Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
deuceiv · 30 chapters · 90,510 words
WON’T SAY I’M IN LOVE
WON’T SAY I’M IN LOVE: Blurb
Looks can be deceiving — ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna’y nalaman niya ang tunay nitong kulay.
He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face.
The two of them were like Heaven and Hell, the angel and the devil. Black and white, evil and good. At dahil sa pagkakaiba nila, nakampante si Aaron na hindi na siya ulit maa-attract sa binata.
But romance couldn’t be predicted.
A fight against love — Aaron would rather die than admit that he’s fallen in love with that angel-faced demon spawn!
**
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.
Simula
SIMULA
ㅤㅤㅤㅤ ‘The more you hate, the more you love.’ – Malinaw na malinaw pa sa isipan ni Aaron kung ano ang naging reaksyon niya nang marinig ang phrase na ito mula sa bibig ng nakababatang kapatid.
Ridge was just seven years old back then and he had been playing with a child named Zamiel, who for some reason, Aaron disliked.
During that time, the neighbor’s child was asking about the girl in their class who clung to him like crazy, and that Zamiel hated a lot. Pero ang sagot lamang ni Ridge ay iyong infamous at nakakabobong ‘the more you hate, the more you love’-phrase.
“Hindi naman totoo ‘yang kasabihang ‘yan.” May bahid ng panggagalaiti at pagkairita ang boses ni Aaron noong kontrahin niya ang kapatid.
Sabay namang lumingon ang mga bata sa kanya at bagamat ayaw na ayaw niyang sinusupladuhan si Ridge, noong mga oras na iyon ay hindi napigil ni Aaron ang mapairap.
“Kapag ayaw mo sa tao, ayaw mo. Period. ‘Di ibig sabihin no’n e may hidden desire ka sa tao o baka ‘di mo lang nari-realize na gusto mo pala talaga sila,” dugtong pa niya ‘tsaka siya naghalumbaba’t humarap sa telebisyon na noo’y muppets pa ang palabas.
Sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang nagkatinginan sina Ridge at Zamiel. Parehong nagtataka ang mga ito hanggang sa kalauna’y sinabihan ni Zamiel na mali si Ridge sa sinabi nito – naginhawaan naman si Aaron nang malamang sumasang-ayon sa kanya ang maliit na bata.
As his eyes were fixated on the television screen, seemingly taking in every moment of what the ‘muppets’ could do to entertain him, Aaron’s mind slowly drifted.
Naririnig pa rin kasi niya ang pakikipagtalo ng kapatid sa best friend nito at nalulunod na ang volume ng telebisyon.
“Hindi rin naman ako mali! Si teacher Shasha pa ang nagsabing siya at ‘yong asawa niya, nagsimula rin daw na ayaw nila sa isa’t isa!” Ridge defended himself stubbornly.
Zamiel hissed. “Iba ‘yon! E si Fatima naman, may gusto sa ‘kin. Ako ang may ayaw sa kanya kasi lagi siyang dumidikit sa ‘kin tapos sabi pa niya sa mga kaklase ko, magpapakasal kaming dalawa!”
“Narinig ko nga. Umiyak ka rin daw no’ng sinabi niyang wala ka raw choice kung ‘di pakasalan siya.”
“Ayoko sa kanya! Sipunin na nga siya, bungi pa! Bahala siya!”
Walang kwenta ang makinig sa usapan ng mga bata – iyan ang alam ni Aaron simula’t sapul pero hindi niya maiwasang maintriga sa buhay ng kapatid niya at ng lintik nitong kaibigan.
But for some reason, their childish conversation reminded him of someone. Ang wirdo at ilang beses na rin niyang iwinawaglit sa isipan pero sa tuwing mababanggit ni Ridge iyong pamatay na kasabihan?
Ayun. Iyong mukha ng pambwisit na panira sa buhay niya sa school ang pinakaunang pumapasok sa isipan ni Aaron.
Naaalala ni Aaron noong unang araw niya sa high school na pinapasukan. Although he was extremely lazy to attend, he was excited at the same time because he’d get to see a new environment.
Hindi na siya ihahatid-sundo kaya may kalayaan na si Aaron na umuwi kahit kailan niya gusto. Plus, he’d get a chance to find the most private parts of the school where he could sleep at. Masaya ang buhay.
Habang nag-eenjoy si Aaron na maglista ng mga balak, napukaw ang atensyon niya nang mayroong bumangga sa likuran niyang lalaki.
“Sorry,” bulong nito mula sa likuran niya.
The first thing Aaron could remember was how his perfume made its way on his nose and of how fragrant it was that he almost wanted to ask which brand it was. Kaso nang lumingon siya para sana magtanong at i-cater ang sorry nito, natigilan siya’t natulala nang ang pinakaunang bumungad sa kanya ay ang gwapo nitong mukha.
It wouldn’t be a lie to describe this guy’s beauty as something that could par against an angel’s. He looked pure and soft, he looked really kind—and for some reason, fragile.
Sickly, even with those eye bags, pale skin and lips, something weird happened to Aaron.
Nang magtama ang mga mata niya at ng lalaking iyon, ang pinakaunang pumasok sa isipan ni Aaron ay gusto niya itong makilala’t protektahan mula sa mundo.
The way this guy looked at him just sparked that kind of desire inside Aaron.
Pero malay ba niyang kung anong kinagwapo nito, ganoon din pala ang kinasama ng ugali?
First year high school pa rin sila noon nang malaman ni Aaron ang pangalan at ang totoong kulay ng lalaki. Pumunta kasi ang grupo nito sa seksyon nila para manghiram ng English books at noong makita ni Aaron ang lalaking iyon, isa siya sa mga nagpahiram ng libro.
But of course, his help came with a price.
“Anong pangalan no’ng kasama niyo?” pasimpleng tanong niya sa isa sa mga kaklase noong lalaking bumangga sa kanya noong first grading.
Nagtataka itong tumitig sa kanya at pinasadahan ng tingin ang mga kasama nito. “Sino sa kanila? Si Beatrice ba? Si Danica? O baka naman si Gwen?”
“Uhh…” Aaron was at a loss for words because he wasn’t pertaining to the girls they were with. Rather, with that angelic-looking guy on the side.
He looked paler that day, and he looked sick. His smiles seemed forced and Aaron, at that moment, was worried to the point he wanted to give him a bottle of water. But since they don’t know each other, he kept mum and behaved.
“Hindi sila… ‘Yong lalaki na namumutla. Parang matutumba na ‘yon, wala ba siyang sakit?” Aaron tried to sound casual. Tipong walang pakialam at medyo concerned lang nang malaman ang pangalan noong tigakabilang section.
And it seemed like his act worked because the student in front of him seemed to realize who he was talking about. “Ah, si Easton! Oo, ayos lang siya. Kagagaling lang niya sa sakit pero magaling na raw siya.”
Oh. So Easton … The sickly but extremely cute guy from the other class.
Humimig lamang si Aaron at tumango. “Ah, okay. Sa kanya mo ipahiram textbook ko, a. Kunin ko nalang sa kanya. Salamat.”
Mukhang naguluhan ang estudyanteng kaharap niya nang sabihan niya itong kay Easton ibigay ang libro niya pero kahit naman siya, hindi rin naintindihan kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.
Although they were both confused, the student seemed to agree to him and just nodded slowly.
“Sige, sabi mo e. Salamat sa pagpapahiram ng libro,” simpleng anito ‘tsaka bumalik sa mga kasama, inaanunsyong nakahiram na sila ng sapat na English textbooks para sa susunod na klase.
Aaron watched in silence as their group went back to class, feeling a little bit disappointed that the guy who bumped into him during their first day didn’t even seem to spare a glance at him.
But who cares? Hindi naman siya kilala nito. ‘Tsaka siguradong hindi na siya noon nakikilala dahil hindi tulad nito, pang-nobody ang itsura niya.
It didn’t matter to him that day because he’d get to talk to the guy later. Kapag kukunin na niya ang textbook niya.
Noong araw na iyon, nang babawiin na sana ni Aaron ang libro mula kay Easton, medyo nahuli sila ng labas mula sa last subject dahil maraming idinaldal ang guro nila. Iyon tuloy ay parang nakikipagkarerang pumunta sa seksyon nina Easton si Aaron.
But even so, his body was weak and he was never sporty, so it had been a challenge to chase time.
Isa pa, noong dumating din naman sa klase ni Easton si Aaron, wala na ang binata. When he asked, he was told that Easton already went home, and when he checked his textbook; he was then told that Easton took it with him because they were given a homework.
Noong una, ayos lang iyon kay Aaron.
He’d always get a next time.
Makukuha niya rin ang textbook at makakausap si Easton, pero nang sabihing inuwi ni Easton ang libro niya, may kung anong hindi magandang pakiramdam ang siyang bumabagabag sa kanya.
ㅤㅤㅤㅤAS TIME passed by, Aaron accepted the fact that he had a crush on Easton, and that meeting him wasn’t easy because he was sickly and often out of school. And as time passed by, Aaron started to get worried.
Hindi kay Easton, kung hindi sa nalalapit na end of school year at sa textbook niyang hindi pa rin naibabalik hanggang ngayon… Dahil kahit anong pagkagusto niya kay Easton, mas importante ang sarili niya.
“Hindi ba uli papasok si Easton? Nagbakasyon na sa kanya ‘yong English textbook ko,” tanong ni Aaron sa kaklase ni Easton pero ngumiwi lamang ito.
Marahan itong umiling. “Pumasok lang kahapon si Easton pero wala ulit siya ngayon. Tinanong ko rin tungkol doon sa textbook pero nakalimutan niya raw sa kanila.”
“Ah gano’n ba. ‘Pag ano, pakipaalala nalang na hanap ko ‘yong textbook ko. Salamat.”
Kaso ni minsan, hindi naabutan ni Aaron ang anino ni Easton at nang magkita silang dalawa, noong nagbabalik na ng libro.
Noong makita ni Aaron ang binata, sandali siyang na-distract sa gwapo nitong mukha, at hindi naiwasang hindi pansinin kung gaano kalaki ang ipinayat nito mula nang huli niyang makita.
But his eyes were fixated on his textbook, and though he tried to talk to Easton about his English book, Easton looked at him dead in the eye and said: “Mali ka yata ng pinaghahanapan ng libro. Akin ‘to.”
Then again, it wasn’t Easton’s book.
Inintindi nalang ni Aaron noong una na baka nalimutan nitong pinahiram lamang ang librong iyon sa kanya dahil madalas itong absent kaya pinaalala niya rito ang nangyari noong araw na nanghiram ito at ang mga kaibigan nito sa seksyon nila ng libro. But Easton was firm and stubborn, he insisted that the book was his although Aaron got the chance to check its code and it was really his own.
“Hindi sa ‘yo. Akin ‘yan, nakasulat pa rito sa one-fourth ko iyong code ng libro na ‘yan. Pakibalik na sa ‘kin.” Utang na loob, dahil napipikon na rin si Aaron na nag-aattitude si Easton.
Tinaasan siya ng isang kilay ng binata. “No! Ba’t ko ibibigay ‘tong libro na ‘to sa ‘yo e akin nga kasi ito? Kung nawala mo iyong English textbook mo, ‘wag mong idamay iyong akin!”
“E may patunay nga akong akin ‘yan.”
“Ba’t naman ako maniniwala sa ‘yo? Malay ko ba kung dinoktor mo lang ‘yan ngayon? Akin nga ito! Nanakawan mo pa ako ng libro, ‘di ka man lang ba nahihiya sa sarili mo?”
“Ba’t ako pa ang magnanakaw e ikaw ang umaangkin ng libro ko?”
“No! This is mine! Alam mo, kaysa magsinungaling ka pa sa harap ko’t gumawa ng kwento, magbayad ka nalang sa librarian!”
What the fu—!
Walang nasabi si Aaron.
Mataman lamang niyang tinitigan si Easton, tulala’t may bahid ng pagkamangha habang ang binata naman, kung titigan siya ay mayroong bahid ng pagkadisgusto.
Ang pinakahindi nagustuhan ni Aaron noong araw na iyon ay kung paano siya minata ni Easton at tinanong, “are you so poor that you’re desperate on getting someone else’s book? Ga’no ba kahirap ang buhay mo para ‘di ma-afford na magbayad ng isang daan?”
When Aaron said that he lost it all and snapped at that moment – may it be from agitation, offense, or immaturity – it wasn’t a lie nor a joke. Aaron’s eyes darkened, his memories became blurred, his body moved on its own and the next thing he knew was that…
Easton was lying on the ground unconscious, but he didn’t care and he just took his book and walked away.
Basta ang isip niya noon, puro ‘buti
nalang
sa
pribadong
parte ng
eskwelahan
kami
nag-usap
’ ang laman.
ㅤㅤㅤㅤIT WOULDN’T be a lie to say that Aaron waited for someone from the guidance office to reach out to him and call his parents. It wouldn’t be a lie to get surprised that even when the next school year started, he was never called once nor he had any record for punching someone and leaving them unconscious.
Days turned to months, and months turned to years. Third year high school na si Aaron pero parang wala talagang balak si Easton na guluhin ang buhay niya. Pero maganda iyon, dahil ayaw din naman ni Aaron na magpaistorbo.
Nakonsensya naman si Aaron sa ginawa lalo na’t mukhang sakitin na nga si Easton, nasuntok pa niya sa mukha’t knock-out pa.
Kaso mayroon ding boses sa likod ng isipan niya na bumubulong na deserba ni Easton kung ano ang ginawa niya rito. Paano ba naman kasi, ayaw na ngang ibalik ang libro niya, ininsulto pa siya?
‘Tsaka wala na. Na-turn off na si Aaron sa isang iyon.
Marami pa namang ibang gwapo sa eskwelahan nila na pupwede niyang tignan at ligawan bukod sa isang iyon.
Kung alam lang talaga niyang hindi pala worth it pagtuunan ng atensyon at oras si Easton, hindi sana nasayang ang isang taon niya’t nakahanap siya agad ng prospect.
But yeah, why was it that no one came to him even after he punched Easton?
“Meron akong nagugustuhan galing sa kabilang section, Aaron,” biglang dinig ni Aaron na bulong malapit sa tenga niya.
Mahina siyang humimig at umayos nang upo. “Buti naman, nang hindi mo na rin ako guluhin, Wade— sandali.”
Aaron paused when he realized that he was supposed to be the only person in this classroom. After all, he snuck to one of the abandoned classrooms again, and no one really had access to it besides him. Wala naman kasing nakaisip na baka sira ang lock kaya pumasok na siya’t dito nagtungo matapos mag-cutting.
Kaso, ang biglang marinig ang boses ni Wade?
Napatalon si Aaron mula sa kinahihigaan at mabilis na lumingon sa direksyon kung saan niya narinig ang boses ng kaibigan. Nanlalaki ang mga mata niya’t may bahid ng pagkataranta. Kung posible ring mamutla pa siya, baka iyon na ang nangyari.
Did a fucking ghost copy his best friend?!
No, that didn’t seem right. Even ghosts would never want to copy a noisy ass like Wade.
So, who?
Nang mahimasmasan si Aaron, napang-abutan niya si Wade na nakangisi sa kanya’t pakaway-kaway. Napasinghap si Aaron pero sa likod ng isipan niya, nagdadalawang isip pa rin siya kung ang kaharap niya ba ay tao talaga o multo.
But then, the classroom’s door snatched his attention. It was busted open, and Aaron couldn’t help it but to face palm.
Walang multo. Si Wade talaga ang nakikita niya sa harap niya. Mukhang sinira pa ang pinto ng hideout niya. Paano na siya makakapagtago niyan?!
“Wade! Alam mo bang pupwede kang pumunta rito nang tahimik? You could’ve closed the door again, either! ‘Tsaka kailan ka pa nandito? Muntik na ‘kong atakihin sa puso dahil bubulong-bulong ka pa sa tenga ko!” panenermon niya.
Ang isiping lumuhod pa si Wade para maabot ng bibig nito ang tenga niya nang sa ganoo’y magawa ang prank nito, naiirita si Aaron. Ang creepy!
Samantala, naaaliw namang humalakhak si Wade. “Iyon naman ang ginawa ko! Maingay akong pumasok. Kaso mukhang malalim ang tulog mo kaya ‘di mo agad napansin na umentrada ako sa hideout mo.”
Yeah, right. Malalim ang tulog. Malalim lang talaga ang iniisip!
Bumusangot siya. “‘Di mo isara ulit iyong pinto? Baka mahuli pa tayo ng mga teacher na nandito, dalhin pa tayo kung saan-saan.”
“It doesn’t matter! ‘Di ba sanay ka namang nasesermunan ng mga guro natin ‘pag nagka-cutting ka? Pero himalang ikaw pa rin ang Top 1 ng klase. Ang galing.” Halos pumalakpak si Wade habang sinasabi iyon.
“Anong it doesn’t matter? Kakaltukan kita. Isara mo iyong pinto! ‘Di porket immune ako sa sermon e aabusuhin mo.”
Matamang pinagmasdan nina Aaron at Wade ang isa’t isa bago niya ulit ito minuwestrahang isara na ang pinto o makakasakit talaga siya. And Wade seemed to waiver. Umahon ito mula sa pagkakatayo’t tumungo sa pinto nang maisara iyon, tinignan din nito kung may tao ba sa paligid ngunit mukhang wala naman kaya kampante nitong ginawa ang pinapagawa ni Aaron.
Meanwhile, Aaron stared at Wade incredulously. “‘Tsaka paano mo ba ako nahanap?”
Humarap sa kanya si Wade at muling ngumisi. “Oh, that’s simple. I cut classes too so I had time to search for you! Mayroon kasi akong ihahatid sa ‘yo na magandang balita.”
“Ano? ‘Di ka na virgin?”
“Virgin pa rin! Kaya hindi iyan ang magandang balita.” Nagpameywang si Wade at naaaliw na tumitig sa kanya. “Hindi mo ba ako narinig kanina? May nagugustuhan na ako sa eskwelahang ‘to, Ron! Hindi na black and white ang highschool life ko!”
“Ah.” Bagot siyang tumitig dito at tumango-tango. “Edi maganda sa ‘yo. Anong gagawin ko?”
“Maging masaya ka naman para sa ‘kin!”
Maging masaya samantalang ang iniisip ni Aaron ay ngayong mayroon nang nagugustuhan si Wade, siguradong may ka-partner in crime na ito sa pang-iistorbo sa kanya. Iyon ang inaalala niya. Maghahanap na naman tuloy siya ng bagong hiding spot at sisiguruhing hindi siya nito maiistorbo o mahahanap.
Habang nag-iisip, hindi pinansin ni Aaron ang paglapit sa kanya ni Wade at ang pag-upo nito sa tabi niya.
“Oo nga pala, ‘di mo ba itatanong kung sino?” tanong ni Wade.
Humiga ulit si Aaron at humikab. “Hindi ako interesadong malaman kung sino. Buhay mo ‘yan, e. Basta masaya ka.”
“E kahit pa! Ayaw mo ba talagang malaman, Ron? Siguradong kilala mo ‘to at matutuwa ka sa jackpot ko.”
“Bakit, gusto ka rin ba niya?”
“Iyon ang sabi niya.”
“Edi congrats. Pero ‘di pa rin ako interesadong malaman kung sino.”
Gumilid sa pagkakahiga si Aaron at tinalikuran si Wade nang sa ganoo’y hindi na siya nito maistorbo. Kaso kahit anong talikod niya, damang-dama ni Aaron ang pagtitig ni Wade sa kanya.
Parang nananaksak ang paraan ng pagtitig nito!
“Okay,” pagsuko ni Wade. “Pero gusto ko pa ring malaman mo dahil best friend kita. Si Easton ‘yong nagugustuhan ko, ‘yong sa section A?”
Papikit na sana talaga si Aaron noong kinakausap siya ni Wade, wala rin dapat siyang balak na pansinin ang rebelasyon nito pero noong marinig ang pangalan ni Easton?
Awtomatikong bumuhos ang flashbacks ng naranasan niya sa binata’t namamangha siyang napabangon para titigan si Wade.
“Wade! Alam kong pangit ang taste mo sa lalaki pero ‘di ko alam na ganyan kababa standards mo, gago!” asik niya.
Of all people! It had to be that guy!
Kabanata 1
KABANATA 1
ㅤㅤㅤㅤUGH. Aaron’s head hurt a lot.
Nitong nakaraan, hindi makatulog si Aaron dahil palagi na lamang mayroong umeeksena. Ayaw niyang i-name drop pero si Wade iyon – not that he could blame him, siya naman kasi ang may kasalanan kung bakit ang dalas nitong magbuntot sa kanya. Kung saan-saan siya hinahanap, at kung saan-saan siya nahahanap. Bwisit.
Sa bagay, iwas din naman kasi nang iwas itong si Aaron mula sa kaibigan nitong nakaran. Mula noong ilantad kasi nitong may gusto ito kay Easton, medyo lumayo ang loob ni Aaron kay Wade. Hindi iyon dahil nagkagusto si Wade sa lalaking gusto niya noon, hindi rin naman alam ni Wade na nagkagusto siya kay Easton, e. Umiiwas siya dahil sa tuwing mababanggit ni Wade ang pangalan ng lalaki, naalibadbaran si Aaron at bumabalik sa isip niya iyong gulo nila na nagsimula dahil sa English textbook niya noong first year.
Pero mas malala naman kasi ngayong… tatlong buwan na ang lumipas.
His best friend started dating that fake ass guy and everything instantly went downhill.
Noong araw na sabihin sa kanya ni Wade na sinagot siya ni Easton, ang tanging naging reaksyon lamang ni Aaron ay ang magpaikot ng mga mata. Malamang, nagulat si Wade. Nagtanong ito kung bakit ayaw niya kay Easton pero ngayon kasi, mayroon na siyang mas acceptable na maidadahilan – it was because he didn’t like Easton’s guts, he didn’t like how he ran the school, and Wade immediately accepted his reasons because he understood. But of course, not without defending Easton until he got exhausted!
“Mabait naman si Easton! Ganyan lang talaga siya mamalakad ng eskwelahan dahil may ideal siya,” Wade said, his voice really sounded desperate, so that his best friend would also like his new boyfriend. “Alam mo na, magulo na rin naman ‘tong eskwelahan natin. Nitong nakaraan nga e ‘di ba, may naabutan pa tayong police car sa labas ng gate? Tapos ang hinuhuli pala, iyong kaklase nating madalas wala sa klase. Iyong drop-out!”
Pagod na bumuntong hininga si Aaron at iwinagayway ang kamay, ipinapahiwatig na ayaw na niyang makinig pa sa dahilan ni Wade. “O sige na, sabihin nating whipped ka, ‘di naman kita aangalan. Malaki ka na Wade, ‘tsaka ano bang magagawa ko e gustung-gusto mo ‘yang Mariano na ‘yan?”
Pinamulahan ng mga pisngi si Wade pero hindi nagtagal, humagikhik ito. “Gustung-gusto ko talaga, kaya nga gusto ko ring magkasundo kayong dalawa e. Tanggap ko naman ‘yong dahilan kung ba’t ayaw mo sa kanya, pero bilang tao na lang, gano’n? Bilang boyfriend ko, sana magustuhan mo siya?”
“Ayos naman siya. ‘Wag lang siyang magpapakita sa ‘kin.”
Aaron let out a small sigh when he saw Wade’s shoulders fell, and he looked down, seemingly like a puppy whose owner rejected him. Kaso, wala nang ibang masasabi si Aaron kung hindi ayan.
God, only if this guy knew that Aaron had something buried deep within. Iyong inis na nagsimula pa noong first year high school sila.
ㅤㅤㅤㅤMULA NOONG araw na iyon, umiwas na si Aaron kay Wade. Lalo na noong ang madalas na lang nitong bukambibig ay iyong lalaking kinaiinisan niya, noong lahat ng usapan nila ay palagi na lamang nada-divert kay Easton. Tipong magbubukas siya ng pag-uusapan tapos maya-maya ay mababanggit ni Wade si Easton at hindi na nito matitigilan ang pagshi-share ng mga impormasyon tungkol sa lalaki?
Nunkang interesado si Aaron makinig!
Mas lumayo tuloy ang loob ni Aaron kay Wade dahil wala na silang mapag-usapang maayos mula noong araw na umeksena si Easton. Natuluyan lang talaga na halos hindi na pansinin ni Aaron si Wade nang magsimula na ring sumama-sama sa mga kaibigan ni Easton ang best friend niya’t halos makalimutan na siya.
Although, Wade did try to introduce Aaron to Easton’s friends, it just didn’t work out. He didn’t like how Easton’s friends’ mindset nor how they interacted with him.
Parang ang peke, parang laging may ulterior motive, at parang sinasadyang bakuranin ang circle of friends ng mga ito nang hindi siya maka-fit in. Not that he minded because he certainly didn’t want to be friends with a bunch of egoistic people.
Pero, hindi roon naputol talaga ang komunikasyon niya at ni Wade.
It all started when he and Easton met… All because of Wade.
Aaron should’ve expected it to happen. After all, it was meant to be since his best friend was dating the guy he hated most in this school.
“Wade! ‘Di ba ang sinabi ko sa ‘yo, ‘wag mong ipapakilala sa ‘kin iyong jowa mo?!” he said angrily, knowing full well how immature and complicated he sounded, but he didn’t care.
Tanging pagkurap lamang ang naisagot sa kanya ni Wade. Mukha itong natakot sa kanya pero kasabay noon ay bakas din sa mukha nitong hindi siya nito maintindihan. “Ba’t ba ayaw mo sa kanya? Akala ko ba, cool ka lang? E ‘di ba ang usapan natin no’n, itatrato mo nang maayos si Easton? Kaso hindi, he walked out because you kept on dissing him. Bakit?”
“I don’t like your boyfriend!” May badblood siya kay Easton! “Hindi ba nasabi ko na sa ‘yo iyong dahilan? I hate how he ran the school and hated how he manipulated everyone to move according to his liking! Ano siya, diyos na dapat sundin at sambahin?”
Unti-unting kumunot ang noo ni Wade. “Alam ko, but calling him a bitch was too much. ‘Di ko rin maintindihan kung ba’t ang sama-sama ng tingin ni Easton sa ‘yo noong oras na makita ka niya. Iyong totoo, mayroon ba kayong tinatago sa ‘kin?”
“Wala!” Mayroon! Sino ba naman ang makakalimot sa mukha ng lalaking sumapak sa kanila? Surely, it would not be Easton. “Bahala ka nga riyan, matutulog ako. Don’t come looking for me. Magka-cutting ako.”
“Sandali—Aaron! ‘Di pa tayo tapos mag-usap!”
Bago pa man siya mapigilan ni Wade na umalis, dali-daling umiwas si Aaron para tumungo sa kung saan. Hindi niya alam, basta makalayo lang siya kay Wade.
But yeah, that was the last time that Aaron was able to hold a proper conversation with his ex-best friend. Noong kinabukasan kasi na sinubukan siya nitong kausapin, hindi na niya ito pinansin. Mukha ring nakaramdam si Wade na tapos na ang pagkakaibigan nila dahil lamang sa boyfriend nito, kaya hinayaan din siya nito kalaunan. And if ever he and Wade would talk, their conversations would always remain casual and work-centered.
Malamang maraming nagtaka. Kahit si Ridge na noo’y gustung-gusto si Wade dahil madalas siya nitong buhatin at bilhan ng kung anu-ano, madalas magtaka kung bakit hindi na ito kasama ni Aaron.
“
Kumplikado
.” – Iyan lang ang sasabihin ni Aaron ‘tsaka niya lihim na sisisihin si Easton kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila ni Wade.
Mamantrahan talaga niya iyon sa susunod na araw.
ㅤㅤㅤㅤILANG TAON ang lumipas matapos niyang maging konektado kina Wade at Easton, kolehiyo na si Aaron ngayon at isa nang Education student. Major in English, dahil nitong bago matapos ang Senior high, ginawang kainte-interesante ng guro nila sa Ingles ang subject. The literature part was awesome and it always got him hooked, and the grammar part had always been complicated, Aaron liked figuring things out; kaya iyon na rin ang kinuha niyang major.
Wala nang balita si Aaron kina Easton at Wade bukod doon sa mga talagang lumalabas sa publiko. Basta ang alam ni Aaron, masaya si Wade kay Easton. ‘Tsaka mukhang maayos ang relasyon ng dalawa lalo na’t nababalanse ng mga ito ang personalidad ng isa’t isa.
After all, Wade grew up and matured. His personality toned down and he actually became more tolerable. Meanwhile, Easton learned how to be more human because of Wade. The two of them made a good pair. It was a sight to behold but not for Aaron.
Masaya siya para kay Wade, pero bad vibes pa rin ang hatid ni Easton sa kanya.
“Uy, Gonzales!” tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.
Natigilan si Aaron sa paglalakad nang marinig ang boses nito. Noong lumingon siya, ‘tsaka niya naabutan si Keith na naglalakad patungo sa direksyon niya – and his forehead furrowed.
Hindi niya ka-close ang binata pero nitong nakaraan ay madalas silang magkausap. Hindi niya alam kung paano pero sa pagkakaalala niya, kasabay niyang mag-enroll ang binata at si Leonardo na nataong kapitbahay din nila. Tapos nagkatanungan ng kurso sa kolehiyo tapos in-add pa siya ng dalawa sa Facebook.
Not that it mattered, they were nice and easy to get along with.
Nginitian niya ang binata nang makalapit ito sa kanya bago niya mabilis na pinasadahan ng tingin ang suot nitong uniporme. “Hi, ang dumihin talaga ng uniform ng mga medtech, ‘no?”
Keith chuckled and handed him an envelope. “Kaya madalas ko ring palabhan kasi kaunting upo ko lang, kaagad na narurumihan. Oh yeah, professor niyo si Sir de Castro, ‘no? Pwede bang pakiabot sa kanya ‘to?”
Noong sabihin ni Keith ang pakay nito, awtomatikong tumaas ang isang kilay niya. He didn’t like to work. Ang totoo niyan, dapat ay pupunta na si Aaron sa paborito niyang spot para makatulog dahil mamaya pa naman ang susunod na klase niya. Kung bakit ba naman kasi ang tagal ng vacant niya – ah!
Ewan. Gusto niyang tanggihan si Keith.
“Ayaw ko nga,” pabirong aniya pero mayroong bahid ng kaseryosohan.
Masama rin ang pakiramdam niya. Tingin niya, may hindi kaaya-ayang mangyayari sa kanya kapag tinanggap niya iyang envelope na hawak ni Keith.
Keith frowned and looked down on the envelope he was holding. Then, he sweatdropped. “Oh. Nagmamadali kasi ako kaya tinanong kita. Pero sige, hanap nalang ako ng iba—”
“Ba’t ‘di nalang ikaw ang mag-abot? Siguradong nasa faculty naman si Sir niyan.”
“Kasi… Nagmamadali ako?” Keith seemed to hesitate before he raised a hand to scratch his cheek. “Baka kasi hindi ko maabutan ‘yong kapatid ni Nards ‘pag nagtagal pa ‘ko rito e.”
Keith’s cheeks turned pink. Kung titignan ito, parang bigla itong nagsisi sa sinabi, nagsising nilantad nito ang dahilan kung bakit madaling-madali ito at tila ba hindi na mapakali sa kinatatayuan. Puta, gustong tawanan ni Aaron ang binata dahil parang hindi dala ng hiya ang pamumula ng mga pisngi nito e.
“Huh? Ba’t mo kailangan abutan? Ikaw, a.”
Aaron was supposed to tease Keith further—until he remembered that Leonardo is Leon’s older brother, who also happened to be his younger brother’s friend, and Aaron couldn’t remember that Leon had a sister?
“Wait. Lalaki ‘yong kapatid ni Leonardo, a?”
Keith stilled. “Huh? Yeah, Leon’s also a guy. Ba’t mo natanong?”
“Wala… You just…” Aaron trailed off, his eyes slowly squinting. “Gusto mo?”
“Sino?” naguguluhang tanong ni Keith.
Matamang pinagmasdan nina Aaron at Keith ang isa’t isa hanggang sa ipilig na ng kaharap niya ang ulo nito. Mukhang henuwino naman ang pagkagulo nito at wala itong dini-deny, at pakiramdam ni Aaron ay hindi pa nito alam na wirdo ang pagmamadali nito pati iyong pagkapahiya kanina?
Anyway, he was not in the place to assume.
Kalaunan, umiling si Aaron at umakmang inaabot ang envelope na hawak ni Keith. “Sige na nga, akin na ‘yan. Pero ikaw, iba na ‘yan. Lalaki ‘yon si Leon a? ‘Tsaka bata pa.”
Keith stared at him weirdly before he gave Aaron the folder. “Alam ko naman? Teka, ‘di kita maintindihan.”
“Wala! Nevermind. I didn’t mean to pry but I guess I am too old not to be curious. Alam mo na, maagang sumipa ang pagiging tsismiso,” he explained which made Keith chuckle a bit. Then, he snorted. “Utang ‘to kaya ilibre mo ako. Alam mo namang ang hirap kausap ni Sir de Castro kasi panay utos.”
“Sige, sige. Maraming salamat, p’re!” was only Keith’s reply although he still seemed confused.
Tumalikod na si Keith sa kanya bago ito kumaway para makapagpaalam sa huling beses.
Siya naman, naiwang napapabuntong hininga na lamang sa kakanood sa likuran ni Keith na mawala.
Noong oras na hindi na niya makita ang binata, tinignan ni Aaron ang envelope na hawak. Hindi nagtagal, muli siyang bumuntong hininga dahil naisip niyang dapat hindi na niya talaga kinuha ang envelope na ito.
Ngayon pa siya nagsisi e hawak na niya.
‘Tanga-tanga,’ panlalait niya sa sarili.
ㅤㅤㅤㅤ“MARAMING SALAMAT sa paghatid nito sa ‘kin pero Aaron, pupwede mo bang ihatid ‘yan sa Business department? Pakiabot na lang sa class representative noong Class-A. Salamat,” tuluy-tuloy na sabi at utos na rin ni Sir de Castro sa kanya matapos nitong tignan ang laman ng envelope na ipinapahatid ni Keith sa kanya.
Pasimpleng kumibot ang isang kilay ni Aaron dahil hindi siya natuwa nang mautusan na naman siyang dumayo sa kabilang parte ng eskwelahan nila para lang maghatid ng envelope. Alam niyang mahaba ang vacant niya pero hindi siya delivery boy. Balak din niyang magpalipas oras sa pamamagitan ng pagtulog kaya bakit naging utusan siya ni Sir de Castro?
Noong hindi kumilos si Aaron at nanatiling nakatayo sa gilid ng mesa ni Sir de Castro, nag-aalalang nag-angat ng tingin ang propesor sa kanya. “Ay. May klase ka ba, Aaron? Kung meron, ipapahatid ko na lang sa iba ‘yan.”
“Hindi po, wala po ‘kong klase.” Nakputa. Paano pa siya tatanggi e nandito na siya ‘tsaka baka masabihan pa siyang tamad e nagbi-build nga siya ng imahe rito sa eskwelahan nila nang kaagad din siyang ma-hire rito sa oras na grumaduate siya. “Ako na po ang maghahatid. Sa Class-A po ‘no? Business department.”
Ngumiti ang guro at tumango. “Maasahan ka talaga, hijo. Oo, tama. Pakiabot na lang sa class representative nila.”
“Sige po.”
Papayag-payag si Aaron pero sa loob-loob niya ay ilang beses na niyang namura’t namantrahan itong si Sir de Castro.
Humigop nang malalim na hininga si Aaron bago niya tuluyang tinalikuran ang propesor. Ang bawat hakbang niya, mabigat . Hindi niya talaga gustong nauutusan liban na lang sa bahay— pero ayun, kaysa naman bigla na lang siyang ma-badmouth sa publiko, mainam nang sumunod.
Bakit ba kasi siya nag-aalala sa masasabi ng iba?
Ah, oo. Gusto nga pala ni Aaron na magturo ng kolehiyo rito mismo sa eskwelahan nila. Hindi niya iyon magagawa kung medyo pangit ang tingin sa kanya ng mga guro rito.
Kailangang plastikin.
Tiis. Hinga nang malalim. Matatapos din ang paghahatid ng envelope, makakatulog din siya. Mahaba pa naman ang vacant niya.
Tang ina. Dapat hindi na niya kinuha ang envelope na ito mula kay Keith, e. Nadidemonyo siyang mantrahan din ang isang iyon pero sa huli, sarili niya rin naman ang kailangang sisihin. Bwisit.
As soon as Aaron stepped out of the education building, he immediately cursed and scorned the sun. Oh, how it burned his skin. Aaron disliked how the heat penetrated through his skin, and how his body immediately produced sweat as soon as he was exposed to the outdoors.
Ang hirap maging siya. Ang hirap maging sensitive sa araw.
Aaron had no underlying condition, he just didn’t like the feeling of the sun on his body. Iba ang sensitivity ng balat niya sa araw. Bukod sa mas bumabagal siyang kumilos, parang tinutusok ng karayom ang balat niya sa tuwing mabibilad siya sa araw.
Nakalimutan pa niya iyong payong niya. Bad trip.
All Aaron wanted was to get over this quickly. Kapag naiabot na niya ang folder na ipinapabigay ni Sir de Castro sa estudyante nitong nasa business administration, hahanap kaagad siya ng matataguan at matatambayan tapos doon siya matutulog.
When Aaron arrived at the Business Administration building, kaagad na pumasok si Aaron nang makasilong siya mula sa init. He inwardly cursed on how he bathed in his own sweat. Naiirita siya dahil ang lagkit niya tapos basa rin iyong likod ng uniform niya.
He swore to God that if he would ever be reincarnated again, it should be in another country but never the Philippines, and he should still have his cute little brother Ridge as his younger sibling next life. But the point is… Napakainit dito, para siyang iniihaw!
Alam niyang importante rin ang folder na hawak niya pero dahil sobrang init, ginamit na niya iyong pamaypay. Wala na ring say dapat si Sir de Castro niyan, binabad ba naman siya sa init.
Hissing, Aaron exhaled sharply and began to walk around the building to find this representative.
He was already set on his pre-made plans to sleep. So, he wanted to get this job done as soon as possible.
ㅤㅤㅤㅤSIGURO HINDI talaga pabor si Lord sa kanya o baka sumama ang loob dahil hindi siya dumalo roon sa Bible study na ilang beses na siyang inayang pumunta. O baka malakas lang loob niyang mag-assume na may pakialam si Lord sa kanya.
Maybe he should’ve refused Keith’s request to find Sir de Castro in his stead and should’ve let that guy not see his brother’s friend.
Maybe he should’ve slept instead.
Maybe he should’ve thrown this folder when he got the chance and pretended that he accidentally threw it on the canal.
Siguro dapat humimlay na lang talaga siya. Charot .
Pero putang ina, bakit nasa harap niya si Easton?
Aaron cringed and his eyebrow twitched when Easton looked at him and at the folder he held then smiled sweetly at him. Kung umasta, akala mo hindi sila magkakilala at magka-schoolmate noong high school.
What? Is it because he was being surrounded by his classmates that he wore that weird ass ‘angel’ façade again?
“Do you have any business with me?” Easton asked after it seemed like forever (it was just merely 30 seconds of silence).
Muling kumibot ang isang kilay ni Aaron. He sounded sweet. His voice sounded calm, but there was an underlying poison—it seemed like this guy was judging him from the way he just stared, and Easton did have the right to do that since Aaron had been silently judging him either.
“Hinahanap ko iyong representative ng Class-A. May pinapaabot si Sir de Castro sa kanya,” blangko ang ekspresyon at walang emosyong sagot ni Aaron.
Ipinilig ni Easton ang ulo, hindi pa rin nawawala ang pekeng ngiti na naglalaro sa mga labi nito. “So, that would be me.”
“Sino?”
“Ako iyong representative ng Class-A,” paglilinaw ni Easton.
Tumaas ang kilay ni Aaron. “Sinong nagtanong? Kunin mo na nga lang ‘to nang makaalis na ‘ko.”
Mas inilapit ni Aaron ang folder kay Easton nang agad iyon makuha ng binata pero imbes na abutin, tinignan lamang siya ni Easton at tinaasan din ng kilay.
“Kolehiyo na tayo pero bastos pa rin iyang ugali mo ano, Aaron?” ani Easton bago marahas na kinuha ang folder mula sa kanya. “You can ask me nicely to take it.”
Aaron only rolled his eyes. Kukunin din pala.
“Can’t you mature a little?” dagdag pa ni Easton.
“I already did. E ikaw ba, nagbago ka na?” balik niya rito ‘tsaka niya tinalikuran ang binata.
Ayaw na niyang makipag-usap diyan, pakiramdam niya mas mabilis ma-deteriorate brain cells niya, e.
“I did but you don’t seem to since you’re still acting like an ass!”
“Probably because I still dislike you after all these years. Have you never thought of that?”
“I also dislike you but I would not act like that.” Easton then hissed, his gaze becoming sharper and his façade removed. “God. I still can’t understand why Wade still wanted to be friends with you.”
Hindi makapaniwalang tinignan ni Aaron si Easton mula sa balikat niya. “Dapat nga ako nagtatanong niyan sa ‘yo. Hindi ko rin ma-gets anong nagustuhan ng isang iyon sa ‘yo e ang sama niyang ugali mo.”
“Says you!”
Ayan. Edi lumabas din true colors. Napaplastikan siya kanina noong nginitian siya, e.
To finally put an end to this interaction, Aaron smiled sheepishly at Easton which made the man stop.
Maybe it took Easton aback because as Aaron smiled at him, the agitation plastered on his face quickly disappeared and it was replaced by an emotion Aaron had no time to figure out. Instead, he just left without uttering another word at Easton.
Kabanata 2
KABANATA 2
ㅤㅤㅤㅤAFTER TELLING Easton off when he handed him the folder that one of their professors asked him to do, Aaron still couldn’t understand how he somehow ended up hanging out with this angel face.
It was a rare sight — no, sa pagkakaalala ni Aaron ay hindi naman talaga niya ginustong ma-stuck kasama si Easton. Sadyang bigla na lamang talaga nitong hinablot ang palapulsuhan niya tapos kinaladkad siya kung saan-saan. Na-take advantage ang kahinaan niya sa ilalim ng tirik na araw.
But how did all of this happen?
It started possibly an hour ago. Pinuntahan ni Aaron ang ngayo’y ex-boyfriend na niya sa building nila para sana ayain mag-lunch pero imbes na makakain, ‘tsaka naman siya nabungaran ng break-up. He still didn’t know if it was his fault or if his ex-boyfriend just didn’t love him enough, but their relationship ended so suddenly.
“Hindi kasi kita makita na kasama ko sa future, Aaron. ‘Tsaka pakiramdam ko, ang hirap i-work out ng relasyon natin dahil pareho tayong busy sa school at may mga priorities. May mga pangarap tayo, Aaron, feeling ko magiging sagabal lang tayo sa isa’t isa kung ipagpapatuloy pa natin ‘to.” — This was what Aaron could remember that his ex-boyfriend said and he remembered that his words hurt.
Mas gugustuhin pa ni Aaron makitang may iba na ang ex-boyfriend niya, na sabihin nitong ayaw na nito sa kanya kaya nag-cheat, o hindi kaya e nakahanap na ng mas madalas nitong makakasama kaysa sa kanya pero hindi. Straightforward lang nitong sinabi na hindi siya nito makita sa hinaharap na gusto nitong maabot kaya nakipaghiwalay.
Anyway, Aaron was supposed to be busy sulking and being dramatic because he had another break-up.
… But why is he with Easton again? Saan nga ulit siya natagpuan ng isang ito?
“O, kunin mo,” utos sa kanya ni Easton habang inaabot nito sa kanya ang biniling dirty ice cream.
Naguguluhang kumunot ang noo ni Aaron at hindi niya naiwasang magpabalik-balik ng tingin kay Easton at sa hawak nitong ice cream. Sure, he was touched that someone would buy him one, but he never expected it to be Easton.
… And when would he even let him go? Hanggang ngayon e nakahawak pa rin ang isang ito sa palapulsuhan niya. Hindi rin naman mahanap ni Aaron sa sarili na agawin na iyon mula sa pagkakahawak ni Easton dahil una, wala siya sa mood at pangalawa, nabababad siya sa araw at tinatamad na siyang kumilos.
“Aaron, matutunaw na ‘to,” dagdag ni Easton. Sa mga oras na ito, naiirita na ang tono ng boses ng binata. “Ang init pa naman ngayon.”
Rekla-reklamo e naka-cup naman itong binili niyang ice cream, hindi naman manlalagkit ang balat nito.
Right. Marahas na umiling si Aaron at kinuha pa rin ang ice cream. “Anong nilagay mong lason dito para informed ako?”
“Cheap. Kung gusto kitang patayin, ipapasagasa na lang kita sa driver ko.”
“Mama mo cheap.”
Napangisi si Aaron noong tapunan siya ng masamang tingin ni Easton. The latter soon opened their mouth in an attempt to retort, but Easton instead rolled his eyes and took the other ice cream that he bought before he thanked the seller. Though, mukhang kahit iyong nagtitinda e mas lalong naiinitan sa kanila dahil kahit wala sa sarili si Aaron, panay pa rin ang away niya kay Easton.
“Tara rito,” Easton then said, obviously bossing him around, before he dragged Aaron again to a nearby shelter.
Hindi makuha ni Aaron ang manlaban kaya hinayaan niyang dalhin siya ni Easton doon. Naiinitan na rin naman kasi siya pero sa parehong pagkakataon, hindi niya maiwasang maguluhan.
“Nasaan si Wade?” tanong niya kay Easton noong oras na makarating sila sa shelter.
Pinanood ni Aaron na tila ba nanghihinang naglakad palapit sa upuan si Easton kaya kahit labag sa loob niya, inalalayan niya ang binata hanggang sa makaupo ito nang maayos.
By that time, Easton also finally let his wrist go, and Aaron’s forehead furrowed because suddenly, he searched for that warm and clumsy hand that held him.
Ay punyeta, ano raw? Napailing siya.
“Hindi pa ba nasabi ni Wade sa ‘yo?” Easton shot him back with another question and it made Aaron raise an eyebrow.
Napaismid siya. “Mukha bang nag-uusap pa kami ni Wade? Ano bang malay ko sa relasyon niyong dalawa?”
Ni hindi nga alam ni Aaron paano siya nakita ng isang ito pero baka pagkakataon lang. Nataon lang siguro na nasa IT building itong si Easton.
“Break na kami,” Easton flatly said after a moment of silence.
Natigilan din tuloy si Aaron at pinanood na magsimulang kumain ng ice cream si Easton.
He didn’t even budge when Easton took a glance at him as if checking if he had any interesting reaction about the news, but when Aaron seemed uninterested and not surprised, Easton let out a sharp exhale and rolled his eyes in annoyance.
“Nag-away kaming dalawa ni Wade tapos ‘di niya ako kinontak pagkatapos no’n. I think I was at fault, so I went to reach out to him. Kaso ang sabi niya, mas magandang magpalamig daw muna kami and he asked if we could cool off,” Easton explained, and though Aaron wasn’t supposed to be interested, he found himself walking to the space beside Easton and sat there.
Pinasadahan siya ng mabilis na tingin ng binata pero hindi niya ito pinansin at sa halip, kinain na lamang niya ang ice cream na binigay nito.
Nagrereklamo pa nga siya sa isip niya dahil ang yaman nitong si Easton tapos dirty ice cream lang ang ipanlilibre sa kanya? Charot.
Noong hindi na ipinagpatuloy ni Easton ang pagsasalita, tinignan din ni Aaron ang binata’t ‘tsaka niya natagpuang pinanonood na pala siya nitong kumain.
Something about Easton’s attentiveness to him made his heart skip, but Aaron only brushed it off and exhaled quite sharply.
“Cool off lang naman pala, e bakit mo pinagsasasabi na break na kayo?” he asked, although he already pieced out why Easton would claim that he already broke up with Wade. “At saka ilang taon na kayong magjowa, hinayaan mo lang na matapos relasyon niyo nang gano’n-gano’n lang?”
Sa pagkakaalala ni Aaron, mula third year high school at hanggang ngayong third year college, sila pa rin e.
“Cool off na naging break-up,” Easton replied as-a-matter-of-fact before he clicked his tongue. “Ni hi o ho, ‘di na ako kinausap ulit ni Wade. Then I heard that he’s seeing someone during our cool off, so I broke up with him.”
“Asyumero amputa.” Umikot ang mga mata ni Aaron at wala siyang pakialam kahit tapunan na naman siya ng masamang tingin ni Easton. “Hindi mo man lang kinausap si Wade, baka tsismis lang na nali-link siya sa iba. Alam mo namang gwapo ang isang iyon at maraming nakaabang.”
“No, he said that they were really seeing each other.”
Ay. Putang ina, edi natahimik si Aaron. Pinagana niya ba naman bibig niya tapos judger pala siya.
Easton hissed. “Judgmental. Ako pa talaga ginawa mong kontrabida e kaibigan mo nauna.”
“Masama kasi ugali mo,” Aaron replied, although he still felt bad about defending Wade without even knowing the entire story of his break-up with this guy. “Malay ko bang si Wade talaga may kasalanan.”
“Apologize,” Easton demanded.
Napaismid si Aaron bago niya tinignan ang binata. Tempted siyang pakyuhan pero dadagdagan pa ba niya ang mali niya? “Sorry, I didn’t mean to defend Wade.”
Hindi maipaliwanag ni Aaron kung ano ang naramdaman niya noong mataman siyang titigan ni Easton. When satisfaction and pride danced through his surprisingly soft eyes, Aaron couldn’t help it but to hiss. Noong kumurba ang mga labi ni Easton para ngumiti, hindi maiwasan ni Aaron na mapaiwas ng tingin.
His heart pounded against his chest and he couldn’t understand why. Hindi rin niya maipaliwanag iyong kabang nararamdaman niya nang ngitian siya ng katabi niya.
What if i-tape niya bibig ni Easton? Naiirita siya.
“Apology accepted.” Easton continued to eat his ice cream and from the corner of Aaron’s eyes, he saw Easton pout when he realized that his ice cream had already melted because of the heat. “Enough about me and your friend. What happened earlier in the IT building?”
Imbes na i-indulge si Easton kaagad, inubos muna ni Aaron ang ice cream na ibinigay nito bago niya itinapon ang cup sa malapit na basurahan. Shinoot lang niya, mabuti na lamang at hindi lumabas sa basurahan at na-shoot nang maayos.
Initially, Aaron planned on making Easton wait for long to check if he would be patient enough. Para kasing nakikitsismis lang din itong katabi niya pero noong tila ba hinihintay talaga siya ni Easton at sa tuwing mapapatingin siya rito tapos maaabutan niyang tila ba concerned din ang binata sa kanya, kumibot ang isang kilay niya at naisip nang magkwento.
“Hindi ko rin alam.” It was an honest answer though it seemed to make Easton feel confused. “Trust me, nasa IT building ako para sunduin iyong bo—I mean, ex-boyfriend ko na pala, dahil gusto kong mag-lunch sana kami nang sabay. Na-busy kasi kami pareho dahil sa mini thesis ko, tapos sa kanya naman e iyong mga requirements nila.”
Aaron leaned against the backrest of their seat and stretched his limbs, feeling more comfortable despite the heat.
“Pagkarating ko, imbes na isabay niya ako kasama mga kabarkada niya para mag-lunch, hinila niya ako sa gilid ng building tapos ‘tsaka siya nakipag-break sa akin,” pagtutuloy niya.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Easton. “Bakit daw?”
“Aba, malay ko.” Aaron yawned, now uninterested to tell the whole story but he forced himself to. “Hindi raw niya ako makita sa future niya ‘tsaka hindi raw kami magwu-work out dahil pareho kaming maraming priorities.”
There was a moment of silence after that and Aaron was torn if he’d appreciate Easton for keeping his mouth shut, or he’d shoot himself because the silence was killing him.
Then, Aaron huffed. “Mas gugustuhin ko pang malaman na may iba na siya kaysa sa sasabihin niya sa akin na wala ako sa future na gusto niyang maabot.”
“No, I’d kill just so I could hear Wade tell me that I’m not in the future he wanted, honestly,” Easton replied.
“Magtiwala ka sa akin, mas mahirap na masabihang ganoon lalo na kung nakikita mo iyong future mo sa kanila.”
“… But I never—”
Natigilan sila pareho’t nagkatitigan noong tila ba may sasabihin si Easton, pero imbes na ipagpatuloy nito ang sasabihin sana, nag-iwas ng tingin si Easton at pinaypayan ang sarili. Mula rin sa point of view ni Aaron, nakikita niyang namumula ang mga tenga ng binata pero nag-assume na lamang siya na baka dahil sa init.
“Hinila mo ba ako rito dahil pareho tayong galing ng break-up?” pag-iibang usapan ni Aaron, limot na ang ini-imply sana ni Easton.
Pinasadahan siya ng tingin ni Easton bago ito lumunok at tumango. “Ayaw mo ba no’n, may kasama ka na magdrama?”
“Pakialam ko sa ‘yo. Kaya kong magdrama nang mag-isa, tanga.”
“Wow! And I even bought us ice cream for this.”
“Kung bibilhan mo ako ng ice cream,” Aaron trailed off before he yawned. “… Dapat iyong magnum na. Gamitin mo rin sa ‘kin ‘yang wallet mo tutal gusto mo pala ng karamay magdrama, e. Cheap mo naman sa dirty ice cream.”
“But it was good and I preferred it.”
Actually. Mas gusto rin naman ni Aaron iyang dirty ice cream na binili sa kanya ni Easton. Mas malasa talaga kapag mura, ano.
“O edi sana kahit iyong melon man lang ang flavor iyong binili mo. Mas masarap ‘yon,” aniya.
Mataman siyang tinitigan ni Easton at tila ba nagsisisi na rin ito sa mga desisyon na siya pa ang hinila imbes na ibang tao. Habang si Aaron, hindi naiwasan ang matawa noong sumagitsit ang binata.
“Demanding. Sa susunod ‘di na kita hihilain,” Easton grumbled under his breath and it only made Aaron chuckle even more.
Humimig siya’t tumango. “At least you’re learning about the better ice cream flavor.”
“Ewan ko sa ‘yo.”
ㅤㅤㅤㅤTHAT WAS SUPPOSED to be the end of them, hanging out together. The first and the last time because Aaron certainly would not want to spend another second with Easton, and he only let that chance go by because Easton said he needed someone to talk to, to be dramatic over a break-up with.
So, what is Easton doing in front of the Education building?
“Uy, oh my God. Si Easton,” bulong ng isa sa mga kaklase ni Aaron mula sa likuran niya.
Halos katatapos lamang noon ng subject nila at may vacant na naman sila na balak sanang idaan ni Aaron sa tulog. Kaya lang nang makita si Easton sa labas ng building at tila ba mayroong hinihintay, parang ayaw na lumabas at magpakita rito.
But okay, he might just be assuming. Ano bang alam ni Aaron kung siya pala ang hinihintay? Malay ba niya at baka ibang tao pala.
Easton’s handsome and it has been a while since he and Wade broke up. Siguradong mayroon nang bagong pumuporma riyan, baka nasa Educ building lang din kaya nariyan ito.
“Ang gwapo talaga, ‘no? Kaso sabi nila sa lalaki lang daw interesado. Sayang,” dinig niyang bulong pa ng isang kaklase nila tapos pakiramdam ni Aaron tumingin pa sa kanya ang mga ito. “Parang si Aaron. Ang gwapo kaso gwapo rin hanap. Kakaunti na nga lang pogi sa Educ, binawasan pa ni Aaron.”
Sabi na nga ba niya. Nilingon niya ang mga ito bago niya nginisian. “Gwapo pa rin ako kaya ‘di ko naman nabawasan. Talagang ‘di lang ako para sa babae.”
“Che. Sayang ka talaga. Tabi ka nga, magla-lunch kami, ‘di ka ba sasama? Matutulog ka na naman uli, ano?”
“Hindi ako nagugutom. Una na kayo, sunod nalang ako kung sakali.”
“Sige! Ingat ka, Aaron! Sleep well!”
“Salamat, ingat din kayo.” Aaron stood aside to let his classmates pass by him and waved back at them when they waved at him.
Noong wala na ang mga ito, bumalik ang atensyon niya kay Easton na nakasandal pa rin sa pillar ng Education building. Hindi niya na lalapitan ang isang iyan.
The thing was, when Aaron’s classmates passed by Easton, the guy suddenly stood straight at the mention of his name (because his classmates were talking about him sleeping instead of eating lunch) and it made Aaron confused.
Hindi sana niya papansinin dahil baka naalerto lang din sa pangalan niya, tatalikod na sana siya para pumunta sa paborito niyang spot na tutulugan, kaso bago pa man niya magawa ang mga iyan, napapitlag siya nang mabilis na lumingon si Easton sa direksyon niya habang pinagmamasdan niya pa rin ito mula sa kinatatayuan niya.
“Aaron!” tawag sa kanya ng binata at hindi lamang siya ang nagulat kung hindi iyong mga kaklase niya, kaya napalingon lahat sa kanya.
Mabuti na lang at sa ground floor ng Educ building, walang nagkaklase ngayon dahil ginamit iyong mga de aircon at mga laboratory sa second floor.
‘Kilala mo?!’ Some of his classmates asked through their eyes and mouths that fell agape, but before he could turn to them, Easton strode towards his direction and stopped in front of him.
Napaatras siya nang tumigil sa harap niya ang binata at mataman siyang pagmasdan. May mga emosyong sumasayaw sa mga mata ni Easton at hindi niya iyon maipaliwanag.
Pinanggagawa nito?
“Katatapos lang ba ng klase mo?” kaagad na tanong ni Easton noong mabawi na nito ang tindig.
Still, Aaron looked at him in confusion. His eyebrows knitted and his eyes almost squinted. “Oo. Anong ginagawa mo rito?”
“May hinihintay, obviously.”
Oh. He knew it. Nakahinga nang maluwag si Aaron dahil baka lumapit lang si Easton sa kanya dahil hihingi ng tulong para hanapin iyong classroom ng hinihintay nito. “Sabi ko nga. So, sino? ‘Tsaka ba’t ka lumapit sa akin? ‘Di tayo close pero kung hahanapin mo iyang hinihintay mo, ituturo ko na lang sa ‘yo basta alam mo kung anong classroom.”
“EB G1 iyong hinahanap ko,” mabilis na sagot ni Easton.
Humimig si Aaron at lumingon sa classroom na nasa likod lang din niya. Diyan sila nagklase kanina, e.
“Walang tao,” aniya ‘tsaka ipinagkrus ang mga braso. “Baka naman napaaga ka? Hintayin mo na lang sila dumating, ‘di ko rin alam kung anong oras susunod na klase riyan e.”
“Tapos na klase niya.”
Aaron pressed his lips together before he faked a smile. ‘EB G1 din ako galing!
Sinong
hinahanap neto?!’
“Oh? Talaga?” Aaron tilted his head and glanced at his classmates who, at this moment, were now all over the place. Kakaunti na lang nag-stay, iyong iba kumuha na ng lunch. “Kami lang naman nagklase riyan unless ang hinahanap mo, iyong nauna sa ‘min.”
“No,” Easton said, his voice annoyed. Pinasadahan din ng tingin ni Aaron ang binata na ngayo’y nakakrus na rin ang mga braso. “Katatapos lang ng klase niya.”
“E kami lang naman ang nagklase na katatapos lang.” Oh, wait. Something clicked. “Kaklase ko ba hanap mo? Wow. Are you seeing someone from our class? Galing. Baka totoo iyong tsismis tungkol kay Josiah—”
“Ikaw.”
Aaron paused and threw Easton a puzzled look. “What do you mean na ako?”
Easton, now seemingly extremely annoyed, as he threw Aaron death glares, hissed and shook his head. “Ikaw iyong hinihintay ko, Aaron.”
The fuck. What? What the fuck?!
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Aaron si Easton. Ni wala man lang siyang mapigang maayos na reaksyon mula sa binata, basta pinanonood lang siya nitong i-sink in sa kokote niyang siya talaga ang hinahanap.
But why would he? Aaron knew that he was handsome. A lot of people said that he didn’t need to talk or interact with someone because just one glance and they’d be his, and he was feeling a little bit goofy right now because he was already feeling sleepy when this guy just appeared out of nowhere.
Pero huwag sabihin ni Easton na nahulog na ito sa kanya samantalang wala naman silang ibang ginawa nitong nakaraan kung hindi tumambay sa shelter sa kalagitnaan ng tirik na araw.
“Hindi kita gusto,” agad niyang sabi, just so he could play safe, at in case na nahulog na pala talaga si Easton sa kanya.
Easton stared at him, offended, before he rolled his eyes at Aaron. “I don’t see you that way.”
“E bakit mo ako hinahanap kung ‘di mo ako crush?”
Nang ipunto ni Aaron iyon, ang akala niya e muli lamang siyang sisimangutan ni Easton, pero laking gulat niya nang pamulahan ng mga pisngi si Easton ngunit kaagad nitong naitago iyon nang mag-iwas ng tingin.
But his ears are still red and Aaron could see it under the daylight.
Cute.
Wait, no. He was just kidding.
“Bawal ka na bang puntahan dito? I need someone to talk to right now,” Easton said after being silent for a while.
Kumunot ang noo ni Aaron. “Pwes ako hindi ko kailangan ng kausap ngayon, matutulog ako. Bahala ka riyan.”
Easton gasped when Aaron just walked past him while he yawned. But at the same time, he wasn’t surprised when Easton tailed behind him.
Bakit ba ito nakasunod sa kanya?
“It’s about Wade that’s why I want to talk to you,” Easton said in a calm demeanor, but the way caught his breath while catching up with him, made him sound exhausted already. “At ang payat mo na. I heard your classmates say that you don’t eat during your vacant time. Mukha ka nang kalansay.”
“Sabi noong isa pang mukhang kalansay.” Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Aaron ang unang sinabi ni Easton na gusto nitob makipag-usap tungkol kay Wade. “Alam mo Easton, kung gusto ka pa ni Wade, ‘di ka naman mahihirapan bawiin iyon. Lalo na at sigurado akong mahal na mahal ka pa rin no’n.”
“No, he doesn’t want me anymore.”
“How do you say so? Asyumero ka.” Aaron had seen Wade fall in love with this guy first hand. Hindi niya ma-gets kung bakit pero alam niyang tatawirin ni Wade kahit dagat basta makuha lang nito ang loob ni Easton. “I was there when he loved you.”
“… But you weren’t there when he got tired of me, Aaron.”
Okay. Fair point.
Imbes na magsalita, itinikom na lamang ni Aaron ang bibig at ipinagpatuloy ang paglalakad. He still didn’t like that Easton followed him behind, but he kind of appreciated that he was silent. Hindi nga lang nagtagal dahil kalauna’y muli na namang nagtanong si Easton.
“Saan ka madalas natutulog?” Easton asked, curiosity was evident in his voice.
Mahinang humimig si Aaron. “Kung magtanong ka parang ‘di mo ako sinusundan. Malalaman mo rin naman.”
“Do you sleep in different areas around the school, though?”
“Depende sa trip ko at kung saan malamig. May kakilala akong professor tapos ‘pag may klase siya sa speech lab, do’n ako nakikitambay ‘pag wala akong klase.”
After answering Easton’s questions and amuse him for a little bit, Aaron couldn’t help it but to eye the shorter guy from behind him suspiciously. His reaction should be normal, having suspicions should be ordinary! After all, Easton was Wade’s ex-boyfriend who probably had a casual thought one day of finding him to hang out with him.
Ano ba kasing problema ng isang ito?
Hindi naman matanong ni Aaron—hindi dahil nahihiya siya sa binata—talagang mas gusto lang niya na ganito, na obserbahan si Easton. Hindi naman kasi pupwedeng paulit-ulit niya itong tanungin, hindi rin naman siya sasagutin nang maayos ng isang ito.
As Aaron watched Easton from his peripheral vision, he couldn’t help but notice how Easton tugged his collar and used it to fan himself from the heat. ‘Tsaka lamang napagtanto ni Aaron na sakitin nga pala ang isang ito, tapos mas malala pa kaysa sa kanya (wala talaga siyang sakit), tapos dinala pa niya para maglakad sa ilalim ng sikat ng araw.
Pawis na pawis na si Easton at mukhang mas lalo pang namutla sa pinaggagawa niya. Hindi pa nakatulong na para bang anumang oras e mukhang mahihimatay na ito.
Kapag ito namatay, baka maging kasalanan pa niya. Peste.
“Tang ina mo naman, Easton,” naiirita niyang sabi bago tumigil saglit sa paglalakad.
Easton paused from his tracks as well and raised a brow at him. Ibinuka rin nito ang bibig para sana magsalita at tanungin siya kung bakit niya ito minura pero bago pa man makapagsalita ang binata, nilapitan na ni Aaron si Easton.
He stood beside Easton and removed his backpack from his shoulder then, he raised it on their heads and used it as their ‘umbrella’.
Easton probably choked on his own spit as the words he was about to say got stuck in his throat, and Aaron was certainly entertained by the thought of it. Basta, nakakatuwang makita na nakatulala sa kanya ang binata, nanlalaki ang mga mata at tila ba hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Aaron’s eyes could possibly be playing a joke on him too because as pale as Easton was when he watched him a while ago, his cheeks were tainted with pink now that they’re close.
Kung hindi lang niya kilala si Easton, baka isipin niyang pinamulahan ng mga pisngi ang isang ito dahil kinilig sa paglapit niya. Pero iyan, magba-blush dahil sa kanya? Gwapo siya pero hindi niya pinangarap na pakiligin ang isang ito.
Well, siguro noong hindi pa niya alam ugali ni Easton noong high school siya, inasam niya. Parang gago iyong dating siya, e.
“Sunod ka nang sunod, alam mo namang ikaw iyong may sakit,” dagdag ni Aaron kahit na wala nang kagat ang mga salita niya. “Dalian mo kumilos nang ‘di na tayo nabababad dito sa gitna ng araw! Baka mamatay ka pa rito, ako pa pagbintangan.”
Easton blinked, still in disbelief. Pero noong marinig ang mga pinagsasasabi ni Aaron, hindi nito naiwasan ang mapaismid. “And whose fault was it that I walked under the sun, too?”
“Hindi ko kasalanan. Ginusto mo ‘yang pagsunod sa ‘kin. Sa akin mo pa isisisi, nagmakaawa ba ako sa ‘yong sumunod ka sa akin?”
“I just didn’t want you to run away—”
“I won’t,” Aaron cut him off before he rolled his eyes and clicked his tongue. When he saw Easton’s reaction as though he still couldn’t believe what he heard, Aaron hissed and spoke again, “para namang hindi mo ako makikita sa lilim ng hallway kung balak mo naman pala akong sundan. Tara na nga! Baka ako pala iyong mamatay sa init dahil para na ‘kong bina-barbeque.”
There was a moment of silence after their quick banter but after Aaron nudged Easton to move, this sickly guy finally began to walk. Syempre, nag-aaway pa rin silang dalawa hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan madalas matulog si Aaron.
Kabanata 3
KABANATA 3
ㅤㅤㅤㅤEASTON WOULDN’T call it a surprise when Aaron immediately fell asleep right after they arrived at an unused classroom. Aaron was laying on the huge carton he ripped out and placed on the floor, on his side, his back facing Easton; and Easton couldn’t help it but to feel disappointed.
Nakaupo noon si Easton sa isa sa mga upuang nilinisan ni Aaron para sa kanya dahil hindi—hinding-hindi siya uupo sa maalikabok na spare chair sa tabi-tabi. Bukod sa marurumihan ang uniporme niya, baka magkasakit lang siya.
But…
Easton brought his knees up to the chair so that he could hug himself, then he rested his cheek on his knees as he continued to watch Aaron’s back.
“That was so sweet of you,” Easton muttered to himself, a light blush crept on his cheeks as his lips tugged into a small smile.
Hindi niya inasahan iyong kanina na lalapitan siya ni Aaron at gagamitin nito ang bag na pangpayong sa kanilang dalawa, pero halos sa kanya dahil daw mas kailangan ni Easton ang masilungan.
Tapos noong nakarating na sila rito sa classroom, ang unang inasikaso ni Aaron ay iyong uupuan niya dahil ayaw niyang humiga sa sahig kahit gusto niyang tabihan si Aaron. Narurumihan kasi siya lalo na’t hindi naman na talaga ginagamit ang classroom na madalas palang tambayan ng binata.
Easton found Aaron cute when he searched for a chair that wasn’t too damaged, and he managed to find a usable one. Nilinisan ni Aaron ang uupuan niya gamit ang baon nitong tissue at wipes ‘tsaka siya pinaupo. Tinanong pa nga siya kung kumportable siya bago nito inasikaso ang uupuan.
Alagang-alaga si Easton sa binata at hindi niya iyon inasahan. Because as far as he could remember, ayaw sa kanya ni Aaron sa maraming dahilan. Lahat iyon nangyari noong high school pa sila.
It was only a shame because he had a huge crush on Aaron tapos ito rin pala ang makakasapak sa kanya noon. Err. Long story short, Easton found Aaron charming. Something about Aaron piqued his interest and he just found himself admiring him from afar.
But then Easton fucked up right after realizing how into he was to Aaron.
Tanga.
Easton paused. Was he always this down bad for Aaron? It’s disgusting.
Anyway, going back, it’s astonishing how— despite Aaron’s dislike towards him —he was so accommodating to Easton and even went an extra mile to take care of him.
Easton chuckled at his thoughts, but it was cut short when he felt his phone buzz from his pocket.
Sandaling naguluhan si Easton bago niya kinuha ang cellphone mula sa bulsa para tignan kung sino ba ang nag-text sa kanya dahil wala siyang inaasahan na magti-text sa kanya. Not even his classmates, because they do not have any classes after their last subject which ended an hour and a half ago. Kaya sino naman ang kukontak sa kanya? Unless it’s 8080.
It wasn’t 8080.
Wade:
where are you?
Kumunot ang noo ni Easton noong makitang tinatanong siya ni Wade kung nasaan siya. Hindi niya alam kung bakit siya nito hinahanap, pero busy siya kay Aaron kahit na tinutulugan naman siya.
Easton:
Why? What do you want?
Wade:
gagi sabi mo
ililibre
mo ko ng
starbs
ngayon?
i did you a favor, remember?
Easton clicked his tongue. Right. He promised Wade that he would treat him and today was only the day that Easton would be free (his schedule had been jam-packed and now he has Aaron) .
Easton:
I’ll meet you later. I can’t say when.
Probably in two hours. Not sure.
Wade:
bakit naman two hours pa? busy ka ba?
wala ka namang klase
may project ba kayo?
Easton:
I’m doing research.
Wade:
??
i saw your classmates, they said you weren’t busy
aga mo nga raw umalis kasi may pupuntahan ka
so be honest, where are you?
are you seeing someone else again? i thought we agreed that you won’t repeat the same mistake???
Easton:
Exactly. You don’t understand.
Anyway, I’m with Aaron. The Aaron.
Can we just meet up after two hours?
Apparently, mamaya pa klase niya.
I am watching him sleep. Tho I can’t see his face
:((
Wade:
what the fuck.
watching him sleep? how were you with him?
yknow
what, don’t answer. i support u tho!
but that’s creepy
af
. why are you watching him?
kayo na ba?!
hoy 3 month rule!
Easton:
We are not dating.
And hey, we broke up eight months ago!!
Mamaya ka na!
Wade:
(sent a sticker)
fine. basta
starbs
ko mamaya.
see you in two hours!
and don’t stare at ron too much. baka
matunaw
. pano ka na niyan tanga ka pa naman
charot. see you later ex!
Hindi naiwasan ni Easton ang mahinang matawa dahil sa ka-hyper-an ni Wade. Dahil wala na rin siyang maisip na i-reply sa ex-boyfriend niya, minabuti niyang ibulsa ulit ang cellphone niya nang maipagpatuloy ang ‘research’ niya.
But seriously…
Kunot ang noong inilibot ni Easton ang mga mata sa buong classroom hanggang sa mag-landing ang paningin niya sa electric fan na nakasabit sa pader malapit sa kanya. Iniisip niya kung gumagana ba iyon dahil parang hindi na niya kakayanin ang init dito. Nagsisimula na rin siyang magtaka kung paano natitiis ni Aaron ang ganitong init? Tapos mukhang kumportable pa itong matulog.
It was the beads of sweat that started to form on his forehead that made Easton feel extremely uncomfortable. So, he shifted from his seat, intending to be as quiet as he could; but still somehow managed to fail since he accidentally kicked the foot of the armchair that he sat on while seeking comfort from the heat.
But Easton thought it wouldn’t wake Aaron up.
He was wrong. It turned out na light-sleeper pala si Aaron dahil ang bilis nitong napapitlag at napatayo mula sa kinahihigaan.
“Tang ina, minumulto na naman ba ako—” Aaron’s voice didn’t sound as though he was in a panic, in fact he still sounded sleepy. In fact, he still sounded calm as he accused a nonexistent ghost of haunting him.
Easton smiled when he saw Aaron immediately perk up from his seat, but it soon turned into an apologetic one when Aaron turned to him and their eyes met.
Matagal silang nagkatitigan na dalawa hanggang sa humiga ulit si Aaron sa sahig.
“Ikaw lang pala. Kung magwawala ka, sa labas ka. May natutulog o,” anito ‘tsaka itinuro ang sarili bago ito humikab. Aaron sounded nonchalant as he regarded Easton. “Why were you making a fuss?”
Easton snorted and rolled his eyes. Hindi ba nito kita na pinagpapawisan na siya? Kahit naman si Aaron, mukhang unti-unti nang pinagpapawisan sa init.
Of all places and vacant classrooms available in their school, why did he even pick a spot like this?
“Naiinitan ako, obviously.” Easton heaved a sigh as he pulled his collar and began to fan himself. “Hindi ka ba naiinitan sa pwesto mo riyan?”
Aaron kept quiet for a while, but his silence somehow scared Easton, and it made him realize that the other had been staring at him intensely; his eyes traveling downwards as if examining his whole being, with knitting eyebrows and a begrudging expression.
Easton pressed his lips together and prevented himself from letting out a gasp when Aaron raised his eyes to meet his gaze again.
“Naiinitan. ‘Di ba sinabi ko sa ‘yo kaninang buksan mo iyong mga blower?” Tinaasan siya ng kilay ni Aaron. “Kaya pala pawis na pawis na likod ko, ‘di mo pala ino-open. ‘Wag mo sabihing tinitipid mo kuryente ng school natin e tayo rin naman nagbabayad niyan?”
