(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)
beeyotch · 16 chapters · 30,177 words
About The Story
This is the story of Marcus from Almost, But Not Quite. You don’t have to read that, but you might be confused with some of the things which will be included here. But if you don’t wanna read that, it’s fine. You’ll still understand this story just fine.
Will include some medical terms and whatnots. It’s not my strongest suit. Just comment if you find anything wrong and I’ll gladly edit it. Thanks!
Also, almost already finished in Patreon. Will start uploading chapters here once it’s finished there.
**
SNS Accounts:
Twitter: beeyotchWP
Instagram: aryesaaaaa
Facebook Page: Beeyotch Stories
Youtube: Ariesa Domingo
Facebook Account: Eydee Aldea Sandoval
Patreon Account: beeyotch
Chapter 01
#IrrefutablyYours Chapter 01
The party was cancelled. Pinapanood ko ngayon na ligpitin iyong mga lamesa. Ilang ulit na akong humihinga nang malalim para pigilin iyong sarili ko sa pag-iyak. Kanina pa ako tinitignan nang mga tao na parang awang-awa na sila sa akin…
Top 2…
Top 2 ako sa Physician’s licensure exam…
Pero syempre, hindi ako top 1 kaya hindi masaya si Mommy.
“Tinabi ko iyong cake sa kwarto mo,” Daddy said, tapping my back.
I looked at him, trying to smile despite the feeling of disappointment that was drowning me. “Thanks, Dy…”
“Proud kami sa ’yo.”
“Sana si Mommy din…”
Saglit na nawala iyong ngiti sa mukha niya. I knew he always tried to talk to Mommy about this… Na sana ma-appreciate niya naman kahit papaano… I worked my ass off. Literal na sa mga panahon na nagrereview ako, swerte na kung maka-apat na oras ang tulog ko… Akala ko nga mababaliw na ako noon kasi pati kwarto ko, puno ng reviewer ang naka-dikit sa pader.
But someone fared better.
Demoted ako sa Top 2.
“Ano ka ba, Niles? Matalino ka. Alam mo naman ’yan,” Daddy said, trying to make me feel better. “Gusto mo ba ipuslit ko rin iyong lechon sa kwarto mo para ngumiti ka nang kaunti?”
I finally laughed. Si Daddy talaga…
“No, okay na ako sa cake, Dy… Pero ano’ng gagawin sa lechon? Pati sa mga handa?” tanong ko… ’Di ko kasi talaga alam kung ano ba ang plano ni Mommy… Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na maghanda nang ganito kasi malay ko ba kung magta-top ako sa boards? But I did my best. God knows I did my absolute best…
Daddy shrugged. “Ewan ko. Pabayaan natin ’yang Mommy mong isipin kung ano’ng gagawin niya sa sangkaterbang pagkain na ’yan,” he said, draping his arm over my shoulders. “Tara, tawagin natin mga kapatid mo tapos kainin na lang natin iyong cake mo,” he continued, making me smile. “Di pa rin ako maka-paniwala na may doktora na akong anak!” And then he kissed the top of my head.
Life’s still good. I had the most supportive father… Okay na rin siguro.
“Sino ’yung kausap mo, nak?” Daddy asked when I had to excuse myself from the table. Usually, hindi ako sumasagot ng mga tawag kapag galing sa unregistered number… pero kasi ito… pangatlong beses na. Nung una, tawag mula sa isang representative ng hospital, tinatanong kung interested daw ba ako na magresidency sa kanila. Iyong pangalawa, ganoon ulit galing naman sa ibang hospital…
“Offer lang po,” simpleng sagot ko. Nakita ko na sumaglit ng tingin sa akin si Mommy. Hindi pa rin siya masaya na Top 2 ako sa board exam… Babalik na ulit ako sa pag-aaral, tapos ’di pa rin niya ako pinapansin… ’Di ko pa naman alam kung kailan ulit ako makaka-uwi kasi sobrang hectic ng schedule…
“Galing kanino?”
“St. Luke’s.”
Nanlaki ang mga mata ni Daddy. “Talaga? Para saan naman daw?”
“Scholarship basta daw sa kanila ako magreresidency,” simpleng sagot ko.
“My, narinig mo ’yun? May offer! Galing talaga nitong panganay natin!” he said proudly, but Mommy merely nodded her head.
I felt this sad feeling inside my chest again… Ano pa ba’ng kailangan kong gawin para maging proud siya sa akin? Isang ‘Congrats, anak’ lang naman ang gusto kong marinig sa kanya… Iyon lang. Iyon lang talaga…
Pagkatapos nun, tahimik lang akong kumain. Hanggang kinagabihan, habang nag-aayos ako ng gamit dahil babalik na ako sa Manila kinabukasan, hindi pa rin ako pinapansin ni Mommy… Bwisit pa iyong kapitbahay namin, ang lakas ng senti na videoke! Muntik na tuloy akong maiyak habang nag-e-empake.
Hanggang sa maka-tulog na lang ako, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Kinabukasan, maaga akong gumising. I just wanted to go back to Manila. I wanted to drown in work again. At least doon, hindi ko mararamdaman iyong ganito. Ang hirap sa feeling na sobrang disappointment iyong tingin sa iyo… Kahit alam mo sa sarili mo na sinubukan mo naman talaga…
“Aalis ka na agad?” Daddy asked when he saw me carrying my backpack.
I nodded, smiling. “Opo. May mga gagawin na rin ako, e.”
Mommy still wasn’t looking at me. But I really didn’t want to leave our province like this. ’Di ko alam kung kailan ulit ako magkakaroon ng maraming time para maka-uwi…
“Alis na po ako,” I told her.
“Ingat ka,” she said, but it was as if I could feel the icy tone in her voice. It was so cold that it could probably break me if she tried just a little bit harder.
Hinatid ako ni Daddy sa terminal ng bus. He kept on apologizing for Mommy’s behavior. I kept on saying that it was all right, even though it didn’t feel all right. It sucked, really. But… I guess my grandma was just as hard on my mom… Kaya ganoon din siya ka-strict sa akin… Malas ko lang hindi ako maka-live up sa expectation ng nanay ko.
Pagdating ko sa dorm, nagulat ako dahil nandun lahat ng friends ko. They even got a cake for me! And balloons!
“Congrats, Dra. Nileen Riviera!” sabay-sabay nilang sigaw habang nagsisiksikan sila sa maliit kong kwarto. Agad na lumapit si Yanyan, best friend ko, habang may hawak na cake.
“Grabe kayo…” sabi ko habang naiiyak.
“Blow na, Niles! Ano’ng wish ng topnotcher namin?” she asked as I felt all the eyes of our friends in me.
I smiled at them, as I wiped the tears on my face. “Wala… Seryoso, masaya na ako,” sagot ko habang hinihipan iyong mga kandila.
We spent the entire night talking about our experiences. We’re all doctors now… No one got left behind. I am so proud of us… Sabay-sabay kaming naghirap sa bawat klase, sa bawat pagrereview…
’Di man ganoon ka-proud si Mommy sa pagiging Top 2 ko, at least proud sa akin si Daddy… Mga kapatid ko… Mga kaibigan ko… I have a lot to be thankful for.
Months passed and I was finally getting the vacation that I wanted. Iyong Top 3 kasi sa board exam ay nakakuha ng all expense paid vacation galing sa isang anonymous na generous na tao. Any Philippine destination. Matagal kong pinut-off iyong bakasyon dahil ang dami niyang kailangang gawin.
But now… now I was free!
“Talagang sinulit mo iyong bakasyon, no?” tawang-tawang sabi sa akin ni Yanyan. “Talagang sa dulo ng Pilipinas para sulit bayad, no?”
Inirapan ko siya. “Dream destination ko talaga ’yung Batanes. ’Wag kang hater.”
“Ano bang meron ’dun? Uwian mo naman ako!”
Naglahad ako ng palad. “Pera?”
Inirapan niya rin ako. “Napaka-kuripot mo talaga. Doktor na, ang kuripot pa rin.”
Natawa ako. As if naman napaka-laki ng sweldo ko! Halos negative na nga, e! Siguro five years pa bago talaga ako magkaroon ng maayos na sweldo. Sa ngayon, tiis-tiis muna. Sabi nga nila, medschool is delayed gratification. Hindi mo agad makukuha kung anuman ang sa tingin mong dapat mong makuha. Kaya importante talaga dito na mahal mo iyong ginagawa mo. Kasi kapag hindi? Sobrang tempting tumigil. Ang hirap kaya. Sobrang toxic ng environment. Nakaka-burn out. Pero wala, e. Gusto ko talaga iyong ginagawa ko.
Thankfully, tinulungan naman ako ni Yanyan na mag-ayos ng gamit. Hinatid niya pa ako sa airport dahil wala naman akong sasakyan. One at a time muna. In time, makaka-bili din ako ng sasakyan. For now, okay na ako na nakaka-tulong ako sa pangtuition ng mga kapatid ko. Alam ko na sobrang hirap nun na pinapaaral ako ng med. Ang mahal kaya ng tuition ko. It’s time to help my family. At saka na ako.
Pagdating ko sa airport, medyo maaga pa ako for my flight. Better early kaysa maiwanan ng flight. Naghintay na lang ako sa lounge. Nilabas ko iyong libro na baon ko. It’s a romance story. Dahil sobrang busy ko sa med, wala akong time maghanap ng boyfriend. Story na lang talaga bumubuhay sa kilig sa katawan ko!
Kailan kaya ako magkaka-boyfriend? Tinakot pa naman ako ni Yanyan na wala daw lalapit na lalaki sa ’kin dahil sobrang nakaka-intimidate daw ako! ’Di lang daw ako doctor, topnotcher pa! Ang tanging pag-asa ko lang daw ay iyong Top 1 dahil iyon lang daw ang hindi maiintimidate sa akin.
Tsk.
Naalala ko na naman ’yang si T1 (nickname ko sa kanya). Dahil sa kanya, ’di ko alam hanggang ngayon kung ano ang nangyari sa lechon at menudo!
’Wag sana kaming magtagpo ng landas.
Although ’di ko naman siya sinisisi na number 1 siya… Syempre pinaghirapan pa rin naman niya ’yun! But still, alam mo ’yun? Mas mahal pa siya ng nanay ko kahit ’di namin siya kilala!
‘Flight to Basco, Batanes is now boarding. Please proceed to Gate 26,’ rinig kong sabi sa Intercom. Mabilis akong tumayo, pero dahil sa pagmamadali, nabunggo ako sa lalaki.
“So—”
Pinulot niya iyong libro ko. Nakita ko iyong panlalaki ng mga mata niya nang makita niya kung ano ang binabasa ko. Ramdam na ramdam ko rin iyong pamumula ng buong mukha ko! Bakit naman kasi ganoon iyong cover?! Nakaka-hiyang basahin?! Dapat talaga naglagay muna ako ng cover! O kaya nagkindle na lang ako!
Dahil sa sobrang hiya, mabilis akong nagwalkout. Ni hindi ko masyadong nakita iyong mukha nung lalaki. But… ang gwapo?!
Pero, no, Niles! Kahit gwapo, nakaka-hiya! Baka kung ano iniisip niya sa ’kin?! Bakit naman kasi kailangang makita niya pa iyong binabasa ko?! Ugh!
“This way, Ma’am,” sabi ng flight attendant nang maka-sakay na ako sa eroplano. I was still a bit dazed from that embarrassing encounter kaya hinayaan ko na na tulungan ako ng flight attendant na matunton ang upuan ko.
“Thank you,” I said as I made myself comfortable in my seat.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahi pagod pa ako from the last shift. Nilagay ko iyong earphones ko. Sana magising ako kapag nasa Batanes na. I wanted to rest para ma-appreciate ko iyong Batanes.
But in the middle of the flight…
“Gosh,” I uttered under my breath nang makita ko kung sino iyong katabi ko. It was the guy! It was the guy whose face reddened when he saw what I was reading!
Dahil sa pagsasalita ko, napa-tingin sa akin iyong lalaki. He wasn’t saying anything, pero kitang-kita ko iyong judgment sa mukha nito!
“It wasn’t as bad as you’re thinking,” I explained. ’Di ko alam bakit ako nag-e-explain! I didn’t owe this stranger any explanation! But for some reason, I kept on defending myself! “Alam mo, Sir, walang masama sa binabasa ko. I’m a normal woman. Normal lang na magbasa ng ganoon. Wala akong tinatapakan na tao. Nagta-trabaho ako nang marangal.”
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagsasalita sa harap niya. Naka-tingin lang siya sa akin. Parang malapit na siyang matawa sa dami ng pinagsasabi ko. Gustung-gusto ko na basagin iyong bintana tapos tatalon na lang ako palabas. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko, pero hindi ako matigil sa mga sinasabi ko?!
Ano ba, Niles?! Wala ka na talagang hiya?!
Nang matapos ako sa nobena ko, hinanap ko iyong balabal mula sa bag ko, at tinakpan ang mukha ko. I wanted to land! Gusto ko na umalis dito! Wala na akong dignidad!
’We’re now in Basco, Batanes. Philippine time is 5:18pm. Local time is 5:00pm. Weather is 25 Celsius. We hope—“ Hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita ni Captain dahil tumayo na agad ako. Kating-kati na akong umalis dito. Feeling ko sa maigsing panahon na nakilala ko ang lalaki na ’to, nagawa niyang tanggalan ako ng dignidad.
Halos banggain ko lahat ng humarang sa daan ko. I just wanted to get away from that guy! Fast!
Pagbaba ko, hinanap ko agad iyong tour guide ko. Sabi sa akin, may magtu-tour daw sa akin para hindi ako mahirapan.
“Hi,” I said as I saw the man who was holding a sign of my name. “I’m Nileen Riviera.”
“Good evening po, Ma’am,” sabi nung lalaki sa akin. “Wait lang po, ah? May hinihintay pa tayo.”
I nodded. Naupo ako sa upuan sa likod niya. I just wanted to lay down, and rest. Baka bukas na talaga ako mag-ikot. Pagod na ako. Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya…
No…
“Good evening, Sir. Kayo po si Marcus Isaiah Nicolas?”
The guy was looking at me as he nodded. It’s as if he was taunting me with his eyes. That that little smirk on his face! “Yeah, that’s me,” he said. Holy macaroni… Siya si T1?!
This story is already finished on Patreon x
Chapter 02
#IrrefutablyYours Chapter 02
Just my freaking luck!
At talaga namang sa lahat ng lugar sa Pilipinas at sa petsa sa kalendaryo, talagang pareho pa kami ng napili!
Para siguro akong bata na naka-kunot ang noo at naka-cross arms habang nagpapaliwanag iyong tour guide sa amin. Bakit ba? Masama ang loob ko! Tagal-tagal kong inimagine kung ano ang itsura ng naka-talo sa akin sa boards tapos…
Ang gwapo.
Unfair.
Matalino na, gwapo pa.
Ano ba namang buhay ’to.
“May tanong po ba kayo, Ma’am?” the guide asked.
Mabilis akong umiling. “No po.”
“Tara na po sa tutulugan niyo,” he said and my forehead creased a little dahil sa pananalita niya, para bang ibig sabihin niya na same kami nitong si T1 ng pagse-stay-an.
“Wait po,” I said. “Kaming dalawa…” sabi ko habang tinuturo kaming dalawa ni T1. “Sa… parehong lugar magse-stay?”
The guide nodded. “Yes po. Pero separate room naman po. May problem po ba?”
Bago pa man ako maka-sagot ay napa-tingin ako kay T1. His brow was slightly arched na para bang amused siya sa akin. Kapal ng mukha! Palibasa alam niya siguro na gwapo at matalino siya.
I scoffed.
Daming gwapong doctor, uy! ’Wag masyadong feeling!
“Nothing,” I just said.
Tahimik ako habang papunta kami sa lodge kung saan ako magse-stay. ’Di bale, ilang araw lang naman ’to. I just needed to ignore T1. Pagkatapos nito, balik Manila at balik trabaho na ako. Magkaiba naman kami ng hospital. Malaki naman ang possibility na hindi na kami magtagpo ever.
Pagdating namin sa lodge, nagkulong agad ako sa kwarto. Gusto ko sanang matulog na dahil sabi ay maaga ang start ng tour bukas… kaya lang ay na-bore agad ako sa kwarto… At saka gutom na ako.
Pagbaba ko, naghanap ako ng makakain kaya lang ay wala na iyong babae kanina. I saw T1 minding his own business habang kumakain. I frowned. Buti pa siya naka-bili agad ng pagkain. Bakit ang swerte niya? Bakit ang malas ko? In all aspects of life ba ’to? Siguro may magandang jowa din ’to. Nasa kanya na talaga ang lahat.
I was about to turn around and just sleep my hunger away nang biglang tumunog ang tiyan ko. Agad siyang napa-tingin sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa panic.
“Di kita pinapanood!” was my initial reaction.
Bahagyang kumunot ang noo ko. “I didn’t ask?”
“Mukha ka kasing feelingero.”
“May ginawa ba ako sa ’yo? Bakit parang ang lalim ng galit mo sa akin?” nagtatakang tanong niya. I just pursed my lips together and glared at him. Ano namang sasabihin ko? Badtrip ako sa kanya dahil natalo niya ako sa boards? I mean, hindi naman ako badtrip talaga dahil doon. Masaya na ako na top 2 ako. Nabaling lang sa kanya iyong pagka-badtrip ko dahil sa reaction ni Mommy.
“Wala.”
“Sure ka?”
“Oo nga.”
“Okay…” sabi niya. “Gusto mong pagkain?”
Umiling ako. “No, thanks,” I said pero iyong cooperative kong tiyan, ang lakas ng tunog! Ano ba ’yan! Nakaka-sira ng image!
“Share na tayo. ’Di ko naman ’to mauubos,” he said, pointing at his food na mukhang kaka-simula pa lang.
I didn’t want to be an illogical person. Mukha akong tanga kung magagalit ako sa kanya just because he scored higher in an exam. Pinaghirapan naman niya ’yun. Hindi niya kasalanan na malaki akong disappointment sa paningin ng nanay ko.
“Okay ka lang ba?” he asked when I stared into nothingness for a while.
“Ha? Yeah,” I replied with an awkward smile. “Thanks for sharing your food pala… Sorry kung attitude ako kanina. Masama lang pakiramdam ko.”
He just nodded. Suplado naman.
Tahimik akong kumain. Binabagalan ko lang dahil nakaka-hiya naman kung marami akong kakainin e pagkain niya ’to. Tapos bigla siyang naghikab.
“Ay, sorry. Inaantok ka na ba?” I asked kasi baka gusto niya ng umalis tapos naka-harang ako rito.
“No, it’s okay. Tapusin mo na ’yan.”
“Ha? Okay lang. Alis ka na.”
Umiling siya. “Hintayin na kita. Malungkot kumain mag-isa,” simple niya lang sabi tapos ay napa-hikab ulit siya. Mukhang antuk na antok na ’to. Galing kaya siya ng duty? Weird naman kung tatanungin ko… ’Di niya naman alam na alam ko kung sino siya.
I just nodded and then proceeded to eating. Mas binilisan ko ang pagkain. I was about to fix the table dahil naki-kain na nga ako, pero tinulungan niya pa rin ako. We were quiet as we cleaned after ourselves. Pagkatapos, naggoodnight lang siya at dumiretso na sa kwarto niya.
Maybe he wasn’t so bad.
“Morning,” I greeted nang makita ko na nasa baba na siya. He’s sitting and quietly sipping his coffee.
“Morning,” he greeted back. I looked around to see if nandun na iyong si kuya tour guide, but he wasn’t around yet. Awkward naman.
I took a seat and enjoyed my own cup of coffee. Napa-tingin na naman ako sa kanya. He’s wearing a brown khaki shorts, white shirt, what looked like walking shoes, and black baseball cap. Same lang pala kami. Naka-comfortable walking attire lang din ako. Wala naman akong balak kumuha ng magagandang picture ko rito. I really just wanted to unwind. Sobrang toxic ng schedule ko, e. Saka who knows kung kailan ako makakapagbakasyon ulit? Hassle pa naman ng hospital life.
Maya-maya, dumating na si kuya guide.
“Good morning!” he greeted. Well, at least merong high energy sa amin ngayon. “Brief ko lang po kayo sa mga mangyayari ngayon.”
“Wala na bang iba?” I asked kasi nagsa-start na siya magbrief e literal na kami lang ni T1 ang nandito.
“Yes, Ma’am. Kayong dalawa lang sa tour na ’to.”
Oh, freak.
Napa-tingin ako kay T1 na medyo naka-kunot ang noo. I smiled at him. Baka iniiisip niya na ayoko siyang kasama—hindi naman sa ganon! Weird lang for me!
Kuya guide proceeded on briefing us sa mga ganap today. Medyo na-excite ako dahil sobrang dream destination ko ang Batanes! ’Di ko masyadong nakita kagabi kasi madilim na nang maka-rating kami.
Sabi ni kuya, sa North Batan kami for today. Bukas iyong sa South tapos sa ibang island naman. Sobrang packed naman ng sched namin! Buti hindi masyadong mainit kung hindi toasted ako pagbalik ng Manila!
Paglabas namin, sumakay kami sa tricycle. Si kuya guide iyong driver.
Ano ba ’yan.
Ang bango.
“Sorry, masikip ba?” he asked as he adjusted. Ang lapad kasi ng balikat niya. Naiimagine ko na. Sure na sure ako kinikilig iyong mga interns sa taong ’to. Baka nga pati mga residents kinikilig din, e!
“Hindi, ayos lang,” I replied as I tried to make myself comfortable.
Kalma lang, Niles. Lalaki lang ’yan. Maraming gwapong doctor, remember? Marami nga lang ding assholes, pero kung gwapo lang ang usapan, pagka-dami-dami sa ospital.
Una kaming naka-rating sa boulder beach.
“Mahilig ba kayo manood ng sunrise?” tanong ni kuya.
“Medyo, kuya. Lagi kong naaabutan, e,” pabirong sabi ko kasi totoo naman. Kapag nagrereview ako dati, inaabutan ko talaga iyong pagsikat ng araw. Lalo na nung nasa medschool pa ako. Legit naman kasi na araw-araw may quiz at exam. Akala mo mamamatay mga prof kapag walang exam o quiz, e. Kahit nga may bagsak ako, wala na akong paki kasi kailangan ko ng magmove on para sa susunod na exam.
“Grabe naman, Ma’am. Ano po ba trabaho niyo?”
“Sa hospital po,” sagot ko na lang. Napa-tingin sa akin si T1. Curious na siguro siya sa ’kin. Hah! Dapat lang! Ako nga ilang buwang na-obsess sa kakaisip kung sino siya, e. Be fair at ma-curious naman siya sa akin kahit sandali!
“Doctor po?”
Tumango na lang ako. Mas lalong kumunot ang noo ni T1. Mabuti na lang at papasikat na ang araw kaya doon na lang ako nagfocus. Wow… ang ganda!
“Gusto niyong magpicture, Ma’am?” tanong ni kuya.
“Hindi na po. Okay na ako rito,” sagot ko habang naka-ngiti at naka-tingin sa pagsikat ng araw. Ewan ko ba. Hindi ako mahilig sa picture. I was more of living in the moment. Malinaw naman ang memory ko. Maaalala ko lahat ’to.
“Ikaw, sir? Picture?”
“Hindi na, kuya,” sagot niya rin.
Huh. I guess pareho kaming hindi fan ng pictures.
Nang sumikat na ang araw, naglakad-lakad lang ako sa mga batu-bato. Grabe iyong lakas ng hampas ng alon, e! Medyo scary! Paano na kaya kapag nag island tour kami? Diyos ko! Baka mamatay ako sa sobrang hilo kapag nasa gitna na kami ng tubig!
Nang lumipat na kami papunta sa simbahan ng Basco, mabilis akong pumasok sa loob. I knelt and silently prayed. Alam kong sobrang blessed ko dahil sa lahat ng nangyari sa akin. I thanked God para sa good health ng family ko at dahil hindi sila na-aksidente. Pinagpasalamat ko rin iyong sa trabaho ko at iyong sa boards. Sana magtuluy-tuloy.
Ay. At saka love life! Gusto ko na ng love life! Sabi ni Daddy ’wag muna akong magjowa habang nag-aaral, ako naman si tanga, sumunod! Ayan ngayon na doctor na ako, walang magtangkang lumapit kasi natatakot ata sa akin! ’Di naman ako nangangagat, grabe! Libreng consultation pa nga kung jowa ko!
Unfair!
Nang matapos akong magdasal, nakita ko na nagdadasal pa rin si T1.
“Sorry natagalan,” he said paglabas niya ng simbahan.
“Okay lang, ano ba,” I replied.
Might as we be… friends? Ilang araw pa kami rito.
“San ka nagta-trabaho?” he asked.
“St. Matthew’s,” I replied.
“Residency?”
“Yeah,” sagot ko. “Ikaw ba?”
“Dun din.”
Iyon lang ang sinabi niya. Ni hindi niya sinabi na top 1 siya sa boards. In fairness…
Wala lang. Nakaka-tuwa. Marami kasi akong kilala na mga doctor na ang laki ng ulo. Alam mo ’yun? Naging doctor lang akala mo e regalo na ng Diyos sa kababaihan. Nakaka-stress. ’Di na nga gwapo, manloloko pa. Marami kaya akong kilala lalo na iyong mga nasa cardio at neuro. Mas okay iyong mga lalaki sa pedia.
“Nileen, ’di ba?”
“Niles na lang,” sagot ko. “Ikaw?” tanong ko kahit kunwari hindi ko alam na siya si Marcus Isaiah Nicolas na top 1 ng Physician Licensure Exam.
“Marcus,” he replied.
“Picture naman d’yan!” sabi bigla ni kuya.
“Wag na—” sabi ko.
