(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)
beeyotch · 25 chapters · 48,315 words
About The Story
This is the story of Marian Nicolas–the sister of Marcus Isaiah Nicolas (from Almost, But Not Quite and Irrefutably Yours).
Will include some medical terms and whatnots. It’s not my strongest suit. Just comment if you find anything wrong and I’ll gladly edit it. Thanks!
Will soon update in Patreon. Will start uploading chapters here once it’s finished there. Thank you!
**
SNS Accounts:
Twitter: beeyotchWP
Instagram: aryesaaaaa
Facebook Page: Beeyotch Stories
Youtube: Ariesa Domingo
Facebook Account: Eydee Aldea Sandoval
Patreon Account: beeyotch
Chapter 00
Chapter 00
“Bad trip na bad trip?”
Mas lalo lang akong sumimangot. “Duh,” sagot ko habang inaayos iyong gamit ko. Passion ko talaga iyong painting… Mahilig akong magpaint ng sceneries. Favorite kong ipinta iyong dagat. Ang sarap sa pakiramdam tuwing nakaka-tapos ako ng painting tapos para akong siraulo na tatabunan ulit ng primer kasi mahal bumili ng bagong canvas. Nakaka-hiya naman humingi na naman ako kay Kuya.
“Kahit sino naman daw pwedeng maging model,” sabi ni Chloe.
“Alam ko,” sagot ko kasi hindi naman ako bingi–narinig ko naman iyong dini-discuss ng prof namin kanina. Alam ko naman na kailangan naming magpaint ng portrait ng tao. Hindi ko pa nga lang alam kung sino. Wala naman akong maisip kung sino ang gusto ko.
“Napaka-sungit mo talaga.”
“Kailan ba ako nagpanggap na mabait?”
Umirap siya sa akin, pero sinamahan pa rin ako. Ewan ko sa kanya. Marami naman siyang choice na pwedeng samahan, pero sa akin pa rin sumasama. Minsan naman talaga wala rin talaga akong kwentang kausap. ’Di naman ako good mood araw-araw. Ewan ko ba. Pinaglihi ata ako sa sama ng loob.
“Kapag wala kang naisip, pwede naman tayo maghire ng model,” sabi niya. Tumango na lang ako. Medyo malaki pa naman na parte ng grade namin ’to. Ayoko ng mababa na grade kasi nakaka-hiya kay kuya. Pinaglaban niya pa kay Mama na sa Fine Arts ako mag-aaral kahit malinaw na malinaw na sinabi ni Mama na sa Educ daw ako papasok. Nagtalo pa sila nung biglang dinala ako ni Kuya dito sa campus para mag-entrance exam kasi may ganoon pa pala–hindi pala basta trip mo magfine arts e papayagan kang mag-enroll.
E naka-pasa ako.
Si Kuya, sira-ulo, inenroll agad ako.
Kaya ayan… hindi talaga ako pwede magkaroon ng mababa na grade dahil nakikita ko na iyong pagbubunganga sa akin ni Mama na kesyo wala akong magiging trabaho pagka-graduate ko. Gets ko naman na worried lang siya, pero nandito na ako, e. Ano ba naman magpaka-supportive siya. At kung wala man akong makuhang trabaho, e ’di makiki-kain ako kila Kuya! As if naman papabayaan ako nung magutom!
May sinasabi si Chloe tungkol sa kung anuman pero ’di ako nakikinig kasi minsan, wala talagang sense iyong mga sinasabi niya. Nagpaalam na lang ako nung nasa labas na kami ng campus. Naglakad-lakad palabas pa tapos ay sumakay ng jeep. Pupunta sana ako sa condo ni Kuya kaya lang lumagpas naman ako! Sa hospital na lang ako pumunta.
Pagdating ko sa hospital, binati ako nung mga nurse na naka-salubong ko. Sayang nga, e. Nung single pa si kuya, may libre pa akong kape at kung anu-ano sa mga nurse. Haaaay. Nakaka-miss.
“Si Kuya?” tanong ko nang makita ko si Yanyan na pakalat-kalat sa hallway.
“Mukha ba akong directory?” naka-simangot na sabi niya sa akin.
Umirap ako tapos iniwan siya. Wala talagang kwentang kausap si Yanyan! Buti pa si Ate Niles, maayos kausap.
Naglakad-lakad na lang ako dahil palaboy-laboy lang din naman si Kuya sa hallway ng ospital. Kapag ’di ko siya makita, malamang may kababalaghan na namang ginagawa ’yon.
Nakita ko si Kuya na may kausap na lalaki. Lalapit na sana ako nang matigilan ako nang bahagyang mapa-lingon sa akin iyong lalaki. Napa-awang iyong labi ko. Oh, my god. Ang… gwapo?! Bakit ngayon ko lang siya nakita? Dito ba siya nagta-trabaho? Bakit… ang perpekto ng mukha niya?!
Biglang nasa harap ko si Yanyan at tumingin siya sa tinitignan ko. Natawa siya.
“Aww… may crush ka sa intern, little devil?” tanong niya sa akin.
Tumingin ako kay Yanyan at sumimangot. “Ano’ng pangalan niya?”
Ngumisi lang siya sa akin. “Di tayo friends–bakit kita tutulungan?” tuma-tawang sabi niya sa akin bago malakas na tinawag ang pangalan ni Kuya kaya sabay silang napa-tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagpanic ang buong sistema ko nang maramdaman ko iyong mga mata sa akin nung lalaki.
Shit!
Mabilis akong tumalikod at nagwalkout habang naririnig ko na tinatawag ni Kuya ang pangalan ko. Sino ba kasi ’yon?!
**
This story is already at Chapter 21 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 01
Chapter 01
Kairita naman.
Minsan na nga lang ako magka-crush, hindi ko pa alam ang pangalan. Ilang beses na akong nag-attempt na itanong ang pangalan kay Kuya, pero tuwing ita-try ko, para akong biglang natitigilan. Ang awkward lang kasi na magtanong sa kanya kasi for sure itatanong din niya sa akin kung bakit ko tinatanong. Ano naman ang isasagot ko? Na crush ko? Asa naman! Over my dead body. ’Di ko rin. naman maitanong kay Ate Niles dahil chismosa iyon. Si Yanyan naman, sugo ng impyerno—lagi na lang ako binu-bwisit for some reason.
Makapagtanong nga sa mga nurse… hindi naman siguro makakarating kay Kuya. Curious lang naman!
Pagdating ko sa school, pilit kong hindi inisip iyong intern na ’yon. Kailangan focused ako sa mga ginagawa sa school. Gumana naman dahil maraming pinagawa sa amin. After school, inaya ako ni Chloe na maghangout.
“Pass,” sagot ko.
“Oh, okay…” sabi niya. “Sunod ka na lang if you want.”
“Yeah, sure,” wala sa isip na sabi ko habang mabilis na naglalakad palabas ng school. Dumiretso agad ako sa hospital. Naka-upo lang ako sa mga bench doon habang nag-iisip ng strategy. Tsk. Bakit ba kailangan ko pa ng strategy? Itatanong ko lang naman ang pangalan—it’s not as if itatanong ko ang pin number niya sa debit card niya.
Nagmasid ako sa mga nurse doon. Finally, may nakita ako na mukhang bago pa lang.
“Hi,” pagbati ko since ako naman ang hihingi ng favor.
“Hi,” naka-ngiting bati niya sa akin.
“May itatanong lang ako,” sabi ko. She smiled while nodding. For some reason, naiirita ako sa mga tao na laging naka-ngiti. Kasi possible ba na masaya ka lang palagi? May ganon ba? Kasi ang weird lang. O baka ako lang ang weird na laging may iniisip na problema.
“Ano’ng pangalan nung intern na matangkad, maputi, singkit?” I asked. Kumunot ang noo niya. Baka kulang pa iyong description ko. “Uh… I think 6’2,” sabi ko kasi halos ka-height niya si Kuya nung nakita ko siya. “Mukhang suplado.”
I stopped dahil wala na akong masabi pa. Kairita na ni wala pang isang minuto nung nakita ko siya noon, pero isang linggo niya ng ginagambala ang isipan ko.
“Sorry, Miss, hindi ko kilala iyong sinasabi niyo kasi bago pa lang ako rito. Besides, bawal kami magbigay ng personal info,” sabi niya habang nandoon pa rin iyong ngiti niya at saka umalis. Walang kwenta, ano ba ’yan. Saka may ganoon ba talaga na rule?
Papaalis na sana ako para sumunod na lang kina Chloe nung bigla kong makita si Kuya.
“Bakit nandito ka na naman?” he asked.
“Hihinging pera,” sabi ko kasi alangan namang sabihin ko na nandito ako para huntingin iyong intern niya? I looked behind him, around him, pero wala iyong chinitong intern.
“May hinahanap ka ba?” kunot-noo na tanong niya.
“Wala,” I replied, acting coy.
“Since nandito ka, malamang tapos na class mo. May ipapa-bigay ako kay Mama,” sabi niya tapos ay nagsimulang maglakad. Nung mapansin niya na hindi ako naka-sunod sa kanya, huminto siya at tumingin sa akin. “Marian?” he asked. “Tara.”
I blinked thrice before I followed him. Patingin-tingin ako sa paligid dahil baka nandito lang siya, pero totoo talaga na malaki iyong ospital so baka hindi ko rin siya makita. Tsk. Sayang naman effort ko na pumunta rito.
Pagdating namin sa lounge, biglang tinawag si Kuya ng attending niya.
“Kailangan mo na ba umalis o pwede kang maghintay?” he asked.
“Kapag nainip ako, aalis na ako,” sagot ko sa kanya.
“Okay. Magtext ka kapag aalis ka na,” he replied nang hindi naghintay sa sagot ko dahil nagmamadali siyang umalis.
I made myself comfortable on the lounge. Inilabas ko iyong notebook ko at nagsketch. Nung nauhaw ako ay nagtimpla ako ng kape ko. Habang nagtitimpla ako ng kape ay bigla akong naka-rinig ng chismisan. I groaned because that only meant one thing—
“Sabi ko na nga ba, may masamang espiritu,” sabi ni Yanyan sa akin.
I stared at her. “Wag kang masyadong sumimangot—dadami lalo wrinkles mo,” sabi ko sa kanya kaya napa-hawak siya sa mukha niya. Nakita ko na umiling na lang si Ate Niles sa aming dalawa.
“Nakita mo si Marcus?” Ate Niles asked.
I nodded. “Hintayin ko raw dito,” I replied. “Aalis din ako—” sabi ko nung nanlaki iyong mga mata ko nung makita ko si Yanyan na naka-tingin doon sa sketch ko. Mabilis kong ibinaba sa table iyong kape ko at lumapit ako roon para isarado iyong notebook ko.
“Grabe… Love mo na?” Yanyan asked in a teasing tone.
“Shut up,” I hissed. “Di mo ba alam iyong salitang privacy?!” naiinis na sabi ko dahil—ugh!
She laughed like a maniac. “Malay ko ba na makikita ko? ’Di naman ako bulag para hindi makita. Besides, sana sinara mo kung ayaw mong may maka-kita,” she replied. I just groaned because I was so annoyed! This was my sketch!
“Yanyan,” Ate Niles said in a warning tone.
“What? It’s not as if binuksan ko,” she said. “Kasalanan ko ba na nakita ko na dinrawing niya iyong mukha ni—”
“Yanyan!” I said, annoyed.
Tumawa si Yanyan habang naka-tingin sa akin. “Oh… So, ayaw mong may maka-alam sa crush mo, ha, little devil?”
Ramdam ko iyong pag-init ng mukha ko. Mas lalo lang akong namula nung makita ko na mapa-tingin si Ate Niles sa akin at unti-unting nanlalaki ang mga mata niya na para bang may narinig siyang top secret.
“Oh my god…” sabi ni Ate Niles. “May crush ka, Marian? For real? Sino? Tiga-dito ba?”
Tumingin ako kay Yanyan dahil baka bigla niyang sabihin. Pero mukhang wala naman siyang balak sabihin at nag-e-enjoy lang siya na bwisitin ako. And people were wondering kung bakit ako nabu-bwisit sa kanya e ganito siya palagi sa akin!
“Wala akong crush,” I said, scoffing. “Ew lang.”
Yanyan snorted. Pinanlakihan ko siya ng mata. She rolled her eyes. Good. I thought I needed to physically tackle her kung hindi siya titigil d’yan!
“Oh, okay. Akala ko may crush ka, e,” sabi ni Ate Niles.
“Wala nga,” sabi ko. Inilagay ko iyong mga gamit ko sa loob ng bag. “Paki-sabi na lang kay Kuya na umalis na ako dahil may asungot sa lounge,” sabi ko habang naka-tingin kay Yanyan na may nang-iinis na mukha na naman.
“Sige,” sabi niya.
“Thanks,” I said dahil magalang naman ako kay Ate Niles. First, gusto ko siya para kay Kuya. Second, magagalit si Kuya sa akin kapag hindi ako mabait kay Ate Niles.
Papaalis na sana ako nung matigilan ako nung buksan ko iyong pinto. May kakatok sana pero natigilan siya nung buksan ko iyong pinto. My eyes widened upon realization. Fuck. Nandito siya. Shit. Nandito rin si Yanyan. Bu-bwisitin na naman ako nun!
“Marian?” biglang sabi nung lalaki sa harapan ko.
‘Sumagot ka!’ sabi ko sa sarili ko, but for some freaking reason, hindi ako makapagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin. Bakit ang bango niya? Bakit ganito ako kalapit sa kanya? I needed to step back, but my traitor feet wouldn’t follow me.
Nung hindi ako sumagot, tumingin siya sa likuran ko.
“Dr. Riviera, pinapasabi ni Dr. Nicolas na sabihin daw kay Marian na ’wag na siyang hintayin.”
“Okay,” sabi ni Ate Niles. “Pero ayan si Marian sa harapan mo.”
Ibinalik sa akin nung lalaki iyong tingin niya. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya. Masyado siyang malapit sa akin. Kitang-kita ko kung gaano ka-blemish-free iyong mukha niya. May pores ba iyong lalaki na ’to? May lahi ba siya na Chinese? Pero bakit diretso siya magsalita ng Tagalog? Was I being a racist right now? Bawal ba sila matuto magsalita ng Tagalog?
And why was I thinking about these trivial things at this freaking moment?!
“Marian?” sabi niya sa akin.
Finally , I managed a nod.
“Wag mo na raw hintayin si Dr. Nicolas.”
I nodded again. Nasaan na iyong boses ko?
“Okay. Thank you,” sabi niya bago nagpaalam kina Ate Niles at isinara iyong pinto. At pagka-sara na pagka-sarado nung pinto, rinig na rinig ko iyong malakas na pagtawa ni Yanyan na akala mo ay mamamatay na siya bukas at kailangan niya ng ilabas lahat ng tawa niya ngayon.
Lumingon ako, pero paglingon ko, kitang-kita ko iyong slow realization sa mukha ni Ate Niles.
“Oh, my god…” she said, her lips parted and her eyes wide opened. “Crush mo ’yung intern ng kuya mo?”
I immediately shook my head, pero mukhang nasobrahan ako sa pag-iling dahil nagmukha lang akong in denial lalo. Magpapaliwanag pa sana ako nung bumukas na naman iyong pinto. Muntik na akong manigas sa kinatatayuan ko nang makita ko na si Dr. Fuentes lang iyong pumasok. She said hi to me at saka dumiretso para gumawa ng coffee niya.
“Wala nga akong crush,” I said.
“But your reaction—”
“Ano’ng meron sa reaction ko?” I said, immediately cutting off Ate Niles. I groaned again dahil halata naman na defensive na lang ako. “Fine,” I added. “Just… some crush. ’Wag mong sabihin kay Kuya!”
She nodded. “Of course! Secret natin ’to!”
“Mas lalong ikaw,” sabi ko habang naka-tingin kay Yanyan.
She rolled her eyes at me. “Pag-iisipan ko.”
“Yanyan,” sabi ni Ate Niles sa kanya.
“Tsk. Fine. ’Di ko na sasabihin sa Kuya mo,” sabi niya.
“Thanks,” I sarcastically said.
“Kaya ’wag mo rin ako bwisitin at baka bigla akong madulas na crush mo si Chase,” sabi ni Yanyan.
“Chase?” sabi ni Ate Niles.
“Yanyan!” sabi ko habang naka-tingin kay Dr. Fuentes na tahimik na naglalagay ng stick ng sugar sa coffee niya.
Yanyan waved her hand. “Don’t worry about her—tahimik lang ’yan. ’Di ba, Kelsey?”
Tumingin sa amin si Dr. Fuentes na mukhang nagulat pa na tinawag siya ni Yanyan. “What?” sabi niya.
“See? Walang paki sa paligid,” sabi ni Yanyan. “Anyway,” she said, waving her hand. “Felix Chase Viste is his name—he goes by Chase, according sa mga interns. You’re welcome.”
Mabuti na lang din at kinailangang umalis ni Yanyan dahil sobrang unpredictable niyang tao. Pagka-alis niya, tumingin sa akin si Ate Niles. She was smiling… weirdly.
“Ano?” tanong ko habang naka-kunot ang noo.
“May crush ka,” she said, while still weirdly smiling.
“Bawal ba?”
Umiling siya. “Gusto mo tulungan kita?”
“No,” sabi ko habang kinukuha iyong mga gamit ko. “It’s just a small crush—kung gusto mo akong tulungan, ’wag mo na lang sabihin kay Kuya,” dugtong ko bago nagpaalam at saka lumabas na.
Tahimik akong naglalakad sa hallway. Pero bago pa man ako maka-labas, natigilan na naman ako nung makita ko siya na naka-tayo sa harap ng vending machine. Naka-titig lang siya doon na parang seryosong-seryoso siya sa pagpili ng kung ano iyong kukunin niya.
I was actually enjoying the view nung mapa-simangot ako dahil may nakita akong isang group ng mga interns din siguro. Mukhang may crush iyong isang babae kay Chase dahil bigla na lang siya itinutulak papunta kay Chase na tahimik na namimili ng inumin niya.
I rolled my eyes and walked the other way. Ang papansin naman. Tsk.
**
This story is already at Chapter 04 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 02
Chapter 02
Ayoko talaga na maging babae na sa lalaki lang umiikot ang mundo kaya naman nagfocus ako sa ibang mga kailangan kong gawin. Nasa kwarto lang ako habang inaayos iyong sketch ko. Ayoko na lumabas dahil makikita ko na naman si Mama na naka-simangot sa akin. Kailan niya kaya matatanggap na hindi ako magiging teacher? Malapit na akong maka-graduate sa Fine Arts.
Nung maka-rinig ako ng katok, tumayo na ako at lumabas. Magagalit si Mama kapag hindi agad ako lumabas. Simula nung hindi na rito naka-tira si Kuya, mas lalong naha-highlight iyong mga ginagawa ko.
“Nagtuturo na si Celine d’yan sa elementary school,” sabi ni Mama. Tumango ako. “Ano’ng trabaho mo pagka-graduate mo d’yan?”
I shrugged. “Hindi ko pa po alam.”
She clicked her tongue. “Ayan na nga ang sinasabi ko sa ’yo, Marian. Ano? Talagang aasa ka na lang sa Kuya mo? Hindi ka ba nahihiya?”
I remained silent dahil ayokong pagtalunan na naman ’to. Bakit ba kasi niya pinipilit sa akin na maging teacher ako? Mukha bang dapat akong maging teacher? Napaka-igsi ng pasensya ko. Kung magiging teacher man ako, sigurado ako na marereport agad ako dahil baka patulan ko ’yung mga pasaway na estudyante.
Besides, si Kuya naman ang nagbabayad ng tuition ko. At kung hindi man ako magkakaroon ng trabaho pagka-graduate ko, problema ko na ’yon. Hinding-hindi ako hihingi na pera kay Mama kahit mamatay pa ako sa gutom kasi alam ko isusumbat niya na naman sa akin na bakit hindi na lang ako kumuha ng Educ.
Nung gabi na ’yon, natulog na naman akong badtrip. No wonder badtrip ako araw-araw dahil ganito na lang lagi ang topic. Kung pwede lang talaga na kay Kuya na lang ako tumira, pero hindi pumayag dati dahil ayaw niya na walang kasama si Mama.
Pagdating ko sa school, naupo agad ako sa tabi ni Chloe. She was fiddling with her new camera. She likes photography. And painting. And sports. Ang dami niyang hobby.
“May model ka na?” she asked.
Umiling ako. “Ikaw?”
She nodded. “Daming gwapo ’dun sa Tourism! Gusto mo samahan kita mamaya?” she asked. Mukhang mas excited pa siya na pumunta roon at ginagawa niya lang na dahilan iyong pagtulong sa akin. Lagi siyang tambay doon sa Tourism.
I nodded. “Okay,” I replied dahil gusto ko na rin na mayroong masimulan sa requirement namin sa portrait. Hindi ko pa naman talaga favorite magsketch ng tao.
Dumating na iyong professor namin. Nagsimula na iyong klase. I fought boredom because I didn’t want to waste my brother’s money. Isa pa, kailangan kong maging magaling para hindi naman ako magutom after. If this wouldn’t workout, e ’di maghahanap ako ng ibang trabaho, no problem. Mas lalo akong hindi matatahimik kapag ni hindi ko man lang ’to sinubukan.
Sabi nga nila, regret is far worse than failure.
Kung hindi magwork, e ’di hindi. At least hindi ako magwowonder kung ano kaya ang pwedeng mangyari kung sinubukan ko.
“Ano ba ang gusto mo?” Chloe asked habang naglalakad kami papunta sa building ng Tourism students.
“Chinito,” I said.
“Marami doon.”
“Matangkad.”
“Meron.”
“Med student,” I absentmindedly said.
Napa-tingin sa akin si Chloe. “Med student?” she asked.
“Ha?”
“Sabi mo med student.”
“Wala akong sinasabi,” sagot ko sa kanya. “Naghahallucinate ka na,” dugtong ko dahil wala akong balak na aminin din sa kanya iyong tungkol sa crush ko na intern. Sobra na iyong alam na ni Yanyan at Ate Niles—pati pala ni Dr. Fuentes iyong tungkol sa crush ko. Masyado na silang marami.
“Oh… Okay,” she said, and then smiled again. “But if chinito na matangkad, marami doon! Gusto mo ba Chinese or half, ganon?”
Umiling ako. “Filipino,” I said. “Gusto ko iyong Tagalog magsalita.”
Tumango siya ulit. “Okay—chinito na matangkad na Tagalog magsalita. I think meron naman niyan. Hanap-hanap lang tayo,” she told me.
Pagdating namin sa building ng Tourism students, parang ang saya-saya ni Chloe dahil maraming lalaki. To be fair, mas marami akong nakikitang magandang babae. Kung wala akong mahanap na model na lalaki, baka babae na lang ang kuhanin ko na model. Bakit mas maraming magandang babae kaysa gwapo na lalaki? Bihira lang ako maka-kita ng lalaki na gwapo talaga—karamihan ay makapal lang ang mukha.
“How about that one?” she asked, pointing at a guy.
“Nope.”
“E iyon?”
“Nope.”
That was repeated for about seven more times bago tumigil si Chloe.
“I think masyadong mataas ang standards mo,” she said, exasperated dahil puro ako no sa lahat ng tinuturo niya.
I shrugged. “Not my fault,” I replied.
“Hindi ka magkaka-boyfriend niyan kasi mukhang walang papasa sa napaka-taas na standards mo,” she said. “Ang gwapo kaya nung iba kong tinuro!”
Hindi na ako nagsalita. Meron namang naka-pasa sa standard ko. Nandoon sa hospital at naka-sunod yata palagi sa kapatid ko.
“Bahala ka… Perfectionist ka pa naman. Dapat maka-hanap ka na ng model mo para makapagsimula ka na,” she said while we were walking away from the Tourism building.
Nung papauwi na ako, biglang nagtext si Mama sa akin at mayroong pinapa-kuha kay Kuya sa hospital. Dumiretso ako roon at humiling na sana ay hindi ko maka-salubong si Yanyan. Pagdating ko roon ay nagtext ako kay Kuya, pero mukhang nasa operating room siya dahil hindi siya sumasagot. Usually naman kapag nagtext ako ay sasagot siya kapag wala siyang ginagawa. I texted Ate Niles din dahil baka alam niya kung ano iyong pinapa-kuha ni Mama, pero wala ring sagot. Hindi ko alam kung paano nagwowork iyong dalawa na ’yon dahil palagi silang busy pareho. Pareho pang nerd—si Kuya iyong top 1 tapos top 2 naman si Ate Niles. Ano kaya pinag-uusapan nung dalawa na ’yon?
Naka-upo lang ako sa bench habang naghihintay. Ayoko pa rin naman na umuwi dahil baka sermonan na naman ako ni Mama. Mas gusto kong maghintay rito. Nilabas ko iyong sketchpad ko at nagdrawing na lang ako ng mga nakikita ko. It was way easier to sketch my surroundings than to do a portrait.
Nung patapos na ako sa pagsketch nung lobby, napa-tingin na naman ako sa may vending machine. Napa-tigil ako nung makita ko si Chase na naka-tayo na naman doon. Naka-suot siya ng PGI uniform niya at naka-puting crocs din siya. Seryosong-seryoso na naman iyong itsura niya habang namimili sa vending machine. Matter of life and death ba talaga ang pagpili niya ng inumin?
While he was standing there, I began to do a rough sketch. Mukhang matagal siyang mamili kaya halos kalahati na iyong nagawa ko bago siya pumindot doon ng kukuhanin niya. I was watching his every movement—mula sa pagpindot niya ng buton hanggang sa pagluhod niya para kuhanin iyong inumin niya sa ibaba.
For a second, I felt like I was watching a commercial. He made buying a drink from a vending machine so enticing.
Then he got his phone from his pocket and he was already rushing to get somewhere.
And just like that, he was gone.
“Kanina ka pa?” tanong ni Kuya nung maupo siya sa tabi ko. Mabuti na lang at nakita ko nung papalapit na siya kaya naitago ko iyong sketch ko. Ayoko lang maulit iyong nangyari.
I nodded. “May pinapakuha raw si Mama?”
He nodded. “Ah, oo. Nasa condo. ’Di ba sinabi ni Mama?”
Umiling ako. Kung alam ko na nasa condo ni Kuya, sana doon na lang ako dumiretso kasi may susi naman ako roon saka pwede naman ako pumunta roon.
“Okay, wait lang. Kunin ko lang gamit ko tapos punta na tayo don.”
Tumango ako. “Okay,” I replied. “Si Ate Niles?”
“Consult,” sabi niya.
Dahil nasa kabilang panig pa ng hall iyong lounge, inilabas ko ulit iyong sketch ko para mag-add ng details.
Habang tahimik ako na nagddrawing, napa-angat ako ng tingin nung maamoy ko iyong familiar na amoy. Nanlaki iyong mga mata ko nung makita ko si Chase na naka-tayo sa may gilid ko.
Shit.
Bakit ba kung sinu-sino ang nakaka-kita ng sketch ko?
Bakit ba kung saan-saan ako nagddrawing?
Immediately, I closed my sketchbook. Naka-tingin lang ako sa kanya habang ginagawa ko iyon. Naka-suot siya ng scrubs at may hawak na bote ng tubig. Mukhang kaka-labas niya lang sa operating room.
“W-What?” I asked dahil naka-tingin lang siya sa akin.
Umiling siya. “Nothing,” he replied.
Hindi ako nagsalita. Sasabihin niya ba sa akin iyong nakita niya? For sure malinaw ang mga mata niya dahil bawal ang malabo ang mata sa surgery kung doon man siya papunta o baka rotation niya lang ’to.
But he said nothing.
Maybe nahiya siya para sa akin.
Nakaka-hiya naman talaga ako—ako na nagdrawing ng tao na wala namang ginagawa kung hindi nag bumili ng inumin niya.
“It was just a random sketch,” I said, trying to defend myself kahit wala naman siyang ginagawa.
“Okay,” he replied.
“I also drew the lobby,” I said as I flipped through the pages of my sketchbook to prove to him na hindi naman ako stalker na dino-drawing lang siya.
“You draw a lot.”
“I like drawing,” I said.
Naka-tingin pa rin siya sa sketch ko. “Fine arts? Or hobby?” he suddenly asked.
Napa-tingala ako sa kanya. He was really tall… at naka-upo pa rin ako sa bench. Gusto kong tumayo na parang ayoko. Pero mas lamang iyong pagka-gusto kong tumayo. I liked the height difference between us. Akala ko ay matangkad na ako for a 5’6, pero kapag naka-tabi ako sa kanya ay parang bigla akong lumiliit. I kinda liked it.
“Fine arts,” I replied. “Graduating,” I quickly added dahil baka isipin niya na bata pa ako. Ilang taon na kaya siya? 24? 25? Kasi Post-graduate intern na siya. Bakit ba hindi na lang ako magstalk online para malaman ko iyong mga gusto kong malaman tungkol sa kanya?
But he said nothing and just nodded.
I was not one to talk… but at this moment, I felt like talking dahil kung hindi, pakiramdam ko ay walang magsasalita sa amin at bigla na lang siyang aalis.
So, I stood up.
Pero mukhang kanina pa talaga ako naka-upo dito dahil hindi ko napansin na naka-tulog pala iyong mga binti ko kaya naman halos matumba ako nung tumayo ako.
“Careful,” he said as he held me in his arms. Rinig na rinig ko iyong bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa lapit niya. My instinct told me to take a step back dahil baka marinig niya iyon. And I did. But instead of letting me go, he held me tighter. “Okay ka lang ba?” he asked.
And we were in that position nung bumalik si Kuya at naka-tingin sa amin habang naka-kunot ang noo.
Mabilis akong binitiwan ni Chase na para bang nakuryente siya sa akin.
“Dr. Nicolas,” he said.
Tumango lang si Kuya sa kanya. “Ano’ng nangyari d’yan?” tanong ni Kuya. Napa-tingin ako sa tinitignan niya. Nakita ko na nabasa pala iyong buong sketchpad ko nung matumba ako. Natapon doon iyong hawak ni Chase na bote ng tubig.
Napa-kurap ako.
Shit.
Sayang naman.
“Ah… Wala,” sabi ko habang kinukuha iyong sketchpad at nilalagay sa bag ko. “Natapunan ko ng tubig.”
Kuya nodded. “Di naman kailangan sa school ’yan?” he asked because he’s always been supportive of me and my dream.
Umiling ako. “Nope. Random sketch lang ’yon,” sagot ko. Napa-tingin ako kay Chase na mukhang nagulat dahil sa sinabi ko. Akala siguro niya sasabihin ko kay Kuya na siya iyong naka-tapon ng tubig. Pero hindi niya naman fault. Kaysa naman hinayaan niya ako na matumba sa sahig.
“Okay—” sabi ni Kuya pero natigilan siya nung may nagtext sa phone niya. “Wait. Patapos na raw si Niles. Sabay na siya sa ’tin,” sabi ni Kuya at tumango ako. Umalis siya—malamang para sunduin si Ate Niles na akala mo naman hindi dito rin nagta-trabaho.
“Thank you,” Chase said.
“For what?” nagmamaang-maangan na sabi ko.
“Not telling Dr. Nicolas.”
I shrugged. “Dr. Nicolas,” I said, snorting a little dahil tuwing tinitignan ko si Kuya, mas naaalala ko lang iyong mga panahon na niwwrestling niya ako. Madalas ko talagang malimutan na isa nga pala siya sa sikat na neurosurgeons sa bansa. To me, he’d always be my Kuya Marcus.
“Thank you,” he repeated again. Napagalitan na ba ’to ni Kuya? Mukha kasing takot siya kay Kuya. Matanong nga kay Ate Niles kung masama ugali ni Kuya sa interns.
I nodded. “No problem,” I said.
“Papalitan ko na lang ’yung sketchpad mo.”
Tumingin ako sa kanya.
I really liked his face—like there’s nothing not to like.
“Okay,” I said. “But I buy this in a particular store.”
“Saan? Bibilhin ko pagkatapos ng duty.”
“Kailan ba tapos ng duty mo?”
“Bukas ng hapon,” he replied.
I nodded. “Okay. Punta ako dito bukas ng hapon,” I said.
Kumunot ang noo niya. “What?”
“Baka maligaw ka—samahan na kita,” sagot ko sa kanya. “Ayun na pala si Kuya. Bye,” I quickly added as I almost ran away. I couldn’t believe I just did that. Ang kapal ng mukha ko.
**
This story is already at Chapter 05 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 03
Chapter 03
“Marian.”
Napa-tingin ako kay Chloe nung marinig ko iyong malakas na boses niya. Napa-kunot iyong noo ko sa kanya.
“What?”
“Kanina pa kita kinakausap.”
“Nakikinig ako,” sabi ko sa kanya. Naririnig ko naman talaga iyong sinasabi niya, hindi lang ako interesado. Besides, iniisip ko pa kung ano ba ang ginagawa ni Kuya nung siya iyong PGI. Ngayon kasi iyong usapan namin—more like ivinolunteer ko—ni Chase na sasamahan niya ako sa pagbili ko ng sketchpad. Mabibili naman ’yung sketchpad ko sa bookstores sa mall, pero hindi kasi ako roon bumibili dahil nagtitipid nga ako. Makapal ang mukha ko, pero hindi ganoon kakapal. Nahihiya ako tuwing nanghihingi ako ng pera kay Kuya.
“Sige nga, ano ’yung sinabi ko?” parang timang na tanong niya sa akin.
Umirap ako. “Iyong tungkol sa model mo,” I said as she frowned because I was right—nakikinig ako. Trained na ako sa bahay na may ginagawa ako habang nagsesermon si Mama.
“May napili ka na ba?”
“Meron,” I said.
“Sino? Tiga-tourism?”
“Nope.”
“Anong college?”
I shrugged. Pinilit ako ni Chloe na sabihin sa kanya, pero hindi ako nagsalita. Naniniwala ako sa jinx. Hindi ako magku-kwento hanggang hindi nangyayari. Besides, hindi pa naman pumapayag iyong model ko. E ’di mukha lang akong tanga kapag sinabi ko tapos hindi rin naman pala papayag?
“May pupuntahan ka ba?”
“Wala,” sagot ko kay Chloe. “Alis na ako,” dugtong ko tapos ay naglakad na ako palabas ng school at dumiretso sa hospital. Hindi ako pumasok agad sa loob—doon muna ako sa may coffee shop sa may harap ng hospital. Bumili ako ng iced coffee at saka dumiretso sa CR para mag-ayos. I knew this wasn’t a date, but I just wanted to look presentable in front of Chase. I was wearing acid fade mom jeans na naka-tupi iyong dulo, khaki colored boxed shirt na naka-tuck in, at puting sneakers. Gamit ko rin iyong bag na regalo ni Ate Niles nung birthday ko. I also made sure na maayos iyong makeup ko. I was wearing a no make-up make-up look.
Paglabas ko, wala pa rin iyong order ko. Medyo puno iyong coffee shop dahil nandito iyong mga bumibisita sa hospital pati mga doctor bumibili ng kape.
“Ayain mo na kasi,” sabi nung isang babae.
“Nakaka-hiya,” sagot nung babae.
“Ano’ng nakaka-hiya? Tanda-tanda na natin!” sagot nung unang babae. “Besides, malay mo pumayag? Maging study buddy pa kayo sa boards!”
“Ewan ko…”
“Sige na kasi! Para magka-jowa ka na for the first time in your life!”
Finally ay tinawag na rin iyong pangalan ko. Nag-excuse ako sa mga tao na nag-uusap dahil naka-harang sila sa daan papunta sa counter. Nung tumingin sa akin iyong babae ay napa-kunot ang noo ko. Siya iyong babae na tinulak nila kay Chase.
“Sorry,” sabi niya sa akin. I just nodded at her and proceeded to get my drink. Hanggang sa maka-labas ako ay nasa isip ko pa rin iyong itsura niya. She looked… nice. I’d admit to that. To be honest, sa paningin ko, may iisang dating iyong mga med students. They all looked clean—at least kapag hindi sila stressed sa exams. I actually asked Kuya about that, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nung unang punta ko rito sa St. Matthew’s, medyo nagulat din ako sa dami ng gwapo. Pero lagi kasi akong nandito kaya nasanay na lang din ako…
Until Chase.
I swear, that guy’s level of attractiveness is on another level.
Dumiretso ako sa hospital. Naupo ako sa may bench. Sabi ni Chase sa akin ay ngayong hapon ang tapos ng duty niya. I didn’t want to ‘wait’ for his arrival, so I fiddled with my phone. Pinigilan ko iyong sarili ko na i-search siya online. Gusto ko na kung ano man ang malalaman ko, sa kanya ko malaman mismo.
Nung maka-rinig ako ng ingay, napa-taas ako ng ulo. Nakita ko iyong isang group ng interns na nagtuturuan. Napa-tingin ako sa tinuturo nila.
I immediately stood up and walked towards Chase.
A few meters away, naamoy ko na agad siya.
He really smelled so good—kahit after duty pa.
“Hi,” I said nung nasa harap ko na siya.
“Hi,” he replied, smiling kahit halata na pagod na siya sa duty. Bigla tuloy akong na-guilty.
“Di ka pa natutulog?”
“Di pa,” sabi niya na parang bata. There were slight crease on the side of his eyes nung bahagyang ngumiti siya. Singkit talaga siya… at ang puti talaga.
“Bukas na lang tayo umalis,” sabi ko nung lalagpasan na namin iyong group. Narinig ko na napa-singhap dramatically iyong isang babae. Narinig ko rin na sinabi na ‘May girlfriend na pala! Fake news iyong nagsabi na single daw!’
I smirked to myself.
At least one less competition.
He yawned. Napa-tingin ako sa kanya. Napa-titig ako sa may jawline niya at sa Adam’s apple niya. I was watching his every movement. And for some reason, this felt… illegal to watch. Kahit wala naman siyang ginagawa kung hindi ang humikab.
“No, it’s fine,” sabi niya. “Bili lang akong coffee. Ikaw—may coffee ka na pala,” sabi niya nung mapa-tingin siya sa hawak ko. “Cake? Cookies?” he asked.
“Libre mo?”
He nodded. “Okay.”
“Hindi—joke lang,” sabi ko kasi nakaka-hiya kung magpapa-libre ako. Sabi sa akin nung isa kong classmate na lalaki, isa sa turn off niya sa mga babae iyong laging nagpapa-libre. ’Di naman daw siya ATM.
“You sure? Kasi weird kung ako lang bibili,” sabi niya habang sabay kaming naglalakad.
“It’s fine. Bumili naman na ako kanina,” sabi ko. Dapat ba binilhan ko rin siya ng coffee? Pero ang weird naman kung gagawin ko ’yon. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gusto niya sa coffee niya.
“Okay,” he replied with a small nod.
Pagdating namin sa coffee shop, nagpaalam siya sa akin na pipila lang siya. As usual, wala pa rin kasing bakanteng upuan sa loob. Habang naka-talikod siya sa akin ay naka-tingin lang ako sa kanya. He towered over everyone on the line. Kitang-kita rin kung gaano siya kaputi… at kakinis. Naka-sabit din sa kanang braso niya iyong black na Converse backpack niya. Naka-suot na siya ng acid wash na maong pants, white polo shirt, at white converse.
Kaya siguro kami napagkamalan na magboyfriend… halos pareho pala iyong suot namin.
“Here,” sabi niya nung bumalik siya at may iniabot sa akin.
“Ano ’to?” I asked.
“Cookie,” he replied. “I feel weird na ako lang iyong bibili.”
I blinked. “Thank you,” I said.