It was Easton’s turn to frown. “Sinabi mo? Wala akong narinig.”
“Ilang beses kong sinabi sa ‘yo, bingi. Noong naglilinis ako niyang uupuan mo, sinabihan kitang buksan mo kasi baka mainitan ka kaso pinili mong makipagtitigan sa kawalan.”
Itinulak ni Aaron ang sarili mula sa kinahihigaang sahig ‘tsaka inalalayan ang sarili para tumayo.
“Bago rin ako matulog, ilang beses kitang sinabihan na buksan iyong electric fan dahil ikaw iyong malapit. E malay ko bang ‘di ka pala nakikinig? Ikaw, masyado kang mabait—o ewan ko, ‘di ka nga pala mabait. Pero ang tipid mo e ang mahal-mahal ng tuition dito,” dagdag pa ni Aaron.
Nagpakawala ng malalim na hininga si Aaron bago ito nagpameywang. Wala na noon ang tingin ng binata kay Easton pero sa hindi malamang dahilan, nahihiya siya na medyo naiinis. Syempre, kinalimutan ni Easton iyong inis dahil sa tono ni Aaron, kasalanan naman niyang hindi siya nakikinig kanina.
Pero paano siya makakapakinig kung abala siyang titigan ang mukha nito?
Fuck. He’s down bad and beyond saving.
ㅤㅤㅤㅤAARON STILL couldn’t figure out what Easton was up to that day. Hinintay siya pero hindi naman siya ginulo noong nagsabi siyang matutulog. Aaron actually thought that Easton would disturb him and insist that they talk about something, probably a fact that he doesn’t know about Wade, but Aaron miraculously slept like a log when Easton was there.
As grateful as he was because Easton never dared to interrupt his sleep, he still couldn’t read through him. He was still wary, perhaps because of their history during high school.
Because who the fuck knows when Easton would stab him?
“Huy, nandiyan na pala si Aaron!” sabi noong isa sa mga kaklase niya roon sa mga kasama nito. “Ron, may tanong kami, dali!”
Hindi naiwasan ni Aaron ang mapasimangot noong oras na makita niya kung ano ang ekspresyong nakapaskil sa mukha ng mga kaklase niya. Mukhang excited ang mga ito at may balak makitsimis, a. Pasensya, siya nga dapat ang nakikitsismis!
“Ay, nakasimangot. Bugnutin. Masama ba gising mo?” tanong ni Judy noong makalapit siya sa mga ito.
Aaron huffed and nodded. But honestly, it was quite the opposite. Maganda kamo ang gising niya noong gisingin siya ni Easton ilang minuto bago ang klase niya.
Nag-alarm kasi siya pero hindi niya narinig kaya ginising na siya ng binata. And as far as Aaron could remember, Easton was gentle about waking him up, it was scary—for a reason he couldn’t describe.
“Bad trip ka ba, Ron? Magtatanong sana kami,” sabi ng isa sa mga kaklase niya.
Sumandal si Aaron sa pader sa tapat ng classroom na gagamitin nila. Naroon pa rin iyong mga naunang nagkaklase kaysa sa kanila kaya may oras pa para makatambay saglit.
“Anong tanong niyo? Kung tungkol kay Easton, wala akong masasabi,” aniya.
He grunted when he heard his classmates whine. “Ay, wala talaga? E ba’t ka hinahanap kanina? Ang akala namin may issue siya kay Josiah kasi ilang beses daw sila nakitang magkasama.”
“Malay ko ro’n.” Oo nga pala, magkasama sila kanina pero nakalimutan niyang itanong kay Easton iyon.
Or maybe he didn’t forget. He just didn’t want to ask.
“Baka sa ‘yo na niyan ma-link si Easton, o ‘di kaya awayin ka niyan ni Josiah. Crush na crush pa naman no’n si Easton,” sabi pa ng isang kaklase niya.
Aaron blew out a trill. “Neknek niyo namang ako ang mali-link doon. In-approach lang ako no’n ni Easton dahil break na raw sila noong kaibigan ko ng high school.”
“Huh? Kaibigan mo iyong ex-boyfriend?”
Imbes na sumagot, nag-iwas na lamang ng tingin si Aaron mula sa mga kaklase. Ngayong nabanggit niya, pinipilit niyang alalahanin kung ano iyong course ni Wade para makausap niya. Nang sa ganoon, hindi na rin siya guluhin ni Easton.
“Iyong Wade ang ex-boyfriend ni Easton ‘no? Iyong pogi rin na hyper na sumali sa pageant last year,” saad ng isa sa mga kaklase niya.
Lihim na bumuntong hininga si Aaron. Parang siya ang nahihirapan sa set-up na ganito. Kilala kasi talaga si Easton sa buong school dahil mayaman pero sa public college nag-aral. Gwapo rin naman—hindi na type ni Aaron—at mukhang anghel na inosente kaya ang daming nahahakot tapos nagiging interesado.
Basta. Sa pagkakaalala niya, maraming dahilan kung bakit kilala sa buong college nila si Easton.
“Pero hindi ba matagal na ring break sina Wade at Easton? Mangangalahating taon na yata,” dagdag pa ng mga kaklase niya.
Huh? Tumaas ang isang kilay ni Aaron. “Kailan sila nag-break?”
“Matagal na, Ron. Kaya nga nakakaporma na si Josiah sa kanya kasi matagal naman nang break sina Easton at Wade.”
Mas naguluhan siya. E bakit hindi niya alam?
Tsismis iyan, e. Dapat siya ang unang makakaalam? O baka sobrang nag-detach siya sa mga balita tungkol kina Easton at Wade noong grumaduate sila ng high school dahil siya ang napapagod? ‘Tsaka pakiramdam niya e hindi naman worth it pagtsismisan ang dati niyang kaibigan pati si Easton.
The classmates he was talking to blinked and stared at him in confusion. “Hindi mo ba alam, Ron?”
“May tsismis palang nakakalagpas diyan sa tenga mo, buy?”
“Akala namin alam mo kasi ikaw nauuna sa mga ganto na tsismis?!”
“No, I…” Aaron didn’t want to be nosy about an ex-friend’s love life because although he had cut connections with Wade, he still honored their past friendship. “… Baka tulog ako noong naitsismis kaya ‘di ko alam.”
“Ay, tigilan mo kami kasi halos dalawang buwan na issue ‘yon! Ang dami pa ngang humihiling na mag-come back silang dalawa.”
E bakit hindi sila mag-comeback? Mas lalo lamang na naguluhan si Aaron dahil sa mga impormasyong nasagap niya ngayon lamang mula sa mga kaklase.
Matagal na palang break, e bakit hindi magbalikan?
“Anyway, ‘di ba ang tagal na nilang break? Tapos na-link si Easton kay Josiah pero tinatanggi lagi ni Easton. Baka naman ikaw iyong crush, Aaron?” biro ng isa sa mga kaklase niya. “Sa ‘yo na siya lumalapit e ‘tsaka ‘di ba iyong timing kasi break na rin kayo ng ex-boyfriend mo nitong nakaraan.”
“Putang ina mo,” he immediately replied as he felt chills run down his spine—horror was evident in his facial expression. “H’wag kang nagbibiro ng ganyan at ako ang natatakot!”
“Nagsasabi lang, ito naman! Gwapo ka rin kaya ‘tsaka kilala kahit sa ibang institute!”
“Shumatap ka.”
Iniisip pa lamang niya na gusto siya ni Easton, ang bilis tumayo ng mga balahibo niya e. The interest he had in him had been long gone since the day Easton tried to steal Aaron’s English book way back in high school!
“Kaibigan ko ex-boyfriend niya noon,” aniya pa pero sa pagkakataong ito, mahina ang boses niya. “He just wanted to talk about Wade!”
Plus, Easton said that they’re both experiencing a heartbreak that was why he picked Aaron up that day. So, yeah.
Kumbinsido si Aaron na hindi pa nakaka-move on ang isang iyon mula kay Wade. But… If it has been six months or so, what does he need talking to? Bwisit, dapat ba siyang magsuspetya?
Alright. Maybe he was just thinking through things too much. Kahit pa medyo nagtataka siya kay Easton dahil noong huli niya itong makita bago ang break-up nila ng ex-boyfriend niya e inaway niya ito. Maybe Easton just really saw their break-up coincidentally and decided to pick him up because he was worried although they disliked each other.
Yeah. That may be it.
Hindi nagtagal, natapos na iyong mga nagkaklase sa classroom na dapat ay ookupahin ng section nina Aaron. He immediately stood straight and fixed himself. Iyong mga kasama niya, nag-uusap na kung anong gagawin nila sa subject nila ngayon. Syempre, tinanong din ng mga ito si Aaron.
Habang nag-uusap sila at hindi pa man natatapos magsilabasan iyong mga unang gumamit ng classroom nila, napukaw ang atensyon ni Aaron noong marinig na may tumawag sa kanya.
“Aaron!”
It was a familiar voice and Aaron immediately knew who it was.
Kumunot tuloy ang noo niya’t natigilan sila ng mga kaklase sa pag-uusap. At dahil mula sa likuran niya rin galing ang boses ni Easton, nilingon niya ang binata ‘tsaka niya ito natagpuang lakad-takbong palapit sa kanya.
Hindi lingid sa kaalaman ni Aaron lahat ng nagtatakang tingin na ibinato sa kanya ng mga kaklase lalo na noong makita na naman ng mga ito si Easton.
“Iyong totoo Aaron, kayo ‘no?” panunudyo pero tila ba henuwino ring tanong ng isang kaklase niya sa kanya bago pa makalapit si Easton sa kanya.
Aaron hissed. “Sabi nang hindi, pumasok na nga kayo ro’n. Kausapin ko lang ‘yan.”
Imbes na hintayin si Easton makalapit sa kanya, Aaron decided to meet him halfway. Iniwanan niya ang mga kaklase kahit naririnig niya ang panunudyo ng mga ito mula sa likuran niya dahil kung anuman ang sasabihin ni Easton, ayaw niyang marinig ng mga ito.
“Ano na namang ginagawa mo rito?” Aaron decided that it was best to sound irritated, because he certainly did not want his name to be associated with Easton’s in any way.
Natigilan saglit si Easton noong mapagtanto na bad trip siya. But even though he realized this, the man still decided to ignore Aaron and walked until they were standing in front of each other in a proper distance.
“So?” Aaron asked as he crossed his arms.
Easton stared at him for a while and smiled innocently . “Ba’t mukha kang bad trip na makita ako ulit?”
“At bakit naman hindi?”
“I’m not sure. I already conceded. Ceasefire?”
“No.” Aaron tsk-ed. “Natitsismis na ‘ko sa ‘yo. Sabihin mo na lang kaya anong kailangan mo?”
Easton scoffed. “This isn’t the first time na natsismis ka sa ‘kin, Aaron. What’s the fuss? Anyway, I came to return this to you.”
“Ano ‘yan—”
Aaron was immediately cut short when Easton fished a handkerchief from his pocket and handed it to him. Hindi naiwasan ni Aaron ang magulat dahil iyan iyong dala niyang panyo ngayon, paborito rin niya dahil noong unang beses na nag-aral magtahi ang kapatid niya, iyang panyo ang ginamit tapos ibinigay sa kanya.
A segue thought but Ridge was really cute when he was a kid, but he kept ignoring Aaron now because he was being ‘unreasonably protective’. And he’s not!
Going back, he couldn’t remember lending it to Easton? Paanong na sa kanya ang panyong iyan?
“You dropped it,” Easton explained as if he knew what was going on Aaron’s mind. “Pinampunas mo ‘to ng pawis kanina kaso nahulog mula sa bulsa mo no’ng nagmamadali kang umalis kanina. I thought this was important because you bragged that your little brother made a stitch on this one.”
Well, yeah. Bagamat nag-aalangan, kinuha pa rin ni Aaron ang panyo mula kay Easton. After all, there was no way that he would lose this item! This was one of his most precious treasures!
Pagkakuha niya ng panyo, kaagad niya iyong inilagay sa loob ng bulsa niya bago niya hinarap si Easton. Akmang magpapasalamat na sana siya nang mapansin niyang may tinititigan ang binata sa ulo niya, and before he could ask, Easton seemed to unconsciously raise a hand and reach for his head.
The next thing Aaron knew, Easton was patting his head, and he couldn’t help it but to stare at his face.
It was a short moment but Aaron realized that Easton had pretty blue eyes (he was half-American as far as Aaron heard) , he had long eyelashes, his face was too smooth, that he had nice lips.
It was a short moment but Aaron’s mind went blank and suddenly, his heart began to pound against his chest.
Nahigit na lamang si Aaron mula sa mga iniisip niya nang ialis na ni Easton ang kamay mula sa ulo niya’t ibalik nito ang tingin sa kanya.
Then, Easton smiled—something about it made Aaron’s breathing hitched. “Bed hair, inayos ko lang. Anyway, alis na ‘ko, may kikitain pa ako e. Good luck sa klase, Aaron.”
Yeah. Sure—was what Aaron would like to say, but the words got stuck in his throat, and Easton immediately turned his back away from him and left.
Kung hindi lang talaga siguro tumili iyong mga kaklase niya nang makita ang ginawa ni Easton kay Aaron, baka hindi na siya naka-recover pa. Kaagad niyang nilingon ang mga ito para simangutan pero bago pa niya bawalan sa pang-aasar sa kanya, kung anu-ano na agad ang nasabi ng iba sa mga ito.
“Ang bilis mo naman makabingwit ng bagong jowa, Ron!”
“Awit, Aaron! Iba talaga kapag pogi ‘no?! Si Easton pa ‘yon!”
“Tang ina niyo! Sabi nang ‘di kami magkaanu-ano!” tanggi niya.
It took him a lot of energy to stop his classmates from teasing him—and how exhausted he was from doing so—but as they all finally shut up and entered the classroom… Aaron found himself reaching for the part of his head that Easton patted to, as he claimed, ‘fix his bed hair’ .
That part of his head felt inexplicably warm, and it shouldn’t feel that way because Easton barely touched him.
Then, Aaron muttered a curse under his breath. Why was he reacting this way again?
Kabanata 4
KABANATA 4
ㅤㅤㅤㅤMALALIM NA BUMUNTONG hininga si Aaron habang naglalakad patungo sa speech lab. Chinat niya iyong tropa niyang teacher dito sa eskwelahan nila at ang sabi nito, mayroon itong klase ngayon sa speech lab tapos niyaya siyang mag-sit in para ganahan naman daw iyong mga estudyante nito makinig. Mabuti rin kasi init na init na siya, aircon na aircon na.
Pinasadahan ni Aaron ng mabilis na tingin ang field nilang nakababad sa ilalim ng tirik na araw.
Karaniwan, iwas na iwas iyong mga kapwa estudyante niya na dumaan sa field dahil mainit, pero may mga kawawa talagang nagp-P.E sa ganitong panahon.
Siya ang naiinitan para sa kanila.
Muli siyang bumuntong hininga at ibinalik ang mga mata sa pasilyo nang habang naglalakad, natigilan siya nang mapansing nasa Education building din si Easton (na naman!) pero sa pagkakataong ito, kasama nito si Josiah.
He snickered inwardly.
Sabi na nga ba’t totoo iyong tsismis na nililigawan daw ni Josiah iyang si Easton. Kalat na talaga ang balita pero iba pala kapag personal na nakita.
Syempre, bilang tsismoso, hindi naiwasan ni Aaron ang maging kuryoso sa usapan ng dalawa. E kaso ang obvious naman niya masyado kung hahanap siya ng mauupuan malapit sa kinatatayuan ng mga ito.
May maririnig naman pala kasi siya sa usapan ng mga ito sa oras na dumaan siya.
“Sigurado ka ba? Libre ko naman,” dinig niyang sabi ni Josiah. Tila ba nagmamakaawa na ewan. “At saka minsan lang naman ‘to East, ‘di naman din kita madalas maaya na lumabas o mamasyal kasi lagi ka kamong busy.”
Easton heaved a deep sigh. “It’s not that… I don’t want to hang out with you, Jos. Kaya lang aware ako sa rason kung ba’t ka nag-aaya, and I already politely rejected you before.”
Oh, shit.
Muntik matigilan si Aaron sa paglalakad noong palapit na siya kina Easton. Parang gusto niyang lumiko bigla tapos dumaan sa ilalim ng tirik na araw na iyan kasi tang ina, hindi naman niya inaasahang ang bigat ng atmospera nila pati noong pinag-uusapan!
At saka kahit tsismoso siya, may hiya naman siya kaunti. Kaunti lang para hindi magasgasan iyong imahe niya bilang tsismoso.
“Kaya nga. I am just asking you out as friends Easton,” ani Josiah.
Easton shook his head. “Kahit pa, Jos. I don’t want you to hope that I might change my mind about us in the future.”
“I—” Josiah paused before he sighed. “Bakit nga ba kasi hindi pwede? H’wag mo sabihing stuck-up ka pa kay Wade?”
‘Syempre, o-oo ‘yan. Nilapitan nga ako para magtanong tungkol doon sa ex-boyfriend niya akala mo naman close pa kami ni Wade,’ aniya sa isip habang patuloy na naglalakad.
Aaron shrugged and hummed to himself as he thought about those words. Nakalapit na rin siya kina Easton noong mga minutong iyon at hindi na niya mahihintay ang sagot ng binata dahil lalagpasan niya na sana ang dalawa—
—kung hindi lang biglang mayroong humablot sa palapulsuhan niya.
Fuck. Sana hindi si Easton.
But when Aaron looked over, it was this angel-faced demon spawn.
Nagsalubong ang mga kilay niya’t naguguluhang pinagmasdan ang binata habang si Easton naman, blangko ang mukhang pinasadahan siya ng tingin bago ibinalik ang mga mata kay Josiah.
What did Easton want him to do? Hintayin na matapos ang usapan ng mga ito?!
Kahit si Josiah, tila ba nabigla noong bigla siyang hablutin ni Easton e dumadaan lang naman siya! Nananahimik siya!
Sabi na nga ba’t dapat doon na siya dumaan sa field para mabilis siya makarating sa kabilang banda ng educ building.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Josiah sa kanya pero bago pa man maibuka ni Aaron ang bibig, naagapan na siya ni Easton at ito ang sumagot.
Bumusangot tuloy siya’t humarap kay Easton.
“That’s not important.” Easton pulled him closer which made Aaron shudder. “Anyway, may pag-uusapan pa ba tayo? Like I’ve said, I’m afraid I can’t hang out with you.”
Josiah seemed confused and threw Aaron a glare. However, though that was sharp and intimidating, Josiah was just as confused as he was because Aaron had been trying to steal his wrist away from Easton, but this sick guy that was supposed to be weaker than him suddenly had the strength to hold him tight.
“Putang ina naman, dumadaan na nga lang iyong tao dinadamay mo pa sa gulo mo,” napipikon niyang sabi kay Easton.
E ang gago, binigyan lang siya ng side-eye tapos bumaling ulit kay Josiah.
“Jos, wala na ba?” tanong uli nito sa kausap.
Nginitian ni Easton si Josiah, pero sa mga mata ni Aaron, pilit lang iyon—pero ayaw niyang isipin iyan! Naii-stress na siya dahil iwas na iwas na nga siya sa tsismis at kasasabi lang niya na mas gusto niya maging audience, siya naman itong dinidikitan ni Easton ngayon!
Josiah dragged his eyes back at Easton and forced a smile. “Wala na, pero paano kung sa ibang araw natin gawin? Mamamasyal lang tayo, Easton. I promise.”
“Pag-iisipan ko.” Easton sighed and all of a sudden, clung to Aaron which made him yelp—but still couldn’t remove himself from this guy because he already had his arms wrapped around Aaron. “Ayaw kitang magkaroon ng what if’s kaya mas magandang umiwas na ngayon pa lang. Plus, madalas kaming magkita ni Aaron—”
“Tang ina ka, ‘di nga tayo nagkukrus ng land—” Aaron was cut off when Easton covered his mouth and started dragging him despite his protests.
Since when did this punk get stronger?!
“Mauuna na kami. See you around, Josiah.”
ㅤㅤㅤㅤSA KABILA NG mahinang pagpupumiglas ni Aaron mula kay Easton, kalauna’y sinukuan na lang niya ang paghila nito sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya balak dalhin ng binata pero dahil iyong tinatahak nilang daan e papunta rin naman sa speech lab, hinayaan niya si Easton.
Of course, he grumbled here and there, complained that he wasn’t supposed to get caught in Easton’s business but the latter decided that it’s better to drag him in his mess.
But Easton didn’t react, and his lack of response made Aaron fall silent later on. It didn’t count that Aaron saw the expression painted on Easton’s face. He looked troubled, guilty, stressed— or however that face should be described as —but he looked like he was carrying a burden.
Si Josiah ba? Siguro. Sila iyong magkasama kanina, e.
Aaron glanced at Easton’s hand that was still holding his wrist. Hindi mariin ang pagkakahawak niya rito pero ayaw naman siyang pakawalan.
Was he concerned? Aaron inwardly snorted.
Of course— yes. Fuck it.
Noong lalagpasan na nina Easton ang speech lab, bago pa man sila makalagpas sa pinto e siya naman ang humila sa binata bago niya hinawakan ang doorknob papasok ng speech lab. Bago pa makapalag si Easton, binuksan na ni Aaron ang pinto ng classroom.
Aaron did it silently so that he wouldn’t disturb his professor-slash-friend’s class, but they still managed to catch some attention. Kahit si Sir Jake na nagdi-discuss sa harap, napatingin sa kanila tapos nagulat noong kasama niya si Easton. He knew that he’d be bombarded with questions after his class but Easton didn’t seem like he’s in good shape.
Ayaw ni Aaron rito pero hindi naman sobrang sama ng ugali niya.
‘May bago ka na agad? Jowa mo?’ —iyan ang tanong na iniisip niyang tumatakbo sa isipan ni Sir Jake habang sinusundan sila ni Easton nito ng tingin patungo sa pinakasulok ng speech lab.
Once Aaron settled at the most corner of the speech lab, he placed his bag on his desk, stretched his limbs, and yawned silently. Samantalang si Easton, nakatayo sa tabi niya’t tila ba pinagmamasdan siya pati na rin iyong mga nagkaklase.
“… May nagkaklase,” Easton pointed out in an almost hushed tone, but enough for Aaron to hear, as Easton occupied the seat beside him.
Tinaasan niya ng isang kilay ang binata. “Hindi ako tanga, nakikita ko.”
“E ba’t mo ako dinala rito?”
“E ba’t mo kasi ako pinaghihila kung saan-saan e may sleeping schedule ako?”
Easton huffed. “I know about your sleeping schedule. E kaso, may nagkaklase rito? Paano kung paalisin ka ng professor?”
“As if.” Pinaikutan niya ng mga mata si Easton bago siya nagpahalumbaba. “Alam ni Sir Jake na tatambay ako. Tingin mo ba sa akin, nakikisaling pusa sa klase nang hindi nagpapaalam? ‘Tsaka may aircon dito kaya ba’t ‘di ako makikitambay dito?”
Hindi gets ni Aaron kung bakit nakipagtagisan siya ng tingin kay Easton. Para kasing hinuhusgahan siya ng isang ito samantalang si Sir Jake pa nga ang nag-alok sa kanya noong first year college na makitulog sa mga klase nito sa speech lab dahil sinisipag daw iyong mga estudyante nito sa pag-aaral.
Easton took a quick glance at the class. Sa isip-isip ni Aaron, nawa’y napagtanto nitong hindi naman sila nang-iistorbo ng klase. Unless Easton would suddenly shout or make a sudden noise, then they’ll disturb the entire class.
Anyway, Aaron crossed his legs and his arms before he pushed his chair to face Easton’s direction.
“Ikaw ba, ba’t ka ba biglang hila nang hila? Dinamay mo pa ‘ko sa isyu mo kay Josiah,” naniningkit ang mga mata niyang pag-uusisa.
Easton seemed to flinch. Hindi nito ibinalik ang mga mata sa kanya at kung hindi siya niloloko ng paningin, parang nahuli niya itong napalunok.
What? Was he being guilty now?
“Sorry. I know that you don’t want to be associated with me and at the same time, I surprised you when I grabbed your wrist,” anito sa maliit na boses.
Tumaas ang isang kilay niya. “Bale, hinuli mo ‘ko nang sa gano’n, makawala ka kaagad kay Josiah?”
Aaron wanted to say that it wasn’t his problem that Josiah liked Easton a lot, and he was desperately trying to chase over this guy, but before he could open his mouth to say anything; Easton stole his chance.
“I haven’t seen you in a while…” Easton says.
Nanlaki ang mga mata ni Aaron kasabay ng pagsinghap dahil sa narinig ‘tsaka niya napansing tila ba pinamulahan ng mga pisngi si Easton nang magsabi ng ganoon.
Still, Aaron kept his composure and cleared his throat. “So what? ‘Di problema ‘yon dahil hindi naman tayo close.”
Easton nodded. “I know that it shouldn’t be, but I kind of… wanted to see you today .”
Muntik mahulog ang panga ni Aaron sa narinig. He clenched his fists and closed his eyes—he tried so desperately to hang onto that thread of sanity he still has, because what Easton said almost made his heart skip, and he almost swooned.
Putang ina ng isang ito.
Bagamat nakapikit, nararamdaman ni Aaron na muli nang nakatingin si Easton sa kanya. Tila ba hinihintay kung anong sasabihin niya o magiging reaksyon.
So, it took him some time to regain the composure that almost slipped.
After what seemed like forever—which was only thirty seconds in real life—Aaron was able to steel himself.
Iminulat niya ang mga mata para salubungin ang tingin ni Easton bago niya ito nginisian, ngunit bago pa man niya maibuka ang bibig, may narinig siyang mahinang katok sa salamin ng kinauupuan niya.
Well, after all, the speech lab looked like a local internet shop. Minus there were no PCs in front of them but a clear glass.
‘Sino ‘yon?
Nag-iingay
na ba kami?’ tanong ni Aaron sa isipan bago niya nilingon ang direksyon kung saan galing ang katok.
But Aaron was sure that he and Easton were barely audible and they were almost whispering.
Pagkaharap na pagkaharap ni Aaron doon sa clear glass na nasa harapan niya, namilog ang mga mata niya nang matagpuang nakaupo pala sa harap niya si Wade at nakangisi. Tapos may pinaskil pa itong papel doon sa kinauupuan niya bago ito sumenyas na hinaan pa nila ni Easton ang mga boses nila.
Easton also looked over to see what was up and when he saw Wade, he let out a gasp.
‘H’wag kayo
maglandian
diyan sa likod, please.
Daig
niyo pa mag-asawa kung
magtalo
eh.
Nakaka-distract
. Long time, no see nga rin pala, Aaron!’ —was what was written on the paper Wade posted in front of Aaron’s seat, and he had never felt so dizzy before after seeing it.
Tang ina! Hindi siya na-inform na tagaibang kurso iyong tinuturuan ni Sir Jake ngayon tapos klase pa ni Wade!
Napahilamos ng mukha si Aaron. Tinignan niya rin si Easton na noo’y nasa gilid niya pero noong mapagtantong lumapit nga pala sa kanya ang binata at na-wrong move siya sa paglingon dahil ang lapit ng mga mukha nila sa isa’t isa, dali-daling umubob si Aaron.
He hissed inwardly when he felt his heart almost dropped at their previous closeness. Gusto niyang murahin ang sarili dahil dama niya ang pag-init ng mga pisngi. He wasn’t dumb not to know that his cheeks could be redder than that of a ripe tomato.
He didn’t like one bit of how his body reacted to Easton but at the same time, he couldn’t blame himself because it was a natural bodily reaction if someone somehow ended up being close to another person accidentally. Like, close
close
. One whereas another wrong move and they’d kiss.
Fuck this. Goddamn it.
“As I was saying…” Aaron cleared his throat and proceeded to speak in a hushed manner, so that Easton would be the only one to hear him.
But for some reason, he still heard Wade snicker in front of them. Ano ba ang isang iyan at parang napakatalim naman ng pandinig? Ngina, nag-adjust na nga siya, e.
“… We’re not close, so you shouldn’t bother yourself and goofing around about not being able to see me,” he continued.
Kumunot ang noo ni Easton. “Why are you whispering? Mukhang okay naman magsalita basta mahina ang boses.”
“Guess why .” He simply gestured at Wade who still seemed to be listening around them, and he hoped that Easton would get a fucking clue.
Putang ina, nasa harapan nila itong ex-boyfriend ni Easton tapos nakikinig pa sa kanila! Alangan naman lakasan pa niya boses niya?
“At saka, pupwede mo na akong tigilan. Ayan o, nasa harapan na natin iyang ex-boyfriend mo. Mag-usap kayo,” aniya pa.
Ini-imply talaga niyang pupwede nang magkabalikan ang dalawang iyan ngayon dahil nariyan naman na si Wade.
Pinasadahan ni Easton ng mabilis na tingin si Wade na mukhang nakatingin din sa kanila noon base sa reaksyon ng binata, ngumiti kasi itong katabi niya kaya pakiramdam niya e pinagmamasdan din sila ni Wade.
“I don’t get why you’re pushing me to Wade. Break na kami,” anito.
Tumaas ang isang kilay niya. “So? E ‘di ba kaya ka lang naman lapit nang lapit sa akin e dahil gusto mo pa siyang balikan?”
“Huh?”
Dahil sa pagkagulong ipinakita ni Easton sa kanya, maging siya e naguluhan sa reaksyon nito. He had one question in his head and he wanted to ask—why did it seem like he was wrong when the first time Easton came up to him, he said that he was asking about Wade?
Ibinuka ni Aaron ang bibig para sana magtanong pero noong tila ba mapagtanto ni Easton ang tinutukoy niya, bago pa man niya mapuna ang binata ay pinangunahan na siya nito.
“I mean, yes… You’re right,” Easton said hesitatingly—at least, that was the impression that Aaron got from the way this guy reacted.
Nanatiling kunot ang noo niya’t pinagmamasdan pa rin si Easton na noo’y nag-iwas na ng tingin sa kanya at inayos ang pagkakaupo.
Aaron wanted him to elaborate his reaction, but kept mum about it and just watched Easton put his bag on his lap, open it, and take his binder from inside. Easton did it swiftly and Aaron just couldn’t tear his gaze away from that face of his.
This motherfucking angel-looking piece of shit. Hanggang ngayon talaga may bad blood siya kay Easton, hindi na lang talaga niya gaanong bini-bring up ngayon dahil parang nasasanay na siya sa presensya nito kahit nakakairita.
Easton must’ve noticed that Aaron was staring at him, so he turned his head to look at him with a puzzled expression.
“Marumi ba mukha ko?” Easton asked.
Aaron only huffed. “Pangit mo.”
Aaron turned his head the other way when Easton looked offended and almost dropped his binder when he said those things. He actually smirked and wanted to laugh at his reaction, but decided not to because he might disturb the class.
“H’wag kang magulo, matutulog ako,” aniya pa bago niya ipinikit ang mga mata.
Easton slightly kicked his foot which made him groan. “Hindi ako ang magulo, ikaw ‘yon.”
“Shut up. Let me sleep now.”
“Go sleep. Para namang gusto kitang pigilan.”
ㅤㅤㅤㅤ“LOOKS LIKE THINGS aren’t working out for you,” pilyong komento ni Wade habang tumatayo mula sa kinauupuan para pumunta sa likuran kung nasaan sina Easton at Aaron.
Pinasadahan muna ni Easton ng tingin ang binata bago niya pinakawalan ang kanina pa pinipigilang buntong hininga. Isinara niya rin ang binder at pinasadahan ng tingin si Aaron na noo’y mukhang malalim ang tulog.
It was Wade’s break time. Since their class was actually for three hours, their professor gave them some time to eat snacks, rest, or take the bathroom—reason why this guy had the time to chat with him.
“Wala kang klase?” tanong ni Wade noong nakarating na ito sa pwesto nila ni Aaron, pero nanatili itong nakatayo at mas malapit sa kanya nang hindi maistorbo ang noo’y tulog na si Aaron.
Umiling si Easton. “Mamaya pa klase ko pero baka mag-cutting ako.”
“Hatdog?” Wade almost gasped loudly and clapped his hands if Easton didn’t throw him sharp glares. “Iyong model student namin naging demonyo na rin dahil sa crush niya?”
“Don’t mention it. I get frustrated too.”
“ Oh, the things we do for love, ” madramang tugon nito.
Dahil malapit lang naman ang binata sa kanya, sinubukan ni Easton na abutin si Wade nang mahinang mahampas. E kaso, mabilis na naka-pick up ang isa kaya ang bilis ding nakaiwas. Bago pa man lumapat ang palad niya sa likuran nito ay nakalayo na agad.
Easton gritted his teeth and hissed, while Wade snickered at him.
“Narinig mo ba usapan namin ni Aaron kanina?” tanong niya sa binata.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Alin do’n? Kung iyong noong umubob ‘yan, ‘di ko na kayo narinig no’n. Wala naman akong superpowers kahit curious na curious ako sa usapan niyo.”
“Oh. So ‘di mo narinig iyong sinabi niya sa ‘kin na mag-usap na raw tayong dalawa.”
“Bakit daw?”
“Balikan daw kita,” Easton said with the most unamused face he could muster.
The two of them stared at each other before Wade almost let out a loud chuckle, if it wasn’t for Aaron slightly jerking from his seat. Tinignan pa tuloy ni Wade ang binata kung tulog pa ba bago sila nagpalitan ng tingin ni Easton at noong makumpirmang tulog pa rin si Aaron, tumikhim si Wade.
“Gusto ko talagang tawanan ka. Mukha kang clown,” ani Wade sa kanya habang tinatapunan pa rin siya ng nakakalokong ngisi.
Napahilamos ng mukha si Easton. “Stop. You agreed that I’d tell him that story instead of what actually happened during our break up.”
“Pabebe ka kasing tang ina ka.” Muling humalakhak si Wade bago ito nagpameywang. Maingat din itong humawak sa back rest ng kinauupuan ni Aaron. “Ayaw mo kasing magmukhang masama kaya gawa-gawa ka ng kwento. Tignan mo backlash, gusto ka pa tuloy ibalik sa ‘kin.”
Tahimik na pinanood ni Easton na ikumpas ni Wade ang isa nitong kamay bago niya ibinalik ang tingin sa mga mata nito na siya rin ang pinagmamasdan.
“As if namang babalik ako sa ‘yo,” aniya. “I’ve been your burden long enough, I couldn’t possibly hurt you anymore.”
Dahil sa sinabi niya, sumaliw ang mga mata ni Wade sa aliw bago napaismid ang binata. “As if din namang kukunin kita. Pagod na ‘kong patunayan sarili ko sa ‘yo, uy.”
Easton averted his gaze away from Wade and took a sudden interest in what was written on the whiteboard. Nagpahalumbaba rin siya habang tinitignan ang mga terminong nakasulat doon na pinag-aaralan din ng buong klase ni Wade.
Then, they let silence embrace their atmosphere. Kahit naririnig nila ang usapan ng mga kaklase ni Wade at nakikitang paminsan-minsa’y mayroong dadaan sa harapan o sa likuran nila, wala roon ang atensyon ni Easton.
And perhaps, the silence made Wade decide that it was enough.
So, he sighed. “Kahit naman itago mo nang matagal ‘yan kay Aaron, darating at darating din talaga iyong araw na malalaman niya iyong totoo. Magagalit din ‘to sa ‘yo.”
“I’m not stupid not to know.” Easton hissed and his eyes slightly squinted as his eyes fixated on one word written on the whiteboard. “But I still don’t want him to know. Unless stable na iyong imahe ko sa kanya or something.”
“Paanong magiging stable e matagal na ngang inis sa ‘yo ‘to? Alam nitong gago ka through and through, Easton.”
Wade paused and glanced at Aaron before he hummed.
“Alam mo madalas, iniisip ko talagang dapat nakinig na lang ako kay Aaron noon. You’re a demon wearing an angel’s face, ika nga ng antuking ‘to,” dagdag pa nito.
Mula sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang nagpameywang pa ang binata.
“What’s the worst that could happen? Alam naman nating karma mo ‘to kasi imbes na magpakatotoo noon pa lang, talagang ang dami mo pang dinaanan na pasikut-sikot,” anito.
Easton didn’t react immediately and instead, clenched his fist that was on his lap.
“The worst Aaron could say would be ‘no’ ,” he replied in an almost hushed tone.
Kabanata 5
KABANATA 5
ㅤㅤㅤWHAT’S THE worst thing Aaron could say if not ‘no’ ?—simula nang sabihin iyan ni Easton kay Wade, hindi na niya naiwaglit ang katanungang iyan sa isipan.
It’s no secret that Aaron disliked him. He always made sure that Easton knew his place. Aaron wasn’t one to sugarcoat things when it comes to Easton. Although he was sometimes considerate, that wasn’t always the case.
So… what could be the worst thing he could say to reject Easton ?
Inayos niya ang pagkakahalumbaba nang sa ganoo’y mas makita nang maayos ang mukha ni Aaron habang mabilis itong nagti-take down ng notes. Bumaba rin ang mga mata niya sa pinagsusulatan nitong photocopy ng lesson dahil doon nito inilalagay ang keypoints ng lesson nito.
Easton pressed his lips together in amazement and his eyes sparkled when he saw how neat Aaron’s writing was. In simpler terms, people would describe his handwriting as ‘sulat ng babae’.
“Titig na titig ka sa akin. You’re distracting.”
Ah. Natigilan si Easton noong biglang marinig ang pagbulong ni Aaron. Nang muli siyang mag-angat ng tingin para tignan ang binata, natagpuan niya itong seryosong nakatingin sa kanya… at mayroong kung anong emosyon ang nasa mga mata nito pero hindi mabasa ni Easton.
“Sorry, I forgot that you’re in the middle of class,” he replied.
Napaayos siya ng upo at mabilis na pinasadahan ng tingin ang professor ni Aaron na noo’y pinapag-recite iyong nasa second row.
Bumuntong hininga si Aaron at naghalumbaba. “Patapos naman na, but you’ve been staring at me for ten minutes now. Why were you watching me intently, anyway? Hindi tuloy ako makapag-recite nang maayos.”
“Sinisi mo pa talaga ako?” Mahina siyang natawa. “It was just amusing to watch you during class, honestly. Like, aware akong matalino ka and all dahil madalas tayong i-pair sa interhigh quizbees noong high school tayo pero iba pala kapag nakikita na kitang mag-aral in flesh.”
“Small things. Ang liit-liit na bagay, bilib na bilib ka.”
Imbes na sumagot ay nginitian na lamang ni Easton ang binata. He tilted his head a bit to make himself look cuter but Aaron seemed unfazed. Nag-iwas lamang ng tingin si Aaron at nag-recite noong may itanong sa subject nito.
Anyway, perhaps he was really distracting because Aaron kept on glancing at him during his recitation. Nakasimangot ito at tila ba wary sumagot dahil baka hinuhusgahan niya. Not that he knew anything about teaching, so he couldn’t really do that. Plus, Easton knew that Aaron won’t let him see the side of him that fails. Mataas ang pride niyan, e.
“Alam niyo… Napansin ko talagang ganado sumagot si Gonzales sa lesson natin ngayon.”
Easton’s lips slightly pursed when he heard that odd comment from Aaron’s professor. It can’t be helped, with a comment like that, of course it would pique his attention.
Noong tignan ni Easton ang mga kaklase ni Aaron, napansin niya na halos sa mga ito e nakatingin sa kanya o hindi kaya e pasimple na nagnanakaw ng tingin para makita siya.
Of course, he felt uncomfortable. Napatuwid tuloy siya ng upo.
“Iba talaga ‘pag nakiki-sit in iyong inspirasyon, ano?” biro ng professor ni Aaron habang tinatapunan ang binata ng nanunudyong mga tingin.
Aaron let out an ‘ urk ’ sound before he heaved a sigh. “Ma’am, ‘wag mong ginaganyan baka lumaki ang ulo.”
Huh?
Napasinghap si Easton kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya pero bago pa man niya matignan si Aaron, bigla siya nitong mahinang hinampas ng hand-out. It was too gentle for him to get hurt, but it had something—an intention that he couldn’t describe.
But Easton had a hard time seeing Aaron’s face because of the hand-out but he didn’t miss the chuckles from his classmates. Pati iyong mapang-asar at nakakalokong tingin na ibinabato ng lahat kay Aaron.
Easton gulped and clenched his fists as he tried to wrap his head around what Aaron just said. Hindi naman siguro overreacting kung sasabihin niyang kinikilig siya.
“Tigilan niyo ako! Baka maniwala ‘tong bisita, lumaki pa ang ulo!” kalauna’y dagdag ni Aaron.
Was that an attempt to clear whatever misunderstanding Easton almost— obviously, not almost —had? Because he could swear that Aaron had him for a good minute. He thought Aaron meant what he said, that there might be something, that he was beginning to feel something for Easton; only for these hopes to get crushed as soon as they were built.
Awtomatikong namatay iyong kilig ni Easton at napalitan ng pagkairita. He knew he shouldn’t feel annoyed but could he be really blamed? Bumuntong hininga siya.
“Tignan niyo itong kaklase niyo, nahiya pa! Parang dati e walang sini-sit in na jowa. First time mo ba?” natatawa pang panunudyo ng guro ni Aaron dito.
Easton gently moved the hand-outs out of his face so he could peek at Aaron’s face and was it just him or his ears flushed red?!
Aaron tsk-ed. “Hindi naman kami magkaanu-ano, Sir. Pinulot ko lang ‘to sa canteen kasi ayaw pa raw umuwi.”
Kasabay ng pagdi-deny ni Aaron ay ang sunud-sunod na kantyaw ng mga kaklase nito sa binata. Pero imbes na sumagot e tumikhim lamang si Aaron at sinubukang lunurin ang ingay ng mga ito sa boses niya para makapag-recite nang maayos.
“Malalaman din namin ang totoo!”
Iyan ang huling narinig ni Easton mula sa mga kaklase ni Aaron bago nagpatuloy ang klase nito.
Meanwhile, Easton was still way too astonished to focus on what they were saying because Aaron still had red ears. Hindi niya alam kung nahihiya ba ito o ano, pero napansin niya ring mas naging conservative ang binata sa pagsagot.
ㅤㅤㅤㅤ“CATCH YOU later, lovers!”
Muntik matawa si Easton noong magpaalam ang professor nina Aaron sa klase nito na naii-special mention silang dalawa ng binata. His professor was friendly and even catered Easton if he had questions about the lesson despite knowing that he was from a different department. Kumaway pa nga ito sa kanila bago umalis kaya natawa rin ang mga kaklase ni Aaron.
“At times like this, I regret picking you up from the cafeteria,” ani Aaron habang inaayos nito ang mga gamit sa bag.
Easton only chuckled. “You could’ve just left me there. Ba’t mo nga ba ako isinama sa ‘yo?”
“Naawa ako sa ‘yo kasi para kang kawawang tuta no’ng naabutan ka namin.”
Hindi niya naiwasang mapangiti dahil kahit tunog masama ang loob ang boses ni Aaron, wala namang lason ang mga sinasabi nito. Hindi na lang nito sabihin na ayaw nitong makita na nag-iisa siya sa caféteria kanina? Magi-gets naman niya.
Magsasalita sana si Easton para asarin pa ang binata noong maunahan siya ng isa sa mga kaklase nito.
“Aaron! Mauuna na kami sa inyo ni Easton, a? Kakain muna kami para magising diwa namin,” anito.
Sabay na napatingin sina Aaron at Easton sa direksyon kung nasaan ang mga kaibigan ng binata. Pero hindi nagtagal e bumaling ito sa kanya.
“Gusto mo ng maiinom?” tanong ni Aaron.
Muntik mahulog ang panga ni Easton nang tanungin siya nito pero sinubukan niyang umarte ng normal. Because why the hell is Aaron asking him?
“May options ba?” tanong niya pabalik.
“Ikaw bahala.”
“Softdrinks sana. Coke kung okay lang.”
Mahinang humimig si Aaron. “Bilhan niyo na lang kami ng dalawang softdrinks. Bayaran ko pagbalik niyo.”
Natawa ang kaklase ni Aaron. “Uy nice, nanlilibre. Dati pa ang sabi mo, ayaw mo kay Easton.”
Bahagyang natawa si Easton dahil naaalala niya ring ilang beses pa munang sinabi ni Aaron sa mga kaklase na ayaw sa kanya nito pero hinila pa rin siya nang sabihin niyang ayaw pa niyang umuwi kahit wala naman siyang gagawin sa eskwelahan.
Well, he did come here to do some student department council work but that didn’t really last long. Nag-meeting lang sila ng mga kasama niya para sa darating na inter-department event dahil kailangan nila ng maraming participants pero iyon lang.
It only lasted for an hour and Easton didn’t feel like going home yet. E saktong may klase pala si Aaron ngayon, so the man picked him up.
Aaron huffed. “Tumahimik. Mauubos na pasensya ko sa inyo, kanina pa kayo asar nang asar.”
“Para kasing hindi mo na pauuwiin, e. Huy, walang klase ‘yan ngayon!”
“Uuwi ‘yan si Easton mamaya!” dipensa ni Aaron. “Umalis na kayo, sasapatusin ko talaga kayo! Bwisit.”
Natatawang umalis ang mga kaibigan ni Aaron habang sila naman, naiwan sa classroom dahil hindi pa tapos ang binata na magsulat ng notes sa handouts nito.
Easton watched Aaron do his thing, captivated whenever Aaron would run his fingers on his own hair, tucking some of it behind his ear, though still focused on what he was doing.
He immediately covered his mouth so Aaron wouldn’t see how he blushed and bit his lower lip.
Damn. Aaron looked hot doing that.
“Umuwi ka na pagkakuha mo ng softdrinks,” kalauna’y sabi ni Aaron.
Hindi man lang siya nito sinipat ng tingin at sa halip ay nakapokus lamang sa ginagawa.
Easton hummed. “Tinatamad pa akong umuwi.”
“Wow, sana all tinatamad umuwi. Kasi ako uwing-uwi na,” sagot ni Aaron.
“That’s your problem. Anyway, ilang oras pa lang naman ako rito ‘tsaka wala naman akong gagawin sa bahay.”
“Ikaw bahala.” Aaron tsk-ed when he seemed to have a mistake in highlighting his lessons. “Anong balak mo niyan?”
Oh. So, pinapaalis pala talaga siya ni Aaron. Nadi-distract ba ito sa kanya? Baka hindi na kumportable dahil inaasar ito ng professor kanina sa kanya. That can’t be helped. Ayaw sa kanya ni Aaron, e.
But shouldn’t Easton be used to it by now as well? Hindi lang naman pala siya ang dinala nito sa mga klase para mag-sit in e. Though, ang pagkakaiba e wala naman silang relasyon.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. “Can’t I stay with you until your classes end?”
“No,” Aaron almost immediately replied before he looked at him from the corner of his eyes. “Alas kwatro pa matatapos klase ko. I don’t think you should stay that late. Sayang ang oras mo rito.”
Hindi talaga sayang kung mapapanood ni Easton na mag-perform sa klase si Aaron. They had never been classmates, after all. Though may narinig si Easton na chismis dati na dapat magkaklase sila ng second year hanggang fourth year high school pero nagpapalipat si Aaron sa section two.
Eh. That doesn’t matter now.
“I don’t mind staying until four. Sabi ko nga sa ‘yo, wala naman akong gagawin sa bahay,” aniya, bahagyang umaasa na susukuan siya ni Aaron at sasabihan siyang bahala na sa buhay niya.
Naningkit ang mga mata ni Aaron. “Edi mag-aral ka sa bahay niyo. Pa-chill chill ka rito, parang ‘di estudyante a.”
“Alam ko na lessons namin. Ilang beses ko na nabasa iyong past lessons namin.”
“Wala ka bang thesis?”
“Last semester pa natapos.” Then, he paused. “Ngayon pa lang ba thesis niyo?”
“Kung umasta ka parang ‘di mo ako nakitang tutok sa laptop ko nitong nakaraang araw.”
“I didn’t think it was like that. Ang chill mo kasing tignan kaya hindi pumasok sa isip ko na nagti-thesis kayo.”
Matamang napatitig sina Easton at Aaron sa isa’t isa pero hindi nagtagal, mabilis na nag-iwas ng tingin si Aaron mula sa kanya.
“Tara na, nandiyan na iyong mga susunod na gagamit ng classroom,” mahinang anito.
Nang ipunto iyon ng binata, ‘tsaka pa lamang napansin ni Easton na isa-isa na palang pumapasok ang mga susunod na estudyanteng gagamit ng classroom. Ang iba, napapatigil pa t’wing makikita silang dalawa pero magtatagal ang tingin kay Aaron kalaunan.
Easton heaved a sigh and shook his head. Tumayo siya mula sa kinauupuan ‘tsaka sinundan si Aaron na noo’y hinihintay siya bago sila sabay na lumabas ng klase.
“Educ din ba iyong mga ‘yon?” pag-uusisa niya.
Mahinang humimig si Aaron. “Mga MAPEH major. Ba’t mo naitanong?”
“Wala naman…”
Habang naglalakad sila sa pasilyo, kahit na maingay ang kapaligiran, mas nanaig ang katahimikang namutawi sa pagitan nilang dalawa ni Aaron. Halos mabingi siya dahil wala yata sa balak ng binata na mag-open ng panibagong pag-uusapan.
Anyway, not that Easton minded. Hindi niya naiwasang mapaisip at bahagyang magselos noong mapansin niya kanina na halos hindi lubayan ng mga estudyante kanina si Aaron, kahit na sa paningin lang.
Though, Easton couldn’t really blame them.
Mabilis na sinipat ng tingin ni Easton si Aaron bago siya agad na nag-iwas ng tingin. Pasimple niyang sinapo ang dibdib dahil paminsan-minsan, hindi niya talaga makayanang titigan ang side profile ng binata.
Aaron’s unbelievably handsome, to be honest.
Syempre, hindi naman magpapahuli si Easton sa face value pero kahit na siya ang unang napapansin, kapag nagtagal kasi ay agaw-pansin talaga si Aaron.
“… I’ve never really thought about it before, but you do really look handsome,” Easton soon said which made Aaron pause.
Hindi lingid sa kaalaman niyang natigilan si Aaron sa biglaan niyang pagpuri. Nang ibaling ni Easton ang paningin sa binata, ‘tsaka niya napansing namilog ang mga mata nito at halos mahulog ang panga.
And this time, unlike earlier in class, the red in Aaron’s ears spread across his cheeks and neck—which also left him in awe.
Noong mabawi ni Aaron ang tindig ay mahina siya nitong kinaltukan. “Ngayon mo lang napansin? Mas gwapo nga ako sa ‘yo.”
ㅤㅤㅤㅤWELL FUCK, Aaron’s doomed.
How many months has it been since he and Easton would bump with each other before they casually adopt or drag each other around? Hindi niya maalala, pero sigurado si Aaron na siya ang madalas gumawa ng panghihila dahil palaging mukhang inabandonang tuta si Easton t’wing magkukrus ang landas nilang dalawa.
Nakakunot ang noong pinasadahan ng tingin ni Aaron si Easton na noo’y iniinom ang softdrinks nito habang nag-ii-scroll sa cellphone. They were both outside the classroom he’d have his next class in, with several classmates of his who would sometimes talk about them, yet Easton seemed unfazed.
“Bakit?”
Hindi namalayan ni Aaron na ang ‘pagpasada’ lang sana ng tingin niya kay Easton e nauwi sa matamang pagtitig sa binata. Namilog tuloy ang mga mata niya nang naguguluhan siyang lingunin ni Easton bago nito bahagyang ipinilig ang ulo dala ng pagtataka.
“Marumi ba mukha ko?” dagdag ni Easton.
Aaron’s eyes squinted a bit before he reluctantly nodded his head. Hindi naman talaga marumi ang mukha ni Easton pero hindi niya makuhang sabihin dito na hindi niya sinasadyang mapatitig.
Ah, bahala ito. Hindi na niya problema kung naniwala si Easton sa kanya.
Anyway, why was Aaron staring at him? It didn’t make sense it seemed like his body moved on its own accord and decided that it was best to stare at Easton, watch him slowly sip his drink, and scroll on his phone. It’s not like Aaron was watching this bastard’s adam’s apple move in every gulp he made from his drink.
Tang ina.
Noong mapagtanto ni Aaron kung gaano kagulo ang mga ideya na tumatakbo sa isipan niya, hindi niya naiwasang magpaikot ng mga mata kasabay ng paghilamos ng mukha at mahinang pag-ungol. Gago siya.
“Marumi pa ba?” tanong ulit ni Easton sa kanya nang matapos itong punasan ang mukha.
Aaron heaved a sigh. Talagang pinunasan nito ang mukha.
“Hindi na,” tipid niyang sagot.
Mula sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang kumunot ang noo ni Easton. “Pa’no mo nalaman e hindi mo naman ako tinignan?”
“Buong mukha mo naman na pinunasan mo. Common sense na lang na malinis na ‘yang mukha mo, Easton.”
“No, but what if my face is still dirty? Tignan mo ako.”
Ayaw sana ni Aaron dahil baka kapag napatingin na naman siya sa mukha ni Easton, mauwi na naman sa titig. Hindi niya rin maintindihan kasi alam naman niyang gwapo si Easton, hindi ba nga’t nagustuhan niya ito noong una silang nagkita nang high school pa sila? Pero hindi na siya na-attract dito mula noong malamang masama pala ugali ng isang ito.
Nitong nakaraan, naaapektuhan din siya sa pang-aasar ng mga kaklase niya kapag tungkol sa kanya at kay Easton. It must’ve been because their absurd ideas were just getting in his head, but he had never been easily flustered until recently. Kanina nga sa huling klase niya e ang init ng pakiramdam niya noong asarin sila, may nasabi pa siyang kinulang sa salita kaya iba ang dating kung hindi pa niya nilinaw.
Aaron just doesn’t understand why he’s acting this way because of all people, it had to be Easton. Again.
Lihim na natuwa si Aaron noong sumuko rin si Easton at nagpakawala ng buntong hininga. “Never mind. I’ll just check it myself.”
“May salamin ka naman pala, ipapatingin mo pa sa ‘kin,” sagot niya.
Mahinang humimig si Easton. “Maybe I just like it when you’re looking at me.”
Putahamnida. Fuck Easton. His heart just skipped a beat!
Mahinang napamura si Aaron bago niya mabilis na tinakpan ang kalahati ng mukha nang sa ganoo’y hindi makita ni Easton ang pamumula ng mga pisngi niya. Because hell, he just saw himself on his phone’s screen and found that he was blushing like crazy. Hindi na ito nakakatuwa?!
Aaron gritted his teeth and turned to Easton who still checked his own reflection from his phone. Noong mapansin nitong pinagmamasdan nya ang binata, naguguluhan siyang nilingon ni Easton.
“Bakit? Hindi na marumi mukha ko,” nag-aalangang anito.
Dahil nakatambay silang dalawa sa railings at parehong nakasandal doon, kahit si Easton e likod ang pinangsandal habang nakaharap naman si Aaron sa field ng eskwelahan nila, nakuha ni Aaron na magpahalumbaba.
“Hindi ka pa ba talaga uuwi?” pag-uusisa niya.
Easton’s lips curled upwards before he let a chuckle. “Ba’t ba ang obsessed mong pauwiin ako? I told you I’ll stay until your last class.”
“Because you’re becoming a threat. At least to me.”
“What does that mean?”
Napaayos ng tayo si Easton noong marinig ang sinabi niya. Umusog din ito palapit sa kanya pero mabilis na umiwas si Aaron dahil bigla siyang kinabahan nang saglit na kumiskis sa braso niya ang kay Easton.
Aaron huffed, trying to analyse his situation.
Aaron’s not stupid not to know why he felt electrified even with the slightest touch from Easton. But damn it, he still didn’t want to accept that he’s feeling that with this guy.
“Aaron, what do you mean that I’m a threat? I can’t possible be since I’m just joining your class. ‘Di rin naman ako tinatawag sa mga recitation,” dagdag pa ni Easton.
Ginaya pa ni Easton ang pwesto niya pero hindi tulad niyang nakahalumbaba, nakasandal ang binata’t pinipilit huliin ang mga mata niya.
Aaron just eyed Easton and he snorted. “Hulaan mo.”
Nah. Aaron refuses to acknowledge that he’s attracted to Easton.
Kabanata 6
KABANATA 6
ㅤㅤㅤㅤISANG MALALIM na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Aaron noong magpahinga siya mula sa pagri-review. Dahil damang-dama niya ang pagkangawit dahil kanina pa siya nakayuko habang nagbabasa’t nagha-highlight ng mga impormasyong palagay niya ay kakailanganin sa susunod na exams, nag-inat inat na muna siya.
After Aaron stretched his arms and legs, he tilted his head from side to side to avoid being stiff-necked. He also let out small groans and grunts as he did so.
“Gagi ka naman Aaron, ang hirap mag-aral kapag ikaw iyong kasama!” dinig niyang biro ng isa sa mga babae niyang kaklase. Natatawa pa ito noon kaya napangiti lang din siya.
Umayos sa pagkakaupo si Aaron bago bumaling sa kaklaseng iyon. “Maingay ba ‘ko? Pasensya naman, ngawit na ngawit na ‘ko e.”
“Hindi ‘yon! Ang gwapo mo kasi. Imbes na mag-focus iyong iba sa ‘min na mag-review, napapatitig na lang sila sa ‘yo e. Hindi ko sinasabing sina Farrah—”
“Gwen naman! Napatitig lang ako saglit kasi iniisip ko kung hihiramin ko ba notes ni Aaron! Ang ayos kasi ng kanya!”
“Sus! Magdadahilan ka pa! Para namang hindi namin alam na nagkagusto ka kay Aaron no’ng ‘di pa natin alam na lalaki rin pala gusto niyan!”
“Past is past!”
Dahil sa pag-aasaran ng mga kaklase, hindi naiwasan ng iba nilang kaklase ang matawa rin o hindi kaya ay maasar sa ingay. Of course, some still complimented—not really because he felt teased—Aaron’s face. Inspirasyon daw ng mga kaklase niyang babae ang mukha niya kung isi-set aside raw nila na lalaki rin ang gusto niya.
“Oo nga pala, Aaron may tanong ako!”
Mahinang humimig si Aaron bago tumango, senyas na magtanong na ang kaklase nito habang hindi pa niya nakukuha ang mood na bumalik sa pag-aaral ulit.
“Kumusta kayo no’ng taga-business ad? ‘Yong Easton?” tanong ng kaklase.
Kumibot ang isang kilay ni Aaron. “Ayun, tao pa rin. Tang ina mo, ‘kala ko naman tungkol sa subject natin itatanong mo.”
“Syempre hindi! Maipapasa ko na ‘yang exam pero tsismis na tsismis na kami sa love life mo, ano.”
“Kaya nga, Ron. Sabi mo dati, ayaw mong matsismis kasi gusto mong nakikitsismis tapos ngayon, ikaw na chinichika ng department natin pati ‘yang si Easton!”
Aaron clicked his tongue. “Bakit? Kasi dati siyang nililigawan ni Josiah ta’s bigla-bigla, sa ‘kin siya dumidikit?”
“Oo!” sabay-sabay na pagsang-ayon ng iilan sa mga kaklase.
Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Aaron ang mga mukha ng mga kaklase niya. Pero nanatili siyang tahimik at sa halip na sumagot ay nag-iwas siya ng tingin sa mga ito para mapaisip.
Bumuntong hininga siya.
Totoo naman ang sinabi ng mga ito. Mas gugustuhin ni Aaron na makitsismis o makipagtsismisan imbes na siya iyong pagtsismisan. E kaso hindi naman niya maiwasang madawit kay Easton.
Mula talaga noong makipag-break siya sa ex-boyfriend niya , ‘tsaka nagsunud-sunod iyong gulo e.
Though, over time, Aaron’s opinion of Easton did slightly change.
Hindi naman na si Easton iyong batang sinapak niya dahil ayaw ibalik iyong English textbook niya. Kung tutuusin, nag-mature naman talaga ang binata’t mas naging ‘approachable’ kahit na madalas pa rin ang bali-balitang nag-aabsent ito kasi naoospital. Siguro dahil na lang din sa hindi na sila mga bata kaya may mga pagbabago na sa ugali ng isang iyon.
But…
Easton would always remain as a ‘tyrant’ in Aaron’s mind.
“Wala namang ganap sa ‘min ng isang ‘yon. Dumidikit lang siya sa ‘kin pero iyon lang,” aniya.
Nang bagot siyang sumagot, awtomatikong nawala ang excitement sa mukha ng mga kaklase niya. Deserved. Nakikisawsaw kasi e hindi naman ganoon ang relasyon nilang dalawa ni Easton.
“Akala namin may something kayo kasi iba ‘yong tensyon kapag magkasama kayong dalawa e. Ang intimate,” komento ng isa sa mga kaklase niya.
Napaismid si Aaron. “Intimate, amputa. Gawa-gawa kayo ng sarili ninyong imahe tungkol sa ‘min pero kapag magkasama kami ni Easton, gusto ko lang siyang suntukin kasi ang pabebe niya.”
“Heh! Ginaganahan ka nga ‘pag nandiyan siya e.”
“Malamang! Ayaw ko mapahiya. Baka isipin no’n bumobo na ‘ko e magkalaban kami sa valedictorian noong high school!”
Sa kabila ng pagdi-deny ni Aaron, patuloy pa rin sa pangangantyaw ang mga kaklase niya sa kanya. Hindi na niya pinansin ang mga ito at bumalik na siya sa pagri-review pero hindi naman mabilis patahimikin ang mga kaklase lalo na’t na-overhype ang tungkol sa kanila ni Easton.
Kung hindi lang siguro pinaghahampas ang mga ito ng class president nila, baka hindi rin bumalik sa pag-aaral ang mga kaklase. Good. Makakapag-focus na ulit sila.
Habang nagri-review at pilit na iniintindi ang binabasa, naningkit ang mga mata ni Aaron nang sandaling lumipad ang isipan niya. It was a normal occurrence—every once in a while, when his brain couldn’t process information easily, his mind wandered. At kahit sanay na si Aaron sa ganito, nabigla siya nang lumabas sa isipan niya ang imahe ni Easton.
‘
Kumusta
na kaya ang isang iyon?’ tanong niya sa sarili habang pilit na iniintindi ang binabasa.
Hindi na siya makapag-focus tuloy nang maisip niya si Easton.
Ilang araw na rin kasi niyang hindi nakikita ang anino ng isang iyon. O baka isang linggo’t kalahati na. Nitong nakaraan kasi e naospital si Easton noong bigla na lamang hindi makahinga sa kalagitnaan ng klase.
Aaron supposed it was asthma but he heard that it was because that stupid guy ran to his class since he was late. Bobo e alam na ngang hindi iyon kaya ng katawan nito. He also wondered why Easton wouldn’t get a surgery but he wasn’t one to ask.
‘
Dinala
siguro sa
ospital
iyong exam papers ng isang iyon
katulad
no’ng high school pa kami…’ he added as he hummed. ‘Good luck sa
kanya.’
ㅤㅤㅤㅤAARON MENTALLY celebrated when the exams for today was finally over. Parang gusto niyang magpa-party na ewan pero hindi naman siya ganoon kayaman. Siguro susunduin na lang niya si Ridge sa eskwelahan nang sa ganoo’y mabilhan niya ng ice cream iyong kapatid niya? Advance na celebration dahil kampante siyang nakapasa siya.
Aaron clenched his fists and stretched his arms as he walked along the hallways. Nauna na siya sa mga kaklase niya dahil may balak pang kumain sa labas ang mga ito habang siya e wala nang enerhiya para makihalubilo.
Habang palapit na si Aaron sa labasan ng educ building, mayroon siyang narinig na mabibigat na mga yabag na papunta sa kanya. In short, basta
tumatakbo
.
Hindi pinag-isipan ni Aaron ng masama iyong tumatakbo dahil nasa gilid naman siya’t maluwang ang daraanan sa gitna ng pasilyo. E kaso noong nakalapit sa kanya iyong mga yabag ay mabilis ding tumigil ang pagtakbo noong taong nasa likod niya. Kinutuban tuloy siya.
“Aaron…”
Punyemas. Ito na nga ba ang sinasabi niya.
Nagdadalawang isip man kung lilingon siya o hindi, hindi naman binigyan ng sapat na oras si Aaron para mag-isip noong tumapat sa gilid niya iyong tumawag sa kanya. Noong pasadahan niya ng tingin, ‘tsaka niya natagpuan si Josiah na sumasabay ng lakad sa kanya.
Josiah smiled at him. “Pwede ba tayong mag-usap?”
Pupwede rin ba siyang humindi? Ayaw nga niya.
Should Aaron pretend that he didn’t hear Josiah? Kaso hindi naman siya nagsuot ng earphones kaya wala siyang makukuha kahit na magkunwari siya. Tang ina, bakit ba hindi siya nag-earphones noong pagkalabas niya ng classroom? Edi sana may alibi siyang hindi niya napansin si Josiah kahit tumabi ito sa kanya.
Bobo moments. His regrets.
Should Aaron just ignore Josiah? Like, play it out that he didn’t notice him at all. But he’s just beside him and he could see the man just fine from his peripheral vision.
Ah, what should he do? He was already starting to sweat.
Lihim siyang bumuntong hininga. Tang ina, kahit naman yata iwasan niya itong si Josiah ay gagawa’t gagawa pa rin ito ng paraan para makausap siya. Ganoon niya ito naaalala kahit noong magkaklase sila noong first year college sila, e.
‘Tsaka ayaw lang naman din talagang kausapin ni Aaron ang isang ito dahil baka magtanong tungkol sa kanila ni Easton. Kahit pa na wala naman siyang tinatago dahil wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ng binata.
“Ang lalim ng iniisip mo, a?” saad ulit ni Josiah, halata sa boses nito ang pagkaaliw dahil hindi niya ito pinapansin.
Sa huli, sumuko na lang din si Aaron. “May hangover pa ‘ko sa exams namin…”
“Ah, oo nga pala. E kung ikukumpara sa exams niyo, mas mahirap pa rin ‘yong amin dahil puro numbers. Iyang sa inyo, language lang naman. Madali lang naman iyang english, ‘di ba?”
Imbes na sumagot ay ngumiti lamang si Aaron.
Bigla niyang naalala kung bakit hindi niya gustong nakikipag-usap sa isang ito. Feeling superior na akala mo pang-Jimmy Neutron ang utak dahil math ang major nito tapos binababa iyong ibang subject major.
Mag-walk out na kaya siya?
“Oo nga pala, hindi ‘yan iyong ipinunta ko rito. May itatanong lang sana ako sa ‘yo, Aaron,” kalauna’y sabi ni Josiah noong mapansin nitong wala nang balak sagutin ni Aaron ang sinabi nito kanina.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. “Tungkol saan?”
“Tungkol sana kay Easton.”
Noong makumpirmang tama ang hinala niya sa itatanong dapat ni Josiah, muntik matalisod si Aaron. Mabuti na lang at nakakapit siya sa pader bago siya tuluyang natumba.
Tama bang ginugulat siya ng ganyan?
Teka, sumakit iyong likod ni Aaron nang magkunwari siyang natalisod. Signs of aging. Tumatanda na siya.
Natatawang tinapik ni Josiah ang balikat niya. “Napa’no ka? Bigla ka na lang natalisod. Clumsy ka pala, Ron?”
Aaron heaved a deep sigh. “Hindi… Nagulat lang ako sa ‘yo.”
“Bale… reflex mong matalisod ‘pag nagugulat ka?”
“H’wag na nating pag-usapan ‘to baka humaba lang.”
Aaron eyed Josiah before he averted his gaze to look outside the building. Thankfully, it wasn’t scorching hot outside today because it was cloudy… So, it was unbelievably pleasing to look at the scenery outside.
“Anong itatanong mo tungkol kay Mariano?” tanong niya kay Josiah.
Nang matapos na. Para makauwi na siya. Nami-miss na niya si Ridge. Ilalayo pa niya ang batang iyon mula sa asungot na umaaligid na kababata nito.
Noong ibalik ni Aaron sa ‘tamang landas’ ang usapan nila ni Josiah, tila ba nagulat ang binata, siguro dahil nakalimutan nito ang pakay. Malay ba niya.
“Ah, oo nga pala tungkol diyan, hindi na ‘ko magpapaliguy-ligoy, a?” panimula ni Josiah bago ito humigop ng malalim na hininga. “Kayo ba ni Easton, Aaron?”
Imbes na mamangha sa tanong ni Josiah, hindi makuha ni Aaron sa sarili ang magulat dahil inaasahan na niya ang tanong na iyan. Si Aaron ba naman iyong madalas matsismis nitong nakaraan dahil madalas silang magkasama ni Easton. Malamang inasahan na niyang darating sa punto na tatanungin siya ni Josiah kung sila ba ni Easton.
“Hindi,” mabilis niyang sagot. “Nagtanong ka dahil sa tsismis ‘no?”
Hindi itinago ni Josiah ang pagkagulat. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binata kasabay ng pag-iisang linya ng mga labi nito. “Ang bilis mo namang sumagot…”
“Inaasahan ko na ‘yang tanong mo noon palang lumapit ka sa ‘kin.”
Kinamot ni Josiah ang pisngi at napaiwas ito ng tingin. “Halata pala. E, hindi ko maiwasang ma-curious kasi nililigawan ko si Easton tapos noong inaaya ko siyang lumabas, bigla ka niyang hinablot ‘tsaka hinila paalis.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Aaron nang marinig ang pagkukwento ni Josiah dahil oo nga naman, naaalala niya rin iyong biglaang paghablot ni Easton sa kanya sa pasilyo habang magkausap ito at si Josiah. Niri-reject ni Easton noon ang binata tapos bigla na lang siyang pinasok sa litrato. Aba malamang, magtataka ang isang ito.
Gago talaga si Easton.
Bahagyang kumunot ang noo ni Aaron nang malaman na nililigawan pa rin pala ni Josiah si Easton.
He was torn between being awed and thinking that the man was crazy. Ilang beses na nga itong na-reject ni Easton, prior na naging ‘close’ sila slight ng binata, at habang madalas silang magkasama pero pursigido pa rin itong manligaw. If it was Aaron, he would’ve just stopped.
“Okay lang ba kung sa ibang lugar tayo mag-usap? May mga nag-eexam pa kasi sa classroom malapit sa atin,” kalauna’y pag-aaya ni Josiah.
Aaron shook his head and waved at him. “May lakad pa ‘ko, Josiah. ‘Tsaka hindi ka pa ba nakuntento ro’n sa sinabi kong walang namamagitan sa ‘min ni Easton? Hindi kami magkaanu-ano ng isang ‘yon.”
“Hindi pa… Madalas kasi kayong magkasama ‘tsaka may narinig kasi akong may history kayong dalawa.”
“Anong history?”
“Na magka-schoolmate kayo ni Easton tapos madalas kayong magkasama sa mga competition.”
History na ‘yon?
Namamanghang pinagmasdan ni Aaron si Josiah. If anything, he was loudly judging him, he just wasn’t being verbal. Hindi naman makuha ni Josiah ang makiramdam dahil mukhang matindi ang paniniwala nito na may history sila ni Easton.
‘Bobo ka ba?’ —was what Aaron would like to ask this man but instead, he settled with: “Magka-schoolmate lang kami ni Easton pero iyon lang ‘yon. Baka nakakalimutan mong sila ni Wade noong high school kami at kailan lang sila nag-break?”
Aaron wanted to snort when Josiah seemed to realize what he was pointing out. This stupid guy’s reaction made him hiss and avert his gaze away.
“Ewan ko sa’n mo nakukuha ‘yang source of info mo Josiah pero ‘di reliable. Mauuna na ‘ko, may lakad pa ‘ko.”
ㅤㅤㅤㅤ“RIDGE!”
Forget about getting ice cream with his brother. An emergency hit them like a fucking truck!
Nagmamadaling tumakbo papasok ng ospital si Aaron habang panay ang paglinga para hanapin ang nakababatang kapatid. Ang sabi nito, nasa second floor ito kasama ang asungot nitong best friend, pero hindi niya ito makita kahit saan.
His heart was beating fast and he was sweating all over. He was— if not almost —shaking trying to find his younger brother around.
Almost half an hour ago, noong halos kasasakay lamang ni Aaron sa jeep, nakatanggap siya ng chat mula sa kapatid pagka-open na pagka-open niya rin ng data. And knowing Ridge, his little brother wouldn’t even bother to leave him a chat unless he wanted to get spoiled, if he needed something, or if there was an emergency.
Noong una, napangiti pa si Aaron noong makitang mag-chat ang kapatid niya pero noong buksan niya ang conversation nilang dalawa, nabigla siya noong halos puro umiiyak at natatarantang stickers ang nakita niya. Nang mag-scroll up siya, ‘tsaka niya nalamang nasa ospital ito dahil noong umuwi kasama si Zamiel, natagpuan daw ng mga ito na walang malay ang nanay nila sa kusina.
Aaron swallowed the hard lump in his throat. He could only imagine his brother’s reaction when he found their mother lying on the floor, unconscious.
Ridge wasn’t even good with his feelings but if he’s overwhelmed, he either disassociates or breaks down.
“Ridge!” tawag niya ulit sa kapatid habang naglalakad sa pasilyo ng ospital hinahanap ang nakababatang kapatid.
Ridge was nowhere to be found. Even the damned Zamiel couldn’t be found anywhere.
Aaron already left a chat asking where their mother was confined, but his messages were left unanswered.
Anong gagawin niya? Hindi niya makuha sa sarili ang kumalma. Kailangan niyang makita ang nanay nila, kailangan niya ring makita si Ridge.
Nakailang lingon si Aaron sa buong paligid kakahanap sa kapatid niya o hindi kaya iyong asungot nitong kaibigan. Hindi lingid sa kaalaman ni Aaron na pinagtitinginan na siya ng mga pasyente sa paligid, pati na rin iyong ibang nurse na mukhang balak na siyang lapitan dahil natutuliro na siya.
But Aaron could only care less about them because he’s so busy searching for his younger brother and his mother.
“Kuya…?”
Noong oras na marinig ni Aaron ang boses ni Ridge, awtomatiko siyang lumingon sa direksyon kung saan niya ito narinig.