“Remembrance lang ba,” sabi ni kuya guide. “May mga boyfriend at girlfriend ba kayo?”
“Wala,” sabay naming sagot. Agad akong napa-tingin sa kanya. Walang jowa ’tong lalaking ’to? Ang weird! Kasi sure ako pinag-aagawan at pinagnanasaan ang ganitong mukha at katawan sa ospital!
Napa-ngisi si kuya. “Talaga nga naman… Destiny na ba ito?” sabi niya bago kami pilit pinagtabi at kinuhanan ng picture.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 03
#IrrefutablyYours Chapter 03
Dahil sobrang lakas ng trip ni kuya guide, bigla tuloy akong nailang kay T1. Nung mga sumunod na pinuntahan namin, nagsolo na lang ako. Ewan ko kung nagtaka siya or what… Bahala na. Kaya naman talaga ako nandito sa Batanes ay para i-enjoy ang nature dahil alam ko na pagbalik ko sa Manila, sabak na naman ako sa trabaho. Iniisip ko pa lang ’yung duty ko, sumasakit na agad ulo ko!
“Ma’am, mga mata niyo…” tukso bigla sa akin ni kuya.
“Napaka-malisyoso niyo, kuya, ha,” sabi ko sabay iwas ng tingin.
Nandito kasi kami ngayon sa Maydanged White Beach. Wala talaga palang masyadong tourist ngayon dahil kami lang ang tao dito.
“Kanina ka pa naka-tingin, Ma’am, e. Type mo?”
“Hala siya!”
Tumawa si Kuya. “Gusto mo tanungin ko kung single si Sir?”
Ano ba naman ’to! Napaka-malisyoso ni kuya!
“Ewan ko sa ’yo, kuya,” sabi ko bago tumayo at saka naglakad-lakad na lang. ’To naman kasing si kuya! Hindi ko naman tinititigan si T1! Kasalanan ko ba na sa harap namin siya naghubad?! Magsu-swimming siya, malamang maghuhubad!
Saka may abs siya, no! Hindi ko kasalanan kung napa-tingin ako. Kumbaga, involuntary reaction ng mga mata ko! Sino ba naman ang hindi mapapa-tingin sa katawan ni T1?! Doctor ba talaga ’yun? Bakit naman ganoon iyong abs?! Parang pangswimmer!
Pagkatapos kong maglakad-lakad, doon ako naupo sa ilalim ng puno ng niyog. Bahala si kuya sa iisipin niya! Kahiya naman kasi! Tukso siya nang tukso. Mamaya marinig ni T1 iyon at isipin pa na crush ko siya.
Gwapo siya.
’Di ko siya crush.
Marunong lang talaga akong umappreciate ng gawa ni Lord.
Dahil ito na iyong last stop namin for today, parang sinusulit ni T1 iyong beach. Kanina pa siya nandun. ’Di kaya siya natatakot? Mukhang sanay na sanay sa tubig, e.
Shit.
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapa-tingin siya sa direksyon ko. Kaka-ahon niya lang mula sa tubig at hinawi niya iyong tubig paalis sa mukha niya nang mapa-tingin siya sa akin. Mabilis na nagpanic ang buong sistema ko at nag-iwas ako ng tingin. Shit. ’Di naman siguro ganoon ka-linaw ang mata niya, no?! Medyo malayo naman ako sa kanya! ’Di naman siguro niya ako nakita!
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan! Hindi naman ilegal na tignan siya—although iyong abs niya feeling ko dapat ilegal! Seriously though! Saan siya kumukuha ng time para magkaroon ng ganoong abs?!
Nagfocus na lang ako sa binabasa ko. ’Di talaga ako fan ng tubig. Mahilig akong pumunta sa beach pero hindi ako naliligo. Trip ko lang talagang tumambay sa dalampasigan. Ewan ko ba. Hindi kasi ako mapanatag na hindi ko nakikita iyong tinatapakan ko.
Nang aalis na kami, nakita ko na naka-bihis na si T1. Tuyo na rin iyong buhok niya. Sa lakas ba naman ng hangin dito, e.
“Di ka nagswimming?” biglang tanong niya.
“Di ako mahilig,” simpleng sagot ko.
“Magbabasa ka lang dito?”
“Why not?”
“Wala lang. Sayang naman.”
“As long as nag-e-enjoy ako,” I replied.
Ang toxic ng buhay ospital. Sobrang na-a-appreciate ko iyong mga ganitong tahimik na moment. Akala ko medyo kakalma nang kaunti ngayon na resident na ako, pero mali yata ako. Siguro kapag consultant na ako, medyo kalmado na, no? Feeling ko pa rin ngayon araw-araw mamamatay ako sa pagod, e.
“Mukha ngang nakaka-enjoy iyong binabasa mo.”
Biglang nag-init iyong mukha ko.
Tumingin ako sa kanya. Medyo naka-ngisi siya. What the hell? Tinutukso niya ba ako?!
Nanlaki ang mga mata ko.
Was he… flirting with me?
Itong lalaking may well-defined abs… nilalandi ako?!
Absent-mindedly, I slapped myself to check kung nananaginip ba ako… but as it turned out, hindi ako nananaginip dahil nakita ko kung paanong manlaki ang mga mata ni T1 nang makita niya akong sampalin ang sarili ko.
“Oh, shit,” I said before I covered my face with my hands. Kung pwede lang talagang tumalon palabas nitong sasakyan, gagawin ko talaga! Sobrang nakaka-hiya!
“Okay ka lang?” he asked.
Hindi ako nagsalita.
“Bakit mo sinampal iyong sarili mo?” tanong niya pa.
Alangan namang sabihin ko na para i-check kung nananaginip ba ako o hindi?! Baka isipin ng isang ’to na may sira ako sa ulo! Gosh! Ang hirap talaga kapag wala kang experience sa love-love na ’yan! Kapag ganitong simpleng landi lang, inooverthink mo na!
“Niles, okay ka lang?” he asked again.
“Yeah,” I replied para tumigil na siya.
Naka-takip lang ang mga kamay ko sa mukha ko hanggang sa maka-balik kami sa lodging. Hindi yata ako makaka-baba mamaya for dinner sa sobrang hiya! Ano ba ’yan!
“Nakaka-hiya ka, Niles,” sabi ko sa sarili ko habang naka-tingin sa kisame. “Umayos ka nga. Akala mo ’di ka sanay maka-kita ng gwapo. Dami-daming gwapo sa ospital. Kumalma ka, please lang. ’Wag mong ipahiya ang sarili mo. Lalaki lang ’yan.”
Mukha na siguro akong siraulo kung may makaka-rinig sa akin. Ilang minuto ko ring kinausap iyong sarili ko kaya naman halos atakihin ako sa puso nang may kumatok sa pinto.
“Niles.”
Shit.
Bakit nandito na naman ’to?
Agad akong tumayo at saka binuksan iyong pinto. May manners naman ako. “Bakit?” tanong ko sa kanya. Suot niya pa rin iyong kanina. Naka-white t-shirt pa rin siya at saka maroon shorts at saka black sliders. Saka napansin ko na may butas ng hikaw iyong tenga niya.
He’s really out here defying the stereotypes, huh?
Bad boy na doctor.
“Dinner na raw,” sabi niya.
“Hindi ako gutom,” sabi ko.
Medyo kumunot ang noo niya. “Lunch pa huling kain natin.”
Kinurot ko iyong palad ko. Lord naman. Bakit ang bilis kong kiligin sa lalaking ’to? Literal na tatlong araw ko pa lang siyang nakaka-sama. Ang rupok ko naman po.
“Ah… diet ako,” sabi ko.
“What? Are you sure? Masarap ’yung pagkain sa baba.”
Then my scandalous stomach growled again.
Shit.
“Gutom ka naman pala,” he stated. “May… nagawa ba akong hindi mo gusto? I don’t want to assume, but I feel like you’re avoiding me.”
My laughed sounded robotic and forced.
Shet.
Nakaka-hiya!
“Hala? Ano’ng sinasabi mo d’yan?” tumatawa na sabi ko habang lumalabas na sa pinto. “Tara na nga!” sabi ko pa at nauna akong pumunta sa kanya sa dining area.
Mabuti na lang talaga at nandoon din iyong may-ari ng lodging kaya naman hindi kami solo ni T1. True enough, masarap nga iyong pagkain. Mabuti na lang pala at tinawag niya ako! Magana akong kumain habang nakikipagkwentuhan sa mga may-ari nung bahay.
“Salamat po,” sagot ko nang abutan ako ng baso. Wine daw ’to sa Batanes. I found it rude na tumanggi kaya naman uminom na ako. Nang abutan nila si T1 ng wine, mukhang nahiya rin kaya uminom din. Halos sampalin ko na naman ang sarili ko habang pinapanood ko iyong adam’s apple niya na gumalaw habang iniinom niya iyong wine.
Lord, ano po ba ang balak niyo?!
Sobrang babait nung mga may-ari kaya ang hirap tumanggi. Nagkwento sila tungkol sa mga folklore at kung anu-anong interesting na bagay. Pero nang medyo lumalim na ang gabi, nagpaalam sila sa amin na mauuna na silang magpahinga dahil medyo matanda na sila.
“What?” I asked when I saw T1 looking at me.
“Seriously, may ginawa ba ako sa ’yo?”
“Wala nga,” sagot ko habang sinasalinan ng wine iyong baso ko. May konti pa kasi na natira. Sayang naman.
“Sigurado ka?”
“Bakit? Guilty ka ba?”
He slightly cocked his head to one side as if he were thinking. Shit… Paka-gwapo naman ng isang ’to! San kaya siya nagreresidency? Sigurado ako kung nasa OBGYN ’to kilig na kilig ’yung mga babae! Baka magpa-pap smear for fun pa ’yung mga ’yun!
“I got nothing,” sabi niya at saka umiling. “Wala akong ginagawa sa ’yo.”
I scoffed.
“Seriously,” he said because of me scoffing. “We still have 2 days here in Batanes. Ano ba’ng kinakagalit mo sa ’kin?”
’Di naman ako galit.
Ano ba ’yan.
Sabi na nga ’wag iinom, e. Nawawala iyong filter ng bibig ko. Baka kung ano masabi ko sa lalaking ’to bigla. Awkward pa naman kasi tama siya na may 2 days pa kami rito. Buti sana kung last night na namin, no. Kahit mag open forum pa kaming dalawa, game lang.
“Di nga ako galit,” I said. “Di lang ako friendly, ganon.”
I stood up and grabbed the bottle.
“Good night, T1,” I said before I walked to my room.
“T1?” he asked.
My eyes widened a little.
Ayan na nga, e. Nawawala iyong filter kapag may alak sa sistema! Nyetang Freudian slip ’yan!
“Wala,” I said, walking faster.
“Niles,” he called behind me.
“Good night, Marcus—” I said as I tried to close the door to my room, pero mabilis niyang naharang iyong kamay niya kaya naman mabilis din akong natigilan. Baka surgeon siya—I wasn’t that stupid para ipitin ang kamay niya dahil lang ayokong sabihin na naga-gwapuhan ako sa kanya.
“Gwapo ako?” he asked.
My forehead creased.
My eyes widened in panic.
What the fuck?! Did I just voice out my freaking thoughts?!
“Thanks for thinking about my fingers,” sabi niya pa habang bahagyang naka-ngisi. “Balak ko pang maging neurosurgeon.”
What the fuck, Nileen!
Bigla akong nanghina dahil sa mga katangahan ko sa buhay.
“Don’t worry, it’s fine,” he said.
“Mukha ba akong fine? Mamamatay na ako sa kahihiyan dito, oh.”
“Let’s just pretend na hindi ko narinig.”
“Pero alam ko na narinig mo.”
“I’m beat. Ano pa’ng pwede kong sabihin?”
“Wala. Matutulog na ko.”
“Inaantok ka na talaga? Usap muna tayo.”
“Di pa ba obvious na namatay na ako sa hiya?”
“Wag mo na kasing isipin.”
“Palibasa sanay kang masabihan ng gwapo, no?”
He didn’t answer, but just shrugged.
“Bakit T1?”
“Mali lang dinig mo.”
“Malinaw pandinig ko. Narinig ko nga na sinabi mong gwapo ako.”
I groaned. “Ang epal, ha!”
He laughed.
Lord.
Bakit kahit iyong tawa parang ang gwapo?
“Tara na kasi sa labas. Kita raw milky way ngayon.”
Okay. He’s good.
“Fine,” I replied dahil gusto ko rin naman talagang makita iyong milky way.
Dahil malapit lang naman iyong lighthouse, naglakad lang kami ni Marcus. Nawala na iyong hilo ko dahil sa paglalakad namin. Walang nagsasalita. ’Di ako nag-attempt dahil baka kung anong katangahan na naman ang masabi ko sa kanya.
My breath was taken away nang maka-rating kami roon.
“Ang ganda…” I couldn’t help but utter while we’re standing under the sky full of stars. I wasn’t really fond of taking pictures, but I kinda wished I had a camera with me so that I could memorialize this moment.
Naupo kaming dalawa habang naka-tingin sa langit at naririnig iyong bawat hampas ng alon.
“Kung galit ka sa ’kin dahil sa nangyari sa airport, sorry,” bigla niyang sabi.
“Pwede bang kalimutan mo na lang?” matapang na sagot ko kahit sa totoo lang, gusto ko na lang maghukay dito at ibaon ang sarili ko. Sandali pa lang kaming magkakilala pero dami ko ng kahihiyan sa kanya.
“Dun ba kaya ka galit?”
“Hindi nga. Pero kalimutan mo na ’yun, please.”
“Wala namang masama sa binabasa mo.”
Napa-takip na naman ako sa mukha ko.
“I mean… it’s just a book?” sabi niya sa tono na parang nakiki-sympathize siya sa akin, pero mas pinapa-lala niya lang ang sitwasyon. “Yung kapatid ko rin nagbabasa nung binabasa mo.”
I groaned. “Please ’wag na nating pag-usapan.”
“Okay pero—”
“Stop!”
Natawa siya ng saglit. “Okay,” he replied.
I hugged my knees closer to my chest. “Wag na nating pag-usapan ’yun, okay? Nakaka-hiya.”
“There’s nothing to be embarrassed about,” he said. “If guys have their porn, girls have their books, I guess?”
“Are we seriously talking about porn?”
“It’s part of the basic urges.”
“Please stop na.”
“There’s nothing wrong with talking about sex as long as it’s safe and consensual. We should normalize that, right, doc?”
Tumingin ako sa kanya. “Fine. You win.”
“Di naman contest,” sagot niya.
“Panalo ka pa rin. Basta shut up ka na.”
Narinig ko na naman iyong tawa niya. “San ka nagreresidency?”
“Internal medicine,” I replied. “Ikaw? General surgery?”
“Stalker ka ba?”
“Duh. Sabi mo magnu-neurosurgery ka, e.”
He nodded. Sindandal niya iyong dalawang braso niya sa likuran at saka tumingin sa langit. Bahagya siyang napa-ngiti.
“Dumiretso ka agad?” he asked.
“Yeah. Sayang oras,” sagot ko na lang kahit ang totoo, gustuhin ko mang tumigil, malamang magagalit sa akin si Mommy at iisipin na bakit mas pinili kong magmoonlighting kaysa dumiretso sa residency. “Ikaw? Dumiretso ka rin?” I asked kahit alam ko na dumiretso na rin siya. Magka-batch kami sa boards, e.
“Yeah.”
“Di mo naisip magmoonlighting?”
“Gusto ko lagi akong busy.”
“Bakit naman?”
“Kapag hindi ako busy, marami akong naiisip,” simpleng sagot niya. There was this look of… sadness on his face. I chose not to ask further. Parang dangerous territory, e.
For the next few minutes, naka-tingin lang kami sa langit. Ang ganda rito. Mamimiss ko ’to pagbumalik na ako sa Maynila. Wala na nga akong makitang bituin doon sa sobrang kapal ng polusyon.
“Balik na tayo,” sabi niya pagka-tayo. I tried to get up, too, but even before I could, he offered his hand to help. I gladly accepted it. “Friends?” he asked.
“Basta ’wag mo ng babanggitin iyong sa libro.”
Tumawa siya. “Ikaw banggit nang banggit, e.”
“Hindi ko kasalanan, okay? Ang unfair kaya na kayong mga lalaking doctor nilalapitan ng mga nurses at mga patients. Parang doble pogi points kayo dahil doctor kayo samantalang kaming mga babaeng doctor akala mo may nakaka-hawang sakit na ayaw lapitan,” reklamo ko habang naglalakad kami sa talampas ata ’to. “Lahat sila intimidated.”
“Bakit ka naman manghihinayang sa lalaking naiintimidate sa achievements mo?” he asked. “Dapat ang hinahanap mo ’yung lalaking magiging proud sa achievements mo—hindi ’yung maiintimidate sa ’yo. ’Di naman contest ’yan.”
Napa-tingin ako sandali sa itaas.
Lord… balato mo na ’tong isang ’to sa ’kin.
“Hirap maghanap.”
“Baka sa maling lugar ka naghahanap.”
“Alam mo, no uterus, no opinion.”
“Bahala ka. Unsolicited opinion, pero hanapin mo ’yung lalaking susuportahan ka, hindi ’yung maiinggit kapag may na-achieve ka.”
“Rare species.”
“Marami naman d’yan. Dami kasi sa inyo mas tumitingin sa mukha.”
“Wow, ha? Ikaw, ’di ka ba mahilig sa maganda?”
“Nakaka-appreciate ako ng maganda syempre—”
“Yun naman pala.”
“I get attracted with what’s on the outside, but I stay for what’s on the inside,” he casually said habang nandun na kami sa harap ng Basco Light House.
“Yang mga linya niyong ganyan kaya maraming nafo-fall tapos wala namang sumasalo.”
Tumawa na naman siya. “Sino ba’ng nanakit sa ’yo, Niles?”
“Wala, no. Wala pa akong nagiging boyfriend.”
His forehead creased a little. “Wala?”
“Wala. Kasi nga intimidated silang lahat. O kaya baka pangit lang talaga ako kaya walang nagtatangkang manligaw,” sabi ko habang unti-unting namumuo ang galit sa ulo ko. Gusto ko na ng boyfriend! Doctor na ako, e! Next on the agenda na ang pagkakaroon ng boyfriend! Ilang buwan na akong doctor pero wala pa ring prospect sa boyfriend aspect!
Napa-tingin ako sa kanya kasi hindi siya nagsasalita.
“What?” I asked.
“Hindi ka pangit, okay?”
I rolled my eyes. “Alam ko.”
“The right guy won’t be intimidated.”
“Nasaan na ba ’yang right guy na ’yan? Natutuyo na ang matres ko. Gusto ko pang magka-anak.” Tumawa siya. “Wag mo nga akong tawanan. Palibasa malamang ang dami-daming lumalapit na babae sa ’yo!”
He pursed his lips as if he was trying to subdue his laugher. “Saan ka ba talaga galit?”
“At this point, hindi ko na alam. Galit ako sa mga lalaking baka type ako pero intimidated dahil lang sa trabaho ko, sa katotohanan na wala pa akong first kiss sa edad ko na ’to, sa mga kupal na doctor sa trabaho ko, sa pag-iisip kung tama ba na nasa IM ako kahit parang gusto ko sa derma,” sabi ko at dire-diresto kong sinabi lahat ng problema ko sa buhay.
“Tapos ka na?” he asked after my long rambling.
Catching my breath, I nodded. “Yeah.”
“Ang dami mong problema,” he said. “Pwedeng tanggalin natin iyong isa.”
“Alin dun?”
“Your first kiss,” he casually said.
My eyes widened. “W-What?”
“The setting couldn’t get any better than this,” he said, looking around—the sky was full of stars and the sound of the waves was calming. “Okay daw ako humalik.”
My eyes blinked.
A lot of times.
“Hindi naman kita pipilitin—” sabi niya pero bago pa man siya matapos, I grabbed his collar of his shirt and claimed my very first kiss.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 04
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 04
“Girl! Sunkissed skin tayo ngayon, ah! Nag-enjoy ka?” tanong ni Yanyan pagka-kita niya sa akin sa hallway. As usual, nasa pre-duty na naman ako. Sana benign lang ang shift ngayon. ’Di ko kaya ma-toxic ngayon. Kailangan ko muli ng peace of mind.
“Okay naman.”
“Okay lang? Duh? Batanes kaya ’yun! Dream destination mo,” she replied. Para sa babaeng laging nagrereklamo na ang toxic ng duty niya sa OB dahil sa mga buntis na laging nakaka-limot magpa-check-up, napaka-taas ng energy niya.
I merely shrugged, pero si Yanyan, hindi ata ako titigilan.
“Ang weird mo,” sabi niya.
“Ako na naman nakita mo.”
Sana walang emergency ngayon. Sana walang pasaway na intern. Sana tahimik ang aking araw. Sana—
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Marcus sa hallway habang nalalakad kasama si Dr. Cuesta. Holy freaking macaroni! Bakit siya nandito?!
Nang papa-lapit na sila ay mabilis akong pumasok sa kung anumang kwarto ang nasa likuran ko. Yanyan’s face was contorted with confusion.
“What was that?” tanong niya pagpasok sa kwarto. Humina iyong boses niya nang makita niya na si Mrs. Ramos pala iyong nasa likuran namin—iyong matagal nang pasyenteng nandito na naka-life support pa rin. “Hi, Mrs. Ramos,” she greeted kahit natutulog iyon. “Ikaw, ano’ng nangyari kanina? Kulang na lang magkaroon ng silhouette ni Road Runner sa bilis ng takbo mo, ah.”
“Wala—” I said, but stopped midway when I saw Yanyan’s arched brow. Buong araw pa naman akong nandito; malamang hindi niya ako titigilan. I sighned. “Yung kasama ni Dr. Cuesta—”
“God, ang gwapo ni Dr. Cuesta talaga! Sayang may asawa na!”
“Yang pantasya mo ba pag-uusapan natin o ’yung kwento ko?”
“Sungit…” she said, pouting. “Ano meron sa kasama ni Dr. Cuesta? ’Di ba si Dr. Nicolas ’yun?”
“Kilala mo?”
She nodded. “Malamang. Top sa batch natin ’yun, e.”
“Dito ba siya?”
“Di ko lang sure… Baka dito na rin,” she replied. “Bakit? Ano’ng meron sa papi na ’yun?”
I took a deep breath bago ko simulang ikwento sa kanya iyong mga nangyari simula sa airport hanggang sa maka-balik ako sa airport. Kung gising lang si Mrs. Ramos baka binatukan niya na ako sa mga pinaggagawa ko sa Batanes! Wala bang kasabihan na what happens in Batanes stays in Batanes?!
“Kiss lang naman pala!” she said after I finished.
“Palibasa pokpok ka,” I replied.
“Gaga. Masama bang i-appreciate ang gawa ni Lord?” she replied, now sitting on the edge of Mrs. Ramos’ bed. Dito talaga kami nagkwentuhan. “Saka consensual naman ’yung kiss na naganap sa inyo, so bakit nagtago ka kanina?”
“Wala lang. Nakaka-hiya.”
“Teh, tanda-tanda na natin,” she replied. “Iyong iba nga dito kulang na lang maglagay ng mga pangalan nila sa fish bowl at saka magbunutan kung sino ang flavor of the week nila, e.”
I sighed. Bakit nga ba inooverthink ko? Tama naman si Yanyan. Dami-dami ko ngang naririnig dito na nagsesex for fun. Ewan ko. Sobrang toxic kasi ng trabaho namin kaya iyon ata ang stress-reliever nila.
But then again, sila ’yun.
Iba ako.
Nahihiya ako kay Marcus.
“Bakit ka ba hiyang-hiya? Kiss lang naman—” she said and then paused. “Unless…” she continued, grinning mischiviously at me. “Nileen Riviera… natikman mo na rin ba ang putahe ni Lord?”
Mabilis na namula ang mukha ko. “Gaga, hindi!” mabilis na sagot ko.
“Sure?”
“Bakit naman hindi ako magiging sure?!”
“So bakit ganyan reaction mo? ’Di ka ba natuwa sa kiss?”
“Natuwa—”
Ngumisi naman siya. “Nice,” she said, nodding her head. “Good kisser pala si Dr. Nicolas. Noted ’yan.”
“Walangya ka.”
Tumawa siya. “Joke lang! ’Di kita aagawan.”
“Agawan ka d’yan. Wala namang kami.”
“Ah. Kaya ka ba badtrip? After ng kiss, wala ng nangyari? Bitin ka ba, Dr. Riviera sa halik ni Dr. Nicolas?”
Kung pwede lang makipagpalit ako ng pwesto kay Mrs. Ramos para maka-iwas sa mga tanong ni Yanyan—
Mabilis kaming napa-tayong dalawa nang pumasok iyong mga consultants kasama si Dr. Cuesta at Dr. Nicolas. Oh, shit!
“Good evening po,” mabilis na bati ko sa kanila.
Mabilis akong tumayo sa gilid at nagpanggap na kasama ako sa routine visit nila. Ano ba namang kamalasan ’to! Halos itakip ko sa mukha ko iyong clipboard.
“Ang bango,” Yanyan mouthed dahil nasa harapan namin si Marcus. Nakita niya kaya ako?! Malamang! Nung sa beach nga nakita niya ako, e! Dito pa kaya na ang liwanag at ang lapit!
“Ang broad ng shoulders,” dagdag pa ng gagang si Yanyan. Gusto kong pumuslit palabas kaya lang ay hindi ko magawa dahil sigurado akong makaka-gawa ako ng ingay kapag gumalaw ako. Wala akong nagawa kung hindi manatili roon at makinig sa mga pinag-uusapan nila.
Shit.
Ibig sabihin ba nito dito na talaga si Marcus?