“Welcome,” he replied with a smile.
I usually disliked people who were always smiling because it felt like… a scam. Hindi naman masaya sa mundo kaya bakit ba laging naka-ngiti? Mas gusto kong sumimangot—less effort. But this one? I liked his smile. Makes me feel… light for some reason.
Tahimik lang kaming naka-tayo. Naka-sandal iyong likod ni Chase sa may pader. Nung mapa-tingin ako sa kanya, nakita ko na naka-pikit iyong mga mata niya. I was given the chance to stare at his face up close—ang pula pala ng labi nila. At ang haba ng pilikmata niya. Bakit kaya mahaba ang eyelash ng mga lalaki? Wala naman silang paggagamitan nun. Ganito rin si Kuya, e.
Bahagyang nanlaki iyong mga mata ko nung magdilat siya ng tingin. Nagtama iyong mga tingin namin. Shit.
“What?” he asked.
“Wala,” sagot ko.
He shrugged. “Okay,” sabi niya. He yawned again.
That’s it? Hindi kaya nagdududa na siya? Kasi nakita niya ako na may sketch niya… tapos ngayon ay nahuli niya ako na naka-titig sa kanya? But… baka hindi naman. Kasi parang wala naman siyang reaksyon.
When his name was called, mabilis siyang umalis sa pagkakasandal. Why… was that move so attractive? Why was everything about him attractive? I used to think I had such high standards, but with this person, the bar seemed so low—na parang kahit ano ang gawin niya ay natutuwa ako.
“San tayo?” he asked nung maka-balik siya. I didn’t want to ask, pero mukhang cold brew iyong iniinom niya.
“Quiapo,” I said.
“Dun ka pa bumibili ng sketch pad mo?”
I nodded. “Mas mura ’dun,” sagot ko.
Tumango siya. “Paano tayo pupunta dun?” he asked.
“Okay lang ba sa ’yo magcommute?”
He shrugged. “Sure,” sabi niya sa akin. “But if it’s okay with you, sa sasakyan ko na lang.” I looked at him. “Kung pwede sa kuya mo,” he said. “Baka magalit si Dr. Nicolas.”
“Bakit naman magagalit?”
He shrugged. “Kasi kapatid ka niya.”
“So? Matanda na ako.”
Napa-kamot siya ng batok. “Pwede magpaalam ka muna?” he asked.
“Gusto mong sabihin ko kay Kuya na kasama kita ngayon?” I asked him, so that he’d know what he was asking from me. Gusto niya ba talaga na sabihin ko kay Kuya—kay Kuya na obsessed yata sa akin—na kasama ko siya?
Napa-tigil siya. Mukhang napa-isip siya sa sinabi ko.
“Yes,” sabi niya. “Sabihin mo.”
“Really?”
He nodded. “If the roles were reversed, I’d want to know,” sabi niya. “I also have a sister.”
I wanted to ask about his sister because I felt like this was him sharing a personal detail of his life, but I stopped myself. Kinuha ko iyong phone ko. I pretended to text Kuya.
“Okay na,” sabi ko sa kanya.
“Okay,” sabi niya. “Nasa waze ba ’yung address?” he asked while we were walking towards the parking lot.
Chase’s car was a white Chevrolet Trailblazer. Pagbukas ng pinto ay naamoy ko agad iyong pabango niya. Malinis iyong sasakyan niya, mayroon lang naka-sabit sa hanger sa likod na uniform niya pati may unan sa likod. Natutulog ba siya dito?
“Lagay mo na lang address,” sabi niya habang inaabot sa akin iyong cellphone niya. Halos ten seconds ko lang na hawak iyong cellphone niya para ilagay iyong address sa Waze, pero may nagnotify na may nagtext sa kanya.
“May nagtext,” I told him dahil baka importante. “Didn’t mean to, pero nakita ko iyong name nung nagpop sa notif,” I continued. “Mia iyong name.”
He nodded. “Okay,” he simply said while he continued to drive.
I badly wanted to ask kung girlfriend niya pa, but I really didn’t want to sound creepy. Instead, I just enjoyed the moment. Because I was here. In his car. E parang nung isang araw, iniisip ko lang iyong pangalan niya.
The world’s really weird.
“Nagtext ulit,” sabi ko. “Sorry. Nakita ko lang sa notif.”
Inabot niya iyong phone niya at inilagay sa Do Not Disturb mode. “Sorry about that,” he said.
“Girlfriend?” I asked, unable to contain myself. ’Di naman siguro mukhang weird.
“Ex,” he replied.
“Oh.”
“Nung med school pa,” he replied.
“Ah… Nakikipagbalikan?”
He shrugged. “Yes,” he said. “Not really interested in a relationship at the moment,” sabi niya. “Ikaw ba? May boyfriend ka?”
“Wala,” sagot ko.
“Strict si Dr. Nicolas?” he asked in a playful manner.
“Hindi naman,” sagot ko dahil baka matakot siya, if ever. “Bakit ayaw mo ng girlfriend?” tanong ko dahil nauna naman siyang magtanong tungkol sa boyfriend-girlfriend na ’yan.
He shrugged. “Daming ginagawa—may duty plus boards.”
“Ayaw mo ng may mag-aasikaso sa ’yo?”
“Not really—kaya ko naman mag-isa,” sagot niya. “Di naman ako maggigirlfriend para may mag-asikaso sa akin.”
I liked his answer. Ayoko rin ng boyfriend na gagawin akong yaya. May kamay naman siya—gamitin niya. ’Di naman ako utusan. Gagawin ko kung gusto ko.
“Pero nagka-girlfriend ka naman nung med school,” I said.
He nodded. “Block mates kami lagi, e.”
“Dahil lang don?”
He shrugged. “Lagi kaming magkasama dati magreview. Ewan. Baka para akong goldfish na kung sino ang nasa harapan ko,” he answered.
“Nasan na siya ngayon?”
“Ibang group,” he replied.
My lips parted. “Nagbreak kayo dahil lang nasa isang group na siya?”
Napa-tingin siya sa akin at napa-tawa. “What? No,” sabi niya. “Baka isipin mo na sobrang babaw ko,” dugtong niya. “Nagbreak kami nung clerkship.”
“Kasi sobrang busy?”
“Sobra,” he replied. “Di ka ba magmemed school?”
“Asa pa,” I said.
He laughed. “Tama ’yan—lumayo ka sa med school. Not advisable.”
“Pero nandon ka?”
He shrugged. “It’s either that or law school or business—hindi ako magaling dun sa dalawa,” sabi niya.
“Yun lang choices mo?” He nodded. “Kung may ibang choice ka, anong kukunin mo?”
He didn’t immediately answer. Halos nandoon na kami sa destination nung maka-hanap siya ng sagot.
“I don’t know—I never really thought about what I really want,” he said with a small smile. “We’re here,” he added as he unbuckled his seatbelt.
**
This story is already at Chapter 06 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 04
Chapter 04
Even in the midst of the crowd, pansin na pansin pa rin si Chase dahil sa tangkad at sa puti niya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.
“Saan tayo?” tanong niya.
“Dito,” sagot ko. Hindi nga pala niya alam kung saan kami pupunta. Nauna akong maglakad sa kanya dahil medyo masikip dito. Sinabihan ko siya na mag-ingat sa paglalakad dahil maraming magnanakaw dito. “Sorry,” sabi ko nung maka-rating kami doon sa maliit na bookstore.
“Why?” he asked.
“Wala—hindi ka ata sanay sa ganitong lugar,” sabi ko sa kanya.
He’s a med graduate. Mahal ang tuition sa med school, unless kagaya siya ni Kuya na scholar. Kasi kung hindi scholar si Kuya, sigurado ako na hindi siya magiging doctor dahil hindi kaya ni Mama iyong tuition sa school niya pati mga libro at kung anu-ano pang kailangang bayaran.
Nagkibit-balikat siya. “There’s always a first time in everything,” sagot niya sa akin. “Ito na ba ’yung bookstore?”
Tumango ako. Pumasok kami sa loob. Tinanguan ako nung matanda na nagbebenta. Naggood afternoon si Chase sa lalaki. He’s polite—he’s well-mannered.
“Sketch pad ho,” sabi ko roon kay Manong. Alam niya naman kung ano ang bibilhin ko dahil dito ako simula nung nagcollege ako. Bumili na rin ako ng iba ko pang supplies dahil paubos na rin iyon. “Pahiwalay ho nung sa sketch pad,” sabi ko kay Manong nung kinocompute niya na iyong binili ko.
“Here,” sabi ni Chase nung abutan niya ako ng dalawang libo.
Kumunot ang noo ko. “Ang dami niyan—168 lang ’yung babayaran.”
“Iyong iba?” he asked.
“Ako magbabayad nun,” sabi ko. Hindi naman ganoon kakapal iyong mukha ko para pagbayarin siya roon. Iyong sketch pad lang naman iyong nabasa niya ng tubig.
“No, it’s fine. Ako na rin magbabayad.”
“Ayoko. Nakaka-hiya.”
“Sige na,” he replied. “Since hindi mo ako sinumbong kay Dr. Nicolas.”
“Bakit ba takot ka kay Kuya?” I asked. “Naninigaw ba siya? Nasigawan ka na ba?”
Natawa siya. “Hindi naman.”
“Bakit ka takot?”
“Hindi ako takot—I just want to be in his good graces.”
“Dahil?”
He shrugged. “I want him to be my mentor.”
“Mentor?” I asked.
Tumango siya. “He topped all his boards and he’s on the way to become a neurosurgeon—that’s the same path I want to take for myself.”
Tumango na lang ako. Parang kapareho siya nung mga babae dati na nagpapalakad din sa akin sa Kuya ko. Iyong mga babae na iyon ang dahilan kung bakit nasurvive ko iyong elementary at high school dahil lagi sila nagpapaabot ng pagkain o regalo kay Kuya. Most of the time, ako rin ang kumakain nun dahil maraming ’di pwedeng kainin si Kuya nung athlete pa siya. Nung college nga si Kuya, naka-kuha pa ako ng make-up kit galing kay Ate Joey, e. Nagbenefit talaga ako sa pagkakaroon ng gwapong kapatid.
“Okay,” I said. “Pero ako pa rin magbabayad ng binili ko,” dugtong ko at natawa siya. Hindi naman ako nagpasama sa kanya para magpa-libre. I just wanted to spend time with him—to know if I really like him o nagwapuhan lang ako sa kanya. So far, gusto ko siya.
“Fair enough,” sagot niya. “How about dinner on me?”
“Di ka pa ba pagod?” I asked kasi galing siya sa duty.
“Gutom,” he replied, instead.
“Okay,” sabi ko. “Pero ako magbabayad ng kakainin ko.”
“Against ka sa libre?”
“Kapag sa Kuya ko, hindi,” sabi ko sa kanya. “Sa ibang tao, ayoko ng libre.”
“So, ibang tao ako?”
I blinked once. Hindi ako sanay makipaglandian. Ito ba iyon? O baka ganito lang talaga siya magsalita? I should ask Chloe—iyon ang magaling sa mga ganitong bagay.
“Kidding,” he said when I was not able to respond. “Fine. Saan tayo kakain?”
“Kahit saan ako,” I replied.
“Kahit saan din ako,” he said.
“Totoo?”
He nodded. “Why? Mukha ba akong high maintenance?”
I nodded. “Yes.”
“Wow. Ang honest,” sabi niya.
I shrugged. “Kung hindi ka maarte, sa fast food na lang,” sabi ko sa kanya dahil after ko magbayad nung sa materials ko, wala na akong pera para kumain sa hindi fast food. Binibigyan ako ng allowance ni Kuya. Iniipon ko iyon.
After magbayad (iyong sketch pad lang iyong pinabayaran ko sa kanya), naglakad muna kami papunta sa fast food, pero dahil nasa Quiapo kami, puno lahat doon. We decided to just get drive thru. Pumunta kami sa Burger King. Nagpark kami pagkatapos.
“Okay lang kumain?” I asked kasi si Kuya nung bago iyong sasakyan niya, bawal kumain sa loob. Si Ate Niles lang ata pwede kumain doon hanggang ngayon.
He nodded. “Basta ’wag makalat.”
“Okay,” I said.
Binuksan niya iyong mga bintana habang kumakain kami. Gabi naman na halos kaya hindi na mainit. May kanta na tumutugtog sa radyo habang kumakain kami—pareho na burger, onion rings, at iced tea iyong order namin.
“Gusto mong maging neurosurgeon?” I asked to break the silence. Tumango siya. “E ’di matagal ka pang mag-aaral?” sabi ko kasi si Kuya, parang ang dami ng nangyari sa buhay ko pero hindi pa rin siya neurosurgeon hanggang ngayon.
He shrugged. “Delayed gratification,” he replied. “Gusto mo talaga iyong Fine Arts?” he asked.
Tumango ako. “Yes. Kaysa maging teacher.”
Kumunot ang noo niya. “Teacher?”
I nodded. “Gusto ni Mama na kumuha ako ng Educ. Nothing against teachers—hindi lang talaga para sa akin. Good thing pinilit ni Kuya na kumuha ako ng Fine Arts.”
Napa-tingin ako sa kanya. Bahagyang nakaawang iyong labi niya. “That’s… nice,” he said.
I shrugged. “I know.”
In my college, there’s a mixture of people na supportado ng magulang iyong gusto nilang degree sa college, pero mas marami iyong hindi suportado. Hanggang ngayon, ang tingin pa rin ng karamihan sa mga magulang ay walang pera sa art. Kaya lang naman walang pera sa art dahil karamihan ayaw magbayad. Puro libre ang gusto.
“Ikaw?” I asked. “Di ba sabi mo choice mo lang law, med, or business?”
Tumango siya. “Chose med. I was good in Science in high school. Now, here I am,” sagot niya. “Hindi nagalit parents mo?”
“Patay na tatay ko,” I said.
“Oh. Sorry.”
“It’s fine. Tagal na.”
“Yeah, but still,” sabi niya. “Lost my mom when I was young. I know the feeling.”
We sat in silence after. I looked at him and he wasn’t eating. He just sat there like he was in deep thoughts. Kahit side view niya, ang ganda pa rin. Kahit walang tulog, ang gwapo pa rin. Ano kaya ang pakiramdam niya kapag tumitingin sa salamin?
“Let’s go?” he asked after a while. Tumango ako kasi tapos na kaming kumain. The drive was quiet except for the music from the radio. Medyo traffic din dahil rush hour ngayon.
“Dito na lang,” sabi ko.
“Dito?” he asked.
“Dun pa, pero maglalakad na lang ako.”
“Hatid na kita doon.”
“No, okay lang. Maglalakad na lang ako. Malapit lang naman,” I said as I unbuckled the seatbelt. Sigurado ako na nandun si Mama sa labas at makikita niya iyong sasakyan ni Chase kung doon ako magpapahatid. Tapos magtatanong siya kung sino si Chase. I knew she wouldn’t object, if ever, dahil proud na proud siya kay Kuya—kahit na dati siya ang unang umayaw at nagalit nung nagsabi si Kuya na papasok siya sa med school at hindi niya tatanggapin iyong trabaho na may malaking sweldo. Galit na galit pa siya kay Ate Joey nun. Pero ngayon, thankful daw siya.
“Kung malapit naman pala, hatid na lang kita.” I looked at him. “Look, gabi na. I just don’t feel like it’s right for me to let you walk alone. Delikado.”
I nodded. “I understand,” sabi ko. “Kapag hinatid mo ako, makikita ka ni Mama. Magtatanong ng marami. And to be honest with you, ayokong sumagot sa maraming tanong.”
I knew that by saying this, I might… turn him off. But at the moment, I didn’t care. I like him, yes, but if I had to pretend to be someone else for him to like me, I didn’t think it’s worth it. No man’s worth changing who you are.
“Got it,” he said.
“Thank you,” sabi ko. “And thank you for today,” I continued at saka bumaba na ako sa sasakyan niya. Ni hindi pa ako nakaka-isang hakbang nung marinig ko iyong isa pang pagsara ng pinto. Napa-tingin ako at nakita ko na bumaba rin siya.
“Sabayan na lang kitang maglakad,” sabi niya. “Kapag nakita ka ng Mama mo, magpanggap ka na lang na hindi mo ako kilala. I’ll do the same.”
I stared at him.
“So, deal?” he asked. “I just really don’t feel fine to let you walk alone.”
It’s weird how I could hear the beating of my own heart.
“Deal,” I replied.
Sumabay siyang maglakad sa akin. He was a meter away from me. Minsan ay napapa-tingin ako sa kanya. It was weird to think about it—na parang nung isang araw lang ay hindi ko alam ang pangalan niya, and now, he was walking me home.
“Uuwi ka na after nito?” I asked.
“Yeah…” sagot niya na parang kung may choice siya, hindi pa siya uuwi.
“Duty ulit bukas?”
“Yeah…” sagot niya na parang kung may choice siya, hindi na siya magduduty.
“It’ll be worth it,” sabi ko. “Ganyan din si Kuya dati.”
“I hope,” sagot niya. “I need to top the boards.”
“Gusto mo hiramin ko ’yung reviewer ni Kuya?” tanong ko sa kanya dahil naalala ko dati may mga biglang kinakaibigan ako para hiramin iyong reviewer ni Kuya—mapa sa Chemical Engineering o sa Med School o sa boards.
“Nakaka-hiya,” sabi niya.
I shrugged. “Gusto mo?”
He didn’t immediately answer. It looked like he was really trying to think about it. Kung ibang tao siguro ’to, oo agad ang sagot sa akin.
“Wag na. Nakaka-hiya,” sabi niya.
“Okay,” I said. “But if you said yes, hindi ko naman sasabihin na ikaw pagbibigyan ko.”
He groaned. “Maganda ba reviewer?”
I shrugged. “I think so… I mean, nagtop 1 siya,” sabi ko sa kanya. “Gusto mo ’yung kay Dr. Riviera try ko hiramin ko? Top 2 ’yun.”
“Tempting,” sabi niya. “Fine. Yes. Pahiram. Kapag ayaw nila, ’wag mo na pilitin.”
“Okay,” I said. “Kung pumayag, paano ko ibibigay sa ’yo?”
“Text me? Kunin ko sa ’yo.”
“Wala akong number mo.”
Kinuha niya iyong phone at inabot sa akin. “Your number, please,” sabi niya. Inilagay ko roon iyong number ko. Nung binalik ko sa kanya, he clicked call and then ended it.
“Dito na lang,” sabi ko.
“Ito bahay niyo?”
“Iyon,” I said, tapos ay tinuro ko iyong bahay two house away sa harap ng kinatatayuan namin. Iyon pa rin iyong dating bahay namin, pero mas maganda at mas maayos na siya ngayon dahil pinagawa ni Kuya. Laging pinagmamalaki ni Mama si Kuya sa mga kakilala niya. Siguro kung ngayon mo lang makikilala si Mama, iisipin mo na isa lang anak niya.
He nodded. “I’ll stay here hanggang maka-pasok ka,” sabi niya.
I nodded, too. “Ingat ka pauwi,” sabi ko.
He smiled. “Thanks. Thanks for today.”
“Thank you rin,” sabi ko. It took some will to turn around and to walk away from him. Nang maka-rating ako sa harap ng bahay ko, tumalikod ako. True to his words, nandoon pa rin siya at hinihintay ako maka-pasok. Nung makita niya akong naka-tingin, he waved at me. I waved back.
I am now sure—I do like him.
**
This story is already at Chapter 08 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 05
Chapter 05
“Ate Niles,” I said nung lumabas si Kuya sa condo dahil may kailangan siyang bilhin. Kanina pa ako nandito. Kanina pa ako naghihintay ng pagkakataon para makapagtanong. Hindi ko kaya—at hindi ko gustong—magtanong tungkol kay Chase sa harap ni Kuya. I love him, he’s my brother, but he’s overbearing sometimes. It’s just easier to keep it this way, anyway. Besides, wala pa naman akong kailangang sabihin sa kanya.
“Yes?” sagot niya habang naka-tingin sa akin.
“PGI si Chase, ’di ba?”
Tumango siya. “Yup.”
“Gaano na siya katagal ’dun?” I asked. May mga alam ako tungkol sa med school dahil kay Kuya, pero hindi ganoon karami. I was also never that interested. Nakikinig lang ako minsan kapag may sinasabi si Kuya.
“Hmm… Not sure,” sagot ni Ate Niles. “Bakit? Kailangan mo ba malaman? Pwede naman ako magtanong if kailangan mo.”
“Usually gaano katagal?”
“Depends sa rotation,” she replied. “But as far as I’m concerned, nasa surgery rotation si Chase kaya nakaka-sama niya Kuya mo minsan.”
Base sa pagkaka-alala ko, three weeks to three months ang rotation, depende kung saan ka naka-assign. Either way, bilang na ang oras ko. Baka sa ibang ospital iyong susunod na rotation ni Chase… or worse, baka sa ibang lugar na talaga.
“Pero malapit na rin PLE… So baka last rotation niya na ’to.”
I looked at Ate Niles. “Nasa ’yo pa ’yung reviewer mo nung nag-exam ka?” I asked.
She nodded. “Nasa bahay sa province.”
“Willing ka bang magpa-hiram?” I asked.
She arched her brow. “Uh, sure… Para kay Chase ba?”
I shrugged because I told Chase na hindi ko sasabihin kay Ate Niles, mas lalo kay Kuya Marcus, na hihiram ako ng reviewer para sa kanya. Also, if Ate Niles said no, I wouldn’t have pushed it. Ayoko rin naman ng namimilit. You only have to tell me once and I’d stop. I don’t do well with rejection, I get enough of that at home.
“Sige, padala ko rito,” Ate Niles said.
“Thank you,” I replied.
She smiled at me. “No problem.”
“Mas mahirap ’yung clerkship kaysa PGI?”
“Mas mahirap, pero kasi ’yung pressure naman sa PGI, since hindi ka na junior intern, may expectation na dapat alam mo na ’yung ganito, ganyan, plus may PLE pa after. So, for me, both mahirap, pero ibang kind ng hirap,” she explained.
I nodded. “Sobrang busy?”
“Busy sa kung busy,” sabi niya. Tumingin siya sa akin.
“What?” I asked nung ilang segundo na ang naka-lipas, pero wala pa rin siyang sinasabi. It got awkward when she just shook her head and gave me a small smile.
We ate in silence after that. We’re not close, pero mas maayos na iyong relasyon namin ngayon. We don’t have anything in common at lagi siyang busy sa trabaho, so there’s no chance for us to be close. It’s fine with me.
Maybe I really am my brother’s sister kasi protective din ako sa kanya nung una kong nakita si Ate Niles. Nung makita ko siya sa condo ni Kuya, ang unang pumasok sa isip ko ay si Ate Joey at iyong mga nangyari dati. That was a hard time. I just didn’t want him to go through that again. Pareho lang pala siya sa akin.
Pagbalik ni Kuya, tapos na kami ni Ate Niles na kumain.
“Sa tingin mo magdududa si Kuya kapag nanghiram ako ng reviewer sa kanya?” tanong ko kay Ate Niles nung naka-upo kami sa couch at naghahanap ng papanoorin.
“Magdududa ’yun,” sagot niya.
“Okay,” sabi ko. ’Wag na nga lang.
“Ako na lang hihiram,” sabi ni Ate Niles. “Marcus,” pagtawag niya kay Kuya na kumakain pa rin. “May kakilala ako na magboboard—pwede raw ba pahiram ng reviewer mo?” she asked.
“Bakit ’di ’yung sa ’yo?” Kuya replied.
“Mas mataas ka raw kasi, T1. Sobra na ’yung prejudice na nakukuha ko bilang T2,” Ate Niles said. Kahit hindi ako naka-tingin, alam ko na pag-irap ang reaksyon ni Kuya tuwing maririnig niya iyong T1
na iyon.
“Fine—pa-photox ko muna,” sabi ni Kuya.
Ate Niles looked at me and winked. I thanked her and we continued to look for a good movie to watch.
“Chloe,” I called her name. Wala iyong isang professor namin kaya naman naka-tambay lang kami habang hinihintay iyong start ng susunod na class namin. Kanina pa kami rito. Chloe was editing something on her laptop while I was fixing my portfolio.
“Yeah?”
“I need an advice.”
“About?”
“A guy.”
Isinara niya iyong laptop niya at tumingin sa akin. “Do tell.”
“There’s a guy,” I said.
“What’s the name?”
“I won’t tell you.”
“Tss. Damot. But fine, ano’ng problem?”
I proceeded to tell her about Chase and how I first met him. I also told her about the Quiapo trip at kung paano niya ako hinatid pauwi. Sinabi ko na rin iyong mga linya ni Chase na hindi ako sigurado kung ano ang meaning. Those lines kept me up at night, but I had no prior experience over this, so I did not want to interpret them myself.
“Intern?”
“Yes. I just told you.”
“Hmm, if ako lang, no to intern talaga unless fun fun lang,” she said.
“Why? May basis ba ’yan o personal preference?”
She shrugged. “Busy kasi mga ’yan saka based sa mga naririnig ko, may mga kababalaghan na nangyayari sa mga magkaka-internship na ’yan dahil sila-sila lang din magkakasama sa hospital. I mean, siguro kung sa iba, sasabihin ko na ‘Go and be wild!’ pero ikaw kasi kausap ko, e. So… I don’t know. Landi at your own risk, I guess?”
Alam ko naman na busy si Chase. Busy din naman ako. Besides, hindi naman ako clingy na tao. Ayoko rin ng clingy na tao. Minsan kapag wala ako sa mood, hindi ako nagrereply. Unless urgent, it will take me three to five business days to respond.
“Hindi ako marunong lumandi,” sabi ko sa kanya.
“Gusto mo turuan kita?” she asked.
I shrugged. “Sure.”
And instead of doing our school works, tinuruan lang ako ni Chloe sa mga ‘dapat’ ko raw gawin. Pero sa dulo nun, sinabi niya sa akin na mag-iingat daw ako sa mga interns na ’yan.
Naging busy ako sa mga school requirement, pero nung isang beses na tinaong ako ni Ms. Hilda tungkol sa progress ng final requirement ko, doon ko naalala na kailangan ko na talagang kausapin si Chase. Nagkataon na dumating na iyong review materials na pina-ship ng tatay ni Ate Niles galing sa probinsya. Tapos na rin ipa-photox iyong reviewer ni Kuya. Nagtext ako kay Chase.
’Hi. This is Marian. Nakuha ko na ‘yung reviewer. Pa-inform na lang kung kailan ko pwedeng ibigay. Thank you.’
As expected, it took him three and half hours to reply.
‘Hey. End ng duty ko mamaya. San ko pwedeng kunin? Puntahan kita after duty.’
‘Also, thank you! Really appreciate this, Marian. I owe you.’ mabilis na kasunod na text niya.
Sabi ni Chloe sa akin, isang way para malaman kung gusto ka ng lalaki ay kung mag-e-effort siya para sa ’yo. Kung wala ka raw nakikita na effort, malamang ay wala siyang gusto sa ’yo. Sabi niya, ‘trust me, kung gusto ka ng lalaki, you’d know dahil mararamdaman mo sa effort niya.’ Although the problem here would be, hindi ko pwedeng iconsider na effort ang pagpunta niya dahil may kukunin naman siya sa akin.
‘Dito ako sa school hanggang mamaya. Sa SCA. Text mo na lang ako pag nandun ka na. Lalabas ako.’
Inilagay ko iyong cellphone ko sa bag ko at gumawa ako ng school requirements. Masyadong akong nagfocus sa ginagawa ko kaya nung makita ko iyong text ni Chase, one hour na pala ang nakaka-lipas nung sabihin niya sa akin na nasa labas na siya ng SCA. Saktong hawak ko iyong cellphone ko nung magtext ulit siya na nasa isang fast food siya at kumakain. Sabi niya, text ko na lang siya kapag okay na. He didn’t sound mad… but it’s hard to read tone in a text message.
Inayos ko iyong mga gamit ko at naglakad papunta sa may fast food na itinext niya. Pagdating ko roon, agad na nakita ko siya. He was eating fries while reading something on his iPad.
“I’m sorry. Ngayon ko lang nakita ’yung text mo,” was the first thing I said nung lumapit ako sa kanya.
Tumingin siya sa akin. “It’s fine—I just transcribed my notes,” sabi niya. “Ito rin naman gagawin ko sa bahay kung umuwi ako.”
Naupo ako. “Again, I’m sorry,” I apologized again because I knew I was at fault.
He shrugged. “Told you, it’s fine,” sabi niya. “Anong ginagawa mo? Drawing?”
“Inaayos ko ’yung portfolio ko,” I replied.
“Iyan?” he asked while pointing at the huge folder I was holding.
“No,” I replied. Nasa bahay iyong mga painting ko, pero iyong portfolio ko ay digital. For some reason, isa sa mga iniisip ko ay baka biglang sunugin o itapon ni Mama iyong mga gawa ko. Kaya kapag natuyo na iyong painting ko, ginagawan ko agad ng digital file. Just in case.
“Anyway, ito na ’yung reviewers nila. I scanned them, but if you need the physical copy—”
“You scanned?”
Tumango ako. “Hindi ko kayang dalhin. Mabigat, e.”
Medyo kumunot ang noo niya. “I would’ve gotten it from you. Sorry, aabala ka pa,” sabi niya.
“It’s fine,” I said. “I could’ve just sent you the link, but I figured baka kailangan mo ’yung hard copy, so may dinala ako na ilan. Kung kailangan mo ’yung iba pa, nasa condo ni Kuya. Pwede ko naman kunin.”
I felt weird for a second dahil naka-tingin siya sa akin. I just stared back at him.
“Marian,” he said. “Thank you. Seriously.”
“No problem,” sabi ko dahil hindi naman ako nahirapan. If any, iyong tatay ni Ate Niles ang nag-effort magpadala. Inabot ko sa kanya iyong envelop na may laman nung ilang reviewer. Sinubukan kong basahin iyon kanina. Suffice to say, tama ang desisyon ko na hindi sumunod sa yapak ng kapatid ko. Nahilo lang ako sa mga nabasa. I liked the drawings, though.
“I owe you,” he said. “If you need anything, just text me.”
Tumingin ako sa kanya. I should ask him now. If he said no, at least makakapaghanap na ako ng ibang model.
“Actually, meron akong kailangan,” sabi ko sa kanya.
“Yes. Anything,” he replied.
“I am graduating, and one of my requirements is to do a portrait,” sabi ko sa kanya.
“Okay?”
“Alam ko na busy ka, so maiintindihan ko kung hindi ka papayag, but I want to ask you if you’re willing to be my model?”
Medyo kumunot ang noo niya. “Model?” Tumango ako. “Me?” Tumango ulit ako. “Okay… but why?” tanong niya na para bang hindi siya aware kung gaano kaganda iyong physical appearance niya. Kung siya ang model ko, hindi na ako mahihirapan dahil kahit ano yatang anggulo ay maganda siyang tignan.
“You’re pleasing to the eyes,” I told him.
Mukha siyang nagulat, pero bahagyang natawa. “Thanks?” sabi niya.
“You’re welcome,” I said. “You can just say no,” sabi ko sa kanya. Pwede naman akong maghanap ng iba sa Tourism kagaya ng ginawa ni Chloe. Worse comes to worst, magbabayad ako ng model. May ipon naman ako, pero mas gusto ko kung hindi ko na gagamitin iyon.
“If I say yes,” he said, “May kailangan ba akong gawin?”
“Wala naman.”
“Pwede naman akong magreview habang ginagawa mo?”
I nodded. “Pwede rin na kuhanan na lang kita ng picture kung busy ka talaga,” I said.
He looked at me for a few seconds. “Okay,” he said.
“Anong okay?” tanong ko.
“I’ll do it.”
“You’ll model for me?”
He shrugged. “Yeah, sure. I mean, I did say that I owe you,” sabi niya sa akin. “But, for the record, hindi ’to nude painting, ’di ba?”
Ramdam ko iyong pamumula ng mukha ko nang sabihin niya iyon. Mabilis siyang tumawa at sinabi sa akin na nagjojoke lang daw siya.
“But curious,” he said, “Nagnude painting kayo?”
“Yes,” I replied.
“Oh… Was it weird?”
“At first,” I replied. “Then after seeing the same body for hours, it got normal…ish,” dugtong ko. “I mean, it’s not that different kapag may cadavers kayo?”
“Yeah, pero patay na iyong sa amin.”
I shrugged. “Di din naman gumagalaw iyong sa amin.”
“Touché,” he said and then slid over a wrapped burger towards me. “Ordered for you. Kung kumain ka na, uwi mo na lang.”
My stomach growled, so I unwrapped my burger and we ate. Nag-usap kami tungkol sa similarities ng med school at art program. There were some. And then we talked about his rotation. Tama nga ako na last rotation niya na iyong sa surgery.
“I’ll review for three months after,” sabi niya habang naka-hinto kami sa traffic. Nagsabi siya na ihahatid niya ulit ako dahil gabi na raw.
“Good luck,” I said. “Sana makapasa ka.”
“Thanks,” he replied as he quickly glanced at me. “Ikaw? Any plans after graduation?”
“I want to live through art commissions,” sabi ko, “But I know it’s hard, so baka mag office job ako o call center to get by. Ewan ko.”
Alam ko magagalit si Mama o si Kuya sa akin, pero ang unang gagawin ko kapag nagka-trabaho ako ay bubukod na ako. I didn’t care if I live in a box—I just needed to have a space for my own. I didn’t want to always worry na kung susunugin o itatapon ba ng nanay ko iyong mga gamit ko.
“How about working in galleries?” he asked.
“That’s hard unless may connections ka,” I replied.
“I know some people,” he said, “I can introduce you, if you want.”
“Talaga?” I asked because I really would like that.
He nodded. “Yeah, sure. I’ll message you about it,” sabi niya.
Muli kaming natahimik at tunog lang sa radyo ang naririnig namin. Pagdating namin sa amin ay bumaba siya. It was like an unspoken rule na maglalakad kami papunta sa bahay. Nung huminto kami two houses away, I looked at him to say good night, but before I could say it, naunahan niya akong magsalita.
“I seriously do hope that you make it as an artist,” sabi niya. “When I’m rich, I’ll buy one of your art pieces—I hope I can afford it by then,” dugtong niya. Napa-ngiti ako sa sinabi niya. And that night, I replayed that scene in my head over and over again that I dreamed about it.
**
This story is already at Chapter 09on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 06
Chapter 06
“What?” tanong ko kay Chloe nung makita ko na naka-tingin siya sa akin at naka-ngisi.
“Naka-ngiti ka.”
“Naka-ngiti?” tanong ko na naka-kunot ang noo.
Tumango siya. “Nung may binasa ka d’yan sa phone mo, naka-ngiti ka nung binasa mo. For a second, akala ko namalikmata ako,” she said exaggeratedly. It’s not that I don’t smile—hindi lang ako maka-kita ng dahilan para ngumiti. I smiled nung inenroll ako ni Kuya sa Fine Arts program at nung unang beses na maka-bili ako nung magandang art materials. Since then, wala akong maisip na dahilan kung bakit ako ngingiti. Mukhang tanga naman ako kung ngingiti ako randomly.
“Yan ba ’yung intern?” tanong niya.
Hindi ako sumagot.
She whistled. “Nako, mag-iingat ka, sis.”
“Saan?”
She shrugged. “Wala lang—in general lang,” sabi niya sa akin. “Alam ko first landi mo ’to, so payong malandi lang—’wag mo bigyan ng meaning lahat at ikaw ang mapapahamak niyan sa dulo.”
’Wag bigyan ng meaning.
Possible ba ’yon? Hindi naman ako robot na walang pakiramdam. Tuwing may gagawin o sasabihin na kakaiba si Chase, ramdam ko iyong pagbilis ng tibok ng puso ko—minsan, kapag sobrang bilis, parang naririnig ko na rin.
“I’ll try,” sabi ko sa kanya. Kinuha ko na iyong mga gamit ko. Dumiretso ako sa ospital. Nagtext na ako kay Kuya kanina at sinabi niya sa akin na busy siya buong araw. Pagdating ko sa St. Matthew’s, doon ako dumaan sa kabilang side para hindi kami magkasalubong ni Kuya, just in case. Tapos ay dumiretso ako sa cafeteria kasi sabi ni Chase doon kami magkita.
Naupo ako roon at inilabas iyong sketch pad ko para hindi ako mainip habang naghihintay. Naging busy ako sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin iyong oras. Napa-tingin na lang ako sa harapan ko nung narinig ko iyong paghatak ng upuan sa harap ko.
“Sorry,” sabi niya.
“It’s fine,” I replied. Kahit naman si Kuya kapag pumupunta ako rito ay mas madalas na pinaghihintay niya ako. That’s the reason kung bakit lagi akong may dalang sketch pad para hindi ako ma-bore kasi alam ko na na may paghihintay na mangyayari.
“So…” He paused. “How do we do this?” he asked.
Tumingin ako sa kanya. I liked him in his casual clothes, but I liked him a lot better kapag naka-suot siya nung puting coat niya. Mayroon ding naka-sabit na kulay maroon na stethoscope sa leeg niya at mayroong ballpen sa bulsa sa kanang pocket ng coat niya. Clean cut iyong buhok niya. Sa ilang beses na nakita ko siya, laging maayos iyong buhok niya. Si Kuya kasi ang unclean tignan lalo na nung clerkship niya. Mas gustong matulog kaysa magpa-gupit.
“Uupo ka lang. Pwede kang magreview,” sabi ko sa kanya.
“Naka-upo ako?” Tumango ako. “Kailangan ko bang magpalit ng damit?”
Umiling ako. “No, that’s fine,” sabi ko dahil iyon talaga iyong gusto kong gawin—iyong naka-suot siya ng doctor’s coat. Mas prefered ko kung naka-scrubs siya at may scrub cap, but this would do. Besides, predominantly mukha niya naman iyong gagawin ko.
Chase and I walked around para maghanap ng tahimik na lugar kung saan ako pwedeng magdrawing at siya mag-aral. Walang pag-uusap na naganap sa amin, pero parang pareho kaming umiwas doon sa may surgery department dahil baka maka-salubong namin bigla si Kuya.
“How about here?” tanong niya.
“Pwede na,” sabi ko habang ipinapatong iyong gamit ko roon sa may upuan. Ito iyong ward na abandonado na dahil mayroong bagong ward na donation ng isang political family. Wala namang pumupunta masyado rito dahil may balita na haunted daw. I mean, as long as hindi ako guguluhin ng mga multo, I see no problem.
“Can I sit here?” tanong ni Chase kahit naka-upo naman na siya sa may gurney.
I shrugged again. “Yeah, sure,” sagot ko habang hinahanda na iyong mga gamit ko. Inilabas ko iyong portable stand ko—dati siyang camera stand, but I made some changes para pwede rin siya sa canvas ko. Mahilig kasi ako magpaint ng nature kaya gusto ko iyong pwede kong dalhin kahit saan.
Nang maayos ko na iyong gamit ko, napa-tingin ako kay Chase na nagrereview. Seryosong-seryoso iyong itsura niya. Ganito rin iyong itsura niya nung namimili siya nung bibilhin niya sa vending machine. Ito siguro iyong ‘thinking’ face niya.
I began to draw. His face was very symmetrical. He mentioned that he has siblings—I wonder if they also looked as good. I drew a rough sketch of the whole portrait first. Mamaya na ako magfofocus sa itsura niya. Nang mapa-tingin ako sa kanya, nakita ko na naka-tingin siya sa akin.
“Bakit?” tanong ko.
Umiling siya. “Ang seryoso mo tignan.”