He was supposed to reprimand his brother because he wasn’t replying to any of his text messages, or probably kick Zamiel’s ass because he could’ve dragged Ridge somewhere (not serious, Aaron knew that Ridge might’ve panicked and Zamiel had to take him out of the place to calm him down and he’s grateful) but he did none of that.
Imbes kasi na si Ridge ang pinakaunang makita ni Aaron, nanlaki ang mga mata niya nang matagpuang kasama nito at ng asungot na si Zamiel si Easton.
Hindi hospital gown ang suot ni Easton kung hindi parang pajama pero mukha pa rin naman itong pasyente dahil may hinihila-hila itong dextrose.
Aaron absent-mindedly pointed at Easton out of disbelief. Marami siyang gustong sabihin pero bago pa may salitang kumawala mula sa bibig niya, kaagad niyang nalunok iyon nang dali-daling lumapit sa kanya si Ridge at yumakap.
“Kuya… Si Mama…” Ridge’s voice trembled as he spoke and Aaron’s heart immediately broke for his brother.
Noon lamang niya naisip na baka kabadong-kabado si Ridge noong matagpuan nito ang ina nilang nakahandusay sa kusina hanggang sa maiyak ito. Baka nga nilabas saglit ni Zamiel para makahigop ng sariwang hangin at maikalma ang sarili… pero bakit nito kasama si Easton?
Aaron immediately hugged Ridge back and started to pat his head. “Alam ko, pero sa’n ka galing? Kanina pa kita hinahanap. Chat ako nang chat sa ‘yo pero ‘di ka naman sumasagot. Tinanong din kita kung sa’n na-confine si mama pero wala kang reply.”
“So—sorry…” Ridge sobbed. “Natakot ako, kuya…”
Bumuntong hininga siya. “Ayos lang. So, nasa’n si mama?”
“Doon… ‘Di pa lumalabas doktor…”
Kumunot ang noo ni Aaron nang bahagyang humiwalay sa kanya si Ridge at mayroong iturong kwarto malapit sa kanila. Nang makitang ER iyon, napaatras siya’t nayakap nang mahigpit si Ridge.
“May nangyari pa ba kay mama bukod sa nahimatay?” tanong niya.
Umiling si Ridge. “Hindi ko alam… Nauntog sa lamesa? O baka sa sahig? Hindi ako sigurado.”
Ah. Okay. Baka chini-check kung may concussion? Pero ang tagal naman ng doktor sa ER kung iyon lang? Halos kalahating oras siyang bumyahe papunta rito dahil traffic banda sa palengke.
Nagpakawala ng hininga si Aaron at ginulo ang buhok ni Ridge. Malamang, awtomatikong napasimangot ang nakababatang kapatid pero mukhang wala rin ito sa mood na awayin siya dahil mas kumapit lamang ito sa kanya.
Ngayong natititigan din ni Aaron si Ridge, ‘tsaka niya napansing namumugto ang mga mata nito. “Natakot ka, ‘no? Okay lang ‘yan si mama, baka chini-check nga lang kung may concussion ba siya. Buti naisugod ninyo agad sa ospital. Nakapagpalamig ka na ba?”
Ridge pursed his lips and nodded slightly. “Pinakalma ako ni Zamiel kanina ta’s nilibre kami no’ng kuya ro’n… Uh, si kuya Easton.”
He knew it.
Nag-angat ng tingin si Aaron pero ang pinakaunang hinanap niya e si Zamiel. “Hoy, asungot.”
“Hindi ako asungot!” naiiritang balik ni Zamiel.
Wala ito sa mood kanina makipag-away pero noong tawagin niyang asungot, kaagad na sumimangot e.
Aaron just clicked his tongue at Zamiel. “Kunin mo muna ‘tong si Ridge, ro’n muna kayo sa upuan magpahinga o kung gusto niyong maglakad-lakad pa sa labas, gawin niyo.”
“Kakagaling lang namin do’n?!” sagot ni Zamiel.
“Wala akong pake. Magpahangin muna kayo, kakausapin ko lang ‘yang nanlibre sa inyo.”
“Aawayin mo?” hindi makapaniwalang sabad ni Ridge.
Inismiran niya ang kapatid. “Hindi. Nagulat lang ako na may gana pa ‘yang manlibre e isa rin ‘yang naka-confine rito.”
“Magkakilala kayo?” tanong naman ni Zamiel.
“Sa kasamaang palad…” aniya bago pinasadahan ng tingin si Easton.
Mukhang naaaliw ito habang kausap niya sina Ridge at Zamiel pero sinimangutan lamang niya ang binata.
Kabanata 7
KABANATA 7
ㅤㅤㅤHUMIGOP NG malalim na hininga si Aaron noong sa wakas ay nakumbinsi niya rin sina Ridge at Zamiel na lumayo nang kaunti sa kanila ni Easton. Noong una, ayaw talagang bumitaw ni Ridge at naiintindihan niya rin naman kung bakit pero mahihirapan siyang makipag-usap kay Easton kung nakakapit sa kanya ang kapatid.
Matamang pinagmamasdan ni Aaron si Easton at inoobserbahan ang kalagayan nito. As usual, maputla pa rin si Easton pero parang mas nawalan ng kulay ang balat nito kaya napasimangot siya. Pumayat din ng kaunti ang binata, mas lalo tuloy itong nagmukhang payatot. Medyo lumubog din ang mga mata ni Easton, mukhang wala pa itong maayos na tulog mula nang maospital.
Habang abala si Aaron na obserbahan si Easton, nahigit siya pabalik sa realidad nang marinig ang mahinang paghimig ng binata.
“I picked him and his friend up because he reminded me of you. I thought na kahawig mo lang siya, ‘di ko inaasahang siya pala iyong kapatid mong obsessed na obsessed ka,” kalauna’y basag ni Easton sa katahimikang namutawi sa pagitan nila ni Aaron.
Muntik matawa si Aaron nang sitahin nito ang pagiging obsessed niya sa kapatid—kasi totoo naman. But it’s more like, Aaron was so attached and his desire to protect Ridge was so strong because when their mother left to work her spine off when they were younger; all Aaron had was Ridge.
“He was crying real badly earlier. So I thought I’d treat them and buy them some ice cream…” Natatawang napailing si Easton. “Nakakatawa lang. I should’ve known since he resembles you too much it was suspicious. Aura and all.”
Ipinilig ni Aaron ang ulo. Pinasadahan niya ng mabilis na tingin sina Ridge at nang matagpuang mataman silang pinanonood ng kapatid habang si Zamiel naman e abalang i-distract si Ridge, ibinalik niya ang atensyon kay Easton.
“Thank you for looking after my little brother while I was away,” he started before he heaved a sigh.
Mahinang natawa si Easton. “Parang dismayado ka yatang ako ang nanlibre sa kanya? Would you like it better if someone else did it for him?”
“Pinagsasasabi mo? Bumuntong hininga ako kasi na-stress ako no’ng hindi ko mahanap ‘yang kapatid ko tapos malalaman kong ikaw lang pala ang nakapulot sa kanila noong asungot niyang kaibigan.”
Easton seemed surprised that he wasn’t a bit bothered that he helped Aaron’s brother, but why would he? Sure, hindi niya gusto si Easton ninety-nine percent of the time pero hindi naman siya gago na mang-aaway e iyong side nga niya ang may utang na loob.
Aaron had let out a sigh when Easton didn’t move at all. Nag-iwas siya saglit ng tingin sa binata at inisip kung ano pa ba ang magandang sabihin sa sitwasyong ito bukod sa ‘salamat’. Well, they hadn’t seen each other since last week, after all. It should be reasonable that they converse more, right?
It shouldn’t hurt.
But first things first. Aaron didn’t like the idea of being on the receiving end of a good deed.
“Anyway,” panimula niya bago siya tumikhim para maisaayos ang mga ideya sa isipan nya. “Ayokong tumatanggap lang ng good deed mula sa ibang tao. So… let me make it up to you.”
Aaron’s forehead slightly creased when Easton’s facial expression drastically changed after hearing what he said. He wasn’t ignorant to miss the amusement that danced on Easton’s eyes when he mentioned that he’d make it up to him, nor that small smile that played on his lips, and Easton was trying his best to cover up by pressing his lips together.
The man seemed like he couldn’t take it anymore so he brought his hand to cover up the lower part of his face. “You would…?”
May bahid ng paniniguro ang tono ng boses ni Easton.
Tipid siyang tumango. “Yeah. Sure. Why not? You helped my brother calm down and I didn’t like being indebted to you so this makes sense to me.”
“And do you have plans already?”
“Plans sa pagbawi? Wala, syempre. I just asked you right now but clearly, I have no idea of how I could make it up to you so we’ll probably do it in your way.”
Habang ipinapaliwanag ni Aaron kay Easton na sa paraang gusto nito siya babawi sa binata, hindi niya napansin ang paglawak ng ngiti sa mga labi ni Easton. Tila ba hinihintay nito na sabihin niyang ito ang mag-iisip kung paano siya babawi, e.
But it was also safe to say that Aaron didn’t bother to think about the possibilities that Easton would ask him something absurd. May utang na loob siya at plano niyang sumakay lang sa trip nito.
“Get me this…” Easton trailed off. “Ako ang bahala mag-isip, ‘di ba? Ako ang magdedesisyon kung anong gagawin mo para makabawi ka sa ‘kin?”
Kumunot ang noo ni Aaron nang hindi niya maintindihan kung bakit tila naniniguro pa si Easton samantalang malinaw naman ang sinabi niya.
“Naospital ka lang, naging bingi ka na. Oo, ikaw ang bahala kung ano ang gagawin ko—”
Hindi pa man natatapos ni Aaron ang sasabihin, mabilis siyang inagapan ni Easton kasabay ng pagsasabi nito kung ano ang gusto nitong gawin niya.
“Take me out on a date,” Easton said.
He didn’t even hesitate. He didn’t stutter. Easton just dropped a bomb and left Aaron astounded.
Napanganga lamang si Aaron dahil hindi niya alam kung paano ba siya dapat mag-react sa sinabi ni Easton. He had a lot of things to say, though. A lot of thoughts to process—but his body wasn’t coordinating with him. Kaya napatitig lamang siya kay Easton.
Namamangha. Hindi makapaniwala.
“Take me out on a date,” ulit pa ng binata. Mas pirmi ang boses nito kaya mas lalong nagulat si Aaron.
Aaron took a step back and exhaled sharply. Puta, paano ba niya dapat i-approach ang sitwasyong ito? Iyong nanay niya nasa ER pa tapos iyong kapatid niya, pinapanood sila ni Easton mag-usap habang itong kaharap niya, bigla-bigla na lang siyang inaayang mag-date?!
Ni hindi na niya ito nakumusta!
“You wouldn’t say no, right? Since sabi mo babawi ka sa ‘kin and we’ll do it in my way,” Easton added before he took his hand out from the lower part of his face, revealing a mischievous smile. “Since you didn’t want to be indebted to me, taking me out on a date should be the least you could do.”
Hindi maintindihan ni Aaron kung bakit parang pursigidong-pursigido rin si Easton na mag-date silang dalawa pero bago pa man siya makapagsalita, nabigla siya nang marinig na bumukas ang pinto sa ER at lumabas iyong doktor na nag-asikaso sa nanay nila ni Ridge.
Aaron also heard Ridge panic and grab onto Zamiel, who hissed when Ridge seemed to pinch his arm.
Nilingon saglit ni Aaron ang doktor at mga nurse bago niya ibinalik ang tingin kay Easton. Natagpuan niya ang binata na nabigla rin nang lumabas na ang mga nag-asikaso sa ina niya mula sa ER bago ito napatingin din sa kanya nang lingunin niya ito.
“I-text mo sa akin kung sa’n ka naka-confine, pupuntahan kita mamaya. Aasikasuhin ko lang sina mama ‘tsaka Ridge, magpahinga ka na muna,” aniya na may bahid ng pagmamadali sa paraan ng pananalita.
Tumango si Easton at ngumiti. “Okay. See you later. Pakikumusta na lang din ako sa mama mo.”
ㅤㅤㅤㅤTHANKFULLY, Aaron’s mom’s condition wasn’t that bad. Nahimatay lamang daw ang nanay nila ni Ridge dala ng pagod at stress— fatigue , in short. Natagalan lang daw talaga sa pagtingin dahil siniguro na walang natamong concussion ang nanay nila. Though, meron naman talaga pero hindi ganoon kalala kaya niresetahan sila ng gamot at sinabihan kung ano ang do’s and don’ts sa sitwasyong ito.
“Kuya…”
Mabilis na nahila pabalik sa realidad si Aaron noong marinig niya ang boses ni Ridge. ‘Tsaka lamang din niya naramdaman na hawak-hawak ng nakababatang kapatid ang dulo ng manggas niya at bahagya iyong hinihila-hila.
Nang hanapin ng mga mata niya ang pigura ni Ridge, natagpuan niya itong mamasa-masa ang mga mata’t tila ba nagbabadya na namang umiyak. Nasa likod nito si Zamiel na tila ba nagku-contemplate rin kung anong gagawin para pakalmahin ang kapatid niya.
“Anong oras gigising si Mama…?” nag-aalangang tanong ni Ridge bago ito suminghot.
Kahit cute na cute si Aaron sa nakababatang kapatid, alam niyang hindi ito ang tamang oras para guluhin ito dahil kanina pa ito nag-aalala. He could only imagine how panicked Ridge was when he found their mother lying on the cold floor. The horrors of it—lalo na’t ito yata ang unang beses na makita ni Ridge na mahimatay ang nanay nila.
Mahina siyang humimig bago niya ipinilig ang ulo. “Mamaya pa sigurong kaunti. Fatigued si Mama, kailangan niya ng pahinga.”
“Ba’t siya fatigued? Ano dahilan no’n?” tanong ni Ridge.
Bago pa man niya masagot ang tanong ng kapatid, naunahan na siya ni Zamiel. “Stress, pagod, kulang sa tulog, walang maayos na kain—there are a lot of things that might contribute to her fatigue.”
“Ah…” Ridge paused before he turned to Zamiel. “Ang galing mo naman do’n, Miel.”
“Oo. Ako pa ba?” mayabang namang tugon noong asungot.
Kunot noong pinanood ni Aaron ang magkaibigan na mag-usap tungkol sa fatigue ng nanay nila ni Ridge, pati na rin kung ano ang estimated time ng paggising ng ina nila.
He wasn’t unimpressed that Zamiel knew these things, although it’s usually common knowledge, but that kid could go in depth about fatigue and would explain it to his brother in the simplest terms he could find just so Ridge would immediately understand—and that is different.
Ilang minuto pa niyang pinagmasdan ang dalawa bago niya pinasadahan ng tingin ang nanay nila. Nang makitang mahimbing pa rin ang tulog nito, napagdesisyunan ni Aaron na umahon na mula sa kinauupuan at gawin ang mga dapat niyang gawin.
“Sa’n ka pupunta, Kuya?” nagtatakang tanong ni Ridge sa kanya habang kinukuha niya ang cellphone mula sa bulsa.
“Bibili ako ng makakain natin pati ni Mama,” sagot naman niya bago niya ginamit ang isang kamay para abutin si Ridge at guluhin ang buhok nito. Hindi siya nagtaka nang hindi ito magreklamo. “Maiiwanan ko naman kayo saglit niyang asungot ‘no?”
“Hindi ako asungot,” nakasimangot na sagot ni Zamiel.
When Aaron finally fished his phone from his pocket, he immediately opened his messenger and found Easton’s message. Sinabi lang nito kung saan ito naka-confine at kung anong oras ito matutulog. It was seven o’clock and it’s still around five thirty-ish. They could still meet for a bit.
Nang alisin niya ang mga mata sa cellphone at ibalik ang atensyon kina Ridge at Zamiel ‘tsaka niya natagpuan ang dalawa na nagpapalitan pala ng tingin pero noong mapansing nakatingin na siya sa mga ito e sinalubong din ng dalawa ang mga mata niya.
Tinaasan ni Aaron ng kilay sina Ridge. “Ano ‘yan? Ba’t nagpapalitan kayo ng tingin?”
Ridge pursed his lips before he tilted his head. “Pupuntahan mo si Kuya Easton, ‘no?”
Aaron’s forehead furrowed. Sabi na nga ba’t nakikinig sina Ridge at Zamiel sa pinag-uusapan nila ni Easton lalo na noong nagpakawala ng nakakalokong tingin ang nakababatang kapatid. It was as if Ridge knew something, and Aaron knew what was running inside that pretty little head of his beloved brother.
Siya ang nagpalaki riyan, e.
“If you knew, you shouldn’t have asked.” Bumuntong hininga siya. “Hindi ako magtatagal sa kanya kasi baka magising din si Mama mamayang kaunti. Bantayan nyo siya. If something comes up, call the doctors and me. Immediately, okay?”
ㅤㅤㅤㅤAFTER LEAVING Ridge and Zamiel to look after their mother, Aaron decided to go to Easton’s room first. Ilang beses siyang kumatok bago niya narinig ang boses ng binata na pinapapasok siya. Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto ‘tsaka niya natagpuan ang binatang nakaupo sa hospital bed nito habang may nurse na tumutulong dito na ayusin ang dextrose na nakakabit sa palapulsuhan nito.
“Is it a bad time?” panimula niya bago siya tumapak papasok sa hospital room ni Easton.
Tipid na ngumiti ang binata bago umiling. “Patapos naman na si nurse Jones dito, ‘di ba?”
Tumango ang nurse. “Oo naman, minamadali ko na kasi nandiyan na pala boyfriend mo. Sandali lang, a.”
Noong marinig na maakusahan siyang boyfriend ni Easton, ibinuka ni Aaron ang bibig para sana linawing hindi sila magkaanu-ano ng binata pero noong mahinang tumawa si Easton, may kung anong espiritung bumulong sa kanya na huwag nang ituloy ang sasabihin.
So, Aaron closed his mouth and pressed his lips together. He slowly made his way beside Easton’s hospital bed while Easton conversed with his nurse until they left.
“Mabuti ‘di ka nag-react no’ng sinabi niyang boyfriend kita? You probably knew that he’s just joking, no?” si Easton naman ang nagbukas ng mapag-uusapan nila nang makaalis na si nurse Jones sa kwarto nito.
Imbes na sumagot ay pinagmasdan ni Aaron si Easton. Ini-in take lang niya ulit ang itsura ng binata at kung gaano kalaki ang ipinayat nito. Noong makuntento, nagpakawala siya ng buntong hininga’t hinayaan ang sariling madala sa kung sinumang bumubulong sa tenga niya na tapikin ang ulo ng binata.
He did. And Easton seemed surprised beyond belief.
“I’ll cut the chase in a minute. Nasa’n parents mo?” tanong niya.
His voice was, how should he say this? Unbelievably calm and affection—very different from the usual Aaron that would face Easton everyday. But there was just something about how Easton appeared in front of him today that convinced him that they’re on a ceasefire right now.
Siguro naaawa siya kay Easton, pero naninikip ang dibdib niya ngayong nakikita niya ang kalagayan nito.
Easton seemed to suck in a breath with the way he spoke. Ilang beses itong nag-iwas ng tingin at mukhang nagpa-panic mentally kaya inalis ni Aaron ang kamay sa ulo nito. Mukha namang nakatulong iyon para makahinga nang maluwang ang binata pero tila ba nadismaya rin ito nang alisin nga ni Aaron ang kamay niya.
Seriously. Ano bang gusto ng isang ito?
“They’re out on a business trip…” mahinang usal ni Easton noong oras na nakolekta na nito ang isasagot.
Kumunot ang noo ni Aaron. “E sinong nag-aalaga sa ‘yo rito?”
Easton seemed hesitant to answer by the way he clenched his fists and grasped his comforter tightly. Hindi nagtagal ay tila ba kabado itong natawa.
“You’re not here for that, ‘di ba? Nandito ka kasi sinabi kong gusto kong mag-date tayong dalawa,” anito.
Nagkibit balikat si Aaron. “I told you I’ll cut to the chase later. Gusto ko lang naman malaman kung sinong nag-aalaga sa ‘yo rito kasi mag-iisang linggo ka na yatang hindi pumapasok. Exams din natin ngayong linggo.”
“Hindi mo na kailangang malaman. Just know na naaalagaan ako nang maayos dito kaya wala kang dapat ikaintindi. ‘Tsaka sanay naman na ang parents ko na madalas akong naoospital tapos importante rin ang mga lakad nila kaya ayos lang na ako mag-isa rito.”
“Bale, iyong nurse mo ang nag-aalaga sa ‘yo, ano?”
“I never said that.”
“That was what I inferred. Pinahaba mo pa. ‘Di naman kita aanuhin kung sinong nag-aalaga sa ‘yo.”
Easton frowned and looked away. “Baka kasi isipin mong nagpapaawa ako kaya ayaw kitang sagutin nang diretso.”
“Ba’t ko naman iisipin ‘yon? You’re too stubborn to act like that.” Nagpakawala ng malalim na hininga si Aaron bago siya umupo sa gilid ng kama ni Easton.
He knew—Aaron wasn’t stupid nor was he dense—that Easton stiffened when he sat beside him.
The way Easton flinched and unexpectedly scooted back, the way his back straightened because he hit the backrest of his bed. Aaron knew and saw it all.
It made Aaron inwardly smile, but when he realized how weird it was, he immediately swallowed that smile down and desperately tried to forget that it happened.
Humigop siya ng malalim na hininga bago nagsalita, “sobra na ba kung itatanong ko kung binisita ka na ba ng mga magulang mo?”
Naningkit ang mga mata ni Easton bago ito umismid. “Sila iyong nagdala rito sa ‘kin. Nag-sorry sila na ‘di sila magtatagal kasi meron silang business trip na kailangang asikasuhin. They’ll be home the day after.”
An awkward silence embraced the atmosphere. Hindi maiwasan ni Aaron na pagmasdan si Easton matapos ng pagtatanong, iniisip niya kung nakaka-offend ba siya. But at the same time, Easton seemed to be not bothered.
“Sorry. It seems like I pried too much,” Aaron said after the long silence.
Bahagyang ipinilig ni Easton ang ulo bago ito tumawa. “Not really. I get why you’re curious. Kasi ‘di ba usually, immediate family ang dapat na bubungad sa ‘yo kapasok mo sa kwarto ko?”
Ngumiti lamang si Aaron bago umayos sa pagkakaupo. Ipinagkrus niya ang mga binti bago inilagay ang mga kamay sa magkabilang gilid ng katawan para suportahan ang sariling bigat.
“Anyway,” he trailed off and cleared his throat. “…about the stupid date that you’re asking from me.”
Napaismid si Aaron noong taasan siya ng isang kilay ni Easton nang tawagin niyang ‘stupid’ ang date nila.
Easton’s lips pursed. “It’s not stupid. Grabe ka, sabi mo ayaw mo na may utang na loob sa ‘kin ta’s tatawagin mong stupid ang ideya ko?”
He clicked his tongue. “I think it is. Siguro crush mo ako, ‘no?”
Mahina siyang natawa noong pinamulahan ng mga pisngi si Easton at mabilis itong nag-iwas ng tingin mula sa kanya. Noong magkakulay ang maputlang balat nito, parang nakahinga nang maluwag si Aaron.
He doesn’t know why. Siguro kasi ang lungkot nitong tignan kanina tapos halos mukha na itong bangkay.
Tama na nga. Baka kapag inasar niya pa si Easton, sipain siya nito palabas ng kwarto nito. At saka kailangan niyang balikan sina Ridge dahil baka gising na ang nanay nila o baka nagugutom na ito at ang asungot nitong kasama.
“Kailan labas mo rito?” pag-uusisa niya.
Easton tensed and he sweat dropped. “Hindi rin ako sigurado. For observation pa rin kasi ako.”
“Magpapa-surgery ka?”
“I don’t think my heart disease can be solved through surgery but I’ll see to it.” Easton heaved a sigh. “Hopefully, next week pero kung malas ako, next month.”
Mahinang humimig si Aaron. “Ngayong napag-uusapan natin ‘to, ngayon ko lang na-realize ang tagal mo pala talaga sa ospital.”
Ipinilig ni Aaron ang ulo’t ipinatong ang isang kamay sa hita niya. He played with his fingers for a bit until he got bored. Hinihintay niyang magsalita si Easton pero mukhang hindi rin nito alam ang sasabihin.
So, he decided to conclude the conversation.
“Habang nandito si Mama, dadaanan din kita para ‘di ka naman mukhang loner dito,” panimula niya bago niya itinulak ang sarili patayo mula sa kinauupuan.
Ramdam niya ang pagsunod ng mga mata ni Easton sa kanya, pinanonood ang bawat kilos niya, pero dala ng hiya e iniiwasan niyang tignan pabalik ang binata.
“Also, I could wait,” dagdag pa niya.
Pinasadahan niya ng mabilis na tingin si Easton at noong matagpuang may naglalarong ngiti sa mga labi ng binata e nagpakawala siya ng hininga.
“Hindi naman ako nagmamadali sa pagbabayad ng utang na loob. ‘Tsaka alangan namang kidnapin kita palabas dito? Baka mamaya dalhin kita kung saan-saan e bigla ka nalang atakihin sa puso.”
Aaron tsk-ed and rolled his eyes heavenward. Si Easton naman, mahina lamang na natawa.
“Mabuti, kasi baka magtagal din ako rito.” Easton’s lips finally curled upwards, revealing the smile that he had been struggling to hide. “I’ll see you often, then?”
“Hanggang sa makalabas lang si Mama, ‘wag kang ano. ‘Di ka special,” tugon niya.
Tumango si Easton. “Aalis ka na?”
“Bibili ako ng pagkain. May ipapabili ka ba?”
“Ililibre mo ako?”
“Shut up. May ipapabili ka ba?” Hindi rin talaga alam ni Aaron kung bakit niya bibilhan ng pagkain ang isang ito samantalang hindi naman sila close. “Dalian mo magsabi, maiksi pasensya ko.”
But maybe—no, it wasn’t a maybe at all—Aaron was concerned.
Kabanata 8
KABANATA 8
ㅤㅤDALAWANG ARAW matapos ma-confine ng nanay ni Aaron sa ospital, dalawang araw na rin madalas daanan ni Aaron si Easton sa hospital room nito. Sa loob ng mga oras na iyon, ni minsan ay hindi nakita ni Aaron na magkaroon ng bisita ang binata bukod sa nurse na nag-aasikaso rito. Hindi rin naman nagtatagal ang nurse, siya lang ang minsan umaabot ng tatlong oras dahil nandoon naman si Ridge at Zamiel para bantayan ang nanay nila.
‘Tsaka tahimik kasi sa kwarto ni Easton. Naka-private room ito tapos maganda ang view sa may bintana kapag gabi dahil sa city lights—pero hindi rin talaga niya naa-appreciate dahil panay sapot ng kable ng kuryente ang unang bumubungad sa kanya roon.
“May pinopormahan ka ba, Ron?”
Natigilan si Aaron sa pag-aayos ng mga damit ng nanay niya noong marinig ang boses nitong nag-uusisa, nagtataka.
Nag-angat siya ng tingin para salubungin ang mga mata ng ina at noong natagpuan itong nakangiti siyang pinagmamasdan, sandaling napaiwas ng tingin si Aaron. He hesitated. May kung ano sa titig ng nanay niya na makahulugan at nanibago siya.
“Wala naman, Ma. Ba’t mo naitanong?” tanong niya pabalik.
Mahinang tumawa ang nanay niya. “Narinig ko sa kapatid mo na may madalas kang puntahan na naka-confine rin dito. Anong sakit niya, ‘nak?”
“Ma…?” Hindi alam ni Aaron kung paano siya magri-react. “Wala akong bagong pinupormahan, fake news lang si Ridge. Nataon lang na may ka-schoolmate akong naka-confine rito no’ng naospital ka kaya binibisita ko.
Humimig ang ina niya—mapanudyo ang tono, tila ba nanghuhuli. “Ka-schoolmate mo pala. ‘Di mo sinagot iyong una kong tanong. Anong sakit niya?”
“Sakit sa puso. ‘Di ko alam anong detalye pero noon pa namang high school e hindi rin siya madalas makita sa school kasi lagi siyang naoospital.”
“Ah, magkakilala kayo simula high school.”
“Kilala mo ‘yon, Ma. Nakita mo ‘yon noong graduation ko dati. Iyong salutatorian namin.”
“Hindi ko na maalala, e.”
Bumuntong hininga si Aaron. Hindi na dapat niya ipinapakilala kung sino pero hindi niya alam sa sarili’t ipinipilit niyang ipaalala sa nanay niya kung sino si Easton.
“Iyong salutatorian namin na sinabihan mong ang putla ‘tsaka ang payat. Tapos tinanong mo ako kung may sakit ba,” aniya habang inaalala kung paano pinuna ng nanay niya si Easton noong graduation nila sa high school. “Iyong muntik na ‘kong matalo sa pagiging valedictorian kung ‘di lang siya maraming absent. Sabi mo pa nga, maswerte lang ako kasi kung ‘di iyon sakitin, baka ako ang salutatorian.”
Napapikit si Aaron habang inaalala ang mga ganap noong graduation niya ng high school. Honestly, it pissed him off that his mother thought that Easton was more capable than him. Nataon lang na sakitin iyong tao kaya nakuha niya na maging valedictorian.
Although, there was a possibility that it might’ve happened if Easton didn’t go to the hospital that much—that whenever Aaron thought about it, he gets frustrated.
“Iyon bang gwapo na panay din ang tingin sa ‘yo?” kalauna’y pagtatanong ng nanay niya.
Huh?
Napangiwi si Aaron pero bumalik na rin siya sa pagtutupi ng mga damit. Sa likod ng isip niya, inaalala niya kung panay ba ang tingin ni Easton sa kanya na imposibleng mangyari dahil noong mga panahong iyon, si Wade ang boyfriend nito.
“May naaalala akong payat na matangkad na lalaking panay tingin sa ‘yo dati,” dagdag pa ng nanay niya. “Binati pa ako no’n tapos tinawag akong Tita. Kasama niya si Wade. Oo nga pala, nag-uusap pa ba kayo ni Wade? Kumusta na ‘yong batang iyon? ‘Di na bumibisita sa atin.”
Hindi nakapagsalita si Aaron dahil hindi niya maalala iyong sinasabi ng nanay niya. But he did entertain her about Wade. Sinabi niya lang na minsan e nakakasalubong niya sa school pero hindi na sila gaanong nag-uusap.
“Nandito na ako!” anunsyo ni Ridge bago nito binuksan ang kurtina na nagsisilbing takip ng hospital bed ng ina nila (plus, pangharang sa ibang pasyente) . “Hindi ko kasama si Zami kasi pupunta siya sa bahay ng kaklase niya. May project sila kaya ako lang mag-isa.”
“Hindi kami curious,” pang-aasar niya sa nakababatang kapatid pero ayaw niya lang talaga makita iyong asungot na si Zamiel.
Ridge pouted and ran to their mother. Ibinaba nito ang bag bago ito umakyat sa kama ng nanay nila para sumiksik sa gilid ng higaan nito. Binawal niya ang kapatid pero sabi naman ng ina nila e ayos lang daw at baka pagod ito. Not that Aaron didn’t understand, but their mother had a small bed and Ridge might fall if he wasn’t careful.
Kapag nabagok ang ulo ng batang iyan sa pagkahulog, idedemanda niya itong ospital.
Aaron sighed when Ridge snuggled to their mother. He looked like a cat. He looked like he was purring, and their mother seemed to enjoy spoiling his little brother—it was a peaceful sight.
“Kuya, hindi ka ba pupunta kay Kuya Easton?” tanong ni Ridge hindi nagtagal habang nagpapalambing pa rin ito sa mama nila.
Awtomatikong kumunot ang noo ni Aaron noong maalala na ito ang nagsabi sa nanay nila na may pinupormahan siya. “Ayan, tatanungin mo ako ng ganyan ta’s sasabihin mo kay Mama na meron akong pinupormahan dito. Magaling ka riyan.”
Ridge hummed and chuckled. “Hindi mo ba siya pinupormahan? Ang dalas mo kaya ro’n. ‘Pag nandito na kami ni Zami, nagpapaalam ka agad na aalis.”
Pinagsasasabi ng isang ito?
Hindi pa nakuntento si Ridge at talagang tinapunan siya ng nakakalokong ngiti. Kahit tuloy itong nanay nila, napatingin din sa kanya at para bang nag-eexpect ng kung ano.
“Pinupuntahan ko lang ang isang iyon kasi parang ang lungkot ng buhay niya. ‘Tsaka ex-boyfriend ni Wade ang isang iyon. Nunkang papatulan ko ‘yon,” pagdi-deny niya.
Kasabay ng pagtanggi niyang hindi niya papatulan si Aaron ay ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin sa pamilya niya. Biglang bumigat iyong dibdib niya tapos may kung anong bumara sa lalamunan niya. Seryoso naman siya noong sinabi niyang wala siyang balak na patulan si Easton pero bakit parang tumataliwas iyong katawan niya?
Naa-attract siya pero hindi niya gustong lumalim pa itong nararamdaman niya. Kampante rin naman si Aaron na hindi na siya magkakagusto sa isang iyon. Once is enough.
Iyong tungkol naman sa date—ayaw lang talaga niyang meron siyang utang na loob kay Easton. Iyon lang. Pagkatapos nito e hindi na niya ulit ilalabas ang isang iyon dahil sigurado siyang hindi na siya ulit magkakaroon ng isa pang utang na loob sa taong iyon.
“Si Kuya Aaron mo, labag pa yata sa loob mong itanggi itong isa mo pang Kuya e,” kalauna’y dinig niyang puna ng ina nila sa kanya, pabulong at tila ba si Ridge lang dapat ang makarinig noon pero malakas ang pandinig niya kaya nasagap pa rin niya.
Aaron knew that that got him flustered. He wasn’t stupid not to feel how he flinched and how his cheeks heated.
“Hindi nga!” mabilis naman niyang tanggi na siyang dahilan para sabay na sumagitsit sina Ridge at ang nanay nila.
ㅤㅤㅤㅤ“OH. SO lalabas na rin pala bukas ang nanay niyo. Sinong mag-aasikaso sa kanya?”
Hindi maiwasang magtaas ng isang kilay ni Aaron noong mapansin ang pagkadismaya at lungkot mula sa tono ng boses ni Easton noong sabihin niya rito na lalabas na rin ang nanay niya bukas sa ospital.
Fatigue lang naman kasi ang dahilan bakit na-confine ang nanay nila. Pinagpahinga lang saglit dito tapos inobserbahan ng mga doktor para malaman kung stable na ba ang kalagayan nito.
“Ako, malamang. Sabado naman na bukas at tapos na ang exams kaya maaasikaso ko iyong mga papel ni Mama para makalabas dito,” simpleng paliwanag niya bago siya nagkibit balikat. “Makakadaan pa ako bukas.”
“But that just means that you won’t stay long, right?” tanong ng binata.
Aaron’s eyebrow twitched because of the way that loneliness laced through Easton’s small voice. Bakit parang nakokonsensya pa siya e kasalanan ba niyang ilalabas na ang nanay niya bukas? ‘Tsaka ang mahal ng hospital bills. Hinihiling lang nga ni Aaron na sana kayang i-cover ng Philhealth ng nanay niya ang expenses dito sa ospital, e.
“Fatigue lang naman ang dahilan kung ba’t nandito si Mama,” Aaron almost—just almost—choke when he replied. “Speaking of exams, it was hard to go by since she’s here. Ikaw pala, kumusta ang exams sa ‘yo? Hindi ba pinapadala ang test papers dito sa ospital?”
Mahinang humimig si Easton. Bagamat nakangiti ito, mukhang pilit ang paraan ng pagkakakurba ng mga labi ng binata. Hindi lingid sa kaalaman ni Aaron na sinusubukan lang naman ni Easton na umarteng ayos lang ang lahat dito. Base kasi sa pagkakatitig sa kanya ng binata, parang marami itong gustong sabihin.
Those clear blue eyes of his seemed to long for something.
Ipinagdikit ni Aaron ang mga labi bago siya nag-iwas ng tingin mula sa binata. Hindi nagtagal, nagsalita rin si Easton.
“I aced the exams,” matipid nitong sagot.
Aaron huffed. “Confident ka, a. Nakita mo na ba scores mo?”
“Sinabi na sa akin agad para hindi na sila pabalik-balik dito.”
“Ah. So, pa’no pala ang exams mo? Pinapa-take lang ba sa ‘yo lahat ng isang araw?”
Tumango si Easton at mahinang tumawa. “Usually, yes. Though, umaga sila nagpupunta kaya hindi mo naaabutan.”
That explains a lot. Dalawang araw na kasi siyang pumupunta rito pero ni anino ng mga professor ni Easton o common professor nilang dalawa, hindi niya nakikita. Kung sa bagay, pagabi na rin siya pumupunta rito para bisitahin ang binata.
Easton let out a breath. “Anyway, about the date. May plans ka na ba?”
Ibinalik ni Aaron ang mga mata kay Easton bago niya ito ngitian. “I don’t. Hindi ka pa naman lalabas kaya hindi ko pa iniisip. And just so you know… procrastinator ako.”
Matamang pinagmasdan nina Aaron at Easton ang isa’t isa hanggang sa dalhin ni Easton ang isang kamay para takpan ang bibig bago ito mahinang tumawa. It looked more like a giggle—or was it a snicker? Hindi niya alam kung anong tamang adjective sa ginawa ni Easton.
But he looked beautiful doing that.
He looked peaceful.
Ni hindi namalayan ni Aaron na napatitig siya kay Easton. Kung hindi pa tumigil katatawa ang binata noong mapansing naririto lamang ang mga mata’t buong atensyon niya, hindi niya mapapansing pinanood niya’t halos imemorya ang bawat galaw na ginawa ng isa.
“Marumi ba ulit mukha ko? You were staring.” An inexplicable emotion danced through Easton’s eyes as he said that but Aaron only looked away.
Nagkibit balikat si Aaron at napabuga ng marahas na hininga. “Hindi, napansin ko lang na ang payat mo na kaya napatitig ako. Nagdadala ako ng pagkain pero parang walang epekto, a.”
“Hindi naman ako mahilig kumain nang marami.”
“Is that so?” Aaron pursed his lips as he stared at the nearby vase just beside the television. “At least alam ko nang ‘wag kang dalhin sa mga unli buffet.”
“Iyon ba ang plano mo?”
“Nope,” he replied as he popped the ‘p’. “Sabi ko sa ‘yo procrastinator ako. I’ll just surprise you, Easton.”
Easton tilted his head. “Dadaigin mo ba iyong dates namin ni Wade dati?”
Natawa si Easton noong bigla na lamang pinalaki ni Aaron ang mga butas ng ilong niya. Tang ina rin kasi ng isang ito, demanding! Anong laban ni Aaron kay Wade samantalang may kaya ang isang iyon? E sila, nakikitira lang naman sa kamag-anak tapos mananahi lang ang trabaho ng nanay niya. Minsan, part-time labada.
Tapos tignan mo itong si Easton, dinadaan siya roon sa gwapo nitong ngiti akala naman nito madadala siya e gwapo rin naman siya. Kahit na parang balak siya nitong tunawin, medyo epektib! Pero hindi siya bibigay.
“Don’t get your hopes up.” Inirapan ni Aaron si Easton. “Alam mo, olats ako ro’n sa parteng magarbo dates ninyo ni Wade. Ibawi ko na lang sa pagiging memorable, bahala na si Lord.”
Easton tilted his head and smiled at him. “Alam mo, wala namang problema kung ako iyong gagastos—”
“No can do. Ako iyong may utang na loob.”
“But I was the one who asked you to take me out on a date.”
Nagtatagisan ang mga tinging ibinato nila sa isa’t isa hanggang sa sumuko rin si Aaron at bumuntong hininga.
“Pag-usapan na lang natin ‘to kapag nakalabas ka na sa ospital, pero ‘wag kang mag-expect na dadalhin kita sa mamahaling resto. Ayoko rin naman na dalhin mo ako sa gano’n,” aniya ‘tsaka niya inabot ang mukha ni Easton.
Napangisi siya noong tila nanigas ang binata sa kinauupuan, siguro dahil nag-assume itong hahawakan niya ang pisngi nito pero noong itaas niya ang kamay at pitikin ang noo ni Easton, napahagalpak siya ng tawa noong nag- “aray” ang binata tapos nang-aakusa siyang pinagmasdan.
ㅤㅤㅤㅤPATULOY ANG paghimig ni Easton habang binubuksan niya ang mga regalong dinala ni Wade sa kanya. It wasn’t from him alone, it was from their friends—because they couldn’t go to the hospital since it was already late and most of them had strict parents, si Wade ang madalas maghatid ng mga ipinabibigay ng mga ito sa kanya.
Easton’s smile widened when he saw a couple bracelet in the box that Wade gave him. Alam niyang galing ito sa binata kaya kinuha niya ang isang piraso noon ‘tsaka iyon natatawang iniangat para ipakita sa binata na noo’y naniningkit din ang mga mata na pinagmamasdan siya.
“Para saan itong couple bracelet?”
“Bakit parang ang saya mo nitong nakaraan?”
Natigilan silang dalawa ng binata noong sabay silang nagtanong sa isa’t isa. Easton’s hand slightly dropped while Wade sat up straight from the edge of his bed. Noong mapagtanto nila ang nangyari, pareho silang natawa pero si Wade ang unang bumasag sa maikling kasiyahan nilang dalawa.
“Iyan iyong couple bracelet na ibibigay ko dapat sa ‘yo bago tayo nag-break. Late na dumating. Kung kailan wala na tayo, ‘tsaka pinadala ng seller. Gago ‘yon, na-stress bangs ko,” natatawang paliwanag ni Wade bago nito kinuha iyong isang piraso ng bracelet pa na nasa kahon.
Mas lumawak ang ngiti ni Easton bago niya inilipat ang mga mata sa bracelet na hawak. “Required pa ba akong isuot ‘to? Mag-ex na tayo.”
“Hindi naman, pero ikaw na magtago. Wala naman akong balak na paggamitan diyan.”
“Edi ibigay mo sa bago mong nililigawan?”
“Sus! Baka isipin pa no’n na kami na o baka ang bilis ko gumalaw kasi may couple bracelet na.” Tumikhim si Wade bago nito iwinagayway ang isang kamay at ibinalik ang bracelet sa pinaglalagyan. “Anyway, ayaw ko lang talagang ibigay ‘to sa kanya kasi sa ‘ting dalawa dapat ito e. Ang pangit naman kung nakalaan para sa ibang tao tapos siya pa ang sasalo.”
Point taken. Kung sa bagay, mag-iiwan nga ng mapait na lasa sa likod ng lalamunan ni Easton kung siya rin e bigyan ni Aaron ng bracelet na dapat, ex-boyfriend nito ang magmamay-ari. Although, asa naman siyang bibigyan siya ng kahit ano ni Aaron e wala namang gusto sa kanya ang isang iyon.
Or not. Maybe Easton knew— or he felt —that he could pull Aaron in. Kaya nga siya madalas dumikit sa binata dahil maayos naman ang chemistry nilang dalawa. Nataon lang na hindi sila magkasundo noong high school dahil isip bata rin si Easton. He meant he could assume that Aaron might like him right now, even for just a little bit but that’s still an accomplishment!
“Ngumingiti ka na naman. Ba’t ba parang ang saya mo? Ang weird mong panoorin,” dinig niyang puna na naman ni Wade sa kanya.
Mahinang natawa si Easton bago niya pinasadahan ng tingin si Wade at ibinalik ang bracelet sa kahon. “Ayokong sabihin sa ‘yo baka hindi na ako puntahan bukas kasi i-jinx mo.”
“Pinagsasasabi mo? Ba’t naman kita iji-jinx e wala naman akong sama ng loob sa ‘yo?”
Itinabi niya ang kahon na ibinigay sa kanya ni Wade bago niya kinuha ang isa pang regalo mula sa mga kaibigan nila. Pinag-iisipan niya kung sasabihin ba niya kay Wade na madalas siyang puntahan ni Aaron magmula noong ma-admit din ang nanay nito sa ospital na ito. Na t’wing uuwi ang kapatid nito at bibisitahin din ang nanay ng mga ito e magpapaalam saglit si Aaron para bisitahin siya kahit isa’t kalahating oras lang.
“Alam mo ba kung ba’t past seven na kita pinapapunta rito madalas nitong mga nakaraang araw?” tanong niya kay Wade.
Kumunot ang noo ng binata bago siya nito taasan ng isang kilay. “Aba malamang hindi! Basta bigla-bigla mo nalang sinabi na ‘wag kaming pumunta rito ng maaga. Iyong totoo, pinupormahan mo ba iyong nurse mo? ‘Kala ko si Aaron ang gusto mo?”
“Matanda na si nurse Jones! ‘Tsaka hindi ko naman siya type, bwisit ka naman.”
“Aba, malay ko ba! E ano bang dahilan bakit ayaw mo kami papuntahin nang maaga nitong nakaraan?”
Hindi naiwasan ni Easton na tapunan ng mapanghusgang tingin si Wade mula ulo hanggang paa. Kung hindi lang siguro hinampas ng binata ang braso niya, baka habang buhay pa niya itong hinusgahan. Natawa tuloy silang dalawa dahil sa pinanggagawa nila.
“Mabuti na lang magkaibigan pa rin tayo kahit matagal na tayong break, ano?” komento niya na nakapagpatawa lalo kay Wade.
Napailing-iling ito. “Tanga, ayaw na talaga kitang kausapin kaso nagpaawa ka kaya tinitiis ko pa rin ugali mo. But you’re getting side-tracked! Anong dahilan bakit ‘di kami pupwedeng pumunta rito ng hapon, a? Nagtatampo na sila Lisa!”
“Well…”
Easton covered the lower half of his face as he took a glance at the door. There was this little hope that that would burst open, revealing an Aaron who’d come running to his doorstep just because he missed him. But of course, Easton wasn’t that delusional. He knew that Aaron could be busy with his mother right now, so he spared his thoughts and paused his imagination there and then.
Noong ibalik niya ang mga mata kay Wade, napangisi siya noong makitang tila ba kinakabahan ang binata sa kanya.
“Aaron visits me in the afternoon, that’s why you all can’t come. Kailangan ko solohin crush ko once in a while, you know,” he revealed.
Muntik mapanganga si Wade sa sinabi niya’t namamangha siya nitong pinagmasdan habang siya naman e sobrang proud. “Maharot ka.”
Kabanata 9
KABANATA 9
ㅤㅤㅤㅤWHEN AARON said that he was a procrastinator, he meant it. Depende sa mood pero madalas, kapag malayo pa naman ang due date ng ipapasa niya’t kayang-kaya naman gawin ng isang gabi na walang tulugan, doon lang niya ginagawa. It never failed him. He was always still at the top—and he was still qualified to run for cum laude.
Aaron had always been so confident that even while procrastinating, he could produce great results. Doon kasi siya nasanay lalo sa dami ng mga responsibilidad niya sa bahay.
Ever since their father left them for another woman, Aaron had been the one to move around the house. He was the one who raised his younger brother while their mother worked her ass off to fend for them. And despite being busy, he was still able to achieve so much.
Aaron had always been confident to exceed anyone’s expectations because he was built to make them feel bad for looking at him like shit.
But that day wasn’t today.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Aaron habang patuloy ang pag-scroll niya sa Google kahahanap ng affordable date ideas para sa kanila ni Easton. Madalas sa mga nakikita niya e at-home date ideas pero hindi naman niya boyfriend si Easton para iuwi, ipakilala sa nanay niya, tapos doon sila sa sala magluluto.
“I think I could squeeze a movie date somewhere…” bulong niya sa sarili habang kinakamot ang ulo gamit ang ballpen na hawak.
Sa tuwing may makikita si Aaron na ideya, kaagad niya talagang tini-take down notes para magkaroon siya ng maraming options. Ngayon lang naman kasi sila lalabas ni Easton ‘tsaka sinabihan niya na ang binatang babawi siya sa paggawa ng memorya—so, he was pressuring himself on how the date should go.
“…But that would be cliché.” Humimig si Aaron at pinasadahan ng tingin ang nasa listahan niya. “Sigurado rin akong dinala na siya ni Wade sa mga movie date. Isa pa, paano magiging memorable ang movie date kung isang oras at kalahati kaming titingin lang sa skrin at hindi mag-uusap?”
“Anong ginagawa mo, Kuya?”
Napapitlag si Aaron at muntik madulas mula sa hita niya ang notebook na nakapatong doon nang bigla na lamang sumandal si Ridge sa likod ng couch na kinauupuan niya. Nagpalambitin ang kapatid niya sa backrest at mukhang ginagalaw nito ang mga binti dahil magalaw ang postura ng nakababatang kapatid.
Aaron held onto Ridge’s back to push him to fall onto the sofa, but his brother was persistent. Dahil naabala rin siya sa ginagawa, hindi niya napansing tinignan na pala ng kapatid niya ang nakasulat sa notebook niya.
“Oh, nagpaplano ka ng date ninyo ni Kuya Easton… ‘Kala ko ba e ‘di mo siya pinupormahan?” nagtatakang tanong ni Ridge.
Aaron had let out a small ‘urk’ sound. Hindi niya na itinago iyong mga nakasulat sa notebook dahil siguradong nagmatang lawin na si Ridge at nabasa na nito ang iilan sa mga naisulat niya. Kaya inalis na lamang niya ang kamay niyang sumusuporta sa likuran ng nakababatang kapatid bago niya ibinalik ang mga mata sa notebook.
“Hindi ko naman talaga pinupormahan. He just asked me out because I told him I didn’t want to be indebted to him.” Inilipat ni Aaron ang kamay mula sa likod ni Ridge tungo sa ulo nito para bahagyang guluhin ang buhok ng nakababatang kapatid. “Ikaw kasi, nagpalibre ka pa sa isang ‘yon. Sabi ko naman sa ‘yo kapag may nakilala kang ang pangalan e Easton, tumakbo ka.”
“Mukha naman siyang mabait…” Ridge explained before he let himself slide from the backrest of the sofa to the couch itself.
“Iyon lang, mukha lang siyang mabait. End of conversation.”
“So, magdi-date kayo kasi nilibre niya kami ni Zamiel? Ikaw ba ang nag-suggest, Kuya?”
Aaron snorted at the accusation. “Hindi ko naman type si Easton kaya ba’t ko siya aayain makipag-date sa akin? Siya ang nagsabing i-date ko siya.”
Lies —Aaron almost bit the tip of his tongue when he said that Easton wasn’t his type. Hindi naman nagbago ang tipo ni Aaron sa lalaki over the years kaya malamang, attracted na attracted pa rin siya kay Easton. Pagod na siyang i-deny iyon sa sarili pero sa ibang tao, hindi siya magsasawang itanggi na naa-attract siya sa binata.
Kumunot ang noo ni Ridge bago ito umayos ng upo. “Pero pumayag ka, Kuya? Tapos ikaw pa ang nagpaplano.”
“What else can I do? Ako iyong may utang na loob ‘tsaka nasa ospital siya. I couldn’t possibly be asking him to make an itinerary while he’s busy with his medications,” sagot niya.
“Okay, good luck sa date, Kuya. Sana mag-enjoy kayo ni Kuya Easton.” Tatayo na sana si Ridge nang tila ba mayroon itong biglang naalala. “Magdi-date kayo so ibig sabihin, single si Kuya Easton niyan, ‘di ba?”
“Oo, bakit?”
“Gusto raw ni Mama si Kuya Easton.”
Nawiwirduhang pinagmasdan ni Aaron si Ridge noong tumayo na ang kapatid mula sa couch at naglakad palayo matapos nitong sabihin iyon. Ridge was muttering something incomprehensible but he was already too far for Aaron to decipher.
Hindi na siya nagulat nang sabihin ni Ridge na gusto ng nanay nila si Easton—no, maybe it still shocked him a little bit—pero nitong nakaraan kasi panay naman na ang pagbi-bring up ng nanay nila sa ‘lalaking madalas puntahan ni Aaron sa ospital’ at gusto raw nitong makilala si Easton.
Ibinalik ni Aaron ang mga mata sa notebook niya’t halos bumuntong hininga siya noong makapagdesisyon na i-cross out ang movie date.
Nope. That wouldn’t make a memorable date. It’s too cliché.
ㅤㅤㅤㅤTIME FLEW by real quick. Nakalabas na si Easton mula sa ospital at sinabihan si Aaron na pupwede silang lumabas sa darating na Sabado. Mabuti na lang at hindi biglaan dahil nakapaghanda siya kung ano ang susuotin at kung ano ang mga gagawin nila dahil ilang araw iyong pinaghandaan ni Aaron.
Aaron stared at his reflection in front of a shopping mirror for the nth time, polishing what seemed imperfect and wrong in his eyes. He had his hair down and didn’t intend on styling it just because he was going for a more casual look—a white shirt, a green polo shirt on top of it, ripped jeans, white rubber shoes, and a black cap on his head. To top it all off, he was wearing a black strap sling bag and he looked proud.
He sweat dropped and squinted his eyes as he stared in the mirror.
Hindi siya nag-effort mag-ayos pero bakit parang ang garbo niyang tignan sa salamin? Bagamat gustong isipin ni Aaron na dahil iyon sa gwapo siya, may bumubulong din sa gilid ng isipan niyang ginagawa niya ito dahil ayaw niyang madismaya si Easton sa ayos niya.
Paano kung mahalata ni Easton na crush niya ito?
Though, only slight, nakaka-conscious pa rin. Ayaw pa naman niyang aminin dito na gusto na naman niya ito dahil suntok iyon sa pride. Aba, ilang taon ba naman niyang inayawan si Easton tapos bigla na lang siyang babagsak na naman sa nararamdaman niya para rito? Edi wow!
“Aaron…?”
Napatayo nang tuwid si Aaron noong marinig niya ang boses ni Easton. Kaagad niyang hinanap ang direksyon kung saan niya ito narinig bago siya natunganga nang makita ang binata.
Easton wore a pastel blue long-sleeved polo shirt combo’d with white pants and rubber shoes. May dala-dala rin itong tote bag na kulay cream at may Winnie the pooh the keychain. That wasn’t all— tinali ni Easton ang buhok nito! Hindi niya napansin na mahaba pala ang buhok ng binata dahil madalas itong nakaayos kapag nasa eskwelahan sila.
Nakatulala si Aaron hanggang sa makalapit si Easton sa kanya.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ng binata sa kanya.
Aaron blinked. He probably looked starstruck-ed right now but he couldn’t care less. “N-no. Kakarating ko lang halos.”
That was the truth. Sampung minuto palang yata siya rito kaya nakuha pa niyang pagmasdan ang sarili sa salamin at i-improve ang dapat ayusin sa outfit niya.
Nag-isang linya ang mga labi niya bago siya nag-iwas ng tingin. “Gusto mo bang magpahinga saglit?”
“I’m good.” Easton looked at the direction where he arrived. “Hindi naman din ako napagod kasi hinatid ako ng driver ko rito.”
Tinignan din ni Aaron kung saan nakatingin si Easton ‘tsaka niya nakita ang BMW nitong naka-park malapit sa kinatatayuan nilang dalawa. Then, he sweat dropped.
“Madalas nakakalimutan kong mayaman ka nga pala. Edi sana all,” aniya bago siya mahinang tumawa.
Easton turned to him and tilted his head in amusement, his eyes slightly squinted. “Hindi ako kung hindi parents ko.”
“Same thing. Ikaw magmamana niyan. Kaya ka siguro nag-business ad, ano?”
“Yes, gano’n na nga. Though, I think mas applicable nga iyong fashion dapat ang kunin ko kasi ro’n umiikot business nina Mama.”
“You mean…?”
“May modelling agency sina Mama, e. Tinatanong nga niya kung pupwede ka raw ba i-scout noong graduation natin ng highschool pero bigla kayong nawala ng pamilya mo after mai-announce na tapos na graduation.”
Malamang. Ano ba kasing gagawin nila ng pamilya niya roon sa court ng high school nila? Tutunganga? Syempre, gusto ni Aaron na mag-celebrate noong sinabihan siyang nagluto ng handa ang nanay niya!
“Family bonding ‘yon kaya umalis din kami agad,” iyan na lamang ang naisagot ni Aaron bago siya nagkibit balikat.
“Naiintindihan ko naman, iyan din sinabi ko kay Mama no’ng umalis ka.” Easton tilted his head and smiled. “Anyway, sasabihin mo ba sa ‘kin kung sa’n tayo pupunta o itatago mong sikreto?”
“Malamang, isisikreto ko. Duh?” simpleng sagot ni Aaron bago niya minuwestrahan si Easton na sumunod sa kanya.
Dahil nasa Angeles naman silang dalawa, panay ang tingin ni Aaron sa paligid kung ano ba ang magandang bilhin na pasalubong para kay Ridge at sa nanay niya. Nakaugalian niya kasing mag-uwi ng pagkain t’wing lumalabas siya.
Habang inililibot niya ang mga mata sa kapaligiran, muntik siyang mapatalon noong maramdaman niyang mayroong daliri na kumapit sa hinliliit niya. Kunot noo niyang nilingon kung sino iyon ‘tsaka niya natagpuan si Easton na nag-aalangang nakangiti sa kanya.
“… Baka mawala ako,” mahinang anito.
Aaron frowned and he looked conflicted. Pinasadahan niya ng tingin ang kapaligiran nila’t naalalang nasa Angeles sila. Gusto man isipin ni Aaron na siguro e ilang beses na nakaratingndito si Easton, ayaw niya ring ipunto dahil madalas itong nasa ospital at baka mamaya pala ay ngayon lamang nakarating sa parteng ito ng pinuntahan nila.
Nasa likod sila ng Nepo Mall, malapit sa Holy Angel—hindi sigurado si Aaron kung tama ba itong binabaan nilang dalawa pero meron sana siyang museum na gustong puntahan.
E dahil nandirito na rin naman si Easton at nag-aayang lumabas sila, ito na lamang ang isasama niya sa pagbi-venture niya.
“Hindi ka pa ba nakakapunta rito?” nag-aalangang tanong niya.
Marahang umiling si Easton bago ito nagbaba ng tingin. “Nakapunta na ako rito pero ‘di ko memoryado ang daan. Madalang lang din kasi ako makalabas dahil alam mo na…”
Nanatili ang mga mata ni Aaron kay Easton bago siya may naisip gawin. Hindi niya alam kung sinapian ba siya ng masamang espiritu pero sinisisi niya kung sinuman ang sumanib sa kanya.
Hinawakan ni Aaron ang palapulsuhan ni Easton gamit iyong kamay niyang hindi nito hawak bago niya pilit inalis ang daliri ng binata sa kanya.
From his peripheral vision, he saw how dismayed Easton was, but then his eyes widened right after.
Inayos lang kasi talaga ni Easton ang pagkakahawak nito sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ng binata’t ipinagsaklob ang mga daliri nila ‘tsaka niya iniangat ang mga iyon na para bang mayroon siyang pinupunto.
“Ganito ka humawak sa ‘kin. Baka mamaya mahablot ka lang ng kung sino riyan, ‘di ko pa mapansin kasi daliri mo lang nakahawak sa ‘kin,” aniya.
Magkahawak ang mga kamay na naglakad sina Aaron at Easton. Hindi niya agad na-realize kung ano iyong ginawa niya kaya patuloy siyang tumitingin kung saan-saan hanggang sa matagpuan din nila ang museum dito sa Angeles.
Thankfully, Easton told him that he didn’t really stroll around here before so he had that little hope that he didn’t know this place.
Noong nilingon ni Aaron si Easton, natagpuan niyang nasa mga kamay nila ang paningin nito. Tinaasan niya ng isang kilay ang binata bago siya nagbaba ng tingin at doon pa lang niya napagtantong hapit na hapit pala ang pagkakahawak niya rito.
“Shit,” bulong niya’t akmang bibitawan na sana si Easton noong bigla na lang diinan din ng binata ang pagkakahawak sa kanya. “Easton…”
“Baka mawala ako,” anito sa maliit na boses.
Aaron let out an ‘urk’ sound and he immediately looked away, feeling more embarrassed. ‘Tsaka lamang niya napansing marami-rami pala ang nakatingin sa kanilang dalawa ng binata—though, most were really judgmental and shitty stares.
Tumikhim siya’t hinila si Easton. “Tara na, nandiyan na iyong museum.”
“Museum?” Easton repeated.
Sandaling pinasadahan ng tingin ni Aaron ang binata at natagpuang halos kuminang ang mga mata nito noong mabanggit niya ang museo rito. Though, it’s not exactly a museum—it was an ancestral house, if he remembered it correctly.
“Ancestral house,” pagtatama niya sa sarili.
May museum din naman sa Angeles pero hindi niya pa napupuntahan kaya rito muna sila sa gamay niyang puntahan.
Hindi nagtagal, narating na nila ang unang destinasyon—Dycaico Ancestral House. Pinagbayad pa si Aaron ng bente para sa entrance fee at dahil maliit na halaga lang naman iyon, ipinambayad na rin niya si Easton.
“Alam mo ba ‘tong lugar na ‘to?” tanong ni Aaron habang nilalandas nila ang daan patungo sa entrance.
Marahang umiling si Easton. “First time ko rito. Sa museum ako ng Angeles dinala ng parents ko dati.”
“Mabuti naman kung ganoon. Museum din naman ‘to in a way na pinapakita anong history ng bahay pati ng mga Dycaico.”
“Ang laki ng bahay nila. Kung ikasal tayo, gusto mo ba ng ganitong bahay… ah.”
Aaron turned to Easton and he looked at him judgingly. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kung anong ekspresyon niya pero alam niyang hindi iyon maganda. Gusto niya sanang layuan bigla si Easton dahil kung anu-ano ang lumalabas sa bibig nito pero may kung anong umuusig sa kanya na ‘wag bitawan ang kamay ng binata.
“Pinagsasasabi mo?”
Aaron tried. He did his best not to sound nervous. Kahit na ang totoo e nagwawala iyong puso niya sa dibdib niya, kahit na gusto niyang manginig noong tanungin siya ni Easton tungkol sa bahay na gusto nito ‘ para sa kanila ’.
Easton’s cheeks were beet red too. Hinawakan nito ang pisngi gamit ang libreng kamay bago ito nag-iwas ng tingin sa kanya.
“I—it was a slip of the tongue,” Easton replied in a small voice.
Nakakahiya dahil nasa gitna pa naman sila ng parang balcony malapit sa entrance pero wala naman gaanong tao kaya pupwede silang tumayo rito at mag-usap nang maayos saglit.
Ilang beses kumibot ang isang kilay ni Aaron. “Pero iyon talaga ang tumatakbo sa isip mo?”
Noong hindi sumagot si Easton, bumuntong hininga na lamang si Aaron at ibinalik ang atensyon sa ancestral house. Lumuwang na ang pagkakahawak niya sa kamay ng binata samantalang si Easton naman e mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay niya.
Aaron didn’t feel uncomfortable—somehow—because he was getting distracted by the loud thumps of his heart. Kinikilig siya, putang ina. Pero hindi niya maamin sa sarili niya kasi olats.
When they entered the ancestral home, they were greeted by one of the caretakers. Pinag-explore sila sa buong bahay habang ipinapaliwanag nito ang history noon pati ng pamilyang Dycaico. There were a lot of creepy and eerie places in the house, probably because it’s already old and maybe, no one really lived in here.
Ang pinaka ayaw na kwarto ni Aaron ay iyong naisahan sila ng caretaker.
“Buksan niyo ito,” pag-uusig ng caretaker. “Maraming importanteng mga item na rito na namin inilalagay ‘pag wala nang magagamit.”
Nagkatinginan sila ni Easton. Parehong nagsususpetya dahil iba ang tono ng caretaker. He sounded mischievous and playful.
“Gusto mo bang buksan ko?” tanong niya sa binata. “Baka mamaya may kung ano sa loob ta’s bigla kang atakihin sa puso, e.”
Tipid na tumango si Easton. “I thought of that, too. Ayokong bumalik agad sa ospital.”
“Okay.”
Aaron should’ve said that he didn’t want to know what’s inside that room but he was curious. Something about that door, that room, and what’s inside it was tickling him, urging him to check it. Para siyang tini-tempt talaga lalo na’t magaling mangumbinsi ang caretaker.
But he shouldn’t have opened that door.
“Ah! Putang ina!”
Umalingawngaw ang boses ni Aaron nang mapasigaw siya. Hindi rin maikakailang napatalon siya’t biglang napayakap kay Easton noong makita niya kung anong nasa loob ng kwartong iyon.
Gago itong caretaker na ito!
“Bakit? Anong meron sa loob?” nagtatakang tanong ni Easton.
If Easton was any other normal person, Aaron would’ve said ‘ see it for
yourself ’. But this man’s too fragile so he admitted what was inside:
“Mannequins. The creepy ones,” he told Easton.
Ilang beses na napakurap-kurap si Easton noong sabihin niyang may mga mannequin sa loob. Ang susunod na naramdaman niya ay ang pagpatong ni Easton ng kamay nito sa likuran niya para mahina siyang tapik-tapikin at pakalmahin.
Hindi effective. Hindi kasi maalis sa utak ni Aaron ang itsura ng mga mannequin na nasa loob ng kwarto.
Tapos tawa pa nang tawa itong demonyong caretaker na ito, bwisit.
“Takot ka ba sa manika?” pag-uusisa ni Easton habang pinakakalma siya ng binata.
Aaron forgot that Easton’s voice sounded like how television usually poetrayed angel voices—mellow. Kahit papaano ay kumalma siya.
“Siguro.” Nagkibit balikat siya’t humiwalay na sa binata dahil kahit paano’y naka-move on na siya sa takot. “Mukha silang tao pero walang buhay at plastik. I hate looking at those fucking empty eyes.”
Easton nodded and eyed the door. “Gusto ko rin makita para gets ko bakit bigla kang natakot.”
“Sigurado ka? Pa’no kung bigla kang atakihin sa puso?”
“I’m not that weak. Pinaglakad mo nga ako sa field kahit tirik ang araw pero wala namang nangyari sa ‘kin.”
“Hindi kita pinaglakad do’n, ikaw ang kusang sumunod sa ‘kin. Baklang ‘to, ako pa sisisihin.”
Pareho silang natawa bago nilingon ni Aaron ang caretaker. Wala na ito mula sa kinatatayuan nito at nang hanapin niya, mayroong ibang kausap na nakauniporme. Baka bisita rin.
Mukhang hindi naman nito ni-lock ang kwartong ito kaya hinawakan niya ulit ang doorknob at binuksan ang pinto. Unang silip palang ng mga naka-display na mannequin sa loob, pinapangilabutan na siya ng balahibo samantalang si Easton, kalmado lamang na sumilip.
“Ugh…” Aaron braced himself using his free hand because his other hand was holding Easton’s. “Mukhang mga zombie.”
The nearest mannequin was as white as snow with a creepy smile. It resembled that host shit from a horror movie. Nakalimutan niya kung anong title. He will check Google later, but it’s the one where the victims has to choose what they lose or else they don’t survive.
“I used to hate mannequins too,” biglang sabi ni Easton bago nito sinara ang pinto sa kwartong iyon. “Were you still looking? Sinara ko na kasi ang creepy ng vibe sa bodega na ‘to.”
“I wasn’t. Iniisip ko lang na ang creepy no’ng mannequin na malapit sa pinto. It reminds me of a horror movie character but I can’t remember what it was,” aniya.
Kumunot ang noo ni Easton at mahinang humalakhak. “Hindi ako mahilig sa horror kaya ‘di kita matutulungan diyan.”
“Para rin namang pupwede sa ‘yo. Baka isang jumpscare lang, nahimatay ka na.”
“Hindi ako gano’n ka-vulnerable!”
Sandali pa silang nag-asaran bago nila iniwanan ang bodegang pinagdalhan sa kanila ng caretaker. Sakto namang tapos na rin makipag-usap ang caretaker sa—sandali, professor pala sa eskwelahan nila ang kausap nito pero ibang kurso—may seminar room din kasi sa ibabang parte ng ancestral house, bago ang entrance, baka mayroong nagaganap na seminar doon.
“Tapos na po ba kayong tumingin? Ila-lock ko na po iyong pinto sa bodega,” mapanudyong sabi ng caretaker.
“Oo Kuya, trinauma mo lang kami kaya isara mo na ‘yon,” aniya rito habang si Easton naman e mahinang tumatawa.
Ang susunod nitong inalok sa kanila e iyong secret passage sa bahay. Ipinaliwanag nitong hide-out iyon at daanan kung sakaling may manghimasok sa ancestral house ng mga Dycaico. Ayun lang, dahil mababa ang kisame sa ibaba, kailangan daw gumapang para makalabas.
Gusto sana ni Aaron—but he wasn’t that adventurous. Kahit si Easton, nagdalawang isip din na pumunta roon kaya inalok na lamang ng caretaker na umakyat sila sa pinakatuktok ng ancestral house. That, they agreed.
The view from the second floor was rewarding kaso… nakakapagod lang umakyat dahil paikot ang hagdan.
“Puta, napagod ako sa hagdan. Uwi na tayo,” biro niya kay Easton habang hawak-hawak niya ang beywang niya. “Shutang ina, ang tanda ko na sumasakit na beywang ko sa akyatang gano’n. Sino ba kasi nagpauso ng gano’ng hagdan? Sino bang nakaisip na ang aesthetic no’n? Kaya nirarayuma mga matatanda na tulad ko e!”
Panay tawa si Easton sa kanya noong makalabas na sila mula sa Dycaico ancestral house. Reklamo kasi siya nang reklamo sa hagdan dahil sumasakit ang beywang at likod niya. Pero nag-enjoy siya… May mga least favorite activities lang siya sa pagbisita nila.
“Noong una akong pumunta ro’n, naglaro lang kami ng sungka kahit ‘di ako marunong, ‘tsaka ng chess! Tapos ngayon kung saan-saan na tayo dinala ni kuyang caretaker,” dagdag pa niya.
Easton wiped a lone tear from the corner of his eyes. “I’m pretty sure it would be boring if we just sat and played, though.”
Pinasadahan niya ng tingin ang binata at nang makitang siyang-siya ito sa unang aktibidad nila, napaismid na lamang din siya.
Success ang first location, palya sa pangalawa pero bahala na si Lord.
Kabanata 10
KABANATA 10
ㅤㅤㅤㅤDAHIL NAGTAGAL sila sa ancestral house na binisita, napag-usapan nina Aaron at Easton na mag-lunch na muna nang sa ganoo’y maipahinga rin ni Aaron ang likuran. Kanina pa siya panay reklamo roon sa hagdan ‘tsaka sa edad niyang hindi naman nalalayo kay Easton.
Nakahinga nang maluwang si Aaron noong makahanap sila ng bakanteng upuan sa Jollibee. Binitawan niya si Easton siyang umupo sa isa sa mga upuan at umubob habang ang kasama naman niya ay nanatiling nakatayo.
“Pagod na pagod ka, a? Umakyat lang naman tayo sa hagdan,” puna ni Easton sa kanya bago nito hinimas-himas ang likuran niya.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Pinupuna mo ako e kanina ngang paakyat tayo nagrereklamo kang pagod ka na. Natakot pa ‘ko dahil baka isugod ka agad sa ospital e kalalabas mo lang naman.”
“Aaminin ko rin namang nakakapagod talaga umakyat doon. I had a hard time balancing myself too. Ang liliit ng steps ng hagdan.”
“Isa rin ‘yan sa sakit ng ulo ko. Malalaki paa natin, baka mamali lang ako ng apak doon, madulas na ako. Baka mahila pa kita kung sakali.”
“Kaya ka nag-iingat kanina, ‘di ba? Para walang masamang mangyari sa atin kanina sa ancestral house.”
Hindi sumagot si Aaron at sa halip ay tumingin sa menu ng Jollibee na nakapaskil hindi kalayuan sa kanila. Iyong nakita nilang bakanteng upuan e malapit lang din sa counter kaya kung paliliitan ni Aaron ang mga mata, makikita niya kung anong nasa menu.
“Anong o-orderin mo? Pupwede ka ba rito?” nag-aalalang tanong niya bago niya sinipat ng tingin si Easton.
Tipid na tumango ang binata. “I’ll go for the nuggets tapos chicken burger na rin siguro. Maybe I will upgrade my drink too. Ako na lang ang mag-oorder. Ikaw na lang kumuha mamaya.”
Tumango-tango siya’t ibinalik ang atensyon sa menu. “Spicy chicken sa akin na may fries kamo, pa-add kamo ng extra rice ‘tsaka pa-upgrade rin ako ng drink ko ng coke float.”
“Okay, I’ll see you later.”
Nagpahalumbaba si Aaron habang pinanonood niya si Easton na pumila. Hindi niya maiwasang magtaka kung marunong ba ang binata na mag-order pero noong maalalang hindi rin naman ganoon kasosyal si Wade kahit na may kaya ito, nakampante siyang natuto namang mag-order si Easton sa panonood sa ex-boyfriend nito.
Hindi naiwasan ni Aaron ang pangunutan ng noo nang mapansin na mayroong grupo ng mga estudyante ang sumunod kay Easton sa pila tapos panay ang tingin sa binata. Hindi man lang itinago ng mga ito ang kilig kay Easton pati na rin ang pagsilip sa itsura ng binata.
Though, it was understandable because Easton was really handsome. Matangkad, mestizo, mukhang tiga-ibang bansa, gwapo, mabango—he could go on and on. Diyan din kasi siya nahuli ng binata noong high school sila. Nahuli nga lang ulit ngayon pero ayaw iyang pag-usapan ni Aaron.
“Ang pogi teh!” dinig niyang sabi noong isa sa mga estudyante na naglakad palapit sa table nila ni Easton.
It turned out na nasa katabing pwesto nila ang mga ito. Mukhang hindi sila titigilan ng mga ito kapag nalamang si Aaron ang kasama ni Easton. Nakakairita pa naman dahil napansin din siya ng mga ito kasi nakaharap siya sa direksyon ni Easton at binabantayan ang binata.
Ugh. The way they squealed. It hurts his ears.
Nakasimangot niyang pinagmamasdan si Easton mula sa cashier at natuwa noong ito na ang mag-oorder. Ibig sabihin, babalik na ang binata rito at hindi na niya kailangang tiisin ang pag-iingay ng mga katapat. Kung umasta kasi ang mga ito, parang naka-hit ng jackpot.
“Dali na, tanungin mo na kung single…”
“Ih, nakakahiya.”
