loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Wounds and Stitches (BxB, REVISING)

Wounds and Stitches (BxB, REVISING)

deuceiv · 2 chapters · 2,918 words

WOUNDS AND STITCHES

WOUNDS AND STITCHES: BLURB

‘But why must love be painful…?’ —is something that Seamus kept on asking himself as he watched Leonid fall for someone else.

He hated this feeling of betrayal, of how their shared love turned into a fantasy, and how the truth pierced his heart.

But what else could Seamus do if he wasn’t the person that Leo wants? He might as well die if the stitches he made couldn’t fix his wounded heart.

It should be possible… with these bloodied petals in his hands.

**

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.

Simula

SIMULA 

ㅤㅤㅤㅤISANG MARAHAS na buntong hininga ang kumawala mula sa mga labi ni Seamus habang pinapakinggan na mag-ring ang tawag niya kay Leonid. Kanina pa ito hindi sumasagot at hindi na rin mabilang ni Seamus kung nakailang tawag na siya.

Noong kusang mamatay ang tawag, hindi naiwasan ni Seamus ang mapasagitsit bago muling tinawagan si Leonid. Nag-aalala na siya sa isang iyon, enrollment pa naman nila ngayon, baka hindi pa niya maging kaklase si Leonid.

“Hindi pa ba sumasagot si Leo?” tanong sa kanya ni Aiden nang mapansin ang pagkabalisa niya. “Kanina mo pa siya tinatawagan, a? Baka mamaya, naka-silent pala phone niyan.”

Naiirita niyang tinapunan ng masamang tingin si Aiden. Wala itong sinabing masama pero bad trip siya dahil hindi pa rin niya naririnig ang boses ni Leonid at kailangan lahat damay sa inis niya.

“Nasagot pa niya tawag ko kanina no’ng naalimpungatan siya. ‘Di magsa-silent ng phone ‘yon,” pagrarason niya.

Bahagyang ipinilig ni Aiden ang ulo bago nito hinawakan ang sariling pisngi. “E kaso magti-thirty minutes mo na yata siyang tinatawagan pero ‘di pa rin siya sumasagot. Either nakatulog ulit si Leo o ‘di kaya narindi kakatawag mo.”

“Ba’t naman siya maririndi e sanay na sanay na siya na tumatawag ako ‘pag late siyang dumadating para bumalik siya on track? Ang bilis pa namang ma-distract ng gagong ‘yon.”

Matapos iyon, hindi na nagsalita pa si Aiden. Seamus was in between being thankful and irritated because she looked at him with a face full of concern while watching him call Leonid.

Seamus clicked his tongue. “Do’n ka nga muna sa far away, naiirita ako ‘pag tinititigan mo ‘ko ng ganyan e.”

“Bakit? Pa’no ba kita titigan?” Nagtatakang ipinilig ni Aiden ang ulo. “Nag-aalala lang din naman ako kay Leo ‘tsaka naghihintay ng balita sa ‘yo.”

“Shut up, just go back to your boyfriend. Ipampila niyo na muna ako, babalik na ‘ko ‘pag hindi pa rin sumagot si Leo.”

Noong tumango si Aiden at bumalik kay Marco, ‘tsaka lamang natahimik si Seamus. Kahit na ang daming tao sa eskwelahan nila at ang haba ng pila sa finance, medyo kumalma siya dahil mas makakapag-focus siyang tawagan si Leonid.

But damn, that piece of shit didn’t answer his call again.

Namatay na naman ng kusa ang tawag niya. Alam din niyang sinabihan niya si Aiden na babalik na siya kung hindi na naman sagutin ni Leonid ang tawag niya pero…

“Isa pa,” bulong niya sa sarili bago muling tinawagan si Leonid at inilagay ang cellphone sa tenga nang marinig kung sasagot ba ito. “Last na lang.”

Five minutes in and Leonid didn’t answer his call. Again.

Naba-bad trip na bumalik si Seamus sa mga kaibigan. Nang makalapit siya kina Aiden at Marco, hindi na kailangang magtanong ng mga ito ng update tungkol kay Leo noong makita ang pagkakalukot ng mukha niya. They already knew the answer.