“Ikaw rin naman,” sagot ko sa kanya. “Yan ba ’yung reviewer?”
“Yung kay Dr. Riviera at Dr. Nicolas?” tanong niya. Tumango ako. “Hindi—trans ko ’to. Sa mismong review ko na babasahin ’yon,” dugtong niya. “Makikita ko ba ’yan kapag tapos na?” he asked, pointing at my canvas.
I shrugged. “Kung gusto mo.”
“Syempre gusto ko,” sabi niya.
“Okay,” I said. “Send ko ’yung digital file.”
“Gusto ko ’yan mismo,” he said.
Matagal akong magdrawing kasi gusto ko maayos. Matagal din ako magkulay dahil gusto ko tama. Matagal din magpatuyo.
“Malapit ka na bang magreview?” I asked dahil nabanggit ni Ate Niles na malapit na iyong PLE.
Tumango siya. “But I can spare an hour or two para tignan ’yan,” sabi niya. This was probably one of those things na sinasabi ni Chloe. It would only take a second para makita niya iyong painting—a minute, probably, to appreciate the details. Pero sabi niya, an hour or two. How to interpret that—or better yet, how not to interpret that?
“Okay,” I said. “But since nagrereview ka, ako na lang magdadala sa ’yo.”
“Hindi ba hassle dalhin ’yan?” he asked. Tinanong niya ako kanina kung ayos lang na dala ko ’yung canvas. Sanay naman na ako. Lagi naman akong maraming dala palagi lalo sa school. Hindi ko talaga iniiwan sa bahay hanggang maaari. Ang mahal ng art materials. Hindi biro iyong halaga nila.
“Hindi naman,” sagot ko.
“Punta na lang ako sa inyo,” sabi niya. “Hintayin kita sa may kanto.”
Huminto ako sa pagddrawing at tumingin sa kanya. This was harder than I expected—how not to let my mind wonder kung bakit ganito siya? Pero baka ganito lang talaga siya.
This was exhausting to think about.
Ayoko ng isipin.
Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya. Nagfocus ulit ako sa ginagawa ko. Mukhang nagfocus na rin siya sa inaaral niya. I was watching the expression on his face—parang alam ko kapag mahirap iyong binabasa niya dahil naka-kunot nang malalim iyong noo niya. Minsan din ay may sinusulat siya. May mga nakita rin akong drawing sa notes niya. Gusto kong makita, pero baka weird naman na bakit ko titignan iyong drawing niya.
An hour into it, nagstretch ako ng braso ko.
“Tapos ka na?” he asked.
“Malayo pa,” sabi ko. “Wala ka bang duty?”
“Kakatapos lang kanina,” sagot niya.
“Sabihin mo lang kapag gusto mo ng umuwi,” sabi ko sa kanya dahil baka nakaka-abala na ako. Okay lang naman kahit kumuha na lang ako ng picture niya, pero siya iyong nagsabi na ’wag na.
“It’s fine,” he said with a small smile.
“Okay,” sabi ko. At least nasabi ko sa kanya na wala namang pilitan. Okay lang umuwi na siya. Babalik na lang ako sa school at doon ko itutuloy ’to. Nakuha ko naman na iyong gusto ko. Medyo vague pa kasi iyong idea before ako magsimula, pero habang ginagawa ko iyong rough draft, nakita ko na iyong finished product na gusto kong makuha. I would just draw his features from memory—at this point, parang kabisado ko na kahit iyong maliit na nunal along his right jaw.
Tumayo ako at kinuha iyong tumbler sa may bag ko at uminom ng tubig. Nakita ko na naman iyong drawing niya. He saw me looking.
“Hindi ako kasing galing mo magdrawing,” sabi niya.
“Ano ba ’yan?” I asked. “Anatomy?” He nodded. “Hindi ba pwedeng kumuha ka na lang sa internet?”
“Pwede naman,” he replied. “Pero mas gusto ko iyong drawing.”
I nodded. “Mukhang okay naman,” sabi ko habang naka-tingin. Hindi ko makita iyong details, pero mukhang okay naman… although malayo iyon sa nakikita kong gawa ni Kuya. Pero Engineering graduate naman kasi si Kuya kaya magaling talaga magdrawing iyon. Kabisado nga ata nun hanggang ngayon iyong periodic table, e. Minsan nagqquiz bee silang dalawa ni Ate Niles. Kapag iyon na ang nangyayari, umaalis na ako dahil naririndi ako sa medical and scientific terms.
“May disapproval sa mukha mo,” he said in a playful manner.
Napa-hawak ako sa mukha ko. “Wala naman.”
He extended his arm. “Try mo nga,” he replied as he tried to hand me his iPad.
“Hindi ako marunong d’yan,” sabi ko.
“Parang papel and ballpen lang,” he replied.
I shrugged. Might as well.
I sat beside him on the gurney. Nagbukas siya ng bagong page. I fiddled with the different sizes of the pencil stroke first.
“Wala bang kokopyahan?” I asked. “Di ko naman kabisado iyong human anatomy,” I told him.
“Fair enough,” sabi niya at saka inilabas iyong phone niya at naghanap ng itsura ng human anatomy sa google image. Nung maka-pili na siya, pina-kita niya sa akin iyon. I stared at it for a few seconds before I began to draw. I was so focused on drawing na nung mapa-tingin ako kay Chase, napa-kunot ang noo ko nung makita ko na sa akin siya naka-tingin at hindi sa dino-drawing ko.
“What?” I asked kasi baka may mali sa ginagawa ko. Instead of answering, he just smiled and shook his head.
Medyo nilakihan ko iyong drawing ko dahil mukhang marami siyang kailangan na lagyan ng label.
“Okay na ba ’to?” I asked nung matapos ako.
“You’re… really good at drawing,” sabi niya.
I shrugged. I handed him the iPad back. Tinignan niya ulit iyon. Bababa na sana ako para bumalik sa ginagawa ko nung bigla niyang iscreenshot iyon. After that, he opened another page at inilagay doon iyong photo.
“Ano ’yun?” I asked because that was weird.
“Sayang kung susulatan ko, e,” he replied.
“Paano naging sayang?”
He just shrugged. “You want to learn anatomy?” he asked. My answer was really not really, but it seemed like he was in the mood to teach kaya naman nagkibit-balikat na lang ako. Chase began to put label on the different parts. Nakinig lang ako habang sinasabi niya sa akin iyong mga pangalan nila at function nila. Mukhang nagrereview na rin siya dahil minsan sinasabi niya iyong mga common illness pati mga signs at how to treat them. Tumatango na lang ako kahit wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
Nang matapos kami sa Human Anatomy 101, bumalik na ako sa ginagawa ko. After twenty minutes, I decided na wala na akong magagawang matino. Naubos na iyong energy ko sa pagddrawing.
“Dito ka lang ba?” I asked dahil aalis na ako.
“Uwi ka na?” I nodded. “Tara na.”
Sabay kaming naglakad palabas ng hospital. He offered to carry the canvas for me, but I declined. I liked carrying it myself. Besides, it’s weird na may ibang magbibitbit ng gamit ko para sa akin.
“San ka pupunta?” he asked nung kumaliwa ako para maglakad papunta sa sakayan.
“Uuwi na?”
“Dito ’yung parking,” he said, his forehead creased.
“Okay?” sabi ko sa kanya. Alam ko naman na nandoon ’yon.
“Hahatid kita?”
“Tinatanong mo ba ako?”
“Uh… yes?”
“Okay,” sagot ko na naka-kunot din ang noo dahil medyo nalito na rin ako.
Naglakad kami papunta sa may sasakyan niya. Binuksan niya iyong pintuan sa may likod at doon ko inilagay iyong mga gamit ko. After nun, pumunta na ako sa shotgun seat.
“Hindi mo naman ako kailangang ihatid lang,” sabi ko sa kanya. “Sanay akong magcommute.”
He shrugged. “It’s fine. Ayoko pa rin naman umuwi,” sagot niya sa akin. I looked at him. He was already focused on driving. Pangalawang beses niya ng sinabi na ayaw niyang umuwi. I wondered kung kagaya ko ba siya ng sitwasyon sa bahay… But it was weird kung hindi magiging proud ang magulang niya sa kanya. He’s a PGI, on the way to become a neurosurgeon.
“May dumi ba sa mukha ko?” bigla niyang tanong habang nasa daan pa rin iyong tingin niya.
“Wala.”
“Ah… Gusto mo lang akong titigan?”
I felt my face reddening again. Bakit ba siya ganito magtanong? I needed to talk to Chloe about this. Nalilito na ako.
Tumawa siya. “Joke lang,” he said habang naka-ngiti na halos mawala na iyong mga singkit niyang mata. I drew a deep breath. ’Wag seryosohin. Joke lang daw.
**
This story is already at Chapter 10 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 07
Chapter 07
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ko kay Chloe nung kunin niya bigla iyong cellphone niya nung matapos akong magsalita. May ginawa siya roon tapos ay ipinatong niya ulit sa lamesa. Nakita ko na bukas iyong voice recorder niya.
“Irerecord ko lang iyong sasabihin ko since I feel like magiging paulit-ulit ’to,” she replied.
I rolled my eyes. “Sabihin mo na lang kung ayaw mo na tinatanong kita.”
Tinawanan niya ako. “Not that, sis! Grabe ka naman,” she said, bumping her shoulder against mine. “What I’m saying is… sabi nga ni Taylor Swift, I think I’ve seen this film before, and I didn’t like the ending. “
It had been a month since I started doing the portrait. Naka-tatlong meeting kami bago ko natapos iyong pinaka-drawing. Patapos na rin ako sa pagkukulay. Si Chase ay tapos na rin sa surgery rotation niya. Sabi niya sa akin nung isang araw, simula na ng ‘intensive’ review niya. Naalala ko kung gaano ka-seryoso si Kuya nung nagrereview siya para sa boards—naka-depende daw kasi doon kung saan siyang residency mapupunta kaya sobrang seryoso siya. Sa sobrang pagka-seryoso niya, naging top 1 pa siya.
“Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?” I asked Chloe kasi hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Busy si Chase sa pagrereview niya, pero kahit na ganoon, hindi pa rin siya napapagod sa pagtakbo sa utak ko. Sometimes, pakiramdam ko ay nababaliw na ako kaka-isip sa kanya. It was annoying.
“Ano ba gusto mong mangyari?” she asked.
“I seriously don’t know.”
“Gusto mo ba?”
Tumango ako. “Gusto.”
“As in gusto enough para… i-risk?”
“Anong risk?”
Nagkibit-balikat siya. “Risk na tanungin siya kung ano iyong status? Kasi it’s either yes or no… Or the other choice, go with the flow—na mukhang hindi mo rin gusto dahil ikaw na ang nagsabi na feel mo nababaliw ka na,” sabi niya sa akin. “So, it’s either sasabihin mo and risk it or say nothing and suffer in silence.”
“I don’t like both.”
“I know. It sucks,” she said. “Tara, libre na lang kitang ice cream.”
Nagtalo pa kami ni Chloe dahil pagdating namin sa bilihan ng ice cream, ako iyong nagbayad nung sa akin. I just really didn’t like people buying me food. May pera naman ako. After the ice cream, umuwi na ako sa bahay. Wala si Mama. Hindi ko alam kung nasaan, pero sana mamaya pa siya umuwi… lalo na kung galing siya sa bahay nila Celine. Sasabihin na naman sa akin nun na sana nagteacher na lang ako. Minsan, iniisip ko na baka frustrated teacher siya at saka akin niya binabaling. Pero hindi niya naman pinilit si Kuya na maging teacher. Baka galit lang talaga siya sa akin.
Habang nasa kwarto ako, nagbrowse ako online ng pwede kong pagka-kitaan. Madalas busy talaga ako sa mga requirements sa school kaya hindi ako maka-kuha ng regular na trabaho, pero minsan, kapag may time ako, kumukuha ako ng sideline na trabaho, mostly pang virtual assistant para online lang. Ayoko rin kasi umalis sa bahay hanggang hindi ako sigurado na makaka-survive ako ng at least six months. Once na meron na akong pambayad sa renta at ibang bagay na good for six months, aalis na ako rito. Bahala na si Batman sa mangyayari.
Naka-kita ako ng trabaho sa Upwork kaya iyon ang ginawa ko magdamag. Nung sumunod na umaga, inis na inis ako kasi napanaginipan ko si Chase.
“Anong oras ka naka-uwi?” tanong ni Mama.
“Mga alas-cinco,” sagot ko.
“Birthday ni Celine kahapon, ah. ’Di ka sumunod?”
“May ginawa ako sa school,” sabi ko. ’Di naman kami close ni Celine. Ayoko ngang pumunta roon para maki-kain ng handa niya.
“Kailan ba matatapos ’yang school mo?”
“Last sem ko na,” sabi ko.
“Anong trabaho mo pagkatapos niyan?”
Hindi ako nagsalita—kapag sinabi ko na hindi ko alam, sesermonan niya ako. Kapag sinabi ko na magccall center ako, sasabihin niya na sinayang ko lang binayad ni Kuya sa school kung hindi ko naman gagamitin. ’Di ko rin alam kung saan ako lulugar minsan. Mas mabuti na ’wag na magsalita.
Napa-iling si Mama. “Hindi naman ako nagkulang sa pangaral sa ’yo, ha, Marian Eliana. Hindi ka naman pinipigilan magdrawing, pero sana nag-iisip ka rin ng practical. Puro ka ‘passion’—tignan natin kung saan aabot ’yang passion mo kapag nagugutom ka na.”
Kinagat ko iyong dila ko bago pa may masabi ako na pag-aawayan na naman namin. Kasi alam ko na kasunod—tatawag siya kay Kuya at magsusumbong na sobrang bastos ko na. Tapos si Kuya na naman maiipit sa aming dalawa.
Kailangan ko na talagang umalis.
Bumalik ako sa kwarto at kinuna iyong jacket ko at bag. Paglabas ko, dumiretso ako sa pinto kahit narinig ko na tinatawag ni Mama iyong pangalan ko. Ni hindi pa nga ako nakakapagtoothbrush tapos ito agad ibubungad niya sa akin. And people ask me kung bakit ako laging badtrip.
Naglakad ako hanggang sa sakayan ng jeep. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta—basta hindi sa bahay. Bumaba lang ako nung may makita akong Mcdo. Doon na lang ako tatambay.
Pagpasok ko roon, pumila agad ako. Bumili lang ako ng isang burger na may drinks. Nung makuha ko iyong order ko, naghanap na ako ng mauupuan ko. Naka-upo lang ako roon. Wala ako sa mood kumain. Nilabas ko na lang iyong notebook ko at nagdrawing ako roon para hindi na ako mag-isip. I was quietly minding my own business nung mapa-tingin ako sa harap ko kasi may humatak ng upuan. Akala ko kukunin lang iyong upuan. Natigilan ako nung makita ko si Chase na nasa harapan ko.
“Akala ko mali ako,” sabi niya.
“Bakit ka nandito?” I asked, confused. Naka-suot siya ng puting t-shirt na may drawing na cookie monster. Naka-shorts lang din siya na light brown at naka-puting sliders. May hawak siya na paper bag ng Mcdo.
“Bumi-biling pagkain?” sagot niya sa akin. “Ikaw. Layo nito sa inyo, ah?”
I shrugged. Ayokong sabihin sa kanya kung bakit nandito ako. Teka—nasaan na ba ako? Ni hindi ko tinignan kanina iyong sign kung saan ako sumakay.
“Akala ko nagrereview ka?”
“Bawal magbreak?” he replied.
“Di ka na lang umorder?”
“Ayaw mo ba akong makita?” he asked, in a playful manner again. I chose not to retain what he said—baka kasi joke lang ulit.
I shrugged. “Sabi mo kasi ‘intensive’ review. Akala ko ibig sabihin hindi ka lalabas.”
“Masyado mo namang ginawang literal,” sabi niya. “Syempre kakain din ako.”
“Bakit ikaw pa bumili?”
He shrugged. “Exercise na rin,” he replied. “At kailangan kong maarawan,” he continued. Napa-tingin siya sa notebook ko. “Ang galing mo talagang magdrawing,” he said habanag naka-tingin doon. I just did a quick sketch of what was in front of me—meron kanina na matanda na kumakain mag-isa. May kausap siya sa cellphone niya. Naka-ngiti siya habang kausap iyon. It looked like a good scene kaya dinrawing ko. Pero kanina pa iyon dahil naka-alis na iyong matanda.
“Kamusta iyong review mo?” I asked.
“Okay naman.”
“Nagagamit mo ’yung reviewer?”
Tumango siya. “Ganda nung reviewers. Thank you,” sabi niya na naka-ngiti. “Kamusta na ’yung project? Patapos na?” he asked.
“Malapit na.”
“Sabi mo papa-kita mo sa ’kin.”
Tumango ako. “Kapag ’di ka busy.”
“Di naman ako nag-aaral 24/7,” sabi niya. “Text mo lang ako kapag tapos ka na. Puntahan kita sa inyo.”
Mabuti na lang at nasa harapan ko siya kaya hindi weird na naka-tingin ako sa kanya. Kapag sinabihan niya ako na tinititigan ko siya, mamumula ako. At masyadong maliwanag dito ngayon sa Mcdo. Makikita niya iyong pamumula ng buong mukha ko.
Chase stayed for a few more minutes. Nag-usap lang kami tungkol sa review niya at sa graduation ko. He mentioned na nasabi niya na raw iyong sa akin sa kakilala niya na may-ari ng art gallery.
“Thank you,” I said, sincerely.
“No problem,” sabi niya. “They also do exhibits there—malay mo, isang araw, may exhibit ka na rin,” he continued.
“Parang matagal pa ’yan.”
He shrugged. “Every journey starts with a single step,” he said. “In my opinion, you’re already half-way there. Galing mo magdrawing. Seryoso.”
“Kapag nagustuhan mo ’yung portrait, pwedeng sa ’yo na lang.”
“Seryoso?” he asked, his eyes widening.
Tumango ako. “Kung gusto mo lang.”
“Wow… My first Marian Nicolas art piece.”
Ayan na naman. Bumibilis na naman iyong tibok ng puso ko. Mamaya, maririnig ko na sa tenga ko sa sobrang bilis.
Napa-tingin siya sa relo niya. “Ang tagal ko na pala,” he said as he stood up. “Alis na ako.”
Tumango ako. “Ingat.”
“Text mo ako kapag tapos na ’yung portrait,” he said as he smiled and waved. Pinanood ko lang hanggang sa maka-alis siya. Naglalakad lang siya. Malapit lang ba dito iyong bahay nila o talagang ginawa niyang exercise ang paglalakad papunta sa Mcdo?
Umuwi ako sa bahay ng madaling-araw na para tulog na si Mama. Pagka-gising ko, hindi agad ako lumabas hanggang naririnig ko si Mama na gumagalaw sa labas. Nung marinig ko na lumabas na siya, saka lang ako lumabas para gumawa ng kape para sa akin. Dumiretso ako sa school at doon ko tinuloy iyong pagkukulay sa portrait. It would take a few days for the paint to completely dry.
“Do I really need a plan?” tanong ko kay Chloe.
“Of course!” sabi niya. Nasa likod kami nung old auditorium. Tapos na rin siya sa portrait niya. Her portrait looked… sexually charged for some reason. She said she hooked up with the model.
“Why?”
“Because… this could go in two ways—happy ending or… you know? Not so happy one,” sabi niya. “So, in the event na not so happy, dapat alam mo kung ano ang gagawin mo.”
“Do you really think na iyon ang mangyayari?”
Nagkibit balikat siya. “Hindi ko alam,” sabi niya. “But just in case lang,” sabi ni Chloe. “First time mo, ’di ba? Ayaw mo naman siguro na ngumawa sa harapan niya if ma-reject ka?”
“Hindi naman ako iiyak.”
“Fine… pero just in case, you know?”
Chloe made me demonstrate kung ano ang sasabihin ko kay Chase. Kapag natuyo na iyong portrait, magtetext ako sa kanya. After that, sasabihin ko na gusto ko siya… but I would also tell him that I was not expecting anything at alam ko na busy siya sa exams niya. I just wanted to tell him dahil nalilito na ako tuwing may sinasabi siya. Pagod na akong managinip na masaya kaming dalawa tapos paggising ko, iba naman iyong reality.
“Short and simple,” sabi ni Chloe. “Sabihin mo, ’Intern, I like you.”
“Iyon lang?” tanong ko. Intern ang tawag niya kay Chase kasi hindi ko sinasabi iyong pangalan hanggang ngayon.
Tumango siya. “Yes, para less talk, less mistake,” she replied. “So, if sinabi niya na gusto ka rin niya, e ’di happy happy. Bahala na kayo sa gagawin niyo after, matanda na kayo. Pero kapag… you know,” she added.
I hated that I felt my heart aching at the thought of him rejecting me… but it’s something I needed to get over with. Para matapos na. Hindi naman ako ang unang tao na marereject. I’d be fine.
“Ang sasabihin mo ay ‘Oh. Okay. Got that. Thank you.’ “
“Magpapasalamat ako?”
“Yes. Kasi you’re a classy lady. You won’t beg for love, okay? Hindi tayo ganoon, sis,” sabi niya sa akin. “Ngingiti ka sa kanya tapos magpapaalam ka na uuwi ka na. Tapos sa kwarto ka umiyak, okay? ’Wag na ’wag sa harap niya. As in ’wag kang iiyak sa harapan niya kahit ano ang mangyari kasi I swear, pagsisisihan mo ’yan kahit nasa death bed mo na ikaw. Magfa-flash ’yan sa utak mo tapos magccringe ka, promise.”
Nakinig ako sa lahat ng bilin ni Chloe dahil siya ang expert sa ganito. After a few days, natuyo na rin iyong portrait. Inuwi ko siya sa bahay since dito pupunta si Chase para tignan iyon.
“Sino ’yan?” tanong ni Mama nung makita niya iyong portrait.
“Last project sa school,” I said.
Tumango lang siya. Lumabas din si Mama. Hindi ako nagtatanong kung saan siya pupunta. May chismis na may boyfriend daw siya na pinupuntahan. Medyo naweirduhan ako nung sinabi sa akin iyon nung bumili ako ng pandesal—it was like they were almost expecting me to be mad. Wala naman akong pakielam kung gustong magboyfriend ni Mama—matanda na siya saka matagal ng patay iyong tatay ko. Hindi ko siya pipigilan na magboyfriend kung doon siya sasaya.
Around 10PM, nagtext si Chase na nandoon na raw siya. Paglabas ko, nagulat ako na nandoon siya sa harap ng bahay kung saan kami laging humihinto kapag hinahatid niya ako ng naglalakad.
“Bakit ka nandito?” I asked.
“Delikado maglakad mag-isa kapag gabi,” he said. “Iyan na ba ’yon?” tanong niya habang naka-turo sa hawak ko. Nilagyan ko iyon ng takip pa.
“Yes,” I said. “Gusto mo na makita?”
Tumango siya. Tinanggal ko iyong takip. His lips parted a little habang naka-tingin doon. He blinked thrice. And the he looked at me.
“This… is so nice,” he said.
“Talaga?”
He nodded. “Is this how you see me?” he asked. I nodded. “Wow.”
Hawak niya iyong portrait habang naka-tingin pa rin doon. Huminga ako nang malalim nang ilang beses.
“Chase,” I called his name.
“Yeah?” he replied while still looking at the portrait.
Okay.
Here goes nothing.
“I like you,” I told him. And he looked at me with such surprised look on his face na para bang naka-kita siya ng multo.
**
This story is already at Chapter 12 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 08
Chapter 08
Kita ko iyong unti-unting paglaki ng mga mata niya, iyong pag-awang ng labi niya, iyong pagkurap niya, at iyong paghagod ng mga daliri niya sa buhok niya.
“Oh, wow…” sabi niya habang naka-tingin sa akin. “Thank you, Marian.”
It was my turn to have my lips part. “You’re… welcome,” sagot ko sa salamat niya.
Naka-tingin pa rin siya sa akin. Ibinaba niya iyong portrait at hinawakan gamit iyong kanang kamay niya. “I mean… I’m very flattered that you like me, but… I really am not looking for a relationship right now—with the boards and everything.”
Kinagat ko iyong dila ko para hindi ako maka-sagot. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman ako nagdedemand ng time. Hindi ko rin naman siya kukulitin. Pero dumiretso agad siya rito.
“Oh. Okay. Got it. Thanks,” sabi ko gaya nung turo sa akin ni Chloe. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Marian—”
“Una na ako,” sabi ko sa kanya. “Ingat ka pauwi,” dagdag ko bago mabilis na tumalikod ako at naglakad pauwi. Hindi ako naiyak gaya nung sinabi ni Chloe—ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan kong maka-uwi. Kailangan kong maka-balik sa kwarto ko. Gusto kong humiga sa kama at yakapin iyong unan ko.
Naglakad lang ako nang naglakad.
Narinig ko iyong pagtawag ni Chase sa pangalan ko, pero hindi ako lumingon—nagpanggap lang ako na bingi at walang naririnig. Kailangan ko lang maglakad nang maglakad hanggang sa makarating ako sa bahay namin.
Paghinto ko sa harap ng bahay namin, nakita ko na nandoon si Mama. Naka-tingin siya sa akin. Tapos ay tumingin siya sa likuran ko. Ibinalik niya iyong tingin niya sa akin.
“Pasok na ako,” sabi ko habang nilalagpasan ko siya.
“Sino ’yun?”
“Wala.”
“Bakit hawak niya ’yung painting mo?”
Hindi ako sumagot. Nagdiretso lang ako sa paglalakad papasok ng bahay. Ayokong makipag-usap sa kanya. Ayokong makipag-usap kahit kanino pa. Gusto ko lang mapag-isa.
“Ma—” I said, frustrated, nang marinig ko na sundan niya ako sa kwarto ko.
“Boyfriend mo ba ’yon?”
“Hindi.”
“Bakit ganyan itsura mo? Na-basted ka?”
Huminga ako nang malalim. Nararamdaman ko na iyong paghapdi ng paligid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito siya sa akin. Anak niya rin naman ako. Anak niya ba ako?
“Ampon ba ko?” tanong ko habang naka-tingin sa kanya—habang unti-unting nanlalabo iyong paningin ko.
“Anong klaseng tanong ’yan?” galit na sagot niya.
“Kasi iyon lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ganyan ka sa ’kin? Baka hindi mo naman talaga ako anak kaya ka ganyan,” sabi ko habang mabilis na pinupunasan iyong luha na tumutulo galing sa mata ko. Hindi ko alam kung ano na iyong iniiyakan ko—kung iyong nangyari kanina kay Chase o iyong galit na nararamdaman ko kay Mama na ilang taon kong tiniis.
“Kasi kung anak mo ako, bakit ’di mo na lang ako suportahan? Bakit ikaw iyong unang nanghahatak sa akin pababa, ha, Mama? Mahirap ba talagang gawin ’yon? Mas madali ba na hilahin ako pababa? Ganon ba ’yon?”
Napaawang iyong labi niya. “Aba, Marian Eliana, sumu-sobra ka na!”
“Mas sumu-sobra ka, Mama! Lagi ka na lang ganito sa ’kin! Lagi mo na lang ako kinukumpara kay Kuya, kay Celine, sa lahat ng kakilala mo! Kung ayaw mo talaga sa ’kin, sabihin mo na ngayon! Ano?”
“Aba’t—”
“Gusto mo ba mamatay na ko?! Para wala ka ng problema?!”
“Marian!” sigaw niya sa akin. “Wag mo akong sigawan! Nanay mo ako!”
“Anak mo ako! Bakit hindi mo ako mahal?!”
Ramdam na ramdam ko iyong pagsikip ng dibdib ko. Halos hindi ko na siya makita dahil sa luha sa mga mata ko. Gusto ko ng umalis dito. Ayoko na dito. Sawang-sawa na ako dito.
Kinuha ko iyong bag ko at naglakad palabas.
“Saan ka pupunta?!”
Hindi ako nagsalita.
Ayoko na siyang kausap.
“Kung aalis ka ngayon, ’wag ka ng babalik!”
Hindi na talaga.
Hindi na ako babalik dito.
“Pupunta ka don sa lalaki na ’yon, Marian? Mayaman ’yon! Hindi natin ka-uri ’yon! Kailan ka ba magigising sa katotohanan?!”
Huminto ako at humarap sa kanya.
“Sana hindi na lang ako pinanganak,” sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung ano ang plano ko. Naglakad lang ako nang naglakad sa ilalim ng buwan.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglalakad hanggang makaramdam ako ng pagod. Kinuha ko iyong cellphone ko at tinignan kung sino ang pwede kong tawagan doon. Hindi ko pwedeng tawagan si Chloe dahil nakikitira lang din siya sa mga tita niya. Wala akong ibang kaibigan. Alam ko naman na ayaw nila sa akin dahil sa ugali ko. Hindi ko pwedeng tawagan si Kuya. Hindi ko pwedeng tawagan si Ate Niles.
“Sino ’to?”
“Si Marian,” sagot ko.
“Bakit ka napa-tawag, little devil?”
Huminga ako nang malalim. “Alam ko ayaw mo sa ’kin, pero pwede mo ba akong puntahan ngayon?”
“Umiiyak ka ba?”
“Pwede mo ba akong puntahan?” sagot ko habang pinipigilan iyong paghikbi ko.
“Oo naman. Nasan ka ba ngayon?”
“Hindi ko alam.”
“Nasa daan ka ba? Safe ka ba? Kung nasa daan ka, punta ka sa pinaka-malapit na 7-11 o fast food tapos text mo ako ng location mo,” diretso niyang sabi sa akin.
“O-okay…”
“Tawagan ko ba—”
“Wag mong sabihin kay Kuya… Please.”
“Okay… pero mag-aalala ’yon.”
Hindi ako sumagot. Alam ko naman. Pero palagi na lang ba siya ang iisipin ko? Paano naman ako? Ayoko ng umuwi talaga. Mas gusto ko na lang tumira sa kalsada kaysa umuwi sa bahay.
“Thank you,” sabi ko kay Yanyan nang abutan niya ako ng tubig.
“No problem,” sabi niya. “Magpahinga ka na. Bukas na natin pag-usapan ’yan.”
Tumango ako. “Pasensya na sa abala.”
“Sus, wala ’yon,” sagot niya sa akin. “Iyan ’yung kumot mo. May bagong toothbrush naman sa CR. Kapag nagutom ka, may pagkain ata sa ref. Kapag wala, pasensya muna.”
“Okay…”
Tumayo siya. Tumingin siya sa akin. “Okay. Sige, good night na.”
Pinilit kong matulog, pero naramdaman ko iyong pagvibrate ng cellphone ko. Nakita ko iyong pangalan ni Chase doon.
‘Hey, Marian. Can I call?’
Hindi ako sumagot.
‘I just want to talk. I feel really awful. Please reply kapag pwede na akong tumawag.’
Ibinaon ko sa loob ng bag ko iyong cellphone ko.
Gusto ko na lang kalimutan na nangyari iyong araw na ’to.
“Aga mo namang nagising,” sabi ni Yanyan nung magka-tinginan kami nung lumabas siya ng kwarto niya.
Agad akong naupo. “Thank you ulit sa kagabi,” sabi ko sa kanya.
“Welcome,” sagot niya. “Umorder ako sa Mcdo. Tinatamad akong magluto.”
Mcdo.
Si Chase.
Naalala ko na naman iyong nangyari.
Baka tama nga si Mama—masyado akong nangarap. Bakit naman ako magugustuhan ni Chase? Sariling nanay ko nga ay ayaw sa akin. Wala akong maipagmamalaki.
“Hindi na ako makiki-kain, nakaka-hiya.”
“Ay, may hiya ka pala?” Napa-tungo ako. “Uy, joke lang! Akala ko normal na sa atin ’yung pagiging balahura.”
Tumingin ako sa kanya. “Sorry sa ugali ko dati. Alam ko masama iyong ugali ko. Sorry.”
“Uy, Marian, ano’ng nangyayari sa ’yo? Kinakabahan ako sa ’yong bata ka.”
Umiling ako. Ramdam ko iyong pagsikip ng dibdib ko. Naiinis ako na naiiyak na naman ako. Hindi pa ba ’to tapos? Kagabi pa ako umiiyak.
“Okay lang ako.”
“Anong okay? Kagabi ka pa umiiyak,” sabi niya sa akin at inabutan ako ng tissue at baso ng tubig. “Ano ba ’yang problema mo? Gusto mo magshare?”
Umiling ako.
“Okay,” sabi niya. “Pero maghanap ka ng sasabihan mo, kahit sino. Masama ’yang ganyan na sina-sarili.”
Tumango ako.
“Good,” sabi niya. “Kumain ka muna. Naka-order na ako.”
Tahimik kaming kumain nung dumating iyong order niya. Pagkatapos nun, nagpaalam na ako para pumunta sa school, pero sabi ni Yanyan na maligo muna ako para maging presko iyong pakiramdam ko. After ko maligo, papasok na rin siya sa trabaho kaya hinatid niya na ako sa school.
“Thank you,” sabi ko nung maka-rating kami sa school. “Wag mo na lang sabihin kay Kuya na nakita mo ako.”
Tumango siya. “Magtext ka ’dun, though. Mag-aalala ’yon.”
“Okay,” sabi ko. Magtetext ako kapag okay na ako. Ngayon, gusto ko lang kalimutan iyong nangyari kagabi. Gusto ko lang maging busy.
Dumiretso ako sa locker ko at inilagay iyong ibang gamit ko roon. Nanghiram ako ng canvas kay Chloe at sinabi ko na babayaran ko na lang. Nung tinanong niya ako kung ano nangyari doon sa natapos kong portrait, hindi ako nakapagsalita. Tinapik niya lang iyong balikat ko at hinayaan ako nag magdrawing.
Ayokong idrawing iyong mukha niya, pero hindi ko maalis sa isip ko iyong itsura niya kagabi nung marinig niya na sabihin ko na gusto ko siya—iyong pagka-bigla at pag-aalala sa mukha niya… iyong takot. Bakit? Dahil ba kapatid ako ni Dr. Nicolas? Takot ba siya dahil baka sabihin ko kay Kuya at baka magalit sa kanya? Iyon ba iyong dahilan sa reaksyon niya kagabi?
Hindi ako nakaramdam ng gutom. Binigyan ako ni Chloe ng pagkain, pero hindi ko makuhang kainin ’yon. Madilim na sa labas nung matapos ako. Bukas ko na lang itutuloy. Deadline na sa isang araw. Makaka-graduate din ako. Kahit ito man lang magawa ko.
Nagcheck-in ako sa murang hotel para doon magpa-lipas ng gabi. Bukas ako maghananap ng matitirhan ko pansamantala. Hindi ako hihingi ng tulong kay Kuya dahil alam ko na isusumbat sa akin ni Mama ’yon. Pinatay ko iyong cellphone ko dahil may text na naman galing kay Chase. Ayokong basahin. Nakaka-pagod maka-basa ng sorry galing sa tao na sinabihan mo na gusto mo siya.
Kinabukasan, dumiretso ako sa school. Tinapos ko iyong drawing ko at sinimulan kong magkulay. Napadaan iyong adviser ko.
“Iba ’to sa ginagawa mo noon,” sabi niya.
“Nawala po ’yung una,” sagot ko.
“Mas maganda ’to,” she said. “This feels different than your other works, Marian. This looks… almost haunting.”
“Thank you po.”
“Galingan mo—ieexhibit lahat ng portraits niyo. Who knows? This might open an opportunity for you.”
Sana.
Sana iyong malayo para maka-alis na ako rito.
Nang magdilim na, lumabas na ako para bumalik sa hotel. Nagbayad ako para sa isang linggo na stay. Kailangan kong matapos muna iyong portrait ko. Maghahanap ako ng apartment. Magoonline job muna ako. May ipon naman ako—sapat na ’yon para sa dalawang buwan.
Tumawag bigla si Kuya. Tinignan ko lang iyon hanggang sa mamatay iyong tawag. Tumawag ulit siya. Naka-limang tawag siya bago ako maka-tanggap ng text.
‘Nasaan ka? Sumagot ka sa tawag.’
’Sabi ni Mama naglayas ka raw dahil sa lalaki. Si Viste ba ‘yon? Kasama mo ba siya ngayon?’
Ampon nga siguro talaga ako.
’Kung ’di ka sasagot, Marian, pupuntahan ko ‘yang si Viste sa bahay nila.’
Kapag pumunta siya roon, iisipin ni Chase na nagsumbong ako kay Kuya—iisipin niya na sinisira ko iyong pangarap niya.
‘Wala ako don.’
Tumawag si Kuya.
“Nasaan ka?”
“Basta.”
“Anong basta? Nasaan ka, Marian?”
“Okay lang ako,” sabi ko sa kanya. “Okay lang ako, Kuya.”
“Marian—”
“Magiging okay din ako, promise…” sabi ko tapos ay huminga ako nang malalim. “Wag mo na akong hanapin, okay? Hindi naman ako aalis ng ’di nagpapaalam sa ’yo,” dugtong ko bago tinapos iyong tawag.
**
This story is already at Chapter 13 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 09
Chapter 09
Hindi na ako nabigla pa nung makita ko si Kuya at Ate Niles sa may labas nung lugar kung saan gaganapin iyong exhibit nung mga portraits namin. Nasabi ko na kay Kuya ’to dati. Nagsabi rin siya dati na pupunta siya. He’s always been supportive of what I wanted to do. I would always be thankful for that.
Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papunta sa kanila. Wala namang ibang daan kundi doon. Besides, wala naman akong balak umiwas sa kanila. Wala namang kasalanan si Kuya sa mga ginagawa ni Mama sa ’kin.
“Hi,” sabi ko nung maka-lapit ako.
“Ayos ka lang?” tanong ni Kuya.
Tumango ako. “Kumakain naman ako three times a day,” sabi ko sa kanya.
Tumango siya. “Saan ka naka-tira?”
“Apartment,” sabi ko kasi naka-hanap na ako ng apartment. Medyo nahirapan ako maghanap kasi lahat sila nanghihingi ng one month advance, one month deposit. Ayoko naman na doon dalhin lahat ng pera ko kaya medyo natagalan bago ako naka-hanap ng papayag na one month deposit lang ang ibigay ko. Tinulungan ako ni Chloe na maghanap.
“Safe?” I shrugged. “Marian,” sabi niya sa tono na papagalitan ako.
“Punta kami dun after?” sabi ni Ate Niles. “Kung hindi safe, e ’di tulungan natin maghanap ng safe,” sabi niya kay Kuya na tumango na lang.
“Okay,” sagot ni Kuya tapos tumingin sa akin. “Okay ka don?”
Tumango ako. Sabay kaming pumasok sa loob. Tahimik lang ako habang naglilibot kami para tignan iyong mga naka-display na portrait. Nakita ko naman na iyong iba rito kaya hindi na ako ganoon ka-excited.
“Ang galing naman…” sabi ni Ate Niles habang naka-tingin sa portraits. “For sale ba mga ’to?” Tumango ako. “Mukhang mapapa-bili ako, ah,” she said as she continued to roam around the hall.
Mukhang nag-e-enjoy si Ate Niles sa paglilibot. Pumunta ako roon sa dulo para maupo. Mayamaya, naupo sa tabi ko si Kuya.
“Galit ka ba?” tanong ko sa kanya. Alam ko naman na hindi lang siya makapagsalita kanina dahil nandoon si Ate Niles.
“Di ako galit—nagtatampo ako,” sagot niya sa akin. “Akala ko kampi tayo? Bakit ’di ka nagsabi sa akin na aalis ka sa bahay? At least napuntahan man lang kita o nabigyan ng pera para sa maayos na lugar ka sana natulog kung ayaw mo sa condo.”
