga kanina. Dapat pala kinuha ko na ’yong inhaler mo.”

Tumingin ako sa kaniya at nakita ang malungkot niyang mukha. “’Oy, ano ka ba? Huwag ka ngang ganiyan. Wala ka namang ginawang masama. Ganito na talaga ako kahit no’ng bata pa.”

“Dati ka pa ganiyan?”

“Oo. ’Di ko nga alam kung kanino ko ’to nakuha. Wala namang hika si Mama. At si Papa naman—”

“Hmm?”

“Wala.” Pag-iba ko sa usapan, “Nga pala, ’yong bag ko?”

“Ah, dito.” Umalis na siya sa pagkakaupo sa kama, tumayo, at may kinuha sa tabing-ilalim nito. “O.” Inabot niya ang bag ko sa ’kin.

“Salamat ulit.” Tipid na ngumiti ako sa kaniya.

“Ay’s.” Kinuha niya na rin ang kaniyang bag sa ilalim. “Nga pala, hindi ka pa kumakain. Gusto mo ng siopao? Libre na kita.”

“Ah, hindi naman ako nagugutom.” Pero biglang tumunog ang tiyan ko.

“Gutom ka na eh. Tara na,” bagyang natatawa niyang sabi.

“Huwag na siopao. Baka nando’n si Bona sa convenience store.”

“Huwag kang matakot do’n. Kaltukan ko ’yon sa ulo.” Sa kanilang dalawa ay siya nga ’tong nakaltukan ni Bona.

“Siomai rice na lang,” suhestiyon ko. “Mas gusto ko may kanin.”

“Sige, kahit anong gusto mong kainin.” Isinuot niya na ang kaniyang bag.

“Eh ikaw?” Tinangka ko nang bumaba sa higaan bitbit ang aking bag.

“Ako? Ako ’yong gusto mong—?” Kita kong tila natigilan siya.

Sandali rin akong natigilan. “Ah, h-hindi ’yon ang ibig kong sabihin,” tanggi ko. “I mean, baka may iba kang gusto? May iba ka bang gustong kainin?”

“Ikaw?” sabi niya rin.

“Ha?”

Nanlaki ang kaniyang mga mata. “A-A-Ano, ibig kong sabihin, ikaw. K-Kahit ano gusto mong kainin, ’yon din akin.” Umiwas siya ng tingin.

Tumayo na ako at nagsuot ng bag. Sinubukan kong tingnan siya kahit bahagyang may pagkailang. “T-Tara?”

“Tara.” Tinangka niya akong akbayan sa balikat. Pero tila napaatras ang kaniyang kamay, napatingin siya sa itaas, at napatingin sa kaliwa, sabay tikhim. “Lamig dito.”

“Oo nga,” tipid kong sabi.

Naglakad na kami palabas ng clinic. Pagbukas ni Jonas ng pinto ay kita kong tila kababalik lang ng isang chinitang babae na nakasuot ng pang-nurse. Malaki ang hinaharap.

“O, alis na kayo?” tanong nito sa matining na boses. Tumingin ito sa ’kin. “Okay ka na, kuya?”

“Ah, opo.” Tumango ako. “Salamat po, uh, Nurse.”

“Walang anuman.” Kumindat ito sa ’kin.

Pinauna muna namin siyang pumasok sa loob. Bago tuluyang lumabas ng pintuan ay lumingon muna ako pabalik sa nurse na kauupo lang sa swivel chair sa likod ng desk at may tinanong. “Nga po pala, may iba pa po bang pumunta rito kanina?”

Sandali itong natahimik. Tila napatingin ito kay Jonas. Sabay tingin sa akin. “U-Um, wala… wala naman,” may pag-iling nitong tugon. “’Yang si Nas lang. Siya ’yong nagdala sa ’yo rito.”

“Gano’n po?” taka ko.

“Oo,” sagot ng nurse. “Merong officer kanina, pero sa labas lang nagbantay.”

“’Tol, tara na? Lumalabas ’yong aircon,” biglang singit ni Jonas.

“Ah, sige po.” Muli akong tumango. “Salamat po ulit.”

Ngumiti lang ang chinitang nurse na may malaking dyoga bilang tugon. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Jonas ng clinic at naglakad sa mahabang corridor ng Main Building A, papunta sa covered walkway, at palabas ng school.

Pakiramdam ko ay may hindi ako nalalaman.


Dapit-hapon nang umuwi ako sa apartment building. Habang naglalakad sa hagdanan ay narinig kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng aking mabigat na pants. Kanina pa ako kating-kati na magbihis ng pambahay. Nang ilabas ko ang aking cellphone ay kita kong marami na palang missed call si Mama sa Messenger mula pa alas dose ng tanghali—oras na tulog pa ako. Sa muli niyang pag-video call ay agad ko itong sinagot.

“Ron!” may pagkabahalang bungad niya sa akin.

“O, Ma?” Nagtaka ako. “Anong nangyari sa ’yo?”

“Anong nangyari sa ’yo?” tanong niya pabalik. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. Tila mangiyak-ngiyak na ang kaniyang mga mata. “Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka sumasagot. Akala ko…” Napatakip siya sa mata. “Akala ko…” Pansin kong tila napapahikbi na siya.

“Ma, ano ka ba? Ano ’yon? Ba’t ka naiiyak?” may pagkabahala ko ring tanong.

“Paano ako hindi maiiyak?” Humikbi na siya. “Tumawag ’yong school mo. Nahimatay ka raw.” Ayaw niya pa rin tanggalin ang kaniyang kamay na nakatakip sa kaniyang mukha. “Akala ko kung ano nang nangyari sa ’yo.”

Naramdaman ko ang pagtubig ng aking mga mata. Binasa ko ang aking mga labi at sinubukang huwag mahawa sa kaniyang paghikbi. “Okay lang ako, Ma.” Suminghot ako. “Tingnan mo, o, okay lang ako.”

Tinanggal niya na ang kaniyang kamay sa mukha. Nakita ko ang namumula niyang mga mata. “Sigurado ka, Ron? Wala bang masakit sa ’yo?”

Bukod sa parte ng nabagok kong ulo, wala naman. “Oo nga, Ma, okay lang ako. Huwag ka nang umiyak. Kita mo? Nakakalakad pa nga ako.”

Pinunasan niya na ang kaniyang mga matang may luha. “Ron, ba’t ’di ka na lang kaya umuwi?”

“Po?” Natigilan ako.

Sabi niya, “Puwede ka pa namang magbago ng kurso. Hindi mo naman kailangang—”

“Ma, hindi. Itutuloy ko ’to.” At tumuloy ako sa paglakad.

“Eh paano ’yan, ’nak? Mukhang hindi mo nga kaya.” Napapahikbi na naman siya. “Baka mamaya niyan ay kung anong mangyari sa ’yo. Ang layo mo pa man din.”

“Ma, Ma, ano ba?” Hindi ko na rin mapigilan ang aking emosyon. “Walang mangyayari sa ’kin. Sabi ko, okay nga lang ako eh.” Nang may dumaan na tenant ay agad akong nagsuot ng seryosong mukha. Sabay balik sa pagkalungkot pagkalampas nito sa ’kin. “Nagsisimula pa nga lang ako.”

“Sigurado ka talaga diyan, ’nak? Gusto mo talagang sumunod sa yapak ng pa—?” Natigilan siya. Sa hindi maipaliwanag ay bigla niyang binago ang kaniyang pahayag. “Gusto mo talagang mag-seaman?”

Tinapangan ko ang aking mukha. “Oo nga, Ma. Wala nang atrasan ’to. Yayaman tayo. Pangako ko ’yan sa ’yo. Tapos, ’di mo na kailangang magtiis diyan sa palengke.”

“Anak, okay lang naman ako di—”

“Hindi, Ma. Promise, kaya ko ’to.”

“O, sige.” Tumigil na siya sa paghikbi. “Basta, ’pag may nangyari ulit sa ’yo diyan, susunduin kita ah? Pupuntahan kita diyan sa Maynila. Iuuwi kita sa probinsya sa ayaw at sa gusto mo.”

Tipid akong natawa. “OA naman, Ma. Walang mangyayari sa ’kin dito.”

“Basta…” Tila napapangiti siya pero hindi niya pinapahalata.

“Sige na, Ma,” paalam ko. “Baka madapa pa ako rito sa hagdan.”

“Sige, Ron. Ingatan mo sarili mo ah? Huwag kalimutan ’yong inhaler. Alam mo naman ’yang hika mo.”

“Oo, Ma. Bye-bye na. Labyu.”

“Labyu, too, ’nak.”

Nang makaakyat ako sa fourth floor ay may nakita akong lalake na nakatambay sa dulo—sa tapat ng ikaapat na apartment. Nakakapanibago. Nasanay akong halos ilang araw na umuuwi galing school nang walang nadaraanang tao sa pasilyo magmula nang gabing aking pinagsisisihan. Marahan akong naglakad nang nakayuko. Ginaanan ko rin ang aking mga yabag para hindi ko makuha ang pansin nito, dahil kasalukuyan itong naninigarilyo habang nakaharap sa sariling kuwarto at nakasandal sa balcony railing.

Nang makarating ako sa tapat ng ikatlong apartment ay napahinto ako. At sa aking paghinto ay lumikha ng tunog ang aking mga suot na bota sa paa. Sa marahan kong pag-angat ng aking mukha ay nakita kong napatingin sa ’kin ang lalake—si Pio. Tila napatulala siya. At gano’n din ako sa kaniya. Sandali kaming nagkatitigan sa isa’t isa. Walang salitang lumabas mula sa ’ming mga bibig. Ngunit nangungusap ang aming mga mata.

Mga ilang sandali pa nang magising siya sa pagkatulala. At napaalis siya sa pagkakasandal sa balcony railing, tumayo nang tuwid. Tulad ng dati ay wala pa rin siyang suot na damit pang-itaas, nakasuot lang ng navy blue na jersey shorts. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, napatingin siya sa sigrarilyong nakasipit sa kaniyang mga daliri at sa usok na lumalabas mula rito. Maigi niya itong pinagmasdan. At lumunok siya. Tila nakikipagtalo siya sa kaniyang sarili. Ngunit sa huli ay ginawa niya ang bagay na siyang labis kong ikinagulat. Pinatay niya ang baga ng sigarilyo sa may railing. Pagkatapos ay hinagis niya ito patalikod at hindi na muli pang nakita ang upos nang malaglag ito sa ere. Pinaypay niya ang natitirang usok sa gitna ng pasilyo gamit ang kaniyang kamay.

Nang tuluyan nang mawala ang usok ay naglakad na ako sa harapan niya. Maingat pa rin ang bawat yabag. At ramdam ko ang kaniyang titig. Pati na rin ang hindi maipaliwanag na biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso. Hanggang sa malampasan ko na siya. Bago tuluyang pumasok sa loob ng aking apartment ay sandali akong sumulyap pabalik sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa ’kin. Ang kaniyang dibdib ay tumataas-baba. Ang mukha ay tila namumula.

Pagkatapos ng lahat ay hindi ko na ulit siya nakitang naninigarilyo.

Chapter 19

Lumipas ang mga araw na nagdaraan ako sa pasilyo na wala nang usok na nalalanghap. Isang malaking pagbabago sa loob lamang ng maikling panahon. Tuwing umuuwi ako galing eskuwela ay nakasanayan ko na ring may lalakeng nakatambay sa tapat ng ikaapat na apartment sa fourth floor. Tahimik lang itong nagmamasid sa ’kin.

Nang muling sumapit ang araw ng Linggo, hindi na ako pinasasama sa mga heavy exercises. Sa halip ay binigyan na lang ako ng paperworks kung saan ako mas magaling. Nakaupo lang ako sa bleachers ng covered gym, may hawak na papel at ballpen, habang pinanonood ang mga kadete na tila naiinggit sa ’kin. Ang ’di nila alam ay naiingit din ako sa kanila dahil gusto ko ring maranasan na magkaroon ng malakas na pangangatawan.

Sa may stage ay kita kong tila malapit nang matapos ang preparasyon para sa paparating na Mr. and Ms. J.A.M.A.. Naging usap-usapan din sa campus kung sino ang mga tatakbong kalahok. Marami ang nadismaya nang malaman na hindi pala sasali si Mona ngayong taon, lalo na ang dalawang asungot na sina Briones at Castro, kahit ang habol lang talaga nila ay makita ang maganda nitong katawan sa swimwear portion. Mayroon din namang ilang natuwa, dahil sa wakas ay may tsansa nang manalo ang ibang babae na walang binatbat sa ganda ni Mona. Pero kung meron mang pinakamainit na pangalan sa campus ngayon, ito ay walang iba kundi ang nag-iisang Piolo McMiller.

Kung hindi pa dahil sa mga die-hard fans niyang malakas na nagtsitsismisan sa canteen ay hindi ko pa malalaman na siya pala ang tinanghal na Mr. J.A.M.A. no’ng nakaraang taon. Silang dalawa ni Mona ang nanalo. At may pasabog na nangyari. Sa mahigit isang taon na panliligaw ni Pio kay Mona ay saka lang siya nito sinagot sa mismong event. Ngunit ang ’di alam ni Mona, dati na palang babaero si Pio. At nagtapos ang kanilang relasyon nang madiskubre ni Mona ang lihim na pagpapapunta ni Pio ng iba’t ibang babae sa apartment nito. Lumipas ang isang buwan at humingi ng tawad si Pio at nangakong magbabago. Kaya muli silang nagkabalikan. Pero ’ika nga nila, once a cheater, always a cheater. Hindi pa rin nagbago si Pio. Bumabalik pa rin ito sa dati nitong gawi. Hanggang sa si Mona na mismo ang kusang bumitiw.

Ngayong nakumpirma nang hindi sasali si Mona, si Pio ang inaabangan ng mga tao. Marami ang umaasang sasali ito. At may mga haka-hakang gagawa ito ng paraan para muli silang magkabalikan, sa mismong event din kung saan sila nagkatuluyan. Marami ang naghihintay ng isa pang pasabog.

Usapang pasabog, isang tao ang sigurado akong may gagawin sa paparating na event na tiyak na ikagugulat ng lahat. Si Kuya Jason. Sa araw ng event ay nagpaplano kasi ito na muling mag-propose kay Mona kahit na na-busted ito noon. At humingi ito ng tulong sa ’min ni Jonas para maisakatuparan ang kaniyang plano.

Huwebes—isang araw bago ang event—nang makipagkuntsaba sa ’min si Kuya Jason. Naglalakad kami ni Jonas sa corridor pauwi nang bigla siyang pumagitna sa ’min at sabay kaming inakbayan.

“Musta, mga tsong?” bungad nito sa malalim na boses.

Bahagya akong nagulat dahil sa tangkad niya at laki ng kaniyang katawan. Nabigatan ako sa kaniyang braso.

“Kuya.” Ngumiti si Jonas sa kaniyang kuya.

May hiya naman akong yumuko. “Hello po.”

“Uwi na kayo?” Hindi tulad ni Jonas ay hindi palangiti si Kuya Jason. “Huwag muna.”

“Bakit, ’ya?” tanong ni Jonas.

“Bukas na ’yong event,” ani Kuya Jason.

“Oo na, ikaw ’yong susuportahan namin. Nasabi ko na sa kaniya.” Tumingin sa ’kin si Jonas. “’Di ba, ’tol?”

Tipid naman akong ngumiti. “O-Opo. Good luck po pala bukas.”

“Hindi ’yon.” Yumuko siya at idinagan ang kaniyang mabibigat na mga kamay sa ’ming mga balikat kaya natigil kami sa paglalakad. Ang ulo niya ay pumantay sa ulo namin ni Jonas. “Kaya talaga ako sumali dahil kay Mona.”

“Sabi na eh. No’ng nakaraan, parang ’di ka naman sumali. Patay na patay ka talaga sa kaniya, ’no?” may ngiting sabi ni Jonas.

“Ingay mo, Nas, baka marinig ka ng mga tao,” pabulong na sabi ni Kuya Jason. Dahil nakaharang kami sa gitna ng corridor ay hinatak niya kami pababa sa quadrangle, papunta sa mga benches. “Do’n tayo.”

Hugis parisukat at kulay navy blue ang ibabaw ng mga concrete benches na malapit lang sa covered gym at quadrangle. Sa gitna nito ay may tig-iisang puno ng mangga na namumulaklak na. Sa paglapit namin sa bench na pinakamalapit sa covered gym ay nilinisan ni Kuya Jason ang ibabaw nito gamit ang kaniyang palad dahil baka ay mamantsahan ang summer white niyang uniporme. Ganito rin ang ginawa namin ni Jonas. Saka kami umupo paharap sa nakabukas na gate sa gilid ng covered gym kung saan tanaw ang bungad ng stage. Si Jonas ang nakaupo sa kaliwa, si Kuya Jason sa gitna, at ako naman sa kanan.

“Tulungan n’yo ’ko.” Muli kaming inakbayan ni Kuya Jason. “Bukas na bukas din mismo, kukunin ko ang matamis na oo ni Mona.”

Bahagyang napahagikgik si Jonas. “Sersoyo ba, Kuya?” Seryosong tumingin sa kaniya si Kuya Jason bilang tugon. Saka siya tumikhim at tumigil sa paghagikgik. “Seryoso nga. Anong plano?”

Sunod na tumingin sa ’kin si Kuya Jason. “Game ka rin ba, tsong?”

“O-Opo,” tugon ko naman. “Support po ako.”

Mukhang bagay naman sila ni Mona. Sana ay sagutin siya nito. At sana lang ’pag naging sila ay hindi niya ito lokohin.

“Goods.” Tipid na ngumiti si Kuya Jason. “Ganito ’yong plano… Bukas ng gabi, may talent portion sa Mr. and Ms. J.A.M.A.. Kakanta ako. ’Pag natapos ako sa pagkanta, hihingiin ko ang matamis niyang oo , at may itataas kayong banner. Nakasulat sa banner, ‘SAY YES.’”

“Eh sa’n na ’yong banner?” usisa ni Jonas.

“Um…” Ngumiti si Kuya Jason nang pilit. “Wala pa nga eh. ’Di ako marunong mag-lettering.”

“Sus. Ekis na agad,” pabirong sabi ni Jonas.

Boluntaryo ko naman, “A-Ako na po. Magaling po ako sa lettering.”

“Sigurado ka?” tanong ni Kuya Jason sa ’kin. “Magkano pagawa?”

“Ah, libre na lang po.” Ngumiti ako. “Kapalit po no’ng pagbigay mo ng buko juice kay Pio. Salamat nga po pala ulit.”

“Nice.” Ginulo ni Kuya Jason ang aking buhok. “Bait mo rin pala. Para ka talagang si Mona. Kaya ka siguro crush ni—”

“Kuya, may hantik!” biglang singit ni Jonas. Tinuro niya ang hantik na naligaw sa balikat ni Kuya Jason.

“Gagi.” Agad namang pinagpag ni Kuya Jason ang hantik. Nang malaglag ito sa lupa ay ibinalik niya ang kaniyang pagkakaakbay sa ’kin, bahagyang tumaas ang kilay. “Sa’n na nga ako?”

Tumikhim si Jonas. “S-Sa ano, Kuya, sa plano bukas. Ano nga gagawin namin?” Sandali siyang sumulyap sa ’kin, saka inipit ang mga labi.

“Ah oo.” Pinagmasdan ni Kuya Jason ang stage na tanaw sa loob ng covered gym. “Hindi kasali si Mona sa contest. Pero panigurado makikinuod ’yon. Hahanapin ko siya sa crowd, tapos ’pag nakita ko siya, ituturo ko siya gamit mata ko. Tapos, saka ako magpo-propose. Itaas n’yo ’yong banner ah? Para mapa-oo siya.” Ngumisi siya. “Buti at hindi rin kasali ’yong gagong Pio. Kaya wala akong kalaban sa atensyon.”

“P-Pa’no mo po nalaman?” tanong ko.

Tila may pagtataka sa mukha niya kung bakit ko ito natanong. Ang totoo niyan, tulad ng mga fans ni Pio ay nagtataka rin ako kung sasali nga ba talaga siya. Kung may mangyayaring pasabog. “Ah, ano, tagal na naming nagpa-practice sa stage. Wala naman siya. Kaya panigurado, hindi siya kasali.”

Mabuti naman kung gano’n—

H-Ha? Anong mabuti?

Ano naman sa ’kin kung kasali siya o hindi?

Anong pake ko?

“Ah, okay po…” tanging sambit ko. Hindi naman ako apektado.

Pati si Jonas ay parang may pagdududa sa mukha. “Huwag na dapat sumali ’yon, ’tol. Nanalo na pala ’yon dati eh.”

Napakamot ako sa sintido. “K-Kaya nga eh.” Saka ngumiti nang pilit.

“Basta kayo na ang bahala,” ani Kuya Jason. “Mapapasakin din si Mona.”

“Paano si Captain Ramirez?” taka ni Jonas.

“Saka ko na poproblemahin ’yon ’pag kami na ni Mona,” saad ni Kuya Jason. “Basta, tulungan n’yo muna ako.”

“Sige, ’ya, maasahan,” sabi ni Jonas.

“Opo,” sabi ko naman.

Excited na ako sa mangyayaring pasabog bukas.


Pagdating ko sa apartment building ay nakasabay ko si Pio. Kapaparada niya lang ng motorsiklo sa harapang parking area ng building. Mukhang wala yata siyang practice sa basketball ngayong hapon dahil nakasuot din siya ng summer white uniform pag-uwi tulad ko. Nang bumaba na siya at naghubad ng helmet ay may pagmamadali akong naglakad papunta sa hagdanan habang may bitbit na kartolina—kung saan ako magle-lettering ng banner na pinagagawa ni Kuya Jason. Tiningnan ako ni Manang Lucy na naggugupit sa kaniyang mga alagang halaman. At sunod niyang tiningnan si Pio. Marahil ay nagtataka siya kung bakit tila hindi na kami nagkikibuan.

Pag-akyat ko sa hagdan sa unang palapag ay sandali akong lumingon pabalik. Nakasunod na pala si Pio sa akin—tatlong baitang lang ang agwat namin. Bitbit niya ang kaniyang helmet at napatingin din siya sa ’kin habang naglalakad. Agad naman akong umiwas ng tingin at itinuon ang aking atensyon sa mga baitang ng hagdan, baka kasi mamaya ay maaksidente ako at—

“ Ugh! “ Bigla akong natapilok sa pag-apak ko sa pinaka-itaas na baitang ng hagdan.

Sa pagkawala ng aking balanse ay naramdaman ko ang pagkahulog ng aking katawan sa ere. At akala ko ay katapusan ko na. Ngunit hindi pa pala. Tumama kasi ang aking likod sa isang matigas na bigay, dahilan para hindi ako mamatay. Hindi nga ako nahulog sa hagdan. Nahulog naman ako sa maling tao. Kay Pio. Literal. Nasalo niya ako sa kaniyang braso.

Animo’y nasa palabas ang eksena dahil bumagal ang takbo ng oras habang buhat niya ang aking katawan. Nagkatitigan din ang aming mga mata. Napakalalim ng kaniyang titig. Nakakalunod. Nakakaparalisa. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Pinagmamasdan ko lang ang guwapo niyang mukha.

Maya-maya pa ay napansin kong tila marahang lumalapit ang mukha niya sa akin. Parang gusto nang kumawala ng aking puso. At para akong naiihi. Uminit din ang aking mukha. Lalo pa’t nang mapansin kong palapit na rin nang palapit ang kaniyang mga labi sa akin. Kaunti na lang at magdadampi na ang aming mga labi. Kaunti na lang talaga.

“ Ahem! “ biglang singit ni Manang Lucy. Nagising ako sa pagkatulala nang dahil sa kaniya.

Nang mapagtanto kong muntik na akong magpaubaya sa naudlot na halik ni Pio ay agad kong kinuha pabalik ang aking balanse, umalis sa matigas niyang braso, at saka tumayo sa hagdan. “S-Sorry,” may hiya kong sabi habang inaayos ang aking damit.

Tumingin pababa si Pio. Tulad ng kahapon ay pansin kong namumula ang kaniyang mukha. Binasa niya rin ang kaniyang mga labi na parang may panghihinayang. “It’s… It’s okay.”

“ Tsk , tsk , tsk .“ Kita kong parang hindi sang-ayon ang mukha ni Manang Lucy sa nangyari. Nakatayo ito sa may pasilyo sa baba habang nakatingala sa amin ni Pio. Nakapamewang pa nga habang may hawak na gunting. Hindi ko naman ginusto ang nangyari, pero parang hinuhusgahan ako ng mga mata nito, at parang gusto nitong guntingin ang mahabang alaga ni Pio dahil sa muntik na niyang paghalik sa akin.

Yumuko ako at may pagkabalisang tumuloy sa paglalakad. Nang makarating sa ikalawang palapag ay narinig ko ang mga yabag na gawa ng mga sapatos ni Pio. Tila mas mabilis ang kaniyang lakad sa akin kaya sandali akong huminto sa kalagitnaan ng hagdan at tumabi. Pinauna ko na muna talaga siya sa pagkakataong ito, para hindi na maulit ang nangyari. Ang tanga ko naman kung madadapa ulit ako at mahuhulog sa kaniya.

Nang makaabot siya sa pinaka-itaas na baitang ng hagdan, sandali muna siyang nahinto sa paglalakad, at may sinabi nang hindi lumilingon pabalik sa akin. “I’ll see you there tomorrow night.” Matapos ay tumuloy na siya sa paglalakad pataas at naiwan akong nakatulala sa ere.

Sigurado akong para sa ’kin ang mga sinabi niya dahil wala naman kaming ibang kasabayan na bumaba o umakyat ng hagdan. Ngunit hindi ako sigurado kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga binitiwan niyang salita. Ilang araw na rin ang nagdaan na hindi niya ako kinakausap. Pero ngayon…

Ito na ba ang unang senyales ng pakikipag-ayos niya sa akin?

At saan naman kaya niya ako inaasahang makita bukas ng gabi?

Chapter 20

Kinabukasan ay tapos ko nang gawin ang banner na pinagagawa ni Kuya Jason. Pinagpuyatan ko talaga ito para masarap tingnan sa mata ’pag itinaas namin ni Jonas, at para makuha niya ang matamis na oo ni Mona. May pa-glitters pa nga para kumikinang talaga. Pero mukhang hindi lang yata ako ang nagpuyat. Kagabi kasi ay paulit-ulit na kumakanta si Pio sa may pasilyo. Kulang na lang ay isipin kong isa siya sa mga contestants sa event at naghahanda siya para sa talent portion. Talented naman talaga siya. Gifted pa sa— ahem . Sinalo niya na lahat at hindi siya nagtira. Maganda na rin siguro ’yong hindi siya kasali para may tsansa namang manalo ang iba. Deserve ni Kuya Jason manalo.

Umaga pa lang ay siksikan na papasok sa makipot na gate sa kanan at may pila rin ng sasakyan sa kaliwang gate ng school. Wala yatang umabsent na estudyante ngayong araw ng Biyernes—araw ng Mr. and Ms. J.A.M.A.. Sino ba naman ang gustong ma-miss ang ganito kaimportanteng event? Dumagdag pa ang kuryosidad ng mga tao kung may mangyayaring pasabog mamayang gabi. Ang hindi nila alam, hindi naman kasali si Pio.

Bukod sa mga estudyante ay may iilan ding civilians na dumadagdag sa masikip na pila. Pinapapasok ang mga ito basta may dalang tickets. Hindi na ako bumili ng tickets dahil wala naman akong kamag-anak dito sa Maynila.

Tanghali nang kumain kami ni Jonas sa labas dahil punuan ang canteen sa loob ng campus sa dami ng mga tao. Pero pagkatapos namin kumain at pagbalik namin sa J.A.M.A. ay mas lalo pa palang humaba at kumapal ang pila sa may entrance. Grabe! Para sa isang school event lang? Akala mo ay may magco-concert na sikat na banda sa loob. Mga bandang kalagitnaan ng pila nang may makasabay kaming isang babae sa ’ming harapan na kasingtangkad ni Jonas. Nakasuot ito ng strapless mini dress na kulay puti. Hanggang kalahating parte lang ng legs umaabot ang damit nito. Sobrang kinis ng morena nitong balat, mas makinang pa sa glitters na ginamit ko sa banner. At sobrang sexy rin nito kaya hindi namin maiwasang mamangha ni Jonas.

“’Tol, artista ba ’yan?” pabulong na tanong ni Jonas sa ’kin.

“’Di ko alam,” pabulong ko ring sagot.

Napalakas yata ang bulungan namin ni Jonas dahil napalingon patalikod sa ’min ang babae. Mas lalo kaming namangha dahil sa laki ng hinaharap nito at may palitaw-cleavage pa talaga. Ang ganda rin ng mukha, hugis bigas. May pagkasingkit ang mga mata. Matangos ang ilong. At nagkakapalan ang mga labi na may katamtamang pula. Maalon ang itim na itim nitong buhok na umaabot hanggang siko. Base sa itsura, mukhang may anak na ito, o mukhang wala pa nga yata. Mahirap hulaan. Basta, mukhang MILF. Sa hindi maipaliwanag ay tila natigilan ito nang makita ang aking mukha. Promise, hindi kami magkakilala. Pero parang kilala ako nito dahil bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang makita ako. O baka ay may dahilan? Baka ay kilala nito si Mona kaya parang nagulat ito sa ’kin? Si Mona naman lagi ang kinukumpara sa ’kin.

“Next,” ang sabi ng guwardiya.

Napabalik ng tingin sa harapan ang magandang babae sa pag-usad ng pila. Sumaglit pa nga ito ng sulyap sa ’kin. Pero kinalaunan ay hindi na lumingon pabalik.

“Grabe, ’tol, mala-Ina Raymundo ang dating,” bulong ni Jonas sa mas mahina pang boses kaysa kanina.

“Oo nga eh,” mahina ko ring sabi.

Mabuti na lang at wala rito sina Briones at Castro. Malamang ay hindi makakapagpigil ang dalawang manyakol na ’yon kapag nakita nila ang babaeng ’to.

“Next.”

Sino kaya ’to? Parang pamilyar ang mga mata nito. Parang may kahawig.

“Next po.”

Umusad pa nang umusad ang pila, hanggang sa ang babae na sa ’ming harapan ang sumunod.

“Ticket?” tanong ng guwardiya sa babae habang pasimpleng sumusulyap sa cleavage nito.

Akmang sinaliksik ng magandang babae ang dala nitong bag na ang brand ay Louis Vui— Holy shit! Totoo ba ’to? Original ba talaga ang hawak nitong Louis Vuitton pouch? Parang hindi naman mukhang peke. Gaano kaya kayaman ang babaeng ’to? “OMG!” Tila napahawak ang babae sa dibdib nito. “I’m so sorry, Kuya. I think I forgot it at home.” Mukhang nagsisinungaling ang boses nito.

“Ho?” Kumunot ang noo ng guwardiya. “Paano ’yan, Madam? Kailangan po ng ticket bago makapasok sa loob eh.”

“Oh, no.” Napatakip ang babae sa bibig gamit ang palad. Pati pananalita nito ay tunog mayaman. “That can’t be! I need to be there for my son.”

“Sino ho ba anak n’yo?” usisa ng guwardiya. Numanakaw pa rin ito ng sulyap sa malaking hinaharap ng babae.

“He’s one of the contestants,” anang babae.

Napapalunok na ang guwardiya sa sobra sigurong pagkatakam sa babae. “Ano ho pangalan?”

“Piolo,” sagot ng babae. “Piolo McMiller. He’s my son.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Tama ba ’tong narinig ko? Isa nga ba si Pio sa mga contestants? Isang Piolo McMiller lang naman meron ang school. Baka ay nagkamali lang ang babae? At ang babaeng ito nga ba talaga ang mom niya? Hindi naman malabo. Maganda ang babae. Pogi si Pio. Marahil ay dito niya nakuha ang kaniyang mga mata.

At meron akong naalala… Nang gabing nagkasagutan kami ni Pio ay nabanggit niya ang kaniyang mom. Parang isa ito sa mga nagdudulot sa kaniya ng lungkot. Bakit? May problema ba sa pagitan nilang dalawa? Mukhang okay naman ang mom niya ah? At kung totoo ngang kasali siya mamaya, mukhang narito pa nga ito para suportahan siya.

Pero kasali ba talaga siya?

O nagsisinungaling lang ’tong babaeng ’to para makapasok?

Naguguluhan na ako.

“Sige, Ma’am,” pagpayag naman ng guwardiya.

“Yes! Thank you! Thank you so much!” pagkatuwa ng babae. Umalog-alog ang malaman nitong puwet.

So, totoo ngang kasali si Pio kasi pumayag si Manong Guard?

“Basta po need kong i-check ang katawan n’yo,” kondisyon ng guwardiya.

“Sure!” Itinaas ng babae ang mga kamay nito sa ere kasama na rin ang mamahaling pouch. “Check all you want!”

Hayop. Manyak lang pala ’yong guard. Pumayag lang pala ito para makapkapan ang babae.

Napapangiti ang guwardiya habang kinakapkapan nito ang babae. Sinulit talaga nito ang pagkakataon. Tila wala namang angal ang babae sa ginagawa ng guwardiya. Parang nakikiliti pa nga ito. Nang matapos na ang guwardiya sa pagkapkap—o pagtsansing—ay pinapasok na rin ang babae sa loob ng campus. Nag-catwalk ang seksing babae sa covered walkway at inagaw nito ang atensyon ng mga nakakasabayan nito. Napaka-elegante ba naman kasi tingnan. Ang bango-bango pa. Amoy expensive.

“Next.”

Sa wakas, kami na. Kanina pa kami sa pila.

“’Yong buhok mo kumakapal na,” anang guwardiya kay Jonas.

“Yezzir,” ani Jonas.

“Next.”

Ako naman.

“Ikaw rin. Kapal na ng buhok mo. Ngayon lang ’to,” paalala ng guwardiya.

“Yes po,” tugon ko naman. Hinawakan ko ang tuktok ng aking ulo. Bilis nga humaba ng buhok ko.

“Next.”

Pagpasok namin sa loob ay inakbayan ako ni Jonas at naglakad na kami papunta sa bungad ng covered walkway.

“’Yon ba talaga ang mama ni Pio?” taka niya.

“Hindi ko rin alam eh,” may pagtataka ko ring sagot.

“Parang ’yon nga,” hula niya. “May pinagmanahan pala si Pio.”

“’Yong mata, ’no?” Nasa dulo na ngayon ng covered walkway ang babaeng pinag-uusapan namin.

“Hindi.” Ngumisi siya. “Iba yata namana niya sa mama niya.”

“Hmm?”

“Wala.”

“Ne—” dinig kong sabi ng guwardiya na nalampasan na namin. “O, Bona, anong ginagawa mo rito?”

Napahinto kami ni Jonas sa paglalakad nang marinig namin ang pamilyar na pangalan. Pagbalik namin ng tingin sa makipot na entrance ay nakita namin si Bona na tila hinaharang ng guwardiya. Nakisiksik din pala ito sa pila.

“Pasok si Bona!” anito sa matining at malakas na boses. “Tabi!”

“Hindi puwede, umalis ka nga,” taboy ng guwardiya rito.

“Pasok nga si Bona eh!” pagpupumilit nito. “Kasama ako rito!”

“Ticket mo?” Nagpapataasan na sila ng boses ng guwardiya.

Akmang sinaliksik ni Bona ang dala-dala nitong maruming bag na ang brand ay Louis Bitoy. “OMG!” Saka napahawak sa dibdib na wala namang cleavage at parang nagulat. “I’m so-so-sorry, Kuya! I think I porgak it at tahong!”

Galing mag-English, grabe, gayang-gaya ni Bona ’yong seksing babae kanina pati ang accent nito.

“Kailangan mo ng ticket bago makapasok sa loob!” Namumula na ang guwardiya.

“Oh, no!” Napatakip si Bona sa bibig. “Dat kambi! I nid to be der por ma lab!”

“Ha?” Gulong-gulo na ang guwardiya. “Ano?”

“H-He’s… He’s wan of the compestants!” tuloy ni Bona. Proud na proud ito sa panggagaya sa nagpakilalang mom ni Pio.

“Pinagloloko mo ba ’ko?” Mukhang galit na galit na ang guwardiya.

“Hindi ka loko ni Bona! May kilala si Bona sa loob!” Balik Tagalog. Inilibot ni Bona ang paningin nito. At sakto, nahagip ako ng mga mata nito kaya itinuro ako. “’Y-Yon oh!”

“Sino?” Tumingin ang guwardiya kung saan nakaturo si Bona—sa direksyon ko.

“Si Jungcock,” ani Bona, “at ’yong boyfriend niya!”

“Ay puta,” usal ko. Agad akong napaiwas ng tingin. “Tara na, Jonas.” Kita ko namang parang napapangiti si Jonas. “Tara na.”

Inakbayan ako ni Jonas at lumingon na kami paharap sa covered walkway at naglakad.

“Jungcock, ma lab!” pahabol na sigaw ni Bona. “Huwag n’yo ’kong iwan!”

“Umalis ka na, Bona! Dami pang nakapila!” bulyaw ng guwardiya.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking palad. Pansin kong natatawa ang mga kasabayan naming maglakad. Pati si Jonas ay pasikreto rin yatang natatawa dahil ramdam ko ang paggalaw ng kaniyang braso sa ’king balikat.

“Jungcock! Balik ka rito!” Ayaw pa rin papigil ni Bona. “Ako ’to! Ako ’to, si Bona, na mahal na mahal ka!”

Mas lalong lumakas ang mga tawanan. At mas lalo ko ring binilisan ang aking lakad kaya napapasabay si Jonas.

Bonak talaga.


Mula first subject ay walang nagtuturong mga professors. Ang ilan kasi sa kanila ay may mga kamag-anak din na pumunta sa school para makinood sa event, kaya ang mga ito ang inaasikaso nila. Si Prof. Batumbakal lang talaga ’yong nagturo pagkatapos ng lunchtime. Wala yatang nagmamahal sa kaniya. Sa buong oras ng subject niya, napapatingin na lang kami sa labas at naiinggit sa mga estudyanteng pagala-gala lang sa corridor. Nang sumunod na mga subjects ay nanatili lang kami sa loob ng aming classroom dahil baka biglang dumating ang ibang professors tapos wala kami. Hindi kami pinayagan ni Acosta—aka Mr. Class President—na lumabas at baka siya raw ’yong mapagalitan. Sa huli, wala naman ni kahit isang prof ang sunod na pumasok pagkatapos ni Prof. Batumbakal. 4:59 PM nang sabay-sabay kaming magbilang sa huling sampung segundo ng last subject namin.

“Ten!”

“Nine!”

“Eight…!”

Pati ako ay taeng-tae na rin lumabas.

“Seven!”

“Six!”

“Five…!”

Parang sobrang tagal ng sampung segundo.

“Four!”

“Three!”

“Two!”

Shit, ito na!

“One!”

Nag-unahan sa paglabas ng classroom ang mga kaklase ko. Maririnig ang sabay-sabay na yabag ng mga sapatos at tunog ng mga silyang nausog. Agad naman kaming napatayo ni Jonas. Kinuha ko ang nakarolyong kartolina na inilagay ko sa sulok, sa tabi ng whiteboard. Pagkatapos ay may pagmamadali kaming naglakad palabas.

“’Tol, dahan-dahan lang ang lakad,” ani Jonas. “Baka mamaya hikain ka.”

“Hindi. Okay lang ako,” may kumpiyansa ko namang sabi. “Baka mamaya mapunta tayo sa pinakadulo ng gym. Wala na tayong makikita no’n. Buti sana kung kasingtangkad tayo ng kuya mo.”

“Sigurado ka ah?”

“Oo.”

Pagdating namin sa loob ng covered gym ay napuno na kaagad ang kalahi nito. Nag-unahan talaga ang mga tao para mapunta sila sa pinakaharapan. Mukhang mapupuno na rin ang bleachers kahit na hindi pa naman nagsisimula ang event. Para ito sa mga tamad tumayo sa gitna. Tatlong upuan lang kasi ang meron sa tapat ng stage—’yong para sa mga judges. Sa harapan ng mga upuan ay mayroong mahabang desk, kung saan may nakapatong na tatlong nakasarang folders, tatlong ballpen, tatlong wireless microphones, at tatlong bote ng mineral water. Sa itaas, sa may stage na abot hanggang bewang, makikitang may mga bulaklak at dahon na dekorasyon sa pinakagilid, na umaabot din sa magkabilaang hagdanan na pakurba. Sa pinakadulong-likod ng stage ay may mahabang backdrop curtain na navy blue ang kulay. Nagsilbing border line nito ang mga kulay puting balloons. Sa gitna ng malawak na kurtina ay mayroong nakadikit na naglalakihang mga letra na kung babasahin ay 23RD MR AND MS JAMA.

Kita kong naka-set up na rin ang mga pailaw at pausok sa ibabaw ng stage. ’Yong sound engineer sa dulong-kanan ng gym—malapit sa gate papunta sa tagong CR—ay nagche-check na rin ng mga microphones habang nagpapatugtog ng upbeat music ngunit mahina lang. Nagkakarinigan pa naman ang mga tao sa loob kahit papa’no. Mas lalo pang dumami ang mga tao sa pagdating ng mga Senior High students. Ang iingay nila. Haliparot ’yong mga babae sa kanila. Wala pa ngang contestants ay panay kilig na agad sila. Paano pa kaya ’pag nakita nila si Kuya Jason mamaya at ang maganda nitong katawan? Lalakas siguro ang kanilang mga tilian kapag nag-propose din ito kay Mona. Usapang Mona, asan kaya siya? Mukhang wala naman siya sa unahan. Lumingon din ako patalikod ngunit hindi ko siya nakita sa kapapasok pa lang na mga tao sa nakabukas na bungad ng gym.

“Dito na tayo, ’tol?” tanong ni Jonas sa ’kin.

“Oo, okay na rito.” Tumigil na ako sa paghahanap kay Mona. Bahala na mamaya maghanap si Kuya Jason sa kaniya.

“Sige, sabi mo eh.”

Sa harapan—dalawang hilera mula sa amin ni Jonas—ay nakita kong nakatayo ’yong nagpakilalang mom ni Pio kanina. Pinagtitinginan ito ng mga manyak na maritime students at pinagbubulungan. Kesyo sexy raw, malaki ang cocomelon, blah-blah-blah… Dedma naman ang babae, dahil panay titig lang ito sa cellphone, tila may ka-text.

Sa kaliwang dulo ng hilera namin ni Jonas ay may tila pamilyar na mukha rin akong nakita. Maputi, malaki rin ang hinaharap, at mahaba ang buhok. Nakasuot ito ng kulay brown na crop top at maong pants. May nguya-nguya itong bubble gum sa bibig. Pamilyar na pamilyar ang mukha…

Teka, si Sweety ba ’to? ’Yong trans sa R&R Salon?

Anong ginagawa niya rito?

“O ano, Summer, kamusta siya?” tanong ni Sweety nang lumapit sa kaniya ang isang baklang naka-pekpek shorts at naka-double ponytail ang buhok.

“Ayon, Ate, inaayusan pa rin ng mga bading sa dressing room,” tugon naman ng isa pang pamilyar na mukha—si Summer.

A-Anong ginagawa nila rito?

“Naku, dapat siya ang pinaka-angat sa gabing ’to. Walang papantay. Ganern,” ani Sweety.

“Say no more, Ate. Kahit hindi na siya ayusan, siya pa rin ang mananalo. Pak na pak, sa fez pa lang eh! Ano pa sa katawan? Sa boses? Talbog lahat!” may kumpiyansang sabi ni Summer.

“Eh bakit ka nga pala lumabas?” Pinalobo ni Sweety ang bubble gum sa kaniyang bibig.

“May pinapahanap sa ’kin si Papi eh.” Tumingkayad at inangat ng payat na si Summer ang kaniyang mukha, saka nagmasid sa crowd sa harapan namin. “Sa’n na kaya ’yon? Sabi ni Papi, tapos na raw dapat klase no’n ngayon eh.”

Pumutok ang bubble gum sa bibig ni Sweety. “The who?”

“Kilala mo na kung sino.” Nang umikot ang mukha ni Summer ay agad akong napaiwas ng tingin sa takot na baka ay makilala ako nito. Hanggang ngayon pa rin kasi ay naaalala ko pa rin ’yong ginawa kong panghuhusga sa kanila. Nahihiya pa rin ako sa ’king sarili. “Ah, kita ko na.”

“Ah, siya?” dinig kong sabi ni Sweety.

“Okay na, balik na ako sa kanila, Ate. Malapit na mag-start eh.”

“Gora.”

Pagbalik ko ng tingin sa kanila ay kita kong naglakad na si Summer paakyat sa stage, papunta sa kaliwang gilid kung saan tago. Hula ko ay doon sa loob—sa espasyo sa likuran ng stage—matatagpuan ang dressing room.

Nang tumingin ako kay Sweety ay kita kong kumaway ito sa ’kin at ngumiti. “Hi,” walang boses nitong sabi. Tipid naman akong ngumiti at tumango rito bilang tugon. Dahil sa pagkailang ay itinuon ko na lang ang aking atensyon kay Jonas na nakatayo sa ’king kanan. Nag-practice na muna kami sa gagawin namin mamaya hangga’t ’di pa nagsisimula ang event.

Makalipas ang halos limampung minuto ay hindi ko namalayang punong-puno na pala ang loob ng covered gym. Nagsibukasan ang mga ilaw sa may bubong dahil dumidilim na rin ang kalangitan nang lumingon ako patalikod sa bungad ng gym. Hanggang dulo ay wala akong ibang makita kundi ang mga nakaumbok na ulo ng mga nagkukumpulang tao. Naghalo-halo na rin ang mga amoy sa loob. Mabuti at nakagagalaw pa naman kami kahit papa’no.

“ Ahem. Ahem. Mic test. One two. Mic. Hello? Hello?“

Lahat kami ay nagsitinginan sa pinanggalingan ng boses. Unti-unting nanahimik ang crowd at pinatay rin ang tugtog nang makitang may mataba, singkit, at maputing babae sa gitna ng stage—si Ms. Hen Lin. Gamit na gamit talaga ito ng school, mula orientation hanggang event.

“Attention, everybody! The twenty-third Mr. and Ms. J.A.M.A. will begin in five minutes. Please remain inside. Thank you!”

Limang minuto na lang ang natitira at magsisimula na ang event.

Pero bakit parang kinakabahan ako?

Bakit parang hindi aayon ang lahat sa plano?

Chapter 21

Matapos bumaba ng stage ni Ms. Hen Lin ay may kaunting ingay na maririnig mula sa kumpulan ng mga tao, na habang tumatagal ay unti-unting lumalakas. Hindi mapigilan ang excitement ng karamihan. At hindi ko rin mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing naririnig kong nababanggit ang mga pangalan at mga salita na isang tao lang ang pinatutungkulan—Pio, Piolo, Piolo McMiller, dating Mr. J.A.M.A., Romeo, Papa P, gago, hayop, tarantado, guwapo, daks, pakboy, playboy, ex ni Mona.

Makalipas ang mahigit limang minuto ay natapos na rin ang pagtitiis ng lahat. Natahimik ang madla nang may dalawang emcees na naglakad sa magkabilaang hagdan. Habang naglalakad ay sinundan ang mga ito ng bilog na liwanag na nanggagaling sa stage lights. Nagtagpo ang dalawa sa gitna ng stage at naging iisa ang dalawang pabilog na liwanag. Nagkangitian ang mga ito sa isa’t isa. Pagkatapos ay sabay na humarap sa madla.

“Good evening, ladies and gentlemen!” masiglang panimula ng lalakeng emcee sa kaliwa. Nakasuot ito ng makintab na navy blue suit. May hawak na script sa kamay. “Welcome to the 23rd Mr. and Ms. J.A.M.A.. Tonight, we’ll witness an impressive group of dazzling contenders showcasing their finest talents and competing for the highly sought-after crowns right here on this stage.”

“As the evening brims with anticipation,” tuloy ng babaeng emcee na nakasuot ng navy blue na gown, “we will soon discover who will be the worthy title holders.”

“I am Hover Montes from BSCA,” pakilala ng lalakeng emcee sa sarili.

“And I am Shaina Garcia from BSTM,” pakilala naman ng babaeng emcee sa sarili.

“We’re set to host…” ani MC Hover.

“… the most spectacular…” ani MC Shaina.

“… the most thrilling…” si MC Hover.

“… the most glamorous…” si MC Shaina.

“… and the most eagerly anticipated…” balik kay MC Hover.

“… Mr. and Ms. J.A.M.A.!” sabay na nilang sabi sa mataas na boses.

Nag-play ng background music ang sound engineer at umalingawngaw ang masigabong palakpan at hiyawan mula sa madla na tumagal ng ilang segundo.

Ngumiti si MC Hover. “Wow!” Humina na ang background music at unti-unti na ring humina ang mga palakpakan. “That was loud, wasn’t it, Shaina?”

“Yes, Hover,” sagot naman ni MC Shaina. “The night is still young, yet the audience pulses with vibrant energy!”

Tinodo pa ni MC Hover ang ngiti nito. “Yes! I can feel it, too!” Kumunot ang noo nito. “Where is all this electrifying energy coming from? Let’s hear it from BSMT!” Itinutok nito ang mikropono sa madla.

Nag-ingay ang mga taga-BSMT na nagkawatak-watak sa madla. Nagtaasan din ang mga banners para sa mga pambato ng course namin. Sa ilang banners ay makikita ang pangalan ni Pio mula sa mga tagahanga nito kahit hindi pa naman sigurado kung kasali nga ito.

Sa gitna ng maingay at magulong madla ay heto akong gulong-gulo ang pag-iisip, puno ng pangamba. Pero nakaramdam ako ng sandaling kapayapaan nang tumama ang likod ng kamay ni Jonas sa likod ng aking kamay. Marahan akong napalingon sa mga mata niyang sa ’kin pala nakatuon—at hindi ako sigurado kung sa ’kin lang ba mula pa kanina. Muli niyang idinampi ang kaniyang balat sa ’kin, at nadama ko ang paglakbay ng kaniyang mga daliri sa pagitan ng aking mga daliri. Hanggang sa nagkaisa ang mga kamay namin.

“BSMT daw, ’tol.” Heto siyang nakangiti sa ’kin, mas lalong hinigpitan ang hawak sa ’king kamay.

“Uh…” At heto akong napatulala sa ginawa niya, hindi makuha ang tamang salita.

Mga ilang saglit pa nang itaas niya ang magkahawak naming mga kamay sa ere at saka humiyaw. “BSMT kami! Woooooh!”

Napasabay na rin ako. “W-Woooh!”

Humalo ang mga boses namin sa ingay na gawa ng madla. Pero sa pandinig ko, ang boses niya ang pinakanangibabaw—ang maamo at kalmado niyang boses. Kahit sandali lang, nakaramdam ako ng ginhawa. At tila hindi ko na naisip pa ang mga bagay na nakatakda pa lang mangyari sa kahabaan ng event.

“How about BSMarE?” singit ni MC Shaina.

Humina na ang mga hiyawan namin at napalitan ito ng mga hiyawan ng mga estudyanteng kumuha ng nasabing kurso. Ibinaba na rin ni Jonas ang magkahawak naming mga kamay at maingat itong pinakawalan. Walang pahinga ang kaniyang kamay dahil sunod niyang inakbayan ang aking balikat. Habang nakatingin siya sa harapan ay hindi maitago ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Matapos isa-isahin ng mga emcees ang bawat kurso sa kolehiyo na meron ang J.A.M.A., maging ang bawat strand sa Senior High, ay sunod namang ipinakilala ang mga judges. Isa sa mga judges ang kasalukuyang may-ari ng J.A.M.A. na si Mr. Juanchio Amanpulo—ang panganay sa tatlong anak ng yumaong Captain Juan Amanpulo, siyang founder ng academy. Matapos itong magbigay ng good luck speech sa mga magiging contestants ay umani ito ng pormal na palakpakan. Ikalawa sa tatlong judges si Prof. Sebastian Tiu—na sabi ng mga seniors ay galit sa mga bobo at barok-barok mag-English. Good luck na lang sa mga contestants mamaya pagdating sa Q&A portion. Ang kumompleto sa tatlong judges ay ang Dean of Student Affairs na si Captain Aaron Ramirez—ang dad ni Mona. Oo, nagulat din ako. Bakit kapangalan ko? Ano ang tsansang magiging kapangalan ko ito? Sa dinami-rami ng tao sa mundo? Pero naisip kong masyadong common ang pangalang Aaron. Marahil ay hindi lang magaling mag-isip ng unique na pangalan si Mama.

Naalala ko nga pala, minsan nang nabanggit ni Mona na kamukha ko ang dad niya no’ng mga nasa bente pa lang ang edad nito. Kaya gusto kong makita ang mukha nito. Pero masyadong matatangkad ang mga nasa harapan namin. Hindi kasi umakyat ng stage ang mga judges. Sa ibaba—sa harapan ng madla—lang sila humihinto at nagbibigay ng talumpati bago tumungo sa kanilang mga upuan. Dahilan para ang tuktok lang ng ulo ni Captain Ramirez ang makita ko nang magsimula itong magbigay ng talumpati.

“I extend my heartfelt gratitude for the invitation to serve as one of the judges at this wonderful event….” panimula nito sa malalim at magaspang na boses.

Gustong-gusto ko talaga makita ang mukha nito.

“Masama ’to, ’tol,” ani Jonas habang nagtatalumpati si Captain Ramirez sa harapan.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong tila may pag-aalala sa mukha niya. “Bakit?”

“Wala ’to sa plano,” sagot niya. “Baka biglang kabahan si Kuya.”

“Ha?” Ngayon ay nanumbalik na ang kaba sa ’king dibdib. “B-Bakit naman?”

“Sabi ni Kuya, hindi naman daw nagpunta si Captain Ramirez no’ng nakaraang event. Kaya nga raw nagkaroon ng lakas ng loob si Pio na mag-propose. At kaya nga confident si Kuya ngayon na mag-propose kay Mona kasi akala niya wala si Captain.”

“Hala, ’di nga?” Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa nakarolyong kartolina sa kaliwa kong kamay.

“Kasalanan ’to ni Pio. Sinaktan niya kasi si Mona, kaya GG si Captain,” saad niya. “Tingin ko kaya nandito si Captain ngayon kasi binabantayan niya ’yong anak niya.”

“Gano’n?”

“Oo. ’Tsaka, ’di ba, ang daming kumakalat na balita na baka ay maulit ’yong nangyari no’ng nakaraang event? Baka may pasabog ulit. Hindi natin alam kung kasali nga si Pio, kahit pa sinabi ni Kuya na hindi. Kaya siguro nakabantay si Captain. Judge pa nga. Tsk, tsk, tsk. “

“Kita mo ba kung saan nakapuwesto si Mona?”

“Hindi ko nga rin makita, ’tol. Daming tao ngayon.”

Shit.

Mas lalo akong kinakabahan.

Sana matapos na ’tong gabing ’to.

Pagtatapos ni Captain Ramirez, “… I hope that my decisions as a judge will serve as a fair and impartial assessment, guided by both expertise and compassion. It’s an honor to contribute to this remarkable event. Good luck to the contestants.”

Habang inililibot ko ang aking paningin ay nakita kong nagpalakpakan ang mga tao. Sa pagtaas at paggalaw ng kanilang mga kamay ay mas lalo akong nahirapan na hanapin si Mona. Nasa’n na ba kasi siya? Matatangkad din ’tong mga nasa likuran namin kaya hindi ko masyadong makita.

Humina na ang mga palakpakan.

“Ladies and gentlemen, let’s acknowledge our esteemed panel of judges who have the challenging task of selecting our winners tonight. Their expertise and discerning eyes will guide us toward crowning the next Mr. and Ms. J.A.M.A.. Let’s give them a warm round of applause!” sabi ni MC Hover habang nakatingin sa mga judges sa baba at tila napapayuko sa mga ito.

Muling nagpalakpakan ang mga tao na maya-maya pa ay humina na rin.

“Now, before we embark on this exciting journey, let us take a moment to express our gratitude. We gather here under the watchful eyes of our Almighty God, who guides us with grace and wisdom,” sabi ni MC Shaina.

“Indeed, let us bow our heads in prayer,” dugtong ni MC Hover. Napayuko ang mga tao at natahimik. “Heavenly Father, we thank You for this beautiful evening, for the talents that will shine, and for the hearts that beat with anticipation….”

Habang taimtim na nagdarasal ang lahat ay nagsarili rin ako ng dasal.

Lord, please po. Alam ko pong makasalanan ako. Pero sana walang masamang mangyari. Sana ay may customer lang sina Sweety at Summer kaya sila nandito ngayon. Sana ay hindi nga ’yong babae sa unahan ang mom ni Pio. Sana ay maging matapang si Kuya Jason sa pagpo-propose kay Mona mamaya kahit nandito si Captain Ramirez. Sana ay hindi masira ang plano. Sana ay hindi nga kasama si Pio sa mga contestants. Sana rin po ay walang masaktan na damdamin sa mga mangyayari.

Tuloy ni MC Shaina, “… May this event be a celebration of not only outer beauty but also inner strength, kindness, and resilience. May our contestants inspire us to be better versions of ourselves. Amen.”

“Amen,” sabay-sabay na sabi ng karamihan.

Nang matapos na sa pagdarasal ay nanumbalik na si MC Hover sa dati nitong masiglang mukha. “And now, without further ado, let the 23rd Mr. and Ms. J.A.M.A. officially begin!”

“Tonight, we celebrate beauty, talent, and charisma. Are you ready for an unforgettable evening?” Itinutok ni MC Shaina ang mikropono sa madla.

“Yes!”

“Ready!”

“Woooooh!”

“Ilabas si Pio!”

Tila na-excite din si MC Hover. Mukhang may narinig itong pangalan sa madla na nagpabago sa ekspresyon nito sa mukha—’yong mukha ng taong parang alam na ang lahat ng mangyayari at kating-kating mag-spoil. “Wow! They are so ready! Our contestants have worked hard, and tonight, they’ll dazzle us with their grace and confidence. What are we waiting for? Let’s meet them!”

Muling nag-play ang background music, ngunit katamtaman lang ang lakas kaya rinig pa rin ang boses ng dalawang emcees.

“Let’s start with our ten male contestants for tonight,” ani MC Shaina. “Our first contestant is a well-known varsity player from the Mariners Basketball Team—”

“Piooooo!” singit ng haliparot na Senior High student.

Nagtawanan ang madla.

Pati si MC Shaina ay tipid na napatawa. “Oh, okay. That one is an excited fella.” Tumikhim ito. “So, our first contestant is a well-known varsity player from the Mariners Basketball Team. Let’s give a warm welcome to Jason Alcalde from BSMT!”

Mula sa kaliwang gilid ng stage ay lumabas ang matangkad at morenong lalake na nakasuot ng maong pants na kulay navy blue at plain white T-shirt na naka-tuck in. Naglakad ito papunta sa gitna ng stage.

“Woooooh!” Nagsigawan ang mga taga-BSMT.

Napapalakpak naman ang mga civilians at nagbulung-bulungan.

“Guwapong bata.”

“Ang tangkad.”

“Laki ng katawan ah.”

Ang mga Senior High students naman at ilang tagahanga ni Pio ay tila nadismaya.

“Ano ba ’yan…”

“Akala ko si Pio na…”

“Kasali ba talaga siya…?”

Kami naman ni Jonas ay todo suporta.

“Kuya ko ’yan!” sigaw ni Jonas. “Go, K’ya!”

“Go, go, Kuya Jason!” sigaw ko rin.

Noong una ay confident pa si Kuya Jason sa paglalakad, nakangiti nang labas ang ngipin, at kumakaway-kaway sa mga tao. Nang makarating ito sa gitna ng stage ay tumabi ang dalawang emcees at pinagitnaan ito. Ipinasa ni MC Hover ang mikropono nito kay Kuya Jason. At kung kailan magsasalita na ito ay tila napatigil ito nang tumingin papunta sa harapang-ibaba ng stage kung saan matatagpuan ang panel of judges. Bakas sa mukha ni Kuya Jason ang kaba dahil nanlaki ang mga mata nito at napapagalaw ang bibig pero hindi makapagsalita. Marahil ay nakita na nito si Captain Ramirez.

“Kuya!” hiyaw ni Jonas sa gitna ng tahimik na madla. “Kaya mo ’yan!”

Tila nagising sa pagkatulala si Kuya Jason nang marinig ang boses ng kaniyang kapatid. At sa wakas ay nagkaroon ito ng lakas ng loob para makapagsalita. “G-Good evening, everybody… My… My name is Jason Alcalde, the lover boy basketball player from BSMT!”

Muling nag-ingay ang BSMT na karamihan ay puro boses ng kalalakihan—buong-buo at malakas. Marami ring kababaihan ang nagche-cheer—’yong mga babaeng hindi patay na patay kay Pio.

Nang matapos na sa pagpapakilala sa sarili ay ibinalik ni Kuya Jason ang mikropono kay MC Hover. Sunod itong naglakad sa pinakagilid na kaliwang puwesto ng stage, malapit sa backdrop curtain. Kita kong tila napapatingin pa rin ito sa harapang-ibaba ng stage. Mukhang ayaw pa rin maalis ang kaba nito. Lalo pa’t isa si Captain Ramirez sa mga judges.

“Next up, we have….”

Sa una lang masaya. Habang tumatagal ay lalong tumatamlay ang madla dahil masyadong tinaasan ni Kuya Jason ang standards pagdating sa itsura. Wala na kasing mas po-pogi pa sa kaniya sa mga sumunod na contestants. Kahit ’yong pambato ng Tourism ay hindi gano’n kalakas ang appeal, magaling lang magsalita. Kaunti na lang at magsisi-uwian na ang mga tagahanga ni Pio na lugmok ang mga pagmumukha. Habang sila nalulungkot, ako nama’y pasikretong natutuwa. Dahil sa wakas, baka ay magkaroon pa ng tsansa na maisakatuparan ang planong proposal ni Kuya Jason kay Mona. Kahit ang totoo niya’y parang nauubusan na ito ng lakas ng loob sa sulok ng stage.

Umabot na lahat-lahat sa ika-siyam na contestant, pero wala pa rin talaga. Kita kong napapababa na ng mga banners ’yong mga tagahanga ni Pio. Ngawit na yata sila. Buti nga. Walang pasabog na mangyayari sa gabing ito kundi ’yong kay Kuya Jason lang.

Nang matapos na sa pagpapakilala ang ika-siyam na contestant ay pumuwesto na rin ito sa likod, sa tabi ng ika-walong contestant malapit sa gitna.

“Last but not the least…” ani MC Shaina, “… our tenth contestant for tonight… another representative from BSMT…”

Gago!

Ano raw?

Tapos na BSMT ah!

“What? We have another representative from BSMT?”

“Yes, Hover! You heard it right!”

“Wow!”

Biglang natigilan ang mga tagahangang malapit na sanang magsi-uwian. Tila nanlaki ang kanilang mga mata at napataas ang mga tenga.

“OMG!”

“BSMT daw!”

“Sino raw?”

Nagsimulang umingay ang paligid.

“Ladies and gentlemen, put your hands together…”

At mas lalo pang umingay.

“… for the one and only…”

Hanggang sa dumagundong sa loob ng covered gym sa paglabas ng pinakaguwapong contestant sa gabing ito.

“… Piolo McMiller!”

Chapter 22

Sumabog sa tuwa ang madla sa paglakad ng matangkad at maputing lalake sa entablado. Nakabibingi ang mga hiyawan. At nakakahilo ang paggalaw ng mga kumpulan ng tao. Animo’y mga bulate na binudburan ng asin. O di naman kaya’y mga nasapian ng demonyo dahil sa sobrang pagwawala. Ganito pala ang epekto ng isang Piolo McMiller.

Ang lakas din ng naging epekto nito sa ’kin. Hindi kasi ako makagalaw. Napanganga na lang. Parang nakikipagkarera ang puso ko sa sobrang bilis ng takbo. Sobrang lakas ng tibok nito na parang nakikipagsabayan sa pagdabog ng mga tao sa sahig. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Sobrang lakas ng dating ni Pio parang tinatangay ako ng malakas na hangin. Sa tinagal-tagal na nakikita ko ito, paulit-ulit, sa apartment building, sa may pasilyo, sa loob ng kuwarto nito, sa loob ng campus, maging sa labas, bakit ngayon lang ako tinamaan nang ganito? At bakit ngayon ko lang napansin kung gaano ako kasuwerteng dati ako nitong nilalapitan? Kinakausap? Inaakbayan? Nahalikan?

Bakit ko pinalampas ang pagkakataon?

Ah, tama… dahil kay Mona.

Kung hindi ko kamukha si Mona, lalapitan pa rin ba ako nito?

Kung hindi ko kamukha si Mona, marami bang magbabago?

Kung hindi ko kamukha si Mona, malalaman ko kaya kung ano talaga ang nararamdaman nito para sa ’kin?

Sana pala ay hindi ko na lang naging kamukha si Mona.

Akala ko’y wala nang katapusan ang mga hiyawan. Ngunit nang makapunta na sa gitnang-harapan ng stage si Pio at pinasahan ng mikropono ni MC Hover ay bahagya na ring humupa ang mga sigawang puno ng gigil at kilig. May ilan pa ring napapasigaw ng pangalan nito habang nakataas ang mga banner sa ere. Kanina lang ay ang tamlay ng madla, pero ngayon ay buhay na buhay ito.

Si Pio ang pinaka-inaabangan ng mga tao, kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang karamihan kahit nandoon na ito sa stage, nakasuot ng plain white T-shirt at navy blue na maong pants katulad ng ibang contestants. Naka-brush up ang makintab nitong buhok at may manipis na make-up sa mukha—ang unnecessary nga kasi hindi naman talaga kailangan ng make-up, pero okay lang din naman kahit meron. Tama nga ang hinala ko, dahil dito kaya pumunta sina Sweety at Summer sa event na ito.

“Papa P!” Nangibabaw ang matining na boses ni Sweety sa madla.

“Go, Romeo!” isang pamilyar na boses naman na hindi ko alam kung saan nanggagaling, pero parang nandito rin ’yong matandang bading sa tailoring shop dati.

Noong una’y nakangiti pa si Pio at kumakaway sa madla, dahilan para lalong kiligin ang mga haliparot na fans.

“Anak ko ’yan!”

Ngunit nang marinig nito ang sigaw ng magandang babae sa unahan ay sandali itong na-distract, napatingin doon, at tila nahiya. ’Yon ba talaga ang mom ni Pio? Bakit parang hindi masaya si Pio nang makita ito?

Nang humina pa ang mga hiyawan ay umiwas na ng tingin si Pio sa magandang babae sa unahan at saka itinutok ang mikropono sa bibig. Bumawi ito ng ngiti. Huminga. At nagbasa rin ng mga labi bago magsalita. “What’s up, everyone?” may sigla nitong bati sa madla.

Muling nagambala ang kapayapaan sa malakas na sigawan at pagkalampag ng mga sapatos sa sahig. Hindi maitatanggi ang labis na kilig ng mga kababaihang halos himatayin na sa pamatay na ngiti ni Pio. Akala mo’y isa itong sikat na artista. Dumagdag pa sa puti ng mukha nito ang pag-flash ng mga camera mula sa ilalim na gilid ng stage.

Nang muling humina ang mga hiyawan ay nagpatuloy si Pio. “I am Piolo Mc—!”

“Wait!” singit ng malalim at magaspang na boses.

Umalingawngaw ang masakit sa tenga na feedback ng mikropono sa mga nakasabit na speaker sa magkabilang gilid na itaas ng gym, dahilan para matigilan si Pio. Natigilan din ang mga tao sa paghiyaw at unti-unting nabalot ng katahimikan sa loob ng covered gym. Naguguluhan ang karamihan kung saan o kung kanino nanggaling ang boses at kung bakit ito biglang sumingit kung kailan magsisimula nang magpakilala ang pinakaguwapong lalake sa entablado. Namatay ang masiglang background music.

“Who allowed him to participate in this competition?”

Unti-unti ay nabalot ng tensyon sa loob ng covered gym, lalo pa’t nang malaman ng mga tao kung kanino nanggaling ang boses. Nanggaling ito sa isa sa mga judges—kay Captain Ramirez, ang dean na kinatatakutan ng mga estudyante rito sa campus. Nakakapigil-hininga ang mga sumunod na nangyari.

“Didn’t he already win the title before?” Hindi ko makita si Captain Ramirez na nakaupo sa pinaka-unahan, pero ramdam ko sa boses nito ang galit sa tono ng pananalita. “What is he doing here?”

Tila nanigas si Pio mula sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa harapang-ilalim ng stage kung saan nakaupo ang mga judges. Napanganga rin ang dalawang emcees na katabi nito at hindi makapagsalita. Si Captain Ramirez na ’tong nag-aamok. Sino ang may kakayahang sumagot sa mga tanong nito?

Kahit ang babae sa unahan na nagpakilalang mom ni Pio ay napatakip na lang ng bibig, tila hindi maipagtanggol ang sariling anak. Kita ko rin si Sweety na nakanganga, natigilan sa pagnguya ng bubble gum sa bibig. At nang ibalik ko kay Pio ang aking paningin ay kita kong unti-unti nang nabubura ang ngiti sa mga labi nito.

“Who organized this event?” tuloy ni Captain Ramirez.

Wala pa ring makapagsalita. Nagtitinginan na ang dalawang emcees sa stage. At kita ko namang tila mas lalong natakot si Kuya Jason na nakatayo sa dulong-sulok ng stage.

“Katakot si Captain,” pabulong na sabi ni Jonas habang nakaakbay sa ’kin.

Ako naman ay hindi makapagsalita. Pakiramdam ko ay parang ako ’yong napapagalitan kahit hindi naman. Ganito pala ka-intimidating si Captain Ramirez. Kaya naman pala kinatatakutan.

“Ah, Captain…” biglang sagot ng pamilyar na boses. Kita kong umakyat si Ms. Hen Lin sa stage na may hawak na mikropono at tumigil sa kaliwang-gilid nito, malayo kina Pio. “I-I did po. I… I organized this event.”

“Ms. Jennylyn?” pagtataka ni Captain Ramirez, may dismaya sa boses.

“Y-Yes, Captain.” Tumango si Ms. Hen Lin at tila pinilit na ngumiti. Mas lalong naging singkit ang mga mata nito. “Allow me to explain—”

“How would you explain this, aber?” ani Captain Ramirez. “I thought the winners of the last event cannot participate again?”

“Um, Captain—”

“What happened to the rules and guidelines?”

Naging seryoso na ang palangiting mukha ni Ms. Hen Lin. “Captain, we are adhering to the established rules and guidelines.” Tumingin ito kay Pio na nakatayo sa gitnang-harapan ng stage. “Last year, Midshipman McMiller did indeed secure the title of Mr. J.A.M.A..” Sabay balik ng tingin kay Captain Ramirez. “And your daughter also earned the title of Ms. J.A.M.A.. However, months later, the title was revoked from Midshipman McMiller due to his misconduct both inside and outside the campus. Soon after, your respected daughter voluntarily surrendered her title and crown. This makes them both eligible to participate again if they so desire.”

Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga tao. Marami ang sumasang-ayon kay Ms. Hen Lin na mukhang todo-suporta rin kay Pio. Ito nga yata ang may pakana kung bakit naririto si Pio ngayon. Isa rin kasi ito sa mga die-hard fans ng tambalang Pio at Mona. May iilan din namang hindi sang-ayon at nagdadaing kung gaano ka-unfair na pinayagang sumali ulit si Pio gayong nanalo na pala ito dati.

Muling natahimik ang madla nang sumagot si Captain Ramirez sa mataas na boses. “You’re contradicting yourself, Ms. Jennylyn. You mentioned that his title was revoked due to his misconduct, yet you allowed him to participate again despite knowing his past actions. It’s clear that he’s a bad influence on this academy—a delinquent, a heavy smoker, and a playboy! Why would we give someone like him a second chance?”

Bumalik ang bulung-bulungan ng mga tao. Pero ngayon ay parami na nang parami ang pumapanig kay Captain Ramirez, lalo na ang mga taga-labas na hindi naman talaga lubusang kilala si Pio. Kanina lang ay todo-todo ang paghanga nila rito dahil sa taglay nitong karisma. Pero ngayon ay napakadali lang para sa kanila na husgahan ang pagkatao nito.

“Tama, tama. Bakit pa pinasali ’yan?”

“Playboy naman pala ’yan eh.”

“Halata naman. Sa itsura pa lang.”

“Boo!”

Pati si Jonas ay nakikigatong na rin. “Disqualified na dapat ’yan.”

Ang kanina’y todo-todo sa pagche-cheer kay Pio ay hindi na makapagsalita para ipagtanggol ang kanilang idolo. Kahit naman siguro ang mga ito ay hindi maitatangging may katotohanan ang lahat ng sinabi ni Captain Ramirez. Hindi lang sikat si Pio sa pagiging pinakaguwapong estudyante sa campus.

Ngayon ay nabunyag na sa lahat ng naririto ang totoong pagkatao ni Pio.

Ako lang yata ang nakakaalam kung paano ito nagbago sa loob lamang ng maikling panahon. Hindi ko na ito nakikitang naninigarilyo mula nang mahimatay ako dito sa parehong lugar na ito—sa covered gym. At higit sa lahat, hindi ko na ito nakikitang nagpapapunta ng iba’t ibang babae sa apartment nito mula nang gabing nagkasagutan kami.

Ako lang yata ang nakakaalam ng lahat. Pero kahit ako ay hindi magawang ipagtanggol si Pio habang ito ay naroroon sa ibabaw ng stage, nakayuko at tila nagbabadya ang luha sa mga mata. Napapalunok. Napapakurap-kurap. Paulit-ulit na binabasa ang mga labing nanunuyot. Tila ikinahihiya ang sarili.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nasasaktan ako habang pinanonood ito na ginawang kahiya-hiya ni Captain Ramirez sa harap ng maraming tao. Masakit sa dibdib. Ang hirap nitong tingnan. Parang gusto ko itong puntahan sa stage at yakapin para maibsan ang nararamdaman nitong lungkot. Pero masyado akong duwag. Kaya umasa na lang ako na iba ang gagawa nito para sa ’kin.

Wala man lang bang magtatanggol kay Pio?

Si Sweety, bakit hindi nagsasalita?

Ang mom nito, bakit hanggang iyak na lang nang walang boses at nakatakip ang bibig?

At si Mona, nasaan? Wala man lang ba itong natitirang awa para kay Pio? Kahit katiting man lang?

Wala man lang ba ni kahit isa?

Kahit isa lang.

“Everyone deserves a second chance.”

Natahimik ang madla nang magsalita sa mikropono ang isa sa mga judges sa unahan. Hindi matinis ang boses nito kaya sigurado akong hindi ito si Prof. Sebastian Tiu. At mas malalim din ang boses nito kaya hindi rin galing kay Captain Ramirez. Isa lang ang posibleng pinanggalingan ng pamilyar na boses—ang kasalukuyang may-ari ng akademyang ito, si Mr. Juanchio Amanpulo.

“I believe everyone deserves a second chance,” ulit nito. “We all make mistakes. Even I make mistakes at my age. We’re all flawed, aren’t we? Carrying our own burdens, our own regrets. But it’s in those imperfections that we find our humanity. And sometimes, it’s the mistakes that lead us to our greatest achievements. They teach us, shape us, and ultimately, they make us who we are.”

Ani Captain Ramirez, “But, Juanchio—I mean, Sir—”

“And isn’t that why you’re here today, Captain? The students and professors at this academy know you for who you are now. But I’ve known you since the beginning. We’ve been friends for so long. Once, you were also a student, just like the handsome cadet on stage. Before you became the respected and feared captain of this institution, you held the position of Midshipman McMiller. You made mistakes. And I never thought you would change. But you did—for your family, for your loved ones. That’s how I arrived at the decision to appoint you as the Dean of Student Affairs.”

Hindi na muling nakapagsalita pa si Captain Ramirez. Mukhang matagal na ngang magkakilala ang dalawa. Ano kaya ang mistakes na tinutukoy ni Mr. Juanchio na nagawa ni Captain Ramirez?

“Captain, do you also remember? That boy reached out to you with the hope of saving the academics of someone special to him. I approved it because you said the boy begged you. He even promised you something in exchange for it. Despite the boy’s negative reputation, it shows that he still cares for others. Who knows? Perhaps there is still some goodness left in him.”

Ako ba ang tinutukoy nitong someone special ni Pio? Kung gano’n, si Pio nga ang nagligtas sa ’kin no’ng nahimatay ako? Si Pio rin ang dahilan kung bakit pa ako naririto ngayon? Kung bakit tuloy pa rin ako sa pag-aaral sa kursong ito?

“We both understand why you’re acting this way, Captain. I empathize because, like you, I’m also a father. And as a parent, you’d naturally do what you believe is best for your daughter. However, this isn’t the right approach,” dagdag pa ni Sir Juanchio. “After the event was announced, the boy reached out to me first, asking if he could participate once more. It takes courage to do that, especially when one has a history of poor records. However, he mentioned that it would be his final year at this academy. The following year, he would have to undergo training, and he wouldn’t be seen again at this campus. So, before his departure, he would like to make things right—through this.”

Ngayon lang sumagi sa isip ko ’to. Sa maritime program ng J.A.M.A., mayroon lamang tatlong taon ng academics. Pagkatapos ay onboard training na ang ikaapat na taon.

Ngayon na ang ikatatlong taon ni Pio. Next year, sasampa na ito sa barko.

Ibig sabihin ba nito, hindi ko na ulit ito makikita sa susunod na taon?

Mawawala na ang lalakeng palagi kong nakikita sa pasilyo?

Mawawala na ang lalake sa kabilang kuwarto na gabi-gabi ay pumupuyat sa ’kin?

Hindi ko na ulit maririnig ang boses nito na madalas ay kinaiinisan ko, pero minsan din naman ay nagugustuhan ko ’pag kumakanta?

Bakit parang nakaramdam ako bigla ng lungkot?

Bakit parang nakaramdam ako bigla ng pagsisisi?

Bakit?

“Let’s not take away the boy’s chance to redeem himself.” Panapos na mga salita ni Sir Juanchio, “To you, Midshipman McMiller, prove that you are deserving of a second chance. Set the stage on fire.”

Matapos ang lahat ay kita kong napapakusot ng mata si Pio, tila hindi na nito napigilang maluha. Pero pinilit pa rin nitong kolektahin ang sarili. Sa mga sinabi ni Sir Juanchio Amanpulo ay napapalakpak ang mga tao. Pati si Ms. Hen Lin ay napapalakpak sa gilid ng stage habang tila naluluha ang mga mata habang nakatingin kay Pio. Ngayon ay sigurado na rin akong mom nga ni Pio ang nasa unahan dahil napahagulgol din ito sa hindi malamang dahilan, kaya pinagtinginan ito ng mga estudyante. Si Jonas ay napatanggal na ng akbay sa ’kin—mukhang nagsisisi sa mga nasabi niya kanina kay Pio, o marahil ay napagtanto ang nagawa niyang pagsisinungaling dati na siya ang nagligtas sa ’kin. Hindi ko rin namalayang nagtutubig na pala ang mga mata ko. Ang kanina’y mapanghusgang madla ay unti-unting nagbago.

“I-I am…” tuloy ni Pio sa naudlot na pagpapakilala sa sarili. Pinilit nitong tanggalin ang kamay na nakatakip sa mukha. Pinilit ding ngumiti kahit namumula ang mukha. Pinilit na magsalita nang tuwid. “I am Piolo McMiller, the hopeless romantic from BSMT.” Sabay biglang tingin sa direksyon ko. “And tonight, it is not only the crown that I am going to win back.”

Muling dumagundong sa loob ng covered gym.

Chapter 23

Nagising ang kanina’y natutulog na gabi matapos magpakilala ni Pio sa harapan. Hindi magkamayaw ang hiyawan ng madla, lalo pa’t dahil sa mga huling salita na binitiwan ni Pio—na ’di rin ako sigurado kung para kanino. Dinig nga yata ang ingay hanggang labas ng campus. Kawawa naman si Bona, hanggang imagination na lang ang lahat sa kaniya dahil hindi siya pinapasok sa loob. Mahilig pa man din ’yon sa pogi. At ngayon ay nasa stage ang pinakapoging contestant.

Bilib din ako sa mga tagahanga ni Pio. Mula unang pakita nito sa stage ay todo sigaw na sila. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nauubos ang kanilang mga boses. Dapat siguro ay magtira pa sila ng lakas dahil kasisimula pa lang ng event—marami pang mangyayari mamaya. ’Di bale, mukhang unlimited naman ang energies nila. Lalo na ’yong mga Senior High. Puta, ang haharot.

Ngayong ayos na ang lahat ay bumaba na ng stage si Ms. Hen Lin. Ibinalik na rin ni Pio ang mikropono kay MC Hover at naglakad ito papunta sa gitnang-likuran ng stage, katabi ng ika-siyam na contestant. Kita kong tinitigan ito nang masama ni Kuya Jason. Bakit ba naman hindi? Ang dami na agad nangyari mula nang magpakita ito. At ngayon ay hindi ko na alam kung tuloy pa ba ang plano. Magpo-propose pa rin ba si Kuya Jason kay Mona? Wala nga yata rito si Mona.

Bumalik na ang ngiti ni MC Hover, at nang bahagyang humupa na ang mga hiyawan ay nagsalita na ito. “Ladies and gentlemen, these are our ten dashing male contestants for tonight!”

Mukhang bumalik na rin sa momentum sa pagho-host si MC Shaina. “Their charm, charisma, and unique qualities promise an exciting evening ahead!”

Sa wakas, namatay na rin ang tensyon. Magaan na sa pakiramdam.

“Let’s now introduce our ten dazzling female contestants for tonight…!”

Sunod-sunod namang ipinakilala ang female contestants. Siyempre, marami ang tuwang-tuwa. Maritime courses ang pinaka-focus ng akademyang ito kaya karamihan sa mga estudyante ay lalake. Kilig na kilig ang itlog ng mga kadete na matatagpuan sa iba’t ibang kumpulan ng mga tao. Hindi tulad sa male contestants ay halos magkakapantay ang itsura ng female contestants. Halos lahat ay magaganda.

Dahil kanina ay nasabi ni Ms. Hen Lin na parehong puwedeng sumali ulit sina Pio at Mona sa contest ay umasa ang mga taong magpapakita rin si Mona—baka lang naman. Pero hindi ito nagpakita. Totoo pala talagang hindi ito kasali. Iba ang pambato ng Tourism—’yong babae sa loob ng classroom na nagpa-cute kay Jonas dati no’ng Orientation Day namin. Tulad ng male contestants, lahat ng female contestants ay nakasuot din ng plain white T-shirt na naka-tuck in sa maong pants.

Maya-maya pa nang makumpleto na ang dalawampung kalahok sa likuran. Sa sampung kalalakihan ay mukhang dalawa lang talaga ang maglalaban para sa korona at titulo na Mr. J.A.M.A.—sina Pio at Kuya Jason. At sa sampung naggagandahang dilag naman ay mahirap hulaan kung sino ang mananalo—kung kasali lang si Mona ay hindi sana mahirap mamili.

“Ladies and gentlemen, the stage is set, the stars aligned. Our contenders—each a universe unto themselves—stand before you,” ani MC Hover.

Dugtong ni MC Shaina, “Their dreams shimmer like constellations, and their hearts beat in sync with the pulsing lights. But remember, this isn’t just a pageant; it’s a journey. A journey where destiny pirouettes with desire.”

“But, Shaina, what qualities are we seeking in this pageant?”

“Good question, Hover. This pageant comprises four segments: formal wear, swimwear, a talent showcase, and the Q&A session,” sagot ni MC Shaina. “For the formal wear, contestants are evaluated on their poise, elegance, and confidence while showcasing their formal attire. Judges consider how well they carry themselves and their overall presentation….”

Matapos ipaliwanag in MC Shaina ang mga hinahanap sa bawat segment ay sunod namang nagsalita si MC Hover. “Now, let’s delve into the judging criteria for this remarkable event. Our contestants will be evaluated based on three essential factors: 35% for poise and bearing, 30% for wit, and 35% for stage presence and overall impact. Remember: These three elements weave together. As the scores align, they create a celestial 100%, a testament to the artistry and passion illuminating the stage tonight.”

Pakiramdam ko ay babawi si Captain Ramirez kay Pio sa pamamagitan ng scoring. Kung gano’n nga ang mangyayari, mukhang mas mataas ang tsansa na manalo si Kuya Jason.

“Ladies and gentlemen, as we await the enchanting spectacle that lies just beyond the horizon, I invite you to bask in the anticipation,” ani MC Shaina. Naglakad na ang mga contestants sa magkabilang gilid ng stage kung saan may tagong lagusan. Nanliit ang mga tao bigla kay Kuya Jason ngayong kasama na si Pio sa stage. “Our radiant contestants, like weavers of dreams, shall adorn themselves in their finest attire—silk and satin embracing their aspirations. So, dear audience, lean back, relax, and let the magic unfold—the formal wear segment awaits!”

Lumakas ang background music sa pagbaba ng dalawang emcees sa stage. Nang iwan na ng mga kalahok ang entablado ay naiwan ding nag-iisip ang mga tao kung sino ang gusto nilang pambato.

Tulad ng sabi ko, dalawa lang naman ang pagpipilian sa male contestants.

At hindi ko na alam kung kanino ako boboto.


Makalipas ang halos sampung minuto ay namatay na ang pagkainip ng madla nang muling umakyat ang dalawang emcees sa stage at nagtagpo sa gitnang-harapan nito. Sa pagharap nina MC Hover at MC Shaina sa mga tao ay kapansin-pansing nanumbalik ang pagka-fresh ng kanilang mga mukha—na kanina lang ay na-haggard dahil sa takot kay Captain Ramirez. Mas makapal na rin ang hawak na scripts ng mga ito.

“Welcome back, Shaina!”

“You, too, Hover!”

Pinahinaan na ang background music.

“And welcome back, ladies and gentlemen!” sabay nilang sabi.

Sinalubong sila ng mainit na pagtanggap ng madla.

“Am I the only one who’s feeling excited tonight, Shaina?”

“Oh, Hover, you’re not alone! I’m very excited, too, and I’m sure they are as well! Am I right, people?”

Magkahalo-halo ang sagot ng mga tao.

“Yes!”

“Bilis na!”

“Start na, please!”

“Piooooo!”

“Jasooooon!”

“Erikaaaaa!”

“Bonaaaaa!”

May ilang natawa nang mabanggit ang pangalan ni Bona sa kawalan.

Lumapad naman ang ngiti sa mukha ni MC Hover. “Wow! They sure are more excited than I am!”

“Well, the long wait is torture, Hover! So, let’s not prolong it any further. Let the formal wear segment of Mr. and Ms. J.A.M.A. commence!”

Lumakas ang palakpakan ng mga tao, gano’n din ang background music. Naghiwalay ang dalawang emcees sa gitna at naglakad patungo sa magkabilang gilid ng stage. Si MC Hover ay tumayo sa kaliwang-gilid kung saan pumuwesto si Ms. Hen Lin kanina. Si MC Shaina naman ay sa kanan.

Masiglang sambit ni MC Hover nang pahinaan ang background music, “Ladies and gentlemen, esteemed judges, and distinguished guests, prepare to be swept away by a symphony of elegance and charisma!”

“As we announce their names, our ten dashing gentlemen emerge—one by one—each a living tapestry of style and grace,” dagdag pa ni MC Shaina. “Their bespoke suits, akin to second skins, weave tales of ambition, resilience, and dreams.”

“Without further ado, let’s introduce our first contestant,” sabi ni MC Hover. “You already know him as the lover boy basketball player. Please give a warm welcome to Jason Alcalde from BSMT!”

Umani ng masibagong palakpakan at mga hiyawan si Kuya Jason sa pagpasok nito sa stage. Nakasuot ito ng itim na tuxedo jacket, puting dress shirt sa ilalim, itim na bow tie, at itim na trousers. Agaw-pansin ang moreno nitong balat na mas lalong pinatitingkad ng magarang kasuotan. Nagmukha nga itong mayaman at sosyalin. Naglakad-lakad ito at tumitigil-tigil sa iba’t ibang parte ng entablado para mag-pose at makuhaan ng litrato.

“Kuya ko ’yan! Go, ’ya!” may siglang sambit ni Jonas.

“Go, go, Kuya Jason!” sambit ko rin sa malakas na boses—kahit wala na talagang ilalakas.

Pati ang mga tao ay hindi makatakas sa taglay na karisma ni Kuya Jason.

“Ang pogi! Shet!”

“Single ba ’yan?”

“Oo raw, be! Kaso isang babae lang gusto niyan eh!”

“Ay, sayang naman, fren!”

“Oo nga eh! Sayang talaga, be! Loyal pa man din daw ’yan! Siya pa nga ’yong naloloko ng babae! Siya pa ’yong nare-rebound!”

“’La? Sa guwapo niyang ’yan?”

“Oo, be!”

“Kung gano’n… Jason, akin ka na lang! ’Di kita lolokohin! Araw-araw akong magpapa-shoot sa ’yo!”

“Hoy, be, ikalma ang kiffy! Ang daming tao! Kahiya ka!”

“Bakit? Hindi naman nila rinig eh!”

Pero rinig na rinig namin ni Jonas. Mukhang normal na kay Jonas na mapag-usapan ang kuya niya nang ganito dahil wala lang itong reaksyon, tuloy lang ito sa pagche-cheer sa kuya niya.

Nang um-exit na si Kuya Jason sa stage ay humina na ang mga palakpakan. Pero hindi na ito muling lumakas pa sa mga sumunod na contestants. Napaka-biased talaga ng mga tao. Unang segment pa lang ay mukhang alam na agad kung kanino mapupunta ang mataas na score para sa audience impact. Akala ko ay wala nang ilalakas pa ang mga palakpakan at hiyawan na natanggap ni Kuya Jason, ngunit dumating ang punto na ang ika-sampung contestant na ang sunod na sasalang.

“… And now, ladies and gentlemen, our final male contestant of this evening needs no further introduction. Let’s give it up for the hopeless romantic of BSMT: Piolo McMiller!”

Makabasag-eardrums ang mga sigawan at palakpakan sa paglabas ni Pio sa stage. Ang ilan ay nagtutulakan na nga dahil sa sobrang kilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin? Pamatay ang alindog ni Pio. Kahit halos magkakapareho ng suot ang male contestants ay dalang-dala nito ang suot na black tuxedo jacket na hindi nakabutones sa gitna (’di gaya ng kay Kuya Jason). Bumakat din ang kapal ng dibdib nito sa suot na puting dress shirt na medyo hapit. Pati ang itim nitong bow tie na wala namang pinagkaiba sa ibang contestants ay nag-iba rin ang dating—mas lalong naging elegante tingnan. Nagmukha na nga itong groom at hindi contestant—’yong pangarap na groom ng mga kababaihan. Tall, dark, and handsome.

Habang palakad-lakad at patigil-tigil si Pio sa stage ay hindi ko mapigilang mamangha sa taglay nitong kaguwapuhan. Ngayon ko lang ito nakitang magsuot ng pormal na damit. Mas lalo yata akong tinamaan. Hindi ko maipaliwanag. Hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta’t ang tanging alam ko lang, nagniningning si Pio sa mga mata ko. At mukhang hindi lang ako ang nakararamdam nito.

“Anak ko ’yan! I’m proud of you, son!”

“Go, Papa P! Ipakita mo kung sino ka!”

“Romeo, save me!”

“Pio, pakasalan mo ’ko!”

“Pio, anakan mo ’ko!”

“Akin lang, be!”

“Akin, fren!”

“Asawa ko ’yan, be!”

“Walang sa ’yo, fren! Akin lang ang asawa ko!”

Formal wear pa lang ’to ah.

Paano pa kaya sa susunod na segment?


Nang sumapit ang swimwear portion ay parang hindi na magkarinigan sa loob ng covered gym. Ikaw ba naman makakita ng isang Jason Alcalde sa stage na walang ibang suot na damit kundi swim trunks na kulay navy blue. Marami ang napalipat ng suporta rito nang lumitaw ang moreno at matikas nitong pangangatawan. Naglalakihan ang mga bisig, makapal ang dibdib, at higit sa lahat, hulmado ang mga abs sa tiyan. Nagsitaasan ang mga cellphones, nagsibukasan ang mga camera apps, at nagpayabangan sa zoom features ang mga android at iPhone users. Ang ilan ay sa maskuladong katawan napapakuha ng litrato. Ang ilan naman ay sa mukha. At may iilan naman na sa bukol.

“Ang yummy, be!”

“Oo nga, fren! Dito na ako! Sorry, Pio.”

“Ako rin, be!”

Hindi na nakalma pa ng dalawang babae kanina ang kanilang mga kiffy. Pero agad din naman nilang kinain ang kanilang mga sinabi nang dumating ang oras na si Piolo McMiller naman ang sunod na nagpakitang-gilas.

Talbog lahat. Pati si Kuya Jason.

Napanganga ang madla nang makita ang katawan nitong sa mga packaging ng brief mo lang makikita. Dahil sa langis na nilagay sa katawan nito ay mas lalong umangat ang taglay nitong sex appeal. Ilang beses ko nang nakikita itong magandang pangangatawan ni Pio—sa pasilyo tuwing nagdaraan ako—at kabisado ko na rin ang hulma. Pero ngayon ko lang napagtanto kung gaano kasuwerte ang mga mata ko. Ngayon ay nakita na ng lahat ang kakisigan ni Pio. Ang ’di nila alam, ’yong bagay na pinapangarap lang nilang makita ay nakita ko na—at nahawakan pa nga. (Ay, sorry po, Lord.)

“Piooooo!”

“ Ackkkkk! “

“Fucking shit!”

“Daks siya! Tingnan n’yo ’yong bakat!”

“Ilang inches kaya ’yan?”

“Mas yummy ’to, be! Sabi sa ’yo eh!”

“Hoy, fren! Wala ka kayang sinabi! Kaya sa ’kin na si Pio!”

“Akin, be! Do’n ka na kay Jason magpa-shoot!”

“No, fren! Akin!”

“Akin nga eh!”

Nagsabunutan na ang dalawang magkaibigan sa harapang hilera namin.

Nang sunod namang sumalang ang female contestants ay todo-hiyaw ang mga kadete sa loob ng covered gym. Sa mga hiyawan ay nangibabaw ang boses nina Briones at Castro—’yong mga manyakol kong classmates na sobra kong kinaiinisan. Itong swimwear portion lang yata ang dahilan kung bakit sila pumunta rito.

Sa kabila ng maingay at magulong madla ay napatulala ako sa kawalan habang lumilipad ang isip…

Pagkatapos nitong segment na ’to ay talent portion na.

May dalawang kalahok na nakatakdang manuyo.

May dalawang pasabog na nakatakdang mangyari.

May isang damdamin na nakatakdang masaktan.

Chapter 24

Dumating na ang oras para sa talent portion. Inihahanda na ang stage para sa unang kalahok na magpapamalas ng talento—si Kuya Jason. Habang nasa backstage pa ang mga kalahok at nasa baba naman ang dalawang emcees na naghahanda ay may umakyat na staff at naglagay ng microphone stand sa gitnang-harapan ng stage. Pinatungan na rin ito ng wireless microphone sa mic holder. Handa na ang sound system. Handa na rin ang madla. Ako na lang yata ang hindi handa.

Habang tumatagal ay parang may nagbabadyang mangyari na hindi maganda. Hindi ko mapunto kung ano. Napakadali lang naman ng gagawin namin ni Jonas—magtataas lang kami ng banner ’pag nag-propose na si Kuya Jason kay Mona. Kaya ano bang ikinatatakot ko?

“’Tol, ready ka na?” tanong ni Jonas.

Tiningnan ko ang hawak kong kartolina. “Um, r-ready na.”

Shit. Ayaw maalis ng kaba sa dibdib ko.

Paglingon ko sa harapan ay mas lalo akong kinabahan nang umakyat na ang dalawang emcees sa stage. Sa puntong ito ay hindi na pumunta sa gitna ang mga ito—tumayo na lang sa magkabilang gilid ng stage. Nagkatinginan ang dalawa, nagkangitian, at humarap na sa madla. Humina ang background music.

“Ladies and gentlemen, welcome to the phenomenal talent showcase of Mr. and Ms. J.A.M.A.!” masayang panimula ni MC Hover.

“Tonight, we’re about to witness extraordinary performances that will leave us spellbound,” ani MC Shaina.

“Our first contestant for tonight will serenade us with a song,” sambit ni MC Hover. “Dear audience, let’s give a warm round of applause for Jason Alcalde from BSMT!”

Sa paglakad ni Kuya Jason sa stage ay sinundan ito ng spotlight habang pinapalakpakan ng mga tao. Nakasuot ito ng light yellow polo shirt at gray pants. Malinis tingnan. Tamang-tama lang ang napili nitong kasuotan para ipakita ang maganda nitong intensyon kay Mona. Minus one lang yata ang gagamitin nito dahil wala itong dalang gitara. Nang makarating ito sa gitna ng stage ay ngumiti ito. Pero halatang kinakabahan ito dahil hindi sinsero ang ngiti nito at kita ring tumataas-baba ang dibdib. Sinaliksik ng mga mata nito ang madla. At nang mapatingin ito sa direksyon namin ni Jonas ay parang mas lalo itong hiningal dahil dinig na ang paghinga nito sa mikropono.

“Jason, could you share more details about the song you’ll be performing tonight?” may ngiting tanong ni MC Shaina habang nakatingin kay Kuya Jason mula sa malayo.

Tuloy pa rin sa pagtingin si Kuya Jason sa direksyon namin at tila wala itong naririnig dahil hindi nito sinagot si MC Shaina. Lumingon ako patalikod pero wala naman akong nakita na magandang mukha (si Mona). Matatangkad kasi talaga ’yong mga nasa likuran namin. Nakita na kaya ito ni Kuya Jason? O sa amin ba ito nakatingin? Ang hirap malaman.

“Jason?” muling banggit ni MC Shaina sa pangalan nito. “Are you with us?”

Nang tila matauhan ay napakurap si Kuya Jason at napatingin kay MC Shaina. “Uh, yes.”

Ngumiti si MC Shaina. “Great! Can you tell us more about the song you’ll be singing tonight?”

“Um…” Dinig pa rin ang paghingal ni Kuya Jason sa mikropono. Sa ginagawa nito ay mas lalo lang akong kinakabahan. “I’ll be singing ‘Angel’ by… by FINNEAS.”

Tugon ni MC Shaina, “Never heard about that song and artist, but the title alone sounds interesting!”

“Oh, Shaina, you’re missing a lot! I love that song!”

“Oh, do you, Hover?”

“Definitely, Shaina! And I know what it means!”

“Well then, Hover, tell us what it means!”

“It’s an appreciation song for someone who looks like an angel, Shaina!”

“That’s so sweet! Jason, might we inquire: Is the angel among the crowd?”

Mas lalong lumakas ang paghingal ni Kuya Jason sa mikropono. Napapalunok na rin ito nang wala sa oras. Kita ring namumula na ang mga pisngi nito. Tuloy pa rin ito sa pagtingin sa direksyon namin—sa pinakagitnang parte ng crowd.

“Jason?” ulit ni MC Shaina sa pangalan nito.

“Give him some time,” singit ni MC Hover.

Tahimik na naghintay ang madla sa magiging sagot ni Kuya Jason.

Nandito nga ba si Mona o wala?

Sana nandito.

“Yes,” biglang sagot ni Kuya Jason.

Shit!

Nandito nga!

Nasa’n?

Naghiyawan ang mga tao. Patay na patay ang iba sa kilig kahit hindi pa nga nagsisimulang kumanta si Kuya Jason. Ako naman ay napangiti, dahil sa wakas, nandito pala si Mona, at mayroon nang tsansa na matupad ang plano. Mabuti na lang at si Kuya Jason ang unang contestant at hindi si Pio. Sana ay ito na ang pagkakataon na makuha nito si Mona.

“Alright then, Jason! Sing for your angel!” saad ni MC Hover.

Unti-unting tumahimik ang madla at pinahinaan din ang liwanag ng mga ilaw sa paligid. Sinimulang patugtugin ang minus one sa mga speakers na nakasabit sa magkabilang itaas na gilid ng gym. Dinig pa rin ang paghingal ni Kuya Jason sa mikropono.

Hindi pa nakatulong ang biglang paglipat ng tingin nito sa harapang-ilalim ng stage—kung nasaan ang panel of judges; kung nasaan si Captain Ramirez. Mas lalo kasi yata itong kinabahan. Nanginginig na ang mga kamay nito kaya itinago na lang sa likuran. At kahit lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin ito nagsisimulang kumanta.

“U-Um, can… can I start again?” hiling nito.

Nagtaka ang mga tao. Lumingon naman si MC Shaina sa sound engineer sa kanang-ibaba ng covered gym at itinaas ang hintuturong daliri. Agad namang nakuha ng sound engineer ang nais nitong ipahiwatig. Ibinalik sa simula ang instrumental.

Muling tumugtog ang intro ng minus one—isang masarap sa tenga na tunog ng piano. Yumuko na lang si Kuya Jason para hindi kabahan. Pagkatapos ay huminga nang malalim habang nakahawak sa mikroponong nakaipit sa mic holder. Bumuka na ang kanina’y nakatikom na bibig nito. At nagsimula na itong kumanta.

“Congratulations, you’ve been pretending to be human…

“… so well.”

Gago, nagsitaasan ang mga balahibo ko bigla.

“Might even fool the neighbors…

“… reading your Sunday papers.

“I won’t tell.”

Mukhang may katapat na si Pio pagdating sa magandang boses.

“But I know better than to…

“… bring up the weather with you…

“… and talk about the rain.”

Kaya naman pala confident si Kuya Jason nang sabihin nitong kakanta ito.

“After you fall asleep, I’ll…

“… kiss both your eyes and cheeks.

“I know we’re not the same.”

Napaka-unfair talaga. Sana ay may ganito rin ako kagandang boses—malamig at nakakahulog pakinggan.

Tumuloy-tuloy ang magandang pagkanta ni Kuya Jason, hanggang sa makarating na ito sa huling verse at outro.

“You’re an angel in my eyes.”

Naririnig mo ba ’to, Mona?

“You’re an angel.”

Para sa ’yo ’to.

“Are you mine, mine, mine…?”

Mukhang patapos na ang kanta.

“… tonight?”

Pagkatapos nito ay proposal na.

“Tonight.”

Malapit na.

“Tonight.”

Naiihi na ako sa kaba.

“Tonight.”

Shit. Tapos na.

Nagpalakpakan ang madla, maging kami ni Jonas. Samo’t saring papuri ang maririnig mula sa mga tao—kung gaano kaganda ang boses ni Kuya Jason, kung gaano nakakakilig ang kanta, at kung gaano nakakainggit ang babaeng pinaglaanan nito. Napaangat na rin ng mukha si Kuya Jason na kanina pa nakayuko habang kumakanta. Nilapitan ito ng dalawang emcees sa gitna ng stage—si MC Hover sa kaliwa at si MC Shaina naman sa kanan nito.

“Wow! You took our breath away, Jason!” papuri ni MC Hover, napahawak sa balikat ni Kuya Jason.

“Right, Hover? I’m breathless! Literally!” Tiningnan ni MC Shaina ang mga balahibo nito sa sariling braso. “Goosebumps!”

“T-Thank you,” may hiyang tugon ni Kuya Jason habang napapatango.

“You seem really inspired! We can feel it in your voice!” sabi ni MC Hover.

“Of course, Hover! Like he said earlier, the angel is here!” may kilig na sabi naman ni MC Shaina.

“Now, tell us, Jason: Who’s the lucky angel?” Kinilig ang marami sa tanong ni MC Hover.

Moment of truth.

Ito na ’yon, Kuya Jason. Kunin mo na ang pagkakataon. Sabihin mo na kung para kanino ang kanta. Kunin mo na ang matamis na oo ni Mona.

“Um…” Lumunok si Kuya Jason. Pagkatapos ay lumingon ito sa direksyon namin. Kita na yata nito si Mona dahil nanlaki ang mga mata nito.

Inilatag ko na ang banner at hinawakan namin ito ni Jonas sa magkabilang gilid. Nakahanda kaming itaas ito anumang oras.

“’Tol, ready ah?”

“Oo.”

Ready na ako.

“Uh…” Hindi pa rin makapagsalita si Kuya Jason. Sunod itong napatingin sa panel of judges.

Huwag kay Captain Ramirez ang tingin, Kuya Jason!

Kay Mona lang ang tingin kung nasaan man ito!

Sabi mo dati, saka mo na poproblemahin si Captain!

Huwag kang magpapadala sa kaba!

Ang mahalaga ay makuha mo si Mona ngayong gabi!

“Come on, tell us the name,” hiling ni MC Shaina. “The audience is waiting for your answer.”

“U-Um…” Mukhang pinagpapawisan na ang mukha ni Kuya Jason. Gano’n din sa ’kin. Nagpigil na nga ako ng hininga. “S-She…”

Mas lalong lumakas ang mga tilian.

“Say the name, say the name,” pakantang sabi ni MC Hover.

Palipat-lipat na ng tingin si Kuya Jason sa direksyon namin at sa harapang-ilalim ng stage. Papula rin nang papula ang mukha nito, parang mauubusan na ng hangin. Nakaka-tense ang pa-suspense.

Kaunting tapang lang, Kuya Jason.

Kaunting tapang lang.

Sa ’yo na si Mona.

“She is not here.”

H-Ha? Ano raw?

Naguluhan ang lahat sa naging kasagutan ni Kuya Jason. Kanina lang nang sabihin nitong nandito ang anghel—si Mona—pero ngayon ay iba na ang sinasabi ng dila nito. Pati kami ni Jonas ay nagkatinginan nang nakakunot ang noo.

Naduwag ba si Kuya Jason dahil kay Captain Ramirez?

O wala nga talaga rito si Mona?

Alin sa dalawa?

“We thought—?”

“It’s alright, Shaina. Let’s not pressure him.”

Dinig ang bulungan ng mga tao.

“Ano ’yon?”

“Bakit sabi niya kanina?”

“Ewan. Ang gulo niya.”

“’Di ba si Mona ang gusto niyan?”

“Nandito ba si Mona?”

Napayuko si Kuya Jason. Bakas sa mukha nito ang labis na panghihinayang. Pati ako ay nanghihinayang din sa pagpupuyat ko para lang magawa ang banner na ’to. Pero, okay lang din naman. Hindi madali ang mapunta sa posisyon ni Kuya Jason. Marami pa naman sigurong oras. At mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanila ni Mona.

“Jason, we extend our heartfelt gratitude for gracing us with your melodious gift,” ani MC Hover. “May destiny align the stars, bringing you and your angel together in God’s perfect time.”

“Indeed,” pagsang-ayon naman ni MC Shaina. “Ladies and gentlemen, Jason Alcalde from BSMT!”

Hindi naganap ang una sanang pasabog sa gabing ito.


Nang magpakitang-gilas ang mga sumunod na male contestants ay hindi kami makapag-focus ni Jonas sa harapan—kahit pa nga merong bumubuga ng apoy. Hindi pa rin maalis sa ’min ang panghihinayang. Nirolyo ko na pabalik ang kartolina at hinawakan gamit ang kaliwa kong kamay.

“Kasalanan talaga ’to ni Pio, ’tol,” ani Jonas sa parang nababanas na mukha. “Nasira ang plano dahil sa kaniya.”

“K-Kaya nga eh.” Nandito pa rin ang kaba sa dibdib ko kahit tapos nang mag-perform si Kuya Jason.

“Alam mo, ’tol, matagal nang may gusto ’yon si Kuya kay Mona. Mas bagay talaga sila.”

“O-Oo nga eh.”

Sayang talaga.

Dahil sa pakikipag-usap ko kay Jonas ay hindi ko na namalayan ang oras. Kasi naman, pinagplanuhan namin ’to eh. Sabi na nga ba, tama nga ang kutob ko. Hindi aayon ang lahat sa plano. Nalulungkot ako para kay Kuya Jason. Panigurado ay puno na ito ng panghihinayang sa backstage.

Saka lang napukaw ang atensyon ko nang mabanggit na ni MC Hover ang ikahuling contestant. “Ladies and gentlemen, we’ve arrived at our final contestant. You already adore him for his striking features and rugged physique, but get ready to fall head over heels for his mesmerizing voice!”

“Papa P!” singit ni Sweety sa matining na boses kahit wala pa nga si Pio sa stage. Naalala kong paborito nga pala nitong pinakikinggan na kumanta si Pio.

“That’s right!” natatawang sabi ni MC Hover. “From BSMT, please welcome on stage the one and only Piolo McMiller!”

Hindi pa nauubos ang energies ng mga haliparot na fans, at hindi pa rin napapaos ang kanilang mga boses dahil sa lakas ng mga hiyawan nila—hiyawang punong-puno ng kilig at gigil sa pagdating ni Pio sa entablado. Sa balikat nito ay may naka-strap na acoustic guitar. Si Pio ang kauna-unahang kakanta sa kalalakihan nang walang gamit na minus one—kumanta rin kasi ’yong taga-Tourism kanina gamit ang minus one; wala na nga sa tono, wala pa sa timing. Ibang-iba talaga ang dating ni Pio kahit simple lang ang suot nito—kulay light blue na long sleeve shirt at itim na pantalon. Nang makarating ito sa gitnang-harapan ng stage—kung saan may naka-set up nang microphone stand—ay mas lalong lumakas ang mga hiyawan.

“Wow! The audience really loves you!” ani MC Hover na nakatayo sa pinakagilid na kaliwa ng stage.

“Oh, do they only love him? I think they’ve already fallen for him, like stars from the sky tonight. Am I right, girls?” Tumingin si MC Shaina sa madla para makakalap ng sagot.

“Yesssss!”

“Papa P ko ’yan!”

“That’s my son!”

“Romeo! My Romeo!”

“Piooooo!”

Ngumiti si Pio. “T-Thank you, guys.”

Kinilig ang mga fans sa makalaglag-panty nitong ngiti. Ako naman ay napatulala lang. Bahagyang napanganga. Hindi ko na alam kung kaba lang ba ang nararamdaman ko sa ’king dibdib o iba na.

“No, we thank you for blessing our eyes with your killer visuals,” may kilig namang sambit ni MC Shaina. “And now, you’re going to bless our ears with your killer voice.”

Napangiti at napatango lang si Pio bilang tugon kay MC Shaina.

“Last year, you surprised everyone with your incredible voice,” ani MC Hover. “What will you be singing for us tonight, and who is it dedicated to?”

Nagtaas ng mukha si Pio. “Tonight, I will be singing a very special song for a very special person.” Muling lumakas ang mga hiyawan. “The title of the song is ‘Chance With You’ by Mehro.”

Nanlaki ang mga mata ko sa ’king narinig. Ito ang kantang paulit-ulit kong naririnig na kinakanta ni Pio sa pasilyo gabi-gabi. Para pala ito sa pagkakataong ito. Para sa gabing ito. Para sa isang tao.

“Mehro?” ulit ni MC Shaina. “As far as I can remember, you also sang a song from the same artist last year, right?”

“Right.”

“And the title of the song is ‘Perfume?’”

“Yes.”

“This special person—is it who we think it is?”

Marahang tumingin si Pio paharap sa madla—paharap sa direksyon ko. Hindi nito sinagot ang tanong ni MC Shaina. Bagkus ay napatitig lang ito—at hindi ko alam kung sa mga mata ko ba.

“Let’s change the question: Is this special person here?” pag-iba ni MC Shaina sa tanong.

“Yes, the person is here,” sagot ni Pio habang nakatuon pa rin ang tingin sa direksyon ko. Lumingon ako sa ’king likuran pero wala naman akong ibang nakita na maaaring kumuha ng atensyon nito. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang ibalik ko ang aking tingin kay Pio—mas lalo kasing naging malalim ang tingin nito.

Ang madla ay naghiyawan ulit, nagsabunutan, at nagtulakan sa sobrang kilig.

“Tell us more about this person, Piolo!” may pagka-excite na sabi ni MC Hover. “We’re dying to know.”

“Sure.” Unti-unting nagkaroon ng ngiti sa labi ni Pio. “I didn’t know when it started… or how. But I guess… I may have fallen for this person during our first encounter.” Tumahimik ang madla para mapakinggan nang maayos ang sinasabi nito. “This person appeared at the lowest point of my life. When I first laid my eyes on this person in the corridor, my heart skipped a beat. I didn’t know what it was back then… or what to describe it. But all I know is that I want to see this person every day. So every day, I lingered in the corridor, trying to catch this person’s attention.” Tumingin ito pababa. “But this person never really noticed me.”

Napalunok ako. Parang pamilyar ang tagpo sa ’kin. Pamilyar na pamilyar talaga. Parang ito ang unang linggo na lumipat ako sa apartment building. Kung saan lagi kong nakikita si Pio sa mausok na pasilyo. Kung saan lagi ako nitong sinusubukang kausapin. Kung saan lagi ko itong nilalampasan. Kung saan hindi ko ito pinapansin.

“And then, one drunken night, I made the wrong move—very wrong. For that, I am very sorry. I didn’t mean to scare this person. I used to get what I wanted—who I wanted—and I thought this person would give in to me. Such a jerk move. I know, I know. I acknowledge my mistake; and believe me, I still regret it to this day. It kept me awake at night, kept me thinking… If I were not me—if I were not the stupid playboy—would this person have looked at me differently?”

Ito ba ang unang gabi na pumasok si Pio sa loob ng apartment ko? Kung kailan muntik nang may mangyari sa ’min?

“This person tried to push me away; so, I thought maybe this person doesn’t really care for me. But this person gave me signs—through small gestures, through small glimpses. I can see it clearly; there is something in this person’s eyes—the same thing that I have within me.”

Tungkol ba talaga sa ’kin ’to? Bakit parang tugmang-tugma ang mga salita sa nararamdaman ko?

“Days go by, and the distance between us continues to grow. We hardly talk anymore. We’ve grown apart, becoming total strangers once again.”

Tungkol ba talaga sa ’ming dalawa ’to?

“A sudden realization hit me: time is running out. If I don’t make a move, we might not see each other again when I leave. So, tonight, here I am, making the move. I would like to make things right. I would like to take the chance before it slips out of my hand—the chance to be with this person.”

Tungkol sa ’min nga.

“Well then, Piolo, take your chance,” ani MC Hover.

Biglang pinatay ang mga ilaw. Ang tanging nakabukas lang na ilaw ay ang spotlight sa stage na nakatutok kay Pio. Nagkakakitaan pa naman kami sa crowd dahil nakataas ang cellphones ng mga tao, nakabukas ang mga camera apps para sa lalakeng kakanta sa stage.

Napapigil sa paghinga ang madla nang magsimulang mag-strum si Pio sa gitara. Heto na naman ang pamilyar na intro ng kanta. At heto na naman ang pamilyar na pakiramdam. Kahit naroroon ito sa entablado ay pakiramdam ko’y parang napakalapit nito sa ’kin—na parang kaharap ko lang. Bagaman ay walang hangin na dumadaloy sa loob ng covered gym ay nanlamig ako nang magsimula na itong kumanta.

“Oh, I’ve heard all about you.

All those things they had to say.“

Matapos makuha ang tempo ng kanta ay inalis na ni Pio ang tingin nito sa gitara at nagtaas ng mukha, sunod na tumingin papunta sa madla—papunta sa direksyon ko. Mga ilang sandali pa nang magbukas ang isa pang spotlight na nakatutok sa madla. Mula sa harapang-gitna ay marahan itong naglakbay sa kumpulan ng mga tao.

“You’re a legend ’round this school.

Locally famous drama queen.“

Napapasunod ang ulo ng mga tao habang naglalakbay patalikod ang pabilog na liwanag. At sa bawat galaw nito ay ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko, lalo pa’t palapit ito nang palapit sa ’min—sa ’kin.

“Turn my eyes, I see you stare…

… ’cross the room and right at me.“

Nanigas ako mula sa kinatatayuan ko nang makarating na ang liwanag sa puso ng madla—sa posisyon namin—at tumigil ito. Bahagya akong nasilaw sa puting liwanag. Ang lahat ng mga mata sa harapan ay sa akin napatingin. At ang lahat ng mga tao sa paligid ko ay unti-unting nagsisilayuan sa ’kin—maging si Jonas. Hanggang sa ako na lang ang natira sa loob ng malaking pabilog na liwanag. Pakiramdam ko ay nakulong ako sa loob nito. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatakas. Hindi makatakas ang puso kong nagkukumawala. At hindi ko rin mapigilan ang ngiting unti-unting namumuo sa labi ko.

“Now you’re smiling like you’ve got…

… like you’ve got something on your mind.“

May nadama akong pagbabago sa loob ko. Hindi ko na kayang labanan ang bagay na paulit-ulit kong itinatanggi. Puso ko na mismo ang nagdidikta sa totoo kong nararamdaman. At hindi rin nagsisinungaling ang mga mata kong walang ibang nakikita kundi ang lalakeng kumakanta sa harapan. Mas lalo itong pinakinang ng liwanag na bumubuhos sa katawan nito. Mas lalo akong tinatamaan sa bawat galaw ng kamay at bibig nito. Mas lalo akong nalulunod sa malalim na titig nito. Mas lalo akong nahuhulog.

“You’re so beautiful.

I don’t want to turn away.

You’ve been here before.

Make me feel like you’re a…

… wild animal.

Shaking I am your prey.

I’m all you want.“

Huli na nang mapagtanto ko ang isang bagay. Isang bagay na nangyari na noon. Isang bagay na dapat ay inasahan ko na sa simula pa lang.

“If I could go back in time…

I’d shoot my shot…

I’d risk it all.“

Hindi pala sa ’kin nakatingin ang mga tao. Tumatagos ang mga tingin nila sa ’kin, napupunta sa likuran ko. Kaya marahan akong lumingon patalikod. At para akong naubusan ng lakas nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.

“If I could go back in time…

I’d shoot my shot…

Just so I could have a chance with you…“

Pamilyar ang tagpo. Magkaiba lang ng pinangyarihan.

“With you…”

Sa loob ng pabilog na liwanag ay may isa pang taong nakakulong sa bandang dulo nito—morena, mukhang anghel, walang katulad ang ganda. Nakatitig ito pataas sa stage. Lumiliwanag ang mga mata nito na ang tanging laman lang ay ang lalakeng kumakanta.

Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ko. Para akong nilamon ng lupa, lumubog sa pinaka-ilalim nito. Wala na akong maramdaman. Wala na akong marinig. Wala na akong ibang makita kundi ang babaeng kaharap ko.

Hindi para sa ’kin ang mga tingin.

Hindi para sa ’kin ang liwanag.

Hindi para sa ’kin ang kanta.

Hindi para sa ’kin si Pio.

Para ito kay Mona.

Chapter 25

Nang magising sa katotohanan ay may pagmamadali akong tumakas mula sa kahihiyan. Lumabas ako sa pabilog na liwanag na hindi naman para sa ’kin sa simula pa lang. Iniwan ko si Mona sa loob nito. Ngayon ay wala nang balakid pa sa kanilang dalawa ni Pio.

Nawawala na ako. Para akong naglalakad sa masukal na gubat, pinipilit na hanapin ang daan palabas. Sumisiksik na lang ako sa mga nakikita kong butas—sa pagitan ng kumpulan ng mga tao. Pinilit kong huwag maiyak.

Hindi ako dapat maiyak. Sa loob-loob ko, alam ko naman na sigurong mangyayari ’to. Ang daming senyales sa simula pa lang, pero binalewala ko. Nakita ko lang ang gusto kong makita. Narinig ko lang ang gusto kong marinig. Pinaniwalaan ko lang ang gusto kong paniwalaan. Kasalanan ko rin.

Nang sa wakas ay makalabas na ako ng covered gym ay saka lang ulit bumalik ang pakiramdam ko. Hindi na ako muling lumingon pabalik. Sa halip ay dire-diretso lang ako ng lakad sa mabuhanging daan patungong gate ng academy. Ang bigat sa pakiramdam—kasingbigat ng mga ulap sa kalangitan.

Huwag kang uulan.

Huwag kang uulan.

Huwag kang—

Putang ina naman. Kung kailan wala akong dalang payong, bigla namang umulan. Naramdaman ko ang pagbagsak ng mabibigat na butil ng ulan sa ’king ulo’t balikat. At ngayon ay wala na akong ibang marinig kundi ang tunog na gawa ng pagbuhos ng ulan sa mga bubong ng Varsity Houses, sa mga puno sa gilid, maging sa lupang nilalakaran ko. Umalingasaw ang amoy ng nabasang lupa.

Sa lakas ng buhos ng ulan ay hindi ko na marinig pa ang mga ingay na likha ng iniwan kong lugar. Kailangan ko pa bang marinig? Kailangan ko pa bang malaman? Malamang ngayon ay tapos nang kumanta si Pio. Malamang ngayon ay sinusuyo na nito si Mona. Malamang ngayon ay nagkabalikan na sila.

Kita ko ang mga mata ni Mona kanina. Mukhang may nararamdaman pa rin siya kay Pio. At hindi ko na kailangang tingnan pa ang mga mata ni Pio para malaman kung ano ang totoo nitong nararamdaman para kay Mona.

Hindi ko naman inasahang masasaktan ako nang ganito.

Ang saklap lang kasi. Masyado akong umasa. Masyado akong naniwala. Ang lahat ng pagbabago ni Pio, maaaring hindi ’yon para sa ’kin—maaaring para talaga ’yon kay Mona. Nagbago siya para kay Mona, dahil hindi ito naniniwalang magbabago siya. Pero nagawa niya. Nagawa niya para kay Mona. Nagawa niya para magkabalikan sila.

Malay ko ba kung paano sila nagkakilala. Malay ko ba kung ’yong kuwento niya kanina ay ang kuwento nila ni Mona—kung saan sila unang nagkita, kung paano siya unang nahulog dito, kung paano ito nawala sa kaniya, kung paano niya gustong ayusin ang lahat bago siya lumisan.

Niyakap ng ulan ang buo kong katawan. Hindi ko na naisalba pa ang bag ko sa pagkabasa. Wala rin naman akong masisilungan. Kung tatakbo ako ay madudulas lang ako sa maputik na daan at hihingalin. Ngayon pa nga lang ay parang hindi na ako makahinga.

Huwag kang iiyak, Aaron.

Huwag kang iiyak.

Huwag kang—

Shit. Tulad ng ulan, biglang bumuhos ang emosyon ko. Mas lalong nanikip ang dibdib ko at hindi ko na makita pa ang dinaraanan ko dahil sa namuong tubig sa mga mata ko. Nagkahalo-halo na yata ang tubig-ulan at ang luha ko. Hindi ko na nga alam kung alin sa dalawa ang tumutulo talaga sa pisngi ko.

“Ma…” tawag ko sa taong wala naman dito. Para akong bata na naghahanap ng kalinga mula sa isang ina.

Minsan na ’tong nangyari. Minsan na akong nasaktan nang ganito.

Nang makalabas na ako ng academy ay dumulas ang kartolina sa ’king kamay, at hindi ko na ito pinulot pa sa sobrang pagkawala sa sarili. Naglakad ako sa ilalim ng ulan papunta sa tricycle station. Pero nang datnan ko ito ay wala ni kahit isang tricycle. Mas lalo lang akong naiyak. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.

Nangangatog akong umupo sa waiting shed. Walang ibang tao rito. Hiniling ko nga na sana meron. Kahit si Bona man lang sana ay kaya ko nang pagtiyagaan, basta may makausap lang ako. Pero wala ito rito. Marahil ay tumakbo ito papunta roon sa convenience store nang umulan at doon sumilong.

Inilipag ko ang bag ko sa ’king harapan at niyakap ito nang mahigpit para makaramdam ako ng kaunting init. Pinunasan ko ang mukha ko, pero wala itong tulong. Tuloy-tuloy lang kasi ang pagtakas ng luha sa ’king mga mata, tulad ng ulan na ayaw patigil.

Ilang minuto akong naghintay sa waiting shed pero wala pa ring tricycle na dumarating. Napatulala na lang ako sa buhos ng ulan na nagmumula sa ibabaw ng bitin na bubong ng waiting shed. Amoy na amoy ang basang semento. Natigil na ako sa pagluha, pero alam kong marami pa akong natitira. Nagising lang ako sa pagkatulala nang may isang taong dumating at nakisilong sa waiting shed. Tumabi ito sa ’kin.

Paglingon ko rito ay tumambad ang isang maamong mukha. Si Jonas pala. Basang-basa rin siya. Sinundan niya yata talaga ako. Nagkatitigan kami sa isa’t isa. Ramdam ko sa mga mata niya na parang gusto niya akong yakapin. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong napayakap sa kaniya. Tinanggap niya naman ako nang buo. Sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang balikat. Maingat niya namang hinawakan ang aking ulo, hinaplos-haplos ito. Sa bawat haplos niya ay parang unti-unting natulak ang mga nakakubli ko pang luha. Muli akong napaiyak.

Wala akong sinabi.

Wala siyang sinabi.

Umiyak lang ako.

Nakinig lang siya.

Ibinuhos ko ang lahat sa kaniya.

Pinasan niya naman ang lahat ng sakit para sa ’kin.


Nang makauwi ako sa apartment ko ay hindi pa rin maalis sa ’kin ang panginginig. Dahil basang-basa ang aking katawan ay agad akong nagbanlaw sa banyo; minsan na kasi akong nilagnat nang malubha no’ng bata pa ako pagkatapos maulanan. Nang makapagbihis ay patagilid akong humiga sa kama at pinagmasdan ang pagtilamsik ng ulan sa nakasarang bintana ng aking kuwarto. Binalot ko ang aking katawan sa kumot, pero hindi pa rin maalis sa ’kin ang lamig. Hindi pa rin maalis sa ’kin ang lungkot.

Pagod na pagod na ang mga mata ko mula sa kaiiyak kanina. Wala na yata akong mailuluha pa. Hinayaan ko na lang ang mga ito na mapapikit nang kusa. Itinulog ko na lang ang sakit na nararamdaman ko, kahit paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang nangyari kanina. At sa hindi inaasahan, ang lahat ng mga nabaong alaala ng kahapon ay biglang nagbalik sa ’kin sa pamamagitan ng isang panaginip…

Bumalik ako sa nakaraan—kung kailan ako unang nasaktan—sa panahon kung kailan nasa anim na taong gulang pa lang ako. Dati pa lang, palagi ko nang ipinagtataka kung bakit ang ibang mga bata ay palaging hinahatid-sundo ng kanilang mga ama sa eskuwelahan. Madalas ay subsob sa palengke si Mama para itaguyod ako nang siya lang. Kaya madalas din, pumapasok ako sa eskuwelahan at umuuwi ako sa bahay nang mag-isa.

Palagi kong itinatanong kay Mama kung sino ang tatay ko, ngunit palagi niya ring iniiwasan ang tanong. Palagi niyang sinasabi na iniwan kami nito no’ng nasa sinapupunan pa lang ako kaya hindi ko na dapat pa itong kilalanin. Pero hindi ako huminto sa kaiisip. Hindi ako huminto sa paghahanap ng kasagutan.

Hanggang sa isang araw, may makita akong litrato na nakatago sa cabinet ni Mama. Larawan ito ng magkasintahang dalaga at binata na mukhang nasa kolehiyo pa no’ng panahong kinunan ito. Ang babae ay si Mama. Ang lalake naman ay ang isa sa mga amang palagi kong nakikitang naghahatid-sundo ng isang bata sa school.

“’Tay,” bukambibig ko nang unang kita ko sa lalake sa litrato.

Pagkatapos no’n ay araw-araw kong sinusundan ang mag-ama—’yong lalake sa litrato at ang batang hinahatid-sundo nito sa eskuwelahan—imbes na dumiretso kay Mama sa palengke, o imbes na dumiretso ng uwi sa bahay. Palagi kong nakikita kung paano binibilhan ang bata ng mga pagkain sa kanto kung saan ang mga ito dumadaan, kung paanong ibinibigay ang lahat ng gusto nitong laruan, at kung paano ito mahalin ng sariling ama. Naisip ko sa sarili ko no’ng panahong iyon, kailangan ko rin ng gano’ng klase ng pagmamahal. Kailangan ko rin ng pagmamahal na hindi lamang galing sa ’king ina. Kailangan ko ng pagmamahal ng isang ama.

Isang gabi, naisipan kong sundan ang mag-ama sa kanilang tahanan dala-dala ang litrato ng mga magulang ko sa ’king kamay. Tumayo ako sa ilalim ng pabilog na liwanag na nanggagaling sa nakasabit na ilaw sa ibabaw ng kanilang doorstep. Kumatok ako sa pinto ng kanilang bahay. Ngumiti ako nang pilit. “Tao po?”

Inosente pa ang aking pag-iisip no’n, walang kamalayan sa kung anong maaaring mangyari sa ’kin. Basta’t ang tanging hangad ko lang ay masagot ang lahat ng mga katanungan sa ’king isip. Bakit ako iniwan ni Tatay no’ng nasa sinapupunan pa lang ako? Alam ba nito ang tungkol sa ’kin? Tatanggapin kaya ako nito?

“Sino ’yan?” Bumukas ang pinto ng bahay at bumungad ang isang lalake. Sinuri ko nang maigi ang litrato na hawak ko at ang mukha ng lalakeng kaharap ko—parehong-pareho; ang pinagkaiba lang ay mas matanda nang bahagya ang itsura nito sa personal kumpara sa litrato.

“Kayo po ba ang tatay ko?” diretso kong tanong. Gamit ang maliit kong kamay ay inabot ko sa lalake ang litrato.

Nang kunin ito ng lalake ay kita kong biglang nanlaki ang mga mata nito, at saka nagsalubong ang mga kilay. “A-Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa may pagkabanas na boses.

Dito ko nakumpirmang kilala nga ako nito. Sa natuklasan ko ay hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil mukhang hindi naman ito masaya nang makita ako. Pero sinikap ko pa ring ngumiti. “A-Ako po si Aaron, anak po ni… ni Alisa… a-anak n’yo po ’ko.”

“Pa?” dinig kong sambit ng isang bata galing sa loob ng kanilang bahay.

“Umalis ka na.” Ibinalik ng lalake ang litrato sa ’king kamay at mahina akong itinulak palayo. “Alis.”

Pero nanatili akong nakatayo sa ilalim ng pabilog na liwanag. Tumindig ako mula sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “’Tay… bakit po?”

Gumuho ang lahat ng paniniwala ko. Gumuho ang mundo ko.

“Anong ’Tay ?” may iritang sambit ng lalake. “Anong bakit ?”

Tanong ko habang naiiyak na nakatingin sa mga mata ng lalake, “Bakit ’di n’yo po ’ko tanggap?”

“Ha?” Kumunot ang noo ng lalake. “Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Hindi kita anak! Hindi kita kaano-ano! Hindi ako ang nakadisgrasya sa mama mo!” Kinaladkad ako ng lalake papunta sa madilim na kalye sa tapat ng kanilang bahay. “Doon sa dagat mo hanapin ang tatay mo!”

Napahikbi ako. “’Tay…”

“Puwede ba? Hindi nga kita anak! Bumalik ka na sa mama mo!” bulyaw ng lalake. Iniwan na ako nito sa kalye at naglakad ito sa easement ng kanilang bahay papunta sa doorstep.

“Pa?” Kita kong lumabas ang isang batang lalake sa kanilang doorstep at huminto sa ilalim ng pabilog na liwanag, na kanina lang ay ako pa ang laman. “Sino po ’yon?”

“Ah, wala, anak. Pasok ka na sa loob.” Binalikan ako ng tingin ng lalake—isang masamang tingin. “Umalis ka na!”

Mula sa malayo ay tinitigan ko ang batang lalake na nakatayo sa loob ng liwanag—kinainggitan nang sobra, pinangarap na sana ay ako nalang ang naroroon sa posisyon nito. Hindi ako matigil sa pag-iyak. At sinabayan pa ng langit ang malakas na pag-iyak ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Iyon na ang pinakamasakit na nangyari sa ’kin no’ng bata ako.

Naglakad ako no’n pauwi ng bahay nang basang-basa ang buo kong katawan. Nangangatog na ang aking mga kalamnan sa sobrang ginaw. Tandang-tanda ko pa, naghihintay si Mama sa nakabukas na pintuan. Ngunit nang makita niya akong naglalakad sa ilalim ng ulan ay agad siyang lumabas ng bahay kahit na walang dalang payong.

Napahagulgol ako nang makita ang kaniyang mukha. “Ma…”

“Ron, anak!” mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Nang makalapit siya sa ’kin ay nakita niya ang hawak kong litrato. Kinuha niya ito mula sa ’king kamay. Ang pag-iyak niya ay biglang nauwi sa paghagulgol. Pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Sa sobrang higpit ay damang-dama ko ang init kahit pa nasa ilalim kami ng maginaw na ulan.

Magmula noon ay hindi na ako muling naghanap pa ng init mula sa ibang tao.

Magmula noon ay hindi na ako naghangad pa ng pagmamahal na hindi naman darating.

Magmula noon ay hindi na ako muling umapak pa sa loob ng liwanag na hindi naman para sa ’kin.

Chapter 26

Tumahan na ang kalangitan nang magising ako kinabukasan. Bagaman ay tapos nang managinip, naiwan pa rin ang sakit na dulot ng mga alaala ng kahapon sa ’king dibdib. Ngayon ay malinaw na sa ’kin kung bakit hindi ko mapigilang maiyak kagabi. Nangyari ulit ang nangyari na noon. Muli akong umasa. Muli akong nasaktan.

Ayoko pa sanang bumangon sa higaan, kaso lang kumakalam na ang aking tiyan. Tanghali na pala nang tingnan ko ang oras sa ’king cellphone, kaya pinilit ko pa ring umahon. Sa labas na lang ako kakain. Magpapagupit na lang din ako pagtapos, dahil baka ay maukaan ako ng buhok pagbalik ko sa J.A.M.A.. Mabigat pa ang aking ulo nang tumayo ako. Sa gilid ng kama ay kinuha ko ang wallet mula sa bulsa ng basa ko pang bag. Mabuti na lang at hindi nabasa ang paper bills. Matamlay pa ang aking katawan nang maglakad ako papunta sa pintuan. Natutulog pa ang diwa ko, pero agad itong nagising nang buksan ko ang pinto.

Natigilan ako nang bumungad si Pio sa tapat ng aking pintuan. Suot niya pa rin ang parehong damit nang huli ko siyang makita kagabi. Nakatayo siya paharap sa akin, ang mukha ay nakababa, ang namumugtong mga mata ay nakatuon ang tingin sa ’king mga mata na namumugto rin.

Hindi ako makagalaw, at hindi ako makapagsalita. Sa halip ay tinitigan ko lang ang kaniyang mukha na puno ng lungkot. Mukhang kanina pa siya rito sa labas. Mukhang kanina pa siya naghihintay. At mukhang kanina pa siya may gustong sabihin sa ’kin. Ngunit tulad ko ay hindi rin siya makapagsalita. Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Umiyak din ba siya nang malalim kagabi? Bakit? Hindi ba dapat ngayon ay masaya siya… kung nanalo man siya… kung nagkabalikan man sila ni Mona? Anong nangyari kagabi nang lumisan ako sa covered gym?

“Why?” pagbasag niya sa katahimikan. “Why did you do that?”

Mas lalong hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Bakit ako ang tinatanong niya ng ganito? Hindi ba dapat siya ang tanungin ko? Bakit niya nagawa sa ’kin ’yon? Ang huling sabi niya sa ’kin, ‘I’ll see you there tomorrow night.’ Pero hindi naman pala ako ang gusto niyang makita kagabi.

“I’m so heartbroken,” tuloy niya sa tila namamaos na boses.

Bakit niya binabaliktad ang sitwasyon? Hindi ba dapat ako ang magsabi nito sa kaniya? Sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Sobra-sobra.

Ah… alam ko na. Isa lang ang maaaring nangyari kagabi. Marahil ay hindi siya muling tinanggap ni Mona. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit nadurog ang puso niya. At ngayon ay ako ang tinatakbuhan niya. Lagi naman. Kapag malungkot siya, saka lang siya lumalapit sa ’kin.

Kita kong naluluha na ang mga mata niya. “Please say something.”

Hindi pa rin ako nagsalita. Nagprotesta ako sa pamamagitan ng katahimikan. Lumabas ako sa pintuan at isinara ang pinto ng aking apartment. Pagkatapos ay binangga ko ang kaniyang katawan—mas malakas at mas matikas siya sa ’kin, pero sa pagkakataong ito ay para lang siyang mahinang sanga ng puno, nagpatangay sa puwersa ko. Naglakad na ako palayo sa kaniya at naiwan siyang nakatayo sa tapat ng nakasara kong kuwarto. Nakasunod pa rin yata ang kaniyang tingin sa ’kin.

“Aaron, please!” pagmamakaawa niya sa malumanay na boses.

Natigilan ako sa paglalakad—sa tapat ng Room 403—nang bigla ko siyang marinig na humikbi. Isang apartment lang ang pagitan naming dalawa, pero pakiramdam ko ay ang layo niya na sa ’kin. Marahan akong lumingon pabalik sa kaniya, at kita kong tumulo ang luha sa namumula niyang pisngi.

“I need to know something…” Suminghap siya. “Do I really have no chance with you?”

Lumunok ako. Hindi ko pa rin siya sinagot. Hindi ko sasagutin ang tanong niya hangga’t hindi ko nakukumpirma ang totoo niyang nararamdaman. Ano ba talaga ako sa kaniya?

“Tell me I should give up on you.” Tuloy pa rin siya sa paghikbi.

Ayoko nang umiyak pa nang dahil sa kaniya, kaya pinigilan ko ang luha sa ’king mga mata. Nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para humarap sa kaniya at magsalita. Bago pa tuluyang lumalim ’tong nararamdaman ko, aahon na ako. Isasalba ko na agad ang sarili ko mula sa pagkalunod. Babalik na ako sa dati kong tahimik na buhay. “Pio, tama na.”

Nagulilat siya sa kaniyang narinig, parang ayaw itong paniwalaan. “Aaron—”

“Pinaglalaruan mo lang ako eh.”

“W-What?” Mas lalong lumungkot ang kaniyang mukha. “Why would I play—?”

“Huwag mo na ulit akong lalapitan.” Yumuko ako at nilaro ang aking mga mata sa sahig ng pasilyo para hindi ako madala sa nakakaawa niyang mukha. “Huwag mo na ulit akong kakausapin.”

“D-Do you really mean that?”

“Oo, Pio.” Pinipilit ko pa ring huwag maiyak pero nagbabadya na ang aking mga luha.

“Do you really have no feelings for me?”

“Wala.” Kasabay ng pagsisinungaling ko ay ang pagpatak ng aking luha sa sahig. “Kaya layuan mo na ’ko.”

Sandaling katahimikan mula sa kaniya. Nang iangat ko ang aking mukha ay kita kong pinunasan niya ang kaniyang naluluhang mga mata. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang yumuko, pinilit na huwag nang maiyak pa. “Okay… I see it now. I get it… Maybe I misunderstood everything. Perhaps it was all in my head. I didn’t know any better. But thank you for letting me know.” Nang iangat niya ang kaniyang mukha ay ako naman ang muling yumuko. “I won’t bother you anymore. I won’t reach out again. If that’s what you want, I’ll disappear from your life.” Naglakad na siya papunta sa kaniyang kuwarto. Bago pumasok sa loob ay huminto siya sa tapat ng pintuan nito. May iniwan siyang mga salita. “I guess this is a goodbye.”

Sandali siyang naghintay, umasang sasagot ako. Pero hindi ako sumagot. Hindi ako nagpaalam. Pinakiramdaman ko lang ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng luha sa ’king mga mata. Alam kong ito ang makabubuti para sa ’kin—para sa ’min—kaya hinayaan ko na lang na matapos na ang lahat nang walang paalam.

Pumasok na siya sa loob ng kaniyang kuwarto at nagsara ng pinto.

Naglakad na ako palayo at iniwan siya nang may luhaang mga mata.

Sana nama’y ito na ang huling beses na iiyak ako nang dahil sa kaniya.


Nawalan ako ng gana nang kumain ako sa karenderya sa Mabini Street. Kanina lang paggising ay gutom na gutom pa ako. Pero ngayon ay wala na akong ganang sumubo ng kanin at ngumuya. Ang hirap din lumunok, lalo na kapag may naipong sama ng loob sa dibdib. Parang bumabara lang sa lalamunan ko ang pagkain. Wala rin akong ibang malasahan kundi puro tabang. Inom lang ako nang inom ng tubig.

Matapos kumain (nang bahagya) ay naglakad na ako sa kanto ng Rizal Street. Hindi ko maiwasang matulala sa hangin. Ang tunog ng mga humaharurot na sasakyan sa kalsada ang siyang nagsilbing pampagising sa ’kin dahil gustong-gusto na ulit mahiga ng katawan ko sa kama. Ang kaso, maging sa panaginip ay walang pahinga ang puso ko. Patuloy pa rin akong nasasaktan—tulog man o gising.

Paakyat pa lang sana ako sa hagdan ng footbridge nang biglang may nakasalubong akong isang pamilyar na mukha. “Hoy, be! Ikaw pala!” ani Summer nang makababa at mapahinto sa ikatlong baitang ng hagdan.

May pagkahiya akong tumango. “H-Hello po.”

“Galing ako sa tailoring shop. Ibinalik ko ’yong mga damit na ginamit ni Pio kagabi. Sayang nga, hindi nasuot ’yong pinakahuli,” kuwento niya kahit hindi ko naman natanong. “Ikaw, saan ka punta?”

“M-Magpapagupit po,” tugon ko.

“Magpapa-jupet? Eh bakit ka aakyat sa footbridge?” Bumaba na siya sa hagdan at hinila ako papunta sa direksyon kung saan ang R&R Salon. “Doon ka sa salon namin, maraming katanungang naghihintay sa ’yo.”

