When Fools Rush In (COMPLETED)
Marthacecilia Phr · 23 chapters · 29,064 words
1
Maingat na pinasadahan ni Greg ng liha ang ginagawang crib na yari sa palochina. Sandali niyang itinigil ang ginagawa at tiningnan iyon. Sinuri. Yumuko siya para hipan ang mga pinaglihaan. Pagkatapos ay marahang hinimas iyon. Kinuha niya ang isang basahan at pinunasan ang crib. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
Hindi na niya mabilang ang baby crib na nagawa niya. At tuwing gumagawa siya ng crib ay lagi niyang naiisip na may bata sa loob niyon. And the image always brought a peculiar pang into his chest.
Hindi lang miminsang naisip ni Greg kung ano ang pakiramdam ng gumagawa siya ng crib para sa sarili niyang anak. But while the infant was easy to picture, its mother was something else. Hindi naman ito nabibili lang sa tindahan.
Marami namang babae ang dumaan sa buhay niya. At kagaya ng paggawa ng crib ay hindi na rin niya mabilang ang mga babaeng nagdaan sa kanya. Ilang babae na rin ang inakala niyang tama para sa kanya. Ngunit hindi naman nagtatagal ang relasyon niya sa mga ito. Somehow, the relationships had never quite developed into the kind of commitment that went with marriage and children.
Noong mga nakalipas na araw ay napapansin niyang parang balisa siya, a sense of something missing in his life. May matatag siyang trabaho, nasa ayos ang buhay niya, gayunman, tila may kulang pa rin. Something indefinable. There was a gap.
Nahinto si Greg sa pagpunas sa crib. Alam na niya kung ano iyon. He wanted a family. Wasn't it so bad? Iyong magkaroon ng sariling pamilya tutal nasa hustong gulang na naman siya at kaya namang bumuhay ng pamilya?
Pero hindi naman basta nakukuha o nabibili ang pamilya. It was something that grew out of a commitment to a woman and her commitment to you.
Napukaw ang pag-iisip niya ng tinig mula sa back door ng shop niya.
"Kailan naman kaya darating ang panahon na ang susunod mong gagawing crib ay para sa sarili mong anak?"
"O, Carlo," bati niya sa kaibigan.
Classmate niya ito mula pa noong unang taon niya sa kolehiyo. Wala siyang makita ritong maaari nilang pagkasunduan pero nakapagtatakang naging magkaibigan sila mula noon. Most often than not, Carlo was a pest. And yet he was the closest he could have as a brother.
"Masyado kang subsob sa trabaho, Greg. Paano ka makapag-aasawa niyan?"
"Ano na naman bang masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito?"
Lumapit ito sa crib at hinimas iyon. "Wala naman. Kanina pa ako nagdo-doorbell. Walang sumasagot. Mabuti na lang at dumating si Betty." Ang tinutukoy nito ay ang katulong niya.
"Hindi ko siguro gustong maabala. Kaya hindi ko pinapansin."
Hindi nito pinansin ang sarcasm niya. "Ano ka ba naman, nagsiuwian na ang mga tao mo'y nagtatrabaho ka pa. Alas-sais na, ah." Sinisipat nito nang husto ang crib. Hinaplos ng mga daliri. "Hmm... Ito na yata ang pinakamagandang crib na nakita ko sa mga ginawa mo."
Greg snorted. Kilala niya ito. Kapag pinupuri ni Carlo ang gawa niya, isa lang ang ibig sabihin—may kailangan ito. "Iyan din ang sinabi mo sa mga nauna ko pang nagawa."
Nagkibit ito ng mga balikat. "Magaling ka namang talaga."
Ngumisi lang si Greg. "Ano'ng kailangan mo? Sabihin mo na. May pasakalye ka pa, eh."
"Ako?" Carlo's eyes were the very picture of injured friendship. "Paano mo naman nasabing may kailangan ako?"
"Maglolokohan pa ba tayo?" Isinandal niya ang likod sa pader ng shop, naiiling na tiningnan ang kaibigan. "Why, you're so damn predictable, my friend. Nitong nakaraang linggo ay hiniram mo ang sasakyan ko. Bago pa iyon, ako ang pinapunta mo sa isang date na hindi mo masisipot. So, ano naman ngayon? Mangungutang ka?"
Tiningnan siya ni Carlo, animo ay nasaktan sa sinabi niya. "What are friends for? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan at nagbibilang ka ng ginagawa mong kabutihan sa akin."
Hindi niya pinansin ang eksaheradong pakunwaring pagdaramdam nito. He was instead amused. "Cut the theatrics, Carlo. Mangungutang ka? Akala ko ba'y naka-deal ka sa isang buyer ng real estate?"
"Para sa iyong kaalaman, hindi ako nagpunta rito para may hiramin o gawin kang proxy sa date ko, o kaya ay mangungutang. Dahil tama ka,
mucho ako ngayon. I am actually inviting you.“
"Saan naman?"
"Dinner. Sa resort ng tiyuhin ko sa Silang. Alam mo iyon, 'di ba?"
Tumango si Greg. Hindi ilang okasyon sa buhay ni Carlo ang ginanap sa resort ng tiyuhin nito sa Cavite. Katunayan ay kilala na niyang lahat ang buong pamilya ng kaibigan. Tulad din nito sa kanya.
"Ano na namang okasyon?" Ipinagpatuloy niya ang pagliha sa crib.
"It's a friend's birthday. Si Bianca. Remember her? Naikuwento ko na siya sa iyo, 'di ba?"
Sa dami ng babaeng inirereto ni Carlo sa kanya ay hindi niya maisip kung alin sa mga iyon ang sinasabi nito. "Bakit naman ako imbitado? Hindi ko naman kilala ang celebrant?"
"Ipinauubaya sa akin ni Bianca ang pag-iimbita sa mga kaibigan ko. Blowout ko kasi ito sa kanya. 'Yong kliyenteng ipinakilala niya sa akin ay bumili ng lupa sa Alabang. And I'm inviting you, Greg. Ginagarantiyahan ko sa iyong magugustuhan mo si Bianca."
He grimaced. "Stop playing matchmaker, Carlo. Tinalo mo pa ang Mama sa diskarte mo. Walang mangyayari sa ginagawa mong iyan. Nakakahiya naman doon sa mga babaeng inirereto mo sa akin dahil hindi ko sila magustuhan."
"Oh, not this time," puno ng kumpiyansang sabi nito. "I'm two hundred percent sure you will like Bianca. Matagal ko nang gustong ipakilala kayo sa isa't isa kaya lang mahirap pagtagpuin ang mga schedule ninyo. Pareho kayong laging abala."
"I don't think I can make it, Carlo. May rush—"
"You're becoming a hermit, Gregorio." Hindi nito hinayaang matapos ang sinasabi niya. "Kailan ka ba huling lumabas kasama ng isang magandang babae?"
"Nakaraang linggo lang," he said.
Umangat ang kilay ni Carlo. "Yeah. At sigurado ako na kung hindi si Samantha ay ang dalawang mga pamangkin mong babae."
Greg grinned. Lifting his shoulder. "Guilty."
Dalawang babae ang kapatid ni Greg. Si Sam, ang sumunod sa kanya ay isang empleyado sa gobyerno at sa Novaliches nakatira dahil tagaroon ang napangasawa nito. Dalawang batang babae ang anak nito.
Ang bunso ay si Luchie na isang nursing aide at nasa Italya at nakapag-asawa ng Italyano. Ang mama nila ay naroon na rin magmula nang magdalang-tao si Luchie.
Niyuko ni Carlo ang crib. "Mukhang finishing touches na lang ang kulang nitong ginagawa mo. Walang dahilan para ka tumanggi. Isa pa'y Sabado naman bukas at sa gabi gaganapin iyon. It's going to be a great evening, Greg. Believe me. Bianca's inviting her two friends, sina Pete at Jenny. I'm taking Trish."
"Hindi gugustuhin ng Bianca na iyon na may estranghero sa birthday niya. Sa ibang pagkakataon na lang, Carlo."
"Wala iyon kay Bianca. Besides, you're my friend. Come on, Greg," pamimilit nito. "Hindi ba ako ang nag-drive at nag-tour sa sampung pamangkin mo sa Boom na Boom Carnival? Nilibre ko pa sila pati snacks," pangongonsiyensiya nito.
"Dalawa lang ang mga pamangkin kong dinala mo roon, Carlo. And that was two years ago!"
Carlo smiled sheepishly. "Sa gulo ng mga pamangkin mong iyon katumbas nila'y sampung bata. Anyway, makabubuti sa iyo na lumabas ng bahay, Gregorio. Nagiging workaholic ka na. Ano ba ang balak mo? Pantayan ang yaman ni Bill Gates?"
Greg looked at his friend. Kapag hindi siya pumayag, walang gagawin si Carlo kundi kulitin siya nang kulitin. Sundan siya saan man siya magpunta at tatawagan sa telepono. Carlo was nothing if not persistent. Isa pa, marahil tama nga ito. Matagal na rin siyang hindi lumalabas para magliwaliw.
"Sige. Pero kapag may hindi magandang nangyari, huwag mo akong sisisihin."
Ngumiti si Carlo at pinagkiskis ang mga palad. "Magiging masaya ito, Greg. This is going to be a night to remember. You and Bianca are two of my favorite people and I really hope you'd hit it off."
2
“ISANG old maid,” naiiling na sabi ni Mrs. Lucinda Sebastian habang pinagmamasdan ang pag-aayos ng anak. “Hindi ako makapaniwalang ang kaisa-isa kong anak ay magpapakatandang dalaga lang.”
Bianca almost rolled her eyes. Ipinagpatuloy ang pagsusuklay. "Mom," she said in mild irritation, "matanda na ba ako sa tingin ninyo?"
Mula nang araw na tumuntong siya sa edad na beinte-singko, and that was three years ago, hindi na siya tinantanan ng ina. Tuwing kaarawan niya ay laging idinuduldol nito sa kanya na matanda na siya.
"Sa isang linggo, beinte-otso ka na, Bianca. Dalawang taon na lang at treinta ka na, ano ang tawag mo roon?" Bago makasagot si Bianca ay mabilis nitong dinugtungan ang sinabi. "Noong kapanahunan ko'y nag-aasawa na ang mga babae kinse pa lang."
"You're exaggerating, Mother."
"Pero tingnan mo ikaw, hanggang ngayon ay ni wala kang boyfriend!"
Hindi niya malaman kung matatawa o maiinis sa ina. Tuwing sumasapit ang birthday niya ay ganoon nang ganoon ang usapan nilang dalawa. Sana'y ini-record na lang niya ang usapan nilang ito noong twenty-fifth birthday niya.
She pulled a Kleenex from the tissue box and patted the lipstick on her lips.
"Mommy, kung magsalita kayo'y parang isang malaking kasalanang hanggang ngayon ay wala pa akong boyfriend." She pouted her lips. Sinisipat ang pagkakalagay niya ng lipstick.
"You don't even have a man in your life, Bianca," patuloy ni Mrs. Sebastian at sinabayan ng paghugot ng pagkalalim-lalim na hininga. "Hindi mo ba gustong magkaasawa... at magkaanak?"
"Siyempre, gusto ko rin. Pero ano ba ang magagawa ko kung hindi pa dumarating ang lalaking para sa akin? Isa pa'y nag-e-enjoy pa ako sa buhay-dalaga. I'm leading a full, productive life. And I'm busy with my boutique. At hindi naman ako namumuhay na tila mongha. I go out with my friends once in a while." Nginitian niya ang ina pero ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Hindi ko alam kung may mali sa pagpapalaki ko sa iyo, Bianca," patuloy nitong paghihinagpis at tinitigan siya nang matiim. "O, baka naman ikaw ay..." Ibinitin nito ang sinabi at nagdududang pinakasuri-suri siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Baka naman ikaw ay... tomboy?"
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paghalakhak. "Now, you're being ridiculous. Twenty-eight pa lang ako, Mommy, hindi eighty-eight!" Umiling siya, nasa mga labi pa rin ang labis na kaaliwan.
Isang buntong-hininga ang ginawa ni Mrs. Sebastian. "Nag-aalala ako sa iyo, Bianca. Paano kung wala na ako? Sino ang titingin sa iyo? Sino ang mag-aasikaso sa iyo kung wala kang asawa? Kahit boyfriend man lang ay mapapanatag na ako."
"Fifty ka pa lang, Mommy. You even look ten years younger. And you're strong and healthy. Hindi ka pa mawawala at aabutan mo pa ang mga apo mo." Dinampot niya ang bag sa ibabaw ng kama.
"Kahit manawari," patuloy nito. "At ang gusto ko lang naman ay maiiwan kitang maligaya, hija."
"Having a man in your life doesn't guarantee happiness, Mommy. Saka tingnan mo nga iyang mga nagsisipag-asawa nang maaga riyan, karamihan ay sa hiwalayan din nauuwi."
"Huwag mong tingnan iyan sa negatibong paraan, anak. It is just a matter of finding the right man."
"Exactly, Mommy. And right now, Mister Right seems nowhere to be found. But don't worry, Mother dear, when I find him, I'll be more than happy to latch on to him."
"Paano mong mahahanap ang 'right man' kung lagi ka na lang nasa boutique mo?"
"'Ma, I am socializing, trust me. At hindi ba kayo natutuwang may sarili akong matagumpay na negosyo?"
"Wala akong sinasabing masama sa boutique mo, Bianca. Ang totoo niyan ay natutuwa ako para sa iyo. Natitiyak ko rin kung nabubuhay pa ang papa mo ay ganoon din ang mararamdaman niya. But a boutique doesn't make up for not having a man. It is important to have someone in your life, darling. Someone to lean on, someone to share the good times and the bad."
"Natatandaan mo ba, Mommy? Iyan din ang sinabi n'yo sa akin noong nakaraang taon, and the year before that."
"Maganda ka at marami namang manliligaw pero bakit wala kang maibigan sa kanila, hija? Kailan ka ba huling nakipag-date?"
"Last week."
Sandaling natigilan si Mrs. Sebastian. "K-kanino?"
Nilingon niya ang ina. "Kay Ian. Mabait siya. Guwapo, and we had a wonderful time together."
Muling humarap si Bianca sa salamin, kunwa ay sinisipat ang sarili. Hindi niya gustong matawa at makadama ng guilt. Hindi naman siya nagsisinungaling. Taglay naman talaga ni Ian ang lahat ng mga sinabi niya. Tama ring nag-date sila. Inaya siya ni Ian na lumabas dahil may iniaalok itong insurance sa kanya.
Hindi nga lang niya masabi sa ina na binabae ito. Well, at least, hindi na siya kukulitin ng ina. Malaman lang na nakipag-date siya ay mapapanatag na ito.
"Mabuti naman kung ganoon," wika nito na medyo umaliwalas ang mukha.
She almost rolled her eyes. Just as she predicted. "Aalis na ako, Mommy. Puwede bang samahan mo muna si Tessa sa shop? Aalis ako nang maaga mamayang hapon."
"Walang problema. Pero bakit?"
"Baka gabihin ako ng uwi. Gustong i-celebrate nang maaga ng mga kaibigan ko ang birthday ko."
Tumango si Mrs. Sebastian at tumayo na. "O siya. Darating ako roon nang alas-tres."
Pagkalabas ng ina ay muli niyang sinuri ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang sariling repleksiyon.
Dalawang taon pa naman ang lilipas bago siya mag-treinta. Gayunman, ang tingin sa kanya ng ina ay tila otsenta anyos na siya sa halip na beinte-otso.
She sighed. Napakabilis lumipas ng panahon. Sa Lunes, beinte-otso na siya. And very much single. Ni walang boyfriend. O kahit prospective boyfriend.
Dapat ba niyang ikalungkot iyon?
No. No… Kailanman ay hindi niya ikinabahala na single siya. Dahil hindi naman sa pagkakaroon lang ng boyfriend nakatuon ang paningin niya. Marami na siyang nagawa sa loob ng dalawampu’t walong taon ng buhay niya.
She had her own very successful boutique and she loved her work. Sa katunayan nga ay nagbabalak pa siyang magtayo ng isa pang branch sa Virra Mall.
Inilapit ni Bianca ang mukha sa salamin. It looked much the same to her. The same delicate bones, na minana niya sa mommy niya. The same mouth, the lower lip just a bit too full. Wala pa naman siyang nakikitang mga guhit sa mukha. Kahit na pino. Hindi siya pumapalya sa paggamit ng mamahalin at imported na mga moisturizers.
Walang dapat ipag-alala.
3
Pagkatapos ng tatlong paghinto sa daan para magtanong, narating ni Bianca ang restaurant/resort ng tiyuhin ni Carlo sa Silang. Kinse minutos bago mag-alas-otso, ayon sa relo niya sa dashboard ng kotse niya. Maaga naman siyang umalis ng boutique niya sa Makati pero naipit siya sa traffic sa coastal road.
Goodness, marami namang lugar na puwedeng pagdausan ng dinner treat ni Carlo ay hindi niya mawari kung bakit sa Silang pa. Marahil may discount ito sa tiyuhin. Ang pagkakaalam niya ay mayor sa bayang iyon ang tiyuhin ni Carlo...
"Silang!" bulalas niya nang sabihin ni Carlo kahapon ng umaga kung saan siya nito iti-treat.
"It's a resort at the same time, Bianca. You can bring your swimsuit and—"
"Ang layo ng Silang, Carlo. Gagabihin tayo sa pag-uwi."
"Ano ba naman ang inaasahan mo? Manggagaling pa kami sa office. Basta, seven-thirty dapat nandoon ka na. Anyway, kung medyo napasarap ang huntahan at kainan natin, may mga cottages naman doon at maaari tayong mag-overnight."
"Ay, naku, hindi ako mag-o-overnight," naniniyak niyang sabi. "Alas-onse y media na ang pinakamatagal dapat. Mag-aalala ang Mommy kapag hindi ako umuwi. At hindi pa nangyaring hindi ako umuwi mula sa lakwatsa."
Hindi niya nabanggit sa ina na sa Silang ang celebration dahil hapon na nang itawag sa kanya ni Carlo iyon. Pero natitiyak niyang panatag naman ang ina pagdating kay Carlo bagaman hindi pa gaanong matagal ang pagkakakilala nila rito.
Nakilala niya ito sa pamamagitan ni Jenny na inaanak ng mommy niya. Sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Jenny nagtatrabaho si Carlo bilang assistant architect. At si Jenny rin ang nagrekomenda sa kanya na siyang magdisenyo ng boutique niya nang magpa-renovate siya halos isang taon na ang nakalipas.
Dahil madali itong pakisamahan, naging magkasundo sila. Next to Jenny, Carlo was a good friend. Hindi nga lang niya matiyak kung ano ang totoong gender nito. She didn't dare ask. Kahit si Jenny ay hindi rin matiyak iyon dahil nakikipag-date naman ito. Katunayan, ayon kay Jenny ay may ka-date si Carlo sa gabing iyon.
Muling ibinalik ni Bianca ang pansin sa restaurant-cum-resort at ipinasok ang kotse sa loob ng solar niyon. Hinanap ng mga mata niya ang kotse ng mga kaibigan nang matanaw ang kotse ni Carlo sa pinakadulo ng parking. Doon niya itinabi ang sasakyan niya.
Hindi muna siya bumaba at pinag-aralan ang buong paligid. It wasn't bad after all. Ni hindi niya matanaw ang madilim na kalangitan sa makakapal na dahon ng nagtatayugang puno ng niyog na nakapaligid. Sa daan kanina papasok sa resort ay mga puno rin ng niyog ang nasa magkabilang gilid ng daan.
Ang natatanaw niyang naiilawan nang malamlam ay tiyak na ang pool. Sa di-kalayuan niyon ay cottages na yari sa kawayan. Sana ay sa araw ginawa ni Carlo ang treat na iyon sa kanya. Baka mas gugustuhin pa niyang mag-swimming. Pero sa kaunting oras na itinalaga niya sa sarili ngayong gabi, wala na siyang panahong mag-swimming kaya hindi na rin siya nagdala ng pampaligo.
Tama nang pagbigyan niya si Carlo sa pagnanais nitong i-celebrate ang birthday niya. Utang daw nito sa kanya iyon sa komisyong nakuha nito mula sa kliyenteng ipinakilala niya rito.
Oh, well... hindi naman niya ito inobliga. Katunayan ay umayaw siya pero mapilit ito. Besides, naisip niyang maliban sa gabing iyon ay walang celebration na magaganap sa birthday niya. She didn't feel like celebrating her birthday next week. Sa totoo lang, hindi man niya tanggapin, naapektuhan siya sa sinasabi ng ina na wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon.
Nang lumabas siya ng bahay kaninang umaga ay ipinangako niya sa sariling pagkatapos ng birthday niya ay seseryosohin na niya ang pag-e-entertain sa mga manliligaw niya. Pipilitin niyang hanapin si Mr. Right.
Lumabas si Bianca ng kotse at binaybay ang may-kadilimang parking lot patungo sa restaurant. Malapit na siya sa pinto nang bigla iyong bumukas at lumabas ang isang binatilyo. Natabig siya nito at ang dala nitong tray ng inumin ay natapon sa mismong harapan niya.
"Hey!" Napatili siya. Tumagos ang lamig sa damit niya.
"Naku, ma'am, sorry po..." anito at hindi malaman kung ano ang gagawin. Inilapag ang tray sa ibabaw ng barandilya na nakapalibot sa restaurant.
"Hindi ka kasi nag-iingat!"
"Eh, ma'am, ito po kasi ang back door. Wala pong customer na nagdadaan dito," pangangatwiran ng binatilyo na sa wari ay tagapagsilbi kung ang pagbabasehan ay ang puting polo nito.
Napailing si Bianca sa inis pero hindi na kumibo. Nagpupuyos na bumalik siya sa sasakyan niya. Orange juice ang natapon sa damit niya at malagkit. Ihahatid marahil nito sa dalawang pares na natanaw niya sa poolside.
Nagmamadali niyang kinapa sa clutch bag ang susi. Kumalat na ang likido sa damit niya. Nagngingitngit na isinuksok niya ang susi sa susian. Ngunit nailaglag naman iyon.
Napaungol siya sa inis.
"Hey, need help?"
Nasa posisyon siya na inaaninag ang susi sa lupa nang marinig ang baritonong tinig. Tumingala siya para tingnan kung sino ito. Pero hindi niya gaanong mapintahan dahil nakayuko siya. Sa tantiya niya ay kararating din lang nito dahil hindi pa naisasara ang pinto ng sariling sasakyan.
"No. Thanks," aniya at tumuwid.
"Nakita ko nang matapunan ng waiter ng dala-dalang inumin ang damit mo."
"So?" sarkastiko niyang sagot. Naiinis siya at hindi niya iyon naibuhos sa boy dahil kahit paano ay naaawa siyang pagalitan ito. Sa estranghero nauwi ang inis niya.
Pero mukhang hindi nito alintana ang pagtataray niya. May kinuha ito sa loob ng sasakyan nito at iniabot sa kanya. "It's wet towelettes. You can pat it on your dress, para hindi ka manlagkit."
Hindi niya inabot ang towelettes at muling ipinasok sa susian ang susi. "Huwag na. Salamat. Kaya ako bumalik sa sasakyan ko'y para kumuha ng pamunas." Hindi niya alam kung aware ang lalaki kung saang banda siya natapunan. Mabuti na lang at printed ang damit niya at hindi bumakat ang nabasang dibdib.
"Oh. Okay," anito. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang ibinalik nito ang wet towelettes sa dashboard ng sasakyan nito.
Binuksan ni Bianca ang kotse at inabot ang kahon ng Kleenex at idinampi-dampi sa dibdib niya. Nang mag-angat siya ng paningin ay nagulat pa siya nang makitang nandoon pa rin ang lalaki.
"Wala ka bang ibang pupuntahan?" she snapped at him.
"Hihintayin kita," sagot nito.
Napatda siya. Suddenly she looked and felt worried. "B-bakit mo ako hihintayin?" Pasimple niyang iginala ang paningin. Medyo hindi maganda ang nararamdaman niya. At noon lang niya napansin na nasa madilim na parte siya nakaparada.
Marami pa siyang gustong gawin. Gusto pa niyang umabot sa twenty-eighth birthday niya sa Lunes!
Husme .
"Hindi ako masamang tao," wika nito na tila nahuhulaan ang tinatakbo ng isip niya. "Ang mismong iniisip mo ang dahilan kung bakit hindi kita iniiwan. Madilim dito at maaaring may mga customers na lasing na sa bar. Hindi ka dapat dito pumarada."
"Oh." Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Bianca.
