loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Wild Addiction Series 2: Death Velasco (SPG)

Wild Addiction Series 2: Death Velasco (SPG)

xxriegozzxx · 12 chapters · 14,333 words

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, business ,places, events and incidents are either the product’s of the author imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.

This story contains incorrect typos/ spelling/ grammar. I’m not a professional writer so please bear with me. Thank you!

WARNING ⚠️

THIS STORY CONTAINS STRONG CONTENT , R-18, NOT SUITABLE FOR BELOW 🔞 YEARS OLD.

Read at your own risk!

Facebook Account: Cruz Wp

Facebook Group: Azzinations (Official Group)

Facebook Page: Az

zinatics Stories

Dreame Acc: XXRIEGOZZXX

Copyright ©️ 2024 by XXRIEGOZZXX All rights.

Prologue

TUMATAKBO ako ng mabilis habang umiiyak dahil sa natanggap kong mensahe. Galing ako sa school ng may mag text sa ’kin na may masamang nangyari sa mama ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa tindi ng iyak ko. Sana talaga ay hindi totoo ang natanggap kong mensahe.

Ayaw kong mawalan ng ina kaya nagdarasal ako na sana hindi totoo. Si mama Georgia nalang kasi ang meron ako. Wala akong ama na kinilala simula pa ng bata ko dahil ang sabi ni mama ay matagal na daw silang hiwalay ni papa. Nahuli daw kasi niya ‘tong may babae kaya mas pinili niyang hiwalayan kaysa magtiis sa lalaking manloloko.

Si mama Georgia ang lagi kong kasama sa buhay. Siya ang tumayo bilang ina at ama ko kaya natatakot ako na baka mawala siya sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa ‘kin kung mawawala sa ‘kin ang mama ko.

Nakarating ako sa hospital dahil isang nurse ang nag text sa ‘kin at sinabing pumunta daw ako ng hospital dahil may nangyari daw sa mama ko. Dapat ay may klase pa ako ngayon ngunit hindi na ako pumasok pa.

Humahangos akong nagtanong sa information desk kung nasa’n ang mama ko na agad naman nilang sinabi. Yung kabog ng dibdib ko ay sobrang lakas na halos hindi ko na marinig pa ang nakapaligid sa ‘kin.

Nakarating ako sa labas ng emergency room dahil dito daw dinala si mama. Hindi ko na mapigilan nag luha habang nakatitig ako sa nakasarang pinto at tahimik na umuusal ng dasal.

Ngunit gumuho ang mundo ko ng bumukas nag pintuan ng emergency room at isang doctor ang lumabas do’n. Sinabi niya sa ‘kin na hindi daw kinaya ni mama. Napaluhod nalang ako habang umiiyak. Bakit si mama pa? Bakit siya pa ang na aksidente. Sobrang sakit.. sobrang sakit mawalan ng isang ina. Para bang kalahati ng pagkatao ko ay namatay din sa pagkawala niya.

Inalalayan pa ako ng babaeng nurse at binigyan ng tubig para pakalmahin ako. Hindi ko na alam kung paano ko patitigilin ang mga luha na umaagos sa mga mata ko. Paano na ako ngayon? Ako nalang mag-isa. Paano na ang pag-aaral ko, paano na ako ngayon. Masyado pa akong bata para mawalan ng ina.

Wala naman akong alam na pwedeng malapitan para sana humingi ng tulong. Hindi naman kasi pinakilala ni mama ang papa ko at kahit isang picture man lang ay wala akong mahanap sa bahay namin. Para bang sinunog lahat ni mama ang mga picture ni papa. Pati nga birth certificate ko ay hindi ko makita. Tanging si mama lang ang nakaka alam kung nasaan. Pag nag e-enrol ako sa school ay lagi niya akong sinasamahan. Kaya malaking impact sa ’kin ang pagkawala ni mama.

16 years old palang ako ngayon kaya hindi ko alam kung paano ang pag-aaral ko. Titigil nalang muna siguro ako at maghahanap ng trabaho para may pangkain ako sa pang araw-araw.

Inayos ko ang lahat ng mga kailangan ni mama. Hindi ko aakalain na maaga kong aayusin ang mga gagamitin sa lamay ni mama. Alam ko naman kasi kung nasa’n ang ipon niya kaya yun ang ginamit ko pambayad. Bahala na kung anong mangyari sa ‘kin sa susunod na araw, ang mahalaga ay mabigyan ko ng libing si mama.

Balak ko sanang tawagan ang kapatid ni mama na matagal ko ng hindi nakikita. Tatlong beses ko lang siya nakita at hindi na siya muling bumisita kay mama. Hindi kami close ng kapatid ni mama. Natatakot kasi talaga ako sakanya. Tandang-tanda ko pa kung gaano ka suplado ang mukha ng kapatid ni mama. Hindi din siya palangiti at para bang kailangan pang bayaran ang ngiti niya upang makita ko.

Matagal na din pala ng huli ko siyang makita. Siguro ay nasa 12 years old pa ako no’n at masyado lang mabilis ang pagbisita niya. Natakot pa ako dahil panay ang titig niya sa ’kin na para bang may mali sa pagkatao ko. Hindi ko din nasubukan na makausap siya dahil ilag siya sa ’kin sa hindi ko alam na dahilan. Sabi ni mama ay ganun lang daw talaga si uncle Death. Seryoso daw sa buhay at sanay daw na mag-isa. Hindi daw palangiti at mabilis uminit ang ulo. Kaya hindi ko na susubukan na lumapit sakanya. Pero dahil kapatid siya ni mama ay kinuha ko nag cellphone ng mama ko para hanapin ang number ni uncle Death at nagsend ako ng message.

Ito ang unang gabi ni mama at bukas ay libing niya. Ako lang naman kasi mag-isa kaya hindi ko na patatagalin pa ang lamay niya. Inaasahan ko na dumating si uncle Death ngunit kahit anino niya ay hindi nagpakita. Hindi ko alam kung yun parin ba ang phone number niya o hindi na.

Dumating ang araw na ililibing si mama at ako parin mag-isa. Nandito lang ako sa tabi ng puntod niya at umiiyak dahil miss na miss ko na siya. Halos maubos na ang perang naiwan ni mama kaya hindi ko alam kung paano na ako ngayon.

Maghahapon na ng maisipan kong umuwi sa bahay namin ni mama. Hindi ako agad pumasok at nakatitig lang ako sa labas ng bahay. Inaalala ko ang mga alaala namin ni mama. Naiyak na naman ako ulit at tuluyang napahagulgol.

Naisipan kong pumasok na sa bahay at halos mapasigaw ako sa gulat ng may makita akong lalaking nakaupo sa sala namin. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

“S-Sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay namin ni mama?” Tanong ko sa lalaking nakaupo.

Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkos ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at dahan-dahan na humarap sa ’kin. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino siya. Si uncle Death, ang kinakatakutan kong kapatid ni mama.

Walang pinagbago ang itsura niya, isa parin siyang gwapo na masungit na lalaki. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o hindi. Hanggang ngayon ay natatakot parin ako sakanya.

“U-Uncle Death..” sambit ko sakanyang pangalan habang nauutal pa.

“Pack all your things, Primrose. You will come with me.” Sabi niya sa baritonong boses.

Ako naman ay naguguluhan. “Po?” Tanong ko pa. Tama ba yung pagkakadinig ko sa sinabi niya.

“You will live in my house with me.” Sabi niya kaya mas lalong nanlaki ang mata ko at napalunok ng ilang beses.

Hindi ko yata kayang tumira sa bahay niya. Mas gugustuhin ko pang tumira dito sa bahay ni mama ng mag-isa kaysa naman siya ang kasama ko. Baka sigawan at sungitan lang niya ako kapag may nagawa akong kasalanan. Mukha palang niya halata ng bubugahan ako ng apoy. Ang saklap talaga ng buhay ko.

Chapter 1

Primrose Pov

NAGLALAKAD ako palabas ng classroom dahil tapos na ang klase namin. Ako lang mag-isa at hindi na ako sumabay sa mga friends ko dahil gagala sila ngayon. Hindi naman ako makakasama kaya hindi nalang ako sasabay sakanila palabas ng gate.

Napabuga ako nga hangin habang naiingit sa mga friends ko na gagala pagkatapos ng klase. Actually, kasama naman talaga nila ako dati. Naging routine na namin na pagkatapos ng araw ay pupunta kami ng mall. Kakain at mag wi-window shopping saka kami uuwi sa mga bahay namin.

Noon yun, pero ngayon hindi na. Simula ng mamatay si mama ay hindi na ako nakakasama pa. Natatakot kasi ako magpaalam sa taong kasama ko na sa bahay at nagpapa aral sa ‘kin.

Baka pag nagpaalam ako kay uncle Death ay bugahan agad ako ng apoy. Kaya wag na. Hindi na din ako magtatangka pa dahil may rules na binigay sa ‘kin si uncle Death simula ng dalhin niya ako sa sarili niyang bahay.

Nakaka gulat nga mga rules niya eh at lahat ng yun ay hirap na hirap akong sundin. Pano ba naman kasi ang unang rules niya sa bahay ay bawal daw akong maglinis na bahay o gumawa ng gawaing bahay. Hindi ko naman magagawa yun lalo na’t tinuruan ako ni mama na dapat daw ay marunong ako ng gawaing bahay.

Kung nakakagulat ang unang rules niya, mas nakakagulat ang pangalawa dahil bawal daw akong gumala. Dapat daw pagkatapos ng klase ko ay deritso ako uwi sa bahay. Hindi tuloy ako makasama sa mga kaibigan ko dahil sa rules niya. Ang masaklap pa ay hatid sundo pa talaga niya ako sa eskwelahan kaya hindi ko magawang magsinungaling para gumala sana.

Pangatlong rules niya ay bawal daw akong mag boyfriend o makipag usap sa lalaki maliban nalang daw sakanya. Ngayon ko nga lang nalaman na mas strikto pa paka siya kaysa kay mama. Si mama kasi ay suportado ako sa lahat ng bagay at hindi niya ako pinagbabawalan. Pero si uncle Death, parang walang kaligayahan sa buhay kaya pati ako dinadamay.

Kapag daw hindi ako nakinig sa gusto niya ay patitigilin daw niya ako sa pag-aaral at ikukulong daw niya ako sa kwarto ko. Nakakatakot talaga si uncle Death kaya maiyak-iyak ako nong araw na yun. Halos tatlong araw akong umiiyak dahil ayaw ko talaga siyang makasama sa iisang bahay.

Pero no choice naman ako dahil yung bahay ni mama ay binenta na niya. Kaya saan ako pupunta kung sakaling lumayas man ako sa poder niya. Gusto ko din naman makapagtapos sa pag-aaral ko kaya nakapag desisyon ako na tiisin nalang ang napaka strikto kong uncle.

Napabuga ako ng hangin ng tuluyan akong nakalabas ng gate. Bumungad agad sa ’kin ang magarang kotse ng uncle ko na sinusundo na naman ako. Tamang-tama talaga sakanya ang pangalan niya eh, pakiramdam ko kasi ay sinusundo na ako ni kamatayan.

Naglakad ako pupunta sa nakaparadang kotse ni uncle Death at tinungo ang passenger seat. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at bumungad sa ‘kin ang seryosong mukha ni uncle Death.

One month na ako sa bahay niya nakatira pero kahit isang beses ay hindi ko siya nakitang ngumiti man lang. Para bang ang mahal ng ngiti niya.

Pumasok nalang ako sa loob ng kotse dahil wala naman akong choice for today’s video. Hindi uubra sakanya kung magsusuplada ako dahil masama ugali niya eh.

Isinara ko nalang ang pinto ng kotse saka ko ikinabit ang seatbelt. Agad naman na binuhay ni uncle Death ang makina ng sasakyan at pinausad.

“How’s your day?” Tanong ni uncle Death sa baritonong boses. Pati boses niya nakakatakot. Kaya lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumatayo sa t’wing kinakausap niya ako.

“Okay lang naman po, uncle Death.” Magalang kong sagot habang nakatingin lang sa harapan. Ayaw ko kasing lumingon sakanya at baka kilabutan na naman ako.