“Po?” taka ko. Lumingon ako pabalik sa footbridge. “D-Doon po ako sa kabila magpapagu—”

“Hindi puwede, be! Ano ka ba?” Tuloy pa rin siya sa paghila sa ’kin. “Doon ka sa salon. Marami ka pang atraso, kaya sumama ka na lang.”

Kumunot ang noo ko. “Anong—?”

“Hay naku! Huwag nang maraming tanong. Kami dapat ang magtanong sa ’yo,” aniya. “Gaga ka, be. Ang lala ng ginawa mo kagabi.”

Kagabi? Malalang nagawa? Ano bang pinagsasabi niya?

Nang makapasok kami sa loob ng R&R Salon ay agad niyang isinara ang sliding door. Nangibabaw na naman ang amoy ng lavender at haircare products. Sa sobrang liwanag sa loob ay nasilaw ang namumugto kong mga mata. Sapilitan niya akong pinaupo sa gitna ng swivel chair sa kanang hilera. Sa salamin ay nakita ko ang aking mukha na mukhang pagod na pagod kahit kumpleto naman sa tulog. Ang lalim na rin pala ng eyebags ko.

“Ate!” hiyaw ni Summer. “Nandito siya!”

Paglingon ko sa cashier desk ay nakita kong napatigil sa pagnguya ng bubble gum ang maputing si Sweety. “Ay shuta!” bulalas niya. Bigla niyang binuksan ang pinto na matatagpuan sa pinakadulo at sumigaw ng “Mga bakla, andito ang salarin!”

Maya-maya pa ay isa-isang nagsilabasan ang mga nakatagong puwersa ng sangkabaklaan—umabot sa limang tao ang lumabas. Magkakaiba ang kulay ng mga suot nilang damit—kinumpleto ang mga kulay sa bahaghari—pero halos magkakapareho lang sila ng mukha. Ang pinagkaiba lang ng bawat isa sa kanila ay ang style ng kanilang mga buhok at tangkad.

“Asan na… nang masampal ko?”

“Homaygad! Imbyerna pa rin ako!”

“Kinawawa niya ’yong tao…”

“OMG! There he is!”

“Sugod!”

Gulong-gulo ako sa mga usapan nila. Kinabahan din ako nang sabay-sabay silang maglakad nang mabilis palapit sa ’kin. Tatayo na sana ako nang biglang inikot ni Summer ang upuan ko paharap sa kaliwang hilera ng mga upuan. Habang nasa likuran ko siya ay ipinatong niya ang kaniyang payat na mga kamay sa ’king balikat kaya wala akong palag.

Ang tatlo sa limang bading ay umupo sa tatlong upuan sa harapan ko—animo’y mga judges sa isang pageant. Hinusgahan ako ng mga mukha nila—pinagtaasan ng kilay, pinanlisikan ng mga mata, at inirapan. Ang dalawa pang natirang bading ay tumayo na lang sa magkabilang gilid ng mga upuan. Napahalukipkip sila, na para bang may nagawa akong mali sa kanila. Ano bang nagawa ko sa kanila?

Mga ilang saglit pa nang biglang patayin ang mga ilaw sa loob ng salon maliban sa pendant light na nakasabit sa ibabaw ng upuan ko. Nagmistula akong suspek sa isang imbestigasyon—may sariling spotlight—habang ang mga tagalitis naman ay nasa ’king harapan. Si Sweety pala ang nagpatay ng mga ilaw. Matapos itong gawin ay tumayo siya sa harapan ng sangkabaklaan na parang lider ng asosasyon at napahalukipkip din. Nginuya-nguya niya ang bubble gum sa kaniyang bibig habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

“Bakit mo nagawa ’yon?” ang unang tanong sa ’kin ni Sweety sa kalmadong boses.

Sa akin ang lahat ng tingin. Parang wala akong kawala. Dumagdag pa sa tensyon ang bahagyang madilim na paligid. Mabuti na lang at kahit papa’no ay may liwanag pa na nanggagaling sa labas ng salon kaya pakiramdam ko ay walang masamang mangyayari sa ’kin.

“A-Ang alin po?” may kaba kong sagot.

Nagbulungan ang sangkabaklaan.

“Aba, pa-inosente pa.”

“Hays… Inis aketch.”

“Gupitan mo na ’yan, Summer.”

“Kalbuhin na ’yan.”

“Anong kalbuhin? Ahitin kamo lahat ng kilay.”

Napalunok ako sa mga sinabi nila. Tumulo rin ang pawis sa ’king mukha kahit malamig naman sa loob. Parang galit na galit silang lahat sa ’kin. Hindi ko pa rin maintindihan.

Tumikhim si Sweety. “Huwag n’yong takutin ’yong tao. Mas lalong hindi magsasalita ’yan.”

“Charot lang, ’te.”

“Joke lang, ’te. Kainis lang kasi.”

“Sorry, ’te.”

“Okie, shut na mouth ko.”

“ Hmph… “

Naglakad pa si Sweety palapit sa ’kin. Lumitaw ang mabalahibo niyang mga binti dahil sa ikli ng suot niyang maong shorts. Kumalma na ang maputi niyang mukha. “Aaron, bakit mo naman sinaktan ang tao?”

May pagtataka ko pa ring sagot, “Sino ho?”

“Sino pa ba?” aniya. “Siyempre si Papa P.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ho?”

“Sinaktan mo si Papa P kagabi,” tuloy niya. “At hindi ka namin mapapatawad sa ginawa mo.”

Sinaktan? Hindi ba’t ako naman talaga ang nasaktan sa nangyari kagabi? Bakit pati sila ay binabaliktad ako? Anong nangyayari dito?

Tatangkain ko pa sanang tumayo para umalis nang idiin pa ni Summer ang kaniyang pagkakahawak sa ’king balikat kaya hindi ko nagawa. “O, o, sa’n ka punta, be? Sagutin mo muna ang tanong ni Ate.”

Nagsalubong ang magkabila kong kilay. “H-Hindi ko po alam.”

Nagbulungan ulit ang mga bading, hindi ako pinaniwalaan ng kanilang mga mata. Pakiramdam ko ay walang naniniwala sa ’kin dito kundi ako lang. Wala akong kakampi rito. Lahat sila ay kampi kay Pio. Hindi nila alam kung ano ang side ko, at kung wala silang balak alamin—

“Bakit mo ni-reject si Papa P kagabi?”

Natigilan ako sa tanong ni Sweety. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. At hindi ko rin alam kung nagkamali lang ba ako ng dinig.

“N-Ni-reject?” mahina kong ulit sa sinabi niya.

“Oo, ni-reject mo ’yong tao,” pagkumpirma niya naman.

Mas lalo akong nagulumihanan. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako makapagsalita pa.

“Kaya nga, be,” dagdag pa ni Summer. “Sinayang mo ’yong effort ni Papi para sa ’yo.”

Sinayang? Effort? Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Kawawa naman ’yong tao,” tuloy ni Sweety. “Ilang gabing naghanda ng kanta para sa ’yo, tapos sa kalagitnaan ng kanta, iiwan mo lang sa ere.”

Mas lalo akong hindi makapaniwala sa mga narinig ko. “A-Ano po?”

Mas lalo naman akong hindi pinaniwalaan ng mga bakla sa likuran. Akala yata nila ay nagkukunwari lang akong walang alam.

Wala talaga akong alam.

“Wala ka ba talagang gusto kay Papa P?” taka ni Sweety. Nasuspende na siya sa pagnguya ng bubble gum sa kaniyang bibig. “Pinaasa mo lang ’yong tao.”

Mas lalong dumami ang mga katanungan sa ’king isipan.

“Oo nga, be. Paasa ka,” ani Summer sa ’king likuran.

“True,” sabay-sabay na sabi naman ng mga bakla sa likuran ni Sweety.

“P-Para sa ’kin po ’yong kanta?” Hindi pa rin ako makapaniwala. “Paanong—?”

“Ay, be, kanino pa ba dapat?” singit ni Summer. “Bago pa lang magsimula ang event, pinahanap ka na agad sa ’kin ni Papi. Tapos nakita kita sa gitna ng covered gym. Kaya pinasuyo ko sa staff na itutok sa ’yo ’yong spotlight ’pag si Pio na ang kumanta sa talent portion. Kaso… bakit ka umalis?”

Ayokong paniwalaan na ito ang totoo. Kasi kung gano’n, pagsisisihan ko ang lahat ng nasabi ko kay Pio kanina. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan. Hindi ko kayang tanggapin na hindi lang ako ang nasaktan kagabi, kundi pati siya. Hindi ko kayang tanggapin kung nasaktan ko nga talaga siya—ang damdamin niya.

“Hindi po ba… p-para ’yon… para kay Mona?” putol-putol kong tanong.

“Mygad,” reaksyon ng isang bakla sa likuran ni Sweety.

“Mona?” Bahagyang kumunot ang noo ni Sweety. “Paano naman magiging para kay Mona ’yon? Tapos na si Pio kay Mona.”

“Ho?” Bahagyang napabuka ang aking bibig sa narinig.

“Hindi mo alam?” Mas lalo pang kumunot ang noo ni Sweety. “Hindi pa ba nasabi sa ’yo ni Papa P ang totoo?”

Kinakabahan akong malaman ang totoo… pero kailangan kong malaman. Ito lang ang tanging paraan para matahimik na ang gulong-gulo kong isipan. “Ang alin po?”

“Hindi na sila puwedeng magkabalikan pa… at lahat ’yon dahil sa ’yo,” ani Sweety. Kita yata ng malalaki niyang mga mata na inosente nga ako kaya inilahad niya na ang buong katotohanan. Hindi ko kinaya ang sunod niyang mga sinabi. “Para hindi ka matanggal sa kurso mo, nagmakaawa siya sa dad ni Mona. At pumayag naman ang dad ni Mona… sa isang kondisyon: Hindi na siya puwedeng makipagbalikan pa kay Mona.”

Mas lalo pang lumaki ang pagbuka ng aking bibig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagsitayuan din ang mga balahibo ko.

“Para sa ’yo, pumayag si Papa P sa kondisyon. Para lang hindi ka mapalayo sa kaniya, binitiwan niya si Mona. At hindi ko alam kung may nararamdaman pa rin siya kay Mona. Pero isa lang ang sigurado ako, may nararamdaman na sa ’yo ’yong tao.”

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa ’king mga mata. “B-Bakit po hindi niya sinabi?”

“Ang alin, be? Ang nararamdaman niya?” singit ni Summer. “Sinabi niya na, be, sa stage pa lang. Hindi ka lang siguro nakinig.”

Nanikip ang dibdib ko sa ’king mga narinig. At mas lalo lang itong nanikip sa mga sunod na sinabi ni Sweety. “Alam mo, habang tinitingnan ko kayo kagabi, akala ko talaga ’yon na ang pagkakataon n’yong dalawa. Kaso, hindi pa pala. Kung wala kang gusto kay Pio, sana sinabi mo na lang agad. Sana hindi na siya umasa sa ’yo.” Bumuntong-hininga siya. “Ang sakit talaga ng ginawa mo… No’ng umalis ka sa covered gym kagabi, napatigil siya sa pagkanta. Napatulala siya. Naubusan siya ng pag-asa. Nag-walk out siya at hindi niya na natapos pa ’yong kanta. Hindi na nga siya nakasali pa sa Q&A. Talo na nga sa contest, talo pa pagdating sa ’yo.”

H-Hindi…

Hindi puwede…

“Be, iyak nang iyak si Papi sa backstage kagabi,” ani Summer. “Ang sakit pakinggan ng iyak niya, kung alam mo lang.”

“True,” singit ng mga bading.

Tumulo na ang luha ko. “H-Hindi ko po alam.”

“May gusto ka ba kay Papa P?” seryosong tanong ni Sweety.

Mangiyak-ngiyak naman akong tumango, sabay hikbi. “O-Opo.”

Pinilit kong tumayo. Sa puntong ito ay sumenyas na si Sweety kay Summer na pakawalan ako. Kaya pinakawalan ako ni Summer. Walang anupama’y kumaripas ako ng takbo palabas ng salon. Iniwan ko na ang kanilang mga tingin na nakasunod sa ’kin. Hindi ko na naisipan pang magpagupit. Ang mahalaga na lang sa ’kin ngayon ay ang mabalikan si Pio para mahingi ang kapatawaran nito.

Habang tumatakbo sa kanto ng Rizal Street ay hindi ko mapigilang humikbi kahit maraming tao sa daan. Para akong hihikain sa sobrang paninikip ng aking dibdib. Ang dami kong pagsisisi. Nagsisisi ako na hindi ko pinagkatiwalaan ang mga salita ni Pio kagabi. Nagsisisi ako dahil sa mga binitiwan kong salita kay Pio kanina. Lubha akong nagsisisi sa mga bagay-bagay.

Ngayon ay pakiramdam ko, kasabay ng mabilis kong pagtakbo ay mabilis ding tumatakbo ang oras. Kasabay ng pagkakulang ng hangin sa baga ko ay nakukulangan na rin ako sa panahon. Kanina lang nang tapusin ko ang ugnayan naming dalawa, ngunit ngayon ay gustong-gusto ko na agad ibalik ang lahat sa dati. Ang dami kong oras na sinayang.

“Pio, sorry…” usal ko habang tumatakbo.

Magmula ngayon ay hindi na ako lalayo pa sa init na gusto niyang ibahagi sa ’kin.

Magmula ngayon ay hindi ko na itatanggi pa ang pagmamahal na gusto niyang iparamdam.

Magmula ngayon ay hindi na ako aapak pa palabas ng liwanag na inilaan niya naman talaga para sa ’kin.

Nang makarating ako sa apartment building ay may pagmamadali akong tumakbo sa hagdan. Hindi ko na naisip pa na maaari akong matapilok. Ang mahalaga lang sa ’kin ay agad kong makausap si Pio. Nalampasan ko si Manang Lucy na may pagtatakang nakasunod ang tingin sa ’kin.

Hapong-hapo ako nang makarating sa fourth floor. Kahit nanghihina na ang aking mga tuhod ay sinikap ko pa ring puntahan ang kuwarto ni Pio. Nang madatnan ko ito ay nakasara pa rin ang pinto tulad nang iwan ko ito kanina. Pero hindi ako nagpatigil. Alam kong nasa loob siya, kaya kumatok ako. Hinayaan kong dumulas sa bibig ko ang lahat ng nilalaman ng puso ko.

“P-Pio… I’m… I’m sorry…

“Kung alam ko lang… Kung alam ko lang ang lahat… hindi sana kita itinulak palayo…

“Kung sinabi mo lang… Kung sinabi mo lang agad… hindi sana ako lalayo sa ’yo…”

Suminghap ako, pinilit na sumagap ng hangin. Pagkatapos ay muli akong nagsalita nang hindi na kumakatok sa pinto. Ang gusto ko lang naman ay malaman niya ang totoo… ang totoo kong nararamdaman. Tulad ng aking luha, ibinuhos ko ang aking sarili sa mga sunod kong sinabi.

“I’m… I’m sorry… Sorry talaga, Pio…

“Nagsinungaling ako kanina… Ang totoo niyan… may gusto talaga ako sa ’yo…

“Nagsinungaling ako kanina… Ang totoo niyan… ayaw talaga kitang lumayo…”

Sa kabila ng mga sinabi ko ay wala akong narinig na sagot. Pero tumuloy-tuloy pa rin ako sa pagsasalita. Nasabi ko ang lahat ng saloobin ko. Wala akong pinalampas. Lahat ng maliliit na bagay ay nabanggit ko—ang mga sandaling may nadama akong kakaiba sa loob ko: tuwing nagtatagpo ang mga mata namin, tuwing nagdidikit ang mga balat namin, tuwing naririnig ko ang kaniyang boses… ang kaniyang malamig na boses. Ang lahat ay nasabi ko. Alam kong nakikinig siya sa loob. At hindi ako aalis sa tapat ng kaniyang pinto hangga’t hindi kami nagkakaayos.

Sa kabila ng lahat ng sinabi ko ay wala pa rin akong narinig na sagot. Tutuloy-tuloy pa sana ako sa pagsasalita, ngunit biglang may isang boses na sumingit.

“Aaron?” si Manang Lucy. “Sinong kausap mo?”

Nilingon ko siya. Nakahinto siya ngayon sa tapat ng ikatlong apartment. Ngayon ay lumantad sa kaniya ang luhaan kong mukha. At wala na akong pakialam pa kahit sabihin niyang hindi ko dapat nilalapitan— “Si Pio.”

“Si Pio?” ulit niya sa sinabi ko. Kita kong may pagkabahala sa kaniyang mukha. “Aaron, wala na si Pio diyan.”

Natigilan ako. “H-Ho?”

“Kakaalis lang ni Pio kanina dala ang mga gamit niya,” saad niya. “Hindi ko alam kung babalik pa siya rito.”

At hindi ko rin alam kung paano tatanggapin ang mga narinig ko.

Chapter 27

Sa isang iglap, ang lahat ng ‘posible’ ay nauwi sa isang malaking ‘sana.’ Sana nalaman ko agad sa simula pa lang kung ano ang tunay niyang nararamdaman para sa ’kin. Sana hindi ako umalis kagabi. Sana hindi nagpabugso-bugso ang damdamin ko. Sana ay inamin ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. ’Di sana ay hindi siya umalis.

Pinunasan ko ang aking maluha-luhang mga mata at huminga nang malalim. “Bakit daw…? B-Bakit daw po siya umalis?” tanong ko kahit alam ko naman talaga ang sagot. Ako ang nagtulak sa kaniya palayo. Ako ang may kasalanan ng lahat.

“Wala siyang sinabi eh,” sagot ni Manang Lucy. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ko iniiyakan ang pinto ni Pio. “Ang sinabi niya lang sa ’kin, uuwi na raw siya muna sa kanila. May bahay naman talaga ’yon. Ayaw niya lang umuwi sa kanila dati pa kasi galit siya sa mama niya. Ewan ko lang kung bakit ngayon, bigla niyang naisipan…” Hindi niya na tinapos ang kaniyang sasabihin. Mukhang may ideya na siya kung bakit; halata ito sa mga mata niya.

Bumagsak ang mukha ko sa pagkadismaya. Mas lalo pang sumimangot ang aking bibig. Ginusot ko ang gilid ng aking shorts, sinubukang tumindig. Ngunit muli ay hindi ko mapigilang humikbi. Ramdam ko sa ’king dibdib ang bigat ng pagsisisi, at mas lalo akong nahirapang huminga.

“Aaron, okay ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Manang Lucy.

Tumango-tango naman ako kahit nahihilo. Pagkatapos ay lumingon na ako papunta sa direksyon ng aking apartment. Binagtas ko ang pasilyo habang napapahawak sa pader, sinisikap na huwag matumba. Nang makapasok ako sa loob ng aking kuwarto ay isinalba ko ang aking paghinga gamit ang inhaler. Kasabay nito ay ang paghiling na sana’y maisalba ko rin ang naputol naming ugnayan ni Pio.

Sana ay hindi pa huli ang lahat.


Ilang araw ko nang hindi nakikita si Pio sa apartment building. Ilang araw nang nakasara ang kabilang kuwarto. Ilang araw na rin akong hindi makatulog nang maayos. Sobrang tahimik sa gabi. Nalulunod ako sa sarili kong pag-iisip. Kung hindi lang dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan ay mabibingi ako sa sobrang katahimikan. Nakakabalisa.

Kailan lang nang hilingin kong sana ay bumalik ako sa dati kong tahimik na buhay. Pero anong kapalit? Oo, naging tahimik nga, pero wala namang saya. Hindi ko inakalang hahanap-hanapin ko ang lalakeng dati’y kinaiinisan ko—ang mukha niya, ang boses niya, ang kakulitan niya.

Kung kailan napapalapit na ang loob ko sa kaniya ay saka naman siya lumayo.

Maging sa J.A.M.A. ay hindi ko na rin siya maramdaman. Magmula no’ng gabi ng event ay malimit na lang siyang magpakita sa mga tao. Ang sabi-sabi ay nahihiya raw si Pio sa ginawa niyang pag-walkout sa stage. Hindi na rin matunog ang pangalan niya ’di gaya ng dati. Jason Alcalde na ang pinakamatunog na pangalan sa campus ngayon sunod kay Mona Ramirez.

Si Kuya Jason ang itinanghal bilang Mr. J.A.M.A., ngunit kahit nanalo ay parang hindi pa rin ito masaya. Hindi kasi nito nakuha ang siya naman talagang pinakadahilan kung bakit ito sumali sa contest sa simula pa lang—si Mona. Dahil sa nangyari ay mas lalo lang tumindi ang pagkainis nito kay Pio. Gago raw si Pio, bigla kasing sumali last-minute gayong hindi naman daw ito kasama no’ng practice nila. Palibhasa raw kasi ay praktisado na dahil pareho pa rin ang choreography na ginamit sa nakaraang event. Si Ms. Hen Lin nga talaga ang may pakana, dahil akala nito’y muling susuyuin ni Pio si Mona sa event… kaso hindi nangyari. Dahil sa sorpresang pagsulpot ni Pio ay nasira ang plano ni Kuya Jason. At dahil sa init ng ulo ni Kuya Jason ay hindi ko na tinangka pang tanungin ito tungkol kay Pio.

Tungkol kay Pio, bago mag-first subject ay lagi akong dumadaan sa third floor ng Main Building A para lang masumpungan ang kaniyang mukha sa kanilang classroom. Madalas ay nahahagip siya ng mga mata ko, pero sandali lang akong napapatingin dahil baka magtaka na sa ’kin ang mga seniors kung bakit lagi akong nagagawi sa palapag nila. Ni kahit isang beses ay hindi siya lumingon pabalik sa ’kin.

Tuwing uwian ay hindi ko na nakikita pang nakaparada ang kaniyang motor sa parking area sa gilid ng covered gym. Mas maaga kasi ang uwian nila kaysa sa ’min. Nasa iisang paaralan lang kami ngunit pakiramdam ko ay parang tuluyan na siyang naglaho. Parang naging estranghero na lang talaga kami sa isa’t isa. At mas lalo lang humahapdi ang sakit sa dibdib ko. Hindi mapawi kahit anong iyak ang gawin ko… o kahit anong pagsisisi.

Hindi pa rin ako masanay sa buhay na ganito. Papasok. Uuwi. Iiyak. Papasok. Uuwi. Iiyak. Papasok nang kasabay si Bona mula tricycle-an. Uuwi nang kasabay si Jonas. Iiyak na lang bigla sa gabi. Papasok at maririndi sa matining na boses ni Bona. Uuwi nang nakatulala habang kinakausap ni Jonas. Muling iiyak sa gabi. Balik sa simula. Paulit-ulit. Wala si Pio sa kahit anong ganap. At habang tumatagal ay mas lalo ko siyang hinahanap-hanap.

Nagsimula lang magkaroon ng pagbabago sa buhay ko nang dahil sa tatlong hindi inaasahang tao—sina Bona, Briones, at Castro.

Isang makulimlim na umaga nang bumaba ako sa tricycle station sa dulong kanto ng J.A.M.A.. Pagkalabas ko pa lang ng tricyle ay umalingawngaw na agad ang matining na pag-iyak ng isang dalaga—boses dalaga pero iyak-pambata. Kahit sinong makaririnig nito ay makikilala kaagad kung kaninong boses ito—kay Bona. Nang datnan ko siya ay naglulumpasay siya sa gilid ng kalsada. At sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi kikikik ang narinig ko mula sa kaniyang bibig kundi “ Waaaah! Waaaah! Waaaah! “

Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng nagdaraan at tinatawan-tawanan. Mukhang talunan ang mukha niya habang ngumunguyngoy. Parang bata na naagawan ng candy, o parang bata na nakutusan ng matanda. Mukhang hindi naman siya nag-a-acting. Bakas talaga sa boses niya na parang may tumarantado sa kaniya at hindi niya ito matanggap.

Lalampasan ko na rin sana siya tulad ng ibang estudyante, pero hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Oo, madalas ko siyang kainisan, pero sa mga nakaraang araw ay nagpapasalamat pa rin ako at binubuhay niya ang matamlay kong umaga. Kaya naman, nilapitan ko siya para alamin kung anong dahilan ng paglulumpisay niya sa gilid ng kalsada—sa maduming sahig kung saan siya kasalukuyang nakaupo.

“’Oy,” sambit ko habang nakahawak sa magkabilang straps ng bag ko. Noong una ay nahiya akong makita ng mga tao na lumalapit sa kaniya; palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa paligid. “O-Okay ka lang?”

“ Waaaah! Hayop kayo! Mga hayop!“ mangiyak-ngiyak niyang sigaw.

Nahihiya pa rin ako, pero hindi ko na lang pinansin ang mga tao at itinuon ko ang aking atensyon sa kaniya. “Anong… Anong nangyari sa ’yo?”

“Isinusumpa ko! Kayong dalawa… matitikman n’yo… ang batas… ng isang api! Waaaah-haaaah! “ makahabag-damdamin niyang sabi.

“Bona, kita na panty mo,” sabi ko nang mapaiwas ng tingin sa nakabukaka niyang mga hita habang nakaupo. Nakasuot pa man din siya ng duster na manipis. “T-Tumayo ka nga.”

“Jungcock? I-Ikaw ba ’yan?” Sandali siyang tumahan. Mukhang ngayon niya lang yata ako nakilala dahil luhaan ang may pagkasingkit niyang mga mata. Tumayo na siya at hinawakan ang kanang braso ko gamit ang magkabila niyang palad. Hindi ko na lang pinansin kung saan man niya hinawak ang mga ito. Tumuloy siya sa pagnguyngoy. “ Waaaah! “

“Ano ba kasi ’yon?” Napakamot na ako sa ulo gamit ang kaliwa kong kamay.

“’Yong dalawa! ’Yong… Waaaah! ’Yong dalawang panget!”

“Ano? Anong meron?”

“S-Sinabihan ako ng mabaho—mabaho raw ang tahong ko!”

“Ha?”

“At nilabas nila… ’yong… ’yong tititit nila! Pinakita nila sa ’kin! Gaaaah! “

“S-Sino?”

Itinuro niya ang dalawang pamilyar na lalakeng nakapila papasok sa makipot na entrance ng J.A.M.A.. Nagtatawanan ang mga ito habang napapalingon pabalik sa direksyon namin.

“’Yong kirat ba ’tsaka ’yong puro bukbok ang mukha?” usisa ko.

Tumango-tango si Bona. “O-Oo, Jungcock! S-S-Sila ’yon! Hindi sila tao! Mga hayop! Mga hayop sila! Bastos nila si Bona! Waaaah! “

Mga hayop nga. Namumuro na sila. Ang tagal-tagal ko nang nagtitimpi sa kanila. Mula no’ng Mr. and Ms. J.A.M.A. ay hindi sila matigil sa pag-uusap ng bastos tungkol sa nanalong Ms. J.A.M.A.—si Erika Sanchez ng BS Tourism. Hindi pa rin sila graduate kay Mona dahil bukod kay Erika ay kasama pa rin ito sa mga pantasya nila. Hayok na hayok ang mga deputa. Tapos ngayon ay dinamay nila ang walang kamalay-malay na si Bona.

“Halika, Bona.” Sa puntong ito ay hinawakan ko ang matabang braso ni Bona nang walang halong pandidiri. “Tuturuan natin ng leksyon ’yang mga hayop na ’yan.”

Unti-unti na siyang tumahan. “T-T-Talaga, Jungcock?”

“Oo,” paninindigan ko naman. “Basta huwag mo na ako tawaging Jungcock. Aaron na lang.”

Tumango-tango siya. “Sige, Jungcock.”

“Kakasabi lang eh.”

“S-Sige, Aaron… mylab.”

Ang sabi ko dati, may araw din sa ’kin ang dalawang ’yon. Ito na ’yon. Ito na ang araw para pagbayarin sila sa lahat ng kademonyohan nila.

Sinamahan ko si Bona sa makipot na entrance ng J.A.M.A.. Napapatakip ng ilong ang mga nakakasabayan namin. Ako naman ay immune na sa amoy-araw niyang balat dahil araw-araw ko ba naman siyang nakakasabay sa daan. Mayroon lamang isang problema: ayaw kami papasukin ng guard—o si Bona lang ang ayaw papasukin.

“Hindi puwede. Bakit ko papapasukin ’yan sa loob?” sambit ng guwardiya nang nakataas ang kilay.

“Sir, binastos nga po siya ng mga kaklase ko,” pangalawang beses na sabi ko na. “Sige na naman po. Need ko pong i-report sa Guidance Office ’yong mga kaklase ko.”

“’Yan, binastos?” Mas lalong tumaas ang kilay ng guwardiya. “Eh baliw ’yan eh. Ba’t ka naniniwala diyan? Tingin mo may babastos diyan? Sa itsura niyan? Kung may babastos man diyan, dapat nga ay matuwa pa siya.”

Napabusangot si Bona sa kaniyang narinig. Mukhang naiiyak na naman siya, pero tiningnan ko siya sa mata para lumakas ang loob niya, kaya naudlot ang kaniyang paghikbi.

Tinaliman ko ang tingin ko sa guwardiya. “So, ’pag baliw po, puwede nang bastusin? Gano’n po ba ’yon?”

Ngumisi ang guwardiya. “Ikaw may sabi niyan.”

“Hindi ho. Galing na rin mismo sa inyo.” Nanggigigil na ako sa kaniya. “’Pag sa anak na babae n’yo ho ba ’to nangyari, masasabi n’yo pa rin ba ’yan?”

Napahalukipkip siya. “Eh wala akong anak na babae.”

“Ah, kaya naman po pala kayo ganiyan…” Umiwas ako ng tingin at bumulong. “Manyakis.”

“Ano ’yon?” Kinabahan ako nang tila tumaas na ang boses ng guwardiya. Ramdam kong tila na-offend ito sa sinabi ko kahit totoo naman.

Eh totoo naman kasi. Manyakis ’tong guwardiya na ’to. Ito ’yong nang-tsansing sa mom ni Pio. Ito rin ’yong nakasagutan ni Bona no’ng araw ng Mr. and Ms. J.A.M.A.—’yong hindi nagpapasok sa kaniya.

“H-Ho?” kabado kong sambit. Sa salita lang talaga ako matapang. Pero kapag ganitong may banas na sa mukha ang kaalitan ko ay kinakabahan na ako. Hindi ko kayang idaan ang laban sa pisikalan.

“May sinasabi ka eh.” May angas na sa boses ng guwardiya ngayon. Para ngang susuntukin niya na ako dahil naglalakad na siya palapit sa ’kin nang nakataas ang baba.

Akala ko ay makakatikim na ako ng suntok sa guwardiya nang biglang may bumusinang kotse sa kaliwa, kaya lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan nito. Isang itim na kotse ang nakaparada ngayon sa malawak na bungad ng left entrance—ang entrance ng mga sasakyan. Kabababa lang ng bintana nito sa right front door. Parang pamilyar ito sa ’kin. Sa pagkakaalam ko ay ito ang kotse ni—

“Captain, gandang umaga,” bati ng isa pang guwardiya na naka–assign sa left entrance.

“Morning,” anang malalim at pamilyar na boses na narinig ko na noon sa Mr. and Ms. J.A.M.A..

Mula sa nakabukas na bintana ay tumambad ang lalakeng nakaupo sa driver’s seat. Nakasuot ito ng kulay itim na shades kaya hindi ko masyadong kita ang mata, pero ang wangis ng panga, ilong, at bibig nito ay may kahawig—kahawig ng kay Mona… at kahawig din ng akin. Si Captain Aaron Ramirez—ang dad ni Mona at ang Dean of Student Affairs.

Bigla akong kinabahan nang mapatingin ito sa direksyon namin. “What’s the commotion all about?” tanong nito sa guwardiyang naka-assign sa right entrance—sa manyak na guwardiya na nasa tapat namin ni Bona.

“Ah, Captain, ito kasing—” Tiningnan ako nang masama ng guwardiya. “Ito kasing kadete na ’to, gustong magpapasok ng baliw sa loob.”

“Hoy, h-h-hindi baliw si Bona!” depensa ni Bona sa sarili.

“Uh…” Lumunok ako, kumuha ng lakas ng loob. Wala naman akong ginagawang masama, kaya bakit ako matatakot kay Captain Ramirez? Mga pasaway lang naman ang natatakot sa kaniya. “C-Captain… good morning po.” Tumango ako bilang respeto. “Kasi po…” Sandali akong napatingin kay Bona, sabay balik ng tingin kay Captain. “Binastos po kasi si Bona ng dalawa kong kaklase.”

“W-What?” ani Captain Ramirez sa seryosong tono. Tila napababa rin ito ng mukha para silipin kami—o marahil ay ako; ang mukha ko na kahawig din ng mukha ng anak nito. “Is this serious?”

Hindi pa rin maitatangging sobrang intimidating ng boses ni Captain Ramirez kaya napapayuko ako at hindi makatingin nang diretso rito. “O-Opo, Captain.”

“Hindi po, Captain,” singit naman ng pa-epal na guwardiya.

Ngayon ay mukhang 50/50 na si Captain Ramirez kung sino nga sa ’min ang nagsasabi ng totoo.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang kanina’y nakasara na kanang rear door ng kotse. Sa sobrang kaba ko kay Captain Ramirez ay muntik ko nang makalimutan na meron din pala itong sakay na pasaherong babae sa kanang back seat. Lumitaw ang kagandahan ni Mona. “D-Dad, I know him,” aniya habang nakatitig sa mukha ko at tipid na nakangiti. Dahil sa ngiti nito ay lumiwanag ang paligid. “He’s the one I’m telling you about—the guy who looks like you.”

“ Hmm? “ Biglang napatanggal ng shades si Captain Ramirez.

Natigilan ako nang masumpungan ko ang mga mata nito—ang mapupungay nitong mga mata. Ngayon ay parehong nakatitig sa ’kin ang mag-amang magkahawig ang mukha. Hindi tulad ni Mona na minsan na akong nakita ay nanlaki ang mga mata ni Captain Ramirez nang makita ako nito. Ito ang unang beses na nagkita kami. At isa lang ang masasabi ko: Para akong nakatitig sa sarili ko. Sigurado ako, ito ang posibleng maging itsura ko kapag tumanda ako. At tila may nadama rin akong kakaiba—isang bagay na hindi ko naramdaman noon sa lalakeng nasa litrato kasama ng aking ina…

Lukso ng dugo.

Chapter 28

Trigger Warning:  Homophobia, Sexual Assault, Violence

Magmula no’ng nangyari sa ’king no’ng anim na taong gulang ako—no’ng una akong masaktan—ay hindi ko na muling kinulit pa si Mama tungkol sa tunay kong ama. Kuntento na ako sa buhay na meron kami—kaming dalawa lang. Ang kaso, dahil lumaking walang father figure, walang nagturo sa ’kin kung paano maging isang tunay na lalake. Sakto pa, lagi akong napapasama sa pinsan kong si Harry na malamya kumilos. Kaya naging malamya rin ang pagkilos ko no’ng elementary pa lang. Naging kumpulan ako ng tukso.

Grade 7 ako nang magsimula akong makaramdam ng kakaiba para sa kapwa ko lalake. Merong isang Grade 10 student na lagi kong nakakasalubong sa corridor ’pag dumadaan ako roon. Kilala itong campus heartthrob. Maangas ang dating. Habulin ng mga babae. Sadyang lagi ko itong nakikita kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa taglay nitong kaguwapuhan. Marahil ay naging isa na rin ako sa mga tagahanga nito nang palihim lang—hindi ko alam. Pero kita kong napapatingin din ito sa ’kin—sa mga mata ko. Akala ko ay may iba na itong kahulugan. Wala pala.

Isang araw, nang muli kong makasalubong ang lalake sa hagdan ay bigla ako nitong sinunggaban. Hinawakan ako nito sa kuwelyo ng aking uniporme at pinanlakihan ng mata, pinagtaasan ng boses. “Lagi kang nakatitig sa ’kin ah. Bakla ka ba?”

“H-Hindi po,” may kaba ko namang sagot.

Bigla ako nitong sinikmuraan. “’Tang ina mo ka! Halatang-halata ka! Huwag mo ’kong tinititigan ah! Nakakadiri ka!”

Iniwan ako nitong namimilipit sa sakit. At iniwan din ako nitong napapaisip: Bakit ako nito sinaktan gayong wala naman akong ginagawang masama rito? Kasalanan ba ang mapahanga sa taglay nitong kaguwapuhan? Wala naman akong intensyon na kunin ang loob nito eh. Sadyang hindi ko lang maikaila kung ang tunay kong pagkatao.

Walang magagawa. No’ng panahong iyon ay hindi pa lubusang tanggap sa lipunan ang mga katulad ko. Kailangan kong magtago. Kaya nagtago ako. Itinago ko ang tunay kong pagkatao. Kumilos ako ayon sa kung ano ang dapat makita ng mga tao. Pati ang aking pananalita ay binago ko sa harap ng mga kaklase ko. Palagi akong nagmumura para lang masabing matapang. Hanggang sa nakasanayan ko na. Hanggang sa hindi na nila ako makita. At hanggang sa hindi ko na rin makita ang sarili ko—ang totoong ako.

Pero minsan ko na ring naisip: Paano kaya kung lumaki akong may ama? May magbabago ba? Magiging ako pa rin ba ako?

Ang daming katanungan na hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan hanggang ngayon. Ang lahat ng ito ay dahil lang sa isang pangyayari—dahil iniwan ako ng totoo kong ama. At ngayon ay kaharap ko ang lalakeng kamukha ko. Mas lalo lang dumami ang mga katanungan sa isip ko…

Bakit? Bakit ko ito kamukha? Bakit kapareho ko ito ng pangalan? Nagkataon lamang ba ang lahat? Mayroon pa bang hindi sinasabi sa ’kin si Mama? At bakit may iba akong nadama nang una ko itong masilayan?

“W-Why does he—?” naudlot na tanong ni Captain Ramirez habang nakatitig sa mukha ko.

“Told you so, Dad,” nangingiting sabi ni Mona sa ama. “He looks a lot like you… like us.”

“Paalisin mo na ’yan si Bona,” singit ng guwardiya.

“No. Let them in. I trust that the boy is telling the truth,” may awtoridad na sabi naman ni Captain Ramirez sa guwardiya. Sunod itong tumingin sa ’kin—sa ’min ni Bona. “Both of you, come to my office.”

Walang ibang nagawa ang guwardiya kundi ang papasukin kami ni Bona habang nauna na sa loob ng campus sina Captain Ramirez at Mona na parehong sakay ng kotse. Tuwang-tuwa ang mga mata ni Bona habang inililibot ko siya sa loob. Malamang, ito yata ang unang beses na nakapasok siya rito—ngayon ay hindi na lang hanggang imagination niya ang lahat. Hindi maiwasang magtaka ng mga estudyante sa campus na nadaraanan namin. Napapatingin ang mga ito sa amin. Marahil ay naiisip na rin ng mga ito na baliw ako dahil kasama ko ang isang baliw. Pero okay lang, mas baliw pa rin sina Briones at Castro. Hindi ko alam kung anong ipapataw sa kanilang parusa ’pag napatunayang may kasalanan nga sila. Sigurado naman akong mananalo ako—kami ni Bona. Marami akong hawak na ebidensya, at si Bona na mismo ang kumompleto.

Kasing-lamig ng clinic ang loob ng Dean’s Office. Sa kasalukuyan ay nakaupo kami ni Bona sa dalawang office chairs paharap kay Captain Ramirez na nakaupo rin sa likod ng desk. Mas lalong naging intimidating ang dating ni Captain Ramirez ngayong kaharap ko na siya. Nakausot pa siya ng plain black T-shirt na may nakasabit na shades sa bandang dibdib kaya mas lalo siyang nagmukhang matapang. Sa likuran niya ay makikita ang malaking picture frame na nakasabit sa itaas ng pader—sa litrato ay ang literal na Captain Aaron Ramirez: nakasuot ng unipormeng pang-captain, seryoso ang mukha, gradient navy blue ang background. Ito ’yong klase ng litrato na matagal ko nang pinapangarap na makunan sa ’kin. Gusto ko ring maging isang kapitan—yumaman. At para bang agad ko itong naisakatuparan sa pamamagitan lamang ng isang litrato dahil kamukhang-kamukha ko talaga ang subject nito—mas mature lang tingnan.

“So, Midshipman, can you tell me more about what happened?” pagbasag ni Captain Ramirez sa katahimikan. Taimtim pa rin ang tingin niya sa ’kin. Kanina pa niya ako pinagmamasdan—ang aking mukha.

Natanggal na ang tingin ko sa litrato at napunta sa lalakeng kaharap ko. “Uh, Captain—”

“Can you first tell me your name?” singit niya.

“Uh, yes po. Captain, I’m… I’m Midshipman Aaron Alcantara—”

“Aaron?”

“Y-Yes, Captain.”

“Seriously? We also have the same name?”

“Uh, ’di ko rin po in-expect,” may hiya kong sabi.

“Are we related to each other?” Ngayon ay natanong niya na rin ang bagay na paulit-ulit na tinatanong sa ’kin ng mga prof.

“Um, h-hindi po… hindi po, Captain.”

“Then why—?” Natigilan siya, at nang may mapagtanto ay tumikhim siya. “I’ll save the questions for later, since it seems that your class is about to start.” Tumingin siya sa madungis at amoy-araw na si Bona, na mas lalong kumakapit ang amoy sa ilong dahil sa aircon. Napasinghot siya, pero hindi gaanong nagpahalata na nababahuan. “So, Midshipman Alcantara, tell me about what happened to this girl…”

“Captain, mas maganda po siguro kung sa kaniya na mismo manggaling.” Tumingin din ako kay Bona. “Bona, ikuwento mo nga ang nangyari…”

Isinalaysay ni Bona ang buong pangyayari. Nang alalahanin ang pambabastos sa kaniya nina Briones at Castro ay muli siyang napahikbi, pero mas mahina na sa pagkakataong ito. Convincing naman ang boses ni Bona. Hindi ko nga alam kung baliw nga talaga siya kasi detalyado ang pagkakalahad niya sa kuwento. Siguro ay isip-bata lang talaga siya. Hindi ko alam.

Dahil sa kuwento ni Bona ay ipinatawag ni Captain Ramirez kay Ms. Hen Lin sina Briones at Castro. At nang makapasok sina Briones at Castro sa loob ng office ay nagsimula nang tumaas ang tensyon.

“Hayop kayo!” bungad ni Bona sa dalawa kong bastos na kaklase matapos silang patayuin sa gilid ng desk ni Captain Ramirez. “Mga hayop! Gaaah! “

“Miss, please calm down,” ani Captain Ramirez kay Bona. Hinawakan ko naman si Bona sa braso at sinenyasan na kumalma, kaya ginawa niya kahit sandali lang. Itinuro ni Captain Ramirez ang dalawang mokong na kasalukuyang nakayuko at may bakas ng pangamba sa mukha. “Are these the individuals who harmed you?”

Sabat ni Castro, “C-Captain, wala ho kaming—”

“I’m not talking to you,” pagbara ni Captain Ramirez kay Castro. “I’m talking to her.”

“Ha?” blankong sagot ni Bona na parang walang maintindihan.

“Um, Captain, mukhang hindi po yata siya nakakaintindi ng English,” paliwanag ko naman.

“Oh, sorry,” saad ni Captain Ramirez. “Yes, right.” Tumikhim siya. “Uh, Miss, itong dalawa ba ’yong mga nambastos sa ’yo?”

Ngayon ay tumango-tango na si Bona. “O-Opo. Sila po ’yon! Sila pong dalawa!” Muli na naman siyang napahikbi. “Mga hayop kayo! Nilalabas n’yo ’yong… ’yong tititit n’yo… na maliliit! Pinakita n’yo kay Bona! Waaaah! “

“Captain, w-wala ho talaga kaming alam,” buwelta ni Briones na pinagpapawisan na ang mukha. “Hindi nga po namin kilala ’yan.”

“O-Opo, Captain,” may balisang sabi naman ni Castro. “Hindi po namin ’yan kilala.”

“Sinungaling! Mga sinungaling kayo!” mangiyak-ngiyak na hiyaw ni Bona sa dalawa.

Kita kong tila nanggigigil na sina Briones at Castro kay Bona. Napapakagat na sa labi si Briones at matalim naman ang tingin ni Castro dito.

“Captain, nagsisinungaling po ang dalawa,” singit ko naman. “Kilala po nila si Bona…” Ngayon ay sa ’kin lumipat ang masamang tingin ng dalawang mokong. Hindi naman ako nagpatinag. Tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita at itinuon ko na lang ang aking atensyon kay Captain Ramirez. “Minsan na ho nilang napag-usapan ng bastos si Bona. At minsan na rin ho nilang napag-usapan ng bastos ang anak n’yong si Mona….”

Ako naman ang nagsalaysay ng lahat ng aking nalalaman. Wala akong pinalampas na detalye. Hindi rin nagpatalo sina Briones at Castro. Napapasabat sila sa bawat mga sinasabi ko. Pero sa huli ay ako pa rin ang nagwagi. Wala silang laban dahil na-voice record ko sa cellphone ang mga nagiging usapan nila sa classroom—ang lahat ng kabastusan at ang lahat ng pangalan ng mga babaeng nadamay sa kanilang malalaswang usapan. Sa bawat banggit ng pangalan ay mas lalong sumasama ang tingin ni Captain Ramirez sa dalawa. At umabot pa sa sukdulan ang galit sa mukha nito nang mabanggit ang isang pangalan: Mona.

Ang hatol ni Captain Ramirez sa huli: “Midshipman Briones and Midshipman Castro, it is with profound regret that I must convey your expulsion from this esteemed institution. Our duty as educators obliges us to uphold an environment of discipline, honor, and respect. Regrettably, your recent actions have transgressed the very principles upon which this institution stands….”

Nang matapos ang mainit-init na sagutan sa loob ng malamig na office ay pinalabas na si Bona sa academy. Natigil na ito sa pag-iyak dahil nakuha na nito ang hustisya. Ako naman ay pumasok na sa loob ng aming classroom. Kanina pa nagsimulang magturo si Prof. Salvacion, pero sa tulong ni Captain Ramirez ay pinapasok ako nito sa classroom kahit na latecomer. Habang sina Briones at Castro naman ay hindi na muling pinapasok pa sa classroom. Ito na rin ang huling beses na lalabas sila sa campus dahil hindi na sila muling makakapasok pa rito. Bago sila umalis ay nag-iwan sila ng matatalim na tingin sa ’kin—na para bang may balak silang maghiganti.

Sa Guidance Office ko lang naman talaga unang balak na idulog ang kaso. Ang layon ko lang ay madisiplina silang dalawa. Hindi ko naman inakalang aabot ito sa Dean’s Office. Hindi ko naman inakalang ma-e-expel sila. Ang bilis ng mga pangyayari. At ngayon ay parang may banta na sa buhay ko.


Parang apoy sa gubat, mabilis na kumalat ang balita tungkol kina Briones at Castro. Sumikat na rin ang pangalan ko sa campus, dahil ako lang naman ang nagsumbong sa mga ito. Ang iba ay napahanga sa ginawa ko. Ang iba naman ay sumama ang tingin sa ’kin. Sipsip daw ako sa dean. At wala raw akong awa dahil pinatanggal ko ang dalawa kong kaklase. Kesyo ganiyan, kesyo ganito. Wala akong pakialam. Tama lang naman ang ginawa ko.

Parang guminhawa ang pakiramdam ko magmula nang mawala ang dalawa kong manyakol na classmates. Tuwing papasok ako ay wala na akong maririnig na mga kabastusan sa likurang row. Ang kaso lang, tuwing umuuwi ako ay parang may mga matang nagmamatyag sa ’kin. Parang may panganib na naghihintay. At hindi nga ako nagkamali ng hinala…

Isang maulan na hapon nang madiskubre kong hindi lang ako mag-isang naglalakad sa mabahang kanto ng Mabini Street. Sakto pang nagparamdam na ang unang bagyo para sa taong ito kaya malakas ang hangin, parang napapabaliktad na ang payong ko kung hindi lang dahil hinahawakan ko ito sa laylayan. Sunod-sunod pa ang pagdagundong ng kulog, at bawat kislap ng kidlat sa kalangitan ay napapatalon ang puso ko. Pero mayroon pa akong mas dapat na ipag-alala… may dalawang taong nakasunod sa ’kin.

Alam kong ako ang sinusundan ng dalawang lalake sa bandang dulo ng kalye na parehong may suot na itim na kapote. Wala naman kasing ibang tao sa labas ngayon. Nakasara na ang mga tindahan at mga karenderya. Malas kasi, hindi agad nagsuspinde ng klase sa J.A.M.A. dahil gabi pa naman daw magpaparamdam ang bagyo—scam! Ramdam na ramdam ko na ito ngayon. At para pa akong hinahabol ni Kamatayan.

Sigurado akong sina Briones at Castro ’yong mga nakasunod sa ’kin. May gagawin ang mga itong masama sa ’kin. Kaya binilisan ko pa ang aking lakad. Kasabay ng mabigat na pagyabag ko sa matubig na kalye ay ang malalim din na kalabog ng puso ko. Ramdam na ramdam ko sa ’king dibdib ang kaba. Para akong maduduwal. Nagsitaasan din ang mga balahibo ko. Katapusan ko na yata.

Muling dumagundong ang kulog at kumislap ang kidlat sa kalangitan. Para akong nasilaw at nabingi. Hindi ko makita nang maayos ang dinaraanan ko, dahil bukod sa nasilaw ay basang-basa na rin ako dahil sa pag-anggi ng malakas na ulan—walang saysay ang payong dahil pati ulo ko ay basang-basa na ngayon. Nagkakahalo-halo na ang lahat sa ’king pandinig—ang ulan, ang kulog, ang puso kong nagwawala, ang aking mabibigat na yabag, at ang mga yabag na palapit na nang palapit sa ’kin.

Nang lumingon ako patalikod ay nanghilakbot ako nang makitang sobrang lapit na ng dalawang lalakeng nakasunod sa ’kin. Para akong hihimatayin sa kaba, lalo pa nang mabunyag ang mukha ng dalawang lalake nang muling kumislap ang kidlat sa langit. Sina Briones at Castro nga! At pareho silang may dalang patalim sa kamay!

Napasigaw ako. Agad din akong napatakbo. Todo sa pagkabog ang dibdib ko; kasingbilis na ngayon ng tibok ng puso ko ang aking pagtakbo. At kahit anong bilis ko ay dinig ko pa rin ang kanilang mga yabag na palapit, nang palapit, nang palapit sa ’kin.

“Alcantara!” galit na galit na hiyaw ni Briones. “Putang ina ka!”

“Yari ka sa ’min ngayon!” bulyaw din ni Castro.

Muling kumulog at kumidlat. Dahil sa lakas ng hangin ay tinangay na ang payong ko, at ngayon ay wala nang pumoprotekta pa sa ’kin mula sa galit na galit ding ulan. Basang-basa na ang buo kong katawan, lalong-lalo na ang mukha ko, ang mga mata ko. Wala na ako halos makita. Ang tanging nasa isip ko na lang ay baka ito na ang katapusan ko.

“ Ugh! “ ungol ko nang bigla akong madapa. Ngayon ay nahinto ako malapit sa isang eskinita. Ramdam ko ang sakit sa ’king tuhod, at nang itaas ko ito ay kita kong namumula na ang kulay puti kong pants. May dugo! Sugatan ako!

“Alcantara!” muling hiyaw ni Briones na nagpatalon sa puso ko.

Malapit na malapit na sila ngayon sa ’kin.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi kinaya ng tuhod kong nasugatan. Sa sobrang desperado ay gumapang na lang ako sa matubig na kalye habang napapahalinghing sa sakit. “Tulong!” sigaw ko pero walang ibang nakaririnig nito kundi ang langit. “Tulong!”

Maya-maya pa ay naabutan na ako ng dalawa.

“Ina mo, Alcantara!” boses ni Briones. May naramdaman akong malakas na puwersa sa ’king likod—isang pagsipa. Ngayon ay hindi na lang ang tuhod ko ang aking iniinda kundi pati ang nananakit kong likod. Hindi na ako nakagapang pa sa sahig sa sobrang sakit.

Pumunta sa harapan ko si Castro. Matapos ay hinawakan niya ako sa kuwelyo ng aking uniporme. “Hayop ka, Alcantara! Dahil sa ’yo natanggal kami!”

“Tulong!” may pagmamakaawa kong sigaw.

Nakatikim ako ng isang malakas na bugbog sa kanang pisngi. Ang bigat ng kamao ni Castro, pakiramdam ko ay parang magtatanggalan ang mga ngipin ko. Nalasahan ko na nga ang dugo sa loob ng aking bibig.

Muling dumagundong ang malakas na kulog.

“Tulong! Tu—!” Muli akong tinadyakan ni Briones sa likod kaya natigilan ako.

“Walang tutulong sa ’yo rito, ’tang ina mo ka!” Kinaladkad ako ni Briones papasok sa eskinita gamit ang likurang parte ng aking kuwelyo. Sumunod naman si Castro at tila napapatingin-tingin sa paligid. Nang pasandalin ako sa pader nang nakaupo malapit sa bungad ng eskinita ay yumukyok si Briones at tinutukan ako ng kutsilyo sa mukha. “Alam mo ba kung anong ginawa mo, ha? Puta ka! Sinayang mo mga pangarap namin! Inaano ka ba namin, ha? Putang ina mo! Gago!”

Hilong-hilo na ako at ginaw na ginaw. “Ma…” usal ko habang napapatingin sa madilim na kalangitan.

“Nakikinig ka ba? Ha?” Sinampal ako ni Briones. “Bakit mo ginawa ’yon sa ’min? Tarantado ka ba?”

“T-Tarantado kayo…” Ninakawan ko siya ng suntok sa mukha. Ngunit sa ginawa ko ay tila hindi siya nasaktan, ngumisi pa nga at dumura sa gilid.

Pagak na natawa si Castro. “Puta, anong klaseng suntok ’yan? Bakla ka ba, Alcantara?”

“Ano pa? Bakla nga ’tong tarantadong ’to!” sambit ni Briones. “Hawakan mo, Castro!”

“Anong—?” putol kong sabi. Kinakabahan ako sa sunod na mangyayari sa ’kin.

Muling kumulog.

Lumapit sa ’kin si Castro at tinanggal na ako sa pagkakasandal. Pumiglas ako pero sa huli ay nahuli niya pa rin ang mga braso ko. Ginapos niya ang mga ito sa naglalaparan at naglalakihan niyang mga palad. “Ako sunod ah!” bilin niya kay Briones na tumayo na ngayon.

Pagal na pagal na ako sa paghabol ng aking hininga. Parang kumakawala na ang puso ko sa kaba. Lalo pa’t nang biglang tinanggal ni Briones sa pagkakabuton ang kaniyang kapote sa may bandang ibaba.

“T-Tulong! Tulong!” mangiyak-ngiyak kong sigaw. Tinatatawanan lang ako ng dalawa—tawang pang-halang ang bituka—dahil walang nakaririnig sa ’kin. “Ma!” Paikot-ikot na ako ng tingin—sa bungad ng eskinita kung saan tanaw ang kalsada na walang kahit anong sasakyan ang nagdaraan, sa kabilang dulo ng eskinita kung saan walang taong nagdaraan, sa langit na walang ibang alam na gawin kundi ang lunurin ako sa ulan.

Muli akong tinutukan ni Briones ng kutsilyo sa mukha. At ngayon ay kita kong inilabas niya na ang kaniyang pagkalalake. Agad akong napaiwas ng tingin, tumingala, pinakiramdaman ang pagbuhos ng ulan sa ’king mukha, maging ang aking pagluha. Kalakip nito ay ang pag-asam na sana ay lumaki akong may ama. ’Di sana ay natutunan ko kung paano ipaglaban ang aking sarili sa ganitong klase ng sitwasyon.

Sa kabila ng lahat ay may isang pangalang biglang kumawala sa ’king bibig. Isang pangalan na minsan na ring nagligtas ng tao noon—kay Sweety mula sa dati nitong kasintahan na nambubugbog dito. Alam kong malabo siyang magpakita. Alam kong imposible. Pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Hindi ko mapigilang isigaw—

“Pio!”

At sa isang iglap, ang lahat ng ‘sana’ ay naging ‘posible.’

“Aaron!”

Narinig ko ang boses na matagal ko nang hindi naririnig. Nang lumingon ako sa pinanggalingan ng boses—sa bungad ng eskinita—ay nakita ko ang mukha na matagal ko nang hindi nakikita. Nakita ko ang taong matagal ko nang hinahanap-hanap. Agad nitong binitiwan ang kakahubad lang na helmet habang tumatakbo palapit sa ’min, sinuong ang malakas na buhos ng ulan. Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatuon ang tingin sa ’king walang buhay na mga mata.

Hindi ko alam kung paano ito nangyari, kung bakit bigla itong sumulpot sa kawalan, at kung paano ako nito natagpuan. Hindi ko alam. At hindi ko na kailangan pang alamin, dahil isang bagay na lang ang mahalaga sa ’kin ngayon…

Nagbalik siya.

Chapter 29

Trigger Warning: Sexual Assault, Violence

Walang pag-aatubiling sumugod si Pio kay Briones. Gamit ang mahaba niyang binti ay tinadyakan niya si Briones sa tagiliran kaya tumilapon ito sa basang sahig maging ang hawak nitong kutsilyo. Malakas ang naging pagkakabagsak nito sa madulas na sahig—napainda nga ito sa sobrang sakit—kaya hindi agad na nakabangon. Habang nakatihaya at nakahawak sa nanakit na tagiliran ay napapasukan ng tubig-ulan ang bibig nitong nakanganga. Ang maliit nitong pagkalalake ay nakalitaw pa rin at nanlambot na.

Agad namang pinakawalan ni Castro ang aking mga braso. Humiyaw siya at sumugod na kay Pio pagkatapos bunutin ang kutsilyo sa bulsa ng kaniyang kapote. “Ina!” Akma niyang sinaksak si Pio, ngunit mabilis din itong nakailag, kaya hangin lang ang nasaktan sa nangyari.

Nang makakuha ng tamang anggulo ay sinikmuraan ni Pio si Castro, dahilan para malaglag ang hawak nitong kutsilyo sa sahig, at napahawak ito sa malaking tiyan na nanakit. Sinipa na ni Pio ang kutsilyo palayo, at saktong napunta ito sa direksyon ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko alam kung paano reresponde. Nangiral na lang sa ’kin ang kagustuhang tulungan si Pio kaya agad kong kinuha ang kutsilyo sa sahig, sabay atras nang pasandal sa pader at itinago ito sa likuran ko.

“Aaron!” Lalapitan na sana ako ni Pio, kaya lang, sa pagkakataong ito ay si Briones naman ang sunod na sumugod sa kaniya. Nakatago na ulit ang pagkalalake ni Briones ngayon, at hawak na ulit nito ang kutsilyo sa kamay.

“Pio!” pagbigay ko ng babala sa kaniya. Nang lumingon siya sa direksyon ni Briones ay agad siyang nakaatras kaya hindi natusok sa tiyan ng kutsilyo.

“Gago ka!” Nilaro-laro ni Briones ang kutsilyo sa hangin, sinisikap na masaksak si Pio, pero hindi niya magawa. Paatras kasi nang paatras si Pio papunta sa bungad ng eskinita. “May kasalanan ka rin sa ’min! Binasa mo kami no’n sa CR, putang ina mo ka! Akala mo ’di namin alam?”

Maingat na pinagmatyagan ni Pio ang bawat galaw ni Briones. “Pio!” may pag-aalala kong sambit sa ngalan niya sa takot na baka ay mahagip siya ng kutsilyo. Nang mapaatras pa siya ay hindi sinasadyang matapilok siya dahil sa helmet na binitiwan niya kanina. Ngayon ay abot-kamay na siya ni Briones.

“Mamatay ka na!” Muling nilaro ni Briones ang kutsilyo papunta kay Pio—papunta sa mukha nito. Mabilis namang naiatras ni Pio ang kaniyang mukha, ngunit huli na nang madaplisan ang makinis nitong pisngi sa kanan, kaya dumugo ito. Sandaling natigilan si Briones sa paglalaro ng kutsilyo. “Ha! Ano ka ngayon? ’Tang ina ka!” may panginginig-boses nitong sabi.

“Pio!” sigaw ko. Sinikap kong tumayo. Dahil sa adrenaline na rin siguro kaya nakatayo ako kahit lubhang sugatan at nananakit ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa kanina. Kaya ko pa naman palang tumayo at maglakad, masyado lang akong pinangungunahan ng takot. Binagtas ko ang eskinita nang paika-ika ang lakad palapit kina Pio habang napapahawak sa pader bilang suporta.

Nang marinig ni Pio ang boses ko ay tila nag-apoy ang mga mata nito at mabilis na nakaisip ng paraan para lumaban. Kinuha nito ang helmet sa tabi ng kaniyang puting pants at malakas na inihagis papunta sa mukha ni Briones. Sapul! Sandaling nawala ang paningin ni Briones at napatakip ito sa mukha gamit ang kamay na may hawak na kutsilyo.

Si Pio naman ang sumugod ngayon kay Briones nang may kasamang hiyaw. Itinulak niya nang malakas si Briones, at muli ay tumilapon ito sa sahig maging ang hawak nitong kutsilyo. Sunod siyang yumukyok at dinaganan ito sa ibabaw—sa may bandang tiyan—gamit ang kaniyang tuhod. Pagkatapos ay hinubad niya ang hoodie ng kapote nito at malakas na pinagsusuntok sa mukha.

Natigilan ako sa paglalakad nang masumpungan ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Nanggigigil at nagtatagis ang kaniyang mga bagang. Hindi na nakatulong pa ang pagtakip ni Briones sa kaniyang mukha gamit ang mga kamay dahil kaliwa’t kanan siyang binubugbog ni Pio sa magkabilang pisngi.

“Pare!” Tumakbo palapit sa kanila si Castro. Sinubukan niyang pigilan si Pio. Hinila niya ang kuwelyo ng puti nitong uniporme patalikod, pero hindi nagpatangay si Pio. Kahit nasasakal na si Pio ay tuloy-tuloy pa rin ito sa pagsuntok sa ngayon ay lamog na lamog nang mukha ni Briones. Sinubukang suntukin ni Castro si Pio sa likod ng ulo nito, pero wala pa ring epekto. Ngayon ay bumulwak na ang dugo mula sa bibig ni Briones at gumegewang na ang ulo nito na pilit iniaangat sa sahig.

Tuloy-tuloy lang sa pagbuhos ang ulan. Tuloy-tuloy lang din ako sa pagsinghap. Hindi ko na alam ang gagawin. Pinapanood ko lang ang nagkukumawalang damdamin ni Pio. Tulad ng ulan ay ibinuhos niya ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ng pagsuntok. Tulad ng baha sa kalye ay nag-uumapaw na ang galit niya sa lalakeng nanakit sa ’kin. Hindi siya matigil sa pagsigaw habang sumusuntok. Walang makapipigil sa kaniya—hindi kahit ang malakas na hangin; maging ang madilim na kalangitan ay nakikinood lang.

Nang muling sinubukang hilain ni Castro si Pio palayo kay Briones habang nakayukyok din ay siniko siya nito nang malakas sa tiyan. Muli ay namilipit na naman siya sa sakit at nawalan pa nga ng balanse at natumba sa madulas na sahig.

“P-Pio…” may pangungulila kong bigkas sa kaniyang pangalan. Hindi mapigilan ang pagtakas ng luha sa ’king mata.

Lantang-lanta na ang mukha ni Briones. Hirap na rin yata itong huminga dahil punong-puno na ang bibig nito ng dugo. Ang isa pang mata nito ay tuluyan na ring nakirat nang dahil sa ginagawang pagsuntok ni Pio gamit ang malaki niyang kamao.

Sa sobrang focused ko kina Pio at Briones ay hindi ko namalayang tumakbo na pala si Castro papunta sa ’kin at kinuha ang kutsilyo na nabitiwan ni Briones. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang sunod na alam ko na lang ay nakabigkis na ang malaking braso ni Castro sa ’king dibdib at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. “Pio! Bitiwan mo ang kaibigan ko o mamamatay ’to!”

Nang dahil sa narinig ay biglang napatigil sa ere ang duguang kamao ni Pio. Marahan niyang inangat ang kaniyang mukha at nanlaki ang mata nang makita akong bahagyang nakatingila, may tutok na kutsilyo sa leeg, at nakapigil ang hininga. Mas lalong nanakit ang mga mata ko dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan. “P-Pio…” mangiyak-ngiyak kong sabi. Dahil lumunok ako, nakaramdam ako ng bahagyang kirot nang dumampi ang talim ng kutsilyo sa ’king leeg.

“Papatayin ko ’to, sinasabi ko sa ’yo!” namamaos na sigaw ni Castro. “Hindi ako nagbibiro!”

Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib. Parang niyakap din ako ng lamig nang pumasok sa isip ko na baka ay ito na ang katapusan ko. Ito ang kauna-unahang beses na may nagbantang pumatay sa ’kin. Mangiyak-ngiyak pa rin ang mga mata ko habang humihingi ng tulong kay Pio sa pamamagitan ng tingin lamang.

Mas lalo lang akong nilamig nang umihip ang malakas na hangin na may kasamang ulan. Umalingawngaw ang rumaragasang tunog nito sa eskinita. Habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapang huminga.

Batid ni Pio ang bigat ng sitwasyon dahil hindi rin siya matigil sa pagsinghap tulad ko. Todo sa pagtaas-baba ang kaniyang dibdib. Ang mga mata niya ay namumula na rin, at hindi ko alam kung dahil lang ba sa pagkababad sa tubig-ulan o dahil umiiyak siya. Maya-maya pa nang marahan niyang itaas ang kaniyang mga kamay sa ere bilang hudyat ng pagsuko.

“Tumayo ka!” utos ni Castro sa kaniya. “Layuan mo kaibigan ko!”

At hindi nag-atubiling tumayo si Pio—dahan-dahan, tulad ng paghinga ko. Hindi maputol ang tingin naming dalawa sa isa’t isa. Pareho yata kaming takot sa maaaring sunod na mangyari.

“Atras pa!” Hinila pa ako ni Castro palapit nang palapit kay Briones habang si Pio naman ay marahang umaatras papunta sa kabilang dulo ng eskinita, nanginginig ang mukha. “Layo, gago!” At umatras pa si Pio. “’Yan, diyan ka lang! Huwag kang kikilos!”

Nang makalapit na kami ni Castro kay Briones ay bigla niya akong itinulak nang malakas papunta sa direksyon ni Pio. Sa sobrang dulas ng sahig ay akala ko mababagok na ako. Dahil naitukod ko rin ang ang aking paa na may nananakit na tuhod ay nawalan ako ng balanse. Mabuti na lang at may pagmamadali akong nasalo ni Pio sa kaniyang mga braso—sa mga braso niyang minsan na ring nagligtas sa ’kin. Ngayon ay nakaramdam na ako ng kaligtasan.

“Pare!” ani Castro. Paglingon ko pabalik sa kanila—habang nakahawak sa malapad na katawan ni Pio—ay kita kong inalalayan ni Castro ang kawawang si Briones na basag-basag ang mukha at pareho nang kirat ang dalawang mata. Itinayo niya ito at akmang naglakad palabas sa eskinita.

Naglakad si Pio, may tangka pa sanang muling sugurin ang dalawa, ngunit agad ko siyang niyakap habang nakatalikod siya sa ’kin. Tila nanigas siya mula sa kaniyang kinatatayuan nang dahil sa ginawa ko. Mas lalo ko namang hinigpitan ang aking yakap. Mahigpit na mahigpit. Sa sobrang higpit ay dinig niya na yata ang tibok ng aking puso—dinig niya na yata ang nais nitong sabihin.

“Diyan ka lang! Huwag mo kaming susundan!” garalgal na boses ni Castro. Hula ko ay nakalabas na ang dalawang talunan mula sa eskinita.

Ngayon ay wala na akong ibang marinig kundi ang malakas na buhos ng ulan, pati na rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ito ang unang beses na nagdikit ang aming mga katawan, pero ito ang unang beses na ayaw kong paglayuin ang mga ito mula sa isa’t isa.

“I-I was… I was just driving by… and I… I heard your scream…” aniya. “I didn’t mean to appear in front of you. I-I was only trying to help…”

Akma pa sana siyang hahakbang palayo sa ’kin nang higpitan ko pa lalo ang aking pagkakayakap sa kaniya kaya wala na siyang kawala pa ngayon. Muli ay natigilan siya. Natahimik. Mas lalong lumalim ang paghinga.

Muling umihip ang malamig na hangin.

“Damn it, I’m lying…” aniya. “The truth is… I… I was just on my way back to the apartment.” Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng ulan sa pagitan ng magkadikit naming mga katawan. “I realized I cannot last long without seeing you. Fine, you can hate me all you want—I won’t ask for anything in return. Just let me admire you from a distance; that’s all I need.”

Sa dinami-rami ng gusto kong sabihin ay tila napipi ako. Magkahalo-halong emosyon ang nararamdan ko—kaba, lungkot, saya—hindi ko maintindihan. Basta’t ang tanging alam ko lang ay ayaw ko siyang pakawalan.

“Let me go…” Sinubukan niyang kalasin ang aking mga braso mula sa kaniyang katawan. Pero hindi ako nagpatalo. Binalik ko ito sa mahigpit na pagkakayakap. “If you keep doing this, I might get the wrong idea… I’ll start thinking you like me, too.”

Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang likod. “Gago ka…”

Natahimik siya sa sinabi ko. Akala niya siguro ay kinamumuhian ko siya kaya ko ito nasabi. Pero hindi. Hindi pa ako tapos magsalita. Hindi pa ako tapos na sabihin ang lahat ng nararamdaman ko. Nagsisimula pa lang ako.

“Bakit ngayon ka lang nagpakita?” mangiyak-ngiyak kong sambit.

Ngayon ay tila nagpigil na siya ng hininga. Mga ilang saglit pa nang maramdaman kong gumalaw ang kaniyang katawan kaya inalis ko ang aking mukha sa pagkakasubsob sa kaniyang likod. Kinalas ko na rin ang aking mga braso mula sa pagkakayakap sa kaniya nang maramdamang tila gusto niya akong harapin. At ngayon ay tuluyan na kaming magkaharap sa isa’t isa.

Kaharap ko na ang mukha niyang may maliit na sugat sa pisngi, na bahagyang nagdurugo pa rin pero nalilinisan naman ng tubig-ulan. Kaharap ko na ang malapad at matangkad niyang pangangatawan. Ang buhok niya ay nakabagsak sa noo. Ang labi ay bahagyang namumutla… pero hindi ko ito maiwasang tingnan. Naaakit ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko mapigilan ang puso kong gustong kumawala.

“I…” Sandali siyang tumingin pababa, sabay balik ng tingin sa ’kin. “I thought you don’t wanna see me?”

“At bakit ka naman naniwala?” Ngayon ay sigurado na akong hindi na ang nagdurugo at gasgas kong tuhod ang iniiyakan ko. “Bakit ka naniwala sa ’kin?”

Nanlaki ang mamula-mula niyang mga mata. “W-What do you mean?”

“Pio, gusto na kita!” Biglang kumulog.

Hindi niya ako narinig. “W-What?”

“Gusto kita!” Muling kumulog.

At muli ay hindi niya ako narinig. “Aaron, I can’t—”

Tumingkayad ako kahit nananakit ang tuhod at hinablot ang magkabilang kuwelyo ng kaniyang uniporme, dahilan para hindi niya matapos ang kaniyang sasabihin. Sunod kong hinila ang kaniyang dibdib pababa sa ’kin—at para siyang nanghina, ang kaniyang mukha palapit sa ’king mukha—at wala siyang nagawa, ang kaniyang labi papunta sa ’king labi—at nagpaubaya siya.

Nainggit ang kalangitan. Kumidlat. Kumulog. Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Maging ang malamig na ihip ng hangin ay walang sinabi sa init ng halik na aming pinagsaluhan.

Chapter 30

This chapter is R-18.

Trigger Warning: Unsafe Sex

This chapter contains descriptions of unsafe sexual practices. Reader discretion is advised. Readers who may find this content distressing are advised to proceed with caution. Your well-being is important, and if you feel uncomfortable at any point, please take care of yourself and consider skipping this chapter.

Important Note: The actions depicted in this chapter are fictional and should not be emulated in real life. Practicing safe sex is crucial for protecting your health and well-being. Always use protection and follow safe sex guidelines to prevent sexually transmitted infections (STIs).

────────────

Ipinikit ko ang aking mga mata habang magkadikit ang aming mga labi. Dumilim ang paligid. Wala akong makita, pero damang-dama ko ang lahat—ang pigil kong paghinga, ang puso kong nakikipagkarera, ang pagtigil ng ikot ng mundo. Kasabay nito ay nadama ko rin ang pagdampi ng kaniyang kamay sa likod ng aking basang buhok. Hinatak niya pa ang aking ulo palapit sa kaniya. At ngayon ay wala nang makapaghihiwalay pa sa ’ming dalawa.

Hindi ito ang unang beses na nagtagpo ang aming mga labi, pero ito ang unang beses na parang ayaw ko na itong matapos. Hindi ko maitago ang saya sa loob-loob ko. Para akong nanalo sa lotto. Para akong nakakuha ng mataas na grado. Para akong nananaginip—isang masayang panaginip, at sa sobrang saya ko, nakalimutan ko ang lahat ng sakit na aking iniinda.

Sa wakas, natapos na rin ang pangungulila ko.

Matapos ang mahigit walang hanggan ay maingat na naghiwalay ang aming mga labi. Tinanggal niya na ang kaniyang kamay sa ’king ulo. Bumalik na rin ako sa pagkakatindig at naramdaman ko ang pagbalik ng hapdi ng aking sugatang tuhod. Hindi siya makapagsalita. Todo lang siya sa paghingal—ang bibig ay bahagyang nakabuka, na parang hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi siya nag-iisa; ito rin ang nararamdaman ko ngayon.

“W-What does—? Why would—? Do you—?” putol-putol niyang mga katanungan.

Alam ko naman kung ano talaga ang mga gusto niyang itanong kaya tumango-tango ako bilang sagot.

Unti-unti nang naguhitan ng ngiti ang kaniyang labi. “Am I… Am I dreaming?”

Ako dapat ang nagtatanong niyon sa kaniya. “Hindi.”

“So you… you like me, too?” Parang hindi pa rin siya makapaniwala.

Muli ay tumango-tango ako. “Oo.”

Mas lalong lumalim ang kaniyang paghinga. Ang ngiti sa kaniyang labi ngayon ay wala nang mapagsidlan pa. Balak pa sana niyang ulitin ang halik, ang kaso, nagalit ang inggiterong langit. Parang flash ng camera, kumislap ang kidlat sa kalangitan at pareho kaming nagulat sa malakas na dagundong ng kulog. Naudlot ang muli sanang paglalapit ng aming mga labi.

Ang kaniyang ngiti ay napalitan ng mahinang tawa. “Let’s get out of here.”

Hindi ko rin maiwasang mapangiti. “ Mmm .“

Pumuwesto na siya sa kanan ko at inakay ako habang sabay naming sinusuong ang malakas na buhos ng ulan.

“You’re hurt,” aniya habang napapatingin sa duguan kong pants sa may parteng tuhod.

“Ikaw rin,” sabi ko naman habang nakatingala sa pisngi niyang may maliit na sugat.

“This is nothing,” tugon niya. “Only you can hurt me for real.”

Natahimik ako sa sinabi niya.

Nang makarating kami malapit sa pinagtumbahan ni Briones kanina ay sandali kaming natigil nang pulutin niya ang kaniyang helmet. Bagaman ay nabasa ang shell nito sa labas nang dahil sa ulan, may katamtamang tuyo pa naman ang loob nito nang isuot niya ito sa ’king ulo.

“Bakit ako?” tanong ko.

“Why not?” sambit niya naman.

Tumuloy na kami sa paglalakad.

Sa nakaparada niyang motor na kasalukuyang bukas ang headlight ay lumapit kami. Mabuti na lang at hindi napag-trip-an ni Castro ang motor ni Pio. Sa bagay, ang tanging mahalaga na lang siguro do’n ay ang maisalba ang kaibigan no’n. Nang dahil sa ginawa nila kanina lang ay mas lalong hindi ko sila mapapatawad. Sana naman ay hindi na ulit mangyari sa ’kin ’to. Sana ay hindi na ulit mapahamak ang buhay ko.

Mga ilang saglit pa nang maramdaman kong hinawakan ni Pio ang aking beywang—sa ilalim ng aking suot na bag—gamit ang kaniyang kaliwang kamay at ang aking mga binti naman gamit ang kaniyang kanang kamay at binuhat ako na parang sanggol. Pamilyar na pamilyar ang pakiramdam dahil minsan na rin niya akong binuhat noon nang mahimatay sa training.

Napatulala lang ako at hindi makaimik nang dahil sa ginawa niya habang hinahampas ang mukha ko ng bayolenteng wisik ng ulan.

Sabi niya pa nga sa seryosong mukha, “From now on, I’ll drive you home… before you drive me crazy.”

Ako yata ’tong unang mababaliw sa ’ming dalawa.


Magaling magmaneho si Pio. Kahit malakas ang buhos ng ulan at humahampas ang hangin ay ligtas pa rin kaming nakauwi sa apartment building dahil suwabe lang siya magpatakbo. Hindi tulad ni Manang Lucy ay nasobrahan na sa dilig ang mga halaman niyang nakasabit sa labas. Mabuti nga at nakasara ang kuwarto niya, kung hindi, paniguradong huhusgahan na naman ako ng mga mata niya. Marahil ay magtataka siya kung bakit kailan lang, iniyakan ko pa ang pinto ni Pio, tapos ngayon, buhat-buhat na ako sa mga braso nito.

Linawin ko lang, hindi ako ang nagsabi kay Pio na muli niya akong buhatin. Hindi ako baby. Siya lang talaga ’tong nagpumilit dahil nag-aalala siyang baka ay matapilok ako sa hagdan. Ang tanga ko kasi dati, muntik na akong malaglag nang matapilok; buti nasalo niya ako noon. Grabeng lakas niya, nagawa niya akong buhatin hanggang ika-apat na palapag. Sanay na sanay magbuhat ng tao.

Nang makarating kami sa tapat ng kuwarto ko ay binuksan ko na ang pinto nito gamit ang susing nakakabit sa ’king ID lace. Buhat-buhat niya pa rin ako sa kaniyang matitigas na mga braso. Hindi maalis ang tingin niya sa ’kin mula pa kanina. Hindi ko mabasa ang takbo ng isip niya. Basta’t ang alam ko lang ay todo siya sa paghingal. Marahil ay nanghihina na siya. O marahil ay may ibang tumatakbo sa isip niya.

“Remove your helmet,” aniya.

Sinunod ko naman siya.

“Drop it,” dugtong pa niya.

At binitiwan ko ito sa sahig.

Walang anupama’y bigla niya akong sinunggaban ng halik. Lumaban naman ako. Dahil nalunok ko na ang dugo sa loob ng bibig ko kanina ay nag-iba na ang panlasa ng halik niya ngayon—naging bahagyang matamis na. Sa puntong ito ay hindi na ako pumikit. Bahagyang madilim ang kuwarto dahil nakapatay ang ilaw; may kaunting liwanag lang na nanggagaling mula sa nakasarang bintana sa dulo. Matapos akong ipasok sa loob ni Pio ay tinadyakan niya patalikod ang pinto kaya tuluyan itong nagsara. Ngayon ay humina na ang ihip ng hangin at buhos ng ulan sa ’king pandinig. Mas lalo namang lumakas ang tunog ng palitan namin ng mga halik. At habang tumatagal ay mas lalo rin akong nag-iinit.

Hinubad ko na ang suot kong bag at binitiwan ito sa sahig. Si Pio ay wala nang iba pang kailangang hubarin kundi ang mga damit niya dahil wala naman siyang dalang bag—marahil ay nasa loob ito ng trunk ng motor niya. Tila mas lalo siyang nagaanan sa ’kin dahil itinaas niya pa ang aking katawan palapit sa kaniyang dibdib, kaya mas lalong naging komportable ang paghalik niya sa ’kin. Nabangga niya ang gilid ng lamesa ko, pero hindi ito dahilan para tumigil siya sa paghalik sa ’kin. Pinakawalan niya lang ang aking labi nang makarating na kami malapit sa kama.

“You don’t know how much I’ve missed you,” sabi niya habang magkalapit ang aming mga mukha.

“Pio…” Wala akong ibang masabi.

Nalulunod ako sa malagkit niyang pagtitig sa ’king mga mata. “You don’t know what I wanna do to you right now.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

Maya-maya pa nang bigla niyang initsa sa kama ang katawan ko.

Okay na sana, pero hindi talaga okay.

“ Ugh …“ ungol ko kahit wala pa nga sa exciting part. “Putang ina, ’yong likod ko.”

“Ha?” may taka niyang sabi.

“Gago ka… Tinadyakan kaya ako ni Briones kanina,” sagot ko habang hawak-hawak ang nananakit kong likod. “Sakit… Ugh… Ba’t mo naman ako hinagis?”

“Oh, God. I didn’t know. I’m sorry.”

“Aray…”

Lumapit siya sa ’kin para i-check ang likod ko. “I’m so sorry. I’m so excited I can’t stop my—”

“O-Okay lang.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa, maiyak, o mang-init. “ Ugh …“

“I just wanna…” Binasa niya ang kaniyang labi, sandaling umiwas ng tingin, sabay balik ng tingin sa ’kin habang nakatukod ang magkabila niyang braso at nakaibabaw sa ’kin sa kama, lumunok. “Can… Can I make it with you?”

Unti-unti na akong natigil sa pagdaing. Ngayon ay ramdam kong nag-iinit na ang malalamig kong mga pisngi. Mas lalo ring bumigat ang aking paghinga. Sinabayan ko ang kaniyang paghinga. Hindi pa rin ako makaahon sa nakakalunod niyang tingin. Para akong nagayuma dahil kusa akong nagpaubaya—mahinang tumango ang aking ulo.

Lalapit na sana ang kaniyang mukha sa ’kin para halikan ako, pero sandali ko siyang pinigilan sa dibdib. “P-Puwedeng huwag dito sa kama? Basang-basa tayo eh.”

Ngumiti siya. “Anywhere you like.”

“S-Sa banyo,” suhestiyon ko.

“Sure.” Hinawakan niya ako sa magkabilang kilikili at binuhat ang aking katawan pataas sa kama. “Come here, you.”

Nang makaahon ay kusang napabigkis ang aking mga kamay sa kaniyang batok at ang aking mga binti sa kaniyang beywang. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam na maging kasingtangkad niya. Muling naglaban ang aming mga labi. Sandali kaming tumigil nang hubarin ko ang kaniyang ID, pero agad ding tumuloy. Sinimulan ko na ring tanggalin sa pagkakabuton ang kaniyang uniporme habang abala siya sa pag-abuso sa ’king labi. Nang ibaba niya ako sa sahig—sa tapat ng banyo—ay saka ko lang natanggal ang pinaka-ibabang butones ng kaniyang uniporme. Sandali akong natigilan. Kinabahan.

“Undress me,” aniya nang masuspende kami sa paglalakad.

Tuloy pa rin ako sa paghingal.

“You’ve already seen all of me,” tuloy niya. “I’m all yours.”

Sa tulong ng mga sinabi niya ay itinuloy ko na ang paghubad sa kaniyang uniporme hanggang sa madulas ito sa kaniyang mga braso pababa sa sahig. Nabanaagan ko ang nakatago niyang kakisigan. Mas lalo akong nag-init.

“Your turn.” Tumuloy na siya sa paghalik sa ’kin.

Habang hinahalikan ako sa tapat ng banyo ay siya naman ang naghubad ng ID ko at nagtanggal ng mga butones sa ’king uniporme paisa-isa. Nang matapos siya sa pinaka-ibabang butones ay muli akong natigil sa paghalik sa kaniya. Umiwas ako ng tingin. Nahiya.

“I’ve seen you already—not all of you, though,” sabi niya. “Are you mine?”

Bumalik ako ng tingin sa kaniya. Hindi ako kumibo, pero alam niya na siguro ang ibig kong sabihin—na pumapayag ako. Marahan niyang tinanggal ang aking uniporme sa pagkakasuot. Dumulas ito sa ’king mga braso pababa sa sahig. Mas lalo akong nilamig, nanginig.

“You look cold,” saad niya. “I’m gonna keep you warm inside.”

In-unbuckle niya na ang kaniyang garrison belt. Sa bawat tunog na gawa ng metal na nagkikiskisan ay napapalunok ako. Sinikap kong sumagap ng hangin, pero mas lalo lang naging barado ang aking ilong dahil sa lamig ng panahon. Nang matapos na siya sa paghubad ng belt ay ibinaba niya na ang kaniyang pants kasama ang brief kaya lumantad sa ’kin ang kaniyang kahabaan. Matagal ko na itong nakita, nalapitan, nahawakan, pero ngayon lang ako kinabahan nang sobra-sobra. Kaya ko ba talaga ’to?

“Hey, look at me.” Itinaas niya ang baba ko gamit ang kaniyang daliri, dahilan para matapat ang mukha ko sa kaniyang mukha.

“Pio…” Huminga ako nang malalim. “N-Natatakot ako.”

“First time?” tanong niya.

Tumango-tango ako.

“Don’t be scared. You’re safe with me, I promise,” pampalubag-loob niya. “Now, reveal yourself.”

Nakampante ako dahil sa sinabi niya. Ako naman ang sunod na naghubad ng pants. Ngayon ay lumitaw sa kaniya ang itinatago kong pagkalalake.

“That’s cute.” Napatakip ako rito nang dahil sa sinabi niya. “You’re cute.”

Muli niya akong hinalikan. Napahawak ako sa dibdib niya gamit ang magkabila kong kamay, kaya ngayon ay wala na akong itinatago pa. Habang paabante siya nang paabante sa ’kin ay paatras naman ako nang paatras sa loob ng nakabukas na banyo. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng aking likod sa malamig na pader malapit sa may gripo. Muli kaming natigilan, nagkatinginan, hindi matigil sa paghingal.

Isinara ng kaniyang kanang paa ang pinto ng banyo. Bahagyang dumilim sa loob—ang tanging pinagmumulan na lang ngayon ng mahinang liwanag ay ang maliit na window glass panel sa itaas na gilid ng aking banyo, at kasalukuyan itong nakasara—pero dahil nasanay na ang aking mga mata sa dilim ay kita ko pa rin ang banaag ng kaniyang katawan at mukha. Ang laki ng kaniyang katawan, parang hindi ako makawala, parang hindi ako makahinga.

“I’m the only one who can see you… who can hear you now.”

“ U-Umm …“ Napayuko ako sa kaba.

“Feel me.” Hinawakan niya ang magkabila kong kamay na nakahawak sa kaniyang dibdib. Matapos ay ginabayan niya ito para haplusin ang kaniyang kakisigan. Mula dibdib ay pababa ito nang pababa. Damang-dama ko sa ’king mga palad ang makinis niyang balat—ang bawat hiwa ng kaniyang abs, ang kaniyang V-line, ang kaniyang kakisigan. Damang-dama ko ang init niya. Damang-dama ko rin ang mas lalong pag-init ng aking katawan.

“Pio…” usal ko.

Ang katawan ko naman ang sunod niyang hinaplos. Nahiya ako sa aking kapayatan, ngunit nang maglakbay ang magaspang niyang palad pababa sa ’king katawan ay parang nagkaroon ako ng kaunting kumpiyansa sa sarili. Kita ko sa mga mata niya kung paano niya ito kinahuhumalingan—sa kaniyang bibig na hindi matigil sa paggalaw, sa putol-putol niyang paghinga. Nanggigigil siya. Nanghihina ako.

Nang makarating ang mga kamay niya sa may balakang ko ay may inutos siya sa ’kin. “Turn your back.”

Sa hindi maipaliwanag ay kusa akong napasunod. Marahan akong tumalikod sa kaniya at humarap sa pader. Idinikit ko ang aking harapang katawan dito maging ang aking kanang pisngi. Sa nakasarang bintana ay pinagmasdan ko ang malakas na tilamsik ng ulan. Tulad ng panahon ay ayaw papigil ng puso ko sa pagwawala.

“Hands up,” muli niyang utos.

Sumuko ako sa akto. Parang isang kriminal, itinaas ko ang aking mga kamay nang nakadikit sa pader.

“That’s it.” Muli siyang lumapit sa ’kin. Naramdaman ko ang pagdaplis paitaas ng kaniyang pagkalalake sa ’king likuran. Hindi pa siya pumasok. Sa halip ay inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking batok. Nagpakawala ako ng mahinang ungol nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga, higit pa nang sinimulan niya itong halikan. Parang nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman ko.

“Pio…” Pangalan niya lang talaga ang kaya kong banggitin at wala nang iba.

Siya lang ang nagpapatakbo sa isip ko ngayon.

Siya lang ang nakapagpapagalaw sa ’kin.

Siya lang lahat.

Mas lalo pang dumiin ang kaniyang halik nang magawi ang kaniyang labi sa ibabang-gilid ng aking leeg. Sa paghigop niya sa ’king balat ay para akong mauubusan ng lakas. Mas lalong sumidhi ang aking pag-ungol… na agad ko rin namang kinontrol. Bagaman ay kaming dalawa lang ang may alam ng kasalukuyang nangyayari sa ’min, hindi ko pa rin maalis sa ’king sarili ang hiya.

“Oh, how I’ve waited for this moment,” aniya sa malalim na boses habang nakahawak sa magkabilang pisngi ng aking puwet. “I’m gonna go inside you now.”

Agad akong napapikit, pinakiramdaman ang magaspang na tekstura ng pader, ang lamig ng sahig sa ’king talampakan, ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kalamnan. Nang marinig ko siyang dumura ay parang napatalon ang puso ko. Hindi ko na siya kailangan pang tingnan para malaman kung ano ang kasalukuyan niyang ginagawa. Alam ko na kung saan ’to patungo.

“This may hurt,” aniya. “This will hurt.”

Mabuti at ngayon pa lang, inamin niya na. Alam kong hindi ako sasantuhin ng pagkalalake niya kahit gaano pa siya kaingat. Ang mga naging babae nga niya dati sa kabilang kuwarto ay dinig kong panay ang iyak at pagmamakaawa na tumigil siya. Ano pa kaya ako?

Nang maramdaman kong may dumampi sa pagitan ko ay nagsimula nang bumigat ang aking paghinga. Malamig, mabasa, at malagkit ang bagay na nararamdaman ko. Tumuloy-tuloy ito sa pagdulas papunta sa ’king lagusan.

“Aaron, relax your muscles,” utos niya. “Let me in.”

Sinubukan ko. Sadyang mahirap lang mag-relax. Pero ginawa ko ang makakaya ko. Pinapasok ko siya. Ngunit mas lalo lang akong kinabahan nang tuluyan nang makapasok ang ulo ng kaniyang pagkalalake sa ’kin. Muli akong napaungol.

“That’s it,” sambit niya habang mahinang umuungol din. “I’ll… I’ll keep pushing inside. Please keep it together, Aaron.”

Sumagap ako ng hangin at muling sinubukang mag-relax. Hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pag-usog ng matabang pangangatawan ng kaniyang pagkalalake sa ’king lagusan. Nagsisimula pa nga lang kami ay pakiramdam ko parang hindi na ako makakaabot pa sa dulo. Hindi ko maiwasang mapahalinghing nang dahil sa sakit. Hindi biro ang laki niya. Pero kinaya ko.

“O-Okay na ba?” nanghihina kong tanong.

“Forgive me, Aaron,” malumanay niyang sambit. “It’s only halfway through.”

“Ha?” Para akong naubusan ng pag-asa dahil sa ’king narinig.

Akala ko buo na?

Bakit gano’n?

Hanggang bituka pa ba aabot ’to?

Gusto ko pang mabuhay.

“Aaron, you’re trembling,” pansin niya.

“S-Sorry,” may pangangatal kong sabi.

“You know you can still stop me,” aniya. “Once I go all in, I may lose myself.”

Maluha-luha kong sabi, “I-Ituloy mo… Kakayanin ko…”

Putang ina, hindi ko na yata kaya.

Nang dahil sa narinig niya ay hindi na siya nagpapigil pa. Binanat niya sa magkasalungat na direksyon ang magkabilang pisngi ng aking puwet at maingat niyang pinadulas ang kaniyang kabuuan sa loob ko. Nagpakawala siya ng malakas na ungol. Habang ako, parang binibiyak, parang pinupunit. Ngayon ay hindi ko na kaya pang kontrolin ang aking malakas na paghalinghing nang dahil sa kirot at hapdi. Para akong kumain ng sandamakmak na siling labuyo. Nang imulat ko ang aking mga mata ay naramdaman ko ang pamumuo ng mga butil ng luha rito.

“Aaron, are you crying?”

“H-Hindi…” Pero naiiyak na ako.

“Am I too much?”

“Hindi…” Pero sobra na siya.

“Sure?”

“Oo.” Napakalmot ako sa pader. “Shit…”

“I’m gonna stay inside you for a while so you can get used to my size.”

Gaano ba katagal ang a while ?

At masasanay pa nga ba ako?

Puta, parang ayoko na.

Hindi ako mapakali. Napapataas na ang binti ko sa sobrang hapdi. Nagtatagisan na ang mga ngipin ko. Sana matapos na ’to—sana huwag muna. Ano ba talaga?

“Stop moving, Aaron,” saway niya sa ’kin. “You’re so tight, I’m gonna come sooner if you keep moving.”

Sinunod ko siya at natigil ako sa paggalaw.

“Pio…” mangiyak-ngiyak kong tawag sa ngalan niya.

“ Shh … It’s okay, it’s okay.“ Tinanggal niya na ang isa niyang kamay sa pisngi ng aking puwet at hinaplos ang ulo ko’t mahinang hinipan nang paulit-ulit. Sa bawat pag-ihip niya ay napapasabay din ako ng pag-ihip. “That’s it.” At unti-unti ay nakukuha ko na ang aking paghinga. “Good boy… You’re a good boy.”

Para akong natusok sa isang malaking tubo at hindi na makaalis. At wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang kapalaran ko, tiisin ang kalbaryo ko.

“Now, I’m gonna pull it back and push it in again,” pagbigay niya ng paalala. Muli akong naluha nang maingat niyang iatras ang kaniyang pagkalalake sa loob ko. “Relax… Just relax, Aaron. Don’t fight back… It’s only gonna hurt more if you resist.” Muli akong huminga nang malalim. “That’s it.” Muli kong sinubukang mag-relax… “Good.” Nang mag-relax. “I’m gonna go deeper now.” Hanggang sa muli akong napaungol sa sakit at napanguyngoy nang bumaon siya sa ’kin—mas mabilis na ngayon kumpara kanina.

Nauulol na ako sa sakit. “Pio…”

“ Shh …“ Bumilis na ang pag-atras niya ngayon. “You’re getting better at this.” At mas mabilis na rin ang pagbaon.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa sinabi niya kaya parang nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpatuloy sa pagkalma sa ’king sarili. Nagulat na lang ako at parang unti-unti nang nasasanay ang katawan ko sa sakit at hapdi. Unti-unti na akong nasasanay sa kaniya.

“I’m gonna dig deeper…”

“Pio?”

“… and faster.”

“Pio!”

Tumuloy-tuloy ang paglabas-masok niya sa ’kin. Habang tumatagal ay pabilis nang pabilis. Habang pabilis nang pabilis ay pasakit nang pasakit, pahapdi nang pahapdi. Parang hinahalughog ang lamanloob ko. Akala ko no’ng una, nasanay na ako. Hindi pa pala. Para akong nasa pagitan ng buhay at kamatayan. Hindi ko na mahabol pa ang aking paghinga. Parang nandidilim na rin ang paningin ko, o marahil ay tuluyan na talagang madilim ang paligid dahil sa pagsapit ng gabi. Hindi na ako nilalamig, bagkus ay pawis na pawis pa nga. Para akong hihimatayin sa sakit… pero hindi ko siya magawang pigilan… ayoko siyang pigilan…

“Don’t pass out on me, Aaron. I won’t forgive myself if you do.”

Nagising ang diwa ko nang dahil sa sinabi niya, pinilit na lakasan ang aking loob. Habang tumatagaktak ang pawis sa ’king mukha at nakatitig sa nakasarang bintana ay sinikap kong habulin ang aking paghinga. Tulad ng tilamsik ng ulan sa bintana ay tuloy-tuloy ang paghampas ng kaniyang katawan sa ’king likuran. Bawat tunog na likha ng banggaan ng aming mga balat ay napapadabog din ang aking dibdib.

Kay tagal ko siyang hinanap. Kay tagal kong inasam-asam na muli ko siyang makita, marinig, mahawakan. Pero higit pa ang nakuha ko… at wala na akong mahihiling pa.

Hinawakan ng naglalaparan niyang mga palad ang likod ng mga kamay kong nakalapat sa pader. Pinagyakap niya ang mga daliri namin. Tuluyang nagkaisa ang mga kamay namin.

“We’re a perfect fit—you and I.” Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa ’king mga kamay. Mas lalo ring sumidhi ang kaniyang paghagod sa ’kin. Naramdaman ko ang paglapit ng kaniyang mukha sa ’king mukha. “This is love, Aaron.”

Habang nakayuko siya ay pinag-abot niya ang mga labi namin. Sa ginawa niyang paghalik sa ’kin ay wala nang mapatunguhan pa ang mga halinghing ko kundi sa loob din mismo ng kaniyang bibig. Hindi tulad ng dati, hindi na siya amoy sigarilyo. Hindi na rin masama ang lasa ng kaniyang dila. Sa wakas, nakaramdam din ako ng tamis sa kabila ng lahat ng sakit.

Akala ko ay wala nang katapusan pa ang aking pagtitiis. Sa sobrang bilis ng kaniyang paghagod ay hindi ko na namalayan pa ang oras. Nalaman ko na lang na malapit na naming maabot ang tuktok ng langit nang mas lalo pa niyang binilisan, nang binilisan, nang binilisan ang paglabas-masok niya sa ’kin. Hindi rin nagtagal at naramdaman ko ang sandali niyang pagtigil habang bahagyang nakaatras ang kaniyang pagkalalake sa ’king lagusan. Bumuwelo lang pala siya. Nang muli niya itong ibaon ay umabot na sa sukdulan ang lalim. Muntik na akong mapasigaw, pero agad niyang hinigop ang aking boses sa kaniyang bibig. Hanggang sa maramdaman ko ang una niyang pagpapalabas sa loob ko. Sa ikalawa niyang pagbuwelo ay nagpigil ako ng hininga habang nakahalik sa kaniya. Ngunit hindi pa rin ako handa, dahil sa muli niyang pagbaon sa ’kin ay parang inaangat ang katawan ko pataas, parang pinipilipit ang aking bituka. Muling siyang nagpalabas, at mas lalo pang uminit ang aking loob. Hindi pa siya natapos sa dalawa. Sa huli niyang pagbuwelo ay para na akong hihimatayin kung hindi lang niya ako binigyan ng hangin sa bibig. Ito na ang pinakamalakas niyang pagbaon. Punong-puno na ang loob ko ngayon ng init. Kusa rin akong nilabasan nang dumaplis ang aking pagkalalake sa pader.

Natigil na kami sa paghalikan. Pareho kaming hapong-hapo sa nangyari. Parehong nanginginig ang aming mga kalamnan. Pareho kaming nagkatitigan sa isa’t isa. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa ’king pisngi. Tuloy-tuloy din ang padaloy niya sa loob ko. Hindi ako makapagsalita. Pinakiramdaman ko lang ang lahat—ang kaniyang katawan na nakadikit sa ’kin, ang kaniyang kalmadong mukha.

Ayoko nang mawalay pa sa kaniya.

Habang nasa loob ko pa rin siya ay ibinigkis niya ang magkabila niyang braso sa ’king dibdib at hinagkan ako, hinalikan ang aking ulo, at ipinatong ang kaniyang noo sa ibabaw nito. Muli kong naramdaman ang pagtama ng mainit niyang hininga sa ’king batok. Ngayong nandito na siya, hindi na ako nilalamig pa.

Pakiusap niya sa ’kin, “Please never let me go again.”

Chapter 31

Ang takot ko kinabukasan nang magising akong wala na si Pio sa tabi ko.

Magkatabi kaming natulog kagabi, sigurado ako. Kahit parang panaginip lang ang lahat, nagbalik nga talaga siya. Nakita ko siya, nakausap, nahawakan, naramdaman. Ngunit nang imulat ko ang aking mga mata ay mag-isa na lang akong nakahiga sa kama.

Agad ko siyang hinanap. “Pio?”

Nang sinubukan kong bumangon ay naramdaman ko ang bigat ng aking ulo, kaya hindi agad ako nakaahon. Ang mga mata ko ay parang nagliliyab. Ang aking panlasa ay mapait. Ang katawan ko ay pinagpapawisan ng malamig—ramdam ko ang lagkit ng pawis sa aking puting sando. Lubha akong nanghihina, parang dinadaganan ang katawan ko at hindi ako makaalsa sa kama. Namamaga rin ang tuhod kong nagasgas kahapon, at higit sa lahat, ang aking lagusan.

“Pio?” mangiyak-ngiyak kong sigaw habang inililibot ang tingin sa paligid.

Walang ibang sumagot kundi ang malakas na ihip ng hangin sa may pasilyo na dinig hanggang loob ng kuwarto. Ngayong umaga ay tila mas lalong naging bayolente ang panahon. Dinig na dinig ang paghampas ng hangin at pagtilamsik ng ulan sa nakasarang bintana sa ’king gilid. Nag-kulay abo rin ang paligid. Parang katapusan na ng mundo. At hindi ko pa rin mahanap si Pio.

Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Hindi niya naman siguro magagawa sa ’kin ’yon. Hindi niya naman siguro ako iiwan pagkatapos may mangyari sa ’min. Masyado lang magulo ang isip ko ngayon. Alam kong totoo ang nararamdaman niya para sa ’kin. Sadyang hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Wala akong ibang magawa kundi ang maluha habang paulit-ulit na tinatawag ang ngalan niya habang nakaratay sa kama.

Natigil lang ako sa paghahanap sa kaniya nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking kuwarto. Mas lalong lumakas ang tunog ng rumaragasang hangin at ulan sa may pasilyo. Paglingon ko roon ay nakita ko si Pio na basang-basa ang suot na itim na sando at navy blue na shorts. May dala-dala itong nakatiklop na payong sa kaliwang kamay at isang malaking eco bag sa kanang kamay.

“Aaron,” tawag niya sa ’kin nang makita akong tila nahihirapan.

Agad siyang pumasok sa loob at isinara ang pinto, dahilan para muling humina ang sigaw ng panahon.

“Pio…” may pangungulila kong sambit. Ngayong nakita ko na siya sa laman ay natapos na ako sa pag-iisip ng kung ano-ano.

“I’m here.” Inilapag niya na ang payong malapit sa may pintuan at naglakad papunta sa may lababo. Sa may lababo ay ipinatong niya ang eco bag at hinalungkat ito. “I’m sorry I left you,” aniya. “I didn’t mean to. I had to buy your medicine urgently. When I touched your face earlier, you were burning up. I also grabbed some food supplies from the nearest convenience store. Thank God they’re still open despite Signal No. 2.”

Lumabas siya kahit sobrang sama ng panahon? Paano kung may nangyaring masama sa kaniya?

“L-Loko ka…” may panghihina kong saad. “Akala ko iniwan mo na ’ko.”

“And why would I do that?” May pagmamadali siyang naglakad palapit sa ’kin. Nang makalapit ay pinunas niya ang likod ng kaniyang kamay sa damit at inilapat ito sa ’king noo; ang isa niyang kamay ay inilapat niya rin sa sariling noo. “God, you’re still burning up.”

“Ang sakit…” daing ko.

“I knew this would happen… I bought a painkiller for you.” Kinuha niya ang kanang kamay ko at lumuhod siya sa sahig, sa gilid ng kama. Paulit-ulit niyang hinalikan ang likod nito habang nagmamakaawa ang mga mata. “I’m so sorry, Aaron. I should’ve been gentler with you. I shouldn’t have gone rough. It won’t happen again, I pro—”

“Ang sakit ng ulo ko… ’tsaka ng tuhod ko…” pagsalungat ko sa tinutukoy niya.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. “R-Right…” Tumigil na siya sa paghalik sa ’king kamay. “Don’t worry…” Tumayo na siya. “I’ll take care of you.”

Nang maramdaman kong parang aalis na siya ay pinigilan ko siya sa kamay. “S-Saan ka punta?”

Bumalik siya ng tingin sa ’kin at ngumiti. “I’m gonna cook for us.” Sunod siyang yumuko at hinalikan ang aking noo, pagkatapos ay hinaplos-haplos ito gamit ang magaspang niyang palad. “I’ll never leave your side, Aaron.” Muli siyang tumindig. “Rest up. I’ll wake you up as soon as I’m finished.” Naglakad na siya papunta sa lababo.

Kumalma na ang aking mukha. Naging mahinahon na rin ang aking paghinga. Gayunpaman, ramdam ko pa rin ang pagliyab ng aking mga mata at ang nananakit na iba’t ibang parte ng aking katawan. Habang napipikit ako ay pinagmamasdan ko lang siyang kumikilos sa lababo. Bago tuluyang mahimlay ang aking diwa ay hindi ko mapigilang ngumiti.

Ang suwerte ko…


Na kay Pio na ang lahat—kaguwapuhan, kakisigan, at galing sa pagkanta. Muntik na sana siyang maging perpekto, kaya lang, mayroon siyang isang pagkukulang. Hindi tulad ni Mama ay hindi siya magaling magluto.

Sorry na. Alam kong wala ako sa posisyon para magreklamo. Pero siya lang ’yong masarap, hindi ’yong niluto niyang lugaw.

“Musta ang lasa?” usisa niya sa ’kin habang sinusubuan ako ng pagkain sa gilid ng kama. Nakapagpalit na siya ng damit ngayon kaya nagawa niya nang umupo sa tabi ko.

Pinilit kong lunukin ang lugaw na isinubo niya sa ’kin. “Masarap,” sabi ko. Maalat, hindi ko lang masabi.

Nagkaroon ng ngiti sa inosente niyang mukha. “Buti naman.” Muli niyang hinalo-halo ang lugaw sa loob ng mangkok. “Parang kulang pa nga yata sa asin. Dagdagan ko pa ba?”

“H-Hindi!” Hindi ko napigilan ang paglakas ng aking boses. Kita kong unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya, kaya na-guilty ako. Tumikhim ako bago tumuloy sa pagsasalita. “I-I mean, ’di na kailangan. Tama lang ang timpla. Ang sarap. Mmm .” Mapait akong ngumiti.

Nanumbalik ang ngiti sa labi niya. “Really?” Mas lalong bumilis ang paghalo niya sa mangkok. “Sabi na eh, magaling talaga ako magluto.” Sumandok siya ng lugaw sa kutsara at isinubo ito sa ’king bibig. “Ito pa o.”

Sinunod-sunod niya ang pagsubo ng lugaw sa ’kin. Akala ko’y nakakainom na ako ng tubig-dagat sa sobrang alat. Tumuloy-tuloy naman ako sa pagsubo. Wala nang reklamo. Lagok agad, mapasaya lang siya. Pero nangangalahati pa lang ang lugaw sa mangkok ay hindi ko na kinaya pa.

“O-Okay na,” sambit ko sa muling tangka niyang subuan ako. “Busog na ’ko.”

“Sure?” taka niya.

“Oo.” Nauubo na ako sa sobrang alat ng aking lalamunan. “T-Tubig, please.”

“Wait.” Pumunta siya sa may lamesa at inilapag ang mangkok sa ibabaw niyon. Sunod niyang kinuha ang isang baso ng tubig na nakapatong doon at muling tumabi sa ’kin. Inilapit niya ang baso sa ’king bibig. “Here.”

Ang laking ginhawa nang makainom ako ng tubig. Para akong uhaw na uhaw. Ganito ang pakiramdam tuwing natatapos akong maligo sa dagat na malapit sa bahay namin sa probinsya. Sa wakas, naitulak na pababa sa sistema ko ang lahat ng kaalatan ni Pio.

“How was I last night?”

Nasamid ako sa biglaan niyang tanong. Agad niya namang inilayo ang baso ng tubig mula sa ’king bibig at ibinalik ito sa pagkakalapag sa lamesa. Pagkatapos ay tumabi ulit siya sa ’kin at tinapik-tapik ang likod ko habang nauubo ako.

“Aaron, are you okay?”

Hindi ako okay. Hindi nga lang yata dahil sa naulanan ako kahapon kaya lubhang masama ang pakiramdam ko ngayon. Magang-maga ako dahil sa kaniya. Hindi lang ang mga mata ko ang parang nagliliyab kundi maging ang aking puwet. Kaya, hindi ako okay.

“O-Okay lang.” Naka-recover na ako sa pagkasamid ngayon. Nang punasan ko ang aking bibig ay naisipan kong ibahin ang usapan. “Suspended ba?”

Obvious naman. Aling school ang hindi magsusupende ng klase kahit Signal No. 2? ’Pag BPO siguro, tuloy pa rin. Lagi kong naririnig ’pag nakakasalubong sa hagdan ang mga daing ng ibang tenants dito sa fourth floor eh—’yong mga taga-call center. Kahit kasi umulan, bumaha, lumindol, tuloy pa rin sila sa trabaho. Buti at estudyante pa lang ako.

“Yes,” sagot ni Pio. “Buong araw mo ’kong makakasama.”

Hindi ko maitago ang ngiti ko kaya umiwas ako ng tingin. “ Hmm …“

“Buong araw din tayong mag—” Agad akong napabalik ng tingin sa kaniya nang dahil sa narinig. Kumurap-kurap ako. Lumunok. “—mag-uusap.”

Nakahinga ako nang maluwag. Hindi pa nga ako magaling, tapos…

Kumunot ang noo niya. “Why do you look so startled?”

“ U-Umm …“ Hindi ako makasagot.

Tumakas ang ngiti sa labi niya. Ipinuwesto niya na ngayon ang kaniyang mga paa sa kama at humiga sa tabi ko. Hinablot niya ang kumot na nakabalot sa ’kin at ibinalot din ito sa kaniyang katawan; magkadikit na ang mga braso namin ngayon na nakapatong sa ibabaw ng kumot. Sa sobrang haba at lapad ng katawan niya ay tila hindi sapat ang aking kama para sa ’ming dalawa. Hindi rin ito matigil sa pagtunog sa bawat galaw na ginagawa niya. “Why? Were you expecting to hear something?”

Mas lalong nag-init ang mga pisngi kong kanina pa talaga mainit pagkagising. “H-Hindi ah.”

“Sus.” Dumikit pa siya sa ’kin at tumagalid. Itinukod niya ang kaniyang siko sa unan niya at ipinatong ang gilid ng ulo sa ibabaw ng palad habang nangingiting nakatitig sa ’kin. “Gusto mo ba ng Signal No. 2?”

Parang napatalon ang puso ko sa ’king narinig. “H-Ha?”

“You know what I mean.” Nagtaas-baba ang kilay niya at lumapad din ang kaniyang ngiti.

“ U-Uh …“ Lumunok ako.

“Just kidding,” bigla niyang bawi. “I know you’re hurting in there, even if you don’t tell me.”

’Tang ina. Ang kaba ko.

“I’m sorry I’m big,” tuloy niya. “I’ve always wished I were average.”

At heto akong humihiling na sana ay nabiyayaan din ako tulad niya.

“O-Okay lang,” tipid kong tugon.

“I might be massive, but next time, you can tell me to stop, you know… if it hurts so much?” Kung may next time pa. Ngayon pa nga lang ay parang natu-trauma na ako. “I want you to enjoy the process, too. It’s not just about sex for me; it’s about our connection. It’s my way of expressing my love for you.”

Sa dinami-rami ng tao sa mundo…

“Bakit nga pala ako?” pag-iba ko sa usapan. Seryoso ko siyang tiningnan sa mata. “Bakit mo ’ko nagustuhan?”

Sumeryoso na rin ang kaniyang mga mata. “Well, first of all, you’re cute.” Pinisil niya ang ilong ko gamit ang isang kamay. “So cute.”

“’Yon lang?” Umaasa pa akong may marinig na iba. Wala kasi ako masyadong makitang maganda sa sarili ko. Kung naramdaman ko lang sanang buo ako no’ng bata pa lang, lalaki siguro akong puno ng kumpiyansa sa sarili.

“Aside from that, you’re innocently intimidating,” dagdag pa niya. “Your eyes are captivating and full of mysteries. I want to unravel them all.”

Ang galing niya rin maglaro ng salita, para akong naiihi.

“Weh?” may ngiti kong duda. “’Di nga?”

Bakit ba ang hirap kong paniwalain?

“You’re like the stars, Aaron…” Nalulunod na naman ako sa mga tingin niya, lalo na sa boses niyang kay lalim. “Like twinkle, twinkle, little star, how I wonder what you—” Mahina ko siyang hinampas sa tiyan. “— ugh !”

Seryoso na sana eh.

Bahagyang sumama ang tingin ko sa kaniya. “Ano ba ’yan…”

“W-Why? I’m serious, though,” tuloy niya. Nawala na ang asim sa mukha niya gawa ng paghampas ko sa kaniyang tiyan, at muli siyang nagseryoso. “You’re like the stars, Aaron. I’ve always wondered if I could reach you, touch you, or hold you. And now, here I am, in the same bed with you—”

“Bola,” sambit ko. “Hilig mo mambola.”

Tuloy niya, “Not only can I reach you, touch you, hold you…” Bigla niya akong ninakawan ng halik sa labi; mabilisan kaya hindi ako naka-react agad. “I can also kiss you.”

Putang ina. Maiihi na talaga ako nito sa kama.

“H-Hoy.” Binasa ko ang labi ko. “Ano ’yon?”

“Fast break,” tugon niya.

Hayop. Ginawa pa akong basketball.

“ Eeh … Huwag mo ’kong halikan,“ reklamo ko. “Baka mahawa ka sa lagnat ko.”

“I rarely get sick,” ang sabi niya naman. “I can kiss you a hundred times if you want.”

Lakas talaga.

Ilalapit pa sana niya ang kaniyang mukha sa ’kin pero agad ko itong pinigilan gamit ang aking kamay. “Foul.”

Tipid siyang natawa. “Ouch.”

Nahawa na rin ako sa ngiti niya. Muli kong ipinatong sa ibabaw ng kumot ang aking kamay. Hindi ko mapigilang mapakusot sa kumot.

“Eh ikaw?” tanong niya. “Bakit mo ’ko nagustuhan… bukod sa guwapo, handsome, at pogi ako?”

Taas talaga ng confidence niya. Siya na rin mismo ang nagsabi ng mga dapat ko pa lang sabihin. Oo, nakakahumaling ang taglay niyang kaguwapuhan, pero marami pa namang ibang dahilan para magustuhan ko siya. “ Um , siyempre, ano…“ Tumikhim ako. “Magaling kang… Magaling kang kumant—” Nasinok ako bigla.

Nanlaki ang mga mata niya sa putol kong sinabi, parang namangha.

“Kumanta!” mabilisan kong dugtong. “Magaling kang kumanta!”

Gagong sinok ’to, tinatraydor ako.

Bumuka ang bibig niya. “Ah…” walang boses niyang sabi. Nawala na ang pagkamangha sa kaniyang mga mata. Marahil ay hinihintay niyang marinig ang ratings ko sa performance niya, kaya lang, paulit-ulit kong binabago ang usapan. Baka mamaya kasi ay mapukaw na naman ang demonyo niyang pagkatao.

“Ang guwapo ng boses mo,” sabi ko.

Muling nagkaroon ng ngiti sa labi niya. “Really?”

Tipid naman akong ngumiti at tumango-tango. “ Mmm .“

“Then let me sing for you.” Tinanggal niya na sa pagkakatukod ang kaniyang siko at inalsa ang aking ulo sa unan. “Come here.” Sunod niyang ipinuwesto ang aking ulo sa ibabaw ng kaniyang bisig. Ngayon ay wala nang silbi pa ang unan ko dahil nakahiga ako sa mabukol, matigas, at maugat niyang bisig. Amoy na amoy ko ang kaniyang kabruskuhan at hindi ko rin maiwasang mapatingin sa mabuhok niyang kilikili. Tumikhim-tikhim siya bilang paghahanda. “W-What should I sing for you?”

“Kahit ano,” sagot ko nang mapahawak ako sa dibdib niya.

“Kahit ano?” ulit niya. “Sige, kahit ano.”

“Start na,” sabi ko.

Naramdaman ko ang pag-ugong ng kaniyang dibdib nang magsimula na siyang kumanta.

“Si Aaron, si Aaron…

“Nangisda sa karagatan.”

Tono ’to ng ‘Si Pilemon’ ah—’yong kantang pambata.

“ Nakahuli, nakahuli…

“Ng guwapong tambasakan.

“Pinasukan, pinasukan…

“Ang kuweba’y nagiba—ugh!”

Nakatikim na naman siya ng hampas sa tiyan mula sa ’kin.

“Ano ba ’yan? Sabi ko kumanta ka,” reklamo ko.

“Kumanta nga ’ko,” pilosopo niya namang sagot.

“Oo, pero ang pangit naman ng kanta mo.” Ibinalik ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib. “Huwag ’yan, dapat love song.”

“Love song?” ulit niya.

“Oo,” sabi ko. “Love song ah.”

Tumikhim ulit siya. Nang handa na ay muli siyang kumanta.

“Ikaw ang sagot…”

Sa wakas, ‘Ikaw Ang Sagot’ ni Tom Rodriguez na ang kinanta niya. Pero bakit chorus agad?

“… sa Piong malungkot.”

Puta, ba’t iba na naman ang lyrics?

“Bigyan ng kumot…

Tadtarin ng kanto—ugh!“

Nakatikim na naman siya ng hampas sa tiyan, mas malakas na ngayon.

“Ang bastos mo…” Bumalikwas ako ng pagkakahiga sa bisig niya at tumalikod sa kaniya. Ngayon ay ang maugat niya namang braso na nakaunat ang pinagmasdan ko. “Bahala ka nga diyan. Ayaw mo naman ako kantahan nang maayos…”

“Boss, sorry na.” Agad niya naman akong niyakap patalikod. Hinagkan ng kanang braso niya ang tiyan ko at idinikit ang aking katawan sa kaniya. Mukhang wala na ring silbi pa ang kumot dahil siya na rin mismo ang naghahatid ng init sa ’king katawan. “Sorry. Pinapagaan ko lang ’yong sakit mo.” Hinalik-halikan niya ang likod ng ulo ko. “Ayusin ko na.”

Hindi niya yata alam na napapangiti ako habang nakatalikod sa kaniya. Para akong tanga habang magkaipit ang mga labi. Nagpipigil lang din ako ng hininga para hindi niya mahalata ang totoo kong nadarama. Ang totoo niya’y sobrang akong natutuwa dahil bumabalik na ang kakulitan niya—ang isa pang side niya na matagal ko nang hindi nakikita.

“Ito na, boss… Promise, ayos na ’to…”

Muli siyang tumikhim, at nadama ko sa ’king likod ang pag-ugong ng nakadikit niyang dibdib nang magsimula siyang kumanta.

“Pa, da, da, pa-la-la-dam-da…

“Pa-la-la-lam, la-la-la, da…”

Wala akong maintindihan sa inaawit niya pero para akong tinatangay nito papunta sa ibang mundo. Kung gaano kainit ang yakap niya sa ’kin ay siya namang inilamig ng kaniyang boses. Kulay abo pa rin ang paligid. Tuloy-tuloy lang sa paghagupit ang bagyo. Dinig na dinig pa rin ang tilamsik ng ulan sa bintana, ang bulong ng hangin sa may pasilyo, ang tibok ng puso ko, ang tibok ng puso niya, ang kaniyang himig na nagpapakalma sa ’kin.

Parang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ay biglang nawala. Sa tabi niya, pakiramdam ko ay buo ako. Hindi ko na naisip pa kung ano ang mga susunod na mangyayari sa ’min pagkatapos nito. Sinulit ko na lang ang pagkakataon. Habang hinehele ako ng malamig niyang tinig ay hindi ko mapigilang mapapikit ng mata. At sa pagpikit ko ay naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.

Hindi ko alam na gumagawa na pala kami ng alaala. Ang tanging alam ko lang ay masaya ako sa piling niya.

Chapter 32

Kinabukasan ay nagising ako nang may maramdaman akong parang tumutuka sa ’king bibig. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nadiskubre ko na paulit-ulit palang idinadampi ng kayakap ko sa kama ang kaniyang labi sa ’king labi. Nang mapansin niyang gising na ako ay saka lang siya natigil.

“Good morning, Aaron,” may ngiting bati niya sa ’kin.

Ang sarap palang gumising kapag ganitong mukha ang bubungad sa ’yo sa umaga—isang Pio na nakangiti, may band-aid sa kanang pisngi.

“Morning,” may pagkaantok kong bati pabalik.

Himala, parang gumaan na ang pakiramdam ko ah. Hindi na nagliliyab ang mga mata ko at hindi na rin parang dinadaganan ang katawan ko. Tumalab ba ang gamot na ininom ko kahapon? O kaya ba ako gumaling dahil sa yakap niya? Alin sa dalawa?

“Musta? Masakit pa rin ba?” usisa niya.

Tumango-tango ako. “ Mmm .“

Wala na akong lagnat pero ’di pa rin maalis sa ’kin ang pananakit ng aking puwet. Sana naman ay gumaling na ako agad. Buti na lang at Sabado ngayon, walang pasok, kaya hindi ko pa poproblemahin ang paglalakad. At mabuti na lang, hindi pa rin humuhupa ang bagyo. Tulad kahapon ay maririnig pa rin ang malakas na ihip ng hangin sa may pasilyo maging ang malakas na tilamsik ng ulan sa nakasarang bintana sa gilid.

“Signal No. 2 pa rin ba?” tanong ko.

Sagot niya, “Nope, we’re now down to 1.”

“Ah,” tipid kong sambit.

Inilapat niya ang likod ng kanyang kamay sa ’king noo at pinakiramdaman ito. “ Hmm , wala ka nang lagnat?“

“Wala na yata,” tugon ko.

“Great.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Unli kiss ka sa ’kin ngayon.”

Sa paglapit ng mukha niya sa ’kin ay agad ko namang inatras ang aking ulo. “Hoy, huwag.” Tinakpan ko ang bibig ko.

“Why?” taka niya.

“M-Morning breath,” may hiya kong sabi.

“I don’t care.” Hinalik-halikan niya ang likod ng kamay kong natakip sa ’king bibig. “Come on. Isa pa… Isa lang…”

Isa lang daw pero nakakailan na nga yata siya habang tulog ako kanina.

Umiling-iling ako. “ Mm-mm …“

“Please?” Ngumuso siya. “Isa lang, boss.”

Muli akong umiling-iling. “ Mm …“

“Damot.” Sumimangot siya na parang bata. “Sige na nga.”

Dahil tila natigil na siya ay tinanggal ko na ang takip sa ’king bibig. Sa sobrang kampante ko ay hindi ako nakapaghanda nang mabilisan niya akong ninakawan ng halik. Pag-alis niya ng kaniyang labi sa ’kin ay sinabi niyang “One point.”

“H-Hoy.” Kay aga-aga, pinapainit niya agad ang pisngi ko. “Ikaw ah. Pang-ilang foul mo na ’yan.”

“Sorry, ref. ’Di na mauulit.” Ngayon naman ay ngumiti siya. “Gutom ka na?”

Tumango-tango ako.

“Sige, lutuan na kita.”

Agad ko siyang pinigilan sa pagtayo. “Ah, ano… ako na… ako na magluluto…” Pilit akong ngumiti.

Tumaas ang kilay niya. “Sigurado ka?”

“Oo.” Mas lalo pang naging pilit ang pagngiti ko. Ang totoo niyan, ayoko pang magka-kidney stones dahil sa alat ng luto niya.

“Kaya mo na kumilos?”

“Oo, sinat na lang ’to.”

“O-Okay.”


Kaya ko na palang tumayo. Paika-ika nga lang ako maglakad—kasalanan ni Pio, I mean ng alaga niya. Medyo hindi nga lang ako komportable gumalaw. Pero kaya ko namang tiisin ’to, basta lang hindi maalat ang agahan namin. Kagabi nga ay nag-cup noodles na lang kami. Ako talaga ang nag-suggest para hindi na ako mamroblema pa sa timpla ng luto niya. Mas maalat pa ang luto niya sa sabaw ng cup noodles eh.

Ang lababo kong wala halos laman sa maliit na dish drainer rack—kundi isang pinggan, isang baso, isang pares ng kutsara’t tinindor—ay biglang nadagdagan. Ngayon ay para na ito sa dalawahang tao. Nakakapanibago ngang makakita ng mini gasul sa kaliwang-gilid ng lababo at ng mini rice cooker sa kanang-gilid. Wala naman kasi ako ng mga gamit na ’to. Sa mga pagkain lang sa karenderya at sa siomai rice sa labas ako madalas nabubuhay.

“Pio, ang bilis mo naman yatang nailipat mga gamit mo?” tanong ko kay Pio na kasalukuyang umiihi sa banyo. “Kailan pa?”

“Ha?” dinig kong sabi niya. Dinig ko rin ang paglagaslas ng ihi niya sa toilet. “Anong gamit?”

Kumunot ang noo ko habang naggigisa ng bawang sa kawali na pagmamay-ari niya. Sagot ko, “’Yong mga gamit mo—’yong sandok, kawali, condiments, pinggan…”

“Ha?” Natigil na ang paglagasgas ng ihi niya ngayon. “Hindi ko naman nilipat mga gamit ko sa apartment eh.”

“Eh bakit sabi ni—?” Sandali akong natigil sa paggalaw ng sandok, napatitig sa kawalan.

Sigurado akong sinabi ni Manang Lucy dati na dinala ni Pio ang mga gamit nito nang umalis ito noon.

“What?” Lumakas na ang boses ni Pio ngayon, nakalabas na yata siya ng banyo. “I never moved my things—just my uniforms and bag. I always knew I would come back here. I never even surrendered my keys to Manang Lucy,” sabi niya. “Why?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ’king narinig.

Nagsinungaling ba si Manang Lucy sa ’kin noon? Bakit? Anong intensyon niya?

“W-Wala.” Tumuloy na ako sa paggigisa. Hindi pa rin maalis sa ’kin ang pagtataka kung bakit iyon nagawa ni Manang Lucy. Balak niya ba talagang paglayuin kami ni Pio? Gano’n ba siya katutol sa ’min? Bakit?

Maya-maya pa nang may maramdaman akong mga kamay na naglakbay sa magkabila kong beywang at nagtagpo sa ’king tiyan, nag-lock ang mga ito. Hindi ko namalayan na nakulong na pala ako sa mainit na yakap ng malaking lalake sa ’king likuran. Uminit ang aking pakiramdam.

“Bakit, boss? Natakot ka ba no’ng nawala ako?” tanong ni Pio sa ’kin. “Na-miss mo ko nang sobra, ’no?” Naramdaman kong yumuko siya at sinusubukang ikiskis ang kaniyang kaliwang pisngi sa ’king pisngi. “’No?”

Jusko, napaka-clingy na tao.

“Hoy, alis.” Hindi ko nasagot ang tanong niya. Pero alam ko naman sa loob ko ang totoo. Oo, na-miss ko siya nang sobra. “Masunog ’tong niluluto ko dahil sa ’yo, sige ka.”

“Okay lang yan, boss. ’Di naman kita guguluhin.” Pero sa ginagawa niya ay naguguluhan ako. “Ano ’yan?”

“Alis na,” sabi ko, pero hindi siya nagpatinag. Tuloy pa rin siya sa pagyakap sa ’kin habang kaliwa’t kanang pinapagalaw ang aking katawan na parang puno ng kawayan.

“ Mmm . Bango-bango naman niyan,“ aniya. “Talap-talap.”

Habang magkadikit ang aming mga katawan ay naramdaman ko ang paglaki niya sa ’king likuran.

“Gago, ’yong bukol mo,” daing ko. “Talap ka diyan.”

“Hindi ah. Morning wood lang ’yan, boss.”

Jusko, napakalibog na tao.

“Ah, gano’n?” sabi ko. “Wala kang morning food.”

“Sorry, boss. Aalis na nga.” Pinakawalan niya na ako at sa lamesa ay naghintay habang nakangiting nakamasid sa ’kin. Para siyang bata na matiyagang naghihintay ng pagkain sa hapagkainan.

Nang matapos sa pagluluto ay sabay naming pinagsaluhan ang ginisang sardinas na may kanin. Medyo matabang daw sabi ni Pio, pero inubos niya pa rin kasi tiningnan ko siya nang masama. Masarap ako magluto ng ginisang sardinas. Mula pagkabata ba naman ay ito ang paulit-ulit kong niluluto para sa sarili, dahil hindi na ako mapaghandaan pa ni Mama ng hapunan tuwing nasa palengke ito. Panlasa na ni Pio ’yong may problema, hindi ’yong luto ko.

Kung anong alat ng pumapasok sa bibig niya ay siya namang tamis ng mga salitang lumalabas mula rito. Nilalanggam na ako.


Suspendido ang klase hanggang Martes—araw na nakaalis na ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility. Pagsapit ng Miyerkules ay tapos na ang maliligayang araw namin ni Pio; tuloy na ulit ang klase. Sa may pasilyo ay makikita ang mga nagkalat na dahon. Bahagyang nagpakita na ulit ang araw sa kalangitan. Nagpakita na rin si Manang Lucy na nagkulong sa kuwarto nito noong bagyo. Nadatnan namin itong nagwawalis sa may pasilyo ng first floor nang sabay kaming bumaba ni Pio ng building.

“O, Pio, bumalik ka pa?” tanong niya. Sa sinabi niya ay parang hindi yata siya masaya na nagbalik si Pio.

Sandali kaming natigil ni Pio sa paglalakad nang makababa sa hagdan, sa tapat ni Manang Lucy.

“O-Opo,” sagot ni Pio kay Manang Lucy habang nakaakbay sa ’kin. “No’ng nakaraan lang po.”

Napatitig si Manang Lucy sa braso ni Pio na nakaakbay sa ’kin. Sunod siyang tumingin sa ibaba ng aking leeg. Wala talagang nakakatakas sa mga mata niya. Agad ko namang tinakpaan ang aking leeg nang mapagtantong hinigop nga pala ito ni Pio nang may mangyari sa ’min. Malamang ay nag-iwan na naman ito ng marka.

Kita ko sa mga mata ni Manang Lucy ang pag-aalala. Marahil ay takang-taka siya sa mga nangyayari. Parang kailan lang nang paulit-ulit akong pumapasok sa school nang may namumugtong mga mata at umuuwi rito sa apartment building nang may lugmok na mukha, tapos ngayon ang sigla-sigla ng mukha ko. Hinuhusgahan ako ng mga mata niya. Sigurado akong hindi siya masaya para sa ’kin.

“G-Gano’n ba?” Palipat-lipat siya ng tingin kay Pio at sa akin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila may bahid ng lungkot sa kaniyang mga mata.

Bakit ba siya ganiyan?

“Ay, wait lang, Aaron,” singit ni Pio. “I forgot our helmets.” Bumitiw ng akbay si Pio sa ’kin. “I’ll be back.” Pagkatapos ay tumakbo siya paakyat sa hagdan.

Kaming dalawa na lang ni Manang Lucy ang naiwan ngayon sa may pasilyo. Siya ay may hawak na walis. Ako naman ay may hawak na leeg.

“Aaron,” bigkas ni Manang Lucy nang lumapit sa ’kin, “okay na kayo ni Pio?”

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Kung sasabihin kong oo, ano kaya ang isasagot niya? Na hindi na ako natuto? Sa nalaman ko pa nga lang na nagsinungaling siya noon na dinala ni Pio ang mga gamit nito nang umalis ito ay halata nang tutol ito sa ’ming dalawa. Sa simula’t sapul pa lang ay tutol na siya. Sa simula pa lang ay binantaan niya na ako. Marahil ay alam niya na sa simula pa lang na lalapitan ako ni Pio kapag nakita ako nito. Marahil ay kilala niya rin si Mona, ’yong kamukha ko. Marahil ay hindi marahil. Malamang.

Naglakad pa siya palapit sa ’kin. “May namamagitan na ba sa inyo ni Pio?”

Hindi pa rin ako makaimik. Hindi ko pa rin alam kung anong isasagot ko. Hindi ko naman yata kailangang sagutin ang tanong niya.

Hinawakan niya ang isa ko pang kamay na nakalaylay. Nang bitiwan niya ang walis sa sahig ay ipinatong niya ang isa pa niyang kamay sa ibabaw ng kamay ko. Ang banayad ng kamay niya. “Nag-aalala ako para sa ’yo, Aaron.”

Nagtaka ako sa sinabi niya.

Nag-aalala? Ano bang dapat niyang ipag-alala? Ayos na ako eh. Ayos na kami ni Pio.

“Pakiramdam ko,” tuloy niya, “masasaktan ka rin tulad ko.”

Kumunot ang noo ko. “Ho?”

“Aaron, sigurado ka ba kay Pio?” malumanay niyang tanong.

Kumurap-kurap ako. Hindi na ulit ako nakasagot pa.

Tuloy niya pa, “At sigurado bang sa ’yo si Pio?”

Mas lalo akong hindi nakasagot. Wala akong maintindihan. Bakit niya ba naitatanong ’to?

Wala na sina Pio at Mona. Hindi na sila maaaring magkabalikan ulit dahil sa pangako ni Pio sa dad ni Mona. Marahil ay hindi niya alam ang bagay na ’to kaya niya nasasabi ang lahat ng ’to.

At isa pa, gusto ako ni Pio. Gusto ko rin si Pio. At sinsero ang nararamdaman ni Pio para sa ’kin. Gano’n din ako kay Pio. Wala nang hahadlang pa sa nararamdaman namin para sa isa’t isa. Kaya wala rin akong dapat ikabahala. Walang mangyayaring masama sa ’min.

“Sige,” aniya, “kung totoo ang nararamdaman n’yo para sa isa’t isa, hindi na ako tututol pa.” Tipid siyang ngumiti, isang ngiting may halong lungkot. “Basta, kapag dumating ang araw na hindi inaasahan, nandito lang ako para sa ’yo. Pero hinihiling ko na sana ay hindi dumating ang araw na ’yon, Aaron. Hangad kong maging masaya ang istorya ng pag-iibigan n’yo. Hangad kong maging masaya kayong dalawa hanggang dulo.” Tumingin siya pababa, ang mga mata ay tila naluluha. “Hangad kong hindi ka matulad sa ’kin. Hangad kong hindi kayo matulad sa ’min.”

Matapos ang mga sinabi niya ay sinikap niyang pigilan ang sarili na maging emosyonal. Muli niya akong tipid na nginitian. Pagkatapos ay tinanggal niya ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa ’king kamay. Pinulot niya na ang walis at tumuloy sa paglilinis ng pasilyo, habang ako ay nakatulala lang. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang dahil sa mga sinabi niya ay parang bigla akong nagkaroon ng pangamba. Hindi ko maalis ang takot sa mga maaaring mangyari sa hinaharap.

Nang isunod ko sa kaniya ang aking tingin ay may napansin akong litrato na nalaglag mula sa bulsa ng kaniyang duster habang nakayuko siyang nagwawalis sa tapat ng Room 102. Sa pagkakatanda ko ay nakita ko na siya dati na may yakap-yakap na litrato sa dibdib habang maluha-luha ang mga mata. Nang dahil sa kuryosidad ay nilapitan ko iyon, habang siya ay nakaabot na sa pagwawalis sa tapat ng Room 104. Nang pulutin ko ang wallet size na litrato sa sahig at tingnan ito ay nagulat ako sa tumambad sa ’kin…

Lumang larawan ito ni Manang Lucy no’ng dalaga pa ito, at may kasama itong kapwa babae sa litrato na tila kasintahan.

Chapter 33

Sigurado akong magkasintahan ang dalawang dalaga sa litrato. Magkatinginan sila sa isa’t isa at parehong may ngiti sa labi.

Ang dalaga sa kaliwa ay ibang-iba na sa kasalukuyan nitong itsura. Dati ay sobrang kinis ng mukha nitong morena, ang buhok ay itim na itim at abot hanggang balikat ang haba, ang mata ay puno ng buhay. Kung hindi nga lang dahil sa nunal malapit sa bibig ay hindi ko makikilala na ito si Manang Lucy. Sobrang layo na kasi sa kasalukuyan. Kulubot na ang mukha ni Manang Lucy ngayon, namumuti na ang mga buhok na mahaba at laging nakatali, ang mata ay parang laging puno ng lumbay—na para bang mayroon itong malungkot na nakaraan.

At sino kaya itong dalaga sa kanang bahagi ng litrato? Maputi, matangos ang ilong, ang labi ay mapula, at maalon ang buhok. Mukhang yayamanin dahil may alahas sa leeg at mas magara ang kasuotan kaysa kay Manang Lucy. Ni kahit isang beses ay hindi ko pa nakikitang may dumalaw kay Manang Lucy na may hawig sa babaeng ’to.

Kaya ba tumandang dalaga si Manang Lucy dahil sa kapwa babae ito nahuhumaling?

Anong nagyari sa kaniya at nag-iisa siya ngayon?

Anong nangyari sa kanilang dalawa?

Anong maaaring mangyari sa ’min ni Pio para matulad kami sa kanila?

Kahit sobrang dami ng mga katanungan sa ’king isipan ay sandali ko na munang winaglit ang mga ito. Naglakad ako palapit kay Manang Lucy na nasa tapat na ng Room 105 ngayon. Tumikhim ako bago magsalita. “ Um , Manang Lucy…“

Natigil siya sa pagwawalis at napatingin sa ’kin habang nakayuko. “ Hmm ?“

“S-Sa inyo po ba ’to?” tanong ko kahit halata naman. Itinaas ko ang litrato. “Napulot ko po sa sahig.”

Nang ipasok niya ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa ng kaniyang duster ay nanlaki ang mga mata niya. Marahil ay napagtanto niyang nahulog niya ang bagay na lubhang mahalaga sa kaniya. May panginginig-kamay niyang hinawakan ang litratong hawak ko. Nang makita ang nilalaman ng litrato ay tuluyan niya na itong kinuha mula sa ’kin. “S-Sa ’kin nga.” May pagkailang siyang ngumiti. Pagkatapos ay agad niyang isinilid sa kaniyang bulsa ang litrato. “S-Salamat, Aaron.” Hindi siya makatingin nang diretso sa ’kin.

Tipid lang akong ngumiti at tumango bilang tugon.

“Boss Aaron!” boses ni Pio. Paglingon ko sa kabilang dulo ng pasilyo ay nakita ko itong may hawak na dalawang helmet sa magkabilang kamay. “Tara na!”

Ibinalik ko ang aking tingin kay Manang Lucy at nagpaalam na ako. “ Um , papasok na po kami.“

“Sige, Aaron. Ingat kayo ah,” ani Manang Lucy.

“Salamat po.”

Sinundan ako ng tingin ni Manang Lucy habang mabilis akong naglalakad papunta sa direksyon ni Pio. Nang makarating na ako kay Pio ay sumaglit ako ng tingin kay Manang Lucy. Nagkatitigan kami sa isa’t isa. Tila nakikita niya ang sarili niya sa ’kin noon. Ako naman ay hindi makita ang sarili sa kaniya.

Kung ano man ang nangyari sa kaniya noon, sisiguraduhin kong hindi mangyayari sa ’kin ’yon sa hinaharap.

Sa tapat ng motor ni Pio ay sandali kaming natigil.

“Helmet mo.” Inabot niya sa ’kin ang isa sa mga hawak niyang helmets.

Kinuha ko ito mula sa kamay niya, kumunot ang noo. “O, bago?”

“Yes, boss,” sagot niya habang isinusuot ang itim niyang helmet sa kaniyang ulo. “In-order ko ’yan no’ng ’di mo na ’ko pinapansin. Sabi ko, ’pag tayo nagkapansinan ulit, ihahatid-sundo na kita palagi.” Ngumiti ang mga mata niya. “Ayos ba, boss?”

“Anong nangyari do’n sa pink—?”

“Tinapon ko na, boss,” agad niyang sagot. “Ikaw na nagmamay-ari sa ’kin ngayon.”

Heto na naman siya. Ang aga-aga, ganito na agad mga linyahan niya. Nakakapanghina.

Nang matapos na siya sa pagsuot ng kaniyang helmet ay kinuha niya naman ang hawak kong helmet at siya na mismo ang nagsuot nito sa ’kin. Matapos itong isuot sa ’king ulo ay sinabi niyang “Ayan, hindi ka na pink ranger—yellow ranger ka na ngayon.” Kumanta siya, “ Go, go, Power Rangers. “

“Dilaw? Talaga ba?” sambit ko. “’Di ba, babae ’yong yellow ranger?”

“Oo nga,” saad niya. “Kaya nga ’yan pinili kong kulay.”

“Hindi naman ako babae eh.” Umiwas ako ng tingin. Pabulong kong sabi, “Puwede namang blue. Favorite ko blue…”

Maya-maya pa nang maramdaman kong may humawak sa ’king likod at alak-alakan. Kusang tumiklop ang katawan ko at umangat sa ere. ’Yong lokong Pio, bigla pala akong binuhat. “You’re my girl.”

Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. “H-H-Hoy.”

Humakbang pa siya palapit sa motor at pinaupo ako sa likod ng upuan nito—upong pambabae. Matapos ay may kinuha siya sa bulsa ng kaniyang pants—isang bagay na kasalukuyang nakadikit sa kaniyang pisngi.