Hindi inilihim ni Aaron ang pag-ikot ng mga mata noong marinig ang isa sa mga ito na ganoon ang ibulong. Single siya, oo. Pero lalaki rin ang trip niya—specifically, kahit labag sa loob niyang aminin, si Easton ang tipo niya.
Ugh. Napahilamos siya ng mukha’t napahalumbaba sa lamesa.
Sa lahat ng lalaki, talagang ex-boyfriend pa ng dati niyang kaibigan ang natipuhan niya? Gusto niyang sapakin ang sarili. Kaya hindi niya maamin-amin na interesado siya sa binata e dahil nahahadlangan siya ng dating relasyon ni Easton kay Wade.
“Aaron…”
Nahigit lamang mula sa malalim na pag-iisip si Aaron noong marinig ang boses ni Easton at maramdaman ang bahagyang paggalaw ng lamesa nila.
Naguguluhan niyang pinagmasdan ang binata’t tipid na nginitian. “Ang daming tao ngayon, ano? Gusto ko pa naman sanang lumipat ng pwesto.”
Makahulugan ang pagkakasabi niya noon. Sana lang at na-gets ni Easton kung anong pinaparating niya.
Ilang beses napakurap si Easton bago nito pasimpleng tinignan ang mga nasa katabi nilang upuan, iyong nahaharangan. Tipid siyang tumango dahil kanina pa siya naiingayan. Hanggang ngayon ngang nag-uusap sila ni Easton, pinag-uusapan pa rin ng mga ito na magkakilala pala silang dalawa.
Kumunot ang noo ni Aaron noong ngumiti lamang si Easton at ipinatong ang kamay nito sa lamesa. Mataman niyang tinitigan iyon hanggang sa mapansin niyang ilang beses na parang sini-signal-an siya ng binata na hawakan niya ang kamay nito.
He snorted. “Wala na tayo sa labas, ipapahawak mo pa rin ‘yang kamay mo sa ‘kin?”
“Kung magreklamo ka parang hindi mahigpit hawak mo sa kamay ko kanina,” halos nakangusong tugon ni Easton.
“Utut. Natakot lang ako kasi baka bigla kang hablutin e mukha ka pa namang rich kid.”
Iniangat ni Aaron ang kamay at hinawakan ang kamay ni Easton. Napaismid ulit siya nang bahagyang diinan ni Easton ang hawak nito sa kanya, kasabay naman noon ay ang pagtahimik noong mga nasa kabilang upuan.
Ah. Sabi na nga ba niya.
“Nasabi ko na bang nag-enjoy ako sa unang pinuntahan natin? Maybe it’s favoritism but I’m enjoying our date so far,” ani Easton na mas lalong nakapagpatameme sa mga babaeng nasa kabilang pwesto.
Pinaikutan niya ito ng mga mata. “Bonus points pang ako kasama mo, talagang mag-eenjoy ka.”
“Medyo makapal pala mukha mo, ‘no?”
“Para sa ‘yong bigla na lang akong inaayang mag-live in, malakas ang loob mong tawagin akong ganyan.”
Noong matameme si Easton, malawak siyang napangisi bago niya kinuha ang resibo ng in-order nila noong marinig na tinatawag na pala ang numero nila. Iniwan niyang tameme hindi lamang si Easton kung hindi pati iyong mga babaeng panay ang tingin sa kanila kanina.
ㅤㅤㅤㅤPAGKATAPOS NILANG kumain, nag-aya si Easton na gumala raw muna sila sa loob ng Nepo mall. Gusto raw kasi nitong mamili ng mga bagong damit at sapatos kaya tahimik niya itong sinundan. Kung tutuusin, wala rin naman silang ibang gagawin mamaya kung hindi mag-picnic sa CDC.
Ugh. He hated himself for thinking such a plain idea after he brought Easton to that ancestral house. Kaso hapon na rin kasi at gusto na lang ni Aaron na maglakad-lakad ngayon noong bigla siyang may naisip.
“East,” tawag niya sa binata bago siya lumapit dito at humawak sa kamay nito.
Mahina siyang natawa noong pamulahan ng mga pisngi ang binata pero lumingon din naman sa kanya’t nag-maintain ng kalmadong ekspresyon sa mukha. Nice.
“Gusto mo bang mag-ukay-ukay?” tanong niya.
Pinangunutan siya ng noo ni Easton. “Ukay-ukay? Thrift shop? May alam ka bang maganda?”
“Tang ina mo tagalog na nga, in-english mo pa. Thrift shop, bwisit.” Umikot ang mga mata niya bago siya bumuntong hininga. “Meron kaming madalas puntahan ni Ridge rito. Magaganda iyong mga ukay doon kung makakapangalkal ka.”
“That sounds tiring.”
“Original iyong mga nandoon, though. Napaisip din ako ba’t pa ‘ko gagastos ng sampung libo para sa jacket kung tig-iisang daan lang naman sa ukay. Gamit lang pero maganda pa rin quality.”
Bahagya niyang pinisil ang kamay ni Easton noong makita niya itong mapaisip. Wala lang, para ma-distract ito at pumayag. Mukha namang gumagana dahil bakas sa mukha ng binata ang pagdadalawang isip.
“Tara na?” pag-uusig niya sa binata.
“Napapaisip ako. Sabi nila haunted iyong ibang damit doon kasi ang mga may-ari, minsan pumanaw na pala,” nag-aalangang sagot ni Easton.
“Wow, pumanaw… Lalim.” Tumikhim si Aaron. “H’wag ka ngang nagpapaniwala sa gano’n. Kung haunted talaga lahat ng damit sa ukay, edi sana masakit likod ko ngayon dahil may nakasabit pala sa aking white lady?”
“E ‘di ba masakit naman talaga likod mo?”
“Tang ina mo kasalanan ‘to noong hagdan sa ancestral house kanina.”
Easton hesitated but slowly nodded. “Tutulungan mo akong mamili, a? Baka mamaya ako lang pangangalkalin mo ro’n.”
“Ako nag-aya kaya tutulungan talaga kita. Isa pa, balak ko na rin namang bumili ng mga bagong damit.”
Gustong matawa ni Aaron noong makita niyang mas napanguso si Easton sa pag-aaya niya. Despite the stubbornness in his expression, Aaron knew that the man was about to give in.
And he did.
“Sige, tara na.”
ㅤㅤㅤㅤMEDYO MALAYO mula sa pinagkainan nilang Mcdo ang thrift shop na tinutukoy ni Aaron kaya pinaglakad niya ang binata. Panay ang tanong niya rito kung ayos lamang ito at panay din ang tango ni Easton dahil hindi naman daw sila mabilis maglakad.
But still, the weather wasn’t that great. Nasa likod nilang dalawa ang araw at sa pagkakaalala niya, isa pang sensitibo sa init si Easton kaya kahit isa rin siyang nanghihina sa init, tumayo siya sa likod ng binata’t sinalo ang sinag ng araw na dapat e rito.
Mas matangkad kasi siya kay Easton. Well, not by a lot but he’s taller. Plus, he can’t really use the umbrella since they’re walking by a crowdy-sidewalk.
Mabuti na lang at nakarating din sila kaagad sa thrift shop na tinutukoy niya.
“Magaganda ba talaga mga damit dito?” nag-aalangang tanong ni Easton noong papasok na sila sa ukay-ukay.
Pinaikutan niya ito ng mga mata. “Oo nga. Alam kong afford mo ng mga bagong damit pero hindi rin naman gano’n kasama ang mga damit dito. ‘Tsaka kako nga, may mga branded talaga.”
“Nasaan? Gusto kong makita kung legit ba.”
“Sa taas. Tara.”
Magkahawak ang mga kamay na umakyat sina Aaron at Easton sa ikalawang palapag ng thrift shop. Natatawa niyang pinanood ang binata na tignan lahat ng branded na damit doon at kumpirmahing legit talaga ang mga iyon.
Ang iba, iniaabot pa nito sa kanya para isukat kesyo mukhang bagay daw niya.
Kalalabas lang ulit ni Aaron mula sa changing room ng ikasampung beses habang si Easton, magkakrus ang mga brasong hinihintay siya.
Bumuntong hininga siya. “Hanggang kailan ako magsusukat dito? Sabi ko lang bibili ako ng damit pero ‘di ko sinabing itong mga ‘to. Ang mamahal pa rin kaya ng mga ‘to.”
“Five hundred for each piece isn’t much. I’ll pay for it din naman kahit ayaw mo kanina. Isukat mo rin kaya ‘tong polo shirt na ‘to?” suhestiyon ni Easton.
“Taena, kung bihisan mo ako parang ako iyong boyfriend mo jologs e.”
“Hindi ka jologs pero ayaw mo ba maging boyfriend ko?”
Kahit wala namang dahilan para madulas si Aaron, muntik siyang matapilok noong palapit siya sa binata para kunin ang polo shirt na iniaabot nito sa kanya.
Aaron looked at Easton incredulously. Sinusukat niya ng tingin ang binata pero nakalimutan niyang palaban nga pala ang isang ito kaya nakipagsukatan ng tingin sa kanya.
“Akala ko ba nagbibiro ka lang no’ng naaya mo ‘kong tumira sa iisang bubong?” kabado niyang sabi.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman, tang ina. Conflicted siya.
Bahagyang ipinilig ni Easton ang ulo. “Ang sabi ko, nadulas lang ako pero ‘di ko sinabing nagbibiro ako.”
Fuck, right. Napahilamos ng mukha si Aaron at napaiwas siya ng tingin. Siguro, pulang-pula na ang mga pisngi niya. Baka naririnig na rin ni Easton iyong kabog ng puso niya.
Fuck.
Aaron has long admitted to himself that he likes Easton but there are a lot of things why he can’t say it out loud – he’s Wade’s ex-boyfriend. Kahit na hindi na sila nag-uusap ng lalaking iyon, malaki ang respeto niya rito bilang dati silang magkaibigan. Second, the past him still can’t wrap its little head around the fact that he ended up liking Easton again.
“Alam mo…” Aaron trailed off. Naisip niyang mas magandang h’wag na lang i-address itong pagpaparamdam ni Easton sa kanya kaysa sa iba pa ang gawin niya. “… Ako na pala magbabayad sa mga damit na ‘yan, may budget ako.”
He started feeling awkward.
ㅤㅤㅤㅤMAGMULA NOONG date nila ni Easton, ilang araw nang iniiwasan ni Aaron ang binata. Hindi naman talaga dapat pero noon pa lang kasi sa may ancestral house, nagpapakita na ng motibo si Easton at hindi siya kumportable. Lalo na noong lakas-loob na itong magsabi na gusto siya nitong maging boyfriend.
“Ugh.” Ginulo ni Aaron ang buhok bago siya umubob sa lamesa.
Tang inang ‘yan, hindi siya makapag-focus sa mga worksheet niyang mamaya nang 11:59 pm ang deadline! Hayop talaga!
Maluha-luha siyang tumingin sa skrin ng laptop niya, pasimpleng isinusumpa ang professor niyang nangwa-warshock ng deadline kung kailan matutulog na sana siya.
“Puta! Isang oras na lang, pasahan na tapos hindi ko pa matapus-tapos ‘tong worksheet!” reklamo niya ‘tsaka niya nanggigigil na ipinukpok sa lamesa ang nakayukom niyang kamao.
Hindi naman kasi sa hindi niya gusto si Easton, ano. Dahil gustung-gusto niya! At the end of the day, alam niyang walang saysay kung itatanggi niyang mayroon siyang nararamdaman para rito bukod sa atraksyon.
Matagal nang tinanggap ni Aaron na sa lahat ng lalaki sa buong mundo, si Easton na naman ang magugustuhan niya.
Ngayon, saan ang problema? Hindi na sa pride niya dahil isinuko na niya iyon noong matantong nasasayang ang effort niya kaka-deny kay Easton.
Nandoon ang problema sa ex-boyfriend nitong dati niyang kaibigan—si Wade.
“Kung hindi sana sila naging mag-ex, edi sana ‘di ako ganito!” E kaso nasa prinsipyo kasi ni Aaron na hinding-hindi siya jojowa ng ex ng kaibigan niya.
Kung sa kanya mangyari iyon, ayos lang basta naka-move on na siya pero kung sa ibang tao niya gagawin, hindi makaya ng konsensya niya. Para siyang kakainin nang buhay.
“Ang pointless nito.” Napasapo si Aaron ng ulo’t napahilamos ng mukha. “Bukas ko na iisipin si Easton, tatapusin ko muna ‘tong putang inang essay na ‘to!”
Habang ginagawa ni Aaron ang worksheet niya, hindi mawaglit sa isipan niyang mahirap iwasan si Easton. Then again, malapit na ang bakasyon. Hindi niya maiiwasan ang binata ngayon pero hindi ibig sabihin noon, hindi sila magkikita sa susunod na semester.
Practice teaching na siya, may on the job training din sina Easton sa susunod na semester. Hindi sila magkikita hanggang graduation… sana .
“Tang ina, tama ba ‘tong ginagawa ko?” tanong niya sa sarili.
Kumbinsido si Aaron na hindi naman malalim ang nararamdaman niya para kay Easton dahil kailan lang naman sila napalapit sa isa’t isa. Kampante siyang mabilis lang mawala itong feelings niya pero may kung anong bumabagabag sa kanya na baka mali pala ang akala niya.
Bahala na.
Pumikit si Aaron at ikinalma ang sarili. Unang lumabas sa isip niya ang imahe ni Easton noong magpaalam sila sa isa’t isa nitong nakaraan pero iniiling niya ang ulo nang sa ganoo’y ma-distract siya kaagad.
“Alis! Umalis ka riyan sa utak ko, tang ina may trabaho ako e!” Halos sumigaw si Aaron sa pagkasiphayo pero naisipan niyang guluhin na lang ang buhok. “Kalma! Hindi mo ‘yan makikita hanggang katapusan ng school year, ‘wag ka na mag-cope, limot agad!”
Natigilan si Aaron noong biglang nag-ting ang laptop niya ng dalawang beses, indication na mayroong nag-chat sa kanya. Kumunot ang noo niya’t inilipat ang tab sa Facebook hanggang nakita niya ang thread nila ni Easton na nag-pop up.
Kumabog iyong puso niya. Ang lakas, para siyang mabibingi.
Easton Mariano:
Aaron…? Busy ka ba?
Napatakip ng bibig si Aaron kasabay ng pagsinghap niya. Ilang beses niyang tina-tap ang daliri sa lamesa habang tinititigan ang chat ni Easton sa kanya.
Ang initial thought niya, ‘bakit naman nag-chat ang isang ‘to?’ tapos ang pangalawa ‘sasagutin ko ba o hindi?’ dahil conflicted talaga siya.
Makikita ba ‘tong seen kahit na hindi naman niya in-open talaga iyong chat at nag-pop up lang o mako-consider lang kung pipindutin niya iyong reply? Napaisip siya.
Gusto niyang mag-reply pero pinipigilan niya ang sarili.
Sa huli, in-exit na lamang ni Aaron ang pop-up nila ni Easton ‘tsaka niya ibinalik ang atensyon sa worksheet na ginagawa. Nagbago na rin ang mood niya – naiirita sa naguguluhan, gano’n.
Ang hirap palang umiwas sa taong gusto niya. Pagak na lamang siyang napapatawa kapag iniisip niya e.
Aaron clicked his tongue. “Kung alam ko lang na mahuhulog ulit loob ko sa isang ‘yon, hindi ko na siya hinayaang bumalik sa buhay ko e.”
Kabanata 11
KABANATA 11
ㅤㅤㅤㅤHINDI ALAM NI Aaron kung paano niya nakayanang iwasan si Easton samantalang alam ng binata ang schedule sa halos lahat ng mga klase niya. Basta ang alam niya, bigla-bigla siyang mawawala o makikihalo siya sa mga tao bago pa siya maabutan ni Easton nang sa ganoo’y hindi magkrus ang landas nila.
Hanggang ngayon rin, hindi niya niri-reply-an ang chat ng binata. E ilang beses na rin nag-chat ang isang iyon, nagtatanong kung pumapasok daw ba siya kasi hindi raw siya nito nakikita.
Mabilis natapos ang semester nila at ngayon, nagki-clearance na lang siya. Dahil halos lahat ng guro nila e mayroong palugit kung hanggang kailan lamang pupwedeng magpapirma ng clearance, maagang kumilos si Aaron at pumunta sa eskwelahan.
E kaso privileged naman iyong mga professor nila.
“Ang init.” Pinaypayan ni Aaron ang sarili gamit ang folder na hawak.
Nakaupo siya sa labas ng hallway, sa tabi ng mga halaman, sa ilalim ng lilim nang sa ganoo’y mahanginan siya. Kasama niya kanina iyong mga kaklase niya pero kinuha ng mga ito ang clearance nila. Iyong iba naman, nasa caféteria para bumili ng snacks. May mga kasama pa rin siyang kaklase pero may sari-sariling mundo ang mga iyon.
Akala ni Aaron, magiging tahimik ang umaga niya hanggang sa bigla na lamang mayroong tumabi sa kanya’t nalanghap niya ang pamilyar na pabango ng isa sa mga kakilala niya.
“Anong ginagawa mo rito?”
Bumaling siya kay Wade na noo’y nakasandal sa mga tuhod nito bago siya nito nilingon at nginitian.
“Bakit? Masama ka na bang lapitan? Parang ‘di mo ako kaibigan,” may bahid ng pagtatampong anito.
Inismiran niya ito. “Ulol, pinagpalit mo ako ro’n sa ex-boyfriend mo.”
“Tanga, pinagtulakan mo ako kasi kamo ayaw mong maging ka-close si Easton. Ako pa pinagmukha nitong masama.”
Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa maisip niyang magbukas ng panibagong pag-uusapan.
“Nag-uusap pa kayo ng isang ‘yon, ano?” panimula niya.
Mataman siyang pinagmasdan ni Wade. “Paano mo nalaman? Hindi mo naman kami nakikitang magkasama, a.”
“Nagku-comment ka sa posts niya sa Facebook.”
“Oh? Inii-stalk mo si Easton?”
Naiirita niya itong tinapunan ng masamang tingin. “Anong stalk? Ako pa ang mag-stalk? Hindi ba pupwedeng lumabas lang sa news feed ko? Shuta.”
“Ang defensive.” Humalakhak si Wade pero kalauna’y tumango ito. “Maayos naman kasi iyong break-up namin. Hindi sinabi ni Easton sa ‘yo, ano?”
Kahit naman sabihin ni Easton, may pakiramdam na rin siyang hindi rin talaga tumigil sa pag-uusap ang dalawang ito dahil sobrang close pa rin sa Facebook. ‘Tsaka sa pagkakaalam niya, iisa lamang ang circle of friends ng mga ito, kasama pa rin iyong mga kaibigan ni Easton noong high school sila.
Dahil nanahimik ulit siya, si Wade naman ang nagsalita. “Kumusta naman kayo ni Easton? Kayo na, ano?”
Nanlaki ang mga mata ni Aaron noong marinig ang tanong na iyon at hindi siya makapaniwalang lumingon sa binata.
“Pinagsasasabi mo? Walang kami,” aniya.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Wade. “Luh, gago. Sa ‘kin ka pa gaganyan e nakita ko kayo nitong nakaraan sa Angeles na magka-holding hands!”
“Wala ‘yon, gumagala lang kami no’n.”
“Na magka-holding hands?” Natawa si Wade bago nito mahinang pinalo ang balikat niya. “Ron, hindi ako magagalit kung aaminin mo na kayo, sira ulo. Ang tagal ko nang naka-move on kay Easton kaya nga close pa rin kami, o.”
Halos lumaki ang butas ng ilong ni Aaron bago niya inirapan si Wade. “Hindi kami, lumabas lang kami no’n ta’s wala raw siyang alam sa Angeles kaya humawak sa akin. E baka mawala, ako pa masisi.”
Halos maningkit ang mga mata ni Aaron noong mapansing parang nang-aasar siyang pinagmamasdan ni Wade. Hindi nagtagal, ilang beses na kumibot ang isang kilay niya dahil ang dami niyang tanong sa binata. Una, bakit ganyan ito makatingin? Ang sama ng pakiramdam niya at pangalawa, bakit parang hindi masama ang loob nitong lumalabas sila ni Easton?!
“Naka-move on ka na ba sa isang ‘yon?” hindi niya napigilang maitanong matapos ang mahaba-habang katahimikan.
Tumaas ang mga kilay ni Wade bago nito ipinilig ang ulo. “Ba’t mo naman naitanong sa ‘kin ‘yan? Mukha ba ‘kong hindi pa nakaka-move on kay Easton?”
“Matagal ding naging kayo.”
Wade blinked and stared at him, scrutinizing his expression. Hindi nagtagal, ngumisi ang binata. “Nag-aalala ka bang baka nagseselos ako sa ‘yo no’ng naabutan ko kayo nitong nakaraan na nagdi-date? Baka iniisip mo, nilapitan kita kasi nagseselos ako.”
He sweat dropped. “Hindi ba iyon ang dahilan?”
“P’re, hindi!” Malakas na tumawa si Wade ‘tsaka nito hinampas ang balikat niya. “Matagal na ‘kong naka-move on kay East, p’re. ‘Tsaka sa totoo lang, matagal na rin kaming break bago pa lumabas iyong tsismis na hiwalay na nga kami.”
Hindi siya sumagot kaya inakbayan siya ni Wade ‘tsaka hinila palapit dito. Dahil hindi siya kumportable, hinarang niya ang braso niya sa mukha nito bago pa sila magdikit na dalawa. Hayop ang isang ‘to, nakakalimutan talaga niyang mahilig ito sa skinship.
“A-aray! Ba’t ayaw mong lumapit sa ‘kin?!” halos nagtatampong sabi ni Wade.
Bumuga siya ng marahas na hininga. “Magkaiba tayo ng love language, ‘di ako maano sa skinship.”
“Oo nga pala.” Bumuntong hininga si Wade bago ito bumitaw sa kanya’t nagtatampong niyakap ang mga tuhod nito. “Pero seryoso lang na usapan, a? Lumapit ako sa ‘yo kasi na-miss kita. Miss ko na ‘yong dati nating closeness.”
Tipid na tumango si Aaron. Kung sa bagay, siya rin naman e na-miss itong si Wade. Marami siyang kaibigan sa kolehiyo pero wala iyong tipo na hahagilapin siya kung saan-saan nang sabay-sabay silang makatambay kung saan tahimik. Si Wade rin iyong kapag sinabi niyang matutulog siya, hindi siya iistorbohin at hahayaan lang siyang matulog habang inaabala nito ang sarili.
Kinamot ni Aaron ang pisngi. “Pupwede pa naman yata ibalik kung gusto mo.”
Gulat siyang nilingon ni Wade ‘tsaka ito masayang humawak sa mga kamay niya, “wow! Mukhang na-miss din naman pala ako nitong best friend ko e!”
“King ina, babawiin ko ‘yang sinabi ko. Mang-aasar pa e.”
“Joke lang naman, masyado kang seryoso. Pero masaya talaga ako na wini-welcome back mo pa ‘ko ulit.” Humalakhak si Wade. “Alam mo p’re, kahit ka-close ko mga kaibigan ni Easton, iba pa rin talaga ‘yong pagkakaibigan natin.”
“Pareho lang tayo…”
Ipinag-isang linya niya ang mga labi nang maisip bigla si Easton. Hindi niya problema na makipagkaibigan ulit kay Wade pero mas naging slim ang isip niya na i-pursue si Easton. Kung sa bagay, plano naman talaga niyang lumayo dahil hindi niya kayang i-reciprocrate iyong nararamdaman ni Easton sa kanya.
ㅤㅤㅤㅤKUNG PAANO kinaya ni Aaron ang umiwas kay Easton sa kabila ng pagkakagusto niya rito, madali lang naman ang sagot. Una, kaibigan na naman niya si Wade tapos napapadalas na naman ang paggala nilang dalawa kahit labag sa loob niya. Pangalawa, bakasyon kasi nila’t ang balita ni Aaron, pumunta sa ibang bansa si Easton para roon magbakasyon.
That doesn’t mean that Easton never chatted him, though. Katunayan nga e madalas siya nitong kumustahin kahit hindi naman niya ito niri-reply-an magmula noong date nilang dalawa. Naka-spam kasi ang messages nito kaya kung hindi pa titignan ni Aaron ang spam folder, hindi niya malalaman na nagpaparamdam si Easton.
By that, Aaron meant that he often checked his spam messages.
Paano siya makaka-move on nito kung panay naman pala siya hintay sa mga mensahe ni Easton kahit hindi siya sumasagot? King ina kasi ng sitwasyon nila. Sa kanya ito bumabanat tapos siya naman itong tanga, nahulog samantalang ex-boyfriend si Easton ng kaibigan niya.
Golden rule—no, boy’s code? Hindi niya alam saan nararapat ang lohikang hindi dapat dini-date ng kaibigan ang dating kasintahan pero ayun nga, ipagpipilitan niya iyan hanggang sa si Lord na mismo magsabi sa kanyang tanga-tanga siya kakalibing niya ng feelings niya para kay Easton.
“Ang bilis naman matapos ng bakasyon! Kabalik pa natin, orientation lang saglit tapos diretso na sa cooperating schools. Pagod na nga ‘ko, amp,” reklamo ng co-practice teacher ni Aaron.
Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang co-teacher bago siya nag-iwas ng tingin. Nasa faculty room na sila ngayon at nabigyan na lahat ng cooperating teachers pero bilang first day pa lang nila, hindi sila pagtuturuin hanggang bukas nang sa ganoo’y makapag-prepare pa sila sa mga susunod na lesson.
Ii-introduce rin sila ngayon sa mga magiging estudyante nila para sa oras na magsimula na silang magturo, pamilyar na ang mga bata sa kanila.
“Anong klase mo, Sir?” tanong sa kanya noong kapwa niya student teacher.
Hindi sana papansinin ni Aaron ang dalaga hanggang sa mapansin niyang iyong iba niyang kasama, sa kanya rin pala nakatingin. He sweat dropped and warily looked at the person who asked him. He pressed his lips together before he flashed them a smile.
Ang awkward. Siya lang kasi ang english major na napadpad sa eskwelahang ito tapos iyong mga kasama niya, filipino major pa. Kahit pamilyar siya roon sa dalawang kasama niya, ayaw niyang pakampante dahil hindi naman niya talaga naging kaibigan ang mga ito.
Isa pa… Na-issue rin siya sa isa sa kanila dahil ni-reject niya noong hindi pa nito alam na lalaki rin pala ang gusto niya.
“Anong ‘anong klase’ ang tinutukoy mo? Mga grade ba na tuturuan ko o iyong subject na tinuturo ko?” naguguluhan niyang tanong.
Ngumiti ang dalaga. Hindi niya pa ito kilala pero mukha naman itong mabait. “Iyong susunod na papasukan mong klase, Sir. Alam naming english major ka kasi madalas kang pinag-uusapan ‘no! Nagulat nga kaming kasama ka namin ngayon dito sa coop school.”
“Mga grade nine iyong io-observe ko, kayo ba?” tanong niya ‘tsaka niya pinasadahan ng tingin ang mga kasama.
“Grade eight iyong sa akin,” sagot ni Iris, kaklase niya noong first year college pa siya’t iyong tinutukoy nga niyang may gusto sa kanya dati.
Sinundan iyon ni Francine, kaibigan ni Iris at dati niya ring kaklase. “Sa akin naman grade ten. Ikaw ba, Kaye?”
“Mabuti pa kayo!” Naghalumbaba iyong ‘Kaye’. “Sa akin kasi mga grade seven. Ini-imagine ko pa lang iyong energy nila, nakakapagod na e. Hyper pa naman mga bata!”
Kaye pala ang pangalan nitong isa. Nag-iwas ng tingin si Aaron at lihim na sumang-ayon. Kagagaling niya lang din kasi sa isang klase ng cooperating teacher niya, e may dalawang hawak na klase sa grade seven iyon… Dahil nga bata pa ang mga grade seven at galing lang din naman ng elementary, natural na kung umakto ang mga ito e para pa ring mga bata. Ang ha-hyper tapos nataon pang mababa ang seksyon na hahawakan niya niyan.
Nai-imagine na rin niya iyong chaos. Ngayon pa lang e pinananakitan na siya ng ulo.
Dati ngang bibisita siya sa lower section noong high school pa siya, nahihilo na siya sa ingay at gulo ng mga ito e. Ngayon pa kayang magtuturo na siya. Paano na kaya siya nito…?
“Oo nga pala, Sir Aaron… May tanong kami,” biglang sabi ni Francine sa maliit na boses, halos pabulong na nga e.
Pinangunutan siya ng noo bago niya hinanap ang mga mata nitong si Francine. May bago bang tsismis kaya ito bumubulong? Bakit parang ayaw pa yata ng dalaga na marinig ng ibang guro ang pag-uusapan nilang apat.
Ipinilig niya ang ulo. “Ano?”
Hindi nagustuhan ni Aaron kung paanong magpalitan ng tingin sina Francine, Iris, at Kaye pero nanatili siyang nakatikom ang bibig para hintayin ang sasabihin ng mga ito. Kalaunan, si Iris ang nagtuloy ng sasabihin ni Francine.
“Kasama kasi natin dito sa cooperating school si Josiah. Magiging okay lang ba kayo? ‘Di ba manliligaw siya ni Easton dati?” concerned na tanong ni Iris.
Namamangha siyang napatitig sa mga ito. “Hindi ko alam. Baka nga nanliligaw pa rin e. Ba’t kayo nagtatanong?”
“Hindi na siya nanliligaw, wala na ‘yon. Binasted ni Easton ulit ‘yan si Josiah bago nagbakasyon e,” sabad naman ni Kaye. “Hindi niya sinabi kung anong dahilan pero nitong huli kasi, kayo raw iyong madalas magkasama kaya may tsismis na baka kayo raw.”
“Hindi naman kami, Ma’am,” aniya.
Namilog ang mga mata ni Francine. “Hindi kayo? Sigurado pa naman kami na baka may something kayo Sir kasi nakita namin siya sa klase ninyo kaya akala namin…”
“Wala ‘yon.” Bumuntong hininga siya. “Naging close lang kami ni Easton saglit.”
“Hindi pala kayo? ‘Di Sir, legit nga? Akala namin talaga kasi ang chika, nililigawan ka raw ni Easton.”
Ano ang ibig sabihin ng mga ito na siya pa ang nililigawan?! Muntik na masamid sa sariling laway si Aaron kaya tumikhim siya para bawiin ang tindig na muntik niyang mapakawala— awit, a! Ngayon niya lang narinig na may ganyang tsismis!
Siya ang nililigawan?! Hindi mawari ni Aaron kung anong klaseng mukha ba ang gagawin niya dahil gulung-gulo siya. Kailan pa siya pinupormahan?!
“Hindi mo ba alam, Sir?” namamangha ring tanong ni Francine dahil siguro pinanlakihan lang siya ng mga mata pero hindi nakapagsalita.
Tipid siyang tumango. “Ang alam ko lang na tsismis tungkol sa ‘min ni Easton e iyong parteng inagaw ko kuno si Easton do’n kay Josiah kaya mainit mata sa ‘kin no’n e.”
“Alam din namin ‘yan pero kasi kasabayan ‘yan lumabas no’ng ano, inagaw mo raw si Easton.” Tumikhim si Francine. “Ay wait, naliligaw na tayo sa usapan. Magiging okay ka lang ba? Nasa kabilang faculty lang si Josiah, e.”
Nagkibit balikat siya at naghalumbaba. Hindi niya alam. Maganda rin sabihing wala siyang pakialam kasi hindi naman niya inagaw si Easton mula kay Josiah. E kung siya ang gusto ni Easton (alam niyang oo dahil sinabi naman talaga ng binata na gusto siya nito), wala ring magagawa si Josiah.
… Unless mabago nito ang ikot ng mundo’t makuha nito ang atensyon ni Easton?
That thought left a bitter taste at the back of his throat. Lihim siyang umiling bago siya umayos ng upo nang makitang dumating na iyong cooperating teacher niya galing lunch. Magpapahinga na lang niyan ito saglit tapos pupunta na sila sa susunod nitong klase.
Kaso… Makakapag-focus ba siya dahil sa iniisip? Nasabihan naman siyang hindi na raw nanliligaw si Josiah kay Easton pero ayaw niyang pakampante.
Ipinag-isang linya ni Aaron ang mga labi ‘tsaka siya napaisip. Ha! Ang gago naman niya para mag-alala samantalang hindi naman niya kayang panindigan si Easton. Lumayo nga siya, hindi ba? Kasi ang awkward maging boyfriend ng isang iyon dahil ex-boyfriend ito ni Wade tapos pirming-pirmi pa naman siya ianunsyo sa buong mundo na hindi niya magugustuhan ang binata.
Bahala na si Easton diyan, basta makahanap iyon ng bago at kayang manindigan sa nararamdaman nito, mas okay iyon. E kung si Josiah pala ang makakagawa noon, edi maganda.
Tang ina, pero maganda talaga.
ㅤㅤㅤㅤSIGURO SINUMPA siya nina Francine? King inang iyan. Kanina pa nag-iiwas ng tingin si Aaron mula kay Josiah dahil ang sama ng tingin nito sa kanya. E wala naman siyang magawa bukod dito dahil nag-uusap iyong mga cooperating teachers nila. Nataon kasing mag-asawa at nagkadaanan sa second floor ng grade seven building.
Noong napagtanto ni Aaron na magtatagal pa ang pag-uusap ng mga ito, tinanggap na niya ang kapalaran. Lalo na noong lumapit sa kanya si Josiah, wala siyang ibang nagawa kung hindi lunukin kung ano itong ganap sa kanya.
But don’t get him wrong.
Hindi siya takot kay Josiah. Ayaw lang talaga niyang makisalamuha sa binata dahil noong huli silang nag-usap, panay ang pagbitbit nito sa pangalan ni Easton at kung sila na raw ba kuno. Tapos ang bobo pa noong ‘history’ raw nila ni Easton—akala naman e nagkaroon talaga sila ng relasyon bukod sa pagiging magkaaway!
“Long time no see,” bati ni Josiah sa kanya kalaunan bago nito itinaas ang isang kamay at para bang nakikipag-apir.
Although Aaron was conflicted about what to do, his palm eventually met Josiah’s. Baka kasi isipin pa ng mga tao rito, snobber siya.
“Kumusta?” tanong pa ni Josiah sa kanya.
Tipid niya itong nginitian. “Ayos lang. Ikaw?”
“Ayos lang din naman. Bilis ng bakasyon ‘no? Bigla na lang tayong practice teachers na.”
Pagak siyang tumawa’t nag-iwas ng tingin. “Oo nga e. Parang kailan lang e pinapa-print ko pa ‘yong thesis namin nang maipa-hard bound na.”
“Uy, pareho sa ‘min. Ang tagal pa namang ni-review ni Ma’am G iyong thesis namin ta’s ngayon pinuproblema pa namin iyong hard bound.”
Alright. This is getting weird. Hindi na sumagot pa si Aaron at sa halip e inabala ang sarili sa pag-oobserba ng mga estudyanteng nasa loob pa ng classroom at nagdadaldalan sa loob. Ayaw niyang kausapin si Josiah kasi pakiramdam niya, may ihihirit itong tanong maya-maya.
“Oo nga pala, alam mo ba kung sa’n nag-o-ojt si Easton?” kalauna’y tanong ni Josiah.
Lihim na napapikit si Aaron para humigop ng malalim na hininga. Ito na nga ba ang sinasabi niya. He called it. Magtatanong ulit si Josiah tungkol kay Easton—kaya ano iyong sinasabi kanina nina Kaye na hindi na ito nanliligaw? Baka nag-lowkey lang matapos ma-reject ng ilang ulit.
“Hindi ko alam e. Bakit?” sagot niya na hindi tumitingin kay Josiah.
Narinig niya ang nagtatakang paghimig ng binata. “Huh? ‘Di ba niya sinabi sa ‘yo?”
“Hindi naman namin napag-uusapan.” Mas mainam na ganito ang isagot kasi kung sabihin niyang hindi sila nag-uusap, baka mas bahain siya ng tanong.
“Bakit naman gano’n? ‘Di ba magjowa kayong dalawa?”
“Anong—” Aaron paused when he noticed that his cooperation teacher called him. “—Mauuna na kami pero hindi ko jowa ‘yang si Easton.”
“Pero ni-reject niya ‘ko dahil sa ‘yo, a?”
Lumapit si Aaron sa cooperating teacher niya’t kinuha ang iilang gamit na ipinapabitbit nito sa kanya. Noong nagpaalam ang cooperating teacher niya sa cooperating teacher ni Josiah, nilingon niya ang binata’t bahagyang sinimangutan bago siya umiling.
Hindi niya alam kung paano magri-react diyan kahit na noong sinabi ni Easton na gusto siya nito, alam niyang siya ang dahilan kung bakit panay nitong niri-reject si Josiah.
Matapos ng maiksing engkwentro kay Josiah, muntik hindi makapag-focus si Aaron sa pag-oobserve sa cooperating teacher niya at sa klase nito. Halos kapapakilala lamang noon sa kanya sa klase at iyong mga grade nine students na supposedly, last subject niya ngayon, pero iyong utak niya lumilipad.
E kaso nagkaroon ng Q&A portion.
Ang sabi ng cooperating teacher niya, compared sa ibang grade nine na na-observe niya kanina, advanced daw itong klaseng ‘to e kailangan daw na makahabol ng ibang sections kaya pinag-Q&A siya rito. Kung iyong iba e magsisimula pa lamang sa theatre, may background na raw kaagad itong last class na ito dahil mas matatalino raw ang mga estudyante rito. Mag-eenjoy daw siyang magturo.
Sana nga.
E kaso ngayon pa lang sumasakit na tenga niya kasi panay taas ng kamay itong mga estudyante niya tapos panay sigaw ng ‘Sir! Sir! May tanong ako’, tapos ang limitations Q&A e iyong sobrang sensitive lang na subject.
“Sir Aaron! Sir Aaron! Wala ka ba talagang girlfriend?!” tanong ulit ng isa sa mga estudyante niya.
Pagak siyang tumawa bago siya umiling. “Wala.”
Kasi lalaki rin ang gusto niya. Itanong kaya nila kung may boyfriend siya? Wala rin naman pero maikukwento niya si Easton kahit pahapyaw lang—bilang crush kasi hindi naman niya kayang jowain iyon.
“Pero Sir, anong type mo?”
“Crush ka raw ni Hannah, Sir!”
“Heh! Tumahimik ka nga! Tinatanong ko pa anong type ni Sir!”
Naaaliw niyang pinanood ang mga estudyante bago siya tumikhim para sumagot.
“Iyong type ko…” he trailed off before an image of Easton flashed inside his head. “…iyong type ko, ‘yong kaaway ko dati no’ng high school pa ako.”
Kabanata 12
KABANATA 12
ㅤㅤㅤㅤHANGING OUT with friends should be fun but Easton just couldn’t find the heart to enjoy his circle’s company. Kanina pa siya nakabusangot at tahimik, ni hindi nga niya kinakain iyong in-order niyang tiramisu cake at panay saksak lang siya roon. Alam niyang nakakaawa iyong cake pero inis na inis din si Easton.
“Ayan ba epekto ng naba-basted?” biro sa kanya ng isang kabarkada.
Nag-angat siya ng tingin para tapunan ito ng masamang tingin pero nagtaka siya nang hindi ito nakatingin sa kanya at sa halip e roon sa isa pa nilang kabarkada na mukhang maiiyak na. Nagbibiruan ang mga ito noon ‘tsaka panay ang comfort na makakahanap din ito ng iba pero matigas ang kaibigan nilang sawi dahil iyong nililigawan lang daw nitong nakaraan ang gusto nito.
Easton felt that.
Hindi naman siya na-basted ni Aaron. It’s more like… That man just decided to cut him off all of a sudden after their date and viola, he’s now a mess.
Ilang beses na nag-attempt si Easton na makipag-interact kay Aaron online dahil bago matapos ang first semester, hindi niya na madalas maabutan ang binata. It’s either Aaron already avoided him during those times, which he obviously had, and fate decided to choose Aaron’s side.
Damn it.
“Ang tahimik mo?” bulong sa kanya ni Wade.
Natigilan siya noong mapansing tumabi pala sa kanya ang binata, ‘tsaka naman sumunod ang kantyaw ng mga kaibigan nila sa kanila na siyang mas ikinasimangot niya.
Seriously, he and Wade had already broken up ages ago. Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move on ang mga ito samantalang may kanya-kanya na silang nagugustuhan. Especially him. It was unfair for Wade but he just really loved Aaron too much.
Pilit niya itong nginitian. “Wala lang ako sa mood.”
“Hindi ka pa rin pinapansin ni Aaron?” panghuhuli nito sa kanya.
Mabuti na lamang at pabulong lamang magtanong si Wade at sila lang ang nakakarinig ng usapan nila dahil naging abala ulit ang mga kabarkada nila sa kaibigan nilang nasawi ang puso. Kinantyawan lang sila saglit tapos sinabihan na magsasariling mundo na naman sila, kesyo hindi pa sila magbalikan ulit, bago itinuon ang atensyon sa ibang bagay.
There were pros and cons to that but as long as the attention wasn’t on them, that’s better.
“Nagkukwento ba siya sa ‘yo? ‘Di ba madalas na ulit kayo mag-usap nitong nakaraan?” pag-uusisa niya.
Sumandal si Wade sa upuan nito bago ito umiling. “Ang hirap isingit ng pangalan mo ‘pag nag-uusap kami. Parang ayaw ka niya yatang pag-usapan e.”
“Bakit? Wala naman akong ginagawa sa kanya.”
“Baka ‘di kumportable sa ‘yo kasi nga ‘di ba, magkaaway kayo noong high school ta’s bigla-bigla ka na lang magpapahiwatig sa kanya na gusto mo siya?”
“But it’s been years. I thought we’re close already because sometimes, he’d pick me up when he’d see me alone.”
Nagkibit balikat si Wade. “Baka naawa lang sa ‘yo. Malay ko ba riyan kay Aaron.”
That hurt. Nagbaba ng tingin si Easton ‘tsaka napatitig sa na-murder niyang tiramisu cake. ‘Naawa lang sa ‘yo’ —is one way to put things but it sounded right.
“Gusto mo bang tanungin ko?” pag-aalok ni Wade matapos ang mahabang katahimikan.
Nag-angat siya ng ulo para salubungin ang tingin nito. “Feeling mo kaya, mag-oopen up siya sa ‘yo tungkol sa akin?”
“Sa totoo lang, hindi. Alam ni Aaron na close pa rin tayo, e. Syempre kahit magkaibigan na ulit kami, alerto ‘yon sa akin kasi baka i-snitch ko siya sa ‘yo.”
That’s what he expected, that’s why he didn’t really try to force Wade to ask Aaron about him. Iyong mga nauna nitong attempt, si Wade mismo ang nag-initiate at hindi niya alam, ikukwento lang sa kanya na hindi successful dahil mabilis umilag si Aaron ng tanong.
Now, what should he do?
Gusto niya talagang makita si Aaron at kumprontahin ang binata sa kung anong nangyari’t umiiwas ito sa kanya kaso paano? Busy na si Easton pagkatapos ng linggong ito, hindi niya alam kung paano niya isisingit sa schedule na hanapin ang binata.. ‘Tsaka hindi alam ni Easton kung saan ba nagtuturo si Aaron ngayon kaya mahirap.
Wala rin namang nag-educ sa mga barkada niya. Kung meron, nasa ibang school naman.
“Pero alam mo… ‘di talaga sumagi sa isip ko na ayaw sa ‘yo ni Aaron. Siguro noong una pero nitong mga nakaraan na nakikita ko kayo, parang ‘di na gano’n ang dating sa akin e,” kalauna’y sabi ni Wade na nakapukaw sa atensyon niya.
Easton looked at him and contemplated. He clenched his fists before he scoffed. “What do you mean? That Aaron probably likes me too?”
“Malay ko. Sinasabi ko lang naman na ‘di naman mukhang ayaw na sa ‘yo ni Aaron.” Humimig si Wade at napaisip. “If anything, he looked like he’s having fun with you. ‘Di ba siya nag-enjoy noong date niyo?”
“He did… until I brought up my feelings for him.” Hindi naman siya direktang umamin pero ipinahiwatig na niya kay Aaron na may something siya para rito.
Pagkatapos noon, wala na.
“Anong gagawin ko, Wade? I really love him,” mahina niyang usal bago siya lumunok.
Wala pa sa kanila ang atensyon ng mga kabarkada kaya kahit maluha siya nang kaunti o mabasag panandalian ang boses niya, hindi niya maaagaw ang atensyon ng mga ito. Kampante siya roon.
Easton had this inexplicable expression on his face—he was having mixed feelings. Ang sakit sa dibdib na hindi siya pinapansin ni Aaron samantalang mahal na mahal niya ito. Parang nahihirapan siyang huminga dahil hindi na siya nito pinapansin, nawawalan na siya ng gana.
Hindi lingid sa kaalaman ni Easton ang bahagyang panunubig ng mga mata kaya mabilis at pasimple niyang pinalis ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.
Fuck. He can’t cry here.
“Wade…” halos namamaos niyang tawag sa kaibigan na noo’y tila ba conflicted din at nagpa-panic nang makita siyang maiiyak na.
Ilang beses ibinuka ni Wade ang bibig pero ilang beses ding nauwi sa wala ang attempts nitong magsalita. Hindi nagtagal, nagpakawala ng marahas na hininga ang binata bago ito napailing.
“Gusto mo bang hanapin natin kung sa’n nagtuturo si Aaron?” alok nito sa kanya.
Tipid na tumango si Easton.
ㅤㅤㅤㅤTHE NEXT few weeks, Easton and Wade’s plan didn’t work out. Parehong hindi nag-match ang mga schedule nila at wala naman ding mapagtanungan sina Wade kung saan ba nagtuturo si Aaron. Wala naman kasing naging ka-close si Wade sa mga kaibigan ng binata dahil nahihiya raw ang mga ito sa kanya.
“Hindi mo i-add iyong mga kaibigan ni Aaron? ‘Di ba lumalabas sa friend suggestions mo?” tanong ni Wade habang nginangatngat nito ang straw ng milktea nito.
Marahan siyang umiling. “Listen, I tried that, okay? Kaso ‘di ko alam buong pangalan ng mga kabarkada niya and Facebook’s algorithm isn’t working out for me. I’ve never seen his friends’ faces in my suggestions.”
“King ina, sinalo mo naman yata lahat ng kamalasan sa mundo e.”
“Don’t put it that way. I’ll kick you then I’ll cry.”
Mataman silang nagkatitigan ni Wade bago ito napaismid at natawa. Kahit si Easton, bahagyang napahagikhik dahil para siyang bata sa sinabi niya.
It was Friday. Easton and Wade managed to find some time to meet together because talking in messenger wasn’t working out well for them. Madalas kasi silang magkasalisihan na dalawa’t inaabot minsan ng dalawang oras bago mag-reply sa isa’t isa. Hindi tuloy sila makapag-usap nang maayos kaya nagkita na lang sila ngayon.
Then, Wade paused. “How about that guy…?”
Kumunot ang noo ni Easton. “Sino?”
“Alam mo na… Iyong masugid mong manliligaw.” Nagpahalumbaba si Wade bago nito tinakpan ang ibabang bahagi ng mukha. “Hindi ba educ ‘yon? Ibang subject lang yata mina-master kay Aaron e.”
“Si Josiah?” naguguluhan man pero kinumpirma pa rin niya.
“Oo, ‘di mo tanungin ‘yon at baka alam niya kung sa’n nagtuturo si Aaron ngayon?”
Bakas sa mukha ni Easton ang pagdadalawang isip sa suhestiyon ni Wade. Sa totoo lang kasi, ayaw na sana niyang kausapin ulit si Josiah dahil masyado itong madaldal tapos pushy. Baka mamaya, hingan pa siya ng kapalit tapos itulak na naman nito ang sarili sa kanya.
And Easton made sure that Wade saw how he felt about the idea.
It was just that… Wade wasn’t buying it. “Make that sacrifice or you won’t see him at all. Ikaw mamili, East.”
“E pa’no kung hingan niya ako ng kapalit? Ayokong lumabas kasama siya,“ nag-aalangan niyang tanong.
“Tignan mo na muna! ‘Di na nga nagparamdam sa ‘yo ‘yan nitong nakaraang sinabi mo na si Aaron ang gusto mo, ‘di ba? Malay mo, ‘di ka na guluhin niyan.”
Kung sa bagay. If there’s anything that Easton liked about Josiah, it’s that… he was kind of respectful. Just kind of. Mapilit kasi talaga ang binata at nagtatampo kung tatanggihan niya samantalang hindi sila magkaanu-ano, the reason why Easton couldn’t appreciate him as a suitor.
Even so, when Easton admitted that he liked Aaron to Josiah, he was appalled by how quickly Josiah accepted his feelings. Ang sabi nito e halata naman daw na si Aaron ang gusto niya dahil hindi naman daw ito didikit sa binata kung hindi.
Mabuti pa si Josiah e nalamang may gusto siya kay Aaron, e iyong object of affection niya, napakamanhid… o baka wala lang talagang pakialam sa kanya pero hindi siya pupunta sa direksyong iyon dahil sasaktan niya lang ang sarili.
“Fine but if he asks me out, you’ll go with him instead,” banta niya kay Wade na dahilan para matawa naman ito.
Tumango-tango ang binata. “Sige lang. It’s not like I’m not free or anything. ‘Di naman ako sinagot no’ng nililigawan ko.”
“Right. Baka si Josiah ang para sa ‘yo.”
“Sana hindi.” Umikot ang mga mata nito bago ito umaktong parang nanghihilakbot. “Anyway, i-chat mo na para alam natin kung anong gagawin natin na susunod.”
Fine.
Easton pressed his lips together and picked up his phone from the table. In-open niya iyon ‘tsaka siya pumunta sa messenger at tinipa ang pangalan ni Josiah nang makapagsimula ng bagong chat thread. He swallowed when he found out that Josiah was online but he also thought that it’s better than waiting for a reply.
He steeled himself and began to type.
Easton Mariano:
Hi, Josiah. May tanong sana ako sayo kung pwede?
Easton bent and acted like he dramatically slipped and leaned on the table before he planted his cheek on the surface. Gusto niyang ibaon ang sarili six feet underground. Hindi pa sumasagot si Josiah pero hiyang-hiya na siya dahil kasasabi niya lamang sa sarili na hindi niya ulit ito kakausapin.
“Tang inang ‘yan, si OA,” rinig niyang komento ni Wade pero hindi na siya nag-react.
Tinapunan niya ng masamang tingin si Wade. “Pwede ba? Sabi ko kasi sa ‘yo ayaw ko na kausapin ‘tong si Josiah.”
“Hindi ka naman trinaumatize niyan. ‘Di ba mas nakakatakot iyong bigla ka nalang ‘di kinakausap ng crush mo?”
“Even so! Ugh! Your argument is invalid.”
Pinaikutan niya ng mga mata ang binata na noo’y natawa lamang ulit sa kanya pero sa kaloob-looban niya, sumasang-ayon siya rito. Medyo OA nga na bigla siyang nag-iinarte rito samantalang matagal naman nang nasa history book niya si Josiah.
He paused when he saw that Josiah replied. Parang tumayo ang mga balahibo niya sa katawan.
Josiah
Nicavera
:
hey long time no talk ano yun?
Easton bit the insides of his cheek as he thought of how he should reply to Josiah. Hindi nagtagal, napahilamos siya ng mukha. Paano niya itatanong si Aaron dito? Bahala na.
Easton Mariano:
Nagtuturo ka na din diba?
Josiah
Nicavera
:
oo bakit? magpapaturo ka ba sa math?
Easton Mariano:
No, no. I just wanted to ask something Is it possible that every major in your department could be dispersed to the same school?
Josiah
Nicavera
:
sandali kung tama pagkakaintindi mo tinatanong mo kung pwede kami maassign sa parehong school ket magkakaiba kami ng major diba? sorry bobo ako sa english
Easton Mariano:
Yes, that’s right
J
osiah
Nicavera
:
kung ganun oo. bale 3-5 pt per major kada coop school bat mo natanong?
Binitawan sandali ni Easton ang cellphone para makahigop siya ng sariwang hangin. Inihahanda pa niya ang sarili dahil hindi niya inakala na tatanungin niya si Josiah kung nasaan si Aaron ngayon.
Hindi lingid sa kanya ang mapanghusgang tinging ibinabato sa kanya ni Wade habang maingay nitong iniinom ang in-order nitong kape. But he was too busy gathering his composure to ask. Ewan… Bakit ba nahihiya siyang magtanong samantalang gusto naman talaga niyang makita si Aaron?
“Dalian mo habang may oras pa tayo, o. Mahirap na pamo magkita ngayon kasi sa magkaibang lugar tayo na-assign,” sabi ni Wade. “At sayang iyong oras.”
Huminga siya nang malalim. “Sandali lang naman… Parang ‘di ka na agad makapaghintay e, ano?”
“Syempre gusto kong makakita ng drama ngayon. ‘Di mo kaya isipin anong magiging itsura ni Aaron ‘pag nakita ka niya e higit isang buwan ka na yatang iniiwasan? Dali, para makita mo na labidabs mo.”
Sinimangutan ni Easton si Wade pero nakumbinsi siya. May punto nga naman ito at kung sakaling alam nga ni Josiah kung nasaan si Aaron, bilang maaga pa naman, mapupuntahan pa nila ang binata.
Well, Easton did ask Wade about where Aaron lived but this guy said that they couldn’t just barge into their house because that’s improper, so they rather go to the school he’s working with. Last resort na puntahan ang bahay ni Aaron.
Binalikan niya si Josiah.
Easton Mariano:
Slr. By any chance, kasama mo ba si Aaron?
The moment of truth. Pagka-send ni Easton ng chat niya kay Josiah, kaagad na nakapag-seen ang binata. Mabilis din itong nakapagtipa pero ilang beses din kasing nawawala iyong indication na nagtitipa ng isasagot si Josiah.
Meaning, he wanted to say something but he’s erasing it, then he’s typing again. Kinakabahan siya dahil baka paglaruan siya ni Josiah.
Josiah
Nicavera
:
inexpect kong tatanong mo kasi mukhang di kayo naguusap tinanong ko din sya nung nakaraan kung alam nya kung san ka ba nagoojt pero di nya daw alam eh
So nakakausap niya si Aaron?! Malaki ang posibilidad na magkasama sina Josiah at Aaron sa iisang school? Napatuwid ng upo si Easton noong mabasa ang mga chat ni Josiah sa kanya.
His heart pounded against his chest and he was beyond excited. His hand even began to tremble waiting for Josiah’s next chat. Easton just couldn’t point out what he should feel—he’s kind of like a mixed bag right now.
Josiah
Nicavera
:
oo magkasama kami ni aaron sa school kaso dumaan ako sa faculty ng english pero wala sya. baka may klase pa yun, magaalas tres palang eh
Easton Mariano:
Thank you! Until what time kayo dyan?
J
osiah
Nicavera
:
5pm out namin oy may bayad to. dalhan mo kong pagkain, nagugutom na ko
Easton Mariano:
Sure. Si Wade nalang maghahatid. Thank you ulit
“Pack your things, we’re leaving,” Easton told Wade with finality in his voice. “Alam ko na nasa’n si Aaron. He isn’t even that far!”
Easton picked up his bag and immediately put his things away, then he grabbed his phone with him while checking the table if he left anything else. Bukod sa hindi pa niya nauubos na milktea, mukhang ayos na ang mga gamit niya kaya kinuha na lamang din niya ang inumin nang hindi siya mauhaw.
Napahagalpak ng tawa si Wade nang makita ang pagmamadali niya. “Sabi ko na nga ba’t ‘yang dati mong manliligaw sagot e. Sa’n daw siya?”
“The high school beside our univ. Nandoon lang siya. So come on, I can’t last another day without seeing that guy.”
Naaaliw na humimig si Wade. “E kapag nakita mo, anong gagawin mo? Hahalikan mo?”
As if! Even though he’d like to do that, he’s still upset that Aaron suddenly decided to ignore him out of nowhere! That man… Kung pupwede lamang ay siya naman ang susuntok sa mukha nito sa pagkakataong ito! Nakakainis.
“No. I’ll have to lecture him about avoiding me first before that,” halos nakanguso niyang sabi.
Kabanata 13
KABANATA 13
ㅤㅤㅤㅤLATE NA NOONG bumalik si Aaron sa faculty dahil wala ang cooperating teacher niya’t siya ang naatasang magbantay sa advisory class nito. Wala naman talaga silang pinag-usapan sa klase dahil free time ang homeroom. Tinanong niya lamang ang mga ito kung nakakasunod ba sila kapag siya ang nagtuturo dahil practice teacher nga siya.
So far, so good. Hindi siya nakatanggap ni isang negatibong feedback mula sa klase dahil magaling daw siya magturo.
Hindi naman talaga kinagat ni Aaron iyong papuri dahil baka mamaya e inuuto lang pala siya ng mga ito. May trust issues siya sa mga bata ngayon kahit mukhang henuwino na nag-eenjoy naman ang mga klase niya t’wing siya ang nagtuturo.
Pinaglinis niya rin pala ang mga estudyante bago niya pinauwi kaya mag-three thirty na siyang makakabalik sa faculty room.
Aaron heaved a sigh as he paused in front of the stairs. Napukaw sandali ang atensyon niya nang tawagin siya ng iilang estudyante at kawayan, na siyang binalikan naman niya ng ngiti at tipid na pagtango. Then, he was back at the problem.
“Dapat pinapa-escalator na ang mga public school ngayon e,” bulong niya sa sarili bago niya tinanggap ang tadhana.
May choice pa ba siya maliban sa pag-akyat ng hagdan kahit labag sa loob niya? Wala. Nandoon sa faculty mga gamit niya e.
“Huy, Sir Aaron!”
Natigilan siya nang marinig ang boses ni Kaye. Noong mag-angat siya ng tingin, natagpuan niya ang dalaga na pababa rin ng hagdan pero tumigil nang makita siya. Bagamat kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka, nginitian niya ito.
“O, Ma’am? Sa’n punta mo?” tanong niya sa dalaga.
Tipid na umiling si Kaye. “Hahanapin sana kita kasi late ka na dumating. Ano ba ginagawa mo?”
“Ah. May homeroom kasi…” Kinamot ni Aaron ang pisngi bago niya pinasadahan ng tingin ang mga estudyanteng tumawag sa kanya para magpaalam. “… Na-late ako kasi pinaglinis ko iyong mga estudyante ni Ma’am Gomez. Bakit pala?”
“Kaya pala ang tagal mong bumalik…” Natigilan si Kaye bago nito mahinang pinalo ang barandilya ng hagdan. “Babalik ka na sa faculty, ano? Dalian mo, may naghahanap sa ‘yo. Kanina pa sila ro’n.”
Aaron stared at Kaye intently before he hesitatingly continued to climb the stairs. Nang makalapit siya sa dalaga, pinasadahan niya ng tingin ang pasilyo para makakuha ng clue kung sinong naghahanap sa kanya pero wala naman siyang nakita.
“Sinong naghahanap? Ako talaga?” tanong niya bago niya itinuro ang sarili.
Humimig si Kaye at tumango. “Oo nga, kanina ka pa nila hinihintay. E sabi ko lang hahanapin kita kasi iyong last class mo, second to the last subject ko e. ‘Tsaka kako advisory mo ‘yon.”
“Kaklase ko ba naghahanap sa ‘kin?”
Noong hindi sumagot si Kaye at nilagpasan lamang siya, hindi alam ni Aaron kung anong mararamdaman niya.
He didn’t really want to follow along because what if it was some parent that his cooperating teacher had to meet today? Olats. E wala namang alam si Aaron sa mga pa-issue na ganyan.
Sort of.
But the point was… If the people waiting for him were a pair of angry parents, there’s nothing he could do because he’s just a practice teacher. Any affairs that weren’t a scope of his training, he shouldn’t meddle with.
But what the fuck is with this atmosphere? May pa-mysterious effect pang nagaganap, naa-anxious lang naman siya.
Habang naglalakad sila, pakiramdam ni Aaron e parang ang layo ng faculty room kahit hindi naman. In every step he took, his heart beat also drummed. Nakakainis dahil inaasahan niyang galit na parents ang nag-aabang sa kanya sa faculty room. Pinagpapawisan na nga ang mga palad niya sa kaba.
Pasimple lamang niya iyong tinakpan noong makalapit na sila ni Kaye sa faculty room.
“Nandito na si Sir Aaron!” anunsyo ni Kaye sa mga kasama na siyang ikinagulat niya.
Sira ulo ang isang ito! Napapitlag siya’t muntik niyang mabitiwan ang tumbler niya dahil akala niya, may mga guro pa sa loob ng faculty room pero nakalimutan niyang on meeting nga pala ang mga ito dahil sa darating na intrams.
So, yeah. There should be only him, the Filipino majors, and…
Hindi biro kung sasabihin ni Aaron na tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makita niya kung sino ang nakaupo sa madalas niyang inuupuan. That all-so-familiar figure—that tall, lean, and pale man sitting on his chair.
Putang ina. Gusto niyang tumakbo pero hindi siya makakilos.
Para siyang kandilang naitulos sa kinatatayuan habang tinititigan si Easton na noo’y nakatingin din sa kanya.
Fuck. He missed him. He missed those blue eyes staring at him, only focused on him— wait, no. He didn’t want to see him!
Noong mapansin ng iba nilang kasama na hindi makakilos si Aaron sa kinatatayuan, tumikhim ang mga ito ‘tsaka bigla na lamang na nagpaalam na aalis. Sina Kaye, pupunta raw ng canteen para bumili ng miryenda tapos si Wade (na hindi niya napansing nandoon din pala), makikipagtsismisan daw kay Josiah kahit hindi raw nito ka-close.
And now it’s more awkward!
Akmang tatakas din sana si Aaron dahil wala sa bagong bucket list niya ngayong taon ang kausapin si Easton kung hindi lang nahagip ng mga mata niya ang biglaang pagtayo nito at pagkaumpog sa lamesa nang makitang aalis din sana siya.
The hell is this guy doing?!
“O-ow!” Easton groaned before he sat on his chair again while he massaged his knee. But then, he paused when he remembered Aaron. “W-wait, ‘wag kang umalis Aaron…”
Hindi alam ni Aaron kung anong ekspresyon ba ang gagawin niya pero pinaningkitan niya ng mga mata si Easton. Nagdadalawang isip pa rin siya na lumapit kaya palipat-lipat ang tingin niya sa buong kapaligiran.
“… Do I make you uncomfortable? Maybe you’re disgusted to see me,” kalauna’y sabi ni Easton sa maliit na boses.
No! Ugh. Easton’s voice almost sounded like a whisper but oddly enough, their surroundings were too quiet, the background noises were too distant for him to pay attention, so it was quite easy to hear Easton’s voice.
Ikinuyom ni Aaron ang mga kamao’t lihim siyang nagngitngit ng mga ngipin.
Nandidiri siya kay Easton? No, that’s a lie. How could he possibly look at Easton in disgust when he’s everything that Aaron began to want? Kung alam lang siguro nitong araw-araw na binibisita ng imahe nito ang mga panaginip niya, baka magwala pa ito sa saya.
Anyway, Aaron kept quiet.
Dahil nag-aalala siya kay Easton at sa tuhod nito, pumasok siya sa loob ng faculty kahit labag sa loob niya. Desidido na sana siyang umiwas pero paano kung hindi niya naman matiis ang isang iyan? Tang ina.
Aaron acknowledged that he’s down bad. How should he save himself from his feelings? He won’t say he’s in love verbally but he hoped his body language wouldn’t give his real feelings away.
He hoped that he wouldn’t trip as he walked towards Easton. He also hoped that Easton would somehow look away as he approached since he’s only growing more and more anxious— more conscious .
Hindi nagtagal, nakalapit siya sa binata. Inilapag niya muna ang mga gamit sa lamesa bago siya yumukyok para makita ang tuhod ni Easton na natatakpan naman ng suot nitong pantalon. Alam niyang titig na titig sa kanya ang binata at hindi rin nito alam ang gagawin.
Alam niyang nagpa-panic din si Easton ngayon dahil hindi siguro nito inasahang lalapit siya rito.
“Patingin nga,” sabi niya kay Easton. Medyo utos ang dating base sa pinalidad sa tono ng boses niya.
Marahang inalis ni Easton ang mga kamay sa tuhod nito, siya naman ding paghawak ni Aaron sa dulo ng pantalon nito ‘tsaka iyon maingat na inirolyo pataas nang makita niya ang tuhod ng binata.
“Ba’t mo ‘ko iniiwasan?” kalauna’y tanong ng binata na dahilan para matigilan siya sa pagtutupi ng pantalon nito.
Nag-angat siya ng tingin para makita ang mukha ni Easton pero hindi siya nagsalita. Ano ba kasing sasabihin niya? Na gusto niya rin ang isang ito pero ayaw niyang panindigan dahil mag-ex sila ni Wade at kaibigan niya ang ex-boyfriend nito?
Pwede naman. Kaso hindi niya alam kung paano iyon sasabihin kay Easton. He just thought that… avoiding him would be the best way to end things before something else could happen.
“Aaron, galit ka ba sa ‘kin kasi may gusto ako sa ‘yo?” tanong ulit ni Easton. “Nandidiri ka ba kasi sa lahat ng magkakagusto sa ‘yo, ako pa?”
Hindi ulit siya sumagot. Sa halip, hinawakan niya ang binti ni Easton nang eksaminahin ng mas malapit ang tuhod nito.
Namumula lang naman pero bilang masyadong sensitibo si Easton, baka kahit iyong ganoong aksidenteng pagtama lamang sa ilalim ng lamesa e maging dahilan pa ng pasa nito.
Easton had also gone quiet. Siguro naisip nitong wala siyang balak na i-address ang problema.
Maingat na binitawan ni Aaron ang binti ng binata bago niya itinulak ang sarili nang makatayo siya. Then, he looked at Easton. Nakatitig pa rin ito sa kanya pero mukhang nasasaktan base sa ekspresyong nakapaskil sa maamo nitong mukha.
“Hindi ako nandidiri sa ‘yo.” Ang tangi lamang niyang nasabi.
Iiwanan niya sana si Easton para kunin iyong first-aid kit pero bigla na lamang nitong hinablot ang palapulsuhan niya, dahilan para matigilan siya’t maghumerantado ang puso niya.
Namamangha niyang pinagmasdan ang binata. Medyo nanlaki ang mga mata niya at halos mahulog ang panga niya pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula, kung paano niya sasabihan si Easton na bitiwan siya dahil hindi sang-ayon ang katawan niya sa utak niya.
“Then why are you avoiding me? Simula no’ng matapos iyong date natin, ‘di mo na ulit ako kinausap. I thought you’re just tired but it went on for weeks—no, for months now!” nasisiphayong sabi nito.
Easton was gritting his teeth and he looked like he was just stopping himself from tearing up… and hell, how it made Aaron feel guilty.
Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero noong walang salita ang kumawala sa bibig niya, itinikom niya ang bibig ‘tsaka nag-iwas na lamang siya ng tingin.
“Aaron, naguguluhan ako…” halos namamaos ang boses na dagdag pa ni Easton. “If you don’t want me, if you’re so against the idea of being my boyfriend, then why did you keep the date going? Why didn’t you just leave me in the thrift shop and rejected me instead of not saying anything then disappearing? Alam mo bang nakaka-frustrate?”
“So, hinanap mo ako para pag-usapan ‘to?” tanong niya.
Aaron had to mentally slap himself because obviously, what else should be the reason why Easton was here?
“Hindi pa ba sapat na dahilan ‘yon?” naguguluhan ding tanong ni Easton sa kanya. “After that date, we bid good night when evening came and you’re out. You’re gone. Bigla ka nalang ‘di nangausap, ‘di na rin kita mahagilap.”
Bumuntong hininga si Aaron at lumingon para tignan kung may mauupuan ba siya. Ang hirap kasing makipag-usap na nakatayo e kanina pa siya upung-upo.
Nang makita ang upuan ni Francine, kinuha niya iyon ‘tsaka siya umupo sa tapat ni Easton. Pinasadahan niya ng tingin ang kamay ng binata na nakahawak pa rin sa braso niya pero nang hindi iyon inalis ng binata, napagdesisyunan niyang hindi na rin iyon pagtuunan ng pansin.
Sinisiguro lang ni Easton na hindi siya aalis pero saan ba siya pupunta? King ina, hindi niya lang inaasahan na ngayon sila mag-uusap ni Easton kaya hindi niya alam paano sasabihin ang side niya rito.
“Sa totoo lang, ‘di ko inaasahan na magkikita tayo ngayon kaya ‘di ko rin alam kung pa’no ko sasabihin ‘yong thoughts ko rito,” panimula niya bago niya minasahe ang sentido.
Easton’s grip on his arm went tighter. “Would it be easier for you if I ask questions instead?”
“Yeah, go on.”
Sumandal siya sa backrest ng upuan ‘tsaka niya hinintay si Easton na magtanong pero habang tahimik pa sila, hindi niya maiwasang titigan ang binata.
Walang improvement sa itsura nito. Maputla pa rin ito at mukhang sakitin. Gusto niyang itanong kung kumakain ba ito pero dahil hindi ganoon ang klaseng tanungan na nababagay sa atmospera nila, mas pinili niyang manahimik.
“Do you really not hate me?” unang tanong ni Easton.
Tipid siyang umiling. “No, I don’t hate you. I don’t find you and your feelings disgusting.”
“Ayaw mo lang talaga sa ‘kin kaya ka umiwas?”
Fuck. That’s the tricky question. Napapikit si Aaron at napaiwas ng tingin mula sa binata. Hindi niya alam kung anong gagawin niya pero parang ang sarap iumpog ng ulo niya sa lamesa dahil mas gugustuhin niyang mawalan ng malay ngayon kaysa sagutin ang tanong ni Easton.
He likes him, alright! Ayaw niya lang aminin dito.
Humigop siya ng malalim na hininga. Madaling magsinungaling pero ayaw niyang magkaroon ng maling ideya si Easton sa ginawa niya. But… Aaron doubted that this would be for the better.
Aaron steeled himself and confessed, “gusto rin kita.”
He knew that Easton was taken aback when the man’s grip on his arm slightly loosened. Nang tignan niya ang mukha ni Easton, bakas ang pagkagulag sa mukha nito. It seemed like he was supposed to say something but Aaron cut him off.
“Whatever happened between us in high school, that’s already at the back of my mind.” He swallowed and looked away, his anxiety slowly crept in. “I’ve already forgotten that I hated—no, that’s a strong word—I’ve already forgotten that I disliked you.”
Easton swallowed and stared at him in confusion. “Kung gano’n, ba’t mo ako iniiwasan?”
“Kasi ‘di kita kayang panindigan. Do you even know how much of a burden these feelings are?”
Tinuro ni Aaron ang dibdib habang si Easton, napamulagat na lang sa sinabi niya. Bumagsak ang mga balikat nito at kahit gulung-gulo, pinilit nito ang sariling sundan ng tingin ang ginagawa niya.
“I can’t date a friend’s ex, Easton. Hindi siguro alam ni Wade ‘to pero dati pa man, pinanghahawakan ko na ‘yan,” dagdag pa niya.
“But why?!” naguguluhang tanong ni Easton. “Matagal na kaming break ni Wade at naka-move on na kami sa isa’t isa.”
“But did that change anything? You’re still his ex-boyfriend.”
“Should it still matter if both parties already moved on?” Bumaba ang hawak ni Easton sa kanya. Mula sa braso, hinawakan nito ang kamay niya’t mahigpit siyang hinawakan. “Ang unfair naman ng mindset mo, Aaron. Sinabi mong gusto mo ‘ko pero ‘di mo ako kayang panindigan dahil lang naging kami ni Wade?”
Kumunot ang noo niya. “Kaya sinabi kong pabigat din ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo, hindi ba? Kasi ‘di naman dapat ako magkagusto sa ‘yo.”
“Don’t call it a burden!”
Pagkasabing-pagkasabi noon ni Easton, nahagip ng mga mata ni Aaron ang pagbalik ng ilang guro mula sa meeting na dinaluhan ng mga ito. He saw Francine’s cooperating teacher enter the room and found him and Easton inside the faculty. Nginitian niya ito bago siya tumayo at marahang hinila ang binata na tumayo.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Easton at doon lang din lamang nito napansin na bumabalik na ang mga cooperating teacher nila.
He hurriedly fixed his pants (which Aaron forgot to pull down and tend to) before he picked up his things and glared at Aaron.
Bumuntong hininga siya’t nagtaas ng mga kamay. “Sa ibang lugar tayo mag-usap. Baka magkaroon pa ‘ko ng issue.”
“Fine,” tipid na sagot ni Easton.
Nakahinga siya nang maluwang noong hindi nagprotesta ang binata. Kung sa bagay, nakakahiya nga namang ipagpatuloy ang usapan nila kung maririnig sila ng mga cooperating teacher dito.
Nakita ni Aaron na pumasok ang cooperating teacher niya kaya nilapitan niya ito ‘tsaka siya nagpaalam na lalabas muna kasama si Easton. Ngumiti lamang ang cooperating teacher niya’t sinabihan siyang bumalik kaagad dahil may ituturo raw ito sa kanya.
Then, he and Easton left the faculty.
Dahil sa kabilang hagdan sila dadaan, naabutan pa niya sina Wade at Josiah na sabay lumabas mula sa faculty room ng mga math major. Natigilan pa ang dalawa nang makita sila.
Bilang wala sa mood si Aaron, hindi niya binati si Wade at sa halip, nginitian lamang ito. Mukha namang nakahagip din ang binata dahil ipinilig nito ang ulo at inilipat ang tingin kay Easton na mukha ring walang gana.
“Napa’no kayong dalawa?” tanong ni Wade.
Marahan siyang umiling bago siya bumaling kay Easton na noo’y nakatingin din pala sa kanya. Minuwestrahan siya nitong siya ang magpaliwanag kay Wade kung anong nangyayari.
Bwisit. Naipasa pa nga ang trabaho sa kanya.
“Hindi pa kami tapos mag-usap, lilipat muna kami ng lugar. Puntahan mo na lang mamaya si Easton sa labas, Wade,” aniya.
Pinangunutan ng noo si Wade at halos maningkit ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya. “Bakit parang ‘di ata maganda usapan niyo?”