She darted a glance at him. He was big and tall. Nakasuot ng sports shirt na sa palagay niya ay abuhin ang kulay mula sa malamlam na liwanag sa malayong poste. Nakapaloob iyon sa denims na nakahapit sa matipuno nitong mga binti.
Kahit sa dilim ay hindi maipagkakailang magandang lalaki ito. Almost too handsome. Heaven knew, she'd grown past the stage of wanting to date a man just because he happened to be the most attractive specimen of masculinity she'd ever seen. Kaya nakapagtatakang tila natutulala siya sa pagtitig dito.
Tikhim nito ang nagpapitlag sa kanya. Ipinagpasalamat niya ang dilim at hindi nito makikita ang pagkalat ng pula sa mukha niya. Nagbawi siya ng tingin at inayos ang sarili.
"Kung sa restaurant ang punta mo'y sasabayan na kita," patuloy nito.
Nahihimigan ni Bianca ang amusement sa tinig nito. "Sa ladies' room ako," nairitang sagot niya. Mas na para sa sarili. "At salamat sa pag-aalala."
Hindi niya hinintay na may isagot ito at tinalikuran na niya sa nagmamadaling mga hakbang. Hindi niya gustong makasabay ang lalaki. Kung bakit ay hindi niya tiyak. He was certainly polite. And yet she couldn't dismiss the idea that he might have wanted to pick her up.
Sa washroom ay sinikap niyang alisin ang lagkit sa damit sa pamamagitan ng pagbasa ng panyo niya sa gripo at pagkatapos ay ipinahid sa bahaging nabasa. Kasabay niyon ay ang pagsingit sa isip niya ng anyo ng lalaki.
He was gorgeous. Sana ay pinagbigyan niya itong makisabay sa kanya. Akala ba niya ay bibigyan niya ng pagkakataon ang sariling hanapin si Mr. Right?
The man seemed nice. At maalalahanin. If he had wanted to pick her up then she should have played along. Hindi naman siya nag-iisa dahil nasa loob ng restaurant sina Carlo. At least she would enjoy the next three hours by subtly flirting with the man then forget all about him when she went home.
"Oh, well..." She shrugged her shoulders. Isa sa mga flaws niya—hindi niya gusto ang ganoong paraan ng mga pagkakilala. She didn't want to take chances on strangers. So, her life was boring. At least, it was safe.
Printed silk naman ang damit niya. Sa lamig na nanggagaling sa air-condition ng restaurant ay matutuyo rin iyon. Sinipat niya ang sarili sa salamin. Kinuha ang compact powder at nag-retouch. Pagkatapos ay lumabas na.
Sa entrada ay hinanap ni Bianca ng tingin ang mga kaibigan. Agad naman niyang nakita ang mga ito. Kamay ni Carlo ang agad niyang nakita dahil eksaherado ang pagkaway nito sa kanya.
"Bianca!" tawag nito.
Nakangiti siyang lumakad patungo sa mesa ng mga ito.
"Happy birthday," bati ni Carlo, tumayo at hinagkan siya sa pisngi. "Akala nami'y naligaw ka na."
"Truth is, tatlong beses akong nagtanong," aniya, tinanggap ang halik mula sa mag-asawang Pete at Jenny.
"Bianca, si Trish," pagpapakilala ni Carlo sa kasama nito.
"Hi," nakangiti niyang bati. Sa sulok ng mga mata niya ay may napuna siyang lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng dalawang pinagdugtong na mesa.
She almost grimaced. Nahuhulaan na niya kung ano ang susunod na mangyayari. Sa pagkakangiti pa lang ni Carlo ay natitiyak na niyang pinlano nito ang blind date niya. This wasn't a first.
"Bianca, I want you to meet Greg. Greg, si Bianca, ang birthday celebrant." Isang pilyong ngiti ang nakaplaster sa mga labi ni Carlo.
Bianca rolled her eyes.
Sabi na nga ba. Another of Carlo’s matchmaking stuff. She suppressed a sigh. Walang interes niyang nilinga ang lalaki. Then a soft gasp came out of her lips. Biglang naging eratiko ang pintig ng puso niya sa di-mawaring dahilan.
Ang lalaki sa parking lot.
"Hello again," he said, a lopsided smile tugged at his mouth. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya. Atubiling inabot iyon ni Bianca. His palm felt hard and warm, calloused as if he worked with his hand.
"Hi."
"What do you mean by 'again,' Gregorio? Magkakilala kayo?" Carlo's eyes went from one to the other, missing nothing.
"Hindi naman," wika ni Greg. "Nagkita lang kami sa parking lot kanina."
Hindi nakaligtas sa paningin ni Bianca ang mapaghinalang mga mata ni Carlo. Of course, he didn't want his plans to be preempted.
Muli ay bumaling sa kanya si Greg. "Pasensiya ka na kung nakiki-celebrate ako. Mapilit si Carlo." Ngumiti ito sa kanya na para bang siya lang ang nakikita nito.
Agad na pinigil ni Bianca ang sarili sa pagbibigay ng kahulugan doon. Some men were just born knowing how to make a woman feel important. This man was certainly one of them.
She smiled casually. "It's okay." Lihim niyang sinulyapan si Carlo at matalim na tinitigan.
Carlo pretended not to notice. Ang mukha nito ay nagliliwanag sa tuwa. Binuksan ang isang bote ng alak. "Okay, guys, let's celebrate," wika nito at sinalinan ang mga kopita nilang lahat. Pagkatapos ay nilinga si Bianca. "How does it feel now that you're twenty-eight, Bianca? Malapit ka nang mawala sa calendar at wala pang boyfriend."
Nagkibit siya ng mga balikat at pilit na ngumiti. She realized she was offended. Akala niya ay hindi siya mapapabilang doon sa mga babaeng naiinsulto kapag nababanggit ang edad. Nakapagtatakang iyon ngayon ang nararamdaman niya. Gusto niyang mapahiya sa harap ni Greg.
"You sound like my mother, Carlo. She thinks I'm doomed to be an old maid."
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kaibigan niya, ngunit si Greg ay nakatitig lang sa kanya na para bang may nasabi siyang hindi maganda.
"Knowing Ninang Lucinda..." komento ni Jenny, smiling.
"You'll survive," ani Carlo na nakangiti. Tumayo ito at itinaas ang wineglass.
Nagsunuran ang iba. Including Greg. Everyone touched their glasses to hers, murmuring their good wishes. Si Greg ang pinakahuli. Kasabay ng paglalapat ng mga kopita nila ay ang pagtatama ng kanilang mga mata. Gusto niyang umiwas ng tingin. Pakiramdam niya ay nababasa nito ang nararamdaman niya. Pero tila may magnet ang mga mata nito dahil hindi niya magawang iiwas ang tingin.
"Sa pinakamagandang old maid na nakilala ko." His quiet tone soothed her in some indefinable way. Para bang inaalis nito ang mga ginagawang pag-pressure sa kanya ng mommy niya kanina. And it was as if she wasn't twenty-eight but eighteen.
Silly of her.
"Thank you," aniya at ang mga mata ay nakatitig pa rin kay Greg, and somehow, the evening didn't seem bad.
4
Sa sumunod na mga oras ay nakalimutan ni Bianca na noon lang sila nagkakilala ni Greg. There was something about him that made it impossible to stay uptight. Masigla itong kausap, palakaibigan. At may sense of humor, one of the things she admired in a man. Hindi niya kayang tagalan ang seryosong lalaki na tila ba pasan ang mundo.
And it didn't hurt that he looked at her as if he found her as attractive as she found him.
"Sigurado akong kinukulit ka na naman ng mommy mo, Bianca," komento ni Jenny.
"Sinabi mo pa. Ilang beses kong ipinaliwanag sa kanya na hindi naman big deal sa ngayon kung wala pang asawa sa ganitong edad." Bumaling siya kay Greg. "Ikaw? Hindi ka ba kinukulit ng mother mo?"
Nabigla siya sa tanong at hindi na niya iyon mababawi pa. Ni hindi nga siya sigurado kung wala nga itong asawa. Nakakatatlong shot na siya at nawawala na ang tact niya.
"Oh, I'm sorry," bawi niya. "You aren't married, are you?"
His grin was sexy. Suddenly Bianca was breathless. "Yeah. Binatang-taring. Iyan ang sabi sa Katagalugan. And yes to your first question. Baka mas makulit pa ang mama ko kaysa sa mommy mo. I'm thirty-three, at ako na lang ang hindi niya nahihiwatigang nagbabalak mag-asawa."
She shook her head in dismay. "Pare-pareho ang mga magulang. Akala nila kapag nagpakasal ka, eh, iyon na ang magdadala sa iyo sa walang-hanggang kaligayahan."
"It does," sang-ayon ni Jenny. Masuyong nilinga ang asawa na nananatiling tahimik at nakangiti lang. "Kung hindi ba'y di wala na sanang gustong mag-asawa."
"Listen to her," sabat ni Pete. "Tinutukan niya ako ng shotgun para lang magpakasal kami."
Everybody laughed. Siniko ni Jenny sa tagiliran ang asawa. Tumayo si Pete at inakay ang asawa sa dance floor. Sumunod sina Carlo at Trisha.
"Care to dance?" anyaya ni Greg.
"You don't have to offer the obligatory dance. I won't mind sitting here."
Bahagyang napaangat ang mga kilay nito. "If you think it is obligatory, then you're very well mistaken, ma'am. I love to dance with you."
Her smile was pure pleasure. Nagiging magaan na ang pagngiti niya dahil sa nainom.
"Pero hindi ako marunong sumayaw. One of my frustrations."
"Sinisira mo ang sarili mong kaarawan. Isa pa, hindi naman mahirap matuto. Besides, isa sa mga favorite songs ko ang tinutugtog." He smiled at her boyishly.
She couldn't help not to smile back. "An Eric Clapton fan?" Kasalukuyang pumapailanlang sa ere ang
Wonderful Tonight.
Kinuha ni Greg ang isang kamay niya. Hindi na niya namalayang nagpaakay siya rito sa dance floor. Sinimulan siyang isayaw nito.
She discovered that Greg's arms felt every bit as strong as they looked. Masyadong masikip ang dance floor, kaya hinapit siya nito sa baywang palapit dito.
Hindi niya nakuhang magprotesta man lang. Besides, it felt wonderful to rest her cheek on the soft cotton of his shirt. Nararamdaman at naririnig niya ang bawat pintig ng puso nito.
She raised her face to him. Halos hindi na niya ito maaninag sa nainom niya. "You dance well..."
His eyes hooded. His smile soft. Hindi malaman ni Bianca kung sino ang mas maraming nainom sa kanila. Sa sulok ng isip niya ay walang ginawa si Carlo kundi salinan ang baso nilang lahat at pagkatapos ay kakanta ng birthday song.
"Practice makes perfect," wika nito. "Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga kapatid na babae."
"May... mga kapatid kang babae?"
"Dalawa. Ang bunso'y halos dalawang taon nang kasal at nasa ibang bansa. Ang sumunod sa akin, si Sam, ay dalawang babae ang anak. Sa tuwing JS prom ng mga iyon ay sa akin nagpa-practice para sa sayaw sa cotillion."
"Nag-iisa lang ako." Napakunot-noo siya na tila noon lang naisip iyon. "Marahil kaya masyadong nag-aalala sa akin si Mommy."
"Twenty-eight is not that old, Bianca."
She pouted, unconscious of how pretty she looked. "Tell that to my mother. Besides, I'll probably die an old maid." Hindi niya malaman kung bakit nasabi niya iyon.
"Oh, I don't think so."
She stared at him, blinking owlishly. "Hindi? Paano mo naman nasabi iyan?"
He shrugged. "You're too lovely to be destined for an old maidhood."
"Why, thank you," she said breathlessly, taking the compliment graciously. Nasisiyahang inihilig niyang muli ang mukha sa dibdib nito.
Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap ni Greg sa kanya. But she didn't care. Being in his arms felt good.
Natapos ang awitin ni Eric Clapton pero nanatili sila sa gitna ng dance floor kasama ng ilan para sa panibagong tugtugin. The music was a slow romantic ballad. Marahang umangat ang mga kamay ni Greg sa likod niya. Bianca felt a slow shiver work its way up her spine, an awareness she'd never felt before.
Hindi na gaanong gumagalaw ang mga paa nila. Para bang pakunwari na lang na nagsasayaw sila. Muli siyang tumingala. Their gazes locked. The room, the night, everything faded away, she was lost in his brilliant eyes.
Habang ibinababa nito ang mukha, hindi niya matiyak kung may mali sa kanyang paghinga. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat nito, her lips parting in soft anticipation.
When his lips touched hers, it felt so right, so perfect that a sigh came out of her throat. Para bang nahalikan na siya nito noon pa man. Her arms slid upward to circle his neck as her mouth softened beneath the pressure of his lips.
His lips were warm and firm, coaxing, hungry, demanding, promising. Bianca's head spun with the pleasure of it. Tomorrow she might blame her reaction on too much wine, but tonight she had the sense of destiny. This moment, this kiss had to happen.
Bahagyang kumurap ang mga mata niya nang marahan siyang ilayo ni Greg. Tila ba walang nakapansin sa mga nangyari. Tila silang dalawa lang ang naroroon. Tumitig siya rito, pakiramdam niya ay tila ba nahuhulog siya sa nangingislap nitong mga mata.
She was falling further and further until she could never climb out.
Pagkatapos ng ilang sandali ay naging malabo na ang lahat. Nang muli niyang alalahanin ang mga nangyayari, naging tila hiwa-hiwalay sa mga alaala niya. Pakiramdam niya ay naging maluwang ang kinatatayuan nila. Na tila nawala ang lahat ng mga tao. Ngunit pakiramdam niya ay idinuduyan pa rin siya.
Nakarinig si Bianca ng mahinang tawanan. Ng palakpakan at pagbati. Muli ang alok ng alak ni Carlo. And she had a vague sense that she was the center of this approval. Malinaw sa kanya na may hawak siyang bungkos ng mga bulaklak.
Bakit siya may hawak na bulaklak?
Naramdaman niyang may muling humalik sa kanya. Kapareho ng halik noong nagsasayaw siya. There was someone with her, in dim and private. Someone strong and warm who held her, kept her safe.
5
ISANG nakaririnding ingay ang nagpagising kay Bianca. Parang gustong sumabog ng ulo niya sa ingay na iyon. Gusto niyang tumayo at patayin ang pinanggagalingan ng ingay, ngunit lalo lang sumakit ang ulo niya nang piliting kumilos at iangat ang ulo.
Iniangat niya ang isang kamay. Kinapa ang maaaring maabot. Matigas na bagay ang nahawakan niya. May palagay siyang mesa iyon. Nararamdaman niyang nanginginig ang mesa. Nakapa niya ang pinanggagalingan ng ingay.
Cell phone. Nagba-vibrate pa iyon.
Pilit siyang dumilat para pindutin ang answer button at itinapat sa tainga niya. "Hello?" Her voice sounded as thick and fuzzy as she felt.
"Bianca? Ikaw ba 'yan?" wika ng nasa kabilang linya.
Hinawakan niya ang noo. Masakit ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong uri ng sakit. Tila ba binibiyak ang ulo niya. At maliban sa ulo niya ay may nararamdaman pa siyang nananakit sa katawan niya na hindi agad matukoy.
"Mommy..." she croaked. Nakapikit pa rin siya. Wala siyang balak bumangon. Lalo lamang tumitindi ang sakit ng ulo niya kapag kumikilos siya.
Dammit, if there was one thing she hated most—headache in the morning. "Mom, do you have to wake me up?"
"I need to talk to you, Bianca. You didn't even tell me."
Didn't even tell her mother what? "Saan ka ba naroroon nang ganito kaaga at napatawag ka?" she asked her mother. Nasa palengke na ba ito?
"Hindi ako dapat tumawag, pero hindi ako makapaghintay na sermunan ka," patuloy nito. Pero ang tono ng boses ng mommy niya ay hindi tonong gustong magsermon. Her mother sounded as if she was about to burst with pleasure.
In the first place bakit nga naman siya sesermunan nito? she thought groggily. Nagpaalam naman siya kahapon na gagabihin siya ng uwi.
"Mom, bakit ba? Inaantok pa ako... masakit ang ulo ko." Ibinaon niya ang mukha sa unan, umaasang mawala sa linya ang ina at talagang io-off niya ang cell phone.
"Hija, bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi naman ako tututol, alam mo iyon."
"Ano ba ang pinagsasasabi ninyo?" She groaned, mula sa tumitinding sakit ng ulo at sa sinasabi ng ina.
Hinawi niya ang buhok na nakasabog sa mukha niya. Slowly, she opened her eyes, wishing the headache gone. Ang unang natuunan ng paningin niya ay ang kisame. No. That was wrong. Walang kisame siyang nakikita. Ang nasa itaas ay sala-salabat na kawayan at bubong na nipa.
Kawayan. Nipa. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa cell phone. This wasn't her room! Kaya siya tinatawagan ng ina dahil wala siya sa bahay nila! Hindi niya nakuhang umuwi nang nagdaang gabi!
Tuluyan na siyang nagmulat ng mga mata. Lahat ng hibla ng antok ay tuluyang naglaho, pero hindi ang sakit ng ulo at katawan. Iginala niya ang paningin sa hindi pamilyar na paligid.
Inalis ni Bianca ang puting kumot na nakatabing sa katawan niya at nagtangkang tumayo nang matantong hubad siya.
Hubad? As in hubad.
Nasaan siya? Bakit siya nakahubad? At bakit parang nananakit ang katawan niya? There was something she should remember.
Naririnig niya ang boses ng mommy niya mula sa hawak na cell phone. Subalit ang atensiyon niya ay wala na rito. Mas may mahalagang bagay na nagpipilit umokupa sa isip niya... mas mahalaga pa kaysa sa sinasabi ng mommy niya. Sinisikap niyang alalahanin kung ano ang nangyari sa nakaraang gabi subalit ayaw gumana ng isip niya.
Damn headache.
Someone just groaned. Someone very nearby. Someone in the same bed. Mabigat ang ulong nilinga niya ang pinanggalingan ng ungol.
Natutop niya ang bibig. "Oh, my...!" Nabitiwan niya ang cell phone at bumagsak iyon sa sahig na muling nagpaungol sa lalaking nasa tabi niya.
Lalaki. May kasama siyang lalaki. Sa iisang higaan!
Impit siyang napatili at hinablot ang kumot at nagmamadaling ibinalabal iyon sa hubad niyang katawan. Ang nangyari sa nagdaang gabi ay unti-unting bumabalik sa isip niya. May nakatapon ng juice sa damit niya... then there was this gorgeous man... pagkatapos ay ang pagbaha ng alak... mga tawanan ng mga kaibigan niya... and then things became blurrier.
Muli ay umungol na naman ang nasa kama. Shock, she gazed at the bed's occupant. So big and so bare. At ni hindi niya gustong alisin ang mga mata habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng matipunong katawan nito.
Bits and pieces of the previous evening flashed her mind. She remembered dancing with the man... a man with mischievous smile and sexy grin and with eyes as dark as the devil. Then there were other memories, a little mistier, a little harder to recapture. Perhaps because she didn't want to linger on those memories. Pero sapat iyon upang mag-init ang mga pisngi niya.
Oh, god, what had she done? That explained the heaviness and tenderness she felt in the most privates of her body.
Walang salitang gustong lumabas sa bibig ni Bianca habang nakatitig kay Greg. She was in a cottage, in Silang, in bed—naked—with a man she had known less than twenty-four hours. And she had given her virginity to this stranger.
And, as the final insanity, tinawagan siya ng mommy niya na ang sabi ay magsesermon pero mas mukhang ang tinig ay tila nanalo sa lotto. Oh, god. Paano nito nalaman? Dahilan ba ang hindi niya pag-uwi para malaman nito ang ginawa niya?
She went dead still when the bed's occupant groaned again and then turned over, exposing an endless expanse of bare chest and... and... oh, god, he was fully aroused, hard as a flagpole. Mabilis niyang ibinalik ang mga mata sa mukha nito.
His lashes flickered and then lifted. The dark eyes were now bloodshot as he stared at her for a long silent moment. Muli nitong ipinikit ang mga mata at muli ring binuksan, tila umaasang isa lang siyang imahinasyon. Groaning, he buried his face in the pillow.
Inikot niya nang inikot ang kumot sa katawan niya na tila ba matatakpan niyon ang nangyari kagabi.
"Huwag mong alisin ang mukha mo diyan sa unan, magbibihis ako," utos niya rito sa nanginginig na tinig.
"As you wish," sagot ni Greg kasabay ng muling pag-ungol at pagtutop sa noo. "I'm going to die... I never had a hangover like this in my whole life."
"Tell me about it," she murmured.
Nagmamadali niyang inayos ang pagkakatapis ng kumot at inikot ang paningin sa paghahanap ng mga damit niya. Nang mahagip ng tingin niya ang ilang pirasong papel na nasa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama at nakaipit sa table lamp.
Nagdikit ang mga kilay niya. It looked like documents. May border na itim ang tagiliran ng papel. Humakbang siya patungo roon at dinampot ang dokumento. Binasa. She gasped aloud.
"What?" Bumaling si Greg sa kanya, nakatutop pa rin ang kamay sa noo.
Sinulyapan niya ito at bigla rin niyang inalis ang mga mata. The man didn't bother to cover himself, now half-aroused. Color tinged her cheeks.
"Basahin mo!" Her voice sounded like the voice of doom. Ibinagsak niya rito ang dalawang magka-staple na dokumento nang hindi nakatingin dito.
Bumangon si Greg mula sa pagkakahiga at naupo sa gitna ng kama, napangiwi sa tumitinding sakit ng ulo. He muttered something unintelligible. Inabot ang papel na bumagsak sa gilid ng kama.
"Maaari bang takpan mo naman ang sarili mo?" ani Bianca.
Tumingala ito sa kanya. Sa kabila ng pananakit ng ulo ay ngumisi. "Last time I heard you were so anxious to rid me of my shirt and jeans."
Bianca gasped in horror. If that was the biggest lie she had ever heard!
Despite the headache, Greg chuckled. Muling bumaba ang tingin sa dokumento. Matagal muna nitong tinitigan iyon na para bang pilit ipinapasok sa isip kung ano ang nakasulat doon. Under another circumstances, it wouldn't have taken him more than a moment to read and assimilate the information on the form.
Pero hindi ordinaryong sirkumstansiya ang nangyayari. Kinukumbinsi nito ang sariling hindi naman ang nabasa ang nakasulat doon. He didn't want to take a chance on misinterpreting anything.
Office of the Mayor of Silang, Cavite. A Certificate of Marriage.
"This is... a marriage certificate."
"Ha-ha-ha," Bianca said sarcastically. Itinatago sa sarcasm ang kung ano-anong emosyong nararamdaman.
"A marriage certificate," muling usal ni Greg. A simple paper that united two people in the bonds of holy matrimony. Malinaw ang pagkakasulat ng mga pangalang naroroon.
Gregorio Vargas. Bianca Sebastian.
Ipinikit nito ang mga mata. Iisa lang ang ibig sabihin ng isinasaad sa papel. They were married.
Bits and pieces of what happened came to mind. Greg met an attractive woman. He danced with her, kissed her, and he thought he had never kissed a woman as sweet as her lips were.
She told him she was an old maid. Definitely not. How could a lovely woman be an old maid? He was willing to marry her himself, he remembered thinking last night.
Tinanggap ni Greg ang lahat ng inuming ibinibigay ni Carlo. He didn't usually drink more than what was necessary. He still had to drive back home. But last night was different. It was as if for the first time in his life, he had met a woman that attracted him so. And it was this woman's birthday. He wanted to celebrate with her.
“Pareho kayong tumatanda na, Greg, Bianca…” The words were blurred and yet he remembered that was what Carlo said. “Bakit hindi kayo magpakasal? My uncle’s authorized to marry you.”
Sa nanlalabong diwa ay natatandaan niyang nagpalakpakan ang mga nakapaligid bilang pagsang-ayon. Alam niyang biruan lang ang lahat. He had gazed at Bianca who was smiling, her eyes hardly focused on anybody but him.
She had been aware only of the laughters and teasing. Pero tulad niya ay natitiyak niyang marami na rin itong nainom. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nanatiling nasa baywang nito ang kamay niya.
Sa gitna ng ingay mula sa videoke sa restaurant ay natatandaan niyang umalis sila roon. But they never really left the building because he didn't remember coming out of the restaurant. May pinasok silang pasilyo patungo sa isang opisina.
Hindi na niya maalala kung ano ang nasa loob ng opisina. Everything was hazy and blur. There was a man. Hindi niya matiyak. He laughed as if sharing a joke with them. And the next thing he knew was an applause and then he kissed Bianca who had just been too willing to meet his mouth.