“Band-aid, boss,” aniya habang tinatanggal ang cover nito. “Tingala, boss.”

Tumingala ako, napatitig sa guwapo niyang mukha. “Prepared na prepared ka talaga, ’no?”

“Sa ’yo lang, boss. Sa ’yo lang ako prepared.” Nambola pa nga habang itinututok ang band-aid sa ’king leeg. “Ayoko sanang takpan ’yong marka ko sa ’yo eh, kaso baka pagtinginan ka ng mga tao. Ayokong tinitingnan ka ng iba…”

Lumunok ako. “Edi wow.”

“Lalong-lalo na no’ng Nas Daily na ’yon.” Naramdaman ko ang pagdikit ng band-aid sa ’king leeg.

Kumunot ang noo ko. “Sinong Nas Daily?”

“’Yong Nas na daily mo kasama.” Pinatag niya ang band-aid sa ’king leeg. “’Yong kapatid ni Jason Mraz.”

“Ah, si Jonas?” hula ko.

Nang matapos sa pagdikit ng band-aid ay tumindig na siya. “Jonas?”

“Oo, ’yong guwapo kong kaklase?” hindi ko sinasadyang mabanggit.

Biglang nagsalubong ang magkabila niyang kilay sa narinig. “Anong guwapo?”

“H-Ha?” Kahit ako ay hindi makapaniwala sa ’king nasabi.

“May gusto ka ba ro’n?” seryoso niyang tanong.

“Ah, w-wala ah…” sabi ko. “Wala… Kaklase ko lang ’yon…”

“Kaklase? Kaya pala nag-kiss kayo sa convenience store noon?”

Lagot. Naungkat na ang nakaraan.

“Hoy, aksidente lang ’yon. Si Bona may gawa no’n.”

Nagpamewang siya. “Kinilig ka naman?”

“H-Hindi ah,” may panginginig-boses kong tanggi.

“Sus. Kita kong kinilig ka eh.”

“Hindi nga.”

Sandali siyang natahimik.

Maya-maya pa ay muli siyang nagsalita. “Huwag ka ngang lapit nang lapit do’n. May gusto ’yon sa ’yo eh.”

“W-Wala ah,” tanggi ko.

“Meron,” diin niya. “Halata naman eh.”

“Wala nga.”

“ Tch .“ Sumampa na siya sa motor ngayon. Sunod niyang binuhay ang makina nito. “ Ikaw na. Ikaw na nga, “ sabi niya sa ipit at tila naiinis na boses. “ Heh .“ Naalala kong dati na nga pala niya kaming nakita ni Jonas na nagbibigayan sa pagpasok sa pintuan ng aming classroom. “Dami n’yong alam.”

“Hoy, ano ka ba?” Inayos ko na ang aking pagkakaupo sa likuran niya. Bumikaka ako, at naramdaman ko ang bahagya na lang na pamamaga ng aking puwet. Mabuti na lang at tumalab ang painkiller. Niyakap ko na siya sa kaniyang abs. “Ano bang pinagsasabi mo? Male-late na tayo. Andar na!”

“Hindi.”

“Ha?”

“Sabihin mo muna… Sino mas pogi sa ’ming dalawa?”

Heto na naman ang tanong na ’to.

“Ano?”

“Sino mas pogi sa ’min ni Nas Daily?”

“Dami mong alam. Late na tayo!”

“’Di ako magda-drive hangga’t ’di ka sumasagot.”

“Ano ba ’yan…”

“Sinong mas pogi sa ’min?”

“Oo na, ikaw na!”

Muli siyang natahimik. Ramdam ko ang paggalaw ng kaniyang tiyan—na parang nakiliti siya sa kaniyang narinig. Maya-maya pa nang tumuloy siya sa pagsasalita.

“Kapit nang mahigpit,” aniya. “Sa ’kin ka lang puwedeng mahulog.”


Lumiban sa klase ang taong sinasabi ni Pio na huwag ko dapat lapitan—si Jonas, aka Nas Daily. Akala ko no’ng una ay male-late lang ito sa unang subject. Iyon pala ay may lagnat kaya hindi nakapasok. Mabuti na lang at wala na sina Briones at Castro. Payapa na ang buhay ko sa unang row. Medyo malungkot nga lang kasi wala akong makausap.

Maging sa lunchtime ay wala akong kasabay kumain. Sa canteen na lang ako kumain kasi nakakatamad lumabas. Matapos kumain ay sa isang bench malapit sa covered gym ako nagpatunaw. Tinitigan ko lang ang mga hantik na naglalakbay pataas sa puno ng mangga sa gitna. Naka-relate ako sa isang hantik na paika-ika maglakad.

“Hi, Aaron.”

Natigilan ako sa pagtitig sa mga hantik nang may marinig akong malambing at malumanay na tinig, malapit lang sa ’kin. Paglingon ko sa ’king kaliwa ay nakita ko ang pinanggalingan ng boses. Walang iba kundi si Mona. Umupo pala siya sa tabi ko. Hindi ko maiwasang mapatulala sa ganda niya, at hindi ko maiwasang mabanguhan sa kaniyang amoy.

“A-Ate Mona,” banggit ko.

Hinawi niya ang kaniyang buhok sa may tenga. Ang kaniyang mukha ay bahagyang natamaan ng sikat ng araw kaya nagliwanag ito. “Tapos ka na mag-lunch?”

Hindi ako makapaniwalang muli ko siyang nakausap. “O-Opo.” At hindi ko maiwasang magpakumbaba sa presensya niya.

Kailan lang nang tila sobra-sobra akong nainggit sa kaniya nang inakala kong para sa kaniya ang spotlight no’ng Mr. and Ms. J.A.M.A., pero ngayong kaharap ko na siya ay tila nawala ang lahat ng pagkamuhi ko sa kaniya. Ganito kabait ang kaniyang mukha. Ganito ang epekto ng isang Mona.

“Good.” Tipid siyang ngumiti. “I’ve been meaning to talk to you.”

“T-Tungkol saan po?” Inayos ko ang aking pagkakaupo at pinunasan ko rin ang aking bibig sa takot na baka ay may natira pang sarsa galing sa menudo na kinain ko kanina lang. Nakakahiya naman kasi, ang linis-linis ng mukha niya.

“I’ve heard about it from Dad,” sabi niya. “Ni-report mo raw ang mga kaklase mong nambabastos ng mga babae—sa ’kin?”

Kumurap-kurap ako. “ U-Um , opo.“

“That was very courageous, Aaron. You’re so brave,” saad niya. “You did something no one has ever done before in this academy.”

Tumingin ako pababa sa hiya. “ Uh , w-wala po ’yon.“ Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa papuri niya sa ’kin. “Ginawa ko lang po ang tama. Hindi ko na po kasi kayang tiisin pa ’yong mga pambabastos nila sa inyo. Sobra na po kasi.”

Tugon niya, “I know, right? This campus is full of men. I would be lying if I said I’m already used to all the catcalls and names they call me. I can’t figure out if I’ve ever done something wrong. No matter what I wear, no matter how I dress, some men still sexualize me behind my back. Good thing my father is the dean of this school. No one would dare harass me face to face.”

Hindi ko nga rin alam kung paano siya nagagawang bastusin ng mga hayop na lalake tulad nina Briones at Castro. Napakabait niyang tao.

“Kaya nga po eh,” tipid kong sambit.

“Anyways,” sabi niya, “thank you, Aaron.”

Tumango ako. “Wala po ’yon.”

“I mean it, Aaron. Thank you so much for standing up for women like me.”

Ngumiti ako at muling tumango. “Walang anuman po.”

Idinampi niya ang malambot niyang palad sa likod ng kamay ko na nakahawak sa ’king tuhod. “You know what, I had always wished I had a brother—someone who could defend me and someone I could talk to.”

Hindi ko alam ang isasagot, kaya tipid na lang akong ngumiti bilang tugon.

“May ate ka ba, Aaron?” usisa niya.

“Ah, wala po,” sagot ko. “Mag-isa lang po ako. Solong anak po ako.”

“Oh, really?” Ngumiti ang mapupungay niyang mga mata. “Pareho pala tayo?”

Sa hindi maipaliwanag ay parang napalagay ang loob ko sa kaniya, na para bang close kami, kahit ito palang ang ikalawang beses na nag-usap kami nang masinsinan. Hindi lang pala sa itsura kami may pagkakapareho, pareho rin kaming solong anak.

Lumapad ang ngiti ko. “O-Opo,” sabi ko. “Lagi ko rin pong hinihiling na sana ay may ate ako. Nakakalungkot din mag-isa. Kaya madalas, sa pinsan ko po ako nakikisama.”

“Right?” Lumapad din ang ngiti niya. “I was always alone when I was a kid. I play alone. I sleep alone. I watch TV alone. My mom and dad used to fight before. You see, my dad, he used to be a—” Tumikhim siya, hindi tinapos ang dapat sabihin. “But thankfully, he changed.” Ipinatong niya ang isa pa niyang kamay sa ibabaw ng kamay ko. “Aaron, can you be my little brother?”

Natulala ako sa sinabi niya, hindi makapaniwala. “Po?”

“ Um , I mean, like a little brother,“ pagklaro niya. “I can also be like your sister.”

Paano ako tatanggi sa ganitong offer? Habang ang ibang tao ay patay na patay na malapitan si Mona, makausap, heto akong hinahawakan niya sa kamay. At higit pa sa kaibigan ang alok niya. Bakit ako tatanggi?

Banat na banat na ang bibig ko sa kakangiti. Tumango-tango ako. “O-Oo naman po… Ate.”

“Great!” may pagkatuwa niyang sabi. Tinanggal niya na ang pagkakahawak sa ’king kamay. Maingat niyang ipinuwesto ang kaniyang mga kamay at pinagpatong sa ibabaw ng kaniyang navy blue na pants. “Aaron, you’re my little brother from now on.”

Nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung saan titingin. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan na ito na ang turing niya sa ’kin ngayon—na parang kapatid.

“By the way, Aaron, do you remember what I last said to you?” bigla niyang singit.

Napatingin ako sa mukha niya. “Po?”

“Sabi ko noon, marami pa akong gustong itanong sa ’yo,” pagpapaalala niya sa ’kin. “Can I ask you those questions now?”

Naaalala ko na. Nasabi niya nga ito no’ng nagkapaalaman kami sa isa’t isa sa pasilyo no’ng araw na nabangga ko siya. Ano naman kaya ang mga gusto niyang itanong? Tungkol saan? Tungkol kanino?

“O-Oo naman po.” Binasa ko ang aking labi.

“Magkakilala ba kayo ni Pio?” diretso niyang tanong.

“Po?” Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ay tungkol sa ’kin na ang itatanong niya—tungkol sa pagkatao ko. Pero hindi pala.

“Ah, kasi,” aniya, “nakita ko kayo dating magkasabay na pumasok sa school. Nakaangkas ka sa motor niya.”

“Ah…” Muli kong binasa ang aking labi. “Ano po…” Inipit ko ang aking mga labi, hindi alam kung anong sasabihin. Paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo? Sa kasalukuyan ay higit pa sa magkakilala kami ni Pio. “K-Kapitbahay ko po si Pio. Magkatabi po kami ng kuwarto.”

Bahagya siyang napanganga. “Ah, I see… That’s why…” Bahagyang kumunot ang makinis niyang noo. “Did he also allow you to wear my helmet before?”

“ Um …“ Sa puntong ito ay mas lalong hindi ko alam ang isasagot. Habang tumatagal ay mas lalong nababawasan ang ngiti sa labi ko. Ang hirap sagutin ng mga tanong niya, kahit napakadali lang talaga ng sagot.

“By the way, Pio used to be my boyfriend,” pagbibigay batid niya, kahit alam ko naman na ito matagal na. “He used to drive me to school and back, and I used to wear that helmet—the pink one.”

“S-Sorry po,” hindi ko maiwasang sabihin.

“It’s okay, Aaron.” Ramdam kong tila hindi na sinsero ang kaniyang ngiti ngayon, batid ko ito sa mga mata niya. “I’m just not used to seeing someone with what used to be mine.”

Chapter 34

Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng narinig. Parang hindi ito nanggaling sa mabait niyang bibig. Parang hindi ito ang Mona na una kong nakilala. O marahil ay nagkamali lang ako ng kilala sa kaniya sa simula? At si Pio ba ang tinutukoy niya? O ’yong helmet? Alin sa dalawa?

“Don’t get me wrong, Aaron,” biglang bawi niya habang pinananatili ang ngiti sa kaniyang labi. “I’m only referring to the helmet.”

Bahagyang lumuwag ang aking paghinga. Mabuti na lang at helmet lang pala ang tinutukoy niya. Ayoko talagang sumama ang loob niya sa ’kin. “S-Sorry po, Ate Mona. Hindi ko po alam.”

“No, don’t be sorry, Aaron,” aniya. “I’m just curious as to why he did that—letting you wear it.” Ipinuwesto niya patalikod ang makinang niyang buhok na nakasayad sa kaniyang dibdib. “He had never treated anyone else that way before, not even the other girls whose emotions he played with. That’s how much he values me.”

Totoo ba? Eh bakit ginawa ni Pio kahit hindi pa kami lubusang magkakilala noon? Pinasuot niya sa ’kin ang helmet at pinaangkas niya ako sa motor.

“Um…” Hindi ako makapagsalita, pero ang dami ko sanang gustong sabihin.

“Nevermind,” sambit niya. “Anyway, may I ask if he is genuinely trying to change, or if he has already changed?”

Mas lalong hindi ako makapagsalita. Bakit niya biglang natanong ang bagay na ’to?

“Tumigil na ba siya sa paninigarilyo?”

Bakit ngayon pa?

“Tumigil na ba siya sa pagpapapunta ng babae sa apartment niya?”

Bakit?

“Nagbago na ba talaga siya para sa ’kin?”

Para sa kaniya?

“Ha?” bukambibig ko. “Para sa ’yo?”

Bahagyang tumaas ang kilay niya sa nasabi ko. Kahit ako ay hindi rin alam kung bakit biglang nadulas ang dila ko. Hindi pa maganda ang naging tono ng pananalita ko.

“Ha?” may taka niya ring sabi. Marahil ay nagulat siya sa inasal ko.

Bigla akong natauhan, bumalik sa dating mukha. Sa puntong ito ay hindi lang siya ang may pilit na ngiti sa labi. “A-Ano po… I mean… hindi ko po sigurado kung nagbago na siya… p-para sa ’yo…”

“Ah…” tipid niyang sabi. “I just want to hear it from you, since you mentioned he lives next to your room. Maybe you know something… maybe you know a lot. But it’s okay if you don’t. I already got the answer from Manang Lucy when I secretly visited the apartment building before. Sabi niya, mukhang nagbago na nga raw talaga si Pio.”

Shit.

“He really changed for me,” nangingiting tuloy niya. “I always hated his smoking habit and repeatedly asked him to quit. Each time, he promised he would, but he never did. There was something holding him back.” Kuwento pa niya, “He also used to cheat on me with other girls. I tried to forgive him a lot of times. And again, he told me he would change. Yet he still did it. He couldn’t stop it.” Sumeryoso na ang mukha niya ngayon. “Pio is a very complicated person. Sometimes, he feels like the gentlest guy in the world; other times, he feels like someone else—a sexually frustrated person.”

Naging seryoso na rin ang mukha ko ngayon.

“I couldn’t give him what he wanted, and I refused to give in. Sometimes, I wonder if this is enough reason for him to be unfaithful—to sleep with other girls. Maybe there’s more to him. Maybe there are reasons why he is what he is. Maybe something happened during his childhood. He used to mention his mom, his mom, his mom, but I couldn’t find any fault with her; his mom seems nice. Yet, he wouldn’t tell me a thing. How am I supposed to understand him?” Bumuntong-hininga siya. “Maybe he’s just using it to justify his wrong deeds, or maybe he isn’t. But the thing is, paulit-ulit na siyang nambababae, at paulit-ulit ko rin siyang pinapatawad. He had tried to change before, but it didn’t last. Once again, he let me down, and our relationship failed miserably. Hanggang sa hindi ko na siya kayang ipaglaban pa, lalong-lalo na kay Dad.”

Kailangan kong huminga. Parang hindi ko kakayanin ang sunod niyang mga sasabihin.

“I thought I had already forgotten about him and moved on, until one day, Ms. Jennylyn set us up.” Tumingin siya sa direksyon papunta sa likod ng covered gym. “And there I saw him again.” Muli siyang lumingon pabalik sa ’kin. “He asked for my forgiveness, but I couldn’t bring myself to believe him. Worse yet, I slapped him in the face. I truly regret what I did back then—what I said back then. Because, Aaron, the truth is… I’m still in love with him, and I want us back together.”

May panginginig-kamay kong kinusot ang aking pantalon sa ’king narinig. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagsikip ng aking dibdib. Gusto ko siyang pigilan sa pagsasalita pero hindi ko magawa. Parang nanigas ang buong kalamnan ko at hindi ako makagalaw.

Tumakas na ang sinag ng araw mula sa kaniyang mukha, dahilan para mag-iba ang tingin ko sa kaniya. Unti-unti ay parang pinagsisisihan kong pumunta ako rito at nakausap ko siya. Parang ayoko nang marinig kung ano pa ang mga sasabihin niya.

“What do you think, Aaron?” tanong niya. “Do you think I should get back with Pio?”

Sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ako pa talaga ang tinanong niya nito. Ako pa na nahulog na sa taong tinutukoy niya. Ako pa na hindi na gusto pang mawalay pa sa taong iyon. Ako pa talaga.

“Hindi.” Muling nadulas ang dila ko.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang manlaki ang mga mata niya sa nasabi ko. “W-What do you mean?”

“U-Um…” Lumunok ako. “Ano po…” Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa ’king mukha. “Um… I mean, h-hindi ko po alam…”

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ’kin. Dapat ay sinasabi ko sa kaniya ang totoo—na may namamagitan sa ’min ni Pio—pero wala akong masabi. Wala akong magawa. Naiinis ako sa sarili ko.

“I see,” tangi niyang sambit. Tumuloy na siya sa pagkukuwento. “The thing is, Pio stopped approaching me ever since I pushed him away. But I know he still loves me; I can feel it.”

Hindi. Tapos na sa kaniya si Pio.

“No’ng Mr. and Ms. J.A.M.A., kumanta siya para sa ’kin.”

Hindi para sa kaniya ’yon.

“He even prepared a spotlight for me.”

Para sa ’kin ’yon.

“But he stopped singing in the middle of the song.”

Siyempre, umalis ako sa spotlight.

“And it’s because of me.”

Hindi.

“It’s because of my father. My father might have talked to him. I don’t know. Maybe he was threatened by my father. Maybe he was forced not to get me back. Maybe that’s why he walked out and cried backstage—according to Ms. Jennylyn—because he realized he could no longer get me back.”

“Ate Mona—”

“Aaron, I’m tired of listening to my dad,” singit niya. “I’m tired of being the good daughter. For once, I want to do what makes me happy. And Pio makes me happy—his silliness, his warm smile, everything about him, even his imperfections. I’m tired of wasting time, especially now that Pio is leaving soon. I don’t want to waste our chances—our chances together.” Muli niya akong hinawakan sa kamay at tipid na ngumiti. “So, Aaron, can you help me? Can you help bring us back together?”

Parang gusto ko na lang umalis. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Hindi ko na siya kayang harapin pa. At mas lalong hindi ko kayang gawin ang pinapagawa niya.

“Please… little brother?” aniya sa malumanay na boses.

Ano ba ’yan…

“I just want you to do one thing,” sabi niya kahit hindi pa nga ako pumapayag. “Their tournament is near. Please tell him I’m going to be the muse of J.A.M.A.’s basketball team, but don’t let him know I told you. And if you can, please encourage him to surprise me in the coliseum just like he did when he first asked for my hand. If he asks for my hand back this time, I will gladly say yes. And I’ll never let him go again.”

At mas lalong hindi ko gustong pakawalan si Pio.

“Ah, Ate Mona, pasensya na po pero male-late na ako sa susunod na subject.” Tumayo ako kaya natanggal ang pagkakahawak niya sa ’kin. “Mauna na po ako.”

May pagmamadali akong naglakad palayo sa kaniya, may hiya sa sarili dahil medyo bastos ang ginawa ko.

“Aaron,” pahabol niya kaya sandali akong natigil sa paglalakad, “please?”

Lumingon ako pabalik sa kaniya, ngumiti nang katiting at pilit, pagkatapos ay tumango. “S-Sige po.”

Nagsinungaling ako. Ang totoo niyan ay wala akong sasabihin sa mga sinabi niya kay Pio. Pero marami akong sasabihin kay Kuya Jason.


Gabi na nang makauwi kami ni Pio sa apartment building. Totoo ngang malapit na ang tournament nila dahil puspusan sila sa training kanina. Nagpaalam ako sa kaniya na mauuna na akong umuwi, pero hindi siya pumayag. Natatakot kasi siya na baka ay balikan ako nina Briones at Castro. Sabi ko, hindi na babalik pa ang mga manyakol na ’yon. Ayaw niya pa rin kasi raw wala akong kasama.

Habang hinihintay ko siyang matapos sa training kanina ay sa canteen sa school na lang ako kumain. Nakakaiyak nga kasi paubos na ang allowance ko. Kailangan ko na ng source of income. Ano na kaya ang balita do’n sa pagreto ni Jonas sa ’kin sa sideline niya sa mga kasal?

Mula academy, hanggang motor, hanggang apartment, hindi ko maiwasang mapatulala. Iniisip ko ’yong mga nasabi ni Mona kanina. Kumpirmado ngang may gusto pa rin siya kay Pio. At ang malala pa, nagkamali siya ng mga akala. Inakala niyang para sa kaniya ang kanta ni Pio. Inakala niyang para sa kaniya ang spotlight. Inakala niyang magkakabalikan pa sila ni Pio. At ang pinakamalala, wala akong nagawa. Kung hindi lang kasi sana siya mabait, mas madali sigurong sabihin sa kaniya ang mapait na katotohanan.

“Aaron, you okay?” tanong ng pawisang Pio sa ’kin habang naglalakad kami sa pasilyo ng fourth floor. “Kanina mo pa ’ko ’di kinakausap.”

Nagising ako sa pagkatulala nang dahil sa sinabi niya at napatingin sa mukha niya, hindi sa sahig. “Ah, oo. Okay lang.”

“Is something bothering you?” usisa niya. “Is my smell bothering you?”

“Ha? H-Hindi ah,” tanggi ko. Ang totoo niya’y nanlalagkit na ako sa braso niyang nakaakbay sa ’kin. Hindi pa pati siya nagpapalit ng damit. Suot niya pa rin ang basang-basa niyang jersey shorts at sando. Gusto niya na rin kasing makauwi kami nang maaga, at hindi ko alam kung bakit. Parang atat na atat siya kanina pa.

Sininghot niya ang kaliwang kilikili niya. “Do I stink?”

“Hindi,” tipid kong tugon.

“Really?”

“Hindi nga.”

“Then why?”

Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya. Nasa tapat na kami ng Room 403 ngayon.

“Pio, huwag ka na lang kayang sumali sa tournament?” mungkahi ko.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Ha? W-Why?”

“Ah, kasi…” Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya? “Baka kasi mamaya niyan ay may mangyari…”

“Mangyari?” Kumunot ang noo niya. “Anong mangyayari?”

“Ah, wala…” Muli akong tumingin sa sahig at tumuloy sa paglalakad. Tumuloy din siya.

“Hey, ano ’yon?” Kinalabit niya ako sa gilid ng aking dibdib. “Come on, tell me.”

Pero hindi ako nagsalita. Tuloy-tuloy lang siya sa pangungulit sa ’kin hanggang sa matigil kami sa tapat ng kaniyang apartment room.

“You’re hiding something from me,” sabi niya habang sinususian ang pinto ng kaniyang kuwarto. Hindi pa rin siya bumibitiw sa pagkakaakbay sa ’kin.

“Hindi ah.” Nang mabuksan ang kuwarto niya ay nagpaalam na ako sa kaniya. “Pasok na ako sa kuwarto ko.”

“Sige, boss,” aniya. “Pasok ka na sa kuwarto natin.”

Bigla niya akong hinila papasok sa loob ng kaniyang kuwarto.

“Hoy, doon ang—”

“Dito tayo.”

Hindi na ako nakapalag pa dahil kontrolado niya ang galaw ko—ang bigat ba naman ng kaniyang braso. Nang makapasok kami sa loob ng kaniyang kuwarto ay huminto kami sa may pintuan at binuksan niya ang ilaw rito. Sa pagliwanag ng paligid ay nanlaki ang mga mata ko sa sunod na tumambad sa ’kin. Hindi lang pala ako ang may itinatago sa kaniya.

Sa ceiling bandang kama ay may hanging baloons na nakalutang—magkakaparehong kulay pula. Sa ibabaw ng kaniyang puting kama ay may mga pulang petals ng bulaklak na nakakalat at may mga nakapatong din na pulang letter balloons. Nang basahin ko ang letter balloons ay ito ang nakasulat:

WILL

U BE

MINE

Agad akong napatingin sa lalakeng nakaakbay sa ’kin, tila hindi makapaniwala. “Pio?”

“Aaron…” Tinanggal niya na ang pagkakaakbay niya sa ’kin at hinarap ako. “I want you to know that I’m serious about you.” Pagkatapos ay hinawakan niya ang isa kong kamay. “I want to make sure that you’re mine and I’m yours.” Sunod siyang lumuhod sa isang tuhod at may kinuha mula sa bulsa ng kaniyang shorts gamit ang isa pang kamay. “I want to make it official.” At naglabas siya ng ring case na kulay pula at binuksan ito; tumambad ang magkapares na singsing sa loob nito. “Will you be my boyfriend?”

Chapter 35

Bumagal ang takbo ng oras habang nakatayo ako sa harap ng lalakeng nakaluhod. Numipis ang hangin na aking nalalanghap at lumalim ang aking paghinga. Sa bawat paghinga, ramdam ko ang takbo ng bawat segundo, ang bawat pagkakataon na maaaring mawala.

Noon, palagi kong itinatanong sa ’king sarili, “May darating pa bang tao para sa ’kin?” Ngunit ngayon, sa pagkakataong ito, ang sagot ay nasa harap ko na mismo.

Bumilis nang bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang salitang matagal ko nang inaasam na sabihin kapag dumating ang tamang oras para sa ’kin. Pero ito na ’yon. Ito na ang tamang oras. Siya na ang tamang tao. At ito na ang tamang salita…

“Oo.”

Nabuhayan ang mga mata ni Pio sa salitang lumabas mula sa ’king bibig. Tumakas ang ngiti sa labi niya, at nahawa ako nito. Sa pagtayo niya mula sa pagkakaluhod ay nanumbalik ang oras sa normal nitong takbo. Kinuha niya ang isang singsing sa loob ng ring case at may pagkatuwa itong isinuot sa palasingsingan sa kaliwa kong kamay. Sunod niya namang isinuot ang isa pang singsing sa kaniyang palasingsingan sa kaliwang kamay. Nang ibalik niya ang ring case sa bulsa ng kaniyang shorts ay muli niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay at hinalikan ito.

Matapos ibaba ang kamay ko ay sinabi niyang “I’m officially yours from now on.” Lumapad pa ang kaniyang ngiti; gano’n din ang akin. “You’re officially mine.” Pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit. Naging iisa ang puso naming dalawa.

Walang mapagsidlan ang saya na nadarama ko sa kasalukuyan. Para akong nasa langit. Ang sarap sa pakiramdam na malamang akin na nga talaga siya—na kami na nga talagang dalawa.

Deserve ko ba ’to?

Deserve ko ba talaga siya?

“Pio, salamat,‘’ maluha-luha kong sambit habang nangingiti. Kinusot ko ang likod ng basa niyang sando habang nakayakap sa kaniya. “Salamat.”

Higit pa sa salamat ang gusto kong sabihin sa kaniya. Walang salita ang makatutumbas sa totoo kong nararamdaman. Gusto kong sabihin sa kaniya na siya ang sagot sa mga dasal ko. Pero minsan, higit pa ang katahimikan para iparamdam sa isang tao na mahal mo siya. Alam niya naman siguro ang nilalaman ng puso ko. Dinig niya naman siguro ang isinisigaw nito.

“No, Aaron. I should be the one thanking you,” saad niya. “Because of you, I’ve seen changes in myself. I never believed I could change, and no one else did either. But here I am, fighting not to be swept away by the ocean of my sins. And I won’t drift away, ’cause you’re my anchor—you keep me steady, you keep me ashore.”

Sa mga sinabi niya ay mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. Deserve man o hindi, ang mahalaga ay kami na. At wala akong sasayangin na oras habang kasama ko pa siya.

Matapos kaming kumalas sa pagkakayakap sa isa’t isa ay agad kong pinunasan ang maluha-luha kong mata. Kita ko ring bahagyang namula ang mata niya, pero walang luha tulad ko. Masyado yata akong naging emosyonal. Dapat lang. Ito ang unang beses na may dumating sa buhay ko—na dumating ang isang tulad niya.

“Stay here,” nangingiting utos niya.

At nanatili ako sa ’king kinatatayuan, habang si Pio ay tila may sunod na binabalak gawin dahil sandali siyang umalis mula sa tabi ko. Inangat ko ang aking kamay at pinagmasdan ang kulay-pilak na singsing na nakakabit sa ’king daliri. Hindi pa rin ako makapaniwalang suot ko ito at suot niya rin ang parehong singsing. Balak ko pa sanang kahumalingan ang ganda at kinang nito, ngunit biglang namatay ang ilaw.

“Pio?” Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. “Bakit—?”

Kahit bahagyang madilim sa loob ng kaniyang kuwarto ay naaninag ko ang kaniyang katawang nakayuko malapit sa bedside table. Tila may kinakalikot siyang isang bagay sa ibabaw nito, sa tapat ng nakapatong na picture frame rito. Hanggang sa may biglang tumunog.

Ze Bluetooth device is ready to pell

Speaker pala ang kinakalikot niya.

“Pio?”

“Wait.” Kita kong inilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa kabilang bulsa ng shorts at ito naman ang sunod niyang kinalikot.

Ze Bluetooth device is connected-uh successfullay

Maya-maya pa ay inilapag niya ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng bedside table—sa tabi ng mini Bluetooth speaker—matapos itong pindutin, at may pagmamadaling naglakad papunta sa ’kin. Nang makalapit sa ’kin ay bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at itinaas ito gamit ang kanang kamay niya. Gamit naman ang kaliwang kamay niya ay kinuha niya naman ang kanang kamay ko at pinaakbay sa ibabaw ng kaniyang mataas na balikat. Saka niya hinawakan ang aking beywang. Ayos na ang lahat, pero hindi ko alam kung bakit kami nasa ganitong posisyon. At hindi ko alam kung bakit nagpi-play ang intro ng kantang ‘Buwan’ ni Juan Karlos sa medyo sabog na speaker.

“P-Pio, ano ’to?”

“Slow dance.”

“Ha? ’Di ako marunong suma—”

“ Shh , it’s starting…“

Kusang napatuwid ang katawan ko sa pagsisimula ng unang linya ng kanta.

Ako’y sa ’yo, ikaw ay akin

Hanggang sa nagsimulang gumalaw ang kaniyang katawan, at kusa akong napasunod. Dinala niya pa ako papasok sa loob ng kuwarto. Sinabayan namin ang malumanay na kumpas ng kanta.

“A-Ano ’to?” may hiya kong sabi. “Ba’t tayo sumasayaw?”

Ganda mo sa paningin

“Kasi,” aniya, “kasayaw-sayaw ka.”

Nagpatuloy ang kanta, at nagpatuloy kami sa pagsayaw. At sa bawat hakbang, tila’y nagiging mas malapit kami sa isa’t isa. Hindi ako marunong sumayaw, pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na napapasunod sa bawat nota ng kanta.

“Pio,” natatawa kong sabi, “pa’no ba ’to?”

“Just follow your heart.”

Nakarating kami sa sapat na espasyo malapit sa kaniyang kama. Paikot-ikot. Paalon-alon. Ginagabayan niya ang paggalaw ko; nakatitig lang ako sa mga mata niya. Mga ilang sandali pa nang unti-unting magliwanag ang paligid. Nakapatay pa rin naman ang ilaw. Sadyang umayon lang ang kalangitan sa kanta, dahil sa hindi maipaliwanag ay biglang sumulpot ang kanina’y natatakpang buwan. Lumusot ang liwanag nito sa bintana—na bahagyang naging pula dahil natamaan ang mga nakalutang na balloons—at pareho kaming nabahagian ni Pio nito. Saksi ang mga bituin at buwan sa ginagawa namin.

Sa ilalim ng puting ilaw

Pinaikot ako ni Pio sa ilalim ng kaniyang braso. At nang muli akong bumalik sa pagkakaharap sa kaniya ay parang nabihag ang puso ko sa mapang-akit niyang ngiti. Bumalik ako sa pagkakahawak sa kaniyang balikat at gano’n din siya sa ’king beywang. Muling umindayog ang aming katawan at sumabay sa ritmo ng kanta.

Sa dilaw na buwan

Para akong nawala sa totoong mundo. Siya na ang naging mundo ko. Siya ang naging dahilan ng paghakbang, paghinga, at pagngiti ko. Lahat-lahat. Ang mukha niyang nakaharap sa ’kin ang tangi kong nakikita. Ang kamay niyang nakahawak sa ’kin ang tangi kong nararamdaman. Sa sobrang pagkawala ko ay hindi ko alam kung makababalik pa ba ako sa dati kong sarili.

Ayokong ma—

Low battery, please charge!

Power off

Pero nang dahil sa biglaang pagtigil ng kanta ay nagising ako at nanumbalik sa totoong mundo. Napatigil kami sa pagsayaw habang magkahawak pa rin sa isa’t isa.

“Ano ’yon?” tanong ko.

“Goddamn Shopee speaker,” may halong inis niyang sabi habang nakatitig sa direksyon ng speaker lagpas sa ’kin.

“’Di mo na-charge?”

“I’ve charged it.”

“Eh bakit namatay?”

“Tagal na kasi eh. ’Tsaka madaling ma-lowbat ’yan. 1 star ’yan sa ’kin.”

“Ha?”

“Tagal ko nang pr-in-epare ’to eh.”

“’To?”

“Yes.”

“Kailan pa?”

“No’ng gabing iniwan mo ’ko.”

Bahagyang tumaas ang kilay ko. “Ha?”

“No’ng Mr. and Ms. J.A.M.A. pa lang, hinanda ko na ’to—itong proposal ko, itong decorations sa kuwarto, ’tsaka itong singsing… para makuha ang matamis mong oo.” Bumuntong-hininga siya. “Kaso tinulak mo ’ko palayo.” Muli siyang ngumiti. “Kung binigyan mo lang sana ako ng pagkakataon noon, eh ’di sana matagal nang tayo.”

Napayuko ako. “S-Sorry,” usal ko.

Kung alam niya lang kung gaano ako nagsisisi. Ang dami kong sinayang na luha, oras, at pagkakataon. Mabuti na lang at hindi pa naging huli ang lahat sa amin. Mabuti na lang at nandito na siya ngayon, at nandito ako, kaharap niya, kaisang-puso, kahawak-kamay sa liwanag ng buwan.

“Aaron, stop blaming yourself,” aniya sa nakakakalmang boses. “I should have made my feelings clearer to you sooner.”

Kahit na. May kasalanan pa rin ako. Masyadong pabugso-bugso ang damdamin ko.

“Sorry,” hindi ko mapigilang sabihin.

“Say sorry one more time and I’ll seal your mouth with a kiss,” banta niya.

Ngayon lang ako nakarinig ng paalala na masarap suwayin.

Inangat ko ang aking mukha, tiningnan ang kaniyang labi. Handa akong harapin ang parusang naghihintay para sa ’kin. “Sorry,” walang pag-aalangan kong sambit.

“Damn,” sabi niya, “you’re a bad boy now.”

Tinanggal niya na ang pagkakahawak sa isa kong kamay at inilakbay ang kaniyang kamay pababa sa aking beywang—dalawang kamay na ang nakahawak sa ’king beywang sa kasalukuyan. Ibinaba ko naman ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang balikat at inilakbay ito papunta sa kaniyang malaking bisig; ang isa ko pang kamay ay itinaas ko papunta sa kabila niyang bisig—dalawang kamay na ang nakahawak sa magkabila niyang bisig sa kasalukuyan. Maingat siyang yumuko, pinaglapit ang aming mga mukha. Habang bahagyang nakaunat pababa ang aking itaas na katawan ay nakita ko ang kaniyang mata na malagkit na nakatitig pababa sa ’king labi. Sa huli, natanggap ko ang parusang nararapat para sa ’kin.


Walang nangyari sa ’min kagabi.

Kahit nagsusumidhi ang mga damdamin namin ay magkayakap lang kaming natulog sa kaniyang kama. Pareho kaming pagod—lalo na siya dahil banat na banat sa training ang kaniyang katawan. Pero ang tagal bago maubos ang energy niya kagabi. Panay kulit. Panay kalabit. Panay halik sa leeg. Naligo naman siya. Naligo rin ako. Sadyang hindi lang talaga ako pumayag na may mangyari sa ’min.

Medyo namamaga pa rin kasi. Huhu.

Tulad ng nakasanayan ay boluntaryong nagising ang katawan ko kinaumagahan kahit hindi pa nga sumisilip ang araw sa bintana ng kuwarto ni Pio. (Early bird talaga ako.) Pagmulat ko ay unang bumungad sa ’kin ang mga nakadikit na balloons sa ceiling. Mabuti na lang at walang pumutok sa mga ito. Magugulatin pa man din ako. Si Pio naman ay tulog-mantika. Kita mo ’yan, ang lakas-lakas pa ng hilik niya, parang mama. At kahit tinanggal ko na ang kaniyang braso mula sa katawan ko ay hindi pa rin siya nagigising.

Pag-ahon ko mula sa kama ay nakita ko ang mga nagkalat na letter balloons sa sahig—ang iba ay kupos na, ang iba naman ay may hangin pa rin. Nagkalat din ang mga petals sa sahig (artificial lang kaya hindi nalanta). Totoo nga pala talagang hopeless romantic ang tao. Effort kung effort. Kahit gising na ako, pakiramdam ko, parang panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi. Kung hindi lang dahil bago sa pakiramdam ang singsing na nakasuot sa ’king daliri, iisipin kong single pa rin ako.

Nahagip ng mata ko ang mini speaker na nakapatong sa bedside table. Habang inaalala ang nangyari kagabi ay hindi ko maiwasang mapangiti. Oo, palpak ang pa-slow dance segment ni Pio, pero tinamaan pa rin ako. Ang lakas ng tama niya sa ’kin

Sa likod ng mini speaker ay nakita ko na naman ang picture frame kung saan nakasilid ang family picture ni Pio—o hindi talaga family picture dahil hindi kasama ang mom niya sa litrato. Ang cute at ang inosente ng mukha ng batang Pio sa litrato. Ano kayang nangyari sa kaniya at lumaki siyang naninigarilyo at babaero? Anong kinalaman ng mom niya rito?

Nang ibaba ko pa ang aking tingin sa bedside table ay nanlaki ang mata ko sa sunod kong nakita. Sa ilalim na shelf ng bedside table ay nakapatong ang isang bagay na hindi ko inakalang muli kong masisilayan. Tadhana nga naman. Kung kailan nakalimutan ko na ang bagay na ’to, saka naman ito nagpakita—ang packaging ng seven-inch silicone dildo. Lokong Pio, hindi pa rin pala niya ito itinatapon.

Buti na lang.

Pinuslit ko ang packaging ng dildo mula sa kuwarto ni Pio habang mahimbing pa ang kaniyang tulog. May pagmamadali akong pumasok sa loob ng aking kuwarto, umupo sa kama at binuksan ito, hinawakan ang laman, pinagmasdan, sinubukang tikman. Lasang goma. Kadiri. Sinubukan ko rin ang hangganan ng aking lalamunan, pero naduwal ako kahit wala pa nga sa kalahati.

“Gwuaak!”

Mukhang hindi lang si Pio ang may training, ako rin. At mukhang mahaba-habang training ’to. Nang ma-curious kung paano talaga ang tamang paggamit ng mahabang bagay ay tiningnan ko ang likod ng packaging nito na gawa sa cardstock paper. Pero sa halip na instructions ang makita ko ay iba ang tumambad sa ’kin—isang nakadikit na note na nagsasabing:

pa-accept! :p

Noong una’y nagtaka ako kung anong ibig sabihin nito (malamang, hindi niya na kailangan pang ilagay ang note na ’to kung tatanggapin ko ito nang hindi labag sa loob). Pero kinalaunan ay may isang bagay na biglang pumasok sa ’king isip—isang bagay na matagal ko nang hindi nabubuksan: Facebook app. Sa tinagal-tagal kong sinubukang hagilapin si Pio nang lumayo ito sa ’kin ay hindi ko man lang napagtantong in-add nga pala niya ako sa Facebook dati. Ang tanga lang sa part ko.

May pagmamadali kong kinuha ang aking cellphone sa ’king gilid at binuksan ito. Swipe ako nang swipe sa screen hanggang sa makarating sa pinakadulong drawer ng apps. Katabi ng mga hindi ko na nabubuksang laro—Candy Crush, Temple Run, Subway Surfer, Camp Buddy—ay binuksan ko ang Facebook app. Unang bungad sa feed ko ang pinsan kong nanghihingi ng Gcash para may pambili ng gatas ng anak (kaya ayokong binubuksan ’to eh). Pulang-pula ang notifications ko maging ang friend requests list. Siyempre sa friend requests agad ako pumindot.

Ang daming nag-add sa ’kin na taga-J.A.M.A.. Ang iba ay medyo pamilyar ang mukha, ang iba ay hindi ko talaga kilala, ang iba ay—wala na akong pake. Scroll lang ako nang scroll, hanggang sa makarating ako sa pinakasadya ko naman talaga kung bakit ngayon ko lang ito binuksan—para makita ang isang guwapong pangalan: Piolo McMiller. Dalawang buwan na palang nakaimbak ang friend request niya sa ’kin. Hindi pa rin nagbabago ang profile pic niya—’yong bata pa rin na bersyon niya. At nang i-click ko ang profile ay naka-lock pa rin ito. Walang pag-aatubili kong pinindot ang confirm button.

Sa isang pindot, nabunyag ang lahat ng itinatagong lihim ng account. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa aking sunod na nakita.

Ang cover photo niya ay ang litratong kinunan sa ’kin ng delivery rider noon. Ang nag-iisang friend sa friends list niya ay ako lang. Ang nilalaman ng posts niya ay tungkol lahat sa akin: ang proposal na inihanda niya sa kaniyang kuwarto, ang pangungulila niya sa ’kin nang magkalayo kami, ang pira-pirasong lyrics ng kantang inawit niya sa event, ang shared posts kung paano iwasan ang paninigarilyo at tips ’pag may hika, ang buko juice na pinaabot ko kay Kuya Jason noon, ang pagselos niya kay Jonas, ang mga pagsisisi niya nang gabing nagkasagutan kami, ang unang buko juice na ibinigay ko sa kaniya na sumira sa kaniyang tiyan, ang unang linggong nagkakilala kami. Ginawa niya lang ang account no’ng araw na una akong dumating sa apartment building—noong unang beses kaming nagkita sa pasilyo. At ito ang kauna-unahan niyang post:

hi, boy next door!

Ako mula sa simula.

Ako hanggang sa huli.

Chapter 36

Ang laki ng naging epekto ng pag-accept ko sa friend request ni Pio. Bukod sa nalaman kong ako lang lahat ang laman ng account niya, nabunyag din ang lahat ng mga sikreto ko. Umalingasaw ang lahat ng baho ko. ’Pag sinabing baho, ang tinutukoy ko, ’yong lahat ng kaasiman ko noong bata pa ako.

Dumaan din ako sa jejemon era. Sino bang hindi?

Limot ko na sana eh. Pero, ang loko, hinalungkat pala ang mga litrato kong matatagpuan sa pinaka-ilalim ng deep web. Kaya naman pala nangingiti siya mula pa kanina. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hagdan pababa sa apartment building. At habang nakaakbay siya sa ’kin, ramdam ko ang panginginig ng kaniyang braso.

“From now on, I’ll call you Bhosxz Aaron Mapagmahal,” sambit niya habang ipinapakita ang litrato kong in-edit sa PiZap na ginawa niyang lock screen sa cellphone.

’Tang inang mukha ’yan. Kadiri amputa. Ano bang naisipan ko no’ng Grade 5 ako at nag-picture ako sa harap ng webcam sa isang computer shop habang nakahawak sa sumbrerong suot patagilid, pinasingkit ang mata, nakadila sa labi, may digital na alahas sa leeg at braso (kumikinang-kinang), may glowing caption sa mismong litrato na: BhOsxZ 4Ar0N?

“Hoy, gago, ano ’yan?” Tinangka kong hablutin ang cellphone mula sa kaniyang kamay, pero masyado siyang mabilis at masyadong mahaba ang kaniyang braso, kaya hindi ko agad ito naagaw. “Burahin mo ’yan!”

“W-Why?” natatawa niyang sabi. “You’re so cute in this pic.”

“Inang ’yan!” medyo natatawa ko ring sabi. “Huwag ’yan!”

Kumanta siya habang umiindak na parang tanga, “ It really hurts ang magmahal nang ganito. Kung sino pang pinili ko hindi makuha nang bu—ugh! “ Hinampas ko siya sa tiyan.

“Baliw ka!” Tinangka ko pa ring hablutin ang cellphone mula sa kaniyang kamay pero isinilid niya na ito ngayon sa bulsa ng kaniyang pants. “’Pag ako nakahanap ng picture mo na jejemon, lagot ka sa ’kin.”

Kung makahanap. Eh ako lang naman ang laman ng account niya. At isang account lang ang meron siya.

“I don’t have one,” sambit niya. Unti-unti nang natitigilan ang galawgaw niyang katawan.

“Ha?” taka ko. “Bakit?”

Ah, dahil siguro mayaman siya. Malamang.

Kumalma na ang kaniyang kilay at bibig, maging ang kaniyang boses. “I never really had good memories from my childhood. I never got to experience all these things. I wish I had.” Mapait siyang ngumiti. “I wish I grew up normal like other kids.”

Tumawa ako nang pilit at mahina. “Bakit? Normal ka naman ah?”

Mas lalo pang sumeryoso ang mukha niya, kaya agad kong pinutol ang aking pagtawa at pinagdikit ang aking mga labi, sandaling nanahimik.

“I’m not normal, Aaron.” Parang may gustong sabihin ang mga mata niya na hindi masambit ng kaniyang bibig. “I’m messed up.”

Kumunot ang noo ko. “Ba’t naman?”

“Nothing.” Umiwas siya ng tingin.

Marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa kaniya. At mas lalo ko pa siyang gustong kilalanin, intindihin, at mahalin. Maghihintay ako hanggang sa handa na siyang magbukas sa ’kin.


Nagbago na ang morning routine ko, pero ’yong kay Bona, hindi pa rin. Pagdaan kasi namin sa kanto ng J.A.M.A.—sa babaan ng tricyle—ay nakita ko siyang matiyagang naghihintay. Ang may pagkasingkit niyang mga mata ay may hinahanap-hanap mula sa mga bumababang pasahero ng tricycle. Hanggang sa makita niya akong nakaangkas sa motor ni Pio.

“Aaron, my lab!” sigaw niya nang malampasan namin siya. Ang talas ng mata niya dahil agad niya akong nakilala kahit may suot na helmet.

Napapreno si Pio sa gilid ng kalsada dahil sa kaniyang narinig, lumingon sa pinanggalingan ng boses na tumawag ng ‘my lab’ sa kaniyang boyfriend—ako. “What the—?”

Tumakbo palapit sa ’min ang Bona na dati ay kinaiinisan ko, pero ngayon ay cute na sa ’king paningin. Nang dahil sa kaniya kaya kami nagkaayos ni Pio, bumalik sa dati, at higit sa lahat, naging mag-boyfriend. Gustong-gusto ko sana siyang yakapin at halikan sa pisngi nang paulit-ulit kung naligo lang sana siya.

“Bona!” tawag ko sa kaniya nang nakangiti.

“You’re close with her?” tanong ni Pio. Hindi ako sumagot.

Ani Bona kay Pio nang makalapit sa ’min, “Hoy! Sino ka?” Nagpamewang siya. “Bakit mo inaagaw ang Aaron my lab ko?”

Tahimik akong natawa.

“What?” si Pio. “Your what?”

“My lab!” Tinarayan ng kilay ni Bona si Pio. “Siya si Aaron my lab! At b-bukod sa ’kin, meron pa siyang boyfriend!”

Patay.

“Boy—Boyfriend?” Itong si Pio, patol na patol din.

“Oo!” Lalo na si Bona, akala mo nasa isang confrontation scene sa teleserye. “M-M-May boyfriend na siya, kaya lubayan mo siya bago pa magkagulo ang lahat!” Umirap si Bona. “Pogi ang boyfriend niya—fall, bark, and hamsam.” Sabay balik ng tingin kay Pio at muling nagtaas ng boses. “Eh ikaw?”

“Sandali ka,” may gigil na sabi ni Pio. Itinukod niya ang mahaba niyang binti sa sahig, bumalanse, at saka bumitiw sa grip ng motor. Sunod niyang tinanggal ang kaniyang helmet, inayos ang buhok na nagulo, inangat ang mukha, ang kilay ay binigyang buhay, ang mata ay pinatulis, ang labi ay binasa. “Tall, daks, and handsome.”

Baka playboy next door ’yan.

Ang kanina’y pang-giyerang mukha ni Bona ay unti-unting napalitan ng pagkamangha, na parang naging isa siyang kasapi sa kulto ni Pio, na parang nalaglag ang panty niya. Kuminang ang mga mata niya. Napanganga siya. Napatakip sa bibig. “ Kik !“

“ Hm .“ Ngumisi si Pio.

Hinampas ako ni Bona sa ’king braso na parang nanggigigil. “A-Aaron, ikaw ah…” pabebe niyang sabi. “Galing mong mamili ng kabet! Bet na bet ni Bona! Kikikik !”

Nahiya ako nang dahil sa sinabi niya, lalo pa’t maraming nagdaraang mga estudyante sa gilid niya.

“Ako? Kabet?” Nagkaroon ng inis sa mukha ni Pio. “Hoy, Bona, ako ang legal na boyfriend dito!” Itinaas niya ang kaniyang daliri kay Bona—ginawang pampakyu ang palasingsingan. “See this?” Sunod niya akong nilingon. “Aaron, ipakita mo nga.”

Nang dahil sa sinabi niya ay nakuha namin ang atensyon ng mga nagdaraang tao, dahilan para mas lalo akong mahiya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko kayang tingnan ang mga tingin ng mga tao sa ’kin—pakiramdam ko lagi ay parang hinuhusgahan ako ng lahat dahil lang sa hindi magandang karanasan ko noon. Hindi pa rin maalis sa ’kin ang takot. Nakatago pa rin ako. At hindi pa yata ako handang lumabas.

“Aaron?” ulit ni Pio sa ngalan ko, tila hinihintay ako na ipangalandakan ang aking palasingsingan, na maging proud ako tulad niya. Pero may mali sa ’kin. Pinangungunahan ako ng takot.

Yumuko ako at may pagkahiyang ipinasilip kay Bona ang kaliwang kamay ko sa pagitan ng katawan namin ni Pio, sabay tago ulit dito.

“OMG!” bulalas ni Bona. Pilit na lumaki ang kaniyang mga mata. “Totoo?” Sunod na umalingawngaw ang tili niya hanggang dulo ng kalsada. “Kikkkkkkkkkk !”

Ngayon ay mas maraming mata na ang nakatingin sa ’min.

“P-Pio, tara na,” mahina kong sabi habang nakayuko, sinusubukang iwasan ang mga mata sa ’king paligid. “Late na tayo.”

May pagtataka akong pinagmasdan ni Pio bago niya muling isuot ang kaniyang helmet. Matapos kong magpaalam kay Bona ay tumuloy na siya sa pagda-drive.

Sa kaliwang entrance gate ng J.A.M.A. ay mayroon kaming nakasabay na pamilyar na kotse—ang kotse ni Captain Ramirez na may ship steering wheel sticker sa likod. Sa kanang rear seat ay makikita ang nakaumbok na ulo ni Mona. Minsan na rin namin itong nakasabay dati sa pagpasok. Ngunit hindi tulad ng dati, tila hindi na balisa si Pio. At sa halip na sa gilid ng covered gym tumungo ay dumire-diretso kami ng andar patungo sa isa pang parking area ng academy—sa gilid ng Main Building A.

“O, bakit dito?” tanong ko habang nakatingin sa makinang na buhok ni Mona na kasalukuyang nakatalikod.

“Why not?” may kumpiyansang sabi ni Pio.

Lumunok lang ako.

Kita kong nag-park na sina Captain Ramirez sa may gitnang-gilid ng building, sa ilalim ng isang puno ng kamatsile. Hindi malayo sa kanila ay nag-park din si Pio sa parking-an ng mga motorsiklo—kung saan banda nagtatapos ang kahabaan ng covered walkway.

Kita kong nakababa na ng kotse sina Mona at Captain Ramirez at nagsimulang maglakad papunta sa malawak na open space sa gitna ng Main Building A. Nakahawak si Captain Ramirez sa balikat ng kaniyang anak kaya wala sa mga lalakeng estudyanteng nagdaraan ang nagtangkang tumingin dito.

Matagal na mula nang huli kaming mag-usap ni Captain Ramirez—no’ng araw na pinatanggal niya sina Briones at Castro sa academy. Hanggang ngayon ay marami pa ring mga katanungan sa ’king isipan ang hindi nasasagot. Kaya lang, hindi ako makahanap ng tiyempo para muli itong makausap.

Kami naman ni Pio ang sunod na bumaba. Kaya ko nang bumaba mag-isa dahil pahilom na ang sugat ko sa tuhod at nakaka-recover na rin ang aking— ahem . Habang tinatanggal ni Pio ang helmet sa ’king ulo ay muli akong napatingin kay Mona na nasa loob na ng Main Building A ngayon. Pansin kong nakatitig na pala ito patalikod, papunta sa direksyon namin ni Pio. Bahagyang nanlaki ang maririkit nitong mga mata sa ’min.

Agad naman akong napaiwas ng tingin. Naalala ko kasing may pinapasabi nga pala ito sa ’kin kay Pio—na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi—at ang mas malala pa, nakita nitong angkas ako ni Pio ngayon lang. Sabi ni Mona sa ’kin kahapon lang, walang ibang tinatrato si Pio nang ganito kundi siya lang. Tapos ngayon, nakita niya akong pumalit sa dati niyang posisyon. Huwag naman sana niya akong pag-isipan nang masama.

Nang muli kong ibalik ang aking tingin kina Mona at Captain Ramirez ay nakalayo na ang mga ito. Gayunpaman, hindi pa rin maalis sa ’kin ang hiya.

“Aaron, you okay?” usisa ni Pio. Inilapag niya ang nahubad kong helmet sa upuan ng kaniyang nakaparada nang motor. Sunod niyang hinubad ang kaniyang helmet. “What’s wrong?”

“H-Ha?” may pagkatulala kong sabi.

Kinuha niya na ang dilaw na helmet mula sa upuan ng motor. “Parang tahimik ka na naman.”

Napaghahalataan niya na yatang may itinatago ako.

“H-Hindi ah,” sambit ko.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Main Building A habang hawak niya ang dalawang helmet sa magkabila niyang kamay.

“Sabihin mo na,” aniya. “Ano ba ’yon?”

Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. “Sabihin ang alin?”

Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. “ Hmm ?“

Umiwas na lang ako ng tingin at hindi umimik.

Nang matigil kami sa gitnang corridor ay nagpaalam na siya sa ’kin. “Una na ’ko sa Varsity House.”

Sa Varsity House siya madalas unang pumupunta dahil doon niya inilalagay ang helmets.

“Sige,” tipid ko namang tugon habang nakahawak sa magkabilang strap ng aking bag.

Batid kong narinig niya naman ako, pero hindi pa rin siya kumilos. Nanatili siyang nakatayo habang nakatitig sa ’king labi.

“Sige,” ulit ko sa mas malakas nang boses ngayon, pero heto pa rin siyang taimtim na nakatitig sa ’king labi.

“Kiss ko?” Ngumuso siya.

Akma na sana siyang yuyuko palapit sa ’king mukha pero agad ko siyang pinigilan sa dibdib. “H-Hoy, ang daming tao rito.”

Pinagtinginan kami ng mga nagdaraang estudyante. Itong gitna ng Main Building A pa naman ang may pinakamaraming nagdaraang tao dahil meron itong apat na lagusan—isa papunta sa parking area na pinanggalingan namin, isa papunta sa quadrangle at covered gym, isa papunta sa classroom ko at Main Building B, at isa pabalik sa entrance ng academy na kumokonekta rin sa covered walkway pakanan.

“So what?” tanging sabi niya. “You’re my boyfriend now.”

Muli pa sana niya akong tatangkaing halikan, pero muli ko rin siyang pinigilan. Lumunok ako. “P-Pio…” Huminga ako nang malalim. “Okay lang ba kung…” Piniga ko ang strap ng bag sa ’king kamay. “… kung ano… um…” Sinusubukan kong kunin ang tamang salita nang hindi nakakasakit ng damdamin. “… kung sa ’tin na lang muna ’yong tungkol sa ’ting dalawa?”

At nasabi ko rin.

Sandali siyang natahimik, bumalik sa pagkakatindig. Itinaas niya ang kaniyang tingin mula sa ’king labi papunta sa ’king mata na patingin-tingin din sa mata ng mga taong nagdaraan. Hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Alam kong mali na ikinahihiya ko kami, pero hindi pa yata talaga ako handa.

Mukhang naiintindihan niya naman yata ako dahil umamo ang kaniyang mukha. Naging mabait din ang mga mata niya. At ramdam ko rin ang sinseridad ng ngiti sa kaniyang labi. “S-Sure,” may ingat niyang sabi. “If that’s what you want.”

At nakahinga rin ako nang maluwag.

“Sorry, Pio,” may ingat ko ring sabi. “Bigyan mo lang ako ng time.”

Sinikap ni Pio na panghawakan ang kaniyang ngiti. “I’ll wait for it… no matter how long.”

Darating din ang oras na handa na akong lumabas; na maipagmamalaki ko kaming dalawa; na wala na akong ikatatakot. Sa ngayon, kailangan ko munang itago ang tungkol sa ’min, lalo pa’t nararamdaman kong tila unti-unti nang nagbabago ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa ni Mona.


Nagbalik na si Jonas.

Dahil sa sunod-sunod na class suspension dulot ng bagyo ay ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Sabi, nagkalagnat daw siya kahapon. Pero kita ko ’yong mukha niya ngayon, fresh na fresh at hindi halatang galing sa sakit. Panay pa ang ngiti niya—labas dimples pa rin—na parang may gusto siyang sabihin sa ’kin mula pa kanina na hindi niya masabi.

Ano kaya ’yon?

Hindi naman nakatakas mula sa mapungay niyang mata ang singsing na nakasuot sa kaliwa kong palasingsingan. Napatulala siya nang una itong makita, bahagyang napabuka ang bibig, parang nagulat. Pero hindi siya nagtanong tungkol dito. Sa halip, tumuloy lang siya sa pakikipag-usap sa ’kin tulad kung paano kami lagi mag-usap—magaan at puno ng ngiti. Pasulyap-sulyap siya sa kaliwa kong kamay kaya itinago ko na lang ito sa bulsa ng aking pants.

Kasasapit lang ng lunchtime nang mag-chat si Pio sa Messenger.

Piolo

BhOsxZ

Me

?

Piolo

punta ka cr, 1st floor

Me

bakit?

Piolo

may utang ka pa sakin

Me

ha? anong utang?

Piolo

may utang ka na kiss

Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatitig sa screen ng aking cellphone.

“Sino ’yan?” usisa ni Jonas habang may kinukuha sa bulsa ng kaniyang bag.

“Ah, wala,” tipid kong tugon. “Una ka na sa canteen, ihi lang ako.”

May pagtataka niya akong sinundan ng tingin nang maglakad ako palabas ng classroom.

Pahabol niyang tawag sa ’kin, “’Tol, ’yong—”

“Saglit lang ako.”

Sa men’s restroom sa parehong palapag ng aming classroom, nadatnan ko si Pio na nakatalikod malapit sa dulong urinal. Nang marinig niya ang yabag ko ay humarap siya sa ’kin, sinalubong ako ng ngiti. Ngayong nakita niya na ako sa laman ay isinilid niya na ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pants; gano’n din ang ginawa ko. Akala mo, ang tagal naming hindi nagkita.

“Come here,” wika niya nang may bukas na mga braso.

Marahan akong naglakad palapit sa kaniya. Tiningnan ko kung may ibang tao sa loob, pero wala. Kaming dalawa lang ang naririto dahil nakabukas ang dalawang cubicles na katapat ng urinals.

“Seryoso ba?” tanong ko. “Dito talaga?”

“Yes.”

“Pa’no kung may pumasok?”

“Wala ’yan.”

“ Eeh .“

“Mabilis lang.”

Nang makalapit ako sa kaniya ay hinawakan niya ako sa beywang at idiniin ang aking katawan sa kaniya.

“Hoy, baka may puma—” Sinunggaban niya agad ako ng halik kaya hindi ko na natapos pa ang dapat kong sabihin. Sa halik niya pa lang ay busog na ako. Hindi ko na yata kailangang mag-lunch. Pero hindi ako puwedeng magtagal dito at baka ay may makahuli sa ’min. Kumalas na ang labi ko mula sa labi niya. “O-Okay na?”

“Hindi pa, boss.” Hindi pa rin natatanggal ang malagkit niyang tingin sa ’king labi. “Bitin.”

Kinakabahan ako sa ginagawa niya—sa ginagawa namin.

“Tama na,” saad ko.

Maglalakad na sana ako palayo sa kaniya nang bigla niya akong hinila pabalik sa kaniyang malapad na katawan. “Last na, boss. Promise.”

Hinalikan niya ako ulit, mas taimtim na ngayon at mas nakakaadik. Sa sobrang init ng halik niya ay napapikit ako nang wala sa oras at sandaling nakalimutan kung saan namin ito kasalukuyang ginagawa.

Masyado akong nagpakampante.

Maya-maya pa nang may marinig akong yabag na tila palakas nang palakas.

“’Tol, ’yong wallet—”

Kasabay ng pagtigil sa pagsasalita ng isang pamilyar na boses ay siya ring pagtigil ng yabag. Agad akong napamulat at napatigil sa paghalik kay Pio. Nang lumingon ako patalikod kung saan nanggaling ang boses ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“—mo.”

Sa bungad ng bukas na restroom ay nakatayo si Jonas, hawak-hawak ang wallet na naiwan ko pala sa ’king upuan, at gulat na gulat itong nakatingin sa ’kin—sa ’min ni Pio.

Chapter 37

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Sa sobrang bilis, nakalimutan ko na kung paano huminga at kung paano magsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

“Um,” ito lang ang tanging salita na lumabas mula sa ’king bibig.

Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari. Parang tumigil ang oras sa pagitan naming tatlo. Sa dinami-rami kasi ng taong makakahuli sa ’min ay si Jonas pa talaga. At sa dinami-rami ng taong makikita niyang kahalikan ko ay si Pio pa. Parang kailan lang nang umiyak ako sa balikat niya dahil lubha akong nasaktan ng taong may hawak sa ’kin ngayon.

“S-Sorry,” salitang hindi ko inaasahang lalabas mula sa bibig ni Jonas.

Yumuko siya. Unti-unti ring nabura ang ngiti sa kaniyang labi. Marahan siyang naglakad palapit sa ’min nang nakababa ang mukha at saka ibinigay ang wallet ko sa ’kin. Pagkatapos ng lahat ay wala na siyang iba pang sinabi. May pagkabalisa siyang lumabas ng restroom.


Sa canteen ay sabay pa rin naman kaming kumain ni Jonas. Pero hindi siya kumikibo. Walang kumikibo sa ’ming dalawa. Parang bumalik kami sa dati kung kailan nagkakailangan kami sa isa’t isa. At wala akong ibang magawa.

Gano’n pa rin kami hanggang sa mga sumunod na subjects. Batid niya na siguro kung bakit may suot ako na singsing sa kamay. Sa kabila ng lahat ng nakita niya ay pinili niya pa ring manahimik. Hanggang sa mag-uwian.

Sabay kaming naglalakad sa corridor tulad ng nakasanayan. Nakakapanibago lang kasi hindi niya na ako inakbayan.

Sinubukan kong basagin ang katahimikan nang makarating kami sa gitnang corridor. Huminto ako sa paglalakad. “Ah, Jonas, ’yong… ’yong tungkol kanina—”

Huminto rin siya. “Kayo na?” tanong niya sa malumanay na boses. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa ’kin.

Ibinaba ko ang aking mukha at huminga nang malalim. Wala na yatang saysay pa kung magsisinungaling ako dahil nakita niya na kami—alam niya nang may namamagitan sa ’min ni Pio. Nang muli kong iangat ang aking mukha ay maingat akong tumango-tango bilang sagot.

Kita ko ang paggalaw ng kaniyang labi, na parang sinisikap niyang huwag sumimangot. Sandali siyang yumuko at palipat-lipat ng tingin sa sahig sa pagitan namin at sa ’king sapatos. Umatras siya ng isang beses palayo sa ’kin. Nang iangat niya ang kaniyang mukha ay tumingin siya sa mga mata ko. Ang paraan kung paano siya tumingin sa ’kin ay hindi pa rin nagbabago. Sa huli ay nagawa niyang puwersahin ang kaniyang labi para magkaroon ng isang tipid na ngiti.

“Congrats,” sambit niya. Hindi na siya makatingin nang diretso sa ’kin ngayon.

Tama bang sabihin ko ang salitang salamat ? Bakit pakiramdam ko parang mas makakasakit ako kung ito ang sasabihin ko? At bakit kahit wala pa nga akong sinasabi ay parang nasasaktan na siya?

Paulit-ulit na tumataas-baba ang aking dibdib. “Um—”

“Wala akong pagsasabihan,” sabi niya sa kawalan, “tungkol sa nangyari kanina.”

Napalunok ako.

Tuloy niya, “Masaya ako para sa ’yo.”

Ramdam ko ang bigat sa dibdib ng mga binitiwan niyang salita. Mas lalo tuloy akong hindi makaisip ng dapat kong isagot sa kaniya.

“S-Salamat,” nasabi ko na ang salitang iniiwasan kong sabihin. Umiwas ako ng tingin at kumuha ng lakas ng loob para ipaalam sa kaniya ang isa pang bagay na alam kong mas masakit pakinggan, pero kailangan kong sabihin. “Nga pala”—hindi matigil sa paggalaw ang aking mga daliri—“hindi na ako sasabay sa ’yo pag-uwi.”

Kita kong mas lalong nagiging mabilis ang pagkisap ng kaniyang mga mata. Paulit-ulit niyang pinagkikiskis ang kaniyang mga labi, at lumalalim din ang mga pinapakawalan niyang hininga. Hindi niya na yata kayang panghawakan pa ang kaniyang ngiti dahil unti-unti nang nagiging pantay ang kaniyang bibig. “ Mm .“

“Sorry,” hindi ko maiwasang bigkasin. Kinutkot ko ang dulo ng aking daliri. “So—”

“Okay lang.” Bahagyang namumula na ang mga mata niya. “Okay lang.” Sinikap niya ulit ngumiti nang pilit, sabay tapik nang mahina sa ’king bisig. “Sige, ’tol, una na ’ko.”

Yumuko ako at tumango-tango, sinikap ding ngumiti. “I-Ingat.”

Naglakad na siya palayo sa ’kin at hindi na muling lumingon pabalik.


Sa bench malapit sa covered gym ako tumambay habang hinihintay ang boyfriend (secret boyfriend) ko na matapos sa training. Dito na rin ako nag-review para sa long quiz bukas sa Math, Science, and Technology subject. Walang pumapasok sa kokote ko kahit anong basa ko sa libro dahil sa kakaisip sa nangyari kanina. At hindi ko man lang din nalaman kung ano ’yong parang gusto sabihin sa ’kin ni Jonas mula pa kaninang umaga. Dumagdag pa si Mona sa mga iniisip ko. Paano kaya kung malaman niya ang tungkol sa ’min ni Pio?

“O, Aaron?” May malalim na boses na tumawag sa ’king pangalan.

Nang lingunin ko ang pinanggalingan nito ay nakita ko si Kuya Jason na kalalabas lang ng covered gym. Pawisan ang katawan nito at basang-basa ang damit. Naglakad ito palapit sa ’kin.

“Kuya Jason,” banggit ko sa ngalan nito.

Umupo ang pawisang si Kuya Jason sa ’king tabi. Pinunasan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang jersey sando, dahilan para lumitaw ang abs niya sa tiyan. Matapos linisin ang morenong mukha ay pinunasan niya ang dulo ng kaniyang ilong gamit ang kamay. Ang lakas ng amoy ng pawis niya.

Saktong-sakto, may sasabihin ako sa kaniya.

“Bakit ka nandito?” tanong niya. “Hindi kayo natuloy ni Jonas?”

Ngunit parang may gusto rin siyang sabihin sa ’kin.

“Po?” Kumunot ang noo ko.

Hinawakan niya ang magkabila niyang tuhod. “Sa apartment namin. Hindi ka niya niyaya?”

“Po?” Mas lalo pang kumunot ang noo ko.

At bakit naman ako papupuntahin ni Jonas sa apartment nila?

“Ha?” Kumunot din ang noo ni Kuya Jason. “Wala siyang sinabi sa ’yo?”

Hindi yata kami nagkakaintindihan.

“Sinabi po ang alin?”

“Seryoso, tsong?” Bakas ang pagtataka sa mukha niya. “’Di pa siya umaamin sa ’yo?”

Umaamin?

“T-Tungkol saan po?” tanong ko.

Muling pinunasan ni Kuya Jason ang kaniyang ilong gamit ang kaniyang kamay. Tumikhim siya. “May… May gusto sa ’yo ’yong kapatid ko.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ’king narinig. “Tagal nang may gusto sa ’yo no’n. Ikaw lagi kinikuwento sa ’kin no’n eh bago kami matulog,” sabi niya. “Kaso torpe ’yong kapatid ko na ’yon. Kaya nga walang love life ’yon eh.” Kinamot niya ang kaniyang kilay. “Kung hindi ko pa nga sinabihan ’yon na mag-first move, hindi pa sana ’yon kikilos. Kahapon, umabsent nga ’yon para lang ihanda ’yong apartment namin, kasi… kasi do’n niya sana balak umamin sa ’yo.”

Totoo ba ’tong narinig ko? Hindi ako makapaniwala. Kung totoo nga, ang wrong timing naman…

Wrong timing talaga.

“Teka, wala pa ba siyang sinasabi sa ’yo?”

Yumuko ako. “W-Wala po.”

Tama nga rin ang hinala ko. Wala nga siyang sakit kahapon. At kaya pala siya nangingiti mula pa kaninang umaga dahil may binabalak siyang gawin—ang umamin sa ’kin. Ang kaso, nalaman niya ang tungkol sa ’min ni Pio. Huli na siya.

Lubha siguro siyang nasaktan sa nangyari. Pero anong magagawa ko? Si Pio na ang nagmamay-ari sa ’kin ngayon.

Kung sana… kung sana inamin niya agad noon pa lang, baka sakaling… baka sakaling hindi pa huli ang lahat.

“Naku po. Tsk , tsk , tsk, “ may pagkadismayang sabi ni Kuya Jason. “Torpedo talaga. Huwag mo sabihin sa kaniya na sinabi ko sa ’yo ah?”

Itinaas ko ang aking mukha at tipid na tumango. “Opo.”

“Ikaw, may gusto ka rin ba kay Nas?”

Natigilan ako sa tanong niya.

Batid ko sa sarili kong mayroon akong nararamdaman para kay Jonas na hindi ko maipaliwanag. Magaan siya kausap. Napapangiti niya ako. Nagagawa kong buksan ang sarili ko sa kaniya. Masyado lang talaga akong nalilito. May isa pa kasing tao na mas higit na nagpapasaya sa ’kin, at ito ay walang iba kundi si Pio.

Katahimikan lang ang tanging naisagot ko kay Kuya Jason.

“Okay lang kahit huwag mo na sagutin,” wika niya. “Mas maganda siguro kung sa kapatid ko na mismo mo sasabihin ang sagot.”

Bumuntong-hininga ako.

Ang hirap ng ganito. Mas lalong bumigat sa pakiramdam nang malaman ko ang totoo. Huwag naman sanang tuluyang lumayo sa ’kin si Jonas nang dahil sa nangyari.

“Sige, tsong, balik na ’ko sa loob ng gym,” paalam niya sa ’kin.

Akma na sana siyang tatayo nang magsalita ako. “Wait lang po, Kuya Jason.”

Bumalik siya sa pagkakaupo sa bench. “Bakit?”

“May sasabihin din po ako.”

At sinabi ko ang lahat sa kaniya tungkol kay Mona at sa paparating na tournament.


Nang makauwi kami ni Pio sa apartment building ay napansin niya na namang lumilipad ang isip ko. Paano ba naman kasi, kanina pa siya dada nang dada, tapos ang laging sagot ko lang ay “Ah” o ’di naman kaya ay “ Mm .“ Tulad ngayon kung kailan kami naglalakad sa pasilyo ng fourth floor…

“Talaga, boss? Puwede na ulit?”

“ Mm .“

Nagising ako sa pagkatulala nang mapagtanto kong iba na pala ang pinag-uusapan namin. May pagkabalisa akong lumingon patingala sa kaniyang mukha.

“H-Ha? Puwede ang alin?”

Tinanggal niya ang kaniyang brasong nakaakbay sa ’kin. Pagkatapos ay binilog niya ang kaniyang kaliwang kamay. Sunod niyang nilabas-masok ang kaniyang kanang hintuturo sa loob ng butas nito, sabay ngiti sa ’kin at nagtaas-baba ng kilay na parang may gustong ipahiwatig.

“Hoy! Hindi ah!” Umiwas ako ng tingin nang maramdamang nag-init ang mga pisngi ko. “Hindi pa…”

Hindi pa talaga. Under training pa rin ako. Manonood pa nga ako ng tutorials eh.

Hindi lang siya umimik. Nanumbalik naman ako sa pananahimik at pagkatulala.

Maya-maya pa nang maramdaman kong biglang umangat ang mga paa ko mula sa sahig. Kaya naman pala, ang lokong Pio, bigla pala akong binuhat patalikod. Pinag-lock niya ang naghahabaan niyang mga braso sa ’king tiyan.

“Kidnap ’to, boss.”

Lokong kidnapper, nagpapaalam pa.

“Pio!” sigaw ko sa ngalan niya. “Ibaba mo ’ko!”

Sa bahagyang madilim na pasilyo ay tumuloy-tuloy siya sa pagbuhat sa ’king katawan. Pumiglas-piglas naman ako—akala mo naman talaga—at umalingawngaw ang pakiusap ko sa kaniya na ibaba niya ako. Mabuti na lang at nasa trabaho pa ang ibang tenants dito sa fourth floor kaya wala kaming nadidistorbo.

Nang makarating kami sa kuwarto niya ay kumawala ang isa niyang braso mula sa ’king tiyan. Sobrang lakas niya kaya niya akong buhatin gamit lang ang isang braso. O baka ay sobrang gaan ko lang talaga. Mas lalo yata akong nangayayat dahil sa kakaiyak noong mga nakaraang linggo.

Matapos buksan ang kaniyang kuwarto ay tinangka niya akong ipasok sa loob nito.

“Pio! A-Ano ba?” natatawa kong sabi. “Para kang gago!”

Para akong nasa horror movie dahil napakapit pa ako gilid ng kaniyang bukas na pintuan.

“I know, right?” sabi niya naman sa mapang-akit na boses. Hinila niya ang aking katawan. “I’m my gago version right now.”

“ Ahhhhh !“ tili ko. Para akong hinablot ng isang halimaw dahil napabitiw ako sa gilid ng pintuan at awtomatikong nagsara ang pinto ng kaniyang kuwarto (sinipa niya, hindi ko lang napansin).

Sunod niya akong binuhat papunta sa kama. Sa pagsampa niya patihaya rito ay nadamay ako sa impact. “ Ugh !“ Umuntol ang puwet ko sa bukol niya at naramdaman ko ang saktong pagpasok nito sa pagitan ko. Mabuti na lang at may telang nakaharang. Napipi ang bag ko sa pagitan namin. Umuga naman ang kama dahil sa kalokohan niya at lumangitngit ito.

“Dali na, boss,” pakiusap niya habang nilalanghap ang leeg ko. Ang lagkit ng katawan niya dahil galing pa siya sa training.

“Hindi pa nga,” sambit ko habang tinatapik-tapik ang pawisan niyang mga braso. “Pakawalan mo ’ko.”

“Pleeeease…” Hinalik-halikan niya ako sa leeg.

“Hindi pa nga. Kulit mo,” nakikiliti kong tugon habang nakatitig sa mga balloons na hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa ceiling.

“I-Fifty Shades kita,” bulong niya sa tenga ko.

Mas lalo akong nakiliti sa init ng hininga niya. “F-Fifty Shades?”

“Oo,” sagot niya sa seksing boses, “Fifty Shades of Gay.”

“Inang ’yan, ayoko nga,” tanggi ko. “Saka na.”

“Ngayon na, boss. Kastang-kasta na ’ko.” Pinauntol-untol niya ang puwet ko sa kaniyang bukol. “ Ugh , ugh , ugh !“

“H-Hoy! Gago!” Pinipilit kong kalasin ang mga braso niya mula sa ’kin pero nanghihina ako dahil sa kakatawa. “Ano ka, aso?”

“Yes, boss.” Tumahol siya, “ Aw ! Aw !“ Umangil siya, “ Grrr ! Grrr !“ Sabay biglang kagat sa ’king leeg.

“ Argh !“ hiyaw ko nang maramdaman ang pagbaon ng pantay niyang mga ngipin sa ’king balat. “Bad doggie, bite owner!”

Umungol siya na parang asong umiiyak.

“Hindi pa ba talaga puwede, boss?” seryoso niyang tanong.

Iginilid ko ang aking balikat at sinikap na tingnan ang mukha niyang nasisinagan ng liwanag ng buwan. “Hindi pa nga, Pio.”

Mapait siyang ngumiti. Pagkatapos ay nagpa-cute na parang bata. “Okie, okie.” Sa wakas, sumuko na siya. “Kiss sa bayag na lang muna.”

“Ha?”

“Kiss sabay hug,” paglinaw niya.

Tinadtad niya ng halik ang leeg ko, at wala akong ibang magawa kundi ang makaliti habang ginagawa niya ito. Hindi pa rin ako makawala mula sa mainit niyang yakap.

“ Mm, alat,“ aniya, pero hindi pa rin siya matigil sa pagpapak sa ’king leeg. “Mukhang kailangan mo na ng ligo, boss.” Pinanggigilan niya ulit ako. “ Mm

mm

mm .“

“Mas maalat ’yong—” ’Yong luto niya, pero hindi ko masabi. “Bitiwan mo na ’ko. Maliligo na nga ’ko.”

“Sige, boss.” Kumalas na ang kaniyang mga braso sa ’king tiyan. “Balik ka rito, boss, ah?”

“Oo na,” mahina kong sambit.

“Last na.” Humabol pa siya ng halik sa ’king leeg.

Dahil sa last na ’yan kaya kami nahuli kanina eh.

Nang matapos akong maligo sa banyo ng aking apartment ay bumalik ako sa apartment niya at sabay kaming nahiga sa kaniyang kama. Tapos na rin siyang maligo. Medyo basa pa nga ang kaniyang buhok. ’Yong akin naman ay mabilis na natuyo dahil manipis lang ang gupit ko.

Patagilid kaming nakahiga. Nakayakap siya sa ’kin habang nakaharap ako sa pinto ng kaniyang apartment. Nakasanday ang mabigat niyang binti sa ’king binti. Kanina pa siya pahimas-himas sa dulo ng balikat ko.

“Pio, tulog ka na,” sabi ko. “At patulugin mo na rin ’yang alaga mong nakadikit sa puwet ko, please lang.”

Sa sinabi ko ay tumigil siya sa paghimas sa ’kin at nagkunwaring tulog. “ Zzzzz . Zzzzz .“

“Galing,” sarkastiko kong sabi. “Baka maniwala ako sa ’yo.”

Hindi ko maiwasang tingnan ang picture frame sa bedside table sa tabi ko. Ang inosente talaga ng mukha ni Pio no’ng bata pa, ang layo sa ngayon. Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa ’yong nakaraan niya. Si Mona. Si Kuya Jason. Si Jonas. Siya. Nagkakahalo-halo na silang apat sa isip ko. Wala na, hindi na ako makakatulog nito.

“What are you thinking of?” tanong ni Pio sa ’kin.

Pumikit ako at nagkunwaring tulog na. “ Zzzzz . Zzzzz .“

“Dahil ba ’yon sa nangyari kanina?” Pero hindi ko maiwasang imulat ang aking mga mata sa sinabi niya. “Dahil ba ’yon kay Nas?”

Ngayong nabanggit niya ang pangalan ni Jonas ay nagbalik tuloy sa ’kin ang lahat ng nangyari kanina—ang pagkahuli niya sa ’min ni Pio, ang mga nasabi ko sa kaniya, ang mga nasabi ni Kuya Jason sa ’kin. Kamusta na kaya si Jonas ngayon?

“Aaron, are you thinking about what happened earlier?”

Marahan akong bumalikwas sa pagkakahiga at humarap kay Pio. Matapos ay umiling-iling ako. “H-Hindi… Hindi ah…”

Parang hindi naniniwala ang mga mata niya sa ’kin. “Are you bothered that he saw us together?”

“Ha?” Bahagyang tumaas ang kilay ko.

“Aaron,” sabi niya, “I think it’s only fair that he knows about us. That person obviously likes you.” Inilapit niya pa ang kaniyang mukha sa ’kin. “I believe it’s just right that he knows you’re mine now. I believe it’s just right the whole world knows that”—hinawakan niya ang likod ng aking ulo at pinagdikit niya ang aming mga noo—“I’m yours… only yours.”

At hindi na rin ako makapaghintay na dumating ang araw na kaya ko nang isigaw sa buong mundo na siya ang mahal ko.

Sa ngayon, kailangan ko na munang magpahinga sa init niya.

Magiging maayos din ang lahat.

Chapter 38

Nagdaan ang mga araw na parang kay bilis. Isang linggo na lang at gaganapin na ang tournament nina Pio. Mas lalong napapa-late ang pag-uwi namin sa apartment building dahil puspusan na ang kanilang training. Mas lalo ring lumalalim ang kagustuhan niya na muling may mangyari sa ’min. At ang paulit-ulit ko lang na sinasabi, “Hindi pa ’ko handa.”

Huling sagot niya sa ’kin, “The longer you keep me waiting, the harder I’ll make love to you.”

Ako pa talaga ang tinatakot niya, eh kaya ko na ang kalahati ng dildo.

Ayos pa rin naman kami ni Jonas. Nagpapansinan pa rin naman kami. At sabay pa rin kaming kumakain sa canteen sa mga nakaraang araw. Mabuti na lang talaga. Pansin ko lang na parang nagiging maingat na siya sa mga sinasabi at kinikilos niya magmula nang malaman niyang mayroon nang nagmamay-ari sa ’kin. Hindi pa rin nagbabago ang kabaitan niya. Hindi ko talaga deserve ang feelings niya para sa ’kin. Sayang lang.

Hiling ko lang ay sana makahanap siya ng taong nararapat para sa kaniya.

Araw ng Biyernes nang kumalat sa campus ang balita tungkol sa gaganaping scrimmage ng Mariners Basketball Team. Pagsapit ng alas singko ng hapon ay sa covered gym dumiretso ang mga estudyante imbes na umuwi na. Kahit mga babae ay napapunta rin para makitang maglaro ang itinanghal na Mr. J.A.M.A. na si Jason Alcalde. Ang ibang babae naman ay si Pio pa rin ang sadya. (Kainis.) Kasama ko ring pumunta si Jonas sa covered gym para makinood—siya para suportahan ang kuya niya, ako naman para suportahan si Pio.

Sa bandang gitna ng kaliwang bleachers kami pumuwesto, sa pinaka-itaas na lebel para kitang-kita namin lahat—at para kitang-kita ako ni Pio ( hehe ). Sa ilalim namin—sa ikalawa at ika-unang lebel—naman nakaupo ang mga haliparot na fans ni Pio. Sarap pagbubuhusan ng tubig eh. Panay kasi tili habang nagpa-practice pa sa dribbling si Pio doon sa gilid ng court malapit sa kanang bleachers.

Medyo tahimik pa ang covered gym no’ng una. Pero kinalaunan ay unti-unti itong umingay nang magdagsaan ang iba pang mga estudyante galing sa non-maritime courses maging ang mga taga-Senior High. Napupuno na ang mga upuan. At mas lalo pang umingay nang umingay sa pagdating ng isang hindi inaasahang tao—si Mona. Doon siya pumuwesto sa kabilang bleachers, sa gitna rin mismo at sa pinaka-itaas na lebel tulad ko.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Mona rito. Pero may kaunting ideya ako kung bakit. Si Pio ang sadya nito. Malamang. Halata naman dahil mula sa pag-upo nito hanggang ngayon ay kay Pio lang nakasunod ang tingin nito.

Habang nagdi-dribble si Pio ay nahagip ako ng mata nito. At nang pumangalawang-tingin sa ’kin ay napangiti ito at napatigil sa pag-dribble. Naglakad ito papunta sa side ng court katabi ng bleachers kung saan kami kasalukuyang nakaupo ni Jonas. Bahagyang dumistansya sa ’kin si Jonas nang makalapit na si Pio sa gilid ng court at umiwas ng tingin.

“Boss!” Sumaludo sa ’kin si Pio na may hawak na bola. “Watch me!”

Maya-maya pa ay bigla siyang yumukyok at paulit-ulit na nag-dribble sa pagitan ng kaniyang mga binti. Walang mintis. Swabeng-swabe. Kaya nga kilig na kilig ang mga haliparot na fans sa ilalim ko na gusto ko nang pagtatadyakan sa mga ulo. At kaya rin ako napapaipit ng labi dahil gusto kong itago ang kilig na nararamdaman ko.

’Tang ina naman kasi. Dribbling pa lang, tinatamaan na ako. Pa’no pa kaya sa shooting?

Pagkatapos mag-dribble ay nagtaas-baba siya ng kilay sa ’kin at malaman na ngumiti.

Shit, pinagpapawisan na ako. Ang init naman dito…

Pero mas mainit ang tingin sa ’kin ni Mona sa kabilang bleachers.

Agad kong pinatay ang kilig sa loob ko at nagsuot ako ng seryosong mukha. Tulad ni Jonas ay umiwas ako ng tingin kay Pio—paunti-unting sulyap na lang. At napansin ni Pio ang ginawa ko, kaya lumingon siya patalikod, at doon sa malayo ay napansin niya si Mona. Muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa ’kin nang may bakas ng pagtataka sa mukha.


Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang scrimmage. Sa kanang bahagi ng gym—malapit sa lagusan papuntang CR sa likod—matatagpuan ang desk ng announcer. Sa ibabaw ng desk nakapatong ang portable scoreboard na kasalukuyang nakahinto sa apat na zeros. Sa likod ng desk ay may nakaupong matabang lalake na may hawak na mikropono sa kamay.

Sa gitna ng court ay kasalukuyang nakapuwesto ang dalawang kupunan. Sa larong ’to ay magkalaban sina Pio at Kuya Jason. Ang kupunan ni Kuya Jason ang nasa kaliwa (sa side malapit sa stage) at ang kupunan naman ni Pio ang nasa kanan (sa side malapit sa bungad ng covered gym). Kasalukuyan silang magkaharap sa isa’t isa, at sa gitna nila ay may referee na may hawak na bola paitaas.

Nagpigil ng hininga ang mga manonood. Parehong kilala sina Pio at Kuya Jason na magaling sa basketball. Pareho ring matangkad. Pareho ring matipuno. Higit sa lahat, parehong guwapo. Sa Mr. and Ms. J.A.M.A. ay si Kuya Jason ang nanalo. Sino naman kaya ang mananalo pagdating sa basketball?

Nang iitsa ng referee ang bola pataas ay nagsimula na rin ang totoong laban. Si Pio ang unang nakahawak ng bola dahil mas matangkad ito, kaya sa kupunan nito unang napunta ang pag-atake.

Humiyaw ang mga tagahanga ni Pio.

“Yes!” hiyaw ko rin.

“Go, Number 7!” sigaw ng isang tagahanga.

7 ang numero ng jersey ni Pio. Naka-imprinta ito sa parehong harap at likod ng navy blue nitong sando na may puting linings. Sa itaas ng numero sa harap ay naka-imprinta ang MARINERS na logo, at sa itaas naman ng numero sa likod ay naka-imprinta ang apelyido nitong MCMILLER. Bagay na bagay kay Pio ang numero dahil kamukha nito si Sendoh ng anime na Slum Dunk—pareho silang maputi, matangkad, at pogi.

“Defense, ’ya!” ani Jonas na nakaupo sa tabi ko.

Magkaiba nga pala kami ng team na sinusuportahan. Ayos lang. Laro lang naman ’to.

Na kina Kuya Jason na ngayon ang depensa. Habang pinanonood ang pasahan ng bola sa kupunan nina Pio ay nakaramdam ako ng uhaw, kaya kinuha ko ang bote ng tubig sa side pocket ng bag ko at pinihit ang takip nito.

“Go, McMiller!”

“Go, Pio, bebe!”

Mga haliparot talaga ’tong mga nasa baba. Gigil na ’ko ah.

Nasa kamay na ni Pio ngayon ang bola, kaya hindi ko inalis ang aking tingin kahit pa nga may subo na akong bottled water sa bibig. Sa harap ni Pio ay nagmamasid si Kuya Jason, pinagmamasdan ang bawat galaw ng bola. Dribble lang nang dribble si Pio. Tuloy-tuloy lang din ang pagdaloy ng tubig sa loob ng aking bibig.

Sa isang mabilis na pagkakataon, sinubukan ni Pio ang isang jump shot mula sa labas ng three-point line. Walang nagawa si Kuya Jason. Lumipad ang bola sa ere, at ang buong gym ay natahimik habang naglalakbay ito patungo sa ring.

“McMiller tumira ng tres!” boses ng announcer sa speaker. Dito pa lang ay nasamid na ako nang may maalala nang minsan kaming magkasabay ni Pio maligo noon. Mas lalo pa akong nasamid sa sumunod na salita. “Shoot!”

Napahiyaw at nagpalakpakan ang mga manonood sa pagbagsak ng bola sa loob ng ring, at ang scoreboard ay nagbago—naging 00-03. Bakas sa mukha ni Kuya Jason ang pagkainis. Bakas naman sa mukha ni Pio ang pagkatuwa. At huwag n’yong tatanungin ang kalagayan ko dahil napatigil ako sa pag-inom at napatakip sa bibig kong punong-puno ng tubig.

Minsan na ring naka-three points si Pio sa ’kin.

Okay na sana eh, napigilan ko na ang sarili ko, kaya tinanggal ko na ang aking kamay sa pagkakatakip sa ’king bibig. Pero ang lokong Pio, biglang lumingon sa direksyon ko at kumindat sa ’kin!

“ Pftttttttt !“

Nagsilbing sprinkler ang bibig ko sa mga manonood sa ilalim. Naulanan sila ng pinaghalong mineral water at laway. May pagmamadali kong tinakpan ang aking bibig, ngunit huli na ang lahat. Basang-basa na sila.

’Tang ina! Nakakahiya! Pinagtinginan ako ng lahat!

May pumalit na sa core memory ko no’ng minsang nakalimutan kong tanggalin ang suot kong pink helmet no’ng Orientation Day. Ito na yata ang pinaka-nakakahiyang pangyayari sa buhay ko!

Habang nakatakip sa bibig ay tuloy-tuloy ang pag-awas ng tubig sa ’king baba papunta sa pants. Ang ilang tubig sa loob ng aking bibig ay pinilit ko na lang lagukin, pero nauubo na rin ako.

“’Tol, okay ka lang?” usisa ni Jonas.

Tumango-tango ako habang nakatakip pa rin sa bibig. “ Mm-mm .“

Nagsimula nang magreklamo ang mga tao sa ilalim na naambunan at pinagtinginan ako nang masama.

“Shuta naman! Salamat sa paligo ah?”

“Hayuf na ’yan! Kadiri!”

“Ano ba ’yon? Ba’t may patubig?”

“Wattah Wattah Festival.”

’Tang ina talaga!

Sa court ay nakita kong bahagyang natatawa si Pio nang dahil sa nangyari. ’Yan kasi! Kung hindi sana siya kumindat, eh ’di sana hindi ’to nangyari!

Ayoko na…

Puta…

Bona, sunduin mo na ’ko…

Nang maka-recover ay may pagkahiya akong yumuko bilang paumanhin, at habang nauubo ay paulit-ulit din akong nagso-sorry sa mga tao. Unti-unti na ring naka-move on ang mga manonood sa ilalim. Wala silang magagawa dahil nangyari na, kaya nagpunas na lang sila ng katawan gamit ang mga baon nilang panyo. Dinig ko pa rin ang pagsumpa nila sa ’kin.

Naka-move on na ang lahat, ako na lang ang hindi. Eh ’di tuloy ang laban…

Nagpasiklaban ang dalawang kupunan. Hindi lang si Pio ang magaling mag-shoot ng three points, si Kuya Jason din. Halos pareho sila ng playstyle. Sa lahat na lang ng bagay ay magkatunggali silang dalawa—sa palakihan ng katawan, sa pagkanta, sa papogian—liban na lang pagdating sa pag-ibig, dahil ako na ang mundo ni Pio at si Mona naman ang mundo ni Kuya Jason.

Usapang Mona, naroroon ito sa kabilang dulo at nakasunod pa rin ang tingin kay Pio. Ayoko sanang pansinin, pero hindi ko maiwasan dahil katapat ko lang ito. Ano bang pakay nito? Wala pa naman ang tournament ah. Bakit ito pumunta rito?

Sinisinok na ako.

Habang tumatagal ay mas lalong nagiging dikit ang laban. Two points sa kaliwa. Three points sa kanan. Three points sa kaliwa. Two points sa kanan. One point sa kaliwa’t kanan. Sa sobrang galing ng dalawang kupunan ay mahirap hulaan kung sino ang mananalo sa huli.

“Go, Pio!” hiyaw ko.

“Go, Kuya!” hiyaw ni Jonas.

“Go, Pio!” hiyaw ni Mona.

Nakuha ni Mona ang atensyon ng lahat.

Bakit hindi? Nag-break na sila ni Pio. Matagal na. At matagal na rin nitong tinatanggihan ang pagsusumamo in Pio na magkabalikan sila. Kaya naman, umani ito ng bulung-bulungan mula sa mga manonood.

Pati si Pio ay napatingin sa direksyon ni Mona, sandaling na-distract sa pagbabantay sa kalaban. Pero winaglit naman agad ni Pio ang pagsulyap nito kay Mona. Sunod itong napalingon sa direksyon ko at tila nanlaki ang mata.

“Pass!”

Sinubukang ipasa ng kalaban ang bola papunta kay Kuya Jason. Pero alisto si Pio, agad nitong naibalik ang kaniyang wisyo sa laro. Imbes na sa palad ni Kuya Jason mapadpad ang bola ay naagaw ito ni Pio. Kita ko ang inis sa mukha ni Kuya Jason, lalo pa’t nang makita nitong napahiyaw si Mona sa tuwa dahil na kay Pio na ngayon ang bola.

Si Pio ulit laban kay Kuya Jason.

Mas lalong umingay ang mga manonood. Hindi na magkamayaw pa ang mga tagahanga ni Pio sa ilalim ko sa pag-che-cheer. Hindi rin matigil ang dibdib ko sa pagkabog habang pinanonood si Pio na payukong nagdi-dribble sa harap ni Kuya Jason. Malawak ang sakop ng mga braso ni Kuya Jason na nakabukas, at sobrang talas din ng mga mata nito.

Nang biglang tumalon si Pio at akmang mag-shoot sa labas ng three-point line, sumabay din si Kuya Jason at iniharang ang kaniyang mga braso sa ere. Ngunit mautak si Pio—fake shot lang pala ito!

Sa halip na i-shoot ang bola ay ipinasa ito ni Pio sa kaniyang kakampi na pinakamalapit—kay Number Nine. (Odd numbers ang team ni Pio, samantalang even numbers naman ang team ni Kuya Jason.) Nang makababa mula sa ere ay nagkatinginan sina Pio at Kuya Jason. Lalo pang nabanas ang mukha ni Kuya Jason.

Umani ng masigabong hiyawan at palakpakan si Pio dahil sa galing ng ginawa nito.

Naglakbay na si Number Nine papunta sa kanang bahagi ng court at doon ipinasa ang bola kay Number One. Si Pio naman ay may pagmamadaling tumakbo sa kaliwang bahagi ng court. Hanggang sa nagkapasahan ng bola—napunta kay Number Five, napunta kay Number Three, at napunta ulit kay Pio.

Muling nagpigil ng hininga ang mga manonood. Ang tanging maririnig ay ang mga kaluskos ng sapatos ng mga manlalaro sa court at ang sunod-sunod na pag-untol ng bola sa kamay ni Pio. Mga ilang saglit pa nang lampasan ni Pio ang mga balakid sa kaniyang daan patungong ring. Nagtagumpay ito no’ng una. Ngunit nang makarating na mismo sa ilalim ng ring at nang tumalon ito ay may isa pa palang hindi inaasahang balakid.

Nagbabantay na pala ang agresibong si Kuya Jason kay Pio.

Idadakdak na sana ni Pio ang bola sa ring nang bigla itong sinupalpal ni Kuya Jason. Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ni Kuya Jason ay umalingawngaw ang tunog nito sa buong covered gym.

Tumalbog ang bola sa sahig at iniwan nitong tulala ang mga tao.

Sa pagbaba nina Pio at Kuya Jason ay may nangyaring hindi inaasahan. Sa halip kasi na bumalik sa pagkakatindig si Pio ay lumagapak ang katawan nito sa sahig. Napatulala si Kuya Jason habang pinagmamasdan si Pio na nakahawak sa kanang braso. Bumaluktot ang mahabang katawan ni Pio sa sahig at nagpakawala ito ng isang malakas na sigaw.

“ AHHHHHHH! “

Sa sobrang lakas ay nagising ang diwa ng lahat.

Napatalon ang puso ko sa kaba. Dulot ng malakas na sigaw ni Pio ay napatayo ang mga tao sa ilalim ng bleachers at nagkagulo—gano’n din sa kabilang bleachers. Agad din akong tumayo, nanlaki ang mata, at nagsitayuan ang mga balahibo nang matuklasan ko kung ano talaga ang nangyari.

Nabali ang kanang braso ni Pio!

Nabalot ng takot ang gym dahil sa hindi matigil na pagpapakawala ng sunod-sunod na sigaw at iyak ni Pio dulot ng sakit ng nabaling braso. Pinalibutan ito ng mga kakamping manlalaro maging ng mga kalaban—naging iisa ang pinaghating mga miyembro ng Mariners Basketball Team ngayong may nangyaring trahedya. Si Kuya Jason sa ilalim ng ring ay may pagkabalisa lang na nakatindig, ang dibdib ay hindi matigil sa pagtaas-baba, ang bibig ay nangangatal. Nagsibabaan ang mga manonood sa bleachers papunta sa court para makiusyoso.

Pumito ang referee at pinipilit na itaboy ang mga tao sa paligid ni Pio, pero tila walang nakikinig. Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang mga bulungan nila—pero mas malakas pa rin ang iyak ni Pio. Kasabay nito ay palakas din nang palakas ang kalabog sa dibdib ko.

“Pio!” Huli na nang makasigaw ako.

May panginginig-paa akong bumaba sa bleachers. Para akong nahilo dahil sa pinaghalong alinsangan, ingay ng mga tao, at hindi matigil na paggalaw ng kumpulan nila.

“Pio!” paulit-ulit kong sigaw.

Naluluha na ang mga mata ko habang pinakikinggan ang makadurog-pusong iyak ng taong lubhang mahalaga sa ’kin. Pinilit kong sumingit sa kumpulan ng mga tao pero masyadong masikip. Parami rin nang parami ang dumadagsang mga tao galing sa labas ng gym, at dumadagdag lang sila sa kumpulan.

“’Tol!”

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Jonas na pilit itinutulak palayo ang ibang estudyante sa gilid ng court kaya nakagawa ito ng maliit na espasyo. May pagmamadali akong tumakbo papunta sa kinalalagyan ni Jonas.

“Tabi!” sigaw ni Jonas sa mga tao nang makalapit ako sa kaniya. “Tumabi kayo!”

Tulad ng sa referee ay walang nakikinig sa pakiusap niya. Kaya, ang ginawa niya, habang sumisingit ako sa kaunting espasyo ay sinundan niya ako nang sinundan hanggang sa makarating ako sa pinaka-unahan ng mga nakaharang na tao.

Lumantad sa ’kin ang kasalukuyang sitwasyon. Nagtitiis pa rin sa sakit, hindi matigil sa paghagulgol, at napapapikit na si Pio habang natataranta naman ang mga teammates nito sa palibot ng kaniyang katawan. Tumutulong na rin ang coach sa referee sa pagtaboy sa mga papalapit pang mga tao.

Suminghap ako nang makita ang balikong braso ni Pio—ang braso nitong laging nakaakbay sa ’kin ay lubhang napuruhan, nabalian ng buto. Sa sobrang sama ng lagay nito ay nangasim bigla ang lalamunan ko. Sa kabila ng lahat, pinilit kong humakbang palapit sa kaniya. Paunti-unti. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso.

“Pio!” sabay naming sigaw ni Mona.

Pagtingin ko sa kabilang kumpulan ng mga tao ay nakita ko si Mona sa harapan doon na napatingin din sa ’kin. May pag-aalala rin sa mukha nito tulad ko. At tila nagpapakiramdaman kami kung sino ang mauuna sa ’ming lumapit kay Pio.

Hindi ako nagdalawang-isip na humakbang. Gano’n din ang ginawa ni Mona.

“Pio!” sabay ulit naming tawag sa lalakeng namimilipit sa sakit sa sahig.

Sa hindi inaasahan ay bigla akong hinarang ng coach at tinulak palayo. “Tabi! Huwag kayong lalapit!”

“Kuya, please!” Nagpupumilit pa rin akong lumapit kay Pio, hindi matigil sa pag-aalala. “Please!”

Nanghina na lang bigla ang katawan ko nang makitang nakalapit na pala si Mona kay Pio ngayon. At sa muling pagtulak ng coach sa ’kin ay muli akong napasama sa magulong kumpulan ng mga tao at napagitnaan ng mga ito.

“Pio, I’m here!” dinig kong sambit ni Mona sa tila naiiyak na boses.

Halos mangiyak-ngiyak na ako dahil hindi ko magawang lapitan ang sarili kong kasintahan. At ang mas nakakaiyak pa, ibang tao ang nasa tabi nito ngayon—si Mona. Parang umugong ang tenga ko at sandali akong nabingi dulot ng napakaingay na paligid. Sinubukan ko ring kusutin ang mga mata ko dahil bahagyang lumalabo ang aking paningin dulot ng luhang namumuo sa mga ito.

Nang ibalik ko ang aking paningin kay Pio ay kita kong pinagtulungan na itong buhatin ng mga teammates nito papunta sa direksyon ng bungad ng gym. Unti-unti na ring nanumbalik ang aking pandinig.

“Papunta sa kotse! Sa kotse! Bilis!” may pagkatarantang utos ng coach habang hinaharang pa rin ang mga tao sa gilid. “Dalhin natin sa ospital! Bilisan n’yo!” Natataranta na rin ang mga tagabuhat. “’Tang ina, huwag kayong haharang!” Namamaos na ang coach. “McMiller, kapit lang!”

“Pio, please hang in there!” si Mona na mangiyak-ngiyak na rin habang nakasunod sa mga tagabuhat.

Kasabay ng mga tagabuhat ay kusang napapasunod ang mga tao papunta sa bungad ng gym. Sa sobrang dami nila ay tinatangay ako ng daloy. May bumabangga sa katawan ko mula sa iba’t ibang direksyon. At sa sobrang siksikan ay naninikip na ang aking dibdib. Mas lalo akong nahilo.

“P-Pio!” may hingal kong sigaw.

Hindi naglaon ay natigil sa paggalaw ang mga tao nang makarating sa may bungad ng gym. Kahit ugang-uga na ang utak ko ay sinikap ko pa ring makisiksik, sinubukang sundan ang liwanag mula sa langit. Hanggang sa makarating ako sa pinaka-unahan ng kumpulan.

Sa isang naka-park na kotse ay nakita kong ipinasok na si Pio sa kaliwang rear seat. Sunod ding pumasok ang coach doon sa may driver’s seat. At sa kanang rear seat ay pumasok si Mona. Tinabihan nito si Pio at pilit na pinasandal ang ulo ni Pio sa kaniyang balikat. Sunod nitong hinimas-himas ang buhok ni Pio.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa ’king nakita. At hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod na pamumuo ng luha sa ’king mga mata. Nang magsimulang umandar ang kotse ay saka lang ako natauhan sa kung anong dapat kong gawin.

Tumakbo ako palabas ng gym kahit parang yumayanig ang mundo sa bawat yabag ko. Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang andar ng kotse. Kaya binilisan ko pa nang binilisan ang aking takbo. Ngunit huli na ang lahat. Tuluyan na silang nakalayo. At naiwan akong mag-isa at nakatulala sa hangin.

“Pio…” nanghihina kong sambit.

Tumulo ang luha sa ’king pisngi.

Chapter 39

Takipsilim na ngunit hindi pa rin ako nakakauwi sa apartment building. Nag-stay ako sa academy. Ayokong umuwi. Hindi ako uuwi nang hindi ko kasama si Pio.

Hindi na nagtaka pa ang ibang miyembro ng Mariners Basketball Team kung anong ginagawa ko sa loob ng lungga nila dahil masyado silang okupado sa kaka-chat sa kanilang coach para tanungin kung ano nang nangyari kay Pio, kung saang ospital ito dinala, at iba pang bagay. Pero hindi raw sumasagot ang coach nila.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanilang sleeping quarters kung saan may limang double deck na nakahilera. May sapat na espasyo lang sa pagitan ng bawat double deck para tumayo o maglakad. Sa gitnang double deck (ikatlo) nagtipon ang mga kakampi ni Pio sa laro kanina. Sa ikalawa namang double deck nagtipon ang mga kakampi ni Kuya Jason. Sa unang double deck kami nakaupo ni Jonas at kanina pa namin napapansing pabalik-balik ng lakad si Kuya Jason sa tapat namin habang kinakagat ang kuko sa hinlalaki.

Nakulob ang magkahalo-halong amoy ng mga pawisang manlalaro. Bahagyang mainit din sa loob dahil ang tanging daluyan lang ng hangin ay ang grilled window sa itaas ng pader, sa gilid, kung saan makikita ang mayabong na dahon ng mga puno sa benches.

Natigil na ako sa pag-iyak, pero hindi pa rin matigil sa panginginig ang kamay ko. Hindi pa rin ako makausad sa nangyari. Parang kanina lang, masaya pa ang lahat, tapos nahantong sa ganito.

“Sorry…” Ngayon lang ulit nakapagsalita si Kuya Jason. Namamalat ang boses niya. “Sorry… Sorry… Pio, sorry…”

“’Ya,” si Jonas, “aksidente lang naman ’yong nangyari, ’di ba? Tama na ’yan. Huwag mo nang sisihin sarili mo.”

Huminto si Kuya Jason sa tapat ni Jonas at nagkatinginan sila sa mata. “Hindi, Nas. Kasalanan ko ’to eh.” Hindi siya matigil sa pagsinghap. Ang mata niya’y namumula pa rin mula pa kanina. “Ang gago ko, puta.” Tinakpan niya ang kaniyang mukha. “Gusto ko lang naman… Gusto ko lang na pansinin ako ni… ni Mona. Hindi ko sinasadyang—” Hindi niya na napigilan pang humikbi.

Agad na tumayo si Jonas at hinimas sa likod ang kaniyang kuya para aluin ito. Habang ginagawa niya ito ay hindi niya rin maiwasang mapatingin sa ’kin nang may pag-aalala. Kanina lang kasi nang atakihin ako ng hika. Mabuti na lang at hindi pa nauubos ang laman ng inhaler ko.

Nawalan ako ng ganang kumilos. Ang gusto ko na lang ngayon ay makita at makasama si Pio. Ako dapat ang kasama no’n ngayon eh, hindi si Mona.

“Nag-reply na si Coach!” dinig kong sabi ng isang lalake sa ikatlong double deck.

Agad kaming nagsilapitan nina Jonas at Kuya Jason at nagsiksikan kasama ng iba pang miyembro palapit kay Number One na nakatayo sa gitna ng dalawang double decks at may hawak na cellphone.

“Ano raw sabi?”

“Musta si Pio?”

“Saan daw?”

“Sa Saint Michael’s Hospital daw dinala,” sagot ni Number One. “Under surgery na raw si Pio.”

“Saint Michael’s Hospital…” usal ko. May pagmamadali akong lumabas ng sleeping quarters. Mas lalo akong naging aligaga ngayong alam ko na kung nasaan si Pio.

“’Tol!” Sinundan ako ni Jonas.

Nang makalabas ng Varsity House ay naglakad ako sa mabuhanging daan papunta sa entrance ng school. Tuloy pa rin sa pagsunod sa ’kin si Jonas.

“Saint Michael’s Hospital…”

“Saan ka punta, ’tol?” Nakalapit na sa ’kin si Jonas ngayon.

“Saint Michael’s Hospital…” paulit-ulit kong sabi para hindi makalimutan.

“Punta ka ro’n?” usisa niya. “Alam mo ba kung saan ’yon?”

Lumingon ako sa kaniya nang may namumugtong mga mata habang nakahawak sa magkabilang straps ng aking bag. Umiling-iling ako nang magaan bilang sagot.

“Samahan na kita,” aniya. “Alam ko kung saan ’yon.”

“Nas!” namamalat na boses ni Kuya Jason. Paglingon namin patalikod ay nakita namin itong nakatayo sa daang pinanggalingan ko. Hindi ito matigil sa paghingal. “Balitaan mo ’ko!”

Tumango si Jonas bilang tugon sa kuya.

Tumungo na kami sa ospital.


Isang jeep lang mula sa J.A.M.A. ang Saint Michael’s Hospital. Gabi na nang marating namin ito ni Jonas. Mataas at malawak ang gusali. Nakakalula kung titingalain at nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa mga ilaw sa iba’t ibang palapag nito. Sa may entrance ay may isang guwardiyang nakabantay. Siya ang una naming nilapitan.

“Good evening po,” bati ng guwardiya sa ’min. “Ano pong sadya nila?”

“Kuya,” may bigat kong sabi, “dito po sinugod ’yong boy—” Biglang napaurong ang dila ko sa kaba.

Bahagyang tumaas ang kilay ng guwardiya sa ’kin.

“Kuya, dito po sinugod ’yong boyfriend niya,” si Jonas na mismo ang nagtuloy ng dapat kong sabihin.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya dahil hindi ko inakalang manggagaling ito mismo sa bibig niya, lalo pa’t nalaman kong may gusto rin siya sa ’kin. Gayunpaman, heto siyang sinusuportahan pa rin ako. At hindi ko alam kung paano ko susuklian ang kabaitan niya sa ’kin.

“Boyfriend?” Mas lalong tumaas ang kilay ng guwardiya.

Tumikhim si Jonas at pinalalim ang boses. “Opo, kuya. Bakit po? May problema po ba?”

Biglang natanggal ang pagtataka sa mukha ng guwardiya. “Ah, w-wala naman.” Tumikhim siya at humarap ulit sa ’kin, sinubukang ayusin ang kanina’y mapanghusgang mukha. “Um, Sir, sige po, pasok po kayo.”

“Tara,” yaya ni Jonas sa ’kin.

“Ah, teka lang po,” singit ng guwardiya, hinawakan si Jonas, “kaano-ano ka rin po ng pasyente?”

Tiningnan ako ni Jonas sa mata, sabay balik ulit ng tingin sa guwardiya. “S-Schoolmate po.”

“Ay, Sir, sensya na, pero siya lang po puwedeng pumasok sa loob,” tukoy sa ’kin ng guwardiya.

“Ha?” Kumunot ang noo ni Jonas. “Kuya, kilala ko rin ho—”

“Partners at immediate family members lang po puwede sa loob,” sabat ng guwardiya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jonas, umiwas ng tingin, at pabulong na sinabi sa hangin, “Ba namang ospital ’to…”

Narinig ito ng guwardiya. “Sensya na, Sir. Sumusunod lang naman po kami sa protocols.”

“Oo na po,” may galang na saad ni Jonas. Sunod siyang tumingin pabalik sa ’kin, pinaamo ang mukha at pinakalma ang boses. “’Tol, pasok ka na sa loob. Hintayin na lang kita rito sa labas.”

“S-Sigurado ka?” desperado kong tanong.

Gusto ko rin siyang makapasok sa loob, pero mas nangingibabaw sa ’kin ang kagustuhang mauna na para malaman ang kalagayan ni Pio.

“ Mm .“ Tipid siyang ngumiti at tumango-tango. Hinawakan ako ng magaan niyang kamay sa balikat ngunit saglit lang. “Sige na, ’tol.”

Pinagbuksan na ako ng guwardiya ng pinto at hindi ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob.

Matapos mag-log ng pangalan at mag-iwan ng valid ID sa reception desk ay may pagmamadali akong tumungo sa third floor ng building kung saan daw kasalukuyang inooperahan ang pasyenteng nagngangalang Piolo McMiller. Masyadong madaming pasikot-sikot ang hallway kaya halos maligaw-ligaw ako no’ng una. Pero kinalaunan ay natunton ko rin ang hinahanap ko nang may makita akong mga pamilyar na mukha sa dulo ng isang pasilyo.

Sa tapat ng nakasarang operating room ay makikitang nakaupo sa waiting area seats ang payat na coach kanina na nagtulak sa ’kin kaya si Mona ang katabi nito ngayon imbes na ako. Parehong lugmok ang kanilang mga mukha, at pareho silang hindi makasandal nang maayos sa upuan.

Lalapit na sana ako sa kanila nang may biglang naunang babae sa ’kin. Isang pamilyar na babae. Nakasuot ito ng mini dress na kulay itim at may hawak na mamahaling bag sa kamay.

“Piolo, my son!” mangiyak-ngiyak nitong sambit habang nakatakip sa bibig gamit ang palad. “Where’s my son?”

Napatayo sina Mona at ang coach.

“Tita!” ani Mona.

“Mona!” bigkas naman ng mom ni Pio na nakarating na sa dulo ng pasilyo. Nagkayakapan silang dalawa ni Mona. Matapos kumalas sa pagkakayakap ay muli itong nagsalita nang may pagkabalisa. “What happened? W-Where’s Pio now?”

Sandali akong natigil sa gitna ng pasilyo, nagdalawang-isip kung lalapit pa ba ako sa kanila.

“Tita, he’s still inside the operating room.” Napaiyak bigla si Mona. “He broke his arm, and he’s currently undergoing surgery.”

“Oh, God!” Suminghap ang mom ni Pio. “How could this happen?” Humikbi ito. “Who did this?” Sunod itong tumingin sa coach at niyugyog sa isang braso. “Coach, who did this?”

Yumuko ang coach, ’di makatingin nang diretso sa mom ni Pio. “Uh, Ma’am… aksidente lang po ang nangyari. H-Hindi po sinasadyang—”

“An accident? You call this an accident? My son has had accidents before while playing basketball, but never anything like this grave!” galit na sigaw ng mom ni Pio. “Whoever did this to him must pay!”

Singit ni Mona sa malumanay na boses, “Tita, it was really an accident.”

ksidente man ang lahat, hindi sana ’to mangyayari kung hindi lang siya nakinood sa laro kanina.

Bahagyang humupa ang paghihimutok ng mom ni Pio nang dahil sa sinabi ni Mona. Binitiwan na nito ang coach. Muli itong napatakip sa bibig at humikbi. “My son…”

Muling niyakap ni Mona ang mom ni Pio na naghihinagpis. Magkaramay silang umiyak. Habang ako, naduduwag na lumapit sa kanila.

Walang nakaaalam sa kanila sa totoong dahilan kung bakit ako nandito. Hindi ako kilala ng mom ni Pio. Sa paningin ni Mona, isa lang akong kapitbahay ng taong mahalaga rin sa kaniya.

Dapat pa ba akong lumapit sa kanila?

“Aaron?” Nanlaki ang mata ni Mona nang mapansin ako.

Umalis naman sa pagkakayakap ang mom ni Pio at napatingin din sa direksyon ko nang may luhaang mata. Napatingin silang tatlo sa ’king nang may halong pagtataka.

Napaatras ako at napayuko. Hindi ko alam kung paano ako makikihalubilo sa kanila.

Nakarinig na lang ako ng mga yabag. Sa muling pag-angat ko ng aking mukha, nakita ko si Mona na napahinto na ngayon sa harapan ko.

“Aaron, you’re here,” sambit niya sa medyo namamalat na boses. Pinunasan niya ang magkabilang gilid ng kaniyang mga mata.

“Um…” Hindi ko siya matingnan nang diretso. “Si… Si Pio…”

“Pio’s still inside the operating room,” pabatid niya sa ’kin kahit alam ko naman.

Unti-unti na namang bumibigat ang paghinga ko. Hindi ako matigil sa pagkamot sa ’king palad na namamawis. “Um, ano… uh…”

“Aaron, it’s alright.” Kinuha niya ang kamay kong nanginginig. “Everything will be al—”

Natigilan siya bigla sa pagsasalita. Saka ko lang napagtanto na ang kaliwang kamay ko pala ang nakuha niya kung saan suot ko ang singsing na bigay ni Pio. Malamang ay nakita niya na rin kung saan nakasuot ang kapares nito. O baka naman ay hindi niya napansin. Pero malabong hindi niya mapansin dahil siya ang kasama ni Pio kanina. At ginamit ni Pio na panghawak sa kaniyang nabaling braso ang kaniyang kaliwang kamay.

May pagmamadali kong hinablot ang kamay kong nahawakan niya, saka ako yumuko, lumunok. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nangako ako sa kaniyang sasabihin ko ang lahat ng sinabi niya kay Pio, pero ngayon ay mukhang natuklasan niya na ang totoo. Nasilip ko ang mukha niyang nakatulala, may bakas ng pagtataka sa mata.

“Aaron…”

“S-Sorry,” usal ko.

Napaatras siya, bahagyang nanlaki ang mata. Hindi siya matigil sa pagkurap. “Sorry f-for what?”

Sasabihin ko na ang totoo.

Lumunok ako. “Kami—”

“Aaron, please… stop…” Paglingon ko sa kaniya ay maluha-luha na ang mga mata niya. “Don’t say anything…”

Ramdam ko na rin ang pag-init ng aking mga mata. “Kami ni Pio—”

“Aaron, please…” Humikbi siya. “Just go away…”

Napahikbi na rin ako. Hindi ako matigil sa pagsinghap. “Ate Mona—”

Tumulo na ang luha sa pisngi niya ngayon. “Go home, Aaron…”

Hindi ko na rin napigilan pa ang pagtakas ng luha mula sa ’king mata, na agad kong pinunasan bago tuluyang bumagsak sa pisngi. Hindi na rin ako makapagsalita.

“I am who Pio needs right now.” Pinunasan niya rin ang luha sa kaniyang pisngi. “And once he recovers, I’m… I’m going to get back with him. It’s final.”

Napaatras ako palayo sa kaniya. “Ha?” nanghihina kong sabi.

“You’ve heard enough, Aaron.” Bumuntong-hininga siya. Pagkatapos ay nagsuot siya ng seryosong mukha. “Now, go.”

Kinusot ko ang gilid ng aking pants. Tuloy-tuloy lang ang pagtakas ng luha sa ’king mga mata na hindi ko na nagawa pang punasan. Umatras pa ako palayo sa kaniya.

“Mona, who’s that?” Lumapit ang mom ni Pio kay Mona.

“Um, Tita…” Humarap si Mona sa mom ni Pio na kakarating lang sa tabi niya. “He’s…” Sabay balik ng tingin sa ’kin. “He’s just Pio’s schoolmate.” Ngumiti siya nang tipid, at hindi ko alam kung sinsero ba o pilit—ang hirap alamin. “Aaron, don’t worry. Everything will be alright.” Humakbang pa siya palapit sa ’kin, tinitigan ako mata sa mata, ang boses ay ginaanan at pinabait. “You may go home now. Kami na bahala rito ni Tita.”

Sinuri ako nang maigi ng mom ni Pio na namumula ang mata. Palipat-lipat siya ng tingin sa ’ming dalawa ni Mona. Hindi niya mawari kung ano talaga ang nangyayari.

Magkahalo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Atras ako nang atras. Mas lalong tumindi ang panginginig ng mga kamay ko. Naipon ang lahat ng mga salitang hindi ko masabi sa ’king dibdib—sobrang bigat, parang hindi ako makahinga.

Sa huli, tinalikuran ko sila. Dahil habang tinitingnan ko sila—higit sa lahat, si Mona—mas lalo lang sumasama ang pakiramdam ko.

Habang binabagtas ko ang pasilyo ay napakagat ako sa kamay ko at sinubukang huwag iparinig sa mundo ang pigil-pigil kong pag-iyak. Sobrang sakit na. Kahit sa elevator pa lang, para na akong sasabog. Mabuti nga at nagawa ko pang lumabas ng ospital. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong napahagulgol sa gilid.

“’Tol?” Agad akong nakita ni Jonas at nilapitan. “Anong—?”

Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko, parang mauubusan na ako ng hininga. Agad naman akong tinabihan ni Jonas at tinapik-tapik sa balikat.

“’Tol… ba’t ka umiiyak?” May bakas ng lungkot sa boses niya, na parang nahahawa na rin siya sa pag-iyak ko. “Ano ba ’yon? Ba’t ka ganiyan?”

Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko, ang pagsabog ng damdamin ko. Ayaw tumigil ng dagundong sa dibdib ko. Ayaw pakalma ng puso ko. Napupuot na ako.

“’Tol, magsalita ka naman, o.” Sinikap niyang pigilan ang sarili sa paghikbi. “Nasasaktan ako sa ’yo eh.” Tinakpan niya na ang kaniyang bibig ngayon at umiwas ng tingin, pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtapik sa ’king balikat habang napapahalinghing. “Gusto… Gusto kitang yakapin eh, kaso ’di puwede. Kaya huwag kang umiyak… please.” Bumalik siya ng tingin sa ’kin at kita kong naluluha na ang mga mata niya ngayon. Hindi niya na napigilan pa ang sarili sa paghikbi. “Aaron, huwag ka nang umiyak.”

Mas lalo lang akong naiyak dahil sa mga sinabi niya.

Chapter 40

Hindi ako makatulog.

Nakakapanibagong mahiga sa kama nang mag-isa, walang mabigat na brasong nakayakap sa ’kin, walang mainit na hiningang tumatama sa ’king batok, walang makulit matulog, walang Pio. Kanina pa ako nakatulala sa hangin. Pagod na pagod na ang mga mata ko, pero ayaw akong patulugin ng diwa ko. Nasabi kong hindi ako uuwi nang hindi ko kasama si Pio, pero heto ako ngayon sa loob ng kuwarto ko.

Alas tres na ng umaga.

Paulit-ulit akong nag-i-scroll sa Messenger. Nakailang basa na ’ko sa convo namin. Nakailang balik na ’ko sa malalambing niyang messages at sa mga pictures na sine-send niya sa ’kin noon—kadalasa’y puro selfie niyang nakangiti sa classroom, bawat oras, bawat minuto, kahit ’di ko naman hinihingi. Marahil ay nililibang ko lang ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagre-reply sa huli kong message.

Me

pio

Tatlong letra lang ang nakaya kong i-send, pero punong-puno ito ng kahulugan. Maaring, “Pio, gising ka na ba?”, “Pio, magparamdam ka.”, “Pio, miss na kita.”. Gustong-gusto ko siyang tawagan sa kalaliman ng gabi, ngunit naisip kong baka ay nagpapahinga pa siya pagkatapos ng surgery. Wala akong ibang magawa kundi palipasin ang oras.


Naalimpungatan ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok at isang pamilyar na boses. Pagmulat ko ay maliwanag na ang paligid. Kanina lang ay sigurado akong may hawak akong cellphone sa kamay, pero ngayon ay blanko na ang palad ko.

May pagmamadali akong umahon mula sa kama at hinanap ang cellphone ko kahit medyo malabo pa ang paningin ko. Sa ilalim na gilid ng kama ko ito nakita. Bumagsak pala ito mula sa kamay ko, hindi ko man lang namalayan. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog. Marahil ay hinang-hina na ang katawan ko kaya kusang naghanap ng kapahingahan.

At ang malas naman. Kung kailan puwede ko nang tawagan si Pio, saka naman na-drain ang cellphone ko.

“Hello?” Muli akong nakarinig ng tatlong katok sa pinto ng apartment ko. “Is someone there?”

Isinilid ko na ang cellphone ko sa bulsa ng aking shorts at tumungo papunta sa pintuan na pinanggalingan ng pamilyar na boses. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang mom ni Pio. Mugtong-mugto ang mga mata niya at bahagyang madungis ang ilalim ng mga ito dahil naanod yata ang make-up niya ng mga luha.

“Hi,” nanghihinang bati niya sa ’kin. Sinikap niyang ngitian ako kahit punong-puno ng lungkot ang mga mata niya. “You’re Aaron?”

Mahina akong tumango-tango.

Hindi ko alam kung bakit siya naririto. Sa lahat-lahat ng dapat niyang kalag’yan ngayon, iyon dapat ay ang ospital kung nasaan kasalukuyan ang anak niya. Pero heto siyang nakatayo sa harap ko, ang mukha ay tila nagmamakaawa.

“Aaron,” nangingiyak niyang sambit, “I’m begging you. Please, fix my son.”


Pinasakay ako ng mom ni Pio sa loob ng kotse niyang nakaparada sa tapat ng apartment building. May pagtataka kaming sinundan ng tingin ni Manang Lucy na walang alam sa kung anong nangyari kahapon lang. Dito lang naman umiikot sa apartment building ang buhay niya, at nararamdaman ko, malapit ko nang malaman ang totoong kuwento niya.

Mahirap huminga sa loob ng kotse habang umaandar kami kahit pa nga nakabukas ang mga bintana nito. Amoy sigarilyo. Naninigarilyo ang mom ni Pio habang nagda-drive. Nagpaalam naman siya sa ’kin bago niya ito sindihan kanina at hindi naman ako umangal dahil sa hiya. Pero ngayon, parang nagsisisi na ang baga ko. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana, papunta sa kalye ng Mabini kung saan ako sinagip noon ni Pio, para kahit papaano ay makalanghap ako ng sariwang hangin.

“My son,” panimula ng mom ni Pio, “has been calling out your name the moment he woke up.”

Napalingon ako sa rearview mirror ng kotse kung saan makikita ang repleksyon ng mukha niya, nanlaki ang mata. “Po?”

“Piolo’s been looking for you desperately.” Humithit siya ng sigarilyo at pagkatapos ay ibinuga ang usok nito sa bintana sa kaliwa niya, sabay balik ng tingin sa harapang kalsada. Namamalat pa rin ang boses niya dahil yata sa kaiiyak. “He doesn’t want anyone inside the room… except you.”

Hindi ako nakaimik. Sa halip ay napahawak na lang ako sa ’king tuhod.

“Mona went home,” tuloy niya na mas lalong pumukaw sa ’king atensyon. “She cried so hard after Piolo pushed her away.” Muli siyang humithit ng sigarilyo at bumuga ng usok. “At first, I thought Piolo would be happy to see her. My son always wanted to get back with her. And Mona wanted to get back with him too, I just found out last night. But Pio, he… he mentioned that it is not her that he wants to see. He’s been repeatedly crying your name, and that hurt Mona a lot.”

Lumunok ako. Nalunok ko yata ang sarili kong kahihiyan.

Ako ’yong boyfriend, pero wala ako sa panahong kailangan ako ni Pio. Naiinis ako sa sarili ko dahil umalis ako kahapon sa ospital. Kung sana… Kung sana hindi ako nagpadaig… Kung sana hinintay kong masing si Pio, wala sana akong mga pagsisisi ngayon.

“I wish Piolo’s father were here,” tuloy niya. “For sure, he would embrace him tightly upon seeing him.” Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang matapos na ang silbi ng sigarilyo sa kaniyang kamay kaya tinapon niya ang upos nito sa labas ng kotse. “But me? He could never. Kung si Mona nga, ayaw niyang makita, ano pa ’ko?” Bumuntong-hininga siya. “My son hates me a lot… and I don’t know why.”

Sarili niyang anak pero hindi niya alam kung bakit galit sa kaniya? Paano nangyari ’yon?

“I know he’s a daddy’s boy. But when he was still five, he didn’t despise me like he does now.” Nagsimula nang maging malungkot ang mukha niya. “I’m trying to ask him what’s wrong—what did I ever do wrong—but he’s not telling me anything.” Kita kong nagbabadya na ang luha niya. “When he turned eighteen, he started renting an apartment. Uuwi lang siya tuwing nakakababa ng barko ang dad niya,” saad niya. “He claims it’s because the apartment is closer to his school, but I know there are other reasons… I think I am the reason.”

Panigurado akong may nagawa siyang mali, at lubha nitong naapektuhan si Pio noong bata pa, at nadala ito ni Pio hanggang pagtanda. Imposibleng wala. Sa paninigarilyo niya pa nga lang, baka sa kaniya rin ito nakuha ni Pio.

“Last time, umuwi siya ng bahay,” dugtong pa niya. “I thought it was for good. I believed he had truly returned, that he would finally talk to me. But I was mistaken.” Saglit siyang tumingala para pigilan ang pagbagsak ng kaniyang luha. “He still hates me. As a mother, it pains me deeply that my own son—my only son—doesn’t love me.” Tumulo na ang luha niya, na agad niya rin namang pinunasan gamit lamang ang isang kamay, habang ang kabila ay nasa manibela ng kotse. “But I know one thing, Aaron… you’re very important to him.”

Nagsimula na ring magbadya ang luha ko. Nasa kanto na kami ngayon ng J.A.M.A. papunta sa highway.

“No’ng umuwi siya, madalas lang siyang magkulong sa kuwarto niya. Tuwing gabi, lagi na lang siyang umiiyak, and I couldn’t do anything about it because we’re so distant now. At first, I thought it was because of Mona that he’s crying. Then, one time, as I approached his closed door, I heard him whisper a name: Aaron .” Tumingin siya sa mukha ko gamit ang rearview mirror ng kotse. “It was you, Aaron.”

Yumuko ako dahil naramdaman kong parang maiiyak na naman ako. Hindi ko mapigilang tingnan ang singsing na nakasuot sa kaliwang palasingsingan ko.

Gustong-gusto ko nang makita si Pio.

Gustong-gusto ko na siya kausapin.

Gustong-gusto ko na siyang yakapin.

“Aaron,” tawag niya sa ’kin, “can I ask you a favor?”

Itinaas ko ang aking mukha at muling tumingin sa mukha niya sa rearview mirror. “A-Ano po ’yon?”

“On my behalf, could you please take care of my son?” Suminghap siya. “He doesn’t want to go home. He doesn’t want anyone else. He only wants you,” sambit niya. “Kanina pa siya hindi kumakain. Kanina pa siya hindi umiinom ng gamot. Sabi niya, aantayin ka raw niyang dumating. Sabi niya, darating ka raw. Hindi mo raw siya iiwan.”

Napatulo ang luha ko sa ’king narinig.

“I didn’t tell him you came for him last night, kasi ayokong isipin niyang iniwan mo siya… kasi ayokong masaktan siya nang sobra.”

Hindi na ako nakapagpigil pa sa paghikbi. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi masyadong dinig ang mga halinghing ko.

“Aaron, I know there’s something going on between you two, and I want you to know that I support whatever makes my son happy,” aniya. “ You make my son happy.“

Mas lalong napalakas ang pagtangis ko.

“So, please,” sabi niya, “can you take care of him?”

Walang pag-aatubili akong tumango-tango bilang tugon. Pinunasan ko ang aking mata at suminghap ako.

“You’re his world now, Aaron. Only you could break him… and only you could fix him back.”


Mag-isa akong pinapasok ng mom ni Pio sa isang private room sa third floor ng ospital, habang siya ay nanatiling nakatayo sa labas. Pagdating ko sa loob, nakita kong nakahiga si Pio sa hospital bed. Sabi ng mom niya, nanghihina pa raw si Pio dulot ng side effects ng anesthesia, at napagod daw siguro ito kakasigaw sa pangalan ko kanina. Kaya siguro mahimbing ang tulog nito ngayon.

Maaliwalas at malamig sa loob ng kuwarto. Mabango rin, hindi tulad sa loob ng kotse kanina. Ang sahig ay gawa sa vinyl tiles. Sa may pader kung saan nakatutok ang paa ni Pio ay mayroong isang flat screen TV na kasalukuyang nakapatay. Sa hindi kalayuan, sa kaliwang-tabi ng kama, ay mayroong bed table. Sa ibabaw ng bed table ay may nakapatong na isang pinggan ng kanin at isang mangkok na mayroong lamang sabaw. Mukhang malamig na ang mga ito.

Maingat akong naglakad palapit kay Pio. Nang makalapit sa kaniya ay umupo ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko ang kanang braso niya na hindi ko magawang tingnan kahapon. Mayroon na itong balot na cast ngayon na nakasabit sa kaniyang balikat. Hospital gown na ang suot niya imbes na jersey. Nang ibaling ko ang aking tingin sa kaniyang mukha, hindi ko maiwasang mapatulala at mabighani.

Nang dahil sa liwanag na nanggagaling sa ceiling panel light sa itaas ay nagliwanag ang mukha niya—ang maamo niyang mukha. Para akong nakaramdam ng kapayapaan habang pinagmamasdan ang nakasara niyang mga mata. Mamasa-masa pa ang mga pilikmata niya dulot yata ng pag-iyak. Hindi ko maiwasang hawakan ang makinis niyang pisngi. Binawi ko ang lahat ng pangungulila ko sa pamamagitan ng paghaplos dito.

Nagising siya sa ginagawa ko. Pagmulat niya ng kaniyang mata, mariin niyang pinagmasdan ang mukha ko. Pinipilit niyang kilalanin kung sino ang kaharap niya.

“Aaron?” nanghihina niyang sambit. Mga ilang saglit pa nang biglang nanlaki ang mga mata niya. “Aaron!”

May pagmamadali siyang umahon sa pagkakahiga at niyakap ako. Dumiin ang sementado niyang braso sa dibdib ko.

“Pio,” nangingiyak kong sambit. Hinawakan ko ang likod niya.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa ’kin, at hindi ko alam kung nasasaktan ba ang braso niya kaya siya napapahalinghing o dahil naiiyak na siya ngayong nandito na ako.

“B-Bakit ngayon ko lang?” garalgal niyang tanong.

“Sorry.” Nilunod ko ang mukha ko sa balikat niya. “Sorry, Pio.”

“Aaron, you left me.” Humikbi siya. “You left me all alone.”

“Pio, hindi ’yon gano’n…” Nadamay na rin ako sa paghikbi. “Hindi ko… Hindi ko sinasadyang… iwan ka…”

Maingat siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa ’kin. “Kanina pa ako tawag nang tawag sa ’yo. ’Di ka sumasagot.” Kagigising niya lang pero mamula-mula na ang mga mata niya. “Ano bang nangyari, Aaron?”

“Pio, namatay ’yong phone ko.”

“Anong nangyari sa ’tin, Aaron?”

“Ha?”

“You left me with Mona?”

Tumingin ako pababa. “Pio, hindi…”

“Then, why, Aaron? Why didn’t you come with me yesterday?”

“H-Hindi ko kayo naabutan.”

“I don’t believe you, Aaron. Kahit ’di mo kami naabutan, you still had all the chances to come to this hospital. Yet, when I woke up, you weren’t here. Do you know how much that made me sad?”

Tumingin ako sa malungkot niyang mukha. “Hindi ’yon gano’n. Gustong-gusto kitang puntahan, kaso…”

“Kaso?”

“Pio, mahirap ipaliwanag…”

“Anong mahirap ipaliwanag, Aaron? Boyfriend mo ’ko eh.”

“Pio…”

“And you didn’t tell me about Mona?”

“T-Tungkol saan?”

“Everything, Aaron… Everything you know.”

“Sorry…”

Katuwang ng luha, tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga damdamin naming parehong nasaktan sa nangyari.

“Do you think I would get back to her once I find out she still has feelings for me?”

“Hindi… Hindi naman sa gano’n, Pio…”

“Do you still doubt my feelings for you, Aaron?”

Umiling-iling ako. “Hindi…”

Hinawakan ako ng magaspang niyang palad sa pisngi, at nadama ko ang init nito sa kabila ng lamig ng paligid. “Are you so afraid of people finding out about us?”

Mas lalong tumindi ang paghikbi ko.

“Aaron, haven’t I loved you enough?” tanong niya na tumagos sa puso ko.

“Pio—”

“Aaron, do you really love me?”

“Oo naman, Pio.”

“Then let’s not hide anymore.”

Natigil ako sa paghikbi. Mga ilang sandali bago ko maproseso ang huli niyang sinabi. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya at ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha sa namumugto niyang mga mata. Ang lahat ng ’to ay paulit-ulit na mangyayari kung patuloy akong magtatago, kung patuloy akong maduduwag.

Ayokong nakikita siyang umiiyak.

Ayoko na ring umiyak pa.

Ayoko siyang mawala.

Ayaw niya ring mawala ako.

Huminga ako nang malalim, inalis lahat ng bumabagabag sa ’king isipan. Sa puntong ito, siya na lang ang tanging mahalaga sa ’kin. Bahala na kung anong iisipin ng iba. Hindi na mahalaga kung anong iisipin ng iba. Ang tanging mahalaga na lang ngayon ay ako lang at siya. Kasabay ng lahat ng pangamba, pinakawalan ko ang aking mabigat na hininga. Gumaan ang loob ko, at dahil ’yon sa kaniya.

Hinawakan ko siya sa pisngi at pinagdikit ang aming mga mukha.

“Sige, Pio. Hindi na tayo magtatago.”

Chapter 41

This chapter is R-18.

Natapos ang mga paghihinagpis sa pamamagitan ng isang halik. Ang pait ng kahapon ay unti-unting napalitan ng tamis.

Napapikit ako habang magkadikit ang aming mga labi. Sa pagsara ng aking mata ay tumulo ang huling luha ko sa pisngi—luha na hindi simbolo ng lungkot, kundi saya. Masaya ako. Sobra. Masaya ako dahil kahit paulit-ulit kaming pinaglalayo ng mundo, paulit-ulit din naming natatagpuan ang daan pabalik sa isa’t isa.

Pakiusap lang, mundo, huwag mo na ulit aagawin sa ’kin ang pagkakataon…

Huwag mo na ulit aagawin sa ’kin si Pio…

Ito lang ang hinihiling ko.

Matapos kaming kumawala sa mainit na palitan ng halik ay muli kaming nagkatitigan mata sa mata. Nakakalunod ang tingin niya. At nakakaparalisa nang punasan ng kaliwang kamay niya ang aking pisngi kung saan tumulo ang luha ko. Dama ko sa palad niya ang maingat niyang pagmamahal sa ’kin.

“Aaron, I’m sorry this happened,” sambit niya, tumingin pababa sa kaniyang sementadong braso, sabay balik ng tingin sa ’kin. “I promise I’ll never make you cry again.”

“Ano ka ba, Pio? Hindi mo naman kasalanan eh.” Pumilit ako ng katiting na ngiti. “’Tsaka, ang mahalaga, okay ka na… okay ka na ngayon.” Pinunasan ko ang namamasang ilalim ng kaniyang mga mata. “Masakit pa ba?”

Tumango-tango siya. “ Mm . It really hurts…“

“Talaga?”

“… ang magmahal nang ganito, “ kanta niya nang nangingiti.

“Baliw ka.” Mahina kong tinulak ang dibdib niya.

“ Aw! Aw! “ daing niya nang napapapikit.

Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan dahil sa pagkataranta. “Ay, sorry, sorry…”

Natigil na siya sa pagpikit habang napapahalinghing nang mahina. “Hindi ka na Bhosxz Aaron Mapagmahal ah, Bhosxz Aaron Mapanakit ka na ngayon.”

“Sorry na, huwag ka na magalit…”

“Say uwu.”

“Ha?”

Ngumuso siya na parang natatawa. “Uwu!”

Muli ko siyang tinulak sa dibdib. Muli ay napadaing din siya. At muli ay humingi rin ako ng paumanhin.

Hindi naman halatang nanghihina siya.

“’Di ka pa raw kumakain at umiinom ng gamot?” usisa ko nang matapos na ang kalokohan niya.

“Hindi pa, boss.” Umiwas siya ng tingin.

Bahagyang kumunot ang noo ko. “Bakit?”

Alam ko naman kung bakit, gusto ko lang talagang marinig mismo mula sa kaniya.

Muli siyang tumingin sa ’kin. “Kasi, boss, you’re my food,” sagot niya, “and you’re my medicine.”

Kay lamig sa loob pero biglang uminit ang pisngi ko. “A-Ako, food?” Kahit medicine na lang sana.