But I told him na sa St. Matthew’s ako…
Nang matapos sila kay Mrs. Ramos, kunwaring sumunod ako sa kanila pero nang may likuan ay mabilis din akong nawala. Tawa nang tawa si Yanyan sa tabi ko.
“Mukhang small world na kayo ni Dr. Nicolas, ah?”
“Ewan ko sa ’yo. Magtrabaho ka na nga,” sabi ko bago ko siya mabilis na iniwan.
Wala namang masyadong nangyari nung pre-duty. The usual stuff. May mga feeling know-it-all na Interns pero meron din namang okay. Normal day.
Papalabas na sana ako para maghanap ng pagkain dahil hindi ko talaga trip iyong pagkain sa cafeteria nang mapa-hinto ako. Nandun si Marcus. Magtatago na sana ako nang ma-realize ko na nasa iba siya naka-tingin. I followed where he was looking at and my sight stopped in front of girl who was wearing the same coat as I did. She’s petite and very pale.
But most importantly, Marcus was staring at her like she’d disappear if he blinks.
“Dr. Yuchengco,” he said.
“Yes, Dr. Nicolas?” sagot nung babae.
“Do you have time? I’d like to discuss something,” Marcus said. His tone was very different. Hindi siya ganito nung nasa Batanes kami; kahit kanina nung kasama niya iyong mga consultant, hindi siya ganito.
He sounded like he’s trying to be very careful.
This wasn’t my place to listen.
This sounded personal—sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa babae.
I should leave.
Kinailangan ko pang umikot para lang hindi ko sila maka-salubong. Okay lang. Mas okay ’yun kaysa sa awkward na mangyayari kung dumiretso ako. Ex kaya ni Marcus ’yung babae? May something kasi talaga… Baka iyon ang dahilan sa hanash niya sa Batanes na gusto niyang lagi siyang busy para hindi siya nag-iisip.
Dahil wala akong boyfriend at trabaho at pagkain lang ang nagpapasaya sa akin, nagdecide ako na mag-order ng marami ngayon. Bumili na rin ako ng dessert kasi deserve ko naman.
Nang pabalik na ako sa ospital, napa-hinto ako nang makita ko si Marcus na naka-upo roon sa bench sa labas. Tahimik na naka-upo lang siya roon at naka-tingin sa kawalan.
Mukhang ’di maganda kinatunguhan ng usapan nila, ah.
Pero ’di ko business iyon kaya dumiretso lang ako.
The next few days were eventful. Sobrang daming nangyari sa duty. For some reason, ang daming tao sa ospital. Para na akong robot sa sobrang pagod.
Kakayanin ko pa.
Tahimik akong naka-upo sa wheelchair doon sa may dulo ng hallway kung saan wala masyadong tao. I just needed freaking peace! May high profile kasing politician na nasa VIP area kaya maraming reporters ang nagkalat sa paligid. Gusto ko lang ng katahimikan.
“Mukhang pagud na pagod, ah.”
Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Marcus. He’s wearing his doctor uniform at may naka-sabit din na stethoscope sa leeg niya. Bakit ba ako naga-gwapuhan e pareho lang naman kami ng attire?
“Daming nangyari, e,” I replied.
Ewan ko, ha. Crush ko si Marcus. ’Di ako pinatulog nung halik niya sa Batanes. Pero nung nakita ko iyong reaction sa mukha niya nung makita niya iyong babae, biglang nabawasan iyong pagkaka-crush ko sa kanya.
Siguro self-preservation?
Hirap magka-crush sa taong lubog sa iba.
Papahirapan ko lang sarili ko.
Kinuha niya iyong isang bakanteng wheelchair tapos doon siya naupo. Sa sobrang lalim ng buntung-hininga niya, aakalain mo na galing siya sa 12-hours operation.
“Okay ka lang?” I asked. I mean, nabawasan ang pagkaka-crush ko sa kanya, but he still was very nice to me. Hinintay nga niya akong maka-alis sa airport bago siya umalis, e. He’s still a nice guy.
“Yeah. Pagod lang.”
“Di ka pa ba sanay? Everyday naman ’to.”
He laughed a little. “Sabagay. Sana benign bukas.”
“Amen.”
“Ngayon lang kita nakita ulit,” he said.
“Ang laki ng St. Matthew’s, e,” I replied, which was true. ’Di naman sa iniiwasan ko siya, pero malaki talaga iyong hospital. Saka nasa magkaibang department naman kami… Although may chance na magkita talaga kami.
“Gusto mo?” I asked, offering him the Yakult I was drinking. Bumili kasi ako ng isang pack. Sabi sa akin ni Papa, isa lang per day—ang intindi ko, isang pack per day.
“Thanks,” sagot niya pagtanggap nung Yakult.
So, nandun kami sa dulo ng hallway, naka-upo sa wheelchair habang umiinom ng Yakult. Sana walang maka-kita sa amin dahil baka pagalitan kami.
Nang maubos ko ’yung Yakult ko, tumayo na ako.
“Kailan ka free?” Marcus asked.
“Bakit?”
“Wala lang. Punta tayong La Union.”
“La Union? Ano’ng trip mo?”
“Gusto ko lang magdagat.”
Hindi ako naka-sagot agad. Clearly, the image of Marcus topless came into mind… What an offer.
“Bakit ako inaaya mo?”
“I like your company.”
“Weh?”
“Oo nga. Maayos kang kausap.”
“Sure ka? ’Yan lang?”
“Oo. Bakit? May iba pa ba?”
I stared at his face. Bagay na bagay talaga sa kanya iyong puting coat—sobrang contrast sa moreno niyang balat. Ano kaya itsura nito kapag may suot siyang hikaw?
“Sino pa kasama?”
“Tayo lang,” he replied. “As friends.”
Lecheng ’to. May friends ba na nagkiss na?! Halos ’di nga ako maka-hinga nang hinalikan niya ako, e. Ano ba ’tong generation na ’to!
“Fine. Basta as friends.”
He laughed. “Bakit parang may diin iyong as friends?”
“Wala lang. Ayoko sa may sabit,” I replied while shrugging.
“What?”
I took a few steps backward for preventive measure. “Nakita ko kayo nung si Dr. Yuchengco?” I said slowly. It still wasn’t my place. “Di naman ako nakinig sa usapan niyo, don’t worry. But I figured there’s something in there. Ayoko lang ng hassle. Sabi mo nga, the right guy will come—hindi right guy ’yung may sabit.”
His lips slowly parted in confusion.
“Hindi sa sinasabi ko na gusto kitang maging right guy, okay? I just mean that we already kissed and babae pa rin naman ako and gwapo ka. Sinasabi ko lang para clear. Hassle na nga sa trabaho kaya ayoko ng hassle na personal life.”
Few more steps backward.
I smiled at him.
“Ayun lang. If trip mo pa rin akong kasama sa La Union, let me know. Gusto ko na ring magdagat,” I said, making the roger sign bago ako bumalik sa duty ko.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 05
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 05
Sobrang pagod na ng katawang tao ko… pero nang bigla kong makita ang Papa ko sa hallway, agad akong napa-tigil. Halos takbuhin ko iyong distansya kaya lang ay naalala ko na bawal nga palang tumakbo dito.
“Pa!”
“Pasensya na at bigla kaming pumunta. Busy ka ba sa trabaho? Hintayin namin—”
“Grabe naman siya!” natatawang sabi ko.
“Baka kasi naka-duty ka.”
“Lagi naman akong naka-duty, Pa,” I replied. “Bat kayo napadpad dito?”
Nasa Manila ako nagta-trabaho tapos nasa probinsya ang pamilya ko. Nandun din kasi iyong trabaho nila. Pinupuntahan naman nila ako sa Maynila kasi hindi talaga ako nakaka-uwi masyado, e. Medyo nabigla lang ako ngayon kasi usually nagsasabi naman sila.
“Wala lang,” he replied. “May dala kaming pagkain sa sasakyan. Baka noodles na naman kinakain mo.”
Natawa ako. “Thanks, Pa,” I said. “Si Mommy?”
Lumingon si Papa na parang hinahanap si Mommy. Napa-tingin din tuloy ako roon. Mommy was obliviously walking. She’s really… something. Tahimik lang siya, but even then, her silence’s unnerving.
“Naka-sunod lang sa akin kanina, e…” nagtatakang sabi niya. “May oras ka ba ngayon? Pwede ka bang kumain?”
Mabilis akong tumango. Grabe naman. Pwede naman akong kumain. Medyo mas maluwag naman na ngayon compared nung hamak na intern pa lang ako.
Hinanap namin si Mommy. Tinour ko na rin si Papa sa ospital. Sinabi ko sa kanya iyong mga usual na ginagawa ko rito at sobrang saya sa feeling kasi kitang-kita ko kung gaano siya ka-proud sa akin. Pinakilala ko rin siya sa mga naka-salubong namin na workmate ko.
“Ma—” I called when we finally saw her.
“Di ba ’yun ’yung top 1?” tanong niya habang naka-tingin kay Marcus na tahimik na may binabasa sa clipboard na hawak niya.
“Ah… Opo.”
She was silent.
Then she started walking.
And just like that, the smile on my face disappeared.
“Ang toxic,” sabi ko sabay upo.
“Ang toxic mo ngayon, girl,” sabi ni Yanyan. “Sabi mo ’di ka aattitude sa interns kapag resident ka na? Ano ’yung kanina?”
Sobrang na-badtrip kasi ako kay Mommy. Buong lunch namin, hindi siya nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita. Si Papa lang iyong parang tanga na nagsasalita. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na iyong silent treatment niya ay dahil nakita niya si Marcus kanina.
“I know…” I said, sighing. “Sobrang pota lang ng araw na ’to.”
Naghiga ako sa kama. I was hiding. Baka may mabulyawan ako. Badtrip talaga ako. Gusto ko ng umuwi at matulog. I needed to reset the day. Ang pangit na kasi ngayon.
“Ano ba’ng meron? May pasaway na matanda na naman ba?” she asked. Usually kasi matatanda iyong patients sa IM. Okay lang naman ako sa kanila. Minsan lang ’di naman talaga maiiwasan iyong mga makulit at pasaway—but they’re fine since they’re my patients… pero iyong kanina? It’s so freaking unfair.
Top 2 na ako.
Kulang pa ba talaga ’yun?
’Yung iba nga pumasa lang pero sobrang saya na ng pamilya nila para sa kanila… Ako, nagtop pa pero parang sobrang kulang pa.
Ang hassle.
“Wala nga.”
“Sure ka? Ayaw mo magkwento?”
Umiling ako. Kilala ni Yanyan iyong parents ko since blockmates kami ni Yanyan med school pa lang. Ayoko lang magkwento ng ganito kasi baka mag-iba ang tingin niya sa parents ko. Okay naman parents ko… Iyon nga lang si Mommy nasobrahan sa taas sa expectations sa akin. Akala ata genius ako.
“Okay lang talaga ako, Yan. Thanks for asking, though,” I replied, smiling weakly at her. ’Di ko talaga alam kung paano ko masu-survive ’tong med life without her. Sa field talaga nito kailangan mo ng constant, e. Kasi kung hindi, baka mamatay ka sa stress mag-isa. Kailangan may kasama ka sa pagde-destress. May kasama ka sa pagrereklamo. Iyon bang feeling mo hindi ka nag-iisa? That helped me a lot to know that I wasn’t alone in this trying journey.
I tried to nap after akong iwan ni Yan. Paglabas ko, I kept on reminding myself to stop snapping at the interns. I reminded myself kung ano ang pakiramdam ng nasa receiving end ng ganoong treatment. I hated those residents na ang lakas ng trip… Ayokong maging kagaya nila.
I didn’t want to be the same person I despised.
Ang hypocrite lang kasi.
Thankfully, benign na iyong duty. Mukhang natakot sila sa aking magtanong, pero nung napansin nila na okay na ako, naging okay na rin iyong duty. I just helped them to the best of my knowledge. Hindi ko naman kine-claim na alam ko lahat. Ayokong sagutin sila tapos mali naman pala ako—buhay ang hawak namin dito. Isang mali lang, pwede kang maka-kitil ng buhay.
It’s such a heavy burden…
But I chose this field.
I wanted this for as long as I could remember.
“Tara na.”
Agad akong napa-hinto nang makita ko si Marcus sa labas ng hospital. He’s not wearing his coat or scrubs—he’s wearing a white shirt, denim pants, and white sneakers.
“What?”
“La Union, remember?”
“Ngayon ba ’yun?”
He nodded. “Tuloy ba?”
I stifled a yawn. I took a nap earlier. I was used to running on a few hours of sleep… pero napagod din talaga ako sa dami ng ginawa ngayong araw.
“Fine. Pero drive thru ng coffee,” I replied.
Sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya. It was a black SUV.
“Sandali lang,” sabi niya habang inaayos iyong nasa likod. May mga gamit doon. “Nagpahatid kasi kapatid ko kanina. Naiwan gamit niya,” he explained.
I remained quiet habang inaayos niya iyong sa backseat. So, he’s a good brother. Sa dami ng ginagawa sa trabaho, nagawa niya pang ihatid ang kapatid niya. Ako nga pagtulog lang ang ginagawa sa sobrang pagod, e. Paano pa ako magkaka-social life nito? Paano ako magkaka-jowa? No wonder mga doctor lang din nagkaka-tuluyan usually dahil kami-kami lang talaga nagkikita. Kaka-sawa mga mukha nila, e.
“Fine arts ba kapatid mo?” I asked kasi parang puro paint materials and other artsy stuff nasa backseat, e.
“Yup,” he replied as he maneuvered out of the parking lot.
“Nice,” sabi ko. Kasi for sure si Mommy hindi papayag kung may mag-fine arts man sa amin ng kapatid ko. Swerte na nga lang ako dahil trip niya rin iyong pagmed school ko.
“Why?” he asked.
“Madalas kasi kapag fine arts, ang reaction ng magulang is walang pera d’yan,” sabi ko. Natawa siya. “Why?” I asked.
“Yan din sabi ni Mama nung nagsabi si Marian na fine arts gusto niya, e.”
“Pero buti nakapag-fine arts naman?”
“Pinaglaban ko, e.”
“Pinaglaban?”
“Oo. Sabi niya kasi magugutom si Marian dahil walang trabaho. Sabi ko kung walang trabaho man si Marian, ako na bahala sa kanya.”
“Grabe naman…”
“Okay lang naman. Kapatid ko naman ’yun.”
“Hindi ’yun—grabe naman ’yung walang trabaho?”
What’s so wrong with pursuing arts as a career? ’Di naman same interest ng lahat ng tao. Boring naman kung pare-pareho. Isa pa, art feeds the soul.
“Practical lang kasi si Mama.”
“Pero grabe pa rin siya sa kapatid mo.”
“Fine arts student na siya,” he said. “Ako mismo nag-enroll sa kanya. Ayoko lang maranasan niya ’yung naranasan ko nun na parang walang choice sa kung ano ang pwedeng gawin o kunin.”
My lips parted a little. “Seryoso?”
He nodded. “Nung una nga ’di rin ako pinayagan magmed.”
“What? Seriously?” nagulat na sagot ko. I mean, he’s the topnotcher in our batch! Imagine kung hindi siya tumuloy sa med school? Sobrang sayang lang!
“Yeah. Gusto niya magtrabaho na agad ako, e.”
“Ano bang undergrad mo?”
“Chem Eng.”
My lips parted a little.
May mga friends kasi ako from high school na nag Chemical Engineering and sobrang reklamo sila na sobrang hirap daw and all that shit—iyong isa pa roon valedictorian namin, ha? So imagine iyong hirap na tipong vale namin nung high school nagrereklamo.
Tapos si Marcus?
This guy… always so impressive.
“Summa ka rin siguro, no?”
“Hindi ah.”
“Magna?”
He shrugged.
Fucking knew it.
“Gusto mo na ba talaga ng kape? O sa express way na tayo magdrive thru?” he asked while driving. I just nodded. I was enjoying talking to him. Mahaba-haba pa naman ang byahe.
“Paano ka napadpad sa med school?” I asked, suddenly becoming interested.
Ever since the result of the board exam came out, lagi kong naririnig na kinukumpara ako kay Marcus—na kesyo nag-aral sana ako nang mas mabuti e ’di ako raw ang top 1. Wala naman daw nakaka-alala sa top 2. Slowly, I started to associate him with negativity. Na wala naman talaga akong problema sa kanya pero iyong constant na pagcocompare sa aming dalawa? It sucked. I started to hate him a little.
But he didn’t deserve that.
He earned his place.
And so maybe hearing his story, his struggles, maybe that’d help me empathize with him more—that he wasn’t just Marcus, the guy who demoted me to second best.
“Yung babaeng nakita mong kausap ko dati?” he asked and I just nodded. “Si Joey ’yun.”
“Ex mo?”
“Asa naman.”
“Aww… Basted ka?”
“Hindi ko nga naligawan, e.”
“So… the one that got away?”
“Di rin.”
“E ano?”
“Constant what if,” he replied. “What if I just straight up told her that I like her? What if I didn’t overthink things? May magbabago kaya?” diretso niyang tanong habang naka-tingin sa kalsada.
“Grabe naman ’yan, Dr. Nicolas,” I replied, trying to diffuse the tension dahil mukhang nagthrowback Thursday bigla si Marcus.
He laughed. “Sorry for bumming you out, Dr. Riviera.”
“Bakit na lang siya ang dahilan kung bakit ka napunta sa med school?”
“Pumunta sa bahay namin tapos kinausap si Mama.”
My lips parted.
Wow.
Respect.
Iyong maliit na babae na ’yun, nagawang magmartsa papunta sa bahay nila Marcus at sabihin sa nanay niyang ‘practical’ na mag-aaral sa med school si Marcus?
“Wow…”
“Yeah, wow,” he said with a small smile on his face. See? That smile’s the reason why I should stay on this side of the spectrum—he’s still clearly into her. “Nagalit nga ako sa kanya kasi nangingielam siya, e… But looking back? I’m so thankful. Ano kaya ang nangyari kung ’di niya kinausap si Mama?”
“Well, instead of slaving away in the hospital, I bet you’re raking in money in some pharmaceutical company.”
Natawa siya. “Di rin siguro.”
I scoffed. “Pa-humble naman nito. Asar.”
Tumawa na naman siya. “Masyado ka namang bilib sa akin, Niles. Ako pa rin naman ’to—si Marcus.”
Grabe naman, Lord.
Bakit finriendzone ko ang sarili ko sa lalaking literal na man of my dreams ata?
“Yabang naman.”
“Joke lang.”
“Deserve naman. Top 1.”
“Chamba lang.”
“Pa-humble na naman siya. Just accept the praise and say thank you.”
“E ’di thank you.”
“You’re welcome.”
Napa-tingin ako sa kanya sa rearview mirror at nakita ko na napa-iling siya habang naka-ngiti. Ang gwapo naman. Bagay na bagay sa kanya iyong white shirt—kitang-kita iyong pagka-moreno ni Doc.
Nilibre ako ni Marcus ng kape. He got a cold brew while I got my usuall—iced caramel macchiato with extra shot of espresso. Bumili din siya ng sandwich para sa amin.
We played some music.
Marcus told me I could sleep, but I felt bad na nagda-drive siya tapos tutulugan ko lang siya. I stayed awake and entertained him. Nagkwento ako sa kanya ng mga katangahan ko nung nasa med school pa ako—na medyo marami… Minsan naguguluhan pa rin ako kung paano ako naging top 2. Grabeng pressure siguro talaga nakuha ko sa Mommy ko.
Pagdating namin sa La Union, gabi na.
“Gusto mo na bang matulog?” he asked after naming ilagay iyong gamit namin sa kwarto. We got separate room, pero magkatabi naman. Kinuha namin iyong nasa harap ng beach para feel na feel.
I shook my head. We bought light beers and sat on the sandy shore.
“Thanks for coming,” he said.
“Thanks for driving,” I replied. Natawa siya. “Pero bakit ako inaya mo? Wala ka bang ibang maaya? Curious lang.”
“Sabihin ko sa ’yo kung bakit para mabawasan iyong paghanga mo sa ’kin.”
“Leche ka. Napaka-yabang mo pala talaga, no?”
Tumawa na naman siya. “Joke lang.”
Umirap ako. “Joke daw.”
Uminom siya. “Si Joey kasi—”
“Lahat ba ng kwento mo magsisimula kay Joey?”
“Medyo…” sagot niya tapos tumungga ulit ng beer. “10 years din kasi.”
“10 years?” I asked and he nodded. “10 years ’yung… feelings mo?” I asked again. Wala naman daw na sila… So ibig sabihin 10 years siyang naghintay ’dun?
And when he nodded, napa-inom na lang talaga ako ng beer.
Final na talaga.
Friends lang.
Ano’ng laban ko sa 10 years’ worth of feelings niya?
“Pareho kami ng school ni Joey.”
“Sinundan mo?”
“Hindi naman,” sabi niya. “Dun kasi iyong magandang school saka scholarship. Kung sinabi ni Tito na ’dun si Joey, baka ’di ako tumuloy.”
“Tito?”
“Papa ni Joey.”
“Wow… Close ka sa pamilya niya?”
“Ayos lang. Mabait kasi sila. Tinulungan pa nga ako ni Tito sa NMAT saka sa paghahanap ng scholarship.”
I crossed my legs and concentrated on finishing my first bottle of beer. Mukhang maririnig ko ngayon ang history ni Joey at Marcus at ang kanyang unrequited and unreciprocated love.
“Okay ka lang?” he asked when I remained silent.
“Hmm? Yeah. So, ano’ng kinalaman ni Joey sa pag-aya mo sa akin sa LU?” I asked. Baka pati pagkikita namin sa Batanes ay may kinalaman pa rin si legendary Joey for some reason.
“Same school kami nung med. Medyo same set of friends. Tapos dati medyo…” sabi niya habang napa-hinto. “I knew it was a bad call on my part, but at that time, I wasn’t able to control myself.”
Medyo nanlaki ang mga mata ko.
The waves were still gently hitting the shore.
“Alam ko naman na may boyfriend siya… pero ’di ko napigilan kaya nahalikan ko.”
“Wow.”
“Alam ko. Ang gago.”
“Gago talaga. Taena ka pala.”
“I know,” he said, starting with his second bottle of beer.
“Nagsorry ka man lang ba?”
Hindi siya sumagot.
I hit his arm.
“Ang asshole sa part na ’yun, ha, Marcus!”
“Gusto ko namang magsorry kaya lang ’di niya ako kina-kausap.”
“Well… duh?!” I reacted. “Pero kung nahalikan mo nga siya without her consent, malamang makakapagsorry ka rin without her consent?!”
He nodded.
“So… ano’ng nangyari next?”
“Nagbreak sila.”
“Wow. Gago ka talaga. Nanira ka pa ng relasyon.”
“Alam ko,” sagot niya. “Alam ng mga kaibigan namin. Kaya nga ikaw inaya ko kasi…” sabi niya tapos ’di na tumuloy.
Kasi they took Joey’s side? Malamang. Isa’t-kalahating gago pala ’tong katabi ko. He’s becoming human in my eyes. ’Di na lang siya si Marcus na top 1 na may amazing abs. Gago na rin siya. Well-rounded na—’di na lang basta perfect.
“Nakonsensya ka man lang ba?” I asked after a few minutes of silence.
“Sobra.”
“Magsorry ka kaya?”
“Gusto ko sana… kaya lang umalis si Joey.”
“Seryoso?”
“Yeah. Nasa Bukidnon ata.”
“Grabe. Nakita ka lang, napa-punta agad ng Bukidnon? Poor girl must be traumatized,” I said as a joke pero hindi siya tumawa. Medyo na-guilty tuloy ako. “Magsorry ka pa rin… Kahit ’di niya iacknowledge, at least weight lifted, right?”
He just silently sipped his beer.
I bumped my shoulder against his arm. Ang bwisit. Saan ba nakaka-hanap ng time magka-defined muscle ’tong gagong ’to?
“Or at least magsorry ka ’dun sa boyfriend and explain kung ano nangyari? Malay mo naman may chance pa na maging okay ulit sila? Makaka-gaan sa feeling mo ’yun, promise.”
Hindi nagsalita si Marcus. We stayed there hanggang sa maubos namin iyong beer namin. Tig-lima kami. Nang matapos kami, sabay kaming naglakad pabalik sa kwarto namin.
“Pabukas naman…” sabi ko dahil medyo nagdadalawa na iyong paningin ko. Marcus got the key from my hands pero parang medyo nahihilo na rin siya kaya hindi niya na rin mabuksan. “Inaantok na ako…” sabi ko.
His room was already opened.
I marched in.
“Dito na lang ako matutulog,” I declared.
“Bahala ka,” Marcus said as he took his shirt off.
My eyes widened dahil kitang-kita ko iyong… abs.
“Ano’ng ginagawa mo?” I asked in panic. Abs!
“Matutulog,” he said, taking the empty space beside me. “Good night,” he said as he closed his eyes. What an ass! Paano ako matutulog nito ngayon?!
This story is already finished on Patreon x
Chapter 06
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 06
I woke up with a pretty massive headache. Ano’ng oras na ako naka-tulog! Nawala na iyong lasing ko sa beer pero hindi naman ako maka-alis dahil naka-palibot iyong mga braso at binti ni Marcus sa akin! Ibang klase talaga! Minsan, iniisip ko talaga kung ano ang trip ng lalaking ’to… Hindi ko gets kung paasa or dense lang, e.
Huh.
Saying that he’s paasa would imply na umaasa ako.
Whatever.
After taking a quick nap, naligo na ako. Mabuti na lang at girl scout ako at laging may dalang extra clothes at toiletries. College pa lang ay kung saan-saan na ako hinahatak.