“Gusto mo bang tawagan ko rin?” pag-aalok ni Marco noong sumingit na siya sa pila’t tinapunan ng masamang tingin iyong mga nasa likuran niya.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Marco. “Hindi nga ako sinagot, ikaw pa kaya? Sa’n mo nakuha confidence mong ‘yan?”

“Ito naman, parang nag-ooffer lang naman ako e,” nagtatampong sagot ni Marco.

Inirapan niya ito. “No need. ‘Di na sasagot ‘yong isang ‘yon. Wala na rin akong pakialam.”

“Alam naming ‘di ‘yan totoo.” Mahinang tumawa si Aiden bago ito tumabi sa kanya’t kumapit sa braso niya. “Nag-aalala ka pa rin kay Leo, you’re just acting tough… pero ano kaya nangyari sa isang ‘yon? He’s not answering your calls which is very unusual.”

Malay niya. Imbes na sumagot ay itinikom na lamang ni Seamus ang bibig. Nawalan na siya ng gana mag-enroll pero hindi naman siya pupwedeng umalis sa pila para hintayin si Leonid. As much as he’s so concerned of that guy, given that he’s in love with him, Seamus had to choose himself right now. Hangga’t hindi pa siya nabibigyan ng section, hindi siya aalis sa pila.

“Alam mo, isa na lang talaga naiisip ko sa ganito e…” panimula ni Marco. “Baka naiwan no’n phone niya sa kanila, Shay.”

Kumunot ang noo niya. Mas lalo rin siyang napasimangot.

Well shit, he didn’t think about that. Seamus was all about ‘baka nakatulog’, ‘baka galit pala sa akin si Leo’, ‘baka naiirita na si Leonid kakatawag ko’ at the back of his mind but what Marco said just made so much sense. Kahit kailan, hindi pa nagagalit si Leo sa kanya dahil sa pagtawag niya. After all, like he mentioned earlier, it’s Seamus’ job to drag Leonid back on the right track.

Mukha namang nakumbinsi rin si Aiden sa sinabi ng boyfriend nito kaya humimig ito. “That’s possible! Lalo na kung walang nagpapaalala sa kanya, ‘di talaga niya dinadala iyong phone niya.”

“Hindi ba?! Kung walang importanteng meeting o activity, ‘di naman ‘yon kakapit sa cellphone no’n. Matakaw pa naman sa curricular activities si Leo, kailangan lagi siyang updated,” pagsang-ayon naman ni Marco.

Noong tila ba pareho nang nakumbinsi sina Aiden at Marco sa dahilang naiwanan ni Leonid ang cellphone nito sa bahay, sabay na bumaling sa kanya ang magkasintahan. Seamus gritted his teeth and his jaw tensed. Mas nangingibabaw iyong inis niya dahil hanggang ngayon, walang update kay Leonid pero tipid siyang tumango para sumang-ayon sa rasong iyon.

Because it’s possible. Leonid could leave his phone especially if no one reminded him.

“Still, that doesn’t change the fact that he’s still not here—” Hindi natapos ni Seamus ang sasabihin noong bigla na lamang mayroong kinawayan si Marco sa malayo.

“Nandiyan na pala, e!” agap ni Marco sa kanya habang patuloy na kumakaway. “Leo! Dito! Galit na si Shay kasi ang tagal mong dumating!”

“Sandali lang!”

It wouldn’t be an exaggeration to say that Seamus’ heart leaped when he heard Leonid’s voice from the distance— his sweet, slightly strained, almost tenor, and loud voice .

Napasimangot siya. Hindi niya alam kung anong nagustuhan niya sa boses ni Leonid samantalang madalas e parang bata ito kung magsalita tapos ang sakit sa tenga ng boses lalo na kung magsalita, akala mo tinder sa palengke na nauubusan ng mamimili e.

He inwardly huffed. Wala, ito ang ginusto niya. Patay na patay pa rin naman siya kay Leonid kahit iritang-irita siya sa boses ng isang iyan kapag nakikipagtagisan na ng lakas ng boses sa ibang estudyante.

Seamus paused when he felt Aiden nudged him. “Nandiyan na hinihintay mo. ‘Di mo ba siya sasagutin kung bakit late siya?”