Tiningnan ako ng mapanlaro niyang mata at saka nginitian. “You know what I mean, boss. It’s been a long time since I last ate. I’m really hungry right now.” Lumapit siya sa tenga ko at nakiliti ako sa mainit niyang hininga. “Puwede na ba, boss?”

Shit. Nag-init din ang tenga ko dahil sa ’king narinig. Lalo pa’t nang muli siyang humarap sa ’kin at nagbago ang tingin sa kaniyang mata. Lumabas na naman ang ibang bersyon ng pagkatao niya.

“S-Sige,” sagot ko kahit kinakabahan. “’Pag nakauwi tayo sa apartment, may reward ka sa ’kin.”

“Reward?” ulit niya. Kuminang ang mata niya. “What reward?”

Binasa ko ang aking labi at tumikhim ako. “U-Um, BJ.”

“BJ?” Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Akala ko, dahil ito lang ang nakaya kong i-offer kaya siya nalungkot, pero ’yon pala, iba ang pagkakaintindi niya. Umiwas siya ng tingin at bumulong sa hangin. “Alam ko na ’to… Buko juice na naman. Scam. Tch .”

“Hindi, Pio,” paglinaw ko. “Hindi buko juice.”

Napataas ang tenga niya. Agad siyang napalingon pabalik sa ’kin nang may malaking mata dahil sa narinig.

“You mean?” Hindi pa rin siya makapaniwala.

Pinag-ipit ko ang aking mga labi at tumango-tango ako.

“Really?” Umawang ang bibig niya. “As in… real BJ?”

“ Mm ,“ tugon ko, tipid na ngumiti.

“Let’s go home.” May pagmamadali niyang tinangkang bumaba sa kama.

“Hoy, hoy.” Agad ko naman siyang pinigilan sa binti. “Anong home? Kumain ka muna at uminom ng gamot. Ay aba.”

Tumingin siya sa ’kin, sandaling natikom ang bibig, at kumurap-kurap. Maya-maya pa ay muli niyang itinuwid ang kaniyang mga binti sa kama. Inabot niya ang laylayan ng kaniyang suot na hospital gown gamit ang maayos na kamay at hinila ito pataas. Mungkahi niya, “Dito na lang, boss. ’Di ko na kaya.”

“ Hmp !“ Pinalo ko ang kamay niya. “Kakain ka at iinom ng gamot o wala kang BJ?”

Mamili siya! Kahit ano piliin niya, makukuha niya rin naman ang gusto niya. Pero siyempre, ako lang ang nakakaalam.

“Sabi ko nga, boss.” Muli niyang ibinaba ang laylayan ng kaniyang damit hanggang binti. “Basta, boss, subo mo ’ko.”

“Subo?” Ang kulit talaga! “Pag-uwi na nga sabi.”

“Ng pagkain, boss,” paglinaw niya.

Natigilan ako. “A-Ah…”

Umunat ako at hinila ang bed table na may nakapatong na pagkain palapit sa ’min. Ngayon ko lang napansin na mayroon din palang gamot na nakapatong sa gilid ng mangkok. Nilagang baboy ang nasa loob ng mangkok. Mabuti na lang, kasi kung baka ’to, nagsebo na sana ’to kanina pa sa sobrang lamig sa loob. Hindi ko nga alam kung nilalamig ba ang mga itlog ni Pio sa nipis ng suot niya. May suot naman siguro siyang brief. Ako nga na nakapambahay lang, nilalamig nang sobra. Siguro kasi payat ako. O marahil ay hindi lang nauubusan ng init sa katawan si Pio kaya hindi siya naaapektuhan.

“Malamig na ’to, Pio,” saad ko. “Hingi ulit ako ng bago.”

Akma na sana akong tatayo, pero ako naman ang pinigilan niya sa balikat.

“Huwag na, boss,” aniya. “Lalo tayong tatagal niyan dito eh. Namamahay na Junjun ko.”

Loko talaga. Para sa BJ, kayang tiisin ang lamig ng pagkain.

“O sige.”

Kinuha ko na ang kutsara at tinidor. Sumandok ako ng sabaw sa kutsara at ibinuhos ito sa kanin. Pagkatapos ay tinusok ko sa tinidor ang karne ng baboy, binawasan ito, nilagay sa kutsara, hinalo sa basang kanin, inilapit sa bibig ni Pio ang kutsara. Tiningnan niya ito. Ngumiti siya.

“Sabihin mo, say ah .”

“ Say ah ?“ Kumunot ang noo ko. “Bakit? Baby ka ba?”

“Baby mo ’ko eh.” May laman sa ngiti niya.

Parang naiihi ako bigla ah. Ang lamig kasi.

“Say ahhh…” sabi ko.

At ngumanga na si loko. “Ahhh…”

Ipinasok ko sa bibig niya ang kutsara.

Mamaya, siya naman ang may ipapasok sa bibig ko.

Matapos agawin ng bibig niya sa kutsara ang pagkain ay nginuya-nguya niya ito habang nakatuon lang ang tingin sa ’kin.

“Musta ang lasa?” usisa ko.

Nilunok niya na ang pagkain. “Masarap.”

“Weh?” Masarap lang yata para sa kaniya kasi uwing-uwi na siya.

Dahil sa kuryosidad ay sinubukan kong tikman ang sabaw gamit ang parehong kutsara na sinubo niya, at isa lang ang masasabi ko…

Maalat.


Matapos suriin ng doktor si Pio ay nabigyan na siya ng hospital discharge. Tinanong siya ng kung ano-ano tungkol sa braso niya, pero hindi pa man natatapos ang tanong ng doktor ay ito lang ang laging isinasagot niya sa masiglang boses: “Okay na po.” Talaga ba? Okay na ba talaga siya? Parang kanina lang ay kita ko ang mukha niyang parang napapahalinghing tuwing gumagalaw siya.

Ang mom ni Pio ang pinayuhan ng doktor kung paano alagaan ang isang pasyenteng may arm cast, pero nakinig din naman ako. Madali lang naman… siguro. Madali kung hindi makulit ang pasyente. Pero ’pag isang Pio ang dapat mong alagaan, kailangan mo rin ng mahabang pasensya sa sobra niyang kakulitan.

Kaya ko naman siyang pasunurin.

Kita mo ’yan, dahil sa ’kin, napagdesisyunan niya nang umuwi. At kahit labag sa loob niya, pumayag na rin siya na magpahatid kami papunta sa apartment building sa tulong ng mom niya. Sabi ko, huwag na kami mag-commute para makauwi na agad, para BJ na agad. Siyempre, tuwang-tuwa naman ang loko dahil sa bibig ko mismo ito nanggaling.

Mga bandang hapon nang makalabas kami ng ospital. Kulay ginto ang paligid dahil sa palubog nang araw. Tapos na ang maliligayang araw ng ilong ko dahil kailangan ko na namang magtiis sa amoy sigarilyong loob ng kotse. Kapit na kapit talaga ang amoy. Mabuti na lang at mabango ang lalakeng natutulog sa balikat ko.

Nagbabawi yata ng lakas si Pio para mamaya.

Nakabihis na siya ng puting sando ngayon at itim na shorts. Isang tawag lang kasi ng mom niya ay dumating kaagad ang yaya nila kanina galing sa bahay nila papunta sa ospital at dinala ang damit ni Pio. Habang nagda-drive ang mom niya ay hindi nito maiwasang mapangiti habang sinisilip kami ni Pio na magkatabi sa rear seat gamit ang rearview mirror.

“My son is madly in love with you,” sambit niya sa kawalan.

“Ho?” Umawang ang bibig ko, hindi alam kung anong isasagot.

“He’s been in love before,” aniya habang palipat-lipat ng tingin sa ’min at sa kalsada, “but never this deep.”

Hilik lang nang hilik ang taong tinutukoy niya.

“Kayo na?” usisa niya.

Mahina akong tumango, at sa hindi maipaliwanag, hindi ko rin maiwasang ngumiti nang bahagya. “O-Opo.”

“I knew it!” Mas lalong lumapad ang ngiti niya.

At mas lalo ring lumapad ang ngiti ko.

Si Jonas, si Mona, at siya. Habang tumatagal ay parami na nang parami ang nakakaalam tungkol sa relasyon namin ni Pio. At sa puntong ito, wala na akong pakialam.

“I saw you at the entrance of J.A.M.A. before,” banggit niya. “At first glance, you really look like Mona—her male counterpart, actually. Are you somehow related to her?”

Umiling-iling ako nang mahina. “H-Hindi po. Nagkataon lang po.”

Hindi ko pa nalalaman ang totoo tungkol kay Captain Ramirez.

“Ah, I see,” tangi niyang sambit. “Did you know that I didn’t have a ticket at that time? My son actually didn’t invite me to the event. I only found out about it after talking to his dad on the phone. He told his dad overseas that he would join the pageant to surprise a special someone. At first, I thought it was Mona. But then, his dad informed me that it was different this time. He said it was a boy. So, I really insisted on going inside because I wanted to see this special someone. Nakita ko na pala bago pa magsimula ang event.”

Tuloy lang sa paghilik si Pio. Tuloy lang din ako sa pakikinig.

“My heart broke for my son no’ng pinahiya siya ni Captain Ramirez sa simula pa lang ng pageant. I really would like to defend him, but words are not coming out of my mouth,” dagdag pa niya. “My heart shattered even more as the pageant continued, especially when he tried to serenade you, but then you left. Tell me, Aaron, why did you leave that night ?”

Yumuko ako, binasa ang aking labi, at huminga nang malalim. “Um, ang totoo po…” Sinikap kong tingnan siya sa rearview mirror. “Inisip ko pong… Inisip ko pong hindi para sa ’kin ’yong… ’yong kanta… na para po ’yon kay… kay Mona.”

Isang malaking pagkakamali.

“And why did you leave last night ?”

“N-Naduwag po ako… na… na may makaalam po tungkol sa ’min,” pag-amin ko sa kahinaan ko.

Sandali siyang natahimik at itinuon ang tingin sa daan. Nang muli siyang magsalita ay sinabi niya, “Aaron, you’re his boyfriend now. You need to fight for my son no matter what happens. Please never let go of him, okay?”

Tumango ako nang walang pag-aalinlangan. “Opo.”

Ano man ang mangyari.


Pagdating sa tapat ng apartment building ay ginising ko na ang natutulog na malaking bulas sa balikat ko. Buti hindi nagka-stiff neck si Pio sa sobrang unat ng leeg niya kanina habang natutulog. Ginawa ba naman akong unan eh. Nang makababa ng kotse ay nilapitan ako ng mom ni Pio, habang si Pio ay nakatalikod sa ’min at nakatingin sa malayo. Ayaw niya yata talagang pansinin ang mom niya sa hindi malamang dahilan.

“Aaron, salamat nga pala,” anang mom ni Pio. May inabot siya sa ’kin na paper bag. “Ito ’yong mga gamot ni Pio. Ikaw na muna bahala sa kaniya ah?”

Kinuha ko ang paper bag mula sa kamay niya. “O-Opo…”

“Tita,” bigkas niya, hinawakan ako sa bisig, at naramdaman ko ang banayad niyang palad—palad-mayaman. “Call me Tita Annie.”

Napangiti ako nang dahil sa sinabi niya. “Opo, Tita Annie. Ako na po bahala.”

Ako na po bahala sa anak n’yo. Aalagaan ko po siya… at ang alaga niya.

“Piolo,” tawag niya sa kaniyang anak pagkatapos bumitiw sa ’kin. “I’m going home.”

Tiningnan ko si Pio. Hindi pa rin niya nililingon ang kaniyang ina. Pagbalik ko ng aking tingin kay Tita Annie ay napansin kong nagpilit na lang siya ng katiting na ngiti.

Muling tumingin sa ’kin si Tita Annie at nilaparan ang ngiti. “Aaron, una na ’ko.”

Tumango ako. “Sige po. Ingat po, Tita Annie.”

Mom na sa sunod.

Matapos umandar palayo ng kotse ni Tita Annie ay bumalik na ng tingin si Pio papunta sa direksyon ko. Nilapitan niya ako. At sa halip na akbayan sa balikat ay hinawakan niya ang aking kanang kamay. Malugod ko naman itong tinanggap at pinagyakap ko ang aming mga daliri.

“Let’s go, boss.”

Habang naglalakad kami papunta sa hagdan ay nahagip kami ng matanglawin—si Manang Lucy. Siyempre, todo tanong siya tungkol sa nangyari sa braso ni Pio. Si Pio naman ang tagasagot. Habang nakikinig ay sa magkahawak na kamay namin ni Pio nakatingin si Manang Lucy. Pansin kong tila nagkakaroon ng ngiti sa labi niya, na pilit niya rin namang itinatago. Ngayon ay apat na ang nakakaalam ng tungkol sa ’min ni Pio. Madaling-madali naman si Pio sa pagsasalita. Kanina pa nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa ’kin.

Sa kuwarto niya ang sunod na punta.


“Lights on o lights off?”

Kasalukuyan kaming nakatayo sa loob ng nakasarang kuwarto ni Pio, sa tapat ng pinto. Nakahawak ang daliri niya sa switch ng ilaw, hinihintay ang aking kasagutan. Ayoko sa puting liwanag na nanggagaling sa bulb, masyadong masakit sa mata. Sapat na ang kulay lila na liwanag na ibinibigay ng araw na malapit nang mapalitan ng buwan mula sa nakabukas na bintana sa gilid ng kama niya—kama namin.

“Lights off.”

Inalis niya na ang kaniyang daliri sa switch. Matapos ay marahan kaming naglakad palapit sa kama. Nagkatitigan kami mata sa mata nang mahinto sa gilid nito. Nilunod niya ako ng tingin. Ang mapaglaro niyang mukha ay unti-unting naging seryoso. Pagkatapos ay yumuko siya para halikan ako.

Binitin ko ang halik.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, pagkatapos ay puwersahan ko siyang pinaupo sa gilid ng kama. Nagulat ako sa kinilos ko. Pero mas nagulat siya. Para akong naging agresibo sa hindi maipaliwanag. At nakalimutan kong kagagaling nga lang pala niya sa surgery kaya nananakit pa ang braso niya.

“ Ugh ,“ mahinang halinghing niya.

“S-Sorry,” sambit ko.

Unti-unti siyang natigil sa paghalinghing. Tuloy lang siya sa pagtitig sa ’king mata, na parang lunod na lunod siya rito. Tuloy-tuloy lang din ang pagwawala ng puso ko habang nakatitig ako sa kaniyang mukhang nananabik. Hindi maputol ang koneksyon namin sa isa’t isa.

Lumuhod ako sa sahig sa harap niya, at napansin kong bahagyang nanlaki ang mata niya. Pero mas higit pa itong nanlaki nang hawakan ko ang magkabilang dulo ng garter ng kaniyang shorts. Hindi matigil sa pagtaas-baba ang dibdib niya.

“Angat,” utos ko sa kaniya.

Kusa siyang napasunod nang walang sinasabi. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa kama at saka bahagyang inangat ang kaniyang puwet sa ere. Pagkatapos ay hinila ko pababa ang kaniyang itim na shorts. Isinama ko na rin sa pagbaba ang kulay gray niyang brief. Lumantad sa ’kin ang buhay na buhay niyang pagkalalake at ang kahabaan nito.

“Upo,” muli kong utos.

Napipi na yata siya. Kusa lang siyang napapasunod sa bawat sinasabi ko. Sa puntong ito, ako na ang may kontrol sa kaniya. Lahat ng sasabihin ko, susundin niya, kapalit ng bagay na matagal niya nang hinihingi.

Nang makaupo na siya ay hinila ko pa pababa sa paa niya ang magkasamang shorts at brief at tuluyan itong tinanggal, inilagay sa tabi. Sunod kong tinitigan ang kaniyang pagkalalake at saka napalunok.

Kaya ko na ’to.

Hinawakan ko ang magkabilang tuhod niya at binanat ito sa magkabilang direksyon, kaya mas lalong tumirik ang kaniyang pagkalalake na nakaturo sa ceiling. Nagpakawala siya ng mahinang ungol dahil dito.

“Unat.”

At umunat siya paatras habang napapakagat sa labi. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang mga hiningang binibitiwan namin, at ito lang ang tanging maririnig sa loob ng bahagyang madilim na kuwarto. Sinilip ko ang aninag ng mukha niya. Ramdam kong hindi na siya makapaghintay. Kaya tinapos ko na ang paghihirap niya.

Umabante pa ako habang nakaluhod sa sahig at hinawakan ang kahabaan niya. Medyo mainit pa ito. Pero plano kong mas lalo itong painitin. Muli ko siyang tiningnan sa mata at nginitian.

“Gan’to ba?” tanong ko habang itinataas-baba ang aking kamay sa kaniyang pagkalalake.

“Aaron…” Mas lalong lumakas ang pag-ungol niya. Kita kong napakusot ang kamay niya sa bed sheet.

Damang-dama ko ang tekstura ng makinis niyang pagkalalake. Sa bawat taas at baba nito ay para akong nauulol. Na parang mas lalo akong nasasabik. At parang mas lalong hindi ako makapaghintay na ipasok ito sa ’king bibig.

Kumain naman ako kanina bago kami umuwi, pero hindi matigil sa pagkalam ang tiyan ko, na parang gutom na gutom ako. Kaya gumapang ako sa naglalakihan niyang mga hita at inilapit ang aking ulo sa kaniyang pagitan. Matapos ay yumuko ako at marahang isinubo ang kalahati ng pagkalalake niya habang hawak-hawak ang kalahating ilalim nito.

“Aaron,” tanging bukambibig niya. “ Ugh .“

Nanginig ang kalamnan ng mga hita niya. Gumalaw din ang katawan ng kaniyang pagkalalake sa loob ng bibig ko, pero agad niya rin naman itong naikalma. Pinanatili ko ito sa loob ng aking bibig sa ilang sandali, hanggang sa unti-unti itong mabalot ng laway. Bahagyang maalat ang lasa, hindi na masama. Pinigilan ko ang aking paghinga para hindi ako maduwal.

“Aaron, your mouth is so warm,” may hingal niyang pabatid.

Sinimulan ko nang itaas-baba ang aking kamay at bibig na nakasubo sa kaniyang pagkalalake. Tulad ng napanood ko noon sa isang adult site, itinago ko ang aking mga ngipin sa aking mga labi para hindi siya masaktan. Nagsimula ako sa mabagal. At tinitigan ko siya sa mata habang ginagawa ito.

Pigil-pigil ang paglunok niya habang napapahalinghing. “D-Damn, Aaron… This is… too good… ugh …”

Natuwa ako sa sinabi niya kaya mas lalo ko pang binilisan. At mas lalo ring napapalakas ang halinghing niya sa ginagawa ko. Tiningnan ko ang kamay niya. Hindi na ito mapakali—napapakusot, napapakuyom, napapabuka.

Sandali akong kumawala sa pagkakasubo sa mainit niyang alaga, suminghap. Pagkatapos ay sinabi ko, “Pio, masarap ba?”

Ito ang kauna-unahang ginawa ko ito sa isang lalake, at sa taong mahal ko pa.

“Course, Aaron… it’s your mouth after all.” Sandali siyang yumuko at hinalikan ang naglalaway kong labi. Pagkatapos ay muli siyang umunat paatras at umayos ng puwesto. “Keep me warm, Aaron. I’ve been longing for your warmth since last night.”

Habang todo sa pagkabog ang dibdib ko ay tipid akong napangiti. Nag-iinit na ang mga tenga at pisngi ko. Masaya akong napapasaya ko siya.

Nang makabawi ng hininga ay itinuloy ko na ang pagpapaligaya sa kaniya. Muli kong hinawakan ang puno ng kaniyang pagkalalake at isinubo ang itaas na parte nito sa mainit kong bibig. Taas-baba. Paulit-ulit. Pabilis nang pabilis. At mas lalong nababaliw si Pio sa ginagawa ko. Hindi niya maiwasang banggitin ang pangalan ko habang ginagawa ko ito. Nang makakuha ng tamang balanse ang aking ulo ay iginapang ko ang aking mga kamay mula sa kaniyang mga hita, pataas nang pataas, papunta sa ilalim ng kaniyang sando, papunta sa kaniyang abs. Dinama ko ang bawat hiwa nito, at mas lalo akong ginanahan sa ’king ginagawa.

“Damn, Aaron… w-why are you… why are you so good?”

Dildo is the key.

Nang magsawa sa kaniyang abs ay muli kong ibinalik sa kaniyang mga hita ang aking mga kamay. Pansin kong kanina pa ako gusto hawakan ng kaniyang kaliwang kamay pero parang nagpipigil lang siya. Hindi siya matigil sa paggalaw ng kaniyang mga daliri. Kaya naman, ako na mismo ang nagkusa. Kinuha ko ito at ipinuwesto sa likod ng aking ulo.

“A-Aaron… you sure?”

Nang makataas ang aking bibig sa ulo ng pagkalalake niya ay ginamit ko ang kaniyang kamay para muli akong ibaon dito. Inulit ko ito nang inulit. Ngayong alam niya nang sigurado ako ay siya na mismo ang nagkusang gabayan ang ulo ko sa pagtaas-baba sa kaniyang kahabaan. Hindi ko pa rin kayang isubo nang buo ang kaniyang pagkalalake, ngunit ramdam kong habang tumatagal ay mas lalo ring bumibigat ang kamay niya sa ulo ko. Mas lalo siyang lumalalim sa loob ng aking bibig. Mas lalo akong nahihirapang huminga. Pero hindi ko siya pinigilan.

“Oh… ugh… damn…”

Sa pagtaas ng aking ulo ay sandali akong sumagap ng hangin. Nang handa na ay muli ko siyang binalikan at hindi tinantanan. Hindi niya rin tinantanan ang aking ulo. Tuloy-tuloy lang siya sa paggabay rito, palakas nang palakas ang puwersa. At saka ko lang napagtantong nakaabot na pala ito sa lalamunan ko nang maramdaman kong parang naduduwal na ako. Napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang mga hita. Maluha-luha na ang mga mata ko ngayon.

“Almost there… Aaron, I’m almost there…”

Kung kailan gusto ko nang kumawala sa kaniya ay saka naman niya ito sinabi. Napilitan tuloy akong tiisin ang aking pagkaduwal. Tumulo na ang luha ko at bumagsak ito sa malago niyang pubes. Bagaman ay nahihirapan sa kaniyang kabuuan ay pinanindigan ko ang pagpapaligaya sa kaniya.

“Damn, Aaron! K-Keep… Keep going!”

Sumidhi na ang mga pag-ungol niya, putol-putol at palakas nang palakas. Sumidhi rin ang pagtaas-baba ng ulo ko. Hindi na rin matigil sa pagyanig ang mga hita niya. Painit na nang painit sa dila ko ang kaniyang pagkalalake at sobrang dulas na. Sukdulan na rin sa pagbaon ang kahabaan niya hanggang lalamunan ko. Buhay pa naman ako.

“Aaron… I’m… I’m coming! Shoot! Ump !”

Maya-maya pa ay biglang umabante ang tiyan niya. Ang mga binti niya ay todo na sa pagyugyog at pag-unat. At nang ibaon niya ang aking ulo sa kaniyang pagkalalake, nadama ko ang paglabas niya sa lalamunan ko. Mainit. Malagkit. Para akong masuka-suka sa lasa sa pagdaloy ng likido sa puno ng dila ko. Pero lunok na lunok ko ang lahat dahil hindi muna niya ako pinakawalan sa kaniyang kamay habang tuloy-tuloy siya sa pagsabog.

Nakalima siya. At sa bawat pagsabog, may kalakip itong ungol. At sa pagtatapos, saka niya pinakawalan ang pinakamalakas niyang ungol.

“ Ugh !“

Nang humina na ang pagkakahawak niya sa ulo ko ay may pagmamadali akong kumawala sa kaniyang pagkalalake at tumingala, huminga sa ilong. Isinara ko ang aking bibig at tinakpan gamit ang palad. Sukang-suka na ako. Hindi pa nakatulong ang magara nitong amoy. Akma na sana akong tatayo at pupunta sa lababo pero bigla niya akong hinawakan sa balikat.

“Aaron, don’t spit,” pakiusap niya, “please.”

Tinanggal ko ang takip sa ’king bibig, sabay napalunok nang dahil sa sinabi niya. Sa unang lunok ay parang mas lalo akong nasusuka. Mayroon pang ibang natitira sa gilid ng aking dila, pero parang hindi ko na kaya. Napapatingin na lang ako sa mata niya… sa nagsusumamo niyang mata.

“Swallow, Aaron… Just keep on swallowing. Don’t waste my juice.”

At ginawa ko nga. Sinunod-sunod ko ang paglunok, kahit sobrang sama ng lasa, kahit parang gusto ko nang putulin ang aking dila, kahit parang gusto nang bumaliktad ng aking sikmura.

“Good boy.”

Pinunasan niya ang natirang likido sa gilid ng labi ko gamit ang kaniyang hinlalaki at isinubo ito sa bibig ko. Ito na lang ang natitira kaya dinilaan ko ang kaniyang daliri at nilunok na rin ito.

“That’s your reward, Aaron,” nangingiti niyang sambit habang humuhupa na sa pahingal. “Thank you for making me happy.”

Tumulo ang luha ko dulot ng pagkabulon kanina habang nakatingala sa mukha niya. Hindi ko maiwasang mapatulala habang nakatitig sa mga mata niya. Tuloy-tuloy lang ako sa pagsinghap. Tuloy-tuloy lang din ang puso ko sa pagkikipagkarera.

Nang matapos ang lahat ay marahan siyang tumiya sa kama, ang kaniyang pagkalalake ay unti-unti nang nakakalma tulad ng kaniyang paghinga.

“Come here, Aaron,” tawag niya sa ’kin.

Sa nakaunat niya namang kaliwang braso ay napahiga ako patagilid, paharap sa mukha niya, at hinawakan siya sa kaniyang sementadong braso. Tiningnan niya rin ako, at nagtama ang aming mga mata. Pareho kaming napangiti sa isa’t isa. Pareho naming hindi maipaliwanag ang aming nadarama.

Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang paligid, pero ang mga mata niya ang nagsilbing ilaw ko.

Chapter 42

Dalawang linggo raw na excused sa klase si Pio habang nagpapagaling ng braso. Ayoko sanang iwan siya mag-isa sa apartment niya—namin—pero ayoko rin namang pabayaan ang pag-aaral ko.

Nakuha ko na ang pangarap kong lalake: matangkad, guwapo, at matipuno. Oras naman siguro para makuha ko ang pangarap kong makapagtapos sa pag-aaral… at yumaman.

Balik sa dating gawi, nag-tricycle ako papasok ng school dahil walang boyfriend na maghahatid sa ’kin. Ganito rin ang ginawa ko kahapon para sa NSTP. Sa paradahan ng tricycle, sa kanto ng J.A.M.A., ay nakita ko si Bona na may hawak-hawak na pamilyar na bagay pataas sa ere—isang kartolina na may nakasulat na ‘SAY YES.’

Kaya naman pala pamilyar… ako ang may gawa nito eh para sa planong proposal ni Kuya Jason noon sa Mr. and Ms. J.A.M.A.! Saan niya kaya ito napulot? Hindi pa pala ’to natunaw sa ulan noon? Pero nagtanggalan na ang mga glitters at gusot-gusot na rin ang kartolina habang may bahid ng pagkabasa ng tubig.

“Atin ang West Philippine Sea! Huwag matakot! S-Si Bona ang bahala sa China!” pakikibaka ni Bona sa mga nagdaraang estudyante sa kanto ng J.A.M.A..

Pinagtatawanan siya ng mga nagdaraan. Bukod kasi sa iba ang nakasulat sa banner na hawak niya sa ipinaglalaban niya ay makikita rin ang mga libag sa kilikili niya.

Nagpigil ako ng tawa at naglakad palapit sa kaniya. “Bona.”

“Walang sa ’yo, China!” tuloy niya. “Akin lang ang West Philippine Sea!”

“ Pst , Bona!“ Nakalapit na ako sa kaniya ngayon.

“Ipaglaban ang—!” Natigilan siya nang makita ang mukha ko. “A-Aaron, my lab?”

Kumamot ako sa sintido. “S-Sa’n mo nakuha ’yan?”

“Ha?” Ibinaba na ni Bona ang kartolina sa harap ng tiyan niya. “D-Dati pa ’to natabi ni Bona. Do’n ko nakita o.” Ngumuso siya sa direksyon ng entrance ng academy kung saan may bubong. Naalala kong doon ko nga pala ito nabitiwan noon, kaya siguro hindi nabasa nang tuluyan.

“Ah…” tipid kong tugon.

“B-Bakit mag-isa ka, Aaron?” usisa niya. “Hindi mo kasama b-boypren mo?”

Nakalimutan ko, bale lima na nga pala ang nakakaalam ng tungkol sa ’min ni Pio. Hindi ko lang siya naisama sa bilang.

“Hindi eh. Nabalian ng braso.”

“Ah, gano’n ba? K-Kawawa naman pala boypren mo.”

“Oo nga eh.”

Binawian ko naman ng BJ no’ng Sabado kaya hindi lubusang kawawa.

“G-Gusto mo samahan si Bona? Ipaglalaban natin ang West Philippine Sea.”

“Ah, hindi na. Kaya mo na ’yan.”

Muli kong tiningnan ang kartolina at napuno ng mga katanungan ang isip ko.

Naka-move on na kaya si Mona kay Pio?

Posible pa kayang makuha ni Kuya Jason si Mona?


Nang mag-uwian ay dumaan ako sa Varsity House para kunin ang helmets namin ni Pio kung saan itinabi ang mga ito. Pinapasok ako ng ka-team ni Pio sa loob at itinuro sa ’kin kung saan nakalagay ang helmets. Nang lumabas ako ng Varsity House ay nakasalubong ko sa bungad ng bukas na pintuan si Kuya Jason. Kagagaling niya lang din sa klase dahil nakasuot pa siya ng summer white uniform.

“O, Aaron.” Tulad ko ay napahinto rin siya.

“K-Kuya.” Yumuko ako nang bahagya bilang pagbati. “Hello po.”

“Um…” Binasa niya ang kaniyang labi. Hindi mapakali ang kaniyang mga mata. “S-Si Pio… kamusta? Kamusta si Pio?”

Kahapon ay si Jonas ang nagtanong sa ’kin ng tungkol sa kalagayan ni Pio habang nasa ROTC kami. Tulad ng sinabi ko kahapon kay Jonas ay sinabi ko rin kay Kuya Jason, “Okay na… Okay na po si Pio.”

Nakahinga siya nang maluwag. Sa puntong ito ay naging diretso na rin ang kaniyang tingin sa ’kin. “Mabuti naman.”

Sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi pa rin ako makaabante palabas dahil nakaharang ang malaki niyang katawan sa daan.

“Uh…” Pinunasan niya ang dulo ng kaniyang ilong. “Tsong, may pakiusap lang sana ako… ’Di ba magkapitbahay lang kayo?”

“Opo.”

“Puwede mo bang… Puwede mo ba ’kong ihingi ng tawad kay Pio?” pagbabakasakali niya. “H-Hindi ko talaga sinadya ’yong nangyari sa… sa braso niya.”

“Nasabi ko na po.”

Noong Sabado pa lang ay nakuwento ko na lahat-lahat kay Pio, maging ang tungkol sa mga sinabi sa ’kin ni Mona. Wala na akong inilihim pa.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Kuya Jason. “A-Anong sabi niya?”

“Okay lang daw po ’yon,” sagot ko. “Aksidente lang naman daw po ang nangyari.”

Yumuko si Kuya Jason, hindi matigil sa pagkurap ang mata. Nang muli niyang iangat ang kaniyang mukha ay sinabi niya, “S-Salamat. Salamat at sinabi mo sa kaniya. Salamat at pinatawad niya ’ko. Hindi ko naman talaga sinasadya. Masyado lang akong nagselos kasi nasa kaniya ’yong atensyon ni Mona no’n. Natakot akong baka magkabalikan sila ulit.”

Binasa ko ang aking labi. Oras na rin para malaman niya ang totoo.

“Kuya Jason, hindi na po sila magkakabalikan,” pagbibigay-batid ko.

“Ha? P-Pa’no mo nasabi?” taka niya.

“Kasi po…” Yumuko ako, huminga, at saka muling tumingin sa kaniya. “Kasi po kami na… kami na po ni Pio.”

Anim na ngayon ang nakakaalam.

Umawang ang bibig niya at nanlaki ang kaniyang mata. Sandali siyang natigilan nang dahil sa sinabi ko. Matagal-tagal din bago niya ito naproseso.

Lumunok ako. Kahit nahihirapang tumingin sa kaniyang mukha ay sinikap ko pa ring gawin ito. Ngayon pa lang ay dapat kaya ko nang tanggapin ang magiging reaksyon ng kahit sinong tao.

Lumunok din siya. “G-Gano’n ba?” Kita kong nagkaroon ng katiting na ngiti sa labi niya, ngunit kinalaunan ay agad din itong nabura. “S-Sorry. Hindi ko alam kung… kung dapat ba akong maging masaya…” Tumikhim siya at sinikap akong tingnan sa mata. “Um, Aaron, b-baka iba ang iniisip mo ah? Wala namang problema sa ’kin ’yong tungkol sa inyo ni Pio. Pabor nga ’yon sa ’kin kasi wala na akong kaagaw kay Mona.” Yumuko ulit siya. “N-Nalulungkot lang ako para sa kapatid ko. Gustong-gusto ka no’n eh, hindi niya lang masabi. Hindi nga ’yon makatulog no’ng gabing nakita ka niyang umiiyak.”

Napayuko rin ako, hindi alam kung anong dapat kong itugon.

“H-Hindi kita gini-guilt trip ah,” tuloy niya. “Huwag kang mag-alala, ako na bahala ro’n sa kapatid ko.”

Mahina akong tumango bilang tugon.

Nang muling manaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ay saka niya lang napagtantong nakaharang nga pala siya sa daan, kaya tumabi na siya nang may pagkahiya. “Ay, sorry.”

Muli akong yumuko bilang paalam. “Una na po ako.”

“Sige. Ingat, tsong.”

“Salamat po.”

Bago ako tuluyang makalayo ay muli niya akong tinawag. “’Tsong!”

Lumingon ako pabalik sa kaniya na nakahinto pa rin sa labas ng Varsity House at bahagyang nagtaas ng kilay. “Po?”

“Kung okay lang sa ’yo, puwede mo ba ulit akong gawan ng banner para sa tournament sa Sabado?” pakiusap niya. “Para kay Mona.”

Tuloy pa rin pala siya sa plano.

Ngayong hindi na makakasali pa si Pio sa tournament dahil sa baling braso, tutuloy pa rin kaya si Mona sa pagiging muse ng Mariners Basketball Team? ’Di bale. Ano man ang maging desisyon niya, wala na rin naman akong dapat ikabahala dahil itinaboy na siya ni Pio. At hindi rin naman kami makikinood ni Pio sa tournament. Napagdesisyunan na namin ito pareho. Team Bahay na lang kami sa araw ng tournament. Makikinood na lang kami sa Facebook live.

Tipid akong ngumiti kay Kuya Jason. “Sure po.”

Sa tinagal-tagal ay hindi pa rin niya sinusukuan si Mona.

Sana ay pagbigyan na siya ng tadhana.

Sana ay maging sila na talaga.

Putang ina na lang ’pag may nangyari na namang mali.


Naglalakad ako sa kanto ng J.A.M.A. papunta sa tricycle station nang may biglang huminto na kotse sa tabi ko. Napatigil ako sa paglalakad nang bumusina ito sa ’kin kahit hindi naman ako lumagpas sa guhit ng kalsada. Pagbaba ng bintana ng kotse ay tumambad ang taong matagal ko nang hindi nakakausap—si Captain Ramirez.

“Midshipman Alcantara,” tawag niya sa ’kin sa baritonong boses.

Agad akong napayuko nang madama ang mabigat niyang presensya. “G-Good afternoon po, Captain.”

“Afternoon.” Tinanggal niya ang suot niyang shades at inipit ito sa itaas ng kaniyang suot na itim na T-shirt. Lumantad na naman sa ’kin ang mga mata niyang tila may hawig sa ’kin at kay Mona. “Going home?”

“Um, o-opo,” may hiya kong tugon.

“Wala kang kasabay?” usisa niya. “Where’s the playboy?”

Mukhang hindi pa rin nagbabago ang tingin niya kay Pio.

“Oh, right,” tuloy niya, bahagyang ngumisi. “I forgot… he broke his arm.” Masaya pa yata siya na nangyari ’yon kay Pio. “Is he okay now?”

“O-Okay na po siya,” sagot ko.

“I see.” Sandali siyang natahimik habang pinagmamasdan ang mukha ko, na mas lalo lang nagpailang sa ’kin. “Gusto mo ba sumabay?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Po?”

“Hatid na kita pauwi,” alok niya.

Mas lalong nanlaki ang mata ko. Ang unang ginawa ko nang sabihin niya ito ay tiningnan ang rear seats sa loob ng kotse para alamin kung may ibang tao sa loob nito. Pero wala. Wala si Mona. Wala ring nakaupo sa front passenger seat. Bakit kaya?

“Uh, h-hindi na po. Salamat.” Tumango ako. “Magta-tricycle na lang po ako.”

“Come on. I insist.” Bahagyang umamo ang boses niya. “Don’t be shy. I’ve been wanting to talk to you for a long time now.”

Ako rin.

At isa pa, gusto ko ring makatipid ng pera dahil nauubusan na ako ng allowance.

Kung gano’n…

“S-Sige po.” Tumungo na ako sa kaliwang rear door ng kotse at tinangkang buksan ito.

“Dito ka na sa unahan,” pahabol niya.

“Okay po.”

Tumigil ako sa tangkang pagbukas ng rear door at umikot sa kotse papunta sa pinto ng front passenger seat. Dala-dala ko pa rin ang helmets namin ni Pio kaya medyo nahirapan akong magbukas ng pinto no’ng una, pero tinulungan ako ni Captain Ramirez. Umunat siya at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa ’kin. Gamit ang tuhod ko ay binuksan ko ito at pumasok na ako sa loob. Matapos ilapag ang helmets sa ilalim, sa harap ng paanan ko, ay isinara ko na ang pinto. Humina ang ingay ng kalsada at agad na kumapit sa ilong ko ang mabangong amoy ng lemon car freshener. Nakadama ako ng ginhawa dahil medyo malamig na sa loob.

“Seat belt,” ani Captain Ramirez.

“O-Opo.” Ipinuwesto ko na ang aking bag sa pagitan ng aking mga hita, pagkatapos ay nagsuot na ako ng seat belt.

“All good?” tanong niya.

Tumango ako.

Sinimulan niya nang paandarin ang kotse.

Ngayong kasama ko na siya sa loob ay parang mas lalong bumigat ang presensiya niya. Ito ang taong kinatatakutan ng mga pasaway na estudyante. Oo, hindi naman ako pasaway at minsan ko na rin siyang nakausap, pero nakatatak lang kasi sa isip ko ang imahe niya—respetado at marangal—kaya hindi ko pa rin maiwasang ibaba ang aking sarili kahit magkalapit na kami ngayon.

Katahimikan ang nanaig sa loob ng kotse no’ng una. Sa daan lang ako nakatingin. Sa dulo ng tricycle station ay napansin ko si Bona na nagtataas pa rin ng banner at nagtatalumpati. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ito. Bilib din ako kay Bona dahil meron itong ipinaglalaban. Hindi pa rin ako nagsisising ipinaglaban ko ito noon laban kina Briones at Castro.

“So,” pagbasag ni Captain Ramirez sa katahimikan, “how’s school going?”

Ang random ng tanong.

Hindi naman niya ako anak para tanungin ng ganitong bagay. Marahil ay gusto niya lang na maging komportable ako sa kaniya.

Pumilit ako ng katiting na ngiti. “Okay lang naman po.”

“Good.”

Sumilip ako sa rear seats sa likod para masigurong hindi ako namalik-mata nang tingnan ko ito galing sa labas kanina. Nakumpirma kong wala nga talagang tao.

Napansin naman ako ni Captain Ramirez. “You looking for Mona?”

Bumalik ako ng tingin sa harapan. “Uh, hindi po.”

“She’s not here,” pabatid niya. “She’s still inside the campus. May project daw sila kaya male-late ng uwi.”

Ah, kaya naman pala. Mabuti naman kung gano’n. Hindi ko pa rin alam kung anong magiging pakikitungo nito sa ’kin dahil sa mga nangyari.

“But,” singit niya, “I think she’s just making excuses. I think she’s still mad at me.”

Bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniya. “Bakit po?”

Sandali siyang lumingon sa ’kin, at agad din naman siyang lumingon pabalik sa daan sa harapan. “Nagkasagutan kami no’ng… no’ng gabing sinugod ’yong McMiller sa ospital, ’yong dati niyang kasintahan.”

Na kasintahan ko na ngayon.

“Nagalit ako no’ng nalaman kong lumapit na ulit siya ro’n sa playboy na ’yon,” dagdag pa niya. “Pinayuhan ko na siya dati eh, na huwag niya nang babalikan ’yong tarantadong ’yon.” Hindi ko lubos akalain na mapapamura siya habang binabanggit si Pio. “Akala ko, hindi niya na talaga babalikan ’yon kasi ilang beses na siyang niloko, pero…” Bumuntong-hininga siya. “Sinuway niya ako. Sa tinagal-tagal, sinuway niya ang ama niya. At nang umuwi siya no’n galing sa ospital, siya pa ang nagalit sa ’kin. Sinisisi niya ako. Dahil daw sa ’kin kaya ayaw na siyang balikan no’ng McMiller na ’yon.”

Parang tuluyan nang nagbabago si Mona.

“G-Gano’n po ba?” May masabi lang ako.

Alam ko namang ako ang dahilan kung bakit ayaw nang balikan ni Pio si Mona. Pero, kasalanan ko bang ako na ang mahal ni Pio ngayon, hindi si Mona?

“Yes,” wika niya nang muling sumulyap sa ’kin. Habang tumatagal ay mas lalo akong nasasanay sa malalim niyang boses. Gumagaan na rin ang loob ko sa kaniya sa hindi maipaliwanag. “Well, totoo naman. Ako naman talaga ’yong dahilan. Nakipagkasundo ako kay McMiller para sa isang bagay—para layuan niya na ang anak ko.” Binagalan niya ang andar ng kotse. “Saan ang daan mo?”

“Sa kanan po,” tugon ko.

Niliko niya na pakanan ang kotse at tumuloy siya sa pagsasalita. “Mahirap paniwalaang nagbago na ’yong McMiller na ’yon eh. Imposibleng magbago ’yong mga gano’ng klaseng tao.”

Grabe naman. Sabi nga ni Sir Juanchio Amanpulo noon, lahat ay deserving ng second chance.

Nagbago na si Pio, dapat niyang malaman.

“Pero,” tuloy niya, “nagulat ako sa ginawa niya noon. He begged me to save someone’s academics—yours, actually, Midshipman Alcantara. That boy doesn’t care about anyone’s feelings, not even my daughter’s. If he did, he wouldn’t have broken her heart in the first place.” Binasa niya ang kaniyang labi. “But what he did—it was so out of character. Him caring for someone? Huh. Kaya sinubukan ko siya. Hiningi kong kapalit ang hindi niya paglapit sa anak ko. And to my surprise, he agreed. For you, he did. And I don’t understand why.

“Then, I heard rumors before na sasali siya ulit sa Mr. and Ms. J.A.M.A.. I thought he had broken his promise to me. Kaya, sumali ako bilang judge para malaman ang totoo. But, boy, I was wrong. He really… He really changed. I just couldn’t bring myself to believe it.

“I couldn’t stand his presence, especially when he was around my daughter.

“He reminded me so much of myself…

“… my old self.”

Bahagyang kumunot ang noo ko. “B-Bakit po?”

Sandali siyang natahimik habang nakatuon ang tingin sa daan.

Nang handa na siyang sumagot ay saka siya lumingon sa akin.

“You see, Midshipman Alcantara,” aniya, “I was once a playboy, too.”

Chapter 43

Bahagyang nagulat ako. Kung maingay lang sana sa loob ng kotse, iisipin kong nagkamali lang ako ng dinig. Pero hindi. Buong-buo ang pagkakasabi niya na dati siyang playboy.

Si Captain Ramirez? Sa dinami-rami ng tao sa mundo? Ang hirap paniwalaan.

Pero sa bagay, lahat naman ng tao ay may itinatagong baho at maaaring magbago kung gugustuhin. Si Pio nga eh…

Kung gano’n, kung totoo ngang dati siyang playboy, ano ang tsansang…? Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong sa kaniya ang isang bagay na matagal ko nang gustong itanong. Isa lang naman ang naiisip kong dahilan kung bakit kami magkamukha.

Bahala na.

Wala namang mawawala kung itatanong ko ito…

“K-Kilala n’yo po ba si Alisa Alcantara?”

Ang random.

Parang ang random ng naging dating ng tanong ko.

“Ha?” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Who?”

“S-Si Alisa Alcantara po.” May pagmamadali kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng pants ko, saka binuksan ang Gallery app at nag-scroll nang nag-scroll pababa dahil punong-puno ito ng selfies ni Pio. (Naubos na storage space ko dahil sa kaniya.) Mula sa ilalim ng Gallery ay nakita ko ang magkasamang picture namin ni Mama sa beach noong Senior High pa lang ako. Ipinakita ko ito sa kaniya. “I-Ito po itsura niya.”

Bahagyang tumaas ang kilay niya, pagkatapos ay mariin niyang tiningnan ang litrato sa cellphone. Wala akong makuha na senyales ng pamilyaridad sa mga mata niya habang tinitingnan ito. “H-Hindi eh.”

Hindi niya kilala si Mama? So, mali ang hinala ko na maaaring siya ang… ang ama ko? O baka ay mali lang ako ng ipinakitang litrato?

Inilapit ko ulit sa ’kin ang cellphone at muli akong nag-scroll nang nag-scroll pababa habang si Captain Ramirez ay ibinalik naman ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Nang makakita ako ng litrato ko kasama si Mama no’ng elementary graduation, kung kailan mas bata-bata pa ito, ay ito naman ang ipinakita ko sa kaniya.

“Ito po?” tanong ko.

Muli siyang tumingin sa cellphone ko. Sa puntong ito ay mas tumagal na ang pagtitig niya sa litrato. Palipat-lipat siya ng tingin dito at sa daan. Habang ginagawa niya ito ay unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong gusto kong marinig.

Kung sasabihin niyang oo, didiretsuhin ko ba siya ng tanong kung siya nga ang ama ko?

At anong mapapala ko kapag malaman ko ang totoo?

Kung sasabihin niya namang—

“Hindi,” tugon niya. “H-Hindi talaga eh.”

“Ah, g-gano’n po ba?” Ibinaba ko na ang cellphone at nakadama ng kaunting hiya.

Marahil ay masyado lang akong nag-o-overthink. Paano sila magkakatagpo ni Mama, eh ni kahit isang beses ay hindi pa nga nakakapunta ng Maynila si Mama? At isa pa, wala ni kahit isang patunay na nagkakilala nga sila noon. Iba ang mukha ng lalakeng nasa lumang litrato na kasama ni Mama na iniyakan ko noong bata pa ako. Kung kamukha ko lang sana iyong nasa litrato, hindi na ako malulunod sa kaiisip ngayon kung sino ba talaga ang tunay kong ama.

“Bakit mo naitanong?” usisa niya. “Is that your mother in the picture?”

Marahan akong tumango. “Opo.”

“Wait, am I thinking what you’re thinking?”

“Po?” Ibinalik ko na ang cellphone sa ’king bulsa.

“Are we thinking the same thing?” Kumunot ang noo niya. “That we could be somehow related?”

Bahagya akong yumuko. “Um…”

“You see,” aniya “when I first saw you, I really thought you were my son or something. You resemble me when I was younger. I had the same body build as yours before, too.” Lumingon siya paharap, sabay balik ng tingin sa akin. “You have asthma, right?”

“O-Opo.”

“I have asthma, too.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. “I remember back then, muntik na rin akong matanggal sa program dahil lagi akong inaatake ng hika. Good thing na kaklase at kaibigan ko ang isa sa mga anak ng may-ari ng academy. Just like you, Midshipman Alcantara, I was spared.”

Litong-lito na ako.

Ano ba talaga ang totoo?

Kung hindi niya kilala si Mama, bakit niya ito nasasabi?

“Your name is Aaron, too, correct?”

Mas lalo akong nabalot ng pagtataka. “Yes po.”

“What a big coincidence!” may pagka-excite niyang sabi.

Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi na ako makapagsalita ngayon. Mas lalo akong pinakakaba ng bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya.

“Did you know I always wanted to have a son? I always wanted to have a junior so I could pass down my name to him.”

Ayaw na pakalma ng puso ko.

“But the thing is…”

Ano?

Ano ang totoo?

“I never had any other children apart from Mona.”

Kumalma ang magkasalubong kong mga kilay. Sa hindi maipaliwanag, tila hindi ko matanggap ang aking narinig. Mayroong parte sa akin na nangangarap pa rin na sana ay kilalanin ako ng sarili kong ama. Sapat na sa ’kin kahit gano’n lang…

“Yes, I was previously a playboy, but a responsible one,” tuloy niya. “I always used protection, and I never had any accidents. So, Midshipman Alcantara, it’s impossible for you to be my son.”

Imposible nga siguro talaga.

Si Pio nga, ilang beses nang nakipagtalik sa iba’t ibang babae noon, pero ni kahit isang beses ay wala pa akong narinig o nakitang babae na bumalik sa apartment niya para ipaalam na nakabuntis siya. Maingat si Pio. Marahil ay gano’n din si Captain Ramirez. Magkapareho sila—mga batikang playboys. Kaya siguro siya naiinis kay Pio dahil nakikita niya ang sarili niya rito.

Nagkataon nga lang talaga siguro ang lahat—ang pagkakahawig namin ng mukha at pangalan. Siguro nga.

Tuluyan nang lumiit ang tsansa na siya nga ang ama ko. Unti-unti na ring kumakalma ang puso ko.

“Tell me, did your father abandon you?” usisa niya. “Is that why you’re asking me if I knew your mother?”

Lumunok ako. “U-Um… opo, Captain.” Hindi ko maiwasang malungkot.

“Tarantado pala tatay mo eh.”

Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil narinig ko na naman siyang magmura. Ibang-iba ang ipinapakita niya sa ’kin ngayon kumpara sa kung paano siya nakikita sa academy. Para bang wala siyang itinatago sa ’kin, lahat ay nakakaya niyang sabihin. Marahil ay hindi nga talaga siya nagsisinungaling. Marahil ay hindi nga talaga sila magkakilala ni Mama.

“Okay lang… Okay lang po ’yon,” sabi ko sa malungkot na tinig.

“No, it’s not okay. ’Pag gagawa ng bata, dapat pinaninindigan.

“Hindi ko nga alam kung paano ka naiwan ng tatay mo eh.

“Bilib kaya ako sa ’yo. The profs were talking about how smart and hardworking you are. Do’n pa nga lang sa ginawa mong pag-record ng usapan no’ng dalawang bastos mong kaklase, that was a smart move. How I wish you were my son.”

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makarinig ng papuri mula sa isang Captain Ramirez.

“T-Thank you po.” Ramdam kong uminit ang mga tenga ko.

Ngumiti rin siya, pero hindi tinipid kaya umaliwalas ang kaniyang mukha. “No, I should be the one thanking you. Thank you for doing the right thing… Aaron.”

“W-Walang anuman po.”

Narating na namin ang Mabini Street. Nanumbalik na rin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang parehong nangingiti sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Matapos i-park ni Captain Ramirez ang kotse sa tapat ng apartment building ay bumaba na ako dala-dala ang helmets at tumango.

“S-Salamat po, Captain,” sambit ko habang nakatayo sa harap ng nakabukas na front door ng kotse kung saan ako umupo kanina.

“Welcome.” Ngumiti siya sa ’kin. “By the way, may I invite you to a home dinner sometime? I’d love to introduce you to my wife. I mentioned that you were the one who defended Mona, and she’s excited to meet you.”

“Um…” Sandali akong umiwas ng tingin, lumunok.

Gusto kong sabihing oo. Ang tanging pumipigil na lang sa ’kin ay ang katotohanang maaaring nagalit nang husto sa ’kin si Mona nang dahil sa nangyari sa kanila ni Pio. Paano kung magkita kami sa bahay nila? Anong mangyayari? Kinakabahan ako.

“Please?” pakiusap niya sa maamong boses. “I would really appreciate it.”

Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. “P-Pag… Pag-isipan ko po.”

’Pag maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Mona, siguro puwede na.

“ Hmm …“ Ngumiti siya nang tipid. “Alright, I’ll go now.”

“Sige po.” Muli akong tumango. “Ingat po.”

“Thanks.”

Umunat siya at isinara na ang pinto ng kotse. Pagkatapos ay umandar na siya palayo. Bago tumungo sa loob ng apartment building ay sumaglit ako ng sulyap pabalik sa kotse.

Hindi ako nakuntento sa naging usapan namin ni Captain Ramirez.

Pakiramdam ko ay parang may kulang.

Parang marami pa akong hindi nalalaman.


Hindi naka-lock ang pinto ng apartment ni Pio nang datnan ko ito, kaya hindi ako nahirapang buksan ito. Wala na rin namang dapat katakutan sa apartment building dahil wala na rito ’yong dating kasintahan ni Sweety na kawatan daw. At isa pa, puro call center agents naman ang mga tenants dito bukod sa amin, kadalasan ay puro tulog sa hapon, tulad ni Pio sa kasalukuyan.

Mahimbing ang tulog ni Pio dahil dinig na dinig ang hilik nito pagkabukas ko pa lang ng pinto. Patihaya itong nakahiga sa kama, ang mga binti ay magkalayo ang agwat sa isa’t isa. Nang lumangitngit ang pinto ay sandali siyang nadistorbo at napakamot sa itlog, pero agad ding bumalik sa pagkakahimbing. Kaya naman, mas naging maingat pa ako sa pagsara ng pinto at paglakad sa loob. Inilapag ko na ang helmets sa tabi at naghubad ako ng bag at sapatos.

Tumingkayad ako palapit sa kama—palapit sa kaniya. Nang umupo ako sa tabi niya ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya.

’Tang ina talaga. Ang guwapo pa rin niya kahit naglalaway.

Ang sarap niyang gisingin.

Pero siyempre, mabait ako.

Umiling ako at umiwas ng tingin sa kaniya bago pa umiral ang intrusive thoughts ko. Nagbukas na lang ako ng cellphone habang nakaupo pa rin sa kama, sa kaliwa ni Pio. Sunod kong binuksan ang Facebook app at in-i-stalk ang profile ni Captain Ramirez. Sa profile picture nito ay makikita silang tatlo nina Mona at ng asawa niya habang nasa graduation ceremony. Nakasuot ng toga si Mona at nakangiti, gano’n din ang mag-asawa sa magkabilang tabi nito.

Aaminin ko, nakaramdam ako ng inggit. Iba pa rin talaga siguro ’pag lumaki kang kumpleto ang pamilya.

Habang napapatingin sa profile pic ni Captain Ramirez ay bigla kong naisipan na i-share ang account nito kay Mama sa Messenger. Nagtanong ako sa chat.

Me

ma, kilala mo ba to?

Mga ilang saglit bago na-seen ni Mama ang message ko.

Alisa is typing…

Mabagal mag-type si Mama sa keyboard. Isang letra bawat isang segundo. Kaya susubukin talaga ang pasensya mo. Dahil nga rito kaya video call ang madalas naming gawin.

Alisa is typing…

Pero ngayon, parang mas napapatagal siyang mag-reply. Siguro ay may pasingit-singit na bumibili sa palengke.

Alisa is typing…

Ilang taon yata akong maghihintay sa sagot niya.

Maya-maya pa ay nakapag-reply na siya.

Alisa

di nak

Ang haba ng reply ah.

Me

ma, kamukha ko yung lalake. baka kilala mo? check mo

Makalipas ang walang hanggan…

Alisa

di nak

Busy yata siya. Hindi niya siguro ch-in-eck ang profile ni Captain Ramirez.

Me

ok po

Alisa

👍

Hays.

“No…” mahinang boses na nanggaling sa likuran ko. Kasabay nito ay ang mga mahihinang halinghing. “No… Dad… Mom… Mom… Dad… Mom is…”

Pagbaling ko ng tingin kay Pio ay nakita kong parang nananaginip siya nang masama. Hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan, pero tuloy-tuloy sa paggalaw ang mukha niya kaliwa’t kanan. Parang pinagpapawisan na rin siya nang malagkit.

“Pio…” Agad kong itinabi ang cellphone at isinampa sa kama ang mga binti ko, tinabihan siya, at nag-alala.

“Mom… why…?” Hindi pa rin matigil sa pangangatal ang mga labi niya. Kahit anong pilit kong yugyugin siya sa ayos na braso ay hindi pa rin siya magising. Nagsimulang kumurap-kurap ang mga mata niya nang bahagya. “No… no… Dad… don’t leave me here… Mom… Dad…”

Napapahikbi na siya, at hindi ko maiwasan ang pagtutubig ng mga mata ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang parang kanina lang ay payapa pa, pero ngayon ay punong-puno ng pighati.

“Pio…!” Hindi ko na rin napigilang humikbi. Natataranta na ako. “A-Anong…? Gising…! Pio…!”

Niyugyog ko siya sa mukha, at naramdaman ko ang mainit niyang balat.

Maya-maya pa ay dumaloy na ang luha mula sa nakasara niyang mata pababa sa gilid ng kaniyang ilong. “Dad… don’t leave me… Mom is… Mom is… No… Please… don’t leave me… alone… I’m alone…”

Ngumuyngoy siya, kaya mas lalo akong nabahala. Mas lalong naging maluha-luha ang mga mata ko. Sa tinagal-tagal na katabi ko siyang matulog, ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito.

“Pio!” sa sobrang lakas ng boses ko ay may pagkabigla siyang napamulat habang hapong-hapong nakahiga sa unan. Parang mauubusan siya ng hininga. Agad ko naman siyang hinawakan sa magkabilang pisngi, sinabayan ang paghingal niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ko para yata kilalanin ako. Nang mapagatantong ako nga ang kaharap niya, may pagmamadali niya akong niyakap.

Napahagulgol siya habang nakayakap sa ’kin. Para siyang bata, hindi matahan. Nakakadurog din ng puso ang umalingawngaw niyang iyak na dama sa bawat sulok ng kuwarto. May kirot sa boses niya na parang hindi basta-basta matatanggal nang gano’n na lang.

“A-Ano ba ’yon?” Suminghap ako at inilapat ang aking kamay sa likod niya, hinaplos-haplos ito para aluin siya. “Bakit? Pio, b-bakit ka umiiyak?”

Hindi siya nagsalita. Bagkus ay tuloy-tuloy lang siya sa paghagulgol sa hindi malamang dahilan. Tuloy-tuloy lang din ako sa paghaplos sa kaniyang likod para pagaanin ang kaniyang pakiramdam.

Hindi niya na kailangan pang sabihin ang nararamdaman niya. Batid kong tulad ko, hindi rin siya nagkaroon ng magandang karanasan noong bata siya.

Kaya siguro kami pinagtagpo ng tadhana.

Parehong sugatan ang aming mga puso.

At kami ang medisina ng isa’t isa.

Chapter 44

Ilang araw na ang nakalipas mula nang mag-breakdown si Pio, ngunit hindi pa rin siya nagsasalita tungkol sa mom niya. Tulad ng dati, bumalik siya sa pagiging makulit at palangiti. Kahit anong ngiti niya, hindi ko pa rin maiwasang makita ang lungkot na nakakubli sa mga mata niya.

Biyernes, araw bago ang tournament, tapos ko nang gawin ang banner na pinagagawa sa ’kin ni Kuya Jason. Kay Jonas ko ito ibinigay bago magsimula ang klase namin.

“’Di ka talaga manonood, ’tol?” usisa ni Jonas na seatmate ko.

“Hindi eh,” tipid kong sagot.

Isinilid niya na ang nakarolyong kartolina sa side pocket ng bag niya sa kaniyang likuran. “Ah.”

Sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Ikaw na bahala ah,” pagbasag ko sa katahimikan.

Tipid siyang ngumiti at tumango. “ Mm .“

Katahimikan ulit.

Sa totoo lang, ang hirap mag-isip ng topic para pahabain ang usapan namin. Hindi tulad ng dati, naging maingat na siya sa mga sinasabi niya. At matapos ko ring malaman ang nararamdaman niya para sa ’kin, naging maingat na rin ako sa mga sinasabi ko sa kaniya.

Tinanaw ko na lang ang parking area sa labas ng bintana sa kanan ko. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Captain Ramirez na lumabas mula sa kapa-park lang na kotse sa lilim ng isang puno. Mukhang hindi lang sa ’min ni Jonas may nagbago, gano’n din kina Captain Ramirez at Mona. Mag-isa lang kasi si Captain Ramirez ngayon, hindi tulad ng dati na palagi nitong kasabay ang anak na lumabas ng kotse.

“Nga pala, ’tol,” biglang singit ni Jonas. Ibinalik ko ang aking atensyon sa kaniya. “May sasabihin nga pala ako sa ’yo.”

Bahagyang tumaas ang kilay ko. “A-Ano ’yon?”

Ano naman kaya ang sasabihin niya?

“Huwag kang mabibigla ah,” aniya.

Mabigla?

Bakit?

Aaminin na kaya siya?

“Kasi, ’tol…”

Hindi ako mapakali.

“Tanggap ka na.”

Napaawang ang bibig ko. “Ha?”

Tipid siyang ngumiti. “Tanggap ka na, ’tol.”

“Saan?” taka ko.

“Sa trabaho.” Mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti.

“T-Trabaho?” Napanganga ako. “’Di nga?”

“Oo,” pagkumpirma niya. “Nangangailangan ng bagong waiter si Boss. Ikaw agad ni-recommend ko.”

Abot-tenga akong napangiti. “T-Talaga?”

Ang galing ng timing! Sakto, paubos na talaga ’yong allowance ko. Ang tagal kong hinintay ’to eh.

Tumango-tango siya habang nangingiti pa rin.

“Kailan ’yon? Kailan daw ang start ko?” may pagka-excite kong tanong.

“Next week na,” sagot niya. “May kasalan sa Biyernes ng gabi. Okay lang ba sa ’yo ’yon?”

Biyernes ng gabi? Okay lang naman. Wala namang pasok kinabukasan no’n.

“Oo naman,” pabatid ko.

“Ay’s.”

Wala naman sigurong kaso.


Pag-uwi ko nang hapon sa apartment namin ni Pio ay ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa pagkatanggap sa ’kin sa trabaho. At ito ang naging reaksyon niya: “What? You’re what?”

“Natanggap na ako sa trabaho, Pio,” pangalawang sabi ko na habang nakaupo sa kama sa tabi niya.

“I know, I know.” Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya mula pa kanina. “But, you will be working with Nas, right?”

“A-Ano naman?” buwelta ko. “Teka, nagseselos ka pa rin ba ro’n? Trabaho lang naman ’yon, Pio. Magiging magkatrabaho lang kami.”

“Kahit na.” Ang sungit ng mukha niya. “I don’t like it. I will not approve it. At saka, iiwanan mo ako mag-isa rito?”

“OA naman. Minsanan lang naman ’yon. ’Tsaka, ’di kita iiwanan, ’no. Uuwi pa rin naman ako pagtapos ng kasalan. Dito pa rin naman ako matutulog.”

“The more reason I should be worried! Uuwi ka nang mag-isa late at night? Alam mong hindi pa kita kayang sunduin, ’di ba?”

“Ano ba ’yan. Ang laki-laki ko na. Kaya ko na sarili ko.”

“Oh, really?”

“Oo.”

“Well, what if may mag-abang ulit sa ’yo habang naglalakad ka sa Mabini Street? Paano kung may mangyaring masama sa ’yo just like before, ha?”

Patigasan kami ng ulo.

“Ang tagal na no’n, Pio. Hindi na ulit mangyayari ’yon.”

“Why do you need to work in the first place?”

“Pio, kailangan ko ng pera.” Buti sana kung ipinanganak din akong mayaman, hindi ko na sana ’to poproblemahin.

“Pera?”

“Oo, Pio.”

“Pera lang pala eh. Gusto mo, bigay ko sa ’yo lahat ng allowance ko.”

“Ayoko nga.”

“And why?”

“Ano ka, sugar daddy ko?”

Ang masungit niyang mukha ay bahagyang nagkaroon ng katiting na ngiti, na agad din namang naudlot.

“I can be your sugar daddy if you want.”

“Huwag na,” paninindigan ko. “Hindi kita sinagot dahil sa pera mo, ’no.”

Kita kong napapangiti na naman siya, pero pilit niya itong pinipigilan. Pakiramdam ko ay kaunting pilit na lang at mapapapayag ko na rin siya.

“Then, bakit mo ’ko sinagot?” Hindi siya makatingin nang diretso sa ’kin.

May gusto lang yata ’tong marinig eh.

“Kasi,” malambing kong tugon, “ang pogi mo, Pio. Sobrang pogi mo.”

Bahagyang namula ang mga pisngi niya. Umiling siya at tumikhim bago magsalita. “D-Don’t flatter me, Aaron. My answer is still no.”

Umunat ako sa higaan at inilapit ang aking bibig sa kaniyang tenga. Sabi ko sa mapang-akit na boses, “Pogi, sige na.”

Nakiliti ang tenga niya sa init ng aking hininga. Hindi pa rin siya lumilingon sa akin, pero ramdam kong parang tinamaan siya sa sinabi ko. Ewan ko na lang kung—

“No, Aaron,” diin niya.

Ah gano’n? Hindi pa rin talaga?

Inilipat ko ang aking bibig papunta sa leeg niya, pagkatapos ay hinalik-halikan ko ito. Nanginginig-nginig ang kaniyang mukha habang ginagawa ko ito. “Please?” sambit ko sa mas maamo pang boses.

“N-No… Just no, Aaron…” nanghihina niyang sabi.

No choice. Gagamitin ko na ang kahinaan niya laban sa kaniya.

Isinilid ko ang kamay ko sa loob ng kaniyang shorts—brief, sa makatuwid—at hinawakan ang natutulog niyang pagkalalake. “Please?”

“A-Aaron, what are you…?” Napakagat siya sa labi.

Naramdaman ko ang unti-unting paglaki niya sa palad ko, na siya namang nagpangiti sa ’kin.

Wala na ’to. Ako na mananalo.

“Pumayag ka na,” pangungulit ko.

“Aaron, t-this is… this is not fair,” si Pio laban sa sarili.

Dinakma ko ang kabuuan niya at sinimulan itong itaas-baba nang malumanay. “Papayag na ’yan, pagpayag na ’yan.”

“Damn,” sambit niya nang may halong pag-ungol. Nakaiwas pa rin siya ng tingin sa ’kin. “Aaron, don’t… don’t stop.” Tumikhim siya. “I mean, don’t do this… M-My answer is still no.”

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtaas-baba. “Sarap?”

“Y-Yes, damn…”

“Bilisan ko pa?”

“Oh, yes.”

“Payag ka na?”

“Yes.”

“Yes!” may pagkatuwa kong sabi. Hinugot ko na ang aking kamay mula sa loob ng kaniyang shorts. “Salamat, Pio.”

“W-What?” Napalingon siya sa ’kin nang may panlalaki ng mata.

“Pumayag ka na,” sabi ko.

“No, I did not!”

“Wala, wala.” Bumaba na ako sa kama at naglakad papunta sa pintuan.

“H-Hey! Come back here!” pahabol niya. “Finish what you started!”

Lumingon ako pabalik sa kaniya bago tuluyang pumunta sa apartment ko para magbihis. Pagkatapos ay nginitian ko lang siya nang may halong pang-aasar.

Sa huli, ako ang nagwagi.


Dumating ang bukas—araw na pinakahihintay ng lahat. Ito ang unang araw ng tournament ng basketball team ng J.A.M.A. laban sa ibang academies. Ito rin ang araw na nakatakdang sorpresahin ni Kuya Jason si Mona.

Magkatabi kaming nanonood ni Pio ng Facebook live habang nakaupo sa kama, ang mga paa ay nakaunat. Cellphone niya ang gamit namin sa panonood dahil naka-charge pa ang cellphone ko. Kanina pa nagsimula ang live, pero ang tagal bago magsimula ang laban. Bagot na bagot na nga ang mga commenters. Bagot na bagot na rin si Pio dahil hindi siya matigil sa paglamas sa dibdib ko habang nakaakbay sa ’king balikat gamit ang ayos niyang braso. Tinatampal ko ang kamay niya paminsan-minsan pero kusa itong bumabalik, kaya hinayaan ko na lang. Busy rin kasi ako sa paghawak sa cellphone. Nakakangalay kapag isang kamay lang ang gamit sa paghawak.

Mga ilang saglit pa nang magsimula na ang opening ceremony sa coliseum. Ipinakilala ang iba’t ibang muses at miyembro ng basketball teams ng sampung academies na maglalaban. Makapigil-hininga ang ganda ng mga muses. Napapigil na nga rin ang kamay ni Pio sa hindi maipaliwanag, kaya tiningala ko ang mukha niya, at kita kong tutok na tutok ang mga mata niya sa screen ng cellphone.

“Hoy.” Siniko ko siya sa tagiliran.

Nagising siya sa pagkatulala at napatingin sa akin. “W-Why?” mahina niyang tanong.

“’Yong mata mo. Tuwang-tuwa ka siguro, ’no, kasi puro magaganda ’yong mga babae?”

Kumurap-kurap siya at nagbasa ng labi. “H-Ha? Hin… Hindi ah.”

Hindi raw, pero halatang interesado siya kanina sa panonood.

“ Tsk .“ Inirapan ko siya sabay iling.

Gamit ang kamay niya ay hinawakan niya ako sa baba at pinabalik ang aking mukha sa pagkakaharap sa kaniya. Nilunod niya ako sa titig. Gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. “Nagseselos ka ba, boss?”

“Hindi!” sabi ko nang may pagtaas ng boses. Muli akong umiwas ng tingin.

At muli, pinaharap niya na naman ang aking mukha sa kaniya. “Tingin mo, nagagandahan na ’ko sa mga ’to?” Ngumisi siya. “Kahit pagsama-samahin ang mukha ng mga ’to, walang papantay sa ganda mo.”

Ang bilis bumawi, aba!

Two points sa puso ko ’yong sinabi niya. Three points sana, kaya lang…

“A-Ako, maganda?” Kumunot ang noo ko. “Hindi naman ako babae eh.”

Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Bakit? Babae lang ba puwedeng maging maganda?”

Hindi na ako nakasagot pa. Sa puntong ito, naka-three points na siya dahil sa huli niyang sinabi.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

“Ganda-ganda mo kaya, boss,” tuloy niya. “Alam mo namang sa ’yo lang ako magpapakalampag.”

Ibinaba ko ang aking mukha dahil sa hiya. “B-Baliw ka.”

Muli niya namang inangat ang aking mukha sa pamamagitan ng paghawak sa ’king baba. “Pa-kiss nga, boss.”

Bago pa ako makapagreak ay mabilisan niyang hinalikan ang labi ko, dahilan para mas lalong uminit ang aking mga pisngi.

Nang matanggal ang labi niya sa pagkakadikit sa ’kin, sabi ko,“H-Hoy.”

Ngumiti siya. “Talap-talap ng labi mo, boss. Lasang dagat.”

“D-Dagat?” Bakit dagat? ’Di ba, maalat ang dagat? Ah! Kasi prinitong bangus ang ulam namin kaninang tanghali. “Loko.”

“Joke lang, boss,” bawi niya. “Paisa pa nga.”

At muli, mabilisan niya na naman akong hinalikan. Pagkalas ng labi niya mula sa ’kin ay nagtaas-baba siya ng kilay at ngumiti nang may laman. Wala akong masabi.

Kumalma na ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

Paano pa ako magtatampo nito?

Huling-huli niya ang kiliti ko.

Kikikik .

Nabaling ang atensyon naming dalawa sa cellphone na hawak ko nang biglang inanunsyo ang ngalan ng school namin sa Facebook live: J.A.M.A.! Sa feed ng camera, makikita ang pagpasok ng mga miyembro ng Mariners Basketball Team. Ngunit hindi sila ang highlight, kundi ang babaeng nasa unahan ng mga ito na may hawak na puting flag sa stick kung saan nakatatak ang logo ng academy namin—si Mona ito! Tumuloy pala siya sa pagiging muse kahit wala si Pio! Nakakagulat!

Habang kami ni Pio ay parehong natahimik, umingay naman ang tunog sa cellphone dahil sa mga hiyawan ng mga manonood sa bleachers ng coliseum. Maging ang commenters sa Facebook live ay hindi matigil sa pagpuri kung gaano kaganda ang muse ng Mariners. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatutok ang mata sa screen.

Magandang senyales ’to.

Sa wakas, magkakaroon na rin ng saysay ang banner na pinaghirapan ko.

Dalawang bagay na lang ang hinihintay: ang proposal ni Kuya Jason at ang matamis na oo ni Mona.

Matapos ang opening ceremony ay nagsimula na rin ang tunay na laban. Ibang schools ang naunang magtapat, kaya naman, sobra akong nabagot. Kanina ko pa hinihintay ’yong laban ng J.A.M.A., pero panglima pa raw eh—sa pinakahuli pa talaga. Awit.

Sa ’ming dalawa, mukhang si Pio lang ang nag-e-enjoy sa panonood. Napapapikit na ang mga mata ko, pero pinipilit ko lang na imulat para lang hindi siya makahalata na wala talaga akong hilig sa basketball. Siya lang ang hilig ko. Kung kasali siya, saka lang ako magkakaroon ng interes dito.

“Boss, antok ka na?” pansin niya.

Inalog ko ang aking ulo para magising ang diwa. Pero ayaw pa rin papigil ng mga mata ko sa pagpikit. Dumagdag pa sa kagustuhan kong matulog ang sikat ng araw sa hapon na kumalat sa paligid ng kuwarto.

“Ako na hawak, boss.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, na napunta sa cellphone. Kusa akong napabitiw dito dahil nakaramdam ako ng panghihina ng katawan. Ipinaubaya ko na ang paghawak dito sa kaniya.

Sunod na napasandal ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Kahit matigas ito ay naging komportable ako. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa screen ng cellphone ngunit wala na akong maintindihan dahil bahagyang lumalabo na ang paningin ko.

Ayoko pa sanang matulog. Gusto ko pang malaman ang mga mangyayari mamaya.

“Tulog ka muna, boss,” anang lalake na ginawa kong unan. “Gisingin na lang kita ’pag ’yon na.”

’Pag ’yon na. Alam niya rin ang tungkol sa proposal. Batid niyang ’yon naman talaga ang sadya ko sa panonood. Itutulog ko na muna siguro ’to.

Bigla siyang kumanta, “ Ikaw ang sagot sa— “

“ Shh ,“ agad kong saway sa kaniya bago pa man mapunta sa kung saan ang lyrics.

“Sabi ko nga, boss.” Hinalikan niya ako sa ulo at dito itinambay ang kaniyang mukha habang nanonood sa cellphone. “Sleep tight. You’re safe with me.”

Naging kalmado ang kalooban ko dahil sa sinabi niya. Hinayaan kong tuluyan nang magsara ang mga mata ko. Tumakas pa nga ang ngiti sa labi ko. Ramdam kong pinahinaan niya ang volume ng cellphone. Dahil sa ginawa niya, mas lalong nangibabaw sa ’kin ang tunog ng hininga niyang tumatama sa bumbunan ko. Dinuduyan din ang ulo ko ng dibdib niyang tumataas-baba sa bawat paghinga niya. Hanggang sa unti-unti nang humimlay ang diwa ko.

Sa panaginip ko, nakasandal din ako sa dibdib niya habang nakayakap ang braso niya sa ’kin. Wala kami sa kuwarto. Nasa dalampasigan kami. Magkasama naming pinanonood ang araw na unti-unting lumulubog. Pinakikinang ng sinag nito ang banayad na alon ng dagat.

Ang simoy ng hangin. Ang magandang tanawin. Sa hindi maipaliwanag, parang naramdaman ko ang magandang kinabukasang naghihintay para sa amin.


Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila yumuyugyog ang kinahihigaan ko.

“Yes! Whoo!” boses ni Pio. “Yes!”

Pagmulat ko ay napakusot ako sa mata dahil bahagyang malabo pa ang aking paningin.

“Ay, sorry, boss,” ani Pio. “Did I wake you up?”

Kumurap-kurap ako at mariing pinagmasdan ang paligid. Takipsilim na pala. Nang ibaling ko ang aking paningin sa cellphone na hawak niya ay parang unti-unting lumakas ang ingay sa pandinig ko nang makita ang mga pamilyar na mukha sa screen.

“A-Anong…?” mahinang kong tanong.

“Panalo, boss!” may pagkatuwa niyang sambit. “Panalo Mariners sa elimination!”

Agad na nagising ang diwa ko at nanlaki ang mata. “’D-Di nga?”

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa dibdib niya at hinablot ang cellphone mula sa kamay niya. Kaya naman pala pamilyar ang mga mukha sa screen, nagsasaya pala ang mga ka-team ni Pio sa gitna ng court. Hindi rin matigil sa pag-cheer ang mga taga-J.A.M.A. sa bleachers habang nagtataas ng iba’t ibang banners.

“Oo, boss!” Niyugyog ako ng katawan ni Pio na hindi matigil sa pagdiwang para sa natamong tagumpay ng sariling team.

Napaawang naman ang bibig ko sa pagkamangha. Ngunit nang dahil sa sunod na nangyari ay tuluyan nang lumaylay ang panga ko.

Sa gitna ng court, makikita ang pag-atras ng mga miyembro ng Mariners, dahilan para maiwang mag-isa sa harapan ang isang moreno at matangkad na lalake—si Kuya Jason. May tumakbong lalake palapit kay Kuya Jason at nag-abot ng wireless microphone dito, pagkatapos ay agad ding tumakbo palayo. Bahagyang humina ang hiyawan ng mga manonood na walang ideya sa kung anong sunod na mangyayari.

Ako naman ay hindi matigil sa pagkalabog ang dibdib kahit nga kagigising ko pa lang. Para akong nakainom ng isang litro ng Kopiko Lucky Day. Ito na ba ’yon? Ito na ba ’yong proposal? Asan si Mona?

“Shit,” usal ko nang biglang tinutukan si Mona ng camera. Kasalukuyan itong nakatayo sa may pinaka-unahang bleachers, hindi kalayuan mula sa court. Palingon-lingon ito sa paligid nang may halong pagtataka sa mukha.

Hindi na nakaimik pa si Pio. Ako rin naman. Sabay naming tinunghayan ang sunod na mga nangyari habang nakapigil ang hininga.

“Um,” panimula ni Kuya Jason, biglang lumipat ang camera feed sa kaniya, “gusto ko lang gamitin ang pagkakataong ito para… para i-celebrate ang pagkapanalo namin sa unang laro… Mariners, mag-ingay!” Naghiyawan ang Mariners sa likod ni Kuya Jason. Nang humupa ang hiyawan nila ay tumuloy siya sa pagsasalita. “At gusto ko ring… gusto ko ring gamitin ang pagkakataon para makuha ang kamay ng… ng babaeng matagal ko nang gusto…”

Naghiyawan ang mga manonood dahil sa tuwa. Bahagyang nanginginig naman ang kamay kong nakahawak sa cellphone. Ito na ’yon! Ito na talaga!

“Mona Ramirez,” ani Kuya Jason nang may paghingal at pawisang mukha, “will… will you be my girlfriend?”

Mas lalong lumakas ang mga hiyawan. Pinakita sa camera ang kabuuan ng coliseum na punong-puno ng mga estudyante galing sa iba’t ibang academies. Bagaman ay galing sa magkakaibang paaralan, tila nagkaisa ang mga ito para suportahan si Kuya Jason. Kahit sa cellphone ko lang pinanonood ang eksena, damang-dama kong parang naroroon ako mismo.

Sa camera feed, nahagip ang banner na pinaghirapan kong gawin. Hawak-hawak ito ni Jonas at ng isa pang miyembro ng Mariners pataas sa ere, paharap sa direksyon ni Mona.

Bumalik na kay Mona ang camera feed. Sa puntong ito, nanlaki na ang mga mata nito at nakalaylay ang panga habang nakatingin kay Kuya Jason. Biglang may lumapit din kay Mona at nag-abot ng wireless microphone rito.

“Say yes! Say yes! Say yes!” sabay-sabay na hiyaw ng mga manonood tulad ng nakasulat sa banner na ginawa ko.

Hindi na matigil sa pagwawala ang puso ko. Sa isipan ko, nakikisabay ako sa mga paghiyaw nila.

Yes na, Mona!

Yes na, puta!

Itinutok na ni Mona ang mikropono sa kaniyang bibig. Nagbasa siya ng labi at napalunok. Bakas ang pressure sa mukha niya. “U-Um…”

“Say yes!” Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga manonood.

Lumipat ang camera feed kay Kuya Jason na matiyagang naghihintay sa sagot ng magandang dalaga. Sa wakas, naisakatuparan na rin ang plano niya. Hindi na ito naudlot pa.

Isang bagay na lang talaga ang kailangan…

Sa pagbalik ng camera feed kay Mona ay napahina ang mga hiyawan nang umawang ang bibig nito, senyales na handa na itong sumagot sa tanong. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip nito. Hindi ko mahulaan ang magiging sagot nito.

Ano kaya ang isasagot nito?

Oo ba?

O hindi?

Alin sa dalawa?

“Yes,” sagot ni Mona.

Chapter 45

Sa sobrang gulat sa naging sagot ni Mona, hindi ko namalayang nasasagi ko na pala ang sementadong braso ni Pio.

“ Waaaaah! “ may tuwa kong sigaw.

“ Waaaaah! “ may hapding sigaw naman ni Pio.

“Ay, gago!” Nabitiwan ko ang cellphone sa kama at hinawakan ang nasagi niyang braso. “Sorry, sorry!”

Todo siya sa pag-aray. “Ouch! God! It hurts!”

“Sorry!” may diin kong sabi. Hinipan ko nang hinipan ang kaniyang braso, akala mo naman talaga makatutulong ito.

Hindi pa rin matigil ang hiyawan ng mga manonood sa coliseum na maririnig sa cellphone. Hindi rin matigil sa paghalinghing si Pio dahil sa sakit na dulot ko.

“Boss naman.”

“Sorry na nga eh.”

“Lagi mo na lang akong sinasaktan.”

Parang double meaning pa nga.

“Hindi na. Hindi na mauulit.” Hinalik-halikan ko ang arm cast niya. “Ayan na, mawawala na ’yang sakit. Wala na ’yan. Woosh, woosh .” Lumingon ako sa nakalukot niyang mukha. “Wala na, ’di ba? Strong ka eh. Strong ’yang baby na ’yan.”

Humina na ang mga halinghing na kaniyang binibitiwan. Ang anghang sa labi niya ay unti-unti ring napapalitan ng matamis na ngiti. “I-I love the word, say it again.”

Ngumiti ako. “Baby,” ulit ko sa mapang-akit na boses.

Lumapad ang ngiti ng loko. Nasaktan ba talaga siya? Parang ang hina lang naman ng pagkakasagi ko sa braso niya eh. Sagiin ko pa kaya para malaman ko? ’Di, huwag na. Baka iba na hingiin nito sa susunod eh.

“That’s my name from now on,” sabi niya. “I’m your baby… and you’re my boss baby.” Hinawakan niya ang ulo ko at muling pinahiga ito sa malaki niyang dibdib, sabay yakap sa beywang ko. “Got it?”

Boss baby amp.

“Edi wow.”

Dinig kong humina na ang tunog sa cellphone. Pagpulot ko rito, kita kong lumipat na ang eksena sa dalawang hosts na nagsasalita sa backstage bilang pagtatapos. Hindi matigil ang kilig ng mga ito dahil sa ginawang pasabog ni Kuya Jason. Nakalimutan na nga yatang i-discuss ng mga ito ang summary ng bawat laro. Pinatay ko na lang ito at inilapag sa tabi ng kama. Ngayong hindi na okupado ang kamay ko ay ipinuwesto ko na lang ito sa abs ng maskuladong baby na masarap kurutin.

“You seemed so happy,” pansin niya.

Bakit hindi?

Masaya ako para kay Kuya Jason. Nakuha na rin nito si Mona sa tinagal-tagal ng panahon. At hindi ko alam kung bakit ito sinagot ni Mona. Ang mahalaga na lang sa ’kin ngayon ay sila na. Wala nang hahadlang pa sa ’min ni Pio.

Wala naman na, ’di ba?

“Siyempre,” tugon ko. “Dapat lang.”

“Right,” tipid niyang wika.

Tiningala ko ang mukha niya. Tiningnan niya naman ako nang nakayuko. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya dahil walang emosyon ang mukha niya ngayon.

“Eh ikaw?” usisa ko.

Bilang ex-boyfriend ni Mona, anong masasabi niya ngayong napunta na ito sa ibang lalake?

“I’m happy…” Tipid siyang ngumiti. “Of course, I’m happy,” sabi niya. “Finally, she came to the right person.”

Right person para kay Mona… si Kuya Jason nga iyon.

Right person para kay Pio… siyempre ako.

Ngayon, napunta na ang lahat sa tamang tao.

Magiging tahimik na siguro ang lahat.

“Ah.” Tipid din akong ngumiti.

“I was an asshole boyfriend to her,” dagdag pa niya, binitiwan na ang ngiti sa labi. “Ilang beses ko siyang nasaktan dahil sa kagaguhan ko. Ilang beses. Hindi ko nga alam kung paano niya ako nagawang patawarin noon.”

Gano’n talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, magpapakatanga ka. Minahal siya ni Mona. At mahal pa rin nga yata siya no’n hanggang ngayon.

“I’m really glad she didn’t accept me on my last attempt to win her back. I’m really glad she slapped me in the face. That one slap woke me up and made me realize I wasn’t the right person for her.”

Tingin ko ay tinutukoy niya iyong nangyari sa kanila sa gilid ng covered gym noon. Naaalala ko pa ’yon. Doon nagsimulang magbago ang lahat sa amin.

“I’m really sorry, Aaron. My feelings may have been confusing before.” Binasa niya ang kaniyang ibabang labi. “At first, I thought it was because she looks like you that I was feeling something for you. I have never fallen for a boy before, so it was confusing for me, too.” Bumuntong-hininga siya. “I thought it was still her I wanted to get back. But when we never got back together, I still ended up wanting you. It was already you from the moment I first laid my eyes on you. You’re everything I ever wanted.”

Naglakbay ang kamay niya mula sa beywang ko papunta sa ’king kamay na nakahawak sa kaniyang tiyan. Sunod niyang pinagyakap ang aming mga daliri. Nagkadikit ang palasingsingan naming parehong may suot na magkapares na singsing—simbolo ng pagiging iisa namin.

“And now, I have you… and I could never wish for more.”

Maingat niya akong hinalikan sa noo. Matapos ay tinitigan ako ng mapupungay niyang mga mata, na talaga nga namang nakakatunaw ng puso. Ang sarap mahalin ng isang Pio.

“Ako rin, Pio. May pagkakamali rin ako,” pag-amin ko sa malumanay na boses. “Pinilit kong isara ’yong puso ko, kasi akala ko… akala ko walang tatanggap sa ’kin… o magmamahal.” Sinikap kong ngumiti. “Pero dumating ka. Hindi lang ikaw ’yong nagbago… Nagbago rin ako dahil sa ’yo. ’Yong mga paniniwala ko, nabago mo nang paunti-unti. Lahat ng takot ko, ikaw ang nagtanggal. Ikaw din ang lahat ko. Ikaw, kahit na… kahit na pilyo ka… kahit mapanakit ’yang alaga mo… kahit hindi ka nauubusan ng kalokohan… ikaw pa rin.”

“At ikaw rin, boss, kahit na masungit ka… kahit na minsan, masyado mong pinapalala ang mga bagay-bagay… kahit minsan mo lang akong pagbigyan… ayos lang, masarap naman.”

“Gago.”

“At kahit palamura ka… ikaw pa rin. Ikaw lang hanggang dulo.”

Nakabawi pa nga ang loko.

“Hanggang dulo?”

“Oo, hanggang dulo.”

“Ikaw lang din, Pio.”

Hanggang dulo.


Nasubok ang hangganan ni Pio nang sumapit ang Biyernes kung kailan hindi ako agad makauuwi sa apartment namin dahil ito ang unang gabi ko sa trabaho. Pagsapit ng uwian, sinamahan ko si Jonas papunta sa wedding venue. Miyerkules pa lang ay kinuha na agad ang body measurements ko. Huwebes ay pinakilala ako sa boss nila at in-orient ako sa mga gawaing gagampanan ko bilang waiter; d-in-emo na rin kung paano ang gagawin sa aktuwal na kasalan. At kanina lang nang ibigay sa ’kin ni Jonas ang mga damit pang-waiter na isusuot namin mamaya, nakasilid ito sa eco bag at naglalaman ng mga sumusunod: white long sleeve shirt, black button vest, black bow tie, at black trousers.

Kanina pa kami magka-video call ni Pio mula paglabas ng classroom, hanggang corridor, hanggang covered walkway, hanggang kanto ng J.A.M.A., at hanggang ngayon sa loob ng jeep.

Kanina pa rin siya parinig nang parinig kay Jonas.

“Hey, Nas Daily, I think you’re still a bit close to my boyfriend. Layo ka pa nga, p’re.”

Sinapo ko ang aking noo dahil sa hiya. Mabuti na lang at kaming dalawa pa lang ni Jonas ang pasahero sa loob, ’yong isa ay nasa front seat katabi ng driver.

“’Tol, hindi naman ako nakadikit kay Aaron eh,” ani Jonas sa mahinahong boses. “Ang layo ko na kaya.”

Totoo naman, may sapat na distansya sa pagitan naming dalawa (isang eco bag ang pagitan), kaya hindi ko alam kung anong ipinaglalaban nitong si Pio.

“P’re, layo pa. Huwag nang maraming satsat.”

“Oo na, ’tol.” At lumayo pa nang kaunti si Jonas.

Sumingkit ang mata ni Pio sa screen. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama. “P’re,” tukoy niya kay Jonas, “kita ko pa ’yong dulo ng balikat mo sa camera. Layo pa.”

“Anong gusto mo, ’tol, sa gulong ng jeep na lang ako sasakay?” Nasubok na rin ang hangganan ni Jonas.

“Great idea. Why don’t you try?” ani Pio sa sarkastikong tono.

“Ha?” si Jonas.

“Hakdog,” si Pio.

’Tong aso’t pusa na ’to!

Inilapit ko ang cellphone sa bibig ko, umiling, at pabulong na nagbanta sa selosong lalake. “Behave, Pio. Wala kang reward sa ’kin, sige ka.”

“Y-Yes, boss.” Biglang umamo ang tono ng boses ni Pio. “Sorry, sorry.”

“Good dog.”

Ang totoo niyan, hindi naman talaga dapat payag ’tong si Pio eh. Nangungulit nga ’to no’ng mga nakaraang araw na huwag ko na raw ituloy, kasi lagi ko nang nakakasama si Jonas. Sabi ko, trabaho lang naman. Pinipilit niya talagang huwag na raw, share na raw kami sa allowance niya. Eh pinipilit ko rin na ayoko nga. Nagtapos ang pagtatalo namin sa isang kasunduan na ako ang may gawa: “Reward kapalit ng pagpayag mo.” Pumayag naman ang loko sa isang kondisyon: “Reward every time you go to work.” Deal. Good luck sa lalamunan ko.

Hanggang banyo ng Luxford Hotel—na siyang gaganapan ng wedding ceremony—hindi pa rin bumibitiw sa video call si Pio. Pasimple pa ngang napapahagikgik ang gago nang maghubad ako, pinagmamasdan niya ’yong magkabilang utong ko. Pero nang makabihis na ako ng pang-waiter, tila nagbago ang tingin sa mga mata niya.

“A-Ano, okay lang ba?” tanong ko habang inaayos ang lebel ng bow tie.

Mas malaki ang view ng mukha ni Pio sa video call kaya hindi ko makita nang maayos ang sarili ko. Nakapatong patayo ang cellphone ko sa ibabaw ng takip ng bowl tank habang ako ay nasa kabilang dulo sa loob ng cubicle, malapit sa nakasarang pinto.

“Boss,” may pagkamangha niyang sabi, “pakasalan na kita.”

Tipid akong natawa. “Baliw.” As if naman puwede rito sa Pilipinas.

“Ganda mo talaga, boss.” Ngumiti siya. “Aasawahin talaga kita.”

Tumakas ang ngiti sa labi ko. “Sus.”

May kumatok sa nakasarang pinto. “’Tol? Okay ka na? Hanap na tayo ni Boss.”

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. “Ah, oo, Jonas. Wait lang.”

“Sige,” ani Jonas. Narinig ko ang mga yabag niya palayo.

Kinuha ko na ang cellphone na nakapatong sa bowl tank. “Pio, hanap na ’ko,” paalam ko sa boyfriend ko. “Mag-start na kami.”

“’No ba yan.” Pumait ang mukha niya. “Huwag muna. Ang boring dito ’pag wala ka.”

“Nood ka na lang basketball,” mungkahi ko, “o porn.”

“’Di na ako tinitigasan ’pag wala ka.”

“Eh ’di matulog ka na lang.”

“’Di na ako makatulog ’pag wala ka.”

“Lahat na lang?”

“Ikaw nga lahat ko, boss.”

“Hay naku, Pio. Mapapagalitan na ako nito. Sige na, bye-bye na.”

“Boss, huwag muna!”

“Ano ka ba?”

“Kiss muna.” Ngumuso siya sa camera.

“Ay sus.” Kumamot ako sa sintido. “O, ito na.” Hinalikan ko ang labi niya sa camera. “Okay na?”

“Okay na.” Ngumingiti siya. “Basta, boss, tawag ka ulit mamaya ’pag pauwi ka na ah? Tapos huwag kang didikit do’n sa Nas Daily na ’yon. Akin ka lang, boss.”

“Oo na.”

“Bye, boss. Mwah, mwah! Lab you, lab you!”

“Oo na.”

“Anong ‘oo na’? Ibalik mo sa ’kin!”

“Eh ’di lab you too!”

Natapos na ang video call namin.


Alas siete y media pa lang, naka-ready na kami sa venue. Nakahilera kaming nakatayo nina Jonas kasama ng iba pang waiters (na halos kasing-edaran lang din namin at may mga itsura din) sa iba’t ibang sulok ng malaki at malawak na espasyo. Nakaka-overwhelm sa totoo lang. Nagpunta na kami rito ni Jonas kahapon pa lang, pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa pagka-engrande nito.

Bungad pa lang ng venue ay mapapanganga ka na sa ganda ng mga bulaklak na pa-arko ang kurba—may iba’t ibang kulay: iba’t ibang shades ng blue, pink, grey, ngunit mas marami pa rin ang kulay puting mga bulaklak. Punong-puno rin ang itaas ng entrance ng hanging light bulbs na naglalabas ng maayang liwanag.

Lalaylay na ang panga mo pagdating sa mismong loob ng venue. Sasalubungin ka ng artificial tree branches, kung saan sa bawat dulo ng mga sanga nito ay may kumikinang na pabilog na mga ilaw. Tulad ng sa entrance ay warm yellow lights din ang nilalabas ng mga ito. Kaunting lakad pa at makikita mo na ang unang anim na sets ng round tables—tatlo sa kaliwa, talo sa kanan. Mayroong tigpi-pitong upuan bawat table. Balot na balot ang mga upuan ng makikinis na kulay puting tela. Ang bawat lamesa naman ay nababalot ng kulay silver na table cloths na may imprinta ng mga dahon.

Sa bandang gitna ay may dalawang pahabang lamesa sa magkabilang direksyon. Hindi tulad ng sa round tables ay iba na ang disenyo ng mga upuan dito, walang balot na mga tela, pero dapat lang dahil sosyalin naman tingnan (parang pang-royals). Ang pinagkapareho lang sa round tables ng pahabang dalawang lamesa ay mayroon din itong silver na table cloths.

Punong-puno ng mga bulaklak at kandila ang gitna ng bawat lamesa. Nakahanda na rin ang mga pinggan, utensils, table napkins, at iba’t ibang drinking glasses. ’Yong mga pagkain ay sa labas lang din mismo ng venue, na ipapasok mamaya ng ibang mga kasamahan namin na naka-assign doon ’pag oras na para kumain. Buti na lang at hindi ko nakikita iyon ngayon. Kanina kasi ay natakam ako nang madatnan ko iyon. Napakarami ba naman eh at ang ganda ng presentation.

Sa gitna ng dalawang pahabang lamesa ay may malawak na espasyo kung saan may nakalatag na kulay puting aisle runner. Sa dulo nito ay ang malaking parisukat na pagtatagpuan ng bride at groom kung saan naka-imprinta ang initials at pangalan ng mga ito sa gintong mga letra:

M & A

MIKAEL

AND

AYA

Sa dulo pa mismo nito ay makikita ang mga musicians na kanina pa nakahanda. Tumigil na sila sa pag-eensayo dahil nagsisimula nang magsidatingan ang mga bisita.

Bulaklak kahit saan, maging sa mataas na ceiling kung saan maraming chandeliers. Marami ring nagkalat na photographers at videographers sa loob. Okay lang kahit mahagip ako ng camera, naghilamos naman ako sa banyo kanina.

Marami pang detalye ng venue na nakatakas sa limitadong nasasakupan ng mga mata ko. At hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag kung gaano ito kaganda.

Kahit na handa na ako sa panlabas, hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa loob-loob ko. Ito ang unang beses na nakadalo ako sa ganito kagarbong event… at bilang waiter. Paano kung pumalpak ako? Paano kung sa pagse-serve ko ay matapunan ko ng champagne ’yong guest? Tapos sasampalin ako at tatapunan din ng champagne sa damit at sasabihan ng “You’re nothing, but a second-rate trying hard copycat!”? Mukhang yayamanin pa man din ’yong mga guests. Kita mo ’yan, ang gaganda ng mga suot na gowns at tuxedos.

“’Tol,” tawag sa ’kin ni Jonas na nasa kaliwa ko, hindi kalayuan, bahagyang nakangiti, “okay ka lang?”

Tumango-tango ako bilang tugon, matapos ay huminga ako nang malalim, sabay buga.

Kaya ko ’to. Para sa pera.

Hindi naglaon ay nagsimula na rin ang kasal…


“Wise men say…

Only fools rush in.“

Sa palalakad ng bride sa aisle, napatayo ang lahat ng guests, at ang lahat ng ulo ay napalingon patalikod. Ang bride ang pinakanagningning sa gabing ito. Ang suot nitong puting wedding gown ay mas lalong pinatingkad ng liwanag na nanggagaling sa iba’t ibang direksyon. May hawak itong bridal bouquet sa kamay.

“But I can’t help…

Falling in love with you.“

Nang makarating ang bride sa kinatatayuan ng mga magulang nito, sandali itong huminto, hinalikan ang ina sa pisngi, hinalikan ang ama sa pisngi. Matapos ay magkasabay na ibinaba ng mga magulang ang belo sa mukha nito. Sa pag-akay ng mga magulang sa magkabilang braso ng bride ay tumuloy na ang mga ito sa maingat na paglalakad papunta sa groom na naluluha na sa tuwa sa harapan. Nasa likod lang din nito ang pari na magbubuklod sa kanilang dalawa mamaya.

“Shall I stay?”

Hindi ko rin maiwasang mapangiti at bahagyang magtubig ang mga mata habang pinagmamasdan ang bawat tagpo at habang pinakikinggan ang magandang awitin ng babae sa unahan. Damang-dama ko ito dahil sa bandang unahan din ako nakapuwesto, malapit sa pahabang table sa kanan.

Ang daming tumatakbo sa isip ko—mga bagay na gusto kong mangyari kung sana lang ay posible.

Darating din kaya sa punto na ikakasal kami ni Pio?

Kung hindi man, kuntento na ako na makasama siya habambuhay, kasal man o hindi.

“Would it be a sin…?”

Sa isang pagkakataon, nasulyapan ko si Jonas na nakatitig sa ’kin habang maluha-luha ang mga mata. Marahil ay ito ang resulta ng mga bagay na hindi niya masabi sa akin… mga bagay na hindi namin mapag-usapan… o mga bagay na pinili naming huwag pag-usapan… dahil huli na ang lahat…

Huli na siya.

“If I can’t help falling in love with you?”

Agad niyang winaksi ang kaniyang tingin at pinunasan ang mata nang mapansin ako. Sinikap niyang ituwid ang kaniyang postura at ibinalik ang tingin sa bride. Sandali rin akong nawala sa focus dahil sa ginawa niya, pero kinalaunan ay nakabalik din sa kasalukuyang nangyayari sa paligid ko.

“Like a river flows…

Surely to the sea.

Darling, so it goes…

Some things are meant to be….“

Habang naglalakad ang bride kasama ang mga magulang nito sa gitna, habang matiyagang naghihintay ang groom sa harapan, at habang nakatayong nagmamasid ang mga tao sa paligid, may isang taong pumukaw sa atensyon ko. Sa pinaka-unahan ng pahabang table ay may isang matandang babae na bukod-tanging nakaupo. Hula ko ay lola ito ng groom o bride—kahit alin sa dalawa—dahil malalapit na mga kamag-anak lang naman ang nakatakdang umupo sa pinakaharapan.

Sa kabila ng lahat ng mga taong napapangiti o napapaiyak sa tuwa dahil sa minsanang pangyayari ito sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan, nahuli ko ang matandang babae na palihim na tumatangis at tila may yakap-yakap na bagay sa dibdib. Sinubukan kong huwag itong pansinin, pero mahirap na hindi pansinin, lalo pa’t ako lang yata ang bukod-tanging nakakakita sa ginagawa nito. Lahat ay nakatuon ang atensyon sa bride.

Bakit palihim itong umiiyak?

Ano ang bagay na kayakap nito sa dibdib?

Agad na nasagot ang mga katanungan ko nang tanggalin ng matandang babae ang litrato sa pagkakayakap. Sa pagsulyap nito sa litrato ay tumulo ang kapirasong luha mula sa kaniyang mata papunta rito, may panginginig ang bahagyang kulubot na kamay.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Sa hindi maipaliwanag, nagsitayuan din ang mga balahibo ko. Unti-unting humina ang mga ingay na gawa ng paligid sa pandinig ko, at ang tanging nakikita ng mga mata ko ay ang malungkot na matandang babae at ang nilalaman ng litrato na hawak nito…

Lumang larawan ito ni Manang Lucy no’ng dalaga pa ito, at may kasama itong kapwa babae sa litrato na tila kasintahan.

Siya ang dating kasintahan ni Manang Lucy.

Chapter 46

Buong magdamag ng kasal ay wala akong ibang pinagtuunan ng pansin kundi ang matandang babae na nakasuot ng kulay pulang dress, na sigurado akong siyang kasama ni Manang Lucy sa lumang litrato. Magkapareho sila ng litratong itinatago eh. At kamukha niya rin ang dalaga sa kanang bahagi ng litrato. Bagaman ay matanda na ang itsura, hindi pa rin maikakaila ang kaniyang kaputian, tangos ng ilong, at mapupulang mga labi. Ang kulay puti niyang buhok ay maalon pa rin ngunit maikli na ang gupit—’yong gupit pangmatanda. Mayroon siyang suot na pearl necklace sa leeg.

Nakumpirma kong siya ang lola ng bride. Matapos kasing ipagkatiwala ang bride sa kamay ng groom ay tumabi na ang nanay at tatay nito sa lola. Kita ko rin kaninang mabilis na itinago ng matanda ang litrato sa bulsa ng kaniyang damit nang lapitan siya ng mga ito.

Lihim na pag-ibig.

Mayroon silang lihim na pag-ibig ni Manang Lucy. At hindi ko mapigilan ang kirot sa dibdib ko habang pinagmamasdang pumilit ng ngiti ang matanda dahil kanina lang nang makita ko siyang umiiyak nang palihim. Pinilit niyang maging masaya sa pinakamasayang araw ng pinakamamahal niyang apo.

Mahal pa rin ng dalawa ang isa’t isa.

Sa tinagal-tagal ng panahon, mahal pa rin nila ang isa’t isa. Hindi pa rin naglalaho ang pag-ibig sa mga puso nila kahit na matagal na silang hindi nagkikita. Pareho nilang niyayakap ang kanilang mga litrato eh.

Paano sila humantong sa ganito?

Bakit hinayaan nilang lumipas ang oras?

Higit sa lahat, bakit hindi nila ipinaglaban ang isa’t isa?

Napakadaming katanungan sa isipan ko, na minsan ay nakakalimutan kong umaapaw na pala ang champagne na ibinubuhos ko sa baso ng ibang guests. Humihingi naman ako ng paumanhin. Wala pa namang nagagalit sa akin. Mababait naman pala ang mga guests kahit na mayayaman. Masyado lang malikot ang isipan ko dahil sa mga napanood na soap operas noong bata ako. At ligtas naman ako sa paningin ng boss namin dahil abala ito sa paggabay sa mga kasamahan kong na-assign sa pag-serve ng pagkain.

Humanap ako ng tamang tiyempo. Hindi ko hahayaang manatali ang mga katanungan sa isipan ko nang hindi nasasagot. Hindi ko hahayaang palampasin ang pagkakataon. Sa lahat ng taong naririto, maaaring ako lang ang nakakaalam ng pinagdaraan ng matanda—nila ni Manang Lucy. Kung hindi ko sila pagtatagpuin, maaaring maging huli na ang lahat… para muling buuhin ang kanilang mga pusong nawasak… para sulitin ang mga huling taon ng kanilang buhay… para maging malaya… para maging masaya.

Lahat ng tao ay may karapatan sa pangalawang pagkakataon. Kung bakit ako natanggap sa trabahong ito, kung bakit ako naririto ngayon, kung bakit nakita ko ang litrato, marahil ay ako ang ginawang daan ng tadhana para bigyan sila ng ikalawang pagkakataon. Hindi pa huli ang lahat sa kanila. Oras lang ang kalaban. O pamilya.

Dumating ang tamang tiyempo nang mangailan ng tulong ang matandang babae, at saktong ako ang pinakamalapit na waiter sa kaniya…

“Iho,” biglang tawag niya sa akin, kaya nilapitan ko siya, “puwede bang humingi ng pabor?”

“Yes po?” sagot ko nang nakangiti.

Kasalukuyang nagsasaya sa gitna ang bride, groom, bridesmaids, groomsmen, at kasama na rin ang mga magulang. Nagtatawanan ang mga ito habang abala sa panonood at pagkain ang ibang mga bisita.

“Puwede mo ba akong samahan papunta sa CR?” pakiusap ng matanda sa akin. “Medyo hirap na kasi akong maglakad.”

Malugod ko itong tinanggap. “Oo naman po.”

At sinamahan ko palabas ang matanda.

Habang marahan kaming naglalakad sa hallway papunta sa PWD restroom ay nakahawak ang kaliwang kamay niya sa balikat ko. Ang kanang kamay niya ay may hawak na walking cane. Kanina pa ako inip na inip, hindi dahil mabagal siya maglakad, kundi dahil gustong-gusto ko na siyang tanungin tungkol sa isang bagay, ngunit hindi ko lang magawa dahil baka magkamali ako ng timing.

“Iho, pasensya ka na,” biglang pagbasag niya sa katahimikan. Akala ko ay hindi niya na ako kakausapin dahil kanina pa siya tahimik. “Kanina pa talaga ako naiihi.” Tipid siyang ngumiti. “Ayoko lang abalahin ang mga anak at apo kong nagsasaya.”

Tipid din akong ngumiti. “Okay lang po.”

Maaliwalas sa labas dahil mas maayos na nakakadaloy ang hangin, hindi tulad sa loob na sobrang daming tao.

“Iho,” muli niyang tawag sa ’kin, palipat-lipat ang tingin sa daan at sa mukha ko, “ang guwapo mong bata.”

Bahagya akong tumango, medyo nahiya. “S-Salamat po.”

“Siguro, may girlfriend ka na, ’no?” may tuwa niyang tanong. “’Yong ibang apo kong kasing-edaran mo, may mga girlfriends na.”

Mahina akong tumikhim at may pagkahiyang ngumingiti. “Ah, w-wala po.”

“Wala?” Kumunot ang noo niya. “Sa itsura mong ’yan, iho?”

“Boyfriend po,” tugon ko. “Boyfriend po ang meron ako.”

Nilingon niya ako at bahagyang nanlaki ang mata niya, katamtamang umawang ang bibig. “A-Ah, gano’n ba?” Ngumiti siya—isang sinserong ngiti. “M-Mabuti… Mabuti naman.” Kahit nakangiti, kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya—’yong lungkot na palagi kong nakikita kay Manang Lucy. “Masaya ako para sa ’yo… para sa inyo ng kasintahan mo.”

At masaya rin akong marinig ito galing mismo sa kaniya. “Thank you po.”

“Unti-unti na nga talagang nagbabago ang mundo,” wika niya. “Hindi tulad noon, matatapang na ang mga kabataan ngayon. Nagagawa n’yo nang ipaglaban ang totoong nilalaman ng puso n’yo.” Tumanaw siya sa malayo. “Habang tumatagal, unti-unting nagkakaroon ng liwanag… na hindi lang limitado ang pag-ibig sa pagitan ng lalake at babae… kundi para sa lahat.”

Tumanaw din ako sa malayo, dinadama ang halaga ng bawat salitang binibitiwan niya.

“Kaya, iho, sulitin mo ang bawat pagkakataon na meron ka. Nabubuhay ka sa tamang panahon. Huwag mong sayangin ang bawat pagkakataon. Palagi mong pipiliin kung anong magpapasaya sa ’yo.” May kirot sa boses niya na hindi ko maipaliwanag. “Nang sa gayon, hindi ka rin tumandang puno ng panghihinayang.”

“O-Opo.” Pakatatandaan ko ito.

Makalipas ang ilang sandali, narating na rin namin ang harap ng PWD restroom. Matiyaga akong naghintay sa labas habang binabalikan ang lahat ng mga sinabi niya. Pagkatapos niyang umihi ay muli ko siyang ginabayan sa paglalakad sa hallway pabalik sa loob ng venue. Tuloy-tuloy siya sa pagkukuwento sa ’kin ng mga bagay-bagay tungkol sa mga anak at apo niyang dati ay inaalagaan pa niya ngunit ngayon ay ang mga ito na ang nag-aalaga sa kaniya, at isa-isa na ring ikinakasal. Nalaman ko ring matagal na palang yumao ang kaniyang asawa. Ito na ang naghudyat sa ’kin para masabi sa kaniya ang bagay na kanina ko pa gustong sabihin.

“M-May kilala ho ba kayong Lucy?” tanong ko sa kawalan.

Natigilan siya sa paglalakad. “L-Lucy?”

Binasa ko ang aking labi, ang puso ay unti-unting bumibilis ang tibok. “O-Opo. Lucy Rivera po. Kilala n’yo ho ba?”

Biglang nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig. Nagsimulang magtaas-baba ang kaniyang dibdib. Tinanggal niya ang kaniyang pagkakahawak sa balikat ko at sinaliksik ang bulsa ng kaniyang dress. Matapos kunin ang litrato sa loob nito ay ipinakita niya ito sa akin.

“I-Ito ba?” tukoy niya sa babae sa kaliwang bahagi ng lumang litrato, kay Manang Lucy.

“Oho,” sagot ko. “Siya nga ho. Nakita ko ho kasi kanina ang litratong hawak n’yo. Nakita ko na rin ho ’yan dati pa sa kaniya.”

“P-Paanong…?” Nangatal ang labi niya. Nagsimula ring mamuo ang luha sa kaniyang mga mata. “S-Si Lucy?” Muli siyang napatingin sa litrato, sabay balik ng tingin sa ’kin, hindi pa rin makapaniwala. “Kilala mo si Lucy?”

Tumango-tango ako bilang tugon.

“Ang tagal ko siyang hinanap.” Tumulo ang luha niya. “Alam mo ba kung nasa’n siya?”

Muli akong tumango-tango. “Opo. Alam ko po kung nasa’n siya.”


Naalimpungatan ako kinabukasan nang marinig kong mag-ring ang cellphone kong nakapatong sa bedside table. Kahit medyo magulo pa ang isip ay may pagmamadali ko itong kinuha at lumabas ng kuwarto. Sa labas ko sinagot ang tawag na inaasahan ko naman talaga—ngunit hindi sa ganitong oras dahil ni hindi pa nga sumisikat ang araw. Kaya sa labas ko sinagot ang tawag dahil ayokong madistorbo ang mahimbing na tulog ng boyfriend kong napuyat kakahintay sa ’kin kagabi.

“Hello?” boses ito ni Lola Celia, ngalan ng matandang babae kahapon sa kasal.

“Um, h-hello po,” sagot ko.

Puyat din ako. Gustong-gusto ko pa ngang matulog dahil pagod na pagod ang katawan ko sa trabaho kagabi. Pero hindi ko puwedeng palampasin ang pagkakataong ito. Kagabi ay sinadyang kunin ni Lola Celia ang numero ko dahil inaasam niyang makita si Manang Lucy sa lalong madaling panahon, bago pa sila umuwi ng probinsya pagkatapos ng stay nila sa hotel.

“Malapit na ako sa address na ibinigay mo sa ’kin,” pabatid niya. “Puwede mo ba akong sunduin?”

Pinunasan ko ang bibig kong may tuyong laway at inayos ang buhok kong nakalimutan kong manipis lang pala kaya hindi ko na kailangan pang ayusin. “Um, o-oho.”

“Salamat, iho,” aniya.

“Wala ho ’yon.” Naglakad ako papunta sa nakabukas na pinto ng kuwarto namin ni Pio at sandaling tiningnan ang boyfriend ko. Matapos makumpirmang mahimbing pa ang tulog nito ay isinara ko na ang pinto. Sunod akong naglakad nang may pagmamadali pababa sa building. “Papunta na po ako.”

Sa may gilid ng kalsada ay naghintay ako, at hindi rin naman nagtagal ay dumating si Lola Celia sakay ng isang taxi. Mag-isa lang siya. Inalalayan ko siya sa pagbaba sa sasakyan at paglalakad patungo sa apartment building.

“Pasensya ka na,” sabi niya. “Naistorbo ko ba ang tulog mo?”

“H-Hindi naman po,” sagot ko.

May katamtamang dilim pa ang paligid dahil alas singko pa lang ng umaga, pero naaaninag ko na sa mukha niya ang pananabik. “Ito lang kasi ang naiisip kong tamang oras para pumunta rito, kasi tulog pa ang mga anak at mga apo ko.” Nanginginig na rin ang kamay niyang nakahawak sa ’kin. “Gustong-gusto ko na talaga siyang makita. Matagal ko na siyang gustong makita, hindi ko lang alam kung paano o kung saan ko siya hahagilapin. Pero ngayon…”

“Huwag po kayong mag-alala,” sabi ko nang nakangiti, “magkikita na po kayo.”

Pagdating sa loob ng apartment building ay tumigil kami sa tapat ng kuwarto ni Manang Lucy. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago magsalita. “Manang Lucy?”

Walang sumagot no’ng una. Masyado pa yatang maaga para gumising ang isang tulad ni Manang Lucy. Madalas ay nakikita ko siyang nagwawalis sa labas kapag sumilip na ang araw sa kalangitan. Pero ngayon… Kailangan niyang gumising ngayon.

Muli akong kumatok, ngunit mas malakas na ngayon. “Manang Lucy?”

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mahina at magaspang na boses. “S-Sino ’yan?”

Napalingon ako kay Lola Celia at nakita kong napaawang ang bibig niya nang marinig ang boses na tila pamilyar sa kaniya.

“Si Aaron po,” tipid kong tugon.

“A-Aaron?” ani Manang Lucy. Hindi naglaon ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa ’min galing sa loob. “Bakit, Aaron?”

“May naghahanap po sa inyo.” Isang taong sigurado akong hinahanap-hanap niya rin.

Nang huminto ang mga yabag ay biglang bumukas ang pinto, at tumambad si Manang Lucy na kagigising pa lang. Ako ang unang nahagip ng kaniyang mga mata. Mariin niyang tiningnan ang mukha ko. “M-Maaga pa ah.” Sunod niyang tiningnan ang matandang babae sa tabi ko. “Sino ’yang—?”

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Manang Lucy nang mapagtanto kung sino ang kasama ko. Parang huminto ang takbo ng oras sa kaniya dahil napaawang ang bibig niya at hindi siya makapagsalita. Magkahalo-halong emosyon ang makikita sa mukha niya, ngunit ang pinakanangibabaw sa lahat ay gulat.

“L-Lucy?” sambit ni Lola Celia, napabitiw sa pagkakahawak sa balikat ko. Halos magkapareho sila ng naging reaksyon ni Manang Lucy. “Lucy, ikaw na ba ’yan?”

“Celia?” ang tanging nakayang sabihin ni Manang Lucy.

Parehong naluluha ang mga mata ng dalawa. Parehong nangangatal ang bibig. Parehong hindi mahanap ang tamang salita. Parehong hindi makagalaw sa kasalukuyan.

Bahaya akong dumistansya mula sa kanilang dalawa para ibigay sa kanila ang pagkakataong matagal na nilang hinihintay. At hindi nila pinalampas ang pagkakataon. Maingat silang naglakad palapit sa isa’t isa, ang mga mata ay hindi maputol ang koneksyon. Nabuo ang mga wasak nilang puso nang magkayakap sila nang mahigpit.

Umalingawngaw sa pasilyo ang malakas na hagulgol ni Manang Lucy at tingin ko ay higit pa ito sa sapat para gisingin ang mga natutulog na damdamin. Agad itong tumagos sa puso ko, nanuot sa pinakaloob. Agad ako nitong napaiyak kahit masyado pang maaga. At hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili na umiyak, dahil saksi ako sa walang kamatayang pagmamahalan ng dalawa, kahit na matagal na silang hindi nagkikita.

“Celia!” garalgal na saad ni Manang Lucy. Ang lahat ng sakit sa dibdib niya na naipon ng ilang taon, bumuhos sa pagdaloy ng rumaragasa niyang mga luha. “Anong…?” Hindi siya patahan. “Anong g-ginagawa… Anong…?” Hindi niya makumpleto ang dapat niyang sabihin, pero sapat na ito para maintindihan ni Lola Celia.

“Lucy!” Hindi rin matigil sa paghagulgol si Lola Celia. “Ang tagal… Ang tagal-tagal kitang hinanap…” Nanginginig na ang kaniyang boses. “Ang tagal-tagal…” Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Manang Lucy, binitiwan na ang walking cane na hawak niya sa sahig dahil sapat na ang babaeng kayakap niya para makatayo siya nang maayos. “Bakit mo ’ko iniwan? B-Bakit mo ako iniwan nang mag-isa?”

“G-Ginawa ko lang ang tama…” sagot ni Manang Lucy. “Celia, ginawa ko lang ang tama… kasi… kasi mahal kita… at h-hindi ako… hindi ako ang taong gustong makatuluyan ng mga magulang mo… at dahil… at dahil nabuntis ka…”

“Alam mo ba… Alam mo ba kung gaano ako katagal na naghintay na makita ka?” si Lola Celia. “Araw-araw… Buwan-buwan… Taon-taon… Palagi akong naghihintay sa dati nating tagpuan… kasi… kasi naisip kong baka sakaling… baka sakaling bumalik ka… Pero hindi… hindi ka bumalik… at nalaman kong lumuwas ka ng Maynila… Naiwan akong mag-isa… At ang tanging iniwan mo lang sa ’kin ay ang litrato nating dalawa…”

“Alam mo rin ba kung gaano kahirap sa ’kin ang lahat?” si Manang Lucy na nanginginig na sa kakaiyak. “Celia, ang tagal-tagal… ang tagal-tagal ko ring mag-isa… Ang tagal-tagal kong walang kasama… Paulit-ulit… Sa bawat paggising ko… paulit-ulit kitang naaalala… Nakalimutan ko na nga yatang maging masaya… I-Ikinulong ko na ang sarili ko sa katotohonang tatanda ako nang mag-isa… kasi ayokong humanap ng iba… At gusto kong isipin… Sinisikap kong isipin na ginawa ko lang ang tama… para sa ’yo… para sa ’ting dalawa… Kasi ’yon naman talaga ang tama noong panahong iyon… Hindi ako para sa ’yo… at hindi ka para sa ’kin… Hindi tayo para sa isa’t isa.”

Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pag-iyak. Gano’n din ang ibang tenants sa ibang kuwarto na hindi ko namalayang nasa labas na pala at nakikinood sa makahabag-damdaming tagpo. Hindi rin nila mapigilan ang kanilang mga sarili sa pagluha habang tahimik na nakikinig sa makadurog-pusong mga paghagulgol ng dalawang matanda.

Ang taong araw-araw naming nakikitang mag-isa, mayroon palang isang masalimuot na nakaraan.

Sila ang simbolo ng dalawang pusong pinagtagpo sa maling panahon.

Chapter 47

Masinsinang nag-usap sa loob ng apartment sina Manang Lucy at Lola Celia habang ako ay matiyagang naghihintay sa labas, sa may pasilyo, pinagmamasdan ang mga nakasabit na halaman ni Manang Lucy na ngayon ko lang napansing namulaklak na pala. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanang ulan o hampas ng hangin ng mga ito, nagawa pa rin nilang mabuhay. Ganito katibay ang mga ito… tulad ng pagmamahalan ng dalawa na umaapaw sa loob habang magkahawak ang kanilang mga kamay at habang nakatitig sila sa isa’t isa.

Sinulit nila ang bawat oras, minuto, at segundo na magkasama sila. Kung kanina ay puno ng iyakan ang kanilang usapan, ngayon ay nagkaroon na ito ng kaunting saya. Binalikan nila ang nakaraan kung kailan umusbong ang kanilang pag-iibigan. Sumikat din ang araw at gumaan ang damdamin ng bawat isa.

Kulang ang tatlong oras para punan nila ang ilang taong nagkawalay sila sa isa’t isa. Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Nang sumapit ang alas otso ay kinailangan nang bumalik ni Lola Celia sa hotel bago pa pagdudahan ng kaniyang pamilya ang kaniyang pagkawala. Kung kaya’t magkasabay namin siyang inihatid ni Manang Lucy sa gilid ng kalsada, hanggang sa may humintong taxi.

Bago sumakay sa loob ng sasakyan si Lola Celia ay humarap siya kay Manang Lucy, hinawakan ito sa isang kamay, at tipid na ngumiti. “Lucy, kailangan ko na munang umalis.”

Mahinang tumango si Manang Lucy at tipid ding ngumiti. “Naiintindihan ko, Celia.”

“Pero,” sabi ni Lola Celia, “babalik ako rito. Babalikan kita.”

Nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ni Manang Lucy na walang ibang nakikita kundi ang babaeng kaharap niya. “At hihintayin kita, Celia… Kahit gaano katagal, hihintayin kitang bumalik.”

Muli silang nagkayakap, parehong pinigilan ang mga sarili na humikbi. Batid nila parehong maaaring matagalan bago sila ulit magkita, pero hindi na malabong mangyari hindi gaya ng dati. Sa huling pagkakataon, dinama nila ang init ng bawat isa bago sila tuluyang maghiwalay… pansamantala.

Natunaw ang puso ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Muli akong naluha, pero dahil na sa tuwa. Sa wakas, muli silang nagkatagpo, at masaya akong naging parte ako nito.

Nang mapansin ako ni Lola Celia ay maingat siyang kumalas mula sa pagkakayakap kay Manang Lucy. Sunod siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. Ramdam ko ang gaan ng kaniyang kamay.

“Iho, maraming salamat,” may ngiti niyang sabi. “Dahil sa ’yo… Dahil sa ’yo, nahanap ko na rin ang kapahingahan ko.” Lumingon siya kay Manang Lucy. “Nahanap ko na rin ang taong kukumpleto sa ’kin.” Bumalik ang kaniyang tingin sa akin. “Lubos akong nagpapasalamat sa ’yo, iho.”

Pinunasan ko ang aking mamasa-masang mata, binasa ang labi, at sinikap na ngumiti. “W-Walang anuman po.”

Hindi nagtagal ay sumakay na sa loob ng taxi si Lola Celia. Habang umaandar ito palayo ay nakasunod pa rin ang kaniyang tingin kay Manang Lucy. Si Manang Lucy naman ay nakahawak ang magkapatong na mga kamay sa dibdib, ang mga mata’y punong-puno ng buhay. Hindi siya umalis mula sa kaniyang kinatatayuan hangga’t hindi nawawala ang sasakyan sa kaniyang paningin.

Nang mangyaring kaming dalawa na lang ang naiwan sa tabi ng kalsada ay nagkatinginan kami sa isa’t isa at magkatabing naglakad pabalik sa apartment building. Sinabayan ko ang kabagalan ng kaniyang lakad.

“Aaron, nagulat ako sa ginawa mo…” sambit niya nang may bahagyang pamamalat ng boses. “Hindi ko inakalang muli kong makikita si Celia sa mahabang panahon dahil sa ’yo.” Tipid siyang ngumiti. “Maraming salamat, Aaron.”

Tumango ako. “Walang anuman po.”

“Paano mo nga pala nalaman ’yong… ’yong tungkol sa ’min?” usisa niya.

“Um…” Mahina akong tumikhim. “N-Nagkaton lang pong nakita ko sa kasal si Lola Celia. Yakap-yakap niya po ’yong litrato n’yong dalawa. Nakita ko na rin po kasi ’yong kaparehong litrato na nahulog n’yo po noon. Kaya po.”

“Ah…” tipid niyang sabi.

Sandaling katahimikan.

Nang makarating kami sa parking area sa harap ng apartment building ay muli siyang nagsalita. “Alam mo, Aaron, hindi ko inaasahang darating ang araw na ’to.” Namumugto pa rin ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kanina. “Sumuko na ako sa pag-asang muli kaming magkikita. Pero ngayon…”

Ngumiti ako at dinugtungan ang sinabi niya. “Pero ngayon, nagkita na po kayo at nagkausap,” sabi ko. “Baka ito na po ang tamang oras para sa inyo?”

“Hindi ko rin alam, Aaron,” sabi niya. “Pero nangako siyang babalik siya. Naniniwala akong babalik siya. Kaya, maghihintay ako. Hihintayin ko siya rito. Ito na ang tagpuan namin ngayon.”

“Sigurado rin po akong babalik siya,” saad ko.

Sana ay sa pagbalik ni Lola Celia, hindi na sila muling maghiwalay pa.

“Gusto mo bang malaman ang kuwento namin ni Celia?” biglang tanong niya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig. Sa lahat ng bagay, ang kuwento nilang dalawa ang pinakagusto kong malaman. Madalas banggitin ni Manang Lucy noon na sana ay huwag akong matulad sa kaniya—kami ni Pio sa kanila. Kung sa paanong paraan, iyon ang gusto kong malaman. Kaya naman, walang pag-aalinlangan akong sumagot. “Opo.” Tumango-tango ako. “Gusto ko pong malaman.”

“Alam mo na siguro kung paano kami nagtapos… Hindi kami nagkatuluyan,” sambit niya. “Kaya ikukuwento ko na lang sa ’yo kung paano kami nagsimula.”

Nang makarating kami sa building ay pumasok kami sa loob ng kaniyang apartment. Ipinagtimpla niya ako ng kape. Nagtimpla rin siya ng para sa kaniya. Matapos ay umupo kaming magkaharapan sa lamesa niyang pandalawahang tao. Hindi ko na napansin pa ang itsura ng loob ng apartment niya dahil sa kuwento niya naman talaga ako pinaka-interisado. At sa unang higop ng kape, bumalik kami sa nakaraan nang magsimula na siyang magkuwento…

“Lumaki ako sa loob ng malaking bahay ng pamilya Salcedo.

“Si Celia ang nag-iisang anak ni Mayor Robert Salcedo. Ako naman ang nag-iisang anak ng isa sa mga katulong nila na si Luna Rivera.

“Dati pa lang, tinuruan na ako ng nanay na alamin ang lugar ko. Ang isang tulad ni Celia ay dapat ko lang daw na makita bilang isang amo—hindi maaaring humigit pa rito. Pero, hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit kay Celia. Wala naman kasing ibang batang maaaring maging kalaro ko sa napakalaki at napakalungkot na bahay nila. Madalas ko siyang nakikitang mag-isa, lalo pa’t madalas na umalis ng bahay ang kaniyang ama na busy sa tungkulin bilang mayor sa lalawigan namin at ang kaniyang ina ay busy sa pagkukulong sa sarili nitong kuwarto habang umiinom ng mamahaling alak.

“Isang hapon, nakita ko siyang mag-isang naglalaro ng bahay-bahayan sa loob ng kuwarto niya. Palagi niyang kasama ang manikang regalo sa kaniya ng ama niya, na siyang pumapalit naman sa pagkawala nito araw-araw. Dati pa lang, nakita ko na ang kagustuhan niyang maging isang ina—umaasta siyang pinapadede sa bote ang manika, hinihele-hele ito, at kinakantahan ng pampatulog. Tinanong ko siya kung puwede akong sumali. Ang sagot niya naman, hindi raw puwedeng magkaroon ng dalawang ina ang isang bata. Kailangan daw ang isa ay tatay. Sagot ko naman, puwede naman akong maging tatay. Ngumiti siya sa sinabi ko at inimbita ako sa loob ng kaniyang kuwarto. Sinamahan ko siyang maglaro ng bahay-bahayan. Siya ang nanay. Ako ang tatay. At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.”

Hindi niya maiwasang ngumiti habang nagbabalik-tanaw. Ako rin naman habang tipid na hinihigop ang kape sa tasa. Kung anong tamis ng lasa nito ay siya ring tamis ng simula ng kanilang kuwento.

“Sabay kaming lumaki ni Celia at sabay din kaming nag-aral sa iisang paaralan sa elementarya. Pinilit niya ang kaniyang ama na pag-aralin din ako sa pribado niyang paaralan para lang lagi kaming magkasama. Madalas din akong sumabay sa loob ng kanilang kotse. Nagtuloy-tuloy ang paglalaro namin ng bahay-bahayan tuwing uuwi kami galing sa school. At tulad ng dati, siya ang nanay at ako ang umaastang tatay.

“Natigil lang kami sa paglalaro ng bahay-bahayan nang tumuntong ng high school. Sa tulong ng kaniyang ama, sabay pa rin kaming nag-aral sa iisang pribadong paaralan. Si Celia ang kinagigiliwan ng mga lalake sa campus. Nang magdalaga kasi ay umusbong ang kagandahan. Marami ang nanliligaw sa kaniyang mga binatilyo. Ang ilan sa mga ito ay hindi maikakailang guwapo at mayaman, mga bagay na pangarap lang noon ng mga kababaihan. Pero, si Celia, akala ko noon ay pihikan lang. Iyon pala ay iba ang nais. Ako pala ang nais niya.

“Nagtapat siya sa ’kin nang tumuntong kami sa kolehiyo. Sabi niya, matagal na raw siyang may nararamdaman para sa akin. Ako naman, natakot sa nalaman ko. Naalala ko ang paalala sa ’kin ng ina kong yumao na rin noon dahil sa isang sakit. Amo ko si Celia. Hindi ako maaaring lumagpas sa linya ko. At isa pa, sa panahon namin, masama ang tingin ng mga tao sa dalawang magkaparehong kasarian na nagmamahalan. Kaya naman, itinanggi kong may nararamdaman din ako para sa kaniya. Sinabi kong wala, kahit ang totoo, siya ang lagi kong naiisip, gustong makita, at gustong makausap.”

Nangangalahati na ang kape sa tasa ko. Ramdam ko ring nasa kalahati na kami ng kuwento dahil biglang nagbago ang timpla ng mga mata niya, nagsimulang magkaroon ng kaunting lungkot. Tumuloy ako sa pag-inom ng kape at siya rin sa pagbuo ng kanilang kuwento.

“Nagsimulang magbago ang lahat nang dumating si Alfredo sa pagitan naming dalawa. Si Alfredo ang isa sa mga anak na lalake ng vice mayor ng lalawigan namin na si Gregorio Rosales. Nasa kaniya na ang lahat: kaguwapuhan, kakisigan, at kayamanan. Kung kaya’t pinagkasundo silang dalawa ni Celia ng kanilang mga magulang. Agad na nahulog si Alfredo kay Celia nang makita ito. Pero, si Celia, ako pa rin ang gusto.

“Sa araw-araw na panunuyo ni Alfredo kay Celia, kasama ako, dahil iyon ang kagustuhan ni Celia. Pumayag naman si Alfredo dahil ang tingin lang naman niya sa ’kin ay alalay ni Celia. Habang tumatagal, habang nakikita ko silang palaging magkasama, mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ko para kay Celia na paulit-ulit kong itinatanggi. Hanggang sa dumating ang hindi inaasahan. Isang hapon, habang naglalakad kami sa isang maliit at abandonadong tulay, natanong sa ’kin ni Celia kung dapat niya na raw bang pakasalan si Alfredo. Bakas ko sa boses niyang hindi niya mahal ang tao, napipilitan lang siya. Iba talaga ang nilalaman ng puso niya. Kaya naman, hindi na ako nagdalawang-isip pa na ilahad ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya. At hindi siya makapaniwala. Hindi rin ako makapaniwala na nagawa kong lumabas sa sarili kong linya. Hinalikan niya ako sa labi. At gano’n din ang ginawa ko sa kaniya. Sa maliit na tulay na iyon nagsimula ang lihim naming relasyon.

“Tuwing umuuwi kami galing sa bahay ng pamilya Rosales, palagi kaming dumaraan sa abandonadong tulay. Doon, walang ibang nakakakita sa amin. Walang ibang puwedeng humusga. Wala kaming dapat katakutan. Akala ko, wala nang katapusan iyon. Akala ko lang pala.

“Nadiskubre ni Mayor ang tungkol sa ’min. Hindi ko alam kung paano. Marahil ay palihim niyang pinamamanmanan ang anak niya. ’Yon lang naman ang naiisip kong dahilan. Bago palayasin sa bahay nila, kinausap ako ng galit na galit na ama ni Celia lingid sa kaalaman niya. Tanong ni Mayor sa ’kin, paano ko raw nagawa iyon? Pagkatapos daw akong kupkupin nila at pag-aralin, iyon daw ang igaganti ko sa kanila? Sagot ko naman, wala naman kaming ginagawang masama ni Celia. Nagmamahalan lang naman kami. Buwelta ni Mayor, malaking kasalanan daw ang ginagawa namin. Inasahan ko nang maririnig ko iyon mula sa kaniya, pero hindi ko matanggap ang sunod niyang sinabi. Hindi raw ako bagay para sa anak niya. Hindi ang isang tulad kong dukha, at higit sa lahat, isang babae. Hinding-hindi ko raw maibibigay ang bagay na gusto ni Celia—ang magkaroon ng anak.”

Lumunok siya. Hinigop ko rin ang natitirang laman ng tasa at nilunok ito.

“Noon pa lang, naisip ko na rin ang bagay na ’yon. Kahit pa kami ang magkatuluyan ni Celia, hindi ko pa rin maibibigay ang mga pangangailangan niya bilang isang babae. Hindi ko siya mabibigyan ng marangyang buhay na kinagisnan niya. Higit sa lahat, hindi ko siya kayang bigyan ng anak. Kaya naman, nagpaubaya ako. Ako na mismo ang kusang lumayo. Kahit masakit, lumayo ako. Para sa ’kin, iyon ang tama, lalo pa’t nadiskubre kong buntis na si Celia kay Alfredo.

“Saksi ako nang ikasal silang dalawa sa simbahan. Mula sa malayo, pinagmasdan ko silang magkaisang-dibdib. Wala na yatang mas sasakit pa kapag nakita mo ang taong mahal mo na napupunta sa ibang tao. At wala kang magawa. Wala akong nagawa.

“Nang tinangka kong dumalaw sa dati naming tagpuan ay nakita ko siya roon na matiyagang naghihintay. Alam kong ako ang hinihintay niya. Pero hindi ko siya magawang lapitan. Hindi ko siya nilapitan.

“Ilang taon ang lumipas, nang sumilip ako sa labas ng malaki nilang bahay, nakita ko siyang lumabas ng gate. May akap siyang sanggol sa braso—ang ikalawa nilang anak. Sunod na lumabas si Alfredo hawak ang kamay ng isang bata—ang panganay nilang anak. Mukhang masaya silang apat. Isang buong pamilya. Hanggang sa naisip ko, natupad na ang matagal nang pangarap ni Celia. Naging isa na siyang ganap na ina. Nagkaroon na rin siya ng isang asawa—isang tunay na lalake, hindi isang tulad ko.

“Kaya nagpakalayo-layo ako at lumuwas ng Maynila. Sakto, nahanap ko ang tiyahin kong walang anak at asawa, isa ring matandang dalaga. Siya ang kumupkop sa ’kin dito rin mismo sa apartment building na ’to. Bago siya bawian ng buhay, sa akin niya ipinamana ang apartment building, at pinangalagaan ko naman ito. Dito ko ginugol ang buong buhay ko, mag-isa, walang kasama, at walang nagmamahal.

“Mahirap no’ng una. Pero hindi nagtagal, inisip ko na lang na para ito sa ikabubuti naming dalawa. Pinilit kong sanayin ang sarili ko… kahit na punong-puno ako ng panghihinayang… kahit na paulit-ulit ko siyang napapanaginipan. Hanggang sa unti-unti ko nang natanggap ang katotohanan…

“Kasama ko lang siyang lumaki, pero hindi ko siya makakasamang tumanda.

“Para sa ’kin, sapat na ang mga alaalang iniwan niya.

“Masaya akong masaya na siya sa piling ng iba.”

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatulala, ang mga mata ay maluha-luha. Ang lahat ng sinabi niya ay nanuot sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag. Para bang ako ’yong nasasaktan para sa kaniya. Ngayong nalaman ko na ang buong kuwento niya—nila ni Lola Celia—mas lalo ko siyang naintindihan.

Tumikhim ako. “H-Hindi ko po alam kung kakayanin ko kapag nangyari sa ’kin ang nangyari sa inyo.” Tumingin ako sa mga mata niya. “Hindi ko po alam kung kakayanin ko kapag napunta sa ibang tao ang mahal ko.”

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. “Aaron, lahat ay kakayanin mo kapag mahal mo ang isang tao… kahit pa nga ang magparaya.”

Bahagya akong yumuko, hindi makasagot. Hindi ko alam kung bakit ako napapaisip ng ganito gayong ayos naman ang lahat sa pagitan namin ni Pio sa kasalukuyan. Sadyang pumasok lang sa isip ko ang lahat ng posibilidad.

Paano kung dumating sa puntong gustuhin na ring bumuo ng pamilya ni Pio?

Hindi ko rin kayang ibigay sa kaniya ang bagay na kailangan niya.

Hindi ko siya kayang bigyan ng anak.

Kaya ko lang ibigay ang puso ko.

Sapat na ba ’yon?

Chapter 48

Buong araw na ginambala ang isip ko ng malungkot na kuwento ng pagmamahalan nina Manang Lucy at Lola Celia. Kahit nakabalik na ako sa apartment namin ni Pio, pakiramdam ko ay naroroon pa rin ako sa nakaraan nila, hindi makaalis. Kahit sa pagbabalot ng plastic wrap sa arm cast ni Pio, nakatulala lang ako. Kahit sa pagkuskos ng katawan ni Pio habang pinaliliguan ko siya, gano’n din. Napansin na nga ni Pio ang kalutangan ko habang binibihisan ko siya ng damit pagkatapos ko siyang paliguan.

“Boss, you okay?”

Mahinang tumango lang ako bilang tugon, sabay balik ulit sa pagkatulala.

Habang nagwawalis sa ilalim ng kama namin ni Pio ay saka lang ako nanumbalik sa kasalukuyan nang may mapansin ako. Parang kailan lang, mga gamit na condoms pa ang makikita rito at mahahawakan, pero ngayon, mga hindi nagamit na balloons sa proposal na ang tumambad sa ’kin. Nakakatuwa lang. Hindi ko lubos akalain na ganito ang magiging epekto ko sa isang tao. Hindi ko inasahang mababago ko ang isang tulad ni Pio.

Isang bagay na lang ang hindi ko kayang baguhin sa kaniya—’yong kalikutan ng kamay niya.

Heto na naman siyang nilalamas ang dibdib ko sa kama habang sabay kaming nanonood ng ikatlong laro ng Mariners sa basketball tournament pagkatapos naming mananghalian. Nakailang palo na ako sa kamay niyang pabalik-balik. Namamanhid na ang dibdib ko, please lang. Para matigil ang kamay niya, sa kaniya ko na lang ipinahawak ang cellphone. Rason ko, inaantok na ako. Pumayag naman siya kasi nagkunwari akong inaantok na. Inihiga ko ang ulo ko sa dibdib niya at kunwari ay napahikab at napipikit na nga ang mga mata.

Pinanindigan ko ang pagkukunwari ko hanggang dulo. Ang hindi ko alam, tuluyan na nga talaga akong lalamunin ng antok. Ni hindi ko nga namalayang nananaginip na pala ako.

Ngayong hapon, isang kakaibang panaginip ang dumalaw sa ’kin…

Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad sa isang maputing buhangin. Tumatama ang maalat na daloy ng hangin sa ’king mukha, at nadama ko ang pagtaas ng aking buhok mula sa ’king noo. (Himala, humaba na ulit ang buhok ko.) Mayroon akong hawak-hawak na serving tray na may mga nakapatong na champagne glasses na hindi mabilang sa mga daliri ko kung ilan at hindi ko na nagawang tanungin pa kung paano ko nagawang buhatin nang sabay-sabay at pagpatung-patungin. Pagyuko ko ay nakita ko ang sarili kong nakasuot ng damit pang-waiter.