Kumatok ako sa kwarto ni Marcus pero walang sumasagot. Tulog pa kaya ’yun? Mas maaga pa nga siyang naka-tulog sa akin, e! Asar talaga! Paano naman ako matutulog kung ramdam na ramdam ko iyong balat niya sa akin?! First time kong matulog katabi ang lalaking gwapo na may well-defined abs!
I tried calling Marcus kaya lang ay hindi siya sumasagot. Dumiretso na lang ako sa resto. I got myself a nice plate of breakfast. Deserve ko naman ’to after ng kalokohan na nangyari kagabi.
But while I was trying to enjoy a quiet breakfast, medyo kumunot ang noo ko. I squinted my eyes to check kung tama ba ang nakikita ko…
Shit! Ang labo talaga ng mata ko!
I got my phone and tried to zoom in. Si Marcus ba ’yun? Siya ba iyong nagsusurfing? If that’s him… wow.
I was religiously eating my bread while watching him surf. Ang bilis na naubos ng kape ko dahil bigla akong nauhaw. Even from a distance, sobrang nakaka-wow talaga siya.
“He’s so hot.”
Agad akong napa-tigil sa paglalakad nang marinig kong magsalita iyong babae sa kabilang lamesa. I was trying to get a refill of my coffee nang marinig ko sila.
“Right? You think he’s with someone?”
“Hope not,” sagot nung babae na naka-red string bikini. Ang agad-agad pa, e! “Let’s finish our breakfast na and let’s introduce ourselves.”
Then they giggled.
God, this was annoying.
I aborted the coffee plan and grabbed my things. Naglakad ako papunta sa shore. Hinanap ko kung nasaan iyong gamit ni Marcus at nang makita ko iyong tsinelas niya, doon ako naupo. Patingin-tingin ako sa likod ko. Saan na ba si Marcus?! Pag naman siguro nakita nung mga babaeng ’yun na may kasama, hindi na siguro sila magpapa-kilala.
Huh. Bakit ang territorial ko naman ata?
Pero may hangups pa rin naman si Marcus kay Joey… I’d just think of this as me saving those two from possible heartache.
Right.
Iyon lang ’yun.
“Niles.”
Halos magulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Sobrang lalim ata ng iniisip ko para hindi ko mapansin na nandito na pala siya sa harap ko. He was carrying the surfing board with him and he was dripping wet.
God, those frigging abs! Who has the time to go to the gym?!
“O-oh,” I replied after collecting myself.
‘Stop staring at the abs, Niles!’ I reprimanded myself.
“Kanina ka pa?” he asked while combing through his hair using his fingers. Seriously. Why was I watching his every move?
“H-hindi naman,” parang tanga kong sagot. “Kumatok ako sa room mo—”
“Maaga akong nagising,” he replied. “Kumatok din ako sa kwarto mo kaya lang ay tulog ka pa kaya nagsurf muna ako,” he continued. “Gusto mo na bang magbreakfast or nagbreakfast ka na?”
“Nagbreakfast na ko.”
“Grabe. ’Di mo man lang ako hinintay?”
“Malay ko ba kung nasan ka.”
“Malamang nandito lang ako. Bakit naman ako aalis e nandito ka?”
Agad akong natigilan at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. I knew I was putting colors in his words. Kung wala naman akong pagnanasa sa kanya, wala naman talagang malisya iyong sinabi niya. Malamang hindi siya aalis kasi nandito pa ako. Duh? Siya nagdala dito sa akin, e. Ang kupal naman kung iiwan niya ako.
But because I was frigging aware of my attraction…
Alat!
“Samahan mo na lang akong magbreakfast,” he said, looking at the resto behind me.
“Wala na silang pagkain,” mabilis na sagot ko nang maalala ko na nandun iyong bikini sisters. Alam ko naman na matinong lalaki si Marcus… pero ang sexy talaga nung dalawang babae. Kung ako nga na babae napa-tingin sa kanila… ito pa kayang isang ’to?
“Seryoso ba?” parang nalungkot na sabi niya.
“May protein bar ako sa bag,” I offered.
“Gusto kong totoong pagkain,” he said. “Pwede naman sigurong umorder kung wala ng breakfast.”
I turned around and saw the bikini twins looking at Marcus. Nagdedebate siguro sila kung iaapproach nila. Sabagay, ’di naman kami mukhang magjowa ni Marcus. Mas mukha kaming magbros.
“Paturo namang magsurf,” bigla kong sabi nang makita ko na parang nagdecide na ’yung bikini girls na lumapit sa amin. Seriously. Kapag ganitong bagay bakit lumilinaw bigla ang mga mata ko?
“Ngayon na?” he asked.
I stood up. “Yeah. Habang malakas pa ’yung alon,” I replied.
Marcus looked confused for a second. “Seryoso ba?” he asked. “Sabi mo sa ’kin dati nung nasa Batanes tayo ayaw mo sa tubig.”
Nanlaki ang mga mata ko sa panic.
“Bawal magbago ang isip?” I quickly replied.
“Pwede naman… pero ang weird mo ngayon, Niles. Okay ka lang ba?”
It was as if I developed bionic ears. Rinig na rinig ko na iyong yapak ng mga babae sa buhangin. I grabbed his surfboard and marched to the water.
“Kalma lang,” I said, taking in deep breaths.
Halos mapa-talon ako nang maramdaman ng paa ko iyong tubig dagat. Hindi naman talaga ako takot… medyo? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, ayoko sa malalim na parte—iyong tipo na hindi ko alam kung ano iyong nasa ilalim. The uncertainty was giving me anxiety.
“Niles,” Marcus called.
“Marunong kang lumangoy, ’di ba?” I asked.
“Yeah.”
“Marunong ka bang magresuscitate?” I asked. “Stupid question. Malamang marunong ka,” I answered myself.
Dahan-dahan akong naglakad papa-lusong sa tubig. Sa bawat hakbang, pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. I held on to the board like it where my life depended on.
When the water reached my waist, I panicked and turned around… pero mabilis akong nabunggo nang makita kong nasa likuran ko lang si Marcus.
“You’re seriously acting weird,” sabi niya.
I forced a laugh. “Bawal na ba akong mag-aral magsurf?”
“Wala akong sinabing ganon. Weird lang na bigla mong gustong magsurf. Marunong ka man lang bang lumangoy?”
“Hindi.”
Napa-iling siya. “Ano’ng meron?”
I shrugged. He’d have to drown me here first bago ako aamin kung bakit ako biglang napunta sa tubig.
“Turuan—” pero mabilis na naputol ang sasabihin ko nang may biglang humampas na alon sa gilid namin. Agad na nanlaki ang mga mata ko at hindi ako naka-galaw dahil sa gulat. Marcus pulled my hand and made me hold on to the board.
Nang lumagpas ang alon, agad akong napa-ubo dahil napa-inom ako ng tubig dagat. Ang alat! Mas sinamaan ko pa ng tingin si Marcus dahil ang gago, tinawanan pa ako!
“Ano? Gusto mo pang magsurf?”
I wiped my face with my hands. “Ewan ko sa ’yo.”
“Ano ngang meron?”
“Wala nga.”
“Di ka magaling magsinungaling, Niles. Halatang-halata kapag may ’di ka sinasabi.”
“Parang tanga ’to. Porke gusto ko lang mag-aral magsurf?”
“Kung ayaw mong sabihin, samahan mo na lang akong kumain.”
I looked at the shore at nakita kong naka-upo roon iyong dalawa. Seriously? Talaga bang hinihintay nilang umahon si Marcus mula sa tubig? Wala bang ibang lalaki sa resort na ’to na pwede nilang kausapin?
“Ikaw na lang. Dito na lang ako.”
’Di naman siguro ako malulunod. Naka-hawak naman ako sa board saka hanggang bewang lang naman ang tubig.
“Samahan mo kong kumain.”
“May sasama naman sa ’yo for sure.”
“What?” he asked, his forehead slightly creased.
“Yung dalawang babae,” I said, looking at the shore. Napa-tingin din si Marcus doon. “Narinig ko sila kanina pinag-uusapan ka. Type ka ata.”
Ilang segundo na naka-kunot ang noo niya bago siya biglang natawa. “Kaya ba kanina ka pa naiinis?” biglang tanong niya.
I scoffed. “Bat naman ako maiinis?” I asked while I tried to swim away from him. ’Di ako sanay lumangoy pero ’di naman ako mangmang. Kumapit ako sa board at saka nagpaddle ng paa palayo sa kanya.
“I don’t know; you tell me,” sagot niya habang naglalakad kasabay ko.
“Kumain ka na nga ’dun.”
“Samahan mo muna ko.”
“May sasama nga sa ’yo.”
“Ayoko sa kanila. ’Di ko naman kilala.”
“Magpapa-kilala nga raw. Bingi naman nito.”
Natawa na naman siya. “Sungit, ah.”
“Dun ka na nga. Maghahanap ako ng ibang magtuturo sa akin,” I replied. Narinig ko kanina iyong kuya na nag-aalok ng surfboard na may surfing lesson din daw sila. Baka time na para mawala ang takot ko sa tubig.
Narinig ko na natawa siya. Mukhang enjoy na enjoy! Sarap sakalin!
“Bago ka magsurf, lumangoy ka muna,” sabi niya.
“Kumain ka na nga ’dun.”
“Turuan kitang lumangoy,” he said.
“Ayaw.”
He laughed. “Isang sungit pa sa ’kin, Niles, iisipin ko na na may crush ka sa ’kin.”
I scoffed. “Crush? Ano tayo? High school students?”
“Bakit? Ano ba dapat kapag working na? May pagnanasa ka sa ’kin?”
Agad na nanlaki ang mga mata ko at namula ang mukha ko. Kung pwede ko lang buhatin ’tong surfboard niya, malamang hinampas ko na ’to sa ulo ni Marcus.
“Wow,” I said when I collected myself. “Kapal!”
“Okay lang naman kung may crush ka sa ’kin, Niles. ’Di ko pagkakalat.”
“Bakit mo naman ipagkakalat e wala naman akong crush sa ’yo? Ano ka? Peddler ng fake news?”
He just laughed while shaking his head. He’s really convinced na may crush ako sa kanya! While it’s true, it’s still so annoying! Ipapa-mukha niya pa sa ’kin na crush ko siya habang siya ’di maka-move on kay Joey! How unfair!
“Tara na kasi. Turuan na lang kitang lumangoy,” he said.
I was pissed and kulang ako sa tulog and wala na akong energy makipag-argue sa kanya dahil in the first place, hindi ko naman natapos iyong breakfast ko kanina.
Tinuruan ako ni Marcus ng basics kung paano lumangoy. In fairness to him, he was very patient at naniwala naman akong hindi niya ako hahayaang malunod o tangayin ng alon.
“Okay ka na?” he asked. “Bibitawan kita, okay? Pero dito lang ako.”
I nodded and began swimming. It was just the basic one—dog paddle daw ang tawag. He’s got lots of terms. Swimmer ata si Marcus… na hindi naman nakakapagduda dahil sa katawan niya.
Nang matapos ako, nakita ko siya na naka-ngiti sa akin.
“Did you enjoy?” he asked.
I nodded, wiping the saltwater from my face with my hands. “Pwede na ba akong magsurf?” I asked at natawa lang siya sa akin.
By the time na matapos siyang turuan akong magswimming, mataas na iyong araw at kalmado na iyong alon. Sabi ni Marcus, next time na lang daw. Kumain na lang kami. Hindi lumapit iyong mga babae… Dahil kaya sa akin? Ewan ko.
Basta ang alam ko, nag-enjoy ako sa short stint namin sa La Union.
“Naku… mukhang may nagkaka-mabutihan,” Yanyan teased nang makita niyang nginitian ako ni Marcus. Nagka-salubong kasi kami sa hall. After naming magbreakfast, nagdrive na rin kami pabalik sa Manila kasi may duty pa kami ng gabi.
“Baliw,” I replied.
“Pero crush mo ba si Dr. Nicolas?” she prodded.
“Crush ka d’yan.”
“Naku, kung crush mo, galaw ka na, girl! Daming may crush d’yan kay doc! Unahan mo na!”
“Ewan ko sa ’yo.”
“Seryoso kasi. Laman ng chismis ng mga single ’yang si Doc! ’Yan ata target ngayon!”
’Di na ako sumagot. ’Di naman surprising. Simula nung nagka-asawa si Dr. Cuesta, naghanap na ng ibang target ang mga tao dito. Si Marcus ang next viable target dahil bukod sa gwapo at maganda ang katawan, topnotcher sa batch namin at on the way pa sa pagiging neurosurgeon. Ano pa ba ang hahanapin mo?
Mabuti na lang at naging busy ako kaya ’di na ako kinulit pa ni Yanyan. Buong duty ay hindi ako napirmi sa isang lugar. Nang makahanap ako ng oras para magpahinga, agad akong bumili ng Yakult at dumiretso sa dulo ng hallway. I was looking forward to sitting on the wheelchair nang mapa-tigil ako dahil nakita ko si Marcus.
The back of his head was leaning against the wall and his lips were slightly parted. Mukhang pagod na pagod si Doc, ah… Sabagay, ilang oras na drive din iyon tapos diretso duty. Samantalang ako naka-upo lang at kumakain habang nagda-drive siya.
I quietly sat on the gurney and drank my Yakult. Tuwing may naglalakad palapit na Intern, I motion them to keep quiet dahil may natutulog. I stayed there and watched him until it was time for me to return to work.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 07
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 07
“Ano ’to?” I asked Marcus nang abutan niya ako ng isang paper bag. Kahit hindi pa siya sumasagot, alam ko na na burger iyong naka-lagay dito kasi naaamoy ko na agad.
“Pagkain.”
“Wow, thanks, Captain Obvious.”
Marcus chuckled. Biglang nabulunan si Yanyan sa tabi ko. Napa-tingin tuloy kami ni Marcus sa kanya. Yanyan just smiled tapos biglang iniwan kami. Tsk.
“Narinig ko kahapon na gusto mo ng burger, e.”
“Grabe… Napaka-stalker.”
“Lakas kaya ng boses mo.”
“Wow, hater?”
He laughed again. “Sige. Alis na ko.”
Kumunot ang noo ko. “Pumunta ka talaga dito para lang iabot ’to?” I asked. Nasa quarters kasi kami ngayon. Ngayon lang ako naka-hanap ng pahinga. Gutom ako saka inaantok… pero for some reason, nanalo ang antok kaya sana matutulog na ako kaso nga lang biglang kumatok si Marcus.
He nodded. “Alis na talaga ako. Hinahanap na ako, e,” he replied. Rinig ko na rin iyong kanina pang pagba-vibrate ng phone niya. Ngumiti lang siya sandali bago lumabas. Halos matumba pa si Yanyan dahil si gaga, nakikinig pala sa usapan namin. Parang tanga talaga! Sana ’di na siya lumabas kung mag-e-eavesdrop din pala.
Minsan, nakakapagduda kung paano pumasa sa boards si Yanyan.
“Okay ka lang?” Marcus asked pagkatapos alalayan na tumayo.
“Yes, doc. Salamat,” Yanyan replied, smiling awkwardly.
Tumango lang si Marcus tapos tumingin ulit sa akin. “Alis na ko,” he said before leaving. Nang magsara ang pinto, nanlaki ang mga mata ni Yanyan. It almost felt like nagbilang siya ng ilang segundo bago siya nagsqueal.
“What the fuck, Yanyan?!” sabi ko dahil ang tinis ng tili niya!
“Ano’ng meron sa inyo?!”
“Wala—”
“E bakit ka dinalhan ng food?!”
“Narinig niya na nagccrave ako—”
“Dami-daming tao dito na nagccrave ng kung anu-ano, binibigyan niya ba?!”
Napa-awang ang labi ko sa way ng pagtatanong ni Yanyan. Grabe. Parang may atake.
Nilagay ko iyong paper bag na bigay ni Marcus doon sa may vacant chair at saka umayos ako ng higa. Inaantok na kasi talaga ako. 3 oras lang iyong huling tulog ko.
“MU na ba kayo?” she asked habang naka-pikit na ang mata ko.
“Mukha mo.”
“Napaka-damot naman nito.”
“Wala naman akong ipagdadamot.”
“Dati, lagi kang nagrereklamo na wala kang lalaki. Ngayon na may nagpaparamdam—”
“Good night, Yanyan,” I cut her off tapos ay tumagilid na ako. Inaantok na kasi talaga ako. Saka ayokong magwonder masyado sa kung ano ang trip ni Marcus sa buhay. May hang-ups pa kay Joey iyon. Saka feel ko naman si Marcus iyong tipo ng tao na kung meron, sasabihin niya… Although debatable dahil ang tagal niyang naghintay kay Joey.
Pero iba naman na siya nung nakilala ko. Napaka-straight forward nga niya nung nasa Batanes kami, e.
Tsk.
Ewan ko ba.
Maka-tulog na nga lang.
After my power nap, I felt much better. Saktong 15 minutes lang talaga akong natutulog dahil more than that, sasakit na ang ulo ko sa pagtulog. Mabilis kong kinain iyong dala ni Marcus. In fairness, napaka-chismoso niya. Nakarating din ata sa kanya na gusto ko ng onion rings. Stalker.
Pagbalik ko tulog sa duty ay parang natakot sa akin iyong mga interns. I asked them why and may isang matapang na nagsabi na naka-ngiti daw kasi ako. I immediately felt bad. Grabe. Ganoon ba ako ka-sungit sa kanila?
For the rest of the duty, I reminded myself to take it easy. I couldn’t expect the interns to know everything—kagaya din naman nila ako dati na wala talagang masyadong alam. Hindi reason na pagod ako dahil pagod naman kaming lahat.
Nang matapos ang duty ko, nagpalit lang ako ng damit dahil nadumihan ako kanina. Habang naglalakad ako palabas, nakita ko si Marcus na naka-tayo sa harap ng may nurse’s station.
“Niles,” pagtawag niya nang makita ako.
“Uy,” sagot ko.
“Pauwi ka na?”
“Yup.”
“Pahintay naman. Kunin ko lang ’yung gamit ko,” sabi niya bago nagpaalam doon sa kung sinuman ang kausap niya. Ni hindi man lang ako naka-sagot dahil mabilis siyang umalis. Naiwan ako roon na naka-kunot ang noo.
“Kayo ni Dr. Nicolas, Dr. Riviera?” tanong sa akin.
“Hala. Hindi, ah!”
Grabe naman! Ito ba ang chismis talaga ngayon?!
“Weh? Talaga, Doc?”
“Hindi nga—”
“Tara na, Niles,” biglang sabi ni Marcus.
Napa-awang ang labi ko. Narinig kong kinilig iyong nurse. Napa-iling na lang ako. Bakit ba napaka-hirap labanan ng fake news?
Binilisan ko na lang ang lakad pero dahil sa haba ng legs ni Marcus ay mabilis din siyang naka-sunod sa akin. Sabay na kaming naglalakad ngayon.
“Breakfast tayo,” he said.
“Inaantok na ako,” I replied. Madaling araw na. May pre-duty na naman ako mamaya tapos duty na naman. Walang kamatayan na talaga ’to.
“Libre kitang coffee.”
“Di mo ako madadaan sa libre. May sweldo din ako.”
Tumawa siya. “Grabe naman.”
“Wala ka bang ibang maaya?”
“Ayaw mo ba?”
“Pero wala ka ngang ibang maaya?” I asked back. “Kasi nung sa sinabi mo about sa situation niyo ni Joey,” I said and then paused a little. I wasn’t sure if I was hitting a nerve. I took a glance at his face. There was no… negative reaction from him. I took a deep breath. Okay. Kalma lang. “Sa med school pa naman ’yun… Surely hindi naman lahat ng tao dito alam iyong nangyari before?”
Marcus just kept on walking.
“So… ayaw mo nga?”
“Why are you deflecting?”
“I’m not deflecting.”
“You are—”
“May maaaya ako. Pero ikaw iyong gusto kong ayain. Okay na?”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
Napa-hinto ako sa paglalakad.
Napa-hinto rin siya.
“Niles?”
I was hearing the beating of my own freaking heart. I had to take in deep breaths para kumalma ako kahit papaano. “Isipin mo nga iyong sasabihin mo bago mo sabihin. Parang tanga ’to,” I told him before I resumed walking. Mabilis na humigpit ang pagkaka-hawak ko sa bag ko. I bit my tongue.
Parang tanga naman.
’Di mo alam kung malandi o friendly lang talaga, e.
Narinig ko iyong halakhak niya. “Tara na kasi. Gusto ko ng ramen.”
God, he’s relentless!
“Fine! Basta libre mo,” I said, rolling my eyes dahil sa karupukan ko.
Naglakad-lakad kami. Marami pang tao kahit madaling araw na. Hindi ako nagsasalita kasi wala akong maisip na sabihin. Pinipigilan ko lang iyong paghikab ko. Bahala siya d’yan. Feeling ko bigla na lang akong bubulagta sa kalsada mamaya sa sobrang pagod.
“Hatid na nga kita.”
“H-ha?”
Nabigla ako nang bigla niyang pitikin iyong noo ko. “Antok na antok ka na.”
“Kanina ko pa kaya sinasabi sa ’yo.”
Hindi ko na napigilan—napa-hikab na talaga ako.
“Akala ko kasi nagdadahilan ka lang,” sabi niya tapos bumaling na pabalik sa ospital. “Inaantok ka na pala talaga.”
Sobrang inaantok na talaga ako. Paano niya nalaman na inaantok na ako? Humilik ba ako sa harap niya? Huh? E naglalakad lang kami kanina, ah?
May sinasabi pa si Marcus pero tangu lang ako nang tango. Bigla akong napa-hinto nang mabunggo ako sa kanya. Napa-tingin ako sa kanya tapos ay kita ko iyong pagpipigil niya ng tawa.
“Ano ba? Parang tanga naman.”
There was this really amused look on his face. “Talent ba ’yan, Niles? Kaya mo talagang matulog habang naglalakad?”
“Ha?”
My God! Binigo na ako ng utak ko! ’Di talaga siya gumagana!
“Gusto mong pabuhat? Parang bigla ka na lang hihiga sa kalsada para matulog, e.”
I slapped my cheek. Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya. I jumped and shook my head. Ganito ginagawa ko palagi kapag antuk na antok na ako pero hindi pa ako pwedeng matulog.
“Okay na ako,” I said. “Tara na,” I continued.
“What… the hell?”
“Bilis na. Hatid mo na rin ako. ’Di ko na kayang umuwi mag-isa,” sabi ko sa kanya.
Nang maka-rating kami pabalik sa sasakyan niya, naka-sandal na ako sa pintuan dahil hinihintay ko siyang iunlock iyon. I told myself that I’d just close my eyes but—
“Punyeta naman, Marcus!” malakas na sigaw ko nang bigla niyang buksan iyong alarm nung sasakyan niya. Halos mapa-talon ako palayo sa sobrang gulat.
Si gago, tawang-tawa sa akin!
“Lutong nun, Niles, ah,” sabi niya na natatawa pa rin habang hawak iyong keyfob niya. Kung may susi lang talaga ’yun, baka isaksak ko sa kanya sa sobrang inis. ’Di ba niya alam na ’wag ginugulat ang mga taong kulang sa tulog?!
I groaned. “Please lang iuwi mo na ako. Inaantok na ako.”
“Okay. Sabi mo, e.”
I begrudgingly got inside his car. The moment my head met the headrest, I fell asleep. God, this job was killing me! Whoever said that if you love what you do, you’ll never have to work a day in your life clearly have never met a fucking doctor.
“Niles.”
“5 minutes…”
“Kanina pa ’yang 5 minutes mo.”
“Fine,” I replied. I unbuckled the seatbelt and got off the car. I walked the steps and tried to open the gate pero nang wala akong makapa, mabilis kong dinilat ang mga mata ko. Mabilis na kumunot ang noo ko nang ma-realize ko na wala ako sa building ko. I looked around and realized na nasa basement parking ako.
“Nasaan ako?” I asked Marcus after I turned around.
“Condo ko.”
“What? Why?”
God, I really needed to sleep. Bakit ako nandito bigla?
“Sabi mo iuwi kita—”
Mabilis na umawang ang labi ko. “What?”
“Sabi mo kanina iuwi—”
“What the fuck? Syempre ibig sabihin ko iuwi mo ako sa tinitirhan ko? Gago ka ba? Bakit mo ako iuuwi sa condo mo?”
Napa-hawak siya sa batok niya. “Ginigising kita kanina para tanungin iyong address mo.”
“Well, you clearly didn’t wake me hard enough dahil bakit ako nandito, Marcus, ha? Ano’ng plano? Makiki-overnight ako sa ’yo?”
He shrugged then closed the door and locked his car. “I have a spare room. May lock naman ’yung pinto. Saka may damit ’dun kapatid ko,” he replied and my lips parted. “Come on, Niles. ’Di na rin kita kayang ipagdrive. Pagod na rin ako. Buong araw akong nag-assist.”
I was watching Marcus walk away.
Pwede naman akong magbook ng masasakyan pauwi… pero malaki ang hinala ko na makaka-tulog lang din ako sa byahe dahil nasa ganoong level na iyong pagsuko sa akin ng talukap ng mga mata ko.
“Wait!” sigaw ko bago pa man siya maka-pasok sa elevator.
Pagpasok namin, kaming dalawa lang ang nandun. Pinapanood ko iyong mukha niya sa salamin. Mukhang ’di naman siya nagsisinungaling. Naghikab na rin siya at mukhang inaantok na rin.
“Dun ka,” sabi niya pagpasok namin sa isang unit.
The condo was spacious. Bakit ba ako nagugulat? Malamang kahit ’di galing sa may kayang pamilya si Marcus, malaki na kinikita niya dahil top siya nung boards. Baka nga bigay pa sa kanya ’tong unit para doon siya sa St. Matthew’s magresidency, e.