Then he remembered Carlo ushered them to a cottage not so far from the pool... this cottage, in fact. He would have loved to remember every bits and pieces of what happened last night in this bed and etched them in his mind.
Tumingin siya kay Bianca. Nakatayo ito at nakasandal sa may pasimano ng bahagyang nakabukas na bintana. Despite the damn ache in his head, Greg couldn't help running an appreciative eye over the smooth length of her back. Tila ito si Venus de Milo sa pagkakatapis sa puting kumot. Gusto niyang panghinayangang hindi matanaw ang kabuuan ng katawan nito.
Nilinga siya nito. He smiled.
"Good morning, Mrs. Gregorio Vargas..." he said in a husky voice.
6
“Shut up!” Bianca hissed. “Nakuha mo pang magbiro!” Dinampot niya ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.
This can’t be happening! Nagmamadali niyang tinungo ang banyo. Umaasa siyang paglabas niya ay wala na ang lalaking ito at panaginip lang ang lahat.
Naghilamos siya. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata, trying to piece together the memories of the night before. He'd kissed her and made love to her. He remembered his gentleness, iyon ay sa kabila ng marami na itong nainom, tulad niya.
Nakapagtataka namang malinaw iyon sa isip niya. She'd really done it. She had sex with a stranger. Then married him. Oh, no. Not in that order. Married a stranger and had sex with him. At least, there was nothing immoral about it.
Hah! If that was of any consolation.
How could she had done this kind of irresponsibility?
Paglabas niya ng banyo ay bihis na rin si Gregorio at nakaupo sa gilid ng kama at hinihintay siya. "Look..." he started.
Iwinasiwas ni Bianca ang kamay. "Hindi ko gustong pag-usapan ang nangyari.
That document is fake!“ Itinuro niya ang hawak nitong papel.
"It looks genuine," he said. "Unless this isn't your signature." Itinuro nito ang pirma sa ibaba ng dokumento. "Sa iyo ba ang pirmang ito?"
She gritted her teeth. Hindi gustong sumagot. Nakita na niya kanina ang signature niya. It was hers. Kahit humapay ang pagkakapirma natitiyak niyang kanya iyon.
"I don't know how this happened but I am certain this is my signature. The strokes were mine."
"No," pagpipilit niya sa matigas na tono. "Somebody made a joke of this. Hindi ako naniniwala diyan!"
"Paano ang nangyari sa atin? Hindi ba kapani-paniwala ang nangyari kagabi..." Nilinga nito ang kapirasong bloodstain sa kama.
Bianca gasped in horror. Then groaned. Sa kahihiyan at sa kung ano-ano pang damdaming nag-uunahan sa dibdib niya.
Pagkuwan ay kinalma niya ang sarili at hinarap ito. "So, all right, we made... we had sex. Hindi kita sinisisi roon, pareho tayong nalasing. It was all my fault—"
"Bianca, please calm down. Pag-usapan natin ito nang maayos. Ayon dito sa dokumento ay kasal tayo... So—"
"Naloloko ka na ba? Hindi puwedeng maging totoo iyan. Hindi tayo dapat—hindi kita dapat—" Hindi niya makuhang sundan ang sasabihin. Nagkakandautal na siya.
"Nagpakasal?"
"Tama at—"
"Then spent the whole night making love... our honeymoon?"
"Shut up!" muli niyang singhal dito, pilit pinaglalabanan ang kahihiyang nararamdaman. "Walang matinong tao ang gagawa niyan, kahit pa gaano karami ang nainom nila."
"People have done stranger things."
"Puwes, hindi ako ang ganoong uri ng tao. I don't do things like this or that on impulse." Ikinumpas ni Bianca ang mga kamay, indicating herself, the bed, at higit sa lahat ang kaharap. "And we're not married! Period."
"Pero ito mismo ang sinasabi ng mga dokumento. Kasal ka sa akin," ani Greg at iniharap pa sa kanya ang papel na para bang hindi niya nakita iyon. "At may singsing pa."
"Singsing?" Nanlaki ang mga mata niya. Tumuwid ang mga daliri. May singsing sa middle finger niya. Hindi niya napuna iyon kaninang naghihilamos siya. Lumipat ang mga mata niya sa daliri ni Greg. Naroon ang kaparis ng singsing na nasa kanya. Nanghihilakbot na hinugot niya sa daliri ang singsing at inihagis sa kama.
Bale-walang dinampot ni Greg iyon at sinipat, ganoon din ang singsing nasa daliri nito.
"This isn't fake. Must be eighteen-carat white gold."
"Trust me, the rings are fake. Hindi totoo ang nakasaad sa dokumentong iyan. This is a big joke!" Halos sumisigaw na siya.
"Totoo man ito o hindi. Kailangan pa rin nating mag-usap," ani Greg sa malumanay na tinig. "Kung hindi man dahil sa marriage certificate na ito, dahil na lang sa nangyari sa atin kagabi."
"Huwag mong ipaalala sa akin! At natitiyak kong may nasa likod ng lahat ng kalokohang ito. There must be." Nanginginig ang tinig niya sa galit. Hindi malaman kung uupo ba siya o tatayo sa tensiyong nararamdaman. My god, no sane woman would give her virginity to a total stranger!
But perhaps last night she wasn't sane. She remembered feeling so happy and safe in this stranger's arms. She groaned at the thought.
Matalim niyang tinitigan si Greg. "Nakapagtataka ka naman. Bakit parang kalmante ka sa nangyayaring ito?"
"One of us must be sensible. And you're hysterical. Tama lang na—"
Hindi nito natapos ang sinasabi nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila bago parehong itinuon ang paningin sa pinto.
"Sino 'yan?" si Greg.
"Room service, sir," sagot ng nasa labas.
Humakbang si Greg patungo sa pinto at binuksan iyon. Bumungad dito ang isang unipormadong lalaki. Tulak-tulak ang isang tray na may lamang percolator at tatlong mug. Kasunod nito ay isang pamilyar na bulto.
"How's the happy couple?"
"Ikaw!" Greg made the word sound like a curse.
Ngunit hindi man lang natinag o nagulat si Carlo. Sa halip ay maluwang itong ngumiti. Dumukot ng pera sa wallet at inabutan ng tip ang nagsilbi at pagkatapos ay pinalabas na.
"Ano ang alam mo sa nangyayaring ito, Carlo?" sita ni Greg.
"Good morning to you, too, Greg," bale-walang sabi nito, sinulyapan si Bianca na nakatayo sa gitna ng silid. "'Morning, Bianca."
Ni hindi nakuhang sumagot ni Bianca na gustong manliit.
Kinuha ni Carlo ang isang mug at sinalinan ng kape at saka nilingon si Greg. "Bakit ka ba nagagalit sa akin, ha, Greg?" Humigop ito bago muling nagsalita. "Ikaw naman ang um-order pa uli ng dalawang bote ng scotch. Mas marami ka pa ngang nainom sa akin."
Abot-abot ang pagtitimpi ni Bianca para hindi mainis. Napakakalmado ni Carlo sa mga nangyayari. Na para bang ang naganap ay ordinaryo lang.
"Na ibig sabihin ay hindi ka lasing kagabi?" nagdududang tanong ni Greg.
Nagkibit ito ng mga balikat. "Hindi ako sanay na naglalasing."
Bianca's eyes were in slits. "Alam mo ba kung ano ito?" Kinuha niya kay Greg ang dokumento. "This is a marriage certificate! May pangalan ko at pangalan niya." Nilingon niya at itinuro si Greg bago ibinalik ang tingin kay Carlo. "Paano mo ito maipapaliwanag?"
Umatras nang bahagya si Carlo. "Teka... teka. Bakit parang nararamdaman kong ako ang sinisisi ninyong dalawa?"
Si Greg ang sumagot. "Dahil sinabi mo lang na hindi ka lasing kagabi. Bukod pa roon, tiyuhin mo ang nakapirmang nagkasal sa amin."
"Nagkakantiyawan kagabing magpakasal kayo, 'di ba?" Hindi hinintay ni Carlo na may sumagot sa dalawa na parehong nakakunot ang mga noo at agad na sinundan ang sinabi. "Ang sabi ko'y nasa opisina si Tito Segundo at maaari niya kayong kasalin. You both agreed. Everybody agreed. At iyang mga singsing na suot ninyo'y totoo. Lagi nang may handang pares ng singsing ang tiyuhin ko. Utang ninyo iyan sa kanya."
Napamura si Greg.
"Kantiyaw lang iyon, Carlo," ani Bianca na muling pumaloob sa tinig ang panghihilakbot. "Kung totoo man nga ang sinasabi mo, biruan lang iyon. At hindi ka lasing. Dapat ay pinigilan mo kami."
"Believe me, I did," katwiran ni Carlo na nagkakamot ng ulo. "Mapilit kayong dalawa. Sabi mo'y hindi mo gustong maging old maid. Ikaw naman, Greg, sabi mo'y hindi mangyayaring maging old maid si Bianca dahil pakakasal kayo."
"So, pinigil mo kami, ha?" Greg said sarcastically.
"Ano'ng gusto mong gawin ko? You were bound and determined that getting married was a great idea. Ang tangi ko lang nagawa ay ang tumayo bilang best man mo," sagot nito at ngiting-ngiti na parang nakakaloko. Tila tuwang-tuwa na makita silang dalawa na magkasama.
"Sina Pete at Jenny? Hindi ako makapaniwalang pati ang dalawang iyon ay nakiayon," patuloy ni Bianca sa panggagalaiti. "At iyong girlfriend mo?"
Umiling lang si Carlo. "Pareho na ring lasing ang mga iyon. Si Trish, naiyak pa nang nagpapalitan kayo ng vow. She was your witness, Bianca. At si Pete at Jenny... well, nauna pang maghanap ng bakanteng cottage kaysa sa inyo. Kung nakita n'yo lang ang lahat, maaaliw kayo. Kaya lang, masyadong nakatuon ang pansin n'yo sa isa't isa."
"Oh, god!" Bianca wailed. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa subalit iniwasan niyang mapatitig kay Greg. Ipinapaalala lang nito ang mga nangyari. Tumalikod siya pero agad ding humarap. Gusto niyang magsalita, ngunit napipigil kapag napapatingin siya kay Greg.
7
SI GREG ay hindi inaalis ang paningin kay Bianca na paroo’t parito sa apat na sulok ng silid na iyon. There was something so essentially feminine in the gentle sway of her hips. He remembered the way she looked this morning, the sheet wrapped around her gorgeous body, her hair tangle on her shoulders, her eyes full of shock at finding him in the bed beside her.
She was still beautiful, kahit may hangover pa. Saglit na napangiti si Greg, kahit lasing siya ay hindi pa rin siya nagkamali sa pagpili ng babae.
Subalit agad din niyang inalis ang mga iniisip. Seryosong bagay ang kinasasangkutan niya ngayon. Dapat ay makakaramdam siya ng takot o mangilabot man lang sa mga nangyari. Nang dahil sa pagkalasing ay umabot siya sa sitwasyong iyon. Pero sa pagtataka niya, hindi takot o pangingilabot ang nararamdaman niya.
And last night, though he was drunk, was something to be treasured.
Naagaw ang pansin niya nang lumakad si Bianca patungo sa rolling tray para magsalin ng kape. Napansin niya ang panginginig ng kamay nito. She was so tensed. Hindi siya magtataka kung mag-crack ang tasa sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito roon. Her eyes reflected all the distress he should be feeling, too, but wasn't.
"Nangyari na. We're married and that's all there is to it. Wala nang dahilan para magsisihan pa tayo," ani Bianca na nakatingin kay Carlo. Hatred reflected in her eyes. "Ang kailangan nating gawin ay ayusin ang gulong ito. We will file annulment. That simple."
Isang katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo. Napatitig dito si Greg. She was sipping her coffee in silence.
"Bakit?" Umalingawngaw sa buong silid ang tanong na iyon ni Carlo.
"Anong bakit?" ganting-tanong ni Bianca. Si Greg ay nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kanila.
"Bakit ninyo kailangan ng annulment?"
Bianca's mouth dropped open, her eyes wide in disbelief. "Naloloko ka na ba? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang dahilan?" She turned to Greg. "It's obvious, hindi ba, Greg?"
Naunahan siya ni Carlo sa pagsagot. "What is very obvious to everyone's eyes was your attraction to each other. So, anong masama kung nagpakasal kayo?" He lifted his cup in Bianca's direction. "Anyway, pareho naman kayong iisa ang problema sa kasalukuyan—inaapura kayo ng mga magulang ninyong mag-asawa na. Hindi ka na kukulitin ng mommy mo. Kasal ka na. Wala na siyang dapat ipag-alala."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Bianca sa sinabing iyon ni Carlo. May naalala. "Ang Mommy, tumawag siya sa akin ngayong umaga. She sounded different..."
"Oh, tinawagan niya ako maaga pa lang kanina dahil hatinggabi pa lang ay tinatawagan ka na niya. Walang sumasagot sa mobile mo..." Pilyo ang ngiting sumilay sa mga labi ni Carlo. "Sinabi ko sa mother mo ang totoo."
Bianca's groan had the sound of doom.
"So, there, Bianca," patuloy ni Carlo, "tapos na ang problema mo sa mommy mo."
"Hindi namin kilala ang isa't isa. Alam mo iyon." Tumingin ito sa kanya na tila humihingi ng tulong sa pagpapaliwanag. Pero hindi siya kumikibo at nakatitig lang kay Carlo habang nagsasalita ang lalaki.
"So what? Sa palagay ba ninyo'y lahat ng mga nagpapakasal ay magkakilala—I mean, do they really know each other? Ang nakikita lang ng isa't isa ay ang gustong ipakita ng bawat isa—good impression, 'yong best character. And marriage is only the start of knowing each other. It's a lifetime process, Bianca..." he said in a tone full of wisdom.
"Are you out of your mind?" Bianca exclaimed. Nilingon siya nito. "Bakit hindi ka magsalita? Bakit ako lang ang nagpapaliwanag dito? Bakit hindi mo sabihin sa kanya na kalokohan ang lahat ng ito?"
Greg met her eyes. His broad shoulders lifted. "Pakinggan muna natin ang iba pa niyang sasabihin."
Tila batang nagpapadyak si Bianca sa narinig. "This is crazy! Hindi mo gustong makasal sa akin!" Nang hindi siya sumagot ay muli nitong inulit iyon. "Do you?"
"Hindi ko pa alam." Ang sagot niyang iyon ay nagpatahimik kay Bianca. Tinitigan siya nito, disbelief in her huge eyes.
Carlo grinned. "Iiwan ko muna kayong dalawa at mag-usap kayo nang husto. You both think about it. It might not be such a bad arrangement." Tinungo nito ang pinto at lumabas.
“NAGBIBIRO ka lang. I’m sure you do.” Bianca’s tone pleaded with him to agree. “You can’t possibly be serious about this. Hindi natin kilala ang isa’t isa. Kaya hindi tayo maaaring manatiling kasal.”
"You want another cup?" tanong ni Greg. Ito man ay nagsalin ng kape sa isa pang mug matapos salinang muli ang walang laman na niyang mug. "Masakit pa rin ang ulo ko."
Kinuha ni Bianca ang mug na sinalinan nito at pagkatapos ay naupo siya sa kama. Si Greg naman ay naupo sa sofa na hindi kalayuan, stretching his long legs out in front of him.
"How are you feeling?" His tone was so gentle that Bianca felt tears sting in her eyes.
"Stupid. Confused. Like a total fool. Hindi ko kayang isiping nagawa ko ang... ang..." Hindi niya makuhang tapusin ang sinasabi, tahimik niyang sinulyapan ang higaan at mabilis na dinala sa bibig ang mug ng kape at humigop.
He was watching her, his expression was difficult to read. But there was certainly no judgement or criticism there.
"I know that, Bianca," he said gently.
Isang mahaba at malalim na hininga ang ginawa niya. Bakit parang hindi ito nag-aalala sa sitwasyon nila? Na parang ang lahat ay magiging madali lang.
"Alam ko namang nagbibiro ka lang," patuloy niya. "I mean, 'yong manatili tayo sa ganitong sitwasyon, mahirap talagang pakitunguhan si Carlo. I hate what he did."
"Totoo. Pero hindi ako nagbibiro. I think we should talk about our options.
All our options.“
Bianca gaped at him, hindi makapaniwala sa sinasabi nito.
A smile broke Greg's lips. "Is it so awful to contemplate being married to me?"
"You are every woman's dream, Greg. I-I mean..." she stammered, blushing like a bride. "It's nothing personal. Kaya lang, hindi natin kilala ang isa't isa. Ang dalawang tao na hindi magkakilala ay hindi basta-basta nagpapakasal."
"Karaniwan na, yes. Pero nagawa natin. Don't you think it might be fate?"
Fate? Nagpapatawa ba ito?
"I don't believe in fate, Greg. Life is cause and effect. Responsable tayo sa resulta ng ginawa natin," wika niya. "Tulad ng hindi ito dapat nangyari kung hindi tayo nalasing. Fate has nothing to do with it. At kailangan nating gumawa ng paraan."
Her voice was firm and determined. Sa mga naririnig niyang sinasabi ni Greg mula pa kanina ay tila nagpapahiwatig ito na manatili sila sa ganoong kalagayan. Stay married. The idea was incredible. Ridiculous. Nonsense.
"Pag-isipan mo, Bianca. Sa palagay ko'y hindi naman ito masamang ideya. Hindi ko alam sa iyo, I'm thirty-three but I haven't had a whole lot of luck finding someone to share my life with."
"Hindi sa ganitong paraan." Bakit ba parang nagiging makatwiran dito ang nangyayari?
"Bakit hindi? Pareho naman tayong unattached. Hindi na rin tayo mga bata. Why not explore the possibilities?"
Hinawi ni Bianca patalikod ang ilang naligaw na buhok sa mukha niya. Sana nasa bahay na siya. Gusto na niyang maligo. Gusto na niyang magpahinga, matulog muli at magising na ang lahat ay hindi nangyayari. Isang panaginip lang.
Saglit siyang sumulyap kay Greg. He looked so relaxed, sprawled in the chair. Talaga kayang kalmante ito? Hindi man lang ba ito nababahala sa mga nangyayari? He looked as if nothing ever disturbed him.
Mga uri ng lalaki na puwede mong sandalan, kahit na anong panahon, she thought.
Hindi niya kailangan iyon, agad na tanggi ng kabilang bahagi ng isip niya. She was a strong woman. Independent. Sa isip niya, kaya lang nagpapakasal ang babae dahil hindi nila kaya ang mag-isa.
But wouldn’t it be nice to have someone to come home to? Isang bahagi ng isip niya ang nagsabi.
Agad niyang binura sa isip ang mga iyon. She'd done incredibly stupid last night pero hindi ibig sabihin ay hahayaan na lang niya iyon. Sumabay sa agos. That wasn't her style.
"No." Sinabayan niya iyon ng iling. "It would never work. It's an interesting idea. Pero walang mangyayari."
"Bakit hindi mo muna pag-isipan, bago ka magpasya?"
Muli siyang umiling. "Hindi na kailangan. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan. The idea is nuts."
Huminga nang malalim si Greg. "Pag-usapan muna natin ito, Bianca."
"Pag-usapan? Hindi ba't iyon na ang ginagawa natin mula kaninang magising tayo?"
Agad na bumangon ang inis sa dibdib niya. Kanina pa pinangangatwiranan ni Greg ang nangyari sa kanila. At naiinis siya, dahil palagay niya ay nagiging tama na ito. Anuman ang gustong sabihin ni Greg ay hindi na niya gustong marinig pa.
"Let's get ourselves out of this situation," she said. "Let's have this marriage annulled."
8
“Bianca.” Greg’s voice was quiet, but something in it drew her eyes to him. He looked concerned, regretful. Pero ang ekspresyon ng mukha nito ay nagbabadya na hindi ito basta sasang-ayon na lang sa magiging pasya niya.
“What?” padabog na sagot ni Bianca. At wala siyang pakialam kung isipin man nitong kumikilos siyang parang bata.
"I am not in the habit of marrying a woman, making love to her and then divorcing her the next day. It's just not my style. Not to mention that there's no divorce in this country..."
"We can have it annulled!"
"Especially not when that woman happens to have been a virgin," dugtong ni Greg na parang hindi siya nagsalita.
Bianca's eyes jerked up to his. At pagkatapos ay muli ring iniwas ang mga mata. Natitiyak niyang namumula siya. Sana ay huwag na lang nilang pag-usapan pa ang nangyari.
Mas gusto na lang niyang umuwi, to her lonely bed and bury her head under the covers and stay there for the next five or ten years. She never felt so humiliated in her life.
"It's no big deal," she murmured.
Humakbang ito palapit sa kanya. Ni hindi siya nakaimik nang maupo ito sa tabi niya at hawakan ang kamay niya. Then gently, he said, "Don't lie, Bianca. Sa unang pagkakataong nakipagtalik ang isang tao ay isang malaking bagay."
Sinisikap niyang bawiin ang kamay subalit hindi iyon binibitiwan ni Greg. Nang mag-angat siya ng mga mata ay naroon ang simpatya sa mga mata nito. Unti-unting natunaw ang galit niya.
She sighed miserably. "Kalimutan na natin ang lahat, Greg. Wala na tayong magagawa pa roon."
"You're right. But we can build on it."
She smiled drily. "You don't build on drunken marriage."
"Bakit hindi?" He searched her eyes. "Huwag mong itangging walang atraksiyong namagitan sa ating dalawa, Bianca. Drunk or not, we wouldn't have gotten married last night if we didn't feel something for each other."
"Attraction, yes, but—"
"We've got this far, Bianca. Why don't we give it a try? Besides, annulment takes months, even years." She was weakening. Nararamdaman ni Greg iyon at nagpatuloy ito. "You slept with me last night... we made love and—"
"I was drunk! I have never been that drunk all my life."
"So was I. Pero hindi kaya sadya tayong nagpatangay sa alak para malaya nating magawa ang mga bagay na hindi natin magagawa kung hindi tayo nakainom?"
She snorted. "You sound like a cross between Freud and a liquor salesman."
Greg grinned, nahihimigang unti-unti na siyang bumibigay. "Let's give it a try, Bianca."
Bigla siyang tumayo. "Hindi ako makapaniwalang binibigyan ko ng konsiderasyon ang sinasabi mo! This is ridiculous. Paano kung magkaproblema? Ni hindi ko alam kung saan ka nakatira. Hindi mo alam kung saan ako nakatira. Sino ang lilipat? Paano kung burara ka? Paano kung iniiwan mo lang ang mga gamit mo sa kung saan-saan. Paano kung hindi mo magustuhan ang mommy ko?" Natutop niya ang bibig. "Ang mommy ko. Paano ko ito ipapaliwanag sa kanya?"
Tinawid ni Greg ang kaunting espasyo sa pagitan nila. Muli nitong inabot ang mga kamay niya. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito bago nagsalita. Animo ay nabunutan ng tinik.
"I already like you," anito. "I'm reasonably neat. Hindi ako makalat. May sarili akong bahay. Sigurado akong magugustuhan ko ang mommy mo. Pero kung hindi, I can still manage to be civil and polite. Karamihan naman ay hindi gusto ng in-laws nila, but that doesn't mean the marriage is doomed."
She was rendered speechless. He made it all reasonable. Alam niyang magugustuhan ng mommy niya si Greg. Presentable ito. Bukod pa sa lahat yata ng ipakikilala niya sa mommy niya ay tatanggapin nito mag-asawa lang siya.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Bianca. Napayuko sa magkasalikop nilang mga kamay. Bakit bigla siyang nakadama ng kaginhawahan na tila ba hinigop ni Greg ang kaba at pagkalito na bumabalot sa pagkatao niya?
"Bianca, wala akong aasahan sa iyo. Hanggang sa handa ka na. Maraming bakanteng silid sa bahay. Puwede kang mamili. I wouldn't pressure you."
She blushed, keeping her eyes down. Pinahahalagahan niya ang mga sinabi ni Greg. She trusted him. Hindi niya alam kung bakit, sa kabila ng estranghero ito at sa mga nangyari ay may tiwala siya rito.
She looked at him, trying to read something beneath his calm façade. Natitiyak niyang panlabas na kapayapaan lang ang nakikita niya sa mukha nito. Hindi siya makapaniwalang sa ganoong kalagayan nila ay magiging ganoon kakalmante ang isang tao.
Pero wala siyang mabasa sa mga mata nito.
Still waters run deep. She had the feeling the phrase applied to this man.
"Y-you really want this, don't you?"
"Yes."
"Pero bakit?"
Binitiwan ni Greg ang mga kamay niya bago nagsalita. "Lagi na lang sinasabi sa akin ng mama ko na hindi ko inaamin ang mga pagkakamaling nagagawa ko. Isa marahil iyon sa mga dahilan kung bakit gusto kong ituloy natin ito. Gusto kong ituwid at maging tama ang nangyari."