“Siya kusang magshi-share kung bakit siya late,” sagot niya bago siya marahas na bumuntong hininga.

Nang ibalik niya ang atensyon kay Leonid, napansin niyang umalis pala si Marco sa pila para kausapin at asarin ang binata na napipikon na raw siya. Pinasadahan siya ng tingin ni Leonid bago nito kinamot ang likuran ng ulo at ngumiti na para bang nagi-guilty pero inungusan niya lamang ito at tinapunan ng mapanukat na tingin.

Alalang-alala siya rito tapos iisipin nito na madaling mawawala ang inis niya? Slight. Marupok siya kay Leonid pero hindi siya tatablan ng pagpapa-cute nito kahit malapit na siyang bumigay. Hindi, iiwas na lang siya ng tingin at titiisin iyang mapang-asar na tingin ni Aiden sa kanya.

“Ayie, nagtatampo pa rin si lover boy,” pabulong na pang-aasar ni Aiden sa kanya.

Sinimangutan niya ito. “Ayus-ayusin mo ‘yang pang-aasar mo baka maisip kong bawiin ‘yong regalo ko sa ‘yo noong pasko na gift card sa salon… kahit kay Mama talaga galling ‘yon.”

“Hoy! Ito namang si Shay, ‘di mabiro. Hindi na nga! ‘Di pa ako nakakapagpaayos ng kuko.” Natigilan si Aiden noong tila ba may maalalang sabihin sa kanya. “Napansin mo ba pala iyong kasama ni Leo?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Kasama ni Leo? ‘Di ba siya mag-isang pumunta rito?”

“Hindi, a. Tignan mo, tatlo silang magkakausap nina Marco. Tatanungin talaga dapat kita kung kilala mo ba ‘yong kasama ni Leo kasi new face.”

Mataman niyang pinagmasdan si Aiden. Base sa tono ng pananalita nito, para itong nag-aalala na ewan pero palagay niya, gumagawa lang ng issue ang dalaga para pagselosin siya dahil matagal-tagal na rin mula noong huling nagselos si Seamus.

In fact, naalis na talaga niya sa katawan iyon dahil kampante siyang siya ang pipiliin ni Leonid hanggang huli. Sa haba ba naman ng pinagsamahan nilang dalawa.

That’s why Seamus didn’t really think about it too much.

But lo and behold—the second Seamus turned his head back to Leonid’s direction, he found a slightly taller (taller than Leonid, at least) and scrawny-looking man standing beside him.

He wasn’t even particular with physical appearances, especially with face cards because Seamus was too confident that he’s dubbed as the school’s escort—yet something about that boy beside Leonid made him frown.

Hindi niya alam. Iba ang pakiramdam niya noong huli niyang makita ang taong iyon. Hindi nakatulong noong tila ba napansin nito ang pagsimangot niya habang pinagmamasdan ito kaya nagtama ang mga mata nila. The boy looked startled before he cowered down, face flushed as if embarrassed and uncomfortable, and Seamus kept on staring at him until Leonid noticed the change in that boy’s attitude.

Lumingon sa kanya si Leonid at naabutan nito ang matalim niyang pagkakatitig sa binatang dinala nito. “Ah! Sabi ko na nga ba’t ikaw na naman ang dahilan ba’t biglang nahiya ‘tong si Terrence!”

Bahagyang hinila ni Aiden ang braso niya. “Grabe ka naman, Shay. Sabi ko lang tignan mo e, tinatakot mo na pala.”

“I’m not.” He harrumphed and looked away. “Kasalanan ko bang ‘di niya ‘ko kayang titigan mata sa mata?”

“Gago kahit sino matatakot tumitig sa ‘yo. Kilay mo palang e!” sabad naman ni Marco. “Anyway, ipakilala mo muna kaya ‘tong si Terrence riyan kay Shay? Kanina pa nag-aalala ‘yan sa ‘yo, Leo. Baka iniisip na ngayon na nanlalaki ka.”

Naguguluhang tumitig si Leonid kay Marco bago ito bumaling sa kanya. Tila ba mayroon itong gusting sabihin pero hindi nito itinuloy base sa pagsara nito ng bibig nang magsasalita na sana at mabilis na pag-iwas ng tingin.