Pag-angat ko ng aking mukha ay biglang nagbago ang tagpo. Ang kanina’y walang lamang dalampasigan, biglang naging wedding venue. Ha? Paano? Pagpasok ko sa entrance na gawa sa nakabukas na white curtains at ang itaas ay may disenyo ng mga tuyong dahon, napansin kong sa puting aisle runner na pala ako naglalakad. Tumuloy-tuloy ako ng lakad habang nakakunot ang noo.

Pagdating sa bandang gitna ng aisle, inilibot ko ang paningin ko. May mga nakahilerang upuan na nababalot sa puting tela, pero walang nakaupo. Pagbalik ko ng tingin sa harapan ay nakita ko ang mataas na teacher’s desk na sa mga classrooms ng J.A.M.A. ko lang nakikita. Sa palibot nito ay mayroong wedding arch na nababalot sa mga puting bulaklak. Makikita ang banayad at bughaw na dagat sa likuran ng altar.

“’Tol!” isang pamilyar na boses.

Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses, nakita ko si Jonas na kumakaway sa ’kin. Naroroon siya sa gilid, hindi kalayuan sa mga upuan, nakasuot din ng pang-waiter. May pagmamadali akong naglakad palapit sa kaniya. At hindi ko alam kung bakit kahit anong bilis ng takbo ko ay hindi nagtutumbahan ang mga champagne glasses na nakapatong sa serving tray kahit pa nga sinasalungat ko ang daloy ng hangin.

“Jonas,” sambit ko nang mahinto ako malapit sa kaniya, “anong meron?”

“Ha?” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Hindi mo alam? May kasalan, malamang. Nagtatrabaho tayo rito.”

Alam ko, pero…

“Kasalan?” sabi ko nang nakakunot din ang noo. “Kaninong kasal?”

“Ha?” Mas lalo pang kumunot ang noo niya. “Hindi mo alam?”

“Ha?” Litong-lito na ako. “Hindi alam ang alin?”

Biglang sumeryoso ang mukha niya. “Aaron, kasal ’to ni Pio.”

Lumaylay ang panga ko, nanlaki ang mga mata, at hindi sinasadyang nabitiwan ko ang serving tray na hawak ko. Sa pagkalansing ng mga nabasag na baso ay nakarinig ako ng pinaghalong ingay ng mga tao sa ’king likuran na kanina lang ay wala pa. Paglingon ko patalikod ay nakita kong may laman nang mga tao ang kanina’y mga bakanteng upuan. Mga nakasuot sila ng damit pangkasal—tuxedos at gowns.

Lahat sila nakatingin sa akin. Ngayon, ang init ko na.

Literal, uminit ang pakiramdam ko dahil sa hiya. Todo ako sa pagtango at paghingi ng paumanhin. Natigil lang ako sa pagtango nang may mapansin akong mga pamilyar na mukha sa mga nakaupo. Sa ikalawa at ikatlong hilera ng mga upuan sa kaliwa, nakita ko sina Summer, Sweety, at sangkabaklaan ng R&R Salon. Inirapan nila ako nang sabay-sabay. Sa likurang mga hilera ay nakaupo ang pawisang members ng Mariners Basketball Team (si Kuya Jason lang ang wala). Sila lang ang bukod-tanging nakasuot ng jersey sa kasal ni Pio—

Sa kasal ni Pio?

Teka, bakit nga ba ikakasal si Pio?

Kanino ito ikakasal?

“Magsitayo ang lahat,” isang pamilyar na boses—boses ni MC Shaina, isa sa dalawang hosts ng Mr. and Ms. J.A.M.A. kamakailan lang. Paglingon ko sa altar ay nakita ko itong nakatayo sa gilid.

Sa gitna naman ay nakita ko si Prof. Salvacion sa likod ng teacher’s desk na may hawak-hawak na libro—hindi Biblia kundi ’yong libro mismo ng subject na itinuturo nito: Readings in Philippine History.

At nagsitayo ang lahat.

“Pabasa mula kay Prof. Salvacion,” ani MC Hover sa wireless microphone na nakatayo sa kabilang gilid ng altar.

Biglang nagsalita si Prof. Salvacion sa mabagal, garalgal, at malalim na boses. “Sapagkat ang lalake ay hindi nagmula sa babae, kundi ang babae ay mula sa lalake; hindi rin nilalang ang lalake para sa babae, kundi ang babae para sa lalake….”

Ano ba? Kasal ba ’to o misa?

Nang matapos ang mahabang pabasa ni Prof. Salvacion ay sunod na nagsalita ang dalawang emcees sa magkabilang gilid.

May siglang sabi ni MC Shaina sa mikropono, “Ladies and gentlemen, put your hands together…”

“… for the one and only groom…” dugtong naman ni MC Hover.

Sabay nilang bigkas, “… Piolo McMiller!”

Lumakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa pagpasok ni Pio sa entrance. Nakasuot ito ng damit pang-groom. Ang kanang braso nito ay may balot pa rin na arm cast. Ang kaliwang braso naman nito ay akay-akay ng mom nito—si Tita Annie—na nakasuot ng mini dress habang naninigarilyo. Bawat buga nito ng usok ay hindi ko maiwasang takpan ang ilong ko kahit pa nga malayo naman ako sa kanila.

Ang gulo-gulo, putang ina.

“Pio!” tawag ko kay Pio pero parang hindi ako nito naririnig o nakikita.

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang biglang magsalita si Jonas. “’Tol,” sabi niya, “huwag kang aalis. Tinitingnan tayo ni Boss.”

At doon sa may kubo sa dulo, nakita ko ang boss namin na nagmamasid sa akin gamit ang binoculars. Hindi ko na lang ito pinansin at ibinaling ang aking atensyon kay Pio habang nakatayo, ang mga binti ay nanginginig. Pagbalik ko ng tingin sa aisle ay wala na roon si Pio, nasa altar na pala ito.

Ang bilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis, wala na akong maintindihan.

“Now, without further ado!” ani MC Shaina sa masigla pa ring boses.

“Fresh from the streetside of J.A.M.A…” tuloy ni MC Hover.

“… let’s all give a warm welcome to the one and only bride…” dugtong ni MC Shaina.

Bride?

Si Pio, may bride?

Paano nangyari ’yon eh ako ang boyfriend nito?

“… Bona D. Kikik!” sabay na sabi ng dalawang emcees.

Sa paglalakad ni Bona sa aisle, ang lahat ng ulo ng mga nakatayong guests ay napalingon patalikod. Si Bona ang pinakanagningning sa hapong ito. Imbes kasi na duster ay nakasuot ito ng puting wedding gown na mas lalong pinakinang ng gintong sinag ng araw mula sa langit. May hawak itong bridal bouquet sa kamay.

Bago pa man ako makapag-react, nagsimulang tumugtog ang piano sa kabilang kanto, at may biglang kumanta nang wala sa tono.

“We were both young when I first saw you.

I close my eyes and the flashback starts…

I’m standin’ there…

On a balcony in summer air.“

’Yong matandang bading sa tailoring shop pala ang pinagmumulan ng boses. Imbes na pedal ng sewing machine ay pedal ng piano ang inaapakan nito roon sa kabila habang sumasayaw ang mga daliri sa keyboard.

Sukdulan na sa paglaylay ang panga ko at wala akong ibang masabi kundi “Ha?” habang magkasalubong ang magkabilang kilay.

Anong nangyayari?

Bakit biglang nag-glow up si Bona?

At paano ito naging bride ni Pio?

Agad kong nalaman kung bakit nang makita ko ang tiyan ni Bona. Alam kong malaki na ito dati pa, pero hindi normal ang laki nito ngayon. Buntis ba ito? Kay Pio? Kaya ba sila ikakasal?

“See the lights, see the party, the ball gowns…

See you make your way through the crowd…

And say, ‘Hello’.

Little did I know.“

Nang makarating si Bona sa kinatatayuan ng mga magulang nito— Teka, teka, teka, may mga magulang si Bona? Sina Manang Lucy at Lola Celia ba ’yong dalawang matandang bababe na nakatayo sa may bandang gitna ng aisle? Sumingkit ang mga mata ko nang suriin ang mukha nila at bumalik sa paglaki nang mapagtantong… Sila nga!

Sandaling huminto si Bona sa gitna, hinalikan si Manang Lucy sa pisngi, hinalikan si Lola Celia sa pisngi. Matapos ay magkasabay na ibinaba ng dalawang matanda ang belo sa mukha ni Bona. Sa pag-akay ng dalawa sa magkabilang braso ni Bona ay tumuloy na ang mga ito sa maingat na paglalakad papunta kay Pio na naluluha na sa altar. Nasa likod lang din nito si Prof. Salvacion na magbubuklod sa kanilang dalawa mamaya.

Magbubuklod?

Sa kanilang dalawa?

Binabangungot ba ako?

“Bona!” tawag ko sa bride, pero hindi ako nito pinansin.

Habang tumatagal ay pawala nang pawala sa tono ang kumakanta maging ang himig na likha ng piano.

“That you were Romeo, you were throwin’ pebbles.

And my daddy said, ‘Stay away from Juliet’….“

Mas lalo akong nawindang nang biglang maglabas ng maliit na watering can si Manang Lucy at diniligan ang bridal bouquet na hawak ni Bona habang naglalakad silang tatlo. Si Lola Celia naman ay panay hugot sa walking cane nitong lumulubog hanggang kalahati sa buhangin tuwing pinangtutukod ito.

At kung hindi pa sapat ang kawirduhan ng mga pangyayari, biglang pumasok sa aisle si Prof. Batumbakal na sinundan ni Ms. Hen Lin. May hawak na projector si Prof. Batumbakal gamit ang dalawang kamay. Nakasuot ito ng leather jacket (sa kasal).

“Who organized this wedding event?” pagalit na tanong ni Prof. Batumbakal kaya pinagtinginan ito ng lahat at tumigil sa pagtugtog at pagkanta ang matandang bading sa tailoring shop. Maging sina Bona, Manang Lucy, at Lola Celia na malapit na sa altar ay sandaling napahinto at napalingon patalikod.

“I did po,” sagot ni Ms. Hen Lin sa kabadong boses habang nakahawak sa dibdib.

“Good,” ani Prof. Batumbakal, ngumiti. “Ms. Jennylyn, insert the plug, please.”

“Yes, Prof.” Nawala na ang takot sa mukha ni Ms. Jennylyn, napalitan ng ngiti kaya sumingkit ang mga mata. Sunod nitong isinaksak ang plug ng projector sa buhangin. Oo, sa buhangin. At hindi ko alam kung bakit o paano biglang nagkaroon ng buhay ang projector. “Okay na, Prof.”

Kumindat si Prof. Batumbakal kay Ms. Hen Lin kaya kinilig ito. Sunod na tumikhim si Prof. Batumbakal at nagsuot ng nonchalant na mukha. “Everyone, please look up.”

Nang itutok pataas ni Prof. Batumbakal ang lens ng projector, napatingala ang lahat sa langit, maging ako. Laking gulat ko nang makitang umabot ang projection sa himpapawid. Parang sa The Hunger Games movie lang, sa langit ay nag-play ang slideshow ng mga larawan nina Pio at Bona na magkasama, magkaharap, at parehong masaya.

“Eh?” Ngumiwi ako.

Kailan pa nagkaroon ng mga litrato sina Pio at Bona? At bakit parang mag-couple sila sa mga ito?

“Now, for the wedding vows!” ani MC Shaina.

Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa harapan. Nakarating na pala si Bona sa altar at nakaupo na sina Manang Lucy at Lola Celia sa unang hilera ng mga upuan sa kanan, malapit lang sa akin. Nakangiti si Manang Lucy habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Lola Celia.

“’Tang ina, ito na ang pinakahihintay ko,” wika ni Manang Lucy na siyang gumulat sa ’kin. Ngayon ko lang ito narinig na magmura.

“Ako rin,” sabi naman ni Lola Celia. “Ganito rin sana tayo. Gaga ka kasi, iniwan mo ako.”

“Sorry na, huwag ka nang magalit,” saad ni Manang Lucy sa seryosong mukha.

“Say uwu,” utos ni Lola Celia.

Nagpa-cute si Manang Lucy. “Uwu.”

Napakagat sa ilalim na labi si Lola Celia at namula ang mga pisngi. “Damn. Kuhang-kuha mo talaga ang kiliti ko.”

Buset na ’yan! Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari, hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko. Gulong-gulo na ang isip ko.

Mabagal na nagsalita si Prof. Salvacion. “Piolo McMiller… do you… take… Bona D. Kikik… to be… your wife? Do you… promise… to be faithful… to her… in good times… and in bad… in sickness… and in health… to love her… and to honor… her… all the days… of your… life?”

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ay isa na lang ang nararamdaman ko—takot. Natatakot ako sa magiging sagot ni Pio.

“Pio!” tawag ko sa groom.

Sa wakas, napalingon si Pio sa direksyon ko. Pero bakit parang wala sa ’kin ang atensyon nito? Bakit parang nasa lalakeng katabi ko?

“Say yes!” hiyaw ni Jonas. Paglingon ko sa kaniya ay may hawak-hawak na siyang banner paitaas—’yong dugyot na banner na napulot ni Bona noon.

“Say yes! Say yes! Say yes!” sabay-sabay na hiyaw ng mga guests tulad ng nakasulat sa banner.

Bumalik ang tingin ni Pio kay Bona at umawang ang bibig nito, senyales na handa na itong sumagot sa tanong. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip nito. Hindi ko mahulaan ang magiging sagot nito.

“Yes, I do…” Biglang kumanta si Pio à la Sam Smith. “I believe… that one day I will be where I was… right there, right next to you.”

“Hindi!” may pagkadismaya kong sigaw. “Pio, huwag!”

Sumilip sa ’kin si Bona at bumungisngis. “ Kikikik! “

Tumuloy sa pagsasalita si Prof. Salvacion sa mabagal na paraan. “Bona D. Kikik… do you… take Piolo McMiller… to be.. your husband? Do you… promise to be… faithful… to him… in good times… and in bad—?”

“Ang bagal mo!” pagalit na singit ni Bona. “Inip na si Bona!” Ngumiti ito kay Pio. “Siyempre, I do! I do! I do! Kikikik! “

Nakikipagkarera na ang puso ko.

Biglang naging tuwid ang pananalita ni Prof. Salvacion. “If there is anyone present who can show just cause why these two persons may not be joined in matrimony, speak now or forever hold your peace.”

“Ako!” Nagtaas ako ng kamay. “Ako po, Sir!”

Nagtinginan sa ’kin ang lahat nang walang emosyon sa mukha, maging si Pio.

“Midshipman Alcantara?” Kumunot ang noo ni Prof. Salvacion.

“Yes, Sir!” tugon ko sa buong boses. “Tutol po ako! Itigil ang kasal!”

Biglang sumama ang tingin sa ’kin ng mga tao. Nakakatakot, parang dudumugin nila ako anumang oras.

“Hindi! Hindi papayag si Bona!” Tumingin si Bona sa ikalawang hilera ng mga upuan sa kanan. “Briones! Castro! Hulihin n’yo siya!”

Mas lalo akong kinabahan nang makitang tumayo sina Briones at Castro na hindi ko alam ay nandirito rin pala. Nakasuot ang mga ito ng pang-bodyguard at parehong may itim na shades sa mata. Habang palapit nang palapit ang mga ito sa akin ay paatras naman ako nang paatras.

“Alcantara!” nanggagalaiting sigaw ni Briones.

Napabilis ang pag-atras ko. Unti-unti ay nahihirapan akong huminga. Nanumbalik yata ang trauma ko. Bago pa man ako makalayo sa kanila ay nadapa ako sa buhangin dahil sa helmet na nakalapag dito. Putang ina kasi, bakit may helmet sa buhangin?

“Wala ka nang kawala!” Biglang nag-teleport si Castro sa likod ko. “Huwag kang kikilos!”

Huli na nang mapagtanto kong tinutukan na pala ako ng kutsilyo sa leeg ni Castro habang ginapos naman ni Briones ang mga kamay ko sa likod. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan sina Bona at Pio sa altar. Nasa kanila na rin ang atensyon ng lahat ngayon.

“May I have the rings, please?” sambit ni Prof. Salvacion.

Naglakad si Ms. Hen Lin papunta sa harapan at ibinigay kay Prof. Salvacion ang nakabukas na kulay pulang ring case, sabay walkout.

“Piolo McMiller, place the ring on Bona D. Kikik’s finger.”

Isinuot ni Pio ang wedding ring sa kanang palasingsingan ni Bona.

“Bona D. Kikik, place the ring on Piolo McMiller’s finger.”

Tinangkang isuot ni Bona ang wedding ring sa kanang palasingsingan ni Pio, pero nahirapan ito dahil hindi maiunat ni Pio ang sementado nitong braso.

“Tsong!” Biglang pumasok sa aisle si Kuya Jason habang nagdi-dribble ng bola. “Kailangan mo ng tulong?”

“Oo, p’re,” sagot ni Pio kay Kuya Jason.

“Ako bahala, tsong.” Biglang inihagis nang malakas ni Kuya Jason ang bola sa sementadong braso ni Pio kaya natibag ito. “Okay na?”

Ngumiti si Pio habang inuunat ang kanang braso at pinaikot-ikot ito sa ere na para bang wala na itong bali. “Okay na, p’re. Magaling na. Salamat.”

Nang ibigay ni Pio ang kanang kamay nito kay Bona ay sinuotan na ito ng singsing sa palasingsingan.

“I now pronounce you husband and wife.”

Palakpakan at hiyawan.

“You may kiss the bride.”

Habang unti-unting naglalapit ang mga labi nina Pio at Bona ay mas lalo akong hindi mapakali. Naramdaman ko ang bahagyang pagbaon ng talim ng kutsilyo sa leeg ko nang mapalunok ako. Pinagpapawisan ako nang malagkit. Parang katapusan na ng mundo.

Hindi!

Hindi puwede ’to!

Hindi ’to totoo!

Nag-ipon ako ng lakas ng loob. Kaunti na lang ay magdidikit na ang mga labi nina Pio at Bona. Kaunting-kaunti na lang talaga! Shit, malapit na! Ayoko na! Sisigaw na ako!

“ AHHHHHHHH! “

Paggising ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kama, napabangon mula sa dibdib ni Pio, nadala ang sigaw maging sa tunay na mundo. Dala-dala ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hapong-hapo ako. Hindi ko maipaliwanag.

“Boss, you okay?”

Paglingon ko sa lalakeng katabi ko ay unti-unting lumuwag ang paghinga ko. Tiningnan ko ang braso nito. Mas lalong bumuti ang paghinga ko nang makitang sementado pa rin ito at walang suot na wedding ring. Naramdaman ko rin ang tuktok ng ulo kong mayroong manipis na buhok nang mahanginan ito ng ceiling fan. Ngayon, ito na talaga ang totoo. Wala na ako sa beach wedding. Nasa apartment na ulit ako.

Niyakap ko si Pio nang mahigpit. Napabitiw naman siya sa cellphone na hawak niya kung saan nagpi-play ang Facebook live ng tournament. Hindi niya maintindihan ang nangyayari, pero hinimas-himas niya ang likod ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Napahikbi ako nang wala sa oras. Takot na takot ako. Akala ko talaga ay tuluyan na siyang nawala sa ’kin at napunta sa ibang tao.

Mabuti na lang at panaginip lang ang lahat.

Chapter 49

Linggo, huling araw ng pahinga ni Pio, iniwan ko ulit siyang mag-isa sa apartment dahil mayroon kaming ROTC. Kahit na hindi naman talaga ako sumasabak sa physical training, ito ang pinakaayaw kong subject dahil ang bigat at ang init ng suot naming ROTC uniform. Ang sikip pa ng mga bota sa paa. Mabuti na lang at hindi umuulan kaya sa quadrangle kami tumungo. Sa bench sa pinakagilid ako naupo at gumawa ng paper works. Malilim. Mahangin. Presko.

Alas dose ng tanghali nang matapos kami sa ROTC. Bago umuwi, sa canteen kami tumungo ni Jonas para mananghalian. Hindi masarap ang adobo. Kalahi yata ni Pio ang nagluto dahil maalat. Mas marami pa nga ang nainom kong tubig kaysa kay Jonas kahit na siya naman talaga itong dapat ay mas uhaw sa ’ming dalawa. Pawisan siya. Nahiya nga siyang tumabi sa ’kin kasi baka raw ang baho niya na. Sabi ko, hindi naman. Hindi naman talaga.

Naghiwalay kami ng landas ni Jonas nang makalabas ng campus. Tumungo siya papunta sa intersection lagpas sa convenience store, ako naman papunta sa tricycle station.

Habang naglalakad sa kanto ng J.A.M.A., hindi ko inaasahang muli akong hihintuan ng isang kotse. Si Captain Ramirez ulit.

“Midshipman Alcantara,” panimula niya sa nakababang bintana ng kotse.

May pagkahiya akong tumango. “Captain.”

“Are you free today?” tanong niya.

Bahagyang umawang ang bibig ko. “Ho?”

“Would you like to join us for dinner at our house?”

Kakakain ko lang, pero napapayag niya ako. Una sa lahat, wala raw si Mona. Naroroon ito sa coliseum ngayon, nanonood sa laban ni Kuya Jason na boyfriend na nito ngayon. Ikalawa, Linggo naman, at wala rin naman akong magawa sa apartment. Panigurado ay manonood lang kami ng basketball ni Pio sa cellphone at makakatulog na naman ako at babangungutin. Panghuli, wala namang mawawala sa ’kin kung sasama ako.

Kaya sumama ako.

Nagpaalam ako kay Pio sa Messenger, sinabing baka ay gabihin na ako ng uwi. Sinabi ko ang totoo, na kina Captain Ramirez ako pupunta. Pumayag naman ito, basta raw mag-chat ako ’pag pauwi na. Basta talaga hindi si Jonas ang kasama ko, madali ko lang na mapapayag si Pio. At siyempre, may reward pa ring kapalit bawat pagkawala ko.


Nang makarating kami sa labas ng bahay nina Captain Ramirez, hindi ko maiwasang mamangha. ’Yong bahay nila ’yong pangarap kong bahay eh. Modern design. Malawak ang bakod. Dalawang palapag lang ang meron sila pero bawing-bawi naman sa espasyo. Mayroon pa nga silang balcony sa second floor. Ang sarap sa mata. Parang masarap din tir’han. ’Pag ako yumaman sa pagsi-seaman, ganitong bahay rin ang kukunin ko.

Mas lalo lang akong namangha nang pagbuksan kami ng gate ng isang babaeng kasambahay at nang masumpungan ko ang loob pagbaba namin ng kotse ni Captain Ramirez sa may garage. Ang lawak ng bakuran nila na nababalot sa bermuda grass. Ang gilid ay napapaligiran ng iba’t ibang halaman na kasingtangkad ng bakod. Shit talaga. Ganito rin kaya kaganda ang bahay nina Pio? Kung oo, gagawin ko nang sugar daddy ’yong guwapong lalakeng ’yon. ’Di, biro lang.

“Aaron…” Inalis ko ang aking mga mata sa bakuran at napatingin kay Captain Ramirez, bahagyang nagulat dahil imbes na apelyido ay tinawag niya ako sa first name. Ngumiti siya sa ’kin. “Welcome to our home.”

Home.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napangiti nang marinig ang salitang ’to. Ang tagal ko nang hindi nakakauwi sa tunay kong tahanan—sa bahay namin sa probinsya. Miss na miss ko na si Mama. Miss ko na ang yakap nito. Miss ko nang makita ang ngiti nito sa kabila ng lahat ng pagod sa pagtitinda sa palengke. Gusto ko sanang hilingin na bumilis ang takbo ng panahon para mag-sembreak na agad—para makauwi na ako sa probinsya—pero naalala kong ibig sabihin din pala nito ay mas lalong iikli ang panahon na kasama ko si Pio dahil sasampa na ito sa barko sa susunod na taon.

“Let’s go inside?” alok ni Captain Ramirez.

Tipid akong ngumiti at tumango. “Sige po.”

Pagbukas ng main door at pagpasok namin sa loob ng tahanan nila, ’yong living area ang unang bumungad sa ’min. Maaliwalas sa loob. Gawa sa porcelain tiles ang sahig. Kumikintab ang mga ito dahil sa liwanag na ibinibigay ng chandeliers na nakasabit sa mataas na ceiling. Puno ng mga nakalaylay na kulay kremang kurtina ang gilid. Mayroong dalawang sofas at isang center table na nakatayo sa kulay gray na carpet. Sa kabila ng mainit kong kasuotan, nakaramdam ako ng lamig dahil mayroong floor standing aircon sa gilid ng sofa sa dulo.

“Please,” ani Captain Ramirez, sumenyas ang kamay sa sofa, “have a seat.”

“Salamat po.”

May pagkahiya akong naglakad papunta sa pinakamalapit na sofa at umupo rito. Hinubad ko ang bag ko at inilapag ito sa ’king mga hita. Sunod ko itong niyakap at pinag-ipit ang aking mga labi habang inililibot pa rin ang paningin sa malawak na living area.

“I’ll just call my wife.” Naglakad na si Captain Ramirez papunta sa hagdan sa kaliwa. “Make yourself at home, Aaron.”

Tumango ako at hindi alam kung anong isasagot. Hindi ko yata kayang mag-feel at home sa ganito kagarang bahay. Nahiya nga ako dahil baka mamaya ay nakaapak ako ng tae nang hindi ko nalalaman. Hindi pa naman ako naghubad ng bota. Nakakahiya rin namang magpaa. Pero mukhang safe naman ako dahil wala akong ibang maamoy kundi ang sariwang hangin at halimuyak ng bulaklak sa flower vase sa center table.

Naglakad na pataas sa second floor si Captain Ramirez. Umalingawngaw ang mga yabag nito sa hagdanan.

“Sir, juice po?” alok ng kasambahay na biglang lumapit sa ’kin.

“Uh, h-hindi na po,” pagtanggi ko, kahit ang totoo niya’y gusto kong matikman ang juice ng mga mayayaman. Lumaki lang kasi ako sa Tang Orange. Baka ’yong kanila ay gawa sa totoong prutas. Malalaman ko rin naman siguro sa dinner.

“Okay po.” Ngumiti ang kasambahay.

Tipid akong ngumiti pabalik sa kaniya.

Tumanggi na ako lahat-lahat pero pansin kong nakatingin pa rin siya sa ’kin. Parang sinusuri niya nang mabuti ang mukha ko. At mukhang may ideya na ako kung bakit nang mapansin kong sunod siyang napatingin sa gallery wall na nasa pagitan ng main door at hagdanan. Doon ay nakasabit ang picture frames ng pamilya Ramirez. Sa mga litrato ay agad na napukaw ang atensyon ko ng college graduation pic ni Captain Ramirez. Kumpara sa larawan nito sa Dean’s Office, mas bata ito tingnan dito.

Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata sa nakita.

Tama nga si Mona! Kamukha ko nga ang dad niya no’ng mga nasa bente anyos pa lang ito! Paano ito nangyari?

“Where’s the boy?” tinig ng isang babae sa hindi kalayuan.

Nang makarinig ako ng mga yabag sa hagdanan ay agad akong napailing, napayuko, at kinabahan sa hindi malamang dahilan. Pagsilip ko sa hagdanan, kita kong naunang bumaba si Captain Ramirez. Sinundan ito ng isang babae na nakasuot ng kulay pulang silk dress. Mamahalin ang datingan ng babae, parang mom lang ni Pio. Pero mas mabigat ang awra ng isang ’to. Makapigil-hininga.

“There he is.” Tinuro ako ng palad ni Captain Ramirez.

Agad ko namang inilapag ang bag ko sa tabi at napatayo sa pagbaba ng babae sa hagdanan. Ngayong nabunyag na ang pagkatao nito, walang duda, ito nga ang asawa ni Captain Ramirez at mom ni Mona. Hanggang leeg lang ang haba ng buhok nitong may pagka-brown. Hindi tulad ni Tita Annie, mas matapang ang facial features nito—mas makakapal at mas mataas ang kurba ng mga kilay, mas litaw ang cheekbones, at mas mapupula ang mga labi. Mas nakaka-intimidate pa ito kaysa kay Captain Ramirez.

“What’s his—?” Natigilan ang asawa ni Captain Ramirez nang makita ang mukha ko. Para itong nakakita ng multo dahil nanlaki ang mga mata nito, nabitiwan ang ngiti sa labi, at umawang ang bibig.

Mas lalong bumigat ang paghinga ko. Sa naging reaksyon nito, pakiramdam ko ay parang isang pagkakamali na pumunta ako rito. Parang may nagawa na agad akong mali kahit na ito pa lang ang unang beses na nagkita kami. Oo, nakita ko na ito sa profile pic ni Captain Ramirez noon. Pero ngayon pa lang ako nakita nito. At marahil ay normal lang ang naging reaksyon nito dahil ano nga naman ang tsansa na magkaroon ng kaparehong mukha ang asawa nito?

“His name is Aaron… Aaron Alcantara,” ani Captain Ramirez nang nakangiti. “Hon, she’s the one I’m telling you about—the one who defended our daughter.”

“A-Aaron?” Nagkasalubong ang mga kilay ng asawa ni Captain Ramirez, parang mas lalong hindi makapaniwala sa narinig.

“I know, right?” Lumapit sa ’kin si Captain Ramirez at hinawakan ako nang magaan sa balikat. “Same name, same face. A big coincidence, hon.”

A big coincidence. ’Yong mukha ng asawa ni Captain Ramirez ay parang nagsasabi na hindi lang big coincidence ang lahat. Gano’n din ang sinasabi ng mukha ng kasambahay nila na parang kanina pa may gustong sabihin sa ’kin ngunit hindi makahanap ng tiyempo.

Pilit akong ngumiti at bumati sa asawa ni Captain Ramirez. “H-Hello po, Ma’am. Good mor— Good afternoon po.”

Sandali itong hindi nakasagot. Tuloy pa rin ito sa pagtitig sa ’kin. Nang tingnan ito nang may pagtataka ni Captain Ramirez ay saka lang ito nagising sa pagkatulala at naglakad palapit sa ’min. Pati paglakad nito ay elegante. Nang huminto ito malapit sa ’kin ay kinalma na nito ang kaniyang mukha at nagsuot ng ngiti—isang pilit na ngiti.

“Hi,” bati niya sa ’kin. “So, you’re… you’re the boy?” Hindi pa rin ako ligtas sa mga mata niyang sinasaliksik ang bawat sulok ng mukha ko. “I’m Vivian, Mona’s mom.” Inalok niya ang kaniyang bukas na palad sa ’kin.

Pinunas ko ang kanang palad ko sa gilid ng aking fatigue pants bago hawakan ang mayaman niyang palad. Nang mapagtanto kong malinis na ito, saka lang ako nakipag-shake hands sa kaniya.

“Aaron po,” banggit ko sa pangalan ko kahit napakilala na ako ni Captain Ramirez kanina.

Ang lambot at ang banayad ng palad niya, parang kay Mona lang. Pareho rin sila magsalita ni Mona, maingat at mahirap hulaan kung anong palagay sa kausap. Dahil sa kaba ay agad akong napabitiw sa palad niya.

“Thank you for coming here,” wika niya, “Aaron.” Ang diin ng pagkakasabi niya sa pangalan ko.

Kilala ko na siya bilang asawa ni Captain Ramirez at mom ni Mona. Pero parang kilala niya rin kung sino ako. Ito ang sinasabi ng mga mata niya.


Mga bandang alas singko ng hapon nang imbitahin ako sa dining area nila na katapat lang din ng living area. Nakababa na ang mga kinain ko kaninang tanghali. Tamang-tama lang dahil katakam-takam nga naman ang mga putaheng inihain sa lamesa nilang gawa sa makapal at transparent na salamin. Mayroon silang home cook bukod sa isa nilang kasambahay, at hindi ko alam kung ano ang okasyon dahil parang may handaan. Sa lahat ng pagkaing nakahain, iyong prinitong hotdog lang ang hindi ko ginalaw. Marahil ay naumay lang ako sa kakakain ng hotdog ni Pio. Ehem , excuse me po.

“So, you’re also taking BSMT?” usisa ni Mrs. Ramirez habang ginagalaw ang gintong kutsara sa kaniyang plato. Nakaupo siya sa tabi ni Captain Ramirez sa harapan ko.

“Um, opo,” tipid kong tugon.

Sa ’ming tatlo, ako lang yata itong lumilikha ng tunog sa plato kapag gumagamit ng kutsara’t tinidor. Nakaka-conscious kaya ginaya ko sila, ginaanan ko rin ang kamay ko. Pati paraan ng pagnguya nila ay ginaya ko, tikom ang bibig at tahimik. Mayaman na ba ako nito?

“You look a lot like my husband when he was younger,” sambit ni Mrs. Ramirez. “In that same uniform, you two look exactly the same.” Tumingin siya kay Captain. “Are you sure you’re not related to each other?”

Medyo nabilaukan ako sa ’king narinig at sabay silang napatingin sa ’kin. Kinuha ko ang baso sa gilid ng plato ko na may lamang orange juice, ininom ito, at nalasahang gawa nga ito sa totoong prutas. Pero hindi ang lasa nito ang mas mahalaga sa ’kin, kundi ang pagtulak nito sa pagkaing bumara sa ’king lalamunan.

Tipid na natawa si Captain Ramirez. “N-No, hon. That’s what I thought at first, too, but it’s impossible.” Tiningnan niya ako. “Right, Aaron?”

Tumikhim ako. “O-Opo.” Binasa ko ang aking labi. “N-Nasa probinsya po ang tatay ko.” Na hindi ko na alam kung tunay ko talagang tatay. Sa litrato lang ako nagbase noong bata pa ako dahil nakita kong kasama iyon ni Mama.

“I thought your father abandoned you?” taka ni Captain Ramirez.

“Opo,” sagot ko. Natigil na ako sa paggalaw sa pagkaing hindi pa nangangalahati sa plato. “May… May sarili na pong pamilya sa probinsya.”

“Ah, I see.” Si Captain Ramirez.

“That’s unfortunate,” simpatetikong saad ni Mrs. Ramirez.

Bahagya akong sumimangot. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain nang maalala ko na naman ang nangyari sa ’kin noon.

“I guess we shouldn’t talk about it,” ani Captain Ramirez nang mapansin ang ekspresyon sa mukha ko.

Sinikap kong ituwid ang bibig ko para hindi magmukhang malungkot.

“Right,” segunda ni Mrs. Ramirez.

Sandaling nanaig ang katahimikan sa hapag-kainan.

Tumuloy na ako sa paggalaw ng kutsara’t tinidor at pinilit ang sarili kong kumain kahit na parang unti-unti na akong nawawalan ng panlasa. Panay ang inom ko ng orange juice. Hindi ko alam kung saan ako titingin—sa pagkain ba, sa mga mata ni Captain Ramirez, o sa mga mata ni Mrs. Ramirez. Hindi ako mapakali. Hindi pa nakatulong ang pantog kong parang gusto nang sumabog.

“By the way,” pagbasag ni Mrs. Ramirez sa katahimikan, “do you happen to know Mona’s boyfriend?”

Sa wakas, hindi na tungkol sa ’kin ang usapan. Pero sino kaya ang tinutukoy niya? Kung si Pio man, mas lalo akong maiilang. Parang natatakot ako sa magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang ako na ang kasalukuyang kasintahan ni Pio. ’Pag sa ibang tao siguro tulad nina Kuya Jason, Jonas, Manang Lucy, at Bona, madali lang sabihin. Pero sila… Ibang usapan na kasi ’pag sila.

Lumunok ako. Hindi naman sinabing ‘ex’ kaya maaaring hindi si Pio ang tinutukoy ni Mrs. Ramirez. “Uh, s-si Kuya Jason po ba?” hula ko.

Nasuspende sa paggalaw ng kutsara si Mrs. Ramirez, bahagyang tumaas ang isang kilay na mataas na sa simula pa lang. “Yes, I believe that’s his name—that tall varsity player.”

Nakahinga ako nang maluwag.

“Ah, opo.” Mahina akong tumikhim. “Kapatid po ng kaklase ko.”

Tahimik lang si Captain Ramirez.

“Oh,” ani Mrs. Ramirez, pahapyaw na idinampi ang table napkin sa gilid ng bibig. Matapos ibaba ang table napkin ay muli siyang nagtanong. “Do you happen to know their social standing?”

S-Social standing?

Bakit niya naitanong ang social standing nina Jonas at Kuya Jason?

Mahalaga ba ’yon para sa kaniya?

Salat sa buhay sina Jonas at Kuya Jason. Kaya nga nagsa-sideline sa kasal si Jonas at kaya nga sumali sa varsity si Kuya Jason. Hindi tulad ni Pio na naglalaro lang dahil sa pagkahilig sa basketball, naglalaro si Kuya Jason para makalibre sa tuition fee sa J.A.M.A..

Imik ni Captain Ramirez, “Hon.”

Bahagyang tumaas ang magkabilang kilay ni Mrs. Ramirez. “What? I’m just worried for our daughter. All of a sudden, bigla niya na lang sinagot ’yong lalakeng ’yon. I thought she didn’t like him. She even told me she didn’t like him. Kaya nga nagtataka ako kung bakit niya sinagot ’yon. If it weren’t for that guy, she would be here with us right now. But instead, lagi na lang siyang umaalis to watch his stupid games.”

Bumibigat na naman ang hangin.

“I’ve checked the guy’s records. Good grades. No misconducts. And the professors liked him, too,” buwelta ni Captain Ramirez na natigil na rin sa paggalaw ng pagkain sa plato. “He’s obviously better for our daughter compared to…”

Pio. Parang madadawit na si Pio sa usapan. Kinakabahan ako.

“Compared to whom?” tanong ni Mrs. Ramirez. “Piolo McMiller?” At nabanggit na nga. “I’ve heard he’s changed. If he truly has, I want them to get back together. Come on, it’s obvious he’s the best match for our daughter—much more handsome, taller, and above all, rich… unlike that Jason guy.”

Gusto kong sumabat pero hindi ko magawa. Ayos na ang lahat eh. Bakit parang unti-unti na namang nagagambala ang tahimik naming relasyon ni Pio?

“Still, I don’t like him,” tutol ni Captain Ramirez.

“That’s what my dad also said about you.” Nagbago ang timpla ng mukha ni Mrs. Ramirez, naging seryoso. “He didn’t like you either.”

Umiling si Captain Ramirez. “Kasi galing ako sa hirap,” mahina nitong wika.

“Not just that.” Muling ginalaw ni Mrs. Ramirez ang kutsara sa kaniyang plato. “It’s also because you’re a playboy, weren’t you?”

Bahagyang yumuko si Captain Ramirez, hindi makaimik, at sumilip sa ’kin, tila nahiya.

Matapos sumubo ng pagkain ay sa akin naman sunod na tumingin si Mrs. Ramirez. “Do you know we used to fight before because of his bad habits?” Ako naman tuloy itong sunod na nahiya, hindi alam ang itutugon. “Muntik na nga kaming maghiwalay eh. Even after having our daughter, Mona, he continued to flirt with several women—”

“Hon, that’s all in the past.”

“—just because I couldn’t give him a son,” tuloy ni Mrs. Ramirez, “the thing he wanted the most.”

Muling umiling si Captain Ramirez. Malamig na ang mga pagkain dahil ang dapat ay dinner lang, nauwi sa mainit na usapan. Ang dapat ay usapan lang tungkol kay Kuya Jason, napunta kay Pio, at napunta kay Captain Ramirez.

“You see, I cannot get pregnant after Mona kasi masyadong mahina ang matres ko. It’s a miracle nga that I had Mona.” Uminom siya ng juice. Matapos lumunok ay tumuloy na siya sa pagkukuwento. “So, our fight ended up with me deciding na maghiwalay na lang kami. And that’s what woke up my husband. It made him realize how important I am and how much his daughter means to him. The fear of losing us, his only family, made him change.” Tipid siyang ngumiti. “And look at him now; he has become a good husband, a good father, and the most respected dean on your campus.”

May pag-aalangang ngumiti si Captain Ramirez at ibinalik na ang tingin sa kaniyang plato. “It’s all because she gave me a second chance,” pabatid niya sa ’kin.

“Right,” sabi ni Mrs. Ramirez nang nakangiti pa rin, “a second chance. And maybe that’s what you need to give to Piolo, too. ’Di sana, hindi ’yong Jason na ’yon ang boyfriend niya ngayon.”

Tumikhim si Captain Ramirez. “I guess it’s my fault.”

Tumuloy na silang dalawa sa pagkain, ako na lang ang hindi. Hindi matigil sa pagkabog ang dibdib ko, ang mga daliri ko sa panginginig, at ang lalamunan ko sa pagkatuyot kaya lunok ako nang lunok.

“Um,” singit ko sa kawalan, “mabait naman po si… si Kuya Jason. Hindi niya po sasaktan si Mona.” Binasa ko ang aking labi. “At, uh, masipag po siya tulad ng kapatid niya, tsaka—”

“And that’s not enough for me.” Bahagyang nanlaki ang mata ni Mrs. Ramirez sa ’kin. “I don’t want my daughter to end up with him.”

“H-Ho?” sambit ko.

“I want Piolo to marry my daughter.”

Chapter 50

Biglang sumama ang pakiramdam ko. Parang gusto kong iluwa ang lahat ng kinain ko. Hindi ko matanggap ang sinabi ni Mrs. Ramirez. Sa lahat ng bagay, ito ang pinakaayaw kong mangyari. Hindi ko yata kakayanin ’pag napunta si Pio sa ibang tao, higit sa lahat, kay Mona. Mas malala pa ito sa bangungot ko kung mangyayari man ito.

“Aaron, what’s wrong?” taka ni Captain Ramirez.

Ibinaba ko ang kanang kamay ko sa ’king tuhod at hinawakan ito para pigilan sa panginginig. Dahil transparent ang lamesa, napansin nila ito pareho.

“Hm?” Si Mrs. Ramirez na may pagtatakang nakatingin sa ’kin.

“Um…” Sinubukan kong pakalmahin ang paghinga ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanila ang totoo kung bakit ako nagkakaganito, lalo na kay Mrs. Ramirez na mukhang hindi matutuwa kapag narinig ito. “P-Puwede po bang…?” Ang gusto ko sanang sabihin ay kung puwede bang huwag na lang pag-usapan si Pio. Sa halip, ang nasabi ko, “Puwede po bang makigamit ng banyo?” Hindi yata magandang nasabi ko ito, lalo’t nasa hapag-kainan kami, at kulang pa sa konteksto. “N-Naiihi lang po. Sorry po.”

Shit. Nakakahiya.

Pero naiihi naman na talaga ako. Tama lang sigurong nagpaalam ako. At isa pa, hindi na ako komportable rito.

“Yeah,” ani Captain Ramirez, may bakas ng pagtataka sa boses, “sure.”

Tumayo na ako. Lumangitngit ang upuang naurong sa tiles. Mas lalo akong nilamon ng kaba dahil nakasunod pa rin ang tingin ng mag-asawa sa ’kin na parang nakakahalata nang may mali sa naging reaksyon ko. Gustong-gusto ko nang umalis, umuwi, at pagtiyagaan na lang ang malikot na kamay ni Pio, kaysa sa ganito.

Nang akma akong aalis ay sandali akong natigilan nang magsalita si Mrs. Ramirez. “Wait,” sabi niya, “do you know where the restroom is?”

Nga naman. Hindi ko alam kung saan ang banyo. Hindi ko naman bahay ’to.

“Uh…” usal ko.

“Glenda,” tawag ni Captain Ramirez sa kasambahay nilang nakatambay sa gilid ng kitchen countertop. Mga nasa kuwarenta na ang edad nito base sa itsura. Pansin kong tahimik lang itong nagmamasid sa ’min mula pa kanina, nakikinig sa lahat ng usapan.

“Po, Captain?” anito nang makalapit kay Captain Ramirez.

“Puwede mo bang samahan si Aaron papunta sa banyo?” pakiusap ni Captain Ramirez dito.

“Yes po, Captain.” Tumingin sa ’kin ang kasambahay nilang si Glenda, sumenyas sa mata, at ngumiti. “Tara po, Sir.”

Naglakad na ako palapit kay Ate Glenda at sumama rito papunta sa isang mahabang pasilyo. Bago tuluyang makalayo kina Captain Ramirez ay nasagap pa ng pandinig ko ang sunod nilang naging usapan.

“Hon, don’t you think it’s a bit early to talk about our daughter’s marriage?”

“Why not? She’s of the right age already. One more year and she’s graduating. Besides, she doesn’t really need to work—that’s if she marries Piolo instead of that guy, Jason.”

“Hon—”

“She doesn’t have a future with that guy. But with Piolo, she will have a future captain husband… like you.”

“But Jason could also be a captain someday.”

“I doubt it. Not unless he’s rich or has a backer. We both know kung gaano kahirap sumampa ng barko ang mga tulad niya. Malamang ay tatambay lang ’yon sa Kalaw. But, Piolo—his father is a captain, too, so it’s no big deal for someone like him. Our daughter’s future is secure with him. They’re in their twenties now. I think it’s about time that they get back together and settle their issues. The last thing I want to see before I get older is them getting married, building a home together, and giving us grandkids. Don’t you want that, too?”

“Of course I do.”

Mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa ’king mga narinig.

Nakakainis.

Nakakasama ng loob.

Parang gusto ko na lang maglaho rito kung puwede lang.

“Sir, dito po,” ani Ate Glenda.

Nakarating na kami sa dulo ng pasilyo kaya hindi na masyadong dinig ang mga usapan sa dining area.

“Salamat po.”

Matapos isuka ang lahat ng kinain ko sa bowl ay siniguro kong na-flush nang maayos ang ebidensya ng pagparito ko. Umihi na rin ako. Paulit-ulit kong pinindot ang flush button hanggang sa maging klaro na ang tubig. Nagmumog ako sa sink at tiningnan ang mukha ko sa magandang salamin. Nag-practice ako ng ngiti—’yong pilit na ngiting ihaharap ko sa mag-asawa pagbalik ko sa dining area. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Dahil yata naisuka ko na ang sama ng loob ko kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Dinner lang naman ang pinunta ko rito. Hindi na ako magtatagal.

Pagbukas ko sa pinto ng banyo ay bahagyang nagulat ako nang makita kong nakatambay pa rin pala sa labas si Ate Glenda. Nangungusap ang mga mata niya. At hindi nga ako nagkamali sa hinala kong parang may gusto siyang sabihin sa ’kin nang magsalita siya.

“Aaron,” bigkas niya sa pangalan ko. “Sir, Aaron din po ang pangalan n’yo, ’di ba?”

Bahagyang kumunot ang noo ko. “O-Oho.”

Sumilip siya sa kabilang dulo ng pasilyo, tila hindi mapakali. Nang muli siyang humarap sa ’kin ay binasa niya ang kaniyang labi. “Uh, Aaron, sigurado ka bang nasa probinsya ang tatay mo? Ang totoo mong tatay?” Pabalik-balik siya ng tingin sa kabilang dulo ng pasilyo at sa mukha ko. “N-Narinig ko kasi ang usapan n’yo kanina, at…” Pinutol niya ang kaniyang dapat sabihin at muli siyang umiwas ng tingin.

“B-Bakit po?” Bigla akong nilamon ng pagtataka. “Bakit n’yo po natanong?”

Bumalik ang atensyon niya sa ’kin. “Kasi…” Pansin kong sinadya niyang pahinaan ang boses niya. Hindi pa rin ako makalabas ng banyo dahil nakaharang siya sa bungad nito. “Ang totoo niyan…” Lumunok siya. Hindi mapakali ang mga mata niya. Parang nagdadalawang-isip siya kung magkukuwento ba sa ’kin o hindi.

“Ano po ’yon?” Hindi na rin ako mapakali sa kakaisip kung ano itong gusto niyang sabihin sa ’kin.

Sa huli, nagawa niya itong sabihin.

“Ilang taon na ’tong nangyari… at… at walang ibang nakakaalam nito kundi ako lang at si Madam Vivian.”

Muli siyang lumunok, paulit-ulit na binabasa ang labi na hindi naman tuyot kung titingnan.

“Dati, mayroong babaeng nagawi sa labas ng gate ng pamilya Ramirez. Mukhang kolehiyala. Mukhang galing ng probinsya. Hinahanap nito si Captain. Mukhang magkakilala sila. Alam nito ang pangalan ni Captain eh.

“Tinanong ko kung bakit, pero hindi ko muna ito pinagbuksan ng gate. Bilin kasi sa ’kin ni Madam, huwag daw ako basta-basta magpapapasok ng kung sino-sino.

“Pero mukhang hindi lang sino-sino ang babae sa labas, lalo pa’t nang marinig kong umiyak ang hawak-hawak nitong sanggol sa mga braso at nang makita ko ang itsura ng bata. Kahawig ito ni Captain Ramirez, lalong-lalo na ang mga mata.

“Tinanong ko kung bakit nito hinahanap si Captain. Sagot ng babae, anak daw ni Captain ang sanggol. Nakangiti ito nang sabihin sa ’kin kung ano ang ngalan nito—Aaron. Aaron daw ang ngalan ng batang lalake; ipinangalan ito sa ama.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makagalaw. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o maramdaman.

Pinakinggan ko lang siya. At pinakiramdaman ko lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Wala si Captain sa bahay no’ng araw na ’yon. Nakasampa na si Captain sa barko. Ang tanging naiwan lang no’n sa bahay ay si Madam Vivian at si Mona na dalawang taon pa lang. Kaya kay Madam Vivian ko sinabi ang tungkol sa babae at sa sanggol. Si Madam Vivian din mismo ang humarap sa babae.

“Nagpakilala si Madam Vivian bilang asawa ni Captain Ramirez. Doon pa lang, nawala na ang ngiti sa labi ng babae. Hindi ito makapaniwalang may asawa na si Captain. Hindi rin naman makapaniwala si Madam Vivian na may anak si Captain sa ibang babae. Dating babaero si Captain, pero ni kahit isang beses, wala pa sa mga naging babae nito ang dumayo rito para magpakilala ng anak nito.

“Natakot si Madam Vivian no’n. Kung bakit kapangalan at kamukha ng sanggol si Captain Ramirez, iyon ang kataka-taka para sa kaniya. Siguro, napagtanto niyang marahil ay nagsasabi ng totoo ang babae. Kaya, ang ginawa niya, tinaboy niya ito. Paulit-ulit niya itong pinaaalis kahit pa nga todo sa paghagulgol ang babae. Kahit pa nga todo ito sa pagmamakaawa na mapanagutan silang dalawa ng kaniyang anak.

“Nagalit nang husto si Madam Vivian sa babae, tinawag itong makapal ang mukha dahil nagawa pa nitong pumunta rito pagkatapos pumatol sa may asawa. Giit naman ng babae, hindi nito alam ang totoo. Kamo, naloko ito ni Captain at hindi nito sinasadya ang nangyari. Isang bagay na lang ang gusto nito: ang lumaking mayroong kikilalaning ama ang bata.”

Tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Gusto kong isipin na hindi si Mama ang tinutukoy niya. Gusto kong isipin na malabo itong mangyari. Dati ay paulit-ulit kong itinatanong kay Mama kung nakapunta na ito ng Maynila dahil gusto ko ring makapunta rito. Pero, ang lagi nitong sagot sa ’kin, hindi pa raw. Pinaniwalaan ko naman iyon.

“Sa huli, binigyan ni Madam Vivian ang babae ng malaking pera kapalit ng isang bagay—na huwag na raw ulit itong magpapakita rito at huwag na raw nitong hahanapin ang kaniyang asawa. Hindi matigil sa pag-iyak ang babae habang pinupulot ang mga binitiwang pera ni Madam sa sahig, gano’n din ang sanggol. Awang-awa ako sa kanilang dalawa. Mukhang naging biktima ang babae ng panloloko ni Captain. At dahil nalaman nitong mayroon na palang pamilya si Captain, nagpakalayo-layo ito at hindi na muling bumalik pa. Dala-dala nito ang mga perang isinaboy ni Madam. At dala-dala rin nito ang sanggol—ang lihim na anak na lalake nila ni Captain Ramirez.”

Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga narinig ko.

“Kaya, gusto ko sanang itanong sa ’yo, sigurado ka bang hindi si Captain Ramirez ang tatay mo?”

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa ’king mata. Sinikap kong kolektahin ang sarili ko. Kinusot ko ang gilid ng pantalon ko.

Sa kabila ng lahat ng sinabi niya, pinanghawakan ko ang mga sinabi sa ’kin ni Mama noon… kahit puno ako ng pagdududa… kahit pakiramdam ko ay nasagot na ang ilan sa mga katanungan ko.

Gusto kong marinig mismo ang totoo mula sa sarili kong ina. Sa ganoong paraan ko lang siguro matatanggap ang katotohanan.

“Um…” Tumikhim ako. “H-Hindi po ako ang anak ni Captain Ramirez.” Muli kong pinunasan ang mga mata ko hanggang sa matuyo ang labas nito. Hindi ako maaaring bumalik sa dining area nang ganito. “N-Nagkataon lang po siguro… na… na magkamukha kami… at magkapangalan.”

Nang dahil sa mga narinig ko, nabawasan na ang pagdududa ko na nagkataon lang ang lahat. Kasi, paano nga naman nagkataong magkapareho kami ng pangalan at mukha ni Captain Ramirez?

Nanumbalik tuloy sa ’kin ang lahat—ang mga pagkakataong nadudulas si Mama sa pagbanggit kung gaano raw ako kaguwapo tulad ng ama ko, kung bakit daw ako sumusunod sa yapak nito. Hindi ko naman kamukha iyong lalakeng kasama nito sa litratong nakita ko no’ng bata pa ako, at mas lalong hindi naman seaman iyong lalakeng ’yon. Kaya ba nasabi ng lalakeng ’yon na sa dagat ko hanapin ang tatay ko? Alam din kaya ng lalakeng ’yon ang totoo? Noon pa lang pala ay parang isinasampal na sa mukha ko ang katotohanan nang hindi ko nalalaman.

Kung gano’n, bakit hindi na lang sinabi agad sa ’kin ni Mama ang lahat?

Natatakot ba itong masaktan ako kapag nalaman ko ang totoo—na isa akong bunga ng pagkakamali? Na mayroon nang totoong pamilya ang tunay kong ama?

Ito ba talaga ang totoo?

Ayokong maniwala.

Ayoko.

Nagkataon lang talaga ang lahat—ito na lang ang pipiliin kong katotohanan hangga’t hindi sinasabi ni Mama sa ’kin ang tunay na kuwento.

Mahal ko si Mama. Mahal na mahal. Siya lang ang tanging nagpalaki sa ’kin, pero ni kahit minsan ay hindi niya pinaramdam na kulang ako. Siya ang pumuno sa mga pagkukulang ng ama ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap na makapagtapos sa pag-aaral at yumaman. Siya ang lahat-lahat ko. At siya lang ang tanging paniniwalaan ko.


Natapos ang dinner nang hindi ko nauubos ang pagkain. Nang makabalik nga ako kanina sa hapag-kainan, may pagtataka pa rin akong tiningnan ng mag-asawa. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ang tagal ko yatang nawala. ’Yong kasambahay nila ay hindi pa rin matigil ang pagmamasid sa amin, lalo na sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin.

Alas sais y medya, oras na para umuwi. Sandali akong naiwan sa living area kasama si Mrs. Ramirez habang hinihintay si Captain Ramirez na magpalit ng damit sa kanilang kuwarto sa second floor. Natapunan kasi ito ng juice kanina nang mabalik na naman sa pambababae nito ang usapan.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa tapat ng gallery wall nila. Nakatalikod ako rito at sa sahig lang nakatuon ang tingin. Nakakailang talaga.

Nabasag ang katahimikan nang biglang magsalita si Mrs. Ramirez. “Aaron, do you know how hard I worked for this family?” Pagbaling ko ng atensyon sa kaniya ay nakita ko siyang nakatitig sa larawan nilang tatlo nina Mona at Captain Ramirez. “Once, I just had an attraction to this handsome playboy on campus. The next thing I knew, I wanted him. But, he never really noticed me despite my best efforts. I didn’t give up, though. I did everything I could to steal his heart, even if he’s not the type of person to give his heart back. In the end, I became his girlfriend.”

Tumingin siya sa ’kin. Nagkonekta ang mga mata namin. Tumahip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

“My dad was so against us, just like my husband now is so against Piolo. He told me I shouldn’t be involved with a delinquent, and most of all, someone below our level. But I didn’t listen. I am the type of person who always gets what I want. And I wanted my boyfriend so badly despite his flaws. Then, one drunken night, I decided to do it with him… unsafely. And that resulted in us having a baby. You see, my boyfriend was surprised. It’s just not something he saw coming, because we were always safe, and I knew in my heart that he was only into me out of lust.

“But of all people, it was my dad who was the most surprised. He couldn’t accept it. But what could he do? It had already happened. Mona happened. And he didn’t want his daughter to raise a child alone. Most of all, he didn’t want his granddaughter to grow up without a father. So, he decided to accept my boyfriend… not because he wanted to, but because he needed to. In the end, we got married. And eventually, we became a family—just him, Mona, and me.”

Bakit niya ba ’to kinikuwento sa ’kin? Hindi naman kami lubusang magkakilala. Nakapagtataka.

“I thought, magbabago na siya dahil mayroon na siyang pamilya. But I was wrong. As they say, once a playboy, always a playboy. Ilang beses ko siyang nahuling nambababae. At pinagtakpan ko ang lahat ng ’yon. Tiniis ko ang lahat dahil ayokong tuluyang masira ang imahe niya kay Dad pagkatapos ko siyang ipaglaban. Ayokong tuluyang masira ang pamilyang pinaghirapan kong buuhin.

“Kahit ramdam kong hindi ko pa rin tuluyang makuha ang puso niya, hindi ako tumigil na mahalin siya. Kahit na hindi ko alam kung anong ginagawa niya o kung sino ang kinakalantari niya kapag nasa laot siya o kung saan mang pangpang, binalewala ko ang lahat. Gano’n ko siya kamahal. At kahit gaano katagal, umasa akong matututunan niya akong mahalin.

“That was all in the past, just like what my husband said. Just because of one big fight between the two of us, he realized how much he had to lose—his daughter, his loving wife, and most of all, his big dream of becoming a captain. My dad was a captain, too, and he had great connections. After my dad saw his aspirations—ang lahat ng pagtitiis niya sa mga barkong pang-inter island lang—he was referred to my dad’s shipping company, the largest shipping company in the world, actually. I bet you know what it is. And I bet it is your dream shipping company, too.”

Maersk—siguradong ito ’yong tinutukoy niya. Ito rin ang pangarap kong kompanya. Pangarap. Ganito kahirap makapasok dito.

“Lumipas ang mga taon, nagawa ring magbago ng asawa ko, natutunan niya rin akong mahalin. Not only did he become a loving husband, he also became a caring father and a great captain. His dream came true. My dad became proud of him. Everything got better, and we became a happy family.”

Humakbang siya palapit sa ’kin, at mas lalo akong kinabahan. Pinutol ko na ang koneksyon ng mga mata namin. Bahagyang yumuko ako at lumunok.

“The reason why I’m telling you this is that I find it unusual that someone who looks like my husband and has the same name as him suddenly walks into our lovely home. I don’t believe it’s a big coincidence at all. Tell me, what are your intentions?”

Nanlaki ang mga mata ko. “A-Ano pong—?”

“Why are you here?” Tumaas ang kilay niya, ang tono ng pananalita ay nagbago, naging mas mabigat pakinggan.

Naramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko. Dinig ko na rin ang malalim kong paghinga. “H-Hindi ko po alam ang—”

“Did you defend my daughter on purpose so you could get close to her?” Nakita ko ang katiting na ngising gumuhit sa labi niya. “So you could get close to my husband?”

Napaatras ako. “Po?”

Humakbang pa siya palapit sa ’kin, ang mukha ay bahagyang naging matapang. “Are you here to destroy our happy family?”

Hindi ako makasagot. Hindi talaga.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.

Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kaniya? Sa kanila?

“Hon, I’m done,” boses ni Captain Ramirez. Nakarinig ako ng mga yabag hanggang sa tuluyan siyang magpakita sa likod ni Mrs. Ramirez. Nang mapansin niyang magkaharap kami ng kaniyang asawa ay nagtaka siya. “Um, what’s…?”

Ngumiti si Mrs. Ramirez nang tabihan siya ni Captain—isang pekeng ngiti. “Ah, I’m just expressing my heartfelt gratitude to him for what he did for our daughter.”

Hindi ito ang sinabi niya sa ’kin.

“Oh, really?” Sunod akong tiningnan ni Captain.

Tiningnan din ako ni Mrs. Ramirez, binaitan ang boses. “Yes, right?”

Kumurap-kurap ako, binasa ang labi, at nagsuot din ng pekeng ngiti. Kung ito ang kailangan para makaalis na ako rito, magsisinungaling na lang din ako. “Um, o-opo, Captain.”

“I see.” Ngumiti si Captain. Sunod siyang umakbay sa kaniyang asawa at nagpaalam. “Anyway, I’m going to drive Aaron home now.”

“Okay,” sagot naman ni Mrs. Ramirez nang nakangiti rin. “Can you also try to fetch our daughter from the coliseum?” May diin sa pagkasabi niya sa our daughter . “Please?”

“You know she’s still mad at me,” sagot ni Captain Ramirez. “But I’ll try…”

“Thank you.” Si Mrs. Ramirez. “She’s our only child after all.”

“Yeah… I know.” Tipid na tumango si Captain. “We’ll go now.”

Saglit silang nagkahalikan sa labi, na iniwasan ko rin namang tingnan.

“Take care.” Si Mrs. Ramirez.

“Be back later.” Si Captain.

Tumango si Mrs. Ramirez bilang tugon. Pagkatapos magpaalam sa asawa ay sa ’kin naman siya lumapit. Nabigla ako nang pahapyaw niya akong niyakap at nang bumeso siya sa kaliwang pisngi ko—’yong pisnging nakaharap sa gallery wall—kaya hindi kita ni Captain na may mahina siyang binulong sa tenga ko.

“Stay away from my family.”

Matapos kumalas sa pagkakayakap sa ’kin ay matamis siyang ngumiti, pero iba ang sinasabi ng mga mata niya—hindi talaga siya masaya na pumunta ako rito.

“Thank you once again, Aaron .”

Hindi rin naman ako masaya sa naging resulta ng pagpunta ko rito. Ang sabi ko, wala namang mawawala sa ’kin ’pag sumama ako. Hindi ko naman inaasahang aalis ako nang may baong sama ng loob. Gayunpaman, nagawa ko pa ring ngumiti at mahinang tumango habang nakaiwas ang tingin.

Sinikap kong huwag magpaapekto sa sinabi niya.

Sinikap kong pigilan ang pagbabadya ng luha kong kanina pa gustong bumagsak.

Sinikap kong tatagan ang loob ko, tulad ng palagi kong ginagawa mula pagkabata.

Kahit na nakalabas na kami ng bahay, sinundan pa rin kami ng tingin nina Mrs. Ramirez at ng kanilang kasambahay na tila naaawa sa ’kin.

Kahit na nakalayo na kami ni Captain Ramirez sa bahay nila, kahit na nakarating na kami sa Mabini Street, kahit na nakarating na kami sa apartment building, sinikap kong huwag magpahalatang nasasaktan ako sa loob-loob ko. Nagpasalamat ako nang nakangiti kay Captain. Nagpasalamat din si Captain, umaasang muli akong magagawi sa bahay nila. Ang sabi ko, pag-iisipan ko. Ang totoo niya’y wala na akong balak na bumalik pa roon.

Nang makarating ako sa apartment, saka lang bumuhos ang lahat ng naipon kong luha at sama ng loob nang makita ko ang maamong mukha ng boyfriend ko. Agad siyang nag-alala nang marinig ang paghagulgol ko habang nakatayo sa tapat ng nakabukas na pintuan. At sunod ko na lang na natagpuan ang sarili kong nakakulong sa kaniyang braso.

May mga bagay sigurong mas mainam na lang na manatiling lihim.

Chapter 51

Pagmulat ko kinaumagahan ay nasumpungan ko si Pio na mas naunang nagising sa ’kin, tahimik lang na pinagmamasdan ang mukha ko. Tulad kagabi, bago kami matulog, ay may bahid pa rin ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. Pero mukhang hindi nga yata siya nakatulog. Ako lang dapat itong namumugto ang mga mata eh. Bakit pati siya ay gano’n din?

“Good morning, boss,” mahinang bati niya nang mapansing gising na ako.

Medyo malabo pa ang paningin ko, pero nahuli ko ang pagguhit ng katiting na ngiti sa labi niya.

“Pio,” sabi ko sa namamalat na boses, “bakit ang aga mo?”

Idinampi niya ang kaniyang palad sa ’king pisngi. “Hindi ako makatulog, boss.”

Tama nga ako. Kaya pala mukha siyang puyat.

“Ha? Bakit?”

“Hindi ako makatulog kakaisip kung bakit ka umiyak kagabi.”

Napipi ako bigla.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya ang totoo—ang tungkol sa mga narinig ko sa bahay ng pamilya Ramirez nang pumunta ako roon kahapon. Hindi lang ’yon tungkol sa ’kin, tungkol din ’yon sa kaniya—sa kanila ni Mona. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Paano nga ba?

Dahil balik-eskuwela na si Pio ngayong Lunes, agad kaming bumangon sa kama. Masyadong maproseso ang pagbabalot ng plastic wrap sa arm cast niya kaya ilang minuto na agad ang nagugol namin dito pa lang. Kaya naman, para makatipid sa oras, sabay na kaming naligo sa banyo. Tulad ng dati, hubo’t hubad si Pio habang ako naman ay nakasuot lang ng brief. Ewan, kahit nakita niya na ang lahat sa ’kin, hindi pa rin ako masanay-sanay. Resulta yata ’to ng ilang taong pagtatago ko sa tunay kong kasarian.

“Boss, please tell me what’s wrong.”

Natigilan ako sa pagsasabon sa dibdib niya dahil sa kaniyang sinabi. Ginagambala pa rin talaga siya ng pag-iyak ko kagabi tulad kung paano ako ginambala ng pag-iyak niya noon matapos niyang managinip tungkol sa mom niya. Patas na siguro kami. Pareho kaming may nililihim sa isa’t isa.

“Taas kili-kili,” utos ko sa matamlay na boses.

At inangat niya nga ang kaniyang kaliwang bisig kaya nabunyag ang mabuhok niyang kili-kili. Ito ang sunod kong sinabon.

Napahalikhik siya sa ginawa ko. Dahil sa naging reaksyon niya, hindi sinasadyang tumakas ang ngiti sa labi ko, at agad niya itong nahuli.

Pinagmasdan niya ang labi ko nang nakangiti rin. “Now, you’re smiling.”

Binasa ko ang aking labi at pinagtuwid ito, sabay tikhim. “Baba mo na,” seryoso kong wika.

“Yes, boss.”

Nang ibaba niya na ang kaniyang bisig ay ito naman ang sunod kong sinabon. Ilang linggo na siyang hindi nakakapag-gym o nakakalaro ng basketball pero malaki pa rin ito, kayang-kaya pa rin akong ikulong anumang oras.

Nang matapos na ako sa pagsasabon sa katawan niya ay inutusan ko siyang tumalungko. Ang tangkad-tangkad kasi, ’di ko ma-shampoo-han nang mabuti ang buhok. Sumunod naman siya.

Habang kinukuskos ang anit niyang puno ng bula ay hindi siya matigil sa pagtitig sa harapan ng pulang brief ko nang nangingiti.

“Hoy, alam ko ’yang ngiti na ’yan,” pahiwatig ko. “Kung ano man ’yang nasa isip mo, tigilan mo na ’yan.”

Hindi pa rin siya matigil sa pagngiti. “Boss,” bigla niyang sambit, “do you want me to make you happy?”

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

“I haven’t done it before with anyone else, but I can for you, if it will make you happy.”

Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.

“Ayoko nga,” tanggi ko.

“I’m serious, boss.” Hinawakan niya ang gilid ng brief ko. “It’s no big deal.”

“Ayoko nga,” muli kong tanggi, medyo tumaas ang boses.

“I’ll just use my hand then.” Tinangka niyang ibaba ang brief ko.

Tumigil ako sa pagkuskos sa ulo niya at kinaltukan ito.

“Awts.” Napabitiw siya sa brief ko at napahawak sa ulo niya.

“’Yan, ang kulit mo kasi,” may konsensya kong sabi. Hinawakan ko ang ulo niyang nanakit at hinimas-himas ito. “Sorry na.”

“I’m sorry, too.” Tumingala siya sa ’kin at bahagyang ngumuso. “I just want to make you happy.”

Umiwas ako ng tingin, nagkunwaring hindi tinamaan sa pagpapa-cute niya. “Tayo ka na nga.”

’Pag tinuloy-tuloy niya ’to, tuluyan na talagang mawawala ang lungkot ko.

“Yes, boss.” Tumayo na siya. “Nakatayo na.”

Pagtingin ko sa baba niya ay kita kong may isa pang nakatayo.

“Loko ka talaga.”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Wala na. Napangiti niya na talaga ako.

Kumuha ako ng isang tabo ng tubig sa balde at mahina itong isinaboy sa mukha niya. Napapikit siya at napailing. Nang ibalik niya ang kaniyang tingin sa ’kin ay biglang nagbago ang nilalaman ng mga mata niya, parang may binabalak siyang gawin. At hindi nga ako nagkamali.

Ngumisi siya—isang mapanlarong ngisi. “Ah gano’n?”

Nanlaki ang mga mata ko. “H-Hoy!”

Tumalikod ako sa kaniya at tinangkang tumakas sa banyo, ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto ay naramdaman ko ang pagbigkis ng braso niya sa tiyan ko. Huli na nang maramdaman kong umangat ang katawan ko sa ere. Naramdaman ko ang pagdikit ng madudulas naming mga balat at ang pagtutok ng isang matigas na bagay sa ’king pagitan.

“Boss, make me happy,” bulong niya sa tenga ko.

Nag-init ang mga tenga ko. “B-Baliw, male-late na tayo!”

“Saglit lang naman.” Hinalik-halikan niya ako sa batok.

Napahalikhik ako nang makaramdam ng kiliti.

“Hoy, i-ibaba mo na ’ko,” nanghihina kong utos. “Pilay ka na nga lahat-lahat, ganiyan ka pa rin.”

“You should be thankful,” sabi niya. “If I have two working arms, I’ll—”

“Late na tayo!” Hindi ako kumawag para hindi ko masagi ’yong bali niyang braso. “Ibaba mo na ’ko!” sabi ko. “Isa!”

Natigil na siya sa paghalik sa batok ko at nagseryoso. “Only if you’ll tell me the truth,” kondisyon niya.

“Truth?”

“Yes, no more secrets.”

Bumuntong-hininga ako.

Gustong-gusto niya talagang malaman ang totoo. Dapat lang sigurong sabihin ko na.

“Oo na.”

Ibinaba niya na ako. Nang makatayo ay marahan akong humarap sa kaniya. Bahagya akong yumuko, hindi makatingin nang diretso sa mukha niya.

“Kasi,” panimula ko, “g-gusto kang… gusto ng mom ni Mona na… kayong dalawa ’yong… magkatuluyan… at ikasal.”

Sandali siyang natahimik. Pagtingala ko sa mukha niya ay kita kong nagsalubong ang mga kilay niya. Tila hindi niya nagustuhan ang kaniyang narinig.

“And why would I get married to Mona?” seryoso niyang sambit. “I’m no longer in love with her.”

Lumunok ako. Binitiwan ko ang pagtitig sa mga mata niya at tumango dahil sa hiya. Hirap na hirap akong sabihin ang totoo kahit alam ko naman talaga ang nilalaman ng puso niya.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito, at muli kong nasumpungan ang mukha niyang ngayon ay maamo na.

“If there’s anyone I’m going to marry, it’s you, Aaron. I want to spend my lifetime with you.”

Nang dahil sa sinabi niya ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko. May kasiguraduhan sa boses niya. Ako nga ang pinipili niya.

“So, please don’t let anyone decide who’s right for me. You are the right one .”

Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko.

“I love you so much, Aaron. I really do. And I will never get tired of loving you.”

Nakita kong nagtutubig na rin ang mga mata niya.

“I’ll never let you go. So, please don’t let go of me, too.”

Tumulo ang luha ko.

“The only thing that could come between us is the ocean when I go overseas.”

Tumulo rin ang luha niya.

“And even if we’re apart, you’ll always have my heart. Only you.”

Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at hinalikan ako sa noo, at tuluyan nang naalis ang lahat ng pangamba ko. Habang nakangiti at maluha-luha ang mga mata ay niyakap ko siya nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

Hinding-hindi ko siya pakakawalan.


Sa kauna-unahan, sabay kaming sumakay ng tricycle ni Pio papasok sa academy. ’Yong loko, pinilit na magkatabi kaming umupo sa loob kahit nag-volunteer na akong umangkas sa likod ng driver. Sabi niya kasi, baka raw magkagusto sa ’kin ’yong driver. Pa’no mangyayari ’yon eh mukhang may limang anak na nga si Manong?

Gusto niya lang akong makatabi eh.

Ngayon tuloy ay kailangan kong magtiis sa loob dahil naipit ako sa gilid—sa lapad ba naman ng katawan niya. Todo na nga siya sa pagyuko dahil masyado ring mababa ang bubong ng tricycle. At tuwing nadadaanan nito ang mga lubak sa kalsada ay paulit-ulit siyang nauuntog dito.

“Damn,” banas niyang sabi nang muling mauntog sa bubong.

Walang boses akong natawa. “Ba’t kasi ang tangkad-tangkad mo?”

“It’s not my fault.” Lumaki ang butas ng mga ilong niya habang masamang nakatingin sa bubong na wala namang kasalanan. “ Ugh .“

Noong bata pa ako, pangarap kong tumangkad nang sobra kaya kain ako nang kain ng Star Margarine. Ngayong nakita ko na ang kalbaryo ng mga tulad ni Pio, kontento na siguro ako sa height ko.

“I can’t wait for my broken arm to heal,” sambit niya. “I miss riding my motorcycle with you.”

“Ilang buwan pa ’yan eh,” saad ko.

Napagtanto ko, ilang buwan din pala akong magtitiis sa ganitong sitwasyon. Ang hirap talagang gumalaw dahil nasakop niya na ang buong espasyo sa loob.

“This will only take weeks,” may kumpiyansa niyang sabi habang nakatitig sa arm cast na nakasukbit sa kaniyang balikat.

“Weeks?” Umismid ako. “Sa kulit mong ’yan, baka abutin pa ’yan ng New Year.”

“N-New Year?” Kumunot ang noo niya. “No way! I can’t wait that long. You know how much I want to try the stand-and-carry position with you.”

“ Pst , bibig mo.“

May pagkailang akong sumilip sa driver. Mabuti na lang at nakasuot ito ng earphones at sa daan lang nakatuon ang tingin.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Pio at tinusok siya sa tagiliran, dahilan para makiliti siya nang mahina at mapausog sa kabilang direksyon. Nakadama ako ng ginhawa nang matanggal sa pagkakaipit sa gilid.

“Behave ka, kundi do’n ako uupo sa labas. Sige ka.”

“Yes, boss. Sorry.”

Buong biyahe ay nanahimik siya. Gano’n siya katakot na mawalay ako sa kaniya kahit saglit.

Kinalaunan ay nakababa na rin kami sa kanto ng J.A.M.A.. Nadatnan namin si Bona na nag-a-acting workshop sa tabi ng kalsada. Sinasabunutan niya ang kaniyang sarili.

“Aray, aray. Tama na po, inay,” mangiyak-ngiyak niyang sambit.

Tumigil siya sa pagsabunot sa sarili at humarap sa kanan, tumapang ang mukha, animo’y naging ibang tao. “Dapat lang ’yan sa ’yo, Bona, kasi wala kang kuwenta! Wala kang utak!”

Humarap siya sa kaliwa at bigla ulit naiyak. “’Nay, mahal ka ni Bona.”

Harap sa kanan sa matapang na mukha. “Anong ’nay? Nahihibang ka na ba?”

Harap sa kaliwa nang naiiyak. “’Nay…”

Harap sa kanan. “Wala akong anak na abnormal! Bumalik ka ro’n sa kalsada kung saan ka nababagay! Dagdag palamunin ka lang dito sa bahay!”

Sinampal niya nang ubod lakas ang kaniyang sarili.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad ko siyang nilapitan. “Bona!”

Hindi lang yata siya nag-a-acting-acting-an dahil nang masumpungan ko ang kaniyang mukha ay kita kong mayroon siyang pasa sa mata.

Inaabuso ba siya sa kanilang tahanan?

“A-Aaron?” Mula sa paghikbi ay agad siyang napangiti nang makita ang mukha ko.

Nang maabutan ako ni Pio ay inakbayan niya ako sa balikat. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Bona dahil dito, kahit pa nga tumulo ang luha sa kaniyang mata. Nang tanggalin niya ang kaniyang kamay na nakahawak sa kaniyang pisngi ay napansin kong may pasa rin pala ito.

“O? Okay na boypren mo?” Pinunasan niya ang kaniyang mga mata at ilalim ng kaniyang ilong na may kaunting uhog, sabay singhot.

“Hindi,” sagot ni Pio sa ipit na boses. “Hindi pa okay si Pio. Kikikik .”

Hinampas ko si Pio sa tiyan kaya nanahimik siya.

“Oo, okay na,” sagot ko kay Bona habang may pagtataka pa ring nakatitig sa mukha niya. “Eh ikaw, okay ka lang ba? Anong nangyari sa mukha mo?”

Tumango-tango siya habang nakangiti pa rin. “Oo, okay lang si Bona. Kikikik .”

“Buti naman.” Sinikap ko siyang ngitian. “Kumain ka na?”

Napahawak siya sa tiyan at bumusangot. “Hindi pa eh. Hindi pa kumain si Bona.”

“Gano’n ba?” sabi ko. “Teka…”

Isinilid ko ang aking kamay sa bulsa ng pantalon ni Pio. Napangiti naman si Gago dahil akala niya ay ’yong ano niya ’yong hahawakan ko. Hindi. Kinuha ko lang ang leather wallet niya. Pagkatapos itong hugutin ay may pagtataka niya akong tiningnan, pero hindi niya ako pinigilan sa pagbutingting nito. Lumantad ang pack ng condom na nakasipit sa isang sisidlan at agad na napailing si Pio nang tingnan ko siya nang masama. Binalewala ko na muna ito at kumuha na ng isang daan at inabot ito kay Bona.

“O, ito na pambili mo ng pagkain,” alok ko. “Huwag ka nang mang-aagaw ng pagkain sa mga customers ah.”

Kung saan man dapat mapunta ang pera ni Pio, hindi ’yon sa mga tulad ko na may kakayahang magbanat ng buto, kundi sa mga tulad ni Bona.

Lumaylay ang panga ni Bona. “T-Talaga, Aaron?” Abot tenga na ang ngiti niya ngayon. “Wow!” Kinuha niya na ang pera mula sa kamay ko. “S-Salamat! Salamat!” May pagmamadali siyang tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan ang convenience store. “ Wooh !“ Iwinagayway niya ang papel na pera sa ere. “Mayaman na si Bona!”

Nakangiti lang ako habang nakasunod ang tingin kay Bona.

Nang kaming dalawa na lang ni Pio ang naiwan ay binitiwan ko na ang ngiti ko sa labi at ibinalik ang masamang tingin sa kaniya. “Hoy.”

Pa-inosente siyang tumingin pabalik sa ’kin. “Boss?”

“Ano ’to?” Itinaas ko ang wallet niya kung saan makikita ang nakalitaw na dulo ng pakete ng condom. “Bakit may gan’to ka?”

Tinakpan niya ang kaniyang bibig at mahinang tumikhim. “Um, matagal na ’yan, boss. No’ng ano pa ’yan… no’ng nagpapapunta pa ako ng babae sa apartment.”

Tumaas ang isang kilay ko. “Talaga?”

“Yes, boss. I swear.” Tinanggal niya ang takip sa kaniyang bibig at itinaas ang kamay sa lebel ng dibdib. “I would never lie to you.”

Batid ko sa mga mata niyang nagsasasabi siya ng totoo.

Magmula ngayon, dapat siguro ay pagkatiwalaan ko na siya maging sa mga maliliit na bagay. Tulad kanina.

Tiwala.

Tiwala ang magpapatatag sa relasyon naming dalawa. Mahal na mahal ako ni Pio, at mahal na mahal ko rin siya. Alam kong hinding-hindi niya ako ipagpapalit kahit na kanino.

“Okay.”

Isinara ko na ang wallet at initsa ito papunta sa kaniya, na agad niya namang nasalo. Matapos itong isilid sa bulsa ng kaniyang pants ay tumabi na siya sa ’kin at inakbayan ako sa balikat.

“Itapon ko na ba, boss?”

“Huwag na. Hindi mo naman na gagamitin ’yan, ’di ba?”

“Gusto mo gamitin natin mamaya?”

“Ha?”

“O gusto mo pa rin ng raw?”

“Baliw ka talaga. Alam mong pasukan pa nga. ’Pag may bagyo na ulit. Gusto mo bang hindi na naman ako makalakad?”

“Eh ’di bili tayo lube.”

“Huwag nang makulit. Tiis ka muna sa BJ.”

“Fine.”

Nang makapasok kami sa loob ng campus ay inalis ni Pio ang pagkakaakbay niya sa akin sa hindi malamang dahilan. May pagtataka ko siyang tiningnan at bahagyang tumaas ang magkabila kong kilay. Tiningnan niya rin ako at nagkonekta ang aming mga mata. Natigil kami sa paglalakad at nagharap sa bungad ng covered walkway.

“Pio, bakit?” tanong ko.

Pinutol niya ang kaniyang tingin sa ’kin at luminga-linga sa paligid—sa mga taong papasok pa lang sa loob ng campus, sa mga taong nakalampas na sa amin, sa mga taong kakadaan ngayon-ngayon lang. Nang muli niya akong tingnan ay nginitian niya ako—isang maingat na ngiti.

“Aaron,” sabi niya, “it’s time.”

Umawang ang bibig ko nang maramdamang naglakbay ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang pagyakapin niya ang aming mga daliri.

Inasahan ko nang darating ang araw na ’to. Nangako ako sa kaniya noon na hindi na kami magtatago. Bagaman ay may iilan nang nakakaalam ng tungkol sa ’min, hindi pa rin maalis sa ’kin ang pagkabagabag, lalo pa’t nang makita kong nagtinginan sa ’min ang mga tao sa paligid.

“Pio,” may kaba kong bigkas sa pangalan niya, hindi alam kung anong sasabihin, hindi alam kung anong gagawin.

Tumingin ako pababa sa magkahawak naming mga kamay. Pinakiramdaman ko ang pagwawala ng puso ko. Pinakinggan ko ang mga ingay sa paligid nang hindi tinitingnan ang mukha ng mga tao. Maraming nagbubulungan. Tungkol kay Pio. Tungkol sa ’kin. Tungkol sa ’min. At wala akong maintindihan.

“Don’t be scared, Aaron.” Hinigpitan pa ni Pio ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “It’s a love worth sharing to everyone.”

Sa huli niyang sinabi ay napatingala ako sa kaniyang mukha. May tapang sa ilalim ng mga mata niya, at nabahagian ako nito.

Tama nga siya, wala nga akong dapat ikatakot.

Tumango ako bilang senyales ng pagpayag. Pagkatapos ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kahit may kaba sa dibdib, hindi ko inalis ang kamay ko mula sa pagkakawahak niya. Sa halip, hinawakan ko rin ang kamay niya nang mahigpit. Ngayong handa na ako ay tumuloy kami sa paglalakad nang magkahawak-kamay

Mula covered walkway hanggang corridor ng Main Building A ay kami ang naging sentro ng atensyon. Sa amin ang lahat ng tingin. Sa amin patungkol ang lahat ng bulungan. Ang mga naglalakad na estudyante sa gitna ay napapatabi sa gilid, na para bang sa ’min lang dalawa ni Pio nakalaan ang daan.

Magkakaiba ang ipinapahiwatig ng bawat mukha ng mga tao. May ilang naguguluhan kung bakit kami magkahawak-kamay ni Pio. May ilang nandidiri nang mapagtanto kung bakit. May ilang naiinggit at gustong pumalit sa posisyon ko. Ngunit, sa kabila ng lahat ng mga negatibong reaksyon, mayroon din namang iilan na may bakas ng pagtanggap sa relasyon ng dalawang magkaparehong kasarian. At para sa ’kin, para sa ’min ni Pio, ito ang pinakamatimbang sa lahat.

Nang makarating kami sa puso ng Main Building A—sa gitnang corridor kung saan nagtatagpo ang mga tao mula sa iba’t ibang direksyon—sandali kaming nahinto. Maingat niyang binitiwan ang kamay ko. Nagkaharap kami sa isa’t isa. At para bang wala akong ibang nakikita kundi siya. Siya lang. Ang mga mata niya ay ako lang din ang nakikita. Ako lang. Nang hawakan niya ako sa pisngi ay nadama ko ang init at gaspang ng kaniyang palad. Walang anupama’y yumuko siya at pinaglapit ang aming mga mukha.

Napapikit ako at hinayaang magtagpo ang aming mga labi. Sa isang halik mula sa taong tinanggap ako nang buo sa kung sino ako, para bang nawala ang lahat ng tao sa paligid. Para bang nawala ang lahat ng ingay. Hindi ko na naisip pa ang iniisip ng iba. At nadama ko ang aking paglaya mula sa kulungang ako rin mismo ang may gawa.

Tuluyan kong natanggap ang aking sarili.

Chapter 52

December

Ilang buwan na ang nakalipas matapos yanigin ang campus ng isang nagbabagang balita: May dalawang kadete mula sa BSMT na naghalikan sa gitna ng Main Building A. Dalawang lalake , sa madaling sabi. Ang ngalan ay Aaron Alcantara, isang freshman, at Piolo McMiller, isang senior. Ito ang kauna-unahang nangyari ito sa campus magmula nang itayo ang J.A.M.A..

Parang apoy sa gubat, mabilis na kumalat ang balita hindi lamang sa Main Building A, B, C, at D, Senior High Building, Varsity Houses, department rooms, at faculty rooms, kundi maging sa labas ng campus at social media. Dumami ang nag-add sa ’kin sa Facebook at nag-send ng message requests sa Messenger.

Nakakatakot buksan ang mga messages, sa totoo lang. Ayaw akong tantanan ng mga fans ni Pio. Marami pa ring naiinggit sa ’kin dahil nakuha ko ang pinakaguwapong lalake sa campus. Ako sa dinami-rami ng tao. Ang ilan ay naghihinala na kaya lang daw ito nangyari dahil kamukha ko ang ex ni Pio—si Mona. Pero natahimik silang lahat nang isapubliko na ni Pio ang kaniyang Facebook account at nang lumantad ang posts niyang patungkol lang lahat sa ’kin.

Napagtanto siguro nila kung gaano ako kamahal ni Pio.

Kita naman nila, hanggang ngayon ay nanatiling matatag ang relasyon namin ni Pio—kasing tatag ng semento sa braso ni Pio na nagawa na ring lagariin matapos itong tuluyang maghilom. Akala namin ay aabutin pa ito ng Disyembre bago gumaling. Hanggang Setyembre lang pala. ’Yong umabot lang hanggang Disyembre ay ang relasyon naming dalawa. At balak naming paabutin ito hanggang sa dulo ng mundo.

Parang tubig sa dagat, hindi lang puro kalmado ang pinagdaanan namin kaya kami tumagal nang ganito. Ilang beses din kaming dumaan sa alon. Ang madalas naming napagtatalunan noon ay ang mga pagkakataong gabing-gabi na akong umuuwi dahil galing pa sa kasalan. Ngunit hindi naglaon ay nagawa niya na rin akong ihatid-sundo nang kaya niya nang mag-drive ulit ng motor. Kaya kumonti na lang ang mga alitan namin. Mas dumami ang lambingan.

Ika-15 ng Disyembre nang magsimula ang Christmas break. Deserve na deserve talaga naming magpahinga dahil grabe ang pinagdaanan naming hirap at pagod sa kamay ng mga professors. Akala ko nga ay 2.0 pababa ang makukuha kong grado mula kay Prof. Batumbakal sa first sem eh. Umepekto pala ang ginawa namin ni Jonas na pagtulong noon sa kaniya sa pagbubuhat ng projector dahil binigyan niya ako ng 1.5. Si Jonas: 1.75. ’Yong class president namin ang pinakamataas: 1.25. Mas matalino ’yon sa ’kin at matagal ko nang tanggap ’yon.

Dahil wala nang pasok, nangako ako kay Mama na uuwi ako sa probinsya bago sumapit ang pasko. Sa 20 ko pa balak bumiyahe. Maaga talaga dapat ako uuwi, kaya lang, bigla ring bumaba ng barko ang dad ni Pio kahapon lang—sa tinagal-tagal nito sa laot—at gusto akong ipakilala rito ni Pio sa personal.

Ngayong 17 ng umaga ay naghahanda kami bago pumunta sa kanilang bahay, at kanina pa ako hindi mapakali sa kung ano ang pinal kong isusuot.

“Baby, okay na ba ’to?” tanong ko nang ipakita ang suot kong navy blue na maong pants at black polo shirt kay Pio.

“Yes, boss baby,” sagot niya naman habang naglalagay ng pomada sa buhok at nakatalikod sa ’kin. Nakatayo siya malapit sa lababo.

“Eh ’di ka naman nakatingin,” reklamo ko.

Natigil siya sa pagtaas ng buhok gamit ang mga daliri at lumingon patalikod sa ’kin. Nang masumpungan niya ang kabuuan ko ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig.

Kumunot ang noo ko. “O, bakit? Panget ba? Mas okay ba ’yong kanina, ’yong brown?”

“Damn.” Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “I remember that dress.”

“Hm?” taka ko.

Marahan siyang naglakad palapit sa ’kin.

“That’s what you wore on the day you moved to this apartment building.”

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong tama nga siya. Ito nga ang suot ko noon.

“Oo nga, ’no?” Napangiti ako. “Naalala mo pa ’yon? Tagal na no’n ah.”

Huminto siya sa harap ko, may hawak pa ring ngiti sa labi. “Of course. Why would I forget?” sabi niya. “’Yon ’yong unang beses tayong nagkita sa pasilyo. Dumaan ka. Tapos, napatingin ka sa ’kin. Nagtama mga mata natin. Tapos, napatulala ako, kasi kakaiba ka.” Lumambing ang mga mata niya. “Na-love at first sight na pala ako sa ’yo no’n, Boss Aaron.”

Biglang nagbalik sa ’kin ang lahat dahil sa mga sinabi niya.

“Ikaw lang ba? Ako rin naman,” nangingiti kong sabi. “Nakita kita no’n, nakasandal ka sa balcony railing. Tapos, naninigarilyo ka. Napatingin ka sa direksyon ko. Tapos, napatingin din ako patalikod, kasi ’di ako naniniwala na sa ’kin ka nakatingin. Kasi naman, ang guwapo-guwapo mo. ’Tsaka, ang macho mo pa kasi wala kang suot na sando. Kaya lang, nainis ako kasi pinausok mo ’yong pasilyo. Tapos, sa unang gabi ko, nagpapunta ka kaagad ng babae sa kuwarto mo. Ang ingay n’yo, kaya grabe inis ko.” Natawa na lang ako nang mahina. “Na-love at first hate yata ako sa ’yo, Pio.”

Napahalikhik siya. “I still remember, lagi kitang inaabangang dumaan. Ilang beses din akong nagpakilala sa ’yo. Kaso, ang sungit mo.”

“Kasi, ang kulit mo,” buwelta ko. “At hinihika ako sa pausok mo.”

“Pero kahit masungit ka, boss, gusto pa rin kita.”

“Kahit loko-loko ka, crush din naman kita.”

“Hindi ko lang alam no’n.”

“Hindi ko lang maamin.”

“And now, I feel so lucky to be your boyfriend.”

“Mas masuwerte akong boyfriend kita.”

Hinawakan niya ang ngayon ay mahaba ko nang buhok. Mula sa pagkakataklob sa noo ay sinuklay niya ito pataas gamit ang mga daliri. Dahil may pomada pa sa kaniyang mga daliri ay naging matigas ang buhok ko at naging brushed up din tulad ng sa kaniya. Pagkatapos nito ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Kuminang ang mga mata niya nang mapatitig sa ’king mukha.

“There you go,” sambit niya. “Now, you look exactly like how I fell for you.”

Nag-init ang mga pisngi ko. “Talaga?”

“Yes,” sagot niya nang may kasiguraduhan. “And no matter what you wear, I will always fall in love with you.”

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napatingkayad at ninakawan siya ng halik sa labi. Ngayon ay siya naman ang namumula ang mga pisngi. Nang makabalik ako sa pagkakatindig ay kita kong napatulala siya, tulad ng kung paano ko siya unang nakita, tulad ng kung paano siya unang nahulog sa ’kin.

“Hi,” bati ko sa kaniya, kunwari ay nasa nakaraan kung kailan kami unang nagkita. Naalala ko kasing hindi ko man lang siya nagawang batiin noon. “Ako si Aaron, ang future boyfriend mo.”

“Hi,” bati niya rin pabalik sa ’kin habang nakangiti ang mga mata. Gano’n pa rin ang pagkakasabi niya nito tulad ng dati, tila may kagustuhang kilalanin ako. “I’m Pio, your future husband.”

At muli niya akong hinalikan.


Pagdating ng tanghali, nang makarating kami sa bahay nina Pio, ay muling nasubok ang pagpipigil ko sa kagustuhang gawin siyang sugar daddy. Kasi naman, ang laki! Ang laki ng bahay nila! Mas malaki pa sa bahay ng pamilya Ramirez! Kahit nasa labas pa nga lang kami, sa tapat ng nakasarang gate, ay lumaylay na agad ang panga ko. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay alam ko na agad na maganda roon.

“Sir Piolo!” hiyaw ng isang babaeng mga nasa kuwarenta na ang edad habang tumatakbo palapit sa gate. Nakasuot ito ng bilugang salamin sa mata at may pagkakulot ang maikling buhok.

“Ate Rose!” Si Pio habang nakahawak sa manibela ng motor at nakatukod ang isang paa sa sahig. “Long time no see po!”

Nang makarating sa likod ng gate ang tinawag niyang Ate Rose ay agad kami nitong pinagbuksan. Tumuloy na sa pag-abante ang motor na sinasakyan namin. Habang marahan itong umaandar ay sinundan kami ng babae. Napapatalon-talon ito sa tuwa nang makita si Pio.

Pagka-park ni Pio ng motor sa kanilang garahe ay napahinto si Ate Rose sa gilid namin. Hindi pa rin siya matigil sa pagngiti, at mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti nang makita niya ang kanang braso ni Pio. “Totoo nga ang sabi ni Ma’am Annie! Magaling ka na nga!”

“Ah, opo,” masiglang sagot ni Pio.

“Sa ospital pa kita huling nakita eh!” ani Ate Rose. “Nag-alala talaga ako sa ’yo no’n!”

Tumikhim si Pio. “Kaya nga po. Salamat nga po pala sa pagdala n’yo no’n sa mga damit ko.”

“Ay, ano ka ba, Sir! Wala sa ’kin ’yon! Trabaho ko ’yon eh! ’Tsaka parang anak na rin kita kung ituring!” Inayos ni Ate Rose ang kaniyang salaming tumabingi. Nang tila maging maayos ang kaniyang paningin ay saka niya lang yata ako napansin. Napatulala siya nang makita ako. “S-Siya po ba si…?”

Pinatay na ni Pio ang makina ng motor. Pagkatapos ay nilingon niya ako. “Opo. Si Aaron nga po pala, boyfriend ko po.”

Ngumiti ako at tumango habang nakayakap sa katawan ni Pio. “H-Hello po.”

Umawang ang labi ni Ate Rose. “O…”

Nang mapagtanto kong may suot pa rin nga pala akong helmet ay agad akong kumalas mula sa pagkakayakap kay Pio at bumaba na ng motor, at sumunod din si Pio sa pagbaba. Nang makababa kami pareho ay hinubad ko na ang suot kong helmet at binitbit ito sa isang kamay. Naghubad na rin ng helmet si Pio. Hindi niya na tinanggal pa ang susing nakapasak sa keyhole ng kaniyang motor. Nasa loob naman na kami ng bahay nila, at sigurado namang ligtas sa magnanakaw ng motor itong Greenville Executive Village. Sa mga bahay pa lang na nadaanan namin kanina, halatang mga mayayaman lang ang nakatira dito.

“Sir Piolo, bakit…?” sambit ni Ate Rose nang may bahid ng pagkagulat sa mukha.

Napatingin ako kay Pio nang may pagtataka kung bakit ganito ang naging reaksyon ng kasambahay nila, tila hindi masaya nang makita ako. Ngumiti naman si Pio sa hindi malamang dahilan. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman.

“Bakit ang cute ng boyfriend mo?” tuloy ni Ate Rose. Bahagya akong nagulat nang ibalik ang tingin sa kaniya. Ngayon ay kita kong abot tenga na ang kaniyang ngiti habang nakatitig sa ’kin at nakahawak ang magkayakap na mga kamay sa dibdib. “Bagay na bagay kayo ni Sir Piolo!”

Agad akong nahawa sa kaniyang ngiti. Ngayon ay tatlo na kaming nakangiti.

Hinawakan ni Pio ang kamay ko. “I know, right?”

“Uh…” Wala akong masabi. Isang malaking papuri ang matawag na cute , at lalo na ang masabihang bagay ako kay Pio. Napaipit na lang ako ng mga labi habang nangingiti. Para akong nakiliti sa tiyan.

Mas lalong kinilig si Ate Rose dahil sa ginawa ni Pio. “Naku, Sir! Magpakasal na kayo para dito na rin kayo tumira! Araw-araw ko kayong ipagluluto ng masarap na pagkain!”

Gagi, gusto ko ’yon.

“Kaya nga po eh.” Tumingin sa ’kin si Pio at nagtaas-baba ng kilay. “Pakasal na tayo, baby?”

Agad akong umiling habang nangingiti pa rin. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga tenga. Binasa ko ang aking labi at ginalaw ang magkahawak naming mga kamay bilang pahiwatig na medyo nakaramdam ako ng kaunting hiya. Pero gusto ko ang sinabi niya. Gustong-gusto.

“ Eeeeeeek! “ mahabang tili ni Ate Rose, animo’y naipit.

Magkapareho sila ng boses ni Bona, matinis na matinis. Bigla ko tuloy na-miss si Bona. Huling balita ko ay dinampot na raw ’yon ng DSWD. Kaya pala hindi ko na nakikita sa kanto ng J.A.M.A. mga bandang Nobyembre. Mas maigi na rin siguro, kaysa pagala-gala sa lansangan. Doon, mayroon itong matutuluyan at makakain, at walang makakapanakit sa kaniya… hindi kahit ang kaniyang ina.

“Uh, where’s Dad?” biglang singit ni Pio, tila excited.

Tumigil na sa pagtili si Ate Rose. “Ay, oo nga pala! Wait lang, Sir Piolo, tawagin ko lang ho sila!” Akmang naglakad palayo si Ate Rose, pero kinalaunan ay bumalik din naman agad nang may maalala. “Akin na nga ho pala ’yong helmets! Ilagay ko na ho sa kuwarto n’yo, Sir!”

Sabay naming ibinigay ni Pio ang helmets. Nang makuha ang mga ito ni Ate Rose ay muli siyang naglakad palayo nang may pagmamadali.

“Tara ho!” pahabol niyang sigaw bago tuluyang pumasok sa bukas na pintuan hindi kalayuan mula sa ’min.

Nang kaming dalawa na lang ni Pio ang natira ay nagkatinginan kami sa isa’t isa.

“Kinakabahan ako,” sabi ko sa kaniya.

Nanginginig ang isa kong kamay at tumatahip ang aking dibdib. Kilala na ako ng mga magulang ni Pio, lalo na si Tita Annie, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Ito ang unang beses na makikita ko ang dad niya sa personal. Ito ang unang beses na pormal niya akong ipapakilala sa mga magulang niya. Parang kailan lang, hanggang apartment lang kami, hanggang campus, tapos ngayon…

“Aaron…” Hinawakan ni Pio ang isa ko pang kamay, nginitian ako. “You’ll be fine.”

“Okay…” Huminga ako nang malalim at tumango-tango habang nakatingala sa mukha niya. Nang pakawalan ko ang aking malalim na hininga ay nagsuot na ako ng ngiti. “Okay na.”

Habang magkahawak-kamay, sabay kaming naglakad ni Pio papunta sa bukas na pintuan ng kanilang tahanan. Sakto naman, pagdating namin sa bungad nito ay sinalubong kami ng dalawang pamilyar na mukha—sina Tita Annie at Tito William, mga magulang ni Pio.

“Dad!”

“Son!”

Agad na niyakap ni Pio ang kaniyang ama nang makita ito. Halos magkasingtangkad lang sila.

“I miss you so much, Dad!”

“Miss you more, son!”

“I have a lot to tell you, Dad…”

“Do you?”

“Yes, Dad. I love you so much.”

“I love you more, son.”

Hindi maikakaila ang pangungulila ni Pio sa ama dahil sa higpit ng kanilang yakapan. Parang gusto niyang maiyak pero pinipigilan lang ang sarili. Si Tita Annie naman ay nakangiti lang sa tabi habang pinagmamasdan ang mag-ama niya.

Parte ng pagiging seaman ang malayo sa mga mahal mo sa buhay sa lupa. Parang ngayon pa lang, naiisip ko na ang magiging kinabukasan namin ni Pio. Ilang buwan ko siyang hindi makikita ’pag pumalaot siya. Panigurado ay iiyak talaga ako nang malala pagbaba niya at ’pag magkita kami ulit. Higit pa sa yakap ang gagawin ko sa kaniya.

Nang kumalas mula sa pagkakayakap ang mag-ama ay sunod namang tinangkang yakapin ni Tita Annie si Pio.

“Welcome back, my son.”

Pero hindi siya pinansin ni Pio. Sa halip, umatras si Pio at bumalik sa tabi ko, muling hinawakan ang aking kamay.

Kita ko ang pagkalungkot sa mga mata ni Tita Annie habang sinisikap na panghawakan ang ngiti sa labi. Ibinaba niya na ang kaniyang mga kamay at itinago sa likuran.

Tumikhim si Pio. “By the way, Dad, I’d like you to meet my boyfriend.”

Sabay na napatingin sa ’kin sina Tita Annie at Tito William. Ngayon ay ako naman ang sinalubong ng maiinit nilang mga ngiti.

“OMG, it’s Aaron!” May tuwang lumapit sa ’kin si Tita Annie. “How are you?”

“T-Tita.” Tumango ako habang nakangiti. “Okay lang po.”

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bumeso sa magkabila kong pisngi. Nadama ko ang kinis ng kaniyang mukha. Sunod niyang hinawakan ang isa kong bakanteng kamay at niyugyog ito sa pagka-excite. “Welcome home!”

Tumabi sa ’kin si Tita Annie. Nang mapagitnaan nila akong dalawa ni Pio ay naglakad naman si Tito William palapit sa ’min, huminto sa harap ko.

“So, this is the boy who stole my son’s heart?” tukoy sa ’kin ni Tito William. “I’m William, Piolo’s dad.”

Bago pa man kami pumunta rito ay matagal nang nakukuwento sa ’kin ni Pio ang tungkol sa dad niya kaya alam ko na ang pangalan nito.

“Good day, Tito William! H-How are you?” Napa-English ako bigla nang makakita ng isang foreigner. Ang pormal pa ng pagkakasabi ko dahil kinabahan ako sa accent niya. At para madagdagan ang hiya ko, nasabi ko pa, “I’m fine, thank you.”

Lumapad ang ngiti sa labi ni Tito William. Nang yakapin niya ako ay sandaling binitiwan nina Pio at Tita Annie ang mga kamay ko. Hinawakan ko rin siya sa likod, pero magaan lang. Sa kaniyang yakap, damang-dama ko ang pagtanggap niya sa ’kin, at agad akong naging komportable sa malaki nilang tahanan.

Nang matigil na si Tito William sa pagyakap sa ’kin ay muli niya akong nginitian.

“You can call me Dad ,” sabi niya. “Welcome to the family.”

Chapter 53

Home.

Kahit hindi ako sinabihang mag-feel at home, pakiramdam ko ay parang parte ako ng tahanan nila. Nang makapasok ako sa loob nito, nakaramdam ako ng pamilyaridad kahit ito ang unang beses na pumunta ako rito. Si Ate Rose. Si Tita Annie. Si Tito William. Hindi estranghero ang turing nilang sa ’kin.

Pamilya.

’Yong bahay nila, parang masyadong malaki sa pamilya ng apat. Apat, kasama si Ate Rose. Hindi tulad sa bahay ng pamilya Ramirez, hindi kasambahay ang turing sa kasambahay rito. Parang siya pa nga ang itinuturing na nanay ni Pio kaysa kay Tita Annie dahil mas marami pa silang napag-usapan kanina. Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi pinapansin ni Pio ang mom niya—o mom namin.

Gusto kong masanay na tawagin ang mga magulang ni Pio na Mom at Dad, pero habang nasa hapag-kainan kami at nanananghalian, nadudulas pa rin ang dila ko at natatawag silang Tita Annie at Tito William nang hindi sadya habang nag-uusap.

“You’re from Masbate, you say?” ulit ni Tito William na nakaupo sa tapat ko.

“Y-Yes po, Tito—” Nadulas na naman ako. “I mean, yes, Dad.”

Maalat ang adobo na luto ni Ate Rose. Pero mukhang sarap na sarap silang lahat, kaya nagkukunwari na lang din akong nasasarapan habang ngumunguya. Habang tumatagal ay hindi ko na napapansin ang lasa nito dahil napapasarap naman ako sa usapan namin.

“Where is Masbate located?” mahinang tanong ni Tito William kay Tita Annie na katabi niya lang din.

“Bicol, love,” may ngiting sagot ni Tita Annie.

Tumikhim si Pio na kaharap ni Tita Annie at katabi ko sa kaliwa sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay dahil ito sa salitang ‘love’.

“Ay, taga-Masbate ka rin, Sir Aaron?” singit ni Ate Rose na nakaupo sa kanan ko.

“O-Oho,” sagot ko sa kaniya.

“Ako rin po!” may tuwa niyang banggit. “Saan ka po sa Masbate?”

“Um, sa city po.” Ngumiti ako kay Ate Rose. “Kayo po?”

“Sa Ubongan Dacu po ako.” Sumubo siya ng pagkain na siya rin mismo ang may luto.

“Ah, gano’n po? Ang layo n’yo po pala.”

“Kaya nga po, Sir,” sambit niya habang may laman ang bibig. “Miss ko na ngang umuwi eh.”

“Well, you can take a leave,” ani Tita Annie nang nakangiti kay Ate Rose. “Be with your family this Christmas, Rose.”

Lumunok si Ate Rose. Nang wala nang laman ang kaniyang bibig ay sumagot siya. “Eh, Ma’am, sinong maiiwan dito ’pag pasko? Sino pong magluluto?”

“We can always order food.” Tumingin si Tita Annie kay Tito William at hinawakan ito sa balikat. “Besides, my lovely husband is now home.” Sunod siyang tumingin sa ’kin. “And Aaron.” Sabay tingin kay Pio. “And, of course, my son.”

Naubo si Pio habang may laman ang bibig pero hindi nagsalita. Saglit lang siyang sumulyap kay Tita Annie at umiling sa kaliwa.

Binasa ko ang aking labi. “Um, Tita— I mean, Mom… kasi po, balak ko po sanang umuwi sa Masbate bago magpasko,” paliwanag ko habang bahagyang nakababa ang tingin. “Gusto na rin po kasi akong makita ng mama ko.”

Nagkaroon ng kaunting lungkot sa mga mata ni Tita Annie. “Oh, is that so?” Pero sinikap niya pa ring ngumiti. “I-I understand, Aaron.”

Napatingin sa ’kin si Pio. “I’ll go with my boyfriend.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Ha?”

Kung sino man ang dapat makasama niya sa pasko, ’yon ay sina Tita Annie at Tito William. Bakit gusto niyang sumama sa ’kin? Akala ko ba, napag-usapan na namin ’to? Sandali kaming magkakalayo sa pasko pero babalik din ako dito sa Maynila bago mag-New Year.

“You’re not gonna celebrate Christmas with us, son?” usisa ni Tito William kay Pio.

Tiningnan ni Pio ang dad niya. Nagkaroon ng panghihinayang sa kaniyang mga mata. “Dad, I…” Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa babaeng nasa harap niya, tila nagbago ang kaniyang tingin, tila sumama. “I want to, but…”

Sabay-sabay kaming napatingin kay Pio nang may pagtataka, liban kay Tita Annie na mas lalong naging malungkot ang mga mata. Marahil ay umasa itong dito kami magpapasko. Masyadong malungkot ang pasko kung silang mag-asawa lang ang magce-celebrate nito sa ganito kalaking bahay.

“But?” Si Tito William nang bahagyang nakakunot ang maputing noo.

Muling tiningnan nang masama ni Pio ang kaniyang mom, pero saglit lang at hindi halata. Nang lumipat ang kaniyang mga mata sa ’kin ay saka lang umamo ang mga ito. Sinubukan kong basahin ang nilalaman ng mga ito, pero hindi ko mabasa. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.

Tumingin na siya kay Tito William at nagpilit ng ngiti. “Nothing…” aniya. “I’ll… I’ll celebrate Christmas with

you , Dad.“

Tumuloy na kaming lahat sa pagkain.

Nang tumagal ay nanumbalik ang saya sa hapag-kainan, salamat kay Ate Rose na maraming kuwento tungkol sa probinsya namin. Busog na busog talaga ako sa usapan. Marami namang naitanong si Tito William tungkol sa ’kin—tungkol sa ’min ng anak niya. Nasagot ko lahat. Nang pagkakataon ko na ay ako naman ang nagtanong sa kaniya ng mga bagay-nagay tungkol sa buhay niya sa barko bilang isang kapitan. Malugod naman siyang nagkuwento. Ang dami kong natutunan, kahit na sobrang bilis niyang magsalita sa Ingles at parang kinakain ang mga sinasabi niya. Siya, spokening dollar. Ako, spokening peso.

Samantala, hindi nag-imikan ang mag-ina buong magdamag.


Matapos mananghalian ay sinamahan kami ni Ate Rose papunta sa kuwarto ni Pio sa ikalawang palapag. Katabi ito ng isa pang kuwarto na sabi ni Ate Rose sa ’kin ay kuwarto raw nina Tita Annie. ’Yong kuwarto ni Ate Rose ay nando’n daw sa unang palapag.

“Nilinis ko na po ang kuwarto n’yo, Sir Piolo,” may ngiting wika ni Ate Rose nang buksan ang pinto.

Nagliwanag ang mga mata ni Pio nang makita ang loob ng malinis niyang kuwarto na matagal niya nang hindi nababalikan. “I can see.” Sabay ngiti kay Ate Rose. “Thank you, Ate Rose.”

“Walang anuman, Sir Piolo.” Mahinang tumango si Ate Rose at nginitian kami pareho. “Maiwan ko na nga po pala kayo. Maghuhugas pa po ako ng mga pinagkainan.”

“Ah, tulungan ko na po kayo,” alok ko.

Sa probinsya, nasanay akong naghuhugas ng pinggan ’pag nakikikain sa mga kamag-anak namin. At hindi naman sila tumatanggi, kaya iyak malala ’pag maraming hugasan.

“Ay, Sir Aaron, huwag na, ano ka ba.” Buti na lang tumanggi si Ate Rose. “Kayang-kaya ko na ’yon mag-isa.”

Isang pilit pa. Sana hindi pumayag.

“Ah, okay lang ho sa ’kin. Ako naman ho naghuhugas sa apartment namin ni Pio.”

Tiningnan ako ni Pio na nagpapalaki lang ng bayag ’pag nasa apartment kami. O sige, nakakatulong din naman siya minsan. ’Pag naghuhugas ako o nagluluto, siya ’yong panggulo. Yayakapin ako patalikod at hahalik-halikan sa leeg hanggang sa makiliti. Malaking ambag na ’yon para sa ’kin.

“Naku, Sir, huwag na talaga,” paninindigan ni Ate Rose.

Buti naman.

Natakot ako sa dami ng hugasan sa lamesa kanina bago kami umakyat dito.

“Mapapangasawa ka po ni Sir Piolo,” tuloy niya. “Prinsipe ka po rito.”

Uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya at wala akong masabi. Wala talaga.

Hinawakan ng isang kamay ni Pio ang beywang ko at idinikit ang aking katawan sa kaniya. “Sige na ho, Ate Rose. Baba na ho kayo. Ako na ho bahala sa prinsesa ko.”

Mas lalong uminit ang mga pisngi ko.

“ Ayieeeeh !“ Dahil sa sobrang kilig ay napalo ni Ate Rose si Pio sa dibdib, pero mahina lang. “Sir Piolo, ikaw ah.” Naging makulit ang mga mata niya. “Kakaayos ko lang ng kama. Kung guguluhin n’yo, wala namang problema sa ’kin.”

Mahinang humagikgik si Pio. “Kami na pong bahala, Ate Rose. Sige na po.”

“Okay po. Aalis na nga, Sir Piolo,” paalam ni Ate Rose. “Sir Aaron, ikaw na ang bahala sa prinsipe ah.”

Tumango na lang ako bilang tugon habang nakaipit ang mga labi. Pulang-pula na siguro ang mukha ko, hindi ko lang makita.

“Sir Piolo, nalabhan ko na nga rin pala ang damit n’yo no’ng—”

“I got it, Ate Rose. Salamat po.”

Naglakad na palayo si Ate Rose nang may bitbit na ngiti sa labi—isang malapad na ngiti. Pasilip-silip siya sa ’min ni Pio habang napapatakip sa bibig. Tumatakas pa rin ang tili niya sa pagitan ng kaniyang nga daliri at umalingawngaw ito sa pasilyo.

Nang kaming dalawa na lang ni Pio ang natira ay tiningnan niya ako nang malagkit. “Let’s go inside, princess.”

Nagsimula sa p’re , napunta sa boss , naging boss baby , tapos ngayon naman, princess . Ano sunod?

Bago pumasok sa loob ng kuwarto niya ay naghubad muna ako ng sapatos at iniwan ito sa labas. Ang kinis at ang kintab kasi ng sahig, nakakatakot dumihan. Nang makapasok na ay saka ko lang napagtanto kung gaano kaganda sa loob. Parang pinagsamang apartment niya at apartment ko ang laki ng kuwarto niya. Malamig dahil nakabukas na ang aircon at talaga nga namang mabango—musky ang amoy. Halatang matagal nang hindi napupugaran ng dating playboy dahil walang makikita ni kahit isang kalat.

Isang salita para i-describe ang kuwarto niya: aesthetic. Lalakeng-lalake ang datingan dahil black and white ang theme. Sa itaas na pader, bandang uluhan ng kama niya, ay mayroong poster ni Kobe Bryant. Kahit hindi ako mahilig sa basketball, kilala ko ito dahil sa balita ng pagkamatay nito noon sa helicopter crash. Ang daming sapatos ni Pio na naka-display sa tabi ng wardrobe. Gusto ko sanang manghingi, at alam kong ibibigay niya sa ’kin kahit anong gustuhin ko, pero masyadong malalaki ang mga ito para sa ’kin.

Ang ganda-ganda ng kuwarto niya. Bakit kaya siya nagtitiis sa maliit na apartment? Kung ganito kaganda ang kuwarto ko at marunong akong mag-motor, araw-araw talaga akong uuwi kahit medyo malayo ang bahay na ’to mula sa academy.

“Pio, ang ganda naman ng—” Paglingon ko sa kaniya ay nagulat ako nang makita siyang hinuhubad pataas ang itim niyang T-shirt. “Hoy, hoy, ano ’yan?”

Sandali siyang natigil sa ginagawa. Lumitaw ang abs sa kaniyang tiyan na hindi nakakasawang tingnan. “What?” sabi niya sa inosenteng boses.

“Kakatapos lang natin last week ah?” sabi ko nang bahagyang nakakunot ang noo. “Huwag dito, Pio. Baka marinig tayo. Nakakahiya.”

Nakakahiya. Kasi naman, ang lakas ko nang umungol ’pag may nagagalaw siya sa loob ko—bagay na nakuha niya na matapos ang ilang beses naming subok. Inamin niya rin sa ’kin na mali ang unang beses na ginawa namin iyon. At iyong unang beses na nasaktan ako nang malala, hindi na naulit ’yon. Naging mas maingat kami. Nasabi ko sa kaniya kung anong mga gusto ko, at nakinig naman siya nang mabuti. At habang patagal nang patagal ang relasyon namin, mas lalo kong nagugustuhan ang ginagawa namin.

Pero hindi pa rin puwede rito. Kadikit lang namin ang kuwarto ng mga magulang niya. Mukhang manipis lang pati ang pader.

Bahagyang tumaas ang magkabila niyang kilay. “I-I know,” sabi niya. “We’re not gonna do it here. I’m just getting changed.”

Guminhawa ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. “Ah, gano’n ba?”

“Yes.” Tumuloy na siya sa paghubad ng kaniyang pang-itaas na damit kaya lumitaw ang matikas niyang pangangatawan. “Baby, you know I’m always willing to wait until you’re ready to make love with me.”

Alam ko naman. Paminsan-minsan ay nalilimutan ko lang dahil noon ay palagi niya akong kinukulit.

“I’m in love with your soul,” dagdag pa niya, “not your body.”

Natunaw ang puso ko sa sinabi niya. “Mahal din kita sa kung sino ka, baby.”

Habang nagpapalit ng damit si Pio doon sa tapat ng kaniyang wardrobe ay naglakad ako papunta sa nakasarang bintana. Binuksan ko nang bahagya ang itim na kurtina at sandali akong nasilaw sa puting liwanag mula sa langit. Nang sumilip ako sa labas ay nakita ko ang mahaba at patag na kalsadang dinaanan namin ni Pio kanina, maging ang naglalakihang mga bahay sa paligid. Ang ganda talaga!

Tahimik pa noong simula habang ninanamnam ko ang magandang tanawin, nang biglang may marinig akong tunog na nanggaling mula sa ’king likuran.

Pagharap ko patalikod ay nakita ko si Pio na nakapagpalit na. Pero imbes na pambahay, suot niya ang parehong damit na suot niya noong talent portion sa Mr. and Ms. J.A.M.A.—kulay light blue na long sleeve shirt at itim na pantalon. May nakasabit na strap sa kaniyang balikat na nakakonekta sa bitbit niyang gitara—ang nag-iisa niyang gitara. Naiwan pala ito rito, kaya pala hindi ko na ito napapansin sa apartment niya. May laman sa ngiti niya habang ini-i-strum ang strings nito at naglalakad palapit sa kabilang gilid ng kama.

“Baby, ano ’to?” nangingiti kong tanong.

Sagot niya, “I’ve been wanting to serenade you for a long time now, but my arm got injured.”

Huminto siya nang makarating sa kabilang gilid ng kama. Ang malapad na kama lang ang pumapagitan sa ’ming dalawa.

“Thank you for giving me the chance to be with you . Now that I finally have you, everything still feels like a dream. No words can express how lucky I feel to have met you, but I hope this song will…”

Nanatili akong nakatayo patalikod sa bintana. Ang liwanag mula sa langit na lumulusot dito ang nagsilbing spotlight ko. Nang magseryoso ang mukha ni Pio ay nagseryoso na rin ako. Nagpakalunod ako sa malalim niyang titig. At nang magsimula na siyang kumanta ay nagpatangay ako sa malambing niyang tinig.

“I remember what you wore on the first day…

You came into my life and I thought, hey…

You know this could be something.“

Bawat linya ng kanta na lumalabas mula sa bibig niya ay dumideretso sa puso ko, mas lalong pinabibilis ang tibok nito.

“’Cause everything you do and words you say…

You know that it all takes my breath away.

And now, I’m left with nothing.“

Habang ako ay suot ang parehong damit kung kailan siya unang nahulog sa ’kin, siya naman ay suot ang parehong damit kung kailan ko napagtantong nahulog na pala ako sa kaniya. Para akong bumalik sa nakaraan, sa gabi roon sa covered gym, kung kailan niya ako unang inawitan. Ang pinagkaiba lang, hindi na ako maglalakad palayo ngayon.

“So maybe it’s true…

That I can’t live without you.

And maybe two is better than one.“

Posible palang mahulog sa isang tao nang paulit-ulit? Kasi ako, ito ang nararamdaman ko ngayon. Matagal na akong nahulog sa kaniya. Pero mas lalo akong nahulog sa kung sino siya ngayon.

“But there’s so much time…

To figure out the rest of my life.

And you’ve already got me coming undone.

And I’m thinking two is better than one….“

Muling gumuhit ang ngiti sa labi ko. Para akong lumulutang sa alapaap sa sobrang pagkahumaling. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagliparan ng mga paru-paro sa ’king tiyan. Wala akong ibang marinig kundi ang boses niya at ang himig ng gitara. Wala na akong ibang makita kundi siya lang. At ngayon ay sigurado na ako sa mga bagay-bagay…

Para sa ’kin lang ang kaniyang tingin.

Para sa ’kin lang ang liwanag.

Para sa ’kin lang ang kanta.

Para lang ako sa kaniya.

Para sa ’kin lang siya.

Chapter 54

Sa kauna-unahan, tinapos kong pakinggan ang kanta ni Pio—bagay na dapat ay ginawa ko noon. Pero hindi na mahalaga sa ’kin ang nakaraan. Ang mas mahalaga sa ’kin ay ang kasalukuyan… at ang bukas na naghihintay para sa ’min.

Nakayanan namin ang lahat ng pagsubok na dumating noon. Sigurado akong makakayanan din namin ang mga paparating pa lang. At sa ngayon, ang tanging naiisip ko na lang na magiging pagsubok sa pagitan naming dalawa ay ang paglalayo namin sa isa’t isa sa susunod na taon.

Kaya sinulit ko talaga ang bawat pagkakataon na magkasama kami nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko lang namalayan na mabilis palang nalagas ang bawat segundo, minuto, oras, araw. At ngayon ay nasa huling buwan na kami ng taon.

“Pio, bakit mo nga pala nasabi ’yon kanina?” tanong ko sa kaniya habang magkatabi kaming nakahiga sa malambot niyang kama. Sa lawak at haba nito ay nagagawa ko pang gumalaw-galaw nang walang pangamba na baka mahulog ako, hindi tulad sa kama namin doon sa apartment na lumalangitngit pa sa bawat galaw.

Mula sa pagkatulala sa puting ceiling ay lumipat ang tingin niya sa akin, habang ang ulo ko ay nakahiga patagilid sa kaniyang bisig. Mayroon namang malambot na unan. Mas komportable lang talaga akong humiga sa matigas niyang bisig.

“Hm?” Kumurap siya.

Hindi niya yata ako narinig.

“Sabi ko, bakit mo nga pala nasabi ’yon kanina? Na sasama ka sa ’kin papunta sa probinsya?”

Sandali siyang natahimik.

“Nagtataka lang ako. Kasi, ’di ba, matagal na nawala ang daddy mo,” paliwanag ko habang nakatitig sa mga mata niya. “Tapos ngayon… ’Di ba dapat sulitin mo na hangga’t nandito pa siya?”

Tulad ng ginagawa ko ngayon. Sinusulit ko na hangga’t magkasama pa kaming dalawa.

“I…” Lumunok siya at muling kumurap. “I just… I just thought…” Binasa niya ang kaniyang labi. “I just thought I’d miss you a lot when you’re gone,” sabi niya. “And when I’m gone.”

’Yong mga mata niya ay nagsasabi ng kalahating totoo at kalahating hindi.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. “’Yon ba talaga?”

Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan.

Tipid siyang ngumiti. “Yes, I would really miss you a lot.”

“Saglit lang naman akong mawawala eh.”

“I know, I know.” Hinawi niya pataas ang iilang piraso ng buhok na sumasayad sa ’king noo. “I just feel like time is running out for me—for us.”

Bahagyang lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko ay ako lang ang nakararamdam nito, siya rin pala. Sa kaniya ako madalas kumukuha ng lakas ng loob, pero ngayon ay nakita ko sa mga mata niyang mukhang siya naman ang nangangailangan nito. Kaya idinampi ko ang aking palad sa makinis niyang pisngi at sinabing…

“Marami pa namang oras.”

Kahit ako ay hindi naniniwala sa sinabi ko, dahil ang totoo niya’y bilang na lang ang mga araw na magkasama kami. Sa kabila ng lahat, huminga ako nang malalim at sinikap siyang ngitian.

“Ilang araw lang naman akong mawawala.” Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “Babalik din ako agad pagtapos ng pasko. Tapos, magkakasama na ulit tayo. Tatapusin natin ang taon nang magkasama.”

Idinampi niya rin ang palad niya sa ’king pisngi. “Pero ako naman ang matagal na mawawala pagtapos ng taon.”

Natigil ako sa paghaplos sa pisngi niya. Nang ibaba ko ang aking kamay papunta sa kaniyang dibdib ay nadama ko sa ’king palad ang tibok ng puso niya—mabilis at tila puno ng pangamba.

“Six months lang naman,” sabi ko.

Lang naman. Alam kong madali lang para sa ’kin na sabihin ito dahil hindi naman ako itong bibiyahe sa gitna ng karagatan sakay ng barko, walang ibang makakasalamuha kundi ang crew, at malalayo sa mga mahal sa buhay. Pero gusto kong maging positibo siya at isiping six months lang naman .

“Saglit lang ang 6 months,” sambit ko. “Sabi ng dad mo sa ’kin, mabilis lang naman daw lumipas ang araw sa barko, lalo na kapag mababait ’yong mga kasamahan sa crew. Hindi mo mamamalayan ang oras.”

“I’d feel it, Aaron,” tugon niya. “Without you by my side, I’d definitely feel the time.”

“Puwede naman tayong mag-video call araw-araw ah, para pakiramdam mo, kasama mo pa rin ako.”

“Walang signal sa laot.”

“Eh ’di magme-message pa rin ako sa ’yo araw-araw kahit na matagal kang hindi makakapag-reply. Kahit abutin ka ng ilang araw, o ilang linggo, o ilang buwan, hihintayin kita.”

Nagkaroon ng kaunting pag-asa sa mga mata niya. “Really?”

“Siyempre,” may kumpiyansa kong sabi.

Sandali siyang napangiti. Nang muling sumeryoso ang mukha ay may tinanong siya. “What if, by the time I was gone, someone steals your heart?”

Natigilan ako sa tanong niya. Nahawa ang puso ko sa bilis ng tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan.

“Ha?” ang tangi kong nasabi sa mahinang boses.

Ibinaba niya rin ang kaniyang kamay at ipinuwesto ito sa dibdib ko, dinama sa kaniyang palad ang tibok nito.

“What if Nas steals your heart?”

Mula sa mga mata ko ay bumaba ang kaniyang tingin papunta sa ’king mga labi, pinagmasdan ito nang maigi habang hinihintay ang kasagutan ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

“Si Jonas?” kunot-noo kong ulit sa sinabi niya.

Tumango siya. “Yes. That guy still likes you. I can see it in his eyes every time he looks at you.”

Kung meron mang isang bagay na hindi pa rin nagbabago kay Pio sa mga lumipas na buwan, ito ay ang pagiging seloso niya. Pakiramdam niya ay lagi akong mapupunta sa iba, kahit na paulit-ulit kong ipinapaalala sa kaniya ang isang bagay…

“Ano ka ba?” Tipid akong ngumiti. “H-Hindi mangyayari ’yon, ’no. Kilala ko si Jonas.”

Kilala talaga. Hindi magagawa ni Jonas na manira ng relasyon. Batid ko naman sa mga mata nito na may gusto pa rin ito sa ’kin tuwing nagkakatinginan kami sa classroom o sa trabaho (sa kasal), pero hanggang do’n na lang ’yon. Ni hindi pa rin nga nito nagagawang umamin sa ’kin sa tinagal-tagal.

“Alam mo kung sino-sino lang ang puwedeng umagaw sa puso ko mula sa ’yo, Pio?”

Nanlaki ang mga mata ni Pio sa sinabi ko at umawang ang bibig, animo’y nagkamali ng dinig. Pero hindi. Hindi siya nagkamali ng dinig, kaya nagkaroon ng takot sa mga mata niya. Hindi lang sino ang sinabi ko, kundi sino-sino . Marami. Dahil parang hindi niya ito matanggap ay agad ko itong dinugtungan.

“Si Romeo…” panimula ko. “At si Papa P…” Nagsimulang maguhitan ng ngiti ang labi niya. “’Tsaka si tall, daks, and handsome …” Mas lalo pang lumapad ang kaniyang ngiti. “Pati si Master Senpai.” Ngayon ay mamula-mula na ang kaniyang mga pisngi. “At si Number 7,” banggit ko sa numero ng jersey niya. “Sila lang ang puwedeng umagaw sa puso ko mula sa ’yo, Pio.”

Lahat ng binanggit ko ay siya lang. Siya lang at walang iba. Sa kaniya lang ang puso ko.

“Damn,” sabi niya nang may pagkagat sa ilalim na labi. “Kuhang-kuha mo talaga ang kiliti ko.”

Sandali akong napangiti. Nang muling sumeryoso ang mukha ay may tinanong din ako. “Eh ikaw, paano kung sa pagsakay mo, makahanap ka ng iba?”

Nasuspende ang ngiti niya. “Ha?”

“Paano kung—?” Hindi ko natapos ang tanong ko dahil mabilis siyang nakasagot.

“That will never happen,” seryoso niyang sabi.

“Maraming chicks sa port, lalo na sa Brazil,” banggit ko.

Kung ako, habol ang yumaman kaya gustong mag-seaman, ’yong ilan sa mga kaklase ko naman, ang habol ay makatikim ng iba’t ibang putahe. Laganap ang ganitong mindset sa mga maritime students.

“I don’t care,” may diin niyang sagot. “They’ll never be as pretty as you. Never.”

Sinunod-sunod ko na ang mga katanungan. “Paano kung malasing ka? Paano kung magbago bigla ang tingin mo at iba ang makita mo? Paano kung ako ang makita mo sa ibang tao?”

Tulad no’ng unang gabing naligaw siya sa apartment ko. Lasing siya no’n kaya nag-iba ang tingin niya sa ’kin.

“Then I’ll never drink alcohol. I’ll only get drunk when I’m with you. Besides, no one will look the same as you there. There is only one you in this world.” May katiyakan sa boses niya. “You’re the only one I’ll ever kiss. And you’re the only one I’ll ever make love with.”

Nanumbalik ang ngiti sa labi ko. “Alam ko,” sambit ko. “Matagal mo nang napatunayan.”

Habang hawak ang dibdib ng isa’t isa, dama ang pusong magkapareho ang kumpas sa mga palad, ay unti-unting naglalapit ang aming mga mukha. Isang bagay lang ang hinihihingi ng ganitong sitwasyon: isang mainit na halik. Ngunit bago pa man tuluyang maglapat ang aming mga labi, natigilan kami nang may marinig na mga ingay sa kabilang kuwarto.

“Love, stop it. The boys are just next door. What if they hear us?” Si Tita Annie na tila nakikiliti habang hinahalik-halikan kung saan mang parte ng katawan.

“I’m sorry, love. I just can’t resist it. I’ve missed you a lot. I’ve missed this a lot.” Si Tito William sa nanghihinang boses.

“Love!” Mas lalong nakiliti si Tita Annie at tila nagpaubaya na nga.

Nakarinig kami ng pagsara ng pinto at iba pang ingay na likha ng dalawang taong sabik na sabik sa isa’t isa. Naiintindihan ko naman kung bakit. Matagal silang hindi nagkita.

Nakumpirma ko ring tama nga ako, manipis lang ang pader na pumapagitan sa dalawang kuwarto. Dinig na dinig ba naman ang lahat ng ingay eh. Parang mga apartment namin lang namin ni Pio.

Walang boses akong natawa bilang reaksyon. Normal lang naman ’to sa mag-asawa, ’di ba? Pero agad kong pinigilan ang aking sarili nang makita ang mukha ni Pio na biglang nabalot ng poot.

“Pio, bakit?”

Hindi siya nagsalita. Ang mga mata niya na mismo ang sumagot. Tila galit na galit siya. Kay Tita Annie ba? Malamang. Sa kaniya lang naman siya galit. Bakit?

“Pio?”

Kahit nakaharap siya sa ’kin ay tila tumatagos ang kaniyang tingin. Parang hindi niya ako nakikita. Parang iba ang nilalaman ng mga mata niya. Parang mayroon siyang naalala.

“Pio.”

Namuo ang luha sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit. Gustong-gusto kong malaman. Malabo naman sigurong dahil lang ito sa nangyayari sa kabilang kuwarto, ’di ba? Malaki na si Pio. ’Yong ginagawa ng mga magulang niya ay ginagawa rin naman namin. Ano ba ang pinag-uugatan ng galit niya?

“Aaron, let’s get out of this room.”

Nang maramdaman ko ang paggalaw ng bisig niya ay umahon na ako sa kama. May pagmamadali siyang naglakad palabas sa kuwarto niya at sinundan ko naman ang bilis niya. Nang makalabas na kami pareho ay padabog niyang isinara ang pinto nito. Bitbit ang mga sapatos ko ay sabay kaming bumaba sa unang palapag at iniwan ang mag-asawa sa kabilang kuwarto na may ginagawang milagro.

Sa kusina ako sunod na tumambay, pinagmasdan si Ate Rose na naghuhugas ng mga pinagkainan. Kahit anong alok kong tulungan siya ay hindi talaga siya pumapayag. Si Pio naman ay nagkulong sa loob ng banyo. Sabi niya kanina, tinatawag lang daw siya ng kalikasan. Pero nang makalabas na siya matapos ang humigit-kumulang isang oras, pansin kong namumugto ang mga mata niya kahit na naghilamos siya ng mukha.

Sigurado ako, umiyak siya.

Ang hindi lang ako sigurado ay kung bakit.


Sa mga sumunod na oras, nagawang itago ni Pio ang tunay niyang nararamdaman. Hanggang sa sumapit ang dinner. Hindi tulad kanina, nagpalit kami ng upuan. Siya sa tapat ni Tito William, ako naman sa tapat ni Tita Annie. Parang wala lang nangyari kanina at parang wala kaming narinig sa kabilang kuwarto. Normal pa rin ang lahat.

Hindi ko pa man natitikman ang Bicol Express na luto ni Ate Rose, sigurado na agad ako na maalat ito sa unang tingin pa lang. Habang nagse-serve si Ate Rose sa lamesa ng iba pang mga pagkain—salad, mga prutas, pineapple juice, at iba pa—ay napansin ni Tito William ang suot ni Pio.

“Son, isn’t that what you wore at the pageant?”

Ngumiti si Pio. “Yes, Dad.”

Tumingin sa ’kin si Tito William at may pagkatuwang nagkuwento sa mabilis na pananalita. “Aaron, did you know how excited he was that day? My son was, like, ‘Hey, Dad. There is this boy that I like who I think likes me back, and I’m going to serenade him in front of everyone. Do you think he will like it?’”

Napangiti ako. “O-Oh, he told you?” ito lang ang tangi kong nasabi.

“Yes,” sagot ni Tito William. “And of course, I answered, ‘Son, I’m sure he would like it. And I’m sure he likes you back.’ But then—”

“Oh, Dad, you’re embarrassing me,” ani Pio habang nangingiti at nakatakip ang kamay sa namumulang mukha. Sandali siyang sumulyap sa ’kin at yumuko sa hiya.

Tipid na natawa si Tito William. “But then,” tuloy niya, “later that night, he called me again. He cried, ‘Dad… He doesn’t… He doesn’t like me back. What should I… What should I do?’” kunwari ay ginaya niya si Pio na umiiyak habang sinasabi ito.

“Oh, God.” Mas lalong namula ang mukha ni Pio at napakagat sa labi nang muling sumulyap sa ’kin.

Ako naman ay hindi alam kung anong magiging reaksyon. Iyon ang pinakamalungkot na gabi hindi lamang para kay Pio, kundi para din sa akin. Nagpilit na lang ako ng tawa.

Tuloy ni Tito William sa mapanlarong mukha, “I was like, ‘Why? What happened, son?’ Then my son told me that his special someone walked away that night.”

Mahinang natawa sina Ate Rose at Tita Annie, habang ako naman ay nilamon na rin ng hiya tulad ni Pio. Napaipit ako ng labi at pinakiramdam ang pag-init ng aking mga pisngi.

“I remember that night,” masiglang singit ni Tita Annie. “I was there for our son. He was the most handsome contestant, love, and the most talented, too. He should’ve won the title and—”

“I did not invite you there, Mom.”

Nang tanggalin ni Pio ang kamay niyang nakatakip sa kaniyang mukha ay kita kong biglang nagbago ang emosyon niya—o mas akma sigurong sabihin na nawalan siya ng emosyon.

Unti-unting nabitiwan ng bawat isa ang hawak na ngiti sa labi. Si Ate Rose ay sandaling natigil sa paghain ng pagkain sa plato ni Tito William. Si Tito William ay bahagyang tumaas ang kilay. Si Tita Annie naman ay umawang ang bibig.

“I did not invite you there,” may diing ulit ni Pio habang nakababa ang tingin. Nagsimulang magtaas-baba ang kaniyang dibdib.

“Son? What do you mean?” ani Tito William nang may halong pagtataka.

“P-Piolo?” ani Tita Annie sa inosenteng boses.

Bumigat ang paghinga ni Pio, dinig ko dahil katabi ko lang siya. Hindi niya maiangat ang kaniyang mukha. Hindi siya makasagot.

“Son, are you okay?”

“Piolo, w-what’s wrong?”

Nang maiangat na ni Pio kaniyang mukha ay makikitang mas lalo itong namula. Lumaki ang butas ng mga ilong niya nang ituon ang mabalasik na mga mata kay Tita Annie.

“You’re asking me what’s wrong, Mom? Really?”

Biglang bumigat ang daloy ng hangin sa hapag-kainan.

“Son—” Si Tito William.

“Yes.” Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Tita Annie, ang boses ay bahagyang namalat. “I’m asking you what’s wrong.”

“Mom, I can’t believe you.”

“Pio—” sabi ko.

“Piolo, what did I ever do wrong?” Biglang napahikbi si Tita Annie, ang boses ay mangiyak-ngiyak. “Why are you so upset with me?”

“Love—”

“You don’t really know, Mom?”

“Pio—”

“Know what, Piolo?”

Tila walang kayang pumagitna sa nag-uumapaw na damdamin ng mag-ina.

“What you did, Mom.”

“What I did? How would I know? You never tell me anything. You never tell me what I did wrong.”

“Mom, everything! Everything is so wrong! You, pretending to be a good mother! You, pretending to be a good wife!”

Unti-unting napupuno ng luha ang mga mata ni Tita Annie. “Piolo, I-I don’t understand…”

Sa pagtayo ni Pio ay lumangitngit ang upuan, at mas lalong nabalot ng tensyon ang hapag-kainan.

“Mom, I was only six years old!”

Tila huminto ang oras. Walang makagalaw. Walang makahinga. At walang ibang maririnig kundi ang alingawngaw ng malakas na hagulgol ni Pio na nanunuot sa bawat sulok ng malaki nilang tahanan.

“I was only six years old when you started cheating on Dad!”

Chapter 55

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang marinig ang mga binitiwang salita ni Pio. Naparalisa ako, bahagyang napanganga, at ang mga mata ay hindi maikurap.

Sa paglipat ko ng tingin kay Tita Annie ay nasumpungan ko siyang mas gulat pa sa akin. Napatakip siya sa bibig gamit ang dalawang kamay. At sa lalong paglaki ng mga mata niya ay kusang tumulo ang kaniyang luha.

Nang mabitiwan ni Ate Rose ang sandok sa pinggan ni Tito William, at tumama ito sa kutsara at kumalansing, ay tila bumalik ang oras sa normal nitong takbo.

“U-Uh—” Napatayo si Tita Annie. “Piolo, I— uh— I didn’t—” Tila nalulunod siya sa sariling laway at nauubusan ng hininga. “I didn’t know how—” Nang tanggalin niya na ang mga kamay sa bibig ay mas lalong luminaw ang pagkautal niya. “H-How did you—?”

“Mom! I know everything!” Tuloy-tuloy sa pagbuhos ang emosyon ni Pio—pinaghalong galit at pighati. Sa bawat pagtaas ng boses niya ay napapakisap ang mga mata at nanginginig ang mga labi ni Tita Annie. “I may be a child, but I know everything!”

Suminghap si Tita Annie. “Piolo, I—”

“How could you do that to Dad?” tuloy ni Pio. “And how could you do that to me?”

Naramdaman ko na rin ang pagbabadya ng luha sa mga mata ko.

“While Dad was working overseas, you started doing it with other men inside your room! Your room! Next to my room! And I was only six!

“I could hear everything! Everything, Mom! And each time, it kept me awake at night! Until one time, you left the door open, and I… I… I saw everything, Mom!”

Mas lalong lumakas ang paghagulgol ni Pio.

“Oh, no…” Muling napatakip sa bibig si Tita Annie. “No…”

Kita kong naluluha na rin ang mga mata at namumula ang mukha ni Tito William, pero hindi siya makapagsalita tulad ko. Gano’n din si Ate Rose. Napipi kaming tatlo.

“You messed me up, Mom! You messed me up so bad!” Kinabog ni Pio ang naninikip niyang dibdib. “Everything became stuck in my head! The noises… and the… and the picture of you doing it with another man. The idea of you doing it in the same room where you sleep with Dad. They messed up my head!”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Sumisikip na rin ang dibdib ko para kay Pio. Kung puwede ko lang saluin ang sakit na nararamdaman niya, gagawin ko.