Inabot ni Bianca ang kaninang iniinom na kape. Napatitig siya sa laman niyon, na para bang naroon ang lahat ng sagot sa mga problemang kinasangkutan niya.
Kung siya lang, isang malaking kalokohan ang ideyang inilahad ni Greg. Sa susunod na linggo, madadagdagan na naman ang edad niya and she hadn't even come close to getting married. Pero heto siya ngayon, kasal sa isang lalaki na tila baga kasagutan sa kanyang mga pangarap.
Sa isang lalaking hindi lang basta guwapo, he was also nice, intelligent, and considerate.
Lagi na ay nakaplano ang kanyang buhay. Tinitiyak niya na lahat ng pasyang gagawin ay napag-iisipan muna bago gawin iyon. Taglay niya ngayon ang resulta ng maingat niyang pagpaplano sa buhay niya.
She had a successful business, friends. Lahat ng mga ginusto niya. Careful planning had gotten her exactly what she wanted.
Hadn't she?
Napakurap siya. Wala naman sa kape ang sagot sa tanong niya. Wala rin sa isip niya. It was in her heart.
Hindi marahil iyon ang pinakamatalinong pasya na gagawin niya. Baka nga habang-buhay niyang pagsisihan iyon. Pero kung palalagpasin niya ang suhestiyon ni Greg, baka gugulin niya ang mga natitirang buhay sa kakaisip kung ano kaya ang nangyari kung sumugal siya.
Huminga si Bianca nang malalim at lumingon sa kinaroroonan ni Greg. Pinagmamasdan siya nito. Hinihintay ang sagot niya na tila ba iyon ang pinaka-mahalagang desisyong maririnig nito.
She took a deep breath, pagkatapos ay tumango siya. "Okay." Sa wakas ay nasambit niya. Wala na siyang maisip na tamang salita para sa pagsang-ayon niya.
Okay. Isang salita na makapagpapabago sa buong buhay niya.
Agad na nagliwanag ang mukha ni Greg. "Great. We'll make it work, Bianca. May pakiramdam akong hindi tayo magsisisi sa gagawin natin."
He held his hand out. Matagal munang tinitigan ni Bianca ang kamay nito bago tinanggap iyon. Greg's fingers closed around hers, warm and strong.
"Hindi ba tradisyon na hinahalikan ng groom ang kanyang bride?" he said in a husky voice.
"Hindi kaya ginawa na natin iyon kagabi?" Napalunok siya, inalis ang mga paningin sa malapad nitong dibdib.
"Hindi kasali iyon. Ito ang unang pagsisimula natin." He slipped his hand beneath her chin, itinataas ang mukha niya hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. Then he whispered, "I'm going to kiss you, Bianca."
Hindi siya kumibo, ang mga mata niya ay tila napako na sa mga mata nito. His mouth touched hers gently, asking more than demanding. Unti-unti ay umangat ang isang kamay ni Bianca sa dibdib nito. Greg pulled her closer. It was a kiss of exploration, as if he understood that they needed time to get to know each other.
She didn't plan to melt in his arms. Hindi niya mabigyang kahulugan kung ano ang namamagitan sa kanila. At biglang-bigla ay nakakita siya ng pag-asa sa mga mangyayari sa kanila.
Shepushed him gently, kumawala. Nang dahil sa halik ay nakabanaag siya ng pag-asa.She was getting crazier every minute.
9
SA PARKING ay naroon pa ang sasakyan ng mga kaibigan nila pero hindi na sila nag-abalang magpaalam sa mga ito. Sakay ng kanya-kanyang kotse ay lumabas sila ng resort. Magkasunod. Kung may isang sasakyang nakukuhang pumagitan sa kanila ay agad sinisikap ni Greg na makasingit doon. Gustong isipin ni Bianca na hindi nito gustong mawala man lang sa paningin nito ang sasakyan niya.
Hindi niya maiwasang mapangiti sa kabila ng lahat. At kahit sa sarili ay hindi maintindihan ang nararamdaman. Nang magkanya-kanya na sila ng tungo sa kani-kanilang sasakyan ay tila ba may pakiramdam siyang magkakahiwalay sila, at na hindi niya gustong mangyari iyon.
Habang papalapit sa bahay nila ay nagsimula nang kabahan si Bianca. Totoong gusto na ng mommy niyang mag-asawa na siya pero natitiyak niyang hindi naman sa ganoong paraan.
Katinuan ba ng isip sa bahagi niya ang ginawang pagpayag sa suhestiyon ni Greg? Part of her mind screamed yes. Pero may isang bahaging tumatanggi. Isang seryosong bagay ang pagpapakasal.
Kahit pa nga ang dalawang taong nagmamahalan at matagal nang magkakilala ay hindi nagkakasundo sa kalaunan. Marami siyang mga kakilalang ang pagsasama ay nauuwi sa hiwalayan at nasasakripisyo ang mga anak.
And marrying a total stranger was the height of insanity. It could have been lust that made her agree to this crazy idea.
Makalipas ang isang oras mahigit ay ipinarada ni Bianca ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Sa likuran ng kotse niya ipinarada ni Greg ang sasakyan nito.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang trabaho mo," tanong niya nang bumaba sa sasakyan si Greg. She almost groaned. Nagpakasal at nakipagtalik siya sa isang lalaking wala siyang alam kundi pangalan.
Greg grinned. At sa hindi mawari ni Bianca ay tila napigil ang hininga niya. "I'm a carpenter. Gumagawa ako ng mga cabinet, chairs, name it."
Alanganing tumango siya.
"Don't worry, Bianca. My job can support a wife," patuloy nito, nanatili ang ngiti sa mga labi. "And children," he added wickedly.
Umiwas siya ng tingin. "Salamat, pero hindi ko naman kailangan ng suporta. May sarili akong trabaho. Besides, we don't have that kind of marriage."
The smile was gone instantly. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"We don't have a real marriage, Greg. At kahit anuman ang mangyari, hindi ko bibitiwan ang boutique ko."
Ilang sandali siyang tinitigan nito na para bang may isang bagay na gustong sabihin subalit biglang nagbago ang isip at sa halip ay, "You can keep your shop as long as you want. O kung gusto mo naman, ako na lang ang hihinto sa trabaho ko. Ako na lang ang suportahan mo." Again, that heart-stopping grin.
She grinned back. Subalit agad din niyang pinawi ang ngiti dahil parang may mali. Hindi sila dapat nagngingitian na tila ba magkaibigan.
Inilahad ni Greg ang kamay sa may direksiyon ng gate ng bahay nila. "Tayo na bang humarap sa guillotine?"
She blinked. Tumingin sa gate at nagsimulang umahon ang kaba. "Guillotine. Akmang salita ang ginamit mo dahil sa kabang nararamdaman ko'y tila puputulin ang ulo ko."
Greg reached for her hand and squeezed it firmly. "Relax, Bianca. It's going to be all right."
Isang katulong nila ang nagbukas ng gate. Tuloy-tuloy sila sa loob na magkahawak-kamay. Sa may pinto ng bahay ay naroon si Mrs. Sebastian.
"Bianca!" Halos magkandarapa ito sa pagsalubong. Niyakap siya. Pagkatapos ay nilingon si Greg. "Ikaw na marahil si Gregorio," anito at tiningnan si Greg mula ulo hanggang paa.
"Paano ninyong nalaman ang pangalan niya?" kunot-noong tanong ni Bianca.
"Tumawag si Carlo nang pauwi na kayo."
Bianca groaned. Ipapapatay niya ang lalaking iyon.
"Yes, ma'am. Gregorio Vargas. Please call me 'Greg.'"
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ng ginang. "Tayo na sa loob." Tumalikod ito at nagpaunang pumasok sa loob.
"Your mother likes me," bulong ni Greg kay Bianca habang lumalakad sila kasunod ni Mrs. Sebastian. Pagkuwan ay natawa ito nang irapan niya.
"Maupo ka, Gregorio," utos ng mommy niya at itinuro ang mahabang sofa. "At ikaw naman, Bianca, siyempre sa tabi ng asawa mo."
Atubiling sumunod si Bianca. Muntik pa siyang mapapitlag nang hawakan siya sa baywang ni Greg at hilahin paupo. She almost landed on his lap.
"You can sit on my lap. I'd love that." His grin was wicked.
"Tse!" pabulong niyang singhal.
Ang mommy niya ay hindi na sila binigyan ng pagkakataon na magsalita pa. Agad silang ipinailalim sa third degree.
"So, paano kayo nagkakilalang dalawa? Hindi ko alam kung bakit itinago sa akin ni Bianca ang tungkol sa iyo, Gregorio," ani Mrs. Sebastian na ang mga mata ay itinuon kay Greg. "Ilang beses kong sinabi sa kanya na walang ibang makapagpapaligaya sa akin kundi ang makita siyang ikinakasal."
And before Greg could open his mouth, binalingan ni Mrs. Sebastian ang anak. "At mukha namang mabuting tao itong si Gregorio. He's very attractive. A hunk. Iyan ang tawag ninyong mga kabataan, 'di ba? And he looks decent, too. Walang dahilan para itago mo siya sa akin, Bianca."
Bianca saw Greg blushed. Under another circumstances, she'd be amused. Pero hindi siya makaapuhap ng sasabihin sa mga sinabi ng ina. Isa pa ay ano naman ang sasabihin niya?
Pero mabilis na nakabawi si Greg. "Ako ho ang may kasalanan, Mrs. Sebastian. Hindi pa ako handang makilala kayo. Kinakabahan akong baka hindi ninyo ako tanggapin sa uri ng aking trabaho..." wika nito, a charming smile tugged on his lips. Pagkatapos ay masuyong nilinga si Bianca.
Bianca avoided his eyes. Oh, god, he was really very good at this.
"What is it exactly that you do for a living?" usisa ni Mrs. Sebastian.
"I am a carpenter, ma'am. I own a carpentry shop. Gumagawa ako ng cabinet, credenza, cribs, kahit na ano."
Nasisiyahang tumango si Mrs. Sebastian. "Why, Gregorio, it's a decent job! Walang dapat ikahiya roon. At crib ba 'kamo?" idinugtong nito.
Tumango si Greg. "Yes, ma'am. Tumatanggap ako ng made-to-order cribs."
"Well, you can start making a crib for my first grandchild."
Napasinghap nang malakas si Bianca kasabay ng panlalaki ng mga mata. At bago pa uli may masabi silang dalawa ay muling dinugtungan ng ina ang sinasabi.
"Napakamalihim na bata itong si Bianca. Aaminin kong talagang nagulat ako nang malaman ko na nagpakasal kayo. At kay Carlo ko pa nalaman," may hinampong sabi nito.
Tumikhim si Greg. "Ako rin po ang may kasalanan, Mrs. Sebastian. Wala po siyang alam na pakakasalan ko siya kagabi. Katunayan ay sa tuksuhan lang nagsimula na nauwi sa totohanan." Greg decided to tell half the truth.
"'Mommy' na dapat ang itawag mo sa akin, hijo," ani Mrs. Sebastian na tumango-tango. "Lagi na'y naiisip ko si Bianca na naglalakad sa aisle suot ang pinakamagandang wedding gown..." Her voice trailed off.
"Hindi naman ho ganoon ka-romantic ang nangyari sa amin, but we'll always treasure the memories. Won't we, darling?"
Darling. Bianca swallowed. Tumango. Kanina pa niya pinipigil ang hininga. Kanina ay nananalangin siyang sana ay paniwalaan ng mommy niya ang lahat ng mga sasabihin ni Greg. But she guessed she didn’t have to pray hard. Ikinagagalak ng ina ang pagpapakasal niya at agad nitong tinanggap si Greg.
Ang sumunod na pag-uusap ay sa pagitan lang ng ina at ni Greg. Madaling nagkasundo ang dalawa. Halos hindi na siya napapansin ng mommy niya. Doon na rin nito pinagtanghalian ang bagong manugang.
Hapon na nang magpaalam si Greg sa kanila. Inihatid niya ito hanggang sa labas ng gate.
"I like your Mom," wika ni Greg.
"Isn't it obvious?" she said drily. Magkakrus ang mga braso niya sa dibdib. "And she likes you, too. I wonder why."
He chuckled. "I am a very likeable man, Bianca." Then he moved closer, itinaas ang baba niya at hinagkan bago pa siya makapiyok. It was only a brief kiss. Muling pinakawalan ni Greg ang nabiglang mga labi niya. "See you tomorrow, Mrs. Vargas."
She opened her mouth, then closed it again. Wala siyang maisip na ganting-sabihin. Isang kindat ang ginawa ni Greg bago ito tuluyang sumakay sa pickup nito.
10
Kasalukuyang nililinis ni Greg ang kuwartong tutuluyan ni Bianca nang dumating si Carlo.
“Hey, Greg,” bati nito, nakasandal sa may hamba ng pinto ng silid.
Nagsasalubong ang mga kilay na nilinga niya ito. "Hindi ba uso sa iyo ang kumatok?" naiiritang sabi niya. "O, di kaya'y hintayin ako sa ibaba?"
Bale-walang nagkibit si Carlo ng mga balikat. "Nariyan naman si Betty. Pinapasok niya ako. Bakit ba ang sungit mo na naman ngayon? Dati naman akong pumapanhik dito, ah."
"Sino naman ang hindi magsusungit sa ginawa mo? You set us up! Hindi ko alam kung paano at bakit mo ginawa iyon. Isa lang ang alam ko, ikaw ang dapat sisihin sa nangyari."
"Ano ba ang ginawa ko?" Carlo's face was the very picture of cherubic innocence. "Ang tanging setup na ginawa ko ay iyong ipakilala kayo ni Bianca sa isa't isa. Iyon lang."
Tiningnan niya ito nang matalim, tinalikuran ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"So, ano na ang nangyari?" mayamaya ay tanong nito.
Napailing siya. Natitiyak na niyang hindi palalagpasin ni Carlo na magtanong. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"You and Bianca."
"What about me and Bianca?"
"Ano na ang napagdesisyunan n'yo?"
"Saan?" Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Carlo. Kahit man lang sa pang-iinis ay makaganti siya sa ginawa nito.
"Sa inyong dalawa? Greg, inaasar mo ba ako?"
"Obvious ba?"
"Ano'ng nakain mo at inaayos mo itong kuwarto ni Sam? At bakit ikaw ang nag-aayos, nariyan naman si Betty."
"Dito na titira si Bianca simula bukas."
Carlo was speechless for a long moment. Na tila ba pilit inirerehistro sa isip ang ibig niyang ipakahulugan.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Hindi nito naikaila ang kasiyahan sa tinig. "Tatlong araw na ang dumaan. Sinasabi ko na nga ba at kayo talaga ang para sa isa't isa. I knew it!" Mariin itong sumuntok sa hangin.
"Malalaman pa lang natin, Carlo," Greg pointed out with a dry smile. "We are giving the marriage a try."
"Maghintay ka lang. You and Bianca are going to be great together," Carlo said happily.
Greg sighed. "Sana'y tama ka." If truth be told, he'd never hoped anything quite so much in his entire life.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapani-walang simula bukas ay may asawa na siya. At simula rin bukas ay pag-aaralan na niya kung paano maging isang asawang lalaki. Napakahirap paniwalaan na sa loob lamang ng beinte-kuwatro oras ay magbabago ang buhay ng isa.
Kung sakali kayang alam niya ang kahihinatnan ng pagsama niya sa birthday party ni Bianca, papayag kaya siyang maimbita ni Carlo?
He shook his head. Imposibleng sabihin iyon.
That afternoon when he came home from Bianca's house, he had been thinking a lot. Hindi niya masasabing masaya siya na naikasal sa isang babaeng hindi niya kilala. But he wasn't precisely unhappy either. He'd been thinking that he needed something to shake up his life.
Marahil ay si Bianca iyon.
"It's going to be all right, Greg," putol ni Carlo sa pag-iisip niya nang tapikin nito ang balikat niya. "You'll see."
INIKOT ng tingin ni Bianca ang apat na sulok ng silid niya. Magiging bakante na iyon. She would surely miss her room. Hindi naman niya dadalhin ang lahat ng gamit niya. Gayunman, malaki ang nabawas sa mga iyon. Isang mahabang hininga ang pinakawalan niya.
Ilang oras na lang at magbabago na ang buhay niya. She was now a wife. Sa nakalipas na panahon ay hindi miminsang naitanong ng ina niya sa kanya ang tungkol sa pagbuo ng pamilya. Naitanong niya sa sarili kung magiging anong uri siya ng asawa. Pero kanina ay nabanggit sa kanya ng ina ang tungkol sa anak. She'd never thought about becoming a mother—until now.
Greg was another story. Sigurado siyang magiging isang mabuting ama ito. Responsable ito. Bagaman hindi pa naman niya ito nakikilala, she was sure he'd be good with children. Wala sa loob na hinimas niya ang tiyan. Ano nga kaya ang pakiramdam na may isang nilalang na nabubuhay sa loob niya?
Ang nangyari ba sa kanila sa cottage ay sapat na upang sa susunod na mga araw ay matuklasan niyang taglay niya sa sinapupunan ang magiging anak nila ni Greg?
Magkahalong tuwa at kaba ang bigla niyang naramdaman kung sakali ngang mangyari iyon.
Napaungol si Bianca dahil wala siyang karapatang mag-isip o umasam man lang doon. Dahil ni hindi siya sigurado kung tatagal ang pagsasama nila ni Greg.
Isang mahinang katok ang nagpalingon sa kanya sa may pinto. Sumungaw si Mrs. Sebastian.
"Bianca, anak..." Humakbang ito papasok. "I'm really so happy for you."
"Thanks, Mom. Paano iyan, wala ka nang kasama rito sa bahay."
"Ano ka ba? Nariyan naman sina Emma at Jose," sagot nito na ang tinutukoy ay ang mag-asawang katulong nila. "Sigurado akong magiging masaya kayo ni Greg, anak. I can see that your husband cares for you."
Cares for me? Hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Ang alam niya, kaya ginagawa iyon ni Greg ay dahil wala itong pagpipilian kundi ituwid ang isang pagkakamali. He was a noble man.
"Siyanga pala, nasa ibaba si Jenny."
"Si Jenny?"
11
“JENNY!” Nagmadaling bumaba si Bianca ng hagdan para salubungin ito. “Saan ka ba nanggaling? Hindi na kita nakita simula noong—” Napahinto siya nang maalala kung kailan niya ito huling nakita.
"Since Silang," ani Jenny at niyakap siya. "Tumawag ang mama ni Pete. Anniversary nila, kaya kailangan pa naming magpunta sa Ilocos. Dalawang araw kami roon."
"Sa dining room na tayo mag-usap. Nagluto ng ginataang bilu-bilo si Mommy." Hinila niya ito roon. Pinaupo at hinainan ng ginatan. "Kailan pa kayo dumating?"
"Kanina lang. Hindi ako makapaniwala nang tawagan ako ni Carlo at ikuwento ang pangyayari."
Kumunot ang noo niya. "Sinabi sa iyo ni Carlo? Bakit wala ka bang naalala noong gabing iyon?"
"Well, bits and pieces. Nalasing talaga ako nang gabing iyon. Pero natatandaan ko nang pagkatapos ninyong magsayaw ay nagkantiyawan na magpakasal kayo ni Greg at pagkatapos ay ako pa nga ang dumampot ng mga bulaklak sa plorera at ibinigay sa iyo..." She laughed.
"Malabo na sa isip ko ang sumunod na pangyayari. Pagkatapos ay naalala kong niyaya ako ni Pete na kumuha kami ng cottage. And you know..." She shrugged.
"What about the ceremony?"
"Vaguely. But I could picture you and Greg standing before a big man. Wala man lang sinabi sa akin si Pete nang pauwi na kami. Gusto ko ngang magalit sa taong iyon. Pagkatapos naming magpunta sa mga magulang niya, 'ayun nag-out of town na naman. Wala nang panahon sa akin iyon, eh. Kung hindi pa nga dahil sa celebration mo, nunca na samahan ako noon sa Silang."
"That's not true. Marahil ay naghahanda lang ang asawa mo sa mas malaking responsibilidad kaya abala sa trabaho."
Hindi ito sumagot at nilaro-laro ng kutsara ang ginatan.
"Malay mong gusto na niyang bumuo ng pamilya. Dalawang taong mahigit na kayong kasal. Dapat ay may anak na kayo."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jenny. "Anyway, hindi naman ako nagpunta rito para maglahad ng mga hinanakit ko kay Pete. So, ano na ang nangyari sa inyo ni Greg? Sabi ni Carlo lilipat ka na raw sa kanila. Ano ang sabi ni Ninang?"
"Susunduin niya ako ngayon. At si Mommy ay tuwang-tuwa kay Greg. Para itong long lost son sa kanya na biglang nagpakita," matabang niyang sabi.
Napangiti si Jenny roon. Pagkatapos ay sumeryoso. "Hindi ka ba natatakot? You don't really know him. Ganoon din siya sa iyo. At alam kong ikaw iyong klase ng tao na hindi basta-basta pumapasok sa walang- katiyakang relasyon."
"We... we spent the night together, Jen," usal niya, umiwas ng tingin. "I don't know how it happened, but I really spent the night with a man. At wala na akong magagawa. Totoong gusto kong kalimutan na lang sana ang nangyari, my pride dictated that. Pero sa kaibuturan ng puso ko'y nagpapasalamat akong hindi ako basta tinalikuran ni Greg na parang walang nangyari. Napakadali para sa kanyang gawin iyon."
"Kilala kita sa pagiging organisado, Bianca. Lahat ng bagay, bago mo gawin ay pinaplano mo muna. Kahit nga ang simpleng pagkain lang sa labas ay planado mo rin. I just couldn't picture you jumping into marriage like this."
Bianca gave a short laugh. "At hindi sa ganitong sitwasyon ko pinlano ang aking pag-aasawa. Not even close."
Napangiti na rin si Jenny. Nawala ang kaseryosuhan sa mukha. "So, what now?"
"We'll make it a try. Subukang mag-adjust sa isa't isa."
"Are you in love with him, yet?"
Namula si Bianca sa tanong na iyon. "Hindi naman ganoon kadali iyon," simple niyang sagot. "Sa nakalipas na tatlong araw ay palagi siyang nandito pero mas sila ng Mama ang nag-uusap. Hayun, my mother fell for his charm, hook, line and sinker."
Natawa si Jenny. "Ikaw? What do you think of him?"
She took a deep breath. "I find him... attractive?"
"Attractive? Iyon lang?" Iwinasiwas nito ang kutsara sa ere. "Bianca, Greg's a bonafide hunk!"
"Okay. Pero hindi naman basehan iyon para sa isang matatag na pagsasama. Kagaya ninyong dalawa ni Pete. Sigurado akong hindi lang sa pisikal na atraksiyon kaya maayos ang pagsasama n'yo. There's more to just physical attraction, Jenny."
Nawala ang ngiti nito. "Iyon ang akala mo," mahinang tugon ni Jenny na yumuko at sumubo. Napakunot ang noo niya roon. Pero bago pa siya makapagtanong ay tumayo na ito. "May lakad pa ako, Bianca. Kinumusta lang kita... kayo." Kinuha nito ang bag sa ibabaw ng mesa. "Give my kisses to Ninang..."
Napilitan siyang tumayo na rin.
Niyakap siya nito. "I'm so happy for you both. I really do wish you and Greg will make it."
"Thanks." Inihatid niya ito sa pintuan.
Wala na ang kaibigan ay nakatanaw pa rin siya sa labas. Natitiyak niyang bigla itong umiwas sa huling topic tungkol dito at kay Pete. Dalawang taon na itong kasal kay Pete. Sa loob ng pagsasama ng mga ito ay nakikita niya ang pagmamahalan ng dalawa. Minsan ay naiinggit siya sa dalawang kaibigan. Pero kanina ay nakita niya sa mga mata ni Jenny ang lungkot.
Bigla niyang naisip ang kalagayan niya ngayon. Sa nakatakdang pagsasama nila ni Greg. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng... thrill... ng excitement. Ngayon lang niya naisip na nakakabagot pala ang takbo ng buhay niya bago nakilala si Greg.
Totoo bang tumutubo ang pag-ibig tulad sa isang halaman? Would they fall in love? Would Greg love her?
Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat isipin ang isang bagay na hindi niya matiyak ang kahihinatnan.
12
KINAHAPUNAN ay nasa kanila na si Greg. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Bianca. Napakabilis ng mga pangyayari. Simula ngayon ay iba na ang buhay niya, pati na rin ang bahay.
"Mag-iingat kayo," bilin sa kanila ni Mrs. Sebastian.