Namayani na naman ang katahimikan kaya napabuga ako ng hangin. Ganito talaga siya. Sobrang tahimik. Kaya sa bahay niya ay halos mabingi ako sa katahimikan. Yung tipong wala talaga akong maririnig na ingay kahit konti man lang.

Kaya nong una talaga ay gustong-gusto kong umalis sa bahay niya. Ang kinaganda lang kasi ay malaki ang bahay niya kaysa sa bahay namin ni mama. Simple lang naman kasi ang bahay namin dati at simple lang din ang mga gamit namin sa bahay.

Yung bahay naman ni uncle Death ay sobrang malaki nga pero kami lang naman dalawa. Siguro kaya siya sobrang tahimik dahil nasanay na siya na mag-isa sa buhay. Kompleto nga siya ng gamit sa bahay at lahat ay magaganda pero malungkot naman.

Kung ako ang papipiliin kung saan mas gusto ko.. mas pipiliin ko ang bahay namin ni mama. Mas maganda kasi talaga yun. At marami kaming alaala ni mommy. Matagal ko din iniyakan yun ng malaman kong binenta ni uncle Death ang bahay.

Galit na galit ako kay uncle Death dahil parang wala lang sakanya na namatay ang kapatid niya. Para bang walang halaga ang buhay ni mama para sakanya. Kaya ko nga sinabing masama siyang tao.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng bahay namin. Buong biyahe talaga ay hindi na siya nagsalita kaya nakakainis talaga ang ugali niya.

Masyado talagang malayo ang ugali ni mama at kay uncle Death. Ewan ko ba kung saan pinaglihi si uncle, siguro ay pinaglihi siya sa sama ng loob kaya laging nakasimangot. Akala mo inaaway palagi.

Iginilid niya ang kotse saka niya pinatay ang makina ng sasakyan. Ako naman ay binuksan na ang pintuan ng passenger seat at agad bumaba. Hindi na ako nag paalam dahil alam ko naman na hindi siya sasagot.

Minsan lang talaga siya nagsasalita. Pinakamahaba niyang nasabi nong araw na hindi ako pumayag at ayaw kong sumama sakanya. Ayaw ko siyang makasama sa iisang bubong kaya pinaglaban ko talaga na sa bahay nalang ako ni mama titira at bigyan nalang niya ako ng suporta. Pero natalo pa din ako at do’n ko lang siya narinig na mahaba ang sinabi niya sa ’kin.

Pumasok agad ako sa gate at nagkamot sa likod ng ulo ko dahil umuwi na naman ako sa pinaka boring na bahay na napuntahan ko.

Kung may choice lang talaga ako ay baka hindi ako dito nakatira ngayon. Kung alam ko lang kung sino ang papa ko ay baka matagal na akong lumapit sakanya para humingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ay wala namang sinabi si mama sa ’kin tungkol kay papa. Kaya hindi ko alam ang itsura niya.

Kaya malamang sa malamang ay dito talaga ako kay uncle Death. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensya at ang pinaka importante ay kailangan ko munang magtiis na kasama siya hanggang sa maka graduate ako ng college at magkaroon ng trabaho. Sisiguraduhin ko talaga na aalis ako sa poder niya kahit anong mangyari.

Pumasok ako sa loob ng bahay at bumungad na naman sa ’kin ang katahimikan. Ganito na ang routine sa loob ng one month. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ang pagtitiis ko sa pamamahay ni uncle Death. Dinaig pa simenteryo sa sobrang tahimik eh, buti pa nga sa simenteryo may mga batang naglalaro pa do’n eh dito.. kaming dalawa lang, hindi pa nagsasalita ang isa at sobrang tipid kong sumagot. Kaloka talaga siya!

Chapter 2

Primrose Pov

NANDITO AKO sa kusina ngayon at pinagmamasdan ang likod ni uncle Death habang nakatalikod sa gawi ko. Nagluluto kasi siya ng hapunan namin at tinawag niya ako na walang dahilan. Ewan ko ba sakanya. Gusto lang siguro niya na may manood sakanya habang nagluluto. 

Kung alam ko lang na gusto pala niya eh ’di sana nagtawag siya ng ibang tao. Kung gusto niya tawagin na din niya ang mga chief sa buong mundo para may mag rate ng niluluto niya. 

Dapat kasi may gagawin pa ako sa kwarto ko eh. Gumagawa ako ng project namin dahil kailangan na yun sa monday. Pero ito namang uncle ko ay tawag ng tawag sa ’kin. Para talaga siyang tanga. Tapos ang nakaka inis pa ay hindi na naman siya nagsasalita. Kaya ano na naman ang gagawin ko nito. 

Mauubusan na yata ako nito ng pasensya sa sobrang boring dito sa bahay. Minsan nga ay mas gusto ko pang tumira sa kalsada. Mabuti pa do’n hindi ako mabo-bored. Eh dito, naku.. Mapapanisan nalang talaga ako ng laway dahil yung kasama ko sa bahay ay hindi nagsasalita. 

Napayuko ako at gustong-gusto ko na talagang bumalik sa kwarto ko. Napabuga nalang ako ng hangin saka iniisip ang mga dapat kung gawin para sa project ko. Nakakapagod kasi talaga buhay estudyante. Pero kailangan mag-aral kahit ano pang pagod ang nararamdaman ko. 

Wala naman akong problema sa baon ko eh. Ang laki ng baon ko sa isang araw. Gulat ng ako dahil yun talaga ang baon na binibigay ni uncle Death araw-araw sa ‘kin. Kapag nagtagal pa na ganun ang baon ko ay makakaipon talaga ako agad. Siguro pag natapos ako ng college ay pwede na akong magtayo ng negosyo ko at hindi ko na kailangan pa mag apply ng trabaho. Paano ba naman kasi.. yung baon ko araw-araw ay 30k. Aanhin ko naman yun eh.. sapat na  sa ‘kin ang 100 pesos dahil hatid sundo naman niya ako. Isa pang dahilan ko ay may baon akong pagkain dahil ginagawan niya ako ng sandwich o kung ano pang maisipan niya. 

Nasobraan yata siya ng batak ng katol kaya 30k ang binibigay sa ‘kin. Kaya nakapag desisyon ako na ipasok ko nalang sa bangko para may ipon naman ako. Para pagdating ng araw na maisipan ko ng bumukod ay kaya ko ng buhayin ang sarili ko. 

Gusto ko sanang mag open topic para may pag usapan naman kami ni uncle Death. Pero nahihiya ako dahil baka hindi sumagot. Baka mag mukha lang akong tanga pag nagkataon. 

Gusto ko sanang itanong sakanya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa. Alam ko matanda na siya, suguro nasa mga 32 na ang edad niya. Kasi si mama ay 33 eh, mas matanda si mama at dikit lang daw ang pagitan ng taon nila. Pero nagtataka ako kung bakit kaya hindi pa siya nag-aasawa.

Well, hindi ko din naman masisisi ang mga babae. Baka takot sila sa kanya kaya siguro walang mga babaeng umaaligid sa kanya. Kahit ako naman siguro ay matatakot din kung ganyan ba naman ka sungit ang mukha ang magiging boyfriend ko. Baka pag nagkamali ako ay ibalibag niya ako. Naisip ko pa lang ay natatakot na ako. Walangya!

Gwapo naman si uncle Death eh. Kung sa mukha at katawan lang ay isa lang ang pwede kong idiscribe sakanya. Yun ay napaka perpekto niya. Matangkad din siya, siguro hanggang dibdib lang niya ako. Yung suot nga niyang tshirt ngayon ay bakat na bakat ang muscle. Minsan nga kapag nagsasalita siya at sinasagot ko ng hindi maganda ang sinasabi niya. Sinasadya ko talaga siyang magalit dahil natutuwa ako sa panga niya na gumagalaw kapag nagagalit. Galit na galit eh na para bang kakainin niya ako ng buhay. 

Nakaka aliw kasi talaga kapag naiinis siya. Ang ikli ng pasensya niya kaya malamang wala talagang babaeng magkakamali sakanya. Ipupusta ko talaga ang mahaba kong buhok na hindi ko pinutulan ng maikli simula ng bata ako. Magpapaputol ako ng buhok hanggang sa leeg ko kapag nagkaroon ng girlfriend si uncle Death. 

Duda kasi talaga ay tatanda siyang binata. Ayos na din yun. Para kapag nag asawa na ako ay siya ang pagbabantayin ko ng mga anak namin ng asawa ko. Syempre matanda na si uncle no’n eh kaya sa bahay nalang siya, mag-aalaga siya ng anak ko habang ako ay nag tra-trabaho kami ng future husband ko. 

Natawa ako sa naisip ko habang nakayuko parin ako. Iniimagine ko kasi kung anong itsura ni uncle Death kapag nag-alaga siya ng anak ko. Panigurado masungit siya na matanda at laging nasigaw dahil sa kakulitan ng future kong mga anak.

Nagulat ako ng may kumatok sa mesa. “Ay, asawa!!” Sabi ko pa dahil sa gulat. Agad akong nag angat ng ulo at nakita ko si uncle Death na nakatayo sa harap ko habang seryosong nakatitig sa ‘kin. 

Kumunot ang noo niya saka inilapag ang dala niyang plato sa harapan ko. “Kumain na tayo. Hindi yung nag-iisip ka diyan ng asawa. Hindi ka pwedeng mag-asawa.” Sabi niya kaya nanlaki naman ang mata ko. 

“Mali ka po ng iniisip, uncle. Hindi naman po ganun yun eh,” depensa ko pa. 

“Whatever!” Sagot niya sa bored na boses. 

Napanguso ako dahil para siyang ewan. At isa pa, bakit naman niya ako pipigilan kung mag-aasawa ako sa future. Gusto pa yata niya akong maging katulad niya na mag-isa sa buhay. 

Kailangan ko talaga ng mahabang pasensya sa kanya dahil alam ko naman.. tumatanda na siya palagi nalang mainit ang ulo niya. 

Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko para kumuha sana ng kutsara at tinidor pero naunahan niya ako. Bumalik nalang ako sa pwesto ko saka ako umupo. 

Si uncle Death naman ay pinaglalagay sa harapan ko ang niluto niya. Nang maayos na niya ay umupo na din siya sa katapat kong upuan at walang imik na kumuha ng kanin at ulam. 

Kumuha nalang din ako at plano kong bilisan ang pagkain para makabalik na ako sa kwarto. Marami pa akong gagawin kaya dapat lang na magmadali ako. Buti sana kung tutulungan ako ng uncle ko eh hindi naman. Baka kutusan pa niya ako kapag sinabi kong tulungan akong gumawa ng project. 

Nang makatapos akong kumain ay kinuha ko ang nakahandang isang basong tubig sa gilid ng plato ko. Ininom ko agad yun saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. 

“Tapos na po ako, uncle Death.” Sabi ko kaya tumango siya. “Salamat po sa pagkain. Ako na po maghuhugas.” Dagdag ko pang sabi. 

“Ako na. Bumalik ka nalang sa kwarto mo at gawin ang school project mo. Wag mong kakalimutan na w—”

“Wag kong ilo-lock ang kwarto ko at wag na wag kong isasara. Opo, alam ko na po yun.” Pagpuputol ko sasabihin niya. 

Seryoso lang siyang nakatitig sa ‘kin saka niya ibinalik ang tingin sa plato niya at kumain ulit. 

Umalis nalang ako sa harap niya at tinungo nalang ang hagdan para umakyat sa kwarto. 

Isa din sa pinagtatakahan ko kung bakit ayaw niyang ipasara ang pintuan ng kwarto ko. Gusto lang niya ay nakabukas yun. Nasasara ko lang kapag tulog dahil gumagamit ako ng aircon. Pero kapag umaga, kailangan nakabukas yun. Magkatapat lang kasi kami ng kwarto ni uncle. Pero yung pinto naman ng kwarto niya ay lagi namang nakasara. 