“Ayun ’yung CR kung gusto mong maligo. May damit d’yan si Marian. Gamitin mo na lang. May pagkain ata sa ref. ’Di ko sigurado. Feel at home. Inaantok na ko. Night, Niles,” sabi niya bago pumasok sa isa pang kwarto na inaassume ko na kwarto niya.
The hell… talagang iniwan ako dito!
Pasalamat si Marcus hindi ako magnanakaw. Siraulong ’yun. Talagang iniwan lang ako at natulog na. Nagpunas lang ako ng wipes sa mukha tapos nanghiram ng tshit ng kapatid niya. Nag-alarm ako para maagang magising at maka-alis na agad dito. Wala ako sa mood sumabay kay Marcus kumain ng breakfast.
“Wait lang nga!” sabi ko nang may sunud-sunod na katok sa pinto. I looked around and saw na umaga na dahil tirik na tirik na ang araw. I grabbed my phone and saw that it’s dead. Great! Ano’ng oras na kaya?!
“Bakit ba katuk nang—”
Natigilan ako nang may makita akong babae.
“Sino ka? Bakit ka nasa condo ng kuya ko?”
My forehead creased.
I blinked.
Napa-tingin siya sa suot ko—I was only wearing her shirt and my panties kasi nga natutulog pa ako!
“Wait… Ikaw ba si Marian?” I asked.
Siya ba iyong kapatid ni Marcus? Gago talaga. Bakit niya ako pinatulog dito kung alam niya na pupunta ang kapatid niya? Naku, masasakal ko talaga ’yang lalaking ’yan! ’Di ko alam kung ano ang trip niya sa buhay!
“Bakit ka nandito? Girlfriend ka ni Kuya?”
“H-Ha? Hindi, ah!” mabilis na sagot ko. “Wait lang, ha? Sara ko lang iyong pinto; magbibihis lang ako.”
I quickly changed back into my clothes. I tied my hair and grabbed my things. Paglabas ko, medyo nabigla ako na nandun pa rin si Marian. She was looking at me like I just committed a crime—medyo naka-arko pa ang kilay niya at naka-krus ang mga braso.
“Ano ka ng kuya ko?” she asked.
She was relentless like her brother. Nakaka-loka.
“Ka-trabaho lang,” I replied.
“E bakit ka nandito?”
“Ah kasi… ano—”
“So, nilalandi mo lang ang kuya ko?”
I blinked.
Rapidly.
The hell?
“Excuse me?” I asked when I was able to gather myself. Medyo nabigla ako sa tanong niya. Sobrang… straight-forward. Hindi agad ako naka-sagot.
“I know I shouldn’t be telling you this dahil magagalit ang kuya ko,” she began. “But my brother’s been through a lot. Kung hindi ka seryoso sa kanya, layuan mo na lang siya. Hindi siya iyong tipong pangpastime mo lang or whatever. Okay?”
Wow.
I had no words.
“Wait lang—”
“I don’t think he’s over Joey yet. Do you know about Joey?”
What the fuck.
Bakit niya ba ako inaaway?
Kaka-gising ko lang!
“I thought so,” sabi niya kahit wala pa akong nasasabing kahit ano dahil hindi pa ako nakaka-recover sa mga pinagsasabi niya. “Look, if you’re serious with—”
“Wait lang. Ano ba’ng serious?”
“So, hindi ka pala serious.”
I blinked. “Ha?”
“I’m sure maraming lalaki na naghahanap ng for fun. “
My lips parted in surprise. “Excuse me?”
“Stay away from my brother,” she said. Hindi ako naka-galaw. “What are you waiting for? Gusto mo bang ipaghanda pa kita ng breakfast?”
Wow.
Just… wow.
Lumabas na lang ako.
That was one weird way of starting the day.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 08
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 08
“Bakit nandito ka? ’Di ba may date ka?” Yanyan asked nang makita niya ako. For some… reason, I agreed to go on a date with Dr. Tan. Ewan ko ba! Inaaya kasi ako nun ni Marcus na maglunch and sobrang kulit niya, and nagkataon na nandun si Dr. Tan at kinukulit akong makipagdate sa kanya. Never ko namang sineryoso ’yun dahil alam ko na malandi lang ’yun at talagang inaaya niya lang ako by default dahil feeling ko kapag nakaka-kita siya ng babae ay may alert system sa utak niya na nagsasabi na landiin niya.
So, napapayag ako sa date na hindi ko naman ginusto.
Of course, disaster.
Wala yatang alam na topic si Dr. Tan kung hindi ang sarili niya. Naniniwala na talaga ako na feeling niya ay medical wonder siya at na regalo siya ni Lord sa humanity. Grabe. Sobrang nakaka-drain siya kahit isang oras lang naman kaming magkasama.
“Tapos na,” I simply replied. Iniwan ko lang iyong gamit ko roon tapos ay dumiretso na ako sa preduty. Mabuti na lang talaga at hindi benign—my god! Sa sobrang hassle ni Dr. Tan ay naging thankful ako sa toxic na duty! Kakaiba rin talaga!
Nang matapos ang duty ko, feeling ko naging master na ako sa meditation dahil sobrang hinga ako nang hinga nang malalim. Sobrang daming screw up ng interns pero ayoko talaga silang bulyawan kaya naman pinipilit kong ngumiti… pero pakiramdam ko ay na-creepyhan naman sila sa akin dahil naka-clown smile ata ako.
Hassle!
Dumiretso ako sa cafeteria dahil nagutom ako bigla. Gusto ko sanang manahimik kumain pero biglang dumating si Yanyan. Mukhang stressed din siya dahil napa-patong siya ng ulo sa table. Nung una ko ’tong nakilala, napaka-daming kaartehan sa katawan. Ngayon, kung saan-saan na lang din natutulog.
“Ayos ka lang?” I asked.
“Mamamatay na ako,” she groaned.
“Sabay na tayo.”
“Sige. Una na ko.”
I laughed. “Patapos naman na duty mo.”
“Kahit na. ’Di ko na kaya. Ano ba ’tong pinasok ko.”
I just laughed at her. I just let her vent. Ganyan naman kami, e. Puro reklamo pero at the end of the day, nandito pa rin kami kasi gusto talaga namin iyong ginagawa namin.
I quietly ate habang nagvevent si Yanyan tungkol sa mga nangyari sa duty niya. Kumakain naman ako ng tinapay at umiinom ng iced coffee habang nakikinig sa kanya. Nang matapos siya sa kwento niya, tumingin siya sa akin.
“Ang bastos naman,” sabi ko nang inagaw niya iyong coffee ko.
“Bili ka na lang ng bago.”
“Alam mo dati, laway conscious ka pa.”
She shrugged as she happily sipped. “Wala na kong pakielam ngayon,” sabi niya habang inuubos iyong kape ko. Bastos talaga ’tong babaeng ’to. “Ano’ng ganap pala? Bakit bad trip ka kanina? Saka bakit bigla kang pumayag sa date? ’Di mo naman type ’yun, ah?” sunud-sunod niyang tanong.
“Di nga.”
“E bakit ka pumayag sa date?”
“Wala lang.”
“Dami kang time, ganon?”
Inirapan ko nga. “Epal ka lang, ganon?”
Tumawa siya. “E bakit nga?”
“Basta.”
“Parang others naman ’to.”
“Akala ko ba pagod ka? Matulog ka na nga lang,” sabi ko tapos ay tatayo na sana ako kaso nung may matamaan ako sa pag-atras ako, lumingon ako para magsorry sana kaya lang ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si Marcus iyong nasa likod ko.
Shit naman! Of all people, ha!
“U-uy,” I awkwardly said.
Simula nung sinungitan ako out of nowhere ng maldita niyang kapatid, talagang tinaguan ko na si Marcus. Tuwing makikita ko siya sa hallway, mabilis akong umiiwas. Ewan ko ba! Talagang na-stress ako sa kapatid niya! Pero isa pa rin sa pinagsisisihan ko iyong hindi ako naka-sagot sa kanya. Aba, hindi porke mas bata siya ay ’di ko siya papatulan! Lalo na at wala naman akong ginawang masama. Pasalamat talaga siya at kaka-gising ko lang nun at wala pa ako sa tamang huwisyo.
“Di ka pa aalis?”
“H-ha?”
“Iniiwasan mo ako, ’di ba?”
Naka-rinig ako ng pagbungisngis. Sinamaan ko ng tingin si Yanyan na mabilis namang umalis. Shet siya! Kaya ba tanung siya nang tanong sa date dahil alam niyang nasa likuran ko si Marcus?! Kanina pa ba nasa likod ko siya?!
Leche talaga ’yang si Yanyan! Sarap iintubate!
“Iniiwasan?” I asked, feigning ignorance.
He shrugged. “Tinatakbuhan mo ko sa hallway lagi.”
I fake laughed. “Bawal maging busy? Imagination mo lang ’yan.”
I really wanted to leave, but my knees were buckling… for some frigging reason. Para akong tanga na naka-half tayo at half-upo. Pero dahil isa akong tao na kulang sa exercise, bigla akong napa-upo.
“Di kita iniiwasan, ha,” I repeated because he just remained silent. “Daming nangyari ngayong linggo sa duty tapos pasaway pa iyong mga intern tapos nawawala si Dr. Herrera tapos—”
“Iniiwasan mo ko, e.”
“Parang tanga.”
“Di nga ako tanga so alam ko na iniiwasan mo ko.”
I pursed my lips.
Bwisit na magkapatid ’to. Ang hirap nilang kausap dalawa, ha.
I looked around. Wala namang masyadong tao sa cafeteria ngayon. Nagbuntung-hininga ako.
“Gusto mo?” he asked, offering a bottle of Yakult habang nag-iipon ako ng lakas ng loob. I accepted it and finished the bottle bago humugot ulit ng malalim na hininga.
“Fine. Iniiwasan kita.”
“Knew it.”
“But there’s a reason why, okay?”
“Pwedeng malaman?”
“Pwede naman kaso…” I said, putting a pregnant pause.
“Kaso?”
Obvious naman na close si Marcus sa kapatid niya. Baka kasi magkaproblema sila kapag sinabi ko. Mali naman kasi talaga si Marian sa ginawa niya. ’Di naman bata iyong kuya niya. Tanda-tanda na niyan, e. Kung gusto niyang magkalat ng lahi dito sa ospital, choice niya na ’yun. I mean, why would he even do that? But still, it’s his choice.
Ay, ewan.
Naguguluhan na rin ako sa sarili ko.
“Promise mo muna ’di ka magagalit.”
“Ayoko nga.”
“Di ’di ko sasabihin.”
“Bakit naman ako magagalit sa ’yo?” he asked.
“Di naman sa ’kin.”
Kumunot ang noo niya. “Kanino?”
Hindi ako sumagot. He was looking at me like he was trying to figure out kung kanino siya magagalit dahil sa pag-iwas ko sa kanya. It took him a full minute bago lumabas iyong pangalan ng kapatid niya.
“Pagkatapos mong matulog sa condo…” he said, then paused. “Si Marian ba?” he asked. “Di na kita nakita nung umaga. Sabi niya nagpaalam ka raw na mauuna ka na.”
Langyang bata ’yun. Nagpaalam ba ako?!
“Sure,” sinabi ko na lang.
“Wait, dahil kay Marian kaya mo ako iniiwasan?”
Hinablot ko iyong may laman pang Yakult at ininom iyon. Bakit ba ako kinakabahan sa harap ng taong ’to? Sobrang weird, ha. Para sa lalaki na hindi ko boyfriend or what, nagtabi na kami matulog at nakapag-overnight na ako sa condo niya. Kung malalaman ’to ng nanay ko, patay ako sigurado.
“Di naman talaga dahil sa kanya,” I said. I looked at him. He looked like he was waiting for further explanation. I drew a deep breath. “We just had a… talk,” I simply continued kahit sa totoo lang ay ambush ang naganap sa pagitan namin ng kapatid niya.
“What kind of talk was that?” he asked. “That it somehow ended up with you avoiding me?”
Inubos ko muna iyong yakult.
“Wala naman…” I began. “Sinabi niya lang na ano…”
But I really couldn’t find the fucking words that would put Marian in a good light! Kasi kahit saan kong anggulo tignan, mukhang tanga lang!
“Basta. Ang ending, nakipagdate ako kay Dr. Tan.”
His forehead creased. “Wait, what?” he asked, looking confused. “I was just asking kung bakit mo ako iniiwasan… pero may koneksyon ’yun sa date mo?”
Oh, fuck!
Sabi na tama talaga na sa med school ako dumiretso! I’d make the worst lawyer! For sure na makukulong lahat ng client ko dahil lagi akong nadudulas!
“Fine!” I said, feeling backed against the wall. “Your sister and I had a talk and she basically told me off dahil ’di ka pa raw moved on kay Joey or whatever. But she told me that in good faith, okay, so ’wag kang magalit sa kanya. Protective lang siya sa ’yo kahit ang tanda-tanda mo na,” sunud-sunod kong sabi. “Kaya nakipagdate ako kay Dr. Tan para sana mabaling sa iba ang atensyon ko pero sobrang disaster dahil in love si Dr. Tan sa sarili niya. Okay na?”
While I was word vomiting, Marcus’ forehead was in a serious crease. Nang matapos ako ay sobrang lalim ng paghinga ko dahil sa dami ng sinabi ko.
“Okay na, ha?” I asked, standing up. Mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria. Lord, nasaan na iyong mga pasaway na interns? Kailangan ko na ulit maging busy!
“Niles!” I heard Marcus calling behind me. Halos takbuhin ko iyong hallway dahil wala na talaga akong energy na kausapin siya after nung nangyari…
But of course naabutan niya ako! For reals! Napaka-unfair na ang bilis niya akong maabutan palagi!
“Wait lang,” sabi niya.
“Ano? May duty pa ko—”
“1 minute lang.”
“May duty—”
“45 seconds,” he said, cutting me off.
“Fine,” I replied. “Bilisan mo. Busy ako.”
“Okay,” he said, nodding.
May dumaan na mga nurse. Tinitignan kaming dalawa. Great. Laman na naman kami ng chismis bukas. Bahagya kong tinakpan iyong mukha ko.
“Ano—” tanong ko nang bigla akong hatakin ni Marcus sa hall papuntang NICU. Wala ng tao doon halos dahil gabi na at tapos na ang visiting time. “Bakit tayo nandito?” I asked.
“Do you wanna try dating?” he asked instead.
My lips parted.
I blinked.
I was blinking so much he might have thought that I was having seizures.
“W-What?” I asked.
“I asked if you you wanna date,” he casually said.
Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko.
Kumunot ang noo ko.
“Wait… For reals?” I asked.
“Yeah.”
“Sabog ka ba?”
“What? Bakit naman ako magiging sabog?”
“But…why?”
“Why not?” he casually replied like he didn’t just shake my whole world with his fucking question!
“Paano si Joey?”
“Wala na si Joey.” My eyes widened. “I didn’t mean she’s dead,” Marcus replied, laughing. “I mean, I finally understand that she’s never going to be a part of my life.”
I was still blinking.
My god.
Gusto ko nang tumigil kumurap!
“O…kay?” I replied dahil ’di ko alam kung ano ang sasabihin! Nase-stress ako!
“I can’t say that I’ll fall in love quickly—I won’t promise you that, Niles. But what I can promise is that I’ll give you my attention and affection and honesty—that if this,” he said, pointing to the two of us, “Doesn’t work, I’ll be honest and give you a proper goodbye.”
I was still freaking blinking.
“So, what do you think? Let’s date?” tanong niya.
And that’s the story of how I started dating the guy who bumped me to second place.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 09
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 09
“Wait lang. Kakausapin ko lang si Dr. Legaspi,” I told Marcus nang puntahan niya ako. Before, I already heard stories about how hard is it to date doctors. Literal na sa ospital na raw kasi kami naka-tira… which was true. Kaya rin daw madalas na ang napapangasawa ng mga doctor ay iyong kapwa nila doctor o mga nurses kasi sila-sila lang talaga ang nagkikita. Akala ko magiging madali iyong sa amin ni Marcus dahil nasa iisang ospital lang naman kami… but joke’s on me dahil ang hirap magtagpo ng schedule namin.
“Okay,” he replied, smiling bago naupo. “Ano’ng gusto mo palang kainin? Order na ako.”
Bago pa man ako maka-sagot ay nakita ko na pinanlakihan ako ng mga mata ni Yanyan. Wala naman akong balak sabihin talaga sa kanya iyong sa amin ni Marcus kasi… ewan ko ba. Sure, if we’re gonna be technical about it, we’re ‘dating.’ But at the same time, alam naman namin na parang nasa ‘trial’ stage pa lang kami.
Walang feelings involved…
At least on his part.
“Wings na lang,” I said. “Frankie’s if meron?”
“Check ko. Iyon lang?”
I nodded. “Alis muna ako,” sabi ko bago naglakad. Sumama naman sa akin si Yanyan. Naiilang ata siya kay Marcus kasi tuwing aalis ako, sasama siya sa akin. Sabagay… friendly si Marcus pero marami sa kanyang naiilang na mga doctor. Top ba naman kasi sa batch namin saka close siya sa admin. Lagi nga ’yang kasama dito ni Dr. Cuesta, e.
“May date kayo?” Yanyan asked.
“Kakain lang.”
“Date na rin ’yun!”
“Ewan ko sa ’yo.”
“Sa condo niya kayo?”
“Yeah.”
She squealed. “OMG! May nangyayari na ba?!”
“Gaga, wala!”
“Bakit wala?!”
Hindi na ako sumagot. E sa wala, e! Saka ayoko naman nun! Okay pa ako sa kiss and makeout sesh pero sa sex? No! Not unless alam ko na may feelings na rin siya sa ’kin. May limitation naman ako sa katawan, no! ’Di porke nakaka-bulag iyong abs niya ay bibigay na ako.
Mabuti na lang at naka-salubong namin si Dr. Legaspi kaya tinantanan ako ni Yanyan. Medyo natagalan iyong usap namin dahil may diniscuss siya sa akin tungkol sa residency.
“Wow…” I said after she finished explaining it to me. “Thank you for considering me, Doc. I’ll think about it po.”
Napa-hawak ako sa dibdib ko habang naglalakad palayo. Wow. That was an offer… Pero ang dami kong kailangang i-consider. Kakausapin ko pa iyong magulang ko… Although sigurado naman ako na ipagtutulakan pa ako ni Mommy para tanggapin iyon.
Nang makita ko si Marcus, he was on the phone. It seemed like binibigyan niya ng instruction iyong delivery guy tungkol doon sa order niya. But also seemed like naramdaman niya na naka-tingin ako sa kanya kaya naman napa-tingin siya sa gawi ko.
I smiled when our eyes met.
“Wait lang,” he mouthed.
Gosh.
Ang hassle naman.
“Lumamig na. Gusto mong initin ko?” Marcus asked pagdating namin sa condo niya. I made myself comfortable. Ilang beses naman na akong nandito pero ’di ako natutulog. Takot ko lang na magtagpo ulit kami ng maldita niyang kapatid.
“No, okay na ’yan,” I said.
Naupo kami sa sahig dahil may carpet naman. A series was playing on the background. Kumakain kami ng wings pero I doubted kung may nanonood ba talaga.
“Ano’ng plano mo?” I asked him after minutes of silence from both our ends.
“Plano saan?” he replied.
“Med,” I said. “Basta diretso neuro. Iyon lang?”
Natawa siya. “Iyon lang? Parang ang dali lang, ah.”
I rolled my eyes. “You know what I mean.”
“Yeah… pero ano talaga ’yung tanong?”
Why was he so perceptive? Parang ang hirap tuloy magsinungaling.
“I mean, basta ang plano is maging neuro surgeon?” I asked and he nodded. “Wala kang plano magresidency sa ibang bansa?”
Medyo kumunot ang noo niya. “May narinig ka ba tungkol ’dun?”
“Wait… May offer sa ’yo?”
“Yeah… but I already declined.”
Umawang ang labi ko.
Wow.
Kaya lang na-offer sa akin ay dahil nagdecline si Marcus? I didn’t know how to feel about that…
Hindi ako nakapagsalita agad. Wala siyang kasalanan. Wala naman siyang control sa decision ng management. Hindi niya kasalanan na top siya sa boards. Hindi niya kasalanan na mas favored siya. He didn’t have control over it as much as I didn’t have control over it.
“Ah… bakit?” I asked after I managed to pull myself together… barely.
“Ayokong umalis, e.”
“Iyon lang? Sayang naman ’yung opportunity.”
“Hindi naman lahat ng opportunity kailangang kuhanin.”
Hindi ako nagsalita. I kept on shoving chicken wings in my mouth. Baka akalain ni Marcus na patay-gutom ako.
Nang matapos kaming kumain, nagligpit kami ng kalat. We tried to watch but we ended up on the couch… tapos nung pumapasok na sa damit ko iyong kamay ni Marcus, I gently pushed him off of me and told him na uuwi na ako.
“Sorry,” he said habang nasa sasakyan kami.
“Ha? Bakit?”
“Iyong kanina,” he replied.
“Kanina?”
“Iyong kamay ko.”
“Ano’ng meron sa kamay mo?” Hindi siya nagsalita. “Ah!” sabi ko na natawa. “Baliw. Hindi ’yun. Pagod lang talaga ako kaya gusto ko nang matulog.”
“Bakit ayaw mong matulog dun sa condo? May kwarto naman na isa.”
“Sa kapatid mo ’yun, e.”
“Kinausap ko na nga si Marian.”
“Grabe naman! Sabi ng ’wag mong sabihin sa kanya na sinabi ko,” I said. Ang pasaway naman nito! Sinabi ng ’wag ng gawing issue. Mas lalong ayoko tuloy makita iyong kapatid niya. Kaka-stress naman!
Natawa siya. “Bakit ba takut na takot ka kay Marian?”
“Di ako takot,” I said, scoffing.
“Sige nga kundi ka takot overnight ka sa condo.”
I just made face. Ayokong mag-overnight ’dun hanggang wala akong nakukuhang matinong assurance kay Marcus. ’Yan man lang maibalato ko sa sarili ko.
Nang maka-rating kami, bababa na sana ako pero nang mapa-tingin ako kay Marcus, nakita ko na seryoso iyong mukha niya.
“What?” I asked.
“Nothing,” he replied.
“Okay,” I said, shrugging.
Pero bago pa man ako maka-baba, tinawag niya ako.
“Ano nga kasi?” I asked.
“May problema ba tayo?”
“Ha? Bakit naman?”
“Para kasing meron, e.”
Natawa ako. “Psychic ka na rin ngayon?”
“Seryoso kasi,” he said. “Kung may problema o kung anuman, usap na lang tayo. Nadadaan naman lahat sa usap, ’di ba?”
I nodded. “Oo naman. Pero wala naman talagang problema,” I replied. I reached out and kissed his cheek bago ako diretsong bumaba. I didn’t even check my phone at dumiretso lang akong matulog pagkatapos kong maglinis ng katawan.
The next few days were nothing different… Although mas busy ako nitong mga nakaraang araw at saka ’di ko masyadong nakikita si Marcus dahil may inattendan siyang seminar na ’di ko masyadong maalala kung tungkol saan kasi nung sinasabi niya sa akin, sabug na sabog ako sa sobrang antok.
“Happy birthday!” Papa said, handing over a bouquet of flowers.
“Bukas pa birthday ko, Pa,” natatawang sabi ko. “Pero thank you.”
“Tumawag kami sa kaibigan mo. Sabi e may duty ka sa birthday mo kaya baka ’di ka namin maabala kaya lumuwas na kami ngayon.”
Napa-tingin ako kay Mommy. “Thanks sa pagbisita, Ma,” I said and she nodded at me with a small smile.
Nag-ayos ako kahit papaano sa unit ko. Malinis naman dito kasi halos umuuwi lang ako para matulog lalo na lately kina Marcus talaga ako tumatambay.
Lumabas si Papa para salubungin iyong pagkain na inorder nila. Kilalang-kilala talaga nila ako, e. They knew that I’d rather eat in kaysa lumabas. Nakaka-ubos ng energy minsan lalo na kapag pagod ka sa duty.
“Nileen.”
“Yes, Ma?” automatic kong sagot habang tinitiklop iyong mga madumi kong damit. Hindi agad sumagot si Mommy kaya naman napa-tingin ako sa kanya.
Napa-awang ang labi ko nang makita ko iyong hawak niya na letter. Iyon iyong binigay sa akin ni Dr. Legaspi tungkol sa offer na residency sa partner hospital sa Japan.
“Bakit ’di mo pa sina-sagot ’to?” she asked, her brow slightly furrowed.
“Pinag-iisipan ko pa po.”
“Ano’ng pag-iisipan? Magandang opportunity ’to.”
“Pero hindi naman lahat ng opportunity kailangang kuhanin.”
Nakita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya… na mabilis napalitan ng galit. “Ano, Nileen? Hindi lahat ng opportunity kailangang kuhanin? Pinaghirapan ka naming pag-aralin at halos mabaon kami sa utang para lang makapagtapos ka ng pagdodoktor tapos iyan ang pag-iisip mo?”
Humigpit ang hawak ko sa damit ko.
“Maganda naman trabaho ko dito, Ma—”
“Mas maganda kung tatanggapin mo ’to.”
“Pero—”
“Dahil ba ’yan sa boyfriend mo?”
Umawang ang labi ko. “Po?”
“Sinabi ng guard sa amin na may naghahatid sa ’yong lalaki dito palagi. ’Yan ba ang dahilan kung bakit ayaw mong umalis sa Pilipinas, ha, Nileen? Dahil lang sa lalaki e ipagpapalit mo ’yung ganitong bagay?”
Nasaan na ba si Papa?! Alam niya naman na ’di dapat kami iniiwan ni Mommy kasi lagi na lang ganto! Kaya ayokong umuwi ng probinsya, e!