Paanong maganda e niri-reject nga niya si Easton?
Imbes na sumagot kaagad, mataman niyang pinagmasdan si Wade. Mag-ex na nga sila ni Easton pero magkasama pa rin madalas ang dalawa. Wade said that it’s because he’s grown attached to Easton, not because he’s still in love with him, but sometimes it was difficult to believe.
He couldn’t have stayed with Easton if he didn’t love him anymore.
He couldn’t be wasting his time with Josiah, waiting for Easton, if he didn’t have feelings anymore.
Ang sabi ni Wade, may iba itong niligawan pero hindi nag-work out pero hindi magawa ni Aaron ang maniwala dahil kahit saan, walang indikasyon na may special someone nga itong bago. So, Wade could’ve lied to their faces about having someone new but he could still be very head over heels with Easton.
So, no. Aaron can’t like Easton.
“Mahabang kwento.” Nginitian ni Aaron si Wade at ibinuka ulit ang bibig para sana magsalita nang biglang hablutin ni Easton ang palapulsuhan niya’t hilain siya paalis.
Nagmamadali tuloy siyang nagpaalam kina Wade at Josiah na nagkatinginan lamang noon ‘tsaka siya nag-focus sa pagsunod kay Easton.
Pupunahin niya sana ang binata pero noong makahabol siya rito at makita kung anong klaseng ekspresyon ba ang nasa mukha nito, mas pinili niyang manahimik.
Easton looked like he’s about to cry.
Kabanata 14
KABANATA 14
ㅤㅤㅤㅤMAYROONG MADALAS na lugar na kainan malapit sa school sina Aaron at ang mga kaklase. Bago pumasok sa street kung nasaan ang university nila pati na rin ang high school nila, mayroong maliit na carinderia. Bagamat matagal na iyon, hindi madalas tumambay doon ang schoolmates nila kesyo hindi raw masarap ang pagkain o hindi kaya e masusungit ang mga tindera.
Hindi naman totoo sa parte niya dahil masarap naman pagkain doon ‘tsaka kasundo niya ang mga tindera.
Anyway, doon niya dinala si Easton dahil tahimik doon at wala gaanong makakarinig sa usapan nilang dalawa. Maliban na lang kung magsigawan silang dalawa’t magtalo nang malala, marami silang atensyon na mapupukaw.
Bumili si Aaron ng softdrinks para kahit paano, hindi sila anuhin ng mga tindera dahil tatambay nga sila. Sinubukan niyang alukin si Easton pero noong tapunan siya nito ng masamang tingin, hindi na siya kumibo. Naiintindihan naman niyang masama ang loob nito sa kanya, e.
Nang makabili siya ng softdrinks, dinala niya sa pinakasulok ng carinderia si Easton. Nasa loob ang kainan kaya tahimik, sakto ring wala gaanong mga estudyante bukod doon sa gumagawa ng proyekto sa kabilang sulok pa ng carinderia kaya makakapag-usap sila ng maayos.
Habang umiinom ng softdrinks, tahimik niyang pinagmamasdan si Easton. Hindi ito nakatingin sa kanya at sa halip, sa talahiban sa labas, pinanonood yata iyong mga tuta na naglalaro.
Bakas pa rin sa mukha ni Easton ang pagkadismaya sa sitwasyon nila ngayon, hindi mugto ang mata nito pero bakas na muntik itong umiyak kanina.
Nag-iwas ng tingin si Aaron mula kay Easton. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan nila. Ayaw niyang simulan dahil baka may masabi siyang hindi magustuhan ng binata.
Aaron flinched when Easton finally cleared his throat.
“Get me this…” Easton trailed off. “It’s not that you don’t want to be with me, you just can’t consider it because I’m Wade’s ex-boyfriend, right?”
Yes—Aaron wanted to answer but he kept his mouth shut. Hindi niya pa rin tinitignan si Easton kahit na bumaling na ito sa kanya. It took him a while—a few breaths—before he decided to turn his head and meet Easton’s gaze.
Does he need to answer? Makikita ba nito ang sagot niya mula sa mukha niya? Hindi alam ni Aaron pero umaasa siyang oo.
Kumunot ang noo ni Easton. “Don’t just look at me. I need an answer. Do you want me or not?”
“That’s a tricky question,” was all that he could say.
“Bakit? Kasi gusto mo naman talaga akong makasama, ‘di ba? Ayaw mo lang akong piliin.”
“Sabihin nating tama ka, e ano naman?”
Easton gritted his teeth and looked at him in frustration. “Hindi pa ba counted na matagal na kaming break ni Wade at naka-move on na siya sa ‘kin para piliin mo ‘ko?”
“Easton, you don’t stay friends with your ex.”
Kumunot ang noo ni Easton, tila naguguluhan. “So, what are you trying to imply?”
Ipinilig ni Aaron ang ulo’t nginitian si Easton. “That one of you still has feelings.” Marahan siyang umiling. “Nag-break kayo, gusto mo ‘ko at nagustuhan din kita pero kung gusto ka pa nga talaga ni Wade, ayokong ma-involve sa ‘yo. No, even if he didn’t have any feelings for you anymore, choosing you would still be a taboo, it would never change the fact that you’re still exes.”
Noong hindi magsalita si Easton, tumigil na rin si Aaron. May kung ano sa ekspresyon nito na tila ba sinasabi sa kanyang ang bobo niya para isiping gusto pa ito ni Wade samantalang matagal na ngang break ang mga ito… pero kahit naman ganoon nga ang sitwasyon, kung siya ang nasa lugar ni Wade, iisipin niyang nakakabastos na jojowain ng kaibigan niya ang ex niya regardless kung naka-move on na ba siya o hindi.
Habang patuloy na nananaig ang katahimikan sa pagitan nila ni Easton, mas lalo niyang nararamdaman na para bang sinasaksak na siya ng binata sa isipan dahil hindi niya mapanindigan ang nararamdaman nito para sa kanya.
But isn’t that supposed to be normal?
Hindi naman porket gusto ni Aaron si Easton e pipiliin niya ito. Kahit na gustung-gusto niya itong makita ‘tsaka makasama, hindi iyon sapat na dahilan para maging sila.
If Wade couldn’t have Easton’s heart, then he wouldn’t rub salt on his friend’s wound. He’d retreat slowly and leave—was what he planned but now, Easton found out the truth, he’s just committed to backing away.
“Kung ipapakausap ko sa ‘yo si Wade—” Hindi pa man natatapos ni Easton ang sasabihin, inagapan na niya ito.
“Regardless kung naka-move on na si Wade sa ‘yo o hindi pa, ‘di pa rin kita pipiliin,” agap niya rito.
“But if Wade gave you his blessing—”
“No.” Umiling-iling siya. “Kahit may pa-blessing pa kay Wade kahit ‘di naman siya pari, ‘di kita pipiliin, Easton.”
Lumunok siya matapos bitiwan ang mga salitang iyon. King ina, malakas ang pakiramdam niyang kakainin niya itong sinasabi niya ngayon pero bahala na. Mas gusto niyang pagsisihan si Easton kaysa sa maging boyfriend nito kahit iyon naman talaga ang gusto niya ngayon.
Pilit niyang nginitian si Easton bago niya itinulak ang sarili mula sa kinauupuan. “Kung sanang ‘di naging kayo ng kaibigan ko, okay sana… Kaso best friend ko pa rin naman si Wade, Easton.”
Matapos niyang sabihin iyon, kinuha niya iyong softdrink niya’t mabilis na inubos bago niya iniwanan ang binata. Ayaw ni Aaron na makita ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Easton dahil baka umatras siya’t magmakaawa agad na maging sila.
Hindi pwede. Ayaw niya. Things would be better off like this… Ibang tao na lamang ang piliin ni Easton.
ㅤㅤㅤㅤILANG MINUTO ang nakalipas mula noong iwanan ni Aaron si Easton, ‘tsaka naman siya napuntahan kaagad ni Wade. Ang sabi ng kaibigan, pinuntahan siya ni Aaron sa faculty ng math majors noong nakikipagkwentuhan pa ito kay Josiah ‘tsaka raw ito pinapunta rito.
Umupo si Wade sa katapat na upuan ni Easton. “Tinatanong ko nga siya kung kumusta ‘yong usapan ninyo pero ‘di na niya ‘ko pinansin. Bumalik na siya sa faculty nila. Ayun, nagpaalam na rin ako kay Josiah.”
Habang patuloy na nagkukwento si Wade, nanatiling tahimik si Easton. Hindi niya alam kung paano magsisimulang magkwento ‘tsaka natutulala siya sa t’wing maaalala niya ang pinag-usapan nila ni Aaron.
Nag-aalangan siyang nag-angat ng ulo para tignan si Wade. Dahil sinabi ni Aaron na posibleng may gusto pa rin ito sa kanya, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw siya nitong magustuhan talaga, hindi niya maiwasang mapaisip kung totoo ba ang hinala ni Aaron.
Because no, Easton believed otherwise.
Noong nakipag-break siya kay Wade, nakipag-cut ties kaagad ito sa kanya lalo noong malaman na si Aaron pala talaga ang gusto niya. Noong sinabi ni Wade na pakiramdam nito, ginamit niya lamang ang binata para mapalapit kay Aaron, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa’t umamin na ganoon talaga ang nangyari.
His younger self was selfish and desperate before, so knowing that Aaron hated his guts, he decided to stick with Wade and hope that Aaron would see him in a different light—or at least, he’d be able to make him jealous.
But that wasn’t the case. He was being delusional.
Aaron disdained him. Sa t’wing sumasama siya kay Wade kapag hinahanap nito si Aaron, lagi itong nakasimangot at lagi siyang inaaway. There was a time that Aaron almost made him cry but he held his tears and just walked out.
Nag-aalala sa kanya si Wade pero hindi siya makapagsabing si Aaron ang gusto niyang mag-comfort sa kanya kasi sino ba ang boyfriend niya noong mga panahong iyon? Si Wade.
Then, Aaron cut ties with Wade.
Hindi maalala ni Easton kung anong dahilan pero siya iyon. May ipinatupad yata siyang batas sa eskwelahan nila bilang SSG president siya dati at hindi nagustuhan ni Aaron. He clashed with him and yet, he was too stubborn. Siya rin ang mas pinili ni Wade kahit hindi ito sang-ayon sa kanya kaya nasira ang pagkakaibigan ng mga ito.
Looking back, not only did he use Wade to get close to Aaron, he also ruined the friendship that he cherished most. Natural lang na nagalit sa kanya si Wade noong malaman ang totoo.
Even so, it’s not right to say that Easton didn’t love Wade. He did.
He genuinely loved Wade… It just wasn’t enough to choose him, to settle with him, and see a future with him because even in Easton’s waking dream, all he could see was Aaron.
Bumuntong hininga siya.
Karma’s a bitch and it’s catching up with him already.
Napapikit si Easton habang minamasahe niya ang sentido. Ang sakit ng ulo niya… kanina pa niya pinipigilang umiyak at kahit noong umalis si Aaron, naiirita siya dahil walang kumawalang luha mula sa mga mata niya.
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Wade bago nito itinulak ang bote ng softdrinks sa kanya.
Hindi niya napansin na bumili pala ng miryenda ang binata.
Napatitig si Easton sa bote ng coke bago niya hinanap ang mga mata ni Wade. Kalaunan, umiling siya’t nag-iwas ng tingin.
“Aaron likes me too,” panimula niya.
Natigilan si Wade sa sinabi niya’t napaupo ito ng tuwid habang siya, sinusubukang basahin ang emosyon sa mukha nito. Hindi kaagad nakapagsalita ang binata dahil tila ba ineeksamina rin siya nito pero noong mahanap na ang mga salitang gustong sabihin, ibinuka nito ang bibig para magtanong.
Tumaas ang isa nitong kilay. “E ba’t ka mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa e mutual naman pala kayo? Kahit si Aaron, ‘di na rin kumikibo ‘pag tinanong kung anong pinag-usapan ninyo.”
“Gusto niya ‘ko pero ‘di niya ako gustong panindigan,” aniya.
Namamangha siyang pinagmasdan ni Wade. Oo, naiintindihan ang reaksyon nito dahil ganyang-ganyan din ang tinging ibinato niya kay Aaron kanina.
It just didn’t make sense.
Nakita naman niya sa itsura ni Aaron kanina na gustung-gusto nga siya ng binata pero hindi niya maintindihan kung bakit kahit gaano siya nito kagusto, mas nanaig ang pagpipigil nito sa sarili.
Wade was obviously too stunned to speak. Ilang beses na napakurap ang binata, nag-iwas ng tingin, mapapatitig sa damuhan, sa buong paligid, tapos ibabalik ang mga mata sa kanya. Siguro napapaisip ito kung bakit sa tinagal ng pag-uusap nina Aaron, mukhang walang magandang nangyari.
“Gusto ka pero ‘di ka gustong maging boyfriend? Tama ba iyong pagkakaintindi ko?” naguguluhang tanong ni Wade. “Bakit daw?”
Medyo naningkit ang mga mata niya bago siya bumuntong hininga. “Hindi niya raw ako gustong maging boyfriend kasi mag-ex tayong dalawa. Pabigat lang daw feelings niya para sa ‘kin kasi ayaw niyang magkaroon ng boyfriend na naging boyfriend din dati ng kaibigan niya.”
“Sinabi mo naman sa kanyang matagal na tayong break, ‘di ba?”
“Oo kaso pinipilit niyang ‘di niya ako kayang maging boyfriend kasi naging tayo… ‘tsaka sabi niya imposible raw na wala na tayong gusto sa isa’t isa kasi magkaibigan pa rin tayo. Or like, ikaw daw.”
“Ako?”
“Oo, Wade. Imposible raw na wala ka nang gusto sa ‘kin kasi nanatili ka pa ring kaibigan ko.”
Halos mahulog ang panga ni Wade nang sabihin niya kung anong sinabi ni Aaron kanina. Inaasahan ni Easton na idi-debunk kaagad ng kaibigan ang pang-aakusa ni Aaron pero noong matahimik ito at tila ba mapaisip, hindi naiwasan ni Easton ang kabahan.
Napatuwid siya ng upo at mahinang napalo ang lamesa. “You don’t like me anymore, right? Matagal na tayong break, Wade.”
Noong hanapin ni Wade ang mga mata niya, hindi maipaliwanag ni Easton kung anong ekspresyon ba ang nakapinta sa mukha nito. He swallowed and wondered what was running inside Wade’s head but at the same time, he had this strong hope that he would deny what Aaron said.
Kalaunan, tumikhim si Wade. “He’s not entirely wrong.”
“Huh?!” Napamulagat si Easton at namamanghang pinagmasdan ang binata. Hindi niya alam kung anong klase ng ekspresyon ang gagawin dahil ang daming tumatakbo sa isip niya. “You should deny it!”
“East, ‘di naman kasi gano’n ‘yon. Malay ko rin bang mapapansin ni Aaron na may gusto pa ako sa ‘yo? Anyway, ‘di naman na ganoon sa dati na head over heels ako sa ‘yo. How do I put it…?”
Namamanghang pinanood ni Easton si Wade na mapaisip. Ngayong isinisiwalat ng kaibigan na may gusto pa pala ito sa kanya, hindi niya alam kung anong mararamdaman. He was concerned and suddenly, he felt selfish. Marami biglang tumakbo sa isipan niya.
But first and foremost, hindi niya maiwasang ma-guilty lalo para kay Wade.
Ginamit na nga niya ito noon at sinaktan, tapos pinagsiksikan pa niya ang sarili kahit na ayaw na talaga nitong makipag-usap sa kanya noon. Tapos nitong nakaraan, kay Wade siya madalas magkwento ng tungkol kay Aaron.
Hindi niya naisip na baka nasasaktan ito.
Bumuntong hininga si Wade nang makita kung anong mukha ang ginagawa niya. “East, ‘wag kang mag-alala. I already made peace with the fact that you love Aaron more than me. Isa pa, wala naman akong balak pumapel na sa love life mo, ano. Kung anong nangyayari sa ‘yo ngayon, karma mo ‘yan dahil maloko ka dati.”
Easton pressed his lips together. There was this urge to retort but he kept his mouth shut because Wade was right. Hindi ba nga’t siya mismo ang nagpunto kanina na karma niya ito?
“Gusto kita pero wala na rin naman akong balak na makipagbalikan sa ‘yo, nakikita ko naman kasi kung ga’no kahirap kalaban si Aaron diyan sa puso mo.” Umikot ang mga mata ni Wade. “Wala akong balak makipagkumpitensya ro’n, hoy.”
Lumunok siya’t pinaglaruan ang mga daliri niya. “Nagi-guilty ako lalo sa ‘yo. Sabi mo kasi dati, naka-move on ka na kaya sa ‘yo pa ako nagkukwento tungkol kay Aaron.”
“Huh, gago ka? Halos limang taon ding naging tayo tapos inaasahan mong makaka-move on ako kaagad? East, ‘di naman ako katulad mo, ano. Wala naman akong ibang gusto bukod sa ‘yo kaya ‘di ako kaagad naka-move on.”
“Sabi mo may nililigawan ka?”
“Hindi natin pag-uusapan ‘yan.” Dinuro siya ni Wade na para bang nagbabanta bago ito umiling. “Going back to the matter at hand… ano na balak mo?”
Hindi nakasagot si Easton. Napaisip din siya kung anong gagawin niya ngayong rejected siya kay Aaron. Napahilamos siya ng mukha bago niya hinilot ang sentido, marami siyang option pero hindi siya sigurado kung magiging worth it ba.
Pupwede siyang manligaw. In fact, he could go here after his shift because his schedule was 7am-4pm at best. Kaso kung iisipin niya ang byahe, baka nakaalis na si Aaron bago siya makarating dito dahil sa Angeles pa siya nadestino habang ang binata naman e rito pa rin sa Mabalacat.
Isa pa, paniguradong mapapagod siya.
Hindi katulad noong previous semesters, pupwedeng um-absent si Easton t’wing maoospital siya at maku-consider siyang pasado kung maipapasa niya lahat ng requirements on time. Kahit sa group projects, basta malaki ang maiambag niya e makakakuha pa rin siya ng full marks.
Kaso OJT na nila ngayon. Hindi siya makapag-risk na magkasakit.
“Hindi ko alam kung pa’no ko liligawan si Aaron,” aniya sa maliit na boses. “Gusto ko pero ‘di gano’n kadali dahil sa sitwasyon ko.”
Nagkibit balikat si Wade, ‘tsaka niya lang din napansing kumakain pala ito ng kanin. “Bahala ka mahirapan diyan, joke. Sinabi ko na sa ‘yo na mahihirapan ka kay Aaron, ‘di ba? Ayun, nagkatotoo.”
“Sinumpa mo naman yata kasi ako.”
“Kahit ‘di kita isumpa, pakiramdam ko alam mo namang ‘di talaga mahirap lambingin iyong isang ‘yon. Kung oo, edi ‘di ba dapat kayo na, matagal na?”
Hindi nagsalita si Easton at nag-iwas lamang ng tingin. He pursed his lips and grunted. Napag-usapan nga nila ni Wade ito dati. Sabi pa nga ng binata, karma niya raw na ang hirap suyuin ni Aaron dahil imbes na umamin na lang siya ng diretso rito, kung anu-ano pang segue ang ginawa niya.
Yeah.
Kung siguro makikita ni Easton ang past self niya ngayon, hindi niya talaga tatantanan ang isang iyon at babatukan niya. Sasabihan niya na huwag sagutin si Wade at sa halip, i-pursue kaagad si Aaron.
It didn’t matter if Aaron wouldn’t like him at first—even now, it didn’t matter… But if he didn’t date Wade before, things would be much easier.
“Magpa-miss nalang muna yata ako,” bulong niya bago siya pagak na tumawa. “Baka lang hanap-hanapin niya ‘ko.”
Hindi lingid sa kaalaman niya kung anong klaseng mukha ang ginawa ni Wade nang sabihin niya iyon. Pabiro siya nitong hinuhusgahan tapos nagmi-make face pa kaya kahit seryoso si Easton sa plano niyang iyon, hindi niya napigilang matawa lalo na noong i-head to toe siya ng kaibigan.
Hindi nagtagal, tinuro niya si Wade. “And you… Mag-move on ka na nga! Para naman ‘di ma-guilty si Aaron na maging boyfriend ako!”
“Hoy! Kahit gusto pa kita, seryoso naman ako no’ng sinabi kong ayaw na kita balikan!” Pabirong binagsak ni Wade ang utensils niya. “Hindi ko kasalanang ayaw kang jowain niyang crush mo pero kasalanan mo rin naman ‘yan. Magdusa ka.”
Easton covered his face and chuckled. Sa totoo lang, dapat talaga ay uncomfortable siya kay Wade ngayon dahil nalaman niyang may gusto pa rin pala ito sa kanya pero hindi niya mahanap iyon sa katawan dahil nakikita niyang seryoso ang binata na wala na itong balak na makipagbalikan sa kanya.
He could see that Wade’s trying to get over him. If he’s taking his time, it’s not his fault because he only loved Easton.
“Sorry…” kalauna’y paumanhin ni Easton dito.
Kung hindi siya sinipa ni Wade sa ilalim ng lamesa, baka tuluyan siyang naging depressed. “Napag-usapan na natin ‘to dati, Easton. ‘Wag kang mag-alala sa ‘kin kasi kung meron akong ibang gusto ngayon, iyon ‘yong maging masaya ka na sa wakas kay Aaron.”
“Sure ba ‘yan? Baka mamaya, kabaliktaran pala gusto mo.”
“Gago!” Napahagalpak ng tawa si Wade. “Seryoso akong iyon ang gusto ko, sira. Gano’n ka kalakas sa ‘kin e, pero bagay mo rin ‘yang pagdudusa mo ngayon kasi deserved. King ina mo, e.”
“Bwisit ka. Ayoko na nga sa ‘yo.”
“Good riddance sa ‘kin. Makakalayo na ‘ko sa ‘yo sa wakas.”
Natawa sila pareho pero kalaunan, namutawi ang katahimikan pagkatapos ng usapan nila ni Wade. Sa kalagitnaan noon, inubos na rin ng binata ang kinakain nito ‘tsaka siya nito minuwestrahang tumayo.
“Uwi na muna tayo. Retreat ka rin muna. Kung kayo naman talaga ni Ron para sa isa’t isa, gagawan ng paraan ‘yon,” anito.
Ipinilig ni Easton ang ulo bago siya mahinang tumawa. “Okay.”
Kabanata 15
KABANATA 15
ㅤㅤㅤㅤWHEN EASTON was told to retreat on the day he was rejected by Aaron, something within him had become pressured. Nitong nakaraan parang ang desperado niya, hindi siya mapakali, mabilis siyang mairita, tapos may kung ano sa kanyang nag-uusig na magmadali at bumalik kay Aaron. But given their circumstances, that wouldn’t be easy, kaya mas lalo siyang hindi mapalagay.
Easton wasn’t a bit worried even though Aaron was surrounded by women. Alam naman niyang lalaki ang gusto ng isang iyon! He also isn’t worried that Aaron might date one of his students—that man held his morale high.
So, what was making him… uneasy?
Si Josiah? Napaismid si Easton habang sinu-sort ang mga dokumentong ipinapaasikaso sa kanya. Imposibleng si Josiah ang dahilan kung bakit siya nababagabag ngayon dahil magpahanggang ngayon, alam niyang siya pa rin ang gusto noon.
Easton hummed to himself and closed his eyes for a bit to take a deep breath.
“Siguro ganito lang ako kasi ‘di ko nakuha kaagad iyong gusto ko,” bulong niya sa sarili.
Noon kasing sinabi ni Aaron na mutual naman sila ng nararamdaman, he had that feeling na magiging sila rin noong araw na iyon. Aba, malay ba niyang magti-take pala ng ibang direksyon si Aaron sa relasyon nila? That old man just made his heart skip and flutter before crushing it!
“But seriously, I really thought he’d be my boyfriend when he said he liked me too…” he trailed off as he reminisced the day he confronted Aaron.
Easton clicked his tongue and felt his irritation slowly rising up again. Although he understood where Aaron was coming from because yes, it seemed immoral for someone to date their best friend’s ex-lover, but there was something about the situation that could be done.
Minus in his situation, he was backed up in a corner. Paano ba naman kasi, hindi pa pala nakaka-move on si Wade sa kanya! All the reason para umiwas nga si Aaron sa kanya dahil tama pala ang hinala nito na isa sa kanila ni Wade ang may nararamdaman pa para sa isa—at hindi siya iyon kung hindi ang ex-boyfriend pa niya!
“Kung sanang naka-move on na sana si Wade sa ‘kin, I could just… ugh!” Pasimpleng sinabunot ni Easton ang sariling buhok bago niya padabog na inilapag sa isang tabi ang mga dokumentong katatapos lamang niyang asikasuhin. “Pupwede ko pa siguro siyang kumbinsihin dahil nandoon iyong gray area…”
Gray area? That sounded wrong but in this situation, Easton believed that if both parties had already moved on from each other, the third person could date their best friend’s ex-lover. Tapos syempre, with matching basbas and all. Basta tipong walang samaan ng loob dahil lahat naman e pumayag.
Kaso hindi ganoon.
Easton grunted. Mapapahilamos din sana siya ng mukha dahil sa sobrang pagkasiphayo noong bigla niyang marinig ang pagtikhim ng isa sa mga senior niya. Napatuwid tuloy siya mula sa pagkakaupo bago niya ito nilingon at pekeng nginitian—he immediately had his façade up and worked because he was maintaining an image around here.
“Pasensya na kung nakakaistorbo ako Easton pero tapos na ba iyong ipinapagawa naming sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Naomi, iyong senior niyang nagga-guide sa kanya.
Easton scratched his cheek before he chuckled nervously and immediately took the documents from his desk to give Naomi. “Opo ate Naomi, halos katatapos ko lang pong i-sort lahat. May iba pa po ba ‘kong gagawin?”
“Thank you.” Ngumiti ang dalaga bago chineck ang mga dokumento bago ito nag-angat ulit ng tingin para tignan siya. “Sa ngayon wala pa naman. Mag-break ka na muna. Iyong mga kasama mo, nauna na yata e? Kanina ka pa tinatawag ng mga iyon, ‘di ba?”
“Opo, pinauna ko na po sila. Medyo wala rin kasi akong ganang kumain kanina, e.”
Namilog ang mga mata ni Naomi sa narinig bago ito tumikhim. “Huy, ‘wag kang ganyan! Alagaan mo sarili mo Easton dahil ikaw pa naman iyong may sakit. Jusko ka, baka mamaya mahimatay ka riyan dahil hindi ka kumakain!”
“Ah, sige po. Pasensya na po kung pinag-alala ko kayo.”
“O siya sige, kung nakokonsensya ka talaga, mag-break ka muna ‘tsaka kumain. Mamaya na iyong iba mong gagawin, marami naman tayong free time ngayong linggo.”
“Salamat po.”
Matapos kausapin si Naomi, pumunta si Easton sa cafeteria para bumili ng ready-to-go lunch at maiinom tapos dumiretso siya sa may hardin sa likod ng kumpanya para roon kumain. Dahil may silong naman, hindi ganoon kainit sa paligid ‘tsaka dahil siya lamang ang tao sa parteng ito ng hardin, kumportable si Easton na kumain mag-isa.
That was the plan.
Gustong mapag-isa ni Easton para muling isipin kung anong nangyari sa kanila ni Aaron nitong nakaraan at malaman niya kung paano aayusin ang relasyon nila ng binata—na nonexistent naman ngayon dahil ni-reject siya ni Aaron.
He hummed to himself as he began to eat. Halos nakakatatlong subo pa lamang siya noong bigla na lamang may sumigaw malapit sa kanya, dahilan para mapapitlag siya’t muntik mahulog ang plastic na utensils na gamit niya.
“Ah, Easton!” tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.
Bahagyang kumunot ang noo ni Easton dahil sigurado siyang hindi niya kaklase ang tumawag sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin, ‘tsaka niya natagpuan ang isang pamilyar na mukhang tumatakbo palapit sa kanya.
His eyes widened at the realization. “Tristan?!”
ㅤㅤㅤㅤAARON GRUNTED as he dropped his bag on his bed and carefully placed his laptop on the foam. Noong matapos, paulit-ulit niyang minasahe ang balikat niya habang tini-twist naman niya ang braso niya nang sa ganoo’y makapag-inat at mawala iyong pressure na nararamdaman niya sa katawan.
Punyeta, pagod na pagod siya ngayon.
Today was… Valentine’s day and although Aaron loved the fact that he didn’t have to teach and had received a lot of chocolates from his students, he was surprised when he got involved in several activities in the school earlier.
Hindi iyon pupwede—well, that was what Aaron wanted to believe in. Kaso technically, estudyante rin siya at ang sinabi lamang na instructions ng mga cooperating teacher nila e huwag maging masyadong wild sa kanilang practice teachers.
E malay ba ni Aaron na masasangkot siya sa pagkakakulong sa jail booth?! Muntik pa nga siyang maikasal sa marriage booth kung hindi lang pinigilan dahil nga practice teacher siya. Hindi rin naman siya nagbabayad kapag nakukulong kasi ang interesting ng reaksyon ng mga estudyante niya sa kanya tapos binibigyan pa siyang pagkain.
He wouldn’t talk about the part where he actually didn’t have the budget to just pay and get himself bailed. Singkwenta ba naman ang singil, amputa. E hindi lang naman siya tatlong beses nakulong! Halos gawin na nga niyang tirahan iyong kulungan sa jail booth.
“Kuya, nakauwi ka na?” tanong ni Ridge mula sa labas ng kwarto niya.
Lumingon siya sa pinto ng kwarto ‘tsaka niya naabutan ang kapatid na sumilip mula sa pintuan. Kahit na pagod na pagod siya sa practice teacher at Valentine’s day, biglang nawala iyong bigat ng katawan niya noong makita niya ang mukha ng nakababatang kapatid.
“Bakit? Nagugutom ka na ba? Magpapahinga lang ako sandali ta’s magbibihis, magluluto na ako niyan,” aniya.
Pumasok sa kwarto niya ang kapatid bago ito umiling-iling. “Ah, ‘di pa naman ako nagugutom. Iba iyong dahilan ba’t ako nandito, kuya.”
“O, ano ‘yon?”
Ridge stared at him intently and somehow, Aaron felt uneasy. Galit na naman ba ito sa kanya? Baka nainis na naman ito dahil hindi niya hiniwalay iyong green beans sa baon nito kanina kahit iyon ang madalas nitong request.
“If I dated someone, you wouldn’t mind, right?” tanong ni Ridge.
Kumunot ang noo ni Aaron bago niya ipinilig ang ulo. “Oo naman pero pang-ilang girlfriend mo na ba ‘yan, Ridge?”
“Hindi girlfriend,” agap sa kanya ng kapatid bago nito ipinagkrus ang mga braso. “Natalo ako sa pustahan kaya may pinagawa sa ‘kin sina Zach—ah, sa ‘min.”
“Sandali. ‘Di girlfriend iyong ipinapaalam mo sa akin kung hindi boyfriend ?”
Tumango si Ridge habang si Aaron naman, kumibot ang isang kilay. “Ayos lang naman sa ‘kin kung may boyfriend ka dahil alam mo namang ganoon din ako pero ‘di ba… straight ka?”
“Straight nga ‘ko. Kako nga, natalo lang ako sa pustahan.”
“Sinong boyfriend mo?”
Noong ngumisi si Ridge, napalunok si Aaron. “Si Zamiel. Ayun lang. See you later, kuya.”
What—what the fuck?!
Ito na nga ba ang sinasabi niya, e! Ito iyong kinakatakutan niya simula noong makilala niyang kapatid niya si Zamiel! May kung ano na sa isang iyon e, sabi na nga ba niya’t ito ang aagaw sa kapatid niya mula sa kanya!
Hahabulin pa sana ni Aaron si Ridge noong bumalik ang binata sa kwarto niya’t tinapunan siya ng masamang tingin.
“H’wag mong aawayin si Zamiel ‘pag pumupunta siya rito, pareho kaming natalo sa pustahan. Si Zach ang awayin mo kasi siya nagbigay ng dare na ‘to samantalang ‘di naman naming gusto pareho,” anito bago ito umirap at naglakad paalis ulit ng kwarto niya. “Oo nga pala, ayoko rin iyong green peas sa baon ko!”
Hindi na nakapag-react pa si Aaron noong marinig niyang magdabog si Ridge pabalik sa kwarto nito. Mukhang ayaw talaga nito ang set-up nito kay Zamiel—na naiintindihan niya slight pero hindi rin naman siya bobo para hindi malamang iba ang magiging takbo ng storya ng mga ito sa hinaharap.
Bumuntong hininga si Aaron at napahilamos ng mukha. Sesermonan niya talaga sina Zamiel at Zachariel kapag naabutan niyang mapadpad dito tapos ipipilit niyang i-break si Ridge.
Aba! Hindi pupwedeng sa lahat ng taong aagaw sa kanya mula sa kapatid niya, si Zamiel pa. E kung umasta pa naman ang isang iyon, akala mo ikinasal na nang matagal sa kapatid niya.
“Parang mas lalong sumakit katawan ko dahil sa sinabi ni Ridge,” nanghihina niyang bulong sa sarili bago siya tumungo sa kama niya para humilata sandali.
Kauuwi lang niya dahil pagod siya, hindi na agad maganda ang ganap sa bahay nila. Anong susunod? Baka naman masunog iyong isasaing niya o hindi naman kaya e madulas siya sa banyo mamaya.
Pinangunutan ng noo si Aaron noong marinig niyang tumatakbo ang kapatid niya at mukhang papunta na naman sa kwarto niya. Ang unang pumasok sa isip niya e baka gutom na ito at gusto na siyang paglutuin, which is normal because it was already six o’clock in the evening, tapos pauwi na rin ang nanay nila’t ayaw naman niyang paglutuin pa.
“Ano ‘yon?” tanong niya noong mahagip niya mula sa gilid ng mga mata ang pigura ni Ridge na muling pumasok sa kwarto niya.
Noong lumapit sa kanya ang kapatid, tumigil ito sa gilid ng kama niya’t nagtataka siyang pinagmasdan. Hindi tuloy naiwasan ni Aaron ang ipilig ang ulo nang masalubong ang mga mata nito.
“Ba’t ka nakatingin sa ‘kin? Sandali lang, magluluto rin ako mamayang kaunti,” aniya.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Ridge. “Hindi iyon kuya, ‘di ba nililigawan mo si kuya Easton?”
Napaismid siya. “Nililigawan? Sa’n mo naman nakuha ‘yan?”
Kumunot ang noo ni Ridge. “Hindi mo siya nililigawan? E ‘di ba noong na-confine si mama, madalas kang pumuslit ng bisita sa kanya tapos madalas dalawang oras ka pa wala. Noon ding umalis na si mama sa ospital, madalas mo pa rin siyang puntahan.”
Aaron pressed his lips together and suddenly found his brother’s frown interestingly cute. Noong mahimasmasan, bumangon siya mula sa pagkakahilata pero medyo nakasandal pa rin sa kama niya. Semi-bangon.
Looking back, hindi rin maalala ni Aaron kung bakit madalas niya puntahan si Easton noon sa kwarto nito sa ospital. Naaawa ba siya sa binata dahil wala ang mga magulang nito noon at tanging nurse lamang ang nag-aalaga rito o dahil lang may utang na loob siya sa binata dahil sa pagtingin nito kina Ridge nang maospital ang nanay nila?
Pero noong mga panahong iyon, sa pagkakaalala niya e may gusto na talaga siya kay Easton at dini-deny pa niya iyon.
“Hindi ko rin ba sinabi sa inyo ni mama dati na pumupunta lang naman ako kay Easton dahil naaawa ako sa kanya? Wala iyong parents ng isang ‘yon sa ospital, walang nag-aasikaso sa kanya ta’s binilhan ka pa ng ice cream kaya pakiramdam ko e malaki utang na loob ko,” sagot niya.
Kaso, mukhang hindi kumbinsido si Ridge sa sagot niya. Siya rin, e.
“Dahil lang binilhan kami ni Zamiel ng ice cream? ‘Di ka naman gano’n kababaw, kuya,” anito na tila ba nanghuhuli.
Aaron clicked his tongue. “Never mind that. Ano bang dahilan at nagtatanong ka kung nililigawan ko ba siya?”
“Akala ko nililigawan mo siya kaya na-basted ka pero mukhang ‘di naman pala. You’ll be okay, kuya.”
“E kung nandiyan naman iyong cute kong kapatid, syempre talaga magiging okay lang ako!”
Umakmang tatayo si Aaron mula sa higaan niya para yakapin sana si Ridge pero bago pa man siya makakilos, mabilis na tumakbo papuntang pinto ang kapatid niya kaya bumagsak ang mga balikat niya.
Aaron faked a sob. “Huy, bumalik ka rito! Parang yakap lang e. Kuya mo naman ako!”
“Hindi na ‘ko bata!” Ridge replied and stuck out his tongue. “Iyong kay kuya Easton, mas mabuti kung ikaw na lang mag-check kasi ‘di ako sigurado pero… may boyfriend na pala siya?”
Huh.
Huh?
“Nauna pa ako magka-boyfriend kaysa sa ‘yo,” muling banat ng kapatid bago ito umirap.
Just like that, Ridge left his room again like he didn’t drop a huge bomb.
Hindi alam ni Aaron kung anong magiging reaksyon dahil lahat ng bad news, nanggaling sa kapatid niya, pero kung papipiliin siya kung anong mas malala? Syempre, iyong pagiging magjowa nina Ridge st Zamiel!
Iyong kay Easton, hindi na siya nagulat. Ni-reject niya ang binata noong huli silang magkita at gwapo ito, normal lang na makahanap ito ng bago kaagad lalo na sa lugar kung saan ito nag-o-ojt ngayon.
Though, of course it still surprised him. Wala pa naman kasing isang buwan mula noong huli silang mag-usap ng binata at nang i-reject niya ito. Siguro, matinik lang din talaga ito dahil nga may itsura, maraming naa-attract. Nahuli nga rin siya, e.
Aaron pressed his lips together and glanced at his phone on the side table.
Pinag-iisipan niya kung titignan niya ba iyong sinasabi ni Ridge pero bago pa man siya makapagdesisyon talaga, kusang kumilos ang katawan niya’t binuksan ang cellphone niya ‘tsaka kaagad pumunta sa Facebook app niya.
Bumungad sa kanya ang relationship status ni Easton.
In a relationship with Tristan
Halili
.
Naningkit ang mga mata ni Aaron kasabay ng pagsakit ng ulo niya noong makita ang samu’t saring komento sa post na iyon. Puro congratulations tapos maraming hindi ini-expect na sa ibang lalaki pa raw mauuwi si Easton habang siya ang madalas nitong bukambibig.
Hindi nagni-name drop ang mga ito pero naroon sa mga komento ang ideya.
Mataman niyang pinagmasdan ang relationship post ni Easton at noong Tristan bago siya napaismid. Hindi niya kilala iyong Tristan, hindi niya maalala kung naging schoolmate ba nila o ka-batchmate ngayon, pero hindi pamilyar ang mukha nito.
Hindi sana papakumbinsi si Aaron na boyfriend ni Easton ang isang ito kaso iyong mga litrato, napakalalapit sa isa’t isa. May isang halos nakahalik na sa pisngi ni Easton iyong Tristan tapos marami iyong magkaakbay o magkayakap ang mga ito sa kung saan-saan.
When he scrolled further down to the photos included in that post, Aaron realized that this Tristan person was Easton’s childhood friend.
Humigop ng malalim na hininga si Aaron bago siya nag-heart react sa relationship post ng mga ito. He even thought about commenting, so he did. Just a simple ‘congratulations’ before he planned to exit the app but then a notification popped up…
‘Tristan
Halili
reacted to your
comment.’
‘Tristan
Halili
replied to you: Thank you po! ❤️’
The side of his lip twitched. Kailangan ba talaga siyang replyan?
HAPPY VALENTINE’S DAY SA LAHAT
Kabanata 16
KABANATA 16
ㅤㅤㅤㅤKUMUNOT ANG noo ni Aaron noong makita niya sa labas ng faculty nila si Josiah, nakasandal sa railings at tila ba may hinihintay pero naisip niyang baka naisipan lamang nitong tumambay sa harap ng faculty nila kaya naisip niyang huwag na kausapin ang isang iyan.
He was supposed to ignore him but Josiah noticed that he was approaching and turned in his direction. Aaron inwardly groaned when the man fixed his posture and seemed to get surprised when he saw him returning to the faculty. Tapos ayun, hindi nagtagal ay nilapitan nga siya ng binate at tila ba nagmamadali na kausapin siya.
“Wala ka bang klase ngayon?” tanong niya kay Josiah matapos nilang magtanguan.
Umiling ang binata. “Kanina pang alas diyes ang last class ko. Iyong susunod sana mamayang hapon e kaso ‘di ba, may event sila mamaya?”
“Ah, oo nga pala. Late ba ‘ko natapos kaya sinusundo mo ‘ko?”
“Hindi naman ako sinabihan na sunduin kayong lahat. Wala sa job description ko bilang representative natin ‘yan.” Kinamot ni Josiah ang pisngi bago siya nito minuwestrahan na sa may railings sila mag-usap nang hindi marinig ng mga nasa loob ng faculty ang pag-uusapan nila. “Ikaw lang talaga iyong pakay ko kasi may sasabihin sana ako sa ‘yo.”
Naniningkit ang mga mata ni Aaron na sinundan ng tingin si Josiah bago siya bumuntong hininga at sumunod dito. The second he was standing beside him, Aaron heard Josiah take a deep breath.
“Sigurado akong nakita mo na iyong relationship status ni Easton, ‘di ba?” panimula ni Josiah at hindi naiwasan ni Aaron ang mahinang matawa.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Napano naman ‘yon? ‘Wag mo sabihing naba-bother ka na ‘di ikaw iyong naging boyfriend ni Easton?”
“H-huh?! ‘Di iyon, ano! Baka nakakalimutan mong ni-reject niya na ako dahil sa ‘yo?!”
Aaron’s eyes widened and he quickly covered Josiah’s mouth. “Shh! Shh! Ba’t mo ba pinagsisigawan ‘yan?!”
Pinilit alisin ni Josiah ang kamay niya sa bibig nito at nagtagumpay. “O ba’t mo naman tinatago?! Alam naman yata ng halos sa ‘tin na gustung-gusto ka ni Easton. ‘Di ba nga pinuntahan ka pa rito para suyuin?!”
“Suyu—suyuin!” namamangha niyang pag-uulit sa salitang tumatak sa kanya mula sa sinabi ni Josiah.
Parang ang sarap busalan ng bibig nito.
Humigop ng malalim na hininga si Aaron para ikalma ang sarili. Kahit nakaka-tempt busalan ng bibig si Josiah, kailangan pa ring may delikadesa siya ngayon dahil nasa eskwelahan pa sila’t may mga estudyante pa siyang bumisita sa co-op niya para magpasa ng special project.
“Pero ‘di ka ba nagtataka? Parang nitong nakaraan ka lang binisita ni Easton tapos biglang naka-in a relationship na siya sa iba…? Ni-reject mo ba siya?” pag-uusisa ni Josiah.
Nag-iwas lamang ng tingin si Aaron at nagkibit balikat. “Alam mo, kung anong ganap ni Easton sa buhay, wala na tayo ro’n. E kung gusto niyang mag-boyfriend ng iba, kanya na ‘yon. Ba’t ba kasi takang-taka ka riyan e ‘di naman habang buhay iikot mundo no’n sa iisang tao?”
“Kung sa bagay, may punto ka…”
“Iyon lang ba kailangan nating pag-usapan? Pahingang-pahinga na ‘ko kasi siguradong tayo na naman mag-aarrange ng mga uupuan ng mga bata mamaya.”
Bumuntong hininga si Josiah. “Mamaya pa namang hapon iyon. Anong oras pa lang naman ‘tsaka magla-lunch pa lang… Ayaw mo bang sumabay sa ‘kin?”
“Hindi ba may mga kasabay ka naman?”
“Wala, gusto ko lang ikaw. ‘Tsaka wala naman akong ibang mapagsasabihan nitong pagtataka ko tungkol sa relasyon ni Easton bukod sa ‘yo.”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Ba’t mo naman nasabi na ako lang mapagsasabihan mo niyan? ‘Wag mo sabihing nagsawa na mga kaklase mo sa kakakwento mo tungkol kay Easton?”
“Hindi, a. Kung tutuusin, ‘di ko na nga siya binabanggit gaano. Ano lang… ‘Di nila magi-gets itong pagtataka ko.”
Matapos ang halos limang minutong pangungumbinsi, napilit din ni Josiah si Aaron na sumabay kumain dito. Kung sa bagay, hindi rin masama na magbago siya ng ksama ngayon dahil madalas e hindi siya maka-relate kina Francine.
“Kumusta pala kasama sina Francine…?” nag-aalangang tanong sa kanya ni Josiah noong dalhin siya nito sa isa sa mga kainan sa labas ng eskwelahan nila.
Tinaasan niya ng isang kilay si Josiah. Parang iniisip pa lamang niya sina Francine tapos biglang in-open naman ng binata.
Noong mapansin ni Josiah ang pagtataka niya, parang mali pa ang naging impression nito base sa pagtikhim nito at pagkamot sa likuran ng ulo. “Pasensya na, ka-close mo nga pala sila. Nataon lang naman na kaklase ko sila noong second semester ng first year tapos alam mo na…”
“Hindi ko rin naman sila gusto,” aniya bago siya nagkibit balikat. “You’re good. ‘Di ko sasabihin sa kanila ‘yan kasi ako rin naman, napansin kong may mga ugali silang ‘di ko maintindihan.”
“Ah, mabuti naman.” Tila ba nakahinga nang maluwang si Josiah sa narinig. “O siya, tingin ka muna ng upuan diyan. Mag-oorder lang ako.”
Naghiwalay sila sandali ng landas ni Josiah dahil nag-order pa ito ng makakain habang siya, kinuha niya iyong pwesto sa tapat ng electric fan ‘tsaka niya binuksan iyong lunch box niya. Nagpasabay siya ng soft drinks kay Josiah para hindi naman siya simangutan ng mga tindera rito.
Hindi nagtagal, bumalik ang binata dala ang pagkain nito pati na rin ang soft drinks niya.
“Nababagabag na naman ako ro’n sa relationship status ni Easton,” panimula ni Josiah matapos nitong ilapag ang kakainin sa lamesa. “Kaninang nag-oorder ako, lumipad isip ko tapos naalala ko na naman ‘yon.”
Hindi napigilan ni Aaron ang mapaismid bago niya nilunok ang kinakain. “Gusto mo pa ba siya, Josiah?”
“Sino bang ‘di makaka-move on sa kanya kaagad? Nakita mo naman siguro, gwapo si Easton tapos mabait at matalino. Kahit naman din na ang strikto tignan ni Easton, may kung ano sa kanya na nakaka-magnet talaga. ‘Di mo ba naranasan iyon?”
Naitikom ni Aaron ang bibig nang ibalik sa kanya ni Josiah ang tanong. Hindi niya masagot ang binata na alam niya iyong pakiramdam na parang magnet si Easton at nakaka-attract talaga ang binata.
Ayaw niyang ipagsabi na gustung-gusto niya si Easton dahil kapag sinabi niyang wala siyang balak panindigan ito dahil may mga relasyon na hindi naman talaga dapat ina-upgrade, baka maguluhan lang si Josiah.
Lumunok siya’t mahinang tumawa. “Hindi ko alam.”
“Baka gano’n iyong naramdaman ng bagong boyfriend ni East. Alam mo na, naisip niya sigurong package talaga si Easton kaya kaagad na rin niyang binakuran,” sabi naman ni Josiah.
Something about that comment left a bitter taste at the back of Aaron’s throat. Napatikhim siya pero hindi siya nagsalita at sa halip, nagpatuloy lamang sa pagkain habang si Josiah naman, tuloy pa rin sa pagsasalita.
Aaron wouldn’t lie how hellish it was to talk to Josiah about Easton’s new relationship. Ayaw niyang pag-usapan, ayaw niyang makinig, gusto niyang isara iyong mga tenga niya, gusto niyang busalan iyong bibig ni Josiah dahil habang paulit-ulit na binabanggit ng binata na may boyfriend na si Easton, naiirita siya—
Naiirita siya sa sarili.
Hindi ba dapat masaya siyang may bago na si Easton? E bakit hindi niya makuha sa sarili na matuwa para rito? Sa bibig mismo ni Aaron nanggaling na kahit gaano niya kagusto ang binata, useless din lahat dahil wala siyang balak panindigan ang nararamdaman nila para sa isa’t isa dahil ex-boyfriend ito ni Wade.
He still held onto that principle like his life depended on it.
Gustung-gusto niya si Easton pero nilulunok niya iyong feelings niya dahil nirirespeto niya si Wade. Kahit siguro bigyan siya ng milyong rason para si Easton ang piliin, hindi niya iyon papakinggan dahil nga best friend niya si Wade.
Pero habang tumatagal, mas nalulunod lang siya sa nararamdaman niya para kay Easton.
Kaya hindi talaga advisable magpigil ng nararamdaman. Putang ina.
“Sir Aaron, tinatawag na yata kayong lahat sa ibaba. Tutulong kayo na mag-organize ng event, ‘di ba?” tanong sa kanya ng cooperating teacher niya noong makabalik ito mula sa kabilang faculty.
Itinigil ni Aaron ang pagtitipa ng lesson plan sa laptop niya ‘tsaka niya napansing nagsitayuan na sina Francine, kaya sinave niya muna iyong ginagawa niya bago niya pinatay ang laptop, ‘tsaka naman siya sumunod sa mga ito.
While helping to organize the event, Aaron’s mind kept wandering. Napaisip din siya sa sinabi ni Josiah noong ipunto nitong parang ang weird naman na kakaamin lamang ng binata sa kanya na may gusto ito sa kanya tapos ngayon, may bago na ito?
Ganoon ba kadali mag-move on sa kanya? Baka naman hindi pala ganoon kalalim iyong feelings ni Easton at ini-exxagerate lamang nito para makuha siya?
Or maybe, was this a scheme to make him jealous? It’s effective but Aaron wouldn’t rely on that idea. Baka siya rin ang madismaya kung malayo pala sa speculations niya ang katotohanan.
“Fuck…” bulong ni Aaron noong biglang natumba iyong bundok ng upuan na sinet up niya para iayos sa row na siya ang nag-aasikaso.
Walang nasirang upuan pero malakas ang pagkahulog noon kaya ang daming napatingin sa kanya. Lumapit pa ang iba kung okay lang ba siya at nang kumpirmahin niyang oo, nag-volunteer ang iba na tumulong sa kanya bago siya pinabayaan nang sabihin niyang ayos na siya.
Bumuntong hininga si Aaron habang naglalakad siya paalis ng venue ng event. Gusto muna niyang mapag-isa dahil wala siya sa huwisyo mula kaninang matapos nila mag-lunch ni Josiah.
Sa may harap ng library lang naman siya pumunta. Nakikita pa rin sa lugar kung saan gaganapin ang event.
Kinuha ni Aaron ang cellphone niya mula sa bulsa ‘tsaka niya muling in-open ang Facebook niya para hanapin ang profile ni Easton. Hanggang ngayon, naroon pa rin iyong relationship status at ilang araw na iyon sa profile ng binata.
Mas dumami pa nga ang likes at congratulatory comments doon at panay naman ang reply noong Tristan sa lahat. Hindi lang niya makita na nagri-reply si Easton.
Napaismid siya. “Was he trying to be nonchalant to his boyfriend or what…?”
Pupwede naman ding replyan nito si Aaron ng ‘salamat!’ matapos niya itong i-congratulate, ano. Pasuplado effect pa ang isang iyon.
ㅤㅤㅤBUMUNTONG HININGA si Easton habang tinitignan iyong mga dokumentong ilalagay niya sa paper shredder. Ipinapaligpit na kasi sa kanya ang iilan sa mga ito dahil hindi na kailangan pero dahil kuryoso siya sa mga dokumento, pinapasadahan niya ng basa ang iilan para malaman niya kung para saan ang mga iyon.
Anyway, most sounded useful and important. Mukhang may typo lang o minor error sa bawat dokumento kaya ayos lamang i-let go sa parte ng kumpanya kaya ipinapaligpit sa kanya.
Inilagay ni Easton ang iilang dokumento sa paper shredder ‘tsaka niya tahimik na pinanood ang mga iyon na mailigpit nang biglang lumitaw si Tristan mula sa kung saan. Pinasadahan niya ng tingin ang binata bago kumunot ang noo niya dahil nakakaloko ang ngising ipinakita nito sa kanya.
“Bakit ganyan ka kung makangiti?” tanong ni Easton sa binata pero mas lumawak lamang ang ngisi nito bago ito umiling-iling.
“May surpresa ako sa ‘yo mamaya!” sagot naman ni Tristan.
Kumunot ang noo niya bago niya ibinalik ang atensyon sa paper shredding. “Para saan na naman? May okasyon ba?”
“Meron pero ‘di mo alam kung ano.”
“Is it troublesome?”
“No, I think it’s cute on my part. Natuloy din iyong long-time dream ko sa wakas,” masayang sagot ni Tristan bago ito humagikhik. “I’ve always wanted to be with you again, after all.”
Hindi naiwasan ni Easton na makaramdam ng kung ano sa sinabi ni Tristan. His eyes narrowed as he looked back at the shorter male and he pressed his lips together tightly. Siya lang ba o may kung ano sa sinabi nito na dahilan upang hindi siya mapalagay ng basta-basta?
“Anong ibig mong sabihin?” pag-uusisa niya.
Tristan smiled mischievously before winking at him. “Iyong tungkol sa promise mo sa ‘kin noong bata pa tayo!”
Promise? Easton couldn’t help but frown and look back to know what it was. Did he promise Tristan anything when they were kids?
For some reason, something about that was unsettling because he couldn’t remember swearing anything with Tristan. Sa pagkakaalala nga niya, halos hindi man siya nito pinagsasalita noong mga bata pa sila dahil madalas magkwento si Tristan ng tungkol sa sarili nito. Baga, dapat lagi itong bida.
Tristan was an only child. Anak ito ng business partner ng parents niya at matagal na niyang kilala ang binata. Hindi sila madalas na magkita pero ang tingin niya rito, nakababatang kapatid dahil ang cute ng mannerisms nito at hindi masakit sa ulo ang pagiging spoiled.
Isa pa, natutuwa si Easton t’wing ikukwento nito na ina-idolize siya ni Tristan. That went on until they recently saw each other again, which was surprising considering that as far as he knew, Tristan was supposed to stay overseas for good.
“What if tadhana na magkita tayo ulit?” tanong pa ni Tristan bago ito kiligin sa isang gilid.
Mahina siyang natawa. “Hindi siguro. It’s inevitable na magkita tayo ulit dahil kumpanya ng parents mo itong in-apply-an ko para sa OJT. Hindi kasi ako pinayagang sa company ng mama ko magtrabaho.”
“Aw! Wala ka bang sweet bone sa katawan, Easton? You should think of this as a fateful meeting too! Ang tagal nating ‘di nakita ang isa’t isa.”
“It’s fateful in a way… that it was inevitable?”
Bahagyang ngumuso si Tristan at hindi naiwasan ni Easton ang muling matawa. Mukhang inis na inis ito dahil hindi siya sang-ayon sa pinagsasasabi nito pero para sa kanya, magiging fateful lang naman ang bagay-bagay kung coincidence talagang magkikita sila ni Tristan at hindi event na hindi maiiwasan.
Patuloy lamang sa pagliligpit ng mga unused documents si Easton sa paper shredder bago siya tumikhim.
“Ang fateful para sa ‘kin e kung bigla kong makasalubong si Aaron out of nowhere kasi bukod sa magkabilang daan iyong locations ng OJT namin, ili-lead pa rin kaming mag-meet somehow, somewhere,” Easton added.
Mas lalong lumalim ang pagkakasimangot ni Tristan. “Aaron? That guy na nang-reject sa ‘yo? Why do you keep talking about him if he already hurt you?”
“Why not? Gusto ko si Aaron e.”
“No! That’s—” Nagngitngit ang mga ngipin ni Tristan at patuloy siya nitong tinatapunan ng masamang tingin. “Anyway, ‘di ka naman niya gusto kaya pupwede pa rin akong pumapel.”
“I don’t think you could change my mind, though.”
“Hindi ka sure!” Tristan stuck his tongue at him. “Matagal pa ‘kong nandito ‘tsaka malaki-laki na rin ipinagbago ko. I’m confident that I could fit into your type because I already improved myself in ways that would suit your preferences—”
“Tristan, nandito ka pala.”
Natigilan silang dalawa noong marinig nila ang boses ni Felix. Halos sabay silang napalingon ni Tristan at nang makita naman ni Felix na magkasama sila ng binata, natigilan ito at bahagyang tumango para batiin siya. Tumango rin siya at ngumiti rito.
“Nandito ka na naman, epal ka! ‘Di ba ang sabi ko, ‘wag mo akong hahanapin?” nanggagalaiting sermon ni Tristan kay Felix.
Nagpameywang naman ang binata bago siya nito pinasadahan ng tingin. “Iniistorbo mo lang si Sir Easton sa ginagawa mo kaya sinundo kita. ‘Tsaka… pinapatawag ka ng mommy mo.”
“W—what? Para saan naman? Ba’t ‘di mo sinabi sa kanyang susunod na lang ako kasi kinakausap ko pa si Easton?”
“Ang sabi niya kasi, urgent daw,” paliwanag naman ni Felix.
“Huh?!” Napaatras si Tristan bago ito ngumuso at muling bumaling kay Easton. “E—Easton, tinatawag ako ni mommy kaya kailangan ko na umalis. I’ll see you later na lang?”
Ngumiti siya at ipinilig ang ulo. “Okay.”
Pinanood ni Easton na nagmamadaling umalis si Tristan habang si Felix naman, naiwan kaya nagtataka niya itong pinagmasdan. Hindi nagtagal, mas lumapit ito sa kanya at bahagyang yumuko.
“Sorry, it must’ve been troublesome to deal with. Ang sabi niya, hindi siya gagawa ng kalokohan pero mukhang ‘di iyon ang nangyari?” tanong ni Felix.
Easton looked away and focused on his work a bit. “He wasn’t really being a bother. Though Tristan has become weird, he’s still cute.”
“You shouldn’t say that in front of him, Sir Easton.”
He chuckled. “I’ll try not to but he really wasn’t being a bother earlier. Magso-sorry ka lang ba kaya ka nagpaiwan dito sandali?”
“That’s right.” Nag-isang linya ang mga labi ni Felix bago ito umiwas ng tingin sa kanya. Bakas ang pag-aalangan sa itsura nito. “Iyong tungkol sa facebook account mo…”
“Huh? What about it…?”
“Nag-oopen ka pa ba ng account mo, Sir?”
“No…? May nangyari ba? Busy ako nitong nakaraan kaya ‘di ko naisip na mag-online.”
Bumuntong hininga si Felix. “I guess you should visit your account. Mauuna na ako, Sir. Baka pagalitan din ako ni Ma’am ‘pag dumating si Tristan sa office niya na ‘di ako kasama.”
“Oh, okay. Ingat. Thanks for looking after Tris, I haven’t heard him complain about having you as a bodyguard recently.”
“It’s nothing. I’m being paid for it, anyway.”
Bagamat takang-taka si Easton sa sinabi ni Felix, kinawayan niya pa rin nag binata. Sakto namang biglang nag-vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya muna iyon habang hinihintay na matapos ma-shred ang huling mga dokumento na ipinapaligpit sa kanya.
When he opened his phone, he saw Wade’s text message.
Wade: are you so busy na di ka nag oopen ng acc mo?! u caused an uproar, u better explain urself bec i thought u wouldn’t go back to ur dirty old ways!
Tumaas ang isang kilay ni Easton habang binabasa ang mensahe ng kaibigan. “What does he mean about this?”
Kahit naguguluhan si Easton, bigla niya ring naalala ang sinabi ni Felix kanina tungkol sa pag-open niya ng account. Maybe Wade was pertaining to the same thing that’s why he connected his phone to the company wi-fi and checked what was wrong.
“Old ways,” bulong pa ni Easton sa sarili bago siya napaismid habang inu-open ang account niya.
Patawa si Wade. Hindi na niya uulitin iyong ginawa niya dati dahil kinakarma siya ngayon at hirap na hirap siyang suyuin si Aaron dahil ayaw talaga silang pagtagpuin ng tadhana ngayon dahil sa location ng OJT nila at schedule nila.
Easton heaved a sigh when his Facebook app finally loaded. May kabagalan ang public wi-fi ngayon, marami sigurong gumagamit, pero mayroong unang post ang biglang nakapagpahinto ng hininga niya.
Tristan Halili has listed that you two are in a relationship.
Tristan Halili is in a relationship with you .
“What… the fuck is this?” namamanghang bulong niya sa sarili.
Easton even wiped his eyes to check if he wasn’t just seeing things and when he took his hands off his eyes, the post just fully loaded and it’s still the same thing!
“Ba’t naka-in a relationship ako kay Tristan?!” natataranta niyang tanong sa sarili, nakalimutan na niya ang pinapatrabaho sa kanya sa sobrang distracted niya.
Easton opened the post to read the comments and he could see all the emojis Wade commented. The one raising eyebrows. There were other comments from Wade but most of them were hidden!
Tinakasan ng kulay sa mukha si Easton habang binabasa lahat ng congratulatory messages para sa kanya at kay Tristan.
But then… His face paled when he saw Aaron’s comment.
“Anong congratulations?!” naiinis niyang singhal sa comment ni Aaron na para bang maririnig naman siya noon.
Kabanata 17
KABANATA 17
ㅤㅤㅤㅤMAINIT NA nga ang ulo ni Easton kay Tristan dahil ngayon lamang nya naintindihan ang surpresang tinutukoy nito, hindi talaga nagpaawat si Aaron at talagang dumagdag pa sa sakit ng ulo nya! Oh, how unpleasant it was that Aaron congratulated him for being in a relationship he didn’t know about and didn’t even want to be in.
Kung hindi lang siguro naka-on duty si Easton at kung hindi nya naisip ang lagay noong bigla na lamang manikip ang dibdib sa sobrang inis, baka kanina pa nya sinugod si Tristan para ipaalis ang relationship status nila ‘tsaka ito pagsabihan. Kung hindi lang nakakasama sa sarili ang naramdaman nya… kaso kailangan nyang kumalma’t iayos ang sarili bago makipag-usap kung kani-kanino.
Easton was weary and frustrated that he had to keep a smile despite how he was feeling, but such was life.
“Tapos ka na ba?”
Easton was startled when he suddenly heard Felix’s voice beside him. Halos hawak pa nya ang dibdib noong lingunin nya ito.
“Nagulat ako sa ‘yo,” aniya bago siya nagpakawala ng marahas na buntong hininga. “Anong ginagawa mo rito? Pinapatawag ba ako?”
Marahang umiling si Felix bago ito bahagyang gumilid. Bahagyang ngumuso si Easton dala ng pagtataka pero natigilan siya noong makita nya ang pigura ni Tristan na nagtatago sa likuran ng binata.
The way Tristan jumped and panicked when he was revealed hiding behind his bodyguard made Easton feel amused. At the same time, he remembered what this little kid did to his account while he was inactive and busy.
Ibinalik ni Easton ang paningin kay Felix na noo’y nagkibit balikat.
“Gusto ka raw kausapin ni Sir Tristan dahil ni-remove mo bigla iyong relationship status na sinend nya sa ‘yo,” maiksing paliwanag nito.
Lihim na napaismid si Easton noong marinig ang sinabi ni Felix bago nya ibinalik ang atensyon kay Tristan na halos hindi makatingin sa kanya.
Hindi nagtagal, bumuntong hininga siya. “Gusto rin sana kitang kausapin ngayon tungkol do’n pero busy pa ako. Hell week ngayon sa opisina, Tristan. Marami pang ipinapagawa sa akin.”
“Y—you’re excused!” natatarantang pigil sa kanya ng binata noong akmang tatalikuran na sana nya ito. “Sinabi ko na sa head ninyo na hihiramin muna kita so you’re most likely to get an extension for the papers they’ve assigned to you…”
Tinaasan nya ng isang kilay si Tristan. “You did that?”
“Ye—yes… Kasi gusto kitang kausapin. Gusto kong malaman kung ba’t mo tinanggal iyong relationship status natin…” anito at habang patuloy na nagsasalita si Tristan, mas lalong humihina ang boses nito.
There was guilt that laced through his soft voice—but man, the audacity to ask although Tristan knew why he removed the status as soon as he saw it?
Bumuntong hininga si Easton para pilit pakalmahin ang sarili. “Ba’t mo tinatanong? Sigurado naman akong alam mo kung anong sagot. Instead, the question should be: bakit mo nilagay ‘yon?”
“But I’m back now. Ang sabi mo sa ‘kin dati, kapag bumalik ako ulit sa Pilipinas, you’ll be with me e,” katwiran naman ni Tristan.
“I can’t remember saying that. Kung sinabi ko man din iyon, hindi mo ba naisip na masyado pa tayong bata para seryosohin iyong mga ganoong bagay?”
“No, you’re wrong! Kahit bata pa tayo during that time, Easton, it was everything to me. If you couldn’t keep your promise, you shouldn’t have sworn in the first place.”
Sandali, parang nanakit ang ulo nya.
Humigop nang malalim na hininga si Easton ‘tsaka napahilot ng sentido matapos marinig ang mga katwiran ni Tristan. Inilagay nya ang isang kamay sa beywang bago siya bahagyang gumilid para humarap sa ibang direksyon nang mapakalma ang sarili.
Something about their conversation tempted him to say something childish and stupid, but he didn’t want to be rude because he’s older.
Noong ibalik nya ang paningin kay Tristan, kita nya mula sa mga mata nito na nagagalit ito sa kanya. He couldn’t find it in himself to feel guilty because he was also annoyed.
“Tristan, we were kids back then. Although promises were made, it’s not like each of them could be fulfilled.” Ipinagkrus ni Easton ang mga braso. “Lumalaki tayo, nagbabago—over time, nakalimutan ko na ‘yang pangakong tinutukoy mo tapos nakakilala rin ako ng taong gusto kong kasama pangmatagalan.”
It’s not like Easton was meant to remember everything he did when he was a small kid. The promise he made with Tristan just probably held no importance to him before which was why over time, it was erased from his memories.
If he were Tristan, if he said those words, it would hurt. Kaya kahit na gustung-gusto nyang prangkahin ang binata, nilunok na lamang nya ang mga salitang nais sabihin at ni-rephrase para hindi gaanong ma-offend ang binata.
Easton took a deep inhale and faced Tristan. Although his blood still boiled and the urge to shout still lingered in him, he flashed the younger man a small smile.
“Naa-appreciate ko na pinanghawakan mo iyong pangakong ‘yan at napangalagaan mo iyang nararamdaman mo para sa ‘kin. The thing is, I couldn’t hold the promise we made like you did. I apologize for that,” dagdag nya pa.
Easton wasn’t a stranger to the dirty looks that Tristan threw him. He silently waited for the younger to retort and curse him for forgetting the promise they made, but it took some time before Tristan spoke again.
“Edi okay. Fine.” Bakas ang pagkairita sa boses ng binata bago ito nag-iwas ng tingin at umismid. “Kung ayaw mong panindigan iyong promise mo no’ng bata pa tayo, so be it. But I hope you’ll regret this later.”
Easton didn’t like that but he kept his mouth shut and pressed his lips together to suppress the urge to stop Tristan from speaking.
“It’s not like ako lang ang talo. ‘Di ka rin naman gusto niyang taong hinahabol mo ‘di ba? Deserved,” pairap na anito bago tinignan ang bodyguard nitong si Felix. “Felix, tara na nga. Wala na ‘kong mapala kay kuya Easton. Kakarmahin din naman siya.”
Mula sa gilid ng mga mata ni Easton, nakita nya ang pag-ayos ni Felix sa pagtayo bago ito lumakad para lumapit kay Tristan. Ang isa naman, tinapunan lamang siya ng masamang tingin sa huling pagkakataon bago siya tinalikuran, habang si Felix naman e humarap sa kanya’t bahagyang yumuko.
Felix even mouthed an apology before they left. Siguro nagsu-sorry on behalf of Tristan—and perhaps, he was apologizing for the trouble that he’s caused.
Habang paalis sila, hindi naiwasan ni Easton ang mapaisip. Paano nalaman ni Felix na kailangan nya kausapin si Tristan ngayon? He never said anything about what he just found. Siguro nakita nito na ni-reject nya ang relationship status nila ni Tristan? Posible. Baka binabantayan nito mula nang bigyan siya nito ng ideya sa ‘surpresa’ ni Tristan.
Anyway, he had no time to think about it. Inaasahan lang ni Easton na may magbabago sa trato sa kanya rito sa kumpanya dahil kay Tristan. Siguro lang naman.
Nagpameywang si Easton at bumuntong hininga noong hindi na nya makita ni anino nina Tristan o Felix. Ibinalik nya ang mga mata sa mga dokumentong ipinapa-print sa kanya’t lihim na napangiti noong mapagtantong tapos na pala ang ipinapagawa sa kanya.
“It’s okay…” bulong nya sa sarili bago nya kinuha ang mga dokumento mula sa printer para bilangin at ayusin. “Matatapos din naman ang kalbaryo ko sa OJT na ‘to.”
Kapag natapos itong OJT na ‘to, ‘tsaka nya kakausapin si Aaron. Ang bwisit na iyon, mukhang masaya pa sa relationship status nila ni Tristan e hindi naman sila magkaanu-ano ng batang iyon bukod sa magkasama silang lumaki!
Nanggigil na naman siya.
ㅤㅤㅤㅤBUMUNTONG HININGA si Aaron pagkababa nya ng jeep pa-Angeles. Nag-chat kasi si Ridge sa kanya, nagpapatulong sa mga telang bibilhin nito. Hindi raw kasi ito masasamahan ni Zamiel dahil abala ang boyfriend nito na mag-practice para sa final requirement ng mga ito.
Although Aaron was happy that Zamiel wouldn’t be around, at the back of his mind, he thought of how much of a hassle this trip would be.
Hindi sa ayaw nyang ka-bonding si Ridge pero marami kasi siyang gagawin lalo na’t malapit-lapit na ang local demo nya.
Pumasok si Aaron sa loob ng mall para hanapin ang kapatid. Base sa huli nitong chat sa kanya, hinihintay siya nito sa book sale na halos nasa bungad lamang ng mall. Hindi nagtagal, natagpuan nya ang kapatid.
Aaron couldn’t stop smiling when he saw his younger brother. Nakayukyok ito habang nagbabasa kaya nang makalapit siya, umupo rin siya sa tabi nito.
“Kanina ka pa ba, Ridge?”Ito kaagad ang itinanong nya dahil mukhang bagot na bagot na ang nakababatang kapatid kakahintay sa kanya.
Pinasadahan siya ng tingin nito bago ito humimig. “Nalibot ko na ‘yong appliances store ta’s nakapili na ako ng dalawang cellphone na bibilhin ko ‘pag nagkatrabaho ako kakaabang sa ‘yo, kuya.”
Aaron’s smile almost fell as he sweat dropped. “Pasensya na, hindi ko naman kasalanan na mabagal iyong jeep.”
“It’s okay. Bayaran mo na lang itong mga kinuha kong libro.” Ridge paused and looked at him again, frowning. “May pera ka pa ba, kuya?”
“Oo naman. Sige, ako na magbabayad niyan. Dito na rin ako titingin ng mga gagamitin kong pang-IMs. Hintayin mo muna ako mamili.”
“Okay.”
Matapos mamili ni Aaron ng pang-visual aids nya at bayaran ang mga librong pinaminili ni Ridge, lumakad na sila palabas ng mall. Panay ang tanong ni Aaron kung para saan ang telang bibilhin ng nakababatang kapatid ‘tsaka naman in-explain ni Ridge na para iyon sa darating na theater performance nito sa school.
Kasama raw sa final requirement nila iyon at as early as now e ipinaasikaso na ang script sa kanila nang mahaba-haba ang oras para makapag-practice. Mabilis lang daw kasi ang fourth term.
“Ganyan nga gawin ko sa mga estudyante ko nang makapaghanda sila nang mas maayos,” aniya habang naglalakad patungo sa pagbibilhan ni Ridge ng tela.
Mayroon silang suki rito, e. Kapag kasi may pageant si Ridge, roon talaga sila nagtitingin ng tela at mga pang-design. Nakakalimutan lang nya tandaan iyong pangalan pero alam naman nya iyong lugar. Banda sa sentro ng Angeles, sa may palengke, medyo likod. Ah, basta.
“Iisang teacher ba kayo ni Zamiel kaya ‘di ka nasamahan noong asungot na ‘yon?” tanong nya habang hinihila pagilid si Ridge dahil ang lalapit ng sasakyan dito sa nilalakaran nila.
Bumuntong hininga si Ridge. “Siya pa nga main character nila. Romance pa ‘yon. Not that I care but I will hit him if I see one kissing scene.”
E akala ba nya walang gusto ang kapatid nya sa asungot na iyon? Biglang kinutuban si Aaron at hindi na lamang siya umimik. Tinapunan na lamang nya ng side eye si Ridge dahil iba ang pakiramdam nya sa ganap nito at ni Zamiel.
Dapat na ba siyang kabahan? Ah, hindi. Bata pa si Ridge. Hindi naman siguro si Zamiel ang ipapakilala nitong mapapangasawa sa hinaharap. Makakahanap pa ng iba ang kapatid kung sakali.
Bago pa sila makarating sa pupuntahan nila, dahil iyong harap ng building na nasa harap nila e punung-puno ng sasakyan, nabigla silang dalawa ng kapatid nang merong sumulpot na dadaan na nanggaling sa building. Nakabunggo pa ni Aaron aksidente kaya sinalo nya pa bago matumba.
At first, he didn’t notice who it was until he heard someone say, ‘uy! Okay ka lang ba, East?!’ sa likuran nito and he just realized that the person he’s holding was the man he recently rejected and got into a new relationship.
Aaron still held Easton until he stood properly. Ang problema, tulala na siya’t hindi maiproseso ang nangyayari hanggang sa bumaling sa direksyon nya si Easton at magulat din.