Ewan ko talaga sa lalaking yun. Magulo kasama sa bahay. Minsan sarap pektusan sa tenga dahil kung anong rules-rules ang pinag gagawa sa bahay. Pero kailangan kong sumunod sa sinasabi niya dahil siya ang may-ari nito eh, kaya anong magagawa ko. 

A/N: One chap lang pala na post ko dito haha😂🤣 mag po-post ako siguro hanggang 6 titignan ko. Pero ang continue po nito ay nasa Dreame. Same username ko lang po . Sa ngayon ay free po siya mababasa. So, ibig sabihin mag

lo-lock

po siya pero hindi pa sa ngayon.

Chapter 3

Primrose Pov

SABADO NGAYON kaya wala akong pasok. May pupuntahan  kasi ako ngayong araw dahil may group project kami. 

Kanina pa ako kinakabahan dahil magpapaalam ako sa uncle Death ko. Sana lang talaga ay payagan niya akong lumabas ngayon. 

Nakarating ako sa kusina at agad kong nakita si uncle Death sa kusina. Nakaupo siya at seryosong nakatitig sa ’kin habang humihigop ng kape. 

Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa seryoso niyang mukha. Mukha pa lang niya halatang hindi na ako papayagan lumabas. 

“Where are you going?” Tanong niya sa baritonong boses.

Napalunok ako ng ilang beses at parang nakalimutan ko yata ang sasabihin ko. Nag practice kasi ako kanina ng sasabihin ko para naman hindi ako utal-utal sa pagsasalita. 

“Wala ka namang klase ngayon. Kaya  saan ka pupunta?” Tanong niya ulit kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. 

“Don’t bite your lips.” Sabi  niya saka nag iwas ng tingin. Ako naman ay tinigilan ang pagkagat sa ibabang labi ko. 

“Ahm.. pwede po ba akong umalis ngayon, uncle Death? May gagawin po kasi kaming school project. Kapag hindi po ako pumunta ay baka hindi po nila ako ilista.” Sabi ko sa mahinang boses. 

Tumingin naman siya ulit sa ’kin. Nagkasalubong ang tingin namin dalawa kaya napalunok ako ng laway. Ihahanda ko na talaga ang sarili ko kapag binugahan niya ako ng apoy. 

“Saan kayo gagawa ng project?” Tanong niya sa ’kin saka humigop ulit ng kape. 

“Sa bahay po ng classmate ko, uncle. Dapat po kasi ay dito po sa bahay mo kami gagawa. Pero naisip ko na baka pagalitan mo ko dahil ayaw mo pa naman ng maingay.” Sabi ko habang nahihiya. 

Plano kasi sana namin na dito nalang dahil malaki ang bahay. Pero agad akong tumutol dahil iniisip ko siya. Baka kasi magulat siya at mapagalitan niya ako. 

“Papuntahin mo nalang dito ang mga classmate mo. Dito niyo nalang gawin ang school project niyo.” Sabi niya sa ’kin kaya nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala. 

“Totoo po? Papayag ka po na dito kami gagawa ng project?” Gulat na gulat kong tanong. 

Tumango lang siya at ibinalik na niya ang kanyang tingin sa iniinom niyang kape. Alam ko hindi na siya magsasalita kaya umalis na ako sa harap niya. 

Dali-dali kong tinawagan ang mga classmate ko para ipaalam sakanila na dito nalang namin gawin ang mga project. Agad naman pumayag ang mga ‘to at halatang excited na pumunta. Hindi ko alam kung saan sila excited. Kung sa bahay ba o sa uncle Death ko.

Nakikita kasi nila na may naghahatid sundo sa ’kin sa school. Kaya siguro excited sila na makita si uncle Death. 

Nang matawagan ko ang mga classmate ko ay agad akong pumunta muna sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nag suot nalang ako ng short at malaking tshirt para komportable akong gumalaw. 

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto ko. Papunta pa lang sana ako sa hagdan ng makasalubong ko si uncle Death. 

Tinitigan niya ang suot ko at parang hindi niya nagustuhan ang short. “Magpalit ka! Wear your pajama instead.” Sabi niya sa ’kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.

Wala na akong magawa kundi sundin siya at baka magalit na naman siya at ma badtrip. Papunta pa naman mga classmate ko. Ayaw kong maabutan nila ang uncle ko na galit na galit. 

Bumalik ako sa kwarto ko at nakangusong kumuha ng pajama. Parang tanga tuloy ang outfit ko dahil malaking tshirt na nga ang suot ko tapos naka pajama pa. Sigurado din ako kapag pinalitan ko ang suot kong tshirt ay mapapagalitan na naman niya ako. 

Nang makapagbihis ako ay agad akong lumabas ng kwarto at hindi ko na nakita pa si uncle Death. Siguro ay pumunta na siya ng kwarto niya. Mabuti na din yun para hindi siya maingayan sa mga classmate ko. 

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. Kailangan ko maghanda din ng merienda para mamaya sa mga classmate ko. Syempre mamaya na ang merienda, unahin na muna namin ang gagawing project. 

Nagtimpla na din muna ako ng kape habang hinihintay ko sila. Ang aga ko kasing nag kape kanina dahil nag pra-practise ako ng sasabihin ko kay uncle Death. Kabado pa ako yun naman pala papayag pala siya. 

Humigop ako ng kape at muntik na akong mabilaukan sa gulat ng biglang sumulpot si uncle Death sa likuran ko. Hindi ko man lang narinig ang mga yapak niya kaya ako nagulat. 

Hindi naman siya nagsalita at agad na dumiretso sa harap ng ref. Hinila ko nalang ang upuan ng walang tunog saka ako umupo. Pinagmamasdan ko lang si uncle Death na may nilalabas mula sa ref. 

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa pumunta siya sa sink at may hinuhugasan. Humigop nalang ako ng kape at hinayaan si uncle Death. Hindi naman siya nagsasalita kaya hindi nalang din ako nagsalita. 

Ganito talaga routine namin dalawa. Sa loob ng one months na nandito ako sa bahay niya ay malimit lang siya magsalita ng mahaba. Yun ay kapag nagagalit siya sa mga sagot ko. Gumagalaw pa ang panga niya kapag nagagalit na parang handa na niya akong sakalin. 

Magkaibang-magkaiba talaga sila ni mama Georgia. Si mama kasi malambing kaya siguro ako ganun din. Mabuti nalang at nakuha ko ang ugali ni mama. Ito naman kasi si uncle Death ay pinaglihi sa sama ng loob kaya laging nakasimangot. Natatawa nalang talaga ako sa kanya. Plano ko nga sana na turuan siya ngumiti. Hindi ko pa kasi siya nakikita na ngumiti. Lagi lang nakasimangot. 

Tahimik na nagluluto si uncle Death ng pagkain. Baka breakfast namin dalawa dahil hindi pa naman kami kumakain. Maaga lang talaga ako naligo at sinadyang magbihis agad. Sabi kasi ng isa kong classmate na papayagan daw ako magpaalam kapag uunahin ko daw ang maligo at magbihis saka ako magpaalam para payagan. Medyo effective naman pero hindi parin ako pinayagan lumabas ng bahay. 

Habang nagkakape ako ay biglang umilaw ang cellphone na nakapatong sa mesa. Agad kong kinuha yun at nakita ang message ng classmate ko. 

“Uncle.. nandito na po mga classmate ko. Pasensya na po kung maingay po sila mamaya. Maingay po kasi talaga sila,” pagsasabi ko nalang agad dahil sigurado ako na mabubulabog ang bahay niya. Alam ko na ang ugali ng mga classmate ko eh, kaya sasabihan ko na si uncle para hindi niya ako mapagalitan mamaya. 

Tumango lang si uncle Death na hindi man lang humarap sa ’kin. Ayos na din yun kaysa hindi siya sumagot. 

Tumayo na ako sa kinuupuan ko at dali-dali akong pumunta sa sala. Dala ko pa ang cellphone ko at nag re-reply sa classmate ko. Nasa labas daw kasi sila ng gate ng subdivision kaya kailangan ko silang sunduin para makapasok. 

Pwede ko naman tawagan ang guard house na papasukin sia. Pero gusto ko munang maglakad-lakad kaya susunduin ko nalang sila. 

Deri-deritso akong pumunta ng gate ng subdivision at agad nakita ang mga maiingay kong classmate. Lima kami sa isang grupo kaya apat na babae ang mga kasama ko. Wala kaming boys at yun ang pinagpapasalamat ko. 

Kinausap ko lang ang guard kaya pinapasok ang apat kong classmate. 

“Grabe halatang mayaman ka talaga, Prim. Yung subdivision palang ohh..” sabi ng isa kong classmate na si Erika. 

Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi niya. “Hindi ako mayaman no!  Si uncle ko lang yun. Inampon nga lang ako ng mamatay si mama eh. Kaya nga dito ako nakatira. Kaya wag kayong mag-alala ganyan din ang reaksyon ko ng makapasok ako sa subdivision na ‘to.” Saad ko kaya ngumiti sila. 

“Ang yaman ng uncle mo ha! Tignan mo nga ang mga bahay..” sabi ng isa kong classmate na talagang tinuro pa ang mga nadadaanan naming malalaking bahay. “Ang gaganda at malalaki ang bahay. Ang sarap siguro tumira sa ganitong bahay.” Dagdag pa niyang sabi kaya napa iling nalang ako. 

Kung alam lang nila na mas gusto ko pa ang dati naming bahay ni mama. At least do’n ay pwede akong mag ingay at may mga kapitbahay akong nakakausap. Sa bahay ni uncle Death ay pati yata ang paghinga ko ay maririnig dahil sa sobrang tahimik. Kaloka talaga ang bahay ni uncle Death. 

Nakarating kami sa harap ng bahay ni une kaya mas lalong nalula ang mga classmate ko. Napakamot nalang talaga ako sa likod ng ulo ko dahil sa ingayan nila. Sana lang talaga ay wag magalit si uncle Death. 

Pumasok kami sa gate at yung mga classmate ko ay manghang-mangha sa malawak na harap ng bahay ni uncle. May mga kotse kasi na naka display do’n kaya talagang kilig na kilig ang mga classmate ko at parang ewan. 

Pinapasok ko sila sa bahay at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sila nga ingay. Pakiramdam ko ay naramdaman ng mga classmate ko na ang tahimik ng bahay ng uncle ko. 

Sa sala na kami gagawa ng project kaya do’n ko muna sila pinaupo. Magsisimula na kami agad gumawa ng project kaysa naman mauna ang tsismisan namin. Baka ang ending ay wala kaming nagawang project. 

Tulong-tulong kaming lima na gumawa ng project. Seryoso ako hanggang sa nakita kong umilaw ang cellphone ko na nasa sahig. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang nag message. Nakita kong si uncle kaya nagpaalam na muna ako sa mga classmate ko na pupunta muna ako sa kusina. 

Pumayag naman sila kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at dali-dali akong pumunta sa kusina. Nang makarating ako ay naabutan ko si uncle na naghahanda ng pagkain. Nagluto pala siya ng spaghetti. Nabasa ko sa text niya na ihanda ko daw sa mga classmate ko kaya napangiti ako. 

Akala ko kasi wala siyang pakialam sa ’kin at sa mga bisita ko. Yun naman pala ay nagluluto siya ng makakain namin. 

“Thank you po, uncle Death.” Pagpapasalamat ko kahit alam ko na hindi siya sasagot. Tumango lang siya habang nagsasandok ng spaghetti. Alam ko naman ganun lang ang sagot niya. Sanay na ako at hindi na ako naiinis. Hindi katulad nong bago pa lang ako dito dahil inis na inis ako. Mukha kasi akong tanga na nagsasalita pero ang kausap ko ay tango lang ang sagot. 

Kinuha ko nalang ang sinandok ni uncle na spaghetti at nilagyan pa yun lalo ng cheese. Mabuti nalang at nagluto siya, chichirya pa naman sana ang ipapakain ko o di kaya ay pancit canton. The best din pala ‘to si uncle minsan. Pero minsan lang talaga yun. Kapag tinupak ay wag ko nalang talaga siyang papansinin at baka mabugahan pa ako ng apoy.