“Ewan,” sabi ko sa kanya. “Bakit ang bilis mong maniwala kay Mama na lalaki ang dahilan kung bakit ako umalis?”
Napa-tingin ako sa kanya. Naka-tingin siya sa sahig.
“I deserve that,” sagot niya. “Unang pumasok sa isip ko—nawawala iyong kapatid ko. Hindi sumasagot sa tawag ko. Sumagot ka lang nung binanggit ko si Viste. That was my line of thought.”
Tumango ako. “Wag mong idamay ’yon,” sabi ko sa kanya. “Mukha kang tanga, Kuya, kung idadamay mo evaluation niya.”
Kumunot ang noo niya. “Tingin mo sa ’kin, unprofessional?” he asked like he was offended. “Matagal ko ng na-submit evals niya.”
“Maayos ba?”
He shrugged. “Confidential,” sabi niya. “Pero bakit ka umalis?”
I shrugged, too. “Yung dati pa rin.”
“Sorry,” sabi niya.
“Di mo naman kasalanan,” sagot ko.
“Di ko alam bakit ganon si Mama.”
“Di ko rin alam.”
Natahimik kaming dalawa.
“Basta hindi na ako uuwi,” sabi ko sa kanya.
Tumango siya. “Okay.”
“Di mo ako pipilitin umuwi?”
Umiling siya. “Basta hindi mo ako pagtataguan,” sagot niya sa akin. “Kapag kailangan mo ng kahit ano, magtext o tumawag ka kasi. Akala mo naman ’di mo ko kapatid.”
Napa-ngiti ako. “Okay.”
Nag-usap lang kami ni Kuya sa kung ano ang plano ko ngayon na tapos na ako sa requirements ko at ang hinihintay ko na lang ay iyong graduation ceremony. Sinabi ko sa kanya na balak kong magtrabaho sa art gallery, pero mukhang malabo na iyon dahil wala na akong balak kausapin pa si Chase. Malinaw naman iyong sinabi niya sa akin na wala siyang time. Hindi ko naman ipipilit kung ayaw niya. Balak kong ituloy iyong pagiging VA ko—kukuha ako ng mga seminars and certificate para mas lumaki iyong sweldo ko. Mas gusto ko na iyon dahil kontrolado ko iyong oras ko.
Three days iyong exhibit. After namin doon, umalis na kami. Naka-bili si Ate Niles ng painting. Mukhang masaya naman siya sa nabili niya dahil kinausap niya pa iyong artist at ininterview niya sa background nung painting. After nun, nilibre nila akong dalawa ng lunch. Tapos ay pumunta siya sa apartment na nakuha ko. Naka-tingin ako kay Kuya habang iniinspect niya iyong lugar.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Ate Niles nung umalis si Kuya. Nasa labas siya ng apartment at kausap iyong landlord ko.
“Ayos naman,” sagot ko.
Tumango siya. “Kapag may kailangan ka, text ka lang sa ’kin, okay? Kung ayaw mong sabihin sa Kuya mo, ’di ko sasabihin, promise.”
Tumingin ako sa kanya. “May sinabi ba si Yanyan sa ’yo?”
Kumunot ang noo niya. “Wala, bakit? Inaway ka na naman ba?” she asked. Mukhang wala nga siyang alam. Hindi nga nagsabi si Yanyan.
Umiling ako. “Hindi,” sabi ko.
“Ah… okay. Pero ’yung sinabi ko, ha?” she asked, looking at me. “Alam ko ’yung ganyang feeling…”
“Alin?”
“Yung parang never kang naging enough,” she said. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “I mean, okay na ako ngayon, pero same tayo dati nung nag-aaral pa ako. ’Di mo naman kailangang magkwento sa akin kung naiilang ka, basta ang akin lang, if may kailangan ka, kahit ano, text mo lang ako. Marunong akong magtago ng secret.”
Tumingin ako sa kanya. Kinwento siguro ni Kuya iyong sa amin ni Mama. Naiilang ako kasi… wala lang. Pero ’di ko naman masisi kasi mag-asawa sila. Malay ko ba sa pinag-uusapan nilang dalawa.
“Anong sinabi mo?” tanong ko kay Kuya nung bumalik na siya.
“Wala naman,” sagot ni Kuya. “Nagbayad ka na pala ng isang buwan?”
Tumango ako. “Ayoko ibigay lahat ng pera ko, e.”
Tumango si Kuya. “Mukhang safe naman dito,” sabi niya. “Pero kung gusto mong lumipat—”
Umiling ako. “No, okay na ako rito,” sabi ko sa kanya. Ayoko na forever niya akong susuportahan. Besides, may nakuha naman na ako sa dalawang gig ko as VA. Hindi naman siguro ako magugutom as long as I spend within my means. Pinaka-pinagkaka-gastusan ko lang naman ay iyong art supplies ko.
Akala ko ay aalis na sila Kuya after, pero sinama nila ako. Nagulat na lang ako at dinala nila ako sa supermarket. Pina-kuha nila ako ng kailangan ko. Pinilit ako ni Kuya kaya pumayag na ako. After nun, hinatid ako pabalik sa apartment. ’Di ko napansin na bumili pala si Kuya ng lock sa pinto at ininstall niya iyon.
“Thank you,” I said nung matapos siya sa pag-iinstall.
Tumango si Kuya. “No problem,” sagot niya.
After nila umalis ay nagtrabaho na ako. Kinabukasan, kinailangan kong bumalik sa exhibit dahil required na nandoon kami in case na may gustong kumausap sa amin tungkol sa art namin. Narinig ko na may dalawa na akong ka-batch na naofferan ng scholarship. Good for them. Hindi ko rin sigurado kung ito ba talaga ang magiging trabaho ko. Kung hindi, at least maging hobby ko na lang. But I would really try to make it as an artist—para hindi ko masasabi sa sarili ko sa future na what if kaya kung sinubukan ko talaga?
Ayoko ng regret.
Nung huling araw, maaga akong dumating. After nito, ’di ko na makikita iyong mga kaklase ko bukod sa graduation. ’Di naman ako close sa kanila masyado, pero araw-araw ko silang nakasama sa loob ng four years.
“Marian,” sabi ni Chloe.
“Bakit?”
“Wag kang lilingon,” sabi niya.
Kumunot ang noo ko. “Bakit?”
“I think… I think nandito si Intern.”
Mas lalong kumunot ang noo ko. “Sigurado ka ba?”
“Sure ako—tatlong araw ko na nakikita itsura niya sa portrait mo,” sabi niya sa akin habang naka-tingin sa may likuran ko. “Nandito nga siya. Positive, Marian. Shet. ’Wag kang bibigay, sis! Hindi maghahabol—”
Natigilan siya. Napa-kunot ang noo ko. Tapos ay tumaas ang balahibo sa batok ko nang marinig ko iyong pagtawag niya ng pangalan ko.
“Marian,” sabi niya mula sa likuran ko. Naka-tingin ako kay Chloe na nginitian ako bago mabilis akong iniwanan. Ipinikit ko ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim. Humarap ako sa kanya. “I’m sorry for coming here uninvited,” dugtong niya.
“Public event naman ’to,” sagot ko sa kanya.
Naka-tingin siya sa akin. Kita ko iyong guilt sa mukha niya. I hated it. Parang ang kawawa ko sa paningin niya.
“May kailangan ka ba?” I asked.
“I just want to know that you’re okay.”
“Bakit naman hindi ako magiging okay?” balik na tanong ko sa kanya. Na-reject niya ako, pero hindi naman katapusan ng mundo ’yon. Hindi naman sa kanya umiikot ang mundo ko.
“I don’t know,” sagot niya. “Hindi ka sumasagot sa mga text ko.”
“Busy ako.”
“You could’ve replied.”
“Do I have to?” balik tanong ko sa kanya.
“Marian—”
“Look, sinabi ko sa ’yo na gusto kita—sinabi mo na hindi mo ako gusto.”
“I did not say that,” sagot niya.
“What?”
“I said—” sabi niya pero napa-tingin ako sa gilid ko nung marinig ko na tinawag iyong pangalan ko ng adviser ko.
“Marian, this is Mrs. Dela Riva,” sabi ng adviser ko. “She’s very interested in your piece,” dugtong niya.
Tumingin ako kay Chase na tumango sa akin na parang sinasabi niya na okay lang na umalis na ako. Sumama ako sa adviser ko. Lumakad kami papunta sa may art ko. Tinanong lang sa akin nung babae kung ano iyong inspiration sa art ko.
“If you don’t mind… He’s the inspiration, right?” tanong niya sa akin habang naka-tingin kay Chase na naka-tayo lang sa harap ng isa sa mga art pieces.
Tumango ako.
“But your art looks so sad.”
“I was sad when I made that,” sagot ko.
“Dahil sa lalaki?” she asked.
“Not entirely,” sagot ko. “It was a lot of things…”
Napa-ngiti siya. “You remind me of myself when I was younger,” sabi niya sa akin. “I used to paint, too,” she said.
“Hindi na ngayon?”
“I was forced to make a choice between passion and practicality—I chose the latter,” she replied.
“Nagsisisi ka ba?” I asked.
“Not really—money’s good,” sabi niya habang naka-ngisi. “But I made it my life’s mission to help young artists so that they won’t have to make the decision that I was forced to make,” dugtong niya habang naka-tingin sa akin. “Are you interested?”
Napa-kunot ang noo ko. “In?”
“Being my scholar?” she asked.
Nanlaki ang mga mata ko. “Ako?” I asked dahil hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Ang daming talented na tao sa lugar na ’to… kaya bakit ako?
Tumango siya. “You’ll attend a one year program abroad, all expenses paid, but you have to work for me after—three years, exclusive. After that, you’re free to explore,” sabi niya sa akin at saka inabutan ako ng card. “You can contact my secretary for more information, but I’d need a decision within this week,” dugtong niya bago nagpaalam.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tingin doon at naka-titig lang sa hawak ko na card.
What… was happening?
“Marian,” pagtawag sa akin ni Chase. Ni hindi ko napansin na lumapit pala siya sa akin.
“Ha?” tanong ko.
“Busy ka pa ba?” he asked.
“Hindi ba busy ka sa pagrereview?” tanong ko dahil halos isang oras din kaming nag-usap ni Mrs. Dela Riva. Kanina pa pala naghihintay si Chase sa akin.
Imbes na sumagot, nakita ko na naka-tingin siya sa portrait niya sa likuran ko.
“This is different,” sabi niya. “You made a different one.”
Tumingin din ako roon. “Nasa ’yo ’yung isa.”
“You could’ve asked me to give it to you.”
I shrugged. “Mas madali na gumawa ng bago,” sabi ko sa kanya. I didn’t cry when he rejected me, but that one hurt. Para kasing ang bilis ko nagka-gusto sa kanya. Sandali ko pa lang naman siyang kilala. Kasalanan ko rin naman—naging mabait lang siya sa akin, nagka-gusto agad ako. Ganoon siguro talaga kapag kulang ka sa pansin at pagmamahal—nahuhulog ka sa kahit konting pagpapa-kita ng halaga sa ’yo.
Ang baba pala ng standard ko.
“Wag kang ma-guilty,” sabi ko sa kanya dahil alam ko na iyon ang dahilan kung bakit nandito siya. “I’ll be fine. I’ll move on from you. Eventually,” dugtong ko at ngumiti sa kanya bago naglakad paalis.
**
This story is already at Chapter 15 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 10
Chapter 10
Paglabas na paglabas ko sa eroplano, ang una kong ginawa ay ang kumunek sa wifi sa eroplano. Mahigpit na bilin sa akin ni Kuya na magmessage ako sa kanya pagdating ko rito sa Heathrow airport. Pumayag na ako dahil either iyon, o sasamahan niya ako rito sa London hanggang makapagsettle down ako. Nung maka-connect ako sa kanya, nagsend lang ako ng message na ‘Dito na ako.’ Pumunta ako sa gallery para tignan iyong instruction na binigay sa akin ni Mrs. Dela Riva. Kailangan ko lang hanapin iyong train tapos alam ko na kung saang station ako baba. Maglalakad lang daw ako mula sa station tapos mararating ko na iyong flat na titirhan ko. Iniwan na rin daw nung nag-aayos iyong susi sa box. Nasa akin na rin iyong code ng box.
Okay.
Kaya ko ’to.
It took me almost three hours bago ako makarating sa flat. Muntik na akong maligaw, pero at least nandito na ako. Sobrang lamig. Halos hindi ko na maramdaman iyong mukha ko dahil sa lamig. Paano pa kaya kapag winter na? Baka ikamatay ko iyong lamig dito.
Ibinaba ko iyong mga gamit ko. Tumingin ako sa paligid. Ni hindi ko alam na naka-ngiti na pala ako kung hindi pa napa-dako sa salamin iyong mga mata ko.
’Ito na ‘yon,’ bulong ko sa sarili ko.
The first few days weeks were hard. Wala akong kakilala, pero hindi naman problema sa akin iyon dahil sanay naman ako na walang kaibigan—mas problema ko si Kuya na kailangan lagi akong tumatawag at nagtetext sa kanya. Kinailangan ko pang tawagan si Ate Niles at makiusap sa kanya na kausapin si Kuya. Si Ate Niles kasi iyong nagbilin sa akin bago ako umalis sa Maynila. Nagtrabaho din kasi siya sa Japan kaya alam niya iyong feeling ng nasa ibang bansa naka-tira. Mukhang nagwork naman dahil naging kailangan ko na lang magtext bago ako matulog para masigurado ni Kuya na naka-uwi ako ng safe sa flat.
“So… kamusta d’yan?” tanong ni Chloe.
Nagkibit-balikat ako. “Okay naman.”
“May naka-date ka na?”
“Isang buwan pa lang ako rito,” sagot ko.
“Exactly—one month na!” she said exaggeratedly. “Daming blue eyes d’yan! It’s your time to shine.”
“Kung makapagsalita ka parang ang dali lang nun,” sabi ko sa kanya habang nagluluto ako ng dinner ko. Ayokong kumain sa labas dahil ayokong gumastos. Kasama sa binigay ni Mrs. Dela Riva iyong monthly stipend, pero tinitipid ko iyon. Iniisip ko kasi na pagbalik ko sa Maynila, syempre kailangan ko ng titirhan ulit. Balak ko nga rin magpart-time job dito kaya lang nung nagtanong ako, hindi daw pwede sa visa ko. Ayoko naman na magkaroon ng problema kaya hindi na lang. At least makakapagfocus ako sa pag-aaral ko.
“Nakapagpractice ka naman na kay intern—” sabi niya tapos ay natigilan siya. “Oops. Sorry.”
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang. Baka bawal lang syang pag-usapan.”
“Bakit naman?” tanong ko. Ngayon ko lang na-realize na ang tagal na pala nung huli kong inisip si Chase. Masyado kasi akong naging busy simula nung tanggapin ko iyong alok ni Mrs. Dela Riva hanggang sa pag-aayos ng papers ko hanggang sa pagpunta rito at pag-a-adjust. Wala akong panahon na mag-isip pa tungkol sa ibang bagay.
“Kasi… ewan. Moved on ka na ba?”
“Paano ba masasabi kapag moved on na?”
Nagkibit-balikat siya. “You know what? Hindi ko rin alam for sure… siguro kapag naiisip mo siya tapos hindi na masakit?”
Kapag iniisip ko si Chase, masakit ba? Hindi naman. More on… nanghihinayang. Because I really like him—but he didn’t like me. That was enough for me to stop. Kasi ayoko na ipilit iyong sarili ko. Siguro ngayon, kung papipiliin ako, mas pipiliin ko iyong tao na mahal ako kaysa sa mahal ko. Wala lang… masarap siguro sa pakiramdam na mahalin ka kaysa ikaw lang iyong nagmamahal. Ano kaya ang pakiramdam nun? Mararamdaman ko kaya ’yon?
“Anyway, ’wag na natin pag-usapan ’yon,” Chloe said kahit siya naman ang nagbring up kay Chase. “Lumalabas ka man lang ba d’yan?”
“Kapag may pasok.”
“May gwapo ka bang classmate?”
I shrugged. “Meron naman,” sabi ko. Hindi naman ako bulag.
“Try mong makipagfriends!”
“Hindi ako ganon.”
“I know, pero nandyan ka na. Hindi ka ba nanghihinayang sa experience?” she asked. “Saka ikaw na rin ang nagsabi sa akin na gusto mo na magbago—hindi iyong kagaya nung dati na halos ayaw mong kausapin lahat kaya nga ako lang ang kaibigan mo buong college, e. Ito na iyong time mo for a do-over.”
Sinubukan ko na sundin iyong sinabi ni Chloe. Sinubukan kong makipagkaibigan sa school, pero sa tuwing sisimulan ko na, umuurong ako. Hindi ko alam kung kulang lang ako sa practice o talagang nakaka-kaba na makipagkaibigan. Lagi akong natitigilan. Hindi na ako magtataka kung iniisip ng mga tao sa classroom na pipi ako.
After class, it seemed like it was a good day to walk. Naglakad-lakad ako sa campus hanggang sa mapagod ako. Dumiretso ako sa isang coffee shop. I ordered iced coffee. Naalala ko si Chase. Malapit na iyong exam niya. Sigurado na nagrereview siya. Sana magtop siya.
I was quietly sketching dahil ang ganda ng panahon. Doon ako sa labas ng café naka-upo. Nung mapagod ako, kinuha ko iyong cellphone ko. Kukuhanan ko sana ng picture iyong kape ko pero biglang may bumangga sa likuran ng upuan ko. Agad akong napa-tingin doon.
“I’m so sorry,” biglang sabi nung isang lalaki.
“It’s fine,” sagot ko.
“I told you not to fucking shove me,” sabi niya roon sa lalaki na nasa likuran niya. Ibinalik niya iyong tingin niya sa akin. “I’m sorry again,” ulit niya. “I’ll just replace your sketch pad. Can I buy you another cup of coffee for now?”
“No, thanks,” mabilis na sagot ko. Tumayo ako at saka naglakad paalis. Ganito rin iyong nangyari noon kay Chase—natapunan niya iyong sketch pad ko. Pinalitan niya. Tapos nauwi sa pagsasabi niya sa akin na ayaw niya ng girlfriend. Nandito ako sa London para mag-aral ng isang taon tapos ay uuwi rin ako sa Pilipinas. Ayokong ubusin iyong oras ko para sa ganoong bagay.
Dumiretso ako sa flat at nag-ayos ng portfolio roon at nagreview. Kinabukasan, pumasok ulit ako sa klase. Tahimik akong nakikinig sa lectures at nagsusulat ng notes ko. After nun, mayroon akong two hours break. Ayoko na umuwi sa flat kaya naman naghanap lang ako ng pwedeng maupuan habang naghihintay. Naka-hanap ako ng upuan sa ilalim ng puno. Mukhang malinis naman kaya naupo lang ako roon. Suot ko iyong earphones ko at nagsulat ng mga idea na pwede kong gawin. Base kasi sa syllabus, malapit na mag-announce ng requirement. Gusto ko lang maging handa. Ayokong mapa-hiya kay Mrs. Dela Riva.
Habang tahimik akong nagsusulat, napansin ko na may isang pares ng paa sa harapan ko. Naka-suot iyon ng white Nike air max. Hindi naman sana ako titingin dahil baka napadaan lang, pero nandoon lang iyong mga paa kaya naman napa-tingala ako.
“Hi,” sabi niya sa akin.
“Hi,” sabi ko dahil sa akin siya naka-tingin. Unless banlag siya at iyong puno sa likuran ko ang kausap niya, it was safe to assume na ako ang kausap niya.
“Coffee,” sabi niya habang naka-stretch ang kamay sa akin.
Hindi ako gumalaw. Bakit ba niya ako sinusundan?
“It’s safe, I promise,” dugtong niya.
“If it’s poisoned, of course you won’t tell me it is poisoned,” sagot ko sa kanya.
Tumango siya. “Fair enough,” sabi niya sa akin. “Do you want me to take a sip? But then again it’s unhygienic.”
Naka-upo pa rin ako at naka-tingala sa kanya habang kausap niya ako. Kulay brown iyong buhok niya pero kulay blue iyong mga mata niya. Kita ko rin iyong kaunting freckles sa may bandang ilong niya at saka pisngi niya.
“If it’s about yesterday, I told you it’s fine.”
“If I remember it correctly, you just walked out on me,” sabi niya.
“And that should’ve been clue number one,” sagot ko.
Natawa siya. “Okay,” sabi niya. “But for the record, have we met before? Because I’m sensing some negative energy here.”
Napairap ako at saka tumayo. I frowned dahil mas mukhang naging bata ako dahil sa tangkad niya. But in my defense, matangkad lahat ng tao rito at minsan mukha akong bata na naliligaw. Ilang beses na akong hiningan ng ID dito dahil mukha ata akong minor. Minsan pa ay hinanap sa akin iyong nanay ko.
“I’m sure you’re not losing sleep over this, but in any case that you are, I am telling you—I’m fine. I have other sketch pad. My life won’t turn into crumble just because you made me spill my coffee on my sketch pad.”
“See? That’s what I thought—you’re obviously mad.”
Umirap na naman ako. “Fine,” sagot ko. “What can I do for you to drop this?”
“Thank you,” sabi niya at saka mayroong kinuha sa bag niya. Biglang mayroon siyang inilabas na sketch pad doon. “Here,” dugtong niya habang inaabot sa akin iyon.
“Were you just carrying this around?”
“Yeah—I had this feeling that I’ll see you again.” Umirap na naman ako. Tumawa siya. “You can just say thank you, you know? But sure—rolling your eyes works just as fine.”
“Thank you,” I said habang gumagamit ng air quotations.
“You’re welcome,” sabi niya. “I’m George, by the way. You are?”
“Leaving,” sagot ko sa kanya bago nagpasalamat ulit at naglakad paalis. Ayoko ng round two.
Pagdating ko sa flat, ibinaba ko iyong mga gamit ko. Nagpalit muna ako ng damit. Nagluto ako ng pagkain ko. Habang kumakain ako ay nanonood ako ng anime. Naghugas na rin ako ng pinagkainan ko. Nagtext na ako kay Kuya na nasa flat na ako. Sinubukan kong matulog, pero hindi ako maka-tulog. Kinuha ko iyong binigay sa akin na sketch pad para doon sana ako magdrawing. Pagbukas ko nun, napa-kunot ang noo ko nung makita ko na mayroong sticky note na naka-dikit sa pinaka-unang page.
’I have a feeling that you’ll walk out on me again. But in any case you wanna hang or anything, give me a ring.
George Davies (you can google me I promise I’m not some weirdo)
+447000123456’
Naka-titig lang ako sa sticky note. Alam ko na dapat itapon ko na iyon sa basurahan, but for some reason, kinuha ko iyon at idinikit sa may ref.
**
This story is already at Chapter 16 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 11
Chapter 11
“I’m gonna visit you,” sabi ni George sa akin.
“No, thanks,” sagot ko sa kanya habang ibinababa ko mula sa trunk ng sasakyan niya iyong mga gamit ko. Ngayon na iyong uwi ko sa Pinas. After more than a year, babalik na ako. Last month iyong tapos nung program ko. Hindi ko sinabi kila Kuya dahil baka magsabi pa sila na pupunta sila rito. After nun, kinailangan ko pa ng dalawang linggo para ayusin iyong mga kailangang ayusin dito—iyong mga gamit ko pati mga record ko sa university. Tapos ay nag-aya pa sila George na pumunta raw kami sa Switzerland. Pumayag na ako dahil hindi ko rin alam kung kailan ko sila makikita ulit. Wala naman akong pera para bumili ng ticket pabalik sa London.
“I’m glad that you’re excited, as well,” sagot niya sa akin.
Nang maibaba niya na iyong tatlong maleta ko (dalawa lang talaga iyong akin, ibinigay niya sa akin iyong isang maleta pa kahit sinabi ko na ’wag na at iiwan ko na lang iyong ibang gamit ko rito) tumingin siya sa akin.
“Can I, at least, get a hug?” tanong niya.
Umirap ako at saka niyakap siya. Dalawang segundo lang ang balak ko sana kaya lang ay ayaw niya akong pakasalan. “I’m gonna miss you.”
“Give it a month,” sabi ko sa kanya.
“Nah—I’ll definitely miss you getting mad at me for some reason and me wondering what the fuck did I do again,” sabi niya habang hinihigpitan iyong yakap sa akin.
“But I always have a reason,” sagot ko.
“Yeah… I don’t know why I’m always clumsy around you,” sabi niya.
Pinabayaan ko lang siya na yakapin ako hanggang sa magsawa siya. On my third month in London, I gave in and texted him. Hindi pa siya naniwala na ako iyong nagtext sa kanya at nagdemand siya ng FaceTime—medyo makapal din ang mukha niya. Pero pumayag ako. We met for coffee. He wasn’t so bad. He was studying finance. I told him he was boring, and he got so defensive at sinabi niya na ‘Math is fun!’ Nerd. Tapos ay pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Iyong iba roon ay naging kaibigan ko rin. Minsan ay sumasama ako kapag may party. Masaya pala na maraming kaibigan. Hindi kasi pasok sa iisang tao iyong gusto mo—meron akong isang kaibigan na pwede kong kausapin tungkol sa art, meron tungkol sa anime, meron tungkol sa random na bagay. Mamimiss ko talaga rito. Siguro ay mag-iipon talaga ako para maka-balik dito. Sana yumaman ako para madali lang maka-balik.
“Time’s up,” sabi ko sa kanya. “I have a flight to catch.”
“Fine…”
“Thank you for being nice to me,” sabi ko. “I really appreciate it.”
“You’re talking like we’ll never see each other again.”
I shrugged. “Who knows, right? But in any case—I’m glad you became my first friend here.”
“Could’ve been more,” sagot niya sa akin.
Umirap ako. “Shut up.”
Tumawa siya. “Fine, I’ll shut up. For now,” sabi niya.
“Thank God.”
“I’ll see you again.”
“Sure.”
“You’ll definitely see me again.”
“If you say so.”
“I do say so,” sabi niya. He, then, tousled my hair. “Safe flight, Marian.”
“Thank you,” sagot ko. “Drive safely. Thank you for driving me to the airport.”
“Anything,” sabi niya.
Kumaway ako bago ako pumasok sa loob. Nakapagcheck-in na ako ng mga bagahe ko. Naupo lang ako habang naghihintay ng boarding. Hindi ko sinabi kay Kuya na ngayon ako uuwi. Ang sabi ko sa kanya, next week pa iyong flight ko. Ayoko lang kasi na gawin nilang big deal. Uuwi lang naman ako.
After a non-stop flight from London to Manila, naka-uwi na rin ako ng Pilipinas. Nasa Pilipinas na talaga ako dahil ramdam na ramdam ko na iyong init at lagkit ng katawan ko. Sobrang sakit ng katawan ko nung kunin ko iyong tatlong luggage para ilagay sa cart.
“Thank you,” sabi ko sa driver nung Grab nung ihatid niya ako sa may Airbnb. Dito muna ako ng isang linggo. Maghahanap ako ng apartment na malilipatan.
Ang una kong ginawa ay ang maligo dahil duming-dumi na ako sa katawan ko after ng almost one day na byahe. After nun ay kumain ako tapos ay natulog na agad ako. Nung magising ako ay madaling-araw na.
‘Still alive?’
‘Yes.’
‘Good to know.’
‘Can you get off Netflix? Trying to watch.’
‘Wow. I think I am the one paying? You all are leeching off of me.’
‘I know.’
‘Fine. Getting off Netflix now. Happy?’
‘Very. Now don’t disturb me. Watching anime.’
Nanood lang ako ng anime hanggang sa antukin ulit ako. Nagising ako ng 9AM. Nag-alarm ako para magising ako para bumalik na sa tama iyong timezone ko. After nun ay nag-ayos ako ng mga gamit ko dahil may meeting ako bukas kasama si Mrs. Dela Riva. Pag-uusapan na kasi namin dahil mayroon akong 3 year contract sa kanya. Excited na akong magtrabaho para magamit iyong natutunan ko. Sana sulit iyong ginastos niya sa akin. Ginawa ko talaga iyong best ko para matuto. Feeling ko naman ay okay… Iba pala talaga sa pakiramdam kapag hindi ka nag-aalala na baka wala na iyong gamit mo pag-uwi mo… O kaya ay iyong araw-araw mong naririnig na wala kang mapapala sa degree mo…
“Good morning po,” bati ko kay Mrs. Dela Riva.
“Good morning,” sagot niya sa akin. “You look great, Marian.”
I smiled. “Thank you po.”
“I already ordered my coffee,” sabi niya. “You can order yours first before we discuss business.”
Umorder ako ng black coffee. After nun ay nagdiscuss kami. Kailangan niya raw ng isang art piece mula sa akin kada buwan. Kapag nabenta raw iyon ay may 40% ako mula roon. Pero subject sa approval niya iyong mga ipapasa ko.
“Sounds good?” Tumango ako. “Great. You’ll start next month. Tomorrow, you can swing by the gallery—may bagong batch ng exhibit. You should go para makita mo kung ano iyong itsura.”
After naming mag-usap tungkol sa business ay tinanong ako ni Mrs. Dela Riva tungkol sa naging experience ko. Ang saya ko habang nagkukwento sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na masaya pala ako buong stay ko sa London. Hindi ko kasi ramdam nung nandun ako dahil parang iyon na iyong normal na araw-araw ko. Pero ngayon na bumalik ako sa Pilipinas, doon ko na-realize na iba pala nung nandoon pa ako.
The next day, kumain na ako ng lunch sa kwarto bago pumunta sa may gallery. Naka-suot lang ako ng itim na collared button down dress at itim na block heels. Dala ko rin iyong bag na regalo ni Ate Niles sa akin—nagulat na lang ako may dumating na parcel sa flat ko nun. Si Kuya naman ay binigyan ako ng pera para bahala na raw ako kung ano ang gusto kong gawin sa birthday ko.
Pagpasok ko sa gallery, agad akong nag-ikot. Sabi ni Mrs. Dela Riva, karamihan sa mga naka-display ay gawa ng mga scholar niya, pero meron din siyang mga na-outsource. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ma-e-excite na mahahanay sa ganito kagagandang gawa iyong gawa ko.
I needed to believe in myself—hindi ako makakarating sa punto na ’to kung wala akong talento. Kailangan kong maniwala sa sarili ko. I needed to be my own fan because if not, sino pa ang maniniwala sa akin kung ako mismo sa sarili ko, walang tiwala?
Naka-hinto ako sa tapat ng isang art piece. Letting Go iyong title nun. May drawing ng isang babae na may isang patak ng luha galing sa kaliwang mata niya habang may hawak siya na picture frame na may wedding picture. Naghiwalay kaya sila o namatay iyong lalaki? Nandito kaya iyong artist? Gusto ko siyang maka-usap. Madalas kasi may kwento sa likod ng mga ganito lalo na kapag parang ramdam mo iyong likha.
Tumingin ako sa paligid para tignan kung saan ako pwedeng magtanong kung nasaan iyong artist nang matigilan ako.
“Marian.”
Napaawang ang labi ko nung makita ko si Chase na naka-tayo sa harapan ko. He looked… the same but different. Possible ba ’yon? Ganoon pa rin iyong itsura niya, pero parang may nag-iba sa kanya.
“Chase,” pagsabi ko rin sa pangalan niya. Pinakiramdaman ko iyong sarili ko. I didn’t feel anything—maliban sa pagka-bigla siguro kasi hindi ko naman inaasahan na makikita ko siya rito. Bakit siya nandito? Wala naman siyang nabanggit dati na mahilig siyang pumunta sa exhibits.
“You’re back,” sabi niya.
Tumango ako.
“Since when?”
“Last week,” sabi ko.
Tumango siya. “Are you free?” tanong niya.
“Para saan?” tanong ko pabalik.
“Coffee? So we can catch up?”
“Catch up about what?” I asked because he was being weird. Saan naman kami magka-catch up? We were barely friends… I wouldn’t even call us acquaintance. I was just some girl who caught feelings for him. He was some guy who didn’t like me back. Ano ang icacatch-up namin doon?
Naka-tingin siya sa akin. His lips parted a little. Sinuklay niya iyong buhok niya gamit iyong mga daliri niya. Tapos ay tumingin siya muli sa akin. Hindi ko alam kung bakit natuon na naman sa nunal niya sa may bandang jaw niya iyong paningin ko.
“About… I don’t know,” sabi niya. “You were in London for a whole year.”
“And what about that?”
Nakita ko si Mrs. Dela Riva. Tumingin ako kay Chase at nag-excuse dahil gusto kong tanungin kung sino iyong artist nung painting. Paglapit ko roon ay sinabi niya sa akin na siya raw pala iyong gumawa nun. I wanted to ask kung bakit ibang pangalan iyong naka-lagay, but it seemed a little too personal kaya naman hindi na ako nagtanong pa.
Nag-ikot pa ako sa gallery. Being around art was so… calming. Parang biglang nawala iyong pagod ko sa byahe. Bigla ay excited na akong lumipat sa apartment at makapagsettle para masimulan ko na iyong ipipinta ko. May naisip na ako para sa unang piece ko—sana ay maganda ang kalabasan.
Nagpaalam na ako kay Mrs. Dela Riva na mauuna na ako. Paglabas ko ay naka-tayo lang ako roon. Nagbubook ako ng masasakyan ko. Wala kasing malapit na paradahan ng jeep dito. Mas okay sa akin magcommute kung may choice dahil isa pa rin naman akong broke artist.
“Hindi kita sinusundan,” biglang sabi ni Chase nung mapa-tingin ako sa gilid ko at makita ko na nandoon din siya.
“May sinabi ba ako na ganoon?”
“Baka kasi iniisip mo,” sagot niya.
“Wala akong iniisip,” sabi ko sa kanya tapos ay ibinalik ko iyong atensyon ko sa phone ko. Walang kumukuha sa binu-book ko. Rush hour kasi ngayon. ’Wag naman sana sobrang mahal nung ride kasi baka maglakad na lang ako hanggang sa may makita akong jeep.
Halos dasalan ko na iyong cellphone ko pero biglang may humintong sasakyan sa harap ko.
“You want a ride?”
Napa-tingin ako kay Chase. “Sa ’yo ’yan?” I asked.
Tumango siya. “Naka-sakay ka na d’yan dati?”
Nagkibit-balikat ako. “Di ko na tanda,” sagot ko sa kanya.
“Oh…” sabi niya. Ngumiti siya sa akin. “San ka? Hatid na kita.”
Tumingin ako sa cellphone ko. Wala pa rin talaga. Ang hirap naman maging mahirap sa Pilipinas—ang choice ko lang ay maglakad ng napaka-layo o maki-sakay sa lalaking nambasted sa akin dati. Ano’ng klaseng choices ba ’yan?
“Okay,” sabi ko dahil gusto ko na ring maging praktikal.
Sumakay ako sa sasakyan niya. Sinuot ko iyong seatbelt. Sinabi ko sa kanya iyong condo kung saan ako naka-stay. Tahimik lang iyong byahe namin. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko sigurado kung tumi-tingin ba siya sa gawi ko—kung tama ba iyong nakikita ko sa peripheral vision ko. Naka-tingin lang ako sa daan.
“Marian,” sabi niya nung huminto kami dahil sa traffic lights.
“Bakit?”
“I’m sorry.”
“Okay,” sagot ko.
“Galit ka ba?”
“Bakit ako magagalit?” tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Tumingin ako sa kanya. Naka-tingin siya sa akin habang mahigpit na naka-hawak sa manibela iyong mga kamay niya. Kumunot ang noo ko. “Iyong dahil ba sa dati?” tanong ko. Hindi siya sumagot ng oo, pero hindi rin naman siya sumagot ng hindi. “Kung tungkol doon, kalimutan mo na ’yon. It’s been a year—I’m already over it,” I said.
Nagkulay green na iyong ilaw.
Hindi siya gumalaw.
Lumingon ako para tumingin sa kanya.
“Naka-go na iyong ilaw,” I told him. “You need to go.”
**
This story is already at Chapter 18 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 12
Chapter 12
Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Kung hindi pa nagtext si Kuya kahapon at tinanong sa akin kung anong oras niya ako susunduin sa airport, malilimutan ko pa na hindi pa nga pala nila alam na nandito na ako sa Pilipinas. Hindi naman kasi ako nagpopost. Hindi rin ako lumalabas. Kaka-lipat ko lang sa apartment. Medyo mahal iyong renta ko dahil fully furnished na iyong kinuha ko. Ayoko rin kasi mamroblema pa sa mga appliance at furniture. Hindi ko naman din sigurado kung dito ba talaga ako titira. Kung may natutunan man ako sa London, iyon ay ang hindi mo kailangan manatili kung hindi ka na masaya. You can always leave—leaving will always be an option. Ang tanging tanong lang—kaya mo ba?
And I’d like to think na kaya ko na.
It’s oddly comforting to know that walking away is now an option. Na hindi ko na kailangang magtiis kung hindi ako masaya. I could just… leave. And start again. Iyon siguro iyong isang upside ng wala kang attachment. Madali lang umalis. Wala kang iniisip na maiiwan.
“Anong oras flight mo?” tanong ni Kuya habang magkausap kami sa Whatsapp.
“Wala ka bang duty?”
“Laging meron, pero susunduin kita,” sagot niya. “Send mo sakin ’yung details.”
“Di ka ba papagalitan? Aalis ka bigla.”
“Ako na bahala ’dun,” sabi niya.
“Okay,” sagot ko. “Sa Ortigas ako.”
“Ortigas? May bagong airport ba ’dun?”
“Nasaan ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Duty.”
“Same ward?”
“Yes,” sagot niya. “Teka, bakit Ortigas?”
Diretso lang iyong lakad ko. The hall of the hospital looked the same, but for some reason, it felt different. Siguro kasi ngayon, hindi na ako parang batang naliligaw na paikut-ikot lang at walang patutunguhan. Ngayon, alam ko na kung saan iyong destinasyon ko.
“Kuya,” pagtawag ko nung makita ko siya na naka-talikod.
“Oh?”
I ended the call. “Kuya,” pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa paligid niya na parang hinahanap kung saan nanggagaling iyong boses ko. Finally, tumalikod na siya at tumingin sa akin. His eyes widened in surprise.
“Naka-uwi na ako last week. ’Di ko sinabi sa ’yo kasi maabala ka pa,” diretso kong sabi. “Naka-lipat na ako sa apartment. Settled na ako. Punta na lang kayo ni Ate Niles mamayang gabi. Magluluto ako ng dinner.”
Tahimik akong naghintay sa sagot ni Kuya. It took him a few seconds bago magsalita.
“Wow,” sabi niya.
“Galit?”
“No. Just… wow,” sagot niya. “You sounded all grown up.”
“I am grown up.”
“I know… it’s just weird,” sabi niya. “Sa isip ko, bata ka lang.”
I shrugged. “So, dinner?”
“Magluluto ka?”
“Yes. If you want anything, sabihin mo na ngayon para makapaggrocery ako,” sabi ko sa kanya. Nagvibrate iyong phone ni Kuya. I nodded at him. I knew the drill. “Text ko na lang sa ’yo ’yung address ko. Sama mo si Ate Niles,” I told him.
He didn’t nod or anything. Naka-tingin lang siya sa akin.
“May nag-iba sa ’yo,” sabi niya.
“Ano?”
“Hindi ko ma-point out,” sagot niya.
I shrugged. “Sabihin mo na lang kapag naisip mo na,” sabi ko. “Sige na. Duty calls,” I added before he walked away to save some lives.