Aaron immediately raised his hands and took a few steps back. Kahit ang kapatid nya, takang-taka na pinanonood siya pero hindi ito umimik at pinanood lang siyang umaktong parang tanga bago ito bumaling kay Easton.
“Hello kuya Easton,” bati ni Ridge kay Easton, dahilan para pangilabutan siya.
Ang awkward. Bumaling si Easton kay Ridge at binati rin ang kapatid nya pero ibinalik nito ang paningin sa kanya. Gusto sana nyang mag-iwas ng tingin pero parang ang pangit sa imahe nya e siya iyong malakas ang loob nitong nakaraan, e bakit siya tumataob ngayon?
Aaron and Ridge looked at each other when Easton’s co-workers or the ones he’s with during their OJT arrived and asked if he was okay. Iyong iba, bagong mukha—hindi pa nya nakita kahit kailan—tapos nang mapatingin sa kanya ang mga ito, biglang nanahimik din at tinapunan ng makahulugang tingin si Easton.
“Sino, be? Kakilala mo?” tanong pa ng isa tapos biglang ang hinhin pa ng akto.
Tinapunan ito ng masamang tingin ni Easton bago ito lumapit sa kasamahan nito para may ibulong. Tila ba may napagtanto naman ang isa’t nadidismayang tumingin sa binata bago nagsipagpaalam ang mga ito na mauuna na.
Si Easton, naiwan tapos tumingin ulit ito sa kanila ni Ridge.
Aaron immediately pulled his little brother and he flashed a smile at Easton. “Mauuna na rin kami.”
Easton’s eyes widened when he heard what he said. Si Ridge rin tila ba nagulat noong hilain nya ito pero bago pa sila makalagpas kay Easton, biglang hindi na nya mahila ang kapatid dahil parang may pumipigil dito.
“Ridge—” naputol ang sasabihin sana ni Aaron noong lingunin nya ang kapatid at makitang nakakapit ito kay Easton na noo’y gulung-gulo rin.
Ridge kicked his knee which caused him to yelp bago ito mas dumikit kay Easton. “Hila ka nang hila! ‘Di pa ako ready!”
“Anong ‘di ka pa ready?” naguguluhang tanong ni Aaron sa kapatid na noo’y bumitaw na rin kay Easton. “May naiwanan ka ba?”
Tumingin pa sa pinanggalingan nila si Aaron para tignan kung naiwanan ba ni Ridge ang mga librong pinamili nila kanina pero wala namang nahulog na kahit ano. Habang ang nakababatang kapatid naman nya, abalang pinapagpagan ang sarili.
Then, Ridge pouted and nodded. “Meron.” Tapos agad itong bumaling kay Easton at tignan ang paligid nito. “Kuya Easton, nandiyan na ba sundo mo? Gusto mo bang sumama sa ‘tin?”
“Huh?” was how both he and Easton reacted because they were both so surprised by Ridge’s invitation.
“Ridge, pinagsasasabi mo? Pagod na ‘yang tao sa OJT nya ta’s kalalabas lang ta’s aayain mong sumama sa ‘tin?” namamangha nyang paninita sa kapatid bago siya sumagitsit. “Pauwiin mo na ‘yang si Easton ta’s pagpahingain mo.”
Tinaasan siya ng kilay ni Ridge. “Ikaw din naman, a? Pagod ka rin naman sa OJT mo pero sinamahan mo pa rin naman ako.”
“Magkaiba kami—”
“—I don’t mind,” agap ni Easton sa kanya bago pa nya matapos ang sinasabi. “Pupwede akong sumama, ‘di naman ako ganoon kapagod. I can just tell my driver to fetch me from where we’re going.”
Aaron threw Easton a ludicrous glare. Hindi nya napigilan lalo na nang tapunan din siya nito ng mapanghamong tingin. Anong ginawa nya sa isang iyan e matagal na nga silang hindi nag-uusap?
“Seryoso ka ba? ‘Di mo kailangang magkunwari ta’s pagbigyan ‘tong kapatid ko. He’ll get spoiled,” aniya rito.
Umismid si Easton at ipinagkrus ang mga braso. “Seryoso ako, Aaron. ‘Di pa ako pagod dahil wala na kaming ginagawa sa office. ‘Tsaka bakit ba parang ayaw mo akong kasama?”
“Hindi sa gano’n—”
Nakalimutan na ni Aaron ang sasabihin noong marinig nyang tumawa si Ridge. Kahit si Easton, bigla na lamang natigilan at napukaw ng kapatid nya ang atensyon nito.
“Away kayo nang away, nakakatawa kayo panoorin.” Mapanudyong ngumisi si Ridge at talagang nagtagal pa ang mga mata nito sa kanya. “Pero mga kuya, pupwede na ba tayong lumakad? Baka gabihin tayo, wala rin namang panlibre pangkain sa labas si kuya Aaron.”
“Sige, ilakas mo pa boses mo. Mahal kita Ridge pero pipingutin talaga kita ngayon.” Aaron wasn’t like this around his brother. It’s just so surprising how flustered he gets around Easton that he acts like this.
“Pupwede naman akong manlibre—” Easton offered but he paused when Aaron threw him a glare. “Fine, maarte nga pala ‘tong kuya mo.”
Ridge hummed and began to walk. Para itong bata na halos mag-skip pa noong lagpasan siya nito habang siya e namamangha lamang na pinagmamasdan ang kapatid. Si Easton din, hindi nagtagal e nagsimula na maglakad pero bago pa siya nito lagpasan e binangga pa nito ang siko nya ‘tsaka siya tinapunan ng naiinis na tingin at inirapan.
The hell was wrong with that—wait, forget it. Alam ni Aaron kung bakit iyan ganyan umarte pero nakahanap na ito ng iba’t lahat-lahat, mainit pa rin ang dugo sa kanya?
Ugh.
Aaron heaved a sigh before he followed both Ridge and Easton, then watched them talk while he was behind them. Nakikinita na nya kung gaano ka-awkward ang lakad nila.
Kabanata 18
KABANATA 18
ㅤㅤㅤㅤITO NA NGA ba ang sinasabi ni Aaron, e. Ang awkward ng lakad nila nina Ridge dahil iyong kapatid nya, panay ang likot ang pagkukwento tungkol sa kanya kay Easton. Okay sana kung puro puri lang kaso iyong iba, puro paninira kahit hindi naman talaga nya ginagawa e. Panay tuloy ang singit nya sa usapan ng mga ito ta’s natatawa lamang siyang titignan ni Easton.
Alam nya kung anong ginagawa ni Ridge kaya sisiguruhin nyang hindi nya sasarapan iyong luto nya mamaya.
Lalo na noong nakarating sila sa shop at iniwanan silang dalawa ni Easton ni Ridge dahil ito lang daw ang may alam kung ano ang magandang tela rito? Edi wow. Hihiwalay sana siya kay Easton pero hinawakan nito ang braso nya bago pa siya makaalis ‘tsaka ito sumama sa kanya.
Hindi kalakihan iyong shop pero sa hindi nya malamang dahilan e hindi nya rin makita ang nakababatang kapatid. Saan naman kaya nagsuot ang isang iyon?
“Pupwede ka na bumitaw,” aniya kay Easton na hindi ito pinapasadahan man lang ng tingin.
Mula sa gilid ng mga mata nya, habang pinagmamasdan nya iyong mga butones at laso na naka-display, nakita nya ang pagbaling sa kanya ng binata. Bagamat hindi nya malinaw na nakikita ang mukha nito, alam nyang nakasimangot ang binata nito.
“E pa’no kung ayaw kong bumitaw?” paghahamon naman ni Easton.
Bumuntong hininga siya’t dinala ang mga mata sa pigura nito. It’s been a while since they met—nag-glow up ba si Easton? Hindi ba dapat e mas mukha itong stressed dahil OJT nila? Bakit parang siya lang ang malalim ang eyebags? Unfair.
Tinaasan nya ng isang kilay ang binata. “Nirerespeto kita pati iyong bago mong boyfriend kaya hangga’t maaari, distansya naman.”
Easton’s eyebrow twitched and he pulled Aaron closer. Dahil hindi rin nya inasahan ang biglaang paghila nito, mas lalo siyang napadikit sa binata. The next thing he knew, Easton’s face was close to his.
Mabilis siyang lumayo rito ‘tsaka naman nagsalita ang binata.
“No, ‘di kita bibitawan. Last time na binitawan kita, halos two months kitang ‘di nakita.” Easton flashed him a threatening smile and for some reason, Aaron felt scared. “Isa pa, wala akong boyfriend! Everything was a misunderstanding. ‘Di ko alam na may nag-send no’n sa akin while I was inactive sa socmed ko!”
Naninigkit ang mga matang pinagmasdan nya ang binata. “Trip mo ba ako? E nag-thank you pa nga iyong boyfriend mo sa akin.”
Nainis pa nga siya noong ni-replyan pa siya e. Hindi nya kailangan iyon.
Before Aaron could start reminiscing, nabigla siya nang biglang kurutin ni Easton ang braso nya. He yelped but when he realized how loud his voice was, he immediately covered his mouth and looked around. Of course, he stole some attention but they quickly went back on their business with a frown.
Bwisit itong si Easton!
“Hindi ko nga sabi boyfriend ‘yon,” muling pagdi-deny ng binata. Mas mariin ang pagkakasabi nito sa pagkakataong iyon.
Aaron let out an ‘urk’-sound and resigned. “Oo na, ‘di mo na boyfriend. So, ba’t nya sinend ‘yon? Sabi mo ‘di mo alam e nangyari ‘yon ilang linggo pagkatapos kita i-reject. Para lang ipakita na naka-move on ka saglit?”
“I’m not that petty anymore.”
“Edi ano ‘yon?”
“Hindi ko nga alam. This boy was my childhood friend and he said that I promised to be in a relationship with him if he returns from overseas. ‘Di ko na maalala iyong pangakong ‘yon.”
Paismid na sana si Aaron pero muli siyang kinurot ni Easton kaya kinagat nya ang pang-ibabang labi at pinigilan ang sarili na mag-react.
Fine. Hindi na muna nya kokontrabidahin si Easton. Kung sinabi nitong wala naman talaga itong karelasyon matapos nila huling magkita, so be it. Ang sakit mangurot ni Easton e, talagang kuhang-kuha iyong sa balat nya. King ina, edi tiis.
Isa pa, kahit ayaw nyang aminin e tumatalon ang puso nya hindi lang dahil nakakapit sa kanya si Easton kung hindi dahil wala rin naman pala talaga itong bagong boyfriend. Tsk. Ang selfish din nya e, naii-stress siya sa sarili.
Imbes na patuloy tanungin si Easton tungkol sa naging relationship status nito, tumikhom siya para ibahin ang usapan.
“Anyway, kumusta ang OJT mo nitong mga nakaraang buwan?” pagsubok nyang pag-iiba ng usapan. “Isa pa, kailan ka bibitaw sa ‘kin?”
“Kasasabi ko lang na ‘di ako bibitaw, ‘di ba?” nakataas ang isang kilay na anito.
“Fine. E iyong sagot mo sa unang tanong ko?”
“I’ve been good. Smooth naman ang OJT ko. The only trouble that I encountered so far was my childhood friend. Nanay nya iyong may-ari ng company kanina.”
“Wow…” he boredly replied.
Bigla nyang naalala. Ang dalas nyang makalimutan na mapera nga pala ang isang ito. Ka-schoolmate nya kasi e public school lang naman siya galing kaya iniisip nya, middle class lang ang binata pero hindi nga pala.
Oo nga pala at sinusundo pa iyan ng mamahaling sasakyan. Bakit ba kasi nakiki-in ito sa public school—hayaan na nga, mukha siyang nanggi-gatekeep e wala naman siyang narinig na chismis na masama ang ugali ni Easton o may discriminatory views ito sa mga bagay-bagay.
“You sound unimpressed,” anito.
Umismid siya’t napailing. “Wala lang. Bale, kasama mo pala sa OJT iyong nag-send ng relationship status… Ano nang nangyari sa kanya?”
“I rejected him. Ikaw iyong gusto ko.”
Fuck. Sandali. Hindi sinasadya ni Aaron na mabunggo iyong shelf ng mga butones, mabuti na lamang at walang nahulog pero muli na naman siyang nakanakaw ng atensyon mula sa mga namimili rin. Kahit iyong kapatid nyang kanina pa nya hindi makita, biglang napasilip kung nasaan sila bago ito umalis ulit.
Sira ulo si Ridge! Hindi man lang sila pinupuntahan at talagang namalengke lang ng kakailanganin!
God, his heart was beating fast and crazy! Ang pula-pula rin siguro ng buong mukha nya’t walang kwenta kahit na pinipilit nyang takpan ang itsura. Nakakairita!
Easton didn’t have to be so straightforward about this.
“You’re blushing,” puna ni Easton sa kanya kaya umiwas siya ng tingin dito. “Kahit itago mo, pati tenga mo namumula. It’s just useless.”
Sumagitsit siya. “Tumahimik ka riyan. Ba’t ba kasi walang filter iyang bibig mo?”
“E kung may filter, pa’no mo malalaman na seryoso talaga ako sa ‘yo at saka willing akong hintayin ka?”
“Ewan ko sa ‘yo.”
Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila dahil pilit na pinapakalma ni Aaron ang sarili habang si Easton naman e tahimik din siyang inoobserbahan. Every now and then, humihigpit iyong kapit ni Easton sa kanya, parang ayaw siyang bitiwan pero hindi nya na lang papansinin dahil mas lalo siyang hindi makakalma.
“I still don’t get it. Gusto mo pa rin naman ako, ‘di ba?” tanong ni Easton sa kanya—may bahid ng paniniguro sa boses nito, tila ba naghahanap ng assurance mula sa kanya.
Hindi naman siya makasagot ng hindi. “Napano?”
“If you like me so much that you’d get flustered and disoriented, why wouldn’t you just be with me?”
“Ito na naman ang pag-uusapan natin?”
Easton pressed his lips together and hesitantly nodded. “Feel mo naman, titigilan kita tungkol diyan? Hanggang sa sabihin mong ayaw mo sa ‘kin and not otherwise, ipipilit ko ‘tong feelings ko sa ‘yo.”
Nagngitngit ang mga ngipin ni Aaron dahil hindi naman nya kaya sabihin na ayaw nya sa binata. Magsisinungaling lang kasi siya sa sarili kung ganoon.
Umismid ulit siya. “Ginaganyan mo ‘ko kasi alam mong ikaw ang may hawak ng upperhand?”
Hindi sumagot si Easton kaya inisip din nya kung paano ba nya ulit iisa-isahin iyong mga dahilan kung bakit ayaw nyang makipagrelasyon dito.
“Kaibigan ko kasi si Wade, mag-ex pa kayong dalawa,” panimula nya.
Tumango si Easton. “I get it, pero napag-usapan na kasi namin ni Wade ‘to. If you ask him, he’d just say that he doesn’t mind us dating.”
Pagak siyang natawa. “Sinabi nya lang ‘yon ‘tsaka gusto ka pa rin naman nya.”
“He’s trying his best to move on, Ron. He’s also seeing new people recently.”
Sumimangot siya. “It’s just generally against what I believe, East.”
“And can’t you just throw that away for a bit and try being with me? ‘Di ka ba talaga nasasakal na dini-deny mo ako kahit na gustung-gusto mo naman ako?”
Aaron paused. Ibinuka nya ang bibig para mag-rebuttal pero wala ring lumabas na kahit anong salita mula sa bibig nya. He tried to look away and find the words he wanted to say but it seemed like his mind and body already betrayed him.
Nakuha ni Easton iyong nangyayari sa kanya. He was just denying it. Ayaw lang nyang pag-usapan kaya dini-dismiss nya tapos pilit nyang kakalimutan kaya binabaon nya ang sarili sa trabaho.
Nakakasakal na i-deny si Easton. Gusto nya si Easton. Hindi nya dini-deny sa harap ng iba—hindi rin naman sa harap nito, pero hindi nya makuha sa sarili na bumigay dahil iniisip nya pa rin kung anong sasabihin ng iba at ni Wade sa kanya.
“Nasasa—”
“Excuse me, nasa’n si Ridge?”
Natigilan silang dalawa ni Easton at sabay na napatalon sa gulat noong marinig ang boses ni Zamiel mula sa likuran nila. Noong lumingon sila nang sabay, ‘tsaka nila nakita ang binata na nakasimangot at pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Easton.
Sa itsura nito, sa pagkakasimangot nito, parang ito pa ang para bang mauubusan ng pasensya e sila nga iyong inistorbo!
“Anong ginagawa mo rito?!” namamangha nyang turo kay Zamiel at halos manlaki pa ang mga mata nya sa gulat. “Akala ko ba e busy ka sa practice ninyo kaya sa ‘kin nagpasama iyong cute kong kapatid?”
Aaron could feel Easton’s exhausted stares at him—aba, ngayon lang nito nakita na cute na cute siya kay Ridge tapos malakas na ang loob gumanyan? Iiwanan nya ‘to.
Bahagyang ipinilig ni Zamiel ang ulo. “Sinabihan ko siya kanina na hintayin nalang ako kasi last subject namin ang praktis. Kanina pa kami tapos, kanina ko pa rin siya hinahanap.”
“Edi pinapahirapan ka nya? Buti nga sa ‘yo,” pang-aasar pa nya sa asungot nyang temporary brother-in-law.
Zamiel clicked his tongue and looked away. “Kasalanan ko bang matampuhin siya? Mana sa ‘yo, kuya. Anyway, nandito pa rin siya ‘di ba?”
Aba’t na-real talk pa siya nang wala sa oras. Itinikom tuloy nya ang bibig para hindi nya sagutin itong si Zamiel. Susunugin siya tapos aasa ng sagot sa kanya? Pwe!
Pero syempre may kontrabidang nakakapit sa kanya. Bago pa man masiko ni Aaron si Easton para pagbawalan itong makipag-interact sa asungot na boyfriend ng kapatid nya, naunahan na siya’t nasagot na nito ang tanong ni Zamiel!
“Nariyan lang siya sa tabi. Dumaan pa kanina rito, nagtitingin pa rin ng tela,” sagot ni Easton kay Zamiel.
Tumango naman ang binata at tipid na ngumiti kay Easton. “Thank you po. Sana singbait nyo ‘yang brother-in-law ko.”
“King ina mo, ‘di kita tanggap!” sabad naman nya pero siya pa ang nasiko ni Easton dahil ang lakas ng boses nya.
Of course, he complained! He even glared at Easton. Kaso ayaw din magpatalo ng isang ito. Meanwhile, Zamiel left looking smug. Nagyayabang ang deputa kasi napapatahimik siya ng isang iyan.
“Ba’t mo sinabi sa isang iyon kung nasa’n ang kapatid ko? ‘Di mo ba alam na tatangayin nya si Ridge?!” asik nya kay Easton na pinaikutan lamang siya ng mga mata.
Umismid ito. “Obviously para makapag-usap tayo nang maayos. What else would be the reason kung ba’t ko sinabi sa kanya kung nasa’n si Ridge?”
Easton did say that but they never really talked after.
Hindi kasi nagtagal, narinig nilang pasimpleng nagtatalo sina Ridge at Zamiel mula sa kabilang aisle ng shop kaya pinuntahan nila out of concern. Balak din sana nyang awayin si Zamiel dahil tsana na nya iyon pero pinigilan siya ni Easton dahil labas daw siya sa problema ng mga ito.
Okay, may point. Sayang pa rin kasi gusto nyang bully-in si Zamiel.
Lihim na bumuntong hininga si Aaron. Hanggang sa nakapagbayad na lamang si Ridge ng mga tela tapos hinahatid nila si Easton kung saan ito susunduin ng driver, kailangan pa nyang panoorin na magsuyuan ang kapatid nya pati iyong asungot, tapos tiisin si Easton na noo’y tahimik ding naglalakad sa tabi nya.
Naba-bad trip na nag-iwas ng tingin si Aaron kay Easton noong mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nyang tumingin ang binata sa kanya. Hindi naman kasi sila nag-usap ‘tsaka wala rin naman siyang balak sabihin dito. Naputol usapan nila kanina, e.
Hindi alam ni Aaron kung blessing ba iyon o sumpa.
“You’re quite silent. Ganyan ka ba talaga ‘pag nakikita mo kapatid mo na kasama boyfriend nya?” tanong ni Easton.
It was a harmless question but the way Easton called Zamiel as his cute little brother’s boyfriend annoyed him. Kumunot lalo ang noo nya’t naiinis nyang tinapunan ng tingin ang likod ni Zamiel.
“Ba’t ayaw mo sa kanya? I think he’s doing fine taking care of your little brother,” dagdag pa nito.
Aaron hissed. “Hindi mo magi-gets kasi ‘di ko rin alam. Basta mula no’ng bata pa ‘yan, naiinis na ako sa kanya.”
“More like, nagseselos ka kasi mas may time kapatid mo sa kanya?”
“You didn’t have to get so personal?” namamangha nyang tugon kay Easton bago nya ito tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin. “Isa pa, ‘yan ba talaga ang dapat na pinupuna mo sa ‘kin? Ang sabi mo kanina, mag-uusap tayong dalawa.”
Pagkasabi nya niyan, siya namang pagngisi ni Easton. “Oh, so ngayon bigla kang interesado na pag-usapan iyong tungkol sa ‘tin?”
“Shit.” Umikot ang mga mata ni Aaron. “Edi ‘wag. Hindi naman din ako interesado talaga.”
Aaron planned on not talking to Easton anymore and instead, wallowed about how hot it still was despite it being already dark. Hindi rin dapat nya papansinin ang pagdikit ni Easton sa kanya pero nakukuryente talaga siya t’wing sasagi ang braso nito sa kanya.
“Ayaw mo ba talaga? Like, just try it with me. Kung ‘di mag-work, so be it. We could end the relationship right away,” Easton told him in a low voice. Saktong sila lang ang makakarinig.
Hindi nya napigilan ang pag-ismid. He wanted to say ‘no thanks’ but the words got stuck in his throat and he couldn’t find it in himself to actually say those.
Kumibot ang isang kilay ni Aaron dahil itong utak nya, iyong kabila pang parte ng utak nya na gustung-gusto si Easton, kumokontrabida na naman sa lohikal na desisyon nya sa buhay.
“Just give us a chance,” pangungumbinsi pa ni Easton ‘tsaka naman ito mukhang napaisip at humimig. “Say, until graduation.”
Nginisian nya ang binata. “Alam mong useless ‘yan, hindi ba? Pareho tayong naka-OJT at busy.”
“Exactly. ‘Di ba ikaw ang may hawak ng upper hand niyan? But let’s talk about our schedules. Kung makaluwang-luwang, we should go out on dates on weekends… or maybe after our shift if we’re not so exhausted.”
“Ang trabaho,” reklamo nya. “What’s the deal? Ba’t ngayon mo iyan naisipan?”
Sumagitsit si Easton. “Wala. Gusto ko lang makita kung mababaliw ka rin bang ‘di mo ako nakikita… since we’re dating.”
Hindi sumagot si Aaron. Natanaw na kasi nya ang sasakyan ni Easton at maging sina Ridge at Zamiel, sabay na napalingon sa binata noong makitang mamahalin pala ang sasakyang susundo rito.
Ridge threw him a questioning look but he didn’t answer. Basta ang masasabi lang nya, big shot si Easton.
While Easton didn’t mind the puzzled but amazed, yet also surprised look from his brother and Zamiel, he only smiled at them before he turned to him again to throw him a knowing look.
Ibig sabihin, kailangan na nyang sumagot.
Aaron could try and reject Easton again—and that was what he was thinking of doing until they arrived near Easton’s car and the man pulled him to place a chaste kiss on the side of his lips.
Hindi lang si Aaron ang nagulat, pati sina Ridge at Zamiel e bigla na lang sumigaw at panay ang kantyaw. Hindi naman makuhang mainis ni Aaron dahil nag-short circuit ang utak nya sa ginawa ni Easton. Baga, ang hirap iproseso kaagad noong nangyari, amputa!
“I wouldn’t take no for an answer,” sabi pa nito bago tuluyang lumayo sa kanya.
Aaron’s eyebrow twitched. Nasa dulo na ng dila nya iyong pagtanggi pero bigla na naman siyang napangunahan ng kabilang parte ng utak nya. It made the decision and instead of a ‘no’, what Aaron said was:
“Fine.”
Kahit siya nagulat noong mapagtanto nya ang sinabi. Gusto man din nyang bawiin iyong sinabi, hindi nya magawa dahil ang lawak ng ngiti ni Easton. He couldn’t describe it exactly, words weren’t enough how beautiful that smile was.
Easton’s smile was of pure joy—wide, genuine, sweet, and warm. Ang dilim na sa paligid nila pero parang biglang ang liwanag dahil lang sa ngiti nito. Hindi na makuha ni Aaron sa sarili ang bawiin ang sinabi dahil kung biglang mabura ang ngiting iyan sa mukha ni Easton at mapalitan ng lungkot, baka mas lalo siyang mabaliw.
Sa halip, umiwas na lamang ng tingin si Aaron. ‘Tsaka nya natantong lumayo pala sina Ridge at Zamiel sa kanilang dalawa dahil natagpuan nya na lamang ang mga itong kumakain ng tusuk-tusok sa kabilang dako ng daan.
Good. At least alam nyang hindi siya mapapahiya.
“Hanggang graduation lang. Kung ‘di mag-work, tigilan mo na ako,” kalauna’y dagdag pa nya.
From the corner of Aaron’s eyes, he saw Easton nod and heard him let out a short giggle. “Okay, until graduation. So, okay lang na sulitin ka until then, right?”
“Bahala ka sa buhay mo.”
“Be strict. What if abusuhin kita, Aaron?”
So be it. Hanggang graduation lang naman sila. Isa pa, naiinis pa rin si Aaron dahil nagtaksil iyong katawan nya sa kanya at iba ang sinabi bukod sa plano nilang gawin ng utak nya.
Noong hindi siya sumagot, bumuntong hininga si Easton. “Hanggang ngayon, ang sungit mo. Anyway, that’s okay. I wanted this.”
H’wag gumanyan si Easton kasi nakokonsensya siya.
“Free ka ba sa weekends? Hapon, preferably,” tanong nito.
Nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Aaron bago rin siya napaisip. “Hindi ako sigurado. Next week ang local demo ko kaya mag-aayos ako ng IMs.”
Noong makita nya ang pagbagsak ng mga balikat ni Easton, hindi na rin nya naiwasan ang magpaikot ng mga mata. Bahala na kung anong iisipin nina Ridge.
“Kung gusto mo, pumunta ka sa bahay. Susunduin na lang kita sa kanto kung gusto mo, ibibigay ko address ko,” dagdag pa nya.
Easton brightened up and he looked like his eyes were sparkling. Wala, hindi makita ni Aaron na magsisi sa pag-aaya nya dahil may kung ano sa kanyang gusto rin naman makita si Easton sa darating na sabado… o linggo. Shutang ina.
“Bahala ka kung anong oras mo gustong pumunta. Kung wala ka lang namang pakialam na panoorin akong maglinis at magluto bago ka talaga i-entertain,” sabi pa nya ulit bago nya ipinagkrus ang mga braso.
“Umaga ako pupunta. Pwede na ba before lunch?” tanong ni Easton.
Nagkibit balikat siya. “Ikaw bahala. Anong gusto mong kainin no’n?”
“Kahit ano. ‘Di naman ako pihikan.”
Pinakyuhan nya si Easton. “Gumaganyan ka ta’s kapag nagluto ako ng baboy, baka dinadala ka na namin bigla sa ospital.”
“I’m not that weak! Plus, I know my limit. ‘Di naman ako sobrang vulnerable!”
Whatever. Inalis ni Aaron ang pagkakakrus ng mga braso ‘tsaka nya ito minuwestrahan na pumasok na sa sasakyan nito.
“Bahala ka. Sige na, umuwi ka na. Baka gabihin din kami nina Ridge e mag-aasikaso pa ako ng lesson plan,” sabi nya.
Easton smiled again and nodded. He looked so fond of Aaron, he was looking at him warmly. “Ipapahatid ko rin sana kayo pero oras na rin. I should go get some rest.”
“Next time.”
“Okay.” Then Easton stepped up to him and kissed him again on the cheeks. “Ingat kayo.”
Amputang ina! Pulang-pula na naman siya niyan. Hindi na rin nya nasabihan na mag-ingat si Easton dahil hindi siya makakilos mula sa kinatatayuan. Napansin na lamang nya na paalis na ang binata nang buksan nito ang bintana ng sasakyan at kumaway sa kanya noong umandar na ang sasakyan nito.
Noong makabalik sa huwisyo si Aaron, muntik siyang mapatalon sa gulat noong salubungin siya ng mapanudyong ngiti nina Ridge at Zamiel. He didn’t mind his little brother’s but he angrily pointed at Zamiel.
“Namo, wala kang karapatan mang-asar!” sita pa nya rito.
Kabanata 19
KABANATA 19
ㅤㅤㅤㅤNAKAPAYONG at tahimik na pinapaypayan ni Aaron ang sarili habang hinihintay si Easton sa kanto nila. Ang dahilan e kanina pa ito nag-text sa kanya na papunta na raw ito pero may dinaanan saglit dahil bumili raw ng pasalubong.
Aaron huffed. Easton didn’t need to buy anything. Gagastos pa ang isang iyon e paano kung hindi rin pala sila mag-work dahil sa busy schedules nila? Naisingit lang naman ang ngayon dahil gagawa na lang din daw ng worksheets si Easton sa kanila habang papanoorin siyang nag-aasikaso ng IMs at double-check ng lesson plan.
Nahigit mula sa pag-iisip si Aaron noong mayroong tumigil na kotse sa harap nya. Of course, his eyes landed on the backseat. Alam nyang doon lalabas si Easton kung dito nga ang kotse— and he was right .
Naka-casual attire si Easton. Actually, medyo pambahay pa. White t-shirt, shorts, rubber shoes, tote bag, tapos box ng… cake. Sisitahin pa sana nya ang binata pero naisip nyang gusto ni Ridge kumain niyan panigurado kaya hahayaan na lamang nya.
Lumapit si Aaron kay Easton bago pa man ito makalingon sa kanya at mukha namang nagulat ang binata. Pinayungan lang nya dahil siya iyong nasisilaw sa sobrang puti nito tapos tinamaan pa ng araw, parang kumikislap e. Kausap pa ni Easton ang drayber noon, sinasabi na magti-text nalang ito kung pauwi na.
Binati na rin ni Aaron ang drayber ‘tsaka nginitian, na siya namang ibinalik din nito.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” kalauna’y tanong ni Easton matapos nitong maisara ang pinto ng kotse.
Humimig lamang siya’t kinuha ang box ng cake mula rito. “Noong naisip ko lang na baka malapit ka na, ‘tsaka ako pumunta. Tinapos ko pa nililinis ko, ano.”
“You didn’t really have to clean.”
Inismiran nya ito. “Kung makita mo lang kung gaano karumi iyong bahay namin, baka magbago isip mo. Tara na, magluluto pa ako maya-maya ng ulam natin.”
Noong nagsimula na silang maglakad papasok sa street kung saan din nakatira si Aaron, lumingon si Easton sa kanya at nagtatakang nakatingin.
“Anong oras mo sisimulan iyong sa local demo mo?” pag-uusisa nito.
Nagkibit balikat siya. “After lunch pa naman. Bakit?”
“Naitanong ko lang naman. I thought you’d be really busy today.”
“Hindi, aprubado naman iyong lesson plan ko. Dinu-doublecheck ko lang dahil ayoko pumalya. ‘Tsaka iyong IMs, kaunti na lang naman iyong gagawin ko.”
Aaron didn’t bother to tell Easton everything that he’d do today since they already arrived at his home. Malapit lang naman sa kanto ang bahay nya kaya nakarating sila agad. Isa pa, iwas babad nang matagal sa araw kung sakali.
Noong makapasok, pinaupo kaagad ni Aaron si Easton sa isa sa mga sofa nila ‘tsaka nya inalok ng tubig. Nagpabili na siya ng yelo kanina kay Ridge bago ito umalis dahil mag-iinternet shop daw. Ang uwi e bago magtanghalian pero sigurado siyang kasama nito iyong kambal kaya bumili siya ng maraming uulamin kanina.
“Wala iyong cute mong kapatid?” kalauna’y tanong ni Easton nang mahatiran nya na ito ng maiinuman sa sala.
He smiled widely.
Aaron felt a surge of pride when Easton complimented Ridge and called him cute. As someone who took care of his little brother since they were kids, having someone who understands and sees Ridge’s cuteness always made him feel over the roof.
“Nasa internet shop. ‘Di ko alam kung gumawa ba talaga ng mga homework o naglaro ng dota pero pauwi na ‘yon mamaya dahil dito manananghalian,” aniya.
Tumango-tango si Easton habang sumisimsim ng maiinom. “Bale tayo lang dalawa rito hanggang mamayang kaunti?”
“Don’t make it sound weird. But yes.”
Mahinang natawa si Easton bago napailing. Hindi raw nito sadya na magtunog may malisya ang sinabi nito.
“Masaya lang naman akong solo ko iyong boyfriend ko kahit na saglit lang,” anito pa.
The way Aaron had chills after Easton called him his boyfriend. It wasn’t anything negative, he actually felt great, but he still acted stubborn and just snorted.
“Akin na cellphone mo,” utos nya kay Easton bago nya inilahad ang kamay nya sa binata.
Naguguluhan man, iniabot sa kanya ni Easton ang cellphone. “Ang aga mo namang mangalkal? ‘Di naman ako kumakausap ng kung sinu-sino.”
“Kahit sino pa kausapin mo, wala akong pakialam. Ikokonek lang kita sa wifi kaya hinihingi ko.” Pero huwag lang talaga kakausap ng kung sinu-sino si Easton. “O, tapos na.”
“Buti pala kinonek mo ako sa wifi ninyo?”
“Hindi ba dapat?” Ipinagkrus ni Aaron ang mga braso bago nya ipinilig ang ulo. “Kapag may bisita ako, ‘yan ang unang tinatanong e.”
“I didn’t say you shouldn’t…”
Nginitian nya ito. Siya namang pagtigil ni Easton. “Magluluto ako kaya ‘di kita mae-entertain. Kung gusto mo manood ng TV, pwede naman. Kung gusto mo mag-wifi, ikinonek na kita. Kung gusto mo gamitin laptop ko, ipapahiram ko. Anong gusto mong gawin?”
Easton looked at his phone and seemed to think. Hindi alam ni Aaron kung bakit pa nya iyan hinihintay e hindi naman importante iyong opinyon niyan—eme. Syempre, hinihintay nya dahil bisita pa rin naman ito at ayaw nyang ma-bored ito.
“Can I watch you cook instead?” tanong ni Easton.
His voice was small, barely a whisper, but still audible. Tahimik lang siguro talaga sa bahay nila dahil nasa likod iyong aso nya’t hindi nanggugulo. Baka natutulog.
Aaron nodded and extended his hand again. “Tara. Manonood ka lang, a. ‘Di ka manggugulo.”
“Manggugulo kaunti, if that’s okay,” pilyong sagot naman ni Easton ‘tsaka nito inabot ang kamay nya’t hinawakan.
“Behave. Unang bisita mo ta’s pilyo-pilyo ka? Iayos, a.”
“I can’t promise,” pilyong sagot ni Easton, dahilan upang tapunan nya ng masamang tingin ang binata.
Aaron ignored him and instead, led Easton to the kitchen. Pinaupo nya muna sa may lamesa ang binata bago siya nagsimulang ihanda kung ano ang uulamin nila.
Tinanong pa nya si Easton kung anong pupwede nitong kainin sa hindi nang sa ganoon, maiwasan nilang bigla itong isugod sa ospital. Although this man kept on claiming that he wasn’t as weak as Aaron thought, it’s always better to be cautious than never.
Maya-maya pa, umuwi na rin si Ridge. Tulad din ng inasahan ni Aaron, kasama nito iyong kambal.
“Hello, kuya Aaron! Makikikain kami!” ganyan kaagad ang bungad ni Zachariel habang patakbo itong pumasok ng kusina.
Pero noong makapasok ito sa kusina, napatalon ito at napasigaw noong makita si Easton na nakaupo sa may lamesa. Ilang beses na nagpabalik-balik ang tingin nito kay Easton at sa kanyang nakapameywang na hinahalo iyong sinigang na niluluto nya, hinintay nya na magsalita ito pero parang hindi nito mahanap ang mga salitang gustong sabihin.
Then, Ridge and Zamiel entered the kitchen.
Ridge turned to Easton and waved. “Hello kuya, natuloy ka pala ngayon. Kanina ka pa?”
Even Zamiel greeted Easton by saying a quick hello and slightly bowing his head.
Samantala, tumango si Easton. “Medyo kanina pa ako dumating. Paluto na rin yata iyong nilulutong sinigang ni Aaron? ‘Di ba, Ron?”
“Mamaya pang kaunti. Papakuluan pa pero naihalo ko naman na lahat,” sagot nya bago tinakpan ang sinigang at humarap sa lahat.
Pigil ang ngiting pinagmasdan ni Aaron si Zachariel habang nalilitong pabalik-balik ang tingin nito sa kanilang lahat. The kid was probably wondering what was with this domestic atmosphere—tapos kahit si Easton, kakilala pa ng mga kaibigan nito habang ito e outdated naman.
Then, it all sank in to Zachariel. Nanlaki ang mga mata nito at halos nahulog ang panga nang bumaling sa kanila ni Easton. Namamangha pa sila nitong itinuro.
“Boyfriend mo, kuya Ron?!” gulat pa nitong sabi. “Ha?! E parang nitong minsan lang, lugmok ka, a!”
Ridge scoffed. “Lugmok siya kasi nagkajowa ng iba si kuya Easton.”
Aaron felt a sudden rush of embarrassment knowing that all these fake-ass information spat by these kids were being heard by Easton. Bumilis ang tibok ng puso nya, lahat ng rationality nya, naitapon nya palabas ng pinto.
“Hindi ako nalugmok no’n! Gawa-gawa kayo ng kwento!” nanggagalaiting dipensa nya.
ㅤㅤㅤㅤGOD FORBID, ang hirap patahimikin ng mga batang ito. Si Easton naman, tuwang-tuwa na inaasar siya ng kapatid at ng mga kaibigan nito. Although, those kids didn’t really stay in the kitchen since they insisted about ‘ quality time ’ for him and Easton.
Hindi naman nila kailangan iyon. Isa pa, ang hirap maiwanan na ang kasama, iyong boyfriend nya.
Shit. Pasimpleng kinagat ni Aaron ang pang-ibabang labi noong sa isip nya, tinawag nyang boyfriend si Easton. Para siyang nakiliti na hindi nya maintindihan.
“Anong itsura ‘yan?” basag ni Easton sa katahimikang namutawi sa paligid nila.
Naramdaman nya ang paghigpit ng yakap nito sa beywang nya at ang bahagyang pagpilig ng ulo nito nang mas maayos na makita ang mukha nya.
“Naaasiman ka ba sa niluluto mo?” dagdag pa ni Easton. The man even sniffed the food he was cooking before frowning. “Hindi naman maasim, a? Sensitive rin ba pang-amoy mo?”
Aaron looked at Easton from the corner of his eyes and shook his head. “Hindi ako gano’n kaarte, namo. Basta. ‘Wag mo na alamin?”
“I’m curious, though. O baka kinikilig ka kasi nakayakap ako habang nagluluto ka?”
Ugh. Imbes na sumagot ay umiling lamang siya.
Hindi sa ano pero inasahan nyang gagawin ni Easton ito kaya kagabi pa siya mentally prepared para hindi siya magmukhang tangang hindi makakilos sa actual event. Effective naman.
“So, ‘di ka kinikilig tulad ko?” parang offended pang pagtatanong ni Easton. “I always wanted to do this with you tapos malalaman ko na ‘di ka pala kinikilig katulad ko. Wala ka lang bang pakialam? Were you lying when you said you like me too?”
Namamangha nyang pinagmasdan si Easton. Dahil wala naman na siyang ginagawa, tinakpan nya na ang pinaglulutuang kaldero bago inalis ang mga braso ni Easton na nakayakap sa kanya.
Hindi nya ito binitawan at sa halip, umusog lamang sila kaunti nang walang mapaso sa kanila bago siya umikot para harapin ang binata, tapos muli nyang hinayaang pumulupot ang mga braso nito sa kanya.
King ina, ngayon siya kinilig. Talagang pigil na pigil ang ngiti nya noong magkaharap na sila ni Easton tapos magkalapit pa ng mukha.
“Seryoso ako no’ng sinabi kong gusto kita,” panimula nya. Sandali pa siyang umiwas ng tingin dahil ang cute ni Easton tumitig sa kanya, para siyang natutunaw. “Ba’t naman ako magsisinungaling sa ‘yo tungkol sa nararamdaman ko?”
Tinaasan siya ng isang kilay ni Easton. “I don’t know… pero gusto mo lang ako? Like, ‘yon na ‘yon?”
“Ano?” naguguluhan nyang tugon.
Aaron wasn’t dumb. He immediately picked up on what Easton was trying to have him say. Pinaikutan nya ng mga mata ang binata bago nya nilagay ang isang kamay sa ulo nito para tapikin iyon.
“Mauna ka,” pagdi-demand nya. “Nunkang ako mauuna. ‘Pag hindi mutual, edi ako pa kawawa?”
“Pa’nong hindi mutual? Ron, I’m literally your boyfriend now,” sagot naman nito.
Hindi siya magre-react. Pipilitin nya maging nonchalant kahit na ang totoo e ngiting-ngiti na siya. King ina, bigla pa siyang inatake ng konsensya dahil biglang pumasok sa utak nya ang imahe ni Wade. Naipilig nya tuloy ang ulo’t hindi naiwasang mapatitig kay Easton na noo’y pinangunutan din ng noo.
“Ba’t ka na naman nakasimangot?” halos nakangusong tanong ulit ni Wade.
Aaron’s lips pursed. “Si Wade? Sinabi mo na sa kanya?”
“I haven’t yet. Temporary lang naman, baka ako pa mapahiya kung ‘di tayo mag-work ta’s iwanan mo ako.”
“Ba’t kita iiwanan?”— wait . That was a slip of the tongue. Hanggang graduation nga lang pala sila ni Easton. Only if his conscience would never eat him alive until then, he’d continue being in a relationship with this man.
Inismiran siya ni Easton. “You sounded really sincere just now until you seemed to realize something.”
He was sincere . If not for their circumstances, he would stay and choose Easton. Hanggang sa makumbinsi siya ng binata na manatili, ‘tsaka lamang siya magpapakatotoo sa sinabi nya.
“Bigyan mo ‘ko ng rason,” aniya, hindi sinasadyang magtunog na para bang namamaos kaya tumikhim siya. “Then I’ll stay.”
“So ‘di talaga sapat na gusto mo rin ako?” Easton’s voice was raspy either as if he realized something.
It should. Kung hindi siya nakokonsensya. Alam nyang aware rin si Easton kaya hindi siya sumagot. Hindi ba nga’t nagawa nya itong i-reject kahit sakal na sakal siya sa sarili dahil gustung-gusto nya ang binata?
At this point, “gusto” was even an understatement for his feelings. It couldn’t capture what Aaron felt for Easton.
Marahil sobrang lalim ng iniisip nya, kahit magkaharapan na sila ni Easton, hindi nya napansin ang pagtingkayad ni Easton para lapitan ang mukha nya’t halikan siya sa gilid ng labi.
Of course, he was taken aback. Sandaling hindi nag-react si Aaron pero noong makabalik sa huwisyo, bago pa man lumayo si Easton sa kanya e ipinilig nya ang ulo nang masalubong ang mga labi ng binata.
It was just a short kiss. They just pressed each other’s lips on one another and didn’t move. They just hugged each other tighter and before his brother or anyone else from the living room could see them, they parted.
Even so, their faces were still inches away from each other.
“Sometimes, I blame you…” Aaron whispered, his breath fanning against Easton’s lips. “Imbes na umamin sa ‘kin noon, naisip mo talagang magandang ideya na pagselosin ako gamit kaibigan ko?”
Easton forced himself to chuckle. “Sigurado naman kasi ako na kung dati ako umamin sa ‘yo, hindi mo ako titignan.”
“Gano’n din naman hanggang noong hilain mo ‘ko pagkatapos makipag-break ng ex ko sa ‘kin, hindi ba? Wala akong pakialam sa ‘yo noon.”
Aaron leaned closer to Easton again and brushed their lips together. Easton closed his eyes and hummed. Hindi natiis ni Aaron, muli nya na namang hinalikan ang binata pero saglit lang ulit.
“Pero patay na patay ako sa ‘yo ngayon…” Aaron soon added. “You could’ve just been patient with me before like you are right now.”
Muling natawa si Easton. “It’s too bad I didn’t think of that.”
“Yeah. Mukhang sa klase ka lang kasi matalino.”
“Says you?”
“Matalino ako kahit saan,” pagmamayabang nya. “You may consider what I did before as stupid–but at the time, that was the most logical thing to do for me.”
“Whatever. Just kiss me again ta’s magluto ka na ulit. Baka umapaw pa tubig ng sinigang mo,” Easton demanded.
Ganito ba talaga ang isang ito? Bago pa mapatanong si Aaron, muli nyang inilapat ang mga labi kay Easton… pero hindi pa umaabot ng trenta segundo, mabilis na humiwalay si Aaron mula sa binata nang makitang akmang papasok ng kusina si Zachariel.
Siya kasi ang nakaharap sa pintuan kaya lahat ng lalabas at papasok, makikita nya. Pinanganak yatang epal si Zachariel.
“Kuya–” naputol pa ang pagtawag nito sa kanya noong matagpuang magkayakap sila ni Easton. Hindi nagtagal, pilyo itong ngumisi. “Nag-kiss kayo, ano?”
Kasabay ng pagkibot ng isang kilay ni Aaron pati na rin ang pagkurba ng gigil na ngiti sa mga labi nya, siya namang malakas na pagtawa ni Easton bago ito tuluyang bumitaw mula sa kanya. Halos mapaupo pa ang binata kakatawa pero naisipan na lamang na tumabi sa kanya’t sumandal.
“Iyang bibig mo! Wala ka talagang preno, ano? Bubusalan ko ‘yang bibig mo, makita mo,” banta nya kay Zachariel.
Inilagay lamang ng binata ang mga kamay sa likod ng ulo bago ito sumipol. “Nagtatanong lang naman ako! Ang intimate nyo kasi e. Naglandian kayo, ‘no?”
“Malamang! Wala naman kayo rito kanina. Tang inang bata ‘to.” Halos mapahilamos pa siya sa mukha sa sobrang gigil. “Ano ngang kailangan mo’t nandito ka?! Kung anu-ano pa pinapalastas e.”
Dumikit sa kanya si Easton at bumulong, “hayaan mo na. Ito naman, ganyan naman talaga mga bata ‘di ba?”
“Anong ganyan talaga mga bata ngayon? ‘Wag mong nila-lang lang ‘yang kakambal ni asungot, maluwang turnilyo ng bibig niyan.”
Muli lamang tumawa si Easton kaya pinaikutan nya ito ng mga mata. Nang ibalik nya ang tingin kay Zachariel, nakatakip na ang kalahati ng bibig nito’t nanunudyo silang pinanonood ni Easton.
He would love to hit that kid. Kung hindi lang ito magsusumbong sa nanay nila dahil ito ang ulirang anak.
“Ano ngang kailangan mo?” muli nyang pagtatanong kay Zachariel. Hindi sigurado kung sumagot na ba ito kanina at baka hindi lang nya narinig.
Zachariel’s grin widened. Kita nya dahil nag-stretch nang todo iyong balat sa pisngi nya. Talagang walang balak paawat sa pang-aasar, a. H’wag kaya nya itong pakainin?
Hindi nagtagal, tumikhim si Zachariel. “Nagugutom na raw si Ridge, kuya. ‘Di pa rin daw ba tapos niluluto mo?”
Oh, alright. It’s Ridge who asked! Parang magic word ang pangalan ng kapatid nya, awtomatiko nyang nakalimutan ang inis at napalitan ang pagkabusangot nya ng malawak na ngiti. Nakita pa nya ang pag-ismid ni Easton at pagpigil ng tawa habang si Zachariel naman e mukhang nanalo sa lotto kakangisi.
“Hindi ka pa rin pwedeng ngumisi,” aniya rito pero nanatili pa rin siyang nakangiti. “Mamayang kaunti kamo, nagugutom na ba siya? May snacks diyan pero ‘wag kamo kumain nang marami at baka ‘di na siya makapananghalian.”
Tumango si Zachariel at lumingon sa may sala. “Hoy, Ridge! Mamaya pa raw kaunti maluluto iyong ulam pero may chichirya raw kayo. Ano, kuha ako?”
“Ayoko!” dinig naman nyang pag-ayaw ni Ridge. “Hintayin na lang natin ‘yong niluluto ni kuya. Bumalik ka na rito, Zach!”
Pagkatapos sagutin ng ‘sige’ ni Zachariel ang kapatid, muli itong lumingon sa kanila ni Easton at ngumisi.
“Enjoy kayo riyan, lovebirds! Enjoy ka, kuya Aaron!” anito pa ‘tsaka pa lamang ito umalis.
Kumikibot-kibot ang isang kilay at namamangha nyang sinundan ng tingin si Zachariel hanggang sa mawala ito sa paningin nya. Si Easton naman, ipinulupot ang mga braso sa braso nya kaya siya na-distract.
“Ang lively pala sa inyo,” kalauna’y anito. “Parang ang sarap naman tumira rito.”
“Edi tumira ka,” sagot naman nya. “Pero magbayad ka ng upa. ‘Di ka pwedeng chill lang sa bahay ko, Easton Mariano.”
Tumawa si Easton. “No thanks, nagtitipid ako. ‘Tsaka na ako titira rito ‘pag pinalitan mo na rin apilyido ko.”
Pasimpleng bumuntong hininga si Aaron bago ibinalik ang mga mata kay Easton na noo’y nakatingin sa mga kamay nila. Hindi na nya namalayang humawak pala ito sa kanya’t ipinagsaklob ang mga daliri nilang dalawa.
Napatingin din si Aaron sa kamay nila… At bagamat nilulukob ng saya ang dibdib nya sa nakikita, hindi nya maialis sa sarili ang maging realistic– pessimistic .
“Tignan natin.”
Kabanata 20
KABANATA 20
ㅤㅤㅤㅤAARON DIDN’T expect that his and Easton’s relationship would go smoothly. If anything, pagkatapos nyang padalawin ang binata sa bahay nya’t ipinakilala sa nanay nya, naisip ni Aaron na baka magkagulo rin sila. Busy kasi sila pareho ni Easton. Halos walang time sa isa’t isa nitong nakaraang dalawang linggo at kung mag-uusap man, ang pinakamatagal na yata e kalahating oras lang sa chat.
Aaron didn’t mind that at first. Masaya siyang naiintindihan nila ni Easton ang priorities ng isa’t isa at wala siya sa relasyon kung saan mawala lang siya nang kaunti, pinagbibintangan na siya ng kung anu-ano.
Pero minsan, nakakalungkot din pala na hindi makausap nang matagal ang isang iyon.
“Ginanahan na yata ako no’ng sumpa nya,” pangangausap ni Aaron sa sarili habang nakikipagtitigan sa lesson plan nya.
Successful ang local demo nya noong nakaraang linggo pero hindi ibig sabihin noon e pupwede na siyang mag-chill. Nalalapit na rin kasi ang final demo nya’t kailangang mas magarbo pa ang performance nya roon kaysa sa local demo.
Dahil diyan, hindi sila makapag-usap gaano ni Easton. Madalas kasi e kinakain ng oras nya ang pagri-revise ng lesson plan tapos ang pakikipagpalitan ng ideya sa cooperating teacher nya kung ano ba ang magandang gamiting visual aids para sa final demo nya.
He hadn’t talked to Easton since… this morning.
Maiksing panahon pero nakakapikon sa kanya dahil kanina pa siya hindi mapakali. Gusto nyang i-chat ang binata pero busy rin ang isang iyon dahil kakapaalam lang halos na hell week na naman daw sa opisina nito tapos kailangang maghabol ng mga dokumento.
Lihim na nagngitngit ang mga ngipin ni Aaron. “I just thought that we were okay because we understand each other’s schedules…”
Pero bakit naiirita siyang hindi nya makausap si Easton ngayon? Kairita.
Puntahan kaya nya?
As that thought dawned upon him and Aaron was starting to feel giddy about the idea of surprising Easton, his classmates dropped by to see him in their faculty to remind him of something:
“Ron, bawal daw tayong umuwi nang maaga, a? Ngayon iyong theatre performance ng mga bata e,” paalala sa kanya ni Miguel.
Awtomatikong nabura ang ngiti ni Aaron mula sa mga labi nya noong marinig ang nakakadismayang balita. “Oo nga pala. Mabuti pinaalala mo.”
King ina, mao-over time na naman siya sa OJT e hindi pa naman sila mga guro talaga. Ala siyete na naman siya makakarating sa kanila nito. Ibig sabihin, udlot din iyong plano nyang surpresahin si Easton.
Nakakairita. O baka siya lang ganito? Ginaganahan na talaga siya ng sumpa ni Easton. Nagiging clingy na siya e siya pa ang nagsabing hanggang graduation lang sila. Paano na pagkatapos ng graduation? Magda-drama siya para hindi siya i-break?
‘No, that can’t be.’ Pagak na tumawa si Aaron. ‘I still have that fucking conscience. I’m still guilty about dating Easton. I still hold onto my principles—I was just being unreasonable right now.’
Or maybe it was his feelings being seen by the object of his affection, that’s why he’s slowly losing control?
“Anong oras pala magsisimula iyong performance nila?” tanong nya sa mga kasama.
Si Miguel din ang sumagot. “After lunch daw, par. Sampung sections din kasi iyong magpeperform e parang 45 minutes ang allotted time kada performance.”
“Hindi rin naman magsisimula kaagad ‘yon,” dagdag din ni Yumi. “Like, last time may pa-event din sila. Ang sabi alas dos ng hapon start pero halos alas tres na nagsimula.”
“Mag-aayos pa tayo ng venue. Sa ibaba sila magpe-perform e tayo iyong pinaglalatag ng mga upuan.”
“Tayo lang?” tanong nya. “O kasama pati iyong ibang student teachers?”
“Kasama, makikinood sila.” Nagkibit balikat si Yumi. “Grabe nga, gusto ko na rin umuwi kaso bawal daw mag-early out. Masama pa naman iyong pakiramdam ko tapos ang dami pang pinapa-check sa ‘kin.”
Sabay-sabay silang bumuntong hininga ng mga kaklase nya.
ㅤㅤㅤㅤFIVE THIRTY. Mag-aala sais na nang gabi noong matapos iyong theatre performance ng mga estudyante nila. There were ten sections, tig-45 to 50 minutes ang performance kada section tapos may break pa in between dahil lahat ng available, nakikinood.
Pagkatapos pa ng performance, pinagligpit pa sila ng upuan. Thankfully, some students helped them. Mabilis na natapos ang paglilinis kumpara sa pag-aayos nila kanina. Mismong iyong mga kalat sa sahig, nawalisan kaagad ng mga kasama nilang student teachers para makauwi na raw silang lahat.
“Mauuna na kami, Sir!” paalam ni Kaye sa kanya habang naglalakad patungo rito sina Francine.
Ngumiti siya sa mga ito at kumaway. “Ingat kayo.”
Noong makaalis na ang mga kasama nyang student teachers, binilisan din ni Aaron ang pagliligpit ng mga gamit. Nahuli siya dahil tinawag pa siya sandali ng head teacher nila, tinatanong siya tungkol sa final demo nya ‘tsaka binigyan ng tips para sa gagamiting instructional materials dahil naubusan nga sila ng ideya ng cooperating teacher nya.
The conversation lasted for about… twenty minutes. Kaya drained na siya at gusto nang umuwi.
Ha!
Sino bang binibiro nya? Mas mabilis siyang makakapag-recharge kung biglang lalabas somewhere si Easton tapos pupwede nya itong yakapin kahit kalahating minuto lang.
Pagkasukbit na pagkasukbit nya ng bag sa balikat nya, napahilamos siya ng mukha. Nakakairita. Ganito ba talaga kapag may boyfriend na naman?
Shaking his head, Aaron heaved a deep sigh and dragged himself out of the faculty room. Nakasalubong pa nya iyong cooperating teacher nya kasama ang cooperating teacher ni Josiah. Nagpaalam siya sandali bago siya bumaba nang sa ganoon e makalabas na sa hell-hole na kinalalagyan nya.
But as Aaron got out of the building, he paused on his tracks when he noticed someone familiar sitting beside the guardhouse.
Aaron pressed his lips together while his eyes widened upon the sight of Easton, sitting by the guardhouse and conversing with Josiah. Although there was that troublesome feeling of jealousy welling up in his chest, he drowned it as quickly as he could, knowing that Easton was never really interested in the latter and only had his eyes on him.
‘Anong ginagawa nya rito?’ tanong ni Aaron sa sarili.
He was cautious. He even attempted to approach them slowly and sneakily since both hadn’t noticed his presence yet. But he wasn’t really that successful.
Lumingon sa direksyon nya si Easton at noong mapagtantong siya na ang palapit e awtomatikong kumurba ang isang matamis (at maganda) na ngiti sa mga labi nito. Halos maningkit ang mga mata ni Easton dahil sa malawak nitong pagngiti at kahit medyo naghihinala siya kay Josiah, hindi nya maiwasang mapangiti na lang din.
Medyo nabawasan pagod nya kahit naguguluhan pa rin siya kung bakit ito nandito.
Kung hindi siguro tumikhim si Josiah, baka hindi nahigit pabalik sa realidad si Aaron.
“O sige na pala East, mauuna na ako. Dumating na ‘yong hinihintay mo e,” paalam ni Josiah bago ito lumingon sa kanya’t ngumiti rin.
Tinanguan lang nya si Josiah habang si Easton naman, nagpaalam na rin sa binata at kumaway pa. Noong wala na ito sa paningin nila, ‘tsaka pa lamang umahon mula sa kinauupuan si Easton habang siya naman e pasimpleng tumingin sa paligid para tignan kung may mga kasama pa ba silang student teachers sa eskwelahan.
Meron pa naman, nasa kanya-kanyang faculty pa ang iba’t palabas pa lamang.
Aaron slightly jumped when he felt Easton’s hand in his. The man even intertwined their fingers together and slightly pulled his arm to catch his attention.
“Hindi mo pa ako binabati,” reklamo kaagad ni Easton.
Binalingan nya ang binata bago siya umismid. “Edi hello. Saya ka na?”
Noong bumusangot si Easton, siya namang pagngisi ni Aaron. Hindi na nya hinintay na tuluyang mainis sa kanya ang binata at sa halip e hinila na nya ito palabas ng eskwelahan nang sa ganoon e wala nang makakita sa kanila na kasama nya.
Ini-expect na nyang issue na naman sila. Imposibleng hindi nakita ng mga ito si Easton na naghihintay sa kanya tapos magkahawak kamay pa silang lumabas ng eskwelahan. Iyon lang, ayaw nyang landiin ang binata habang nasa loob pa ng school grounds. Baka mamaya, patalsikin pa siya.
“Naiinis ako sa ‘yo,” kalauna’y sabi ulit ni Easton.
Humimig lamang siya’t hinila sa may kainan ang binata. Doon pa lang din nya iniangat ang kamay nilang dalawa bago nya dinala ang mga daliri ni Easton sa labi nya para halikan.
Easton was, of course, surprised before he blushed profusely. Tila ba nawala lahat ng gusto nitong sabihin sa kanya nang pilosopohin nya ito kani-kanina lamang. Kahit medyo madilim na ang paligid, kitang-kita pa rin ni Aaron ang pamumula ng mga pisngi nito at hindi nya mapigilan ang ngumisi nang malawak.
Ang cute. King ina, kanya ‘yan hanggang graduation.
“Nagtatampo ka naman kaagad. Sorry na kung ‘di kita binati, wala sa isip ko ‘yon kanina kasi ang daming nakatingin,” pagdadahilan nya bago siya nagsakibit balikat.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Easton. “So, what? Nag-aalala ka ba na baka i-judge ka nila? I even doubt na alam nilang lahat magkaibigan kayo ni Wade noong high school.”
“No, it’s not that. Parang kailan lang kasi lumabas iyong relationship status mo. Josiah made a huge fuss about it so it was a talk around the school that time,” paliwanag nya bago nya inabot ang likod ng ulo para kamutin. “Tapos ngayon nakita nilang tayo iyong magkasama. Wouldn’t that tarnish your image? Other than that, nahihiya pa akong makita nila na magkasama tayong dalawa.”
“I honestly don’t care about what people think about me and Tristan anymore. Basta alam ko—no, alam mo rin—iyong totoo na ‘di naman naging kami ng batang ‘yon,” palabang tugon ni Easton bago ito kampanteng ngumiti. Hindi nga lang iyon nagtagal dahil sumimangot ito ulit. “But about what you said, ikinakahiya mo ba ‘ko, Ron?”
Halos mamilog naman ang mga mata nya sa assumption ng binata. Aaron never said that? Bakit nya ikakahiya ang boyfriend nya—ehem. Bigla siyang nahiya sa naisip pero ang punto nya, si Easton Mariano na iyan! Most pursued student mula noong high school at magpahanggang ngayon na kolehiyo sila.
Jackpot ang maging boyfriend ni Easton. Kung tutuusin, sa laki ng pagkakaiba nilang dalawa ng binata, parang ito pa nga yata ang napanalunan nya sa lotto.
“Hindi kita kinakahiya,” mariing aniya. Aaron was really doing his best to emphasize every word which escaped from his lips. “Parang… Ako iyong nahihiya sa ‘yo, not the other way around.”
“Bakit ka mahihiya sa ‘kin? Boyfriend mo ako. ‘Di naman na ‘ko stranger, a?” balik naman ni Easton.
“Kasi tinatanggi kita dati ta’s papayag din naman pala akong maging boyfriend mo sa huli…” Sandali siyang natigilan nang may mapagtanto ‘tsaka siya tumikhim. “…Kahit na hanggang sa graduation lang napagkasunduan natin.”
Aaron didn’t want his voice to be laced with sadness. Ayaw nya kasing bigyan ng false hope si Easton. Ayaw nyang isipin nito na kaya nya talagang panindigan ang binata pagkatapos ng usapan nila kasi paano kung sa mga oras na iyon, mas kainin lamang siya ng konsensya? Sa ngayon kasi, hindi halatang sila dahil madalang silang magkita, madalang mag-usap.
E paano kapag tapos na sila sa OJT nila at magkaoras na hanggang bago dumating ang graduation? Paano kung sa dalas ng pagsasama nilang dalawa, kahit gustung-gusto nyang i-keep si Easton sa sarili nya, kinakain din siya ng konsensya nya na jinujowa nya iyong ex-boyfriend ng kaibigan nya?
Even so, Easton wasn’t stupid. Alam din ni Aaron na na-detect nito ang lungkot sa boses nya lalo na noong bigla na lamang nitong hawakan ang baba nya’t iharap sa direksyon nito. Aaron didn’t protest. Hinayaan nya lang si Easton na gawin ang gusto nito.
Aaron knew about the amusement that danced in Easton’s eyes. That confident and knowing smile curved across the man’s lips. Aaron knew that Easton wasn’t a stranger to the fact that he was already eating what he had said before—that those things were hard pills to swallow, that he was already standing on the edge of the cliff he refused to stand on, barely trying to avoid being there.
“You were betting on that, I wasn’t .” Easton flashed him a sweet smile this time and brushed his thumb against Aaron’s lips.
Then, he brought the same thumb to his own lips as if indirectly kissing Aaron.
“If a time would come that you’d rather have me stay on your side, I would. I want to be with you, Ron,” he added.
ㅤㅤㅤㅤANG BUONG akala ni Aaron, kapag kumain na sila ng totobits ni Easton at maihatid siya sa bahay e tapos na rin ang interaksyon nilang dalawa. Nagpaalam-paalam pamo siya tapos iyong driver ni Easton at pati na rin itong may saltik nyang kasama, bahagyang natatawa hanggang sa lumabas siya ng kotse.
Tapos sumunod din si Easton kalabas nya. Doon pa lang, hindi na nya maiwasang maguluhan e. Kaso lumabas din driver nito tapos umikot ng sasakyan at may kinuhang maliit na bag mula sa likod ‘tsaka iniabot sa kanya.
“Para sa’n po ito?” tanong nya sa driver ni Easton.
Naririnig pa rin nya ang paghagikhik nitong kasama nya sa tabi nya pero hindi nya ito pinapansin dahil pakiramdam nya e ang saya-saya na nito sa katangahan nya.
“Nasabi po kasi sa ‘min na sa inyo raw po muna matutulog si Sir Easton,” sagot naman ng driver nito.
“Huh? Huh?!” Halos hulog ang pangang hinarap nya si Easton na patawa-tawa pa rin sa iisang gilid. “Anong ibig sabihin nito? Anong makikitulog ka sa ‘min? Wala kang sinabi sa ‘kin na ganyan, kanino ka nagpaalam? Pagagalitan tayo ni mama!”
“Nagpaalam na ‘ko,” naaaliw na sagot ni Easton.
“Kani—” Aaron paused when the sudden realization hit him. “Anong ibinayad mo sa kapatid ko?”
“Secret.” Easton winked at him and he almost fell on his knees.
It wasn’t an exxageration. Muntik na talaga siyang matumba kung hindi lang siya kaagad na naalalayan ng driver ni Easton. Nag-aalala rin siyang inalo ng binata pero hindi na lamang siya sumagot dahil nakakahiya naman kung sasabihin nyang muntik siyang matumba dahil nakindatan siya, ano?
Hindi dapat malaman ni Easton itong mga tumatakbo sa isip nya. Talagang mananapak siya.
Sa huli, hinayaan na ni Aaron kung anong nangyari. Or so, wala na siya sa sarili para isipin pa’t pilit intindihin kung paano ito nangyari. Basta, nandiyan si Easton. Pagkapasok nila ng bahay e binati ito ng nanay nya, binati rin ni Ridge at Zamiel—na noo’y makikituloy na naman—‘tsaka nya binatukan ang kapatid kahit na labag sa loob nya.
“Mama! Si kuya biglang nambabatok!” sumbong pa ni Ridge sa nanay nila pero tumawa lamang ito.
Napailing-iling ang nanay nila. “Ridge, bunso, ‘di naman din nambabatok iyang kuya mo kung ‘di mo pinagtitripan, anak.”
“Kaya nga. Ngayon lang kita nabatukan, ‘di rin naman masakit iyon, a? Kapag nagkabukol ka, bibilhan na lang kitang ice cream,” sabad naman nya.
Ridge pouted like a kid and acted cutely. “May bukol.”
“Hindi gagana pang-uuto mo sa ‘kin ngayon. Immune muna ‘tong pogi mong kuya.”
“Yuck,” sabay na reaksyon naman noong magjowa kaya inirapan lamang nya sina Ridge at Zamiel.
Pagkatapos ng maiksing pakikipagkulitan e nilingon ni Aaron si Easton na noo’y naaaliw na nakikinood kina Ridge at Zamiel. Nanonood kasi ang dalawa ng anime dahil nitong nakaraan, nakapag-download daw ito ng episodes ng paboritong panoorin.
“Istorbohin muna kita,” panimula nya na siyang humigit kay Easton pabalik sa realidad. “Akyat muna tayo sa kwarto, ilagay muna natin iyong bag mo ‘tsaka ro’n ka na rin magbihis.”
Bahagyang namilog ang mga mata ni Easton sa narinig. Halos mahulog pa ang panga nito nang marinig na sa kwarto nya mag-aayos ng mga gamit ang binata.
“Hindi malaki bahay namin,” dipensa agad nya dahil parang nababasa na nya kung anong tumatakbo sa isip ni Easton. “Wala kaming guest room dito. Tignan mo ‘yang asungot na boyfriend ng kapatid ko, nakikitulog lang din ‘yan sa kwarto nya.”
Aaron ignored the side eye he received from Zamiel. Sa halip, mas focused siya kay Easton na mabilis na kumalma’t nalinawan ng isipan noong ipaliwanag nya kung bakit sa kwarto nya ito makikitulog.
“Okay,” Easton simply said and held his hand again, slightly squeezing it.
Medyo awkward—iyan ang unang naisip ni Aaron pero hindi talaga siya nag-dwell sa ideyang iyon. Hindi nya naisip kung paano iibsan iyong stiffness sa pagitan nilang dalawa ni Easton dahil baka mamaya, maging kumportable rin naman sila sa bagong set-up nila.
Aaron led Easton to his room and opened the door. “Pasensya ka na, ‘di malaki kwarto ko ‘tsaka hindi ko pa nga yata nalinisan. Medyo marami pang kalat kasi ‘di ko pa naililigpit iyong mga pang-visual aids ko.”
Easton stood behind him and looked around his room. “Okay lang. I don’t mind. Ang cozy ng kwarto mo.”
“Hindi gagana pambobola mo sa ‘kin.”
“Hindi rin naman ako nambobola, duh.”
Bumuntong hininga si Aaron at inilapag sa may study table nya ang bag ni Easton. He planned on helping the man take care of his belongings before he changed clothes. Nagpatulong din naman si Easton, ipinalabas iyong iilan sa mga damit nito pati iyong skin care na hindi nya inaasahan na gumagamit pala ang binata.
“So…? Ba’t mo naisipang maki-sleep over tapos ‘di ko pa alam?” tanong nya habang inilalagay nya sa bakanteng parte ng drawer nya ang iilang damit ni Easton.
Base sa dami noong damit na dinala ng binata, pakiramdam nya e sa linggo pa ng gabi ito uuwi. Oh, wait. May uniporme. Mukhang sa lunes pa ito uuwi.
Tang ina, nagpapabahay na nga ito sa kanya?
“Kasi na-miss kita,” simpleng sagot ni Easton na para bang napaka-obvious noong sagot tapos ang bobo nya para hindi malaman.
Nasa tono e. Tinapunan nya pa ng masamang tingin si Easton pero sa huli, naudlot kasi yumakap ito sa kanya ‘tsaka pilyong ngumiti.
“It was supposed to be a surprise. Miss na miss na kita pero alam ko rin na ‘di ka papayag kung sa ‘yo ako magpapaalam na makiki-sleep over ako. So I thought, why not contact your cute brother instead? I don’t think papalag ka kung sa kanya ako nagpaalam,” paliwanag ni Easton.
Napaismid siya’t yumakap din dito matapos isara ang closet nya. “Kahit naman sa akin ka magpaalam, papayag ako. I’d understand your point.”
“Oh? ‘Di ka yata pumapalag ngayon.”
Kasi hanggang graduation lang naman sila. Nagkibit balikat na lamang si Aaron imbes na sumagot. “Trip ko lang maging mabait. Hanggang lunes ka ba rito? May uniporme ka pang dala.”
“Yes. Though, I don’t think maihahatid kita sa workplace mo bago ako pumasok that time. Mas malayo kasi iyong Angeles from here.”
“I don’t mind. Diyan lang din naman iyong sakayan ko papuntang school at oo, mas malayo pinapasukan mong company kung galing ka rito.”
After that short conversation, there was silence. Ang lapit nila ni Easton sa isa’t isa at kung kanina, blangko iyong isip nya, ngayon may kung ano na umuusig sa kanyang lumapit dito at humalik.
Pero bago pa nya labanan iyong urge na iyon, nakahalik na siya e. Sinagot naman kaagad ni Easton kaya humiwalay siya’t natawa. Niyakap din nya nang mahigpit ang binata bago nya ibinaon ang mukha sa leeg nito ‘tsaka siya roon humalik sandali at bumuntong hininga.
“What? Are you tired?” Easton asked, slightly giggling before he started to comb his hair with his fingers. “Sobrang busy nyo kanina, ano.”
Tumango siya. “Alam mo kanina, plinano ko pang ako susundo sa ‘yo sa trabaho mo. Not really sundo, wala naman akong sasakyan, but you get what I mean…”
“E bakit hindi mo ginawa?”
“Nakalimutan kong may event kanina. Kaya noong nakita kita sa may guardhouse kanina, akala ko namalikmata lang ako.”
Humimig si Easton. “I thought of fetching you instead. May plano nga kasi ako.”
“I know. Nandito ka na nga sa kwarto ko, king ina ang bilis.” Umikot ang mga mata ni Aaron at pareho pa silang natawa ni Easton. Itutulak din sana siya ng binata pero mas hinigpitan nya ang yakap dito. “Sandali na lang, please. Kahit saglit lang, East. Kanina ko pa ‘to gustong gawin.”
Easton seemed to still for a moment but after a few seconds, he gave in and Aaron felt his lips on his temple as he continued to comb his hair with his fingers.
Kabanata 21
KABANATA 21
ㅤㅤㅤㅤIF TODAY’S Easton told the little him from almost four years ago that although he made a huge mess by dating Wade instead of Aaron back then and he would still end up sleeping beside his first love—on his bed, in his room, inside Aaron’s house—he’s sure as hell that the younger him would faint and squeal. Probably even celebrate.
Hanggang ngayon, iniisip pa rin ni Easton iyong nakaraan e. Sa t’wing makakasama nya si Aaron o Wade at mababanggit iyong pagkakamali nya noon, kinakain talaga siya ng konsensya. Wala lang sa kanya dati iyong ginawa pero ngayon, hinahabol-habol na siya noon.
Ewan ba nya kung bakit nya ginawa iyon.
Easton was childish— very childish . First year high school pa lang siya, noong makabangga nya si Aaron ng aksidente sa may covered court noong first day ng klase, nagkagusto kaagad siya sa binata. Ang saya pa nga nya dahil magkalapit lamang sila ng classroom noon e.
But back then, he was closeted. So he didn’t really try to pursue Aaron… and yet, as if fate was on his side and weaved a path for them to get each other’s names, Aaron lent him his english book.
“Balak ko naman talagang ibalik iyong libro sa ‘yo noon,” mahina nyang pagkausap kay Aaron nang hindi maistorbo ang tulog nito. “Kaso madalas ako maospital at nasa bahay iyong mga gamit ko. I couldn’t find a chance to return it to you. Ta’s noong nagkaroon, ‘di ko naman alam pa’no ka kakausapin kaya I acted stupid.”
Ang ending? Nasuntok siya ni Aaron sa mukha. Easton passed out there and then—sa hina ba naman ng katawan nya, e. His classmates found him laying on the ground and even suggested to report Aaron to the guidance office but he refused and explained that it was his fault.