Chapter 4

Primrose Pov

LUMIPAS ang isang linggo ay  sobrang busy ko sa school. Mabuti nalang at tapos na ang exam namin at sure naman ako na nasagutan ko lahat ng mga question sa exam. Hindi ko lang sure kung tama ang sagot ko. 

Pinoproblema ko ngayon ay kung paano ako magpapaalam kay uncle Death na may field trip kami sa school. Ngayon pa lang ay sure na ako na magkakasagutan kaming dalawa. 

Pinitik ko nalang ang hawak kong parents permit na ibibigay ko kay uncle Death. Kahapon pa dapat ‘to eh pero hindi ko naibigay dahil natatakot ako magsabi. Kagabi ko pa pino-problema kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko. 

Two days nalang at field trip na namin kaya kailangan ay maibigay ko na ‘to kay uncle. Last week sinabi na ‘to na may field trip talaga pero kahapon palang binigay yung parents permit. 

Pumasok nga sa isipan ko na magpapirma nalang sa magulang ng classmate ko. Pero baka mahuli lang ako ni uncle Death at baka dalhin na ako no’n sa kamatayan kaya wag nalang. Pambihirang buhat ‘to oh.. kung si mama Georgia lang sana ang nandito eh ‘di sana hindi ako nahihirapan mag paalam. 

Lumabas nalang ako ng classroom na malungkot dahil sigurado na ako na hindi ako makakasama. Mabuti pa mga classmate ko ay excited na sila sa field trip. Pinayagan na kasi sila ng mga magulang nila. 

Maiiwan yata ako nito at sa bahay nalang magmumukmok kasama ang uncle kong masungit na pinaglihi sa sama ng loob. 

Ayaw ko pa sanang umuwi pero malamang sa malamang ay nasa labas na ng gate ang uncle Death ko. Naguguluhan na nga ako kung uncle ko ba talaga siya o driver. Napaka sipag niya maghatid sundo sa ‘kin. 

Dahan-dahan lang ang ginagawa kong lakad para matagal akong makarating sa gate. Galang-gala na kasi talaga ako pero hindi ko naman magawa. Hindi katulad dati na isang text ko lang kay mama ay pinapayagan na agad niya ako. Pero ngayon si uncle Death, Diyos ko! Kailangan ko pa yata mag sindi ng kandila para lang payagan ako. 

Napasimangot ako ng makarating ako sa gate. Bungad na bungad agad sa ’kin ang itim na kotse ni uncle Death. Napahinto pa ako sa paghakbang at parang nawawalan ng gana maglakad palapit sa kotse niya. 

“Uuwi na naman ako sa bahay na sobrang tahimik.” Bulong ko pa sa hangin saka ako bumuntong hininga. 

Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa kotse ni uncle Death kahit pa nga labag sa kalooban ko. Wala naman kasi akong choice kundi umuwi sa bahay niya ay makisama kahit hindi ko gusto. 

Nang makarating ako sa harap ng kotse niya ay agad akong lumapit sa passenger seat at binuksan ang pintuan. Bumungad sa ‘kin ang seryosong mukha ni uncle Death. Nakasuot siya ng hoodie jacket at naka maong pants. 

Pumasok nalang ako sa loob ng kotse saka ko isinara ang pinto. Agad naman binuhay ni uncle Death ang makina ng kotse at pinausad. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang iniisip kung paano ko sasabihin kay uncle na may field trip kami. Sumasakit talaga ulo ko kakaisip ng intro. 

“Ahm.. Hi po, uncle! Kamusta po araw mo sa bahay? Masaya po ba mag-isa?” Tanong ko pa habang nakangiwi. Walanjo! Sa lahat ba naman na ita-tanong ko ay yun pa talaga. Malamang sanay na siya na mag-isa sa bahay niya. 

Palipat- lipat naman siya ng tingin sa ’kin at sa daan. Siguro ay nagtataka siya sa tanong ko na parang ewan. Kung di ba naman kasi ako tanga yun pa talaga natanong ko. 

Hindi naman siya sumagot at nag focus nalang sa pagmamaneho. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko habang nag-iisip na naman ng sasabihin. 

“Uncle Death..” tawag ko sa atensyon niya. 

“Hmm..” sagot niya na pati yata pag sagot sa ’kin ng words ay tinatamad siya. Ang sarap niyang kutusan. Pero kailangan kalma lang ako dahil may kailangan ako sa kanya. 

“Ahm.. pwede po ba akong mag paalam sa’yo?” Tanong ko pa kaya lumingon siya sa ’kin kaya nagkasalubong ang tingin namin dalawa. Mas lalo tuloy akong kinabahan ng makita ko ang magkasalubong niyang kilay na parang angry birds. Yung red na angry birds. Pambihira naman ’to si uncle! Hindi pa ako nagpapaalam pero galit na agad. 

“What is it?” Tanong niya sa baritonong boses kaya yung balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan. 

“Ahm.. bago ko po sabihin, uncle.. pwede po bang wag kang magagalit..” sabi ko habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. Kinakabahan talaga ako eh dahil sure ako na hindi niya ako papayagan. Pero sana naman talaga ay gumana ang dasal ko kagabi. 

Hindi umimik si uncle kaya tumikhim ako saka humugot ng malalim na hininga. “Kasi po.. ahm.. pwede po ba akong magpaalam na sumama sa field trip. Kami naman po lahat yun, uncle.” Sabi ko saka pinakita ang nasa bulsa kong parents permit. “Ito po yung parents permit, uncle. Sana po payagan niyo po ako. Kawawa naman po ako kung ako lang po ang hindi makakasama.” Sabi ko pa at nagpapaawa talaga ang boses ko. 

“Later,” sagot niya kaya nagningning ang mga mata ko dahil sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na papayagan niya ako agad. Hindi ko na pala kailangan gumamit ng kandila para lang payagan niya ako. 

“Talaga po?” Tanong ko pa na hindi makapaniwala na papayagan niya ako. 

“Pag-uusapan natin kung saan tayong dalawa mag fi-field trip.” Sagot niya kaya nawala ang ngiti ko. Parang tanga naman ’to si uncle.. seryoso akong nagpapaalam sa kanya tapos yun ang isasagot niya. 

“Uncle naman eh.. seryoso po ako. At isa pa, lahat naman po kami ang sasama.” Saad ko pa. 

“No!” Sagot niya sa matigas na boses. 

Sabi ko na eh, hindi niya ako papayagan. Bakit pa ba ako umasa na makakasama ako sa field trip namin. Dapat talaga pinapermahan ko na ‘to sa nanay ng classmate ko eh.

Hindi na ako nagsalita at naka busangot lang ang mukha ko. Akala ko pa naman hindi na ako magtitirik ng kandila para ipagdasal na payagan niya ako.

Mukhang hindi lang pala kandila ang kailangan ko. Siguro ay kailangan ko ng alay. Yung manok suguro ay okay na siguro para payagan niya ako. 

Nakakabadtrip talaga ‘to si uncle Death. Ayaw pumayag eh sa school naman yun. Lahat naman kami kasama. Ang laki ng problema niya sa buhay niya at pati ako ay dinadamay. 

Hanggang sa nakarating kami sa malaking bahay niya ay naka busangot lang ang mukha ko. Mabilis din akong bumaba ng kotse at hindi na siya pinansin pa at baka mag-away lang kami. Baka makalimutan ko na uncle ko siya at masakal ko nalang siya bigla. 

Bahala siya makipag usap sa sarili niya. Mag field trip siya mag-isa total sanay naman siyang mag-isa sa buhay. Pati ako dinadamay niya. 

Hindi talaga ako kakain mamaya para alam niya na galit ako sakanya. Hindi na talaga ako natutuwa sa sobrang higpit niya sa ’kin. Nakakasakal ang ganito na ang daming bawal. Hindi ako sanay sa buhay na ganito. Mababaliw lang ako kapag si uncle Death ang kasama ko.

Chapter 5

Primrose Pov

NANDITO lang ako sa kwarto ko at hindi ako lumalabas. Kanina pa din panay ang katok ni uncle Death sa pinto ng kwarto ko ngunit hindi ko siya pinagbubuksan. Bahala siya sa buhay niya. 

Nakakainis kasi siya. Ang higpit-higpit. Ayaw pa pumayag sa field trip eh dito lang naman sana yun sa parte ng Manila. Hindi naman sana lalagpas sa Philippine area of responsibility.

Kaya heto ako ngayon.. hindi lumalabas ng kwarto. Makikipag matigasan ako sakanya para pumayag siya sa gusto ko. 

“Primrose, open this damn door or else.. wawasakin ko ‘to.” Galit niyang sigaw sa labas.

Napabuga ako ng hangin at dali-dali akong bumangon sa kama. Pagbubuksan ko nalang siya kaysa naman lumipad ang pinto ng kwarto ko.

Pinagbuksan ko ng pintuan ang uncle kong timang na natigil pa sa pagkatok at naiwan ang naka kuyom niyang palad sa ere. “Bakit ayaw mong kumain? Kanina pa kita tinatawag.” Galit niyang sabi. 

“Bakit? Sinabi ko po ba na tawagin mo po ako? Hindi naman ahh..” depensa ko din kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. 

“Kakain tayo ng sabay sa ayaw at sa gusto mo, Primrose. Wag mong hintayin buhatin kita.” Banta niya sa ’kin. Hindi na ako nagmatigas pa at nauna akong maglakad sakanya papuntang hagdan. Baka buhatin niya ako at ibalibag. 

Nakakainis talaga siya! Lahat ng gusto niya nasusunod. Ako naman ay hindi makapalag lalo na’t nakikitira lang naman ako sa bahay niya. Kung pwede lang palayasin si uncle.. este ako pala dapat ang lumayas dahil bahay niya ‘to.  

Nang makababa na ako sa hagdan ay agad kong tinungo ang kusina. Nakita ko agad ang mga niluto ni uncle Death na halatang masasarap. Kumulo tuloy ang tiyan ko ng makita ko yun. 

Agad kong hinila ang upuan at hindi pinansin ang matalim na tingin ni uncle Death. Yung mata niya parang matanglawin. 

Umupo na din siya sa katapat kong upuan saka niya nilagyan ng pagkain ang plato ko. Nakasunod lang ang tingin ko hanggang sa matapos niyang lagyan yun. 

“Eat,” sabi niya kaya tumango ako at nagsimulang kumain. Ang sarap ng ulam dahil beefsteak. Masarap din naman kasi magluto si uncle Death. Hindi ko nga akalain na marunong siya. Wala kasi sa itsura niya. Akala ko joke-joke lang ang luto-luto niya n’ong una pero nang matikman ko ay talagang masasabi ko na masarap. 

Tahimik kaming kumakain ni uncle Death hanggang sa naisipan ko ulit ang field trip. Hindi talaga ako maka move on dahil hindi niya ako pinayagan. 

“Uncle.. payagan mo na ako, please.. promise, uuwi po ako agad pagkatapos ng field trip. Kung gusto mo po ivideo call po kita para makita mo ko.” Sabi ko pa habang sinusubukan mag puppy eyes at baka umepek.

Napabuga naman siya ng hangin habang nakatitig sa ’kin. “Fine,” tipid niyang sagot kaya nanlaki ang mata ko. 

“For real? Papayagan mo po talaga ako, uncle?” Gulat na gulat kong tanong kaya tumango siya. 

“Kumain ka ng mabuti.” Sagot niya kaya napatayo ako sa sobrang tuwa ko at lumapit ako kay uncle at niyakap siya. Naramdaman ko naman na natulos siya 

sa ginawa ko. Agad naman akong humiwalay sakanya at bumalik sa upuan. 

Umupo ako habang nakangiti parin dahil sa wakas pinayagan niya ako. Excited na tuloy akong pumunta sa field trip namin. Inisiip ko na tuloy kung anong dadalhin kong merienda. 

Sa sobrang excited ko ay hindi ko na magawang sumubo ng pagkain. Pero pinilit ako ni uncle Death na kumain kaya kumain nalang ako. 

“Uncle Death.. permahan mo po yung parents permit ko po ha!” Sabi ko pa. Hindi naman siya sumagot at tahimik na kumakain. 

