Tag: explicit

The Nurse Psychopath (Book 1)Mature
Ang pinakamapanganib na halimaw ay hindi nagtatago sa dilim. Nakasuot ito ng puting uniporme at may hawak na scalpel. Si Julian Castellano ay hindi isang ordinaryong nurse. Sa likod ng kaniyang malinis na reputasyon ay ang utak ng isang psychopath at ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamalaking sindikato sa Asya. Pinili niyang maging isang nurse hindi para manggamot kundi para paglaruan ang mga kahinaan ng tao. Ngunit ang nakakabagot niyang laro ay tuluyang nagbago nang makilala niya si Gabriel Valdemor. Isang bilyonaryong kasing dumi at kasing panganib niya. Nang dalhin siya ni Gabriel sa eksklusibong Alta Veridia Medical City, ang simpleng pagpapabaliw sa mga doktor ay naging isang madugong paglilinis ng kapangyarihan. Sa ilalim ng isang alyansang nabuo sa kama at karahasan, uumpisahan ni Julian ang pagwasak sa Limang Haligi ng ospital. Sa mundong pinapatakbo ng mga sindikato at ng Sampung Angkan, tanging ang pinakawalang-awang halimaw ang mananatiling nakatayo.

ELIAS (Book 1)Mature
Gabi-gabi sa likod ng bintana, pinapanood ni Elias ang matipunong katawan ng biyudong si Roman. Ang pag-ingit ng lumang poso ang musika sa maiinit niyang pantasya. Hindi niya alam, matagal na rin siyang binabantayan ng barako sa dilim. Nagsimula ang lahat sa isang mangkok ng ginataan. Ngayon, markado na ang leeg ni Elias. Pinili niyang makipagsabayan sa marahas na pag-angkin nito, at sa bawat kagat ay mas lalong lumalabas ang kaniyang kalandian. Pero mapanganib ang larong ito. Sa likod ng bawat halik ay isang halimaw, at sa bawat pag-angkin ay unti-unting mabubunyag ang mga hukay na walang laman at ang amoy ng dugong nakabaon sa ilalim ng San Roque. Iba ang lagkit ng init kapag si Roman na ang naglalagay ng marka. Mag-ingat sa bawat pagsilip sa lumang poso.
![Cover of PARUSA sa PARAUSAN [M2M]](/story-covers/parusa-sa-parausan-m2m_236910829.webp)
PARUSA sa PARAUSAN [M2M]Mature
Lahat ng may kasalanan ay pinarurusahan. Si Andres, isang butihing truck driver at ama sa kanyang pamilya, ay nakaranas ng isang malagim na trahedyang magbabago ng lahat sa kanyang buhay. Lahat ng bagay na pinaghirapan niya-ang kanyang trabaho, ang kanyang mga pangarap- ay bigla na lang nawala. Sino ba ang may sala? Bakit siya nagkakaganito? "Isang pulang kotse... Isang pulang kotse!! Isang kotseng pula" Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, may isang pangalan na unti-unting umaabot sa kanyang isipan- ang pangalan ni Kenneth. Isang pangalan na tila nagsisilbing sagot sa mga tanong na matagal nang sumasakit sa kanyang dibdib. Tulad ng mga anino sa ilalim ng buwan, si Kenneth ay nagtatago ng sarili niyang mga lihim- mga lihim na unti-unting mabubuksan, at magdadala ng liwanag at dilim sa kanilang landas. "Pagod na pagod na ako!" MAGBABAYAD ANG DAPAT MAGBAYAD.