Naglakad muna ako. Hahanapin ko pa kasi si Yanyan para iinvite siya. I knew I should probably start calling her Ate Yanyan, but that felt weird for some reason. I should just ask her kung ano ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Kung Ate Yanyan man, it would take some getting used to.
Habang naglalakad ako papunta sa ward ni Yanyan, napa-hinto ako nung biglang maka-salubong ko si Chase. He was back in his doctor attire—naka-suot siya ng powder blue na polo, itim na slacks, iyong doctor coat niya, at may naka-sabit na stethoscope sa leeg niya. Mayroon ding ballpen sa bulsa ng coat niya.
“Marian,” sabi niya.
“Hi,” sagot ko.
“Hinahanap mo si Dr. Nicolas?”
“Nakita ko na,” sabi ko.
He nodded. “Pauwi ka na?”
“Hinahanap ko si Dr. Salvacion,” sabi ko sa kanya.
“Samahan na kita,” sabi niya bago pa man ako makapagpaalam sa kanya.
Kumunot ang noo ko. “Wala ka bang ginagawa?” I asked. If I were right, it’s either second year resident na siya o patapos na iyong first year residency niya. Ewan. Hindi naman ako updated sa mga nangyayari sa buhay niya.
“Chase,” I said.
“Hmm?” sagot niya habang naka-tingin sa akin.
“Congratulations,” sabi ko.
Kumunot ang noo niya. “For what?”
I shrugged. “You’re here. It means you passed your exam. Congratulations.”
I didn’t ask kung nagtop ba siya o hindi—did it even matter? Kasi kung ako lang, basta pumasa, okay na. Nakita ko si Kuya sa buong med school niya, internship, at residency. Kita ko iyong hirap ng mga nasa medical field. Passing alone is already an achievement in itself—bonus na lang kung magtop. Hindi naman requirement ’yon.
“Thank you,” sabi niya sa akin.
Tumango lang ako. Sabay kaming naglakad. Nagvibrate iyong phone ko kaya naman napa-tingin ako roon. May message si George. Pinatay ko iyon. Mamaya na ako magrereply. Malamang ay wala namang kwenta iyong text ni George. Para sa isang tao na laging sinasabi sa akin na interesting ang finance, ang dami niyang time magtext.
“Boyfriend?” biglang tanong ni Chase.
Napa-tingin ako sa kanya. “Ano?”
“Didn’t mean to see,” sagot niya. Naka-kunot pa rin iyong noo ko. “George, I mean. Hindi ko sinasadya na makita iyong text niya.”
Tumango ako. “Okay.”
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang daming lumang mukha, pero ang dami ring bago. Marami talagang dadating na bago sa buhay mo, pero marami ding mananatili.
“Boyfriend?” biglang tanong niya ulit.
Muli akong napa-tingin sa kanya. “No,” sagot ko. “Bakit mo natanong?”
Nagkibit-balikat siya. “Just wondering.”
“Okay.”
“Wala yata si Yanyan—” sabi ko, pero natigilan ako nung makita ko na seryosong naka-tingin sa akin si Chase. Muling kumunot iyong noo ko dahil sa pagka-seryoso ng tingin niya sa akin. “Ano?” tanong ko sa kanya. His stares were making me feel weirded out… Ano na naman ba ang sasabihin niya? The last time na ganyan siyang tumingin sa akin, iyon ay iyong sinabi niya na thank you pagkatapos kong sabihin sa kanya na gusto ko siya.
Totoo pala iyong deja vu.
“Do you have time today?” tanong niya.
“Para saan?”
“Para mag-usap?”
“Tungkol saan?”
Hindi agad siya nagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin. Naka-tingin lang din ako sa kanya. At one point, pakiramdam ko ay harang kami sa gitna ng hallway dahil dinadaanan lang kami ng mga tao.
“About what happened a year ago?”
“Sinabi ko na—”
“Yes, but I believe that I wasn’t able to explain myself.”
“Paano? Malinaw naman iyong sinabi mo,” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang konsensya ng isang ’to. Ilang beses na siyang nagsorry sa akin, pero parang hindi pa rin siya kuntento. Dadalhin niya ba hanggang sa pagtanda niya ’to?
“Okay,” he said. “What exactly did you think I say?”
Nag-iwas ako ng tingin. I was already over it, but it didn’t mean that I enjoy remembering what happened. Unang beses akong umamin tapos ganoon iyong nangyari? Tama nga si Chloe—mabuti ay hindi ako umiyak sa harapan ni Chase dahil sigurado ako na dadalhin ko iyong kahihiyan hanggang sa death bed ko.
“Kailangan ko pa bang ulitin?”
“Yes.”
“Para saan?”
“To know if there’s been a misunderstanding.”
Ibinalik ko iyong tingin ko sa kanya. Huminga ako nang malalim. “Sinabi ko sa ’yo na gusto kita. Sinabi mo na thank you. Sinabi ko naman na you’re welcome, “ sabi ko sa kanya.
Naka-tingin siya sa akin. Muli niyang sinuklay iyong buhok niya gamit iyong mga daliri niya. Muli naman akong napa-tingin sa nunal niya. Bakit ba lagi akong napapa-tingin doon? Para bang may magnet.
“Okay,” sabi niya.
“Pwede na ba akong umalis?”
“May pupuntahan ka ba?” tanong niya.
“Wala—”
“Then stay,” he quickly said.
My lips parted a little. “Wala ka bang duty?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba iyon, pero may maliit na boses sa isip ko na nagsasabi na umalis na ako ngayon pa lang. Tuwing nakikita ko iyong mukha ni Chase, naaalala ko talaga lahat. Kaka-balik ko pa lang sa Pilipinas, ito na agad ang bumungad sa akin.
I knew I’d meet another guy… eventually. Hindi naman ako nagmamadali. I was taking my time. I was enjoying my freedom. Pero bakit nandito na naman siya sa harapan ko?
Tumingin siya sa phone niya. “Surprisingly, no one’s asking for me right now,” sabi niya tapos ay ibinalik niya sa bulsa ng coat niya iyong phone niya. Ibinalik niya iyong tingin sa akin. “Marian,” pagtawag niya.
“Ano?” tanong ko habang naka-tingin sa kanya kahit gustung-gusto kong mag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay member siya ng budol gang dahil hindi ko maialis ang mga mata ko sa mukha niya. Ayan na naman iyong singkit niyang mata.
“Do you remember me saying that I didn’t like you?”
Kumunot ang noo ko. “Ano?”
Inilagay niya iyong dalawang kamay niya sa bulsa ng coat niya. Nakita ko na huminga siya nang malalim. “I… I was under a lot of pressure last year. I needed to top the boards. I couldn’t risk any distraction.”
“Ano ba’ng point na ’to?”
“What I’m saying is…” sabi niya tapos ay muli siyang huminga nang malalim. “It’s not… that I don’t like you… I just didn’t have time back then.”
Naka-tingin lang ako sa kanya. For a moment, parang wala akong naintindihan sa mga sinabi niya… o baka naman may narinig ako, pero hindi ko lang sigurado kung tama ba iyon o pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko o baka gutom na ako kasi kagabi pa iyong huling kain ko ata?
“Do you understand?” tanong niya.
Umiling ako.
Possible ba na magshort circuit iyong utak?
“I don’t dislike you,” sabi niya.
Naka-tingin lang ako sa kanya habang naka-kunot ang noo.
“I—” sabi niya. Natigilan siya. Hindi ako sigurado kung tama ba iyong narinig ko na mahinang pagmumura niya. Muli niyang sinuklay iyong buhok niya. “This is harder than I thought,” bulong niya. “How did you do that?”
“Ano?”
Puro iyon lang ang nasasabi ko dahil hindi ko naiintindihan iyong nangyayari.
“You made it feel like confessing was easy,” sabi niya. “But damn, it’s hard.”
Napaawang iyong labi ko. “You’re confessing?”
Tumango siya. “I mean… I think so?”
“But… why?” tanong ko sa kanya.
“What do you mean why? “
“Because it’s been a year. What the hell is happening?” tanong ko. Tumingin pa ako sa paligid dahil baka may camera at pinagttripan lang ako. Pero walang camera. Kanya-kanya ang ginagawa ng mga tao. Normal lang iyong pag-ikot ng mundo—iyong mundo ko lang ata iyong nagulo.
“I know it’s been a year,” sabi niya.
“You don’t like me,” sabi ko sa kanya.
“What?”
“You just feel guilty,” sabi ko. I took a step back. Tumingin ako sa kanya. “Look, ilang beses ka ng nagsorry sa akin. Clearly, you have an overactive conscience. Naawa ka lang sa akin nung binasted mo ako. You don’t have to feel guilty over that. I told you—I’m already over you.”
Natigilan ako nung makita ko na biglang iba na iyong tingin niya sa akin. Hindi na kagaya ng normal na tingin niya. I would normally describe him as… friendly. Kinda stand offish, pero alam mo na pwede mo pa ring lapitan. Pero iyong itsura niya ngayon? Siguro kung hindi ko siya kilala, hindi ko siya lalapitan.
“Can you please stop saying that?”
“Say what?”
“That you’re already over me,” mabilis na sabi niya habang diretsong naka-tingin sa akin.
“But… I am. I am over you,” sabi ko sa kanya. “I did like you. I don’t like you now. Hindi sa ’yo umiikot iyong mundo ko,” dugtong ko sa kanya.
“I know,” sagot niya. “One date.”
Kumunot ang noo ko. “What?”
“One date,” sabi niya. “One date—that’s all I ask.”
Tumingin ako sa kanya.
I just didn’t like regrets. At least after this, I’d know for sure that I tried everything, and I could say with certainty that it’s a officially a closed chapter in my life.
“Fine,” I said. “One date. Make it count.”
**
This story is already at Chapter 19 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 13
Chapter 13
Nasa couch sina Ate Niles at Yanyan habang nanonood ng TV… o baka hindi. Naka-bukas lang iyong TV pero nag-uusap lang talaga sila. May dalang isang bote ng wine si Yanyan. Wala akong wine glass kaya sa normal na baso lang sila umiinom. I also asked her earlier nung kaming dalawa lang ang magka-usap kung gusto niya ba natawagin ko siyang Ate Yanyan. She said no. Mas weird daw pakinggan. I agreed. Halos magka-age lang naman daw kami. I chose not to comment on that one.
“So… kamusta ’yung London?” tanong ni Kuya habang tinutulungan niya ako na gawin iyong mashed potato.
Nagkibit-balikat ako. “Okay naman.”
“Okay lang?” Tumango ako. “Hindi masaya?”
“Masaya naman.”
“Penge namang konting description,” sabi ni Kuya. “Ni hindi ka nga nagpopost sa kahit anong site. May kaibigan ka man lang ba ’don?”
“Meron.”
“Pangalan? Picture?”
Inisa-isa ko iyong pangalan ng mga kaibigan ko roon. As for the picture, naghanap ako ng isang group shot mula sa gallery sa phone ko at saka pinakita iyon kay Kuya.
“Sino ’to?” tanong niya habang naka-turo kay George na katabi ko sa picture.
“George.”
“Bakit may pag-akbay?”
“Ano naman?” I asked. At first, it was also weird for me. Hindi ako sanay na may huma-hawak sa akin. My first instinct was to push him away. I was about to tell him that it was weird, but then I noticed na ganoon si George sa lahat ng kaibigan niya. He likes to hug people as a way to say hi or goodbye. Nasabi ko na rin sa kanya iyon dati. He told me that he’s sorry at na hindi niya na uulitin. I told him it’s fine. Mas weird kung kapag nagkita kaming lahat ay ako lang ang hindi niya yayakapin.
“Boyfriend mo?”
“No.”
“Viste pa rin?”
Kumunot ang noo ko. “Ano?”
Nagkibit-balikat si Kuya. “Aba, malay ko.”
“Ang weird mo,” sabi ko sa kanya kasi siya iyong biglang nagbanggit kay Chase tapos biglang aba, malay ko ang sasabihin niya sa akin.
“May boyfriend ka roon?”
“Wala.”
“Weh?”
Kumunot ang noo ko. “Pumunta ako ’dun para mag-aral—bakit ako magkakaroon ng boyfriend?” tanong ko kay Kuya. Bakit ba bigla siyang naging curious sa ‘love life’ ko? Dati naman wala siyang pakielam. Tinatanong niya lang ako lagi kung okay ba iyong school o kung may kailangan ba ako na art materials.
Nagkibit-balikat ulit siya. “Masama ba ma-curious?”
“Oo, lalo na kung nagiging weird ka,” sabi ko sa kanya.
“Tss.”
“Bilisan mo na nga lang gawin ’yang patatas,” sabi ko kasi baka kung ano na naman ang itanong niya sa akin.
Nagluto lang kami ni Kuya habang iyong dalawang prinsesa ay nag-iinuman ng wine. Buong pagluluto namin ni Kuya ay hindi niya ako tinanong tungkol kay Mama; hindi rin naman ako nagtanong tungkol sa kanya. After nun ay kumain na kami.
“Kamusta ’yung London? Nag-enjoy ka ba?” tanong ni Ate Niles.
“Nag-enjoy,” sagot ko.
“Jowa?” tanong ni Yanyan.
“Wala.”
“Sa dami ng gwapo ’dun?” she asked. Hindi ako sumagot. “Nako… May naiwan ata dito sa Pinas, noh, Niles?”
Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus ako sa pagkain ng steak ko. In fairness, masarap iyong pagkaka-gawa namin ni Kuya.
“Nabati mo ba?” tanong ni Yanyan. “Nagtop sa boards ’yun, ah.”
Napa-tingin ako. “Talaga?” I asked.
“Hindi mo alam?” Umiling ako. “Hindi ba kayo nag-usap buong time mo sa London?” tanong niya. Napa-tingin siya kay Kuya. Napa-tingin din ako doon. “Wag mong pansinin ’yang Kuya mo,” Yanyan said, waving her hand. “Naka-move on na ’yan—kung ayaw niyang sila ni Chester mag-away sa hallway ng St. Matthew’s,” she said habang naka-kunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan iyong dulong part na sinabi niya.
“Sino si Chester?” tanong ko.
“Wala,” mabilis na sagot ni Kuya.
“Sus, kapatid ng crush mo!” sabi ni Yanyan.
“Crush ko?”
“May amnesia ka ba?” tanong ni Yanyan. “Si Chase Viste?”
“Ah…” sabi ko. Tumingin ako kay Kuya. “Nag-away kayo ng Kuya ni Chase?”
“Hindi, ah!” defensive bigla na sabi ni Kuya.
“Wag kang maniwala d’yan kay Yanyan, Marian,” sabi ni Ate Niles.
Yanyan faked a gasp. “Anong klase kang kaibigan!” sabi niya kay Ate Niles. Inirapan lang siya ni Ate Niles at sinabi sa akin ni Ate Niles na ang nangyari daw ay nagtanong si Chase kay Kuya tungkol sa akin tapos hindi siya pinansin ni Kuya. Nakita raw nung Chester at tinanong si Kuya kung may manners ba siya dahil nakita naman daw na kinakausap tapos hindi pinapansin.
“Mukha kang tanga, Kuya,” sabi ko kay Kuya nung matapos si Ate Niles sa pagku-kwento.
Kuya shrugged. “No regrets.”
Umirap ako. “Wag ka ngang ganon kay Chase.”
“Oh, so ngayon naaalala mo na siya?” parang gago na sabi ni Kuya. “And in my defense, hindi ko talaga siya narinig nun. May iniisip ako.”
“Sige, kunwari naniniwala kami,” sabi ni Yanyan.
“Di ’wag,” sagot ni Kuya.
Napa-iling na lang kaming dalawa ni Ate Niles dahil minsan, hindi talaga magka-sundo si Kuya at Yanyan—parang lagi silang kailangan nasa opposite side ng argument. Pero usually, si Kuya ang natatalo lalo na kapag tungkol sa kagaguhan ang pinag-uusapan nila.
Nang matapos iyong dinner ay umalis na sila. Nag-aayos na ako ng gamit nung may kumatok. Pagbukas ko, nagulat ako na si Kuya ’yon.
“May naiwan ka?” tanong ko.
“Hinihingi ni Viste number mo—ibibigay ko ba?”
Kumunot ang noo ko. “Hiningi sa ’yo?” Tumango siya. “Close na kayo?”
Nagkibit-balikat siya. “A lot can happen in a year,” sagot niya. “So, ibibigay ko ba?”
Tumango ako. “Okay,” sabi ko.
“Okay,” sagot niya.
“Yun lang ba?”
Tumango si Kuya. Tumitig siya sa akin. Kumunot ang noo ko. “Alam ko na kung ano iyong nagbago sa ’yo,” sabi niya bigla.
“Ano?”
“You look at peace.”
“I am.”
He smiled and gently tousled my hair. “Good,” sabi niya bago nagpaalam at magkikita pa raw kami ulit kapag nagka-time siya.
‘Good morning. It’s Chase,’ bungad na text sa akin pagka-gising ko. Hindi agad ako nagreply doon dahil mas inuna ko iyong pagtitimpla ko ng kape. Nung maka-inom na ako ng kape, kinuha ko na iyong cellphone ko.
‘Morning,’ I replied.
‘About the date—do you have a preferred day?’ he replied after about 15 minutes.
‘Wala naman. Ikaw iyong busy.’
‘I can make time basta earliest ng 8PM.’
‘Okay.’
‘Okay what?’
‘Okay ng 8PM.’
Hindi na siya nagreply pa pero after an hour, nagreply siya. Hindi na ako nagreply dahil busy siya sa duty niya at busy din ako sa pagta-trabaho. Kailangan maging maganda iyong unang piece na ididisplay ko sa exhibit.
‘Can I call?’ text niya around 3PM.
‘Sure.’
Wala pang isang minuto ay nagvibrate iyong cellphone ko. Sinagot ko iyong tawag pagka-baba ko nung pencil ko.
“Hi,” he said.
“Hello,” I replied.
“I already made a reservation,” sabi niya. “For our date.”
“Okay. Kailan?”
“Is tomorrow good?”
“Okay.”
Natahimik siya.
“Marian,” bigla niyang sabi.
“Bakit?”
“I know I practically forced you with this date.”
“You didn’t,” I said. “Kung ayoko talaga, wala kang magagawa.”
“Really?”
“Yes,” sagot ko sa kanya.
“Okay,” sabi niya. “Para kasing ayaw mo akong kausap.”
“Paano mo nasabi?”
“Ang igsi ng sagot mo.”
“E answerable naman sa yes or no iyong mga tanong mo.”
“Okay…” sabi niya. “If I ask you a question that requires a lengthy explanation, sasagot ka?”
“Depende kung gusto ko iyong topic.”
Narinig ko iyong pagtawa niya sa kabilang linya. “Makes sense,” sabi niya.
“Wala ka bang duty?”
“Meron.”
“Paano mo ako natatawagan?” I asked.
“Nagtago ako sa quarters,” sagot niya.
“Papagalitan ka.”
“Worth it.”
Natigilan ako sandali. Naramdaman ko iyong bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko, pero hindi iyon kagaya ng dati. Nanibago lang ako kasi ngayon ko lang siya ulit narinig na ganito. Ito iyong sinasabi sa akin ni Chloe dati na ’wag kong seseryosohin.
“Marian,” bigla niyang pagtawag dahil hindi ako nakapagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Hmm?”
“I really do like you—it’s just that the timing wasn’t right then.”
“And it’s right now?”
“Yes,” he replied. “And if it’s still not right, I can make it right?”
“Ang corny na.”
Natawa siya. “I know,” sabi niya. “That felt weird to say.”
“I heard nagtop ka raw sa boards? Congrats.”
“Thank you,” he said.
“Tama naman pala iyong pagbasted mo sa akin.”
“Hindi naman kita binasted.”
“Ano’ng tawag doon?”
“Hindi ko alam.”
“E ’di binasted nga.”
“No,” sabi niya. “Kung sinabi ko ba na hintayin mo ako after ng boards, papayag ka?”
“Papayag.”
Hindi siya nakapagsalita.
Naka-receive ako ng email galing kay Mrs. Dela Riva. “Got to go,” sabi ko sa kanya dahil work email iyong na-receive ko. “Text mo na lang ako kung saan tayo magkikita bukas. Bye,” I added before I ended the call.
Sabi ni Chase, susunduin niya na daw ako. Pumayag ako para maka-tipid ako sa pamasahe. He texted me when he was ten minutes away kaya naman bumaba na ako. Naka-suot lang ako ng maluwag na pantalon, white polo na naka-tuck-in, black belt, at flat mules.
Nung huminto iyong sasakyan niya na white Chevrolet Trailblazer, lumapit ako roon. I heard the door unlock kaya naman binuksan ko na iyong pinto.
“Hi,” I said.
“Hi,” he replied. “You look… wow.”
“Thank you,” sagot ko sa kanya. Naka-suot siya ng black pants at black polo na naka-tupi hanggang sa gitna ng braso niya. He looked rather formal today. Naka-brush up din iyong buhok niya. For some reason, na-highlight ngayon masyado iyong pagiging chinito niya.
Sinuot ko iyong seatbelt ko. Tahimik lang ako na naka-upo roon, pero ramdam ko iyong pagtingin-tingin niya sa akin.
“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko sa kanya.
“Wala.”
“So, gusto mo lang akong titigan?”
Napaawang iyong labi niya. “That… line sounded so familiar.”
“Sinabi mo ’yan sa akin noon,” sabi ko sa kanya. “Ganoon ka ba talaga magsalita o nilalandi mo na ako noon pa?”
Parang pilit na natawa siya tapos ay inilagay niya iyong kaliwang kamay niya sa may batok niya. Napa-tingin ako sa braso niya. Hindi kasing laki nung kay Kuya iyong mga braso niya, pero hindi rin siya payat. His arms looked toned enough. And I especially liked the veins on his arm on the way to his hands.
“I’d rather not say.”
“Malandi ka lang talaga?” tanong ko.
“Grabe ka naman.”
“I mean, kung sinasabihan mo lahat ng ganon.”
“Kahit ikaw lang kina-kausap ko nung time na ’yon?”
Natigilan ako. Tumingin ako sa kalsada. Naramdaman ko na naman iyong titig niya sa akin. Narinig ko iyong mahinang pagtawa niya.
“Marian,” he called.
“Ano?”
“You said you would’ve waited if I asked you to, but looking at you now? You look a lot better,” he said. “That whole year sucked, but I’d do it again if it means you’d be this… at peace.”
Napa-tingin ako sa kanya.
Naka-ngiti siya sa akin.
“Talaga?”
Tumango siya. “Definitely.”
“That whole year sucked?”
He shrugged. “May sinabi ako na ganon?”
Umirap ako. “Ewan ko sa ’yo.”
Tumawa siya. “We’re here,” sabi niya nung huminto kami sa tapat ng isang building. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero sumunod na lang ako sa kanya. Paglabas namin, pumunta siya sa may likuran ng sasakyan niya. Nagulat ako nang abutan niya ako ng bouquet ng bulaklak.
“You didn’t have to, but thank you,” sabi ko nung tinanggap ko iyong bulaklak. It was a bouquet of pink and white roses with baby’s breath.
“You said to make this date count,” sabi niya. “I hope I brought my A-game,” dugtong niya.
“Let’s see,” sabi ko.
“Kinakabahan ako,” sagot niya.
“Bakit naman?”
“Kapag hindi mo ba nagustuhan, wala ng second date?”
Naka-tingin ako sa kanya. Mukha siyang kinakabahan. Naka-titig lang siya sa akin na para bang maglalaho ako.
The world has turned weird.
Chase is chasing me.
**
This story is already at Chapter 20 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 14
Chapter 14
“What?” tanong ni Chase nang mapa-tingin siya sa gawi ko. Napaawang iyong labi ko nung mabasa ko kung nasaan kami. Ito ’yung lugar kung saan madalas dinadala ng mga boyfriend nila iyong mga classmate ko nung college. Madalas kong naririnig na pinag-uusapan nila ’to. Gusto kong pumunta rito, pero hindi ko inisip na makaka-punta ako. Hindi ko kasi priority. Nawala na siya sa isip ko.
Pero nandito ako ngayon.
“Ayaw mo ba?” kabado na tanong niya.
“Gusto,” sagot ko.
“Really?” he asked, still nervous by the looks on his face. “Because I actually wasn’t really sure about this because you already paint for a living tapos dito pa kita dinala sa date natin.”
Umiling ako. “No, this is fine,” I replied. This was actually more than fine. I really liked it. Siguro kung hindi niya ako dinala rito, one of these days, kapag naalala ko iyong lugar na ’to, pupunta ako mag-isa. I promised myself that all of the things that I felt that I was deprived of? Ibibigay ko sa sarili ko. Kahit isa-isa lang. Kahit mabagal.
I told myself that if no one would love me, then I would just have to love myself harder.
“Okay,” sabi niya.
“Do you know how to paint?” tanong ko pagpasok namin.
“I know how to draw?”
“Alin? Iyong mga drawing mo sa school?”
“Wow…” sabi niya habang naka-tingin sa akin. “You weren’t this mean to me before.”
I shrugged. “I was trying to put my best foot forward then.”
“Hindi na ngayon?”
Umiling ako. “If you like me, you have to like me for me,” sabi ko sa kanya. Hindi naman ako ganoon kasama… I think. I learned a lot in London. Marami akong nakilala na tao. Marunong na akong mag-adjust, pero marunong din ako magsabi kapag ayoko. Mayroon na akong reasonable boundaries.
Tumingin ako sa paligid. May dalawang couples na nagpe-paint din. They looked like they’re having fun.
“I’d rent the entire place, but I’m not yet rich.”
“Wala naman akong sinabi,” sabi ko sa kanya.
“Just saying,” he replied. “Once I’m earning that neurosurgeon money, prepare your paintings because I’ll be buying them.”
Kumunot ang noo ko. “If that’s the case, e ’di may utang ka na agad sa ’kin?”
Tumango siya. “I know. You actually already earned 6% interest—that’s the legal interest sabi ng Achi ko.”
“Achi?”
He nodded. “My sister. You’ll like her. Medyo magka-ugali kayo.”
“Is that a compliment?”
Tumawa siya tapos ay nagkibit balikat. “I don’t know. Maybe.”
Umirap ako. “Fine. Ano na lang iyong price kasi ’di ba doon naka-base iyong kung magkano ang interest?”
“I’d say priceless, but you’re the artist, so you get to decide the price.”
“One million,” sabi ko.
Nanlaki iyong mga mata niya. “A little out of my price range, pero kung payable in—” sabi niya tapos ay parang nagbilang siya sa isip niya. “Payable in 10 years? I think pwede naman.”
“Plus 6% annual interest?”
Napaawang iyong labi niya. “Fine,” sabi niya. “Now I understand why they say less talk, less mistake,” he said na parang nagbibiro.
Umirap ako. “I was kidding,” sabi ko. “Di kita sisingilin ’dun.”
“Pero magbabayad ako.”
“Bahala ka—pero wala kang utang.”
“Pero gusto kong magka-utang.”
“You’re weird.”
“Para may reason ka para kausapin ako lagi.”
Natigilan ako.
This was throwing me off—him being too forward with his words.
“Ewan ko sa ’yo,” I said, instead. “Ano ba’ng gagawin natin?”
Pagpasok namin sa loob ay binigyan kami ng instruction. May nag-assist sa amin kung ano ang gagawin. Pina-pili kami kung anong painting ang gagayahin namin. Chase chose Starry Night Over The Rhône habang iyong Almond Blossoms naman ang pinili ko. Tinuruan din kami kung paano magmix ng color. I remained silent habang seryosong nakikinig si Chase.
“Don’t judge,” sabi niya.
“Wala naman akong sinasabi.”
“For sale ba ’yan kapag natapos mo na?”
“Akala ko ba wala kang pera?”
He shrugged. “Payable in 10 years ba lahat?”
“Lahat ba in 10 years sa iyo?”
Ibinalik niya iyong tingin niya sa ginagawa niya. There was a slight change in his demeanor. “Ewan,” sabi niya habang sinusubukan na magmix ng mga kulay. “I need to be a neurosurgeon. It will take a long time. Kailangan ko iyong 10 years,” sabi niya tapos ay tumingin sa akin. “That was probably why I was quick to say no—I find it unfair to ask you to wait.”
“Bakit? Desisyon ko naman ’yun kung sakali.”
“I know. But I’ll feel guilty.”
“Bakit?”
“Kasi magiging busy ako palagi.”
“Di naman sa ’yo iikot iyong mundo ko. May gagawin pa rin naman ako kahit maging boyfriend kita. Feeling mo naman susundan lang kita araw-araw?”
“Pinag-isipan mo ’to, no?” sabi niya sa tono na may panunukso. Umirap ako sa kanya. Narinig ko iyong mahina niyang halakhak.
“Kung makapagsalita ka kasi akala mo naman baby ako na kailangan ng constant care at attention.”
“Paano kung gusto kitang gawing baby?”
Napaawang iyong labi ko. Napa-kurap iyong mga mata ko. Bakit… bakit ba ganito siyang magsalita?
Tumawa siya. “Itsura mo, Marian,” sabi niya habang naiiling.
“Kung isa na naman ’to sa mga joke mo, ’wag ka na magjoke.”
“Bakit? Naaapektuhan ka ba?” sabi niya habang nagpatuloy na siya sa pagpipinta niya.
“Feelingero.”
“Okay. ’Di pala, e. E ’di pagpatuloy ko na lang,” kalmadong sabi niya habang nagpipinta. Ganito ba talaga siya? Iyong dati ba ay hindi pa todo? Pinipigilan niya pa ba iyong dati?
“Ewan ko sa ’yo. Tapusin mo na lang ’yan,” sabi ko dahil hindi kami matatapos sa ginagawa namin kung patuloy niya akong sasabihan ng mga ganito.
After a while, natapos na rin kami.
“Ganda,” sabi ko habang tinitignan iyong gawa niya. For a beginner, okay naman na iyong gawa niya. I wasn’t expecting a masterpiece. Mas maganda pa nga iyong gawa niya kaysa sa unang gawa ko, e. Hindi naman ako naging ‘magaling’ agad sa arts. It took time and lots of practice. Nagsimula din ako sa pagdrawing ng stick hanggang sa makarating ako sa painting. Ang dami ding version ng art style ko bago ako nakarating sa pinaka-gusto ko.
“Talaga?” he asked.
I nodded. “Not bad.”
“Exchange tayo?”
“Gusto mo ’to?” I asked habang naka-turo sa may gawa ko.
Tumango siya. “Ang ganda, e,” sabi niya. “Exchange tayo.”
“Okay,” sabi ko sa kanya.
Nagpaalam na kami na aalis na kami. Bumalik na kami sa may sasakyan. I wore my seatbelt.
“Next stop,” sabi niya habang umaatras siya sa parking para maka-alis na kami.
“Di pa tapos?”
Umiling siya. “Akala mo dadalhin kita sa date na walang dinner?”
“May cheese at crackers naman kanina.”
“Di naman dinner ’yon,” he replied while maneuvering the steering wheel. Why did that look so sexy? And it felt weird—and wrong—to describe Chase as sexy. Mukha kasi siyang angel minsan kapag naka-doctor attire siya.
“Okay. San tayo?”
“I initially planned for a formal dinner,” sabi niya habang naka-tingin sa daan at focused sa pagda-drive.
“Kahit sa karinderya o fast food, okay lang naman ako.”
“But you said ‘make it count.’”
“Hindi naman ibig sabihin ko gumastos ka?”
“I know,” sabi niya. “So… I’m bringing you elsewhere.”
Dumaan kami ni Chase sa isang resto, pero mukhang naka-order na siya beforehand kasi kinuha lang namin iyon. Patuloy siya sa pagda-drive. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta. May tiwala naman ako sa kanya na safe kami kung saan man niya ako dadalhin.
“Dito?” I asked nung huminto kami sa may malapit sa airport.
He nodded. Lumabas siya ng sasakyan. Sumunod ako. Pumunta siya sa may likuran at saka binuksan iyon. Naka-fold iyong upuan kaya naman may space roon. Naupo siya sa roon.
“Anong meron dito?” tanong ko habang naka-tayo sa harapan niya. Inabot niya iyong paper bag kung nasaan iyong mga pagkain. Isa-isa niyang inilabas iyong container mula roon. Napa-tingin ako sa likuran ko nung maka-rinig ako ng tunog. Nakita ko na may eroplano sa taas namin.
“I was exactly in this place nung flight mo pa-London.”
Bahagyang kumunot ang noo ko. “Nandito ka?”
Tumango siya. “If you ask me why, hindi ko rin alam. I just knew that that day was your flight. I knew I should be reviewing, but I couldn’t focus. So, I drove. Dito ako naka-rating.”
Hindi ako agad nakapagsalita. Naguguluhan ako. Ano ba talaga iyong nangyari dati? At least from his perspective? Because from mine, it only felt like a one-sided love affair. Ako lang iyong nagka-gusto—pero masyado ngang mabilis… kaya siguro mabilis din akong naka-ahon sa kanya.
Pero hindi rin siguro.
Nalimutan ko lang siguro.
Kasi ngayon na nandito na naman siya, nandito na naman ako.
“Balak mo ba akong pigilan nun?”
“No,” sabi niya na umiiling.
“Bakit ka pumunta rito?”
“Hindi ko rin alam.”
Hindi ako nagsalita. Itinukod niya iyong mga kamay niya sa magkabilang gilid niya.
“Maybe I just wanted to see you leave,” sabi niya. “I don’t know for sure, but I have a feeling that we’re more alike than we realize. And if I were right, bakit naman kita pipigilan umalis?”
“Magkaparehas tayo?”
He nodded. “Maybe not exactly the same, but also not exactly different.”
“Bakit? Gusto mo ring umalis sa inyo?” tanong ko dahil iyon naman talaga ang gusto kong gawin. Kaya nga pumayag agad ako sa offer ni Mrs. Dela Riva. Wala akong alam sa London. Wala akong kakilala roon. Pero pumayag agad ako para lang makaalis dito.
Tumango siya. “Yes.”
“Bakit hindi mo gawin?”
“Kasi kapag umalis ako, walang maiiwan.”
Kumunot ang noo ko. I wanted to ask, but I felt like it wasn’t my position to do so. Mabait si Chase, but he’s a private person. Halata naman. Magsasabi siya tungkol sa pamilya niya, pero limitado lang. Hindi rin naman ako nagtatanong. Ayoko rin na nagkukwento. Magsasabi ako kung gusto ko lang.
“But you? You’re stronger than I am. Kaya nung umalis ka, hindi ako humabol. Kasi bakit naman kita pipigilan sa bagay na gusto ko ring gawin?”
Rinig na rinig namin iyong ingay ng mga sasakyan.
Kita mula sa itaas namin iyong paglipad at pagbaba ng mga eroplano.
“I’m just glad that you’re fine,” sabi niya na naka-tingin sa akin. May maliit na ngiti sa mukha niya na nagsasabi sa akin na seryoso siya sa sinasabi niya. Na masaya siya para sa akin. Na totoo na kung uulitin namin lahat, gagawin niya ulit lahat ng ginawa niya para dumating ako sa punto na ito.
It was a little awkward after that. Nagsimula kaming kumain. Magkatabi kaming naka-upo sa likuran ng sasakyan niya. Sakto lang iyong space. Halos magka-dikit na kami. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.
“Chase,” sabi ko. Hindi siya nagsalita, pero lumingon siya para tumingin sa akin. “I’ve been there.”
“What?”
“Sa posisyon mo. Kung pareho man nga tayo, I just… know that it sucked. And I know you have siblings. Meron din ako. Pero alam ko na hindi mo masasabi sa kanila kahit na magkapatid kayo, na kahit alam mo na magkakampi kayo,” sabi ko at saka lumingon din ako sa kanya. “Kaya kapag kailangan mo ng kausap, pwede mo akong kausapin. Makikinig ako. Although I won’t say na magaling ako magbigay ng advice kasi for sure ang sasabihin ko lang sa ’yo ay umalis ka na… so, I will just listen.”
Kasi kahit iyong isang tao na makikinig lang? Malaking bagay na ’yon. Na alam mo na may nakaka-rinig sa mga sinabi mo. Na mayroong may alam sa nararamdaman mo.
Gusto kong mag-iwas ng tingin dahil naka-titig kami sa mata ng isa’t-isa. Pero hindi ako maka-galaw. He looked so good this close. Parang gusto kong hawakan iyong mukha niya.
“Thank you,” he said.
“You’re welcome.”
Umiling siya. “No… Seriously, Marian. Thank you. I really appreciate you saying that.”
Tipid akong ngumiti. “You’re welcome ulit.”
We finished our food. We didn’t talk much after that, but for some reason, I felt like I knew him better. Alam ko nagustuhan ko siya dati dahil lang nagwapuhan ako sa kanya at dahil mabait siya sa akin. But now? Mas nakikilala ko na siya. He’s much more interesting now.
“So… will there be a next date?” tanong niya nang ihatid niya ako sa may harap ng condo ko.
I unbuckled my seatbelt. “Text me kapag wala kang duty,” sabi ko dahil hindi naman ako magdedemand ng time. Alam ko na iyong schedule niya dahil ganyan din si Kuya.
“Really? So, may second date?”
Tumango ako. “Yes.”
Para siyang nabunutuan ng tinik sa dibdib. “Oh. Good. Thank you,” sabi niya.
“Ingat ka sa pagdrive.”
He nodded. Palabas na sana ako pero natigilan ako nang tawagin niya iyong pangalan ko. Lumingon ako at nakita ko na naka-tingin siya sa akin. May maliit na ngiti sa labi niya.
“I like you,” he said. Napa-kurap ako. “Nothing. I just want to say it again dahil hindi ko masabi-sabi dati,” sabi niya. “Okay na. Good night na,” dugtong niya na halos itulak ako palabas ng sasakyan niya. Tignan mo ’yon… parang tanga.
**
This story is already at Chapter 21 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 15
Chapter 15
I was already almost done with my first piece, but for some reason, hindi ako confident sa ginawa ko. I agreed to meet up with Chloe dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng lumabas sa apartment. Halos isang buong linggo na rin ako na naka-kulong doon.
“Grabe, glow-up ka, ah!” sabi ni Chloe habang papa-upo pa lang ako.
Kumunot ang noo ko. “Ano?”
“Ikaw. Nagglow-up ka,” she replied. “Ganyan ba ang epekto ng London kasi if yes, papa-book na rin ako ng ticket.”
Umirap ako. Tumawa lang siya. Umorder na kami ng pagkain namin. Nag-usap lang kami ni Chloe tungkol sa mga ginagawa namin ngayon. Apparently, she’s still dating (although on and off) iyong lalaki na pinaint niya para sa last requirement namin. I haven’t met the guy yet, pero hindi ko malilimutan ang itsura niya dahil sa kakaibang ‘vibes’ nung portrait ni Chloe.
“Anyways, on to the important part,” sabi niya. “Love life?”
“Wala naman.”
“Come on! Seryoso? Wala?”
“Wala.”
“Tsk. Ano? Intern pa rin? Bigyan kita ng loyalty card.”
Tumingin lang ako sa kanya habang hina-halo ko iyong straw nung inumin ko. Tanong siya nang tanong tungkol sa kung anu-ano, pero naagaw iyong atensyon niya nung magvibrate iyong cellphone ko at nandoon iyong pangalan ni Chase.
“What… the fuck? Akala ko walang love life?!” sabi niya habang tina-taob ko iyong cellphone dahil nakikita niya iyong notification ng mga narereceive ko na text.
“Wala nga,” sabi ko.