Nang matapos kaming kumain ay presenta ako na maghugas ng pinggan. Ngunit ayaw naman pumayag ni uncle Death dahil siya na daw ang bahala. 

Pinaakyat niya ako sa kwarto para magpahinga nalang daw ako kaysa sa maghugas. Sinunod ko naman yun at baka magbago pa ang isip niya kapag nagpumilit ako na maghugas ng pinggan. 

Hindi ko alam kung bakit nag bago ang isip niya at pinayagan niya ako. Pero mabuti na din yun dahil muntikan na akong umiyak kanina. Akala ko kasi talaga hindi na magbabago ang isip niya. May nalalaman pa kasi siya na pag-usapan daw namin ang field trip namin dalawa. 

Dumating ang araw mg field trip namin kaya maaga akong nagising para maligo. Excited talaga ako kaya 5AM palang gising na ako. Kailangan 6:30AM na nando’n na kami sa school. 

Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas ng banyo na nakatapis ng t’walya. Isinara ko naman ang pinto ng kwarto. Bubuksan ko lang naman kapag wala akong ginagawa sa kwarto. Utos talaga yun ni uncle, pero kapag nagbibihis ako ay sinasara ko.

Mabilis ang kilos ko at agad naman akong natapos. Nang makontento na ako sa ayos ko ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Ihahatid naman ako ni uncle Death kaya hindi ako natatakot na malate.

Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko si uncle na nasa sala at parang hinihintay ako. Naka suot siya ng itim na hoodie jacket. 

“Kumain ka muna bago ka umalis.‘’ Sabi niya sa ’kin. 

“Wag na po, uncle. Nag kape naman na ako kanina. At isa pa po may baon naman po akong dala.” Saad ko saka ngumiti sakanya.

Tumayo naman siya sa kinauupuan niya kaya sumunod ako kay uncle ng makita ko siyang lumabas na ng bahay. 

Nang makalabas kami ay lumapit kami sa isa niyang kotse. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng passenger seat kaya dali-dali akong pumasok. Isinara naman ni yun ni uncle saka siya umikot papunta sa driver seat. 

Pumasok siya sa loob ng kotse at agad na binuhay ang makina at pinausad. 

Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Tahimik din naman si uncle kaya hindi na ako nagsalita pa at baka mabadtrip sa ’kin. 

Lumipas ang 30 minutes ay nakarating kami sa harap ng school. Inihinto ni uncle ang sasakyan kaya tinanggal ko na din ang nakakabit na seatbelt sa katawan ko. ’’Lalabas na po ako, uncle. Tatawag po ako sa’yo kapag nando’n na pi kami sa pupuntahan namin.“ Sabi ko pa kaya tumango siya at wala man lang sinabi na mag-ingat. Ano pa nga pa aasahan ko sa uncle ko. 

Hindi naman na siya nagsalita kaya binuksan ko na ang pintuan ng passenger seat at agad akong lumabas. Isinara ko lang ang pinto saka ako nag ba-bye kay uncle at tuluyan akong naglakad papasok ng gate. 

Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na agad ang mga classmate ko. Limang section kasi ang kasama sa field trip kaya marami talaga kami. Nakahandan na din ang tatlong bus na sasakyan naming mga estudyante. 

“Erika..” tawag ko sa classmate ko. Lumingon naman siya at agad na kumaway sa ’kin. Lumapit ako sa classmate ko at agad kaming nag beso-beso.

“Mabuti nalang at pinayagan ka ng uncle mo, Prim. Tabi tayo ng upuan ha!” Sabi pa ng classmate ko. 

“Oo nga eh. Muntik na akong hindi payagan. Pero sinapian yata ng angel ang uncle ko kaya pinayagan niya ako.” Sagot ko kaya ngumiti sa ‘kin si Erika. 

Nagpasama na muna ako sakanya na mag banyo dahil pinaghahanda na kami. Mabilis ang ginawa ko at baka maiwanan kami ng bus. 

Nang matapos kami ni Erika ay nakita namin na nakalinya na ang mga estudyante at yung iba ay nasa loob na ng bus. Pumila na din kami ni Erika para makapasok na kami sa loob. 

Ngunit biglang lumapit ang isa sa mga teacher na kasama namin sa field trip. 

Tumingin siya sa ’kin kaya nagtaka ako at baka may kasalanan na pala ako. 

“Ms. Velasco, sa bus 3 ka sumakay. Sa likod ka ng driver umupo.” Sabi ni ma’am kaya nagulat naman ako. Maging ang mga nakapilang estudyante ay napalingon samin. Syempre, pumila sila ng maayos tapos ako papasok na agad at sa likod pa ng driver ang pwesto ko. 

“Ahm.. sure po ba, ma’am?” Tanong ko pa dahil naguguluhan ako. 

“Yes. Pwede mo isama ang classmate mo para tabi nalang kayo.” Sabi ni teacher saka tumalikod samin ni Erika. 

Kahit naguguluhan ay sumunod ako sa utos ni teacher. Kasama ko si Erika at agad na pumunta sa bus 3. 

Ako ang unang umakyat at halos nagulat ako ng makita ko kung sino ang driver ng bus. “U-Uncle Death..” nauutal ko pang tawag sakanya habang nanlaki ang mata ko. “A-Anong ginagawa mo po dito?” Naguguluhan kong tanong. Pati si Erika ay nagulat din na si uncle yung driver. 

“Umupo ka na, Primrose.” Sabi ni uncle kaya napanguso ako. Ano na naman kaya ang trip niya sa buhay. Kaya ba siya pumayag na sumama ako sa field trip dahil siya pala ang driver ng bus. Pero sa pagkakaalam ko hindi naman bus driver si uncle eh. Naguguluhan talaga ako sa trip niya sa buhay.

Chapter 6

Primrose Pov

TAHIMIK lang akong nakaupo sa likod ng driver na upuan. Ako talaga ang kinakabahan dahil hindi yata byaheng field trip ang pupuntahan namin kundi byaheng langit. 

Wala talaga akong tiwala kay uncle Death dahil alam ko naman na hindi siya marunong magmaneho. Kating-kati na ang dila ko na tanungin siya kung bakit siya nandito. Hindi lang siya nandito kundi siya pa talaga ang driver. 

Dapat talaga mag girlfriend na si uncle eh.. kung ano-ano na lang ang naiisipan niyang gawin. Kapag talaga gusto niya ay talagang gagawin niya. 

Napasandal ako sa likod ng upuan habang naka busangot. Akala ko kasi hindi ko makikita ang mukha niya. Dapat rest day ko ngayong araw na makita ang mukha niyang napaka sungit, tapos ganito lang pala ang mangyayari. Panay pa naman ang sulyap niya sa malaking rear view mirror ng bus at alam ko ako yung tinitignan niya. 

Nahuli ko na naman siyang tumingin sa rear view mirror kaya inilapit ko ang katawan ko sa upuan niya. “Uncle.. mag focus ka sa daan. Baka mabangga tayo.” Saad ko sa mahinang boses na alam ko na siya lang ang makakarinig. Inaalala ko kasi yung mga kasama kong mga estudyante na kasakay ko din. Kaya dapat talaga siya mag focus. 

“Wala ka bang tiwala sa ’kin?” Tanong pa niya sa seryosong boses. 

“Wala po eh,” sagot ko agad kaya lumingon siya sa ‘kin at pinukol ako ng masamang tingin. Sungit talaga! Nagsasabi lang naman ako ng totoo. 

“Kailan ka po naging bus driver, uncle? Sa Pagkakaalam ko po kasi mga mamahaling sasakyan lang po ang minamaneho mo. At sa tanda ko din ay ang propesyon mo ay business.” Saad ko habang pinagmamasdan ang kamay niya na nasa manibela. Napadako kasi ang tingin ko sa mga daliri ni uncle. Ang haba at maugat, hindi yung maugat na dahil sa kakatrabaho. Yung sakanya kasi ang sexy tignan. Ang puti din niya kaya kitang- kita. 

“Nag apply ako kanina,” tipid niyang sagot. 

Nanlaki naman ang mata ko sa sagot niya. “Nag apply ka po? Bilang bus driver?” Gulat na gulat kong tanong. 

“Yeah,” tipid na naman niyang sagot. 

Magsasalita pa sana ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko. Agad naman akong lumingon do’n at nakita ang katapat kong upuan. Nakita ko si sir Jerome kaya umayos ako ng upo. 

Nagpa cute agad ako at nagpaka binibini dahil crush ko kasi si sir. Ang gwapo kasi talaga niya. Binata din at sa tingin ko nasa 27 lang ang edad niya. 

Hindi lang naman ako ang may crush sakanya, halos kaming lahat ng girls may crush sakanya. 

Gulat nga ako kanina dahil siya pala ang teacher na kasama namin sa bus. Kilig na kilig tuloy ako dahil magkatapat kami ng upuan. Si Erika kasi ang nasa bintana at ang katabi naman ni sir Jerome ay isang estudyante na lalaki na nakaupo din sa may tabi ng bintana. 

Napa isip tuloy ako na moment na yata namin ‘to ni sir Jerome kaya talagang naglagay ako ng liptint kanina para naman maganda ako. 

Tumikhim ako saka ngumiti ng napakatamis. “Ano po yun, sir Jerome?” Tanong ko pa sakanya. 

“Gusto mo ba ng sandwich?‘’ Tanong niya saka ngumiti sa ’kin. Yung mata niya ay parang bituin na kumikislap. Gusto ko sanang tumili sa kilig na nararamdaman ko pero naalala ko ang masungit kong uncle. Baka paluin niya ako pag uwi sa bahay. 

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil kilig na kilig talaga ako. Pakiramdam ko nga ay namumula ang pisngi ko. “Ahm.. yes po, sir.‘’ Sagot ko. Bahala na kung makapal ang mukha ko. 

Ngumiti naman siya saka inabot sa ’kin ang sandwich. Akmang tatanggapin ko na sana yun ng biglang malakas na pumreno si uncle Death. Napsubsub tuloy ang ulo ko sa likod ng upuan habang si sir Jerome naman ay nabitawan ang hawak niyang sandwich na para sa ’kin sana. 

“Anong nangyari po, manong?” Tanong ni sir Jerome kay uncle Death. Natawa ako dahil sa tinawag ni sir kay uncle. 

“Pasensya na. May pusang itim na dumaan.” Sabi ni uncle sa malamig na boses. 

Hinihimas ko tuloy ang nauntog kong noo. Sabi ko na eh, hindi talaga siya marunong magmaneho. Tumingin ako sa rear view mirror at nagkasalubong ang tingin namin ni uncle Death.

Napalunok ako ng ilang beses dahil sa uri ng titig niya. Para bang sinasabi niya na mag behave ako kundi bibitayin niya ako mamaya sa bahay. Walanjo naman talaga ‘to si uncle. Panira talaga ng moment. 

Lumipas ang isang oras na pag be-behave ko ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Inihinto na ni uncle Death ang bus at ipinark yun katabi din ng dalawang bus na naunang dumating samin. 

Excited na akong bumaba at gusto ko sanang sumunod agad kay sir Jerome na unang bumaba at ang iba pang mga estudyante. Ngunit ang magaling kong uncle ay pinigilan ako dahil may sasabihin daw siya sa ‘kin. Pinauna ko na din pinababa si Erika dahil baka mahaba ang sasabihin ni uncle. 

Nang makababa na lahat ng estudyante ay kami nalang dalawa ni uncle Death ang nasa loob ng bus. Umalis siya sa kinauupuan niya at halos matawa ako dahil nakasuot pa talaga siya ng uniform ng pang bus. 

“Why are you laughing?” Tanong niya habang masamang naka tingin. 

Umiling ako habang nagpipigil ng tawa. “Ahm.. wala po. Ano po ba sasabihin mo, uncle?” Pag iiba ko sa usapan. 

“Yung teacher na yun.. may gusto ba sa’yo yun?” Seryoso niyang tanong. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tanong niya. Ano kaya yun? Nag-usap lang may gusto na agad si sir Jerome sa ’kin. Pero sana nga din eh, pero hindi naman. Ako yung may crush kay sir. Mali-mali naman ‘to si uncle eh. 