Seamus noticed it and that made him frown, but he didn’t comment on it.

Hindi nagtagal, tumikhim si Leo. “Bale ayun nga, Shay… Nalaman ko kay Marco na kanina ka pa pala tumatawag sa ‘kin pero ‘di ko talaga alam kasi naiwanan ko pala cellphone ko. Ngayon ko lang napansin.”

Nagkatinginan sina Seamus, Aiden, at Marco. Tama nga ang hinala ni Marco noong sabihin nitong baka naiwanan nga ang cellphone nito sa bahay. Kung sa bagay, wala rin namang magpapaalala rito ng cellphone bukod sa kanya kung magkasama sila sa apartment—e kaso bilang semester break-slash-Christmas break nila nitong nakaraan, hindi sila magkasama ni Leonid sa iisang bubong.

Kabadong tumawa si Leonid. “Tapos kanina no’ng paalis na dapat ako, sinabihan ako ni Mama na maghintay kasi raw mag-eenroll din ngayon itong anak ng kaibigan niya—si Terrence.”

“Kaninong anak siya?” kunot noong tanong ni Seamus.

“Kay Tita Marj, kilala mo pa? Nakatrabaho ng mga tatay natin ‘yon sa production ng isang theatre e.” Tumigil saglit si Leonid bago bumaling kay Terrence. “Anyway, ayun nga! Second year na si Terrence, same sa course natin. Nagpa-transfer lang siya rito pero galing talaga siya sa London, do’n siya originally nag-aaral.”

“Oh…” Si Aiden ang nagsalita dahil napansin yata nitong mas dumidilim lamang ang mukha ni Seamus. “Mabuti nagpa-transfer siya rito? ‘Di ba mas maganda ang turo sa ibang bansa?”

“May family problem kasi kami kaya ‘di na ‘ko nakatuloy sa London,” sagot noong Terrence. Panay ang tingin nito sa kanya pero magtatago rin kina Marco at Leonid.

Mas lalong sumimangot si Seamus nang mapansing nag-aalalang pinasadahan ng tingin ni Leonid si Terrence—it should’ve looked normal, but in Seamus’ eyes, there was something different about the way Leonid glanced at Terrence and shielded the boy from Seamus.

Lihim na nagngitngit ang mga ngipin niya.

Baka siya lang ito, baka nag-iimagine lang siya. Yeah, Seamus shouldn’t really worry about a stranger. It’s not like Terrence could do anything to him, after all—but just to be sure, he would ask Leonid later.

ㅤㅤㅤㅤSIGURO MABAIT lang talaga si Leonid kay Terrence dahil bagong mukha at anak din ng kakilala ng mga magulang nila. Iyan ang gustong paniwalaan ni Seamus noong matapos sila mag-enroll at ihatid nila ni Leonid ang binata sa bahay nito—na nataong malapit lang din pala sa kanila dahil nasa kabilang subdivision lamang ito.

“Leo, I need to ask you something,” panimula niya nang masiguro nilang nakapasok na sa loob ng pamamahay si Terrence at pupwede na silang umuwi kaagad.

“Ano ‘yon?—Sandali,” Leonid said before he placed his hands on his hips and glared at Seamus. “Bago ko i-address ‘yang problema mo, ba’t ba ang init ng ulo mo ngayon? Kawawa rin si Terrence sa ‘yo kasi tinititigan mo palagi ng masama. Kakabalik lang ng tao rito galing ibang bansa, ‘di agad maganda ang experience dahil sa ‘yo.”

Are they seriously discussing this despite the urgency of his concern?

Ipinag-isang linya ni Seamus ang mga labi’t mataman niyang pinagmamasdan si Leonid. Hindi nagtagal, nagsimula na itong maglakad kaya tahimik siyang sumunod dito. Noong ibalik sa kanya ng binata ang mga mata, alam niyang wala siyang ibang choice kung hindi sumagot.