“All this time, I was wondering how I ended up being the way that I am—always thinking about bad, nasty things… always craving that feeling . I didn’t even know how to make love. All I ever knew was sex, and sex, and sex. And no matter what, I still felt empty inside.

“I hated myself for it, but I couldn’t stop. No matter how hard I tried, I couldn’t stop. I didn’t even realize how it affected the people around me. My neighbors at the apartment building kept on complaining about the noise, but I didn’t care. I just laughed it off. And my… my first ever attempt to get into a serious relationship failed miserably. It got destroyed over and over again.

“But then, Aaron came. And everything changed when one night, he shoved it all down my throat. The hard truth. Everything I did was wrong. Everything. To him. To Mona. To every girl whose feelings I played with. Because I was too blind to see the truth back then…

“I hated you, Mom! I hated you so much! But I hated myself more for failing to realize that I became what I hated the most!”

“Piolo, I-I am sorry…” Napahawak si Tita Annie sa dibdib habang ang mga mata ay wala nang mapaglagyan pa ng luha. “I am so, so sorry…”

“How could you ask for my forgiveness? Mom, you destroyed my life! And all this time, I’ve been keeping it to myself because I…” Tumingin si Pio kay Tito William. “I love Dad. I love Dad so much I didn’t want to hurt him. I didn’t want the truth to destroy him, too, like it did to me.”

Natuon ang atensyon ng lahat kay Tito William nang tumayo ito at napatingin sa anak nang may naluluhang mga mata. “Son…”

Tumabi sa gilid si Ate Rose habang nakayuko at napapaiyak nang walang boses.

“Dad, I’m sorry,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Pio. “I know how much you love this family. I know how much you cared for me… for mom.” Lumunok si Pio. “But this is the truth. And I think it’s only fair that you know about the truth, because of all people, it’s you who deserves endless apologies from Mom.”

Ibinaba ni Tito William ang kaniyang tingin. “Son, I—”

“And I hope you don’t forgive her,” dagdag pa ni Pio. “I sure hope you don’t.”

“Son, I’m sorry.” Tumulo ang luha ni Tito William nang mapayuko.

Sandaling natigil sa pag-iyak si Pio, umawang ang bibig. “Dad?”

“I’m sorry,” muling sabi ni Tito William sa mahinang boses.

“D-Dad, why are you apologizing?” Palipat-lipat ng tingin si Pio sa kaniyang mom at dad habang ang mukha ay hindi maipinta. “If there’s anyone who should be sorry, it is—”

Katahimikan. Sandaling katahimikan. Hanggang sa mabunyag ang isa pang katotohanan…

“Oh, God…” Tila gumuho ang mundo ni Pio. Mas lalong bumigat ang putol-putol niyang paghinga. “God… uh…” Suminghap siya nang suminghap. “Y-You knew?” Nanlaki ang mga mata niya. “Dad, you knew?”

Katahimikan ang naisagot ni Tito William nang iangat ang mukha at mapatingin sa anak. Isa lang ang sinasabi ng mga mata niya.

“Piolo, i-it was an honest mistake,” ani Tita Annie na mas lalong lumalim ang pag-iyak. “It was all my fault. And your dad—”

“Dad!” Poot na poot na si Pio. “You knew!”

“Son, I can explain—”

“Piolo, it was all my mistake,” ani Tita Annie. “Blame it all on me.”

“Oh, God…!” Mas lalong tumindi ang paghagulgol ni Pio. “Oh… Dad… you’re… you’re the only one I look up to… You’re the only reason I came here…” Wala nang mapaglagyan pa ang sakit sa dibdib niya. Ito na ang pinakamalakas na narinig ko siyang humagulgol. “Dad, how could you…? Why…?”

“I’m sorry… Son, I’m sorry… Please, let me explain…” Si Tito William.

“No, love… It should be me… Piolo, I am sorry… It was all my fault… Your dad didn’t know anything about you knowing about it…” Si Tita Annie.

“No way…” Parang matutumba si Pio mula sa kinatatayuan niya. “My whole life was a lie…”

Nagkahalo-halo ang magkakaibang iyak sa hapag-kainan at sumasama na rin dito ang akin.

“Son…”

“Piolo…”

Akma sanang maglalakad sina Tita Annie at Tito William papunta kay Pio pero…

“Stay where you are!” galit na galit na sigaw ni Pio. “Don’t go near me!”

Natigilan ang mag-asawa.

“Hold my hand.” May panginginig-kamay na inilahad ni Pio ang palad niya sa ’kin. Nanginginig din ang kamay ko nang iabot ko ito sa kaniya. “Aaron, stay by my side.”

Agad akong napatayo kahit nanginginig ang mga binti. Tumabi ako kay Pio, tulad ng gusto niya, at hindi alam kung saan titingin.

“Piolo, please, we can talk about this…”

“Talk about what?” saad ni Pio sa namamalat na boses. Sa kasisigaw niya ay naubusan na yata siya ng lakas. “There’s nothing we should talk about.”

“Son, please…”

“Dad, please, stop making me hate you, too.” Pinunasan ni Pio ang kaniyang luhaang mata gamit ang isa pang kamay at kinontrol ang pag-iyak. “I’ve had enough of this family. Maybe I never had a real family to begin with. Dad, all you did was leave all the time. And Mom, all you think about is your own happiness. I’ve always felt alone in this big, empty house. This isn’t home.”

Natahimik ang mag-asawa, at ang tanging maririnig ay ang mga paghikbi nila.

“Aaron, let’s get out of this house.”

Habang naluluha ay sinundan ko si Pio na naglakad paalis sa hapag-kainan. Paglingon ko patalikod ay kita kong sinundan din kami ng mag-asawa, maging ni Ate Rose.

“Piolo, no! Please come back! We can fix this!”

“Son, please don’t go!”

“Sir Piolo!”

Nang maabutan kami ni Tita Annie ay hinarangan niya kami ni Pio at nagmakaawa. “Piolo, please…” Hinawakan niya ang isa pang kamay ni Pio. “Please stay… I can explain… I stopped doing it a long time ago, I promise… “

Tumulo ang luha ni Pio habang nakayuko. Gayunpaman ay sinikap niyang tapangan ang kaniyang mukha. “No. I’m not gonna stay. And I’m never gonna come back here.” Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Tita Annie sa kaniyang kamay. “Never.”

Matapos banggain si Tita Annie ay tumuloy na sa paglalakad si Pio, at wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya, at humikbi, at sumunod, at humikbi. Hanggang sa makalabas na kami ng pinto.

“Son!” tawag ni Tito William sa kaniya, pero hindi siya lumingon pabalik.

“Sir Piolo…” ani Ate Rose nang maabutan kami. “Saan po kayo pupunta?”

“Ate Rose, please open the gate for me,” utos ni Pio habang diretso lang ang tingin papunta sa direksyon ng garahe.

“Sir, kunin ko lang ho ang helmets sa—”

“Open the gate,” may diing ulit ni Pio, “please.”

“O-Opo, Sir.” Naglakad na si Ate Rose papunta sa nakasarang gate habang panay ang paghikbi.

Nang makarating kami ni Pio sa garahe kung saan nakaparada ang kaniyang motor ay may pagmamadali siyang sumampa rito. “Aaron, come on.”

“Pio…” Humikbi ako. “Wala tayong hel—”

“Aaron, I’m begging you.” Humikbi siya. “You’re the only one that I have.”

Wala akong ibang nagawa kundi ang umangkas sa motor kahit walang kasiguraduhan sa kung anong maaaring mangyayari sa ’min.

Nang sinimulang paandarin ni Pio ang motor ay napasigaw si Tita Annie. “Rose, please don’t open the gate!”

Napatingin si Ate Rose kay Tita Annie na nakahabol na ngayon sa amin. “Ma’am…”

“Ate Rose, please open the gate,” utos ni Pio.

“Sir…” Napalunok si Ate Rose habang luhaan ang mga mata. Tila naguguluhan na siya kung sino ang susundin.

“Son, don’t do this!” ani Tito William na nasa likod lang ng asawa.

Hinawakan ni Tita Annie si Pio sa braso. “Piolo, please don’t go.” Sunod siyang tumingin sa ’kin sa mga matang nagmamakaawa. “Aaron, please do something…”

Umiling ako at mas lalong napahikbi.

Wala akong magawa.

Ano bang dapat kong gawin?

Nahihirapan ako.

“Ate Rose, please!” pagmamakaawa ni Pio. “Let us through!”

Mas lalong naiyak si Ate Rose. Nang mapatingin siya kay Tita Annie ay sinabi niya, “Ma’am…”

“No! Rose, no!” Napabitiw si Tita Annie sa braso ni Pio at akmang lumapit kay Ate Rose. “My son cannot drive in this state!”

“Please!” pagpupumilit ni Pio kay Ate Rose.

“Ma’am, sorry…” Sa huli ay binuksan ni Ate Rose ang gate.

Nang magkaroon ng sapat na espasyo sa bukas na gate ay may pagmamadaling nag-drive si Pio palabas ng kanilang bahay.

“Piolo!” pahabol na iyak ni Tita Annie. “Aaron!”

Habang palayo kami nang palayo ni Pio ay sumulyap ako pabalik sa kanilang tahanan. Doon sa may gate ay makikitang napaluhod si Tita Annie sa sahig habang naghihinagpis at nakasunod ang tingin sa amin. Sinusubukan siyang itayo ng asawa, ngunit kahit ito ay tila lunod na sa sariling luha at nanghihina, kaya hindi siya maiahon. Si Ate Rose ay hindi pa rin matigil sa pag-iyak habang nakahawak sa bakal na gate na ginawang sandalan sa ganitong sitwasyon.

Ang pamilya ng apat ay naging pamilya ng tatlo.


Ito ang unang beses na nagmamaneho si Pio nang sobrang bilis. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa patag ang kalsada sa village nila kaya ganito. Pero sigurado akong hindi. Malaki ang pinagkaiba ng bilis namin kanina nang pumunta kami rito kaysa sa bilis namin ngayong paalis na kami.

Wala siya sa sarili.

“Pio…” makailang tawag ko na sa kaniya.

Hindi niya ako naririnig.

Bagaman ay gabi, maliwanag naman ang paligid dahil maraming street lights sa gilid ng mga bahay. Ngunit nagsimulang magbago ang lahat nang makalampas na kami sa dulo ng kalye kung saan nakatayo ang huling bahay. Pagkatapos nito ay isang mahaba at malawak na daan na ang tinatahak namin kung saan walang ibang makikitang bahay sa paligid kundi mga bakanteng lote at talahiban. Mas lalong naging mahirap ang makakita dahil kumonti ang mga street lights. Ito yata ang bahagi ng village na hindi pa nade-develop.

“Pio…”

Mas lalo akong kinabahan.

“Pio, tama na…”

Mas lalo akong natakot sa kung anong maaaring mangyari sa ’min nang bilisan niya pa ang pagpapatakbo sa motor. Paulit-ulit ko siyang tinatawag pero hindi niya ako naririnig. Hindi pa nakatulong ang nakabibinging ingay ng pagharurot ng motor at ang pagragasa ng hanging sumasalubong sa ’min na tinatangay ang boses ko kaya hindi niya ako marinig.

O marahil ay ayaw niyang makinig.

“Pio, baka maaksidente tayo…”

Wala talaga.

Lunod na yata siya sa sariling pag-iisip. Ngayon lang siya nagkaganito. Siya itong paulit-ulit na nagpapaalala sa ’kin na balikan ang helmets kapag naiwan sa apartment. Na bagalan niya ang pagda-drive kahit ilang beses na kaming muntik ma-late sa school. Na maging maingat kami. Pero ngayon…

Hindi ko naman siya masisisi.

Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko siguro kakayanin ang lahat. Hindi ko nga lubos maisip kung paano niya nakayang kimkimin ang lahat para lang hindi masaktan ang dad niya. Tapos ngayon ay nalaman niyang matagal na rin pala itong alam ng dad niya.

Mas lalo ko siyang naintindihan.

Ngayon ay naging malinaw na ang lahat. Kung bakit lagi siyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto noon. Kung bakit hindi kasama ang mom niya sa picture frame. Kung bakit hindi siya umuuwi sa kanilang bahay. Kung bakit siya ay siya .

“Pio, sorry…”

Nagmistulang palamuti sa gabi ang iilang mga ilaw. Mas nananaig pa rin ang dilim. May iilang mga nagdaraang sasakyan, pero agad din naming nalampasan. Pasaan ba kami? Parang walang hangganan ang daan. At parang wala ring hangganan ang galit at lungkot na nararamdaman ni Pio.

Paano niya ba ako maririnig?

Dahil tila wala nang pag-asa pa para maabot ko kung nasaan man siya, sinubukan kong abutin ang puso niya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang likod. At sa isang iglap, bumuhos ang damdamin ko na kanina ko pa pinipigilang umapaw.

Napahagulgol ako.

Hindi ko na nagawang tawagin pa ang pangalan niya. Hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak. Nang umiyak. Nang umiyak. Umiiyak ako para sa kaniya. Dahil hindi dapat sa kaniya nangyari ’to. Dahil hindi dapat nangyari ’to.

Narinig niya ako.

Sa hindi inaasahan, narinig niya ako. At kahit nakapikit ang mga mata ko, naramdaman ko ang lahat. Ang paghina ng tunog ng makina ng motor. Ang unti-unting pagkalma ng malamig na hanging sumasalubong sa ’min. Ang alingawngaw ng paghagulgol ko, higit sa lahat.

At tumigil ang mundo.

Naramdaman ko ang pagtigil ng mundo. Alam kong hininto niya na ang motor. Hindi ko na kailangang imulat pa ang mga mata ko para malaman. Nanatili siya. Nanatili ang katawan niyang yakap-yakap ko. At pinakinggan niya ako. Pinakinggan niya ang pagsusumamo ko.

“Aaron, I’m sorry…”

Ngayon ay siya naman ang napahagulgol. Damang-dama ko ang kirot sa boses niya. Ang lahat ng sakit at hapdi na hindi niya mailabas noon sa ’kin, nailabas niya na ngayon. Nanatili ako. Nanatili ako sa pagyakap sa katawan niya. At pinakinggan ko siya. Pinakinggan ko ang pagsusumamo niya.

“I’m sorry.”

Nakalabas kami ng village nang kalmado lang ang pagmamaneho niya. Ngunit nang makaabot na kami sa main road ay hindi na siya tumuloy pa sa pagmamaneho. Batid niyang wala pa rin siya sa sarili. At kanina pa siya hingi nang hingi ng tawad sa ’kin. Paulit-ulit ko naman siyang pinapatawad.

Tumawag siya sa isa sa mga ka-team niya sa basketball para kunin ang motor at ihatid ito sa apartment building. Nang makarating ang ka-team niya na may bitbit na sariling helmet ay ibinigay niya na ang spare key rito. Nang makaalis na ito ay naiwan kaming dalawa sa gilid ng kalsada, binabalewala ang ingay ng lansangan habang magkaharap sa isa’t isa, ang mga matang namumugto ay magkakonekta, habang magkahawak ang kamay.

“Aaron…”

“Pio?”

“Ikaw na ang bahala sa ’kin.”

“Saan na tayo pupunta ngayon?”

“Dalhin mo ako sa malayo.”

“Saang malayo?”

“Kahit saan.”

“Kahit saan?”

“Kahit saan, basta magkasama tayo.”

“Sige. Pupunta tayo sa malayo.”

“Aaron…”

“Pio?”

“Huwag mo akong iiwan.”

“Hindi kita iiwan.”

“Huwag mo akong bibitiwan.”

“Hindi kita bibitiwan.”

“Huwag kang mawawala.”

“Hindi ako mawawala.”

“Dito ka lang sa tabi ko.”

“Nandito lang ako.”

“Aaron…”

“Pio?”

“I love you.”

“Mahal din kita.”

“Aaron…”

“Pio?”

“You’re my

home .“

Chapter 56

Sa probinsya ang sunod naming punta.

Alam kong masyado pang maaga para umuwi ako sa amin. Pero wala na akong ibang maisip pa na puwede naming puntahan ni Pio. Iyon lang naman ang alam kong pinakamalayong lugar kung saan ko siya puwedeng dalhin.

Dahil hindi kami nakaabot sa huling schedule ng bus (4:00 PM) ay nagpalipas na lang muna kami ng gabi sa pinakamalapit na hotel. Kinabukasan na kami bumiyahe. Wala kaming ibang dalang gamit. Naiwan kasi sa apartment ’yong bagahe ko. Ang tanging dala ko lang ay ang cellphone at wallet kong wala na halos laman. Mabuti at marami pang pera sa wallet ni Pio. Ipinaubaya niya na muna ito sa akin.

“Pio, gising.” Maingat kong niyugyog ang mukha niya habang nakasandal ang kaniyang ulo sa ’king balikat. “Kain na muna tayo,” sabi ko sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi nang mahinto ang bus na sinasakyan namin sa isang terminal.

Pagmulat niya ay mamula-mula pa ang mga mata niya. “H-Ha?” nanghihina niyang sabi habang palinga-linga sa paligid.

Tipid akong ngumiti. “Kakain na tayo.”

Huminto ang tingin niya sa ’kin. Mahina siyang tumango. “Oh, o-okay.”

Kasabay ng ilang mga pasahero ay bumaba kami sandali ng bus. Sa isang kainan, nag-order ako ng lugaw para sa kaniya at para sa ’kin, para naman mainitan ang mga sikmura namin. Habang magkaharap kaming nakaupo sa iisang mesa, napagtanto kong wala pa rin siya sa sarili dahil panay lang ang pagpapa-ikot-ikot niya sa kutsara sa mangkok at hindi pa rin siya sumusubo ni kahit isang beses.

“Pio, kain na,” sambit ko sa namamalat na boses.

Tila wala siyang naririnig. Habang nakapangalumbaba, nakatitig lang siya pababa sa lugaw na para bang nalulunod ang mga mata niya rito.

Natigil lang siya sa ginagawa nang hawakan ko ang kamay niya at kunin ang kutsara mula sa kaniya. “Ako na.”

Nang magising sa pagkatulala ay umangat ang mukha niya at humarap sa ’kin. “S-Sorry.”

“Okay lang,” pabatid ko. Sumandok ako ng lugaw sa kutsara.

“Sorry,” ulit niya. ’Yong mukha niya ay parang naubusan na ng pag-asa.

“Huwag ka nang mag-sorry.” Sinubuan ko na siya ng lugaw. “Wala kang kasalanan.”

Habang nakatikom ang bibig ay kumurap ang mugto niyang mga mata, na para bang kinakausap ako. Batid ko naman kung ano ang sinasabi ng mga ito. Nasabi niya na ang lahat ng mga pangamba niya kagabi.

Kahit parang gustong-gusto ko nang magpatangay sa agos ng damdamin ko, pinipilit ko pa ring kolektahin ang aking sarili. Pinipilit kong magpakatatag para sa kaniya.

Ako na lang ang meron siya.

Pagkatapos kumain ay naglakad na kami pabalik sa nakahintong bus. Bago umakyat sa bus ay sandaling natigil si Pio nang tila may mapansin. Nang sumilip ako kung saan siya nakatingin ay nakita ko ang driver ng bus sa hindi kalayuan. Ngayon, alam ko na kung bakit niya ito tinitingnan. Humihithit pala ito ng sigarilyo.

“Pio,” tawag ko sa kaniya. Tulad kanina ay parang wala na naman siyang naririnig. Kasabay ng usok ng sigarilyo ay parang nililipad ang isip niya ng hangin.

Nang ibaba ko ang aking tingin papunta sa kamay niya ay kita kong nanginginig ito. ’Yong mga daliri niya ay parang may hinahanap-hanap—bagay na matagal niya nang hindi nahahawakan. Sigarilyo.

“Pio, huwag.”

Agad kong hinawakan ang kamay niya at pinagyakap ang aming mga daliri. Natigil na ito sa panginginig dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Dahil dito ay nabaling na ang atensyon niya sa ’kin.

“Aaron, please—”

“Pio, nag-quit ka na. Huwag ka nang babalik sa dati—”

“—don’t let me break.”

Sa huling sinabi niya ay natigilan ako. Akala ko ay makikiusap siya kung puwede siyang manigarilyo. Pero hindi. Bakas sa basag niyang boses at sa mga mata niyang nagsusumamo na ayaw niya ring bumalik sa dati, ngunit parang may kung anong nag-uudyok sa kaniya na gawin ito.

Mukhang sa ’kin na nakasalalay ang lahat ngayon. Bawat salitang bibitiwan ko, bawat desisyong pipiliin ko, kailangan kong pag-isipan nang mabuti. Damang-dama ko ang pressure. Sa kabila ng lahat, nanatili akong nakatayo at pinilit siyang ngitian.

“Huwag kang mag-alala, Pio,” sabi ko habang pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha. “’Di ko hahayaan na mangyari ’yon.”

Nang makabalik sa mga upuan namin sa loob ng bus ay isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko, tulad kanina. Mabilis siyang nakatulog dahil hinimas-himas ko ang kaniyang buhok. Nang ako na lang ang naiwang gising ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatulala sa labas ng bintana.

Malamig sa loob.

Madilim sa labas.

Masakit sa dibdib.

Palihim akong umiyak. Kinagat ko ang aking kamay para walang ingay na lumabas mula sa ’king bibig, habang ang natitira kong luha ay hinayaang dumaloy nang dumaloy.

Hindi ko na napigilan.

Masakit lang kasing isipin na ’yong taong lagi mong nakikitang nakangiti, ngayon ay lubhang nasasaktan. ’Yong taong lagi mong pinagkukuhanan ng lakas, ngayon ay lubhang nanghihina. At ang ikinatatakot ko lang ay baka dumating sa punto na tuluyan siyang bumigay.

Kailangan ko nang ubusin ’tong luha ko bago ko ulit siya harapin bukas.


“Aaron, gising.”

Naalimpungatan ako nang maramdamang may yumuyugyog sa mukha ko. Pagmulat ko ay isang pamilyar na mukha ang tumambad sa ’kin—ang guwapong mukha ni Pio.

Medyo malabo pa ang aking paningin kaya kinusot ko ang magkabila kong mata. At nang mapagtantong umaga na pala ay saka ko lang naramdaman ang kanina pa yata’y nakahalik na sinag ng araw sa ’king pisngi. Nagsisibabaan na rin pala ang ibang mga pasahero.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Pio. “G-Good morning.”

“Good morning.” Nagpilit siya ng katiting na ngiti. Hindi pa rin maalis ang lungkot sa mga mata niya at ang panghihina sa boses niya.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga sa upuan. Ramdam ko sa ’king balikat ang pagkangalay ngunit hindi ko ito ipinahalata sa may bigay nito sa ’kin. “Dito na yata tayo.”

Tumango siya. “Mm.”

Bumaba na kami ng bus.

Habang magkahawak-kamay na naglalakad papasok sa port ay pansin kong kanina pa siya tahimik. Buti pa ang maalat na hangin, kanina pa may binubulong sa tenga ko, parang sinasabing dapat ay pasayahin ko ang taong laging nagpapasaya sa akin.

“O, ikaw pala may-ari nitong port eh,” biro ko sa kawalan.

Kunot-noo siyang tumingin sa ’kin. “Ha?”

“Basahin mo.” Ngumuso ako pataas sa welcome sign ng port.

Lumingon siya pataas kung saan nakaturo ang nguso ko at naging mariin ang namamagang mga mata nang simulang basahin ang welcome sign. “WELCOME TO PIO—”

Ngumiti siya—isang buong ngiti—at nauwi sa isang mahinang halikhik.

Napangiti ko siya! Parang walang mapagsidlan ang tuwa ko dahil napangiti ko siya sa kabila ng lahat ng pinagdaraanan niya.

“WELCOME TO PIO DURAN PORT!” tuloy ko sa makulit na boses. “Sa ’yo ’to, Pio, eh. Aminin mo na.”

Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang ngiti ngunit hindi niya magawa. Bumalik ang tingin niya sa ’kin, at ngayon ay kita kong nabubuhayan na rin ang mga mata niya. “Pio Duran naman eh, hindi Pio McMiller. Loko mo ’ko, boss.”

’Yan, tinatawag niya na akong boss. Kahit paunti-unti, sana’y manumbalik ang dati niyang sigla.

“Ikaw nga ’yan, ayaw mong maniwala.” Mahina akong napahalikhik. “Tagarito ka pala sa Albay eh.”

Isang mahinang halikhik lang din ang pinakawalan niya. Pagkatapos ay unti-unti na namang nabubura ang ngiti sa labi niya. Pagbaling niya ng tingin sa harapan kung saan abot-tanaw lang ang dagat, bumalik siya sa pananahimik.

Nanahimik na lang din muna ako. Mukhang kailangan niya pa yata ng space sa ngayon.


Alas dose ng tanghali nang sumakay kami sa vessel. Ligtas naman kaming nakarating sa port ng Masbate mga bandang alas kuwatro ng hapon. Pagtungtong ko sa lupa kung saan ako ipinanganak at lumaki ay may kakaiba akong nadama.

Ang sariwang hangin. Ang binibigkas na diyalekto ng mga tao. Ang pamilyar na tanawin.

Gumaan ang loob ko.

Ahhh… Nakauwi na ako.

“Nakauwi na tayo, Pio.”

Nagkatinginan kami ni Pio. Binigyan ko siya ng isang mainit na ngiti. Nabahagian siya nito kahit papaano at umaliwalas ang kaniyang mukha.

Ang kagandahan dito sa Masbate eh kahit saan ay may makikita kang tricycle, hindi tulad doon sa Mabini Street na minsan ay kailangan pang pilahan. Bungad pa lang ng port ay may nasakyan na agad kami.

Nagsiksikan kami ni Pio sa loob ng tricycle. Sanay na akong naiipit. Nang tanungin ni Manong Driver kung saan kami pupunta sa diyalektong Masbateño ay sumagot din ako sa parehong wika at sinabing sa Public Market.

“Why Public Market?” usisa ni Pio habang umaandar ang tricycle.

Bahagya akong nagulat dahil nagawa niya na ring makapagsimula ng usapan. “Um, kasi, nando’n si Mama, nagtitinda.”

Kilala ko ’yon si Mama eh. Hangga’t kaya no’ng magtrabaho, magtatrabaho ’yon, lalo na’t ganitong palapit na ang pasko, mas dumarami ang mga mamimili.

“Ah,” tanging tugon ni Pio.

“Excited na ako,” kuwento ko sa kaniya para lang hindi agad maputol ang usapan. “Ang tagal ko nang hindi nakikita si Mama sa personal.”

“Yeah.” Tipid niya akong nginitian. “I can see.”

“Ngayon pa nga lang pala kita mapapakilala sa kaniya.” Bumuntong-hininga ako. “Sorry, Pio, kung medyo natagalan. Gusto ko lang kasi na maging maayos ’yong pagpapakilala ko sa ’yo.”

Kasi naman, ang banggit ko kay Mama noon, siya ’yong baliw kong kapitbahay. Tapos ang dami ko ring nakuwento na hindi maganda tungkol sa kaniya. Tapos ngayon… Matagal na rin naman na ’yon, nakalimutan na siguro ni Mama. ’Yon ’yong mga panahong loko-loko pa si Pio.

At isa pang dahilan: Gusto ko ring maging maayos ang pagtatapat ko kay Mama tungkol sa tunay kong kasarian. Ito ang pinaka-importanteng bagay na sasabihin ko sa kaniya. Hindi sapat ang video call lang para ipagtapat ko ang totoong nilalaman ng puso ko.

“It’s okay.” Hinigpitan ni Pio ang pagkakahawak sa kamay ko. “Actually, I’m kind of nervous.”

“Bakit naman?” taka ko.

“I’m not at my best right now.” Yumuko siya, pagkatapos ay sumilip sa ’kin na tila nahihiya. “Do you think she will like me?”

Ang dating punong-puno ng kumpiyansa sa sarili, ngayon ay pinanghihinaan ng loob.

“Oo naman.” Ngumiti ako. “Bakit hindi?”

“Well, um…” Inipit niya ang kaniyang labi. “Wala pa akong ligo.”

Muntikan na akong mapahalikhik pero agad kong pinigilan ang aking sarili dahil seryoso ang pagkakasabi niya. “O-Okay lang ’yan,” sabi ko.

“I smell bad.”

“Hindi naman eh.” Inilapit ko ang aking ilong papunta sa kilikili niya at inamoy-amoy ito. Amoy body spray pa rin naman. “Bango nga eh. Mmm.”

Napangiti siya sa ginawa ko. Pero agad niya rin naman itong pinigilan. Sunod niyang daing, “My hair is so messy.”

“Ha?” Tumingala ako sa buhok niyang nagkandagulo-gulo dahil sa malakas na hangin kanina. “Maganda nga eh. Messy hair, don’t care.” Sinuklay-suklay ko ito gamit ang mga daliri ko. “Konting ayos lang.” Pagkatapos ay ipinuwesto ko ang aking mga daliri sa baba niya, ginawang pogi hand sign. “’Yan, pogi na ulit. Baka Pio ’yan!”

Ngayon, hindi niya na napigilan pa ang kaniyang sarili. Ngumiti siya nang labis at hindi niya ito magawang bitiwan habang malagkit ang titig sa mga mata ko.

“You think I’m ready?” nangingiti niyang tanong.

“Mm.” Tumango ako at ngumiti rin nang kasinglapad ng ngiti niya. “Ikaw pa.”

Ready na rin akong ipakilala siya.

Hindi nagtagal, narating na rin namin ang Public Market. Nang makababa kami sa bungad nito, parang nagbalik sa ’kin ang lahat. Dito ang laging punta ko tuwing uwian sa school noon. Pagpasok namin ay unang sumalubong ang amoy ng samo’t-saring mga gulay at spices. Nang magawi pa kami sa pinakaloob mismo ng palengke ay unti-unting nagbago ang amoy—naging malangsa. Ang sahig naman ay naging malagkit at mamasa-masa. Makikita ang mga karne ng baboy at mga isda sa iba’t ibang stalls.

Nagsitinginan sa ’min ang mga tao sa paligid. O mas mainam sigurong sabihin na nagsitinginan sila kay Pio. Kung ano nga naman kasi ang ginagawa ng isang lalakeng matangkad, maputi, makisig, at higit sa lahat, guwapo sa ganitong lugar.

Artistahin!

Kung hindi ako umalis dito sa probinsya at makikita ko sa kauna-unahang beses si Pio na naglalakad sa pagitan ng bawat stalls, paniguradong lalaylay rin ang panga ko tulad nila. Pati na rin ang brief.

Sorry na lang sa kanila, ako na ang nagmamay-ari sa tao. Kaya nga siguro sila nakatingin dahil magkahawak kami ng kamay ni Pio—bagay na hindi masyadong laganap dito sa probinsya namin.

“Ma?” usal ko nang may makitang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan.

Doon sa likod ng isang stall kung saan may mga panindang isda, nakatayo ang isang babae habang pangiting inaalok ang mga dumaraan na bumili sa kaniya. Wala pa ring pinagbago ang ganda niya mula nang huli ko siyang makita. Siya pa rin ang nag-iisang babae na mahal na mahal ko.

Si Mama.

Habang palapit kami nang palapit sa stall kung saan siya naroroon, pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mapangiti… at maluha. Pero nangako akong hindi na muna ako luluha.

Wala siyang alam sa lahat ng nangyayari sa ’kin sa Maynila. Ang tanging alam niya lang ay mabuti ang lagay ko roon. Huling beses na nag-alala siya nang lubha sa ’kin ay nang isugod ako sa clinic. At alam ko, hindi na ulit mangyayari ’yon.

“Pio, quiet ka muna ah. Gugulatin ko si Mama.”

“Okay, boss.”

Huminto kami ni Pio sa tapat ng stall ni Mama. Habang nakayuko si Mama at binubuhusan ng tubig ang mga isda ay hindi muna ako umimik. Gano’n din ang ginawa ni Pio—o marahil ay kinakabahan ito kaya wala ring masabi. Habang nakatayo ay pinagmasdan ko nang maigi ang mukha ni Mama.

Ngayong nakita ko na siya sa malapitan, saka ko lang napansin na parang nangayayat siya. Ang buhok niyang abot hanggang leeg ang haba ay parang hindi na rin nadadaanan ng suklay. May bakas ng pagod sa mga mata niya, bagay na ilang taon ko nang nakikita. Nang mapansin niyang may mga tao sa harapan niya ay awtomatikong naguhitan ng ngiting-may-customer

ang kaniyang labi.

“Anong sa—?”

At nang makita niya ang mukha ko ay parang huminto ang takbo ng oras para sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga ang bibig. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Agad ko siyang nginitian. “Ma…”

“Ron?” Parang nahimasmasan siya nang marinig ang boses ko. Kumurap-kurap siya, at nang mapagtantong hindi nga siya nagkakamali, na nandirito nga ako, ay napatalon siya sa tuwa. “Ron, anak!”

Umalingawngaw ang matinis niyang tili sa unang palapag ng palengke kung saan kami naroroon. Nabitiwan niya rin ang hawak na tabo sa tabi ng mga isda at kumaripas siya ng takbo paikot sa stall, papunta sa akin.

“Ma!” Sandali akong bumitiw kay Pio at binuksan ang magkabila kong braso.

“Ron!” Nang makalapit sa ’kin ay sinalubong ako ng mainit na yakap ni Mama. “Anak ko!”

Hindi siya matigil sa pagyugyog sa katawan ko habang nakayakap sa ’kin. Dahil sa sobrang pananabik ay hindi ko na pinansin pa ang amoy ng isdang kumapit sa katawan ko. Bagkus ay niyakap ko rin siya pabalik nang sobrang higpit.

Napawi ang pangungulila ko sa kaniya.

“Anong ginagawa mo rito, Ron? Akala ko bukas pa ang alis mo?”

“Napaaga, Ma, eh.”

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa ’kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Abot-tenga pa rin ang kaniyang ngiti.

“Nagulat ako sa ’yo, Ron! Hindi ko alam na pupunta ka agad. Wala ka man lang pasabi. Eh ’di sana, hindi ako nagbukas ngayon, para nasundo kita sa port. Ay, hala kang bata ka!”

Tipid akong yumuko habang nangingiti. “Surprise, Ma.”

Kahit ako rin na-surprise. Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang punta ko rito.

“O, anong nangyari sa ’yo?” Nabahala ang mukha niya nang tila may mapansin.

“Po?”

“Anong nangyari sa mga mata mo? Bakit parang…? Umiyak ka ba, Ron?”

Napansin niya agad.

Umiling ako. “Uh, h-hindi po, Ma. Nasobrahan lang po ako sa tulog.” Nagpilit ako ng mahinang tawa bago ibalik ang tingin sa kaniya.

“Ah, gano’n ba?” Pinakawalan niya na ang mga balikat ko. May duda sa mga mata niya. Kilala niya ako. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling. Pero binalewala niya na muna ito. Ang mas mahalaga sa kaniya ay nandito na ako ngayon sa harapan niya. Nanumbalik ang ngiti sa labi niya. “Ang saya-saya ko, Ron! Nakauwi ka na rin sa tinagal-tagal!”

“Ako rin po, Ma.” Tumikhim ako nang may maalala. “Nga po pala, Ma, may ipapakilala nga po pala ako sa ’yo.”

Paglingon ko patalikod ay nagulat ako nang makitang wala na si Pio.

“Good afternoon po, Ma.”

At pagbalik ko ng tingin sa harapan kung saan nanggaling ang boses ay mas lalo akong nagulat nang makita ko siyang nakamano na pala kay Mama.

Kita ko ang mga mata ni Mama, namangha sa taglay na karisma ni Pio. Pero may kunot sa noo niya kung bakit bigla siya nitong nilapitan, at higit sa lahat, kung bakit siya nito tinawag na Ma . Habang nakaawang ang bibig ay humarap siya sa ’kin. “Ron, s-sino…?”

Matapos magmano kay Mama ay tumabi na sa ’kin si Pio. Kahit may kaunting kaba sa dibdib, ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya sa harap mismo ni Mama. Pagkatapos ay may pagmamalaki ko siyang ipinakilala rito.

“Ma, si Pio nga po pala… boyfriend ko.”

Chapter 57

Noong una ay natahimik si Mama matapos kong ipakilala si Pio. Mga ilang segundo rin ang itinagal. At talaga nga namang pinagpawisan ang kamay kong nakawahak sa kamay ng boyfriend ko. Nagpakiramdaman kami ni Pio habang hinihintay ang magiging reaksyon ng babaeng kaharap namin.

“Ron, anak, s-seryoso?” mga salitang lumabas mula sa bibig ni Mama habang nakakunot ang noo. “Boyfriend? Mo?”

Napatingin sa ’kin si Pio, kaya napatingin din ako sa kaniya. Tila nalungkot ang mga mata niya sa unang naging reaksyon ni Mama. Hindi siya matigil sa pagbasa ng labi. Naramdaman ko ring nagsimulang manginig ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Kinakabahan na siya.

Kinakabahan din ako.

Maya-maya pa…

“Anak, grabe ka!”

Sabay kaming napaharap kay Mama nang tumuloy ito sa pagsasalita.

“Masyado mong ginalingan!” tuwang-tuwa nitong sabi. “Ang guwapo-guwapo naman nitong boyfriend mo!”

Muli kaming nagkatinginan ni Pio. Sa puntong ito, tila napawi ang lungkot sa mga mata niya. Nagkaroon ng ngiti sa labi niya, at gano’n din sa ’kin. Napayapa ang mga kamay naming magkahawak. Mas lalo kaming naging komportable nang sabay na ibalik ang tingin kay Mama.

“T-Thank you po,” nangingiting tugon ni Pio habang tumatango-tango, bahagyang namumula ang pisngi, “Ma.”

“Ma,” sabi ko, “kinabahan naman ako sa ’yo.”

“O, bakit?” sambit ni Mama.

Napahawak ang isang kamay ko sa dibdib. “Akala ko…”

“Akala mo ano?” Tumaas ang kilay niya habang nakangiti ang mga mata. “Na tutol ako sa inyo?” Hinawakan niya ako sa balikat. “Ron, parang hindi mo naman ako kilala. Sa lahat ng bagay, suportado kita, basta huwag ka lang masasaktan.”

Nakahinga ako nang maluwag. “Ma…”

Sa sobrang saya ko, muli akong napayakap sa kaniya. Napayakap na rin si Pio sa amin. At niyakap kaming dalawa ni Mama pabalik.

Tinanggap niya kami.


Maagang nagsara si Mama ng puwesto sa palengke, kung kaya’t maaga rin kaming tatlo na nakauwi sa bahay.

Sa buhay ko lang yata maraming nagbago, pero ’yong bahay namin, gano’n na gano’n pa rin mula nang huli ko itong makita. Maliit kung titingnan sa labas, maaliwalas kung papasukin sa loob.

Unang bungad pagpasok: ang sala na mayroong bamboo sala set. Kaunting tingala, puro mukha ko na ang makikita sa mga nakasabit na picture frames sa pader sa itaas ng TV stand: ako na gr-um-aduate ng Elementary, Junior High, at Senior High. College grad pic na lang ang kulang. Soon.

“Naku, pasensya na ka na sa bahay namin, Pio, ah. Medyo magulo,” ani Mama habang itinatabi ang iilang mga kalat. “Eh wala na kasi ako masyadong oras para maglinis.”

Ngumiti si Pio at tumango. “O-Okay lang po, Ma.”

“Ron, paupuin mo muna,” utos ni Mama sa ’kin. “Bil’han ko lang muna kayo ng meryenda sa bakery.”

“Sige po, Ma. Salamat po.” Hinawakan ko si Pio sa likod at ginabayan papunta sa matigas naming sofa na gawa sa kawayan at binarnisan. “Upo ka muna, baby.”

“Ay, baby naman pala.” Tinusok pa ako ni Mama sa tagiliran bago siya lumabas habang nakaipit ang mga labi. Kilig na kilig, aba.

Bahagya akong nakiliti. “Ma naman.”

Pagbalik ni Mama ay may dala na siyang isang supot ng spanish bread at Coke Kasalo. Ito ang pinagsaluhan namin ni Pio habang nakaupo sa ilalim ng mga mata niya. Habang nakaupo siya sa pang-isahang upuan sa kanan ay may mga naitanong siya sa amin.

“Ron, paano nga pala kayo nagkakilala ni Pio?” nangingiti niyang tanong.

Sabay kaming nabulunan ni Pio sa mabuhanging spanish bread. Alam namin pareho kung paano kami unang nagkakilala. Masyadong mainit ang mga tagpo noon: may pa-siomai, may pa-magic word, may pahalik sa kung saan-saang parte ng katawan. Rated SPG.

Tumikhim ako. “Um, ano po, Ma, magkatabi po kami ng apartment.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Mama. “Magkatabi?” Mukhang meron siyang naalala. “Siya ba ’yong sinasabi mong—?”

“Opo, Ma,” agad kong singit. “Siya ’yong sinasabi ko sa ’yong guwapo kong kapitbahay.”

Binasa ko ang aking labi at sumenyas sa kaniya gamit ang mga kilay na huwag nang ituloy ang binabalak niyang sabihin. Alam kong pangiti-ngiti lang ’tong si Pio pero nasasaktan pa rin ’to sa loob-loob dahil sa nangyari sa bahay nila kailan lang. Hindi makatutulong kapag nalaman nito kung paano ko ito i-d-in-escribe noon kay Mama.

“Ah, eh,” ani Mama, agad na nakuha kung anong gusto kong sabihin, kaya nagpilit siya ng ngiti. “Siya pala ’yon. A-Ang guwapo nga.”

Bahagyang natuwa si Pio sa narinig. “Actually, we’re also schoolmates po, Ma,” kuwento niya.

Umawang ang bibig ni Mama. “O? Ay, magsi-seaman ka rin pala?”

“Yes po, Ma.”

“Anong year mo na, Pio?”

“Third year na po, Ma.”

Uminom ng coke si Pio. Ako rin.

“Third year?” ulit ni Mama. “Eh ’di huling taon mo na? Sasakay ka na next year?”

Sandaling natigilan sa pag-inom si Pio. Matapos ilapag ang baso sa center table ay lumunok siya at tumingin sa akin. Bumalik ang lungkot sa mga mata niya. Pero pinilit niyang ngumiti nang muling humarap kay Mama. “Ah, opo, Ma,” sagot niya. “Six months training po.”

“Eh ’di matagal kayong hindi magkikita ng anak ko?” sunod na tanong ni Mama.

Bahagyang yumuko si Pio. Sa puntong ito, hindi na siya nakasagot. Panay lang siya sa pagbasa ng labi. Nanginginig na naman ang kamay niyang nakapatong sa hita niya.

“Hindi po, Ma.” Hinawakan ko si Pio sa kamay, dahilan para mapatingin siya sa akin. “Magkikita naman po kami palagi. May video call naman po eh. Tayo nga, kahit malayo, lagi namang nagkikita, ’di ba?”

“Sa bagay,” tanging sabi ni Mama.

Natigil na sa panginginig ang kamay ni Pio.

Nang hapunan ay nilutuan kami ng ginataang tilapia ni Mama. Talaga nga namang na-miss ng dila ko ang lutong bahay niya. Swak na swak kasi ang timpla. Sorry, Ate Rose. Ganito talaga kung paano magluto.

Ang sala na rin mismo ang nagsisilbing hapag-kainan namin sa bahay. Ganito talaga kapag maliit lang ang bahay, kailangang i-maximize ang space. Sa ibabaw ng mga hita namin inilapag ang mga plato habang kumakain at sa center table naman inilagay ang mga baso. Hindi na kami nagbukas pa ng TV dahil kay Mama pa lang, parang nanonood na kami ng balita. Siya ’yong reporter, tapos kami ni Pio ’yong ini-interview.

“Ron, anak, bakit nga pala parang wala kayong dalang gamit? Nasa’n ’yong bagahe mo?”

’Yong mama ko parang si Manang Lucy, walang pinalalagpas na detalye.

“Nakalimutan ko po, Ma,” sagot ko habang puno ang bibig. “Nakasakay na po kami sa bus, tapos nakalimutan ko.”

“Nakalimutan?” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Hmm.”

“Opo, Ma. Kasi nga, napaaga kami ng alis,” rason ko.

“Eh bakit nga pala kayo napaaga?”

Tumingin sa ’kin si Pio habang nakalobo ang mga pisngi. Sinabi naman ng mga mata ko sa kaniya na huwag siyang mag-alala. Ako na ang bahala kay Mama.

“Ah, kasi, Ma,” sagot ko, “nabalitaan ko, parami nang parami ’yong mga umuuwi ng probinsya. Nag-alala lang ako na baka ’pag pinatagal ko pa, maubusan na kami ng tickets.”

“Hmm.”

“’Yon ngang kasambahay nina Pio na si Ate Rose, nagbabalak ding umuwi ng probinsya. Siya ’yong nagsabi sa ’kin na agahan ko na ang uwi, kasi raw pahirapan na ’pag pinatagal pa.”

Hindi umimik si Pio. Alam niya namang nagsisinungaling lang ako.

“Kasambahay?” ulit ni Mama. “Pio, galing ka ba sa mayamang pamilya?”

Lumunok si Pio at sumagot kay Mama. “Um, m-medyo lang po.”

“Naku, nakakahiya naman sa ’yo,” tugon ni Mama. “Pasensya ka na kung ito lang ang niluto kong alam ah.”

“Ah, w-wala pong problema.” Sumulyap sa ’kin si Pio at ngumiti nang mapagbiro. “Ang sarap nga po ng gawa n’yo, Ma, eh.”

Bahagyang uminit ang mga pisngi ko. Inipit ko ang mga labi ko para hindi mapaghalataang nangingiti.

Masarap talaga ako.

“Talaga ba?” ani Mama, tila kinilig sa papuri mula sa boyfriend ko. “Naku, mabuti naman kung gano’n. Alam mo ba? Pangarap ko sanang maging chef. Kaya lang…” Hindi na siya tumuloy sa sasabihin. “Kung kulangin, meron pa ro’n sa kawali. Sabihan mo lang ako para masandukan kita.”

“Opo, Ma.” Tumuloy na sa pagkain si Pio.

Pagkatapos sumubo ay hindi pa rin nagpaawat si Mama. “Nga pala, Ron…”

“Ma?” sagot ko habang ninanamnam ang masarap niyang luto sa loob ng aking bibig.

“Hindi ka man lang ba nakapagdala no’ng ano…?” sabi niya. “Ano nga ba ’yon?” Tumingin siya pababa para alalahanin. “Nasa dulo na ng dila ko eh.”

Sumubo pa ulit ako ng kanin kaya mas lalong napuno ang bibig. “Ano ’yon, Ma?”

Wala akong matandaan.

“Ah!” Muling umangat ang tingin niya sa akin. “’Yong ano…!”

“Hm?” Ang sarap pa ng nguya ko.

“’Yong dildo, ’nak!” tapos bigla niya itong sinabi. “’Yong pink na siomai!”

“ Pft !“ Nabulunan ako sa pagkain, mas malala pa sa pagkabulon ko sa spanish bread kanina. At dahil ayokong maibuga ang mga pagkain sa loob ng bibig kong punong-puno, lumusot ang isang butil ng kanin papunta sa loob ng ilong ko.

Mabuti na lang at walang laman ang bibig ni Pio nang sabihin iyon ni Mama kaya hindi siya natulad sa ’kin. Habang tila nagpipigil ng tawa, hinawakan niya ako sa likod. “B-Baby, you okay?”

“O, ’nak, okay ka lang?”

“Mm-mm.” Naubo-ubo ako habang pilit na nilulunok ang laman ng bibig.

“Water.” Inilapit ni Pio ang baso ng tubig sa bibig ko at pinainom ako.

“Ay, ’nak, dahan-dahan lang sa pagkain, mabubulunan ka talaga niyan,” sabi ng salarin kung bakit ako nabulunan.

Ngayon ay uminit na talaga ang buong mukha ko maging ang mga tenga. Dahan-dahan lang ako sa pag-inom ng tubig dahil baka tuluyang malagutan ng hininga.

Nang um-okay-okay na ako ay muling bumalik ang usapan sa hindi na dapat pag-usapan.

“’Yong dildo ba eh masarap naman?”

Ma, tama na. Jusko. Hihikain na ako nito.

“S-Sakto lang, Ma.” Hindi na muna ako sumubo ng pagkain. “Medyo mapait… na lasang ewan.”

Si Pio eh kanina pa nanginginig, hindi dahil sa pagkabalisa, kundi dahil hindi niya mailabas ang kaniyang tawa. Ang dating

siya talaga ang pinakasalarin kung bakit ito naitatanong ni Mama ngayon.

“Mapait daw, Pio?” Humingi pa nga si Mama ng second opinion mula sa boyfriend ko.

“Ah, h-hindi ko pa po natitikman, Ma. Si Aaron—si Ron lang po ang mahilig do’n.” Muli niyang inipit ang kaniyang mga labi para hindi matawa. Namumula na ang mukha niya tulad ng akin. “Pero mukhang panget nga ang lasa base sa itsura.”

’Yong aktwal talaga ’yong masarap eh. Ay, sorry. Bastos… Bastos ka, Aaron.

“Ah, gano’n ba?” saad ni Mama, medyo sumimangot. “Sayang naman. Gusto ko pa naman sanang tikman.”

Ma, tama ka na.


Matapos magpatunaw, pinauna ko nang maligo si Pio. Kanina pa ’yon hiyang-hiya sa amoy niya eh kahit hindi naman talaga siya mabaho. Gusto niya sana, sabay na kami. Pero sabi ko, huwag muna ngayon, nandito si Mama eh. Baka kung ano pang isipin. Masyado pa namang inosente si Mama.

Habang abala ang boyfriend ko sa banyo, sinamahan ko muna si Mama sa kusina habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung inaakala niyang siya lang ang maraming katanungan, nagkakamali siya. Naipon na ang mga katanungan ko habang nasa Maynila pa lang ako. Oras na siguro para alamin ang totoo.

“Ma, hindi ka pa talaga nakakapunta ng Maynila?” unang tanong ko habang nakasandal ang braso at ulo sa water jug.

Sandali siyang natigil sa pagsasabon ng plato. Tumingin siya sa ’kin, pero saglit lang. “H-Hindi pa, ’nak.” Sabay balik sa pagsasabon.

Binasa ko ang aking labi, may kaunting kunot sa noo. “Um, hindi kahit isang beses?”

Hindi na siya tumingin sa ’kin sa puntong ito. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasabon, pero bumagal na kumpara kanina. “Hindi, ’nak, eh. B-Bakit mo natanong?”

“Ah, wala lang po.”

“Ah.”

Sandaling katahimikan.

Ikalawang tanong ko, “Eh, Ma, ’di ba hindi ka nakapagtapos ng college? Saan mo nga po pala nakuha ang pera na pinangpuhunan mo sa puwesto natin sa palengke?”

Muli siyang natigil sa pagsasabon ng plato. Bahagyang umawang ang bibig niya, tila nag-iisip ng isasagot. “Uh, ano…” Tumikhim siya nang mahina. “Ano ’yon…” Huminga siya. “Loan ’yon, ’nak. Nag-loan ako dati.”

“Loan?” Nadagdagan pa ang kunot ko sa noo.

Saglit niya akong tiningnan at nginitian. “Oo, ’nak. Kailangan nating mabuhay no’n eh. Pero nabayaran ko naman na ’yon, huwag kang mag-alala. Mag-focus ka lang sa pag-aaral mo. Wala akong iiwang bayarin o responsibilidad sa ’yo kapag nakapagtapos ka na.”

Mahinang tumango-tango lang ako, kahit hindi naman talaga ’yon ang dahilan kung bakit ko iyon naitanong sa kaniya. Gusto kong malaman kung siya nga ang naikuwento sa ’kin ng kasambahay nina Captain Ramirez noon.

Usapang Captain Ramirez. “Ma, hindi n’yo talaga kilala ’yong lalake sa picture na s-in-end ko sa inyo noon? ’Yong kamukha ko? Kamukha ko, ’di ba?”

Tiningnan niya na ako nang diretso ngayon at mabilis siyang sumagot. “Anak, hindi. Hindi ko kilala ang taong ’yon.” Pero sa ilong ko siya nakatingin imbes na sa mga mata. “Kahawig mo lang siguro.”

“Kamukha. Kamukha ko talaga, Ma,” diin ko. “Nakita ko rin ’yong picture niya no’ng college—”

“Anak, nagkataon lang ’yon.” Mabilisang kumurap-kurap ang mga mata niya. “Ang dami-daming magkakamukha sa mundo,” wika niya. “Hindi ko talaga kilala ’yon.”

“Eh kung gano’n, sino ba talaga ang tatay ko?”

Nagbago ang tingin sa mga mata niya, tila naging malamlam. “Anak, akala ko ba napag-usapan na natin ’to noon? Akala ko ba, hindi mo na hahanapin ang tatay mo?”

“Oo, Ma, pero—”

“Anak, masaya naman na tayong dalawa, ’di ba? Nabuhay tayo nang maayos kahit wala ang tatay mo. Napalaki kita nang maayos. Napag-aral. Lahat naman gagawin ko para sa ’yo, anak.”

“Alam ko naman, Ma.”

“Hindi natin kailangan ang tatay mo.”

“Opo, Ma.”

Tumango ako at nagpilit na lang ng ngiti. Kota na ako sa pag-iyak. Hindi muna siguro ngayon.

“Nga pala, ’nak, kailan pa naging kayo ni Pio?” pag-iba niya sa usapan.

“Um, matagal na rin po, Ma.”

“Ah.” Tumuloy na siya sa paghuhugas ng mga pinagkainan. “Naipakilala ka na rin ba niya sa mga magulang niya?”

“Opo, Ma.”

“Kamusta naman ang pamilya niya?”

Sandali akong napipi. Umiling ako at tumikhim, saka sumagot. “O-Okay… okay naman po sila.”

“Mabuti naman.” Hinugasan niya na ang mabulang sponge at sinimulang paawasin ang tubig sa maliit na planggana. “Eh alam ba ng mga magulang niya na nandito siya ngayon?”

Muli ay napipi ako. Ang totoo niyan, kagabi pa may tumatawag kay Pio, pero hindi niya sinasagot. Malamang ay sina Tito William at Tita Annie ’yon.

“Ah, opo,” sinungaling kong tugon.

“Eh hanggang kailan nga pala kayo rito, anak?”

“Dito po kami magpapasko, Ma. Tapos bibiyahe na rin kami pabalik sa Maynila pagtapos. Kailangan pa po kasing asikasuhin ni Pio mga papeles niya bago siya sumakay. Malapit na po kasi.”

At isa pang dahilan ay dahil gusto kong solohin si Pio sa mga huling araw.

“Ha? Hindi niya kasama ’yong pamilya niya sa pasko?”

“Hindi po sila nagpapasko, Ma.” Nauubusan na ako ng rason. “Ano po kasi sila… INC po.”

“Ah gano’n ba?”

“Opo, Ma.”

Habang nagbabanlaw ng mga baso ay tahimik ko lang na pinagmamasdan si Mama. Sa sobrang tagal ko siyang hindi nakita sa personal, parang ayoko nang alisin ang tingin ko sa kaniya. Parang ayokong mawalay sa kaniya tulad kung paanong ayokong mawalay kay Pio. Silang dalawa ang kapahingahan ko. At sa susunod na taon, parehong hindi ko sila makikita nang matagal.

Sinusulit ko na ang mga huling sandali.

“O, Ron, parang may gusto ka pa yatang sabihin sa ’kin?”

“Wala, Ma. Na-miss lang talaga kita.”

“Na-miss din kita, ’nak. Sobra.”

Pero dahil nabanggit niya, may gusto pa talaga akong sabihin sa kaniya.

“Ma, may aaminin pala ako sa ’yo,” panimula ko.

“Ano ’yon, ’nak?” taka niya.

Naglakad pa ako palapit sa kaniya. Yumuko. Huminga. Umiling. Matapos ay ibinalik ang tingin sa mukha niya at sinabi ang bagay na matagal ko nang inililihim.

“Ma, bakla po ako, matagal na.”

Agad siyang natigil sa ginagawa. Pagkatapos ay marahan siyang napalingon sa akin. Nagkonekta ang mga mata namin. At sa mga mata niya, may nakita akong isang bagay na matagal ko nang nakikita.

“Anak, alam ko rin, matagal na.”

Batid ko noon pa man, matagal niya na ring alam ang tungkol sa tunay kong kasarian. Kaya bakit ba ako nahirapang sabihin sa kaniya ang totoo?

“Sorry, Ma, kung ngayon ko lang nasabi.”

Naglakad siya palapit sa ’kin, pinunasan ang magkabila niyang kamay sa mga gilid ng damit. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang kamay. Nadama ko ang lamig sa mga palad niya, pero nandiyan pa rin ang init ng pagtanggap sa mga mata niya.

“Hindi, anak. Huwag kang mag-sorry. Wala kang kasalanan. Hindi kasalanan ang pagiging bakla. At hindi mo kasalanan kung nagtago ka dahil natatakot ka.” Itinaas niya ang magkahawak naming mga kamay. “Nagpapasalamat nga ako dahil nagawa mo na ring sabihin sa ’kin. Matagal-tagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito.”

Naramdaman ko ang pagbabadya ng luha sa ’king mga mata. Kota na ako eh. Bakit ganito?

“Kailan n’yo pa po nalaman?” tanong ko.

“Noon pa, anak,” sagot niya.

Napangiti ako habang nagtutubig ang mga mata.

“Noon ko pa alam,” tuloy niya. “Noon pa lang, alam ko na ang mga hilig mo. Imbes na mga larong panlalake eh lagi kayong magkasama ng pinsan mong si Harry at nagtsa-Chinese Garter kasama ng ibang mga babae. Tapos, naaalala ko rin, tuwing pumupunta tayo sa mall, lagi kang napapatingin sa mga packaging ng brief.”

Tipid akong napahalikhik sa sinabi niya. Pero ayaw pa ring lubayan ng mamumuong luha ang mga mata ko.

“Matagal ko nang alam.” Hinaplos-haplos ng mga hinlalaki niya ang ibabaw ng mga kamay ko. “At matagal na kitang tanggap.”

Sa muli kong pagngiti ay hindi na napigilang tumulo ng aking luha. “Salamat po, Ma.”

Nagtutubig na rin ang mga mata niya. “Anak, ako ang dapat magpasalamat.” Ngumiti siya, at sa pagriin ng mga mata niya ay hindi na rin napigilan ang marahang pagdaloy ng kaniyang luha. “Salamat at ako ang naging nanay mo. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa akin.”

Sa huli, natagpuan na lang namin ang aming mga sarili na magkayakap, dama ang init ng isa’t isa. Hindi ako magsasawang yakapin siya nang paulit-ulit. At hinding-hindi ako magsasawang umiyak nang paulit-ulit kung para naman sa mga minamahal ko.

Sa buhay ko, dalawang tao na lang ang mahalaga: si Mama at si Pio. At hindi ko kakayanin kung isa sa kanila ang mawawala sa akin. O pareho.

Chapter 58

Matapos maligo ni Pio, pumasok na kami sa loob ng kuwarto ko. Iyong mga hinubad niya ay pinaiwan ko na muna sa laundry basket sa labas ng banyo, plano ko kasing labhan. Dahil hindi naman siya puwedeng matulog nang nakahubad at baka kabagin—kawawa naman—pinahiram ko na muna siya ng mga damit ko sa cabinet.

’Yong brief kong maluwag na ang garter ang pinasuot ko sa kaniya. Swak lang para maitago ang ipinagmamalaki niya. Sa shorts naman, pinagamit ko ’yong lawlaw na—buti na lang at hindi namin ito ginawang basahan noon. ’Yong sando kong stretchable ang naging pang-itaas niya. Hapit na hapit ito sa kaniya, mas lalong pinalilitaw ang kakisigan niya.

Sunod kong nilatag ang higaan namin sa katre. Meron itong manipis na foam sa ibabaw pero hindi naman basta-basta lumulubog. Dalawa ang unan ko; ang isa ay madalas ko gawing kayakap noon. Pero dahil meron na akong taong kayakap ngayon, at mas masarap yakapin kaysa sa unan, pinaubaya ko na ito. Sapat na ang lapad at haba ng kumot para pagsaluhan namin ni Pio. Tiyak na magagamit namin ito mamaya. Kapag hatinggabi kasi ay nagiging malamig na rito dahil malapit lang ang lugar namin sa dagat.

“Pio, pahinga ka na muna,” utos ko sa boyfriend ko nang mapansing parang babagsak na ang mga mata niya.

“It’s alright. I’ll wait for you,” sagot niya habang nakahiga sa kama, tipid na nakangiti.

Umupo ako sa tabi niya at hinila hanggang dibdib ang kumot na nakabalot sa katawan niya, kita ko kasing parang nangangatog siya. “Okay ka lang ba?”

“Yes, I’m okay,” maamo niyang sagot. “With you, I’m okay.”

“Ligo lang ako ah,” paalam ko. “Pagbalik ko, tulog na agad tayo.”

Pareho naming kailangan ng pahinga matapos ang lahat ng pinagdaanan namin.

Tumango siya. “Alright.”

Lumapit pa ako sa kaniya at hinawakan siya sa likod ng ulo. Matapos ay pinaglapit ko ang mga mukha namin at hinalikan siya sa noo. Kita kong mas lalong lumapad ang ngiti niya sa labi.

Tumayo na ako. “Alis na ’ko.”

Nang akmang paalis na ako ay bigla niya akong hinawakan sa kamay. “Aaron,” saad niya nang may halong pangamba sa mga mata, “please don’t be gone for too long.”

Ngumiti naman ako. “Pio,” saad ko nang may halong kasiguraduhan sa mga mata, “saglit lang ako.”

Hinayaan niya na akong maglakad palabas.

Tulog na si Mama sa kabilang kuwarto pagsilip ko. Halatang sobrang napagod din sa palengke. ’Pag ako talaga nakasakay na sa barko, hinding-hindi na siya magtatrabaho.

Matapos maligo at habang nakatapis ng tuwalya na pinagamit ko rin kay Pio kanina, kinuha ko na ang laundry basket sa labas at dinala ito sa loob ng banyo. Nagtunaw ako ng powder detergent sa isang balde. Tapos ’yong isa pang balde, pinuno ko naman ng tubig para gawing banlawan. Una kong kinusutan ang mga damit ko. Nang isunod ko na ang kay Pio, meron akong napansing mabigat na bagay sa loob ng kaniyang pantalon.

Matapos isilid ang kamay ko sa loob ng bulsa ng pantalon, meron akong nakapa. Cellphone. Agad ko itong kinuha. “Buti ’di ko pa nalublob,” mahinang sambit ko sa sarili.

Tumindig ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa loob ng kuwarto ko para ibigay ito kay Pio nang bigla itong umilaw. Lumantad ang hindi mabilang na messages at missed calls mula sa contacts na Dad at Annie. Dahil sa kuryosidad, binasa ko ang pinakabagong message.

Annie

piolo, i am so sorry. i was wrong, and i know i don’t deserve your forgiveness. but i hope you find it in your heart to forgive your dad. your dad loves you so much. please come back home.

Binasa ko pa nang binasa ang ibang messages mula sa mom niya.

Annie

i am sorry i was selfish. i am sorry i only thought about my own happiness back then. it was the most miserable year of my life. your father was ashore, and i had no one to talk to. i am sorry i tried to find warmth through other men. but i promise you it didn’t happen again after that year. i didn’t deserve to be your mother.

Binasa ko rin ang message mula sa dad niya.

Dad

Son,

Please forgive me. I didn’t know you knew everything. I didn’t know you were hurting. Later that year, your mom confessed everything to me, that she had been cheating on me. And it hurt like hell. I tried to understand why she did it. Loneliness can do so much to a person. Being overseas, I was also tempted many times to do it behind her back. But I didn’t. My love for my family only grows stronger the more I am away from you two. I love you so much, son. And I also love your mom. Although it hurt, I eventually found a way to forgive her because I didn’t want our family to be broken. I am not asking you to forgive her. And I am also not asking you to forgive me. But please, come back. I really miss you.

Love, Dad

Sa kalaliman ng gabi, napatulala na lang ako at hindi alam ang mararamdaman. Dapat bang patawarin ni Pio ang mga magulang niya? Pagkatapos ng lahat? Wala naman ako sa posisyon ni Pio kaya hindi ko alam kung gaano kabigat ang nararamdaman niya. Siya lang ang makapagsasabi.

Pero paano kung sakali…? Paano kung sakali lang naman, matuklasan ko rin si Mama na meron ding nagawang malaking kasalanan o nasabing malaking kasinungalingan? Dapat lang ba na patawarin ko siya? Kahit gaano pa man kasakit ang katotohanan? Ang mas mahalagang tanong ay, Kayanin ko kaya?

Nagising ako sa pagkatulala nang mapansing may biglang tumawag sa numero ni Pio. Hindi Dad ang ngalan. Hindi Annie. Unknown number.

Kumunot ang noo ko. Sino naman ang tatawag sa kaniya sa ganitong oras ng gabi kung hindi ang dad o mom niya? Scammer? Baka scammer? Shopee delivery? (Tanga, sinong magde-deliver nang ganitong oras.)

Hinayaan ko muna ang tawag hanggang sa maging missed call ito. Saka tumambad sa ’kin, naka-70 missed calls na pala ang numerong ito.

70! Walang scammer na ganito katiyaga mang-scam.

Stalker? Baka stalker? Pero wala namang ibang pinagbibigyan ng numero si Pio bukod sa akin, sa mga magulang niya, at sa mga ka-team niya sa basketball.

Nang muling tumawag ang unknown number ay nagsimula na akong kabahan. Nagtatalo ang dalawang Aaron sa loob-loob ko. ’Yong isa ay sinasabing huwag kong sasagutin ang tawag dahil parang kahina-hinala. ’Yong isa naman ay sinasabing sagutin ko na para makatulog ako ngayong gabi nang walang iniisip.

Kaya sinagot ko.

“H-Hello, Pio?” panimula ng isang pamilyar na boses ng babae.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil parang may kutob ako kung sino ito.

“Si Mona ’to,” pakilala nito sa linya.

At dito na ako tuluyang kinabahan. Parang nakikipagkarera ang puso ko. Bakit siya tumawag kay Pio?

“Pio, buti naman at sinagot mo. Ilang beses kitang tinatawagan. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa ’yo? Sabi sa ’kin ng ka-team mo, lumayas ka raw sa bahay n’yo.”

’Tang ina, ’tang ina, ’tang ina! Anong nangyayari?

“Pio, andiyan ka ba?”

Parang naninikip na ang dibdib ko. Gusto kong sumagot pero hindi ko maigalaw ang bibig ko.

“Pio, alam kong nandiyan ka. A-Alam kong nakikinig ka. At alam kong… alam kong may nararamdaman ka pa rin para sa ’kin.”

Umiiyak ba siya? Lasing ba siya? Bakit parang nanghihina ang boses niya? Lasing nga siguro siya kaya niya nasasabi ’to. May boyfriend na siya eh! Matagal nang sila ni Kuya Jason at hindi pa rin sila naghihiwalay hanggang ngayon tulad namin ni Pio. Kaya bakit?

“Pio, I still love you.”

Shit! Parang kumukulo ang dugo ko. Ano bang nangyayari sa kaniya? Nagtataksil ba siya sa boyfriend niya?

“The truth is, y-you’re still the one I love… I thought… I thought I might forget about you if I… if I got together with Jason. And I thought… when you found out that we were together, you would get jealous. And that… And that you’d realize how much I meant to you.” Napahikbi na siya. “But I could not… I could not forget about you. And I was hurt that you… that you just let me be with someone else… after all we’ve been through. Pio, I-I cannot just let you go… I really want us to be back together…”

Para akong matutumba mula sa kinatatayuan ko. Bakit ba siya nanggugulo? Ayos na ang lahat, ’di ba? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan mahina si Pio? At si Kuya Jason… Bakit niya nasabi ’yon? Rebound niya lang ba si Kuya Jason? Hindi niya talaga gusto ang tao kaya niya ito sinagot? At anong akala niya, babalikan pa siya ni Pio? Bakit ngayon pa? ’Tang ina naman!

“Pio, I want you, and I’ll do anything to have you back.”

Nagkuyom ako ng kamao at huminga nang malalim. Naipon ang bigat sa dibdib ko at para akong hihikain. Gayunpaman, sinikap kong magsalita.

“Ate Mona,” panimula ko, lumunok, “tigilan mo na si Pio.”

“A-Aaron?”

Parang may kung anong pumasok sa ’kin at nagawa kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin nang tuloy-tuloy.

“Ako na ang mahal ng tao. Ako. Tapos na kayo eh. Ako na ang kasalukuyan ni Pio. At hindi ka na niya mahal. Ako na ang mahal ni Pio. At bakit mo nagawang sabihin ang lahat ng ’yon? Mahal na mahal ka ni Kuya Jason, Ate Mona. Gagawin ni Kuya Jason ang lahat para sa ’yo.

“Please lang naman. Masaya na kami ni Pio. Alam mo naman siguro ’yon. At alam mo naman sigurong wala nang nararamdaman sa ’yo ang tao. Puwede bang hayaan mo na lang kaming dalawa na maging masaya?

“Huwag mo na ulit tatawagan si Pio.”

Matapos ay in-end ko agad ang tawag at bl-in-ock ang number niya. Binura ko rin ang lahat ng missed calls niya sa call history pati na rin lahat ng drunk texts niya. Hindi ko na binasa pa dahil panay I love you ito at talaga nga namang sinusubok ang hangganan ko.

Nang makaramdam ng pagkahilo ay napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib. Sinubukan kong habulin ang aking paghinga. Wala akong inhaler, naiwan ko sa bagahe ko. Kaya sinikap ko na lang na pakalmahin ang aking sarili. Pinakiramdaman ko ang magaspang na pader. Pinakinggan kong mabuti ang ang aking bawat paghinga. Bawat pagbuga. Hinga. Buga. Hinga.

Putang ina. Putang inang baga ’to. Putang ina ng lahat.

Unti-unti na namang gumugulo ang mundo.

Matapos makarekober ay tumuloy na ako sa paglalaba. Pagkasampay ng mga nilabhan naming damit ni Pio sa labas ng bahay, bumalik na ako sa kuwarto dala ang cellphone niya. Sa loob ng kuwarto ko kung saan nakapatay na ang ilaw, nakita ko si Pio na nakatayo at nakadungaw sa bukas na bintana. Sumasayaw ang mga hibla ng buhok niya mula sa malamig na hanging dumadaloy papasok sa loob. At nagliliwanag ang mukha niyang nababahagian ng sinag ng buwan.

Masyadong malayo ang kaniyang tingin. Masyadong malalim ang kaniyang iniisip. Ayoko nang dagdagan pa ang mga bumabagabag sa isipan niya. Saka ko na siguro sasabihin sa kaniya ang lahat ng napag-usapan namin ni Mona.

Hindi muna ngayon.

“Pio, tapos na ’kong maligo,” pagbibigay-alam ko. Naglakad ako patungo sa cabinet ko at sa pinaka-itaas na drawer ko itinago ang cellphone niya. “Nakita ko nga pala cellphone mo sa pantalon. Lowbat na. Dito ko na muna sa cabinet ilalagay.”

Hindi pa talaga ito lowbat, sinadya ko lang na patayin. Baka mamaya kasi ay may tumawag na naman na ibang numero—alam na kung sino.

“Okay.” Narinig kong isinara niya na ang bintana.

Habang naghahalungkat ng mga isusuot na damit sa ikalawang drawer ng cabinet, may naramdaman na lang akong yumakap sa ’kin patalikod. Niyakap niya ako patalikod. At natigilan ako. Sunod niya akong hinalik-halikan sa batok. At nagpaubaya ako.

Inunat ko ang leeg aking leeg para ito ang sunod niyang halikan. Hindi siya humigop. Padampi-dami lang ng labi sa ’king balat. Mula batok, napunta sa gilid ng leeg. Napahawak ako sa gilid ng tuwalyang nakatapis sa ibaba ko at mahinang napahalinghing.

Sunod niyang hinalikan ang tenga ko, saka may ibinulong. “I love you, Aaron. Please never leave my side.”

Para akong naparalisa sa sinabi niya. ’Yong takot niya ay hindi pa rin nawawala. At mayroon ding takot na unti-unting namumuo sa loob ko dahil sa natuklasan ko kanina lang. Gayunpaman, sinikap kong huwag itong ipahalata sa kaniya. Ako ang sandalan niya eh. Kung manghihina rin ako, ano na lang ang mangyayari sa ’min?

Sa ibang paraan lang ako puwedeng manghina—sa ginagawa namin ngayon. Sa muli niyang paghalik sa aking batok ay muli rin akong napahalinghing. Kusang kumurba ang katawan ko at dumikit ang aking likod sa kaniyang harapan. Pero nagulat ako nang wala akong maramdaman.

“Aaron, we’re not doing it here.” Natigil siya sa paghalik sa ’kin at ipinahinga ang noo niya sa likod ng aking ulo. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa aking balat. “I just want to feel your warmth. I just want us to stay like this for a while.”

At tulad ng sinabi niya, nanatili akong nakatayo habang yakap-yakap niya. Bakit ko nga ba nakalimutan? Higit pa sa tawag ng laman ang kailangan niya ngayon. At higit pa rito ang kaya kong ibigay sa kaniya. Kailangan niya lang ng masasandalan. Kaya nanatili ako.

Madilim sa loob ng kuwarto. Unti-unti na ring lumalamig. Pero damang-dama ko ang init ng kaniyang yakap.


Kinabukasan, napagpasyahan kong dalhin si Pio sa malapit na resort. Kahapon ko pa kasi siya napapansin na parang gustong makapunta sa dagat. Sa J.A.M.A., swimming pool lang ang nagsisilbing languyan naming mga maritime students. Naisip kong marahil ay kailangan niya iyong mas malawak na languyan para makapag-isip-isip. Iyon bang walang hanggan ang lawak. Iyong puwedeng paglagyan ng lahat ng bumabagabag sa kaniyang isipan. Para kaunting sakit na lang ang kaniyang maramdaman. O para tuluyan nang mawala ang sakit.

Magkahawak-kamay kaming naglalakad papunta sa Nursery Boulevard mga bandang tanghali. Tahimik pa rin siya. Kaya niya nga lang yata nagagawang magsalita sa bahay at magpilit ng ngiti dahil ayaw niyang makahalata si Mama na may mali sa kaniya. Merong iilang mga taong nagdaraan at napapasulyap sa kaniya—o sa amin. Mabuhangin ang daan, parang ’yong sa daan lang papuntang covered gym. Makikita ang mga nagkalat na puno ng bakawan kahit saan, at nakatayo ang mga ito sa kulay luntiang tubig-dagat sa magkabilang gilid ng malawak na daan, na ginawang palaisdaan. Kumukonekta ang mga ito sa mismong dagat sa hindi kalayuan.

“Pio, o, tingnan mo.” Sandali akong natigil sa paglalakad at may itinuro sa kaniya sa ilalim na gilid—sa tubig.

Natigil din siya sa pagtitig sa malayo at nabaling ang tingin kung saan ako nakaturo. “What’s that?”

“Alimpuyo.”

“Alimpuyo?”

“Whirlpool.”

“Ah, whirlpool.”

Sandali kong binitiwan ang kamay niya at pinitas ang dahon ng munting halaman sa gilid. Matapos ay yumuko ako at sinabi, “Tingnan mo, kakainin niya ’to.”

Hinagis ko pababa ang dahon. Bumagsak ito sa gilid na tubig, pero kinalaunan ay unti-unti itong tinangay ng daloy, hanggang sa umikot-ikot ito at napunta sa mismong mata ng alimpuyo. Nilamon ito pailalim, tumawid sa concrete pipe, at napunta sa kabilang ibayo, papunta sa mismong dagat.

Napangiti si Pio, pero tipid lang.

Muli akong pumitas ng dahon at inabot ito sa kaniya. “Try mo rin.”

“Right.” Kinuha niya ang dahon mula sa kamay ko. Pagkatapos ay itinapon niya rin ito pailalim. Tuwang-tuwa ang mga mata niya habang nilalamon ito ng alimpuyo. Hanggang sa siya na mismo ang nagkusang pumitas ng sumunod na dahon at muling pinakain sa tubig. Paulit-ulit niya itong ginagawa. Para siyang bata na ngayon lang nakatuklas ng panibagong laro.

“Alam mo ba, dati, itinapon ng pinsan kong si Harry ang tsinelas niya rito,” kuwento ko.

“Really?” aniya habang pumipitas ng dahon. “Why?”

“Kasi, nagpustahan kami kung kaya bang lamunin ng alimpuyo ang malalaking bagay bukod sa dahon. Ako sa oo. Siya sa hindi. Ang matalo, magbabayad ng limang-piso.”

“Then? What happened next?”

“Ayon, para patunayan niyang hindi nga kaya ng alimpuyo ang malalaking bagay, hinagis niya ang tsinelas niya riyan. Ang kaso, kinain ng alimpuyo.” Napahagikgik ako nang maalala. “Sinabunutan tuloy siya ni Tita—ng mama niya—pag-uwi. Nawalan na nga ng limang-piso, nawalan pa ng isang tsinelas.”

Napahalikhik siya sa narinig, sabay tapon ulit ng dahon sa tubig, pinagmasdan ang paglubog nito sa pinaka-ilalim. “Hindi n’yo na nakita ang tsinelas?”

“Hindi na eh. Sinubukan naming pumunta ro’n sa kabila.” Itinuro ng nguso ko ang dagat. “Kaya lang, hindi na talaga namin nakita. Masyadong malalim ang dagat. At masyadong malawak. Lahat ng bagay na lumulubog, hindi na nakikita, liban na lang kung kusang lulutang.”

Napatulala siya sa sinabi ko. Unti-unti ay nawawala ang ngiti sa labi niya; bumabalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. Panay lang siya sa pagtitig sa ilalim. Sa tubig. Sa paikot na daloy nito. Sa pagkawala ng mga dahong itinapon niya rito.

High tide pa nang makapasok kami sa loob ng isang resort na ngayon ko lang napuntahan. Madalas kasi ay doon lang kami naliligo sa kabila—kung saan libre pero maraming tayom na tutusok sa mga paa mo. Dahil mataas pa ang tubig, wala pang naliligo sa dagat sa resort. Ang lahat ay nasa swimming pool. Tinatanong ko si Pio kung gusto niya ring maligo sa pool, pero hindi siya sumasagot. Panay lang siya sa pagtitig sa dagat habang nasa loob kami ng isang kubo na cottage.

Hinayaan ko na lang muna siya.

“Bili lang ako ng makakain natin ah,” paalam ko sa kaniya nang makaramdam ng gutom. “Dito ka lang.”

Tumango lang siya habang nasa malayo pa rin ang tingin.

“Saglit lang ako.”

Hinalikan ko siya sa pisngi bago ko siya iwanan. Habang naglalakad ako palayo, sinundan ko siya ng tingin. Hindi naman siya gumagalaw mula sa kaniyang kinauupuan. Mula sa malawak na dagat, kita kong lumipat ang tingin niya papunta sa akin. At binigyan niya ako ng isang mainit na ngiti.

Sabi ko, saglit lang ako.

Hindi naman matagal ang saglit lang .

Kaya bakit hindi niya man lang ako nagawang hintayin?

Pagbalik ko, wala na akong nabalikan. Wala na ang lalakeng kanina ay mainit na nakangiti sa kubo. Hindi naman ako nagkamali ng pinuntahan. Alam kong ito ang aking pinanggalingan.

Agad kong nabitiwan ang hawak kong eco bag na may lamang sitsirya at soft drinks. Sa paglaki ng mga mata ko ay nagsimulang tumahip ang dibdib ko.

“Pio…” usal ko.

Luminga-linga ako sa paligid.

“Pio!” tawag ko sa kaniya.

Pero hindi ko siya makita.

“Pio!” muli kong sigaw.

Naglakad-lakad ako sa kung saan-saan habang paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan niya. Pero walang sumasagot. Pumunta na rin ako sa pool area, sa CR, sa tindahan sa loob ng resort kung saan din ako nanggaling, dahil inisip kong baka ay sinundan niya ako; dahil ayaw niya ngang mag-isa.

Bakit ko ba siya iniwan nang mag-isa?

Bakit?

“Pio!” mangiyak-ngiyak kong sigaw.

Pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga tao, pero kinalaunan ay hindi ko na sila nakikita at naririnig. Isang bagay na lang ang mahalaga sa akin: ang mahanap ko si Pio.

Kung saan-saan na ako nagpunta. Kung kani-kanino na ako nagtanong. Hindi ko pa rin siya mahanap. Hanggang sa mapagtanto kong isa na lang ang hindi ko pa napupuntahan…

Ang dagat.

Habang tumatakbo papunta roon ay hindi ko mapigilang malunod mula sa sariling luha, sa sariling pag-iisip. Hindi. Hindi ako naniniwala. At ayokong isipin na magagawa niya iyon . Ayokong isipin na tuluyan niya akong iniwan, samantalang saglit akong nawala. Saglit lang .

Nang makarating sa dulo ng resort, sa may seawall, natigilan na lang ako sa sunod na tumambad sa akin. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapag-isip. Humampas ang tubig-dagat sa dulo ng semento. Sa pagbagsak nito papunta sa ’king mga paa, tuluyan na ring bumagsak ang aking luha.

Tanging mga tsinelas niya sa tabi na lamang ang naabutan ko.

Chapter 59

Masyadong malawak at malalim ang dagat. Lahat ng bagay na lumulubog, hindi na nakikita, liban na lang kung kusang lulutang. Kaya’t umasa akong lulutang siya sa tubig at magpapakita. Pero hindi niya ginawa.

Sa kabila ng lahat, ayoko pa rin maniwalang basta-basta na lang siya lilisan nang walang paalam. Masyado pang maaga. Baka ay nagkakamali lang ako ng akala. Kilala ko siya. Hindi niya ako iiwan. Hindi sa ganitong paraan.

Pinunasan ko ang mga mata ko. Hinubad ko ang suot kong mga tsinelas katabi ng kaniya. Sabay hingang malalim. Kahit gaano pa kalawak o kalalim ang dagat, hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nahahanap.

Una kong nilusong ang mga paa ko sa unang baitang ng seawall na pahagdan ang disenyo. Kahit tirik ang araw, ramdam ko ang lamig ng tubig sa ’king mga paa. Bumaba pa ako sa ikalawa. Ikatlo. Ikaapat. Pagdating sa ika-anim, tuluyan nang lumubog ang buo kong katawan.

Niyakap ako ng lamig. At kahit mahapdi na ang mga mata ko gawa ng pagluha, mas lalong humapdi ang mga ito nang imulat ko sa ilalim ng dagat. Malabo pa ang paningin ko sa umpisa.

Pio, asan ka ba?

Sandali akong pumikit at dire-diretsong lumangoy, hanggang sa wala nang maapakan ang mga paa ko. Nang maramdamang medyo malayo na ang narating ko, huminto ako at muling nagmulat ng mga mata. Hindi nagtagal, naging malinaw sa ’kin ang lahat.

Ang asul na tubig. Ang liwanag ng araw na bumubuhos sa ilalim. Ang lahat ng buhay sa paligid: mga damong-dagat na sumasayaw sa daloy ng tubig, mga mumunting isda na malayang lumalangoy, at isang lalake sa hindi kalayuan, nakalubog ang katawan sa pinaka-ilalim, nakapikit ang mga mata, ang mga braso ay nakayakap sa mga binti, ang mga bula ay tumatakas mula sa ilong at nakasarang bibig.

Pio!

Muntik ko nang makalimutan kung nasaan ako at tinangka kong sumigaw. Nakalunok tuloy ako ng kaunting tubig. Kahit parang kakapusin na sa hininga, hindi pa rin ako umahon. Papikit-pikit ang mga mata kong nananakit habang lumalangoy ako patungo sa kaniya.

Nang makalapit, nakita ko ang kapayapaan sa mukha niya. Parang natutulog lang siya. Nagpapahinga. Kahit may kaba sa dibdib, pinilit kong maging kalmado. Hindi lang siya gumagalaw, pero humihinga pa siya. Hindi siya tumitigil sa paghinga. Hindi niya ako iniwan. Hindi pa siya lumisan.

Tumigil ako sa paglangoy at hinayaan ang katawan kong lumubog. Nang magpantay ang mga mukha namin, hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. Marahang bumukas ang mapupungay niyang mga mata. Sa sobrang saya na malamang walang masamang nangyari sa kaniya, pinaglapat ko ang mga labi naming dalawa.

Binigay ko sa kaniya ang natitira kong hininga.

Unti-unti, kusang natatanggal ang mga braso niya sa kaniyang mga binti.

Unti-unti, hinawakan niya rin ako sa magkabilang pisngi.

Unti-unti, gumalaw ang kaniyang mga labi.

Binigay niya rin sa ’kin ang natitira niyang hininga.

Ako. Siya. Ang dagat.

Naging iisa ang lahat.

Nang makaahon kami sa tabi ng seawall, hindi ako matigil sa pagsinghap. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at mahapdi ang mga mata. Nasobrahan din sa pamumutla ang balat ko at naging kulubot na ang mga palad. Habang nakatayo nang harapan, hindi ko maalis ang aking tingin sa mga tsinelas na ngayon ay suot-suot na niya.

“Pio, alam mo ba kung ga’no ako natakot sa ginawa mo?” nanghihina kong sambit habang yakap-yakap ang sarili. Sa pag-ihip ng hangin, mas lalo akong nilamig.

“I’m sorry,” tipid niyang sambit.

“Pio, akala ko wala ka na!” Umiling ako papunta sa direksyon ng dagat, hindi mapigilang humikbi. “Akala ko tuluyan mo na ’kong iniwan!”

Magkahalo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nagpapasalamat akong okay lang siya. Pero hindi biro ang ginawa niya. Hindi biro ang iniwan niyang takot sa ’kin. Hanggang ngayon nga, damang-dama ko pa rin.

“I’m sorry,” muli niyang sambit. “I didn’t mean to scare you.”

Nang marinig ko siyang humikbi, agad na lumipat ang tingin ko sa kaniya. Siya naman ngayon ang napailing papunta sa dagat.

“I never really meant to end myself. I just wanted the pain to stop.”

Muling umihip ang malamig na hangin.

“Everything just feels so heavy. My heart can’t take it all.”

Umamo ang mukha ko habang pinakikinggan siyang ilabas ang lahat ng kaniyang saloobin.

“My chest feels so tight, I can barely breathe. It’s like I’m drowning, suffocating, and constantly gasping for air that just won’t come.”

Humarap siya sa ’kin, ang mga mata ay maluha-luha.

“And I don’t want you to know. I can’t let you see me like this. From the beginning, I’ve always been the strong one, the one who held everything together. But now, I feel like I’m falling apart, and I can’t bear the thought of you breaking because of me.”

Sa isang iglap, sumabog siya sa paghagulgol. Dumaloy ang lahat ng naipon niyang luha. Tuluyan niyang binuksan ang sarili sa akin.

“You’re my everything, Aaron. I don’t want us to break. I don’t want us to ever end. I don’t want to lose you, just as much as I don’t want you to lose me. I’m truly sorry.”

Lumapit pa ako sa kaniya at hinawakan siya sa isang kamay.

“Hindi mo naman kailangang sarilihin lahat eh.” Ngumiti ako kahit naluluha ang mga mata. “Nandito naman ako palagi. Puwede mo naman akong sandalan.”

“I know,” mahina niyang sambit, nanginginig ang boses. “I just… I don’t want to burden you with my problems.”

Umiling-iling ako, tumulo na ang mga luha. “Hindi naman pabigat sa ’kin ’yon, Pio. Magkasama tayo, ’di ba? Sa lahat ng bagay, lagi tayong magkasama. At lahat naman kaya nating lampasan.”

“I…” Yumuko siya. “I’m sorry. I love you, I’m sorry.” Muli siyang humikbi. “Please… Please don’t get tired of loving me.”

“Hindi, Pio.” Tumingin siya sa mga mata ko. “Hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka,” sabi ko, “at intindihin ka.” Suminghap ako. “Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako mapapagod sa ’yo. At kahit sa’n ka magpunta, hahanap-hanapin kita. At kahit gaano ka katagal mawala, palagi akong maghihintay. Gano’n kita kamahal.”

Walang anupama’y hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap. “Thank you.” Hinawakan niya ang ulo ko at idiniin sa dibdib niya, at naramdaman ko ang tibok ng puso niya laban sa ’kin. “I don’t know what I’d do without you.”

Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya, unti-unting gumagaan ang paghinga. “Hindi mo naman kailangang malaman,” sagot ko, “kasi hinding-hindi kita iiwan.”

Humampas ang tubig-dagat sa dulo ng semento. Sa pagbagsak nito papunta sa ’ming mga paa, tuloy-tuloy lang din ang pagbagsak ng aming mga luha.


Low tide pagsapit ng dapithapon. Ang kanina’y abot hanggang pinaka-itaas na baitang ng seawall na tubig-dagat, ngayon ay parang nilimas at itinapon sa dulo. Nabunyag ang pinaka-ibabang baitang ng seawall maging ang buhanginan. Nagsiuwian na ang ibang mga tao sa resort. Ang ilan ay nag-iimpake pa lang ng mga gamit. Habang kami ni Pio, sinusulit ang mga huling sandali.

Magkatabi kaming nakaupo sa dalampasigan, pinagmamasdan ang magandang tanawin: ang palubog na araw, ang mga ibong lumilipad sa himpapawid, ang kumikislap na dagat na abot tanaw lang, ang banayad na along tumatama sa mga nakaunat naming binti sa buhanginan, ang kalmadong simoy ng hangin.

“Pio, parang nangyari na ’to,” sabi ko habang nakasandal sa dibdib niya at nakayakap ang isa niyang braso sa ’kin.

“What do you mean?” tanong niya.

Hindi na siya tahimik tulad kanina, o kahapon, o no’ng nakaraang araw. Nagagawa niya na akong kausapin at sagutin nang diretso.

Tumingala ako sa mukha niya. “Parang nangyari na ’to noon. Ganitong-ganito rin mismo.”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Really?”

Ngumiti ako pabalik. “Oo.”

“Déjà vu?” taka niya.

“Siguro,” tugon ko.

Bumalik ang tingin ko sa magandang tanawin. Para talagang nangyari na ’to dati. Hindi ko lang matandaan kung kailan.

“Maybe this was bound to happen?” saad niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. “Hm?”

“I mean, you and me, still together,” tugon niya, “after everything.”

“Ah.” Siguro nga, tama siya.

“Or maybe you’ve dreamt of it before?”

“Ha? Gano’n ba ’yon?”

“Yeah, they say dreams do come true sometimes.”

Tinuwid ko ang labi ko. “Parang ’di naman totoo.”

“Why?” taka niya.

“Kasi dati, nanaginip ako, na-ospital daw ako, tapos dinalaw raw ako ng totoo kong tatay,” kuwento ko. “Hindi ko nakita ang itsura sa panaginip. Pero parang totoo. Tapos nagkita sila ni Mama.” Nagpilit ako ng ngiti. “Hanggang ngayon, hindi pa rin naman nangyayari. Hindi ko pa rin nakikilala ’yong totoo kong ama.”

Naging mariin ang mga mata niya. “And why would you get hospitalized?”

“Um, hindi ko rin alam. Limot ko na eh.”

Panaginip lang naman ’yon. Sa lahat ng bagay, iyon ang pinaka-imposibleng mangyari.

“Well, maybe what I just said wasn’t true at all,” biglang bawi niya.

“Bakit?”

“Because there’s no way you would get hospitalized,” nangingiti niyang sabi, “unless mababalian ka rin ng buto tulad ko.”

Mahina akong napahalikhik. “Malay mo.”

“Hey.” Agad na nabura ang ngiti sa labi niya, sabay galaw sa dibdib niya na kinasasandalan ko. “Huwag kang ganiyan, boss.”

Pinagpag ko ang buhangin sa damit niya. “O ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng kabahan.”

“Dati pa naman,” sabi niya. “Ikaw ang unang nagpakaba sa ’ting dalawa.”

“Ha? Ako?” Kumunot ang noo ko. “Paano naman naging ako?”

“Hm? Nakalimutan mo na?” Tumaas ang isa niyang kilay. “Nahimatay ka kaya dati.”

“Ah, ’yon…” Agad kong naalala. “Oo nga pala.”

“Hindi mo alam kung gaano ako natakot no’n. I really thought something bad would happen to you.”

Ngumiti ako. “Pero wala namang masamang nangyari… kasi nando’n ka.”

“Right,” aniya. “Pero paano pala kung wala ako no’n?”

“Marami namang puwedeng sumalba sa ’kin,” sagot ko.

“Like Nas? He can barely carry you.”

“Hindi lang naman siya. Marami naman akong kaklase, puro lalake.”

“Hmm.”

“’Tsaka, hindi naman na ulit mangyayari ’yon. Hindi naman na ako sasabak sa physical training kahit kailan. Lahat ’yon dahil sa ’yo.”

Ngumiti siya. “Well, I’d do anything for you.”

“Talaga? Kahit ano?”

“Yes,” sagot niya. “Anything.”

“Kung gano’n, huwag mo na ulitin ’yong kanina,” seryoso kong pakiusap. “Huwag ka na ulit basta-basta mawawala.”

Muling tumama ang alon sa ’ming mga binti.

“What I did earlier,” sabi niya, “it will never happen again.” Nangungusap ang mga mata niya, batid kong nagsasabi ng totoo. “I’ll never leave your side again. And I also want you to know that I’m never gonna do that thing . As long as you’re breathing, I’m breathing. You’re my lifeline, Aaron. You keep me going.”

Muling umihip ang hangin, tinangay ang ilan sa mga pangamba namin.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapuwesto sa ’king tagiliran, hinaplos-haplos ito. “Pio, kung sakali mang mawawala ako, gusto ko magpatuloy ka pa rin.”

Inalis niya ang kaniyang kamay na hinahaplos ko at pinuwesto ito sa ibabaw ng kamay ko, ako naman ang hinaplos-haplos. “Aaron, why are you saying this?” Nabahiran ng takot ang mga mata niya. “You’re scaring me.”

“Kung sakali lang naman eh. Hindi ko naman sinasabing mangyayari.” Tipid akong natawa para pagaanin ang usapan. “Ang punto ko lang, hindi ka dapat basta-basta sumusuko sa buhay kahit na anong mangyari, nasa tabi mo man ako o wala.”

Umawang ang bibig niya. “A-Ah, I see.”

“Puwede mo bang ipangako ’yon?” seryoso kong sabi.

Sandali siyang napatulala sa mukha ko, kumurap-kurap.

“I-promise mo,” ulit ko.

Tumango-tango siya. “Mm, I promise.” Sabay tikhim. “But of course, it will not happen.” Itinaas niya ang kamay ko at hinalikan ito sa likod. “I’ll make sure nothing will happen to you, to me, to us. We’ll stay together until the end.”

Tumango-tango ako. “Pero mas maganda sana kung wala nang dulo.”

“Parang dagat?” tanong niya.

“Parang dagat,” sagot ko.

Sabay na bumalik ang aming tingin sa magandang tanawin. Nagtatago na ang araw sa likod ng gintong dagat. Hindi na nakakaabot pa ang alon sa ’ming mga binti. Naglaho na ang mga ibon sa himpapawid. Pero tuloy pa rin ang ihip ng hangin.

Sa piling niya, nakaramdam ako ng kapayapaan. Sa kamay niya, nakaramdam ako ng kaligtasan. Sa mga huling sandali, nakalimutan ko ang lahat ng sakit na dinanas ko, ang lahat ng pangambang nagpapabigat sa dibdib ko, ang lahat-lahat.

Kung puwede lang sanang dito na lang kami habambuhay. Kung puwede lang kaming tumakbo palayo sa lahat. Kung puwede lang sanang hindi na namin harapin ang bukas. At kung puwede lang sanang ito na lang ang katapusan.

Ilang alon pa ba ang daraan?

Chapter 60

December 24

Tradisyon na namin na tuwing Bisperas ng Pasko, pumupunta kami sa Anas, isang baranggay sa Masbate na malayo sa city, para magdiwang kasama ang iba naming mga kamag-anak. Sa biyahe, kasabay naming sumakay ng lantsa sina Tito Ronald at Tita Karen, mga magulang ni Harry, pati na rin ang isa pa nilang anak na si Jenny, na meron nang singkong anak sa edad na bente singko.

Sa limang anak, tig-iisa kami ng hawak. Si Tito Ronald sa panganay. Si Tita Karen sa sumunod. Si Mama sa ikatlo. Sa ’kin ’yong pasaway. Kay Pio ’yong isang taon. Habang si Ate Jenny naman, busy sa pagse-cellphone.

Anak-anak pa kasi.

Kung ako inis na inis na sa makulit na batang kandong ko, si Pio naman, tuwang-tuwa sa sanggol na kalong niya sa kaniyang braso.

“Bulaga!” Hindi siya matigil sa paglalaro ng mukha niya para patawanin ang sanggol. “Bah!” Napapabungisngis naman niya ito. “Why so cute?”

Habang pinagmamasdan sila, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Bumabalik na naman ’yong katanungan na matagal ko nang kinalimutan.

Paano kung dumating ang araw na gusto niya na ring magkaanak?

Natigil siya sa ginagawa nang mapansin ang pagkatulala ko. “You okay?” usisa niya.

“Hmm?” Kumurap-kurap ako. “Ah…” Nagpilit ako ng ngiti. “Oo.”

Ngumiti siya pabalik, saka nilaro ulit ang baby. Nginungudngod niya ang dulo ng matangos niyang ilong sa maliit nitong kamay.

“Bagay sa ’yo ah,” sabi ko habang pinanghahawakan ang pilit na ngiti.

“What?” Bahagyang tumaas ang kilay niya.

Masyadong maingay ang makina ng lantsa kaya medyo hindi kami magkarinigan. Dumagdag pa ang ingay ng ibang mga pasahero na iba’t iba ang pinag-uusapan.

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at tinabingi naman niya ang ulo niya para marinig ako. “Sabi ko, bagay sa ’yo maging daddy,” ulit ko.

“D-Daddy?” Ngumiti siya. “Really?”

Tumango ako. “Mm.”

Kaya ko lang nasasabi ’to kasi gusto kong malaman kung gusto niya ngang magkaanak, nang matapos na ’tong pag-iisip ko ng kung ano-ano.

“Well, bagay rin sa ’yo,” sabi niya.

“H-Ha?” Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng dinig.

Lumapit pa siya sa ’kin. “Sabi ko, bagay rin sa ’yo maging mommy.”

Hindi ito ang in-e-expect kong sagot.

“M-Mommy?” Kumunot ang noo ko. “Ako?”

“Yes,” pagkumpirma niya. Hinawakan niya ang kamay ng baby at pinakaway ito sa akin. “Hi, Mommy Nora,” sabi niya sa ipit na boses.

“Nora?” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Sinong Nora?”

“Ikaw.”

“Ha?”

“Baliktarin mo.”

Sandali akong napaisip. Matapos baliktarin ang pangalan, nakuha ko na rin ang punto niya. “Eh dalawa naman ‘A’ sa pangalan ko.”

“Eh ’di Noraa.” Muli niyang pinakaway ang baby sa ’kin. “Hi, Mommy Noraa.”

Kumukulit na siya. Matapos ang nangyari sa amin sa resort, parang tuluyan na siyang bumabalik sa dati.

Napangiti ako sa sinabi niya, pero naging seryoso nang muling maalala ang isang bagay. “Eh Pio, paano naman ako magiging mommy?”

“It’s easy.” Bulong niya sa tenga ko, “Would you like to have a baby?”

“H-Ha?” Muling kumunot ang noo ko. “Paano?”

Bumulong siya sa tenga ko. “Let’s make a baby when we go back to the apartment.”

Uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya. “H-Hoy, marinig ka ng bata.” Tinakpan ko ang tenga ng batang nakakandong sa ’kin.

“Ready ka na?” Nagtaas-baba siya ng kilay sabay kagat sa labi.

“As if naman.” Hindi ko mapigilang ngumiti. Bumulong din ako sa tenga niya. “Ilang rounds ba?”

“All night,” bulong niya sa tenga ko, “until I get you pregnant.”

Parang nakiliti ako sa tiyan. Yumuko ako sa hiya habang patingin-tingin sa kaniya. “Sige, sabi mo eh.”

Sandali kong nakalimutan ang tanong.


Alas tres ng hapon, nakarating na rin kami sa pampang ng Baranggay Anas. Dahil nag-iiyak na ang nagugutom na sanggol, binalik na ito ni Pio kay Ate Jenny.

“Pogi, salamat nga pala ah,” sabi ni Ate Jenny kay Pio habang pinapadede ang sanggol.

“No problem po,” sagot naman ni Pio. Hawak namin sa magkabilang kamay ang batang kalong ko kanina; siya sa kaliwa, ako sa kanan—sa tabi ni Ate Jenny. ’Yong matatanda at iba pang mga bata ay nasa unahan lang namin, may sariling usapan.

Tahimik pa kaming naglalakad sa mahabang kalye sa umpisa. Tapos, bigla itong sinabi ni Ate Jenny kay Pio, “Alam mo, sayang lahi mo.”

Sabay kaming napatingin ni Pio sa kaniya.

“Po?” taka ni Pio.

“Hindi naman sa nang-aano ah,” tuloy ni Ate Jenny sa mukhang parang nang-aano. “Pero para sa ’kin, ’yong mga mukhang tulad ng sa ’yo, dapat pinaparami ’yan. Hindi dapat…” Tumikhim siya at tumingin sa ’kin, sabay balik agad ng tingin sa boyfriend ko. “Sayang kayo pareho.”

Umiling ako at sumama ang timpla sa babaeng katabi ko. Dumistansya ako nang kaunti at baka masipa ko nang wala sa oras, may hawak pa namang sanggol. Ito ang dahilan kung bakit ayokong nagbubukas ng Facebook eh. Toxic ng mindset, aba. Manang-mana sa mga magulang niya.

“Sabi ng nagsayang ng kinabukasan,” pabulong kong sabi.

“Ano ’yon, Aaron?” si Ate Jenny.

“Ah, wala po,” sabi ko kahit parang lalabasan na ng usok sa mga tenga.

“I’m sorry po, but I don’t agree with what you said,” tugon ni Pio.

“Ha?” taka ni Ate Jenny.

“Ah, Pio, Tagalog,” singit ko. “Hindi naka-graduate ng high school si Ate.” Tumingin ako kay Ate Jenny. “’Di ba, Ate?”

Hindi na nakasagot pa si Ate Jenny, pero kita kong nabahiran ng inis ang mukha niya.

“Right, sorry,” si Pio. “Sabi ko po, hindi ako sang-ayon sa sinabi n’yo.”

“B-Bakit?” Muling umamo ang mukha ni Ate Jenny kay Pio—siyempre, kaharap ang pogi.

“Kasi po, hindi naman responsibilidad ng kahit na sino ang magparami,” sagot ni Pio. “May kalayaan namang mamili kahit na sino kung gusto nilang magkaanak o hindi.”

Napipi bigla si Ate Jenny. Ako naman ay mas lalong lumalim ang paghanga kay Pio dahil sa paniniwala niya.

“’Tsaka, masyado na pong maraming tao sa mundo. Masyado nang magulo,” tuloy ni Pio. “Maraming mga bata ang lumalaki nang walang magulang. Kung gugustuhin namin ni Aaron, puwede naman kaming mag-ampon.” Tumingin siya sa ’kin at ngumiti. “’Di ba, Aaron?”

Ngumiti rin ako at tumango. “Naman.”

“Ha? Mag-ampon?” Ngumiwi si Ate Jenny. “Eh ’di mo na kadugo ’yon.”

May mga tao talagang mahirap paintindihin ng mga simpleng bagay.

“Hindi mo naman po kailangang maging kadugo para ituring na pamilya ang isang tao,” singit ko, sabay iling at ngisi. “Minsan, kung sino pa nga kadugo mo, sila pa hihila sa ’yo pababa.”

Tulad niya. Imbes na sumuporta sa ’min ni Pio, parang naiinggit pa sa ’kin. Porke’t tambay ’yong nakabuntis sa kaniya eh. Asan ba ’yong asawa niya? Iyon dapat ang naghahawak sa anak niya eh, hindi kami ni Pio.

“Ah, basta ako, hinding-hindi ako mag-aampon kahit kailan,” ani Ate Jenny.

“Hindi naman talaga dapat,” nasabi ng dila ko sa sobrang inis. “Ang dami mo na pong anak eh.”

Nagulat siya sa sinabi ko. Kahit ako rin naman. Eh siya naman may kasalanan. Kung hindi niya kami sinimulan ni Pio, hindi ko sana siya na-real talk.

Dati, panay siya sa pangungutya sa ’min ni Harry na kapatid niya rin, dahil malamya kami kumilos. Akala niya siguro, magpapadarag pa rin ako sa kaniya ngayon.

“Akin na nga si Raymond,” banas niyang sabi.

Binigay na naming dalawa ni Pio ang anak niya sa kaniya. Kahit hirap sa pagbitbit sa sanggol ay hinawakan niya si Raymond sa isang kamay, sabay may pagmamadaling naglakad palayo sa amin, lumapit doon sa mga magulang niyang hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin siya.

“Bayot,” bulong niya sa malayo, pero dinig pa rin namin.

Ngayong wala na akong hawak, napakuyom ako ng kamao at nagngangalit ang ngipin.

“Baby…” Hinawakan ni Pio ang kamay ko. “Let her be. Some people are not worth our time.”

Nakalma ako sa sinabi niya. Kusang bumuka ang kamay ko at hinawakan niya ito.

“Sorry.” Bumuntong-hininga ako. “Sorry sa kamag-anak ko. Hindi lahat kasingbait ni Mama.”

“It’s alright.” Ngumiti siya. “Not everyone will understand, and it’s not our fault.”

Pinilit kong labanan ang inis ko. Tama nga siya, hindi dapat namin pinaglalaanan ng oras ang mga ganitong klase ng tao. Lalo pa’t konti na lang ang oras, sa aming dalawa na lang dapat ilaan lahat.

Ang mas mahalaga, nasagot na rin ang tanong ko. Kung ano ang gusto ko, iyon din ang gusto niya. Kung saan ako masaya, doon din siya. Makabubuo kami ng pamilya, may anak man o wala.


Magulo ang bahay nina Lolo at Lola nang datnan namin ito. Napakaraming tao: mga kapatid ni Mama, mga anak ng kapatid ni Mama, mga anak ng mga anak ng mga kapatid ni Mama, at kung sino-sino pa na hindi ko na kilala.

Katamtaman lang ang laki ng bahay, pero meron namang malawak na bakuran na ang bakod ay gawa sa mga tinapyas na puno ng kawayan. May maliit na puno ng niyog sa bandang gilid ng gate na abot-kamay lang ang mga bunga. Sa tabi nito ay mayroong mahabang upuan na gawa sa tabla. Dito kami tumambay ni Pio habang sina Mama at ang iba kong mga tita ay abala sa pagluluto sa loob ng mga handa, at ’yong mga tito ko naman ay nag-aayos ng mga upuan at lamesa sa labas kung saan kami magdiriwang mamaya.

“Do you think I should help?” tanong ni Pio sa ’kin habang nakatingin sa mga tito ko na kumikilos.

“Huwag na,” sabi ko. “Bisita ka rito eh.”

“Okay.”

Naipakilala ko na siya kanina pa bilang boyfriend ko. Noong una siyempre ay nagulat sila, hindi sa katotohanang bakla ako, kundi dahil nagdala ako ng lalakeng ubod ng guwapo, bagay na bihirang makita sa lugar na ito. Pero hindi nagtagal, unti-unti silang nasanay.

Kaya ko nga muna nilabas si Pio dahil hindi siya maiwasang pag-usapan ng mga babae sa loob, lalo na ng mga pinsan ko. Mukhang hindi lang si Ate Jenny ang naiinggit sa akin.

“Ang presko naman ng hangin dito,” aniya habang nakatingala sa dahon ng niyog.

“Probinsya eh,” sagot ko.

“I wish we also have a province.”

Kumunot ang noo ko. “Wala kayong probinsya?”

“Wala eh.” Tumingin siya sa ’kin. “Um, actually, I don’t know. I don’t really know my mom that much.” Sabay balik ng tingin sa itaas ng puno. “But as for Dad, his family lives in the US. We visited them once, and they were nice. They said that once I grow up and find the person I want to marry, they will be there for my wedding.” Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti. “And now I found the one.”

Pinapainit niya na naman ang mga pisngi ko. “Tingin mo, mangyayari kaya ’yon?”

“You mean the wedding?”

“Oo.”

“Yeah.” Tumango siya. “Why not?”

“Kasi, nasa Pilipinas tayo eh.”

“Puwede naman tayong ikasal sa ibang bansa.” Hinawakan niya ang kamay kong nakalapag sa tabi. “O malay mo, baka dumating ang araw na puwede na rito sa Pinas.” Kinuha niya ang kamay ko at pinagmasdan ang suot nitong singsing. “When that happens, we’ll be the first to get married.”

“Gusto ko ’yan,” tugon ko. “Sana nga mangyari.”

“’Pag nangayari nga, ano ba gusto mong wedding?” tanong niya.

“Ikaw, ano ba gusto mo?” tanong ko pabalik.

“Kung ano gusto mo.”

“Kung ano gusto ko?” Binasa ko ang labi ko, sandaling nag-isip. “Um, gusto ko ano… beach wedding.”

“Beach wedding?”

“Oo,” masaya kong tugon. “Para naman maiba. Umay na ako sa church at hotel wedding. Ganoon na lang kasi lagi nakikita ko sa trabaho. ’Tsaka, pareho tayong marino, ’di ba? Dapat lang na dagat ang theme.”

“Alright. We’ll have a beach wedding then.”

“Kailan kaya?”

“Soon.”

Hindi na ako makapaghintay na mangyari ’yon.


Pagkagat ng dilim, naging maliwanag na ang mga kalapit na bahay gawa ng Christmas lights at di-ilaw na mga parol. Maririnig ang mga nagbi-videoke sa iba’t ibang direksyon at ang mga batang nangangaroling. Buhay na buhay ang kanina’y tahimik na Baranggay Anas.

Sa bakuran kami nagtipong mga magkakamag-anak. Pinagdikit-dikit ang mga upuang gawa sa kahoy para pahabain. Sa gitna, mayroong pahabang lamesa na pinaglapagan ng mga handa at mga bote ng alak na nabuksan na at hindi ko masikmura ang amoy. ’Yong nirentahang videoke machine ay nakapuwesto banda sa may bakod, kaya dinig talaga ng mga dumaraan sa kalye ang kumakanta.

Kasalukuyang kumakanta ng My Way ang isa sa mga tito ko, habang kami naman ni Pio ay nilalantakan ang lumpia, biko, at spaghetti sa iisang paper plate. ’Yong mga pinsan ko ay nasa likod lang namin, nakatayo, kanina pa tingin nang tingin at nagbubulungan kung gaano kaputi at katangkad si Pio. Starstruck pa rin sila hanggang ngayon.

“’Toy, shot ka muna,” alok ni Tito Boyet kay Pio.

“Po?” ani Pio habang may laman ang bibig.

Kumuha ng plastic cup si Tito Boyet at binuhusan ito ng alak, sabay tinangkang iabot kay Pio.

“Um.” Lumunok si Pio, sabay tingin sa akin. Naalala niya siguro iyong pangako niya sa akin na iinom lang siya kapag ako ang kasama niya. Mahirap na. Marami pa namang mga matang nakamatyag sa kaniya. “I-I don’t…” sagot niya kay Tito Boyet. “H-Hindi po ako umiinom.”

“Ha?” Kumunot ang mapulang noo ni Tito Boyet, tila hindi matanggap ang narinig. “Seryoso ka, ’toy?”

“Ah, o-opo.” Tumango si Pio sa hiya. “Sorry po, sumasakit tiyan ko sa alak.”

“Tss,” reaksyon ni Tito Boyet. “May lalake bang hindi umiinom?”

Nilunok ko ang laman ng bibig ko, sabay sinabing, “Ah, Tito, bibiyahe rin po kasi kami bukas. Hindi po puwedeng maglasing si Pio.”

“Ah, gano’n ba?” Ibinaba na ni Tito Boyet ang plastic cup sa lamesa. “Akala ko pa naman malakas mag-inom ’yan.”

Nagkatinginan lang kami ni Pio at hindi na umimik pa. Nang mabaling ang atensyon ni Tito Boyet sa iba ko pang mga tito, tumuloy na kami sa pagkain. Parang malalagutan na ng hininga ang kumakanta at pulang-pula na ang itaas na katawan nito. My Way ba naman eh.

Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko makita si Mama. Nagluluto pa rin ba iyon sa loob? Kumakain na dapat ’yon ngayon eh tulad namin.

Nang sumunod na oras, ’yong ibang mga tita ko naman ang kumakanta. Ang mga pinsan kong dalaga ay nagtitingin sa song book, panay reserve ng kanta, hindi naman marurunong kumanta. At ’yong mga tito ko ay nagpapayabangan tungkol sa iba’t ibang bagay. Sa kanilang lahat, si Tito Ronald ang pinakamasakit sa tenga pakinggan. Panay bida ito sa anak nitong si Harry na pumasok umano ng military academy.

“Paglabas no’n, lalakeng-lalake na ’yon,” sabi pa nga nito na nagpahalakhak sa iba kong mga tito.

Kilala ko si Harry. Hindi talaga no’n gustong magsundalo. Mas malambot pa sa ’kin ’yon eh. Napilitan lang ’yon kasi wala namang pangsuporta sa pag-aaral ang mga magulang no’n. Buti na lang talaga at iba ang mama ko sa kanila.

Pero asan na ba si Mama?

Lumipas pa ang ilang sandali, natapos na rin ang payabangan, napunta sa usapang NBA. Dito na nagawang makisalamuha ni Pio sa kanila. Kahit panay pilit sila na uminom si Pio, panay tanggi naman ito. ’Di bale, parang nagsisimula na rin naman nilang magsutuhan ang personalidad ni Pio kahit hindi ito umiinom. Kayang-kaya nitong sabayan ang usapang lalake nila eh. Kinain tuloy ni Tito Boyet ’yong sinabi niya kanina.

Wala pa rin si Mama.

“Pio, CR lang ako,” mahinang paalam ko sa boyfriend ko sa kalagitnaan ng usapan nila. “Okay ka lang dito?”

Tumango si Pio. “Mm. Sige na.”

“Saglit lang ako.”

“I know.”

Pag-alis ko, muli siyang nakisali sa usapan ng mga tito. Nasilip ko pa ngang pinatungan niya ng baso ng tubig ang puwesto ko para walang magtangkang umupo.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, bahagyang humina ang mga ingay sa labas. Unti-unti, lumalakas naman ang mga ingay na tila nanggagaling sa kusina.

“Ba naman ’yan, Alisa! Anong oras na, pinapakulo mo pa rin ang pata!” nakakairitang boses ni Tita Karen. “Kanina pa ’yan hinihintay nina Mama’t Papa eh! Alam mo namang ’yan lang ang puwede nilang kainin, ’di ba?”

“Eh kasi, Ate, sabi n’yo, unahin muna ’yong spaghetti ’tsaka biko,” magalang na sagot ni Mama. “Eh hindi naman kasya lahat sa kalan.”

“Kahit na!” buwelta ni Tita Karen. “Hindi ba matik na dapat agad ’yon? Ano ngayon ang kakainin nina Mama?”

“Meron pa namang—”

“Kahit kailan talaga eh tatanga-tanga ka, Alisa!”

Sa sinabi ni Tita Karen ay parang nagpanting ang tenga ko. Sa lahat ng bagay, paborito niyang minamaliit ang mama ko, porke’t siya ang panganay. Nagmadali akong maglakad patungo sa kusina habang nakakuyom ang kamao.

“Tanga ka na nga sa lalake, pati ba naman sa ganito!”

Sandali akong natigil sa pagbukas ng kurtina nang marinig ang sinabi ni Tita Karen.

“Ate, pakihinaan naman,” mahinang pakiusap ni Mama. “Baka marinig ka—”

“O, eh ano kung marinig nila? Totoo naman eh! Tanga ka naman talaga!” tuloy ni Tita Karen. “Tanga ka sa lalake!”

“Ate—”

“Sa lahat-lahat, nagpabuntis ka pa talaga sa seaman na ’yon! Eh ano ang napala mo? Naloko ka! Kasi, tanga ka!” dagdag pa ni Tita Karen. “Maayos sana buhay mo ngayon eh kung hindi ka lang nagloko! Pati nobyo mo ng ilang taon sinayang mo! Imbes na may asawa kang engineer ngayon, nganga ka tuloy! Masyado ka kasing naghangad nang mataas! Eh ’di ang baba rin ng bagsak mo!”

“Ate, tama na.”

“Ako na lang dapat ang pinag-aral nina Mama sa kolehiyo eh! Ako ’yong panganay! Nagsayang lang sila ng pera sa ’yo! Isa ka kasing tanga! Higad ka! Pumatol ka sa may asawa!”

“Ate, baka marinig ka ng anak ko.”

“Eh dapat lang na marinig ng anak mo! Nasa tamang edad na ’yon! Bakit ba hanggang ngayon tinatago mo pa rin ang totoo?”

“Ate!”

“Bakit? Ayaw mong masira tingin sa ’yo ng anak mo?”

Dahil parang hindi ko na kakayanin, binuksan ko na ang kurtina at pumagitna sa kanila.

“Tita, tama na po!” singit ko habang nakayuko, hindi alam kung anong mararamdaman. “Tigilan mo na po si Mama!”

“O, sakto! Nandito na ang anak mo!” Naglakad na palabas ng kusina si Tita Karen. “Kayong dalawa ang mag-usap! Ako ’yong nagmumukhang masama eh!” Pagkatapos ay tumungo na ito papunta sa kuwarto nina Lolo at Lola kung saan nakahiga ang mga ito dahil hindi na makalakad.

Kaming dalawa na lang ni Mama ang natira sa kusina.

“Ron, anak…” Nabitiwan ni Mama ang hawak niyang sandok at tumunog ito pagbagsak sa sahig.

“Ma…” Hindi ko siya matingnan nang diretso. “Ano ’yon?”

“Anak, n-narinig mo lahat?” may pagkabalisa niyang sabi.

“Oo, Ma.”

Hinawakan niya ang nakakuyom kong kamao. “Anak, huwag kang maniniwala sa mga sinabi ng tita mo.”

Bumigat ang paghinga ko. “Bakit, Ma?”

“Anak, kilala mo naman ang tita mo, ’di ba? Kung ano-ano ang nasasabi no’n kapag—”

“Bakit ikaw ang dapat kong paniwalaan?” tuloy ko.

Napabitiw siya sa ’kin. “A-Anak…”

Lumunok ako, sinikap siyang tingnan sa mata. “Ma, totoo ba ’yong mga sinabi ni Tita?”

Siya naman ang hindi makatingin sa ’kin ngayon. “Anak, uh… Anak, hindi totoo ’yon.”

Suminghap ako. Muling lumunok. Kinalma ang sarili.

Hindi muna ngayon. Kakaayos lang ng lahat. Saka na.

Tama na muna.

Tama na.

“Anak, maniwala ka sa ’kin.” Kahit maluha-luha ang mga mata niya, sinikap niyang huwag maiyak. “Ako ang nanay mo.”

Pumikit ako at nag-isip-isip. Kumakapal na naman ang bigat sa ’king dibdib. Ayokong may mangyaring masama sa gabing ito. Kakatapos lang namin kina Pio eh.

Tama na. Tama na. Tama na.

Pagod na ako sa ganito.

Ayoko na sa ganito.

“Opo, Ma,” sagot ko pagmulat. Nagpilit ako ng katiting na ngiti. “Naniniwala ako sa ’yo.”

Sa ngayon, maniniwala muna ako. Pipilitin kong paniwalaang siya ang nagsasabi ng totoo. Para sa ikakatahimik ng lahat. Para wala nang gulo. Para sa ’min ni Pio.

Huwag muna ngayon.

“Pero, Ma…” Nabuwag ang nakakuyom kong kamao. Hinawakan ko siya sa kamay. “Huwag mo namang hayaan na ganunin ka ni Tita.”

Sa puntong ito, mas nangingibabaw na ang inis ko sa tita ko. Masyado na eh.

“Anak, hayaan mo na,” sabi niya. “Sanay na ako.”

“Kaya ka ginaganyan kasi hinahayaan mo lang eh.” Pinagmasdan ko ang kamay niya na tila pagod na pagod. “At kumain ka na ba? Bakit mag-isa ka lang dito?”

“Oo, ’nak. Kumain na ako. Huwag mo akong intindihin. Balik ka na roon. Sunod ako pagtapos nito.”

Pati ba naman sa simpleng tanong, parang hindi siya nagsasabi ng totoo.

Hanggang kailan niya ba itatago?

Pagbalik ko sa puwesto ko kanina, umasta akong parang wala lang nangyari. Nagkunwari akong naiintindihan ang usapan ng mga lalake na ngayon ay hindi ko na alam kung tungkol saan. Para akong naririndi sa boses ng sanggol ni Ate Jenny na iyak nang iyak. Dumagdag pa ang wala sa tonong pagkanta ng pinsan kong dalaga. Kung saan-saan na napapadpad ang isip ko.

Pero okay lang ako.

Nang makalabas sina Tita Karen at Mama, umasta rin silang parang wala lang nangyari sa kanila sa loob kanina. Nakihalubilo sila sa ilan pang mga kapatid nila. Panay sa pagsulyap sa ’kin si Mama. Parang nakakahalata na rin si Pio. Kaya nagpilit ako ng ngiti. Sinikap kong huwag magpadala sa kung ano ang gustong ipadama sa ’kin ng puso ko.

Dahil okay lang ako.

Nang lumalim pa ang gabi, hinang-hina na ang mga tito kong lasing. Napaos na rin ang mga pinsan kong sigaw nang sigaw sa mikropono kanina. Sina Mama at iba kong mga tita, nagsimula nang maghugas ng mga pinagkainan sa loob. Ang iba pa, nagsimula nang magbalot ng mga pagkain. Habang si Pio, tila may hinahanap sa song book. Natapos ang gabi nang kantahan niya ako ng kantang Right Here Waiting .


Kinabukasan din mismo, bumalik kami sa city ng Masbate. Tanging si Mama ang naghatid sa ’min sa port. Matapos ang mahigpit na yakap, nagpaalam na kami sa isa’t isa. Wala kaming nabanggit na kahit ano tungkol sa nangyari kagabi. Kung paano kami noon, ganito pa rin kami ngayon. Walang nagbago.

Sa paglayag ng sinasakyan naming vessel ni Pio, kita kong napapaiyak si Mama sa malayo. Mayroong mga luhang namumuo sa mga mata ko pero hindi ko hinayaang tumakas. Hindi pa ngayon ang tamang oras. Hindi nagtagal, tuluyan nang naglaho ang lahat. Ang taong nagpalaki sa akin. Ang lugar na aking kinalakihan. Ang isa ko pang tahanan.

Magkasama naming nilisan ni Pio ang probinsya ko tulad kung paanong magkasama namin itong pinuntahan. Sa pag-alis namin, marami nang nagbago sa kaniya, sa magandang paraan, at marami ring nagbago sa ’kin, sa paraang hindi ko maintindihan.

Magkasama kaming babalik sa kung saan kami nanggaling nang hindi alam kung anong naghihintay sa amin.

Kalmado ang dagat.

Chapter 61

This chapter is R-18

December 31

Huling araw na ng taon.

Parang kailan lang nang makabalik kami ni Pio sa aming apartment.

Sabi ni Manang Lucy, paulit-ulit daw na bumisita ang mga magulang ni Pio rito para tanungin kung nakauwi na kami. Pero ang lagi niyang sagot ay, “Wala pa rin,” o ’di naman kaya ay, “Hindi pa nga eh. Nag-aalala na rin ako para sa dalawa.” Nag-iwan ng numero si Tita Annie kay Manang Lucy, para ’pag nakauwi na raw kami, ipagbigay-alam agad dito. Tinupad naman ito ni Manang Lucy.

Ika-28 ng Disyembre—isang araw pagkatapos naming umuwi—nang dumalaw sina Tito William at Tita Annie sa apartment namin. Kung babalikan, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Muling humingi ng tawad ang mag-asawa sa nag-iisa nilang anak. At napatawad naman sila ni Pio matapos ang ilang sagutan. Hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko, ginawa lang iyon ni Pio para takpan ang isa sa mga butas sa relasyon namin.

Tulad ng ginawa ko.

Wala na akong ibang maisip pa na maaaring makasira sa relasyon namin. Naayos na ang lahat ng gusot. O baka ay ito lang ang gusto naming paniwalaan. Na magiging maayos na ang lahat magmula ngayon. Dahil sa isang banda, batid namin parehong nauubos na ang oras.

Malapit na siyang umalis.

Sa huling araw ng taon, napagkasunduan namin parehong gugulin ito nang kaming dalawa lang ang magkasama. Nirespeto naman nina Tita Annie at Tito William ang desisyong ito. Sa amin lang muna ang araw na ito.

Isang oras bago ang mismong New Year, nakaupo kami ni Pio sa sahig ng apartment. Nakasandal sa gilid ng kama niya—kama namin. Naka-ilang baso na siya ng alak. Mamula-mula na ang mukha. Parang nag-iiba na rin ang pagkatao.

“W-Who are you?” nangingiting tanong niya sa ’kin. “Why… Why is there a pretty boy sitting next to me?”

“Um.” Tumikhim ako, pinipigilan ang tawa. “Ako ’to, si Aaron, na mahal na mahal ka.”

“Ako? M-Mahal na mahal mo na agad ako?” Naging mariin ang mga mata niya at nilapit ang mukha sa akin. Nasanay na ang ilong ko sa amoy ng alak na lumalabas mula sa kaniyang bibig. “N-Ngayon pa nga lang tayo nagkita.”

Ang lakas ng tama ng alak sa kaniya. Puwedeng-puwede nang itumba.

Hindi ko na mapigilang tumawa. “Baliw. Boyfriend mo ’ko.”

Umatras ang mukha niya. “B-Boyfriend?” Kumunot ang noo. “You’re my boyfriend?” Umiling-iling. “I-I don’t believe you. You’re way too pretty to be my boyfriend.”

Uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya. “Oo nga. Ayaw mong maniwala.”

“No, no.” Muli siyang uminom ng alak. Inalalayan ko pa ang pagbaba niya ng baso dahil maalog na ang kamay niya. “But, pretty boy, c-can I get your number?”

“Sige,” pagpatol ko sa kaniya. Para akong tanga kakapigil ng tawa. Ang sarap niyang pag-trip-an ’pag lasing eh.

“W-Wait, I’ll just get my phone.” Isinilid niya ang kamay niya sa loob ng bulsa ng kaniyang shorts. “Uh.” Ngunit parang wala siyang makapa. “Where’s… Where’s my phone?”

“Naiwan,” sambit ko.

Gumewang ang ulo niya. “H-Ha?”

“Naiwan ang phone mo sa cabinet ko sa probinsya,” kuwento ko. “Nakalimutan nating balikan sa bahay bago tayo umalis.”

Totoo naman. Naiwan talaga ’yong phone niya. Ewan ko ba kung bakit ko nakalimutan eh ako rin mismo ’yong nagtago no’n sa cabinet. Pina-LBC na ni Mama. Shipping pa rin hanggang ngayon, gawa siguro ng holiday season.

“Just give me your number,” sabi niya na parang nagmamadali. “I’ll… I’ll just memorize it, pretty boy.”

“Okay.” Uminom ako ng flavored beer. Paglapag ng bote sa tabi, sinabi ko, “09…”

“09?” ulit niya.

“69…” dugtong ko.

“69?”

“69…”

“096969?”

“69—”

“Wait, wait, wait…” Inalog-alog niya ang kaniyang mukha. “I-Is that a real number?”

“Hindi.” Nilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tenga, bumulong. “’Yan ang gagawin natin ngayon.”

Napataas ang mga balikat niya sa narinig. “Ooh.”

Bulong ko pa, “ Resorts World Manilaaah. “

Nanginig siya sa init ng aking hininga. Habang ako, nanginginig na sa pagpipigil ng tawa. Pero dahil masyado siyang seryoso, sinubukan ko na ring magseryoso.

“Y-You want to…?” Mas lalong namula ang mga pisngi niya. “With me?”

“Oo.” Ngumisi ako. “Gusto mo upuan pa kita?”

“But…” Tumikhim siya. “But we haven’t even kissed yet.”

Walang anupama’y tinukod ko ang isa kong kamay sa sahig at umunat para abutin ang ulo niya. Nang hawakan, pinaglapit ko ang mga mukha namin. “Kiss lang ba?”

Tila hindi siya makapaniwala na sobrang lapit na ng mga mukha namin ngayon. “U-Uh, pretty—”

Bago pa man siya matapos sa sasabihin, mabilisan kong pinagdikit ang mga labi namin. Agad kong nalasahan ang pait ng alak. Hindi naman masama kung sa labi niya magmumula. Hanggang sa unti-unting nag-init ang buo kong katawan.

Higit pa sa halik ang gusto kong gawin.

Pinasok ng dila ko ang loob ng kaniyang bibig, agad na nahanap ang dila niya. Lumaban siya pabalik. Nagtuos sa loob ang mga dila namin. Madulas at mainit. Mas lalong mapait. Pero hindi nagtagal, unti-unting nagiging matamis. Mas nakakalasing pa ang bibig niya kaysa iniinom ko. Hindi ko mapigilan. Nakakaadik.

Pagkatapos ng mainit na halik, tumulo ang laway na magkakonekta sa ’ming mga bibig. Naputol. Pero ang mga mata naman namin ang sunod na nagkonekta. Sa sandaling katahimikan sa gabi, natagpuan namin ang aming mga sarili na tila nalulunod. Walang ibang maririnig kundi ang palitan namin ng mga hiniga at ang puso kong hindi matigil sa pagwawala.

“Aaron.” Ngayon ay mukhang kilala niya na ako. “It’s you, Aaron.”

Tumango-tango ako habang mainit na nakangiti. “Mm.”

Dinilaan niya ang kaniyang labi. “You really shake me to my core.”

Maya-maya pa, bigla niya akong sinunggaban ng halik. Hindi lang basta halik. Malalim na halik. Mas malalim pa sa binigay ko sa kaniya. Medyo hirap man sa paghinga, sinikap kong labanan ang bawat tagisan ng aming mga dila. Ang bawat higop. Ang bawat dulas. Ang bawat init.

Nang sandaling matigil, sinabi ko, “Gawin na natin, Pio. Ready na ako.”

“Me, too.” Pinagmasdan niya ang labi ko. “Let’s do this all night.”

Sa pagtuloy namin sa ginagawa, umupo ako sa ibabaw niya. Ramdam ko ang matigas na bagay sa ilalim ko. Habang hinahalikan siya, sinadya kong sagiin ito nang sagiin hanggang sa mas lalong tumigas at mas lalong lumaki. Ramdam ko rin ang pagkabuhay ng bagay sa loob ng shorts ko.

Habang abala sa pag-abuso sa bibig niya, kinapa-kapa ko ang ilalim ng bedside table hindi kalayuan mula sa amin. Sa isang mini basket dito namin madalas ilagay ang mga condoms at lube. Agad kong nakapa ang tube ng lube. Pero nang ilibot ko pa ang aking kamay, wala akong nakapa na pakete ng condom.

Sandali akong natigil sa paghalik. “Teka.”

“Why?” usisa niya.

Habang nakaupo sa kaniya, umunat ako para tingnan ang mini storage box. Matapos itong iangat, nakita kong wala nga talagang pakete ng condom sa loob nito.

“Ubos na,” sabi ko.

Pinakita ko rin ang mini box sa kaniya. “What?” reaksyon niya.

Tiningnan ko siya. “Pa’no ’yan?” Binasa ko ang aking labi. “Tuloy pa ba natin kahit wala?”

“Nah,” tugon niya. “We promised to always do it safely, didn’t we?”

Tumango ako. “Mm.”

“Better safe than sorry.”

“Alam ko.”

Kahit parang nahihilo, nag-isip-isip siya. “U-Um, my wallet. Maybe I kept some spare there.”

“Ah, oo.” Tumayo na ako mula sa kaniya. “Check ko.”

Dumulas ang kamay niyang nakahawak sa ’kin pag-alis ko. Pagtungo sa pantalon niyang nakasabit sa labas na pader ng banyo, kinuha ko ang wallet sa bulsa nito at ch-in-eck ito. Walang condom sa loob.

Tumingin ako sa kaniya. “Wala eh.”

Hindi pa rin maalis ang init ko sa katawan. Parang gustong-gusto ko nang ituloy ang ginagawa namin, pero hindi puwede nang walang proteksyon. Nangako kami na laging meron. Ang hirap nang nabibitin.

“Oh, damn.” Napahimas siya sa kaniyang bukol. “I-I’m fine with BJ, you know? Let’s… Let’s just do it tomorrow.”

“Hindi,” sabi ko. Hindi puwedeng BJ lang. Umay. Kung kailan nasa climax na. “Bibili na lang ako.”

“W-What?”

“Sa convenience store. Meron namang malapit.”

“No,” sabi niya. “Maabutan ka pa ng New Year sa daan.”

Naglakad ako papunta sa puwesto ko kanina at kinuha ang cellphone ko, ch-in-eck ang oras. “11:10 pa lang naman. Mabilis lang ’yon.”

“K-Kahit na,” diin niya.

“Saglit lang ako,” paalam ko. “Promise.”

“Then I’ll…” Tinangka niyang tumayo. “I’ll go with you.”

Dahil parang matutumba siya, agad ko siyang inalalayan. “’Oy, ingat.” Kumalampag ang basong nasanggi ng paa niya, pero hindi naman nabasag. “Lasing na lasing ka.”

“No, I am… I am not drunk.” Inakbayan niya ako. “I’ll go with you.”

Sa sobrang bigat ng katawan niya, para kaming matutumba pareho papunta sa sahig kung saan nakalapag ang mga bote ng alak at flavored beer, mga pinggan, at mga mangkok na may lamang pagkain na binigay ni Manang Lucy sa ’min. Agad ko siyang hinila papunta sa direksyon ng kama. Sabay kaming natumba patihaya rito.

Mahina akong natawa. “O, ’di ba? Lasing na lasing ka.”

“No, I’m not,” garalgal niyang sabi.

“Ako na. Kaya ko na.” Hinimas-himas ko siya mula dibdib pababa nang pababa. Napapahalinghing siya sa bawat galaw ng mga daliri ko. Nang matigil ito sa bukol niya, dinakma ko ito at muling sinabi, “Ako na.”

“Yes, boss,” nanghihina niyang sabi. “Ikaw na.”

Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng kaniyang shorts. Mainit at buhay na buhay pa rin ang pagkalalake niya. “Huwag mo akong tutulugan ah.”

“Hindi kita—” Napahalinghing siya. “Hindi kita tutulugan.”

“Dito ka lang,” utos ko.

“Dito lang ako.”

Matapos hugutin ang kamay ko, hinawak ko ito sa pisngi niya at muli siyang hinalikan sa labi.

“Saglit lang ako,” pang-ilang sabi ko na.

Tumango-tango siya habang nangingiti. “I know.”

Bumangon na ako sa kama. Susundan niya pa sana ako pero hinang-hina na ang katawan niya, kaya hindi siya nakabangon. Sa halip, sinundan niya na lang ako ng tingin habang naglalakad ako sa pagitan ng mga bote at pinagkainan. Bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto, sinabi niya, “Aaron, I love you!”

Habang nakahinto sa bukas na pintuan, sinabi ko rin pabalik, “I love you, too.”

“I love you three!” pahabol pa niya habang nagsusuot ako ng tsinelas.

“I love you four.”

Napapangiti siya habang nakahiga roon sa kama. Iniwan kong nakabukas ang pintuan habang ang susi ng apartment ay doon sa bedside table nakapatong. Ilang beses na naming iniwang bukas ang apartment noon, pero ni kahit isang beses ay hindi pa kami nananakawan.

Mabuti na lang at walang magnanakaw.

Habang naglalakad sa pasilyo, sinundan ko pa siya ng tingin mula sa jalousie window. Gumagalaw pa rin naman. Hindi naman siguro ako tutulugan. Sa pagtuloy ko ng lakad, napansin kong nakasara ang mga pinto ng mga katabi naming apartment. Grabe. Kahit New Year, may pasok pa rin ang mga call center agents na tenants dito.

Pagbaba ko sa unang palapag ng building, nakasalubong ko si Manang Lucy na nagtatanggal ng mga hanging plants niya sa railing. “O, Aaron, saan punta mo?” usisa niya.

“Ah, may bibil’hin lang po,” sagot ko.

“Gano’n ba?” aniya. “Anong oras na ah.”

“Diyan lang naman po.”

“Ah. ’Di ba may hika ka?”

“Opo.”

“Bilisan mo lang bumili at baka maabutan ka. Pagdating kasi ng alas dose, magpapabomba ng motor ang mga tenants diyan sa labas. Naku, sinasabi ko sa ’yo, mausok at sobrang ingay mamaya. Kaya nga magkukulong muna ako sa kuwarto.”

“Bibilisan ko lang po. Salamat po sa paalala.” Tipid akong ngumiti. “Ang sarap nga po pala ng luto n’yong sisig. Nagustuhan po namin ni Pio pareho.”

“Ay, salamat naman at nagustuhan n’yo,” pagkatuwa niya. “Iyon talaga ang specialty ko.”

“Oo nga po.” Tumango ako. “Sige po, una na po ako.”

Hindi ko na matiis ang kati. Parang sasabog na ang pantog ko.

“Sige, sige. Bilisan mo lang ah. Ingat ka sa daan.”

“Opo.”

May pagmamadali akong naglakad paalis sa apartment building.

Dahil walang bumibiyahe na tricycle, nilakad ko na lang ang kahabaan ng kalye. May iilang mga sasakyan pa ring nagdaraan, pero kadalasan ay mga kotse at van. Iyong mga motor yata ay inihahanda na ng mga tao para sa okasyong ito. Sa lahat ng bagay, pinaka-ayoko rin ang nagpapabomba ng motor. Pinagsamang noise at air pollution. Okay lang sana kung wala akong hika. Pero hindi pa rin okay. Muntanga lang mga gumagawa no’n.

Napayakap ako sa sarili nang biglang umihip ang malamig na hangin. Dapat pala ay sinuot ko na lang ang varsity jacket ni Pio bago lumabas. Atat na atat kasi eh.

Sa convenience store, mahaba-haba ang pila. Karamihan sa mga bumibili ay yelo, soft drinks, at beer ang pinunta. Meron pa rin namang iilan na bumibili rin ng condoms at lubes. Mabuti na lang at hindi ako nag-iisa. Nakakabawas ng hiya kahit papaano.

11:45 na. Ilang minuto na akong nakapila. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang may kaba sa dibdib ko. Parang may mali, pero hindi ko matukoy. Sa isang banda, nagdalawang-isip ako kung dapat ko pa bang ituloy ’to. Ako na ang susunod sa pila eh. Sayang naman.

Sayang talaga.

“Next.”

Ayan na nga.

“Um, ito lang po.” Nilapag ko ang pakete ng condom at pera sa counter at nag-ipit ng labi, umiwas ng tingin.

“Happy New Year, Sir!” masiglang bati ng lalakeng cashier sa ’kin. “Putukan na ba mamaya?”

Tipid lang akong tumango bilang tugon.

“Parang ang laki niyan, Sir, ah,” natatawa nitong sabi.

“Ah, hindi po ako ang magsusuot,” tugon ko.

“Baka gusto n’yong samahan ng lube, Sir?”

Ang ingay ng cashier, potek. Alam na tuloy ng mga nasa likod ko na makikipagbakbakan ako. Pinagtatawanan na nga yata ako nang palihim.

“Ah, hindi na po.” Umiling-iling ako. “’Yan lang po.”

“Sure ka, Sir?”

“Opo.”

“Ito, Sir, baka gusto n’yo?”

“Hindi na po.”

Ubos na oras ko.

Paglabas ng convenience store, may pagmamadali akong naglakad sa kalye. Muling umihip ang malamig na hangin, at muli akong nanginig at napayakap sa sarili. Masyadong tahimik ang mga huling sandali. Para talagang may mali.

11:55 na. Nadatnan ko ang ibang mga tenants sa tapat ng apartment building na naghahanda na ng mga motor na bobombahin. Ang ilang mga tenants ay nagsisilabasan na rin dala-dala ang mga pampaingay: naglalakihang mga torotot, mga takip ng kaldero, at kung ano-ano pa.

“O, Aaron?” tawag sa ’kin ni Manang Lucy pagdaan ko sa pasilyo ng unang palapag. Pasara na yata siya ng pinto nang mapansin ako. “Saan ka ulit galing?”

Limang minuto.

Limang minuto na lang ang natitira, pero nagawa ko pang sagutin si Manang Lucy. Nakapagtataka kasi ang tanong niya. Parang kanina lang nang mag-usap pa kami kung saan ako pupunta, tapos ngayon ay naitanong niya kung saan ulit ako galing.

“Po?” kunot-noo kong tugon. “Kababalik ko lang po galing convenience store. Medyo natagalan po kasi mahaba ang pila.”

“Ha?” Kumunot ang noo niya. “Kababalik mo lang?”

“O-Oho.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Bakit po?”

“Hindi ba’t kaaakyat mo lang kanina?”

Parang sandaling natigil sa pagtibok ang puso ko. Pero nang tumuloy ay unti-unting bumilis ang takbo.

May mali.

“H-Hindi po. Kababalik mo lang po.”

May mali.

“Eh sino ’yong nakita ko kanina?”

May mali.

“Po?”

May mali.

“Kanina, sigurado akong nakita kitang umakyat.”

May mali. May mali. May mali.

“Aaron? Ayos ka lang ba?”