Bumuntong hininga si Easton at sinuklay ang buhok ni Aaron. He saw his boyfriend frown and groan in his sleep, in which he found cute, so he smiled and moved closer towards Aaron—so close that he could feel his breath lightly fanning on his face.
Halos maningkit ang mga mata nya habang pinanonood ang boyfriend na matulog. Mahal na mahal nya si Aaron. He was his first love—no one came in second, not even Wade. Basta ang alam lang ni Easton, mula noong magkaisip siya at paunlakan ni Aaron ng presensya nito ang buhay nya, kay Aaron na rin umiikot ang mundo nya.
“I wonder if you knew back then that I adore you…?” he asked himself as he lightly traced Aaron’s nose. “I wonder if you ever thought that maybe, when we worked together during inter-high competitions, I was staring at you because I admired how genius you were?”
Easton also wondered if Aaron was ever curious why he dated Wade. Not that this man knew that Easton always had his eyes on him. He hadn’t told him yet, he thought. Anyway, the bottom line was—he always wondered if Aaron didn’t find it weird that he was quick to fall in love when they barely interacted and had only spent a short time together last semester.
Plus the fact that he was with Wade before he came to chase and attempted to catch Aaron’s attention (and affection).
“I wonder if you knew that I always regretted dating Wade instead of just straight up confessing to you no matter how I get rejected?” Easton heaved another sigh and pushed the strands of hair off from Aaron’s forehead. “I wonder if you knew how guilty and afraid I was when you said that you couldn’t be with me because of my mistake.”
Muntik mapatalon mula sa kinahihigaan si Easton noong bigla nyang mapansin ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ni Aaron. One second, he was sleeping peacefully, then he was suddenly smirking. Para tuloy siyang nabuhusan ng malamig na tubig kasabay ng pagtakas ng kulay sa mukha nya nang makitang unti-unting nagmumulat ng mga mata ang boyfriend nya.
“Tell me about it then,” Aaron mused, his voice was groggy yet it was comprehensible. “Kanina ka pa nagmo-monologue sa tabi ko, ‘kala mo ba ‘di ako magigising?”
Easton sweat dropped and tried to force a smile on his lips. He threw his boyfriend an apologetic stare before he let out a strained chuckle.
“I’m sorry, ‘di ko alam na light sleeper ka,” aniya sa maliit na boses.
Umismid si Aaron at nagkibit balikat. Hinapit nito ang beywang nya’t mas hinila siya palapit dito pero bumaba ito ng pwesto bago halos idinikit ang sarili sa may dibdib nya.
Easton was taken aback for a bit. He didn’t know what to do. He was mentally panicking because many things had been happening all at the same time—nagising si Aaron habang kinakausap nya ang sarili dahil nagre-reminisce siya tapos ngayon, nagpapa-small spoon ang binata sa kanya.
Not that Easton minded! He would love to be the big spoon. It was just that, he was consumed by his embarrassment since he wasn’t sure if Aaron heard everything that he said.
“Ka—kanina ka pa ba gising?” nahihiya nyang tanong sa binata bago nya ito niyakap pabalik.
Sinubukan nyang i-distract ang sarili sa pamamagitan ng paglalaro sa buhok ni Aaron pero nadi-distract siya sa bilis ng tibok ng puso nya. Dahil ba nakadikit ang boyfriend nya sa dibdib nya kaya mas intensified ang pakiramdam? Hindi nya masabi.
“Siguro, hulaan mo. ‘Kala ko nagsli-sleep talk ka kaya ‘di talaga kita pinapansin. I was wrong, though.” Naramdaman nya ang pagkibit balikat ni Aaron. “So, tell me about it—about how you felt when I rejected you, when I told you I like you too but chose not to be with you because I felt like I’d betray Wade.”
Napasinghap si Easton at noong mga oras na iyon, tila ba hindi lang kulay sa mukha nya ang tumakas mula sa kanya kung hindi pati na rin iyong mga salitang gusto nyang sabihin. He was trapped in a vortex of emotions, alright. Nanginig na nga ang kamay na ipinanlalaro nya sa buhok ni Aaron kakaisip kung bakit ganito ang usapan nila sa kailaliman ng gabi.
Easton couldn’t count how many times he had swallowed. He was also starting to become uncomfortable with the deafening silence that consumed their atmosphere. He was trying his best to complete the sentences he’d say though, but he wasn’t sure how long it would take.
Thankfully, mapagpasensya si Aaron. Alam nya ring gising pa ito dahil paminsan-minsan, iniaangat nito ang ulo para tignan kung hindi nya ba ito tinulugan.
He would never do that without a good night, of course. But still, out of embarrassment, Easton thought that he should just knock himself out to fall asleep immediately.
Matapos ang ilang minutong nakakabinging katahimikan, mas hinigpitan ni Easton ang pagkakayakap kay Aaron—hinihila ito mas malapit pa sa kanya, binubura kahit iyong sentimetrong distansya na lamang na naghihiwalay sa kanilang dalawa, bago siya sumagot.
“I… I couldn’t sleep. Binabalik-balikan ko iyong ginawa ko no’ng high school, thinking that I could’ve just sucked it up that you rejected me because I might still stand a chance later on but my younger self thought otherwise.” Easton let out a bitter chuckle, suddenly feeling in disbelief about his course of actions from the past. “There were times that I thought of Wade’s words, too. He didn’t curse me or anything after the break-up, he just told me that I only made it more difficult to pursue you.”
Mahinang tumawa si Aaron. “He wasn’t wrong. Madalas ko ring iniisip na kung ‘di sana naging kayo ni Wade, edi sana ‘di ko laging iniisip kung anong mararamdaman nya dahil nagustuhan din naman kita.”
“I didn’t know the past would haunt us like this, honestly. No’ng una kaming nag-break ni Wade, ‘di ko ‘yan naisip kasi mas importante sa ‘kin noon na ma-pursue ka. I didn’t know that you had that mindset.”
“Common sense iyong mindset ko, Easton.”
“I know… I just, maybe I was just being too confident in the past so you came and slapped me with the harsh reality that having you wouldn’t be easy.” Muli siyang pagak na natawa. “See, kahit ngayon nga e ang hirap mo i-pursue. I can’t believe I settled in a temporary relationship with you because as much as possible, I want us to last for a lifetime.”
“Ikaw nag-suggest ta’s parang ako pa iyong mali?”
Muling namutawi ang katahimikan sa paligid nila. Suddenly, Easton could hear the ciccadas outside Aaron’s room. Nilingon nya ang bintana sa kwarto nito pero noong makitang sarado naman iyon, bumuntong hininga siya.
Then, he felt Aaron move, probably he became uncomfortable when Easton shifted from his place so he fixed his position to adjust and cuddle with his boyfriend again.
“Minahal mo naman ba si Wade?” kalauna’y tanong ni Aaron nang tila ba makaisip na ito ng pag-uusapan.
Easton’s eyes slightly widened and he looked down a bit to meet Aaron’s curious gaze. “Oo naman. I did. I learned how to over the years that we spent together. ‘Di nga lang kasinglalim ng nararamdaman ko para sa ‘yo.”
“Nahirapan ka bang i-let go siya?”
“Yes, kasi nasanay ako sa presensya nya. Nasanay akong siya iyong nandiyan ‘pag kailangan ko ng kasama,” he whispered, his voice had a hint of guilt in it. “Kaso alam mo, nakonsensya rin ako. Over the years that Wade and I were together, the heavier my feelings towards you had become. Alam mo ba, ‘pag nakikita kita ta’s kasama ko si Wade, nakokonsensya lang ako kasi ba’t ‘di ko maialis mata ko sa ‘yo samantalang kasama ko iyong boyfriend ko.”
Hindi sumagot si Aaron. Nanatili lamang itong tahimik pero sa itsura nito, attentive itong nakikinig sa kanya. Muli rin nyang sinimulan na laruin ang buhok ng binata bago siya tipid na ngumiti para ipagpatuloy ang kinukwento.
“Habang tumatagal, lalo lang sumasama iyong pakiramdam ko sa sarili ko kasi ang unfair kay Wade na siya iyong kasama ko pero iyong puso ko, nasa sa ‘yo.” Easton chuckled bitterly. “I was so unfair and when I realized, I tried to break up with him. Ano, bago iyong first anniversary namin.”
“E ba’t ‘di kayo nag-break noon?” pag-uusisa ni Aaron. “You could’ve just pursued me instead.”
“Nagmakaawa si Wade na mag-stay ako e. Ang sabi nya, kung pupwede lang daw na hanggang matanggap nyang ‘di ko siya magugustuhan na katulad ng sa ‘yo, gusto nyang kami.” He heaved another heavy sigh. “It took him two years to realize that he couldn’t change my mind and he couldn’t be you. So, when we talked about it again, siya na iyong kusang bumitaw sa ‘kin.”
“Nagi-gets ko naman kung sa’n siya galing.” Napaismid si Aaron. “Anyway, so you tried to move on from me since you gave him a chance?”
“May boyfriend ka kasi no’n ta’s based sa interactions ninyo, ang sweet ta’s parang magtatagal kayo. I got scared. Ang childish ko, ‘di ba? Kaya kinakarma ako ngayon e.”
Hindi nagtagal, mahinang tumawa si Aaron. Bumitaw ito sandali sa kanya’t umikot sa kama nito nang makahilata at makipagtitigan sa kisame. Habang siya naman, bahagyang ngumuso nang bitiwan siya ng binata kaya umusog siya lalo palapit dito.
Inasar pa siya ni Aaron na ang clingy nya pero hindi nya na lang pinansin ang binata.
“Nagustuhan din naman kita ng high school,” kalauna’y pag-amin ni Aaron na siyang ikinagulat ni Easton. “Iyon nga lang, first year tayo no’n.”
“W—wait, seriously?” napapantastikuhan nyang balik dito.
Tipid na tumango si Aaron at ipinilig ang ulo para tumingin sa kanya. “Hindi ko alam kung naaalala mo pero bago tayo nag-away dahil sa english textbook ko at bago kita suntukin noon, crush na crush kita. Gago, buong classroom pa namin may alam no’n kaya minsan, may nang-aasar pa sa ‘kin na dating kaklase ‘pag malalaman na magkasama tayo sa competition.”
“Then after that, you just hated me?”
“Hey, it was valid. Malay ko bang nagagwapuhan ka lang pala sa ‘kin kaya ayaw mo ibalik textbook ko? Isa pa, you were really a bitch when you won SSG. Pakialam ko kung may rason ka, you were choking all of us.”
Natawa na lamang si Easton dahil talagang may self-insert pa na papuri si Aaron sa sarili. Hindi rin naman nya masabihang nagbubuhat ito ng bangko dahil sang-ayon siya sa sinabi nito.
Gwapo si Aaron. Although, totoy siya noong una nya rin itong makita, mas gumwapo lalo ang binata ngayon.
“Anyway, it’s already late…” Aaron soon added and patted his back. “We should go to sleep.”
Mahina siyang humimig nang bahagyang bumangon si Aaron para abutin ang noo nya’t halikan. “Alright, good night.”
“Good night, East.”
ㅤㅤㅤㅤIN JUST A blink of an eye, weekends ended abruptly. Sabay silang nagising kanina ni Aaron at nag-ayos ng mga sarili nila. Then, Easton took his travel bag with him before he went to work, ipapaiwan na lamang nya sa kanila dahil sinundo siya ng driver. Habang ang boyfriend naman nya, maaga ring pumasok sa eskwelahan dahil flag ceremony raw ng mga bata ngayon.
In the past, Easton never liked Monday. Nabibitin kasi siya sa maiksing bakasyon. Pakiramdam nya, ang dami nyang gustong gawin na hindi nya naasikaso noong weekends. Iyon lang, mas lumala ang pagkainis nya sa araw na iyan dahil posible na naman na isa, dalawa—o baka nga tatlong araw pa silang hindi magkita ulit ni Aaron.
He didn’t like it more when his high school friends arranged to meet today because it’s the only day that they’re all free, Wade included. So yeah, imbes na nasa bahay na sana siya’t ka-video call si Aaron, na-stuck pa siya sa café na gustong puntahan ng mga kaibigan.
Don’t get him wrong. Easton loved his circle. Nag-eenjoy siyang kasama ang mga ito pero sa likod ng isip nya kasi, hinahabol nya iyong oras na magkasama sila ni Aaron dahil limitado lamang. Hanggang graduation lang kasi sila kung hindi nya pa ultimong makukumbinsi ang binata na manatili sa tabi nya.
“Tignan ninyo si East, nakasimangot na naman. Hoy, anteh, ang dami mong ‘di naikwento sa ‘min nitong nakaraan. Sino iyong Tristan? Naka-in a relationship pa kayo nitong nakaraan ta’s biglang nawala, break kaagad kayo?” pag-uusisa ni Ella, isa sa mga kaibigan nila ni Wade.
Nang maitanong iyon, naramdaman nya rin ang matamang pagtitig sa kanya ng binata. Parang tinutusok iyong gilid ng ulo nya tapos binubutasan. Halatang naiinis dahil hanggang ngayon e hindi rin nya ipinapaliwanag dito ang side nya.
Bumuntong hininga si Easton. Ano pa bang magagawa nya kung nakumpronta na siya ng mga kabarkada? It’s not like they’d let him off the hook easily too, considering that he’s only one against four.
“Don’t look at me like I’m a criminal,” panimula nya pero bago pa nya madagdagan ang sinabi e inagapan siya ni Wade.
Kunot noo siya nitong pinagmasdan. “Pa’nong ‘di ka namin titignan ng ganito e ginawa mo na sa ‘kin dati iyong nangyari sa inyo noong Tristan?”
“It’s different,” he deadpanned, although he heard his friends react by sipping their milkteas loudly. “I didn’t even know there was a relationship status until… probably when I saw your text.”
“Pa’nong hindi mo alam? ‘Tsaka hoy, gulat na gulat kaya kami kasi after ng break-up ninyo ni Wade, insistent ka pa about that Aaron Gonzales guy ‘no. It was surprising,” sabad naman ni Layla.
See, this was the mess that Tristan dragged him into. It wasn’t an easy sweep either. Napahilamos tuloy si Easton ng mukha’t bumuntong hininga. Then he threw his friends a serious gaze, even Wade who was chewing his salad looked at him intently, although slightly doubtful.
Ipinaliwanag ni Easton na hindi sila magkaanu-ano ni Tristan. Not even when that boy sent him the relationship status, he was completely unaware of it because he was out of social media at the time. Kumbaga, tinake advantage na inactive siya in order to ‘surprise’ him and fulfill the ‘promise’ he had already long forgotten.
He explained that he never treated or saw Tristan as a man. He never gave him any false hopes. In fact, noong nakarating pa nga sa kanya iyong tungkol sa relationship status at nakita nya ang mga text messages ni Wade sa kanya, he went and settled things with Tristan. Of course, not without a price.
Ang dalas na nyang mairapan sa company nito simula noong mapansin ng mangilan-ngilang sipsip na employees na parang ang sama lagi ng tingin ni Tristan sa kanya. Not that Easton ever cared about how they stared at him, at least he was being true.
“Anyway, I’m sorry if it took time before I explained things to you guys. Kaya ba tayo nagkita-kita ngayon para rito?” tanong nya.
Wade clicked his tongue and sighed. “Slight lang naman. Mas focused pa rin do’n sa halos ilang linggo na tayong ‘di nagkikita lahat dahil sa busy schedules natin.”
“Medyo focused pa rin kasi alam mo ba, rant nang rant si Wade sa group chat natin kasi nga, you promised na si Aaron lang ang ipu-pursue mo ta’s gagawin mo sa ibang tao iyong ginawa mo sa kanya noon?” paliwanag naman ni Ella.
“I’m not like that kid anymore,” he replied, referring to the Easton of the past. “Anyway, I’m being true about what I said too that I’d only pursue Aaron. I’m still doing that.”
Nagpahalumbaba si Wade. “So, alam ba ni Aaron ‘yan?”
Tipid na tumango si Easton. “I mean, I’m pursuing him. Isn’t it only right that I let him know what happened first to avoid further misunderstanding?”
Iba’t ibang reaksyon ang natanggap ni Easton. Alam nyang may bahid ng henuwinong tampo ang reaksyon ng ibang kaibigan lalo na’t mas matagal nyang nakasama ang mga ito pero hindi nya makuha sa sarili na magpaliwanag noong mga oras na iyon sa kanila dahil mas nababagabag siya sa reaksyon ni Aaron noong mag-congratulate ito sa kanila ni Tristan.
It seriously pissed him off. It gave him the ick.
But he kept quiet because Aaron didn’t know. Who was he to blame the man if they lost contact after his first rejection and that relationship status just popped out of nowhere? If anything, the congratulatory message was expected. A rational reaction from his now-boyfriend.
Speaking of ‘boyfriend’… Easton perked up from his seat and stared at his friends who finally changed the topic. Napansin nila ang pagtigil nya at ang pagbuka ng bibig nya para may aminin sana sa mga ito ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Aaron ngayon hanggang sa maalala nya ang terms and conditions nilang dalawa ng binata.
Hanggang graduation lang.
While Easton was confident that he would convince Aaron to stay before, he’s suddenly not sure now that he’s facing his friends. Isa pa, bigla rin siyang hindi naging kumportable noong kunot noo siyang pagmasdan ni Wade—it was innocent! An innocent and confused gaze, yet it reminded Easton that Wade still harbored feelings towards him. Ngayon siya naging conscious dito kahit pilit nitong sinasabi na ayos lang kung maging sila ni Aaron.
There and then, naintindihan nya si Aaron. Kung bakit ito nagi-guilty.
“May sasabihin ka ba, Easton?” takang tanong ni Wade upang basagin ang namutawing katahimikan sa pagitan nilang lahat.
Easton then closed his mouth, pressed his lips together, and smiled. “…Nakalimutan ko kung anong sasabihin ko bigla. Sabihan ko na lang kayo mamaya.”
It didn’t matter. He decided that he would just admit that he was dating Aaron if his boyfriend would choose to stay with him—or at least until Wade was entirely ready for them.
Kabanata 22
KABANATA 22
ㅤㅤㅤㅤFOR EASTON and Aaron’s date today, they thought of checking out a famous café just around Angeles. Naisip nya na magandang pumunta sa Sky Garden dahil kung ikukumpara sa ibang café na napuntahan nya, mas romantic naman ang vibe rito. Easton enjoyed the atmosphere in this café, it looked so tranquil aside from being aesthetic and all.
So far, Easton was also enjoying his and Aaron’s date. Although it started off with their usual kumustahan sessions—because they had to have it, or else Easton wouldn’t get so updated in Aaron’s life. Some information was already previously shared via chat, though. But still, Easton wanted to hear these ‘chikas’ from Aaron’s mouth.
Not until his mood dropped.
“Liban doon sa pressure na nararamdaman ko ngayon dahil sa taas ng expectations ng head teacher namin sa ‘kin, wala namang ibang ganap. Nabanggit ko na iyong iba sa chat e,” ani Aaron bago nito kinuha ang in-order na kape’t sumimsim. “Ikaw ba, wala ka bang ikukwento? Kanina ka pa tahimik.”
Easton involuntarily shifted from his position due to the surprise he felt when he realized that Aaron noticed that he wasn’t in the mood to share anything about himself. Nakapagkwento na rin naman kasi siya’t bukod sa mga nasabi nya nitong minsan sa binata, wala siyang maisip na bagong ikukwento.
“Wala ka ba sa mood? Pagod ka ba?” dagdag pa ni Aaron bago siya nito tinapunan ng nag-aalalang tingin. “Kung gano’n, sana sinabi mo kaagad. Mamu-move naman natin ‘tong date natin kung kailan hindi ka drained.”
Hindi naiwasan ni Easton ang mapasinghap nang abutin ni Aaron ang kamay nya’t pagsaklubin ang mga daliri nya. At first, although he was already used to skinship with his boyfriend since he previously initiated some of it, he couldn’t help but stiffen when he felt the warmth of Aaron’s hand against his.
Easton’s eyebrows slightly knitted as he pressed his lips together. It wasn’t new to him if the conflict, fear, and desperation he had been feeling painted itself across his facial expression.
Then, he held Aaron’s hand back— tight , as if he didn’t want to let go of him.
“Ano, gusto mo na ba umuwi?” pag-uusisa ulit ni Aaron nang hindi nya sagutin ang mga unang tanong nito.
Marahan namang umiling si Easton bago nya pilit na nginitian ang binata. “Ayoko. Okay lang ako… pero pwede bang lumipat ka muna sa tabi ko?”
“Huh? Bakit? May masakit ba sa ‘yo?”
“Basta. Ron, please?”
Mataman nilang pinagmasdan ang isa’t isa at bagamat naguguluhan siyang tinititigan ni Aaron, tumango ito kalaunan bago umahon mula sa kinauupuan. Sandali nitong binitawan ang kamay nya nang makalipat sa tabi nya pero sa ilang segundong magkahiwalay sila ng binata, hindi maiwasan ni Easton ang sikipan ng dibdib.
Nitong nakaraan, lalo siyang nababagabag… naaalarma .
Easton felt a sense of relief when Aaron finally occupied the seat beside him. Iniusog pa nito ang upuan malapit sa kanya’t inuusig siyang sumandal dito na siya namang ginawa nya bago siya kumapit sa braso ng binata.
Halos isiksik nya ang sarili kay Aaron, siyang dahilan para muling magtanong si Aaron kung napa’no ba siya.
“Nag-aalala na ‘ko sa ‘yo. Ano, tatawagin ko si kuya Ed para sunduin ka rito?” suhestiyon pa ni Aaron.
Mahina siyang natawa dahil mukhang malapit na mag-panic ang boyfriend nya dahil kanina pa nya hindi ini-entertain ang pag-aalala nito.
“Sorry… I’m alright. Wala akong sakit, okay lang ako. Medyo nawala lang ako sa mood kasi may na-realize ako,” panimula nya bago nya ipinilig ang ulo para tignan ang gwapong mukha ni Aaron. “You were talking about your final demo earlier, no? It made me realize things. I guess I just started to worry from there.”
Kumunot ang noo ni Aaron. “Bakit ka nag-aalala sa final demo ko e maipapasa ko naman ‘yon kahit pressured na pressured ako sa sakit sa ulo naming head teacher?”
“Alam ko naman. It’s just that, ang lapit na pala ng final demo mo.”
“Two weeks from now, yeah. Medyo malapit na. What about it?”
Easton began to draw circles at the back of Aaron’s hand using his thumb. “… Which means malapit na rin ang graduation. Honestly, it scares me. I was being positive before until I realized that time is so short and I’m not sure if I could still persuade you into staying with me.”
His voice was hoarse when those words escaped from his lips. He sounded like he was almost begging that Aaron wouldn’t think of leaving him and instead, would choose to stay because that was all he wanted— Aaron .
Sa kaiisip nya, hindi nya napansin ang pangingilid ng mga luha nya. ‘Tsaka na lamang nya napansin noong manlabo ang paningin nya pero bago pa man nya mapunasan iyon, naunahan na siya ni Aaron.
The way Aaron wiped his tears was gentle and careful. His man even bent slightly to take a look at his face, concern was evident on the expression Aaron was making as he made sure that Easton calmed down.
Then, in a gentle and soothing voice, Aaron finally spoke, “if I were you, I wouldn’t think about it too much. Matagal pa ang graduation, mahaba pa ang oras.”
“June isn’t far away, baby,” sagot nya.
Napahinga nang malalim si Aaron noong marinig na tawagin nya ito gamit ang endearment. For a moment, that distracted Easton and the frown on his face was replaced by a soft smile curving across his lips. Hindi nya naiwasang mapangisi noong makita ang unti-unting pangangamatis ng pisngi ng boyfriend nya.
“You’re so cute,” he softly mused before he reached for Aaron’s cheek and lightly pinched it. “I wouldn’t know what to do if I lost you.”
Bumuntong hininga ang boyfriend nya. “Let’s not think about this, East. Ang punto ko, mahaba pa ang oras.”
“Then give me an assurance instead. Am I affecting you? Slowly… am I able to at least change your mind a bit?”
“You changed my opinion about you… about us.”
ㅤㅤㅤㅤBAKIT SIYA naaapektuhan? Nakakainis.
Kanina pa nakikipagtitigan sa kisame ng sala nila si Aaron. Hindi na nya mabilang kung ilang butiki ang naglampungan sa kisame pero ang alam nya, nagsisimula na manakit ang leeg nya sa kakatingala. Noong maramdaman nya na ang pangangalay, ‘tsaka pa lamang nagbaba ng tingin si Aaron para humarap sa telebisyon nilang nakapatay naman, nakikipagtitigan siya sa malabo nyang repleksyon na naroon.
Nakakairita. Bukod sa wala siya sa sarili ngayong araw, wala rin siya sa mood na ayusin ang bahay nila. Tapos na si Ridge sa mga gawaing bahay nito pero siya, nakatambak pa rin ang mga gagawin. Ayaw naman nyang utusan ang kapatid dahil halos katatapos lamang niyan maghugas ng mga pinggan at muling magsaing panghapunan nila.
Bumuntong hininga siya.
Aaron bent forward and rested his arms on his legs, before he rested his on his knuckles. Pakiramdam nya, mas masu-sort out nya ang mga iniisip sa ganitong paraan. Hindi lang nya alam kung epektibo ba talaga o hindi.
It’s been days since his and Easton’s last date. Maayos naman ang lakad nila pero noong nasa café sila’t mayroong ipunto si Easton tungkol sa relasyon nilang dalawa at sa natitirang oras na magkasintahan pa rin silang dalawa, hindi na naalis sa isip nya ang itsura ng binata.
There was a hint of desperation in Easton’s eyes when he looked at him… more so, when Easton’s tears almost streamed down his cheeks, if only Aaron didn’t wipe those before it could fall from the corner of Easton’s eyes.
“Kuya, kailan ulit bibisita si kuya Easton?”
Kung hindi lang napukaw ang atensyon nya noong marinig ang boses ng cute na nakababatang kapatid, baka tuluyan na siyang nalunod sa mga iniisip. Iyon lang, medyo nalutang pa siya nang mapagtantong si Easton ang itinatanong ng kapatid.
Hindi pa rin malaman ni Aaron kung kailan naging close sina Ridge at Easton. Basta isang araw, nagising na lang talaga siya na madalas magkausap ang dalawa.
Si Easton nga rin yata ang pinakaunang kasintahan nya na kinakausap ni Ridge. Madalas kasi, kapag mayroong bisita si Aaron na boyfriend nya noon, magtatago ang kapatid. Ngayon lang ito nakikipag-socialize talaga kay Easton… to the point na madalas nitong tanungin kung kailan ulit bibisita ang binata.
“Hindi pa namin napag-usapan. Busy kasi kaming dalawa,” ang naging sagot nya bago nya inilipat ang mga mata sa librong binabasa ng kapatid. “Ngayon ko lang nakita ‘yan. Kailan pa tayo nagkaroon ng libro ni Rick Riordan? Binigay ba ng asungot sa ‘yo ‘yan?”
Noong marinig ang tanong nya, napangisi si Ridge bago ito tipid na umiling. “Isusumbong kita kay kuya Easton, tinawag mo siya na asungot.”
“Huh?” Napakurap-kurap muna si Aaron bago nya naintindihan ang ibig sabihin ni Ridge. “Kailan nya binigay sa ‘yo ‘yan?”
“Noong nag-sleep over siya. Ito pinang-bribe ni kuya East sa ‘kin kaya meron na ‘kong full set hard-bound copies ng Percy Jackson. Bait ni kuya Easton.”
No wonder Ridge liked Easton. Napabuntong hininga na lang siya’t namamanghang napailing-iling. Muling umayos sa pagkakaupo si Aaron para muling makipagtitigan sa kisame noong bigla na lamang tumikhim si Ridge.
Aaron heard shifting movements from Ridge’s direction but he decided not to bother himself with whatever his cute little brother was doing… until, Ridge said something and Aaron felt like his younger brother was reading his mind.
“Tingin ko kaya ka naman alagaan ni kuya Easton,” panimula nito na siyang dahilan upang mapabaling siya rito. “Kahit kailan kuya, ‘di pa ako naka-encounter sa mga ex-boyfriend mo na determinadong i-keep ka ‘tsaka tiisin. Isa pa, wala rin naman sa kanila ‘yong gusto rin akong i-spoil kung pa’no mo ako i-spoil. Si kuya Easton lang gano’n sa akin.”
Surprised was an understatement . Aaron was flabbergasted. He didn’t know how to react and all he could do at that moment was stare at Ridge, his mouth barely agape, and his eyes slightly widened. He was trying to search for the words he’d say to respond, but he couldn’t.
English teacher siya pero noong mga panahong iyon, tila ba tinakasan siya ng malawak na bokabularyo nya at kahit gaano katagal na oras na ang lumipas, hindi pa rin nya malaman kung anong sasabihin. Or maybe Aaron did know what to say but it wasn’t a respond to what Ridge said, rather, a question escaped from his lips.
In a small and helpless voice, he asked his brother, “tingin mo ba… worth it ipagpatuloy ‘tong relasyon namin ni Easton?”
It was Ridge’s turn to be speechless. Naguguluhan at kunot noo siyang pinagmasdan ng kapatid bago ito nagkibit balikat.
“Sa point of view ko, okay naman kayo. Mahal mo naman siya, ‘di ba?” tanong ni Ridge.
Hindi sumagot si Aaron. Nanatili lamang siyang nakatitig sa kapatid, hinihiling na sana e makuha nito iyong hint o hindi kaya mabasa ang tumatakbo sa isipan nya. Hindi nya alam kung sa paglipas ba ng bawat segundo, nalaman din nito ang gusto nya ang dahilan ng pagtahimik nya kahit ‘oo’ lang naman ang sagot.
“Hindi ko gets kung ba’t ka naghe-hesitate pero kung mahal mo si kuya East ta’s masaya ka naman sa kanya, ba’t mo pa ako tinatanong kung worth it ba siya?” kalauna’y sabi na lamang din ni Ridge.
Tipid nya itong nginitian. “Pinag-iisipan ko rin. Nahihiya ako kay Wade.”
“Anong kinalaman ni kuya Wade?”
He should’ve expected that question when he mentioned Wade’s name in the picture. Hindi nya alam kung bakit binanggit pa nya kay Ridge e alam naman nyang manang-mana sa kanya iyang batang iyan—hindi titigil hangga’t hindi nalalaman lahat ng detalye sa tsismis. Baka nga kapag hindi nya pa ito sinagot, kay Easton o kay Wade pa magtanong ang batang ito, kasundo pa naman nito pareho.
Kahit tuloy gustong magpa-mysterious type ni Aaron, napilitan siyang ikwento kung anong kaugnayan ni Wade sa kanilang dalawa ni Easton—lalo na kay Easton dahil hindi naman maaalis o mabubura iyong katotohanang mag-ex boyfriend ang dalawa. Nasayang iyong effort ni Aaron na magpa-mysterious type dahil matapos ang halos bente minuto, alam na ni Ridge ang buong kwento.
“Oh. Gano’n pala nangyari kaya parang kahit gustung-gusto mo si kuya East, nilu-lowkey mo lang siya ta’s lagi kang hesitant ‘pag magkasama kayong dalawa,” komento ni Ridge.
Hinilot ni Aaron ang sentido. “Ayoko naman kasing ma-attach kasi hanggang graduation lang naman kaming dalawa. ‘Tsaka parang ang kalat kasing tignan na mag-ex sila ta’s ginawa ko pang boyfriend si Easton.”
“Ngayon mo naisip ‘yan e kayo na?”
“Ridge, you don’t get it. Nasasakal ako—” Aaron paused and he almost choked in his own spit, trying to stop himself from saying anything cheezy.
Gustung-gusto nya si Easton na dumating na lang din sa punto na siya iyong nasasakal, na hindi nya kayang hindi makita ang binata, na nasasaktan at nagagalit siya kapag naiisip nyang maaagaw sa kanya si Easton dahil hindi nya alam kung paano haharapin itong nararamdaman nya. Gustung-gusto nya si Easton na nasa punto na siyang natataranta siya’t nababagabag, na parang ayaw na lang nyang isipin si Wade, na gusto na lang nya maging makasarili.
Kaya nga kahit sandali lang, kahit hanggang graduation lang, kaya nyang lunukin lahat ng sakit pagkatapos basta kahit sa kaunting panahon lang, maranasan man lang nyang kanya si Easton.
Bumuntong hininga si Ridge. “May nabasa akong ganito, kuya. Basta kung ayos lang naman kay kuya Wade na maging kayo ni kuya Easton, wala akong nakikitang problema. Sa ‘yo na rin naman galing na matagal na silang break.”
“Almost one year isn’t that long,” he responded.
“Pero ‘di pa ba ‘yon sapat na oras para maka-move on sila sa isa’t isa?” Nagkibit balikat si Ridge. “Hindi ko alam kung ba’t ngayon ka pa naggaganyan e boyfriend mo na na nga si kuya Easton, kuya.”
Hindi. Mahal pa ni Wade si Easton, e. Kaya mas lalo siyang kinakain ng konsensya.
“Ang pangit tignan kung lalabas kami.”
“Kung ganyan iniisip mo, edi sana kahit nasasakal ka na sa nararamdaman mo, ‘di mo na lang pinatulan iyong offer ni kuya Easton.”
Mayroon pa sanang sasabihin si Aaron para kontrahin ang kapatid pero bago pa man nya masabi ang mga iyon, mabilis siyang inagapan ni Ridge.
“Ang sabi nila kuya, ‘pag gusto mo maraming paraan. Kung ayaw mo, maraming dahilan.” Muling bumuntong hininga si Ridge. “Kung gusto mong i-keep si kuya East, ‘di pa ba ‘to iyong tamang panahon para kausapin mo si kuya Wade? Alam kong alam mo naman na maiintindihan ka nya kung gusto mi si kuya East kasi ‘di ba, siya pa nga ang sumama kay kuya East no’ng umamin siya sa ‘yo?”
Aaron sweat dropped. “Nagi-guilty ako, Ridge.”
“Ikaw, as if namang may magagawa pagka-guilty mo bukod sa saktan sarili mo ‘tsaka si kuya Easton.” Ridge fixed his position to lay down comfortably on the couch to resume reading. “Isa pa, nandiyan naman na kayo ni kuya East. Kayo na. Ba’t ‘di mo na lang ituloy kung ‘yan naman gusto mo? Pinapahirapan mo sarili mo e.”
“Hindi ko na lang ba dapat tinuloy?” tanong nya sa maliit na boses.
Nagkibit balikat si Ridge bago ito muling umayos sa pagkakahiga at tinalikuran siya. Diyan pa lang, alam nyang hindi na siya gustong kausapin ng kapatid kaya bumuntong hininga na lamang din siya’t muling hinayaan ang sarili na mag-isip isip.
Humigop nang malalim na hininga si Aaron noong pagpikit nya, imahe kaagad ni Easton ang naisip nya. Nami-miss na nya ang binata. Ngayon pa lang na hindi sila nag-uusap dahil busy raw ito, para siyang hindi makahinga nang maayos e. Idagdag pa na naapektuhan talaga siya noong huli nilang date.
He didn’t want that guy to cry because of him. But at the same time, he couldn’t let himself get eaten by his guilt.
Hindi rin naman bobo si Aaron. Alam nya kung anong dapat gawin. Binanggit na rin ni Ridge kung ano. Hindi pa ba sapat na kumpirmasyon iyon para gawin kung ano iyong tingin nya, nararapat? Kung ano sa pakiramdam nya ang tama. Kung saan magiging payapa ang puso’t isipan nya.
“Kung lulubusin ko ba ‘tong pagiging makasarili ko… ‘di ba ‘to babalik sa akin?” tanong nya sa sarili.
Hindi nya napansing naisaboses nya ang iniisip hanggang sa marinig nyang umismid at mahinang tumawa si Ridge.
Then, his brother spoke, “ano naman kung bumalik? E kung si kuya East naman ‘yon, ‘di pa ba sapat na dahilan para mag-risk ka? Hina mo pala kuya, e.”
Aaron asked the same question to himself. If he so loved Easton to the point of feeling suffocated whenever the man wasn’t near him, then why couldn’t he just reach out to Wade and settle things between the three of them?
Easton is worth the risk. Aaron was just a coward.
Pero saan siya dadalhin ng kaduwagan nya, hindi ba? Sa wala. Pag-iisipan nya nang mabuti kung kailan nya kakausapin si Wade at sana… sana maintindihan ni Wade na hindi na nya kayang ipagtulakan pa si Easton.
Kabanata 23
KABANATA 23
ㅤㅤㅤㅤHINDI MABILANG ni Aaron kung ilang beses nyang binalik-balikan ng basa ang chat na sinend nya kay Easton. Half day siya noon at alam nito pero hindi nya susunduin o kikitain ang binata ngayon dahil marami siyang dahilan.
Me:
Babe, di muna tayo magmeet ngayon? Something came up
Easton Mariano:
ih :((( but okay tell me what happened later po?
Me:
Not now. Basta pagkatapos ko nalang isettle lahat. Okay lang ba?
Easton Mariano:
i have mixed feelings but i understand until you’re ready then 🫶🏻
Napangiti na lamang si Aaron nang mabasa ang sagot ni Easton. Naiintindihan nyang nag-aalala ang binata kung anong nangyari pero hindi makuha ni Aaron ang magkwento ngayon. Gusto nya kasing maayos muna ang lahat. Plakado, walang sabit, malinis. Basta, gusto nyang walang mintis kahit na maliit na bagay kapag sinabi nya kay Easton kung anong gagawin nya ngayon.
He’s pretty sure that it’s predictable, too.
Ibinaba ni Aaron ang cellphone noong mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nya na tumigil sa gilid nya ang isang pamilyar na pigura. Nag-angat siya ng tingin at noong makita nya si Wade na nakangising kumakaway sa kanya, umayos siya sa pagkakatayo bago nginitian ang binata.
“Buti naaalala mo pa ‘ko, ano?” pabirong sabi ni Wade sa kanya.
Bumuntong hininga si Aaron at nagkibit balikat. “Naaalala naman, nahihiya lang ako sa ‘yo nitong nakaraan.”
“Nahihiya? Wowza, totoo ba ‘yan? Ikaw ba talaga si Aaron Gonzales?”
“Inamo.” Napahilot siya ng sentido bago nya minuwestrahan ang binata na sumunod sa kanya. “Nagi-guilty kasi ako sa ‘yo kaya hindi ko pinapansin ‘yong mga chat mo.”
“O, bakit?”
Napaatras si Aaron noong marahang lumapit sa kanya si Wade. May naglalarong multo ng ngisi sa mga labi nito at sumasayaw sa kapilyuhan ang mga mata ng binata. Hindi tuloy nya napigilang mapaiwas ng tingin mula rito dahil hindi na siya kumportable sa sobrang lapit ni Wade.
It’s not a dangerous distance. Anyway, Aaron decided to start walking so he could lead Wade inside a café he usually visits in his free time. Sumunod din naman ang binata sa kanya pero panay ang tanong nito kung bakit daw siya nagi-guilty at kung may kasalanan daw ba siya rito.
Meron. Marami. Hindi nya alam kung saan nya sisimulan.
Noong makapasok sila sa café, inaya siya ni Wade na sa pinakagilid sila umupo nang sa ganoon, hindi sila kaagad na makikita ng mga bagong customer. And since it was just a small café—one that they used to go to together when they were in high school—he just went on with what Wade wanted because true, it’s quite embarrassing that they’d be the first people that new customers might see.
Isa pa, importante ang pag-uusapan nilang dalawa.
Nag-order lamang ng matcha latte si Aaron habang si Wade naman, iced coffee ang gusto at iyong usung-uso na bento meal. Nagkumustahan din muna sila at ang pangit namang tignan kung sisimulan kaagad nila sa seryosong usapan e matagal na silang hindi nagkita.
The point is, Wade wasn’t dumb. Aaron wasn’t sure if it was due to his body language or he couldn’t maintain eye contact but his friend noticed that he was uncomfortable—that he seemed to be the type to want to say something but was hesitant. Hindi napansin ni Aaron na mayroon na palang alam si Wade hanggang sa tumahimik ito sandali bago tumikhim.
“Bale… bukod sa mag-catch up sa isa’t isa, ano pang kailangan mo sa akin, Ron?” tanong nito. Malumanay man ang boses ng binata habang nagtatanong, hindi napigilan ni Aaron ang muntik masamid sa iniinom kahit hindi naman nabigla. “Hoy, okay ka lang ba? Nagtanong lang ako, a! OA ka.”
Umuubo-ubo man, pinilit ni Aaron na iayos ang sarili. Pinunasan nya ang gilid ng mga labi bilang halos nailuwa nya ang iniinom bago namamanghang napatitig kay Wade. At talagang tinatawanan pa siya ng sira ulo samantalang hindi naman siya mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil dito?!
At one point, Aaron did want to blame his friend for surprising him, but could he really blame someone who didn’t want to beat around the bush no more?
Kung sa bagay, kahit na i-extend ni Aaron ang usapan, mapapadpad at mapapadpad din naman sila sa usapang tungkol sa kanilang dalawa ni Easton.
“Balak ko pa naman sanang mamaya ka tanungin!” napipikong asik nya bago siya nagpaikot ng mga mata.
Malakas na humalakhak si Wade. “Ano ba ‘yon? Ba’t gusto mo pang patagalin e ‘di naman kita kakagatin kung sasabihin mo man ‘yan.”
“Hindi ka sigurado.”
“O, ba’t naman nangja-judge? Parang ‘di mo ako nakasama nang matagal. Kilala mo na kaya ako.”
“Ang ibig kong sabihin, ‘di naman kasi mababaw lang itong pag-uusapan natin.” Bumuntong hininga si Aaron at nag-iwas ng tingin mula sa kaibigan. “Kahit naman sinasabi mo sa ibang ayos lang sa ‘yo itong sasabihin ko, baka mamaya ‘di mo pa rin mapigilan na sapakin ako e. Not that I mind. Bobo kasi ako, ‘di ko rin napigilan.”
Muling tumawa si Wade bago naghalumbaba. “Ba’t pakiramdam ko, alam ko na kung anong sasabihin mo?”
“Imposibleng hindi. You were there when it all happened. Ayokong maniwala na walang sinabi ex mo sa ‘yo.”
“Bakit? Meron ba dapat siyang sabihin sa ‘kin, Ron?” Ngumisi ang binata. “Matagal na kaming wala kaya kahit ‘di nya ako i-update kung anong nangyayari sa buhay nya, wala na lang iyon sa akin pero dahil nai-open mo na rin naman… ano ba dapat kong malaman?”
Aaron hesitated for a moment. Although the café wasn’t small, he did feel backed up in a corner. Suddenly, despite all the courage and confidence he had, it seemed to slip away. Wade was never near intimidating but during this time, Aaron felt small.
Bukod sa hiya, talagang niraratrat siya ng konsensya.
Pero saan ba siya papadaig? Kay Wade o rito sa napag-usapan nila ng nakababatang kapatid nitong nakaraan? Doon sa tanong ni Ridge kung hindi ba worth it na i-pursue iyong taong gusto nya, kung bakit ngayon pa siya may ganang mahiya kay Wade samantalang noong um-oo siya na maging boyfriend ni Easton, hindi man lang pumasok sa isip nya ang mararamdaman ng kaibigan.
The point is, he didn’t seem to care before and acted selfish. So, why was he embarrassed all of a sudden? May karapatan ba siya? Wala.
Ibubuka pa lamang sana ni Aaron ang bibig pero bago pa man siya makapagsalita, inunahan siya ni Wade.
“Alam mo ba na noong unang beses mong ni-reject si Easton, sinabi nya sa akin na gusto mo naman siya pero ‘di mo kayang i-pursue dahil nakokonsensya ka at iniisip mo ako?” panimula ni Wade bago ito sumandal sa kinauupuan. “Natuwa ako no’ng nalaman ko ‘yon, syempre. Kasi kahit pala na magkalayo tayo, talagang sinusubukan mo na unahin ako bago sarili mo. Kaya lang…”
Wade paused and chuckled bitterly.
“…Nakonsensya rin ako no’ng nalaman ko ‘yon. Alam kong ‘di mo intensyon na gano’n maramdaman ko pero nakakakonsensya rin na maging dahilan kung ba’t ‘di magawa ng kaibigan mo kung ano ‘yong gusto nya talagang gawin. E kung gusto mo talaga si Easton, sino ba ako para pigilan ka samantalang una pa lang, ikaw din naman gusto no’ng taong ‘yon?”
Matapos magsalita ni Wade ay namutawi ang katahimikan sa gitna nilang dalawa. Mayroong mga pumasok na bagong customer at medyo maiingay pero noong makita silang dalawa na nakaupo sa isang sulok, pinahinaan din ng mga ito ang mga boses. Si Wade, tinapos ang kinakaing bento habang siya naman ay nililigpit ang pinagkainan.
Although the silence seemed too long, it was comfortable and enough for Aaron to gather his thoughts.
“Hanggang ngayon naman, pinanghahawakan ko ‘yong paniniwala na hindi ko dapat piliin si Easton kung may respeto ako sa ‘yo,” ito ang naging panimula nya na siyang pumukaw sa atensyon ng binata at maging dahilan para matawa ito. “Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao at kaibigan kasi alam ko namang hanggang ngayon, si Easton din gusto mo.”
“You’re too good. Pa’no ako magagalit kung inisip mo rin naman kapakanan ko?” Inabot ng binata ang balikat nya’t marahan siyang tinapik-tapik. “Ayos lang sa akin. Alam ko, naiintindihan ko.”
Napabuga siya ng marahas na hangin. “Dapat magalit ka sa akin, Wade. I’m dating your ex-boyfriend. Usapan namin na hanggang graduation lang pero… pero hindi ko pala kaya na hanggang doon lang.”
“Ba’t ba gustung-gusto mo akong magalit sa ‘yo? Ang obsessed mo, charot.”
Hindi naiwasan ni Aaron na mapasimangot noong sa gitna ng seryosong usapan nila ni Wade e nakuha pa siyang asarin ng kaibigan. His friend even laughed his ass out. Malay nya kung mao-offend siya o babatukan nya iyang kaibigan nya samantalang hindi naman siya obsessed sa ideyang magalit ito.
“I just think that’s the most valid reaction here. Ta’s nakuha mo pa ‘kong asarin?” halos nya nya makapaniwalang puna kay Wade na halos pinupunasan pa ang non-existent nitong mga luha. “Kung ‘di normal iyong inaasahan kong reaksyon sa ‘yo, baka naman ‘di na ako iyong problema?”
“Ikaw pa rin,” natatawa-tawa pa ring sabi ni Wade. “Tama naman na may gusto pa rin ako kay Easton pero magkaiba iyong sa ‘min kaysa sa kung anong meron kayo.”
Kokontrahin dapat ni Aaron iyang si Wade pero bago pa man nya maibuka ang bibig e pinangunahan na naman siya ng binata. Sa pagkakataong ito, dinuro pa siya nito habang may naglalarong pilyong ngisi sa mga labi nito, tila ba natutuwang nasisiphayo siya dahil laging naaagaw ang spotlight sa kanya bago pa man nya makuha nang tuluyan.
In the end, Aaron just shook his head and let Wade take the lead in this conversation. This man probably had a lot to say, after all.
“Iyong klase ng pagmu-move on ko sa kanya, ‘di iyong tipong mawawalan ako ng nararamdaman kung ‘di titigilan ko lang na mag-pursue ng relasyon na siya pa rin ang target kasi alam kong ‘di nya kayang ibalik feelings ko,” dagdag ni Wade noong hindi na siya mag-react pa.
Aaron sweat dropped. “Sigurado ka ba riyan?”
“Namo, matagal nang alam ni Easton ‘to. Ilang beses ko na sinabi sa kanya at na-assure na ayos lang talaga sa ‘kin na maging kayo kasi tanggap ko na wala akong pag-asa. It took time pero ang hirap ‘pag ikaw kalaban.”
Suddenly, Aaron felt uncomfortable. Akala nya, may underlying tone na hindi maganda ang sinabi ni Wade pero habang patuloy nyang inoobserbahan ang binata, ang chill lang nito at parang wala naman talagang hina-harbor na sama ng loob sa kanya.
“Pero bago pa ‘to, nagalit ka sa akin?” hindi nya napigilang tanong.
Umismid si Wade at tumango. “Oo naman pero alam mo, naisip ko na ‘di mo kasalanan kasi wala ka namang alam sa kalokohan ni Easton. Siya talaga iyong may saltik.”
“—is something that I’ve told you before?!” punto nya bago nya itinuro si Wade. “Napakakulit mo kasing nilalang. Ilang beses ko na sinabing ayoko sa kanya kasi may saltik!”
“Pero gustung-gusto mo na ngayon?”
Edi natameme siya. Malapit na sana siyang ma-hype sa pangba-bash kay Easton dahil nabuhay at nakalkal na naman nya iyong dating siya na inis na inis sa boyfriend nya pero kinailangan talaga ni Wade na i-reality check siya. Umupo na lamang tuloy siya nang maayos at nag-iwas ng tingin, umaarteng walang sinabi o nagawa na kahit ano.
Aaron pressed his lips together and almost wanted to swallow his own tongue. Ilang beses na nya nabigyan ng side eye si Wade pero hagikhik lamang ito nang hagikhik sa kinauupuan.
It took some time before Wade calmed down. “Ang bottom line sa pinag-uusapan natin ngayon, ano ba talaga? Pinagpapaalam mo lang ba na gusto mo na rin si Easton at ipu-pursue mo na?”
The atmosphere suddenly became heavy—yet somewhat warm. Aaron should be feeling threatened by how Wade worded his intention but for some reason, he couldn’t find it to himself to get nervous. If anything, parang mas confident siyang sabihin dito ang tunay na pakay—ipagpatuloy iyong dapat na ‘ temporary relationship ’ nila sni Easton.
“Oo. Gusto ko ng blessing mo na i-keep si Easton bilang boyfriend ko, Wade. Kung ayos lang naman sa ‘yo.”
Wade’s eyes slightly squinted as he stared at Aaron with a knowing expression. “Kung ayaw ko? Iiwanan mo ba si Easton?”
Tang ina. Ang hirap noong tanong. Muntik mapamura si Aaron dahil napaka-conflicted ng naramdaman nya. Ewan—hindi nya na kayang mawalay sa gagong iyon. Siguro, importante pa rin naman ang mararamdaman ni Wade. Hindi nya alam kung alin ba sa mga iniisip nya ang papanigan nya. Kung kaya ba nyang masakal na lang ulit sa nararamdaman nya’t panoorin si Easton na mahulog sa iba.
Hindi nagtagal, tumikhim siya. “Hindi ko alam kung ano ba iyong mas tama, itong konsensya ko o iyong nararamdaman ko. Basta ayoko lang mahiwalay kay Easton. I know this isn’t a good reply but—”
“—okay lang, tanga,” agap sa kanya ni Wade bago pa man siya makapagsimulang magpaliwanag. “Inaasar lang kita pero kung pagdating sa ganyan, sana si Easton lang lagi piliin mo. ‘Wag mo na ‘kong alalahanin kasi ayos lang ako. ‘Wag mo hayaan na diktahan kita e kung ikaw din ang kawawa, edi talo ka.”
Hindi na lamang siya nagsalita. Basta pagkatapos noon, sinabi na lamang ni Wade na kung siya lang din naman daw ang pu-pursue kay Easton, kampante itong nasa mabuting kamay ang binata at hindi mapapahamak. Wade also told him a lot about Easton—and he wouldn’t lie if he said that he was kind of… jealous. Hindi na lang nya pinuna dahil alam nyang walang ill intention si Wade.
Isa pa, mas alam nito kung gaano ka-vulnerable si Easton. That man was weaker than he tried to let on. Pinipilit nitong maging bubbly at magmukhang malakas sa harap nya pero hindi siya timang para hindi mapansing may mga bagay na ayaw gawin ang binata at vice-versa. With some of Wade’s advice, it would be of great help to him.
“Thank you,” kalauna’y sabi ni Wade sa kanya na ikinagulat din nya. “And sorry, I didn’t mean to yap about your boyfriend. Alam ko namang madidiskubre mo iyong negats nyang quality in the long run pero parang pinangunahan kita.”
Ipinilig ni Aaron ang ulo at naguguluhang tumitig dito. “Ba’t ako magagalit din sa ‘yo e para namang ‘di mo ako pinagseselos sa ginawa mo?”
“E paano kung iyon nga intensyon ko? ‘Di ka sure. Ganito lang ako pero malay mo naman, isip bata pa rin ako.”
“I don’t think I could take it against you. Helpful nga ng advice mo kasi ‘di ko rin naman talaga alam pa’no i-handle si Easton at may mga bagay siyang ayaw na outright sasabihin sa akin.”
There was a moment that they were enveloped by silence. Hindi na nila maisip iyong sasabihin pagkatapos pero hindi nagtagal, bagamat walang nagsasalita e nagkaroon sila ng mutual underatanding na lisanin na ang café dahil dumarami na rin ang mga tao. After cleaning up, although they didn’t really have to, Aaron and Wade left the place and walked to the parking lot side by side.
“Ayaw mo bang magpahatid? Dala ko naman motor ko,” alok ni Wade noong malapit na sila sa parking lot.
Aaron shook his head and clicked his tongue. “Salamat sa offer pero malapit lang naman sakayan.” Itinuro nya ang highway na malapit lang din sa parking lot. “Nand’yan lang, o. Madalas din naman daan ng jeep dito.”
“Sigurado ka? Baka mamaya, may mangyari sa ‘yo ta’s sa akin ka hanapin ng bebe mo.”
“Namo.” Hindi nya mabanggit na hindi alam ni Easton itong pagkikita nila ni Wade. “Oo nga pala, pwede mo bang ‘wag banggitin kay Easton na nagkita tayo ngayon?”
“Huh? Bakit naman? E ‘di ba alam naman nyang pumunta ka rito para makipagkita sa ‘kin?”
Aaron hummed. “No, wala siyang alam. Kaya sinasabihan kita kasi baka mamaya, madulas ka. Madalas pa naman yata kayong nagkikita-kita, e ‘di ba kabarkada mo na rin mga kaibigan ni Easton?”
“Nakasundo ko kasi iniwan yata ako no’ng best friend ko ng high school.”
Aaron had let out an ‘urk’ sound when Wade pointed out what he did when they were younger. Noong makita rin ng binata ang pagkasimangot nya, napangisi ito at mabilis na tinapik ang balikat nya. Pabiro pero medyo malakas ang hampas ni Wade sa kanya, halatang may bahid pa ng gigil, e.
Nag-asaran pa sila sandali dahil baka raw noong mga panahon na nakipag-cut off siya kay Wade, nagseselos daw siya dahil ito ang kinuhang boyfriend ni Easton kaya mahina nya itong binatukan. Hindi naman na kasi talaga nya gusto ang nilalang na iyon noong naging sila ni Wade—baga, interesado lang siya, pero hindi nya naisip i-pursue dahil sa paningin nya, salot sa eskwelahan nila si Easton noong mga panahong iyon.
Not that he’d mention this out loud ever again. Alam naman din nyang alam nina Wade at Easton ang pananaw nya noon.
“O sige na, mauuna na ako. Ayaw mo rin namang pahatid e,” medyo nagtatampong sabi ni Wade, dahilan para pakyuhan lang nya ang binata. “Ito naman, natuto na mampakyu! Sana ‘di ka ma-kiss ni Easton.”
Aaron stilled and his eyebrow twitched. “King ina mo!”
Kapag na-manifest nga iyang sinabi ni Wade, sasaksakan nya talaga ng crumpled paper ang bibig nito. Kiss ni Easton ‘yon tapos miminsan na nga lang, hindi pa nya mararanasan ulit?
Kabanata 24
KABANATA 24
ㅤㅤㅤㅤIT’S BEEN weeks since Aaron and Wade met. Dalawang linggo yata halos ang lumipas mula noong ipaalam ni Aaron ang relasyon nila ni Easton mula sa binata at hingin ang approval nito na ipagpatuloy ang relasyon nilang dalawa ni Easton. Magpahanggang ngayon, nasa cloud 9 pa rin siya dahil wala talaga sa bucket list nya ang pagpayag ni Wade. Iniisip nyang mahihirapan siya at hahaba ang prusisyon nila ni Easton, pero mukhang matagal na rin talagang inaasahan noong isa na mahuhulog at bibigay din siya sa ex-boyfriend nito. Or Wade always knew it was possible for Aaron to fall for Easton, he wouldn’t know.
The thing is, although it has been weeks since that discussion, Aaron had never found the right timing to open that topic up with his boyfriend. Hindi naman sa nahihiya, kahit parang kaka-isang buwan lang nila e hindi mahanap ni Aaron sa sarili ang mahiya kay Easton, naikwento na nga nya ang buong buhay nya sa isang iyon e. It’s more like… they didn’t have time to discuss it.
The past few weeks was exhausting—exhilirating but extremely tiring.
“Easton, baby…” halos mamaos ang boses ni Aaron noong pukawin nya ang atensyon ng kasintahan nang oras na makita nya itong nakatayo sa harap ng BDO na bangko.
Napag-usapan nilang magkita ngayon dahil—by all miracles—nasaktuhang nagtama ang schedule nilang dalawa. Nakapag-early out pareho kasi bukod sa tapos na silang abutin iyong threshold nila sa work hours para sa OJT, wala naman na talagang kailangang gawin sa mga lugar kung saan sila temporary na nagtrabaho. Baga, mas malaya na sila ngayong tapos na ang finals.
Aaron heaved a relieved sigh when Easton turned his head to his direction and flashed him a beautiful smile. Parang naibsan kaagad ang pagod nya, nakalimutan nya na parang kamakailan lamang lumipas ang final demonstration nya’t maging ang sleepless nights dahil nangitian na siya nitong mukhang anghel pero maysa demonyo nyang boyfriend.
He smiled when he saw Easton open his arms while waiting for him, as though waiting for an embrace, or probably welcoming him after not being able to see each other for a few weeks.
At sino rin ba siya para tumanggi? Nang makita nyang ganyan si Easton, mas binilisan nya ang paglakad nang sa ganoon ay maikulong kaagad ang sarili sa mga yakap nito at vice-versa. Hinigpitan pa nga nya kaagad ang yakap kay Easton noong mahila nya ito palapit sa kanya. Ibinaon nya ang mukha sa leeg nito at hindi napigilan na amuyin iyong mamahalin nitong cologne. Mahina pa nga siyang natawa dahil sa likod ng isipan nya, may mga alaala siyang parang naaamoy nya si Easton kahit nasaan siya.
Nakalimutan nya anong tawag sa ganyang phenomenon. Pero kapag nami-miss nya si Easton, minsan bigla na lamang nyang naaamoy ang pabango nito. Wired na sa kanya.
“Hindi halatang na-miss mo ako…” Easton teased, which earned a low whine from him, and that made his man chuckle. “I thought ‘di mo ako mami-miss, I always thought you’re quite nonchalant.”
“Nonchalant kanino? Sa ‘yo? Bui, alam nating pareho na patay na patay ako sa ‘yo,” mabilis nyang sagot.
Easton snorted. “Patay na patay…? To the point ba na itatapon mo na sa wakas ‘yang belief mo para maging tayo na talaga?”
Yes. Of course—he already did na nga e. Imbes na sumagot ay bahagyang humiwalay si Aaron mula kay Easton, ‘tsaka nya napansing may mangilan-ngilang nakatingin sa kanila pero hindi na lamang nya pagtutuunan ng pansin ang mga iyan. Baka naiinggit lang dahil walang mga kayakap samantalang siya, nayakap na sa wakas ang boyfriend nya. It took them some time, no.
Aaron held Easton’s waist and somehow, at the back of his head, he was thinking how it fit his hands perfectly. Parang gawa talaga para hawakan nya, gago. Anyway, this is a random thought—something beyond his point and what he was supposed to say.
“May pag-uusapan nga pala tayong dalawa mamaya… pero mamaya na ‘yon,” panimula nya.
Kumunot ang noo nya nang lumaki ang mga mata ni Easton at bagamat maputla na nga ito, ikinabigla pa rin nya ang mas lalong pagtakas ng kulay sa mukha nito.
“Ba’t ka namumutla? ‘Di naman bad news ang sasabihin ko sa ‘yo,” aniya bago nya ito tinaasan ng kilay.
Doon pa lamang parang nakahinga nang maluwag si Easton, tapos kinurot nito ang braso nya. “Hindi mo kasi linawin, para kang tanga e. Kinabahan ako, akala ko nakikipag-break ka na sa ‘kin.”
“No… probably not ever too.”
Aaron smirked when he saw the astonishment on Easton’s face. Ibinuka rin nito ang bibig para magtanong pero hindi na hinayaan ni Aaron na mangyari iyon dahil baka bumigay siya’t masabi agad lahat ng good news dito ngayon. E ang gusto pa naman nya sana, kapag tapos na silang kumain at lahat, kaya lumapit na lamang siya sa binata at mabilis na humalik sa mga labi nito.
It was just quick. Tatagalan nya iyan kung wala sila sa public place pero dahil maraming mata ang mainit na nanonood sa kanila, hinawakan nya ang kamay ni Easton at sinimulan na itong hilain. Baka ang sabihin pa kasi ng iba Riyan mamaya, sa tapat pa talaga sila ng bangko lumandi. Mahirap na, baka habulin pa sila ng guard.
“You just didn’t want me to ask, did you?” panghuhuli sa kanya ni Easton.
Mahina siyang tumawa’t tumango. “Kung alam mo, shut up ka muna. Marami naman tayong oras ngayon e. Kahit kailan natin pag-usapan ‘yan.”
After saying that, Easton walked closer to him and clung to him, holding his arm as they held each other’s hands tighter, somehow finding themselves entwining their fingers together.
“Sa weekends, makikitulog ako ulit sa inyo. Nami-miss ko na si tita pati si Ridge,” pag-iiba ng usapan ni Easton. “Also, sa’n mo gustong kumain ngayon?”
“Hindi ko alam ba’t pinapaalam mo pa ‘yan samantalang wala naman kaming pakialam kung bigla ka lang lilitaw sa harap ng bahay para makitulog.” Nagkibit balikat siya. “Sasabihin ko sana sa food court pero eh, alam ko ayaw mo ro’n kasi maarte ka.”
“Hindi sa maarte, okay. Talagang wala lang akong food na prefer do’n bukod do’n sa bibimbop. The thing is, I’ve just eaten that last time na nakipagkita ako kina Wade.”
“Nagkita kayo nina Wade…?”
Wala sa ugali ni Aaron ang mag-alala. Tiwala rin naman siya kay Wade na hindi siya nito papangunahan na sabihin kay Easton na ipinaalam na nya ang relasyon nilang dalawa. The thing is, that guy has a loose mouth. Kung nadulas ito by accident, edi hindi na pala surpresa ang sasabihin nya sana.
That would be… disappointing in his part.
Kunot noo na nag-angat ng tingin si Easton sa kanya. “Oo, I think that was last weekend? O noong Friday. Alam mo, nairita pa nga ako kay Wade no’n kasi panay iyong tingin sa ‘kin ng nakakaloko ta’s panay asar sa ‘kin pero hindi naman nagbibigay ng context.”
Putang ina ng isang iyon! Paano kung makahalata si Easton niyan e hindi rin naman bobo ang isang ito? Sigurado si Aaron na may rough idea na ito lalo na’t nabanggit na nyang may pag-uusapan sila mamaya. Hindi tuloy nya naiwasan ang mag-iwas ng tingin nang sa ganoon, maitago ang pagka-bad trip nya.
“W—wait. Why are you making that face? ‘Wag mo sabihing nagseselos ka kay Wade…? Gusto mo ba akong umiwas sa kanya? I could do that,” medyo natatarantang sabi ni Easton bago nito hinawakan ang baba nya para iharap ang mukha nya rito.
Bahagyang namilog ang mga mata ni Aaron sa narinig. Hindi nya naisip na ganoon ang impression kay Easton kung bigla siyang sisimangot dahil lang narinig nyang nagkita sila ni Wade—dahil hindi, kahit kailan ay hindi magiging dahilan ng pagseselos nya ang isang iyon lalo na’t alam naman nya na kahit may nararamdaman pa iyon kay Easton, wala na itong balak i-pursue ang binata.
Despite the pout that his lips formed into because Easton decided it was better to squish his cheeks and looked at him with a furrowed forehead, Aaron forced himself to speak. “Ba’t naman ako magseselos kay Wade e ang tagal na naming magkakilala, matagal na rin naman kayong break?”
“Are you sure? Bigla ka kasing sumimangot no’ng nabanggit ko interactions namin ni Wade.”
“Misunderstanding lang, ‘di naman ako nagseselos kay Wade. It’s just… napaisip lang ako.”
“Tungkol sa?”
“…Kung anong kakainin natin,” he lied. Hindi nya kasi masabing naipagpaalam na nya iyong relasyon nila. Naduduwag pa siya ngayon.
Tinaasan pa siya ng isang kilay ni Easton pero mas pinili ni Aaron ang ngumiti, hawakan ang braso nitong nakahawak sa baba nya, ‘tsaka iyon inalis nang sa ganoon ay makapagpokus na rin siya sa paglalakad. Halos dumating na rin kasi sa puntong muntik na siyang may mabanggang kano dahil iyong mga mata nya, kay Easton naka-focus at wala sa daan.
“Nakapagdesisyon ka naman kung sa’n tayo kakain?” kunot noong pag-uusisa ni Easton.
Bumuntong hininga siya’t mas binilisan ang pag-iisip. “May ramen shop dito, a. ‘Di ko pa nata-try ro’n. Meron din namang mga Japanese o Korean restaurant sa paligid ng SM kung ayaw mo. May Mang Inasal, Chowking, merong Jollibee—Wendy’s ‘tsaka KFC na nadaanan na natin.”
“Mag-Mang Inasal tayo? Bigla akong nag-crave ng lechong manok, asawa ko.”
Fuck. The way his insides churned and it became too difficult to keep a straight face when Easton suddenly called him his husband endearingly—hindi na lang talaga alam ni Aaron kung paano nya pipigilan ang ngiti kaya kalaunan, hinayaan na lamang nyang kumawala iyon at kumurba ang isang malawak na ngiti sa mga labi nya.
Mukhang nahawa rin si Easton dahil natigilan ito sandali at natawa sa reaksyon nya.
“Ang cute mo kiligin, ano? Pinilit mo talagang magmatigas,” nanunudyong anito.
Aaron blew out a trill. “E ikaw na ‘yan, malamang automatic na natatanggal angas ko.”
“Pati sana katigasan ng ulo kasi gusto ko talagang magtagal tayo and if possible, pakasalan mo ‘ko.”
Pati iyan, natanggal na—ang hirap namang ibanat dahil nagugutom na si Aaron at kahit paano, alam naman nya ang priorities nya (pagkain). Hindi bale, magkakaoras din silang dalawa mamaya para pag-usapan nang masinsinan itong bagay na ito. Or whatever, pupwede naman nyang i-open habang kumakain sila para good mood sila pareho habang lumalamon.
Yeah, Aaron thinks that will be better.
Noong makarating silang dalawa sa Mang Inasal, medyo kabado pa silang dalawa dahil natural talagang matao rito. Mabuti na lamang at mukhang exemption ang araw na ito dahil matapos nilang mag-place ng order, may nahanap kaagad na mauupuan si Aaron. Halos lakad takbo pa ang ginawa nya, muntik pang naiwanan si Easton, dahil nakikipag-agawan talaga siya ng pwesto.
Nang ma-secure nya ang uupuan nila, nilingon nya ang boyfriend nyang tawang-tawa naman noong makita siyang pirmeng nakaupo at walang pakialam doon sa makikiagaw sana ng upuan sa kanila.
“Gago ka, ‘di ba mas nauna silang dumating dito?” tanong ni Easton sa kanya bago ito umupo sa katapat na upuan nya.
Pilyong ngumisi si Aaron at nagkibit balikat. “Hindi a, mas nauna tayo. ‘Tsaka ‘wag silang tumingin ng masama sa ‘kin, kasalanan ko bang ang bagal nila kumilos?”
“Sira ulo.” Inilapag ni Easton iyong parang number nila sa lamesa kasabay ng resibo nila. “Ihahatid naman daw dito. Ang dami pala ng in-order mo, ano?”
“Nagutom ako e. Sabi ko nga ako na lang din magbabayad ng halo-halo mo kaso ayaw mo naman magpalibre sa ‘kin.”
“Malamang. Akala ko ba, naubos na rin iyong budget mo dahil sa final demonstration mo? I can’t possibly burden you by having you pay what I ordered pa ‘no.”
“Halo-halo lang ‘yon? I can manage.”
Noong irapan siya ni Easton, hindi napigilan ni Aaron ang magpahalumbaba’t makyutan na lamang sa boyfriend nyang parang nagpapa-cute sa kanya. Ngiting-ngiti pa siya pero mukhang nailang naman si Easton dahil hindi raw sanay na ganoon siya tumitig dito. Palibhasa, nasanay ding lagi siyang nakasimangot e hindi naman siya 24/7 na ganoon ang itsura.
Anyway, they started to catch up with the two weeks they were unable to talk to each other properly. Nitong mga nakaraang linggo lang din naman halos ang finals nila tapos si Aaron, kaya maagang umuuwi nitong nakaraan e dahil periodical test na rin ng mag estudyante nya. Si Easton naman, pinatapos na sa kanila ang last pile ng trabaho na meant para sa kanila tapos halos wala na ring pinapagawa ngayon.
“Sabi mo kanina, may sasabihin ka?” pag-iiba ng usapan ni Easton matapos dumating ang in-order nila.
Tinapos ni Aaron na iligpit ang mga gamit nila sa lamesa nang sa ganoo’y maginhawang mailapag ang mga kakainin nila. Noong maayos na lahat, sinabihan pa silang ihahabol na lamang daw iyong halo-halo dahil marami raw ang nag-order. Edi okay, hindi rin naman nagmamadali si Aaron dahil balak nya sanang marami siyang kakainin ngayon.
Going back to what Easton mentioned a while ago. Should he say it now?
Gusto pa sana nyang magpa-suspense effect pero kung susumahin, mas maganda na yata ang timing ngayon dahil kakain na silang dalawa. Mukhang matagal-tagal din sila niyan dito at mababagot silang dalawa kung bukod sa mga buhay nila, wala silang ibang pag-uusapan.
“Yeah, naalala mo no’ng nakaraan na dapat magkikita tayo dahil maaga akong nag-out pero nag-back out ako dahil nagkaroon ako ng ibang plano?” panimula nya.
Easton hummed as he prepared himself to eat. “Oo naman. Related ba ‘yon sa pag-uusapan natin ngayon?”
“Oo, sobra. Marami kasing nangyari no’n…” then he paused and trailed off. “It’s just half a day but I guess I could consider what happened that time as eventful, no? Anyway, for context—before that, I had a heart-to-heart talk with Ridge.”
Noong tapunan siya ng side eye ni Easton, hindi nya naiwasan ang mapatawa pero hindi naman ito nag-comment kaya hindi na rin naging defensive si Aaron. Though, he did explain why.
“Noong nakaraan kasi, halos umiyak ka habang iniisip na malapit na tayong grumaduate,” aniya pa.
Namamangha siyang pinagmasdan ng binata. “S—seryoso ka ba? Ngayon mo talaga ibi-bring up ‘yan?!”
“Diyan kasi talaga nagsimula.”
Aaron then explained what happened. Nagsimula siya sa kung paano hindi naalis sa isipan nya iyong halos maluha si Easton habang iniisip na malapit na silang grumaduate tapos wala siyang maibigay na assurance na pipiliin nya ito. Kung paano siya kainin ng konsensya pati ng posibleng negatibong dulot sa kanya ng desisyon nya kung sakaling wala pa siyang gagawin—natawa pa nga si Easton noong marinig na natulala siya sa kisame habang binabalikan ang nangyari noong huli nilang date.
“Pagkatapos niyan, nag-usap kami ni Ridge. Ang sabi nya sa akin, kung gusto naman talaga kita, bakit hindi ako mag-take ng risk? Kako kasi, ang hirap dahil nga… ex-boyfriend mo si Wade at bagamat madalang kami mag-usap noong isa, naiku-consider ko pa rin siyang kaibigan ko,” pagtutuloy ni Aaron.
Easton was attentive the whole time. Hinayaan siyang magkwento, minsan hihimig ito, pero mas pinili nito ang manahimik at kumain habang paminsan-minsa’y tatapunan siya ng tingin para ma-assure siyang nakikinig pa rin ito sa kanya. Ang cute lang, ayaw kasi nitong isipin nyang hindi siya nito napapansin.
“So, anong sinabi ni Ridge?” kalauna’y tanong ni Easton noong mapansin ang pananahimik nya.
Aaron smiled before he chuckled. “Kausapin ko raw si Wade. Kung papayag, edi sige. Kung hindi, bahala na raw ako gumawa ng paraan kung gusto kong akin ka lang.”
Perhaps, it was his last words that affected Easton, but he saw his boyfriend pause and look at him with such astonishment that he couldn’t describe. Kahit si Aaron, naaaliw na napatitig sa binata. Pinanood nya rin kung paanong sa wakas, napinturahan ng kulay pula ang mga pisngi ni Easton. Gustung-gusto pa naman nya t’wing napapakilig o naaapektuhan nya ito sa paraang hindi kaya ng iba.
“What do you mean gusto mong sa ‘yo lang ako?” halos hindi siguradong tanong ni Easton.
Ngumisi siya’t nilunok muna iyong kinakain nya. “It is what it is. Ano pa bang ibang ibig sabihin no’n?”
“Gusto mo na ‘kong maging boyfriend mo…? Like, for real ba?”
“Boyfriend naman na talaga kita—for real. Ang problema lang naman talaga nating dalawa e ako pati iyong permiso ni Wade, hindi ba?”
Noong halos mahulog ang panga ni Easton sa sinabi nya, mas lalong lumawak ang ngiti ni Aaron.
“Kaya ako na-bad trip kanina e dahil parang nagpahiwatig si Wade sa ‘yo. Though, I really hoped that you haven’t pieced out the puzzle yet until now,” he continued.
Easton’s forehead furrowed and he looked at the table, bringing his food down even, as if he was in the middle of processing the information that Aaron had told him. It took him a few minutes—hindi alam ni Aaron kung gaano katagal bang napaisip si Easton pero noong mag-sink in ang lahat dito, namamangha itong nag-angat ng tingin sa kanya at halos mahulog ang panga.