"Yes, 'Ma," tugon ni Greg habang inilalagay nito sa trunk ang mga bagahe ni Bianca.
"'Ma, alis na kami," paalam ni Bianca sa ina at niyakap ito. "Mami-miss kita."
"Naku, itong batang ito. Para namang sa ibang bansa ka pupunta. Sige na kayo. Agad ninyo akong bigyan ng mga apo, ha, Greg?"
Ngumisi si Greg. "Huwag kayong mainip, Mama."
Siniko ito ni Bianca sa sikmura. He laughed. Binuksan nito ang passenger seat para sa kanya. Hindi malaman ni Bianca kung matutuwa o malulungkot sa anyo ng ina habang kumakaway. Talagang ipinagtatabuyan siya nito sa pag-aasawa.
"Mabuti naman at hindi mo dala lahat ng gamit mo," ani Greg nang inilalabas na nito ang sasakyan sa garahe nila.
"Bakit mo nasabi iyan?"
"Ayokong isipin mo na ikukulong kita sa bahay. Kung gusto mong magpunta sa bahay n'yo, okay lang. Basta ba sasabihin mo lang sa akin."
Hindi siya sumagot. Dati ay sa mommy niya siya nagpapaalam, ngayon ay may asawa na siyang isasaalang-alang sa mga kilos niya.
"Darating nga pala si Mama sa Wednesday," patuloy ni Greg nang manatili siyang tahimik.
She gasped. "Ang mama mo?" Hindi sumagi sa isip niya ang mama ni Greg dahil nasa ibang bansa naman ito. Ngayong sinabi nitong darating ito ay bigla niyang naisip na baka ito ang uri ng ina na tila inilalagay sa microscope ang pagkatao ng asawa ng anak.
Kunot-noo siyang nilingon ni Greg. "Bakit parang nakakagulat sa iyo ang sinabi ko?"
"Alam ba niya na nag-asawa ka na?"
Umiling ito. "Tulad ng mommy mo, she would be surprised."
"Paano kung magalit siya? Paano kung hindi niya ako magustuhan? What if she hates me?" Umaagos ang insekyuridad sa tono niya.
Greg smiled. Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon. "You worry too much. Baka nga matuwa pa iyon at nag-asawa na ang panganay niya."
"Nasaan ba ang mama mo?"
"Nasa Italy. Mula nang magdalang-tao ang bunso kong kapatid ay naroon na si Mama. Pero twice a year ay umuuwi iyon. Alam mo ba kung bakit?" Umiling siya. "To check kung may girlfriend ako o mapapangasawa man lang. At kapag nalaman niyang wala, tatawagan noon lahat ng mga kaibigan niya at magpa-party kasama ang mga anak na dalaga ng mga ito. Papipiliin ako sa mga iyon."
Napatuwid sa pagkakaupo si Bianca. Ganoon ba talaga ang mga magulang? Pinupuwersa ang mga anak sa pag-aasawa?
"Kapag wala akong napili. Siya na ang pipili at ipipilit sa akin. Wala akong choice kundi sakyan ang mga pakulo ni Mama. In the end, ako pa rin ang masusunod," patuloy nito na natawa.
"Bakit nga ba hindi ka nag-asawa? What I mean is, noong pinipilit ka ng mama mo."
He shrugged. "I don't know. Siguro dahil na rin sa pamimilit ng Mama. Mientras akong pinupursigeng mag-asawa, lalo namang tila gusto kong manatiling walang sabit. Isa pa'y naniniwala ako na darating at darating din ang babaeng makakasama ko habang-buhay. Hindi kailangang ipilit."
Napalunok siya sa sinabi ni Greg. Nilinga ito at tinitigan nang husto. Ano'ng gustong sabihin nito? Na napipilitan lang ito na ituloy ang napagkasunduan nila? Na hindi siya ang babaeng tinutukoy nito? At sa bandang huli ay iiwan din siya kapag natagpuan na nito ang babaeng sinasabi nitong tama para dito?
"Bakit ka ganyan makatingin? Para namang may ginawa akong napakalaking kasalanan," nakatawang sabi ni Greg.
Ibinalik niya ang pansin sa labas ng sasakyan. "Wala. Iniisip ko lang kung ano ang kahihinatnan ng ginagawa natin."
Greg chuckled. "In my opinion, it's going to be fun."
Nanggigilalas na muli niya itong sinulyapan. "Fun? Ano'ng palagay mo sa ginagawa natin, laro?"
"Life's a game, Bianca. It's either you win or you lose. What happened to us was something out of the ordinary. At para sa akin, exciting ang susunod na mga araw sa buhay natin. Dahil simula bukas, kikilalanin kita."
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. "Balak mong gawing eksperimento ang pagsasama natin! I'm warning you, Greg. Hindi dahil pumayag ako sa ideya mong ito ay gagawin mo na ang lahat ng maibigan mo. Hindi natin kailangang ipilit ang isa't isa."
Bahagyang nagmenor si Greg. "Tama ka. Hindi natin maaaring pilitin ang isa't isa, Bianca. Hindi ako naniniwala roon. Life's a game, all right. But in this game, both of us must win."
"Let's have a deal."
"Anong deal?"
"I'll give us three months. Tatlong buwan para matiyak natin kung dapat tayong patuluyang magsama o hindi."
"What?"
"Kapag lumipas ang tatlong buwan at nakita nating hindi talaga tayo para sa isa't isa, maghiwalay tayo. You get a lawyer to process the annulment papers."
"Alam mo ba ang sinasabi mo?"
"Positive," walang emosyong tugon niya.
Napahigpit ang hawak ni Greg sa manibela, sabay ng pagbuga ng hangin. "Women!"
13
Wala nang usapang namagitan pa hanggang sa makarating sila sa bahay ni Greg sa Quezon City. Tahimik nitong ipinasok ang sasakyan sa malaki at maluwang na bakuran. Ipinarada nito ang kotse sa tabi ng isang dalawang delivery truck.
Bumaba si Greg at umikot sa tabi niya at binuksan ang pinto niya. “Welcome, to your new home, Bianca.”
Tahimik niyang pinagmasdan ang malawak na bakuran. May dalawang matandang punong-mangga sa magkabilang sulok ng solar. May lumang bakal na swing at seesaw. Nilinga niya ang dalawang palapag na bahay. Ayon kay Greg ay may apat na silid iyon na kinalakhan nito at ng mga kapatid.
Sinalubong sila ng isang maliit na babae na sa tingin ni Bianca ay nasa late twenties. "Good afternoon po, sir," anito at tumingin sa kanya, nanunuri ang mga mata.
"Betty, pakiakyat mo na ito sa itaas," utos ni Greg sa katulong habang iniaabot ang mga bagahe ni Bianca. "Doon sa dating kuwarto ni Sam. Siyanga pala, Betty, si Ma'am Bianca mo, ang asawa ko."
Narinig ni Bianca ang pagsinghap nito. Muli siyang tinitigan. Nakita niya ang pakikiraan ng disgusto sa mga mata nito.
"Welcome po, ma'am," sapilitang sabi ng katulong.
"Thanks, Betty..." aniya.
Hinawakan siya ni Greg sa kamay at inakay patungo sa isang building na hiwalay sa bahay at umookupa ng malaking bahagi ng harap ng bahay.
"I'll show you my shop." Binuksan nito ang pinto sa likod at pinapasok siya. "My source of income," nakangising wika nito. "Sa palagay mo ba'y kaya kong bumuhay ng pamilya sa trabaho kong ito?"
Sinuri ni Bianca ng tingin ang shop ni Greg. Dahil Linggo ay wala ang ayon dito ay limang trabahador. Nakakalat ang mga hindi pa yaring mga cabinet, office table, at bunk beds. Nakahilera naman sa gilid ang mga tapos na at nalagyan na ng varnish. Mahusay ang pagkakayari ng mga iyon at pulido na nagpapatunay lang ng isang mahusay at de-kalidad na manggagawa.
Sa isang sulok ay ang mga modernong mekanismo na ginagamit sa paghulma sa mga kasangkapan.
"Talaga bang karpintero ka?" she asked.
"Dati akong elementary teacher sa isang pribadong paaralan dito sa Quezon City, Bianca." He grinned boyishly. "Nagtapos ako ng education dahil iyon ang gusto ng Mama. Isa siyang retired teacher. But I inherited the carpentry talent from my father. May nakatayong isang lumang shop dito noong bata pa ako na nang mamatay si Papa ay tuluyan nang nasara.
"Dalawang taon na akong nagtuturo nang maisip kong hindi ako nasisiyahan sa trabaho ko. Sinubukan kong buksang muli ang shop ng Papa at paisa-isang tumanggap ng order mula sa mga dating customer."
Inilahad nito ang kamay sa loob ng shop. "I'm inundated with orders I can hardly breathe. So, kumuha ako ng mga tao. The next thing I knew, nag-aabot na ako ng resignation letter sa escuelahang pinagtuturuan ko."
"Mag-isa ka lang bang nakatira sa bahay sa likod?" Nakakailang isiping ngayon pa lang niya unti-unting kikilalanin ang napangasawa.
"Yeah. Si Sam, 'yong sumunod sa akin, ay sa bahay nila sa Novaliches. Ang bunso naman, si Luchie ay pitong taon na sa Italya. Umuuwi iyon dito once in every two years para magbakasyon. Nito lang nakalipas na taon hindi nakauwi dahil nanganak."
"Bakit hindi mo naisip mag-abroad? Lahat yata ay iyon ang gusto, ang makarating sa ibang bansa." Wala sa loob na hinaplos niya ang isang malaking crib na yari sa palochina, kumislap sa isip ang isang sanggol na naglalaro sa loob niyon.
"Ayokong manirahan sa ibang bansa. May trabaho naman ako rito at ako ang boss. Isa pa, kung nagtungo ako roon, di malamang na hindi kita nakilala," Greg said, looking deeply into her eyes.
Umirap siya. "Hmp. Bolero."
Natawa ito. "Tara sa bahay. Ituturo ko sa iyo ang magiging silid mo. Iyon ang dating silid ni Sam. At kung gusto mo, magpahinga ka muna sa itaas. Ipatatawag na lang kita kay Betty, kapag handa na ang hapunan."
"I think I'll pass dinner, Greg," aniya. "Mabigat sa tiyan ang ginatang bilu-bilo na inihanda ng Mommy kanina. Mag-aayos na lang ako ng gamit at pagkatapos ay magpapahinga na."
"Kung iyan ang gusto mo. Ako rin nama'y maraming nakain kaninang ginatan sa inyo."
14
MAAGANG gumising si Bianca kinaumagahan. Tinungo niya ang kusina para magluto ng agahan. Naabutan niya roon si Betty.
"Good morning, Betty," bati niya at pagkatapos ay binuksan ang mga naroong kaldero. "Betty, pakidurog mo naman itong natirang kanin kagabi."
"Bakit?" tanong ng katulong na tila galing sa ilong ang sagot.
Hindi naman iyon nakaligtas kay Bianca. Dahil simula pa nang dumating siya sa bahay na iyon nang nagdaang araw ay halos lumuwa na ang mga mata nito sa kaiirap sa kanya. Na hindi naman niya maintindihan kung bakit.
"Magsasangag ako," sagot niya sa pormal na tinig.
Nakita niya ang pag-ismid nito. "Hindi kumakain si sir ng tira-tira. Sa aso pinapakain iyon," maanghang nitong sagot.
Gustong magpanting ng tainga niya. Masyadong maaga para inisin siya. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Sundin mo na lang ang iniuutos ko. Puwede?"
Nagulat ang katulong sa sagot niya. "Mabuti kung kainin ni sir 'yan," bulong pa nito.
Muli niyang nilingon ang katulong. "Hindi ko gustong maasar nang maaga, Betty. Hindi ko rin gustong patulan ka. Pero gusto ko lang tiyakin sa iyo na ako ang maybahay at ako ang masusunod. Hindi ako mahirap pakisamahan. Pero kung pahihirapan mo ako, madali para sa aking dalhin dito ang isa sa mga katulong namin sa bahay at halinhan ka."
Napasinghap ang katulong. "Eh, ma'am—"
"For now, sige, magtrabaho ka ng iba at ako na ang bahala sa iniuutos ko sa iyo." Tinungo niya ang ref at inilabas ang nakitang beef tapa.
NAHINTO sa paglalakad si Greg nang madaanan ng tingin si Bianca sa may kusina. Hinahanap niya ito kanina pagkagising. Huminto siya at pinagmasdan ito. Nakatalikod ito, kaya sinamantala niyang panoorin ang bawat kilos nito. Her hair was in ponytail. Simpleng walking shorts at T-shirt lang ang suot. Napangiti siya nang mapadako ang tingin niya sa mga paa nito.
She was wearing his slippers! She looked casual, comfortable and deliciously attractive. Kahit hindi na siya mag-agahan, okay lang sa kanya.
Naaaliw siyang pagmasdan ito na panatag sa kusina niya. There was something so right about the picture, na para bang si Bianca lang ang hinihintay ng bahay niya para matawag iyong isang tahanan.
Nang sabihin niya kay Bianca na ituloy na nila ang nangyari sa kanila, iyon ay dahil guilt ang nararamdaman niya. Hindi kaya ng konsiyensiya niya na basta na lang itong iwan, pagkatapos nang nangyari.
For Pete's sake, the woman was a virgin. At kahit pa pareho nilang hindi kagustuhan iyon, he felt a strong responsibility for what happened.
Amoy ng niluluto ni Bianca ang nagpabalik sa diwa niya.
Sinangag ba iyon? Ilang taon na rin siyang hindi nakakakain ng sinangag. Sa mama niya ang pinakamasarap na sinangag na natikman niya. Pagkalipas ng maraming taon, ngayon lang uli nagkaroon ng buhay ang kusina niya.
Tumikhim si Greg nang bahagya na kaagad namang nagpalingon kay Bianca. Nagtama ang mga mata nila. "'Morning," he said, his voice still husky from sleep.
"'Morning," ganting-bati ni Bianca. "Pasensiya ka na kung medyo pinakialaman ko na itong kusina mo."
"Kusina mo na rin ito," aniya at lumapit dito. "Ano ba 'yang niluluto mo?"
"Nothing special. Just breakfast." Naglagay ito ng placemat sa mesa at pagkatapos ay mga pinggan. Si Greg ang kumuha ng mga kutsara at tinidor. "Tara, kain na tayo."
"Not before I kiss my wife good morning." At bago pa makakilos si Bianca, niyakap niya ito at masuyong hinagkan sa mga labi.
Oh, god, how come it felt so good?
Umangat ang ulo niya mula rito pero hindi ang mga kamay niyang nakasalikop sa baywang nito. "Hindi kaya ikaw na muna ang aalmusalin ko? Amoy-fried tapa ka, wife."
Bianca swallowed. Hindi malaman kung paano ilalayo sa mukha ni Greg ang sandok. "I-iyon ang ulam natin at sinangag sa maraming bawang. G-gusto mo ba ng sinangag na maraming bawang?" Suddenly, biglang gumuhit ang insekyuridad sa mukha nito.
"Perfect! Hindi lang maganda ang asawa ko. Nakuha pa ang kahinaan ko. I even eat raw garlic, honey. Good for the heart."
Nakita niya ang pagkislap ng kasiyahan sa mukha ng asawa. His wife was so easy to please. His wife. Hmm. It had a nice sound to it. He kissed the tip of her nose.
Ngumiti ito at kumawala. "Let's eat then."
Hinila ni Greg ang upuan ni Bianca sa may bandang kanan niya. Pero bago naupo ay sinalinan nito ng kape ang tasa niya. Lagi naman siyang sinasalinan ng kape sa tasa ni Betty o ng mama niya kung narito iyon. Pero hindi niya maintindihan ang kasiyahang nadama sa simpleng gawain na iyon ni Bianca.
"Ihahatid kita sa shop ngayon at susunduin mamayang hapon?" ani Greg habang kumakain sila.
"Bakit?"
"Para tuloy na tayo sa airport. Susunduin natin ang Mama. Mamayang alas-singko y media ang touch down ng eroplano."
Tila binuhusan si Bianca ng malamig na tubig sa narinig. Nabitin ang kutsara sa ere. "Pero hindi ba't sa Wednesday pa 'kamo siya darating?"
"Tumawag siya kagabi. Napaaga ang uwi dahil bakasyon ni Luchie sa trabaho. Okay lang ba sa iyo?"
Nang hindi agad sumagot si Bianca ay inabot niya ang kamay nito at pinisil. "Kung may importante kang kompromiso ngayong hapon na hindi mo maipagpaliban, okay lang na ako na ang susundo. Pero kung ang dahilan ng pag-aatubili mo'y dahil kinakabahan kang makaharap si Mama, please don't, Bianca."
Isang sapilitang ngiti ang ginawa nito. "It's silly of me. Sa malaon at madali'y maghaharap kami ng mama mo."
15
“SIGURADO ka bang ayos lang ang suot ko? Baka hindi magustuhan ng mama mo. Baka—”
Itinaas ni Greg ang mukha niya at tinitigan siya. "Darling, you look great. Relax." Binuksan nito ang passenger seat sa four-wheel drive pickup at pinasakay siya.
Nasa arrival area na sila ng kalahating oras pero hindi pa rin mapawi ang kaba sa dibdib ni Bianca.
"There's my mother," turo ni Greg sa babaeng kasabay ng mga naglalabasang pasahero. Then he gave her an encouraging smile.
Kahit hindi ituro ni Greg ay natitiyak niyang ina nito ang papalapit sa kanila. Nakataas ang noo nito habang naglalakad. Tila donya. Nakangiti ito nang nasa harap na nila ngunit ang mga mata ay nanunuri nang bumaling sa kanya.
Niyakap ni Greg ang ina. "Did you have a pleasant trip?"
"I was bored," sagot nito. "Kumusta ka na?"
"I'm fine, Mama." Nilinga nito si Bianca. "Tulad ng sinabi ko sa inyo kagabi, may sorpresa ako sa inyo..." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "This is my wife, Bianca."
Ang kilay ng ginang ay awtomatikong tumaas at tiningnan si Bianca mula ulo hanggang paa at pabalik. "Kailan pa?" she asked, hindi nito itinago ang disgusto sa tinig. "Bakit hindi mo man lang napagkaabalahang itawag sa akin?"
Protectively, inilagay ni Greg ang kamay sa baywang ni Bianca na tila ba sasalakayin siya ng ina nito. "Limang araw na mula nang ikasal kami. Alam kong uuwi kayo kaya hindi ko na itinawag. Matagal mo nang gustong mag-asawa ako, so I want to surprise you."
"Oh." Muling umangat ang kilay ni Mrs. Carmela Vargas. "Siyanga pala, may kasama ako. Magugulat ka," wika nito, lumingon. "There she is."
Napanganga si Bianca sa hinayon ng tingin ni Mrs. Vargas. Humulagpos ang kamay ni Greg sa baywang niya. Ang babaeng palapit ay tila lumabas sa isang fashion magazine. O di kaya ay naliligaw na mannequin. Katunayan ay nakukuha nito ang atensiyon ng mga nasa paligid.
"Hi, Greg."
"Alice?"
"Sino pa ba?" nakangiting tugon ng babae.
"Dalagang-dalaga ka na, ah!" komento ni Greg. "At ang ganda mo na rin."
"Ano ba ang sinabi ko sa iyo bago ako umalis? Na sa muli nating pagkikita ay hahanga ka sa akin. Sino ngayon ang negra?"
Isang tawa ang pinakawalan ni Greg. Nagpupuyos ang loob ni Bianca pero hindi siya kumikibo. May pakiramdam siyang nalimutan ni Greg ang pag-iral niya.
Hindi pa narehistro sa isip niya iyon ay nilinga siya nito. "Siyanga pala, Alice, si Bianca—"
"Greg, mabuti pa ay sa sasakyan na natin ipagpatuloy ang pag-uusap," putol ng mama ni Greg sa sinasabi ng anak.
"Mabuti pa nga," sang-ayon naman ni Greg at binuhat ang bagahe ng ina at inabot ang maliit na maleta ni Alice.
Hindi naman nakaligtas kay Bianca ang ginawa ni Mrs. Vargas. Sinadya nitong putulin ang pagpapakilala ni Greg sa kanya. May naamoy siyang hindi maganda. Mayamaya pa ay binulungan siya ng mama ni Greg na sa likod na ng kotse maupo at si Alice na lang sa unahan para makapagkuwentuhan daw ang dalawa.
Harap-harapang ipinapakita ng ina ni Greg na hindi siya nito gusto. Gayunman ay hindi nasunod ang gusto ni Mrs. Vargas dahil pagkatapos ilagay ni Greg ang dalawang maleta sa likuran ng pickup ay hinawakan siya nito sa braso at inakay sa passenger seat sa unahan, saka binuksan iyon.
"Oh, Alice, this is my wife, Bianca," itinuloy nito ang nabinbing pagpapakilala.
"Hello, Alice," she said in a friendly tone. Hindi niya sinulyapan ang mama ni Greg na binuksan na ang likuran.
Umangat ang mga kilay ni Alice sa pagkagulat. "Asawa? I can't believe it! Confirmed bachelor iyang lalaking iyan. Ano'ng ginawa mo at nabingwit mo ang lokong 'to?" She smiled.
"I didn't force the bait," she said.
Alice laughed. "I'll remember that. Perhaps I could learn a lesson or two from you."
"Oh, you would," ani Greg na nakangiti rin, masuyo ang tingin sa kanya. "She's a very good cook, too."
Isang nahihiyang ngiti ang naging sagot niya bago pumasok sa loob ng pickup pero sa gilid ng mga mata niya ay hindi nakakaligtas ang matalim na tinging ipinukol ni Mrs. Vargas sa kanya.
Nagpakawala siya ng nag-aalalang buntong-hininga. May palagay siyang iyon na ang simula ng malalagim niyang mga araw.
Hanggang makarating sila sa bahay ay hindi nagsasalita si Bianca. Hinayaan niyang ang usapan ay mamagitan lang sa tatlo. Nagtuloy siya sa silid niya pagdating sa bahay.
Ilang minuto pa ay narinig niya ang marahang katok. "Come in." Bumukas iyon. Sumungaw ang asawa.
"Hey, bakit hindi ka sumali sa usapan sa ibaba?"
"Inaantok na kasi ako," dahilan niya habang sinusuklay ang buhok.
Hinawakan ni Greg ang magkabilang balikat niya at hinagkan siya sa ibabaw ng ulo. Pagkatapos ay tinitigan ang repleksiyon niya sa salamin. "Pasensiya ka na kay Mama. Nabigla lang iyon nang malamang nag-asawa na ako. Nasanay kasi siya na siya ang pumipili ng mapapangasawa ko."
She shrugged her shoulders. "We both gave our parents a surprise of their lives, Greg. Naiintindihan ko."
"Pero higit na mabait ang mommy mo. Tinanggap ako kaagad."
"Oh, she would welcome any man I introduce her as my husband. She wanted to marry me off badly," she said bitterly.
Pinaglaro ni Greg ang mga daliri sa buhok niya. A symphatetic smile crossed his lips. "You're an only child, Bianca. Sabik ang mama mo na magkaroon na ng apo. Besides, hindi ako naniniwalang magugustuhan ng mama mo ang kahit na sinong lalaking ipakilala mo. She happened to like me at once because—"
Natatawang itinaas niya ang dalawang kamay. "Okay, you're a very likeable man..."
He grinned. "Sa kuwarto ko ikaw matutulog ngayong gabi."
"Bakit?"
"Magtataka sila. Huwag kang mag-alala, sampung araw lang ang Mama rito."
Hindi agad siya makasagot. Nag-uunahan ang mga damdaming isa-isang umaahon sa dibdib niya. Matutulog sila ni Greg sa isang silid. At tiyak, sa iisang kama. Part of her was thrilled with the idea. Pero sa kabilang banda ay naroon din ang agam-agam, pagkailang, at embarrassment.
But she couldn't say no. Tama ito. At hindi niya gustong bigyan ng pagkakataon si Mrs. Vargas na makakita ng butas sa pagsasama nila ni Greg.
"Hey," putol ni Greg sa pag-iisip niya.
Nang tumingala siya sa salamin ay nakatitig ito sa repleksiyon niya roon. He was grinning like a pirate.
"Sinabi ko lang na sa kuwarto ko ikaw matutulog pero tingin ko sa iyo'y para bang sa death chamber ka pupunta."
"S-sige... susunod ako."
16
Nagising si Bianca na ang braso ni Greg ay nakayakap sa kanya. His fingers fondling her breasts softly over her pajama top. Ang pagkalat ng sensasyon sa katawan ay tila dam na biglang nabuksan. Subalit hindi niya makuhang kumilos, kahit ang huminga ay pinipigil niya. Nagkunwa siyang tulog pa rin.