“E bakit may text d’yan si Intern?”
I looked at Chloe. She wouldn’t give this up. Sabihin ko na lang. Besides, I was thankful for her. Siya iyong nagpayo sa akin nung mga panahon na hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. I was thankful na sinabihan niya ako na ’wag umiyak, na ’wag magmakaawa. Looking back? I would’ve regretted it hard kung ginawa ko iyong mga bagay na ’yon.
I didn’t want to have to beg for anything.
Kung para sa akin, para sa akin.
Kung hindi? E ’di hindi.
“Nagdate kami last week,” sabi ko at kitang-kita ko iyong dramatic na paglaglag ng panga ni Chloe.
“What?! Ano nangyari? Oh, my god?! Bakit biglaan? Or may communication kayo nung nasa London ka pa?”
Sinabi ko kay Chloe iyong sinabi sa akin ni Chase na gusto niya ako, pero busy siya sa boards. I omitted lots of parts. Ayoko na sabihin sa kanya dahil kwento ’yon ni Chase. I didn’t have the right to tell his story to other people dahil lang nagtiwala siya na sabihin sa akin iyon. I would absolutely hate it, too, kung may sasabihin ako sa kanya at magdedesisyon siya na pwede niyang sabihin sa ibang tao iyon.
“Wow.”
“Ano’ng nakaka-wow ’dun?”
“Wala lang… Kasi if you think about it? It’s been a year na rin. Gwapo si Intern. Doctor pa. Sigurado ako maraming babae ang umaaligid. But he actually waited for you?” she said habang naka-tingin sa akin. “Grabe si sis—unforgettable.”
I chose to ignore that comment. I wouldn’t have minded it kung may girlfriend na si Chase pagbalik ko. He had no commitment to me—at ako rin naman sa kanya. ’Di ko naman siya pagmamay-ari. Wala rin akong pakielam kung nagka-girlfriend siya habang wala ako. As I always tell him, ’di sa kanya umiikot ang mundo ko. Alam ko na hindi rin sa akin umiikot ang mundo niya.
“Ano pala… curious lang,” she said. “You don’t have to answer kung ayaw mo,” she continued.
“Ano?”
“Kamusta kayo ni Mama mo?”
Natigilan ako sandali. Hindi ako nagkkwento kay Chloe tungkol sa nangyayari sa bahay namin. Ayoko kasi na maawa siya sa akin. Ayoko na mag-iba iyong tingin niya. But on the first day of the exhibit, nandoon iyong pamilya ng iba naming blockmates… Walang umattend sa akin bukod kay Kuya. Tinanong ako ni Chloe. Hindi ko alam kung bakit naiyak ako bigla. Nagpatung-patong na rin siguro lahat ng nararamdaman ko nung panahon na ’yon.
“Okay naman,” I said.
“Nag-uusap kayo?”
“Hindi.”
Naka-tingin lang siya sa akin. I reached for my glass again. Hinalo ko ulit iyong inumin ko gamit ang straw. I knew that here in the Philippines, family is important. Pero paano kapag toxic? Important pa rin? Titiisin mo na lang kasi ‘pamilya?’
“She hasn’t reached out since I left,” pagpapaliwanag ko kahit alam ko naman na hindi na kailangan. “And frankly? I couldn’t care less. I didn’t want her nor need her in my life.”
Tumango si Chloe.
“Nakaka-disappoint ba?” tanong ko sa kanya. Gusto ko lang malaman from her perspective kasi ganito rin ang sasabihin ko kay Kuya kung sakaling tatanungin niya ako kung makikipag-ayos ako kay Mama. Kung magsosorry siya, e ’di okay. It’s not as if magiging bastos ako sa kanya. I would still be polite. But I really did not want her in my life now or at any time in the future.
Umiling siya. “Hindi naman. Besides, buhay mo ’yan. Desisyon mo kung sino ang gusto mong papasukin.”
“Kahit nanay ko?”
“Oo naman. ’Di naman free pass ang pagiging nanay para maging emotionally distant at abusive sa anak nila.”
I remained silent, but I appreciated what she said. Kung sana matagal ko nang na-realize ’yan, mas maaga sana akong naka-alis sa bahay namin. Hindi na sana umabot sa ganito na kailangan ko pang umalis sa Pilipinas… pero nangyari na.
After my meet-up with Chloe, pabalik na sana ako sa apartment nung maka-receive ulit ako ng text kay Chase.
“Hello,” sagot ko nung tumawag siya after ko magreply na hindi ako busy at pwede siyang tumawag.
“Hi,” he replied. “Saan ka?”
“Pauwi.”
“Kailangan mo ng umuwi?”
“Hindi naman,” sabi ko.
“Puntahan kita?”
“Tapos na duty mo?”
“Yes.”
“Diretso ka na rito?”
“Yes.”
“Di ka pagod?”
“Pagod,” he replied. “Pero mas gusto kitang puntahan.”
Natigilan ako.
“Hindi ’yun joke,” sabi niya na para bang nabasa niya iyong susunod na sasabihin ko.
“Wala naman akong sinabi,” I replied after I was about to gather myself.
“I know,” he said. “Pero nasan ka ngayon?”
“Shang,” I replied.
“Okay. Will be there in 30? Or one hour if traffic,” he replied.
“Lagi namang traffic.”
“I know,” he said. “Okay lang ba sa ’yo na maghintay?”
“Yes.”
“Okay. Papunta na ako.”
“Ingat.”
Habang wala pa si Chase ay nag-ikut-ikot muna ako. Pumunta ako sa bookstore at tumingin ng mga art materials doon. Marami pa naman ako, pero gusto ko lagi na nagsstock. Pero hindi naman ako bibili ngayon dahil ayoko na may bitbit ako habang naglalakad sa mall.
After 30 minutes, dumating na rin si Chase.
“Hi,” he replied. Naka-suot na siya ng maong pants, white shirt na may red elmo na design, at black Converse sneakers. Mukha siyang straight out of college. Hindi nga ata siya tumatanda. Dahil sa genes ba iyon? Kasi kapag tinitignan ko iyong itsura ko sa salamin, nag-iba na siya kumpara sa itsura ko nung nagsisimula pa lang ako sa college. Iba rin from last year. Si Chase, halos ganoon pa rin ang itsura. Mukha ngang hindi ring stressed sa duty niya.
“Hindi traffic?” I asked kasi naka-rating agad siya.
“Thankfully,” he replied. “Thank you for waiting.”
“No problem.”
Sabay kaming naglakad. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi rin siya nagsasalita, pero nakikita ko sa peripheral vision ko na naghihikab siya.
“Inaantok ka?” I asked.
“No.”
“Nagdrive ka rito kahit inaantok ka?”
“I won’t drive kung inaantok ako,” he replied.
“But you yawned?”
“Just tired,” sabi niya. Hindi ako nagsalita. I should’ve said na ako na lang ang pupunta sa ospital kung gusto niyang makipagkita. I wouldn’t have minded. Kahit si Kuya naman dati, ako ang pumupunta sa kanya sa ospital. Kasi siya iyong mas busy. Had the roles been changed, siya ang pupunta sa akin.
“I promise I wouldn’t have driven if I knew I couldn’t,” he said kahit hindi naman na ako sumagot. “When I did my rotation in the ER, naka-hawak ng case ng nakaaksidente sa daan dahil naka-tulog habang nagda-drive. I won’t do that mistake,” he explained.
“Okay.”
“Are you mad?”
“No,” I said. “Just worried.”
“Talaga?”
I nodded. “Bakit parang gulat iyong itsura mo?”
Tumingin siya sa akin. He looked hesitant na sabihin kung anuman ang gusto niyang sabihin. It took him almost a full minute bago ituloy ang sasabihin niya.
“I just… didn’t think that you care.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit mo naman naisip ’yan?”
“Because,” he said. He took a beat. “It’s been a week since our date. You haven’t texted. Or called.”
“Hinihintay mo ba na magtext ako?”
“Yes,” mabilis niyang sagot.
“Why?”
“Because.”
“Because what?”
“Because I want to hear from you,” diretso niyang sabi habang naka-tingin sa mga mata ko. “Because after a long and draining duty, I want to read your name on the screen of my phone.”
Hindi ako makapsalita dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa sinabi niya. But he was just here—standing before me and staring right into my eyes. And I was hearing the beating of my own heart again.
“Do you like me, Marian? Kahit konti lang? Because if you don’t… then I won’t force myself on you. Because that’s unfair for you. And for me.”
I bit my tongue.
And took a deep breath.
“I…” I said. Kita ko iyong pag-aabang niya sa susunod kong sasabihin. “I like you,” I continued. “But not like before.”
“Not like before?”
“Like I like you to be my boyfriend,” sabi ko.
“Ano na ngayon?”
“I don’t know. I’m not sure,” sagot ko sa kanya. “But I do enjoy spending time with you.”
“Really?”
Tumango ako. “Why do you look so surprised?”
“Because you don’t text.”
“Iyon ba ang basehan?”
“No. But it’s not as if you want to talk to me.”
“Kasi busy ka sa duty.”
“Still.”
“I don’t understand,” sabi ko sa kanya. “Binasted mo ako dati dahil busy ka. Kaya hindi ako nagtetext at tumatawag. Dahil busy ka.”
He ran his fingers through his hair again. I really liked it when he does that—especially when he tilts his head up and I’d see the outline of his jaw and that one mole on the edge.
“First, let’s stop using the term ‘binasted.’”
“Fine,” I said. “Nung nilagay mo ako sa friendzone.”
“No.”
“Waitzone?”
“Marian,” he groaned like he was frustrated with me. I chuckled because he looked cute. “Oh, you find this funny?” he asked. I nodded. He rolled his eyes. Cute.
“Do you want me to text?”
He nodded. “Yes. Text. Flood me with texts.”
“Ano naman itetext ko?”
He shrugged. “Anything.”
“Random?”
“Yes. Or tell me about your day. Or tell me your thoughts. I’d read them when I can.”
“Okay,” I replied. “I can do that.”
He gave me a small smile. “Thank you.”
Sabay na ulit kaming naglakad. Wala kaming mahanap na kainan kaya bumalik kami sa sasakyan. Chase drove us to a samgyupsal place. It felt nice. Si Chase iyong nagluto nung samgyup at nilalagay niya sa plato ko kapag luto na. Napansin ko na may mga babae na tumitingin sa table namin. I didn’t mind. He’s really good looking. I understood the fascination.
After eating, we were so full. Naglakad-lakad muna kami sa labas. May mga stars sa langit… which was weird dahil polluted sa Maynila.
“Is this the second date?” he asked.
“Pwede naman.”
“May third?”
“Pwede naman.”
“Okay. May third,” he said. I glanced at him and saw that he was grinning like a small kid.
“May exhibition next weekend,” sabi ko sa kanya. “Kasama iyong gawa ko.”
“Are you asking me out?” he asked in a teasing tone.
I rolled my eyes. “I’m being polite.”
Humalakhak siya. “Oh, thank you,” he said. “Anong oras?”
“9AM to 10PM,” I replied. “Pero open naman for the whole month.”
He nodded. “May duty ako niyan, but I’ll see what I can do,” sabi niya sa akin.
“Okay,” sabi ko. “Don’t feel pressured. Okay lang naman na ’di ka pumunta.”
“Marian,” pagtawag niya sa pangalan ko after a minute. Tumingin ako sa kanya. “I know I said that I didn’t pursue you before because I was busy. And I am still busy, I know. And I know you’re just being considerate. But… you can demand time from me. Please demand.”
**
This story is already at Chapter 22 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 16
Chapter 16
Mayroon akong kausap tungkol sa art piece ko nung biglang mapa-lingon ako sa isang gilid. Agad na napa-kunot ang noo ko nang makita ko si George. Ilang beses kong ipinikit ang mga mata ko dahil baka mali lang ang nakikita ko. But… it really looked like him.
“Thank you,” sabi ko sa kausap ko nung magpaalam na siya. Kanina ko pa gustong umalis, pero ayoko naman na maging bastos dahil siya na mismo ang lumapit sa akin para kausapin ako at magtanong tungkol sa painting ko. Nang makaalis na siya, naglakad ako palapit sa may lalaki.
“George,” I said, unsure, dahil hindi talaga ako sigurado kung siya ba ang nakita ko.
“Surprise,” he replied nung lumingon siya.
My lips parted. “How… are you here?”
“Took a flight,” he said, shrugging. “Told you I’ll attend your first exhibit,” dugtong niya. Naalala ko nung isang beses na nag-usap kaming dalawa, we were both a little drunk dahil galing kami sa isang house party. Naglalakad lang kami sa campus—sinamahan niya akong maglakad pauwi dahil delikado maglakad mag-isa. Napagod kami. Huminto at naupo lang sa damuhan. Maraming bituin nung gabi na ’yon. We talked about our dreams. I told him na pangarap ko sumali sa exhibit bilang professonal artist. He told me he’s sure it’ll happen and when it does, he’ll be there to cheer for me. I thanked him. I just didn’t know that he’ll really do it… Kasi nandito siya ngayon—halfway across the world—to cheer for me.
“Congrats, Marian. You did it,” sabi niya na naka-ngisi.
Napa-ngiti na rin ako. “Thank you,” sagot ko sa kanya. “But… when did you arrive?”
Mayroong malapit na coffee shop sa may exhibit kaya pumunta kami roon. Nag-usap lang kami ni George. Dapat pala sasama sa kanya iyong iba naming mga kaibigan, pero hindi sila makaalis dahil sa trabaho. Si George lang iyong malakas ang loob na magleave agad kahit bago pa lang sa trabaho. He also kept on asking about Boracay dahil balak niya pumunta roon.
After a while, bumalik na kami sa may exhibit dahil baka kailangan ako roon. Pagpasok namin, agad na nakita ko si Chase. Naka-talikod siya mula sa pwesto namin. Naka-suot siya ng light brown khaki pants, while polo na naka-tupid hanggang gitna ng braso niya, at puting Converse sneakers. Patingin-tingin siya na para bang may hina-hanap hanggang sa mapa-hinto siya nang makita ako. Kita ko rin iyong pagkunot ng noo niya.
I walked towards him.
“Wala kang duty?” I asked dahil tanda ko na sinabi niya na hindi siya sigurado kung makaka-punta siya rito dahil may duty siya. Sinabi ko naman na buong buwan naman ’tong exhibit at pwede naman siya pumunta anytime.
“Nakipagpalit ako,” he replied. Nakita ko na naka-tingin siya kay George na hindi sumunod sa akin at ngayon ay tumi-tingin na sa ibang paintings.
“George,” I told Chase. “Kaibigan ko from London.”
“He’s here on a vacation?” tanong ni Chase.
“No,” I replied. “He told me before na pupunta siya sa unang exhibit ko… and here he is.”
Naka-tingin lang ako kay Chase habang naka-titig siya kay George na tahimik na tumitingin sa mga exhibit. Nakita ko na mayroong kumausap kay George na babae. George told me before that he liked me, but I never really took him seriously because I still see him flirting with other girls. Hindi rin naman ako nagalit o nainis. Hindi ko naman siya pagmamay-ari. Parang tanga lang kung magagalit ako e wala naman siyang committment sa akin. Same thing as hindi naman ako nagalit kay Chase nung magthank you siya sa akin.
“That’s nice,” kumento ni Chase.
“I know,” I replied. Tumingin siya sa akin. His brow was slightly arched. Kumunot ang noo ko. “Ano?” tanong ko dahil may iba sa aura niya ngayon.
Umiling siya. “Nothing,” sabi niya tapos ay ngumiti. “May gagawin ka ba after?”
Tumingin ako kay George. “I think I’ll have dinner with George,” sabi ko. Siya lang kasi rito sa Pilipinas. Tanda ko pa nung unang gabi ko sa London. Gusto kong lumabas para mag-ikot at kumain, pero hindi ako naka-labas dahil wala akong kilala at medyo kabado rin ako.
Tumango si Chase. “Oh. Okay,” sabi niya.
“Gusto mo bang sumama?”
“I don’t want to intrude.”
Kumunot ang noo ko. “Intrude to what?” sabi ko. “I’m having a dinner with my friend,” dugtong ko. “George is my friend,” sabi ko pa. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag.
“I’m not saying that you shouldn’t have dinner with him.”
“That’s right because you can’t,” sabi ko.
Kumunot ang noo ni Chase. “Marian, I’m not here to start a fight.”
“Hindi rin ako nakikipag-away.”
“Fine,” sabi niya.
“Fine,” sagot ko.
Naka-tingin kami sa isa’t-isa. After a few seconds, he sighed.
“Fine,” he said. “I’m jealous. Okay na?”
Kumunot ang noo ko. “Bakit ka naman nagseselos?”
“Because I like you,” mabilis na sagot niya na parang nainis na kailangan ko pa bang itanong iyon. “But whatever. Hindi naman kita pipigilan makipagdinner.”
Napa-kurap lang ako sa sinabi niya. Hindi ba ako nananaginip? Was he serious? Si Felix Chase Viste? Topnotcher ng PLE? Nag-iinarte sa harapan ko dahil lang makikipagdinner ako kasama iyong kaibigan ko?
“Fine,” I said. “Kung ayaw mong sumama, then let’s have dinner after.”
“Busog ka na nun.”
“Konti lang kakainin ko.”
“No, it’s fine,” sabi niya.
Umirap ako. “Ang arte.”
He scoffed. “Wow. Sorry kung nagseselos ako.”
I bit the inside of my inner lip. Bakit ba ang saya pakinggan na nagseselos siya kahit na alam ko na hindi naman siya dapat magselos dahil kaibigan ko lang naman talaga si George?
“George,” pagtawag ko kay George nung makita ko na wala na iyong kausap niya na babae kanina. Lumapit siya sa amin. “Chase, this is George, my friend,” pagpapa-kilala ko sa kanya. “George, this is Chase—”
“Suitor,” sabi ni Chase.
Napaawang ang labi ko.
“Oh,” sabi ni George na napa-tingin sa akin. “Nice to meet you, lad,” sabi niya nang inoffer iyong kamay niya kay Chase na tinanggap naman iyon.
Nag-usap silang dalawa. Iniwan ko sila dahil mayroong tumawag sa akin. Pagbalik ko, nag-uusap pa rin sila. Friendly si George—siya nga ang unang kumausap sa akin nung nasa London ako. Kita ko na siya rin ang kumakausap talaga kay Chase.
“What are you two talking about?” tanong ko.
“Boracay,” sagot ni Chase.
“Will be here for two weeks,” sabi ni George. “Will probably go there in a few days.”
“You can go there alone?” I asked.
Tumango si George. “Yeah, I’ll be fine,” sabi niya.
After that, nagdinner na kami. Hindi pa rin sumama si Chase. After ng dinner namin ni George ay sumakay na siya sa Grab pabalik sa hotel na pinagsstayan niya. Nagstay ako sa resto habang nagtetext kay Chase dahil sabi ko na after ng dinner namin ni George ay siya naman ang sasabayan ko.
“Nasan ka?” I asked nung sagutin ko iyong tawag niya.
“Hospital.”
“May duty ka na?”
“In a few hours,” sagot niya.
“Akala ko nakipagpalit ka?”
“Akala ko may dinner tayo, e.”
Umirap ako. “Oo nga. Meron nga. Salad lang kinain ko,” sabi ko sa kanya. “Nagugutom pa ako.”
Hindi agad siya nagsalita. “Where are you?”
“Resto,” sabi ko. “Punta ako d’yan.”
“No, puntahan kita d’yan.”
“No, ako na,” sabi ko habang sinusuot iyong earphones ko at binubuksan iyong app para makapagbook na ako ng sasakyan. “May duty ka pa mamaya.”
Nakipagtalo pa si Chase na siya na ang pupunta, pero hindi ako pumayag. May trabaho pa siya. Ayoko na pinupuntahan niya ako after duty kasi pagod siya. Ayoko na imbes na doctor, maging pasyente siya bigla.
Malapit lang naman iyong St. Matthew’s kaya nakarating agad ako roon. Pagbaba ko pa lang ay nakita ko na agad siya sa may entrance ng ospital na para bang nag-aabang siya roon.
“Paano mo nalaman na dito ako bababa?” I asked dahil marami namang drop off sites dito.
He shrugged. “Dito ka laging bumababa.”
I arched my brow. “Stalker ba kita?”
He shrugged again. “Salad lang talaga kinain mo?”
Tumango ako. “Tapos nag-iinarte ka pa,” sabi ko sa kanya. “Nagdinner ka na ba?” Umiling siya. “Magduduty ka na hindi nagdidinner?” tanong ko. Napa-kunot iyong noo ko nung parang naka-ngiti siya. “May nakaka-tuwa ba?”
He nodded, and said, “I like it when you nag at me.”
Napaawang iyong labi ko. Ibang klase talaga…
Humalakhak siya sa naging reaksyon ko. Inilagay niya iyong dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng puting coat niya.
“Saan tayo magdidinner?” tanong niya.
“Sa malapit na lang,” sagot ko dahil may duty pa siya.
Hinubad niya iyong suot niya na coat at nilagay niya sa sasakyan niya nung nadaanan namin. Naka-suot na ulit siya nung damit niya kanina. He looked really good kapag ganito iyong suot niya… pero ewan, mas paborito ko pa rin kapag naka-suot siya ng sesame street na t-shirts niya. Nakita ko na si Elmo at Cookie Monster. May koleksyon kaya siya?
Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad. Naka-rating kami sa isang maliit na café na halos walang tao. Doon kami pumasok sa loob. We looked at the menu, pero wala kaming gustong kainin. We ended up having coffee, but mine was decaf dahil may balak akong matulog mamaya.
“Marian,” pagtawag niya. Tumingin ako sa kanya. “I’m sorry,” dagdag niya.
“Para sa?”
“Pag-iinarte?” he asked na para bang hindi siya sigurado. “I’ve been in a relationship before… I didn’t know na seloso pala ako. I never experienced this before. I’m sorry. I’ll reign myself in, I promise.”
Naka-tingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. He was rather formal about it na para bang normal lang iyong sinasabi niya. Bakit ba sobrang casual niya lang na sabihin sa akin na nagseselos siya? Madali lang talaga sa kanya na sabihin iyon? Na nagseselos siya sa ibang lalaki dahil sa akin?
I cleared my throat.
“Okay…” mahinang sabi ko. “But for the record, magkaibigan lang talaga kami ni George.”
He nodded. “I know,” sabi niya. “But he also told me that he confessed to you before… and that you said thank you? ’”
I shrugged. “Learned that from you.”
He frowned. “You’re welcome, I guess?”
Tumango ako. Natawa siya. He looked at my hands resting on the table. Tapos ay ibinalik niya ang tingin sa akin.
“There’s a medical mission tomorrow. For a week. I know you don’t need to know, but I just want to inform you,” sabi niya.
“Saan?”
“Somewhere in Nueva Ecija,” sagot niya.
“Good luck,” sabi ko. “Ingat kayo.”
“Thank you. Can I see you after?”
Tumango ako. “Magtext ka lang kapag naka-balik ka na.”
“I will,” sabi niya. “Text mo rin ako ng kahit ano.”
Tumango ako. “Kapag wala akong masabi, magtetext ako ng quotations.”
“Yung inspiring sana.”
Umirap ako. “Ang demanding.”
Humalakhak siya. “Pwede rin na memes para matawa ako sa duty,” he said. “Or pick-up lines para kiligin ako.”
Umiling ako sa kanya. “No. Never.”
“Try mo lang.”
Umiling ulit ako tapos ay kinulit niya lang ako hanggang sa dumating iyong kape namin. Nag-usap lang kami tungkol sa mga random na bagay. Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin. Natigil lang kami nung mag-alarm iyong phone niya dahil malapit na iyong duty niya.
“Sandali lang,” sabi niya pagdaan namin sa may parking kung nasaan iyong sasakyan niya. Huminto lang ako habang hinihintay siya dahil baka kukunin niya na iyong coat niya. Naka-tayo lang ako roon at tumi-tingin sa mga tao na naglalakad.
“For you.”
Napa-tingin ako sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na abutan niya ako ng bulaklak. Isang bouquet iyon ng pink roses. He was smiling while holding out the bouquet.
“Congratulations on your first exhibit, Marian. I’m proud of you,” sabi niya habang diretsong naka-tingin sa akin at naka-ngiti. “Flowers from your number one fan.”
Rinig na rinig ko iyong pagtibok ng puso ko—palakas iyon nang palakas na para bang mabibingi ako. Mas malakas iyon kaysa dati—mas ramdam ko ngayon iyong lakas ng tibok.
“Ibibigay ko sana sa ’yo kanina kaya lang nalimutan ko. Buti naalala ko kasi next week pa pala ulit kita makikita—” he said, but he was not able to finish his sentence because I was not able to stop myself anymore as I crossed the distance, tiptoed, and kissed him.
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 17
Chapter 17
“Uuwi na ako bukas,” sabi niya habang magka-usap kami sa phone. Naka-loudspeaker ako dahil nagddrawing ako… or, at least, nagta-try ako magdrawing. Iniisip ko na kasi iyong susunod na piece ko para sa exhibit. Nakaka-tuwa na mayroong tatlo na bumili nung gawa ko. May tatlong tao na nagustuhan iyong gawa ko. Ewan. Nakaka-taba ng puso na iyong pinaghirapan mo, mayroong nakaka-appreciate.
“Alam ko,” sagot ko sa kanya. “Pang-apat na beses mo ng sinabi ’yan.”
Tumawa siya. “Talaga ba?”
“Yes.”
“Ah… Excited lang kasi ako umuwi.”
Hindi ako nagsalita. Ewan ko kung bakit ako nahihiya e ako naman iyong humalik sa kanya. Gulat na gulat ata siya sa nangyari dahil natulala lang siya pagkatapos. Bigla naman akong inatake ng hiya kaya agad din akong umalis at naglakad palayo.
“Text kita kapag NLEX na kami,” sabi niya.
“Okay.”
“Dinner tayo.”
“Okay.”
“Date ’yun, ah.”
“Okay.”
“Girlfriend na kita?”
“Ok—” natigilan ako. Natawa siya. “Nice,” sabi ko.
Tumawa na naman siya. “Puro ka kasi okay e.”
“May ginagawa kasi ako,” sabi ko sa kanya.
“Busy ka ba? Dapat sinabi mo para mamaya na lang ako tatawag.”
“No, hindi naman,” sagot ko. “Nagssketch lang ako para sa susunod na painting ko.”
Nag-usap pa kami ni Chase hanggang ako na iyong magpaalam kasi rinig na rinig ko na iyong antok niya dahil sa paghikab niya sa kabilang linya. Pansin ko na kahit naka-pikit na siguro ang mga mata niya, hindi siya ang unang magpapaalam sa amin. Ako na iyong naaawa sa kanya kaya ako na ang tumatapos sa usapan namin.
After that, akala ko ay mapapahinga na ako, pero si George naman ang kausap ko. Sandali lang kaming nag-usap dahil kinailangan niya ng lumabas dahil may bar crawl daw sila ng bagong mga kaibigan na nakilala niya sa Boracay. Iyon talaga ang tao na kahit saang parte ng mundo mo ata dalhin ay kaya niyang magkaroon ng kaibigan.
The next day, I had lunch with Kuya and Ate Niles. Himala na sabay sila na free kaya naman napagdesisyunan namin na maglunch.
“Pumunta kami sa exhibit nung isang araw,” sabi ni Kuya. “Wala ka dun.”
“Wala naman ako dun araw-araw,” sagot ko. “Sana sinabi mo para nagpunta rin ako.”
“Sumama si Mama,” biglang sabi ni Kuya.
“Oh? Bakit daw?”
“Gusto niyang makita gawa mo.”
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Naramdaman siguro ni Ate Niles na may kakaibang nangyayari kaya nag-excuse siya para pumunta raw sa CR.
Tahimik lang ako na kumakain. Ano naman kung nagpunta si Mama? Hindi ko naman siya pipigilan. Kahit doon pa siya magcamping, okay lang naman sa akin. Buhay niya naman ’yan.
“Hindi kita pipilitin na makipagkita kay Mama,” sabi ni Kuya.
“Buti naman,” sagot ko. Tumingin ako kay Kuya. “Alam ko nanay ko siya. Alam ko siya naglabas sa akin sa mundo. Alam ko lahat ’yan,” diretso na sabi ko sa kanya. “Pero ayoko siyang makita. Ayoko siyang maka-usap. Ayoko. Period. Hindi ko kailangan mag-explain kung bakit.”
Walang expression sa mukha ni Kuya. Tumango lang siya.
“Okay,” sabi niya.
“Okay,” sagot ko.
“Sorry,” sabi niya.
“Not your fault.”
Umiling siya. “Pakiramdam ko kasalanan ko. I should’ve intervened bago pa umabot sa punto na ganito,” sabi ni Kuya. Umirap ako. Bakit ba feeling niya kasalanan niya? Hindi niya naman kasalanan na ganoon sa akin si Mama? Ako nga hindi ko naman siya sinisisi, so bakit niya ba sinisisi iyong sarili niya?
“Pwede ba ’wag na nating pag-usapan si Mama?” sabi ko.
“Okay…” malungkot na sabi niya.
“Thank you,” sagot ko. “Hindi naman kita pipigilan na makipagkita kay Mama. Ang akin lang, pabayaan mo na ako rito. Hindi ko naman alam kung baka next year magbago ang isip ko. Who knows? Pero ngayon, ayoko. Kaya sana irespeto mo na lang, Kuya.”
Tumango si Kuya. “I understand.”
“Thank you,” muling sabi ko. “Tawagin mo na si Ate Niles at baka kung ano na ginagawa sa CR nun,” dugtong ko kasi ang tagal ng nasa CR ni Ate Niles. Baka nagoonline consultation na ’yon doon.
Pagkatapos ng lunch namin ay pumunta muna ako sa Quiapo para bumili ng art materials. Mas mura kasi talaga roon. Saka ewan… therapeutic sa akin na pumunta roon. Mas maayos na ako ngayon. Mas payapa na iyong buhay ko. Kapag pumupunta ako doon, naaalala ko iyong kahapon. And I become more thankful for the peace that I have now.
Pag-uwi ko sa apartment ay naglinis ako ng katawan. Nagpalit ako ng maluwag na puting shirt at cotton shorts. Ganoon lang naman ang suot ko lagi kapag nasa apartment lang. Nainspire ata ako sa pagpunta ko sa Quiapo dahil naka-gawa ako ng bagong sketch. Baka ito na lang ang gawin ko… O kapag hindi, ito na lang iyong pang next month ko.
“Sorry, ngayon ko lang nabasa text mo,” sabi ko nung makita ko na tumatawag si Chase. Kanina pa pala siya nagtext na nasa NLEX na sila. Malamang naka-uwi na siya ngayon.
“It’s okay,” sabi niya.
“Nakauwi ka na ba?”
“Hindi pa.”
“Nasa hospital?”
“Hindi rin.”
“Nasaan ka?”
“Labas ng apartment mo.”
Kumunot ang noo ko. Tumayo ako at lumapit sa may pintuan. Binuksan ko iyon. “Wala ka naman dito,” sabi ko habang sinasara iyong pinto at naglalakad pabalik.
Tumawa siya. “Tinignan mo ba sa labas?”
Tumango ako. “Wala ka naman.”
“I mean, naka-park ako malapit sa apartment mo,” he replied. “Weird naman kung pupunta ako d’yan bigla.”
“Bakit naman weird?”
“Wala lang.”
“Puntahan kita d’yan?”
“Yes, please. Unless gusto mo na ako pumunta d’yan?”
I looked around. Maayos naman iyong apartment ko apart sa mga art materials na nagkalat. Hindi naman siya mukhang maduming tignan. Besides, medyo tinatamad akong lumabas dahil lumabas na ako kanina nung naglunch kami nila Kuya. At saka ang kumportable ko na sa suot ko.
“Pwede naman,” sagot ko.
“Really?”
Tumango ako habang kinukuha iyong mga brush at inilalagay sa basket lahat para magkakasama na sila. “Yes. Mag-order na lang tayo ng pagkain,” sabi ko. Naghintay ako ng sasabihin niya, pero isang minuto na ang lumipas at wala pa rin akong naririnig sa kanya. “Hello?” sabi ko.
“Yeah… Still here,” sabi niya sa mas mababa na tono ng boses.
“Ayaw mo ba? Pwede naman ako lumabas—”
“No, pupunta ako,” mabilis na sagot niya naman ngayon.
“Okay,” sabi ko. “Third floor, room 308,” dugtong ko.
Hindi ko alam kung bakit nag-effort pa ako na magwalis kahit malapit naman na siya. After a few minutes, naka-rinig na ako ng katok sa pintuan. Lumapit ako roon. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya na naka-khaki shorts at naka-suot ng itim na hoodie na may pangalan ng SCA Health Institute.
“Hi,” sabi ko.
“Hi,” sagot niya.
Naka-tingin lang kami sa isa’t-isa.
“May mga takeout menu ako,” sabi ko sa kanya. “Ano ba ang gusto mong kainin?” tanong ko dahil mukhang siya iyong mas pagod dahil medyo maitim iyong eyebags niya. Akalain mo na tinatablan pala siya ng eyebags? Akala ko ay lagi lang siyang… fresh. Ganoon kasi talaga ang description kapag naka-tingin ako sa kanya.
“Kahit ano,” sagot niya. “Pwede request muna?”
“Ano?”
“Payakap.”
Bahagyang napaawang ang labi ko. Napa-kurap. “Okay…” sabi ko dahil ano ba ang dapat na isagot doon? Pero hindi na ako nakapag-isip pa nung bigla akong yakapin ni Chase. Hindi ko alam, pero parang sa paraan ng pagyakap niya ay naramdaman ko kung gaano syia kapagod. Kaya naman hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya na yakapin ako.
“Thank you,” sabi niya after ng ilang minuto na yakap niya lang ako. For a second, inisip ko na naka-tulog na siguro siya, pero hindi naman.
“You’re welcome,” naweirduhan na sagot ko.
Pumasok lang si Chase nung sabihin ko na pumasok siya. He looked around. Maayos naman iyong apartment. Hindi siya kasing ganda nung apartment ko sa London, pero ang pinaka-importante lang naman sa akin at iyong mag-isa ako at walang mangingielam sa akin.
“Gusto mo ng tubig? Kape?”
“Water lang,” he replied.
“Ito ’yung menu,” sabi ko sabay abot nung naka-staple na mga menu. Kumuha ako ng tubig at saka inabot sa kanya iyon. Nagpasalamat siya. Dahil maliit lang naman ang apartment ko, loveseat lang ang mayroon ako. Doon naka-upo si Chase habang naka-tayo ako sa may isang sulok ng apartment ko.
“Bakit nandyan ka?” tanong niya.
I shrugged. “Wala lang.”
“Dito ka, oh,” sabi niya sabay tapik sa pwesto sa tabi niya.
“Okay lang ako dito.”
Tumawa siya. “After mo akong halikan, mahihiya ka ngayon na maupo sa tabi ko?” sabi niya.
Ramdam ko iyong pag-iinit ng pisngi ko. Agad na kumunot ang noo ko at saka naglakad ako papunta sa ref. Rinig na rinig ko iyong halakhak niya habang naka-upo siya sa sofa. Tsk. Patagal nang patagal, palala nang palala iyong mga sinasabi niya. Parang dati mysterious pa siya… ngayon, hindi ko na alam.
“Sorry na,” sabi niya. “Di na kita tutuksuhin.”
“Mamili ka na lang ng oorderin d’yan.”
“Dito ka, tulungan mo ko.”
“Kaya mo na ’yan.”
“Di ko alam kung ano masarap dito.”
“Lahat masarap.”
“Okay. Ito na lang Thai food.”
“Okay,” sabi ko. “Nandyan iyong number. Ikaw na tumawag.”
Naka-tayo lang ako sa tabi ng ref habang tumatawag siya dun sa may Thai resto. Nang matapos siya, lumingon siya sa akin. “D’yan ka lang ba talaga?”
Tumango ako. “Di nga tayo kasya.”
“May space pa rito,” sabi niya sabay turo sa tabi niya. “Kung ayaw mo, kandong ka na lang.”
Ramdam na ramdam ko iyong pamumula ng mukha ko. Mas lalo lang ata siyang natuwa dahil ang lakas ng tawa niya. Ginagawa niya ng hobby iyong tuksuhin ako. Dahil siguro sa reaksyon ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa kanya at naupo sa tabi niya. Alam ko iyong ganyan na ugali. Mas lalo lang siyang mawiwili kapag nakikita niya na naapektuhan ako sa ginagawa niya.
“Nagbago isip mo?” he asked nang maupo ako sa tabi niya.
“Manood na lang tayo,” sabi ko habang kinukuha iyong remote at binubuksan iyong TV. Pagbukas ko ay pumunta ako sa Netflix. Pumunta ako sa account ko.
“Share kayo ni George?”
Tumango ako. “Libre lang, e,” sabi ko. Bakit naman ako magbabayad ng 500 para sa subscription? Hindi naman ako mayaman.
Tumingin ako sa kanya. “Ano? Selos ka na naman?”
“Hindi, ah.”
“Itsura mo.”
Umirap siya. “Sa account ko na lang ikaw,” sabi niya.
“May Netflix ka?” He nodded. “Aba, may time ka pa manood?”
“Hindi naman ako 24/7 naka-duty,” sabi niya habang kinukuha iyong remote mula sa kamay ko. Tumingin siya sa akin. “Logout ko ’to?”
I shrugged. “Bahala ka.”
Naglogin siya sa isang account. Pagpunta namin sa account na ’yon, may apat na account Owner, Leech 1, Leech 2, Leech 3.
“Leech number ano ka?”
“Three,” sabi niya na natawa.
“Mga kapatid mo ’yung iba?”
“Yes.”
“San d’yan Achi mo?”
“Wala,” sabi niya. “May ibang ka-share ’yon,” dugtong niya.
“Sino nagbabayad nito?”
“Ahia,” sagot niya. “Yung owner.”
“Ayoko nga gamitin ’yan. Sa mga kapatid mo ’yan.”
“Okay lang ’yan,” sabi niya sa akin. “Di ko rin alam bakit kami may Netflix. Wala atang gumagamit niyan,” dugtong niya sa akin tapos napa-kwento siya sa mga kapatid niya. Iyong Ahia niya raw ay may business tapos iyong si Charlie ay busy sa mga kaso niya. Iyong Chester ay kasama niya sa ospital dahil doctor din nga pala. Ang successful naman nilang magkakapatid.
Pumunta kami sa account ni Chase sa Netflix. Mukhang hindi nga talaga ginagamit dahil iyong mga nasa list niya na movie at series ay mga luma na.
I was in the middle of browsing nang mapa-tingin ako sa kanya dahil ramdam ko na naka-titig siya sa akin.
“Ano?” tanong ko dahil naiilang ako na naka-titig siya.
“Salamat sa pagtetext kahit minsan tuldok lang sinesend mo.”
“You’re welcome.”
“Try mo nga kasi minsan pick-up lines. Kahit corny maaappreciate ko,” sabi niya.
Umirap ako. “Sa birthday mo.”
“Talaga?”
Tumango ako. “Oo nga.”
“Tatandaan ko ’yan.”
“Oo na.”
“Marian.”
“Oh?”
“Bakit mo ako hinalikan?”
Wala naman akong iniinom o kinakain pero bigla akong nabilaukan sa tanong niya. I felt like I choked on my own saliva dahil sa pagka-bigla sa sinabi niya.
I averted my gaze and pretended to scroll through the home page of Netflix again.
“May ganon ba? Wala akong maalala,” pagpapatay-malisya ko.