“Ano ba’ng sinasabi mo, Ma? Wala namang kinalaman dito si Marcus—”
“Marcus? Iyon ba ’yung naka-talo sa ’yo?”
“Ano bang naka-talo, Ma? Hindi naman contest ’yung boards. Naka-pasa naman ako. Nagtop 2 pa ako. ’Di ba pwedeng maging masaya na kayo ’dun?”
Gusto ko agad humingi ng sorry.
Sumobra ata ako.
Pero gusto ko talagang sabihin ’to.
Nasasakal na ako sa lahat ng expectation niya sa akin.
“Kayo na nga nasunod kung saan ako mag-aaral. Pati ba naman saan ako magtatrabaho, kailangan kayo din?”
Nakita kong namula iyong paligid ng mga mata ni Mommy sa galit sa mga naririnig niya sa akin. Ganyan siya. Kapag sumagot ako, iniiyakan ako. Paano naman ako? Lagi na lang susunod? Bata ba ako? May sarili naman akong buhay. ’Di naman porke anak niya ako ay susunod ako sa lahat ng gusto niya. Anak niya ako, hindi puppet.
“Kay Marcus nga unang inoffer ’yan, Ma. Nagdecline lang siya kaya na-offer sa akin—”
“Nagdecline si Marcus kaya kailangang magdecline ka rin, ha, Nileen? Sa lalaki na talaga umiikot ang buhay mo ngayon?”
“Ano, Ma?”
“Bakit? Nagdecline ba si Marcus para sa ’yo, Nileen? Kailangang magdecline ka rin ng ganyang opportunity para sa kanya?”
God, nasaan na ba si Papa?!
“Ano ba’ng decline, Ma? Ang sabi ko lang naman pag-iisipan ko pa,” nagtitimpi na sagot ko. “Pag-iisipan ko pa kasi aalis ako, titira ako sa lugar na wala akong kilala, mag-aadjust ako. Marami akong kailangang pag-isipan—”
Sabay kaming napa-tigil nang pumasok si Papa na may dalang box ng pizza. Agad akong tumayo.
“Saan ka pupunta?” naguguluhan na tanong niya.
“Bibili akong tubig. Una na po kayong kumain,” sagot ko bago mabilis na lumabas ng unit.
Kainis.
Badtrip.
Ang dami kong nadaanan na convinience store pero ayoko pa talagang umuwi kaya sobrang layo ng narating ko para lang bumili ng isang maliit na bottled water.
Nang pabalik na ako, naka-salubong ko bigla si Dr. Cuesta.
“Hi, doc,” bati ko sa kanya.
“Hey,” sagot niya. I doubted kung naalala niya ang pangalan ko. “Are you from around here, too?”
“No, doc,” I replied. Ginto kaya ang presyo ng mga condo dito sa bahaging ’to. “Just bought this,” sabi ko sabay pakita nung hawak ko na bote ng tubig. “Ikaw, Sir?”
“Sir,” sabi niya na natawa. “Just call me Sean.”
“Nakaka-ilang, Sir,” sagot ko.
“Just call me Sean and I’ll call you Niles… That’s your name, right?”
Wow.
Kilala ako ni Dr. Cuesta! Mainggit nga si Yanyan.
“Okay… Sean,” I said. Weird pa rin.
“Will you accept the residency?” he asked.
“Huh?”
“Marcus already declined since he’s thinking of just volunteering in Mindanao.”
Agad na kumunot ang noo ko. “Mindanao?”
Tumango si Dr. Cuesta. “Somewhere in Mindanao. I can’t remember where.”
“Sa Bukidnon po ba?”
“Yeah. That one.”
Wow naman.
Kunwari pang hindi kukunin ang opportunity ’yun pala ay mas gustong magvolunteer sa Mindanao para sundan si Joey. Gago talaga.
“So… will you decline, too?” Dr. Cuesta asked. “Dr. Legaspi strongly recommended you.”
I just smiled. “I’ll relay my answer tomorrow, Sir—I mean, Sean.”
“Great. Hoping for a favorable one, Niles,” sabi niya bago kumaway at lumiko ng daan.
Ako naman, pumara ng taxi at nagpahatid kina Marcus. Parang tanga. Sabihin niya na kung ano ang gusto niyang mangyari. Sayang oras. Honesty my fucking ass.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 10
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 10
I took deep breaths.
Hindi ko nabilang kung ilan bago ako kumatok. Basta ang alam ko, kumatok na lang ako. Ayoko na kasing i-delay. Matanda naman na kaming dalawa. Sabihin niya sa akin kung ano ang trip niya at baka masakyan ko pa. Basta gusto ko lang sana ay honest siya—kagaya nung pinangako niya sa akin nung una pa lang.
“Niles?” sagot niya nang buksan niya ang pinto.
“Busy ka?” tanong ko. Sumilip ako sa likuran niya dahil baka nandito si Marian. Wala pa naman ako sa mood pagpasensyahan siya. Oo mas bata siya sa akin, pero ’di naman ako ganoon ka-bastos nung ka-edad niya ako. ’Di ko talaga alam kung ano ang trip ng isang ’yun.
“Not really… Bakit pala? ’Di ka naman nagtext—”
“Nag-apply ka ba for Bukidnon?”
“What?” sagot niya habang naka-kunot ang noo.
“Sabi ni Dr. Cuesta—”
“Kailan kayo nag-usap?”
“Stop deflecting and just answer the question,” mabilis na sagot ko. This definitely wasn’t my night. I was still reeling from the discussion I had with my mother—definitely ay wala akong pasensya sa mga palusot ni Marcus ngayon.
“Ano ba ’to, Niles?”
“Nagvolunteer ka ba sa Bukidnon?”
“Oo.”
“Dahil nandun din si Joey, right?”
Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. I took a step back and drew a deep breath. Then I slowly nodded my head.
“Oh… Okay,” I said, trying to fix a smile on my face. “I get it.”
Sinubukan niyang humakbang palapit sa akin, pero mabilis akong humakbang paatras. Hanggang sa maramdaman ko na iyong pader sa likuran ko.
“Niles—”
“No,” I said, shaking my head as I fought hard to retain the smile on my face. “It’s all good…” sabi ko sa kanya. “Sinabi mo naman sa ’kin sa simula pa lang na wala ka talagang feelings o kung anuman.”
“Niles—”
“But I can’t do this shit anymore, Marcus. I can’t just wait until you decide kung tapos ka na ba kay Joey o kung anuman ang trip mo sa buhay. You promised me honesty but you couldn’t even give me that. Parang tanga lang.”
Mabilis kong hinawakan ang mga kamay ko.
Ramdam na ramdam ko iyong panginginig nila.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad, pero bago pa man ako maka-layo, naramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko.
“Sandali lang naman,” sabi niya habang naka-hawak sa akin.
“Bakit?” tanong ko. “It’s not like we’re officially together or something. Nagde-date lang naman tayo, right? ’Di naman natin kailangan ng official break-up.”
Kita ko iyong simula ng inis sa mukha niya.
Siya pa ang may ganang mainis.
“Sandali lang, okay?” sagot niya. “Bigla kang pupunta dito tapos magsasabi ka ng ganyan. San ba ’to nanggagaling? Ano ba ’yung—”
“Sabi mo sa ’kin hindi mo tinanggap iyong offer dahil ayaw mo lang. Hindi mo sinabi na balak mo pa lang sundan si Joey sa Bukidnon.”
Lumuwag ang pagkaka-hawak niya sa akin. I saw him drawing a deep breath. He licked his lower lip and stared at me.
“Okay,” he said, gently nodding his head. “First, please stop cutting me off. We can’t have a civil discussion kung lagi mong puputulin iyong sinasabi ko.”
My jaw clenched.
This fucking guy.
“Second… Paano napunta kay Joey iyong pag-ayaw ko sa offer?”
Hindi ako nagsalita.
I saw him purse his lips.
“Come on, Niles…”
“What? You didn’t tell me kung pwede na akong magsalita.”
“Parang bata naman.”
“Stop turning this like ako pa iyong OA.”
“I didn’t say that, okay? But that’s such a leap. Bakit biglang tungkol kay Joey iyong pagtanggi ko sa offer?”
“Bakit? Hindi ba?”
“No,” he quickly replied.
“Oh, really?”
“Yes,” he said. “Niles, my life doesn’t revolve around her.”
I scoffed. “You’re hard to believe there, Marcus. Ikaw ang nagsabi sa akin na almost 10 years kang naghintay sa kanya.”
He uttered something under his breath. “Niles, I declined the offer dahil ayokong umalis sa Pilipinas, okay?”
“Dahil kay Joey?”
“No!” sagot niya habang biglang tumaas ang boses niya. Biglang bumukas iyong pinto sa kabilang unit, at saka tumingin sa amin. Marcus brushed his fingers through his hair and looked at me. “Can we talk about this inside?” he asked, but I didn’t move. “Please?”
Hindi ako nagsalita.
Sumunod ako sa kanya papasok sa unit niya.
Para kaming dalawang estatwa na naka-tayo lang at naka-tingin sa isa’t-isa. Gusto kong magsalita para matapos na, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
“Joey has nothing to do with me declining the offer,” kalmado niyang sagot. I was pissed. Why was he suddenly so calm?! Ako ’tong napipikon na sa kanya. I seriously just wanted to walk away from him, from this shit!
I stood there, staring at him, saying nothing.
“Nasabi ko na ba sa ’yo na patay na ’yung tatay ko?”
Hindi ako naka-galaw sa tanong niya.
“Hindi pa ba?” tanong niya na saglit na natawa. “Sorry. Minsan kasi nalilimutan ko na rin. Parang buong buhay ko na rin kasi wala si Papa.” Tumingin siya sa akin na may malungkot na ngiti. “Hindi ako pwedeng umalis nang matagal sa Pilipinas, Niles. Hindi pwedeng maiwan si Mommy. Kami na lang ni Marian ’yung meron siya. Iyon lang ’yung dahilan. Hindi kita pipilitin na maniwala kung ayaw mo… pero iyon talaga ’yung dahilan. Hindi papayag si Mommy na umalis ako. Hindi ko rin naman maiwan si Marian dahil baka mabaliw ’yun kapag siya lang iyong binabantayan ni Mama,” sabi niya na bahagyang natawa.
Tumingin siya sa akin.
He took a step forward.
Hindi ako naka-galaw.
“Iyong sa Bukidnon,” sabi niya. Naghintay ako ng susunod na sasabihin niya. Pero ilang segundo ang lumipas at naka-tingin lang siya sa ’kin.
“Nandun si Joey,” sagot ko sa katahimikan niya.
“Alam ko.”
“Kaya ka pupunta ’dun.”
Umiling siya.
“Ano’ng gagawin mo ’dun? Mamimitas ng pinya?”
Biglang nalaglag ang panga niya sa narinig niya mula sa akin. He pursed his lips at mukhang nagpipigil siya ng tawa. I saw him taking deep breaths in.
“Come on, Niles. Seryoso ako rito.”
“Seryoso din ako.”
“Bakit may pinya bigla?”
“E ano’ng gagawin mo ’dun kung hindi para sundan si Joey? Alam mo, may pagka-stalker ka rin talaga.”
He took a step forward.
Umatras ako.
Umulit siya.
Umatras din ako.
Hanggang sa maramdaman ko na naman iyong malamig na pader sa likod ko.
“Nagseselos ka ba kay Joey, Niles?”
I scoffed. “Tigilan mo nga ako, Marcus. As of today, ’di na tayo nagde-date.”
“Talaga? ’Di ako aware.”
I tried to push him away, but his freaking chest was so hard! Ugh! Bigla kong na-miss agad kapag umalis na talaga ako! Makaka-hanap kaya ako doon ng lalaki na kasing katawan ni Marcus?
Ano ba ’yan.
Para namang tunog katawan lang ang habol ko sa kanya!
“Cebu kasi talaga dapat ’yun, Niles, kaso naubusan na ako ng spot.”
“Kung magsisinungaling ka na lang din, galingan mo naman. Ginagawa mo naman akong tanga. Konting respect naman.”
Kita ko na naman na pinipigilan niyang matawa sa akin. Lecheng ’to! Ayaw akong seryosohin!
“Seryoso nga kasi,” he replied.
“So, kung naubusan ka man talaga ng spot sa Cebu, e ’di sana ’di ka na nagvolunteer? Kaya nga volunteer? Hindi naman mandatory?”
“Ganito ka talaga ka-selosa, Niles?” he asked, sounding amused.
“Selosa mo mukha mo.”
Natawa siya. “Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit. Ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nagvolunteer.”
“What?” I asked, confused.
Gusto ko sanang umalis na talaga kaso ay hindi ako maka-galaw. Itong magaling na si Marcus, naka-lagay iyong dalawang braso sa tagiliran ng ulo ko. Naka-nood na ako ng ganito sa mga series, e! I knew that looking from the outside, sobrang sweet siguro tignan! Pero right at that moment, gusto ko lang suntukin si Marcus dahil feeling niya ata e madali lang akong utuin.
“Sabi mo dati ’di ba kausapin ko si Joey? Dahil ’dun sa—”
“Kagaguhan mo,” I said, cutting him off. “Sorry, couldn’t help it. Ang gago mo talaga sa part na ’yun.”
He nodded his head. “Yeah, I know,” he said with a small, sad smile. “Gusto ko sanang kausapin si Psalm… pero naisip ko na baka magalit si Joey kapag ginawa ko ’yun kaya gusto ko sanang kausapin si Joey—”
“Kailangan talaga susundan mo sa Bukidnon?”
“Selos ka talaga?”
“Mukha mo,” I said, pushing him off pero hinuli niya lang iyong dalawa kong kamay at saka hinawakan. I bit my lower lip. Punyeta talaga ’tong isang ’to, e! ’Di talaga ako naniniwala na sa 10 years na ’yun, si Joey lang! Ang landi-landi niya kaya! O baka naman naipon lang talaga iyong kalandian niya kaya ito at nag-uumapaw na?
“Hiningi ko na ’yung number niya pero hindi siya nagrereply. Nagtry na rin ako sa email, pero wala rin akong nakuhang sagot.”
Hindi ako nagsalita.
I was merely staring at him, waiting for him to continue whatever lie he was spewing… but my eyes widened and my heart quickened its pace when he suddenly intertwined our fingers.
Nandun lang ang mga mata ko.
Holy shit.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
This was probably nothing for other people… but for me? For me who’s been single since fucking birth? This was making my heart do some shitty things!
“3 days volunteer program lang naman ’yun, Niles. Saka ’di rin naman ako sigurado kung nandun siya… at kung kakausapin niya ako kung nandun siya. Sinubukan ko lang naman para sa ’yo.”
“Para sa ’kin?”
“Para sa ’yo, para sa ’kin. Ewan ko. I just wanted that part of my life to be done,” he said, drawing patterns on the top of my hand this time. “Gusto ko lang magsorry sa kanya para tapos na talaga. Wala ng hangups; wala ng tanong.”
“Okay?”
“Kumbaga, end of the chapter na.”
“Dami mong alam.”
Tumawa siya. Ang cute niya talaga kapag lumiliit iyong mga mata niya kapag tumatawa siya. Lecheng ’to.
“Di ko naman alam na nagseselos ka sa kanya. Akala ko cool ka lang.”
“Cool mo mukha mo.”
“Now I know. Pilosopo ka pala kapag nagseselos.”
This time, I pushed him away harder.
“Ewan ko sa ’yo, Marcus,” I said, then tried to walk away, but he pulled me back so quick that I bumped against his chest. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko iyong mga braso niya na naka-palibot sa akin. “Ano ba?”
“Aalis ka na?”
“Oo.”
“Break pa rin tayo?”
Hindi ako naka-sagot.
Humigpit ang yakap niya sa akin.
“Kung break na tayo, pagbalik ko, pwedeng manligaw ulit?”
Hindi ako sumagot.
Lumuwag ang hawak niya sa akin.
“Niles,” pagtawag niya. “Seryoso ba ’yung kanina? Galit ka talaga?”
I drew a deep breath and slowly breathed.
I looked at him.
“I know this is…” I said, trying to find the right word. “Anticlimactic.” Then I paused. “Pero kaya ko nalaman iyong sa Bukidnon ay dahil kinausap ako ni Dr. Cuesta tungkol sa offer.”
Bahagyang kumunot ang noo niya.
“The offer?”
I nodded. “I know you declined… but I’m considering it.”
His lips parted. “Oh.”
“It’s just for 3 years.”
“I know,” sagot niya habang naka-tingin sa akin. Hindi ko mabasa iyong nasa isip niya.
“It’s a great opportunity for me—”
“It is,” he said, cutting me off this time.
“Galit ka ba?”
“What? Bakit ako magagalit?”
“I don’t know.”
“Sinabi mo na ba sa kanila?”
“Hindi pa.”
“Bakit hindi pa?”
I pressed my lips.
I held my hand.
“Should I take it?”
“Oo naman,” sagot niya. “Niles, it’s a great opportunity.”
“I know, but—”
“Ayaw ba ng parents mo?”
I scoffed. “Kung sila lang, baka bukas na bukas ay nandun na ako.”
Natawa siya. “Then bakit nagdadalawang-isip ka?”
Tumingin ako sa kanya.
Hindi nagsalita.
It took him a few seconds before he understood what my silence meant.
“Sa Japan lang naman, ’di ba?” tanong niya. Tumango ako. “Hindi ako pwedeng umalis nang matagal, pero pwede naman akong magbakasyon.”
“So… dadalawin mo ako, if ever?”
“Depende… kung break pa rin tayo baka hindi na.”
Inirapan ko siya.
Tumawa siya.
“Look, 3 years is nothing—”
“Kasi nakapaghintay ka ng 10 years—”
Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Ang selosa talaga,” sabi niya tapos ay kinurot ang ilong ko. “Naalala mo nung nasa Batanes tayo, sabi mo sa ’kin ang gusto mong parter ’yung sobrang supportive kasi marami kang gustong gawin sa buhay?” he asked, pero napa-awang lang ang labi ko dahil hindi ako maka-paniwala na naalala niya pa ’yun. That was just a drunken rambling on my part. “This is me being supportive. Go to Japan. Finish that program. I’ll visit you every chance that I can. Then come home to me, okay?”
I bit my lower lip.
“Come home to me… Naka-tira ba tayo sa iisang bahay?”
Tumawa siya. “Might as well. Dito ka naman palagi.”
Umirap ako. “Sino’ng namimilit lagi?”
“Sino’ng nagpapa-pilit lagi?”
I rolled my eyes as he laughed. He pulled me in and enclosed me inside his arms. I felt him kissing the top of my head.
“Go chase your dream,” he whispered. “Nandito lang ako kapag bumalik ka na.”
This story is already finished on Patreon x
Chapter 11
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 11
Ano ba ’yan.
Ang lungkot naman.
Nagpaalam na ako sa mga kasama ko. It’s my birthday. May mga nagmessage naman na sa akin na bumabati pero syempre iba pa rin kapag personal. ’Di rin naman kasalanan ng mga kasama ko rito… ’Di ko naman kasi pinagkakalat na birthday ko. Nakaka-hiya.
Although mas nakaka-lungkot.
Tsk.
Maka-bili na nga lang ng beer at maka-tulog nang maaga.
After ng shift ko, dumiretso ako sa convenience store. Ito talaga ang favorite ko rito sa Japan! Halos isang taon na ako rito pero sobrang aliw pa rin magpunta sa convenience store!
Bumili ako ng 6-pack and kung anu-anong pwedeng kainin. Maka-nood na lang siguro ng Netflix. Wala naman akong pasok bukas.
“Leche talaga ’yung lalaking ’yun,” I murmured to myself habang naglalakad ako pabalik sa apartment ko. I knew I told him na hindi niya naman ako kailangang itext araw-araw kasi aware naman ako na hectic ang sched niya dahil doctor din naman ako! Pero grabe naman! Birthday ko naman! Paka-kupal naman talaga niyang si Marcus! Pagkatapos ko siyang itour dito nung pumunta siya! Epal talaga!
I probably looked like a kid na inagawan ng candy habang naglalakad ako. I was pouting and murmuring all the way. Kung hindi lang talaga therapeutic ang paglalakad, baka namatay na ako sa sobrang stress. Hirap pala talagang mag-isa! Akala ko hindi ako masyadong mahihirapan dahil simula naman nung nagcollege ako nasanay na akong tumira mag-isa… pero iba pala talaga kapag nasa ibang bansa ka tapos wala kang kasama.
Nakaka-miss ang Pilipinas.
Akalain mo ’yun?
Before I made a turn, inabot ko na iyong kamay ko sa bag ko para hanapin iyong susi para sana pagdating ko sa harap ng gate, bubuksan ko na lang. Hindi ko makita kaya naman tumingin ako sa bag ko. Nang makita ko siya, nag-angat ako ng tingin nang biglang manlaki ang mga mata ko.
“Surprise?” Marcus said, holding a couple of balloons and a teddy bear. “Happy birthday, Niles,” he greeted with a warm smile on his face.
My lips parted.
I felt a stinging sensation around my eyes.
“Ang epal…” I said with my small voice. “Bakit ka nandito?”
“Malamang birthday mo,” epal na sagot niya.
“Kaya ba ’di mo man lang ako binati simula kanina?” I asked kasi ang epal niya! Gabi na kaya! Akala ko nalimutan niya talaga na birthday ko!
He laughed. “Hinihintay mo ba ’yung greeting ko?”
“Malamang!” I said, hitting him on the chest.
“Sorry na. Gusto ko kasi personal, e,” he said, then handed the bear. “Happy birthday, Niles,” he continued with that freaking smile on his face that made it so fucking easy to forgive him sa mga kalokohan niya. “Ayaw mo kasi akong bigyan ng susi dito. E ’di sana nakapag-setup ako ng surprise sa kwarto mo.”
I rolled my eyes. “E ’di sinakal ka ng tatay ko?”
Nagmeet na si Marcus at ang pamilya ko. Hindi siya planado. Epal kasi si Marcus, e. Sinabi ko na na ’wag niya na akong ihatid sa airport kasi ihahatid ako ng pamilya ko, malamang. E epal siya kaya pumunta pa rin siya sa airport. Akala ko si Mommy ang gigisa sa kanya dahil sa parents ko, si Mommy talaga ang nakaka-takot… Laking gulat ko nang si Daddy ang napaka-daming tanong! Grabe! Na-stress ako doon! Mas na-stress ata ako roon kaysa sa revalida ko!
Tumawa si Marcus. “Friends na kaya kami ni Tito sa Facebook.”
Umirap ako. “Sipsip ka talaga,” I said habang papasok kami sa loob.
There’s something about Marcus na madaling maka-gaanan ng loob. Close na siya sa mga kapatid ko. Okay siya kay Mommy. Bagong motto ata ni Mommy ay hindi man anak niya ang Top 1, at least jowa ng anak niya ang Top 1.
Ay, ewan ko ba!
At least ’di siya kontrabida sa amin.
“Paano ka nabubuhay dito, Niles?” Marcus asked pagpasok namin.
“Wag mo ngang pakielaman iyong ref ko.”
“Maggrocery tayo.”
“Birthday ko tapos maggo-grocery ako?”
“Tayo naman.” I rolled my eyes. Tumawa siya. “Gusto mo naman, e.”
Binato ko siya nung unan. “Ang epal mo pa rin talaga!” sabi ko sa kanya at saka tinawanan lang ako ni Gago. Nung unang punta niya kasi rito sa Japan para bisitahin ako, nabasa niya iyong notes ko ng mga gusto kong gawin kasama siya—isa roon iyong paggo-grocery kasama siya. Bakit ba! Tagal kong hinintay magka-boyfriend! Syempre marami akong gustong gawin! Ito naman kasing si gago, lagi akong niloloko!
“Pack ka na ng gamit mo,” he said.
“Huh?”
“Punta tayong Osaka.”
“What?”
“Tara na,” he said. “In an hour na iyong Shinkansen natin. Bawal ma-late.”
I blinked. “Wait… for real?”
He nodded. “Ilang beses mo nang sinabi na gusto mong gumala sa Wizarding World.”
I couldn’t fight the smile off of my face. “Ang epal.”
Tumawa siya. “You’re welcome.”
I pressed my lips together. “Thank you.”
He nodded. “No problem. Pero bilisan mo talaga. Sayang ticket natin.”
I gave him a quick kiss bago ko inayos iyong mga gamit ko.
I was so excited kasi gusto ko talagang pumunta sa Osaka! I mean, kaya ko naman pumunta pero ang boring naman kung mag-isa lang ako. Nung pumunta si Marcus, sa Tokyo lang kami nag-ikot. Balak ko sana na ayain pa lang siya, malay ko ba na naka-bili na siya ng ticket!
Minsan, ang dami niyang alam talaga!
“Niles…”
“Hmm?”
“Gising na. Dito na tayo.”
I lazily opened my eyes. Grabe. Naka-tulog na ako. Ni hindi ko man lang na-enjoy iyong view sa bullet train.
“Sorry naka-tulog ako,” I told him. Siya pa naman iyong kaka-galing lang sa Pilipinas tapos ako pa iyong natulugan siya.
“Okay lang,” he replied. “Gusto mo bang umikot and maghanap ng dinner o matutulog na tayo?”
“Ayoko naman na matulog lang ngayong birthday ko,” I said.
“Okay. Dalhin muna natin iyong gamit sa hotel tapos hanap tayo ng makakainan.”
So we walked side by side tapos ay sumakay kami ng taxi papunta sa hotel. Grabe. Mas malala iyong taxi rate dito sa Osaka kaysa sa Tokyo. ’Di na lang ako tumingin sa taxi meter at naiistress ako.
“Alam ba ni Marian na nandito ka?” I asked. ’Di pa rin kami friends ng kapatid niyang ’yun. Ako na nga nagpakumbaba at inadd siya sa FB, pero ’di pa rin ako inaaccept! Nakaka-loka ang mga kabataan ngayon! Pampalubag-loob na lang siguro na ’di niya naman ako ni-reject.