Pagkuwan ay naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa tainga niya. "Huwag kang magkunwaring natutulog, Mrs. Vargas," bulong nito. His hand moved down to her stomach... pumaloob sa garter ng pajama niya, and down to the V of her thighs. Pinigil niya ang mapasinghap.
"G-Greg..."
Iniharap siya nito. Sa lamlam ng liwanag sa lamp shade, she noticed that her husband was naked. Tulad din noong magisnan niya ito sa cottage.
"I want to make love to you, Bianca..."
It was a mixture of command and plea. Then he pulled her against him. Nararamdaman niya ang pagkalalaki nito sa sikmura niya.
"Kung gusto mo akong papaniwalaing hindi mo maalala ang nangyari sa atin sa cottage, ikaw ang bahala. Pero tinitiyak ko sa iyong hindi mo maidadahilan ngayong gabi iyon..." Una nitong ibinaba ang pajama bottom niya.
Naramdaman niya ang haplos ng lamig ng air-conditioning sa balat niya nang maibaba nito ang pajama niya. "H-hindi ito kasama sa pinag-usapan natin..." she croaked.
He smiled at her. That devilish smile again. "Sa contract, may tinatawag na 'addendum.' This is it. You're beautiful, Bianca... and you're mine..." he whispered and bent his head and claimed one turgid nipple.
Napaungol si Bianca. Tila siya dahon na iniaanod ng rumaragasang tubig. Ang bihasang kamay at bibig nito ay tila nagpapawala sa katinuan ng isip niya.
"Please, Greg... now..."
He chuckled. His sex teasing her. "That night, you were drunk... no experience... and yet you urged me to take you and forget the foreplay."
"D-did I?" Nag-init ang mga pisngi niya. Pero higit ang pag-iinit na nararamdaman niya sa ginagawa nito. She arched her body to meet the teasing thrust.
Greg's smile was gone instantly. He groaned, cupped her bottom and thrust hard and deep. Bianca gasped as little pain set in. Pero sa isang sandali'y nahalinhan iyon ng walang-katulad na kasiyahan. She met his every thrust eagerly... wantonly.
Her scream, as she reached her climax, was muffled by his lips as he kissed her.
TATLONG araw na mula nang dumating ang mama ni Greg. At tatlong araw na rin siyang nagtitiis sa matatalim nitong titig. Ang tanging pagkakataong nakangiti ito sa kanya ay nang magtungo sila sa mommy niya upang ipakilala ito. Gayunman ay wala pa silang tatlong oras sa bahay nila at umuwi na rin kaagad.
Hindi na rin siya magkapuwang sa kusina dahil ito ang gustong laging nagluluto para sa anak. Idagdag pa ang psychotic na katulong ni Greg na nakahanap ng ally.
Si Greg ay patuloy naman sa paghingi ng paumanhin sa kanya para sa ina. Pagdating kay Alice ay wala siyang problema. Mabait ito at palakaibigan. In fact, kung hindi dahil sa mga pasaring ng mama ni Greg ay natitiyak niyang magkakasundo sila.
At tatlong gabi na rin siyang natutulog sa silid ni Greg. Sa loob ng tatlong gabing iyon ay nang nagdaang gabi lang sila hindi nagtalik dahil dumating ang kapatid ni Greg na si Samantha at ang pamilya nito. Ang mga pamangkin nito ay sa kanila tumabi.
Nang tanghaling iyon ay tinawagan siya ni Greg sa boutique. He was talking obscene. Hindi niya malaman kung matatawa o mapapahiya.
"Greg, ano ka ba?" she hissed over the phone. Maririnig ka ng mga tauhan mo diyan!"
He chuckled. "Pumayag kang sunduin kita at umuwi tayo rito o di kaya'y pumasok tayo sa motel. Namasyal silang lahat..."
"Heaven's sake, araw-araw tayong magkasama!" kunwa ay nagagalit siya pero nararamdaman niya ang pagtugon ng sariling katawan sa tinig pa lang nito.
"And I miss you every moment of the day. This is suppose to be our honeymoon, Bianca. Dapat ay nasa Baguio tayo o di kaya'y sa Tagaytay o kahit sa ibang bansa. Just say the word, darling, aayusin ko ang passport natin."
She groaned. "Ginagawa mong lust at sex ang pundasyon ng pagsasama natin, Greg."
"Would you rather I don't desire you?" he countered. Hindi siya agad makasagot. "Marriage is sex, love, camaraderie, understanding, and all that shit, Bianca. We, at least, have sex and camaraderie."
"At mabuway ang dalawang pundasyong sinasabi mo," she said wearily.
"We can strengthen that foundation. Dammit!" he pretended irritation. "I can't believe we're having this conversation again. All I want is to make love to you. At wala tayong privacy mamayang gabi dahil sa kuwarto uli natin matutulog ang dalawang bulilit..."
She laughed. "Pick me up at three. Papupuntahin ko rito ang Mommy at sa bahay muna namin tayo tutuloy bago umuwi."
"Now, darling, you're making sense."
Ibinaba niya ang telepono na nakangiti. In fact, hindi siya makapaghintay na sunduin siya nito. She couldn't believe her wantonness. Both of them were insatiable as if they couldn't get enough of each other. Every time their eyes met, passion sparked.
Kung wala ang mga bisita ay malamang na kahit sa aling bahagi ng bahay ay magtatalik sila. At hindi itinatago ni Greg ang damdamin nito sa kanya. Alin na lang sa pabulong o sa panakaw na halik at paghaplos sa katawan niya.
Biglang pumasok sa isip niya ang dalawang mga pamangkin nito. For the girls, aged four and three, Greg was the best uncle in the world. And Greg adored his nieces.
Hindi mahirap ilarawan sa isip ang asawa kung sakaling magkaanak sila. She instantly dismissed the idea from her mind. Hindi niya gustong umasa. Dinampot niya ang telepono at tinawagan ang ina.
17
MATULING lumipas ang mga araw, maliban sa obvious na disgusto ng mama ni Greg, everything was going on smoothly. Nang umagang iyon ay nagising siyang wala ito sa tabi niya. Wala rin ito sa buong kabahayan. At kahit sa shop. Hindi alam ng mga tao nito kung saan ito nagpunta.
Napag-usapan na nilang ihahatid siya nito sa boutique at pagkatapos ay sa mall na rin kakain. Sa garden, nakita niya si Mrs. Vargas at si Betty na nag-uusap. Nahinto ang dalawa nang makita siya.
"Good morning, po. Umalis po ba si Greg?" tanong niya kay Mrs. Vargas.
"Bakit mo sa akin itinatanong, eh, ikaw ang asawa?" anito at tumayo. "Betty, isunod mo sa akin iyang kape ko. Sa kuwarto ko na iinumin iyan."
Sinikap niyang ngumiti sa isinagot ng biyenan at sinundan ito ng tingin.
"Kasama ni Alice si sir," ani Betty, dinampot ang kape sa ibabaw ng bakal na mesa. "Maaga silang umalis. Hindi ba sinabi sa iyo?"
Hindi siya makaapuhap ng sagot. Ang alam niya ay may lakad silang dalawa ngayon.
"Hindi ka pa ba nakakahalata na ayaw sa iyo ng mama ni sir?"
"Hindi ako bulag para hindi ko makita iyon. Saan sila nagpunta?"
"Ewan ko. Baka nag-date."
Tinalikuran na niya si Betty. Sa nakalipas na dalawang araw ay alam niyang magkasama sina Greg at Alice. Tuwina ay ang antipatikang katulong ang nagpapaalam sa kanya. Si Alice ang gusto ng mama ni Greg. At si Alice ang uri ng babaeng hindi mahirap gustuhin.
At hindi man lang nagpapaalam si Greg sa pagsama-sama nito kay Alice. For all she knew, baka inaayos na nito ang papeles para umalis patungong Amerika.
Hindi niya gustong pansinin ang matinding sakit na umahon sa dibdib niya.
"Bakit sambakol iyang mukha mo?" bati ni Tessa nang pumasok siya sa boutique.
"Traffic," she lied. Tiningnan ang record sa harap ng mesa. "Maraming sales, ah."
"Suweldo, eh," sagot ni Tessa.
Mula sa clear window ay natanaw niya ang laman ng isip niya na papasok sa boutique. Nakangiting binati si Tessa bago nagtuloy sa mesa niya.
"Hi," bati nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Nag-angat ng mga kilay si Greg. "Bakit ganyan ang bati mo? O dahil nagising kang wala ako sa tabi mo?" he teased.
"Hindi ko inaasahang nasa tabi kita kada umaga paggising ko, Greg."
Yumuko ito at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya. "Sorry kung hindi kita naihatid ngayon. Kailangan kasi ni Alice na magpunta ng bangko. Tulog ka pa nang umalis kami. Hindi naman kita gustong gisingin," ani Greg at mula sa likod ay isang bungkos ng mga rosas sa harap niya. "Para sa iyo."
Lihim siyang napangiti. Iyon ang unang pagkakataon na binigyan siya ni Greg ng bulaklak. Ngunit agad ding nawala ang saya niya. Ganoon raw ang lalaki kapag may ginagawang kalokohan. Kung ano-ano ang ibinibigay.
"Kay Alice mo sana ibinigay iyan." It was too late to take back her words.
Greg laughed. Hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. "Nagseselos ka ba kay Alice?"
Hinawi ni Bianca ang kamay nito. "Nunca!"
Nanatili sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti. "Hindi ka pa rin ba in love sa akin? Baka naman kung kailan senior citizen na tayo'y saka mo pa lang aamining may pagtingin ka sa akin? Ang tagal ko namang maghihintay."
Tumayo siya at lumakad patungo sa gitna ng boutique at kunwa ay inaayos ang naroong mga naka-hanger na damit. "Tumigil ka nga, Greg. Hindi ka nakakatuwa."
"Susunduin kita mamaya. May lakad tayo. Kasama ang Mama."
"Suweldo ngayon, maraming customers. Hindi ako puwede."
Umangat ang isang kilay ni Greg. "Sige ka, masosolo ako ni Alice."
"Iyon naman ang gusto ng mama mo, 'di ba?"
"Ng Mama, pero hindi ako. You will always be my one and only wife." He dropped a kiss on her temple. "Tutuloy na ako. May delivery pa ako sa Pasig."
"Guwapo na, sweet pa," ani Tessa nang makalabas ng boutique si Greg.
Inirapan niya ang assistant at binalikan ang ginagawa. Naiinis siya. Hindi niya maintindihan kung bakit.
SA ISANG ballroom hotel sila nagpunta. Iyon daw ang hilig ni Mrs. Vargas. Nakaupo siya sa mesa habang pinapanood ang biyenan na isinasayaw ni Greg. She was graceful despite the age. Sana ay natutuhan niyang magsayaw pero parehong kaliwa ang mga paa niya.
Bumalik mula sa powder room si Alice.
"Hindi ka ba nababagot? Puro mga oldies ang nandito." Nakangiwing inikot nito ang mga mata sa ballroom.
"Hindi naman," tipid niyang sagot. Hindi niya gustong makaramdam ng inis sa kaharap, alam naman niyang ginagamit lang ito ng mama ni Greg para sa kanya.
Ibinalik ni Alice ang tingin sa kanya. "Alam kong naiinis ka na sa akin," wika nito. "Si Tita lang naman ang mapilit."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Greg and I were childhood sweethearts. Halos sabay kaming lumaki. Nagkahiwalay lang kami noong college years. Nagpunta ako sa California. Since then, hindi na kami nagkita." Saglit itong huminto para simsimin ang champagne sa goblet nito.
"Hindi sinasadya ay nagkita kami ni Tita sa Italy. Tagaroon ang napangasawa ni Luchie. I was mending a broken heart. Nag-break kami ng boyfriend ko ilang araw pa lang. Pumayag ako nang sabihin niyang isasama niya ako pabalik dito para magbakasyon. Gusto niyang kami ni Greg ang magkatuluyan.
"Sa totoo lang," patuloy ni Alice, "nagulat siya nang malaman niyang nag-asawa na si Greg. Kahit ako. Pero nang malaman niya na hiwalay kayo ng kuwarto at nagsama lang nang dumating kami—"
"Paano niya nalaman?" agad niyang tanong.
"Kay Betty."
Naningkit ang mga mata niya.
Ang psychotic na ’yon! Kaya pala malimit niyang mahuli ang dalawa na nag-uusap. Tinalo pa ang mag-best friend.
"Nagkaroon siya ng ideya na baka may problema kayong mag-asawa. Gusto niya na paghiwalayin kayo. Kaya malimit niya kaming paglapitin. Para siguro pag-awayin kayo at ipaglapit kami ni Greg. Pero wala kang dapat alalahanin, Bianca. Wala akong planong sirain ang pagsasama ninyo..."
"Walang pagsasamang sisi—"
"Tumawag si Harry kanina," tuloy-tuloy nitong sabi. Ang tinutukoy ay ang boyfriend. "Humihingi ng sorry. Pag-alis ng mama ni Greg ay sasama na rin ako. Don't worry, kakausapin ko si Tita. She is actually a very nice person, Bianca. And I'm glad Greg has found the right woman."
Hinayon ng tingin niya si Greg sa dance floor. Siya na nga ba ang tamang babae para dito?
Natapos ang tugtog. Si Mrs. Vargas ay tinungo ang direksiyon ng powder room. Si Greg ay natanaw niyang kinakausap ang isa sa musicians at pagkatapos ay lumakad pabalik sa mesa nila. "Hi, ladies," ani Greg pero kay Bianca nakatuon ang mga mata. Pagkatapos ay nilinga si Alice. "Do you mind if I dance with my wife, Alice?"
"Oh, go ahead," natatawang sagot nito.
Inabot ni Greg ang kamay sa kanya. "Care to dance, Mrs. Vargas?" Walang kibong tumayo siya. "Are you aware that you really look beautiful tonight?" bulong nito habang lumalakad sila patungo sa gitna ng dance floor.
She smiled faintly. "Kung hindi kita asawa, I might think you're flirting with me."
"What if I am?"
"Then you're wasting your time. I mean, flirting with your wife. Hindi ba ang mga lalaki ay nakikipag-flirt sa ibang babae kapag nasa ganitong okasyon?"
"Hindi ako ibang lalaki, Bianca. I'm your husband and I came here with the most beautiful woman."
"Hindi ako marunong sumayaw."
"Déjà vu?" He grinned. "Huwag kang mag-alala, walang kababalaghang mangyayari pagkatapos nating magsayaw."
Hindi na niya napigilan ang matawa. The last time na nagsayaw sila ni Greg, they ended up married to each other.
Sinulyapan nito ang mga musician sa stage at tinanguan ang isang naroroon na nilingon ang mga kasama. "Sinabi ko sa kanilang isasayaw ko ang pinakamagandang babae sa bulwagang ito. Kaya nag-request ako ng isang kanta. Just for us."
Mayamaya ay pumailanlang sa ere ang
Wonderful Tonight ni Eric Clapton. Sinimulan siyang isayaw nito. Inilapit nito ang bibig sa tainga niya saka bumulong.
"You look lovely tonight, Bianca."
"Alice is lovelier," she said foolishly.
"Beauty is in the eye of the beholder. Alam mo bang kanina pa kita pinagmamasdan habang nakaupo ka sa mesa?"
"And?" Tumingala siya para salubungin ang mga mata nito. "Mag-iingat ka sa sasabihin mo, baka marinig ka ng asawa ko."
Greg raised his brows. Sinakyan ang sinasabi niya. "Is your husband the jealous kind?"
Bianca giggled. "I can't tell. Our marriage has an expiration date. Three months to get to know each other. So it's either we make it in three months' time or we break it."
"That's odd. Kung may asawa akong tulad mo, hindi ako papayag sa ganoong arrangement. Marriage to me is forever. And you're much too beautiful para pakawalan pa. Too beautiful I can't help myself..." Without another word Greg's lips touched hers.
Pakiramdam ni Bianca ay idinuduyan siya. Tila bumalik ang araw at oras noong unang gabing isinayaw siya nito. It was the same kiss. Same touch. Same man.
This was right. This was meant to be.
18
“Ingatan mo ang anak ko, hija,” bilin ni Mrs. Vargas nang ihatid nila ito sa airport. Napag-alaman niyang pinalabis ni Betty ang mga sinasabi nito at ginatungan ang ginang. “Pasensiya ka na sa mga ginawi ko. I wish we had more time together. I want to make it up to you.”
She smiled faintly. "Marami pa naman pong panahon."
"Ikumusta mo ako sa pamangkin ko, 'Ma, at kay Luchie," bilin ni Greg na lumapit matapos ipasok ang bagahe ng ina.
"Puro babae ang mga apo ko sa mga kapatid mo, Greg. Bigyan mo ako ng lalaki nang hindi matapos ang lahi ng ama mo sa iyo," anito, lumipat ang tingin kay Bianca. "I misjudged you, dear. Hayaan mo, kapag nagdalang-tao ka'y babalik ako kaagad. Magbabakasyon ako nang matagal. Hindi kami nagkaroon ng mahabang pagkakataon ng mommy mo na mag-usap..."
Napangiti si Bianca. Minsan lang nagkausap ang dalawang matanda at si Greg pa ang nagpilit sa ina na magtungo sa bahay nila.
"Hindi ko alam na pareho pala tayo ng hilig sa pagluluto," patuloy ni Mrs. Vargas. Nilinga nito si Greg at banayad na tinapik ang pisngi ng anak. "You've made the right choice, Gregorio."
"Ako pa?" ani Greg, grinning from ear to ear.
Yumuko si Mrs. Vargas at binulungan siya kasabay ng halik sa pisngi niya. "My son loves you, Bianca. I wish you and Greg all the happiness."
Hindi malaman ni Bianca kung ano ang sasabihin. She was overwhelmed. Namuo ang luha sa mga mata niya. Sana nga ay totoong nagmamahalan sila ni Greg.
Nang marinig nila ang announcement ng flight ay nagpaalam na sina Alice at Mrs. Vargas.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Bianca habang naglalakad sila ni Greg pabalik sa sasakyan.
"Sisisantehin na ba natin si Betty?" tanong ni Greg.
Umiling siya. "Huwag na. Kawawa naman 'yong tao."
THEIR marriage stepped into a new phase. Tila nakalimutan na nilang pareho ang deal nila. Namumuhay sila tulad ng pangkaraniwang mag-asawa.
Pero habang lumilipas ang araw ay pareho na silang nagiging abala. Sinimulan na niyang buksan ang panibagong branch ng boutique niya sa Greenhills. Si Greg naman ay tumanggap ng kontrata sa Pasig na ito mismo ang gagawa ng mga built-in cabinet sa isang mansiyon doon.
Gusto niyang isipin na dahil pareho sila ni Greg na lumaking independent kaya parang okay lang na hindi sila dumedepende sa isa't isa. Pareho silang may mga trabaho. Bakit pa sila nagsama kung hindi nila kailangan ang isa't isa?
Yet their nights hadn't changed. Each lovemaking was better than the last. But marriage couldn't be built by sex alone.
"'Morning, honey," bati ni Greg habang nagma-madaling ibinubuhol ang sintas ng rubber shoes nito.
"Kumain ka muna bago ka umalis." Inihahain niya sa mesa ang nilutong agahan.
"Coffee na lang, dear. Kailangang matapos ngayon ang cabinet sa silid ni Mrs. Aguilar."
"Bahala ka." Itinago niya ang inis.
Coffee na lang, dear. Tila ito commercial sa television.
Lumapit si Greg at hinapit siya sa baywang. "Busy lang talaga ako. Promise, I'll make it up to you."
"Kahit huwag na."
"Honey..." anito. "I really have to go. Babawi ako." Hinagkan siya nito sa pisngi.
Inihatid niya ito sa labas. Pero nang bumalik siya sa loob ay gusto niyang ihagis ang mga kasangkapan sa inis. Ilang linggo nang pinalampas ni Greg ang agahan. Si Betty na dating tingting sa kapayatan ay tumaba na, dahil ito ang kumakain ng lahat ng mga agahang hindi nakakain.
Naupo siya sa dulong mesa. Hindi niya maintindihan kung bakit noong mga nakalipas na araw ay balisa siya. Lagi siyang nagbabago ng moods. Nothing seemed to lift up her spirits.
"Ang lalim ng iniisip natin, ah!"
Napapitlag si Bianca nang marinig ang tinig. Si Jenny. Nakasandal ito sa dingding.
"Hey," masayang bati niya sa kaibigan pero ang ngiti niya ay biglang naglaho nang makitang malaki ang inihulog ng katawan nito. "Kumusta ka na?"
Lumapit ito at dumampot ng isang bacon strip sa pinggan at isinubo. "Ayos lang. Aayain sana kitang mag-shopping."
"Shopping?" Sinulyapan niya ang relo sa dingding. Fifteen minutes to eight. "Ng ganito kaaga?"
Nagkibit lang ito ng balikat. "Bukas na ang mall pagdating natin doon. Gusto ko lang maglibang."
"May problema ka ba? Sa inyo ni Pete?"
"Problema? Wala." She shrugged her shoulders. "Wala nang problema dahil hindi na umuuwi si Pete sa bahay. And we're filing annulment."
Tila umikot ang buong paligid ni Bianca sa narinig. Napahawak siya sa gilid ng mesa. "Annulment? Mahal ninyo ang isa't isa. Bakit ninyo gagawin iyon?"
"Sabihin mo kay Pete iyan." Pagak itong tumawa.
"M-may third party ba?" Hindi siya makapaniwalang nangyayari iyon sa mga kaibigan niya. May solidong pundasyon ang pagsasama ng mga ito. Magkasintahan ang mga ito mula pa sa kolehiyo bago nagpakasal.
Huminga nang malalim si Jenny. "Not that I know of, Bianca. Maaaring mayroon. Pero hindi lang naman ibang babae ang dahilan kaya naghihiwalay ang mag-asawa. Pareho kaming abala sa trabaho. And Pete's priority is his job. It is his life. Pangalawa lang ako sa buhay niya.
"Oh, okay." itinaas nito ang dalawang kamay. "sex between us was good. But we don't talk anymore. We don't share dreams... Pagkatapos naming magtalik ay tinutulugan na niya ako.
"Ipinasya kong tapusin ang pagsasama dahil may pakiramdam akong
iyon lang ang kailangan niya sa akin. We didn’t seem to need each other anymore.“
"B-baka panahon na para magkaanak kayo?"
Jenny bit her lip to keep from bursting into tears. "Sinabi ko sa kanya iyan pero sabi niya'y hindi pa kami handang magkaanak. Ano ang inaasahan mong gawin ko?"
"Hindi ka dapat nagpadalos-dalos," she said frantically. Tila ba ang pagsasama nila ni Greg ang pinag-uusapan nila. "Bakit hindi kayo nag-usap nang maayos?"
Sadness and pain crossed Jenny's eyes. "Nang sabihin ko sa kanyang maghiwalay na kami ay parang hindi man lang siya natigatig. Na para bang ako lang ang hinihintay niyang magsabi niyon. Oh, god..." Tinakpan nito ang bibig upang pigilin ang pagkawala ng hikbi. "I love him and I need him, Bianca. Hindi ko alam ang gagawin sa sandaling mawala na sa akin si Pete."
Ginagap ni Bianca ang palad ng kaibigan. "Kailangan ninyong mag-usap ni Pete, Jenny. Hindi maaaring basta na lang kayo maghihiwalay nang dahil sa walang depinido at mabigat na dahilan. You've known each other for a long time."
Tuluyang kumawala ang mga luhang pinipigil nito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Bianca. Sa nakalipas na dalawang linggo'y wala na akong ginawa kundi kausapin siya. I'm losing him, oh, god!"
No words came out of her mouth. Nakita niya ang kapighatian sa mukha ng kaibigan at kinakapatid. Jenny was breaking down. And she'd lost weight. Iglap na naglaho ang glamorosang Jenny na kilala niya mula pagkabata. At nararamdaman niya ang pait na nararamdaman nito. It was as if, she, too, was losing Greg.
Her breathing rapid as she fought the threatening tears. Napatitig siya sa mesa, trying to control the panic about to wash over her. This couldn't be happening to Jenny and Pete. They were so perfect for each other. They'd been so much in love.
Kung ang relasyon ng mga ito ay hindi nakatagal, paano pa ang sa iba? Lalo na iyong ang pundasyon ay hindi matibay. O mas angkop sabihing wala namang pundasyong pinanghahawakan.
Tulad ng sa kanila ni Greg.
The thought hit her like a ton of bricks. Kinukumbinsi niya si Jenny na hindi maaaring basta na lang maghiwalay ang mga ito pagkatapos ng matagal na panahon. They couldn't waste happy years just like that.