“May ganon,” sagot niya.
“Talaga?”
“Talaga,” sabi niya. “Gusto mo ulitin ko para maalala mo?”
Napa-tingin ako sa kanya na nanlaki ang mga mata. Kitang-kita ko iyong pagtawa niya—tawang-tawa siya na halos mabura na iyong mga singkit niyang mata.
“Umuwi ka na nga sa inyo kung bu-bwisitin mo lang ako,” sabi ko habang tinutulak siya palayo, pero wala namang silbi dahil masikip iyong sofa at nasa dulo na rin talaga siya.
“Hindi na,” sabi niya. “Di na kita iinisin, promise.”
“Maniwala ako sa ’yo.”
“Di na nga. Dito muna ako. One week kitang ’di nakita.”
“Di mo naman talaga ako madalas nakikita.”
“Kaya nga, e. Paano ba aayusin ’yon?”
Natigilan na naman ako sa pagtulak sa kanya. Bakit ba ganito siya magsalita? Nakaka-inis. Hindi ko na naman alam kung ano ang isasagot ko.
“E-ewan ko sa ’yo.”
Ngumisi siya sa reaksyon ko. Alam niya na nanalo na naman siya.
“Marian,” he called. I remained silent. “Hinalikan mo ako bigla nung aalis ako… pwedeng halikan din kita bigla ngayon para fair?” he asked seriously.
Parang natuyo iyong lalamunan ko.
At parang mali na tumingin ako sa mga mata niya dahil parang bigla akong na-hipnotismo at bigla na lang akong napa-tango.
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 18
Chapter 18
“Chloe,” I said.
“Yeah?” sagot niya habang may ginagawa sa iPad niya. Magkasama kami ngayon. Kakatapos ko lang dun sa piece for exhibition next month. I had free time. Chloe said na magsabi ako sa kanya kapag may free time ako kaya nagkita kami.
“May alam ka bang pick-up line?”
Tumingin siya sa akin habang naka-kunot ang noo. “Pick-up line?” Tumango ako. “Para saan?”
“Intern,” sagot ko.
Lumaki iyong mga mata niya. “Sinasabi ko na nga ba! D’yan pa rin ang bagsak mo. Marupok ka talaga, sis ko.”
Nagkibit-balikat na lang ako. Marupok ba ’yon? Gusto niya ako. Gusto ko rin naman siya. Bakit pa kailangang gawing kumplikado? Maigsi lang ang buhay.
“Teka, bakit kailangan mo ng pick-up line? Ikaw ba nanliligaw?”
Umiling ako. “No. Nagsabi lang siya na gusto niya na nagtetext ako lagi sa kanya. Naubusan na ako ng inspirational quotes,” sabi ko. Nagdownload na ako ng app na mayroong binibigay na inspirational quote araw-araw. Parang pare-pareho na lang iyong sine-send ko sa kanya. Wala naman akong ma-send na memes. Tinatamad akong mag-online. Mas gusto ko pang manood ng anime.
“Aba, at demanding pa,” sabi niya.
Tumango ako. “May pick-up lines ka ba?”
“Meron,” sabi niya. “Ano? Wholesome ba o medyo SPG?”
Kumunot ang noo ko. “Anong medyo SPG?”
“Gusto mo ng sample?” she asked. Tumango ako. “Tanungin mo ako kung ano pinagkapareho namin ng canned goods?”
“Ano?” I asked.
“Pareho kaming ready to eat,” sabi niya sabay malakas na tawa. Napa-tingin sa amin iyong ibang tao sa coffee shop, pero wala namang pakielam si Chloe.
Napaawang iyong labi ko. “Hindi ako magsesend sa kanya ng ganyan,” sabi ko na kinuha iyong cellphone ko na naka-patong sa mesa dahil baka biglang kunin ni Chloe at itext iyon kay Chase na nasa duty niya ngayon.
“Kaya nga binigyan kita ng option!”
“Yung wholesome.”
Umirap siya. “KJ. Boring,” sabi niya. “Nagkiss na ba kayo?” Tumango ako. “Aww. Dalaga na talaga si Marian. So proud of you, sis!”
Ilang minuto kami nag-usap ni Chloe bago ako pumayag sa pick-up line na binigay niya dahil parang extremes lang siya—either sobrang boring o sobrang bastos. Muntik na akong magsabi na ’wag na lang at magsesend na lang ako ng inspirational quote kay Chase ngayon. Ang naka-schedule ay ‘The way I see it, if you want the rainbow, you got to put up with the rain.’
“Na-send mo na?”
“Sent na,” sagot ko sabay lagay ng phone ko sa bag.
Around 5PM, napagod na rin si Chloe sa pagsasalita. May sasakyan naman siya kaya sinabi niya na ihahatid niya na lang ako. Pagdating ko sa apartment building, napa-kunot ang noo ko dahil bigla kaming nagka-salubong ni Chase. Papa-akyat na rin siya sa hagdan. Napa-tingin lang siya sa likod niya kaya nakita niya ako.
“Tapos na duty mo?” I asked.
Tumango siya. “Don’t worry—I didn’t drive,” sabi niya.
“Okay,” sagot ko. “Nag-early dinner na ako kasama si Chloe. ’Di ko alam na pupunta ka.”
“It’s fine,” sabi niya. “Di ko rin alam na pupunta ako rito.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit ka nandito?”
Imbes na sumagot ay kinuha niya iyong cellphone niya at pinakita sa akin iyong text ko sa kanya. “Di ko pa naman birthday? Ano ’to? Bakit ka nambibigla?”
“Ayaw mo ba?” sabi ko. Kinuha ko iyong cellphone niya at buburahin ko sana iyong mismong text na iyon, pero bago ko pa man magawa, mabilis na inagaw pabalik iyon ni Chase.
“Bakit mo buburahin?”
Nagkibit-balikat ako. “Ewan,” sabi ko. “Pumunta ka rito dahil d’yan?”
Tumango siya. “Akala ko may sakit ka, e. Weird na nagtext ka.”
Umirap ako. “Ikaw nagrequest niyan, tapos nung ginawa ko, ako iyong weird?”
Natawa siya. “Hindi ko naman alam na gagawin mo,” sagot niya. Sabay na kaming naglalakad paakyat sa hagdan. “Sabihin mo nga ’to in person.”
“Ayoko.”
“Please?”
“Nababasa mo naman. Bakit kailangan ko pang sabihin?”
“Fine. Ako na lang magsasabi,” he said and then cleared his throat a couple of times. Napapa-iling na lang ako habang binu-buksan ko iyong pintuan at naka-sunod siya sa akin papasok. “Are you a parking ticket?”
Hindi ko siya pinansin.
“Sabihin mo why, “ sabi niya.
“Why,” sagot ko para tumigil na siya.
“Because you have fine written all over you.”
Naka-tingin ako sa kanya habang nagsasalin ng tubig sa baso. “Masaya ka na?”
Tumango siya habang naka-ngisi. “Very.”
“Advanced birthday gift mo na ’yan.”
Napaawang iyong labi niya. “Grabe… at least i-record mo man lang iyong sarili mo sa video na sinasabi ’yon?”
I shrugged. “Hindi mo sinabi ’yan. Hindi specified.”
Napa-kurap siya. “Ah… ganon pala?”
Tumango ako. “You snooze, you lose.”
“So, dapat very specific ako sa gusto ko?”
Tumango ako. “Hindi naman ako manghuhula,” sabi ko tapos ay kinuha ko iyong baso ng tubig para inumin.
“Okay,” he said while gently nodding his head. “So, what I want right now is for you to come here,” he continued. He placed both his hands on the counter habang naka-tingin sa akin. “Hug me. Tight. And then kiss me.”
Napa-tigil ako sa pag-inom ng tubig.
“Not detailed enough? Kailangan ba i-describe ko rin kung anong klaseng kiss?”
Hindi ko alam kung bakit mabilis akong umiling. Natawa siya—iyong halos mabura na iyong mga singkit niyang mata sa mukha niya. Imbes na ako ang lumapit sa kanya gaya ng sinabi niya, siya iyong lumapit sa akin at saka niyakap ako. Pinatong niya iyong baba niya sa itaas ng ulo ko.
“Marian,” pagtawag niya.
“Bakit?”
“I’m very happy with the situation, but I want to be able to answer that I have a girlfriend tuwing may magtatanong sa akin kung single ako.”
Napa-tingala ako sa kanya. “Sino nagtatanong?”
Nagkibit-balikat siya. “Di ko alam.”
“May nanlalandi sa ’yo?” Bigla siyang natawa. “May nakaka-tawa ba?”
Tumango siya. “Ikaw,” sabi niya. “Cute mo magselos,” dugtong niya habang pini-pisil iyong ilong ko.
Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko habang inaalis iyong kamay niya mula sa ilong ko. “Sino nagtatanong kung single ka?”
“No one in particular.”
Hindi ako sumagot.
Naka-tingin lang ako sa kanya.
“Fine,” sabi niya after a while. “Some nurses… interns… residents… Or do you need names?”
“Puro sa St. Matthew’s?”
Tumango siya. “Dun lang naman ako saka rito sa apartment mo. Wala naman akong ibang pinupuntahan,” sabi niya tapos ngumisi. “Selos ka?”
“Oo.” Napa-kurap siya. “Anong gagawin mo ngayon?”
Napaawang iyong labi niya. “Gagawin kitang… girlfriend?”
“Okay.”
Bahagyang nanlaki iyong mga singkit niyang mata. “Wait. Seriously?”
Tumango ako. “Para may isasagot ka na sa mga magtatanong sa ’yo,” sabi ko. Maraming magandang doctor sa St. Matthew’s. Hindi ko alam, but the thought of them flirting with Chase was making my blood boil. Alam ko ganito ako dati. Akala ko nagmature na ako. Pero nung sinabi niya na nangyayari talaga ngayon? Hindi pa rin pala ako ganoon ka-mature.
“I mean, I do tell them that technically, I’m single.”
“Well, technically, may girlfriend ka na ngayon.”
“Hindi ko naman sinasabi na available ako.”
“Not available ka na kamo.”
“I tell them I’m seeing someone.”
“Good.” Naka-titig siya sa akin at biglang natawa. “Ano?” naka-irap na tanong ko sa kanya.
Umiling siya habang naka-ngisi. Bigla niyang niyakap ulit ako. Naka-sandal sa dibdib niya iyong mukha ko. “Don’t get me wrong, I want to be your boyfriend, but I don’t want us to be official just because you feel like marking your territory.”
“Territory? West Philippine Sea ka ba para magmarka ako ng jurisdiction?”
Ramdam ko iyong pagtawa niya dahil sa pagvibrate ng dibdib niya. “You should really meet my siblings,” sabi niya. “Anyway. I want to be your boyfriend because you like me, and not just because you feel threatened.”
“I do like you,” sabi ko.
Niluwagan niya iyong yakap. Tumingin siya sa akin. Naka-tingala ako sa kanya. “Really?”
Umirap ako. “Sa tingin mo papayagan kitang pumunta sa apartment ko, yakapin ako, at halikan ako kung hindi kita gusto?” tanong ko sa kanya dahil ano ba ang tingin niya? Free for all ’tong ginagawa naming dalawa?
Napaawang iyong labi niya at kumukurap siya with minimal action dahil halos naka-pikit na rin naman siya lagi.
“I mean… I didn’t want to be presumptuous.”
Umirap ako. “Gusto kita. Okay na?” Naka-titig pa rin siya sa akin. Magsasalita sana siya, pero mabilis ko siyang inunahan. “Kapag sinabi mo na thank you, sinasabi ko sa ’yo…” I said with a lace of threat.
He bit his lower lip as he tried to contain his laughter. Mabilis na kinabig niya ulit ako at niyakap. Naramdaman ko iyong paglalagay niya ng halik sa tuktok ng ulo ko.
“Gusto rin kita,” bulong niya.
“Thank you,” sabi ko.
“You’re welcome,” sagot niya tapos tumingin siya ulit sa akin. He was smiling from ear to ear.
“What?”
Umiling siya. “Nothing,” he said while still grinning. “When I woke up yesterday, I didn’t realize that today’s the day.”
“Today’s what?”
“Pwede na akong magpalit ng relationship status sa facebook.”
“Seryoso ka ba?”
Tumango siya. “Naka-in a relationship lahat ng kapatid ko—I feel left out,” sabi niya tapos nginisian ako. “But not anymore.”
Umirap ako. “You’re welcome, I guess?”
Tumawa siya. “Thanks for checking off one of my bucket list.”
“Ano ba’ng laman ng bucket list mo?”
“Secret.”
“Fine,” sabi ko dahil hindi naman porke boyfriend ko na siya ay entitled na ako sa lahat ng sikreto niya. “Saan tayo kakain?”
“Should’ve brought my car,” sabi niya.
“Bakit?”
“I mean, it’s our first official day. Of course I’ll take you out on a date,” sabi niya habang kinukuha iyong cellphone niya at nakita ko na nagbbook na siya ng sasakyan.
“Saan tayo pupunta?”
Napa-tigil siya. Tignan mo—magbbook ng sasakyan, hindi naman alam kung saan kami pupunta.
Nag-usap kami ni Chase kung saan kami pupunta. Gabi na rin. Saka traffic na. At ayoko na rin lumabas dahil buong araw na akong nasa labas kasama si Chloe.
In the end, pareho kaming tinamad na umalis at nagsabi na lang si Chase na sa susunod na free siya, magddate kami. For now, nagluto kami ng pancit canton at naglaga ng itlog. Nanood kami ng Attack on Titan. First time manood ni Chase. Napa-nood ko na ’to, pero pinapanood ko na lang ulit para may kasabay siya. Medyo mabagal kami manood kasi nanonood lang siya kapag wala siyang duty.
“Marian,” sabi niya.
“Bakit?”
Hindi siya agad sumagot. Lumingon ako at nakita ko na naka-tingin pala siya sa akin.
“Thank you,” sabi niya.
“Para saan?”
“Nothing in particular,” sagot niya. “It’s just that… this whole residency is draining. Thank you for giving me something to look forward to at the end of every duty.”
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 19
Chapter 19
It had been a good few months.
Okay naman kami ni Chase—dito siya sa apartment dumi-diretso madalas kapag tapos na iyong duty niya. Minsan gusto ko siyang tanungin kung hindi ba siya hina-hanap sa bahay nila, but I enjoy his company, so hindi na ako nagtatanong. Umuuwi naman siya sa kanila bago magsimula iyong shift niya dahil doon siya kumukuha ng gamit.
Nasa St. Matthew’s ako ngayon. Kaka-galing ko lang sa exhibit. Tinatamad ako na umuwi sa apartment. Sakto na patapos na iyong duty ni Chase kaya naisipan ko na dumiretso doon para makapagdinner kami. Lagi kasi kaming nasa apartment. Nakaka-sawa din minsan. Gusto kong lumabas.
Naka-upo lang ako sa isang bench habang hini-hintay si Chase. I was on my phone, quietly watching anime to pass time. Nang makita ko si Chase na naglalakad ay tinanggal ko iyong earphones ko.
“Chase—”
Napa-tingin ako sa likuran ko dahil sabay kaming nagsabi ng pangalan ni Chase. May nakita akong lalaki na naka-tayo. He looked like Chase, only older. Ito ba iyong Ahia niya? Naka-tingin din siya sa akin na parang iniisip niya kung kilala niya ba ako o kung nakita niya na ba ako dati.
“Pa,” sabi ni Chase.
Bahagyang napaawang iyong labi ko. So… ito ’yung tatay niya. He looked younger than I imagined. But he looked strict, as expected.
“I just finished with my executive check-up,” sabi niya at bahagyang tinignan ako na para bang sinasabi niya kay Chase na sabihin kung sino ako. “Have you seen your sahia?”
Umiling si Chase. Tumingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko. Ayaw niya ba akong pakilala?
I was about to take a step nang bigla niyang tawagin iyong pangalan ko.
“Marian,” he said. Tumingin ako sa kanya. “Pa, Marian’s my girlfriend.”
Tumingin ako sa kanya na naka-kunot ang noo. I was fine with leaving them. I didn’t exactly know their family dynamics—ang alam ko lang, strict ang tatay niya. Sinabi niya rin dati na pareho kami ng sitwasyon. Naiintindihan ko naman kung hindi niya ako ipapa-kilala ngayon. Hindi ko naman siya pipilitin.
Ramdam ko na naka-tingin sa akin iyong tatay niya. Tumingin din ako sa kanya.
“Hi,” sabi ko dahil ayokong maging bastos.
“Hi,” he replied in a clipped tone.
Naka-tingin lang kami sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. I also could not care less. I lived most of my life feeling inadequate because of what my mother thought of me—never again. Kung ayaw niya sa akin, e ’di ’wag. As long as hindi ako magiging bastos sa kanya, problema niya na kung ayaw niya sa akin.
“I’m taking Chase and Chester to dinner,” sabi niya. “Do you want to join us?”
Bago ako sumagot ay tumingin ako kay Chase. Mukha siyang hindi kumportable.
“May pupuntahan pa po ako,” I replied. “Maybe next time. But thank you for the invite,” I added. Tumingin ako sa kanilang dalawa at nagpaalam.
Dumiretso na ako palabas ng hospital. Nagpunta muna ako sa fastfood para bumili ng takeout. Habang nasa pila ako ay naka-receive ako ng text mula kay Chase.
‘BK,’ sagot ko sa tanong niya kung nasaan ako. Hindi na siya nagreply pa. After a few minutes, halos mapa-talon ako nung makita ko na nasa likuran ko na siya. “Akala ko may dinner kayo?” I asked.
“Sahia’s busy,” sabi niya.
Tumango ako. “Tapos na duty mo?”
Tumango rin siya. Naka-suot pa siya ng uniform niya. Nabasa ko pa iyong naka-burda na Chase Viste, MD.
Kami na iyong next sa pila kaya naman umorder na kami ng pagkain namin. Naka-tayo lang kami sa gilid habang hinihintay iyon. Nang makuha na namin iyong pagkain namin ay doon kami naupo sa gilid sa tabi nung glass wall.
“I don’t want you to think na ayaw kitang ipa-kilala,” sabi niya.
Kumunot ang noo ko habang binubuksan ko iyong burger ko. “Wala naman akong iniisip na ganon,” I said as I took my first bite.
“My relationship with my dad is a bit complicated.”
“You’re preaching to the choir,” I replied.
Napa-awang nang bahagya iyong labi ko nang punasan niya ng tissue iyong gilid ng labi ko dahil mayroon yatang mayonaise na naiwan. I thanked him. He looked bothered.
“I’m really fine,” sabi ko muli sa kanya. “Dapat sumama ka na sa tatay mo. Hindi ka na ata nakikita sa bahay niyo kaya pinuntahan ka na sa ospital.”
“Nakikita niya naman ako,” sagot niya. “I think he’s just using me to talk to Sahia.”
“Di ba sila okay?” tanong ko. Hindi ko pa nakikilala in person iyong kapatid ni Chase na si Chester, but from what I heard from Ate Niles and Yanyan, mabait daw although mukhang bored lagi.
“Not exactly,” sabi niya.
I just nodded. Ayokong magtanong ng mga masyadong personal na tanong unless siya mismo ang magsasabi sa akin. Tahimik lang akong kumakain ng burger ko at fries. Si Chase ay kumakain din ng fries. He looked like he was in deep thoughts.
“My dad’s trying, though,” bigla niyang sabi.
“But sometimes, trying’s not enough… especially if the damage is already done,” I replied, shrugging.
Tumingin siya sa akin. “If your mom apologizes, ayaw mo pa rin?” he asked.
“I’ll accept the apology, sure,” sagot ko. “I’ll forgive, but not forget. Magka-iba naman ’yon.”
Tumango siya na para bang iniisip iyong sinabi ko.
“I can see that he’s trying,” sabi niya. “Ako na lang ’yung nasa bahay. Things are a lot different now compared to when they’re still living there. They don’t get to see him now.”
“Can you blame them?” I asked him.
“Honestly? No,” sabi niya na may malungkot na ngiti. “The situation back then was really bad,” dugtong niya. “That was why I was so worried that night.”
“What night?”
“Nung ‘binasted’ kita,” sabi niya with air quotes.
“Why? Hindi ko naman ikakamatay ’yon,” sabi ko sa kanya, but there was an evident change on the expression on his face.
“When I said that the situation was bad before, I meant bad as in my brother almost—” sabi niya tapos natigilan siya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I actually thought about that a couple of times… pero laging hindi natutuloy. Siguro kasi duwag ako. Siguro kasi tuwing hawak ko na ’yong blade, naiisip ko si Kuya kasi alam ko na sisisihin niya iyong sarili niya kapag ginawa ko ’yon.
Kasi marami pa rin akong gustong gawin at patunayan.
But I came close.
A couple of times.
“Buti na lang may kailangan ako sa kanya nung gabi na ’yon.”
“…nakita mo?”
Tumango si Chase.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May pwede bang sabihin sa ganon?
“When you walked away, that was my first thought. Hindi ako naka-tulog kasi ’di mo sinasagot iyong text ko.”
“Sorry…” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala iyong naiisip niya nung panahon na ’yon. Kung may nangyari sa akin nung gabi na ’yon, kung hindi ako pinuntahan ni Yanyan, sisisihin ni Chase iyong sarili niya kahit wala siyang kasalanan.
Tipid na ngumiti siya sa akin. “I’m so glad you’re fine.”
Inabot ko iyong kamay niya na naka-patong sa lamesa. Hindi ako nagsalita. Hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko. Sana sapat na na nandito ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin.
We quietly finished our food. Paglabas namin, tahimik lang kaming naglalakad. Medyo nabigla ako nang hawakan niya iyong kamay ko dahil hindi naman namin ginagawa iyon. But I figured that he needed me now, so, I just squeezed his hand to let him know na nandito lang ako.
“Thank you,” sabi niya nung nasa sasakyan na kami.
“Bakit?”
“Wala. Salamat sa pakikinig.”
“Anytime,” sagot ko sa kanya.
The drive back to the apartment was quiet. Nang huminto si Chase ay hindi niya tinanggal iyong seatbelt niya.
“Uwi muna ako,” sabi niya.
Tumango ako. “Ingat ka,” sagot ko bago ako bumaba sa sasakyan niya. Hindi siya umalis hanggang hindi ako nakaka-pasok sa loob at nagtetext sa kanya na nasa loob na ako ng apartment.
Naupo ako sa couch.
He was right—we’re more alike than I realized.
Sana maging maayos na rin siya.
He deserved that.
I watched anime to pass time—hindi AOT dahil sabay naming papanoorin ni Chase iyon. Around 11PM, naka-receive ako ng text mula sa kanya.
‘Daan ako before duty?’
‘Okay.’
Hindi ko alam kung kumain na ba siya sa bahay nila kaya naman naghanda ako ng pagkain para meron pagdating niya. Nung maka-rinig ako ng katok, binuksan ko agad iyong pinto. I stopped for a few seconds to admire the view—I really liked seeing him in his doctor uniform and his crocs. Mayroon ba na jibbitz na sesame street? Gusto ko siyang bigyan sa birthday niya.
“Nagdinner ka na?”
Tumango siya. “Nagluto ka?”
Tumango ako. “Gusto mo baunin?”
Tumango siya. “Naks naman. Bait na girlfriend,” tukso niya. Mukhang okay na siya ngayon kumpara sa mood niya kanina.
Umirap ako. Hinubad niya iyong crocs niya at sinuot niya iyong slippers niya. Meron na rin siya ngayon dahil lagi naman siyang nandito at ayaw niyang naka-paa dahil madumi daw. Hindi ko naman sinasabi na magpaa siya. Gumagawa siya ng sarili niyang problema.
Habang naghahanap ako ng tupperware na pwedeng lagyan nung pagkain ay pinapa-nood lang ako ni Chase.
“Ano?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya na naka-ngisi. “Mukha kang housewife.”
Umirap ako. “Para maging housewife, kailangang pakasalan muna.”
Tumawa siya. “Proposal ba ’yan, Marian?”
Umirap ako. “Asa ka pa.”
Tumawa ulit siya. “After residency.”
“Kailan pa ’yon? Forever ka ng nag-aaral,” sabi ko na sinasabayan lang siya. Hindi naman ako seryoso sa kasal. If meron, e ’di meron. ’Di naman kasama sa mga life goals ko ’yan. ’Di ko nga rin alam kung gusto ko ng anak. Gusto ko, sa ngayon, lahat ng pera ko ay mapunta sa akin. I’d take care of my inner child first bago ibang bata.
“Ten years nga,” sabi niya.
“Matanda na ako nun.”
“Ano naman?”
“Magpapakasal ka sa matanda?”
“Mas matanda naman ako sa ’yo, so ikaw, willing ka bang magpakasal sa mas matanda? Hindi pa naman ako senior citizen sa time na ’yon.”
“Mga tanong mo.”
Tumawa siya. “Hirap ba?”
Hindi ko na siya pinansin nung naka-kuha na ako ng microwavable container. Nilagay ko roon iyong rice at saka iyong ulam. Ininit ko lang naman iyong adobo na niluto ko. Mas tipid kasi na magluto kaysa laging umorder sa labas.
“Marian,” he called.
“Bakit?” sagot ko habang naghahanap ng tissue para doon ko ibabalot iyong utensils.
“Kailan ka free?”
“Para saan?”
“Pakilala kita sa mga kapatid ko.”
Napa-tingin ako sa kanya. “Kanino?” I asked kasi apat ang kapatid niya.
“Susubukan kong sa lahat, pero busy kasi sila,” he replied. “Pero kailan ka free? And okay lang ba sa ’yo?”
Napa-kurap ako. Ipapakilala niya ako sa mga kapatid niya. I knew that our relationship was serious… pero parang mas naging seryoso dahil ipapakilala niya na ako sa mga kapatid niya. Bakit bigla akong kinabahan kaysa nung nakilala ko iyong tatay niya?
“Uh… okay,” sabi ko.
“Okay na ipakilala kita?”
Tumango ako. “Uh… free naman ako lagi.”
Tumango siya. “Noted,” he said. “I’ll ask them for the common free time. Kapag wala, kung sino na lang ang pwede tapos sa ibang araw na lang ’yung iba.”
Naka-tingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita.
“Kinakabahan ka?” he asked. Tumango ako. “Kapag ayaw mo na, squeeze my hand three times and I’ll make up some emergency para maka-alis tayo,” he told me and smiled at me. “We’ll ditch them and drive around Manila, just the two of us.”
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 20
Chapter 20
“Sino ’yung nandun?” tanong ko kay Chase habang on the way kami sa resto kung saan kami magdidinner ng mga kapatid niya. I wore a beige button down dress and flats. Puro neutral color lang iyong mga damit ko. Mas madali kasing bagayan. Ayoko rin ng madaming damit kasi naisip ko kung aalis ako, ang hirap niya dalhin lahat. Gusto ko iyong kasya na iyong buong buhay ko sa dalawang malaking luggage—except sa mga artworks ko.
“Ahia and Sahia,” he replied. “Busy sila Achi at Dihia—some other time.”
Mas mabuti siguro na dalawa muna. Masyadong marami kapag lima silang Viste na nasa harapan ko. Nung una kong makilala si Chase, he was unnerving because of his looks… I could only imagine kung ano ang itsura kapag magkakasama silang limang magkakapatid.
“Sahia si Chester, tama ba?” I asked and he nodded. “Anong name ng Ahia mo?” tanong ko dahil baka bigla ko ring matawag na Ahia.
“Frederico Carlisle,” he replied. “Named after our angkong, pero Lyle ang tawag sa kanya ng mga kakilala niya.”
Tumango ako. “So, ano ang itatawag ko sa kanya?”
He shrugged. “Lyle?” sabi niya.
“Di ba siya magagalit?” I asked kasi nasabihan na ako noon na bastos ako dahil hindi ko tinatawag na Ate si Yanyan. Mas weird kasi kung tatawagin ko siyang Ate dahil nag-aaway lang kami lagi dati. Si Ate Niles, mas madali sa akin na tawagin na Ate dahil ever since, mahaba ang pasensya niya sa akin.
“I don’t think so,” sabi niya. “Gusto mo tawagin mo rin na Ahia?”
Umiling ako. “Ayoko.”
Natawa siya. “Sabihin mo practice lang for the future.”
Hindi ko na lang pinansin iyong sinabi niya about sa future. Ginagawa ko lang iyong sinabi ni Chloe dati na ’wag pansinin iyong ganito kasi baka umasa. Not that umaasa ako sa mga ‘future’ na sinasabi ni Chase. I like him. He likes me. Pero bata pa kami. Marami pang mangyayari sa amin. I just wanted to enjoy one day at a time.
“Three squeeze,” sabi niya nung huminto kami sa parking nung resto.
Tumango ako. “Thank you,” I replied.
Pagpasok namin sa loob ay alam ko na agad kung sino iyong mga kapatid niya. Alam ko na rin kung sino iyong si Ahia at kung sino si Sahia… probably dahil pamilyar na si Chester sa akin. Baka naka-salubong ko na siya sa St. Matthew’s at hindi ko lang alam na siya pala iyong kapatid ni Chase. Marami kasing singkit sa ospital na ’yon.
“Ready?” he asked.
“Dinner lang naman ’to, ’di ba?”
Tumango siya. “Si Ahia magbabayad, so magpaka-busog tayo,” sabi niya. I just shook my head in disapproval, pero tinawanan lang ako ni Chase. Minsan lang daw kasi manlibre iyong Ahia niya kaya kapag nililibre sila, sinusulit talaga nila—kagaya nung Netflix na wala naman halos gumagamit pero nandoon pa rin dahil Ahia niya iyong nagbabayad. Para sa pamilya na may pera, napaka-kuripot nila. Kaya siguro nananatiling mayaman ang mga mayayaman dahil ayaw maglabas ng pera.
“Ahia, Sahia,” pagtawag ni Chase nung maka-lapit kami sa lamesa. Tumingin sa amin iyong dalawang kapatid niya. Iyong Ahia niya ay naka-suot ng puting short sleeved button down polo na may Chinese collar at may black rimmed glasses. Seryoso din iyong itsura niya. Mas kamukha ’to ng tatay nila. Kasing seryoso din. Si Chester naman ay naka-suot ng itim na shirt. Sabi sa akin ni Chase, puro black daw iyong damit ni Chester para hindi halata na madumi. Hindi ko alam kung totoo o sinisiraan niya lang iyong kapatid niya.
Tumayo iyong Ahia niya at inoffer ang kamay sa akin.
“Nice to meet you,” sabi niya sa mababang tono ng boses niya.
“Likewise,” sagot ko. Masyado namang pormal ang isang ’to. Pakiramdam ko ay nasa business meeting ako.
“Hi,” sabi ni Chester sa akin na may kasamang matipid na tango. Hindi ko siya matawag na Sahia. Hindi ako sanay.
“Hi,” I replied. “I’m Marian.”
“I know,” sagot ni Chester. “Kapatid mo si Nicolas?”
Tumango ako. Alam ko hindi sila close ni Kuya sabi ni Yanyan, pero sabi naman ni Kuya ay wala naman silang problema ni Chester. Either way, ayokong sumali doon dahil matanda na sila. Kung may problema man sila, ’wag nila akong idamay.
Naupo na kaming dalawa ni Chase. Magkatabi kami habang kaharap ko naman si Chester at kaharap ni Chase iyong Ahia niya. Ibinigay na sa amin iyong menu. Unang umorder iyong Ahia niya. Napaka-pormal naman niyang tao. After ay umorder si Chester. Tumingin sa akin si Chase.
“What’s your order?” mahinang tanong niya sa akin.
“Pasta lang,” I replied.
“Di ka gutom?” Umiling ako. “Okay.”
Nauna ako kay Chase na umorder. Nung natapos lang ako ay saka siya ang umorder. Nung umalis iyong waiter ay mayroong katahimikan sa table namin. Wala naman ata sa aming mahilig magsalita. Ang pormal ng kuya nila. Si Chester mukhang perpertually bored. Si Chase, to be honest, ako lang ata ang kinakausap niya. Tinanong ko siya kung may ka-close ba siya sa mga kasama niya sa hospital, sabi niya ay meron naman, although hindi as in close kasi hindi siya nakaka-sama kapag lumalabas sila. He said that he’d rather sleep… o ngayon na kami na, he’d rather go to my apartment and hangout.
“Chase said that you’re a professional painter?” tanong ni Ahia.
Tumango ako. “Still starting.”
“That’s good,” sabi niya. “Everybody has to start somewhere.”
Pinisil ko iyong kamay ni Chase na naka-patong sa binti ko. Hindi ko alam kung paano magmaintain ng conversation kaya naman siya na ang nakipag-usap sa kapatid niya. They would include me in the conversation every now and then. Mas maayos iyon. Ayoko na nasa akin iyong atensyon nilang lahat.
Nung dumating iyong pagkain ay kumain na kami. Si Ahia ay… hindi ko alam… but even the way he ate? He looked… professional. May ganon pala? Mukha siyang hindi maka-basag pinggan. Ano kaya itsura at ugali ng kapatid na babae ni Chase? Sabi niya kaugali ko raw, e… whatever that meant.
“Are you free on the 28th?” tanong bigla ni Ahia habang pinupunasan niya iyong gilid ng labi niya nung table napkin.
“Why? For Papa’s birthday?” tanong ni Chase.
“Right…” sabi ni Ahia na parang noon niya lang naalala na birthday pala ng tatay nila. “Nevermind.”
“Pupunta ba kayo? Papa will surely ask me to invite you for dinner.”
Tumango si Ahia. “I’ll come.”
“Sahia?” tanong ni Chase.
“Duty,” tipid na sagot ni Chester.
Tumango na lang si Chase na parang alam niya na hindi na dapat siya magpilit pa. After a few minutes, tumayo na rin si Chester at nagsabi na may duty pa raw siya. Mukhang hindi naman totoo, pero wala namang umangal sa dalawa pa niyang kapatid. Nagpaalam siya sa amin.
“He’ll come around,” sabi ni Ahia nung makaalis na si Chester.
“I hope so,” sabi ni Chase. “Papa’s sick, but he doesn’t want me to tell Sahia and Dihia. He doesn’t want to guilt them into visiting.”
Nag-excuse ako para magcr dahil masyado ng pribado iyong pinag-uusapan nila. After kong magcr, habang naghuhugas ako ng kamay, nakita ko na may text si Kuya.
‘You’re free to say no, pero dinner daw sabi ni Mama?’
Naka-tingin ako sa screen ng cellphone ko habang pinupunasan ko ng tissue iyong kamay ko. Sobrang timing naman nito.
‘Bakit daw?’
‘Not sure… pero sabi niya may mahalaga daw siyang sasabihin.’
Inilagay ko iyong cellphone ko sa bag ko. Lumabas na ako. Natapos din iyong dinner. Si Ahia nga iyong nagbayad nung bill. I offered, but he said na siya na ang magbabayad. Habang nasa sasakyan kami ni Chase, tahimik lang siya. Siguro ay iniisip niya pa rin iyong birthday ng Papa niya na mukhang siya lang at Ahia niya ang pupunta.
“I want to drive around. Gusto mo na bang umuwi?” he asked.
“Sama ako,” sabi ko dahil ayoko na iwan siya na ganito.
Chase drove around in silence. Halos isang oras kaming paikut-ikot lang hanggang sa huminto kami sa kung saan niya ako dinala dati. May mga eroplano kaming nakikita sa langit.
I didn’t tell him to talk.
I didn’t tell him that I’d listen.
Basta nandoon lang ako sa tabi niya.
“It’s not like Papa’s dying,” sabi niya. “But he’d had two cardiac arrests in the last two years… Who knows? The next one can be fatal.”
Tumingin siya sa akin.
“Ang hirap maipit sa gitna,” dugtong niya. “I understand my siblings… but I also understand Papa.”
“Sabi mo sobrang higpit niya?”
Tumango siya. “Sobra.”
“To the point na umalis lahat ng kapatid mo?”
Tumango ulit siya. “As I’ve said, tanggap ko naman kung bakit umalis sila agad sa bahay. That was also my plan…”
“Bakit hindi mo ginawa?”
He shrugged as he looked up at the sky. “Papa got drunk one night… Naabutan ko siya na kinakausap iyong picture ni Mama. There’s just… something about that. All my life, I viewed him as a tough, no-nonsense guy. Bawal mababa na grade. Dapat laging top sa class. Dapat kilala niya lahat ng kaibigan mo. I even hated breakfast because of him. Iyon lang kasi iyong panahon na kumpleto kami tapos puro pagalit lang. I can’t remember us having a complete dinner together kasi laging may isa na wala sa amin. But that night? It’s like, for the first time, he’s human.
“He told Mama’s picture that he misses her… and that he’s trying his best, but it’s hard to raise five children alone. That years after, he still doesn’t know how to do it. That his family says that he should get married again and get a partner, but he doesn’t want to. He said that he knows we all hate him, but at the very least, he’ll make sure that we’ll all be successful. Para raw kapag wala na rin siya, sigurado siya na magiging maayos kami.”
I averted my gaze as Chase discreetly tried to wipe the tears from his eyes.
“I’m sorry. ’Di ko dapat sinasabi sa ’yo ’to. This is not your problem,” sabi niya.
Inabot ko iyong kamay niya at hinawakan. He looked at me and smiled. I smiled back at him.
“Do you think I should tell them?”
I shrugged. “It’s up to you,” sabi ko sa kanya.
“If it were you?”
Hindi agad ako nagsalita. If it were me, if he asked me yesterday, I would say that… he should just leave his siblings alone. Their dad made his bed and he should lie on it.
“Tell them,” sabi ko. “Para, at least, alam nila. Kung ayaw pa rin nila, desisyon na nila ’yon. At least you did your part,” I added.
Tumango si Chase. “Okay.”
I smiled at him. Inabot ko iyong kamay ko sa mukha niya. I caressed his cheek. Hinawakan niya iyong kamay ko at nginitian ako.
“Thank you for listening,” he said.
“Thank you for sharing,” I replied, as Chase kissed the back of my hand bago niya ilapit iyong mukha niya sa akin at halikan ako. We kissed for what felt like hours until both our lips felt numb. Nang ihatid niya ako pabalik sa apartment ko, itetext ko sana siya ng good night nang makita ko iyong text ni Kuya. I drew a deep breath as I replied Okay bago ko pinatay iyong cellphone at natulog.
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 21
Chapter 21
“Nagtatago ka na naman?” tanong ko nang sagutin ko iyong tawag ni Chase. Naka-tayo ako sa harap ng salamin at tinitignan kung maayos na ba iyong itsura ko. After more than a year, ngayon lang ulit ako makikita ni Mama. Gusto ko lang na maayos iyong itsura ko. I didn’t know why I even care.
“Galing manghula, ah,” he replied. “Paalis ka na?”
“In a while,” sabi ko sa kanya. “Nag-aayos lang ako.”
Pagkatapos kong magsabi kay kuya na pupunta ako sa dinner na sinasabi ni Mama ay nagtext ako kay Chase. Ang reply niya lang ay kung gusto ko ba ng kasama. I declined his offer dahil may duty siya. Besides, nandoon naman si Kuya. At kaya ko naman iyong sarili ko. I’d like to think that I was more in control now than I was a year ago. Hindi naman na ako aabot sa punto na sisigaw ako sa dinner kagaya nung huling pagkikita namin ni Mama.
“Send ng selfie nga,” he said.
“Di ako nagseselfie.”
“Sige na?” malambing na sabi niya.
I rolled my eyes as I grabbed my phone na naka-loud speaker. I took a quick photo of myself tapos ay sinend ko sa kanya. Narinig ko iyong pagtawa niya.