Well, at least.
“Oo.”
“Ano’ng sabi?”
“Wala naman.”
I eyed him. “Ano nga?”
Tumawa siya. “Wala nga. Ano ba’ng akala mong sasabihin ni Marian?”
I shrugged. “Na ginayuma kita—”
Tumawa siya. “Ganoon ba ako ka-gwapo para sa tingin mo kailangan mo pa akong gayumahin?” he asked. Talagang tawang-tawa siya!
Kinurot ko iyong braso niya. Wala man lang akong nakurot! Siya lang talaga ang kilala kong doctor na sobrang buff ng katawan!
Inirapan ko nga.
Tumawa si Marcus bago kinabig ako at saka pinalibot iyong braso niya sa mga balikat ko.
“Walang sinasabi si Marian na masama sa ’yo,” he said.
“Weh?”
“Oo nga.”
“Di ako naniniwala.”
“Wala nga. Alam niyang magagalit ako kapag may sinabi siyang masama.”
“Bakit naman?”
“Syempre. Bakit niya sasabihan ng masama ’yung babaeng nagpapasaya sa kuya niya?”
My eyes widened a little.
Narinig ko iyong pagtawa ni Marcus.
“Really, Niles? Namumula ka pa rin kapag naririnig mo ’yun?”
I groaned. “Wag ka kasing nambibigla!”
“More than a year na tayo!”
“E bakit ba! ’Di ko naman nakokontrol iyong pamumula ng mukha ko!”
“Nakaka-flatter, Niles.”
“Ang epal forever!”
Nag-away lang kami—more like inaway ko lang siya—hanggang sa maka-pili kami ng kakainan namin. We ended up in this small resto and ordered Kobe beef. Tapos ay sumakay kami sa cruise doon sa Dotombori canal.
“Ang peaceful,” Marcus commented.
“I know.”
“Mamimiss mo kapag bumalik ka na next year?”
“Mej.”
“Ang init pa rin at traffic sa Manila,” he said.
“Okay lang,” I replied.
“Parang dati reklamo ka nang reklamo.”
“Ang ganda dito, pero ayoko na rin dito.”
“Bakit naman?” he asked.
“Gusto ko nang umuwi. Namimiss ko na ’yang pagmumukha mo,” sabi ko sa kanya habang naka-titig lang ako kay Glico Running Man dahil ayokong makita iyong nakaka-iritang ngisi sa mukha ni Marcus. Sure ako na naka-ngisi siya! Alam niya kasi na awkward ako sa mga ganitong kalandian kaya talaga tinutukso niya ako!
I was expecting him na tuksuhin ako.
But then I felt him holding my hand.
“Niles,” he said.
“Hmm?”
“Pag-uwi mo, ’dun ka na lang umuwi sa ’kin.”
My eyes widened. “What?”
“Wala naman na ’yung unit mo, ’di ba? Saka maluwag naman sa condo—”
“You want us… to live together? As in live in?”
I looked at him.
I couldn’t believe that I was actually seeing Marcus be… nervous?
“Pwedeng mamaya na lang—”
“No,” mabilis kong sabi.
“Niles—”
“Sumagot ka muna.”
“Mamaya na—”
Umiling siya. Buong cruise, kinulit ko lang siya pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa maka-baba kami at naglalakad na kami sa Dotonbori, ’di nagsasalita si Marcus.
Nung kami na lang iyong nasa daan pauwi, at saka bigla siyang huminto.
“Ano? Ngayon magsasalita ka na?”
He nervously ran his fingers through his hair.
Then I saw him put his hand in his pocket.
“Remember dati nung nanonood tayo ng video sa Facebook tapos sabi mo ayaw mo ng proposal in public—”
My eyes widened.
As in ramdam ko iyong panlalaki ng mga mata ko!
“Well, tayo lang ang nandito,” he said as he retrieved a navy-blue velvet box from his pocket. “Nileen—”
“Are you fucking serious?!”
“What? Galit ka ba?” nagpapanic na tanong niya.
I blinked.
Rapidly.
Oh, my god!
“Bakit ka nagpopropose?!” I asked, panicked!
“Because… I want to spend the rest of my life with you?” naguguluhan na tanong niya.
“Are you sure?!”
“Uh… yes?”
I paced back and forth.
Holy shit!
He’s really proposing!
Never ko ’tong naisip kasi ewan ko!
“Niles… galit ka ba?”
Hindi ako nakapagsalita.
“Niles…” pagtawag niya sa akin. Patuloy ako sa paglalakad nang bigla niyang hawakan iyong braso ko at saka patigilin ako. “Niles,” he said again.
“Marcus… what the fuck?” I asked. “We dated for a while nung nasa Pilipinas ako. Tapos LDR for a year? Tapos… proposal?”
He looked utterly lost.
“Ano naman kung LDR? ’Di ba considered as relationship ’yun?”
“That’s not what I meant.”
“Then ano?”
“I—” I sighed. “Ano ba’ng naisip mo?”
“Naisip ko na gusto kitang pakasalan? At gusto kitang makasama?” he asked. “Sure, maybe our relationship isn’t exactly conventional, but then again, so what?”
Hindi ako nakapagsalita.
“Niles, the Factime isn’t cutting it for me anymore. I want to see your face first thing in the morning. I want to wake up beside you. I want to nag you when you’re not eating on time. I want to listen to your rants. I want to laugh at your stupid jokes.”
I frowned.
He laughed.
“I want to see that frown,” he said, poking my cheek. “Look, Niles, I’m not asking you to marry me tomorrow. We can get married in a year or two or three—”
“Ang tagal—” I said, then stopped when I saw him grinning.
“Pwede namang bukas na kung gusto mo.”
Umirap ako. “Di pa ako pumapayag, okay?” Tumawa siya. “Saan ba ’to talaga nanggaling? Bat bigla kang nagpo-propose? Saka next year pa naman ako uuwi!”
“I just don’t want you to doubt what I feel for you.”
Kumunot ang noo ko. “What?”
“But if you don’t want—”
“Wait. Ano’ng doubt? San nanggaling ’yan?” I asked but my question was met with silence. “Marcus?”
Umiling siya.
“Marcus,” pagtawag kong muli.
“Sabi kasi ni Yanyan iniisip mo na si Joey—”
“Ano na naman pinagchismisan niyo!” sabi ko tapos kinurot ko siya.
“Wala!” sabi niya tapos umatras siya.
“Di ako nagseselos kay Joey!” I said.
I mean… medyo?! Pero never kong sasabihin kay Marcus ’yun, noh! Isipin pa nito na praning ako! Cool lang kaya ako dapat!
“Wala akong sinabing ganon,” sabi niya.
“So, kaya ka nagpropose dahil kay Joey?”
His face was flooded with confusion.
He blinked.
His forehead creased.
“Wait, what?”
I turned my back on him and began to walk.
Proposal ko sana tapos may Joey na naman.
Lord naman!
Hanggang makarating kami sa hotel, ’di ko kinakausap si Marcus. I quietly prepared for sleep. Mabuti na lang at pagod na ako kaya naman mabilis akong naka-tulog.
But a few hours later, nagising ako.
I was about to stand up to go to the CR nang makita kong naka-upo si Marcus at naka-sandal sa headboard.
“Sorry,” rinig kong sabi niya.
“Ha?” I asked, still a bit dazed.
“Didn’t mean to ruin your birthday. I’m sorry, Niles.”
“What?”
“Dapat ’di ko na binanggit—”
He paused when he saw the expression on my face.
“It’s not your fault, okay? Pagod lang talaga ako kanina. Sorry.”
Umiling siya. “No. Kasalanan ko.”
“Hindi mo kasalanan,” sabi ko sa kanya. “It’s my issue. Alam ko na wala ka ng feelings sa kanya. It’s just that…” sabi ko tapos ay huminga nang malalim. “How do I compete with 10 fucking years, Marcus? Umabot ng Grade 4 ’yang feelings mo sa kanya.”
So, we were there, sitting side by side, our backs on the headrest, talking about my fucking insecurity with the woman who wasn’t even his ex.
Fucking great.
Marcus stayed quiet.
He’s letting me rant.
“You never gave me a reason to be jealous. Alam ko praning pero lagi kitang tinatanong kay Yanyan at sabi niya sa ’kin nagta-trabaho ka lang daw talaga at wala kang nilalandi kahit maraming nurse at doctor ang nagpapapansin sa ’yo,” dire-diretso kong sabi. “Issue ko lang talaga ’to, okay? Tuwing naiisip ko kasi na medyo matagal na rin tayo… bigla kong naiisip iyong 10 years mo kay Joey. Na tipong kahit wala siyang ginawa, hinintay mo pa rin talaga. Ang tindi lang kasi nun, ’di ba?”
I drew a fucking deep breath.
“Alam ko naman na wala na. Na may Psalm na siya; may Niles ka na. Pero alam mo ’yun? Minsan iniisip ko na ‘what if kaya naging kayo? Nasaan kaya ako ngayon? Mapapansin mo man lang kaya ako?’”
I heard his breathing.
I couldn’t look at him.
“But then again, that’s just my mind overthinking,” sabi ko at saka tumayo.
“Niles, those 10 years… It wasn’t fun. Naghabol lang ako nun—”
“Yeah. Pero paano kung nagpa-habol siya?”
“Ewan ko.”
“Nandito kaya ako?”
Tumayo siya.
He stood in front of me.
“Niles, we’ll never know,” he said. “And frankly, I don’t even care anymore. Joey’s just a part of the past. I’m already over her. I need you to be over her. Kasi kami, tapos na… Ikaw, hindi ko alam kung kailan ka matatapos sa kanya.”
This story is already finished on Patreon x
Chapter 12
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 12
The proposal—or whatever that really was—wasn’t discussed again.
Para bang walang nangyari.
Admittedly, the day after was weird… pero nakonsensya siguro si Marcus dahil birthday trip ko iyon kaya naman pinilit niya na maging maayos iyong kinabukasan.
We went to the Wizarding World as planned tapos ay pinuntahan namin sa Nara iyong mga deers.
We were good at pretending that nothing’s wrong.
“Nakita mo ba ngayon?” I asked Yanyan.
“Kaninang tanghali lang. Bakit kasi ’di mo na lang tawagan?”
I sighed. “Nakokonsensya ako.”
“Gaga ka kasi. Wala namang ginagawa iyong tao tapos inaway mo. May sapak ka sa ulo?”
I sighed again. “E ano’ng magagawa ko?”
“Tigilan mo pagiging praning. ’Di cute tignan,” she said. “Dami kong guy friends na nakipagbreak sa mga jowa nila dahil puro daw ‘tamang-hinala’ kahit wala naman talaga silang ginagawa. Ikaw din… Mamaya makipagbreak si Marcus sa ’yo dahil ginawa mong hobby na pagbintangan siya.”
“Grabe naman ’to! ’Di ko naman pinagbintangan si Marcus!”
“E ganon na rin ’yun. Ikaw naman laging nagbibring up kay Joey.”
I remained silent.
Tama naman kasi siya.
“Tawagan mo na kasi kaysa sa akin ka nangungulit.”
“Di ko bilhin mga pinapa-bili mo, e,” I said.
She pouted. “Di naman mabiro ’to!” she said. “Pero wala namang ginagawa si Marcus. Nagduduty lang as usual. Sasabihan naman kita agad kung may ginagawang kalokohan. I got your back, sis!”
Napa-iling na lang ako.
Thankfully, busy din naman ako sa duty. Nagmemessage ako sa kanya and sumasagot din naman siya.
But it wasn’t like before.
Ugh!
“Bye! See you on Monday!” paalam ko sa mga ka-trabaho ko. I immediately hailed a cab para maka-rating agad ako sa station. I was counting the seconds dahil sobrang hapit nung nakuha kong ticket. Sobrang last minute kasi!
Pero ’di bale na.
’Di ko na keri ’tong katahimikan.
Last call for boarding na nang maka-rating ako. Mabilis akong pumasok. Wala naman akong dala bukod sa backpack ko dahil weekend lang talaga ang uwi ko sa Pinas. Ni hindi ko nga sinabihan sila Mommy! Agenda ko lang talaga ay kausapin si Marcus dahil ’di siya maka-usap nang matino online.
I was anxious the whole flight.
I ordered coffee.
That didn’t help.
Halos takbuhin ko iyong palabas nang eroplano nang maglanding kami. Mabuti na lang at halos hating-gabi na nang maglanding kaya wala ng pila halos sa immigration. Paglabas ko, mabilis akong bumili ng simcard at nag-internet para makapagbook ng sasakyan papunta sa condo ni Marcus.
I wasn’t sure anymore sa duty niya dahil ’di nga namamansin masyado ’yung taong ’yun!
I mean, fault ko naman?
Ay, ewan!
Pagdating ko sa unit niya, huminga ako nang malalim bago kumatok… pero naka-ilang katok na ako bago ko pa na-realize na baka wala siya rito.
I had nowhere to go—si Yanyan may duty ngayon sigurado ako. Ayoko namang pumunta sa ospital dahil wala akong lakas makipagkapwa-tao. Gusto ko lang talagang maka-usap si Marcus.
Naupo na lang ako sa sahig habang naghihintay sa kanya.
I hugged my bag close to my chest.
I kept myself busy with my phone hanggang sa maka-rinig ako ng yabag. Agad akong tumingin doon. My face fell nang makita ko kung sino iyon.
“Marian,” I said.
“Ate Niles,” she said in a clipped tone. Tsk. Labag na labag pa sa loob na tawagin akong ate, ah!
I stood up. “Kuya mo?”
“Aba, malay ko,” masungit niyang sagot. “Di mo tinawagan bago ka pumunta dito?”
“Tawagan mo nga.”
“Bakit ’di ikaw? Nag-away kayo?” I scoffed. She eyed me as she sipped from her iced coffee. “Nag-away nga,” she chirped bago binuksan iyong unit ng Kuya niya.
Naka-tayo lang ako sa labas nang pumasok siya.
“Ayaw mo bang pumasok?” she asked, her brow slightly arched.
“Wag na.”
“Pasok na,” she said, a little irritated. “Pagbintangan pa ako ni Kuya na ’di kita pina-pasok, e.”
I remained silent.
“Arte naman nito,” she continued. “Nag-away man kayo ni kuya o ano, sure naman ako ’di ka hahayaan nung lamukin d’yan sa labas. Kaya tigilan mo na kaartehan mo.”
Oh, my god! Nakaka-stress talaga ’tong kapatid ni Marcus! ’Di yata kami magkaka-sundo ever! Unless magkaroon ng himala at mabawasan ang attitude niya!
Kahit labag sa loob ko, pumasok ako sa loob. Nandun lang ako sa sofa at tahimik na naka-upo. Nagulat ako nang maglagay ng bago na may lamang malamig na tubig si Marian sa harapan ko.
“Magbati na kayo ni Kuya.”
“Di nga kami nag-away.”
“Ilang linggo nang badtrip ’yun.”
“Bakit kasalanan ko na naman?”
Kumunot ang noo niya. “Nababadtrip lang naman ’yun dahil sa ’yo.”
“Baka dahil sa ugali mo,” sagot ko.
Inirapan niya ako. “Fine. Deserve ko siguro ’yun dahil sa mga sinabi ko before,” she said. “But it’s been over a year, Ate Niles. Tanggap ko na na future sister-in-law kita.”
Mabilis kong naibuga iyong iniinom kong tubig.
Narinig ko ang pagtawa niya.
“Shit! ’Di pa ba nagpropose si Kuya?!” she asked, panicked.
Hindi ako nakapagsalita agad dahil naghahanap ako ng tissue na pamunas. Pero nang magbalik ang tingin ko kay Marian, parang tinakasan ng kulay ang buong mukha niya. I fought the urge to laugh at her face. Akala niya siguro talaga sinira niya ang surprise proposal ng kuya niya!
“Shit, I’m sorry, Ate! Please ’wag mong sabihin kay Kuya!” she pleaded. I pursed my lips. Masama ba kung gusto kong pagtripan nang konti ’tong si Marian?
“Hindi ko naman sinasadya. Naghahanap lang ako ng pera sa damitan ni Kuya tapos nakita ko ’yung box ng singsing—”
“Sure kang para sa ’kin?”
Kumunot ang noo niya. “Malamang. Ikaw girlfriend ng kapatid ko,” mabilis niyang sabi. “Wait—” she said as she studied my face. She was quiet for a few seconds na para bang seryosong-seryoso siya. “Okay. I think I know kung bakit badtrip si Kuya.”
“Wait, what?”
Marian crossed her legs and stared intently at me. “Si Ate Joey, history na ’yun. Ikaw, Ate Niles, kung ayaw mong maging part ng history, tigil-tigilan mo pagiging TH mo. Seryoso sa ’yo ’yung kapatid ko—ako na mismo nagsasabi sa ’yo.”
I scoffed. “Wow, thanks, ha.”
“You’re welcome.”
Paka-maldita talaga nito!
“Bukod sa nakita ko iyong singsing, narinig ko rin si Kuya na nagpa-practice kung paano magpo-propose sa ’yo,” she continued. “Ilang beses ko nang nakitang kinakabahan ’yang si Kuya—tuwing may exam kasi may scholarship, nung revalida, nung boards—pero ibang-iba iyong kaba niya habang pina-practice niyang tanungin ka kung gusto mo ba siyang pakasalan.”
Hands trembling, I reached for the almost empty glass of water.
I felt Marian’s eyes on me.
Fuck.
Na-konsensya ako lalo.
“Alam ko dati pinapa-layo kita kung hindi ka sigurado sa feelings mo kay Kuya,” she said and then drew a deep breath. “Pero ngayon, kung… kung hindi ka pa masyadong sigurado,” she continued and then paused. She let out a heavy sigh. “Pwedeng maghintay ka pa kahit sandali? Mahal ka kasi talaga ng kuya ko. Baka mabaliw ’yun kapag iniwan mo.”
I stared at her.
I felt tears forming in my eyes.
Naiiyak din siya.
Tapos ay biglang bumukas ang pinto.
“Niles?”
Sabay kaming napa-tingin ni Marian doon at nakita namin si Marcus na naka-tingin sa amin at naguguluhan.
“What… the hell? Bakit kayo umiiyak dalawa?”
Walang nagsalita sa aming dalawa ni Marian. Walang gustong umamin sa nangyaring ka-dramahan kanina. Epal lang din talaga iyong batang ’yun dahil biglang umalis at nagsabi na may project daw siya! Madaling araw, project?! Baka pupuntang bar pa iyong lokang ’yun!
“Bakit nandito ka?” Marcus asked.
May dalawang tasa ng kape sa pagitan namin.
Tahimik kong pinapanood iyong usok.
“Ayaw mo ba?” tanong ko.
“Gusto,” tahimik niyang sagot.
“Labo mo kasing kausap sa messages.”
Hindi siya sumagot.
“Sorry,” sabi ko.
Tumingin siya. “Para sa?”
Umirap ako. “Sa kaka-Joey ko.”
He made a short nod. I took a deep breath.
“Look, I won’t say na completely ’di na ako magseselos. Once in a while, maiisip ko ’yun…” I reached for the mug and held my palms against it. “But I believe you when you said na wala na si Joey. I’m sorry sa nangyari sa Osaka. Nasira tuloy ’yung proposal.”
Kinuha lang din ni Marcus iyong mug.
Tahimik na sumimsim doon.
“Wala ka bang pasok bukas?”
Umiling ako. “Sa Monday pa.”
“Pumunta ka rito para sabihin ’yun?”
I nodded. “Nagsawa na ako sa 3 minutes convo natin.”
He looked at me.
I counted the seconds.
I saw him sighing.
“Yeah, I’m sorry, too,” he said. “I should’ve assured you more.”
Mabilis akong umiling. “No, kasalanan ko—”
“You wouldn’t have wondered about that kung nasabi ko nang maayos iyong sa ’tin,” he said, cutting me off. “But I promise, ikaw lang talaga, Niles. Iyong sa proposal—
I quickly reached for the necklace around my neck.
“Kunin mo na?” I asked, holding the ring na naka-sabit doon sa kwintas.
Umiling siya. “That’s yours,” he said. “But instead of engagement ring, that can be a promise ring? We can just date until you’re fully convinced na ikaw lang talaga.”
I looked at him.
I wanted to reach out and cup his face.
“Talaga?”
He nodded… and then reached for my hand and held it ever so gently. I felt him caressing his thumb against my knuckles. There was a warm smile on his face. “Ayaw mo nun? Madadagdagan singsing mo kapag nagpropose ulit ako?”
Natawa ako. “Magpo-propose ka ulit, ha? Promise ’yan.”
He nodded, laughing. “I promise.”
“Siguraduhin mo lang,” sabi ko habang naka-irap.
He nodded again. “So, sasabihin mo na ba kung bakit nag-iiyakan kayo ni Marian kanina?”
I shook my head. “Over my dead body.”
Tumawa siya. “Aba, may alliance na kayo ni Marian, ah.”
I scoffed.
Akalain mo ’yun.
May secret na kami ng maldita niyang kapatid?
“Kailan flight mo?” he asked.
“Monday pa ng madaling araw,” I said. “Bakit?”
“Tagaytay tayo bukas?”
“Overnight?”
He nodded. “O gusto mo uwi tayo sa province mo?”
I looked at him and there were dark circles under his eyes. Mukhang tama nga si Yanyan nung sinabi niyang trabaho lang talaga inaatupad ng taong ’to, ah.
Umiling ako. “Tagaytay na lang bukas. Tulog na tayo,” I said at bago pa man madugtungan ang sasabihin ko ay mabilis na akong hinatak ni Marcus papunta sa kwarto niya.
“Good night, Niles,” I heard him say before I felt his steady breathing against my nape.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 13
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 13
“Ano ’to?” Marcus asked when I slid over a box towards him. Nasa resto kami—fine dining for a change. Lagi na lang kaming naka-delivery kapag kumakain, e.
I shrugged first. He arched his brow a little, but I just nudged him para buksan iyong box. Medyo kunot pa ang noo niya habang binubuksan iyon. I bit my lower lip in excitement.
“What?” he asked, and then looked at me in confusion. “Malayo pa birthday ko…” pagpapatuloy niya habang hawak iyong stethoscope. Alam ko naman may stethoscope na siya, but I saw him looking at that particular model! Pansin ko lang kasi na si Marcus iyong tipo ng tao na generous sa pamilya niya pero napaka-kuripot sa sarili. May pera naman siya!
“I know!” I said, grinning because I was so proud of myself. “But thank you gift ’yan kasi sinamahan mo sila Mommy sa airport,” I continued.
Bago matapos iyong stint ko sa Japan, pina-punta ko iyong buong family ko doon para ma-tour ko man lang sila bago ako umuwi. Sabi ni Papa medyo nagpapanic si Mommy kasi first time nilang aalis tapos wala naman ako roon para i-guide sila… e medyo walang kwento iyong mga kapatid ko. So, I asked Marcus kung pwede na samahan sila, and he said yes without hesitation.
Sinundo niya sila Mommy sa hotel tapos sinamahan niyang maglunch tapos ay sinamahan niya rin sa mall nung may nalimutang bilhin si Mommy. Tapos ay hinatid niya sa airport at hindi siya umalis hanggang hindi boarding iyong flight.
Instant pogi points talaga, e!
“Grabe. Wala lang naman ’yun,” he said, but looking at his new toy with such glimmer in his eyes. Excited na rin akong ibigay iyong birthday gift niya! Naka-kita ako nung set sa Amazon, e. Miss na ni Marcus magkutingting ng mga chemicals.
“Tuwang-tuwa nga si Mommy sa ’yo.”
“Talaga?” tanong niya nang biglang mapa-tingin sa akin.
I nodded. “Bihira lang ’yun.”
Natawa siya. “Kinakabahan pa rin kaya ako kay Tita.”
“Okay lang ’yan; ako rin naman,” I said tapos ay natawa siya.
It’s been 2 weeks since I returned. Nagpahinga ako ng dalawang linggo bago ako bumalik sa hospital. Dumiretso ako sa province since sabay naman kami ng pamilya ko bumalik—another reason kung bakit nasa Japan din sila ay dahil tinulungan nila akong magpack.
“Bawi ako sa birthday mo,” he said.
“Mag-e-expect ako.”
Humalakhak siya. “Ano ba’ng gusto mo?”
I shrugged. “Surprise me.”
Buong dinner, kinulit lang ako ni Marcus sa kung ano ang gusto kong ma-receive sa birthday ko. ’Di ko lang masabi sa kanya na wala naman na akong gusto pa. Feeling ko kasi natupad na iyong mga winiwish ko kapag birthday ko—may title na ako, may boyfriend na ako, tapos medyo okay na kami ni Mommy.
I felt like it would be too much to ask for more.
Masaya na ako, e.
Sabagay… sabi naman nila, true happiness lies in contentment. Tama naman. Kasi kahit gaano pa karami ang meron ka, kung hindi ka naman kuntento, wala ring kwenta.
After dinner, inalalayan ako ni Marcus maglakad. Since siya ang magda-drive, hindi siya uminom. I helped myself with the wine kasi sayang naman! It paired nicely with the steak.
“Niles…” pagtawag niya.
“Hmm?”
“Saan nga ulit bagong condo mo?”
“Sa ’yo na ko uuwi…” I murmured as I adjusted on my seat.
Narinig ko ang pagtawa niya. “What?”
“Wala akong bagong condo. Sa ’yo na ako uuwi.”
“Wait… Seryoso nga? Baka pinagti-tripan mo na naman ako.”
Umiling ako habang naka-pikit. “Hindi nga, promise,” I said, even raising my hand. “Niloloko lang kita nung sinabi ko na naka-hanap na ako ng condo… ’Di ko lang masabi na sa ’yo na ako titira kasi nahihiya ako.”