“Wala po, uncle. Bakit mo naman po natanong?” Tanong ko sakanya. Hindi naman siya naka sagot. Hinintay ko pa ng ilang minutes at baka may sasabihin pa siya pero wala naman na.

Agad akong lumapit sa may pintuan ng bus at hindi ko siya pinapansin. Lumingon ako kay uncle at nakitang nakatitig lang siya sa ’kin. “Ahm.. wala pong gusto si sir Jerome sa ’kin, uncle.. dahil.. ako po yung may gusto sakanya.” Saad ko at agad na bumaba ng bus ng makita ko ang galit niyang mukha. 

Tinatawag pa niya ang pangalan ko na halatang galit sa ’kin pero hindi ko siya nilingon at tumakbo ako papunta sa mga estudyante. Natatawa ako dahil kitang-kita ko talaga ang galit niyang mukha. Binadtrip kasi niya ako ngayong araw kaya sisirain ko din ang araw niya. Nasa rules kasi niya na bawal akong mag boyfriend or magka crush man lang. Ano yun.. robot lang at walang nararamdaman. Kaya tawang-tawa ako sa itsura niya. 

Bahala na mamaya kung mapagalitan man ako. Tatanggapin ko nalang basta masira ko lang ang araw niya.

Chapter 7

Primrose Pov

TATLONG destinasyon ang pinuntahan namin at talagang nag enjoy ako. Tuwang-tuwa kami ni Erika at hindi ko na muna iniisip ang galit ni uncle Death mamaya. 

Kung nakakamatay lang talaga ang titig niya ay kanina pa sana ako namatay. Nakakatakot talaga ang titig niya kaya panay ang tago ko kay Erika. Napapadasal na lang talaga ako sa diyos na sana ay iligtas niya ako kay uncle Death. Pakiramdam ko kasi huling gala ko na talaga ‘to. 

Panay din ang tanong sa ’kin ni sir Jerome kaya kilig na kilig talaga ako. Lubos-lubusin ko na talaga dahil minsan lang naman ‘to sa buhay ko. 

Nasa bus na naman kami at pabalik na ng school. Nakiusap ako kay Erika na kung pwede ay palit kami ng upuan. Pumayag naman siya kaya nasa tabi na ako ng bintana. Panay kasi ang tingin ni uncle sa ’kin at natatakot talaga ako. 

Magsisimula na akong magdasal dahil malapit na kaming makarating sa school. Pagkatapos nito ay malamang uwian na. Kabado baynte na talaga ako at hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Nagsisisi na tuloy ako na inasar ko si uncle Death kanina. 

Napansin yata ni Erika na hindi ako okay kaya kinalabit niya ako. ’’Ayos ka lang?“ Tanong niya sa ’kin. 

Umiling talaga ako. “Hindi. Ipagdasal mo na lang ako ha!” Sabi ko pa kaya kumunot ang noo niya. 

Mas lalo pa akong kinabahan ng ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng eskwelahan. Iginilid ulit ni uncle Death ang minamaneho niyang bus sa harap ng gate ng school kaya tumayo na si sir Jerome at kinausap kaming mga estudyante. Hindi ko na nga alam ang sinasabi niya dahil yung kabog ng puso ko ang naririnig ko. 

Nagsimula ng bumaba ang mga estudyante kaya sumabay ako sakanila. Hindi ko talaga nilingon si uncle at baka makita ko na naman ang masungit niyang mukha. 

Nang makababa ako ng bus ay do’n lang ako nakahinga ng maluwag. Pumasok ako sa loob ng eskwelahan at baka may announcement pa na sasabihin ang mga teacher. Lumapit ako sa kaibigan kong kaya inakbayan ako ni Erika kaya ngumiti ako sa kanya. “Ano gala tayo?” Aya niya sa ’kin kahit alam naman niya ang magiging sagot ko.

Inirapan ko naman siya. “Para kang tanga! Alam mo naman na nandyan ang uncle ko. Malamang hindi ako makakasama.” Sagot ko sa kaibigan ko. 

“Ay oo nga pala. Napapansin ko sa uncle mo na kanina pa siya nakasimangot. Ganun ba talaga siya?” Tanong pa ni Erika. 

Napabuga ako ng hangin tuloy sa sinabi niya. “Ganun talaga yun. Pinaglihi yun sa sama ng loob eh,” nakangiwi kong sagot. Natawa naman si Erika. Akala niya siguro nagbibiro ako. 

“Pero infairness ha! Ang pogi talaga ng uncle Death mo. Si sir Jerome kanina na crush ng mga estudyante ay natalo ni uncle mo. Ang dami kayang tumitili sa uncle mo kanina.” Sabi ni Erika. Di lang nila alam ang kasungitan ng uncle ko. Baka maiyak lang sila. 

Hindi na ako sumagot kay Erika dahil nakita ko si sir Jerome. Napansin ko kasi na parang may iniinda siya. Kumunot ang noo ko dahil hinahaplos niya ang kanyang balikat. Napansin din yata yun ni Erika kaya kami ng dalawa ang nakatitig kay sir Jerome na naglalakad papunta sa gawi namin. 

“Ayos ka lang po ba, sir Jerome?” Tanong ni Erika ng makalapit samin ang gwapong teacher.

Napangiwi naman siya at hinihimas ang isang niyang balikat. “Ayos lang. May bumangga lang sa balikat ko kanina paglabas ko sa banyo. Ang lakas ng pagkakabangga niya sa balikat ko.” Sabi ni sir Jerome kaya nag-alala naman kami ni Erika. Sino ba namang babaeng hindi mag-aalala sa crush kapag nalaman niya ang nangyari.

“Sinadya po ba, sir?” Tanong ulit ni Erika. 

“I don’t know. Hindi ko din kasi nakita yung bumangga sa balikat ko dahil naka suot siya ng hoodie jacket. Siguro nagmamadali na siya pumasok ng banyo kaya na bangga niya ako.” Sabi ni sir Jerome. 

Natahimik ako ng marinig ko ang sinabi niyang naka hoodie jacket. Naalala ko kasi na yun ang suot ni uncle Death kanina. Agad akong lumingon sa kaibigan ko at ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Mauna na ako, Erika. Baka kanina pa ako hinihintay ng uncle ko sa labas ng gate.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Erika at agad akong naglakad palabas ng gate. Nakaharang pa ang mga bus na sinakyan naming mga estudyante kaya hindi ko agad nakita ang kotse ni uncle. 

Naglakad pa akong muli hanggang sa nakita ko na ng tutuyan ang kotse niya. Kahit natatakot ako ay wala naman akong choice kundi ang lumapit sa sasakyan niya. Hindi ko mapipigilan ang galit niya kaya haharapin ko nalang at hindi sasagot. 

Nang makarating ako sa harap ng kotse niya ay agad akong umikot papunta sa passenger seat. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at bumungad sa ’kin ang angry bird kong uncle. Tama nga ang hinala ko na siya ang bumangga kay sir Jerome. 

Huminga naman ako ng malalim at hinanda na ang sarili ko. Pumasok ako sa loob ng kotse niya saka ko isinara ang pinto ng kotse. 

Pinapakiramdaman ko lang siya na hindi nagsasalita habang binubuhay ang makina ng kotse. Pinausad niya ang sasakyan kaya napaayos ako ng upo. 

“Ililipat na kita ng school simula sa monday.” Pambabasag niya sa katahimikan. Lumingon ako sakanya na gulat na gulat sa sinabi niya. 

“Po? Bakit naman po, uncle?” Tanong ko pa sa kanya habang problemado. Alam ko kasing gagawin niya ang sinasabi niya. Ayaw ko! Ayaw kong lumipat. 

“Para hindi mo na makita ang crush mo.” Sagot niya. Para siyang tanga. Kahit saan man niya ako ilipat ay may mga boys naman. Useless lang ang gagawin niya at magsasayang lang siya ng oras niya para ilipat ako. 

“Wag na po, uncle! Joke ko lang naman po yun. At isa pa, ano po bang problema kung magkaroon man ako ng crush. Tao lang po ako, uncle. Nagkakagusto din pero hanggang crush lang naman po. Parang inspiration lang po ba. Palibhasa po kasi wala kang kilig sa katawan mo eh, tapos idadamay mo ako ngayon.” Nakasimangot kong sabi saka inirapan siya. Hindi naman niya makikita dahil naka focus naman siya sa daan.

“Wag mo akong iirapan, Primrose. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako.” Sabi niya na halatang binabantaan ako. Akala ko pa naman hindi niya nakita ang ginawa kong pag irap. Matanglawin talaga mata niya. 

“Ikaw naman po kasi uncle eh.. Sige na po kasi.. Wag mo na po akong ilipat ng ibang school.  Ang hirap po kaya mag adjust, uncle.” Pagmamakaawa ko pa sakanya.

“Yung teacher mong yun.. May hawak ba siyang subject niyo?” Tanong ni uncle. Hindi ko siya maintindihan kung bakit siya ganyan. Lagi niyang tinatanong ang tungkol kay sir Jerome. Hindi maka move on sa sinabi ko na crush ko ang lalaki. 

“Ahm opo.. Pero dati po yun. Pinalitan kasi siya ng isa po na teacher kaya hindi po siya ang naging teacher namin.” Sagot ko. First day lang yata namin naging teacher si sir Jerome at may pumalit sakanya dahil parang inaayos yata no’n ang mga schedule pa. Nalungkot nga ako no’n eh kasi akala ko siya na ang magiging sir namin sa isang subject. 

Hindi na naman nagsalita si uncle kaya hindi na din ako nagsalita. Tahimik nalang ako na nagdarasal na sana sapian siya ng angel para luminaw ang isipan niya at hindi na niya ko ilipat ng ibang eskwelahan. 

Gusto ko sanang itanong sakanya kung bakit niya binangga ang balikat ni sir Jerome pero wag nalang at baka ako naman ang banggain niya. Mananahimik nalang ako at hindi magkukulit at baka ilipat talaga niya ako ng school. Sana talaga hindi. Lalayas talaga ako sa bahay niya kapag ginawa niya yun.

Chapter 8

Primrose Pov

LINGGO ngayon at nandito lang ako loob ng kwarto ko. Yung uncle tinopak na naman at ayaw na naman akong palabasin ng bahay. Kaya ayon.. sinabayan ko din ang topak niya kaya hindi din ako lumabas ng kwarto. 

Nagbabalak na tuloy akong lumayas sa bahay niya. Hindi na talaga ako masaya sa palagi niyang higpit sa ’kin. 

Naalala ko tuloy ang ginawa niya kay sir Jerome. Nalaman ko kasi na namaga daw ang balikat ni sir kaya isang araw daw na hindi naka pasok sa school. 

Napahilamos nalang ako sa mukha ko gamit ang palad ko. Nakakainis naman kasi talaga ‘to si uncle Death. Hindi ko alam kung anong dahilan niya para higpitan ako ng ganito. Si mama naman dati hindi naman ganito sa ’kin. Lahat pa nga ng gusto ko ay binibigay lalo na kapag nag request ako na gagala ako kasama mga classmate ko. Pero siya.. dinaig pa yata ang mga lolo sa sobrang higpit. Akala naman niya hindi na uuwi. 

Napapaisip nga ako kung paano kaya kung lumayas ako dito sa bahay niya. Madali ko lang naman magagawa yun dahil lagi naman siyang nagkukulong sa kanyang kwarto. Hindi ako mahihirapan. 

May pera naman ako at kaya ko ng kumuha ng sarili kong apartment kahit maliit lang. Sa laki ba naman ng baon ko araw-araw ay talagang makakapag ipon ako ng bongga. 

Kailangan ko lang talaga ng perfect time para makatakas ako. Pero kung pag pla-planuhan ko pa lang, may chance na hindi matuloy. Siguro dapat gawin ko nalang agad mamayang gabi. 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at agad itinali ang mahaba kong buhok habang naglalakad ako papunta sa bintana. Sumilip ako at tinitigan ng mabuti ang gate. Iniisip ko kasi kung kaya ko ba talagang akyatin yun at tumalon pagkatapos. Baka kasi magkamali ako at bumagsak ako. Eh di tinawanan pa ako ni uncle.