“You talked to him last time?” Easton slowly asked, as if he was hesitating and unsure.
Marahan siyang tumango. “I realized I am really in love with you, East. ‘Di ko na yata kayang wala ka sa tabi ko… Baka ikabaliw ko kung imagine-in ko pang sa iba ka mapupunta at hindi sa ‘kin.”
Easton was rendered speechless. Nangilid ang mga luha nito at nagmamadaling pinunasan ni Aaron ang mga kamay nya gamit ang tissue, bago nya iniabot iyong iba sa boyfriend nya. He intended on wiping Easton’s tears pero paano nya iyon gagawin kung mamantika ang mga kamay nya, hindi ba? Buti na lang at ang ginamit na lamang ng boyfriend nya e ang braso nitong walang bahid ng chicken oil.
Easton sobbed. “Sira ulo. Ngayon mo rin talaga sinabi sa ‘kin? Nahirapan ka tuloy na punasan luha ko.”
“Innovative ka naman. Napunasan mo naman na o,” panunudyo naman nya.
Pareho silang natawa pero hindi nagtagal, nanahimik din si Easton at tila ba nalunod sa mga iniisip nito. Though, he still had a ghost of a smile playing across his lips. Kalaunan, bumuntong hininga ito—para bang nabunutan ng tinik sa dibdib, parang ngayon lamang nakahinga nang maluwag.
“I would kiss you once we get out of here,” Easton then said in his usual authoritative voice. “I really want to kiss you, Ron.”
“Save it for later. Nagutom ako ulit kakakwento sa ‘yo e,” aniya bago nya nginitian ang binata. “I also want to kiss you so bad.”
“Akala ko pa naman, ‘di mo ako pipiliin against your belief.”
Iyon din ang akala nya. Mahinang tumawa si Aaron at tumitig sa gwapong mukha ni Easton. Ini-in take na naman ang itsura nito na parang daily medicine nya, iyong paraan kung paano ito ngumiti at magsalita, kung paano gumalaw ang Adam’s apple nito kada paglunok. Hindi na lang talaga mapigilan ni Aaron ang mapatitig sa boyfriend nya, pati imagine-in na hawakan ito dahil hindi nya magawa ngayong kumakain pa silang dalawa.
“I realized I’ve always been addicted to you—your presence, in general. It was just that… I thought it was for the best if
I won’t say I’m in love with you
,” Aaron began before he chuckled. “I was lying to myself. ‘Di ko kaya na wala ka so… wouldn’t you be my real boyfriend this time?”
Easton snorted and rolled his eyes. “Ang pangit ng timing mo, ano? ‘Di romantic. But yes. I always wanted to be yours, Aaron.”
Kabanata 25
KABANATA 25
ㅤㅤㅤㅤEASTON SOMETIMES feel like he’s still on cloud nine. If he thought about it, although he was risking his heart just so he could get close to Aaron, he wasn’t actually holding on to the idea that Aaron would choose him over his morals. In his head, what was more important during the times they were together was that he was spending some of his time with the man he loved since high school and that he could experience being his boyfriend even for a short time.
Ilang beses kasi siyang dinalaw ng what if’s nya. Paano kung hindi mag-work out, anong gagawin nya? Easton had a lot in mind. He was even considering moving to the US in case Aaron wouldn’t choose him because he couldn’t bear the thought of living in the same place where his first love broke his heart. Over time, he had come to accept that if none of his antics worked out and Aaron decided it was better to break up on their graduation day, he would cry his heart out and get over it after some time.
So, yeah. When Aaron told him that he already talked to Wade—whom Easton had expected to give his approval if Aaron just asked before ghosting him—he felt like he was floating. His heart fluttered when Aaron flashed him that very same manly grin he used to admire from afar when they were in high school. His heart felt full, in a positive way, that everything felt like a dream. He was overjoyed and though Easton would have accepted Aaron as his karma for hurting Wade, there and then he thanked the heavens for allowing him to stay with the man of his dreams.
Natigilan si Easton noong bigla na lamang may humapit ng bewang nya. Napasinghap pa siya habang iyong mga kabarkada nya, natawa’t nagsimulang mang-asar noong makita ang nangyari. His friends’ reaction seemed playful, so it didn’t really cross his mind that the person who held his waist wasn’t a stranger. It’s safe to assume that it was his beloved boyfriend, Aaron.
“Asus! Ayan na naman si Easton, bumi-bebe time na naman kahit kuhaan ng graduation pic!” komento ng isa sa mga kabarkada nya bago umaktong pinapaalis na siya.
Tumawa ang iba pa nyang kaibigan. “Dali na, East! I-entertain mo na nga ‘yan, kanina pa ‘yan nagpapapansin sa ‘yo nasa katapat na pila lang naman siya.”
“Dogshow naman kayo,” sagot naman ni Aaron. “Parang iniisip ko lang kailan ko pwede hiramin kasi kanina nyo pa dinadaldal e.”
“Dali na, hiramin mo na!”
Lutang pa siguro siya pero wala talaga siyang maikomento habang nangyayari ang mga kaganapan na iyan. Napagtanto na lamang nya lahat nang lingunin nya si Aaron tapos bigla siya nitong ngitian—halos manghina pa ang mga tuhod nya dahil ang gwapo ngumiti ni Aaron, pati iyong isa nyang kaklase, napatili e. Tinapunan pa nya ng masamang tingin para kumalma.
Hindi nagtagal, siya pa ang humila kay Aaron. Medyo maraming tao ngayon sa hallway dahil schedule nga nila pang-graduation pictorial at nasaktuhang sabay ang courses nil ani Aaron. Nataunan din na may naunang ibang course kina Easton kaya halos magkasunod sila sa pila. Nauuna lang sina Aaron.
“Ito naman, napakaseloso. Para namang maaagaw ako no’ng kaklase mo kung ngingiti ako,” pang-aasar ni Aaron pero tinapunan nya lang din ito ng masamang tingin.
Easton harrumphed but he later on chuckled, finding himself childish. “Alam ko namang ‘di ka maaagaw ng isang ‘yon. He was just being too noisy e ngumiti ka lang naman. Why the hell are you too handsome, anyway? Iyan tuloy, kahit may label na tayong opisyal, ang dami ko pa ring kaagaw sa ‘yo.”
“Says you. Kanina ka pa nga tinitignan ng mga tiga-ibang major sa ‘min.”
“I don’t care about them.”
“Likewise. I don’t care about your classmate. Kaya ‘wag ka na magsungit, may itatanong pa naman ako sa ‘yo. Urgent. Dire. Kailangan ko kaagad maayos na sagot sa ‘yo,” seryosong sabi ni Aaron bago nito hinawakan ang magkabilang balikat nya.
Biglang kinabahan si Easton. He made a face and he opened his mouth to ask something, but he hesitated for a few minutes before voicing out his thoughts. “You’re not… breaking up with me, right?”
Aaron’s forehead furrowed and stared at him incredulously. “Sa’n mo naman nakuha ‘yan? Pinagpaalam na kita kay Wade at lahat, nakuha mo pang isipin na makikipag-break ako?”
“I was just making sure!”
“Hindi, tanga.” Bumuntong hininga si Aaron bago siya marahang binitawan. Ipinagkrus din nito ang mga braso bago siya tinapunan ng mapang-asar na ngiti. “Tatanungin lang sana kita kung sa graduation pics ba na freestyle, gusto mo bang picture nating dalawa? Like, apat na iyon sa set na ‘yon. You can go solo sa dalawa, then have the two photos with me?”
Now that was his turn to look at his boyfriend ludicrously, yet strangely astonished by his wondrous idea. Nawala iyong medyo inis na nag-distract sa kanya kanina dahil sa kaklase nya, all he could think about are the possible poses they would do in front of the camera later.
“Can we kiss in front of the cam–” bago pa man nya matapos ang tanong ay inagapan siya agad ni Aaron habang umiiling ito.
Aaron raised a brow. “Baby, graduation pictorial ‘to. Calm your hormones. Baka mag-kiss lang tayo, kini-kick out na tayo ng venue agad. Let’s be decent… Kahit ang tempting din ng idea mo.”
“I know right.”
Pareho silang nagkatitigan sa isa’t isa bago sila natawa. Kalaunan, ang sabi ni Aaron e sa labas na lang ng venue ng graduation nila sila magpa-picture ng gano’n, kapag tapos na iyong graduation nang sa ganoon, baka maganda rin ang background. Pumayag na lang din si Easton dahil sino pa ba ang tatanggi sa kanilang dalawa e tapos naman na ang graduation no’n.
Easton also agreed to their pictorial antics for today. Bale, dalawang pictures na magkasama sila sa turns nilang dalawa, dalawang solo. Easton even bargained kung pwede bang sa lahat na lang ng freestyle photos nya kasama si Aaron dahil ito naman talaga ang gusto nyang i-flex pero ang sabi ni Aaron, gusto rin nitong magkaroon siya ng pictures na siya lang.
Aaron was out there still thinking that he should prioritize himself, while Easton’s out here wanting his boyfriend to be involved in everything.
“I would be involved in your everything,” Aaron began, reassuring him that it should be alright to have solo photos during the freestyle set. “Hindi lang naman sa litrato, Easton. I just wanted you to have something to look back to when we’re older. Like, hindi lang iyong tayong dalawa ngayong nagsisimula tayo. Kung ‘di pati sarili mo dahil magsisimula ka rin naman ng bagong kabanata sa buhay mo pagkatapos ng graduation natin. And I’ll be with you. Always .”
The way Easton stood on his place while staring and watching Aaron as he took his hand and brought it to his lips, planted a kiss at the back of his hand but his eyes remained on Easton’s, making sure he was obvious that he was being genuine about what they have—and that he’d stay even though Easton won’t ask—that somewhat brought tears on his eyes.
Hindi iyakin si Easton pero may kung ano sa mga sinabi ni Aaron na umantig sa puso nya kaya nanlabo itong mga mata nya’t pakiramdam nya e maiiyak siya anumang oras. Ito namang boyfriend nya, nag-panic kaya mabilis siyang tinakpan at niyakap noong may dumaang mga estudyante. Ang defensive pa nito nang sabihin sa mga ito na hindi sila nag-away dahil siguro tinapunan ito ng masamang tingin.
Mahinang natawa si Easton bago nya hinampas ang braso ni Aaron. “Were they giving you the look ?”
“Oo, gago ka kasi. Akala niyan nila, nag-away tayong dalawa. Kilala ka pa naman.” Umikot pa ang mga mata ni Aaron bago ito bumuntong hininga. “Anyway, nagtatampo ka ba dahil hindi ako pumayag sa gusto mo? Kaya ka umiiyak? I—I could adjust naman. Sige na, sasama na ako sa lahat ng freestyle photos mo, ‘wag ka lang umiyak.”
“No! ‘Di iyon ang iniiyakan ko, gago.” Pinahid ni Easton ang mga luhang muntik tumulo mula sa gilid ng mga mata nya bago nya natatawang kinurot si Aaron. “Ang sweet lang ng sinabi mo kaya naging emotional ako. ‘Di ito dahil tumanggi ka sa gusto ko.”
“Seryoso ba? Baka mamaya sinasabi mo lang ‘yan para hindi ako mag-alala.”
“Seryoso ako. Ang cute mo e ‘no? I wasn’t really crying about those freestyle photos. In any case, I’d get to be in yours din naman kaya that still makes four. And yes, I would want to look back on how you look handsome right now. Baka kasi ten or fifteen years later, kalbo ka na.”
“Pakyu.”
Nagkulitan na lang sila sandali dahil pinakalma siya ni Aaron pero noong nakakapag-isip na nang maayos si Easton at hindi na namumugto ang mga mata kahit hindi naman ganoon kalala ang iniyak nya, nagyaya rin ang boyfriend nyang bumalik na sa kanya-kanya nilang pila. Medyo matagal silang nawala pero hindi pa rin gumalaw iyong pila. Ang sabi sa kanila, late na raw kasing nagsimula iyong ibang course dahil na-late raw ng dating iyong equipment ng mga photographer.
Edi nainis pa si Easton dahil gusto na nyang kasama sa pictures si Aaron.
Though at the same time, it’s good that he has the time to think about how they’d take their photos together.
Nilingon ni Easton si Aaron na noo’y bumalik na sa orihinal nitong pila. Natagpuan nya ang binatang nakikipagbiruan sa mga kaklase nito tapos hihikab—an act he didn’t expect because it’s been ages since he last saw his man yawn. Nahiwalay kasi sila sa isa’t isa ng ilang buwan ta’s kapag nagkikita sila, parang gising na gising diwa ni Aaron kahit bakas sa mga mata nito ang pagod. So yeah, he was a bit surprised.
Mukha namang napansin ni Aaron ang matagal na pagtitig at panonood nya rito kaya tumingin din ito sa direksyon nya. Muli ring ngumiti ang binata nang magtama ang mga mata nila, na siyang dahilan para mapangiti rin si Easton, bago ito sumenyas sa kanya ng paparisukat—indicating na pinapaalala nito iyong gagawin nila mamaya sa graduation photo nilang dalawa.
Hindi naiwasan ni Easton ang ngumiti. Ang cute naman ng boyfriend nya. Now, he can’t wait to take graduation photos with him.
ㅤㅤㅤㅤEASTON FLIPPED the page of the photo album he was holding and saw the old graduation photos he and Aaron took back when they were about to graduate from college.
Napangisi siya noong makita ang mga litrato dahil halos sa mga iyon, impromptu. They looked so proud and happy and young. They were practically being cute in front of the camera and Easton could still vividly remember how he sulked when he wanted more photos with Aaron.
When Easton had the long face after they both took their graduation photos, Aaron squeezed his cheeks and said: “Aga mo magtampo parang ‘di mo ako makakasama nang matagal, a? Baka nga habang buhay pa tayong dalawa magkasama.” And suddenly, his mood went brighter.
Kung naisip kasi ni Aaron na magkasama silang dalawa nang matagal at posibleng panghabang buhay pa, ibig sabihin na-imagine na nito ang sarili na si Easton lang ang kasama. Na sa kanya lang ito bubuo ng mga pangarap at sa piling lang nya mananatili—and true to his words and that promise which Easton used to cling onto, Aaron stayed.
Natigilan siya noong maramdaman nya ang bahagyang paglubog ng kutson sa back rest ng sofa na inuupuan nya. Then he heard someone loudly sipping his drink, and Easton slowly turned his head upwards to check if it was his husband behind him.
“Tinititigan mo na naman ‘yang graduation photos natin,” panimula ni Aaron bago tinuro ang itsura ng nakababatang sarili na nasa litrato. “Naaalala mo pa ba, sabi mo noon titignan mo talaga ‘yan lagi para malaman kung makakalbo ba ako ten years from then. Buti na lang hindi ka paborito ni Lord, intact pa buhok ko.”
Napahagalpak ng tawa si Easton dahil sa biglaang banat ng asawa nya—then, he paused. Wait, that sounded really cute. Iyon lang, nang bigla siyang tumigil sa pagtawa e naguguluhan din siyang tinitigan ni Aaron, na para bang may ginawa siyang hindi maganda.
“Tang ina, tatawa ta’s biglang titigil. Baliw ka ba?” mapang-asar pa na sabi ni Aaron pero mabilis nyang inabot ang asawa’t kinurot sa pisngi.
Easton flashed him a sweet yet threatening smile. “Hindi ako baliw, may naisip lang talaga ako kaya bigla akong napatigil.”
It took some time for Easton to let go of Aaron’s cheek, so in a quite muffled voice, his husband replied: “Anong naalala mo?”
And that was also the only time that Easton had let go of his cheeks. Noong mas kalmado na siya, ‘tsaka nya tinapik-tapik ang pwesto sa tabi nya. It didn’t also take a lot of time for Aaron to get what he was trying to say, so his husband immediately walked around the sofa and sat in the space beside him.
Kaagad na bumaling si Easton sa balikat ng asawa’t ishinare rin ang photo album dito nang makita nito.
“Ewan ko kung naaalala mo rin pero ‘di ba no’ng mga panahon na ‘to, nagtatampo pa ‘ko kasi ba’t ayaw mong sakupin lahat ng freestyle set na maging litrato nating dalawa?” panimula nya.
Humimig si Aaron at muling sumimsim sa iniinom na kape. “Yeah, I still remember. ‘Di mo lang talaga pinapahalata pero nakasimangot ka the whole time na pinipilit kitang mag-solo.”
“Because I didn’t really want to.” Easton heaved a deep sigh. “Kaso ang sabi mo sa ‘kin no’n, para naman makita ko rin itsura ko from the years that’ll pass since this was taken. Then you said it was alright if we can’t take a lot of photos during the graduation pictorial because we’d spend more time together and could take various photos, anyway.”
“May point naman ako, a.”
Aaron took Easton’s hand that was holding the pages of this specific section in the photo album before flipping it over again.
The next photos show their first date as working adults. Easton was the one who asked if they could go somewhere, kaya nag-Tagaytay silang dalawa. They were out there taking aesthetic photos and some of it, as far as Easton could still remember, he and Aaron used as their matching profile photos in their social media accounts.
“You skipped the photos from our graduation event,” pagpupunto nya.
Aaron only smirked. “Gusto mo lang titigan ulit iyong hinalikan kita sa labas ng venue kasi paiyak ka na.”
“We both know the reason why…”
“I genuinely didn’t know you remembered, alright. Naghi-hesitate rin ako no’n dahil ang daming tao sa labas ng venue.”
Hindi na lang siya magku-comment. But Easton still finds that photo hilarious, adorable, and sweet. Hinalikan siya ni Aaron dahil nangako itong hahalikan siya sa labas ng venue ng graduation nila—to which Easton thought his boyfriend ultimately forgot, but it turned out the guy was wrapped in cowardice and hesitation; if Easton hadn’t expressed his frustration, Aaron wouldn’t have kissed him there.
“Alam mo, ang sungit ng tingin sa ‘yo nina Ridge pero batak ka rin talaga magpa-baby sa akin,” puna pa ng asawa sa kanya.
Siya naman ang napaismid. “They’re valid. Sa ‘yo lang naman din ako nagpapa-baby.”
“Oo pero ‘di nakakatuwa iyong mga panahong… ewan ko sa ‘yo. Ayoko na lang i-bring up, naiinis pa rin ako kapag naaalala ko.”
Easton caught Aaron’s chin and turned his head to him. Even so, his man’s eyes stayed on the photo album, flipping pages over and over, Aaron only looked at him when he found a specific page he seemed to be looking for.
Medyo nagtampo siya dahil ayaw tumingin sa kanya ng asawa kanina pero baka naiinis talaga ito sa t’wing maaalala iyong ginawa nya rito noon. After all, there was a time where Easton’s sickness almost had him—he was overworking, day and night, and with a fragile body like his, he often got hospitalized. It didn’t even help that the doctor kept reminding him that he wouldn’t live long, and the fear he felt after realizing that he might leave Aaron early had him.
…Over the years they’ve been together, Easton couldn’t count the times he tried to break up with Aaron. He even came to the point of thinking about ghosting him instead, since this man refused to let him go and would rather ‘spend the time Easton had left’ with him.
“Kapag hinalikan kita, ‘di ka na ba magagalit sa akin?” malambing nyang tanong kay Aaron, umaasang maiibsan noon ang inis nito.
Aaron scoffed and looked at him, offended, but still nodded. “Ang lakas mo gumanyan, palibhasa alam na alam mo pa’no kunin loob ko e, ano?”
“I’m sorry.” Easton cupped his husband’s cheeks and planted a kiss on his lips. “Lasang kape ka.”
“Malamang, umiinom ako ng kape ngayon.” Aaron heaved a sigh and inched closer this time, placing another chaste kiss on his lips. “Ang sama pa rin ng loob ko sa ‘yo pero ‘di kita matiis. King ina mo.”
“Do you regret choosing me over and over—”
“Tanga ka ba? Kasal na tayo, nasa taas pa iyong marriage certificate. And look,” Aaron paused and pointed at the photo album, to the point where every tap he did made a sound. “We have wedding photos here. ‘Di mo pwedeng bawiin sa akin ‘yan.”
Tinaasan nya ng isang kilay ang binata. “I wasn’t even trying to anymore. Iyong sinabi mo noon, it made sense. If I were to die in the future, I wanted to be in your embrace.”
“Fuck off. Tinatakot mo ako.”
Bumuntong hininga si Aaron at bumaling sa photo album na hawak nya. Binitawan na rin nya ang pisngi ng asawa dahil mukhang ayaw na nito pag-usapan ang mga kalokohan nya noon… which could be good, given the fact that Easton became a notorious heartbreaker after being scared of leaving Aaron behind.
Ang hirap kasi noon. His whole youth was dedicated to Aaron, he loved him a lot, and swore that his heart will only ever belong to him. It hurt when he found out that because of his own recklessness, he might leave Aaron early.
Ayaw nyang maiwan ang binata na mag-isa ta’s siya lang ang mahal? Ayaw nyang maranasan ni Aaron iyong heartbreak kung sakaling isang araw, pareho silang hindi aware na inatake na siya sa puso tapos kahit kaninong santo pa sila magdasal, hindi na siya maisalba. Natatakot siya na iyong huling makikita at maririnig nya e si Aaron na humahagulhol.
Back then, at the back of his head, it might be better if Aaron would be with someone who’s healthier.
It was a hard pill to swallow.
Pero noon lang naman siya desidido. Ngayong ibinalik din nya ang tingin sa photo album at nakita iyong mga wedding photos nila ni Aaron, iyong mga litratong kinuhanan nila habang trip nila around several countries for three months for honeymoon, matagal na nyang nilunok iyong isipin na iyan kasi sa kaloob-looban nya, wala siyang ibang gustong kasama ni Aaron sa ups and downs nito bukod sa kanya.
He was that selfish.
“Ayokong isipin na anytime ka mawawala sa ‘kin. If I look on the brighter side, you’d live long enough to be with me, and grow old with me…” Aaron trailed off before Easton felt a kiss on his temple. “I just have to try harder and if I have to fight all odds, I would just so I could be with you.”
Easton smiled, a lonely yet grateful one. A loving yet regretful curve across his lips. “Sigurado kang ‘di mo ako pagsisisihan?”
“Sira ulo ka ba? Bago pa kita ipinagpaalam noon kay Wade, alam ko na kung anong pinasok ko.”
Pareho silang natawa bago marahang hinaplos ni Easton iyong litrato nila ni Aaron noong graduation pictorial nila. Ibinalik nya kasi roon iyong mga pahina ng photo album dahil paborito nya talagang tinitignan.
“…If I could go back in time, I wouldn’t have hurt you the way I did if I was more confident that you’d stay,” he said before heaving a sigh.
Aaron clicked his tongue. “Pointless na isipin. Nainis na ako sa ‘yo, nasaktan na ako e. Pwede bang mag-move on na lang tayo ta’s makiepal sa kasiyahan ng ibang tao?”
Easton chuckled and closed the photo album as Aaron said. “Sira ulo. Ano bang chismis mo?”
His husband looked at him mischievously and flashed him a playful grin.
“Marami.” His husband sipped from his cup again and let out a heavy breath. “Simulan natin sa love life ng magaling kong ex-student pati sa bago kong apprentice sa trabaho—kina Keegan at Rhysand .”
END.
Special chapters ahead.
CHARACTER PROFILES
Note: I believe this was requested. Maglalagay na lang ako ng reference photos (iyong inspirations from creating the characters) kapag sinipag ems. Charot, ‘pag may naghanap na lang siguro.
PS. Characters lang sa paborito kong rhythm game ang inspiration. HAHAHAHAHAH
CHARACTER PROFILE(?)
edited
Name: Aaron Gonzales Age: 21 (WSIIL), 36 (present/TKG, CS) Birthday: November 2 Height: 6’0“ Gender: Homosexual Career: Head Teacher in English Department, Teacher Relationships: • Easton Mariano – boyfriend (WSIIL), husband (present) • Ridge Gonzales – younger brother • Zamiel Chastain – brother-in-law (present)
During ‘Won’t Say I’m in Love’, Aaron is a college student pursuing Bachelor of Education Major in English. Ever since their father left their family, they were left with a huge debt which forced their mother to work day and night while Aaron was left to take care of his younger brother.
Determined to give his mother and younger brother a better life, Aaron studied hard to gain scholarships from his schools and from the government. He graduated as a summa cum laude by the end of ‘Won’t Say I’m in Love’.
During Chasing Shadows and TKG, Aaron would be seen as the head teacher of the english department in a school around Mabalacat. He’s also married to Easton and was considering adopting children.
OTHERS
• Aaron likes sweets to a certain extent. • He likes to cook and actually has great cooking skills. • Aaron is sensitive to the sun but could endure being under it to a certain extent. • He dislikes bitter food but likes dark chocolate and could also drink black coffee.
Name: Easton Mariano-Gonzales Age: 20 (WSIIL), 35 (present/TKG, CS) Birthday: January 10 Height: 5’10“ Gender: Homosexual Career: Businessman, CEO of Elite Model Agency (EMA) Relationship: • Aaron Gonzales — boyfriend (WSIIL), husband (present) • Ridge Gonzales — brother-in-law (present)
During Won’t Say I’m in Love, Easton would be seen as a college student pursuing his course, Bachelor of Science Business Administration. An only child. He also has a congenital heart disease, which does not allow him to perform heavy activities, and often causes him to stay in the hospital.
Considered as a prodigy, Easton had a history of being a ‘tyrant’ in their school for attempting to improve their school’s students’ behavior in a difficult and strict way— this earned him the student body’s hatred, including Aaron’s, to his dismay.
He graduated as a summa cum laude by the end of ‘Won’t Say I’m in Love’, and had already inherited his family’s modeling agency business during a later timeline. He’s also already married with his first love, Aaron Gonzales.
OTHERS
• Despite being lactose intolerant, Easton would still sneak to eat dairy products, and would end up regretting it. • Aaron spoils him a lot so he doesn’t usually move around their house. • Although he isn’t sporty due to his illness, Easton was a chess player and had become an inter high school champion twice. • Some people said that he has a toxic relationship with Aaron due to their frequent bantering, but one of his love language was to ‘mother’ or nitpick his husband— Aaron realized this the hard way. • Had broken up with Aaron several times during the earlier stages of their relationship. (will be shown in TKG—ZamRidge plot)
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER I
ㅤㅤㅤㅤ“DON’T you want to be a model?”
Out of curiosity, while Easton watched his boyfriend type his lesson plan on his laptop—with Aaron leaning back in his chair, his eyeglasses complementing his face, slim fingers that worked on the keyboard, and his hair tied up in a neat man bun, creating an overall look that was almost too heavenly to ignore—Easton couldn’t help but ask a random question.
It took time for his boyfriend to respond. Nauna nitong ipinilig ang ulo bagamat nanatili ang mga mata nito sa skrin ng laptop, tila ba pinu-proofread ang itinipa sa lesson plan nito, at nang makuntento e ‘tsaka pa lamang nito ibinigay sa kanya ang buo nitong atensyon.
“Ano iyon? Model?” pag-uulit pa ng boyfriend nya.
Tipid na tumango si Easton bago inayos ang pagkakaanggulo ng ulo sa unan kung saan nya ipinatong ang baba. Nasa kama kasi siya ngayon ng binata habang si Aaron naman e nasa study table nito at abalang mag-asikaso ng mga gawain sa trabaho.
Inismiran siya ni Aaron bago ito napailing. “‘Di pumasok sa isip ko. Ba’t mo naitanong?”
“Wala. May modelling agency kasi sina mommy at no’ng high school tayo, muntik ka na nya i-recruit. So I was just wondering if you’d ever be interested if she asked you,” paliwanag nya.
“Nope.”
“Bakit naman?”
“Time consuming.” Humikab si Aaron bago nito inalis ang suot na salamin para punasan ang mukha. “Kung na-recruit man ako ni mommy dati, ibig sabihin magiging jam-packed iyong schedule ko ta’s madalas akong wala.”
“So what…?”
“Bata pa si Ridge at busy si mama,” paliwanag nito bago ito umiling. “Yayaman nga ako pero pakiramdam ko, ‘di rin magandang iwanan sila. Tapos… kung naging busy man ako ‘tsaka naging tayo, pa’no tayong dalawa?”
Easton’s lips pursed and he couldn’t help but stare at his boyfriend. May bahid ng panghihinayang pero hindi nya rin naman masisi ang mindset ni Aaron tungkol sa pamilya nito.
“I mean, pupwede namang tumigil na sa pagtatrabaho si mama if naging model ka, ‘di ba? You’d be stinky rich,” pagpupunto nya.
Humalakhak naman si Aaron. That hearty chuckle, although it made Easton’s heart flutter, something about it sounded off.
“I still don’t want to. Lalo na’t kasama ka na sa factors,” anito.
Hindi naiwasan ni Easton ang taasan ng isang kilay ang binata. “Ron, kahit naman ‘di ka model e busy ka pa rin sa pagiging teacher. Inaagaw pa rin ng trabaho mo iyong oras nating magkasama. Anong pinagkaiba?”
“Iyong ‘di ko kailangang madalas umalis at magpakalayo para mag-shoot ng litrato,” kaagad nitong sagot bago ito nagpahalumbaba sa study table nito at ipinihit ang katawan paharap sa kanya. “Busy nga ako sa lesson plans at visual aids but—I could still offer my physical presence in spite of it. ‘Di katulad no’ng madalas akong wala. Pa’no ako? Mami-miss kita. Baka mabaliw ako ‘pag ‘di kita agad nakita.”
It wouldn’t be an exaggeration to say that Easton’s jaw almost dropped. At the same time, although Aaron sounded too cheesy right now, he still felt his blood rush to his face—and he’s sure as hell that he’s as red as a tomato.
Kainis si Aaron! Porket alam na alam nito kung paano siya kunin, e.
Iirapan sana ni Easton si Aaron nang bumuntong hininga ang binata at ituloy ang sasabihin.
“Isa pa, kahit naman gwapong-gwapo ako sa sarili ko, ‘di naman ako gano’n ka-proud sa itsura ko,” dagdag pa nito.
What?
Namamanghang pinagmasdan ni Easton ang boyfriend. He was in the middle of processing what Aaron had told him because it sounded conceited but at the same time, he sounded like he was self-deprecating.
Ibinuka nya ang bibig para sana magsalita pero naunahan na siya ni Aaron.
“May love-hate relationship ako sa mukha ko. Kahit na may traces na kahawig ko si mama, mas kamukha ko iyong putang inang tatay ko,” diri-diretsong dagdag ni Aaron bago ito marahas na umiling. “Kaya hindi. Ayoko i-publicize gaano ‘tong mukha ko. Kung may makakita sa ‘king kamag-anak sa father’s side ta’s ikumpara ako sa kanya, baka manawa lang din ako agad sa pagiging model na ganyan.”
Noong una, hindi naintindihan ni Easton kung anong sinasabi ni Aaron.
He was puzzled and confused. He couldn’t help but have this expression painted across his face—eyebrows slightly knitting, nose scrunched, and the way he held Aaron’s pillow tighter in his arms was another indication of his confusion.
Nag-iwas siya ng tingin kay Aaron na ibinalik ang atensyon sa lesson plan nito. Easton decided it was best to stare onto the headboard for a while to process what his boyfriend was trying to indicate when his eyes somehow landed on a family photo near Aaron’s desk.
Then it hit him like a truck.
Bagamat ang family photo e si Aaron, Ridge, at ang nanay lamang ng mga ito—nang mapagtantong wala sa litrato ang ama nito, ‘tsaka nya napagtanto ang lahat.
“Is it because you said you look like your dad?” he asked.
Aaron hummed. “Naikwento ko nang carbon copy nya ‘ko, hindi ba? Mula bata ako, ‘yon na naririnig ko. Tapos habang tumatanda ako, mas napapansin kong nagiging kamukha ko siya lalo. Kahit si mama, kahit natatawa siya ‘pag napapansin nya, alam kong ‘di siya kumportable na kamukhang-kamukha ko iyong gagong ‘yon.”
“I don’t think…”
Gusto sanang sabihin ni Easton na pakiramdam nya e mayroong magkakaroon ng pakialam pero hindi rin naman lingid sa kaalaman nyang ayaw ni Aaron sa tatay nito.
The grudge goes back to Aaron’s elementary days. Ang alam ni Easton, seven years old lamang ang kasintahan nya nang mag-uwi raw ang tatay nito ng ibang babae rito sa pamamahay ng mga ito. Aaron mentioned he was under the impression that it was only his father’s friend but as time went by, he realized that his father and that woman did more than what friends do.
Aaron, at a very young age, was exposed to cheating. Doon daw nito natanto ang ginagawang katarantaduhan. Sinubukan pa nga raw siyang ilibre ng tatay nito o hindi kaya ay dalhin sa Star City noon nang hindi magsumbong pero… iyon pa rin ang ginawa ni Aaron.
That ultimately led to a broken family and Aaron shouldering a lot of responsibilities at a young age.
Easton wouldn’t elaborate further as it’s not his story to tell but although his boyfriend was proud of how good he looked, the idea of internally hating what he grew up to look like wasn’t a stranger.
“…I still think you’re you. And I don’t think mama sees you as a ghost from the past,” aniya.
“Thank you,” kaagad namang sagot ni Aaron bago ito tumingin sa kanya at ngumiti. “Anyway, how about Ridge? My brother’s cute. Minsan, tinatanong nya na rin ako tungkol sa pagmu-model.”
Easton blinked in surprise. “Talaga?”
“Oo. I think he doesn’t want to pursue college anymore. ‘Di ko alam kung dahil ayaw nya iyong kurso na kinuha nya o ano pero madalas kong mabalitaan na ‘di siya pumapasok. Kapag naman tinatanong ko, tinatamad daw siya kaya naghanap ng part-time.”
“But Ridge is really smart. Sayang naman kung ‘di nya tatapusin.”
“I know but I don’t really want to hold him back either and force him to do what he doesn’t want to do. Baka wala pa lang sa isip nya ang kumuha ng diploma.”
“Okay.” Easton chuckled. “Sa bagay, you’re here to guide him anyway. ‘Di naman maliligaw ng landas ‘yan si Ridge dahil lang ayaw nya pa magtapos ng kolehiyo.”
“Exactly. So try to scout him. My brother’s cute and good-looking. Lakan madalas noong high school, madalas manalo sa mga pageant sa eskwelahan nila. Mana sa ‘kin, e.”
Hindi naiwasan ni Easton ang mas matawa lalo na noong mag-posing pa si Aaron at taas-babaan siya ng kilay. Ang proud talaga nito sa itsura nito, hindi halatang ayaw din nito sa sarili e.
Noong kumalma ay nagpahalumbaba siya’t pinagmasdan nang maayos ang boyfriend.
Easton really adores this man. He loves him. Sometimes, the way his heart flutters just because he’s around Aaron was unbelievable that it sometimes made him ask if he’s living a fairytale.
“Aaron,” tawag nya ulit sa binata.
Nakangiti itong humimig bago ipinilig ang ulo. “What is it, love?”
Malawak nyang nginitian ang binata. The way he gazed at Aaron was too soft either—it was full of love. “I love you.”
“Sus, maliit na bagay.” Humalakhak si Aaron bago ito umahon mula sa kinauupuan para lumapit sa kanya, lumuhod sa harap ng kama nito bago nito inilapat ang mga labi sa kanya. “Mahal na mahal din kita.”
ㅤㅤㅤㅤEASTON’S biggest mistake was to break up with Aaron and act cold-hearted as he watched his beloved cry and beg not to leave him. There were times he’d done it during Aaron’s biggest days—the celebration after he passed his first masteral, his twenty-sixth birthday, during Christmas, Ridge’s birthday, Easton had already lost count.
Hindi na nya mabilang sa sariling mga daliri kung ilang beses nya kailangang lunukin ang pagmamahal sa binata para lang makipaghiwalay dito.
What hurt most was… Aaron never held him accountable for his actions. Kesyo naiintindihan daw nito pero hindi pa rin ito natutuwa sa kung anong desisyon nya. Kaya madalas nyang hilingin na manawa si Aaron sa kanya’t sumuko nang makapaghanap na lang ng iba.
While it’s true that Aaron was Easton’s life and he spent years yearning, wishing he’d be the end game; fate was not exactly in their favor .
‘You won’t live past thirty because of your disease.’ Sa t’wing maaalala ni Easton ang sinabi ng doktor sa kanya noong huli siyang ma-admit sa ospital, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Si Aaron kaagad ang una nyang naisip.
‘Even if we perform a surgery, there’s no guarantee that it’d extend your life. Rather, it may take it.’ And that frightened the shit out of him.
Ayaw ni Easton na magsayang ng oras si Aaron sa kanya lalo na’t mawawala rin naman siya. Para sa kanya, sapat na iyong maiksing panahon na naranasan nyang makuha ang atensyon ng binata at ang mahalin nito pero… hindi na worth it ipagpatuloy ang relasyon nila kung sa huli e masasaktan lang si Aaron.
Hindi ba’t mas mainam na ngayon nya saktan ang binata imbes na hintayin nila pareho iyong araw na mawala siya?
“Anong ginawa mo sa kuya ko?” galit na tanong ni Ridge sa kanya nang kumprontahin siya nito sa opisina nya.
Dala ng hiya’t takot na malaman ng kapatid ni Aaron kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi nya magawang tignan sa mata si Ridge. Sa halip, pilit nyang ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga dokumentong nasa harap nya.
Pasimpleng lumunok si Easton at nagkunot ng noo, pilit na iniintindi ang mga salitang nakasulat sa papel na hawak nya pero… niloloko lang nya ang sarili nya, e. Na kay Ridge ang atensyon nya, hinihintay nya ang sasabihin nito.
“Nakipag-break ka na naman ba sa kanya? Kuya East—” Bago pa man matapos ni Ridge ang sasabihin e inagapan nya na ito.
“Mind your own business,” aniya sa malamig na tono.
Napamaang ang nakababata sa sagot nya bago nito ikinuyom ang mga kamao. “How can I? ‘Di ko maatim na makitang gano’n si kuya.”
“He’ll get over it,” dagdag pa nya bago nya pinirmahan ang kontratang naitawid nyang intindihin. “‘Di naman ikamamatay ni Aaron kung nakipag-break ako sa kanya. Isa pa, ilang beses naman na akong nag-attempt. Siya lang ang nakikipagbalikan.”
“Pero bumabalik ka rin naman, a?” Pumalatak si Ridge bago ito bumuntong hininga. “Kung ayaw mo na kay kuya, dapat noong unang attempt pa lang na nakipagbalikan siya sa ‘yo e ‘di mo na sana siya sinipat pa nang tingin.”
Hindi sumagot si Easton.
Anong sasabihin nya? Na hindi nya rin naman talaga kayang iwan si Aaron kaya bumabalik din siya?—Kasi iyon naman talaga ang dahilan. During their previous break-ups, Easton just couldn’t… bear the thought of waking up without Aaron beside him. He was weak to him.
Pero ngayon, kaya na nya ang sarili.
He’s stronger now and could hold back his feelings for Aaron this time. Kahit na anong pagmamakaawa ng binata sa kanya na bumalik, hinding-hindi na siya ulit lilingon.
Masasaktan lang sila pareho.
“Pinaglalaruan mo ba si kuya?” namamangha pang tanong ni Ridge.
Naningkit ang mga mata ni Easton pero hindi nya pa rin tinitignan si Ridge. Kalaunan, napalunok siya.
Hindi. Ba’t naman nya paglalaruan si Aaron samantalang simula noong high school, ito ang dahilan kung bakit gustung-gusto ni Easton ang mabuhay nang matagal? Na lumaban? Na makipagsapalaran lalo na sa posisyon nya sa eskwelahan nang mapansin nito?
Hindi biro iyong mga ginawa ni Easton makuha lang ang atensyon ni Aaron—kasi mahal na mahal nya ang isang iyon.
It’s all because of his congenital heart disease.
Simula talaga noong bata siya e marami nang ninakaw sa kanya ang sakit nya. Mula sa magagandang experience, iyong kuryosidad nya na hindi man lang nya kayang i-take risk dahil nakasalalay ang buhay nya, iyong mga eksperimentong gusto nyang maranasan dahil isang beses lang naman siya mabubuhay—ngayon, si Aaron.
Iyong pangarap nya na maging Gonzales. Lahat iyon, unti-unting kinukuha sa kanya ng sakit nya.
He won’ live past thirty? Then so be it. Tanggap naman na ni Easton na hindi kayang iparanas sa kanya ng buhay nyang ‘to na makuha at maitago iyong mga gusto nya.
Baka sa susunod, pupwede na. Pero hindi ngayon.
…And that’s what it makes it more painful because he could’ve just had it all in this life.
“I’ve never pegged you as the type who’d toy with my brother. Mahal mo siya e,” dagdag pa ni Ridge bago ito umiling.
Napaismid lamang si Easton. “I told you to mind your own business. E ano naman kung pinaglaruan ko iyong kuya mo? After the first break-up, I’ve lost all interest already. Pinapakisamahan ko na lang ang kuya mo, Ridge.”
“Stop spouting lies—”
“I am
not
lying,” he coldly replied as he cut off Ridge’s statement. “Siya lang naman iyong ayaw bumitaw sa akin kaya pinakisamahan ko siya hangga’t kaya ko.”
Doon pa lang din nakuha ni Easton ang mag-angat ng tingin para tignan si Ridge.
“Now, are you done? You have a schedule at three o’clock sharp. Don’t be late otherwise I would start considering terminating your contract.” Easton clicked his tongue and forced himself to look annoyed. “I’ve been hearing feedback recently about your performance and it’s affecting my company. Do better.”
Namamangha lamang siyang pinagmasdan ni Ridge. Tila ba hindi makapaniwala sa ‘pagbabago’ nya bago sumama ang timpla ng ekspresyon nito sa mukha’t mas dumiin ang pagkakayukom sa mga kamao.
“You’ve changed. Sana nga maka-move on na lang si kuya sa ‘yo.” Inismiran siya ng nakababata. “Kung ayaw mo na sa kuya ko, ako na mismo ang pupukpok sa ulo nya nang ‘di na siya mabaliw kakaisip sa ‘yo. Sayang lang ang oras nya.”
Fuck.
Easton’s lips thinned after he heard those words from Ridge and there was a sudden pang of pain in his chest. He silently prayed it didn’t show in his expression.
Sana rin ay hindi na nakita ni Ridge dahil tinalikuran naman siya kaagad ng binata at iniwanan sa opisina nya.
Still, fuck that kid.
Nanginginig ang mga labing nagbaba ng tingin si Easton at pilit ibinalik ang atensyon sa inaasikaso nya. His vision blurred—then he felt his tears forming on the corner of his eyes. Bago pa nya mapunasan ang mga iyon e tuluy-tuloy na ang paghulog noon sa lamesa nya.
It’s not like Easton wanted this.
Hell, he didn’t even want to disappoint Ridge. Lalo na’t parang nakababatang kapatid na rin ang tingin nya sa isang iyon. He didn’t want to act cold and heartless. It was against his own self that he had to act like he didn’t care anymore—because he did.
Pero kung ito kasi iyong isa sa mga paraan para maka-move on kaagad si Aaron, lulunukin na lang nya lahat.
“It hurts…” Wala pa man, iyong maisip na maka-move on sa kanya si Aaron at makahanap ng iba e parang iyon pa ang magiging dahilan ng maaga nyang pagkamatay.
His heart hurts.
But if this is the only way Aaron would stop hoping that they’d be together until they grow old, Easton would rather take this path.
Perhaps it was because Easton had been holding back the pain that’s been bothering him but… his chest felt tight. It wasn’t the normal ache, it was— excruciating .
‘Shit. Don’t tell me that conversation—’ Bago pa man nya matapos ang iniisip e nagmamadali nyang hinanap ang gamot nya nang makakalma siya’t hindi tuluyang mahimatay dito o matumba pero bago pa man nya makuha iyon, bigla na lang siyang nahilo nang malala at unti-unti nang nandilim ang paningin nya.
Easton collapsed in his office.
**
Author’s Note: HOY, NATAPOS KO MYGAD. Sorry natagalan talaga ako sa utang kong special chapter pero enjoy reading! Sarap noong angst (end game naman sila, okay lang ‘yan).
SPECIAL CHAPTER II: OLD DRAFT
AUTHORS NOTE: Isa sa pinaka-first drafts ng story nina Aaron at Easton.
Fun fact is—dapat entry ko ‘to sa anthology na physically ipa-publish way back 2023, I think? Pero hindi ko pinasa dahil indecisive ako at ‘di kuntento sa draft na ‘to. Anyway, ilang beses ko rin ‘to nilabas dati bago ko ginawang short story WSIIL. Publish ko lang ulit since nakita ko.
Enjoy reading! Advance Merry Christmas!
PS. Pangalawa ‘to kasi working pa ako sa unang special chapter dapat.
SPECIAL CHAPTER II
Winner Takes All
ㅤㅤㅤㅤ“YOU know what, I don’t know you but I dislike you. A lot,” Easton announced with a sweet smile curled across his lips.
Perhaps love at first sight was too overrated that when Aaron Gonzales and Easton Mariano first met, what they felt for each other was an extreme and inexplicable hate. Ever since their paths crossed and Aaron punched the shit out of Easton for stealing his textbook, they knew that they would never get along.
Aaron smirked, his eyes danced in amusement as he stretched his arms. “I’m not naturally strong but it always made me feel elated whenever I remember that I sent you to the hospital.”
“Sigurado rin akong araw-araw mong ini-imagine na sana ikaw na rin ang tumapos ng buhay ko,” sagot nito.
Nagkibit balikat siya. “Hindi ako gano’n kasama, at malay ko bang may mas lalampa pa pala sa ‘kin.”
It was no secret that Aaron and Easton scorned each other and their hatred for each other worsened after Easton was elected as the student council president.
Naiintindihan naman ng lahat kung bakit hindi magkasundo ang dalawa.
They were too similar yet so different, it was uncanny.
Aaron and Easton, aside from their history with an English textbook, were both academically competitive. Kung siguro hindi magkaiba ang prinsipyo’t paniniwala nina Aaron at Easton, baka naging mabuting magkaibigan ang dalawa.
But scratch that. Aaron doesn’t want to be chummies with someone who implored their rules like a tyrant.
Easton was just a beauty to behold. With that angelic face of his, anyone could fall hard. But that’s all there was to him. Masama ang ugali nito. Masama pa ang tabas ng dila. Aaron doesn’t want to be involved with him in any way.
If only the world listened to his pleas.
“Ang bilis ng panahon. Pareho na kayong third year at malapit na naman ang inter-school competition. Aaron, Easton, alam naman ninyo ang drill, ‘di ba?” dahan-dahang tanong sa kanila ng Head teacher ng English department.
Whenever fate had its chance, it would always pull pranks on him and Easton. On days that neither one of them wanted to see each other’s faces, the prank would always come off through abrupt announcements where they had to work together.
Just like every year’s inter-school competition. As the ‘prides’ of their batch, it was no big news that the teachers would always try and tie them together.
Magkatabi ang mga upuan nina Easton at Aaron. At least, that was what Mrs. Santiago intended, but the two of them had been pulling their chairs farther from each other in secrecy. Telepathy na siguro ito pero imbes na magplastikan at mag-amuyan silang dalawa ng pabango, kusa silang lumalayo sa isa’t isa.
Not everyone was aware, especially the adults. They did not understand their dislike towards each other and sometimes joked about it that they might actually be interested in their similarities but no.
Para silang magnet. Parehong negative pero pilit na ipinagsasama kaya mas lalong naglalayo.
“Ano po iyong mga topic, Mrs. Santiago? Kasama pa rin po ba iyong mga pinag-aralan namin last year at no’ng first year kami?” tanong ni Easton sa guro.
Humimig si Mrs. Santiago at tumango. “Ang alam ko e pang-third year lang ang sa quizbee pero as usual, maghanda pa rin kayo. Pare-pareho tayo ng curriculum pero alam niyo namang iba-iba kami ng technique at bilis sa pagtuturo. Kung ayos lang sa inyong dalawa, mag-advance reading kayo rito nang matulungan din namin kayo.”
Perhaps, Mrs. Santiago thought that Aaron wasn’t listening although he had his ears on the conversation because he hadn’t spared a glance at their direction. Not even once because Aaron didn’t like the idea of looking at Easton. Or maybe, she thought that he was against the idea of working with Easton—which he really was!—but from the corner of his eyes, he didn’t like the disapproval painted across the teacher’s face.
“Aaron, ‘nak, kanina ka pa tahimik diyan. Nakikinig ka ba sa ‘min ni Easton?” May bahid ng paniniguro sa boses ng guro.
After all, it was an unsolved mystery to most teachers in school. He and Easton were excellent students but had they never met, their lives would be better. The thought of disliking each other for no reason never clicked to them and Aaron didn’t to waste his saliva to explain why they were always distraught to work alongside each other.
“Nakikinig po ako.” Aaron wanted to add something along the words ‘pero ‘di po yata ako makakapag-review na kasama kayo’ but Easton beat him to it.
“Well then, I’m looking forward to work with you again, Aaron!” utas nito na nakapagpatigil sa kanya.
Aaron slowly turned to Easton, only to see the guy smiling brightly at him, but his expression sure was dark. Although his lips were etched upwards, his eyes were hooded, and something unpleasant danced in those ice blue eyes of his. He felt uncomfortable because Easton had to fake a smile to show everyone that their relationship ‘improved’, though as time passed by, their dislike towards each other only grew stronger.
He, who couldn’t let Easton run off, also faked a smile. “Yeah. I’ll see you then.”
Fucker.
ㅤㅤㅤㅤIF it weren’t for Easton, Aaron would have more time to spend with his lovely little brother, Ridge. But he also admitted that it was stupid of him to be lured onto Easton’s trap.
Ano bang alam ng isang iyon sa buhay niya? Baka nga ang iniisip ni Easton, solong anak siya tulad nito na walang magawa sa buhay kaya sinapak niya ito noong first year sila. Maybe he thought that he was heartless and had no empathy on others. Well guess what? It was Easton who wasn’t considerate of people!
Tulad na lang ngayon!
“Sa’n ba ang sakayan dito?” Easton suddenly blurted out after minutes of staring on his phone.
Aaron was, as unfortunate as it may sound, dragged somewhere by Easton. Dismissal nila noong makita niya si Easton sa labas ng classroom at inaabangan siya. Nang makita niya itong halos naniningkit ang mga matang nakangiti sa kanya, alam niyang bad news ang bibit nito kaya nagkunwari siyang hindi napansin ang binata.
Minus someone pointed out that Easton was waiting for them and he was told that the jerk was searching for him. Ayun, nag-walk out siya—kaso nahuli siya ni Easton kaya wala siyang ibang mapagpilian kung hindi ang sumama rito.
“I don’t see any bus stops anywhere,” Easton added.
Kumikibot-kibot ang mga kilay niyang lumingon sa binata. How ignorant was he? Anong bus stops? Saang lupalop ng Pilipinas ba nakatira si Easton? Kung gusto nitong sumakay sa bus, sa terminal ito pumunta! O mag-abang ito rito ng hindi pa punong bus nang makasakay.
‘Tsaka pwede namang mag-jeep, ukinam. Mas ayos pa iyon. Kung saan may checkpoint at pwede magsakay ang mga jeep, pwede silang sumakay. Walang batas-batas. ‘Tsaka nasa tabi sila ng kalsada, nakikita nitong puro jeep ang tumitigil para magsakay ng pasahero tapos maghahanap ito ng bus? Saan ba sila pupunta?
“Aaron, marunong ka bang mag-commute?” baling sa kanya ng binata.
Aaron hissed. “Malamang. Hindi naman ako sing-ignorante mo.”
Madalas siyang umalis kahit labag sa loob niya lalo na kapag may performance tasks na kailangang gawin. Lalo na sa bwakanang shit na P.E na ‘yan. Natuto siyang bumyahe mag-isa dahil sa mga kaklaseng sa kabilang banda pa ng mundo nakatira.
Ipinagkrus ni Easton ang mga braso. He looked at him in the eye and he looked really unimpressed. “O, talaga? E ba’t ‘di ka kumikibo no’ng nagtatanong ako kung sa’n tayo pwedeng sumakay?”
“Because I like it when you look stupid,” he nonchalantly replied. His expression was blank before he gestured at the jeep on the side, waiting for passengers to ride. “Hindi ko alam kung ba’t ka naghahanap ng bus pero kung point to point lang naman ang sasakyan, ayan o. Jeep. Ang tagal mo nang nakatira sa Pinas, ‘di mo man lang alam na pwedeng sakyan ‘yan?”
“I know na pwedeng sakyan. Ayoko lang dahil siksikan. Do you think we could just call the cab?”
“Gago amputa. Ano bang akala mo sa ‘kin? Mayaman?”
“Wow, that’s so pathetic.” Easton rolled his eyes heavenwards. “Sinabi ko bang magbabayad ka? I dragged you here. Malamang sagot ko ang pamasahe.”
“At least mahal ako ng nanay ko.” Putang ina nitong si Easton.
Naniningkit ang mga matang pinagmasdan nina Easton at Aaron ang isa’t isa. Parehong nanunukat, naghahanap ng away, at kung siguro maayos lang ang estado ng katawan nilang dalawa e baka nagsuntukan silang dalawa sa gilid ng kalsada.
Kung posible lang na may lumabas na kuryente kakatitig nila ng masama sa isa’t isa, baka nangyari na. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin alam ni Aaron kung saan siya bibitbitin ni Easton. Paano kung nag-arrange pala ito ng lugar at mga tao kung saan siya pwedeng ipatumba?
May kapatid pa siyang inaalagaan!
“Sa’n mo ba ako dadalhin—” Bago pa man matapos si Aaron mula sa pananalita, nabigla siya noong mayroong sumigaw ng pangalan niya.
“Kuya!” In the middle of this crowded place, Ridge’s voice suddenly resounded, and although he was pissed off because of Easton, his face suddenly brightened up it probably creeped Easton out.
Alam niyang nagtataka si Easton habang pinanonood siya nitong may hinahanap pero noong sa wakas e matagpuan ni Aaron si Ridge, napabuntong hininga siya nang malalim.
His brother, who was still in elementary, ran towards him while struggling to carry his bag. He looked cute in his uniform, though it wasn’t anything special, Ridge rocked the entire outfit. And while his brother looked cute running, Aaron was actually worried that he might trip and fall over.
Ayun lang, habang abala si Aaron na i-admire ang kakyutan ng kapatid niya, natigilan siya noong mapansin niyang nakahabol sa likuran nito si Zamiel na mukhang takot na takot na baka madapa si Ridge.
Puta, bakit mayroong asungot na nakabuntot sa cute niyang kapatid?
“Kuya…?” Easton soon said in a slow manner, as if he couldn’t believe what he heard, even when Ridge stopped in front of Aaron and quickly hugged on his waist.
The man was perplexed and speechless for a while even after Zamiel had finally caught upon his dear brother. It took time before Easton finally processed what he just found out about Aaron, and when he did, he looked at him in a baffled expression that Aaron almost wanted to make fun of him, but he bit the tip of his tongue.
“Mayroon kang kapatid?” dagdag pa nito.
Wasn’t it obvious?
After Ridge heard Easton’s question, he tilted his head with only half of his face shown; his eyes were wide and his lips were pursed cutely, so that he could look at the guy in the eye. Easton realized that Ridge looked a lot like Aaron and the corner of his lip twitched.
Aaron looked smug and snorted. “Obvious ba? He’s cute, isn’t he? H’wag mo lang pansinin iyong nakasunod sa kapatid ko, hampaslupa ‘yan.”
“Hindi hampaslupa si Zamiel!” Ridge chimed into the conversation. Dama ni Aaron na masama ang tingin nito sa kanya (pati iyong galing kay Zamiel) pero muli itong bumaling kay Easton. “Kuya, siya ba bagong boyfriend mo?”
It would be a lie if they’d say that they didn’t pause and stand there like statues because Ridge accused him and Easton of dating.
Yak! Hindi mababa ang standards niya sa lalaki!
ㅤㅤㅤㅤTHE entire time that they were stuck together, Aaron felt uncomfortable around Easton. Noong magtanong si Ridge kung boyfriend ba niya si Easton, ang bilis niyang dineny ang binata. Imposible. Ayaw niya sa isang iyan! Ang tipo niya sa lalaki e iyong tipong magpapahabol sa kanya. Aaron liked the chase, but Easton was confrontational and he didn’t like that.
“Pasensya ka na sa kapatid ko.”
Halos kalalabas lamang nila noon sa café na pinagdalhan sa kanya ni Easton. It turned out that this guy wanted to take their reviews to another place since the teachers weren’t available and the faculty bored him to death. Hindi siya nakatanggi kasi hindi naman siya ang nagbayad.
But what’s embarrassing was that, Easton took Ridge and Zamiel to their trip. Naging babysitters pa sila nang wala sa oras dahil nagreklamo si Ridge na inaagaw daw ni Easton si Aaron mula sa kanya. Anyway, the two behaved in the café.
Sa ngayon, naglalaro sa isang tabi sina Zamiel at Ridge habang inihahatid nila si Easton. Dumating na kasi ang sundo nito.
“Ayos lang. But I never really pegged you as the type to have a little brother,” Easton pointed out.
Minata pa siya ng binata mula ulo hanggang paa pero hindi na lang niya pinansin.
Sa halip, nagpameywang siya’t umismid. “Well, surprise then.”
“And he looked exactly like you,” Easton added before he eyed Ridge who walked up to them and held onto the hem of Aaron’s shirt, then he smiled. “But I like him. Ikaw, kahit kailan ‘di kita magugustuhan.”
Napapantastikuhan niya itong pinagmasdan. “Ha. Sinong nagtanong? Back to you.”
“Love quarrel ba ulit kayo, Kuya?” sabad ulit ni Ridge sa usapan nila.
Kinilabutan si Aaron at bumaling dito. “Hindi ko nga kasi ‘yan boyfriend, Ridge!”
“Pero mukha kayong sweet. May gusto ba kayo sa isa’t isa?”
“Wala!” sabay nilang sagot ni Easton.
Hindi tahimik ang lugar na kinaroroonan nila pero ang atmospera nila, parang biglang nilukob ng matinding katahimikan. Naririnig pa naman nila iyong usapan ng mga dumadaan pati iyong harurot ng mga sasakyan pero hindi nila iyon pansin, walang rumerehistro sa kanila.
Aaron’s forehead knitted before he face palmed. Hinilot niya ang mga sentido dahil kung pagmasdan siya ni Ridge, para itong nagmamakaawa na huwag pagalitan. Hindi rin naman balak ni Aaron, ni hindi niya matiis ang kapatid ni isang minuto e. Kaya imbes na matakot ito sa kanya o sa matalim na tingin ni Easton dito, tinapik-tapik niya ang balikat ni Ridge at hinikayat itong makipaglaro muna kay Zamiel dahil uuwi rin sila kapag nakaalis na si Easton.
Fortunately, Ridge complied. He left the scene with Zamiel. Magkahawak ang kamay ng mga itong lumapit sa bakery para tumingin ng makakain. And once he was finally left alone with Easton (not so, since the driver was just a few meters away from them), he turned to the guy before he heaved a deep sigh.
If stress was a person, it’s name would be Aaron Gonzales.
“I take back what I said, I don’t like your brother,” Easton suddenly blurted out.
Kumibot ang isang kilay ni Aaron at nagpantig ang mga tenga niya sa narinig. There was no person in this world who disliked his brother but here Easton stood, he didn’t even look guilty when he took back what he said about liking Ridge. Naiintindihan niya naman na ayaw nitong naaasar sa kanya, siya rin naman e ayaw na inaasar siya rito, but disliking his brother for his childish antics was too much.
Tinapunan niya ng masamang tingin si Easton. “Edi ‘wag mong gustuhin. But I’m telling you, you’re missing out if you don’t like my brother.”
“He’s cute but he keeps on accusing us as boyfriends,” Easton replied before he placed his hand on his waist and stared at him in an insulting way. “And you’re not my boyfriend ye—” Before Easton could finish what he was supposed to say, his eyes widened and he quickly averted his gaze away from him to clear his throat.
Nagtatakang pinagmasdan ni Aaron ang binata. Maliwanag ang paligid—oo, madilim na ang kalangitan pero dahil maraming streetlights malapit sa kanila ‘tsaka literal na nasa harap pa sila ng cafe na pinuntahan, natural lang na makita pa ni Aaron ang itsura nito. Easton’s cheeks were beet red, as confusing as it may sound, since this was the first time that he’d seen the guy’s face with color.
Most of the time, he looked pale.
“Anyway, it’s getting late. Mauuna na ‘ko sa inyo. Pasensya na kung ‘di ko kayo maihahatid e ako iyong humila sa inyo ng kapatid mo at ng kaibigan niya rito.” Easton diverted the course of their conversation to something else and Aaron didn’t mind.
He wasn’t curious about what he was supposed to say, anyway. Unless it was “yet” because he’d freak out—or maybe he’d feel amused since the oh-so great and tyrant Easton Mariano was crushing hard on him and he didn’t even know. Who’s to say?
Aaron tilted his head as his lips etched upwards. Amusement danced in his eyes as he watched the embarrassment paint itself on Easton’s face. “Ayos lang, I can manage those two kids. Salamat pa rin sa libre. Ingat sa pag-uwi.”
There was no reason to be rude when he’s indebted to Easton. Kahit gusto niya iyang murahin ngayon e nakatikim ng cake ang kapatid niya’t si Zamiel dahil dito. Easton, on the other hand, looked perplexed and surprised that he would smile at him.
Easton’s cheeks reddened even more and that amused Aaron. Nang dahil sa itsura nito, mayroong pumasok na kapilyuhan sa isipan niya. So, he took a step forward and erased the distance between him and Easton. He had a mischievous smile plastered on his face and his eyes glinted in naughtiness. His sudden action took Easton aback and he even moved farther, only to fail since behind him was the car that picked him up.
Halos iilang sentimetro na lamang ang naghihiwalay sa mukha nilang dalawa nang pumikit si Easton, napaismid si Aaron bago siya bumaling malapit sa tenga nito.
“Your reaction’s pretty interesting. ‘Wag mo sabihin sa ‘king nagagwapuhan ka sa ‘kin at inisip mong hahalikan kita?” he whispered.
ㅤㅤㅤㅤAFTER he teased Easton, Aaron noticed the slight difference in how his schoolmate and archenemy treated him. Mas naging distant si Easton sa kanya. Well, he had always been distant, but after he made fun of his reaction, Aaron noticed that Easton had been avoiding him.
Maybe that did the trick, he finally warded Easton off and regained his peace.
Aaron didn’t mind Easton’s absence in his life either. Matagal naman nang walang papel ang binata sa buhay niya’t kaya niyang mag-function na wala ito. Hindi niya boyfriend si Easton. But sometimes, there was a lingering thought that haunted him in his sleep.
Reviewing with Easton was fun, spending time with him was oddly peaceful, and getting to know him was one thing either. Aaron sometimes thought about those moments.
“Aaron, babalik ka ba ng dorm? Magsisimula na iyong basketball game,” tanong sa kanya noong kaklase niyang kasama rin sa inter-school competition.
Aaron turned his head to him and let out a crooked smile. “Mahina ako sa araw. Babalik muna ako sa dorm para umidlip, gisingin niyo na lang ako mamaya.”
“O sige! Sabihin ko na lang sa kanila.”
Noong maiwanan siya ng kaklase niya para tumungo’t sumuporta sa basketball competition, naglakad pabalik ng dorm si Aaron.
Time flew quickly and the inter-school competition finally arrived. Tulad ng dati, tatlong araw na naman silang wala sa eskwelahan para i-represent ang klase. Excused sila sa activities, exempted sa karamihan, kaya wala silang inaalala pagdating sa grades. Anyway, today’s the first day of the competition and Aaron hadn’t really saw Easton around.
Kasama niya ang isang iyon sa bus kahapon. Magkatabi sila dahil grinoup sila by contest na kasali sila nang mas madali raw ma-monitor ang isa’t isa. Easton was beside him and they shared the same dorm too, but since this morning, he hadn’t caught a glimpse of that guy.
Wala namang pakialam si Aaron. Matagal na nilang iniiwasan ni Easton ang isa’t isa at kahit naman noong mga nakaraang inter-school competition, bigla-biglang nawawala si Easton. He shouldn’t care, Easton didn’t matter, but when he came to a garden beside the building where they were staying and saw a familiar figure sitting in the benches, Aaron paused.
It was Easton.
Nakaupo ito mag-isa sa may hardin at tila ba pinanonood ang mga dahon na sumaliw sa mahinang pag-ihip ng hangin. His hair swayed along with the leaves and his hand was stretched as if he reached out to the ones that fell from trees. The sunlight peeked through the tears and made Easton’s beauty exceptionally outstanding, his hair glistened with the rays of sunshine.
Napanguso si Aaron. Parang gusto niyang lapitan doon si Easton.
“But so what?” he asked himself, his rational self kicking in. “Anong gagawin ko kung lalapitan ko siya? Tumulala’t panoorin din iyong mga dahon? Baka may makakita pa sa ‘min, paglinisin kami.”
Aaron yawned when he managed to convince himself to not approach Easton, but just as when he was supposed to go on his day, he found himself standing in front of the man he loathed most.
Unconsciously, his body moved towards Easton’s direction and as of this moment, they stared at each other blankly.
‘Putang ina, anong ginagawa ko rito?’
Kumikibot-kibot ang isang kilay ni Aaron na nakatitig kay Easton habang ang binata naman, nagtataka siyang pinagmamasdan. Easton’s peaceful expression turned into a frown and his eyes was suddenly filled with confusion. Doubtful, that was the most appropriate adjective to use to describe what kind of face Easton had.
“Did I manifest you here?” Easton abruptly asked which made his eyes widen in surprise.
Napapantastikuhang napakurap-kurap si Aaron bago siya tumingin sa paligid. Surely, Easton talked to him, right?
“What manifest? Were you thinking about me while you’re here?” he asked in confusion.
Easton nodded slowly. “I was. Iniisip ko kung ba’t ‘di pa kita nakikita ngayon bukod kaninang umaga.”
Woah. Wow. He was speechless.
Parang timang siyang nakatulala kay Easton noong umusog pagilid ang binata ‘tsaka nito tinapik-tapik ang pwesto sa tabi nito. Now, Aaron became even more confused. Parang may kung anong sumipa sa dibdib niya’t biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Aaron, for the first time in his life, was flustered; and it was Easton’s turn to smirk at him.
“What? ‘Wag mo sabihin sa ‘king nahihiya ka umupo sa tabi ko?” anito.
Nang marinig ni Aaron ang kapilyuhan sa boses ni Easton, tumikhim siya kasabay ng pagtayo niya nang maayos. His eyebrows knitted and he stared at the man with narrowed eyes. “You’re seriously asking me to sit beside you? Basa ba pintura niyang inuupuan mo o may dinikit kang bubblegum diyan nang ‘di ako makatayo?”
Easton rolled his eyes heavenwards. “You’re so doubtful. Napansin ko lang naman na parang nanghihina ka sa init kaya kita inaayang umupo. If that’s so wrong, then I’m sorry for inviting you to sit with me.”
“No,” mabilis niyang pigil dito noong uupo sana si Easton para okupahin ang kabuuan ng kinauupuan. “I’ll sit with you. I’m sorry.”
Totoo namang nanghihina si Aaron at inaantok na kaya nga dapat babalik siya ng dorm nila ni Easton pero dahil nandito naman na siya, iga-grab na niya ang alok ng binata.
Pinagpag muna ni Aaron ang tabi ni Easton bago siya umupo, but as soon as his ass touched the cement, he was surprised when Easton suddenly grabbed the side of his head and pushed him to lay on his lap. Natural na magulat siya’t reflex na niyang itulak ang sarili patayo pero noong mga oras na iyon, nagustuhan ni Aaron ang pwesto.
Easton was skinny but his lap was comfortable enough.
But that didn’t change the fact that he was terrified. Aaron’s eyes squinted as he looked at the flower bed near them. The sunlight there was too bright, it was excruciating for his eyes.
“You didn’t have to do this,” he said before he moved slowly to roll over and stare at Easton’s face.
Natigilan siya nang matagpuang nakatitig pala sa kanya ang binata at noong mga panahong iyon, naguluhan siya.
Easton had been treating him differently recently and Aaron might deny it for several times more but he liked the change. Maybe… Just maybe, Easton wasn’t that bad. The question was, what made Easton do this?
“Sinabihan ka ba ni Wade na makipagbati sa ‘kin?” kalauna’y dagdag niya.
Wade… used to be Aaron’s friend back when they were in first year and he was Easton’s first love. When Wade saw Easton, he felt this extreme desire to help him so he followed him to their class.
Nawalan nang balita si Aaron kay Wade noong maiba ito ng klase, and since Easton and Aaron didn’t like each other, their friendship came to a natural end.
Pero isa sa mga agenda ni Wade noon na mapagkasundo sila. Wade wanted him and Easton to be friends since, according to him, they were both important people in his life.
Aaron closed his eyes when Easton continued to stare at him. It didn’t take long when he felt Easton playing with his hair. Aaron let him do it. He didn’t answer his question so he’d just assume that it was a ‘yes’, but just as Aaron was about to doze off, Easton finally blurted out something.
“I think I’m in love with you, Aaron.”
Napasinghap si Aaron at mabilis na bumangon. Patulog na siya e, tapos biglang magda-drop ng bomba si Easton?! Goddamn it, his heart hammered against his chest and it hurt so much, he might have a heart attack! Ang init ng mga pisngi niya. Iyong dugo niya yata e umaakyat sa ulo niya, nahihilo siya.
Namamangha siyang napabaling sa binata pero seryoso siya nitong pinagmamasdan pabalik. “Anong sinabi mo?”
Aaron always knew that Easton was the confrontational-type and he never liked it about him. But today, something about Easton’s direct confession charmed him.
Easton snorted. “Hindi ka naman bingi, narinig mo ‘yon. But yeah, would you mind going out with me if we win the quizbee?”
ㅤㅤㅤㅤ“AND we fucked,” pagsa-summary ni Aaron sa mga pamangkin at sa mga anak nang magsawa siyang magkwento.
Nang magpameywang siya para titigan ang mga ito at nang makita niyang hindi impressed ang mga ito sa ginawa niya. Hindi rin siya impressed dahil hindi naman talaga iyon nangyari noong umamin si Easton sa kanya.
There was a lot that happened after they began to date but Aaron was too lazy to elaborate everything. Hindi yata siya matatapos lalo na kung ikukwento niya iyong ulit-ulit na on/off relationship nila ni Easton. There were times when Easton experienced near death situations and every time that it happened, he would leave Aaron without a trace.
Baka kapag kinuwento niya iyon, mag-init lang ang ulo niya dahil bad trip si Easton kapag ganoon ito umasta. Mabuti nga ngayon at nagbago na ang asawa dahil kung ang isang iyon, biglang nawala nang walang pasabi at iniwan sila ng mga anak, hahalughugin niya pati iyong kadulu-duluhan ng impyerno para mahanap ito.
Aaron was pulled back from his reverie when Easton suddenly hit the back of his head. Natural nag-aray siya pero nang lingunin niya ito, natakot siya dahil ang talim nang tingin sa kanya ng binata.
“They’re minors!” kalauna’y punto ng asawa. “Kung anu-anong uncensored ang pinagsasasabi mo, kanina ka pa!”
Aaron pursed his lips and glanced at their kids and nephews who stared at them with blank and clueless expressions. “It’s fine, they didn’t understand.”
“Aaron.”
Fuck. Fine. “Joke lang mga bata,” he said in an enthusiastic voice. “It was unfortunate but since Easton and I were unbeatable during quizbees, our win was expected. So we began to date and eventually, got married, then we had Harris and Yves.”
Yumukod si Aaron nang sa ganoo’y maging ka-height niya ang kambal na anak nila ni Easton at nang matapik niya ang mga ulo nito. And when Aaron changed the ending of his story, the smiles on his sons and their cousins’ faces was priceless. Parang bigla niyang ayaw pauwiin sina Hezekiah at Travis.
“Dada! Papa! Ang ganda po ng story niyo!” pumapalakpak pang sabi ni Yves ‘tsaka nito ginulo ang kakambal na si Harris. “Kuya Hayes, Travis, dito kayo tulog?”
Mabuti na lamang at nang tapusin ni Aaron ang kwento e bumalik na sa sariling mundo ang mga kasama nilang bata. Tang ina, ngayong tapos na siya magkwento, para siyang nauulol alalahanin kung paano siya nakumbinsing magkwento ng tungkol sa kanila ni Easton.
Aaron took a glance at his husband who sighed in relief when he finally took the storytime seriously, then he stood up and scooted towards him. Niyakap niya ang asawa’t ipinatong ang baba sa balikat nito.
Now that he was done telling their story, Aaron couldn’t help it but to suddenly count the years he spent with Easton, he reminisced how they grew together and how their relationship blossomed after several failures and obstacles. Bumuntong hininga siya noong maisip na bukod sa pagpapahirap sa kanya ni Easton, nag-pay off ang ilang taon niyang paghihintay dito. Easton came back and chose him. That was enough.
“Pwede bang sa susunod e ‘wag kang magkwento nang gano’n? Alam mo namang ‘di mo kapatid ‘yang kausap mo,” anito na ikinaismid niya.
Aaron hummed. “I forgot about that. Tinamad akong magkwento, e.”
“Sino ba kasing nagsabi sa ‘yong magkwento?”
“Harris and Yves. You know that our kids often asked us about this and I just felt like telling them how we came together.” Aaron leaned towards Easton and sniffed his cologne. Galing ito sa kusina para magluto pero iyong pabango nito ang naaamoy niya. Because Aaron couldn’t resist his husband, he kissed Easton’s neck. “You smell good.”
“As I should,” kampante namang sagot ni Easton bago niya naramdaman na pinisil nito ang ilong niya. “You know what, habang nakikinig ako sa ‘yo naalala kong kampante akong magiging boyfriend kita pagkatapos ng quizbee.”
Easton didn’t have to say that. Ang lakas talaga ng kumpyansa nito sa sarili. “You’re so vain. I ironically love that about you.”
“I’m just saying.” Ipinagkrus ni Easton ang mga braso pero naramdaman niya ang paminsan-minsang pagtapik nito sa braso niya. “I love you too.”