And then I heard him laughing again.
I forced myself to open my eyes.
“Ayaw mo ba?” I asked, looking at him.
God, he was delicious.
Sulit na sulit iyong 25 years na paghihintay ko.
“Hindi, ah! Natawa lang ako kasi bakit ka nahihiya sa ’kin?” he asked, smiling as his hands were still on the steering wheel.
“Wala lang… ’Di mo na kasi ako tinanong ulit after nung dati,” I replied, pouting a little.
“Tara nga dito,” he said, motioning me to come near him. But I couldn’t move. He unbuckled his seatbelt and came near me. I felt him hugging me and caressing my hair. “Tong girlfriend ko naman, oh…”
“So, payag ka na? Kasi sa hotel na lang ako uuwi kung—”
“Sa ’kin ka na uuwi,” he said, cutting me off.
“Tss.”
“May dala ka bang damit? Kasi kung wala, wala tayong choice kung hindi maghubad ka—aray naman, Niles!” sabi niya nang sa wakas ay nakurot ko siya. Aba, bihira ’yun, ah!
Akala ko bibitaw na siya sa yakap, pero nanatili kaming ganon ng ilan pang segundo. And then I felt him relaxing.
“Sigurado ka ba rito?”
“Yup.”
“Di kaya lasing ka lang?”
“Di ako lasing.”
“Di ko maalala na naka-tikim ako kahit isang baso doon sa wine.”
“Ewan ko sa ’yo.”
Tapos ay tumawa siya.
“Gusto mo bang daan muna tayo sa mall? May dala ka bang kahit ano?”
“Pahiram muna ng shirt mo and boxers. Bukas na lang tayo sa mall. Inaantok na ko.”
“Okay,” he replied after planting a soft kiss on my forehead.
I wasn’t able to fully remember the rest of the night dahil naka-tulog na rin agad ako. Huh. Effective talaga na pampa-tulog ang wine.
The next few days were… nice.
Sabay kaming puma-pasok ni Marcus kapag sabay ang duty namin. Kapag naman hindi sabay iyong end ng duty, hinihintay niya ako para sabay kami.
“Nakita ko kayo kanina. Sabay na naman kayong pumasok,” mapaghinalang sabi ni Yanyan sa akin.
Tumawa na lang ako. Alam naman sa hospital na nagde-date kami ni Marcus, although walang nakaka-alam na nasa iisang condo na kami naka-tira. Hindi naman sa tina-tago namin… ’Di lang kasi pumapasok sa conversation. Ang weird naman kung ako ang magbi-bring-up! Like ano? Guys, share ko lang, live in na kami ni Marcus. Ang weird!
“Sayang gas,” I merely said.
“Parang others naman! Ano ngang meron?”
I rolled my eyes. “Fine,” I replied. “Sabay kami kasi—”
“OMG! Live in na kayo?!” she shrieked. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil baka may maka-rinig sa kanya. Ang dami pa namang may crush kay Marcus dito! I mean, dati gusto ko siyang iparada, pero ngayon, mas gusto ko na lowkey.
Wow.
Maturity.
“Wag ka ngang sumigaw.”
“Pero oo nga?!”
“Oo—aray naman!” sabi ko nang kinurot niya ako.
“Gaga ka! Magkwento ka nga!”
“Wala akong iku-kwento.”
“Paano si Marcus sa bed?”
“Yanyan!” I said, my eyes widening.
“Grabe, parang ’di friends! Ako naman nagshe-share sa ’yo—”
“E-ewan ko sa ’yo,” I said, walking out and taking my clipboard with me. Gaga talaga ’yun! Pati ba ’yun gustong malaman?! Kaloka!
Mabuti na lang at nakita ko si Dr. Chua at nag-usap kami tungkol sa magiging fellowship ko. Doon lang naubos iyong oras ko tapos ay hinanap ko na si Marcus.
Agad akong napa-hinto at napa-sandal.
Damn.
Ang sarap niya talagang panoorin habang nagta-trabaho. Sobrang seryoso niya. Ang sexy niya kapag medyo kunot ang noo niya. Alam ko sobrang hirap ng pangarap niya at saka medyo malayo pa siya, but I was sure he’d make a damn good neuro-surgeon.
I was excited for what’s ahead of him.
Kaya nga kahit minsan may mga araw na ’di ko siya nakikita, hindi ako nagrereklamo kasi alam ko na iyon talaga iyong pangarap niya. ’Di rin naman siya nagrereklam kapag ako iyong busy.
Iyon siguro talaga.
Pareho kaming supportive sa career ng isa’t-isa.
Alam namin pareho kung gaano kahirap iyong dinanas namin bago kami naka-rating dito kaya naiintindihan namin na minsan, may mga date o lakad talaga na naka-cancel o kailangang iresched.
Tahimik akong naghintay doon hanggang sa matapos siyang makipag-usap. He got his phone and then moments later, I felt my phone vibrating.
It was him asking me kung saan ko gustong magdinner.
I texted him, ‘Look to your right, doc.’
Bahagyang kumunot ang noo niya bago siya tumingin sa akin.
“Kanina ka pa?” he asked while walking towards me.
I nodded. “Gusto ko ng nilaga.”
“Saan meron nun?” he asked, starting to fiddle with his phone.
“Grocery na lang tayo tapos magluluto ako.”
“May surgery ako bukas,” he said.
I frowned. “Sama ng ugali.”
Tumawa siya tapos ay hinawakan iyong kamay ko. “Joke lang. Pero papanoorin kita habang nagluluto, okay?”
I frowned harder. “Di naman kita lalasunin!”
“Para sure lang.”
“Wag na nga! Magtakeout na lang tayo.”
He laughed and then the rest of the way was just him telling me that he’d eat whatever I cook.
“Grabe naman ’to, ’di mabiro.”
“Lagi mo kasing sinasabi na lalasunin kita.”
“Joke lang kasi. Ako na lang magluluto kung ayaw mo.”
“Tss.”
“Ano’ng gusto mong kainin? Bilis. Kahit ano lulutuin ko, promise.”
“Fine. Gusto ko ng pritong tilapia at saka ginisang kamatis.”
“Sus, ang dali lang pala.”
Napa-irap ako. Napaka-show off talaga ng taong ’to.
Dumiretso kami sa supermarket. Nung unang beses na nagpunta kami rito, siya iyong nagtulak tapos ako iyong namimili ng bibilhin… pero as it turned out, mas magaling si Marcus sa akin kaya naman baliktad na kami. Ako na iyong natutulak ng cart tapos siya iyong namimili. Matipid nga kasi talaga siyang tao. Naiinis siya kapag may binibili ako tapos ’di naman nakakain kasi takaw-tingin lang ako.
Actually, marami akong nalaman kay Marcus simula nung tumira ako sa condo niya.
Una, iyon ngang ayaw niya ng may nasasayang na pagkain kaya kung nagtakeout kami ng dinner at may natira, iyon ang magiging breakfast niya.
Pangalawa, nilalagyan niya ng petsa kung kailan namin binuksan iyong pagkain or what para alam niya kung kailan maeexpire kasi nga sayang daw. ’Di naman daw namin pinupulot ang pera.
Pangatlo, mahilig siyang manood ng Netflix para pampatulog. Sayang kuryente! Ako pa nagturo sa kanya na may timer naman iyong TV niya para kusang mamamatay kapag tulog na siya. Bilib na bilib si gago, e.
Pang-apat, napaka-korni niyang tao! Bigla na lang may knock-knock jokes out of nowhere!
Panglima—
“Niles,” pagtawag niya. “Tapos na ako. May bibilin ka pa ba?” he asked while holding a canned good.
Umiling ako. “Wala. Okay na ako.”
I smiled.
Every time I look at him, I can see my future.
This story is already finished on Patreon x
Chapter 14
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 14
“Ano ’yung pinag-uusapan niyo kanina?” Marcus asked.
“Chismoso ka na rin?”
“Nakaka-curious lang. Ang seryoso ng mukha mo kanina,” he replied while cutting the apple tapos ay inilalagay niya sa platito.
“Wala nga.”
“Wala raw…”
Umabot ako ng isang piraso ng apple at saka kinain iyon. I looked at the TV and focused my eyes on that. “Alam mo namang ’di fan si Mommy ng pagbabahay-bahayan natin,” I casually said kahit sa totoo lang, ayoko talagang pag-usapan namin ’to. Kahit naman nanay ni Marcus ’di din fan. Wala lang silang magawa. Matanda naman na kaming dalawa saka wala naman kaming sinasaktan! Grabe naman! Nananahimik kaming dalawa dito at nagnenetflix lang!
Natawa siya. “Bahay-bahayan talaga, Niles?”
I shrugged. “Yun tawag ni Mommy, e.”
“Yun lang pinag-usapan niyo?”
“Hmm…”
“Ano pa?”
“Basta.”
“Gusto pang magpa-pilit?”
Umirap ako. “Fine. Sabi ni Mommy, ’di niya na tayo papakailamanan basta kung mabuntis daw ako, kakaladkarin niya tayong dalawa sa munisipyo para magpakasal.”
Halos mapisa na iyong apple sa diin ng pagkaka-hawak ko. Hindi ko maialis iyong mga mata ko sa screen ng TV, pero at the same time, pinapakiramdaman ko iyong magiging reaksyon ni Marcus.
“Grabe,” sabi niya lang na natawa.
Napa-kunot ang noo ko sa reaksyon niya. “Yun na ’yun?” I asked.
Kumunot din ang noo niya. “Ha?”
“Wala kang… violent reaction?”
“Bakit naman ako magkaka-violent reaction?”
But I remained silent.
Kumuha na lang ako ng apple at sinumpak nang sinumpak sa bibig ko. Kunut-noong naka-tingin sa akin si Marcus habang pinu-puno ko ng apple slices iyong bibig ko.
“Bakit ako magkaka-violent reaction, Niles?” he asked. I shrugged. ’Di rin naman ako makapagsalita dahil puno ng apple iyong bibig ko! “Kung magkaka-baby man tayo—” sabi niya at saka natigilan dahil bigla akong nabulunan. Mabilis siyang tumayo at kumuha ng tubig. Medyo kunot ang noo niya akong pina-nood habang inuubos ko iyong tubig.
“Thanks,” I said matapos kong maubos iyong tubig.
“As I’ve said, kung magkaka-baby man tayo,” he said and I didn’t need to see my face to know na pulang-pula na ako! Maka-baby naman ’to! Nakaka-loka! “Ba’t namumula ka, Niles?” he asked.
“Ha? ’Di, ah…” pagdedeny ko. Inabot ko na lang iyong throw pillow at saka niyakap.
“Ayan, oh, pati tenga mo—” he said and I immediately pulled my hair to cover my ears. Narinig ko ang paghalakhak niya. “Ano? Nahihiya ka na rin pag-usapan iyong baby?”
“Ano’ng baby ba kasi! ’Di naman ako buntis!”
“Sure ka?”
“Sure ako!”
Medyo kumunot ang noo niya. “Paano ka naging sure?”
I pursed my lips and remained silent.
“Niles,” he called my name.
I rolled my eyes. “Sure ako kasi nagPT ako kahapon. Okay na?”
“What? Bakit hindi mo sinabi sa ’kin?” he asked, sounding worried.
“Bakit ko sasabihin? ’Di naman ako sure.”
“Kahit na, Niles.”
“Negative naman.”
“Kahit na,” he said, this time with much more conviction. “Negative o positive, gusto ko alam ko,” he continued. Naka-tingin pa rin ako sa screen ng TV. Medyo nagulat ako nang biglang mamatay iyong TV. Napa-harap ako kay Marcus dahil alam ko na seryosong usapan na ’to.
“Niles,” he called again.
“Fine. I’m sorry,” I said. “Di ko na sinabi kasi…” I sighed. “Kasi nga negative naman.”
“Malungkot ka ba?” he asked.
“Ha?”
“Yung sa negative…” he said. “Malungkot ka ba na ’di ka buntis?”
Kumunot ang noo ko.
Hindi ako naka-sagot.
“Niles, gets ko naman iyong point na kung mabubuntis ka, magpapakasal tayo,” he said. “Pero syempre kung gusto mo lang… Gusto mo ba?”
I nodded. “Syempre.”
“E iyong sa baby?” he asked.
“Ha?”
“Gusto mo ba ng baby?”
“Bakit mo natanong?”
“Syempre,” sagot niya. “Katawan mo ’yan, e.”
“Ikaw, gusto mo ba ng baby?” I asked.
“Ikaw muna,” he said.
“Tsk. Ikaw muna.”
Umiling siya. “No, ikaw muna,” he answered. “Baka ma-pressure ka sa kung anuman magiging sagot ko—na kung gusto ko ba ng baby o kung ayaw ko. Gusto ko munang malaman iyong sa ’yo.”
I looked at him.
I sighed.
“I mean… Gusto ko ng baby? Pero at the same time, ayoko pa? Does that make sense? Disappointed ka ba?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay gusto niyang magka-baby… Syempre… Nasa DNA na ng lalaki na gustong magkalat ng lahi…
Pero ’di ko pa alam kung gusto ko na ba.
Marami pa akong gustong gawin.
Pero at the same time, iyong matres ko.
Ang gulo!
“Di ako disappointed, Niles.”
“Sure ka?”
He nodded. “Sure.”
I frowned. “Sure nga?”
Kinurot niya iyong pisngi ko. “Sure nga. Parang tanga naman ’to,” he said, pinching my nose this time.
“Di naman sa ayaw ko,” paliwanag ko sa kanya. “Gusto ko naman kaya lang parang ayoko pa ngayon kasi ’di pa ako tapos sa fellowship. Pagkatapos, okay na ako… siguro. Pero mahirap na magbuntis kapag ganon. Marami ng complications.”
Inabot ni Marcus iyong orange at nagbalat siya. Tahimik akong naka-tingin sa kanya. Nang matapos siya, inabutan niya ako.
“Di naman siguro,” sabi niya matapos ang mahabang katahimikan. “Pero kung ’yan iyong iniisip mo, pwede siguro magconsult tayo about oocyte cryopreservation?” he suggested.
“Talaga?”
He nodded. “Gusto mo ba? Tatanong ko na kay Dr. Fe?”
I nodded. “Thank you.”
He smiled and leaned in and kissed me on the lips. “Love you.”
I smiled while his lips were on mine. “Love you,” I replied. “Pero ikaw? Ano’ng stand mo sa baby?”
He shrugged. “Kung may baby, e ’di meron. Kung wala, e ’di wala.”
Kumunot ang noo ko. “Seryoso?”
He nodded. “Nung dati siguro, oo… pero ngayon, halos sa ospital na ako naka-tira. Naisip ko lang unfair naman sa baby na lalaki ng halos ’di ako nakikita.”
I pursed my lips.
I saw him looking at me.
“Pero kung magkaka-baby, syempre kailangan magbago na ’yun,” he said, and I felt him particularly looking at me as though he was trying to convince me. “That was that plan, Niles. Pero syempre ’di naman lahat ng plano natutuloy. Kung magkaka-baby, I promise I’ll be the best daddy, okay?”
I looked at him. “Wala ngang baby. Parang tanga ’to.”
Tumawa siya. “Practice lang.”
“Practice mo mukha mo.”
Tumawa na naman siya. “Tara na, practice na lang tayong gumawa ng baby,” sabi niya bago ako hilahin patayo at hatakin papunta sa kwarto.
“Girl, nakaka-takot ka!” sabi ni Yanyan.
“Ano na naman?!”
Hinampas niya ako. “Wag mo kong sigawan! Gagang ’to! Ako na lang nagta-tyaga sa ’yo! Tinataguan ka na ng interns!”
Napa-irap ako habang nagbabasa sa laptop ko ng reports. Ewan ko ba! Sobrang nakaka-badtrip! ’Di ko alam bat ang tatanga ng interns ngayon! Nakaka-stress sila!
“Sorry.”
“Sorry mo mukha mo. Labas na labas sa ilong.”
I sighed. “Sorry,” I said, much more sincere this time. I looked at Yanyan. “Sobrang badtrip lang talaga ako lately.”
Umirap siya. “Duh. Malapit ka ng mabigyan ng nickname ng mga interns dahil sa kasungitan mo.”
I closed my laptop. “Oo nga, e…”
“Ano ba kasing problema mo? Nag-away ba kayo ni Marcus?”
Umiling ako. “Di, ah.”
“Wait,” sabi niya. “Harap ka nga sa ’kin.”
Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Kunot ang noo niya habang unti-unting nanlalaki ang mga mata. “Girl…” she said. “Kailan last period mo?”
Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “No…”
She nodded. “Yes…” she said. “Baka buntis ka, gaga! Tumaba ka! Ngayon ko lang napansin! Saka napaka-moody mo lately! Tapos ’di ba sinabihan mo si Kelsey na mabaho pabango niya? Gagang ’to!”
Mabilis akong tumayo at saka naghanap ng pregnancy test. Inabutan ako ni Yanyan ng tubig para inumin dahil hindi ako maihi-ihi! At nang finally naka-ihi na ako, nakita ko si Yanyan na nag-aabang.
“So?”
“Di ko pa alam.”
“Tignan mo na!”
“Hahanapin ko muna si Marcus,” I said.
“Tsk. Sana lahat baby daddy si Dr. Nicolas.”
Hinatak ko iyong buhok niya. “Tigilan mo na si Marcus. Maghanap ka ng ibang pagpapantasyahan,” I said before she laughed.
Hinanap ko si Marcus at finally, nagtagpo din ang landas namin.
“Di ako makaka-uwi mamaya,” he said.
“Okay,” I replied.
“Uwian na lang kita,” he said. “Gusto mong donut?”
I shrugged as I held on the pregnancy test tighter. Sabi kasi ni Marcus dapat kasama siya kesyo positive o negative. Baka magulat siya. Nagpipills kasi ako. Pero ’di naman kasi 100% effective din ’yun.
Tsk.
Naturingang doctors tapos unplanned pregnancy.
Nakaka-loka!
“Ayaw mong donut? Ube pandesal? Inipit? Cinnamon roll?” he asked. “Niles? Okay ka lang?”
Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko si—
“Joey?” I whispered as I was looking at a woman who looked exactly like her.
“What?” Marcus asked.
“Si Joey,” sabi ko habang naka-tingin pa rin doon. “Si Joey ’yun, right?” Hindi gumalaw si Marcus. “Tignan mo nga kung si Joey nga.”
“Ayoko nga.”
“Parang tanga ’to.”
“Tss. Ayoko. Tapos mamaya ’di mo na naman ako kakausapin.”
Napa-irap ako. “Mukha kang gago.”
“Baka si Joey nga,” he replied. “Nakita ko si Anj, ’yung kaibigan niya dito minsan. Dito ata OB niya.”
“Buntis si Joey?”
He shrugged. “Malay ko.”
“Tignan mo na kasi kung siya nga.”
“Aawayin—”
“Di nga! Parang gago naman ’to,” I said.
Ilang taon na lumipas nung huli kong naalala si Joey. ’Di ko naman kasi siya iniisip dahil marami din naman akong ginagawa sa buhay ko. Saka never ko namang naramdaman kay Marcus na dapat ko pang isipin ’yun. E ang ginagawa lang naman ng taong ’to sa buhay niya e mag-aral at magtrabaho. Ang haba-haba pa ng lalakbayin niya kaya bago siya maging neurosurgeon. May time pa ba siya mag-isip ng ibang babae?
Tumingin siya.
“Si Joey nga,” he said.
“Gusto mong kausapin?”
“Niles?” he asked. “May binabalak ka bang masama?”
Napa-irap naman ako. “Alam mo, minsan ang sarap mong katukan talaga.”
Tumawa siya. “Pero bakit ko kakausapin si Joey?”
I shrugged. “Di ba ’di mo naman siya naka-usap before?” I asked.
It seemed like a longtime ago nung inaway ko siya dahil pupunta siya sa Bukidnon. Parang tanga lang pala. Gusto lang naman niyang kausapin si Joey for closure… pero sayang hindi sila nagkita.
“Nag-email naman ako sa kanya,” he said.
“Baka ’di niya nabasa.”
Then he looked at her again. “Sigurado kang pwede kong kausapin?” he asked. “Gusto ko lang magpaliwanag at magsorry.”
I nodded and smiled a little. “Go na.”
Marcus looked quite hesitant, but I urged him to go. Sana mag-usap na sila para totoong closure na… kasi kung buntis man talaga ako, gusto ko sobrang clean slate. Alam ko naman na iniisip pa rin ’to ni Marcus. Aware naman siya na gago siya before at nanira siya ng relasyon. Gusto ko na magsorry na siya at magpaliwanag para mabawasan na iyong dinadala niya.
I stood there for a while.
I saw Joey briefly look at me.
And then I left to give them space.
This story is already finished on Patreon x
Final Chapter
#IrrefutablyYours Final Chapter
Ni hindi pa ako nakaka-layo nang marinig kong tawagin ako ni Marcus. Agad akong napa-hinto sa paglalakad at saka humarap sa kanya.
“Tapos na kayong mag-usap?” I asked.
He nodded. “Yeah… May pupuntahan pa ata siya.”
“Ah… Pero nakapag-usap kayo?”
“Not really… I asked her for coffee, though? Kung okay lang sa ’yo?”
“Basta kape lang,” I said, my brow slightly arched.
His lips parted. “Niles naman!”
I laughed. “Joke lang! ’To naman!” I said, stealing his usual line.
Sabay kaming naglakad. This was actually our favorite spot sa hospital, iyong maliit na garden sa labas. Walang masyadong tao dito… weird. Dito pa naman masarap tumambay kasi may mga puno at saka alaga iyong mga bulaklak.
“Kapag nag-usap kayo, magpaliwanag ka na saka kausapin mo na rin si Psalm para matapos na ’yan,” I said.
“Oo nga. Samahan mo ko.”
“Bakit ako sasama?”
“Baka suntukin ako ni Psalm.”
Napa-irap ako. “Ano silbi niyang muscles mo? Takot ka kay Psalm?”
“Parang ’di naman siya ’yung tipong manununtok kaso iyong ginawa ko—”
“Kasuntuk-suntok?” I asked and he nodded like a puppy. Natawa ako. I patted his cheek. “Just apologize. Apologies can do wonders, you know?”
’Di naman maiiwasan na may magawang mali.
But I believe that apologies, if done sincerely, should be enough… in some way… Although it’s hard to dictate kung paano ba dapat magmove on ang isang tao.
Grabe.
Ang complicated talaga ng human feelings.
“Nga pala,” sabi ko sa kanya.
“Bakit?”
Humigpit ang hawak ko.
Huminga ako nang malalim.
“Marcus,” I called.
“Nileen,” he replied, trying to be funny.
I snarked at him. “Seryoso kasi.”
Umayos siya ng tayo. “Okay. Seryoso na.”
Huminga akong muli nang malalim. Kinuha ko mula sa bulsa ng coat ko iyong PT na naka-balot sa tissue. Kunut-noo na naka-tingin doon si Marcus.
“Ano ’yan?”
“Pregnancy test.”
His eyes widened a little. “Oh…”
“Sabi mo sabay nating tignan.”
Mabilis siyang tumango. “Gusto mong maupo muna?”
Umiling ako. “No. Tignan na natin.”
“Okay,” he replied, nodding.
Gusto ko nang buksan kaso lang ay nanginginig ang kamay ko. Marcus reached for my hands and held them.
“Negative or positive, nandito lang ako, okay?” he said, holding my hands and looking straight into my eyes. “Pagpositive, diretso tayo sa OB. Kapag negative, bili tayong milktea, okay?”
Natawa ako. “Baliw.”
Ngumiti siya tapos ay hinalikan ako sa noo. “Gusto mo ba ako na tumingin?” he asked and I nodded like a scared puppy. Huminga nang malalim si Marcus bago inagaw iyong PT mula sa kamay ko. Mabilis akong pumikit habang hinihintay na sabihin niya sa akin kung ano ba ang resulta.
“Ano?” I asked dahil ilang segundo na ang lumipas at wala pa rin siyang sinasabi. “Di mo ba alam kung paano—”
“Ano’ng flavor ng milktea?”
“Negative?” I asked.
But then he showed me the result and my eyes widened when I saw 2 lines.
“Bili muna tayong milktea tapos diretso tayo sa—”
“Ang epal! Bakit ’di mo agad sinabi na positive?!” I shouted and he laughed while he was letting me hit him.
“Para surprise!” he replied. “Aray naman, Niles! Napaka-bigat talaga ng kamay mo!” sabi niya habang hinahampas ko siya at napa-tigil lang kami dahil dumaan iyong mga attending. Pareho kaming umayos ng tayo habang bumabati sa kanila.
“Ano? Bili muna tayong milktea?” he asked nang maka-alis na iyong mga attending.
“Punta na tayong OB para sure.”
“Okay,” he said and then he began walking. “Okay ka lang ba?” he asked.
“Ha? Bakit naman?”
“Di ba… ayaw mo pa naman?”
I shrugged. “I honestly don’t know how to feel. Gusto ko namang magka-baby kaso parang hindi pa right time… But then again, wala naman talagang right time, ’di ba? Concept lang naman ’yan na ginawa ng mga tao—tayo naman ang gagawa talaga ng right time,” I said and then looked at him. “Pero… nandito ka lang naman, ’di ba?” I asked and he nodded. I smiled at him. “Then I’ll be fine.”
He reached for my hand and held it.
“We’ll be fine,” he said, smiling back at me.
**
07-26-2024 update: this book is finally published under Pop fiction!!! Hope you can grab a copy! :) You can get one via the online stores of Popfiction in shopee and lazada. Thank you so much!! x
Book version contains all the chapters plus epilogue (in Marcus’ POV). Epilogue is exclusive in the book version only :)