Hindi na ako sumagot pa. May pagmamadali akong tumakbo pataas sa hagdan. Sa bawat hakbang na binibitiwan ko ay mas lalong bumibigat ang aking paghinga. Nakasalubong ko ang ilang mga tenants. Ang ilan ay nababangga ko na. Muntik na nga akong madapa. Muntik na ring mahulog. Pero tumuloy pa rin ako.

Hindi ko na alam ang oras. Pero ramdam kong parang unti-unti itong nauubos. Bawat minuto. Bawat segundo. Hindi ko na alam. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makabalik agad kay Pio… bago pa mahuli ang lahat.

“Sorry,” sabi ko sa mga nababangga ko.

“Sorry,” paulit-ulit.

“Sorry.”

Isa. Dalawa. Tatlo. Pagdating sa ikatlong palapag, mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Mas lalong bumigat ang hangin. Mas lalo akong nahirapang tumakbo kahit na wala naman na akong mga nakakasabay na tenants sa hagdan.

Isa. Dalawa. Tatlo. Bawat hakbang mahalaga.

Bawat minuto. Bawat segundo.

Hindi ko na alam.

Huwag naman sana.

Huwag naman sanang tama ako ng hinala.

Huwag naman sana.

“Pio…” sambit ko kahit hapong-hapo.

“Pio…” paulit-ulit.

“Pio.”

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Pagdating sa ikaapat na palapag, bigla akong natigilan. Sa tapat ng ikaapat na apartment, may isang babaeng nakatayo. Madilim sa pasilyo, pero naaaninag ko ang katawan at ang mahaba nitong buhok. Isang pamilyar na tao.

Bumagsak sa sahig ang hawak-hawak kong paper bag na galing pa sa convenience store. Parang huminto ang takbo ng oras. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala.

Sa isang malakas na dagundong, biglang bumalik ang oras sa normal nitong takbo. Umilaw ang langit sa pagsabog ng fireworks sa himpapawid, nabahagian ng liwanag ang lahat ng bagay sa paligid.

Ako. Ang mahabang pasilyo. At si Mona sa kabilang dulo.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko. Kahit parang naparalisa, pinilit kong humakbang. Hanggang sa ang mga hakbang ay unti-unting nagiging takbo.

Takbo, Aaron. Takbo!

Isa. Dalawa. Tatlo.

“Mona!”

Agad na natabunan ang sigaw ko ng sumunod na dagundong.

“Mona!”

Sa muling pagliwanag ng paligid, nakita ko si Mona na hinuhubad ang butones ng suot niyang damit habang naglalakad papasok sa loob ng kuwarto kung nasaan si Pio.

“Mona!”

Isa. Dalawa. Tatlo.

“Mona!”

Parang nauubusan ako ng pag-asa nang tuluyang makapasok si Mona sa kuwarto. Pagdating sa tapat ng apartment namin ni Pio, sarado na ang pinto. Pihit dito, pihit doon. Hindi bumubukas kahit anong pihit.

“Pio!”

Kahit sarili ko ay hindi ko na marinig dahil sa magkakahalong mga ingay: ang mga paputok sa langit, ang mga motor sa labas, ang puso kong parang ayaw papigil. Panay ako hampas sa pinto. Panay tawag sa mga pangalang hindi naman ako naririnig.

Para akong sumisigaw sa kawalan. Halos maubusan na ng boses. Halos magasgas na ang lalamunan. Halos malamog na ang mga palad. Halos matumba na mula sa kinatatayuan. Halos maubusan na ng hininga.

Napahawak ako sa dibdib kong naninikip, at kahit may takot, sumilip ako sa bintana. Hindi ko kinaya ang sunod kong nakita.

Nasa iisang kama sina Mona at Pio.

Umiwas ako ng tingin, pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang aking nasumpungan. Agad na napuno ng poot ang aking dibdib. Ng luha ang mga mata. Nadama ko ang pinaghalong pait at sakit sa mga kalamnan ko, sa mga buto, at tagos hanggang puso. Hindi ko na yata kaya.

Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pigilan sila. Ang pag-iisa ng mga katawan nila. Pero naiisip pa nga lang ay parang gusto nang sumabog ng dibdib ko kasabay ng mga paputok sa langit.

Nanginginig. Nanginginig-kamay kong hinawakan ang cellphone ko sa pag-aakalang maaari niya akong marinig. Nawalan na yata ako ng kakayahang mag-isip nang tuwid. Paano ko siya matatawagan? Ako na rin mismo ang may sabi kanina, wala siyang cellphone.

Siya? O ako? Ano ang uunahin ko?

Nauubusan na ako ng hininga.

Pero ayokong may mangyari sa kanila.

Pero ayoko ring may mangyari sa ’kin.

Hindi na kaya ng baga ko. Kahit nanghihina, nagsumikap akong naglakad papunta sa loob ng kuwarto ko. Nakakabalisa. Para akong nagmamakaawa sa sarili kong katawan na pakinggan ako kahit ngayon lang. Na huwag akong maging mahina. Kaya pang lumaban ng puso ko, pero hindi na kaya ng katawan.

Halungkat dito. Halungkat doon. Sa loob ng bagahe ko, pinilit kong hanapin ang isang bagay na makasasalba sa paghinga ko.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Nakalimang higop na ako sa inhaler pero hindi pa rin ako pinakikinggan ng katawan ko. Ayaw pa ring maalis ng bigat sa dibdib ko. Ng poot. Ng sakit. Ng lahat-lahat. Ayaw pa rin.

Tulong…

Nahihilo man, binaybay ko ang kahabaan ng pasilyo. Hindi na ako sumulyap sa kabilang kuwarto. Hindi na ako tumawag sa mga pangalan. Hindi ko na alam.

Para akong tutumba anumang oras habang bumababa ng hagdan. Sinubukan kong kumatok sa unang kuwarto sa ikatlong palapag. Walang tao. Sa ikalawa. Wala. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagawang bumaba sa ika-unang palapag.

“Manang Lucy…” Sa paghinto ko sa tapat ng pinto ng taong maaaring makatulong sa ’kin, akala ko ay maliligtas na ako. “Tulong…”

Pero masyadong maingay ang paligid.

Masyadong mausok ang pasilyo.

Walang nakaririnig sa ’kin.

Walang nakaaalam.

Kaunti na lang. Kaunti na lang at nararamdaman ko na.

Malapit na. Malapit na akong maubusan ng hininga.

Nauubusan na ako ng lakas para bumalik pa sa itaas. At nauubusan na ako ng dahilan para manatili rito. Masyadong magulo. Masyadong maingay. Masyadong mausok.

Naglakad ako palabas ng building. Walang nakapapansin sa ’kin. Parang wala ring nakakakita. Bawat isa ay lunod sa pagsasaya. Bangga rito. Bangga roon. Usok sa kung saan-saan. Mas lalo akong pinahihirapan.

Ang kalsada.

Wala akong ibang makita kundi ang kalsada. Kahit doon papaano ay walang masyadong usok. At mayroon pang mga taong naglalakad sa kabilang dulo.

Desperado na yata ako.

’Tang ina. Ayoko pang mamatay.

“Ma…” Tumulo ang luha ko. “Pio…”

Ayoko pang mamatay.

Kung kaya’t pinilit kong hilain ang mga paa ko papunta roon. Dahil baka sakali… Baka sakali lang naman, merong makarinig sa pagsusumamo ko. Baka merong maaaring makapagligtas sa akin.

Isang tunog mula sa cellphone ko.

Nakarinig ako ng isang tunog. At kahit nandidilim ang paningin, kahit tila umiikot ang mundo, tiningnan ko ito. Mayroong message mula sa isang tao. Si Jonas. Binati ako ng Happy New Year .

May panginginig-daliri kong pinindot ang call button. Ring lang nang ring. Bitbit ito, tumuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa kalsada. Singhap dito. Singhap doon. Pinililit abutin ng kamay ko ang mga tao sa kabilang dulo, pero masyado akong malayo.

“Tulong…”

Hanggang sa hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa gitna ng kalsada.

Para akong nabingi sa isa pang malakas na dagundong. Para akong nasilaw sa muling pagkislap ng langit. At parang niyakap ako ng hindi maipaliwanag na lamig nang makita ang isang rumaragasang sasakyan.

Huli na nang matagpuan ko ang aking sarili na nakahandusay sa sahig. Ang mga parte ng katawan ay hindi na maramdaman. Ang paghinga ay unti-unting humihina. Ang paningin ay unti-unting dumidilim.

Ang ganda ng langit.

Hindi ko matanggap na ang ganda ng langit. Masyadong makulay. Masyadong masaya. Habang ako, naririto, nakahiga sa malamig na kalsada, hindi alam kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

Sa tuluyang pagpikit ng aking mga mata, naramdaman ko ang pagdaloy ng malamig kong luha. At sa tuluyang pagdilim ng paligid, naiwan na lang sa ’king pandinig ang mga dagundong sa langit, ang boses ng mga taong lumalapit at nag-aalala para sa ’kin, at ang boses ni Jonas sa cellphone na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko.

Hindi nagtagal, unti-unting naglaho ang mga ingay. Ang lahat ng bigat. Ang lahat ng poot. Ang lahat ng sakit. Ang lahat-lahat.

Walang ibang natira kundi ang mga alaala namin ni Pio.

Chapter 62

“Hi.”

“Pio nga pala.”

“Morning, Aaron!”

“You’re the only guy I’ve ever kissed. And you’re the only guy I’ll ever make love with.”

“Do I really have no chance with you?”

“So you… you like me, too?”

“Will you be my boyfriend?”

“You’re my anchor—you keep me steady, you keep me ashore.”

“I’m yours… only yours.”

“Thank you for giving me the chance to be with you.”

“I love you, Aaron. Please never leave my side.”

Umalingawngaw ang mga pinaghalong boses at unti-unting naglaho sa marahang pagmulat ng aking mga mata. Sa pagkalat ng liwanag na nanggagaling sa itaas, sandali akong nasilaw. Hindi nagtagal, unti-unti rin akong nasanay.

Unang tumambad ang isang panel light sa ceiling na siyang pinagmumulan ng liwanag. Sandali ko itong pinagmasdan, sinubukang alalahanin ang mga bagay-bagay. Malabo pa ang aking isipan. Magulo. Magulo pa ang lahat.

Anong nangyari?

Nasa’n ako?

Bago pa madagdagan ang mga katanungan ko, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kirot sa dibdib. At ang katawan ko. Lubhang nanghihina ang katawan ko. Hindi ko maigalaw nang maayos ang aking mga binti at braso. Parang dinadaganan ang katawan ko at hindi ako makabangon sa kama.

Sa kama?

Bakit ako nakahiga sa kama?

At bakit parang wala ako sa apartment?

Sinubukan kong iahon ang aking ulo mula sa unan, pero kaunting angat pa nga lang ay agad akong nakaramdam ng pagkahilo. Para akong masusuka. Hindi na ako lumaban pa at bumalik na lang sa pagkakahiga, saka napatulala sa ceiling.

Habang bahagyang nakamulat, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa gilid ng aking mata. Sa marahan nitong pagdaloy, saka rin isa-isang nagbalik sa akin ang lahat. Ang huling gabi ng taon. Ang pagdating ng hindi inaasahang tao. Ang siyang pinanggagalingan ng sakit.

“Pio…” namamalat kong boses.

Saka naging malinaw sa akin kung paano ako nakakahinga nang maramdaman ang bagay na nakakabit sa aking ilong—isang nasal cannula.

“Pio!” mangiyak-ngiyak kong tawag sa taong una kong gustong makita.

“Aaron!”

Nabuhayan ako ng loob nang makarinig ng boses ng isang lalake. Tatangkain ko pa sana ulit na bumangon sa kama nang ako na mismo ang kusang nilapitan ng pinanggalingan ng boses. Sa hindi inaasahan, ibang mukha ang tumambad sa akin.

“Aaron!” si Jonas. May bakas ng pag-aalala sa mukha niya, bagay na matagal-tagal na mula nang huli kong makita. “Gising ka na!”

“Jonas?” nanghihina kong sabi. “Anong…?”

Napariin ang mga mata ko nang muling makaramdam ng sakit ng ulo.

“Aaron, huwag mo munang pilitin.” Magaan niya akong hinawakan sa braso. “Hindi ka pa—”

“Si Pio?” Bumigat ang aking paghinga. “Asan si Pio?”

“Aaron—”

“Pio!”

Napaawang ang bibig ko nang muling sumakit ang aking ulo. Parang binibiyak. Parang minamartilyo. Walang katumbas ang sakit.

“Aaron, kailangan mo munang magpahinga.” Naging mahangin ang boses niya. “Saka mo na hanapin si—”

“Pio!” Humikbi ako. “Pio!”

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ang gusto ko lang naman ay makita si Pio, pero hindi ko siya mahagilap. Wala na akong boses. Wala na akong lakas. Wala ang taong nagpapalakas sa akin.

“Aaron!” Pilit akong pinipigilang bumangon ni Jonas. “Aaron, please…” Unti-unting nagiging basag ang boses niya. “Nurse! Nurse!”

Kahit ako ay hindi na mapigilan ang aking sarili. Panay ako sa paghagilap sa taong wala naman dito. Dahil kung nandito siya, alam kong siya ang unang lalapit sa akin. Dahil mahal niya ako. At dahil hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa akin.

Pero wala siya. Wala siya kung kailan kailangan ko siya. At hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Mona.

Nangyari?

May nangyari ba sa kanila ni Mona kagabi?

“Hindi…” Napahagulgol ako. “Pio…”

Mas lalong hindi ko matatanggap iyon.

“Pio…”

Sa lubhang panghihina, kusang bumigay ang aking mga mata. Muling binalot ng dilim ang paligid. Muling niyakap ang katawan ko ng hindi maipaliwanag na lamig. At muling naglaho ang mga ingay.


“Doc, okay lang po ba siya?”

“Yes, there’s no need to worry. His vital signs are stable. He just collapsed from overfatigue…”

“Kagabi pa po siya hindi nagigising eh.”

“He’s only resting. Sooner or later, he will wake up again.”

“Talaga po?”

“Yes. Just give his body some time to recover…”

“Salamat po, Doc.”

“No problem.”


Sa muli kong pagmulat, natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa parehong kama. Nakapatay na ang panel light sa ceiling, pero maliwanag pa rin naman ang paligid. Liwanag na mukhang hindi artipisyal. Mukhang umaga na.

Umaga na? Gaano na ba ako katagal dito?

Sinubukan kong bumangon sa higaan. Sa hindi inaasahan, nagawa kong iangat ang aking ulo. Meron pa rin akong naramdaman na konting pagkahilo. Pero iyong bigat sa dibdib ko ay mukhang nabawasan. At higit sa lahat, nagawa ko nang igalaw ang aking mga binti at braso. Pero hinang-hina pa rin ako. Parang gusto ka pang magpahinga.

Pero teka, paanong ayos lang ang katawan ko? Hindi ba’t nasagasaan ako?

“Aaron!”

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakitang tumayo si Jonas mula sa isang silya sa tabi ng kama. Lumapit siya sa akin at napangiti.

“Jonas.” Sinapo ko ang aking noo, akala mo’y makatutulong ito para mapawi ang sakit ng ulo.

“Kamusta pakiramdam mo?” Ang boses niya ay may bahid pa rin ng pag-aalala. “May masakit ba sa ’yo?”

Iyon nga rin ang ipinagtataka ko. Alam ko dapat ay napuruhan ang katawan ko. “Anong… Anong nangyari?”

Umupo siya sa tabi ng kama, magaan akong hinawakan sa may tuhod. “Aaron, muntik ka nang masagasaan.”

“Ha?” Tinanggal ko ang aking kamay sa noo at mariin siyang tiningnan. “Muntik?”

“Oo. Humandusay ka raw sa kalsada.” Ngumiti siya nang may pag-aalangan. “Mabuti na lang talaga at mabilis na nakapreno ang driver ng van at hindi ka nasagasaan. ’Yon ang nagdala sa ’yo rito sa ospital. Sabi, sila na rin daw bahala sa mga bayarin.”

Pinagmasdan ko ang aking mga braso maging ang mga binti sa ilalim ng kumot. Buo pa naman ang katawan ko. Pero parang merong kulang. Parang merong nawawala sa akin.

“Uh.” Naramdaman ko ang nakakakiliti na bagay na nakakabit sa aking ilong. Dahil sa pangangati, tinangka ko itong tanggalin.

Pinigilan ni Jonas ang kamay ko saka umiling-iling. “Aaron, huwag.”

“Hm?”

“Hindi ka pa okay.”

Ibinaba ko ang aking mga kamay at saka inilibot ang tingin sa paligid. Nasa loob kami ng isang private room sa ospital. Maaliwalas. Mabango. At malamig.

“’Tol, grabeng pag-aalala ko sa ’yo. Akala ko…” Bumuntong-hininga siya. “Akala ko talaga kung ano nang nangyari sa ’yo. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan mo sa linya pero hindi ka sumasagot.” Hinaplos niya ang kaniyang mukha. “Natakot ako. Akala ko wala ka na.”

Akala ko nga rin. Pero bakit parang kaming dalawa lang ang nasa loob? At higit sa lahat, bakit siya ang kasama ko? Bakit hindi—

“Si Pio?” nanghihina kong tanong.

Inayos ko ang pagkakasandal ko sa higaan. Napabitiw naman ang kamay niyang nakahawak sa tuhod ko, ipinatong na lang sa isa pa niyang kamay sa hita.

“Jonas, asan si Pio?”

“Aaron…” Yumuko siya. “Kasi…”

“Bakit?” Lumunok ako, mas lalong naramdaman ang pait sa nanunuyot na lalamunan. “Jonas, bakit?”

“Si Pio…” Umangat ang tingin niya sa akin. “Sabi ni Kuya, nasa kulungan daw si Pio.”

“Ano?” Nadagdagan ang sakit sa aking ulo. “Paano?” Hinawakan ko ang aking dibdib. “B-Bakit siya nasa kulungan?”

“Aaron, okay ka lang?” Nilapitan niya pa ako at hinawakan sa magkabilang bisig. “May nararamdaman ka ba?”

Marami akong nararamdaman ngayon, pero mas nangingibabaw ang pagkabahala.

“Jonas…” Hinawakan ko siya sa braso. “Bakit nasa kulungan si Pio?”

Nagsumamo ang mga mata ko sa kaniya na sahihin niya ang totoo.

“Eh kasi… no’ng… no’ng nalaman niya ang nangyari sa ’yo, nagmadali siyang mag-drive ng motor,” seryoso niyang sagot. “Kaso, nahuli sa highway… walang suot na helmet… at driving under the influence of alcohol.”

Sabi na. Tama ako. May nangyari kay Pio kaya wala siya rito. Imposible naman kasi. Imposibleng iiwan niya na lang ako basta-basta kung kailan nalagay sa peligro ang buhay ko.

“Ano?” Heto na naman ang bigat sa aking dibdib na pakapal nang pakapal. “Kailan? Kailan pa?”

“Kahapon pa.”

“Kahapon?”

“Oo.” Binasa niya ang kaniyang labi. “Pero huwag kang mag-alala. Ang sabi, inaasikaso na raw ng mga magulang niya.”

Hindi ko alam kung makatutulong ba ang sinabi niya.

“Ilang araw na ba ako rito?”

“Dalawa.”

“Ha?” Kumunot ang noo ko. “Dalawa?”

Namamanhid man ang mga binti ko, tinangka kong bumaba sa kama. Pero si Jonas, pilit din akong pinipigilan.

“Aaron, dito ka na muna,” pagmamakaawa niya. “Mahina ka pa.”

“Kailangan ako ni Pio,” sabi ko. “Kailangan ko si Pio.”

“Alam ko naman ’yon.” Naging maluha-luha ang mga mata niya. “Pero paano kung bumigay na naman ang katawan mo?”

“Kaya ko na.” Pinipigilan kong huwag humikbi. “Pupuntahan ko si Pio.”

“Aaron naman… Puwede bang makinig ka naman sa ’kin?” wika niya. “Unahin mo muna sarili mo.”

“Jonas, nasa kulungan si Pio. Kailangan ko siyang puntahan.”

“At na-ospital ka,” buwelta niya. “Mas importante ka.”

“Hindi—”

“Aaron, malulusutan ’yon ni Pio, okay? Huwag mo nang dagdagan ’yang sakit na nararamdaman mo.” Ibinalik niya ako sa pagkakasandal sa ulunan ng kama. “Madali lang piyansahan ng mga magulang niya ’yon. Mayaman sila eh.”

“Kailan siya pupunta rito?” usisa ko nang may pagkabalisa. “P-Paano siya makakapunta rito? Wala siyang cellphone.”

“Ako na ang bahala. Kakausapin ko si Kuya,” aniya. “Basta, magpahinga ka na muna. Kailangan mo munang bumawi ng lakas.”

Napatakip ako sa mukha. Parang gusto ko na namang maiyak. Pero kung gagawin ko, alam kong muli akong mawawalan ng malay. Kaya huminga ako nang malalim at sinabi sa sarili na hindi puwede . Hindi puwedeng umiyak ako. At tama nga si Jonas, kailangan ko nga munang bumawi ng lakas.

“Si Mama?” Tinanggal ko ang aking kamay sa mukha. “Alam ba ni Mama ang nangyari sa ’kin?”

“Ha?” Batid ko sa mukha ni Jonas na kahit siya ay hindi alam ang sagot. “Um, gusto mo bang tawagan ang mama mo? Kunin ko lang ang cellphone—”

“Hindi. Huwag.” Pinigilan ko siya sa pagtayo. “Huwag, Jonas.” Lumunok ako. “Hindi dapat malaman ni Mama ang nangyari sa ’kin.”

“Bakit?” taka niya.

“Basta.” Binasa ko ang namamalat kong labi. “Jonas, hindi puwedeng malaman ni Mama.”

“Okay.” Tinangka niyang ilapit ang kamay niya sa kamay ko. Pero nang makita niya ang suot kong singsing, napaatras ito. Umangat na lang ang tingin niya sa akin at tipid akong nginitian. “Aaron, hindi ito ang unang beses na nangyari ’to.”

Parang may gusto siyang ipahiwatig. “Aksidente ang nangyari.”

“Hindi ’yon ang gusto kong sabihin.” Umiwas siya ng tingin. “Lagi ka na lang umiiyak…”

“Jonas—”

“Hindi ka ba napapagod?” Muling dumapo ang tingin niya sa aking mukha. Nag-iba ang mga mata niya, tila lumalim. “Lagi ka na lang nasasaktan.”

Sa mga sinabi niya, nanumbalik ang lungkot na bumabalot sa aking katawan. Batid ko namang hindi lang ito ang unang beses. Pero hindi ko kayang sukuan. Hindi ko magawang sukuan ang relasyon namin ni Pio. Siya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Siya ang gusto ko hanggang katapusan.

“Jonas, mahal ko si Pio,” sabi ko. “Para sa kaniya, lagi akong handang masaktan.”

“Kahit maubos ka na?” tanong niya.

Tumango ako. “Kahit maubos ako.”

Muli siyang umiwas ng tingin. Iyong mga naipong luha sa mga mata niya ay parang gusto nang bumagsak pero pilit niyang pinipigilan. Hindi matigil sa paggalaw ang bibig niya na parang gusto niyang humikbi. “Kung…” Panay siya sa paglunok. “Kung sana…”

Hanggang ngayon, may hindi pa rin siya maamin.

“Jonas, okay lang ako.” Sinikap kong ngumiti kahit pilit, kahit masakit. “Okay lang kami ni Pio.”

Tumango naman siya sa sinabi ko at nagpilit din ng ngiti na paulit-ulit na nabibitiwan. “Oo,” sabi niya. “Kung saan ka masaya—kung kanino—doon din ako.”

Hinawakan ko siya sa balikat. “Jonas, salamat…” Bumuntong-hininga ako. “Salamat at nandito ka.”

“Wala ’yon.” Hindi niya pa rin ako magawang tingnan nang diretso. “Lagi naman akong nandito para sa ’yo.”

Wala na akong nasabi pa. Humingi na lang ng paumanhin ang mga mata ko. Sa sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa, mas lalong lumalim ang mga nakaw na tingin niya sa akin. Mga tinging hindi ko masuklian.

Wala naman siyang ibang hinihingi. Siguro ay matagal niya nang tanggap na hindi ko na kayang ibigay ang iisang bagay na hinahangad niya. Pero nandito siya. Palagi siyang nandito para sa ’kin. At kahit ang makasama lang ako ay sapat na sa kaniya.

Hindi ako nararapat para sa kaniya.


Matiyaga akong naghintay sa pagdating ni Pio. Tulad ng sinabi ni Jonas, pinilit kong bumawi ng lakas. Tinulungan niya ako sa pagkain. Kahit papaano ay napawi ang panunuyot ng lalamunan ko nang makainom ng tubig, pero ramdam ko pa rin ang sakit sa loob nito.

Sunod na pumasok sa kuwarto ang driver ng van na muntik nang makasagasa sa akin. Todo ito sa paghingi ng tawad. Pero hindi ko tinanggap. Sabi ko, ako dapat ang humingi ng tawad. Wala naman siyang kasalanan. Ako itong pumunta sa gitna ng kalsada sa kalaliman ng gabi.

Habang tumatagal, mas lalo akong naiinip sa paghihintay. Mas lalo akong nananabik. Mas lalong sumisidhi ang kagustuhan kong bumuti na ang lagay para agad akong makaalis dito. Para ako na lang ang pumunta kay Pio. Nakapagtataka nga eh. Nang magising ako kanina, siya agad ang una kong naisip… samantalang ako itong muntik nang mamatay.

Lumipas ang mga oras at para akong mamamatay sa kahihintay. Nagmistulang kulungan ang apat na pader ng kuwartong aking kinalalagyan. Nagkulay-ginto na ang paligid. Bakit wala pa rin siya? Makakalusot ba talaga siya? Magagawan nga ba talaga ng paraan ng mga magulang niya ang nangyari sa kaniya?

Ngayon tuloy ay hindi ako matigil sa pagsisi sa sarili. Kung hindi sana nangyari ’to, hindi sana nangyari sa kaniya iyon. Pero sarili ko ba talaga ang dapat kong sisihin? Hindi ba’t ang may kasalanan naman talaga ng lahat ay si Mona?

Si Mona. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa iyon. Ang buong akala ko ay masaya na siya kay Kuya Jason. Akala ko ay wala nang hahadlang pa sa amin ni Pio. Pero bakit? Bakit niya ginulo ang tahimik naming relasyon? Bakit kung kailan malapit nang umalis si Pio?

“Aaron.” Napatayo si Jonas sa silya nang makita na naman akong napahawak sa nananakit na dibdib. “Okay ka lang?”

Tumango-tango ako kahit nahihilo. “O-Oo,” mahina kong sagot.

Mga ilang saglit pa, tumunog ang pinto ng kuwarto. Agad nitong nakuha ang atensyon ko at sabay kaming napalingon ni Jonas doon. Sandali kong nakalimutan ang sakit ng aking ulo at napangiti ako, umaasang si Pio na nga ang darating. Pero magkahalong pagkadismaya at pagkagulat ang naramdaman ko nang ibang tao ang nagpakita. Isang taong hindi ko inaasahang makakarating dito. Hindi talaga.

“Ron, anak!” si Mama na agad na napahikbi nang makita ako.

“Ma?” Kumunot ang noo ko. “A-Anong ginagawa n’yo rito?”

“Uh, ’tol, maiwan ko na muna kayo.” Sa paglakad ni Jonas palayo ay siya namang paglakad ni Mama palapit sa akin.

Sumara ang pinto.

“Anak, a-anong nangyari?” Agad niyang sinuri ang kalagayan ko. “Bakit ka…?”

“Ma, bakit kayo nandito?” taka ko, hindi mapigilang madala sa pag-iyak niya kung kailan nakabawi na ako ng konting lakas. “Bakit kayo pumunta rito? Sinong…?”

Umupo siya sa tabi ko. “Kung… Kung hindi pa tumawag ang school mo, hindi ko pa malalaman.” Hindi siya matigil sa paghikbi, parang hirap nang huminga. “Anak, ano bang nangyari? B-Bakit ito nangyari?”

Yumuko ako at umiwas ng tingin. Sa lahat ng bagay, ayaw na ayaw ko siyang nakikitang nagkakaganito. Sumasakit na naman lalo ang dibdib ko.

“Ma, okay lang ako.” Nagsisimula na rin akong humikbi. “Bakit pumunta ka pa rito?”

“Ano bang pinagsasabi mo?” Hinawakan niya ang mga pisngi ko at pinaharap sa mukha niyang hindi maipinta. “Nanay mo ’ko, natural lang na puntahan kita kahit gaano ka pa kalayo. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala? Hindi ako makatulog sa biyahe.”

Alam ko nang magkakaganito siya kapag nalaman niya, kaya nga sinabi ko kay Jonas na huwag ipaalam sa kaniya. Pero tulad ng dati, tulad ng nangyari noon, kusa niyang nalaman ang lahat mula sa isang tawag sa academy. Siya lang naman ang guardian ko.

“Ma, okay nga lang ako.” Tuluyan na nga akong napahikbi. “Okay lang ako.”

“Ron, ano ba?” basag niyang boses. Itinaas niya ang buhok kong sumayad at hinaplos-haplos ang aking noo. “Hindi ka okay.”

Sa sinabi niya ay sumabog ako sa paghagulgol at agad na napayakap sa kaniya. “Ma…”

Hindi ako okay.

Hindi ako okay at gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat, pero hindi ko magawa. Hindi niya ako maiintindihan. At ayokong lumala nang lumala ang sitwasyon. Kailangan kong gumaling eh. Kailangan kong makita si Pio. Hindi ko naman inaasahan na pupunta siya rito at muli akong paiiyakin.

Kahit nananakit ang dibdib, inilabas ko na lang ang mga hindi ko masabi sa pamamagitan ng pag-iyak. Mabuti at sinusuportahan ng maliit na tubong nakakabit sa ilong ko ang aking paghinga. Kahit papaano ay nakakaya ko pa. Hindi ako puwedeng tumigil sa paghinga. Hindi ko pa puwedeng iwan ang mga taong mahalaga sa akin.

Hinaplos-haplos ni Mama ang likod ko habang nagpapalitan kami ng mga pag-iyak. Para sa akin, malaking tulong na ito para mabawasan ang bigat na pasan-pasan ko sa aking mga balikat. Para maibsan ang sakit. Hindi man siya ang inaasahan kong tao na darating, isa naman siya sa mga kailangan ko sa ganitong uri ng sitwasyon.

Sa kalagitnaan ng yakapan at iyakan namin ni Mama, muling tumunog ang pinto. Sandali kaming natigil sa ginagawa at sabay na napalingon doon. Sa pagbukas ng pinto, isa na namang hindi inaasahang tao ang dumating. Nakasuot ng kulay itim na T-shirt at maong pants. May sabit na shades sa damit. May bitbit na basket ng mga prutas sa kamay.

Bahagyang lumaki ang mga mata ko at umawang ang bibig. Hindi ko inakalang dadalawin niya ako. Hindi siya sa lahat na tao. Magmula nang pumunta ako sa kanila, magmula nang pagbantaan ako ng asawa niya, paulit-ulit ko na siyang iniiwasan sa campus. Tuluyan ko na siyang nakalimutan.

“A-Anong ginagawa mo rito?” si Mama.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ni Mama na tila gulat na gulat sa pagdating ng isang tao . Pagsara ng pinto, natigilan din si Captain Ramirez doon habang palipat-lipat ang tingin sa aming

dalawa . Sa isang iglap, parang tumigil ang mundo sa pagitan naming

tatlo .

“Ma…” Bumilis ang tibok ng puso ko. “Magkakilala kayo?”

Chapter 63

Mabilis na lumipat sa akin ang tingin ni Mama. Nakita ko sa mga mata niya ang bagay na paulit-ulit niyang itinatanggi. Nakita ko ang katotohanan. At hindi ko alam ang mararamdaman.

“Anak…” Nangatal ang mga labi niya. “Uh…”

Ngayon, sigurado na ako. Kahit hindi niya na sabihin. Kahit muli siyang magsabi ng kasinungalingan. Kahit paulit-ulit niya akong lokohin. Sigurado na ako. Kilala niya si Captain Ramirez.

“Um…” Nang mabaling ang tingin ko kay Captain Ramirez, iba naman ang aking nakita sa mga mata niya—pagtataka. “S-Sorry? Do I know you?” tugon niya kay Mama.

Mukhang hindi niya nga talaga kilala si Mama. Dito na ako nagsimulang magulumihanan.

Muling nangusap ang mga mata ko kay Mama na kasalukuyang hindi makakibo. Tulad niya, wala rin akong ibang masabi. Gusto ko lang namang malaman ang totoo mula mismo sa kaniya. Para matapos na ang paghihirap ko. Para tuluyan na akong mabuo.

Buong buhay ko, isang bagay lang naman ang hinihiling ko, na huwag ipagkait sa akin ang katotohanan. Kahit paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko na kailangang malaman, hindi ko pa rin maiwasang balik-balikan ang tanong. Pakiramdam ko, habambuhay akong hindi matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman.

“Aaron,” tawag sa akin ni Captain Ramirez, “is she your mother?”

Hindi ako makasagot.

Bakit hindi niya kilala si Mama gayong kilala siya nito?

Muli kong sinulyapan si Mama. Nakatuon na ang mga mata niya ngayon kay Captain at unti-unting tumatalim ang paningin. Mas tumindi ang pangangatal ng mga labi niya. Hindi ko na siya nagawang tawagin pa. Hinayaan ko na lang na muling magkonekta ang mga mata nilang dalawa.

“Um, hi,” bati pa ni Captain kay Mama na parang ngayon niya lang ito nakita. “I-I heard about your son, so I came to pay a visit.” Naglakad siya palapit sa amin. “Ako nga palang ang—”

“Aaron…” ani Mama, pero wala sa akin ang mga mata niya, nakatuon pa rin kay Captain. At alam kong hindi ito ang pangalang madalas niyang itawag sa akin.

Natigilan sa paglalakad si Captain at bahagyang kumunot ang noo. Noong una ay napasulyap pa siya sa akin para kumpirmahing hindi nga nagkakamali ng tinutukoy si Mama. Sabay balik ng tingin dito. “Um… h-how did you know my name?” tanong ni Captain kay Mama. “N-Nagkita na ba tayo dati?”

“Hindi mo ako kilala?” Bumaba si Mama sa kama at tumayo. Namumula na ang mukha niya ngayon. “Pagkatapos ng ginawa mo sa ’kin?” boses niyang may bahid ng poot.

Nadagdagan pa ang mga guhit sa noo ni Captain Ramirez. “I-I don’t… I don’t understand.” Lumunok siya at muling sumulyap sa akin, naghahanap ng sagot na kahit ako rin mismo ay hinahanap, saka muling humingi ng kapaliwanagan kay Mama. “May… May nagawa ba akong mali… sa ’yo?”

“Tinatanong mo… kung may nagawa kang mali… sa ’kin?” Lumalim ang paghinga ni Mama. Nanginginig na ang panga niya. “Pagkatapos mo akong… Pagkatapos mo akong buntisin?” Tumulo ang luha niya. “Pagkatapos mo kaming iwan?”

Unti-unting lumaki ang mga mata ni Captain Ramirez at umawang ang bibig. Gano’n din ako. Lumabas na mula mismo sa bibig ni Mama ang katotohanang matagal ko nang hinihintay, at ngayong nandito na ako sa puntong ito, hindi ko na alam kung paano ko ito tatanggapin.

Nabitiwan ni Captain Ramirez ang hawak niyang basket ng mga prutas. “U-Um…” Nangatal na rin ang mga labi niya at naging mapula ang mga mata nang mapatingin sa akin—sa mukha ko, na kawangis din ng mukha niya. “You mean…” Kumurap-kurap siya. “H-He’s my…?” At bumalik ang tingin kay Mama. “But… But how?”

Marahang naglakad si Mama palapit sa kaniya. “Tinatanong mo kung paano?” Humikbi si Mama. “Hindi mo man lang ako nakilala? Samantalang malinaw na malinaw sa akin hanggang ngayon ang mukha mo! Dahil sa ginawa mo!”

Mas lalong bumigat ang hangin sa loob ng malamig na kuwarto.

“I-Isa ka ba sa mga…?” Hindi natapos ni Captain Ramirez ang kaniyang tanong.

“Sa mga?” Huminto si Mama sa harap niya. Parang nakalimutan niya na yatang nandito ako. O baka nakalimutan niya nang kontrolin ang kaniyang emosyon. “Sa mga babae mo?” Walang anupama’y bigla niyang pinaghahampas si Captain Ramirez sa dibdib. “Oo! Isa ako sa mga naloko mo! Walang… Walang hiya ka! Sinira mo ang buhay ko!” Walang ibang magawa si Captain kundi ang matulala at umatras nang umatras habang sinasaktan siya ni Mama. “Isa kang manloloko! Malaking manloloko! Ang sabi mo sa ’kin, babalikan mo ’ko! Ang sabi mo, pakakasalan mo ako!” Umalingawngaw ang hagulgol ni Mama sa bawat sulok ng kuwarto. “Dahil sa ’yo… Dahil sa ’yo, nagawa kong magtaksil sa sarili kong nobyo! Kasi… nagpakatanga ako sa ’yo! Naniwala ako… na paninindigan mo ako! At ngayon… nandito ka… at hindi mo ako kilala?” Hinablot niya ito sa damit. “Anong klase kang tao?”

Lumunok si Captain Ramirez na hindi matigil sa panginginig ang mukha. “A-Anak ko si…?” Nagtagpo ang mga mata naming parehong gulat na gulat. “Anak ko si Aaron?”

“Anak ko!” Itinulak siya ni Mama at tumalsik ang katawan niya sa nakasarang pinto, nagdulot ng kalabog. “U-Umalis ka rito!” sigaw ni Mama. “Wala kang karapatan na dalawin o tawaging anak ang anak ko, dahil kahit kailan… kahit kailan, hindi ka naging magulang sa kaniya!” Naghihikahos na sa hangin si Mama. “Ako ang nagpalaki at nag-aruga sa kaniya! Ako ang nagpakahirap! Ako ang nagtiis! Lahat-lahat tiniis ko para mabigyan siya ng maayos na buhay! Lahat-lahat… at hindi ka kasama! Kaya wala kang karapatan… Wala kang karapatan na tawagin siyang anak!”

Sa paghikbi ko, dumaloy nang dumaloy ang luha sa mga mata ko. “Ma, t-tama na…” nanghihina kong sabi.

Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na.

“H-Hindi ko alam…” tanging sagot ni Captain Ramirez. Nakita kong tumulo na rin ang naipon niyang luha. “Hindi ko alam na—”

“Hindi mo alam dahil hindi ka bumalik!” Muling humagulgol si Mama. “Pumayag akong may mangyari sa ’tin dahil sabi mo, ako lang… ako lang ang mahal mo. Hindi mo sinabing may asawa’t anak ka na…” Hinawakan ni Mama ang naninikip niyang dibdib. “Isang malaking pagkakamali na nagtiwala ako sa ’yo. Tama nga sila, tanga-tanga nga ako. Pumatol ako sa isang taong hindi ko naman lubusang kilala.”

“H-Hindi ko matandaan…” Lumunok si Captain Ramirez habang nakaharap kay Mama. “Hindi ko—”

“Kasi nga, walang hiya ka!” Muli siyang itinulak ni Mama sa dibdib. “Wala kang natatandaan kasi isa kang manlokoko! At isa lamang ako sa mga pinaglaruan mo!” Suminghap si Mama bago tumuloy. Mas lalo akong nadudurog sa bawat hikbi niya. “Para matandaan mo, ako ang babae na palaging naglalakad malapit sa port ng Masbate. Palaging nakasuot ng uniporme. Kolehiyala. Nilapitan mo ako. Pero hindi kita pinansin, dahil isa kang seaman. Alam kong hindi ka mapagkakatiwalaan. Pero sinundan mo ako nang sinundan. At nakuha mo ako sa mga mabubulaklak mong salita. Ang sabi mo, isa kang binata.” Tila nagkalaman ang mga mata ni Captain Ramirez na parang may naalala. “Matapos may mangyari sa ’tin, umalis ka, dahil sabi mo, kailangan mong bumalik ng Maynila para asikasuhin ang mga papeles mo. At sinabi mo na babalik ka… Pero hindi ka bumalik!” Muling siyang nabasag sa paghagulgol. “Ilang taon… Ilang taon akong naghintay roon sa dagat… paulit-ulit na umasang babalik ka pa… na babalikan mo kami… pero hindi mo ginawa!”

Nangatal ang mga labi ni Captain Ramirez. “N-Nabuntis kita?”

Maya-maya pa ay sinampal siya nang ubod lakas ni Mama sa pisngi. “Oo! Nabuntis mo ako! Hayop ka!” Umiling ang namula niyang mukha. “Kung hindi pa dahil sa dati mong kasamahan sa barko, hindi ko pa sana malalaman kung saan kita mahahanap! Hanggang sa malaman ko… Hanggang sa malaman ko na lang ang totoo!”

“Ma…” pagmamakaawa ko.

Ayoko na. Hindi ko na kaya.

Lumingon pabalik sa akin si Mama at nang makita ako ay parang bumalik siya sa katinuan, saka napagpasyahang itulak palabas si Captain Ramirez. “Umalis ka na…”

“Aaron…” mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Captain Ramirez. “Anak…”

Mas lalo akong naiyak sa narinig. Anak . Tinawag niya akong anak .

“Umalis ka na!” Pinaghahampas siya ni Mama. “Bakit ka pa ba nagpunta rito?”

“Anak…” muling tawag sa akin ni Captain. Umiling ako. “P-Patawarin n’yo ako…”

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung paano.

“Parang awa mo na!” hagulgol ni Mama. “Huwag mo nang dagdagan ang paghihirap ng anak ko!” Hinawakan niya ang doorknob at binuksan ang pinto. “Umalis ka na!”

Sa kakatulak ni Mama kay Captain ay napadpad na ito sa awang ng pintuan. “Aaron… Anak…” Muli ko siyang tiningnan. Nagmamakaawa ang mga mata niya. “Patawarin mo ’ko…” Humagulgol siya. “Hindi ko alam… Wala akong alam…”

“Umalis ka na po…” sabi ko habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha. “Wala akong tatay.”

“Aaron—”

“Narinig mo naman, ’di ba? Alis!” si Mama.

Kusang napalabas si Captain Ramirez nang may luhaang mukha. Maraming gustong sabihin ang mga mata niya na hindi niya masabi. Hanggang sa muling magsara ang pinto at hindi ko na siya nakita. Napasandal si Mama sa nakasarang pinto. Ngayong kaming dalawa na lang ang nasa loob, mas lalong napalakas ang mga hagulgol nito, at pati ako ay nadamay.

“Ron, anak…”

“Ma… bakit mo tinago sa ’kin ang totoo?”

“Anak, patawarin mo ako…” Naglakad siya palapit sa akin. “Hindi ko nasabi sa ’yo kasi… kasi nagkamali ako…”

Lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. “Ma, nasasaktan ako…” Suminghap ako. “Nasasaktan ako kasi itinago mo sa ’kin ang lahat…”

“Ron…” Umupo siya sa tabi ko at inilapit ang mga bukas na braso sa akin, pero tinanggihan ko ito sa pamamagitan ng pag-iling. “Anak… p-patawarin mo ako…”

“Ma…” Napayakap ako sa sarili habang tuloy-tuloy sa pag-iyak. “Bunga ba ako ng kasalanan?”

“Anak, hindi…” nanginginig niyang sabi. “Hindi… Hindi anak…”

“Totoo ang lahat ng sinabi ni Tita…”

“Anak, makinig ka… Ikaw… Ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa buhay ko…”

“Ma, bakit n’yo nagawa ’yon?”

“Anak, inaamin ko… nagkamali ako. Patawarin mo ako… Hindi ko dapat itinago sa ’yo ang totoo…”

Pinilit niya akong lapitan at yakapin. Pinilit ko ring pumalag nang pumalag hanggang sa hindi ko namalayang nakakulong na pala ako sa mainit niyang yakap.

“Ma…”

“Anak, sorry…”

Hindi ko maintindihan. Alam kong dapat ay nag-uumapaw ang galit ko sa kaniya, pero hindi ko mapanghawakan ang poot sa aking dibdib. Hindi ko siya magawang kagalitan nang sobra.

Alam kong may pagkakamali siyang nagawa. Pero mas malaki ang pagkakasala ni Captain Ramirez. Pinaglaruan nito ang damdamin niya. At pinaniwala siya nito sa isang pangakong hindi naman tutuparin. Ni hindi man lang nga siya nito nakilala. Marahil, para kay Captain Ramirez, isa lamang siya sa mga babaeng mabilis palitan.

Hindi ko matanggap na naging biktima ang mama ko ng ganoong klaseng tao. At hindi ko matanggap na nasira ang kinabukasan niya dahil doon. Naaawa ako para sa kaniya—para sa amin. Biktima lang din kami pareho ng mapait na kapalaran.

Hindi ko man masabi, sa loob ng puso ko, mukhang mayroon pang natitirang kapatawaran sa nagawa niyang kasalanan.

Nang mapagod na sa kakaiyak, naiwan na lang akong nakatulala sa hangin. Dahil yata sa naibuhos ko na ang lahat kaya bahagyang gumaan ang bigat sa aking dibdib. Nagawa ko nang habulin ang aking paghinga. Unti-unting humupa ang aking galit.

“Ron, anak…” Pinunasan ni Mama ang ilalim ng mga mata ko. “Alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon. Kung hindi mo na kaya, puwede naman na tayong umalis dito.”

Mahina akong umiling-iling.

“Ibabalik na kita sa probinsya,” tuloy niya. “Lalayo na tayo sa gulo. Babalik na lang tayo sa dati nating buhay. Ikaw lang… at ako.”

“Ma,” sabi ko, “hindi.”

Hindi mapawi ang bahid ng pag-aalala sa mukha niya. “Anak, ayokong may masama pang mangyari sa ’yo rito. Hindi ito ang unang beses na nangyari ’to. Mahal na mahal kita, anak. Ayokong mawala ka sa ’kin.”

“Hindi ko po iiwan si Pio,” pagod kong sagot.

“Pero, anak—”

“Dito lang ako, Ma.”

Hindi na siya lumaban pa. Hinaplos niya na lang nang hinaplos ang mukha ko habang punong-puno ng pagsisisi ang mga mata niya. Siya na lang yata itong marami pang natitirang luha. Hindi ko siya magawang tingnan dahil naaawa ako sa kaniya.

Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa nakasarang pinto. Hindi ko alam kung nasa labas pa rin si Captain Ramirez, pero sana ay tuluyan na siyang umalis. Hindi ko matanggap na siya nga talaga ang ama ko, dahil ibig sabihin nito… ibig sabihin ay kapatid ko nga talaga si Mona.

Kaya naman pala kamukha ko si Mona—silang mag-ama. Kaya naman pala iba ang nararamdaman ko sa kanila pareho. Mapaglaro ang tadhana. At masyadong maliit ang mundo. Sa simula’t sapul, kaming tatlo pala ay magkakadugo.

Nang dahil sa sobrang pagod, hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakakatulog.


Nagising na lang ako kinagabihan nang madama ang pamilyar na pakiramdam sa aking pisngi—isang magaspang at mainit na palad. Sa marahang pagmulat ng aking mga mata, nakita kong hindi na si Mama ang katabi ko kundi ang taong pinakahihintay ko.

“Aaron…” si Pio. Nakahiga siya patagilid sa tabi ko. “I’m sorry.”

Agad na lumaki ang mga mata ko at umawang ang bibig. “Pio…”

Humikbi siya. “I’m so sorry.” Hinalik-halikan niya ang noo ko. “Sorry… Sorry… Sorry…”

“Pio,” mahina kong sabi, “b-bakit ka nagso-sorry?”

Umiwas siya ng tingin at mas lalong lumakas ang paghikbi. Tumulo ang luha sa mga mata niyang namumugto. Parang may hindi siya masabi. Sunod niya akong niyakap… nang mahigpit na mahigpit… na parang ayaw akong pakawalan. “I’m so sorry…”

“Pio…” sabi ko. “Bakit?”

Sa pagbaon niya ng mukha ko sa leeg niya, napahagulgol siya. “I… I’m sorry…” Para siyang mauubusan ng hangin. “I’m sorry… Please forgive me…”

Bakit ba lahat na lang sila ay humihingi ng tawad sa akin?

Bakit ba parang ang daming nagkasala sa akin?

Hinawakan ko siya sa balikat at marahang inilayo ang katawan niya sa akin, saka tiningnan siya sa mga mata at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi. “Pio, sabihin mo sa ’kin ang totoo…”

“Aaron…” Bumaba ang tingin niya. “I…”

Pagod na pagod na ang puso ko sa mga kasinungalingan. “Pio… parang awa mo na…”

“I’m… I’m sorry…” Bumalik ang tingin niya sa namumugto ko ring mga mata. “It’s all my fault…”

Para akong nakatitig sa kawalan. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng mga mata niya. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko siya maintindihan. “Bakit? Ano bang nagawa mong kasalanan?”

“I… I…” basag niyang boses. “I shouldn’t have done that…”

“Pio, ano bang tinutukoy mo?” May gusto akong malaman ngunit hindi ko magawang itanong. “Pio…” Humikbi ako. “Sabihin mo na lang…”

“I-I shouldn’t have let you go that night…” sagot niya. “I should’ve held on to your hand tighter…” Suminghap siya. “Then maybe… Then this wouldn’t have happened…”

“Ako naman ang may kasalanan eh,” sabi ko. “Ako ang nagpumilit na lumabas… Kaya bakit ka ba nagso-sorry? Hindi kita maintindihan…”

“Aaron, I—”

“Pio, magsabi ka nga ng totoo…” At nagkaroon din ako ng lakas ng loob para itanong sa kaniya ang isa pang bagay na nagpapabigat sa aking dibdib. “May nangyari ba sa inyo ni Mona?”

Napatulala siya. Muling tumulo ang luha niya. At nangatal ang mga labi niya. “W-What…?” mahina niyang sabi.

“Pio, no’ng gabing ’yon…” Hinawakan ko ang bisig niya at ibinaon ang mga daliri ko rito. “Pumunta si Mona sa apartment… Pumasok siya sa apartment… At naiwan kayong dalawa sa kuwarto…” Binabalikan ko pa lang ang mga pangyayari ay parang sasabog na ang dibdib ko, pero kailangan kong tapusin. Kailangan kong malaman. “Pio, may nangyari ba sa inyo?”

“Aaron, I love you—”

“Pio!” namamaos kong sigaw. “May… May nangyari ba sa inyo?”

“N-No…” nangangatal niyang sagot. “Aaron, believe me…”

“Pio… paano ko malalaman?” Muli akong humikbi. “Paano kita paniniwalaan?”

“Aaron, I love you so much… I-I wouldn’t do such a thing.”

Mahina ko siyang itinulak palayo sa akin. “A-Ano ba talaga?”

“Aaron, I’m… I’m telling the truth…” At muli niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Panay pa rin sa pagbuhos ang luha niya. “Nothing happened between us.”

Kahit na magkalapit lang kami, pakiramdam ko, parang ang layo niya na sa akin.

“Pio…” Humagulgol ako. “Pio…”

At muli niya akong niyakap nang mahigpit.

“Aaron…” Mas lalong lumakas ang paghagulgol niya. “Please… Please believe me…”

“W-Wala…?” Ginusot ko ang likod ng damit niya. “Wala namang nangyari sa inyo… ’di ba?”

“No…” Hinaplos-haplos niya ang ulo ko at hinagkan ito. Ayaw niya na akong pakawalan kahit anong pilit kong ilayo ang kaniyang katawan. “I promise.”

At gano’n-gano’n na lang, nagtiwala ako sa pangako niya, tulad ng palagi kong ginagawa. Hindi na ako muling nagtanong. Hindi na ako muling naghanap ng katotohanan. Pagod na rin kasi akong masaktan.

Sa huli, pinili ko siyang paniwalaan.

Chapter 64

Kinaumagahan, napagpasyahan na naming umuwi. Maayos na ang aking paghinga. Nakabawi na rin ng lakas ang aking katawan. Sa palagay ko, dahil ito sa nakasama ko na ang dalawang taong pinanghuhugutan ko ng lakas.

Paglabas namin ng kuwarto, wala akong nakitang Captain Ramirez. Siguro ay pinaalis na siya ni Mama. Wala na rin si Jonas. Hindi ko alam kung kusa ba siyang umalis pagdating ni Pio. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya.

Matapos makakuha ng hospital discharge letter, sabay kaming tatlo nina Mama at Pio na lumabas ng ospital. Doon sa kalsada naka-park ang kotse nina Tito William at Tita Annie na naghihintay sa amin. Papunta pa lang sana kami roon nang biglang may lalakeng humarang sa amin sa bungad ng ospital.

“Aaron, please, let’s talk…” si Captain Ramirez. Hindi pa rin pala siya nakakauwi. Mukhang inabangan niya talaga ang paglabas namin. “I’m sorry.”

Napaatras ako nang tinangka niya akong lapitan.

Humakbang si Mama. “Hindi ba’t pinaalis na kita?” nanggagalaiti niyang sabi. “Bakit nandito ka pa rin?”

“Let me talk to my son…” Nang muli akong tangkaing lapitan ni Captain Ramirez, humarang na si Pio sa harap ko at binakuran ako ng malaki niyang katawan. “Aaron, my son…”

“Layuan mo ang anak ko!” bulyaw ni Mama. Pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid. “Wala kang karapatan sa kaniya!”

“He’s my son!” laban ni Captain Ramirez. Muli siyang tumingin sa akin. “Aaron—”

Itinulak siya nang itinulak palayo ni Mama. “Tigilan mo na kami! Layuan mo na kami tulad ng ginawa mo sa simula pa lang! Hindi ka namin kailangan!”

Nang mawala na ang balakid sa daan, tumuloy na kami sa paglalakad ni Pio. Panay pa rin ang paghabol sa akin ni Captain Ramirez pero hindi siya hinahayaan ni Mama na makalapit sa akin.

“I-I’m sorry!” Hindi siya matigil sa pagsabi nito, na akala mo naman ay maraming magbabago kung mapapatawad ko siya. Walang magbabago. Mayroon na siyang sariling pamilya. Mas lalo lang magkakagulo ang lahat kung papapasukin ko pa siya sa buhay ko—namin. “Anak!”

Sandali akong huminto sa muli niyang pagtawag sa akin ng anak . Bumaling ang tingin ko sa kaniya at nagkonekta ang aming mga mata. Kung gaano kainit ang titig niya sa akin, ganoon naman kalamig ang titig ko sa kaniya.

Anak ? Maituturing niya pa bang magulang ang kaniyang sarili? Pagkatapos ng ilang taon? Alam niya ba ang mga pinagdaanan ko? Namin ni Mama? At mayroon ba siyang ideya kung gaano kahirap na lumaki nang walang ama?

Araw-araw, kumpulan ako ng mga tukso, hindi lang ng mga kaklase ko, kundi maging ng mga sarili kong kamag-anak. Pinabayaan. Inabandona. Iniwan na parang walang halaga. Dahil sa kaniya, nabaon sa isip ko na hindi ako karapat-dapat na mahalin. Na walang magmamahal sa akin.

“Hon?” pamilyar na boses ng isang babae sa hindi kalayuan. “What’s the meaning of this?”

Paglingon sa pinanggalingan ng boses, nakita ko ang asawa ni Captain Ramirez na kabababa lang ng kanilang kotseng nakaparada rin sa kalsada. At hindi lang ito. Nakita ko ring bumaba ng kotse ang isa pang babaeng puno’t dulo ng lahat ng ito… kung paano humantong ang lahat sa ganito.

Sa pagtindig, napatitig sa amin si Mona. O marahil ay mas mainam na sabihin na napatitig ito kay Pio. Tiningnan ko si Pio, umiling siya at hindi makapagsalita. Lumalim din ang kaniyang paghinga. Muli akong bumaling kay Mona. Tulad ni Pio, hindi ko rin mabasa ang mga mata nito.

Bumilog ang mga mata ni Captain Ramirez nang makita ang asawa na namumula ang mukha. “Hon—”

“What is she doing here?” iritang tanong ni Mrs. Ramirez. Naglakad ito palapit kina Mama. “What the hell are you doing here, you bitch?” tukoy nito kay Mama.

Walang anupama’y bigla nitong sinunggaban si Mama at hinila ang buhok. Impit na napatili si Mama nang dahil sa sakit. Pero gumanti rin si Mama agad ng sabunot. Sa parehong maikli nilang mga buhok, buong puwersa silang kumapit at naghilaan pababa. Mabilis na pumagitna si Captain Ramirez.

“Ma!” Kumalas ako mula sa braso ni Pio at tumakbo palapit kay Mama.

“Mom!” Mabilis din na naglakad si Mona palapit sa mom nito.

“Hon, stop it!” saway ni Captain Ramirez sa asawa. “Stop!”

Pagkalapit kay Mama, agad ko siyang hinawakan sa balikat at tinangkang paglayuin sila, pero masyado yata akong mahina, o masyado silang malakas. Wala akong dulot. Wala akong magawa.

“Stop what?” ani Mrs. Ramirez na nakatabingi na ang ulo. “I’m gonna kill this bitch right here, right now!”

“Bitiwan mo ’ko!” hinaing ni Mama, pero ayaw niya ring bumitiw sa pagkakasabunot kay Mrs. Ramirez. “Wala akong ginagawang masama!”

“Ma!” si Pio na lumapit na rin sa amin.

Sa hindi kalayuan, nakita ko rin sina Tita Annie at Tito William na bumaba ng kanilang sasakyan at parehong nagulantang sa kasalukuyang nangyayari.

Sa magkasamang puwersa nina Pio at Captain Ramirez, napaghiwalay din sa wakas ang dalawa sa pagsasakitan sa isa’t isa.

“Ang kapal ng mukha mo!” ani Mrs. Ramirez na nagulo-gulo ang kanina’y plantsadong buhok. “Ang kapal ng mukha mong lapitan ang asawa ko!” Suminghal ito. “Kabet!” umalingawngaw nitong sabi.

“Hoy! Huwag mo akong tinatawag nang ganiyan!” Itinuro ito ni Mama habang nanlilisik ang mga mata. “Wala akong alam nang may mangyari sa ’min ng asawa mo! At para nalalaman mo, hindi siya ang pinunta ko rito!”

Mahigpit kong niyakap si Mama. Pinaatras naman kami ni Pio para magkaroon ng sapat na distansya sa pagitan ng dalawang babaeng hindi maputol ang masamang titig sa isa’t isa… dahil lang sa isang lalake.

“Oh! Wow!” Itinaas ni Mrs. Ramirez ang buhok niyang sumayad sa noo, saka ngumiwi ang bibig. “Kaya naman pala pinapunta mo ang anak n’yo rito sa Maynila! Para ano? Para pagtagpuin sila?” Nagpupumiglas ito at pilit namang pinipigilan ni Captain Ramirez. “You’re too obvious!”

“Hon, that’s enough!”

“Mom…” Napanganga si Mona sa narinig. “What… What are you saying?” Nabaling ang tingin nito sa akin. “Are you saying that Aaron… is my brother?”

Umihip ang malamig na hangin, ibinulong ang mga sikretong matagal nang nakatago.

“Ma, alis na tayo rito…” Hindi ko kayang tingnan ang mukha ni Mona. Bumabalik sa akin ang lahat… Bumabalik ang sakit.

Napatingin sa akin si Pio. Batid ko sa mukha niyang nagulat din siya sa nalaman, at ganoon din ang reaksyon nina Tito Annie at Tito William na natigilan sa tabi.

“Yes, Mona!” pagalit na bigkas ni Mrs. Ramirez. “Now that it has come to this, it is only right that you know… The person who stole your man is also the son of the person who wants to steal my husband!” Humugot ito ng malalim na hininga habang nanginginig ang mga panga. “Like mother, like son!”

Tumaas ang dugo ko sa narinig. Kasabay ng pag-init ng mukha ko ay siya namang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. At alam kong hindi lang ako ang nakadama nito. Mula sa pagtataka, unti-unting naging matalim ang mga tingin ni Mona sa akin.

Pumiglas-piglas si Mama sa pagkakayakap ko at ni Pio. “Anong sinabi mo?” Suminghal siya nang suminghal.

“Why? You didn’t know?” Ngumisi si Mrs. Ramirez. “Your gay son stole my daughter’s boyfriend!” Tumabingi ang ulo nito na parang gusto pang mang-inis. “And now you’re here to steal my husband, too, aren’t you?”

Mukhang malapit nang sumabog si Mama dahil pulang-pula na rin ang mukha niya. “Bawiin mo ang sinabi mo…”

Pinipilit ko lang na magpakatatag para hindi ko siya mabitiwan, pero kahit ako ay mukhang malapit na ring maabot ang sukdulan ng galit.

“And why should I? It’s true!” Humalakhak pa si Mrs. Ramirez na parang sa kaniya pabor ang lahat. Hindi pa nakatulong ang pulang-pula nitong suot na damit para mabawasan ang sama nito sa aking paningin. “Ano ba talaga ang pakay ninyong mag-ina? Na agawin ang lahat sa amin ng anak ko?” Tumaas ang makapal nitong kilay. “Hindi pa ba sapat ang perang binigay ko sa ’yo at naghahangad ka pa ng mas malaki?”

“Vivian, what are you—?” singit ni Captain Ramirez.

“Wala kang alam!” basag na sabi ni Mama. Tumulo ang luha niya kahit na hindi naman siya umiiyak. “Oo! Ikaw ang asawa! At wala akong balak na baguhin ’yon! Wala akong balak na agawin sa ’yo ang babaerong ’yan kahit kailan!” Napahawak siya sa naninikip na dibdib. “Pinilit kong isantabi ang prinsipyo ko noon para buhayin ang anak ko! At sa tingin ko, higit pa sa perang ibinigay mo ang kailangan para mapunan ang katarantaduhang ginawa niyang walang kuwenta mong asawa! Ako ang naloko! At hindi ko na kasalanan kung hindi makontento sa ’yo ang isang tao!”

Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Mrs. Ramirez at mas lalong namula ang mukha. Ayaw na nitong magpapigil mula sa pagkakahawak ni Mona at Captain Ramirez. “You slut! Pareho kayong malandi ng bakla mong anak!”

Biglang nakawala si Mama sa mga kamay namin ni Pio. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na namin namalayang nakalapit na siyang muli kay Mrs. Ramirez. At sa isang iglap, umalingawngaw ang napakalutong niyang sampal sa kanang pisngi ni Mrs. Ramirez. “Huwag mo akong matawag-tawag na malandi!” At hindi pa nakuntento, muling bumitiw ng ubod-lakas na sampal si Mama sa kaliwang pisngi nito. “At huwag mong matawag-tawag na bakla ang anak ko bilang insulto! Ipinanganak ko siya, pinalaki nang mag-isa, at tinanggap siya nang buo sa kung sino siya! Husgahan mo na ako, pero huwag lang ang anak ko! Tarantada kang babae ka!” Umangat ang baba niya. “Kinaya naming mamuhay nang wala ang tatay niya, kaya sa ’yo na ’yang asawa mo! Isaksak mo sa tilapia mo! Hindi namin siya kailangan!”

Ngayon ko lang nakita si Mama na nagkaganito. Oo, narinig ko na siyang magmura noon ’pag napapatalon papunta sa sahig ang mga buhay niyang panindang isda sa palengke, pero hindi kasinglakas ng pagkakabigkas niya ngayon. Marahil ay sobrang nadala siya ng emosyon dahil ako na itong pinag-uusapan at minamaliit.

“Anak, tara na…” Bumalik ang tingin sa amin ni Mama na mukhang nakuntento na sa ginawa. “Alis na tayo rito…”

Sa paglakad niya palayo sa pamilya Ramirez ay sinabayan namin siya ni Pio.

“Bitch!” muling sigaw ni Mrs. Ramirez. Halos mapoot na ito sa galit. Ngayon ay nadagdagan pa ang pamumula ng putok na putok nitong mga pisngi dahil sa mga sampal na iniwan ni Mama. Wala itong ganti, at hindi nito ito matanggap. “Come back here! Uubusin ko ang buhok mo!”

“That’s enough!” Mas lalong nilakasan ni Captain Ramirez ang pagpipigil sa asawa kaya hindi na ito makawala pa. “Let’s go home!”

“No!” Ngayon ay si Mrs. Ramirez na lang ang pinagtitinginan ng mga tao sa paligid. “Hindi pa tayo tapos!” Suminghal ito nang suminghal at sumigaw nang sumigaw. “Slut! Malandi! Pareho lang kayo ng anak mo! Magsama kayo sa impyerno!”

Kinaladkad na ito ni Captain Ramirez papunta sa kanilang kotse habang iyak naman nang iyak si Mona.

“Mom, let’s just go,” ani Mona.

“No! No! No!” Ayaw patinag ni Mrs. Ramirez. “If you think this is through, you’re wrong!” sindak nito sa amin. “You’re very wrong!” Muli itong nagsisisigaw at nag-iskandalo sa daan. “Your son does not deserve to be happy! And I’ll make sure that he won’t be! Tandaan mo ’yan!”

Hindi na nagpadala pa si Mama sa emosyon. Batid naman siguro niyang walang katuturan kung papatulan pa niya ang babaeng iyon. Sa paglapit namin sa kotse nina Pio, may pagmamadaling pumasok sa loob sina Tita Annie at Tito William. Pinagbuksan naman ni Pio si Mama ng pinto ng kotse at pumasok na ito sa loob, sa may rear seat.

Humina na ang mahabang sigaw ni Mrs. Ramirez nang puwersahan itong papasukin sa loob ng kotse nila ni Captain Ramirez. Panay ito mura kay Mama at sa akin at kung ano-ano pang masasakit na salita ang binitiwan. Bago pumasok sa loob ng kotse si Mona ay sandali itong huminto at dumapo ang tingin sa amin ni Pio na hindi pa rin nakakapasok sa loob ng kotse.

Tila bumagal ang takbo ng oras at nagkulay-puti ang paligid at nawala ang lahat ng tao. Na para bang kaming tatlo na lang ang natira. Naroon ito sa hindi kalayuan, pero parang hindi ko na ito maabot. Nabunyag na na magkapatid kami—bagay na hinihiling lang nito noon. Pero ngayon ay mukhang hindi na nito ito matanggap. Kita ko ito sa nagngangalit nitong mga mata. Sa mga mata nitong mayroon ding itinatagong sikreto.

Nanginig ang kamay ni Pio na nakahawak sa akin habang nakatitig kay Mona. Tiningnan ko siya at nabasa ko na ang nilalaman ng mga mata niya. Nahanap ko na rin ang tamang sagot kung kailan pinili ko na itong iwasan. At dito pa lang, mayroon na akong ibang nadama. Ngayon pa lang, mukhang alam ko na agad kung paano ito magtatapos…

Tuluyan nang nagbago ang lahat sa amin.

Chapter 65

Trigger Warning:

The following chapter includes detailed descriptions of trauma and emotional distress. If you are currently experiencing any emotional challenges, it may be best to pause reading and take care of yourself. Reader discretion is advised.

────────────

Habang bumibiyahe kami, damang-dama ang katahimikan sa loob ng kotse. Walang ibang maririnig kundi ang kulob na tunog ng makina. Bawat isa ay nalulunod sa sariling pag-iisip. Alam kong napatawad na ni Pio ang mga magulang niya, pero hanggang salita lang. Halata naman dahil hindi pa rin sila nagkikibuan. Panakip-butas nga lang talaga ang ginawa niya para hindi masira ang relasyon namin.

Ginawa ko rin naman ang lahat para manatili kaming matibay. Pinili kong pagtakpan ang mga butas na alam kong maaaring makasira sa amin. Isinantabi ko kung ano talaga ang dapat kong maramdaman. Sa huli, naipon ito nang naipon, hanggang sa bumuhos nang isang bagsakan. At ngayon, ito ang kinahinatnan.

“Um…” pagbasag ni Mama sa katahimikan. May pamamalat pa sa boses niya gawa ng nangyari kanina lang. “K-Kayo ho ba ang mga magulang ni Pio?”

Napukaw ang natutulog na diwa ng bawat isa at natuon ang atensyon sa kaniya.

“Um, yes, w-we are,” sagot ni Tita Annie habang nagmamaneho. Sumilip ito sa rear-view mirror at nagpilit ng ngiti. “And you are Aaron’s mother?”

Tumango si Mama. “Opo, Ma’am.”

“Oh, no, no, no. Please don’t call me ‘Ma’am,’” ani Tita Annie. “You can call me Annie.” Hinawakan nito ang kamay ni Tito William. “By the way, this is my husband.”

“H-Hi.” Mula sa front passenger seat, sumilip si Tito William kay Mama at ngumiti. “I’m William.”

May kaunting pagkailang na namagitan sa aming lahat. Hindi naman kasi inaasahan na sa ganitong paraan magtatagpo ang mga magulang namin. Sa panahon pa talaga ng gulo… Napakalaking gulo.

“Um, Alisa po,” may hiyang pakilala ni Mama sa sarili. Hindi siya matigil sa pagkamot sa pantalon sa may parteng tuhod. Yumuko na rin. “Pasensya na nga po pala sa nangyari… s-sa mga nakita n’yo po… o narinig.”

Kasalukuyan akong nakaupo sa gitna ng back seat: si Mama sa kaliwa, si Pio naman sa kanan ko. Hawak ni Pio ang isa kong kamay at ang isa naman ay hindi pa okupado. Gusto kong hawakan ang kamay ni Mama pero parang may kung anong pumipigil sa akin.

“Uh, it’s… it’s alright,” tipid na sagot ni Tita Annie.

Pagkatapos ay muling nanaig ang katahimikan sa loob na nagtagal nang ilang mga sandali.

“Aaron, are you feeling better now?” usisa ni Tito William sa kawalan.

Nagising ako mula sa pagkatulala sa hangin dahil lang sa narinig ko ang aking pangalan.

“Po?” sabi ko pa para masigurong ako nga ang tinutukoy nito.

“I-I was just worried about you,” anito. “They said you collapsed in the middle of the road.”

“Um, y-yes.” Mahina akong tumikhim at ibinaba ang tingin. “But I’m fine now.”

Sa sinabi ko, naging isa na rin akong sinungaling. Kahit na ayos na ang aking katawan, hindi pa rin mapawi ang sakit na aking nararamdaman.

“Aaron, ano ba talaga ang nangyari?” tanong ni Tita Annie. “Bakit ka nahimatay sa daan?”

At ngayon, muli na namang binabalikan ang lahat…

Parang kutsilyong paulit-ulit na hinuhugot at ibinabaon sa dibdib ko ang sakit tuwing naaalala ang nakaraan.

Hindi ko matanggap. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong takbuhan. Sa dalawang taong malapit sa akin, pakiramdam ko, tuluyan na akong napalayo.

Humigpit ang pagkakahawak ni Pio sa kamay ko nang mapansin ang pananahimik at pangangatal ng aking mga labi. Lumipat ang tingin ko sa kamay niya na mayroong suot na singsing, simbolo ng katapatan niya sa akin.

Mas lalo akong nasaktan.

“It’s my fault,” si Pio na ang sumagot. Umangat ang tingin ko sa mukha niya at kita kong parang sasabog na naman siya sa pag-iyak. “I…” Lumunok siya at tumingin sa mugto kong mga mata. “I’m sorry.”

Heto na naman siyang humihingi ng kapatawaran. At heto akong unti-unti nang nauubusan ng dahilan kung bakit dapat ko pa siyang paniwalaan.

Sa kabila ng lahat, hindi ko siya binitiwan. Gusto kong maniwalang ako ang may mali. Na nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala talagang nangyari sa kanila ni Mona. Umaasa lang yata ako sa isang himala.

“I think it’s best that we leave it to them, love,” singit ni Tito William. “Let’s give them some space and time to settle their own problems. Right now, what matters the most is that Aaron’s in good condition.”

“Right,” ani Tita Annie. “I’m sorry.”

Tumulo ang malamig na luha ni Pio sa aking kamay. Mas lalong lumala ang kaniyang panginginig. At mas lalong lumaki ang takot na namumuo sa akin…

Ang takot na mawala siya.


Hindi nagtagal, nakarating kami sa lugar kung saan nagsimula ang lahat—sa apartment ni Pio. Mas lalong nanuot ang sakit sa dibdib ko nang madatnan itong walang pinagbago. Ganoon pa rin ito kung paano ko ito huling nakita.

Nagkalat ang mga pinagkainan sa sahig na ilang araw nang hindi nahuhugasan maging ang mga boteng wala nang laman. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng basong nasanggi ni Pio. Walang ibang nagbago kundi ang tiwala ko para sa kaniya.

Kinagabihan, magkasama kaming humiga ni Pio sa iisang kama habang si Mama naman ay doon natulog sa kuwarto ko. Nakauwi na sina Tita Annie at Tito William matapos ang mahabang usapan nila nina Mama kanina lang… tungkol sa ’kin… tungkol kay Pio… tungkol sa amin.

Kahit anong pikit ko, hindi ako makatulog. Mas maigi pa nga sigurong magmulat na lang ng mga mata para wala akong maalala. Parang isang malaking bangungot na humiga sa parehong kama kung saan maaaring may nangyari sa kanila ni Mona.

“Is everything okay?” tanong ni Pio habang nakayakap patalikod sa akin.

Hindi ko siya magawang lingunin.

Hindi ko siya magawang kausapin.

Hindi ko kaya.

“Aaron, are we okay?” mahina at mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Please… tell me we’re okay.”

Hindi ko na alam.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Sa pagsubsob niya ng kaniyang mukha sa aking batok, hindi na naman siya nakapagpigil at muli siyang nauwi sa pag-iyak.

Hindi ko na talaga alam.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Ano ba ang dapat kong paniwalaan?

Sa lahat ng nangyari, dapat ko pa ba siyang ipaglaban?


Dalawang linggong nanatili si Mama sa Maynila para bantayan at alagaan ako. Para masigurong ayos na ako bago siya tuluyang lumisan. Hindi naman talaga siya dapat aalis kung hindi ko lang napilit. Paulit-ulit kong sinabi na aksidente lang talaga ang nangyari… at hindi na mauulit.

Ilang araw bago umalis, paulit-ulit din niyang ibinilin sa akin na lumayo sa pamilya Ramirez. Na huwag na huwag makikipag-usap kay Captain, lalong-lalo na sa anak nito. Ang sabi ko naman, hinding-hindi ko gagawin iyon.

Araw ng Sabado, nakabiyahe na siya pabalik sa probinsya. Pabaon ko sa kaniya ang kapatawaran na matagal niya nang hinihingi bilang kapalit ng pananatili ko rito sa Maynila.

Ang totoo niyan, ayoko ring iwanan niya ako. Pakiramdam ko, wala nang matitira pa sa akin kapag umalis pa siya. Pero kailangan eh. Ayoko siyang madamay sa gulo ng relasyon namin ni Pio. At kailangan ko ring matutunan ang mamuhay nang mag-isa.

Linggo nang makaalis na rin si Pio para sa Safety of Life at Sea (SOLAS) Convention. Kailangan ito ng mga estudyanteng marino bago sila sumampa sa barko. Safety training kumbaga. Stay-in sila roon sa PNTC Maritime Training Center buong weekdays. Pero nangako si Pio na uuwi siya para sa akin tuwing Sabado.

Ito na yata ’yon.

Unti-unti na yata akong sinasanay sa tuluyan niyang pagkawala.

Unang araw pa nga lang pero parang bibigay na ako. Gumising ako nang mag-isa. Naligo nang mag-isa. Kumain nang mag-isa. Pumasok nang mag-isa. Ang lahat ay ginawa ko nang mag-isa.

Para akong bumabalik sa umpisa.

Wala na rin palang dapat ipag-alala si Mama. Pagdating sa campus, nagulat na lang ako sa isang balita. Nagbitiw na pala si Captain Ramirez sa posisyon nito bilang dean ng J.A.M.A.. Ang pumalit dito ay si Prof. Sebastian Tiu, na isa rin sa mga judges noon sa Mr. and Ms. J.A.M.A..

Isa lang naman ang itinuturong dahilan…

“Alam mo ba, magkapatid pala sina Mona Ramirez at Aaron Alcantara!”

“Oo! Nabalitaan ko rin! Gagi! Kaya naman pala magkamukha!”

“Grabe! Babaero pala ’yon si Captain dati! Nakabuntis ng ibang babae!”

“Dapat lang na umalis na siya! Akala mo kung sinong karespe-respeto!”

“Eh malas pa rin kasi masungit din ’yong pumalit! Bakla pa!”

“Okay na ’yon kaysa kay Captain! At least mas matino!”

Ilan iyan sa mga narinig kong usapan sa corridor. Nang mapadaan ako, natahimik bigla ang mga tao at talaga nga namang ramdam na ramdam ko ang mga titig nila. Ganito rin sila makatitig noon nang malaman ng buong campus na boyfriend ko na si Pio. Sinbukan kong balewalain.

Pero ang hirap.

Ang hirap balewalain. Hanggang classroom, ako ang palihim na pinag-uusapan. Sinubukan akong kausapin nang kausapin ni Jonas para hindi ko sila marinig, pero tumatagos pa rin sa mga tenga ko ang mga salitang hindi nila alam ay masakit para sa akin: anak sa labas, hindi pinanagutan, at ngayon ay may naririnig akong kaya lang daw ako pumunta sa Maynila at nag-aral dito para guluhin ang pamilya nina Mona.

Nang hindi na nakapagtimpi, tumayo na mismo si Jonas at sinabi, “Puwede ba, kung wala kayong magandang sasabihin, huwag na lang kayong magsalita?”

Saka sila natahimik.

Gusto ko nang matapos itong gulo. At gusto ko nang linawin ang isang bagay bago tuluyang sumampa si Pio sa barko. Gusto ko nang maalis ang nagpapabigat sa dibdib ko. Kaya nang dumating ang lunchtime, may pagmamadali akong pumunta sa Main Building B kung saan matatagpuan ang classroom nina Mona.

Gusto kong malaman mula mismo sa kaniya ang totoo… ang katotohanang pilit na itinatago sa akin ni Pio. At sa kabilang banda, ayoko rin… ayoko ring masaktan.

Naghintay ako sa gilid ng corridor. Nagsilabasan na ang ilan sa mga kaklase niya. At nang makita ko na ang kaniyang mukha, walang pag-aatubili ko siyang nilapitan kahit nangangatal ang mga labi ko sa kaba at nanginginig ang mga kamay.

“Ate Mona, kailangan nating mag-usap—”

Pero bago pa man ako matapos sa pagsasalita, bigla niya akong binangga sa balikat. Nakatakip siya ng kamay sa bibig at parang nasusuka habang tinatapik-tapik sa likod ng kaklase niyang umaalalay sa kaniya.

Para akong naparalisa sa gitna ng corridor habang pinagmamasdan silang makalayo sa akin. Hanggang sa tuluyan silang mawala. At naiwan akong nakatulala sa hangin. Umaasa. Humihiling. Nagdarasal.

Huwag naman sanang meron iyong ibig sabihin.


Martes hanggang Biyernes, hindi na muling pumasok pa si Mona. Ang sabi ng kaklase niya, nagpa-check up daw kasama ang mga magulang kasi parang laging masama ang pakiramdam. Hindi pa alam kung kailan babalik. O kung babalik pa ba.

Parang meron nang nangyayaring kakaiba.

Nang sumunod na Biyernes, oras ng uwian, nagulat na lang ako nang biglang may lumapit sa akin at humarang sa corridor. Isang pamilyar na mukha. Ang babaeng umalalay kay Mona nang tangkain ko siyang kausapin noong nakaraang Lunes. Sabi nito, gusto raw akong makausap ni Mona. Sa pagtataka, pumayag ako at sinundan ko ito.

Sa tagong gilid ng covered gym sa kaliwa kami pumunta. At unang kita ko pa lang kay Mona, agad na nag-iba ang ihip ng hangin. Bumigat. Hindi ko maipaliwanag. Kahit na puro sakit at poot ang dulot tuwing nakikita ko ang kaniyang mukha, sinikap ko pa ring maghanap ng kaunting pag-asa… Pag-asa na hindi niya nagawa ang iniisip ko. Pag-asa na mayroon pang natitirang dahilan para maayos ang mga hindi namin pagkakaunawaan.

Desperado na yata ako.

“Maiwan ko na muna kayo,” anang babaeng naghatid sa akin.

Tipid itong nginitian ni Mona bilang tugon. Nang makaalis na ang babae at kaming dalawa na lang ang natira, unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya. Naging seryoso ang mga mata niya.

Marahan akong naglakad palapit sa kaniya. Habang palapit nang palapit, pabigat din nang pabigat ang hangin. Na para bang nahihirapan na akong huminga. Na para bang gusto ko na lang tumakbo palayo. Pero sa huli, nagawa ko siyang lapitan.

May kailangan akong malaman.

“Ate Mona—”

“Stop it,” agad niyang sabat. “Stop calling me that.”

Dito pa lang, alam ko na agad na hindi pakikipagkasundo ang pakay niya.

“You’re not my brother.” Umasiwa bigla ang mukha niya. “And you will never be.”

’Tang ina. Paano ba kami umabot sa ganito?

“Mona,” sambit ko, bahagyang kumunot ang noo, “ito ba talaga ang gusto mo?”

“Why?” Tumaas ang kilay niya. “Hindi ba’t ikaw rin naman ang nagsimula ng lahat ng ’to?”

“Ha?” Nagkuyom ako ng kamao. “Ako?”

“Oh, come on, Aaron,” aniya, mahinang natawa nang pilit. “Nagkagulo lang naman ang lahat nang dumating ka rito eh.”

“Bakit? Ano bang nagawa kong mali sa ’yo? Sa inyo?” Naramdaman ko ang paghapdi ng aking mga mata. “Wala naman, ’di ba?”

“Wala?” Ngumisi siya. “Really?”

“Hindi ba’t ikaw…?” Suminghap ako. “Hindi ba’t ikaw ang may nagawang malaking pagkakamali sa ’kin?”

“Stop making me look like the bad one here, Aaron.” Nakita kong nagtutubig na rin ang mga mata niya. “I really thought you were a nice person. I really thought you could be my little brother… in a sense. But the truth is, you planned everything all along.”

Uminit ang puno ng mga tenga ko. “A-Ano bang sinasabi mo?”

“Your plan all along was to get Pio.” Pinunasan niya ang luha na tumulo sa kaniyang pisngi. “That’s why you lied to me, didn’t you?”

Unti-unting lumaki ang mga mata ko nang maalala ang mga bagay-bagay. “Mona—”

“You’re a liar, Aaron. You lied to me.” Muling tumulo ang luha niya. “You never told Pio everything… everything that could make him come back to me, because you want him all to yourself.”

“I’m sorry. Alam ko… Alam kong mali ang nagawa ko. Pero ayoko lang na masaktan ka no’n. Ayoko lang na maging masama ang lahat sa pagitan natin.”

Bakit ba ako nagpapaliwanag?

“Oh, really?”

“Oo, kasi nagkamabutihan na kami ni Pio no’ng panahong ’yon.”

“So, you weren’t together at that time? At hindi mo pa rin sinabi ang lahat sa kaniya?” Suminghap siya. “Aaron, you just proved my point. You really are a liar.”

“Ako na ang gusto niya no’n.” Suminghap din ako. “Kaya—”

“Kaya kay Jason mo sinabi ang lahat, right?” Muli siyang nagpunas ng pisngi. “I know everything, Aaron. Jason told me all about it.”

“Alam kong mali ang nagawa ko. Pero gusto kong malaman mo na hindi na ikaw ang gusto ni Pio—”

“And how can you be so sure?” Lumapit pa siya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata. “That he no longer liked me at that time? And that you’re the one he truly likes?”

“Kasi, sinabi niya—”

“At sinabi niya rin ba sa ’yo na kaya ka lang niya nilalapitan noon dahil kamukha kita?”

Sandali akong natahimik.

“Ha?” nanginginig kong sagot. “Nilinaw na sa akin ni Pio ang lahat noon. Ako ang gusto niya, at hindi ’yon dahil sa kamukha kita. Kaya nga kami nagtagal eh, kasi mahal niya ako.”

“He loves you? Really?” Ngumisi siya. Kahit na hindi tumataas ang boses niya ay damang-dama kong parang may halo itong pait. “Then why did he do it with me?”

Sa sinabi niya ay bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong matutumba mula sa kinatatayuan ko. Parang mauulit na naman ang nangyari sa akin. Pero sinikap kong tumindig at pakalmahin ang aking sarili.

Paano ako kakalma?

“A-Anong…?” Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko. “Anong ibig mong sabihin?”

“That night you were not with him…” sambit niya. “I went to his apartment…”

’Tang ina.

“Mona, nagsisinungaling ka lang.”

’Tang ina talaga.

“And I slept with him.”

Nagkuyom ako ng kamao. Ramdam ko ang pag-akyat ng galit mula sa ’king dibdib papunta sa mukha. Sobrang nag-iinit ang ilalim ng mga mata ko. Parang gusto ko siyang tunawin sa pamamagitan ng tingin.

“Hindi ako naniniwala sa ’yo.” Mahina akong umiling-iling. “Ang sabi ni Pio, walang nangyari sa inyo—”

“He’s lying.”

“Ikaw ang sinunangaling!” garalgal kong sigaw. “At kaya ako pumunta rito para marinig ang paghingi mo ng tawad sa ’kin! Sa ginawa mo! Sa paninira mo sa relasyon namin!”

“And why should I be sorry?” Humikbi siya, at hindi ko alam kung bakit. “I’m only telling you… the truth .”

Humikbi ako. “Mona!”

“I only gave him what he wanted.” Tipid siyang ngumiti at tumulo ang luha na hindi ko batid kung dulot ba ng saya o ano. “I gave him what I couldn’t give before.”

“Tama na!” Bumaon ang mga daliri ko sa naninikip na dibdib at umatras ako nang umatras palayo sa kaniya. “H-Hindi ’yan totoo…”

“And I can give him what you couldn’t.”

“Hindi… Hindi… Hindi…”

Umatras pa ako nang umatras. Nang tuluyan nang makalayo sa kaniya, agad ko siyang tinalikuran at napagpasyahang tumakbo na lang palayo bago pa may masamang mangyari sa akin. Pero bago pa man ako makahakbang, agad akong natigilan sa sunod kong narinig.

“Aaron, I’m pregnant,” pahabol niya. “And Pio is the father of my baby.”

Chapter 66

Trigger Warning:

This chapter contains scenes and themes related to anxiety attacks, trauma, and sexual assault. Reader discretion is advised.

────────────

Parang gumuho ang mundo ko sa aking nalaman at nawalan na ako ng gana pa para magpatuloy. Pero sinikap ng mga paa ko na maglakad. Sinikap ng baga ko na huminga. Sinikap ng mga mata kong huwag pumikit.

Hindi ako nahimatay.

Kahit na ito ang gusto kong mangyari para hindi ko na maramdaman ang sakit kahit pansamantala, hindi ako binigo ng katawan ko at hinayaan itong iparamdam sa akin nang buong-buo. Walang tira. At pakiramdam ko, durog na durog na ang puso ko.

Inasahan ko na yata na darating ang araw na ’to. Pero ngayong nandito na ako, parang ang hirap tanggapin. Na nagsinungaling sa ’kin si Pio. Na may nangyari nga sa kanila ni Mona. At ngayon ay nagkaroon pa ito ng bunga.

Nauubusan na ako ng pag-asa.

“Aaron, a-anong nangyari sa ’yo?” usisa ni Manang Lucy nang makitang nakabagsak ang mukha ko habang naglalakad papasok sa apartment building. “Ayos ka lang ba?”

Mula sa paglalakad palabas ng J.A.M.A., hanggang sa loob ng tricycle, nagpipigil lang ako ng iyak. At ngayon ay may nagtatanong kung ayos lang ako.

“Manang Lucy…” nanginginig kong sabi. “Ano nang gagawin ko?”

Napatakip ako sa mga mata gamit ang likod ng kamay. At sa isang iglap, biglang bumuhos ang lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan at hindi ako matigil sa pagsinghap.

“B-Bakit?” may pag-aalala niyang tanong. “Aaron, anong problema?”

Hinawakan ng malambot niyang palad ang braso ko at maingat itong ibinaba, hanggang sa mabunyag ang luhaan kong mukha. Mas lalo akong naiyak nang makita ang mga mata niyang tila awang-awa sa akin. Pero sa isang banda, nakadama ako ng kaunting pamilyaridad nang makita ang sarili ko sa kaniya.

“N-N-Nang… Nangyayari na po sa ’kin… ’yong… ’yong nangyari sa inyo noon.” Para akong nalulunod at nauubusan ng hangin. “At… At hindi ko na po alam… hindi ko na po alam ang gagawin.”

Kinain ko ang lahat ng sinabi ko noon na hindi ako matutulad sa kaniya. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam na malagay sa posisyon niya. Napakasakit pala. Paano niya nakayanan ang lahat noon?

“Aaron…” Binuksan niya ang kaniyang mga braso sa akin at nagsimulang mamuo ang luha sa kaniyang mga mata. “Halika rito.”

Kusa akong napayakap sa kaniya. “Manang, h-hindi ko na po kaya… hindi ko na po kayang lumaban.”

Hinimas-himas niya ang likod ko. Sumabay na rin siya sa paghikbi ko. “Nandito ako… Nandito lang ako, Aaron.”

“A-Ano na pong gagawin ko?” paghingi ko ng payo. “Sabihin n’yo po sa ’kin… kung… kung anong gagawin ko.”

“Aaron, hindi ko rin alam…” mangiyak-ngiyak niyang sabi. Mukhang batid niya na agad kung anong nangyari sa akin at kung ano pa lang ang mangyayari sa amin ni Pio. “P-Pasensya ka na, hindi ko rin alam…”

Bakit ayaw niyang sabihin sa akin ang isang bagay?

Natatakot ba siya na baka lalo akong masaktan?

May ihihigit pa ba itong sakit?

“Mahal ko po si Pio…”

“Alam ko, Aaron… Alam ko.”

Bakit hindi niya na lang ako diretsuhin?

“Kailangan ko na bang magsakripisyo?”

“Aaron, ikaw lang ang makakasagot niyan.”

Alam ko…

Alam kong isa lang ang tanging paraan.

Kung ano ang ginawa niya noon, iyon din ang dapat kong gawin ngayon.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong iyon din ang gusto niyang iparating.

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglubog din ng pag-asa kong maaayos pa ang lahat.

Wala nang himalang darating.


Matapos ang mahabang iyakan, hindi ako inalisan ng tingin ni Manang Lucy. Pinapasok niya ako sa loob ng apartment niya at tinimplahan ng tsaa para makalma. Pero hindi ko ito mainom. Unang sispsip pa lang, pumait kaagad ang panlasa ko.

May bahid ng pag-aalala sa mukha niya habang pinagmamasdan akong gamitin ang inhaler ko. Batid niyang hindi biro itong hika ko. Na maaaring malagay na naman ang buhay ko sa peligro anumang oras.

“Aaron, bakit hindi natin tawagan ang mama mo?” suhestiyon niya habang nakaupo sa kabilang panig ng lamesa. “Baka… Baka kung anong mangyari sa ’yo.”

“Hindi po puwede,” nanghihina kong tugon. Mula sa bukas na pintuan, nakatulala lang ako sa labas, sa bahagyang madilim na easement. “Ayoko po siyang mag-alala.”

“Eh paano ’yan?” tanong niya. “Mukhang hindi na kaya ng katawan mo. Hinang-hina ka na, o.”

“Kaya ko pa po,” sagot ko, kahit nasa bingit na ako ng pagsuko.

“Tawagan ko ba ang mga magulang ni Pio para sunduin ka?” usisa niya.

“Huwag din po.” Napipikit na ang mga mata ko. “Ayoko pong makaabala.”

“Aaron, kailangan mo ng tutulong sa ’yo,” aniya. “Sobrang bigat ng pinagdaraanan mo.”

Tumayo ako at lumingon sa kaniya. “Akyat na lang po ako sa kuwarto ko.” Maingat akong tumango. “Salamat nga po pala.”

Tumayo rin siya. “Aaron…”

“Kaya ko na po.” Ngumiti ako kahit masakit. “Alis na po ako.”

Nalungkot ang mga mata niya nang masilayan ang mukha ko. Pero nirespeto niya ang desisyon ko. Sinundan niya lang ako papuntang hagdanan. Pero hindi na siya sumunod pagkatapos. Bago ko siya tuluyang iwan, napansin kong napatakip siya sa bibig. Umalingawngaw ang impit niyang iyak habang pinagmamasdan akong magsumikap na humakbang paakyat.

Wala namang ibang patutunguhan kundi ang itaas.

Wala na akong ibang pupuntahan.

Wala na.

Akala ko, kaya ko na ang mag-isa. Pero nang madaanan ko ang pasilyo, bigla akong natakot. Hindi naman na ako naniniwala sa multo. Natakot lang ako sa dilim nito at sa sobrang katahimikan. Nakakabalisa. Kung sana ay meron akong ibang makikitang tao, makakatulong ito kahit papaano. Pero wala.

Bawat kuwartong nadaraanan ko ay nakasara. Bawat hakbang na binibitiwan ko ay pabigat nang pabigat. Parang may kung anong malamig na hanging bumabalot sa akin. Hindi ako matigil sa pagyakap sa sarili at palinga-linga sa paligid na para bang may nakaambang panganib sa akin.

Akala ko, kaya ko na ang mag-isa. Pero nang buksan ko ang kuwarto namin ni Pio, para akong sinasakal sa leeg at hindi ako makahinga. Nang mga nakaraang gabi, nagawa ko pang makatulog dito… noong hindi pa nabunyag ang totoo. Pero ngayon, ang dami nang nagbago. Hindi ko na magawa pang pumasok sa loob nito.

Sinubukan kong matulog sa loob ng kuwarto ko. Sinubukan . Pero hindi ako nagtagumpay. Paghiga pa nga lang sa kama ay agad na umakyat ang asido mula sa sikmura papunta sa lalamunan ko. Nagsuka ako sa banyo. At umiyak. Nang umiyak.

Sa kalagitnaan ng gabi, lumabas na ako ng kuwarto dahil pakiramdam ko, parang sobrang lala na ng nararamdaman ko. Tama nga siguro si Manang Lucy, kailangan ko nga talaga ng tulong. Gusto kong makitulog sa kuwarto niya, pero nahihiya ako. Gayunpaman, binagtas ko ang pasilyo.

Habang naglalakad, nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng shorts ko. Pagbukas nito, bumungad ang sandamakmak na messages at missed calls ni Pio sa screen.

Pio

please answer my calls

Pio

baby, what’s wrong?

Pio

i’m getting worried here i can’t sleep

Tuloy-tuloy pa rin siya sa pag-send ng messages sa akin sa ganitong oras. Bawat salita niya ay mahirap nang paniwalaan. Sa tingin ko ay hindi ko na siya kayang paniwalaan pa sa lahat ng natuklasan ko. Parang maiiyak na naman ako.

Papatayin ko na sana ang cellphone nang may mapansin ako. May isang tao pa ring gising sa kalaliman ng gabi. Noong una ay nanginginig pa ang daliri ko at nagtatalo ang isip kung dapat ko ba itong tawagan. Pero sa huli, ginawa ko. Desperado na ako.

Sumagot ito. “Aaron, bakit?”

At naiyak na naman nga ako. “Jonas…”

Sa isang tawag lang, agad siyang dumating.


Sinabi ko ang lahat kay Jonas.

Wala na akong ibang mapagsabihan kundi siya lang. At nang mapansin niya ang panginginig ko habang nagsasalita at ang pagiging hirap sa paghinga, hindi na siya nagdalawang-isip na lumagpas sa linya at agad akong niyakap nang mahigpit. Na mahigpit.

Maingat niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at kusang sumubsob ang mukha ko sa kaniyang balikat. Tulad ng dati, ibinuhos ko ang lahat sa kaniya, at pinagsaluhan namin ang sakit. Nang tumagal ay natahan na rin ako.

Siya na mismo ang nagkusang magsabi na sa apartment na muna nila ako magpalipas ng gabi. Hindi na ako tumanggi. Wala na ako sa sarili.

Hindi tulad ng apartment building ni Manang Lucy, meron lang dalawang palapag ang apartment building kung saan nakatira sina Jonas at Kuya Jason. Bawat palapag ay mayroong apat na kuwarto. Sa dulo ng ikalawang palapag matatagpuan ang apartment room nila: Room 204.

“Pasensya na, medyo magulo lang sa loob,” aniya habang sinususian ang pinto. “At saka, medyo mainit.”

“Okay lang,” tipid kong tugon. Wala ako sa posisyon para mamili. Ako nga itong dapat humingi ng pasensya sa pang-aabala.

Pagbukas niya ng pinto, agad niyang napatunayan ang bagay na kasasabi niya lang. Mainit nga sa loob pagpasok namin. Gawa siguro ng walang ibang bintana kundi ang isa sa harapan.

Bukas pa ang ilaw mula nang iwan niya ito, at wala akong ibang nakitang tao sa loob. Saka ko naalala, kasama nga pala si Kuya Jason sa mga third-year students na nagte-train sa PNTC para sa SOLAS Convention. Bukas din mismo, tapos na ang training nilang lahat… kasama si Pio.

May pagmamadali siyang naglakad papunta sa lamesang nakadikit sa pader na may bintana at inusog ang monoblock chair na nakasuksok sa ilalim nito. “Upo ka muna,” alok niya.

Umupo nga ako. “Salamat.”

Binuksan niya ang stand fan sa tabi ng double deck na nasa likod ko at hinarap ito sa akin. Dumaloy ang maligamgam na hangin. Tamang-tama lang dahil giniginaw ako.

“Ah, tubig, wait.”

“Um.”

Bago pa man ako makatanggi, agad siyang tumungo sa maliit na kusina sa kaliwa at kinuhaan ako ng tubig sa baso. Inabot niya ito sa akin.

Yumuko ako sa hiya, pero hindi tumanggi. Dahil naramdaman ang panunuyot ng lalamunan gawa ng pag-iyak kanina, kinuha ko na ito mula sa kamay niya.

Umupo siya sa kaliwang panig ng lamesa, ipinatong ang magkahawak na mga kamay sa ibabaw, at pinagmasdan akong mabuti habang umiinom ng tubig.

“Kumain ka na ba?” maamo niyang tanong.

Nang mapawi na ang uhaw, ipinatong ko na ang baso sa lamesa at sumagot. “Mm.”

“’Yong totoo, Aaron?” muli niyang tanong sa mas malalim na boses.

Yumuko ako at umiling. “Mm,” mas mahina kong sagot.

Bumuntong-hininga siya. “Hindi ka pa kumakain.”

Bahagyang lumaki ang mga mata ko nang bumalik ang tingin sa kaniya. “Ha?”

“Hindi ka pa kumakain,” pansin niya. “Ipagluluto kita.”

“H-Huwag na,” tanggi ko. “Hindi ako nagugutom.”

“Kailangan mong kumain.” Tumayo siya. “Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo.”

Nang tangkain niyang maglakad, hinawakan ko siya sa kamay. “Jonas—”

At natigilan siya. Marahan siyang lumingon pabalik, pababa sa magkahawak naming mga kamay.

Sandaling katahimikan.

“Aaron…” Lumunok siya. “Huwag mo nang ipagdamot sa ’kin ’to.” At umangat ang tingin sa mga mata ko. “Hayaan mo akong mag-alala sa ’yo. Hayaan mo akong alagaan ka. Hayaan mo lang ako. ’Yon lang naman ang hinihingi ko.”

Kusang bumitiw ang kamay ko sa kaniya. “J-Jonas, hindi tama ’to…”

Nangungusap ang mga mata niya. “Hindi tama ang ano?”

“Masyado kang mabait sa ’kin,” sambit ko. “Naaabuso ko na ang kabaitan mo.”

“Hindi, Aaron.” Tipid siyang ngumiti habang nagtutubig ang mga mata. “Ako naman ang may gusto nito.” Saka marahang tumalikod. “Lahat gagawin ko para sa ’yo.”

Tumuloy na siya sa paglalakad patungong kusina at naiwan na lang akong nakatulala.

Marahil ay iyon na rin miso ang paraan niya ng pag-amin sa tunay niyang nararamdaman para sa ’kin.

Nagbago na ang lahat.

Siya na lang ang hindi.


Nagawang tanggapin ng sikmura ko ang lugaw na niluto ni Jonas. Siguro, dahil naisuka ko na ang lahat ng pait sa apartment ko kanina. Siguro, dahil magaling siyang magluto. Siguro, dahil naaalala ko ang alaga ni Mama sa kaniya. Siguro, nalilito lang ako. Siguro nga.

Nang magkalaman ang tiyan, dinalaw na ako ng antok. Inayos niya ang ibabang higaan sa double deck. Ito pala ang higaan niya. Sa taas na lang daw siya matutulog. Hindi tulad sa kuwarto, magaan sa pakiramdam nang humiga ako sa unan niya. Kasing-gaan ng balikat niya. Napayapa ang loob ko kahit saglit.

“Aaron, tulog ka na ba?” tanong niya habang nakahiga sa itaas na kama.

“Hindi pa,” sagot ko habang napipikit ang mga mata.

“Ah.” Narinig ko ang pagkilos niya. “Hindi ako makatulog.”

“Bakit?” tanong ko.

“Mula nang ma-ospital ka, palagi na akong hindi makatulog nang maayos.”

Natahimik ako.

“Iniisip ko lang, parang ang dami mo nang pinagdaanan. Hindi mo deserve ’to, Aaron. Hindi mo deserve na paulit-ulit na masaktan.

“Kung para din lang sa isang tao, tingin ko, hindi tama na dumaan ka sa ganito. Sobra na. Kailangan mong malaman ang sarili mong halaga.

“At kailangan mong malaman na meron pang ibang nagpapahalaga sa ’yo.”

Lumunok ako.

“Alam mo ba, naghihintay lang ako sa tawag mo anumang oras. At kanina, ginawa mo. At hindi mo alam kung gaano ako kasaya.

“Alam ko naman, hindi ako dapat lumalapit sa ’yo. At wala akong plano na baguhin ang lahat sa inyo ni Pio. Kaibigan mo lang ako, Aaron.

“Pero tuwing nasasaktan ka, minsan, parang gusto na lang kitang agawin.”

Dinig ko ang pagngiti niya.

“Aaron, tulog ka na ba?” muli niyang tanong.

“Hindi pa,” sabi ko sabay pikit ng mga mata.

“Ah.” Muli siyang kumilos sa kama. “Hindi ako magaling kumanta, pero gusto mo bang kantahan kita?”

“Hindi na,” sagot ko.

“Anong puwede kong gawin para sa ’yo?” tanong niya.

“Kahit magsalita ka lang… nang magsalita…”

At nagsalita nga siya nang nagsalita. Nakakakalma ang boses niya. Akala ko ay hindi ako makakatulog sa gabing ito pagkatapos ng lahat ng nalaman ko. Pero dahil nandito siya, pakiramdam ko, ligtas ako. Na wala akong dapat na ipag-alala.

“Aaron, alam mo, may matagal na akong hindi maamin sa ’yo…”

Ang hangin na dumadaloy sa ’king mga paa.

Ang kakaibang init na bumabalot sa ’king katawan.

Ang hindi maipaliwanag na katahimikan.

“Aaron, tulog ka na ba?”

Kahit sandali, nakadama ako ng kapayapaan.

“Aaron, mahal kita…”

Hanggang sa hindi ko na matukoy kung alin ang realidad at panaginip—at kung nagkamali lang ba ako ng narinig.


Nagising na lang ako kinabukasan nang makadama ng alinsangan. Sa marahang pagmulat ng aking mga mata, iba ang bumungad sa ’kin—hindi na ang puting ceiling na madalas kong unang nakikita sa umaga, kundi ang metal frame ng itaas na higaan. Saka ko naalala ang lahat ng nangyari kahapon at kung nasaan ako.

Napahawak ako sa dibdib nang maramdamang parang nagliliyab ito. Marahan akong bumangon. Sa pag-ahon ko, nakaramdam ako ng pagkahilo, pero ilang segundo rin lang ang itinagal. Hanggang sa naging klaro ang lahat sa paningin ko.

Hindi ko matukoy kung umaga na ba o kung ano dahil pagtingin ko sa labas ng bintana, makulimlim ang langit. Pero nang buksan ko ang cellphone ko, napag-alaman kong alas-tres na pala ng hapon. Sa ilalim ng oras sa lock screen, tumambad ang sandamakmak na messages at missed calls ni Pio sa cellphone number ko.

Sa isang iglap, bumalik sa ’kin ang lahat.

“O, Aaron, gising ka na pala,” si Jonas na galing sa kusina. May bitbit siyang plato na may lamang mga piniritong itlog at tuyo. Pawisan ang kaniyang morenong mukha. “Good morning— I mean, good afternoon.”

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad saka hinaplos ito. “Jonas, sorry…”

“Hm?” Narinig ko ang paglapag niya ng plato sa lamesa sa tabi. “Sorry saan?”

Ibinaba ko na ang mga kamay ko at bumuntong-hininga. “Kung naabala kita kagabi.”

“Sus, wala ’yon.” Umupo siya sa gilid ng kama at ngumiti sa akin. “Kamusta naman pakiramdam mo?”

Nagpilit ako ng ngiti. “Okay lang.”

Gano’n pa rin. Walang pinagbago.

“Ay’s,” sambit niya. “Kain na tayo?”

Paglingon ko sa lamesa, nakahanda na ang mga pagkain.

Tipid lang akong ngumiti bilang tugon, saka bumaba na ng kama at umupo sa tabi ng lamesa kung saan ako umupo kagabi. Si Jonas naman sa kaliwa. Saglit kong nilingon ang cellphone kong iniwan ko sa tabi ng unan at nakitang panay pa rin ang pag-pop up ng SMS notifications sa lock screen. Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko kaya inalisan ko na lang iyon ng tingin.

Nakauwi na si Pio ng apartment kani-kanina lang, at panay ito tanong kung nasaan ako at kung bakit hindi ako sumasagot. Halos mangiyak-ngiyak na ito sa messages. At hindi ko pa rin alam kung dapat ko ba itong sagutin. At kung dapat pa ba akong bumalik doon. At kung dapat pa ba akong magpakita rito.

Malapit na akong bumitiw.


Alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Kuya Jason. May bitbit siyang bagahe sa kamay. Noong una ay nagulat siya nang makita ako. Pero matapos akong batiin, hindi na siya nagtanong kung anong ginagawa ko sa apartment nila kasama ang kapatid niya. Masyado siyang balisa. Mas balisa pa sa akin. At mukhang alam ko na kung bakit.

Matapos ipasok ang bagahe sa loob, muli siyang lumabas ng apartment. Sa pasilyo, sa tapat ng apartment nila, palakad-lakad siya habang may hawak na cellphone sa kamay.

“Sumagot ka. Sumagot ka,” dinig kong sabi niya habang nakaupo kami ni Jonas sa lamesa. “Mona, sumagot ka.”

Nagkatitigan kami ni Jonas. Alam namin pareho kung anong naghihintay sa relasyon ng kuya niya at ni Mona… at kung anong naghihintay sa amin ni Pio. Pero parang pareho naming hindi masabi ang totoo kay Kuya Jason. Alam namin kung gaano ito masasaktan kapag nalaman nito ang totoo. Yumuko ako sa sobrang awa sa kaniya… at sa sobrang awa sa sarili ko.

“Mona…” Kumagat si Kuya Jason sa hinlalaki habang maluha-luha ang mga mata. “Please, sumagot ka naman.”

Pabigat nang pabigat ang mga ulap sa kalangitan at padilim nang padilim ang paligid.


Alas-singko nang may dumating na kotse sa tapat ng apartment building. Isang pamilyar na kotse. Ang kotse ni Captain Ramirez. Sa pagkatuwa ni Kuya Jason, may pagmamadali niyang isinilid ang cellphone niya sa loob ng bulsa ng kaniyang shorts at tumakbo sa pasilyo. Pagkababa, huminto siya sa tapat ng kotse.

Bahagyang nagtago ako sa gilid ng pintuan para silipin ang mga tagpo. Walang Mona na lumabas ng kotse. Isang tao lang ang nagpakita. Si Captain Ramirez.

Pagkatapos ang tila masinsinang usapan, tinapik-tapik ni Captain si Kuya Jason sa balikat. Yumuko si Kuya Jason. Hindi nagtagal, bumalik na sa loob ng kotse si Captain. Bago pumasok sa loob, nag-angat pa ito ng tingin sa amin kaya agad akong nagtago nang buo sa likod ng pader. Hindi naman siguro ako nakita. Pagbalik ng tingin sa kanila, umandar na ang kotse palayo.

Iba na ang mukha ni Kuya Jason nang bumalik siya sa loob ng apartment. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Parang nakikita ko sa kaniya ang sarili ko, kung ano ang naging reaksyon ko kahapon.

“Kuya…” Agad siyang nilapitan ni Jonas. “Bakit?”

Marahan siyang umupo sa gilid ng kama sa ilalim at nagtakip ng mukha gamit ang palad, saka humikbi. “’Tang ina…”

Nagsimulang magluha ang mga mata ko habang nakatayo ako sa tabi ng pintuan at pinanonood siya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Walang pinagkaiba sa sakit na nararamdaman ko.

“Ang sakit, Nas.” Nanginig siya. “Ang sakit…” Parang naging hirap ang kaniyang paghinga. “Binigay ko lahat…”

“Kuya…” Niyakap siya ni Jonas. “Kuya, sorry…”

“Akala ko…” Pagtanggal ni Kuya Jason ng takip sa mukha, kita kong pulang-pula ito at panay daloy ang mga luha. “Akala ko, mahal niya ako, kasi…” Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at ibinaon ang mga daliri dito. “Bakit… Bakit may nangyari sa kanila ni Pio?”

Mas lalo akong naiyak sa tanong niya. Ito rin ang hindi ko mahanapan ng sagot.

“Aaron…” Umangat ang tingin niya sa akin. “Kaya ka ba nandito?”

“Sorry…” paghingi ko ng tawad sa nangyari.

Hindi ko siya matingnan nang diretso.

“Wala na…” Napahagulgol siya. “Wala na kami ni Mona.”

“Sorry…” Humikbi ako. “Sorry po.”

May pagmamadali kong kinuha ang cellphone ko sa kama at naglakad palabas ng apartment nila. Sinundan ako ni Jonas.

“Aaron,” tawag niya sa akin habang nasa kabilang dulo ng pasilyo.

Sandali akong napahinto at nilingon siya habang luhaan ang mga mata. “Jonas…”

“Saan ka pupunta?” tanong niya habang maluha-luha ang mga mata.

“Kay Pio,” tangi kong sagot.

“Bakit?” tanong niya.

Hindi ako makasagot.

Tumulo ang luha niya.

Umalis na ako.

Naiwan siya.


Dahil wala halos mga sasakyang dumaraan, tinakbo ko ang kahabaan ng Mabini Street. Madilim na madilim ang langit. Mayroon yatang bagyong paparating. Hindi ko na alam. Wala na akong panahon para sa lagay ng panahon. Ang alam ko lang, nauubusan na ako ng oras. O ubos naman na talaga.

Hindi ako matigil sa pag-iyak at sa pagsinghap. Gusto ko nang marating ang kabilang dulo. Kahit nadapa ako at nasugatan sa tuhod, tumuloy pa rin ako sa pagtakbo. Kahit parang mauubusan na ng hininga, hindi ako tumigil sa pagtakbo. Alam kong huli na ang lahat.

Ano pa ba ang hinahangad ko?

Bakit ko pa ba siya gustong makita?

Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero ring lang nang ring. Hindi siya sumasagot kung kailan ako naman ang tumatawag. Kailangan ko siyang makita.

Hanggang sa natigilan na lang ako nang marating ang kalsada sa tapat ng apartment building namin. Dito ay may nakahintong kotse at limang tao sa tabi.

“My daughter is pregnant,” naabutan kong sabi ni Mrs. Ramirez sa mga magulang ni Pio. “And your son is the father of her baby.”

Nanlaki ang mga mata ni Pio sa narinig. “No…” Umiling-iling siya. “You’re lying.”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone sa kaniyang kamay. Sa screen ay makikita ang pangalan ko habang tumatawag. Pinatay ko na ang tawag at bumagsak ang luha maging ang kamay.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahakbang palapit sa kanila. Hindi ako makapagsalita. Wala akong ibang nagawa kundi ang makinig sa usapan nila.

Napatakip sa bibig si Tita Annie. Namula naman ang mukha ni Tito William. Pareho silang hindi makapagsalita.

“Your son needs to marry my daughter,” tuloy ni Mrs. Ramirez. “He needs to take responsibility for what he has done.”

“What?” Nanginig ang mukha ni Pio. “I did not do anything to her!”

“Pio, you know what happened,” singit ni Mona.

“No!” Umatras si Pio na nasa gitna nina Tito William at Tita Annie. “I… I don’t!”

“You’re too drunk, so you can’t remember everything,” rason ni Mona. “But I do. It’s yours, Pio. You’re the father of my baby.”

Tumulo nang tumulo ang luha ko. Nanginig na rin ang kamay ko at kusang nabitiwan ang hawak kong cellphone. Sa pagbagsak nito, nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin. Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila, at para akong nakulong sa mga titig nila… lalo sa mga titig ni Pio.

“Aaron.”

At sa isang tawag niya sa pangalan ko, agad akong nagising. Nahanap niya na ako, pero hindi niya na ako mababalikan.

Huli na ako.

Huli na siya.

Huli na ang lahat.

Matapos pulutin ang cellphone, naglakad ako palayo sa kanila. Noong una ay mabagal dahil nanghihina ang aking mga tuhod na nasugatan pa. Paulit-ulit na lang. Doble-doble na ang sakit na nararamdaman ko, mapalabas man o loob. Nangyari na rin ’to dati, pero mas malala na ngayon.

“Aaron!” muling sigaw ni Pio.

“Pio!” ani Mona.

“Mona, let him go,” singit ni Mrs. Ramirez. “He’ll come back to you eventually.”

Alam ko naman. Hindi na siya para sa akin.

Alam ko naman. Ito na ang katapusan.

Alam ko naman.

Binilisan ko pa ang paglalakad, hanggang sa makalayo ako nang makalayo. Ngunit hinabol ako nang hinabol ni Pio.

“Aaron!” umalingawngaw ang sigaw niya sa kalyeng animo’y abandonado dahil walang mga tao at sasakyang nagdaraan. “Aaron, please don’t go!”

Walang anupama’y bumuhos ang malakas na ulan. Sinabayan pa ng kulog at pagkislap ng kidlat. Niyakap ko ang aking sarili nang makaramdam ng sobrang panlalamig.

“Aaron!” Humikbi siya. “Please don’t leave me!”

Hindi ko na alam kung luha ko ba ang dumadaloy sa aking mga pisngi o mga patak ng ulan. Naghalo-halo na, tulad ng nararamdaman ko para sa kaniya.

Galit. Lungkot. Takot.

Natatakot akong harapin siya.

Pero kailangan ko itong gawin.

Kailangan ko na itong tapusin.

Tumawid ako ng kalsada at pumasok sa isang pamilyar na eskinita. Sinundan niya ako. Sa bandang gitna, huminto ako. At pumasok siya sa loob nito. Nagkonekta ang mga mata namin na nalulunod sa mga luha.

Parehong lugar. Ibang pangyayari.

“Aaron—”

“Pio, diyan ka lang.”

Biglang lumakas ang ihip ng hangin.

“Aaron, what you heard back there—”

“Pio, nagsinungaling ka sa ’kin.” Suminghap ako. “Niloko mo ako.”

“No…” Tinangka niyang maglakad palapit sa akin. “I did not.”

“Niloko mo ako!” Natigilan siya nang tumaas ang boses ko. “Alam ko na ang totoo…”

“I did not…” Humikbi siya. “Why don’t you believe me?”

“Naniwala ako sa ’yo, Pio!” Hinawakan ko ang aking nag-aapoy na dibdib. “Naniwala ako na mahal mo ako!”

“I love you, Aaron,” basag niyang sabi. “You know how much I love you…”

Alam ko. Kaya nga mas masakit. Pero kailangan ko na itong tapusin. Para wala nang iba pang masaktan. At para hindi na ako masaktan.

“Kung mahal mo ako, bakit mo nagawa ’yon?” tanong ko, kahit parang alam ko naman kung bakit.

“Aaron, nagawa ang ano?” Humakbang pa siya. “I did not cheat on you.”

Umatras ako. “Sabihin mo na lang ang totoo!”

“I did not cheat on you,” diin niya. “It is the truth… and it will always be.”

Mas lalong bumigat ang mga patak ng ulan.

“May nangyari sa inyo!” paninindigan ko. “Sabihin mo na lang ang totoo! Pio, gusto ko ’yong totoo mula mismo sa ’yo nang matapos na ’tong paghihirap ko!”

“And all I need is for you to believe me…” Nagkuyom siya ng kamao at nagtiim ng bagang. “That night, I was intoxicated… and everything was dark and blurry…” Kinusot niya ang kaniyang damit sa dibdib. “Then, all of a sudden, someone was on top of me… and undressing me…”

“Pio, hindi ako ’yon…” Dumagundong ang kulog sa kalangitan. “Hindi ako ’yon!”

“I didn’t know…” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Aaron, I didn’t know.”

“Paanong hindi mo alam?” Kumunot ang noo ko sa galit. “Noong unang gabing pumasok ka sa apartment ko, sino ang nakita mo?”

“At first, I thought you were Mona—”

“Pero nang tumagal?”

“It became you—”

“Pio, ’tang ina!” nanggigigil kong saad. “Magkapareho lang kami ng mukha, pero hindi ng katawan!”

“I know…” Humakbang pa siya. “But, Aaron, please listen to me—”

“Bakit?” Umatras pa ako. “Bakit kita dapat pakinggan? Bakit ’di mo na lang sabihin? Hinayaan mong may mangyari sa inyo!”

“No, it isn’t like that…” Humakbang pa ulit siya. “Aaron, at first, I saw your face—”

“Pio, tama na!” Umatras pa ulit ako. “Hindi na kita kayang paniwalaan!”

“But then, I heard her voice… and I knew it wasn’t you… I begged her to stop… I kept calling your name for help… but you were out of reach…”

“Pio, tumigil ka na…”

“And I kept fighting but I was too weak… She wouldn’t stop undressing me… and kept saying she was sorry… until I blacked out.”

“Pio, tama na…”

“And when I woke up, I couldn’t understand everything that had happened… until I saw us naked in the same bed.”

“Pio…”

“Aaron, I did not cheat…” Umalingawngaw ang putol-putol niyang hagulgol sa eskinita. “I was raped.”

Muling kumislap ang kidlat sa kalangitan. Sa pagliwanag ng paligid, nabunyag ang mga labi niyang nangangatal, ang mga mata niyang namumula, at ang mga braso niyang hindi matigil sa panginginig.

Lumaki ang mga mata ko sa narinig. Sa pagdagundong ng kulog, parang natigilan ang puso ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa pag-ihip ng malamig na hangin. At hindi ako makapagsalita.

“Aaron, I was—”

Niyakap niya ang kaniyang sarili.

“I couldn’t bring myself to tell you at the hospital because you were too weak, and I didn’t want you to worry. I put you first.”

Hindi na siya matigil sa panginginig.

“And I couldn’t tell anyone because I was afraid no one would believe me. I’m a man. It was something I had been asking Mona for too long when we were still together. But that doesn’t mean that I still want it. I did not consent to anything that happened. I would never do that … because I love you.”

Humakbang pa siya palapit sa akin. At sa puntong ito, hindi na ako umatras pa. Huminto siya sa harapan ko. Nagsumamo.

“Aaron, this is the only truth I have been hiding from you.”

Hindi ko masabi sa kaniya na naniniwala na ako nang buo.

“I am so in love with you, and I am so afraid of losing you.”

Hindi ko masabi sa kaniya na mahal na mahal ko rin siya.

“Please never let me go.”

At hindi ko masabi na gusto ko na siyang pakawalan.

Chapter 67

Trigger Warning:

Injustice, Gender Inequality, Explicit Descriptions, Mentions of Rape

This chapter contains explicit descriptions and themes of injustice and gender inequality that may be distressing or upsetting to readers. It references Republic Act No. 8353 (the Anti-Rape Law) to provide context and a legal framework. Reader discretion is advised.

────────────

Sinubukan naming ipaglaban si Pio hanggang dulo—ako kasama ang mga magulang niya. Sa huli, kami pa ang dehado.

Hindi patas ang batas.

Walang hustisya sa Pilipinas pagdating sa mga lalakeng biktima ng panggagahasa ng mga babae.

Para makasampa ng kasong Rape through Sexual Assault , kailangan ay mayroong ari ng isang lalake na ipinasok sa bibig o bagay na ipinasok sa puwet ng biktima sa kahit anong kasarian—maaaring ari ng isang lalake o kahit anong klase ng instrumento—nang walang pahintulot nito. Pero malinaw naman na hindi ito magagamit ni Pio laban kay Mona. Hindi naman tumatanggap si Pio. Maging sa relasyon namin, ganoon ang posisyon niya.

Tanging mga babae lamang ang maaaring makasampa ng kasong Rape through Sexual Intercourse laban sa mga lalake. At ang mas masalimuot na katotohanan, hindi pantay ang parusa pagdating sa dalawa. Kapag lalake ang nagawan ng kasalanan, maaari lamang mabilanggo ang nagkasala ng anim hanggang labindalawang taon. Kapag babae naman ang nagawan ng kasalanan, maaaring mabilanggo ang nagkasala ng dalawampu hanggang apatnapung taon.

Ang batas din mismo ang ginamit ng pamilya Ramirez laban sa pamilya McMiller.

Pinanindigan ni Mona na lasing din siya noong gabing iyon. At sa sobrang kagustuhan na magkabalikan sila ni Pio, pumunta siya sa apartment nito para humingi ng kapatawaran. Hanggang sa nangyari daw ang hindi inaasahan.

Isang malaking kasinungalingan.

Bilang nag-iisang anak na babae, handang gawin nina Captain Ramirez at ng misis nito ang lahat para mapanagutan ang nangyari kay Mona. Kung hindi, si Pio pa ang makakasuhan ng rape. Nakahanda na ang mga ebidensya laban kay Pio. Maraming ebidensya. Mula sa records ng pagiging delingkuwente niya hanggang sa pagiging babaero. At higit sa lahat, sa pagpupumilit niya na may mangyari sa kanila ni Mona nang sila pang dalawa.

May kopya pa si Mona ng text messages ni Pio noon bilang patunay. At sa pagkakatanda ko, naikuwento rin sa akin ni Mona noon kung paano laging tinatawag ng laman si Pio. Nakahanda ring magbigay ng testimonya ang mga babae sa campus na minsang pumunta sa apartment ni Pio, kung paanong agresibo siya noon kapag nakikipagtalik. At bilang kapitbahay ni Pio, ako pa ang itinuturong saksi ng mga ito.

Ako pa mismo ang ginagamit nila laban kay Pio, at ito ang hindi ko matanggap. ’Tang ina, alam ko kung ano si Pio noon! Pero sobrang layo niya na ngayon sa dati niyang pagkatao! Alam ba nila ang mga karanasan ni Pio? Kung bakit siya naging ganoon? Hindi! Kaya sino ba sila para husgahan si Pio? Wala silang alam!

Sinisisi ni Pio ang sarili niya sa nangyari.

Ang sabi niya, marahil ay ito na raw ang parusa sa lahat ng mga nagawa niyang kasalanan noon. Sa tangka niyang gawan ako ng masama noong unang gabing naligaw siya sa apartment ko. Sa paggamit niya ng puwersa sa lahat ng mga babaeng pinaglaruan niya. At sa pamimilit niya na may mangyari sa kanila ni Mona noon.

Ang sabi ko, kung ano siya noon, hindi iyon dahilan para sapitin niya ang nangyari sa kaniya ngayon. Na wala siyang kasalanan. Na hindi niya dapat sisihin ang sarili niya sa nangyari. At walang sinuman ang dapat magkaroon ng ganoong klase ng karanasan dahil hindi iyon tama at hindi makatao.

Akala ko, ako ang bibitiw sa aming dalawa.

Sa huli, siya pala…

“Aaron, I can no longer fight,” sabi niya. “I’m tired.”

“Pio, hindi,” sabi ko. “Makakahanap tayo ng paraan. Lagi naman nating nalulusutan lahat ng problema, ’di ba? Ilang beses na tayong dumaan sa ganito. Malalampasan natin ’to.”

“Aaron, there’s nothing we can do,” sabi niya. “If I don’t do what they want , they’ll never stop going after you.”

“Pio, wala akong pakialam,” sabi ko. “Kaya kong tiisin lahat ng pang-iipit nila.”

“Aaron, I’m doing this because I love you,” sabi niya. “I don’t want to cause you any more pain. You’ve been through a lot because of me, and I don’t think you deserve it. You deserve only to be happy.”

“Pio, mahal na mahal kita,” sabi ko. “Kung para sa ’yo, lagi akong handang masaktan.”

“Aaron, I’m sorry,” sabi niya. “I’ve already lost.”

Siya ang sumuko.


Nakatakda na silang ikasal ni Mona anim na buwan mula ngayon pagkatapos niyang bumaba ng barko galing sa onboard training. At bukas, nakatakda niya nang lisanin ang kuwarto niya rito sa apartment building kung saan nagsimula ang lahat.

Tanggap ko na. Ito na ang wakas.

Gusto ko na lang makita ang mukha niya sa mga huling sandali. Gusto ko na lang marinig ang boses niya. Gusto ko na lang madama ang init niya.

Tanggap ko na. Talo na kami.

May mga tao talagang dadaan lang sa buhay natin para bigyan tayo ng mga hindi malilimutang alaala. Malulungkot. Mapapait. At masasayang alaala.

Tanggap ko na.

Kailangan ko na rin siyang bitiwan. Para matapos na ang gulo. Para mapayapa na ang loob ko. Para matahimik na ang lahat.

Buong araw, naghintay ako sa loob ng apartment ko sa pagdating niya.

Buong araw, nakatulala lang ako sa labas ng bukas na bintana.

Buong araw, hindi ako lumabas.

Kumagat na ang dilim at hindi pa rin siya dumarating. Nawalan na ako ng lakas para buksan ang ilaw. Hinayaan kong balutin ang paligid ng kawalan. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa lamesa nang hindi ginagalaw ang pagkain.

Nagising na lang ako sa isang ingay. May maingat na kumakatok sa pinto. Pagbangon ko, marahan akong naglakad papunta sa pintuan. Sa pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin si Pio na nakasuot ng jeans at plain black T-shirt. Sa pagkakaalala ko, ito rin ang suot niya nang unang gabing naligaw siya sa apartment ko.

“Aaron,” sambit niya nang makita ako. Sumandal siya sa gilid ng pintuan at humikbi.

Bahagyang kumunot ang noo ko. “Pio?”

Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil patay na ang ilaw sa corridor sa ganitong oras. Pero batid kong hindi siya lasing. Walang amoy ng alak na kumakapit sa aking ilong. Siya itong kausap ko, buo, walang halong impluwensya ng kahit ano.

“Aaron,” sambit niya, “I-I’m… I’m leaving.”

Bumaon ang mga salita niya sa dibdib ko. Kahit hindi ito ang gusto kong marinig, kailangan ko itong tanggapin. Ito naman ang pinaghandaan ko buong araw. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin napigilan ang pamumuo ng luha sa ’king mga mata.

“Pio, sorry.” Nilapitan ko siya. “Sorry sa lahat ng nangyari.”

“No.” Umalis siya sa pagkakasandal at hinarap ako. “Don’t be… I’m the one who should be sorry.”

“Wala ka namang nagawang kasalanan eh.” Hinawakan ko ang mga pisngi niya. Pinigilan ko ang aking sarili na humikbi. “Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan. Kung hindi kita iniwan—”

“If you hadn’t met me, you wouldn’t have to go through all of this,” mangiyak-ngiyak niyang saad. “I don’t deserve your love.”

“A-Ano bang sinasasabi mo?” Humikbi na akong tuluyan. “Kung hindi kita nakilala, hindi ko matututunang magmahal.”

“If this love only hurts you more than it makes you happy, then you can let go.” Muli siyang humikbi. “You can let go of me now, Aaron.”

Dumaloy ang mainit na luha sa aking pisngi. Sa sinabi niya, para na rin akong nasagasaan noong gabing muntik na iyong mangyari. Para na rin akong nalunod noong lumusong ako sa dagat para hanapin siya. Para akong lumubog sa pinaka-ilalim. Hindi ako makahinga at hindi makagalaw.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at nadama ko ang magagaspang at maiinit niyang mga palad, bagay na hindi ko na ulit madarama pagkatapos ng gabing ito. At kahit masakit, hinarap ko pa rin ang katotohanan. Sinikap ko siyang tingnan sa mga mata na para bang ito na ang huli.

Ito naman na talaga.

“Kung ito ang gusto mo,” nangangatal kong sambit. “Kung saan ka, doon ako.”

Sa sinabi ko, dumiin ang pagkakahawak niya sa mga pisngi ko at pinagdikit niya ang aming mga noo. Sa isang iglap, nauwi ang paghikbi niya sa pag-iyak, at ang pag-iyak sa paghagulgol. Alam kong mas higit siyang nasasaktan kaysa sa akin. Alam kong nagsisisi rin siya sa mga nasabi niya.

“I don’t… I’m… I…” Bumaba ang labi niya sa labi ko, at nadama ko ang mainit niyang hininga. “I… love…”

Sa gitna ng kawalan ng hininga, pinaglapat niya ang mga labi naming dalawa. Isang mainit na halik ang ibinigay niya kapalit ng naputol na salita. Nalasahan ko ang alat ng kaniyang luha at ang pait ng kaniyang dila. Ito na ang pinakamalungkot naming halik.

Hanggang sa hindi ko namalayang dinadala niya na ako pabalik sa loob ng kuwarto. Sumara ang pinto. Mas lalong binalot ng dilim ang paligid. Mas lalo akong nalunod sa kaniyang halik. Sa bawat pagitan nito ay isang impit na iyak ang nakakalusot.

Bumangga ako sa lamesa at sumandal dito habang isa-isa niyang hinuhubad ang mga damit niya. Nang malantad ang buo niyang katawan, sandali siyang natigil sa paghalik sa akin at yumuko habang magkadikit ang aming mga noo. Isang putol-putol na iyak ang tumakas mula sa kaniyang bibig.

“Aaron…” basag niyang tawag sa akin. “I’m… I’m scared.”

“Pio…” Ibinalot ko ang aking mga braso sa kaniyang batok. “Ako ’to…”

“I know…” Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamnan niya. “I’m… I’m so scared…”

Muling tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan siyang labanan ang sariling takot. Sa maingat kong paghila sa kaniyang mukha palapit sa akin, maingat ko siyang hinalikan sa labi, at pinadama kong ligtas siya sa mga kamay ko.

Bahagyang kumalma ang panginginig niya, at habang magkalapit kami, nadama ko ang init ng katawan niya. Nagawa niya nang ituloy ang paghalik sa akin nang walang halong pangamba. Mula sa lamesa, maingat niya akong binuhat papunta sa kama.

Sa pagpaibabaw niya sa akin, hindi ako nakadama ng kahit anong bigat. Sunod niyang maingat na hinubad ang suot kong damit. At nadama ko ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang mga luha sa ’king balat. Para akong malulusaw sa init nito.

Muli niya akong hinagkan sa labi. At muli kong naramdaman ang pagdaloy ng aking luha habang inaalala na ito na ang mga huling sandali. Kahit anong pilit ko siyang ipaglaban, pilit din siyang inilalayo sa akin.

Mula sa labi, bumaba nang bumaba ang kaniyang halik. Hanggang sa matigil siya sa kalagitnaan. Bumaba ang tingin ko sa kaniya. Nakita kong muli na naman siyang sumabog sa paghagulgol at panginginig.

“Aaron, I can’t…” basag niyang sabi. “I can’t…”

Agad kong niyakap ang ulo niya. “Pio, nandito ako…”

“I’m scared…” Hindi siya matigil sa pag-iyak. “I’m so scared…”

Nauwi na rin ako sa paghagulgol. “Pio…”

“I’m so scared of a future without you.”

Sa isang tahimik na gabi, walang ibang maririnig kundi ang mga hagulgol.


Hindi matigil si Pio sa pagyakap sa aking katawan habang nakahiga kami sa kama. Pareho kaming walang saplot. Parehong walang itinatago. Parehong sugatan ang mga puso. Parehong napagod sa laban.

Nang sumilip ang buwan sa kalangitan, nagliwanag ang paligid. Lumantad ang kaniyang mukha. Ang mga mata niyang hindi maalis ang tingin sa aking mga mata. Ang mukha niyang naubusan ng pag-asa.

“Aaron, please don’t cry when I’m gone,” sabi niya. “You will always have my heart.”

“Pio, hindi ko maipapangako,” sabi ko. “Pero sa ’yo lang din ang puso ko.”

Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka pumikit, idiniin pa ang aking palad sa kaniyang balat, habang ang mga pilikmata ay mamasa-masa. Tipid siyang ngumiti.

Napakaamo ng kaniyang mukha. Kung ito man ang huling beses na makikita ko siya, sapat na sa aking minsan kaming nagsama. Na minsan ay nalapitan ko siya, nahagkan, nahawakan. Hindi ko siya makakalimutan.

“Aaron…” Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga matang maluha-luha. “I wish I had met you sooner. Then maybe… maybe things would be different.”

“Ako rin.” Ngumiti ako, kasabay nito ay ang pagtulo ng aking luha. “Sana nakilala kita agad. Sana nagtagpo tayo sa tamang panahon.”

Ngumiti rin siya at naluha. “If we did, would you still fall in love with me?”

“Oo naman.” Lumalim ang tingin ko sa kaniya. “Kahit na pilyo ka, o kahit na naninigarilyo ka, mahuhulog pa rin ako.”

“And then again, I am willing to change.” Lumalim din ang tingin niya sa akin. “For you, I will. And I will love you more.”

Nananaginip yata kami nang gising. O nangangarap na sana ay sa ibang pagkakataon, pareho pa rin naming matatagpuan ang isa’t isa. At sa ibang pagkakataon, pareho kaming masaya.

Tulad ng gabi, lumalim pa nang lumalim ang usapan namin. Inalala na lang ang mga bagay na hindi na mababalikan. At sa isang banda, pinag-usapan ang hinaharap na tatahakin namin nang hindi magkasama.

“Do you think I will be a good father?” tanong niya. “I’m not a good person.”

“Noon ’yon, Pio.” Bumaba ang kamay ko sa kaniyang dibdib, dinama ang malumanay na tibok ng kaniyang puso. “Iba ka na ngayon. Magiging mabuti kang ama. Ipadarama mo sa anak mo ang bagay na hindi ko nadama mula sa sarili kong ama. Mamahalin mo siya nang buo tulad ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Aalagaan mo siya. At palaging iingatan.”

“Okay.” Maingat siyang tumango. “I will.”

Nang tumagal pa ay pareho nang napipikit ang aming mga mata, ngunit wala sa amin ang gustong bumitiw ng tingin. Kung maaari lang sanang patigilin ang oras. O kung puwede lang sana itong pahabain.

Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Kaya ang tanging hinihiling ko na lang ay sana sa mga huling segundo, minuto, at oras, ay malaman niya kung gaano ko siya kamahal, at walang magbabago sa akin.

“Hindi ako magmamahal ng iba,” pangako ko sa kaniya. “Para sa ’yo, hindi ako magmamahal ng iba.”

“And I promise you that, too,” pangako niya rin sa akin. “If it’s not you, I’d rather not love again.”

Habang magkahawak ang aming mga kamay, pareho kaming nakaramdam ng kapahingahan. Katahimikan. Hanggang sa makita kong unti-unti nang pumikit ang kaniyang mga mata, at ganoon din ako.

Bago tuluyang dumilim ang paningin, muli kong pinagmasdan ang kaniyang mukha. Sinusubukan kong ipinta ito sa aking isipan, nang sa gayon ay maalala kong ito ang lalakeng minahal ko at minahal ako.

“Pio, pinapalaya na kita,” bulong ko sa hangin. “Malaya ka na.”

Paisa-isa, unti-unting nawala ang lahat ng bagay sa paligid. Ang pinto. Ang lamesa. Ang pader. Ang lahat ng bagay sa mundo.

Sa tuluyang pagpikit ng aking mga mata, siya lang ang huli kong nakita.


Sa marahang pagmulat ng aking mga mata, hindi ko na siya muling nakita.

Bumalik ang lahat ng bagay sa paligid. Ang kama. Ang unan. Ang kumot. Ang lahat ng bagay sa mundo, pero parang may kulang.

Sa maligamgam na liwanag ng araw isang hapon, natagpuan ko na lang ang aking sarili na mag-isang nakahiga sa kama. Hindi ako giniginaw dahil bago siya umalis, hindi niya ako nakalimutang bihisan. Tulad ng ginawa niya noon.

Kinusot ko ang kaniyang pinaghigaan at hindi ako makabangon. Hindi ako makaalis kung saan niya ako iniwan. Kung saan niya ako iniwan nang walang paalam. Nangako akong siya lang ang mamahalin ko, pero hindi ako nangakong hindi ako iiyak.

Kaya gano’n na lang, bumuhos ang lahat ng luha ko, at sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako nakapagpigil at hinayaan ang pagkawala ng umaalingawngaw kong iyak, mula sa kuwarto palabas ng pasilyo. Kahit naman gawin ko ito, walang magbabago.

Wala na siya.

Wala na.

Hindi tulad ng dati na ilang linggo lang siyang nawala, o ilang araw, o ilang oras, hindi na talaga siya babalik pa ngayon.

Hindi ko na siya makikita. Hindi ko na siya maririnig. Hindi ko na siya madarama. Magiging isa na lamang siyang alaala.

Nagtapos ang kuwento naming dalawa kung saan din ito mismo nagsimula.

Chapter 68

Six months later…

Kung meron man akong natutunan sa anim na buwang nagdaan, ito ay hindi basta-basta mawawala ang sakit ng nakaraan, kundi pansamantala lang na makakalimutan.

Hindi ko masasabing ayos na ako, na tuluyan nang naghilom ang mga sugat. Pero masasabi kong nakaya ko nang umusad. Para sa kaniya, nagawa ko.

Paunti-unti, natutunan ko ang mamuhay nang mag-isa.

Hindi nga lang gano’n kadali.

Siya ang laging laman ng mga panaginip ko. At tuwing nakikita ko ang mukha niya roon, minsan, parang ayoko na lang iyong matapos. Pero may mga pagkakataong nagigising na lang ako sa isang madilim na umaga. Walang katabi. Wala siya. Saka bumubuhos ang lahat ng luha.

Paminsan-minsan, tuwing nakaririnig ako ng mga yabag sa pasilyo, napapangiti ako nang kusa at napapasilip sa labas. Hanggang sa mabunyag na ang pinanggagalingan niyon ay walang iba kundi ang tenant sa parehong palapag na inuumaga na ng uwi galing sa trabaho.

Hindi na pinaupahan ni Manang Lucy ang kabilang kuwarto. Ito ang paraan niya ng pagtulong sa akin para puwede ko itong dalawin anumang oras kong gustuhin. Walang ibang gamit ni Pio na makikita sa loob kundi ang gitara niya na nakasabit sa pader bandang ulunan ng blankong kama.

Dahil sa kaniya, pinag-aralan ko itong gamitin. At ang unang kantang inaral ko ay ang unang kanta ring inalay niya para sa akin. Sa isang tahimik na dapit-hapon, umupo ako sa gilid ng kama niya, ipinatong ang gitara sa ’king mga hita, at saka sinimulan itong tugtugin.

“If I could go back in time…”

Hindi ako kasinggaling niyang kumanta.

“I’d shoot my shot.”

At mas lalong hindi ako kasinggaling niyang gumamit ng gitara.

“I’d risk it all.”

Pero ibinigay ko ang buong puso ko.

“If I could go back in time…”

Tulad kung paanong ibinigay niya ang buong puso niya noon.

“I’d shoot my shot…”

Inalala ko ang lahat ng mga masasayang alaala.

“Just so I could have a chance with you.”

At inisip ko ang mga alaalang maaari pa sana naming likhain kung kasama ko lang siya.

Kaya lang, isa na rin lang siyang alaala.

Hindi ko na siya nakakausap.

Hindi ko na siya nakikita.

Pero ayoko siyang makalimutan.

Kaya hangga’t maaari, binabalik-balikan ko ang mga dati naming usapan sa Messenger. Paulit-ulit kong pinagmamasdan ang mga litrato niya sa Gallery. At madalas, pinakikinggan ko ang mga paborito niyang kanta sa Music app, o ’di naman kaya ay tinutugtog sa gitara. Tulad ngayon.

Sa ganitong paraan ako nagpapatuloy.


Medyo nakakapanibago sa bago naming classroom sa second floor ng Main Building A. Mas tahimik kumpara sa ibaba na dinadaan-daanan ng halos lahat ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kurso maging ng mga Senior High students. Mas mahangin din dahil abot sa lebel nito ang mga dahon ng mga puno sa tabi. Mas maluwag akong nakakahinga.

Tapos na ang pagiging freshmen namin. Wala nang NSTP na kinaiinisan ng lahat. Hindi gaya ng mga kaklase ko, hindi ko ibinenta ang ROTC uniform ko. Mahalaga ito sa akin. Bigay ito ni Pio noon. Maging ang mga unipormeng paulit-ulit kong isinusuot, sa kaniya rin galing lahat. Tuwing suot ko ang mga ito, pakiramdam ko, para ko na rin siyang kasama.