Pinag-aaralan ko ang gate habang titig na titig ako. “Easy. Kayang-kaya kong akyatin ang gate.” Bulong kong sabi saka ako ngumiti.

Napagdesisyonan ko na lumabas ng kwarto at magpapakabait kay uncle. Last naman na ‘to dahil mamaya ay iiwan ko na siya. Dapat matagal ko na ‘tong ginawa dahil sobrang boring ng bahay. Hindi na sana ako nagtiis pa sa poder niya. 

Nang makalabas ako ng kwarto ay agad kong nakita ang masungit na uncle ko. Bumaba parin ako ng hagdan kahit nakikita ko siyang nag mo-mop ng hagdan. 

Habang ginagawa ko yun ay tumigil siya sa kanyang ginagawa at nag-angat ng tinging sa ‘kin. 

“Careful, baka madulas ka.” Saad niya sa baritonong boses. 

Tumango lang ako at dahan-dahan na bumaba ng hagdan hanggang sa tuluyan akong nakababa ng hagdan. 

Tinungo ko ang kusina at agad nakita ang mga nakahandang pagkain. Umupo nalang ako sa upuan at nagsimula na din akong kumain. Ganito lang talaga ginagawa ko sa bahay ni uncle Death. Kakain na lang talaga ko dahil lahat naka handa na.

Yung uncle ko naman ay naglilinis parin kaya hinayaan ko nalang. Pinasukan na naman yata ng lamok ang utak kaya naglilinis.

Ilang sandali pa ay umupo din siya sa katapat kong upuan kaya tumingin ako sakanya. Napansin kong pawis na pawis si uncle dahil sa paglilinis niya. Wala akong ganang makipag usap sakanya kaya tumahimik nalang ako. 

Tahimik siyang kumakain ng hanggang sa biglang umubo si uncle Death. Nataranta naman ako kaya dali-dali akong naglagay ng tubig sa baso at inabot sakanya. 

Nabilaukan pa talaga ‘to si uncle Death, hotdog na nga lang yung kinakain nabilaukan pa. Dapat kasi mga malalambot na ang kinakain niya eh. Pwede na siguro yung lugaw. Para hindi masakit sa ngipin. 

Tinanggap naman ni uncle ang baso at agad na ininom yun. Bumalik na naman ako sa pagkain at hinayaan lang si uncle. 

Ilang sandali pa ay natapos na akong kumain kaya tumayo na ako agad. 

“Aalis ako ngayon. Saglit lang ako kaya wag kang magkakamaling lumabas ng bahay.” Saad niya na may halong pangbabanta. 

“Opo,” sagot ko na lamang at hindi na nakipag sagutan pa sakanya. Kailangan kong hindi magpahalata na may binabalak akong masama. 

Bumalik ako sa kwarto at hinihintay lang na umalis si uncle. Pinapakinggan ko lang na may tumunog na sasakyan saka ako lalabas ng kwarto. 

May naisip kasi ako. Maghahalukay ako ng pagkain sa ref ni uncle saka ko ilalagay yun sa loob ng bag ko. Ako lang talaga ang lalayas na mag babaon ng pagkain.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang kotse ni uncle Death. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bintana. Sumilip ako at nakita ang kotse ni uncle na lumabas na ng gate. Automatic naman ang gate kaya hindi na kailangan pang may magbukas para sakanya. 

Dali-dali kog kinuha ang isa ko pang backpack at lumabas ng kwarto. Bumaba agad ako ng hagdan at tinungo ang kusina. 

Naghanap agad ako ng tinapay o biscuit man lang na isasama ko sa paglayas sa bahay ni uncle. Pinaglalagay ko lang ang medyo magagaan na dadalhin para hindi ako mahirapan sa pag akyat mamaya. Kumuha na din ako ng dalawang bottled juice at inilagay yun sa bag ko. 

Isinara ko na ang ref at dali-dali akong umakyat ng hagdan para bumalik ng kwarto ko. Para akong salisi gang na nagmamadali ang kilos at baka mahuli ako ng may-ari ng bahay. 

Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay itinago ko muna ang bag sa loob ng lagayan ng damit ko. Mahirap na baka biglang pumasok si uncle Death sa kwarto ko. Mas mabuti na yung laging handa. 

Niready ko na din ang su-suotin ko na komportable ako mamaya. Hindi ako pwedeng pumalpak at kailangan ay makatakas talaga ako kay uncle Death. 

Kinuha ko na din ang mga gamit ko sa eskwelahan at napamura ako dahil bumigat yung bag ko. Napadami yata ako ng nakaw ng pagkain kaya hindi na magkasya sa bag ko kung pipilitin ko pa. 

Inilabas ko ulit ang mga kinuha kong pagkain at inayos ng mabuti ang bag ko. Yung mga hindi na kasya na tinapay ay kakainin ko nalang mamaya para busog ako bago ako umalis sa bahay ni uncle.

Sana talaga magawa ko ng maayos ang pinaplano kong pagtakas. Mamayang gabi ako aalis dahil sabi niya saglit lang daw siya. Baka kasi kung ngayon ako lumabas ay makasalubog ko siya sa kalsada. Baka pektusan lang niya ako. 

Mamayang gabi kasi ay pagtapos ng hapunan ay diretso na siya agad sa kwarto niya kaya tama lang na mamayang gabi ko gagawin. 

Lumabas ako ng kwarto ko para pag-aralan ang gate para mamaya. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil baka hindi na ako makatakas. Sigurado kasi ako na magiging mahigpit lalo si uncle Death sa ’kin kapag nahuli niya ako. 

Nang makarating ako sa labas ng bahay ay agad kong sinipat-sipat ang gate. Kung saan ko ipapatong ang mga paa ko kapag tumakas na ako. 

Kayang- kaya ko talaga to. Hindi naman siguro masyadong masakit kapag bumagsak ako mamaya. Bahala na talaga ‘to. 

Bumalik na ako sa loob ng bahay at pa chill-chill lang na naglalakad papuntang kwarto. Nasa hagdan palang ako ay narinig ko ng bumukas ang gate. Bumalik na ang devil kong uncle kaya kailangan ko ng bumalik sa kwarto at kunwaring gumagawa ng assignment. Maghihintay na lang ako na sumapit ang gabi para gawin ang plano ko.

Chapter 9

Primrose Pov

TAPOS na kaming mag hapunan ni uncle Death at agad akong nagpaalam na matutulog na. Pumayag naman siya na pumunta ako ng kwarto ko. 

Narinig ko na din ang pagpasok ni uncle Death sa kwarto niya kaya sigurado ako na hindi na siya lalabas pa ng silid niya. Mabuti nga yun para makatakas talaga ako. Saktong-sakto para sa plano ko na pagtakas mamaya. 

Humiga na muna ako sa kama para saktong 11PM ay gagawin ko na ang pagtakas ko. Kailangan ko lang makasiguro na tulog na ngayon si uncle Death.

Tahimik lang ako nag ce-cellphone at nililibang ang sarili ko. Baka kasi makatulog ako at hindi ako magising ng 11.  Hindi pa naman ako inaantok pero mas okay parin na nakahanda ako. 

Kabado pa talaga ako sa gagawin ko mamaya ngunit pinapalakas ko lang ang loob ko and think positive lang talaga. Kunti lang din kinain ko mamaya para hindi ako mabigat at mabilis na makaakyat. 

Ang iniisip ko lang ay baka mahuli ako ni uncle Death. Pero hindi talaga ako papayag na mahuli niya ako dahil sigurado ako na magiging mahigpit siya sa ’kin. Katakot pa naman si kuya Death magalit.

Nakahiga lang ako at tamang tingin-tingin lang sa orasan na nakasabit sa pader. Saktong 10PM na kaya malapit na ang oras ng pagtakas ko. 

Bumangon ako at inabot ang suklay na nasa bedside table. Sinuklay ko ang buhok ko para itali. Nakabihis naman na ako kanina pa. Cotton short ang isinuot ko para malaya akong makakilos at hindi mabigat sa pakiramdam.

First time ko ’tong gagawin kaya kabado talaga ako. Lagi ko lang iniisip kapag napaghihinaan ako ng loob na kaya ko. Iniisip ko nalang ang masungit na mukha ni uncle Death at ang kasungitan niya para may inspirasyon akong tumakas.

Nakaupo lang ako sa kama at nakatitig lang sa orasan hanggang sa pumatak ‘yon ng 11PM. Mas lalo akong kinabahan at nagdasal na hindi ako mahuli ni kamatayan. 

Dumating ang 11PM kaya kinuha ko na ang backpack ko na inayos ko kaninang umaga. Nagdasal pa talaga ako saka ako huminga ng malalim. 

Kinakabahan talaga ako pero for the go na talaga ‘to. Todo na ’to. Mukha tuloy akong tanga na pa flying kiss-fying kiss pa sa langit na parang basketball player sabay turo.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at idinikit ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung nasa labas ba si uncle Death. 

Nang wala akong marinig na ingay ay agad kong hinawakan ang siradura ng pinto at dahan- dahan na binuksan yun. Sumilip muna ako at napangiti ako dahil nakasara ang pinto ng kwarto ni uncle. Ibig sabihin lang no’n ay tulog na siya. 

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at halos hindi na huminga habang sinasara ang pinto. Yung lakad ko ay parang sa akyat bahay na walang tunog. 

Tinungo ko ang hagdan at nakitang nakapatay na lahat ng ilaw. Sa may island counter lang ang bukas na nagsisilbing ilaw para hindi masyadong madilim. 

Ang galing ko talaga. Makakalabas na talaga ako sa bahay ni uncle Death. 

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at baka matapilok pa ako. Yung mga paa ko ay ingat na ingat at baka makagawa ako ng ingay. Matalas pa naman pandinig ni uncle. Yung mata nga niya matanglawin eh kaya malamang matalas din pandinig no’n.

Matagumpay akong nakababa ng hagdan at tinungo ko ang main door ng bahay. Nang makalapit na ako ay dahan-dahan kong binuksan ang lock ng pinto. Tatlo ang lock at nahirapan ako sa pangatlo dahil alam kong may tutunog na kunti. Pero sobrang dinahan-dahan ko talaga at panay ang tingin ko sa itaas ng hagdan at baka sumulpot si uncle Death. 

Nabuksan ko naman ang huling lock kaya tuluyan kong nabuksan ang pintuan. Lumingon pa ako ulit sa hagdan na para bang ito na ang huling makikita ko yun. 

“Goodbye, uncle Death.” Saad ko sa mahinang boses.

Lumabas agad ako sa pintuan at dahan-dahan na isinara ang pinto. Hindi naman aakyatin ng magnanakaw ang bahay ni uncle dahil hindi naman ’to putcho-putcho na subdivision. 24/7 naka duty ang mga guard dito at nag iikot talaga sila. 

Naglakad ako papunta sa gate at ito na talaga ang moment of truth na aakyat talaga ako ng gate. Hindi ko kasi pwedeng buksan dahil tutunog kapag isasara ang gate. Baka mahuli lang ako ni uncle. Kaya aakyatin ko na lang. 

Hinahanda ko na ang sarili ko at napapadasal na lang na sana hindi ako mahulog. “This is it, pancit.” Saad ko pa at nagsimulang akyatin ang gate. 

Pinagdarasal ko pa na sana lang ay walang dumaan na guard dito at baka mabaril ako ng wala sa oras. Inakyat ko agad ang gate at muntik pa akong mahulog dahil dumulas ang kamay ko. 

Nakaabot ako sa tuktok kaya inilagay ko ang isa kong paa sa kabilang side ng gate. Nakaupo ako habang ang isa kong paa ay nakalaylay sa loob ng gate. Tumingin muna ako sa labas ng gate at sobrang tahimik. 

Tuwang-tuwa talaga ako dahil ang galing ko. Sabi ko na eh, kapag biglaang plano ay natutupad. Pero kapag pinlano ay na uudlot. 