Samantalang siya, ano ba ang naging pundasyon nila ni Greg? Ni hindi sila naging magkaibigan. Maliban sa sex.
"Hey, bakit parang ikaw ang may problema sa halip na ako?" untag ni Jenny nang makita ang anyo niya.
She forced a smile. "M-magbibihis lang ako, then let's spend the whole afternoon wasting money."
Hapon na nang maghiwalay sila ni Jenny. Pero hindi na niya naibalik pa sa dati ang nararamdaman. Kapag sinabi kaya niya kay Greg ang nangyayari kina Pete at Jenny, iisipin kaya nito na isang kalokohan talaga ang ginagawa nilang ipagpatuloy pa ang pagsasama?
“We didn’t seem to need each other very much anymore.” Nag-echo iyon sa isip niya.
Hindi ba't iyon naman talaga ang mahalaga sa pagsasama ng mag-asawa? Ang kailanganin ang isa't isa? Wala sila ni Greg niyon. Bakit nila kakailanganin ang isa't isa gayong pareho silang lumaking independent? At ang pangangailangan sa isa't isa ay hindi man lang na-develop sa pagitan nila ni Greg. How could they? Pareho nilang napatunayan na kaya nilang mamuhay kahit na nag-iisa.
Si Greg lang naman talaga ang may kagustuhan ng lahat ng iyon una pa man. Ang tila makatwiran nitong mga paliwanag ang nagpaniwala sa kanya na magiging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Dahil kay Greg kaya umabot pa sila sa ganoong sitwasyon. He'd made it seemed so reasonable.
Pero hindi. This marriage would not work.
19
“TONY, ikaw na ang bahala rito. Uuwi na muna ako,” paalam ni Greg sa kapatas niya.
"Alas-dos pa lang, boss, ah. May lakad ka ba?"
"Kami ng misis ko." Nagmamadali niyang tinungo ang pickup at inilabas iyon sa garahe. Kaninang umaga pa siya hindi mapalagay nang umalis sa bahay.
Bianca was acting weird these past few days. Nagiging mainitin ang ulo. Hindi naman niya masisisi ito. Talagang naging abala siya noong mga nakaraang linggo. Naging sunod-sunod ang mga order sa kanya. At hindi niya nagawang tanggihan ang kontrata sa Pasig dahil malaki ang bayad na inialok ng may-ari. Iyon ang unang pagkakataong tumanggap siya nang ganoong trabaho.
Nakaramdam siya ng usig ng konsiyensiya na ilang agahan na ang pinalampas niya. Napansin niyang bihira na rin silang nagkakausap ni Bianca. Dalawang buwang mahigit na silang magkasama. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang hindi na binabanggit ng asawa ang tatlong buwang deal sa pagitan nila.
He promised himself that this would be the first and last job outside his shop. Hindi niya gustong maging sanhi ang bagay na iyon para ituloy ni Bianca ang deal. No amount of money could compensate his time with his wife.
NAGMAMADALING pumanhik sa silid si Bianca. Buo na ang pasya niya sa gusto niyang mangyari. Dapat ay noon pa niya ginawa iyon: end this foolish marriage before it was too late. Ipinagpapasalamat niyang wala pa ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa isa’t isa. Magdadala lang iyon ng sakit sa kanilang dalawa ni Greg.
Hinablot niya ang sariling maleta. Nanginginig niyang binuksan ang aparador. Nahinto ang kamay niya sa ere nang mapansin ang pagkakaayos ng mga damit niya kasama ng mga T-shirts at polo ni Greg. Tila may pumigil sa kanya na kunin ang mga damit.
Humugot siya ng malalim na hininga at ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga damit, tinanggal iyon sa mga hanger at ipinasok sa maleta. Natitiyak niyang tama ang gagawin niya. Minadali lang ng pagdating ni Jenny ang pasya niyang tapusin ang kasal nila ni Greg.
They were both trapped into this marriage. Matagal na niyang pinag-iisipan iyon. Iyon tiyak ang dahilan kung bakit may mood swings siya noong nakalipas na mga araw—a clear sign that it was time to end this whole foolish experiment.
Nagmamadali niyang inilagay lahat ng damit sa maleta, hindi niya gustong maabutan pa ni Greg. Isang karuwagan sa parte niya iyon, pero hindi niya gustong harapin ito. Hindi niya gustong pakinggang muli ang mga argumento nito tungkol sa kanilang dalawa. Dahil sa kapirasong papel, binigyan niya ng lisensiya si Greg na gamitin ang katawan niya.
Napapikit siya roon. She wanted it, too. Totoo. Pero sa bandang huli ay natitiyak niyang siya ang talunang lalabas sa kaayusang ito. Gagawin na niya iyon bago pa siya tuluyang masugatan. Baka hindi niya kayanin.
Isinara niya ang maleta at binuhat iyon. Pagharap niya sa pinto, bulto ni Greg ang bumungad sa kanya. Bianca froze, the very picture of guilt. Ang mga mata ni Greg ay nagpalipat-lipat sa kanya at sa hawak niyang maleta.
"Bakit may hawak kang maleta?"
Nanatili siyang nakatulala sa asawa. Ni hindi niya makuhang magsalita man lang.
"Bianca, saan ka pupunta?" Nakaguhit ang pagkamangha sa mukha nito.
Inilayo niya ang tingin dito. Bakit maaga itong umuwi? Inaasahan niyang alas-sais na ito darating. Hindi siya handang magpaliwanag. Balak niyang sabihin iyon sa sulat. Paano ba niya ngayon ipaliliwanag ang dahilan kung bakit siya aalis?
"B-bakit maaga ka?" Iyon ang lumabas sa bibig niya. Ang maleta sa kamay niya ay tila iginugupo siya pabagsak.
"Sagutin mo ang tanong ko, Bianca. Saan ka pupunta?"
"Aalis na ako."
"Aalis?" Tinitigan siya nito, sinisikap na irehistro sa isip ang sinasabi niya.
"For good."
Marahas na hinagod ni Greg ang buhok. His expression seemed more bewildered than anything else.
"Bakit?"
Iyon ang tanong na kinatatakutan niya. Naiintindihan niya kung bakit siya aalis, dahil iyon ang tama. Pero hindi niya iyon masasabi o maipaliliwanag dito.
"M-magkasama kami ni Jenny buong maghapon," she murmured.
Greg sighed wearily. "Okay. Ano ang kinalaman ni Jenny sa ginagawa mong pagbabalot?" Dumako ang mga mata nito sa maletang nasa kamay niya.
"Maghihiwalay na sila ni Pete."
"I'm sorry to hear that," he said sincerely. "But what has it got to do with your leaving this house?"
"Don't you see what I mean?"
"Hindi. At puwede bang bitiwan mo ang maletang iyan at mag-usap tayo nang maayos?"
Napapitlag si Bianca sa biglang pagtaas ng boses nito. He sounded so authoritative. Inilapag lang niya ang maleta sa kama pero hindi iyon binitiwan. Pakiramdam niya ay naroon ang lakas niya para makatayo sa tindi ng kabang nararamdaman.
"Mahal ni Jenny at Pete ang isa't isa, Greg. Alam mo bang sa college pa lang ay magkasintahan na sila?"
Umiling si Greg. Puzzlement in his eyes. "Bianca, I don't see the connection why—"
"They filed annulment. Hindi mo pa rin ba ako naiintindihan?"
Greg frowned. "Will you, please, get straight to the point?"
Isang mahabang hininga ang pinakawalan ni Bianca bago nagpatuloy. "Mayroong matibay na pundasyon si Jenny at Pete bago nagpakasal, Greg. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. I actually envied them. I wished with all my heart na sana'y makatagpo ako ng katulad ni Pete na mamahalin ako tulad ng pagmamahal nito kay Jenny..."
"Bianca, listen—"
"No, you listen." Her voice was determined. "Kung ang relasyon nila ay hindi nagtagal, paano pa ang sa atin? Ni wala nga tayong pundasyon sa simula pa lang."
Tiningnan niya si Greg. Hiling niyang sana ay naiintindihan siya nito. "Kaya ka aalis dahil sa maghihiwalay sina Jenny at Pete? Dahil hindi nila kayang patibayin ang pagsasama nila?"
"Hindi iyon ang punto."
"Natitiyak kong kaya sila maghihiwalay ay dahil may problema silang hindi nila kayang bigyan ng solusyon. At wala iyong kinalaman sa ating dalawa. Wala!"
She flinched at the harshness in his voice. "Mayroon, Greg. Mahal nila ang isa't isa, really loved each other."
"And so? Hindi ba dapat na patibayin nila ang pag-ibig nila sa isa't isa?" he burst out, exasperated.
"Exactly. Mahal na nga nila ang isa't isa pero hindi pa naging sapat iyon para magtagal ang pagsasama nila. At wala tayo niyon, Greg. Ang tanging mayroon tayo ay kasal, na ni isa man sa atin ay walang nakakaalala. Papel na hindi natin maalala kung pumirma nga ba tayo. Kaya aalis ako bago pa natin masaktan ang sarili natin." Inangat niya ang maleta at humakbang papalapit sa pinto.
Hinablot ni Greg ang maleta at inihagis iyon sa kama. Noon lang niya nakita ito na nagalit nang ganoon. May takot na umahon sa dibdib niya.
"That's the stupidest arguments I've ever heard in my life!" He bit each word off. "Dahil maaari kong iargumento sa iyo na kung sa simula pa lang ay mahal na nila ang isa't isa, then their separation makes it obvious that it is the wrong way to go about marriage."
Tinakpan ni Bianca ang magkabilang tainga. Hindi niya gustong marinig ang bawat sasabihin ni Greg. Kaya sila umabot sa ganoong sitwasyon ay dahil nakinig siya rito. Kaya nitong gawing makatwiran ang lahat. Napakapositibo nito hanggang sa huli. "Admit it, Greg. This is all foolishness. I am sure we will end up hurting each other. Hindi nagpapakasal ang isang tao sa hindi niya kilala!"
"Bakit ba tayo nagkakaganito? Maganda naman ang naging simula natin. Ginugulo mo lang ang lahat, Bianca. Don't do this." There was a pleading note in his voice.
"Huwag na tayong maglokohan pa, Greg. Alam naman nating sa ganito din matatapos ang lahat. Take my word for it."
"No!" He hunched his shoulders, stretching the fabric of his shirt across the hard muscles.
"Greg, hindi ko gustong saktan ka."
"Kung naiintindihan ko ang mga dahilan mo, may posibilidad na mauunawaan ko kung bakit ka aalis. Pero hindi. At kahit siguro ikaw sa sarili mo, hindi mo naiintindihan kung bakit mo gagawin ito."
Umiwas si Bianca ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang galit sa mga mata nito. "I am saving us all the hurt that we would incur to each other, Greg. Believe me. Pasasalamatan mo ako na ginawa ko ito."
"Thanks for your concern," he said sarcastically.
"Gagawin ko kung ano ang mas mabuti."
"Gagawin mo kung ano ang ligtas. You're a coward, Bianca." Greg's blunt declaration hurt more than she liked to admit. "Natatakot ka na baka masaktan ka kaya ka aalis. Then go."
"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin."
"Alam mo ba kung ano ang iniisip ko? You're a quitter. Noong una kitang makilala, I admired your spirit. Ang akala ko'y humaharap ka sa buhay at sa lahat ng pagsubok. Pero hindi. Mas nanaisin mo pang itago ang sarili mo kaysa subukan ang isa pang pagkakataon.
"You're falling in love with me, but it scares the hell out of you. Iyan ang dahilan kung bakit ka aalis. Sige, umalis ka. Gawin mo ang sa tingin mo ay mas mabuti. Tapos na rin akong ipakita sa iyo ang maaari nating magawa. Go, dammit! Lock yourself in that safe little world. I hope you'll be happy."
Tumalikod si Greg at pabagsak na isinara ang pinto. Naiwan siyang nakatulala. Narinig niya ang paarangkadang paglabas ng pickup nito mula sa garahe. Naupo siya sa gilid ng kama, nanginginig ang mga tuhod. Hindi niya kailanman nakita ito na nagalit nang ganoon. Angry and hurt.
She was hurting, too. Gayunman, gagawin pa rin niya ang tama.
“You’re falling in love with me, but it scares the hell out of you…”
No. Greg was wrong about that. They were sexually attracted to each other. Ipinagkamali nitong pag-ibig ang masidhing pagtugon niya rito.
20
“Bianca? Bakit bigla kang napasugod?” Bumaba ang tingin ng mommy niya sa maletang hawak niya. “Bakit may dala kang maleta? Nag-away ba kayo ni Gregorio?” sunod-sunod na tanong nito nang dumating siya sa kanila.
“Maaari bang dito muna ako, Mommy?” Sinikap niyang maging kalmado ang tinig pero hindi niya magawa. Ang pinipigil na mga luha ay nag-uunahang bumagsak sa mga pisngi niya.
Inabot ng mommy niya ang maletang hawak. "Ano ka ba namang bata ka. Siyempre naman. Maupo ka." Naupo siya sa sofa. "Ano ba ang nangyari?"
Hindi makasagot si Bianca. Hindi niya gustong sabihin kung ano ang nangyayari. Kahit kanino. Ang gusto niyang gawin ay magkulong sa silid niya sa itaas at huwag nang lumabas doon magpakailanman.
"I-iniwan ko si Greg," she said in a trembling voice.
"Bakit?" Magkahalong pagkagulat at pag-aalala ang mababanaag sa mukha ni Mrs. Sebastian. "Nag-away ba kayo?"
"Hindi kami nag-away, Mommy." Isinandal niya ang likod sa sofa. Napapagod siya sa mga nangyayari. "And I'm not falling in love with him."
Hindi niya alam kung bakit sinabi niya iyon gayong hindi naman iyon ang itinatanong ng ina. She felt so defensive. Ipinikit niya ang mga mata at hiniling na sana ay hindi na nangyari ang lahat.
"I've been so stupid."
"Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari. Aayusin natin kung anuman ang problema n'yo ng asawa mo. Wala namang problema na hindi nalulutas."
"It started off all wrong," usal niya habang nakapikit. Nag-flash sa isip niya ang mga alaala habang unti-unting idinetalye sa ina ang lahat.
Nahirapan siyang ipaliwanag sa ina kung bakit siya pumayag sa suhestiyon ni Greg na magsama sila. Muli, gumaralgal ang tinig niya nang sabihin ang pasya niya na hiwalayan ang asawa. Alam niyang tama siya. Natitiyak niya iyon. Pero hindi niya inaasahan na ganoon kasakit ang resulta niyon. Lalo na nang sabihin niya sa ina ang sinabi ni Greg na isa siyang duwag.
Marahan siyang niyakap ni Mrs. Sebastian. Sapat iyon upang tuluyang kumawalang lahat ang mga luha niya. She cried until she didn't have the breath to cry anymore.
"Magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap," wika ng mommy niya, lumakad patungo sa minibar. "A little brandy would do you good."
Pagkatapos inumin ang isang shot na ibinigay ng ina ay pumanhik na siya sa itaas. Ganoon pa rin ang ayos ng silid niya magmula nang umalis siya. The room held a lot of memories. And at the moment, it felt safe. Pumasok siya sa banyo at naligo. Umaasang sana ay tangayin ng tubig ang lahat ng sakit at kalituhang nararamdaman niya.
Pagkatapos maligo ay nahiga siya at nakapagtatakang agad na nakatulog.
UMAGA na nang magising si Bianca. Sa kusina ay naroon ang ina at nagluluto ng almusal.
"O, magkape ka na," anito. "Nakatulog ka ba?"
Tumango siya. Pagkatapos ay nagsalin ng kape sa tasa.
"Mag-usap tayo," diretsang pahayag ni Mrs. Sebastian nang maupo siya.
"Tinapos ko na ang pagsasama namin. End of story." Dahan-dahan niyang hinigop ang kape.
"Tama si Greg nang sabihin niyang duwag ka," malumanay na wika ni Mrs. Sebastian. "Hindi dahil sa kinakampihan ko siya."
"Sa simula pa lang alam ko nang walang patutunguhan ang relasyon namin, Mama. Napapayag lang niya ako," aniya. "Mommy, sorry kung nagsinungaling kami sa inyo."
"Wala na sa akin iyon, anak. Pero sino'ng may sabi na walang patutunguhan ang pagsasama ninyo?"
"It's obvious, isn't it?" Muli siyang humigop ng kape bago itinuloy ang sinasabi. "Hindi namin kilala ang isa't isa. Isang pagkakamali ang nangyari sa aming dalawa. How can we build anything on a beginning like that?"
Naupo sa kabilang gilid niya ang ina. "Hindi mahalaga kung gaano mo kakilala o hindi ang pinakasalan mo, Bianca. Marami kayong panahon para kilalanin ang isa't isa. Kapag nagpakasal ang dalawang tao, nagsisimula pa lang nilang kilalanin ang isa't isa. At ang pangyayari kung paano kayo nagpakasal ay isang magandang istorya na maikukuwento mo sa mga anak ninyo ni Greg."
"There aren't going to be any children, Mommy, because there isn't going to be a marriage," deklara niya.
"Alam mo kung ano ang problema? Ikaw. Takot kang magmahal. Takot kang masaktan."
"Hindi, Mommy. Kapag kilala mo ang isang tao, may tiwala kang hindi ka niya sasaktan," giit niya.
"In more ways than one, we hurt the people we love, Bianca. Bahagi iyon ng buhay. Hindi man natin gusto pero nangyayari. Kahit gaano ka pa kakilala o kamahal ng isang tao ay hindi iyon garantiya na hindi ka niya masasaktan. Sa palagay mo ba ay hindi kami nagkaproblema ng daddy mo?"
"Of course, you had your problems. Alam ko namang hindi naiiwasan iyan sa isang relasyon. Pero iba pa rin kapag kilala at mahal mo iyong tao at alam mong mahal ka niya."
"May isang pagkakataon sa buhay namin ng daddy mo na binalak ko siyang iwan, Bianca..."
Napatuwid siya ng upo sa sinabing iyon ng ina. "Hindi mo nasabi sa akin iyan. Bakit?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "I thought he was having an affair. Noong akusahan ko siya sa bagay na iyon ay hindi siya nakipagtalo. Tinitigan lang ako ng daddy mo at sinabing paniwalaan ko raw ang gusto kong paniwalaan. Muntik na akong umalis pero dahil mahal ko siya, hindi ko siya iniwan. Natuklasan kong mali ang hinala ko."
Naiiling na inilayo ni Bianca ang tasang hawak. "Kung kayo ni Daddy na mahal ang isa't isa ay muntik nang magkahiwalay, paano pa kami ni Greg?"
Malungkot itong umiling. "Nasabi ko na ang maaari kong sabihin, Bianca. Marahil ay tama si Greg na sabihing duwag ka. Iyan din marahil ang dahilan kung bakit inabot mo ang ganyang edad bago nag-asawa. Takot kang masaktan, takot mabigo. Pero ang buhay ay pakikipaglaban, hija. Walang sino mang nakatitiyak sa buhay na ito. At hindi tamang wala pa mang problema'y tinakbuhan mo na." Tumayo ito, hinawakan siya sa balikat. "Nalulungkot lang ako sa bagay na pinakawalan mo, Bianca."
Hanggang sa lumabas ng kusina ang ina ay hindi siya kumibo. Parang pinalalabas nito na mali siya at si Greg ang tama.
Tama ba ito? Tama ba si Greg? Was she really a coward?
21
BUONG maghapong nakatitig si Bianca sa telepono. Hindi siya lumalabas sa opisina ng shop niya. Si Tessa ang hinayaan niyang mag-asikaso sa lahat ng customers.
Hindi niya maitanggi sa sarili na sa tuwing tutunog ang telepono ay umaasa siyang si Greg ang nasa kabilang linya. Pero laging mali ang inaasahan niya dahil hindi naman siya tinatawagan nito. O kahit magtungo man lang si Greg sa shop niya.
Iyon naman ang gusto niya, 'di ba? Paanong hinahanap niya ito? Somehow, she missed him so. She missed his house. She missed his shop and the carpenters who were all pleasant and nice. She missed Betty, too. Noong nakalipas na mga araw ay magkasundong-magkasundo sila. But there was no way she would go back to him.
Naputol ang pag-iisip niya sa tinig ni Tessa. May dumating na deliveries. Agad siyang tumayo subalit bigla rin siyang naupong muli. Umiikot ang buong paligid niya. Ilang araw na rin niyang nararamdaman ang pananakit ng ulo at pagkahilo.
"May dinaramdam ka ba?" nag-aalalang tanong ni Tessa nang makitang namumutla siya.
"Bigla akong nahilo."
"Kahapon ka pa ganyan. Hindi kaya nagdadalang-tao ka na?"
Napatingala siya rito. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Tessa. Hindi iyan magandang biro."
"Ano namang masama roon? May asawa ka naman, natural na magdalang-tao ka. Mabuti pa'y magpa-check up ka na lang. Sa kabilang building ay may doktor."
Tumango siya. "Ikaw na muna ang bahala rito."
“WALANG problema sa iyo, Mrs. Vargas. Iyong mga sinasabi mo sa akin ay sintomas ng isang taong nagdadalang-tao.”
"Nagdadalang—" Hindi makuhang ituloy ni Bianca ang salita. She felt a sudden tightness in her throat. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa sinabi ng doktora. She felt more like fainting. "I can't be pregnant..." she whispered.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "May mga babaeng tulad mo ang nagiging reaksiyon. Pero lilipas din iyan. At para makatiyak ka, maaari tayong magpa-urine test. May laboratory naman dito."
I’m pregnant. Ni hindi niya napunang hindi dumating ang buwanang dalaw niya. Hindi rin niya iyon naiugnay sa pabago-bago ng moods niya. Kahit hindi siya bumili ng pregnancy kit ay natitiyak niyang tama ito.
But god, she couldn't be pregnant.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay sa resulta ng pregnancy test ay hindi malaman ni Bianca kung saang direksiyon siya pupunta. Malinaw ang isinasaad ng papel na hawak niya. Positive. Nagdadalang-tao siya. At base sa huling period niya, ayon sa doktora ay limang linggo na ang nasa tiyan niya.
Nanlulumo siyang naupo sa loob ng kotse niya at nakatanaw lang sa kawalan. She was carrying a child. Anak nila ni Greg. The thought brought a confusing rush of emotions tumbling after it. Noon pa man ay inilalagay na niya ang sarili sa sitwasyong may dalawang tao na bahagi ng buhay niya. Isang anak at ang ama. That was just part of her dreams. Hindi niya inaasahang magkakatotoo iyon.
Until Greg. Ngayon, hindi na iyon isang panaginip. It was reality. Nagdadalang-tao siya. Wala sa loob na dinama niya ang tiyan.
"Greg..." Bianca drew in a quick deep breath. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Gusto niyang puntahan si Greg at sabihin na daddy na ito. She wanted to feel his arms around her, to hear him say that he was happy about it.
Pero paano niya gagawin iyon? Siya mismo ang nagsara ng pinto sa pagitan nila ng asawa. Slammed it, in fact. Paano siya lalapit dito at sabihing gusto niya ng isa pang pagkakataon? Natitiyak niyang tatanggapin siya ni Greg, lalo na kapag nalaman nitong magkakaanak sila.
Isa na namang maling pundasyon para sa pagsasama bilang mag-asawa. She didn't want to trap him because she was pregnant.
Ang gusto niya ay marinig mula rito na mahal siya nito... na hindi nito kayang mabuhay nang wala siya.
Oh, how she missed him at this very moment.
Tumuloy na siyang umuwi sa kanila. Ibinalita niya sa ina ang resulta ng pagpapa-checkup niya. Kailangan niya ng mapagsasabihan.
"You're pregnant!" bulalas ni Mrs. Sebastian. "Ibig mo bang sabihin ay magiging lola na ako?"
Suminghot siya. "Yes, Mommy."
Nakabakas sa mukha ng mommy niya ang kagalakan. "Kailangan nating mag-celebrate. Alam ba ni Gregorio?"
"Hindi."
Hinawakan siya nito sa mga kamay. "May karapatan si Gregorio na malaman ang tungkol sa bata, Bianca. Siya ang ama. Hindi mo naman maitatago iyan sa kanya."
"Alam ko naman iyon, Mommy." Pinakawalan niya ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito. "Pero hindi muna ngayon. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya. I need a little more time."
"Kung hindi mo iniwan si Greg, hindi ka magkakaganyan."
"Mommy, please, huwag mo na akong pagalitan," pagsusumamo niya sa ina.
Magsasalita pa sana ang mommy niya nang sabihin ng katulong na may bisita sila. Kasunod nito sa pinto si Carlo.