Mahirap ipaliwanag.

Ganito lang yata siguro ang pakiramdam nang mawalan ng taong pinakamamahal, kumakapit ka sa mga mumunting bagay na maaaring makapagpaalala sa ’yo sa tao.

Tulad ng panahon, hindi naman panghabambuhay na maulan ang damdamin ko. May mga pagkakataon din namang maaraw. Marami pang dahilan para maging masaya.

Ilan sa masasayang pagkakataon ay nang mapadaan ako sa gitnang corridor ng Main Building A isang araw—sa unang palapag—at nakitang nagtitipon ang mga estudyante sa tapat ng isang bulletin board.

Nang lumapit ako roon, nagulat na lang ako nang bigla akong batiin ng ilan sa mga kaklase ko.

“Congrats, Alcantara!”

“Nice one, Aaron!”

“Galing mo, ’tol!”

At saka ko nalaman kung bakit.

Pasok pala ako sa Dean’s List.

Abot tenga ang ngiti ko, dahil sa wakas, magkakaroon na rin ng discount ang tuition fee ko.

Pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay Pio, pakiramdam ko, parang isang malaking kasalanan ang maging masyadong masaya. Tuwing naiisip ko kung ano na ang kalagayan niya, parang hindi ko magawang ngumiti nang sobra. Parang palaging may pumipigil sa akin.

Alam ko naman na gusto niya lang akong maging masaya.


Ilang araw lang mula nang mapasama sa Dean’s List, nasangkot ako sa isang gulo.

Nagsimula ang lahat nang matapos akong kumain at tumambay sa isang bench malapit sa covered gym nang marinig ang usapan ng dalawang kupal na third-year students mula sa kursong BSMT. Usapang lalake. Usapang walang kuwenta.

“Suwerte pala no’ng si Pio eh, ’no? Nabuntis si Mona.”

“Akala ko ba si Jason ang boyfriend ni Mona? ’Yong varsity rin na moreno.”

“’Yon na nga eh. Naagawan pa si Jason. Taob eh. Isang shoot lang ni Pio, nagkabola agad sa tiyan ni Mona.”

“Awit, comeback pa nga!”

Nagtawanan ang dalawa.

Tumayo ako sa sobrang galit.

“Sabi, lasing daw si Pio tapos si Mona ang gumalaw. O pareho yata silang lasing.”

“Gago, si Mona lang ang gumalaw? Eh ’di nasarapan si Pio?”

Nagkuyom ako ng kamao at lumapit sa kanila.

“’Di ba? Kung ako ’yong lasing, tapos si Mona ang nasa ibabaw ko, magpapa-rape talaga ako. Hindi pa ako matutulog para damang-dama ko ’yong bawat yugyog.”

“Sheyt! Ako rin!”

Naramdaman ko ang pagbaba ng init mula sa mukha ko papunta sa kamao. At sa isang iglap, kusa itong napadpad sa pisngi ng huling lalakeng nagsalita. Sa sobrang pagkawala sa sarili, hindi ko na namalayang naitumba ko na pala ang lalake at paulit-ulit na pinagsasapak sa mukha, tulad ng ginawa ni Pio noon kay Briones.

“’Tang ina n’yo! Wala kayong alam!” nanggagalaiti kong sigaw. “Madali lang sabihin para sa inyo ’yan kasi hindi sa inyo nangyari ’yon! Hindi ’yon ginusto ni Pio!”

Sa sobrang pagkagalit, kung ano-ano pang masasamang salita ang nasabi ko.

Huli na nang mapagtanto kong duguan na pala ang mukha ng lalake, at ako ang may gawa nito. Natigil lang ako sa ginagawa nang ilayo ako ng ilang mga estudyante.

Nang ipatawag sa Dean’s Office, akala ko ay matatanggal na ako sa Dean’s List, o ’di naman kaya ay masu-suspend o ma-e-expel. Pero hindi. Sa halip, binigyan lang ako ng paalala ng bagong dean na si Sir Tiu.

Ang sabi nito, naiintindihan nito ang galit ko, pero hindi ko dapat idinadaan sa dahas. Kilala naman ako nito sa pagiging maayos na estudyante. Kaya siguro ako pinalampas. O baka ay dahil naaawa lang ito sa akin.

Alam ng lahat na ako ang nawalan.


Magmula noong ginawa ko, natakot akong baka maulit na naman sa ’kin ang nangyari dati—na abangan ako ng dalawang lalake habang naglalakad sa daan, tulad ng ginawa noon nina Briones at Castro, at baka gawan ako ng masama.

May mga pagkakataong kailangan ko talagang lakarin ang Mabini Street lalo na kapag walang tricycle. Madalas ganito kapag baha. At talaga nga namang hindi ako matigil sa paglinga-linga sa paligid. Wala nang maaaring magtanggol sa akin kapag nalagay ang buhay ko sa panganib.

O wala nga ba talaga?

Hindi ko alam kung sadya bang dito rin ang daan ng mga ka-team ni Pio sa basketball, dahil madalas, nakakasabay ko silang maglakad pauwi. May mga pagkakataong nahuhuli ko silang nakatingin sa akin, na para bang binabantayan ako, at sinisigurong nakauwi ako nang maayos sa apartment.

O baka mali lang ako ng akala.

Mali man o hindi, ang mahalaga, pakiramdam ko ay palagi na akong ligtas umuwi. Na para bang kahit wala na si Pio, binabantayan niya ako sa paraang alam niya—sa pamamagitan ng ibang tao.


Isang beses sa isang buwan, nagpapagupit ako sa R&R Salon. Huling punta ko roon, hindi ko napigilan ang aking sarili na maluha dahil sa mga narinig ko.

“Aaron, kamusta ka naman?” usisa ni Sweety habang ngumunguya ng bubble gum.

Nagpilit ako ng ngiti habang ginugupitan ni Summer. “Ayos lang po.”

“Nalulungkot kami sa nangyari,” ani Sweety.

“Oo nga, be,” dagdag naman ni Summer. “Hindi naman namin inakala na mangyayari ’yon.”

Yumuko lang ako at pinigilan ang aking sarili na humikbi.

“Hindi makatarungan ang nangyari kay Papa—” Natigilan si Sweety. Napagtanto niya yatang hindi angkop na tawaging ‘Papa P’ si Pio dahil tuluyan na nga itong magiging papa sa anak nila ni Mona, at masakit ito para sa akin. “Sorry, sorry, Aaron.”

“Okay lang po.” Lumunok ako at naramdaman ang paghapdi ng mga mata.

“Basta, ito ang tandaan mo,” tuloy ni Sweety, “nandito lang kami para sa ’yo.” Tumingala ako sa maputi niyang mukha at nasilayan ang ngiti sa kaniyang labi. “Okay?”

Isang kalahating ngiti ang binitiwan ko bilang tugon.

“Oo nga, be,” si Summer. “Kaya huwag ka nang malungkot. Sige ka, matutulad ka sa mukha ni Scarlett.”

“Hoy, ano ’yon?” sabat ni Scarlett na butas-butas ang mukha.

Nagtawanan sila at nahawa ako, sandaling naudlot ang luha.

Nang humupa na ang mga tawanan, hinawakan ako sa balikat ni Sweety. “Aaron, bibi,” sabi niya, “ang totoo niyan, ibinilin ka sa amin ni Pa—ni Pio—bago siya umalis.”

“Po?” mahina kong tugon.

“Mm.” Tumango siya habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. “Nag-request siya na kung puwede ay palagi ka naming bigyan ng magandang gupit dahil wala siyang tiwala roon sa mga barbero sa kabilang kanto.” Ngumiti siya kahit may lungkot sa mga mata. “Gusto niya na ipasa ko ang utang na loob ko sa kaniya, para sa pagtatanggol niya sa akin noon, papunta sa ’yo.”

Muli kong naramdaman ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. “Ano pong—?”

“Aaron, magmula ngayon, libre na lagi ang gupit mo rito,” aniya.

Kumurap ako. “Ho?”

“Free, be,” singit ni Summer. “Hindi na discounted. Libre na, as in, 100% free.”

Alam ko. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit maluha-luha ang mga mata ko.

“Kinausap po kayo ni Pio?” tanong ko kay Sweety.

“Oo, pero noon pa ’yon,” maamong sagot ni Sweety. “Ang sabi niya, kapag daw nawala siya, ingatan daw namin ang baby niya.” Muli siyang ngumiti. “At ikaw ’yon.”

Noon ko na hindi napigilan ang aking sarili…

“Sa simula’t sapul, ikaw ang mahal ni Pio,” dugtong niya. “Kahit na mapunta man siya sa ibang tao, hindi ’yon magbabago.”

At naramdaman ang tuluyang pagtulo ng aking luha.


Para hindi masyadong lamunin ng kalungkutan, lumalabas ako ng aking apartment paminsan-minsan at sinasamahan si Manang Lucy sa ibaba. Tinutulungan ko siya sa pagdidilig ng mga halaman niya. Minsan, tinuturuan ko rin siya kung paano gumamit ng Facebook.

Nakakapag-usap na sila ni Lola Celia sa pamamagitan ng Messenger. Base sa huli kong narinig, binabalak na lumipat ni Lola Celia rito sa apartment building para samahan si Manang Lucy. Hinihintay na lang ang pahintulot ng mga anak nito.

Nakakatuwa nga eh.

Nakakainggit din.

Six months ago nang last online si Pio sa Messenger. Pribado na rin ang account niya sa Facebook. Sa kabila ng lahat, hindi niya pa rin binubura ang mga posts niya tungkol sa akin, na ako na lang ngayon mag-isa ang nakakakita.

Ang huling post niya ay ang litrato naming dalawa noon sa tabing-dagat.


Sa tabing-dagat.

Sa tabing-dagat ang sunod na kasalang magaganap.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi sa simbahan, o sa hotel, o sa isang garden ang venue ng kasalan kung saan kami magtatrabaho bilang waiters.

Sabado pa lang ng umaga, sumakay na kami ng van ni Jonas kasama si Boss at ang iba pa naming mga katrabaho na halos kasing-edaran lang din namin.

“Guys, I am sure I have already informed you about this, but just to remind you again, foreigners ang ilan sa mga guests natin today, okay?” bilin ni Boss Alex. “At mga yayamanin din. Kaya alam n’yo na… English only ang sagot kapag tinawag kayo o inutusan. I trust that you are all fluent naman pagdating sa English speaking?”

“Yes, Boss,” sabay-sabay naming sabi.

“And always remember to smile,” dagdag ni Boss Alex. “Huwag ikahihiya ang mga mukha.” Mahinang natawa ang mga kasama ko. “Lahat naman kayo mga guwapo. Kaya ko nga kayo pinili eh.” Sunod siyang tumingin sa akin. “Aaron,” malumanay niyang sabi, “smile, okay?”

“Yes, Boss,” mahina kong sagot, sabay nagpilit ng tikom na ngiti.

Hindi naman siguro mahirap ngumiti habang nakikita ang pagbubuklod ng isang babae at lalake.

Hindi naman siguro kung ibang tao naman ang makikita kong mag-iisang-dibdib.

Hindi naman siguro…

Hindi ba?

“Alright, that’s all.” Tumalikod na si Boss Alex na nakaupo sa harapan. “We’ll do the briefing later once we arrive at the venue.”

“Yes, Boss.”

Nanumbalik ang ingay ng mga kasama ko. Mayroong mga nagpa-practice kung paano sumagot sa guests mamaya. Ang iba naman ay nag-uusap tungkol sa pupuntahan naming lugar. Ligong-ligo na yata sila. Hindi naman kami pupunta roon para magliwaliw kundi para magtrabaho lang.

Tanghali nang makarating kami sa isang beach resort sa Batangas. Mukhang yayamanin nga talaga ang parehong pamilya ng ikakasal. Biruin mo, nirentahan ang buong resort para lang sa okasyong ito.

Napakalawak ng resort. Tapos, kaunti lang daw ang mga panauhin na darating sabi ni Boss Alex dahil isa itong intimate wedding. Immediate family members lamang ang mga naimbitahan.

Naisip ko, ganito nga talaga siguro ang kasalan ng mga mayayaman, kakaunti lang ang mga tao. Parang sa mga palabas lang. Sa probinsya kasi namin, imbitado kahit ang mga hindi naman naimbitahan.

Sa malayo pa lang, tanaw ko na ang tabing-dagat kung saan nakalatag na ang mga upuan na dinedesenyuhan ng mga panauhin. Mayroon ding photographer na abala sa pagkuha ng mga litrato o video.

Matapos mananghalian ng mga pagkaing nakabalot sa foam food containers (para sa mga staff), pinagbihis na kami ni Boss.

Sa dulong cubicle sa CR, ka-video call ko si Mama habang nagbibihis ako.

“Ron, kailangan mo ba talaga ’yang trabahong ’yan?” tanong niya. “Hindi ko pa rin maisip na matagal mo na palang ginagawa ’yan. Hindi pa ba sapat ang binibigay ko sa ’yo?”

“Ma, hayaan mo na po ako.” I-t-in-uck in ko na ang shirt sa loob ng pantalon ko. “Gusto ko rin naman ’yong may ginagawa ako para nalilibang. ’Tsaka para may extra money rin ako. At the same time, nakakapunta pa kung saan-saan.”

“Eh sigurado ka bang hindi mabigat ang trabaho mo riyan?” usisa niya. “Baka pinagbubuhat ka riyan ng mga gamit ah.”

“Hindi po, Ma.” Kinuha ko na rin ang belt na nakasampay sa nakasarang pinto at isinuot ito. “Magse-serve lang naman ako ng mga inumin o pagkain. ’Yon lang gagawin ko.”

“Sigurado ka ah?” May duda pa rin sa mga mata niya. “Nga pala, anak,” sabi niya sa mas maamo nang boses, “kamusta ka naman? Kamusta na ang puso?”

Katatanong niya lang sa akin niyan noong nakaraang linggo. At paulit-ulit ko na rin sinabing, “Ma, okay na po ako.”

Siyempre, ang isasagot niya, “Talaga, ’nak?”

“Opo, Ma.” At magsusuot ako ng kalahating ngiti. “Matagal naman na ’yon.”

Matagal na… pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

“Anak, baka minamasama mo na ang palaging pagtatanong ko ah,” sambit niya. “Nag-aalala lang naman ako para sa ’yo. Mula nang maghiwalay kayo ni—”

Sandaling katahimikan nang hindi niya natapos ang dapat niyang sabihin.

“Ni Pio,” dugtong ko. Sunod kong isinuot ang black vest. “Ma, salamat po sa pag-aalala, pero kaya ko na, promise.”

Hindi ako nagsisinungaling.

Kaya ko na. O kinakaya ko pa.

Sabi nila, naghihilom din naman daw ang lahat ng sugat sa paglipas ng panahon.

“Aaron, ’tol?” Kumatok si Jonas sa pinto. “Tapos ka na?”

“Ah, patapos na.” Nagmadali akong isara ang mga butones ng vest. “Bakit?”

“Nagsimula na ang briefing sa labas,” sagot ni Jonas.

Shit. Ang tagal ko na yata rito sa loob.

“Ay, sorry, sorry.” Kinuha ko na ang bow tie sa loob ng eco bag na nakapatong sa toilet-seat cover at ito naman ang isinuot. “Palabas na.”

“Sige, sige,” sabi niya. “Sunod ka na lang? Balik na ako ro’n.”

“Sige, Ron,” sagot ko sa pagkataranta. “I mean, sige, Nas.”

Nakarinig ako ng mahinang halikhik at mga yabag palayo sa cubicle ko.

“Ma, sige na.” Kinuha ko na ang cellphone na nakapatong patayo sa toilet tank lid. “Mag-start na kami.”

“O, sige, Ron,” ani Mama. “Mag-iingat ka palagi ah. Mahal na mahal ka ni Mama.”

“Opo, Ma.” Ngumiti ako sa camera. “Labyu.”

“Pogi talaga ng anak ko, manang-mana sa Mama,” pambobola niya. “Labyu, too, ’nak!”

“Bye-bye.”

“Bye.”

Matapos mag-end ng video call ni Mama, naiwan mag-isa sa screen ang display ng camera ko sa Messenger app. Gamit ang camera, inayos ko ang tabingi kong bow tie at pinagmasdan ang buhok kong medyo mahaba na naman bago i-end na ang call.

Mukha naman akong presentable.

Ngiti lang talaga mamaya.


Ang bilis ng mamaya .

Kanina lang nang makahabol ako sa briefing ni Boss Alex—itinuro ang mga gawain namin—at ngayon ay malapit nang magsimula ang kasal.

Kinakabahan ako. Isa ako sa mga napili para tumayo bandang unahan sa tabi para mag-serve ng mga inumin. Kahit ilang beses ko nang ginagawa ito, pakiramdam ko, parang baguhan pa rin ako. Buti na lang at kasama ko si Jonas sa unahan.

“Ayos ka lang, ’tol?” tanong ni Jonas sa ’kin. “Ay, sorry. English pala dapat.” Tumikhim siya. “Are you alright, stepbro?”

Bahagya akong natawa dahil hindi ako sanay sa English niya na hinaluan ng foreign accent. At ’yong ‘stepbro’. “Mm,” nangingiti kong sagot.

Sa mga nagdaang buwan, nanatili pa rin siyang malapit na kaibigan. Ginawa niya ang lahat para mapasaya ako at binigyan ako ng higit pa sa sapat na suporta kung kailan ko ito pinaka-kailangan.

Dahil sa ginawa niya, nakalma na ang panginginig ng mga kamay kong may hawak na serving tray, kung saan may nakapatong na tatlong champagne glasses.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid.

Sa hindi maipaliwanag, parang pamilyar ang tagpo: mga upuang nababalot sa puting tela, ang atril sa harapan na gawa sa kahoy, ang wedding arch sa palibot nito na nababalot sa mga puting bulaklak, ang banayad at bughaw na dagat sa likuran ng altar, ang maputing buhangin na kinatatayuan ko, ang maalat na simoy ng hangin na tumatama sa aking buhok.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa serving tray at nagkaroon ng mga mumunting alon sa ibabaw ng mga inuming nasa loob ng mga baso.

Hindi ako sigurado, pero parang nangyari na ’to noon.

“Jonas,” saad ko nang nakakunot ang noo, “anong meron?”

May taka akong tiningnan ni Jonas. “Ha?”

Kahit ako ay nagtaka rin sa sarili kong tanong—kung bakit ko iyon natanong sa kawalan. Anong meron? Malamang, may kasalan, at nagtatrabaho kami rito.

“Um…” Yumuko ako at kumurap nang makaramdam ng pagkahilo. “Wala.”

Parang merong mangyayari.

Mga ilang saglit pa, nakarinig ako ng magandang tunog na likha ng iba’t ibang instrumento. Pag-angat ng tingin, kita kong nagsimula na palang tumugtog ang wedding orchestra sa kabilang panig. Sa piano ay may isang babae na may sariling mikropono, sa tabi nito ay mayroong violinist, at cellist, at isa na tumutugtog ng harp.

Iyong tinutugtog nila ay tipikal na pangkasal na tugtog. Canon in D yata ang title sa pagkakaalam ko. At saka ko nalaman kung bakit nagsimula na sila. Nagsisidatingan na pala ang mga bisita.

Mula sa entrance na gawa sa dalawang poste—kung saan may nakabukas na white curtains at disenyo ng mga tuyong dahon—isa-isang nagsisilakaran ang mga bisita sa aisle runner. Mga bisitang mas maputi pa sa buhangin ang kulay ng mga balat at mala-ginto ang mga buhok sa ilalim ng sikat ng araw ngayong hapon.

Tumindig ako, huminga nang malalim, at saka nagsuot ng ngiti. Ganoon din ang ginawa ni Jonas.

Nang makaupo na ang mga bisita sa kani-kaniyang upuan at nadagdagan pa, naglibot na kami ni Jonas bitbit ang serving tray.

“Would you care for a glass of champagne?” alok ko sa isa sa mga bisitang lalake sa ikalawang hilera sa kanan kung saan ako malapit.

“No, thank you. I’m fine for now,” anito saka bumalik sa pakikipag-usap sa babaeng katabi na kapwa mga nasa singkuwenta na ang edad.

Lalampasan ko na sana ito nang biglang…

“Oh, wait,” pahabol nito.

“Uh, yes?” sabi ko.

Kumunot ang noo nito. “You… You look kinda familiar.”

Kumunot din ang noo ko. “Um, sorry?”

Ngayong tumagal na ang tingin ko sa mukha nito, tila pamilyar din ang wangis ng mukha nito. Parang kapatid ng taong kakilala ko.

“Oh, nothing.” Ngumiti ito. “I must’ve been mistaken.”

Nagpilit na lang ako ng ngiti saka tumuloy na sa paglilibot.

Nang maubos ang mga baso sa tray ko ay kumuha ulit ako roon sa mahabang lamesa sa dulo at bumalik sa mga bisita sa loob. Hanggang sa wala nang tumanggap ng baso, kaya bumalik na ako sa pagkakatayo sa puwesto ko at ganoon din si Jonas.

Hindi na kami pumunta sa kabilang panig dahil meron na ring dalawang waiters na nakatoka roon. Kumpara dito sa panig namin, mukhang mga Filipino ang nasa kabila. Mas mabigat din ang hangin doon. Grabe makatingin ang mga bisita roon sa amin. O mas mainam sigurong sabihin na sa akin lang.

Bakit nakakunot ang mga noo ng mga tao roon sa akin?

At bakit parang nakakita sila ng multo?

Nagkakamali lang ba ako ng akala?

Yumuko ako at bumuntong-hininga.

Pag-angat ko ng tingin, kita kong nagbubulungan na sila. Bahagyang bumigat ang paghinga ko kahit na mahangin naman dito.

“Aaron, ’tol, okay ka lang?” mahinang tanong ni Jonas, hindi na nag-English.

Mahinang tumango ako. “Oo.”

Muli akong nakaramdam ng pagkahilo kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Naghahalo-halo na ang mga boses ng mga bisita at tunog na likha ng mga instrumento sa pandinig ko.

May mangyayari.


Alas-tres y medya, kumpleto na ang mga bisita. Mahigit nasa tatlumpu lang ang bilang ng mga tao. Hindi nagtagal, nakarating na rin ang pari sa altar at nagbuklat ng Biblia na ipinatong sa atril.

“Dearly beloved…” panimula nito.

Sandaling tumigil sa pagtugtog ang wedding orchestra at natahimik din ang mga bisita.

“We are gathered here today to celebrate a love story that has endured time and distance.

“Today, we honor the union of two hearts that were once separated but have found their way back to each other.

“This is a joyous occasion, where we come together to witness and bless their love and commitment.

“Let us open our hearts to the beauty of this moment and the blessings of this union.”

Sa gitna ng katahimikan pagkatapos magsalita ng pari, naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa hindi maipaliwanag, parang may nadama akong kakaiba.

Para bang mayroong magpapakita.

Sunod namang nagsalita ang singer na nakaupo sa likuran ng piano roon sa kabilang kanto.

“Good afternoon, everyone. I have the honor of performing a special song requested by the bride.

“This song holds deep meaning for the couple, as it reminds them of the hardships they have faced and overcome together.

“It’s a testament to their enduring love and resilience.

“Please join me in celebrating their journey with this beautiful song as they walk down the aisle.”

Sa sandaling katahimikan, muling nangibabaw ang tibok ng puso ko. Mas mabilis. Mas malakas. Mas lalong hindi ko maintindihan.

Bakit ba ako kinakabahan?

Walang anupama’y tumuloy na sa pagtugtog ang orchestra. Isang malumanay at malungkot na himig.

Sa dinami-rami ng kasal na nasaksihan ko, ngayon lang ako nakarinig ng ganitong tugtugin.

Nang umawit na ang babaeng singer sa malamig at mahanging tinig, para ding bumagal ang takbo ng oras.

“Notice me.

Take my hand.“

Lahat ng ulo ay napalingon sa entrance.

“Why are we…

Strangers when…?“

Napasunod din ang tingin ko roon.

“Our love is strong?

Why carry on without me?“

Hanggang sa makita ang naglalakad na groom.

“And every time I try to fly I fall without my wings…

I feel so small.

I guess I need you, baby.“

Mula sa pagiging mabagal ay parang tumigil ang takbo ng oras sa akin habang pinagmamasdan ang matangkad na lalake sa gitna, nakasuot ng tuxedo, akay-akay ng mga magulang sa magkabilang braso.

Tulad ng mga magulang, malamlam ang mga mata niyang namumugto, hindi matigil sa paglinga sa paligid. At sa hindi inaasahan, nagtagpo ang aming mga mata, saka bumalik ang lahat ng mga alaala…

“And every time I see you in my dreams…

I see your face…

It’s haunting me.

I guess I need you, baby.“

Mula sa mga masasayang araw hanggang sa mga gabing puno ng luha. Maging ang mga pangarap namin para sa isa’t isa. At higit sa lahat, ang sakit na naiwan sa aking puso mula nang maghiwalay kaming dalawa.

Sa dinami-rami ng pagkakataon, hindi ko inakala na sa ganitong paraan kami muling magkakatagpo. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, itinatanong ko sa langit kung bakit kailangan kong makitang ikinakasal si Pio.

Sana panaginip na lang ang lahat.

Chapter 69

Lumaki ang mga mata ni Pio nang makita ako. Alam ko ang nilalaman ng mga ito. Marahil ay tulad ko, nagtataka rin siya kung anong ginagawa ko rito sa araw ng pakikipag-isang-dibdib niya kay Mona.

Hindi ko rin alam.

Sa sobrang kagustuhan na makalimutan ang sakit ng nakaraan, hindi ko na nga naalala na ngayong buwan nga pala ang kasal nilang dalawa. Kung alam ko lang, hindi na sana ako pumunta pa rito.

Kung alam ko lang.

Sa isang banda, nanlaki rin ang mga mata ni Tita Annie nang mabaling ang tingin sa direksyon ko. At si Tito William. Ngayon ko lang napagtanto, kahawig pala nito ang mga nakaupo rito sa panig ko. Marahil ay mga kadugo.

Sa pagtuloy ng kanta, bumalik ang oras sa normal nitong takbo, at ito ang hindi ko matanggap.

Bumagal man ang paglalakad ni Pio sa aisle matapos akong makita, wala siyang ibang nagawa kundi ang magpatuloy. Kahit pa nga parang nanghihina na ang kaniyang mga tuhod at nangangatal ang mga labi. Kahit pa nga labag sa loob niya.

Yumuko ako sa sobrang awa.

Kung paano ko siya huling nakita, wala pa ring nagbago. Punong-puno pa rin ang mukha niya ng lungkot at takot, ngunit mas matindi na ngayon. Ito ang araw na nakatakda siyang itali sa isang taong hindi niya naman talaga tunay na mahal.

“Aaron,” mahinang tawag sa akin ni Jonas, “alis na ba tayo rito?”

“H-Ha?” balisa kong tugon.

“Kasal ’to ni Pio,” sabi niya. “Hindi ka dapat nandito.”

Nakaramdam ako ng pagkahilo at para akong matutumba mula sa aking kinatatayuan. Mas lalo ring naging hirap ang aking paghinga. Lingon sa kaliwa. Lingon sa kanan. Lingon sa ibaba. At pag-angat ko ng tingin, para akong naparalisa sa sunod kong nakita.

Nakarating na si Pio sa altar ngayon. Hindi pa rin maputol ang kaniyang tingin sa akin. Sa mga mata niya, parang mayroong bakas ng pagmamakaawa. Na para bang nakikiusap siya na kung puwede ay huwag ko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Iyon din naman ang hinihiling ko. Walang katumbas ang sakit sa dibdib ko habang nakikita ko siya. Siya na naging parte na ng buhay ko. Siya na palaging nagpapasaya sa akin noon. At siya na minahal ako nang buo sa kung sino ako. Ngunit ngayon, pinanonood ko siyang unti-unting mapunta sa ibang tao.

“Aaron,” muling tawag sa akin ni Jonas, “umalis na tayo rito.”

Hindi ako makasagot. Parang nawalan ako ng kakayahang magsalita. At hindi rin ako makagalaw. Parang bumaon ang mga paa ko sa pinaka-ilalim ng buhangin.

“Aaron, why are you here?” naluluhang tanong ni Tita Annie nang makaupo sa silya sa tabi ko. Napatakip siya sa bibig. “You… shouldn’t be here.”

May pagkaawa naman akong tiningnan ni Tito William nang walang sinasabi.

“Aaron,” muling tawag sa akin ni Jonas, “tara na.”

Mas lalong bumigat ang paghinga ko. Na sa sobrang bigat ay dinig na dinig ko na ito. Hindi rin matigil sa panginginig ang mga kamay kong may hawak na tray. Parang naghahalo-halo na ang mga ingay hanggang sa umugong ang mga tenga ko.

Nang bumalik ang tingin ko kay Pio, wala na sa akin ang mga mata niya. Nakatingin na siya ngayon sa malayo. At nang sundan ko iyon, napadpad ang mga mata ko sa babaeng umagaw sa atensyon ng lahat…

“I may have made it rain.

Please forgive me.

My weakness caused you pain.

And this song’s my sorry.“

Si Mona na nakasuot ng wedding gown. Sa kaliwa nito ay naroon si Captain Ramirez at sa kanan naman ay si Mrs. Ramirez. Mula sa entrance, ginabayan ito ng mga magulang sa daan nito papunta kay Pio.

Maluha-luha ang mga mata ni Mona ngayon at hindi ko alam kung bakit. Marahil ay ito na ang pinakamasayang araw ng buhay nito. Sa wakas, makukuha na rin nito ang taong pinakaaasam nito.

Naroon itong hindi maikukumpara ang ganda sa kahit na sino sa mga bisita. Hindi tulad nang huli ko itong makita, mayroon nang sapat na laki ang sinapupunan nito. Na siya naman talagang dahilan ng kasalang ito.

Samantala, heto akong parang naubusan na ng pakiramdam. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan kong masaksihan ang lahat, at kung hindi pa ba sapat ang lahat ng dinanas ko para mangyari ’to.

Kung panaginip man ang lahat, gusto ko nang magising. Gusto ko nang magising sa isang hapon kung kailan katabi ko si Pio sa kama. At kung mangyayari man iyon, pangakong hindi ko na ulit siya pakakawalan pa.

Sa bawat hakbang na binibitiwan ni Mona patungo kay Pio, ramdam kong mas lalo akong napapalayo.

Isang sulyap pa pabalik kay Pio at muling nagtama ang aming mga mata. Mga matang nangungusap.

At pagbalik ng tingin kay Mona, pansin kong sa akin na rin siya nakatingin ngayon, bahagyang nanlaki ang mga mata.

Ako. Siya. Si Pio.

Tadhana yata ang gumawa ng paraan para kaming tatlo ay muling magkatagpo.

Sa simula’t sapol, pinaglalaruan nga lang yata talaga kami ng tadhana.

Marahil ay kuwento naman talaga nila itong dalawa at parte lang ako nito.

Kung sino ang simula , siya rin ang wakas .

Nang maihatid na si Mona sa altar ng mga magulang nito ay saka lang ako nahimasmasan sa katotohanang kailangan ko na nga talagang umalis.

Pero parang may kung anong pumipigil sa akin. Parang mayroong bumubulong na may pag-asa pa. O marahil ay nahihibang lang ako. Humihiling ng bagay na imposible.

Hindi rin ako nakatakas sa mga mata nina Captain Ramirez at ng misis nito.

Pagtataka ang nakita ko mula kay Captain Ramirez. Kung anong ginagawa ng anak nito sa labas sa kasal ng isa pa nitong anak, ito ang itinatanong ng mga mata nito.

Samantala, gulat akong tiningnan ni Mrs. Ramirez. Pag-upo rin mismo nito sa kabila, bumulong ito sa isa sa mga waiters doon, tila mayroong iniutos.

Alam kong paaalisin ako nito rito.

Alam kong dapat ay umalis na ako.

Alam ko, pero…

“Dearly beloved,” sambit ng pari sa unahan, “we are gathered here today in the sight of God and in the presence of these witnesses to join Piolo McMiller and Mona Ramirez in holy matrimony. This is a special moment in their lives, and we are honored to share it with them.”

May kailangan akong marinig…

“Let us begin this ceremony with a prayer. Please bow your heads… Heavenly Father, we thank you for the gift of love and the blessing of marriage…”

May kailangan akong malaman…

“Piolo McMiller and Mona Ramirez, today you stand before us to declare your love and commitment to each other. Marriage is a sacred bond, a covenant not to be entered into lightly but with reverence and joy. It is a promise to support, honor, and cherish one another through all of life’s challenges and triumphs.”

Ito lang ang tanging paraan para tuluyan na akong makausad. Para tuluyan na akong makaalis sa nakaraan. Para wala na akong panghawakan pa.

“Piolo McMiller, do you take Mona Ramirez to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death do you part?”

Isang lingon.

Isang lingon mula kay Pio at muling nagdugtong ang aming mga paningin. Parang nawala ang lahat ng tao sa paligid at siya na lang ang tangi kong nakikita.

Isang bagay.

Isang bagay ang kailangan kong malaman mula mismo sa kaniya. Na tuluyan niya na nga akong pinapalaya. Na tuluyan na siyang magpapaalam sa akin.

Isang sagot.

Isang sagot lang naman ang kailangan para hindi na ako umasa pa sa kaniya. Para hindi na ako kumapit sa nakaraan. Para magawa ko nang umusad nang tuluyan.

“I do.”

Dalawang salita.

Dalawang salita ang binitiwan niya na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng kaniyang luha.

At sa dalawang salita rin mismong ito ako nakahanap ng dahilan para tuluyan ko na siyang kalimutan.

Hanggang dito na lang talaga…

Salamat sa lahat, Pio…

At paalam.

Sa pagtulo ng luha ko, nangako ako sa sarili kong ito na ang huli. Marahil ay ito naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito, para makuha ko na ang paalam na hindi niya naibigay sa akin noon.

Masuwerte akong naging bahagi siya ng buhay ko. Na kahit sa kaunting panahon na ibinigay sa amin, hindi niya ipinaramdam sa akin na kulang ako. At dahil sa kaniya, natutunan ko ang magmahal.

Siguro naman, sapat na ang lahat ng luha na ibinigay ko para sa kaniya.

Siguro naman, oras na para mahalin ko naman ang aking sarili.

Siguro naman, puwede na rin akong maging masaya.

Bago ko talikuran ang lahat, isang mainit na ngiti ang iniwan ko sa kaniya. Ang gusto ko lang din ay maging masaya siya. Kahit na hindi para sa akin. Kahit sana para sa magiging anak niya. Nila ni Mona.

Sa marahan kong paglalakad palayo, isa-isa kong binitiwan ang lahat ng bagay na nagpapabigat sa aking dibdib. Ang lahat ng mga pangarap na hindi natupad. Ang mga alaala ng nakaraan. Lahat-lahat.

Habang sinasalubong ako ng boss ko at inaalalayan ni Jonas, hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. At kahit impit ang iyak dahil ayokong may makarinig kung gaano ako nasasaktan, hinayaan kong maramdaman kung ano talaga ang dapat kong maramdaman.

Lahat ng sana ay naging imposible.

Ako sana ang naroon sa altar.

Ako sana ang wakas niya.

Ako sana.

Pero ngayon, tanggap ko nang imposible nang mangyari ang lahat ng ito.

Mas madali palang tanggapin ang katotohanan kapag ipinaririnig ito sa iyo.

“Mona Ramirez, do you take Piolo McMiller to be your lawfully wedded husband?”

Bawat hakbang.

Bawat salita.

Bawat luha.

“To have and to hold, from this day forward, for better or for worse…?”

Ang lungkot.

Ang sakit.

Ang pait.

“For richer or for poorer, in sickness and in health…?”

Ang lahat ay damang-dama ko.

“To love and to cherish, until death do you part?”

Una ay ang tanong.

Ikalawa ay ang bawat hakbang na binibitiwan ko.

Ikatlo ay ang mga luhang bumubuhos sa aking mga mata.

At sa huli, ang hindi maipaliwanag na katahimikan.

Katahimikang tila mas mahaba pa sa walang hanggan.

Hanggang sa…

“I don’t.”

Natigilan ako sa aking narinig, umangat ang mukha, lumaki ang mga mata, at bahagyang umawang ang bibig.

Agad na napunan ang katahimikan ng samot-saring mga bulungan mula sa iba’t ibang tao sa aking likuran.

Palakas nang palakas ang mga ingay, tulad ng tibok ng puso ko.

Ang lahat ay nagsimulang gumulo.

“I… I’m sorry?” nagugulumihanang sambit ng pari. “C-Could you repeat that?”

Nakatayo malapit sa entrance, bumalik ang tingin ko sa altar.

“I don’t,” muling sambit ni Mona habang nakatingin sa direksyon ko, ang mga mata ay maluha-luha at ang mga labi ay parang nangangatal.

Lumakas nang lumakas ang mga bulungan. Tulad ko, hindi rin makapaniwala ang mga bisita sa narinig.

Biglang tumayo si Mrs. Ramirez doon sa kaliwa. “Mona, what are you saying?” taka nito sa medyo mahinang boses ngunit dinig pa rin. “What do you mean, you don’t?”

“Mom, I can’t go through with this.” Napatakip si Mona sa bibig at humikbi. “I-I’m sorry.”

“W-What?” Kumunot ang noo ni Mrs. Ramirez. “Mona, what are you…? Are you serious about this?”

Tumayo na rin si Captain Ramirez sa tabi ng misis nito. “Mona, what’s wrong?”

“Dad, everything…” basag na sabi ni Mona. “Everything… is wrong.”

Sa hindi maipaliwanag, nakadama ako ng kaunting pag-asa.

“No, you’re not doing this,” ani Mrs. Ramirez, umiling-iling. Humarap ito sa mga bisita at nagsuot ng pilit na ngiti sa labi na napapalitan ng pagngiwi. “Um, everyone, I’m sorry. My daughter was just confused—”

“Mom, I cannot lie anymore,” nanginginig na sambit ni Mona. “I cannot—”

“This is your wedding day!” sabat ni Mrs. Ramirez. “This is what you want!”

“Mom, no!” iyak ni Mona. “This is what you want!”

Halos makapigil-hininga ang mga tagpo.

“Mona, w-what do you mean?” marahang tanong ni Captain Ramirez.

“Dad, I lied.” Nauwi na ngayon sa putol-putol na pag-iyak si Mona, sabay harap sa lalakeng kasama sa altar. “The truth is… Pio is not the father of my baby.”

Halos dinig ang sabay-sabay na pagkagulat ng lahat ng buhay sa tabing-dagat sa mga binitiwang salita ni Mona. Isang malaking balita na maaaring makapagpabago ng takbo ng mga bagay-bagay. Ang katotohanang ngayon lang lumitaw.

Tulad ko, hindi rin makapaniwala si Pio. Napaatras siya roon sa altar at para bang matutumba na mula sa kinatatayuan. Kumurap-kurap siya at hinayaan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha.

“What?” dismayadong sambit ni Tita Annie pagkatayo. “You lied to us?”

Agad ding tumayo si Tito William. “You fooled us?”

Lumakas ang mga ingay sa panig ng pamilya McMiller. Dinig din ang pagkadismaya ng mga tao rito.

Napayuko si Mona para itago ang hiya sa mukha. “I’m sorry…”

“No!” sabat ni Mrs. Ramirez sa kabila na mamula-mula na ngayon ang mukha. “This is all a misunderstanding!”

“Hon—”

“This is all because of that guy!” Itinuro ako nito. “He purposely came here to destroy this happy wedding! To confuse my daughter!” Sabay tingin pabalik kay Mona. “Mona, don’t let him destroy you!”

“Mom, no,” paninindigan ni Mona. “I am the reason he was here.”

Mas lalong lumaki ang mga mata ko.

“What?” taka ni Mrs. Ramirez.

“I chose their service because I wanted him to be here.” Napahawak sa dibdib si Mona. “Because I wanted to say I’m sorry…” Sabay tingin sa akin. “Aaron, I’m so sorry…”

Hindi ko alam kung paano ko ito sasagutin.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko na alam.

“I was so blinded by jealousy that I didn’t realize what I had become.” Suminghap ito. “And I failed to realize how many people were hurt because of me.”

Tumulo lang ang luha ko sa mga sinabi nito.

Huli na ang paghingi nito ng tawad.

“Mona, stop this nonsense!” Lumapit si Mrs. Ramirez sa altar. “This is not you!”

“You’re right, Mom. This is not me…” sagot ni Mona. “I am not you. I will not marry a person who doesn’t love me.” Muli itong suminghap. “You told me Pio will learn to love me back eventually. But seeing his eyes now, I know he won’t. Not while he’s still in love with Aaron, and not while he thinks about what happened between us.”

“Mona—!”

Agad na pinigilan ni Captain Ramirez ang asawa at hinayaan ang anak na tumuloy sa pagsasalita.

“But I don’t want to live with the shame and guilt of something I haven’t done in the first place.” Bumalik ang tingin ni Mona kay Pio. “Pio, I’m so sorry for lying…” Humikbi siya. “The reason you’re not the father of my baby… is because… nothing happened between us that night . It was all just a setup.”

“W-What?” nanghihinang sabi ni Pio. Hindi matigil sa panginginig ang mukha niya. “It was… all… a lie?”

“Mona, how could you do that?” Lumapit na rin si Tita Annie sa kanila habang emosyonal. “Do you know how much trauma you’ve put my son through?”

Muling napatakip sa bibig si Mona at napahagulgol na ngayon.

“Love.” Hinawakan ni Tito William si Tita Annie sa balikat at inalo ito.

“Mona,” ani Captain Ramirez, “why… would you lie?”

Tumingin si Mona sa ama at nagtanggal ng takip sa bibig. “Dad, I should’ve told you first.” Muli itong humikbi. “Then maybe… maybe you would’ve understood me.”

Bumitiw si Captain Ramirez sa pagkakahawak sa asawa at lumapit pa sa anak. “Told me… what?”

“I made a mistake, Dad,” nanginginig na sabi ni Mona. “I thought Jason and I were careful enough, but then… I got… pregnant.” Napahawak ito sa tiyan. “And Jason doesn’t even know it was his. I tried to tell Mom about it first, but she couldn’t accept him as the father of my baby… and as my husband.” Yumuko ito. “So, she… she tried to involve me in her plans. And I went along with it… hoping things would change… between me… and Pio.”

“But I didn’t know how much it would haunt me… knowing that… that I made someone’s life miserable.” Umangat ang luhaan nitong mukha at muling kumonekta ang paningin sa akin. “That I made Aaron’s life miserable… just because… of my selfishness.”

“And that I caused trauma to a person I’m supposed to marry.” Marahang lumipat ang tingin nito kay Pio. “That he may think I am a monster… and that he would hate me rather than love me for the rest of his life.”

“Tita… Tito…” Sunod itong napatingin kina Tita Annie at Tito William. “I am sorry.”

“Dad… Mom…” Sabay tingin muli sa mga magulang sa kaliwa. “I am sorry.”

“Everyone…” At saka inilibot ang tingin sa paligid. “I am sorry.”

“And most of all, to Aaron…” Sa huli ay muling dumapo ang luhaan nitong mga mata sa akin. “I know you can’t forgive me… but I just want you to know… I meant it when I said before… that I wanted you to be… to be my little brother.”

Tulad ni Mona, tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

“I am sorry that it has come to this. I am sorry for causing you pain I can only imagine… and I hope that you don’t forgive me for everything I’ve done, because you are too kind. You are just way too kind. And I hate myself for treating you that way …

“I know I can no longer make it up to you… and I know that it is already too late for me to ask for your forgiveness.

“And I won’t ask for anything from you. All I want is for you to know… the song was not for me; it was for you.

“After everything that happened, I just hope that it is not yet the end of your love story.

“I’m sorry.”

Pagkatapos magsalita ni Mona ay muli itong napatakip sa bibig at luhaang lumisan sa altar habang nakababa ang mukha. Sinundan ito ng tingin ng mga tao na mayroong iba’t ibang reaksyon sa mga narinig. Sumama na rin si Captain Ramirez sa anak. Sumunod si Mrs. Ramirez.

“Mona, take back everything you just said,” pabulong na sabi ni Mrs. Ramirez habang hinahabol ang mag-ama. “You don’t know what you’re doing. You might get us both in ja—”

Pilit inilalayo ni Captain si Mona mula sa ina nito. “Let our daughter be.”

“No, hon.” Nagngangalit na ang mga ngipin ni Mrs. Ramirez ngayon at pilit na pinahihinaan ang boses na halatang nanggigigil. “I’m just talking to her.”

Nakarating na sila ngayon bandang entrance malapit sa amin.

“Mona, don’t ruin your chance.” Pilit itong humaharang sa daan. “You could almost have him.” Ngumiti ito na parang desperado na. “All you have to do is believe me. Pio will get back to loving you eventually, just like what your father did to me—”

“Vivian, that’s enough!” buo at umaalingawngaw na boses ni Captain Ramirez. Natigilan na si Mrs. Ramirez at mas lalong namula matapos sigawan sa mukha ng asawa. Nagtiim ang mga bagang ni Captain Ramirez nang matigil sila sa paglalakad ni Mona. “I have never loved you from the start.”

Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Mrs. Ramirez. “W-W-What?” nanghihinang saad nito.

Umiwas ng tingin si Captain at bumuntong-hininga. “I only married you for our daugter, and I only stayed with you for my career.”

Tumulo ang luha ni Mrs. Ramirez. “Hon, what… what are you saying?”

“I’m saying that I did not learn to love you.” Bumalik ang tingin ni Captain Ramirez sa asawa nito. “I only learned to be a good husband and father for this family.”

Napaatras si Mrs. Ramirez at umiling-iling. “No, no… You’re lying, too…”

“And I don’t want my daugther to end up like you…” tuloy ni Captain. “I don’t want her to end up unloved by her husband for the rest of her life.”

Muling tumulo ang luha ni Mrs. Ramirez. “I don’t believe you…”

“Mona, let’s go.” Inalalayang muli ni Captain Ramirez si Mona at nilampasan ang asawa. Bago tuluyang makalampas sa amin, sumulyap ang mag-ama sa akin.

“This was all your fault!” Hanggang sa hindi ko namalayang palapit na pala sa akin si Mrs. Ramirez. “You son of a bit—!”

Pero bago pa man ako malapitan, agad palang humarang si Jonas sa harapan ko bitbit ang serving tray niya. Nang mabangga ito ni Mrs. Ramirez, natapon ang mga lamang champagne sa mga baso papunta sa damit nito. Muling narinig ang pagkagulat ng mga tao sa loob ng venue.

“I-I’m sorry, Ma’am,” ani Jonas at inayos ang mga baso sa tray.

Umasiwa bigla ang mukha ni Mrs. Ramirez. “How dare you!”

Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa mukha ni Jonas. Napailing pa nga ang kaniyang mukha dahil sa lakas nito. Sunod na nangibabaw ang katahimikan.

Sandaling natigilan sina Mona at Captain Ramirez at bumalik ang tingin sa eskandalosang asawa.

“Vivian!” ani Captain.

“Ma’am, hindi po tama ’yang ginagawa n’yo,” singit ni Boss Alex na umabante na rin para kay Jonas.

“And why not?” Tumaas ang makapal na kilay ni Mrs. Ramirez. “We paid for this wedding! I paid for this wedding! You don’t tell me what’s right!”

Tila nawala na sa kontrol si Mrs. Ramirez. Luminga-linga ito sa paligid at nakitang nagbi-video pa ang ilan sa mga bisita, saka lang napagtanto ang natamong kahihiyan.

Pero imbes na makalma, mas lalo yata itong naimbyerna. Bumalik ang matatalim nitong mga mata sa akin at tila binabalak akong saktan. Pero hindi ko ito hinayaan.

Hinawakan ko ang ilalim ng tray ko sa isang kamay, saka kumuha ng isang baso. At sa hindi maipaliwanag, nagkaroon ako ng lakas ng loob para itapon ang laman nito papunta sa damit niya.

Unang baso, para sa ginawa nitong pangmamaliit kay Mama.

Sa pagkagulat, napanganga ito at kusang natigilan bago pa man ako malapitan. Pinanlakihan ako nito ng mga mata at akma pa sana akong susugurin. Pero dahil sa kaba, muli akong napakuha ng basong may laman sa tray at ibinuhos ulit ang laman nito sa kaniya.

Ikalawang baso, para sa ginawa nitong pagsampal kay Jonas.

Sa puntong ito, tumama na ang lamang champagne sa leeg nito at natalsikan pa nga ang mukha nito. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, pero mayroong parte sa akin na hindi nagsisisi sa ginawa ko. Pero mukhang hindi pa rin talaga ito tumitigil, kaya sa huling baso, ipinatama ko na talaga ito sa mukha nito.

Ikatlong baso, para sa ginawa nitong panloloko kay Pio.

Sa ginawa ko, halos wala nang mapagsidlan pa ang galit sa mukha ni Mrs. Ramirez. Kumurap-kurap ang mga mata nitong nabasa at nagtaas-baba ang dibdib, halos dinig na ang paghinga. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng garalgal na sigaw.

“You son of a bitch!”

Walang anupama’y muli pa sana itong susugod sa akin. Pero bago pa man mangyari iyon ay agad itong napigilan ng dalawang guwardiya ng beach resort at inilayo na sa akin.

“Ma’am, tama na po ’yan,” sambit ng guwardiya.

“Don’t touch me!” Nagpupumiglas si Mrs. Ramirez habang masamang nakatingin sa akin. “Siya ang dapat n’yong paalisin dito! Siya ang nanggugulo sa kasal ng anak ko! Siya ang sumira ng lahat!”

Dama ko pa rin ang hindi matigil na pagkabog ng aking dibdib at ang malalim na paghinga dahil sa mga nangyari.

Kahit luhaan ang mga mata, pakiramdam ko ay hindi ako talo, dahil nagawa ko ring ipaglaban ang mga taong mahal ko.

“I’m gonna put you behind bars for what you did!” banta pa nito sa akin. “You just assaulted a woman, you son of a bitch!”

“Mom, that’s enough!” iyak ni Mona habang nakahawak sa tiyan. “Please!”

“Mona, are you okay?” tanong ni Captain Ramirez sa anak.

“Dad, let’s get out of here,” pagmamakaawa ni Mona.

Sumulyap pabalik sa akin si Captain Ramirez, at sa sandaling pagkakataon, tila humingi ng paumanhin ang mga mata nito sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Mona.

Pero masyado pang naguguluhan ang puso ko para sa ganitong pagkakataon. Masyado pang maaga para ibigay ko ang hinihingi nila. Kaya tinalikuran ko sila pareho.

Hindi nagtagal, tumigil na sa pagwawala si Mrs. Ramirez. Pagbalik ng tingin sa kanila, tuluyan na silang nakalayo.

Sa hindi inaasahan, bigla na lang umambon kahit na mayroon namang araw sa kalangitan. Dahil dito, isa-isa na ring nagsisialisan ang lahat ng mga panauhin sa kaliwang panig. Sa kabila ng lahat, nanatiling nakaupo ang mga tao sa kanan habang nakatingin sa akin.

Masama ang naging tingin sa akin ng mga kadugo ni Mona, pero hindi ko sila pinansin. Dahil isang tao na lang ngayon ang sentro ng aking atensyon. At nang tuluyan nang maubos ang lahat ng balakid sa daan, mas lalo siyang naging malinaw sa aking paningin…

Si Pio na naghihintay sa altar kasama ang mga magulang niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Marahan akong naglakad papunta sa entrance habang nakatuon ang mga mata kay Pio na sa akin lang din nakatingin. Kumikinang ang mga mata niyang hindi matigil sa pagluha. Ganoon din ang sa akin.

Bago humakbang sa aisle, sandali akong napahinto. Hindi ko inasahan na ganito ang kahihinatnan ng lahat. Hindi ko inasahan na mula sa kawalan ng pag-asa, magkakaroon ng himala. Himalang hindi ko naman hiniling pero dumating. Himalang kusang ibinigay sa akin.

Hindi ko napigilan ang muling maluha. Sa tinagal-tagal, muli kaming nagkita. At ngayon, isang daan na lang ang tatahakin ko patungo sa kaniya. Hindi ako makapaniwala. Para akong nananaginip.

“Pio…” usal ko.

Umiyak ako sa sobrang tuwa. Hindi ko maipaliwanag kung tama ba itong nararamdaman ko. Kung may karapatan ba akong sumaya ulit. Kung dapat ba akong bumalik sa mga kamay niya pagkatapos ng lahat ng nangyari. Pero isa lang ang alam ko… Hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko para sa kaniya sa paglipas ng panahon.

“Aaron…” bukambibig niya.

Alam kong hindi pa rin naman nagbabago ang nararamdaman niya para sa akin. Ito ang sinasabi ng mga mata niyang luhaan. Tumakas ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ako mula sa malayo. Parang hindi rin siya makapaniwala. Pero ang mas mahalaga, mayroon pang natitirang pag-asa para sa aming dalawa.

“Aaron…” may tumawag din sa akin.

Marahan akong lumingon patalikod, at nakita ko si Jonas na maluha-luha ang mga mata habang nakangiti sa akin. Sunod niyang kinuha ang tray sa isa kong kamay. Pagkatapos ay muli siyang ngumiti. Saka marahang tumango. Na para bang sinasabi niyang dapat ko nang puntahan si Pio.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagsikat ng araw at tuloy-tuloy rin ang pagbuhos ng ambon.

Marahan akong naglakad palayo kay Jonas at marahan ding naglakad patungo kay Pio.

Tulad ng palubog na araw, isang mainit na ngiti ang ibinigay sa akin ni Jonas habang pinagmamasdan akong lumayo sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan sa lahat ng bagay. Sa hindi niya pag-iwan sa akin kahit kailan.

At tulad ng mahinang ambon, isang kalmadong ngiti ang ibinigay sa akin ni Pio habang pinagmamasdan akong lumapit sa kaniya. Hindi ko na matiis pa ang pahabain nang pahabain ang oras. Dahil ito na ang tamang oras para muli kaming magsama.

Bumilis pa ang paglalakad ko sa aisle kahit pa nalulunod na ang mga mata sa luha.

Bumilis din nang bumilis ang tibok ng puso ko na tumitibok lang para sa kaniya.

Tila isa-isa kong pinupulot pabalik ang mga alaala niya—naming dalawa—habang tinatahak ko ang mahabang daan patungo sa kaniya. Iyong mga masasayang alaala. Kahit pa nga iyong mga masasakit. Lahat ng mga pinagdaanan namin. At ngayon…

Kung panaginip man ang lahat, ayaw ko nang magising. Dahil ayokong sayangin ang bawat pagkakataon. Kaunti na lang, malapit ko na siyang malapitan, mahawakan, at mahagkan.

“Pio…”

Kaunti na lang.

“Aaron…”

Nang makalapit sa altar, para akong nanghina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Na siya na nga talaga ito. Ang lalake na siyang nagpatibok at dumurog sa puso ko. Ang lalakeng hindi ko magawang kalimutan sa mga buwang nagdaan. Ang lalakeng minahal ako.

Paghakbang ko sa altar, kusang lumabas sina Tita Annie at Tito William habang nakangiting umiiyak at nagmamasid sa amin. Hanggang sa ibinigay ni Pio ang kamay niya, at para akong naparalisa nang hawakan ko ito. Para akong nagising sa katotohanang nangyayari nga talaga ito.

Sa altar, hinarap namin ang isa’t isa habang magkahawak ang mga kamay. Ang mga mata ay hindi matigil sa pagluha. Ang mga labi ay parehong nangangatal. Ang mga puso ay parehong mabilis ang tibok.

Bumagal ang takbo ng oras para sa aming dalawa. Sa kulay gintong sikat ng araw, parang nagmistulang paraiso ang paligid. Ang dagat sa hindi kalayuan. Ang hanging tumatama sa aming mga buhok. Ang hindi maipaliwanag na saya at lungkot sa dibdib.

“Um,” sambit ng pari sa aming gilid na tila naguguluhan sa nangyayari. “I should—”

“Father, please do it again,” maamong pakiusap ni Pio habang hindi maputol ang tingin sa aking mga mata. “His name is Aaron Alcantara, the only love of my life.”

“Sigurado ka?” Hindi ko na napigilang ngumiti. “Kahit nag- I do ka na kanina?”

“I only did it for the baby.” Lumapad ang ngiti sa kaniyang labi. “But now—”

“Grabe ka, Pio.” Muli akong naluha habang nakangiti. “Ang sakit-sakit mong mahalin.”

“Father, please,” singit ni Pio habang nangingiti pa rin, “bago pa magbago isip nito.”

“Uh, okay,” anang pari. “Piolo McMiller, do you take, um, Aaron Alcantara—?”

“I do,” agad niyang sagot.

Muling tumakas ang ngiti sa labi niya kahit pa nga parang bibigay na ang mugto niyang mga mata.

“Aaron Alcantara, do you take Piolo McMiller—?”

“I do,” agad kong sagot.

Hinayaan ko na rin lang tumakas ang ngiti sa labi ko kahit pa nga parang nagliliyab ang mga mata.

“Do you still have the ring?” tanong niya.

Tumango ako. “Oo, isasangla ko na sana eh.”

“Really?” Bahagyang tumaas ang kilay niya. “I don’t believe you.”

“Kailangan ko ng pera eh,” pabiro kong sabi. “Kaya nga ako nagtatrabaho rito.”

Mahina lang siyang natawa bilang tugon.

Bumitiw na siya ng tingin sa akin at may kinuha sa bulsa ng kaniyang pantalon. Saka ipinakita ang kaniyang singsing sa palad.

Kinuha ko rin ang akin sa bulsa ng pantalon ko at ipinakita ito sa kaniya. Kahit hindi ko na ito suot, palagi ko itong dala.

“I still have it,” sabi niya. “And I’m planning to keep it with me forever.”

“Ako rin,” sabi ko. “Pero ibebenta ko na sana kung ’di lang nagbago ang lahat.”

“Stop making me laugh,” natatawang sabi niya. “We’re supposed to cry here.”

“Ayoko na,” sabi ko kahit walang patid ang luha. “Pagod na ako.”

“Then let’s only live happily from now on.”

Kinuha niya ang singsing sa palad ko at iniwan ang singsing niya bilang kapalit.

Matapos magpalitan ng sumpaan ay isinuot na namin ang singsing sa isa’t isa. May ibang sayang dulot nang muli ko itong makita sa mga palasingsingan namin. Gumaan na rin ang aking pakiramdam.

“Kiss!” sigaw ng mga tao sa paligid. “Kiss!”

Kapwa kami napangiti habang pinagmamasdan ang mga labi ng isa’t isa. Mga labing matagal nang hindi nagtatagpo. Mga labing hindi na makapaghintay.

Hindi na namin pinatagal pa ang pagtitiis namin maging ng mga tao sa paligid at hinayaan ang kusang pagdidikit ng aming mga labi. Napapikit ako at para akong dinadala sa langit habang nakahawak sa malalapad niyang mga balikat.

Damang-dama ko ang init ng mga palad niya sa aking mga pisngi.

Damang-dama ko ang lambot ng kaniyang mga labi.

Damang-dama ko ang init ng kaniyang hininga.

Damang-dama ko ang pagmamahal niya.

Pagkatapos ng halik, muli kaming nagkatitigan. Isang malalim na titig. Na para bang ayaw naming mawala ang tingin sa isa’t isa. Pinagdikit niya ang mga noo namin. Mula sa pisngi, bumaba rin nang bumaba ang kaniyang mga kamay, papunta sa balikat, at nauwi sa aking beywang.

Sabay kaming napatingin sa mga panauhin. Sa mga kamag-anak niyang maluha-luha ang mga mata habang pumapalakpak sa amin. Kay Jonas na nakatayo sa malayo habang nakasuot ng ngiti—na masaya kahit hindi napili. Sa mga magulang niya na walang ibang hiling kundi ang kasiyahan niya. At ngayon ay natupad na nga ito.

Sunod kaming napatingin sa dagat malapit sa amin. Sa lahat-lahat ng mga alon na nagdaan, pareho naming hindi inakala na ito pa ang magiging katapusan. At sa hindi inaasahan, isang bahaghari ang nagpakita sa himpapawid. Mas lalo nitong binigyan ng kulay ang lahat ng bagay sa paligid.

“I love you.”

Tatlong salita.

Tatlong salita mula sa kaniya at hindi na ako naghangad pa ng kahit anong bagay sa mundo.

“Mahal din kita.”

Tatlong salita rin mula sa akin at parang nawala na ang lahat ng takot sa kaniyang puso.

Dalawang puso na ngayon ay hindi na muling maghihiwalay.

At isang halik patungo sa walang hanggan.

Chapter 70

One year later…

Pagmulat ng mga mata ko, unti-unting naglaho ang panaginip. Parang kanina lang, nandoon pa ako sa tabing-dagat. Ikinakasal sa lalakeng pangarap ko lang noon. At ngayon, nakatitig ako sa larawan naming dalawa mula rin mismo sa tagpong iyon: si Pio na nakasuot ng tuxedo at ako na nakasuot ng vest habang nakahalik kami sa isa’t isa. Sa tabi ng picture frame na ito ay may isa pang picture frame kung saan kasama na lahat ng tao sa kasal sa larawan: ang pari, si Jonas, ang mga magulang at kamag-anak ni Pio, at ang mga katrabaho ko. Ang lahat ay nakangiti sa camera.

Sa pagbaliktad ko ng higa sa kama, sunod na bumungad sa magandang umaga ang maamong mukha ni Pio. Sinamantala ko na ang pagkakataon hangga’t hindi pa siya nagigising. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, mula sa mga matang nakasara na may mahahabang pilikmata, papunta sa matangos niyang ilong, at higit sa lahat, sa kahalik-halik niyang mga labi.

“Ang sarap naman gumising araw-araw kapag ganitong mukha ang makikita.” Maingat ko siyang hinawakan sa pisngi. “Kung puwede lang sanang palagi ka na lang nandito sa lupa.”

Mukhang nagising yata siya nang dahil sa ginawa ko, o sa sinabi ko, kahit sobrang hina na nga ng boses ko. Nakarinig kasi ako ng mahinang pagsinghap mula sa kaniya. Sa marahang pagmulat ng mga mata niya, agad kong tinanggal ang aking kamay mula sa kaniyang mukha, saka pumikit at nagkunwaring humihilik.

Maya-maya pa, ako naman ang may naramdamang dumampi sa aking pisngi—ang palad niyang mas ramdam ko pa ang init kaysa sa sikat ng araw na tumatagos sa nakabukas na bintana. Ang haplos niyang palagi kong hinahanap noong nasa ibang bansa pa siya.

“Ang ganda-ganda naman ng asawa ko.” Sa sinabi niya ay parang mababasag na ako sa pagkukunwaring tulog. “Kung puwede lang sanang hindi na lang ako sumakay ng barko para lagi kong nakikita ang mukhang ’to.”

Mula sa p’re , ngayon, asawa na ang tawag.

Hindi naman ako nangingiti.

Hindi naman ako naiihi.

Promise.

“Ah, gising naman na pala.” Nahuli niya yata ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. “Asawa ko, round six tayo.”

“Gago.” Napamulat ako nang wala sa oras. “Kagigising lang natin, aba.”

“Nabitin ako kagabi.” Umusog pa siya ng higa palapit sa akin. Mula sa mukha ay lumipat ang kamay niya papunta sa aking likod, sabay pinagdikit ang mga katawan naming kumot lang ang bumabalot. “Mukhang kailangan ko pa ng isa.”

“Pio, tama na muna.” Maingat kong itinulak ang katawan niya palayo sa akin. “Pakiramdam ko, ang luwag-luwag ko na.”

“Hindi ’yan.” Mahinang napahalikhik ang salarin, sabay lapit ulit sa akin. “Babalik din naman ’yan sa dati pagsakay ko.”

Hinalik-halikan niya ako sa leeg. Tumakas ang mahinang tawa mula sa bibig ko nang maramdaman ang makati niyang balbas.

“Ano ba ’yan. Hoy.” Idinikit ko ang dulo ng hintuturo ko sa kaniyang noo at inilayo ang ulo niya mula sa aking leeg. “Ayoko niyan.”

Napahawak siya sa kaniyang balbas. “This?”

“Oo, makati eh.” Sunod kong hinawakan ang kaniyang buhok at itinaas ang ilang hibla nito. “’Tsaka, ang haba na ng buhok mo. Hindi bagay. Mukha ka nang tatay.”

“Really?” Kumurap-kurap siya. “I thought you might like it.”

“Ah, basta, ayoko.” Ibinaba ko na ang buhok niya. “Wala bang naggugupit sa inyo sa barko?”

“Meron naman.” Tipid siyang ngumiti. “Kaya lang, parang may gusto sa ’kin ’yon.”

“Lalake?” tanong ko kahit obvious naman. Puro lalake lang naman kadalasan ang crew sa barko.

“Kinda.” Mahina siyang tumikhim. “But I didn’t like the way he looked at me. Parang may balak. Kaya hindi ako nagpapagupit.”

Bahagya akong ngumiti. “Bait mo ah.”

“Siyempre.” Nagtaas-taas siya ng kilay, sabay ngisi. “Ikaw lang naman ang puwedeng gumalaw sa akin.”

Ayan na. Nagpapahiwatig na naman.

“Ay, sus.” Tinangka ko nang bumangon. “Tara na. Magpapagupit pa tayo bago pumunta sa binyag. Bumangon ka na.”

Paghila niya sa akin, bumagsak ako sa malapad niyang katawan. Naramdaman ko ang pagbigkis ng naglalakihan niyang mga braso sa aking tiyan at ang init ng kaniyang hininga nang bumulong siya sa aking tenga. “Binyagan na muna kita.”

Wala, talo pa rin ako.

Kahit maluwag na, pinagbigyan ko pa rin.

Nakakaawa naman kasi, anim na buwan ding nagtiis sa barko.


Pagdating sa R&R Salon, nagwala sa tuwa ang sangkabaklaan nang makita ang paborito nilang customer. Sino pa ba?

“Papa P!” sigaw ni Sweety.

“Papi!” si Summer.

“Pio!” at iba pa.

Nagsawa na yata sila sa mukha ko dahil parang hindi nila ako napansin. Lagi ba naman akong nagpupunta rito. Siyempre, bukod sa magagaling silang gumupit— ehem —libre.

“OMG!” Agad na niyakap ni Sweety si Pio nang malapitan. “Na-miss ka namin!”

Nanatili namang nakatayo si Pio at ngumiti sa kanilang lahat. “Miss you, guys.”

“Muntik ka na naming hindi makilala,” ani Summer. “Bakit ganiyan ang buhok mo?”

Kumalas na si Sweety sa yakap at hinawakan sa magkabilang bisig si Pio, saka pinagmasdan ang kabuuan ng ulo nito. “Oo nga? Para kang napabayaan, Papa P.”

Napahalikhik ako nang mahina. “Ah, hindi po kasi siya nagpapagupit sa barko.”

“Ganern?” ani Summer. “Why naman?”

Hinawakan ako ni Pio sa tagiliran at hinila ang katawan ko palapit sa kaniya. “Kasi delikado.”

Agad na nakuha nina Sweety ang ibig niyang sabihin.

“Ah.” Kumunot ang noo ni Sweety. “May mga gano’n din pala sa barko?”

“Oo,” sagot ni Pio.

“Ang loyal mo naman, Pio,” ani Scarlett.

“Siyempre.” Hinawakan ako sa ulo ni Pio gamit ang isa pang kamay at ginulo-gulo ang buhok ko. “Kontento na ako sa asawa ko.”

Sabay-sabay silang kinilig sa sinabi niya. Ramdam ko naman ang pag-init ng mga pisngi ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya akong ganito.

Pero siyempre, gusto ko.

“Pakigupitan na nga lang po ito,” pakiusap ko sa kanila. “’Yong gupit niya po no’ng sumali siya sa pageant. Pogi niya no’n eh.”

Tumingala ako sa mukha ni Pio at kita kong namumula na rin ang mga pisngi niya ngayon. “R-Really?”

“Oo,” sabi ko. “Doon kaya ako pinakanahulog sa ’yo.”

Nangingiti na siya ngayon. Tumikhim siya at nagseryoso ang mukha bago humarap sa kanila. “I want that haircut now.”


Parang pinagsisisihan ko na tuloy na pinagupitan ko si Pio. Pagkatapos kasi naming umalis sa R&R Salon, mas lalo siyang naging mainit sa mga mata ng mga taong nadaraanan namin sa gilid ng kalsada, mapababae man o binabae.

Wala naman silang magagawa. Sa akin lang nakatutok ang mga mata ng lalakeng ito. At kung hindi pa ba sapat iyon, magkahawak lang naman ang mga kamay naming dalawa habang nilalampasan namin sila.

“How do I look?” Kinapa-kapa niya ang ibabaw ng ulo niya. “Do I look like myself now?”

“Oo,” sagot ko. “Kamukha mo na si Pio.”

Ngumiti siya. Sunod niyang kinapa ang makinis niyang baba. “I kinda miss my beard, though.”

“Ako hindi.” Ngumiti ako nang pilit. “Gusto mo lang kasi akong kinikiliti.”

Mahina siyang natawa. “’Cause you’re too cute when you giggle.”

“Sus.” Umiwas ako ng tingin habang nangingiti. “Hindi na ako baby para tawaging ‘cute’. Third year na ako, ’no.”

“Well, you’re still my baby.” Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ang mukha ko sa kaniya. “My one and only baby.” Sabay biglang napakanta. “You’re my angel, baby. Baby, you’re my angel. Angel baby.”

“Corny mo, ’no.” Pero tinamaan ako. “Dahil diyan, kakantahan mo ako mamayang gabi pag-uwi natin galing sa binyag ah.”

“Sure.” Ngumiti siya nang may laman. “At pagkatapos kitang kantahan, kaka—”

“Hoy, hoy.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Nasa public tayo. Behave ka.”

“W-Why?” taka niya nang nangingiti. “Sabi ko, kakain tayo pagkatapos. ’Di ba ang dami kong dalang chocolates?”

“Ahh.” Umiwas ako ng tingin.

’Yon naman pala.

“Teka, iba ba iniisip mo?” tanong niya.

Bumalik ulit ang tingin ko sa kaniya. “H-Ha?”

“Ikaw ah.” Lumapit siya sa tenga ko at may ibinulong. “Sinusulit mo talaga ako.”

“Hindi ah.” Nagpigil ako ng tawa. “Baliw.”

“Baliw sa ’yo,” sabi niya, sabay nakaw ng halik sa labi ko.

Siya lang ang tanging magnanakaw na hinahayaan kong nakawan ako… ng halik.


Pagbalik sa apartment, magkasama kaming naligo at nagbihis para sa binyag. Pareho kaming nagsuot ng white shirts at trousers (brown sa akin at grey naman sa kaniya). Pagkatapos ay bumaba na kami sa building.

Sa pasilyo, nadaanan namin si Manang Lucy. At hindi lang siya. Pati na rin si Lola Celia. Magkatabi silang nakaupo sa labas ng apartment. Pinapaypayan ni Manang Lucy si Lola Celia habang nagtatahi ito.

Kalilipat lang ni Lola Celia rito noong nakaraang linggo. Pumayag na ang mga anak nito na dito ito manatili sa mga natitirang taon ng buhay nito. Para makasama na ang tunay na minamahal nito. Para tuluyan nang maging masaya.

Nakakatuwa nga eh. Kahit na mayroong iilan na sarado pa rin ang isipan sa panahon ngayon, higit na mas matimbang pa rin naman ang bilang ng mga taong naniniwala na ang pag-ibig ay para sa lahat.

“O, Aaron, Pio, saan ang punta n’yo?” tanong ni Manang Lucy nang makita kami. “Hindi ba’t kaaalis n’yo lang kanina?”

Lumapit kami ni Pio sa kanila.

“Ah, sa binyag po,” may ngiti kong sagot.

“Binyag?” taka ni Manang Lucy. “Nino?”

“Ni Aaron po,” sabat ni Pio.

Agad ko siyang siniko sa tagiliran kaya natahimik.

“Ng anak po ni Ate Mona,” sagot ko.

Umawang ang labi ni Manang Lucy. “Ahh.”

“Kay gaguwapo naman ng mga batang ito,” puri ni Lola Celia sa amin. “Bagay na bagay talaga kayo. Masaya ako para sa inyo.”

Kahit ilang beses na nito itong sinabi, paulit-ulit na nag-iinit ang mga pisngi ko. “Thank you po.”

“Masaya rin po kami para sa inyo,” mga salitang lumabas mula sa bibig ni Pio. “Araw-araw na po kayong magsasama.” Napangiti ang dalawang matanda. “At araw-araw na rin pong madidiligan ang—”

Muli kong siniko si Pio kaya natigilan. “Ang mga halaman,” agad kong dugtong. “May makakasama na po kayong magdilig ng mga halaman ninyo araw-araw.”

Lumapad ang ngiti ni Manang Lucy. “Oo nga eh.” Sabay tingin sa babaeng katabi. “Iyan pa naman ang mga paborito nito.”

“Naku, Lucy, huwag mo akong tinitingnan nang ganiyan at baka mahulog ang pustiso ko,” pabirong sabi naman ni Lola Celia.

“Akala ko, sasabihin mo sana, puso.”

Nagdikit ang mga gilid ng mga ulo nila at sabay silang natawa na parang walang nakakakita. Akala mo’y bumalik sila sa pagkadalaga. Sa piling ng isa’t isa, ramdam kong lumalabas ang tunay nilang pagkatao. Wala na silang dahilan pa para magtago.

Kahit na pinaglayo sila ng panahon, wala pa ring nagbabago sa pagmamahalan nila. Nag-uumapaw pa rin ito. At wala nang dahilan pa para kainggitan ko sila, dahil kasama ko na rin ngayon ang taong para sa akin, at magkasama kaming tatanda.

“Mauna na nga po pala kami,” paalam ko. “Baka ma-late na po. Mag-a-alas-tres na.”

Humina na ang mga tawanan nila.

“Ah, oo,” si Manang Lucy. “Ingat kayo.”

“Ingat kayong dalawa, ha,” si Lola Celia.

“Salamat po,” si Pio.

“Sige po,” ako.

Matapos magpaalam sa kanila ay tumungo na kami sa simbahan.


Sa Simbahang Katoliko malapit sa J.A.M.A. ginanap ang binyag ng anak nina Ate Mona at Kuya Jason. Malawak at maaliwalas sa loob. Punong-puno ng mga naghahabaang bangko. Dahil tapos na ang misa kaninang umaga, ang mga panauhin sa binyag na lang ang makikita sa loob ngayon. Karamihan ay hindi pamilyar ang mga mukha sa akin. Parang wala nga yata rito ’yong mga um-attend sa kasal noon. Mukhang sa family side ni Captain Ramirez nanggaling ang mga bisita at ang ilan naman ay sa side ng pamilya Alcalde.

Alas tres ng hapon nagsimula ang seremonya. Dahil sa dulong bangko kami pumuwesto ni Pio, hindi namin masyadong kita ang mga ganap sa unahan. Pero dinig pa rin naman dahil may mga speakers na nakasabit sa bawat sulok ng simbahan

Alas kuwatro ng hapon nang matapos ito.

“Thank you all for being here today to celebrate this special occasion. May Aaron Alcalde be blessed with a life filled with love, joy, and faith,” pagtatapos ng pari.

Nang magsi-alisan na ang ilan sa mga panauhin ay saka lamang naging malinaw sa amin ang mga pamilyar na mukha sa altar ng simbahan. Sa kasalukuyan, kinukuhanan ng litrato ang mga ito kasama ang sanggol na bagong binyag pa lang.

“Sir Aaron? Sir Pio?” isang pamilyar na boses.

Paglingon namin sa pinanggalingan nito ay nabunyag ang katauhan ni Ate Glenda, ang kasambahay ng pamilya Ramirez.

Ngumiti ako. “Hello po.”

“Hi, Ate,” bati ni Pio.

“Andito pala kayo,” masiglang sabi nito. “Bakit hindi kayo pumunta sa unahan?”

“Ah, medyo na-late lang po ng onti,” rason ko, kahit ang totoo ay nahihiya lang kami.

“Gano’n ba?” anito. “Kamusta ka na nga po pala, Sir Aaron? Kamusta na kayo?”

“Ayos lang po,” tipid kong tugon.

“Naku, Sir, mabuti naman po kung gano’n.” Tipid itong ngumiti. “Sana naman, magsisi na si Madam Vivian habang nasa kulungan para sa lahat ng mga nagawa niyang pagkakamali sa inyong dalawa. Marami-rami din ang naapektuhan.”

“Sana nga po,” sabi ko. “Sapat na po siguro ang apat na taon para pagbayaran niya ang lahat ng mga nagawa niyang kasalanan.”

Kung masyado mang mahaba o maikli ang apat na taon na pagkakabilanggo para sa lahat ng pinsalang naidulot niya sa akin, kay Pio, sa pamilya McMiller, o maging sa sarili niyang anak, Diyos na ang bahala.

Ngumiti si Ate Glenda. “Nga po pala, may kukunin lang po akong mga gamit sa kotse. Mga gamit po ni baby.”

“Ah, okay po,” sabi ko. “Sige po.”

“Punta na po kayo sa unahan,” pagkumbinse nito sa amin. “Kayo na lang po ang kulang.”

Dahil sa mga sinabi ni Ate Glenda ay napagpasyahan na namin ni Pio na pumunta nga roon.

Pagdating sa unahan, pinagtinginan kami ng mga taong nakatayo pahilera sa altar. Sa mga mukhang ito ay agad na nakuha ng pansin ko ang mukha ni Jonas na nakangiti. Sandaling natigil sa pagkuha ng litrato ang photographer sa gitna nang senyasan ito ni Captain Ramirez matapos kaming makita.

“Aaron, Pio,” tawag ni Captain Ramirez sa amin, “andito pala kayo.”

Tipid akong ngumiti at tumango sa hiya.

Ngumiti ito pabalik. “Halikayo.”

“Pio, tsong, sama kayo sa picture,” alok ni Kuya Jason na may buhat na sanggol sa mga braso. Sa tabi nito ay nakatayo rin si Mona na nahihiyang tumingin sa aming dalawa.

“Tara, ’tol,” yaya ni Jonas.

Nagkatinginan kami ni Pio para magkaalaman. Mukhang pareho namang okay sa amin ito. Kaya sa huli, sumama na kami sa kanila.

Pagkatapos ng picture taking, nabuwag na ang linya at naging abala sa pag-uusap ang isa’t isa. Sa lahat ng tao, nauna kaming nilapitan ni Kuya Jason na siyang nag-imbita sa amin para dumalo rito sa binyag. Wala na itong hawak na sanggol ngayon.

“Salamat nga pala sa pagpunta,” ani Kuya Jason. “Akala namin, hindi kayo darating.”

“Nasa dulo lang kami.” Itinuro ng mukha ni Pio ang pinag-upuan namin kanina. “’Tsaka, hindi ko puwedeng ma-miss ang binyag ng anak ng kalaban ko sa lahat ng bagay.”

Bahagyang natawa si Kuya Jason sa biro ni Pio. “As if naman kaya kitang talunin.”

“Congrats nga pala.” Nakipagkamay si Pio. “Tatay ka na.”

Nakipagkamay rin ako. “Congrats po.”

“Salamat. Salamat.” Ngumiti si Kuya Jason. “Congrats din sa inyong dalawa sa… nangyaring kasal.”

“Thanks, p’re.”

“Salamat po, Kuya.”

“Ano na nga palang balita sa mga ka-team natin sa varsity?” tanong ni Pio.

“Ah, ’yon…” Tuloy-tuloy ang naging sagot ni Kuya Jason.

Dahil parang nagkakamustahan na sila sa isa’t isa at hindi na ako maka-relate, sandali akong nagpaalam kay Pio nang mahagip ng mga mata ko si Jonas na siya palang kasalukuyang may hawak ng sanggol. Nakaupo siya sa pinaka-unang bangko sa kanan malapit lang sa pari at kay Captain Ramirez na nakatayo sa gilid habang nag-uusap.

“Ayos ah,” panimula ko habang nangingiti. “Tito ka na pala.” Umupo ako sa tabi nila. “Tito Nas~”

“’Oy, si Tito Aaron McMiller pala ito,” aniya sa sanggol. “Hi, Tito Aaron McMiller, meet little Aaron Alcalde.”

“Hello,” bati ko sa baby na kahawig ko at ni Mona, “little Aaron,” at kapangalan ko at ni Captain. “I’m your Tito Ron. Henlo.”

“Tito Ron the cute,” dugtong ni Jonas.

Ngumiti ako. “Mas cute pa sa ’kin ’to eh.”

Kahit hindi ako mahilig sa baby, hindi naman ako nagbibiro nang sabihin ko iyon. Napakaganda ng mukha ng bata. Sana ay lumaking mabuting tao tulad ng tito nito.

“Mas cute ka raw?” tanong niya sa baby. Ngumiti ito sa kaniya. “Mas cute ka nga.”

Napangiti rin ako. “Buti hindi iyakin.”

“Oo nga eh,” sabi niya sabay tingin sa akin. “Malay mo, paglaki, matulad sa ’yo.”

Aray ko po.

“Huwag naman.” Hinawakan ko ang baby sa kamay. “Pero kung magkagano’n man, alam ko namang nandito lang lagi ang Tito Nas niya na hindi siya pababayaan, ’di ba?”

Yumuko si Jonas pero nahuli ko pa rin ang pagngiti niya dahil lumitaw ang mga dimple niya sa pisngi. Pag-angat ng mukha, muli siyang tumingin sa akin at tumikhim. “Siyempre naman. Nandito lang ako.”

Hindi niya rin naman pinatagal ang malalim niyang tingin sa akin. Agad niya itong pinutol at itinuon sa baby at muli itong kinausap. Sa isang punto, habang nakaiwas ang kaniyang tingin sa akin, mayroon siyang naitanong na isang bagay.

“Tingin mo, makakahanap din ako ng para sa ’kin? ’Yong ako naman ’yong pipiliin?”

Sandali akong natulala sa tanong niyang iyon. Pero kinalaunan ay nakasagot din.

“Oo naman. Bakit hindi? Sigurado akong darating din ang tamang tao para sa ’yo.”

Katahimikan mula sa kaniya. Pagkatapos niyon, hindi na siya muling nagtanong pa.

“Aaron,” may tumawag sa akin.

“O, mukhang tawag ka ni Captain,” aniya.

Pagbaling ng tingin sa gilid, kita kong mag-isa na lang si Captain ngayon dahil kalalabas lang ng pari sa bukas na pintuan.

“Ako ba?” tanong ko kay Jonas.

Malamang, ako. Alangan namang si baby.

“Gusto ka yata kausapin,” sagot ni Jonas.

Tumayo na ako kahit may kaunting hiya.

“Come here,” maamong pakiusap ni Captain.

Sa pag-alis ko ay pumalit naman sa kinaupuan ko si Ate Glenda bitbit ang mga gamit ng bata. Hindi ko alam kung saan pumunta si Ate Mona pagkatapos ng picture taking kanina dahil nawawala siya.

“C-Captain,” wika ko nang malapitan siya.

“Aaron,” tawag niya sa akin, “thank you for coming here.”

Yumuko ako at hindi alam ang sasabihin. “Um…”

“After everything that has happened, I don’t know how I still have the courage to face you,” panimula niya. “But seeing you here, I realized that I should take the chance to say all the words unspoken.”

Umangat ang aking mukha at nasumpungan ang mga mata niya na ngayon ay maluha-luha na.

“I am truly sorry that I am your father—the father that you lost, the father that you cannot have. God knows how much I blamed myself after learning the truth: that you’re my son… and that I left you and your mother all alone when you needed me the most. If only I had known… If only my wife had not kept it from me, I would have given you all the support you needed.

“I know it is too late for a second chance, so I am not asking for one. You’ve been through a lot, not only because of me… but also because of my family. No matter how many times I say I’m sorry, it just won’t be enough.

“Sa lahat ng pagkukulang ko sa ’yo, sa lahat ng mga maling nagawa ko sa mama mo, gusto ko lang malaman mo na labis kong pinagsisisihan ang lahat ng iyon.

“Habambuhay kong babaunin ang pagsisisi sa mga kasalanan ko sa inyong dalawa.”

Agad niyang pinunasan ang kaniyang mga mata, saka yumuko, at bumalik ang tingin sa aking mukha na parang nagmamakaawa.

Hindi ko naman alam ang mararamdaman. Batid kong mayroon akong galit sa kaniya, ngunit gusto ko na rin itong pakawalan.

Mahirap ang mamuhay sa pagkamuhi. Ako lang din ang patuloy na masasaktan kung patatagalin ko pa ang galit sa aking puso.

“Okay lang po,” sabi ko nang may maluwag na kalooban. “Sapat na po sa akin na nalaman ko ang totoo. Na nasagot na rin po ang mga katanungan ko. Na nakilala ko po kayo.” Ngumiti ako. “Masaya na rin po ako sa piling nina Mama at Pio. Hindi na po ako maghahangad pa ng kahit na ano sa ibang tao. Kontento na po ako. Salamat po.”

Yumuko siya at lumunok. Nakita ko ang pagbagsak ng kaniyang luha sa sahig. Panay siya sa pagbasa ng mga labi at parang hindi na alam ang sasabihin.

“Meron na lang akong pakiusap…” Muling umangat ang kaniyang luhaang mukha. “Puwede ba kitang yakapin?”

Natigilan ako.

Hinihingi niya lang naman ang bagay na hinihiling ko lang noon sa Maykapal. Panalangin ko noon, kung sakali mang magkikita kami ng tunay kong ama, gusto kong madama ang yakap nito…

Kaya maingat akong tumango.

Sa unti-unti niyang paglapit sa akin, hindi ko mapigilang magkuyom ng kamao. Mula sa pagiging lito, biglang nagbago ang puso ko nang tuluyan niya na akong mayakap. Kusang bumuka ang palad ko at para akong nakadama ng kakaibang ginhawa ngayong natupad na ang panalangin ko. Hindi ko man naibigay ang kapatawarang hinihingi niya sa salita, parang ganoon na rin ang ginawa ko sa pamamagitan ng pananatili. Hinayaan ko ang paghigpit ng kaniyang yakap sa akin, at hinayaan ko siyang punan ang puwang na iniwan niya sa aking puso.

Matapos kumalas sa pagkakayakap ay muli siyang nagpunas ng mga mata at ilong. Kumurap-kurap siya para hindi na maluha. Pagkatapos ay umatras siya palayo sa akin.

“May isa pa sana akong pakiusap…” aniya nang nakababa ang mukha. “Puwede mo bang mapatawad ang ate mo… para magawa niya na ring patawarin ang sarili niya?”

Sumagot ako sa pamamagitan ng isa ring tanong, “Nasaan po ba siya?”

Matapos malaman kung nasaan si Mona, lumabas ako sa bukas na pintuan sa gilid. Sa ilalim ng isang puno, nakita ko siyang nakatayo mag-isa patalikod, nakayuko, tila umiiyak nang palihim dahil nanginginig.

Marahan akong naglakad papunta sa kinaroronan niya, sa kanto ng simbahan kung saan tahimik at walang ibang taong nagdaraan. Nang marinig ang mga yabag ko ay napalingon siya sa akin at nagulat.

Agad siyang nagpunas ng mukha na halata namang nabahiran ng mga luha at akma sanang maglalakad pabalik sa loob ng simbahan, ngunit agad ko ring pinigilan.

“Ate Mona…”

Natigil siya sa paghakbang habang lugmok ang mukha. Tila nahihiya siyang tumingin sa aking mga mata o magpakita sa akin.

“Gusto lang sana kitang kausapin.”

Pero ako na ang gumawa ng paraan. Alam kong ito rin naman ang gusto ko—ang maayos na ang lahat ng gusot sa amin.

“Hindi pa naman huli ang lahat, ’di ba?” malumanay kong tanong. “Puwede pa rin naman kitang tawaging ‘Ate Mona’?”

Sa marahang pag-angat ng kaniyang mukha, nalantad ang mga mata niyang tila hindi makapaniwala sa aking mga sinabi.

“Matagal ko ring pinag-isipan ang lahat,” tuloy ko. “Ayoko na ring patagalin dahil naisip kong hindi lang ako ang nasaktan.”

Nagsimula na siyang humikbi ngayon.

“Alam kong nasaktan ka rin sa lahat ng nangyari. Pareho tayong may mali. Hindi ko agad nasabi sa ’yo ang totoo. Dahil ang totoo, nagseselos din ako sa ’yo. Akala ko, mahal ka pa rin ni Pio noon. At baka kapag malaman niya ang totoo… baka ay magbago ang lahat sa aming dalawa. Hindi lang naman ikaw ang makasarili, ako rin naman.

“Kaya sana, huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyari. Sana rin, mapatawad mo na ang sarili mo. Dahil, Ate, gusto kong malaman mo na mula sa puso ko, pinapatawad na kita. At sana lang, mapatawad mo na rin ako.

“Kung hindi pa huli ang lahat sa amin ni Pio, sana gano’n din sa atin. Kasi, noon pa lang, gusto ko nang mapalapit sa ’yo. Gusto kong maranasan ang magkaroon ng isang kapatid na katulad mo.

“Bati naman talaga dapat tayo eh. Bakit ba tayo nag-away dahil lang sa isang lalake?”

Sa mga sinabi ko ay mas lalong napalakas ang paghikbi niya. Napatakip siya sa bibig ngunit tuloy-tuloy ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Muli siyang yumuko. “Aaron, I am… sorry.”

Lumapit pa ako sa kaniya. “Tapos na ’yon.”

Kahit tila hindi ko mapigilang madala sa agos ng kaniyang emosyon, sinikap kong ngumiti para magsilbi niyang sandalan.

“Aaron, I don’t deserve your forgiveness,” basag niyang sabi. “Please don’t do this.”

Kahit iyon ang mga sinabi niya ay hindi pa rin ako tumigil sa paglapit sa kaniya. Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na yakapin siya. “Hindi ’yan totoo.”

“Aaron…” Pero sa halip na umalis ay nanatili siya. “I don’t know what to say.”

“Ate Mona, noon ko pa sana ’to ginawa,” maluha-luha kong sabi. “Noon pa sana…”

Naramdaman ko ang paglapat ng mga kamay niya sa aking likuran. “I shouldn’t have said everything I said back then… I should have told you that it was all a lie.”

“Kaya ka pala umiiyak no’n,” sambit ko nang maalala ang madamdaming tagpo sa gilid ng covered gym noon. “Akala ko, tuluyan mo na akong kinamuhian.”

“I… I tried to…” sabi niya. “But in the end, I only hated myself more than I hated you.”

“Tama na ’yan,” pagtahan ko sa kaniya. “Hanggang ngayon pa rin ba?”

“Yes,” sabi niya sa basag na boses. “I can’t… I can’t move on… from the past.”

“Kaya nga tama na,” tuloy ko. “Nakaraan na ’yon. Hindi na natin ’yon mababago. Pero puwede pa naman tayong magsimula ulit.”

“Aaron, I… I don’t know how.”

“Ito na nga ’yong simula.”

Sa pag-ihip ng hangin, sumayaw ang mga sanga at pumagaspas ang mga dahon ng puno sa itaas. Sumilip ang kaunting sikat ng gintong araw sa aming kinatatayuan, na para bang pareho kaming nasa loob nito. Kalakip nito ay ang mga pusong parehong nakahanap ng kapatawaran sa isa’t isa.

Nang matahan na siya, umupo kaming dalawa sa ilalim ng puno. Sinikap kong pagaanin ang loob niya sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa mga mumunting bagay. Naitanong ko kung sino ang nagbigay ng pangalan sa anak nila ni Kuya Jason. Sagot niya, “Si Dad. Nag-request kasi si Dad na ipangalan sa kaniya. Matagal na no’ng gustong magkaanak na lalake eh. At ngayon, nabigyan ng apong lalake.”

Mula sa pagiging malayo sa isa’t isa, hindi naman gaanong naging mahirap na muling pagdugtungin ang mga naputol na tulay. Tingin ko nga, mas lalo akong nakahanap ng daan para mas lalong mapalapit sa kaniya. Pareho kaming nasaktan sa mga nangyari at pareho rin namang natuto. Ngayong mas naging bukas na ang mga isipan, naging madali na lang ang lahat.

Hindi pa kami tapos. Sa unang kaarawan ng kanilang anak, nangako si Mona na iimbitahan niya kaming dalawa ni Pio. Tulad ni Jonas, tito na nga rin talaga ako. Unti-unti, tuluyan kong natatanggap ang mga mumunting pagbabago sa buhay ko.


Mabilis na nalagas ang mga pahina sa kalendaryo. Parang kailan lang nang pumunta pa kami sa binyag ng anak nina Mona at Kuya Jason. Ilang buwan lang din pagkatapos noon, muling sumampa ng barko si Pio. Tapos, nitong nakaraang linggo lang, nakababa na agad siya. Napakabilis, ’di ba? Parang kailan lang din, nag-aaral pa ako. Pero ngayon, natapos ko na ang ikatlong taon ko sa J.A.M.A..

Hindi ako makapaniwala. Parang isang malaking ginhawa na malamang natapos ko na ang tatlong taon. Sa loob ng tatlong taong ito ay marami akong natutunan, hindi lamang sa paaralan, kundi maging sa totoong buhay.

Oo, meron pang isang taon para sa onboard training para masabi kong tuluyan na graduate na nga talaga ako. Pero hindi naman nalalayo ang pakiramdam ko.

Sa huling araw ko sa J.A.M.A. bilang estudyante, hindi ko napigilang maging emosyonal habang binibitiwan ang mga huling hakbang palabas ng paaralan.

Mula sa corridor ng Main Building A kung saan madalas akong dumadaan, papunta sa quadrangle kung saan nangyari ang una kong kahihiyan, hanggang covered gym kung saan ako nasaktan, maging sa Varsity House na palagi kong pinupuntahan para makita ang isang tao, at sa mabuhanging daan kung saan ako umiyak noon habang umuulan.

Ang lahat ay punong-puno ng mga alaalang hindi ko malilimutan. Mga alaalang kasamang binuo ng mga taong dumaan sa buhay ko kahit pansamantala, pero panghabambuhay kong babaunin. Mula sa mga professors, mga kaklase, kahit pa sa mga naging kaaway ko, at maging sa mga miyembro ng basketball team na halos karamihan ay nauna nang gr-um-aduate.

May kaunting kurot sa puso nang bitiwan ko ang huli kong hakbang. Parang ganito rin ang pakiramdam nang una akong umapak sa paaralang ito; kinakabahan ako sa kung anong naghihintay sa akin sa loob. Pero ngayon naman ay kinakabahan ako sa kung anong naghihintay sa akin sa labas.

Totoong mundo na ang tatahakin ko.


Nang matapos sa pag-aaral, napagpasyahan kong oras na para lisanin ang apartment building. Noon pa dapat ako aalis dito nang yayain ako ni Pio na sa malaking bahay na lang nila kami tumira. Pero ako itong nagpumilit na saka na, kapag nakapagtapos na ako. Bukod kasi sa malapit sa school ang apartment, ayoko ring abalahin ang mga magulang niya na ihatid-sundo ako dahil may kalayuan ang bahay nila. At ngayon…

Huling araw ko na rito. Ako lang naman ang dahilan kung bakit dito rin umuuwi si Pio tuwing bumababa siya ng barko. Kaya naman, laking tuwa ng mga magulang niya nang malamang makakasama na nila kami sa iisang bahay. At hindi lang kaming dalawa ni Pio, kasama pa namin si Mama.

Pinatigil ko na si Mama sa pagtitinda sa palengke. Sabi ko, si Sugar Daddy—este, si Pio—na ang bahalang bumuhay sa amin. ’Di, biro lang. Nangako akong ako na ang bubuhay sa kaniya sa pagsampa ko sa barko sa mga susunod na buwan. Sa ngayon, si Pio na muna ang kakarga sa amin. Si Pio naman ang nagpumilit. Daddy nga raw kasi siya kaya dapat siya ang nagpo-provide. Kahit wala naman talaga kaming anak. Kaya nga siya nagbabarko para sa amin.

Ang pamilya ng apat ay naging pamilya ng anim: si Tito William, si Tita Annie, si Ate Rose, si Mama, si Pio, at siyempre ako.

Dahil hindi naman karamihan ang mga gamit ko, hindi na kami nagrenta ng moving truck. Sa halip, ang kotse na lang nina Pio ang ginamit namin para paglagyan ng mga gamit.

Kasalukuyan kaming nasa apartment ko at tinutulungan nila ako sa pag-iimpake.

“Rose, magluto ka na ng hapunan,” dinig kong utos ni Tita Annie habang katawagan si Ate Rose sa cellphone sa pasilyo. “We’ll head home after we finish packing up here.”

“I’ll carry this.” Binitbit ni Tito William ang eco bag kung saan nakasilid ang mga uniporme ko na nanggaling pa kay Pio. “Are there more? Should I come back?”

“Uh, no, Dad,” sagot ni Pio. Katulong ko siya sa pagtutupi ng ilan sa mga damit ko sa kama. “We can manage from here.”

“Alright, son.” Ngumiti si Tito William sa amin. “I’ll wait for you guys in the car.”

Ngumiti pabalik si Pio. “Sure, Dad.”

Tumango naman ako habang nakangiti.

Naglakad na palabas ng kuwarto si Tito William. Nang mapansin ni Tita Annie ang asawa ay nagbaba na ito ng cellphone saka pumasok sa loob at pinagmasdan ang kabuuan ng halos bakante ko nang kuwarto.

“Um, may maitutulong pa ba ako?” tanong nito habang nakangiti. “I can also carry—”

“Ah, kami na po ni Pio ang bahala sa pagbubuhat,” agad kong tugon. Kahit ang totoo, si Pio lang talaga ang bahala.

“Yes, Mom,” segunda ni Pio habang nakangiti nang may kaunting hiya.

Mas lalo namang lumapad ang ngiti sa labi ni Tita Annie nang matawag itong ‘Mom’. Nang makita si Mama, sunod ito nitong nilapitan. “Ah, balae, tulungan na kita sa paglilinis. I also know how to clean—”

“Ay, Ma’am, huwag na po,” may hiyang tanggi ni Mama habang nagwawalis sa sahig. “Kaya ko na po ito. Nakakahiya naman po sa inyo.”

“Ano ka ba. It’s alright,” malambing na tugon ni Tita Annie. “And also, I prefer not to be called ‘Ma’am’ by the mother of my son’s husband. Just call me ‘balae’ instead. We’re a family now, aren’t we?”

Nang tinangkang abutin ni Tita Annie ang walis mula sa kamay ni Mama ay agad naman itong inilayo ni Mama habang napapangiti.

“Balae, ako na,” paninindigan ni Mama. “Hindi bagay sa kutis mo ang ganitong trabaho.”

Mahinang natawa si Tita Annie. “I don’t mind it, I swear. I also clean at home.”

“Hindi na po talaga,” ani Mama. “Ako na.”

“Ah, Tita,” singit ko, “I mean, Mom,” wasto ko, “hindi po ’yan magpapatalo si Mama.”

Ngumiti sa akin si Tita—este, Mom, Mom, Mom. “Is that so?”

Tumango ako. “Opo.”

“Well, I guess I no longer have a purpose here,” biro nito. “I’ll start the car na. Hintayin na lang namin kayo roon, okay?”

“Sige po.”

Paglabas ni Mom, kaming tatlo na lang ang natira sa loob. Mukhang malapit na ring matapos si Mama sa paglilinis ng kuwarto.

“Nga pala, Ma, ano nang nangyari sa bahay natin sa Masbate?” pagbasag ko sa katahimikan, sabay patong ng tinuping damit sa nakabukas na bagahe.

Tumalungko si Mama para walisin ang ilalim ng kama. “Ayon, ibinigay ko na sa tita mo.”

“Kay Tita Karen?” usisa ko. “Bakit do’n? Masama ugali no’n eh.”

“Para makabukod na sa kanila si Jenny,” sabi niya. “Siksikan na kasi sila roon sa bahay nila. Alam mo na. Maraming bata.”

Bumuntong-hininga ako. “Anak-anak pa kasi.”

“Hayaan mo na, Ron,” pagkumbinse niya. “Tulong na rin natin ’yon sa kanila.”

Hindi naman kami tinulungan no’n kahit kailan. ’Di bale. At least, nakaalis na si Mama roon. Wala nang mang-aapi sa kaniya.

Hindi na lang ako nagsalita at tumuloy na sa pagtutupi. Karma na ang bahala sa mga taong gumagawa ng masama sa kanilang kapwa.

“O, ano ’to, Ron?” tanong ni Mama.

Lumingon ako patalikod sa kaniya. “Alin po?”

“SEVEN…” Naging mariin ang mga mata niya habang binabasa ang sulat sa isang pamilyar na packaging box. Unti-unti namang lumaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ito. Tuloy niya, “SEVEN INCH SILICONE CO—”

“Ma!”

Umalingawngaw ang sigaw ko sa kuwarto at lumipad ang hawak kong damit sa ere, na agad ding nasalo ni Pio. Nabitiwan naman ni Mama ang hawak niya sa sahig, dahilan para hindi niya ito matapos basahin. Bago pa muling dumapo ang mga mata niya rito ay agad ko siyang nilapitan at pinulot ito.

Kumunot ang noo niya. “Ano ’yan, ’nak?”

“Ah, w-wala, Ma.” Agad kong itinago ang pagckaging box sa likod ko, at nagpilit ako ng ngiti. “Basura… Basura lang ’to.”

Hindi ko naman inakalang darating ang araw na mahahawakan niya ang sisidlan ng bagay na paulit-ulit niyang itinatanong sa amin noon: ang dildo at ang lasa nito.

“Parang may nabasa ako,” sabi niya. “’Yan ba ’yong—?”

“Hindi, Ma!” Napalakas ang boses ko.

Kumurap-kurap si Mama. Para namang sasabog sa pagtawa si Pio pero nagpipigil lang.

Tumikhim ako at pinaamo ang boses. “H-Hindi, Ma. Lalagyan lang ’to ng ano… ng compass. Para sa Navigation. Sa school.”

“ Pft .“ Mas lalong namula ang mukha ni Pio.

As if naman may ganito kalaking lalagyan ng compass. At as if naman kailangan namin ng compass para sa Navigation. Pero siyempre, hindi naman iyon alam ni Mama.

“Ahh.” Kaya naniwala agad siya.

Napakamot ako sa leeg. “Tapos ka na, Ma?”

“Ah, oo.” Tumayo na siya at sinalok sa dustpan ang mga nakuhang alikabok mula sa ilalim ng kama. “Itapon ko na lang ’to.”

“Una ka na rin sa kotse, Ma,” bilin ko. “Sunod na lang po kami ni Pio.”

“Sigurado ka?” taka niya.

“Opo, Ma.” Nangusap ang mga mata ko kay Pio na makisakay sa sinabi ko para paunahin na si Mama. Agad niya naman itong nakuha.

Nagbasa siya ng labi at tumikhim. “Um, opo, Ma. Patapos na rin po ito. Sunod po kami.”

“Gano’n ba?” Bumaba ang tingin ni Mama sa gilid ng kamay kong nakatago. “O, siya, sige. Mauna na ako sa inyo ah.”

“Okay, Ma,” sabi ni Pio.

“Sige po,” sabi ko.

Pinanghawakan ko ang pilit na ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Mama na maglakad palabas ng kuwarto. Nang madaanan ako ay inikot ko ang katawan ko para hindi niya muling makita ang packaging ng dildo sa likuran ko.

“Nga pala,” pahabol niya bago lumabas ng kuwarto, “saan ko iwan itong walis at dustpan?”

“Ah, pabigay na lang po kina Manang Lucy. Doon po sa dalawang matanda sa baba.”

“Okay.”

Nang kaming dalawa na lang ni Pio ang natira sa loob ng kuwarto ay saka na kumawala ang naipon niyang tawa. Sa lakas nito ay hindi ko naiwasang mahawa na rin.

Muli akong umupo sa gilid ng kama at inilapag ang packaging sa tabi ng bagahe. “Muntik na ’yon ah.”

“Bakit kasi nasa ilalim ng kama?” Singkit na singkit na ang mga mata niya ngayon.

“Hindi ko nga rin alam.” Kinuha ko ang huling piraso ng damit at tinupi-tupi ito. “Ikaw kasi eh.”

“O, bakit ako?” Pinunasan niya ang mga gilid ng mga mata niya. “Ikaw ’yon eh.”

“Ikaw bumili no’n.”

“Ikaw naman gumamit.”

“Para sa ’yo kaya ko ginamit.”

“Ey, para sa ’kin naman pala.”

Sa mga huling sandali, napuno ng tawanan ang kuwartong itinuring ko nang tahanan.

Nang matapos na sa pag-iimpake ng mga gamit, binuhat na ni Pio ang mabigat na bagahe pababa ng kama. Sandali akong nagpaalam na iihi lang muna kaya pinauna ko na siyang lumabas doon sa pasilyo.

Ngayon ay ako na lang mag-isa ang naiwan sa loob ng kuwarto ko. Pagkalabas ng banyo, sandali akong natigilan nang mapagmasdan ang kabuuan nito. Mula sa palubog na araw na tumatagos sa bintana, papunta sa kama, sa lamesa, sa kusina, sa lahat ng sulok.

Sa hindi maipaliwanag, parang mayroong kakaibang pakiramdam na bumalot sa aking katawan. Hindi ko matukoy kung lungkot ba o tuwa ngayong lilisanin ko na ito. Pero sa gitna ng katahimikan, isang damdamin ang pinakanamayagpag sa lahat: kapayapaan.

Payapa ang loob ko nang lisanin ko ang aking kuwarto. Ang kuwarto kung saan ilang beses akong nainis dahil sa mga ingay sa kabilang kuwarto. Ang kuwarto kung saan ilang beses akong hindi nakatulog dahil sa kakaisip kay Pio. Ang kuwarto kung saan ilang beses akong umiyak. Ang kuwarto kung saan nagsimula ang lahat.

Kaunting lakad lang sa pasilyo at bumungad din ang bakanteng kuwarto ni Pio. Ang kuwarto kung saan ko siya sinagot. Ang kuwarto kung saan niya ako inalagaan noong nagkasakit ako. Ang kuwarto kung saan ko siya inalagaan noong siya ay napilayan. Ang kuwartong punong-puno ng pagmamahalan.

Mula sa labas, parang nakita ko ang mga alaala ng nakaraan sa loob nito. Ang mga mumunting usapan naming dalawa ni Pio bago matulog. Ang bawat batian namin sa isa’t isa tuwing gigising sa umaga. Ang bawat lambingan. Ang bawat iyakan. Ang bawat tawanan. Ang bawat ako at siya.

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata, at hindi ko rin namalayang natigil na pala ako sa paglalakad.

“Asawa ko!”

Hanggang sa hilain ako pabalik sa realidad ni Pio na ngayon ay nakatayo na sa kabilang dulo ng pasilyo habang nakangiti sa akin.

“Let’s go!”

Sa sinabi niya ay napagtanto kong hindi na ako dapat pang magtagal dito, kundi, hindi na talaga ako tuluyang makaaalis pa sa nakaraan.

Bawat alaala kasi ay mahirap bitiwan.

Pero alam kong oras na para bumitiw.

Tumuloy na ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ang mga paa kong humakbang. Bawat hakbang pasulong. Bawat hakbang palayo sa lugar na aking pinanggalingan. Ramdam na ramdam ko.

Sa isang banda, pag-angat ng aking mukha, animo’y nakita ko ang aking dating sarili na naglalakad din sa pasilyo papunta sa direksyon ko. Nang malampasan ako, sumunod ang aking tingin patalikod, tila bumagal ang takbo ng oras, at bumalik ang lahat…

Bumalik ang lahat sa unang araw na dumating ako sa apartment building. Tulad ngayon, dapit-hapon din noon. Nakasuot ako ng polo shirt at pantalon. May bitbit na bag sa isang kamay. Seryoso ang tingin padiretso.

Sa kabilang dulo ng pasilyo kung saan kalat ang usok, may isang lalake na umagaw sa pansin ko. Maputi. Matangkad. Makisig. Alam ko dahil wala itong suot na damit pang-itaas. At higit sa lahat, hindi maikakailang… guwapo.

Sa sandaling nagtama ang aming mga mata, parang napatalon ang puso ko. Lumingon ako noon patalikod. At ngayon ay nakikita ko ang aking sarili habang ginagawa ko iyon. Pero walang ibang tao sa aking likuran.

Kaya bumalik ang tingin ko noon sa lalake at pinagmasdang maigi ang mga mata nito. Ang mga mata nitong sinundan ako ng tingin habang naglalakad. Ang mga labi nitong naguhitan ng ngiti nang madaanan ko ito.

Noon pa lang, may nadama na akong kakaiba. Parang napatalon ang puso ko nang makita ang mukha nito nang malapitan. At noon pa lang ay naitanong ko na agad sa aking sarili kung magagawa ko bang sundin ang kaisa-isang payo ni Manang Lucy: “Mag-iingat ka sa lalakeng nakatira sa katabi mong kuwarto.”

Sinubukan kong iwasan ang lalakeng ito nang paulit-ulit. Pero sobrang hirap, dahil ito rin ang paulit-ulit na lumalapit sa akin. Sinubukan ko ring labanan ang nararamdaman ko para dito. Pero sa huli, nahulog pa rin ako.

Isang lingon papunta sa hinaharap, muling bumungad ang nakangiting mukha ni Pio na hinihintay ako sa dulo ng pasilyo. Hindi tulad noon, hindi na kami estranghero sa isa’t isa. Dahil ngayon, kami’y pinag-isa.

Sa pagtuloy ko sa paglalakad, hindi na muling bumagsak pa ang mga luha.

Sa pag-alis namin ni Pio, hindi na ako muling lumingon pabalik sa nakaraan.

Sa halip, tuluyan na akong nagpaalam…

Paalam sa lugar kung saan kami nagkakilala at gumawa ng mga alaala.

Paalam sa dating ako na takot magmahal at sarado ang puso.

At paalam sa nag-iisang playboy next door .

Epilogue

Ten years later…

Tahimik na ang buhay ko ngayon.

Nasanay na akong gumising sa malambot at malawak na kama. Sa maluwag at malamig na kuwarto. Sa dating kuwarto ni Pio na ngayon ay kuwarto na naming dalawa. Sa malaking bahay ng pinagsamang pamilya McMiller at pamilya Alcantara.

Kahit medyo inaantok pa dahil napuyat sa mahabang video call namin ni Pio kagabi, bumangon na ako sa kama nang makita sa cellphone kung anong oras na. Oras na para sunduin ko si Pio sa airport. Ngayon ang araw ng landing ng flight niya. Tapos na naman kasi ang kontrata niya sa barko.

Pagbaba sa unang palapag ng bahay, nadatnan ko sina Mama at Ate Rose na nagtatalo sa kusina habang nagluluto.

“Ay aba, Rose, ang alat mo talagang magluto kahit kailan,” daing ni Mama.

“Hindi, Ate, tama lang ’yan,” diin ni Ate Rose. “Ganiyan ang gusto ni Sir Pio.”

“Grabe namang dila ’yan,” ani Mama.

Mahina akong napahalikhik sa sinabi niya.

Grabe naman kasi talaga ang dila ni Pio. Mahilig sa maalat. Mahilig din sa mapait. Patitikimin ko nga mamaya ng papaitan.

“Kulang pa nga yata sa asin, Ate.”

“Naku, UTI na aabutin natin niyan.” Kinuha na ni Mama ang sandok mula sa kamay ni Ate Rose. “Ako na nga riyan.”

“Sige, Ate,” pagpayag naman ni Ate Rose. “Ako na ang maghugas ng mga pinggan.”

“Mabuti pa nga.”

Nagpalit sila ng gawain.

Nang marinig ni Mama ang mga yabag ko ay napabaling siya sa akin.

“O, Ron, buti gising ka na.” Ngumiti siya. “May luto nang ulam sa lamesa. Marami. Kain ka na muna bago ka umalis.”

“Ah, hindi na po, Ma. Baka ma-late pa ako,” sagot ko.

Kumunot ang noo niya. “Ha? Sigurado ka?”

“Opo, Ma.” Ngumiti ako. “Sabay na lang po kami ni Pio kakain mamaya pag-uwi.”

“O siya, sige.”

Tumungo na ako sa banyo para maglinis ng katawan. At kapag sinabi kong maglinis, hindi lang panlabas ang tinutukoy ko. Kasama ang panloob. Ika nga ni Mayor Joy Belmonte, kailangang unahin ang panloob bago ang panlabas. Dahil malolooban ako mamaya panigurado. Kapag ganitong kabababa lang ni Pio ng barko, inihahanda ko na ang sarili ko sa matinding giyera.

Matapos maligo, maglinis, at magbihis, nagpaalam na ako kina Mama at Ate Rose. Paglabas ng bahay, nadatnan ko naman sina Mom at Dad na nagkakabit ng tarpaulin sa may gate. Tarpaulin kung saan naka-imprinta ang guwapong mukha ni Pio habang may nakasulat na ‘WELCOME HOME, CAPTAIN PIOLO MCMILLER’.

“I think you should raise it a little to the side, love, so it’s pantay,” mungkahi ni Mom kay Dad.

Bahagyang itinaas ni Dad ang tarpaulin. “Like this?”

“Yes, that’s it.” Nang mahuli ako ng mga mata ni Mom ay agad siyang ngumiti. “Aaron, good morning!”

“Morning, son,” bati rin ni Dad sa akin.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. “Morning po.”

“Nag-land na si Pio?” tanong ni Mom.

Ch-in-eck ko ang cellphone ko at nakitang wala pang reply mula sa huli kong message.

“Hindi pa nga po nagre-reply eh,” sagot ko.

“Ah, baka malapit na.” Itinali na niya ang tarpaulin sa gate. “Sama dapat kami sa ’yo eh, kaso nagpumilit ang anak ko na kayong dalawa na lang daw muna. Kaya dito na lang namin siya sa labas sasalubungin.”

Alam ko kung bakit.

“Right,” si Dad. “By the way, please don’t take too long. I miss my son so much. He’s been gone for eight months. Eight.”

“Ah, yes, Dad,” sagot ko.

Hindi ko yata maipapangako. Baka kung saan pa kami dumiretso ni Pio kapag naabutan ng— ehem . Hindi lang siya ang naka-miss sa anak niya, ako rin siyempre. Walong buwan kaya akong walang dilig! Mas tuyot pa yata ako sa mga halaman ni Manang Lucy ngayong buwan ng summer.


Nag-drive ako papunta sa airport gamit ang kotse na katas ng pagbabarko namin ni Pio. Sabay dapat ang baba namin noong Enero eh, kaya lang, na-extend ang kontrata niya. Bawal naman siyang humindi. Kapitan na kasi eh. Ako naman, papunta pa lang sa ganoong posisyon. Hindi nga lang kami puwedeng magsama sa iisang barko dahil sa conflict of interest. Lagi tuloy kami LDR.

’Di bale, sanay naman na kami. Kapag walang signal sa barko, naghahandaan na kami ng long messages, at siyempre, ng mga litrato ng isa’t isa na bawal sa mga bata. Sa ganoong paraan kami nagtitiis. Kagabi nga ay puro pahiwatig na siya sa video call. Alam ko naman. Kaya nga hindi ako kumain muna bago umalis. At kaya rin ako naglinis nang malala. Tatapusin ko na ang pagtitiis niya—naming dalawa.

Pagdating sa arrival hall ng airport, matiyaga akong naghintay bitbit ang kartolina na ginawa ko noong Lunes pa lang. Dito ay nakasulat ang ‘MCMILLER FAMILY’. Kahit ako lang talaga mag-isa.

Nang magsidatingan na ang mga pasahero na kabababa pa lang ng eroplano, itinaas ko na ang pickup sign tulad din ng ginawa ng ibang pamilyang naghihintay sa mga mahal nila sa buhay. Saka sinuring mabuti ang ibabaw ng mga ulo ng mga pasahero. Hinanap ko agad ang pinakamatangkad. Malalaman ko kasi agad kung siya na ’yon.

Pero wala akong nakita.

Sa pagtataka, sandali kong ibinaba ang kartolina at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Ch-in-eck ko ang latest message mula sa kaniya. Sabi niya, nakababa na siya.

Eh nasa’n siya?

Mga ilang sandali pa nang maramdaman kong umangat ang mga paa ko mula sa sahig. May pamilyar na mga braso ring nakabigkis sa aking beywang—mapuputi at naglalakihan. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang mapagtanto kung sino ito. Isang tao lang naman ang laging bumubuhat sa akin.

“I miss you, asawa ko,” malalim at matigas na boses, kasingtigas ng bagay na nakadiin sa aking likuran. “Did you miss me, too?”

“Pio!” gulat kong sabi. “Saan ka galing?”

Matapos niya akong ibaba, agad ko siyang hinarap. Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang makita ang kabuuan niya. Ang laki-laki na ng katawan niya kumpara nang huli ko siyang makita, at hindi lang siya nanatiling guwapo, mas lalo pa siyang gumuwapo. Gago, asawa ko ba talaga ’to?

“Nagtago ako para i-surprise ka.” Ngumiti siya at hinawakan ako sa labi. “Ang ganda mo pa rin talaga. I want to kiss you now.”

“T-Teka.”

Agad kong ibinalik ang cellphone sa loob ng bulsa ng pantalon ko. Buti na lang at nakaabot dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari. Sinunggaban niya ako ng halik, dahilan para mabitiwan ko ang hawak kong kartolina sa isa pang kamay. Napapikit at napahawak na lang ako sa nagkakapalan niyang mga balikat at dinama ang tamis ng kaniyang halik. Ang lambot ng kaniyang mga labi. At ang init ng kaniyang dila.

Nang maramdaman ko ang paglalakbay ng kaniyang mga kamay pababa nang pababa sa aking katawan, parang may kung anong kuryente ang dumaloy rito at para akong nanghihina. Pero hindi puwede. Hindi rito!

Mahina kong inilayo ang katawan niya mula sa akin. “Hoy, ang daming tao,” may hiya kong sabi. “Paawat muna, aba, aba.”

Tipid siyang natawa at napahawak sa mamasa-masang niyang labi. “Right.”

“Na-miss kita, Pio.” Hinaplos ko ang batak niyang katawan. “Ang tagal mong nawala.”

Hinawakan niya na ang handle ng isa niyang bagahe. “I missed you more. Let’s get out of here so I can show you how much I’ve missed you. I’m getting heated.”

Mahina akong natawa sa sinabi niya. “Halata nga.”

Pinulot ko na ang kartolina at nirolyo ito. Pagkatapos ay kinuha ko ang isa pa niyang bagahe habang inihawak ko naman ang isa pang kamay sa bakante niyang kamay. Saka kami naglakad papunta sa parking area.

“Himala, parang bagong gupit ka yata. Madalas, mukha kang kuwago kapag bumababa ka ng barko.”

“Siyempre, nagpagupit talaga ako. Gusto mo ako kapag malinis tingnan, ’di ba?”

“Oo, kasi mas mukha kang tao. Pero gusto pa rin naman kita kahit na ano gupit mo.”

“I also shaved for you.”

“Alam ko. Kita ko nga sa mukha mo.”

“Down there, I mean.”

“Gago.”

Napatunayan kong nag-shave nga talaga siya nang makapasok na kami sa loob ng kotseng ip-in-ark ko sa covered parking.

“See?” sabi niya habang ibinabalandra ang puson matapos hubarin ang butones ng pantalon. “Ang linis, ’di ba?”

Lumunok ako. “Hoy, may makakita sa ’yo.”

“Sino?” mapang-akit niyang boses. “Nasa tago naman tayo.”

Luminga-linga ako sa paligid. Kaunti lang naman ang mga nagdaraan pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. “Kahit na.”

Binigyang-buhay ko na ang kotse. Bumuga ang malamig na hangin mula sa AC, pero hindi naman ito makakatulong sa init na nararamdaman ko ngayon. Sa ginagawa pa lang ni Pio, para na akong lalagnatin.

Muli akong bumaling sa kaniya. “Tara—?”

Pero mas lalo akong nag-init nang makitang ibinababa niya na ngayon ang suot niyang pantalon kasama ang brief.

“Tara, simulan mo na ’ko,” sabi niya, kahit ang ibig kong sabihin ay, Tara uwi na tayo .

Agad akong umiwas ng tingin at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso. “D-Dito talaga, Pio?”

Bakit ba ako kinakabahan? Asawa ko itong kasama ko sa iisang kotse. Ilang beses ko nang nakita ang pagkalalake niya. Dahil ba sa tinagal-tagal na hindi ko siya nakasama?

O baka dahil nasa pampublikong lugar kami. Hindi pa namin nagagawa ito sa ganitong lugar noon. Pero ngayon, parang hindi na rin siya makapagpigil pa. Ako rin.

Nauuhaw ako.

“Dito na,” sabi niya. “Hindi ko na kaya.”

Muli akong lumunok, ngunit mas malagkit na sa puntong ito. “Hanap na lang tayo ng malapit na hotel. Mabilis lang naman ’yon.”

Dahil pinipigilan ko na maligaw ang mga mata ko sa kaniya—sa kahabaan niya—at baka pati ako ay hindi na rin makapagpigil, kinapa ko na lang ang gear stick habang nakatuon lang ang tingin sa harapan.

Pero iba ang nangyari. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa pupulsuhan ko. At naramdaman ko na lang ang paghila niya rito papunta sa kaniya, sa ibaba niya, at sa palad ko, may iba akong nahawakan.

“Ito na lang ang i-drive mo,” sabi niya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mas lalong nag-init ang mga pisngi ko. Ang tagal-tagal na rin mula nang mahawakan ko ito. Madalas, nakikita ko lang ito sa mga litratong ipinapadala niya. At ngayon, nasa kamay ko na ito, damang-dama ang laki at kinis ng kaniyang balat. Gamit ang kamay niya, ginabayan niya ang kamay ko sa pagtaas-baba rito.

Pagtingin ko sa kaniya, kita kong napasandal ang ulo niya sa headrest at napapikit siya. Kumawala ang mahinang ungol mula sa kaniya, at napakagat siya sa labi. Hanggang sa bitiwan niya na ang kamay ko. Pero sa hindi maipaliwanag, kusang gumagalaw na ito, at habang tumatagal, tila mas lalong bumibilis.

“Aaron, your hand is so warm. Keep going.”

Paano ako hihindi? May pagmamakaawa sa boses niya. Walong buwan. Walong buwan din mula nang huli ko siyang mahawakan. Alam kong matagal niya ring hinanap ang init ko. At alam kong higit pa ang kaya kong ibigay sa kaniya. Higit pa sa ganito.

“Gusto mo ba ng BJ?” tanong ko habang tuloy lang sa paglalaro sa kahabaan niya.

Agad siyang napamulat at tumango-tango, na parang nagmamakaawa ang mga mata.

“Sige, basta bantayan mo, ah,” kondisyon ko. “Kapag may dumaan, tapikin mo ako.”

Muli siyang tumango. “Y-Yes, I promise.”

Binasa ko ang labi ko habang tinititigan ang kahabaan niya. Bago isubsob ang ulo ay sumaglit muna ako ng tingin sa labas. Mukhang wala naman nang masyadong mga tao. At bakit ko ba nakalimutan? Tinted nga pala ang mga bintana nitong kotse kaya walang masyadong makakakita.

Nang madamang ligtas na, sinimulan ko na siya, tulad ng hinihiling niya. Ibinaba ko na ang kamay ko sa puno ng pagkalalake niya. Pagkatapos ay dinilaan ko ang tuktok nitong mamula-mula. May nalasahan din ako sa aking dila—ang maalat na paunang likidong tumakas dito. Sa ginawa ko, parang nanginig ang mga hita niya at mas lalo siyang napaunat habang nakaupo.

“Damn, Aaron,” usal niya. “Ang sarap mo.”

Natuwa ako sa aking narinig, pero mas natuwa ako nang iangat ang aking tingin sa mukha niya at nakitang napapapikit na naman siya dahil sa ginagawa ko.

Sandali akong natigilan nang mapagtantong, “Hindi ka naman nagbabantay. Nakapikit ka.”

Muli siyang napamulat. “Uh, sorry.”

“May tao?” tanong ko.

“W-Wala,” mahangin niyang boses.

Wala pala, eh ’di tuluyan ko na siyang isinubo. Sa ginawa ko ay para siyang sinuntok sa sikmura dahil sa lakas ng ungol niya. Parang hindi yata siya handa na buo kong tatanggapin ang kahabaan niya sa loob ng aking bibig. Wala nang pagbuwelo. Diretso na agad, doon din naman papunta.

Ilang beses ko na siyang pinagbigyan noon, pero hanggang ngayon, parang ito pa rin ang unang beses na nakapasok siya sa loob ng bibig ko. Sa mainit kong bibig na hindi pinakakawalan ang kaniyang laman—hindi hangga’t hindi siya tuluyang nilalabasan. Para na siyang mauulol sa bawat ungol.

“Aaron, you’re too hungry for this,” sabi niya. “You really missed me, didn’t you?”

Sinagot ko siya sa pamamagitan ng pagbilis pa lalo sa ginagawa ko. Dumoble naman ang lakas ng bawat ungol na binibitiwan niya, akala mo ay wala nang bukas. Hanggang sa hindi na siya nakapagpigil pa at hinawakan na ako sa likod ng ulo at ginabayan na rin ang bawat galaw ko.

“Easy, my boy,” tuloy niya. “You can always have this everyday. You’ll never get hungry.”

Habang abala ako sa ginagawa, naglakbay ang isa pa niyang kamay papunta sa aking likuran, hanggang sa madama ko ang unti-unting pagpasok nito sa loob ng aking pantalon at brief. Sunod na dumulas ang mahaba niyang daliri papunta sa aking pagitan, kaya mas lalo akong nag-init.

“You shaved, too,” pansin niya habang pinapaikot-ikot ang dulo ng daliri sa butas ko. “Your hole is so clean… so good.”

Mukhang sa SOGO pa nga kami didiretso.

Maya-maya pa nang makarinig ako ng mga ingay galing sa labas. Mahihinang ingay na parang napakalapit lang sa amin. Sa takot ay mas lalo ko pang isinubsob ang ulo ko sa kahabaan ni Pio at sandaling tumigil dito. Buong-buo ito sa bibig ko at abot hanggang dulo ng lalamunan. Saka kinabahan. Hindi dahil baka malagutan ako ng hininga—kaya ko pa, ’no—kundi dahil baka mahuli kami.

“Oh, damn, may… may mga tao…” Halos hindi na siya makapagsalita. “S-Saglit…”

Gusto ko siyang tingnan at tanungin kung napansin ba kami, kung narinig, at kung ano-ano pa, pero heto akong hindi makagalaw habang subo ko siya.

“Aaron, your mouth… is tight… and hot.” Mas lalong tumindi ang bawat ungol niya. “I think I’m gonna come…”

Naku po.

“Aaron, I’m gonna come!”

Pasidhi nang pasidhi ang ungol niya tulad kung paanong palakas nang palakas ang ingay na gawa ng mga tao sa labas, na hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan. Baka kami na nga yata ang pinag-uusapan. Pero lalabasan na si Pio. Ayoko siyang magkalat dito sa kotse. Tiyak na madudumihan at mangangamoy rito kapag nangyari iyon.

Hinugot niya na ang kaniyang kamay mula sa loob ng bulsa ng aking pantalon, at hindi pa siya nakuntento sa isang kamay lang na nakahawak sa aking ulo. Hinawakan niya ako gamit ang dalawang kamay. Kahit sagad na hanggang puno niya ang bibig ko, mas lalo niya pang ibinaon ang aking ulo. Hanggang sa sumabog siya sa loob ko.

Ito na ang pinakamalakas niyang ungol.

Pansin kong natahimik bigla ang mga tao sa labas, habang siya naman ay tuloy-tuloy lang sa pagpapakawala sa loob ng bibig ko at hindi pa rin matigil sa pag-ungol, tila walang pakialam sa mundo. Dumaloy ang ilan sa ibinuga niyang likido diretso sa lalamunan ko. Pero dahil masyadong marami ito, hindi ko nakaya sa isang lagok lang. Ngayon ay punong-puno ang bibig ko.

Nakarinig ako ng mga tawanan sa labas.

“Grabe ah, pati ba naman dito.”

“Hayaan mo na, besh, baka ’di na nakatiis.”

“Hindi puwede, nang-iinggit eh.”

Hindi nagtagal, humina na ang mga ingay. Mukhang nakalayo na ang mga napadaan. Saka ko hinugot ang bibig ko mula kay Pio.

“Don’t worry. They didn’t see our faces,” sabi niya na akala mo’y makatutulong ito.

Pagbalik ng tingin sa kaniya, mahinang pinalo ko siya sa tiyan at tiningnan nang masama. Saka siya napatigil sa pag-ungol at mahinang natawa habang nakatingin sa akin na punong-puno pa rin ang bibig. Matapos paulit-ulit na lunukin ang bigay niya, pupunasan ko na sana ang aking bibig, pero hindi niya ako hinayaan. Paghawak sa kamay ko, yumuko siya saka pinagmasdan ang gilid ng aking mga labi na may tira-tira pang likido na tumulo. Matapos ay dinilaan niya ito nang dinilaan. Hanggang sa pumasok ang dila niya sa loob ng aking bibig, at para akong nanghina.

Parang nawala ang lahat ng hiya ko dahil lamang sa isang malalim na halik mula sa kaniya. Parang hindi ako mapakali. Parang gusto ko pa. Parang kailangan ko pa. Hindi pa ako kontento sa ibinigay ko sa kaniya. Gusto ko, ako naman ang pagbigyan niya. At mukhang agad niya itong nabatid dahil itinigil niya na ang halik nang makitang parang uhaw na uhaw pa rin ako.

“Let’s get out of here,” boses niyang kasinglalim pa ng titig niya. “Take us somewhere you can scream while I make love to you. I’ll give you what you deserve.”


Bago umuwi, dumiretso na muna kami sa isang malapit na hotel. Sabay ding naligo. Oo, naligo pa ulit ako dahil pinagpawisan ako sa ginawa namin kanina sa loob ng kotse. Grabe naman kasi. Muntik na kaming mahuli. Nahuli na nga eh, hindi lang nakita. Buti na lang talaga at tinted.

Hindi pa nga tuyo ang mga buhok namin ay agad akong binuhat ni Pio papunta sa kama. Matapos akong ihiga, pumaibabaw siya sa akin at tinadtad ako ng halik sa labi, at tinangkang higupin sa leeg. Pero sandali ko siyang pinigilan nang may maalala.

“’Oy, teka, baka makita ni Mama,” sabi ko.

“So what?” Ngumisi siya. “’Di ba hindi ka na baby?”

Umiling ako. “Hindi na nga.”

“Look at your body.” Hinaplos niya ang katawan ko mula leeg hanggang dibdib. “Ang laki mo na.”

“Siyempre,” may hiya kong tugon. “Ikaw lang ba puwedeng magpalaki ng katawan?”

“No, I’m just worried na baka maraming magkagusto sa ’yo.” Pinaharap niya ang mukha ko sa kaniya. “Akin ka lang.”

Uminit ang mga pisngi ko at hindi na ako nakapagsalita pa, lalo pa’t nang ilapat niya ang kaniyang mga labi sa akin. Sa muling pagbaba ng mga labi niya sa aking leeg, hindi na siya nakapagpigil pa at tuluyan na itong hinigop. Napasabunot naman ako sa buhok niya at napahalinghing sa kakaibang sensasyon na ibinibigay niya. Pero mas lalo akong nabaliw nang naglakbay pa ang mga labi niya papunta sa aking dibdib. Nilaro ng matulis niyang dila ang aking utong.

Paikot-ikot. Pasalit-salit. Paulit-ulit.

Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis at dumiretso na ng punta papunta sa aking ibaba. Itinaas niya ang mga hita ko at pinabukaka ako. Nang maramdaman ko ang pagtama ng dulo ng kaniyang dila sa butas ko ay parang nanginig ang mga kalamnan ko. Pero nang sinimulan niya akong dilaan at kainin, dito na ako hindi nakapagpigil at hinayaang ilabas ang lahat ng ingay na kanina ko pa pinipigilan.

“Pio, shit!” ungol ko. “Ang tulis mo!”

Mas lalo pa niyang ginalingan ang pagkain sa akin. Wala pa nga kami sa sukdulan ay para na akong sasabog. Hindi puwede ’to.

“Pasukin ko na ba?” paalam niya.

Tumango ako habang nakasilip sa kaniya.

Sunod niyang sinubo ang daliri niya at binalot ito sa laway. Nang mapagtantong sapat na ang dulas nito ay ipinasok na niya ito sa loob ko. Mahaba ang daliri niya. Malaki. Kung kaya’t kahit isa pa lang ipinapasok niya sa loob, damang-dama ko ito. Nang dagdagan pa niya ito ng isa ay mas lalong napuno ang loob ko. Mas lalong humigpit. Pero ginawa niya nang tatlo.

“You’re so tight,” sabi niya. “I’ll make it fit.”

“Ang tagal na kasi,” sagot ko habang nakangiti. “Pero kaya pa rin naman kita.”

Kinalkal niya pa ang loob ko, tila may kinakapa. At nang makarinig siya ng mahinang ungol mula sa akin ay itinigil niya ang kaniyang mga daliri sa parehong puwesto, saka minsahe ito nang minasahe. Mas lalong lumakas ang pag-ungol ko at naramdaman ko ring may kaunting likido na lumabas mula sa aking pagkalalake.

“Is it good?” tanong niya.

“Oo,” nanghihina kong sagot.

“Do you want some more?” tanong niya.

“Oo,” muli kong sagot.

At mas lalo niyang diniinan ang pagmamasahe sa loob ko.

Nang matapos sa pagmamasahe ay sunod niya namang sinubukang galawin ang mga daliri niya papasok at paloob sa akin. Mabagal at maingat sa umpisa. Sa mga pagitan nito ay binubuhusan niya rin ng lube ang mga daliri niya kapag nakakalabas, kaya sa muli nitong pagpasok, mas lalong dumudulas, mas lalo ko itong natatanggap. Hanggang sa kayanin ko na.

“Ipasok mo na,” pagmamakaawa ko. “Pio, ipasok mo na, please.”

“Now you’re begging for more.”

Paghugot niya sa mga daliri niya, pumulot siya ng isang pakete ng condom sa gilid ng kama at isinuot ito. Binuhusan niya ito ng lube. Habang ako naman ay ramdam pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Parang nagbabaga na ang buong katawan ko, maging ang kaloob-looban. Hindi na yata ako makapaghintay. Hindi na makapagtiis.

“Do you want me so bad?” tanong niya habang itinututok ang nababalot niyang alaga sa butas ko. “Do you, Aaron?”

“Oo, Pio,” seryoso kong tugon.

“Are you ready?” muli niyang tanong.

“Oo, Pio,” muli kong tugon.

“Say, ‘Yes, Captain.’ “

“Yes, Captain.”

“I can’t hear you.”

“Yes, Captain!”

“Say, ‘Aye, aye, Captain.’ “

“Aye, aye—takte! Ano ’to, SpongeBob?”

Bumangon na ako sa kama at itinumba siya sa pinaghigaan ko. Ang daming kasing alam, kitang init na init na ako! Dahil hindi na makapaghintay, pinaibabawan ko na agad siya. Tila nanlaki naman ang mga mata niya at namula ang mga pisngi dahil sa ginawa ko, walang masabi. Hindi niya siguro inasahan na kakayanin ko siyang itumba. Madalas kasi, kapag lasing siya ko lang ito nagagawa. Well, kaya nga ako nagdyi-gym para sa mga ganitong tagpo.

“Captain, magaling kang magmaneho ng barko, hindi ba?” mapang-akit kong tanong. “Tingnan natin kung kaya mo ako.”

Hinawakan ko ang pagkalalake niya at inupuan ito. Mabilis itong dumulas sa loob ko, sa tulong na rin siguro ng ginawang pag-eensayo ng mga daliri niya kanina. Napanganga siya sa ginawa ko at halos malagutan ng hininga nang makapasok siya sa kaloob-looban ko. Nakaramdam naman ako ng bahagyang hapdi. Matagal na rin kasi mula nang huli niya akong mapasok. Pero kinalaunan ay agad akong nasanay.

Mabagal ang pagtaas-baba ko sa kahabaan niya sa umpisa, dinadama pa ang kabuuan niya, sinusubukang ikalma ang kalamnan. Hinga. Kailangan ko lang ng tamang paghinga, at unti-unti ay makukuha ko na. Para madagdagan ang kakaibang init sa katawan, hinaplos ko ang hulmado niyang abs sa may tiyan. Sayang naman kung display lang. Nilakbay ko ang bawat pagitan nito. Pataas nang pataas. Hanggang sa mapadpad ang mga kamay ko sa kaniyang dibdib. Gamit ang dalawang kamay ay hinimas ko ito habang pabilis nang pabilis ang pagtaas-baba sa kaniya.

“Aaron, I’m going crazy,” impit niyang sabi. “You’re driving me crazy.”

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, sabay nginisian siya. “Ano, bilisan ko pa ba?”

Hindi niya na ako kailangang sagutin pa, dahil imbes na salita ang lumabas mula sa bibig niya ay nagpakawala siya ng sunod-sunod na ungol nang bumilis pa lalo ang paghagod ko sa ibabaw niya. Dinig na dinig na ang bawat langitngit ng kama sa bawat taas at baba ko, at nang mapagtanto na pati ako ay nababaliw na sa ginagawa ay hindi na ako nakapagsalita pa, bagkus ay puro ungol na lang din ang pinakakawalan.

Mga ilang sandali pa nang maramdaman kong umangat ang mga hita niya. Akala ko ay ako pa rin ang may kontrol sa aming dalawa, pero pagbagon niya, kusa akong napatigil nang makita ang kagustuhan sa mga mata niya. Gusto niyang baliktarin ang sitwasyon. Kaya sa halip na pigilan siya, kusa akong napahawak sa mga balikat niya. Sunod niyang inunat ang katawan niya paatras at itinukod ang isang kamay patalikod, habang ang isa ay mariing nakahawak sa isang pisngi ng aking puwet.

“I’ll drive you mad if that’s what you want.”

Pagkatapos din mismo ng sinabi niya, naramdaman ko ang lakas ng puwersa niya na nanggagaling sa ilalim. Bumaon siya sa kaloob-looban ko at napapaangat ang katawan ko sa bawat bayong ginagawa niya. Nanumbalik ang kaunting sakit, pero hindi ko na ito ininda. Mas binigyang diin ko ang kakaibang sarap na nananalaytay sa buo kong katawan habang magkakonekta ang mga mata namin sa isa’t isa. Habang ginagawa niya ito ay sinunggaban ko siya ng halik. Mas lalo rin siyang bumilis.

Nang malaman niyang ipinapaubaya ko na ngayon sa kaniya ang buong katawan ko, ako naman ang itinumba niya. Niyakap niya ako nang buo tulad kung paano ako nakayakap sa kaniya habang siya ay nasa loob ko. Pero sinama niya sa pagkakayakap ang likod ng mga binti ko habang todo sa pag-unat ang mga paa papunta sa ulunan ng kama. Bago pa ako maka-ungol, agad niyang sinubsob ang bibig niya sa bibig ko at idiniin pa ang buong katawan ko pahiga sa kama. Saka niya tinuloy ang ginagawa niya. Kung kanina ay parang umaangat ako, ngayon naman ay parang bumabaon.

Paulit-ulit akong bumabaon sa kama. Paulit-ulit niyang hinahalikan. Hanggang sa madama ko na ang luhang tumulo sa gilid ng aking mga mata sa sobrang saya dahil muli na naman kaming nagkita. Walang makatutumbas sa pakiramdam na madama mo ang koneksyon sa isang taong mahal na mahal mo at kaisa sa laman.

Natigil na siya sa paghalik, pero tuloy pa rin siya sa pagbaon sa akin. Taas-baba. Sa puntong ito ay tinitigan niya na lang ako nang malalim sa mga mata at kita ko rin ang pamumuo ng mga luha niya. Dinig na dinig ang bawat palitan namin ng hininga.

“I love you,” tanging sambit niya.

Mas higit na pinaigting ng tatlong salitang binitiwan niya ang kagustuhan ko na muli siyang hagkan. Kaya ginawa ko. At muli ay lumaban siya ng halik. Hanggang sa bumilis nang bumilis ang kaniyang paghagod, sinasabayan ang bilis ng tibok ng aming mga puso. Bawat baon niya sa akin. Bawat pagtanggap ko sa kaniya. Bawat pagdidikit ng mga katawan namin. Parang ayaw na naming matapos pa ito.

Naramdaman ko na lang na sa huling baon niya, natigilan siya at pumintig ang laman niya sa kaloob-looban ko. Base sa pintig nito, parang nakalimang putok siya. Kusa rin akong naglabas ng puting likido at tumalsik ito sa kaniyang tiyan. Nang parehong humupa ang init ng mga katawan ay walang ibang maririnig kundi ang palitan namin ng hininga habang parang tangang nakangiti sa mukha ng bawat isa.

“Maya ulit?” tanong niya.

“Maya ulit,” sagot ko.

Pagkatapos ay pareho kaming natawa.

Sabay ulit kaming naligo bago umuwi sa bahay. Sa nag-iisa naming tahanan. Kahit madalas kaming magkalayo gawa ng trabaho, wala pa rin namang nagbabago sa amin. Mas lalo pa nga yatang tumitindi ang pagmamahalan namin sa isa’t isa.

Oo, mahirap ang magmahal ng isang seaman. Pero kung si Pio, sulit naman. Sulit ang bawat paghihintay. Sulit ang bawat sandaling kasama ko siya. Sulit ang bawat pagkakataong ipinadadama niya sa akin na ako lang ang tanging mahal niya.

Sa kabila ng lahat, wala na akong pinagsisisihan.