Nakangiti akong bumwelo para ilabas na sana ang isa  kong paa na naka laylay parin sa loob ng gate. Ngunit napahinto ako ng biglang gumalaw ang gate kaya napahawak ako at baka mahulog ako.

“Teka… bakit bumukas ang gate?” Natanong ko pa sa sarili ko habang natataranta. 

Mas lalo akong nataranta ng bumukas na ng tuluyan ang gate habang nakasakay parin ako sa tuktok. “Mama!!” Sigaw ko habang maiyak-iyak sa takot. 

’‘Where do you think you’re going?’’ Agad akong napahinto sa pag sigaw at iyak ng marinig ko ang baritonong boses na yun. 

Tumingin ako sa labas at nakita si uncle Death na seryosong nakatitig sa ’kin. Nakasuot pa siya ng itim na tshirt  at jogger pants na itim din. Patay! Nahuli ako ni kamatayan. Rest in peace nalang sa ’kin. Sumalangit nawa ang kaluluwa ko. Pambihira naman oh. 

“Mama!!” Napatili pa ako lalo ng isara ni uncle Death ang gate kaya gumalaw na naman. Nang maisara yun ay nakita kong may hawak siyang pinipindot na sa hula ko at remote ng gate. Paulit-ulit niyang binubuksan saka niya sinasara ang gate. 

Para tuloy akong tanga na nakasakay dito sa tuktok ng gate habang umiiyak sa pinaggagawa ng uncle ko. Ang pangit niya ka bonding.

“Tama na po, uncle!! Ayaw ko na! Hindi na po ako uulit.” Umiiyak kong sabi kaya biglang tumigil ang gate sa pag galaw. Nakahinga naman ako ng maluwag saka tumingin kay uncle na magkasalubong ang kilay. Wala na, nahuli talaga niya ako. Mukhang naka abang pa talaga siya sa labas ng bahay namin.

Hindi ko na talaga alam kung anong propesyon niya. Nong una ay bus driver, ngayon naman tanod. Nasa labas eh kaya tanod ang ginagawa niya sa harap ng bahay. 

“Uncle..” tawag ko sakanya. 

“What?” Galit niyang tanong na parang mangangain ng tao. Ang pangit talaga ng ugali niya.

“Sorry na po..” saad ko sa mahinang boses. Narinig ko naman na bumuntong hininga siya kaya napanguso ako. Halatang stress siya sa ‘kin eh.. ako nga ‘tong stress sa ugali at rules niya sa buhay ko. Kaloka siya!

“Bumaba ka na diyan!” Sabi niya sa malamig na boses. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi na ako marunong bumaba. Paano ako baba nito. Ako lang yung akyat gate na hindi marunong bumaba. 

Nakita ko naman na naglakad si uncle Death papunta sa gate at inangat ang dalawa niyang kamay na para bang may sasaluhin. “Tumalon ka. Sasaluhin kita.” Seryoso niyang sabi.

“Ayaw ko po!” Sagot ko agad. 

“Bakit naman?” Tanong niya habang magkasalubong ang kilay. 

“Wala po akong tiwala sa mukha mo eh,” nakangiwi kong sagot kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. 

“Gusto mo bang paandarin ko yung gate?” Tanong niya kaya umiling ako. “Tanggalin mo yang backpack mo at ihulog mo sa loob ng gate saka ka tumalon sa ’kin.” Utos niya kaya napabuga ako ng hangin. Ako lang talaga ang akyat gate na ni rescue. 

Sinunod ko ang utos ni uncle Death at tinanggal ang backpack ko at hinulog yun. Hindi agad ako tumalon dahil huminga muna ako ng ilang beses.

“Tatalon na po ako, uncle. Saluhin mo po ako ha!” Sabi ko pa at baka sapian na naman siya ng ka demunyhan at hindi ako saluhin.

“Araw at gabi kitang sasaluhin, Primrose. Kaya tumalon ka na.” Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Tadyakan ko kaya mukha niya.

Kahit nagdadalawang isip man ay tumalon ako papunta kay uncle Death. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngunit nawala yun ng masalo niya ako. Nakahinga ako ng maluwag ngunit agad din bumalik ang kaba ko ng magkatitigan kami ni uncle. Titig na titig siya sa ’kin at sobrang lapit ng mukha namin dalawa. 

Nakikita ko na talaga ang kamatayan ko dahil malamang mas lalong hihigpit si uncle sa ’kin.

Chapter 10

Primrose Pov

TAHIMIK lang ako habang nakaupo sa pang isahang upuan na nasa sala. Habang ang uncle ko ay nakatayo sa harapan ko at parang may lalabas na apoy sa ilong niya.

Nakayuko lang ako dahil natatakot akong tumingin sa kanya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinihintay kung anong magiging hatol ko dahil sa ginawa kong pagtakas. Hindi ko naman alam na nasa labas pala siya naka abang. 

Naramdaman kong pinulot niya ang bag na dala-dala ko kaya nag angat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng makitang bubuksan ni uncle Death ang bag ko. “Wag na po yan, uncle.” Pigil ko pa sa kanya dahil nakakahiya kung makita niya ang mga pinagkukuha kong pagkain sa ref niya. 

Ngunit hindi talaga siya nagpa pigil at binuksan talaga niya ang bag. Kinain na talaga ako ng hiya ng makita kong kumunot ang noo niya saka inilabas ang tinapay na dala ko. Ipinatong niya yun sa glass table saka kumuha ulit sa loob ng bag ko. Nakuha na naman niya ang strawberry jam na pang palaman ko sana sa tinapay saka niya inilapag ulit sa table.

“May de lata ka pa ha!” Sabi niya saka inilabas ang sardinas kaya mas lalo akong nahiya. 

“Akin na nga po yan, uncle.” Saad ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko at hinila ang bag. Pero mas malakas si uncle sa ’kin kaya wala na akong nagawa hanggang sa nailabas niya lahat ng laman ng bag ko.

“Ikaw lang yung magnanakaw na hindi gadgets ang kinuha kundi pagkain.” Seryosong sabi ni uncle. 

Hindi naman ako nakasagot at yumuko nalang dahil sa kahihiyan. Kanina pa talaga ako nahihiya sa nangyari sa gate tapos ito na naman. Mas gusto ko pang lamunin nalang ako ng lupa.

“Bakit mo binalak tumakas?” Tanong niya sa ’kin kaya napalunok ako ng ilang beses at nag-iisip ng isasagot. 

“Ahm.. mag fi-field trip?” Sagot ko na papuntang tanong na.

Pinukol naman niya ako ng masamang tingin kaya napayuko na naman ako. “S-Sorry na po, uncle.” Nasabi ko na lamang at baka patawarin pa niya ko. 

“Ayaw kong tanggapin ang sorry mo. Sa tingin mo talaga makakalabas ka sa pamamahay ko?” Tanong niya sa ’kin. 

Napanguso ko. “Akala ko po makakatas po ako, uncle. Pero bakit kasi nasa labas ka ng gate?” Tanong ko naman sakanya. Hindi naman sana ako mahuhuli kung hindi siya tumambay siya sa labas eh. 

“Inaabangan kita. Nakalimutan kong sabihin sa’yo na puro cctv ang bahay ko.” Sabi niya kaya napa angat ako ng tingin. 

“Wala naman eh,” saad ko dahil wala naman akong makitang mga cctv. Alam ko kaya ang itsura ng mga cctv. Ako pa talaga pinagtripan nito ni uncle eh. 

“Hindi mo makikita yun kaya wag na wag mong susubukang tumakas ulit, Primrose.” Sabi niya saka matalim akong tinignan. “Mas lalo mo lang akong ginagalit. Simula ngayon.. sa bahay ka na mag-aaral.” Saad niya kaya nanlaki ang mata ko. 

“Uncle.. wag naman po ganun. Hindi na po ako tatakas, uncle. Sorry na po talaga. Please po.. wag mo po sanang gawin ‘to sa ’kin.” Pagmamakaawa ko sakanya. 

Umiling naman siya. “No! Hindi mo na ako madadaan sa mga please mo. Paano kung tumakas ka habang nasa eskwelahan ka ha?!” Galit niyang sabi. Highblood talaga ’to eh. Pinumin ko ‘to ng pineapple juice eh.

“Masyado kang advance, uncle. Hindi ko nga po naisip yun eh,” hirit ko pa kaya masama niya akong tinignan. 

“Wag mo talaga akong ginagalit, Primrose kung ayaw mong mabitay kita patiwarik. Masyado ka ng makulit.” Sabi niya kaya napangiwi ako. 

“Ang sama mo! Kapatid ka ba talaga ni mama? Bakit si mama ang bait-bait, bakit ikaw kalahi ni satanas?” Inis kong tanong.

“What did you say? Did you say Satan?” Tanong pa niya sa ’kin habang nagpipigil ng inis. Ayan na naman ang panga niya. 

“Di mo po kilala sarili mo, uncle?” Pang-aasar kong tanong. “Basta! Hindi po ako papayag na sa bahay mo po ako mag-aaral. Gusto ko po sa eskwelahan. Magtatampo po talaga ako sa’yo, uncle.” Sabi ko at baka sakaling makonsensya. 

“Eh ‘di magtampo ka! Dito ka sa bahay mag-aaral. Tapos ang usapan.” Sabi niya saka nag walk out sa harapan ko. Napasunod ang tingin ko sakanya at inangat ang isa kong kamay at para bang iniisip na isa siyang kuto na tinitiris ko. 

“Ang sarap mong tirisin, uncle. Matapilok ka sana.” Saad ko pa. 

“Narinig ko yun.” Sagot naman niya na halatang nasa kusina siya. Ang talas talaga ng pandinig ng gurang na ‘to. 

“Gurang na nga, matalas parin ang pandinig.” Saad ko sa mahinang boses. 

“Sinong gurang? Ako ba tinatawag mong gurang?” Bigla niyang sulpot sa harapan ko. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa kanya.

“Hindi po ahh.. hindi ka nga po halatang 32 years old po eh. Bagets na bagets.” Nakangiti kong sabi. 

Pinukol lang niya ako ng masamang tingin saka nag walk out na naman. Akala ko pa naman mauuto ko siya. Sana sumakit rayuma niya. Letse siya! 

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil wala na yata akong magagawa. Malamang gagawin niya talaga ang gusto niya. Kapag sinabi niya sinabi niya talaga. Kaya asahan ko na bukas na dito nalang ako sa bahay mag-aaral. Ang malas ko talaga. Konting-konti nalang sana eh, makakatakas na sana ako. 

Piste! May cctv pala dito sa loob ng bahay niya. Akala ko kasi nasa harap lang ng main door kaya kaninang umaga ay nilagyan ko yun ng itim na panty ko para matakpan yung cctv. Hindi naman niya mahahalata na may itim na nakaharang dahil akala ko hindi siya tumutingin sa monitor. Pero inilagay ko parin ang panty ko para hindi ako makunan. 

Effort na effort pa ako maglagay no’n habang nagluluto ng hapunan si uncle sa kusina. Yun naman pala mahuhuli lang pala ako. 

Napatayo ako sa kainauupuan ko ng maalala ko ang panty ko na nilagay ko sa cctv. Dali-dali kong pinuntahan yun at nagulat ako dahil wala na ang panty ko do’n. Pumyemas! Nalaglag pa yata kaya siguro ako nahuli kanina. Hindi ko kasi pinansin kanina dahil naka focus ako sa pagtakas ko. 

Panty din ang ginamit ko dahil mas magaan kaysa sa tshirt na itim. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil hindi ko makita ang panty ko. 

“Looking for your black panties?” Biglang tanong ni uncle Death. 

“Paano mo nalaman na panty hinahanap ko?” Tanong ko pa sakanya habang nanlaki ang mata.

Bigla siyang ngumisi na parang demonyo at may kinuha sa bulsa ng jogger pants niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko ang panty ko na hawak niya. Walangya! Nakakahiya! Agad uminit ang magkabilang pisngi ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mabawi ang itim kong panty. Punyetang panty!


Return to top?

Part of a series

Wild Addiction

Part 2 of 2
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.