Seamus clicked his tongue. “Naiirita lang ako sa ‘yo dahil simula nitong kaninang umaga, parang hangin lang ako sa ‘yo. ‘Di mo na nga sinagot tawag ko, halos ‘di mo pa ‘ko kausapin dahil nandiyan ‘yang Terrence na ‘yan.”

“E alangan namang i-op natin siya? Kabago-bago lang no’ng tao rito ta’s wala pang kakilala, bibigyan ko pa ba ng bad experience? Matuto ka namang makisama, Shay,” pagrarason ni Leonid.

“Alright, you may be right but still… Don’t you think it’s unfair that you barely talked to me today?”

“Does it matter? Napakaseloso mo naman samantalang ‘di naman ako maaagaw sa ‘yo.”

That’s what Leonid’s saying but something had been bothering Seamus since earlier.

Ikinuyom ni Seamus ang mga kamao, hinahanap ang mga salitang nais sabihin pero hindi niya alam kung saan ba siya magsisimula. He had a lot to ask earlier but the words seemed to magically disappear when Leonid opened that pretty mouth of his and talked to Seamus.

Natigilan siya nang tapikin ni Leonid ang braso niya. “Anyway, alam ko ring nagtatampo ka ngayon pero intindihin mo na lang muna ako, a? Honest mistake na maiwanan ko cellphone ko ‘tsaka ayaw ko lang din talagang masama ang experience ni Terrence rito dahil mukhang kawawa.”

“Mangangawawa talaga siya kung ‘di siya matututong makipagkaibigan.” He harrumphed.

“Ikaw lang naman ang hindi nakasundo ni Terrence kanina. Panay ka kasi selos.” Leonid rolled his eyes before he chuckled. “Mabuti pa sina Aiden ‘tsaka Marco, nakakausap no’n. E sa ‘yo raw natatakot kasi sumasama raw timpla ng mukha mo ‘pag kakausapin ka.”

He couldn’t help it. Something about that brat’s presence irked him. In fact, something seemed to change the second he saw Terrence and the way Leonid looked after that boy.

“Leo,” he trailed off before he threw a serious stare at Leonid who paused. “You can’t possibly like that boy, right?”ht?” right?”

Naguguluhan siyang pinagmasdan ng binata. “Magustuhan? Sa anong paraan? I like him though—platonically! He seems like a good guy! Mahiyain lang pero pakiramdam ko, talented din!”

Seamus clicked his tongue. Kung hindi pa siguro napansin ni Leonid ang paglalim ng pagkakasimangot niya, baka hindi nito nilinaw kung ano ang ibig sabihin.

Bumuntong hininga si Leonid. “But seriously, Shay… Napakaseloso mo e ‘di naman tayo. Pakilugar, please.”

Namamangha niyang pinagmasdan si Leonid. “Anong ibig mong sabihin?”

Ibinuka ni Leonid ang bibig para magsalita nang bigla itong matigilan dahil mayroong tumawag sa kanilang dalawa hindi kalayuan sa mga bahay nila. Sabay na napalingon sina Seamus at Leonid, ‘tsaka nila natagpuan ang mga magulang nilang nasa bakuran ng pamamahay nina Leonid at tila ba nag-iihaw ng barbecue.

“Hoy! Nakalimutan kong sabihin sa ‘yo na magba-barbeque tayo ngayon!” masiglang pag-iimporma ni Leonid sa kanya bago ito lumingon sa kanya’t halos kumislap ang mga mata.

Seamus was appalled. Naiirita siya kay Leonid kanina at nakukuryoso sa sasabihin nito pero kung tatanungin naman niya ito ngayon kung ano ba dapat ang sasabihin nito kanina, paniguradong nakalimutan na nito. Leonid had that issue after all—his short attention span and forgetfulness ever since they were kids.

Pinamulahan ng mga pisngi si Seamus nang hablutin ni Leonid ang kamay niya’t hilain siya. Kahit labag sa loob niya, napatakbo silang dalawa ng binate patungo sa bahay nito kung nasaan ang mga magulang nila—and he couldn’t say that he didn’t like this skinship no matter how small of a thing it was.

Fine. He’ll look over this thing for now.

Mas importante sa kanya na solo na niya si Leonid ngayon dahil kanina pa siya nagki-crave ng quality time sa binata.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.