“Di man lang naka-ngiti.”
“Ang demanding.”
Naka-vibrate iyong phone ko. Nakita ko na nagsend din siya ng selfie. Ginaya niya iyong ‘pose’ ko na naka-tingin lang sa camera. Suot niya iyong coat niya at naka-sabit pa rin sa leeg niya iyong stethoscope niya. May dalawang ballpen sa may coat niya. Kapag isa na lang ang nandoon, it meant na may nanguha na raw ng ballpen niya. Marami nga yatang nakawan ng ballpen sa hospital. Kasi kahit si Kuya, reklamo niya rin ang mga nawawalang ballpen.
Nag-usap pa kami sandali ni Chase bago siya nagpaalam dahil may kailangan na siyang gawin. It was normal na bigla siyang aalis—kahit nga may date kami ay minsan kailangan niyang bumalik sa St. Matthew’s. I knew what I was getting into nung sinabi ko noon pa sa sarili ko na gusto ko siya. Kapareho halos nung ginagawa ni Kuya iyong gustong gawin ni Chase. I knew what being in a relationship with someone from the field entailed. Siya lang ang walang tiwala sa akin dati. I would’ve waited if he asked me to. Kahit ’di pa kami mag-usap buong review niya sa PLE, okay lang sa akin. I would’ve waited for him outside the testing center if he wanted to.
But that’s all in the past.
We’re good now—more than good.
Pagdating ko sa restaurant kung saan kami magkikita, hindi agad ako pumasok. Tumayo ako sa harap nun at saka huminga nang malalim. Halos buong buhay ko atang dinadala iyong galit ko kay Mama. Pero nung narinig ko iyong sinabi ni Chase? I thought… there’s probably a reason why she treated me that way. Hindi ko pa lang alam. Hindi ko rin alam kung malalaman ko pa ba. I just didn’t want to carry that anger anymore. But that didn’t mean that I wanted her back in my life. Pwede naman kaming magkita na ganito paminsan. Hanggang doon lang iyong gusto ko ngayon.
“Bakit nandito ka lang?”
Napa-lingon ako at nakita ko si Kuya na naka-tayo sa akin. Iyong itsura niya ay iyong itsura niya kapag galing pa siya ng duty. Medyo magulo pa nga iyong buhok niya.
I shrugged. “Nandun na ba sa loob?”
“Nandoon na raw sila.”
Bahagyang kumunot iyong noo ko nung sabihin niya iyong salita na sila. Hindi na lang ako nagtanong. I had a faint idea kung para saan iyong dinner na ’to, but I didn’t want to overthink it. Hindi naman ako umaasa na may apology na kasama iyong dinner na ’to. Hindi ko nga rin alam kung bakit pumayag ako.
Pagpasok ko sa loob ay agad na nakita ng mga mata ko si Mama na may katabing lalaki.
“Ano ’to? Announcement ng kasal?” tanong ko kay Kuya nung huminto ako sa paglalakad.
“Hindi ko alam.”
“Matagal na ba ’to?”
“I think so.”
“Matagal mo ng alam?”
Tumango siya. “Ayaw mong pag-usapan si Mama kaya ’di ko sinabi sa ’yo,” he told me.
Muling akong huminga nang malalim bago sabay kaming naglakad ni Kuya palapit doon sa pwesto nila. Agad na tumayo iyong katabi ni Mama at nagpakilala sa akin. Ernesto raw ang pangalan niya, pero kung gusto ko, pwede ko siyang tawagin na Tito Ernie. I just nodded at his remark.
We ordered food. Tahimik kaming kumain ng dinner. Nang matapos iyon, after we ordered dessert, nagpaalam si Kuya at si Ernesto na para bang napagkasunduan nila na iwanan kami ni Mama. Tahimik lang akong naka-tingin sa kanya. She looked different. She looked happier. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako na mukhang masaya na siya ngayon.
“Marian,” pagtawag niya sa akin. “Sabi ng Kuya mo ay may exhibit ka na raw ngayon.”
Tumango ako.
Bumuntung-hininga siya.
Ilang segundo pa kaming nagtitigan.
“Kung ’yung dinner na ’to ay para sabihin niyo na magpapakasal na kayo, hindi ko alam kung bakit gusto mo na nandito ako. Hindi mo naman kailangan ng blessing ko,” kalmado kong sabi sa kanya dahil gusto ko ng sabihin niya kung ano iyong sasabihin niya.
“Hindi naman tungkol doon.”
“So, magpapakasal nga kayo?”
Tipid siyang tumango. “Ayaw mo ba?”
“As if kaya kong pigilan kung ayoko man.”
“Marian—” she said and then stopped. “Gusto ko lang humingi ng tawad sa dati.”
“Okay.”
“Okay?”
Tumango ako. “Masaya na ako ngayon. Mukhang masaya ka na raw. Ayos naman na iyong lahat,” sabi ko sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi siya masaya sa sinabi ko.
“Alam ko naman na galit ka sa akin.”
Kumunot iyong noo ko. “Galit ako sa ’yo?” I asked because she’s making me sound like I was mad for nothing. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at huminga nang malalim. “Buong buhay ko, pinaramdam mo sa akin na wala akong kwenta, na wala akong mararating. Lagi mong kinukumpara ako kay Kuya, sa mga anak ng kaibigan mo. Halos itapon mo iyong mga gamit ko dati. Never kong narinig sa ’yo na proud ka sa akin. Pero sige… ’galit ako sa ‘yo,’” I said, pissed because she made me sound so shallow na para bang wala akong pinanggagalingan.
“Hindi mo na siguro naaalala dahil bata ka pa nun,” sabi niya. “Di mo naalala ’yung mga panahon na wala tayong makain, na puro utang tayo sa mga tindahan nung mamatay ’yung Papa mo at magkanda-baun-baon tayo sa utang.”
Naka-tingin lang ako sa kanya.
“Bakit gusto kitang maging teacher? Kasi at least doon, may matatanggap ka kada-kinsenas. Hindi ka magugutom. Hindi mo mararanasan ulit na umiyak dahil nagugutom ka. Hindi mo alam kung paano akong mabaliw dati na umiiyak kayong dalawa ng Kuya mo at wala akong mabigay na pagkain kasi wala akong pera. Hindi mo naaalala ’yon.”
Hindi ako nagsalita.
I understood her reasoning. I just… didn’t care at this point. Bakit hindi niya na lang sinabi dati? Bakit kailangan niyang pasamain iyong loob ko ng ilang taon? Hearing her reasons now wouldn’t magically heal the wounds she left.
What happened before now made sense.
But the scars are still there.
“Pero narating mo naman iyong gusto mo. Successful ka na raw sabi ng Kuya mo,” sabi niya. “Masaya ako para sa ’yo.”
“Thank you,” sagot ko.
“Marian,” muling pagbanggit niya sa pangalan ko. “Alam ko na masama pa rin ang loob mo at hindi naman agad mawawala iyon… Pero sana pwede pa rin tayong magkaayos.”
Hindi ako nagsalita.
“Ikakasal na kami ni Ernesto. May dalawa siyang anak—11 years old na babae at 13 years old na lalaki. Gusto ka nilang makilala… kung ayos lang sana sa ’yo.”
Naharangan kaming dalawa nung dumating iyong waiter at ilagay niya iyong mga dessert sa lamesa. Nang umalis sila ay hawak ko na iyong bag ko.
“Congratulations sa kasal,” I said. “Bata pa pala ’yung mga anak niya. Don’t make the same mistakes you did nung ako pa iyong pinapa-laki mo,” I added before I walked out of the restaurant without even looking back nang tawagin ni Kuya iyong pangalan ko.
Halos malapit na kami sa apartment nang bigla kong sabihin sa taxi driver na dalhin ako sa St. Matthew’s. Nagtext ako kay Chase na nandoon ako, pero hindi siya sumasagot. Sinubukan kong maupo sa bench kaya lang ay pakiramdam ko masyadong maraming tao sa paligid ko. Naka-titig lang ako sa sahig. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong naka-tingin doon hanggang sa may pamilyar na crocs ang huminto sa harapan ko.
“Kanina ka pa rito?” tanong niya na may pag-aalala sa mukha.
Tumayo ako. Imbes na sumagot ay bigla ko siyang niyakap. Ramdam ko iyong pagka-bigla niya sa ginawa ko. Pero gusto ko ng yakap niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang naubos iyong lakas ko sa pakikipag-usap ko kay Mama kanina.
“I’m here…” sabi niya habang hina-hagod iyong likod ko. “Ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba?”
Hindi agad ako nagsalita.
Bumitiw ako sa yakap.
“Ang daming naka-tingin,” sabi ko dahil nakita ko na may mga nurse at doctor na naka-tingin sa aming dalawa. Tumingin din si Chase sa kanila at saka hinawakan iyong kamay ko hanggang makarating kami sa quarters nila. Walang tao roon. He locked the door.
“Baka magalit,” sabi ko dahil may iba ring tao na matutulog dito.
“Bahala na,” he replied. “Ayos ka lang ba?”
Tumango ako. “Sorry kung bigla akong pumunta rito.”
“No, it’s fine,” he said. “Do you want to talk? Or do you just want my presence?”
“I want to rant.”
“Okay.”
Naupo kami sa edge ng kama. Huminga ako nang malalim.
“Magpapakasal raw ulit si Mama.”
“Oh.”
“Mukhang mabait naman ’yung lalaki,” sabi ko. “Good for her,” I added. “Nagsorry siya. Sabi ko okay. Sabi niya kung pwede raw na ayusin namin. Hindi ko alam kung gusto ko. May anak din pala ’yung papakasalan niya—11 and 13 years old. I told her she better not screw it up again.”
Naka-tingin ako sa mukha ni Chase. Hindi ko alam kung ano iyong hinahanap ko. Disappointed ba siya? Kasi ganito rin sa pamilya niya. Alam ko na gusto niyang magkaayos iyong Papa niya at mga kapatid niya. Tapos ganito ang maririnig niya sa akin.
“I’m sorry.”
“Bakit ka nagsosorry?”
“Ewan.”
“Di mo naman kailangang tanggapin ’yung sorry. Binibigay ’yung apology nang kusa—di required na tanggapin nung binibigyan.”
“Alam ko naman… pero kasi ’di ba ’yung sa inyo ng Papa mo?”
“Iba naman ’yon,” sabi niya. “Besides, ’di ko naman pinipilit din sila Sahia na kausapin si Papa. Alam ko naman na choice nila ’yon. ’Di ko naman sila kayang pilitin na magmove on kung ayaw nila.”
“Pero kung ikaw papipiliin?”
“Syempre gusto ko maayos,” he said with a small smile. “Alam mo ’yung pakiramdam na nakikita mong tumatanda ’yung tatay mo? Dati ’di ko naman pansin, pero ngayon, nakikita ko na tumatanda na si Papa. Na marami na siyang puting buhok. Iba na itsura niya. Matanda na talaga siya. Kaya kung ako lang, gusto ko maayos na lahat kasi iniisip ko rin na paano kung biglang bukas wala na pala? Alam ko magsisisi sila Sahia… Kaso hindi naman masusunod lahat ng gusto ko,” he continued.
I sighed.
“But that’s only my perspective,” he said. “Di naman kasi ako ’yung nakaranas nung naranasan ng mga kapatid ko. I don’t get a say on how and when they decide to forgive. Sila Ahia and Achi, okay na. Sila Dihia at Sahia, hindi pa. Iba-iba nga kasi. Kagaya nung sa ’yo, iba rin ’yon kaya ikaw pa rin masusunod.”
“Disappointed ka sa ’kin?”
Umiling siya. “You can never disappoint me because I’ll always try to understand where you’re coming from,” he said as he caressed my cheek with his thumbs.
“Thank you.”
“No problem.”
“Kung aattend ako ng kasal, isasama kita.”
“It’s a date, then,” he said. “Paano kapag nasalo mo ’yung bouquet?”
“Ihahagis ko pabalik,” I replied and he laughed pero natigil iyon dahil may kumatok mula sa labas.
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 22
Chapter 22
Being around art is therapeutic… pero ngayon, parang hindi siya tumatalab sa akin. Kanina pa ako naka-titig sa cellphone ko at naghihintay na magvibrate iyon. Sinubukan ko na na ilagay iyon sa loob ng bag ko at i-focus sa iba ang atensyon ko, pero buma-balik pa rin ako sa pagtingin doon.
“Lalim ng iniisip.”
Napa-tingin ako kay Kuya. Kumunot ang noo ko. “Off mo?”
Tumango siya tapos ay naupo sa tabi ko. Nandito ako sa labas ng gallery. Gabi na rin kasi kaya halos wala ng tao. Nandito ako kasi akala ko mas kakalma ako rito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan e sa birthday dinner naman pupunta si Chase.
Sana maging maayos ’yon.
“Bigla kang umalis,” sabi ni Kuya.
“I needed to,” sabi ko sa kanya.
“Okay ka lang?”
Tipid akong tumango tapos tumingin sa kanya. “Kuya,” pagtawag ko. “Nung college ka, gusto mo rin ba ’yung Chemical Engineering?” I asked, remembering nung college ako ay narinig ko na isa iyon sa pinaka-mahirap na degree.
Nagkibit-balikat siya. “Okay naman.”
“Pero hindi mo naisip na kumuha ng nursing? O biology? O anything na related sa medicine?”
“San ba papunta ’tong tanong na ’to?”
Nagkibit-balikat din ako. “Hindi ko rin alam,” sabi ko sa kanya. “Iniisip ko lang na halos pareho naman tayo ng naranasan, pero ikaw, okay ka naman na kay Mama, pero ako parang ang hirap-hirap maging okay sa kanya.”
At this point, I think kaya kong mabuhay na wala na siya—as in kahit hindi na kami magkita kahit kailan, walang magiging parang kulang sa akin.
And I was fine with that…
But then, seeing Chase struggle because of his family situation? Hindi ko mapigilan na mapa-isip… Na meron ako nung bagay na gustung-gusto ng ibang tao.
“Ano ba’ng pinag-usapan niyo?”
“Gusto niya raw umattend ako sa kasal.”
“Nagsorry man lang ba siya?”
I shrugged. “Basically a non-apology…” sabi ko. “O baka mataas lang ang standards ko sa apology.”
Sa totoo lang, kahit humingi siya ng sorry na totoo sa akin, parang hindi rin kasi talaga ganoon kadali na kalimutan na lang lahat. Kasi hindi naman isang gabi nangyari lahat. It took her years of emotionally neglecting me… Hindi naman ’yan nabubura ng isang iglap lang. Hindi ko nga alam kung mabubura pa ba.
“Si Mama talaga…” sabi niya na may konting pag-iling.
“Bakit?”
“Sabi niya kasi sa ’kin magsosorry daw siya kaya pumayag ako na imbitahin ka sa dinner.”
“Really?”
Tumango si Kuya. “If it were anything else, hindi naman kita iimbitahin kasi alam ko naman ’yung sitwasyon,” sabi niya sa akin. “Sorry. Akala ko nagbago na.”
I shrugged. “It’s fine,” sabi ko.
“No, it’s not,” sagot ni Kuya. “Hindi okay ’yung ginawa niya sa ’yo. Akala ko nun tapos na nung inenroll kita. Sinabi ko naman sa kanya na ako bahala sa ’yo kung ’yun ang inaalala niya. Maganda naman trabaho ko—’di ko naman kayo pababayaan.”
I smiled because it’s true—hindi kami pinabayaan ni Kuya. Kahit nandyan na si Ate Niles, kahit ang dami ng nangyari sa buhay niya, nandyan pa rin siya. Kung hihingi nga siguro ako ng allowance sa kanya ngayon, kunwari lang na ayaw niya pero bibigyan niya pa rin ako.
“Sorry,” sabi niya.
“Not your fault,” I told him.
“Hindi na kita kukulitin tungkol kay Mama,” sabi niya sa akin. “Kung gusto ka niyang kausapin talaga, siya na mag-initiate.”
“I doubt it—may bago na siyang pamilya.”
I was serious nung sinabi ko sa kanya na sana ayusin niya iyong pagpapa-laki sa mga anak ng mapapangasawa niya. ’Wag niya ng ulitin pa iyong ginawa niya sa amin ni Kuya. Sana natuto na siya.
“Aattend ka ng kasal?” tanong ko kay Kuya.
Tumango siya. “Ikaw?”
“Hindi ko pa alam,” sabi ko. “Pero kung attend ako, isasama ko si Chase.”
Tumango si Kuya. “Kayo na?”
Tumango ako. “May reklamo ka?”
Umiling siya. “Wala akong balak maging kontrabida sa inyo.”
“Good,” I said and he rolled his eyes. “Nag-uusap ba kayo?”
He shrugged. “Minsan.”
“Gusto niya ring maging neurosurgeon,” I said.
“I’ve heard.”
“Tulungan mo.”
“Inuutusan mo ba ako?”
“Oo.”
Natawa si Kuya. “Fine,” he said. “But I don’t think he needs any help from me—he’s doing great on his own,” dugtong ni Kuya at saka kinwentuhan ako ng ilan sa mga chismis nila sa hospital. Seriously, ang dami palang chismis sa St. Matthew’s.
Nang magsara na iyong gallery ay nilibre ako ni Kuya ng dinner. Hinatid niya ako sa apartment pagkatapos nun—naka-libre pa ako ng takeout kaya may pagkain na ako bukas.
“Marian,” pagtawag ni Kuya bago pa man ako maka-labas sa pinto. Napa-tigil ako at tumingin sa kanya. “One call away kung may kailangan ka, okay?”
I nodded. “I know.”
He tousled my hair. “Sige na, may duty pa ako mamaya.”
Pumasok na ako sa building at umakyat sa apartment ko. Ibinaba ko iyong mga gamit ko sa lamesa at saka pumasok sa CR para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. I was wearing a black cotton shorts at maluwag na puting t-shirt na halos butas na nga. Kay Kuya kasi ’to. Marami akong t-shirt ni Kuya kasi masarap isuot kasi maluwag.
After kong maglinis ng katawan, inayos ko na iyong pagkain para ilagay sa ref nung maka-rinig ako ng katok. Mabilis kong iniwan iyon at pumunta sa pintuan. Nang sumilip ako sa peephole ay nakita ko si Chase.
“Hi—”
Napa-tigil ako dahil agad niya akong niyakap. I instinctively wrapped my arms around him. He felt tired. Possible pala ’yon? Na maramdaman mo iyong pagod ng isang tao? Kahit sa yakap lang?
“Sorry,” sabi niya habang yakap pa rin ako. “Kaka-ligo mo lang,” he added dahil alam niya na ayoko ng mauupo ako sa couch o sa kama na galing sa labas iyong damit. Kaya nga ang una kong ginagawa pag-uwi ay ang maglinis ng katawan.
“No, it’s fine,” I told him. “Kumain ka na ba?”
“Medyo.”
“Paano ’yung medyo?”
“Di ko rin alam,” he replied. “May bukas pa ba na pwedeng orderan?” he asked.
“May pagkain dito,” sabi ko sa kanya.
“Okay,” sagot niya, pero hindi siya bumitaw sa yakap.
We stood there for minutes habang yakap niya lang ako. It was fine by me—I liked hugging him. I liked his scent. It was weird but sometimes, when I miss him, niyayakap ko lang iyon unan na lagi niyang hawak kapag nandito siya. It smelled like him. Ayoko kasing magtext sa kanya lagi dahil alam ko naman na busy siya sa duty niya. I was good with him spending time with me when he’s able.
Nang bumitiw siya sa yakap, kumuha ako ng plato at inilagay iyon sa lamesa. Nilabas ko rin sa paperbag iyong container nung pagkain. I just quietly sat there as he began to eat. Hindi ako nagtanong kung ano iyong nangyari sa dinner nila dahil obviously, naubos iyong lakas ni Chase doon. Nagsigawan kaya sila? I highly doubted it—dun palang sa dalawang kapatid niya na nakilala ko, mukhang hindi mahilig sumigaw. Mas mukhang magwwalkout sila kaysa sumigaw.
“Thank you,” sabi niya nang magsalin ako ng tubig sa baso at iabot sa kanya iyon.
“Gusto mo ng dessert?” I asked because he looked like he could use an icecream.
Umiling siya. “Pumunta silang lahat,” he said.
“That’s nice,” I replied.
“Yeah… I don’t know about that,” sabi ni Chase.
“Gusto mong magkwento?” I asked.
“Some other time,” he replied. “May duty pa ako mamaya. Gusto kong magpahinga,” dugtong niya na para bang pagod na pagod siya sa birthday dinner na nangyari—parang ako lang nung kay Mama naman.
I made coffee for the two of us—decaf sa akin at matapang sa kanya. Nandoon kami at naka-tayo sa may malapit sa bintana. Naka-tingin lang kami sa kalsada at sa mga dumadaan na sasakyan.
“I’m done trying to get in between,” biglang sabi niya.
Tahimik lang akong sumisimsim ng kape ko habang nakikinig sa kanya. I felt like he didn’t need any of my input—he just wanted to vent and have someone who would listen.
“Basta sinabi ko na sa kanila iyong lagay ni Papa. Bahala na sila sa gagawin nila,” dugtong niya. Tumingin siya sa akin. “Ayoko ng lumagay sa gitna,” he said, looking at me.
“Okay,” I said.
“Okay lang ba ’yon?”
I nodded as I caressed his cheek with my thumb. “There’s nothing wrong with putting yourself first,” I told him because I’d been in a similar situation. It’s draining. It’s exhausting. I wouldn’t want that on anyone else.
Then he sighed. “Di ko kayang iwan si Papa.”
“Because you’re a good son.”
“Or maybe I just don’t want the guilt,” sabi niya. “Because if I leave, no one will be left behind—hindi kagaya nung umalis sila Ahia na may naiiwan. Kapag ako iyong umalis, wala ng matitira,” he added as I heard him give out a heavy sigh. “Ang unfair.”
I looked at him.
“Of course I care about him—he’s my father. But… I want a life, too, kagaya ng mga kapatid ko,” he said as he sighed. “Ang selfish,” sabi niya.
“What? No,” sagot ko. “Ako pa talaga? Ako na naglayas sa bahay nila at pumunta ng London bigla ang sasabihan mo na selfish ka?” I told him. I reached for his hand and held it tight. “Look, whatever you decide, nandito lang ako. Kung gusto mong doon ka lang sa bahay niyo, fine by me. Kung gusto mong umalis at maging independent, fine by me. I won’t judge you. I promise.”
He smiled as he got my hand and kissed the back of it.
“Thank you,” he said.
“Just giving back the same energy,” sabi ko sa kanya. “I will never judge you because I’ll also try my best to understand where you’re coming from.”
He cupped my face and planted a kiss on my lips.
“Thank you,” he whispered.
“You’re welcome,” I replied.
“But it’s not like I’ll live there forever,” sabi niya. “I have plans.”
“I know.”
“You know about my plans?”
“No.”
“Bakit sabi mo I know? “ I shrugged. Natawa siya tapos ay kinabig ako at saka niyakap. I would definitely be taking a bath again. Kanina pa niya ako niyayakap habang suot niya ’yang damit niya galing who knew where.
“I mean, plano mong maging neurosurgeon in ten years.”
“Of course I have plans in between.”
“Like?”
“I don’t know… Getting married?”
“Kanino?”
“Kanino sa tingin mo?”
“Aba, malay ko?”
“Gusto mo ng clue?”
“Okay.”
“Maganda siya pero may toyo—” he said and he was not able to finish dahil kinurot ko siya. Sigurado ako na namumula iyong parte na ’yon dahil sa puti niya. “Aray naman,” reklamo niya. Umirap ako. Tumawa siya. “Marian,” he called.
“What?”
“I just want to ask,” sabi niya. Naka-tingin lang ako sa kanya. “What’s your stand on marriage?”
Kumunot ang noo ko. “Magpo-propose ka ba?” tanong ko sa kanya. Hindi ako kinakabahan… for some reason. This conversation felt normal.
“Ngayon? Hindi,” sabi niya. “I just want to know.”
I shrugged. “Not against marriage,” sabi ko. Okay naman iyong kasal ng mga magulang ko nung buhay pa si Papa… Okay din naman iyong relasyon nila Ate Niles at Kuya… “But for me, it’s just a piece of paper—mas mahalaga iyong commitment sa isa’t-isa.”
Tumango si Chase. “Say… if I were to propose a marriage, okay lang sa ’yo?”
“Kung ngayon, hindi,” sabi ko sa kanya. “Ni wala pa nga tayong isang taon.”
Natawa siya. “Turn mo na para bastedin ako, kung sakali,” sagot niya tapos ay inirapan ko lang siya. “Hindi pa naman ngayon.”
“Kasama sa in ten years mo?”
Tumango siya. “I just want to know kasi baka ayaw mo pala sa kasal kasi sabi mo dati ihahagis mo ’yung bouquet, e.”
“Paano kung ayaw ko pala?”
He shrugged. “Like you said, mas mahalaga iyong commitment.”
“You’ll be fine with that?”
He nodded. “I’ll take what you can give.”
Umirap ako. “Ang corny na naman.”
Tumawa siya tapos ay niyakap na naman ako. “But in all seriousness,” he said as he hugged me tighter. “Thank you for keeping me sane, Marian,” he whispered as I felt him kissing the top of my head.
Final Chapter
Thank you for reading YS4. See you in the next installment of Yours Series! x
Final Chapter
“Uwi ka na?”
Tumango ako habang inilalagay sa loob ng bag ko iyong mga gamit ko. Normally, I didn’t mind staying here past work hours. I genuinely like what I do for a living. Looking back, I never would have thought that I’d reach this point… yet here I was.
Glad I didn’t give up—otherwise, I would’ve missed all of this.
I was one of the lucky ones.
“Yung deliverables, ha.”
Tumango ako. “Patapos na,” sagot ko.
Pagkatapos ng contract ko kay Mrs. dela Riva, she offered me kung gusto ko ba na doon pa rin magtrabaho—but with better benefits, instead. I almost said yes, but I had an interview lined-up that same week. Muntik ko ng hindi puntahan. But something inside me was telling me that I should go to that interview… and I was glad that I did.
Now, it’s been more than a year since I started working here. I was a full-time artist in a publishing company. I work with children’s books. It was fun. It was exciting. But still, I was able to live my life. Hindi ko ineexpect na dito ako babagsak—sa pagddrawing ng mga children’s book.
Nagpaalam ako sa mga kasama ko. They’re nice people. There was no toxic work politics because otherwise, hindi ako tatagal dito. I would not sacrifice my mental health for any job. For me, it’s simply not worth it.
Paglabas ko ay dumiretso na ako sa parking. Naka-kuha ako ng secondhand na sasakyan a few years back. Nung una ay ayoko dahil hindi naman ako sigurado kung kaya kong bayaran, but Kuya offered na kung may buwan na hindi ako sigurado kung kaya kong bayaran, he would pay on my behalf and I could just pay him kapag kaya ko na. So far, hindi pa naman ako nakaka-miss ng bayad.
Inilagay ko sa likuran iyong ibang gamit ko tapos ay nagdrive na ako papunta sa venue kung nasaan iyong surprise party para kay Chase.
“Good eve,” bati ko kay Achi nang makita ko siya.
She gave me a small nod. She’s generally quiet, pero kapag kinausap mo naman siya ay marami siyang sasabihin. It took me quite a while to figure that out dahil nung una ay hindi ko siya kinakausap dahil mukhang wala siya sa mood lagi.
“Nagtext na sa ’yo?” Achi asked.
Umiling ako. “Pero sinabi niya kagabi na medyo late siyang matatapos,” I replied, relaying what Chase told me last night bago siya umuwi sa kanila. Nasa bahay pa rin nila naka-tira si Chase. He told me although he wanted to move out on his own, he cannot, in good conscience, leave his dad alone in that big house. I completely understood, although sometimes, he would sleepover at my apartment. Alam naman ng tatay niya ’yon. He’s actually really nice to me. He went to the exhibit three times—akala ko pinilit ni Chase, pero hindi pala. He just went there to support me, he said. That was nice of him.
Mukhang nakaayos na lahat. We were in a small function room of a restaurant. Gusto kasi nila handa na lahat. I understood. Lahat kasi sila ay busy—isang CEO ng ilang kumpanya, dalawang abogado, at isang doctor. Of course they didn’t have time to cook or prepare for a party. But still, they wanted to celebrate Chase’s achievement.
I wanted to take a short nap, but I couldn’t. Medyo maingay dahil may mga bata, but it’s fine. Chase adores his nieces and nephews. This celebration wouldn’t be complete without these little humans.
I was quietly minding my own business nang maupo si Achi sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at naghintay sa susunod na sasabihin niya.
“Thank you,” biglang sabi niya.
Kumunot ang noo ko. “Para sa?”
“Letting Chase stay in the house with Papa.”
“Hindi ko naman desisyon ’yon,” sabi ko sa kanya.
“I know,” she replied. “But we also both know that if you asked, he’d leave.”
“But I’ll never ask that of him.”
“I know,” sabi niya ulit.
I just shrugged. Magkatabi kaming naka-upo habang pinapanood namin iyong mga bata na naghahabulan. Nasa isang table iyong mga matatanda at nag-uusap. From afar, hindi mo malalaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila kasi ang seryoso lang ng mukha niya. Knowing the Vistes, si Chase lang ata iyong pinaka-bubbly iyong personality… at least from my perspective. Masyado kasing tahimik at seryoso iyong iba. But what do I know? Hindi ko naman sila madalas maka-sama—kapag ganito lang na may celebration.
“Papa will stay with us,” bigla niyang sinabi.
Napa-tingin ako sa kanya. “What?”
“We talked to his doctor. He advised us that it will be better if he’ll stay with family,” she simply said, but I knew her well enough to know that this was Achi’s version of emotional.
“Okay,” I replied. “Alam na ni Chase?”
Umiling siya. “I’m telling you this to convince him,” sabi ni Achi. “Knowing Chase, he’ll insist that he’ll take care of Papa.”
“Ni hindi na nga maka-tulog ’yon sa dami ng ginagawa,” I said. “But he’s trying his best.”
“I know,” sabi ni Achi. “But Papa wants to stay with us and to spend time with his grandkids.”
Wala siya ngayon dito. Through the years, he’s grown weaker and more frail. Chase didn’t want to talk about it. It’s one of the topics he’d rather not talk about because he’s living it. Tuwing umuuwi siya sa kanila, nakikita niya iyong condition ng Papa niya.
Maybe this was for the better.
Mas maaalagaan naman talaga siya sa bahay nila Achi.
“Okay lang kay Kuya?”
“Iñigo suggested it,” sagot ni Achi. Right… That made sense.
Achi and I talked for some more. Sinabi niya na oras na para mamuhay mag-isa si Chase. Iyon na ata ang pinaka-mahabang naging pag-uusap namin sa buong panahon na nakilala ko siya.
My phone vibrated.
“Papunta na raw,” I told Achi nung mabasa ko iyong text ni Chase. Medyo malapit lang naman iyong ospital dito. I told him to come here dahil may dinner kaming dalawa—hindi niya alam na nandito iyong mga kapatid niya at mga pamangkin.
Pina-upo nila iyong mga bata. Mabilis lang naman dahil mukhang takot iyong mga bata kay Ahia—at least when he’s serious. Naka-upo na nang maayos iyong mga bata. They were instructed to greet Chase pagdating niya.
“Punta lang ako sa labas,” I told them nang maka-receive ako ng text mula kay Chase na nasa parking na raw siya pero pumunta muna raw ako doon.
Pagdating ko sa labas, nakita ko na naka-tayo si Chase sa harapan ng sasakyan niya. He saw me and he was looking at me. He smiled, pero halata iyong pagod sa mukha niya. It had been a long journey for him.
Paglapit ko sa kanya ay agad niya akong niyakap.
“Sorry pinalabas kita,” he said while he was still hugging me. Naka-sandal iyong likuran niya sa harapan ng sasakyan niya habang yakap niya ako.
“Ano’ng meron?”
“I just need some alone time with you,” he said and I felt him hugging me tighter. “I know my siblings are inside.”
Napa-angat ako ng tingin sa kanya. “What?”
He planted a kiss on my lips. “I’ll pretend to be surprised, don’t worry.”
“Paano mo nalaman?” I asked dahil wala naman ng sense na magpanggap ako dahil parang alam naman na niya talaga. Nakita niya ba na naka-park iyong mga sasakyan ng kapatid niya? Kabisado niya iyong mga plate number? Ni hindi ko nga alam plate number ng sasakyan ni Kuya.
“Because we always do this,” he replied. “We may not be there for the small wins, but we always make sure that we’re there to celebrate the big wins.”
He was right… Na-kwento niya sa akin na nandoon sila nung graduation ni Achi at Dihia. Nandoon sila nung last day ng BAR exam ni Dihia to cheer for him. Nandoon sila nung end ng residency ni Sahia. Nandoon sila tuwing may kasal. They really do try to be there for each other kahit na may sari-sarili na silang buhay.
“So… let’s just stay here for a while.”
“Baka magtaka sila.”
“No, alam naman nila.”
“Why do you think so?”
“Kasi lagi nga naming ginagawa.”
“E bakit pa kami naghanda?”
“For the kids,” he said. “They like surprises.”
“Okay,” I replied as I wrapped my arms around his waist and hugged him back. “Congratulations,” I told him as I relaxed against him. “Tapos ka na sa General Surgery residency mo.”
“Five more years,” he said.
“Para matapos na ’yang ten year plan mo,” I replied.
“Parang ang tagal pa.”
“Time will fly by.”
“Matagal pa.”
“E ginusto mo ’yan.”
I felt him laughing. “Right,” he said as he squeezed me tighter. “Five more years, maaafford ko rin ’yung paintings mo.”
“Afford mo naman ’yung children’s book.”
“Kompleto na ko,” he said.
“Bumibili ka?” I asked, a little surprised.
Tumango siya. “Every new release, ako ang una sa bookstore,” he said as he planted a kiss on the top of my head. “Ako ata unang sale mo,” he continued.
I bit my lower lip as I fought the urge to smile.
“Kilig ka?”
Umiling ako. “Hindi.”
“Galing magdeny, ah,” sabi niya. Umirap ako. “Pinapatanong pala kung gusto mong bumisita sa pedia ward.”
“Bakit ako pupunta don?”
He shrugged. “I told the kids na girlfriend ko ’yung artist. Gusto ka nilang makilala.”
“What? Bakit nila ako kilala?”
“Nakita nila iyong pangalan mo sa libro,” he said. Kumunot ang noo ko. “I buy one for myself and five more for the pedia ward,” he added.
My lips parted again.
Kinabig ako ni Chase at saka niyakap nang mahigpit ulit. I felt him hugging me so tightly that he was almost squeezing the life out of me—na para bang pagod na siya, pero sa akin siya kumukuha ng lakas.
“Tara na,” he said after he broke the hug.
“Chase,” I said.
He looked at me. “Why?”
“I love you.”
His lips parted a little. He looked taken aback. He cleared his throat. “I love you,” he replied. He smiled. “I love you, Marian.”
I nodded. “I know.”
“Nakaka-gulat naman ’yang I love you mo.”
“Shut up.”
Tumawa siya. “Laging biglaan.”
Umirap ako. “Ang arte mo.”
Habang papasok kami sa resto ay tinutukso niya lang ako na nabigla siya sa pagsasabi ko ng I love you. Sinasabi ko naman… minsan. Pakiramdam ko kasi kapag laging sinasabi ay nakakasanayan na lang at nababawasan iyong meaning. Kapag minsan ko lang sinasabi, kagaya ngayon, kitang-kita ko iyong gulat sa mukha niya.
Pagpasok namin ay nagpanggap si Chase na nagulat siya nung sumigaw ng surprise iyong mga bata. I watched as Chase thanked his siblings at kung paano siya nakipaglaro sa mga bata na akala mo kanina lang ay hindi siya pagod na pagod.
The dinner ended at 9PM dahil kailangan na nilang umuwi at may pasok pa sa school iyong mga bata kinabukasan.
“San ba tayo pupunta?” I asked habang naka-loudspeaker iyong phone. Dahil dala ko rin iyong sasakyan ko, sinabi ni Chase na sumunod lang ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung saan siya papunta.
“Basta,” he replied.
I just followed him hanggang makarating kami doon sa may lugar malapit sa airport. Pagbaba ko ng sasakyan, naka-simangot ako sa kanya.
“Ang dami mo pang inikutan, dito lang pala tayo pupunta,” sabi ko dahil may mas mabilis naman na daan. Hindi ko alam kung bakit ang dami pa ng inikutan niya.
“Para ’di mo malaman na dito agad.”
“Ang arte mo.”
He laughed. Napa-tingin kami sa langit dahil may eroplano na naman. He really liked this place. Sabagay, tahimik kasi. Ang maririnig mo lang ay iyong ingay ng eroplano… and it was oddly comforting.
Nang ibaba ko iyong tingin ko, nakita ko na naka-luhod si Chase sa harapan ko.
“Ano’ng… ginagawa mo…?”
He was on his knee.
And was holding what looked like a box of ring.
What… was happening.
Chase grinned at me as he played with the box on his hand. His reaction was the complete opposite of mine. Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko habang siya ay mukhang kalmado na naka-ngisi lang sa akin.
“Marian Eliana Nicolas,” sabi niya habang hinahawakan niya nang maayos iyong kahon. “I love you. You know that, right?”
Absentmindedly, I nodded.
“I know I said ten years… but I know I can’t wait for five more years.”
My lips parted as he slowly opened the box.
Shit.
This was really happening.
I was being proposed to.
“I know you don’t believe in marriage. I want to marry you, but if you don’t want to, it’s fine. But I’ll still propose so that you’ll know that I have every intention to stay with you and to love you for the rest of my life.”
He got the ring out of the box and held it.
“Please allow me to love you for the rest of my life?” he asked while holding the ring. “I promise I’ll love you right.”
Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko na parang mabibingi na ako. Pilit akong huminga nang malalim para makapagsalita na ako. Naka-titig si Chase. Pero naka-ngiti siya sa akin na para bang alam niya na iyong magiging sagot ko.
“Okay,” I replied.
He chuckled. “Thank you.”
“You’re welcome,” I replied.
He stood up. He was smiling while he was sliding the ring around my finger. He cupped my face and planted a kiss on my lips.
“I love you,” he said.
“I love you,” I replied.
“I have to talk to Papa,” sabi niya. “I need to live with you.”
“Oh, that,” sabi ko habang sinasabi ko sa kanya iyong sinabi sa akin ni Achi kanina. Achi was wrong when she said that Chase would oppose the idea. He said that it was for the best dahil lagi rin naman siyang wala sa bahay dahil sa trabaho. Malungkot lang doon. He always felt bad that his dad’s always left alone in the huge house. Mas masaya sa bahay ni Achi dahil sa mga bata. Besides, may guest house sila.
“Now that that’s settled,” he said. “Do I move in with you? Do we get a new place together?”
“Ang excited mo.”
“Of course,” he replied as he got his phone and we looked at the calendar to figure out the next free time he has because he wants us to move into a bigger place.
“Next Sunday, then,” I said.
“Yes. Sunday. Makikipagpalit ako ng sched.”
“Okay.”
He was grinning. “Excited na ako,” he said like a little kid.
I rolled my eyes. “Natutulog ka naman sa apartment ko.”
“I know, but living together is different. I’ll see you first thing in the morning. I’ll see you before I close my eyes. It’s different. It’s what I want.”
We stayed there for a while before we drove off in our separate cars while fully knowing that after tonight, we’d both go home to the same house.