"Good afternoon, ma'am," bati nito kay Mrs. Sebastian na itinuro ang sofa at pinaupo ito. "Mabuti naman at naabutan kita rito, Bianca. Nagpunta ako sa shop mo pero nakaalis ka na," sabi nito.
"Bakit mo ako hinahanap?" walang interes na tanong ni Bianca.
"I just want to tell you that you're an absolute fool."
Nagulat si Bianca sa sinabing iyon ni Carlo. Alam naman niya kung ano ang ibig nitong sabihin. "Hindi ko kailangan ang opinyon mo, Carlo," aniya sa sarkastikong tinig. "Ikaw ang naglagay sa amin ni Greg sa ganitong kalagayan."
"Really?" He was equally sarcastic. Pagkatapos ay isang nagpapaumanhing tingin ang ibinigay kay Mrs. Sebastian na nakikinig lang. "Miserable ka. Pati si Greg. Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Para kayong mga bata."
Greg is miserable without her. Tila bumilis sa pagpintig ang puso niya sa narinig. Pero agad din niyang kinalma ang sarili.
"Ano'ng sinabi sa iyo ni Greg?"
"Wala. Para akong nakikipag-usap sa adobe. Ang sabi niya ay iniwan mo siya at na huwag na akong makialam."
"He's right. Pareho naming alam ang ginagawa namin."
"Hah! Iyan ang akala n'yo. I can't let you both destroy yourselves. Bianca, you are both my friends. Kung alam ninyo ang ginagawa ninyo, bakit ka nagtatago rito at si Greg naman ay halos patayin ang sarili sa trabaho sa shop niya?"
"Carlo—"
"Hayaan mo na muna sila, Carlo. Problema nila iyon," wika ni Mrs. Sebastian.
"Sorry, pero hindi ko basta hahayaan na gawin ng mga ito ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay nila. Estupido lang ang hindi magsasabing hindi nila mahal ang isa't isa!"
Tumayo si Mrs. Sebastian. "Oh, you're right, Carlo. I can see that Bianca loves her husband. At dapat ding malaman ni Gregorio na si Bianca ay—"
"Mommy!" awat ni Bianca sa balak sabihin ng ina.
Tinitigan siya ng ina. "Hija, hindi mo naman maitatago ang bagay na ito."
"I know, Mommy. But this isn't the right time."
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Carlo sa kanilang mag-ina. "What right time?"
"Bianca's pregnant, Carlo," tuwang-tuwa pa ring balita ni Mrs. Sebastian. "And, of course, Gregorio has the right to know that he is to be a father."
"Mommy..." Napaungol si Bianca.
"You're... you're pregnant!" Carlo squeezed the words out. "Oh, my god."
Bianca frowned. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksiyon mula rito. Bigla itong nawalan ng kulay na tila ito ang ama ng dinadala niya.
"S-sinabi mo na ba kay Greg?"
"It's none of your business."
"Hindi mo pa sinasabi?" konklusyon na kaagad nito. Hinagod nito ang buhok. Umangat iyon pataas.
Ipinagtataka niya ang ikinikilos ni Carlo. Tila ito naguguluhan at nagkaproblema sa narinig na balita. Pagkatapos ay tumingin sa relo sa braso at nagpaalam na may lakad pa ito at si Trisha.
HINDI makapag-concentrate si Bianca sa shop. Kung hindi ang dinadala sa sinapupunan ang iniisip niya, ang ama naman nito ang umookupa sa isip niya. Iniisip niya ang sinabi ni Carlo kahapon. Mahal daw nila ang isa’t isa ni Greg.
She missed him so much. Gabi-gabi ay ito ang laman ng isip niya. She couldn't possibly love him already?
Pero hindi ba't si Greg ay iyon din ang sabi sa kanya?
“You’re falling in love with me, but it scares the hell out of you…”
Oh, god. Nanlulumong napapikit siya sa katotohanang hindi niya gustong aminin.
"Hello, Bianca."
Napapitlag siya sa pamilyar na tinig na narinig. Hindi niya gustong lingunin ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Nakatitig siya sa mga papel na hawak. But she couldn't ignore him forever. Holding her breath, she looked up.
Ganoon na lang ang impact niyon sa kanya. Gusto niyang tumayo at yakapin si Greg. Sabihin ang napakagandang balita. Ngunit hindi niya magawa.
"Hi," ang tanging nasabi niya.
"You look beautiful." Hindi inaalis ni Greg ang tingin sa kanya.
"Salamat."
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Bianca could feel her nerves stretching thin. Lumunok siya. "May... may kailangan ka ba?" Ngali-ngali niyang kurutin ang sarili. Mali ang pagkakasabi niya. At kitang-kita niya iyon sa mukha ni Greg.
"Dammit, but I need my wife!" he said harshly. Walang pakialam kung narinig man ito ng ilang customer. "Pero sa nakikita ko'y nakakaabala ako." Akmang tatalikod ito subalit iglap na napatayo si Bianca at hinawakan ito sa braso.
"Wait. H-hindi iyon ang ibig kong sabihin." Tila siya napaso sa braso ni Greg at agad niyang inalis ang pagkakahawak dito.
Alam na ba nito ang tungkol sa pagdadalang-tao niya?
I need my wife… What did he mean? Did he need her in his life or just in his bed?
Greg sighed. Muling humarap. "How are you?" he asked softly, hinahagod ng tingin ang mukha niya at ang kabuuan niya. He looked like as if he missed her. Could Carlo be right?
"I-I'm fine. Ikaw?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "Same here."
Tell me you miss me and you can’t live without me. Sabihin mong umuwi na ako.
Ngunit ibang salita ang lumabas sa bibig ni Greg. "Sana'y okay lang sa iyo na dumaan ako."
She was so disappointed but she didn't let it show. "Yeah."
Greg stared at her for what seemed to be forever. He let out another sigh, then, "Hindi ko naman gusto na magkahiwalay tayong magkagalit pagkatapos ng pinagsamahan natin. Can we still be friends?"
She swallowed.. Friends? No. Hindi niya gustong maging kaibigan ito. She wanted to be his wife, his lover, the center of his life. The mother of his child.
Ipinasok ni Greg ang kamay sa bulsa at inilabas uli. Nanatiling nakatitig sa kanya. Pagkuwan ay, "I have to go. May ide-deliver pa akong highboy."
Tell him. Tell him you love him, you idiot. And tell him about the child, tila konsiyensiya iyon na bumubulong sa tainga niya.
Subalit nanatiling nakatikom ang mga labi niya. Paano ba niya sasabihin kay Greg ang lahat ng iyon?
"Bye," atubiling paalam nito at ilang sandali pa ay tuluyan nang nawala sa paningin niya.
"Stupid!" aniya sa sarili.
22
Habang inilalabas ni Greg ang delivery truck sa parking area ng mall ay pinapagalitan niya ang sarili. Hindi niya nasabi ang dapat na sabihin. Ilang gabi na niyang pinaghandaan iyon. Pero ni alinman sa mga iyon ay hindi niya nasabi kay Bianca. Kahit isang salita.
Ilang araw niyang tiniis na wala si Bianca sa bahay. Gusto lang naman niya itong mag-isip. Malaman nitong mali ang ginawang pag-alis. Pero hindi siya makatiis. His house felt so damned empty without her. Kaya niya ito pinuntahan ay para sabihing umuwi na at bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang pagsasama nila. Sa halip ay nakipagtitigan lang siya kay Bianca.
Why didn’t you tell her how you felt?
Paano ba niya sasabihin kay Bianca na kailangan niya ito? That his life was empty without her. That he was in love with her. Na kahit hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya ay maghihintay siyang mahalin nito. Hindi pa rin siya naniniwalang sa ganoon lang magtatapos ang lahat sa kanilang dalawa.
They felt so right to each other. Kailangang maramdaman iyon ni Bianca. Bakit ba hindi nito makita iyon? Bakit ba hindi maramdaman ni Bianca na mahal niya ito?
All he needed to do is give her another time. Maghihintay siya.
PAGDATING sa bahay ay tumuloy si Greg sa shop. Nakauwi na ang mga tao niya dahil pasado alas-singko na. Kinuha niya ang rocking chair sa dulo at sinimulang gawin dahil nagmamadali na ang may-ari niyon.
Ngunit ayaw kumilos ng mga kamay niya. Mula nang umalis si Bianca ay lagi na siyang ganoon. Tila ba walang silbi ang lahat ng gawin niya. Buong buhay niya ay ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Kapag kailangan niya ng kasama, tatawagin lang niya ang mga kaibigan ay ayos na sa kanya. Pero ibang paghahangad ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Hindi niya kailangan ng kaibigan o kasama. Si Bianca ang kailangan niya. There was an empty space inside him that only she could fill.
Dapat noon pa ay sinabi na niyang mahal niya ito. Hindi marahil ito umalis. Sabi nito ay walang pundasyon ang pagsasama nila. Pero hindi ba malaking pundasyon iyong mahal niya ito? Natatakot siyang baka tanggihan ni Bianca ang pag-ibig niya kapag sinabi niya ang nararamdaman.
Pero wala na ito. At tila hindi na gustong bumalik. Pero wala siyang balak na sumuko. Hahanap at hahanap siya ng paraan para bumalik ito. He would convince her that this crazy marriage was the best thing that had ever happened to either one of them.
"Hey, Greg."
Nilingon ni Greg ang nagsalita. Si Carlo. Nakatayo ito sa may pinto ng shop sa likod dahil sarado na ang harap.
Matabang siyang ngumiti. "Maupo ka na lang kahit saan diyan. May kailangan ka ba?"
Carlo's expression was somewhere between guilt and depression. Huminga nang malalim si Greg. Kinalimutan muna niya ang problema kay Bianca at hinarap si Carlo na tinalo pa ang nalugi sa hilatsa ng mukha.
"Ano'ng problema mo? Break na kayo ni Trish?"
Umiling lang ito at tumingin sa kanya. "Greg, ilang taon na ba tayong magkaibigan?"
Kumunot ang noo niya sa tanong na iyon. "Since the beginning of time. Bakit, anniversary ba natin?" he said sarcastically.
Hindi agad nagsalita si Carlo. Ang anyo ay tila pasan nito ang mundo. "Hindi ako nagbibiro, Greg. Matagal na tayong magkaibigan, 'di ba?"
Umangat ang isang kilay ni Greg. "Ano na namang kalokohan ang ginawa mo? Nabangga mo ba ang kotse ko pagpasok mo ngayon sa garahe?"
"Nagkita kami ni Bianca kahapon."
Tila napigil ang hininga niya sandali. "Okay," he said calmly.
"Kaibigan mo ako. Hindi ba, Greg?"
Napabuga ng hangin si Greg sa ere. "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Para kang sirang-plaka! Sabihin mo na, hindi ako magagalit. So, nagkita kayo ni Bianca. What?"
"Our friendship, Greg. Please remember always that we've been friends since time immemorial," patuloy ni Carlo na tila tupa ang mukha sa kaamuan.
"Kapag hindi mo pa sinabi kung ano ang ginawa mo, eh, natitiyak kong makakalimutan kong kaibigan kita," naiirita na niyang sabi.
"Okay... okay. Hindi dapat ako ang magsasabi sa iyo. Pero kailangan ko nang sabihin. Kahit na magalit sa akin si Bianca. Alam kong hindi niya ako mapapatawad. But I only did what I think is best."
"Carlo!" he warned.
"Bianca's pregnant," Carlo blurted out.
Napatitig si Greg dito. Pakiramdam niya ay umuga ang sahig. "Ano'ng... sinabi mo?"
"Si Bianca, nagdadalang-tao."
Napahawak siya sa noo kasabay ng pag-ungol. He paced the four corners of his shop. "Oh, god. Magka-kaanak kami. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Balak ba niyang itago iyon? Ano na ba ang pumasok sa utak niya?" Tumaas na ang tinig niya. Bumalik ang atensiyon niya kay Carlo.
"Hindi ko alam ang sagot," ani Carlo at unti-unting umaatras.
"Pupuntahan ko siya. Ibabalik ko siya rito. Kahit pa magwala siya. Kahit na itali ko siya at ipasok sa sako ay gagawin ko, maiuwi ko lang siya rito." Lumabas siya ng carpentry shop at pumasok sa bahay.
"Greg, wait," habol ni Carlo. "Mag-usap muna tayo bago mo puntahan si Bianca."
"Ang kailangan kong kausapin ngayon ay si Bianca. Dammit! Bakit hindi niya sinabi kanina? Nagkita kami. Ni pahiwatig ay wala siyang ipinakita. Ako ang asawa niya, for goodness' sake!"
"Kaya nga dapat muna tayong mag-usap."
Hindi niya gustong pansinin si Carlo. Nasa asawa ang buong isip niya. Muli siyang lumabas nang makuha ang susi ng four-wheel drive.
Humabol si Carlo. "Greg, mag-usap muna tayo," hinihingal na usal nito.
"Mamaya na tayo mag-usap. Sabihin mo kay Betty na isara ang pinto at gate."
"Greg."
"Hindi ba ako ang dapat na unang makaalam ng kalagayan niya?" aniya habang binubuksan ang gate. Pagkatapos ay lumakad siya patungo sa pickup. "Bakit nauna ka pang makaalam na parang ikaw ang ama? Ano ba'ng ginawa ko sa kanya? Ako ang asawa niya. Karapatan kong malaman ang tungkol sa bata."
Huminto siya sandali sa paghakbang. He took a slow and deep breath. Hindi siya dapat naghihisterya. He should calm himself. For heaven's sake, nagdadalang-tao lang ang asawa niya pero natataranta na siya.
"Hindi, Greg." Hinawakan ni Carlo ang braso niya.
He turned to his friend. "Salamat sa pagtatapat mo, Carlo. Pipilitin ko si Bianca na bigyan ng isa pang pagkakataon ang pagsasama namin, come hell or high water."
"Greg, hindi maaari."
He frowned at Carlo. "What is wrong with you? Para kang pusang hindi maanak sa kasusunod at kapipigil sa akin."
Humakbang itong palayo sa kanya bago nagsalita. "Greg, ginawa ko ang lahat ng magagawa ko. You are both my friends. And I believe you are meant for each other. Ang gusto ko lang naman ay ang magkakilala kayo."
Nagsimula nang pumasok ang pagdududa sa isip niya. "Ano'ng ginawa mo?"
Muli ay umatras ito. "Maganda naman talaga ang intensiyon ko noong mga sandaling iyon."
"Dammit, Carlo, what are you talking about?"
"Naalala mo noong birthday ni Bianca?"
"How do you think would I forget that?" He was sarcastic.
"Hindi ba pareho kayong lasing noong gabing iyon?"
"Carlo..." Inespasyo niya ang bawat letra ng pangalan nito. Nauubos na ang pasensiya niya. "Hindi mo kailangang idetalye kung ano ang nangyari. Alam nating pare-pareho iyon. Iyon ang dahilan ng nangyayari sa amin ni Bianca ngayon. Sabihin mo kung ano ang ginawa mo."
"Ipapaalala ko lang na matagal na tayong magkaibigan at talagang maganda nag intensiyon ko—"
"Anak ng—!"
"Greg, the marriage was fake." Mabilis ang pagkakasabi ni Carlo, gayunman ay malinaw na malinaw iyon sa pandinig ni Greg. "Hindi totoo ang nasa marriage certificate. Hindi pirma ni Tiyo ang nakalagay roon."
"You fucking son of a bitch!" Hindi nakaiwas si Carlo sa kamao niya. Bumulagta ito sa baldosa. "Tayo! Mapapatay kita, Carlo!"
"Paano ang pagkakaibigan natin? Ang konsiyensiya mo?" Hinawakan nito ang panga at tiniyak kung buo pa ang mga ngipin.
"Lalo mo lang akong ginagalit. Wala nang konsiyensiyang natitira sa akin para sa iyo. Paano mo nagawa ito sa amin? And you said we are your friends? Kailan mo balak sabihin sa amin ang totoo?"
Paatras na tumayo si Carlo. "Sa palagay mo ba'y hindi ko pinag-iisipan iyan? Noong gabing iyon ay desidido kayong dalawang magpakasal. It would have been a real wedding kung naroon ang tiyuhin ko. Pero wala siya kaya kinausap ko ang isa ko pang tiyuhin, 'yong kapatid ni Mayor. Sabi ko'y biru-biruan at gusto n'yo lang talagang bigyan ng basbas ang pagtulog ninyong magkasama sa cottage. Eh, game naman si Tito Binoy..."
"Sinamantala mo ang kalasingan namin! O baka naman talagang nilasing mo kami nang husto at plano mo nang gawin iyon?" Humakbang siya palapit.
Nahintakutang umatras si Carlo. Ibinabadya ng mukha nito na totoo ang hinala niya. "H-hindi inaasahan ni Mayor ang pagtawag sa kanya ng isang kasamahan sa munisipyo nang gabing iyon... emergency. Sabi niya'y ipagpaliban na lang ang kasal... pero nang malasing kayo'y nagpilit na kayong pakasal....
"Kaya lahat ng mga nangyari sa inyo ay gawa-gawa ko lang. The ceremony, the certificate. Except for the rings. They're real. You owe me the ring, Greg. You haven't paid them yet—"
Akma niyang susuntukin ito pero muli itong umatras at tumayo sa likod ng swing. "Nang umagang iyon sa cottage, balak ko nang sabihin sa inyo ang totoo pagkatapos ninyong mag-usap. Pero umalis kayo nang walang paalam. Nalaman ko na lang na itinuloy ninyo ang pagsasama. Saka, nakita ko namang magkasundo kayo at talagang bagay kayo. Kaya hinayaan ko na muna."
"I could kill you for this, Carlo." Sumisingasing ang ilong niya sa galit. "Alam ba ni Bianca?"
Carlo looked so repentant. "Hindi. Kaya nga nang malaman kong nagdadalang-tao siya, nag-panic ako. Pero ito na rin 'yong panahong hinihintay ko para malaman ninyo ang totoo."
Greg growled. There was no other word for it. Lumakad siya palapit kay Carlo at dinakma ang damit nito at bibigyan pa sana ng isa pang suntok pero iniharang nito ang mga braso sa pagitan nila.
"Mamaya mo na ako bugbugin. Puntahan mo muna si Bianca."
That did the trick. Tila natauhan si Greg nang marinig ang pangalan ni Bianca. Pabalya niya itong binitiwan. "Huwag na huwag kang magpapakita sa akin. Or else, you're dead meat!"
"Greg, believe me, mahal ka ni Bianca. Mahal ninyo ang isa't isa!"
Hindi niya ito pinansin at sumakay na sa pickup. Inilabas niya ang sasakyan sa garahe at halos paliparin iyon patungo sa boutique ni Bianca.
Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya. Nagagalit siya sa ginawa ni Carlo. Pero kung tutuusin ay dahil dito kaya niya nakilala si Bianca. Nagagalit din siya kay Bianca sa hindi nito pagsasabing nagdadalang-tao ito.
Pero mas nangingibabaw ang kaligayahang nadarama niya. Daddy na siya. Gusto niyang sumigaw at ipaalam iyon sa buong mundo.
Now, he was sure that this was meant to be. He and Bianca belonged together. Walang dahilan para magkahiwalay pa silang muli.
23
HINDI mapalagay si Bianca. Naroong hawak na niya ang telepono para i-dial ang numero ni Greg pero muli ring ibababa. Naroong ayusin ang sarili para puntahan ito sa bahay nito. Hindi na niya mabilang kung nakailang ikot na ang ginawa niya sa loob ng boutique mula pa kaninang umalis si Greg.
Nang pagpasyahan niyang umalis sa bahay nito ay malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit niya kailangang umalis. Pero sa nangyayari parang hindi na niya mabigyang katwiran ang ginawa.
It was her fault. Nag-panic siya nang malaman niya ang tungkol kay Jenny at Pete. She was such a fool.
Nag-chime ang pinto ng boutique at agad siyang napatingin sa glass door nang bumukas iyon. Shocked filled her.
Pumasok si Greg sa loob. Tinitigan si Tessa. "Please, leave us."
Nagtataka man ay mabilis na sumunod si Tessa. Pagkalabas nito'y inilagay ni Greg ang CLOSE sign sa pinto.
Bianca took a deep breath as she gazed at him. There was something in the set of his shoulders that made her uneasy. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito. Pero iisa ang tiyak, he was not in a good mood. He looked upset.
"Let's talk," deretsong sabi nito sa walang pasubaling tinig.
She swallowed. "S-sinabi ba sa iyo ni Carlo?"
"Yes, dammit!" he snapped. "Ako ang asawa mo pero nauna pang makaalam si Carlo."
"I'm... sorry."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong nito, may bahid ng hinanakit ang tinig.
Nagyuko siya ng ulo. "Sasabihin ko rin naman. Hindi lang ako makakuha ng lakas ng loob. I don't want you to accuse me of trapping you in—"
"Trapping me?" he growled furiously. "I let myself trapped in this sham of a marriage because I wanted to, Bianca. After that night I could have easily walked out on you and never looked back."
"I know," aniya sa maliit na tinig. "Why didn't you?"
"Hell if I know then!" Hinagod nito ang batok at inikot ang tingin sa loob ng boutique pero tila wala namang nakikita. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa kanya. "Pero ngayon ay alam ko na kung bakit. Dahil mahal kita... dahil iniibig kita. Dahil hungkag ang buhay ko kung wala ka. Naiintindihan mo ba iyon?"
Napasinghap siya. Wala sa loob na napahawak sa dibdib. Umaagos ang kaligayahan sa dibdib niya. Napatitig dito. Gusto niyang tumakbo sa mga bisig nito at yumakap. Pero ipinako niya ang sarili dahil gusto niyang makatiyak.
"Y-you're telling me that you love me because... because I'm pregnant? You want to make things right again, Greg?"
Nagtagis ang mga ngipin ni Greg doon. "Walang sino mang makapipilit sa aking gawin ang isang bagay na hindi ko gusto, Bianca. Mali man iyon o tama. If you think I am that noble, then think again. But I love you. I wish you can believe that, with or without the baby. But it's a bonus. Gusto kong maging ama ng mga anak mo... ng mga anak natin."
May biglang nagdaan sa isip niya at napatitig siya rito. "You said 'sham of a marriage'? Was it a figure of speech?"
A muscle in his jaw twitched. "No. Hindi totoo ang kasal natin. Inamin lang sa akin ni Carlo kanina. Ang tanging hindi lang fake ay ang mga singsing natin."
A silent groan came out of her throat. Hindi niya maintindihan kung bakit kay sakit marinig ang bagay na iyon gayong sinabi na nitong mahal siya nito. They were not married. Greg wasn't her husband. This whole crazy arrangement hadn't ever existed. Hindi sila kasal ni Greg. Namuo ang luha sa mga mata niya.
Tinawid ni Greg ang espasyo sa pagitan nila at niyakap siya nito, pulled her closer, bending to brush a quick kiss over her shaking mouth.
"Don't cry, darling. Magpapakasal tayo. For real this time. Lahat ng pamilya natin ay naroroon. Your mother's dream of seeing you wearing white will come true."
Inilayo ni Bianca ang sarili kay Greg, her spine rigid with pride. "K-kaya mo lang sinasabing mahal mo ako dahil nagdadalang-tao ako. Hindi ko kailangan ng ganoong charity, Greg."
"It's not charity." Huminga nang malalim si Greg at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "I love you. I've been in love with you for weeks. Perhaps I already love you the first time I saw you. Kaya marahil nangyari sa atin ito. Kaya nagpatangay tayo sa manipulasyon ni Carlo..."
She wanted to believe him. She ached to believe him.
Itinaas nito ang mukha niya. "Bianca, I love you. Nang puntahan kita kanina'y nakahanda nang lahat ang sasabihin ko pero naumid ako. Tinawag kitang duwag, pero ako naman talaga ang takot. Natatakot akong kapag sinabi kong mahal kita ay tanggihan mo ako."
Sinalubong niya ang mga mata nito. Hinahanap niya roon kung nagsasabi ito ng totoo. Wanting with all her heart to believe him.
"You're sure you love me?"
"More than I can ever tell you. I feel so empty without you. Kailangan kita at mahal kita."
Hindi niya mapaniwalaan ang naririnig. Her heart beating so fast. She drew a deep breath. "I love you, too, Greg. I never thought I would fall for you like this."
Greg cupped her face and kissed her passionately. Holding her close, holding her safe, holding her forever.
Buong pagmamahal niyang tinugon ang mga halik nito. They had both taken the biggest gamble of all, and it felt so wonderful.
Wakas
*****Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa at nagvovote at nagco - comment. Pasensya na at di ko kayo narereplayan lahat. Bawi na lang ako sa susunod. Keep supporting guys. -Admin A **********

